loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Orange Lorenzo

Orange Lorenzo

vincentmanrique · 8 chapters · 8,407 words

Orange Lorenzo

Nang magsabog ng magandang katangian ang langit, isa si Orange Lorenzo sa mga nabiyayaan. Guwapo, matalino, matangkad, at may katawang paglalawayan ng mga babae at pinapantasya ng mga nagkukunwaring sila’y babae. Kinainggitan si Orange ng mga kapwa niya lalaki nang maging girlfriend niya ang pinakasikat na sexy star na si Maia Alonzo na kilalang palaban sa kanyang mga pelikula.

Mukhang napunta na talaga kay Orange ang lahat. Ngunit siya ay may problema…

Isang maliit na problema na nagbibigay sa kanya ng napakalaking insecurities.

Prologue

MALALAKAS na yugyog ang gumising kay Orange. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya ang balisang itsura ni Red. Anong nangyayari? Si Red ang tipo ng bata na hindi mo basta masisindak.

“Orange, bangon! Bilis! Nasusunog ang ampunan!”

“Ha?” Napabalikwas siya ng bangon at kaagad na nilapitan ang iba pang mga batang kasama nila sa silid na iyon.

“Gising kayo! Nasusunog ang ampunan!” sigaw ni Red.

“Bangon! Kailangang makalabas agad tayo rito!” Isa-isa niyang niyugyog ang mga kasama para gisingin ang mga ito.

Apat sila sa silid na iyon. Si Red, si Blue, si Yellow, at siya. Sa labas ng silid nila ay marami pang mga silid at naroon ang iba pang mga batang nakatira sa ampunang iyon. Mahigit tatlumpu silang mga bata roon na inaalagaan ng tatlong caretakers ng Mary’s Little Angels Orphanage.

Paglabas nila ng silid ay nakita nila sina Green at Indigo kasama si Tita Lally, ang isa sa mga caretaker.

“Nasaan si Violet?” tanong ni Red kay Indigo.

“Hindi ko alam,” naiiyak na sagot ng anim taong gulang na lalaki. “Baka nakalabas na siya.”

“Sumunod kayo sa akin, mga bata. Kailangang makalabas kaagad tayo rito. Kumakalat na ang apoy!” sigaw ni Tita Lally.

Mabilis silang kumilos para makalabas sa nasusunog na bahay-ampunan.

Agad na namataan ni Indigo si Violet pagkalabas nila ng nasusunog na ampunan.

“Hayun si Violet!” sigaw ni Indigo sabay takbo para lapitan ito. Sumunod na rin sa kanya ang iba pang mga bata.

Noon dumating ang mga bumbero na nagtulong-tulong upang agad na masawata ang apoy.

“Mga bata, dito lang kayo. Huwag kayong magpakalat-kalat. Sama-sama lang kayo rito para hindi kayo mawala,” sabi ni Tita Lally. Ang dalawa pang caretaker ay abala naman sa pagbabantay ng iba pang mga batang nailigtas sa sunog pati na rin ng mga gamit na nailabas nila sa establisyimentong nilalamon ng apoy.

Nagpalipas sila ng magdamag sa kalye at nang mag-umaga na ay may dumating na mga tauhan ng Departmemt of Social Welfare and Development. Kinausap ng mga ito si Tita Lally at dalawang mga kasama pagkatapos ay kinausap naman sila nito.

“Mga bata, sasama muna kayo sa kanila. Sila muna ang mag-aalaga sa inyo. Magpapakabait kayo roon. Huwag n’yong kalilimutan ang mga itinuro namin sa inyo,” bilin sa kanila ni Tita Lally.

Nagsimulang mag-iyakan ang mga bata, pero wala naman silang magagawa kundi sumunod sa sinabi ni Tita Lally. Wala naman silang ibang mapupuntahan.

Dinala sila ng mga tauhan ng DSWD sa Tahanang Kalingaan. Isa itong residential care facility na pinangangasiwaan ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development. Marami pang ibang mga batang inabandona ng mga magulang o sadyang mga ulila na ang naabutan nila roon. Mababait naman ang mga ito at madali nilang nakasundo. Pero iba pa rin ang samahan nilang pito. Tinawag na nga silang Rainbow Friends ng mga bata roon dahil nga sa kanilang mga pangalan na tumutugma sa mga kulay ng bahaghari. Si Red ang tumatayong leader nila dahil maliban sa ito ang pinakamatanda sa kanila sa edad na labing-isa, ito rin ang nagtatanggol sa kanila sa lahat ng pagkakataon. Maliban doon, likas na maangas si Red at mahilig ipilit ang gusto. Kaya madalas na ito rin ang nasusunod pagdating sa pagdedesisyon para sa kanilang pito.

Isang araw ay lumapit sa kanila si Ms. Segunda Catindoy na siyang namamahala sa Tahanang Kalingaan. Nakangiti ang matandang dalaga nang magsalita.

“May magandang balita ako sa inyo,” panimula nitong sabi.

Nakatanga lang sila rito. Hinihintay nila ang susunod na sasabihin nito.

“Isa sa inyo ang malapit nang umalis dito… dahil may aampon na sa kanya,” masayang pagbabalita ng matandang babae.

Nanlaki ang mga mata nilang pito. Ibig sabihin, magkakahiwalay na sila.

“Sino po sa amin ang aampunin nila?” madilim ang mukhang tanong ni Red.

“Si Violet. Nagpunta rito kahapon sina Mr. and Mrs. Cortez at si Violet nga ang napili nila base sa mga larawang ipinakita namin sa kanila.”

Nagusot ang maamong mukha ng anim na taong gulang din na si Violet. Tila ba maiiyak na ang paslit. Hanggang sa hindi na nga nito napigil ang pagluha.

Napatingin dito ang iba pang mga bata.

“O, bakit ka umiiyak? Dapat masaya ka dahil magkakaroon ka na ng mga magulang,” pag-alo rito ni Ms. Catindoy.

Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Violet. “Ayoko po. Ayoko pong mahiwalay sa mga kuya ko,” sagot niya na ang tinutukoy na mga kuya ay ang iba pang miyembro ng Rainbow Friends.

“Pero ganoon talaga, Violet. Darating naman ang panahon na lahat kayo ay aalis dito dahil may mag-aampon sa inyo. Nagkataon lang na ikaw ang unang nabigyan ng pagkakataon. Kung tatanggihan mo ito, baka ikaw naman ang maiwan rito sa susunod kapag ang mga kuya mo naman ang inampon ng mga kaibigan nating naghahanap ng magiging anak nila,” mahabang paliwanag ng matandang babae.

“Ayoko pong umalis dito. Ayoko pong iwan ang mga kuya ko.” Tuloy-tuloy sa kanyang pagtangis si Violet. Sa mura niyang isip ay nakaramdam siya ng matinding takot. Takot na mapalayo sa mga batang itinuring na niyang mga nakatatandang kapatid.

Pati si Indigo ay napaiyak na rin. Sa kanilang pito, siya ang pinakamalapit kay Violet dahil silang dalawa ang magkasing-edad.

Niyakap ni Orange si Violet at inalo. “Tahan na. Huwag ka nang umiyak.”

“O, siya maglaro na kayo ulit. Huwag ka nang umiyak, Violet. Next week ka pa naman kukunin ng bagong magulang mo. Makakasama mo pa nang matagal ang mga kuya mo.”

Pero hindi sapat ang sinabi ni Ms. Catindoy para siya ay mapanatag. Kahit nakaalis na ito ay hindi pa rin siya huminto sa pag-iyak.

Nilapitan siya ni Red at kinausap. “Huwag kang mag-alala. Hindi ako papayag na magkahiwalay tayong pito. Hindi ka nila maibibigay sa mag-aampon sa’yo. Tatakas tayo rito,” bulong sa kanya ni Red.

Nanlaki ang bilugang mga mata ni Violet. “Paano tayo tatakas, kuya?”

“Ako’ng bahala. Basta, hindi tayo magkakahiwalay. Hindi ako papayag,” mariing sabi ni Red.

Pagkatapos kumain ng pananghalian ay tinipon ni Red ang anim niyang mga kaibigan upang planuhin ang gagawin nilang pagtakas sa Tahanang Kalingaan.

“Paano tayo makakaalis dito? Paano tayo makalulusot sa guwardiya sa gate? Siguradong hindi tayo palalabasin ni manong guard,” sabi ng walong taong gulang na si Yellow.

“At saka, saan tayo pupunta? Saan tayo titira?” tanong naman ni Orange na sampung taon ang edad.

Sina Blue at Green ay tahimik lang at nakikinig. Kung ano ang naglalaro sa utak ng dalawang batang lalaking ito ay sila lang ang nakakaalam.

“Hindi ko pa rin alam kung saan tayo pupunta. Basta gusto ko lang makaalis tayo rito para hindi tayo magkahiwalay,” sagot ni Red. “Sino sa inyo ang sasama sa akin?”

Una nang nagtaas ng kamay si Violet. Sumunod si Indigo.

Hinintay ni Red na magtaas rin ng kamay ang iba pa nilang mga kasama.

Mamaya pa ay nagtaas na rin ng kamay sina Green at Blue.

“Ikaw, Yellow? Orange? Hindi ba kayo sasama?” tanong ni Red sa dalawa.

Nagtinginan muna sina Orange at Yellow.

“Sasama ako,” nag-aalangang sabi ni Orange.

“Ako rin. Ayoko namang maiwan na mag-isa rito,” pahayag naman ni Yellow.

“Kung ganoon, maghanda na kayo. Mamayang gabi ay tatakas na tayo sa bahay na ito. Magdala lang kayo ng konting mga damit. Hindi tayo makalalayo agad kung mabigat ang mga dala natin.” Lider na lider si Red sa pagdedesisyon sa kanilang gagawin.

MAAGA silang pinapasok sa kuwarto para matulog pagkatapos kumain ng hapunan. Nagbilin si Red sa mga kasama na matulog na at gigisingin na lang niya ang mga ito. Maging si Violet na nasa kabilang silid kasama ng iba pang mga batang babae ay sinabihan niyang pupuntahan na lang niya para gisingin.

Tulog na ang lahat ng nasa Tahanang Kalingaan. Sinilip ni Red ang guwardiyang nagbabantay sa gate. Nakita niyang nakasubsob ang ulo nito sa mesa, tanda na natutulog na rin ang nag-iisang bantay nila.

Isa-isa nang ginising ni Red ang mga kasama tapos ay buong ingat siyang pumasok sa silid ng mga batang babae para gisingin si Violet. Madali naman niya itong nagising at nakalabas sila ng silid nang walang kaingay-ingay.

Sabay-sabay silang lumabas ng tahanan pero bago pa nila marating ang gate ay nagsalita si Red, “Ako muna ang pupunta. Kailangang mabuksan ko muna ang gate nang hindi nagigising si manong guard. Magtago muna kayo dito sa mga halaman. Huwag kayong gagawa ng ingay,” bilin niya sa mga kasama na agad namang nagsitanguan.

Maingat na nakalapit si Red sa guard house. Mukhang mahimbing nga ang tulog ng guwardiya.

Dahan-dahang binuksan niya ang kulay berdeng bakal na gate na dinadaanan ng mga tao. Hindi sila puwedeng dumaan sa dinadaanan ng mga sasakyan dahil nakakandado ito at kakailanganin pa niyang kunin ang susi na nakasabit sa baywang ng guwardiya. Maaari itong magising kung gagawin niya iyon.

Pinagtiyagaan na lang niyang buksan ang bakal na gate. Nang mabuksan na niya ito ay sinenyasan niya ang mga kasama para lumapit na sa kanya.

Walang ingay na nakalabas ng compound ang pitong bata. Maingat ding isinara ni Red ang gate at saka sila tumakbo papalayo sa lugar na iyon.

1

MULA sa bathroom ay lumabas si Orange na nakatapis lang ng tuwalyang kakulay ng kanyang pangalan. Medyo basa pa ang kanyang buhok at may mangilan-ngilang patak na tumutulo papunta sa kanyang balikat at dibdib. Kung pagmamasdan, hindi talaga maiiwasan ng sinuman na humanga sa pisikal na kaanyuan ng binatang dalawampu’t limang taon na ang edad. Napakaguwapo niya. Ang kanyang itsura ay nakabibighani. Ang matangos niyang ilong ay bumagay sa mga mata niyang parang laging nakangiti. Mapula ang kanyang labi na tila ba bagong pitas na mansanas. Ang kanyang kutis ay makinis na para bang alaga sa isang derm clinic gayong wala naman siyang espesyal na ritwal na ginagawa sa kanyang balat. Matangkad si Orange sa taas niyang limang talampakan at labing-isang pulgada. Malapad ang balikat niya na parang sa isang modelo. Ang araw-araw niyang pagpunta sa gym ay nagresulta sa pagkakaroon niya ng abs na lalong nagpalakas sa kanyang sex appeal. Magaling siyang magdala ng damit. Sabi nga ng mga kaibigan niya, kahit siguro basahan ay magmumukhang mamahalin kapag isinuot na niya. Bata pa lang ay madalas nang mapansin ng ibang tao ang kanyang kaguwapuhan. Sa pagkakatanda nga niya, may aampon na sana sa kanya kung hindi nga lang nasunog ang bahay-ampunan. Pero hindi siya nalungkot dahil ayaw niyang mahiwalay sa kanyang mga kaibigan. Masaya siyang lumaki silang magkakasama at nagtuturingang katulad ng sa magkakapatid.

Kumuha siya ng boxers sa kanyang underwear drawer at isinuot. Tapos ay saka niya tinanggal ang tuwalyang nakatapis sa kanyang baywang.

Nakita niya ang kanyang repleksyon sa malaking salamin na nasa kanyang silid. Muli niyang napagmasdan ang magandang bulto ng kanyang katawan. Hindi lang iilang pagkakataon na mga babae na mismo ang lumalapit sa kanya para makipagkilala. Wala namang kaso sa kanya ang ganoon. Nahihiya lang talaga siya kapag naiisip niyang baka biglang magbago ang mga babaing iyon kapag nalaman ang kanyang itinatagong sikreto.

Mula sa mukha ay bumaba ang tingin niya sa sariling repleksyon sa salamin. Napunta ang mga mata niya sa kanyang dibdib… pababa sa tiyan, at sa bahaging nasa ibaba pa ng kanyang tiyan.

Natigilan si Orange. Wala man lang siyang makitang bukol sa bahaging iyon ng kanyang katawan. Oo, at nasa normal na estado naman ang kanyang pribadong bahagi pero bakit ang mga lalaking modelo na nakikita niya sa internet ay may bukol naman. Bakit siya, wala? Ginagalit ba muna ng mga modelong iyon ang kanilang mga pag-aari bago magpalitrato? Eh, bakit siya? Kahit galitin niya ang kanyang longganisa ay hindi pa rin siya kuntento sa sukat nito. Longganisa ang tawag niya dahil ito ang naaalala niya sa tuwing nakikita niya ang kanyang pagkalalaki. Pero mabuti pa nga ang longganisa at mataba. Itong sa kanya, hindi. At ito ang problemang matagal nang nagpapagulo sa kanyang isip. Bakit ang iba ay malaki ang alaga samantalang siya ay pinagtampuhan yata sa sukat? Sa sobrang desperasyon nga ay sinubukan na niyang sukatin ito para malaman ang eksaktong haba nito. At anong laking pagkadismaya niya nang malamang apat na pulgada at kalahati lang ang eksaktong sukat ng kanyang junjun kapag ito ay galit na galit na. ’Di man lang umabot ng limang pulgada! Kung anong itinangkad niya, siya namang iniikli ng kanyang kargada. Sana binawasan na lang ng Diyos ang height niya ng kahit dalawang pulgada at idinagdag na lang sa sukat ng kanyang maikling sandata.

Nagsuot siya ng cargo shorts at kinuha ang kanyang laptop. Nag-umpisa siyang mag-google ng isang produktong sikat na sikat ngayon sa internet. Matagal na niyang nababalitaan ang tungkol sa produktong ito na diumano ay nakakatulong para madagdagan ng ilang pulgada ang sukat ng ari ng isang lalaki.

Napangiti siya nang lumabas sa screen ng laptop ang iba’t ibang imahe ng Gigantic Cream. Ito ang produktong sabi sa internet ay kinababaliwan ngayon ng maraming kalalakihan. Kung ganoon, hindi lang pala siya ang hindi nabiyayaan ng tamang sukat. Hindi pala siya nag-iisa. Marami sila.

Pero ano ba ang tamang sukat? Sabi sa internet, ang average size ng isang pinoy ay four to five inches. Kung ganoon ay pasok naman pala siya sa average size. Pero kung ibabase sa tindig niya, nakakahiyang malaman ng iba na sa tangkad niyang iyon at sa laki ng kanyang katawan ay ganoon lang ang sukat ng alaga niya. Sinong lalaki ang matutuwa sa 4.5 inches na cobra? Baka sabihin pa nila, hindi naman cobra ’yan kundi bulate.

Pinindot niya ang buton para makapag-order siya online ng Gigantic Cream. Mabuti na lamang at puwedeng bumili online. Hindi siya obligadong humarap sa kung sino mang sales clerk para personal na bumili ng kremang ipinapahid sa ari para ito’y madagdagan ang sukat.

Problema lang, kailangan niyang maglagay ng personal details pati credit card details para makapag-order ng Gigantic Cream. Nagdalawang-isip siya tuloy kung oorder pa ba o hindi. Paano kung may nakakakilala pala sa kanya sa kompanya ng kremang iyan? Eh, ’di nalaman pa nito na siya, si Egnaro “Orange” Lorenzo na CEO ng pamosong D Elder Group of Companies ay parukyano sa produktong pampalaki ng titi!

Sa huli ay napagdesisyunan niyang huwag na munang bumili. Hindi na muna ngayon. Saka na lang. Makikibalita na lang muna siya kung totoo bang epektibo ang kremang ito. Baka mamaya ay may side effect ito at siya pa ang mabiktima, mas malaking problema. Hindi niya pinangarap na maibalita sa tv sa ganoon kanegatibong sitwasyon.

Lalaking gumamit ng kremang pampalaki ng ari, naimpeksyon!

Nakakahiya!

Baka hindi na siya lumabas ng bahay buong buhay niya kapag mangyari sa kanya ang ganoon.

Hindi. Hindi siya talaga puwedeng umorder ng kremang iyon sa ngayon. Mahirap na ang mapahamak.

Nagsuot siya ng sleeveless gray shirt at kinuha sa cabinet ang isang black cap at lumabas ng bahay. Pupunta na lang muna siya sa mall para mag-grocery. Kapag ganitong weekend ay may kanya-kanyang lakad ang mga kasama niya sa bahay. Mas pinili niyang pumirmi sa bahay ngayon dahil napagod siya sa trabaho buong linggo at gusto niyang bumawi ng pahinga. Pero dahil schedule na rin ng paggo-grocery nila ngayon, mamimili na muna siya bago niya ubusin ang natitirang maghapon sa pagkukulong sa loob ng kanyang kuwarto.

PAGDATING niya sa supermarket ng isang kilalang mall ay saglit siyang napahinto dahil may pinagkakaguluhan ang mga tao. Narinig niya ang komento ng ilang mga tao roon. Naroon daw si Maia Alonzo.

Sino iyon? Bakit hindi niya kilala kung sikat pala iyon? Ganoon na ba kaokupado ng trabaho ang oras niya at pati mga celebrity ay hindi na rin niya kilala? Sabagay, hindi naman siya mahilig manood ng pinoy movies.

Nasa ganoon siyang malalim na pag-iisip nang dumaan sa harap niya ang isang napakagandang babae na sinusundan ng sangkaterbang nagtitiliang fans. Panay ang kaway ng magandang babae sa mga tao sa paligid. At hindi sinasadya ay nagtama ang kanilang mga paningin.

2

KINAIN ng kadiliman ng gabi ang tumatakbong mga bata.

Nang ganap na makalayo sa Tahanang Kalingaan ay saka pa lamang sila huminto. Hingal na hingal si Violet. Ganoon din si Indigo.

“Nasaan na tayo?” tanong ni Yellow. “Baka mahanap pa rin tayo ni Ms. Catindoy. Ibabalik din nila tayo sa tahanan.

“Hindi na tayo babalik doon. Tatakas ulit tayo kapag ibinalik nila tayo roon,” deklara ni Red.

“Kuya, inaantok na ako,” daing ni Violet.

“Ako rin,” sabad naman ni Indigo.

Sina Blue at Green ay tahimik lang. Naghihintay lang sa susunod na sasabihin ng mga kasama.

“Saan tayo matutulog?” tanong ni Yellow.

“Saan tayo titira? Saan tayo kukuha ng makakain?” tanong naman ni Orange.

“Magtatrabaho tayo para may makain. Kahit ano. Tulong-tulong tayo,” sagot ni Red na akala mo’y ganoon lang kadali ang lahat. “Pero ngayon, matulog na muna tayo. Inaantok na sina Indigo at Violet.”

“Doon na lang tayo sa ilalim ng hagdan ng tulay,” suhestiyon ni Orange na ang tinutukoy na tulay ay ang footbridge na nasa ’di kalayuan.

“Tama! Doon muna tayo magpapahinga,” pagsang-ayon ni Red. “Tara, punta na tayo.”

Nagkanya-kanya na sila ng lakad papunta sa ilalim ng hagdan ng footbridge.

Binuksan ni Red ang dala niyang bag at kinuha ang dalang jacket. “Eto, Violet isapin mo ’to sa semento. Para ’di ka magkasakit. Kayo rin, magsapin kayo ng kahit anong damit sa hihigaan n’yo.”

Agad na sumunod sa sinabi ni Red ang iba pang mga bata.

Hindi nagtagal at nakatagpo ng kapayapaan ang mga pagod na katawan ng mga ulilang anghel. Mahimbing silang nakatulog dala ang pag-asang may solusyon na sila sa mga problema paggising nila sa isang bagong umaga.

NANG magmulat ng kanyang mga mata si Red ay si Violet ang agad nitong hinanap. Wala ang batang babae sa hinigaan nito. Naiwan lang ang pulang jacket na pinahiram niya rito.

“Violet?” Tumayo siya at nagpalinga-linga sa paligid. Mainit na ang sikat ng araw at hindi lang nila namamalayan dahil sa natatakpan sila ng hagdan ng tulay.

Ginising niya ang mga kasama. “Magsigising na kayo. Tulungan n’yo akong hanapin si Violet.”

Naunang bumangon si Yellow, kasunod sina Green at Blue. Huling bumangon sina Orange at Indigo. Agad nilang dinampot ang dalang mga bag at saka tumayo.

Dinampot ni Red ang kanyang bag pati na rin ang gamit ni Violet at ang jacket na pinahiram niya rito.

Nasa gawing unahan lang ng kalye si Violet. Nanghihingi siya ng limos sa mga taong dumaraan. Isang babae ang nag-abot sa paslit ng limang piso. Ang isang binatang nakaunipormeng pang-estudyante ay binigyan siya ng sandwich na kaagad naman niyang tinanggap.

Isang kotse ang huminto sa tapat niya dahil inabutan ng trapik sa kalsada.

Kaagad na lumapit si Violet sa kotse at kinatok ang bintana nito sabay pakita ng munti niyang palad.

Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto ng kotse at bumaba ang isang matangkad at mestisahing matandang babae.

“Nagugutom ka ba?” tanong sa kanya ng babae.

Sunod-sunod na tango ang isinagot niya.

“Nasaan ang mga magulang mo?”

Sunod-sunod na pag-iling naman ang ginawa niya bilang sagot sa tanong nito.

“Sino ang mga kasama mo?”

“Mga kuya ko po,” sagot niya sa mahinang tinig.

“Violet!”

Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Maging ang matandang babae ay tiningnan din ang grupo ng mga batang lalaki na ngayon ay papalapit sa kanila.

“Nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap,” sita sa kanya ni Red.

Bago pa siya nakasagot ay nagsalita na ang matandang babae, “Bakit may dala kayong mga gamit? Nasaan ang mga magulang n’yo?”

Walang nakasagot sa kanila. Baka kapag nalaman ng matanda na wala na silang mga magulang ay ibalik sila nito sa tahanan.

“Naglayas kayo?”

“Hindi. Tumakas lang kami sa tahanan dahil ayaw naming magkahiwalay.” Si Red ang matapang na sumagot sa tanong ng babae.

“Tahanan?”

“Doon kami dinala ng DSWD no’ng masunog ang bahay ampunan.”

“Ahh…” Napatango ang babae. Nabalitaan niya ang tungkol sa nasunog na bahay-ampunan. “Gusto n’yo bang sumama sa akin?”

“Hindi po,” mabilis na sagot ni Red. “Violet, halika na rito. Aalis na tayo.”

Biglang hinawakan ng babae sa braso si Violet.

“Isang tanong, isang sagot… sasama ba kayo sa akin o dadalhin ko kayo sa istasyon ng pulis?” pananakot ng babae. “Huwag kayong magtatangkang tumakas. Sisiguruhin kong may mahuhuli ako kahit isa lang sa inyo. Hindi na kayo kumpleto.” Misteryosa ang ngiting pinakawalan ng matandang babae. Manghang-mangha ang mga bata. Sino ba ang matandang babaeng ito na hindi naman mukhang pinoy pero napakatatas magsalita ng tagalog?

AWTOMATIKONG napangiti si Orange nang magtama ang tingin nila ng magandang babae. Ito pala si Maia Alonzo, sabi ng isip niya. Napakagandang babae. Napakasopistikada.

Kahit nakalampas na sa kanya ang babae ay sinundan pa rin niya ito ng tingin. Kakaiba ang ganda ng babaing iyon na Maia Alonzo raw ang pangalan.

Pagkatapos mag-grocery ay agad siyang umuwi. Wala pa ring tao sa bahay. Inilagay lang niya sa ref ang mga pinamili pagkatapos ay nagtungo siya sa kanyang kuwarto.

Binuksan niya ang kanyang laptop at agad na hinanap kay Google ang pangalan ng magandang babaeng nakita niya sa mall kanina.

Nagulat pa siya nang tumambad sa kanya ang iba’t ibang larawan ni Maia Alonzo. Ang iba ay naka-gown ito at nasa isang showbiz event. Ang iba naman ay nakapormal na attire lang. Pero mas marami ang mga litratong naka-bikini lang ito at halos wala nang itinago sa katawan. Sabi sa artikulong katabi ng mga larawan, si Maia Alonzo ang pinakabagong sex symbol ng local show business. Kilala rin ito sa bansag na Millennial Sex Nymphet at ang huling pelikula nito ang may hawak ng record bilang topgrossing sexy movie of all time.

Napalunok siya nang sunod-sunod nang makita ang isang larawan ni Maia na tanging basang puting kamison lang ang suot. Nasa batis ang babae at nakakahalinang tingnan ang inosente nitong itsura. Pero ang mas nakapagpatuyo ng kanyang lalamunan ay ang halos aninag na pribadong bahagi ng katawan ng babae dahil sa manipis na basang telang suot nito. Wala itong suot na panloob. Sinimulan siyang pagpawisan sa pagtitig pa lang sa magandang tanawing nasa kanyang harapan.

Normal na lalaki si Orange at naramdaman niya ang reaksyon ng kanyang pagkalalaki sa nakaka-L na larawan ng magandang sexy star. Mabilis niyang dinukot ang kanyang alaga at ikinambyo para ayusin.

Nasa ganoon siyang sitwasyon nang bumukas ang pinto at pumasok si Yellow. “What are you doing?”

Hindi siya nakasagot.

3

NAMANGHA pang lalo ang mga bata nang dumating sila sa bahay ng matandang babae. Ayaw man nilang sumama ay wala na silang nagawa. Naisip nilang mas mabuti na sigurong sumama silang pito, at least magkakasama pa rin sila. Kaysa naman dalhin sila ng matandang babae sa pulis. Baka magkahiwa-hiwalay lang sila.

Pumasok ang isa pang babaeng kasama ng matandang babae sa kotse kanina. Kasama nito sina Yellow, Orange at Blue. Nagtaksi na lang ang mga ito dahil hindi na kakasya sa kotse ng matandang babae.

Magkakatabi namang naupo sa likurang bahagi ng kotse ng matandang babae sina Red, Indigo, Violet at Green

.

“Ilang taon na po kayo? Ang ganda-ganda n’yo po,” inosenteng tanong ni Indigo

nang naroon na silang lahat sa loob ng bahay.

Nginitian ng matandang babae si Indigo at masuyong ginulo ang buhok nito. “Maraming salamat sa’yo sa magsasabing maganda ako.”

“Ba’t n’yo kami isinama rito?” Si Red ang nagtanong.

“Bago ko sagutin ’yan, magpapakilala muna ako. Ako si Mistress Dorothy Elder, isang American-Scottish philantrophist at mahigit dalawang taon nang naninirahan dito sa Pilipinas. I am fifty-three years old.”

Nanlaki ang mata ng mga bata sa labis na paghanga. Oo at alam nilang may edad ka ang babae pero hindi ito mukhang fifty-three. Napakabata ng itsura nito kumpara sa totoo nitong edad.

“Eto naman si Alfreda, ang aking personal assistant.” Bata pa si Alfreda at mukhang mabait. Ngumiti pa nga ito sa mga bata nang ipakilala ni Mistress Dorothy. “Isinama ko kayo rito dahil gusto ko kayong tulungan. Mukha naman kayong mababait na mga bata kaya gusto kong dito na kayo tumira sa akin.”

“Paano kung hanapin kami ng mga tauhan sa tahanan? Siguradong ipapahanap kami ni Ms. Catindoy,” sabi ni Red.

“Oo nga. Pati mga tauhan ng DSWD, hahanapin din kami,” pagsang-ayon naman ni Orange na sampung taong gulang na noon.

“Bahala na ang abogado kong umasikaso ng mga dapat gawin para maging legal ang pagtira ninyo rito sa akin. Huwag na kayong mag-alala dahil magkakasama naman kayong pito rito.”

“May pagkain ka po ba rito?” biglang naitanong ni Violet.

Tumingin si Mistress Dorothy kay Alfreda at nagsabing, “Sabihan mo si Melinda na ipaghanda tayo ng makakain.”

Tumango si Alfreda at iniwan sila sa salas.

“Ngayon, gusto kong isa-isa kayong magpakilala sa akin,” sabi ni Mistress Dorothy. “Mauna ka,” utos nito kay Red. “Tapos, sumunod na ’yong iba pa.”

“Ako si Redentor Blanco, eleven years old. Red ang tawag nila sa akin.”

“Ako po si Orange. Pero Egnaro Lorenzo ang buo kong pangalan. Ten years old po ako.”

“Lemon Navarro po ang pangalan ko. Tawagin n’yo na lang po akong Yellow.

Napangiti si Mistress Dorothy. Tila ba naaaliw ito sa pangalan ng mga bata na hango sa mga kulay.

“Ilang taon ka na, Yellow?”

“Eight years old po.”

“Ikaw naman, anong pangalan mo?” tanong ng matandang babae kay Green.

“Green po, eight years old,” matipid nitong sagot.

“Ano ang buo mong pangalan?”

“Verdell Suarez po.” Mukhang masyadong mahiyain ang batang ito

, naisip ng babae.

“Ikaw naman, little girl ano’ng pangalan mo?”

“Violeta Carrasco po…”

“Ilang taon ka na, Violet?”

Ipinakita ng bata ang kanyang edad sa pamamagitan ng pagtataas ng kanyang anim na daliri.

“Six?”

Sunod-sunod na tango ang sagot nito.

“Ako rin, six!” sigaw ni Indigo.

“Ano naman ang pangalan mo?”

“My name is Indigo Ferrer,” pabibong sagot nito.

“Thank you, Indigo. Ikaw naman, cute boy anong pangalan mo?”

“Blue Trevino po, pitong taon na po ako,” nahihiyang sagot ng bata.

“Amazing names! Maraming salamat, mga bata. Mula ngayon ay dito na kayo titira. Pag-aaralin ko kayo at aalagaan hanggang sa inyong paglaki at kaya n’yo nang mabuhay nang mag-isa. Wala akong hihinging kahit na anong kapalit sa inyo maliban sa pangakong pagbubutihin ninyo ang inyong pag-aaral.”

Nakatanga lang sa kanya ang pitong mga bata. Nagtataka siguro ang mga ito kung bakit napakabait niya sa kanila.

“Nagkakaintindihan ba tayo, mga bata?”

Nagtinginan muna ang pito bago sila sabay-sabay na sumagot, “Opo!”

IKINAGULAT ni Orange ang biglang pagpasok ni Yellow sa kanyang silid.

“I said what are you doing, dude?” natatawang pag-ulit ni Yellow sa tanong.

“You, bastard!” Binato niya ito ng unan. “Why do you just enter my room without knocking first?”

Napanganga si Yellow. “Kailan pa ako naging bawal pumasok sa room mo? Dati naman puwede, ah.”

“You could have at least knocked first,” naiiling na sabi ni Orange.

Natatawa pa rin si Yellow. “Dude, it’s nothing. Seeing you doing that is not a big deal to me. We’re both guys.”

“What the fuck! I’m not doing anything. It’s not what you think. I just fixed my dick, asshole!”

Nagkibit-balikat na lang si Yellow. “Well, if that’s what you say. So be it.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Orange. “Hindi ka naniniwala?”

Ngumisi si Yellow na parang nakakaloko. “No. Not after seeing those hot photos in your laptop screen.”

Nanlaki ang mga mata ni Orange at mabilis na ibinaba ang screen ng laptop. “This is nothing. I’m just searching on something.” Pakiramdam niya ay nahuli siyang gumagawa ng isang malaking kasalanan.

“Dude, at your age, this is no big deal. Don’t play virgin here unless you’re one,” natatawang sabi pa nito. Tapos bigla itong naging seryoso at tumingin sa mata niya. “Are you?” naghihinalang tanong ni Yellow.

“No!” mariin niyang tanggi. “Paano mong naiisip ’yan? Sa ating anim, aminado kayong ako ang pinakahabulin ng babae.”

“Pero wala kang ipinapakilalang girlfriend sa amin, kahit minsan.” Nasa mukha ni Yellow ang pagtataka.

Napalunok si Orange. Mahirap magsinungaling sa isang taong kasama mo araw-araw mula pagkabata.

Totoo namang habulin siya ng mga babae. Pero kahit minsan ay wala siyang binigyan ng atensyon dahil sa sobrang insecurities na nararamdaman niya kapag naaalala niya ang kanyang kakulangan. Natatakot siyang iwanan lang ng babae kapag nalaman ng mga ito ang maliit niyang problema. Ilang beses na siyang nakapanood sa telebisyon ng mga iniinterbyung babae na buong ningning na nagsasabing size does matter. Ganoon na yata talaga ang mga babae ngayon. Sa sobrang pagka-liberated, hindi na kuntento sa performance lang. Kailangang pasado rin ang sukat ng weapon of destruction.

“Hoy! Ang lalim ng iniisip mo. I’m just asking you if you’re a virgin or not.”

“Ulol! Lumabas ka nga rito. Mga tanong mong walang kuwenta.”

“Dude, kung virgin ka pa at gusto mo ng experience puwede kitang tulungan.” Si Yellow ay parang demonyong nanunukso. Pero maingat si Orange sa pagtatago ng kanyang sikreto.

Umiling-iling siya bago sinagot ang alok ng kaibigan, “I don’t need your help. I am an experienced man at kayang-kaya kong kumuha ng babae anytime.”

4

WALA namang planong makipagdebate kay Orange si Yellow. “Well, if you insist, e ’di sige. Katawan mo ’yan, ikaw ang mas nakakaalam ng mga nangyayari sa’yo,” tatawa-tawang sabi pa nito.

Dinampot ni Orange ang isang unan na nasa kama at agad na ibinato sa kaibigan. “Lumabas ka na, bastard!”

Mabilis namang nakailag si Yellow at humahalakhak na lumabas sa silid.

Siniguro ni Orange na naka-lock ang pinto bago muling hinarap ang kanyang laptop. Pero hindi para muling tingnan ang mga larawan ni Maia Alonzo kundi para tuluyang i-turn off ito. Pagkatapos ay parang wala sa sariling ibinagsak ang kanyang katawan sa malambot niyang kama.

Sa kanyang pagkakahiga ay tumambad sa kanya ang puting kisame. Buong kuryusidad niyang sinuri ito na para bang may makikita siyang kung ano man dito. Wala naman siyang nakita sa kisame. Pero ilang saglit lang ay muling sumariwa sa kanyang isipan ang ilang mga eksena mula sa kanyang pagkabata.

“Mga bata, sumunod na kayo sa akin para mapaliguan ko kayo,” utos ni Alfreda sa pitong mga bata na nasa salas at masayang nagkukuwentuhan. “Darating na si Mistress Dorothy,” babala pa nito.

Mabilis na kumilos ang mga bata at sumunod sa katiwala pero naiwang nakaupo si Orange at hindi ito kumilos.

“Orange, halika na rito!” tawag pa sa kanya ng babae nang mapansin nitong naiwan pa siya sa salas.

“Ayoko pong magpaligo sa inyo. Ten years old na ako, kaya ko nang maligong mag-isa,” protesta pa niya. “Mamaya na lang po ako maliligo, pagtapos n’yo.”

“Eh, bakit ako? Eleven na ako pero pinaliliguan pa rin ako ni Ate Alfreda,” sagot naman ni Red.

“Oo nga,” sang-ayon naman ni Alfreda sa sinabi ni Red. “Violet, halika rito. Ikaw na ang mauna.” Pumasok sila sa loob ng banyo pero hindi naman iyon isinara ni Alfreda. Naiwang naghihintay sa labas ang iba pang mga bata.

“Ewan ko sa’yo, Red. Basta ako, maliligo akong mag-isa.”

“Ang arte mo naman!” puna pa ni Red.

“Hindi ako maarte. Kaya ko na ngang maligong mag-isa kaya bakit pa ako magpapaligo kay Ate Alfreda? Ikaw nga, dapat maligo ka na ring mag-isa. Ang laki-laki mo na, eh.”

Saglit na hindi nakapagsalita si Red. Iniisip nito ang sinabi ni Orange. Maya-maya pa’y naglakad ito pabalik sa sala.

“O, saan ka pupunta, Red?” tanong ni Alfreda.

“Ayoko na rin pong magpaligo sa’yo, Ate Alfreda. Tama si Orange. Malaki na ako. Kaya ko na ring maligong mag-isa. Maliligo ako mamaya pagkatapos mo po silang paliguan.”

“Aba, e ’di maganda. Mababawasan ang trabaho ko. Hindi ba, Violet?” sabi pa nito sa batang kasalukuyang pinaliliguan, sabay kiliti rito.

Bumungisngis lang si Violet sa kiliting naramdaman.

Nang matapos paliguan ni Alfreda ang limang mga bata ay tinawag nito si Red. “O, Red, maligo na kayo ni Orange. May tuwalya na sa banyo, gamitin n’yo pagkatapos maligo.”

“Orange, halika na!”

“Ikaw na muna, mamaya na ako pagkatapos mo.”

“Ha? Sabay na tayo. Malaki naman ang banyo. Kasya nga tayong lahat doon, eh.”

Kumunot ang noo ni Orange at saka huminga nang malalim. “Ikaw na nga muna…”

“Bahala ka na nga. Kung ayaw mong sumabay, ’wag.” At tumakbo na ito patungong banyo para maligo.

Ilang sandali pa ay naririnig na ni Orange ang lagaslas ng tubig na ibinubuhos ni Red sa katawan nito. Mula sa salas ay tanaw ang banyo nila at naririnig niya ang buhos ng tubig dahil hindi naman nagsara ng pinto ng banyo si Red.

Hindi naman nagtagal at lumabas ng banyo si Red na nakatapis lang ng tuwalya mula baywang pababa. Diretso itong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang kanilang kuwarto. Noon naman lumabas mula sa kusina si Alfreda at muling sinita si Orange.

“Ano pa ang hinihintay mo? Ikaw na lang ang hindi naliligo…” paalala pa nito sa kanya.

“Maliligo na po…” Tumayo na siya at nagtungo sa banyo at saka isinara ang pinto. Siniguro pa niyang naka-lock ito.

“O, ba’t nag-lock ka pa ng pinto?” mula sa loob ng banyo ay narinig niyang tanong ni Alfreda. “Baka madulas ka, hindi kita agad matutulungan.”

“Hindi po. Mag-iingat po ako,” sagot niya at saka nagbuhos na ng tubig sa kanyang katawan.

“Ikaw talagang bata ka, ang liit-liit mo pa may malisya ka na agad sa katawan.”

Napatigil sa pagbubuhos si Orange. Paulit-ulit na bumalik sa isip niya ang sinabi ni Alfreda.

Ang liit-liit mo pa…

Ang liit-liit mo pa…

Napatingin siya sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Sa mura niyang edad ay may mga tanong nang nabubuo sa kanyang isipan. Matagal na niyang napapansin ang may kaliitang sukat niyon.

Paano niyang nalaman na hindi normal ang sukat ng bahaging iyon ng kanyang katawan?

Kasi nakikita naman niya kapag naliligo sila… iba ang kay Red. Iba rin ang kay Yellow. Kay Green. Kay Blue. Pati kay Indigo.

Hindi naman sana magiging malaking isyu iyon sa kanya. Pero nang makita niyang mas malaki ang kay Indigo, doon siya nakaramdam na parang may mali sa kanya.

Si Indigo na pinakabata sa kanila ay mas malaki pa ang bahaging iyon kaysa sa kanya!

Anong nangyari? Bakit maliit ang sa kanya? Bakit mas malaki ang sa mga kaibigan niya?

Nahihiya naman siyang magtanong sa mga kaibigan niya dahil natakot siyang mapagtawanan ng mga ito.

Hindi na rin niya ginawang sabihin ang problema sa mga matatandang kasama sa bahay dahil babae ang mga ito. Mas lalo siyang nakadama ng hiya sa isipin pa lang na magtatanong siya sa mga ito ng tungkol sa bahaging simbolo ng kanyang pagkalalaki.

Hindi sinasadyang sa edad niyang iyon ay nagkaroon na siya ng insecurity sa kanyang katawan.

Binilisan na niya ang paliligo at nang matapos ay halos takbuhin niya ang hagdan para marating kaagad ang kanilang silid at makapagsuot siya ng damit.

EWAN kung anong naisipan ni Orange nang gabing iyon dahil imbes na umuwi ng bahay pagkatapos ng trabaho ay naisipan niyang dumaan sa isang bar. Ipinarada niya ang kanyang kotse sa gilid at bumaba para uminom sana kahit dalawang bote lang ng beer. Pero bago pa siya nakapasok sa bar ay isang babae ang tumawag sa kanya.

“Pogi! Huwag ka nang pumasok diyan. Gimik na lang tayo.”

Nilingon niya ang babaeng may dalang malit na pulang shoulder bag na sa tingin niya ay nasa disinuwebe o kaya naman ay beinte ang edad. Maganda ito at maamo ang maliit na mukhang binagayan ng matangos na ilong at manipis na mga labing namumula sa kapal ng lipstick.

Saglit na napahinto si Orange bago siya tuluyang nagdesisyon.

“Ano’ng gimik mo?” tanong niya sa babae.

“Ikaw, kung anong gusto mo.” Malanding ngumiti ang babae bago kinagat ang ibaba niyang labi kasabay ang isang nang-aakit na kindat.

Napalunok si Orange. Alam niyang mali pero parang gusto niyang subukan.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Sinenyasan niya ang babae na sumunod sa kanya. Bumalik siya sa kotse at ang babae naman ay mabilis ding sumakay. Wala nang usapan pa. Pinatakbo ni Orange ang sasakyan at dinala sa pinakamalapit na motel.

5

PAGKAPASOK pa lang ng kuwarto ay agad nang naging agresibo ang babae. Kitang-kita sa mukha nito ang matinding pagkagusto kay Orange. Ibinagsak nito sa sahig ang dalang shoulder bag at mabilis na pinupog ng halik ang binata kasabay ang paglalaro ng malikot nitong mga kamay sa katawan ng lalaking kasama sa malamig na silid na iyon.

Gulat man ay nagpatianod na lang si Orange sa mga nangyayari. Nagkaroon na rin naman siya ng girlfriends pero hindi niya sinubukang gawin ang ganito. Hanggang halik lang ang nagawa niya sa mga nakaraan niyang relasyon. Aminado siyang ito ang unang beses na gagawin niya ang ganitong bagay pero hindi niya ipinahalata sa babae ang pagiging baguhan niya sa larangang ito. Sinalubong niya ang maiinit na halik ng babae. Ginaya niya ang bawat gawin ng mga kamay nito. Kung saan humawak ang kamay ng babae ay ganoon din ang ginagawa niya. Basta, handa siyang tapatan ang bawat ikikilos ng babaeng parang inahing manok na gustong-gusto nang mangitlog.

Hindi namalayan ni Orange na nahubad na ng babae ang suot niyang long sleeves polo. Natanggal na rin nito ang pagkakabutones ng suot niyang pantalon. Nagulat pa nga siya nang bigla siya nitong itulak pahiga sa malambot na kama ng motel na iyon. Kasunod ay malandi siyang pinagmasdan ng babae habang isa-isa nitong hinuhubad ang suot na damit.

Napatanga si Orange nang tuluyan nang hubarin ng babae ang kahuli-hulihan nitong saplot. Wala itong itinira ni isa mang suot. Napabalikwas nang bangon si Orange at napaupo sa kama.

“O, bakit?” natatawang tanong ng babae. “Huwag mong sabihing first time mo, hindi ako maniniwala.”

Napalunok si Orange habang titig na titig sa hubad na katawan ng babae. Kahit sabihin pang nagbebenta ito ng panandaliang aliw, hindi maikakailang totoong napakaganda nito, mukha at katawan, makinis pa ang balat.

“H-how much do you charge?” wala sa sariling naitanong niya.

Saglit na nag-isip ang babae. Namilog pa ang mga mata nito na para bang aliw na aliw sa guwapong lalaking kaharap. “Hindi mo man lang ba itatanong muna kung ano ang pangalan ko?” parang nagtatampong tanong pa nito. “Umaasa pa naman akong type mo ako.”

“Oh, I’m sorry,” paghingi niya rito ng paumanhin. “Anong pangalan mo?”

“Call me Dolly. Sa tamang halaga, ako’y iyong madadale.” Kinindatan siya ng babae kasunod ang isang mapang-akit na ngiti.

Muntik na siyang matawa pero pinigilan niya ang sarili. “At magkano ang tamang halaga?” muli niyang tanong.

Kumislap ang mga mata ni Dolly. “Hmm… dahil guwapo ka at type kita, bibigyan kita ng discount. Three thousand na lang. Five thousand ang singil ko sa iba, ha? Ang laki ng discount mo. Alam mo, kung ’di ko nga lang kailangan ang pera ngayon, baka ibigay ko pa ng libre na lang. Ganoon kita kagusto!” diretsong pahayag ng babae.

Hindi alam ni Orange kung paano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ng babae. Pero wala nang oras para mag-isip pa ng tamang reaksyon dahil tinalon na siya ni Dolly kaya magkapatong silang napahiga sa kama, siya ang nasa ilalim.

“Wait, teka!” tanging nasabi niya nang umpisahan siyang halikan ni Dolly sa dibdib at sa iba’t iba pang bahagi ng kanyang katawan. Para itong gutom na sabik na sabik nang kumain ng isang masarap na putahe. “Sandali lang…”

Hindi pinakinggan ni Dolly ang pakiusap ni Orange. Abalang-abala na siya sa ginagawang pagpapaligaya sa lalaking kostumer na type na type niya.

Kasabay ng walang pagkapagod na paghalik sa buong katawan ni Orange ay ang paglalakbay ng dalawang kamay niya sa iba pang bahagi ng katawan ng lalaki. Talagang gagawin ni Dolly ang lahat para masulit ang gabing ito. Hindi lang si Orange ang mag-e-enjoy sa kanya. Siya rin ay magpapakasawa sa katawan ng lalaking pinakaguwapo sa lahat ng naging kostumer niya simula pa nang pasukin niya ang ganitong uri ng trabaho.

Bumaba pa si Dolly sa katawan ni Orange at tuluyan niyang ibinaba ang zipper ng pantalon nito. Walang pagkahiyang hinubad niya ang pantalon at malaya niyang nakita ang halos hubad nang katawan ng lalaki. Tanging white boxers na lang ang natitira nitong suot kaya naman lalong kumislap ang mga mata ni Dolly. Buong kapilyahan niyang hinablot ang natitirang saplot ng binata ngunit maagap na kumilos si Orange at hinawakan ang mga kamay ng babae.

“H-huwag!” Bakas ang pagkabahala sa mukha ni Orange. Natatakot siya sa posibleng reaksyon ni Dolly kapag nakita nito ang bahaging nakatago sa loob ng kanyang boxers.

“Bakit ba? Nambibitin ka naman, eh!” reklamo pa ni Dolly. “Excited na ako.”

“Huwag na kaya nating ituloy…” Napalunok siya sa matinding kabang nararamdaman.

“Hindi puwede. Sayang naman, nandito na tayo sa motel. At saka,  hindi ka ba nagagandahan sa akin?”

“W-wala akong dalang condom,” naisip niyang magpalusot.

Natawa ang babae. “Iyon lang ba? Huwag kang mag-alala, ready ako.” Tumayo ito at kinuha ang kanyang shoulder bag na nasa sahig. Sa loob ng bag ay dinukot nito ang isang pakete ng condom at iwinagayway pa kay Orange. “Wala pang bawas ito, tatlong piraso. Puwede kang umulit mamaya kung gusto mo.”

Abot hanggang tenga ang ngiti ni Dolly habang papalapit kay Orange na nakahiga pa rin sa kama at sapo-sapo ang kanyang harap.

Napapikit na lang si Orange nang maramdaman niyang dahan-dahang hinubad ng babae ang boxers niya. Hanggang sa tuluyan na nga siyang mahubaran nito.

Napalunok siya nang sunod-sunod. Hinihintay niyang magsalita si Dolly.

“Ba’t ganyan?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Dolly. “Ano ’yan? Disposable lighter? Sili? Bakit ang liit?  Ang laki-laki mong tao ganyan lang ang putotoy mo?”

Hindi nakapagsalita si Orange. Sa sobrang kaba niya ay nanatiling lupaypay at hindi man lang nagpakita kahit konting kagitingan ang kanyang little bird. Maliit na nga ito ’pag galit. Eh, ’di mas lalo pang maliit kapag nasa flaccid state. Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili lalo na nang makita niyang halos nagpipigil lang na huwag mapahalakhak si Dolly.

Pero ang babaeng sanay sa kalakaran ng laman ay sadyang hindi mapigilan ang bunganga.

“Iyan na ’yon? Diyos ko, wala na bang ilalaki ’yan? Todo na ’yan?” sunod-sunod na tanong ni Dolly kaya pakiramdam ni Orange ay lalo siyang nanliit. “Mabuti na lang pala at nagtri-trim ka, kung hindi ay baka naglaro pa kami ng hide and seek nitong alaga mo. Hahanapin ko pa sana ito sa madilim na damuhan kung nagkataon.”

Kunot-noong bumangon si Orange at isinuot ang kanyang boxers. Pagkatapos ay dinampot ang kanyang pantalon at kinuha ang wallet niya at dumukot doon ng tatlong libong piso.

“O, eto na ang bayad mo. I don’t want to hear any unsolicited comments from you again,” matigas niyang sabi. Hindi na niya papayagang hiyain pa siya nang harap-harapan ng babaing ito.

“Ayaw mo na?”

“Magbihis ka na. Uuwi na ako,” sabi niya kay Dolly habang nagmamadaling isinusuot ang kanyang damit.

Binilang ng babae ang hawak na pera. Nang masigurong eksakto ito sa pinag-usapan nilang halaga ay taas-noo itong tumayo at dinampot ang nagkalat niyang mga damit at agad na nagbihis.

Pagkalabas ng motel ay tumakbo pa ang kotse ni Orange ng ilang metro bago niya inihinto sa gilid ng kalsada.

“Bumaba ka na rito. I’m already out of the way. Magtaksi ka na lang kung saan ka man pupunta.” Siniguro niyang modulated at puno ng awtoridad ang kanyang boses.

“Nakakainis ka naman. Napaka-ungentleman mo. Hindi mo man lang ako ihatid,” reklamo pa nito.

“Bumaba ka na…”

“Oo na! Sandali!” Bumaba na si Dolly at pabagsak nitong isinara ang pinto ng kotse.

Pinaharurot ni Orange ang kanyang sasakyan at iniwan si Dolly na nagtutungayaw sa galit.

“Mabangga ka sana! Mayabang! Jutay!!!”

6

ISANG araw ay kinausap ni Mistress Dorothy silang anim na mga batang lalaki.

“Sasama kayo sa akin. Pupunta tayo sa clinic ni Dr. Ruiz,” seryosong sabi ni Mistress Dorothy sa mga bata.

“Sino po ang may sakit?” inosenteng tanong ni Red na noon ay dose anyos na.

“Walang may sakit. Sasamahan ko lang kayong anim to undergo circumcision procedure,” paliwanag pa nito.

Napatanga ang mga bata. Hindi nila naintindihan kung ano ba ’yung sinabi ni Mistress Dorothy.

“Ano po ’yun?” tanong ni Green.

“Hindi ko alam sa tagalog pero I’m sure you guys know it,” aniya.

Nagkatinginan na lang ang mga bata.

Habang bumibiyahe papunta sa klinika ni Dr. Ruiz ay tahimik lang ang lahat. Hanggang nang sapitin nila ang clinic ng doktor ay nasa mukha pa rin ng mga bata ang pagtataka at konting alinlangan. Sa bahay-ampunan ay madalas din silang dalawin ng mga doktor. At sa tuwing pupunta roon ang mga doktor ay siguradong bawat isa sa kanila ay makatitikim ng injection. Bakuna raw iyon panlaban sa kung anu-anong mga sakit. Hindi ba’t ilang beses din silang nakipaghabulan at nagtago para lang hindi sila mabakunahan? Si Red, Blue at Green lang

ang malakas ang loob na sagupain ang turok ng karayom.

“Mistress Dorothy, good morning!” bati ng isang lalaking ang suot ay uniporme ng isang doktor. Nasa reception area ito at kausap ang babaeng receptionist nang sila’y dumating. “Sila ba ang mga pasyente natin?” tanong pa nito.

“Yes, they are, Dr. Ruiz. The eldest is twelve and the youngest is seven.”

“Hmm, puwede na. They are more than ready for the procedure,” tumatangong sabi ng manggagamot.

Nagkatinginan ang mga bata. Sa malas ay alam nilang sila ang pinag-uusapan ng dalawa. Nakakaintindi naman sila ng Ingles dahil mula nang kupkupin sila ni Mistress Dorothy ay pinag-aral na rin sila nito sa isang pribadong paaaralan.

“So, who will be the first one?” tanong ni Dr. Ruiz.

Sumagot si Mistress Dorothy, “Red, you’ll be the first. Sumunod ka na kay Dr. Ruiz.”

“Halika, Red,” nakangiting sabi ng doktor at saka naglakad na papasok sa isang kuwarto na nasa loob ng klinikang iyon.

Kampanteng sumunod si Red sa manggagamot. Kung bakuna lang naman ang gagawin ng doktor ay hindi naman siya natatakot.

Paglabas ni Red mula sa loob ng clinic ng doktor ay napansin ng mga bata na paika-ika itong maglakad.

Nagkaroon na agad ng ideya sina Blue, Green at Yellow kung ano ang nangyari.

“Anong nangyari sa’yo?” tanong ni Indigo na siyang pinakabata sa grupo sa edad na pito.

“Malalaman mo mamaya,” nakangiwing sagot nito na lalong nagpa-confuse sa itsura ni Indigo.

“Tinuli ng doktor si Red,” sabi naman ni Green.

“Mamaya, ikaw naman. Masakit ’yan. Guguntingin ng doktor ang ano mo,” pananakot naman ni Blue.

“Oo nga. Masakit ’yan, Indigo,” pagsang-ayon naman ni Yellow.

“Ba’t guguntingin?” Bumakas ang takot sa mukha niya.

Si Orange ay tahimik lang na nakikinig, pero kanina pa rin siya kinakabahan.

“Huwag n’yo nang takutin si Indigo. Lahat naman kayo ay pagdadaanan ’yan ngayong araw,” pahayag ni Mistress Dorothy.

“Next patient po…” sabi ng babaeng receptionist.

Nagkatinginan ang mga bata. Parang walang gustong tumayo at pumasok sa pribadong silid sa klinika ng doktor.

Tinulak ni Blue si Green mula sa pagkakaupo.

“Ba’t ako? Si Yellow muna,” sabi ni Green.

“Anong ako? Dapat si Orange muna. Siya ang mas matanda,” pangangatwiran naman ni Yellow.

“Orange, pumasok ka na sa loob,” malambing na sabi ni Mistress Dorothy. Pero kahit anong lambing pa ng boses nito ay hindi nawala ang kanina pa naipong kaba sa dibdib ni Orange. Magkahalong kaba sa isiping baka masakit ang gagawin sa kanya ng doktor. Pero ang mas nagpapakaba sa kanya ay ang katotohanang kailangan niyang maghubad sa harap ng doktor. Makikita nito ang kanyang maliit na hinaharap. Maliban sa pisikal na sakit ay mas inaalala niya ang sobrang kahihiyan. Paano kung pagtawanan siya ng doktor?

Bakit ba kasi ang liit-liit ng bahagi niyang ito?

Susukot-sukot siyang pumasok sa silid kung saan naghihintay si Dr. Ruiz. Nadatnan niya ang doktor na naghahanda ng isang heringgilya. Itutusok ba ’yon sa putotoy niya? Pakiramdam ni Orange ay pinagpawisan siya ng malamig. Ayaw nang humakbang ng mga paa niya papalapit sa doktor. Parang mas gusto na niyang humakbang pabalik sa mga kasamahan niyang naghihintay sa labas ng silid na iyon.

“Come here,” nakangiting sabi ni Dr. Ruiz. “Mabilis lang ito… at hindi masakit,” dugtong pa nito.

Nanatiling nakatayo si Orange. Bakas sa mukha nito ang hindi na maitagong kaba.

“Hubarin mo na ang shorts mo,” sabi ng doktor.

Hindi pa rin siya kumilos.

“Huwag ka nang mahiya. Bata ka pa naman. Isa pa, sanay na ang mga doktor na makakita ng ganyan. Sige na, para matapos agad tayo.”

Wala na siyang nagawa kung hindi sundin ang utos ng doktor. Nang mahubad niya ang suot na shorts ay muling magsalita si Dr. Ruiz, “Humiga ka rito sa bed.”

Muli ay sinunod niya ang utos ng doktor. Para siyang nalulunod at wala nang magawa kung hindi ang magpatangay na lang sa agos.

Nang nakahiga na siya ay nakita niyang muli ang heringgilyang hawak kanina ng doktor. Nakagat niya nang mariin ang kanyang mga labi nang maramdaman niyang bumaon ang karayom sa balat ng maliit niyang alaga.

Hindi na niya naramdaman pa ang mga sumunod na pangyayari. Nakikita niyang abala ang doktor sa ginagawa nito sa kanyang pribadong bahagi pero wala na siyang nararamdamang sakit. Nagulat pa nga siya nang biglang magsalita ang doktor.

“O, tapos na! Ang bilis, ’di ba?” sabi pa nito.

“Puwede na po ba akong bumangon?” Puwede ko na po bang isuot ang brief at shorts ko?“

“Puwede ka nang bumangon, pero dahan-dahan lang. May nararamdaman ka bang sakit?”

Umiling siya. “Wala po…”

“Sige, magsuot ka na ng shorts at puwede ka nang bumalik sa mga kasama mo. Papuntahin mo na rin dito ’yong susunod sa’yo.”

MAINIT ang ulo ni Orange nang makauwi ng bahay. Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo sa Dolly na ’yon? Napakabastos ng bibig. Kailangan ba talagang ipamukha sa kanya ang kaliitan ng pag-aari niya? Palibhasa’y dumaan na sa iba’t ibang mga lalaki kaya sanay na sanay na sa mga sukat.

Dumiretso siya sa silid at nagbukas ng telebisyon. Natuon ang kanyang atensyon sa babaeng nasa palabas. Hindi ba’t si Maia Alonzo iyon? Isang lumang pelikula ni Maia ang palabas sa tv at sa eksena ay hinuhubaran nito ang lalaking kasamang nakahiga sa kama. Tutok na tutok ang mga mata ni Orange habang pinanonood ang magandang babaeng nasa palabas. Nahubaran na ni Maia ang lalaking kapareha at tanging puting briefs na lang ang suot nito. Napansin niya ang maumbok na harapan ng lalaking kapareha ni Maia. Totoo ba iyon? Bakit parang ang laki naman? Bakit ang sa kanya ay hindi man lang umumbok nang ganoon kaumbok?

Nakadama siya ng awa sa sarili. Ganoon ba talaga ang ibang mga lalaki? Malalaki ba talaga?

Eh, bakit siya, hindi?

Siya lang ba ang lalaking pinagkaitan ng malaking ari?

Siya lang ba?


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.