loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
ONE SHOT: ANG MENSAHE SA ATING TAGPUAN

ONE SHOT: ANG MENSAHE SA ATING TAGPUAN

MixWithRed · 2 chapters · 2,634 words

CHAPTER 1

DISCLAIMER:

THIS IS JUST A WORK OF FICTION

This story happens at

Bukidnon

.

**

“Uy dong, nakapasa daw ka sa entrance exam?” Salubong ng isa kong kaibigan na si Ren habang malawak ang pagkaka-ngiti

“Oo gang, nakapasa ko..makaskwela nako sa manila.” Tugon ko sa kaniya at binigyan siya ng tipid ngunit sinserong ngiti.

Ren is not just a friend of mine. Espesyal siya para sa’kin, at alam kong ganun rin ako sa kaniya. Mahirap ang buhay dito sa Bukidnon, kaya nagsikap talaga akong makapasa sa entrance exam na ito. Kasama ko sana si Ren mag-take ng exam, ngunit hindi siya pinayagan dahil walang sapat na pera ang kaniyang magulang at kelangan niyang sumama rito para tumulong sa bukid.

Napakamot pa siya sa ulo at ngumiting muli sa akin ng sobrang tamis.

“Bright ka talaga, sabi ko na magagawa mo e, galingan mo ah, masaya ako para sayo pangga.” Sabi pa nito sa akin, kaya naman napangiti  ako at ginulo ang buhok n’ya.

“Salamat langga, wag kang mag-alala, gagalingan ko syempre, may pangako kaya tayo sa isa’t-isa.” Pabiro kong sabi at sinanggi pa siya at tumawa lang naman siya.

Masayang masaya rin ang aking pamilya sa balitang iyon. Nagkaroon pa ng maliit na pagsasalo-salo, ngunit sinabi ni Ren na hindi siya magtatagal dahil kelangan nyang tumulong sa bukid. Kaya naman pinagbigyan ko siya at pinabaunan ko na lang ng pagkain.

Gustuhin ko mang tumulong rin sa kaniya ay hindi pwede, sapagkat narito at kumpleto ang aming kamag-anak. Sa aming angkan ay ako pa lang ang pinaka-unang makaka-tungtong ng kolehiyo kaya ganito na lamang sila kung magdiwang.


Mabilis na lumipas ang buwan at ako’y kelangan ng bumiyahe patungong Maynila sapagkat magsisimula na ang klase.

Habang naririto at nag-eempake ay narito rin ang ma-drama kong langga at nag-uumiyak at nag-iiwan ng mga habilin niya para sa akin.

Halos matawa naman ako sa itsura niya na para siyang gusgusing bata na inagawan ng kendi sa daan.

“Pang, tandaan mo lahat ng binabanggit ko, para ni sa imoha, umayos ka roon, wag mong sayangin ang oportunidad na ibinigay sa iyo.” Humahagulgol na sabi niya at pinupunasan pa ang mata sapagkat parang lawa ang kaniyang luha sa pagtulo.

“Oo na, wag ka na nga umiyak, ang panget mo, hindi bagay sayo langga.” Pagsagot ko sa kaniya at saka ko siya niyakap ng mahigpit, paninigurado na susundin ko lahat ng habilin niya sa akin.

Yumakap naman siya pabalik at iningudngod ang mukha niya sa dibdib ko, kaya naman natawa ako ng palihim sapagkat ngayon lang siya naging ganito ka-emosyonal.

Kakatwa kahit pa puro asaran lang ang madalas naming gawin, inaamin kong mami-miss ko talaga siya sapagkat alam namin sa isa’t-isa na meron kaming nararamdaman na espesyal at natatangi, na laan lang namin para sa isa’t-isa.

“Mami-miss kita langga, h’wag ka na umiyak.” Natatawang sambit ko at kumagat pa sa labi upang pigilin ang pagtawa.

“Mamimiss din kita pang.” Sagot niya at mas idiniin pa ang ulo niya sa dibdib ko at hinayaan kong manatili kami sa ganoong posisyon, sapagkat matagal-tagal rin akong mawawala at sigurado akong mangungulila kami sa presensya ng isa’t-isa.


Mahigit tatlong buwan na ako rito sa Maynila, mahirap ang naging buhay ko sa mga nagdaang araw dahil sa pangunguli sa kanila at sa pag-aadjust na kailangan kong gawin.

Ngayon lang din dumating ang liham nila noong nakaraang buwan, kaya naman agad ko itong binasa.

Dear Anak

Lavien

, anak.. kamusta ka diyan sa

Maynila

? Maganda ba diyan anak? Wag mong

kalimutan

na

dalhan

kami

ng

larawan

pag-

uwi

mo sa susunod na taon, miss ka na namin anak, pero alam namin na para ito sa

atin

kaya

magtitiis

kami ng mga papa mo at ng

kapatid

mo, alam mo ba? Sabay-sabay kaming

nagpadala

ng

liham

, sana ay

matanggap

mo lahat ng

liham

namin para sa iyo, lalo na ang kay Ren sapagkat

nais

daw niyang

mabasa

mo ang kaniyang

liham

na para sayo, Anak,

pasensya

kung sa susunod ay hindi kami

makapag

-padala ng

mensahe

sa iyo,

matumal

ang

anihin

sapagkat tag-ulan na at alam mo namang mahal ang bayad sa

pagpapadala

ng

liham

,

sana’y

maintindihan

mo, mahal ka namin, mag-

iingat

ka parati.

Mama.

Dalawang liham lang ang nakarating sa akin ngayon kaya naman aking tinignan ang isa, at napangiti ako ng todo ng makita kong kay Renren galing ang liham.

Dali-dali kong pinunit ang sobre at binasa ang nakasulat sa papel na nakapaloob.

Tumikhim pa ako at umayos ng upo.

Dear

Lavien

,

Huy

pangga

, kamusta ka na?

Namimiss

ka na naming lahat, sana

tinandaan

mo lahat ng

habilin

ko sayo at sana

sinusunod mo. At saka alam mo ba pang? binisita

ko yung tree house natin, inayos ko siya tapos may iniwan akong mga

mensahe

sayo dun, saka mo na

basahin

pag

nakabalik

ka na..at saka pala,

pasensya

ka na ha, kung hindi kami

makakapag-padala

ng

mensahe

sayo

kada

buwan

, sapagkat

matumal

ang

anihin

, alam kong alam mo naman na sapagkat sinabi na ni

Aling

lorita

yun sa

mensahe

n’ya

para sa iyo. Hanggang dito na lang muna, yung

habilin

ko

pakitandaan

, mag-

iingat

ka lagi pang, mahal ka namin.

Renren

.

Pagkatapos kong basahin iyon ay ramdam ko ang pamamasa ng aking mata, agad ko iyong pinawi at ipinikit ko ng madiin ang mata.

Hindi ko alam kung tatawa ako sapagkat natutuwa ako o iiyak sapagkat mas naramdaman kong malayo sila sa akin.

Mahirap ang buhay dito sa Maynila sapagkat nakatira ako sa isang apartment na sagot ng skwelahan, at ang gastos ko pangkain ay galing sa sweldo ko sa pagtatrabaho bilang isang crew sa isang sikat na Fastfood chain sa Maynila.

Kahit na nalulungkot ay pinilit ko ang sarili kong maging matatag, itinabi ko sa aking hunos ang liham ni Mama at Renren, may dalawa pang liham akong hinihintay na sana ay dumating.

’Wag kayong mag-

alala

,

gagalingan

ko pa sa pag-

aaral

, para sa inyo to, mahal ko rin kayong lahat, miss ko na kayo.’

’Lalo ka na

Renren

, miss na miss na kita, para sayo to.’


Apat na taong mahigit na simula noong napunta ako rito sa Maynila upang mag-aral ng kolehiyo.

Noong first year at second year college ako,ay naka-uwi ako ng probinsya at nagawa naming magsaya at gawin ang mga nakagawian naming gawin. kasama na rin doon si Ren, nagawa naming bisitahin ang tree house na may mga mensahe na masyadong matamis, at hindi ko itatanggi, ito’y nakakakilig. Binisita rin namin ang baybayin ng Luciana sapagkat ito’y naging mas maganda dahil ito’y nadiskubre ng isang mayamang pamilya, at nanatiling bukas para sa lahat ng libre.

Ngunit noong nakaraang taon ay nabigo ako sa pag-uwi sapagkat mayroon kaming summer class at may OJT rin kami sapagkat kami’y malapit na sa graduating level, kaya naman nagpadala ako ng liham sa kanila, at nakatanggap rin ako ng liham pagkatapos lumipas ng isang buwan.

Ngayon ay hinihintay ko na lang ang aming graduation, at sa pagpasok ng taon ay hindi ako nakatanggap ng kahit anong mensahe sa aking kapamilya ni kahit kay Renren.

Hawak ko ngayon ang mga liham nila na noong ika-siyam na buwan na mula ngayon.

Wala akong balita sa kanila at ramdam ko ang lungkot at pangungulila sa kanilang lahat, gusto ko sanang narito si Inay at Itay para sabitan ako ng medalya sa paparating na graduation sapagkat ako’y cumlaude sa aking paaralan sa kursong civil engineering, ngunit hindi iyon posible sapagkat wala kaming pera para sa kanilang pamasahe at naiintindihan ko naman yun.

‘Kahit miss na miss ko kayo, wala naman akong magawa para makita ko kaagad kayo.’

Pumikit na lang ako at humiga sa kama ko at hinayaang tumulo ang luha sa aking mata dulot ng lungkot at pangungulila.


Kahapon pa hindi halos mawala ang ngiti ko dahil sa saya at pananabik.

Kahapon ay masayang-masaya ako sapagkat yun ang araw ng aking pagtatapos sa kolehiyo, halos maiyak ako sa saya ng mahawakan ko na ang matagal kong inaasam, ang matagal ng inaasam ng pamilya ko para sa akin, ang diploma.

Pagkatapos nun ay hindi magkamayaw ang aking puwet at atat ng umuwi sa aking apartment sapagkat ako’y mag-eempake na para makauwi sa probinsya. Ang aking pamasaheng gamit ay galing sa allowance na natanggap ko mula sa ahensya ng gobyerno na hindi ko ginalaw, dahil mayroon naman akong kinikitang maliit na halaga sa pagtatrabaho ko sa isang fastfood chain.

Habang nasa bus ay napapaheadbang pa ako sa tugtog sa radyo nito. Masayang masaya ako dahil ilang oras na lang ay makikita ko na ang pamilya ko at ang isang importante sa buhay ko, si Renren.

Kahit na madilim pa sa labas ay nanatiling dilat ang aking mata kahit pa na wala akong tulog.

Alas otso ng umaga nang marating ko ang munisipyo ng Libona.

Agad naman akong nakasakay sa isang habal habal papunta sa aming mismong bukid kaya naman napangiti pa akong lalo.

Maputik man ang daanan ay winalang bahala ko ito sapagkat ang importante para sa’kin ay makauwi upang makita na ang mga taong kinasasabikan kong makita.

Halos isang oras din ang biyahe. Agad akong nagbayad at nagsimula na akong maglakad.

Kakaiba ang tinginan ng mga taong kakilala ko kaya naman nahiya akong kumaway at bumati sa kanila, malayo sa ugali ko noon na halos lahat kakawayan at papansinin.

Pagkarating ko sa bahay ay agad kong nakita si Mama na nililinisan ang munting lamesa at ng lumingon siya sa aking gawi ay saka ako nagsalita.

“Andito na akooooo!” Masayang sigaw ko at hindi halos mawala ang gulat sa mata ni Mama na halos hindi siya makapaniwala at lumabas mula sa kwarto ang aking kapatid at aking Papa, kaya tinignan ko sila ng may ngiti ngunit nagtinginan lang silang tatlo.

Hindi ko alam ngunit hindi maganda ang pakiramdam ko sa tinginan nilang iyon, kaya naman nagsalubong ng bahagya ang aking kilay at napalitan ang aking saya ng pagtataka, sapagkat ang weirdo ng mga reaksyon nila.

“Hindi n’yo ba ako namiss?” Tanong ko sa kanila at pagkabanggit ko non ay para silang nabalik sa ulirat at mabilis na yumakap sa akin, kaya naman parang nanibago ako sa kanilang iniaasta.

“Syempre miss ka namin Anak, ang tagal mo kayang nawala.” Aniya ni mama at tiningnan pa si Itay at ang kapatid ko.

“Oo nga Kuya, namiss ka namin nila Inay.”  Sagot ng kapatid ko at binigyan ako ng tipid na ngiti.

“Tama ang Mama mo, namiss ka namin.” Tugon pa ni papa na binigyan ako ng sarkastikong tawa.

Sambit nilang sabay-sabay habang nakayakap sila sa akin at naramdaman ko ang tunay kong tahanan, bumalik ang init at pagmamahal na pinangulilaan ko ng mahigit apat na taon.

Pagkatapos non ay bumalik na naman sila sa pagtitinginan nilang iyon, kaya naman nagsalubong ng todo ang aking kilay at inis akong nagtanong dahil parang may kakaiba.

“May itinatago ba kayo sa akin?” Kunot noong tanong ko at nagbulungan at senyasan pa sila na mas lalong sumira sa maganda kong araw.

“Anak, maupo ka muna.” Sambit ni Mama matapos nilang magsenyasan at agad naman akong sumunod kahit pa ako’y naiinis na.

Salubong ang kilay kong hinintay ang kanilang mga sasabihin.

“Anak pakiusap, wag kang mabibigla.” Sambit ni Inay at nagbagong bigla ang aking nararamdaman, sapagkat batid kong ito’y seryosong usapan. Tinignan ko pa siya ng deretso sa mata.

“Ano po ba iyon?” Tanong ko kay Inay at nagkatingin pa silang muli at nagkatanguan.

“Anak, kasi si Renren.” Pabitin pang sabi ni Inay at medyo bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tensyong nararamdaman ko sa seryosong usapan na ito.

Humigop muna ako ng hangin at hinintay ang kasunod.

“Anak, si Renren..wala na siya.” Sambit ni Mama at halos nag-init ang tenga ko at hindi matanggap ng sistema ko kaya naman wala akong halos maisagot.

“Ha? anong ibig sabihin mo, nay?” Tugon ko. hindi matanggap ang narinig.

Hindi ko alam pero hindi yon kayang tanggapin ng sistema ko at nagsisimula ng mamuo ang luha ko dahil sa galit.

“anak, wala na siya..patay na si Renren.” Sagot pa ni Inay na tinatahan ni Itay sapagkat nagsisimula na rin tumulo ang luha ni Inay.

“Inay naman, hindi naman magandang biro yan.” Sambit ko pa at tumawa ng peke.

‘paanong patay? e, buhay na buhay pa siya no’ng iwan ko siya at wala siyang sakit.’

“Anak, mukha ba kaming nagbibiro?” Naluluhang tanong ni Inay.

At doon ko napagtantong hindi nga talaga sila nagbibiro kaya naman nagsimulang gumuho ang lakas at saya ko.

“Sa anong dahilan? Bakit siya nawala?” Tanong ko, nagmamaka-awa na sabihin sa akin ang dahilan.

“Ma, bakit?” Pag-uulit ko pa at lumuhod na ako sa harap ni Inay at niyakap siya.

At doon niya sinimulang ikuwento ang lahat lahat ng nangyari. Hindi ko halos mapigilan ang aking luha sa pagtulo na tinalo pa ang gripo.

Ramdam na ramdam ko ang sakit at unti unti nitong tinutusok ang puso ko, masyadong masakit, magkakasunod na malalalim na hininga ang ginawa ko habang nagkukwento si Mama.

Namatay si Renren dahil sa heatstroke ayon sa isang doktor sa health center ng aming baranggay, isang oras ang biyahe mula rito patungo roon, noong araw na iyon ay mainit raw at nag-daro sa kabukiran si Renren, upang maisalba ang iilan pang mga palay sa darating na tag-ulan.

Na kaya hindi ako nakatanggap ng mensahe sa kanila sa nagdaang mga buwan sapagkat may utang pa sila na patuloy na binabayaran dulot ng pagkamatay ni Renren.

Masakit sa damdamin ang sinapit ng taong kinasasabikan kong makita ngayon, hindi ko alam kung kakayanin ko pa, ngunit ang gusto ko lang ay makita siya.

Kaya pinilit kong tumayo at nag-iwan ng salita kila Inay.

“Gusto ko siyang makita.” Humahagulgol na sabi ko, agad akong lumabas ng bahay na dala pa rin ang bag na hindi ko naialis sa likuran ko kanina.

Ngunit bago pa ako makalayo ay nahatak na ako ni Mama at Papa at inis akong tinignan sila ng may luha sa mata.

“Ma naman!” Sigaw ko kay Mama sa pagpigil nito sa akin.

“Anak, wag muna ngayon, maawa ka sa pamilya ni Renren, hindi pa sila tuluyang nakakalimot, maawa ka anak, sasamahan ka namin sa puntod ni Renren pero wag mo munang guluhin ang pamilya niya, pakiusap anak! Pakiusap.” Humahagulgol na sabi ni Inay na agad yumakap kay Itay.

Agad din akong niyakap ni Itay kaya naman mas lalong bumuhos ang luha ko.

‘ang sakit, sobrang sakit’


Ilang buwan na ang lumipas at ganun pa rin ang takbo ng buhay ko, hawak ko ngayon ang gamit na naiwan ni Renren sa tree house namin.

Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob kunin ito sapagkat nakakapanghina ang balitang wala na ang kaibigan ko, ang minamahal ko ng higit pa sa kaibigan.

Agad kong binuksan ang nakatiklop na papel at binasa ang nakasulat rito.

Dear Lavien Panggaaa, masaya ako ngayon araw, alam mo kung bakit? Natatandaan mo ba yung sinabi mo sa’kin noon nung nasa baybayin tayo ng Luciana? Yung Je t’aime? Masaya ako kase nalaman ko na yung ibig-sabihin nun, nanghiram pa ako ng maraming libro at nagtanong tanong sa mga kakilala natin para malaman ang ibig-sabihin noon, ngayon talagang masaya ako sapagkat alam ko na, eto naman ang gusto ko ring sabihin, Je t’aime beaucoup, nahirapan ako sa spelling niyan pero tinandaan ko dahil gusto kong malaman mo na mahal rin kita Pang, galingan mo pa sa pag-aaral mo, masaya talaga ako para sayo.

Pagkabasa ko nang mensahe ay tumulong muli ang aking luha dahil sa sakit na ibinabalik nito.

Ang akala ko’y nakalimot na ako, hindi pa pala.

Bakit naman kasi kailangang maging ganito ang lahat, mahal na mahal kita pero bat kailangan maiwan akong mag-isa? Bakit ganito kasakit ang mensahe sa ating tagpuan?

End.

~~

Thank you for reading my stories, please let me know your thoughts about it, and please don’t plagiarize my work..

–MixWithRed✨


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.