One Shot Stories by cold_deee
Cold Deee · 6 chapters · 49,626 words
AUTHOR’S NOTE
Hello sa inyo mga mahal ko!
Bakit nga ba ako may ganitong One Shot Stories? Ito ay para mabigyang daan ang mga bigla-bigla ko na lang maiisip na plot ng kwento. At para hindi ko iyon makalimutan, dito ko na lamang ilalagay.
Maiksi man ang bawat kwentong nakasaad sa bawat chapter, hangad ko na may mapupulot pa rin kayong aral.
Nais ko rin sabihin na dahil may kahinaan ako sa bawat pagpapangalan ng bawat karakter ko, ang mga pangalan ng malalapit na tao sa akin ang pinapangalan ko sa kanila. Sino-sino sila? Sila ang pamilya, kaibigan, o kahit ang hindi ko pa nakikita sa personal basta’t nagiging malapit sa akin. Ang tinutukoy ko ay ang mga nakilala ko sa pagsusulat. Sila ang mga kapwa ko author lalo na ang mga mahal kong readers na patuloy na sumusuporta.
Iyon lamang po. Marami pong salamat.
––cold_deee
#LoveWins
THE LOVE OF BLIND
Kasabay ng malalim na buntong hininga ay ang pagdaloy ng panibago kong mga luha.
Ilang linggo o buwan na nga ba akong ganito? Tulala at nakatanaw sa malayo. Pilit na tinatanaw ang kalayuang hindi naman marating ng mata ko. O kahit ang malapit lang na bahagi ng paligid ko ay hindi ko maaninag dahil puro kadiliman lang ang nakikita ko.
Ilang linggo o buwan na nga ba simula nang maaksidente ako? Nang bawiin sa akin ang paningin ko? Nang magbago ang nakasanayan ko? Nang mabulag ako.
Hindi ko na alam. At nawawalan na rin ako ng pag-asang may makakapagbigay ng panibagong pag-asa sa buhay ko, ng panibagong paningin.
“Bulaga!” paggulat mula sa aking harapan ng isang hindi pamilyar na boses.
“Sino ka?” tanong ko sa kanya.
Sinubukan ko pang abutin s’ya ngunit mukhang naiwasan n’ya ako. Narinig ko kasi ang tsinelas n’ya na tila umatras.
“Ang panget mo umiyak.” sambit n’ya at natawa s’ya.
May kaliitan ang kanyang boses, nakakahalina sa pandinig. Sa tingin ko ay isa s’yang babae.
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.
“Sino ka ba talaga? Pasalamat ka at bulag ako. Dahil kung hindi, tatamaan ka talaga sa akin!” banta ko sa kanya sa madiin na tono.
Muli kong narinig ang maganda n’yang pagtawa.
“Ang sungit mo naman. Gwapo ka pa naman. Masarap ka sigurong maging boyfriend?” wika n’ya at alam kong nakangiti s’ya.
Hindi ako nakapagsalita. Sino ba ’tong babaeng ’to at napakalakas ng loob na sabihin ang mga salitang iyon?
Normal na sa akin na masabihang gwapo o magandang lalaki ako, pero wala pang naglalakas loob na babaeng magpahayag ng paghanga nila sa akin. Bakit?
Dahil ubod ako ng suplado. Kaya sa buong buhay ko, iisa lang ang naging girlfriend ko.
“Ako si Louvelle. Pero tawagin mo na lang akong Love para hindi ka na mahirapan.” bigla n’yang pagpapakilala.
Hindi ako nakatugon dahil sa pagkamangha at pagkabigla.
Naramdaman ko na lamang nang hawakan n’ya ang kanan kong kamay senyales na nagpapakilala s’ya.
“Ikaw? Anong pangalan mo?” tanong n’ya habang nakikipag-shake hands sa akin.
Hindi ko malaman sa sarili ko pero kusa na lamang kumilos ang bibig ko para sumagot.
“A-alex…” nauutal kong sagot.
“Wow! Ang ganda ng pangalan mo! Nice to meet you Alex!” masaya n’yang sambit habang hawak pa rin ang kamay ko.
Maliit ang kamay n’ya at napakalambot. Hindi ko tuloy maiwasan na isiping napakagandang babae n’ya.
Binitawan na n’ya ang kamay ko at naramdaman kong tumabi s’ya sa akin.
“Lagi ka na lang nakatanaw sa malayo, Alex. Ano bang tinitingnan mo doon?” tanong n’ya sa akin.
Kung nakikita ko lamang s’ya ay tinaasan ko na s’ya ng isang kilay.
“Ano naman sa tingin mo ang gagawin ng isang bulag na kagaya ko? Hindi na nga ako makakita tapos gusto mo pa yatang ipikit ko ang mga mata ko!” sarkastiko kong tugon.
Narinig ko na naman s’yang natawa.
“Pwede ka naman pumikit, tapos isipin mong nasa isang paraiso ka. Maraming bulaklak, paro-paro at maraming fairies!” parang bata n’yang suhestyon.
Napaarko ako ng kilay ko.
“Sabihin mo nga sa akin, ilang taon ka na ba Love? Eh kahit twelve years old, hindi na ngayon naniniwala sa fairies.” tanong ko.
“Eighteen na ako.” sagot n’ya pa ring natatawa.
Matanda lang pala ako sa kanya ng dalawang taon. Pero heto s’ya at parang bata pa rin kung mag-isip.
Katahimikan na ang sumunod. Siguro ay nakatanaw s’ya ngayon sa malayo at pinapanood ang paglubog ng araw dito sa rooftop ng ospital kung nasaan kami.
“Love! Halika na rito! Hinahanap ka na ng Mama mo!” narinig kong sigaw mula sa aming likuran.
“Sige po!” sigaw naman ni Love.
“Alex, mauuna na ako ha? Ikaw din, bumalik ka na sa room mo. Baka mahamugan ka rito dahil gabi na oh!” pagpapaalam n’ya.
Sa hindi ko malamang dahilan ay napangiti ako.
“Sige, hihintayin ko na lang ang Mommy ko na balikan ako. Sinabi ko kasing tatambay muna ako dito hanggang magdilim.” sagot kong nakangiti.
Ilang segundong katahimikan nang marinig ko s’yang magsalita ulit.
“Alex! Kumakaway ako sa harap mo! Nagbaba-bye ako! Kaway ka rin! Dali!” utos nito sa akin.
Natawa ako sa kanya.
Inangat ko ang aking kamay.
“Ba-bye! Ingat ka.” pagpapaalam kong nakangiti habang kumakaway.
Ewan ko kung totoo ang sinasabi n’yang kumakaway s’ya. Pero parang natutuwa ako sa kanya kaya sinunod ko na lang ang utos n’ya.
“Yes! Parang nakikita na n’ya ako!” masaya n’yang sambit habang papalayo.
Alam kong nakaalis na s’ya dahil narinig ko ang mga hakbang n’yang papalayo sa akin.
“Bulaga!” muli n’ya na namang paggulat.
Ilang araw na ba kaming ganito? Nag-uusap dito sa rooftop? At sa bawat pagdating n’ya ay hindi n’ya kinalilimutang gulatin ako. At sa nagdaang mga araw ay ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Dahil sa bawat oras na magkausap kami ay wala s’yang ibang ginawa kundi ang palakasin ang loob ko. S’ya ang nagbibigay ng dahilan para ipagpatuloy ko ang buhay ko.
Muli s’yang tumabi sa inuupuan ko.
“Love, may donor na raw ng mata ko.” masaya kong balita sa kanya.
“Talaga??” ramdam kong namangha s’ya. Alam kong masayang-masaya s’ya.
“Oo. Kaya makikita na kita. Siguro maganda ka ’no? Siguro kasing ganda ka ng kapatid kong babae? Pareho kasi kayo ng ugali. Pareho kayong masayahin.” masaya ko ring sagot sa kanya.
Hindi s’ya nakaimik, natigilan s’ya.
“Love?” pagtawag ko sa kanya. Baka kasi umalis na s’ya.
“A-andito pa ako, Alex.” sagot n’yang nauutal.
Sa tono ng pananalita n’ya ay dama kong may bahid ng kalungkutan iyon.
“Akala ko iniwan mo na ako.” wika ko at bahagyang natawa.
Muling nagbalik ang katahimikan sa aming dalawa. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nagsalita s’ya.
“Alex, hindi ka ba magagalit kung sakaling makita mo ako?” tanong n’ya pa ring malungkot.
Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi.
“Bakit naman ako magagalit? ’Pag nakita na kita, ang una kong gagawin ay yayakapin ka. Pasasalamatan kita dahil sinasamahan mo ako araw-araw dito sa rooftop. Kahit na alam kong kailangan mong bantayan ang Mama mo na nasa hospital bed, hindi mo pa rin kinakalimutang dalawin ako rito.” sagot ko sa kanya ng tapat.
Labis akong nagpapasalamat dahil kahit nandito ako sa ospital ay may nakakasama akong gaya n’ya. Walang sawa sa pagbibigay ng nakakaaliw n’yang kwento. Walang pagod na nagbibigay sa akin ng payo na dapat ay ’wag akong mawawalan ng pag-asa dahil masaya ang mabuhay sa mundo.
Sa wakas ay narinig ko s’yang tumawa. Ang sarap talagang pakinggan ng tawa n’ya.
“Baka hindi mo rin ako makita, Alex! Ang liit ko kasi eh! Hanggang kili-kili mo nga lang yata ako!” natatawa n’yang pagbibiro.
“Talaga? Patingin nga?” panunukso ko at sinubukan kong abutin ang kanyang ulo. Gusto kong haplusin iyon dahil natutuwa talaga ako sa kanya.
Ngunit mukhang inilagan n’ya ang kamay kong iyon. Dahil tanging balikat lang n’ya ang nahawakan ko. Naramdaman kong may kanipisan ang kanyang katawan.
“Hindi mo ako pwedeng hawakan sa ulo!” wika n’yang natatawa.
“Bakit naman?” tanong ko pabalik na natatawa rin.
“Kasi baka matiris mo ako. Ang liit ko nga kasi!” sagot n’ya at alam kong ngumuso s’ya.
Grabe! Gusto ko na talaga s’yang makita. Siguro ang cute-cute n’ya?
Naramdaman kong bigla na lang s’yang tumayo.
“Alex! Nandito ako sa harap mo! Harap ka sa akin bilis!” utos n’ya sa akin.
Sinunod ko naman s’ya. At ilang sandali pa lamang ay naririnig ko na ang kanyang tsinelas na tumatama sa mabilis na paraan sa lupa.
“Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.
“Sumasayaw ako! May napanood kasi ako sa YouTube na ganitong steps eh!” sagot n’ya habang patuloy sa ginagawa n’yang pagsayaw.
Sa bawat araw na magkasama kami ay ganito s’ya. May mga bagay s’yang ginagawa at sinasabi n’ya sa akin na panoorin ko s’ya kahit alam n’ya namang hindi ko s’ya nakikita.
Nagpakawala ako ng tawa dahil iniisip kong sumasayaw talaga s’ya. At habang iniisip ko ’yon ay nakakaramdam ako ng tuwa at saya. Hindi ko rin mapigilan ang palakpakan s’ya sa tuwing may gagawin s’yang mga bagay na hindi ko nakikita.
S’ya lang ang kaya akong patawanin kahit hindi ko s’ya nakikita.
Natapos s’ya sa kanyang pagtatanghal.
“Hay! Nakakapagod!” sambit n’yang hingal na hingal nang makaupo sa aking tabi.
“Ang galing mo Love! ’Pag nakakita na ako, sayawan mo ulit ako ha?” request ko sa kanya.
Hindi s’ya muling nakasagot.
“Love?” pagtawag kong muli sa kanya.
“A-andito pa ako, Alex.” sagot n’ya naman at naramdaman kong malungkot na naman s’ya. Inisip ko na lamang na talagang napagod s’ya sa ginawa n’yang pagsayaw.
“Sasayaw ka ulit ’pag nakakita na ako?” pag-uulit ko sa request ko.
Ilang segundo bago n’ya nagawang sumagot.
“O-oo naman.” utal n’yang sagot.
Siguro nga talagang napagod s’ya sa pagsayaw.
“Promise?” pangungulit ko pa rin.
“P-promise.” sagot n’ya rin sa mahinang boses.
Lumapad ang pagkakangiti ko. Excited na talaga akong makita s’yang sumasayaw.
“Alex!” bigla n’yang pagtawag sa akin.
Sa pagkakataong iyon ay nagbago na ang kanyang tinig. Nagbalik na ang sigla sa kanyang boses.
“Oh?!” gulat kong sagot.
“Gabi na. Gusto mo bang ihatid na kita sa room mo? Ako na lang ang maghahatid sa’yo!” alok n’ya sa akin.
Nagulat naman ako sa alok n’yang iyon.
“Sigurado ka? Baka hinahanap ka na ng Mama mo?” pag-aalala ko.
“Hindi ’yan! Saka alam mo bang magkalapit lang ang room n’yo ng Mama ko? Kaya nga isasabay na kita eh.” pagpupumilit n’ya pa rin.
“Talaga??” masaya kong reaksyon.
“Mmmm!!” sagot n’ya at alam kong nakangiti s’ya.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa.
“Tara!” pagyaya ko sa kanya.
Naramdaman ko ang pag-akay n’ya sa akin. Hinawakan n’ya ako gamit ang maliit at malambot n’yang kamay at sabay kaming humakbang para makaalis sa rooftop ng ospital.
“Alex, galingan mo sa operasyon mo ha? ’Wag kang matakot ha? Fight lang! Fight lang ng fight!” pagpapalakas loob n’ya sa akin habang binabaybay namin ang daan pabalik sa aking silid.
Nagbitaw ako ng pagtawa.
“Oo naman! Gagawin ko lahat ng sinabi mo para makakita na ako. Para makita na kita.” sagot kong natatawa.
Hindi ko s’ya narinig na tumawa pabalik. Mukhang inabala na lamang n’ya ang kanyang sarili sa pag-akay sa akin.
“Alex!” ang biglang pagtawag sa aking pangalan at kilala ko ang tumawag sa akin na iyon.
“Mommy?” pagtawag ko rin sa kanya.
“Oh? Ikaw pala Louvelle. Hinatid mo ba itong si Alex ko?” tanong n’ya kay Love.
“Opo. Ipapakilala ko kasi s’ya kay Mama.” sagot ni Love.
Nagtaka ako sa kanila.
“Mommy? Love? Magkakilala kayo?” tanong ko sa kanila.
“Oo naman, anak! At kilala ko rin ang Mama n’ya.” sagot ni Mommy na alam kong nakangiti.
Kung sabagay, friendly naman talaga si Mommy kaya hindi na rin nakakapagtaka iyon, ang makilala n’ya sina Love at ang Mama n’ya.
“Ma!” biglang sambit naman ni Love.
“Louvelle! Diyos ko! Bakit hindi mo kasama si Nurse Anne?” nadinig kong boses na papalapit din sa amin.
Sa hindi ko malamang dahilan ay napangiti ako. Dahil ngayon ko lang nalaman na ako lang pala ang tumatawag sa kanyang palayaw na Love. Pakiramdam ko ay napakaespesyal ko.
Hawak ko pa rin ang kamay ni Love nang tanungin ko s’ya.
“Mama mo ba ’yan, Love? Bakit nandito s’ya sa labas? Akala ko ba dapat nagpapahinga s’ya? Akala ko nakahiga s’ya sa hospital bed?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Matapos kong itanong iyon ay hindi ko na alam ang nangyayari. Dahil matapos din ang tanong kong iyon ay katahimikan na ang nangyari.
May isang minuto siguro iyon hanggang sa muling magsalita si Love.
“Naka-wheelchair naman s’ya eh. Saka malakas na si Mama! Malakas na malakas! Parang si Hercules!” sagot ni Love sa masayang tono.
“Aahhh…” naging reaksyon ko na lamang habang tumatango.
Ilang sandali pa ay mahigpit na hinawakan ni Love ang kamay ko.
“Ma! S’ya si Alex. S’ya ang magiging boyfriend ko! Pero ’di ba dapat ligawan n’ya muna ako? ’Di ba?” pakilala sa akin ni Love.
Narinig kong natawa ang kanyang ina.
“Oo naman anak! Pero ’wag mong masyadong patagalin ha? Baka maagaw ’yan ng iba. Ang gwapo pa naman ni Alex.” sagot ng kanyang ina na natatawa.
Pero bakit pakiramdam ko kahit natatawa ang kanyang ina ay malungkot ito? Bakit parang mabigat ang bawat salitang binibitawan nito?
Sabagay, baka dahil sa may sakit ito.
“Tita! ’Di ba okay lang naman na maging boyfriend ko ang anak n’yo?” tanong muli ni Love sa masaya pa ring tono.
Ilang segundo bago ko narinig na sumagot si Mommy.
“Oo naman, Louvelle. Basta makita ko lang na maging masaya kayong dalawa.” sagot ni Mommy ngunit kapareho ng tono ng Mama ni Love ay may bahid kalungkutan ito.
Narinig kong muli ang masarap sa tengang tawa ni Love. At sa isang tawa lang ni Love ay nakaramdam na ako ng saya. Saglit kong nakalimutan ang pag-iisip kung bakit pati si Mommy ay mukhang malungkot sa mga oras na ito.
Nakarinig ako ng mga paghakbang mula sa aking likuran.
“Love?” tanong ko.
Naririto akong muli sa rooftop ng ospital at inaabangan ang pagdating n’ya.
“Anak, ako ito.” sagot ng bagong dating.
Oo nga pala, hindi s’ya si Love. Dahil kung si Love ang dumating, gugulatin n’ya na lamang ako. Masosorpresa na lang ako sa magandang tinig n’yang pagbulaga.
Nang maisip kong hindi si Love ang dumating ay nakaramdam ako ng lungkot.
Tatlong araw simula nang ipakilala n’ya ako sa kanyang ina ay hindi ko na s’ya muli pang nakausap.
At sa loob ng tatlong araw na iyon ay nakaramdam ako ng lungkot dahil wala s’ya para bigyan ako ng dahilan para ngumiti.
Walang Love na binibigyan ako ng mga salitang magbibigay lakas sa akin.
Walang Love na nagsasabing ‘masarap mabuhay sa mundo’.
“Nandito ka na naman. Baka makasama ’to sa’yo? Gabi na oh?” pag-aalala ni Mommy nang makaupo s’ya sa tabi ko.
“Mommy, nasaan s’ya? Bakit hindi na ako pinupuntahan ni Love?” tanong kong malungkot kay Mommy.
Hindi agad s’ya nakasagot.
“Tatlong araw na s’yang wala. Wala tuloy nagpe-perform sa harap ko para panoorin ko.” tanong kong malungkot at natawa sa huli.
Ilang segundo bago ako sinagot ni Mommy.
“Baka kailangan n’yang bantayan ang Mama n’ya kaya kailangan hindi s’ya umalis sa tabi n’ya?” sagot ni Mommy.
Ngumiti ako ng mapait.
“Excited pa naman ako sa ibabalita ko sa kanya. Bukas na ang operasyon ko ’di ba? Makikita ko na s’ya.” sagot ko sa kanya.
Hindi na sumagot si Mommy. Pero matapos iyon ay naramdaman ko na lamang na hinahaplos n’ya ang aking likod.
Hindi ko makita ang mukha ni Mommy. Pero pakiramdam ko ay napakalungkot n’ya.
Nasaan na kaya si Love? Sana okay lang s’ya sa tabi ng Mama n’ya. Sana kahit nahihirapan ang Mama n’ya, napapanatili n’ya ang kanyang ngiti. Dahil kahit hindi ko s’ya nakikita, alam kong makakapagbigay lakas ang mga ngiting taglay n’ya.
Nasa malalim akong pag-iisip nang maramdaman kong bigla na lamang akong niyakap ni Mommy.
“Anak, ’di ba ang kwento mo sa akin, laging sinasabi sa’yo ni Louvelle na masarap mabuhay sa mundo? Na kahit may kakaharapin kang pagsubok, subukan mong ngumiti. Dahil walang mangyayari kung magpapadala ka sa lungkot, walang mareresolba kung magpapaanod ka sa sitwasyon. Kaya dapat lumaban, dapat maging matatag.” mahabang pagsasalita ni Mommy.
Nagtataka ko naman na niyakap s’ya pabalik.
“O-opo, Mommy. Bakit po? May nangyari po ba?” tanong ko sa kanyang nagtataka.
Naramdaman kong umiling s’ya ng maraming beses.
“W-wala naman, anak… Wala…” sagot n’ya at narinig ko ang kanyang pag-iyak.
Mas lalo na akong nagtaka.
“Eh bakit ka umiiyak?” tanong kong muli sa kanya.
Muli s’yang umiling ng maraming beses.
“W-wala naman… Naiisip ko lang kasi ang operasyon mo bukas… Kinakabahan lang ako…” sagot n’ya sa pagitan ng pag-iyak.
Nakahinga ako ng maluwag dahil wala naman pala akong dapat na ikabahala.
“Mommy naman, magiging okay din ang lahat. ’Di ba nga sabi ng doktor, hindi naman daw maselan ang magiging operasyon ko?” pagpapakalma ko kay Mommy.
Narinig ko na lamang ang paghagulgol ni Mommy. Siguro nga ay kabadong-kabado s’ya sa mga oras na ito. Kaya naman wala akong ibang magagawa kundi ang haplusin lamang ang kanyang likod upang pakalmahin ito.
Naniniwala akong magiging ayos din ang lahat. Dahil naniniwala ako sa mga sinabi ni Love. Na hangga’t nabubuhay ka, marami pang natitirang pag-asa. Naniniwala akong pagkatapos ng unos, may panibagong bukas na napakasaya.
“Idilat mo ng paunti-unti ang mga mata mo, hijo.” utos ng aking doktor matapos n’yang tanggalin ang benda sa mga mata ko.
Sinunod ko naman iyon. Nakaramdam ako ng kirot habang ginagawa ko iyon. Masakit ang mga mata ko. Pero dahil gusto ko nang makakita ay tiniis ko ito.
Nang mabuksan ko ang mga mata ko ay kadiliman pa rin ang nasa paligid ko. Wala itong pinagkaiba noong hindi pa ako naooperahan.
Pero dahil lagi kong iniisip ang mga sinasabi sa akin ni Love noong nag-uusap pa kami na lumaban lang ako at ’wag matatakot, nagkakaroon ako ng panibagong lakas.
At habang inaalala ko ang mga sinabi n’yang iyon ay nagkakaroon na ng maliit na liwanag hanggang sa tuluyan nang lumawak ito.
“Nakikita mo na ba kami, hijo?” tanong muli sa akin ng doktor ko.
Hindi ko s’ya sinagot dahil malabo pa ang naaaninag ko. Hinintay kong mas magliwanag pa ang paligid ko.
At makalipas ang ilang sandali ay nangyari na ang pinakahihiling ko. Tuluyan ko nang nasilayan ang paligid, tuluyan ko nang nakikita ang ganda ng mundo.
Isa-isa kong tiningnan ang mga tao dito sa kwarto ng ospital kung nasaan ako.
Nakita ko si Momny na naitakip ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bibig habang umiiyak. At ang mga luha n’yang iyon ay sumisimbolo ng nag-uumapaw n’yang kaligayahan dahil sa wakas ay nakikita ko na s’ya.
Kasunod ng pag-ikot ko sa aking paningin ay ang lalaking doktor ko. Nasa kanyang kanan naman ang dalawang lalaki na nakasuot ng uniporme ng nurse.
Masaya ako dahil nakakakita na ako. Pero nakaramdam ako ng lungkot dahil wala dito ang taong gusto kong makita sa mga oras na ito.
Mabilis kong nilingon si Mommy habang suot ko ang maluwag na pagkakangiti ko.
“Mommy, si Love? Saan ko makikita si Love?” tanong ko agad sa kanya sa masayang tono.
S’ya ang unang taong unang pumasok sa isip ko. S’ya ang unang taong gusto kong makita sa mga oras na ito.
Hindi nakasagot si Mommy. Ngunit ang kanina n’yang pag-iyak ay mas lumakas na sa mga oras na ito. At kung kanina ay iyak ng kaligayahan ang nakikita ko sa kanya, ngayon naman ay puno na ito ng kalungkutan.
“Mommy, ’di ba malapit lang ang kwarto ng Mama n’ya rito? Saan? Saan ang kwarto nila? Gusto ko s’yang puntahan!” pagpipilit ko pa rin.
Sa halip na sagutin ako ni Mommy ay nagulat na lamang ako nang takpan n’ya ng kanyang palad ang kanyang mukha. Paulit-ulit s’yang umiling sa hindi ko malamang dahilan.
Dahil sa nakikita ko sa kanya ay nakaramdam na ako ng takot. Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko ay may mali nang nangyayari.
Mabilis kong ikinilos ang katawan ko at bumaba sa hospital bed kung nasaan ako.
“Alex! Bumalik ka dito!” sigaw sa akin ni Mommy dahil mabilis akong lumabas ng kwarto kong iyon.
“Love?” mahina kong sambit sa pangalan ng taong gusto kong makita sa mga oras na ito.
Lakad-takbo ang ginawa kong paghakbang upang silipin isa-isa ang katabi kong kwarto.
“Mama! Mama!” narinig kong boses na nagmumula sa hindi kalayuan mula sa aking pwesto.
Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Dahil kahit hindi na ako makakita pa habang buhay, hinding-hindi ko makakalimutan ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
“Love?” mahinang pagtawag ko sa kanyang pangalan.
Mabilis ako sa ginawa kong paghakbang patungo sa kwarto kung saan nagmumula ang boses na iyon.
“Mama! Ayoko na po! Masakit na po!” nadidinig kong sigaw.
At sa bawat pagsigaw na iyon ay naririnig ko rin ang malakas n’yang pag-iyak.
“Mama… hindi ko na po kaya… Masakit na po…” hinaing n’yang hirap na hirap.
Naninikip ang dibdib ko habang napapakinggan ko ang kanyang hinaing at pag-iyak.
Narating ko ang kwarto kung saan nagmumula ang boses ni Love. Nanginginig ang mga kamay kong binuksan iyon ng paunti-unti.
At mula sa maliit na siwang sa pinto ng kwartong iyon ay naabutan ko ang hinahanap ko. Naabutan ko itong nakahiga sa isang kama habang may mga aparatong nakakabit sa kanyang katawan.
“Mama… ang sakit-sakit na po… t-tama na po….” hinaing ni Love.
Nanghina ang buong katawan ko sa nakikita ko sa kanya.
Nasorpresa ako sa inabutan ko sa kanya. Dahil ibang-iba ang Love na inaasahan kong makita.
Payat ang pangangatawan at puno ng pasa sa katawan. Ang iniisip kong mukha n’yang suot ang magandang ngiti ay puno ng hinagpis sa mga oras na ito. Patuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha dahil sa sakit na nararamdaman sa mga oras na ito.
Doon ko lang din napagtanto na kaya pala ayaw n’yang hawakan ko ang kanyang ulo ay dahil kahit isang hibla ng buhok ay wala na ito.
At ang mas nakakasorpresa ay hindi pala isang babae ang nagmamay-ari ng tinig na paborito na ngayong pakinggan ng tenga ko. Wala s’yang pang-itaas na damit kaya nalaman kong isang lalaki pala ang nagpapasaya sa akin habang nasa kadiliman ako. Ang lalaking nagbigay pag-asa sa madilim kong mundo.
“Mama…. hindi ko na po kaya… hirap na hirap na po ako…” muli n’yang daing habang hawak ng mahigpit ang kanyang ina.
Pinagmasdan kong mabuti ang Mama n’ya. Bagama’t umiiyak ito ay nakikita kong malakas ito. Ibang-iba sa sinabi sa akin ni Love na may sakit ito.
Kabaliktaran ang lahat.
Dahil kung mayroon mang mahina sa kanilang dalawa, walang iba iyon kundi si Love.
Hindi ko napigilan ang aking mga luha na dumaloy mula sa aking mga mata. Labis akong nasasaktan sa nakikita kong paghihirap n’ya.
Naitakip ko ang aking palad sa aking bibig upang pigilan ang malilikha kong ingay dahil sa pag-iyak ko.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong may humawak sa aking braso.
“Alex, anak…” si Mommy pala na patuloy pa rin sa pag-iyak.
Nilingon ko s’ya habang patuloy pa rin akong umiiyak.
“Mommy…. anong nangyari..? Anong nangyari kay Love…?” tanong kong umiiyak.
Inilapit ni Mommy ang kanyang sarili para yakapin ako. Mahigpit din ang naging pagyakap ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay ano mang oras ay babagsak ako.
“Anak… si Louvelle, may sakit s’ya… May cancer s’ya at kailangan n’yang dumaan sa pagpapa-chemo…” sagot ni Mommy na umiiyak.
“B-bakit Mommy..? Bakit n’ya nagawang magsinungaling..? Ang dami n’yang itinago sa akin…” tanong ko kay Mommy habang umiiyak.
“Dahil gusto n’yang maging malakas ka… Dahil gusto n’yang mabigyan ka ng pag-asa… Dahil ayaw n’yang araw-araw ay nakikita ka n’yang umiiyak at nalukungkot dito sa ospital… Ginawa n’ya ang lahat para mabigyan ka ng pag-asang magpatuloy sa buhay…” sagot ni Mommy.
Tanging impit na pag-iyak lang ang nagawa ko. Hindi ko na kaya pang magsalita. Isa pa, hindi ko na iyon magawa dahil patuloy ko rin na naririnig ang hinagpis ni Love sa loob ng kwarto. Ang bawat pag-iyak n’ya dahil sa sakit at paghihirap.
Gusto ko s’yang sumbatan, gusto ko s’yang sigawan.
Paano n’ya nagagawang pasayahin ako kung s’ya itong mas mahina pa sa akin? Paano n’ya ako nabibigyan ng pag-asa samantalang s’ya itong mas malala pa ang kalagayan sa akin? Paano n’ya nasasabi sa akin na ’wag akong mawawalan ng pag-asa kung s’ya itong mas nalalapit na ang sandali ng buhay n’ya?
Nagising ako nang maramdaman ko ang marahang paghaplos sa aking ulo. Nakatulog pala ako dahil sa pagbabantay kay Love na nakatulugan ang pagod dahil sa hirap ng pagpapa-chemo at pag-iyak.
Inangat ko ang aking ulo na nakayukyok sa hospital bed.
“B-bulaga….” hirap na hirap n’yang pagsasalita ngunit nagawa n’yang magbitaw ng isang ngiti.
Malamya ang kanyang mga mata tanda na nanggaling s’ya sa isang napakahirap na kaganapan sa kanya.
“Love….” sambit ko sa pangalan n’ya.
Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak n’ya sa aking kamay. Nakatulog pala akong hawak ang maliit at malambot na kamay n’yang iyon.
“Nakikita mo na ako…” nahihirapan n’ya pa ring pagsasalita.
Kahit nahihirapan akong nakikita s’ya sa kanyang kalagayan ay nagbitaw ako ng isang ngiti.
“Oo, malinaw na kitang nakikita.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Nakita kong nabawasan ang kanyang ngiti. At kasunod nito ay ang pangingilid ng kanyang mga luha.
“Sorry… sorry, Alex… Sorry kung hindi ko sinabi ang totoo… Sorry kung akala mo babae ako… Sorry…” sunod-sunod n’yang paghingi ng tawad. At kasunod ng mga iyon ay ang pagdaloy ng kanyang mga luha.
Nakangiti ko pa ring inabot ang kanyang mukha gamit ang isa kong kamay na hindi n’ya hawak. Marahan kong pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang aking palad.
“’Wag… ’wag kang humingi ng tawad. Wala kang kasalanan.” nakangiti kong sagot sa kanyang mga sinabi.
Nakita ko ang pagtataka sa kanya.
“H-hindi ka galit?” tanong n’yang humihikbi.
Kahit impis ang kanyang mukha dahil sa kanyang karamdaman ay nakukuha n’ya pa rin akong pangitiin dahil sa ganda ng kanyang tinig.
“Bakit naman ako magagalit sa taong naging dahilan ng pagiging masaya ko kahit wala akong makita sa araw-araw na gigising ako? Bakit ako magagalit sa taong nagbalik ng ngiti ko? Sa taong hindi ko na yata kayang mabuhay kung wala s’ya sa tabi ko.” sunod-sunod kong pagtatapat sa kanya.
Sa hindi ko malamang dahilan ay wala akong maramdamang pag-aalinlangan sa mga salita kong iyon. Sa katunayan ay napakasaya ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Nakita ko ang muling pagsilay ng ngiti sa kanyang mukha.
Muli akong umupo ng maayos at hinawakan ng dalawa kong kamay ang kanya ring kamay. Parang ayaw ko na s’yang bitawan sa mga oras na ito.
“Love…” pagtawag ko sa kanya habang nakatingin sa kanya ng tuwid.
“B-bakit..?” muli na naman n’yang paghikbi.
Natawa ako dahil nakangiti na s’ya kanina ngunit ngayon naman ay umiiyak na naman.
“Bakit ka ba umiiyak?” tanong kong natatawa.
“K-kasi, imbento ko lang na tawagin mo akong Love, eh… G-gusto ko kasi ikaw lang ang tatawag sa akin n’yan… Ang saya ko lang… K-kasi iba ang tawag mo sa akin… Feeling ko tuloy may boyfriend na talaga ako…” sagot n’yang umiiyak.
Mas lalo akong natawa sa pagtatapat n’yang iyon. Bakit ba kahit sa simpleng mga bagay mula sa kanya ay napapasaya na n’ya ako?
“Eh bakit? Akala ko ba magiging magboyfriend na tayo? Pinakilala mo na nga ako sa Mama mo ’di ba? Tapos nakilala ka na rin ng Mommy ko.” tanong kong nakangiti sa kanya.
Nagulat ako nang bigla n’yang tanggalin ang kamay n’yang hawak ko.
“H-hindi pwede!” sagot n’yang humihikbi.
Rumehistro ang pagtataka sa akin.
“Bakit?!” tanong kong nagtataka.
Mas lalong umagos ang mga luha n’ya sa mga mata. Nakaramdam ako ng takot dahil sa nakikita ko sa kanya.
“Hindi pwede, Alex…” sagot n’yang umiiyak pa rin.
Inisip kong baka nawawalan na s’ya ng pag-asa sa mga oras na ito. Baka iniisip n’yang hindi na s’ya magtatagal sa mundo kaya hindi pwedeng maging kami.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot kaya hindi ako nakapagsalita. Napayuko ako at nagsimula nang mangilid ang mga luha ko.
“H-hindi pwede, Alex… ’Di ba nga sabi ko, dapat ligawan mo muna ako…? Sabi ng Mama ko dapat magpaligaw muna daw ako bago magboyfriend…” bigla n’yang pagsagot sa pagitan pa rin ng pag-iyak.
Mabilis kong naiangat ang aking mukha dahil sa pagkasorpresa. Tiningnan ko s’ya ng tuwid at nasaksihan ko ang kanyang pagngiti kahit may mga luha pang dumadaloy mula sa kanyang mga mata.
Dahil sa mga narinig ko ay muling nagbalik ang ngiti ko. Muli kong kinuha ang kanyang kamay at hinalikan iyon.
“Oo ba!” una kong sambit at saglit na tumigil. “Basta ba, bilisan mong magpagaling ha? Kasi hihintayin kita hanggang sa gumaling ka.” sunod kong tanong sa kanya.
Saglit s’yang natigilan dahil sa aking sinabi.
“Alex… B-baka kasi––” tangka n’ya sanang pagkontra na mabilis kong pinigil. Inilagay ko ang isa kong palad sa kanyang bibig upang hindi n’ya maituloy ang kanyang sasabihin.
“Love, ’di ba ang sabi mo ’wag dapat mawawalan ng pag-asa? Dapat magpatuloy lang tayo kahit anong unos ang dumating dahil may magandang bukas na naghihintay para sa atin?” tanong ko sa kanya.
Tumango naman s’ya ng marahan bilang pagsagot.
“Kaya fight lang ng fight ha? ’Wag kang matatakot ha?” wika kong nakangiti.
Ngumiti s’ya sa aking sinabi.
“Lalaban ka?” tanong ko sa kanya.
Tinitigan n’ya ako sa mata. Tila ba nagdadalawang-isip pa s’ya bago sumagot.
Ngunit makalipas ang ilang sandali ay dahan-dahan s’yang tumango bilang sagot.
Tinanggal ko ang palad ko sa kanyang bibig.
“Promise?” paniniguro ko sa kanya.
“Promise.” wika n’ya at ngumiti.
Dahil sa narinig kong pangako n’ya ay hindi ko napigilan ang aking sarili. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo at niyakap s’ya ng marahan.
“Hihintayin kita, Love. Please, lumaban ka. Maghihintay ako, promise.” wika ko at hindi ko napigilan ang aking mga luhang pumatak.
Alam kong maliit ang tyansa, pero dahil s’ya ang dahilan kung bakit naniniwala ako sa salitang ‘pag-asa’ ay panghahawakan ko ang maliit na tyansang iyon.
(Makalipas ang tatlong taon)
“Kamusta ka na?” tanong ko sa kanya habang nakaupo sa harap ng kanyang puntod.
Napangiti ako ng mapait.
“Siguro masaya ka na d’yan ngayon? Siguro natupad na d’yan sa langit ang pangarap mong magkaroon ng masayang buhay?” tanong ko sa kanya.
Matapos kong itanong iyon ay ang pagpatak ng aking mga luha.
“Salamat ha? Kung hindi dahil sa’yo, baka nabawasan na ang pagkakataon ko para tuluyang maging masaya sa ibabaw ng mundo.”
Hinaplos ko ang kanyang lapida.
“Ikaw ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko, alam mo ba ’yon? Kaya kung nasaan man ako ngayon, malaki ang naging parte mo doon.”
Pinunasan ko ang aking mga luha at nagbitaw ako ng matamis na ngiti.
“Salamat sa lahat. Hinding-hindi kita makakalimutan.”
Tatlong taon ko na s’yang hindi nakikita. Tatlong taon na ang nakakalipas nang magpaalam s’ya sa akin. Naroroon ako sa kanyang tabi nang masaksihan ko ang huli n’yang paghinga.
Kapag bumabalik ang ala-alang iyon ay may kirot pa rin akong nararamdaman sa aking dibdib. Isa iyon sa pinakamasakit na bahagi ng buhay ko. Ang mawala ang taong naging pinakaimportante sa akin.
Isa-isa kong inalala ang masasayang kaganapan sa aming dalawa. At kung noon ay wala akong ginawa kundi ang lumuha sa tuwing maaalala ko s’ya, ngayon ay nagagawa ko nang ngumiti.
Malaki ang naging pagbabago ng buhay ko makalipas ang tatlong taon. At nagkaroon man ng pagsubok ay nakayanan ko naman iyon. Dahil may nagturo sa akin na maging matatag at maniwala sa salitang ‘pag-asa’.
Muli kong hinaplos ang kanyang lapida. Kahit man lang sa paghaplos kong iyon ay maramdaman n’yang malaki ang pasasalamat ko sa kanya.
Nasa ganoon akong tagpo nang bigla na lamang may mga brasong pumaikot sa leeg ko. Nanggaling s’ya sa aking likuran at sa tingin ko ay tumakbo na naman ito papalapit sa akin para yakapin ako.
“Bulaga!” panggugulat nito sa akin.
Paulit-ulit na lang n’ya itong ginagawa sa tuwing magkikita kami. Pero kahit paulit-ulit pa itong nangyayari ay nasosorpresa pa rin ako sa kanya.
“Love!” masayang kong bati sa kanya at nilingon s’ya habang ang kanyang mukha ay nasa gilid din ng aking mukha.
Binigyan n’ya ako ng halik sa pisngi at ngumiti.
“Paano ka nakapunta dito?” tanong ko sa kanya.
Hindi pa rin s’ya bumibitaw sa pagkakayakap sa aking leeg. Napakalambing n’ya talaga.
“Nagtaxi na lang ako. Gusto kasi kitang gulatin.” sagot n’ya at ngumuso.
Hindi ko mapigilang manggigil kapag ganito s’ya. Kaya naman kahit nahihirapan ako sa aming posisyon dahil nasa gilid ng aking mukha ang kanyang mukha ay binigyan ko s’ya ng halik sa labi.
“Kamusta ang pag-aaral mo?” tanong ko sa kanya.
“Okay lang, masungit pa rin si prof.” sagot n’yang nakanguso pa rin.
Natawa na lamang ako sa sagot n’ya. Unti-unti na akong tumayo para maghanda na ring umuwi kasama ang cute na boyfriend ko.
“Magpaalam ka na rin sa kanya.” utos ko kay Love habang tinuturo ang lapida na may nakaukit na pangalan ng ex-girlfriend ko.
Ngumiti si Love at hinarap si Des.
“Des! Ba-bye na!” una n’yang sambit. “Salamat ulit ha? Salamat sa pagbibigay ng panibagong liwanag kay Alex. Salamat sa brown mong mga mata. Mas lalo tuloy naging gwapo si Alex!” wika n’yang nakangiti.
Si Des ang ex-girlfriend ko. S’ya ang kasama kong naaksidente sa sasakyan tatlong taon na rin ang nakakalipas. Ngunit sa kasamaang palad, hindi s’ya nabigyan ng tyansang mabuhay, tanging ako lang.
“Tara na!” biglang pagbaling sa akin ni Love.
Sinimulan na naming maglakad palayo kung nasaan si Des.
“Saan mo gustong pumunta?” tanong ko sa kanya habang akbay s’ya.
“Nood tayong sine! Date ulit tayo!” suhestyon n’ya habang ang dalawa n’yang kamay ay nakapalibot sa bewang ko.
Nagbitaw ako ng mahinang pagtawa.
“Baka may assignments ka pa? Unahin muna natin ’yon. Doon na lang tayo magdate sa harap ng notes mo.” suhestyon kong natatawa.
Nagbalik na kasi s’ya sa kanyang pag-aaral nang tuluyan s’yang gumaling. Ako naman ay hinawakan na ang family business namin.
Marami man ang naging paghihirap n’ya para maka-survive ay nakita ko ang katatagan n’ya. Lumaban s’ya at hindi sumuko.
Chemotherapy ay Stem Cell Transplant ang naging paraan upang tuluyang malunasan ang kanyang leukemia.
Nasaksihan ko ang lahat ng kaganapan sa kanya dahil hindi ako umalis sa tabi n’ya. Gusto kong sa pagkakataong iyon ay ako naman ang kukunan n’ya ng lakas. Gusto kong ako naman ang magpapasaya sa kanya kahit nahihirapan s’ya.
“Eh nami-miss ko na kasi nung nililigawan mo pa lang ako.” sagot n’ya na namang nakanguso.
Hinalikan ko s’ya sa ulo habang natatawa.
“Nami-miss mo na agad? May nagbago ba sa akin simula nang sagutin mo ako? Parang nililigawan pa rin naman kita ’di ba?” tanong kong natatawa.
Saglit s’yang napaisip. Patuloy pa rin kami sa aming paglalakad patungo sa kotse namin.
“Oo nga ’no?” sagot n’ya sa akin na lalong ikinatawa ko.
Ito ang bagay na lubusang nagbibigay kasiyahan sa akin, kasama ko na s’ya at opisyal na kaming dalawa. Inabot man ng dalawang taon ang panliligaw ko sa kanya, hindi ko na napansin ang tagal o haba ng panahong iyon. Dahil sa bawat araw na magkasama kami ay walang patid na saya ang hatid namin sa isa’t-isa.
“Sige na nga, next time na lang tayo magdate.” bigla n’yang sambit. “Tulungan mo na lang ako sa project ko. Ha? Please?” sunod n’yang pakisuyo.
“Oo naman! Basta para sa Love ko.” sagot kong masaya at marahang hinaplos ang kanyang ulo na ngayon ay may mayabong nang buhok.
Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa na parang musika sa aking pandinig.
“Yey! I love you na!” sambit n’ya habang nakatingala sa akin. Ang liit n’ya kasi kumpara sa akin.
“And I love you too, noon pa!” sagot ko at hinalikan s’ya sa labi.
May mahihiling pa ba ako?
Siguro ay wala na. Dahil habang naririto sa aking bisig ang taong patuloy na nagtuturo sa akin na ’wag mawawalan ng pag-asa ay magpapatuloy ako sa aking buhay.
Haharap man kami sa maraming pagsubok sa hinaharap, alam naming malalampasan namin iyon hangga’t kasama namin ang isa’t-isa.
Hangga’t hawak naming pareho ang kamay ng bawat isa.
-THE END-
WAITING FOR HIS LOVE
“Sir, last trip na po ’yan ng train. Wala pa po ba kayong balak sumakay? Magsasara na rin po kasi kami eh.” magalang na pakiusap sa akin ng gwardya dito sa train station.
Tiningnan ko rin ang aking wrist watch. Alas diyes na ng gabi.
Nilingon ko ang gwardya habang malungkot ang aking mga mata.
“Sandali na lang po.” pakiusap ko sa kanya.
At matapos kong sabihin ang salitang ’yon ay nakarinig na kami ng mga yabag ng pagtakbo mula sa aming likuran.
“Jeff!” sigaw sa aking pangalan ng bagong dating.
Sabay kaming napalingon ng gwardya at nakita namin ang taong nakahawak sa kanyang tuhod at hapong-hapo dahil sa ginawang pagtakbo.
Ngumiti ako sa kanya.
“And’yan ka na pala, Jheck.” nakangiti kong pagbati sa kanya.
Inayos n’ya ang kanyang sarili.
“Tara na?” nakangiti nitong pagyaya.
Tumango lamang ako sa kanya at sinimulan ko na ring maglakad para makauwi na rin kami.
Akbay ko s’ya habang tahimik na naglalakad patungo sa aming inuupahang bahay na dalawang kilometro din yata ang layo mula sa train station.
“Ang liit mo talaga, Jheck. Hanggang balikat lang kita.” nakangiti kong umpisa ng aming pag-uusap.
“Leche! ’Yung height ko na naman ang nakita mo!” nakabusangot n’yang sagot habang nagkakamot ng kanyang ulo.
Tinawanan ko lamang iyon. Nagbalik ang katahimikan sa aming dalawa.
Ilang minuto iyon hanggang sa nagsalita s’yang muli.
“Jeff…” mahina n’yang pagtawag sa akin.
“Hhmmm?” sagot ko habang nakatingin ng tuwid sa aming nilalakaran.
“Hanggang kelan? Hanggang kelan ka maghihintay kay Ree sa train station?” tanong n’yang malungkot.
Ngumiti ako ng mapait.
“Hanggang sa bumalik s’ya.” sagot ko sa kanya.
Hindi na s’ya nagsalita o nagtanong pa. Nanatili na lamang s’yang tahimik kaya nagbukas ako ng panibagong usapan.
“Kamusta pala trabaho?” tanong ko sa kanya.
“Ayos lang. Marami akong tinapos na reports kaya natagalan ako sa pagsundo sa’yo.” sagot n’ya. “Ikaw? Kamusta trabaho?” pangangamusta n’ya pabalik.
“Ayos lang din. Mababait ang mga model ngayon kaya wala akong naging problema sa pagkuha ng shots nila.” sagot ko naman sa kanya.
Nagpatuloy kami sa aming paglalakad hanggang makarating kami sa aming inuupahang bahay.
Saglit lang kaming naghapunan at nagdesisyon na rin kaming matulog.
Pinagmasdan ko s’ya habang nasa kabilang kama at nahihimbing. Tanging lampshade lang ang nagbibigay liwanag para masilayan ko s’ya.
Ang amo ng mukha ng kaibigan ko. Para s’yang isang anghel na bumaba mula sa langit. Kung sabagay, s’ya na siguro ang pinakamabait na taong nakilala ko sa buong buhay ko.
“Hanggang kailan din ba Jheck? Hanggang kailan ka magtitiyaga na laging nasa tabi ko?” tanong kong mahina sa kanya.
“Hindi ka ba napapagod sa akin? Isang taon na akong ganito. Gabi-gabi mo akong sinusundo sa train station. Walang katiyakan kung darating pa ba si Ree.” sunod kong bigkas.
Muli kong inalala ang mukha ng taong isang taon ko na ring hinihintay ang pagbabalik. At muli ko ring inalala ang huli namin nitong pag-uusap.
’ Kung sakaling babalik ako, sana nandito ka pa rin. Sana nandito ka pa rin para salubungin ako, Jeff. Dahil kahit magdilim, hihintayin ko ang pagsundo mo sa akin.’ masuyong pakiusap sa akin ni Ree.
‘Oo naman. Araw-araw, mag-aabang ako para masiguro kong masusundo kita.’ sagot kong nakangiti sa kanya.
At matapos ang pagpapalitan namin ng ngiti ay ang pagpatak ng aming mga luha.
‘Mami-miss kita… Mami-miss ko kayo ni Jheck… Mami-miss ko ang tinitirahan nating tatlo.’ umiiyak nitong pahayag.
’’Wag ka nang umiyak… ‘Pag nakabalik ka naman, magkakasama pa rin tayong tatlo.’ umiiyak ko ring sagot sa kanya.
Sabay namin na nilingon ang matalik naming kaibigan na nakaupo sa isang bench dito sa train station. Ang kaibigan namin na walang ginawa kundi ang suportahan ang relasyon namin ni Ree. Ang kaibigan namin na pinagtatanggol kami sa mga taong bumabatikos sa relasyong meron kami ni Ree dahil pareho kaming lalaki. Ang kaibigan namin na simula pa pagkabata ay kasama na namin.
‘Jheck!’ tawag ni Ree sa kanya.
Mabilis itong tumayo at tumakbo papalapit sa amin.
‘Aalis ka na?’ malungkot n’yang tanong kay Ree.
Tumango si Ree.
’Alagaan mo ’tong boyfriend ko ha..? ’Wag mo s’yang pababayaan… ‘Wag mo s’yang iiwan…’ pakiusap ni Ree kay Jheck.
Mas naging malungkot ang mga mata ni Jheck na tiningnan ako. Saglit lamang iyon at muli n’yang ibinalik ang tingin kay Ree.
‘Oo naman. Ako na ang bahala sa kanya.’ malungkot na ngiti nitong sagot.
Muli akong hinarap ng mahal kong si Ree.
’Paano..? Ikaw na rin ang bahala kay Jheck ha..? ’Wag mo s’yang pababayaan… Mahal na mahal ko ‘yang kaibigan natin…’ bilin nito sa akin.
Sinubukan kong magbiro.
‘Mas mahal mo pa yata ang kaibigan natin kesa sa akin na boyfriend mo eh.’ kunwari ay pagseselos ko.
Mabuti naman at nakita kong natawa s’ya sa aking biro kahit may mga luha pa rin sa kanyang mga mata.
‘S’yempre mas mahal kita, Jeff.’ wika nito at niyakap ako.
Ginantihan ko rin iyon ng mas mahigpit na yakap.
Nasaksihan ko kung paano mabilis na tumalikod si Jheck habang nasa bisig namin ni Ree ang isa’t-isa.
‘Mahal din kita, Ree. Mag-iingat ka doon.’ sagot ko sa kanya.
At habang nasa ganoon kaming posisyon ay nakita ko rin ang pagyuko ni Jheck habang nakatalikod ito sa amin ni Ree.
Iyon ang huling pangyayari bago kami tuluyang iwan ni Ree para magtrabaho sa ibang bayan. At simula noon, wala na kaming naging balita pa sa kanya.
Araw-araw ay umaasa ako na darating si Ree sa train station para masundo ko. At sa bawat araw na pumupunta ako doon ay wala rin patid ang pagsundo sa akin ni Jheck para magkasabay na rin kaming uuwi dito.
“Jeff!!” sigaw muli sa akin ni Jheck.
Naririto na naman ako sa train station at inaabangan ang hinihintay ko.
“Uwi na tayo?!” nakangiti nitong pagyaya sa akin.
Agad akong kumilos para puntahan s’ya sa kanyang kinatatayuan.
Akbay ko na naman s’ya habang naglalakad.
Sa araw-araw na ganito kami ay malaya kong napagmamasdan ang kanyang mukha dahil mas matangkad ako sa kanya. Baby face talaga itong kaibigan ko.
“May balita ka na ba kay Ree?” tanong ko sa kanya.
Nakita kong nataranta s’yang bigla. Kung saan-saan n’ya ipinaling ang kanyang mga mata. Tila hindi malaman kung ano ang isasagot n’ya.
“W-wala pa eh… S-sorry…” utal n’yang pagsagot.
Huminga na lamang ako ng malalim.
Ang huling nasabi sa akin nitong si Jheck ay maayos naman daw ang kalagayan ni Ree sa kabilang bayan. Nalaman ni Jheck mula sa mga magulang ni Ree na abala raw ito sa pagtatrabaho doon.
Mabuti pa si Jheck, may balita kay Ree. Samantalang ako na boyfriend n’ya ay walang balita sa kanya. Kahit sana isang beses ay nagawa n’ya man lang akong kamustahin. Nakakalungkot isipin na tila wala akong halaga sa kanya.
Mabilis pa na lumipas ang ilang buwan. Walang nagbago sa akin. Gabi-gabi ay nasa train station pa rin ako at inaabangan ang pagdating ng taong hinihintay ko.
“Jeff!” pagtawag muli sa akin ni Jheck.
Sa nakalipas na ilang buwan pa ay ganito pa rin si Jheck. Gabi-gabi akong sinusundo dito sa train station at yayayaing umuwi.
Pero hindi tulad ng dati, bihira ko na lamang makita ang kanyang ngiti sa tuwing magkikita kami. Wala akong maaninag kundi purong kalungkutan sa kanyang mga mata.
Nang makarating kami ng aming inuupahan ay tahimik pa rin s’ya. Minsan ay sinubukan ko s’yang tanungin kung may problema ba s’ya. Pero ang sabi n’ya ay pagod lamang daw s’ya trabaho.
Nang nasa kalagitnaan ng gabi at nakahiga na kami sa kanya-kanyang kama ay ipinikit ko ang mga mata ko para subukang makatulog. Simula nang umalis si Ree ay nahihirapan na rin akong makatulog dahil sa labis na pag-iisip.
Mahabang minuto na ang lumipas habang nakapikit ako nang marinig kong magsalita si Jheck. Akala ko ay nahihimbing na ito ngunit nagkamali pala ako. Gising pa s’ya sa mga oras na ito.
“Hanggang kailan, Jeff? Hanggang kailan ka ganyan? Hanggang kailan ka aasa na babalikan ka pa n’ya?” sunod-sunod n’yang tanong sa akin.
Matapos n’ya rin itanong iyon ay narinig ko ang kanyang mga paghikbi. Umiiyak s’yang nagpatuloy sa kanyang pagsasalita.
“Napapagod na rin kasi ako, Jeff… Habang patuloy mo s’yang hinihintay, patuloy din akong nasasaktan… Alam mo naman ’di ba..? Ramdam mo naman ’di ba..? Mahal na kita dati pa… Pinili ko lang na hindi sabihin sa’yo dahil alam kong mahal mo rin si Ree… Gusto ko kayong maging masaya… Gusto kong maging masaya ang dalawang tao na malapit sa puso ko… Ang pinakamatalik kong kaibigan at ang espesyal na tao sa puso ko… Kaya kahit nasasaktan ako, nagpaubaya ako sa inyo… Kasi mahal ko kayo… Mahal na mahal ko kayo…” sunod n’yang pagbubunyag habang umiiyak.
Hindi ako nakagalaw. Pinili ko rin na hindi buksan ang mga mata ko at nagpanggap pa rin akong natutulog sa mga oras na ito.
“Akala ko sapat na ang makasama ka sa iisang bahay… Akala ko kahit makasama lang kita, magiging masaya na rin ako… K-kaso… Kaso hangga’t kasama pala kita, mas lalo lang akong masasaktan… Kasi kahit kasama kita, iba naman ang taong gusto mong makita at makasama… Hindi ako… Hindi ako ang taong kayang punan ang pagpapahalaga at pagmamahal na hinahanap mo…” dagdag n’ya pa.
Matapos ang mga pagbubunyag n’yang iyon ay narinig ko na lamang ang impit n’yang mga pag-iyak. Mukhang tinakpan n’ya rin ang kanyang mukha ng unan para hindi makagawa ng mas malakas na ingay sanhi ng kanyang pag-iyak.
’ Alam ko, Jheck. Matagal ko nang alam. Matagal ko nang nararamdaman na iba ang pagmamahal mo sa akin kesa kay Ree kahit pareho mo kaming matalik na kaibigan. Alam kong higit pa sa pagkakaibigan ang pagmamahal mong ‘yon sa akin. Noon pa, bago pa maging kami ni Ree.’
’Yan ang kasagutan ko sa kanyang mga sinabi sa pamamagitan lamang ng aking isip.
Kinabukasan ay ganoon pa rin. Nasa train station pa rin ako para abangan ang pagdating ng taong hinihintay ko.
“Sir, last trip na po ’yung huling train kanina. Sarado na po ang train station na ito.” magalang na pagkausap sa akin ng gwardya.
Tiningnan ko ang aking wrist watch. Alas diyes na ng gabi.
“Sandali na lang po.” pakiusap ko sa gwardya.
Matapos kong sabihin iyon ay umaasa akong may bigla na lamang tatawag sa aking pangalan.
Pero wala.
Wala si Jheck para tawagin ang pangalan ko at yayayain akong umuwi.
“Sir, pasensya na po talaga. Kailangan n’yo na pong umuwi. Papatayin na po namin ang lahat ng ilaw.” muling pakiusap sa akin ng gwardya.
Tiningnan ko ang wrist watch ko. Alas dose na ng gabi. At hanggang ngayon ay wala pa rin si Jheck.
“S-sige.” tangi ko lamang nasabi bago ako tuluyang tumayo para umalis sa lugar na iyon.
Wala akong kasabay na umuwi. Walang Jheck na nasa tabi ko at akbay ko para sabay kaming umuwi sa inuupahan naming bahay.
Nang makarating ako ng bahay ay diretso akong pumasok sa aming kwarto.
Doon ko naabutan si Jheck na nakadapa sa kanyang kama habang natutulog.
Marahan akong lumapit sa kanyang higaan. Napansin kong namumugto ang kanyang mga mata at mukhang kagagaling lang nito sa pag-iyak.
Nang lingunin ko ang kanyang tabi ay nakita ko ang isang laruang posas. May kalumaan na rin ito ngunit halatang naingatang mabuti kahit lumipas na ang panahon.
Napangiti ako. Hanggang ngayon pala ay naitatago n’ya pa rin ito. Iyon ang posas na ginamit sa aming dalawa noong college pa kami para sa isang event ng university na pinapasukan naming tatlo nila Ree. Ang posas na ginamit para sa kunwariang kasal naming dalawa ni Jheck.
Mas lumapad ang pagkakangiti ko sa pag-alala ng pangyayaring iyon. Si Ree pa mismo ang nagkasal sa aming dalawa ni Jheck dahil member s’ya ng Student Council noon. Hindi ko makakalimutan kung gaano kapula ang mukha noon ni Jheck dahil sa hiya. Halos hindi n’ya rin masabi ng diretso ang salitang ‘I do’ kaya nakailang beses iyong pinaulit sa kanya.
Matapos ang ilang minutong pag-alala sa nakaraan habang pinagmamasdan ko si Jheck ay napagdesisyunan ko na rin ang mag-asikaso ng sarili para maghanda na ring matulog.
Nang makahiga na ako sa kama ay pinagmasdan kong muli si Jheck. Alam kong nahihimbing na s’ya dahil bahagyang nakabukas ang kanyang mga mata. Ganyan s’ya ’pag tulog na tulog na, may makikita kang bahagi ng kanyang mga mata. Isa sa katangian n’ya na nakakapagpadagdag sa pagiging cute n’ya.
Napangiti ako ng mapait.
“Napapagod ka na ba, Jheck? Siguro nga pagod na pagod ka na sa akin? Sorry ha? Sana hindi ka magalit sa akin.” mga salitang binigkas ko habang nakatitig sa kanya.
Ilang linggo pa ang lumipas at malaki ang naging pagbabago sa nakasanayan ko.
Patuloy pa rin akong naghihintay sa train station para sa taong inaasahan kong dumating. At sa nakalipas na mga linggo, hindi na nga ako pinupuntahan ni Jheck sa gabi para sunduin at sabay na uuwi.
May mga araw na gigising ako pero wala na akong makikitang Jheck sa loob ng bahay. At kapag uuwi na ako, maaabutan ko s’yang natutulog na sa aming kwarto.
Hindi ko na rin matandaan kung kailan ba kami huling nakapag-usap na dalawa.
May isang beses na nakapikit na rin ang aking mga mata habang nakahiga sa aking kama ngunit gising pa ang aking diwa. Muli ko na namang narinig ang mga paghikbi at pag-iyak ni Jheck. Pero kung noong una ay kinakausap n’ya ako, sa pagkakataong iyon ay paulit-ulit n’ya lamang na binabanggit ang salitang ‘sorry’.
Hindi ko alam kung ano ang dapat n’yang ihingi ng tawad sa akin. Ngunit sa paraan ng paghingi n’ya ng tawad ay tila ba malaki ang naging kasalanan n’ya sa akin.
Maaga akong nagpunta dito sa train station dahil wala akong schedule sa trabaho. Alam kong ganoon din si Jheck, wala rin s’yang trabaho ngayong araw. Pero simula nang magising ako kanina ay hindi ko na naman ito naabutan sa aming tinitirahan.
Nakatayo lamang ako sa tapat ng magdadaang tren. Tulala at malalim ang iniisip. Halo-halong bagay ang naglalaro sa aking isipan, mga katanungan na hanggang ngayon ay hinihintay ang mga kasagutan.
Ilang tren na rin ang nagdaan. Papalit-palit ang mga taong nasa paligid ko ngunit hindi ko sila nililingon. Tanging sa harapan lamang ang aking tingin, nag-aabang ng hihintong tren.
Napansin kong may huminto na isang lalaki malapit sa aking pwesto ngunit hindi ko s’ya nagawang lingunin. Ilang tren pa ang nagdaan ngunit hindi pa rin s’ya gumagalaw sa kanyang pwesto.
Hindi ako nag-abalang sulyapan s’ya. Siguro ay kagaya ko rin s’ya na naghihintay sa mga oras na ito.
Dalawang tren pa ang nagdaan at hindi pa rin kami gumagalaw ng lalaking nasa tabi ko.
May papalapit na naman na panibagong tren, pero tulad ng ginagawa ko ay titingnan ko lamang iyon hanggang sa makaalis.
Nasa ganoon akong tagpo nang mapansin kong gumalaw ang lalaki sa tabi ko. Ang inaasahan ko ay nakapagdesisyon na itong sumakay sa paparating na tren. Ngunit ang ikinagulat ko ay nang lumapit itong bigla sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Dahil sa pagkabigla ay mabilis ko s’yang nilingon. At nang makita ko ang taong nasa tabi ko ngayon ay nagulat ako nang makilala ko ito.
“J-jheck?” gulat kong reaksyon.
Nakayuko s’ya. Ngunit nang mapagmasdan ko s’yang mabuti ay napansin kong umuuga ang kanyang mga balikat tanda na umiiyak s’ya.
“I’m sorry… Sorry, Jeff…” umiiyak at mahina n’yang sambit.
Nagtataka ako sa kanyang mga ikinikilos. Heto na naman s’ya at humihingi ng kapatawaran.
Magtatanong pa sana ako sa kanya ngunit naging mabilis ang mga pangyayari nang bigla n’ya sa akin iabot ang isang briefcase.
Hindi pa iyon doon nagtapos. Mas lalo kong ikinagulat nang bigla n’yang iposas ang kamay ko sa briefcase na iyon.
Lumipat s’ya sa kabilang pwesto ko habang gulong-gulo pa rin ako sa kanya. Muli n’yang hinawakan ang isa kong kamay at iniabot naman ang isang cellphone.
“Sorry, Jeff… Sorry… Patawarin mo ako…” pag-uulit n’ya sa kanyang sinasabi.
“J-jheck, ano bang nangyayari?!” naguguluhan kong tanong sa kanya.
Narinig ko ang malakas na pagbusina ng tren. Senyales na hihinto na ito at magsasakay ng pasahero.
Inangat ni Jheck ang kanyang tingin hanggang sa magtagpo ang aming mga mata. Ngayon ko lamang s’ya muling nasilayan nang malapitan. Namumugto ang kanyang mga mata senyales na matagal na s’ya sa ginagawang pag-iyak.
“S-sana, Jeff… Sana mapatawad mo ako… Sorry…” wika n’ya sa pagitan ng pag-iyak.
Matapos ang mga salitang iyon ay unti-unti s’yang bumitaw sa akin. Umatras s’ya ng dahan-dahan palayo sa akin.
“Nand’yan sa mga binigay ko sa’yo ang kasagutan sa mga tanong mo… Patawad kung ngayon ko lang ipinaalam sa’yo…” pagbibigay n’ya sa akin ng impormasyon. Patuloy pa rin s’ya sa kanyang pag-iyak.
Hindi pa rin ako makapagbigay ng reaksyon sa kanyang sinabi dahil naguguluhan na talaga ako.
“Paalam, Jeff… Hanggang sa muling pagkikita…” umiiyak na nitong pamamaalam.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang naguguluhan pa rin ang aking ekspresyon na tinitingnan s’ya habang papalayo.
Narinig ko ang pagpito ng gwardya senyales na magsasara na ang pintuan ng tren at handa nang umalis ito.
Nasaksihan ko ang pagtalikod sa akin ni Jheck at patakbong tinungo ang tren.
“J-jheck? Jheck! Jheck! Saan ka pupunta?! Jheck!!” pagtawag ko sa kanya.
Sa halip na tumigil ay mas binilisan n’ya pa ang kanyang pagtakbo patungo sa tren. Eksaktong papasara na ang pintuan ng tren ay nakapasok s’ya dito.
Dahil sa nasaksihan ko ay tila ba doon lang ako natauhan. Nakagalaw ako mula sa aking kinatatayuan at mabilis ang ginawa kong paghakbang para habulin si Jheck.
“Jheck!!! Jheck!!! Bumalik ka dito!! Jheck!!” paulit-ulit kong pakiusap sa kanya.
Unti-unting umandar ang tren. Nakarating ako sa pintuan ng tren kung saan pumasok si Jheck.
“Jheck, lumabas ka d’yan!! Bumalik ka dito!!! Jheck!!!” pagtawag ko sa kanya.
Sinubukan kong pantayan ang pintong iyon ng tren kahit patuloy pa ito sa pag-andar.
Hinabol ko si Jheck.
Nasaksihan ko ang paunti-unti n’yang pagharap sa pintuan ng tren na gawa sa salamin. Inangat n’ya ang kanyang dalawang kamay para ilagay sa salamin ng pintuan habang patuloy pa rin s’ya sa pag-iyak.
“Sorry, Jeff… sorry….” paulit-ulit n’yang binibigkas habang nakatingin sa akin. Hindi ko iyon marinig ngunit nababasa ko sa kanyang bibig.
“Jheck, bumalik ka dito!!! ’Wag kang umalis!!!” sigaw ko nang pakiusap habang sinasabayan ang pabilis na pabilis na takbo ng tren.
Mas lumaki pa ang mga paghakbang ko. Pabilis na rin ng pabilis ang pagtakbo ng tren at nahuhuli na rin ako.
“Jheck!!!!! Jheck!!!!! ’Wag kang umalis, Jheck!!!” mas malakas kong sigaw.
Inilabas ko ang lahat ng lakas ko para mapigilan s’ya. Ngunit hindi naging sapat ang lakas ko para mahabol ang tren na iyon. Hindi ko nahabol si Jheck.
Pinagmasdan ko ang papalayong tren hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Hinang-hina akong napaupo sa lupa dahil sa ginawa kong pagtakbo.
Natulala ako dahil sa dami ng iniisip ko. Naguguluhan ako sa nangyari. Hindi kayang iproseso ng isip ko na iniwan na ako ni Jheck.
Matapos ang mahabang pagkakatulala ay ang pagbuhos ng aking mga luha. Doon ko lamang naisip na siguro nga ay napagod na s’ya sa akin. Siguro nga ay tuluyan na s’yang sumuko sa akin.
Napayuko ako at inilagay ang aking noo sa aking mga braso na nakapatong sa tuhod ko.
Habang patuloy ako sa pag-iyak ay napansin ko ang cellphone na aking hawak. Ito ang cellphone na inabot kanina sa akin ni Jheck.
Pinagmasdan kong mabuti ang cellphone. At nang matitigan ko itong mabuti ay nanlaki ang mga mata ko.
Ito ang dating cellphone ko na isang taon na ring nawawala. Ito ang cellphone na inaakala kong ninakaw sa bahay namin ni Jheck. Noong panahon na iniisip kong pinasok kami ng magnanakaw at iyon ang kanyang napiling kunin.
Mukhang maayos pa naman ito. Hindi ko alam sa sarili ko pero may nagtulak sa akin para buksan iyon.
At nang tuluyan ko iyong mabuksan ay bumungad sa akin ang nasa loob ng messages. Maraming text message na wala naman akong matandaan na nabasa ko na ito.
’ Sorry, Jeff. Sorry kung hindi ko matutupad ang mga pangako ko sa’yo.’
’Sana mapatawad mo ako. Sana makahanap ka na rin ng taong magpapasaya sa’yo. ’Yung taong kaya kang samahan habang buhay. ‘Yung taong nagmamahal sa’yo ng totoo.’
‘Patawarin mo ako, Jeff. Pero masaya na ako kapiling ang bagong partner ko. Mahal ko s’ya at mahal n’ya rin ako.’
‘Sorry, Jeff. Sana sa susunod nating pagkikita ay masaya ka na rin. Sana ay tuluyan mo na ring nakalimutan ang naging relasyon nating dalawa.’
‘Naniniwala ako na may taong kayang higitan ang pagmamahal na ibinigay ko sa’yo. Tumingin ka lang sa paligid mo, makikita mo kung sino ang taong tinutukoy ko. Alam kong mahihigitan n’ya pa ako.’
Ilan lamang ’yan sa napakaraming mensahe na nabasa ko.
Tiningnan ko ang numero ng nagpadala ng text message na iyon. At nang makumpirma ko kung kanino nanggaling ito ay nabuhayan ako. Kilalang-kilala ko ang numerong iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. S’ya ang nagpadala ng mensaheng iyon.
Mabilis ako sa naging pagkilos ko. Muli kong nilingon ang isa kong kamay na hawak naman ang brief case na ibinigay pa rin ni Jheck sa akin kanina.
Dali-dali ko iyong binuksan at bumungad sa akin ang napakaraming sulat at larawan. Isa-isa kong tiningnan ang nasa larawan. Inisa-isa ko ring tingnan ang mga sobre ngunit hindi ko na inabala pang buksan ang mga iyon para basahin. Nakilala ko ang sulat kamay ng taong nagsulat sa labas ng sobre para ilagay ang pangalan ko. Pinaparating n’yang para sa akin ang mga sulat na iyon.
Sapat na ang nakita kong mga larawan ng taong minsan nang naging bahagi ng buhay ko kasama ang taong nagpapasaya na sa kanya ngayon. Mas lalo pang pinagtibay nito ang mga text messages na nabasa ko kani-kanina lamang.
Sapat na ang lahat ng iyon para masagot ang mga katanungan ko. Ang mga katanungan kong matagal ko nang hinahanapan ng kasagutan.
Dahil sa reyalisasyon ay napatigil ako sa pag-iyak. At kasunod ng pagtigil ng iyak ko ay sumilay ang malawak na ngiti sa aking labi.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo at tumakbo pabalik sa estasyon ng tren.
“Ate! Pabili ako ng tiket!” hinihingal kong pagsasalita habang nakangiti sa kahera ng train station.
Naroon din pala ang gwardya na sumisita sa akin gabi-gabi para sabihing magsasara na ang train station.
“Wow, boss! Sasakay ka na ng tren? Hindi ka na maghihintay lang dito?” manghang sambit ng gwardya.
Mas lumawak ang pagkakangiti ko.
“Tapos na akong magpasundo, kuya. Ako na ngayon ang magsusundo.” nakangiti kong sagot sa gwardya.
Tila ba nakuha ng gwardya ang nasa likod ng sagot kong iyon.
“Good luck sa’yo, boss! Kagaya nga ng laging sinasabi ng asawa ko sa anak ko ’pag may exam sila sa school, BRING HOME THE BACON!” masaya nitong wika sa akin.
Tanging pagtawa lamang ang naisagot ko sa kanya. Wala na kasing mapaglagyan ang saya ko sa mga oras na ito.
Dumating ang tren at mabilis rin ako sa ginawa kong pagsakay doon.
Habang umaandar ang tren na sinasakyan ko ay wala akong ginawa kundi ang manalangin. Paulit-ulit na panalangin na sana ay magkita pa kami.
Magdadapit hapon na nang marating ko ang isang bayan kung saan nagbabakasakali akong makita ang hinahanap ko. Ako lamang ang nag-iisang pasahero na bumaba sa estasyong iyon. Nasa dulong bahagi na rin kasi ito ng huling estasyon ng tren kaya iilan na lamang kaming sakay na pasahero kanina.
Malawak na bukirin at napakasarap na hangin ang bumungad sa akin nang makababa ako ng tren.
Nasa kabilang bahagi ako ng estasyon at inililibot ko ang paningin ko. Naghahanap ng palatandaan kung saan ko sisimulang hanapin ang pakay ko.
Ilang segundo lamang iyon. At nang marating ng mata ko ang kabilang bahagi ng estasyon ng tren ay nakita ko ang imahe ng taong hinahanap ko. Nakaupo ito sa isang bench habang nakayuko. Mukhang hindi pa rin s’ya natigil sa pag-iyak sa mga oras na ito.
Nabuhayan ako ng loob. Pakiramdam ko ay muli akong isinilang at kailangan kong magbunyi sa mga oras na ito.
Ilang minuto rin akong nakatitig sa kanya. Kahit isang beses ay hindi n’ya nagawang iangat ang kanyang mukha para magtagpo ang aming mga mata. Wala pa rin s’yang kaide-ideya na nasa harap n’ya ako ngayon habang nakangiting pinagmamasdan s’ya.
Ilang sandali pa ay nakita kong inangat n’ya ang kanyang ulo para sana bumwelo ng malakas na pag-iyak. Ngunit nang tuluyan n’yang maiangat ang kanyang tingin ay hindi n’ya naituloy ang tangka n’yang paghagulgol.
Literal s’yang natigilan nang makita n’ya ako sa kabilang bahagi ng platform. Gusto kong matawa sa kanyang hitsura dahil matapos n’yang matigilan ay kinusot-kusot n’ya ang kanyang mga mata. Tila ba hindi pa s’ya makapaniwala na naririto ako ngayon sa harap n’ya.
“J-jeff..?” nauutal n’yang pagtawag sa aking pangalan.
“Ako nga, Jheck.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Napanganga s’ya ng bahagya.
“A-a-anong g-ginagawa mo dito?” utal n’yang pagtatanong muli.
Ang kanina kong nakangiting ekspresyon ay binago ko. Napalitan ito ng seryoso kong ekspresyon.
“Ano sa tingin mo? Matapos mong itago sa akin ang lahat, sa tingin mo ba ganon-ganon na lang ’yon?” tanong kong seryoso sa kanya.
Hindi s’ya nakapagsalita. Nakita ko ang takot sa kanyang mukha.
Nagpatuloy ako sa pagsasalita at mas malakas na ang boses ko sa pagkakataong ito.
“Kailan mo pa alam ang bagay na ’to, Jheck? Kailan mo pa nalaman na may iba nang kinakasama si Ree?! Kailan mo pa sa akin tinatago ang katotohanan na may iba na s’yang mahal?! Na hindi na ako ang taong nagpapatibok ng puso n’ya?!!” sunod-sunod kong tanong sa kanya sa mataas na boses.
Muling naglandas ang kanyang mga luha matapos kong itanong ang mga bagay na iyon sa kanya.
“S-sorry, Jeff… Patawarin mo ako… Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin ’yon sa’yo… Ayokong masaktan ka… Alam ko kung gaano mo kamahal si Ree kaya natatakot ako sa magiging reaksyon mo… Hindi ko kaya… hindi ko kayang makita kang nasasaktan…” sunod-sunod n’yang sagot sa pagitan ng pag-iyak.
“Talaga, Jheck?! Hindi mo kayang nakikita akong nasasaktan? Ano sa tingin mo ang nangyayari sa akin?! Sa tingin mo ba masaya ako habang umaasa akong magbabalik s’ya?! Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan habang patuloy akong nagtatanong kung ano na bang nangyari sa aming dalawa?!!” panunumbat ko na sa kanya.
Tanging pag-iling lang ang naisagot n’ya sa akin habang patuloy na lumuluha.
“Mas doble ang sakit na nararamdaman ko, Jheck!!! Mas nasasaktan ako dahil pakiramdam ko, ako ang may mali!!! Ako ang may malaking kasalanan!! Ako ang nagtataksil sa aming dalawa!!!” sigaw kong muli sa kanya.
Saglit akong tumigil para kumuha ng mas marami pang hangin para susunod kong mga sasabihin.
“Alam mo ba kung bakit?!!!” tanong ko sa kanya.
Umiling s’yang muli ng maraming beses bilang sagot. Patuloy pa rin s’ya sa pag-iyak at nakikita ko ang kanyang pagsisisi.
“Dahil habang tumatagal na naghihintay ako sa estasyon na ’yon, ibang tao na ang inaasahan kong darating!!! Ibang tao na ang inaabangan ko para salubungin!!! Hindi na si Ree ang inaasahan ko kundi ang taong inaasahan kong darating para yayain akong umuwi ng bahay namin!!! ’Yung taong nakakasabay kong maglakad pauwi!!! ’Yung taong hindi napagod kahit kagagaling lang n’ya ng trabaho pero susunduin pa rin ako!!! ’Yung taong sinuportahan ako simula pa noong makilala n’ya ako!!!” sunod-sunod kong pagbubunyag.
Mabilis ang mga paghinga ko dahil sa sunod-sunod kong pagsigaw.
Nakita ko kung paano muling natigilan si Jheck. Napatigil s’ya sa ginagawa n’yang pag-iyak at nanlaki ang mga mata n’yang tiningnan ako ng tuwid.
Naihilamos ko ang aking palad dahil sa labis na pagtitimpi. Gusto ko s’yang sumbatan ng maraming beses ngunit alam kong wala namang patutunguhan iyon.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
“Ito lang naman ang hinihintay ko, Jheck! Ang masagot ang tanong ko kung bakit bigla na lang nawala si Ree! Ito lang ang sagot na hinihingi ko para tuluyan na akong makawala sa kanya! Dahil ayokong maging unfair! Ayokong dumating ’yung araw na masosorpresa na lang ako sa pagbabalik n’ya pero may mahal na akong iba!”
“Gusto ko ng maayos na pagtatapos sa relasyon naming dalawa! Gusto kong ipaalam sa kanya na matagal ko nang nakalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya! Na iba na ang taong nagpapasaya sa akin simula nang iwan n’ya ako! ’Yun lang! ’Yun lang ang dahilan kung bakit patuloy akong naghihintay sa pagbabalik n’ya!”
sunod-sunod ko pang pagdedetalye sa kanya.
Mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi s’ya makapaniwala sa mga pagbubunyag ko.
“I-ibig… i-ibig sabihin…” utal n’yang pagsasalita na halos hindi n’ya maituloy.
Muli akong bumwelo ng pagsigaw.
“Oo, Jheck!!! Ikaw!! Ikaw na ang dahilan kung bakit gabi-gabi akong nasa estasyon ng tren na ’yon!! Ikaw na ang inaabangan kong dumating!! Ikaw na ang taong nagpapasaya sa akin!!” sigaw ko at dinuduro s’ya.
Saglit akong tumigil para sa huling bahagi ng pagtatapat ko.
“Ikaw na kasi, Jheck!! Ikaw na ang laman nito!!!” sigaw kong muli habang tinuturo naman ng paulit-ulit ang dibdib ko.
Nakita ko ang pamumula n’ya habang nanlalaki ang mga mata. Mukhang hindi pa rin yata s’ya kumbinsido kaya tinodo ko na ang rebelasyon ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay nagsalita na ako sa mahinahong paraan.
“Matagal ko nang nararamdaman, Jheck… Matagal ko nang alam na nagmamahal na ako ng iba… At ikaw ’yon… Mahal na kita, Jheck… Matagal na kitang mahal…” tuluyan kong pagtatapat sa kanya.
Ilang segundo ang lumipas para makuha ko ang sagot mula sa kanya. Natulala kasi s’ya habang nakatitig lang sa akin. At matapos ang ilang segundong iyon ay muling naglandas ang kanyang mga luha. Ngunit sa pagkakataong ito ay sinasabayan na ng kanyang mga pagluha ang pagsilay ng kanyang magandang ngiti.
Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kanyang pwesto. Tinawid ko ang riles na nasa pagitan namin. Pinanonood n’ya lamang ako sa aking paglapit habang patuloy pa rin s’yang lumuluha.
At nang tuluyan akong makarating sa kanyang pwesto ay mabilis s’yang tumayo. Sinalubong n’ya ako ng yakap na tinugunan ko rin ng mahigpit ding yakap.
“Sorry….” umiiyak n’yang sambit habang yakap n’ya ako.
Napangiti ako.
“Ganyan ba dapat ang isasagot mo sa sinabi ko? Sabi ko mahal kita ’di ba? Kaya dapat ang isasagot mo, ’yung sinasabi mo rin sa akin kapag natutulog na ako.” nakangiti kong suhestiyon.
Naramdaman kong natigilan s’ya. Nabigla sa aking sinabi.
“A-alin doon?” tanong n’ya.
Dahan-dahan kong niluwagan ang pagkakayakap sa kanya upang magtagpo ang aming mga mata.
“Mahal kita, Jheck. Mahal na mahal. Ano sa tingin mo ang dapat na isagot mo sa akin?” tanong kong nakangiti.
Namula na naman ang kanyang mukha. Nakakatuwa s’yang pagmasdan sa tuwing makakaramdam s’ya ng hiya.
“Uhm… ano… m-mahal…” utal n’yang sagot.
“Mahal…? Anong kasunod ng salitang ’yan?” pilyo kong tanong.
“A-ano… m-mahal… k-kita…” nahihiya n’ya pa ring sagot.
“Ulit.” utos ko sa kanya.
“M-mahal.. k-kita…”
“Ulit pa. ’Yung malinaw. ’Yung tuwid para damang-dama.”
“M-mahal nga kita…”
“Isa pa.”
“Mahal kita.”
“Last na.”
“Mahal kita!!” may kalakasan na n’yang sagot.
At matapos n’yang isigaw iyon ay yumuko ako sa kanya.
Kasunod ng pagyuko ko ay inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha.
Ang ilang pulgadang pagitan ng aming mukha ay unti-unting lumiit hanggang sa tuluyang mawala ito.
Pinagtagpo ko ang labi naming dalawa.
Naramdaman kong nabigla s’ya. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay ngumiti s’ya habang magkadikit pa rin ang aming mga labi. Kasunod din nito ay ginantihan n’ya ang aking paghalik.
Sa wakas ay nakamit ko na ang kalayaang matagal ko nang hinahanap. Natagpuan ko na ang aking simula kasama s’ya.
Matapos ang aming paghalik ay muli naming niyakap ang isa’t-isa.
“Ang saya ko, Jeff.” wika n’ya at alam kong nakangiti s’ya.
“Ako rin. Sobrang saya ko. Ako na yata ang pinakamasayang taong nabubuhay sa mga oras na ’to.” sagot ko sa kanya.
Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa.
Bumitaw kaming muli at naghiwalay na may ngiti sa aming mga labi.
Nasa ganoon kaming tagpo nang may maalala ako. Muli tuloy nagbalik ang pagkunot ng noo ko.
“Jheck naman, ’wag mo nang uulitin ang ginawa mong pag-alis. Basta-basta ka na lang lalayas na hindi man lang nagpapaalam ng maayos.” sermon ko sa kanya.
Natawa s’ya ng alanganin.
“Sorry na.” sagot n’yang nahihiya.
“Mabuti na lang alam ko na dito ka uuwi sa lugar natin.” dagdag ko pa.
“Eh? Paano mo nga pala nalaman na dito ako pupunta?” tanong n’yang nagtataka.
Tinaasan ko s’ya ng isang kilay.
“Bakit? Bukod ba dito, may iba ka pa bang mapupuntahan?” tanong ko.
Nagkamot s’ya sa kanyang ulo.
“Oo nga pala, wala na.” sagot n’yang may alanganing ngiti.
Hindi pa ako tapos sa panenermon sa kanya.
“Saka isa pa, Jheck. Next time naman na poposasan mo ako, sigiraduhin mo naman na hindi laruang posas ang ilalagay mo sa kamay ko. Tingnan mo, nasira ko tuloy ng wala sa oras ’yung posas nating dalawa nung kinasal tayo.” sunod kong pangaral sa kanya.
Nanlaki ang mga mata n’ya.
“Hala! Nasaan na ’yung posas???” nag-aalala n’yang tanong.
“E ’di iniwan ko kay Manong Guard doon sa train station! Kunin na lang natin ’pag nakabalik na tayo.” sagot ko sa kanya.
Hinawakan n’ya ang kanyang dibdib.
“Hay, salamat naman. Akala ko mawawala na ang posas natin.” sambit n’ya.
Natawa na lamang ako sa kanya.
Muli ko s’yang inakbayan at iginaya para maglakad.
“Saan tayo pupunta?” tanong n’ya sa akin. Inilagay n’ya rin ang isa n’yang kamay sa aking bewang.
Ang saya ko, ngayon lang s’ya tumugon sa pag-akbay ko.
“Umuwi muna tayo sa bahay natin para madalaw naman natin ang mga Nanay natin. Malamang matutuwa sila sa ibabalita nating dalawa. Noon pa nila tayo nilalakad sa isa’t-isa ’di ba?” pagyaya kong nakangiti sa kanya.
Muli na naman s’yang natawa. Ang cute n’ya talaga.
“Baka sa sobrang tuwa nila magpahanda pa sila ng maraming pagkain. Parang fiesta na naman malamang sa bahay natin.” sagot n’ya.
Pareho kaming natawa ng malakas nang maalala namin ang huling pangyayari noong ibinalita ko sa aking ina na may napupusuan na ako. Ang buong akala n’ya ay si Jheck iyon kaya nagmadali s’yang nagpunta sa bahay nina Jheck para ibalita ito sa kanyang ina. Pero laking dismaya nila nang hindi si Jheck ang ipakilala ko kundi si Ree. Nagpakatay pa naman sila noon ng baboy.
“Baka ngayon tatlong baboy na ang ipakatay nila.” natatawa kong banggit.
“Tapos ’yung alaga ng mga Tatay nating manok pangsabong, malamang ipakatay na rin nila ’yon.” natatawa n’ya ring sambit.
Napuno ng malakas na tawa ang paligid habang naglalakad kaming dalawa.
Walang mapaglagyan ang saya ko sa mga oras na ito.
May mahihiling pa ba ako kung kasabay ng paglaya ko ay ang panibagong pag-ibig na sa tingin ko ay panghabang-buhay na?
Wala na siguro. Ngayong magkasama na kami, hindi na ako maghahangad pa ng ibang bagay.
Sapat na s’ya. Sobra-sobra pa.
“Mahal kita, Jheck.”
“Mahal din kita, Jeff. Matagal na panahon na.”
A/N
Ayyiieee!! Sana po ay nagustuhan n’yo ang pangalawang kwento na ito.
Maraming salamat po sa mga nagbasa! Salamat din po sa mag-iiwan ng votes at comments!
Labyu guys!
––cold_deee
BEST OF 7
A/N
Stop muna po tayo sa drama. Try muna natin ang magaan at medyo patawa. Sana po ay magustuhan n’yo ang susunod na istorya.
May music din po sa media. ’Yan po ang official theme song para sa kwentong ito. May kalumaan na ang kanta pero ’yan kasi ang naging inspirasyon ko para maisulat ang kwentong ito. Pwede n’yo pong i-download or i-play ng paulit-ulit habang nagbabasa para mas dagdag kilig. Char!
Song title: ‘Mahal ka sa akin’ by Tootsie Guevara.
Waaahhhh!! Simulan na!!!

- GAME 1
’3….
2….
….1.’
‘Shoot!’
“T*ngina!” madiin kong sambit.
Kasabay ng pagshoot ng bolang iyon ay ang masigabong palakpakan at sigawan ng mga tao dito sa gym.
“Okay lang ’yan, brad. May next game pa naman. Hindi pa naman tapos ang match natin sa kanila. First game pa lang naman.” pagpapakalma sa akin ng teammate ko na si Arjhay habang binabatukan ako ng put*ngina!
Masakit ’yun! Machakit!
Taon-taon ay may event na ganito sa university namin. Sa dami ng estudyante dito ay nagkaroon ng sports fest na nagaganap bawat linggo. At ang naka-schedule ngayong season na ito ay basketball kung saan malapit na rin magtapos.
Binuhos ko ang lahat sa first game namin. Championship na ang usapan dito kaya dapat ako ang bida! Para saan pa at taon-taon ako ang MVP ’di ba?
Isa pa, nagpapasikat ako sa ex-girlfriend ko dahil nandito s’ya at nanonood! Gusto kong ipamukha sa kanya na malaking kawalan ang gwapong kagaya ko sa kanya! Hah!!
Nasa gitna pa rin kami ng court at nanlilisik ang mga mata kong tinitigan ang nakaagaw ng atensyon ng lahat.
Ang animal na si Carlo na naman! Lagi na lang si Carlo! Si Carlo na crush ng bayan! Si Carlo na champion sa national swimming! Si Carlo na matalino! Si Carlo na gwapo! Si Carlo na hot!
S’ya na!
Pero pucha! Pati ba naman sa peyborit sports ko?! Si Carlo pa rin?!
Hutaena!
Eh ako? Gwapo lang! Pucha naman talaga!
Pinagmasdan ko s’ya sa kabilang court. Hindi s’ya ngumingiti kahit patuloy s’yang nakakatanggap ng pagbati at papuri.
Alien ampotah. Agawin ko puri n’ya nang makita n’ya hinahanap n’ya!
“D-jay, baka naman matunaw na n’yan si Carlo?” ngisi nitong animal na si Arjhay.
Sinamaan ko s’ya ng tingin.
“Ena mo ka! Gusto mong ikaw ang tunawin ko d’yan?! Nang-aano ka eh ’no?!” buska ko kay tukmol.
Nagkamot s’ya ng ulo. Hutaena, may kuto na yata ’tong kaibigan ko.
Muli kong sinulyapan ang kumag na si Carlo. At ngayon ko lang napansin, nakatingin pala sa akin ang gago.
Tinaasan ko s’ya ng isang kilay.
Ang yabang eh! Nakakaisa pa lang naman pilingero na.
Hindi n’ya pa rin tinatanggal ang pagkakatitig sa akin. Kaya naman itinaas ko pang lalo ang isa kong kilay para maasar s’ya. Ngunit nagulat ako nang bigla n’ya akong nginisian.
Anak ka ng tupa! Ang yabang talaga ng animal!
Akala n’ya ba magpapatalo ako sa kanya?
Lul s’ya!
Ginaya ko s’ya, nginisian ko rin s’ya. ’Yung pinakagwapo kong ngisi. At mula sa pagkakangisi ko ay iginalaw ko ang bibig ko.
“BAK-LA.” malaking bibig kong pagsasalita.
May mga nakarinig pala.
“Woah!! Bakla daw si Carlo mga ’tol!!” sigaw ng mga nakarinig.
Totoo naman eh! Matagal ko nang naririnig ’yung mga chismis na ’yon! Dahil bukod sa pinanganak akong gwapo, chismoso rin ako!
Pucha! Ang laki ng katawan pero bakla!
Mas lumakas pa ang kantyawan. Pati ang mga audience dito sa gym ay nakikisigaw na rin.
Maya-maya pa ay nakita kong naglakad si Carlo patungo sa aking pwesto.
Dadaragin n’ya ako?!
Lul s’ya! Hindi ako natatakot sa kanya!!
Gumalaw rin ako sa aking pwesto. Sinalubong ko s’ya hanggang sa magtagpo kami sa gitna ng court.
“Sinong bakla?” maangas n’yang tanong.
Mas matangkad lang s’ya sa akin ng ilang pulgada. ’Wag s’yang mayabang dahil kaya ko s’yang ipatumba! Dati akong gangstah!
Mas ngumisi ako sa kanya.
“Meron pa bang iba? Eh ’di ba ikaw lang naman ang bakla dito sa university?” tanong ko pabalik sa pinakagwapo kong tono.
Tumingala s’ya, tila nagtitimpi.
Tumingala din ako.
Wala lang, nakigaya lang ako. Ang cool pala ’pag titingala ka habang nakapamewang? Astig mga brad! Try n’yo!
Muli n’yang ibinalik ang tingin n’ya sa akin. Sinalubong ko rin ’yon.
“Ano? Papalag ka?” hamon ko agad sa kanya.
Pinalilibutan na kami ng kanya-kanya naming teammates. Ready na silang umawat.
Bugbugan na itu!
Ibinalik ni Carlo ang pagngisi n’ya.
“Gusto mong ma-confirm kung totoong bakla ako?” tanong n’yang nakangisi.
Wow! Proud pa ang gago!
“Woohh!! Leche!! May pagconfirm ka pang nalalaman! E ’di sige! Ipakita mo sa buong gym ang kabaklaan mo!” hamon ko habang tinuturo ang mga tao sa buong gym.
Sino bang mapapahiya? Ako ba? S’ya naman ’di ba?! Gunggong pala ’to eh!
Matapos kong sabihin iyon ay lumapit s’ya sa akin. Inihanda ko na ang kamao ko.
Bakbakan na talaga itu!
Pero natigilan ako.
Pakiramdam ko ay katapusan na ng mundo.
Sinusundo na ako ng guardian angel ko.
Nakikita ko na rin si San Pedro.
Dahil naramdaman ko na lang na hinatak ni Carlo ang batok ko. Hindi n’ya naman inumpog ang ulo ko sa sahig ng court.
Pero put*ngina!!! Hinalikan ako sa labi ng gago!!!!!
“Wooooohhhhh!!!!!” sigaw ng mga nakasaksi.
Mas malakas pa ang sigaw na ’yon kesa sa init ng laban ng basketball kanina!
“Ngayon? Nakita mo na kung sinong bakla. Okay ka na?” tanong n’yang nakangisi.
Hindi ako nakagalaw. At alam kong kasing laki na ng limang-piso ngayon ang mga mata ko.
“Let’s go.” pagyaya n’ya sa teammates n’ya.
Hindi pa rin ako nakakagalaw.
HUTAENA!!!!
Hinalikan ako ni Carlo sa gitna ng court!!! At ang nakakaput*ngina pa, sa harap ng maraming tao pa!!!!!
“Ano? Wala ka nang balak gumalaw d’yan?” tanong sa akin ni Arjhay at hinampas ako sa balikat.
Taena, nakakarami na ’to ah?!
Ngayon ko lang napansin na kami na lang palang dalawa ang nandito sa court.
Ganon na ba ako katagal na natulala?
“Arjhay….” tulala pa rin ako nang tawagin ko ang kaibigan ko.
“Oh?” sagot n’ya habang nagdidribol ng bola.
“Bakla na ba ako ’pag hinalikan ako ng kapwa ko lalaki?” tanong kong nakatulala.
“Depende.” sagot n’ya at nagshoot ng bola.
Tiningnan ko s’ya.
“Paanong depende?” tanong ko pabalik sa kanya. Paulit-ulit pa rin s’yang nagdidribol.
Hindi pa ba nagsawa ’to sa kakalaro kanina? Babad na kami sa court ah? Bakaw lang?
Huminto s’ya at inilagay ang bola sa tagiliran n’ya. Hinarap n’ya ako habang suot ang pagngisi n’ya.
“Depende. ’Pag tumigas ’yang si junior dahil nahalikan ka ng lalaki, bakla ka na nga, brad.” sagot n’ya habang nginunguso ang junior ko. Itinuloy n’yang muli ang pagdidribol.
Inangat ko ang kamay ko para kapain ang junior ko.
“Hindi naman ah.” sambit ko habang hawak si D-jay junior.
“Hindi pa ako bakla.” sunod kong sambit. At para sulit, pinisil ko na rin si D-jay junior.
Rapbeh.
GAME 2
“Alagang-alaga ang eyebags mo, brad ah?” puna ni Arjhay habang papasok kami ng university.
May hawak na naman s’yang bola. Pukingina, wala kaming laro ngayon pero may dala s’yang bola! Ganyan s’ya kaadik sa basketball!
“Namo. Alam mong ilang araw akong hindi pinatulog ng animal na Carlo na ’yon.” buska kong walang gana.
Hanggang ngayon ay nanggigigil ako sa hinayupak na ’yon. S’ya ang rason ng eyebags ko ngayon.
“Namnamin mo na lang kasi. Hindi mo naman ikakamatay ’yan.” kaswal n’yang sagot.
Sinamaan ko s’ya ng tingin habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.
“Ikaw kaya ang halikan ng kapwa mo lalaki? Hindi ka ba mandidiri?! Huta! Muntik na nga akong bangungutin eh!” buska ko pa rin sa kanya.
Ang gago hindi sumagot. Nagkibit balikat lang s’ya. Minsan walang kwentang kaibigan ’to eh.
Pasalamat talaga ’yung Carlo na ’yon at hindi ko s’ya mapupuntahan sa building nila. Kung bakit kasi kailangang hiwa-hiwalay pa ang building ng bawat course dito sa university. E ’di sana nagulpi ko na ’yung ulupong na ’yon!
Habang patuloy kaming naglalakad patungo sa building naming mga architecture students ay nasalubong namin ang babaeng kailan lang ay nakipaghiwalay sa akin.
“D-jay!” bati n’yang nakangiti.
Napangiti rin ako. Ang ganda n’ya talaga.
“Bakit?” ngiti kong tanong.
S’yempre dapat ipakita ko ang mala-close up smile ko. Ito pa naman ang asset ko kaya sobrang gwapo ko.
Hindi s’ya sumagot. Nakangiti lamang s’yang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako.
Sabi ko na nga ba, hindi rin ako nito matitiis. Sa gwapo kong ’to? Duh?!
Hinigpitan ko rin ang yakap sa kanya. Pumikit pa ako para damang-dama.
Ang fluffy n’ya, parang stuff toy.
“Ano? Nagsisisi ka na ba kung bakit ka nakipagbreak sa akin? Nandito ka ba para magmakaawa sa akin na balikan kita? Sus! Wala ’yon! Masyado ka namang natatakot na maagaw ako ng iba. Chill ka lang, wala pa namang nagko-confess sa ngayon.” dire-diretso kong pagsasalita habang yakap s’ya.
Naramdaman kong natigilan s’ya.
Sus! nahiya pa s’ya. ’Yun din naman ang sasabihin n’ya, inunahan ko lang s’ya.
Humiwalay s’ya sa pagkakayakap sa akin. Nakangiti pa rin ako sa kanya, pero ’yung mukha n’ya nagtataka ang ekspresyon.
“Ha? Sino nagsabing makikipagbalikan ako sa’yo?” tanong n’yang nagtataka.
“Maryosep naman, Windy! ’Wag ka nang mahiya! Tayo lang naman tatlo ni Arjhay ang nandito!” wika ko at itinulak s’ya sa balikat. Masyado kasi akong kinikilig sa kanya.
Sumalampak s’ya sa lupa dahil sa pakakatulak ko. S’yempre dahil gentleman ako, pinabayaan ko lang s’yang tumayo mag-isa habang nagpapagpag ng palda n’ya.
“Hindi naman kasi ’yon! Hinintay talaga kitang dumating para i-congratulate ka!” wika n’ya at nagtatatalon na lang bigla.
“Ha?” naguguluhan kong reaksyon.
“Kyaaaahhhh!!! Nakita ko ’yung pagkiss sa’yo ni Carlo nung game one n’yo!!! Syet!!! Kinikilig ako!!!!” tili n’ya habang sinasabunutan ang sarili n’ya.
Anak ng tipaklong! ’Yun lang ang dahilan n’ya??!!
“D-jay!!! Suportado kita!!! Ako na ang number one fan n’yo ni Carlo!!! Kyaaahhh!!! Kinikilig talaga ako!!!” tili n’ya na naman habang pinupukpok naman ng notebook ang kanyang ulo.
Inawat na s’ya ni Arjhay dahil parang nasisiraan na talaga s’ya ng bait. Ayaw pa nga magpapigil, mabuti na lang at mas malakas si Arjhay.
Nasapo ko na lang ang noo ko.
Oo nga pala, fan girl nga pala si Windy ng ganong uri ng relasyon. Kaya nga s’ya nakipagbreak sa akin dahil nawawalan na raw s’ya ng oras manood ng yaoi, man to man movies, pati ang pagbabasa ng bromance manga at wattpad.
Napa-wat da pak na lang ako nang marinig ko ang dahilan n’yang ’yon. Hutaena, pinagpalit ako sa ganon!
“Sige, mauna na ako ha?!! May klase pa kasi ako eh!! See you next game!! Support ko kayo ni Carlo! Fighting! Kyaaahhh!!!!” tili na naman n’ya at mabilis na tumakbo palayo sa amin.
Sa sobrang kilig n’ya, nadapa pa s’ya. Pero parang wala lang sa kanya. Pagtayo n’ya kasi ay tumili na naman s’ya.
“Mukhang sisikat ka na talaga, brad. Hindi ka na lang pang-MVP, pang-bromance ka na rin.” wika ni Arjhay.
“Lul!” naisagot ko na lang sa kanya.
Hype na ’to. Walang masabing matino.
.
.
.
.
Dikit ang laban. Ilang segundo na lang din ang natitira at malalaman na kung sino ang mananalo sa second game.
Ginalingan ko talaga mga brad kaya ako ang nagdala ng laro! Hindi ako papayag na matatalo na naman ako ng ulupong na si Carlo!
Ngayon ko lang ulit nakita ang kumag. Gusto ko s’yang lapitan para sapakin pero baka makaapekto sa laro namin. Baka madisqualify pa kami!
Last five seconds nang ipasa sa akin ang bola ni Arjhay. Malulufet ang teammates ko dahil nagawa nilang maharang ang mahigpit na opensa ng kalaban.
Lumabas ako sa guhit para maka-three points ako.
Pwesto, hagis ng bola sa pinakagwapo kong anggulo.
And…… shoot!
Narinig ko ang pagpito ng referee.
Nagsigawan ang mga tao. Kasabay ng sigaw nila ay nilapitan ako ng teammates ko at niyakap ako bilang pagbati. Ang iba ay ginugulo ang buhok kong basa ng pawis.
“Congrats, brad!! Ikaw ang nagpanalo!! All one na ang standing!!” sigaw na pagbati sa akin ni Arjhay.
Ako pa ba? Consistent MVP ’to simula pa noong elementary!! Pwe! Maliit na bagay lang ’to uy!
Nasa ganoon kaming pwesto nang maramdaman kong may kumakalabit sa likod ko nang paulit-ulit.
Putragis! Parang gusto yatang mabali ang balikat ko sa pagkalabit!
Pero s’yempre, alam ko naman na babati lang din ito. Malamang ay isa sa mga fans ko.
Dahan-dahan akong tumalikod para harapin s’ya. Suot ko pa rin ang pinakagwapo kong ngiti. Wala eh, magandang lalaki talaga ako.
Ngunit nang tuluyan akong makaharap sa taong kumakalabit sa akin ay nawala ang pagkakangiti ko.
“Congrats.” nakangiting bati ni Carlo.
Matapos ng kanyang pagbati ay mabilis na lumapit ito.
At…
at…
at…
at…
…….put*ngina!!!!!
Hinalikan na naman n’ya ako!!!!!!
Hutaena. Bigti na itu.
GAME 3
Tuluyan na nga akong sumikat sa university. Pero ang nakakalungkot, hindi ako sumikat dahil magaling akong maglaro ng basketball. Dumami ang nag-aabang sa akin dahil marami ang natutuwa sa katarantaduhang pakana ni Carlo.
Tatanggalan ko na talaga ’yun ng ngala-ngala! Unti-unti n’ya akong tinatanggalan ng puri!
Naririto kami sa classroom at hinihintay ang susunod naming professor. Mga paimportante talaga ang ibang prof minsan eh. Mga pabebe. Gustong lagi silang hinahabol.
Nakayuko ako habang nagdo-drawing sa notebook ko. Nakalimutan kong sabihin na bukod sa basketball, mahusay din akong magdrawing. Kaya nga Architecture ang course ko.
“Good morning.” bati ng bagong pasok.
Taena, kelan pa naging boses lalaki si Mrs. Castillo? In fairness, ang ganda ng pagiging boses lalaki n’ya. Pwede na s’yang maging call center agent at iwan na ang pagiging guro.
Narinig ko ang pagbati ng mga kaklase kong lalaki, narinig ko naman ang pagtili ng mga kaklase kong babae. Pati yata sila nagwapuhan sa boses ni Mrs. Castillo.
“Brad!” pagtawag sa akin ni Arjhay at siniko ako.
Ang kupal naman nito ni Arjhay! Bumaluktot tukoy ’yung boobs ng dino-drawing kong hubad na babae.
“’Wag kang magulo. Kita mong nagdodrawing ako dito eh.” sita ko sa kanya at hindi ko s’ya nilingon. Binura ko ang lumampas na guhit sa boobs ng babaeng dinodrawing ko.
Size 38 cup D ang boobs ni ate.
“Gago! Tumingin ka sa harapan!” bulong nitong pasigaw.
Hutaena. Tumalsik pa ang laway ng hayup sa papel ko. Sakto pa naman sa vagina ng dinodrawing ko. Basa na tuloy si ate.
At para manahimik na ang kaibigan ko ay sinunod ko na lamang s’ya. Unti-unti kong inangat ang tingin ko sa unahan.
At anak ng putspa! Anong ginagawa ng hinayupak na ’yan dito sa classroom namin??!!
“Again, good morning to all. Mrs. Castillo will not be able to attend your class because an emergency on her part came up. So, para naman hindi masayang ang binabayad n’yong tuition fee dito sa university, she asked me to be her substitute only for this day.” seryoso n’yang pagbabalita sa amin.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko iyon. Narinig ko naman ang mga classmates ko na nagbubulungan.
“Quiet!” may otoridad na pagsigaw ni Carlo.
Nanahimik ang lahat. Kahit ako ay halos mapaatras nang marinig ko ang pagsigaw n’ya.
Pohtah! Para s’yang militar! Nakakatakot kahit ang mga mata n’ya.
Pero ang napansin ko lang, simula nang pumasok s’ya dito ay hindi n’ya man lang ako nagawang sulyapan.
Hindi ako nanghihinayang ha? Sinasabi ko lang.
Nagsalita s’yang muli. Kami naman ay nanatiling tahimik. Baka magbato na lang ’to ng kung ano eh.
“Just so you know, hindi naman ako magtuturo sa inyo. Ako lang ang magbabantay sa inyo dahil may iniwang exam sa inyo si Mrs. Castillo.” pagbibigay n’ya ng impormasyon.
Nagbulungan na naman ang buong klase.
“I said, quiet!” sitang muli ni Carlo.
Hutaena, ang sarap n’yang sapakin.
Nagsipagtahimik naman ang mga uto-uto kong kaklase. Pati ’tong si Arjhay parang nasisindak na rin dahil binitawan na rin n’ya ang hawak n’yang bola. Pinaglihi yata ’to sa basketball talaga.
“Get one and pass.” utos ni Carlo at inilagay ang mga test papers sa unahang row.
S’yempre, uto-uto sila kaya sinunod na naman nila ang utos hanggang sa may magpasa na rin sa akin ng papel.
“Gusto kong malaman n’yo na hindi ito ang unang beses na naging substitute ako ng mga prof.” una n’yang sambit.
Luh? May nagtatanong ba? Epal ampupu.
“At gusto kong malaman n’yo na marami nang students ang napatawag ng kani-kanilang Dean dahil nahuli ko silang nangongopya.” sunod n’yang pagsasalita.
E ’di wow. Ikaw na, Sir.
“Kaya sa ayaw at sa gusto n’yo, wala kayong magagawa kundi ang sagutin lang ’yang mga papel n’yo. Walang lilingon sa kanan, walang lilingon sa kaliwa. Kahit ang pagtingala hindi ko ina-allow. Yuyuko lang kayo at tanging sa test papers lang ang tingin n’yo. Maliwanag ba?” huli nitong paliwanag.
Walang sumagot.
Pohtah! Dinaig pa namin ang may stiff neck non! Ang lupit naman neto!
“Maliwanag ba?!” mas malakas na n’yang tanong.
“Yes, Sir.” sagot ng mga uto-uto kasama na rin kami ni Arjhay. Tungunu, hawa-hawa na itu.
Nagsimula ang exam at tahimik ang lahat. Walang lumilingon. Sabi ni Prof Carlo eh.
“What’s your name?” nadinig kong pagtatanong ni Carlo.
“B-baltazar, S-sir.” sagot naman ng classmate ko.
’Yung nerd na si Baltazar pala.
“You may now leave this classroom. Pumunta ka sa Dean’s office n’yo. Sinabi ko nang walang lilingon ’di ba? Pero lumingon ka pa rin!” sita nito kay Baltazar.
Luh? Hindi yata n’ya alam na may mannerism si Baltazar na umiiling-iling? Sakit na nga yata n’ya ’yun eh. Tawag nga namin sa kanya, Boy iling.
“B-but—” sasagot pa sana si Baltazar.
“NOW!!” sigaw ni Carlo.
Nadinig kong nagliligpit na si Baltazar ng gamit n’ya. Sinubukan kong igalaw ang ulo ko para makita si Baltazar. Nakaramdam kasi ako ng awa sa kanya. Masyadong malupit ang Carlo na ’to.
Palabas na si Baltazar ng pinto ng classroom at nakita ko itong nagpupunas ng kanyang luha habang umiiling pa rin.
Taena. Sa dami kasi ng mannerism na pwedeng pagpilian, ’yung pag-iling pa ang napunta sa kanya.
Nakita ko ang mga kaklase ko na hindi talaga gumagalaw. Lalo na sigurong maninigas ang mga ’to lalo na at nasampolan na si Baltazar.
Kesa ang problemahin ko pa si Baltazar ay ibinalik ko na lamang ang sarili ko sa pagsagot sa test paper.
Ang easy naman nitong exam na binigay ni Sir Carlo. Chicken masyado.
Tahimik pa rin ang lahat at alam kong wala talagang gumagalaw. Naririnig ko kasi ang mga paghakbang ni Carlo at mukhang nag-iikot s’ya sa buong sulok ng classroom.
Maya-maya pa ay napansin ko ang dalawang pares ng sapatos sa gilid ng aking inuupuan.
Pohtah! Andito si kumag sa tabi ko!
Mabilis na nag-init ang ulo ko. Iaangat ko sana ang ulo ko para tingnan s’ya ng masama ngunit mabilis din s’yang sumigaw.
“Sinabi kong walang lilingon at walang titingala!” sigaw n’ya na hindi ko alam kung para sa lahat o para sa akin lang.
Dahil sa pagsigaw n’yang iyon ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa aking papel. Nanatili naman s’yang nakatayo sa aking gilid.
Pohtah! Nakakatakot talaga s’ya.
Maya-maya pa ay halos tumayo ang balahibo ko nang maramdaman kong may mainit na hininga ang nasa aking tenga.
“Nakita kitang nilingon si Baltazar kanina. Alam mo bang pwede kitang i-report sa Dean n’yo? Pero dahil espesyal ka, pagbibigyan kita.” karimarimarim n’yang bulong.
Napalunok ako. Ayokong mapunta sa Dean’s office dahil ’pag nalaman ’yon ng Mama kong kumakayod sa pagtatrabaho para sa akin sa Japan, baka ma-depress ’yon. Ayaw kong bigyan ng problema ang mahal kong ina.
Hindi pa doon nagtapos si Carlo. Dahil matapos n’yang sabihin ang mga salitang ’yon ay naramdaman kong hinawakan n’ya ako sa aking baba. Baba as in ’yung chin ko mga brad!
Marahan n’yang iginaya ang aking mukha paharap sa kanya. At doon ko lang napagtanto na ilang pulgada lang pala ang layo ng aming mga mukha.
Nakangiti s’ya sa akin. Ako naman ay muling napalunok.
“Good luck sa exam, D-jay.” wika n’yang nakangiti.
Matapos n’yang sabihin iyon ay mas inilapit pa n’ya ang kanyang mukha sa akin.
At muli….
….hinalikan na naman ako ampohtah!!!!!
“Okay, class. Pwede n’yo nang igalaw ’yang mga ulo n’yo. Nagawa ko na ang gusto ko. Malaya na kayong mangopya sa mga seatmates n’yo.” pagsasalita n’yang masaya sa buong klase habang naglalakad papalayo sa aking pwesto.
Kingina. Naibagsak ko na lang ang ulo ko sa desk ko!
“Uy! Brad! Pakopya!” paniniko sa akin ni Arjhay.
Pohtah! Wala yatang nakakita sa nangyari!!! Sinolo ako ng gago!!!
Kingina mo Carlo!!!!!!!!!! May araw ka rin, hayup ka!!!!!
.
.
.
.
Naganap ang game three ng championship laban sa course namin kina Carlo.
At ang nakakapeste, bumawi na naman sila! Dalawang panalo na sila at isa pa lang ang amin!
Tumingin ako sa buong gym at lalo akong napeste sa nakikita kong mga banner na winawagayway ng maraming estudyante. May isang malaking grupo pa na pare-pareho ang suot na t-shirt bilang suporta.
Sinong hindi mapepeste sa kanila?!
Eh ’yung banner na nakikita ko pati ang mga t-shirt ng isang grupo ay pare-pareho ang nakalagay!
’ D-jay LOVE Carlo ’
’Yan! ’Yan ang mga nakalagay sa banners at t-shirt ng maraming estudyante!!
At ang promotor?! Walang iba kundi ang ex-girlfriend ko na si Windy!! S’ya lang naman president ng itinayo n’yang club na sumusuporta sa loveteam namin ni Carlo.
Loveteam namin ni Carlo ampupu. Pwe!
Inaasahan ko nang lalapit sa akin si Carlo. Pero nang makalapit s’ya ay nasorpresa pa rin ako.
Nandito na naman kami sa gitna ng court dahil kami ang magkaharap kanina dito bago n’ya pa mai-shoot ang huli n’yang tira. ’Yun din ang huli n’yang tira kaya nanalo sila. Punyeta!
“Hindi mo ba ako iko-congratulate?” nakangiti n’yang tanong sa akin.
Pinalilibutan na naman kami ng kanya-kanya naming teammates. Pero pohtah lang, lahat sila parang may inaabangang magandang ganap dahil pare-pareho silang nakangiti! Magkakamukha na nga sila! Puro sila mukhang tukmol!
“Ha? Bakit? Champion na ba kayo? Pakyu ka! Game three pa lang fre!” nakataas ang isa kong kilay na buska sa kanya.
Hindi naman naapektuhan si kumag. Nakangiti pa nga ampucha!
Pinaghandaan ko na ’to. Tutal naman ay tapos na ang game ngayong araw. Pwede na akong makaganti sa kanya!
Inihanda ko na ang sarili ko. Hindi ako nagbibiro, dati akong miyembro ng gang, dati akong nakikipagbasag-ulo. Nagmakaawa lang sa akin noon si Mama na magtino ako dahil nahihirapan na s’ya sa Japan magtrabaho. Doon lang din ako nagtino, naawa talaga ako kay Mama na mag-isang bumubuhay sa akin.
Mabilis ako sa ginawa kong pagkilos. Bumwelo ako ng suntok para dumapo sa kanyang mukha ang kamao ko. Pero bago pa iyon makarating sa mukha ni Carlo ay nahawakan n’ya ang kamao kong iyon.
Mabilis din s’ya dahil nahawakan n’ya agad ang pulsuhan ko. Pero kung akala n’ya ay hanggang doon lang ako, mali s’ya.
Inangat ko naman ang isa kong kamao na hindi n’ya hawak para ito naman ang isasapak ko sa kanya.
Pero put*ngina, may lahi yata ’to ni Superman amputspa! Nahawakan n’ya rin ang kamao kong iyon at hinawakan na naman sa pulsuhan!
Pinaikot n’ya ang mga braso kong iyon sa katawan ko. Ang hitsura ko tuloy ngayon ay parang yakap ko ang sarili ko! Kulang na lang ng damit na ginagamit ng may mental disorder para hindi sila makapalag!
Ganito na ba kamiserable ang buhay ko? Ako na lang ang pwedeng yumakap sa katawan ko?! Hutaena naman talaga oo!
Habang nakapalibot ang mga braso kong iyon sa aking katawan ay hindi rin ’yon binibitawan ni Carlo. Mas masagwa dahil parang yakap na rin n’ya ako! Pohtah! Nakakainis pa dahil magkalapit ang aming mukha!
“Kukunin ko lang ang premyo ko.” wika n’yang nakangiti.
Hindi na ako nagsalita pa.
Wala na rin naman akong magagawa.
Nagpaubaya na lang ako sa ginawa n’ya.
Hinalikan na naman ako ng anak ng tupa!!!
Tungunu, nakakaapat na s’ya!!
“Woooohhhhh!!!!” nakabibinging sigaw sa buong gym.
Pati ang mga teammates namin mukhang nabakla na lahat. Pati sila nakikisigaw na. Mga put*ngina.
“Nice game, but our kiss is the best.” wika ni Carlo matapos akong bitawan.
Muli kong narinig ang sigawan sa buong gym. Nakita ko pa ang ex-girlfriend kong si Windy na inaawat ng members ng kanyang club. Ang napili n’ya naman kasing gawin ngayon ay sabunutan ang isa n’yang kasama dahil sa sobrang kilig.
Hinang-hina ang katawan ko. Nilalapastangan na ni Carlo ang buong pagkatao ko.
Naramdaman ko ang mahihinang pagtapik sa balikat ko. Nilingon ko ito ng walang gana ang ekspresyon ko. Natagpuan ko ang bestfriend ni Carlo na si Josh. Kilala ko rin ’to dahil kaagaw ko rin s’ya sa pagiging peymus dito sa university bukod kay Carlo.
“Sorry, pare. Hindi ka ba informed na champion din si Carlo sa Muay Thai? Halos lahat ng techniques sa martial arts alam n’ya.” pagbibigay ni Josh ng impormasyon habang nakangiti.
Matapos n’yang sabihin ’yon ay sinundan na n’ya si Carlo na palabas na ngayon ng gym.
Sobra na si Carlo.
Sobra na s’ya!!!! Mapapatay ko na s’ya!!!!
Mama!!! Patawarin mo ako!!! Baka bukas ipapatubos mo na lang ako dahil makukulong ako!!!!
Papatayin ko s’ya!!!! Papatayin ko na si Carlo!!!!!
GAME 4
’ Shoot! ’
Kasabay ng pagshoot ng bolang inihagis ko ay ang malakas na sigawan ng mga taong nanonood ng fourth game namin.
Panalo kami! Pareho na ang standing namin ng kalaban namin. Dalawang panalo at dalawang talo. Tabla na!
“Hoy, D-jay! Saan ka pupunta?!” tawag sa akin ni Arjhay.
Ang ingay ng bunganga ampohtah!
“’Wag kang maingay!” utos ko sa kanya habang inilalagay na ang mga gamit ko sa bag ko.
Hindi na ako nag-abala pang punasan ang pawis ko. Hindi na rin ako nakipagsabayan sa celebration ng mga kasama ko dahil nanalo kami ngayon.
Mga ulupong na ’to. Akala mo matatanggap na ang trophy kung makapagbunyi ampucha! Kinakarga pa nila si Coach! Eh ang bigat nun! Ayan, e ’di hirap na hirap silang iangat! Mga hindi rin nag-iisip eh!
Matapos mailagay ang mga gamit ko sa bag ay dire-diretso na akong lumabas ng gym. Narinig ko pa ang mga taong sinisigawan ako lalo na ng grupo ni Windy na nagtayo ng fans club namin ng tukmol na si Carlo.
Alam kong may hinihintay silang ganap! Alam kong gusto na naman nilang makakita ng dalawang lalaking nagtatagpo ang labi ng isa’t-isa sa gitna ng court!
Pohtah! Ayokong umabot pa kami sa lima! Alam kong lalapitan na naman ako ng gunggong na si Carlo at hahalikan na naman ako!
Ena n’ya!
Kaya bago pa mangyari ’yun, eeskapo na ako! Babayoooo!
Kahit tagaktak na ang pawis ko dahil sa paglalaro, tumatakbo pa rin akong nagtungo sa pinakadulong shower room ng university. Walang nagpupunta dito dahil napakalayo na nito sa gym. Kaya naman sa tingin ko ay safe ako rito.
“Hutaena! Ang dami kong pagod!” daing kong hingal na hingal nang makapasok ako ng shower room.
Umupo muna ako sa isang mahabang silya na nakadikit sa wall. Kailangan ko muna magpahinga bago ako maligo. Mabuti na lamang at mukhang free ang shower room na ito at ako lang ang nandito. Partey na itu!
Nakasandal at natulala lamang ako sa isa sa mga cubicle na nasa harap ko. Ninanamnam ang katahimikan sa paligid ko. Ang sarap talagang mag-isa matapos ang nakabibinging sigawan kanina.
Tulala pa fre.
’ Click! ’
Natigilan ako dahil sa narinig kong pagkaka-unlock ng pinto ng shower room.
Anabelle? Ikaw ba ’yan?
Taena, baka ’yung manikang pumapatay na ’yun? Baka ako na ang next target n’ya?! Pohtah! Gusto ko pang mabuhay!
Hindi ako gumalaw, hindi rin ako lumingon. Nagbabakasakali akong hindi si Anabelle ’yon. Pwede rin kasing si Chucky.
Kasabay ng paninigas ng tit––, este, ng buong katawan ko ay ang taimtim kong dasal. Ipinikit ko pa ang mata ko para mas madali akong marinig ni Lord!
“Bless us oh Lord, from this thy give—–” pagdadasal ko na hindi naituloy.
Sinasabi ko na nga ba! Totoo ang chismis na may multo sa shower room na ’to! Naririnig ko! May tumatawa!!
“Ano ba naman ’yang dinadasal mo? Kakain ka ba at ganyang klase ang dasal mo?” natatawang boses na narinig ko sa tabi ko.
Idinilat ko ang mga mata ko. Dahan-dahan ay nilingon ko ang tabi ko.
At doon, bumungad ang isang anghel sa harap ko.
Tama, pinapasundo na ako ni San Pedro.
“Bakit bigla kang umalis? Hindi pa nga kita nako-congratulate.” nakangiting tanong ng anghel.
Pwe! Sinabi ko bang anghel ang kulugong ’to?!
“A-anong ginagawa mo ditong hayup ka?!!” sigaw ko at umatras dahil ang lapit ng mukha n’ya.
Dahil sa pag-atras ko ay hindi ko nakontrol ang kamay ko para may mahawakan bilang suporta. Naitukod ko na lamang ang aking siko para hindi ako tuluyang matumba.
“Hutaena! ’Wag kang lalapit!! Kundi sasapakin talaga kita!!” banta ko sa kanya.
Anak nampupu naman talaga! Wala na talagang natitirang hiya sa kumag na ’to! Baklang-bakla ampucha! Ginagapang na ako mga brad!! Ginagapang na ako!!!
“Iniiwasan mo ba ako?” tanong n’yang nakangisi habang patuloy sa pag-abante sa akin.
“H-ha? Naku hindi ah? B-b-bakit naman kita iiwasan? Ikaw lang ang bakla dito na marunong magpabebe, brad! ’Wag mo na akong idamay!” nauutal kong sagot sa kanya.
Natawa s’yang mahina at napayuko habang nasa ibabaw ko na rin s’ya.
Wow cool! Masubukan nga rin ’yon minsan. Gagamitin ko sa magiging chicks ko.
“Talaga?” tanong n’yang nakangisi at inangat muli ang tingin sa akin.
Tungunu, mas cool ’yun. Tapos basa pa ’yung buhok n’ya kaya ang hot n’ya lalo sa paningin.
Pohtah D-jay! Ano ba ’yang mga pinagsasabi mo?!!
Erase erase!
“O-oo naman.” sagot ko pa ring nauutal.
“Talagang-talaga?” nakangiti pa rin s’ya ampohtah.
Tumango lang ako ng dahan-dahan habang nanlalaki ang mga mata ko.
“Talagang-talagang-talaga?” tanong n’ya ulit at mas lumalapit pa.
Hululululululu? Taena, makakaisa na naman s’ya!
Mabilis kong tinakpan ang aking bibig.
Ayoko na!! Bakit ba ako ang napagkatuwaan nito?! Kung hindi ko s’ya tinawag na bakla noong first game, hindi sana kami hahantong sa ganito!
Bunganga mo naman kasi D-jay eh! Sana nakuntento ka na lang sa pagkain ng tahong! Nakuha mo pa kasing manggalit ng talong!!
“Oh? Bakit mo tinatakpan ang bibig mo?” tanong n’ya nang ilang pulgada na lang ang layo ng aming mukha. In fairnes, ang bango ng hininga n’ya. Amoy V-fresh.
Pakingsyet! Ano ’yon?!!! May nararamdaman akong matigas na bagay sa bandang tyan ko habang nasa ibabaw ko s’ya! Tungunu, talong ba itu?
Maraming pag-iling lang ang naisagot ko habang takip pa rin ang bibig ko.
Lumapit pa s’yang lalo ngunit dumiretso s’ya sa aking tenga para bulungan ako.
“Nakikita mo ba ang posisyon natin? Sabihin mo nga, D-jay. Sinadya mo bang mapahiga ng ganito para lalo akong maakit sa’yo?” bulong ba ang sinabi n’ya o may pag-ungol na s’ya?
Anak ng tupa! Tag-bogli yata si gago!
“Ano ba kasing gusto mong gago ka?!! Sinabihan lang kita ng isang beses ng bakla!! Nakaganti ka na ’di ba??!! Kulang pa ba??!! Hutaena!! Daanin na lang natin sa suntukan!! ’Wag ’yung ganit——” mabilis kong pagsasalita ngunit hindi ko naituloy.
Nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong magkadikit na naman ang aming mga labi.
Kumpara sa mga una n’yang halik na puro smack lang, ngayon ay may nagbago.
Pisti. Iginagalaw na n’ya ang labi n’ya.
Pohtah, ayokong umamin. Hindi ako aamin. Hinding-hindi ko sasabihin na ang lambot ng labi n’ya!
Tuluyan na akong nanghina, nawalan ng lakas ang buo kong katawan. Hindi na ako makagalaw. Naubos pang lalo ang lakas ko dahil nakikita kong nakapikit s’ya habang patuloy akong hinahalikan.
Hindi ko ma-explain, pero natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tinutugunan ang mga halik n’yang iyon. Ngayon ko lang din napagtanto na wala na akong makita sa paligid ko dahil nakapikit na rin ako.
Hayup ka D-jay, umamin ka na, nasarapan ka na rin. Nadala ka na rin sa halik n’ya.
Hindi pa iyon doon nagtapos. Dahil naramdaman kong iginagaya n’ya ang isa kong braso para ipalibot sa leeg n’ya.
Wala na, tuluyan na akong nadala. Dahil nagpadala na lang ako sa paggaya n’ya sa aking kamay para yakapin ang leeg n’ya habang patuloy kami sa pagpapalitan ng halik.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon. Pero nang maghiwalay ang aming mga labi ay pareho kaming naghahabol ng aming mga hininga.
Sumilay ang maganda n’yang ngiti.
“Congrats sa panalo n’yo kanina.” pagbati n’yang nakangiti.
Hindi ako makatugon sa sinabi n’yang iyon. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong tugunan ang mga halik n’ya.
Huta!! Ibig sabihin nag-enjoy ako?? Ganon??
Umalis s’ya sa aking ibabaw at iginaya ako para makabalik sa pagkakaupo.
“See you sa next game. Ipapanalo ko ’yon dahil gusto kong makakuha ng prize na higit pa sa nangyari ngayon.” sambit n’yang nakangiti.
Nag-init ang mukha ko. Inisip ko na lang na nangyari ito dahil sa galit ko sa kanya.
Pinanlisikan ko s’ya ng mata.
“Hanggang kailan mo ba gagawin ’to?! Sa bawat game na lang ginagawa mo ’tong tarantado ka ah?!!” buska ko sa kanya.
Mas lalo s’yang ngumiti. Pohtah, totoo pala ang chismis na mas gwapo s’ya ’pag nakalabas ang maputing ngipin n’ya.
“Hanggang sa huling game. Hanggang matapos ang best of seven ng laro natin. Sa madaling salita, makakapito akong halik sa’yo. Kaya maghanda ka na, D-jay. Kokompletuhin ko ang pitong ’yon.” pagdedetalye n’ya bago ako tinalikuran at tuluyan nang tinungo ang pintuan palabas ng shower room.
Napatulala na lang ako sa mga salitang binitawan n’ya. At ang mas matindi, iniisip ko ang nangyari kanina. Tinugunan ko ang halik n’ya ampucha.
“Hindi pa naman ako bakla ’di ba?” tanong ko sa aking sarili.
Hinawakan ko ang junior ko habang iniisip ko ang mukha ni Carlo.
Hindi naman s’ya tumigas eh. Ibig sabihin hindi pa talaga ako bakla dahil lang nakipaghalikan ako sa kanya.
Pero matapos kong hawakan ang junior ko ay mas inangat ko pa ang kamay ko para abutin ang dibdib ko.
Put*ngina. Ang puso ko, parang may mga naghahabulang kabayo sa sobrang bilis ng takbo.
Mama!!!!! Help me!!!! Ang unico hijo mo!!!! Mababaliw na yata!!! Mama!!! Ayokong maging bakla!!!!!
Nasa ganoon pa rin akong posisyon nang marinig ko ang pagkabasag ng salamin sa bandang itaas ng shower room.
“Kyaaaahhh!!!!” tili ng ex-girlfriend kong si Windy habang may hawak na kahoy at hinahampas ng paulit-ulit ang bintana ng shower room na gawa sa salamin.
Akalain mong inakyat n’ya pa ang bintana para lang kiligin s’ya? Minsan napapag-isip na ako kung anong nagustuhan ko sa kanya. Masyadong baliw sa bromance. Akalain n’yo bang niyaya n’ya pa ako minsan na manood ng porn ng dalawang lalaking nagtotordyakan? Pohtah! Eh ayaw nga n’yang may mangyari sa aming dalawa! Virgin pa nga ’yan dahil ako ang first boyfriend n’ya!
Pinabayaan ko na lang si Windy sa kahibangan n’ya. Patuloy pa rin n’yang pinapalo ang bintana habang tumitili. Ubos na ang salamin pero panay pa rin ang hambalos n’ya.
Napahinga na lamang ako ng malalim at napayuko. Hinang-hina talaga ako sa nangyari kanina.
GAME 5
Nakapagdesisyon na ako. Ilang gabi akong hindi nakatulog dahil sa pag-iisip sa mga nangyari sa amin ni Carlo.
At ang nabuo sa aking isip, hindi ako papayag na maging bakla! Hinding-hindi! Peksman!
Ayoko talaga. Pero naiinis ako dahil nakita ko na lang ang sarili ko kagabi na nanonood ng dvd ng mga bromance movies. Nasa apartment ko kasi ang mga dvd na naiwan ni Windy sa bahay ko. Pahamak talaga ang ex ko na ’yun eh!
Ang nakakaput*ngina pa, sa tuwing mahihiga ako sa kama, paulit-ulit kong hinahawakan ang labi ko. Tungunu, hindi maalis sa isip ko ang huling halik na pinagsaluhan namin ni Carlo.
Pohtah!! Ayoko talagang maging bakla!!
Naririto na naman kami sa court at ngayon magaganap ang ikalimang laban namin nina Carlo.
“Ang seryoso, brad ah?” pagpuna sa akin ni Arjhay na katabi kong nakaupo dito sa bench. Hindi pa nagsisimula ang game at naghahanda pa lang kami.
Hindi ko s’ya sinagot. Nanatili akong tulala habang pinapanood ang pagwa-warm up ni Carlo sa kabilang court.
Kinondisyon ko ang sarili ko. Kailangang magalit ako sa kanya. Kailangang matapos na ang kalokohan n’ya. Hindi ako papayag na patuloy n’ya akong gagawing instrumento para matuwa ang mga taong nakakakita sa aming dalawa.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong gym. Nandoon na naman ang grupo ni Windy at mukhang mas dumami pa sila. Wala pang nangyayaring paghalik pero parang nababaliw na naman si Windy dahil halos magwala na s’ya sa kasisigaw ng pangalan namin ni Carlo.
Napailing na lang ako.
Nagsimula ang laban. Malaki ang lamang nila dahil wala talaga ako sa kondisyon maglaro. Kung pwede nga lang ay umuwi na ako, kaso lang baka maapektuhan naman ang grades ko.
Buong game ay nakasimangot ako at walang gana sa paglalaro. May isang beses pang hawak ko ang bola at si Carlo ang pumipigil sa pagshoot kong iyon. Ang ginawa ko ay kusa kong ibinigay ang bolang ’yon sa kanya. Sinadya kong ibato ’yon sa dibdib n’ya habang nanlilisik ang aking mga mata.
Natapos ang game. At tulad ng inaasahan, natalo kami. Tatlo na ang panalo nila at dalawa ang sa amin.
Ilang beses akong nakatanggap ng sermon kay Coach. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Wala talaga ako sa wisyo maglaro ngayong araw na ’to lalo na at nakikita ko si Carlo.
Naghahanda na kaming umalis ng court. Isa-isa ko nang inilalagay ang mga gamit ko sa bag ko. At habang nasa ganoon akong posisyon ay narinig ko na naman ang malakas na sigawan mula sa mga taong nasa loob ng gym.
Alam ko na ang mangyayari kaya itinigil ko ang pagliligpit ng gamit ko. Tumalikod ako dahil alam kong paparating na ang taong ilang beses nang nilapastangan ang pagkatao ko. Ang taong ilang beses akong ipinahiya sa harap ng maraming tao.
Nakita ko s’yang papalapit sa pwesto ko kasama ang teammates n’ya. Sinasalubong n’ya ako ng magandang ngiti, ngunit ako ay nanatiling seryoso.
“Hindi mo ba ako iko-congratulate, D-jay?” tanong n’ya habang papalapit sa akin.
Agad na nag-init ang ulo ko.
“Subukan mong lumapit tarantado ka!!” banta ko sa kanya habang dinuduro s’ya. Naging dahilan din ’yon para matigilan sila ng teammates n’ya.
Ang kaninang ingay ng buong gym ay nawala.
“Kingina mo, ano bang problema mong gago ka?!!” sigaw kong tanong sa kanya.
Hindi s’ya nakapagsalita. Nawala rin ang pagkakangiti n’ya ganoon din ang teammates n’ya.
“Gago ka rin eh ’no?!! Ano bang atraso ko sa’yo?!! Dahil ba sa tinawag kitang bakla?!! Tangina mo naman!! Ang daming pwedeng iganti, Carlo!!! Sana nagsapakan na lang tayo!!! Kasi pukingina mo!!! Diring-diri na ako sa pinaggagagawa mong hayup ka!!!” sumbat ko sa kanya.
Sa hindi ko malamang dahilan ay nakita ko sa unang pagkakataon na tila ba natatakot s’ya sa akin. Hindi s’ya makapagsalita.
“Tangina mo pala eh!!! Sa iba mo na lang ilabas ’yang kabaklaan mo!!! Ayokong mahawa sa’yo!!! Diring-diri ako sa’yo at gusto na kitang isuka, alam mo ba??!!!” galit na galit ko pa ring sumbat sa kanya.
Hinawakan ako sa balikat ni Arjhay para pakalmahin.
“D-jay…” sambit pa nito.
Hinampas ko ang kamay n’yang nasa balikat ko.
“’Wag mo akong awatin! Kingina, nakakarami na ’tong gagong ’to eh!!” buska ko kay Arjhay habang dinuduro si Carlo.
Muli kong binalingan si Carlo. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
“Ano?!! Bakit hindi ka magsalita?!!” tanong ko sa kanyang pasigaw.
Nilapitan ko s’ya at tinulak ang kanyang dibdib dahilan para mapaatras s’ya.
“Ano?!! Suntukan na lang tayo!! Doon tayo magkakasubukan tarantado kang kingina mo ka!!” hamon ko sa kanya.
Hindi pa rin s’ya nagsalita o nagbigay man lang ng reaksyon.
“Wala ka naman pala eh!! Ang lakas ng loob mong pagtripan ako pero hindi ka ngayon makapalag!!!” hindi pa rin ako nagpapaawat.
Ngumisi ako.
“Kung sabagay, ano nga bang mapapala ko sa baklang kagaya mo? Eh puro kalandian lang naman ang alam mo!!” huling bahagi ng panunumbat ko.
Matapos iyon ay mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at umalis sa gym na iyon.
Hindi na ako dumiretso ng shower room, diretso akong nagpunta sa likod ng pinakahuling building na nasa university.
“T*ngina!!!” sigaw ko at inihagis ang bag ko sa pader ng building.
Mabilis ang mga paghinga ko. Nangingibabaw ang galit ko. Pero ang hindi ko maintindihan ay tila ba naninikip ang dibdib ko dahil sa nangyari.
Isinandal ko ang mga palad ko sa pader ng building at napayuko ko. Hindi ko man gustuhin ay nakita ko na lamang ang pagpatak ng luha ko sa lupa.
Mabilis ko itong pinunasan gamit ang isang palad ko.
“Hindi ka iiyak, D-jay. Hindi ka iiyak. ’Di ba ito naman ang gusto mong mangyari? Para tigilan ka na n’ya, para hindi ka na n’ya guluhin.” pagkumbinsi ko sa aking sarili.
Nasa ganoon akong pwesto nang marinig ko ang boses ni Arjhay.
“D-jay…” pagtawag n’yang nag-aalala.
Hindi ko s’ya nilingon. Nanatili akong nakayuko.
Alam n’ya na ang kailangan ko sa mga oras na ito kaya hindi na s’ya muli pang nagsalita. Nakita ko na lamang sa gilid ng aking mga mata na umupo s’ya sa lupa na malapit sa aking pwesto. Hawak pa rin n’ya ang kanyang bola.
Kingina, ipapakain ko na sa kanya ang bolang ’yan eh. Hindi na n’ya mabitawan.
Katahimikan ang sumunod na nangyari. Walang nagawa si Arjhay kundi ang hintayin na kumalma ako.
Hindi ko man gustuhin ay kusa na lamang nangyari. Ang isang pagpatak ng mga luha ko kanina ay nasundan pa ng maraming pagpatak.
T*ngina naman eh. Mas masakit pa ’to sa break up namin ni Windy eh.
Chubrang machakit.
GAME 6
Narinig ko ang pagpito ng referee.
“Foul! Number zero-one!” sigaw nito.
Umikot ako sa paligid para tingnan kung sino ang tinawagan ng foul.
“Gago! Ikaw ’yon!” buska ni Arjhay at binatukan pa ako.
Taena. Porket hindi s’ya makahawak ngayon ng bola ako naman ang pinagdidiskitahan n’ya.
Itinaas ko na lang ang kamay ko sa mga committees katunayan na inaamin kong ako ang may mali.
Oo na, ako na. Ako na ang may kasalanan, ako na ang nagkamali, ako na ang masama. Ano pa? Sige, sabihin n’yo na lahat. Tatanggapin ko ng maluwag sa bangs!
Matapos iyon ay sinulyapan ko ang pwesto ni Carlo.
Hype s’ya! Kanina ko pa s’ya sinusundan para opensahan pero iwas na iwas s’ya! Mukhang pinagplanuhan na rin ng buong team n’ya na hindi ako dapat makalapit sa kanya!
Kingina n’yo! Ampapanget n’yo!
“Minsan may mga bagay na kung kelan binasura mo na, doon mo lang makikita ang halaga.” biglang paghugot ni Arjhay sa aking tabi.
“Pero minsan, kailangan mo na rin bitawan kung nakakasikip na s’ya sa dibdib mo.” pagpatol ko sa hugot n’ya.
Akala n’ya siguro hindi ako updated sa nangyayari sa mundo. ’Wag ako!
Tinaasan n’ya ako ng kilay habang nakangiwi ang kanyang mukha.
“Ang lalim nun, brad ah? Saan ka nakakita ng basura sa dibdib?” tanong n’yang sarkastiko.
Napaisip ako. Mali ba ang hugot ko?
“Taena mo ka! Sinisimulan mo ako tapos magrereklamo ka!” buska ko at binatukan s’ya. Sa wakas ay nakaganti na ako sa mga pang-aalipusta n’ya.
Natawa naman si gago.
“Pero seryoso, D-jay, kahit naman itinapon mo na, pwede mo pa naman balikan ang basurang ’yon. Pwede mo naman damputin kung hindi pa ’yon nakukuha ng iba.” makahulugan n’yang salita.
Ako naman ang tumaas ang isang kilay ngayon na tiningnan s’ya. Hindi na ako sumagot, hinintay ko na lang ang idudugtong n’ya.
“Tandaan mo, may pera sa basura.” panghuli n’yang salita.
“Taena mo ka! Hindi s’ya basura! Hindi basura si Carlo!” buska ko habang paulit-ulit s’yang binabatukan.
Napangisi ang loko kahit patuloy s’yang nakakatanggap ng batok.
“Ayyiieee…. Wala naman akong sinasabing si Carlo ang basura ah? Bakit s’ya ang naisip mo? Saka bakit pinagtatanggol mo na s’ya? ’Yung totoo, brad? Nade-develop ka na?” pang-aasar n’ya.
“Lul! Pakyu ka sagad!” nasabi ko lang at tinalikuran s’ya. Naramdaman ko kasing nag-init ang mukha ko ampohtah.
Natapos ang laro namin. At mukhang sinuwerte naman kami dahil nakuha namin ang panalo. Taena, naagaw ni Arjhay ang korona eh, nagpasikat ang gago. Ginalingan masyado.
All three na ang score at aabot kami ng game seven. But the worst thing is, graduate ako. Nakatanggap ako ng maagang diploma dahil sa sunod-sunod kong foul.
Kingina naman kasi nung Carlo na ’yun eh! Pahabol ng pahabol! Gusto ko lang naman s’yang opensahan kaya pilit kong tinutulak ang mga humaharang sa akin eh! Masama ba ’yon?! Epal din ’yung matandang referee, ako na lang lagi ang binabantayan!
Hindi ako umalis kahit wala na akong papel sa laro. Ewan ko ba, naranasan ko na ang makagraduate noon dahil sa foul at hindi ko na ginagawang tapusin pa ang game. Pero ngayon amputspa! Second quarter pa lang graduate na ako pero nandito pa rin ako!
Naroon pa rin sina Windy at patuloy pa rin ang suporta sa amin ni Carlo. Kahit nasaksihan n’ya ang naganap noong fifth game, hindi s’ya napagod na suportahan kami. Samantalang noong naging kami, ang aga n’yang bumitaw. Mabuti na lang at hindi ako masyadong bitter kaya nanatili pa rin kaming magkaibigan.
Nakita ko kung paano nagmeeting ang team nila Carlo dahil natalo sila ngayong sixth game. Pero ampukingina, simula kanina hindi n’ya man lang ako nagawang sulyapan. Poker face din s’ya buong game.
Nagsimula na silang maghanda ng mga gamit nila dahil tapos na ang meeting nila. Pero ako? Nanatili ako sa kinauupuan ko.
Hindi ko hinihintay na i-congratulate n’ya ako ha? Wala akong ineexpect na magaganap. Hindi ako nag-e-expect na lalapit s’ya at hahalikan ako. Hinde!
Hindi ko tinatanggal ang pagkakatitig sa kanya. Baka kasi sakaling maisipan n’ya akong lingunin. Baka may ma-miss akong galaw n’ya.
Pero nang makuha n’ya ang kanyang mga gamit ay mabilis din silang umalis ng best friend n’yang si Josh.
Anak ng putspa! Hindi n’ya talaga ako tiningnan!
Narinig ko ang mga paghihinayang sa buong gym. Maging ang grupo ni Windy ay hinang-hina na napaupo dahil hindi naganap ang inaasahan nilang mangyayari. Mukhang nakahanda pa naman sila dahil may mga hawak na silang kanya-kanyang cellphone para kuhanan ang mangyayari.
Napayuko ako.
Tungunu, may masakit sa loob ng dibdib ko. Bakit ang bigat ng pakiramdam ko? At sa mga oras na ito, bakit pakiramdam ko ay gusto ko na lang umuwi ng bahay at magmukmok sa kwarto?
Ang sakit. Bakit ang sakit sa dibdib ng mga nasaksihan ko. Bakit nasasaktan ako kahit hindi ako dapat masaktan? Lulululu? Bea Alonzo? Ako ba itu?
Ito naman ang gusto ko ’di ba? Gusto kong tigilan na n’ya ako ’di ba?
Pero pukingina, bakit nanghihinayang ako? Bakit parang gusto ko s’yang habulin para tanungin kung bakit hindi n’ya nagawang lapitan ako?
Napangiti ako ng mapait habang nakatungo at tulala.
Kung hindi ka ba naman nuknukan ng tarantado, D-jay. Nag-e-expect ka pa talaga na papansinin ka n’ya sa kabila ng pamamahiya at masasakit na salitang binitawan mo sa kanya? Ubod ka ng tanga. Gunggong ka! Bobo ka! Kingina mo ka, sukdulan ng gago ka!
Nasa ganoon akong pwesto nang maramdaman ko ang pag-upo ni Arjhay sa aking tabi.
“Minsan, may mga bagay tayong inaasahan pero hindi nat——” hindi n’ya naituloy ang hugot n’ya.
“Taena mo ka! Subukan mong ituloy ’yang paghugot mo! Ipapakain ko talaga ’yang bola mo sa’yo!” banta ko sa kanya habang pinanlilisikan s’ya ng mga mata.
“Minsan dapat sinasara ko talaga ang bunganga ko.” mabilis n’yang pagbawi.
Enang ’to! Lakas mang-asar eh! Sarap upakan minsan!
.
.
.
.
Ilang araw na ba ang nakakalipas simula nang hindi ako pansinin ni Carlo sa sixth game namin? At sa loob ng ilang araw na ’yon ay hindi na ako pinatahimik sa mas malalim pa sa balon na pag-iisip.
Tulad na lamang ngayon. Naririto kami ni Arjhay sa garden ng school. Tulala na naman ako at walang ganang kumilos kahit may nakaabang kaming quiz mamaya.
Si Arjhay naman ay nasa tabi ko lang at abala sa pagpapaikot ng bola sa daliri n’ya.
“Brad…” pagtawag ko sa kanya habang nakatulala.
“Ilabas mo na ’yan. Masakit ’yan sa tyan. Isa pa, ang baho na n’yan.” sagot n’ya at alam kong sinusubukan n’yang magjoke.
Pero wala talaga ako sa mood makipagjoke.
Pero kailangan ko talagang ilabas ’to. Sa loob ng ilang araw na pag-iisip ay may konting liwanag na akong nakikita sa mga katanungan ko.
“Kung sakali bang matuluyan akong maging bakla, pandidirihan mo ba ako?” dire-diretso kong tanong sa kanya.
Hutaena, nasabi ko rin ang gumugulo sa isip ko. Pohtah! Oo na! Nagsisimula na ako ngayon pagdudahan ang sarili ko! Eto na, umaamin na ako!! Kingina kasi ni Carlo!!
Napatigil sa paglalaro ng bola si Arjhay. Nilingon n’ya ako ngunit nanatili akong nakatingin sa harap. Taena, baka murahin ako nito eh. Baka sapakin na lang ako bigla.
“Ano ba namang klaseng tanong ’yan?” ramdam ko ang inis n’ya. Mukhang seryosong usapan na talaga itu.
“Sagutin mo na lang.” walang gana kong utos.
Bumuntong hininga s’ya. Ilang segundo s’yang nag-isip bago nagawang sumagot.
“Ano ba kasing problema mo sa mga bakla?” tanong n’yang seryoso.
Napayuko ako.
“Wala naman akong problema sa kanila. Ang problema, baka kung ano ang isipin ng iba. Alam mo ’yon? Baka ikabawas ng respeto nila ’pag ang isang lalaki umaming bakla.” sagot kong tuwid sa kanya.
Hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko. Pero ang kumag na Arjhay na ’to, bigla na lang tumawa.
Tungunu, baliw ampupu!
“Brad! Saan mo naman nakuha ’yang idea na ’yan?! Nakukuha ba ang respeto ayon sa kasarian? Tanga ka ba o tanga ka talaga?!” tanong n’yang natatawa.
“Kaya nga nagtatanong ’di ba? Hindi ba pwedeng i-explain na lang? Kelangan pa talaga akong pagtawanan? Hindi ako komedyante, brad, for your info. Kung magiging artista ako, pangdrama o action ako. Gets mo? Kita naman sa mukha ko ’di ba? GWA-PO!” sunod-sunod kong litanya.
“Na nagkakagusto na rin sa gwapo?” tanong n’yang nakangisi.
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko magawang sagutin s’ya pabalik.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pag-akbay n’ya.
“Alam mo, brad, ’wag mong ikatakot ang sasabihin ng iba. Hindi ka naman isinilang para pasayahin sila. Isinilang ka para maging masaya.” una n’yang paliwanag.
Nanahimik na lang ako para mas maintindihan ko pa ang mga sasabihin n’ya.
“Isa pa, ang respeto, hindi ’yan nakukuha sa kasarian. Ikaw ang nagdadala ng sarili mo. Matanda ka na kaya alam mo na ang mga bagay na karespe-respeto sa hindi. Ikaw ang gumagawa ng hakbang para respetuhin ka ng iba. Hindi mo kailangan isipin ang sasabihin nila. Ang mahalaga, nagpakatotoo ka.” sunod n’yang paliwanag.
Medyo nakukuha ko na ang mga sinasabi n’ya. At habang pinapakinggan ko s’ya ay gumagana na rin ang gwapo kong utak para mahanapan ng kasagutan ang mga katanungan ko.
“Eto na lang, pag-isipan mo ang itatanong ko.” utos n’ya at umayos ng pagkakaupo.
Naghintay ako sa katanungan n’yang iyon.
“Halimbawa, nagawa kong husgahan ang isang tao. Minaliit ko s’ya, inalipusta, ininsulto, pinagsalitaan ng hindi magaganda, at ang pinakamalala, sinira ko ang buhay n’ya. Sa tingin mo, deserve ko ba ang respeto?” tanong n’ya.
Unti-unti akong umiling.
“Hindi. Dapat sa’yo sinusunog sa impyerno.” sagot ko.
Natawa s’ya.
“Okay, ibahin naman natin.” sunod n’yang pagsasalita at saglit na tumigil. “Halimbawa, nagpakatotoo ako. Hindi ako nagsinungaling sa sarili ko at sa iba, hindi ako nanloloko. Nagagawa kong makatulong sa iba, iginagalang ko ang opinyon ng bawat isa, hindi nanghahamak at hindi tumitingin sa estado ng bawat isa. Sa tingin mo, karapat-dapat ba ang kagaya ko na makatanggap ng masasakit na salita?” tanong n’ya ulit.
“S’yempre hindi! Ikaw na nga ang nagmalasakit ikaw pa ang masama?!” maagap kong sagot.
Ngumiti s’ya ng malapad.
“Ganoon din ’yon sa pag-amin ng nararamdaman, D-jay. Wala nang mas masama pa sa taong nanghahamak ng iba. At sila ang mga taong hindi dapat nakakatanggap ng respeto. Mas kabilib-bilib ang taong marunong magmahal. Wala naman sa kasarian ’yan eh. Ang mahalaga, marunong kang magpahalaga sa kapwa, mapababae o mapalalaki man ’yan.” paliwanag n’yang nakangiti.
Saglit akong napatigil upang i-proseso ang mga sinabi n’ya. At tama s’ya, hindi ko naman makukuha ang respeto dahil lang lalaking-lalaki ako. Dahil ang totoo, ako ang gumagawa ng mga bagay para sa sarili ko. Ako ang kumikilos para makuha ko ang respetong gusto ko.
Dahil sa mga reyalisasyon ay napangisi ako kay Arjhay.
“Tangina, brad! Ang dami mong alam ah? Tapos ’yung paliwanag mo, hugot na hugot ah? ’Yung totoo? Bakla ka rin ba?” pagbibiro ko sa kanya habang natatawa.
Tumawa rin s’ya.
“T*ngina ka, D-jay! Ang tagal na nating magkasama hindi mo pa naamoy o nahalata!” natatawa n’yang sagot.
Dahil sa sinabi n’ya ay napatigil ako sa pagtawa. Nanlaki rin ang mga mata ko.
Eh anak ng tupa! Nakakasabay ko pang magshower ’to ng hubo’t hubad ampucha!
“Hoy gago! Alam ko ’yang iniisip mo! Kahit tumuwad ka pa sa harap ko, hindi ikaw ang type ko! Isa pa, hindi kita pinapantasya dahil ayokong magtaksil sa kanya!” sita n’ya sa akin.
Hutaena! Mas malaki na ngayon ang mata ko!
“M-m-may k-k-karelasyon ka???? L-lalaki rin???!!!” gulat na gulat kong tanong.
“Malamang. Bakla nga ako ’di ba? May pagkamangmang ka rin minsan brad ’no?” tanong n’yang nakataas ang isang kilay.
“K-k-kilala ko ba??!!!” pangungulit kong nauutal.
“Si Josh.” nakangiti n’yang sagot.
Pohtah!!!!!! Si Josh???!!! ’Yung best friend ni Carlo??!!!!
“S’ya nga. ’Yung best friend ni Carlo. Bukas nga magse-celebrate kami ng third monthsary eh.” sagot n’ya kahit tinanong ko lang naman s’ya gamit ang aking isip.
Hutaena talaga! Napapalibutan ako ng mga gwapong-macho na gwapong-macho rin ang gusto!!
Ewan ko ba, hindi ako nakaramdam ng pandidiri sa kaibigan ko kahit umamin na s’ya sa akin. Sa katunayan ay bumilib pa ako sa kanya dahil wala s’yang pagdadalawang-isip nang sabihin n’ya iyon sa akin.
At higit sa lahat, hindi ko naramdaman na nabawasan ang respeto ko sa kanya. Dahil mas nakatatak na sa aking isip ang magagandang bagay na nagawa n’ya sa akin bilang kaibigan.
Ngayon ay mas naiintindihan ko na ang mga naging paliwanag n’ya kanina. Mas makikita ng tao ang magagandang bagay na nagawa mo kesa ang estado mo. Kung may mga taong nag-iisip man ng kabaligtaran sa mga naisip ko, sila ang mga taong maliliit ang utak at mababaw ang pag-iisip.
Ipinagpatuloy ni Arjhay ang paglalaro ng paborito n’yang laruang bola. Mukhang nakita n’ya rin sa aking reaksyon na naiintindihan ko na ang lahat kaya tapos na s’ya sa kanyang papel bilang aking teacher.
“Brad, ang hilig mo talagang maglaro ng bola kahit wala naman tayong game ’no? Sagutin mo nga ako. Bukod d’yan sa bolang hawak mo, madalas mo rin bang paglaruan ang dalawang bola sa tabi ng junior mo?” pagbibiro ko sa kanya.
Patuloy pa rin s’ya sa paglalaro ng bola nang sagutin n’ya ako. Ngumisi s’ya at hindi man lang ako nilingon.
“Hindi ko nilalaro ang dalawang bola sa tabi ng junior ko. Si Josh ang lumalaro n’yan.” pilyo n’ya ring sagot.
Dahil sa narinig ko ay nabatukan ko s’ya.
“Taena mo. Ang bastos mo!” buska ko sa kanya.
“Gago ka pala eh! Ikaw kaya ang nauna! Sumegunda lang ako, gago ka!” wika n’yang natatawa.
Sarap nitong gulpihin ampupu. Bastos bastos!
GAME 7
Lumipas pa ang ilang araw simula nang makausap ko ng masinsinan si Arjhay. Simula nang araw na nagkaaminan kaming dalawa. Nang humingi ako ng payo sa kanya, at nang malaman kong ang kaibigan kong ito na matagal ko nang kasama ay isa rin palang kabilang sa sangre ng encantadia.
Pukingina. Simula rin nung araw na ’yon ay marami na akong napag-isipan. At gagawa na ako ng paraan para matapos na rin ang aking kahibangan.
Naririto kami ni Arjhay sa gate ng aming school. Maaga kaming pumasok para abangan ang taong maaaring makatulong sa aking mga plano.
Maya-maya pa ay nakita ko na ang pakay ko. Laglag ang balikat nito at parang hinang-hina sa kanyang paglalakad. Napansin ko rin na nangingitim ang paligid ng kanyang mga mata. Mukhang maraming gabi na rin s’yang walang sapat na tulog gaya ko.
“Windy!” tawag ko sa kanya at tumakbo ako para lapitan s’ya.
Nang makarating kami ni Arjhay sa harap n’ya ay hindi man lang n’ya ako nagawang sulyapan ngunit huminto s’ya senyales na narinig n’ya ang pagtawag ko.
“Windy! May sasabih—–” bungad ko sana ngunit pinutol n’ya ako.
“Don’t touch me.” walang gana n’yang sagot habang nakamwestra pa ang isa n’yang palad sa mukha ko.
Luh? Hindi ko pa nga s’ya nahahawakan, don’t touch me agad ang drama?
“Pwede ka bang makausap? May ipapakisuyo sana ako.” pinagpatuloy ko na lang ang sasabihin ko.
Tumingala s’ya habang nangingilid ang kanyang mga luha.
“How dare you to ask me a favor? Matapos mo akong agawan ng kaligayahan? Matapos mong kunin sa akin ang nag-iisang bagay na nakakapagpasaya sa akin? May mukha ka pang ihaharap para hingian ako ng pabor? Nasaan ang hiya mo, D-jay? Nasaan?!” madamdamin n’yang panunumbat.
Mabuti na lang at sanay na ako sa kadramahan n’ya. Immune na ako sa mga linyang nakukuha n’ya sa mga palabas na napapanood n’ya.
“Eto naman! Parang wala naman tayong pinagsamahan!” wika ko at tinulak s’ya.
Sumalampak naman s’ya sa lupa. Pinanood ko lamang s’yang tumayo habang pinapagpag ang palda n’ya. Hindi na rin s’ya tinulungan ni Arjhay dahil kapag tinulungan n’ya si Windy, baka mabitawan n’ya ang bolang hawak n’ya. ’Yon ang labis na kinakatakot n’ya.
Pisti. Napapaligiran ako ng mga may sayad sa utak. Kaya pati ako nahawa na.
“Sige na! Isipin mo naman ang pinagsamahan natin. Kahit ngayon na lang.” pagkumbinsi ko pa rin kay Windy nang makatayo s’ya.
Kunwari ay pinunasan n’ya ang invisible n’yang luha gamit ang palad n’ya.
Taena. Ayan, may lupa na tuloy s’ya sa mukha dahil sa kadramahan n’ya.
“D-jay, there was never an us.” pag-iinarte n’ya pa rin.
Pisti. Dineny pa ako ampupu.
Alam kong mahihirapan akong makumbinsi s’ya lalo na at nasa kalagitnaan s’ya ng sariling teleserye n’ya.
“Sige, ganito na lang. Sasabihin ko ang plano ko. At kung hindi mo magustuhan, malaya ka nang sumbatan ako. Pahirapan mo ako, yurakan mo ang pagkatao ko, apak-apakan mo ako. Kung gusto mo patakbuhin mo pa ako ng hubo’t-hubad sa university na ’to!” pakikipagkasundo ko sa kanya.
Nako Windy! ’Wag ka nang magkaila na hindi mo nagustuhan ang suggestion ko!
Eto naman ang gusto n’ya noon pa. Minsan na nga n’ya akong inutusan na sumayaw sa gitna ng Luneta at magpanggap na taong-grasa! Pasalamat s’ya at patay na patay pa ako noon sa kanya kaya nagpauto ako!
Isa pa, ’wag na n’yang subukan na magdeny dahil nakita kong may nagspark sa mata n’ya.
Hindi s’ya nagsalita. Pinanindigan n’ya ang lungkot-lungkutan n’ya. Pero iisa lang ang ibig sabihin no’n. Dapat ay simulan ko nang magsalita.
Inilapit ko ang sarili ko sa kanya. Siniguro kong magiging malinaw ang mga sasabibin ko nang makalapit ako sa kanyang tenga.
Saglit lamang iyon at humiwalay na rin ako sa kanya.
Nasaksihan namin ni Arjhay ang paglaki ng mga mata n’ya. At ilang sandali pa lamang ay…..
“Kyaaaaahhhhh!!!!” malakas na tili n’ya habang sinasampal ang sarili n’ya. Muli na naman s’yang inawat ni Arjhay gamit ang isang kamay nito.
“D-jay!! Tatawagan ko na ang buong club!!! Tawagan mo rin ako mamaya para sa ibang detalye!!!! Kyaaahhhhh!!!!” sigaw n’ya habang kumakaripas sa pagtakbo palayo sa amin.
“Thank you!!” sigaw ko sa kanya.
“Kyaaahhhhhh!!!!!” sagot ni Windy.
Maryosep. Kakaiba talaga s’ya.
Natawa na lang kami ni Arjhay habang pinagmamasdan si Windy na tumatakbo. Nasaksihan pa nga namin na nadapa na naman ito dahil sa mabilis na pagtakbo.
.
.
.
.
.
.
Dumating ang huling laban ng laro. Kailangan kong bumawi sa mga ka-team ko. Kailangan kong husayan ang paglalaro ko.
Nilibot ng mata ko ang buong gym. Mas maingay ngayon dahil ito na ang huling laban at magkakaalaman na kung sino ang magiging champion sa amin nina Carlo.
Tumingin ako kung saan nakapwesto si Windy at ang kanyang grupo. Suot pa rin nila ang kanilang t-shirt na may tatak ng pangalan namin ni Carlo. Nagkalat din sa buong gym ang banners at mas dumami na rin ito.
“Fighting!” senyas ni Windy sa akin habang nakataas ang kanyang kamao.
Binigyan ko lamang s’ya ng isang kindat habang nakangiti bilang sagot. Pasasalamat ko na rin ’yon sa kanya para sa tulong na gagawin n’ya.
Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Carlo. Nakikita kong gaya ko ay seryoso rin si Carlo sa mga oras na ito. Hindi n’ya pa rin ako nagagawang lingunin o sulyapan.
Napangisi ako.
Tingnan ko lang kung hanggang saan ang tigas mo, Carlo. Sisiguraduhin kong mas lalo kang titigasan, este, maninigas ka na lang mamaya sa gagawin ko.
Nagsimula ang laban. Sina Josh at Arjhay ang nasa gitna para sa jump ball.
Taena, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magkarelasyon ang dalawang ’to. Masyado nang maraming inilihim sa akin ni Arjhay. Hindi ko alam kung paano sila nagkaroon ng ugnayan ni Josh samantalang lagi naman kaming magkasama. Iniisip ko tuloy na patago silang nagkikita at gumagawa ng milagro.
Nagsimula ang laban. Hindi tulad ng huli naming game, sineryoso ko talaga ang paglalaro.
Kailangan kong manalo kahit dito lang sa basketball.
Kahit dito lang, pukingina!!!
Minsan ay si Carlo ang nakakaharap ko para depensahan at opensahan, pero hindi ko na iyon alintana. Mas ginagalingan ko pa. Kailangan ay manalo ako laban sa kanya!
Dikit ang laban. Dumaan ang first quarter hanggang third quarter at nagpapalitan lang ang lamang sa score ng bawat isa.
Fourth quarter.
Ilang minuto na lang ang natitira. Mukhang nabigyan ng instruction ng coach nila si Carlo para bantayan ako. Dahil simula pa kanina ay s’ya na ang gumagwardya sa akin.
Pero simula nang bantayan n’ya ako ay hindi pa s’ya tumingin ng diretso sa aking mga mata. Tanging sa bawat galaw ko at sa bolang hawak ko lang s’ya nakatingin.
Ilang segundo na lang ang natitira at hawak ko pa rin ang bola. Si Carlo pa rin ang nagbabantay sa akin. Aaminin kong magaling talaga s’ya, pero para saan pa ang pagiging consistent MVP ko kung magpapasindak ako sa kanya?
Tabla ang score. Patuloy lang ako sa pagdribol ng bola at nasa harapan ko s’ya. Binabantayan n’ya ang bawat galaw ko para hindi ko mai-shoot ang bola. Alam kong sinusubukan n’ya rin iyong kunin sa akin pero ito ang forte ko, ang laruin ang bola ko, este ang bolang hawak ko.
Magkaharap pa rin kami at iniiwasan n’ya pa rin ang mga mata ko. Ngayon pumasok ang magandang ideya sa utak ko para makuha ko ang atensyon n’ya.
Humakbang ako para kunwari ay susugod ako. Umopensa s’ya.
Boom! Na-fake kita, bro!
Umatras akong muli.
Aba’t! Ayaw n’ya pa rin akong tingnan!
Matigas ka ha?
Inulit kong gawin iyon. Sinadya ko ’yon para inisin s’ya. Part ’yon ng game kaya pasensyahan na lang.
Hindi ako pwedeng matalo dito sa laro nating ’to, Carlo. Hinding-hindi ako papayag!
Dahil sa ilang beses kong ginawa ang fake attack ko ay mukhang nagtagumpay ako sa plano. Sa wakas ay tiningnan n’ya ako. At nang magtagpo ang aming mga mata ay nagbigay ako ng nakakalokong pagngisi sa kanya.
Luh? Poker face pa rin ang gago. Wa epek ang gwapong ngisi ko!
Ipinagpatuloy ko ang pagdidribol. Mata sa mata pa rin kaming dalawa.
Nasa labas kami ng linya para sa three points. Limang segundo na lang ang natitira at tabla pa rin kami.
Sorry, Carlo. Pero wala akong plano na magpa-overtime ng game.
Habang magkatinginan kami ay isinagawa ko na ang planong naisip ko. Mula sa pagkakangisi ko ay ginawaran ko nang magandang ngiti ito. Ang ngiti kong napapansin ng mga taong nakakasalubong ko.
At matapos ko s’yang ngitian ay nagbitaw ako ng isang kindat sa kanya.
Nakita kong natigilan s’ya. Iyon na rin ang kinuha kong oportunidad para umatras ng bahagya at iangat ang bola habang may natitira pang segundo.
At boom!
Ring less mga fre!
Narinig ko ang malakas na pagpito sa buong gym. Senyales iyon na tapos na ang game.
At ang panalo? Kami.
Nagsigawan ang mga tao. Ngunit hindi tulad ng inaasahan ng iba, walang sumabog na confetti bilang selebrasyon sa pagiging champion namin.
“’Yung confetti?!! Pasabugin n’yo na!!!” naririnig kong sigaw ng aming coach. Wala s’yang alam. Walang alam ang karamihan sa magaganap.
Lahat ng mga kakampi ko ay hindi nagsipagdiwang kahit kami ang idineklarang panalo. S’yempre kasama ito sa plano. Kahit alam kong gustong-gusto na nila ngayon magtatalon sa tuwa ay hindi nila ginawa.
Ganoon din sa team nila Carlo. Hindi sila gumalaw kung saan ang huli nilang pwesto bago pa matapos ang game. At s’yempre, kasama rin iyon sa plano. Sina Arjhay at Josh na ang nagtrabaho para sa parteng iyon.
Nakita ko mula sa harap ko na napayuko si Carlo. Nakita ko ang lungkot sa kanya dahil sa pagkatalo.
Naglakad si Carlo at nilampasan ako. Dito na magsisimula ang totoong ganap. Mabilis din na nawala ang ingay sa buong gym, natahimik ang mga manonood. Isa naman iyon sa parte ni Windy pala sa isinagawa naming plano.
Pinagmasdan ko lang ang paglalakad ni Carlo hanggang sa makarating s’ya sa gitna ng court para sana bumalik sa kanilang bench.
“Sandali!!” pagpigil ko sa kanya.
Tahimik pa rin ang lahat at tanging boses ko lang ang umaalingawngaw sa buong gym.
Natigilan si Carlo ngunit hindi s’ya humarap.
Lumapit ako paunti-unti sa kanya sa gitnang court. At nang isang metro na lang ang pagitan naming dalawa ay huminto ako.
“Tinawag kita ’di ba?!! Bingi ka ba??!!” tanong kong pasigaw sa kanya.
Ilang segundo s’yang walang binigay na reaksyon hanggang sa unti-unti s’yang humarap. At nang tuluyan s’yang humarap ay nagulat ang lahat nang bigla ko s’yang suntukin sa panga.
Ibinuhos ko ang lahat ng pagkalalaki at lakas ko sa suntok kong iyon. Napaupo s’ya sa sahig habang sapo ang kanyang mukha.
Kingina eh! Malaki ang kasalanan n’ya sa akin, ulupong s’ya!!
Walang lumapit para awatin kaming dalawa. Nakita kong pinigilan ng aming mga teammates ang mga teachers at coach namin nang sinubukan kaming puntahan at awatin.
Nanlalaki ang mga mata ni Carlo na tiningnan ako habang nakaupo pa rin s’ya sa sahig.
Mabilis akong kumilos para lapitan s’ya. Umupo ako sa bandang bewang n’ya at hinawakan s’ya ng mahigpit gamit ang isa kong kamay sa kwelyo ng kanyang jersey. Inangat ko rin ang isa kong kamao para ipang-amba ng panibagong suntok sa kanya.
Ngunit bago pa iyon dumapo sa mukha n’ya ay mabilis n’ya rin na nahawakan ang braso kong nakaangat. Ang isa naman n’yang kamay ay nakaalalay sa sahig para hindi s’ya mapahiga.
Tama nga si Josh. Mahusay nga sa self defense ang gago.
Kitang-kita ko ang galit at pagtataka sa kanyang mukha.
“Ano bang problema mo??!! Panalo na kayo ’di ba?!! Bakit nanapak ka pa??!!” sigaw n’yang tanong sa akin.
“Malaki!! Malaki ang problema ko, Carlo!!! At ikaw ang problema ko!!!” sigaw ko ring sagot sa kanya habang nanlilisik ang aking mga mata. Nagdidikit na rin ang aking mga ngipin dahil sa labis na galit.
Mas lalo s’yang nagtaka.
“Ano pa bang gusto mo??!! Iniiwasan na nga kita ’di ba??!! Tinigilan na kita!!! Hindi ka pa ba kuntento??!! Ano pang kulang??!!” tanong n’yang muli.
Nagsisigawan na kami at kulang na lang ay magpatayan ngunit wala pa rin ang umaawat sa amin.
“Kingina mo kasi eh!! Kasalanan mo ’to!!! Malaki ang atraso mo kaya dapat mo ’tong pagbayaran, gago ka!!!” sigaw kong muli sa kanya habang gigil na gigil.
“Ano???!!! Anong ginawa ko sa’yo??!!” nagtataka n’yang tanong.
Dahil sa labis na inis ay hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Pumatak na ang mga luha kong ilang araw ko nang pinipigilang lumabas.
“Simula nang dumating ka!!! Simula nang idamay mo ako sa kagaguhan mo!!! Simula nang mapagtripan mo ako!!! Simula no’n!!! Malaki na ang nagbago sa pagkatao ko, kingina mo!!! Simula no’n pinagdudahan ko na ang sarili ko, t*ngina mo!!!” sunod-sunod kong sumbat habang ang mga luha ko ay nag-uunahan na sa pagpatak.
Hindi s’ya nakapagsalita. Mas nanlaki na rin ang mga mata n’ya.
“Ano bang dahilan mo?!!! Bakit kailangan mong gawin sa akin ang mga bagay na ’yon??!!! Bakit ako pa??!!! Ano bang rason para gawin mo ang lahat ng kagaguhang ’yon??!!” tanong ko sa kanya.
Hindi pa rin s’ya sumagot. Nanatili s’yang tulala sa akin.
“Sumagot ka!!!!!!!” mas malakas ko nang sigaw.
“Dahil gusto kita!!!! May iba pa bang dahilan???!!!! Ikaw ang gusto ko!!! Gusto kong maging akin ka!!!! Gusto kitang makasama!!! Gusto kong ako lang ang makakalapit sa’yo!!! Gusto kong sa akin lang nakatingin ang mga mata mo!!! Gusto kong sa akin lang ang atensyon mo!!! Lahat ’yon iisa lang ang dahilan!!! Dahil gusto kita!!! Kulang pa ba ang dahilan kong ’yon??!!!” s’ya naman ngayon ang sinisigawan ako.
Sapat na ang mga narinig ko para masagot ang mga katanungan ko. Mabuti naman ngayon at nalaman ko na.
Dahan-dahan ay tinanggal ko ang pwersa sa aking kamao na nakaambang dumapo sa mukha n’ya. Naramdaman ko rin ang unti-unti n’yang pagbitaw dito.
Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang kamay kong binitawan n’ya.
“Kailangan pa palang masapak kita bago mo sa akin ibigay ang rason.” nakangisi ko na ngayong sambit sa kanya.
Mukhang pati s’ya ay naging mahinahon na rin ngayon. Nakikita ko ’yon sa kanyang reaksyon. Naging normal na rin kasi ang kanyang mga paghinga.
Hindi ko pa rin binibitawan ng isa kong kamay ang kwelyo n’ya. Nasa ibabaw n’ya pa rin ako at wala pa akong balak na umalis sa mga oras na ito dahil hindi pa dito nagtatapos ang plano ko.
Nasa ganoon pa rin kaming pwesto nang sinubukan n’yang magsalita.
“Wala ka pa bang balak umali—–” pagsasalita n’ya sana na hindi naituloy dahil sa mabilis na pagkilos ko.
Hinawak ko ang isa ko pang kamay sa kanyang kwelyo at hinatak s’ya palapit sa akin.
Dito na nagtatapos ang binuo kong plano. Ako na ang gumalaw para magsalubong ang aming mga labi sa pagkakataong ito.
Naipikit ko ang aking mga mata sa ginawa kong pagdidikit ng labi naming dalawa.
Naramdaman kong natigilan s’ya. Ilang segundo rin s’yang natulala dahil sa pagkasorpresa. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay naramdaman kong inilagay na n’ya ang isa n’yang braso sa bewang ko at tinugunan na rin n’ya ang bawat paghalik ko.
Habang patuloy kami sa ginagawa naming paghalik ay ang nakabibinging sigawan at palakpakan ng mga tao. At kasabay ng mga pasigaw na iyon ay ang malakas na pagsabog ng confetti sa buong gym. Nararamdaman ko ang pagbagsak ng mga confetti sa balat ko.
Doon na rin nagtatapos ang tulong na hiningi ko kay Windy. S’ya ang namahala sa pag-organisa ng magaganap sa labas ng court. Sina Arjhay at Josh naman ganoon din ang aming teammates ang namahala sa loob ng court. Lahat ay may partisipasyon para lang maganap ang isinagawa kong plano.
Patuloy pa rin naming sinusuklian ni Carlo ang paghalik sa isa’t-isa habang nagbubunyi ang lahat.
Ang pangyayaring ito, ito ang masasabi kong malaking panalo ko.
Hindi namin alam kung gaano kami katagal sa posisyong iyon. Ngunit nang maghiwalay ang aming mga labi ay pareho na naming suot ang aming mga ngiti.
“Kung ganito ba naman ang kapalit ng bawat pagkatalo ko, hihilingin ko na lang na lagi na lang sana kaming matalo sa laro.” nakangiti n’yang sambit habang magkalapit pa rin ang aming mukha.
“Gago! Hindi ikaw ang natalo dito kundi ako. Kaya nga pinilit kong ipanalo ang laro namin para kahit doon man lang makabawi ako. Tang*na mo kasi, natalo ako pagdating sa’yo. Ikaw ang panalo kung tutuusin dahil napasuko mo ako. Kingina mo, tarantado.” mahaba kong sagot sa kanya.
Natawa na lang s’ya sa mga sinabi ko.
Ganoon pa rin ang aming pwesto nang may maalala ako.
“Sinungaling ka. Ang sabi mo kokompletuhin mo ang pitong halik hanggang makarating tayo sa huling laro? Nakalimutan mo yata ang panglima at pang-anim?” nakataas ang isa kong kilay na pagpapaalala.
Nagbitaw s’ya ng mahinang pagtawa habang nakatingin pa rin sa aking mga mata.
Ngunit matapos iyon ay mabilis n’ya akong binigyan ng isang halik sa labi.
“Ayan ang isa para kompleto na.” wika n’yang nakangiti.
“Ena mo ka, kulang pa ng isa.” ayaw kong magpahalatang kinikilig ako, tungunu.
“Nakompleto ko ang pito. Remember sa classroom n’yo? Nakaisa ako sa’yo. Isipin mo na lang na ’yun na ang advance ko.” natatawa n’yang pagkontra.
Natawa rin ako sa kanyang sinabi.
Umalis na ako sa pagkakaupo sa kanyang ibabaw. Inalalayan ko rin s’ya gamit ang isa kong kamay para s’ya ay makatayo. Patuloy pa rin ang palakpakan sa paligid hanggang sa tuluyan kaming makatayo ng tuwid.
Magkaharap kami at nanatiling nakatitig sa isa’t-isa.
“Paano na ’to? Tayo na ba?” tanong n’ya sa akin.
Tinaasan ko s’ya ng isang kilay.
“Huh? Ano ka? Chicks? Ligawan mo muna ako, gago!” kontra ko sa kanya.
Muli na naman s’yang natawa.
“Sino ngayon ang chicks? Magpapaligaw ka pa talaga?” tanong n’yang natatawa.
Aba’t! Kinginang ’to ah?!
“Lul! Kung ayaw mo, ’wag mo!” buska ko sa kanya at tinalikuran s’ya.
Nakakailang hakbang pa lang ako palayo sa kanya nang sumigaw s’ya.
“Deal! At sisiguraduhin kong sa finals, tayo pa rin ang magkikita! Dahil ’pag dumating ang finals, sinisiguro kong magiging akin ka!!” sigaw n’ya na dinig sa buong gym.
Mas nagsigawan ang mga tao sa loob ng gym.
Nanatili akong nakatalikod sa kanya ngunit alam kong nakangiti s’ya. Ramdam kong masayang-masaya s’ya. Mabuti na rin na hindi ako nakaharap sa kanya. Baka nasaksihan n’ya pa ang pagngiti ko dahil sa tuwa.
Tungunu, kinikilig ako ampupu.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad ko. Naramdaman kong inakbayan ako ni Arjhay at sinabayan ako sa paglalakad.
“Proud ako sa’yo, brad!” pagbati n’ya habang tinatapik ang balikat ko.
Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.
Nakasalubong pa namin si Josh na boyfriend n’ya para siguro salubungin naman si Carlo na nasa likod namin.
“Congrats, bro!” bati nito sa akin at nakipagfist bump pa.
Tinanguan ko lang s’ya.
Lumampas na s’ya sa amin ngunit nahuli pa rin ng mga mata ko ang simpleng paghawak nila ni Arjhay sa kamay ng isa’t-isa.
Kingina. Ang lalandi ampohtah.
Palabas na sana kami ni Arjhay ng pinto ng gym nang makarinig kami ng sigaw.
“Tabi! Tabi!” tarantang utos ng isang lalaki mula sa aming likuran. Naging dahilan tuloy iyon para mapahinto kami sa paglalakad.
Mula sa aming likuran ay nagulat kami na may isang estudyante ang sakay sa stretcher na buhat ng mga medics. Dumaan ito sa aming harapan.
Nanlaki ang mga mata namin ni Arjhay nang makilala ang sakay ng stretcher na iyon.
“Si Baltazar ’yon ’di ba?” tanong sa akin ni Arjhay.
S’ya ang kaklase naming nerd. S’ya si Boy iling.
“Ate! Anong nangyari sa kanya?!” taranta kong tanong sa estudyanteng may suot na t-shirt ng fan club para sa amin ni Carlo.
“S’ya po ang napagdiskitahan ni President Windy kanina! Nagulpi n’ya si Baltazar dahil sa sobrang kilig! Ayun nga s’ya at mukhang madadagdagan pa ang mabibiktima!” sagot ng babae at itinuro ang pwesto kung nasaan si Windy.
“Kyaaahhhh!!! Kinikilig ako!!!! Kyaaaahhhh!!!!” tuloy-tuloy na pagtili ni Windy habang hinahampas naman ng bottled water ang isang member ng itinayo n’yang club.
Napailing na lang kaming pareho ni Arjhay dahil sa nakikita namin kay Windy. Ngunit sa kabilang banda, masaya akong makita na masaya rin s’ya. Napapasaya ko s’ya sa paraang ito na hindi ko yata noon naiparanas sa kanya.
Mabuti na rin pala na naghiwalay kaming dalawa. Hindi lang siguro kami swak bilang magsyota. Mas click ang tandem namin bilang magkaibigan na dalawa.
Ipinagpatuloy na lang namin ni Arjhay ang paglalakad. At habang naglalakad ako ay bigla kong naisip ang aking mahal na ina.
’ Dearest Mama. Sorry po kung pag-uwi n’yo ay malaki na ang pagbabago sa anak n’yo. Pero kahit ano pa man ang mangyari, ikaw pa rin ang nangunguna sa puso ko, ikaw pa rin ang pinakaimportante sa buhay ko. Dahil kahit maging berde ang dugo ko, ikaw pa rin ang pinakamamahal ko.
Sana po, Mama, mapatawad n’yo ako. Dahil sa tingin ko, ano mang oras ay mukhang mapapaTUWAD na rin ako.
Nagmamahal, ang iyong unico hijo.’
END
A/N
Hahahaha! Sana po ay nag-enjoy kayo! Shout out sa Phoenix!! Kaway-kaway!! Ang ilang members nila ang ginawa kong bida sa kwentong ito!
Ahm… Sa tingin n’yo mga mahal kong readers? Mas maganda kayang gawan ’to ng sariling book?
Salamat po sa mga magbibigay ng comments at votes! Hanggang sa muli!
––cold_deee
BEST OF 7 (UNTOLD STORY)
A/N
Yoohoo! Ako’y nagbabalik!
Ito naman po ang istorya sa likod ng mga karakter nina Arjhay at Josh sa ‘BEST OF 7’. May ilang bahagi dito na medyo SPG, pero hindi ko na po iyon idenetalye since medyo conservative po ako. At s’yempre, charotera ako kaya hindi totoong conservative ako! Hahahaha!
Anyway, simulan na! Nasa media rin po ang official theme song nitong kwentong ito. Paki-play or paki-download na lang po para paulit-ulit n’yong mapakinggan habang nagbabasa ng chapter na ito. ’Yan eh kung bet n’yo lang naman. Hahahahaha!
Song Title: Nothing’s Gonna Change (My Love For You) - Westlife Cover
Enjoy reading, guys!

“Waahhhh!!!! Hutaena naman, brad! Ano bang mali sa akin? Bakit ako iniwan ni Windy?? Gwapo naman ako ah? May laman naman ang utak ko kahit kapiranggot!! Bakit iniwan n’ya pa rin ako?! Taena naman oh!! Gusto ko nang magbigti!!” malakas na iyak ng kaibigan kong si D-jay.
“Uhm!!” batok ko sa kanyang malakas.
“Aray naman, brad! Masyado ka naman marahas!” reaksyon n’ya at napatigil sa ginagawang pag-iyak habang hinihimas ang ulo n’yang nakatanggap ng malakas na batok ko.
“Tarantado ka rin eh! Anong bigti ’yang pinagsasabi mo?!” anggil ko sa kanya. Gagong ’to! Kung ano-anong lumalabas sa bibig.
“Hindi na ba pwedeng magjoke?! Taena, ikaw lang may karapatan?! Tapos mapanakit ka pa! Abuso ka brad? Porket ba broken hearted ako, ginaganyan mo na lang ako?!” panunumbat na n’ya sa akin.
Gunggong talaga ’tong lalaking ’to. Hindi man lang hinaan ang boses! Ni hindi man lang magawang punasan ang luha n’ya pati sipon n’ya! Ang dugyot!
“Ayusin mo nga ’yang sarili mo! Nakikita mo ba ang paligid?! Brad, nasa fastfood chain tayo! Tingnan mo! Pinagtitinginan na tayo ng tao!” pangaral ko sa kanya habang tinuturo ang mga customers na naririto sa fastfood chain na aming pinuntahan.
Iginala n’ya rin ang kanyang paningin para makita ang tinuturo ko.
“Tinitingin-tingin n’yo?! Naiinggit kayo?! Umiyak din kayo! Makipagbreak kayo sa mga asawa at boypren n’yo para umiyak din kayo!” buska n’ya sa mga taong pinagtitinginan kami.
“Tumigil ka na!” pagsaway ko sa kanya at binatukan ulit s’ya. Nakakahiya ang pinaggagawa ng gago!
“Taena! Nakakarami ka na ha?! Pasalamat ka at wala ako sa mood ngayon!! Kundi babawian talaga kita!!” buska n’ya sa akin.
Naihilamos ko na lang ang palad ko sa aking mukha. Malapit nang maubos ang pasensya ko sa kanya. Limang araw na s’yang ganito, sawing-sawi dahil hiniwalayan ng girlfriend n’ya na schoolmate din namin.
“Pero hutaena!! Ang sakit talaga eh!!! Chubrang machakit!! Help me, Arjhay!!! I’m dying!! Ulkkk!!!” pagngawa n’ya na naman habang sinasakal ang sarili n’ya.
Hinayaan ko na lang s’yang sakalin ang sarili n’ya. Umaasa yata s’ya na pipigilan ko s’ya. Bahala s’ya d’yan!
“Tungunu… Hindi man lang ako pinigilan ampupu…” mahina n’yang pagsasalita at itinigil na ang pagsakal sa sarili.
Sinamaan ko lang s’ya ng tingin. At nang makita n’ya ang nanlilisik kong mga mata ay napayuko na lang s’ya. Ipinagpatuloy na lang din n’ya ang kanyang pag-iyak sa tahimik nang paraan.
Mabuti naman at marunong din s’yang masindak. Nakakabwisit na kasi ang kaingayan n’ya. Pati ako nadadamay sa kahihiyan n’ya.
Tulad na lang ngayon. Naririto kami sa fastfood chain dahil niyaya n’ya akong kumain DAW! Libre n’ya DAW! Pero pagpasok na pagpasok pa lang namin, dumiretso agad s’ya sa isang mesa at bigla na lang umiyak ng pagkalakas-lakas! Kaya heto kami at wala pa ring pagkain sa mesa!
Puhtah! Nilapitan pa kami ng guard at manager nitong fastfood kanina dahil akala nila may kaguluhan na! Nagpaliwanag na lang ako dahil nadamay na rin naman ako sa kahihiyang ginawa ng gagong ’to!
Hawak ko ang bola na hindi ko kailanman tinanggal sa kamay ko. Ang bolang hindi ko kayang mabuhay kung wala sa tabi ko.
Si D-jay naman ay nasa harapan ko at patuloy pa rin sa pag-iyak.
Nang lingunin ko s’yang muli ay nakaramdam naman ako ng awa sa kanya. Tahimik pa rin itong umiiyak habang humihikbi.
Katatapos lang namin mag-enroll para sa second semester. Pareho kaming architecture ang course at mahigit isang taon na rin kaming magkakilala.
Wala naman akong masabi sa kaibigan kong ito. Mabuti s’yang tao bagama’t may kaingayan ang bibig. May pagkahambog madalas pero may maipagmamayabang naman kung hitsura at basketball ang pag-uusapan. Sadyang biniyayaan lang s’ya ng limang dila sa sobrang daldal.
“Arjhay… ang sakit talaga eh…” hinaing n’yang muli habang nakayuko at humihikbi.
Naiinis na ako. Para kaming magsyota dito sa fastfood chain at nakipaghiwalay ako sa kanya kaya ganyan ang hitsura n’ya.
“D-jay, sinabi ko na sa’yo. Babae lang ’yan. Marami ka pang makikita d’yan. Ikaw na rin ang nagsabi na masyado kang gwapo. Hindi ka mahihirapan na makahanap ng kapalit ni Windy!” pangaral ko sa kanya.
Pinunasan n’ya ang kanyang luha at inangat ang kanyang ulo para tingnan ako.
“Hindi mo naman ako naiintindihan eh… At hindi mo ako maiintindihan dahil hindi ka pa naman nagkakagerlpren. Hindi mo pa nararanasan na magmahal ng totoo at masawi. Hindi mo alam ang pakiramdam ng broken hearted. Hindi mo pa nararanasan ang umasa.” sunod-sunod n’yang pagsasalita at muling yumuko para ipagpatuloy ang kanyang pag-iyak.
Natigilan ako dahil sa sinabi n’yang iyon. Hindi ko nagawang sagutin iyon pabalik.
Kung alam mo lang, D-jay. Kung alam mo lang.
Ibinaling ko na lamang ang aking paningin sa iba. Baka mapansin pa ni D-jay na masyado akong naapektuhan sa sinabi n’ya.
Ilang sandali pa….
“Pero taena!!! Ang sakit talaga eh!!! Mama!!!!” ngawa n’yang muli at mas malakas na ito kumpara noong una.
Hindi pa s’ya nakuntento roon. Nagulat na lamang ako dahil inihawi n’ya ang kanyang mga kamay sa mesa ng paulit-ulit habang ngumangawa. Naging dahilan tuloy ito para mabitawan ko ang bola ko.
“T*ngina!” sambit kong mahina.
Agad akong nataranta at hindi ko malaman kung anong uunahin ko. Kung aawatin ko ba s’ya sa pagwawala n’ya o kukunin ko ang aking bola na tumalbog na kung saan palayo sa aming pwesto.
Pero dahil kaibigan ko si D-jay ay mas nag-abala akong awatin s’ya. Mamaya ko na lang kukunin ang bola ko. Wala naman sigurong kukuha no’n at alam naman ng mga tao dito sa fastfood chain na akin ’yon dahil kanina pa kami naririto.
“Waaahhh!!!” huling pagngawa ni D-jay at muling isinubsob ang mukha sa mesa.
T*ngina! Nakakatakot pala ’pag broken hearted ’tong gagong ’to! Ang sakit sa ulo!
Ilang sandali pa ay mukhang bahagyang kumalma na s’ya. Hindi na s’ya muling gumalaw na pagkakasubsob sa mesa. Ipinagpatuloy na lang n’ya ang pag-iyak n’ya.
Iyon na rin ang ginamit kong pagkakataon para kunin ang pinakaimportanteng bagay sa buhay ko. Ang bola ko.
Akmang tatayo na ako para sana kunin ang bola kong iyon ay natigilan ako.
“Sa’yo ba ’to?” boses ng isang lalaki at iniaabot sa akin ang bola.
Hindi ko napansin ang mukha ng lalaki dahil agad na nagliwanag ang mga mata ko nang makita ko ang bola ko sa aking harapan.
Agad akong ngumiti.
“Salamat.” sambit ko at kinuha mula sa lalaki ang bola kong iyon.
Ilang sandali pa ay nagulat ako nang muli s’yang magsalita.
“A-arjhay?” utal nitong pagtawag sa aking pangalan.
Dahil doon ay natigilan ako.
Unti-unti kong inangat ang aking tingin para tingnan ang mukha ng taong tumawag sa aking pangalan.
At nang magtagpo ang aming mga mata ay literal na nanlaki ang mga mata ko. Ganoon din s’ya, nanlalaki ang kanyang mga mata tanda ng pagkabigla.
Hindi ako nakapagsalita. Nanigas ako sa aking pwesto. Hindi natatanggal ang pagkakatitig namin sa isa’t-isa hanggang sa magsalita ang lalaking nasa tabi n’ya.
“Kilala mo, Josh?” tanong ni Carlo na schoolmate namin ni D-jay.
Doon lamang naputol ang pagkakatitigan namin ng kasama ni Carlo para sagutin ito.
“A-ahm… O-oo.. Kilala ko s’ya.” utal nitong pagsagot.
“Ayoko na!!!! Magbibigti na talaga ako!!! Ulkkk!!!” biglang pagsigaw na naman ni D-jay habang sinasakal ang sarili n’ya.
Naging dahilan din iyon para lingunin naming tatlo si D-jay. At nang mapansin ni D-jay na may ibang tao na nakatayo ngayon sa harap n’ya ay bigla s’yang napatigil sa pag-iyak.
“Tinitingin-tingin n’yo? Makikichismis din kayo? Suntukan na lang gusto n’yo?!” hamon ni D-jay kina Carlo habang nakataas ang isang kilay nito.
Hindi nakapagsalita ang dalawang tao sa harap namin ni D-jay. Napansin kong nanlalaki ang mga mata ni Carlo habang nakatingin kay D-jay. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang paglunok n’ya. Tila ba kinabahan s’ya nang makita si D-jay.
Ang lalaki naman na kasama ni Carlo ay nakakunot ang noo habang nakatingin kay D-jay. Sa hitsura n’ya ay tila ba may mga katanungan ito.
“Sino s’ya, Arjhay?” tanong sa akin ng lalaking kasama ni Carlo.
Hindi pa man din ako nakakasagot ay naunahan na ako ni D-jay na magsalita habang marahas na kinakalabit ako.
“Uy, brad! Kilala mo?!” usisa ni D-jay habang may mga luha pa sa kanyang mga mata.
Peste! Nakalimutan ko, may pagkachismoso nga pala itong lalaking ’to!
“U-uhm… O-oo. D-dating kaibigan ko.” sagot kong nauutal sa kanya.
“Dati? Bakit? Hindi na kayo prends?” pangungulit pa rin nito.
Hindi ko s’ya sinagot. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag.
Dahil sa pananahimik ko ay s’ya na mismo ang nagtanong sa taong nasa harap ko.
“Uy, brad! Hindi na kayo prends ni Arjhay? Anong pangalan mo? Bakit hindi ka n’ya sa akin nakekwento?” sunod-sunod na tanong ni D-jay.
Pucha! Harap-harapan naman ang pagtatanong ng ulupong na ’to! Hindi man lang marunong makahalata na awkward na ang sitwasyon! Ni hindi n’ya pa nga napupunasan ang luha at uhog n’ya sa mukha!
“J-josh. Josh ang pangalan ko.” sagot ni Josh kay D-jay at nilingon muli ako.
Agad kong iniwasan ang tingin n’yang iyon.
Naging mabilis ako sa pagkilos at hinawakan sa pulsuhan si D-jay. Kailangan ko na rin kaladkarin ito dahil baka kung ano pa ang mga susunod n’yang itanong.
“S-sige, mauna na kami ni D-jay.” pamamaalam ko habang hinihila si D-jay palayo sa kanila.
“Wait lang! Kinakausap ko pa ’yung long lost fwend mo!” reklamo ni D-jay habang hawak ko s’ya.
“Sa iba na lang tayo kumain. Ako na manlilibre.” ang naisagot ko lang sa kanya.
“Yahooo!!” mabilis n’ya namang sagot. Mabuti na lang at madali rin masuhulan ’tong si D-jay. Kundi baka matuluyan na ako kung magtatagal pa kami rito.
Bago kami tuluyang makalabas sa fastfood chain na iyon ay muli kong nilingon ang pwesto namin kanina. Naroon pa rin sina Carlo at Josh at nakatingin sa amin habang kami ay papalayo.
Salitan na tinitingnan ni Josh ang aking mukha at ang kamay namin ni D-jay na tila magkahawak.
Hindi ako sigurado kung tama ba ako sa nakita ko sa kanyang mga mata. Ngunit tila ba malungkot ang mga mata n’yang iyon na nakatingin sa akin.
Malakas ang tibok ng puso ko hindi dahil sa mabilis na paglalakad namin ni D-jay para lumipat ng restaurant. Malakas ang tibok nito dahil sa takot at kaba.
Anong ginagawa n’ya sa lugar na ’to?! Bakit nagpakita pa s’ya?! Bakit muli na naman kaming nagtagpong dalawa?!
Nakarating kami sa mas mamahaling restaurant. Wala naman akong magagawa dahil ito ang itinuro ni D-jay na gusto n’yang kainan.
Gagong ’to! Nakarinig lang ng libre, kumaripas agad!
Pero nagpapasalamat na rin ako. Dahil kung hindi ko s’ya dito dinala at kung hindi ko s’ya pinaorder ng kahit na anong gustuhin n’ya, baka kulitin n’ya na naman ako sa naganap kanina. Mabuti na rin ito dahil nakalimutan n’ya rin pansamantala ang pagiging sawi n’ya sa ex-girlfriend n’ya. Mas nangibabaw ang saya sa kanya dahil maraming pagkain sa harap n’ya.
Nakahiga ako sa aking kama at hawak ang aking laruang bola. Oo, kasama at katabi ko rin ito sa pagtulog. Sa tuwing mapapag-isa ako ay walang sawa kong tinititigan ang bola kong ito. At sa bawat pagtitig ko rito ay nagbabalik sa akin ang masasaya at malulungkot na ala-ala.
“Ssshhh!!! ’Wag kang maingay!! Baka may makakita sa atin!” sita sa akin ni Josh at tinakpan ang bibig ko gamit ang kanyang palad.
Ngumiti lang ako sa kanya habang nasa bibig ko pa rin ang palad n’ya.
Naririto kami sa likod ng gym ng school namin at magsisimula na ang P.E. subject namin.
Matapos ang ilang sandali ay ibinaba na n’ya ang kamay n’yang nasa bibig ko. Sumilay ang magandang ngiti sa aming dalawa.
At matapos ang pagpapalitan ng ngiti naming iyon ay ang mahigpit naming yakap sa isa’t-isa.
“Na-miss kita.” sambit kong nakangiti habang yakap s’ya.
“Ako rin, sobra.” sagot n’ya.
Kung makapagpalitan kami ng salita ay parang hindi kami magkaklase.
Ang kaibahan lang ay hindi kami magkatabi ng upuan sa classroom
.
Hindi nagkakausap ng madalas dahil sa lihim naming relasyon.
Ngunit, relasyon nga bang matatawag ito kung wala naman kaming napag-uusapan tungkol dito? Isa pa, masyado pa kaming bata dahil highschool students pa lang kami.
Ang alam lang namin, masaya kami na magkasama tulad nito. Nagkikita ng patago at nagbibigay saya sa isa’t-isa.
Si Josh ang tinaguriang pinakapopular na estudyante ng school. S’ya ang pinakasikat dahil matalino at kinikilala dahil sa angking kagwapuhan at pagiging misteryoso. Walang masyadong nakikipag-usap sa kanya dahil naiilang sila sa pagiging seryoso nito. Bagay na lalong nagbibigay interes sa iba.
Ako naman ang tinaguriang cool nerd ng aming school. Simple ngunit madalas na napupuri dahil may hitsura ako. Kaming dalawa ang nangunguna sa klase kaya madalas kaming naikukumpara sa isa’t-isa. Pero hindi nila alam na sa kabila ng pagkukumpara nila sa amin ay may itinatago kaming malaking sikreto.
Hindi lang kami ang tinaguriang magkakumpitensya pagdating sa academics. Hindi alam ng marami na malapit kami sa isa’t-isa at may lihim na ugnayan na tanging kami lang ang nakakaintindi at nakakaalam.
“Sorry, ako ang nakakuha ng highest points kanina sa test.” wika kong mahina.
“Okay lang. Ikaw naman ’yan eh. Kung iba ang nakakuha ng mataas na grades baka nagulpi ko pa sila.” sagot n’ya at natawa ng mahina.
Natawa rin ako sa sinabi n’yang iyon.
Naghiwalay kami sa pagkakayakap ngunit nanatiling magkalapit ang aming katawan.
“Tara na? Baka makahalata na sila. Baka hinahanap na rin tayo ni Ma’am para sa attendance.” pagyaya ko sa kanyang nakangiti.
Akmang aalis na ako sa kanyang harap nang pigilan n’ya ako sa kamay.
“Sandali!” pagpigil n’ya.
Hindi ako nakapagsalita. Hinintay ko na lamang ang kanyang sasabihin.
Ngumiti s’ya sa paraan na sa akin n’ya lang pinapakita. At matapos iyon ay mas inilapit n’ya pa ang sarili n’ya sa akin.
Natigilan ako nang tanggalin n’ya ang aking suot na salamin mula sa aking mga mata.
“Apat na buwan na tayong ganito. At hindi ko alam kung monthsary ba ang tawag dito. Pero gusto kong malaman mo na sa apat na buwan na nakalipas, naging napakasaya ko.” masuyo n’yang pagsasalita habang nakangiti.
Hindi pa iyon doon nagtapos. Dahil matapos n’yang sabihin iyon ay natigilan ako nang bigla s’yang yumuko at hinalikan ako sa noo. Nasundan pa iyon nang halikan n’ya naman ako sa ilong.
At ang pinakanasorpresa ako ay nang masuyo n’ya akong halikan sa labi.
Naging mabilis ang tibok ko habang magkadikit ang aming mga labi. Napapikit ako ganoon din s’ya nang magtagpo ang aming labi sa kauna-unahang pagkakataon.
Kasabay ng paghalik n’yang iyon ay naramdaman ko ang masarap na pag-ihip ng hangin. Nararamdaman ko rin ang pagkalaglag ng mga tuyong dahon mula sa mga sanga ng mga punong nasa paligid.
“Ako na ang mauuna sa gym. Baka makahalata sila kung sabay tayong papasok.” wika n’yang nakangiti matapos akong halikan sa labi.
Hindi ako nakagalaw at nakapagsalita. Naestatwa na lang ako dahil sa saya at pagkabigla.
“Oo nga pala, Arjhay. Galingan mo pa sa basketball ha? Sana makapasok ka na sa next try-out. Gusto ko na talagang magkasama tayo sa tournament. Nami-miss kasi kita ’pag nawawala ako ng ilang araw para sa laban.” masuyo n’yang bilin sa akin.
Tanging pagtango lang ang naitugon ko dahil nanatili akong tulala.
Umalis s’ya sa harap ko at mabilis na tumakbo para tunguhin ang gym. Naiwan akong bahagyang nakanganga at parang aatakihin sa puso nang mga oras na iyon.
Naiangat ko ang aking kamay at hinawakan ang labi ko habang nanlalaki pa rin ang mga mata ko.
Ilang sandali pa habang hawak ko ang labi ko ay napangiti ako.
Ito ang araw na naging napakasaya ko sa buong buhay ko . Ang araw kung kailan natanggap ko ang unang halik mula sa taong pinakaespesyal sa puso ko.
Matapos ang mga ala-alang nagbalik ay ang pagdaloy ng aking mga luha habang titig na titig ako sa laruan kong bola.
“Bakit…? Bakit bumalik ka pa…?” tanong ko sa bola habang patuloy sa pag-iyak.
“Okay na lagnat mo?” tanong sa akin ni D-jay.
“Ah, o-oo.” pagsisinungaling ko.
Hindi naman talaga ako nagkasakit. Ayaw ko lang usisain ako nitong si D-jay kung may problema ako. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang lahat tungkol sa akin. Hindi pa sa ngayon.
Naririto kami sa classrom at abala s’ya sa pagguhit ng mukha ng ex-girlfriend n’ya. Hindi pa rin talaga s’ya nakaka-move on, parang tanga lang. Pero mukhang malapit na rin n’yang matanggap ang lahat dahil hindi na s’ya umiiyak.
Natutuwa ako dahil mukhang hindi na s’ya kasing miserable noong mga unang linggo simula nang makipaghiwalay sa kanya ang girlfriend n’ya.
Napahinga ako ng malalim.
Mabuti pa s’ya, ilang linggo pa lang mukhang makaka-move on na. Samantalang may mga tao na lumipas man ang ilang taon ay nanatili sa likod ng masasakit na ala-ala.
“Nagpunta nga pala dito kahapon ’yung nakita natin noon sa fastfood. Hinahanap ka n’ya sa akin. Sabi ko may sakit ka.” dire-diretso n’yang pagbabalita habang abala pa rin sa pagdodrawing.
Dahan-dahan ko s’yang nilingon habang nanlalaki ang aking mga mata.
“A-anong ginagawa n’ya rito?” kinakabahan kong tanong.
“Malamang estudyante rin s’ya dito, haler? Kaya nga s’ya nakapasok dito sa loob ng university ’di ba?” kaswal n’yang sagot at hindi pa rin ako nililingon.
Parang binagsakan ako ng langit at lupa dahil sa narinig ko.
Estudyante dito si Josh?! Paano nangyari ’yon?! Ibig sabihin may pagkakataon na magkikita pa ulit kami?!
“Uy, brad! Okay ka lang? May lagnat ka pa ba? Pinagpapawisan ka oh!” biglang sambit ni D-jay habang hinahawakan ang leeg ko gamit ang dalawa nitong kamay.
Gaano na ba ako katagal na natulala at hindi ko man lang namalayan na itinigil na pala ni D-jay ang pagdodrawing n’ya?
Hinawakan ko ang kamay ni D-jay na nasa leeg ko para sana tanggalin iyon. Napaka-clingy ng hinayupak na ’to. Akala mo hindi straight eh. Ako na ang naiilang sa kanya dahil ang lapit ng mukha n’ya sa akin habang hawak ang leeg ko. Ang posisyon tuloy namin ngayon ay parang hahalikan ako ng gago.
Nasa ganoon kaming posisyon ni D-jay nang makita ko mula sa gilid ng aking mga mata ang pagpasok ng isang tao sa aming classroom. Kami ni D-jay ang magkatabi sa upuan dito sa unang row kaya agad naming makikita ang taong papasok.
Napalingon ako at agad na nagtagpo ang mga paningin namin ng taong bagong pasok.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang matagpuan ko ang imahe ni Josh na nakatayo ngayon sa harap namin ni D-jay.
Wala s’yang binibigkas na salita. Saglit n’ya lang din akong tiningnan dahil ang sunod na pinagtuunan n’ya ng pansin ay ang mga kamay ni D-jay na nasa leeg ko habang hawak ko rin ito.
Kung ano ang nakita ko sa mga mata n’ya noong huli ko s’yang sulyapan sa fastfood chain ilang linggo na rin ang nakakalipas ay ganoon din ang nakikita ko sa kanya ngayon. Puno ito ng kalungkutan.
“Uy, brad! Ikaw pala! Ito na si Arjhay oh! May sasabihin ka sa kanya ’di ba? Ano ’yon?” biglang pagsabat ni D-jay at inalis na ang kanyang kamay sa aking leeg.
Sa akin lang nakatuon ang mga mata ni Josh nang sagutin n’ya si D-jay.
“Sa ibang araw na lang. Baka makaistorbo lang ako sa inyo.” seryoso n’yang sagot habang nakatitig sa akin.
“Sus! Selos ka naman agad d’yan!” pagbibiro ni D-jay. “De Joke lang! Sige, sa ibang araw mo na lang sabihin, brad! Bawal ka rin naman dito sa building namin dahil hindi dito ang building ng soon-to-be-ABOGAGO! Shooo! Balik ka na sa building n’yo!” pagbawi ni D-jay at pagtataboy nito kay Josh.
Natigilan ako nang marinig ko ang mga sinabi ni D-jay.
Ibig sabihin tinuloy n’ya pala ang sinabi n’ya noon na kukuha s’ya ng Law?
“Sige.” tangi lang nasabi ni Josh at mabilis na lumabas ng classroom.
“Luh? Asar-talo amputspa! Nagjo-joke lang eh. Walk out agad ang drama?” sambit ni D-jay.
Hindi ko alam kung anong itutugon ko. Nagsisimula na naman gumulo ang utak ko. Pakiramdam ko tuloy ay mukhang magkakasakit na nga talaga ako sa pagkakataong ito.
Mabuti na lamang at pagkalabas na pagkalabas ni Josh ay ang pagdating naman ng prof namin. Mabuti na rin iyon para hindi na muli pang makapagtanong si D-jay. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag at kung paano ko rin iyon sisimulan.
Kinagabihan ay muli ko na naman tinitigan ang bola ko habang nakahiga sa kama ko.
Napangiti ako ng mapait.
“T*ngina mo, gago! Kung hindi dahil sa’yo, sana normal ang takbo ng buhay ko ngayon. Siguro nagkagirlfriend na rin ako tulad ni D-jay.” pagkausap ko sa bola.
Pareho kaming natulala ni Josh matapos naming panoorin ang isang video na naglalaman ng pagtatalik ng dalawang lalaki.
Paano ba kami nauwi sa ganitong sitwasyon?
Simple lang. Pinag-aaralan namin kung paano ba naisasagawa ang relasyon sa pagitan ng dalawang lalaki. Kung paano ito magiging matagumpay sa kabila ng pangmamata ng mapanghusgang lipunan.
Inihahanda na namin ang aming sarili para sa kakaharapin namin sa mga susunod na araw.
Pero t*ngina lang. Hindi naman namin sinasadya na mapunta kami sa ganitong site at ito ang aming madidiskubre, ang pagtatalik sa pagitan ng dalawang lalaki.
Naririto kami sa isang hotel dahil dalawa kaming napili na magrerepresenta ng aming school para sa isang national quiz bee competition.
At dahil kami lang ang naipadala bilang representative, magkasama rin kami sa iisang room dito sa hotel.
“K-kailangan ba talagang m-may ganon…?” nauutal kong pagtatanong kay Josh at hindi ko s’ya magawang tingnan.
Magkatabi kami sa malaking kama at tanging lamp shade lang ang nagsisilbing liwanag namin sa mga oras na ito bukod sa cellphone na hawak namin ngayon. Nakasandal sa headboard ng kama at natatakpan ng comforter ang aming mga paa.
Alam kong pulang-pula na ang mukha ko sa mga oras na ito. Masyadong malaki ang epekto ng napanood naming iyon.
“S-siguro…” sagot din ni Josh at alam kong hindi n’ya rin ako magawang tingnan ng diretso.
Ilang minuto pang katahimikan ang namayani sa amin. Dapat ay natutulog na kami sa mga oras na ito dahil maaga pa ang competition bukas. Pero dahil sa naganap ay parang hindi mangyayari ang bagay na iyon. Mukhang pareho lang kaming mapupuyat na dalawa dahil sa aming napanood.
Ilang sandali pa ay muli s’yang nagsalita.
“Arjhay…” pagtawag n’ya sa akin habang nasa tabi ko pa rin s’ya.
“B-bakit?” nauutal kong sagot.
Ilang segundo s’yang tumigil bago muling nagsalita.
“B-bakit hindi natin…. uhm…. alam mo na…. B-bakit hindi natin… subukan?” nauutal n’yang pagpapatuloy.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis ko s’yang nilingon.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Umaasa akong nagkamali lang ako ng pagkakarinig, umaasa akong baka nagbibiro lang s’ya.
Nakita ko ang nangungusap n’yang mga mata. Diretso itong nakatingin sa akin at wala akong nakikita na may pagbibiro dito. Seryoso ang mga mata n’yang iyon at walang palatandaan na babawiin n’ya ang mga salitang binitawan n’ya.
Ilang sandali pa ay hinawakan n’ya ang aking pisngi gamit ang isa n’yang kamay.
“Hindi naman masama ’yon ’di ba? Darating din naman tayo doon. Ang kaibahan lang, masyado pa tayong bata sa ngayon.” masuyo n’yang paliwanag.
Hindi ko pa rin magawang tumugon sa mga salita n’yang iyon. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil iniisip ko ang mangyayari sakaling matuloy iyon.
Dahil siguro nakita ni Josh ang takot sa aking mga mata ay nagbitaw s’ya ng ngiti na nagpapahiwatig na wala akong dapat na ipag-alala.
“Hindi naman tayo maghihiwalay ’di ba? Hindi mo naman ako iiwan ’di ba?
Kung may natatakot man sa ating dalawa ngayon, ako ’yon, Arjhay. Natatakot ako na baka balang araw, umalis ka na lang bigla at iiwan akong mag-isa.“ nakangiti s’ya ngunit malungkot ang kanyang pagsasalita.
At matapos n’yang sabihin iyon ay nakita ko ang pagpatak ng kanyang mga luha.
Dahil sa nasaksihan ko sa kanya ay nanlaki ang mga mata ko. Akala ko ay ako lang ang may takot na mangyari ang bagay na ’yon sa aming dalawa.
“Hindi… hindi mangyayari ’yon, Josh.. “ wika ko habang mabilis na umiiling. Agad ko rin na pinunasan ang kanyang luha gamit ang isa kong palad.
Sa wakas ay nakita ko s’yang ngumiti. Bagay na nagbigay sa akin ng kaginhawaan.
Magkatitigan kami habang hawak ang pisngi ng bawat isa. Nakangiti at marahang hinahaplos ang mukha ng bawat isa.
“Natatakot ka ba?” tanong n’ya.
Sa ilang minuto na magkatitigan kami ay ngayon lang ako makakasagot sa kanya.
“Hindi. Kung sa’yo ko naman gagawin ’to, wala akong pagdadalawang-isip na ibibigay ’yon.” buong tapang kong sagot sa kanya habang nakangiti.
Muli s’yang ngumiti ng malapad. Kasunod ng ngiti n’yang iyon ay tinanggal n’ya ang suot kong salamin sa aking mga mata. Dahan-dahan s’yang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo pababa sa aking ilong hanggang sa aking mga labi.
Doon na iyon nagtagal, nang magtagpo ang aming mga labi.
Kahit nakakaramdam ako ng kaba sa mga oras na ito ay buo na ang desisyon ko. Kung ito ay isa lamang sa mga paraan para mapaligaya ko si Josh ay gagawin ko. Dahil umaasa akong darating ang pagkakataon na mas matibay pa sa bato ang samahan naming dalawa. Balang araw, mapapatunayan naming kami ang nararapat sa isa’t-isa.
Habang nagtatagal ang pagpapalitan namin ng halik ni Josh ay nag-iiba na rin ang pakiramdam ko. Ang kaninang kaba ay napalitan na ng pagnanasa. Ang aking mga kamay ay naglilibot na rin sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan. Maging si Josh ay nararamdaman kong ganoon na rin sa mga oras na ito, naririnig ko na rin ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso habang marahan na hinahaplos ang iba’t-ibang parte ng katawan ko.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong iginagaya na ako ni Josh pababa sa kanyang katawan. Gusto ko sana s’yang tanungin kung bakit ako pa ang unang gagawa ng bagay na iyon ay hindi ko na ginawa. Mas nangibabaw ang akin ang pagnanais na paligayahin s’ya sa mga oras na ito.
At doon, naganap ang unang pagluhod ko sa harap ng isang tao.
Lumipas pa ang maraming araw at malaki ang pasasalamat ko dahil hindi na muli pang nagsalubong ang landas namin ni Josh. Laking pasasalamat ko rin dahil magkaiba ang building namin sa university. At sa laki nito, maliit ang tyansang magkita kami maliban na lang kung sasadyain namin ang isa’t-isa. Na alam kong hindi mangyayari dahil patuloy pa rin akong umiiwas sa kanya.
Hindi na ako papayag na muli pa kaming magkaroon ng komunikasyon. Matagal ko nang tinanggap sa aking sarili na hindi kami nararapat sa isa’t-isa. Lahat ng binitawan naming salita at pangako noong highschool pa kami ay burado na at hindi na muling maibabalik pa.
“Okay na ako. Limot na kita. Nakaraan ka na lang na dapat nang kalimutan.” sambit kong mahina habang nakatingin sa laruan kong bola.
Ngumiti ako.
Nakapagpasya na ako. Kahit magkasalubong pa kaming dalawa ni Josh ano mang araw ay hindi na ako iiwas sa kanya. Wala na rin naman akong pagpipilian dahil nasa iisa kaming eskwelahan. Kailangan ay ipakita ko sa kanyang normal na ang aking pamumuhay kahit hindi natupad ang mga pangarap naming dalawa.
Hawak ko ang aking bola ay napagdesisyunan kong magpunta sa isang court dito sa aming lugar. Ito naman ang lagi kong ginagawa sa tuwing wala akong pasok sa eskwela. Malayo man ang court na pinupuntahan ko ay ayos lang sa akin. Ito ang gusto kong paglaruan dahil tahimik dito at bibihira lamang ang may dumadayo para gamitin ang court na iyon.
Hapon na at ilang oras na lang din ang magagamit kong oras sa paglalaro. Masyado kasi akong napuyat sa pag-iisip kagabi kung paano ko sisimulan ang mga susunod na araw na makakasalubong ko si Josh.
Habang naglalakad ay nagagawa ko pang i-dribble ang bolang hawak ko. Ilang metro na lang ang layo ng court at nakakaramdam na ako ng labis na galak dahil makakapagshoot na ako sa ring kahit wala akong makakalaro. Sanay naman ako sa ganito, ang mag-isang naglalaro. Katunayan ay mas gusto ko ito dahil pakiramdam ko ay napakapayapa ng lahat at tanging kami lang ng mahal kong bola ang nabubuhay sa mundo.
Nang tuluyan kong marating ang court ay natigilan ako dahil may naabutan akong isang tao naglalaro doon.
“T*ngina!” sambit kong mahina at mabilis na nagtago sa isang puno.
Kasabay ng pagtatago ay ang pagdarasal na sana ay hindi n’ya ako nakita.
“Arjhay?” bigla nitong pagtawag.
“Ay puhkeh!” nasambit ko dahil sa gulat.
Kalma Arjhay. Kalma lang. Si Josh lang ’yan! ’Di ba sabi mo kaya mo na s’yang harapin?! Pakitaan mo! ’Wag kang matakot!
Matapos ang malalim na buntong hininga ay unti-unti akong lumabas sa pinagtataguan kong puno.
“U-uy. Ikaw pala.” kunwari ay nagulat pa akong nandito s’ya pero nauutal ako. Peste naman talaga. Hindi talaga ako sanay magsinungaling.
“Anong ginagawa mo d’yan sa likod ng puno?” tanong n’ya na naman.
Interview lang, kuya?
“Nanghuhuli ng gagamba.” pagpapalusot ko na alam kong hindi naman bebenta. Hindi kasi talaga ako sanay magsinungaling. Buset!
“At kelan ka pa natuto na humawak ng gagamba? ’Di ba ’yan ang insektong pinakaayaw mo?” nakataas ang isa n’yang kilay na pagtatanong.
“Uhm.. Kanina lang?” sagot kong patanong. Sana may malapit na acting workshop dito sa amin para makapag-enroll ako. Kailangan kong maging mahusay na aktor.
Naningkit ang mga mata n’ya. Kilala ko na s’ya, alam kong hindi s’ya naniniwala sa mga palusot kong iyon.
Sinubukan ko na lamang magbukas ng ibang mapag-uusapan.
“Naglalaro ka?” tanong ko.
Tanga ka ba, Arjhay? Nakikita mo naman ’di ba?
“Hindi. Kaya nga may hawak rin akong bola at tinitira sa ring ’di ba? Kaya hindi, hindi ako naglalaro.” sarkastiko n’yang sagot.
Tumawa ako ng peke.
“Oo nga ’no? Sorry, hindi ko kasi napansin.” eto na naman ang pagsisinungaling ko.
“Aahhh…” reaksyon n’ya lang habang tumatango. Kunwari kumbinsido s’ya sa sagot ko.
Peste. Ang awkward talaga.
“Ikaw? Nagpunta ka ba rito para maglaro?” tanong n’ya.
Gusto ko sana s’yang bawian ng pambabara kaso baka isipin n’yang bitter ako.
“Ah hindi. Wala sa bokabularyo ko ang maglaro. Ayoko kasing makasakit. Alam ko kasi kung anong pakiramdam ’pag napaglalaruan.” naisagot ko.
Peste, bakit ba humugot ako?
“Ha?!” naguguluhan n’yang tanong.
Buti na lang hindi n’ya na-gets. Saan ba galing ’to at hindi yata s’ya updated sa uso?
“Wala. Ang ibig kong sabihin, maglalaro sana ako kaso ginagamit mo naman ’tong court. Bukas na lang siguro. Sige, d’yan ka na.” sunod-sunod kong pagsasalita at nagpaalam agad sa kanya.
Mabilis ko s’yang tinalikuran para simulan nang maglakad pauwi sa aking apartment.
“Sandali.” pag-awat n’ya sa seryosong tono.
Napahinto ako sa paglalakad ngunit hindi ko s’ya nilingon.
“Arjhay, iniiwasan mo ba ako?” sunod n’yang tanong.
Putek! Hindi pa rin s’ya nagbabago. Malamig pa rin ang kanyang boses kaya kahit sinong makausap n’ya ay nenerbyosin.
Agad akong humarap sa kanya suot pa rin ang aking pekeng ngiti.
“Ha?” parang tanga kong tanong.
“Iniiwasan mo ba ako?” pag-uulit n’ya habang nakataas ang isang kilay n’ya.
Napalunok ako. Pero dahil nakapagdesisyon na ako ay ginawa ko ang makakaya ko para sagutin iyon.
“Bakit naman kita iiwasan, Josh? May dahilan ba? Wala naman ’di ba?” tanong ko pabalik.
Nagcross arms s’ya. Gwapo pa rin s’ya sa ganyang anggulo. Isa pa, ang laki na ng pagbabago ng katawan n’ya, mas malaki na ito ngayon.
“Wala naman. Baka lang kasi may mga bagay kang hindi pa rin makalimutan kaya hindi mo ako kayang harapin?” sagot n’ya at tanong pabalik.
Nagpakawala na naman ako ng pekeng pagtawa.
“’Wag ka ngang magpatawa, Josh!” nasabi ko lang habang natatawa.
“Alam mong hindi ako joker, Arjhay.” seryoso n’yang sagot pabalik.
Buset. Nakalimutan kong future lawyer nga pala ’tong kaharap ko kaya mahirap makipagtalo dito. Napatigil tuloy ako sa pagtawa.
Ilang sandali pa ay nagulat ako nang bigla n’yang ibato sa akin ang hawak n’yang bola. Mabilis ko naman iyon nasalo gamit ang isa kong kamay kahit nasorpresa ako.
Nagtataka ko s’yang tiningnan. At nakita ko kung paano s’ya napangisi.
“Mukhang magaling ka na nga ngayon maglaro ng basketball ah? Tinupad mo pala ang pangako mo noon sa akin?” nakangiti n’yang tanong.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam ang isasagot ko.
Ibinalik ko ang bola sa kanya tulad ng paraan kung paano n’ya iyon ibinigay sa akin. Ibinato ko rin iyon na mabilis n’ya ring nasalo.
“Let’s play. One-on-one.” hamon ko sa kanya habang nakangisi.
Hinamon ko na lang s’ya ng laro para maiwasan ang huli n’yang sinabi kanina.
“Cool.” sagot n’ya lang habang nakangisi.
Inilapag ko ang aking bola kasama ang towel at bottled water ko sa isang bench. ’Yung bola n’ya na lang ang gagamitin namin. Mabuti na rin iyon, ayokong mahawakan n’ya ang bola ko. Ayokong madampian n’ya ang gamit ko.
Bakit parang ang pait ko?
Nagsimula kaming maglaro at ako ang nagdidribble ng bola. S’ya naman ay nasa harap ko at umoopensa.
“Ang ganda na ng katawan mo ngayon ah? Nagbubuhat ka ba?” tanong n’yang nakangisi.
“Minsan. Sabay kaming nagpupunta ni D-jay sa gym.” sagot ko sa kanya habang patuloy na nagdi-dribble.
Nasaksihan ko kung paano mabilis na nawala ang pagkakangiti n’ya.
Nagulat pa ako nang bigla s’yang tumayo ng tuwid at inilagay ang dalawa n’yang kamay sa kanyang bewang.
Anyare? Hindi pa nga kami nagsisimula aayaw na s’ya?
Naging dahilan tuloy iyon para mapahinto ako sa pagdi-dribble ng bola.
“Pagod ka na agad? Hindi pa nga tayo nagsisimula, pagod ka na?” tanong ko. Pero ang totoo, humuhugot ako.
Bitter na ba ako masyado?
Nagsalubong ang kilay n’ya. Kitang-kita ko ang inis sa kanyang mukha.
“Sabihin mo nga, Arjhay. Magkaano-ano ba kayo ni D-jay?” tanong n’yang tila naiinis.
Huh? Iniisip n’ya bang may espesyal kaming relasyon ni D-jay? Eh tuwid pa sa poste ng meralco ang gagong ’yon!
Pero nang maisip ko ang kanyang sinabi at sinasabayan n’ya pa ng ganitong reaksyon ay may magandang ideya na pumasok sa utak ko.
Sorry, D-jay. Sana hindi makarating sa’yo ang paggamit ko sa pangalan mo.
Dumiretso ako ng pagkakatayo habang nasa tagiliran ko ang bola. Ngumiti ako ng matamis at tiningnan si Josh ng tuwid.
“Si D-jay ang taong espesyal sa akin at itinuturing n’ya rin akong NAPAKAESPESYAL sa kanya. Nakita mo naman noong nakaraan na maghahalikan na kami ’di ba? Dumating ka lang kaya hindi natuloy ang balak namin. Ano sa tingin mo ang relasyon namin? Matalino ka kaya alam mo naman siguro kung anong ugnayan namin, Josh?” nakangiti kong sagot sa kanya habang malapad ang pagkakangiti.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay n’ya. Naikagat n’ya rin ang kanyang ibabang labi tanda ng pagtitimpi.
Nasa ganoon kaming pwesto nang makarinig kami ng sigaw.
“Woi, Arjhay!! Bakit hindi ka man lang nagtawag na maglalaro ka pala?!” biglang pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses.
Nang lingunin ko ito ay halos malaglag ang panga ko nang matagpuan ko sa labas ng court ang kumag na si D-jay. Nakakapit ito sa screen ng court.
Pastilan! Anong ginagawa n’yan dito?!
Nilingon ni D-jay si Josh na nasa harap ko.
“Uy, brad! Ikaw pala ’yang kalaro ng tropa ko! Malufet ’yan maglaro si Arjhay! Sa akin ’yan nagmana kaya mag-ingat ka d’yan!” masayang pagsasalita ni D-jay kay Josh.
Para akong robot sa mga oras na ito. Nanigas ang buong katawan ko at nawala ang pagkakangiti ko. Mas malaki na rin ngayon sa limang-piso ang mata ko.
Iginalaw ko ang aking ulo para lingunin si Josh. Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon nito. Mula sa galit n’yang ekspresyon ay napalitan ito ng pagkakangisi.
Napalunok ako habang nanlalaki pa rin ang mga mata.
Muling nilingon ni Josh si D-jay.
“Tropa mo ’tong si Arjhay? Ibig sabihin, kaibigan mo?” tanong ni Josh na nakangiti kay D-jay habang tinuturo ako.
“Oo! Mabait ’yang kaibigan ko kaya ’wag mo ’yan susubukang kantiin! Tatanggalan kita ng ngala-ngala ’pag sinubukan mo lang na saktan ’yan! ’Yan ang kasama ko noong mga panahon na kakabreak lang namin ng syota ko nung isang buwan! Kaya ayusin mo ’yang buh—–” sunod-sunod na pagsasalita ni D-jay na mabilis ko ring pinutol.
“Kingina mo!!! Umuwi ka nang animal ka!!!” sigaw ko kay D-jay habang dinuduro s’ya.
“Luh? Inaano kita? Badtrip ka agad, brad?” inosente nitong tanong habang nagkakamot ng kanyang ulo.
Mabilis akong naglakad para abutin ang bottled water ko. Ibabato ko sa hayup na D-jay na ’to! Pahamak eh!
“Oo na!! Uuwi na!! Pakyu!! Asar-talo ka!! Wala naman akong ginagawang masama!! Ena mo ka!! Pakyu ka!!” sunod-sunod nitong pagmumura sa akin habang tumatakbo palayo.
Gigil na gigil akong ibinabang muli ang bottled water ko sa bench. Mabilis ang paghinga ko dahil sa labis na galit sa ulupong na si D-jay.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang mahihinang pagtawa mula sa aking likuran.
“Tara na. Ipagpatuloy na natin ang laro. Nakaalis na ang TROPA mo.” natatawa at madiin na sambit ni Josh mula sa likuran ko.
Nanlilisik ang mga mata kong nilingon s’ya.
“Gusto mong ikaw naman ang murahin ko?!” buska ko sa kanya.
Ang gago nitong lalaking ’to! Ang sarap nilang pagbuhulin ni D-jay!
Natatawa pa rin s’yang lumapit sa akin at tinapik ang bola mula sa aking tagiliran para makuha.
“Wooh! Masaya ’to!” sambit n’ya habang nagdidribble ng bola at naglalakad papalayo sa aking pwesto.
Naihilamos ko na lang ang mukha ko gamit ang palad ko para pakalmahin ang sarili ko.
T*ngina! Kapag minamalas ka nga naman!!
Sa halip na intindihin ang nangyari ay sinundan ko na lamang s’ya. Wala naman na akong magagawa, nangyari na. Ipapakita ko na lang sa kanya na hindi na ako apektado ng presensya n’ya!
Nagsimula kaming maglaro at sineryoso ko ito. Pareho pa rin s’ya ng dati, mahusay pa rin s’yang maglaro.
Mahusay pa rin maglaro ang taong nagbigay sa akin ng dahilan para mahalin ang basketball. Ang taong naging rason kung bakit hindi mabitawan ng kamay ko ang bola ng basketball.
“Tama ang tropa mo, magaling ka ngang maglaro! Ang laki na ng pagbabago mo!” masaya nitong pagsasalita bagama’t hinihingal na rin dahil kanina pa kami naglalaro.
“Lakampake!” pambabara ko sa kanya.
Ayokong lumaki ang ulo n’ya. Ayokong malaman n’yang tinupad ko ang pangako ko sa kanya noon na gagalingan kong magpraktis ng basketball para makasama na rin ako sa basketball team ng school namin. Para hindi na talaga kami magkakahiwalay pa na dalawa. Dahil isa ’yon sa mga paraan para mas matagal kaming magkakasama.
Matagal kaming naglaro. At kung may nagbibigay lang sa amin ng score sa mga oras na ito, marahil ay tabla lang kaming dalawa.
Nagsisimula nang kainin ng dilim ang kapaligiran dahil maggagabi na. Umupo kami ni Josh na hingal na hingal dahil sa pagod sa bench na naririto sa court.
Mabilis kong kinuha ang bottled water ko at halos mangalahati iyon nang inumin ko. Akmang tatakpan ko na sana ito nang mabilis iyon agawin sa akin ni Josh.
Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan s’ya nang inumin n’ya rin iyon.
“Bakit mo ininom?!” inis kong tanong.
Nilingon n’ya ako.
“Indirect kiss lang naman ’to, Arjhay. ’Wag kang masyadong apektado.” wika n’yang nakangisi.
Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi n’yang iyon. Lumingon na lang ako sa ibang direksyon para hindi n’ya makita ang pamumula ng pisngi ko.
Ilang sandali pa ay tumayo na ako sa aking pwesto. Napansin ko rin kasi na madilim ang langit at mukhang uulan na ano mang oras kaya kailangan kong makaalis agad. May kalayuan pa naman ang apartment ko mula rito.
“Uuwi na ako.” pagpapaalam ko at kinuha na ang gamit ko.
“Sandali!” pagpigil n’ya at hinawakan ang pulsuhan ko.
Nabigla ako kaya napatigil ako sa pagkilos. Salitan kong pinagmasdan ang kanyang mukha at ang kamay n’yang nakahawak sa akin.
Mabilis kong binawi ’yon sa kanya dahil nakaramdam ako ng pagdaloy ng kuryente sa aking katawan.
T*ngina. Bakit ganon pa rin ang epekto n’ya sa tuwing magdidikit ang balat namin dalawa?! Bakit hindi nagbago?! Buset!!
“Kailangan ko nang umuwi. Baka maabutan pa ako ng ulan.” malamig kong pagpapaalam.
Hindi ko alam kung malas lang ba talaga ako ngayong araw o sadyang pinagtitripan ako ng panahon! Dahil matapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Tumakbo kami ni Josh palabas ng court para makahanap ng masisilungan. Nakarating kami sa isang waiting shed at doon sumilong.
“T*nginang kamalasan naman talaga!” sambit kong naiinis habang nagpupunas ng katawan.
Tinanggal ko ang salamin ko sa mata dahil basa na rin ito. Ang hirap talaga ’pag nakasalamin, hassle masyado sa mga ganitong pagkakataon!
Napahinto ako sa pagpupunas nang mapansin kong ako lang ang nagpupunas sa mga oras na ito.
Kingina. Bakit ba nakokonsensya ako?
“Oh!” pag-abot ko ng dala kong towel sa kanya.
“Okay lang.” sagot n’yang nakangiti.
Pinanlisikan ko s’ya ng mata.
“Okay lang sa’yong magkasakit?! Gago ka ba?!” tanong ko sa kanya.
“Matagal na akong nasasaktan. Sanay na ako.” sagot n’ya at hindi man lang ako tiningnan.
Taena, akala ko ako lang ang marunong humugot sa aming dalawa. Updated din pala si gago sa nagaganap sa mundo.
“’Wag ka nang maarte! Hindi ka babae! Bakit ba kasi wala kang dalang tubig at towel?!” sermon ko sa kanya.
“Malay ko bang uulan? Saka malapit lang naman ang apartment ko dito kaya hindi na ako nag-abalang magdala.” sagot n’ya.
“Kahit na! Gusto mo bang matuyuan ka ng pawis tarantado ka?! Matalino ka pero ang liit ng utak mo sa ganitong bagay! Hindi naman masamang gumamit kahit mins–– ump!!” hindi ko naituloy na seremonya dahil tinakpan n’ya ang bibig ko ng kamay n’ya.
T*nginang ’to! Ang dumi ng kamay n’ya tapos ihahawak sa bibig ko!
“’Wag mo akong sermonan, Arjhay. Ikaw rin, baka isipin ko na concern ka sa akin. Baka isipin ko hanggang ngayon patay na patay ka pa ri–– ump!!!” sagot n’ya sana na hindi rin n’ya naituloy.
Gantihan na ’to! Tinakpan ko rin ang bibig n’ya! Baka kung ano pang masabi ng gago eh!
Para kaming gago ngayon dalawa. Takip ang bunganga ng isa’t-isa.
Ngayon lang kami nagkaharap ni Josh ng ganito kalapit simula noong panahon na lumayo ako sa kanya.
“Kyaaaahhhh!!!! Kinikilig ako!!! Kyaaahhhh!!!” narinig naming biglang pagsigaw.
Nilingon namin ang aming harapan at doon ay nakita ko ang ex-girlfriend ni D-jay na si Windy. Nakaupo ito sa kalsada habang may hawak na payong. Ang kanya namang isang kamay ay inihahampas ang kalsada.
Mabilis na binitawan naming dalawa ni Josh ang aming mga bibig.
“Hoy! Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Windy.
“Kyaaahhh!!! Napadaan lang ako!!! Syet!! Kinikilig ako!!!” tuloy-tuloy n’ya pa ring pagtili at hindi pa rin tinitigilan ang paghampas sa kalsada.
Baliw na talaga ang babaeng ’to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakipaghiwalay s’ya kay D-jay dahil lang sa kaadikan n’ya sa bromace.
“Okay lang s’ya?” nag-aalalang tanong sa akin ni Josh.
“’Wag mong intindihin ’yan. Ganyan talaga ’yan ’pag nakakakita ng dalawang lalaki lalo na ’pag naglalambingan.” kaswal kong sagot sa kanya.
“Kyaaaahhh!!! Kuya!! Mas maganda kung maliligo kayong dalawa ni Arjhay sa ulan!! Dali na!!! Kyaaahh!!!” pagsigaw ni Windy kay Josh.
“Hoy, Windy! Tumigil ka d’yan ha?! Umuwi ka na nga sa inyo!” saway ko sa kanya.
Hindi n’ya ako pinansin.
“Kuya maniwala ka!!! Magbabalik s’ya sa’yo kung gagawin mo ang request ko!! Marami na akong napanood na ganyan sa mga Thai movie!!! Kyaaahhh!!!” patuloy n’yang pagkumbinsi kay Josh.
Agad na nangunot ang noo ko. Paano n’ya nalaman na may nakaraan kami ni Josh?
“Hoy! Ano bang pinagsasabi mo d’yan, Windy?! Anong magbabalikan?!” inis kong tanong sa kanya.
“Kyaaahhh!!! Kanina ko pa kayo pinapanood habang naglalaro!! Kinikilig ako dahil alam kong dati kayong may ugnayan na dalawa!!! Nakita ko ’yon sa mata n’yong dalawa!! Pati ’yung pag-inom n’yo sa iisang bottled water!!! Kyaaahhh!! Kinikilig ako!!!!” sigaw nitong sagot.
Hindi pa s’ya doon nakuntento. Nanlaki ang mga mata ko nang habang patuloy s’ya sa pagtili ay nagdampot ito ng malaking bato.
Mabilis akong tumayo.
“Takbo!!!” sigaw ko at hinila si Josh para makaalis sa waiting shed na iyon.
T*ngina! Mas okay nang mabasa kami sa ulan kesa ang umuwing duguan!
“Kyaaahhhh!!!” narinig ko na lang na sigaw ni Windy. Hindi ko na s’ya nagawang lingunin dahil baka bumagal pa ang pagtakbo namin.
Sa sobrang pagkataranta ko, hindi ko na nagawang kunin ang salamin ko na inilapag ko sa upuan na nasa waiting shed kanina! Bwiset!
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na tumatakbo ni Josh sa ilalim ng ulan. Ngunit nang masigurong ligtas na kami ay hingal na hingal kaming huminto.
“Grabe! Tropa mo ba ’yon?!” tanong ni Josh habang nakahawak sa kanyang mga tuhod.
“Ex ni D-jay!” sagot ko ring hinihingal.
Nasa gitna pa rin kami ng kalsada at magkaharap habang nakayuko. Tanging mga street lights na lang ang nagbibigay liwanag dahil inabot na kami ng gabi simula nang matapos kaming maglaro.
“T*ngina! Lalo akong napalayo sa bahay ko ampuhtah!” singhal ko.
Sinisisi ko si Windy dito! Bakit ba kasi nakarating ang babaeng ’yon sa lugar na ’yon?!
“Doon muna tayo sa bahay ko!” narinig kong suhestyon ni Josh.
Agad na tumigil ang mundo ko. Hindi pwede! Halos hindi na nga ako makahinga kapag kasama ko s’ya, tapos pupunta pa ako sa bahay n’ya?! Kingina! Baka bumula na lang ang bibig ko nito bigla?!
“’W-w-wag na! B-b-baka mapalayo lang ako lalo sa bahay ko!” pagdadahilan ko.
“Eh ayan na ang bahay ko oh!” bigla n’yang sambit at itinuro ang malaking apartment sa aking likuran.
Litsi. Puro yata talaga ako kamalasan ngayon!
“Ah… Baka kasi––” hindi ko na naman naituloy na pagdadahilan dahil hinatak na ni Josh ang kamay ko.
“Ang dami pang sinasabi! Sumunod ka na lang!” wika nito habang hinihila ako.
Patay kang Arjhay ka. Simulan mo nang magpakape. Ipahanda mo na rin ang sariling libingan mo.
“Oh. Dito ka na lang maligo. Doon na lang ako sa kwarto ko.” utos nito at inabot sa akin ang isang twalya at bathrobe nang makapasok kami sa apartment n’ya.
Maliit lamang ito ngunit napakalinis. Hindi pa rin s’ya nagbabago, masinop pa rin s’ya sa gamit.
Hindi na ako nagsalita pa. Naisip kong mas lalo lang akong magtatagal dito kung makikipagtalo pa ako sa kanya.
Matapos kong maligo ay nakita ko sa sala si Josh na nanonood ng TV. Ang telebisyon lang din ang nagbibigay ng liwanag sa buong sala maliban sa konting liwanag na nasa loob ng kanyang kwarto.
Mukhang tapos na rin s’yang maligo. Napansin kong itinabi n’ya ng maayos ang aking bola sa isang sulok. Mabuti naman at alam n’ya kung gaano kahalaga iyon sa akin.
Suot ko ang bathrobe at bitbit ko ang mga basa kong damit nang lapitan ko s’ya.
“Josh, pagamit ng dryer mo. Patutuyuin ko lang ’tong damit ko.” pakisuyo ko sa kanya mula dito sa kanyang likuran.
“Wala akong dryer.” kaswal n’yang sagot at hindi man lang ako nilingon. Nanatili s’yang nanonood ng TV.
Napataas ang isang kilay ko.
“Eh may washing machine akong nakita sa CR ah?! At alam kong may dryer ’yon!” nagsisimula na naman akong mainis.
Napansin kong saglit s’yang natigilan.
“Sira ’yon eh.” tipid n’yang sagot.
Hinga ng malalim, Arjhay. Pasensya pa. Konti pa.
“Electric fan na lang.” puno ng pagtitimpi kong pagsasalita.
“Wala rin ako no’n. Aircon lang ang meron.” sagot n’ya pa rin sa akin habang nakatalikod.
“Eh ano ’yang nakikita ko sa kwarto mo?! Hindi ba electric fan ’yan?!!” hindi ko na kinaya, sumigaw na ako.
T*ngina! Ang lakas mang-asar ng gago!
“Ay! Sorry sorry! Nakalimutan ko meron nga pala ako no’n!” pagbawi n’ya at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo.
Doon ko lamang napansin na wala s’yang pang-itaas na suot at tanging boxers lang ang nagtatakip sa kanyang katawan.
T*ngina ka, Josh. Akala ko basta lang malapad ang balikat mo, paano ka nagkaroon ng six packs abs? Samantalang ako pinagtatrabahuhan ko pa lang ang panglima at pang-anim n’yan!
“Akin na ’yan.” bigla n’yang pagsasalita sa harap ko.
“H-ha?” natatanga kong tanong.
Peste! Kelan pa ’to nakarating sa harap ko?!
“’Yung damit mo, akin na at itatapat ko sa electric fan.” paglilinaw n’ya.
Kingina! Bakit nakangisi s’ya?!! Nahuli n’yang ba akong nakatingin sa abs n’ya?!!
Halos maitulak ko sa pag-abot ang basa kong damit sa kanya. Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa habang papalayo sa akin.
Puhtah! Kelan pa matutuyo ang damit ko?! Eh baka abutin pa ’yon ng umaga! Buset! Kailangan ko nang makaalis dito!
Wala na rin naman akong magagawa. Umupo na lang ako sa nag-iisang sofa dito sa kanyang sala. Medyo itiniklop ko ang mga hita ko. Dahil putragis naman talaga, bathrobe lang ang takip ng katawan ko!
Doon ko lamang napansin na may mga beer na nakalapag sa maliit na mesang nasa harap ko.
“Pampainit lang. Hindi naman ako regular na nag-iinom talaga.” biglang pagsasalita ni Josh at pabagsak na umupo sa tabi ko.
Pukingina! Ang haba ng sofa n’ya pero sa tabi ko pa umupo ang gago!
Agad akong nakaramdam ng kaba. Kung hindi lang nakabukas ang telebisyon ngayon ay baka marinig din n’ya ang mabilis na pagtibok ng puso ko. T*ngina talaga!
“Ahm… H-hindi ka ba nilalamig? Umuulan sa labas oh? Mag-tshirt ka kaya?” suhestiyon ko at umusog ako ng bahagya palayo sa kanya.
Kingina. Ang lapit n’ya masyado eh.
“Okay lang. Pinatay ko naman ang aircon.” sagot n’ya nang hindi ako nililingon. Muli din s’yang nagpatuloy sa pag-inom ng beer.
Katahimikan na ang sumunod. Pero puhtah! Hindi ako tanga para hindi maramdaman na umuusod din s’ya sa pag-upo para makalapit sa akin!
“Painom!” abot ko sa isang beer at nang bumalik ako sa pagkakaupo ay sinigurado kong madadagdagan ng espasyo ang aming inuupuan.
Litsi. Ninenerbyos ako.
Gumalaw din s’ya at kinuha ang isang chips na hindi pa nabubuksan. Pagkabalik n’ya sa pagkakaupo ay halos mapanganga ako dahil magkalapit na naman ang aming pwesto.
“Pulutan, gusto mo?” alok n’ya sa akin.
Hinablot ko iyon sa kanya at muling ibinalik sa table.
“Okay lang. Kukuha na lang ako mamaya.” sagot ko at pag-upo ko ay muli na naman akong umusog palayo sa kanya.
Hindi na s’ya muli pang gumalaw. Mukhang nakahalata na ata. Mabuti naman.
Katahimikan na ang sumunod. Pareho na kaming nag-iinom at tanging nasa TV ang atensyon.
Ilang sandali pa ay inangat n’ya ang kanyang braso patungo sa sandalan ng sofa.
Patungo sa sandalan ng sofa na nasa likod ko!!
Inalis ko ang sarili ko sa pagkakasandal para iwasan ang braso n’yang iyon. Itinukod ko ang aking siko sa aking tuhod at nagpatuloy sa pag-inom.
Tarantado talaga ’tong hinayupak na ’to! Pumaparaan ang gago!
Sinubukan ko pang gumalaw ng pasimple para magkaroon kami ng agwat.
Pero kingina talaga! Sa bawat pagsubok ko, umuusog din ang gago!
Ilang sandali pa ay nagulat ako nang bigla s’yang magsalita.
“’Wag kang umiwas. Hanggang kailan mo ba sa akin gagawin ’to? Hanggang kailan mo ako pagtataguan, Arjhay? Hanggang kailan ka tatakbo para habulin ko?” bigla n’yang pagsasalita sa malungkot na tono.
Dahil doon ay natigilan ako. Tila ba huminto ang mundong ginagalawan ko.
Mas lalo na akong hindi nakagalaw nang marinig ko ang kanyang impit na pag-iyak.
“Dalawang taon. Dalawang taon kitang hinanap dahil bigla ka na lang nawala… Hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil walang nakakaalam kung saan kita makikita… Tapos ngayong nakita na kita, umiiwas ka na naman… Ano bang nagawa ko..? Hanggang ngayon hinahanapan ko ’yan ng kasagutan… Hanggang ngayon hindi ko alam kung anong mga pagkakamali ko at pagkukulang…” mga pagbubunyag n’ya sa pagitan ng kanyang pag-iyak.
Parang libo-libong karayom ang tumutusok sa puso ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na narinig ko ang pag-iyak ni Josh sa harap ko.
Dahan-dahan ay nilingon ko s’ya. At nang matagpuan ng mata ko ang kanyang mukha ay tuluyan nang nanghina ang buong katawan ko.
Kitang-kita ko ang lungkot sa kanya habang patuloy na lumuluha.
Akala ko ay limot ko na s’ya, akala ko sarado na ang puso ko para sa kanya. Pero nang makita ko ang pagdurusa n’ya sa mga oras na ito ay kusa na lamang pumatak ang mga luha ko.
“Hindi mo alam..? Hindi mo alam, Josh..? Pinaghihinayangan mo ba na umalis ako noon sa tabi mo..? Bakit..? Nagkarelasyon ba tayo..? Hindi naman ’di ba..? Nasabi mo ba kahit minsan na mahal mo ako..? Ginagawa natin ang ginagawa ng mga ordinaryong couple pero wala naman tayong relasyon… Sa tingin mo, may dapat ka bang panghinayangan doon..?” panunumbat ko sa kanya sa pagitan din ng pag-iyak.
Marahan s’yang umiling habang patuloy pa rin sa pagluha.
“Akala ko kasi, nagkakaintindihan na tayo… Akala ko, sapat na ang pangako natin sa isa’t-isa noon… Na hindi ka kailanman aalis sa tabi ko… Na kahit kailan hindi tayo maghihiwalay… Pinanghawakan ko ’yon, Arjhay… Maniwala ka… pinanghawakan ko ’yon at pinanghahawakan ko pa rin ’yon hanggang ngayon…” sumbat n’ya sa akin pabalik.
“Puro ka akala… Akala mo habang buhay lang akong nasa tabi mo dahil patuloy akong nangangako… Pero naisip mo ba ang mga gusto kong marinig mula sa’yo…? Naisip mo ba na sana kahit minsan pinangarap kong marinig ’yon sa bibig mo…? Ako lang, Josh… Pakiramdam ko, ako lang noon ang nagmamahal sa’yo…” sagot ko sa kanya.
Hindi s’ya nakapagsalita. Nagpatuloy na lang s’ya sa pag-iyak.
“Walang taong hindi gustong marinig mula sa taong mahal nila kung gaano sila kaespesyal, kung gaano sila pinahahalagahan, kung gaano sila minamahal… Pero kahit minsan hindi mo ’yon nasabi sa akin… Dahil ba hindi ako sapat…? May kakulangan ako…? T*ngina… Sana sinabi mo… Kasi gagawa naman ako ng paraan noong panahong ’yon kung nasabi mo…” mahaba ko pang dugtong.
“Ganon kita kamahal, Josh… Na kahit mahirapan ako, gagawin ko ang lahat basta marinig ko lang ang salitang hinahanap ko mula sa’yo… Marinig ko lang na mahal mo ako…” huling bahagi ng pagsasalita ko.
Hindi ko na marinig ang tunog mula sa telebisyon sa mga oras na ito. Tanging ang mga nagagawa naming ingay ni Josh dahil sa pag-iyak ang naririnig ko sa mga oras na ito.
Matapos iyon ay hinawakan ni Josh ang dalawang kamay ko. Naging dahilan tuloy ito ng pagkakabitaw sa beer na hawak ko. Yumuko s’ya at inilagay ang kanyang mukha sa aking mga kamay.
“Arjhay, I’m sorry… Patawarin mo ako kung may mga naging pagkukulang ako… Maniwala ka… hindi ko hinangad na mauwi tayo sa paghihiwalay… hindi ko ’yon ginusto… Maniwala ka naman oh…?” paulit-ulit n’yang paghingi ng tawad.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko dahil sa labis na pag-iyak.
“Pangako… kung ano man ang mga naging pagkukulang ko… gagawin ko ang lahat para mapunan ’yon… Basta bigyan mo lang ako ng panibagong pagkakataon… K-kasi… kasi kung hindi pa kita nakita ngayon, baka namatay na ako sa lungkot… Kasi halos hindi ko kayanin… halos hindi ko kayanin nung nawala ka…. Please, Arjhay… bigyan mo pa ako ng pagkakataon…” paulit-ulit n’yang pakiusap.
Parang nadudurog ang puso ko dahil sa mga narinig kong mga panibago n’yang pangako. Unti-unti ko rin naisip na may mga naging pagkukulang din ako sa kanya.
Naisip kong sana hindi na lang ako naghintay noon na sabihin n’ya ang mga salitang ’yon. Dahil pwede ko naman sabihin iyon sa kanya, pwede ko naman s’yang pangunahan. Sana sinubukan ko rin na sabihin sa kanya ’yon. Dahil kung nasabi ko sa kanya, baka nasagot n’ya rin ako pabalik noon.
Dahil sa mga reyalisasyon ay nakabuo ako ng desisyon. Hindi pa naman huli ang lahat, pwede pa kaming magsimula dahil muli naman kaming nagkita.
Habang patuloy kami sa pag-iyak ay inangat ko ang kanyang mukha na nasa palad ko.
“Josh, alam mo ba na simula noon hanggang ngayon hindi nawala ang nararamdaman ko sa’yo..? Simula noon hindi ako naghanap ng papalit sa’yo… Dahil kahit minsan hindi kita nakalimutan… Lahat ng ala-ala mo itinago ko sa puso ko… Simula noon hanggang ngayon, ikaw lang ang taong kayang patigilin ang mundo ko..” una kong pagtatapat.
Saglit akong tumigil at nagbitaw ako ng matamis na ngiti habang nakatingin ako sa kanyang mga matang puno pa rin ng luha.
“Ikaw lang, Josh. Ikaw lang ang minahal ko at minamahal ko hanggang ngayon. At kahit magbilang pa ng maraming taon, hindi na ako makakahanap ng kagaya mo. Dahil matagal mo nang pagmamay-ari ang puso ko.” huling bahagi ng pagtatapat ko.
Matapos kong sabihin iyon ay nasaksihan ko ang pagsilay ng magandang ngiti ni Josh na ngayon ko lang ulit nasaksihan sa mahabang panahon.
Hinawakan n’ya ang kamay kong nasa kanyang mukha at tuwid akong tiningnan habang suot ang maganda n’yang ngiti.
“Ngayon ko lang nalaman, ang sarap palang pakinggan ng mga salitang ’yan. Hinintay ko rin na marinig ang mga salitang ’yan mula sa’yo.” wika n’yang nakangiti habang lumuluha.
“Ikaw lang, Arjhay. Ikaw lang ang kaya akong pangitiin ng ganito. Ikaw lang ang nag-iisang tao na hinihiling kong makita sa tuwing gigising ako. Na sa bawat umagang darating, ipinagdadasal ko na sana ikaw pa rin ang makasama ko hangga’t humihinga ako.” sunod n’yang pagsasalita.
“Dahil mahal kita. Mahal kita, Arjhay, na higit pa sa inaakala mo.” huling bahagi ng kanyang pagtatapat.
Tama s’ya, ang sarap pala marinig ang mga salitang ’yon mula sa taong mahal na mahal mo. Parang napunta ako sa isang paraiso at tanging kaming dalawa lang ang tao.
“Mahal kita, Josh..” masuyo kong sambit sa kanya.
“Mahal din kita… Mahal na mahal…” tugon n’ya.
Matapos ang pagpapalitan ng aming mga salita ay inilapit n’ya ang kanyang sarili.
“Mahal kita.” sambit n’ya at hinalikan ako sa noo.
“Mahal na mahal.” sambit n’yang muli at hinalikan naman ako sa ilong.
“At mas mamahalin pa kita.” huli n’yang sambit at masuyo ang pagkakahalik sa aking labi.
Napapikit ako dahil sa halik n’yang ilang taon ko ring hinanap-hanap. Tinugunan ko iyon at ipinaramdam ko ang pagmamahal kong kailan man ay hindi kumupas.
Dama namin ang kasabikan sa isa’t-isa. Ang mga taon, buwan at araw na hindi kami nagkasama ay sinusulit namin sa mga oras na ito. Tanging sa bawat paghalik at paghaplos kami nag-uusap.
Nadadala na kaming pareho. At kahit hindi kami nag-uusap ay alam ko na kung saan kami patungo.
Hindi ako nagkamali, dahil ilang sandali pa lamang ay naramdaman ko ang paggaya n’ya sa akin pahiga sa sofa na aming inuupuan.
Nagpaubaya na ako lalo na nang simulan na n’yang halikan ang leeg ko at tanggalin ang pagkakatali ng bathrobe ko.
“Anyare, brad?! Bakit paika-ika ’yang lakad mo?” tanong ng kaibigan kong si D-jay habang papasok kami ng university.
Alam kong makakahalata ito kaya nakapaghanda na ako ng ipapalusot ko.
“Injured lang sa basketball kahapon.” sagot kong hindi s’ya tinitingnan.
“Ah… Akala ko naman natira ka na ni Josh sa tumbong! Wahahahaha!!” galak na galak n’yang pagsasalita.
Nanlaki ang mga mata ko.
“Ano bang pinagsasabi mo?!” halos pasigaw kong tanong at binigyan s’ya ng malakas na batok.
“Aray ko naman!! Mapanakit ka na talaga, Arjhay ha?! Nagjojoke lang ang tao eh!” reklamo n’ya habang hinihimas ang ulo n’yang nakatanggap ng batok ko.
Hindi ko na s’ya sinagot pabalik. Baka lalo pa n’ya akong usisain sa naganap na laro namin ni Josh kahapon. Baka masabi ko rin sa kanya kung ano ang nangyari matapos ang laro naming iyon.
Habang nakapila kami sa gate ni D-jay para magpa-inspect ng I.D. ay nagulat ako nang may marinig akong pagbulong mula sa aking likuran.
“Okay ka lang? Masakit pa rin ba?” tanong ng napakapamilyar na boses.
Nang lingunin ko ito ay napakalapit ng mukha naming dalawa. Agad na lang akong umatras para magkaroon kami ng pagitan. Puhtah! Nandito pa naman ang chismosong si D-jay!
“Uy, brad! Ikaw pala! Kamusta ang laro n’yo kahapon nitong kaibigan ko? Injured eh! Natumbong, este, natuhod mo ba?!” biglang sabat ng madaldal na si D-jay.
Nanlaki ang mga mata ni Josh. Mukhang hindi n’ya alam ang isasagot.
Agad kong hinarap si D-jay.
“Gusto mong ikaw ang tumbungin ko?!!” buska ko sa kanya.
“Ena mo ka! Hoy, Arjhay ha?! Nakakahalata na ako sa’yo!! Hindi ka na ngayon makasabay sa joke ko! Mapanakit ka pang ulupong ka!!” sumbat nito sa akin.
Sasagot pa sana ako nang marinig namin ang pagsigaw ng guard ng university.
“Hoy! Wala ba kayong balak na umusad?! Nakakaabala kayo sa ibang pumipila!” ayan, ang aga namin nakatanggap ng sermon mula sa gwardya.
Mabuti na rin na nangyari iyon. Pucha! Baka mapahaba pa ang usapan.
“Sige, papasok na ako ng building namin. Text kita mamaya.” bulong ulit sa akin ni Josh nang makapasok kami.
Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Peste. Nami-miss ko agad s’ya.
“Dito na ako, pre!” pagpapaalam naman nito kay D-jay.
“Sige! ’Wag ka na ulit pumunta sa building namin ha?! Baka itumbong, este, isumbong kita sa prof n’yo!” sagot ni D-jay.
Nagsimula ang aming klase. At kinginang buhay naman talaga!
“Ang likot mo naman, brad! Hindi ako makapagconcentrate sa tinuturo ni Ma’am!” reklamo ni D-jay.
Itong ulupong na ’to akala mo nakikinig talaga sa nagtuturo! Eh kanina pa s’ya nagdodrawing ampuhtah! Ayaw lang paistorbo dahil ang napili n’ya naman i-drawing ngayon eh ’yung prof namin na nasa unahan! Ang laswa pa ng gago dahil hinubaran n’ya si Ma’am!
Muli kong ininda ang hapdi ng wetpaks ko.
Kingina naman kasi ni Josh! Malay ko bang ako ang tutuwad sa aming dalawa! E ’di sana nung umpisa pa lang pinigilan ko na!
Hayup ka Arjhay. ’Wag ka nang magreklamo. Mas maingay ka pa nga kagabi sa lasenggo na nasa labas ng bahay ni Josh! Mas malakas pa ang ungol mo kesa sa kanya! Ang kati mo!
Pucha! Ang hapdi talaga, kingina!
.
.
.
.
“Nandito ako sa clinic. Puntahan mo ako. May sakit ako.”
natanggap kong text mula kay Josh.
Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko iyon sa aking cellphone.
“Oy, Arjhay! Ano na? Tara na!” pagyaya naman ni D-jay sa akin.
Papunta sana kami sa gym para sa practice ng basketball.
“Ahm… Pwede bang mauna ka na, D-jay?” bigla kong suhestiyon matapos akong huminto sa paglalakad.
“Bakit?” usisa n’ya naman.
“Ah… Eh kasi… m-masama ang pakiramdam ko…” sagot kong nauutal. Peste! Hindi talaga ako magaling magsinungaling!
“Weh?! Ang saya-saya mo pa nga kanina! Daig mo pa nga ang nakalaplap ng tilapya!” hindi s’ya naniniwala.
Anak ng tokwa. Paano ko ba s’ya mapapaniwala?!
“K-kaya nga siguro sumama ang pakiramdam ko kasi ang hyper ko kanina.” pagsisinungaling ko pa rin.
Galingan ko pa Arjhay! Kailangan mo mapuntahan si Josh! Baka kung ano na nangyari doon! Hindi pa naman kayo nagkita kahapon.
“Weh?! Don’t me, Arjhay! Ayaw mo lang um-attend ng pract—–” hindi n’ya na naituloy.
“Kingina, ano ba?!! Masama nga ang pakiramdam ko eh!!” sinigawan ko na s’ya! Ang kulit eh!
“Taena e ’di lumayas ka!! Pumunta ka na sa clinic, kingina mo ka!! Pakyu!! Inom ka ng gamot, hayup kang animal ka!!” sagot n’ya na lang sa akin.
Peste! Kailangan lang palang sigawan ’to para tantanan na ako sa katatanong!
Hindi kami nag-aaway. Ganyan lang talaga kami magpakita ng concern sa isa’t-isa ni D-jay. Nagmumurahan at nagkakasakitan.
“Ako na ang bahala kay coach. Sabihin ko kritikal na ang buhay mo, ena mo ka!” pagsuko na lang din n’ya.
“Salamat.” sagot kong nakangiti.
Tinapik ko na lang s’ya sa balikat bilang pagpapaalam. Matapos iyon ay tumakbo na ako para tunguhin ang clinic.
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang magkaayos kami ni Josh. At sa nakalipas na dalawang linggo ay mas pinaramdam pa namin sa isa’t-isa kung gaano namin na-miss ang isa’t-isa.
Hindi na namin binalikan ang masasamang ala-ala sa nakaraan. Kung may pag-uusapan man kaming dalawa, ’yon ay puro mga masasayang ala-ala namin noong magkasama pa kami. Naisip kong hindi rin naman makakatulong iyon dahil maayos na kaming dalawa ngayon.
Sa tuwing uuwi ako mula sa university ay didiretso na rin ako sa bahay n’ya. Kung minsan ay sa likod ng university kami nagkikita kapag nakakatakas ako kay D-jay. Hanggang ngayon kasi ay wala pa akong pinagsasabihan tungkol dito. Hindi pa ako handang sabihin kay D-jay dahil hindi rin ako makatiyempo.
Natatawa pa kaming pareho dahil parang bumalik lang kami sa highschool. Noong panahon na nagtatago pa kaming dalawa dahil baka makita kami ng teachers at classmates namin.
Nakarating ako sa clinic ng university at hindi ko na nagawang kumatok dahil sa pagkataranta. Mabuti na lamang at walang nagbabantay kaya walang manenermon sa akin.
May anim na hospital bed ang nasa clinic na ito at ang lima ay bakante. Tinungo ko ang isang hospital bed na may kurtinang takip na nasa dulong bahagi ng clinic.
“Josh?” pagtawag ko mula sa labas ng kurtina.
“Arjhay.” sagot naman nito.
Dahil sa narinig ko ang kanyang boses ay mabilis kong hinawi ang kurtina. Naabutan ko itong nakahiga at nakapikit.
“Anong nangyari?!” tanong ko agad sa kanya at nilapitan s’ya.
Hindi n’ya man lang nagawang imulat ang mga mata n’ya. Mukhang masama talaga ang pakiramdam n’ya kaya lalo akong nag-alala.
“Isarado mo ’yang kurtina. Nasisilaw ako.” utos n’ya sa akin.
Ginawa ko naman iyon at agad ko rin s’yang hinarap.
“Anong nangyari?” pag-uulit ko sa tanong ko.
Unti-unti n’yang binuksan ang mga mata n’ya at nagulat ako nang unti-unti s’yang ngumiti.
Hindi pa iyon doon nagtapos. Dahil matapos n’yang ngumiti ay nagulat ako nang hawakan n’ya ang kamay ko at hinatak ako papalapit sa kanya. Naging dahilan tuloy iyon para makapatong ako sa kanya.
“Arekup!” daing n’ya. “Ano ba naman ’yang bola mo?! Alam kong mahalaga ’yan dahil ako ang bolang ’yan para sa’yo! Pero sa pagkakataon na ganito, itabi mo naman muna ’yan! Nakakasagabal sa atin eh!” sunod n’yang reklamo.
Tinanggal ko muna ang bolang nasa pagitan ng aming katawan at maingat na inilagay sa kanyang tabi. Matapos iyon ay umayos ako ng pagkakayakap sa kanya habang nakahiga pa rin s’ya.
Oo na! Malandi talaga ako ’pag si Josh na ang kaharap ko! Nakakalimutan kong brusko rin ako! Nakakalimutan kong pang-matinee idol din ang hitsura ko! Nakakahawa rin naman kasi ang kalandian nitong si Josh!
“Nakakagulat ka naman kasi! Akala ko kung napaano ka na! Eh parang wala ka naman kasing sakit ngayong gago ka!” sermon ko sa kanya.
“Wala nga!” nakangiti n’yang sagot.
Agad na nangunot ang noo ko habang magkaharap ang aming mukha.
“Ano?! Eh anong ginagawa mo ditong ulupong ka?!” tanong kong may kalakasan.
Nagulat ako nang hawakan n’ya ang magkabilang pisngi ko at madiin na hinalikan ang labi ko.
“Na-miss kasi kita! Hindi tayo nagkita kahapon dahil ang sabi mo may tatapusin kang project kasama si D-jay.” sagot n’ya sa tanong ko.
Hindi ko na tuloy napanindigan ang galit ko. Sumilay na lang ng kusa ang magandang ngiti ko.
“Ako rin. Na-miss din kita.” wika ko at sabay kaming natawa.
Ilang segundo din kaming natatawa lang habang magkayakap na dalawa.
Maya-maya pa….
“Arjhay….” pagtawag n’ya habang nakatingin sa aking mga mata.
“Ano?” tanong ko pabalik.
“Walang tao dito sa clinic. Walang nagbabantay.” sagot n’ya at unti-unting ngumisi.
Napataas ang isang kilay ko.
“So?” tanong ko sa kanya.
Hindi s’ya agad sumagot. Mas hinigpitan n’ya rin ang kanyang yakap para maabot n’ya ang tenga ko at bulungan.
“Dito tayo gumawa ng milagro…” mapang-akit n’yang bulong.
Dahil sa narinig ko ay mabilis akong kumalas sa pagkakayakap habang nanlalaki ang mga mata.
Sa nakalipas na dalawang linggo ay napansin ko ang malaking pagbabago ni Josh. Noong mga highschool pa lang kami ay hanggang pagluhod lang ang nagagawa naming dalawa.
Pero kingina ngayon! Gustong-gusto akong tinutumbong ampuhtah!
Wala naman akong magawa dahil enjoy pala.
“Sige na…” pagkumbinsi n’ya pa sa akin.
“Gago ka bang animal ka?! Eh kung may makahuli sa atin?! Eh kung dumating ’yung head nurse?! Eh ’di napatalsik pa tayo rito?!” buska ko sa kanya.
“Wala ’yan! Alam ko kung anong oras s’ya babalik dahil nagpaalam lang s’ya sa akin kanina! Sabi n’ya tawagan ko na lang daw s’ya kung may kailangan ako!” pagpupumilit n’ya.
Kinginang Josh ’to! Ang kati, anak ng tokwa! Hindi ba s’ya makapaghintay na makauwi kaming dalawa?!
“Arjhay, please…? Hindi mo ba ako na-miss? Ako nga muntik nang hindi makatulog kagabi dahil hindi kita nakasama.” hindi pa rin s’ya natigil.
Naging malikot ang mga mata ko dahil hindi ko kayang tagalan ang mata n’yang nakikiusap sa mga oras na ito.
’Yung totoo, Arjhay? Hindi mo lang matagalan kasi baka mapa-oo ka na! Ang kati mo rin eh!
Unti-unti ko s’yang nilingon. Ibang-iba si Josh ’pag ako ang kaharap n’ya. Sa ibang tao kasi ay napakalamig ng mga tingin n’ya. Masyado s’yang seryoso at bihirang magsalita.
“Uuuyyy… Papayag na s’ya… Ayaw mo ba no’n bagong venue? Hindi na lang tayo sa bahay ko?” sambit n’ya habang kinikiliti ako.
Taena, likas na malandi talaga ’to! Parang ako!
Sinubukan kong ibuka ang bibig ko. Sinubukan kong magreklamo. Pero bago ko pa magawa ’yon ay nagulat ako nang bigla n’ya na naman akong hatakin papalapit sa kanya. At nang makalapit ako ay agad n’ya akong siniil ng halik.
Kingina talaga! Arjhay, umapela ka! Pumalag ka!
Pero puhtah. Mas madiin na ang ginagawa kong paghalik sa kanya.
Patuloy naming tinutugunan ang halik ng isa’t-isa. Sa apat ng sulok ng kwartong ito ay maririnig na rin ang mabilis na tibok ng puso naming pareho.
Ilang sandali pa ay nagbitaw kami habang magkadikit ang aming mga noo. Hingal na hingal kaming pareho habang magkatinginan sa mata.
“May naisip ako.” sambit n’yang hinihingal.
“Ano?” sagot ko ring mahina.
“Baliktaran tayo?” suhestyon n’ya.
Sasagot pa sana ako ngunit mabilis n’ya rin akong hinatak muli at hinalikan.
Kingina. Wala na akong nagawa. Nadala na rin ako, pucha! Nakita ko na lang ang sarili ko na kaharap na ang baby Josh n’ya!
Pigil ang aming mga boses dahil sa pag-ungol na aming nagagawa. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong pagnanasa at kaba.
Pucha! Sana lang walang makahuli sa aming dalawa! Pinagdarasal ko na sana healthy ang lahat ng estudyante sa university na ’to.
Malapit na.
Konti pa.
Makakaating na kami.
Kingina! Samabog na kami.
‘Tok! Tok! Tok!’
“Josh?! Pasensya na kung natagalan. Okay ka lang ba d’yan?” boses na nagmumula sa labas ng hospital bed na hinihigaan ni Josh.
“Good afternoon po.” bati ko sa head nurse matapos kong hawiin ang kurtina na tumatakip sa kama ni Josh.
Tulad namin ni Josh ay bakla rin s’ya. Ang kaibahan lang, mas lantad s’ya.
Salitan kami nitong tiningnan ni Josh habang nakakunot ang noo.
Puhtah. Pinagpapawisan ako dahil sa kaba. Nakahalata kaya s’ya? Si Josh kasi ay bumalik sa pagkakahiga ng maayos at pumikit.
Matapos ang ilang segundong pagsusuri sa amin ay itinuon nito ang mata n’ya kay Josh.
“Mukhang okay ka na, Josh. Pwede ka na sigurong umuwi.” kaswal na utos nito kay Josh.
Iyon na rin ang ginamit kong pagkakataon para magpaalam.
“S-sige po. Mauuna na ako. Dinalaw ko lang ang kaibigan ko.” paalam ko sa aming head nurse.
Sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko palabas ng clinic ngunit nagulat ako nang sabayan ako sa paglalakad ng head nurse.
“Sandali.” pagpigil nito sa akin nang makarating ako ng pinto.
“B-bakit po?” kinakabahan kong tanong at nilingon s’ya.
Nagulat ako nang bigla nitong iabot sa akin ang box ng tissue.
“May naiwan pang bakas d’yan sa salaming suot mo. Pagbibigyan ko kayo ngayon sa ginawa n’yo dahil si Josh ang naghatid sa pamangkin ko noong isang araw nang magkasakit ito. Pero sa susunod na maulit ito, ire-report ko na kayo. Nagkakaintindihan ba tayo?” seryoso nitong lintanya.
Dali-dali akong kumuha ng tissue at mabilis na lumabas sa clinic na iyon.
Napaupo ako sa sahig ng hallway sa university dahil sa naganap.
Hinubad ko ang aking suot na salamin at doon ko nakita ang tinutukoy n’ya.
“Puhtah! Kaya pala ang labo ng paningin ko! Kingina! Dumikit sa’yo ang mga anak ni Josh!! T*ngina talaga!!” pagkausap ko sa aking salamin habang marahas na pinupunasan ito.
‘Pupunta ka pa ba?’
text sa akin ni Josh.
‘Hindi na ako makakarating. Ang lakas kasi ng ulan. Sorry.’
text ko sa kanya pabalik.
Napangiti ako.
Ang totoo ay sinadya kong magpahuli ng punta sa kanyang apartment para sorpresahin s’ya. Dala ko ang paboritong ulam n’ya na pinaghirapan kong lutuin para pagsaluhan namin sa hapunan.
Hindi ko alintana ang lakas ng ulan. Kahit nahihirapan akong bitbitin ang dala kong ulam at may hawak akong payong at bola ay nakangiti akong naglalakad patungo sa kanyang apartment na malayo sa aking tinutuluyan. Mabuti na lang din at hindi ko sinuot ang salamin ko ngayon kundi mahihirapan pa akong lalo.
Ingat na ingat ako sa hawak kong tupper ware na pinaglalagyan ng ulam. Mas iningatan ko nga ito kesa sa bolang hawak ko. Nababasa na ako ng ulan pero wala akong pakialam. Mas nangingibabaw ang akin ang saya dahil magkikita na naman kaming dalawa.
Nang makarating ako sa kanyang apartment ay bahagyang nakabukas ang pinto nito. Napagdesisyunan kong ihakbang ang mga paa ko papasok ngunit nasorpresa ako nang abutan ko itong may kausap sa telepono habang nakatalikod sa aking pwesto.
“Talaga, Ali? God! Na-miss din kita! Sobra! Kailan ka babalik para masundo na kita?!” masaya n’yang banggit sa kanyang kausap.
Ali… kilala ko s’ya. Kilalang-kilala ko ang tinutukoy n’ya.
“Hindi ko alam kung paano tayo magtatago. Mabuti nga at wala si Arjhay nang tumawag ka. Hindi ko alam kung anong gagawin kong palusot sa kanya.” sunod n’yang sambit.
Agad na nawala ang pagkakangiti ko nang marinig ko ang pangalan ko. Parang libo-libong karayom na rin ang tumutusok sa puso ko.
“’Pag dumating ka, siguro pupuntahan na lang kita sa tutuluyan mong hotel o apartment. Hindi ko pa alam kung paano ako makakatakas sa kanya. Pero sisiguraduhin kong wala s’yang malalaman sa pagkikita natin dalawa.” karagdagan n’ya pang pagsasalita.
Napangiti ako ng mapait. Dahan-dahan ay ibinaba ko ang dala kong ulam at payong sa lupa. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang mga luha.
Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang marinig pa ang pag-uusap nilang dalawa.
Umalis ako ng tahimik sa tapat ng apartment n’ya dala lamang ang aking bola.
Tulala akong naglalakad sa ilalim ng ulan hanggang sa makarating ako sa paborito kong court na pinaglalaruan. Habang nakatayo sa tapat ng ring ay nakatitig lang ako sa hawak kong bola. Hinayaan ko ang aking mga luha na sabayan ang pagbuhos ng ulan ngayong gabi.
“Nagpauto ka na naman, Arjhay… Nagpauto ka na naman…” sambit kong umiiyak habang nakatingin sa laruan kong bola.
“Bakit ba ang bilis mong maniwala…? Bakit kahit matalino ka, ang bobo mo naman sa ibang bagay..?” sunod kong bigkas.
Hindi ko maiwasang alalahanin ang lahat noong panahon bago ko tuluyang layuan si Josh. Noong panahon na akala ko ay ako lang ang nag-iisang tao na gusto n’yang makasama.
Hindi ko alintana ang malakas na buhos ng ulan. Masayang-masaya ako dahil magkikita kami ni Josh sa park ngayong gabi.
Masyado akong masaya dahil may sasabihin daw s’ya sa aking importante. Ayoko sanang umasa, pero hindi ko maiwasan na isipin na baka ito na ang hinihintay kong pagkakataon para marinig ko mula sa kanya ang mga katagang hinihintay kong sabihin n’ya.
Baka ito na ang oras para sabihin n’yang mahal n’ya ako.
Nakangiti ako nang magtungo ako sa park. Dala ang aking bola at payong, hinanap ko si Josh doon.
Nakita ko ang kanyang imahe na nakatayo sa ilalim ng isang posteng may ilaw. May dala itong payong at nakatalikod sa aking pwesto.
Gusto ko s’yang sorpresahin kaya dahan-dahan akong lumapit. Pero nang tuluyan akong makalapit sa kanyang pwesto ay hindi pala s’ya ang masosorpresa sa pagdating ko. Ako pala ang masosorpresa dahil sa nakikita ko at maririnig ko.
Nakita ko rin sa kanyang tapat ang babaeng pinakapopular sa aming eskwelahan, si Ali. S’ya lang taong hindi natatakot na makipag-usap kay Josh. Sila ang madalas na magkasama at minsan na rin nasabi sa akin ni Josh na maituturing n’yang si Ali ang pinakamalapit na kaibigan n’ya.
Nasa ilalim sila ng nag-iisang payong na panangga sa ulan.
Nagdesisyon akong makinig na lamang sa kanilang pag-uusap. Iniisip kong baka seryoso ito at ayaw kong makaabala. Madilim naman sa aking pwesto at alam kong hindi nila ako mapapansin dito.
“Alam ba ’to ni Arjhay?” tanong ni Ali kay Josh.
“Hindi. Pero sasabihin ko rin sa kanya dahil magkikita kami ngayon.” sagot ni Josh.
“Mabuti naman.” sagot ni Ali.
Wala akong maintindihan sa kanilang pinag-uusapan. Mas lalo akong naguluhan dahil narinig ko ang aking pangalan.
Saglit silang natigilan. Ako naman ay naghihintay pang marinig ang mga susunod nilang pag-uusapan.
“Josh… mahal kita.” biglang sambit ni Ali makalipas ang katahimikan.
Agad na nanlaki ang mga mata ko. Nagsimula na rin bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako at natatakot sa maaaring isagot ni Josh sa sinabi ni Ali. Ang salitang hindi pa namin nasasabi sa isa’t-isa.
Hindi agad nakasagot si Josh. Pero makalipas ang ilang segundo ay nasaksihan ko kung paano inangat ni Josh ang kanyang ulo para tingnan ng tuwid si Ali.
“Mahal din kita…” salitang binigkas ni Josh.
Parang may bombang sumabog sa dibdib ko. Ang salitang matagal kong hinintay mula sa kanya ay nasabi n’ya sa iba.
Kasabay ng natuklasan ko ay ang mabilis na pagbuhos ng mga luha ko. Hindi ako makagalaw sa aking pwesto habang nakatingin pa rin sa kanilang dalawa.
Ilang sandali pa ay nanlaki ang mga mata kong patuloy na naglalabas ng luha nang masaksihan kong hawakan ni Ali si Josh sa magkabilang pisngi. Dahan-dahan s’yang lumapit kay Josh na hindi naman gumagalaw sa kanyang pwesto.
Hindi ko na kaya. Hindi ko na kakayanin pa kung masasaksihan ko ang pagdidikit ng labi nilang dalawa. Sapat na ang mga narinig ko mula sa kanila.
Agad akong humakbang ng mabilis palayo sa kanilang pwesto habang patuloy na bumubuhos ang luha ko.
Hindi pala para sa akin ang mga salitang hinihintay ko mula kay Josh. Ang mga salitang iyon ay nakalaan para sa iba.
Hindi para sa akin kundi para kay Ali.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ilalim ng payong ko habang hawak ang bola ko. Tanging pag-iyak lang sa gitna ng kalsada ang nagawa ko.
Sobrang sakit ng dibdib ko. Ang mga araw at buwan na nakasama ko si Josh ay puro kasinungalingan lang pala. Laro lang pala ang lahat sa kanya.
Matapos ang ilang oras sa ilalim ng ulan ay nakapagpasya na ako. Nagdesisyon ako para sa ikabubuti ko.
Nang makapasok ako ng aming bahay ay dire-diretso akong umakyat sa aming hagdan para tunguhin ang aking kwarto. Ngunit nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan ay tinawag naman ako ni Mama.
“Arjhay, and’yan ka na pala. Gabing-gabi na ah? Bakit kung saan-saan ka pa pumupunta?” pagsaway nito mula sa kusina.
Hindi ko s’ya makita dahil diretso lang akong nakatingin sa taas ng hagdan.
“’Ma… ’di ba sabi mo gusto akong kunin ni Papa sa Maynila para doon magpatuloy ng pag-aaral?” tanong ko sa kanya.
At habang binibigkas ko ang mga salitang iyon ay nagsimula na naman pumatak ang aking mga luha.
“Oo. Bakit? Pumapayag ka na ba? Akala ko ba ayaw mo dahil may maiiwan kang mahalaga dito?” tanong nito pabalik.
Ginawa ko ang makakaya ko para hindi mahalata ni Mama ang pag-iyak ko. Pilit kong ginawang normal ang boses ko.
“Bukas na bukas ’Ma… pwede mo na ba akong ihatid kay Papa?” tanong kong muli sa kanya.
“Ha?!! Aba! Bakit naman biglaan, anak? Agad-agad naman yata?!” gulat ni Mamang tanong.
Hindi ko na napigilan. Agad akong napahagulgol. Hindi ko na alintana kung malaman ni Mama na umiiyak ako sa mga oras na ito.
“’Ma…. Sige na naman po… Ayaw ko na po dito… Ilayo n’yo na po ako dito!!!” pag-iyak ko ng malakas at napaupo na ako sa hagdan.
Narinig ko ang nagmamadaling paghakbang ni Mama para tunguhin ang aking pwesto.
“Sige na po ’Ma!! Ihatid mo na po ako kay Papa!! Ayoko na po dito!!!” pagpapatuloy ko sa pakikiusap kay Mama.
Wala naman nagawa si Mama kundi ang paulit-ulit na haplusin ang likod ko.
“Aaaaaaahhhhhh!!!!!!!!!!” kasabay ng aking sigaw ay ibinato ko ang bola sa board ng ring na nasa aking harapan.
Bumalik sa akin ang bolang iyon.
“Kingina mo, Arjhay!!! Ang tanga-tanga mo!!! Ikaw na ang pinakatangang tao sa mundo!!! Uto-uto ka, gago!!!” sigaw kong muli at itinapon na naman ang bola.
Ilang beses kong ibinato ang bolang iyon pero nakaramdam lang ako ng galit dito dahil patuloy din itong bumabalik sa aking pwesto.
Napahagulgol na lamang akong napaupo sa semento ng court habang hawak ang bola ko.
Sumisigaw ako habang umiiyak dahil gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko sa sarili ko. Gusto kong itatak sa isip ko na ang tanga-tanga ko.
“Hanggang kelan ka ba maniniwala, Arjhay..? Hindi ka pa nadala noong una, inulit mo pang tarantado ka… Nagpauto ka na namang gago ka…” pagkausap ko na naman sa bola.
Ganoon lamang ako. Nakaupo sa semento habang malakas ang pag-iyak at hawak ang aking bola. Basa ng ulan habang nasa kalagitnaan ng gabi.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa pwestong iyon. Pero nang maramdaman kong bahagya na akong kumalma ay dahan-dahan akong tumayo habang nakatitig sa bolang hawak ko.
“Ito na siguro ang tamang oras para tuluyan na kitang bitawan… Kasi hangga’t hawak kita, hindi ako makakaalis sa pwesto ko… Hindi ako makakaalis sa nakaraan ko…” pakikipag-usap ko sa bola at naglandas na naman ang mga panibago kong luha.
“Ito na ang huli… Ito na ang huling beses na hahawakan kita… Kailangan sigurong magsimula ako sa ganito…” sunod ko pang sambit.
Matagal ko pang tinitigan ang bolang iyon sa kamay ko. Ito na siguro ang isa sa pinakamalaking desisyon na gagawin ko sa buhay ko.
Kasabay ng pagbitaw ko sa bolang ito ay ang tuluyan kong pagbitaw sa taong naging dahilan kung bakit nananatiling hawak ko ito.
“Hanggang dito na lang talaga siguro tayo…” huli ko pang sambit at niyakap ko ang bolang iyon.
Matagal kong niyakap ang bola ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Maya-maya pa ay dahan-dahan akong yumuko. Mabigat ang mga kamay kong inilapag ang bola kong iyon sa semento.
Hindi ko s’ya kayang bitawan pero kailangan. Hindi ako makakawala sa nakaraan kung patuloy ko s’yang hahawakan.
Ilang minuto ko pang tinitigan ang bola kong iyon na nakalapag sa semento. At sa bawat minutong iyon ay ang paghagulgol ko.
Kailangang kayanin ko. Hindi ako pwedeng makulong sa nakaraan.
Dahan-dahan ay tinalikuran ko ang aking bola sa inalagaan ko ng maraming taon. Mabibigat ang mga paa kng humakbang palayo sa bolang iyon.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay muli akong natigilan.
“Sige subukan mo!!! Subukan mong iwan ’yang bolang ’yan, Arjhay!!!” biglang pagsigaw mula sa likod ko.
Napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ko ang boses na iyon.
“Subukan mo!!! Subukan mo ulit akong iwan tulad ng ginawa mo noon!!!” muli pa nitong pagsigaw.
Dahan-dahan akong tumalikod para makita ang mukha ng taong nasa likod ko. At nang tuluyan ko s’yang makaharap ay nakita kong gaya ko ay basang-basa na rin ito. Walang dala na kahit ano para may panangga sa ulan tulad ko.
“Josh…” mahinang sambit ko sa kanyang pangalan.
Pinanood ko lamang s’ya sa kanyang pwesto na ilang metro rin ang layo mula sa kinatatayuan ko.
“Anong kasunod nito, Arjhay?! Tatakbuhan mo na naman ako?! Tatakasan mo na naman ako?!! Pagtataguan mo na naman ako?!!” sunod-sunod n’yang tanong sa akin ng pasigaw. At kahit basa s’ya ng ulan ay alam kong nagsimula na rin s’yang lumuha sa mga oras na ito.
Dahil sa mga katanungan n’yang iyon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para masagot ito.
“Oo!!! Kung ’yan lang ang paraan para makatakas sa pait ng nakaraan ko, paulit-ulit akong magtatago!! Paulit-ulit akong tatakas sa anino mo!!! Dahil ayoko na!! Pagod na ako, Josh!!! Pagod na akong umasa!! Pagod na akong maniwala!!!” sigaw ko sa kanya pabalik.
Muli na naman naglandas ang mga panibago kong luha.
“Pagod ka na?” una n’yang tanong habang nanlilisik ang mga mata n’ya. “Eh ako Arjhay??!! Tinanong mo ba kung pagod na ako?!!! Sa bawat pagtakbo mo!!! Sa bawat pag-iwas mo!! Sa bawat paglayo mo!!! Alam mo ba kung anong ginagawa ko??!!” tanong na n’yang pasigaw.
Hindi ako nakasagot dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot sa katanungan n’yang iyon. Naghintay na lamang ako na sa kanya mismo manggaling iyon.
“Wala kang alam ’di ba??!! Kasi kahit minsan hindi mo tinanong!!!” una n’yang panunumbat habang dinuduro ako.
Nanatili naman akong tahimik na umiiyak.
“Habang patuloy kang tumatakbo!! Habang patuloy kang umiiwas!! Habang patuloy ka sa paglayo!!! Patuloy din akong naghahanap sa’yo!!! Patuloy akong tumatakbo para maghanap ng bakas mo!!! Patuloy akong naghahabol kahit sa anino mo!! Kasi hindi ako buo, Arjhay eh!!! Hindi buo ang pagkatao ko kung wala ka sa tabi ko!!!” pagbubunyag n’ya. At kasunod ng pagbubunyag n’yang iyon ay ang marahas n’yang paghilamos sa mukha patungo sa kanyang ulo.
Nagpatuloy pa s’ya sa kanyang pagsasalita ngunit hindi na s’ya sumisigaw sa pagkakataong ito. Nagsalita s’ya ng mahinahon habang patuloy na umiiyak.
“Hindi lang ikaw ang napapagod dito, Arjhay… Napapagod din ako… Pero kahit kelan hindi ko inisip ang sumuko… Hindi ko kaya eh… Mas nangingibabaw sa akin ang pagmamahal ko sa’yo… Hindi ko kayang bumitaw kagaya ng mabilis na pagbitaw mo…” sumbat n’ya sa pagitan ng pag-iyak.
Hindi pa rin ako makapagsalita.
“Ako, Arjhay…? Kailan mo ako magagawang habulin tulad ng paghabol ko sa’yo..? Bakit sa halip na ipaglaban mo ako, mas pinipili mo pang takbuhan ako…? Naisip mo ba kung gaano kasakit na hindi maipaglaban ng taong mahal na mahal mo…? Masakit, Arjhay… sobrang sakit… At ayaw kong maranasan mo ’yon kahit paulit-ulit mong pinaparanas sa akin ’yon…”
“Kasi kahit ako na lang ang masaktan… kahit ako na lang ang patuloy na naiiwanan ng may malaking palaisipan… hinding-hindi ako mapapagod… Kasi ayaw kong ikaw naman ang masaktan… kahit ako na lang… ’wag lang ikaw, Arjhay… ’wag lang ikaw… Ganyan kita kamahal… at mas higit pa d’yan ang kaya kong patunayan… Pero dahil sa pag-iwas mo, nawawalan ako ng tyansang patunayan ’yon sa’yo…” dugtong n’ya pa at mas lumakas na rin ang pag-iyak n’ya.
Bakit ba ’pag ganito si Josh ay madali akong napapasuko? Bakit kahit nasaktan ako sa mga nasasaksihan ko, madala ko ’yon nakakalimutan sa tuwing nakikita kong nahihirapan s’ya?
Wala na akong gusto pang marinig mula sa kanya. Ang makita ko pa lang na hirap na hirap s’ya ay hindi ko na kaya. Mas nangingibabaw sa akin sa mga oras na ito na kahit paulit-ulit n’ya akong saktan, at kahit paulit-ulit ko s’yang takbuhan, kung magkukrus muli ang aming landas, paulit-ulit lang din akong babalik sa kanya para samahan ulit s’ya.
Siguro nga ganoon ko s’ya kamahal. Na kahit hindi s’ya magpaliwanag, basta’t makita ko lang s’ya, sapat na. Hindi na siguro ako maghahangad ng higit pa roon.
Habang patuloy pa rin sa pagbuhos ng ulan sa aming mga balat ay kumilos na ako. Unti-unti akong humakbang patungo sa kanyang pwesto.
Ngunit kung ang inaakala ko ay ako lang ang gagalaw sa mga oras na ito ay nagkakamali ako. Mas naging mabilis sa paghakbang si Josh para salubungin ako. At nang tuluyan na kaming magkalapit ay isang mahigpit na yakap mula sa kanya ang natanggap ko.
“Tama na, Arjhay… Tama na, please… ’Wag mo na ulit akong tatakbuhan… Kasi mababaliw na ako ng tuluyan kung mawawala ka na naman…” pakiusap n’ya sa pagitan ng pag-iyak.
Napangiti ako habang patuloy ang pagpatak ng luha ko. Inangat ko ang aking mga kamay para gantihan ang yakap n’yang iyon.
“Josh… papano s’ya..?” buong tapang kong tanong sa kanya na ang tinutukoy ay si Ali.
Mabilis s’yang umiling habang yakap pa rin ako.
“Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat. Ngayon lang nasagot ang mga katanungan ko noon. Kung bakit bigla ka na lang umiwas. Sana, Arjhay, hiningian mo ako ng paliwanag. Sana hindi ka na lang biglang umalis. Sana pagkatapos mong marinig ang paliwanag ko, saka ka nagdesisyon. Kasi pareho lang tayong nahirapan eh. Pareho tayong nagdusa sa mahabang panahon dahil sa pabigla-bigla mong desisyon.” mahaba n’yang litanya.
Alam kong pinangangaralan n’ya ako. Pero hindi ko alam ang isasagot ko kaya s’ya na rin ang nagpatuloy.
“Ngayon ko lang naisip na kaya pala hindi ka noon sumipot sa usapan natin na magkikita dahil baka narinig mo ang pag-uusap namin dalawa ni Ali. Pero mali ka, mali ka sa narinig mo. Oo nga at nagtapat s’ya ng nararamdaman n’ya, pero sinagot ko ’yon na mahal ko lang s’ya bilang isang kapatid at matalik na kaibigan. Mas nauna ko rin na naipagtapat sa kanya na nagmamahal ako ng iba at ikaw ’yon.” mahaba n’yang paliwanag.
Hindi ako makapagsalita. Sa hinaba-haba ng panahon, wala palang dapat sisihin sa pagkakalayo naming dalawa kundi ako. Dahil hindi ko s’ya pinakinggan, mas pinili kong takasan s’ya dahil takot ako sa maaaring sabihin n’ya.
“At kanina ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat nang makita ko ang payong at ulam sa tapat ng pinto ko. Siguro inabutan mo rin akong kausap s’ya kanina. Pauwi na s’ya ng bansa dahil naibalita kong nagkita na tayong dalawa. Gusto n’yang sorpresahin ka namin dalawa. Gusto n’ya rin maipakilala ako bilang malapit na kaibigan n’ya sa kanyang asawa at dalawang anak. Ganon lang ’yon.” muli n’yang paliwanag.
Gusto kong iumpog ang ulo ko sa semento sa mga oras na ito dahil sa katangahan ko. Masyado akong duwag, masyado akong takot harapin ang mga bagay na maaaring makasakit sa pagkatao ko.
Dahil sa mga reaylisasyon ay napahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Sinabayan na rin iyon ng mas malakas kong pag-iyak habang yakap pa rin s’ya.
“Sorry… Patawarin mo ako, Josh… Sorry kung mas pinili kong takasan ka kesa ang ipaglaban ka… Sorry sa matagal na panahon na nasasaktan kita… Sorry sa lahat…” paulit-ulit kong paghingi ng tawad sa pagitan ng pag-iyak.
Paulit-ulit n’yang hinaplos ang likod ko. Naramdaman ko rin sa aking leeg kung nasaan nakasiksik ang kanyang mukha ang kanyang pagngiti.
“Sabi ko nga sa’yo ’di ba? Kahit paulit-ulit mo pa akong takbuhan, kahit paulit-ulit mo pa akong iwasan at pagtaguan, hinding-hindi ako mapapagod na maghabol sa’yo. Kasi hindi ako titigil sa paghahanap dahil hindi kompleto ang pagkatao ko kung wala ka sa tabi ko.” masuyo n’yang sagot.
Hindi ko alam kung paano ko s’ya pasasalamatan. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang bumawi sa kanya. Ngunit sa kabilang banda, naisip kong hindi pa naman huli ang lahat. Mukhang sa pangatlong pagkakataon ay magsisimula kaming muli na dalawa. May bukas pa at maraming bukas pa para makabawi ako sa kanya.
Mabuti na lang din at hindi napapagod si Josh na sundan ako kahit saan ako magpunta, dahil kung hindi s’ya ganito, baka masaya na ang buhay n’ya ngayon samantalang ako ay maiiwan sa multo ng nakaraan.
Hindi namin alintana ang malakas na pagbuhos ng ulan sa aming mga balat. Mas dinadama namin ang init ng katawan ng bawat isa. Pakiramdam ko tuloy ay matagal kaming hindi nagkita.
Ilang sandali pa ay nagbitaw kami sa pagkakayakap na dalawa. Ngunit nang magkaharap kami ay pareho na kaming nakangiti sa isa’t-isa. Napapapikit kaming pareho dahil sa patuloy na pagpatak ng ulan sa aming mga mukha, ngunit hindi naging hadlang iyon para mabawasan ang ngiting ibinibigay namin sa isa’t-isa.
“’Wag ka na ulit aalis ha?” tanong n’yang nakangiti.
“Hindi na. Pangako.” sagot kong nakangiti.
Inangat n’ya ang kanyang dalawang palad para abutin ang aking magkabilang pisngi.
“Mahal kita. Mahal na mahal kita, Arjhay. At mas mamahalin pa kita hanggang sa mga darating na bukas pa.” wika n’yang nakangiti.
“Mahal din kita. Mahal na mahal din kita, Josh. At kahit abutin pa siguro tayo ng pagtanda, mananatiling ikaw ang nag-iisang taong minamahal ko ng ganito.” masuyo ko ring sagot sa kanya.
Matapos ng pagpapalitan ng salita naming iyon inabot n’ya ang aking noo para halikan iyon. Nasundan iyon pababa sa aking ilong. At ang pinakahuli, ay nang masuyo n’yang halikan ang aking labi.
Sa gitna ng ulan, sa ilalim ng gabi, pareho naming pinagsasaluhan ni Josh ang halik na kasing tamis ng una naming halik.
Sa bawat pagsubok na dumarating sa buhay ng tao, napag-isip-isip ko na sa halip na talikuran at takbuhan ito, mas makabubuting harapin na lamang natin ito ng buong tapang at buong-puso. Alamin natin kung ano ang puno’t dulo at bigyan ng magandang solusyon ito.
Mabigo man tayo sa huli, wala tayong magiging pagsisisi dahil alam natin na nagawa natin ang ating parte. Dahil kung iiwasan mo lamang ito, hangga’t nabubuhay tayo ay dala-dala natin ito.
Pero higit sa lahat, kung mapagtagumpayan naman natin ito dahil pinaglaban natin ito ng buong puso, iyon na rin siguro ang pinakamasaya at pinakamalaking premyo.
Akala ko ay malas na akong tao, pero heto ako at pinakamaswerte na yatang tao sa mundo. Dahil nasa tabi ko ang taong handa akong abutin muli sa kabila ng paulit-ulit kong pagbitaw.
Ako na. Ako na sa tingin ko ang pinakamaswerteng tao sa mundo dahil may Josh sa buhay ko.
-END-
A/N
Yey! Salamat po sa mga nagbasa ng pang-apat na kwentong ito! Sana po ay nagustuhan n’yo!
Hugs and kisses!
Hanggang sa muli!
––cold_deee
E. D.
A/N
Welcome sa panibagong One Shot ko. Sana po ay mag-enjoy kayo! May mga mali sigurong spelling or sentence dito. Edit ko na lang pagkagising ko. Sakit kasi ng ulo ko.
Wala akong nakuhang song para rito, pero naglagay na lang ako ng quotes na nababagay sa short story na ito.
Enjoy reading mga mahal ko!
’There is a particular kind of suffering to be experienced when you love something greater than yourself. A tender sacrifice.
Like the pained silence felt in the lost song of a mermaid; or the bent and broken feet of a dancing ballerina. It is in every considered step I am taking in the opposite direction of you.’
-Lang Leav

Madilim, mausok at maingay. ’Yan ang bubungad sa tuwing papasukin ko ang lugar na ito.
Ilang mga paghakbang pa ang ginawa ko para puntahan ang pakay ko. At ilang sandali lang ay narating ko ang isang sulok kung saan ito madalas na nakaupo.
Naroroon na naman s’ya sa isang madilim na parte habang patuloy sa pag-inom ng alak. Mapupungay na ang mga mata at halos hindi na magawang inumin ng maayos ang hawak nitong baso.
S’ya ang taong kasabay kong isinilang. S’ya ang kasama kong lumaki at nakasama sa lahat ng oras. S’ya ang pinakamalapit na tao sa buhay ko, ang pinakamatalik na kaibigan ko at masasabi kong kapatid na rin kahit hindi kami magkadugo.
“Ed…” pagtawag ko sa kanya nang makalapit ako sa kanyang pwesto.
Unti-unti n’yang inangat ang kanyang mukha at halos hindi n’ya na ako magawang tingnan ng tuwid.
“Ed… ikaw pala ’yan…” pagtawag n’ya sa akin na halos hindi n’ya mabigkas ng maayos dahil sa kalasingan.
“Umuwi na tayo. Lasing ka na naman.” nag-aalala kong pagyaya sa kanya.
Ngumiti s’ya at tumungo.
“Sige… last na ’to…” sagot n’ya at muling uminom sa kanyang baso.
Matapos iyon ay tinawag ko ang waiter para kunin ang kanyang bill.
“Ed, tara na.” pagyaya kong muli sa kanya at kinuha na ang kanyang braso para simulang alalayan s’ya.
Halos hindi namin maituwid ang lakad naming dalawa dahil nahihirapan akong akayin s’ya. Higit na mas matangkad kasi s’ya sa akin. Isa pa, payat ako at hindi kagaya n’ya na may kalakihan ang pangangatawan dahil sa regular na pagpunta sa gym.
“Mabuti na lang… lagi kang nand’yan, kambal…” nahihirapan n’yang pagsasalita.
Hindi ako tumugon sa sinabi n’yang iyon.
Kambal. ’Yan lang naman ang papel ko sa buhay n’ya, ang ituring akong isang kapatid at kakambal n’ya.
Nang makasakay kami sa taxi ay ipinatong na rin n’ya ang kanyang ulo sa aking balikat. Mabuti na lang pala at hindi ko s’ya sinundo gamit ang kotse ko. Hindi ko kayang pagsabayin ang pagmamaneho habang tinitingnan ang kanyang kalagayan.
Nagsimula na naman s’yang umiyak. Dalawang buwan na s’yang ganito. Simula nang iwan s’ya ni Ken na isang taon n’yang naging boyfriend.
Itinuon ko ang aking paningin sa labas ng sasakyan dahil hindi ko s’ya kayang makitang ganito. Nasasaktan din ako na makita s’yang nasasaktan.
“Edvel…” pagtawag n’ya sa aking pangalan habang humihikbi.
“Edverg.” pagtawag ko rin sa kanya at hindi pa rin s’ya nililingon.
Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa habang umiiyak pa rin s’ya. Lasing na lasing talaga s’ya.
“Salamat dahil hindi mo ako iniiwan…” sambit n’yang mahina.
Hindi ako nakapagsalita.
“Kahit hindi naman tayo tunay na magkapatid, wala akong maalala na kaganapan na pinabayaan mo ako… Lagi mo akong inaalagaan…” pagpapatuloy n’ya.
Napangiti ako ng mapait.
Kapatid. Hanggang doon lang naman ako sa kanya. Pero eto ako, nanghahangad at nangangarap na sana isang araw higit pa doon ang maging tingin n’ya.
“Ibinilin ka sa akin nina Tito at Tita kaya hindi kita pwedeng pabayaan.” tangi ko lang nasabi sa mahinang tono.
Muli s’yang natawa.
“Ang galing ’no? Sabay tayong pinanganak at isinunod ang pangalan nating dalawa. Ang lakas ng trip ng mga magulang natin.” natatawa n’yang sambit.
“Magbest friends sila kaya ganon.” tipid kong sagot.
Ilang segundong katahimikan ang namayani sa amin bago s’ya muling nagsalita.
“Ed… Hindi ka ba nalulungkot dahil wala na ang mga magulang mo..? Ako na lang ang kasama mo… Nasa States naman ang magulang ko kaya walang nag-aalagang kamag-anak para sa’yo…” tanong n’ya sa malungkot na tono.
Naikagat ko ang ibabang labi ko.
Lungkot? Kilalang-kilala ko s’ya. Dahil matagal na akong namumuhay kasama s’ya.
“Hindi. Kasama naman kita, Ed. Sapat na ’yon.” tapat kong sagot sa kanya.
“Dahil mahal mo ako..? Pero hindi kita kayang mahalin, Ed, kagaya ng pagmamahal mo… Alam mo naman na si Ken lang ang laman ng puso ko… Kapatid lang ang turing ko sa’yo…” dire-diretso n’yang pagsasalita.
Parang libo-libong sibat ang tumama sa dibdib ko nang sabihin n’ya iyon. Hindi ko magawang sagutin iyon.
Ilang beses n’ya bang dapat na ipamukha sa akin ang bagay na iyon? Alam ko naman na hindi ko kayang pantayan ang taong ’yon. At kahit kailan, hindi n’ya ako magagawang mahalin kagaya ng pagmamahal n’ya kay Ken. Kahit na anong gawin ko, kahit na paulit-ulit pa akong magmakaawa sa kanya na ako na lang sana ang mahalin n’ya.
Dahil ano ba naman ako sa kanya? Isang kapatid na handang magsakripisyo para sa kanya.
“S-sorry…” nauutal at nahihiya n’yang sambit dahil sa aking pananahimik.
“Okay lang. Sanay na ako.” pagsisinungaling ko.
Katahimikan na ang sumunod. Mukhang bahagya s’yang nahimasmasan sa kalasingan dahil sa binitawan n’yang mga salita.
Nakarating kami sa aming bahay na ang magulang n’ya rin ang nagbigay. Ang may kalakihang bahay na sadya nilang ipinatayo para sa aming dalawa. Ang bahay na ipinatayo nila para sa amin dahil iniisip nilang habang-buhay ay hindi na kami magkakahiwalay pa ni Ed, na habang buhay ay kami lang ang magiging magkasama.
“Dahan-dahan.” bilin ko habang inaalalayan s’yang makaupo sa kama.
Sa halip na umupo ay napahiga s’ya dahil sa kalasingan.
Sinimulan ko na s’yang asikasuhin. Tinanggal ko ang kanyang sapatos at medyas.
“Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig para malinisan ka.” pagpapaalam ko sa kanya matapos kong tanggalin ang kanyang sapatos.
Aalis na sana ako sa kanyang harapan nang tawagin n’ya ako.
“Ed…” mahina n’yang pagtawag.
Nilingon ko s’ya.
Kahit nahihirapan ay sinubukan n’yang umahon para makaupo sa kama. At nang tuluyan s’yang makaupo ay hinawakan n’ya ang mga kamay ko. Dahan-dahan ay pinaliit n’ya ang aming distansya dahil iginaya n’ya ako papalapit sa kanya.
Nanatili lang akong nakatingin sa mapupungay n’yang mga mata hanggang sa igaya n’ya naman ako para humiga sa kamang inuupuan n’ya.
Wala kaming binibigkas na salita. Magkatinginan lang kami sa mata at naghihintay na lamang sa magaganap sa aming dalawa.
Maya-maya pa ay pumwesto na rin s’ya sa aking ibabaw at sinimulan na n’yang halikan ang leeg ko.
Napapikit ako hindi dahil nadadala ako sa sensasyong dala ng bawat paghalik n’ya sa leeg ko. Napapikit ako para pigilan ang mga luha ko.
Ilang beses na bang nangyari ito? Hindi ko na mabilang. Pero sa tuwing magaganap ito ay nagpapaubaya na lamang ako.
Dahil gagawin ko ang lahat para sa kanya. Dahil mahal na mahal ko s’ya.
Natagpuan ko na lamang ang aming mga sarili na walang kahit na anong suot sa aming mga katawan. Nasa ibabaw ko pa rin s’ya at patuloy na hinahalikan ang aking leeg, patuloy na dinadama ang kanyang kabuuan. Nakakalungkot isipin na ito lang ang parte ng katawan ko na nadadampian ng kanyang mainit na labi, ang aking leeg.
Habang patuloy s’ya sa pag-indayog ay nakita ko ang pendant ng suot n’yang kwintas na may letrang ‘E’. Napangiti ako ng mapait at kinapa naman ang aking kwintas na may pendant din na letrang ‘D’.
Ito lang ang mga bagay na masasabi kong nagdudugtong sa aming dalawa. Ang mga kwintas na ibinigay sa amin ng aming mga magulang noong nagdiwang kami ng aming ika-pitong kaarawan.
Narating n’ya ang rurok ng kaluwalhatian kaya napatigil na s’ya sa kanyang ginagawa. Ngunit dito na rin magsisimula ang pinakamasakit na parte ng pakikipagtalik ko sa kanya.
Inilapit n’ya ang kanyang mukha sa aking tenga para bumulong.
“Mahal na mahal kita….
…..Ken.“
masuyo n’yang sambit at umalis na sa aking ibabaw. Diretso na rin s’yang humiga at ipinikit ang kanyang mga mata para matulog.
Ilang segundo ko s’yang tinitigan sa tabi ko. Ngunit habang nakatitig ako sa kanyang maamong mukha ay ang pagpatak ng aking mga luha.
“Hanggang ganito na lang ba ang papel ko sa’yo, Ed..?” tanong kong mahina sa kanya.
Malakas ang loob kong itanong iyon sa kanya dahil alam kong hindi na n’ya ako naririnig sa mga oras na ito. Naitatanong ko lamang ito sa tuwing nahihimbing s’ya sa kanyang pagkakatulog.
Makalipas ang ilang minuto ay nagdesisyon na rin akong tumayo. Dinampot ko ang mga nagkalat kong damit sa sahig.
Hindi ko na iniinda ang sakit ng katawan ko dahil sa pakikipagtalik sa kanya. Mas dama ko ang sakit sa aking dibdib na simula pa noon ay hindi na nawala.
Muli ko s’yang nilingon sa kama para siguruhing may kumot ang katawan n’ya. Patuloy pa rin sa paglandas ng aking mga luha habang pinagmamasdan s’ya.
“Ken…. ’wag mo akong iwan… bumalik ka na…” mahina n’yang sambit habang natutulog.
Muling naglandas ang mga panibagong luha mula sa aking mga mata.
“Sana, Ed, kahit minsan ako naman ang tawagin mo… Kahit isang beses lang, sana pangalan ko naman ang banggitin mo… kahit man lang sa panaginip mo…” humihikbi kong pakiusap sa kanya.
“Ken….” nakapikit n’ya pa ring bigkas.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa mga damit ko. Mas lalo lang akong nakaramdam ng lungkot at mas lalo lang akong napaiyak dahil sa naging pagsagot n’ya.
Sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko palabas ng kwarto dala-dala ang pakiramdam ng labis na pagkabigo.
.
.
.
.
.
.
.
“Sir Ed, hindi pa rin po ba papasok si Sir Ed?” tanong ng aming sekretarya dito sa kompanya.
Saglit akong natigilan.
“Ahm.. H-hindi pa eh. M-may sakit pa rin kasi s’ya. Bakit? May kailangan ka ba sa kanya?” pagsisinungaling ko at pagtatanong pabalik sa kanya.
“May mga kailangan kasi akong papirmahan sa kanya. ’Yong pinapirmahan ko rin sa’yo noong isang araw? Approval po ’yon para mailabas na ang stocks natin sa Customs.” paliwanag n’ya.
“Ganon ba? Sige, iuuwi ko na lang. Ako na lang ang magpapapirma sa kanya.” sagot ko lang sa kanya.
“Talaga po? Sige, Sir. Sandali at kukunin ko.” masaya na nitong reaksyon at umalis na rin sa harap ko.
Napapikit ako habang hinihilot ang aking sentido. Sumasakit na ang ulo ko sa labis na pagtatrabaho. Dalawang buwan na akong ganito, mag-isang nangangasiwa sa iniwang negosyo ng mga magulang ni Ed. Ang negosyong ipinamana sa amin para mabuhay kaming dalawa.
Nasa ganoon akong tagpo nang maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa aking bulsa. Nang tuluyan kong makuha ito ay nangunot ang noo ko dahil sa pangalan na nakikita ko sa screen nito.
“Ken…” mahinang sambit ko habang nakatingin sa telepono.
Kinakabahan akong pinindot ang answer button ng aking cellphone.
“H-hello, Ken?” nauutal kong pagbati.
“My goodness, Edvel! Pumunta ka na ngayon dito sa building ng company namin!” bungad nito at alam kong naiinis s’ya sa mga oras na ito.
“B-bakit? May nangyari ba? Anong meron?” sunod-sunod kong tanong na nag-aalala.
“Tinatanong mo pa talaga?! Ginugulo lang naman ako ng kambal mong hilaw! Nag-eeskandalo sa labas! Nakakahiya! Hindi tuloy ako dito makalabas ng office!!” bulyaw nito sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at naibuka ko ang bibig ko dahil sa labis na pagkabigla.
“Ano?!! Wala ka bang balak kumilos d’yan?!! Sunduin mo na s’ya dito bago ko pa maisipan na i-report s’ya sa presinto!!” pagbabanta ni Ken.
Tila ba doon lang ako natauhan.
“S-sige. P-papunta na ako d’yan.” natataranta kong sagot at binabaan na s’ya ng telepono.
Hindi na ako nag-abala pang kunin ang mga gamit ko. Tanging wallet at cellphone lang ang dala ko.
Sa pagkakataong ito ay dala ko na ang kotse ko. Nilalabag ko na ang traffic rules sa kalsada dahil sa pagmamadaling masundo si Ed.
Nang makarating ako sa building kung saan nagtatrabaho si Ken ay patakbo kong tinungo ang main entrance nito.
Madali kong nahanap ang pakay ko dahil napapalibutan na s’ya ng mga tao, pinapanood s’ya habang nag-eeskandalo. May ilang mga gwardya na rin ang umaawat sa kanya sa mga oras na ito.
“Ken!!! Lumabas ka d’yan! Mag-usap tayo!! Please naman oh… Kausapin mo na ako… Gusto ko lang naman malaman kung anong kulang..? Bakit ka nakipaghiwalay..?!” sigaw n’ya habang umiiyak.
Mukhang nakainom na naman s’ya. Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan s’ya. Ngayon ko lang s’ya nakitang ganito nasasaktan. Simula pa pagkabata ay hindi ko pa s’ya nakitang ganito kamiserable.
“Bitawan n’yo ako!! Gusto ko lang makausap si Ken!!” sigaw n’ya habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga gwardyang umaawat sa kanya.
Napapaupo na s’ya sa lupa dahil sa labis na pagpupumiglas.
Doon na ako kumilos. Mabilis akong humakbang patungo sa kanya. Inagaw ko ang kanyang mga braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ng mga gwardya.
“Ed, tara na. Umuwi na tayo.” pilit kong ginagawang matapang ang boses ko.
“Ed…. si Ken… gusto ko s’yang makausap…” pagmamakaawa naman n’ya sa akin habang mahigpit na nakahawak sa mga braso ko.
“Sa ibang araw na lang, Ed. Lasing ka. Hindi s’ya sa’yo makikipag-usap kung ganyan ka.” sagot ko sa kanya.
“Ayoko!!! Mag-uusap kami ngayon na dalawa!!!” bulyaw na n’ya sa akin.
Naririnig ko na ang malalakas na bulungan ng tao sa paligid. Napapahiya na kaming pareho sa lugar na ito.
Sinubukan kong magpakahinahon kahit alam kong ano mang oras ay papatak na ang mga luha ko.
“Ed, makinig ka. Pwede mo naman s’yang makausap eh. Basta ’wag lang ngayon dahil nakainom ka. Bukas kung gusto mo, sasamahan pa kita.” pagkumbinsi ko sa kanya.
Hindi s’ya sumagot. Ngunit matapos ko iyon sabihin ay mas naging malakas pa ang pag-iyak n’ya. Dahil sa nakita kong paghihirap n’ya ay hindi na rin napigilan ng aking mga luha na pumatak mula sa aking mga mata.
“Ed naman… Sa ibang araw na lang…” pagkumbinsi ko pa rin.
“Ayoko, Ed… Ngayon ko s’ya gustong makausap… Gusto ko lang malaman ang sagot kung bakit s’ya nakipaghiwalay… Parang awa mo na… hintayin natin s’ya…” pagtutol n’ya naman sa akin habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Nasa ganoon kaming tagpo nang makarinig kami ng isang boses mula sa nagkukumpulang tao.
“Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Edverg.” madiin nitong turan.
Dahil sa kilalang boses na iyon ay napatigil kaming pareho ni Ed. Mabilis na tumayo si Ed mula sa pagkakasalampak sa semento at sabay naming nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon.
“Ken!” sambit ni Ed nang makita naming pareho na papalapit ito.
“D’yan ka lang! Subukan mong lumapit, Edverg! Hindi talaga ako magdadalawang-isip na ipahuli ka sa pulis dahil sa pag-eeskandalo mo!” pagpigil ni Ken kay Ed dahil akmang lalapitan s’ya nito.
Napahinto naman si Ed at nagbalik na naman sa pag-iyak.
Hindi pa doon nakuntento si Ed. Nagulat ako nang bigla itong lumuhod sa harap ni Ken kahit mas dumami pa ang mga taong nanonood sa mga oras na ito.
Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko para awatin si Ed. Pero nang makalapit ako sa kanya ay nagmatigas ito sa kanyang posisyon, nanatili s’yang nakaluhod sa harap ni Ken.
“Ken… Parang awa mo na… hindi ko alam kung anong nagawa kong mali… Bakit ka nakipaghiwalay..? Mahal na mahal kita, Ken… Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka… Parang awa mo na… bumalik ka na sa akin…” pagmamakaawa ni Ed kay Ken.
Sa halip na maapektuhan si Ken ay nanlilisik lang ang mga mata nitong tinitigan si Ed.
“Hindi mo alam? Sigurado kang hindi mo alam?! Ha, Edverg?!” madiin nitong tanong kay Ed.
Umiling ng maraming beses si Ed habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Pinaparating n’ya sa pag-iling n’yang iyon na wala talaga s’yang ideya kung bakit ito nakipaghiwalay sa kanya.
Muli akong yumuko para awatin si Ed. Hindi ko na kaya pa ang nakikita kong pagpapakababa ni Ed para lang balikan s’ya ni Ken.
“Ed, tara na! Tumayo ka na!” may kalakasan ko nang utos kay Ed.
Ngunit tulad kanina ay nagmatigas pa rin s’ya.
“Ayun naman pala. Nandito naman pala ang hilaw na kambal mo, Edverg. Bakit hindi na lang s’ya ang tanungin mo kung bakit ako nakipaghiwalay sa’yo?” bigla naman sabat ni Ken.
Unti-unti ko s’yang nilingon at nakita kong nakangisi itong nakatingin sa akin. Gusto ko na s’yang patulan simula pa noon. Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko sa kanya at napakainit ng dugo n’ya sa akin. Hindi ko lang s’ya magawang komprontahin dahil kay Ed. Alam kong mahal s’ya ni Ed kaya hinahayaan ko na lang. Ayokong s’ya pa ang maging dahilan para magkaroon kami ng away ni Ed sa kauna-unahang pagkakataon simula nang kami ay isilang.
“Ano bang pinagsasasabi mo?” madiin kong tanong kay Ken.
“Hindi mo alam? O sadyang manhid ka lang?” nakataas na kilay n’yang tanong sa akin.
Nangunot ang noo ko. Ano ba talagang problema n’ya sa akin?
Naghintay pa ako sa sasabihin ni Ken ngunit hindi na iyon nangyari dahil bigla na lamang tumayo si Ed mula sa pagkakaluhod.
“Ed, tara na. Umalis na tayo. Sa ibang araw na lang ako babalik.” biglang pagbabago ng isip ni Ed at niyayaya na akong umuwi.
Hindi ko nilingon si Ed. Nanatili akong nakatingin kay Ken habang nagtataka ang aking ekspresyon. Nasaksihan ko kung paano n’ya kami salitang pinagmamasdan ni Ed.
Maya-maya pa ay gumuhit ang pagngisi ni Ken habang nakatingin kay Ed.
“Oh? Bakit bigla kang aalis? Naaalala mo na ba kung anong dahilan kung bakit hindi ako nagdalawang-isip na iwan ka kahit mahal kita? Ha, Edverg?” tanong nito kay Ed.
Nilingon ko si Ed habang nagtataka pa rin ang ekspresyon ko. Nakita kong bigla itong naguluhan at hindi ko malaman kung ano ang dahilan.
“Tara na, Ed.” madiin na utos sa akin ni Ed at hinawakan na ako sa braso.
Sasagot pa sana ako ngunit mabilis din na hinatak ako ni Ed para makalayo.
Habang naglalakad kami ay naguguluhan pa rin ako. Si Ed naman sa aking unahan ay nagsimula na namang umiyak. Pinupunasan n’ya ang kanyang luha gamit ang kanyang braso.
Habang naglalakad ay nasabi ko sa kanyang dala ko ang aking kotse kaya doon na rin kami dumiretso.
Tanging katahimikan ang namayani sa amin habang nasa biyahe. Gusto ko s’yang tanungin ngunit alam kong hindi n’ya rin ako sasagutin. Kilala ko na s’ya. Kailangan ay paabutin ko muna ng ilang araw bago s’ya kumalma, bago n’ya sa akin sasabihin ang gumugulo sa isip n’ya.
Nang makarating kami ng aming bahay ay dire-diretso s’yang pumasok sa kanyang kwarto. Tahimik pa rin s’yang umiiyak at damang-dama ko ang bigat sa kanyang dibdib sa mga oras na ito.
Sumapit na ang hapunan ngunit hindi na lumabas pa ng kwartong iyon si Ed. Sinubukan kong pumasok sa kanyang kwarto para tingnan ang kanyang kalagayan ngunit naka-lock naman ito.
Habang nasa tapat ako ng kanyang pinto ay nagulat na lamang ako nang marinig ko ang malakas n’yang pag-iyak. Hindi pa iyon doon natapos. Dahil maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagkabasag ng isang bote sa loob.
Nakaramdam na ako ng takot dahil sa nangyayari.
“Ed?! Ed?! Ed, buksan mo ’tong pinto!!” malakas kong pagkatok sa kanya.
Wala s’yang naisagot kundi ang malakas na pag-iyak. Hirap na hirap na talaga akong makita s’yang ganito. Hindi ko kayang tingnan s’ya na ganito kamiserable.
“Ed… Lumabas ka na d’yan, Ed…” pagmamakaawa ko na ngayon sa kanya. Nagsisimula na rin mamuo ang aking mga luha.
Hindi n’ya pa rin ako pinakinggan, nanatili s’yang umiiyak ng malakas.
Dahil sa labis na pag-aalala ay mabilis akong kumilos para kunin ang susi ng kanyang kwarto na meron ako. At nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ay halos manghina ako sa nadatnan ko sa loob.
Lahat ng gamit n’ya ay nagkalat. May mga basag na gamit din s’ya sa loob. At nang hanapin s’ya ng aking mga mata ay natagpuan ko s’yang nasa isang sulok at umiinom ng alak habang puno ng luha ang mga mata.
Mabilis ko s’yang nilapitan at lumuhod sa tapat n’ya.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko, Ed… Hindi ko na alam kung paano pa ako babalikan ni Ken…” hirap na hirap n’yang pagsasalita habang umiiyak.
Nanghina ako sa nakikita ko sa kanya. Sa tinagal-tagal na panahon naming magkasama ay ngayon ko lang s’ya nakitang ganito kahina.
Dahil sa nakikita kong paghihirap n’ya ay hindi ko na naman napigilan ang mapaluha.
“Ano bang meron sa kanya, Ed..? Bakit ganyan ka na lang magpakababa sa kanya..?” umiiyak kong tanong sa kanya.
Mas lalong lumakas ang iyak n’ya.
“Mahal ko s’ya, Ed… mahal na mahal… Parang mamamatay ako kung wala s’ya… Hindi ko kayang mabuhay nang wala s’ya…” sagot n’ya sa pagitan ng pag-iyak.
Sa bawat salitang binibitawan n’ya ay parang unti-unting hinihiwa ang aking puso sa maliliit na piraso.
“Hindi ko ba s’ya kayang pantayan, Ed..? Hindi ko ba kayang pantayan ang pagmamahal mo sa kanya…?” lakas loob ko nang pagtatanong sa kanya.
Umiling s’ya ng maraming beses. Muli, nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib dahil sa naging pagsagot n’ya.
“Iba ka naman sa kanya, Ed… Iba si Ken sa’yo… Mahalaga ka sa akin dahil kapatid na ang turing ko sa’yo kahit hindi tayo magkadugo…” sagot n’ya sa akin.
Gusto ko s’yang sumbatan, gusto ko s’yang sigawan. Gusto ko s’yang murahin at paulit-ulit na saktan.
Kapatid? Kapatid ang turing n’ya sa akin pero sa tuwing makakaramdam s’ya ng pag-iinit ng katawan, ako ang tinatawag n’ya. Ako ang nagpupuno sa pagkukulang ni Ken na hinahanap n’ya.
Ganon na ba ako kababa sa kanya?
Natawa ako sa likod ng aking isip. Pinagtatawanan ko ang sarili ko. May gana pa talaga akong magtanong ng ganong bagay. Samantalang simula pa noon ay alam ko nang hindi n’ya masusuklian ang nararamdaman ko pero nagpatuloy pa rin ako. Ako pa mismo ang nag-offer sa kanya na gamitin ako para lang maitawid ang hinahanap n’ya kay Ken na hindi nito maibigay.
“Hanggang kailan ka ganyan, Ed…?” tanong ko sa kanya.
“Hanggat hindi s’ya sa akin bumabalik… Mahal na mahal ko si Ken… Mamamatay ako ’pag nawala s’ya nang tuluyan sa akin…” tapat n’yang sagot.
“Ano bang dapat kong gawin para bumalik ka na sa dati, Ed…? Nahihirapan na rin akong makitang ganyan ka…” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko alam… Naguguluhan na rin ako… Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin para maging maayos ang lahat…” sagot n’ya sa akin.
Hindi ko na magawang magtanong ulit. Nahihirapan na ang kalooban ko. Dahil sa bawat pagtatanong ko sa kanya ay ang masakit na katotohanang hindi ko s’ya kayang mapasaya sa mga oras na ito kahit bilang kapatid na lang sana.
Nanatili na lang akong umiiyak habang nakaluhod sa harap n’ya.
Habang patuloy kami sa pag-iyak ay may mga bagay na pumasok sa aking isip, mga ideyang maaaring makatulong sa kanya para bumalik ang dating ngiti n’ya.
Matagal akong nag-isip habang patuloy pa rin sa pagluha. At nang tuluyan akong makapagdesisyon ay naglakas-loob muli akong magtanong sa kanya.
“H-hindi mo ba talaga kayang mabuhay ng wala s’ya…?” tanong ko sa kanya.
Sa bawat salitang binitawan ko ay ang tuluyang pagkatunaw ng pira-piraso ng puso ko.
Umiling s’ya.
“Hindi, Ed… Hindi ko kaya… Kaya kong mawala ang lahat para lang magbalik s’ya… Dahil habang tumatagal na hindi ko s’ya nakakasama, unti-unti na rin akong nalulusaw… unti-unti na rin akong nawawalan ng buhay…” mahaba n’yang sagot sa pagitan ng pag-iyak.
Ngumiti ako ng mapait. At habang pinipilit kong magbitaw ng isang ngiti ay ang sunod-sunod na pagbuhos pa ng aking mga luha.
Hindi na ako nagsalita. Dahil kung gagawin ko pa iyon, baka bumagsak na ako sa aking pwesto dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko.
Dahan-dahan akong kumilos para lumapit sa kanya. Dahan-dahan ay ipinalibot ko ang aking mga braso sa katawan n’ya.
Ito na lang muna sa ngayon. Ito na lang muna ang magagawa ko. Sana sa paraang ito ay mapagaan ko ang pakiramdam n’ya.
Niyakap din ako ni Ed at ramdam ko sa mahigpit n’yang yakap ang labis na sakit na nararamdaman n’ya.
Matapos ang senaryong iyon ay nagmamadali akong umalis sa kwartong kanyang pinagkukulungan. Kinuha ko ang aking cellphone para kontakin ang taong sa tingin ko ay makakapagbalik sa dating sigla n’ya.
Habang nagmamaneho ng sasakyan ay hindi tumigil sa pagpatak ang mga luha ko. Sinariwa ko ang mga kaganapan sa aming dalawa ni Ed. Simula noong magkaisip kami, simula nang sabay kaming pumasok sa eskwela hanggang sa tuluyan kaming makapagtapos nang magkasama.
Lahat ng masasayang ala-ala na kasama s’ya. Sa pamamasyal, sa kalokohan, sa bawat taon na sabay naming pinagdiriwang ang aming mga kaarawan, hanggang sa masayang pagtatrabaho na magkasama. Lahat iyon ay nagbalik sa aking mga ala-ala.
Narating ko ang lugar kung saan ko katatagpuin ang aking pakay. Naabutan ko s’yang nakatayo sa tapat ng malaking fountain dito sa labas ng isang restaurant kung saan namin s’ya unang nakilala ni Ed.
“Ken…” pagtawag ko mula sa kanyang likuran.
Dahan-dahan s’yang tumalikod para harapin ako.
“Edvel.” bati n’ya na blangko ang ekspresyon.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan ay maaga akong lumabas sa trabaho. Nakaramdam ako ng excitement sa magaganap ngayong araw na ito.
Hapon pa lang ay nagsimula na akong mag-asikaso sa mga dapat ayusin sa lugar kung saan magaganap ang pinakaespesyal na araw ng buhay ko.
Hindi na ako humingi na tulong kahit kanino dahil gusto kong ako mismo ang tumapos nito. Gusto kong sa bawat parte ng lugar na ito ay makikita ko ang mga pinaghirapan ko.
Ikinakabit ko na ang mga puting Christmas lights sa mga halaman na nasa paligid. Sinigurado ko rin na nai-print ang lahat ng larawang nakolekta ko. Isasabit ko rin ito sa mga halaman para ito ang magiging gabay sa paglalakad ng isang espesyal na tao sa buhay ko.
Naliligo na ako ng pawis sa mga oras na ito dahil sa pag-aayos sa buong lugar. Pero sa halip na makaramdam ako ng pagod ay labis na tuwa ang nararamdaman ko.
Pinagmasdan kong mabuti ang mga larawan na nasa kamay ko. Napangiti ako dahil nakikita ko sa mga larawan ang mga ngiti n’yang ilang buwan ko nang hindi nasisilayan sa kanya.
Ngunit habang nakangiti akong pinagmamasdan ang mga larawan ay ang pagpatak ng aking mga luha.
“Dapat maging masaya ka, Edvel… Sa wakas mapapasaya mo na s’ya…” pagkausap ko sa aking sarili habang patuloy na tumitingin sa mga larawan.
Huminga ako ng malalim.
“Kilos, Ed! Kailangan mo ’tong matapos ngayong gabi!” masaya ko pa ring pagkausap sa aking sarili.
Ilang oras pa akong nagtagal sa lugar na iyon hanggang sa makuntento ako sa ginawa kong set up. Gumuhit ang malapad sa ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang buong lugar na ako mismo ang nag-ayos.
Ito ang perpektong lugar para sa perpektong magaganap.
Umuwi ako sa bahay na dala ang excitement sa mangyayari kinabukasan. Planado na ang lahat. Ang kinakailangan ko lamang gawin ay ang maghintay ng bukas.
Hindi na ako nag-abala pang kumain kahit nakakaramdam na ako ng labis na gutom sa mga oras na ito. Mabilis ako sa ginawa kong pagligo para puntahan si Ed sa kanyang kwarto. Gusto ko s’yang makausap bago ko simulan ang maganda kong plano.
Nang makapasok ako sa kanyang kwarto ay ganoon pa rin ang lahat. Nagkalat na naman ang mga gamit sa sahig kahit pa nakapagligpit na ako rito kaninang umaga.
Nakita ko si Ed na naroroon na naman sa isang sulok habang patuloy na umiinom ng alak. Patuloy pa rin s’yang umiiyak.
Ngumiti ako.
Bukas, hindi na mangyayari ulit ito. Dahil bukas, masisilayan ko nang muli ang ngiti mo.
“Ed…” pagtawag ko sa kanya nang muli akong lumuhod sa harap n’ya.
Unti-unti n’yang inangat ang nakatungo n’yang ulo.
“Ed…” pagtawag n’ya rin sa akin.
“Halika na. Tama na ’yan. Maglinis ka na ng katawan mo para makapagpahinga ka na.” pagyaya kong nakangiti sa kanya.
Sumunod naman s’ya sa paggaya ko sa kanya para makatayo. Inalalayan ko s’ya para makaupo sa kanyang kama.
Mabilis ako sa naging pagkilos ko para kunin ang panglinis sa katawan n’ya.
Nakaupo lamang s’ya sa kanyang kama habang sinisimulan kong punasan ang kanyang katawan. At habang ginagawa ko ito sa kanya ay hindi napuputol ang ngiti ko dahil sa labis na saya.
“Ayan! Malinis ka na. Bukas mag-ahit ka ha? Dapat gwapong-gwapo ka bukas ha?” nakangiti kong pagkausap sa kanya habang hawak ko ang kanyang mukha.
Tipid na ngiti lang ang naisagot n’ya.
Gusto nang pumatak ng mga luha ko sa mga oras na ito habang nakatingin ako ng diretso sa kanyang mga mata.
Pero hindi, hindi ako iiyak. Dapat ay ipakita kong masaya ako sa harap n’ya.
Habang magkatitigan ang aming mga mata ay naramdaman kong hinawakan n’ya ang aking dalawang kamay.
Alam ko na ang mangyayari kaya hindi na rin ako nagpakita ng pagtutol sa kanya. Iginaya n’ya ako para makaupo rin sa kama. Sinigurado kong sa bawat paggaya n’ya sa akin ay hindi napuputol ang ngiti kong iginagawad sa kanya.
Nang tuluyan na akong makaupo ay s’ya namang pagtayo n’ya sa aking harapan. Unti-unti na rin s’yang lumapit para halikan ang aking leeg. Ngunit bago n’ya pa tuluyang maidikit ang kanyang labi sa aking leeg ay pinigil ko na s’ya sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang magkabilang pisngi.
Muli kong s’yang pinaharap sa akin upang magtagpo ang aming mga mata.
“Ed, may hiling sana ako…” mahina kong pagkausap sa kanya habang nakangiti pa rin ako.
Nakita ko ang pagtataka sa kanya.
“A-ano ’yon?” nauutal n’yang tanong dahil sa pagtataka.
Nagbitaw ako ng malalim na paghinga.
“P-pwede bang… pwede bang… halikan mo ako…? K-kahit ngayon lang… pwede ba ’yon, Ed…?” tanong kong nauutal.
Hindi s’ya nakagalaw. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. Labis s’yang nabigla sa aking sinabi.
“Please, Ed… k-kahit ngayon lang…?” pakiusap kong muli sa kanya na nasundan ng pagpatak ng aking mga luhang hindi ko napigilan.
“Kahit ngayon lang… k-kahit ngayon lang, Ed…” umiiyak at patuloy kong pakiusap sa kanya.
Matagal ang ginawa n’yang panunuri sa aking mukha. Suot n’ya pa rin ang nagtatakang ekspresyon habang pinag-aaralan ang aking reaksyon.
Ngunit makalipas ang ilang sandali ay unti-unti s’yang tumango ng marahan.
“S-salamat…” tangi ko lang nasambit habang nakangiti at lumuluha.
Unti-unti s’yang lumapit sa akin. Kahit nakakaramdam ako ng kaba dahil ito ang kauna-unahang halik na mararanasan ko sa buong buhay ko ay buo ang loob kong ibibigay iyon sa kanya. Alam kong wala akong pagsisisihan sa hinaharap dahil naibigay ko ito sa taong mahal na mahal ko. Kahit pa nasasaktan ako.
Hawak ko pa rin ang kanyang magkabilang pisngi. Ilang pulgada na lamang ang layo ng aming mga mukha nang simulan kong ipikit ang mga mata ko. Naramdaman ko pa ang huling luha na pumatak mula sa mga mata ko nang tuluyan kong maipikit ito.
At ilang segundo nga lamang ay naramdaman ko na ang mainit na labi ng taong pinakamamahal ko.
Habang magkadikit ang aming mga labi ay halo-halo ang nararamdaman ko. Parang sasabog ang dibdib ko dahil sa pinaghalong saya at lungkot sa aking puso.
Ako na ang pinakamasaya at pinakamalungkot na tao ngayong mga oras na ito.
Sa bawat paghalik n’ya ay sinigurado kong mamememorya ko ito. Sa bawat paggalaw ng kanyang labi ay sinigurado kong detalyado ito sa isip ko.
Muling naganap ang mainit naming pagtatalik. At sa tagal naming ginagawa ito ay masasabi kong ito na ang pinakanagustuhan ko.
Nag-iwan ng isang ngiti sa aking labi nang matapos ang pagtatalik naming iyon.
Ngayon ay pinagmamasdan ko s’yang natutulog sa tabi ko.
“Salamat, Ed… maraming salamat…” sambit kong mahina.
Pinagsawa kong titigan ang kanyang mukha. Siniguro kong masasaulo ko ang bawat parte ng mukhang ito na nakasanayan ko nang makita sa araw-araw, ang mukhang ito na kasama ko na simula nang isilang ako sa mundong ibabaw.
Habang nakatitig ako sa kanyang mukha ay nakuha ng atensyon ko ang kwintas na kanyang suot at may pendant na letter ’ E ’.
Ipinangako namin sa aming mga magulang na hindi namin iyon huhubarin kahit kailan. Ano man ang mangyari ay nangako kaming hindi iyon tatanggalin mula sa aming leeg. Dahil iyon lamang ang nag-iisang bagay na nagdurugtong sa aming dalawa, wala nang iba.
Ilang sandali pa ay marahan akong kumilos at hinawakan ang kwintas na kanyang suot. Kasunod ng pagkakahawak kong iyon ay dahan-dahan ko itong tinanggal sa kanyang pagkakasuot.
Nang tuluyan ko itong matanggal ay inilapit ko ito sa bibig ko. Paulit-ulit kong hinalikan iyon habang mahigpit ang pagkakahawak ko.
“Sorry… sorry, Mama… Sorry, Papa… Sorry, Tito… Sorry, Tita… Sorry po sa inyong lahat…” paulit-ulit kong bulong sa kwintas.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tulad ng maganda kong plano, nagbalik ako sa espesyal na lugar kung saan magaganap ang sorpresang inihanda ko.
Siniguro kong maganda ang kasuotan ko. Siniguro kong presentable ako. Maging ang buhok ko ay sinigurado kong maganda ang pagkakaayos. Dahil ilang minuto na lang ang hihintayin ko at magaganap na ang pinakamasayang araw sa buhay ko.
Tiningnan ko ang aking relo at napangiti ako dahil segundo na lang ang hinihintay ko.
Pumwesto na ako sa lugar kung saan ako tatayo. Dito sa tabi ng bilog na mesa na may magarang set up malapit sa fountain ang napili kong pwesto dahil ito ang eksaktong lugar kung saan una kong nakita ang pamumula ng kanyang mukha.
“Sir, nand’yan na po s’ya.” pagkausap sa akin ng waiter ng restaurant.
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko.
“Sige. Paki-guide n’yo na lang s’ya kung saan s’ya dapat dumaan.” nakangiti kong utos dito.
Nanlalamig na ang buong katawan ko. Nerbiyos at excitement, iyon lang ang sigurado akong nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Ilang segundo lang akong naghintay. At mula dito sa aking pwesto ay nasilayan ko na ang imahe ng taong hinihintay ko.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang set up sa buong garden. Nagkalat ang mga Christmas lights sa mga halamang naririto.
Napangiti ako dahil kahit medyo malayo pa lang s’ya ay kitang-kita ko ang malaking pagbabago sa kanya. Tinupad n’ya ang utos ko sa kanya. Maayos ang kanyang kasuotan at napakapresentable n’ya. Maayos din ang kanyang buhok gaya ng sa akin. At ang nakakatuwa pa, nakapag-ahit na rin s’ya ng balbas n’ya.
Hindi ko inaalis ang aking paningin sa kanya. Maging sa bawat maliliit n’yang paghakbang patungo sa aking pwesto ay sinigurado kong makikita ko.
Bumungad sa kanya ang isang maliit na larawan na nasa halaman. Iyon ang unang larawan na bubungad sa kanya sa simula ng paglalakad n’ya. Halos sumabog ang dibdib ko sa saya nang makita kong ngumiti s’ya habang nakatitig sa unang larawang iyon.
Ipinagpatuloy n’ya ang kanyang paghakbang para suriin naman ang iba pang nagkalat na kanyang mga larawan na nakasabit pa rin sa mga halamang madadaanan n’ya. At sa bawat pagsuri n’ya sa mga larawan n’yang iyon ay ang hindi na napuputol n’yang ngiti.
Ang mga larawan ding iyon ang magiging gabay n’ya para makarating sa aking kinatatayuan.
Palapit na s’ya ng palapit. At sa bawat paglapit n’ya ay ang pabilis na pabilis din na pagtibok ng aking puso. Ang panginginig ng katawan ko ay dumoble na sa mga oras na ito.
Isang larawan na lang n’ya ang natitira. Iyon na rin ang huling larawan para makarating na s’ya sa aking pwesto.
Narating n’ya ang huling larawan at iyon na ang hudyat para sa hinihintay ko.
Inihanda ko na ang sarili ko. Isinuot ko na ang pinakamagandang ngiti ko.
Matapos n’yang suriin ang larawang iyon ay dahan-dahan s’ya sa ginawa n’yang pag-ikot paharap sa pwesto kung saan ako nakatayo.
Natagpuan ko ang magagandang pares ng kanyang mga mata. Nasaksihan ko ang pagkinang nito nang tuluyan n’yang masilayan ang pwesto kung saan ako nakatayo. Kasunod ng pagkinang ng mga mata n’yang iyon ay ang malawak na pagkakangiti n’ya.
Sa wakas, nakita ko na rin ang ngiti n’yang matagal kong hindi nasilayan sa kanya. Ang ngiti n’yang una kong nagustuhan sa kanya. Ang ngiti n’yang hinahanap-hanap ko na.
Ako na. Ako na ang pinakamasayang tao ngayon dito sa mundo. Dahil nasa harap ko ang pinakamamahal ko.
Ilang segundo akong nakatitig sa maaliwalas n’yang mukha. At matapos ang ginawa kong pagtitig sa kanya ay ang mahina kong pagtawag sa magandang pangalan n’ya.
“Ed….” bigkas ko sa kanyang pangalan habang nakangiti.
Suot n’ya pa rin ang maganda n’yang ngiti nang simulan n’yang ibuka ang bibig n’ya.
“Ken…..”
pagtawag n’ya sa taong nasa likuran ko.
Matapos n’yang sabihin ang pangalang iyon ay ang tuluyang pagpapakawala ko sa mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Mula sa likod ko ay nilampasan ako ng tunay na bida ngayong gabing ito.
Mabilis s’ya sa ginawa n’yang paghakbang para salubungin si Ed na nasa harap ko.
Mabilis ang mga pangyayari.
Habang patuloy ang pag-agos ng mga luha ko ay hindi ko pinuputol ang pagtitig sa mahigpit na pagkakayakap nila sa isa’t-isa.
Kitang-kitang ko ang saya nilang dalawa dahil nakabalik na sila sa piling ng isa’t-isa.
Dito na nagtatapos ang papel ko. Dito na nagtatapos ang mga inihanda kong plano.
Ang maganda kong plano sa kanilang dalawa na muling mabuo.
Hindi na sila mapaghiwalay sa mga oras na ito. Naririnig ko na ang mga mahihina nilang pagtawa tanda ng kasiyahan nilang dalawa. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang pagpapalitan nila ng mga salita kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.
Sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko para lampasan sila. Dahil kung magtatagal pa ako rito, baka hindi ko na kayanin ang mga susunod pang senaryo.
Naging mabigat ang mga paghakbang ko. Sa mga oras na ito ay tila ba hindi na nila ako nakikitang pareho.
Alam ko nang mangyayari ito, pero masakit pa rin pala na masaksihan ito ng parehong mga mata ko.
Kung saan si Ed naglakad kanina ay iyon din ang naging daan ko para makaalis sa lugar na ito.
Muli kong nakita ang mga larawang ako rin mismo ang nagkabit sa mga halaman. Ito ay ang mga larawan ni Ed na nakangiti kasama si Ken. Mga larawan nila noong mga panahon na magkasama pa sila.
Nakarating ako sa dulong bahagi ng halaman kung saan ko unang nasilayan si Ed simula nang dumating s’ya. Narating ng mga paa ko ang unang larawan na nabungaran ni Ed noong pumasok s’ya rito.
Gumuhit ang ngiti ko kahit patuloy sa pag-agos ng mga luha ko. Nakangiti kong pinagmamasdan ang larawan naming dalawa ni Ed habang nakangiti.
Ito ang nag-iisang larawan naming dalawa na ikinabit ko sa mga halaman. Sa napakaraming ikinabit kong larawan nila ni Ken ay nag-iisa lamang itong sa amin. Kaya lubos akong nakaramdam ng saya kanina noong makita kong ngumiti s’ya nang makita ito.
Kinuha ko ito mula sa halaman at inilagay sa bulsa ko. Idadagdag ko ito sa mga ala-alang babaunin ko.
Kailangan ko nang umalis sa lugar na ito. Kailangan kong tumupad sa isang pangako. Ang pangakong kailangan kong tuparin para sa ikaliligaya ng taong mahal na mahal ko.
Ilang malalalim na paghinga ang aking pinakawalan para pakalmahin ang sarili ko. Nahihirapan na akong huminga sa mga oras na ito dahil sa labis na pag-iyak ko.
Pero bago ako tuluyang magpaalam ay gusto kong masilayan sa huling pagkakataon ang taong naging dahilan para sumaya ako sa mundo.
Dahan-dahan akong tumalikod muli para hanapin ng mata ko ang taong iyon. Natagpuan ko ito na nakaupo sa inihanda kong magarang set up ng dining table sa tabi ng fountain. Nakita ko ang mga pagtawa n’ya habang kaharap ang taong nagpapasaya sa kanya.
Sinimulan na pala nilang kumain ng dinner. Sinimulan na nilang kainin ang putahe na ako pa mismo ang namili para sa kanila. Siniguro kong ang mga pagkaing paborito n’ya ang pagsasaluhan nilang dalawa.
Nang maligaw ang mga mata ko sa kabilang bahagi ng mesa ay natagpuan ko naman ang taong nagpapasaya sa kanya.
Si Ken.
Hindi na ako nasorpresa nang magtagpo ang aming mga mata.
Habang patuloy akong lumuluha habang nakatingin sa kanya ay ang kanya namang pagngisi para ipahatid sa akin na nakuha na n’ya ang gusto n’ya. Ipinararating rin ng kanyang mga tingin na kailangan kong tuparin ang ipinangako ko sa kanya.
Hindi ko na kaya pang tagalan ang pagkakatitig sa kanya. Dahan-dahan ay yumuko ako. Kasabay ng pagyuko ko ang pagsuko at pagkabigo.
Ipinagpatuloy ko ang paghakbang papalayo sa lugar na iyon kahit napakabigat ng mga paa ko.
Nakauwi ako sa aming bahay na hindi napuputol ang mga luha ko. Tuloy-tuloy ito sa pag-agos dahil ito na ang huling bahagi ng mga plano ko.
Naging mabigat ang mga pagkilos ko habang inihahanda ang gamit ko. At nang matapos kong ilagay ang lahat ng importanteng gamit ko sa malaking bag ay dinampot ko naman ang ginawa kong sulat na iiwan ko sa kanyang kwarto.
Muli kong binuksan ito para basahin.
’ Dear ED,
Siguro sa oras na mabasa mo ito, kasama mo na si Ken dito. Masayang-masaya ako para sa inyo. Sa wakas ay kasama mo na s’ya, sa wakas ay nagbalik na s’ya. Masaya akong makita na nagbalik ka na sa dating sigla.
’Wag na ’wag mong pababayaan ang sarili mo ha? Kung magkakaroon man kayo ng away ni Ken, ’wag ka nang mag-iinom. Wala na ako para maalalayan ka, wala na ako para sunduin ka, wala na ako para linisan ka.
Ed, gusto kong malaman mo na napakasaya ko dahil nakasama kita. Salamat sa lahat ng magagandang ala-ala. Salamat sa masasayang sandali na pinagsaluhan nating dalawa.
Oo nga pala, ’wag mo akong alalahanin ha? Nakakuha ako ng magandang oportunidad para lumipat ng ibang kompanya. Doon na ako magtatrabaho dahil iyon naman talaga ang trabahong gusto ko, ang naglalakbay sa iba’t-ibang parte ng mundo. Ngayon ko lang tinanggap ang alok sa akin dahil ikaw ang iniisip ko. Iniisip kong wala kang makakasama sa bahay na ito.
Pero ngayon, buo na ang loob ko. Tatanggapin ko na ito dahil may titingin na sa’yo. Hindi ko na kailangang mag-alala dahil alam kong maaalagaan ka n’yang mabuti.
Salamat sa lahat, Ed. Salamat dahil kahit hindi mo nasuklian ang pagmamahal ko, nalaman kong kaya mo rin ang magsakripisyo para sa akin kahit bilang kapatid lang ako para sa’yo. Masaya na ako doon, Ed. Pakiramdam ko ay minahal mo na rin ako.
Salamat, Ed. Hanggang sa muling pagkikita.
Ang iyong kambal,
ED’
Matapos kong basahin ang sulat ay lalong bumuhos ang luha ko.
Kasinungalingan ang isang bahaging nakasaad dito ngunit kailangan kong tumupad sa isang pangako.
Muli kong itiniklop ang sulat at inilagay iyon sa ibabaw ng maliit na mesa na nasa tabi ng kanyang kama.
Matapos ilapag ang sulat na iyon ay mabilis na akong kumilos para lumabas ng kwartong iyon.
Nang makalabas ng aming gate ay muli kong pinagmasdan ang aming bahay. Ang bahay na tinirahan naming dalawa sa mahabang panahon.
Hindi ko alam kung masisilayan ko pang muli ang bahay na ito. Kung mangyari man iyon, sa tingin ko ay matatagalan pa iyon. Siguro ay babalikan ko na lamang ito kung burado na ang mga ala-ala ko sa masakit na kaganapan ng buhay ko.
Sinimulan ko nang maglakad palayo sa bahay na iyon. Bitbit ang nag-iisang bag na ang laman ay mahahalagang gamit ay naging maliliit ang mga paghakbang ko.
Ito ang hindi ko napaghandaan, kung saan nga ba ang tamang lugar na dapat kong puntahan. Ang pamilya na lang ni Ed ang natitira sa akin kaya wala na akong maisip na maaari kong tirahan.
Mahaba na ang nalalakad ko at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan ako patungo. Iniisip ko rin ang bukas para sa akin dahil wala na akong trabaho. Kinailangan ko nang umalis sa kompanya ng pamilya ni Ed dahil parte rin ’yon ng aking pakikipagkasundo.
Nakarating ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Hindi ako nakakaramdam ng takot sa mga oras na ito. Mas nangingibabaw sa akin ang lungkot na nararamdaman ko.
Dahil sa layo ng aking nilakad ay nakaramdam din ako ng pagod. Nagpahinga ako sa isang upuan na nasa ilalim ng waiting shed.
Napansin kong may kadiliman sa lugar na ito ngunit mas mabuti na ito sa halip na umupo ako sa kalsada o semento.
Tulala lamang akong nakaupo. Malayo ang nararating ng mata ko ngunit wala naman akong makita dahil puro kadiliman lang ang nasa harapan ko.
Habang nakatulala ay muli kong naalala ang pag-uusap namin ni Ken bago ako nauwi sa sitwasyong ito.
“Ken…” pagtawag ko mula sa kanyang likuran.
Dahan-dahan s’yang tumalikod para harapin ako.
“Edvel.” bati n’ya na blangko ang ekspresyon.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pakikipag-usap sa kanya. Ngayon ko lamang s’ya makakausap ng matagal dahil kahit noon ay napansin kong umiiwas s’ya.
“T-tungkol kay Ed…” nauutal kong panimula.
Napangisi s’ya.
“Meron pa ba tayong ibang mapag-uusapan, Edvel? Si Edverg lang naman ’di ba?” sarkastiko n’yang tugon.
“Bakit ba iniwan mo s’ya, Ken? Ano bang mali sa kanya? Nakita ko naman na mahal na mahal ka n’ya, at alam kong mahal mo rin s’ya. Bakit ka nakipaghiwalay sa kanya?” lakas-loob ko nang pagtatanong sa kanya.
Nasaksihan ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Mula sa pagkakangisi ay nagsalubong ang kanyang mga kilay tanda ng galit n’ya.
“Wala ka ba talagang alam, Edvel?!” bulyaw nito sa akin na ikinagulat ko.
Hindi ako nakatugon, hindi rin ako nakapagbigay ng reaksyon.
“Pwes, kung wala ka talagang alam, hayaan mong ipaalam ko sa’yo kung anong puno’t dulo ng paghihiwalay namin!” galit na galit n’yang panimula.
Hindi pa rin ako nagsalita. Naghintay na lamang ako sa pagpapatuloy n’ya.
“Ikaw!! Ikaw, Edvel! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkahiwalay kaming dalawa, alam mo ba ’yon?!! Ikaw ang dapat sisihin dito dahil ikaw ang nagbigay ng problema sa aming dalawa!!” sigaw n’ya sa akin habang dinuduro ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
“A-ako? B-bakit? P-papano?” naguguluhan kong reaksyon.
“Hindi ka ba marunong makahalata?! Sa lahat ng lakad namin! Sa lahat ng plano namin! Sa lahat ng pangarap namin! Hindi ka nawawala! Kasama ka sa lahat na dapat kami lang na dalawa!! Ngayon, sa tingin mo?! Wala ka pa rin bang partisipasyon dito?!!” sunod-sunod n’yang pagbubunyag.
“Nakakasawa nang marinig ang pangalan mo!! Paano si Edvel?! Anong mangyayari kay Edvel?! Sinong kasama ni Edvel?! Laging ’yan ang naririnig ko kay Edverg!! Purgang-purga na ako sa pangalan mo!! Nabibingi na ako sa kababanggit n’ya ng pangalan mo!!” dugtong n’ya pang panunumbat.
Umiling ako ng maraming beses.
“Ken, naman… S’yempre kapatid na ang turing n’ya sa akin, kaya ganon…” pagkumbinsi ko sa kanya.
“Ah, talaga?! Sige, sabihin na ngang kapatid ang turing n’ya sa’yo! Pero bakit noong isang beses na pinapili ko s’ya kung kanino s’ya sasama para i-celebrate ang birthday n’ya?! Kung sa akin o sa’yo ba?! Bakit hindi s’ya makapagsalita?! Bakit hindi s’ya makapili?! Sige nga! Paano mo ipapaliwanag ’yon, Edvel?!” tanong n’ya sa akin.
“B-baka naman kasi dahil nasanay na s’yang sabay kaming nagse-celebrate..? Alam mo naman ’di ba..? Simula pa pagkabata, sabay na namin ’yon ginagawa…” pagdadahilan ko sa kanya.
Naisuklay n’ya ang kanyang mga kamay sa kanyang ulo. Pilit n’yang kinokontrol ang galit n’ya sa mga oras na ito.
“’Yun na nga eh. Isang beses lang naman ang hinihingi ko. Hindi n’ya pa magawang pagbigyan. At alam mo ba kung anong mas masakit, Edvel? Noong nakapagplano naman kami na magbakasyon sa Hong Kong! Planado na ang lahat! Ang saya ko nga eh! Kasi sa wakas pumayag s’yang hindi ka kasama! Pero anong nangyari?! ’Yung araw na dapat flight na namin, nagkasakit ka naman! Hindi ka n’ya maiwan dahil wala kang makakasama!”
“Ngayon sabihin mo, Edvel! Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?! Matuwa dahil hindi kami natuloy para i-celebrate ang first year anniversary naming dalawa?!” sunod-sunod n’yang panunumbat.
Naaalala ko ang lahat ng kanyang mga sinabi. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganito kailap sa akin si Ken.
“S-sorry…” tangi ko lang nasambit at napayuko.
Bigla s’yang natawa matapos kong humingi ng tawad sa kanya.
“Ano pang magagawa ng sorry mo, Edvel? Hiwalay na kami ’di ba? At walang dapat na sisihin dito kundi ikaw!!!” muli n’ya na namang bulyaw.
Nagsisimula nang mamuo ang mga luha ko sa mata. Malayo sa aking kaisipan na ako ang magiging dahilan ng pagkakahiwalay nilang dalawa.
“B-baka naman pwede n’yo pang maayos, Ken… Baka naman pwede mo pa s’yang pagbigyan..?” pagkumbinsi ko sa kanya.
“Sa tingin mo may chance pa, Edvel? Naniniwala kang meron pa?! Ako, hindi na!! Dahil hangga’t kasama ka n’ya, hinding-hindi na ako babalik sa kanya kahit ilang beses pa s’yang lumuhod at magmakaawa!!!” sagot n’yang pasigaw.
Dito na tuluyang bumuhos ang luha ko. Hindi ko matanggap sa aking sarili na ako ang sumira sa kanilang relasyon. Parang may bagay na nakabara sa lalamunan ko kaya hindi ko magawang magsalita.
“Hindi ka ba nakokonsensya, Edvel? Paano mo naaatim na ganon si Edverg ngayon? Miserable at halos sirain na ang buhay n’ya! Talaga bang manhid ka o makasarili ka lang talaga?!” tanong n’ya.
Nanlaki ang mga mata ko. Paulit-ulit akong umiling habang naglalandas ang mga luha ko.
“Hindi totoo ’yan… Kahit kailan hindi ako naging makasarili kung si Edverg ang pinag-uusapan…” pagkontra kong umiiyak sa kanya.
Matapos kong sabihin iyon ay unti-unting nagbalik ang pagkakangisi sa kanya.
“Talaga? Hindi ka makasarili? Ibig sabihin kaya mo rin ang magsakripisyo para sa ikaliligaya ni Edverg? Tama ba, Edvel?” nakangisi n’yang tanong.
Nakaramdam ako ng labis na takot sa katanungan n’yang iyon.
“Ano? Bakit hindi ka makasagot? Kaya mo bang magsakripisyo para maging masaya si Edverg?” pag-uulit n’ya.
Mas lalong nag-unahan ang aking mga luha. Nararamdaman ko na sa mga oras na ito kung ano ang mga gusto n’yang mangyari.
“B-bakit kailangan pang umabot sa ganon..?” tanong ko sa kanya.
“Dahil ’yun ang gusto ko!! Dahil hindi ko gusto ang presensya mo!! Dahil sa lahat ng ayoko, ’yung may kaagaw ako!! ’Yung may kahati ako!!” sigaw n’yang muli.
Nahihirapan akong makapagdesisyon. Masyadong maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. At lahat ng bagay na ito ay hindi ko gusto.
Dahil siguro sa pananahimik ko ay naramdaman n’ya ang mga gumugulo ngayon sa isip ko.
“Hindi mo kayang magdesisyon? Pwes, kung hindi mo kayang iwan si Edverg tulad ng gusto ko, ’wag ka nang umasa na mapagbibigyan ko ang kahilingan mo!”
“Pero isipin mo, Edvel. Hanggang kelan mo matitiis na ganyan si Edverg?! Hanggang kelan mo maaatim na nakikita s’yang nahihirapan?!” sunod-sunod n’yang litanya at tanong sa huli.
Gulong-gulo pa rin ako. Hindi ko alam ang dapat na gawin sa mga oras na ito.
Ilang minuto pang katahimikan at muli s’yang nagsalita.
“Pag-isipan mo ang mga sinabi ko, Edvel. Alam mo kung paano mo ako makokontak. At kung nakapagdesisyon ka na, ipaalam mo na lang sa akin.” unang bahagi ng pagpapaalam n’ya.
Humakbang pa s’ya papalapit sa akin. Muli n’yang isinuot ang kanyang pagkakangisi habang nakataas ang isang kilay n’ya.
“Pero ’wag masyadong matagal ha? Madali pa naman akong mainip, Edvel. Magdesisyon ka na habang hindi pa nagbabago ang isip ko.” nakangisi n’yang turan.
Matapos iyon ay naglakad s’ya sa aking gilid at halos matumba ako nang sadyain n’yang tabigin ang balikat ko.
Nakakailang hakbang pa lang s’ya mula sa aking likod nang bigla akong nagsalita.
“Sandali, Ken.” pagpigil ko sa kanya.
Naramdaman kong tumigil s’ya. Hindi ko s’ya hinarap dahil alam kong mahihirapan akong sabihin ito sa kanyang harapan.
“K-kung sakaling aalis ako… maipapangako mo bang hindi ka aalis sa tabi ni Edverg..? M-maipapangako mo bang hindi mo s’ya iiwan..? Na mapapasaya mo s’ya..?” nahihirapan kong tanong sa kanya.
Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa.
“Edvel, my dear. Hindi mo na dapat tinatanong pa ’yan. Alam mo na ang sagot d’yan. Alam mong mahal ko rin si Edverg! At higit sa lahat, alam mong ako lang ang kayang magpasaya sa kanya!” madiin n’yang sagot.
Napayuko ako kasabay ng malakas na paghagulgol.
“’Y-yun lang ang gusto kong malaman, Ken… G-gusto ko lang s’yang bumalik sa dati at hindi na magiging kagaya nito kaya gusto kong makasiguro…” umiiyak kong lahad.
Ilang segundo s’yang natahimik bago ko narinig ang masigla n’yang boses.
“So, is it a deal?” tanong n’yang masaya.
Tanging marahang pagtango lang ang naisagot ko sa kanya habang nakayuko.
Matapos ang ala-alang iyon ay hindi ko namalayan na naglalandas na naman pala ang aking mga luha habang nakatanaw sa dilim.
Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili na dapat ay maging masaya na ako dahil muling magbabalik ang kasiyahan ng taong mahal na mahal ko.
Habang tulala at patuloy sa pagluha ay nagulat ako nang may maramdaman akong humawak sa aking balikat mula sa likod ko.
Hindi ako nakagalaw lalo na nang maramdaman ko ang isang matulis na bagay na nakatutok ngayon sa tagiliran ko.
“Wag kang gagalaw. Ibigay mo na lang sa amin ng maayos ang mga gamit at pera mo.” madiin nitong bulong sa aking tenga.
Napalunok ako habang nanlalaki ang mga mata. Kinilabutan ako sa paraan ng kanyang pagsasalita.
“Pare! Eto na ’yung bag oh! Tara na! Batsi na tayo! Baka may makakita pa sa atin!” sabat ng isa n’yang kasama.
Naramdaman kong may isang tao na rin ang sapilitang kinukuha ang wallet at lahat ng bagay sa bulsa ko.
Sa tingin ko ay tatlo hanggang apat silang nasa likod ko. Masyado silang marami at alam kong hindi ako makakaligtas kung sakaling lumaban ako.
“Sandali lang! May kwintas pa s’yang suot! Sayang din ’to!” pagtutol ng lalaking tinututukan ako.
Nang marinig ko ang kanyang sinabi ay natauhan ko. Mabilis kong hinawakan ang mga kwintas na suot ko. Ang kwintas namin ni Ed na iniingatan ko higit pa sa buhay ko.
“’Wag ’to! Kunin n’yo na lang ang lahat ng gamit ko, ’wag lang ’to!” pakiusap ko habang mahigpit na hawak ang mga pendant ko.
“Anong ’wag?! Ibigay mo na lang ng maayos kung ayaw mong may mangyari sa’yo!!” banta nito.
Hindi ako papayag. Ito na lang ang huling bagay na meron ako na nagpapaalala kay Ed.
Mabilis akong kumilos para tumakbo at takasan sila. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang harangin ako ng ilan pa nilang mga kasama na nagtatago lang pala sa dilim kung saan ako nakaharap kanina.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kwintas ko. Hinding-hindi ako papayag na mawala sa akin ang mga ito. Ito na ang buhay ko.
“Matigas ka ha?!” narinig kong sambit sa likuran ko.
Matapos kong marinig ang salitang ’yon ay nagulat na lamang ako nang may tumama na isang bagay sa aking ulo. Kasunod nito ay nakita ko na lamang ang aking sarili na nakadapa sa lupa habang paulit-ulit na nakakatanggap ng palo at sipa mula sa mga demonyong inaatake ako.
Napangiti ako kahit nakikita ko na ang sarili kong dugo na umaagos sa kalsadang nakadikit sa mukha ko. Dahil kahit patuloy akong nakakatanggap ng palo at sipa ay naging mahigpit pa rin ang hawak ko sa mga kwintas ko.
Nanlalabo na ang paningin ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa patuloy na pagdaloy ng aking mga luha o nang dahil sa dugong dumadaloy mula sa ulo ko.
Ilang sandali pa ay nakakaramdam na ako ng panghihina. Hindi ko na rin marinig ang mga salitang binabanggit ng mga demonyong nasa paligid ko. Pero ipinangako ko sa aking sarili na kahit anong mangyari ay hindi ko bibitawan ang mga kwintas ko. Kahit ikamatay ko pa ito.
Bumibigat na ang talukap ng mata ko. Nawawalan na rin ng hangin ang katawan ko.
Habang papaliit ng papaliit ang malabong paningin ko ay unti-unti kong inalala ang mukha ng taong mahal na mahal ko.
Nang tuluyan kong maipikit ang mata ko ay naramdaman ko pa ang mainit na likido na nagmula sa mga mata ko. Ito na ang huling luha ko habang inaalala ko ang mukha ng taong pinag-alayan ko ng malaking sakripisyo.
Ang taong lubos na minamahal ko.
Si Ed.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nasilaw ako sa liwanag na nagmumula kung saan.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasorpresa ako dahil purong puti lang ang nakikita ko.
“Gising ka na pala.” narinig kong boses ng isang lalaki.
Nilingon ko ang aking tabi at nasorpresa ako nang makakita ako ng isang anghel. Nakasuot ito ng kulay puti kaya alam kong isang anghel na nga ito.
Napangiti ako sa likod ng isip ko. Mukhang nasa langit na nga ako.
“Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa’yo?” tanong n’yang muli sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Nanatili akong nakatingin sa maamo n’yang mukha.
Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
“Nabugbog ka lang. Pero hindi naman nila pinutol ang dila mo. Pwede kang magsalita.” nakangiti n’yang pagbibiro.
Bugbog? Sinong nabugbog?
“Anong pangalan mo?” tanong n’yang muli.
Hindi ko pa rin s’ya sinagot. Nanatili akong nakatingin sa kanyang gwapong mukha.
“Sige, kung ayaw mong magsalita, ako na lang muna ang magpapakilala.” wika n’ya pa ring nakangiti.
“Ako ang doktor sa ospital na ito, at ako rin ang nagdala sa’yo rito noong maabutan kitang walang malay sa kalsada. My name is Edison…
…. Ed , for short.
Ikaw? Anong pangalan mo?“
mahaba n’yang pakilala at pagtatanong.
Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para sagutin ang kanyang tanong. Gusto kong sabihin sa kanya ang pangalan ko.
Pero…..
“P-pangalan ko…? Ano nga bang pangalan ko..?” tanong kong naguguluhan sa kanya.
Rumehistro ang pagtataka sa kanyang mukha.
“Wala ka bang maalala?” tanong n’ya sa akin.
Hindi ko s’ya nagawang sagutin.
“Sige, ganito na lang. Natatandaan mo ba kung anong nangyari sa’yo bago ka makarating sa lugar na ito?” tanong n’yang muli.
Saglit akong nag-isip. Pilit na inaalala ang mga kaganapan bago ako mapunta rito.
Ilang sandali pa ay napapikit ako.
“W-wala akong maalala.” sambit ko at nilingon muli s’ya.
Marahan s’yang tumango.
“Hmmm… Mukhang kailangan mong dumaan sa ilang tests. Ayaw ko man sabihin, pero posibleng may malaking epekto ang naging damage sa ulo mo.
Posibleng….
….. nagka-amnesia ka dahil sa aksidente mo.“
mahaba n’yang litanya.
Tanging pagtango lang ang naitugon ko sa kanya.
Inilagay n’ya ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon n’ya.
“Pero dahil sa wala ka pang pangalan, bibigyan muna kita pansamantala.” wika n’ya at may kinuha sa bulsa n’ya.
Nakita ko ang pag-angat n’ya ng kanyang kamay at tumambad sa akin ang dalawang kwintas na may mga pendant.
“Nakita kong suot mo ang mga ito noong isugod kita rito. May letter ’ E ’ at letter ’ D ’. Posibleng may kaugnayan ang pangalan mo dito. Kaya para may pagkakakilanlan ako sa’yo…
…. simula ngayon, Ed na rin ang itatawag ko sa’yo.
Pareho ng pangalan ko.“
paliwanag n’yang nakangiti.
Matapos n’yang sabihin iyon ay gumuhit ang ngiti sa aking labi.
“Sige, Ed .”
nakangiti kong sagot sa kanya.
A/N
Dahil sa isinulat kong ito, nakaisip ako ng panibagong kwento! Hahaha!!
Lalagyan ko ito ng sariling book in the future!
Hindi ko alam kung nagustuhan n’yo ang kwentong ito. Pero dahil naisip ko ang magiging plot nito, desidido akong lagyan ito ng sariling libro!
Originally, mamamatay ang bida rito sa unang naisip ko. Pero I kennat! Masyado s’yang kawawa at sa tingin ko ay hindi n’ya deserve na magtapos sa napakalungkot na tagpo!
Huhu… Kailangan n’yang magbalik para maghiganti. 😈 Kailangan n’ya rin makaroon ng lovelife! Charut! 😍
Salamat sa pagbabasa mga mahal ko! Hanggang sa muling one shot ko! Labyu!
–– cold_deee

