Once There was a Sea
kabrobars · 8 chapters · 36,763 words
Dapdap

Minsan sa buhay, kailangan talaga nating mag paanod na lang sa kahit anong alon na darating sa atin. Kahit gaano pa man kalupit ng kanyang pag hampas, babalik at babalik parin naman tayo sa dalampasigan kung saan tayo nag simula. Ako si Jim, at ibabahagi ko sa inyo ang aking kuwento. At sisimulan ko dito, dito sa mismong lugar na ito. Sa napaka gandang dagat ng Dapdap.
March 8, 1998, 12 years ago.
“You can’t do this to me, please baby sabihin mo na nag bibiro ka lang. Hindi ko kayang mawala ka.” Halos gumuho ang buong mundo ko noon ng nakipag hiwalay sa akin ang girlfriend ko. At hindi ko rin naman siya masisi kung bakit umabot siya sa ganoong desisyon. Bokalista at lead guitarist ako ng isang banda. Musika ang pinaka buhay ko. At ang pagbabanda ang kaligayahan ko. Pangunahing reason kung bakit madalas wala akong oras sa girlfriend ko. Bukod dito hindi rin pabor ang kanyang mga magulang sa akin. Adik ang tingin nila sa akin. Walang kuwenta, walang mararating. Si Adreane ang inspirasyon ko kung bakit porsegido ako sa aking pasyon sa bagbabanda at pag gawa ng mga kanta. Ngunit sa araw ng pag iwan sa akin ni Adreane, iniwanan narin ako ng aking pasyon sa musika.
“Tigil na muna natin ito tol, hindi rin naman tayo matatapos dito. Text niyo na lang ako kapag ganado ka na mag praktis.” Si Bong, isa sa gitarista ng aming banda, siya at ako ang nagtayo ng banda naming Kuroz. Kuya kuyahan ko na si Bong simula pa noong mag kakilala kami sa isang battle of the band contest. Siya ang pinaka close ko sa banda ngunit maging siya unti unti naring nawawala sa akin.
“Hello Jimmy, nasaan kana ba? Ikaw na lang hinihintay ng mga kabanda mo. Ma le-late na kayo sa gig niyo.” Siya si Mama Oda, manager at handler ng aming banda. Matalak si Mama Oda pero sa lahat sa amin ako ang paborito nito. At tulad ni Bong, binibitawan narin niya ako.
Minsan naka pagbok ang aming banda para sa kasal ng isang artista. At sa ka gaguhan ko, hindi ako naka sama sa kanila. Nalasing ako at nakalimutan ko ang event na iyon. Galit na galit sa akin ang buong band mate ko dahil sa ginawa ko. Muntik nang hindi natuloy ang banda dahil wala ako bilang bokalista. Buti na lang marunong din si Kiko kumanta. Na save niya ang banda namin. Pero ako hindi ko na ligtas ang sarili ko sa depresyon.
Naging pabaya na ako sa aking sarili, at apektado na ang grupo ko. Kaya napag kasunduan nila na tanggalin ako sa banda. Sa bandang aking sinimulan. Tumutol ako sa kanilang desisyon, pero majority wins. Kaya tuluyan na akong itinapon palabas sa aking binuong banda.
Pagkatapos noon, mas Lalo pa akong nagpaka lugmok sa aking sarili. Pakiramdam ko noon parang wala na akong silbi pa sa mundo. Maging ang pamilya ko nahihirapan na sa akin.
“Ano ba Jim, ganyan ka na lang ba sige?! Wala ka nang ginawa kundi ang mag paka lasing. Dahil lang sa isang babae sisirain mo ang buhay mo?! Buti sana kung sarili mo lang, pati buhay ng mga tao sa paligid mo sinisira mo na. Tigilan mo na ang pag papakagago mo diyan sa babae na iyan.” Tinamaan ako sa sinabi ni papa. Tama siya, nakaka apekto na ako sa mga tao sa paligid ko.
Umalis ako ng bahay dala ang aking gitara at tinungo ang malapit na pangpang sa amin. Tumayo ako sa pinaka mataas na bangin na tanaw ang buong dagat.
Doon nag palipas ako ng mga sandali, binalikan ko ang mga nakaraang ala-ala namin ni Adreane sa lugar na iyon. Sa lugar na iyon kung saan madalas kami doon.
Ngunit wala na ang dating matatamis na ngiti at malalakas na tawa na galing sa aming dalawa. Kundi ang ingay na lang ng mga malalaking alon na humahampas sa mga bato sa paanan ng bangin na aking kinatatayuan.
Muli kong kinuskos ang aking hawak na gitara. Ngunit hindi na nakikibagay sa aking mga hagod ang mga kuwerdas nito. Wala na ang harmonyo ng aking pag pitik. Hindi ko na naririnig ang aking galing sa pag gigitara.
Wala na talaga, kasabay noon ng pag hagis ko ng aking gitara sa dagat ang pag angat din ng aking mga paa palayo sa lupa na tinatapakan ko. Gusto ko na ring mawala.
Buong na hinanap nila ang katawan ko ngunit wala ang mga bakas ko. Inabot ng tatlong araw ang paghahanap sa akin. Ngunit nabigo sila. Tanging ang gitara ko na lang ang yakap noon ng aking mga magulang at kapatid na nakita nila sa dalampasigan.
Ang hindi nila alam noon nasa paligid lang ako.
Nagising ako sa hampas ng alon sa aking mukha. Nasa isang dalampasigan ako at walang suot na kahit ano sa aking katawan. Nagtaka ako kung bakit ganoon ang ayos ko. Inalala ko ang huling sandali ko bago ako nakarating doon.
Nalulunod na ako noon nang may naaninag akong tao na papalapit sa akin sa ilalim ng dagat. Ngunit malabo na ang paningin ko noon kaya hindi ko siya namukhaan.
Bumangon ako at tumayo. Palinga linga ako sa paligid baka may tao at makita ang hublas kong katawan. Tahimik sa paligid at walang tao.
Naglakad lakad ako hanggang sa may nakita akong Kubo malapit lang doon. Napansin ko ang mga naka sampay na damit. Palapit na ako sa sampayan ng may nakakita sa akin. Isang matandang lalaki na may hawak na itak.
“Lo, pasensiya na. Hindi po ako mag nanakaw, hihingi lang sana ako ng kunting tulong.” Inunahan ko na ang matanda bago pa ako maitak.
“Ano ba kasi ang nangyari sa iyo at naka burles ka? Taga saan kaba?“mukhang mabait naman ang matanda. Naging kalmado akong nakipag usap sa kanya.
“Si Jim po Lolo, Taga aplaya, Guimahol.”
Nagulat si tatang ng banggitin ko kung saan ako galing.
“Paano ka na punta dito eh ang layo layo ng Guimahol mapunta rini.” Tinanong ko agad sa kanya kung nasaan na ba ako. At maging ako nagulat sa layo ng narating ko. Napakalayo ng Guimahol sa Cebuclod, kung saan ako naroon.
“Hindi ka kataw? Siyukoy?” Tanong pa nito sa akin. Pinag dudahan pa niya akong sirena.
“Naku hindi po lo, may buntot po ako pero hindi sa isda. Ang tanda niyo na lo naniniwala pa kayo sa mga ganyan.” Ang sabi ko.
“Bakit ka nga naka hubo? At paano ka na punta dito? Nag bangka ka ba?” Ma usisa din si Lolo. Kay nag imbento na lang ako ng dahilan para matapos na at matulungan niya na ako.
“Nakipag pustahan ako sa mga kaibigan ko na languyin ito dito. Sa kasamaang palad natangay ng alon ang mga damit ko ng pinatuyo ko sa batuhan kanina. Kaya nag hahanap ako ng tao na mahingan ng tulong. Buti na lang nakita ko itong Kubo niyo lo.” Mukhang na kumbensi ko naman si Lolo at tinulungan niya ako. Doon narin ako nag palipas ng gabi sa kaniya.
Hapunan na noon nang mamangha ako sa mga isdang inihain ni tatang sa mesa.
“Huli niyo po ba lahat ng ito? Ang galing naman lo, sa siyudad ang mamahal ng mga ito. Pang restaurant na po itong mga isda Lolo.”
“Binibigay lang iyan sa akin araw araw. Matanda na ako para mangisda pa. Pagdamutan mo na itong ipapakain ko sa iyo. “
“Ang galante naman ng nag bibigay sa iyo nito lo. Wala ka bang kasama dito sa Kubo mo?” Biglang nalungkot ang mukha ni lolo nang itanong ko iyon sa kanya.
“Binawi na sila ng dagat sa akin.” Ang malungkot na pagkakasabi nito. Sa hindi ko inaasahan, ikinuwento sa akin ni Lolo ang nangyari sa kanya at sa pamilya niya.
At ito ang simula ng kuwento ni Tatang.
Dati pa man,tampulan na ako ng tukso dahil sa pagiging werdo ko. Umabot ako nang highschool na wala man lang akong matawag na kaibigan. Dahil sa pagiging mailalap ko lahat palagi akong nag iisa. Takot silang lumapit sa akin. Anak daw ako ng baliw. Iyon ang madalas ko naririnig noon.
Lumaki ako sa aking Lolo at Lola na hindi ko man lang nasilayan ang mga mukha nang aking mga magulang. Kapag nagtatanong naman ako tungkol sa kanila. Ang sabi kinuha daw sila ng dagat.
Simula noon, madalas na ako nakatambay sa dagat malapit sa paaralan namin, dala dala ang mga pang guhit ko at sketch pad. Mahilig ako gumuhit ng lahat nga bagay na nakikita ko sa aking paligid at imahinasyon. At ang lapis at papel ang naging kaibigan ko sa aking paglaki.
Nang namatay ang Lolo at Lola, napunta ako sa isang bahay ampunan. At naging tagasilbi ng isang pari. Inampon ako ng pari at pinag aral hanggang sa natapos ko ang elementarya. At ang hilig ko sa pagpipinta at pag guhit ang nagpalapit sa akin kay Mariella. Tulad ko mahilig din siya mag pinta.
Nagkaroon ng exhibit sa museum sa pangunguna ng simbahan. Napansin ng paring umampon sa akin ang aking talento sa pag pinta. At isinali sa exhibit ang aking mga likha. Katorse pa lang ako noon at nag aaral bilang second year highschool.
Sa unang pagkakataon ibinida ng simbahan ang aking mga gawa. Kadalasan kalikasan at pamilya ang tema ng aking mga pinta. Sa mga likha ko nilalabas ang pananabik ko na magkaroon ng perpektong pamilya.
Sinama ako ni Father Alvin sa mismong museum para makita ko ang aking likha kasama ng mga tanyag at kilalang mga artist sa buong region.
Maging ako sa sarili ko ay namangha sa aking mga likha. Na sa wakas hindi lang sa apat na sulok ng aking kuwarto lang naka display ang aking mga ubra. At tanging mga daga at ipis lang ang nakakakita.
“Napaka detalyado ng kanyang pag pinta. Parang buhay, pero malungkot ang kuwento. Tingin mo ano kayang iniisip ng gumuhit niyan.?” Napatingin ako bigla sa aking gilid nang may nag salita at nag tanong sa akin.
Agad ako nabighani sa kanyang mukha, napaka amo. Parang anghel.
“Ako ba ang kina kausap mo? Miss?” Pautal kong tanong.
“Tayo lang naman ang nandito diba?“sagot nito sa akin. Maganda nga, pilosopo naman.
“Ano nga iyong tinatanong mo sa akin kanina?” Tanong ko.
“Sa tingin mo ano kaya ang iniisip ng nag pinta nito? Ang lungkot kasi ng kulay.” Nagulat ako sa kanyang reaksiyon. Paano niya nalaman ang emosyon sa likod ng painting.
“Paano mo nalaman na malungkot ito?”
“Kaya ng mga artist na linlangin ang paningin ng mga taong puro magaganda lang ang perspective sa isang ubra. Pero hindi sa mga katulad nilang artist. Kayang isalin ng mga artist ang kanilang emosyon o sarili sa kanilang mga likha at nakikita ko iyon sa uri ng kulay na kaniyang ginamit at sa tema ng kanyang likha. At sa painting na ito mukhang malungkot siya at may hinahanap.” Paliwanag pa niya. Na aliw ako sa kanyang interpretasyon.
“Kung hindi ako nag kakamali mag ka edad lang tayo. Pero ang husay mo nang kumilatis ng sining.” Sabi ko.
“Learning from my dad, nandito rin ang mga gawa niya. But he’s more on visual arts. Sculpting naman siya and I love paintings. By the way I’m Mariella.”
“Nice to Met you, ako nga pala si Leo, tama ba ang pagkakarinig ko, isang artist din ang papa mo? At nandito rin ang kanyang mga ubra?” Sa aking pag ka galak bigla ko na hawakan ang kamay ni Mariella. Namula ako nang mapansin iyon. Napangiti na lang ako ng lihim.
“Si Bernardo Manansala, I don’t know kong familiar ka sa name ng dad ko.”
Isang kilalang visual artist ang kanyang ama, Kilala ito sa mga ubra niyang may touch ng pantasya at mitolohiya.
“Siyempre naman, inspirasyon ko kaya ang mga gawa niya sa mga painting ko.”
“Nag pipinta ka rin?” Pagkagulat na tanong ni Mariella sa akin.
“Oo eh, actually itong tinitingnan natin, isa sa mga gawa ko. At hayon pa. Doon, marami pa akong ubra na naka display roon.” Hindi makapaniwala si Mariella sa kanyang na laman. Simula nang araw na iyon nag karoon kami ng koneksiyon sa isa’t isa. Buong araw ko sa museum kasama ko si Mariella. At sa unang pagkakataon sa buhay ko may taong lumapit at hindi na takot na kaibiganin ako.
Tumakbo ng isang linggo ang exhibit. At isang buong linggo ko rin nakasama si Mariella. Araw araw pagkatapos ng klase sakay ng aking bisekleta tinutungo ko ang museum para makita lang si Mariella. Gabi na kung ako’y umuuwi. Nasa gilid lang ako ng gate ng museum, inaabangan ang pag daan ng sasakyan nila ni Mariella saka naman ako uuwi. Matapos ang exhibit nawalan na rin kami ng ugnayan ni Mariella.
Sinubukan kong sulatan siya sa ibinigay niyang address ngunit wala, ni isa man sa mga sulat ko ang nakatanggap ng sagot. Muli na naman ako bumalik sa dati kong gawi.
Madalas ako nag kukulong sa aking silid at panay lang sa pag pinta. Lumipas na Ang isang taon. Nawala man ang pananabik ko kay Mariella. Umaasa naman ako na balang araw magkikita parin kami.
Kasagsagan ng bagyo noon nang mablitaan ko ang nangyari kay Father Alvin. Nahulog sa ilog ang sinasakyan nilang bus nang bumigay ang pundasyon ng tulay na kanilang dinaanan. Walang nai ulat na nakaligtas sa kanila.
Sa pgkawala ni father Alvin, nadagdagan ang aking pangungulila. Bumalik ako sa bahay ampunan. Nagsilbi ako roon bilang tagalinis ng pasilyo at ng mga silid kapalit ng pananatili ko sa eskuwelahan.
Hindi na naging kaparehas ng dati ang pag trato nila sa akin noong buhay pa si Father Alvin. Madalas lang ding tinapay ang laman ng aking tiyan sa buong araw. Dahil kulang pa daw ang rasyon ng pagkain para sa mga bata sa ampunan.
Naisip kong ibenta pa isa isa ang aking mga gawang painting. Nilalako ko ito sa daan, sa plasa o kahit saan Basta maraming tao. Marami ang nahumaling sa aking mga gawa. At ang pera na nakuha ko sa aking mga painting ay inipon ko. Ubos na ang mga painting ko sa aking kuwarto. Isa na lang ang natira. Ang portrait ni Mariella na ginawa ko sa mga panahong iniisip ko siya. Malinaw parin sa aking isipan ang mga ngiti niya at ang napaka amo niyang mukha.
Kunti na lang ang kulang sa mga naipon ko. Nang hihinayang man. Ito lang ang paraan para makalaya na ako sa kulungan na aking kinasadlakan.
Tanghali na ngunit wala paring bumibili ng painting ko. Nasa kahabaan ako ng kalye nang may nakita akong mga batang lansangan na pasugod sa akin. Ang dami nila at hindi ko na nagawa pang maka atras. Kinuyog nila ako at pinag sasapak. Hindi ako nanlaban sa dami nila. Tinanggap ko ang mga tadyak at suntok nila sa akin habang yakap yakap ko ang portrait ni Mariella. Bigla iyon inagaw sa akin ng isa. Nang hindi ko binitawan. Isang kamay ang sinuntok sa aking tagiliran. Nakita kong may bahid na ng dugo ang aking suot. Sinaksak pala ako ng isa sa gilid.
Agad nag sitakbuhan ang mga bata nang makita akong duguan. Nawalan ako ng malay sa kalsada na hawak hawak ang portrait ni Mariella.
Nagising akong may mga naka sabit sa aking katawan. Nasa isang hospital ako. May tumulong sa akin.
“Gising ka na pala iho, mabuti naman at ligtas kana. Pagaling ka. At pag kaya mo na, pumunta ka sa lugar na ito. Bayad na nang nagligtas sa iyo ang gastos mo dito sa hospital. Ang gawin mo magpalakas na lang. At bilin ng nagligtas sa iyo, ibigay iyan.” Isang post card ang inabot ng doktor sa akin at sa likod nito ang address ng nasabing lugar, Dapdap, Cebuclod island. Cebuclod city. At mas nagalak ako nang makita ang sulat kamay na pangalan ni Mariella.
Sinikap kong gumaling agad. Makaraan ang dalawang linggo. Nagpaa alam na ako sa mga nag alaga sa akin sa hospital na iyon. Bago pa ako umalis, may inabot pa sa aking pera ang doktor. May nag ka interes daw sa painting ko at binili iyon sa malaking halaga. Laking tuwa ko na subra subra na ang dala kong pera. Gamit iyon nilisan ko ang bahay ampunan.
Sumakay ako ng tren dala ang galak na makitang muli si Mariella. Mula sa babaan ng tren, sumakay na naman ako ng piera para marating ang pinaka malapit na pantalan. Mula pantalan sakay ng roro tumawid ako papuntang Cebuclod.
Hindi ko ma ipaliwanag ang tuwa at saya na nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Gusto kung languyin na lang ang dagat para makarating agad ng Cebuclod.
Pagka baba sa pantalan. Agad ako nag tanong tanong kung saan ko makikita ang Dapdap na nasa post card na hawak ko. Isang mama ang lumapit sa akin. Taga doon daw dati ang kanyang asawa. Noon ko nalaman na isa palang dating resort ang Dapdap. At isinira na sa publiko matapos ang ilang mga aksidente ng pagkalunod roon.
“Ibig ba sabihin Manong, bawal na ang mag punta dito?” Tanong ko.
“Hindi naman iho, kaya lang abandonado na Ang resort na iyan. At lubhang malayo na sa siyudad. Wala na halos bumabiyahe sa banda roon. Usap usapan kasi, sinumpa ang lugar na iyan. Kaya maging mga residente dati sa paligid nag silipatan na nang matitirahan.” Kuwento pa nito sa akin.
“Saan po ba ang daan papunta dito? Kailangan ko lang kasi talaga puntahan ito para sa project ko sa klase.” Pag imbento ko.
“Wala ka na talaga masasakyan pa punta doon iho. Pero kung gusto mo. Hintayin mo ako mamaya. Idadaan kita sa Santuaryo, mula doon maglakad ka na lang pa Dapdap. Malayo layo din iyon baka abutin ka nang tatlong oras makarating lang doon.” Nag alok naman si Manong.
“Walang kaso Manong, naku salamat talaga.”
At sakay nga ng kanyang truck ng isda, ibinaba ako ni Manong sa lumang sementeryo, ito ang tinatawag nilang Santuaryo. Sa tapat nito isang nababakbak na na sign board ang nakatayo doon na may nakasulat, Dapdap resort.
Napangiti ako, sa wakas narating ko na ang lugar. Habol hinanga ang pag punta sa Dapdap na sasulong pababa ang daanan. Tama si Manong napaka layo nga nito. Hindi ko ininda ang pagod , uhaw at init. Mas nanaig sa akin ang pananabik kong makita si Mariella.
Nang marating ko ang Dapdap, agad hinanap ng paningin ko si Mariella. Ngunit malawak lang na buhangin at mga damu sa paligid ang aking nakita. Sa bandang batuhan napansin ko ang isang may edad na lalaki na naka upo sa malapad na bato at nakatingin sa malapad na dagat. Agad akong lumapit sa kanya. At nagulat ako nang magsalita ito at makita siya.
“Kanina pa kita hinihintay, mabuti naman at nakarating ka.”
Ito ang papa ni Mariella, nakangiti ito sa akin at napansin ko agad ang kanyang hawak. Ang portrait ni Mariella na gawa ko.
“Alam ko, ang anak ko ang pinunta mo dito. At natutuwa ako dahil porsigido ka talagang makita siya.” Ang sabi pa nito sa akin. Pinalapit niya ako sa kanyang tabi at pina upo. Nagtaka ako noon. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Hindi ko nagawang mag salita o mag tanong man lang sa kanya tungkol kay Mariella.
Nang tumayo ito, at sinigaw nito ang pangalan ng kanyang anak.
“Mariella, Mariella…” At tatlong ulit pa na tawag.
Nagulantang ako sa aking pagkakaupo ng makakita ng malaking buntot ng isda na umangat mula sa dagat. Napansin ng ama ni Mariella ang aking pagka gulat. Bumaba pa kami sa may batuhan. At muli niyang tinawag si Mariella.
Sa isang naka usling bato. Isang kamay ang aking napansin. At mula doon may sumilip na babae. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaanyuan ni Mariella. Hindi ako maka paniwala sa aking nakita. Natakot ako na nabigla, na may pananabik sa kanya. Napansin ko ang lungkot sa mga mata ni Mariella. Agad itong bumalik sa tubig na hindi man lang nag salita.
“Ngayon alam mo na kung ano ang anak ko, ganun parin ba ang nararamdaman mo sa kanya?” Tanong ng ama nito sa akin. Noong una hirap akong tanggapin sa sarili na may ganoong bagay na nag e exist sa mundo. Ngunit napag tanto ko sa bandang huli na tulad ni Mariella, kakaiba din ako sa tingin ng ibang tao. Ikinuwento pa ng kanyang ama ang dahilan kung bakit ganun si Mariella. Isang kataw ang kanyang Ina na umibig sa kanyang ama.
Ito marahil ang dahilan kong bakit tungkol sa mga kakaibang nilalang ang tema ng mga ubra ng kanyang ama.
Bumalik na rin sa dagat ang kanyang Ina matapos maisilang si Mariella sa pagkakuwento pa ng kanyang ama.
At ayon pa sa kanya, nahulog narin daw ang loob ng kanyang anak sa akin. Ayaw ni Mariella na mag sinungaling sa akin kaya sinabi nito sa ama ang gusto niyang mangyari kahit tutol dito ang kanyang ama.
Ginawa niya ito para mapatunayan ko sa kanya kung Mahal ko ba talaga siya o hindi.
Ngunit dumating sa sarili ko ang desisyon na huwag tingnan si Mariella basi lamang sa kaliskis niya at buntot. Pumunta ako doon hindi para makita lamang siya, kung di ang masabi sa kanya Mahal ko na siya.
Tinawag ko si Mariella ng paulit ulit. Ngunit hindi ito nag pakita sa akin. Tumalon ako sa dagat at doon siya hinanap. Subrang lalim pala doon ng tubig. Nahirapan akong lumangoy dahil sa hindi ko naman alam kung paano. Kahit hirap , nakuha ko paring tawagin si Mariella.
Hindi ko nakayanan ang pagod at bumigay ako. Doon ako niligtas ni Mariella. Bumalik sa akin ang unang araw ng pagkikita namin ni Mariella habang nakatingin ako sa kanya.
Simula noon hindi ko na iniwan si Mariella sa aking tabi. Tao siya kapag wala sa dagat. Kaya malaya naman kami kapag nasa lupa. Doon na ako tumira sa kanila nang pumayag ang kanyang ama.
“Hindi ako tutol sa kung anong meron kayo,mga anak pero isipin niyo mga teenager palang kayo. Kaya wala munang lalampas sa limitasyon. Maliwanag ba Leo, tiwala ako sa iyo para sa anak ko.”
“Makakaasa Po kayo. Igagalang ko si Mariella. “
Bagamat alam ko ang patutunguhan ng aming relasyon wala akong paki alam. Ang mahalaga Masaya ako sa piling ni Mariella. Tinapos namin ang high school nang magkasama. At pag tungtong namin ng college naging opisyal na kaming mag nobya. Subrang saya ko sa mga sandaling iyon. Magagawa ko na Ang lahat sa kanya na wala nang restrictions. Ngunit hindi maiiwasang mabahala ni Mariella sa maaring mang yari.
“Paano kung darating ang panahon na mawala na ako sa tabi mo. Ano ang gagawin mo?” Tanong ni Mariella noon sa akin.
Ang sabi ko…“Hindi mawawala ang nararamdaman ko sa iyo. Mamatay man ako. Isasama ko sa hukay ko ang pagmamahal ko sa iyo.”
Nag pakasal kami ni Mariella. Naging Masaya ang apat na taon naming dalawa hanggang sa dumating ang pinakahihintay namin. Nabuntis si Mariella. At ayon sa kanyang ama, ito na ang simula nag totoong sakripisyo. Bawat gabi nagwawala si Mariella,lumalabas ang mga kaliskis nito sa binti at kamay. Limang buwan lang ang pag bubuntis ni Mariella katulad ng sa kanyang Ina noon. At sa limang buwan na iyon. Kailangan ilayo si Mariella sa tubig alat. Gabi Gabi ko tinatali sa kama si Mariella dahil tumatakas ito para mag hanap ng dagat. Unti unti narin akong nakakalimutan ni Mariella. Kaya araw araw ko rin binabangit sa kanya ang aking pangalan. Nagkakaroon na ng mga matutulis na pangil si Mariella. Gusto ko na siya isuko noon. Hindi ko na kayang makita siyang nahihirapan.
Binalot ko ng kumot si Mariella, para hindi ako mahihirapan na buhatin siya. Nakita ako nang kanyang ama habang sinasakay ko sa sasakyan si Mariella.
“Nahihibang kana ba? Alam mo ang panganib na maidudulot kung gagawin mo iyan habang nasa loob pa niya ang anak niyo?”
“Pa, naaawa na ako kay Mariella, kailangan niya na ng dagat.”
“Kaawaan mo ang mga taong mabibiktima niya kung itutuloy mo iyan.” Nagpasya na lang ako na makinig sa kanyang ama.
Dumating ang kapanganakan ni Mariella. Sa mga sandaling iyon hinang hina na si Mariella, bumalik na rin sa dati ang mukha niya. Wala na Ang mga pangil at kaliskis nito sa katawan.
“Mahal kita Leo, “ rinig ko iyon kahit mahina mula sa kanya.
Kasabay noon ang pag labas ng isang sanggol. Lalake ang anak namin.
Kasabay ng pag iyak ng aming anak ang siyang pag kawala ni Mariella sa mga bisig ko. Tanging hagulgol na lang at iyak ang naisagot ko sa kanya. Sa bandang huli Mahal parin talaga ako ni Mariella.
Dinala namin ng kanyang ama ang katawan nito sa dagat. At doon sinalubong kami ng mga kauri niya. Napakarami nila. Isang halik sa labi pa ni Mariella ang pinabaon ko bago ko siya ibinigay sa kanila.
At naniniwala ako na hanggang ngayon buhay pa sa kanilang Mundo ang asawa ko. At balang araw makakasama ko rin siya. At mag sasama pa kami nang matagal. Katulad nang sa kanyang mga magulang. Kaya naisipan Kong mag tayo dito ng bahay malapit sa kanila.
“Ibig sabihin lo, may anak pa kayo? Nasaan na siya ngayon?” Sa totoo lang naaliw lang ako sa kuwento ni tatang pero hindi naman ako naniniwala. Advance na kaya ang earth ngayon. Hinanap ko ang anak ni tatang kung totoo nga na may anak ito. Nang may pumasok sa kanyang Kubo.
“Magandang gabi lo, may bisita pala kayo ngayon dito. Magandang gabi din sa iyo.” Pag bati sa akin ng isang lalake, magka edad lang kami at magandang lalake, mistiso at tisoy. Maganda din ang hubog ng katawan. Naka pantalon lang ito na may punit punit. At walang pang itaas.
“Magandang gabi din sa iyo pare, nakiki over night lang muna ako dito kay tatang.” Sagot ko.
“Kung hindi ako nagkakamali nag kuwento na naman sa iyo si Lolo tungkol sa mga serina anu?” Nakangiting tanong nito sa akin.
“Ah eh, medyo. Apo ka ba niya?” Ngunit hindi ako sinagot ng lalake, inilingan lang ako.
“Dinadalaw ko lang dito si Lolo, araw araw naawa kasi ako sa kanya, mag isa na lang siya dito at medyo ulyanin narin minsan.” Sabi pa nito
“Ganun ba?, siya nga pala pare, Jim.” Pagpapakilala ko.
“Aries pare.” Pagpapakilala din nito.
Ang unang tagpo namin ni Aries sa Dapdap.
Aries to Tail
Nang gabi na iyon nakilala ko sa Aries. Sa unang pagkakita ko sa kanya meron sa loob ko n nag sasabing nakita ko n siya. Pero hindi ko lang matandaan kung saan.
Napaka amo ng mukha ni Aries, magandang lalake at hulmado ang mga muscles niya sa katawan. Alam Kong lalake din ako pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na punahin ang pisikal niyang ganda. Natutulala ako sa bawat pagtitig niya sa akin na tila tumatagos sa kaluluwa ko. Nakakadala ang kanyang mga ngiti.
Niyaya ko siyang sumabay na kumain sa amin ni tatang ngunit tumanggi ito. Kasi busog pa daw siya. Na curious ako sa kanyang ayos. Naka pantalon lang ito na punit punit at walang pang itaas. Kaya naitanong ko.
“Taga dito ka rin ba sa lugar na ito?” Tanong ko.
“Malayo ang sa amin dito. Napaka layo actually. Ikaw pare, taga saan ka?” Tanong din nito sa akin.
“Malayo din. Hindi ko nga inaasahang mapunta ako dito. Anghel ko yata ang nag dala sa akin dito.” Natawa Kong sagot sa kanya.
“Naniniwala ka sa mga anghel pare? Diba sa mga bata lang bumibenta ang mga ganyang?” Tugon pang tanong ni Aries sa akin.
“Dapat kasi wala na ako, pero heto at buhay, at kinakausap ka.” Sagot ko.
“Bakit ano ba ang nagyari?” Napa kuwento na lang ako kay Aries. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya. Ang sarap kausap ni Aries. Nagiging hirit na lang na pabiro ang mga karanasan ko, habang kinikiwento ito sa kanya.
“Namukhaan mo ang taong sumagip sa iyo?” Agad niyang tanong.
“Nawawala na noon ang huwisyo ko. At malabo na ang paningin ko. Kaya hindi ko natatandaan ang mukha niya. At kung sino man siya. Salamat sa kanya at binigyan niya pa ako ng chance. Hindi ko pala kaya ang mamatay.” Naikuwento ko pa.
Sa mga sandaling iyon kuwentuhan lang kaming dalawa. Malalim na ang gabi nang dalawin na ako ng antok. Nakatulog ako sa papag na hinanda ni tatang para sa akin. Nang gabing ding iyon doon natulog si Aries.
Nasa loob ako samantala sa labas naman ito.
Bandang hating gabi na nang gisingin ako nang aking pantog. Bumangon ako at lumabas ng kubo para umihi. Napatingin ako sa higaan ni Aries ngunit wala ito doon. Napansin ko rin na wala rin si tatang sa papag niya.
Walang ilaw sa kubo ni tatang tanging gasera lang at liwanag mula sa buwan ang nag bibigay liwanag sa loob.
Lumabas ako at tinuloy ang tawag ng kalikasan.
Napadako ang paningin ko sa mataas na bahagi ng batuhan. Naalala ko ang kuwento ni tatang. Inisip ko na baka iyon Ang tinutukoy niyang bato kung saan una nitong nakilala ang ama ng kanyang asawa.
Maliwanag ang buwan at tanaw ang buong paligid ng dalampasigan at ng dagat. Nang may naaninag akong anino ng tao sa may batuhan. Si Aries ang unang pumasok sa aking isipan.
Lumapit ako sa may batuhan upang mag usisa. Papalapit na ako nang may narinig akong malakas na hampas ng tubig. Hindi iyon ingay ng mga alon. Tunog iyon ng dila isang malaking bagay na nahulog sa dagat.
Dalidali akong lumapit doon para tingnan.
At nagulat ako sa aking nakita. Isang buntot ng malaking isda ang nakita kong umangat bago pa ito tuluyang naglaho sa tubig. Hindi ako nananaginip at lalong hindi ako lasing. Buntot talaga iyon ng isda, subrang laki ng kanyang buntot na parang isang dipa ang lapad nito. Napakalaking isda ang may ari nun. Ang sabi ko.
Nanatili ako doon sa may batuhan at nag babasakaling bumalik doon ang malaking isda. Nagtagal ako ng mga ilang minuto ngunit wala na akong may na pansin.
Muli ko hinanap ang nauna kong pakay doon. Ngunit wala naman akong nakitang Tao sa paligid. Pero sigurado ako na may nakita talaga akong anino ng tao dito.
Pabalik na ako ng makasalubong ko si tatang na may hawak na flash light at inilawan ako.
“Ikaw pala iyan, ano ang ginagawa mo dito sa ganitong Oras?” Tanong nito sa akin.
“May nakita akong malaking buntot ng isda dito kanina lo.” Sumbong ko sa kanya.
Dali daling lumapit sa akin si tatang, “Nagbalik na sila, susunduin na nila ako.” Bigla kong hinabol ng hawak si tatang, tuloy tuloy lang ito hanggang sa pina ka dulo ng batong kinatatayuan namin. Nakita ko ang saya sa kanyang mga mata. Ngunit kinabahan ako nang kamuntikan na itong mahulog.
Umupo kami roon sa bato.“ Ano ba nangyari sa iyo lo? Muntikan kanang mahulog . Sino ang bumalik?“ Tanong ko.
“Ang mga kataw, ang asawa at anak ko. Susunduin na nila ako.” Simula noon paulit ulit na lang si tatang sa kanyang sinasabi.
Tumagal pa ako ng Ilan pang mga araw sa piling ni tatang. At bilang ganti sa kabutihan nito sa akin. Inayos ko ang pasira nitong kubo. Gabi gabi narin si tatang nandoon sa may batuhan na tila may hinihintay sa dagat. Bawat gabi rin akong nandoon para bantayan ito.
Ilang araw naring hindi dumadalaw doon kay tatang si Aries. Simula nang araw na magkakilala kami ni Aries. Hindi na kami nagkitang muli.
Sa mga araw at linggo ko doon. Isa sa mga malaking palaisipan sa akin kung paano nakakakuha ng mga pagkaing dagat si tatang sa araw araw.
“Iho halika, patulong naman dito,mas marami rami ito kumpara kahapon.” Minsan isang araw, nagpatulong sa akin si tatang para naman sa isang umagang biyaya. Isang basket na may lamang mga isda at pusit na halos mapuno na ang basket.
“Saan ba lahat ito galing lo? Subra subra naman po ito para sa atin lang. Ang lalaki naman po nito. Tanging sa pinaka malalim lang na parte ng dagat nakakahuli ng mga ito.” Mangha mangha ako sa mga dala ni tatang araw araw. Kapag tinatanong ko naman siya kung paano at kung saan ito galing ang tanging sagot niya lang ay…“bigay ito ng dagat sa akin, “
Maulan ang araw na iyon nang mapansin kong wala sa kubo nito si tatang. Lumabas ako para hanapin ito. Malakas ang hangin at ang bagsak ng ulan na halos hindi na kita ang buong paligid. Sumuong ako sa ulan makita lang si tatang nang may narinig akong tumatawag ng pangalan ko.
“Jim, pare tulong dito!!! Dali si Lolo.!” Pamilyar sa akin ang boses na iyon. Si Aries. Agad ko hinanap ang pinanggagalingan ng boses ni Aries.
Nang matagpuan ko siya, tangan nito si tatang na walang malay. Nagulat ako hindi lang dahil sa kalagayan ni tatang kung di sa nakita ko kay Aries. Naka hubo ito at wala ni ano mang suot sa katawan. Napatulala ako sa kanya.
Napatanong din ako noon sa sarili ko kung saan ito galing at bakit ganun ang ayos niya.
“Pare tulong naman muna dito.” Doon na ako kumilos nang magsalita muli si Aries.
Dinala namin si tatang sa loob ng kubo at nagpakulo agad ako ng tubig para sa kanila. Pinahiga namin sa papag si tatang na wala paring malay.
“Magpunas kana rin muna pare,” pagka abot ko ng pampunas kay Aries.
“Salamat pare, pasensiya sa ayos ko. Nakita ko kasi si Lolo na naka hubo sa may dalampasigan kanina. Kaya pinasuot ko na sa kanya ang damit at pantalon.” Sinagot na niya ang mga tanong ko sa aking isipan.
“Ganun ba, bakit saan ka ba galing , ang tagal mo ding hindi dinadalaw dito si tatang ah.” Sabi ko.
“Napadaan lang ako dito, para dalawin sana si Lolo, kasi nga alam kong may paparating na bagyo. Hindi pa man ako nakarating dito nkita ko na siya sa may dalampasigan at wala ng malay.“kuwento ni Aries, pero hindi parin nito sinasagot ang tanong ko kung saan ba talaga siya nanggaling at kung bakit matagal bago siya bumalik.
Hindi ko na inusisa pa si Aries. Nag aapoy sa lagnat si tatang at wala akong alam sa kung paano ang gagawin sa kanya natataranta ako ngunit kalmado lang si Aries. May kinuha ito sa bulsa ng pantalon ni tatang , hindi ko nakita kung ano iyon dahil agad niya itong itinikum sa kanyang palad. Pinabuka nito ang bibig ni tatang at may pinatak dito na kung ano mula sa kanyang kamay.
“Bubuti din siya maya maya lang. Hayaan na lang muna natin siya dito.” Sabi pa ni Aries.
“Ganyang na siya lagi, Gabi gabi na lang lumalabas siya at tinutungo ang batuhan na para bang may hinihintay sa dagat. At madalas sinasabi niya sa akin na, susunduin na daw siya ng kanyang asawa at anak. May alam ka ba pare sa buhay ni tatang? Totoo ba ang kuwento niya tungkol sa mga kataw sa dagat?” Napag kuwentuhan namin ni Aries ang buhay ni tatang.
“Wala akong masyadong alam kay Lolo, noong unang tagpo namin ganyan na ang kuwento niya. At hindi ko naman kinukuwestiyon iyon. Totoo man o hindi, nakikita ko sa kanya ang pag asa at tapat na pag ibig. Kaya simula noon madalas na ako dito sa kanya.” Tugon ni Aries na may lungkot sa kanyang mukha.
“Kawawa naman si tatang, mag isa na nga lang siya. Pinapahirapan pa siya ng kanyang nakaraan.” Sabi ko.
“Magpahinga kana pare, ako na dito kay Lolo.” Utos ni Aries, at hinayaan ko na lang ito. Saka nahiga sa aking papag.
Nakapikit ako pero ang katawang hubad ni Aries ang paulit ulit na bumabalik sa aking isipan. Hindi ko maintindihan ang aking sarili bakit iyon ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi naman ako bakla. At never ko pa itong naranasan sa mga lalaking nakilala at nakasama ko noon. Pero ngayon, sa katauhan ni Aries. Bakit ganito.
Nakatulog ako. At saglit sa aking pagkahimbing, isang bangungot ang bumagabag sa akin.
Nagising ako na humahangos. Parang kinapos ako ng hininga. Ramdam ko pa ang tubig ng dagat na lumukob sa akin habang nagpupumiglas ako para maka ahon.
Bumangon ako at naupo sa gilid ng aking tinutulugang papag. Agad ko na pansin na wala sa kanyang higaan si tatang. Madilim na sa labas, hindi ko namalayan na naka tulog pala ako.
Tumayo ako para hanapin si tatang, baka sakaling nag punta na naman ito sa may batuhan. Palabas na ako nang makasalubong ko si Aries.
“Hindi kapa pala naka uwi,”
“Hindi ko kasi maiwan si Lolo, gustong bumalik sa dagat. Kaya sinamahan ko muna baka ma pano. “ Ang sagot ni Aries sa akin.
Hinanap ko sa kanya si tatang at sinamahan niya ako doon. Tulad ng araw araw na eksena, nasa may mataas na bahagi ng batuhan parin si tatang, naka tayo sa malapad na bato at naka tingin lang sa deriksiyon ng dagat. Nag aabang at nag hihintay. Ang kina ibahan lang sa ngayon. Meron ng guhit ng ngiti sa kanyang mga mata at mukha.
Nilapitan namin ni Aries si tatang at tumabi sa kanya. Napalingon ito sa amin, at ngumiti siya sa akin. “Nagpakita na sila sa akin, nakita ko na ang anak ko. At malapit na nila akong sunduin dito.” May galak na pagkakakuwento ni tatang.
Nakaramdam ako nang pagka awa kay tatang, at bigla ko na lang nakita ang sarili ko sa kanya. At napapaisip ako, paano kong tatanda rin akong mag isa.
Naalala ko si Adreane, nakaramdam ako ng lungkot. Gusto ko siyang makita at mahagkan muli.
“Tara na lo, magpahinga na kayo. Mahamog na dito sa labas.” Inakbayan ko si tatang para ihatid pabalik sa Kubo nito.
“ Hindi ka naniniwala sa akin nuh? Hindi ako ulyanin. At hindi ako baliw. Matino ang pag iisip. Nakita ko na sila. At kina usap ako ng anak ko. Susunduin na nila ako.“ Sabi pa ni tatang, napayakap na lang ako sa kanya at napansin ko na lang ang pag patak ng luha sa aking mga mata.
Bumalik kaming tatlo sa Kubo ni tatang, at binabantayan ito habang natutulog na.
Lumabas ako at nag siga sa tapat. Naupo doon at nag mini muni. Lumabas din si Aries at umupo sa buhangin katabi ko. Nasa tapat kami ng ginawa kong siga.
“Napamahal na sa iyo si Lolo,” paglapit ni Aries.
“Naalala ko lang kasi sa kanya ang tatang ko. Laki kasi ako sa Lolo.” Ang kuwento ko.
“Alam mo naaawa na rin ako kay Lolo, matagal niya nang na mi-miss ang pamilya niya. Pero hindi pa ito ang oras”.
Nabigla ako sa nasabi ni Aries, ngunit agad din niya itong nilinaw. “ I mean malakas pa siya. Kung tutuusin nga, kaya pa niya sana makahanap pa ng iba. Kaso subrang mahal na mahal talaga ni Lolo ang kanyang asawa at anak“.
“Ang lupet nga ni Lolo, siya na lang yata ang nakikilala kong loyal sa pag ibig. Ang iba kasi hindi kuntento sa kung ano lang meron sa iyo, nag hahanap agad ng iba.” Sabi ko.
“May asawa ka na ba pare?” Tanong ni Aries.
“Wala pa, at hindi narin siguro ako iibig pang muli. Tama na iyong sakit na humagupit sa akin. Gagayahin ko na lang si tatang,” tugon ko.
Napangiti si Aries sa sagot ko. Doon ko mas lalong na kilatis ang mukha nito nang malapitan. Ang gandang lalake talaga ni Aries, mula buhok, mata ,ilong , mukha, labi at katawan nito, tila inukit ng perpekto.
“Alam kong na miss mo na siya, bakit hindi ka pa bumalik sa inyo?” Natigilan ako sa tanong ni Aries. Bakit nga ba? Para tumakas? Para talikuran ang mga responsibilidad na dapat ginagawa ko? Dahil na duduwag ako? Maging ako hindi ko alam ang tumpak na dahilan ng pag stay ko doon kay tatang. Baka all of the above.
Napayuko na lang ako at napa iling.
“Palagay ko, Oras na para harapin mo ang mga kahinaan mo pare, hindi kaduwagan ang tumanggap ng pag katalo. At hindi kawalan ang kilalanin ang iyong kahinaan. Alam ko meron pang higit diyan sa iyo, na mas lamang sa ano mang wala ka. Malaki ang puso mo, mapag mahal ka at tapat, maalaga at may malasakit sa taong pinapahalagahan mo. Nakita ko iyon, kung paano mo alagaan at bantayan si Lolo. Ang ugaling meron ka at mas higit na matimbang sa ano mang uri ng yaman sa mundo. Hindi na isasanla ang pagkatao pare. Kaya may halaga ka. Hindi mo lang napansin.”
Napatingin ako kay Aries, sa sinabi niyang iyon. Never ko nabanggit sa kanya o kay Lolo ang lahat tungkol sa akin. Kaya nag taka ako kung saan nang galing ang hugot na iyon ni Aries sa pag payo sa akin.
“Teka lang pare, mukhang ang dami mong alam tungkol sa akin ah? Ang totoo, manghuhula ka ba? Kasi timumbok mo lahat patungkol sa akin eh. Wala akong masabi. Tinamaan mo ako don”. Sabi ko.
“Ni research kita, inalam ko ang lahat tungkol sa iyo. Iyon ang reason bakit matagal akong nawala dito noon at hindi muna napupunta dito. Nakibalita ako sa inyo. At natagpuan ko ang bahay mo. And I already met her. At hinihintay ka niya. Hinihintay ka na ni Adreane pare.” Mas na shock pa ako sa sumunod na sinabi sa akin ni Aries.
“Seryuso pare, ginawa mo lahat iyon? Pero bakit? Paano?” Pagtataka ko.
“Pare, kahit papano nag e evolve na din naman tayo. At na curious lang ako sa iyo kaya hinanap kita sa Tahoo Mensender. Doon ako nag simula. I really want to help you pare, naging mabuti ka kay Lolo. At ito lang ang way ko para tulungan ka. Ang ipaalam sa iyo na you are worth enough na mabigyan ng isa pang chance.”
Na speechless ako sa sinabi sa akin ni Aries. Pero tama siya, I guess may purpose kung bakit pa ako na buhay after ako mag commit na tapusin ang buhay ko.
Marami nang alam si Aries sa akin. Pero sa kanya, wala parin akong clues. Sabagay wala pala akong computer na dala doon.
“Ikaw pare, sino ka ba talaga sa buhay ni tatang? At saan ka exactly dito? Para naman mapuntahan din kita kapag balak ko makipag bonding sa iyo. Alam mo iyon kunting inuman, kuwentuhan. May girlfriend ka na ba? Kasi ikaw na kilala mo na ang sa akin. At bakit ka nga pala palaging naka topless pare, hindi ba uso sa iyo kahit sando man lang? Simula kasi noong nakita kita at nakilala never talaga kitang nakitang may damit.” Pinukol ko nang mga tanong si Aries.
“Grabe, binuhos mo na lahat ng tanong pare ah. Pero sige sasagutin ko iyan. Naging kaibigan ko lang dito si Lolo noong unang punta ko dito. Tulad mo noon may pinagdadaanan din ako. Dito rin ako naglagi kay Lolo para makalimot. Nahanap ko kasi dito ang katahimikan, malayo sa ingay at gulo ng siyudad. Nasa main road city ako ng Cebuclod naka tira. Malapit sa marketplace. May kalayuan nga lang dito. Inaabot ako ng almost four hours makapunta lang dito. Isa kasi itong secretly space haven for me with in the city. Walang tao walang ingay at wala pa akong girlfriend. “ Paliwanag ni Aries.
“Niluloko mo yata ako niyan pare, sa tindig mong iyan? Sa gandang lalake mong iyan? Wala kang girlfriend. “ Gulat ko.
“And it’s my choice, na hindi mag karoon ng girlfriend. It’s totally complicated. At hindi ko kayang ilagay sa alanganin ang aming relasyon kung darating ang time na hindi ko na kayang panindigan ang pagsasama namin. At para maiwasan iyon, hindi ako nag kaka girlfriend.
Hindi ko na nilinaw pa sa kanya kung bakit, mukhang alam ko naman kung bakit. Ganito na talaga ang Mundo. Hindi mo na napaghahalata kung sino ang totoo sa hindi. Madalas kasi mas malalaki pa ang katawan ng mga gay kumpara sa mga totoong lalake. At ang gagandang lalake pa. Literal na magandang lalake. Tulad ni Aries.
“At kung bakit naman ako palaging naka topless, well sa totoo lang nasanay na ako dito nang ganito ako. Feeling ko kasi if nandito ako, parang I’m one with the nature. Nakita mo naman ang paligid seems like nasa isolated island lang tayo diba? Actually may mga damit naman ako. Iniiwan ko lang doon sa kotse ko. Hirap din kasi ibaba dito ang sasakyan subrang stiff ng daan pababa dito.” Dagdag pa ni Aries.
“May sasakyan ka? Ibig sabihin mayaman ka?” Sabi ko.
“Hindi naman, maayos lang ang buhay. Nakakaluwag luwag. Pero what is money kung mag isa ka rin lang naman? Kaya nga ako nandito lagi kay Lolo. Para naman kahit papano ma experience ko ang tinatawag nilang pamilya.” Nalungkot bigla ang tuno ng boses ni Aries. Ramdam ko ang biglang pag bagsak ng emosyon nito nang mabanggit niya ang pamilya.
Kuwento pa niya lumaki itong hindi nakikilala ang mga magulang niya. Lumaki si Aries sa pangangalaga ng kanyang Yaya na wala ring alam sa tunay na dahilan kong bakit naglaho na lang ang mga magulang nito.
Kinabig ko si Aries palapit sa akin para e comfort. Naka sandal ang ulo nito sa balikat ko habang hinahagod ko ang likod niya. Napangiti ako nang lihim sa hindi ko malamang dahilan.
Nagustuhan ko ang ayos naming iyon. Ayaw kong maputol iyon ngunit nang tumingala si Aries at tumitig sa mukha ko. Nailang ako. At kumalas sa pagkaka akbay ko sa kanya.
“Mukhang kailangan na nating pumasok sa loob pare, maginaw na dito masyado sa labas.” Sabi ko sabay tayo sa kina uupuan ko.
“Sige pare, susunod na ako, hihintayin ko lang ma abo itong siga natin.” At tumugon ng ngiti si Aries sa akin.
Hindi ko alam bakit kinilig ako sa pasimpleng ngiti na iyon ni Aries. Pag ka pasok ko, agad ko pinag sasampal ang mukha ko para magising, hindi ako bayot. Pero bakit ganun.
Natigilan ako nang mapansin ko si tatang na naka tingin pala sa akin.
“Malamok lo, Daming lamok sa labas.” Pag kukunwari ko.
“Bayot ka? Kasi narinig ko sabi mo bayot ka.” Nautal utal ako sa tanong ni tatang, hindi ko kasi napansin agad na gising pa pala ito. At narinig niya ang sinabi ko.
“Sa-sabi ko lo, baygon. Sayang wala tayong baygon. Wala tayong panglaban sa mga lamok. …bakit gising kapa?” Imbento ko.
“Narinig ko ang boses ng anak ko. May kausap siya.” Sabi ni tatang at nakatingin sa puwesto namin ni Aries sa labas.
“Baka nananaginip ka lang lo. Kami lang ni Aries ang mag kausap diyan kanina.” Ngunit nang silipin ko sa labas si Aries, wala na ito doon sa harapan ng siga na inupuan namin.
Bumalik ako sa labas para tingnan ito.
Doon ko nakita si Aries naka hubo’t hubad na tinungo ang dagat. Kitang kita ko ang kabuohan ni Aries sa ilalim ng liwanag ng buwan. Naglalakad ito papunta sa may dalampasigan. Nakatingin lang ako sa kanya na may paghanga sa kanyang kakisigan.
Hinayaan ko na, at bumalik na sa loob ng kubo para makapag pahinga. Pag pasok ko nakahiga na rin si tatang at natutulog na.
At muli sa aking pagkakahimbing muli na naman ako dinalaw ng aking bangungot. Nasa ilalim parin ako ng dagat at nahihirapan sa paghinga hanggang sa may lumapit sa aking tao. Kung noong una, hindi pa malinaw sa akin ang kanyang mukha. Ngayon, naaaninag ko na ang kanyang mukha, pero gaya parin noong nauna matapos niya akong halikan lumalabo muli ang paningin ko sa tubig. Ganoon palagi ang nangyayari sa panaginip ko.
Nagising akong hingal na hingal, at pawisan. Bumangon ako para umihi at uminom ng tubig. Napabaling ako sa puwesto ni tatang, tulog parin ito. Sinilip ko ang higaan ni Aries ngunit wala pa ito doon. Tiningnan ko ang wall clock mag aalas-dos na nang umaga.
Tinungo ko ang kusina para uminom ng tubig. Inaantok parin ako nang Oras na iyon at hirap parin ibuka nang husto ang aking mata. Nasa kusina na ako nang may narinig akong kalabog. Agad ko na pansin ang bukas na pinto sa kusina.
Inisip ko na baka nakalimutan lang iyon isara ni tatang. Ngunit nang papalapit na ako. Nagulat ako sa aking nakita. Bagamat madilim sa loob ng kusina, maliwanag naman mula sa labas dahil sa buwan. At hindi ako nag kakamali sa aking nakita. Buntot ng isda, isang napakalaking buntot ng isda ang nakita kong palabas ng kusina. Kinusot ko ang mga mata ko baka sa kaling namamalik mata lang ako. Pero naroon parin. Mabilis itong lumabas sa pintuan ng kusina.
Kinapa ko sa gilid ng dingding ang itak ni tatang, saka lumabas. Ngunit wala naman akong nakitang naroon. Hinanap ko iyon sa palibot ng kubo. Ngunit wala talaga.
“Pare, anong ginagawa mo diyan? At bakit may hawak kang itak?”
Nagulat ako nang mag salita si Aries mula sa likuran ko. Kaka ahon lang pala nito mula sa pagligo sa dagat.
“Ah eh kuwan pare, may nakita kasi ako kanina. Buntot ng malaking insda. Pero nawala.” Sabi ko.
“Nahahawa kana yata sa mga kuwento sa iyo ni Lolo pare, paano magkaroon ng malaking isda dito eh malayo ito sa dagat. Huwag mong sabihin na isdang naglalakad sa buhangin ang nakita mo?” At natawa lang si Aries sa akin.
“Namalik mata lang siguro ako pare, …nagbabad ka talaga nang husto sa dagat ah. Inabot kana ng madaling araw.” Sabi ko.
“Masarap kasi ang tubig dagat pag ganitong Oras maligamgam, hindi masyado malamig. Try mo rin minsan mag night swimming pare. Promise walang kataw o serina dito. Tara na nga sa loob, inaantok na ako.” At inakbayan ako ni Aries, at sabay na kaming pumasok sa loob.
-At iyon na nga mga kabrobars, may buntot na na nagpakita kay Jim. Totoo kaya iyon? Paano kung ibang buntot kaya ang nakita ni Jim? Mga kabrobars marami pang buntot na makikita dito sa kuwento ni Jim. Pero for now , pause muna tayo dito. See you next.
Kataw
Matapos ang pag uusap namin noon ni Aries, napag isip isip ko tama ang lahat ng pinupunto niya. Nagpa alam ako kay tatang na bumalik na ng Guimahol. May pag aalinlangan man sa aking pagbabalik, buo na Ang pasya ko na harapin ang tinakasan ko at bumuo ng panibagong ako.
“Sana sa pag alis mo dito, hindi mo kami makakalimutan at sana isang panibagong Jim na ang makikilala ko sa muli nating pag kikita. Matapang at may pag asa.” Kinamayan ako ni Aries at niyakap ng mahigpit.
Sa maikling sandali nang pagkakakilala ko sa kanya, naging magaan ang loob ko kay Aries. Mabigat sa damdamin ang lumisan doon pero may sariling buhay din akong kailangan ayusin.
“Salamat pare, ingatan mo dito si tatang, hayaan mo kapag nagkaluwag luwag ako dadalawin ko kayo dito. Pangako yan pare. Malay natin pag balik ko dito may girlfriend ka nang kasama dito.” Sabi ko.
“Hihintayin ka namin dito ni Lolo pare. At mag ingat ka doon. Kapag na miss mo kami tumingin ka lang sa dagat at isigaw mo lang pangalan namin, maririnig kana namin dito.” At tumawa lang kami pareho. Sinamahan ako ni Aries palabas ng highway. Napakalayo nga ng Dapdap sa highway. Naglakad pa kami ng ilang Oras at inakyat ang mataas na bangin bago narating ang labasan doon. Subrang hingal ko nang marating namin ang magubat na daan palabas.
“Kaya pa ba pare, ngayon alam mo na kung gaano ito kalayo? “ Mukhang minani lang ni Aries ang dinaanan namin wala man lang bakas ng pagod o pawis sa kanyang mukha.
“Lang hiya, mukhang lumabas lang tayo sa ibang Mundo nito ah. Ang layo nga nito. Kaya siguro tuluyan ng inabandona ang bahaging ito. Pero pare bilib ako sa iyo mukhang hindi ka man lang na pagod.”
“Nasanay na kasi ako dito, Tara doon pare nandoon ang kotse ko, may ilang damit ako doon. Magpalit ka muna bago ka bumalik sa inyo. Baka mapagkamalan kapang holdup per diyan sa ayos mo. Mag shave kana rin, makapal na masyado ang balbas mo.” Pagpuna pa sa akin ni Aries.
Damit pa ni tatang ang suot ko na bukod sa may kalumaan na naninigas narin dahil sa tubig alat. Hindi narin nga ako naka pag shave simula noong napadpad ako kay tatang.
Isang kotse nga ang nakaparada doon. Lumapit kami ni Aries. Doon pinakita sa akin ni Aries ang malaking bag nito na Puno ng damit at pantalon. May mga sapatos din doon.
Nagmistulang aparador ang likod na bahagi ng sasakyan sa dami ng damit na naroon.
“Ang dami mo pa lang gamit dito pare? Parang dinala mo na yata dito ang aparador mo ah.”
“Pang emergency lang pare, halika ipipili kita ng maisusuot mo. Pagkatapos nito aahitin natin iyang balbas mo. Sungay na lang kulang sa iyo mukha ka ng kambing.”
Si Aries ang nag ahit sa akin,gamit ang electric razor nito. Hinayaan ko lang ito sa gusto niyang gawin sa akin. Sa pag aayos sa akin siyempre.
“Hayan mukha kanang tao ulit pare, ang pogi mo na” ang sabi ni Aries nang matapos akong maahitan.
Na miss ko tuloy ang dati kong mukha. Natuwa ako at muli kong nasilayan ang akin kong gandang lalake.
“Hubad na kana pare” nabigla ako nang pinahubad ako ni Aries. Kinabahan ako sa sinabi nito.
“Huwag ka ngang ganyan pare, hindi kita aanuhin nuh,. Maghubad kana diyan para isuot itong damit na napili ko sa iyo.” Agad na depensa ni Aries
Tatalikod pa sana ako para mag hubad nang tinulungan na ako ni Aries , inangat nito ang t-shirt na suot ko. Hindi naman ako tumutol at itinaas ng kusa ang mga kamay ko.
Nagtama ang tingin namin. Hindi ko alam bakit ganun. Habang naka titig ako sa mga mata ni Aries parang kinakausap niya ako. Hindi ko maalis ang pagkakatitig ko sa kanya. At bigla ko na lang siya hinalikan sa kanyang bibig. Napapikit ako habang ginagawa ko iyon sa kanya. Ramdam ko ang init ng hininga ni Aries na tumawid mula sa bibig ko. Pati ang pagtanggap nito sa halik ko.
Naging masuyo ang halikan namin ni Aries, napabitaw lang kami nang muntik na kaming matumbang dalawa. Nagka ilangan kaming dalawa. Natauhan din ako sa aking ginawa. Nag sorry ako. Umiwas si Aries sa akin at inabot na lang sa akin ang damit.
Lumayo ito sa akin at tumalikod. Ako naman mabilisang nag palit ng damit. Nang matapos ako, muling lumapit si Aries sa kanyang kotse, at kinuha doon ang isang pares ng sapatos at inabot sa akin.
“Suot mo ito pare, para bumagay sa iyo ang porma mo” at bahagyang ngumiti sa akin, tumugon din ako ng ngiti sa kanya at kinuha ang bigay nitong sapatos.
Handa na akong umalis, lumapit ako kay Aries at nag pasalamat. Pahakbang na ako nang bigla na lang akong hinalikan ng mabilisan ni Aries sa labi. Natigilan ako.
“Ingat ka doon, paalam pare.” Ang huli nitong sabi at tumalikod na ito sa akin. Hindi ko na sinundan pabalik si Aries, napako ako sa kinatatayuan ko. Malayo na ito sa akin nang namalayan kong papaalis na ito.
“Ma mimis kita pare, mag ingat ka din! Babalik ako. Babalikan kita!” Ang tanging sigaw ko na lang sa kanya.
Iniwanan din ako ni Aries ng pera na magagamit sa aking pag balik. Nasabi narin nito sa akin ang mga gagawin ko para makarating ng Pier.
Pagkalabas ko ng highway agad nag para ako ng masasakyan. Isang truck ng soft drinks ang pinakiusapan ko para sakyan.
Gabi na nang narating ko ang Pier papuntang Guimahol. Apat na Oras ang paglalayag bago marating ko ang Pier ng Guimahol. Mula doon dumeritso ako sa bahay ni Adreane.
Nasa tapat ako ng kanilang bahay, hindi ko noon alam kung ano ang una kong gagawin. Hindi ko rin alam kung ano ang madadatnan ko doon. Patawid na ako nang may dumating na kotse at pumarada sa tapat ng kanilang bahay.
Agad bumukas ang kanilang gate at nakita kong lumabas doon si Adreane. Hindi ko maaninag ang sakay ng kotse. Sumakay doon si Adreane.
Nagtago ako sa may poste nang dumaan sa harapan ko ang kotse na sinakyan nito. Nakita ko ang kasama niya doon. Nagulat ako. Tila dinukot ang puso ko sa aking nakita. Kasama nito sa front seat ang ex nitong si Kyle.
Hindi na ako tumagal doon at umuwi na sa amin. Laking tuwa nila nang makita ako, Lalo na si papa. Humingi ako nang tawad sa kanila sa lahat ng nagawa ko at naidulot kong problema sa kanila.
Isang linggo din akong nagkulong muna sa bahay at hindi pinaalam sa mga kaibigan ko ang muli kong pagbalik. At sa loob ng isang linggong iyon hindi ko na alala si Adreane kundi si Aries. Kada pikit ko ng mata, mukha ni Aries ang nakikita ko.
Nag aayos ako noon ng kulungan ng aso namin nang tinawag ako ni papa.
“Lumabas ka muna doon may mga nag hihintay sa iyo sa labas.” Sabi ng aking ama. Agad naman ako nag ayos para tingnan kung sino ang naroon.
Nandoon ang mga band mates ko. Sina Bong, Alter , Kiko at Blue. Naging masaya ang muli naming pagkikita.
“Meron pang gustong makikiblita sa iyo, nasa labas. Nahihiya daw siyang pumasok.” Bulong sa akin ni Bong.
Pagkalabas ko ng gate, sinalubong ako ni Adreane ng yakap. Humagulgol itong nakayakap sa akin at humihingi ng sorry. Napayakap na rin ako at nag sorry.
Matagal ang pag uusap namin hanggang sa naitanong ko sa kanya ang tungkol sa nakita ko.
“Una kitang pinuntahan,pero nakita kita na kasama si Kyle magkatabi kayo sa kanyang kotse.”
Hindi naka sagot agad si Adreane. Pero base sa kanyang mga galaw mukhang alam ko na ang sagot.
“Nagkakamali ka sa iniisip mo sa amin ni Kyle. Noong araw na nakita mo kami, sinamahan ko lang siya noon sa kanyang kapatid sa hospital, naaksidente si Karryle nun. At kasal na si Kyle. Sumama lang ako sa kanya dahil kay Karryle.” Nakahinga ako sa paliwanag na iyon ni Adreane sa akin.
“Ibig ba niyan sabihin may chance pa tayo?”
“Ako ang dapat mag tanong niyan sa iyo baby, maari bang humingi ng second chance?” Tila bumalik ang sigla sa aking dugo nang marinig ko iyon kay Adreane. Niyakap ko siya at sa araw ding iyon naging kami ulit.
Bumalik na din ako sa pag babanda. Pero this time alam ko na kung paano I balance ang lahat. At kung ano ang priority ko. Naging masinup na rin ako sa aking mga kinikita. Na Kilala narin ako bilang kumposetor ng mga kanta sa ilang mga sikat na mang aawit.
Minsan isang araw naisipan kong pumunta sa lugar kung saan dati kong tinangkang tapusin ang buhay ko. Hindi ko alam bakit bigla ko na lang naisipan iyon. Bumaba ako sa may batuhan at naupo doon. Naka tingin lang ako sa dagat, Dumaan sa alaala ko sina tatang at Aries.
Muling bumalik sa alaala ko ang tagpong nangyari sa amin ni Aries, at napangiti na lang ako.
“Kapag na miss mo kami tumingin ka lang sa dagat at isigaw mo lang pangalan namin, maririnig kana namin dito” naalala ko lang ang sabi sa akin ni Aries. At ginawa ko talaga iyon. Isinigaw ko ang kanilang pangalan habang nakaharap sa dagat.
Nabigla ako nang bigla na lang lumaki ang mga alon. At lumakas ang hangin. Sunod sunod ang pag dating ng malalaking alon sa deriksiyon ko. Mabilis akong umatras at umakyat sa mataas na bahagi ng batuhan para hindi abutin ng malalaking alon.
Natakot na ako nang tila inaabot talaga ako ng mga alon. Kung anong taas ko, ganun din ang pagtaas ng mga alon. Kinabahan na ako. Tila may mga buhay ang alon at tinatangka akong hablutin at hilain pa punta sa dagat.
Umakyat ako sa pinaka mataas pa. At doon mas lalong tumaas at lumaki pa ng husto ang alon. Lumampas na ito sa taas ko. Natulala ako at natakot. Patakbo na ako paalis sa lugar na iyon nang bumagsak ang alon sa akin.
Natumba ako sa lakas ng pag bagsak sa akin ng alon. Basang basa ako dahil doon. Kinabahan ako sa nangyaring kababalaghan sa akin. Agad akong tumayo para lisanin na roon nang may napansin ako sa paligid ko.
May mga naka kalat na tila holen na kulay puti sa aking kinatatayuan napakarami. Pinulot ko ang isa sa mga iyon at nagulat ako, mga perlas ang nagkalat na iyon.
Palinga linga ako sa aking paligid, agad ko pinulot lahat ng naroon. Hinubad ko ang aking polo at doon inilagay ang mga iyon. Lubang napa ka rami ng mga iyon.
Napatingin muli ako sa dagat at muli na itong tumahimik. Naalala ko bigla ang mga lamang dagat at mga isdang araw-araw na mayroon si tatang. At ang sinasabi nitong bigay lahat iyon ng mga kataw sa kanya.
Napatingin pa ako sa dagat, at napatigil ako sa aking nakita. Hindi ako nagkakamali sa pagkakataong ito. Isang buntot ng napakalaking isda ang nakita kong umahon sa dagat. At naalala ko pa iyon din ang nakita ko noon sa Kubo ni tatang.
Mabilis iyon nag laho sa may dagat.
“Totoo ang mga kataw, …maraming salamat dito!” Ang sigaw ko sa dagat. Binigyan ako ng dagat ng napaka Mahal na regalo.
Bumalik ako sa bahay at agad na nag ligpit ng mga gamit ko. Naisipan kong dalawin nang mga Oras na iyon sina tatang at Aries.
“Hello baby, mag bihis ka susunduin kita diyan. May pupuntahan tayo. Pupuntahan natin ang taong tumulong sa akin.” Nang araw ding iyon sinundo ko si Adreane. At agad din kami nag biyahe papuntang Cebuclod.
Gabi na nang marating namin ang Cebuclod, nag stay muna kami sa isang hotel malapit lang sa main road.
“Sino ba ang pinunta natin dito? Bakit biglaan naman yata?” Tanong sa akin Adreane.
“Sina tatang at Aries, sila ang pupuntahan natin. And you know what, maniwala kaman sa hindi isang kataw ang asawa ni tatang.”
“Kataw? Totoo ba iyon? Eh kuwentong alamat lang ang tungkol sa kanila diba?”
Ipinakita ko kay Adreane ang tatlong piraso ng perlas mula sa mga napulot ko. “Nakita mo ito, bigay ito sa akin ng mga kataw, at ako mismo kitang kita ko. Totoo sila.”
“ Mga perlas ito ah at ang lalaki pa, seryuso? Nakakita kana ng kataw?“
“Hindi ako sigurado kung kataw nga iyon, pero nakakita ako ng napakalaking buntot ng isda na umahon sa dagat. At never pa ako nakakita ng isda na may ganun kalaking buntot. At ito, ang mga perlas na ito,bigla na lang lumapit sa akin.” Kuwento ko pa kay Adreane.
Alam Kong hindi na niniwala si Adreane sa akin. Pero para sa akin totoo ang kuwento ni tatang. At iyon ang pakay ko kay tatang.
Kinabukasan noon, excited akong puntahan na sila sa Dapdap.
“Anong lugar ito baby? Part pa ba ito ng siyudad? Mukhang kagubatan na yata ito.” Agad na reklamo na ni Adreane.
“Nasa labasan palang tayo, hintayin mo mas ma su-surprise kapa kapag narating na natin ang mismong daanan papasok ng Dapdap.
“Wait baby, kaninong sasakyan iyan?”
Napansin ni Adreane ang sasakyan na nakaparada doon. Kotse iyon ni Aries. Lumapit kami doon. Nanlumo ako sa ayos ng kotse, putikan na ito at ginapangan na ng mga damong ligaw. “Kay Aries ito, pero bakit naging ganito ito. Mukhang napabayaan na. Nilumot na ang katawan nito oh.”
“Sayang naman ang kotse na ito, mamahalin kaya ito. Baby bakit kaya pinabayaan na lang niya ito dito?”
Sa totoo lang kinabahan ako. Kung ano ano ang naiisip ko na nangyari kay Aries. Nagmadali kami ni Adreane.
At mas nanglumo ako sa aking natuklasan doon. Maging ang Kubo ni tatang parang napabayaan na, may mga damu narin sa loob nito. Sira sira na Ang ibat ibang parte ng kubo. At wala na roon si tatang maging si Aries.
Hinanap ko sila sa paligid ngunit bigo akong makita sila. Tinungo ko ang batuhan kung saan naroon palagi si tatang, ngunit wala rin iyon doon.
Tinawag ko ang mga pangalan nila habang naka harap sa dagat. At sa bawat sigaw ko ang pag sagot sa akin ng malalaking alon na humahampas sa batuhan kung saan naroon ako.
“Baby para yata sa iyo ito” lumapit sa akin si Adreane tangan ang isang nakatiklop na papel.
“Nakita ko iyan , sa mesa doon sa Kubo, napatungan ng kabibe. Nakita ko na nakasulat diyan ang pangalan mo. “
Binasa ko ang laman ng sulat. At galing iyon kay Aries. At ayon doon wala na si tatang, umalis na rin si Aries at bumalik na sa bahay nito. Ngunit ang pinagtataka ko, kung umalis si Aries at bumalik sa kanila, bakit niya iniwan ang kanyang kotse.
Nagdulot iyon ng palaisipan sa akin. Hindi rin malinaw sa akin kung ano dahilan ng pagkawala ni tatang.
Hindi iyon Ang huli kong pagbalik sa Dapdap.
Lumipas ang ilang araw at buwan matapos ako bumalik ng Dapdap. Simula noon ginulo na nang lugar ang katahimikan ng aking isip.
Gabi noon nang maisipan kong buksan at tingnan ang kahon na pinaglagyan ko ng mga nakita kong perlas. Isang pag papasya ang nabuo sa akin. Gamit ang mga iyon isang Plano ang aking sinimulan.
“Seryuso ka na bang mag quit sa pag babanda? Paano na Ang career mo niyan?” Pag alala sa akin ni Adreane dahil sa biglaan kong desisyon.
“Ang pagbabanda lang naman ang iiwan ko. Tuloy parin naman ang pagiging kompositor ko. Hindi ko rin naman pababayaan ang studio. Business na natin iyon. At itong gagawin ko for the future din natin ito.” Paliwanag ko sa kanya.
Naging supportive na partner si Adreane sa akin. Tingin ko noon, siya na ang perfect na babae na makakasama ko sa habang buhay. Dahil kay Adreane naging mas masipag at naging mas mature ang mga desisyon ko sa buhay.
Tinuloy ko ang Plano ko, sa akalang suportado parin ako ni Adreane. Bumalik ako sa Cebuclod na hindi kasama si Adreane. Binalikan ko ang Dapdap at sa tulong ng lokal na government doon nabili ko ang buong bahagi ng Dapdap. At doon nagpatayo ako ng rest house, nagbukas ng maliit na bar at cafe , floating restaurant at inn.
Binuhay ko ang dating Patay na lugar ng Dapdap. At hindi naman ako nabigo sa aking Plano. Sa maikling panahon muling nakilala ang Dapdap sa buong Cebuclod at karatig na mga bayan. Ngunit higit pa doon ang pinaka ugat na dahilan kung bakit ko ginawa iyon. Nais kong makarating ang lahat ng ito kay Aries. Dahil sabi ko, kung totoong taga doon si Aries malamang malalaman niya ang ginawa ko sa Dapdap.
“Hi babe, kamusta ka na diyan. Mukhang madalang ka nang tumatawag sa akin ah? Why not pumunta ka rito. Nang makita mo ang panibago nating baby. You know what babe ang saya saya dito sa Dapdap. Successful ang mga Plano ko. Kailan ka ba muling dadalaw dito?” Simula nang sinimulan ko ang pag develop ng Dapdap, madalang na ako nakaka uwi ng Guimahol. Hindi rin kami madalas nag kakasama ni Adreane. Sa loob ng dalawang taon buo ang tiwala ko sa kanya. Ganun din naman siya sa akin.
“Naku babe, busy din masyado dito sa studio. Hayaan mo maybe next month. Dadalawin kita diyan. Ingat ka. Sige na babe ,Mahal na itong long-distance call natin. Tatawagan na lang kita. I love you.” Ganun madalas ang usapan namin dalawa, madalas nagmamadali. Hindi ko rin naman masisi si Adreane, mas madalas kasi kasi ako dito sa Dapdap.
Martes nang Gabi noon, habang nag lalakad lakad ako sa dalampasigan isang lalake ang napansin kong nakatingin sa may batuhan. Lumapit ako at nag simula siyang kausapin.
“Mawalang galang na sir, guest ka ba dito?” Pag bati ko.
“Ah eh oo, bakit?” Sagot nito
“Ako nga pala si Jim, may ari dito ng Dapdap.” Sabi ko
“Sorry, magandang gabi sir…Lance nga pala” at nakipag kamay sa akin si Lance. Nakipag kamay narin ako sa kanya.
“Napansin ko kanina , subrang titig na titig ka sa may batuhan. May na. Pansin ka ba?” Tanong ko.
Nagka kuwentuhan kaming dalawa habang naglalakad-lakad.
“Nang malaman ko na muling binuksan ang Dapdap, agad akong pumunta dito. Dati ko nang sinumpa ang lugar na ito noon. Kinuha ng lugar na ito ang mag Ina ko.” Kuwento pa ni Lance. Inilahad niya sa akin ang dahilan kung bakit.
“Naniniwala ka ba sa mga kataw?” Tanong nito sa akin.
Hindi ko alam kung mag o-oo ba ako o hindi, dahil sa totoo lang hindi pa naman ako sigurado kung totoo nga sila.
“Bakit naman?” Tanong ko
“Isang kataw ang asawa ko at ang anak ko. At dito ko nakilala noon ang asawa ko. Sabi ng mga matatanda ang lugar na ito ay pag mamayari ng mga kataw, ito ang nag sisilbi nilang tulay mula sa mundo nila patungo sa mundo natin.” Dagdag pa ni Lance
“Alam mo parang narinig ko na Ang kuwento mong iyan. Dati kasi may nakilala akong matanda dito, tulad mo kataw din daw ang asawa niya. Pero wala na siya. Ang naalala ko lang, madalas niya sinasabi na susunduin siya ng kanyang mag Ina.” Sabi ko.
“Iyon din ang paniniwala ko noong una, at diyan sa batuhan na iyan, madalas ako nakatayo riyan, hinihintay ang mag iina ko. Ngunit lumipas lang ang mga taon hindi na sila bumalik. Napagkamalan pa akong baliw ng mga nakakita sa akin. Hanggang sa tuluyan nang naisara sa publiko ang Dapdap.” Sabi pa ni Lance.
“So galit ka rin sa mga kataw?” Tanong ko.
“Hindi ako galit sa kanila, sa totoo lang Masaya ako sa pag bukas mo nitong Dapdap. Muling nabuhay ang pag asa kong makasama muli ang mag Ina ko. At hindi lang ako ang binigyan mo nang pag asa. Pati sila.”
Nagulat ako nang ituro sa akin ni Lance ang Ilan pa sa mga guests sa Dapdap na naka tayo din sa dalampasigan at lahat naka masid sa dagat na tila may hinihintay.
Doon ko napag tanto na Ang mga bisita ko at mga dumadayo sa Dapdap ay may kaparehong kuwento ni Tatang at Lance. Lahat sila nagbabakasakaling makakasama muli ang kanilang mga kapareha na nakatira sa dagat. Na kung tawagin nilang mga kataw.
Napuno nang mga hilira ng tao ang dalampasigan. Kasama na naroon si Lance. Nasa malapit lang ako at naka masid sa kanila.
Malinis at maliwalas ang kalangitan nang gabing iyon, maliwanag ang buwan at Puno ng mga bituin ang kalangitan. Ngunit sa di maipaliwanag na pangyayari , biglang naipon ang makakapal na ulap at tinakpan ang liwanag ng buwan. Nag simula naring lumakas ang hangin. Maging ang mga alon sa dagat tila nag uumpugan at nag hihimagsik.
Humingi na ako nang tulong sa aking mga security at personnel para pigilan ang mga tao na lumapit pa sa dalampasigan. Ngunit hindi maawat ang mga tao, at mas Lalo pa ang mga itong nanabik sa dagat. Walang nagawa ang sigaw ko para pigilan sila.
Mas lumakas pa ang hangin sa Oras na iyon. At kitang kita ng dalawa kong mata ang tagpong hinding hindi ko makakalimutan. Isang tagpo na nagpabago sa aking paniniwala tungkol sa mga naririnig kong kuwento.
Biglang tumaas ang lebel ng tubig, hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig. Umabot iyon hanggang beywang. Doon napansin ko ang mga tao na naroon, parang na hipnotismo at wala sa kanilang mga sarili. Naririnig ko na lang ang kanilang mga binibigkas na salita. Ibang linggwahe ang lumalabas sa kanila. Umalingawngaw ang tila pakanta nilang bigkas.
Kinilabutan ako sa aking nakita. Maging ang mga kasamahan kong naroon natakot at tumakbo palayo.
At mula sa dagat ,lumitaw ang mga nilalang na hindi katulad sa atin. Napakarami nila na halos mapuno ang sakop ng dagat. Napatakbo ako sa takot. Pumasok ako sa aking rest house. At doon nag lock ng pinto at mga bintana.
Mula sa aking bintana sumilip ako at tumingin doon ngunit wala na akong maaninag sa daku ng dalampasigan. Nabalot na ito nang tila makakapal na usok na tila tinakpan ang kabuohan ng dagat. Kinilabutan ako, subrang takot. Kinakabahan ako sa mga Oras na iyon. Hindi ko alam kung ang gagawin.
Malinaw sa akin ang mga kakaibang nilalang na naroon sa dagat. Kawangis din sila ng tao, ngunit ang kanilang mga mata kasing bilog ng mga bumbilya at subrang itim, wala silang mga ilong na katulad sa tao. Ang tutulis ng kanilang mga tenga at may tila hasang sa kanilang tagiliran.
Makaraan ang ilang minuto, tumahimik ang paligid wala na Ang ingay ng malalakas na hangin. Maging ang mga hampas ng alon. Hindi ko na marinig. Muli akong sumilip sa aking bintana. Wala na Ang makapal na usok sa dalampasigan.
Agad akong lumabas, bagamat may takot at kaba.
Muling umaliwalas ang kalangitan, at maliwanag na muli ang paligid dahil sa bilog na buwan. Napadako ang pansin ko sa dalampasigan.
Napahawak na lang ako sa aking ulo, sa aking nakita.
Wala na roon ang mga tao, wala naroon maging ang kanilang mga bakas. Tahimik na muli ang dalampasigan. Naglaho narin ang mga nilalang kasama ang mga tao.
Hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang mga nangyari sa mga magtatanong sa akin kung saan na punta ang mga tao.
Matagal akong hindi pinatulog ng pangyayaring iyon. Inisip kong panaginip lang lahat iyon. Isang masamang bangungot.
Kinabukasan noon isang patrol car ng pulis ang bumisita sa akin. Dahil sa sumbong ng aking mga tauhan sa kapulisan.
“Ano Po ba ang problema chief?” Pagsalubong ko sa isang pulis.
“Nakatanggap kami nang sumbong na may nangyayari daw dito kagabing kakaiba?” Sabi nito.
“Anong ibig niyong sabihin? Sino ba ang mga nagsumbong sa inyo sir?” Tanong ko.
“Mga tauhan mo dito, sa takot nga hindi na sumama sa amin. Ano ba talaga nangyari dito? “ Usisa pa ng pulis
“Alam mo sir hindi ko alam ang sinasabi mo, pero kung gusto niyo. Maari kayong mag ikot ikot dito. Pero sinisiguro ko walang nangyari dito kagabi. At marahil nakainum na naman ang mga tauhan Kong iyon at kung ano ano na naman ang pinag ti-tripan ng mga iyon.” Sabi ko.
Wala namang nakitang kahina-hinala ang pulis sa Dapdap kaya pinaniwalaan nila ang sabi ko. Nang maka alis ang mga pulis doon pa lang ako nahimasmasan hindi lang pala iyon isang panaginip.
Halos binulabog noon ang aking sestima, hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang negosyo ko sa Dapdap. Hindi ko na alam kung ang mga pumupunta pa doon ay mga ordinaryong guest pa o katulad din ng mga dati.
Isang araw habang nag mumuni muni ako sa aking balkonahe at nakatingin sa dagat isang pamilyar na mukha ang napansin kong nakatingin sa akin.
Napangiti ako nang makita ko si Aries, nakangiti ito sa akin at pakaway kaway.
Mabilis pa sa alas kwatro kung babain ko si Aries, hindi ko maintindihan ang pananabik kong naramdaman nang makita si Aries. Subrang galak ko na napayakap ako sa kanya.
“Na miss mo ba ako pare?, higpit naman masyado nang pagkakayakap mo.”
“Naku sorry pare, hindi ko sinasadya.” Nahiya ako sa ikinilos ko kay Aries. Hindi ko alam bakit nagawa ko iyon.
“Mukhang umasenso ka na ah, ibang iba na Ang Dapdap sa dati. Buti naman at naisipan mo bumalik dito.” - Aries
“Sinuwerte lang pare, alam mo marami tayong dapat pagkakuwentuhan. Ang tagal mo kasing hindi nagparamdam. Halika doon tayo sa taas mag kape ka muna.” Inalok ko si Aries sa rest house ko. At doon marami kaming napag usapan.
“Ano ba ang nangyari kay tatang noon?, at noong bumalik ako dito, nakita ko ang kotse mo, binalot na ng mga damu at lumot. Ano ba ang nangyari?” Tanong ko.
“Natagpuan ko na lang si Lolo sa kanyang Kubo na wala ng buhay. Siguro dahil narin sa depression. At tungkol naman doon sa kotse ko, nawalan na kasi iyon ng gas, hirap narin iyon ilabas dito kaya iniwan ko na lang. Tiwala naman ako na safe iyon doon.” Kuwento pa ni Aries.
“Bakit ang tagal mo namang nagpakita muli sa akin, may taon narin itong pagbubukas ko ng Dapdap. Hindi mo man lang ba ito nabalitaan?” Sabi ko.
“Matagal ko nang gusto pumunta dito kaso, medyo na busy lang masyado. Ikaw ba, kamusta na kayo ng girlfriend mo? Kinasal na ba kayo?”_Aries
Hindi ko na sagot si Aries, bakit nga ba hindi ko pa naisipang alokin ng kasal si Adreane.
Marami pa kaming napag usapan ni Aries, hanggang sa na open ko sa kanya ang tungkol sa naranasan ko at nasaksihan minsan sa dalampasigan ng Dapdap.
-Nag kita na muli sina Aries at Jim. Sa kanilang pagkikita ano kaya ang magiging epekto nito sa kuwento ni Jim, bakit nga ba hindi pa niya pinapakasalan si Adreane?. -
Happenings
Ilang araw ding nanatili doon sa akin si Aries, ilang araw lang ngunit parang ang tagal tagal na. Naging mas malapit pa kami sa isa’t isa. Naging mas nakakagana nang gumising sa umaga. Pinanabikan ko ang bawat umagang binabati niya ako ng good morning. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Masaya ako kapag nakikita ko si Aries. Ni hindi ko na iniisip o hinahanap si Adreane.
Wala na akong paki alam kung tatawagan pa ba ako o hindi ng girlfriend ko. Ang sa akin lang Masaya ako at magaan ang Mundo ko kasama si Aries.
“Breakfast is serve, pag pasensiyahan mo na ito pare, ito lang ang kinaya ng talento ko sa pag luto.”
“Ang laki namang isda ito pare, saan ito galing? At ano kaba hindi mo na kailangan pang gawin ito. Nakakahiya naman sa iyo. Ako dapat nag aasikaso sa iyo kasi bisita kita dito.” Sabi ko. Nang araw na iyon nagulat ako at pinaghandaan ako ni Aries ng almusal. Isang inihaw na isdang Pampano na pinalamanan ng ginayat na kamatis, bawang ,sibuyas at lemon grass sa loob. Sinangag na may maraming bawang at mainit na tsokolate.
“May dumaan dito kanina,tauhan mo raw, may mga dalang isda at hinahanap ka. Kaso tulog kapa. Kinuha ko na lang. At naisipan kong ipagluto kita. Kahit dito man lang makapag pasalamat ako sa iyo sa palibre mong upa sa akin dito ng ilang araw.” Sabi ni Aries habang inaayos ang mesa. Nakangiti lang ako habang pinag mamasdan si Aries.
“Kahit magtagal ka pa dito nang ilang linggo pa , o kung gusto mo mag stay ka muna dito hanggat gusto. Walang kaso sa akin pare. Ito parin naman ang dating Kubo ni tatang na minsan na nating naging tahanan. Medyo mas pinalaki ko lang at inayos ng konti. Welcome ka lagi dito pare.” Tugon ko.
“Gugustuhin ko mang mas magtagal dito, mukhang malabong mangyari iyon pare, may mga bagay din akong naiwan sa akin. Hayaan mo, kapag free time ko dadalasan ko na lang ang pag punta dito.”
“Saan nga ba ang sa inyo pare? Nang madalaw naman kita sa inyo. Saan kaba dito sa Cebuclod?” Tanong ko.
Batid Kong ayaw talaga ipaalam ni Aries kung Taga saan ito. Pautal utal itong sumagot at nililihis ang aking tanong. Doon na ako nagka interes pa nang husto sa pagkatao ni Aries, ang kanyang pagiging misteryuso ang nag udyok sa akin para sundan ito at manmanan.
Gabi noon at kabilugan na naman ng buwan. Huling araw ni Aries sa pag stay doon.
“Hindi ba makatulog pare? Pang ilang tagay na iyan ah.” Pansin ni Aries , habang papalapit sa akin. Ang gandang lalake talaga ni Aries. Hindi nakakasawang titigan. Maging ako sa sarili ko kinokwestiyon ko na Ang pagiging lalake ko, dahil sa pagkamangha sa kanya. Ramdam ko na Ang init ng iniinum Kong alak sa aking katawan.
“Inum tayo pare, pampainit lang, masyadong malamig Ang Gabi ngayon. “ Pag Alok ko.
“Salamat na lang pare, hindi kasi ako umi-inum ng alak. Sasamahan na lang kita.”
“Nagkaka girlfriend ka na rin ba pare?” Deretsahan kong tanong.
Napailing lang ito at napangiti sabay sagot ng “hindi”.
“Boyfriend?” Tanong ko muli.
Ngunit tulad ng pauna nitong tugon, ngumiti lang ito sa akin. Nahiya naman ako sa huli kong tanong sa kanya.“pasensiya na pare, na curious lang talaga ako sa iyo. Ang perfect mo, pero wala ka pang love life.”
“Minsan ko nang naramdaman ang mag Mahal pare, pero mahirap makipag talo sa tadhana kung magkabilang Mundo ang aming ginagalawan. At tingin ko naman Masaya siya sa piling ng kanyang Mahal.” Naka ngiti parin ito ngunit bakas ang lungkot sa kanyang binibitawang salita.
“Ibig sabihin may ibang Mahal ang taong Mahal mo? Masakit nga iyan pare. Alam ba niya na Mahal mo siya?”
“Hindi na mahala kung malaman niya man o hindi. Masaya na akong nakikita siyang Masaya, at sapat na sa akin ang mahalin siya mula sa malayo.”
Pansin ko ang lungkot sa mga mata ni Aries, nakaramdam din ako nang panghihinayang sa kanyang sinabi. Hindi ko rin maintindihan kung bakit. Nilapitan ko si Aries at inakbayan.
“Hayaan mo pare, malay mo, may nakalaan talagang tao para sa iyo. Hindi natin alam baka nasa paligid lang siya, at hinihintay lang na mapansin mo.”
Nagkatitigan kaming dalawa. Napalunok ako ng laway ng makita sa malapitan ang mukha ni Aries, nakakatunaw ng puso ang mga titig nito. Bumbaon ang mga titig nito sa bawat hibla ng mga ugat ko. May naramdaman akong kakaiba sa katawan ko.
Hindi ko napigil ang sarili ko at hinalikan ko sa labi si Aries, sa puntong iyon bumalik sa akin ang unang tagpong nangyari sa aming ni Aries noong araw na nagkahiwalay kami. At muli naramdaman ko ang malambot na labi ni Aries.
Hindi ko alam kong dulot parin iyon ng alak, pero naging marahas ako kay Aries, hindi ako bumitaw sa paghalik sa kanya. Lalo pa noong naramdaman ko ang unti unting pag tugon ni Aries sa ginawa ko sa kanya.
Naging maalab ang halikan namin ni Aries. Nagpatuloy ang halikan namin hanggang sa aking kama. Hindi ko lubos maisip kung bakit umabot kami sa ganun.
Biglaan ang lahat ng pangyayari. First time ko iyon sa kapwa ko lalake, at hindi ko ini expect na maging ganun ka passionate ang tagpo sa pagitan namin ni Aries. Ang gaan sa pakiramdam habang kalampungan ko si Aries, para kaming nasa dagat at nag papa anod sa mga hampas ng alon.
Nawala na sa isip ko ang aming kasarian, tanging nangibabaw sa amin Ang kagustuhang makalampas sa sukdulan ng kaganapan. Ang bawat pagkiskisan ng aming mga balat, at ang pag dampi ng mga binti namin sa isa’t isa ay nag dudulot ng matinding kuryente na nagpapakislot sa aming pag aari.
Kakaibang sensasyon ang gumagapang sa kapwa hubad naming katawan. Walang ni isa man sa amin Ang balak na kumalas sa pagkakalingkis sa isa’t isa. Hanggang sa nanigas ang aming mga hita at binti. Sabay kami nagpakawala ng init sa katawan. Ramdam namin ang pag agos ng mainit na dagta dulot ng matinding pag pupulot.
Magkayakap kami ni Aries sa ibabaw ng aking kama, hapong hapo at nakikiramdam sa isa’t isa.
Unang kumalas si Aries, bumangon ito at naupo sa gilid ng kama. Sumunod ako. Magkatalikod kaming dalawa, na tila hiyang hiya sa ginawa namin sa isa’t isa.
Maging ako sa sarili ko hindi ko sukat akalain na magagawa ko iyon. Nakaramdam ako nang pandidiri sa sarili ko. Nagpaka baboy ako.
Hindi ko alam kung iyon din ba ang tingin ni Aries, tahimik lang ito.
“Pare,… Ok lang?” Mahina kong tanong. Hindi ako pinansin ni Aries, tumayo ito at lumabas ng kuwarto na hindi man lang nag suot ng ano mang saplot sa katawan. Tuloy tuloy lang itong lumabas.
Dali dali kong hinablot ang robe ko at pinantapis iyon sa katawan ko at sinundan si Aries. Nabahala ako baka may makakita sa kanyang iba na ganun ang ayos at kung ano ang iisipin sa kanya.
Walang lingon lingon si Aries, tila hindi nito naririnig ang mga pag tawag ko. Tuloy tuloy ito papuntang batuhan.
Kinabahan ako nang lumusong na sa tubig si Aries. Tila wala ito sa sarili at tuloy tuloy lang sa dagat. Bigla namang lumakas ang hampas ng mga alon at ang tataas pa nito na tila hina harangan akong makalapit kay Aries.
Lumusong parin ako sa tubig para saklulohan si Aries, ngunit laking gulat ko nang makita ko ang unti unting pagbabago ng anyo ni Aries, nagkaroon ito ng tila hasang sa kanyang tagiliran. Lumingon saglit sa akin, saka tumalon si Aries sa dagat. Naging Kataw si Aries sa harapan ko. Ang napakalapad nitong buntot na sa isda at ang bilogan nitong itim na mata. Isang Kataw si Aries.
Pa balik na ako, nang tumayo lampas sa akin ang isang alon. At sa isang iglap lang nilamon ako nun.
“Oy pare gising , bumangon ka nga diyan. Ano ginagawa mo dito sa may dalampasigan? At naka pang bathrobe kapa?”
Nagulat ako nang gisingin ako ni Aries, nagising na lang ako sa may buhanginan malapit sa dalampasigan. Naka robe. Napatingin ako kay Aries na may pagtatanong sa aking sarili. Nakatayo lang si Aries sa harapan ko at inaabot ang kamay nito sa akin.
“Ano ba ang nangyari pare, bakit dito ka natulog sa labas. Huli kitang nakita kagabi na umi-inum sa may balkonahe mo. Hinanap kita kanina nandito ka lang pala. Ano ba nangyari? Huwag mong sabihin na, tinangay ka na rin ng mga kataw?” -Aries
Gulong gulo ako sa mga nangyari. Hindi ko alam kung alin sa mga iyon Ang totoo at panaginip. Tulala lang ako na nakatitig kay Aries.
“Gwapong gwapo ka naman yata sa akin pare, nakakailang na Ang mga titig mo sa akin oh.”-Aries
“Pasensiya na pare, saan na nga ba tayo?”
“Bilisan mo na diyan at may bisita ka, nasa taas na si Adreane. Dinalaw ka ng girlfriend mo.”
“Si Adreane nandito?”
Nang araw na iyon dumating si Adreane,
Ewan ko ngunit tila nawala ang pananabik ko sa girlfriend ko. Nawala ang excitement ko na makita siya. Maraming naikuwento si Adreane sa akin ngunit ni isa man doon walang tumatak sa akin. Ginagambala parin Ang isip ko sa mga naranasan ko sa Dapdap.
“Gwapo pala iyang si Aries, for sure babe marami na iyang pina iyak na babae. At kaya siguro nandito iyan kasi nag tatago. Hey babe, are you with me? Kanina ko pa napapansin. Tulala ka. Masaya ka bang nandito ako? Ramdam ni Adreane ang pagka walang gana ko.
“Siyempre naman babe, happy ako. Medyo masama lang ang pakiramdam ko, hang over yata.” Ang sabi ko.
Kahit anong lambing sa akin ni Adreane mukhang walang talab sa akin.
“Nagkakilala na pala kayo ni Aries. “
“Oo babe, siya ang sumundo sa akin kanina sa may labasan.”
“Saan na nga pala siya?” Nang napansin kung wala na roon si Aries.
“Malamang naka alis na iyon, nang mag banyo ka kasi nag paalam siya na umuwi na. Hindi kana niya hinintay kasi nag mamadali siya.” Sabi ni Adreane.
Agad ako lumabas para habulin si Aries. Nag taka naman si Adreane sa kinikilos ko na tila hindi mapakali sa pag alis ni Aries.
Hinanap ko si Aries sa baba at sa paligid ng bahay, hindi ko maintindihan ang sarili bakit ganun na lang ang pinagkikilos ko. Iniwan ko si Adreane para lang hanapin si Aries. Napa dako ang tingin ko sa may batuhan.
Doon na sana ang tungo ko nang may tumawag sa akin.
Nang makita ko si Aries agad akong lumapit sa kanya at hinila ito sa gilid ng bahay. At doon bigla ko na lang siyang hinalikan sa labi.
Pilit na iniiwas ni Aries ang sarili ngunit naging mapilit ako.
“Ano ba ang ginagawa mo Jim?”
“Alam ko hindi ako nananaginip lang , alam ko totoo ang nakita ko.”
“Hindi kita maintindihan, at bakit mo ba ito ginagawa?”
“Sino ka ba talaga Aries? Ano ang ginawa mo sa akin?”
“Wala akong ginawa sa iyo, kaya puwede bago pa tayo makita dito ni Adreane.”
Iniwan ako ni Aries , tumalikod ito saka umalis. Naninibago ako sa sarili ko. Hindi ko alam bakit nagkakaganun ako sa kanya.
Lingid sa kaalaman ko, nakita lahat ni Adreane ang nangyari sa amin sa gilid ng bahay.
Hindi ko na inabutan si Aries nang umalis ito. Alam kong may mali sa mga nangyayari. Pero ni hindi ko maipaliwanag kung ano.
Pabalik na ako sa taas ng bahay, nang sinalubong ako ng sampal ni Adreane. Nabigla ako. Nangingilid ang mga luha nito sa mata, at gigil na gigil sa galit.
“Kelan pa?! Kelan?! Matagal na ba? Totoo nga bang nawala ka lang noon? O baka naman sinadya mo talagang magtago dito kasama ng lalake mo?! Kaya naman pala aligaga kang bumalik dito at pumermi na. Dahil nandito pala ang hinahanap mo. Ang tanga ko lang at naniwala agad sa kwento mong hayop ka.”
“Ano ba ang kasalanan ko babe, may nagawa ba ako sa iyong mali?”
“Huwag mo akong tatawaging babe,nasusuka ako. Bakit mo pa ako binalikan kung lalake rin naman pala ang gusto mo?! Ano? Para saktan ako? Para ipamukha sa akin na ako ang nang Iwan sa iyo noon at deserve ko na gaguhin nang ganito?! Ha ? Ganun ba?! Ok, congrats kasi nagtagumpay ka!”
Halos malusaw ako sa kinatatayuan ko sa mga sandaling iyon. Hindi ako makasagot kay Adreane. Hindi ko siya mapigil. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa bigat ng kanyang paratang.
“Nakita ko kayo, ang bababoy niyo. Hindi niyo man lang inisip na nandito ako. Na baka mahuli ko kayo sa mga landian niyo. O baka sinadya niyo talaga na doon gawin at ipakita sa akin. Masarap ba? Mas matamis ba ang laway niya? Mas magaling ba siya? “
“Babe sorry, let me explain.”
“Tigilan mo na ang pagtawag sakin ng babe, nasusuka ako. Magsama kayong dalawa mga bakla!”
Iyon ang huling araw na nakausap ko si Adreane. Agad itong nakipaghiwalay sa akin na hindi man lang pinakinggan nito ang paliwanag ko. Pero bakit nga ba ako mag papaliwanag?
Nawala si Aries at iniwan naman ako ni Adreane. Gulong gulo ako sa mga sandaling iyon. Minsan isang araw nagising na lang ako sa panibago na namang misteryong pangyayari sa Dapdap.
Nang araw na iyon nagulat na lang ako sa aking na diskubre, subrang tahimik ng buong paligid ng Dapdap. Wala doon ang lahat ng personnels ko. Walang tao sa aking floating resto, sarado ang aking bar at cafe , maging ang mga guest sa inn wala. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid.
Kagabi lang Puno pa ito ng mga ingay ng tao. Bakit ngayon tila inabandona na ang paligid. Kahit saan ko ibaling ang aking paningin wala talagang tao. Nag ikot ikot pa ako nang may napansin akong tao sa mga bangka malapit sa floating resto ko. Binilisan ko ang pag lakad para maabutan siya.
“Teka sandali!” Sigaw ko, at tumigil naman ito. Isa ito sa mga bangkero ko sa floating resto.
“Kuya, ano ba ang nangyayari? Bakit ang tahimik nasaan na ang mga tauhan dito? Ang mga guest?” Noong una hindi lang ako sinagot nito, at nakatingin lang sa akin. Ngunit naging matanong pa ako at makulit.
“Kuya,ano ba?… sagutin mo naman ako.”
“Katapusan ng ugsad ngayon. At naroon ang lahat para sa pagtitipon. Kung wala ka nang tanong, mauuna na ako.”
“Anong klaseng pagsagot iyan, hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang may ari ng lahat dito sa Dapdap, at empleyado ka lang dito. Ayusin mo ang tuno ng pananalita mo. At anong pag titipon? Ano ang ugsad?” Inis kong tanong.
“Marami ka pang hindi alam sa lugar na ito. Ikaw lang ang may ari ng mga bagay dito. Pero itong lugar na ito pagmamayari ng mas higit pa sa iyo.” At tinalikuran lang ako ng bangkero. Sumampa ito ng bangka at pina andar ito.
“Ang bastos nito ah…hoy hintay saan ka pupunta?!” Mabilis itong tumulak pa laot. Naisipan kong sundan ito. Gamit pa ang isang bangka sinundan ko ang bangkero.
Sa tagal ko na dito sa Dapdap, natuto narin ako gumamit ng bangka at mga bagay na pangkaraniwang ginagawa ng mga taong malapit sa dagat.
Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng bangkerong iyon. Sino kaya ang tinutukoy nitong mas higit pa sa akin.
Napansin ko na pinahihina na nito ang makina ng kanyang bangka kaya pinahinaan ko rin ang sa akin. Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala kami ng laot na halos hindi na tanaw mula doon ang dalampasigan ng Dapdap.
“Hindi magandang ediya ang pag sunod sa akin dito. Hindi ka kauri. Manganganib ka kung magpapatuloy ka pa. Kaya hanggat may Oras pa, bumalik kana ng Dapdap!” Biglang sigaw sa akin ng bangkero.
“Sabihin mo sana sa akin ang mga nangyayari. Ipaliwanag mo sa akin ang mga sinasabi mo!”
Hindi na ako sinagot nito. Matapos nito pinatay ang makina. Bigla na lang itong tumalon at sumisid sa dagat. Nagulat ako sa kanyang ginawa . Tumagal pa nang ilang minuto ngunit hindi na umahon ito. At nag tagal pa nang mas matagal na minuto.
Biglang lumakas ang hangin sa paligid na tila may unos, ganitong ganito ang lakas ng hangin noong lumitaw ang mga kataw. Maging ang mga alon ay lumakas ng mas malakas pa sa pangkaraniwan. Abot langit ang kaba ko sa pagkakataong iyon na any moment patataubin ng alon ang banka ko.
Agad ko pinagana muli ang makina ng bangka para makaalis na sana doon. Ngunit nag loko ito. Hindi gumana ang makina ng bangka ko.
Isang buhawi ang biglang lumitaw sa harapan ko at gumawa ito ng malaking daluyong sa tubig. Isang alimpuros ang unti unting humihigop ng bangka ko. Napasigaw ako ng saklolo kahit na alam ko wala namang malapit roon na makakatulong sa akin.
Maalala ko pa, tuluyang nilamon ako ng dagat kasama ang bangka ko. Subrang lakas ng puwersa ng tubig na tila hinihila ako nito sa pinaka ilalim. Kahit anong pilit kong tulak para maka ahon, nahihirapan ako. Kinakapos na ako noon ng hangin at subrang pagod na. Halos bumibigay na ako noon nang may parating na tumulong sa akin. Hindi pa ako tuluyang nawalan noon ng ulirat kaya malinaw sa akin kung sino iyon.
Nakita ko si Aries sa kanyang tunay na anyo. Napasambit ako ng kanyang pangalan kaya sa pagbuka ko ng bibig ko kalunok ako ng tubig at nahirapan ng makahinga.
Agad akong kinabig ni Aries at binigyan ako ng halik. Tila may ibinuga ito sa bibig ko. At naka hinga ako ng maayos. At maging ang pagsasalita sa ilalim ng tubig, nagawa ko.
Ramdam ko parin ang lakas ng current ng tubig sa ilalim. Hinihigop parin kami nito pailalim.
“Kumapit ka nang mahigpit sa akin, mapanganib na dito.” Utos ni Aries sa akin sa isang pag tulak nito. Mabilis kaming naka alis doon. Para kaming lumilipad pero sa ilalim ng dagat.
Ang bilis naman. At nang maka ahon kami nasa batuhan na kami ng Dapdap.
“Sabi ko na nga ba hindi ka isang panaginip, isa ka ngang kataw.” Sabi ko kay Aries na tila hindi gusto ang mga nangyayari.
“Hindi ka dapat naroon, paano kung napahamak ka? Paano kung nakasalubong mo sila? Paano kung pinatay ka nila?” Mga galit nitong tanong.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo mong pagkatao. Paano ka nagkakaroon ng mga paa? “ Tanong ko rin.
“Ngayong nalantad na sa iyo ang pagkatao ko. Ito na Ang huli nating pagkikita. May batas akong nilabag at kamatayan ang dulot nito sa iyo. Lisanin mo na ang Dapdap hanggat may panahon kapa.”
Hindi ko maintindihan si Aries. Mas nagulo pa nito ang isip ko. Pabalik na si Aries sa dagat nang pinigilan ko ito. Hinawakan ko ito sa kamay.
“Bitiwan mo ako Jim. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari kung pipilitin mo ako.”
“Ipaliwanag mo sa akin ang lahat. Ipa intindi mo sa akin ang mga nangyayari.”
Hindi ako matiis ni Aries at sa puntong iyon isiniwalat nito sa akin ang lahat.
Ayon pa kay Aries, labag sa kanilang batas ang makita sila ng mga tao sa kanilang anyo. At ang tao na nakakaalam ng kanilang sekreto at kanilang pinapaslang para ilihim sa lahat ang kanilang pag e- exist. Doon ko rin nalaman na Ang lahat pala na naroon sa Dapdap, kabilang sa mga tauhan at guests ko ay mga ka uri din nila na nagkakatawang tao para malayang makisalamuha sa lahat.
“Katulad ng mga nilalang na kung katawagin ninyo sa lupa na mga engkanto. Kaming mga kataw ay ganun din. Subrang naaaliw kami sa inyong mga tao, kung kaya gamit ang aming taglay na katangian, nakikihalubilo kami sa inyo para pag aralan ang tungkol sa inyo. Hanggang sa natuklasan namin na mas espesyal kayong nilalang kumpara sa amin. Dito na nagsimulang manirahan ng Ilan sa amin sa mundo niyo. Ngunit sadyang magka iba talaga ang Mundo natin. Salot ang tingin niyo sa amin dahilan na ipinagbabawal sa mga katulad namin ang magpakita ng totoo naming anyo.”
“Kung gayon, papatayin mo ako?” Kinabahan ako.
“Lisanin mo na ang Dapdap.”
“Papatayin mo rin ba ako?”
“Huling paalala , lisanin mo na Ang lugar na ito kung Mahal mo pa ang buhay mo.”
“Hindi mo kaya? Hindi mo kaya kasi may nararamdaman ka sa akin.” Sabi ko.
Tumalikod lang sa akin si Aries.
“Sabihin mo sa akin na tama ako. May nararamdaman ka rin sa akin. Sabihin mo.”
Isang masuyong halik sa aking bibig ang sinagot sa akin ni Aries. Sapat na iyon para kumpirmahin ang nararamdaman namin sa isa’t isa.
“Gawin mo rin akong isa sa inyo. Sasama na lang ako sa iyo.”
“Hindi namin ginagawang kataw ang mga tao. Tanging ang mga anak lang ng tao sa kataw ang nagiging kataw. Katulad ko. Isang tao ang aking Ina, at kataw naman ang aking ama. Kaya nagkakaroon kami ng mga buntot ng sa kataw kapag nasa dagat kami. At nag kakapaa naman kami kapag nasa lupa kami.”
“Akala ko ba, sinusundo niyo ang mga tao sa takdang panahon para gawing kauri niyo?”
“Tanging ang mga kalahating tao kalahating kataw lang ang itinuturing naming kauri. At ang nasaksihan mo noon, ang sinasabi mong pag sundo. Ay hindi gaya ng iniisip mo. Kada kabilugan ng buwan o ugsad, tinatawag ng mga kataw ang mga tao na naging karelasyon nila tinitipon, hindi para gawing kataw, kundi para gawing pagkain. Mga halimaw ang katulad kong kataw. Kaya noong binuksan mo uli ang Dapdap sa publiko, natuwa ang karamihan sa amin kasi marami na naman silang mabibiktima.”
“Ibig sabihin, isa rin ako sa mga biktima mo?”
“Iba ang pagtingin ko sa iyo. Simula noong niligtas kita noong nagpakamatay ka.”
Nagulat ako sa sinabi ni Aries,. Siya ang pala ang nag ligtas sa akin noon at nag dala sa akin sa Dapdap.
“Madalas ka noon sa lugar kung saan ka tumalon para gumawa ng iyong kanta. At naaliw ako sa iyo. Tagahanga mo ako sa iyong mga kanta. Hindi ko rin bakit naakit ako sa galing mo sa pag kanta. Palagay ko ako noon ang kinakantahan mo. Hanggang sa nangyari nga iyon. Nang nakasama kita at nakilala sa Dapdap, mas humanga ako sa iyo Lalo na sa pag alaga mo kay Lolo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mahulog sa iyo.”
“Paano nagkakagusto ang katulad mo sa katulad Kong lalake?”
“Dalawa ang kasarian naming mga kataw, at umaayon lang iyon sa gusto namin. Kaya namin magpalit ng kasarian depende sa mapupusuan namin. Kapag nahumaling ang kataw sa lalaking tao, nagiging babae ang kasarian nito at kapag sa babae naman, lalake ang nagiging kasarian namin. Ngunit sa katulad naming anak ng mga tao. Iisa lang ang kasariang meron kami. Pero nagbabago parin nararamdaman namin.”
Hindi parin malinaw sa akin lahat pero sapat na sa akin ang mga sinabi ni Aries. Sinunod ko ito, bumalik agad ako sa rest house upang mag ligpit ng gamit.
Ops ,ngayong nagka alaman na ang dalawa. Saan kaya hahantong ang mga pag aamin na ito ni Aries? Hanggang dito na muna mga kabrobars. Hinga muna. At susundan pa natin ang mga tagpo sa buhay ng dalawa.
Unwanted
Nagmadali ako sa aking rest house,at nag ligpit ng ilang mga gamit. Hindi ko alam kung bakit ako natataranta at nababahala. Hindi parin ako makapaniwala sa mga naranasan at nasaksihan ko sa araw na iyon. Ang noong mga eksena ay dati ko lang nababasa sa mga libro at napapanood sa pelikula. O di kaya naririnig sa mga kuwento ng mga matatanda.
Ngunit sa harapan ko mismo nangyari ang lahat. Totoo nga sila at hindi lang basta likha lang ng emahinasyon. At sa katauhan ni Aries, napatunayan ko na may mga kataw nga sa dagat.
Patapos na ako sa aking pag iimpaki nang muli ko narinig ang isang malakas na dagundong ng mga alon mula sa dalampasigan.
Napasilip ako sa bintana, at mula roon tanaw ko ang nangangalit na mga alon sa dagat na tila hinahalukay ang pinaka pusod nito. Unti unting natatakpan ng makakapal na usok ang paligid ng dalampasigan. At biglang kumulimlim ang kalangitan at paligid. Nagsimula na namang lumakas ang hangin.
Duble-duble na ang kaba ko sa mga Oras na iyon. At hindi alam kung ano ang gagawin ko.
Bigla na lang ako nakarinig ng mga kalabog mula sa pinto ng bahay sa baba. At pag tingin ko doon. Nasa tapat na ng bahay ang mga tauhan ko sa Dapdap. Nag kumpulan sila sa tapat ng aking pintuan at pinipilit na buksan ito.
Bitbit ang dala kong bag, tinungo ko ang likod na bahagi ng bahay at doon dumaan palabas ng Dapdap.
Walang lingon lingon. Tuloy lang ako sa pag takbo hanggang sa makarating ako sa mapunong bahagi ng Dapdap. Mula doon may kalayuan pa ang labasan pa highway.
Ngunit nakahinga na ako nang kaunti dahil malayo narin ako sa may dagat.
Biglang buhos naman ng ulan. Naalala ko ang nakaparada noong kotse ni Aries. Hindi ko na iyon ginalaw mula noong natagpuan ko iyon doon , kaya halos mabalot na ito ng lumot at kinain na ng kalawang. Doon ako sumilong. Sa pag mamadali kong tumakas hindi ko na nagawang sumakay sa kotse ko.
Patuloy ang pag buhos ng ulan at mas lumakas pa ito. Dumidilim na rin ang paligid gawa ng makapal na ulap at lakas ng ulan. Sa pagod naka idlip ako sa loob ng lumang kotse.
Hindi ko na namalayan na may paparating pala sa kinalalagyan ko.
“Jim gising, Jim…”
“Aries, ikaw?”
Ginising ako ni Aries. Na hubo’t hubad ito at basang basa sa ulan. Inabot ko sa kanya ang damit at pantalon na dala ko para may mai-suot ito.
“Kailangan nating makalayo dito. Hinahanap tayo nila para tugisin at patayin.” Biglang sabi ni Aries sa akin.
“Pero bakit pati ikaw?”
“Alam nila na nabigo ako sa iyo, at nilabag ko ang napakamahalagang batas ng lahi namin. At kamatayan ang kaparusahan sa ginawa kong pagtaksil sa kanila.”
“Paanong naging taksil? Wala ka namang ginawang masama diba? “
“Marami kapang hindi alam tungkol sa amin Jim. Hindi ko lahat masasagot iyan ngayon.”
“Ano ang gagawin natin ngayon?” Tanong ko.
“Hindi ko hahayaang may mangyari sa iyong masama Jim. Poprotektahan kita laban sa kanila.” Hinawakan ni Aries ang pisngi ko at hinalikan ako nito sa aking labi.
“Itataya ko rin ang buhay ko para sa iyo. At salamat dahil niligtas mo ako.” Gumanti ako ng halik kay Aries. Sandaling napawi ang pangamba at takot ko sa Oras na iyon.
Ang mga halik ni Aries sapat na para pakalmahin ang gulong gulo kong isipan.
Nang may narinig kaming mga tinig ng tao na papalapit sa kinaroroonan namin.
“Umalis na tayo dito. Bilisan mo papalapit na sila.” Agad ako hinila ni Aries palabas ng lumang kotse at tumakbo kami palayo roon.
“Hayon sila!, bilasan niyo! huwag silang hayaang makatakas!” Sigaw ng isang lalake na nakakita sa amin.
Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan namin kapag nasukol kami ng mga taong humahabol sa amin.
Mabilis namin narating ni Aries ang labasan. Malayo na kami sa mga humahabol sa amin at ilang hakbang na lang at tanaw na namin ang highway.
“Bakit ka tumigil?” Nang mapansin ko si Aries na tumigil saglit.
“Wala, may naalala lang ako.” Pansin ko ang takot sa mukha ni Aries, ngunit hindi ko na iyon pinahalata. Pagkalabas namin sa highway laking pagtataka ko na Ang liwanag ng kalangitan at tuyong tuyo ang kalsada at walang bahid ng patak ng ulan.
Nilingon ko ang pinanggagalingan namin at nagtaka talaga ako. Maaliwalas ang paligid, ibang iba noong nasa loob pa kami.
“Ano ang nangyari? Bakit bigla na lang naglaho ang ulan?”
“Nakatawid na tayo sa mundo niyo. Dito wala nang bisa Ang pagiging kataw ko. Normal na akong nilalang katulad mo. At mas manganganib ito para sa atin dahil hindi natin alam kung sino sa mga nakakasalubong natin ang katulad niyo at Ang ka uri ko.”
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Kung dito sa inyo, wanted ang kahalimbawa natin sa mundo naming mga kataw. Kilala na tayo nila. Pero sila hindi natin kilala. Kaya kailangan natin mag ingat.”
“Grabe naman ang batas sa inyo, wala man lang hiring, hatol agad”.
“May kanya kanyang batas tayong mga nilalang dito sa mundo para mapanatili ang balanse ng lahat. Marami tayong nakikihati sa mundong ito. At ang uri namin at ang lahi mo ay ilan lang sa mga nilalang na nakikihati dito.”
“Alam mo hanggang ngayon hindi parin ako maka paniwala na nangyayari ang mga ito sa akin.”
“Mas mabuting nang hindi ka maniwala sa iyong nakita. Keysa magtiwala sa hindi mo pa nakikita. Tingnan mo tuloy nangyari sa atin.”
“Tiwala naman ako na hindi mo ako pababayaan.”
“Hinding hindi, walang bibitaw sa atin.”
Walang bibitaw, ang pinanghahawakan naming pangako ni Aries sa isa’t isa. Panibagong karanasan ito para sa akin. Ang makipag relasyon sa isang kataw na kapwa ko lalake. Sa puntong iyon ini explore ko pa ang aking sarili kung ito na ba talaga ang choice ko sa buhay.
Nakahanap ako ng kapanatagan sa piling ni Aries, iba sa noong kami pa ni Adreane. Masaya ako sa mga bisig ni Aries.
Lumipas ang mga araw at buwan, naging tahimik ang pamumuhay namin ni Aries bilang magkasintahan. Nagsama kami bilang isang normal na mag nobyo. Masarap mag alaga si Aries, para akong bunso kung bini baby niya ako.
Isang araw habang nasa grocery kami. Bigla na lang nag iba ang kinikilos ni Aries naging balisa ito at hindi mapakali.
“Bakit Mahal?, Ano ang meron?”
“Umalis agad tayo dito hindi ako nagtitiwala sa mga tao dito.” Biglang bulong nito sa akin.
“Paano mo nasabi iyan, baka nagkakamali ka lang?”
“Maghanap na lang tayo ng ibang grocery store. Basta iba ang kutob ko sa mga tao dito. Kanina pa sila nakatingin sa atin.”
“Malamang na ku- curious lang ang mga iyan kasi parehas tayong lalake at ang sweet pa natin. Huwag ka ngang praning diyan Mahal”
“Hindi pa tayo ligtas sa mga ka uri ko. At nakalimutan mo na ba? Narito na sa lupa ang karamihan sa amin. Hindi natin alam kung sino sa mga tao sa paligid natin ang kalaban o hindi.”
“Hindi ko naman na kakalimutan iyon. Pero habang nag tatago tayo at tumatakbo, mas Lalo tayong mapaghahalata. At isa pa kahit saan man tayo mag punta, susundan parin tayo ng mga anino nila.”
“Ayuko lang malagay ka sa panganib Mahal”-Aries
“Nasa panganib na tayo ,noong araw palang na niligtas mo ako. Pero hanggat magkasama tayo Mahal. Walang mangyayari sa ating masama. Takot ang kalaban natin Mahal hindi sila.” Ang sabi ko lang kay Aries.
Sa totoo lang may takot rin ako sa aking kaligtasan. Ngunit kung patuloy kaming iiwas, hindi kami makakagalaw ng normal.
Matapos makapamili, umuwi agad kami ni Aries.
“Why not lumipat tayo sa amin, siguradong walang mga kataw doon sa amin. Dito lang naman diba ang lagusan niyo? …ano sa iyo Mahal?” Mungkahi ko kay Aries.
“Hanggang may dagat, naroon ang mga kataw. Malamang wala nga roon ang tulay namin. Hindi parin imposibleng wala nang nakatawid doon sa inyo. Nakalimutan mo na ba, doon kita unang nakita at nakilala. “
“Sabagay, pero doon kampante tayong dalawa. Maraming lugar doon sa amin na malayo sa mga dagat. Mamundok tayo. Magpatayo tayo ng rest house sa bundok. “ Suhistiyon ko naman.
“Subukan natin Mahal. Ang mahalaga magkasama tayo.”
“Walang makakapag hiwalay sa atin Mahal kahit ang dagat pa.” Hinalikan ko si Aries sa labi at gumanti din ito sa akin.
“Ikaw Ang buhay ko Jim, hanggat kumakapit ka hindi kita bibitawan. I love you.”
“I love you too Mahal, inahon mo ako mula sa pagkakalunod at sinagip sa aking pagkalugmok. Hinding hindi kita pakakawalan.”
Nasa Punto kami ni Aries na nag papalitan ng matatamis ng sandali nang ginulat kami ng kalabog mula sa pintuan ng aming bahay. Nagkatinginan kami ni Aries. Maingat kaming lumapit sa pintuan at sumilip sa peephole ng pinto.
Wala namang tao sa labas, wala kahit ano, maging mga aso o hayop man lang. Dahan dahan pinihit ni Aries ang door knob. Maingat ito
At pagka bukas namin ng pinto, nagulat kami sa aming nakita. Isang pugot na ulo ng malaking isda ang itinapon sa tapat ng aming pinto. Kakapugot pa lang ito dahil sa sariwa pa ang dugo nito.
Wala namang tao sa paligid kaya nagtaka kami ni Aries.
“Natunton na nila tayo Mahal, hindi tayo ligtas dito.” Pag alala ni Aries.
“Ano ang gagawin natin?” Tanong ko.
“ Bukas ituloy natin ang Plano mo, doon tayo sa inyo. Lisanin na natin itong lugar na ito. Sa ngayon kailangan muna natin maging mapagmatyag. Siguraduhin mong naka lock ang lahat ng pasukan sa bahay ,pati mga bintana. Sa basement na muna tayo ngayong Gabi.“
Buong magdamag kaming walang tulog ni Aries. Naka abang kami sa mga mangyayari sa Gabi na iyon. Ngunit lumalim lang Ang Gabi na wala namang kakaibang nangyari.
“Mahal matulog kana, ako na ang magbabantay sa iyo.” -Aries.
“Sabay na tayo Mahal, mukhang wala namang mangyayari ngayon. Kailangan mo rin nang pahinga. Para hindi Tayo ma late bukas.”
Nakatulog nga kaming dalawa ni Aries na magkayakap. Kalagitnaan ng kasarapan ng tulog namin ng maalimpungatan ako. Nagising ako na wala na si Aries sa tabi ko, at Puno na ng tubig dagat ang loob ng kuwarto at kaunti na lang aabot na ito sa kama.
Napasigaw ako sa pangalan ni Aries at nang tulong ngunit walang sumasagot. Patuloy ang pagtaas ng baha sa loob ng silid. Napatayo ako sa kama at nag iisip nang paraan para maka alis doon nang may napansin akong anino ng kung anong nilalang na gumagapang kasama ng tubig baha.
Biglang nawasak ang pintuan ng kuwarto at pumasok ang malakas na daluyong ng tubig. Patungo iyon sa akin. At nilamon ako ng napakalakas na agos ng tubig.
Ginising ako ni Aries sa aking manapakasamang panaginip. Buti na nga lang at panaginip ang lahat. Napayakap ako nang mahigpit kay Aries. Nagulat din ito sa ginawa ko.
“Oh bakit, masyado namang mahigpit ang pagkakayakap mo sa akin Mahal? Ano ba ang napanaginipan mo?”
“Akala ko, nawala kana sa akin Mahal. Akala ko binawi kana nila sa akin.”
“Ngayong sa akin kana, at sa iyo na ako. Wala nang makakabawi pa sa atin sa isa’t isa. Lalabanan natin sila Mahal.” Sabay halik sa labi ko.
Hindi ko inaakalang aabot ako sa nararamdaman kong iyon sa pakikipag relasyon ko kay Aries. Naging buo ang buhay ko na kapiling siya. Kumpara noong kami pa ni Adreane.
“Bilisan mo na diyan Mahal, baka maiwan pa tayo ng bus. Naka bili na rin ako ng ticket sa barko. Mga 3 pm ang alis natin mamaya.” Sabi ni Aries.
Agad din naman ako kumilos. Sa araw na iyon lilisanin namin ang Cebuclod at uuwi na sa amin sa Guimahol.
Nakasakay na kami ng bus ni Aries pa puntang pantalan nang may umakyat na matanda sa bus, gusgusin ito at isa isang nilalapitan ang mga pasahero. Nakakatakot ang mga nanlilisik nitong mga mata. Hanggang sa nakalapit narin ito sa upuan namin ni Aries.
Bigla na lang nito tinuro turo si Aries, at tila umiba ang boses nito na nagbabanta sa amin.
“Ikaw! Isa kang lamang dagat! Hindi ka nararapat dito sa lupa. Salot kayo, malas kamatayan ang hatid niyo sa aming mga tao! Lisanin mo ang Mundo namin at bumalik na sa mundo niyo! At ikaw, iwasan mo ang nilalang na ito kung ayaw mong madamay pa ang mga Mahal mo sa buhay. Hinding hindi kayo matatahimik. Hindi maaaring magsama ang halimaw at tao! Hindi!!!” Mga binibitawang pagbabanta ng matanda.
Buti na lang lumapit ang kondoktor ng bus at pinababa ang matanda.
“Pasensiya na mga boss, madalas dito iyon nang gugulo ng mga pasahero, pero mabait naman si tatang. Ayos lang ba kayo?” Tanong ng kondoktor sa amin.
“Ayos lang, medyo kinabahan lang kami sa kanya.” Sabi ko.
Nang maka alis ang kondoktor, hinawakan ko ang kamay ni Aries at kinausap ito.
“Hindi kaya kalahi niyo rin iyon Mahal? Paano ka niya nakilala? At ang pag babanta niya.” Sabi ko
“Hindi ko alam, maging ako nangamba sa pinagsasabi niya kanina. Paano kung malagay nga sa panganib ang buhay mo at ang buhay ng mga mahal mo sa buhay dahil sa akin?”
“Mahal napagusapan na natin ito diba, lalaban tayo na magkasama. Walang sino man ang malalagay sa panganib.” May kaba at pag aalinlangan man sa loob ko, kailangan kong mag papakatatag. Hindi ko kayang mawala si Aries sa akin.
“Isa akong halimaw , at ganoon din ang aking kalahi at mas higit na mas halimaw ang mga iyon kaysa sa akin Mahal. Hindi natin alam kung ano ang kaya nilang gawin. Lalo pa at may nilabag tayong batas.” Nakita ko ang pag dadalawang isip ni Aries. Ginambala ng matandang iyon Ang isipan ni Aries.
“Huwag ka mag alala Mahal kahit isang daang halimaw pa ang hahadlang sa atin hinding hindi Tayo papatalo. Sabay tayo Mahal. Haharapin natin sila.” Ang sabi ko kay Aries.
Natuloy kami ni Aries. Nag sisimula nang maglayag ang barko na papuntang Guimahol. Maging sa barko hindi maalis sa aming dalawa ang pangamba Lalo na at nasa dagat na naman kami.
Hindi pa man nakakalayo ang barko, ramdam na ni Aries ang kakaiba sa galaw ng mga alon.
“Naaamoy ng dagat ang presensiya ko. Nararamdaman kong hindi maganda ang paglalayag natin pauwi sa inyo Mahal.” Ayon pa kay Aries.
“Anong gagawin natin? “ Tanong ko na nag aalala.
“Hanggat hindi ako nababasa ng tubig dagat wala tayong dapat ipag alala. Ngunit alam kong gagawa ng paraan ang dagat para ilabas ang tunay kong anyo. At baka mag dulot ng gulo dito sa barko kapag nakita ako ng mga tao sa anyong kataw.”
“Kung gayon ang mabuti pa doon na muna tayo sa loob ng cabin. Hindi Tayo lalabas doon hanggang sa makadaong na Ang barko.”
“Pasensiya na Mahal at maging Ikaw ay nadadamay sa paghihirap ko.” Malungkot na tugon ni Aries sa akin.
“Lahat kakayanin ko Mahal, dahil Mahal kita. Maghirap man ako.” Sagot ko.
Sa kalagitnaan ng dagat bigla na lang nagsi sulputan ang matataas na alon. Malakas na hangin at ulan. Hirap maka usad Ang barko sa lakas ng mga alon. At sa taas nito na lumalampas pa sa taas ng barko.
Nag panic ang mga pasahero lulan ng barko. Maging ang lapitan hindi inaasahan na makakasalubong namin ang bagyo sa laot. Pinasok na ng tubig ang ilang bahagi ng barko.
Mula sa loob ng cabin rinig namin ang mga sigaw ng nagkakagulong mga pasahero.
“Hindi ito titigil hanggat hindi nila ako nakukuha.” Sabi ni Aries.
“Walang lalabas, dito ka lang sa loob. Hindi ka nila makukuha.” Sabi ko.
“Nanganganib ang karamihan dito sa barko. Hindi ko kayang maglagi na lang dito habang napapahamak ang mga tao sa labas.”
“Paano kung may mangyari sa iyo? Paano ako?”
“Kung ano man ang mangyari tatandaan mo na Mahal na Mahal kita. At hinding hindi ako lalayo diyan sa puso mo.” Sininuot sa akin ni Aries ang suot nitong kuwentas.
Alam ko ang gustong mangyari ni Aries. Labag man sa loob ko, para narin sa kaligtasan ng marami hinayaan ko si Aries. Lumabas kami sa cabin at tinungo ang gilid ng barko.
At doon bago pa tumalon si Aries sa dagat nagyakapan kami ng mahigpit at hinalikan niya ako ng mas matagal. Isang halik na tila nagpapahiwatig na iyon na Ang huli.
Nabasa na ng tubig dagat si Aries at unti unti na itong nagpapalit anyo. Kaya bago pa ito tuluyang mag bago. Tumalon na ito sa dagat.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang ,habang pinag mamasdan si Aries na nilalamon ng mga alon. At tila ba isang himala ang nangyari, muling kumalma ang dagat, at hinawi ang makakapal na ulap sa langit. Tumigil ang ulan, naglaho ang bagyo. Ang lahat nagtaka sa mga nangyaring kababalaghan. Umayos ang dagat na tila walang nangyari.
Naroon lang ako sa gilid ng barko, nakatanaw sa malawak na karagatan at hinahanap roon si Aries. Ngunit wala na. Wala akong nakitang palatandaan niya. Halos gumuho ang Mundo ko. Wala na si Aries.
Nakarating na Ang barko sa lugar ko. At bago tuluyang talikuran ang dagat, muli akong sumulyap roon, nagbabakasakali. Ngunit wala parin.
Umuwi ako sa amin na bagsak ang balikat. Sinalubong ako ni papa sa gate.
“Pasok ka, bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka di sana nasundo na lang kita sa pantalan. Buti pa si Adreane alam na uuwi ka.”
“Si Adreane?”
“Oo,nasa loob nga siya at may kasama. Siya nagsabi sa amin na uuwi ka ngayon.”
Dalidali akong pumasok ng bahay, at doon nga nakita ko si Adreane na naka upo sa couch katabi ang isang lalake. Mistiso ang lalake, maputi at kulay bronse ang buhok. Makisig at tila mayaman.
Tumayo si Adreane at lumapit sa akin para batiin ako. Nagtaka din ako sa kinikilos ni Adreane na tila ba walang nangyari sa aming dalawa. At kinalimutan na Ang nagawa ko sa kanya.
“Huwag ka mag alala, tanggap ko na, at naka pag move on na ako sa tulong ni Neru.” Sabi pa ni Adreane.
“Neru? Siya ba ang kasama mo? Paano mo na laman na pauwi ako?” Tanong ko.
“Sinabi sa akin ni Neru, halika ipapakilala kita sa kanya.”
Mabigat ang pakiramdam ko kay Neru, mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang kanyang mukha. At tila may tinatago. Ipininakilala ako ni Adreane sa kanya. At doon ko nalaman na may kakayahan din itong manghula. Isang bagay na hindi ako kumportable. Bigla na lang nitong hinawakan ang palad ko at may sinabi sa akin.
“Huwag mo nang pangarapin pa ang pagbabalik niya. Dahil wala na siya at hindi kayo para sa isa’t isa.”
Binawi ko ang kamay ko sa kanya at nagsawalang bahala. Nagtaka ako bakit iyon Ang nasabi niya at paano niya nababasa ang iniisip ko. Napansin ni Adreane na hindi ko kasama si Aries kaya nag tanong ito.
“Hindi mo ba kasama si Aries? “
“Susunod na lang daw siya. Hali kayo kumain na muna tayo. Doon na tayo mag kuwentuhan.”
Matapos ang aming pagkain at pag uusap, nagpa alam narin sina Adreane at Neru. Ngunit bago sila umalis, may inabot si Neru sa akin. Nakabalot iyon sa isang supot. At may binulong ito sa akin.
“Palatandaan iyan na walang sino mang makaka agaw ng pagmamay-ari ko. “ At tumalikod na si Neru.
Pagka alis ng dalawa agad ko binuksan ang binigay nitong supot. At doon nagulat ako sa laman na nakita ko sa loob. Agad ko kinuha ang kuwentas na ipinasuot sa akin ni Aries,.
Kaparehong kapareho ito sa laman ng supot na inabot sa akin ni Neru. At isa lang ang ibig sabihin nito. Si Neru ay isa ring kataw at nanganganib ang buhay ni Adreane sa kanya.
Agad ko hinabol ang dalawa sa labas , ngunit nakasakay na sila ng kotse at malayo na sa bahay. Bumalik ako at hiniram ang kotse ni papa para habulin sila.
Hindi ko alam pero kabadong kabado ako sa Oras na iyon. Ang kaligtasan ni Adreane ang inaalala ko. Sa mga naranasan ko sa Dapdap, alam ko kung gaano ka sama ang mga kataw. At si Neru ramdam ko na may binabalak itong masama sa kanya.
Mabilis ang pag papatakbo ng kanilang kotse. At alam ko ang daan na tinatahak nila, patungo iyon sa lumang pantalan papuntang reclamation area. Binilisan ko pa ang pag sunod sa kanila.
Nang makaramdam ako ng matinding init sa aking leeg, napansin ko ang pagliwanag ng suot kong kuwentas, maging ang loob ng supot. Lalong tumitindi ang init na nararamdaman ko sa aking leeg, kaya tinanggal ko ang kuwentas na suot ko at pinatong sa upuan katabi ang supot.
Patuloy parin ako sa pag sunod sa kanila, at narating narin namin ang reclamation. At habang papalapit kami sa lumang pantalan, lalong lumiliwanag ang kuwentas at ang loob ng supot. Hindi ko narin ito mahawakan sa subrang init.
Nakita ko ang pagtigil ng kanilang kotse sa sirang tulay na malapit lang sa dagat. Huminto rin ako. At nakiramdam.
Bumukas ang pinto ng kanilang kotse at lumabas doon si Neru. Tumayo ito sa gilid ng kotse.
Lumabas din ako sa kotse at hinanap sa kanya si Adreane.
“Pakawalan mo si Adreane, wala siyang kasalanan dito. Huwag mo na siyang idamay.” Sigaw ko.
“Idinamay mo na Ang lahat ng tao na may ka ugnay sa iyo, sa pag sama mo kay Aries. At si Adreane siya ang magiging kolateral sa pagkakamaling ginawa niyo.” Sagot nito.
“Hayaan mo na siya, wala na si Aries bumalik na siya sa mundo niyo. Patawad kung sinira namin ang batas niyo. Nag mamaka awa ako. Ibalik mo si Adreane sa akin.”
“Hindi mo alam ang punot dulo ng galit ko. Hindi lamang ito tungkol sa batas namin. Dahil sa totoo lang matagal ng nawasak ang batas na pinaniwalaan niyo.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Inagaw mo ang puso ng tanging minamahal ko ng lubos. Inagaw mo sa akin si Aries! Iyon ang hindi ko matatanggap. Nang dahil sa isang tagalupa tinalikuran niya ang kahariang inalay ko sa kanya. Ikaw, anong meron sa iyo na mas pinili ka niya kaysa sa akin?”
Wala akong nasagot sa mga paratang ni Neru sa akin. Nagulat ako sa kanyang mga sinabi. Nag simula na namang lumakas ang hangin at nangangalit na naman ang mga alon. Kaparehong kapareho ito sa naranasan ko noon sa Dapdap.
“Pamilyar ba?, Hindi ka ba natatakot?”
“Itigil mo na ito, wala na sa akin si Aries. “
“Buhay mo kapalit ng katahimikan ko!”
Hindi ko na hinintay pa na gumalaw pa si Neru gumawa pa ng mapanganib na hakbang. Kaya muli akong sumakay ng kotse, pina atras ito at humarurut paalis.
Mapanganib para sa akin kapag malapit ako sa dagat. Malakas si Neru dahil hawak niya ito. Walang hinto hintong pinatakbo ko ang kotse. Hanggang sa makalayo na ako kay Neru.
Saglit mga kabrobars, sino na naman itong si Neru sa buhay nina Aries at Jim? At nasaan na kaya si Aries? Pahinga na muna ng kunti, babalikan natin sila sa mga susunod na tagpo. Dito na lang muna.
The Lost Part
Kung nakuha ni Neru si Adreane at nakilala ito. Hindi malayong mangyari na pati ang pamilya ko, malagay rin sa panganib.
Minahal ko Aries bilang isang tao at hindi ko tinitingnan ang kanyang pagiging kataw. Pinaliwanag na sa akin ni Aries ang maaring kahinatnan nito. Pero hindi ko alam na ganito pala ka delikado at mapanganib ang lahat.
Ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin. Wala na si Aries, hindi ko alam kung buhay pa siya o makakabalik pa ba siya sa akin. Ang tanging na sa isip ko lang ang kaligtasan ng aking pamilya.
Agad ako bumalik sa bahay,
“Pa , Ma mag impake na muna kayo. Doon muna kayo sa hotel pati ng mga kapatid ko.” Pagmamadali ko. Nagulat sina papa sa agaran kong utos.
“Bakit nak,ano ba ang meron? Bakit ba tayo mag ho-hotel?” pag alala ni mama.
“Alam ko na ma, gusto siguro ni kuya na masolo itong bahay, kuya dito ba kayo mag ha-honey moon?” Sabat pa ng aking kapatid.
Sa totoo lang wala pang nakaka alam sa relasyon namin ni Aries sa pamilya ko. Dahil hindi ko alam kung kaya ba nilang tanggapin ang pinili kong deriksiyon. Ang alam lang nila may pinalit na ako kay Adreane. At babae ang dahilan kung bakit kami naghiwalay.
“Kung gayun, kayo na lang ng girlfriend mo ang mag hotel. Dito na lang kami. Duble gastos pa iyan. Ang dami kaya ng mga kapatid mo.” Sabat pa ni papa.
“Sumunod na lang kayo pa, inaayos ko na ang lilipatan natin. Ibibenta na natin itong bahay. Sa ngayon sa hotel na muna kayo. Ako na bahala sa gastos.” Sabi ko.
“Biglaan naman yata nak?, kakarating mo lang ah. Bukas na lang kami aalis, “ may pag tataka na kay mama.
“Ngayon na po ma, nakatawag na ako sa hotel, na i-book ko na kayo.” Pamimilit ko.
Napapayag ko rin ang pamilya ko na lumipat pansamantala. Natunton na ni Neru ang amin. Kaya alam kong, babalikan niya ako.
Hindi na ligtas ang mapalapit sa tubig. Malapit lang kasi ang bahay namin sa dagat, sa dagat kung saan ako tumalon noon para magpakamatay. Doon din ako unang nakita ni Aries. Ang hindi ko lang alam, kung alam ba ni Neru ang tungkol dito. Dahil kung alam niya bakit niya pa ako pinasunod sa lumang pantalan sa reclamation area na malayo sa amin.
Hawak hawak ko ang dalawang kuwentas na bigay ni Aries at Neru sa akin. Hindi na ito umiilaw gaya noong hinahabol ko si Neru. Hindi na rin ito umiinit sa aking mga palad.
Napapaisip ako noon kung bakit ibinigay ni Neru sa akin ang kuwentas. At bakit kaparehong kapareho ito sa kuwentas ni Aries. At kung bakit ba ito umiinit at umilaw.
Tangan ito, tinungo ko ang bangin na malapit sa dagat. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ko doon. Pero parang may kung anong bumubulong sa akin na pumunta roon.
Habang papalapit na naman ako sa may bangin nakaramdam na naman ako nang nakakapasong init mula sa kuwentas na bigay ni Aries sa akin. Maging ang isa pang kuwentas sa kamay ko ay nag sisimula na ring lumiwanag.
Tinanggal ko ang kuwentas sa leeg ko at isinilid sa lalagyan ng isa pa. Saka nag mamadaling tinungo ang bangin.
Tanaw ko na ang bangin at ang dagat. Nang bigla akong nakaramdam ng kaba.
Biglaan naman kumulimlim ang kalangitan at umihip ang napakalakas na hangin. Tanaw ko ang nag lalakihang mga alon sa ilalim na tila hinahalukay ng hangin.
Nakakatakot ang anyo ng mga alon sa ilalim na para bang mangangain ng sino mang mamalasing mahulog doon.
Nasa bingit ako ng bangin nang may nagsalita sa likod ko.
“Naalala mo ba ang eksenang ito?” Nagulat ako nang makaharap ko muli si Neru.
Muntik na ako mahulog sa bangin nang umatras ako dahil sa aking pagkabigla. Ngayon ko nakita nang malapitan si Neru at harapan talaga. Katulad ni Aries, hindi rin matatawaran ang gandang lalake nito at ang matipuno nitong katawan sa hapit nitong suot na t-shirt at fit na pantalon. Hindi mo talaga makikitaan nang bahid ng pagiging kataw ang mga katulad nila kapag nasa lupa na sila.
Agad ko na hinanap sa kanya si Adreane.
“Ano ang ginawa mo kay Adreane?” Tanong ko.
“Wala nang silbi sa akin ang babaeng iyon. At huwag kang mag alala, hindi ako ganoon ka sama para gawan siya nang masama. Hindi naman siya ang pinunta ko dito. Tinanggalan ko lang siya nang bait, tsaka pagiisip. Mahirap nang ipagkalat pa niya sa lahi niyo ang tungkol sa amin.” Sagot nito habang naka tingin sa akin nang masama.
“Wala kang puso. Pati si Adreane dinamay mo!” Galit ko ring tugon.
“Pasalamat ka at hindi kamatayan ang ginawad ko sa kanya. Siya lang ang alam kong paraan para matunton ka. Kaya ko siya ginamit. Wala naman talaga akong intensiyon sa kanya, kaya lang nahuli niya ako. Kaya wala na akong magagawa. Ginalit mo kasi ako. Kaya kasalanan mo ang nangyari sa kanya.” Sabi pa nito sa akin.
“Ano ba ang kailangan mo sa akin?! Wala na si Aries, bumalik na siya sa mundo niyo.!” Sabi ko.
“Ikaw , Ikaw Ang kailangan ko. Dahil sa iyo nawala sa piling ko si Aries. Simula nang nakilala ka niya itinakwil na nito ang aming lahi at maspinili ang makasama ka sa mundo niyo.!
Naalala mo ba ang araw na tumalon ka dito? Muntikan na kitang malunod noon. Ngunit dumating si Aries para tulungan ka. Dahil minahal ka niya higit sa akin kahit hindi pa kayo nagkikita.
Kayong mga tao ang palaging dahilan kung bakit unti unti nang nauubos ang aming lahi. Dahil sa inyo kung bakit marami na sa amin ang tinatalikuran ang aming Mundo. At hindi ka naiiba sa kanila.
Masaya na kami ni Aries noon, bago kapa nag pakita. Pero naglaho ang lahat dahil sa iyo!“. Nagulat ako sa kuwento ni Neru.
“Wala akong alam sa sinasabi mo, hindi ko alam ang tungkol sa inyo ni Aries.” Sabi ko.
“Wala naman talaga kayong alam, iyan palagi ang inyong dahilan para takasan ang inyong kasalanan! Alam mong isang kataw si Aries, alam mo ang kahihinatnan nang lahat. Pero pinagpatuloy niyo pa rin!” Sumbat pa nito.
“Minahal ko si Aries bilang tao, hindi bilang isang kataw. Sana makita mo rin iyon. Tinanggap ko si Aries gaya nang pag tanggap niya sa akin. Sana tanggapin mo rin na ako ang mas pinili niya.” Sagot ko.
“Ang kataw ay para lang sa kataw. Paano naging makatwiran ang pagsasalungat niyo sa batas ng kalikasan?!” Galit pa nito.
“Pantay pantay ang bawat nilalang sa mundo pagdating sa nararamdaman. At kahit na sa isang kataw o sa tao, pantay pantay lang ang batas sa pag ibig. Kaya ko minahal at pinaglaban ang nararamdaman ko kay Aries.” Sabi ko.
Ramdam ko ang galit sa puso ni Neru, at alam ko na kung saan ito humuhugot. Naging kalmado lang ako sa pakikipag usap sa kanya. Dahil alam ko na wala rin naman akong laban sa tulad niyang maka pangyarihan.
Ramdam ko rin na sa likod nang kanyang galit ay may malambot na bahagi sa puso nito na siya namang inaaral kung Kunin habang nakikipag usap sa kanya.
“Iniwan na ako ni Aries, wala na siya sa akin. Hindi pa ba sapat iyon para hayaan mo na ako?” Sabi ko.
“Kapag nag bitaw ng isang sumpa ang mga kataw, hinding hindi na iyon mababawi. “ Sabi nito.
“Anong ibig mong sabihin?” Pagtataka ko.
“Ikaw Ang magiging kapalit ni Aries sa Mundo namin. At iyon Ang dahilan kung bakit narito ka ngayon sa harapan ko. Dahil isasama na kita sa Mundo namin. “ Bigla na lang bumalik ang lakas ng hangin sa paligid. At unti unti na namang nag si taasan ang mga alon sa dagat. Kinabahan ako at natakot sa mga nangyayari.
Wala naman akong matakbuhang bahagi ng lugar, dahil nasa bingit na ako ng bangin.
Nang napansin ko sa kamay ko ang supot na may lamang kuwentas. Lumiwanag nito.
“Salamat at mas pinadali mo ang proseso. Dahil diyan wala ka nang ligtas. Magiging akin ka na.” Ang naka ngising si Neru.
Kinuha ko ang kuwentas sa supot, at nagulat ako sa aking nakita, nadikit ang dalawang bahagi nito na tila nilalamon ang isa’t isa.
“Alam ni Aries ang sumpang pinataw ko iyo, kaya niya binigay sa iyo ang kuwentas na iyan. Alam niya na susundan ko kayo para bawiin ka. Ang kuwentas na iyan sana ang mag lalayo sa iyo sa akin. Hindi ka prinotektahan ng Mahal mo. Kaya sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin.” Pagkasabi nito.
“Kapag tuluyang nilamon ng kuwentas ko ang kuwentas mo, magiging ganap ka nang kataw. At mas gugustuhin mo na Ang tubig kaysa sa lupa. “ Dagdag pa nito.
Kaya pilit ko pinag hihiwalay ang dalawang kuwentas, hindi ko na ininda ang init nitong pina pakawalan. Habang tumatagal humihigpit ang pag kakabuhol ng dalawa. Takot na takot ako sa mangyayari. Nakiusap ako kay Neru na tanggalin na Ang sumpa.
“Gaya nga nang nasabi ko ,kapag nag bitaw ng isang sumpa ang mga kataw, hindi na ito mababawi o mababale. Ngunit may dalawang paraan para takasan ito, una ang kamatayan ng isang kataw na nag pataw ng sumpa o ang kamatayan ng isinumpa.”
Ito na talaga ang kabayaran ng lahat nang ginawa ko. Ang pagtataksil ko kay Adreane at ang pag ibig ko kay Aries. Mukhang deserve ko rin naman talaga ang maparusahan ako. Ang tanging tumatakbo sa isipan ko. Matinding takot ang bumabalot sa akin nang mga sandaling iyon.
Handa ko na sanang tanggapin ang lahat,nang may bumalik para tulungan ako. Sakay ng isang alon, dumating si Aries at hinarap si Neru. Nasa anyong kataw si Aries nang mga sandaling iyon. At pagkalapag sa kanya ng alon sa gilid ng bangin malapit sa akin. Bumalik ito sa pagiging tao.
Ang hot at sexy talaga ng Mahal ko. Bulong ko sa sarili na biglang na numbalik ang tapang ko.
“Ilayo mo dito ang dalawang kuwentas Mahal, malayo sa dagat. Ako na bahala dito kay Neru.” Utos sa akin ng aking Mahal na si Aries.
“Mag ingat ka Mahal.” Hinalikan ko sa labi si Aries at mabilis na nilisan ang lugar.
Papalayo ako sa kanila, pero nandoon parin Ang paningin ko. Hindi ko na naririnig ang kanilang usapan. Patakbo kong iniwan ang lugar para mailayo ang dalawang kuwentas. At habang papalayo na ako doon, napansin ko ang pag lamlam ng liwanag ng mga ito. Nang aking tingnan magkahiwalay na Ang dalawa.
Hindi dapat mag sama ang dalawang kuwentas. Kaya itinapon ko ang kuwentas na bigay sa akin ni Neru at sinuot Ang kay Aries. Hindi ko kayang iwanan ang mahal ko kaya lakas loob akong bumalik doon.
Nag mamadali ako, ngunit napaiyak na lang ako, nang madatnan ang lugar, wala na roon ang dalawa. Dali dali kong tinungo ang bangin at hinanap sila ngunit walang bakas silang iniwan doon.
“Aries!!!!” Isang malakas lang na sigaw ang iniwan ko sa lugar na iyon.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pagitan ng dalawa, ang bilis nang pangyayari.
Lumipas ang mga araw, naging buwan at hanggang sa taon na ang nag daan. Naglaho na lang na parang bula ang kuwento namin ni Aries.
Hindi ko pinapalampas ang mga araw na hindi napunta sa tabing dagat. Kahit saan ako mapunta, madalas nag hahanap ako ng malapit na dagat. At doon nag papalipas ng Oras. Nag babakasakaling masilayan ko doon si Aries. Ngunit wala na talaga
Sa paglipas ng mga araw, ang aming kuwento, ang aking karanasan sa mga kataw ay unti-unti nang naglalaho. Maging ang kuwentas na iniwan sa akin ni Aries ay nawawalan narin ng kinang.
Gusto ko nang sumuko. Ngunit habang natatanaw ko ang dagat , parang may bumubulong sa akin na kailangan ko pa mag hintay.
Ngunit kailangan ko ipag patuloy ang aking buhay.
Naisipan kong balikan ang lugar kung saan nag simula ang lahat. Binalikan ko ang Dapdap. Alam ko na sa sandaling bumalik ako roon, walang kasiguraduhan kung ano mangyayari sa akin.
Nag Plano agad ako. Nag handa at hinanda ang aking sarili. Una kong binalikan ang dating bahay namin ni Aries. Balot na ito ng mga damong ligaw at mataas na ang mga damu sa paligid. Tuklapan na rin ang mga pintura. Bakas na ang kalumaan ng bahay ,ngunit ang alaala sa bawat bahagi nito, ay parang kahapon lang.
Nagpatuloy ako sa bahay, nasa tapat ako ng pintuan nang may napansin akong kahinahinala. Basa ang door knob ng pintuan at may bakas ng tubig sa labas nito. Hindi pa tuyo ang bakas, na ibig sabihin bago pa lang iyon.
Pinihit ko ang door knob, at nagulat ako na hindi na ito naka lock. Kinabahan ako. Naisip ko bigla si Aries. Dali dali akong pumasok sa loob ng bahay at hinanap siya roon. Ngunit walang tao sa loob.
Tinungo ko ang dati naming silid ,at lumakas ang kalabog ng dibdib ko sa aking nadatnan doon. Naka ayos ang lahat ng mga gamit namin sa loob. Ganitong ganito ito noong nandito pa kami ni Aries.
“Aries!” Pag tawag ko. Lumabas ako at tinungo ang kusina, ang lugar kung saan madalas kami nag ba-bonding noon.
Napa iyak na lang ako sa aking nakita. Maayos ang kitchen ,may nakasala pang takure sa lutuan na halatang kakagamiit lang. Lalong lumakas ang kutob ko na bumalik dito si Aries.
“Nandito si Aries” sabi ko sa sarili ko.
Sunod kong pinuntahan ang basement. Naka kalas na ang kandado roon. Hindi iyon binaklas, sadyang may nag tanggal talaga ng padlock, at kami lang ni Aries ang nakaka alam kung saan namin itinago ang susi bago kami umalis noon dito sa bahay. Kinakabahan ako sa maaring matagpuan ko roon, marahan kong inangat ang pintuan.
Pagka baba ko pa lang ,naamoy ko na agad pamilyar na pabango. Lalong natuwa at nagalak ako. Ramdam ko ang presensiya ni Aries roon.
Napaka ayos ng loob, iyong alam mong may nakatira roon na nag aalaga ng silid. Lumapit ako sa kama namin. Bakas man ang kalumaan ng mga gamit pero alam mong may gumagamit nito.
Nang may napansin akong nakalabas sa ilalim ng unan. Kinuha ko iyon. Doon ko na kumperma na nandoon talaga si Aries, na bumalik siya roon. Nandoon ang bracelet na ibinigay ko sa kanya noong unang anniversary namin na may naka ukit pang pangalan namin sa plate ng bracelet.
Nasa ganun akong tagpo nang may narinig akong kalabog sa taas. Agad akong bumalik sa taas. At doon nagulat at natigilan ako. Bumuhos na ang luha ko sa mata.
“Aries?” Nasabi ko nang makita ko itong nakatayo sa harapan ng basement at may hawak na palakol.
“Sino ka? Anong ginagawa mo sa silid ko? Tanong nito sa akin na tila hindi ako nakikilala.
“Huwag kang kumilos nang masama, ihahampas ko talaga sa iyo itong hawak ko. Ano ang pakay mo dito!” Pag babanta ni Aries.
“Aries, Mahal ako ito. Si Jimmy…ang mahal mo.” Pag papakilala ko.
“Wala akong kilalang Jimmy, hindi kita Kilala…at bakit mo ako tinatawag na Mahal?” Pagtataka nito
Kita ko sa mukha ni Aries ang pagkalito, takot at pangamba. Hindi na ako nakikilala ni Aries.
“Ako si Jim, atin ang bahay na ito. Ikaw ang mahal ko. Tingnan mo ang nasa litrato na iyan. Tayo iyan diba? Aries Mahal ako ito, si Jim. Hindi mo na ba ako naaalala?” Sabi ko at itinuro sa kanya ang larawang naka frame na nasa dingding.
Nang masigurong ako nga ang nasa larawan, kumalma si Aries.
“Bakit tayo may larawan na magkasama? Mag ano tayo?” Tanong ni Aries.
Hindi ko alam kung bakit nag kakaganun si Aries. Hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan ang pagpapaliwanag sa kanya. Ang dungis ni Aries, subrang haba na ng buhok nito na dikit dikit. Ganun din ang balbas nito sa mukha. Punit ang suot nitong t-shirt at sira din Ang pantalon nitong suot. Malayong malayo ang ayos nito noong huli kaming nagkita.
Gusto kung yakapin si Aries ngunit mailap ito sa akin. Na para bang natatakot mahawakan. Umiiwas ito sa akin.
Hinintay ko munang maging panatag na Ang loob nito sa akin. Saka nag simulang mag tanong.
“Tinawag mo akong Aries, iyon ba ang pangalan ko?” Tanong pa nito.
Tumango lang ako, at di mapigilan ang maluha.
“Bakit ka umiiyak?”
“Masaya lang ako kasi nandito kana, Mahal” sabi ko.
“Mahal? Ano iyon…anong ibig sabihin nun?” Tanong niya pa.
“Mahal, ibig sabihin Ikaw at Ako ay nag iibigan. Mahal ang tawagan natin sa isa’t isa. Hindi mo ba na aalala?”
“Wala akong maalala, maging ang sarili ko, hindi ko alam kung sino ako.” Sabi pa ni Aries.
“Pasensiya kung napag isipan kita nang masama kanina.” Dugtong pa niya.
“Ayos lang iyon. Alam mo bang subrang saya ko ngayon?” Sabi ko.
“Masaya din ako. Pero bakit nga ba ako Masaya?” Tugon nito,
“Maaari ba kitang mayakap Mahal?” Hindi sumagot si Aries , nakatingin lang ito sa akin na tila nakikiramdam lang. Tumango lang ito. Agad kong niyakap nang mahigpit si Aries, saka bumuhos sa mga mata ko ang luha. Naramdaman ko ang pag tugon ng yakap sa akin ni Aries.
Hindi man niya ako naaalala, meron sa puso niya na kakaalala sa akin.
Pinagsilbihan ko si Aries gaya noong una. Inalok ko ito maligo, noong una nag dadalawang isip ito. Pero napapayag ko rin siya kalaunan. Pinaliguan ko si Aries sa banyo.
Parang bata si Aries na pinapaliguan ng lang ng kanyang Ina.
“Maligo ka na rin, sabay na tayo.” Pagkasabi nito.
Napangiti ako, sabay hubad ng suot ko. Parang na numbalik sa akin ang mga sandaling magkasabay kami ni Aries na nag haharutan habang magkasalo sa iisang shower.
“Pinaliliguan mo rin ba ako noon?” Tanong nito.
“Madalas, Ikaw nag papaligo sa akin.” Sagot ko.
Matapos namin maligo, ginupitan ko si Aries, at inahitan ito.
“Ayan Ikaw na Ikaw na iyan Mahal. Ang pogi mo na ulit.” Habang pinapakita sa kanya ang mukha nito sa salamin.
“Ngayon ko lang nasilayan ang mukha ko. Salamat.” Sabi nito.
Binihisan ko si Aries ng mga dala kong damit. Inayusan. Sure na ako sa mga sandaling iyon, si Aries talaga ang kaharap ko.
Nag paalam ako sa kanya na may bibilhin saglit. Ganado akong namili ng mga paborito nitong pag kain. At subrang excited ko sa mga Oras na iyon. Bumalik agad ako sa bahay para ipaghanda si Aries ng paborito nitong ulam.
Pagkarating ko, agad ko napansin ang basang door knob. May mga patak din ng tubig sa sahig. Agad akong pumasok. Wala roon si Aries. Tinungo ko ang kwarto namin pati ang basement ngunit wala siya roon.
Kinabahan ako, agad akong lumabas ng bahay at hinanap ito sa paligid. Ngunit walang Aries.
Sa aking paghahanap, may natumbok ang aking paningin, sa likuran ng bahay merong mga bakas ng tubig na patungo sa dulo ng kakahuyan. Basa ang mga damu sa paligid na tila hinawi ng kung anong malapad na bagay.
Na curious ako doon, kaya sinundan ko ang bakas. Ngayon lang ako na gawi sa likuran ng aming bahay simula nang manirahan kami doon. Papasok nga sa kakahuyan ang bakas ng tubig. Nag patuloy pa ako hanggang sa marating ko ang isang malawak at tagong lawa sa pusod ng kakahuyan. Doon tumigil ang mga bakas ng tubig.
Hinanap ko roon si Aries. Buong sigaw kong tinatawag ang kanyang pangalan. Ngunit walang palatandaan na naroon ito.
Nababahala ako sa mga nangyayari, bumalik sa akin ang panaginip ko noon. Kung saan tinangay ako ng napakalakas na tubig at dinala sa lugar kung saan ako lang ang naroon.
Pabalik na ako nang may narinig akong malakas na tilamsik sa tubig. Napa tingin ako pabalik sa lawa. Ngunit tahimik naman ang tubig.
Kinabahan ako, kaya nagmadali akong bumalik ng bahay. At pag kauwi ko nagulat ako nang makita ko roon si Aries,
“Saan ka galing, wala ka naman dito kanina ah?” Pagtataka ko.
“May kumuha sa akin dito. Tapos nawalan na ako ng malay pag ka gising ko nandito na muli ako.” Kuwento ni Aries.
“Sino ang kumuha sa iyo? Saan ka niya dinala?” Tanong ko na kinakabahan.
“Sa isang dagat, isang lalake ang nag dala sa akin doon.” Sabi pa ni Aries.
Napansin kong wala sa sarili si Aries ,kausap niya ako pero parang blangko ang kanyang mga mata.
Malayo roon sa bahay ang mga dagat. Kailangan mo pa sumakay ng bus makarating lang sa pinaka malapit na beach. Isa’t kalahating Oras na beyahe naman kung balak mong tunguhin ang Dapdap. Kaya paano naka rating ng dagat si Aries.
Isa lang ang pumasok sa isipan ko, si Neru.
-preno muna mga kabrobars, saglit muna natin puputulin ang mga eksena. Ano kaya ang totoong nangyari kay Aries? Bakit wala itong maalala? Si Neru nga kaya ang tinutukoy ni Aries? Malalaman natin iyan sa susunod nating pagkikita. Promise hahabaan ko na Ang mga eksena. Bibitin ko muna kayo. Ingat
Kita tayo next…
The Lake
Sinikap kong ibalik ang lahat nang ala ala ni Aries sa abot nang makakaya ko. Mailap si Aries sa akin. Ramdam ko ang pag aalangan niya sa akin. May pag dududa, may pagtataka. Nabura na talaga ako sa buhay ni Aries. Maging ang nakaraan namin hindi na ito naalala.
Gayun pa man, sapat na sa akin na kasama ko na muli ngayon ang taong Mahal ko. Kumakain kami ng pananghalian nang napansin nito ang kuwentas na suot ko.
“Parang nakita ko na ang suot mo na iyan.” Pansin nito.
Nabuhayan agad ako nang loob.
“Saan? Saan mo nakita ito…may na aalala kaba dito Mahal?” Tanong ko.
“Hindi ko lang matandaan kung saan, pero parang nakita ko na iyan.” Pilit nitong inaalala ang tungkol sa kuwentas.
Hinubad ko ang kuwentas at inabot ito kay Aries.
“Hawakan mo, subukan mong alalahanin ang kuwentas na ito. Hawakan mo, baka sakaling may ma alala ka.”
“Sa panaginip, oo sa panaginip nga. Madalas ko itong nakikita sa panaginip ko. Suot suot ko ang kuwentas na ito sa panaginip ko.” Nasabi ni Aries.
“Sa iyo talaga galing ang kuwentas na iyan mahal, bigay mo iyan sa akin bago tayo nagkahiwalay.” Napaluha ako sa saya.
Napansin ko ang pag ilaw ng kuwentas habang hawak ito ni Aries. Matagal nang hindi ko iyon nakitang kuminang nang ganun ka liwanag. Biglang binitawan ni Aries ang kuwentas. Nakita ko ang pamumula ng kanyang palad na dinampian ng kuwentas. Nag taka ako.
“Bakit mahal? Ano ang nangyari?” Pag-aalala ko.
“Ang init, bigla na lang uminit ang kuwentas habang hawak ko.” Sabi ni Aries.
Kinuha ko ang kuwentas, ngunit hindi naman ito mainit gaya nang sinabi ni Aries.
“Ilayo mo sa akin ang bagay na iyan.” Biglang nagalit si Aries. Tumayo ito nilisan ang kanyang pagkain. Lumabas ito ng balkonahe.
Hindi ko naman pinansin pa ang mga pangyayari. Sinuot kong muli ang kuwentas. Naalala ko pa ang sinabi noon ni Aries tungkol sa kuwentas. Habang nasa akin ito, hindi ako iiwanan ni Aries. Mananatili siyang kasama ko.
Hindi ko narin na tapos ang pag kain ko. Habang nag liligpit ako ng pinagkainan namin. Nakarinig ako nang malakas na hampas ng tubig na nag mula sa labas, subrang lakas na para bang may malaking alon na tumama sa dingding ng bahay. Dali dali akong lumabas, at nagulat ako sa aking nakita. Gaya nang una kong napansin noon nang dumating ako sa bahay. May bakas ng tubig sa labas ng dingding at sa paligid ng sahig nito. Hinanap ko si Aries ngunit wala ito sa paligid.
Kinabahan ako, nagmadali akong suyurin sa paligid si Aries. Doon nakita ko muli ang bakas ng tubig na patungo na naman sa kakahuyan. Hindi ko alam kung ano ang nag hihintay sa akin doon , ngunit tila hinihila ako nang aking hinala na naroon si Aries.
Dala ang takot sa sarili, sinundan ko ang bakas. At tinumbok nga nito ang tagong lawa na nakakubli sa kakahuyan.
Tumigil ang bakas sa mga damuhan malapit sa gilid ng lawa. Hinanap ko si Aries doon, ngunit tanging Ang mga huni lang ng ibon at mga insekto ang sumsagot sa akin.
Lumapit pa ako sa may lawa nang may napansin akong bagay na lumulutang sa tubig. Dinampot ko ang bagay na iyon. Ball cap iyon ni Aries.
Suot niya ito noong pauwi na sana kami sa amin. Noong araw na nagkahiwalay kami. Paano na punta iyon doon? Tanong ko. Tinawag kung muli si Aries. Sinuyod ko ang paligid ng lawa. Ngunit wala, kahit anino man lang ni Aries.
Pabalik na ako nang bigla nag iba ang anyo ng paligid. Bigla na lang binalot ang lawa ng makakapal na ulap. Tumahimik ang paligid. Maging ang mga galaw ng mga dahon at sanga ng mga Puno bigla na lang nahinto.
Lalong kumapal ang tila fog sa ibabaw ng lawa. Nag simula na akong makaramdam ng takot.
“Aries!!!” Sigaw ko.
Biglang may gumalaw sa tubig. Napa atras ako. Nakiramdam ako sa kilos ng lawa. Maya maya nag karoon ng maliliit na alon sa lawa. Nagmistulang dalampasigan ang gilid ng lawa. Palakas ng palakas ang alon na humahampas roon.
Napansin ko ang unti unting pag lapit ng tubig sa aking mga paa, tila gusto nitong dampian ang aking mga binti. Natakot man pero tila pina kakalma nang ingay ng mga alon ang aking nararamdaman.
Bumaba ako para hawakan ang tubig sa lawa. Nagulat ako nang bigla nalang umangat ang tubig at inabot nito ang aking mga kamay.
Ang lamig ng tubig, parang sabik sa mga hawak ko ang lawa. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kamay ng isang tao ang hinahawakan ko at hindi tubig.
Gumapang pa paakyat sa kamay ko ang tubig, sa mga braso ko at bigla na lang lumukob sa katawan ko. Natumba ako sa gilid ng lawa habang naka lukob sa akin ang tubig.
May kakaiba akong naramdaman habang nangyayari sa akin iyon. Nawala ang takot na nararamdaman ko. Sa halip gumaan ang pakiramdam ko. Parang na ibsan ang pangungulila ko kay Aries.
Ramdam ng katawan ko ang pagkumot sa akin ng tubig na tila niyayakap ako. Ngunit hindi ko man lang nararamdamang nababasa ako.
“Jim?” Napalingon ako nang marinig ang boses ni Aries na tinawag ako.
Nang makita ko rin ang biglaang pag atras ng tubig pabalik sa lawa. Bumalik ito sa dati. Naglaho na rin ang tila hamog sa ibabaw nito. Napansin ko sa kamay ko ang ball cap na nakita ko. Tinago ko iyon kay Aries.
Tumayo ako at sinalubong ito.
“Ano ang ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang lugar na ito.” Tanong agad ni Aries sa akin, na tila nababahala.
“Hinahanap kita kanina, ngunit nawala ka. Nagbabakasakali ako dito baka nandito ka.” Sagot ko.
“May pinuntahan lang ako, pag balik ko wala kana.” Ayon pa kay Aries.
May napansin akong kakaiba sa kinikilos ni Aries, naging maligalig ang mga mata nito. At tila may tinatago sa akin. Hindi ako nag pahalata. May nabubuong pag dududa sa aking isipan pero ayukong paniwalaan.
“Matagal na palang may lawa dito malapit sa atin. Ngayon ko lang nalaman. Madalas ka ba dito Mahal?” Tanong ko.
“Ngayon ko lang din nalaman ang lugar na ito.” Tugon pa ni Aries.
“Bakit ka nga pala nandito? Kung ngayon mo lang nalaman ang lugar na ito.?” Tanong ko pa.
“Nakarinig ako ng ingay sa bahaging ito. Kaya pumunta ako. At nakita kitang naka higa sa gilid ng lawa.” Sagot ni Aries.
Napansin kong may iba sa mga titig ni Aries, may galit sa kanyang mga mata habang naka tingin sa lawa.
“Bakit mahal? May nakikita ka ba sa lawa?” Sabi ko.
“Huwag ka nang lumapit sa lugar na ito, Lalo na sa lawa. Iba ang pakiramdam ko sa paligid. Baka may mga mababangis pa na hayop dito.” At naunang bumalik sa daan si Aries. Sumunod ako.
Nakasunod ako kay Aries nang may tila malamig na bagay na dumampi sa pisngi ko at bumulong sa tenga ko. Nang kapain ko ang aking pisngi , may mga butil ng tubig akong mahawakan. Maging ang tenga ko, basa rin.
Napalingon ako sa lawa, at natigilan ako nang mahagip ng paningin ko ang malaking buntot ng isang isda na bigla na lang nag laho sa tubig.
Hindi ako nagkamali sa aking nakita, buntot iyon ng isang kataw, at pamilyar sa akin ang kulay ng butot na iyon.
Pero paano, nakasunod ako ngayon kay Aries. Lalong lumakas ang kutob na nararamdaman ko sa nakita kong iyon.
Malapit na mag takip silim nang mga sandaling iyon. Nag hahanda na ako nang hapunan namin ni Aries. Nag aayos ako ng mga laman ng ref noon.
“Mahal, kakaunti na lang pala ang supplies natin dito. Baka may gusto kang ipasama, mag go-grocery ako bukas.” Sabi ko.
“Sa susunod ka na lang mag grocery, gusto ko mag bonding muna tayo bukas. Gusto ko puntahan natin ang sinasabi mong Dapdap. Kung saan nag simulang nabuo ang pagmamahalan natin.” Nabigla ako nang niyakap na lang ako bigla ni Aries mula sa likod. Nag lalambing ito sa akin.
Nag taka ako sa biglaang kilos ni Aries, subrang lambing nito. Na halos hindi makabitaw sa pag yakap sa akin.
“Nararamdaman ko Mahal, unti unti mo nang naaalala ang lahat. Pero alam mo naninibago ako sa iyo. Hindi ka naman ganyan kung mag lambing sa akin noon. Ako ang madalas gumagawa sa iyo nito.” Sabi ko.
Nakapanibago lang talaga, kahit noon, sa amin ni Aries ako ang madalas naglalambing. Pero ngayon ang agresibo ni Aries , kulang na lang papakin niya ang leeg ko kung halik halikan ako.
“Hindi mo ba gusto ang ginagawa ko sa iyo?” Tanong nito nang mapansing umiiwas ako.
“Siyempre naman gustong gusto ko Mahal. Kaya lang mag luluto pa ako nang hapunan natin. Saka na iyan pagkatapos natin kumain mamaya. May mas na miss akong ginagawa natin.” Sabi ko. Napangiti naman si Aries.
Bago pa tuluyang matapos ang Gabi, pinaramdam ko kay Aries ang mga bagay na namiss ko sa kanya.
“I love you Mahal,” sinimulan kong halikan si Aries sa labi. Nakiramdam muna ako baka mabigla siya at maitulak ko.
Ngunit nagpa ubaya si Aries sa paunang halik ko. At sa pangalawang pag kabig ko sa mga labi nito, tumugon sa akin si Aries.
Napaluha ako, sa mahabang panahon ng pangungulila natikman kong muli Ang malalambot na labi ni Aries at nalasahan muli ang matamis nitong laway.
Nakapikit kaming dalawa habang ninanamnam ang bawat isa. Maaring nalimutan nga ni Aries ang relasyon namin pero hindi ang init ng pagmamahalan namin.
Ako ang gumalaw sa aming dalawa. Isa isa kung tinanggal ang suot ni Aries, sabik na sabik ang mga palad ko na madampian muli ang kanyang katawan. Walang bakas nang pag tutol si Aries sa lahat nang ginagawa ko. Nagpaubaya lang ito sa lahat ng gusto ko.
Binuhos ko ang lahat ng aking pag mamahal kay Aries. Sinigurado kong , hinding hindi niya malilimutan ang lahat sa gabing iyon. Pinahiga ko si Aries sa kama, at nang muli ko na itong halikan sa leeg. May hiniling ito.
“Tanggalin mo na lang ang kuwentas na iyan, mukhang sagabal eh.”
Sinunod ko si Aries, at tinanggal ko ang kuwentas na bigay nito. Sa puntong iyon, bumaliktad ang sitwasyon. Si Aries naman ang naging mas dominante sa aming dalawa. Halos kapusin ako nang hangin sa pagngasab sa labi ko.
Parang hayok sa sex si Aries, para akong napagod sa mga galawan nito. Palaban si Aries sa kama. Walang panama ang mga nalalaman ko sa sex sa galing ni Aries. Matindi ang naranasan kong iyon sa kanya. Ibang iba sa mga Lambingan namin noon.
Sarap na sarap kaming dalawa, nang muli na namang binulabog kami ng malakas na hampas ng alon mula sa labas. Rinig pa namin ang dagundong ng tubig na tila gusto kaming pasukin sa loob.
“Huwag mong intindihin iyon, tapusin natin ito. Ummmm” hindi nag patinag si Aries, at mas tinudo pa ang pagpapaligaya sa akin.
Habang nalalapit ang kasukdulan namin ni Aries, lalong tumitindi din ang ingay sa labas. Sarap na sarap ako sa ginagawa namin ni Aries ngunit nasa ingay sa labas ang atensiyon ko.
Parang nagagalit Ang ingay sa ginagawa namin ni Aries.
Bunga nang pananabik ko kay Aries, binalewala ko ang mga naririnig ko sa labas, gusto kong sulitin ang gabing iyon sa mga bisig ni Aries.
Hanggang sa tuluyan nang sumabog ang mga nararamdaman namin sa isa’t isa. Tinapos namin ang gabing iyon ng isang masuyong halik.
Kasabay ng pag tila ng init na pinagsaluhan namin ni Aries. Tumahimik din ang paligid. Nawala Ang ingay.
Natulog akong may ngiti sa aking labi, katabi ang mahal kong si Aries.
Subrang sarap nang tulog, at maging kinabukasan nun, nakangiti parin akong gumising.
Napatingin ako sa gilid ko, wala naroon si Aries. Bumangon ako na subrang gaan nang pakiramdam. Agad ko hinanap si Aries, napadaan ako sa banyo para mag hilamos nang mapansin ko na wala na sa leeg ko ang kuwentas.
Bumalik ako sa kama para tingnan ito doon, baka kasi na tanggal noong nag lambingan kami ni Aries. Ngunit natingnan ko na lahat lahat pero wala. Hindi ko na nakita ang kuwentas.
Hinanap ko si Aries sa labas para tanungin sana tungkol dito. Ngunit na bigla ako sa aking dinatnan doon.
Sinalubong ako ni Aries nang may kakaibang saya sa kanyang mukha, agad niya ako binati at hinalikan sa nuo. Sabay Alok sa akin na mag breakfast.
Nakalatag na lahat sa mesa ang mga masasarap na pag kain, actually hindi siya pang breakfast. Lahat nang klase ng seafood nakahain na roon. Bigla tuloy nanumbalik sa akin ang dati noong nasa Dapdap pa kami.
“Halika na Mahal kumain na tayo, hinanda ko lahat ito para sa iyo.” At sa muling pagkakataon narinig ko muli sa mga bibig ni Aries na tinawag niya akong Mahal.
Napatango lang ako. Hindi ako maka paniwala na nangyayari iyon sa amin. Ang pinapangarap ko. Nangyayari na ngayon. Bumalik na sa akin si Aries. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko si Aries at ganun din siya sa akin.
“Naaalala mo na Ang lahat Mahal?” Tanong ko.
“Sorry Mahal, wala parin akong naalala hanggang sa ngayon. Pero matapos ang nangyari sa atin kagabi. Parang gusto ko na pagsilbihan kita ngayon. Pinasaya mo ako buong gabi. At ngayon ko lang ito naranasan buong buhay ko. Ganito pala mag Mahal ang tulad mo. Ibang iba sa amin.” Ang tugon ni Aries.
May mga hindi ako naiintindihan sa mga sinasabi niya pero lahat iyon binalewala ko. Ang mahalaga sa akin unti unti nang bumabalik sa akin ang aking mahal.
Masaya kaming nag haharutan sa harap ng pagkain, Nang may napansin ako sa gilid nang magkabilang tenga ni Aries.
“Mahal nag babago ang anyo mo, lumalabas ang hasang mo sa ilalim ng tenga mo.” Pansin ko.
Kinapa iyon ni Aries at nakita ko sa mukha nito ang pagkabahala. Dali-dali itong tumayo at tinungo ang banyo.
Agad ko rin siyang sinundan sa pag aalala ko. Ngunit bigla na lang nito ni Lock ang pintuan.
“Mahal papasukin mo ako, ano ba ang nangyayari?” Sigaw ko.
“Umalis ka, pabayaan mo ako dito. Pakiusap.” Rinig ko ang pag iba nang boses ni Aries, unti unti itong lumiit at papaos na .
Nang may napansin akong tubig na lumalabas mula sa siwang sa ilalim ng pintuan. Mula iyon sa loob, malakas ang agos ng tubig na lumalabas doon. Kinabahan ako, Lalo na nang hindi ko na naririnig si Aries sa loob.
Nasa loob ang lock ng banyo, kaya persahan ko na itong pinasok. Sinira ko ang knob ng pintuan at nang mabuksan ko iyon. Wala roon sa loob si Aries. Tanging bakas ng tubig ang naiwan sa loob at ang suot nito.
Takot, pangamba at pagtataka ang bumalot sa akin noon. Hindi ko alam kung saan ko hahagilapin si Aries. Bigla na lang pumasok sa aking isipan si Neru.
Tinungo ko ang lawa na malapit doon sa amin. Alam kong konektado ito doon sa mga nangyayari. Pagkarating ko sa gilid ng lawa agad ako sumigaw, hinahamon doon si Neru. Ngunit tahimik lang ang lawa. Para akong baliw na kinakausap ang lawa.
“Lubayan mo na kami ni Aries, ibigay mo na sa amin Ang katahimikan. Patawarin mo na kami, nakikiusap ako sa iyo! Neru, magpakita ka… kausapin mo ako!‘’
Bigo ako, walang Neru. Nang makita ko ang pagbabago sa mukha ni Aries bumalik sa akin ang takot na baka muling mawala sa akin ang aking mahal.
Paalis na ako roon nang may nakita akong gumalaw sa may tubig. Napatitig ako sa lawa. Nag abang ako. Alam kong mayroon talaga doon sa ilalim ng lawa.
At para patunayan iyon. Buong tapang kong nilusong ang lawa at sumisid. Habang palalim ako nang palalim, palubog nang palubog ang tubig sa lawa dahil sa mga lumot na naroon sa ilalim nito. Nagpatuloy pa ako sa pag langoy sa ilalim nito. Malalim na ang inaabot ko at ramdam ko na Ang hirap sa pag kontrol ng aking hininga.
Nagmamadali akong maka ahon , ngunit sa lalim na nang naabot ko, hirap na hirap na akong maabot ang ibabaw ng lawa. Nalulonod na ako noon. Subrang hirap na ako noon. Nag flashback sa akin noong nagtaka akong mag pakamatay noon. Iniisip ko sa mga sandaling iyon si Aries, na sana naroon muli siya para iligtas ako.
Helpless na ako sa mga Oras na iyon. Pagod na ako, hirap na ako sa aking hininga, marami na akong nalunok na tubig. Nawawalan na ako nag malay nang may nakikita akong anino na papalapit sa akin. Papikit na Ang mga mata ko kaya hindi ko na iyon nakita. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng ulirat.
Akala ko katapusan ko na sa araw na iyon. Ngunit niligtas ako nang isang nilalang sa aking pagkalunod. At nagising na lang ako sa isang lugar kung saan nagsibalikan sa akin ang lahat.
Nasa dalampasigan na ako ng Dapdap nang magkamalay ako. Isang malaking palaisipan sa akin kung bakit ako naroon at kung paano ako nakarating doon.
Tumayo ako mula sa may buhangin at pinuntahan ang aking rest house, at nagulat ako na naroon parin iyon doon, na parang hindi man lang pinaglipasan nang mga taon. Maayos pa ang loob at labas nito. Maging ang mga gamit na para bang may nag aalaga nang bahay.
Lumabas ako at tinungo naman ang floating restaurant ko, nandoon parin ito doon bagamat wala ng mga tao. Maayos parin ito at tila hindi napabayaan. Maging ang mga villa nakatindig parin nang maayos.
Bumalik ako sa may dalampasigan.
“Aries!!!, Aries!!!” Ang sigaw ko.
Alam ko at ramdam ko naroon si Aries. Napatingin ako sa may batuhan. At doon may napansin ako. Dali dali akong nagtungo roon.
“Teka saglit, “ pagtawag ko sa isang ubod ng panget na nilalang na pabalik na sana sa dagat.
Lumingon ito sa akin, nakakatakot ang anyo nito. Ibang iba sa mga kataw na nakita ko. Matutulis ang mga palikpik nito mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang buntot. Naka luwa ang mga mata nito at parang sa anglerfish ang mukha at bibig nito. Balot ng kaliskis ang buo nitong katawan. Ibang iba sa mga kataw na bagamat may kaliskis kita parin Ang balat ng isang tao sa kanila.
Takot ang nilalang sa akin habang papalapit ako.
“Huwag ka matakot, isa akong kaibigan. May kakilala din akong kataw tulad mo. Kaya huwag ka matakot.” Sabi ko, pero sa totoo lang ako ang takot baka ano ang gawin sa akin ng nilalang. Sabi pa nga ni Aries, halimaw kung sa halimaw ang mga uri nila mapanlinglang at mapanakit.
Pero sa nilalang na ito. Iba ang nararamdaman ko sa kanya. Habang naka titig ako sa kanyang mga mata, parang kinakausap niya ako. Nakikita ko Ang lungkot sa mga malalaki nitong mata.
“Kilala mo ba si Aries?” Tanong ko.
Wala akong nakuhang sagot sa kanya, yumuko lang ito. Tanda na Kilala niya si Aries.
“Nasaan siya, dalhin mo ako sa kanya. Dalhin mo ako kay Aries sa Mahal ko.”
Tumingin lang ito sa akin at hinawakan ng kanyang kamay Ang kanyang dibdib saka inangat ang buntot nito na tila ipinakita sa akin.
Napaisip ako, katulad ng kay Aries ang kulay ng kanyang buntot.
“Ano ang ibig mong sabihin, bakit magkasing kulay kayo ng buntot ni Aries? Magsalita ka.” Sabi ko.
Naalala ko pa ang sabi noon ni Aries sa akin, nakikilala ng mga kataw ang kanilang kauri dahil sa natatangi nitong kulay. Magkakaiba ang mga buntot ng mga kataw. Maging ang mga kulay nito. Ito ang nag sisilbi nilang palatandaan para makilala ang isa’t isa.
At ang alam ko tanging si Aries lang ang nag mamay ari ng buntot iyon.
“Aries?” Nang napagtanto ko , nakita ko ang pag luha ng mga mata ng nilalang.
Dali dali akong lumapit sa kanya para siguraduhin ang lahat nang may nagsalita mula sa likuran ko.
“Lumayo ka sa kanya Mahal, mapanganib siya.”
Napalingon ako nang makita roon si Aries. Napansin ko rin ang tila pag iba nang anyo nang nilalang, Lalo itong naging nakakatakot at tila galit na galit habang nakatingin kay Aries.
Napa atras ako at bumalik papalapit kay Aries. Biglang tumaas ang mga alon at tila hinahamon si Aries. Napa atras kami ni Aries nang atakehin kami ng alon.
Hinila ako ni Aries palayo roon sa nilalang. Habang pa alis kami roon rinig ko ang sigaw ng nilalang na para bang umiiyak.
“Paano ka naka punta dito? Bigla ka na lang nawala sa loob ng banyo Mahal.” Tanong ko kay Aries.
“Hindi ko alam pero sa tuwing nangyayari sa akin iyon nagigising na lang ako dito. Sa lugar na ito.” Sagot niya.
“At ang nilalang na iyon, bakit nasabi mong mapanganib siya?” Tanong ko muli.
“Hindi mo ba nakita Ang ginawa niya kanina? At muntik na rin niya ako saktan noon nang magkaharap kami.” Paliwanag pa nito.
“Pero bakit ang kanyang buntot, bakit magka kulay kayo ng buntot?.” Sabi ko.
“A- anong buntot? Wala naman akong buntot ah?”
“Kauri mo sila Mahal , hindi ka tao tulad ko. Hindi mo ba alam? Isa kang kataw.”
“Marami pa akong hindi naiintindihan sa sarili ko. Pero sa tulong mo baka sakaling maalala ko na Ang lahat.” Sagot ni Aries sa akin.
“Kahit wala kang naaalala, alam ko nasa puso mo parin Ang nakaraan natin. Hindi mo kasi pinabayaan ang lugar na ito. Ang rest house, ang mga villa, pati ang resto. Maayos pa. Mukhang hinanda mo talaga ang lugar na ito para sa muli nating pagsasama.” Sabi ko .
“Ah eh siguro, baka… naiisip ko lang kasi na sayang ang lugar na ito kung kakalimutan na rin.” Sabi nito.
“Paano ka nakakabalik doon sa bahay mula dito nang mabilis?. Ang layo nito doon sa atin. At ito ang sinasabi kong Dapdap, dito tayo noon nagkakilala nang lubusan.dito tayo noon nagsimula.”
“Ito ba iyon? Ito pala ang Dapdap.”
“Oo Mahal, kaya paano ka nakaka balik agad doon sa bahay mula dito?” Tanong ko.
“Hindi ko alam, Basta bigla na lang ako nawawalan ng malay . Pagkagising ko naroon na ako. Ikaw paano ka napunta dito?” Balik na tanong ni Aries sa akin.
“Sa lawa, nang sumisid ako. Tapos nawalan ako nang malay, panggising ko. Narito na ako.” Kuwento ko.
“Diba sinabi ko na sa iyo na huwag kang lalapit sa lawa na iyon?!” Biglang nanglisik ang mata ni Aries sa galit habang mahigpit na hinahawakan ako sa braso.
“Teka Teka Mahal, nasasaktan ako. “ Saka lang bumitaw si Aries.
“Ano ba ang nangyayari? Bakit bigla ka na lang nagalit? May tinatago ka ba sakin tungkol sa lawa na iyon?” Pagtataka ko.
“Wala, nag aalala lang ako sa iyo.” At tumalikod sa akin si Aries.
“Hindi kaya ang lawa na iyon at ang lugar na ito ay magka dugtong? Sabi mo noon sa akin maraming lagusan dito sa lupa ang patungo sa Mundo niyo. Kung saan may tubig , maaring naroon ang lagusan. Hindi kaya doon Karin dumadaan tuwing nawawala ka Mahal?” Hinala ko.
Hindi na tumugon si Aries nagpakalayo ito iniwan ako. Napatingin muli ako sa may batuhan. Naroon parin Ang nilalang nakatingin lang sa akin. Kumaway ito sa akin saka bumalik sa dagat. Kung sa buntot lang ang pag babasehan ko, kay Aries iyon. Hindi ako magkakamali.
Paalis na ako roon para sundan si Aries nang mag silabasan sa buhangin ang napakaraming mga maliit na alimango na ibat iba ang mga kulay.
Parang may mga isip ang mga ito at isa isang kumilos na tila may binubuo sa buhangin. Namangha ako noong una ngunit nabago ito nang makita ko na Ang nabuo nilang salita.
“Nasa Panganib ka”
Nang tinawag na ako ni Aries, nagsipulasan ang mga alimango at bumalik sa buhangin. Ngunit isang mas malaki ang naiwan at gumawa ng hukay sa buhangin, saka lumapit sa mga paa ko. Na para bang gusto nitong dukutin ko ang naroon sa ginawa niyang hukay. Ginawa ko naman iyon. At nagulat ako nang mahugot ko roon ang nawawala Kong kuwentas. Paano ito napunta doon. Tanong ko. Pinulot ko iyon saka tinago sa bulsa ko.
Tumagal pa kami roon ni Aries sa Dapdap. Pansin ko ang pagkabalisa ni Aries, maligalig ito at hindi mapakali sa isang lugar.
“May iniisip kaba Mahal ? Kanina ko pa napapansin hindi ka mapermi sa isang puwesto.” Pansin ko.
“Hindi na ako kumportable sa lugar na ito. Ngayong kasama na kita dito inaalala ko ngayon ang kaligtasan mo. Paano kung may mangyari sa iyo dito?” Sabi pa nito.
“Saan ka ba natatakot kay Neru? Hindi na niya tayo mapaghihiwalay Mahal. Sabay natin siyang haharapin. Makapangyarihan lang siya, nagmamahalan tayo. Wala nang mas malalakas pa sa pag iibigan natin Mahal. Wala nang bibitaw.” Tugon ko.
Napansin ko sa mukha ni Aries na hindi ito Masaya sa sinabi. Hindi ko talaga mabasa kung ano ang nasa sa isip nito. Nabura na nga ba talaga ang lahat sa kanyang alaala. O sinasadya lang nitong kalimutan ang lahat. Dahil parang may tinatago sa akin si Aries.
Ang pinag tataka ko pa ngayong naroon na kami sa Dapdap. Wala namang may nangyayari sa kanya gaya nang nasabi niya. Nasa kay Aries lang ang paningin ko.
Hindi ko mapigilan ang sarili na mag duda. Ginabi na kami roon sa Dapdap. Pero kailangan man ay hindi pumasok ng bahay si Aries. May kung ano itong kinatatakutan sa loob.
“Mag didilim na Mahal, kanina kapa dito sa labas. Pumasok na tayo para maka pag pahinga.” Pag tawag ko.
“Pag pahinga kana roon, mag babantay ako dito sa labas”
“Aminin mo nga sa akin , may naalala kana ba? May tinatago kaba sa akin?” Tanong ko.
“Mag pahinga ka na, huwag mo akong intindihin dito.” Bumaba si Aries at tinungo ang dalampasigan.
Hindi ko na kinulit pa si Aries, Ang Dapdap ang teritoryo ng mga kataw, kaya na kampante na ako. Ang hindi lang malinaw sa akin kung paano talaga ako napunta sa Dapdap gayong sa lawa ako sumisid.
Pahiga na ako nang makapa ko sa bulsa ko ang kuwentas. Naisip ko si Aries,.
“Kay Aries ito nang galing, malamang malaki ang koneksiyon nito sa kanya. At kapag naibalik ko siguro ito sa kanya. Manunumbalik na sa dati ang lahat. Maaalala niya na ako.” Sabi ko.
Lumabas ako dala ang kuwentas at pinuntahan sa dalampasigan si Aries.
“Hanggang kailangan ka ba tatayo dito, habang pinagmamasdan ang dagat? Wala nang darating pa na panganib sa Oras na ito. Halika na magpahinga na tayo Mahal.” Nang lumapit ako.
“Gaano mo ba kamahal si Aries ,ibig ko sabihin, gaano mo ako kamahal noon bago pa nawala Ang alaala ko?” Tanong ni Aries.
Lumapit pa ako sa kanya ay niyakap siya mula sa likod.
“Ikaw unang lalaking minahal ko. Sa iyo ko unang naranasan ang ganitong klaseng relasyon. At sa iyo ko naramdaman ang walang kasing sarap na pagmamahal. Handa kong ibigay ang buhay ko para lamang sa pagmaamhal ko sa iyo. Hindi kita kayang Iwan, pakawalan o kakalimutan Mahal. I love you.” Sabay lambing kay Aries.
“Mahal din ba kita?” Tanong pa nito.
“Ito ang patunay nang pagmamahal mo sa akin Mahal, bigay mo ito sa akin bago tayo nagkahiwalay.” Sabi ko sabay sabit sa leeg ni Aries ng kuwentas na bigay niya dati sa akin.
Hindi ko pa man na itali sa leeg ni Aries ang kuwentas, napaiwas na ito nang madikit sa leeg niya ang kuwentas. Nakita ko na nasaktan ito nang madampian ng kuwentas. Nagulat ako sa naging reaksiyon ni Aries.
“Ilayo mo sa akin iyan.” Ang sabi pa ni Aries. Pasin ko ang pag bago nang mukha nito, nagkakaliskis muli ang ilang parte nang katawan nito.
“Mahal ok ka lang? Nagkakaliskis ka na naman”
“Iwanan mo ako, lumayo ka sa akin. Baka kung ano pa magawa ko sa iyo. Sige na . Lumayo ka na. Pabayaan mo ako dito. Sige na, hanggat kaya pa.” Paki usap pa nito saka tumakbo ito patungong dagat.
“Aries! Huwag mo akong Iwan. Ano ba ang nangyayari?!” Ang sigaw ko habang unti unting nilalamon ng mga alon si Aries palayo.
Naiwan ako sa dalampasigan, gulong gulo sa mga nangyari.
-Ayan mga kabrobars, medyo nalito din ba kayo? Ano ba ang teyoriyang nabubuo sa isipan niyo? Sasagutin natin iyan sa mga susunod pang pahina sa kuwento nina Aries at Jim.
Aries x Aries

Nang gabing ding iyon muli na namang naglaho sa paningin ko si Aries. Magdamag ako nag abang roon. Tinungo ko ang batuhan at doon nag hintay. Ano ba itong nangyayari? Tanong ko.
Tumaas bigla ang alon, at pag hupa nito ang pag litaw sa harapan ko ng nilalang na nakita noong una. Nakatitig ito sa akin na may lungkot sa kanyang mga mata.
May kung ano sa hangin na para bang binubulungan ako nito na lumapit sa nasabing nilalang. At hindi din naman ako nag dalawang isip. Lumapit ako, at kinausap siya.
“Sino ka? Ano ang kailangan mo? Maari mo ba akong tulungan na maibalik sa akin si Aries?” Katanungan ko.
Yumuko lang ito na tila nalungkot nang lubusan. At kapansin pansin ang tumutulong luha sa mabibilog nitong mga mata. Nakakatakot man ang kanyang anyo, nakaramdam ako nang awa na hindi ko maipaliwanag. Hinaplos ko ang kanyang mukha, at nagulat ako nang bigla nalang nitong hinawakan ang kamay ko na nasa mukha niya. Na para bang pinanabikan nito ang muling pag dampi ng palad ko sa kanya.
Hindi nag sasalita ang nilalang, tanging nakakalungkot na tunog lang ang nagagawa nito, na para bang sa mga dolphin. Hindi ko na malayang nahulog pala sa tubig ang kuwentas na mula sa bulsa ko.
Napansin ko lang ito nang muli na naman itong umilaw. Kinuha ko iyon sa tubig. At napansin na tila napa ngiti ang nilalang nang makitang lumiwanag itong muli habang nasa kamay ko.
Sa totoo lang hindi ko alam pero parang ramdam ko na Kilala ako ng nilalang na ito. At ako maging sa sarili ko parang may koneksiyon kaming dalawa.
“Alam mo ang kuwentas na ito?” Tanong ko nang mapansin ang galak sa mukha ng nilalang
Sumenyas ito na isuot ko sa kanya ang kuwentas. Nag alangan ako. Una dahil baka kasabwat ito ni Neru, pangalawa baka nililinlang lang nito ang damdamin ko. Ngunit nang muli na naman nitong inangat ang kanyang buntot. Si Aries ang nakikita ko.
Nakikiusap ito na ilagay sa kanyang leeg ang kuwentas at ginawa ko naman.
Wala namang kakaibang nangyari matapos ko maisuot sa kanya ang kuwentas. Nag hintay pa ako nang biglang kumalat sa katawan ng nilalang ang liwanag na dulot ng kuwentas.
Napa atras ako sa aking kina tatayuan. At kita nang dalawa kong mata ang unti unti nitong pag papalit nang anyo. Unang nawala Ang mga makakapal na kaliskis nito sa katawan, at naglaho ang mga matutulis nitong palikpik , kuminis Ang balat niyo, at unti unting umayos ang kanyang mukha. Maging ang buntot nito ay napapalitan narin ng mga paa.
Gulat at pagka bigla ang bumungad sa akin nang tuluyan na itong nakapagpalit anyo. Si Aries ,naging si Aries ang nilalang na kaharap ko.
Walang inaksayang sandali si Aries at agad niya akong niyakap ng mahigpit. Subrang higpit na tila sabik na sabik naahagkan ako muli. Nawala Ang pagtataka at pag dududa ko na nararamdaman at niyakap din si Aries. At sa pagkakataong iyon mas ramdam ko ang mga yakap na iyon. Si Aries talaga ang kayakap ko.
“Matagal kong hinintay na mayakap kang muli Mahal at salamat hindi ka nag patalo sa iyong takot. Binalik mo ako sa iyo.” Sabi ni Aries habang nakayakap parin sa akin, at ayaw pang bumitaw.
“Sa wakas na aalala mo na ako Mahal.” Sagot ko.
“Kailan man hindi ka na wala sa puso at isipan ko Mahal.” Sagot nito.
Doon ako napaisip, natigilan ako sa sagot ni Aries.
“Ipaliwanag mo sakin ano ba ang nangyayari? Kung Ikaw talaga si Aries , sino ang kasama ko?” Tanong ko na may pagaalinlangan. Napabitaw ako kay Aries.
“Huwag ka matakot sa akin Mahal, ako talaga ito si Aries. At ang nakasama mong Aries ay si Neru.”
Lalo akong nawindang sa sinabi ni Aries sa akin.
“Huwag tayo dito mag usap, naririnig tayo ng dagat. Doon tayo rest house mo. “
Doon sa loob ng bahay, kinuwento sa akin ni Aries ang lahat.
“Pinahirapan ako ni Neru sa mundo namin, pinilit niya na Kunin muli ang puso ko para mahalin ko siya. Ngunit binigo ko siya. Dahil Ikaw parin ang pinili ko. Galit na galit si Neru dahil hindi niya ako nakuha. At bilang parusa sa pag talikod ko sa batas ng aming uri. Ginawa nila akong siyukoy. Isang nakakatakot na nilalang ng dagat.” Simula ni Aries.
“Kaya pala ganun ang naging anyo mo”. Sabi ko.
“At bukod sa parusang ginawad sa akin, itinaboy din ako nang aking kauri, itinakwil at pinatapon sa malayo. Malayo sa mundo namin. Ngunit mabait ang Tadhana, nakilala ko si Juno isa ring sinumpang kataw at tinulungan niya ako para hindi malayo sa iyo. Gumawa siya ng lagusan para lang sa akin. Naiisip ko ang lawa doon malapit sa bahay natin. Nakita ko na iyon doon noong bagong lipat palang tayo. At sa tulong nga ni Juno, ang lawa na iyon Ang naging tahanan at nag sisilbing lagusan ko.” Pag patuloy pa ni Aries.
“Kung gayon Ikaw talaga ang nakita ko noon sa lawa, pero bakit hindi ka nagpakita sa akin Mahal?” Tanong ko.
“Nabahala ako baka matakot ka sa akin dahil sa anyo ko. Kaya minabuti ko na lang mag paramdam sa iyo.” Sagot ni Aries.
“Paano naging Ikaw si Neru. At bakit siya napunta doon sa bahay?” Tanong ko pa.
“Natuklasan ni Neru ang pag tulong sa akin ni Juno. Gumawa si Neru nang paraan para masundan ako. At noong natuklasan nito ang lahat. Pinapatay niya si Juno. Pero bago nun naisalin na sa akin ni Juno ang mga kakayahan nito bilang dating kawal sa aming mundo. Dahil wala na sa akin ang kuwentas na ito, wala akong kakayahang mag palit ng anyo bilang tao. Kaya sa pamamagitan ng tubig sa lawa nadadalaw ko ang dati nating bahay. At noong minsang napunta ako. Nagulat na lang ako nang makita ko roon si Neru na nakatingin sa larawan natin. At doon ko rin nakita Ang pag palit nitong anyo bilang ako.” Dagdag paliwanag pa ni Aries.
“Kaya pala ibang iba ang pakiramdam ko sa kanya.”
“At noong nakita ko ang pag dating mo sa bahay, natakot ako sa maaring mangyari sa iyo. Kaya maka ilang beses akong tumangkang pigilan si Neru sa mga balak niya iyo. Kaya madalas nawawala roon si Neru kapag hinahanap mo at ang madatnan mo na lang ang mga bakas ng tubig na dulot ko. Pero malakas si Neru. Hindi ko siya kaya.” Kuwento pa nito.
“Ibig sabihin alam mo na may nangyari sa amin ni Aries…ibig kong sabihin ni Neru?” Tanong ko.
Nalungkot bigla si Aries,
“Sorry Mahal, hindi ko alam na hindi pala Ikaw iyon.”
“Subrang galit ako noon, gusto Kong wasakin ang bahay natin. Para pigilan lang kayo. Ngunit hindi rin naman kita masisi Mahal , ako ang nakikita mo at hindi si Neru. Wala na akong nagawa sa mga Oras na iyon. Kundi ipikit na lang ang aking mga mata. At tanggapin ang pagkatalo ko.” Malungkot na sabi ni Aries.
Hindi ako magkamayaw sa paghingi ng tawad kay Aries. Pakiramdam ko nag taksil ako sa kanya.
“Naiintindihan kita Mahal. Wala kang kasalanan. Kaya nilakasan ko na ang aking loob na gawin ang dapat. Habang nag aalmusal kayo hindi namalayan ni Neru na binasa ko na ng tubig ang kanyang mga paa. Nagiging kataw muli si Neru kapag mababasa ng tubig. Kaya napansin mo agad ang paglitaw ng mga hasang niya. Nagkulong ito sa banyo para hindi mo makita ang pagpalit nito nang anyo. Dahil niya na kapag nakita mo ang buntot niya, malalaman mong hindi ako iyon. Ngunit matalino din si Neru. Nag sa tubig ito para makatakas.”
Doon ko napag tagpi tagpi ang mga tagpo.
“At siya nga pala, pagkagising ko noon nawawala sa akin ang kuwentas, paano ito napunta dito?” Tanong ko.
“Nakita kong lumabas si Neru tangan ang kuwentas. At tinapon ito doon sa labas. Kinuha ko iyon at dinala dito.”
“Bakit hindi mo na lang sinuot agad para bumalik ka na lang sa dati?“tanong ko.
“Hindi lang ganun ka dali iyon Mahal. Ang kuwentas na ito ay mula sa pusong hiyas ng dagat. Lahat ng mga nilalang sa ilalim meron nito. Dahil tinanggal ko ito sa akin at pinasuot sa iyo. Ang tanging makakapag balik lang nito sa akin ay ang taong binigyan ko. Kaya salamat at hindi ka nag dalawang isip na isuot itong muli sa akin.” At niyakap kong muli si Aries.
“At paano nga pala ako napunta dito, Ikaw ba nagdala sa akin dito Mahal?” Tanong ko.
“Oo Mahal, nang makita kitang nalulunod inisip ko na dalhin na lang kita dito. Alam mo ba na muling bumalik sa akin ang tagpo kung saan una din kitang niligtas noon? Natakot ako Mahal. Natakot ako naawala ka muli sa akin.” Sabi ni Aries.
Kapiling ko na Ang totoong taong Mahal ko pero hindi parin mawala sa akin ang pangamba at panganib sa kamay ni Neru.
“Ikaw ba Ang nag aalaga dito sa Dapdap Mahal ? Mukhang hindi kasi napabayaan itong mga naiwan natin.” Sabi ko.
“Tinulungan ako ng mga dati nating kasamahan dito noon. Madalas parin naman sila dito kapag nadadalaw sila. Sila ang nag me- maintain dito.” Sabi ni Aries.
“Siya nga pala Mahal, napansin ko, bakit parang takot si Neru na pumasok dito sa bahay?” Tanong ko.
“Territorial kaming mga kataw, at kapag inaari namin ang isang lugar, nag iiwan kami nang kakaibang Amoy para ipaalam sa mga kalaban, na amin na Ang lugar na ito. Kaya hindi makakapasok dito si Neru dahil akin na ang pugad na ito. Atin lang ang pugad na ito Mahal.” At hinalikan ako ni Aries sa nuo, at niyakap ako nang mahigpit.
“Pero bakit doon sa bahay natin naka pasok si Neru?”
“Matatandaan mo, iniwan na natin ang bahay na iyon. Kaya literal na hindi na natin pugad iyon. Kaya nakapasok siya doon na walang problema. Pero kabaliktaran sa akin. Ako naman ang Hindi Basta basta makapasok doon. Kaya sa pamagitan ng tubig na lang ako nakapag mamanman Sayo roon. Minarkahan na ni Neru ang lugar na iyon bilang kanya.” Sabi pa ni Aries.
Sinulit ang buong araw kasama si Aries. Ang totoong Aries. Parang na ibsan ang pangungulila ko nang mahabang panahon sa pagkulong sa akin ni Aries sa mga bisig nito.
“Na miss ko ang pagtatagpong ito Mahal. Sa wakas kapiling na muli kita” at hinalikan ako ni Aries sa aking mga labi.
Binuhos namin ang lahat nang pagkasabik namin sa isa’t isa. At muli naging isa kami ni Aries.
Lumipas ang tatlong araw na tahimik lang. Walang Neru na gumambala sa amin. Sinamantala namin iyon ni Aries para gawin ang mga bagay na ninakaw sa amin ng pagkakataon nang ilang taon.
“Mahal bakit mo hila-hila itong bangka? Mag papalaot ka? Hindi ba delikado?” Nang makita ko si Aries na hila-hila ang bangka patungong dagat “
“Namiss mo ang pusit diba? Ikukuha kita Mahal. At huwag ka mag alala, ngayong nasa akin na itong kuwentas ko. Hindi na ako magagalaw ni Neru. Takot lang nun sa akin. Saglit lang ito Mahal babalik din ako.” Sabi ni Aries at pinag patuloy ang kanyang gusto.
“Kahit wala ng pusit Mahal, dumito ka lang. Nagbibiro lang naman ako.” Pag pigil ko pa.
“Magtiwala ka sa akin Mahal , babalik akong ligtas. Mag iingat ako. At Ikaw din Mahal.” Sabay halik nito sa akin sa nuo.
“Sasama na lang kaya ako sa iyo. Para sabay narin tayo pabalik.” Sabi ko
“,Dumito ka na lang Mahal, dito sigurado na ligtas ka. Huwag ka mag alala pababantayan kita sa kanila.” Sabi ni Aries, sabay nag silabasan ang mga alimango sa buhangin na subrang dami.
Panatag akong pinayagan si Aries. At habang nag hihintay sa kanya. Nag handa ako para semple naming pagsasalo. Nag labas ako ng ihawan , mesa at upuan. Naglatag ng tent sa may buhanginan at inayos ang mga iyon para sa amin ni Aries.
Kakatapos ko lang ma set up ang tent nang marinig ko ang tawag ni Aries sa akin. Agad akong lumabas para salubungin ito.
“Mahal, heto na ang na miss mong pusit. Medyo malalaki ang mga ito. Tara at ihanda na natin ito. Meron din ako ditong isda.’ pagkadating ni Aries na may bitbit na mga pusit at isda sa kanyang dalawang kamay.
“Ang bilis mo na man naka balik agad Mahal. Akin na iyang mga dala mo nang maka pag palit kana roon.” Sabi ko.
“Diba nga sabi ko babalik agad ako. Na miss mo naman ako masyado. Pa kiss nga diyan sa Mahal ko.’ at naki pag harutan sa akin si Aries.
Pinag saluhan namin nang araw na iyon Ang mga nahuli nito. Subrang saya ko na parang ayuko nang matapos pa. Masaya kaming dalawa habang nag uusap at nag lalambing sa tabing dagat. Na pinag mamasdan ang maliwalas at asul na asul na kalangitan at tahimik na karagatan.
Napakislot na lang ako bigla nang may kumagat sa aking talampakan, nang tingnan ko isa palang alimango. Dinampot ko iyon at pinakita kay Aries.
“Tingnan mo Mahal, ang alaga mo na iinggit yata sa akin. “
“Gusto niyan siguro isunod siya natin dito sa iniihaw nating pusit Mahal.” Sagot ni Aries.
“Sabagay Mahal matagal na rin akong hindi nakakakain ng alimango.” Pabiro kong sabi tapos bigla na lang muli akong kinagat ng alimango sa kamay kaya nabitwan ko ito.
“Hayaan mo na Mahal ,tinakot mo kasi. Mahal Masaya ako ngayon dahil kasama na kita.” Sabi ni Aries.
“Higit ang kaligayahan ko ngayon Mahal dahil bumalik ka.” Sagot ko.
Akmang mag hahalikan na kami ni Aries nang bigla na lang may sumigaw ng pangalan ko. At nang lumingon ako isa pang Aries ang pasugod sa amin na mawak ding mga pusit at isda sa kamay.
Napatingin ako sa Aries na nasa harapan ko.
“Huwag ka mag papalinlang sa kanya Mahal, hindi siya ang tunay ako. Si Neru iyan.” Sabi ni Aries.
Parang naka tingin ako sa magkaharap na salamin. Walang pinagkaiba ang dalawa mula ulo hanggang paa, maging sa suot nilang mga kuwentas.
Hindi ko makita kung alin sa dalawa ang totoo o hindi.
“Mahal lumayo ka sa kanya, hindi siya ako. Siya si Neru. Nililinlang ka lang niya.” Sabi ni Aries nakararating lang.
“Hindi mo na madadaya si Jimmy, Neru. At hinding hindi mo na kami mapaghihiwalay! Subukan mong humakbang pa,at kikita mo ang galit ko!” Pag protekta ng isang Aries na nasa tabi ko.
“Hindi mapapasayo si Jimmy, tuso ka talaga Neru. Mapagsamantala. Pero hindi mo na malilinlang ang damdamin ni Jimmy. Mahal pakiramdaman mo ang bulong ng puso mo. Huwag ka mag papalinlang sa mga nakikita mo. Hindi iyan ako. Si Neru iyan at may balak siyang masama sa iyo.” Sabi pa ng isa.
“Huwag ka maniwala sa kanya Mahal. Mag tiwala ka sa akin. Hinding hindi ko na hahayaang mawala kapa sa akin. Dadaan muna sa bangkay ko si Neru bago pa niya tayo masira.” Sabi naman ng isa.
“Mahal huwag ka maniwala diyan, ginagamit niya lang ang kahinaan mo. Makiramdam ka, pakinggan mo ang bulong ng paligid. Huwag ka padadala sa kanya.” Sabi ng isa.
Palitan lang ang dalawa, hindi ko alam kong kanino ako papanig. Kahit anong gawin kong pag sipat kung alin man sa kanila ang tunay. Hindi ko talaga alam. Tumitindi na Ang sagutan ng dalawa, pansin ko na rin ang galit sa kanilang mga mukha. At kasabay nang pag ngingit-ngitan ng dalawa ang biglaang pag kulimlim ng kalangitan. At ang paglakas ng hangin sa paligid. Nakisama din sa dalawa ang mga alon na tila nag sasalpukan din. Maligalig ang mga alon. Malalaki at matataas. Napa atras ako. Wala akong laban kung sakali man.
Kung sino man sa kanila si Aries at Neru ang muli nilang paghaharap nag babadya nang napaka laking delubyo. Dahil kung makapangyarihan si Neru, taglay naman ni Aries ang sinalin sa kanyang kapangyarihan ni Juno.
Hindi na mawari ang nangyayari sa buong paligid ng Dapdap. Sa nangyayaring labanan sa pagitan ng dalawa, naki sabay Ang panahon at ang mga alon sa dagat. Tila mayroong delubyo na magaganap sa lugar na iyon. Sa tindi at lakas ng kanilang mga pinapakawalang puwersa halos mawasak ang lahat ng naroon sa Dapdap maging ang bahay pahingahan ko, ang mga villa at ang floating restaurant nawasak.
Hindi ako maka pag pagitna sa dalawa. Ako ang dahilan nang kanilang pag tutuos pero wala akong lakas para patigilin ang silakbo nang galit sa kanilang mga puso.
Naroon lang ako sa sulok, nagkukubli sa malaking bato. Habang naka masid lang sa kanila.
May mga bahid na ng mga sugat ang katawan ng dalawa ngunit kailan man wala man lang sa kanila ang nag palit ng anyo. Magsa-kataw man lang para matukoy ko kung sino sa kanila ang totoong si Aries.
Dalawang Aries ang nagpapatayan sa harapan ko. At hirap na hirap ako sa pag tukoy kung sino sa kanila. Ang kuwentas na sana tanging basehan ko. Meron din silang dalawa.
Hindi nag bitiw ang dalawa sa kanilang nag uumpugang lakas. Nang biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan. At napansin ko ang pag angat ng tubig sa dagat. Dahan dahan itong naabot ang mataas na bahagi ng buhanginan kung saan naroon at nag lalaban ang dalawa.
Napahinto ang dalawa nang mapansin din ang biglaang pag taas ng tubig. Nakita ko ang takot sa mga mukha nila. Napa atras ang dalawa. Natakot din ako sa mga susunod na mangyayari.
“Hindi aabot sa ganito ang lahat kung hinayaan mo na lang kami ni Jim. “ Sabi ng isang Aries na nasa kaliwa.
“Huwag ka magpapanggap pa, dahil kahit anong panlilinlang ang gagawin mo. Hindi kita hahayaang manalo sa labang ito. “ Sagot naman ng isa.
“Ikaw Ang mapag balat kayo, sa simula pa lang manglilinlang kana! At hindi mo makukuha ang para nang sa akin. Kaya bumalik kana sa kanila. At hayaan na kami!” Sigaw ng isa
“Ikaw Ang bumalik na sa pinanggagalingan mo, ipakita mo ang totoong Ikaw at huwag ka mag tago sa mukha ko. Dahil hindi natatago nang pag babalat kayo mo ang kasamaan mo Neru!” Tugon naman ng kabilang Aries.
“Ikaw si Neru at patutunayan ko yan! Argh aaahhhh” at nag pakawala nang isa pang lakas ang isang Aries gamit ang mga butil ng tubig na pinatulis nito.
Sinalag iyon ng isa pang Aries, kaya nagka sugat sugat muli ito sa kanyang mga braso sa katawan.
“Ikaw Ang ibabalik ko sa totoo mong anyo… Aaaargghhhhh!!!” Gumanti naman ang isa gamit ang tubig ng ulan na ginawang parang mga palaso at hinagis sa isa pa.
Nasalag din ng isa Ang mga patamang iyon. Kaya sugatan din ito.
Sa taglay nilang lakas batid ko na walang magpapatalo sa kanila. Kapwa ayaw kumawala sa kanilang karakter. Hirap na din ako sa kalagayan ko, habang nakikita na sinasaktan nila ang isa’t isa bilang mga Aries. At alam ko na isa sa kanila ang mahal ko. Kaya alin man sa kanila ramdam ko ang sakit na kanilang nararamdaman.
Mula sa dagat, may mga naaninag akong naroon sa tubig. Subrang dami nila , mga kataw na naka masid lang pala sa labanan ng dalawa.
Nang mapansin ko ang mga kataw. Isang pag papasya ang biglaang nabuo sa isip ko para mahinto lang ang dalawa sa kanilang ginagawa. Wala man akong kapangyarihan gaya nila. Pero alam ko na sa gagawin ko. Isa sa kanila ang gagawa nang hakbang para patunayan kung talaga sa kanila ang tunay na Aries.
Lumabas ako sa pinag tataguan ko, at pumagitna sa dalawang Aries.
“Tumigil na kayo, hindi matatapos ang lahat kung walang mag paparaya. Sa akin nag simula ang hidwaan niyo. Sa akin rin matatapos ang labanan niyong ito. Kung sino man sa inyo si Neru. Humihingi ako nang kapatawaran sa pag pilas ko nang damdamin mo. Hindi ko sinasadyang mawala sa iyo si Aries. Masakit man sa akin na pakawalan ang mahal ko. Para sa kaligtasan niya at sa katahimikan mo. Ibabalik ko na siya sa iyo. At Aries, Mahal ko ,huwag mong isiping binitawan na kita. Dahil kailan man hindi ko bibitawan ang pagmamahalan natin. Mananatili ka dito sa puso ko. Pero hindi ko kayang makita kang nasasaktan at nasusugatan. Ramdam ko ang hirap mo na ipaglaban ang para sa atin. Ngunit patawad, hindi kita kayang ipagtanggol. Mahinang tao lang ako. Mahal na Mahal. At kahit mawala man ako sa iyo. Huwag mong kakalimutang Ikaw Ang una at huling nilalang na minahal ko, mamahalin ko at paka mamahalin maging sa kabilang Mundo.” Umiiyak akong papa atras sa dagat.
Nakita ko ang mga reaksiyon sa mukha ng dalawa. Ngunit hindi ko parin matukoy si Aries. Pero buo na Ang pasya ko. Malaman ko man sa mga huling sandali kung sino sa kanila ang tunay, ang kamatayan ko lang ang magpapa hupa nang lahat.
Rinig ko mula sa likuran ko ang mga nasasabik na mga kataw sa pag hila sa akin. Naka lubog na Ang mga paa ko sa tubig nang sumigaw ang isa sa dalawang Aries.
“Huwag mong gawin iyan, huwag mo akong Iwan Mahal!”
“Hindi sagot Ang kamatayan mo Mahal, ang pag mamahalan natin ang magpapanalo sa atin. Kaya halika. Umalis kana diyan Mahal.” Sabi pa ng isa.
Pero gaya nga nang nasabi ko buo na Ang pasya ko. Hinayaan ko na lamunin ako ng alon. At kasabay nang pag hila sa akin ng dagat papunta sa kailaliman nito. Ang pag sunod sa akin ng mga kataw.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at pinigil Ang hininga ko. Habang papalubog ako sa ilalim ng dagat.
Ramdam ko pa nang mga sandaling iyon Ang pang hahablot sa akin ng mga kataw sa katawan ko. Ngunit may kung anong bumabalot sa katawan ko na hindi nila ako magawang sugatan o kagatin. Pero ang alam ko hinihila na nila ako pailalim.
Hindi ko ibinuka ang mga mata ko. Ayukong makita ang ginagawa nila sa katawan ko. Iyon man ang kagustuhan ko, naroon parin Ang takot at kaba sa dibdib ko. Iyon na Ang huling sandali ko. Paubos na Ang hangin ko. At nawawalan na rin ako nang ulirat.
At sa bingit ng aking kamatayan, muli na naman akong nailigtas. Hindi ko alam kung paano at kung sino. Basta nagising na lang ako na wala na sa tubig.
Namulat ako na nasa gilid na lang ako ng lawa. Hindi ko alam kung ang nangyari pagkatapos noon. Kung ano ba ang nangyari sa dalawang Aries.
Hinanap ko si Aries doon. Ngunit ang tahimik ng paligid, maaliwalas ang kalangitan at walang bahid ng gulo ang tubig sa lawa. Tumayo ako at binagtas ang kakahuyan patungo sa aming bahay.
Para na akong masiraan ng bait sa mga nangyari sa akin. Siguro kahit ikuwento ko pa Ito nang paulit ulit walang maniniwala sa akin. Iisipin talaga nilang baliw ako.
Hindi na ako pumermi sa bahay na iyon. Umalis din agad ako. Nag liligpit ako ng mga gamit ko nang mapansin ko ang ball cap na tinago ko sa cabinet.
Ball cap iyon ni Aries. Ngunit habang pinag mamasdan ko ang ball cap na iyon. Biglang may bumalik sa aking alaala. Hindi ko lang pala ito na kita kay Aries noon kundi katulad din ito sa madalas na suoting sumbrero ni tatang noon.
“Mahal talaga ni Aries si Tatang, kaya pala madalas niya pa itong ginagamit. Sayang hindi ko na naabutan pa si Tatang. Tatang kung nasaan kaman ngayon gabayan mo Po sana si Aries.” Sabi ko habang nakatitig sa hawak kong ball cap.
Ilalagay ko na sana sa bag ang sumbrero nang may na pansin akong nakasulat sa loob nito. “Neru”
Agad ako nagmadali at umalis doon sa bahay. Tinungo ko ang highway at pumara nang masasakyan. Buti na lang at may napadaang kotse.
“Ano ang gagawin mo doon sa Dapdap ,eh matagal nang naka sara iyon sa publiko?!” Tanong ng mamang driver na nagpasakay sa akin.
“Titingnan ko lang balak ko kasi bumili ng property, nalaman ko mura lang daw don.” Ang sagot ko.
“Alam mo bang maraming kuwento na Ang bumabalot diyan sa lugar na iyon. Mga kakaibang kuwento. Pero wala pa naman naka pagpatotoo nun.” Sabi pa ng driver.
“Anong mga kuwento kuya?” Tanong ko.
“Nakakatawa man ito, pero ayon sa mga nakaranas na, kaharian daw iyon ng mga lamang dagat. Mga kataw, serina at mga siyukoy. May pagkakataon pa daw na bigla na lang sasama Ang panahon roon na para bang may bagyo. At doon lang din iyon mismo sa lugar na iyon. Parang ibang Mundo raw ang Dapdap. Sabi naman ng Ilan daungan daw ang Dapdap ng mga alien. Kaya sinara na Ang lugar na iyan sa publiko. Dati kasi yang resort. Kaso nagka issue noon dahil sa dami nang na e report na taong nawawala dahil kinuha daw ng dagat at mga kataw. Umabot pa talaga iyan sa Korte. Kaso wala namang sapat na ibedinsiya kaya na dismiss ang kaso. Pero tuluyan nang ma lugi ang resort hanggang isang araw nag sara na lang ito. Pero alam mo, kahit kuwentong kuro kuro lang ang tungkol diyan sa mga enkanto, alien at kataw na iyan, minsan naniniwala na din ako. Dahil hindi naman mabubuo ang ganyang kuwento kung walang basehan na karanasan ang mga tao diba?” Kuwento pa ng driver sa akin.
“Balita ko may naka bili na doon dati at ginawan ng rest house ang lugar. Nandoon parin ba iyon doon?” Par kumperma kong tanong.
“Gaya nang mga nauna tila inabandona din ng may-ari ang lugar. At walang sino mang nangahas na dayuhin ang lugar na iyon. Lalo na Ang Dapdap.” Sabi pa ng driver
“Hindi naman kaya gawa gawa lang ang kuwento para hindi pag interasan ng mga tao ang lugar?” Sabi ko.
“Marahil, pero hindi lang isa o dalawa ang nagpapatunay patungkol sa Dapdap, marami na. Meron nga diyan grupo ng mga treasure hunter ang sumubok na pasukin ang pusod ng Dapdap, sa paniniwalang may lihim na kayamanan na nakatago sa lugar na iyon. At sa sampung hunters, isa lang ang naka balik at wala na ito sa katinuan. Bukang bibig nito ang mga nilalang na umatake raw sa kanila. Mga taong isda daw. Marami ang Hindi na niwala pero mas marami ang nag sasabing totoong mayroong mga kataw at ang Dapdap ang pinaka pugad nila.” Naikuwento pa nito.
Patungkol lahat sa Dapdap ang napagkuwentuhan namin ng driver na tumulong sa akin ihatid ako roon.
Mahaba ang byahe kaya napa idlip ako, nagising nalang ako nang tumigil ang kotse.
“Narito na tayo sa Dapdap” sabi ng driver
“Salamat sa pag hatid. Ingat kayo” at bumaba din agad ako
“Mag ingat ka na huwag matulad sa iba. Sige.” At iniwan na ako doon sa labasan pa pasok ng Dapdap.
Parang wala namang nag bago sa paligid. Katulad parin ito nang dati. Hindi tanaw mula sa highway ang ganda ng Dapdap dahil natatakpan ito ng malalagong Puno at halaman mula sa labas. Nag patuloy ako hanggang sa mapadaan ako sa lumang kotse ni Aries na nilamon na ng kalawang at mga ligaw na halaman. Ang kotse na iyon Ang palatandaan na malapit na ako sa pinaka intrada ng Dapdap.
At pagka apak ko palang sa pinaka daanan papasok, bumungad agad sa akin ang maaliwalas at payapang lokasyon ng Dapdap. Wala itong bahid nang ano mang pinsala dulot ng isang matinding labanan.
Nagpatuloy pa ako. Wala na nga roon ang ipinatayo kong rest house, maging ang mga villas, parang winalis nang maayos at wala kanang makikitaan ng bakas.
Parang bumalik sa dati ang paligid noong una ko pa lang ito nakita. Noong araw na napadpad ako dito. Mapayapa ang paligid, maging ang dagat kalmado at walang bahid ng panganib. Hinanap ko roon si Aries, ngunit wala akong napansin na mayroong tao doon bukod sa akin.
Tinungo ko ang batuhan, ang lugar kung saan madalas nag papakita ang mga kataw. Naroon ako sa mataas na parte nang may nahagip ang aking paningin.
May usok akong nakita mula sa mapunong bahagi ng Dapdap, agad ko iyong tinunton at pinuntahan.
At nagulat ako nang makita ko roon ang dating lumang bahay ni Tatang. May pag tataka man sa aking nakita. Gusto ko malaman bakit naroon iyon doon. Kaya lumapit ako.
Walang nag bago sa Kubo, ganitong ganito talaga ito noon. Pumasok ako sa loob, may nakasalang na takure sa may dapug, tulad nang madalas na ginagawa ni tatang pagkagising nito. Maging ang mesa , kung saan kami kumakain naroon parin at may naka latag pang pinggan at baso para sa dalawa.
Muling bumalik sa akin ang unang araw ko roon sa Dapdap kasama si Tatang, at Aries.
Bawat sulok ng Kubo, tiningnan at hinawakan ko. Na para bang bumalik ako sa totoo kong tahanan. Walang tao sa Kubo. Kaya naisip ko na lumabas baka sakaling nasa paligid lang ang may ari ng Kubo na iyon.
Palabas na ako ng pinto nang bigla akong sinalubong ng isang taong pamilyar sa akin. Gulat na gulat ako nang makaharap kong muli si Tatang.
“Maligayang pag babalik sa nakaraan Jim.” Pag bati sa akin ni tatang naguluhan ako sa sinabi niya. “Ano Ang nakaraan?”
“Lo, kayo ba talaga iyan? Buhay kayo?” Tanong ko at napayakap bigla sa kanya.
“Tama na muna iyan, iho. Balik tayo sa loob. At samahan mo akong pag saluhan itong malaking isdang hawak ko.” Tinulungan ko si tatang sa bitbit niyang isda na subrang laki.
“Saan ka nanggaling lo, nang bumalik ako dito noon wala kana. Ano ba ang nangyari?” Tanong ko.
“Hindi ako nawala sa tabi mo, may nag bago lang kaya hindi mo na ako nakilala.” Ang makahulugang tugon nito.
“Ano ang ibig mong sabihin lo?” Paglinaw ko.
“Mamaya na iyan, mahirap mag paliwanag na gutom. Tulungan mo kaya ako dito sa isda, nang mailuto ko na ito at may makain tayo. Ramdam ko ang pagod mo” sabi pa ni tatang.
Nailuto na Ang isda, at sabay namin iyon pinag saluhan ni tatang.
“Nakakamis ang ganito lo, parang noong una lang. Kamusta kana pala lo, nakita mo na ba ang mag iina mo?” Tanong ko.
“Hindi totoo ang mga naikuwento ko sa iyo noon, walang ganun. Naikulong ako sa isang makapangyarihang sumpa kaya nawala at nabura ang lahat ng alaala ko noon. Kaya kung ano anong kuwento ang nabubuo sa isipan ko. Sa madaling salita gawa gawa ko lang ang kuwentong iyon.” Rebelasyon ni Tatang.
“Sino ang sumumpa sa iyo lo? Mga kataw ba?” Tanong ko.
“Lahat nang alam mo na tungkol sa mga kataw ay totoo. Pero ang tungkol sa akin, ngayon ko pa lang ilalantad.” Sabi pa ni tatang, naging interesado ako sa bawat pambibitin nito ng kuwento sa akin.
Inilabas ko ang dala kong ball cap at inabot iyon sa kanya.
“Sa iyo ito diba lo, at ginagamit din ito noon ni Aries. At may nakita akong pangalan na nakasulat diyan sa loob, pangalan ni Neru. Kilala mo ba siya lo?” Tanong ko.
“Noong masigla pa ang Dapdap dahil sa dami ng tao na dumarayo dito noon, isa si Neru sa namangha sa pagiging iba ng mga tao. Madalas pinanabikan nito na sana isang araw mabigyan siya nang kakayahan na makalakad sa lupa at maki halubilo sa mga tao. At dumating ang araw na iyon sa kanya, masayahin, mabait at makuwento si Neru.” Ang simula nang pag lalahad ni Tatang tungkol sa Neru na naka sulat sa kanyang sumbrero.
“Labing limang taong gulang ako noon nang matuklasan ko ang tunay kong pagkatao. At bakit kami naroon sa Dapdap at nag hihintay ng ugsad. Unang araw ko palang doon, nang makilala ko si Neru.” Pagpatuloy ni Tatang.
“Ano ang ginagawa mo diyan sa batuhan. Halika doon tayo.” Nang una kong makita si Neru na walang mga saplot at naka upo lang sa batuhan. Hindi kumikibo si Neru tahimik lang ito at tila binabasa ang bawat bigkas ng labi ko.
“Pipi ka ba? Halika doon tayo. Nasaan na mga magulang mo? At bakit nakahubo ka diyan? Nagdudumi ka siguro diyan Nuh?” Tanong ko kay Neru, ngunit nakatingin lang ito sa akin.
“At bago dumating ang ugsad naulit pa ang mga pagtatagpo namin ni Neru doon sa may batuhan, at madalas wala itong saplot sa katawan. Hindi parin ito nakikipag usap sa akin. Kaya minsan sinama ko siya sa tinutuluyan naming kwarto. At doon nakilala siya ng aking ama.
Natuwa ang aking ama dahil nakatagpo agad ako ng kaibigan sa katauhan ni Neru at kauri pa namin.
Tinuruan ko si Neru na magbihis tulad ng sa akin at magsuot ng sapatos. Tuwang tuwa ito dahil sa ginawa ko sa kanya. Tinuruan ko rin siya mag salita at mag sulat. At ito ang pangalan niya dito sa sumbrero ang kauna unahan niyang naisulat.“ Kuwento pa ni Tatang.
“Ibig mong sabihin lo, isa ka ring kataw katulad nila?” Ang pagkabigla ko.
“At hindi lang doon nagtapos ang pagiging malapit namin sa isa’t isa ni Neru, dahil habang tumatagal napapansin ko ang subrang paghihigpit nito sa akin na para bang pag mamay-ari na niya ako. Hanggang sa natuklasan kong nagkakagusto na ito sa akin.” Dagdag pa ni Tatang.
“Kung gayun lo kasing tanda mo na rin si Neru?” Tanong ko.
“Hindi tumatanda ang mga kataw, humahaba lang ang buhay namin pero hindi kami tumatanda tulad niyong mga tao.” Sabi pa nito.
May tinanggal sa kanyang leeg si tatang at nang makita ko iyon nanlaki ang mga mata ko. Kasabay nang pag tanggal nito sa kanyang leeg ang uni unting pag babago na nangyayari sa kanyang balat.
“Aries?”
Para akong bato sa kinauupuan ko nang makita kong nag palit anyo si Tatang bilang si Aries. Nagdadalawang isip akong maniwala sa nasaksihan ko. Nasa daigdig ako ng hiwaga kaya madali akong napaniwala sa aking nakita. Lalo na nang inilahad pa ni Aries ang dahilan kung bakit nag kakaganun siya.
Walang salita na lumabas sa akin sa pagkabigla at gulat. Hinayaan ko lang si Aries na ikuwento sa akin ang lahat ng dapat kong malaman. Naroon lang ako nakikinog at nasa state pa din nang pag ka shock. Matagal bago na absurb ng sarili ko na si Tatang at ang taong minahal ko ay iisa.
“Gaya nang nasabi ko, naging higit pa sa suod na magkaibigan kami ni Neru. Iba ang pakahulugan nito sa pagiging mabait ko sa kanya.” Pag sisimula ulit ni Aries.
“Bilang kalahating tao at kataw, nangulila ako sa buhay sa lupa. Kaya madalas tumatakas ako para umahon at pumermi sa lupa. Ang Dapdap ang naging pangalawang tahanan ko. Dito nakakahalubilo ko ang mga tao. At bilang tao hindi maiiwasan marami ang nagkakagusto sa aking anyo at tindig. Bagay na ikinagagalit ni Neru. Na lingid sa kaalaman ko.
At bilang prinsepe ng Idalum, hinimok ni Neru ang mga kataw na umaklas laban sa mga tao. Pinakalat nito sa lahat ang banta ng mga Taga lupa sa mga taga dagat.
Nang dahil sa lihim na pagkakagusto ni Neru sa akin, namatay ang Dapdap, nawala ang dati nitong sigla. Kasabay nito ang pag sibol ng galit ko sa kanya. Lumayo ako sa kanya at dumistansiya. Kahit na kauri ko ang mga kataw nasa katauhan ko parin Ang pagiging isang tao. At hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Neru.
Ang pagkakaiba namin ni Neru ang lalong nagpatindi ng lamat sa aming pagkakaibigan.
“Hindi kana bahagi ng daigdig nila, dito ka nararapat” ang madalas na issue ni Neru sa akin.
“Mag ka iba tayo, hindi ako sinilang na isang kataw katulad niyo. Naranasan ko maging isang tao bago ako naging ganito. Kaya hindi mo maalis sa akin ang mag damdam sa kanila.” Ang prinsipyo ko.
“Akin ka lang , dito ka lang, hindi sila ang haharang sa akin sa iyo.” Ang pagtatapat ni Neru.
Hindi ko inisip na umabot sa ganun ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. Hindi ko iyon sineryuso. Patuloy akong umiiwas sa kanya .
Sa kakaiwas ko kay Neru , napadpad ako sa lugar kung saan kita unang nakita.
Nang una kitang makita, hindi ko alam kung bakit naging iteresado ako iyo. Lalo na kapag naroon ka sa malapit na batuhan at sinimulan nang patugtugin ang dala mo laging gitara.
Malapit sa puso ko ang musika, kasi naalala ko ang aking Ina. May pina tugtug kang kanta. Kanta minsan ko nang narinig sa buhay ko. Ang madalas kinakanta sa akin ng aking Ina.
Mula noon, madalas ko na inaabangan ang mga pagtutugtog mo. Ang palagian mong pag punta sa dagat ang unti unting nag papalapit sa iyo sa puso ko na hindi ko na mamalayan.
Para wala naman sa akin iyon dati, ngunit kinagigiliwan ko na Ang makarinig ng mga kanta mo. Damang dama ko ang puso mo sa bawat pag tugtog mo at pag kanta. Na para bang kinakausap mo ako.
Hanggang isang araw hindi kana nabalik doon. Sinubukan kong alamin ang dahilan. At kahit labag sa aming mga kataw ang tumawid sa lupa kapag hindi pa Oras ng pagtawid.
Ginawa ko. Hinanap kita sa lugar na iyon. Araw araw sa anyong tao,. At natagpuan kita sa piling ng isang babae , kay Adreane.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko noon ng makita ko kayo na masayang magkasama. Nakaramdam ako nang kirot. Wala akong ka alam alam na nasasaktan na pala ako.
Bumalik ako sa dagat na may dala dalang bigat sa dibdib ko.
“Sinabi ko na sa iyo, Ang kataw ay para lamang sa kataw. At wala ka ng lugar sa puso ng mga tao.” Nagulat ako nang umahon mula sa tubig si Neru.
Matagal na pala akong sinusundan ni Neru tuwing nadadalaw ako sa lugar mo.
Kasama si Neru bumalik ako sa pusod ng dagat, nag lagi ako roon. Sinubukan kong kalimutan ka, dahil hindi kana maalis sa isipan ko.
“Ano ba ang ginagawa sa iyo ng taong iyon at nagkakaganyan ka? Hindi siya katapat dapat sa nararamdaman mong iyan. Narito ako, tayo ang magkabagay. Tanggapin mo ako at magiging iyo ang lahat na meron ako. Wala sa taga lupa ang kaligayahan mo nasa akin.” Pamimilit pa ni Neru nang nararamdaman niya sa akin.
Ngunit wala akong naramdaman na kung ano kay Neru.
“Ibaling mo na lang sa iba ang nararamdaman mo sa akin dahil kahit anong pilit ko. Wala talaga akong nararamdaman sa iyo.” Ang pag tanggi ko, at saka lumayo sa kanya.
Batid ko ang galit ni Neru sa akin. Hindi niya matanggap ang sagot ko.
Akala ko lubusan na kitang nakalimutan noon sa pagtalikod ko. Ngunit isang araw bigla ko na lang narinig ang sigaw mo, kahit layo mo sa akin. Dinala ng agos ng karagatan ang pag hiyaw mo nang tulong.
Agad ko sinundan Ang pinang galingan ng boses mo.
At naabutan kitang nilulunod ni Neru. Agad akong sumugod para iligtas ka sa kanya. Ngunit ang mga sumunod na nangyari ang nagpabago ng lahat.
Inangkin ni Neru ang mukha ko at ibinalik ako nito sa aking pagiging tao. Ngunit hindi na bilang ako. Naiahon kita sa pagka lunod. Pero taglay ko na Ang sumpang ipinataw sa akin ni Neru.
“Ako lang ang may karapatan sa iyo, at sa anyo mo ngayon wala ng tagalupa pa ang mag aangkin sa iyo. Hanggat hindi mo kayang tanggapin ang pag mamahal ko sa iyo mananatili ka sa ganyang anyo. Hindi ka makakabalik ng dagat hanggat laman parin ng puso mo ang tao na iyan.” Ang pagkakasumpa sa akin ni Neru.
Kaya noong makita mo ako sa matanda kong anyo. Natakot ako baka hindi mo maintindihan ang lahat. Kaya bumuo ako ng kuwento na siyang magbubukas ng isipan mo patungkol sa mga lahi naming mga lamang dagat.
Ngunit umayon sa akin ang ginawa ko, nagkalapit tayo. At sa maikling sandali na kasama kita. Unting unti lumilinaw sa akin ang nararamdaman ko sa iyo. Gusto na kita. At habang mahimbing ka na natutulog, Masaya akong pinagmamasdan ka. Na Ang dating tinatanaw ko lang noon, abot kamay ko na.
Alam ko na sa sarili ko kung aling Mundo ang pipiliin ko. Ngunit hindi nasiyahan si Neru sa kinalalabasan ng kanyang sumpa sa akin. Ginamit niya ang mukha ko para alamin ang pagkatao mo.
At nagpakilala si Neru sa iyo bilang ako. Hindi ako ang nakikita mong dumadalaw sa akin noon. Kundi si Neru. At kaya matagal bago siya kung magpakita sa Dapdap noon. Kasi may Oras at araw lang na malayang nakakagala ang mga purong kataw sa lupa. Hindi katulad naming kalahating tao.
Wala akong laban kay Neru kung nasa lupa ako, kaya hinamon ko noon ang dagat na ibalik na ako roon.
Napansin ko na unti unting nag kakamabutihan na kayo ni Neru. At batid ko na may masama siyang balak sa iyo. Kaya pinilit ka niyang bumalik na sa kung saan ka nanggaling.
Gusto sana kitang samahan noon at balaan. Ngunit sa anyo ko at kakayahan hindi ko kakayanin ang makalabas sa Dapdap. Si Neru ang sumama sa iyo at nag hatid sa iyo sa labasan.
At sa naranasan niyang halik sa iyo. Tila nag iba ang Plano niya. Nagustuhan ni Neru ang ginagawa niyo.
“Ganun pala ang tinatawag nilang halik. Masarap sa pakiramdam. Mabuti na lang at ginawa niya iyon dahil kung hindi wala na siyang babalikan pa.” Ang pag kuwento ni Neru sa akin.
Kaya hinayaan ka na lang niya na makaalis. Sa kanyang sinabi nabuo sa akin ang takot na baka may gagawin pang mas higit pa si Neru, ngayong nakatanggap ito nang unang halik mula sa Taga lupa.
Kaya nagpailalim ako sa kagustuhan nito. Labag man sa loob, upang maibalik ang dating ako. Tinanggap ko ang pag ibig ni Neru. Masaya si Neru nang pinaubaya ko na sa kanya ang sarili at katawan ko. At bilang kapalit, ibinalik sa akin ni Neru ang totoo kong anyo.
Ngunit hindi ako naging Masaya sa piling niya. Bumalik ako doon sa lugar mo. At hinatiran kita ng mga tulong , bilang tanda na naaalala kita. Ako ang nag dulot sa iyo ng mga perlas noon na ginamit mo sa pag patayo ng rest house dito sa Dapdap. Kaya wala na Ang matandang ako noong bumalik ka rito.
Nalaman ko ang pagbabalik mo, kaya nasabik ako. Pero may pangamba sa panganib na dulot ni Neru sakaling malaman niya ang pag babalik mo.
At mula sa mga matatandang kataw, napag alaman ko na kapag taglay ng isang kataw ang hiyas ng puso ng dagat. Wala nang ano mang sumpa ang makaka sukob sa amin. Kaya sinikap ko na makakuha nun.
At nang meron na ako. Muli akong nagpakita sa iyo bilang si Aries na Ang totoong Aries.
At nang maranasan ko ang halik mula sa iyo, parang ayuko nang bumitaw. Lalo pa noong pinaranas mo sa akin ang kakaibang pagtatalik ng dalawang lalake. Mas Lalo akong nahulog sa iyo. Ngunit bigla kong naalala si Neru noon.
At hindi nga ako nag kamali natuklasan ni Neru ang pagbalik mo. Ayuko nang malayo sa iyo at mawala pa sa paningin ko. Kaya binuo ko na Ang pasya ko na talikuran ang Mundo ng karagatan at bumalik sa Mundo kung saan ako sinilang. Sa Mundo ng mga tao.
Ngunit hindi rin nagtagal at natunton din tayo ni Neru.“ Ang buong pag lalahad ni Aries sa akin.
Hindi ko namamalayan ang pag tulo ng luha sa aking mga mata habang nag kukuwento si Aries.
Sa pag lalahad ni Aries nang lahat lahat, napatanong ako sa sarili ko. Si Aries nga ba talaga ang kaharap ko?
“Mahal kita Jim, at ngayong magkasama na muli tayo. Hinding hindi na kita papakawalan pa. Wala nang haharang o pipigil sa ating pagsasama, batas man iyan o sumpa” at niyakap ako ni Aries nang subrang higpit
Subrang higpit, na nasasaktan na ako.
Nagpupuniglas ako at kumakawala sa mahigpit na pagkakayakap sa akin ni Aries.
“Hindi ka si Aries… Pakawalan mo ako.” Hirap na akong makahinga.
At sa isang saglit naging si Neru si Aries.
“Naniwala kaba sa kuwento ko? Mahal. Hindi ba nasabi sa iyo ni Aries na mapanlinglang kaming mga kataw? Kawawa kayong mga tao, madali kayong mabulag sa mga huwad na kuwento at maniwala sa mga Kasinungalingan. Kaya nag tataka ako kung bakit naging espesyal kayo, gayong mga mahihinang uri lang kayo na mga nilalang” at pagkasabi nito bigla itong nag sa higanteng pusit na Ang mga galamay nito naka pulopot at sumasakal sa akin. Naglaho bigla ang Kubo at nag iba ang paligid.
Nasa ilalim na muli ako ng dagat. Nalulonod. Hirap hininga at nawawalan na nang malay.
Hanggang doon lang ang naalala sa mga tagpong iyon. Akala ko doon na magtatapos ang buhay ko. Sa hindi ko alam na dahilan, at kung paano ako naka ligtas. Heto at buhay ako.
Mula sa pagkalunod muli na naman ako inahon ng dagat para iligtas. Isang mangingisda ang nakatagpo sa aking palutang lutang sa dagat.
Agad niya akong inuwi sa kanila. At doon nilapatan nang paunang lunas. Inalagaan niya ako hanggang sa nagka malay ako. Isang araw din akong walang malay.
“Gising ka na pala, ito uminum ka muna nitong tsa-a. “ Pag lapit sa akin ng mangingisda at inabot sa akin ang tasa na may lamang tsa-a.
“Ikaw?” Nang makita ko ang mukha nito.
“Bakit? Kilala niyo ba ako?”
“Aries?”
“Naku pare, nagkakamali ka lang yata. Hindi Aries ang pangalan ko. Ako nga pala si Juno. Taga saan ka ba at anong nangyari sa iyo? “
Naguluhan ako, mukha ni Aries ang nakikita ko, pero ibang tao ang kaharap ko.
“Ok ka lang ba pare?, Ano gusto mo dalhin na lang kita sa hospital? “ Pansin nitong tulala ako.
Pakiramdam ko pinaglalaruan lang ako ng mga pangyayari. Bagamat kamukha nito si Aries ibang tao si Juno.
“Jimmy ang pangalan ng bangka mo?” Nang makita ko ang nakaguhit na pangalan sa katawan ng bangka nito.
“Oo pangalan iyan ng isang tao na malapit sa puso ko. Kaso kinuha siya ng dagat sa akin.” Tugon ni Juno.
“Kinuha ng mga kataw si Jimmy?” Tanong ko.
“Anong kataw pare? Walang ganun, hindi totoo ang mga kataw. Matagal na akong nangingisda , bata pa lang ako. Naging ganito na Ang edad ko, wala pa akong nakitang kahit buntot o palikpik man lang nila. Nang makita kitang palutang lutang akala ko nga kataw na, hindi pala.” Sabi nito
“Sabi mo kinuha si Jimmy ng dagat?”
“Nalunod kasi si Jimmy habang nililigtas ako sa pagkalunod.” Biglang nalungkot ang mukha ni Juno.
“Sorry , naitanong ko pa.” Sabi ko.
“Ayos lang iyon, naka pag move on na ako. Kaya nga sa kanya ko na pinangalan itong bangka ko. Para kahit papano ,parang kasama ko paring naglalayag ang taong Mahal ko.” Napangiti ito.
“Lalake si Jimmy?” Tanong ko muli
Tumango lang si Juno. “Kakaiba man ang relasyon namin ni Jim, pero hindi kayang sukatin ni no man ang pagmamahalan namin sa isa’t isa, walang batas o sumpa ang maaring makapaghiwalay sa amin noon.”
Napangiti ako nang marinig iyon kay Juno. Parang si Aries Ang kausap ko.
“Teka lang pare, marami na tayong napag usapan pero hindi ko pa alam ang pangalan mo. At kung saan ka galing. Para naman maihatid na kita sa inyo.”
“Jimmy pare, Jimmy din ang pangalan ko. Kaya nang makita ko ang pangalan ng bangka mo napatanong talaga ako. At kahawig mo din ang taong pinaka mamahal ko. Si Aries.” Sabi ko.
Natawa si Juno sa sinabi ko. “Parang pinagtagpo pala tayo ng dagat ah. Natagpuan kita sa dagat kung saan nawala si Jimmy,at Jimmy din ang pangalan mo”.
“Nangulila ako sa Mahal kong si Aries, at pag kagising ko mukha niya ang nakita ko sa iyo. “ Natawa ding sabi ko.
“Hindi naman siguro,kasing lansa ko ang Aries mo diba?” Natawang tanong ni Juno.
“Mas malansa iyon sa iyo promise” at tumawa na lang din ako.
Mabilis ko nakagaanan ng loob si Juno. Ganun din siya sa akin. Nagpasya akong doon na sa kanya manirahan nang alokin niya ako. Siya lang naman ang mag isa sa kanyang maliit na Kubo malapit sa dagat.
Nagkapalagayan kami ng loob ni Juno, hanggang sa tuluyan nang nahulog sa isa’t isa. Naging magkarelasyon kami ni Juno. Biglang nawala Ang lahat ng Agam Agam ko sa buhay sa piling ni Juno.
Masaya kaming magkatuwang sa pangingisda, isang ordenaryo at payak na pagsasama ang pinagsasaluhan naming dalawa. Pangit man ihambing, parang si Aries talaga ang kasama ko. Kuhang kuha ni Juno ang mga paglalambing sa akin noon ni Aries.
Pero ibang tao na itong kasama ko. Kaya pinilit ko burahin na sa puso ko si Aries at ipinalit doon si Juno. At sinabi sa sarili ko, na si Aries ay isa na lamang alaala at bahagi ng nakaraan ko.
“Mahal saan ba tayo pupunta? Puno na itong bangka natin ah” sabi ko kay Juno nang nilihis nito ang bangka sa ibang direksyon.
“May pupuntahan tayo Mahal, nadaanan ko na iyon minsan at subrang ganda ng lugar, wala pa yatang nakabiling turista doon. Magandang gawing resort.” Sabi pa ni Juno.
“Ang laki din pala nang pangarap mo Mahal, pero sige, support ako diyan. Minsan narin ako nakapagpatayo ng floating restaurant, matutulungan kita diyan.” Sabi ko.
Habang papalapit na kami sa sinasabing lugar ni Juno, iba ang pakiramdam ko. Parang hinahatak ako ng lugar. At nang sa malapitan na kami, natulala ako sa aking nakita. Ang tinutukoy na lugar ni Juno ay ang Dapdap.
“Mahal tingnan mo diba ang ganda ng lugar parang pinag sama ang gubat at dagat,. At masdan mo ang mga rock formations sa palibot, walang masabi ang Kuron dito. Alam mo Mahal, ito Ang magiging pugad natin, ang magiging Paraiso nating dalawa. At tatawagin natin itong…”
“DAPDAP” na Ang ibig sabihin “nasa tabi lang “.
FIN.
-at hayan mga kabrobars dito na nagwawakas ang buong kuwento ng “ONCE THERE WAS A SEA” sana nagustuhan niyo ang kuwento at para sa extended version nito, paki follow naman me sa Facebook page ko it’s Brobars BL Stories.
Hanggang sa isa na namang kuwento, ingat.

