loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
One-shot BXB Stories

One-shot BXB Stories

JMPerez07 · 7 chapters · 15,195 words

Love’s Insecurities

HI! Eto po pala ang entry ko sa facebook!!! Sana po ay magustuhan ninyo!! Pakilike and share po sana para manalo ako at ma-engganyo pang gumawa ng new stories

https://www.facebook.com/M2mKwentongPagIbig/photos/a.362524490595567.1073741850.151723321675686/362526267262056/?type=1&permPage=1

Yan po yung link niya… Enjoy!!!

=======OoOoO========

“Hey babe!” saad ng lalaking biglang yumakap sa akin sa likod sabay lagay ng kanyang ulo sa aking balikat.

“Owww. Kanina ka pa ba?” sabi ko sabay hawak sa kamay niyang nasa tiyan ko.

“Oo ehh… Konti lang aman trabaho ko ehh…” sabi naman niya.

“Gawa tayo baby babe!” biglang banat naman niya.

“Loko! tumahimik ka diyan ahh…” sabi ko naman. Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto namin. Bumukas ang pinto at sabay sabing

“Papa! Dad!” wika ng babaeng lumapit sa amin. “Oh Hi Trish! What’s your problem?” agad na tanong ko. sabay halik sa pisngi niya.

“Papa can you help me on my project? Kasi po sabi ng teacher namin we need to make a story about love. I want something unique naman kahit pano.So I decided to consult on you since you are my parents naman ehh…”

Bigla kaming nagkatinginan ng lalaki. Kumindat ito at sabay sabing “Sige Trish, tutulungan ka namin diyan. Since you are now 15 years old, I hope na maiintindihan mo na ang mga bagay-bagay.” saad nito sabay ngiti.

“Makinig ka Trish ahh. Ako na magku-kuwento sa iyo kasi hindi mo macoconnect pa gang daddy mo ang nagkuwento sa iyo. Okay?” saad ko “Yes Papa!” “Let’s start the story.”

=======OoOoO========

HUMANAP KA NG PANGET by: Andrew E.

Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay

Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay

Isang pangit na talagang ’di mo matanggap

At h’wag ang lalaki na iyong pangarap

Ngunit handang-handang iwanan ka naman sa sandali

Na ikaw ay wala nang ibigay, ’di ba?

Kaya pangit na lalaki ang hanapin mo ’day

Kung hindi, sige ka puso mo’y mabibiyak

Mawalay man ang pangit hindi ka iiyak

CHORUS:

Humanap ka ng pangit

(H’wag na oy! )

Humanap ka ng pangit

(H’wag na oy! )

Humanap ka ng pangit

(H’wag na oy! )

Ibigin mong tunay

(H’wag na oy! )

(H’wag na oy! )

Naiinis talaga ako sa kantang ito. Kaya ko’to ginawang alarm tone ng phone ehh 3:D kasi naman tinatamaan ako. hahahaha… Anu ba naman kasi tong face ko ehh… Nakailang whitening creams, face wash, optic white,at kung anu-anong pampahid walang paring effect! Naghalo-halo ata ang effects nila at ang labas ng itsura ko ngayon ang puro side effects!

Bumaba na lang ako agad sa aming living room(sosyal!) para mag-asikaso ng sarili. Grabe! Ayokong napupuyat! Nagiging bangag ako pag kulang ako sa tulog!

“Naaaaaaaaaaakkkkkkk! Gissssseeenggg naaaaaa! Wala ka bang balak bumangon diyan?”

wika ni Inay.

“Inay! Wala ba kayong magawa sa buhay? Nasa baba na kailangang sumigaw pa?”

“Eh gusto ko kasi Makita ang pretty kong anak !” ngiti nito.

“Nay anak niyo ba talaga ako? Bakit hindi ko maramdaman? Mula sa mga mukha ng kapatid ko, ako lang ang walang maayos na mukha, may tighiyawat ako na kulang na lang gawing connect the dots, madilaw ngipin, hindi pa marunong sa fashion, samantalang si Kuya John at Jenny ang pe-perfect, ampon ba ko nay?” litanya ko kay inay sabay patak ng luha…#Bestactress!

“Nak ang aga-aga nag-papabangag ka. Lumayas ka na nga eto baon mo oh… Galingan mo ngayong kolehiyo mo’t maging magaling na teacher balang araw.”

Hayy nako naunahan pako sa pagpapakilala! BS Secondary Education kinuha ko… MAJOR IN MATH! Wag ka! Panget man ako sa inyong paningin tiyak ako’y inyong pababalikin dahil sa sagot na inyong makukuha sa akin :)! Asan ang tatay ko? Heaven na :)) kasi naaksidente sa motor ehh kasama ko pa naman siya nun si-nave niya life ko siyempre may mga tagas ng dugo diba?? Kaya pag nakakakita ako ng dugo kinikilabutan talaga ako…

Pumunta na ako ng aking school dito sa kamaynilaan. Namangha ako dahil sa laki ng school

Kinuha ko ang aking notebook na naglalaman ng aking schedules (#DiAkoReady) at syempre nagtanung-tanong, kungwari di ko alam! charr!

“Kuya, kuya alam mo bayung room na ’to?” kinalabit ko pa talaga ahahaha! #BadKoPoTalaga xD

Pagharap niya ay bigla akong napanga-nga! As in OMG!!! Ang POGI!!! Kita ko naman ang pag-ngiti nito!!! _ Endorser ng toothpaste!!! Pantay-pantay ngipin!!! Oh my talaga!!! Nabasag lang ang aking pagpapantasya ng bigla siyang kumaway sa kin… Baliw ba tong kumag na ’to???

“Hi! :) sabi ko sabay ka na sakin! :) Magkalapit kasi tayo ng room ohh… Ako nga pala si Carlo! :)“Pakilala pa nito.

Sasabay na sana ako ng biglang…

“Ay no need na pare, ako ng bahala sa kanya.” Malamig na tugon ng taong biglang akbay sa ’kin.

“Ahh ok, sige una na ko! Ano pala ulit name mo?” tanong ni PC(as in papa carlo xD)

“Joshua—” “Clarence pala pre, lika na Joshua!” sabay hila sa kin. “Sige kitakits na lang!” kaway pa nito samin kasabay ng ngiti.

“Clarence ano ba! Kita mong nakikipaglandian pa ko ehh! Baka dito ko na Makita si the one ko ohh…”

“Hindi kita papayagang makipag-landian sa iba, bilin ni kuya mo yan! Ako ng bahala sa’yo ditto tutal 2nd year naman na ko dito eh, varsity pa! Hatid na kita, sunduin din agad kita mamaya ahh….” sabi pa neto..

Hayy Vhon Clarence Reyes 18 years old, 2nd Year BSME. Gulat nga ko kasi Bestfriend siya.. Ang kulit kasi nung bata pa kami, lagi akong pinupuntahan sa bahay kasama ni kuya. Gawin din ba kong baby dati? Mga 15 years old ata si kuya nun, isip bata pa kasi siya nun ehh ahahaha… 10 ata si Clarence nun tas ako 8 naman. Kumbaga si Kuya John ang daan kung bakit may ganito kaming relasyon ngayon. Pagkahatid niya sakin sa room, bigla siyang tinilihan ng mga kababaihan sa paligid. Hindi rin naman maipagkakaila ang itsura ng mokong. Tanging tango’t ngiti lang naman sinusukli sa kanila nito.

“Ohh sunduin kita dito mamaya ah!!! Sabihin mo kung may mang-aaway sa’yo diyan, upakan ko sila.”

“Oo na sige na! Bye!” Haha ganito ako ka-harsh sa kanya. Yung tipong maraming nagkakandarapa maging close siya tapos ako heto ipingtutulakan siya #AngMeanKo

“Ganyan ka naman eh.. Sige na kiss na kay daddy” Sabay lapit ng pisngi niya na agad ko namang hinawi

“Ulul! Umalis ka na nga!” At umalis na nga si mokong. Naghanap ako ng upuan sa likod (Ang common naman ng scene haha xD) Uupo n asana ako n biglang may humila sa akin.

“Hi Joshiee!” sabay ngiti pa nito.

“C-Carlo???”

“Ako nga! Ang totoo niyan niloko kita kanina. Kaso biglang dumating yung syota mo ehh! :)” pahayag na may kasamang ngiti.

“Hindi ko syota yun noh!” Agad na depensa ko. Totoo naman kasi, lagi na lang kaming naigiging tampulan ng tukso kasi napagkakamalang kami daw, ang loko naman, imbes na magalit ay nangingiti pa at bigla na lang akong susuyuin kungwaring magsyota kami. Hay naku! Hindi ko kaya yun noh! Baka masapak ko siya. Straight kaya yun. Pero gagawin ko lahat ibigin lang ako ni Carlo my loves hahahaha.

“Upo ka na dito!” tinuro niya yung isang upuan na inupuan ko naman. Kinausap ko naman ang babaeng katabi ko…

“Hi ate! :) Patabi ha! :)”

“Ayy sige okay lang! Ako nga pala si Alex! Alexandra kasi pangalan ko sis! Alam mo ba, ikaw pa lang yung una kong nakausap dito kasi naman nahihiya ako sa kanila. Mahiyain kasi ako sis! Alam mo tingin ko magkakasundo tayo kasi nararamdaman ng gaydar ko na bakla ka! Hahahahaha… Wag ka nang mag-maang-maangan huling-huli ka na, hindi naman nila naririnig mg sinasabi ko kasi mahina lang boses ko… Sorry talaga ha, mahiyain kasi ako kaya ko lang nasabi yung mga yan…”

Ako naman ay napatanga na lamang! Grabe! kaya niyang magsalita ng 4 words per second, maganda naman si Alexandra Robles, madaldal este mahiyain nga lang. Kung sa bagay medyo ako lang ata nakarinig ng mga sinabi niya dahil nasasapawan na ng iba kong ka-block ang boses niya…

Dumating na ang prof namin, wala naman masyadong ginawa buong araw. Kami din ni Alex nagkasama sa lunch habang napapansin ko naman na may iba ng kabarkada si Carlo. #Friendly at #Famous ehh… Syempre wala namang makikipagkaibigan sa tulad ko, panget na nga, BAKLA pa! papalabas na ko ng room non ng biglang nag-aya si Carlo na ihatid na daw niya ko pauwi. Syempre kinilig naman ako dun, nagkapalitan kami ng number at pumasok na ko sa aming munting bahay xD. Nag-vibrate agad ang cellphone ko matapos ko itong ilapag sa cabinet para makapagbihis na. May nagtext ata

CLARENCE: Uyy Asan ka na??? :(

Shit! Nakalimutan ko pala yung bilin niya! 2 oras pa man din ang nakakalipas bago ako makauwi ng bahay…

AKO: Sorry nakalimutan ko yung bilin mo….. Sorry talaga kasi…….

Hindi ko pa natatapos ang pagtetext ng biglang may pumasok ng kwarto ko…

“Tss, sabi ko na nga ba kakalimutan mo ko ehh, nakakita ka lang ng gwapo nakalimot ka na…”

“Uyy hindi ahh, niyaya niya lang naman……..”

“Wag na ayoko na tampo na ko…” Eto nanaman siya nag-aala-bata na naman..

“Sorry na nga bhest” saad kong muli saka bumuntong-hininga, hay kailangan ng sabihin ng key words “kahit ano gagawin ko mapatawad mo lang ako.” saad kong parang natalo sa lotto.

“Talaga?” Sabi na ehh. Kainis >.< Ngumingiti pa. Gwapo naman, para tuloy akong kinikilig sa ngiti niya, Ano daw??? Kinikilig??? Erase!Erase!

“Hug mo na lang ako para wala na pagod ko bhest…” sabay tulak sakin papapunta sa kanya at bigla akong nakaramdam ng ilang milyong boltahe mula sa pagkakahawak niya sa aking mumunting kamay…“pagod na nga ko galing varsity, pagod pa ko kakahintay sa’yo…”

“Sorry na kasi Bhest. Ayan na nga nihuhug na kita. Gusto mo ba ng kiss?” Biro ko sa kanya. Kita ko naman sa kanyang mukha ang pagkabigla. Nilapit ko ng konti ang mukha ko sa kanya. Haha parang nandidiri na kinakabahan ang mokong, ang sarap iumpog ng mukha sa pader.

“Ahh, ehh o-okay l-lang ka…hit w…w…ag na.” Sabay biglang upo ko sa kama at take note! Humagalpak talaga ako ng malakas…

“Ang hilig mo talaga akong lokohin…” Nag-pout pa ng face. Ayyt! Ang cute naman! OMG??cute?

“Hahaha…” Humiga na lang ulit ako at dahil sa pagod ay nakatulog na ako.

=======OoOoO========

Napasarap ang buhay ko nitong mga nakaraang weeks, eh pano puro intro pa lang naman ang mga prof naming ehh, although may mga ibang nagpapahirap sa amin, okay lang naman, yakang yaka ika nga nila, hahaha, lalo na pag groupings, hay nako! wala ako care sa kanila noh! Bahala sila mag-approach sakin since hindi naman ako ang nangangailangan…. joke lang… Effort din naman ako tumulong noh! Naging close ko na kaya sila Alex… At ewan pero sweet si Papa C ! Uhmm wag ka hahaha… Minsan pumipick-up line yan sa text…. Eto sabi

Carlo: Taxi ka ba?

Ako: Bakit?

Carlo: kasi habang tumatagal napapamahal ako sayo ehh :’>

Ako naman ’tong super kilig pero sa dulo lalagyan niya ng “gm”! Yun pala ang start niya ng mga pang-convo niya… Nalaman ko na nasa states pala magulang niya, siya na lang mag-isa sa bahay pero Masaya DAW kasi walang harang or KJ kasi wala raw may hawak sa leeg niya! Eh kung hawakan ko kaya ano niya diyan.. isip ko, Wala lang naisipan ko lang bakit ba???

Hanggang minsan niyayaya niya kami ni Alex na mag-lunch pero sa’kin lang siya may care noh! Madalas McDo kami nuon, yan ang pinakafavorite place naming dalawa este tatlo pala dahil sa lugar na ito kami lagi nalilibre :D Nag-open sa akin minsan si Alex at niloko ako ng lukreta!

“Hoy Girl! Pansin ko lang ahh, naiinis na ko inaaya ako niyang si Carlo tas ikaw lang ang tinatannong kung okay ka lang ba, kumain ka na ba?, Ay buwiset! Ano ’to gawin niyo kong chaperone niyo?”

“Girl! Ano ka ba! Kita mo namang nililigawan ako niyan ehh…”

“Ay Putatas! Wag kkang dakilang assumera diyan oyy!!! Hahaha tatawanan talaga kita ng malakas diyan kapag nalaman kong may girlfriend siya… Siguro mga 100 times ganun…”

Hindi ko na lang siya pinansin nung mga oras na iyon…

After namin maggagala nun umuwi na kami sa bahay… Laking gulat ko ng pagdating ko’y andun pala si Clarence…

“San ka galing?” Tanong niya habang nakakunot-noo… Buwisit! Ang perfect naman ng itsura nito! Parang kahit anong mood ipaggawa mo dito, gwapo pa rin ehh…. Ohh baka naman insecure lang ako kasi dahil fangit ako??

“Hoy! Tinatanong kita, Huwag mo kong tunawin ng tingin, lalapain talaga kita” Sabi niya sabay bitaw ng nakakalokong tingin… What a Naugthy Guy naman oo!

“A-ahh e-eehhh…..”

“ihhh, ohhh, uhhhh,…. Alam ko na yan ehh! Nung pre-school pa! Niyaya ka na naman ni Carlo lumabas noh? Manliligaw mo ba yun?” Tanong niya…

“Sana nga bhest ehh! Ang gwapo kasi…”(Gwapo ka rin naman) yan ang gusto ko sanang idugtong kaso ayoko nga! Hahahaha

“Eh bakit gwapo din naman ako ah!” Pagmamaktol niya… Leche! Ano to pareho kami ng isip?

“Tandaan mo ’to Josh ahh, Hindi dapat ginagamit ang mata kung iibig ka ng tunay! Masama yun! O siya alis na nga ko nakakabad-trip ng sobra ang araw ko!” saad pa niya ulit saka umalis…

Masama bang mag-pantasya? Bakit? Ano bang kasalanan ang ginawa ko? Wala naman ahh, palibhasa sila medaling makahanap ng partner dahil sa mga itsura nila! Sa sobrang inis ko’y natulog na lamang ako…

=======OoOoO========

Lumipas ang ilang araw at mga buwan ay hindi naging maganda para sakin, siyempre eto na yung time na magiging busy ka talaga! Puro na lang defense! Di ba namin pwedeng atakihin ang mga langhiyang prof na yan? Kung may prof sanang papable ehh… Sulit araw ko! Ahahaha…. May mga issue din kasing bumagabag sa kin: Una, biglang naging absent si Alex nitong nakaraang weeks, Ano kaya nangyari dun? 2nd issue: Ewan ko pero nararamdaman ko nang mahal ko na si Jhon Carlo Garcia… Carlo na lang kaya tawag ko sa kanya. Kabuwisit kasi ih >.< Hindi man lang ako hinantay. Letche lang kasi may girlfriend na siya. Si Kathy. Hindi talaga niya ako pinapansin. Pero sorry siya hindi siya magiging kawalan sa akin noh! Ano kayang paraan ang gagawin ko para mapansin niya ko? Kung magpaa-ayos kaya ako kay Belo? Baka nga! Susuko agad yun sakin for sure pag kita pa lang sa akin. Haha kasasabi lang na hindi kawalan tapos biglang mag-iisip ng ways… Ang sarap lang minsan talaga kausapin yung sarili mo noh… Yung tipong maghahanap ka ng sasagot pero wala naman ahahaha… Andito ako sa school ngayon at pauwi na! Si Clarence kasi ay abala sa varsity niya. Malapit na ang game nila kaya todo-ensayo dapat.

Pag-uwi ko ng bahay, natulog agad ako! Ka-haggard kaya noh! paggising ko ay naramdaman kong may naka-yakap sa akin.

“uhhhmm.” hikab at ungol na pinagsama xD

“Ang baho bhest, di ka nag-toothbrush?

“Sira! Bat mo naman nasabi?”

“Eh ang dilaw ng ngipin mo eh” sabay ngiti pa niya.

“Pakshet ka talaga! Kita mong ang kahit anong toothbrush gawin ko hindi pumuputi ngipin ko tas gaganyanin mo lang ako. Che! Layas! I don’t need you anymore!”

“Eto naman naglalambing lang bhest..”

“Ohh ayan lambing pala ahh, Mwah!” Kiss ko sa face niya xD. Natigilan sya ng matagal hanggang sa matahimik ang buong paligid. bigla kong binasag ang nakabibinging katahimikan “Bhest alam mo ba parang nakita ko naman si the one who will complete my whole life.”

“Matagal na hindi mo lang hinahanap ng mabuti.”

“Ayan ka nanaman ehh… Kaya pinanghihinaan ako ng loob ehh…”

“Marami naman kasi talagang taong naaapreciate ka.” Awww naman how sweet! Ngunit bigla akong napaisip… Hindi niya ko kinausap ng matagal… Bigla tuloy akong nag-drama

“Pano ba ako mapapansin ng mga tao sa paligid ko? Sino naman magmamahal saken? Kita mo ba tong langhiyang itsura ko? Clarence sumagot ka! Hindi mo ba ko naririnig?” bulalas ko.

“Alam mo kasi ang kulang sa’yo, hindi ka marunong mag-ayos ng sarili! Alam mo, lahat ng tao nag-iimprove kasi natututo sila! Magaling ka nga sa Academics pero bobo mo pagdating sa realidad” sabi naman niya. Aray aahhh, pero tama nga naman… Ni hygiene ko nga di ko ma-100% clean ehhh :(

“Grabe ka naman, Uy, Pano ba ko mapapansin ni Carlo? Bhest, tulungan mo naman ako…”

“Alam mo puwede naman kitang tulungan diyan ehh. Taasan mo lang ng konti yung self-esteem mo. Ayaw mo kasing tingnan yung ibang tao sa paligid mo na nagpaparamdam sa’yo ehh…..” drama niya.

“At sino naman magkaka-gusto sakin aber?” litanya ko…

“Ako.” At bigla nalang akong natameme sa huling narinig ko.

“A-aahhheeehhhaahhh Ano? Ako?”

“Bingi ka ba! Sabi ko AKOng bahalang mag-ayos sa sarili mo!” Ano bayan! Nakaramdam ako ng panghihinayang ngunit hindi ko alam kung bakit….

“Tara na! Gusto mo bang maging kaaya-aya yang itsura mo?”

Sumunod na lang ako sa kanya. Hindi pa rin kasi ako makaget-over sa narinig ng walang-kwenta kong tenga.

“Isa pa nga pala Joshua, Ito lagi mong tandaan, walang taong panget!” Nabadtrip ata ang mokhong na yun.. Natulog na kami sa kwarto ko. Buti pa kamo wala kaming pasok bukas.

=======OoOoO========

Nakita ko ang sarili ko na nakatayo sa parke, pilit kong inaaabot ang lalaking iyon ngunit may mga humahatak sa amin. Babae ang humahatak sa kanya samantalang lalaki naman ang humahatak sa akin. Sobrang lakas ng hatak ng babae sa kanya, kaya pilit ko siyang hinahabol kahit na malakas ang lalaking humahatak sa akin. Hanggang sa naglabas ng baril ang babae at pinutok sa amin ngunit kasabay nuon, nakita ko silang biglang binundol ng malaking sasakyan. Tinamaan ng bala ang lalaking humatak sa akin ngunit unti-unti akong nanghina at halos hindi makahinga ng makita kong nakahandusay ang lalaking pilit kong inaabot kanina.

“Gising na Joshua, Joshua…” Tinig ng lalaki. “Kailanma’y hindi ako bibitiw hangga’t hindi kita naaangkin sa kanila. Ako’y iyo at ika’y akin lamang…. Tandaan mo iyan mahal ko….”

Hanggang sa biglang nawala ang lalaking nakahandusay sa kalsada.

Nakaramdam ako ng isang malakas na sampal.

“Aray naman ang Put*!” bulalas ko. Unti-unti kong idinilat ang aking mata hanggang sa nakita ko ang mukha ng lalaking pamilyar sa akin.

“Sino ka?” Ang aking naisanting.

“Tado! seryoso ako Joshua ahh tumigil ka. Ano ba kasing nangyayari sa’yo at para kang nanginginig kanina habang natutulog? Puro ka pa buntong-hininga. Hindi mo ba alam na pinag-alala mo ako ng husto?” sunod-sunod na sabi niya.

Buti na lang at panaginip lang. Pero kinakabahan pa rin ako. Alam ko na ang mga panaginip ang nagiging clue natin sa buhay.Ngunit ano naman ang kinalaman nito sa buhay ko? Walang Sali-salita kumilos ako sa aking sarili. Nagbihis dahil inaya ako ni Clarence na umalis at aayusan niya ako.

“o-okay ka na ba bhest?” tanong niya. Tumango na lamang ako para wala ng problema.

“Huwag mo nang isipin yung panaginip mo. Huwag kang mag-alala kung anuman ang nangyari duon. Andito ako lagi sa tabi mo at poprotektahan kita lagi. Ano okay na ba? Sorry nga pala ahh. Kasi pinag-alala mo talaga ako ng husto kanina.”

“Wala ’yon.” sa wakas ay nakapagsalita ako. “Ako nga ang dapat na mag-sorry eh” “No need na! Tara na ayusan na kita.” wika niya sabay ngiti. In-fairness naman talaga sa kanya dahil gwapo na mayaman pa! Bonus pa yung skills niya.

Ewan ko ba kung saan niya ko dinala. Basta may ginawa sa mukha ko, parang tinurok turok yung mukha ko. Muntik ko na kaya masapak yung gumagalaw sa mukha ko. Ayos siya ahh.. Palit kaya kami dito. Pagkatapos naman nuon ay may binigay sa aking pampahid na naman at dapat regular ang pag-aaply at pinaiinom din ako ng tubig nila. Care ko ba duon. Sabi may glutha daw iyon. So inom din naman si tanga!

Next station naman na pinuntahan namin ay sa ngipin ko. pinaayos naming para maging white ang color. Kalikutin ba naman dentista yung buong bunganga ko. Titingnan ba niya kung uminom ako ng gatas kanina?! Nahirapan ata iyong dentista xD pero sabi niya normal naman daw ngipin ko. Yellow lang talaga ang color ng mga teeth ko pero pinaraanan naman niya.

“Skin mo ok na, pati yung ngipin mo, yung mukha mo malapit na. Konting pahid na lang. Mukha ka na ngang makinis pag tinignan sa malayo ehh..”

“Anong gusto mo makipag-usap ako kay Carlo sa malayo?”

“Hindi. Tara na.” Snobber ah?!

Pumunta na kami sa tindahan ng damit. As in pinalitan lahat ng damit ko. Itabi ko na lang daw yung luma ko… siya naman daw magbabayad.

Sa pagod namin ay inaya niya ko sa paborito niyang restaurant.

Habang kumakain kami ay nilulusaw niya ko ng kanyang malaking titig(:D) hanggang bigla siyang nagsalita:

“Ang daming nabago sa iyo ahh. Sa tagal nating magkaibigan ngayon mo lang naisipan baguhin ang sarili mo para sa minamahal mo.” sabi niya sabay pahid ng mga mumunting luha sa kanyang mata. Bakit kaya siya umiiyak?

“Oo nga ehh. Sana mapansin na ako ng tao sa paligid ko.”

“Huwag kang mag-alala… nilillingunan ka na nila ngayon. Kanina pa actually.”

“hay sobrang salamat talaga sa’yo Clarence ahh… Ikaw na ang pinaka-the-best-bestfriend-in-the-world. Ang swerte ng mamahalin mo promise!” Wika ko at bigla siyang nagpaalam.

“Mag-ss-s-si-CR m-muna a…ko saglit” nawika niyang utal-utal sabay biglang alis.

Sinundan ko siya ng tingin. Nakaramdam ako ng sakit sa mga pangyayaring aking nakita.

“Si Carlo nga ba talaga mahal ko?” tanong ko sa sarili ko. Minsanan lang naman kami nagka-usap pero bakit nasabi kong mahal ko siya?

“Hoy sis! Musta na! Long time no see tayo ahh…” sabat ng babae sa likod ko.

“Alex?! Ano nangyari sa iyo? Ang laki ng tiyan mo ahh… Buntis ka ba? Kaya ka ba nawala ng ilang buwan after ng first week ng pasukan?”

“Oo ehh. Gusto ko na ngang ipalaglag kasi may nagpapa-alala sa akin ng masasakit na pangyayari ehh.” Bigla siyang humagulgol. Ngayon ko lamang nakitang ganito si Alex. Taklesa kasi ang babaeng ito ehh.

“Huwag kang mag-alala akong bahala sa lahat gastos ng magiging anak mo. May maibibigay ako sa iyong matutuluyan mo huwag mo lang ipalaglag ang batang iyan. Kung ayaw mo sa kanya, ipamigay mo siya sa may gustong umampon sa kanya dahil wala siyang kasalanan.” Sabat bigla ni Clarence. Nabigla man ako sa kanyang sinabi bagkus ay inilihim ko na lamang iyon.

“Maraming salamat sa iyo ahh, pero teka sino ka ba?”

“Sis, siya pala si Clarence ang —” hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil bigla siyang sumabat.

“Boyfriend niya pala.” sabi niya sabay ngiti at kindat sa akin. Namula man ako sa ginawa niya ngunit nagtaka ako kung bakit biglang nag-change ang mood niya.

“Hindi ah!” agad na depensa ko.

“Maraming salamat ahh. Sige kayo na ang bahala sa kanya kapag nailuwal ko siya.” sabi niya sabay ngiti.

Umuwi na kaming lahat sa bahay. Pinatuloy na ni Clarence si Alex sa kanyang condong hindi ginagamit. Sa bahay niya talaga kasi siya tumutuloy. Pagdating naming ng bahay ay bigla ko siyang kinausap

“Hindi ba magagalit sila tita kapag nalaman nila ang ginagawa mo?”

“Kanino? kay Alex? Ang alam ko kasi minolestiya siya ng step-father niya kaya nalaman ko ang nangyari sa kanya. Co-member ko sa varsity ang nagsabi niyan. Inaalam ko kung anong background ng mga taong dumidikit sa’yo at nilalapitan mo.”

“Ang sweet mo naman talaga bhest! Pano mo ngayon sasabihin kila Tita Merly at Tito Rafael yan?”

“Sasabihin ko na gusto kong magkaroon ng sarili kong baby kaya kukunin ko na lang iyon.”

“Ganun? Buti papayag sila?!”

“Papayag iyan! Suportado naman nila ako lagi sa buhay ehh.“sandaling katahimikan ang namayapa,“Oh uwi na pala ako ah?! Goodnight. Alam mo napaghandaan ko talaga ung araw na ito yung lalapit ka sakin para baguhin mo ang sarili mo. Nagtabi ako ng ilang bagay na alam kong makakatulong sa iyo kaya hindi tayo nahirapan kanina.”

“Salamat talaga Clarence ahh.. Alam mo kung hindi ko alam na mag-bestfriend tayo, iisipin ko talaga na mag-boyfriend tayo. Sweet mo kasi ehh.” bigalng bulalas ko. Oh my F*****g mouth!

Isang napakatamis na ngiti at kindat lang ang pinakawalan niya at siya’y umalis na.

=======OoOoO========

Kinabukasan ay pumasok na ako ng school. Aba! Mga langhiyang ka-blockmates na to! Akala mo naman transferee ako ng school! Mga buwisit! Napapansin ko nga na nililingunan na ako ng mga taong nakapaligid sa amin. Mga hampas-lupang ’to! Itsura talaga ang pamantayan para makasabay ka sa buhay ng tao eh noh? Plus the fact na dapat hindi ka babakla-bakla o kaya’y tomboy dahil bubuli-bullyhin ka nila! Bakit? Di naman nila alam ang pinagdadaanan natin kung bakit tayo naging ganito hindi ba?

Pumunta ako sa isa sa mga pwesto sa library para mag-review tutal ay maaga pa naman. Finals na kasi naming. May narinig akong nagchichismisan tungkol sa pagbabago ko… Care ko sa kanila noh? Siguro sila na insecure sakin? Wahaha I’m so very bad na talaga! After kong mag-exam ay umalis na ako… papasok na sana ako ng room ng biglang may tumapik sa balikat ko…

“Hi Joshua! Nakakamiss ka na ah?!” Sabi niya.

“Hello! Ikaw kasi nagka-gf ka na kaya medyo naglagay ako ng distance baka kasi mafall na ko sa kasweetan mo ehh..” Sabi ko sabay pilit na ngiti! Ayokong mag-duwag-duwagan noh! May natitira namang tapang sa akin kahit papaano.

“Bakit ka biglang nagbago? Ayan tuloy mas pinagtitinginan ka sa school..” Sabi niya sabay pakawala ng ngiting nakakabighani! Hayy talaga nga naman ang buhay oo!

“Kasi lahat ng tao kapag nasasaktan, natututong magbago! Imbes na mapakalugmok ka, why don’t you try to change yourself? There’s no wrong naman diba kung magbabago ka para sa ikauunlad mo at syempre para mas matanggap ka ng mga tao sa paligid mo?!”

Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagka-tameme sa kanyang mukha… Marahil ay parang natauhan ang mokong…

“Pasensya na ahh… Kung nasaktan ko man ang feelings mo… Di ko sinasadya pero sana naman intindihin mo kung bakit nangyayari ang ibang bagay sa isang tao… May mga bagay kasi na hinuhusgahan natin agad base lang sa mga nakikita ng ating mga mata…. Malay mo kasi hindi nagustuhan ng taong iyon ang nangyari sa kanya ang malala pa pala ay may nasaktan pa siya…”

Mukhang ako naman tuloy ngayon ang natameme sa kanyang sinabi… Palibhasa nga naman hindi ko pinakinggan ang side niya… Pero bakit? Bakit niya pinagugulo ang isip ko? Mamaya ko na muna ito iisipin dahil baka maapektuhan pa ang aking pag-aaral noh! Importante ang Aral bago ang Landi… Pak! Ako na ang higit sa lahat ng bagay.. Hahahaha

Medyo nairaos ko naman ang exam ko… Plano ko sanang panuorin si Clarence kasi hindi pa ulit kami nagkikita… Pagpasok ko sa training court ay agad ko siya tiningnan at kinawayan at siyempre dapat ipakita ang teeth kong naging white na! Ahahaha.. Galing talaga nung dentistang yun! I’m so very proud of her ang dami niyang nababago ng buhay pati sila Belo…. Ahahaha Yung body ko Parang pera lang yan o kayamanan ehh… Apply mo ung saying sa body ko na “From rugs to riches” O diba bagay? Parang pwede-pwede sakin yun diba? Kung baga parang ako yung kayamanan na ibinaon sa lupa tas unti-unting hinanap hanggang sa nadiscovered ng mga taong minero! Ahahaha…. Sa sobrang isip ko hindi ko alam na tatamaan na pala ako ng bola ngunit nagulat ako ng may biglang humatak sa akin, pagtingin ko ay ang mukha ni Clarence ang nakita ng mga mata ko… Magsasalita sana ako ngunit bigla na lamang siyang umalis at kinuha ang bola…. Humarap siya sa akin, naglabanan kami ng titig…Tila nakikisabay sa amin ang buong paligid dahil bigla silang naglaho lahat at si Clarence lamang ang nakikita ko…Nang Makita ko ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata,lalapit na sana ako kaya lang ay mabilis siyang tumakbo papuntang court at bumalik sa laro… Bakit hindi niya ako pinapansin? Ang tanong sa aking isipan…

Ngunit gaya nga ng sabi ng iba ay “You can’t please everybody”…. Kahit na tinulungan niya ko isang araw ay hindi ko naman ito nakakalimutan dahil utang na loob ko ito… Hindi ko ugaling mamilit ng tao, alam niya iyan dahil alam ko sa sarili ko na kusang-loob ibinibigay ng tao ang bagay dahil nagmumula ito sa puso niya…

=======OoOoO========

Buwan ang lumipas simula nang mangyari ang insidenteng iyon… Napakasakit mawalan ng isang kaibigan lalu pa’t siya ang nakasama mo mula pagkabata… Medyo hindi ko na rin nakikita pa si Carlo tingin ko’y nahihiya itong lumapit sa akin… Haller?! Sino naman ang hindi mahihiya kung nagkaroon kayo ng encounter last time???Pero ang maganda sa akin ay hindi ako marunong magtanim ng galit sa tao… Iyan ang turo sa akin ni mother dear kaya nakaugalian ko iyan…

Sinusubaybayan ko na lang mula sa malayo si Clarence. Palaging malalim ang iniisip at tulala, tumatawa sa harap ng mga ka-varsity niya pero hindi siya Masaya… Alam ko ang bagay na iyan dahil para saan pa’t naging magkaibigan din kami sa isa’t isa.

Ano nga bang ginawa ko? Wala…

Alam ko kasi darating ang araw na kung saan ito ang mag-aayos ng lahat… Tulad nga ng sinabi ko, hindi dapat pinipilit ang mga bagay-bagay dahil para ka lamang naghahatak ng goma gamit ang dalawa mong kamay, pag pinilit mong hatakin ang magkabilang gilid ay masisira lamang ito, at ang matindi pa diyan ay masasaktan ka…

Kain, Aral,Tulog , iyan ang naging routine ko sa ilang buwan na lumipas… Wala ehh… Hindi ko rin naman mabisita si Alex dahil nasa pangangalaga siya ni Clarence…

=======OoOoO========

Habang naglalakad ako pauwi ng araw na iyo ay nahagip ng mga mata ko na magka-usap ang dalawa. For the first time! Nagka-usap sila. Akala ko nawala na si Carlo… Gusto ko sanang marinig ang pag-uusap nila dahil nacurious ako kaya lang biglang may nanghatak sa kamay ko…

“Hoy bakla mag-usap tayo…” saad ng isang babae..

“Bakit?Anong kailangan mo?”

“Layuan mo si Carlo…Ayokong nakikita kang kinakausap mo siya…” ang mataray na sagot nito.

“Bakit?Ano naman care ko sa kanya?FYI lang noh, matagal nang walang communication between us. Baka naman inggit ka sakin kasi kahit kayo na, sakin parin siya nakatingin am I right?” tanong ko sabay ngisi. Aktong sasampalin niya ko ng biglang may sumabunot ng buhok niya..

“Huwag na huwag mong kakantiin ang kaibigan ko okay? Masyadong maKathy ang pangalan mo kaya bagay sayo yan!” Nagpumiglas si Kathy at biglang lumayo sa amin.

“Magsama kayong dalawa, ikaw babae, akala mo ba hindi ko alam kung anong nangyari kung bakit ka nabuntis ha? Sige, malaman ko lang talaga na nilalandi mo si Carlo, mamamatay ka! Tandaan mo yan!”

Umalis bigla si Kathy ngunit nakarinig ako ng sigaw mula kay Alex.

“Ahhhhhh, sakiiiiit!!!!” Shit! May dugong tumatagas sa hita niya pababa….

“Tulong! Tulungan niyo kami!” sigaw ko ng malakas na nakakuha agad ng atensyon ng dalawang lalaki nag-uusap malayo sa amin….

Lumapit agad sila upang tumulong. Binuhat ni Clarence si Alex at isinakay sa Kotse. Pilit naman akong kinakalma ni Carlo ewan ko kung pano niya nalaman na takot akong makakita ng dugo.

Pagkarating sa ospital ay inasikaso bigla si Alex… Nagulat ako dahil pinapapili kami ng doctor kung sino ang pipiliin ngunit agad nagsalita si Clarence at sobra akong nagulat sa sinabi niya. “Ang bata po ang buhayin niyo.” Binigyan ko siya ng isang nag-tatakang tingin…

“Iyan ang gusto niyang mangyari nuon pa man… Napag-usapan naming iyan…” At bigla na lamang ako napahagulgol. Siyempre noh! Bestfriend ko kaya iyan… Girl Bestfriend kung baga…

“Hindi ko man lang siya nabisita nuong nagdadalang-tao siya. Inuna ko pa ang galit mo sa akin kaya hindi ako makalapit”

“Huwag kang mag-alala, naiintindihan niya, ito pa nga ang sulat niya oh.. Tsaka gusto ko ring humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa iyong kasalanan” sambit niya…

Natigil ako sa pag-iyak ng basahin ko ang liham niyang inialay niya sa akin… Sabi niya naiintindihan niya daw kung bakit hindi ako makapunta kaya ipinagdarasal niya ang aking kaligtasan at ang magiging buhay ko sa hinaharap… Nawa’y mahanap ko rin daw ang taong wagas na magmamahal sa akin…

Sobra akong na-touch sa sinabi niya.. Nang biglang nagsalita si Carlo..

“Mauuna na ko sa inyo ahh… Baka kasi may mangyaring hindi maganda kapag nagtagal pa ako dito ehh.”

Alam ko kung ano ang tinutumbok niya… Bago siya umalis ay tinitigan niya akong maigi. At tinanong ako “Pwede ba kitang mayakap ng mahigpit?” Pumayag naman ako… Napakahigpit ng yakap niya sa akin at nararamdaman kong basa ang bandang balikat ko dahil sa laway este dura ayy mali dahil sa luha niya… Drama na nga nanloloko pa ehh noh!!! Hanggang sa lumuwang ang yakap niya at dali-daling umalis…

“Sorry.” Ang sabi naman ni Clarence. “Sorry kung nilayuan kita bigla, kung nasaktan ka dahil lumayo ako… Bhest kasi tingin ko talaga unang kita ko palang sayo nung bata tayo, gusto kitang alagaan palagi, gusto kong kasama kita palagi, yokong napupunta sa iba ang atensyon mo.. nung una akala ko gusto ko iyong gawin dahil wala akong kapatid. Pero nang malaman kong nagkakagusto ka na sa iba, Alam kong nakaramdam ako ng sakit, dahil alam kong mawawala ka na, dahil alam ko na hindi ka na sasama sa akin, at dahil alam kong iiwan mo rin ako… Ayokong iwan ako ng mahal ko… Joshua bigyan mo ko ng isa pang pagkakataon… Kahit kaibigan tatanggapin ko… Huwag ka lamang mawawala sa akin… M-m-mahal kasi kita ehh”

At tila isa siyang isang robot na nagbreakdown dahil hindi na niya kinaya ang emosyon na nararamdaman niya… Gusto kong maramdaman ang yakap niya kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Binalik niya rin naman sa akin ang yakap na iyon… Hanggang sa nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Hinalikan niya ko… Hinahanap ko ang pakiramdam na gusto kong maramdaman noon… Alam ko sa sarili ko na minahal ko siya ngunit sa mga oras na ito ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko… WALA… wala akong maramdaman… Dahil ba minahal ko siya??? DATI? Ibig sabihin si Carlo na? Agad akong bumitaw sa yakap niya at siyempre sa halik niya. Binigyan ko siya ng isang malungkot na titig.

“Pasensya ka na Clarence, alam ko sa sarili kong mina—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil napaiyak siyang bigla ngunit ngumiti ng pilit…

“Masaya ako sa iyo Joshua, dahil ngayon naramdaman mo na rin ang pag-ibig gamit ang puso… Alam kong gusto mo lang siya noon dahil sa nakita mong pisikal… Aminin man natin o hindi… Ang mukha talaga ang pinagbabasihan ng tao sa pagmamahalan hindi ang ugali nito… O siya, habang nasa labas pa siya, habulin mo na…” sabay bigay niya ng isang pilit na ngiti…

“Friends?” tanong niya sabay lahad ng kamay.

“Bestfriends”Sabi ko sabay ngiti…

Tumakbo agad ako palabas ng ospital… Pumunta ako kung saan-saan…..Ang hirap hanapin ahh… Kaynis.. Pagod na ko… Lord tulungan mo naman ako! Para sa ikaliligaya ng anak mo ito! Give me a sign…

“Papa gutom na ko :(” narinig ko na sabi ng bata sa kanyang ama

“San mo ba gusto anak?”

“Pa tulad ng dati sa McDo… Sige na please…”

Bigla akong natameme sa sinabi ng bata… Ang bilis ng reply ni Lord! Lord Thank You po sa tulong ninyo… Yung kaligtasan ko na lang ang kulang….

Dali-dali akong sumakay ng jeep papuntang McDo para mas mahabol ko siya.

Mukha niya agad ang hinanap ko sa loob ng McDo… Hinanap ko siya sa buong sulok ng ng naturang fastfood chain… Ngunit wala…. Papano ko siya hahanapin nito? At dahil gutom na gutom na ako ay agad na kong pumila… Mukhang hindi ata naging panig sa akin ang tadhana ngayon… Ako na sana ang oorder ngunit siningitan ako ng tao sa likod ko… “Kainis naman >.< Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas ehh!” medyo may pagkamalakas kong sabi… Napatingin tuloy sa akin ang babae sa cashier at ang mga taong nakapila din para umorder… Pero kainis pa rin hindi man lang ako pinansin nung buwisit na lalaki… Hanggang sa nag-order na siya…

“Ahh miss paorder po ko ng isang taong mamahalin ko habambuhay… Ano kasi yung taong yun ehh tighiyawatin dati ang mukha tapos ngayon Makinis na, nag-ayos siya ng sarili kasi nasaktan ko siya dati… Alam mo ba miss mahal na mahal ko yung taong yun hindi dahil sa itsura niya… Ang sarap kasi niya kasama ehh… Yung tipong walang dull moments pag kasama ko siya… Parang ginayuma nga ko nuon ehh.. Kaya lang isang araw dumating yung babaeng muntik nang sumira ng buhay ko. Kathy pangalan niya. Kasi nilasing ako noon isang araw nang ayain ako ng kaibigan ko sa birthday party niya.. Pinipilit na panagutan ko daw ang anak niya dahil may nangyari daw sa amin.. Eh wala naman talaga akong maalala eh.. Kaso sa awa ng Diyos dumating yung tunay na ama ng dinadala niya kaya tinulungan niya ko para makawala sa kamay ng babaeng iyon.. Ngayon miss pwede ko po bang makuha ang order ko???” sabi nung lalaki sa harapan ko… Tae naman kasi ang daming pakokak! May pagnun-ganun pa….

“Sige sir, basta ba aalagaan niyo yung bayaw ko at siyempre tutulungan mo ding makatapos ng pag-aaral yan.. Ahahahaha”

“Ate Candy??? Wahhh!!!! Ba’t ngayon ko lang naisip na nandito ka nga pala nagtatrabaho!”

“Ikaw kasi anak masyadong malalim ang iniisip mo! Ke bata-bata mo pa, landi na agad ang nasa isipan, diba sabi sa’yo mag-aral ka muna???” Ang tanong ni Mama na nasa likuran ko.

“Oo nga kuya! Hmmpp! Daig mo pa ko, eh mas maganda naman ako sa’yo! Anong ginawa mo diyan kay kuya Carlo???” ang sabi naman ng kapatid kong si Jenny

“Ha? Sorry ka mas maganda kuya mo!” Sabi ko at sabay-sabay nagtawanan ang buong pamilya ko…

“Ahm tita pwede po ba kami lumabas ni Joshua sandali?” Tanong ni Carlo sa magulang ko at saka sa mga kapatid ko din…

“Oo naman anak basta ba’y pananagutan mo ang dadalihin niyan ahh…”

“Bayaw gamit kayo ng condom para safe ahh” biglang banat ni Kuya John na agad naman ikinapula ng mukha ko…

“Umm…” Hinampas ni Ate Candy si Kuya ng tray.. buti nga hahaha… “Nagsalita ang hindi malibog…” sabi ni ate wahahaha…

“Ayy ate wag mong ilaglag si kuya! Hindi pa nga kayo makabuo ehh hahahha..“Sabat naman ni Jenny…

“Hoy ikaw anak ha, yung bunganga mo! Kababae mong tao ehh… Sige na Carlo umalis na kayo at baka kung ano pa masabi ng mga damuhong ito…” Sabi ni inay

Lumabas kami ni Carlo at bumalik kaming muli sa ospital.

“Anong gagawin natin dito? Eh diba kagagaling lang natin dito kanina?” tanong ko sa kanya…

“Hantay ka lang dyan babe” sabi niya na may kasamang ngiti’t kindat

Pucha naman oh! Ang gwapo naman ehh!!! Pumunta kami sa room kung saan matatagpuan ang baby ni Alex… Nasalubong namin doon si Clarence karga-karga ang anak niya…

“Oh andito na pala kayo!” sambit ni Clarence sa amin na halatang galing sa pag-iyak kanina…“Eto nga pala Joshua ohh.. Sa’yo gustong ipagkatiwala ni Alex ang anak niya dahil alam niyang ikaw daw ang karapat-dapat diyan kasi naging tapat kang kaibigan sa kanya…” sabi niya

“Ahh ehh bakit?”

“Ewan ko!” Sabi niya sabay kibit-balikat. “Dapat kasi tayo magiging magulang niyan kung tayo ang magkakatuluyan pero imposible ehh…” sabi niya sabay ngiti ng pilit…

“Pasen––”

“Hindi okay na ko! Kailangan ko lang siguro ng time bago maghilom ang sugat ko…” sabi niya… Ano ba naman ’to parang Cargo de konsensya ko pa ito ahh…

“Maraming salamat ahh…” ang nasabi ko na lamang sa kanya sa kabila ng pagsasakripisyo niya mapaligaya lang ako… Deserve niyang sumaya, sana maging Masaya na siya…

“Walang anuman… Para sa ikaliligaya mo” Sabi niya sabay pakawala ng isang ngiting totoo hudyat ng pagsisisimula ng paghilom ng sugat niya…

“Ahh sir, yung baby po akin na, ilagay ko lang po sa incubator…” saad ng isang nurse na lalaki papalapit sa amin ehh malay ba naming may madulas na part dito kaya muntik na siyang matumba, mabuti na lamang at nasalo siya ni Clarence…

“Uuuuuyyy I smell something fishy babe!” sabi ni Carlo

“Ul*l” biglang bulalas ni Clarence…

=======OoOoO========

“Namatay si mommy mo dahil sa panganganak. Bata pa kasi siya kaya tingin ko hindi niya kinaya.”

Sabi ko kay Trish.

“Aaahhhh so ibig sabihin dun din nagkakilala sina Tito Clarence at Tito Gelo?”

“Hahaha.. Oo anak, hindi sila magkaka-kilala kung hindi natapilok ang tito Gelo mo..”

“Ang cute naman ng story niyo papa… Thank you po sa pagkukuwento Papa… Joke ko lang po pala yung project! Curious lang ako sa love story niyo haha!”

“Pasaway kang bata ka ha!!!” Sabi ko at napangiti na rin… Manang-mana sa nanay niya! Hahahaha….

“Daddy sweet mo naman pala kay Papa tsaka siyempre sakin din pala dapat ka palang bigyan ng hug…. Sali ka din Papa” sumali na din ako sa pagkakataong iyon.

Masasabi kong kumpleto na talaga ang buhay ko. Kinumpleto ni Carlo ehh. Araw-araw hindi siya nagsasawang iprove sa akin kung gaano niya ako kamahal ng sobra… At syempre kailangan ko rin ireciprocate iyon… Hindi naman pwedeng give lang siya ng give…. at lalo namang hindi pwedeng take ako ng take!!!

Nakapagpatayo kami ng sarili naming school… Sobrang yaman ng pamilya ni Carlo, nagpatayo sila ng Isang school para sa mayayaman… Pero dahil sa bait niya, nagpatayo siya ng isang school din para sa mga taong hindi afford na mapag-aral ang mga anak nila… Iyon ang advocacy na pinagtutuunang-pansin ngayon ni Carlo… Sakin naman niya pina-manage yung school nila… Mahirap para sakin dahil nangapa pa ako sa simula pero hindi ako makapaniwalang napamahalaan ko ito ng maayos at nirerespeto din ako ng bawat estudyanteng nandoon hindi lang dahil sa may pwesto ako kundi dahil nakita nila kung gaano ako kadedicate na mapaganda ang school nila… At syempre naging open issue na rin sa kanila ang pagiging mag-asawa namin ni Carlo… Kung tatanungin nito naman si Trish kung saan nag-aaral ay duon sa pa rin sa school na pinag-aralan ko ng ka-age ko siya.. Siya may gusto na mag-aral sa public school ehh … Hindi ko siya pinigilan bagkus ay sinuportahan ko na lamang siya…. Naging maayos na rin ang buhay ng aking pamilya… Sadyang napakabait ng aking asawa…Pilyo man at may pagka-childish si Carlo minsan, Who Cares! part yun ng relationship, ang acceptance. nawa’y nagustuhan niyo ang istorya ng lovelife ko.

“Gawa tayo baby babe” banat ni Carlo. Mabanatan nga. “Behave ka nga diyan.” sabi ko. “Narinig ko yun Daddy ahh.. Bad yun.” sabi ni Trisha at sabay kaming dalawa ni Carlo na tumawa…

THE END

Sa Bus

(Pasensya na po ahh. Ito lang po nakayanan kong ipost ngayon. Hindi rin naman naman po sapat ang oras na ito upang makapag-ud ako ng series hehe. Pasensya na po kung biglag tumahimik ang page. Pasensya talaga.)

Ang init! Ang nasabi ko sa sarili ko kahit ako’y nasa loob na ng isang airconed bus. Totoo naman kasi. Kanina habang naghihintay ako ng masasakyan ay sobrang init na. Mabuti na lamang at marami pang upuan ang bakante.

Tumigil na naman ang bus at saka pumasok ang daan-daang pasahero.

“Oh maluwag pa! Maluwag pa! Kasya pa bente!” Sigaw ng kunduktor sa labas.

Putangina! Bente?! Seryoso ba siya? Eh halos hindi na nga makahinga ang ilang pasaherong nakatayo eh. Palibhasa at rush hour ngayong mga oras na ito. Naramdaman ko na lamang na may gumitgit sa akin dahilan upang mapaupo ako sa dulo. Badtrip iyong dalawang naniksik sa akin ah.

“Patabi kami JM ah.” Ang narinig kong sabi ng aking katabi kahit pa mahina ito. Dahil naman sa aking inis ay muntik ko na itong sabihan kaya tumingin ako sa aking kanan upang tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon dahil pamilyar ito sa aking pandinig.

Chinito na katamtaman ang laki ng katawan. Hindi ko alam ang style ng buhok basta kulay dark brown ang kulay. Makinis ang mukha at may kaputian ng kaunti. G! Totoo ba itong nakikita ko? Ang taong crush ko for how many years ay nakasabay ko sa bus! Ang taong unang nang-reject sa akin dahil hindi daw siya pumapatol sa tulad ko. Ang lalaking naging kaclose ko dahil nalaman niya ang aking sikreto.

“Oy kuya Carlo! Kumusta?” Ang nasabi ko habang nakangiti. Biglang kumabog ang puso ko nang makita ko siya. Ano ba iyan, bakit biglang nagtatatambol ang puso ko? ‘May feelings pa rin ba ako for him? Hindi na puwede. Hindi na dapat.’ Sabi ko sa aking sarili.

“Okay naman ako. Akala ko hindi mo na ko kilala hehe. Mukha ka kasing beastmode kanina sa akin eh. Ah, siya nga pala, si Dianne, Gf ko.”

“Ahhh. . . Hell-o.” Ang bati ko sa babae sabay ngiti. Mukha akong baliw, ngiti ako ng ngiti. Ito namang si kuya Carlo eh nakatingin lang sa akin na tila tutunawin ako. Take note ngiting-ngiti pa siya sa akin.

“Hi.” Tipid na sabi ng babae sabay irap sa akin. Oh my. May mali ba sa sinabi ko? Grabe siya huh.

Tumahimik na lamang ako sa aking puwesto at nagsuot ng headphones upang makinig sa music.

ISO 931, bilisan mo malapit-lapit na.

Message sent.

Nakita ko namang tumayo ang babae pagkatapos ay tumingin kay kuya Carlo at sa akin. Sa akin? Bakit naman? Nakita kong nagkiss sila. Ano to? Live show? Kailangan ipakita sa harap kong nag-kiss sila?

“Bye Ate!” Ang sinabi ko na lang sa babae at umalis na ito.

“Bye kuya Carlo!” Ang sabi ko sa aking katabi.

“Baliw!”

“Bakit?”

“Hindi pa ako aalis no. Malayo pa ko, natatandaan mo pa naman diba?”

“Alam ko! Eh bakit hindi mo siya samahan?” Inosenteng tanong ko.

“Eh kasi kaya na niya ang sarili niya. Tsaka, LQ din kami eh.”

“Ahh. . .”

Nagdaan ang katahimikan sa aming dalawa nang ilang saglit dahil nagtanong siya.

“Natatandaan mo pa ba?”

“Ang alin?”

“Na kaklase ko kuya mo noong fourth year kami, tapos second year ka pa noon.”

“Oo naman haha. Para kang baliw.”

“Eh iyong alam ko preference mo kahit hindi alam ng kuya mo?”

“Oo naman. Eh ikaw? Naaalala mo pa ba na ni-reject mo ko nun kasi sabi mo straight ka?”

“Hahahaha. . . Malamang. . . Eh nung Christmas party, naalala mo bang nagpapicture ka sa akin nun pagkatapos tinabi mo ung picture nating dalawa para may remembrance ka?”

“Siyempre naman! Nasa cp ko pa nga siya hanggang ngayon eh. Hahaha.”

“Eh nung graduation, naalala mo bang nagpapicture ako sa’yo tapos aksidenteng nakiss kita sa cheeks dahil may humatak sakin bigla?”

“HAHAHAHAHA oo naaalala ko lahat ng iyon.”

“Eh bakit nung college na kami, hindi mo na ko pinansin?”

“Issue mo kuya, siyempre nag-aral ako nun ng mabuti.”

“Kahit noong? 4th year ka na?”

“Oo, valedictorian pa nga ako noon diba?”

“Eh bakit ngayong college years mo, hindi ka man lang nagparamdam?”

“Busy din kasi kuya. At saka naglalike naman ako ng photos and posts mo kaya updated pa rin ako sa buhay mo.”

“Eh, bakit ako hindi ako maka-update sa buhay mo? Wala akong makitang posts mo, current dp mo nga lang nakikita ko sa photos mo eh, tapos hindi ko pa malike.”

“Nakaprivate kasi profile ko ngayon eh.”

“Dahil–?” Taena kino-corner niya ako ahh. Naiinis na ako, baka mag-burst out ako sa kanya.

Mabuti na lamang at biglang prumeno ang bus at may sumakay na isa sa harap. Nakita kong luminga-linga pa ito sa loob na tila may hinahanap na bagay at nang mapadako ang tingin sa amin ay ngumiti siya pagkatapos ay lumapit sa kinaroroonan namin at umupo. Ang nangyari ay napaggitnaan ako ng dalawang lalaki.

Hinalikan ako ng lalaki sa aking pisngi pagka-upo nito. Napatingin tuloy ako sa aking kanan at nakita ko ang nanlalaking mata ni kuya Carlo. Ang cute haha. Ang chinito tapos magugulat hahaha.

“Bat ka humalik? Haha kakilala ko pa naman katabi ko ngayon.” Sabi ko sa lalaki.

“Ay ganun ba? Sensya na jayjay. Pre sorry sa nakita mo ah, sana manatiling lihim lang sa atin kung anuman ang nakita mo.”

“Oo, oo. May boyfriend ka na pala, JAYJAY.” Pagdidiin niya sa palayaw na tawag sa akin ng katabi ko.

“Oo haha, iyon sana ang sasabihin ko kanina kaso nahiya lang ako haha. Ay siya nga pala kuya, pahingi nga pala ako ng number mo para magkaroon tayo ng communication.”

“’Yun pa rin naman number ko, hindi ako nagbago. Ikaw ba, nagbago ka ba?” Ang tanong niya sa akin habang nakatingin sa akin na parang nagmamakaawa.

“Ahh, oo. . . Text ko na lang cp mo mamaya kuya ahh hehe.” Ang nasabi ko na lamang pagkatapos ay humilig ako sa braso ng aking katabi at hinawakan ang kanyang kamay.

Nabalot na naman ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Actually, tatlo na kami haha. May dumagdag kasi eh.

“Ahh, bababa na ako, JM, pre.”

“Akala ko ba malayo pa bababaan mo?”

“Ahh, m-malayo este m-may nakalimutan kasi ako eh, babalikan ko na lang siguro.”

“Ah, ganoon ba? Sige Ingat, text text na lang. Ah siya nga pala bago ko makalimutan, kuya Carlo siya nga para si Chris, haha. Nakalimutan kong ipakilala kayong dalawa. Nagtext na pala ako sa number mo, save mo na lang hehe.”

“O sige sige paalam na. Nice meeting you.” Tipid na ngiti nito pagkatapos ay bumaba na sa bus.

“Hmm.” Wika ng aking katipan.

“O bakit?”

“May hindi ako nalalaman sa pagitan ninyong dalawa.”

“Hehe, kukwento ko siya sayo sa susunod Chris.”

“May dapat ba akong ikaselos? Nako, kung hindi siguro ako naging masahista malamang hindi kita makikilala.”

“Hahaha wala kang dapat ikaselos dun no. Ikaw naman mahal ko eh. Crush ko lang yun hihihi.”

“Sama naman, alis na lang nga ko.” Sabi nito habang nakapout ang labi.

“Joke lang kaw talaga.” Ang sabi ko sabay hilig sa braso nito upang manglambing. Hinayaan na lamang niya ako sa akibg ginagawa dahil tila gusto niya rin naman ang ginagawa ko sa kanya.

Habang hinihintay namin makarating ang bus sa aming pupuntahan ay biglang tumunig ang aking cp dahilan upang buksan ko ito at basahin ang message na dumating.

“Hindi mo ko pinigilang bumaba. Nag-iba ka na talaga

frown emoticon

. Hindi bale, hihintayin ko ring mag-break kayo tapos kukunin kita sa kanya hehe. Love you bunso

kiss emoticon

kiss emoticon

kiss emoticon

“G! Anong gulo na naman ito? Kainis naman oh! Bakit ko ba siya kasi nakasabay?” Sabi ko sa sarili ko.

The End

Sa Bar

(Masyado ata kayong nabitin sa una haha… plano ko talaga, kayo na bahala gumawa ng ending sa sarili ninyo kaso prinovoke nio ko eh… Joke lang. Pasensya na kayo guys kung ito lang nakayanan ko ahh. Tiyagain nio muna tong basahin kahit di maganda hehe… Enjoy this story guys!)

“Happy Birthday best!” Ang panimulang bati ko kay Juster nang makarating ako sa bar na pagdadausan niya ng kanyang kaarawan.

“Oy! Pumunta ka pala dito! HAHAHA, akala ko hindi ka pupunta dahil ayaw mo sa venue!” Nakangiti nitong sabi sa akin.

“Hindi naman pupuwedeng umabsent ako sa birthday mo no! At saka acoustic bar lang naman itong venue eh kaya magandang place na rin para mag-relax.” Ang nakangiti kong bati sa kanya.

“Wushu! Maniwala naman ako sa’yo, if I know, pumunta ka lang dito kasi gusto mo siyang makita HAHAHA. . . Anyways, papunta na daw sila!” Ang nakangiti nitong pahayag.

“Sila?”

“Oo, sila-silang magbabarkada. Tinext kasi ako Louie. Ang sabi kasi niya, dapat kasi nagsabay-sabay na lang tayo ng pagpunta dito eh hindi naman ata puwede yun, tutugtog si hubby tapos wala ako.”

“Eh bakit? Nasan na ba si Kyle?”

“Ayun oh! Bulag naman nito. Nag-seset-up na sila.”

“Ay, sorry naman. HAHAHA. Atleast diba kahit pano makukumpleto ulit barkada natin?”

“Oo naman! Oh, nandyan na pala sila!”

Pagkasabi ni Just sa akin ng mga katagang iyon ay napalingon agad ako. Napangiti ako bigla. Makukumpleto ulit ang barkada naming ipinanday sa loob ng ilang taon. Ilang taon kung saan hindi kami palagi nagiging kumpleto marahil ay busy sa kani-kaniyang aspeto ng pagpapadalubhasa. Malamang sa ngayon ay puwedeng-puwede na kami makumpleto sapagkat anim na taon na din ang lumipas. Malamang ay may trabaho na ang lahat sa amin.

Una kong nakita si Louie. Sa tingin ko’y nobya niya ang kanyang kasama dahil sa nakita kong magkahawak sila ng kamay. Gayundin naman ang sumunod, si Angela kasama ang matagal na nitong boyfriend na si Jonathan. Si Miguel na may bagong girfriend. Si Alex na may kahawakan na rin ng kamay. At ang panghuli kong nakita ay si Jasper kasama ang girlfriend niyang si CJ at kasama nila si JM. Teka? Totoo ba ito? Si JM? Pagkatapos ng anim na taon ay ngayon lamang ulit kami nagkita. Ni hindi man lamang niya sinagot ang pambungad na itinext ko sa kanya.

“Teka, teka guys ah!” Singit ni Juster pagkarating ng lahat sa table namin.

“Ano na naman yan Juster?” Sabi ni Angela.

“Sinabi ko bang bring your own couples sa party ko tonight? Bakit kasama ninyo silang lahat?” Ang naguguluhang pahayag nito.

“Hindi naman puwede kasi na kami-kami lang ang pumunta dito no. Baka pagdudahan kami, at saka para magkakilala na rin tayong lahat dito. Ang tagal na din kaya simula ng makumpleto tayo. Siya nga pala guys, meet Sam, girlfriend ko.” Ang isiningit agad ni Miguel pagkaupo pa lamang naming lahat.

“Eh teka guys. Kasi si ano walang nadala.” Ang nag-aalalang tugon ni Juster.

“Sino?” Si Alex

“Si ano nga.” Si Juster

“Sino nga? Kulit.” Si Jonathan

“Si –”

“Oo na! Ako ata pinapatamaan mo bes eh. Wala akong nadala ok? At saka wala din naman talaga akong madadala dahil wala pa kong bagong gf.” Ang sabi ko sa kanilang lahat.

“Seriously? After so many years, wala ka pa ring gf? Teka, eh kumusta na kayo ni Anne?” Ang naguguluhang tanong ni Jasper habang nakangisi.

“Break na kami, four years ago pa. At saka Dianne ’yun, ulol. Di Anne ’yun. Dadagdagan mo pa listahan ko eh.”

“Eh baka naman kasi may hinihintay ka?” Pambubuyo sa akin ni Juster. Kita ko namang nagsipagngisian silang lahat habang lihim na natatawa. Tiningnan ko ang ekspresyon sa mukha ni JM at napansin kong nakikitawa rin ito.

“W-wala ah!” Sagot ko.

“Wag kang mag-alala Carlo, kami na ang nagdala sa kanya dito HAHAHA. . . Aray!” Ang sabat ni Jasper ngunit agad naman siyang kinurot ng kasintahan.

“Let’s shot nga muna guys! HAHAHA, ay kain pala muna tayo bago uminom, sagot ko lahat for today!” Sabat naman ni Juster.

Pagkasabi ni Juster ay inihain na sa amin ang iba’t-ibang pagkaing inorder niya. Mayroon siyang inorder na sizzling tofu, sisig, sweet and sour pork, at siyempre spaghetti. Ayaw daw niya ng pansit at palabok dahil mukha raw siyang matanda kapag iyon ang inorder niya. Hindi naman nakatakas ang pag-order niya ng kanin at pag-order ng bottomless iced tea.

“Teka, teka ang yaman mo ata ngayon Juster ah! Anong meron?”

“Gago minsan lang manlibre yan lubos-lubusin na natin.” Pang-aalaska ko naman.

“Ang Ulol niyo! Siyempre pagkain lang maililibre ko sa inyo no! Kayo sumagot mamaya ng inumin!”

“Ah, eh! Guys! Ako na lang sasagot ng inumin mamaya.” Ang tila nahihiyang pagsingit ni JM sa kanilang lahat habang nakangiti ito. Agad naman sana ako sasagot nang biglang bumanat si Louie.

“Oh Carlo, manlilibre daw si JM, hatian mo naman!” Pang-aasar ni Louie na tinawanan naman ng lahat.

“HAHAHA Oo nga! Hatian mo ’yang anak-anakan ko kahit big time na ’yan. HAHAHA.” Sabi naman ni Angela.

“Oo na! Ako na sana magsasabi kanina eh. Inunahan mo lang akong gago ka eh!” Sabi ko sabay duro kay Louie.

Nagkamustahan kaming lahat. Nagkakuwentuhan. Marahil ay isa ito sa senyales na namiss namin ang isa’t-isa. Kami lamang ni JM ang walang kasamang iba. Pagkatapos ng ilang oras naming pagkukuwentuhan ay nagsalita ang bokalista slash lead ng banda na boyfriend ni Juster. Binati niya ang bff ko ng happy birthday at kinantahan. Pagkatapos nilang kumanta ay nag-break sila ng kaunti upang pumunta sa puwesto namin. Kasabay ng pagpunta ng Bf ni Juster ay pumunta ang waiter sa table namin at inilapag ang blueberry cheesecake na paboritong-paborito ni Juster. Kinantahan namin siya ng happy birthday at naluha naman siya nang mag-propose sa kanya ang kanyang boyfriend.

Nakakatuwang isipin na lahat sila ay nagiging successful na sa buhay kasabay na rin ang pagkakaroon nila ng kanilang lovelife. Ako kaya? Kailan kaya ako magkakaroon? Nahintay niya kaya ako? May pag-asa pa ba kaya ako? Sila pa rin kaya ng ipinakilala niya sa akin? Iyan ang mga tanong na kusang pumapasok sa isipan ko.

“Oh guys, baka may gustong kumanta sa inyo sa stage, tatanggap kami ng duet, sino gusto?” Wika ng boyfriend ni Juster.

“Ay ako Kyle! Gusto ko! Duet kami ng anak ko!” Nakangiting sabi ni Angela na siyang nagpagulat kay JM. Huli ko nang nalaman na ninanakawan pala niya ako ng ngiti. Bingo! Ang nasabi ko sa sarili ko. Nakita ko namang nag-usap ang dalawa. Marahil ay nagtatanungan sila kung ano ang kanilang kakantahin.

Hinati-hati ni Juster ang mga cake at isa-isa kaming binigyan. Siyempre nagtira siya ng cake na kakasya para sa dalawang kakanta at para sa banda.

“Hey guys! We’re back!” Panimula ni Kyle na siyang hiniyawan naman namin.

“Ok, so may guest nga pala kami for today, dalawa sila at kaibigan sila ng aking minamahal na fiance.” Marami namang kinilig sa pahayag ni Kyle. Maging si Juster ay mababakasan mo ng pagkakilig dahil namumula na rin ang mukha nito.

“Hindi ko na patatagalin pa! Let’s all welcome Angela and JM!” Ang sabi ni Kyle na sinabayan namin ng hiyaw.

“Go My Loves! Wooooh! I love you!” Ang sigaw ni Jonathan na nakatanggap naman ng batok galing kay Louie.

“I love you too babe!” Ang sabi naman ni Angela kay Jonathan.

“Ah, goodevening guys! Ako po si Angela at siya naman si JM. Nandito po kami sa inyong harapan upang handugan kayo ng kanta for tonight. . . Hindi na po namin papatagalin guys, dahil ang kantang kakantahin namin ay patama ni JM sa isa sa aming kasama sa likod.” Ang sabi ni Angela na nakapagpabilis ng tibok ng aking puso. Nakita ko namang kukurutin ni JM si Angela subalit nakakaiwas naman ito.

“Ah, guys, pasensya na po kayo at wala po talaga akong papatamaan, lalo na sa likod. HAHAHA, ienjoy niyo na lang po ang performance namin for tonight. Again, goodevening everyone! Sabayan ninyo kami ah!” At pagkasabi niyon ni JM ay nagintro na ang banda. Ang ganda ng kanilang kakantahin. Napakasoft at masyadong maramdaming kanta. Paano ba ang magmahal ang kanilang kakantahin. Ang kanta sa pelikulang The Breakup Playlist nila Sarah Geronimo at Piolo Pascual. Napansin ko namang natahimik ang aming barkada at ang buong bar. Ang banda lamang ang maririnig mo sa mga oras na iyon. Pumasok na si Angela sa pagkanta bilang panimula.

Heto na naman ako, Nag-aabang ng bago sa istorya ko Paulit-ulit na lang, paulit-ulit na lang

Pagkatapos awitin ni Angela ang unang stanza ay pumasok naman si JM.

Heto na naman ako Tinitignan sa’n nagkamali ang puso ko

Parang nangungusap ang mga mata ni JM sa akin sa mga oras na iyon, parang ako ang kanyang inaawitan.

Parang walang katapusan Walang katapusan

Pagkatapos niyang awitin ang part niya ay tumngin silang dalawa ni Angela sa isa’t-isa at sabay na kumanta.

Kahit pilitin pa ang sarili Ibigin ka mali, ako’y mali Ako’y mali

Pagkatapos noon ay tumingin siya sa lahat ng tao at itinutok muli ang tingin sa akin. Tila kaming dalawa lamang ang nasa lugar na iyon.

Paano ba ang magmahal Palagi bang masasaktan Umiiyak na lang palagi Gusto ko nang lumisan

Paano ba ang magmahal Kailangan bang masasaktan Lagi na lang di maaari Ngunit ayaw lumisan

Hindi binibitawan ni JM ang kanyang tingin sa akin. Tila matutunaw naman ako sa kanyang titig.

Heto na naman ako Parang hindi nadadala ang puso ko

“Tingin ko, gusto ka pa niya. Ay mali, mahal ka pa niya.” Isang pahayag na narinig ko sa kanyang pinsang si CJ na girlfriend ni Jasper.

Kahit nasusugatan Aking ipaglalaban

“Pano mo naman nasabi?” Wala sa sarili kong tanong habang nakatitig pa din kina JM.

Kahit pilitin pa ang sarili Ibigin ka mali, parang mali Parang mali

“Eh tingnan mo kaya kung pano siya tumingin sa’yo. Palagay ko nga kahit ikaw ay nahulog na rin sa kanya kaso wrong timing ka din eh.” Sabi niya.

“Oo nga, tama ka. Tama ka nga.”

“Kausapin mo siya mamaya sa labas pagkatapos nilang kumanta.” Ang huling pahayag ni CJ pagkatapos ay umalis na sa aking tabi.

Paano ba ang magmahal Palagi bang masasaktan Umiiyak na lang palagi Gusto ko nang lumisan

Paano ba ang magmahal Kailangan bang masasaktan Lagi na lang di maaari Ngunit ayaw lumisan

Kailan ba ang tamang panahon Kailan ba magkakataong malaya na ang puso mo at puso ko

Paano ba ang magmahal Palagi bang masasaktan Umiiyak na lang palagi Gusto ko nang lumisan

Paano ba ang magmahal Kailangan bang nasasaktan Lagi na lang di maaari Ngunit ayaw lumisan

Paano ba ang magmahal Palagi bang masasaktan Umiiyak na lang palagi Gusto ko nang lumisan (Gusto ko nang lumisan)

Napakagaling kumanta ng dalawa. Abot na abot nila ang bawat nota. Lalo na sa mga biritan ni Angela.

Paano ba ang magmahal Kailangan bang masasaktan Umiiyak na lang palagi Lagi na lang di maaari Umiiyak na lang palagi Lagi na lang di maaari

Ngunit ayaw lumisan

Pagkatapos nilang kumanta ay tila napanganga ang lahat ng tao at unti-unting nagsitayuan. Pumalakpak. Nakakatuwa dahil maganda ang naging reaksyon nila sa kanta. Totoo naman talagang maganda ang version ng pagkakanta nila.

Dumadagundong ang salitang “more” sa club. Talagang nagustuhan nila ang boses ng dalawa. Tumugtog ulit ang banda. Hindi rin inaasahan ng mga barkada na game pa rin ang dalawa. Sa pagkakataong ito ay nauna namang kumanta si JM. Nanatili lamang ang mga mata nitong nakatingin sa akin ngunit agad din niyang binawi ito at sa halip ay sa audience na tumutok ang pagtitig niya. Ngunit kahit sa iba siya nakatingin ay tila sa akin niya ipinaririnig ang kanyang kanta. Napakaganda ng boses niya para sa isang lalaki. Buong-buo ngunit hindi nakakarindi sa tenga.

May gusto ka bang sabihin Ba’t ’di mapakali Ni hindi makatingin Sana’y ’wag mo na itong palipasin At subukang lutasin Sa mga sinabi mo na Iba’ng nararapat sa akin Na tunay kong mamahalin Oh…. ’wag na ’wag mong sasabihin Na hindi mo nadama itong Pag-ibig kong handang Ibigay kahit pa kalayaan mo Ano man ang naakala Na ako’y isang bituin Na walang sasambahin ’Di ko man ito ipakita Abot-langit ang daing Sa mga sinabi mo na Iba’ng nararapat sa akin Na tunay kong mamahalin Oh…. ’wag na ’wag mong sasabihin Na hindi mo nadama itong Pag-ibig kong handang Ibigay kahit pa kalayaan mo At sa gabi, sinong duduyan sa ’yo At sa umaga, ang hangin ang hahaplos sa ’yo… Oh…. ’wag na ’wag mong sasabihin Na hindi mo nadama itong Pag-ibig kong handang Ibigay kahit pa kalayaan mo Oh…. ’wag na ’wag mong sasabihin Na hindi mo nadama itong Pag-ibig kong handang Ibigay kahit pa kalayaan mo Oh… oh… oh… ’wag na ’wag mong sasabihin Na hindi mo nadama itong Pag-ibig kong handang Ibigay kahit pa kalayaan mo

Matapos nilang kumanta ay pinalakpakan sila ulit ng mga tao at pumunta na sila sa aming tabi. This time ay hindi na ulit ako tiningnan pa ni JM kaya naman agad akong pumunta sa kinaroroonan niya upang hilahin siya at para mag-usap kami sa labas.

“Uy kuya Carlo! Nauuhaw ako!”

“Mamaya ka na uminom.”

“Ihhhh. . . Gusto kong uminom.”

“Oo, mamaya. Mag-usap muna tayo.” Iyon ang sinabi ko sa kanya habang tinititigan ko siya. Alam kong iyon ang kahinaan niya sa akin dati at sa tingin ko naman ay ganoon pa rin hanggang ngayon.

Umupo kami sa upuan sa labas ng bar. Ito siguro ang upuan ng mga taong may hinihintay sa labas bago pumasok sa loob.

“Ang galing niyo kanina ni Ella.” Pambungad ko.

“Wala ’yun. Kinakabahan nga kaming dalawa kanina eh kaya nga ko nakatingin sa’yo eh.”

“Weh? ’Yun lang ba? Bat iba nararamdaman ko sa titig mo?” Sabi ko sa kanya.

“Oy anu ka?”

“Anong anu ka? Halikan kita diyan eh.” Alam kong sa mga oras na ito ay kinikilig siya sa mga banat ko. Base na din ito sa pagyuko ng ulo niya.

Dumaan ang isang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin.

“Kumusta na kayo nung Chris?”

“Three years ago, naghiwalay din kami. Tama ka nga. Walang forever.” Sabi niya.

“Eh bat di mo ko ininform.”

“Bakit pa? Eh di ba sabi mo kanina two years ago kayo nagbreak? So ibig sabihin kayo pa rin noong mga panahong iyon.”

“Edi ibebreak ko agad.” Simpleng tugon na na siyang nakapag-paangat ng kanyang tingin patungo sa mukha ko. Kinindatan ko siya.

“Ang sama mo naman, grabe!”

“HAHAHA. Eh mas mahal kita sa kanya eh, may magagawa ba ako?” Sabi ko sa kanya sabay pisil sa kanyang ilong.

“Pero pwede pa ba?”

“Ang alin?” tanong niya.

“Tinanong kita tapos sasagutin mo rin ako ng tanong. May chance bang maging tayo ulit?” Tanong ko naman sa kanya. Napayuko ulit ito ng ulo.

“In next 6 months, ikakasal na ako. Tingin ko hindi na puwede.” Ang sabi nito na hindi makatingin sa akin. Wrong timing na naman ako sa tingin ko. Hanggang dito na nga lang talaga siguro kaming dalawa. Magkaibigan. Magkaibigan na bihirang magkita. Bakit pa kasi nag-aksaya ako ng mga panahon. Edi sana akin siya ngayon. Kung pinilit ko lang sana ang tadhana na magkita kami ng madalas. Kami siguro ngayon.

“Pero. . . Lately kasi nagkakalabuan kami, hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa kanina ng nagsabay kami ni CJ makipagmeet kay Jasper ay nakita ko na may iba siyang kasama. Naghahalikan sa harapan ng maraming tao.” Ang sabi nitong nagsisimula nang umiyak.

“Ang sakit lang kasi eh. Akala ko siya na kasi eh. Akala ko lang pala. Putangina lang ng lovelife ko oo. Akala ko lalaki. Hindi pala. Akala ko din babae na, hindi din pala. Buwisit na buhay. Nangako pa siya sa akin eh. Nagplano kami kung ilang anak gusto niya, saan namin gustong tumira. Pati iyong kasal prepared na din halos lahat kaso wala eh.” Ang umiiyak nitong saad habang niyayakap ko. Pinapagaan ko ang loob.

“Ayaw mo nun, nakaiwas ka sa gastos.” Biglang banat ko na siya namang kumalas sa pakikipagyakapan sa akin.

“Kainis ka naman eh, emo na nga ko tapos sisingit ka pa.”

“Huwag ka na kasing umiyak, nandito na ko oh. Ang taong magpapatunay sa’yo na may forever.”

“Paano naman ako makakasiguro na ikaw ang tao para sakin?”

“Bakit hindi natin patunayan? Ilang taon din akong naghintay no. Nakakasawang maghintay. Sinayang nila ang chance nila, ngayon akin ka na.” Ang sabi ko sa.kanya pagakatapos ay hinalikan ko siya sa pisngi. Pisngi lang muna guys, HAHAHA gagawin ko tong babae. Joke lang.

Sabay na kaming bumalik sa loob at pagpunta namin sa aming table ay nagsipaghiyawan na sila sa amin. Kung anu-ano ang pinagtatanong sa amin. Sa tingin ko ay naging espesyal ang gabing ito, hindi lang para sa aking bestfriend kung hindi maging sa akin.

“Sabi sa’yo eh. . . Ingatan mo ’yang pinsan ko ah.”

“Oo na. . . Bunso tabi ka sa kuya.” Sabi ko sa kanya na siya naman nitong sinunod. Inakbayan ko siya at hinantay namin na matapos ang gabi na masaya kaming buong barkada at kaming dalawa na nagkatuluyan din sa wakas.

The End

A1

Tsaga muna guys ahh haha… Isa lamang po ito sa mga rants ko sa buhay. Sana maintindihan niyo na may pagkabaliw ako minsan kaya kung anu-ano nasusulat ko… Hahaha enjoy!

Tangan ko ngayon ang mga bagay na maaaring kumitil ng buhay ng isang tao. Kanino ko ito gagamitin? Malamang sa sarili ko. Sa sarili ko na pinagkaitan ng mundo. Sa sarili ko na lagi na lang minamalas. Aywan ko ba, tila galit na galit ang mundo sa akin. Dahil ba bakla ako? Bakit hindi ako magawang mahalin ng mahal ko? Bakit pinagpalit niya ako sa gagong lalaking iyon? Sana may mangyaring masama sa kanya. Sana mamatay na lang siya. Putanginang pagmamahal iyan. Ayaw ipagkaloob sa akin. Pilit inilalayo sa akin na siya ko namang hinahabol kahit na hingal na hingal na ako. Kahit paniniwala ko sa relihiyon ay ayaw na din sa akin.

Naalala ko pa noon nang magkumpisal ako kay father na bakla ako at wala siyang ibang sinabi kung hindi mapupunta ako sa impyerno at dapat sa mga kalalakihan lamang ako sumama upang maging lalaki talaga ako. Pigilin ko raw ang pagiging bakla ko. Nakakakainis! Sino ba siya para sabihin niya ang mga masasakit na salitang iyon sa akin. Diyos ba siya? Hindi naman ah. . . Isa pa iyong nagugustuhan ko. Akala ko may malalim na unawaan na kami. Bakit ganoon? Bakit hindi ko alam na sa iba na pala siya nagkakagusto? Ang masakit pa sa kaibigan ko pa! Sa kaibigan ko na akala ko ay tunay na kaibigan ko, hindi pala. Ahas siya! Inagaw niya sa akin ang mahal ko! Inagaw niya ang dapat na ay akin. Putangina! Maglalaslas ako! Maglalaslas ako! Ahhhh! Ang sakiiiit! Pero walang kasing sakit ang ginawa nilang dalawa sa akin! Dapat mamatay na sila!!! Magbibigti na rin ako! Ngunit paano ako magbibigti kung nauna ko ang paglaslas? Tangina! Ang tanga ko talaga! Ang tanga-tanga ko talaga! Hahahaha. . . Tinotopak na naman ako puta. Tinalian ko muna ang nalalaslas upang matigil sa pagdurugo at saka ko inihanda ang taling tatapos ng aking buhay habang tumutunog ang aking cellphone. Lintik na! Sino ba ang tumatawag sa akin? Ahh! Hindi ko iyon papansinin! Hahaha.

Ito na! Tapos na! Umakyat ako sa upuan na siyang magiging tungtungan ko. Ikinabit ko na ang lubid sa aking leeg. Pumikit ako. Biglang lumiwanag pagpikit ko! Ang dilim-dilim sa kuwarto ko ah! Pilit kong idinidilat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa. . . Nakakatakot! Naluluha na ako! Ayoko na! Ayoko na! Tama na! Hindi na ko magpapakamatay! Aayusin ko na lang siguro ang buhay ko!

Biglang akong napabangon sa aking kama. Tiningnan ko ang aking sarili. Wala akong bahid ng sugat. Tinapik ko ang aking sarili, buhay ako. Ang dami palang may mas mabibigat ang problema kaysa akin. Hindi pala dapat ako maging makasarili. Ititigil ko na ang kabaliwan ko. Itutuwid ko na ang pamumuhay ko. . . Hindi na ako gagaya sa ibang taong nasasadlak sa parehong sitwasyon. Hindi ako dapat maging baliw na maglalayo sa akin sa katotohanan na naging ahas ang kaibigan ko. Hindi ako masamang tao. Hindi ako baliw. Hindi!

Bakit ako biglang napatigil sa aking planong magpakamatay? Simple lang. Hindi ko alam. . . Hindi ko alam basta may yumakap na lamang bigla sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang pangyayari. Aywan ko.

Aywan ko.

THE END

Gubat

Sa tuwing gabi ay nananaginip ako ng kakaiba. Kakaiba ngunit kapansin-pansin na pare-pareho lamang ang senaryo. Lagi akong binabantayan ng isang lalaki habang ako’y nasa loob ng isang gubat. Napakakisig niya. Parang inukit ang bawat hulma ng kanyang katawan. Napakatigas kung ito’y iyong tititigan. Tanging dahon lamang ang saplot na tumatakip sa kanyang kaselanan. Walang ibang damit kundi dahon lamang. Sa tuwing napapatagal ang aking pagtitig sa kanya ay nakakakita ako ng pagngisi sa kanyang mukha. Tila perpekto ang pagkakagawa dito. Walang tapon, lahat ay maganda. Napansin ko na tinititigan din niya ako. Mata sa mata na tila isang pendulum na nakakagawa ng hipnotismo hanggang sa ako’y mahulog sa kanyang patibong. Ang kanyang pagngisi ay napapalitan ng pag-ngiti at unti-unti ay lumalakad siya papunta sa akin.

Ngunit sa tuwing napapalapit ang kanyang pagpunta sa akin ay unti-unti siyang pumapangit. Unti-unting lumiliit ang kanyang katawan hanggang sa maging buto’t-balat na lamang ito, Ang kanyang mukha ay hindi ko maipaliwanag. Isang salita lamang ang pumapasok sa aking isipan sa tuwing nakikita ko ng malapitan ang kanyang mukha; nakakatakot.

Malapit na ang kanyang mukha sa akin. Hahalikan na niya ako at ako naman ay namamawis sa kaba dulot ng pagkatakot at pag-aalinlangan dahilan ng aking pagkakita sa kanyang mukha. Kaya ang ginagawa ko na lamang ay pumipikit at iniisip ang kanyang mukha habang siya’y nasa malayo hinihintay ko ang kanyang paghalik sa akin ngunit parang wala na siya sa aking harapan. Binuksan ko ang aking mga mata at nakikita ko siyang tumatakbo palayo kasabay ng pagbabalik ng kanyang katawan na nakakapagpainit sa aking katawan. Sa tuwing siya’y lumalayo ay palakas ng palakas ang kanyang hagulgol na siyang nagiging daan upang masira ang buong kagubatan. Nakikita ko din ang aking repleksyon sa harapan na umiiyak , may nakayakap sa aking isa ding lalaki na mas angat pa ang pisikal na katauhan kaysa kanya. Hinihila niya ako papalayo hanggang sa mapunta kami sa lugar na punong-puno ng dugo. Dugo ang aking tinatapakan na parang ako’y nakalutang dahil nakikita ko ang mga tao sa loob ng dugo, naghihirap, nagsisisi, nagpapakasakit ng mas higit pa sa ginawa sa Kanya. Biglang yumakap ang lalaking humila sa akin upang mapunta ako sa dimensyong iyon. Lumalapit ang kanyang mukha sa akin. Alam kong hahalikan niya rin ako ngunit bigla ko siyang tinulak sa hindi maipaliwanag n kadahilanan. May hagulgol akong naririnig na galing sa lalaking nakita ko sa gubat.

“Tom, huwag! Huwag! Nakikiusap ako, si Mark ito,” ang tinig na aking naririnig mula sa lalaking nakita ko sa kagubatan.

Lumalayo ako sa lalaki na yumakap sa akin at sa tuwing ako’y napapalayo ay pumapangit ang kanyang itsura na siyang kabaligtaran ng nangyayari sa lalaki sa tuwing siya’y lumalayo.

Liliwanag ng liliwanag ang kapaligiran hanggang sa halos ikaw ay mabulag na dahil sa liwanag na iypng makikita. Makakaramdam ako ng isang malakas na pagsampal hanggang sa ako’y magising na. Tinanong ko ang aming kasambahay na si Manang Fe kung may sumasampal ba sa akin upang ako’y gisingin ngunit tanging pag-iling lamang ang kanyang naisasagot kasabay ng pagyakap niya sa akin.

Minsan ko na ring naikwento sa kanya ang aking panaginip at isa lamang ang kanyang sagot.

“Anak, tagapagtanggol mo ang lalaking nakikita mo sa gubat na bumaba upang sagipin ang buhay ninyo.”

“Ninyo po? Eh bakit po hindi kayo kasama?” Ang inosenteng tanong ko sa kanya.

“Isa kasi ako sa kanila anak. Maswerte ka anak dahil nagpakita siya sa panaginip mo, senyales lamang iyon na nalalapit na ang inyong pagkikita.”

“Eh bakit po lalaki siya? Di ba po dapat babae siya?”

“Anak, ang mga tulad namin ay walang sekswalidad. Nabubuhay kami ayon sa gusto naming katauhan. Kung babae ba o lalaki. Basta anak oras na halikan ka niya ay huwag kang mag-alinlangan dahil sa tuwing hahalik siya sa iyo ay bumabalik ang lakas niya sa dati. O siya, huwag nang maraming tanong at marami pa kong gagawin.”

Iniwan niya ako ng mga oras na iyon na napapaisip sa kanyang mga sinabi. Naguluhan ako, oo. Hindi ko alam ang aking gagawin.

Hanggang sa isang araw ay sumali ako sa isang military training upang makumpleto ko ang aking requirements sa NSTP. Takot na takot ako dahil sa gubat pa kami magtetraining. Lagi lamang akong nakabuntot sa aking mga kagrupo ngunit sa hindi inaasahang insidente ay bigla akong natalisod dahil sa kami’y pinagmamadaling pumunta sa lugar ng mga organizers. Sila na din kasi ang ginawa nilang officers. Natalisod ako sa pagmamadali dahilan ng pagkahulog ko sa isang ilog na kumokonekta sa talon. Malakas ang agos ng tubig kaya tuloy-tuloy ako hanggang sa nahulog na nga ako at nawalan ng malay.

Laking gulat ko na lamang nang ako’y magising. Alam ko ang nangyari sa akin kaya’t nagpasalamat ako sa Kanya dahil niligtas Niya pa rin ang aking buhay. Pilit kong iginagalaw ang aking katawan pero hindi ko kinaya. Pinagmasdan ko ang aking nakikita. Napakapayapa rito, ganitong-ganito rin ang lugar kung saan ko siya nakita. Kinabahan ako bigla. Bumilis ang pintig ng aking puso lalo na’t may narinig akong mga yabag ng mga paa dahil sa tunog na nililikha ng naapakan niyang mga tuyong dahon. Nakita ko na siya. Ang aking tagapagtanggol.

“Mark,” ang pangalan at salita na siyang tanging namutawi sa aking bibig.

The End

Ang Tinapay

Naririto na naman ako sa lugar kung saan tayo nagkausap. Inaalala ang mga araw kung saan nakita mo akong sawi. . . Wasak. Hindi na dapat kita kinausap dahil alam kong bawal eh. Mapilit ka lang kasi. Walanghiya! Nang-aya ka pa! Nahulog ako sa patibong mo! Nilaglag mo ako sa bangin na walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa na ako. Masakit eh! Sobrang sakit. Bumabalik na naman ako sa mga araw kung paano mo ako nakita. Lang sa alak, mukhang bangag, at mukhang may di na sa lang mabigat na problema.

Sa totoo lang nauna kitang nakita sa simbahan. Tandang-tanda ko pa, unang araw ng simbang gabi o misa de gallo. Sinabi ko sa sarili ko. Ang gwapo naman! “Palangiti ka pala.” Sabi ko sa sarili ko. Pero bawal kang galawin. Natawa ako sa sinabi ko sa sarili ko. Masyado kayong close ni Bro eh. Kulang na lang maglaro ka. Kaya hindi kita pinagtangkaan na galawin.

Lumipas ang ilang taon. Ayun! Nagtatrabaho na ko. Kakahiwalay ko lang sa boyfriend kong gago. Tangina katawan at pera ko lang minahal niya. Porke malakas sinasahod ko eh. Umiinom ako noon sa bar. Mag-isa at walang kasama. Iyak lang ako ng iyak pero biglang may tumapik sa balikat ko. Tiningnan ko, ikaw pala. Noong una ay hindi ko nakilala iyong mukha mo. Damuho ka kasi ngumiti ka eh. Nagulat tuloy ako. “Bar ito para sa mga katulad ko tapos naririto ka.” Kaya pambungad ko sa iyo: “May bahid ka din?” At natawa ka sa tanong ko. Doon kita lalong napagmasdan. Grabe! Ang perpekto ng mukha mo para sa akin. Ang lakas ng dating mo sa akin. Napakainosente, mala-anghel na maangas. Iyan ang maaari kong ilarawan sa iyo. Sumagot ka ng oo at sinabi ko sa sarili ko: “patay tayo nito tsong!” Kailangan kitang iwasan! Ang dami ko na kayang atraso sa Kanya. Tapos sa dagdag ka pa?

’Di ka pa nakunteto. Nakiinom ka pa! Nagpakalasing. Sinamahan mo ako buong gabi. Nalaman kong magulang mo lang ang may gusto na maglingkod ngunit iba ang gusto mong tahaking landas. Mangatwiran ka pa nga eh. Sabi mo pwede ka namang maglingkod habang iba ang kinukuha mong propesyon. Na ko ayon naman ako.

Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa ibang lugar tayo. Naghahalikan. Torrid pa more! Ang sarap mo palang humalik! Ang sarap sa pakiramdam ng hagod mo. Bigla akong napaisip. Virgin ka pa ba? Nagulat nga ako nang tumawa ka bigla eh. Sabi mo oo. Ako naman ngayon ang nagulat. Bakit ang galing mo sa romansahan? Tingin ko’y narating ko ang langit sa ginawa natin. Ang sarap sa pakiramdam nang matapos tayo ay pinahiga mo ang ulo ko sa dibdib mo sabay sabing “Huwag kang mag-alala, ako ang gagamot sa puso mo.” Pagkatapos mong sabihin ang pahayag na iyan ay natulog tayo. Nagising na lamang ako nang dahil sa iyo. Inaaya mo akong magsimba kahit ayoko pero dahil nagpacute ka at sinusuyo mo ako na tila isang batang nagpapabili ng laruan ay pumayag ako. Kahit antok na antok pa ako ay pinilit ko. Nakakatuwa ka kasing panuorin habang nagsisimba. Seryoso ka pero kapag may temtasyon ay tila nawawala sa katinuan. Ganyan ka kahayok sa akin noong mga panahon na iyon. Na kulang na lang ay patirahin mo na talaga ako sa puso mo.

Pinanghawakan ko ang huli mong sinabi bago tayo matulog at totoo nga dahil natupad naman siya. Ngunit hindi ko alam na ikaw din pala ang sisira nito. Mas masakit eh! Kasi akala ko ok tayo sa setup natin na itago ang relasyon natin dahil sa mga magulang at pamilya mong relihiyoso. Mga punyetang pamilya mo na naniniwala lang na ang lalaki ay para lamang sa babae. Ang kikitid nang utak ng mga tulad nila! Mukhang mas may alam pa ako sa kanila kung tutuusin dahil mas alam ko pa ang laman ng bibliya kaysa kanila eh. Pero pinabayaan ko iyon. Nirerespeto ko sila eh. Sana naman ipinaglaban mo ako noong inutusan ka nilang makipaghiwalay sa akin. Letse! Sila nga ba ang ka relasyon ko? O ikaw? Iyan kasi ang mahirap sa atin eh. Mas matimbang talaga ang pamilya kaysa iba. Kahit na alam mong mali ang pag-iisip ng pamilya mo kaysa sa pananaw mo.

Umiyak ako, nasaktan at ito, balik sa dati. Matagal na panahon din ang lumipas. Hindi ko matandaan kung pang-ilang taon na ito pero ang alam ko ay araw ng unang misa de gallo o simbang gabi din ang panahon kung saan tayo huling nagkita. Siguro ay umasa akong makikita kita sa simbahan katulad ng dati kaya magmadali akong pumunta sa simbahan.

Natuwa ako noong nakita kita. Kaso masakit sa pakiramdam dahil parang wala lang sa iyo ang mga pangyayari. Nagagawa mong ngumiti eh. Bagay na hindi ko magawa dahil kasalanan mo. Sa inis ko tuloy ay kumuha ako ng tiyempo. Sinadya kong magpakita sa iyo.

Naghintay ako ng ilang minuto at pumila para tumanggap ng katawan at dugo Niya. Natawa ako sa reaksyon mo. Gulat na gulat ka eh. Kita ko ang nginig sa mga kamay mo dahil sa ginawa kong pagngisi sa iyo. Mabuti na lang at nagkausap pa tayo. Sandali lang nga. Tandang-tanda ko pa rin talaga ang sinabi mo sa akin bago ang huli nating pagkikita.

“Katawan at dugo ni Kristo.” Ang sabi mo na pabulol dahil sa nerbiyos.

“Amen.” Sagot ko na may kasamang pagngisi.

Wakas.

Sino Ako?

Sino ako? Iyan ang madalas kong tanong sa sarili ko. Sino nga ba ako? Maging sarili ko ay hindi ko kilala dahil ako mismo ay natatakot humarap sa aking sarili gayong ako lang din naman ang tunay na nakakakilala kung sino na talaga ako. Magulo ba? Ako din naman naguluhan sa sinabi ko e. Atleast, quits na tayo.

Isang taon na siguro akong nagsusulat. On and off nga lang dala nang pagpapakadalubhasa ko sa pag-aaral. Sa totoo lamang ay mas pinahahalagahan ko iyon kaysa pagsusulat. Sabihin na nating libangan ko ang pagsusulat. Hindi ko matawag ang sarili ko bilang isang writer. Unang-una, ano na nga ba ang naisulat ko? Kung ikukumpara mo ako sa ibang manunulat ay malamang ma-a-out of place ako. Sabihin ko man ang title ng aking mga gawa ay wala silang ideya kung ano ang laman ng gawa kong iyon. Maging ako mismo ay hindi ko alam kung nakapagbibigay-aral nga ba ang mga ginagawa ko. Tulad nga ng sinabi ko kanina, libangan ko lamang ito. Oo, libangan ko ito pero hindi porke libangan ko ito ay hindi ko ito isasama sa prayoridad ko sa buhay.

Parte na ng aking buhay ang pagsusulat. At sa pamamagitan nito ay nailalabas ko ang mga emosyong pilit kong itinatago sa loob ko dahil alam ko namang ako lang ang nakakaintindi sa sarili ko. Totoo, mga kaibigan. Takot akong sabihin kung ano ako. Kung sino nga ba talaga ako. Takot ako sa tinatawag na “rejection”. Ayokong nababaliwala ako. Hindi gusto ng sistema ko ang kapalpakan sa buhay, ang pagkatalo. Ipinanganak siguro akong competitive. Mapanghamon, warfreak kung tawagin. Pero ’wag ka. Ni minsan ay hindi pa ako nakikipag-basag-ulo. Maliban siyempre sa iba kong mga kapatid. Ibang usapan iyon. Takot ako sa away, sa gulo. Pero ako mismo ang naglalapit sa aking sarili sa mga away. Kaya nga siguro muntik na akong hindi makagraduate ng high school eh. Paano ba naman kasi ayokong may nakakasalamuhang pabida. Iyon bang lagi na lang nagpipresenta. Iyon bang laging napapansin ng instructors. Ayoko sa mayabang sa madaling salita. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na huwag kang magmayabang kung may mas magaling sa iyo sa loob o labas ng klase.

Bata pa lamang ay alam ko ng naiiba ako sa mga lalaking kasabayan kong lumaki. Hindi ako marunong maglaro ng basketball, na siyang laro ng mga kalalakihan. Hindi rin ako mahilig sa kung anu-anong sports. Hindi ko gusto ang larong may kasamang takbuhan. Lampa kasi ako. Pero ni minsan ay wala akong nararamdamang atraksyon kahit kanino.

Siguro nagstart ang crush-crush na iyan noong nasa grade six ako. Labindalawang taong gulang na ata ako noong mga panahon na iyon. Nagkagusto ako sa babae. Mapayat pero maganda. mahilig siyang magbasa ng mga libro. Twilight saga yata ang paborito niyang basahin pati ang mga libro ni Harry Potter. Ang galing niya nga eh kaya siguro magaling siyang magsulat ng essay sa english. Ako siguro mga average lang. Di hamak na mas gusto ko ang Filipino subject no. Ang dali kaya. Iyong tipong kahit nakapikit ka, masasagutan mo pa rin dahil common sense lang naman ang mga tanong doon.

Going back to our topic, ang lambing ng babaeng iyon, mga ’pre! Ang hilig niyang isandal ang ulo niya sa balikat ko. Siyempre sa tuwing gagawin niya iyon, lalakas at bibilis ang tibok ng puso ko. Syet! Ayoko nang alalahanin pa, kinikilig pa rin ako! Madalas niyang gawin iyon sa akin, bagay na hindi niya ginagawa sa iba. Hahaha. Tangina lalaki pa rin ako noong mga panahong iyon! Lols lang. Ang dami kayang nagkakagusto sa kanya. Ang arte nga lang niyang magsalita na parang kikay pero mabait naman siya at malambing.

Iyon nga, graduation na. Siyempre ilipat na karamihan sa ibang school. Kasama siya sa mga sinabi kong lilipat kaya nalungkot ako kasi mag-iistay pa rin ako sa paaralan na iyon.

First year na! Tuli na ako noon! Syet! ang dami-daming puwedeng sabihin, sinabi ko pa iyon. Ito ata ang taong nagpamulat sa akin sa mundo. Natuto akong magmura at maglibog. Taena kasi ng mga kaklase ko eh. Tinuturuan ako. Dito ko na tuloy nasabi sa sarili ko na may kakaiba nga sa akin. Paano, mas nalilibugan ako sa gayporn kaysa straight porn. Naiingayan kasi ako sa ungol ng babae doon eh. Na parang hindi ako lalaki. Parang bakla ako, bading. Siyempre ’pag naiisip ko iyon, nandidiri ako. Ayokong maging ganoon! Ayoko! Ayokong pandirihan ng mga tao. Ayokong kaayawan nila. Kaya ginawa ko ang lahat para matuwa lahat ng nakakakilala sa akin. Nagpakabaliw ako noon para lang lapitan ako.

Dumating naman sa time na naexperience ko ang love. Sa babae ako unang nainlove. Kaya lang parang ginagamit niya ako. Top 2 kasi ako sa buong year level namin. Well, matalino yata ako. Lol joke lang siyempre. Pahumble dapat tayo. Taena, may something ata sa kanila ni top 1 na friend ko din. Parang pinagsasabay niya kaming landiin. Ewan ko lang kung nagkakagusto na rin ba siya sa akin pero sabi kasi ng mga tao sa paligid ko na nagkakagusto na rin daw since nililigawan ko.

Iyon nga, may nanay-nanayan ako sa high school life ko. Coach ko or adviser sa buhay, kumbaga siya ang nagpagising sa akin sa katotohanan. Iyon, iniwasan ko si babae hanggang sa dumating sa point na parang nag-away kami sa hindi malamang dahilan. Good thing, nagka-ayos kami at friends kami ngayon.

Third year ako nang mamulat ako sa mundo ng m2m. Noon ko naclassify ang sarili ko na isa akong bakla na kung tatanungin mo kung anong klase ay isa akong silahis. Siguro halata naman sa kuwento ko diba? Haha. Hindi naman kasi ako nakakaramdam ng love sa lalaki eh. Attraction, oo. Pero kasi kapag babae nakikita ko parang karespe-respeto eh. Ewan ko ba kung bakit. Basta silahis ako. Haha. Wala nang kokontra. Una akong napapadpad sa website ng tambayanglonelyboys. Oy, isesearch niya na iyan. Pagkatapos ay sa dahil napahanga ako sa love stories ni kuya kenji oya. Sumunod siguro ay ang . Siguro iisa-isahin ko talaga hanggang sa napadpad ako sa msob. Alam niyo na siguro kung anong laman ng site na iyon. Ang sarap basahin ng mga gawa nila. Grabe talaga. Iyon bang tipo na kaya mo siyang basahin ng hindi ka natutulog. Totoo po, mga kaibigan. Nagawa ko iyon tutal kapanahunan naman iyon ng aming pagpapractice sa JS. so wala kaming masyadong ginagawa. Sumunod siguro iyong kay Joemar Ancheta.

Fourth year ko ang pinakamasaya sa lahat. Nabisita ko kasi minsan ang m2m kwentong pag-ibig na page sa facebook dahil kay kuya viel alcantara ata. One may kasi habang nagbabasa ako sa tlb (tambayang lonely boys) ay parang nabasa ko na iyon. Pinagkumpara ko pa nga at halos parehong pareho ang laman. Magkaiba lamang ang title. Basta di ko na papakialaman ang issue na iyon. Haha baka mapahamak pa ako. Kasagsagan pa noon ng bnd1 ni kuya jin. Natuwa ako sa mga gawa nila. Ultimo kay bluerose natuwa din ako. Ang gagaling nilang magsulat.

To tell you honestly, sa dami nang nabasa ko ay inuuna ko lagi ang first chapter at ending ng gawa nila. Napaka cliche na rin kasi. Lalo naman sa girl to boy na stories kaya ayoko na magbasa nang ganuon. Nawawalan ako ng gana.

Adik na adik akong magbasa ng stories hanggang sa last year ay nagpost ang m2mkp ng writing contest. Naengganyo ako. Gusto ko magpajollibee. Gusto ko magbida. Gusto kong itry kung may laban ba ako tutal sa tingin ko it’s time na rin para ilabas ang natutunan ko sa pag-aaral ng ating wika. Haha. romcom ang genre ng ginawa ko. Bagay na medyo hawig sa aking katauhan dahil masayahin ako eh.

Nagpasa ako. Dahil doon sa story na iyon ay nakilala ko ang mga kaibigan ko. Karamihan sa kanila ay writers, ang iba naman, hindi. Kasama doon ang mga writers din ngayon dito sa page. Si kuys Frankee at LT James Silver. Laking pasasalamat ko dahil nagkaroon ako ng grupo kung saan ko pupuwedeng iexpress ang sarili ko. Kung ano ako, at kung sino ako.

Nainlove ako sa lalaki. Sa pamamagitan ng chat. Taena pafall kasi eh. Pero oks lang friends kami noon ngayon. Siya ang nag-iisang bogs ng buhay ko. Espesyal siya sa akin dahil ewan ko. Basta close kami. Nagkakasundo sa mga kalokohan sa buhay kahit hindi pa kami nagkikita ng personal. Bad Influence din iyon sa akin minsan eh. Tinuturuan akong mag-cut ng klase na siya ko namang ginagawa kapag tinatamad ako. May nanay-nanayan din ako nagpapayo sa akin lagi. Nakakalungkot dahil hindi ko na siya nakakausap madalas ngayon. Sana nga ay gumaling na siya sa sakit niya para hindi na mangulila si bogs ko. Char lang ang drama ko haba. May mga kuya-kuyahan na nagadvise din. Si Munch Admin Jeff na nagsulat ng Living with Mr. Perfect sa m2m kwentong pag-ibig. Kapatid, at siyempre manliligaw (alam niyo kung sino kayo haha). May naka-fling din ako dahil may pagkamalandi akong tunay hahaha. Tagong-landi lang. Natutunan ko siguro sa nanay-nanayan ko dito haha. Peace Nay labyu. Lahat na. Naranasan ko ang mga ito sa pamamagitan ng social media site. Malaking bagay ang naitulong ng social media sa akin. Nahubog ang pagkatao ko. Nasira man ang grupo na kinabilangan ko, nabuo naman ulit. Hindi nga lang ganoong kaingay katulad ng dati. Natuwa ako sa kanila noong binati nila ako ng birthday ko at noong maannounce na ako ang batch Valedictorian ng aming school.

Napakasaya mamuhay. Ang dami kong naishare. Magtatapos ang taon ko na punong-puno ng karanasan sa buhay. Pinagpapasalamat ko ang taon na nabuhay ako dahil nabuo ako. Binuo ninyo ako. Kayo ang bumuo sa aking pagkatao. Pero sinisisi ko kayo dahil hindi ninyo ako kinakausap madalas. Naiintindihan ko naman, busy din kayo. Tao din kayo.

Ilang milya pa ang lalakarin ko bago ako matapos sa finish line. Marami pa akong balak tulungan. Marami pa akong balak tuparin. Marami pa akong balak pasiyahin at pagaangin ang loob. Pero kahit bata pa ako, masasabi ko sa sarili ko na kilala ko kung sino ako.

Sino ako?

Ako si JM Perez. Pangalang pinangsasanggalang ko sa sarili ko upang makapagtago sa mundo at isang pagkatao na siyang pumupuna sa pagkukulang ko. Lubos akong nagpapasalamat sa pangalang ito. Naranasan ko ang mga bagay na mahirap maranasan lalo na kung natatakot kang magpakita sa madla.

Salamat, JM Perez. Dahil sa iyo, nalaman ko ang tanong sa akin madalas ng mga tao. “Sino ako?”


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.