loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
One Last Chance (Boyxboy) [Published Under PIP Publishing House]

One Last Chance (Boyxboy) [Published Under PIP Publishing House]

IThinkJaimenlove · 17 chapters · 21,212 words

STORY BLURB

Story

Description

[UNEDITED]

“I’ve waited this for so long. Now that you’re mine, I am not letting you go.”

Michael Angelo, a happy-go-lucky gay who dreamed his own happy ending. Nagmahal ngunit sa huliʼy nasaktan. Kaya mas pinili niyang umalis at lumayo, dahil ayaw niyang paulit-ulit nang nasasaktan. He chose himself over his dreams.

Ngunit sa pagbabalik niyang muli. Babalik din kaya iyong dati niyang nararamdaman gayong nalaman niyang mahal din pala siya nito? O tuluyang titigas ang kaniyang puso’t hindi na muling magmamahal?

These Guys In Love With You Panget Sequel.

©

IthinkJaimenlove

WARNING

DISCLAIMER!

All Right Reserved. No part of this may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the permission of the author.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, places, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidence.

WARNING

!

NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS. This book may contain strong and potentially offensive language, highly explicit, and excessive sexual activity which may be disturbing to some readers.

It also contains grammatically incorrect and typographical errors. If you’re a perfectionist and you wanted to read stories without mistakes, this book is not for you. Leave it alone!

READ AT YOUR OWN RISK!

YOU’VE

BEEN WARNED!

FOLLOW ME:

Facebook: Jaime Kawit

Facebook page: IthinkJaimenlove

Instagram: IthinkJaimenlove

READ MY OTHER STORIES:

Dreame: IthinkJaimenlove

Libri: IthinkJaimenlove

Readoo: IthinkJaimenlove

Wattpad: IthinkJaimenlove

ABOUT THE STORY

Sequel Story po ito ng These Guys In Love With You Panget. But, focus po ako kina Mich (Friend of Sam) and Lance (Friend of Jake) kung naaalala ninyo silang dalawa. Kapag hindi naman po puwede niyong basahin ulit iyong kwento, but remember na unedited po iyon kaya maraming errors, typos and grammatical incorrect. Kaya pasensya na po sa mga pagkakamali. Balang araw po, i-eedit ko rin iyon pero sa ngayon, magsusulat na muna ako.

I’ll try my best to write this story well para magustuhan ninyo. And, sa mga other stories ko dito na on-going, I’ll also try to update them one by one. Ngunit sobrang slow updates tayo. I’m sorry na agad.

Thank you and don’t forget to votes and comment and follow me.

IThinkJaimenlove

Prologue

ONE LAST CHANCE

ITHINKJAIMENLOVE

P R O L O G U E

“Handa ka na bang umuwi?” Tumingin ako rito at tumango. “Maaga ang flight natin bukas, donʼt forget to check your things first before our flight baka may nakalimutan ka,” dagdag nito.

“Oo na! Saka wala naman akong masyadong gamit, and besides, bahay rin ang uuwian ko sa Pinas, so you donʼt have to worry,” sagot ko bago ko siya tinalikuran at maglalakad na sana pabalik sa kuwarto ko para i-check ulit ang mga gamit na dadalhin ngunit nagsalita ito na nakapagpigil sa akin.

“One last question, handa ka na bang harapin siyang muli?”

Napalingon ako sa kaniya mula sa pagkakatalikod at ngumiti. “Kaya ako pumunta rito sa Thailand para mag-aral hindi para lumayo sa kaniya. Kaya wala akong dapat paghandaan dahil siguro magkikita kaming muli dahil wala naman akong atraso sa kaniya,” I answered while looking straight to his eyes and smiled. “Sige. Maiiwan na kita.”

Pumasok ako sa aking kuwarto dito sa condo at binuksan ang laptop ko. Sakto namang online ang nag-iisang kaibigan ko na siyang pinagkakatiwalaan ko, si Sam. Agad ko siyang tinawagan at agad din naman niyang sinagot.

“Mich!” ang bungad niya habang nakangiti. Nakasuot pa rin siya ng salamin, but he changed a lot. Hindi katulad noon na tampulan siya ng mga masasakit na salita, ngayon ay marami nang humahanga sa kaniya. Heʼs still humble and kind Sam na nakilala ko noong na sa Pinas pa ako two years ago.

“Kumusta?” I asked. Tumingin ako sa likod niya at na sa loob siya ng kaniyang kuwarto. Mukhang bagong gising pa lang dahil sa suot niyang damit.

“Ayos naman. Ikaw, kumusta ang mga Thai?”

“Well, theyʼre okay naman. Tanggap na tanggap nila ang kasarian ng bawat isa rito,” I said. “Unlike riyan, hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap na tao pa rin tayo na nararapat ding irespeto.”

“Ano ka ba, unti-unti na nilang natatanggap ang kasarian ng nakakarami rito. Karamihan pa rin sa kanila na sarado ang isipan, pero hinahayaan na lang. Hindi na lang ipilit dahil baka pumayag pa,” he answered and laughed. Sumingkit tuloy ang mga mata niya. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang Sam na kilala kong masiyahin, kahit na may dinadalang problema ay nakangiti pa rin. “Matanong kita, kailan ba ang uwi mo dito? Namimiss na kita,” dagdag nitong sabi.

Ngumiti ako.

“Bukas,” simpleng sagot ko. Nakita ko namang nagulat ito at napangiti. “Tatawagan na lang kita kapag dumating ako riyan.”

“Talaga?!” Tumango ako. “OMG! Marami kang kwentong ipapasalubong sa akin at huwag mong kakalimutan ang pasalubong ko, kahit na ʼyung tumbler lang ng Dark Blue Kiss.”

Natawa ako dahil simula nang makapanood ito ng mga Boyʼs love series ng Thailand at iba pang country ay naging adik na ʼto. Hindi ko alam kung paano hina-handle ni Jake ʼtong jowa niya? Sinasabayan niya siguro sa panonood? Sana all.

“Gusto mo isang Thai pa iuwi ko riyan, e,” pagbibiro ko.

“Baka mapatay ni Jake, Best!” aniya, kaya natawa naman ako. Seloso ang boyfriend niya. Sana all ulit. “By the way, kumusta kayo ni Lance?”

Natigilan ako sa pagtawa at nagseryoso ang ekspresyon ko. Hindi pala niya alam kung anoʼng nangyari sa aming dalawa. Ang akala niyaʼy naging kami, pero ang totoo niyan ay hindi. Two years ago, we became friends, but not lovers. Pero, alam ko sa sarili ko noon na minahal ko siya, I was just scared to tell him because I know, hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. We even make love, pero hindi yata make love iyon, because for him, it was just a pure lust.

“W-Weʼre f-friends,” I said. Friends naman kami, sa facebook lang pero ʼdi naman niya nakikita mga post ko dahil hindi naman ako active sa facebook, even in IG and other social media accounts. Skype lang kapag tinatawagan ko si Sam. Hindi ko nga nakikita kung may pino-post siya o wala. Hindi ko alam kung pati ba sa reality ay kaibigan pa rin ang tingin niya sa akin matapos ang pag-alis ko nang walang paalam? I think, no. Galit siguro iyon dahil sa pag-alis ko nang walang paalam.

After our graduation when I was in grade 12, lumipad agad ako papuntang Thailand. Tinawagan ko lang si Sam na nasa Thailand na ako nang makarating ako rito. Naintindihan naman niya iyon dahil sinabi kong unexpected, hindi pinlano ngunit biglang nagkatotoo. Pero nakokonsensiya ako dahil sa hindi ko pagsabi sa kaniya ng totoo.

Pinagmasdan ako nito kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. “Nagsasabi ka ba ng totoo?” tanong niya. Kilalang-kilala na niya ako at ganoʼn din naman ako sa kaniya.

“S-Sasabihin ko na lang sa ʼyo kapag nakarating na kami riyan sa Pinas,” sabi ko.

Naguluhan naman ito at nagtatakang tumingin sa akin sa kabilang screen.

“Kami?”

“Ah-eh bye, see you tomorrow. Aayusin ko pa ang mga gamit ko,” paalam ko. Aangal pa sana ito pero pinindot ko na ang red button para patayin ang tawag. Muntik na ako roon!

Isinarado ko na ang laptop at inilagay iyon sa tabi ng kama at saka ako humiga. Tumingin ako sa kisame and asked myself, am I ready to meet him again? Hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin muli. After what I have done? Pero kasalanan naman niya kung bakit ako nandito. He was the reason why I left without saying goodbye. He was the reason why Iʼm scared to fall in love again. Nasaktan ako, kahit na alam kong hindi dapat. Dahil alam kong kaibigan lang ang tingin niya sa akin.

Everything  has changed. Hindi na katulad ng dati. Wala na ʼyung Mich na marupok at mapusok, at ngayon ay ako na iyong Mich na mas lumakas dahil sa mga sakit na naranasan ko. Babalik ako roon dahil mas gusto ng pamilya ko na sa Pinas ako mag-college, hindi para muling magpakatanga at maghintay sa wala.

“Hayst!” huminga ako nang malalim at bumangon. “Ang tagal na nun kaya hindi ko na dapat pang-isipin,” sabi ko sa sarili. Hindi dapat ako magpapaapekto sa narakaan. Uuwi ako para doon na ipagpapatuloy ang pag-aaral hindi para sa nakaraan na matagal ng tapos.

Chapter 1

ONE LAST CHANCE

CHAPTER 1

MICH

Ang init ng araw ang bumungad sa akin pagkalapag ng eroplanong sinakyan ko. Parang na sa loob ako ng oven dahil sa init ng panahon. Kakatapos lang ng summer, ʼdi ba? Pero bakit parang lumalapit ang araw at sa Pinas lang?

Hinila ko na lang ang maleta ko nang makuha ko ʼto at lumabas sa naturang airport. May nakita naman akong signboard na nakasulat ang pangalan ko kaya lumapit ako roon at ibinaba ang suot kong shades.

“Sinong Michael ang hinihinta ninyo?” ang tanong ko. Malay ko bang mayroon pang nakasakay sa eroplano na kapareho ko ng pangalan.

“Michael Angelo Valente, Sir,” sabi ng isa na may hawak ng signboard. Dalawa silang nandito ngayon na nakasuot ng pormal.

“Okay, Iʼm Michael Angelo Valente,” pakilala ko. Siguroʼy hindi nila ako kilala at ganoʼn din naman ako sa kanila dahil kung kilala na nila ako ay hindi na nila kailangan pang humawak ng signboard para mahanap ako. “Letʼs go. Masyadong mainit dito,” sabi ko at nauna nang maglakad.

“Sir, kami na po magdadala ng gamit ninyo.” Lumingon ako rito. Binitiwan ko naman ang pagkakahawak ko sa hawakan ng maleta.

“Ingatan ninyo iyan dahil may babasaging gamit diyan.” Sabay naman silang tumango.

Nakarating kami sa parking lot at agad nilang inilagay ang gamit ko sa likod ng mamahaling kotse na hindi ko naman pagmamay-ari. Kasama ko dapat ang asungot na ʼyun sa pag-uwi ngunit sinabi niyang bukas pa ang flight niya dahil hihintayin pa niya ang mga papeles namin para makapag-enroll sa isang University rito. Hindi na lang ako nagreklamo dahil simula pa lang na magkasama kaming dalawa sa condo ay hindi na ako makaangal dahil palaging siya ang nananalo.

Tumingin ako sa labas ng bintana kung saan nakasakay na ako sa likod at ʼyung dalawa na sa harap, nagmamaneho ang isa at na sa front seat naman ang kasama niya. Nasa daan na kami papauwi sa bahay. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ʼyun, tiningnan ang oras at magaalas-dyes pa lang nang umaga.

“May dadaanan lang tayo bago umuwi,” sabi ko sa dalawa. “Ituturo ko lang ang dereksiyon,” dugtong ko nang mapatingin silang dalawa sa rear view mirror. “Nga pala, anoʼng mga pangalan ninyo? Bago ba kayo?” Ngayon ko lang din kasi sila nakitang dalawa. Malamang ay baguhan kaya hindi nila ako nakilala agad.

“Ako po si Blue at siya naman po si Red,” ang pakilala ng nasa front seat.

“Blue at Red?” nagtatakang tanong ko dahil sa mga pangalan nila na kulay pareho.

“Opo. Magkapatid po kasi at kambal pero hindi po identical,” sagot nang nagmamaneho, si Red.

Napatingin naman ako sa rear view mirror dahil sa sinabi nito at pinagmasdan ang kanilang mga mukha. Si Blue ay maputi habang si Red naman ay may kaitiman, ngunit pareho silang may matangos na ilong. Hindi nga lang talaga sila magkamukha, may makapal na kilay si Blue habang si Red ay hindi gaanong kakapal, malaki ang mga mata ni Red na bagay rin naman sa kaniya, habang singkit naman si Blue.

“At, bago lang po kami sa serbisyo bilang driver. Dahil ang dati ninyo pong driver ay nagretiro na dahil sa katandaan.” Tumango-tango lang ako bilang sagot. Dalawang taon akong nawala kaya malamang ay marami talaga ang magbabago rito.

Itinuon ko na lang sa daan ang pansin at nang malapit na kami sa dadaanan namin ay itinuro ko iyon sa kanila. Alam kong nandoon siya dahil hindi naman siya mahilig gumala. Wala rin naman siyang pasok dahil sa susunod na linggo pa ang klase. Tinuro ko ang two storey house kaya nag-park ang kotse sa harap nito mismo.

“Dito lang kayo,” sabi ko sa dalawa na parehong tumango lang.

Binuksan ko na ang pinto ng kotse at lumabas. Tumingin ako sa bahay na may dalawang palapag. Marami na ang nagbago rito. Kung noon ay walang kakulay-kulay, ngayon naman ay may kulay na ang bahay. May mga halaman na sa labas at ang gate nito ay bago na. Lumapit ako sa gate at tumingin sa bakuran nito. May kotseng naroroon at hindi ako puwedeng magkamali. Kilalang-kilala ko ang nagmamay-ari ng kotseng itim na iyan.

Mabilis akong nagtago sa isang tabi nang bumukas ang pinto ng bahay. Kaagad akong nakaramdam ng kirot nang makita ko itong may kasamang iba. Ano pa baʼng aasahan ko? Dalawang taon. Malamang ay hindi na ako ang kasa-kasama niya roon. Dalawang taon at wala pa ring nagbago sa kaniya.

“Youʼre hot when you moan my name,” sabi ng babaeng nakasuot ng sexy na dami. Hapit na hapit sa katawan nito at ang malaki nitong dibdib. ʼYan ang mga katangiang hinding-hindi ko mapapantayan. Lalo naʼt sa usapang kasarian ay talo na ako.

“Because youʼre so tight,” aniya at siniil ng halik ang babaeng kasama niya.

Ang tanga ko, bakit ko ba naisip na pumunta pa rito? Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi na dumaloy mula sa mata ko. Tumalikod na ako dahil ayokong makita pa ang susunod na eksena. Ayokong mas lalong madurog ang puso ko dahil sa nasaksihan ko. Kasalanan ko ʼto, bakit ba kasi pumunta pa ako rito?

Pumasok ako sa kotse at sinabing tumuloy na kami sa bahay. Hindi na rin nagsalita pa ang dalawa kung bakit nag-iba ang timpla ng aking mukha. Tumingon ako sa labas at muling inalala ang nakita kanina. Walang nagbago sa kaniya, mahilig pa rin mambabae. Ngunit sa pisikal niyang anyo ay maraming nagbago sa loob ng dalawang taon. Mas lalo siyang tumangkad at nag-matured ang itsura. Hindi na siya ʼyun Vincent noong high school kami na medyo patpatin, ngunit siya pa rin iyong Vincent na kilala ng lahat bilang babaero.

Tumigil ang kotse sa tapat ng isang bahay kaya bumaba na ako. Sinalubong naman ako ng yakap ng aking Ina.

“I miss you, Angelo,” sabi nito sa gitna ng yakap na ginantihan ko rin naman.

“I miss you, too, Mom,” ani ko.

Kumalas ito ng yakap at tumingin sa likod na para bang may hinahanap.

“Whereʼs Shawn?” ang tanong niya.

“Bukas pa po siya makakauwi. Kukunin pa niya ang mga papers sa dati naming school so we can transfer here,” paliwanag ko at mukhang nakuha naman niya. Inaya naman ako nito papasok sa loob at dumiretso kami sa dining area. Lunch na rin naman and gutom narin ako. Besides, I miss lutong pinoy.

Umupo kami na magkaharap sa long table dito sa dining area kung saan kaharap namin ang mga putaheng siya mismo ang nagluto. “Whereʼs dad and others?” tanong ko ng mapansin kong dalawa lang kaming kakain at nandito nakaupo bukod sa mga maids na nakapuwesto sa likod niya habang may hawak ng pitsel at juice.

She looked at me. “Your Daddy is busy, while Jasper is also busy with his online games,” aniya.

Palagi namang ganito simula noon. Kaya mas close kami ng Mom ko dahil mas naiintindihan namin ang isaʼt isa. Naging parang magkaibigan na rin. Noong mga panahong nasasaktan ako dahil sa nararamdaman ko para sa taong ʼyun ay nandiyan si Mom para bigyan ako ng mga payo. Tinulungan niya akong punasan ang mga luha sa mga mata ko noon at magpakatatag. She told me that time will come and the wounds in my heart will heal. Aniya pa, nasaktan ako dahil mas pinili kong mahalin siya at nakalimutan kong mahalin ang sarili ko.

“Kailan ba magbabago ʼyang si Jasper?” ang tanong ko. Simula kasi nang nawili ito sa online games ay halos hindi na lumabas sa kaniyang kuwarto.

“Siguro kapag medyo nag-mature na, heʼs still a young boy pa naman anak kaya donʼt mind him.” Ngumiti naman ako sa sinabi niya. “Letʼs eat?” Tumango lang ako at sinimulan ng maglagay ng pagkain sa plato ko at kainin ʼyun.

After lunch, dumiretso ako sa aking kuwarto na napanatili nilang malinis. Nandito pa rin ang mga gamit ko pero ang iba ay mukhang ipinatapon na nila o itinago, hindi ko alam. Kinuha ko ang cell phone sa bulsa ng suot kong pantalon at tinawagan si Sam na mabilis din naman niyang sinagot.

“Hello, sino ʼto?” sabi nito. Hindi nga pala niya kilala ang number na ʼto dahil kakabili ko lang ng sim card sa airport kanina. Hiningi ko na rin ang number niya nang magkausap kaming muli at nalaman kong hindi pa rin siya nagpapalit ng number.

“Itʼs me, Mich,” pakilala ko.

“Best?” paniniguro niya.

“Yes, where are you?”

“Ikaw nga! Akala ko kung sino-sino na namang lalaki ang tumatawag, e,” anito.

“What?! Lalaki ba boses ko?” sabi ko rito. “Saka magpalit ka na rin kasi ng number dahil marami nang nakakuha diyan sa number mo.”

“Medyo pang lalaki boses mo saka hayaan mo na ako. Nasaan ka ba?”

Minsan may pagkatanga itong si Sam, pero hinayaan ko na lang. Feel na feel niya siguro. “Na sa Pinas na. Magkita tayo sa dati nating tambayan,” sabi ko sa kaniya.

“Okay sige. 2 PM maliligo lang ako,” aniya lang at pinatay ko na ang tawag.

Mabilis naman akong naligo at nakapagpalit ng damit nang pumatak ang 1:30 PM. Naabutan ko pa si Mama na nasa sala habang nanonood ng tv ng bumaba ako. Nagpaalam ako na magkikita lang kami ni Sam nang makita niya ako and she just nodded bago itinuon ang pansin sa screen.

Matanda narin naman ako. Legal age na and I have my own license so I drive my car na matagal ko ng hindi nagagamit. Buti at hindi ito nasira. Tumungo ako sa lugar kung saan kami madalas pumunta ni Sam noong nandito pa ako. Malapit sa school kung saan kami nagtapos ng high school ang cafeteria na tinatambayan namin noon.

Nagpark ako at lumabas ng kotse. Nakasuot lang ako ng jeans at isang pastel blue na t-shirt na pinaresan ng vans na sapatos. Sa labas palang ay nakikita ko na si Sam na sumisipsip sa hawak nitong milk tea dahil sa glass wall ng cafeteria kung saan nakapuwesto siya malapit doon. Hindi ako nito napapansin dahil abala siya sa hawak niyang libro. Hindi parin talaga nagbabago ang isang ʼto.

Pumasok ako sa loob at dumiretso ako sa kaniyang puwesto bitbit ang paper bag na pasalubong ko sa kaniya. Umupo ako sa harap niya kaya nakuha ko naman ang atensiyon nito. Mabilis siyang tumayo at agad akong niyakap kaya naging dahilan iyon nang pagtingin sa amin ng iba.

“I MISS YOUUU!” mahigpit ang yakap nito at ginantihan ko naman.

“I miss you too,” sabi ko nang kumalas siya sa pagkakayakap.

He looked at me, sinusuri ang kabuuan ko kung alin ba ang nagbago sa loob ng dalawang taong pamamalagi sa Thailand. “Mas lalo kang gumanda,” aniya. “At, pumuti, pero ʼyung buhok mong mahaba ay hindi na katulad ng dati,” he said. Bumalik na rin siya sa puwesto niya kanina. Sinuri ko rin ang itsura niya. His style changed and everything, pero ang eyeglasses na suot ay hindi pa rin nawawala.

“People change,” simpleng sagot ko.

“Taray ah, bakit ka ba nagbago?”

Bumuntonghininga ako saka umiwas ng tingin. Tumingin ako sa labas kung saan abala ang mga taong naglalakad paroon at parito, at ang ibaʼy sakay ng kanilang mga sasakyan. “Kapag nasaktan ka ay talagang maybabago,” sabi ko.

“Sabihin mo nga sa akin ang totoo, ang lahat. Kung ano ba ang nangyari two years ago,” sabi niya.

Tumingin naman ako sa kaniya, sa kaniyang mga mata. I smiled, hindi ʼyung ngiti na masaya kundi ʼyung ngiting may tinatagong sakit. Sinabi ko sa kaniya ang buong kwento, kung papaano kami nagsimula, at kung papaano kami nagtapos.

Chapter 2

ONE LAST CHANCE

CHAPTER 2

MICH

Nakatingin lang si Sam sa akin matapos akong mag-kuwento na para bang hindi siya makapaniwala na ʼyun ang nangyari sa amin two years ago. Ako rin naman, hindi ako makapaniwala na dumating sa puntong lalayo ako. Not because I wanted to forget, but because I wanted to heal the pain he caused.

Sobrang nasaktan ako noon, though weʼre not in a relationship, pero nag-assume ako. Akala ko ay mahal niya ako, pero isa lang pala ako sa mga taong pampalipas oras niya. I know Iʼm Gay. Kaya siguro pumatol siya sa akin because he wanted to taste something new. ʼYung bago sa panlasa niya at kapag nagsawa siya ay bigla na lang niyang iiwan.

“Bakit hindi ko alam ʼto?” seryoso niyang tanong. Kinuha ang milk tea na nasa harapan niya at sumipsip doon habang ang mga mataʼy nakatingin pa rin sa akin.

“Youʼre busy that time. Busy kay Jake at sa dalawa mo pang manliligaw noon kaya hindi na tayo nagkakasama,” I answered. Kinuha ko ang paper bag sa ilalim ng mesa at iniabot ʼyun sa kaniya. “Oh, ayan na ʼyun gusto mong pasalubong. Dinagdagan ko na ʼyan ng iba pang merchandise ng ibang BL series sa Thailand. Nandiyan na rin ang pasalubong ko para kay Andrew and for your Auntie,” dagdag ko.

Kita ko ang tuwa sa kaniyang mukha. Nagliwanag ito nang makita niya ang laman ng tatlong paper bags na ibinigay ko. “Itatago ko ʼto baka makita ni Jake at itapon pa niya,” sabi nito. Niyakap pa ang t-shirt ng isang BL series sa Thailand na sikat na sikat ngayon nang ilabas niya ʼto. “Salamat dito, Best.”

“Youʼre always welcome and by the way, whereʼs your boyfriend?” tanong ko dahil sa pagkakaalam ko ay hindi humihiwalay ang isang ʼyun dahil sa pagiging possessive.

Ibinalik niya ang damit sa loob ng paper bag at saka inayos ang sa ilalim bago siya tumingin sa akin. “Kasama niya ʼyung mga kaibigan niya, pero si Shawn ay wala. Hindi namin alam kung anoʼng balita sa kaniya hanggang ngayon. Weird talaga ang isang ʼyun,” sabi nito at sumipsip ulit sa milk tea niyang paubos na.

Buong akala ko ay alam nilang kasama ko si Shawn sa Thailand. Weʼre not actually close noong high school dahil sa pagiging weird nito. Heʼs so mysterious. Kaya nagulat na lang ako na dumating ito sa condo and he said, weʼre cousin and Mom asked him a favor na bantayan ako, Shawn Valente Reyes. Kinilabutan nga ako sa nalaman kong iyon. Nagka-crush ako sa weirdong iyon noon. Mabuti na lang at kaagad kong nalaman.

Akala ko ay alam ng mga kaibigan niya kung nasaan siya. Mayroon namang social media bakit hindi nila kinausap? Siguro ay ayaw lang ipaalam ni Shawn kung nasaan siya. Gusto niya siguro mag-focus sa study niya na walang nakakaabala.

Hindi ko na lang sinabi kung nasaan si Shawn ngayon. I wanted to respect his decision na sabihin sa mga kaibigan niya kung saan siya galing. “Letʼs go the mall?” aya ko kay Sam nang maubos nito ang milk tea.

“Sige. Mamaya pa kami magkikita ni Jake,” anito at tumayo na.

Malapit lang naman ang mall dito, pero hindi ko puwedeng iwan ang kotse ko rito dahil hindi naman ako costumer ng cafe na ʼto. Sumakay kaming dalawa sa kotse at nagmaneho na ako papunta sa malapit na Mall. Pagdating doon ay agad kaming lumabas nang makahanap ako ng space for parking.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya nang makapasok kami sa loob.

Tumigil ito at inilibot pa ang paningin sa loob ng gusaling ito. Nag-iisip kung saan ba kami pupunta. “National Book Store?” Hindi na ako magtataka mung bakit iyon ang isinagot niya. This gay is obsessed with books. Noong high school paang kamiʼy hilig na niyang mangolekta ng libro. I wonder how many books he had.

Tumango lang ako at saka sabay na kaming naglakad patungo sa direksiyon kung saan ang NBS.

Mabilis naman kaming nakapasok sa loob at parang ibon na nakawala sa kaniyang hawla si Sam dahil bigla itong nawala sa tabi ko. Bumuntonghininga na lang ako dahil sa kaniyang ugali. Ganitong-ganito siya two years ago at walang pinagbago.

Naglakad ako papalapit sa lalagyan ng mga libro kung saan walang masyadong tao. I also love reading novels dahil naimpluwensiyahan ako ni Sam, but I am not bookworm, not like him whoʼs obsessed with these books. Kapag bored lang siguro ako nagbabasa. Ako ʼyung taong walang hilig, maybe two years ago, I was a gay who loves Him. Okay corny!

Kinuha ko ang librong walang takip na cellophane. Sample siguro ʼto or binuksan lang ng mga costumer na matitigas ang ulo. Abala ako sa pagbabasa habang nakayuko sa librong hawak ko at hindi ko pinapansin ang mga taong dumadaan sa tabi ko o tumitigil para kumuha ng libro sa stall na nasa likod ko.

“Babe, I want this and this and this.” Hindi ko pinansin ang sinabi ng babaeng tumigil sa tabi ko. Nakikita ko ʼto sa peripheral vision ko na tinuturo ang mga librong gusto niya ngunit hindi niya maabot.

“Okay, Babe. Anything you want as long as you will moan my name later.” Natigilan ako dahil sa boses na ʼyun. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Dalawang taon ang lumipas, pero hindi pa rin nakalilimutan ng aking tainga at ng puso ang boses na iyon. May nagbago ngunit naroroon pa rin iyong malalim at tila ba nilalambing ka nito sa tuwing siyaʼy nagsasalita.

Unti-unti kong iniangat ang ulo ko para tumingin dito. Saktong nakatingin siya sa akin. He was wearing a pastel blue t-shirt na katulad na katulad ng suot ko ngayon ang kulay ngunit hindi lang magkatulad ang disensiyo. Nakatingin ito sa akin and I know he know me well dahil wala namang nagbago sa akin bukod sa hairstyle na pinaputulan ko lang ang dati kong mahabang buhok. Hindi na rin ako blonde ngayon dahil bawal sa eskwelahang pinasukan ko sa Thailand.

Ang puso kong akala ko noon ay hindi na titibok nang ganito kabilis ay nararamdaman ko ngayon. It feels likes thereʼs a race inside my heart. Pero hindi ito katulad ng tibok ng puso ko noon na may kilig na nararamdaman sa tuwing kami ay magkatitigan. This is pain. Hindi saya ang nararamdaman ko sa muli naming pagkikita kundi sakit. Nasasaktan ako habang nakatingin sa kaniya.

Bago pa man tuluyang bumuhos ang luha ko ay mabilis akong naglakad paalis doon. Hinabol pa ako nito ng tingin pero tinawag siyang muli ng kasama niya. Pinunasan ko ang munting luha na bumuhos mula sa mga mata ko. Tumingin-tingin ako sa paligid para hanapin si Sam at nakita ko naman ito sa counter na pumipila na.

Nakita ako nitong papalapit at pinagmasdan ang mukha ko. “Anong nangyari sa ʼyo?” tanong niya nang tumabi ko sa kaniya sa pila. Hawak ko kasi ang librong binabasa ko kanina at might as well bilhin ko na lang kaysa ibalik ko pa ito doon na alam kong nandoon pa rin si Vincent.

“Nothing. Naiyak lang ako dito sa binabasa ko.” Tinaas ko ang librong hawak ko.

“Humor? Naiyak ka riyan?” nagtataka niyang tanong.

Ibinaba ko ang kamay kong nakataas at pumila ako sa likod niya dahil wala namang nakasunod. “Naiiyak sa tawa,” sabi ko. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa. Humarap na ito sa harapan dahil siya na ang susunod sa counter. Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya nang may sumunod naman sa akin sa pila.

“Iʼll wait for you outside the store, Babe.”

“Sure, Babe.” Mabilis akong lumingon dito. Nakatingin na naman ito sa akin, bahagya siyang nakayuko dahil matangkad siya sa akin ng kaunti habang nakatingala naman ako. Hindi ko alam kung ano bang klase nang tingin ang ipinapakita niya ngayon sa akin. “I just want to talk to someone,” anito na sa akin nakatingin kahit na hindi naman ako nito kausap. Sobrang lapit nito sa akin kaya amoy na amoy ko ang pabangong ginagamit niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago ng pabango. Siguroʼy gustong-gusto ito ng mga babaeng naikakama niya?

Humarap ako kay Sam at mabilis na inilagay sa kaniyang binili ang librong hawak ko. “Bayaran mo muna, Iʼll pay you later,” sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin nito dahil mabilis akong umalis. Para akong may-atraso sa kaniya dahil sa ginagawa ko, umiiwas kahit na hindi naman dapat. But, I donʼt want to talk to him nor see him either. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya at baka kung ano pa ang masabi ko kapag nagkausap kami kahit na wala naman dapat kaming pag-usapan. He wants my reason why I leave? It doesnʼt matter dahil alam ko namang wala siyang pakialam kung bakit ako umalis two years ago.

Pumasok ako sa kotse ko nang makarating ako sa parking lot. Humawak ako sa manebela ng kotse at hinayaan ang mga luha na bumagsak. This is bullshit! Akala ko kapag nagkita kaming dalawa ay malakas na ako. Hindi na ako ʼyung naghihintay sa tawag at mga text niya, pero hindi pa pala. Dahil nang makita ko siyaʼy bumalik sa akin ang mga alaalang dapat ay iniwan ko na lang sa nakaraan. I guess, I didnʼt forget the past. Hindi pa rin pala ako nakakapag-move on. Pero bakit kailangan kong mag-move on? Wala namang namamagitan sa amin noon. Fck buddy, iyon ang tamang term sa magkaibigan at nag-se-sex.

Pinunasan ko ang mga luha ko nang makita ko si Sam bitbit ang mga pinamili nito at umayos ako ng upo. Pumasok ito sa front sit na tahimik. Hindi nagsasalita na akala koʼy magtatanong siya kung bakit ako biglang umalis.

“180 nga pala ʼyung librong binili mo.” Kinuha ko ang wallet ko at binigay sa kaniya ang 200 pesos. “Hindi ako ang nagbayad niyan. Si Lance,” sabi niya na hindi tinanggap ang perang ibinigay ko. “Sabi niya, sa kaniya ka na lang daw magbayad bukas.”

Shit! Gusto ko sanang pagsabihan si Sam na bakit hinayaan niyang ito ang magbayad, pero hindi ko na ginawa. Nangyari na. The only thing to do is to find a way to avoid him.

Chapter 3

ONE LAST CHANCE

ITHINKJAIMENLOVE

MICH

Isang linggo ang lumipas. Nakauwi na rin si Shawn. Isang linggo na nasa bahay lang ako. Iginugul ang sarili sa mga bagay na hindi ko nakasanayan; ang panonood ng movie, pagbabasa, at minsan ay sinasamahan ko ang bunso kong kapatid na maglaro ng online games. Ayokong lumabas dahil baka kung saan ko na naman makita ang lalaking ’yun.

Hindi sa umiiwas ako pero parang gano’n na nga. Malaki ang mundo pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na kami puwedeng magkita. Nasa iisang mundo lang kami, iisang hangin ang nalalanghap kahit na minsan ay hindi na fresh dahil sa usok, at sabay pa ang oras namin dalawa sa pagtakbo dahil pareho lang kaming nasa Pilipinas. Kaya kahit saan ako magpunta ay may pagkakataon na magkikita kami.

Akala ko kasi ay kapag nagkita na kami ay handa na ako. Handa na ako sa mga tanong nito, sa mga sasabihin niyang masasakit na salita dahil sa pang-iiwan ko. Pero wala siyang karapatan na sabihan ako ng mga masasakit na salita dahil karapatan kong umalis. Magkaibigan lang kami kung iyon nga ang tamang itawag sa taong nagsiping na walang relasiyon. Ako lang ’yung pampalipas oras niya noon, ’yung titikman niya kapag nagsawa siya sa iba, at ’yung babalewalain niya.

“Anoʼng mas maganda.” Tumingin ako rito. “Ito o ito.” Hawak niya ang dalawang klase ng ball pens sa mga kamay niya at pinapapili ako.

“The blue one,” I answered.

Nasa book store ulit kami para mamili ng mga gamit namin dahil bukas ay klase na. After a week ay ngayon lang ako lumabas. ’Yung 180 na utang ko kay Vincent ay ibinigay ko na lang kay Sam upang ipaabot sa kaniya. Ayokong magkautang sa taong ’yun baka kung ano pa hingin niyang kapalit.

“Saan tayo kakain?” he asked. Bringing the school supplies we bought. “Mag-pizza na lang tayo,” he added while looking around.

“Sure, my treat.”

“Wala ka rin naman magagawa dahil ikaw talaga magbabayad. Wala na akong pera ngayon.” Aasahan kong ’yan talaga ang sasabihin niya. Palagi naman kaming ganito noon sa t’wing kakain kaming dalawa sa labas. I treat him but sometimes sa bahay nila kami kumakain dahil nagluluto ’yung Auntie niya.

Nag-order kami ng pizza at sinimulan na namin ’yun kainin. Nag-uusap kaming dalawa ng mga random things at pinag-uusapan namin kung ano ang expectations namin sa first day of class. Second year college na ako while him ay first year pa lang. I was in senior high when we became friends and he was in junior high noon. I remember our first met, he help me to stay away from the bullies sa dati naming school. Kahit na siya ’yung na-bully noon ay hinayaan lang nito. Sam is indeed a kind person, generous and humble as well. He even changed a lot, from his style of clothing. Kaya ngayon naman ay marami ang humahanga sa kaniya at bantay sarado naman siya ng boyfriend nito.

“Wait, magsi-cr lang ako,” paaalam ko na tinanguhan lang niya bilang sagot. Mabilis akong naglakad papuntang CR at pumasok sa men’s comfort room. Though I look like a girl dahil sa mahaba kong buhok na hanggang balikat pero lalaki pa rin ako. Also some of my clothes are unisex kaya minsan may mga taong napagkakamalan akong babae kahit na hindi naman ako babae.

Pumasok ako sa isang cubicle at doon ko ibinuhos ang kanina ko papinipigilang ihi. Ayokong umihi sa labas kung saan nakikita mo ’yung katabi mo. Sobrang awkward ang nararamdaman ko. lumabas ako sa cubicle at lumapit sa sink para maghugas ng kamay. Nakatingin lang ako sa pagbuhos ng tubig nang may tumabi sa akin pero hindi nakikita kung sino.

Nang iangat ko ang tingin ko ay muntik na akong mapatalon dahil sa gulat at sa paraan nang pagkakatingin nito sa akin. Bakit siya galit? Bakit gan’yan siya makatingin sa akin? Hindi ba niya natanggap ang bayad ko na pinasobra ko pa ng dalawampu? Mabilis kong tinapos ang paghuhugas ng kamay at akmang tatalikod na ako sa kan’ya nang hawakan nito ang isang braso ko.

“B-Bitiwan mo ako,” kinakabahan kong sabi. Hindi ako nakaharap sa kaniya dahil nanatili akong nakatalikod para sana umalis na at ayoko rin makita ang kaniyang mukha, ang maganda niyang mukha na may halos perpekto nang matangos na ilong at mapupulang labi. Iyong mukha na dati kong hinahangaan noon.

“Look at me,” may diin ang pagkakasabi niya ngunit walang emosyon.

Tumingin ako sa pinto, nakasarado ito. Tahimik din ang paligid kaya nakakasiguro akong kaming dalawa lang ang tao rito. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. “W-Why would I?” Hindi ko sinunod ang utos nito. Hindi ko kailangan na tumingin sa kan’ya. Para ano? Para makita ko ang galit sa kan’yang mukha na hindi ko alam kung saan nagmumula? “Please, let me go.” Pinilit kong ayusin ang pananalita ko para iparamdam ditong hindi ako naapektuhan.

“Bibitiwan lang kita kung kakausapin mo ako,” aniya. Pinipilit kong alisin ang pagkakahawak nito sa braso ko pero mas lalo niyang hinihigpitan.

“Wala tayong dapat na pag-usapan. Kung ang ikinakagalit mo ay ang 180 pesos na hindi ko inabot sa ’yo ay dodoblehin ko ’yun ngayon. Bitiwan mo lang ako.” Hinila ko ang braso ko at matagumpay ko ’tong naialis iyon sa pagkakahawak niya.

Aali na sana ako pero natigilan muna ako dahil sa sinabi nito. “Tandaan mo ’to, Angelo. Sa oras na makalabas ka sa pintong iyan, hinding-hindi na kita lulubayan hanggang sa kausapin mo ako at magpaliwanag.”

He’s calling me in my second like we used to be before. And it was like a music to my ears but to my heart, it caused pain. It’s painful.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil wala rin namang saysay, walang kwenta katulad niya. Anong ibig niyang sabihin? Hindi niya ako lulubayan hangga’t hindi ako nagpapaliwanag sa kaniya? Ano bang dapat kong ipaliwanag? Na hindi ko siya naibigay ng personal ang utang kong 180 pesos dahil busy ako o kaya ako umalis ng walang paalam ay dahil sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman ko?

Umalis ako doon na hindi man lang siya tinapunan nang tingin. Bumalik ako kung saan ko iniwan si Sam na ngayon ay may kasama na pa lang iba. Nagsusubuan pa ang dalawa at parang ang sarap nilang paguntugin sa ulo.

“Kung maglalandian kayo. Make sure na hindi niyo ako kasama.” Naiirita kong sabi nang makalapit ako. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Sam dahil inukupa na ni Jake ang isa at hindi ko alam kung saan ito galing.

“Inggit ka lang, Best.” Inirapan ko ’to dahil sa kan’yang sinabi. Hindi naman ako naiinggit dahil walang nakakainggit sa kanilang dalawa.

“Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko kay Jake nang tingnan ko ’to. “At sinong kasama mo?”

“Bumili rin kami ng school supplies, I’m with–”

“With me. Any problem with that?” Napalingon ako dahil sa gulat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa puwesto ko nang umupo ito mismo sa tabi ko at nakangising nakatingin sa akin. “Besides, you don’t own this mall. Anytime we can go here.”

Huminga ako ng malalim saka tumingin kay Sam. “Well, that’s okay. Aalis na rin naman kami, right?” tiningnan ko pa ’to nang masama para sabihing umayon siya sa gusto kong umalis na kami dito.

Tumingin siya sa katabi. “Ah-eh.” Tila nag-aalilangan pa ’to. Hindi alam kung papaano magdedesisyon, kung sasama sa akin o sa boyfriend niya.

“You’re not going anywhere,” maawtoridad ang pagkakasabi ni Jake habang hawak niya ang kamay ni Sam.

Tumingin sa akin si Sam at alam ko na ang klase nang pagkakatingin niya sa akin. “Fine, you can stay with them. Aalis na ako dahil marami pa akong gagawin sa bahay.”

“Like what?” tanong ng katabi ko pero hindi ko ’to nilingon. Tinitignan ko ang mga binili ko para i-check kung kompleto ba ang mga binili kong gamit. “Why don’t you answer my question?”

Lumingon ako rito mula sa pagkatapos kong i-check ang mga pinamili ko. “Hindi ko kailangang sagutin ang tanong mo. Kung ano man ang ginagawa ko sa bahay, hindi mo na ’yun problema o responsibilidad na alamin pa,” sabi ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

“Then stay with us for a while. Parang wala tayong pinagsamahan lahat dito,” anito.

“Kaya nga, Best. Mamaya ka na lang umuwi tutal maaga pa naman.” Tumingin ako kay Sam at sinamaan siya ng tingin pero ang gaga hindi ata makuha ang ang gusto kong iparating. He knows the reason why I wanted to stay away from this pervert. Bakit niya gustong manatili ako dito?

Huminga ako nang malalim. “Wala rin naman akong gagawin dito kaya mas mabuting umuwi na lang ako,” aniko.

“We can talk about random things or your life in Thailand like we used to be before,” Vincent answered.

“I can stay here, but I don’t want to talk about my life in Thailand. Besides, we aren’t friends,” I said saka ko ibinaling ang tingin kay Sam. “Si Sam lang naman ang kilala ko dito and Jake because he’s the boyfriend of my friend.”

I want him to feel what I felt before. ’Yung binabalewala kahit na nasa tabi lang ako nito. I want him to know that I don’t want to near with him, and I don’t want to talk with him. Wala rin naman kaming dapat na pag-usapan pa. Hindi na rin mahalaga ang dahilan ko kung bakit ako umalis para sa kaniya. After what I saw noong nakaraan? Wala siyang pinagbago, he’s still the person na papalit-palit ng babae. 

’Yung taong akala ko’y magbabago sa loob ng dalawang taon at umasa pa akong magiging magkaibigan kaming muli pero hindi pala. Siya pa rin ’yung lalaking minahal ko noon pero kinamumuhian ko na ngayon.

Chapter 4

ONE LAST CHANCE

ITHINKJAIMENLOVE

MICH

Naniniwala ako sa second chances. Pero sa mga taong deserve magkaroon nito. Lalo na ’yung mga taong nawala ang buhay kahit hindi naman dapat, ’yung mga taong nadapa at hindi na nagpatuloy pero gusto pa rin nila ngunit nawawalan na nang pag-asa. Sila ang nararapat na bigyan ng pangalawang pagkakataon na magpatuloy at sumubok ulit.

Pero kung tungkol sa pag-ibig? Hindi ako lubos na umaasang may second chances. Dahil noon nasa tabi mo pa siya ay pagkakataon muna ’yun para itama kung ano man ang pagkakamaling nagawa mo para lang manatili siya. Hindi ’yung saka ka manghihingi ng isa pang pagkakataon na patunayan ang sarili mo nang mawala na siya sayo. Marami kang pagkakataon na sabihin sa taong mahal mo kung ano ang gusto mong sabihin pero natatakot ka lang na baka iwan ka at layuan.

“So, where are we going now?” Tumingin ako rito. It was Jake who’s holding his boyfriend’s hand tightly. As if naman ay aalis ito sa tabi niya.

“Umuwi na tayo,” sabi ko. Ayoko nang manatili pa rito dahil sa t’wing nakikita ko si Vincent ay bumabalik lang ang alaala noong mga panahong sobrang mahal ko pa siya kahit hindi niya alam. ’Yung mga panahong sa t’wing susubok akong umamin sa nararamdaman ko ay may humaharang na problema, katulad ng mga babae niya.

“Then I’ll drive you home,” sabi nitong katabi ko na kanina ko pa hindi pinapansin. May konteng distaniya kaming dalawa maging sa loob ng sinehan ay hindi kami magkatabi.

“Hindi na. May sarili akong kotse saka baka magalit ang mga babae mo na may ibang sumakay sa kotse mo at isa pang bakla.” May bahid ng pandidiri ang boses ko sa isiping pinagsasabay-sabay niya ang mga babae niya. May kirot din akong naramdaman pero hindi ko na pinansin ’yun dahil alam kong wala namang patutunguhan kung patuloy akong masasaktan. Lumingon ako sa dalawang magjowa na hindi na mapaghiwalay. “Mauuna na ako sa inyo, Best and Jake. Ihatid mo na lang si Sam sa bahay nila.”

Hindi ko na hinintay ang sagot nila dahil nauna na akong maglakad bitbit ang mga pinamili ko kanina. Muntik pa akong mapatalon dahil may humila sa braso hanggang sa makarating kami sa parking lot, katabi ang isang itim na kotseng alam kong mamahalin dahil sa brand pa lang nito.

Hinila ko ang braso ko at tiningnan siya nang masama. “Ano bang problema mo?!” bulyaw ko kay Vincent na bigla na lang akong hihilain nang hindi man lang nagpapaalam kung sasama ba ako sa kaniya o hindi.

“Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit ba ayaw mo akong kausapin?!” sigaw niya na ikinagulat ko. Lumalabas na ’yung ugat sa kaniyang leeg at ramdam ko ang galit na mukhang matagal na niyang kinikimkim.

Alam ko kung saan nagmumula ang galit na ’yun pero bakit siya nagagalit? Binabalewala niya ako noon kaya walang kwenta ’yung pag-alis ako nang walang paalam dahil wala lang ako sa kaniya. Hindi ko nga alam kung itinuring ba niya akong kaibigan o parausan lang noon. Yes! He was my first. He took my virginity and I am so stupid that I gave that to him. Dahil ba sa mahal na mahal natin ang isang tao kaya kahit ano’ng gusto niya ay kaya nating ibigay? Even our own happiness. Kaya nating magsakripisyo, makita lang natin silang masaya. And that’s really the stupidest idea I’ve ever known.

“Bakit ano bang gusto mong malaman?” malumanay na tanong ko. Ayaw kong makipagsabayan ng sigaw sa kanya dahil hindi solusyon ang pagsigaw habang nag-uusap para lang magkaintindihan. “Gusto mo bang malaman kung bakit ako umalis noon?” Nakatingin ako sa kanyang mga mata.

Alam kong nakikita niya ang sakit sa aking mga mata kaya walang kwenta ang galit niya. Dahil sa katunayan, ako ang mas may karapatang magalit. Sino ba ako para sa kanya? Isa lang akong walang kwentang bakla na kapag nagsawa siya sa iba ay ako ang pupuntahan niya para tumikim ng bago.

Tumingin ako sa langit. Madilim na pala at ang bilog na buwan ang tanging nagsisilbing liwanag sa paligid kasama ang mga street light at mga ilaw sa mga bahay. Pagkatapos naming magsigawan sa parking lot ng Mall ay nandito kaming dalawa sa labas ng apartment niya. Ang apartment kung saan niya dinadala ang mga babae niya. Ito ’yung apartment na pinuntahan ko noong makarating ako sa Pinas galing sa Thailand.

Pero hindi dito nangyari ang una ko kundi sa condo niya. Hindi ko alam kung pati ba ang mga babae niya ay dinadala niya doon pero wala na akong pakialam. Bahala siya kung saan niya dadalhin ang mga babaeng ikakama niya.

Tumingin ako sa kanya na may hawak nang beer in can. Gusto pa nga niya akong bigyan pero umiling ako dahil hindi ako sanay uminom at magmamaneho pa ako pauwi. Hindi rin ako magtatagal dito dahil gabi na at baka hinahanap na ako sa bahay.

“Tell me, why did you leave without saying goodbye?” Umiwas ako nang tingin dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit gusto niya pang malaman ’yun?

“Bakit mo pa gustong malaman?” tanong ko pabalik. Gusto kong alalim kung ano ba ang rason niya bakit niya aalamin ang dahilan nang pag-alis ko nang hindi nagpapaalam sa kanya, sa kanilang lahat. Tanging ang pamilya ko lang ang nakakaalam na umalis ako.

“Because I want to know! Sagutin mo na lang ang tanong ko.”

Napabuntonghininga ako at tumingin sa kanya. Nakatingin din ito sa akin at ang kanyang mga mata ay kumikislap dahil sa ilaw na nagmumula sa paligid. Ang mga mata niyang may mahahabang pilik mata na ang sarap pagmasdan sa t’wing natutulog siya. “U-Umalis ako dahil napapagod na ako,” sagot ko.

Biglang kumirot ang puso ko dahil bumalik na naman ang mga alaala sa akin noon. ’Yung time na naghihintay ako sa kanya sa tagpuan naming dalawa dahil sabi nito ay kakain kami sa labas, sabay kaming magdidinner pero hindi siya dumating. Bumuhos na lang ang ulan ay walang Vincent na dumatin at may dalang payong para payungan ako. Kinabukasan noon ay nagkasakit ako at sinabi ko ’yun pero sabi niya, busy siya. Pero ang katunayan ay abala siya sa mga babae noon.

“Saan ka napapagod?” ang tanong niya at uminom sa hawak niyang beer can. Itinapon niya ’yun sa gilid nang maubos niya saka tumingin sa akin.

“Marami, Vincent. Sa maraming bagay ako napapagod kaya kinakailangan kong umalis para magpahinga.” Umiwas ako ng tingin para tumingin sa taas upang pigilan ang luhang nagbabadyang bumuhos. Masayahin akong tao pero sa mga ganitong sitwasyon ay sobrang iyakin ko. Ang daling bumuhos nang luha ko dahil mababaw lang sila.

“Napapagod ka ba sa mga ginagawa natin noon?” Tumingin ako rito. Nasa harapan ko na ’to na kanina lang ay may konteng distansiya sa aming dalawa.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko. May namumuong kaba sa dibdib ko at hindi ko alam kung saan nagmumula.

“Napapagod ka ba dahil nagsesex tayo noon? ’Yun ba ang dahilan mo kung bakit ka umalis? Dahil gusto mong tumigil na tayong dalawa sa pagsesex?” Unti-unti siya naglakad papalapit sa akin. Nakasandal ako sa kotse ko.

“Hindi ’yun ang dahilan,” sabi ko dahil ’yun naman ang totoo. Hindi ako napapagod dahil sa sex na ’yan dahil kilala ko ang sarili ko. Sa t’wing magkatabi kami sa iisang kama sa condo niya ay hindi maipaliwanag ang saying nararamdaman ko. Napapagod ako dahil sa pagmamahal ko sa kanya noon.

“Then what? Tell me, what is your reason for leaving me?” Malumanay ang boses nito na may bahid ng sakit at pangungulila. Sobrang lapit na niya sa akin kaya nakatingala ako upang mapantayan ang tingin niya. Mabilis din ang tibok ng puso ko.

“N-Napapagod ako dahil sa pagma-”

Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko dahil bigla nitong hinawakang ang magkabilang pisngi ko bago niya hinuli ang labi ko gamit ang kanyang malambot na labi. Sa ilalim ng bilog na buwan ay hinalikan ako nito. Gulat ang una kong naramdaman pero nang magsimulang gumalaw ang labi niya ay naipikit ko ang mga mata ko at dinama ang halik na ’yun. Halik na matagal ko nang inaasam-asam.

It was my first kiss dahil hindi naman ako nito hinahalikan sa t’wing nagsisiping kaming dalawa. It was my first kiss, but why do I feel pain instead of happiness? Bakit nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko at milyon-milyong matutulis na bagay ang tumutusok dito.

’Di ba dapat ay masaya tayo dahil ’yung taong mahal na mahal natin ay hinahalikan tayo sa isang scenario na sobrang ganda. Sa ilalim ng bilog na buwan kung saan may mga bituin ang nakapaligid dito. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Kirot. Pilit kong hinahalukay ang saya pero hindi ko mahanap.

Hindi ko namalayan ang pagbuhos nang luha sa aking mga matang kasalukuyang nakapikit. Dahil sa alaalang muli na namang bumalik.

“I have something to tell after our graduation ceremony,” sabi ko. Nakahiga kaming dalawa dito sa kama ng condo niya. As usual, kakatapos lang namin at pareho pa kaming hubad. Nakaunan ako sa kanyang mga braso habang nakayakap sa kanya.

“P’wede mo na namang sabihin ’yan ngayon,” he said.

Umiiling ako. “After na lang ng graduation. Hahanapin lang kita pagkatapos,” sabi ko. He just smiled and kissed my forehead. Sa noo niya ako madalas na halikan instead na sa labi because he said, I want my first kiss to be my forever, katulad ko ay wala parin siyang first kiss. Napangiti ako at dinama ang halik niyang ’yun. “Basta huwag kang umalis agad.”

The graduation day came. Ang lahat ay nakasuot ng toga at kasama na ako. Kasama ang kani-kanilang mga pamilya habang walang katapusan ang pagkuha ng litrato. Hinanap ko si Vincent sa mga taong nandito at nakita ko naman siya kasama ang tatlo niya kaibigan. Malinis ang suot nitong toga habang naka-wax ang buhok niya na sobrang bagay na bagay sa kanya. Hindi ko na nilapitan dahil magsisimula na ang martsa. Natapos ang graduation ceremony at ang lahat ay sobrang natutuwa dahil nagtapos na sila at magcocollege na.

Lumabas ako sa auditorium upang hanapin ang taong nagbibigay buhay sa akin. Ang taong mahal ko dahil ngayon ay handa na akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, handa na akong umamin na mahal ko siya matagal na. Pero dahil sa sobrang tuwa at excitement ang nararamdaman ko ay kapalit pala nito ang kirot dahil sa nakikita ko.

Kung saan kahalikan nito ang isa sa mga campus queen –

Jean Marquez. That’s the reason why I left without saying

goodbyes.

Napabalik ako sa realidad at mabilis ko siyang tinulak at sinampal. Nagulat ito dahil sa ginawa ko. Patuloy parin sa pagbuhos ang mga luha ko. “Walang hiya ka!” sasampalin ko pa sana ’to pero nahawakan niya ng kamay ko.

“Anong problema mo?!” tanong niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay kong ipangsasampal sa kanya kaya kahit na magpumiglas ako ay hindi ako makakawala.

“Ikaw ang problema dito! Hindi ka marunong tumupad sa usapan. Puro kasinungalingan lang ang mga pinagsasabi mo!” hinila ko ang kamay kong mahigpit niyang hawak at nagtagumpay akong maalis ’yun. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa dahil mabilis akong pumasok sa kotse ko at pinaandar ’yun upang makaalis doon.

Chapter 5

ONE LAST CHANCE

ITHINKJAIMENLOVE

MICH

Monday morning. Wearing my school uniform; black slacks, a paired of black shoes and long sleeve white polo with gray blazer and it has the logo of the university. Tumingin pa ako sa salamin para tingnan kung maayos pa ang suot ko at ang buhok kong hanggang balikat pero itinali ko ’to ng messy bun. Bumaba ako mula sa kuwarto para kumain. Pagkapasok ko sa kusina ay naabutan ko sina Mom, Dad, and Jasper na hindi pa rin nagsisimula sa pagkain. I think, they’re waiting for me.

I just smiled to them and sat beside my younger brother. Nakasuot na rin ito ng uniform ng school nila. “Let’s eat,” my Mom said and we started eating our breakfast. Walang nagsasalita sa amin dahil this is the rule when we were eating.

Uminom ako ng tubig nang matapos akong kumain. Tumingin ako sa iba at tapos na rin sila. “You two should study harder and one day you will be managing our family business,” my Dad said while looking at us.

“Nag-aaral naman po ako ng mabuti, Dad. Nakakuha nga ako ng honor last year,” sabi naman ng kapatid ko. Ngumiti pa ito ng malawak but our father remain calm and strict. Ganiyan talaga siya pero mabait at maalaga naman siya sa amin. Hindi namin nararamdaman iyong pagkasakal dahil hindi naman kami nito pinipilit sa mga bagay na ayaw namin. Alam naming ang ginagawa naming dalawa at ginagawa nila ay para din sa amin. We just have to do our task as their sons.

“You’re just with honor last year. I want you to strive harder, Jasper.”

“Dad, 15 years old pa lang naman po si Jasper. Hindi maiwasan na may mga bagay na nakaka-distract sa kaniya,” I said.

“Tama ang panganay mo, Hon. Bata pa si Jasper at alam kong kapag nag-mature siya ay magbabago rin ’yan.” Napangiti ako sa sinabi ’yun ng Mom ko.

“Fine.” Napipilitang sabi ng Dad. Tumingin ito sa akin. “But you, Michael Angelo. You should study hard dahil ikaw ang magmamana sa business natin.”

Tumango ako dahil alam ko naman ’yun. “I know po, Dad. Kaya nga kinakailangan kong umuwi dito.”

Pagkatapos kumain ay sabay-sabay kaming umalis ng bahay. Our Dad didn’t allow Jasper to drive kaya ako ang maghahatid sa kanya sa school nila. Nakasakay na kaming dalawa sa kotse papuntang school dahil malapit lang naman ang academy kung saan ito nag-aaral sa university kung saan ako papasok.

“Jasper.” Tawag ko sa pangalan niya pero hindi ito sumagot kaya nilingon ko ’to. Nakasuot siya ng earphones sa tainga niya at tumango-tango ito na parang sinasabayan ang beat ng music na kanyang pinakikinggan. Lumingon ulit ako sa harap dahil baka makabangga kami. “Jasper!” Nilakasan ko ang boses ko para marinig niya pero nang lumingon ako ay gano’n pa rin . Tinapakan ko ang preno ng kotse kaya nakuha ko naman ang atensiyon nito.

Inalis nito ang suot na earphones at nagtatakang tumingin sa akin. “Bakit ka tumigil, Kuya?” tanong niya.

“Nothing. Gusto ko lang ipaalala sayo na hindi porket ipinagtanggol kita kay Dad ay hindi ka na mag-aaral ng mabuti. Remember this, Jasper. I want you to study harder not for us but for yourself. Dahil kung hindi ka magsisikap na mag-aral, you will gain nothing. “ At saka ko pinaandar ang kotse hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate ng school niya.

Pagkahatid ko sa kaniya ay umalis din naman ako kaagad. Mabilis akong nakarating sa parking lot ng school. Tinext ko lang si Sam na magkita nalang kami before lunch dahil sabay kaming kakain. Naglakad na ako sa sementadong daan papunta sa building ng business ad. Hindi ko na pinansin ang mga studyanteng tumitingin sa akin. Nagtataka siguro sila dahil bago ako dito. Malamang dahil transferee ako.

Mabilis akong nakarating sa first subject ko ngayong umaga. Hindi naman ako freshmen kaya hindi ko na kinakailangan na pumunta pa sa orientation nila ngayon. Last Monday ako nag-take ng entrance exam at mabuti na lang dahil pumasa ako dahil sabi nila ay mahirap daw ang exam nila dito. Tumayo ako sa harap ng pinto saka huminga ng malalim bago ko binuksan iyon. Bahagya akong pumasok para makta ko ang kabuuan ng loob ng kuwarto.

Agad bumungad sa akin ang teacher sa harap at ang mga magiging kaklase ko sa subject na ’to na nakikinig sa gurong nasa kanilang harapan. “Good morning,” bati ko. Sa subject teacher lang ako nakatingin dahil ayokong tumingin sa mga kaklase ko na kasalukuyang nakatingin sa akin.

“Who are you and why are you late?” tanong nito.

This time, tumingin ako sa mga kaklase ko na lahat sila ay nakatingin sa akin. Inilibot ko ang tingin ko kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Nakaupo ito sa likod kasama ang tatlo niyang kaibigan. He’s smirking kaya kinabahan na naman ako.

Ibinalik ko ang tingin sa guro na nakataas na ang kilay. “I’m Michael Angelo Valente, Ma’am. I’m transferee from Thailand,” I said smiling at her.

“Y-you’re a guy?” Tumango ako dahil alam kong confused na naman sila sa kasarian ko. Hindi pa ba halata sa suot kong uniform? “Okay, Mr. Valente. You can find your seat now.”

Naglakad ako papasok at tumingin sa mga upuan kung saan ang bakanteng upuan. May grupo pa ng mg lalaki na pinapaalis nila ang katabi nila upang palipatin ito pero hindi umalis ang isa. Naglakad ako papunta sa bakanteng upuan. Mabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako sa bakanteng upuan sa tabi niya. Dahil ito na lang ang natitirang bakante.

Huminga ako ng malalim ng makarating ako sa tabi nito pero hindi parin ako umuupo. Tumingin ako kay Vincent na kanina pa ako pinagmamasdan at mukhang malalim ang iniisip. “May nakaupo na ba dito?” tanong ko.

“Actually, this seat is reserved for you.” Nakangising sabi nito. “Don’t worry, I won’t do anything bad to you, unless you’ll allow me to?”

“Lance, he’s my cousin. Remember your words, Pare.” Tumingin ako sa nagsalita and it was my cousin Shawn na katabi si Kelvin at katabi naman nito si Jake na abala sa kanyang cellphone.

“I know, Mr. Weirdo.”

Hindi ko na lang pinansin ang usapan nilang dalawa at umupo na ako sa tabi ni Vincent. I have no choice but seat beside him. Siguro kapag nakakuha ako ng pagkakataon ay lilipat ako ng upuan. Alam ko namang may mga kaklase kaming babae na gusto siya dahil kanina pa nakatingin ’yung iba sa akin na sobrang sama nang kanilang tinatapon tingin. Kakausapin ko na lang ang iba na makipagpalit sa akin ng upuan.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa harap kahit na hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang paningin sa akin ng katabi ko. Hindi pa ba sapat sa kanya ang pagkakasampal ko noong makapag-usap kaming dalawa?

Lumingon ako dito nang masama ng hindi ko na mapigilan ang inis dahil kanina pa ako nito pinagmamasdan hanggang sa matapos ’yung guro at lumabas na ’to. “What?” Maang-maangan niya na akala mo’y walang ginagawang masama.

“Kanina ka pa!” Naiinis kong turan. “Ano bang gusto mo?” tanong ko.

“Ikaw.” Tumalon ang puso ko ng bahagy at hindi ko alam kung bakit maging ang inis na nararamdaman ko ay nawala rin pero agad kong ibinalik ’yun. Kasinungalingan lang ang sinasabi niya.

“Ako? Ulol!” May diin kong pagkakasabi pero pabulong lang ito. “Liar,” dagdag ko pa bago ko siya inirapan at kinuha ang bag ko para pumunta na sa susunod kong klase. Sana naman ay hindi ko na siya kaklase doon.

“Where are you going?” tanong niya.

Lumingon ako dito. “Sa susunod kong klase kung saan hindi nakita kaklase doon,” sabi ko.

Tatayo na sana ako pero nagsalita ang pinsan kong weirdo. “Hindi mo ba tinignan ang schedule mo, Mich?” Napalingon ako dito. As usual, he’s holding a book and not looking at me. Tama siya sa kanyang sinabi na hindi ko na pinansin ang schedule ko kung aling classroom ang susunod. “We’re all blockmates here.”

Nakangisi ang katabi ko dahil sa sinabing ’yun ni Shawn. “See? I told you, I’ll never let you go again,” aniya. Umayos ako ng upo saka tumingin na lang sa harap dahil walang saysay ang pakikipag-usap sa kanya. Wala akong mapapala sa mga katulad niyang manyak at sinungaling.

Mabilis natapos ang oras at hanggang sa natapos ang klase ay hindi ako nilulubayan ng tingin nitong si Vincent. Hindi ko alam kung napapansin ’yun ng iba pero ako ramdam na ramdam kong tinitignan ako nito. Muntik ko na nga siyang masampal kanina dahil sobrang lapit ng kanyang mukha sa leeg ko na para bang inaamoy niya ’to at ramdam ko rin ang hininga niya doon pero nahawakan niya agad ang kamay ko ng mahigpit.

Mabilis akong lumabas ng classroom ng tumunog ang bell. Hudyat na tapos na ang klase at recess na. Sinundan ko ang alon ng mga studyante dahil nakakasiguro akong sa cafeteria sila pupunta. Hindi ko naman kasi kabisado ang university na ’to at baka mawala pa ako. Nakarating naman ako sa bukana ng cafeteria kung saan may lumalabas at pumapasok ng mga studyante.

Pumasok ako sa loob at inilibot ang paningin sa malawak na loob ng cafeteria. Marami-rami rin ang nandito ngayon na abala sa kani-kanilang pagkain at ang iba ay may hawak na libro na nakakasiguro akong para ’yun sa susunod siguro nilang klase. First day na first day ay may ganyan agad silang eksena.

Naglakad ako papunta sa bilihan ng pagkain at sakto namang walang nakapila kaya sinabi ko na sa nagbabantay ang gusto kong bilhin. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ko at akmang iaabot ko ’to ng may kamay na umabot ng pera kay Ate kaya napatingin ako sa nagmamay-ari nun.

Nakatingin narin ito sa akin. “What?” ’yan na naman ang tanong niyang nagkukunwari. Feeling inosente ang manyak na ’to. “I’m paying for your foods,” aniya.

“You don’t have to. Baka ikagalit mo na naman iyang perang ipambabayad mo saka may pera ako,” sabi ko.

“Save your money, Baby. I can pay for whatever you wanted to buy, just tell me.” Tumingin ito kay Ate at iniabot ang bayad. Kumindat pa ’to bago niya kinuha ang pagkaing binili ko at hinawakan ako nito sa kamay.

Tumalikod na ’to sa counter at akmang aalis na pero hinila ko ang kamay ko saka lumingon kay. “Ate, bigyan mo nalang po ako ng tubig. Nawalan na ako ng gana, e,” sabi rito at iniabot ang bayad ko.

“Where are you going?”

Lumingon ako rito. Matapos kong makuha ang tubig ay hindi ko ’to pinansin dahil agad akong naglakad upang lampasan siya. Pero nagtatanong kaya kailangan kong sagutin. “Are you coming with me?” balik tanong ko.

Lumiwanag ang mukha niya. “Sure, Baby. Anywhere you go ay nandoon ako.”

Sumimangot ako kunwari at umiling. “But sorry, I don’t want you to come with me. Goodbye,” sabi ko bago ko siya tinalikuran. Hawak parin nito sa isang kamay niya ang tray na may lamang pagkain na inorder ko pero siya ang nagbayad kaya in the end, sa kanya na lang ang pagkaing ’yun.

Chapter 6

ONE LAST CHANCE

ITHINKJAIMENLOVE

MICH

Kung noon, isang tawag lang niya sa akin na pupunta ako sa lugar na sinasabi niya ay mabilis akong nakakapunta. Mabilis niya akong napapasunod sa gusto niya. Dahil noon ay sobrang mahal ko siya. Na kahit umuulan ay kaya kung suungin mapuntahan lang siya. Ngunit ngayon ay hindi na ako ’yung taong nagpapakatanga sa isang taong babalewalain lang ako. Hindi na ako ’yung naghahabol ng oras niya.

Lahat naman nagbabago. Walang nananatiling permante dito sa mundo. Hindi ako katulad ng iba na mananatili sa kung sino sila dati kahit na nasasaktan na. Siguro ’yung ugali kong iba ay nanatili pero ’yung nararamdaman ko sa kaniya ay hindi, ’yung pagiging tanga ko noon ay wala na. Naniniwala pa rin ako na kahit ganito ako, isang bakla. May mga taong magmamahal pa rin sa akin. Nandiyan pa naman ang pamilya ko para mahalin ako. Hindi ko kailangan ng isang taong panandalian lang sa buhay ko.

“Ang lalim ng iniisip mo, Best. Makakaahon ka pa ba?”

Tumingin ako kay Sam na kasama ko ngayon dito sa main cafeteria ng University kung saan kami kumakain. Kakatapos lang ng morning classes namin at naisipan naming sabay kaming lunch. “Matagal na akong nakaahon and this time I am stronger than before,” sabi ko. Sumubo ako ng pagkain.

“Napakaseryoso mo naman,” nakanguso niyang sabi saka itinuon ang sarili sa kaniyang pagkain. Wala dito ’yung boyfriend niya dahil kasama ito ang mga kaibigan. Ayoko rin na kasama sila mag-lunch dahil kasama nila ang manyak na ’yun.

“By the way, ano’ng club ang sinalihan mo?” tanong ko. May mga club kasi dapat salihan ang mga freshmens at transferee dito. Kaya ko siya tinatanong dahil gusto kong pareho kami ng club.

“J-Journalism,” sagot niya nang tumingin ito sa akin mula sa pagkakatungo habang may lamang pagkain ang kaniyang bibig.

Napanguso ako. Akala ko pa naman ay p’wede kaming magsama sa iisang club pero hindi. Pinili nito ang club na ayokong salihan dahil hindi ko naman hilig. “Ano ba ’yan. Akala ko p’wede tayong magsama sa club.”

Nilunok nito ang pagkain sa bibig niya bago uminom sa sprite na nasa tabi niya at saka ako sinagot. “Bakit hindi ka sumali sa club ng mga dancers? ’Di ba ay hilig mo namang sumayaw?”

Napangiti ako pero nang may maalala ako ay agad din akong napasimangot. “Ayoko, baka nandoon ’yung manyak na ’yun. Ayoko siyang makasama sa iisang club o kahit saang lugar,” sagot ko. Alam ko kasing hilig din nito ang pagsasayaw dahil noong senior high kami ay doon kami nagkakilalang dalawa.

“Magkatabi nga kayo ng upuan sa classroom ninyo. Saka alam kong hindi ’yun sasali doon.” Nagtataka akong napatingin sa kaniya.

“Anong ibig mong sabihin na hindi siya sasali do’n? Hilig niya ang pagsasayaw kaya papaanong hindi siya sasali?” tanong ko. Nakakapagtaka dahil kilalang-kilala ko si Vincent. Siya nga ang president ng club noong senior high school kami.

Nagkibit balikat lang ito. “Hindi ko rin alam kasi simula nang umalis ka ay hindi ko na siya nakitang sumayaw.”

“Hindi kita maintindihan. Paanong hindi mo nakikita? Magkasama ba kayo palagi?” tanong ko dahil sa sobrang pagtataka. Naguguluhan ako sa mga sinasabi nitong si Sam. Imposibleng titigil ’yun sa pagsasayaw.

Umiiling siya sa mga tanong ko. “Sinabi sa akin ni Jake. The past 2 years ay wala daw siyang ibang ginagawa kundi ang mag-inom, magkulong sa kuwarto niya do’n sa condo niya at madalang na lang daw itong magdala ng kan’yang babae doon sa apartment na nirerentahan niya.” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Siguro sa dalawalang sinabi nito ay maniniwala pa ako pero ’yung panghuli? Malabo. Dalawang beses ko na siyang nakitang may babae. Una ay sa apartment niya at panghuli ay doon sa National Book Store. “At palagi niya akong kinukulit noon kung saan ka nagpunta pero nangako akong hindi ko sasabihin kahit kanino kung nasaan ka,” aniya pa.

Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa lahat ng sinabi ni Sam. Nasa loob na ako ng classroom at wala pa ang professor namin. Pagdating ko ay abala ang iba kanya-kanyang gawain pero ang katabi ko ng mapalingon ako dito ay nakatungo ang kanyang ulo sa arm chain ng kanyang upuan at natutulog. Bahagyang nakaharap siya sa akin kaya kita ko ang nakapikit niyang mga mata na may mahahabang pilik mata, ang makapal niyang kilay, matangos na ilong at ang medyo mapulang labi na aakalain mong nagli-lipstick kahit na hindi at bahagya itong nakanguso.

Dalawang taon akong nawala at sa loob ng dalawang taon na ’yun ay marami akong hindi nalaman sa buhay niya. Kung ano ang ginagawa niya araw-araw at kung sino-sinong babae ang kasama niya. Siguro sa iba ay napakaikli lang ng panahon na ’yun pero para sa akin ay sobrang tagal. Hindi ko rin alam kung paniniwalaan ko ba ’yung sinabi ni Sam sa akin dahil mayroong parte sa puso ko na huwag akong maniwala.

Minsan napaisip rin ako ng dumating ako sa Thailand. Kung bakit ako biglaang umalis dahil lang sa nakita ko. Limang buwan din akong palaging umiiyak sa condo ko noon. May mga araw na gusto kong umuwi dahil marami akong namimiss, ang mga araw na magkasama kaming dalawa. Pero tiniis ko dahil kapag umuwi ako ay mas lalo akong masasaktan, mas lalo kong hihilingin na sana’y hindi ko na lang naramdaman at nakilala siya.

“Done staring at me?” Mabilis akong umiwas ng tingin. Napatagal pala ang pagkakatitig ko sa kanya at ’di ko namalayan na nakadilat na pala ang mga mat nito. “Don’t worry. I’m not mad at you. P’wede mo akong titigang hangga’t saan ang makakaya mo.”

“Hindi ako nakatingin sayo,” sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Nakikita ko naman siya sa peripheral vision ko na umayos na ito ng upo.

“Kanina pa ako gising pero hindi ko muna idinilat ang mga mata ko nang mahuli kitang nakatingin sa akin. Bakit ba ang hilig mong magsinungaling?”

Napatingin ako rito. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam na may ibig siyang ipakahulugan sa salitang sinungaling. “Ano naman sayo kung nakatingin ako?” Matapang kong tanong. Wala ng saysay pa kung ide-deny kong hindi nga ako nakatingin dito dahil nahuli na niya ako.

Ngumisi ito. Bahagyang tumigas ang panga niya. Sumandal siya sa sandalan ng kanyang upuan at inilagay niya ang isang kamay sa sandalan ng aking upuan. Kung titignan ay parang nakaakbay siya sa akin kahit na hindi. “Wala naman. Nagugustuhan ko lang ang paraan ng pagtingin mo.” Kumislot ang puso ko sa sinabi nito.

Tumingin ako sa harap at hindi pinansin ang sinabi niya. May gusto akong malaman na siyang kanina ko pa iniisip. Kaya kukunin ko ang pagkakataon na ’to para tanungin siya. “Sinabi ni Sam na hindi ka na nagsasayaw.” Tumingin ako sa kaniya na gano’n parin ang puwesto ng pagkakaupo. “Bakit tumigil ka? ’Di ba ay gustong-gusto mo ’yun?” tanong ko.

Nawala ang ngisi sa kan’yang labi at napalitan nang seryosong mukha ang kanina’y maangas niyang expresiyon. “Ano pang silbe ng pagsasayaw kung hindi kita kasama?”

Hindi ako nakasagot sa sinabi nito. Gustong maniwala ng puso ko pero iginigiit naman ng isipan ko na kasinungalingan lang ang kanyang sinabi. Alam kong walang mawawala kapag naniwala ako sa kaniya pero natatakot akong may magbabago sa pader na pinapatibay ko sa pagitan naming dalawa.

Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay ang mga nalaman ko kanina ang patuloy na tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko nga alam kung may professor bang nagturo kanina dahil wala ako sa aking isipan. Agad akong humiga sa aking kama ng makapasok ako sa aking kuwarto at maialis ang bag ko.

Nakatingin ako sa kisame. Napapaisip ako kung hindi kaya ako umalis at pumuntang Thailand noon? Ano kaya kaming dalawa? Masasabi ko ba ’yung nararamdana ko o patuloy lang akong magpapatanga sa kanya?

Chapter 7

ONE LAST CHANCE

ITHINKJAIMENLOVE

MICH

Kinabukasan ay maaga akong umalis sa bahay. Sinabi ko na lang sa kanila na magpahatid na lang si Jasper sa dalawa naming driver na magkambal. Hindi na rin ako nag-almusal dahil wala akong ganang kumain. Ni hindi ako makatulog nang maayos kagabi dahil sa dami nang mga pumapasok sa isipan ko, sa mga nalaman ko tungkol kay Vincent.

Mabilis akong nakarating sa University. Hindi muna ako lumabas sa kotse ko nang i-park ko ito. Tumingin muna ako sa salamin na nasa harap dahil sa magulo kong buhok. Ayoko naman kasing magpagupit ng panglalaki dahil magmumukha lang akong lalaki. Besides, I like the way I am. Hindi ako sanay na hindi mahaba ang buhok ko. Mas sanay pa akong pagkamalang babae at kung magpapagupit ako ay magmumukha akong tomboy. Mabuti na lang ay hindi required sa University na ’to ang student’s cut, iyong mababang buhok para sa mga lalaki.

Lumabas ako sa kotse at saka naglakad na papasok sa building ng aming classroom. Pinagtitinginan ako ng mga nadadanan ko sa hallway pero hindi ko na lang pinapansin. Mabilis akong nakarating sa classroom at binuksan ko ang nakasaradong pinto. Mabilis tumama ang paningin ko sa upuan ko kung saan may isang babaeng nakaharap sa katabi nito. Wala pa ang guro at kakaunti pa lang ang studyanteng nandito.

May kumirot sa puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Dahil ba sa nalamang kong hindi pa rin siya nagbabago?

Naglakad ako papalapit doon at tumayo sa gilid ng babaeng kahalikan nito. “Kung may pinag-aralan kayo. Alam ninyong classroom ito at hindi isang motel o bar,” sabi ko.

Nakuha ko ang atensiyon nilang dalawa. Masama akong tinignan ng babaeng ngayon ko lang nakita dahil hindi ko kaklase ’to. “Who are you? Can you just please don’t mind us?”

Nginitian ko naman ito bago ko ibinaling ang tingin ko sa lalaking kinasusuklaman ko. Nginisian ko ’to saka ko ibinaba ang tingin sa babaeng nakaupo mismo sa upuan ko. “Hindi muna kailangang alamin kung sino ako at nakaupo ka sa upuan ko kaya may karapatan akong paalisin ka.” Tumingin ako kay Vincent na hindi ko mabasa kung ano ang iniisip dahil wala siyang ipinapakitang emosyon. “Hindi ba, Vincent?”

“Auh. Yeah, Scarlet. He’s my seatmate,” anito.

Napansin ko naman na bumaling itong si Scarlet kay Vincent. “So, we’ll continue later?” tanong niya.

Magsasalita pa sana si Vincent pero inunahan ko na ’to. “Actually, you can continue your business outside the campus. You can find near hotels there and do whatever you want.”

“Hindi ka magagalit?” nagulat ako sa tanong ni Vincent and the same time natawa ako. Nagtataka naman ang babaeng sa tingin ko’y pinaglalaruan lang nito at baka nga ginagamit lang niya.

“Bakit naman ako magagalit? Sino ka ba?” tanong ko pabalik na kasalukuyan pa ring nakatayo sa gilid nila. Ibinaba ko ulit ang tingin kay Scarlet na may kulot na buhok at maliit na mukha. Mukhang inosente pero walang hiya. “And you, can you please stay away? Baka nakakalimutan mong upuan ko ’yan at hindi ka namin kaklase. May hiya ka ba?”

Mukhang nahiya naman ito at mabilis na tumayo. Ni hindi na nagpaalam pa sa kahalikan nito dahil nang hahalik sana siya kay Vincent ay umiwas ang isa. Ayaw niya sigurong nakikita ang kababuyan niya kahit na mukhang kanina pa nila ginagawa at kung hindi pa ako dumating ay baka nakahubad na silang pareho dito sa classroom na may mga studyante rin. Hindi parin naman dumadating ang tatlo nitong kaibigan.

Umupo ako sa upuan ko. Pinagpagan ko pa ito ng panyo ko dahil baka mahawaan ako ng kalandian ng babaeng ’yun. Mahirap na dahil sa tuwing lumalandi ako ay nasasaktan ako. Katulad ng dati. Kinuha ko ang cellphone ko upang tumingin sa oras at ilang minute na lang ay alas-syete na ng umaga. 7:30 ang unang klase namin ngayon.

“Kung nagseselos ka ay sabihin mo lang para tigilan ko na.”

Lumingon ako sa kanya ng nagtataka. Hindi ko alam kung anong pinaplano nito sa buhay dahil hindi ko siya maintindihan. “Huh? Pinagsasabi mo diyan?” Natatawa kong tanong. Kung ano-ano kasi ang sinasabi nito kaya hindi ko siya maintindihan. Bakit naman ako magseselos? Para saan?

“You’re lying, I know you’re jealous of what you saw,” anito. Seryoso ako ang boses at parang siguradong-sigurado sa sinasabi niya.

Hindi rin ako kaagad na nakasagot sa sinabi nito. Hindi ako nagseselos pero ang talipandas kong puso ay nagdedesisyon ng hindi ko alam. Bigla na lang kasi itong kumirot nang makita ko si Vince na may kahalikang iba. Ayokong aminin pero alam kong nasaktan ako. Nasasaktan na naman ako. Dapat ay naka-move on na ako.

Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim para ayusin ang boses ko bago ko siya sinagot. “Siguro kung noon ko nakita ang ginagawa mo ay magseselos ako,” sabi ko at tumingin muna sa kanya. “Pero ngayon ay marami nang nagbago at hindi na ako ’yung dating Angelo na kilala mo.” Tumingin na ako sa harap.

Napahawak ako sa tiyan ko ng biglang tumunog ito. Nagpapahiwatig na nagugutom ako dahil hindi ako nag-agahan. Pero hindi ko ’to pinansin at nagkunwaring wala akong narinig dahil ayokong kumain baka mahuli ako sa klase.

Nagulat ako ng may humila sa kamay ko at mabilis ako nitong nahatak hanggang sa makalabas kami ng classroom. Hinila ko ang kamay kong hawak niya dahil sa kuryenteng bigla na lang dumaloy mula doon. “Ano ba?! Bakit bigla ka na lang nanghihila diyan?!” Bulway ko dito at sinamaan siya ng tingin. Nagpapatigil naman ang mga studyanteng naglalakad dito sa hallway at napapatingin sa amin. Malamang nagtataka kung bakit ako bigla na lang sumigaw dito.

Tinuro nito ang tiyan ko at nakakaramdam na naman ako ng gutom. “You’re hungry,” simple niyang sabi. “Let’s go, I’ll take you to canteen.”

Tumingin ako sa cellphone ko na hawak ko sa kanan kong kamay upang tignan ang oras. Matagal pa naman bago mag-first period. Hindi ko na siya sinagot at nauna na akong maglakad. Hindi ko p’wedeng tiisin ang gutom ko dahil baka sakit ang kalabasan nito.

Naramdaman ko namang sumunod ito hanggang sa pantay na kami habang naglalakad. Hindi koi to pinansin hanggang sa makarating kami sa canteen ng aming faculty. “I’ll just order your food,” anito nang nasa loob na kami ng canteen at may iilang studyanteng kumakain.

Tumingin ako sa kanya. “Hindi na kailangan. Kaya kong mag-order,” sabi ko. Naglakad na ako papunta sa counter pero hinahawak ako nito sa braso kaya napaharap ulit ako.

“Just this time, Angelo, please! I want you to listen to me.” Nagsusumamo ang boses nito. May konteng kislap sa kanyang mga mata at doon ako napatitig ng matagal.

Agad akong bumalik sa realidad at umiwas ng tingin. “M-Maghahanap lang ako ng p’westo,” sabi ko na lang dahil ayoko ng makipagtalo pa. Gutom narin naman ako. Mabilis naman itong umalis sa harap ko kaya umupo na ako sa bakanteng upuan malapit sa kinatatayuan namin.

Hindi nagtagal ay mabilis itong nakabalik na may dalang pagkain at nakalagay ito sa tray. Isang fried rice, fried egg, hotdogs at tubig. Kaya pala hindi ako nito tinanong kung anong gusto kong kainin dahil alam na alam nito kung anong gusto ko. He knows me well but not my feelings for him before.

“Thank you,” sabi ko.

“Just tell me if you don’t want to eat breakfast in your house.” Naiinis ang boses nito at hindi ko alam kung bakit? “So, I can tell to our maids to cook for your favorite breakfast,” aniya pa.

Kilalang-kilala ako nito pagdating sa mga bagay na gusto ko at mga ayaw ko. Dahil noon ay sa t’wing ayaw kong kumain sa bahay pagbreakfast ay may dala itong pagkain at pinagsasaluhan naming dalawa sa isang kubo sa school namin dati. Minsan naman ay sa labas kami kakain. Napagkakamalan nga kaming magjowa dati pero ang totoo’y ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Ako lang ’yung may nararamdaman at nag-iilusyon na may kami kahit na wala.

“Hindi na kailangan,” sabi ko. “Dahil hindi na katulad ng dati na komportable pa akong kasama ka.” Bago ko ibinaling ang tingin sa pagkaing kinakain ko at sinimulan iyong kainin.

“W-We can start again.” Natigilan ako sa pagkagat ng hotdog at napatingin sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya. Pinipilit kong ayusin ang boses ko upang hindi niya mahalatang malakas ang tibok ng puso ko na para bang lalabas na ito sa aking dibdib.

“We can be together again.”

Tumawa ako. Inilagay ko ang hawak kong tinidor na may nakatusok pang hotdog bago ako uminom ng tubig upang makapagsalita ng maayos at mawala ang mabilis na tibok ng puso ko pero walang saysay ang pag-inom ko dahil mabilis parin ang tibok nito.

“Anong sabi mo? Bumalik tayo sa dati? Like, fuckbuddy ulit? Nag-iisip ka ba?” sunong-sunod kong tanong. Ang kanina’y mabilis na pagtibok ng puso ko ay napalitan ng kirot dahil sa mga tanong ko. Alam kong ’yun ang kanyang gusto, ang gawin ulit ako nitong pampalipas oras. ’Yung ako ang magsa-satisfy sa kanya kapag hindi niya nagustuhan ang ka-one night stand nito. Kumurap ako dahil may naramdaman akong namumuong luha sa aking magkabilang mga mata.

“No. Not like that, Angelo. We can be friends again,” aniya.

Umiiling ako upang iparating sa kanyang ayoko. Diyan kami nagsimula, ang naging magkaibigan tapos sa huli ay ako ang siyang matatalo. “Hindi na tayo p’wedeng maging magkaibigan pa ulit, Vincent. Kung anong mayroon sa atin noon, we’ll just leave it there, dahil ngayon ay hanggang magkakilala na lang tayong dalawa.” Tumayo ako matapos kong sabihin ’yun kahit na hindi ko pa man natatapos ang kinakain ko.

“But I’ll never give up to have you again, Angelo.”

“You don’t have to, Vincent. Because you never own me even before,” sabi ko sa kanya bago ako tumalikod at naglakad na papalabas. Wala na akong pakialam pa kung susunod ito o hindi dahil magsisimula na ang klase.

Hindi niya ako kailanman pagmamay-ari.

Chapter 8

ONE LAST CHANCE

ITHINKJAIMENLOVE

MICH

Nakatingin lang ako sa harap kung saan nagdi-discuss ang aming subject teacher. Kakatapos lang ng lunch at mag-isa akong kumain kanina dahil ang may jowang si Sam ay kasama ang kanyang boyfriend. Ewan ko ba sa dalawang ’yan kung bakit hindi pa sila naghihiwalay? Pero seriously speaking, sobrang tatag nilang dalawa. Despite of having a society with close-minded people ay nanatili silang magkahawak ang mga kamay.

Pinapakinggan lang nila ang mga sinasabi ng mga tao pero inilalabas din nila ito sa kanilang kabilang tainga. Siguro kung nakakaintindi lang ang iba o marunong lang silang ilagay ang katayuan nila sa mga katulad naming parte ng ikatlong kasarian. Marami sa amin na hindi matatakot na magpakatotoo dahil may mga taong handa silang suportahan kung ano at sino sila. Pero kadalasan ay kung sino pa ang pamilya natin ay sila pa ang mauunang manghuhusga. Hindi ba dapat tulungan nila ang kanilang anak para umangat sa kanyang sarili?

Mabut na lang dahil tanggap ako ng mga magulang ko. Kaya hindi ko na kailangan pa ang pagtanggap nang nakakarami dahil nandiyan sila upang suportahan ako. Hinahayaan nila akong magdesisyon kung anong daan ang tatahakin ko kaya sa tingin ko’y mas suwerte ako.

“Mr. Valente, are you listening?” Umayos ako ng upo dahil hindi ko pala namamalayang nakatunganga ako kundi pa nagsalita ang strikta pero mahinahon kung magsalita naming guro.

“Y-Yes, Ma’am,” ang sabi ko na lang kahit na hindi ko na nasusundan ang mga sinasabi nito.

“Pft.”

“Okay, make sure you’re following my discussion and you Mr. Uy, what are you laughing at?”

“Buti nga sayo,” medyo mahina kong bulong na saktong siya lang ang nakakarinig. Nagpapapansin na naman ’yan dahil kanina pa ako nito inaabutan ng sticky notes na may nakasulat. Puro lang naman ‘hi’ ‘talk to me, please’ at ‘<3’ ang inilalagay niya.

“N-nothing, Ma’am. I’m sorry,” sagot nito. Hindi na siya pinansin pa ng guro at itinuloy na nito ang pagtuturo. “Mamaya ka sa akin.” Kinabahan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero kailangan kong ihanda ang sarili ko. Kahit na wala naman akong atrasong malaki sa kanya.

Paglabas ng huling subject teacher namin ay kinuha ko na ang mga gamit na inilabas ko at inilagay ko ’yun sa bag. Nagsilabasan naman ang mga kaklase ko at nang maisara ko ang zipper ng aking bag at tumingin sa paligid ko’y wala na akong kasama.

“Are you looking for me?” muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil sa sinabi nito. Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo na ako pero hinawakan ako nito sa braso. “And where do you think you’re going?”

Mabilis akong napalingon sa kanya. “Hero ka ba sa mobile legends?” tanong ko na ikinakunot ng kanyang noo.

“What are you saying?” Nagtataka ang mukha niya. Hindi niya siguro makuha ang ibig kong sabihin. “I’m not a fucking hero, but I can be your hero. I can catch you from falling.” Kumindat pa siya. “Falling in love with me.”

Ngumis ako at hinawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa braso ko. Saka ko ’to dahan-dahan na inalis. “You know what, akala ko noon ay hindi ka marunong magpatawa pero nagkamali pala ako. Ang funny mo.” Humakbang ako upang lakihan ang distansiya naming dalawa.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo. “I’m serious, Angelo,” kita ko naman sa kanyang mukha ang seryosong emosyon. Kung noon niya sinabi ang mga ’yun ay baka nangingisay na ako sa kilig at nalaglag ang suot kong underwear. Pero iba na ngayon, nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.

“It doesn’t matter to me now, Vincent.” Tumalikod ako. “Hindi mo kailangang ipakita na seryoso ka dahil hindi na mahalaga ang mga ’yan sa akin.” Hindi na ako ’yun dating maghihintay na baling araw ay mamahalin mo rin ako.

Muli ay hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Lumabas ako ng classroom nang hindi lumilingon sa kanya. Ayokong makita kung anong emosyon ang kanyang ipinapakita. Ayokong makita na may konting kirot sa kanyang mga mata dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko’t mayakap siya. Napabuntong hininga ako ng makarating ako sa parking lot. Sa tapat n gang aking kotse. Kinuha ko ang susi sa akin bulsa saka pinindot ang remote nito upang ma-unlock ang pinto.

“Kailan ka magmamatigas, Mich?” mabilis akong lumingon dito dahil sa gulat. Kung hindi ko lang nakilala agad ang boses nito ay baka napatakbo na ako. “You’re pretending that you didn’t love him anymore, yet your eyes are telling the otherwise,” anito.

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Gano’n ba niya ako nahahalata upang hindi ko maitago sa kanya ang totoong nararamdaman ko? Na kunwari’y wala akong pakialam sa kanya pero ang totoo niyan ay walang nagbago magmula noon. Pinipilit kong lumimot pero ang puso ko ay mahirap turuan. Kaya gusto kong nakikita ko siyang may kasamang iba upang masaktan ako at tumigil ng kusa ang puso ko na mahalin siya.

“A-ano bang pinagsasabi mo diyan, Shawn?” sagot ko sa kanya na kasalukuyang nakasandal sa kanyang kotse. Katabi lang ng akin pero hindi ko napansin dahil sa dami ng iniisip ko. “I don’t love him anymore. The truth is I hate him for being stupid,” sabi ko na parang may bumara sa aking lalamunan dahil hindi naman ’yun ang gusto kong sabihin.

“You can’t lie to me, Mich. Kasama mo ako sa ibang bansa noong mga panahong nahihirapan ka lumimot. And besides, I know the feeling of being in love.”

“O-okay,” ang nasabi ko na lang dahil naubusan ako ng salitang isasagot. Tila ba nalunok ko ang dila ko dahil sa mga pinagsasabi niya na purong katotohanan. Kasama ko siya noong mga panahong umiiyak ako at unti-unti kong binubuo ulit ang puso ko. Pero ang ipinagtataka ko ay ang huli nitong sinabi, ang katulad niyang weird ay marunong din pa lang ma-in love?

“A-Aalis na ako. B-bye, Couz.” Paaalam ko at mabilis akong pumasok sa kotse ko at ipinaandar ko ’yun paalis.

Pre-order

ONE LAST CHANCE

[TO BE PUBLISHED UNDER

PAPERINK

PUBLISHING HOUSE]

BOOK DETAILS

P269.00 + SHIPPING FEE

  • GLITTERY MATTE BOOK LAMINATED

  • ANTI-SCRATCH BOOK COVER

  • SOFT CREAM PAPER

  • 4“ × 6.25“ BOOK SIZE

  • SOFTBOUND PAPERBACK

INCLUSIONS

  • BOOKMARK

  • POSTCARD

  • BUTTON PINS

  • KEYCHAIN

How to order

  1. Kindly send the publishing house or the author a private message for more information about the pre-order and the book.

  2. Once settled with the information, you can now proceed by making reservations or by purchasing the book right off the bat. STRICTLY PAYMENT FIRST!

  3. Make sure to have a receipt of your payment to confirm your order. After paying, you can now proceed in answering the ORDER FORM (link in the description). NO FILLED-OUT FORM, NO BOOK!

  4. Be wary of the pre-order cut-off period. Check whether or not it’s extended or if it already ended. Orders after the pre-order period will not be entertained.

  5. Once finished, you can now wait patiently for the arrival of the books within 1 - 2 months. Be sure to follow us on our Facebook page for updates.

You can message me on my facebook account

JAIME

KAWIT

to order.

Chapter 9

ONE LAST CHANCE

ITHINKJAIMENLOVE

MICH

Gustuhin ko mang magreklamo pero mukhang hindi ako papayagan ng dragonang ito. Hindi naman kasi ako mga katulad ng mga babaeng naghahabol sa kaniya kahit na niloloko lang niya ang mga ito. Hindi ako katulad nila na gusto siyang maging partner sa isang project.

Siguro noon gusto ko siya pero ibang usapan na ngayon. Magkaiba ang nakaraan sa kasalukuyan at ikaw ang pipili kung gusto mong manatiling kakapit sa nakaraan o kalimutan na lang.

“Bakit nakabusangot ka diyan?” Tumingin ako sa kanya at mas lalong ngumuso upang makita niyang naiinis ako.

“B’wesit kasi iyong professor namin sa Economics. I-partner ba naman ako sa manyakol na Vincent na ’yun. Sinong ’di maiinis, Sam?” pagkukuwento ko. Saka ko ibinaling ang paningin sa steak na nasa plato at tinusok iyon ng tinidor. Iniisip ko na si Vincent ’tong pagkain.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa netong isa pang weird na may apat na mata.“Destiny kayo,” aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin nang tumingin ako sa kanya. “Anong destiny pinagsasabi mo diyan? Kakabasa mo iyan ng yaoi,” sabi ko. “Hindi iyon destiny dahil sinadya ng panot na Professor na iyon na maging magkapareha kami.”

“Bakit paano ba kayo naging mag-partner?”

Bumuntong hininga ako. “Iyong iba ay binunot niya kung sino magiging partner tapos kaming dalawa dahil sa maingay ang manyak na ’yun at dinamay ako. Sinabi nitong kami na lang dalawa ang mag-partner.”

Sinong ’di maiinis? Gusto kong pumalag pero wala akong nagawa dahil sa masamang tingin na binibigay ng panot na ’yun. Malagas sana lahat ng buhok niya pati sa ilong.

Hindi ko na napigilan si Sam sa kakatawa. Ayaw na atang magpapigil ni bakla. Hinayaan ko na lang maging ang mga tingin ng nakapaligid sa amin dito canteen kung saan kami kumakain. Baka diyan siya masaya kaya hahayaan ko siyang tumawa hanggang sa mapagod siya. Ang babaw ng kaligayahan niya dahil wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

“T-teka! Natatawa parin ako. Hahahaha.” Tawa pa nito. Kinuha pa niya ang panyo niya upang punasan ang luha ng kaligayahan.

“Take your time,” sabi ko at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. “Last mo na iyan,” dugtong ko pa.

Tumigil naman ito pero mahahalata mo paring pinipigilan lang niya.

“Nga pala.” Natatawa nitong ani. Tumingin ako sa kanya. “Magkakaroon ng reunion ang school natin dati.”

Tumango ako. “Natanggap ko nga ang email nila kagabi,” sabi ko. “Pero ’di ako interesado diyan.”

Sumimangot ito. “Dati kang member ng student council. Kailangan ka nila,” aniya.

“Kung kailangan nila ng donations para sa gagastusin. Sabihin lang nila pero huwag nilang asahan na pupunta ako at magpapakita sa mga meetings nila.”

“Mayaman ang Mariano University - High school campus. Hindi nila kailangan ang pera mo.”

“Edi mabuti kung gano’n para di na ako gagastos pa.”

“Ano ka ba naman, Mich. Matagal-tagal pa naman ’yon at baka magbago pa ang isip mo,” aniya.

Umiiling ako. “Hindi na. Sa tingin ko pupunta rin naman ’yong dating President ng student council sa batch namin kaya hindi na ako kailangan doon,” sagot ko.

“Si Lance ba?” tanong niya at tumango naman ako bilang sagot. “Sigurado akong hindi siya pupunta. Taon-taon nangyayari ang reunion pero ni isa ay hindi naman siya pumunta.”

Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa sinabi niya. Uminom ako ng tubig upang pakalmahin ang puso kong talipandas. Sa t’wing may nalalaman ako sa kanya ay bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko naman alam kung ano ba ang ibig sabihin o kung saan nagmumula.

“Paanong hindi siya pupunta? Nandoon si Jean, ’yung secretary niya dati na hindi marunong gumawa ng letter of resolutions,” medyo may bahid ng pagka-bitter ang boses ko and at the same time ay mapanghugas.

Pero totoo naman ang sinasabi ko. ’Yung babaeng iyon na hindi ko alam kung paano nanalo bilang secretary kahit na excuse letter ay hindi pa niya alam gawin. Sa t’wing may meeting kami noon ay hindi sumusulpot. Kaya wala akong nagagawa kundi ang akuhin ang dapat na trabaho niya. Malakas kasi ang kapit niya and at the same time, she’s popular. Kaya lang din naman ako napasali sa student council noon dahil kay Vincent. Pero ngayon ay nagsisisi na ako.

“Wala narin akong balita sa babaeng iyon. After graduation din kasi ay sinabi ni Jannah na umalis ito papuntang abroad para doon mag-aral,” aniya.

Bakit naman siya umalis? Iniwan niya si Vincent na kahalikan niya noon?

“Bakit?” tanong ko.

“Hindi rin namin alam. Tanong mo kaya sa pinsan mo. ’Di ba ay friend sila?”

“Hindi kami close ng kapatid ni Shawn. Saka wala akong pakialam kung anong rason niya kung bakit siya umalis,” sabi ko na lang. Kahit na may parte sa isipan ko na gusto kong alamin kung bakit nga ba siya nawala.

Nagkibit balikat lang siya at ipinagpatuloy na namin ang pagkain.

Mabilis namang lumipas ang oras. Huling subject na sa araw na ’to. Nakatingin ako sa harap kahit na ang isipan ko ay lumilipad sa kung saan.

“What are you thinking?” hindi ko siya sinagot. Ayokong madamay na naman sa kalokohan niya. Baka sa susunod ay palabasin kaming dalawa. “Angelo, I’m asking you. Anong iniisip mo ngayon? Ako ba iyan?”

This time ay napatingin ako sa kanya. “Gaano kakapal iyang pagmumukha mo?” medyo mahina ngunit may diin ang pagkakasabi ko. Sapat lang upang marinig niya dahil baka kapag iyong professor ang makarinig ay palabasin kami nito.

“Hindi naman makapal ang mukha ko. Sigurado lang ako na ako ang iniisip mo,” aniya.

Tinaas ko naman ang kilay ko. Ngumisi ako kaya bahagya itong umiwas ng tingin. “Kung gaano kakapal ang mantle ng lupa ay gano’n kakapal ang iyong mukha.” Tumingin na ako sa harap at hind na siya hinintay na sumagot.

“Palagi mo na lang akong binabara. You never changed,” mahina rin ang boses niya at sapat lang upang marinig ko.

Yumuko ako at tumingin sa ballpen at papel na nasa armchair ko. Walang kahit na anong naisulat dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ng professor. Bago ako tumingin sa kanya ay bumuntong hininga muna ako. Nagkasalubong naman ang tingin naming dalawa. Tumalon na naman ang puso ko. Hindi ako sumagot at umiwas na lang ng tingin.

Mabilis natapos ang oras. Nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Hinarap ko naman ang katabi ko na hindi parin umaalis sa p’westo niya.

“We’ll start our project tomorrow,” sabi ko upang kunin ang atensiyon niyang nakatingin sa kanyang cellphone habang pinipindot ito. Ka-text siguro mga babae niya at makikipagkita naman. Ayoko ng isipin ang susunod nilang gagawin.

Tumingin ito sa akin. “Okay, where?” tanong niya. Ibinulsa na niya ang cellphone bago kinuha ang bag upang isabit sa balikat niya.

“Blueberry’s café. Exactly 8.30am in the morning.”

“What?!” Gulat niyang ani. “Hindi ba masyadong maaga iyan?” tanong pa nito.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Mas better na maaga tayo para mabilis matapos. Para hindi tayo magtagal na magasam. Busy ka, right?”

“Angelo, It’s Saturday tomorrow. And basically I usually wake up at 12 in the moarning.”

“Bakit ano bang ginagawa mo kapag gabi?” tanong sa kanya. “Pero hindi muna kailangan sagutin dahil alam ko na ang sagot. Basta kailangan maaga kang pumunta kundi ay hindi kita isasali sa project na ’to,” sabi ko rito. Pero alam ko namang hindi siya matatakot. Matutuwa pa nga ’to na wala siyang gagawin.

“Fine!” Napipilitan nitong sagot.

“Madali ka naman pa lang kausap. Basta 8.30am at Blueberry’s café.”

“P’wedeng sa condo ko na lang?”

Tumayo ako at namewang sa harap niya. Masama ko siyang tinignan. “Ayoko!” Mabilis kong sagot. Baka kung ano pang gawin niya sa akin.

“I won’t do anything. I promise,” anito. Umiiling ako bilang sagot.

“I don’t trust you, Vincent. 8.30am and its final. Huwag mo akong paasahin ulit,” sabi ko. Kinuha ko na ang bag ko. Tapusin na ang usapan naming dalawa kaya hindi na kailangan pang pahabain ang usapan namin.

“P-paasahin u-ulit?” Nagtataka nitong tanong.

Kinabahan ako dahil sa nasabi ko.  Heto ang nakakainis dahil walang preno ang nasasabi ko. “Ah-eh. B-baka mali ang pagkakarinig mo,” sabi ko rito saka tumalikod na.

Nahawakan ako nito sa braso at mabilis na pinaharap sa kanya. Inilibot ko pa ang tingin ko at wala na pala kaming kasama rito.

“Anong ulit, Angelo? Pinaasa na ba kita dati?”

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Sumeryoso ang mukha ko. Bigla kasing bumalik sa aking isipan iyong nakaraan.

Flashback

“Let’s meet at 8.30pm sa park,” he texted.

“Sure. I’ll wait for you,” sagot ko.

Mabilis naman akong nag-ayos upang pumunta sa sinasabi nitong park kung saan palagi kaming nagkikita. 8.20pm na pero malapit lang naman iyon dito. Ngunit gusto ko na mauna ako sa kanya.

Pagdating ko ay walang taong naroroon. Saktong 8.30 akong dumating. Tanging mga ilaw sa street lights ang nagbibigay liwanag sa paligid. Madilim pa ang kalangitan at mukhang uulan.

Umupo ako sa isang bench doon malapit sa swing na gawa sa bakal. Patingin-tingin ako sa oras hanggang sa mag-9pm na.

Biglang tumunog ang cellphone ko na hudyat na may nagtext. Mabilis kong kinuha iyon at binuksan ang text message.

“I’m sorry, Mich. I can’t come tonight, I have an urgent business to do. See you tomorrow.”

Napatingin ako sa langit at bumuntong hininga. Tumingin ulit ako sa message upang basahin ulit ang message nito. Nagtataka man dahil Mich ang tawag nito sa akin pero hindi ko na pinansin iyon.

Hindi ko inaalis ang tingin sa cellphone hanggang sa unti-unting bumuhos ang mga patak ng luha ko. Kasabay ng pagbuhos ng ulan.

End of flashback

Bumalik ako sa realidad ng maalala ko ang katangahan ko iyon. After that night na pinaasa niya ako ay hindi parin ako nagalit sa kanya. Hindi ko kasi magawang magalit sa kanya at hindi ko ’yon maintindihan kung bakit.

“H-huwag mo na lang pansinin ’yon. S-see you tomorrow,” sabi ko at mabilis akong umalis sa kanyang harapan. Hindi ko na hinintay na sumagot ito kahit na tinawag pa niya ang pangalan ko.

Chapter 10

ONE LAST CHANCE

ITHINKJAIMENLOVE

MICH

Kinabukasan ay maaga akong nagising para gawin ang daily routines ko. Nagwo-workout ako to maintain my body figure. Kaya napagkakamalan akong babae dahil na rin mukha akong babae at sa katawan ko.

Pagdating ko sa bahay matapos akong mag-jogging sa buong village namin ay dumiretso ako sa aking kuwarto para maligo. Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng shorts above the knee na kulay itim at isang T-shirt na manipis. Mainit nga kasi sa pinas and besides hindi rin ako mahilig sa fashion. Kung saan lang ako komportable ay iyon ang sinusuot ko. Bumaba ako sa dining at naabutan ko silang lahat na naghihintay na upang makakain kami.

Saturday and Sunday ay day off ni Dad sa trabaho kaya mananatili siya sa bahay for two days. Unless kung may urgent meetings siyang kailangan na puntahan.

“What are you wearing, Michael Angelo?” tanong ni Dad ng makita ang suot ko.

Umupo ako sa tabi ng kapatid kong bagong gising pa lang. “Obvious naman sigurong dami ito,” sagot ko.

“Napakapilosopo mong bata,” aniya.“Ang ibig kong sabihin kung bakit ganyan ang suot mo? You don’t even know what’s fashion is.”

Kumamot ako sa ulo. “Dad, dito ako komportable. Saka mainit sa Pinas,” sagot ko.

Hindi na ako nito sinagot. Nagsimula na kaming kumain. After eating our breakfast ay nagpaalam akong may pupuntahan.

Kinuha ko lang ang bag ko kung saan nakalagay ang laptop at susi ng kotse sa kuwarto ko bago ako nagmaneho papunta sa meeting place namin ng manyak na ’yun.

8.00 Am pa lang naman. Hindi rin kalayuan ang café sa school. Kaya mabilis akong nakarating doon. Hindi muna ako bumaba dahil tumingin muna ako sa glass wall ng café at sa parking lot nito.

“Mukhang hindi pa siya dumadating,” sabi ko. Binuksan ko na ang pinto saka naglakad na papasok.

Pagpasok ko sa loob ay pinagtitinginan ako ng mga nandito, especially ang dalawang lalaki na nakaupo malapit sa counter ngunit hindi ko na lang sila pinansin. Kakaunti lang ang naririto ngayon dahil maaga pa naman. Dito ko napiling gumawa ng pinapagawa sa amin ni Panot dahil p’wedeng tumbay. Maganda rin ang atmosphere dito sa loob at masarap ang mga pagkain.

Inilibot ko ang tingin at may nakita naman akong bakante na malapit sa glass wall. Para kapag dumating si Vincent ay agad ako nitong makikita. Nang magsimula akong maglakad papunta doon ay may humatak naman sa akin papalabas ng cafe hanggang sa makarating kami sa labas. Sa tapat mismo ng aking kotse.

“Ano ba?!” Hinila ko ang kamay ko at tinignan ito ng masama. “Bakit ka ba nanghihila na lang bigla?!” Tumingin ito sa akin ng seryoso at ibinaba nito ang tingin. Sinusuri niya ang kabuuan ko.

“Are you out of your mind?!” galit niyang sabi. Nakatingin na ito sa akin ng masama. “Y-You are wearing this kind of short in front of other people? Especially mens?!”

“Ano bang problema mo sa suot ko? Dito ako komportable,” sagot ko sa kanya.

Wala namang masama kung magsusuot ako ng shorts at tsinelas lang. As long as natatakpan kung alin ang dapat takpan ay walang problema doon.

“But I am not comfortable,” aniya. “Maaari akong makapatay dahil sa suot mong iyan.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Sobrang sama na ng kanyang tingin. Nagmumukha na siyang leon sa itsura niya, e. Gwapong leon! Wait! Manyak na leon pala.

“Hindi kita naiintindihan,” mahinahon kong sabi. Totoo naman kasing hindi ko siya naiintindihan. Kung ano bang problema sa suot kong short na above the knee, T-shirt na puti at tsinelas?

“Kasi hindi mo nakikita kung papaano ka tignan ng mga lalaking ’yon. They’re thinking about being with you in bed.”

“Bahala ka nga sa buhay mo,” sabi ko na lang. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Tumalikod ako upang bumalik sa loob para masimulan na namin ang project nang makauwi ako agad.

Natigilan ako nang hawakan ulit ako nito sa braso at hinatak naman paharap. “Where are you going?” tanong niya.

“Syempre sa loob. Gagawin ko mag-isa ang project kung hindi ka naman tutulong.” Tatalikod na sana ako pero hinila ako nito papaalis doon. “Teka! Saan mo ako dadalhin?!”

Kanina ay sa braso lang ako nito hawak. Ngayon ay sa kamay ko na. Magaspang ang kamay niya at sobrang tigas. Dahil siguro ’to sa pagwo-workout.

“We’re not doing that fcking project inside that fcking café with fcking pervert costumers,” sagot niya. Mabilis ang mga hakbang niya papunta sa kung saan man. Napapasunod ako dahil ayokong mahila at masaktan. Nasaktan na ako dati kaya hindi na puwedeng maulit iyon kahit na hindi physically e mas masakit parin iyon.

“At saan mo ako balak na dalhin? Huwag mong sabihin sa–”

Tumigil ito at humarap sa akin. “Yes! Sa condo ko.” Naglakad ito papalapit sa akin at bumulong. “Where you can reach heaven and feel pleasure.”

Kinilabutan ako. Tumayo ang mga balahibo ko. Natigilan rin ako at hindi agad nakapag-isip pero nang marealize ko ang sinabi niyang ’yon ay mabilis kong hinila ang kamay kong hawak niya.

“Mag-isa mo!” sabi ko rito at tumalikod na upang maglakad pabalik sa cafe kung saan ko naiwan ang kotse ko.

“Wait, Angelo!” tawag niya pero hindi ko pinansin dahil humakbang na ako papaalis. “One more step and I’ll fuck you here, right now!”

Automatikong napatigil ako sa sinabi niya at mabilis akong humarap. Dumampi ang palad ko sa kanyang pisngi at tinignan siya ng masama. Bahagya pang napatagilid ang mukha niya dahil sa sampal kong iyon.

“N-Napaka bastos mo!” nanggigil kong sabi. “Bakit ba kasi ako pumayag na maging partner ka? Wala akong mapapala sayo, e.”

Humarap ito. Maamo na ang ekspresyon sa kanyang mukha. “I-I’m sorry, I didn’t mean to say that.” Hahawakan na sana ako pero lumayo ako ng bahagya kaya natigilan naman siya.

“You didn’t mean pero nasabi muna,” sabi ko. “Hindi muna mababawi sa isipan ng mga tao ang mga salitang nabitiwan mo.”

“J-just listen to me, Angelo. I know I’m stupid and jerk. I promise to you that I won’t do anything.”

“Bakit mo ako pinipilit na pakinggan?” tanong ko. “Noon ba ay pinakinggan mo ako?”

“What do you mean?” nagtataka niyang tanong.

“Hindi mo alam?” Umiiling siya. “Nang minsan akong nagtext sayo dahil kailangan ko ang tulong mo noon, but you never listen to me. Ang sabi mo ay busy ka.”

Kumunot ang kanyang noo. Hindi siguro alam ang sinasabi ko. “I never said that to you. Kung alam ko lang na kailangan mo ng tulong ay agad naman akong pupunta,” aniya.

Naguguluhan ako sa sinasabi niyang never niyang sinabi iyon. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya o hindi. Pero text message iyon. Kung ’di ko lang tinapon noon ang simcard ko kung saan nasama ang mga conversation namin ay ipapakita ko sa kanya.

“Kasinungalingan!” sabi ko at umiiling pa. “Papaanong hindi mo sinabi iyon ay hawak mo ang cellphone mo habang kausap ako?”

“I don’t know. Basta hindi ko alam iyang mga sinasabi mo,” sagot niya.

“Pero–”

Pinutol na nito ang dapat ay sasabihin ko. “Trust me just like you trusted me before. Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, but I’m pretty sure that it wasn’t me. Hinding-hindi ako magiging busy pagdating sayo, Angelo.”

Hindi ko namalayan ang sarili ko at napatango. Sobrang sincere ang pagkakasabi niya at ramdam kong nagsasabi siya ng totoo. Pero may parte sa akin na naguguluhan. Kung hindi siya ay sino?

Bumalik lang ako realidad ng nasa harap na kami ng condo niya. Ngayon ko lang naalala na malapit lang pala ito sa blueberry’s cafe.

“Wait!” pigil ko nang akma nitong bubuksan ang pinto. Tumingin siya sa akin na nakatayo lang sa likod niya. “What are we doing here?” tanong ko. Wala akong maalala na pumayag akong sumamasa sa kanya.

“I ask you to cum wit–I mean, come with me and you just nodded,” aniya.

Kumunot ang noo. “Pumayag ba ako?” Tumango siya ng sunod-sunod. Parang bata na sobrang tuwa dahil pinayagan siya ng kanyang magulan na maglaro sa putikan. “Pero wala akong maalala,” sabi ko ng wala sa sarili.

“Let just forget that. Pumasok na tayo dahil kanina pa tayo nakatayo and beside we’re just wasting our time here.” Binuksan na nito ang pinto gamit ang card na hawak niya.

Kinakabahan man ay sumunod na lang ako sa kanya papasok. Nauna akong maglakad dahil isinarado pa nito ang pinto. Narinig ko pa ang tunog na naka-lock na ’to.

Wala naman siguro siyang gagawing masama. Pero bakit noon? Sabi niya’y kakain lang kami sa condo niya at manonood ng movie pero may nangyari sa amin?

“Ah-eh, sa susunod na lang siguro natin ’to gawin?” tanong ko nang nasa sala na niya kami. Wala paring pinagbago, napapanatiling malinis ang organized ang mga gamit.

“No!” mabilis niyang sagot. “Nandito ka na rin kaya hindi na natin i-rescheduled.”

“But–”

“If you’re going to reschedule this and I’ll just do it myself but don’t expect me to put your name on it,” aniya.

“Fine!”

Wala akong nagawa kundi ang pumayag na gawin ito ngayon. Natatakot akong baka hindi ako nito isali. Alam ko namang matalino siya pero minsan ay tamad lang mag-aral.

Naglakad ako sa center table at umupo sa carpet niyang mamahalin ng naka-indian sit. Inilabas ko ang laptop ko at iilang noteboks na sinulatan ko ng notes sa bag ko. Pina-start ko na ang laptop at tiningnan ko naman ang notes ko, I mean take notes sa notebook ko.

Nagulat ako ng may naglapag ng tray sa harap ko. May nakalagay na cookies at juice doon. At umupo ito sa harap ko. Ginaya pa ang paraan ko ng pagkakaupo.

“You don’t have to make things fast. Minsan kapag minamadali mo ang isang bagay ay hindi maganda ang kalalabasan,” makahulugan niyang sabi.

“Hindi ako nagmamadali. Kung ano sayo ay simulan muna ang trabaho mo,” sabi ko sa kanya.

“Ano bang gagawin ko?”

“Write an essay about the topic,” sabi ko at ibinigay sa kanya ang notebook saka ballpen.

“Akala ko ay love letter para sayo ang isusulat.”

Natigilan ako sa pagrerefresh sa aking laptop at napatingin sa kanya. Nakatingin na ’to sa notebook habang kagat ang ballpen ko. Bahagyang nakangiti ang kanyang labi.

“Umayos ka, Vincent.” sabi ko rito at ibinalik ang pansin sa laptop.

“I’m sorry. I’m carried away by my feelings.”

Chapter 11

ONE LAST CHANCE

ITHINKJAIMENLOVE

MICH

K

anina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Ilang oras na ba ang lumipas nang maupo ako rito at nagsimulang magtype? Pero hindi ko magawa dahil sa mga ibinabato niyang tingin.

“Kanina ka pa, Vincent. Natapos mo na ba pinapagawa ko sa ’yo?” Tinaasan ko ito ng kilay.

Ngumisi siya at iniharap sa akin ang laptop niyang mamahalin. “Done,” aniya.

Tiningnan ko naman ang ginawa niya and I’m impressed. I know he’s good at academics pero mas inuuna niya ang pambabae minsan. Tumingin ako sa kanya. Gano’n parin ang klase ng tingin niya. Parang kinikilatis nito ang buo kong pagkatao.

“Good. So I can go home early,” sabi ko rito. Kinuha ko na ang ballpen at notebooks ko. Inilagay ko ’yon sa bag.

“C-can you just stay for a while?” Napatingin ako sa kan’yang at tinaasan siya ng kilay. “I just want to eat lunch with you,” sabi pa niya.

Napahawak naman ako sa aking sintido. Kunwari’y nag-iisip. Tumingin pa ako sa taas bago ako tumingin sa kanya.

Ngumisi ako. “No!” matigas kong sabi saka tumayo na.

Mabilis itong tumayo at pinigilan ako gamit ang pagharang sa dadaanan ko. “Please? I just want you to taste my cock.”

“ANONG SABI MO?!” sigaw ko dahil mali ata ang pagkakaintindi ko. Tinignan ko ito ng masama. “Ang bastos talaga niyang bunganga mo!”

Nataranta naman ito. “It’s not what you think. Sabi ko na gusto ko matikman mo ang luto ko. I learnt it from our nanny,” aniya.

Bumuntong hiningac, ako. Inilagay ko sa sofa ang gamit ko saka ako tumingin sa kanya. “After lunch I’ll go home,” sabi ko.

Lumiwanag naman ang mukha niya at mabilis siyang tumango-tango. “Yes!” anito.

Naglakad siya papuntang kusina. Sinundan ko naman siya doon at naabutan ko siyang nasa harap ng refrigerator niyang nakabukas. Tiningnan kong alin ang puwede niyang lutuin.

“Are you sure you can cook now?” tanong ko. Hindi naman kasi siya marunong magluto. Hindi ko nga alam kung papaano siya nabubuhay noon dito sa condo niya na wala siyang alam gawin kundi ang mambabae.

Tumingin siya sa akin at tumango. “I stayed with my family for two years. Ayokong manatili dito at sa apartment,” aniya at humarap ulit sa ref.

“B-bakit?” nagtataka kong tanong. “Hindi ba ay ayaw mong mag-stay sa bahay niyo dahil hindi mo kasundo ang papa mo?”

Nakuwento kasi niya sa akin noon na hindi sila nagkakasunod ng kanyang ama. He’s father was strict. Kaya mas gusto niyang manatili sa condo nito dahil ayaw niyang makita ang ama.

Pinipilit ko naman siyang papuntahin sa kanila kahit na bumisita lang and mag-stay for a night. Hindi ko alam kung anong nag udyok sa kanya na umuwi at doon manatili for 2 years.

Tumingin ulit siya sa akin. May hawak na siyang rekado. Inilagay niya iyon malapit sa lababo. Bago siya humarap ulit sa akin. Sumandal pa siya doon.

“I don’t want to stay here nor in apartment I brought. Kasi sa tuwing nandito ako ay palagi kitang naalala.” Ngumiti ito ng pilit. “After our graduation. I ask Sam kung saan ka pumunta but he said he don’t know. Nandito lang ako noon sa condo ko for about three months waiting for you to come here and explain. Pero walang Angelo na dumating.”

Kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nalunok ko ata ang dila ko dahil sa gulat. Bakit? Bakit niya sinasabi ito ngayon?

“B-Bakit mo ako hinihintay?” tanong ko. Gusto kong malaman dahil naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

Tumalikod ito at sinimulan na niya ang ginagawa niya. “We’re friends right?” tanong niyang nakapabagsak sa balikat ko.

Tama! Friends lang kami.

“Y-yeah,” ang nasabi ko na lang.

“But we can be more than that. That’s why I waited for you.” Nakatalikod parin ito. May hawak na siyang kutsilyo at hinihiwa na niya ang mga rekados.

“W-what do you mean?”

Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Nothing. Just sit there and wait for it to be cook,” aniya.

Tumango ako dahil sa disappointment. Hindi ko alam pero may gusto akong marinig bukod sa sinabi nito. Aasa na naman ulit ako.

Ilang minuto lang ay kumukulo na ang niluluto nito. Kaya tumayo siya mula sa pagkakaupo sa harapan ko. Ang pagitan namin ay ang mesang sakto lang para sa apat na tao.

“Come here. You should try this. Ang sarap parang ako,” aniya.

“Just serve the food and we’ll eat it. Kailangan ko pang umuwi,” sabi ko at inirapan ko siya. Ang dami niyang pakulo sa buhay.

Tumawa lang siya at ginawa na niya ang pag-serve habang ako ay nakaupo lang dito. Gustuhin ko mang tumulong kanina pero pinipigilan niya ako. Kaya nanatili ako sa puwesto ko habang pinagmamasdan siyang nagluluto kanina hanggang sa matapos ito.

Inilagay niya iyon sa harap ko. May kanin na rin. Tumingin ako sa kanya at nanatili siyang nakatayo sa harap ko.

“Bakit hindi ka pa umuupo?” tanong ko. Nakatingin lang kasi ito sa akin habang tinitignan ko ang niluto niyang adobong manok.

“Busog na ako kanina pa,” aniya.

Kumunot ang noo ko. “Anong busog? Wala ka namang kinain, a. Saka mamaya kaya hindi ka kakain dahil may lason itong niluto mo ano?”

Tumawa siya at umupo sa harap ko. Hindi parin nawawala ang tingin niya sa akin. “Busog na ako na pagmasdan ka.”

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Kung may laman lang ang din ang bibig ko ay baka nabilaukan na ako ngayon. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?

“A-ano bang pinagsasasabi mo d’yan. Kumain na nga lang tayo ng makauwi na ako,” sabi ko. Umiwas pa ako ng tingin dahil bigla ring nag-init ang pisngi ko.

“Sure,” aniya. Nagulat ako ng nilagyan niya ng kanin ang plato ko at ulam. “Eat a lot. Ang payat-payat mo na.” sabi nito. Matapos niyang lagyan ng pagkain ang platong nasa harap ko.

“Thank you.” ’yan lang ang naisagot ko. Itinuon ko na ang sarili ko sa pagkain ng niluto niya. “Wow! Ang sarap nitong luto mo, a.” ang nasabi ko. Matapos kong tikman ang niluto niyang adobo.

Hindi katulad ng dati na pati instant noodles ay hindi niya alam lutuin. Marami siyang hindi alam na gawin noon. Tunay ngang marami ng nagbago sa loob ng dalawang taon.

Napangiti ito dahil sa papuring sinabi ko. “I learned this from my nanny. Sabi ko sa kanya na gusto kong matutong magluto para maipagluto ko ang taong mahal ko,” aniya kahit hindi ko naman tinatanong.

“T-talaga? Ang s’werte naman ng mapapangasawa mo,” medyo bitter ang pagkakasabi ko. May kirot din akong naramdaman sa dibdib pero pinagsawalang bahala ko na lang.

“ Ang s’werte mo .“

“Hah? Anong sabi mo? Pakiulit,” tanong ko dahil hindi ko narinig ang sinabi nito. Mahina ang boses niya at hindi pa siya nakatingin sa akin.

Humarap naman ito at ngumiti. “Oo naman. Maswerte siyang tao at syempre mas maswerte ako sa kanya. Siya ’yong tipo ng taong kaya akong pasayahin at pasrapin at the same time,” sagot niya. Kita ang kislap sa mga mata nito.

Hindi ako sumagot. Ayokong malaman kung sino man iyong taong mahal niya. May idea akong si Jean ito pero ayokong malaman na siya nga. Gagawa lang ako ng mga bagay na ako lang ang masasaktan.

Ngumiti ako ng peke. “K-kain na tayo,” sabi ko. Pinipilit ko ang boses ko na hindi mautal upang hindi niya mahalatang nasasaktan ako. Ngumiti lang ito ng makahulugan at nagpatuloy na sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay hindi na ako nanatili pa doon. Ayokong makasama siya ng mas matagal pa sa limang oras. Pinipilit ako nitong manatili pero hindi na ako pumayag. Wala na rin naman akong gagawin pa doon.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa aking kuwarto. Naabutan ko pa sina Mom sa sala habang nanonood ng TV pero hindi nila ako napansin. Kaya dumiretso ako sa kuwarto ko at inilagay ang gamit ko sa aking study table bago pumasok sa banyo.

Naiinitan ako kaya mabilis akong naligo at lumabas ng nakatapis lang ng tuwalya sa aking baywang. Nagsuot ako ng simpleng shorts at t-shirt. Umupo ako sa gilid ng kama habang pinupunasan ang buhok ko nang tumunog ang cellphone ko.

Mabilis ko itong kinuha at binuksan ang message galing sa unknow number.

“See you soon?” basa ko na nagtatanong. Iyon lang ang nakalagay at Philippine number ang gamit nito.

Hindi ko na lang ito pinansin dahil inaantok ako. Ibinalik ko iyon sa study table at saka pabagsak na humiga sa kama. Tumingin ako sa kisame bago kusang pumikit ang mga mata ko at dalawin ako ng antok.

Chapter 12

ONE LAST CHANCE

ITHINKJAIMENLOVE

CHAPTER 12

MICH

Peoples are staring at me. No! Hindi pala sa akin. Kundi sa kasama ko ngayon. Sino bang hindi mapapatingin sa kanya?

Nasa canteen kaming dalawa dahil dito ko siya dinala matapos niyang sumulpot sa harap ko na nakasuot ng uniform katulad ko. Tapos narin ang klase ang break time namin ngayon. Hindi ko alam kung papaano ako nito natunton.

“Look, They’re staring at me. I’m so handsome,” aniya. Sumandal pa sa sandalan ng kinauupuan nito. Akala mo ay hari.

Inirapan ko siya. “Manahimik ka diyan. Itatapon kita pabalik sa Thailand,” pananakot.

“But I studied here and you don’t have the right to bring me back there.” Tumingin siya sa akin ng seryoso.

Ngumisi ako. “Listen carefully, Prem. I can call the embassy and ask them to bring you back to Thailand.”

“I’m just kidding. I promise I’ll be a good boy here and I can be your good boyfriend, too.”

Muntik pa akong masamid sa sinabi niya. Siraulo talaga itong lalaking ’to. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito. Bigla na lang dumating ng hindi nagsasabi. Noong isang araw pa pala siyang nandito. Siya rin ’yong nag-text sa akin ng see you soon.

“But we’re friends.” As usual iyan ang palagi kong sagot sa kaniya.

Noong nasa Thailand pa ako. I met him and we became friends dahil half Filipino half Thai siya. He was born in the Philippines and grew up in Thailand. Nakakapagtaka na bihasa siya sa tagalog pero sabi naman niya na tagalog kung kausapin siya ng kanyang ina. She doesn’t want to forget the language of Filipinos kaya tagalog kung kausapin niya ang anak.

“But we can be more than that,” aniya. He’s always like this. Simula nang makilala ko siya and we became friends. He confess his feelings at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ni-reject ko siya.

I was broken that time. Siguro hindi pa ako nakakalimot. Ayoko pang pumasok sa isang relasyon and besides I see as my closest friend. Kaibigan lang talaga dahil minsan lang ako magkaroon ng kaibigang lalaki.

“Best friend,” sagot ko. I just smiled at him. Kahit ba ganyan ang mga sinasagot ko sa kanya ay hindi parin siya tumitigil. Ayaw ko naman siyang paasahin dahil naranasan ko ng umasa sa wala. Na akala ko’y mamahalin niya ako pabalik pero hindi naman pala.

“Fine!” suko niya. Ngumuso pa ito na parang pato. Napangiti na lang ako.

“Look, ayokong umasa ka kaya ganiyan ang sinasabi ko sayo.”

“I know. Alam ko ring hindi ka parin nakakalimot sa past mo and you’re expecting to be with him again. Umaasa kang this time ay mamahalin ka niya pabalik. Kaya ka ba bumalik dito?”

Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ako agad nakasagot dahil bigla kong nalunok ang dila ko. Maging ang boses ko siguro ay nawala? Walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko.

“Ano bang pinagsasasabi mo diyan?” ang tanong ko na lang dito dahil wala akong maisagot. Hindi ako makatanggi at hindi ko alam kung bakit.

“Mị̀mī xarị (Mimi arai - means Nothing,” sabi nito sa wikang Thai. Nakakaintindi naman ako ng konte kung hindi siya masyadong malalim. “Who’s that?” tanong niya. Ginamit pa niya ang hintuturo upang ituro ang kung sino mang tinutukoy niya sa likod ko. “He’s creepy. He’s looking at us like he’s going to kill me.”

Mabilis akong lumingon sa likod ko. Nasalubong ko ang tingin nito. Tama si Prem. Nakatingin ito sa amin na parang papatay na. Matalim ang tingin na kanyang ibinabato. Makasalubong ang makakapal nitong kilay at mukhang umuusok ang kanyang ilong. Kasama nito ang mga kaibigan niya pero abala ito sa pakikipag-usap habang siya ay nakatingin sa amin o kay Prem lang? Ng sobrang sama.

Ibinalik ko ang tingin kay Prem. “Don’t mind him. Gan’yan na talaga ang kanyang itsura. Palaging masama,” sabi ko. Natawa pa ako sa isipan ko.

“But I think, it’s not. Look, he’s going here,” aniyang nakatingin parin sa likod ko kung nasaan si Vincent.

Tumingin ako rito at tama ngang naglalakad ito papunta sa amin. Masama parin ang tingin nito. Ibinalik ko ang tingin kay Prem.

“Hindi siya papunta dito. Diyan siya pupunta sa counter baka bibili ng pagkain niya,” sabi ko.

“But he’s here,” mahina ang boses niya.

Naramdaman ko naman ang presensiya ng taong tinutukoy nito. Kaya dahan-dahan akong lumingon sa gilid ko kung saan ito nakatayo. Nakapamulsa pa siya habang masamang nakatingin sa aming dalawa. Pero hindi ako nagpasindak. Sino ba siya? Bakit ganyang siya makatingin ngayon?

Tinaasan ko ito ng kilay. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

Tahimik lang ang kasama ko. Malamang ay takot. Duwag kasi iyan hindi marunong makipagsuntukan. Good boy nga daw kasi siya.

“Sino siya?!” matigas na pagkakatanong nito. Ramdam ko ang galit sa boses niya at hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit na iyon.

“Bakit gusto mo ba siya?” tanong ko at tumingin kay Prem. Nakayuko ito at hindi makatingin kay Vincent na masama ang tingin sa kanya. “Prem,” Tinaas niya ang tingin sa akin. “He’s Lance Vincent Uy. My classmates and he wants to meet you,” sabi ko.

Tumingin ako kay Vincent na mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Hindi na maipinta ang kanyang mukha. May bahid ng pagtataka.

“Puwede kong ibigay sayo ang number niya and meet him after class. You can hangout with each othet. It’s up to you,” sabi ko.

“Mich!”

Tumingin ako rito. “Bakit, Prem?” pagmamaang-maangan ko. Natatawa na ako sa isipan ko ngunit pinipigilan ko lang.

“Angelo.” mahinahon ang boses nito kaya napatingin ako sa kanya. Gano’n parin ang pinupukol niyang tingin. “I’m asking you. Sino iyang kasama mo? Is he your boyfriend?”

“Pheụ̄̀xn (Means Dude.) I’m not his boy–”

Pinutol ko na ang sasabihin nito. “Yes!” ang mabilis kong sagot. Tumingin ako kay Prem ng just-go-with-the-flow-look. “He’s my boyfriend.”

Ibinalik ko ang tingin kay Vincent na ngayo’y iba ng ang tingin. Kung kanina ay para itong papatay ngayo’y nakaramdam ako ng sakit na nagmumula sa kanya. Hindi ko alam kung bakit? Biglang kumirot ang puso ko ng walang ano-ano’y tumalikod ito ng hindi na nagsalita pa.

Bakit siya nasasaktan?

“What did you just say?” Bumalik ako sa realidad ng magsalita si Prem.

Tumingin ako sa kanya. “Just don’t mind it.” ang sabi ko.

“Tell me, who is he?”

Bumuntong hininga ako. Wala akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya kung sino sa buhay ko si Vincent noon. Sinabi kong siya iyong taong minahal ko na hindi ako minahal pabalik, ’yung taong pinaasa ako at binabalewala ako.

Nakikinig lang siya sa akin. Alam naman nito ang dahilan pero hindi ko sinasabi ang pangalan ni Vincent. Dahil sa t’wing sinasabi ko ang pangalan niya noon ay hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Pero ngayon ay parang wala lang at masaya na ako doon.

“But I think he loves you,” aniya kaya natigilan ako sa pagkukuwento.

Ako? Mahal ni Vincent? Imposible. Mas mahal niya iyong mga babae niya dahil hindi siya nawawalan ng babae araw-araw noon.

“Paano mo naman nasabi?” tanong ko.

“The way he looks at you is like the way I looks at you, too. There’s a spark in his eyes and you couldn’t see it. Because your heart is blind.” Hindi agad ako nakasagot. “Nang sinabi mo sa kanya na boyfriend mo ako. I saw pain in his eyes. Now tell me, hindi mo ba nakita iyon?”

“I don’t know,” sabi ko. “Naguguluhan ako. I saw pain, too. But I don’t want to conclude dahil baka masaktan lang ako.”

“Then we’ll pretend that we’re together.”

Napatingin ako sa kanya. Nagsalubong ang kilay ko. “P-pero baka umasa ka,” paniniguro ko.

Ngumiti ito at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa. “Maybe. But I promise to you that I won’t ask you for more again. I want you to be happy and that’s enough for me. Seeing you with someone you loved. I know someday, I’ll find someone who can love me, too. But this time, I just want to help.”

“You sure?” Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata.

Ngumiti ito. “Chí Khrub,” aniya.

Pumayag ako sa sinabi nito. Bumabagabag din kasi sa akin kung bakit ako nakakita ng sakit sa mga mata ni Vincent. Nang sinabi kong boyfriend ko si Prem. Ayokong umasa pero gusto kong malaman.

Pero tama ba itong desisyon ko na magpanggap? Alam kong aasa si Prem. Ayoko siyang saktan dahil lang dito. Ngunit kung ito lang ang paraan para malaman ko ang mga tanong sa isipan ko ay gagawin ko. Aakto lang ng normal at kung nakikita makikita kami ni Vincent ay doon lang magpapaka-sweet.

Naghiwalay na kami ni Prem dahil papasok na ito. Pareho kami ng course pero magkaiba ng schedule and classroom. Bumalik ako sa classroom at naabutan kong nandoon na siya sa kanyang upuan. Dumiretso ako sa upuan ako parang hindi ako nito nakita dahil nakatutok lang siya sa kanyang cellphone.

Buong klase ay hindi ako nito kinukulit. Hindi katulad noon mga nakaraang araw simula ng magsimula ang klase. Palagi nitong pinaglalaruan ang buhok at minsan ay naglalagay ng notes sa isang maliit ng papel. Ngunit ngayon ay hindi na niya ginagawa. Nakatutok lang siya sa klase at parang hindi ako nito nakikita.

Natutuwa ako ngunit may parte sa puso ko na gusto kong palagi ako nitong kinukulit. Gusto kong paglaruan niya ang buhok ko o ’di kaya’y aamuyin niya ito katulad noon.

Hanggang sa makalabas ako sa classroom kung saan naghihintay si Prem. Nakasandal ito sa pader habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kanyang slacks. Pinagtitinginan siya ng mga kaklase kong babae maging ang mga beki.

Nang makalapit ako dito ay mabilis niya akong niyakap at hinalikan sa noo.

“Waaahh!”

“Yieeehhh!”

“Omg!”

“Sanaol Mich ang pangalan.”

“Ang swerte naman netong si Michael. Boyfriend niya pala ’tong si Phi.”

Eksaheradong reaksyon ng mga kaklase ko. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa biglaang aksyong ginawa niya. Napatingin ako sa pinto ng classroom kung saan naroroon si Vincent. Nakasabi ang bag niya sa kanyang isang balikat habang hawak ang strap nito at ang isang kamay ay nasa kanyang bulsa. Nakasunod ang mga kaibigan niya. Kasama si Shawn na matamaang nakatingin sa akin. Sinusuri niya ako at kung nakakabasa lang siya ng isipan ay baka alam niya ang totoo.

Kilala ni Shawn si Prem. Alam nitong hindi ko sinasagot si Prem noon dahil kaibigan lang ang turing ko. Wala naman siyang pake pero hindi ko parin siya puwedeng pagkatiwalaan. Kahit weirdo iyan ay marami siyang alam.

“I never know that you and Prem are together. I thought you were just friends?” sabi ni Shawn.

“I-I t-thought so.” ang naisagot ko na lang. Kailangan ko dapat pag-isipan ang sasabihin ko sa kanya. Dahil kahit na magpinsan kami ay puwede niya akong ilaglag kay Vincent at sabihin niya ang totoo.

Hindi puwedeng malaman ni Vincent na nagpapanggap lang kami. May nais pa akong malaman.

“Well, congrats, Cousin. I hope you’ll be happy to be with him. Take care of him, Prem.”

“I will,” ang sagot naman ni Prem. Hawak parin ako nito sa baywang. Mas matangkad siya sa akin.

“Let’s go. Magme-meet pa kami ni Trisha today.” kumirot ang dibdib ko sa biglang sinabi ni Vincent. Malamig ang boses nito. Hindi siya nakatingin sa amin at bigla na lang siyang naglakad paalis na sinundan naman ng mga kasama niya ng makapagpaalam sila.

“Tara na? Hatid na kita?” tanong ni Prem.

“May kotse ako, Prem.” sabi ko.

“I’m sorry. What I mean is, hatid mo na ako. Hindi ko kabisado ang mga lugar dito.” Tumango lang ako at umalis na kami doon.

Note to everyone: Gumagamit lang ako ng Google translation sa mga Thai words na nababasa niyo. If my mali sa translation. You can correct me in a good ways. Thank you!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.