Own me (Del Mundo Series #2)
Yemrose · 1 chapter · 4,646 words
Simula
“I’m sorry, lolo.”
I wiped my tears as I mourned before my grandfather’s tombstone. I can barely remember his face, but I sure remember how he treats me when I was younger.
I was his delight. I remember him buying me dirty ice cream all the time. How he brings me to the park every time I’m throwing a tantrum. I remember that feeling. Those memories that I had with him.
On his death bed, his dying wish was to see me again, and I failed to fulfill his wish. If only I knew ahead of time. I’m so sorry lolo. Please forgive me. Please.
My parents were separated. My father is a city Mayor here in Cavite while my mommy is an entrepreneur originally from Manila. When they parted ways, ako ang napunta kay mommy. Si kuya naman ang naiwan kay papa.
Imagine how it broke my lolo’s heart when I had to leave because of my parent’s failed marriage. I stayed in the US at ng maghigh school, sa Manila kami nagstay ni mommy. Hindi kami umuuwi ng Naic.
I walked out of the cemetery and went inside the van. I have two car escorts. One is in front of us and the other is tailing the van I’m riding with. It’s for my security sabe ni papa kaya may chaperone ako.
When I learned that my lolo died, I was angry at mommy. Because she kept it a secret from me. Kinokontak siya ni papa but she is unresponsive. They now came to an agreement na dito na muna ako sa Naic. Ayaw ni mommy pero iyon ang gusto ni papa dahil sa nangyari.
To be honest, I’m not use to the provincial life anymore. Ibang iba sa big city. Lalo na at dito ako magcocollege. I’m so pissed because I don’t want to transfer schools pero si papa ang nasunod. Sa isang state university ako magaaral. Imagine that?
We arrived in the Alvarado mansion. It looks old but not rusty. Malinis at mukhang matibay padin ang pundasyon. Just like what I remembered. Maayos na inaalagaan ang bahay namin dito.
I saw papa waiting for me sa entrada. I became nervous. What will he think of me? What if he won’t accept me?
He knew me as a boy but now.. I’m different. Apple cut hairstyle with curtain bangs, wearing female clothes, and currently transitioning. Mommy supported me at hinayaan niya ako sa kung anong gusto ko. I’m not a boy. I’m a girl trapped inside a boy’s body.
Sinamahan niya din ako noon when we flew to the US to visit an endocrinologist that was recommended to her. Kay nagsistart na din akong magtake ng mga gamot. Para maging tunay na babae.
I stepped out of the car and saw papa’s eyes directed at me immediately. His lips parted and his eyes became bloodshot. Hindi nagbago ang tikas niya. Medyo tumanda lang dahil sa fine lines sa noo, sa suot na salamin at medyo umitim na kulay kumpara sa pagkakatanda ko.
Nahihiya man at naiilang ay unti unti akong umakyat ng hagdan habang nanatili siyang nakatayo sa may double door. Ang chaperone ko ang kumuha ng mga luggage ko.
“Ahm..” diko alam ang sasabihin.
I heard papa exhale. My goodness. My heart is racing. Kinakabahan ako. Will he get mad?
“I heard from your mom. About..” hindi niya matuloy ang sasabihin at saglit na bumaba ang tingin sa suot ko. I’m wearing a crop top and a high-waist denim short.
“She said I should start calling you Karina now?” I can hear pain dripping from his voice. He must be disappointed. After all, he was the one who named me. Karl Zoren.
“O-Opo. Ahm-” I was stunned because papa immediately pulled me for a tight embrace. Agad nanubig ang mga mata ko.
“I missed you so much bunso. Tanggap kita kahit maging ano kapa. I love you anak.” His words melted my heart made me burst to tears.
“I.. I missed you too.. thank you po p-papa…” I cried in his chest while he is hushing me and rubbing my back.
He kissed my forehead before he invited me inside. Pinaakyat niya sa kwarto ko ang mga gamit ko. I saw a man walking down our grand staircase. Si kuya Karlitos. Papa’s junior.
He immediately went to me at kinuha niya ako kay papa para sa isang mainit na yakap. “Hello Karl Zoren. I missed you, baby bro.”
Naiilang man ay niyakap ko siya pabalik. “It’s Kara Zoreena now actually.” Diko mapigilang pagtatama.
He chuckled in my ear. “Right. Right. I’m sorry. Kara Zoreena.”
“Pagmiryendahin mo muna ang kapatid mo Karlitos. Halika anak.” Aya sakin ni papa. Bumitiw sa yakap si kuya at ngumiti ng matamis sa akin.
Sumama siya samin sa dining area.
“Nakadaan kaba sa lolo mo?” Si papa na nasa kabisera at umiinom ng kape.
I was munching a macaron when he asked. Bakas ang lungkot sa sinabi. Agad akong tumango. “O-Opo. Bago po ako umuwi.”
Malungkot itong ngumiti at nangingilid ang luha. “Sayang at hindi mo na inabot ang lolo mo. Kung nasaan man siya, eh masayang masaya iyon na nakauwi kana anak.”
I felt a huge lump in my throat. Si lolo kaya? Matatanggap din kaya niya ako? Na ganito na ako? Na ito ang pinili ko para sa sarili?
“I’m sorry po.” Hindi ko mapigilang sambit. Sobrang nakakapanghinayang lang. Ngumiti ulit si papa at hinawakan ang kamay ko sa mesa ng mahigpit.
“Huwag kang magalala. Hindi kailanman magtatampo sayo ang lolo mo. Masaya iyon at nandito kana ulit.”
“Ready naba ang requirements mo Karina?” Si kuya na nakaupo sa tapat ko. Agad akong tumango.
Wala naman akong magagawa. It’s been decided. Dito na talaga ako magaaral.
“Yup.” Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain ng matamis.
“Bukas sasamahan kita magenroll. Aabot kapa naman sa darating na semester. If you have more formal clothes.” Si kuya na sinuri ang damit ko. What’s wrong with wearing crop tops? Hindi ba uso yan sa probinsya?
Senior year na si kuya and I heard he is running for a latin honor habang ako naman ay freshmen year.
“Magugustuhan mo doon anak. Malaki ang unibersidad na iyon at maganda ang kalidad ng pagtuturo.” Mungkahi naman ni papa.
Nothing will make me change my mind. I don’t like it here. I’m here only because of lolo. Pero ayoko na dito tumira. Lalo na ang magaral. Naiisip ko palang makihalubilo sa mga mahihirap na estudyante ay naaasiwa na ako. I want to go back to Manila.
“Magpahinga ka at pagod ka sa byahe. Ipapatawag kita sa kasambahay mamaya para sa hapunan. May gusto kabang ipaluto?” Tawag ni papa sa pagiging tahimik ko.
Umiling ako. “Kahit ano lang po p-papa.” I’m not used to being with them in the same room so naiilang na ako na iaddress sila ni kuya. I sighed.
My life will change in a snap. A lot of adjustments will be made. Nakakaloka. Hindi ko kinakaya.
Good thing is I have a bath tub in my bathroom. May sarili akong banyo sa kwarto. A good way to isolate myself. Ayokong magpaikot ikot sa bahay at mas mabuting manatili ako sa kwarto ko.
“How was it?” Mommy called me. Pagkatapos ng dinner ay nagbabad ako sa bath tub na puno ng bula habang nasa tenga ang cellphone.
“It’s.. fine. I guess” bored kong sagot kay mammy.
“Wala akong magagawa. Hindi ko gusto ang desisyon niyang ama mo pero mukhang diyan kana talaga magaaral.”
“Please do something about it, mommy! I don’t.. want to study in a state university. It’s cheap!” Maarteng sabe ko.
“Ang bibig mo Karina! Marinig ka ng ama mo na ganyan ang lumalabas sa bibig mo ha!” Bumuntong hininga siya. Aburido din sa nangyayari. “Pagtyagaan mo nalang muna. Sa susunod na taon, pwede natin sabihing hindi mo talaga nagustuhan kaya kukunin kita ulit.”
Kahit magbabad sa tubig ay stress na stress padin ako. Gawa lang ng pagod sa byahe ay talagang nakatulog ako kalaunan ng mahimbing.
Iritang irita ako ng kinakatok ako ng kasambahay para bumaba sa agahan kinabukasan. Tinakpan ko ng unan ang tenga at muling pumikit para makatulog.
Nahihimbing ako ng may malakas na humablot ng unan sa mukha ko. What the hell?
“What is wrong with you?” Asik ko kay kuya Karlitos at inis na napakamot sa ulo.
“Tanghali na Karina. Ganyan kaba sa Maynila? Aba nasa kolehiyo kana. Hindi pwedeng tatamad tamad kang gumising-”
“It’s still too early! At hindi pa ako pumapasok! What the hell is your problem?” Angil ko pabalik.
Inis itong bumuntong hininga at padarag na binaba ang unan ko sa kama. “Bumangon kana at mageenroll ka pa. Huwag mong antaying si papa ang umakyat sayo dito Karina.” Naiiling itong lumabas ng kwarto ko.
Grrrr! Fuck this life!
Mabilis akong naligo at nagayos para makababa na sa agahan. Seryosong seryoso si papa na may hawak na diyaryo at may kausap sa telepono.
“Ipaikot mo tenyente. Aasahan kita dito.” Agad kong nakuha ang atensyon niya ng umupo ako sa kanan ng kabisera.
“Tinanghali ka anak. Nakatulog kaba ng mahimbing kagabi?”
Kita ko ang dismaya sa mukha ni kuya at naiiling pang nakatingin sakin. Tinitingin tingin mo?
“I overslept. I was tired.” Suplada kong sagot. I hate mornings and I hate being here! Ano paba ang ilalala nito?
Bumuntong hininga si papa. “Naiintindihan ko. Pero sana sanayin mo na gumising ng maaga anak. Para hindi ka mahirapan sa pasukan.”
Naunang umalis si papa dahil pupunta siya ng munisipyo. Hindi rin ako ganung nakakain dahil minamadali ako ni kuya. Siya ang magddrive ng SUV namin.
“Kung ganito ka sa Maynila, pwes hindi ka pwede na ganito dito Karina. Kung hindi, lagi kang absent.” Di matapos na litanya niya ng inistart ang makina.
Plastic ka! May payakap yakap kapa sakin kahapon tapos ganyan ka ngayon umasta sakin.
Nakarating kami sa state university. Sabe na nga ba ang hindi ko gusto ang itsura. Malawak ang campus pero mukhang luma. Madami din ang estudyante. Bukod pa doon ay ang init. Sobrang init at nakakapikon na naglalapot ako ang aga aga.
All eyes are on me. Marahil ay nagtataka kung sino ako at bakit ko kasama si kuya. He’s quite famous. Andaming bumabati pagpasok palang namin ng gate.
I am wearing a knee-length dress. Pinagpalit pako nito ni kuya dahil revealing daw ang una kong suot. Pakealam ba nila?
Agad kaming nagpunta sa registrar. Napakahaba ng pila. Diyos ko. May bukod pang dalawang pila na napakahaba para sa mga scholar.
May kausap lang si kuya na mga kaklase niya ata at ako naman ay nakatayo lang sa may tapat ng registrar. Hindi ako makikipagsiksikan pumila sa mga estudyanteng to na tila amoy maaasim na dahil bilad sa araw at alinsangan. Inaantay ko si kuya.
“Pasensya na ho ma’am. Ihahabol ko nalang ho kapag sa prelims na.” Dinig kong sabi ng semikalbong lalaki sa may tapat ko sa kausap niyang registrar.
Hindi ko naririnig ang sinasabi ng registrar dahil may harang na salamin. Napakamot sa ulo ang nakatalikod na lalaki. Matangkad ito at medyo batak ang katawan. Halatang bilad sa araw dahil sunog ang balat. At ang damit. Diyos ko. Napairap ako sa irita.
Kupas ang maong na parang luma. Ang puting tshirt naman ay medyo gusot at manipis kaya hapit sa katawan.
“Ito lang ho kasi ang pera ko ngayon ma’am eh. May sakit ho ang nanay ko kaya budget lang ang pera ko. Baka pwede po na taasan nalang ang hulog sa mga susunod pa?” Sabi niya.
I can’t help but eavesdropped. So hindi siya makakaenroll kasi walang pera? Edi sana hindi muna nagenroll. It doesn’t make sense.
“Sige po. Salamat ng marami ma’am. Ihahabol ko nalang ho sa prelim ang balanse.”
Napayuko pa ito ng inabutan siya ng papel. Akmang lilingon siya sa harap ko ng tawagin ako ni kuya.
“Karina. Dito tayo. Hindi diyan ang pila.” Supladong tawag nito. Hmp!
Nakipagapir lang ito sa mga lalaking kaklase na pinakilala niya sakin kanina at giniya ako sa kabilang banda kung saan mahaba parin naman ang pila. Oh my God!
Napakatagal naming naghintay at pumila at nananakit na ang paa ko. Nakahalukipkip akong pinagpapawisan. Dagdag pa na ang baho ng nasa unahan ko! Ano ba naman!
Halos trenta minutos pa ulit ang lumipas ng ako na ang sunod na humarap sa salamin. Inabot ko ang requirements ko at ang sobre na may lamang pera. I’m paying my tuition fee in full.
“Alvarado. Anak ka ni mayor?” Usiserang tanong ng registrar. Bagot akong tumango.
Isa isa niyang chineck ang requirements ko at tinanong ang course na aapplyan ko. Halos napapapadyak na ako sa inip. Mayat maya ang punas ko ng pawis sa noo.
“Sige okay na ito. Itago mo itong stub ha. At eto naman yung subjects mo ng first semester. Nasa likod ang mga room at ang schedule mo. Good luck!” Ngiti nito sakin. Mabilis akong nagwalk out at halos magitgit pa para lang makatakas sa mga nakasunod na pila.
“Nagugutom kaba? Daan tayo ng cafeteria-”
“I want to go home. Now.” I demanded. Natahimik lang siya at bumuntong hininga. Nakasunod samin ang dalawang bodyguard at lumabas na din naman agad kami ng campus.
“May malapit na mall sa tabi ng campus. Marami ding mga kainan. Sa unang araw ng eskwela or kapag walang pasok, pwede kang mamasyal dito.” Sabi niya habang nagmamaneho.
Halos ingudngod ko ang sarili sa aircon ng sasakyan. Mainit din sa Manila pero air-conditioned ang school ko. Sa university na iyon, parang wala naman akong napansing compressor sa mga rooms. I can only imagine the horror if its only an electric fan. Kung bakit kasi walang ibang magandang unibersidad dito.
Agad akong naligo pagkauwi dahil lagkit na lagkit ako. Nakatulog din ako ng hapon.
Sa mga sumunod na araw ay sinama ako ni papa sa munisipyo. Pinakilala niya ako sa mga LGUs at mga staff. Dinala niya rin ako sa presinto at pinakilala kay hepe.
Nagpunta din ako ng mall para mamili ng gamit. Bumili ako ng bagong bag, sapatos, undergarments at mga school supplies.
Kahit hikayatin ni papa at kuya ay tumatanggi ako na gumala. Mas gusto kong manatili nalang sa kwarto. Isang beses lang akong nakapunta pa ng mall dito at hindi rin naman ganun kakilala ang mga brands na nandoon. Isang linggo nalang ay simula na ng pasukan. Sinusulit ko na ang bakasyon ko.
Monday came and I had to set five alarms with an increment of ten minutes para lang magising ng maaga at makapagayos.
Tinitigan ko ang sarili sa full-length mirror na suot ang school uniform. I must thank the hormones and mommy’s genes dahil medyo malaki ang hita ko kaya hapit iyon sa green namin na slacks. Pinatailor ko din ang cream blouse ko kaya mas fit ito sa katawan ko. I stand five foot eight and I have a curvy body. With a year of hormone replacement therapy, mas naging feminine ang features ko. Unti unti nading nagkakalaman ag dibdib ko. Good thing that I don’t grow mustache, wala din akong hair sa legs, kaya wala masyadong babaguhin sa katawan ko.
Nakarinig ako ng katok kaya agad kong sinuot ang black heels ko na nabili sa mall. I want to wear my Louboutins pero sayang lang. Sa ibang okasyon ko nalang iyon gagamitin. Iyon ay kung may mapaggagamitan nga ako dito.
“Karina. Hindi kapa tapos?” Dinig kong tawag ni kuya sa kabila ng pinto.
“Done! I’m coming down!” Sigaw ko at kinuha ang shoulder bag. The goal is not to attract too much attention ayon kay papa. Kaya ang mga designer bags and shoes ko ay nakatago lang sa dresser. Normal na leather shoulder bag lang ang gamit ko. Mumurahing nabili sa mall dito.
Nagmamadali ako ulit na nagbreakfast dahil tarantang taranta tong si kuya. Siya ang kasabay ko lagi na papasok dahil may klase din siya ng seven o’clock.
“Kumain kapa Karina. Baka mahilo ka sa klase.” Ani papa pero umiling na ako. Nagcr lang ako pagkatapos at muling bumaba para gumayak na sa eskwela.
May nakaconvoy saming bodyguard ni kuya. Iikot din iyon sa loob ng campus. Iyon ang dinig kong utos ni papa.
Isa pa to sa ayaw ko. Ang trabaho ni papa. He is a public servant hence we are at risk. Laging inaalala ang seguridad. Nakakainis tuloy na kada aalis ka ay may susunod sayong bodyguard kumpara noong kami lang ni mommy. Malaya akong nakakapunta sa kung saan ko gusto ng ako lang mag-isa.
“Take care hija. Call me if something happens.” Si mommy ng binaba ko ang tawag. Nasa sasakyan na kami ni kuya.
“Si.. mommy? Anong.. sabi?” Nagiingat niyang tanong. Nagkibit balikat lang ako.
“She just checked on me on my first day of school.”
I wonder how kuya feels about our parent’s separation. Mas matanda sakin si kuya ng apat na taon at mas may isip na siya noon nung nagkahiwalay sila mommy at papa.
Kung medyo malayo na ang loob ko kay papa.. posibleng malayo na din ang loob niya kay mommy. Or.. does he miss her? Or is he angry?
Pagkarating ng campus ay hinatid ako ni kuya sa classroom ko bago siya tumungo sa kanya. He surveyed our classroom kung may teacher na ba at ilan na ang classmate kong naroon.
I can feel the intriguing stares of my classmates pero binalewala ko iyon. Namili ako ng upuan malapit sa bintana. Sinasabi na nga ba na malaking ceiling fan lang ang nandito at apat na wall fan. Mas okay sa may bintana para may dagdag hangin.
“Hello! Anong name mo?” Tanong sakin ng baklang katabi ko. Maitim siya at medyo may tigyawat. Gusto kong umirap.
So help me God. I don’t really plan on socializing nor making friends. Gusto ko lang maraos ang school year at sabihin kay papa na hindi magwowork sakin ang magaral dito.
Umayos ako ng upo at nasa pisara ang tingin.
“Nahihiya ka ba? Naku wag ka mahiya. Ako nga excited sa first day eh!” Assumerang sabe nito.
Who says I’m shy? I just don’t want to talk to you.
“Ako nga pala si Lia. Ikaw? Anong name mo te?” Patuloy nitong pakikipagkaibigan.
“Karina.” Tipid kong sagot na lalong nagpangiti sakanya. Napapanood ko siya sa peripheral ko
“Ang fresh mo te. Transgender ka? Nagpipills ka no?” Usisa nito. Walang gana akong tumango ng lingunin siya.
I guess he can still tell that I’m not a biological woman. But that’s not a problem with me.
Isa isa ng nagpapasukan ang mga kaklase ko hanggang sa napuno ang classroom namin at mas ramdam mo ang alinsangan.
Kanya kanyang kwentuhan at pakilala agad sa mga katabi ang mga kaklase ko. Ako naman ay nakadungaw lang sa bintana.
“Nice to meet you! Sabay tayo maglunch mamaya ha?” Sabi ni Lia na agad tumahimik dahil pumasok na ang professor namin.
The day went on lightly. Dahil first day ay puro introduction lang naman at house rules. Nagset din ng expectations ang mga prof namin sa syllabus. Nagkaroon na din ng seating arrangement based sa pagkakasunod sunod ng apelido.
We are on the last period before lunch. Bored na bored nako sa paulit ulit na routine. Nagtatawag ngayon ang babaeng prof ko para sa attendance. Isa ako sa mga unang tinawag dahil letter A ang simula ng apilido ko.
“Rogelio Dela Cruz?” Tawag ng professor.
“Present!” Puro parin ng energy na taas ng kamay ni Lia sa tabi ko.
“John Ivan Del Mundo?” Sunod na tawag ng professor pero walang sumagot. Inulit niya pa ang tawag ng dalawang beses at wala parin. Napalingon ako sa mga kaklase na nagkakatinginan.
“Tsk. First day palang absent na.” Iling na sabi ng prof sa sarili bago tinawag ang kasunod na estudyante. Ilang minuto ang lumipas bago matapos ang pagchecheck ng attendance.
“Okay. Dahil hindi present ang iba, tomorrow nalang tayo magseating arrangement in alphabetical order okay?” Sabi ng prof at binaba ang clipboard niya sa mesa.
She then went on with the house rules and the read out of our syllabus na pinamigay niya kanina sa klase. She briefly discussed the very first topic pero sabe niya magdadive in pa kami into deeper discussion tomorrow kaya dapat daw ay iwasan ang pagabsent.
“Alright. Yun nalang muna sa ngayon. Take your lunch class.” Saad nito kaya nagpaalam na kami sakanya. Nagdiwang naman ang mga kaklase sa likod dahil mga gutom na daw.
Sumunod sakin si Rogelio or Lia dahil sabay daw kaming maglalunch.
“Grabe! Ang swerte ko. Naging new found friend ko pa ang anak ni mayor.” Kinikilig na sabi nito habang naglalakad sa tabi ko. Nakasunod sakin ang isang bodyguard.
I wanted to go out of the campus for lunch dahil maaga ang lunch ni kuya kaya wala akong kasabay pero dahil naiinitan ako ay pinatos ko na ang aya ni Lia na sa cafeteria nalang. Hindi ko na kailangan pang lumabas at bumalik ng campus. Hulas!
“Anong baon mo te?” Tanong niya ng makapasok kami sa cafeteria na hindi mahulugan karayom.
“I don’t have baon. I’ll buy my lunch.” Sabi ko habang naghahanap ng pwede pa naming upuan. The struggle! The hassle!
“Oo nga pala. Sorry mali ang tanong ko.” Natatawang sambit ni Lia.
Sakto namang may kakaalis lang na estudyante sa nadaanan naming mesa kaya agad iyong tinuro ni Lia. Maagawan pa sana kami kaso agad niyang nalagay ang lunch bag niya sa mesa.
Nilapag ko ang bag sa upuan at nagtungo na sa mga food stalls. The food selection is so so and cheap. Walang western cuisine. Mga lutong pinoy na ulam lang at kanin. Meron din namang spaghetti.
Gutom na ako at kinailangan ko pang pumila ng halos kinse minutos dahil sa dami ng bumibili doon sa napuntahan ko. Hindi na ako umalis ng pila lalo na at ang katabing stall eh napakahaba din ng pila. Hindi ako matatapos at di makakabili kung lilipat lipat ako.
“Grabe. Ibang level ka talaga te. May pabodyguard sa loob ng campus. Kilala ko ang kuya mo si Karlitos Alvarado. Sikat yun na honor student eh. May bodyguard din.” Pagkukwento naman ng katapat kong kumain.
“Gano katagal kana palang nagpipills?” Tanong nito at sabay subo sa kanin niya na may ulam na adobo.
“Mag one year palang akong nageHRT.”
“Ang ganda mo te daig mo yung mga baklang luto sa gamot ditey. Ikaw babaehan talaga. Ang puti mo pa.” Papuri nito.
I guess my first day was not that awkward lalo na at pinagtitinginan padin ako sa kahit saang sulok ng campus. They probably know me as the Mayor’s daughter. Maybe it’s my bodyguard that is giving it away.
Masaya din naman kasama kahit papano ang baklang to. Kwela siya at madaming kwento. Hindi naman ako nabagot kasama siya kumain.
“So.. virgin kapa te?” Dungaw nito sa mesa palapit sakin at bumulong. Halos masamid ako sa tubig kaya natawa siya.
“Curious ako eh. Ako kasi virgin pako. Eh ikaw ba?”
“Of course I am! Anong tanong ba iyan bakla ka!” Naooffend kong sagot. Natawa siya.
“Sorry na ah. Pero wala kang boyfriend?”
Umiling naman ako. I don’t even have a first kiss yet. Wala rin akong manliligaw ngayon. Lalo na ang boyfriend.
“Naku! Sama ka sakin mamaya awra tayo. Diyan sa may sari sari store sa kanto ng campus.” Aya niya.
Err. I know what sari sari store is but what would I buy there? I usually go to coffee shops like Starbucks to kill time before with my classmates pag ayaw ko pa umuwi. Ano bang mga trip nito ni Lia. Ang cheap.
Nagcr lang kami pagtapos kumain at pumunta na sa sunod na classroom para sa subject namin ng hapon. Dalawa lang ang subject namin na natitira at uwian na. Bukas naman ay hanggang five kami ng hapon.
The usual attendance check and class introduction and my first day is done. Nagtext ako kay kuya na tapos na ang klase ko pero hanggang four pa kasi siya. Pasado alas tres palang.
“You can wait for me in the library but I suggest you go home. Ihahatid ka ng bodyguard sa bahay.” Reply niya sakin.
Dahil maaga pa naman ay napilit akong muli ni Lia na pumunta sa sari sari store na sinasabi niya. May pakiramdam ako na inuuto lang ako nito. Sabe niya ay masarap daw ang mga miryendang tinda doon at may mga soft drinks. It’s like he has a different purpose on going there. Sabi niya aawra? Paano ka aawra sa sari sari store?
Nakasunod padin sakin ang bodyguard dahil sinabi kong sasaglit kami sa tindahan na iyon. Only then that I realized what Lia meant. Kaya gusto niya doon magmiryenda dahil may ginagawang bahay. At may mga nakahubad na construction worker na naghahalo ng buhangin at nagbubuhat ng hollow blocks sa tapat ng sari sari store na iyon.
“Hay. Pamatid uhaw talaga ang soft drinks ni aling Bebang.” Sabi nito at tulala sa tapat namin kaya napairap ako at uminom sa sariling soft drinks na nasa plastic. Bumili din ako ng empanada. Mura lang ito pero masarap. I guess he’s right. Other than he has other agenda of going here.
Ang cheap ng baklang ito. Sabagay. Bagay naman sila nitong mga mahirap at mukang mabahong construction worker na hindi ko magawang tapunan ng tingin.
Sa katabi pang tindahan naman ni aling bebang ay karinderya kung saan may mga tambay ding bakla. Mga trans din siguro. Mahaba at dry ang buhok. Mga nakaspaghetti strap at nakashort shorts. Ang iitim din. Maingay silang nagkakantyawan ng mga katapat na cinacatcall nilang construction worker.
“Dito kayo kay Jovan! Aaray talaga kayo dito.” Natatawang sigaw ng isang payat at sunog na lalaki. Kilig na kilig naman ang mga bakla doon sa karinderya.
Wala sa sarili akong napasulyap sa sinasabi nung payatot na construction worker. I was not paying attention earlier but now that I am, siya nga ang una kong napansin.
May apat na construction worker sa labas at may pumasok kanina sa dalawa sa loob ng ginagawang bahay. Nakahubad ang apat na iyon at pare parehas silang maiitim at pawisan, pero iyong tinuro na lalaki ang naiiba sakanila. Sa kanilang lahat, siya lang ang matangkad at parang nililok ang katawan.
Pantay ang sunog na balat, semikalbo, batak ang malapad na balikat at braso, mamuscle ang dibdib at may abs din. May tubo din ng buhok ang bandang pusod niya. Nakamaong lang ito na tokong at maruming tsinelas.
Sa kanilang lahat, siya ang una mong mapapansin dahil siya lang.. ang may itsura. He look like those model of Calvin Klein underwear. Iyon nga lang, construction worker.
Nakakarindi ang tili ng mga baklang pangit dun sa may karinderya at tinatawag nga iyong lalaki na pawis at hinihingal maghalo ng simento.
“Ang sherep ni kuyang constru. Bless ang mga bakla.” Mahinang bulong ni Lia na nakaupo sa tabi ko at kumagat din sa hawak na empanada.
Tawa naman ng tawa ang payatot na construction worker na animo bugaw sa kasamang katrabaho.
“Oh mamaya gin sa barracks Jovan ano?” Kantyaw pa ng isang kakababa lang ng hollow blocks.
Muli akong napatingin dun sa Jovan. Nakangisi na ito ngayon na sinisiko ng katrabaho. Di parin nagsasalita at naghahalo ng simento.
Umayos siya ng tayo at mas nadepina ang pagkakalilok ng katawan. Tagaktak ang pawis at hingal na hingal, bahagyang awang ang labi. Nagangat siya ng tingin sa mga bakla doon sa katabing karinderya kaya muli akong nakarinig ng hiyawan. Umirap ako at halos manigas sa kinatatayuan ng mahuli ng lalaki ang ginawa ko. Sumeryoso ang mukha nito at inikom ang labi.. hinahapo parin ng hininga.
“Set na iyan!” Sigaw ng isang bakla dun sa karinderya.
“Inom na mamaya Jovan sama ka?”
Nanatili ang titig sakin ng lalaki kaya para akong naestatwang nakatingin parin sakanya. I’m so stupid! I didn’t realize that I was staring at him too much. Ew! He’s a construction worker!
Nakita kong umiling ito at kumalas sa tinginan namin bago muling yumuko at naghalo ng simento.. hindi parin sinasagot ang nagaayang katrabaho.

