ONE SHOT: THE MESSAGE IN THE BOTTLE
MixWithRed · 3 chapters · 1,842 words
–
This story is dedicated to
Rusell
Pejana…
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Ang Liham sa Bote.
Dennis Pov.
“ Kailangan mo ba talagang sumama roon?“ Tanong ng kaniyang ina.
Ako’y tahimik naman na ipinagbabalot siya ng mga damit para hindi siya lamigin sa paglalakbay.
“Alam mo ang mangyayari kapag hindi ako sumama. Pare-pareho tayong malilintikan.” Tugon niya habang ineempake ang ibang gamit.
“Mag-iingat ka ro’n ha, dapat mo kaming balikan.” Aniya ko at nginitian naman niya ako.
“Para sayo mag-iingat ako.Kaya kayo rin dito dapat mag-ingat.” maawtoridad na bilin pa niya sa aming dalawa ng kaniyang inay.
Tumango naman ako at inihatid na namin siya sa labas ng bahay kung saan naroroon ang iba pa naming kapitbahay na sasabak sa gyera.
Wala pa man ay tila naiisip ko na ang mga mangyayari kaya naman hindi ko maiwasang mag-alala at matakot para kay Roger.
Pagkahatid namin sa kaniya ay agad siyang sumakay sa isang truck at umupo ro’n.
“Mag-iingat ka.” Sabi ko pa at kasabay no’n ang pagtulo ng luha sa mata ko.
“Oo, para sayo. Kaya tumahan ka, baka hindi ako makatuloy niyan.” Aniya at agad kong pinawi ang luha ko.
Nginitian pa niya ako kaya naman umirap ako sa kaniya at tumalikod.
Nag-usap pa sila ng kaniyang inay. Ngunit hindi ko na sila pinakinggan dahil pinapatahan ko ang aking sarili, at ibinabaon sa isip na walang masamang mangyayari kay Roger.
Maya-maya pa ay pagkaway na lang ang nagawa namin sa isa’t-isa nang umalis na ang kanilang sinasakyan.
“Magiging ayos lang kaya sila ro’n, hindi ko maiwasang mag-alala.” Sambit ng Inay at agad ko naman siyang inalo.
“Maging positibo lang tayo, walang mangyayari sa kaniya roon.” Ani ko at nginitian siya. Ngumiti naman siya pabalik at sabay kaming umuwi ng bahay.
Maswerte talaga ako na kahit patago ang relasyon namin ni Roger ay suportado kami ng kaniyang inay.
Halos ilang taon na rin kami at mas tumatagal pa.
Habang nasa bahay ay naisip kong malapit na nga pala ang ika tatlong anibersayo namin. Nalungkot akong bigla dahil bigla kong naisip nga nasa malayo ng pala siya at hindi ko siya makakasama.
Ngunit agad kong pinawi ang namutawing lungkot na iyon at kumuha na lang ng panulat at papel, at saka nagsulat roon.
Mahal kong Roger,
Ang lapit na pala ng
anibersaryo
natin no, sayang lang kasi hindi kita
makakasama
para
ipagdiwang
ito.
Palagi
kang mag-
iingat
diyan, at ganun din kami rito.
Mahal
tandaan
mo, kailangan mo akong balikan kase diba?
tutuparin
pa natin yung
pangako
natin na
ipagsisigawan
natin sa mundo, kung gaano natin
kamahal
ang
isa’t
-isa. Kapag pwede na at
tanggap
na tayo nila. Kaya
mag-ingat
ka at
bumalik
ka rito.
Nandito
lang ako
maghihintay
sa iyo, mahal na mahal kita, Roger.
Iyong
-iyo
lang ang puso at pagmamahal ko.
Nagmamahal
,
Dennis
Nakangiti ako ng matapos kong isulat ang mumunting liham na ’yon para kay Roger.
Nang matanaw ko ang isang boteng walang laman ay may naisip akong bigla.
Kinuha ko ito at doon ko inilagay ang mensahe. Masaya pa ako habang akap ito nang biglang magtanong ang inay ni Roger.
“Teka, ano iyang dala mo?” Tanong niya at ngumiti naman ako.
“Nay..liham ko po ito para kay Roger, dahil malapit na ang aming ika-tatlong anibersaryo.” Ani ko at ngumiti naman siya.
“Aba….pero teka, paano mo ’yan mapapabasa sa kaniya?” Tanong pa nito at nakangiti naman akong tumugon.
“Nay, may mga sundalo pa pong hindi nakabyahe. Ipapasabay ko na lang po ito at ipabibigay kay Roger.” Tugon ko at tumango naman siya.
“Oo nga no, aba’y teka..gagawa rin ako ng liham para kay Roger. Sandali lang.” Aniya at natuwa naman ako.
Mabilis na nagdaan ang panahon at ang anibersaryo namin ay lumipas na rin. Bigo rin kaming maipadala ang aming liham ni Inay kay Roger dahil hindi namin naabutan ang pag-alis ng mga sundalo.
Ilang buwan na rin kaming walang komunikasyon kay Roger. Nangungulila man kami ay wala kaming magawa kundi ang maghintay sa kaniyang pag-uwi at gumawa na lamang ng liham. Ang mga liham na ginawa namin ay para lang ibsan ang lungkot at para maipadala namin kapag may pagkakataon.
Abala ako sa pag-mamasa ng tinapay ng may marinig akong malakas na pagsabog at putok ng baril mula sa labas.
Naalarma ako at agad kong hinanap si Inay.
“Inay!” Sigaw ko at nakita ko siyang kumakaripas ng takbo mula sa labas ng bahay papasok.
“Dennis, may mga terorista!” Takot na aniya at mabilis na kumabog ang dibdib ko sa tinuran niyang ’yon.
Agad kong napansin ang mga lalaking armado na patungo rito sa aming bahay.
“Tumakas ka na, Nay.” Sambit ko at agad na kumilos.
“Ngunit paano ka, Dennis?” Tanong pa nito ngunit hindi ko na siya sinagot.
Agad kong pinulot ang isang supot na tela, at inilagay ang mga ibang gamit roon sa bilis ng aking makakaya.
Tinulungan naman ako ni Inay. Ngunit bago pa man kami makalabas ay may humarang na sa aming apat na armadong lalaki at may tabon ang mga mukha.
Agad kong iniabot ang supot kay Inay habang tutok ang aking paningin sa mga armadong lalaki. Kinuha naman ito ni Inay at itinago ko siya sa aking likuran.
Umusog-usog pa ako hanggang sa sumigaw ako at sinugod ang isa sa mga armadong lalaki.
“Nay takbo! sa likod ka dumaan.” Ani ko at sunod-sunod nila akong sinugod.
Sipa rito.. sipa roon..tadyak dito.. tadyak doon..
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas pero hindi ’yon ang mahalaga sa ngayon. Hindi ako makapaniwala na napatumba ko ang dalawa ngunit habang nakikipag-laban ako sa ikatlong lalaki ay may kung anong mainit na bagay ang tumagos sa likuran ko. Hindi lang isa, kundi sunod-sunod.
Nawalan ako ng lakas at bumulagta sa sahig. Ang huli kong nakita ay ang paglabas ng dalawang lalaki kung saan ko pinatakbo si Inay.
‘Inay…’
Roger’s Pov.
Naging mahirap ang pakikipagbakbakan namin sa mga terorista at kalabang ibang bansa dahil sa may mga imbensyon sila na hindi pa na-iimbento ng aming bansa.
Marami ang tinamo kong gasgas at sugat ngunit ayos lang. Ang mahalaga ay nanatili akong buhay. Pagod akong umupo at pumikit sa sasakyan. Habang nasa ganoong posisyon ay biglang lumitaw ang mukha ng pinaka-mamahal ko, si Dennis.
‘Kamusta ka na kaya?’
’Wala man lang ako diyan noong
ikatatlong
anibersaryo natin.’
Nangungulila man ay wala akong magawa dahil kailangan kong gawin itong sakripisyong ito para sa kanila.
Nagulat ako ng tila pinagmamadali ang aking kasamahan na maka-sakay ng mga truck kaya agad akong nagtanong sa aking katabi.
“Anong nangyayari?” Kunot noong tanong ko pa.
“Nawalan daw ng koneksyon ang heneral natin sa ating lugar. Uuwi raw tayo ngayon din.” Tugon nito at saka umayos ng upo.
Malakas na kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba kaya naman pinilit ko ang sarili kong kumalma.
’Kalma ka lang, walang
nangyaring
masama.’
Nang makauwi kami ay halos nanghina ako at tila ba gumuho ang mundo ko nang makita ang makakapal na usok at sira-sirang mga bahay.
Halos naghalo-halo na ang emosyon sa puso ko at naghuhumerentado ito.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na tila ba mababasag na ito.
Hindi pa man humihinto ang aming kinasasakyan ko ay agad na akong tumalon pababa upang puntahan ang aming tahanan. Ngunit halos malito ako dahil wala ni isang bakas man lang ang naiwan.
Nagulat naman ako dahil nagkaroon ng kaguluhan sa di kalayuan kaya agad ko itong pinuntahan. Paglapit ko ay agad kong nadatnan ang iba naming kapitbahay na nag-iiyakan at humahagulgol.
Agad namang hinanap ng mata ko sila Inay at Dennis. Maswerteng sa pag-iikot ko ay nakita ko si Inay na lumilinga-linga habang may bitbit na supot.
Agad ko siyang nilapitan at mabilis siyang humagulgol ng makita niya ako.
Nagyakapan kaming dalawa at mabilis na tumulo ang luha sa aking mata dahil matagal rin akong nangulila sa kaniya.
Matapos no’n ay tuloy pa rin sa paghagulgol si Inay.
“Nay, nasa’n si Dennis.” Tanong ko at mas naging matunog ang pag-iyak ni mama at umiling.
Ramdam ko nang may nangyaring masama pero ayoko panghinaan ng loob.
“Nay naman?” ani ko habang lumuluha na rin.
Umiling lang siya at iniabot ang supot sa akin at tinakpan ang mukha niya na parang bata.
“Nay, hindi ’to ang kelangan ko. Nasa’n si Dennis?” Tanong ko pa ulit at halos ayaw tanggapin ng tenga at isipan ko ang narinig kong sagot.
“Wala na si Dennis, patay na siya!” Pasigaw na sagot ni Mama at tila huminto yata ang buong pagkatao ko.
“Nay, sabihin mong hindi totoo ’yan!” Ani ko pa.
’Gusto kong
bawiin
mo ang sinabi mo Nay, dahil hindi ’yan
maaari’
“Gustohin ko man anak, pero yun ang totoo.”
“Diyos ko! Dennis!” Malakas na hagulgol ko at napaluhod ako sa sahig.
Agad akong inalo ni Inay at niyakap ngunit hindi no’n naibsan ang sakit.
“Ma, paanong nangyari?” Tanong ko pa habang humahagulgol.
Nagpatuloy naman siya sa pagyakap sa akin at patuloy naman ako sa pagluha at pagtangis.
‘Dennis, ang daya mo. Ang daya daya mo!’
Ngayon ay narito ako sa harap ng dalampasigan hawak ang mga liham ni Dennis para sa’kin. Kasama na rin doon ang liham na nakalagay sa bote.
Ilang taon na rin ang lumipas at naikwento na rin sa akin ni Inay ang lahat. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap, at hindi ko yata kailanman matatanggap.
Masakit ang katotohanan na nagawa kong lumaban at isalba ang bansa ko pero wala ako para isalba at protektahan siya. Agad na bumuhos ang luha ko ng dahil do’n.
Binasa kong muli ang liham niya para sa’kin noong aming ikatatlong anibersaryo.
Mas bumuhos ang luha ko dahil do’n at mas ramdam na ramdam ko ang pangungulila na kailanman’y hindi na yata mawawala at maiibsan pa.
Mahal kong Roger,
Ang lapit na pala ng
anibersaryo
natin no, sayang lang kasi hindi kita
makakasama
para
ipagdiwang
ito.
Palagi
kang mag-iingat diyan, at ganun din kami rito.
Mahal
tandaan
mo, kailangan mo akong balikan kase diba?
tutuparin
pa natin yung
pangako
natin na
ipagsisigawan
natin sa mundo, kung gaano natin
kamahal
ang isa’t-isa. Kapag pwede na at
tanggap
na tayo nila. Kaya
mag-ingat
ka at
bumalik
ka rito.
Nandito
lang ako
maghihintay
sa iyo, mahal na mahal kita, Roger.
Iyong-iyo
lang ang puso at pagmamahal ko.
Nagmamahal
,
Dennis
’Paano na lang ako?
Paano
ko
tutuparin
’tong mga
pangako
natin kung wala ka na?’
‘Sige nga, sabihin mo kung paano?’
’Maghihintay daw, pero asan ka na? Ang daya mo,
Dennis’
“Ang sakit sakit Dennis, tulungan mo’ko.” Sambit ko pa na tila ba maririnig niya ako.
“Ang daya mo, Dennis. Pero kahit gano’n, mahal pa rin kita.” Dagdag ko pa at magkakasunod na pinawi ang luha sa aking mata.
‘Sana sa susunod, pwede na at hindi ka na muling mawala.’
The end…
~~
Thank you for reading my stories, please let me know your thoughts about it, and please don’t plagiarize my work..
–MixWithRed✨

