loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Paano maging Bakla?

Paano maging Bakla?

Der3ck7 · 18 chapters · 29,775 words

P.M.B. Teaser

Jared POV

“Ang sakit ng ulo ko!” Usal ko sa sarili ko pagmulat ko ng aking mga mata. Bahagya pa akong nasilaw ng buksan ko ang aking mga mata. Maya-maya pa ay iginala ko ang aking paningin at kaagad kong natanto na nasa motel pala ako. Katabi ko rin ang babaeng walang kahit na anong saplot sa katawan matapos ang nangyaring bakbakan sa amin kagabi sa kama.

Kaagad na akong tumayo at isa-isang pinulot ang aking mga damit na nagkalat sa loob ng kwarto at isinuot na rin ito. Bago pa ako matapos magbihis ay narinig kong nagsalita ang babae.

“Leaving so soon Darling? Can we have a round two please.” Mapang-akit pang sabi nito. Sandali ko itong tinignan, maganda ito bukod pa sa seksi rin ang katawan at maputi naman ang kutis nito, kungbaga perfect girlfriend pero pagnanasa lang ang gusto ko rito, kaya may nangyari sa amin nito kagabi at matapos ngang mailabas namin pareho ang init ng katawan sa isat-isa ay parang wala na rin epekto ang pang-aakit nito sa akin ngayon. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbibihis ko at ’di ko na ito sinagot at kaagad na rin lumabas sa kwartong ’yon.

Pumara na lang ako ng taxi para kunin ang naiwan kong motor sa bar kagabi.

Kaagad ko naman nakita ang motor ko pagdating sa bar at ipinaandar na rin para makauwi na ako sa bahay ko.

Pagdating sa bahay ay kaagad kong binagsak ang katawan ko sa sofa dahil sa inaantok parin ako.

“Kuya naglasing ka na naman ba?” Rinig kong sabi ni Jenny na kapatid ko. Hindi ko ito sinagot at nagkunwari pa akong humihilik para inisin ito.

“Nagtanong pa ako eh alam ko rin naman ang sagot, oo nga pala dumaan kanina dito si Kuya Daniel at hinahanap ka.” Sa narinig na sunod na sinabi nito ay parang nawala ang antok ko.

“Oh bakit daw?” Walang gana ko namang tanong rito pero ang totoo ay gusto kong malaman ang dahilan sa pagpunta ni Daniel kanina.

“Aba ewan ko bakit ’di s’ya ang tanungin mo. Oo nga pala baka late akong makakauwi mamaya at pupunta ako kina Jane.” Sagot naman nito.

“Okay isara mo na lang ang gate at matutulog pa ako.” Nasabi ko na lang.

Pag-gising ko ay tinignan ko ang relo ko at 11 am na pala. Mabilis pa sa alas-kwatro akong bumangon dahil male-late na ako sa aking klase.

P.M.B. Part 1

Jared’s POV

Nandito ako ngayon sa bahay ni Daniel at hinihintay ito para sabay kaming pumasok sa paaralan.

“Magandang umaga po Tita Lorna.” Bati ko sa mama ni Daniel pagpasok ko sa bahay nila. Kababata ko si Daniel at sa iisang subdivision lang kami nakatira. Malapit lang din ang bahay namin sa kanila na dalawang bahay lang ang pagitan. Dahil nga sa magkababata kami ay parang bahay ko na rin ang bahay nila kaya’t basta na lang kung pumasok ako sa loob.

“Magandang umaga rin Red, teka lang at tatawagin ko si Daniel at kagigising lang yata. Kumain ka na ba? Pumunta kana sa hapag at sumabay kana sa aming mag-almusal.” Mahabang litanya ni Tita sabay akyat sa taas sa kwarto ni Daniel.

’Di ko na ito sinagot at pumunta na ako sa hapag.

“Magandang umaga po Tito John.” Bati ko sa Daddy ni Daniel ng madatnan ito sa hapag habang nagkakape.

“Oh Red ikaw pala, magandang umaga rin. Sabay ba kayo ni Dan na papasok?” Sabi naman nito.

“Ah opo Tito.” Sagot ko at umupo na ako, kumuha na rin ako ng plato para kumain.

“Ikaw Red may girlfriend kana ba?” Tanong pa ni Tito.

“Wala pa Tito kasi naman gusto ko ako ang manligaw eh madalas kasi sa mga babae sa school sila pa ang nanliligaw sa akin.” Yabang kong sabi.

“Umagang-umaga Red at nagyayabang kana naman, naku Dad ’wag kang maniwala d’yan, paano magkaka-girlfriend ’yan eh nasobrahan ng hangin sa katawan.” Sabat ng isang boses na pamilyar at pagtingin ko ay walang iba kungdi si Daniel.

“Eh sa totoo naman kaya, sa gwapo kong ’to. Oo nga pala tito baka gabihin kami ni Dan mamaya at may pupuntahan kami.” Sabi ko naman kay Tito John.

“Hoy kumag ’di ba ang sabi ko ayoko.” Sabat ni Daniel.

“Sige na Dan, nasabi ko na kay Leah na pupunta ka.” Pakiusap ko kay Daniel.

“Oh ano bang meron at nagtatalo kayo?” Sali sa usapan ni Tita Lorna.

“Eh kasi Tita, Tito nasabi ko sa pinsan ko na magaling kumanta si Dan. Naghahanap sila ng Bokalista sa banda dahil sa naaksidente ’yung bokalista nila kahapon at namomroblema sila na baka humanap ng ibang banda na tutugtog sa bar, kung saan sila nagta-trabaho ’pag di sila nakapag-perform mamayang gabi.” Mahabang paliwanag ko.

“Oh Dan anak tama naman si Red magaling kang kumanta, bakit ’di mo subukan.” Sabi ni Tita.

“Ma papaano ang pag-aaral ko? Siguradong madaling araw na matatapos tumugtog ang banda ng pinsan ni Red.” Sabi naman ni Daniel.

“Sige na Dan, sasamahan naman kita at sabay naman tayong uuwi. Isa pa wala naman tayong pasok bukas dahil sabado at tuwing weekend ka lang naman kakanta.” Pilit ko kay Daniel.

“Anak tuwing weekend lang naman pala, kung papayag ka okay lang sa amin. Ikaw Red siguraduhin mong safe kayong uuwi ni Daniel, puwede kayong uminom pero ’wag kayong magpapakalasing at ikaw ang malalagot sa akin ’pag may nangyaring masama kay Daniel.” Sabi naman ni Tito.

“Oo naman Tito sisiguraduhin kong ligtas si Dan ’pag kasama n’ya ako, O Dan ano na payag na sila Tito.” Sagot ko kay Tito sabay tanong kay Daniel.

“Si-sige payag na ’ko.” Suko nitong sagot.

“Yes that’s my man, basta mamaya punta ka na lang sa basketball gym para sabay na tayong pumunta sa bar.” Masayang sabi ko.

Pagkatapos naming kumain ng almusal ay umaakyat lang sa kwarto si Daniel para kunin ang kanyang bag, ako naman ay lumabas na ng bahay para sa labas na lang hintayin si Dan at pumunta na ako sa motor ko.

“Red asan ang helmet?” Tanong ni Dan paglabas nito.

“Shit nakalimutan ko, oh heto na lang ikaw na lang ang magsuot.” Sabi ko rito sabay abot sa kanya ng suot kong helmet.

“Tado kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo, sabi ko na kasing dapat laging dalawa ang dala mong helmet ’pag sasakay ako sa’yo, paano na lang kung mabangga tayo. Mauna kana at sasabay na lang ako kay Dad.” Galit na sabi nito.

“Dali na kasi, hindi ko naman bibilisan at tsaka wala ka bang tiwala sa’kin.” Pilit ko rito. Isa si Daniel sa taong kilala ko na kahit na anong bagay ay napaka-maingat. Bukod pa sa matalino ito sa klase.

Pero ’di ito sumagot at alam kong ’di talaga ito sasabay.

“Dan naman eh, o sige hintayin mo’ko at kukunin ko lang ’yung isa.” Talo kong sabi at pinaandar ulit ang motor papunta sa bahay.

Pagdating sa amin ay kaagad kong kinuha ang helmet at bumalik na rin kina Dan.

Kaagad naman isinuot ni Dan ang helmet at pinaandar ko na ang motor at tinungo na namin ang paaralan.

Sa school

“Mamaya Dan hintayin mo’ko sa basketball gym.” Paalala ko ulit sa kanya.

“Oo Red, sige na at baka malate pa tayo sa mga klase natin.” Sabi naman nito at naglakad na papunta sa kanyang klase. Pumunta na rin ako sa aking klase.

Habang naglalakad papunta sa klase ay nadadaanan ko ang ibang estudyante na may iba-ibang ginagawa, may nag-uusap, kumakain, yung iba naman ay naghahalikan. ’Yung iba nga sa kanila natigil pa sa pagdaan ko, paano ba naman nakakita sila ng gwapo, ’di naman sa pagbubuhat ng bangko ay gwapo talaga ako. Isama pa na kilala rin ako sa school dahil sa Captain rin ako ng Basketball team namin.

Pagpasok sa room ay iilan pa lang ang nasa loob at wala parin si prof.

Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga pasaway na barkada ko.

“Long time no see tol.” Bungad ni Luke isa sa barkada ko at teammate rin sa basketball.

“Gago dalawang araw ka lang absent at may long time no see kapang nalalaman.” Sabi naman ni Patrick sabay batok pa kay Luke na kasabay rin nitong pumasok.

“Oo nga tol, wala ka bang dalang pasalubong d’yan.” Sabi ko naman kay Luke, sa aming lahat ito ang pinaka mayaman at Mayor lang naman ng aming Bayan ang Daddy nito. Galing kasi ito sa states dahil sa kaarawan ng Lolo nito na doon na nakatira.

“Meron syempre mamaya na lang at baka ’pag nakita ni Prof. ay palabasin tayo.” Sabi naman nito.

“Gago ka tol ’wag mong sabihing may bago ka na namang sex video!” Malakas na sabi naman ng kadarating lang na si Jerome.

“Gago ka Jerome ang ingay mo baka sabihin pa ng kaklase natin ay totoong may sex video ako.” Sabi naman ni Luke at binatukan pa si Jerome. At kung anu-anopang kalokohan ang napag-kwentuhan namin at natigil lang nang dumating ang prof. namin.

Pagdating ng breaktime ay mabilis pa sa alas-kwatro nagsilabasan ang mga kaklase ko. Kami namang apat na magkakaibigan ay sabay-sabay rin pumunta ng Cafeteria.

Sa Cafeteria

“Mga bro may sasabihin pala ako sa inyo.” Sabi ko sa kanila pag-upo namin.

“Hulaan ko Red sinagot muna si Delilah ano?” Sabat ni Luke. Si Delilah ay isa lang sa mga babaeng patay na patay sa akin.

“Gago ka Luke hindi ’yon tsaka kailan pa ako pumatol sa hipon.” Pagyayabang kong sabi, eh sa totoo naman kasi na pangit ito. Pagkatapos kong sabihin ’yon isang kutos ang naramdaman ko.

“Sino ’yon?!” Galit kong sabi dahil nakatalikod ako kaya ’di ko nakita ang gumawa n’on.

“Ako bakit?” Sagot ng isang boses na kilala ko. At paglingon ko nga ay si Daniel pala.

“Ano bang problema mo Dan bakit bigla ka na lang nangungutos?” Irita kong tanong rito.

“Nagtanong ka pa, te-teka lang bibili muna ako ng makakain.” Sagot lang nito at iniwan kami para bumili ng makakain.

“Langya tol ang bilis ng karma.” Natatawang sabi ni Jerome.

“Oo nga.” Sang-ayon ni Patrick at sabay-sabay pa silang tumawa.

Maya-maya pa bumalik na si Daniel dala ang binili nitong pagkain.

“Usog ka.” Utos pa nito.

“Ang luwang luwang sa kabila ba’t dito ka pa sumiksik.” Inis kong sagot dahil sa inis pa rin ako sa ginawa nito kanina.

“Hoy Red ’pag ’di ka umusog binabawi ko na ang sagot ko kanina.” Sabi naman nito at narinig ay mabilis nga akong umusog.

“Ano ’yon Dan?” Interasadong tanong ni Jerome.

“Alin?” Naguguluhan naman tanong rin ni Dan.

“’Yung sagot na sinasabi mo?” Paglilinaw ni Jerome.

“Kakanta ’yan sa bar mamaya at ’yon din ang gusto kong sabihin kanina sa inyo, kundi lang sumabat si Luke.” Sabat ko sa usapan.

“Talaga?!” Sabay-sabay pang tanong ng tatlo.

“Oo, pasalamat nga ’yang kaibigan n’yo at pumayag ako.” Sagot naman ni Dan.

“Naku Dan ’di naman titigil ’yan hanggat ’di ka pumapayag.” Sabi naman ni Patrick.

“Maiba ako Dan, balita ko kayo na raw ni Tiffany.” Sabi naman ni Jerome. Si tiffany ay ang nanalo ng Miss University ng school at ako naman ang nanalo bilang Mr. University sa katatapos lang na pageant sa university namin at talaga naman lahat ng kalalakihan ay gustong ligawan s’ya, sa katunayan ako man ay nanligaw rin sa kanya pero wala pang isang linggo ay binasted rin ako nito. Natigilan pa si Daniel sa narinig kay Jerome, tumingin naman ako sa kanya at pagtingin ko rito ay nakatingin din ito sa akin pero kaagad din itong umiwas ng tingin at bumaling naman ito kay Jerome.

“Si Tiffany ba? Hi-hindi pa kami pero baka sooner or later ay sagutin na ako.” Sagot nito.

“Iyan tayo eh iba talaga kapag guwapo na at matalino pa kagaya ko.” Sabi naman ni Luke.

“Gago pwede ka sa matalino pero sa gwapo saan banda?” Asar naman ni Jerome kay Luke.

“Basta Dan kapag sinagot kana ni Tiffany ay gawin nating double date ang mga date natin.” Sabi ko naman.

“Sige ba, humanap ka muna ng seryoso mong kadate at ’wag ’yung ka-fling mo lang. May suhestyon ako bakit hindi si Delilah?” Sagot naman nito.

“Gago ka Dan ikaw na lang kaya at sa akin na lang si Tiffany.” Asar ko naman.

“Huy Red walang talo-talo bro, tama si Dan si Delilah na lang ang idate mo.” Asar rin ni Luke. At nagtawanan pa ang tatlo kasama pa si Dan.

Pagkatapos ng breaktine na may kasamang kwentuhan at asaran namin ng tatlo kong kaibigan at ng bestfriend kong si Daniel ay pumunta na kami sa aming mga klase. Humiwalay na si Dan sa amin na accounting ang kinuhang kurso, kaming apat naman ay kumukuha ng mechanical engineering. Mahilig kasi akong mangalikot ng sasakyan noong bata pa ako, palagi ko ngang pinapanood si Papa na isa ring mekaniko kapag gumagawa ito sa talyer namin noon, pero mula ng mamatay ito dahil sa aksidente, ilang taon na rin ang nakalipas ay kasama rin nitong nawala ang marangyang pamumuhay namin at pati ang shop ay nadamay dahil sa marami pa lang utang sa bangko si Papa. Mabuti na lang at kahit mahirap para kay Mama na maging single parent ay napaaral kaming dalawa ni Jenny, nasa ibang bansa ito ngayon at doon nagtatrabaho bilang nurse. Nakatulong rin ang pagiging varsity ko sa pag-aaral ko ng libre at may kasama pa itong allowance, kaya naman kahit papaano ay maginhawa naman na ang pamumuhay namin ngayon.

Matapos ang klase namin ay dumiretso kami nina Patrick, Luke at Jerome sa Basketball Gym para mag-practice at ilang araw na lang ay mag-uumpisa na ang taunang kompetisyon ng mga ibat-ibang University.

Matapos mag-streching kasama ng ilan pang kateam-mate namin ay nag-umpisa na kaming mag-practice.

Kami ni Luke ang mag-kateam kasama pa pa ng tatlong reserve player namin. Kalaban namin sina Patrick, Jerome, dalawa pang reserve player at si Arthur na ewan ko ba sa isang ’yon mula pa ng highschool ay lagi na lang nakikipag-kumpetensya sa akin. Palagi rin kaming nag-aaway pero pagdating sa game ay isinasantabi muna namin, isa rin siguro kaya mainit ang ulo nito dahil ako ang napiling captain ni Coach last year dahil nagraduate na ang dati naming captain. Hindi siguro matanggap ng pride n’ya na ang isang Scholar na gaya ko ang pinili ni Coach kumpara sa kanya na maimpluwensya. Mayaman si Arthur sa katunayan kung si Luke ay may Dad na Mayor, ang Daddy naman n’ya ang Congressman ng Syudad namin.

Nagsimula na nga ang laro at kahit na practice game lang ito ay talagang seryoso kami at wala ni isa sa amin ang gustong magpatalo…

Mabilis na lumipas ang oras at pagtingin ko sa orasan ay 30 seconds na lang ang natitira at draw ang score namin na 70. Ipinasa sa akin ni Luke ang bola at dinrible-drible ko muna at humahanap ng magandang tyempo para makalusot, magaling rin si Arthur at talagang pahirapan ang pag-score naming dalawa dahil kami palagi ang nagbabantay sa isat-isa. Akmang tatalon ako at dahil akala nga nito na tatalon ako ay tumalon rin ito, mabilis akong lumihis at ng makakita ng pagkakataon ay kaagad kong pinakawalan sa kamay ko ang bola at ilang sandali pa ay na-shoot ito sa basket. At doon natapos ang laro pabor sa amin 72, 70 ang final score.

“Sabi ko na tol at tayo na naman ang mananalo.” Sabi ni Luke at sabay high five sa akin.

“Oo nga tol kahit na magkalaban tayo ay iba talaga kapag ikaw na ang may hawak ng bola at palagi itong makaka-score.” Sabi naman ni Patrick habang papunta sa amin.

“Magaling rin naman ang team n’yo lalo na si Arthur talagang pinahirapan ako maka-score.” Sabi ko.

“Oo magaling s’ya pero mas magaling ka parin.” Sabi naman ni Jerome sabay high five di sa’kin.

“Guys punta kayo rito!” Sigaw ni coach sa amin.

“Good job sa lahat at kita ko kung paano n’yo kagustong manalo sa isat-isa. Next week ay simula na ng kompetisyon at inaasahan ko na mas gagalingan pa ninyo. Inaasahan ko rin lalo na kayong Lima” sabay turo sa akin kay Artur at sa tatlo kong kaibigan.

“Okay maari na kayong umalis at may pupuntahan pa ako.” Sunod na sabi ni Coach.

Sandali pa akong tumingin sa bench sa loob ng gym kung naroon ba si Daniel, dahil sinabi ko kanina na dito ito pumunta para sabay na kaming aalis patungo sa bar. Ilang gala pa ng mata ko ay ’di ko parin ito makita. “Saan na ba ’yon nagpunta?” Tanong ko sa sarili ko.

“Ha ha ha.” Napalingon ako dahil sa may narinig akong tumawa at paglingon ko kung sino ito ay imbes na matuwa na makita s’ya ay inis ang naramdaman ko. Minabuti ko na munang pumunta sa shower at maligo na para mawala ang inis na nararamdaman ko ngayon.

Pagpasok sa shower room ay nadatnan kong naliligo na ang tatlo kong kaibigan.

“May problema ba Red ba’t ganyan ang mukha mo?” Tanong ni Luke pagkakita sa’kin.

“Wa-wala tol sige maliligo na ako.”

“Nga pala nakita mo na ba si Dan sa gym kanina ka pa nga n’ya hinihintay.” Sabi pa ni Luke. ’Di ko na ito sinagot at naghubad na ako ng saplot sa katawan at tumapat na ako sa shower.

“Anong problema n’on?” Rinig ko pang sabi ni Jerome.

Hinayaan ko lang ang pagtulo ng tubig sa aking katawan para mabawasan ang nararamdaman kong inis dahil sa nakita ko kanina. Maya-maya pa ay may tumabi sa akin at paglingon ko ay si Arthur pala ito.

“May naghihintay sa’yo sa labas.” Rinig kong sabi nito.

“Ang saya pa lang kasama ng bestfriend mo, oo nga pala pupunta ako sa bar mamaya dahil kakanta pala s’ya.” Dagdag pang sabi nito.

“Anong gusto mong palabasin?” Inis kong sabi dito.

“May problema ba anong ibig mong sabihin?” Nagtatakang tanong pa nito.

“Layuan mo si Daniel at ’wag na ’wag kang gagawa ng ’di ko magugustuhan lalo na sa kanya.”

“Ano bang problema mo ha! Inaano ko ba ’yung tao?” Inis nitong sabi. Hindi ko na ito sinagot at tinapos ko na lang ang pagligo ko.

Matapos maligo at magbihis ay lumabas na ako.

Paglabas ko ay nandoon naghihintay si Daniel sa akin.

“Tara na, nga pala Red daan muna tayo sa bahay para naman makaligo ako bago tayo pumunta sa bar.” Sabi nito pagkakita sa akin.

Hindi ko ito sinagot at nagsimula na akong maglakad at base sa naririnig kong yabag ay alam kong sinusundan lang ako nito.

“Hoy Red narinig mo ba ang sinabi ko?” Sabi pa nito. Gaya kanina ay ’di ko parin ito sinagot at patuloy lang na naglakad ako at binilisan ko pa ang paghakbang. Alam kong mahuhuli ito dahil sa mas mabilis akong maglakad sa kanya. Narinig ko nga ang pagtakbo nito at nangiti na lang ako.

“Aray! Ano bang problema mo? Inis kong baling sa kanya matapos batukan ako nito.

“Eh ikaw, ano rin ang problema mo at kanina pa kita kinakausap ay ’di ka sumasagot!” Inis rin na tanong nito.

“Wala trip ko lang na ’di ka sagutin.” Sagot ko sa kanya.

“Oo nga pala at nakalimutan kong may bipolar pala akong kaibigan.” Sabi lang nito.

“Hoy Dan ako bipolar? Mag-ingat ka sa sinasabi mo at baka ’pag sinumpong ako ng pagka-bipolar ko ay may gawin ako sa’yo?” Banta ko naman sa kanya.

“Naku Red kung ano man ang gagawin mo ay ’di ako natatakot.” Sagot lang nito.

Tumigil ako sa paglalakad at tumingin ako sa kanya. Huminto rin ito sa paglalakad kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa kanya at ilang saglit pa ay magkalapit na ang mga mukha namin at pagkatapos ay….

P.M.B. Part 2

Jared’s POV

Tumigil ako sa paglalakad at tumingin ako sa kanya. Huminto rin ito sa paglalakad kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa kanya at ilang saglit pa ay magkalapit na ang mga mukha namin at pagkatapos ay….

“Ha ha ha. Nakakatuwa ang mukha mo tol at may papikit-pikit ka pang nalalaman ha ha ha.” Natatawa kong sabi dahil sa reaksyon ni Daniel.

“Sira ka talaga kahit kailan!” Inis na sigaw nito at mabilis itong tumakbo at iniwan ako.

“Hoy Dan!” Sigaw ko naman na tawag sa kanya. At sa bilis nga nitong tumakbo ay ’di ko na ito nasundan kung saan ito pumunta.

Minabuti ko na lang lumabas na at pumunta sa parking lot kung saan nandoon ang motor ko.

Pagdating nga doon ay kaagad ko nang pinaandar ang motor ko at minabuti ko na lang na umuwi na sa bahay, iniisip ko nalang na siguro umuwi na rin si Dan sa kanila.

Pagdating sa bahay ay mabilis akong nagbihis at lumabas na rin. Nagmotor na rin ako papunta kina Dan para kaagad kaming makapunta sa Bar mamaya.

Pagdating kina Dan ay kumatok na ako sa pinto. Nakailang katok na rin ako pero walang sumasagot.

“Ibig sabihin wala pa si Dan?” Tanong ko pa sa sarili ko. Minabuti ko na lang na tawagan s’ya para malaman kung nasaan na ito.

Abala ako sa pagtawag sa kanya ng tumigil ang isang magarang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Kaagad ko naman binaling ang tingin ko sa sasakyan at pagbukas ng pinto nito ay si Daniel ang lumabas.

Lalapitan ko na sana ito kungdi lang sa isa pang taong lumabas sa sasakyan.

“Dan nahulog mo yata ito oh.” Sabi ng lalake na walang iba kungdi si Arthur.

“Ah oo salamat Art ha pati na rin sa paghatid sa’kin.” Sabi naman ni Dan.

“No worries basta ikaw, o sige mauna na ako para kaagad din akong makapunta sa bar mamaya.” Sabi naman ng ungas.

“Sige salamat ulit.” Sabi ulit ni Dan. Nang makalayo na ang sasakyan ni Arthur ay doon pa lang pumasok si Dan.

“Naks! Ayos de kotse pa ang naghatid sa’yo ah.” Sabi ko.

“Ewan ko sa’yo Red, oh anong ginagawa mo dito?” Tanong lang nito.

“Hinihintay ka, akala ko nga nandito ka na.” Sabi ko naman. ’Di na ito sumagot at binuksan lang ang gate at pumasok na sa loob habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya.

“May bago ka yatang kaibigan.” ’Di ko mapigilang sabihin patungkol kay Arthur. Tumingin naman ito sa akin.

“Si Arthur ba? Oo ang bait pala n’ya no, akala ko nga kanina ng magbangaan kami ay susuntukin ako at mukha kasi itong galit dahil natalo s’ya sa inyo kanina sa game. Kabaligtaran pala at s’ya pa ang nag-sorry sa’kin.” Mahabang sabi naman ni Dan.

“Halata nga eh parang antagal n’yo ng mag-kakilala.” Sarcatic na sabi ko naman.

“Oo nga ang sarap n’yang kausap, kahit na anak mayaman s’ya ay parang simple lang ito ng kausap ko s’ya.” Sang-ayon pang sabi nito na ’di napansin ang sarcatic kong pagkakasabi.

“Kaya pala pati ang pagkanta mo sa Bar mamaya ay alam n’ya.” Sabi ko pa.

“Ah ’yun ba? I-ninvite kasi n’ya ako na pumunta sa Bar, kaya ’yun sinabi ko sa Bar nalang kung saan kakanta ako mamaya.” Sabi naman ni Dan.

“Huwag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko pero ’wag ka basta-basta magtitiwala sa taong ’yon.” Sabi ko naman sa kanya.

“Kay Arthur? Bakit naman mamatay tao ba ’yon at isa pa hindi mo naman s’ya kilala para masabing hindi s’ya mapagkakatiwalaan.” Sagot lang nito.

“Bahala ka nga! ’Wag mong sabihin hindi kita binalaan.” Inis na sabi ko.

“Te-teka lang bakit galit ka? Baka nakakalimutan mo ikaw ang may kasalanan kanina sa akin!” Galit rin nitong sabi. ’Di na ako kumibo at baka lalo pa itong magalit, baka rin ’di na ito pumayag na kumanta ’pag nagkataon.

“Sige aakyat na ako para makaligo na.” Sunod na narinig ko sa kanya at namalayan ko na lang na paakyat na ito sa hagdan.

“Ano bang problema ko?” Saway ko sa sarili ko.

Matapos ang ilang minuto ay bumaba na rin ito.

“Ano tara na?” Sabi ni Daniel.

“Ah Dan sorry sa inasal ko kanina, ’yung alam mo na..” ’Di ko matuloy-tuloy na masabi.

“Alin ’yung tangka mong paghalik sa’kin?” Tumango na lang ako.

“Wala ’yon, pero bakit mo nagawa ’yon? Nababading kana ba sa’kin Red?” Tanong pa nito.

“Ulul! Ako mababading? Kilabutan ka nga Dan sa sinasabi mo.” ’Di ko makapaniwalang bulalas ko.

“O sige ’yan ang sabi mo eh.” Sabi lang nito na sinamahan pa ng mahinang pagtawa.

“Hoy Dan ’wag mo kong binibiro ng ganyan ’di nakakatuwa, baka naman ikaw ’tong nababading sa’kin, sabihin mo lang pagbibigyan kita.” Ganting biro ko rin sa kanya. Sabay kindat pa rito.

“Pasensya na Tol ’di tayo talo at kung sakali man na mabading ako, hindi ko type ang katulad mo.” Sabi lang nito.

“Talaga lang ha? ’Di bale malabo rin na pumatol ako sa bading, iniisip ko palang nasusuka na ako. Bakit kaya dumadami ang mga bading no? Eh hindi naman sila nangaganak.” Sabi ko naman.

“Aba malay ko, hayaan mo itatanong ko kay Claudia ’pagpasok natin sa Lunes. Oo nga pala kinukuha n’ya ’yung number mo ibibigay ko ba?” Sabi ni Dan.

“Subukan mo lang ibigay sa bading na ’yon ang number ko para pati kamao ko ibigay ko sa kanya.” Sabi ko naman.

“Wag na nga lang, kawawa naman si Claudia.”

Matapos ay umalis na kami at tinungo na namin ang Bar kung saan kakanta mamaya si Daniel.

Sa Bar.

“Hay salamat at napapayag mo ang kaibigan mo.” Kaagad na bungad ng pinsan kong si Leah pagpasok namin sa Bar.

“Ah guys ito nga pala si Daniel ang magiging bokalista natin.” Sabi pa ni Leah at ipinakilala ang mga kabanda nito kay Daniel.

“Musta bro ako si Ed ang drummer ng banda.” Sabi ni Ed sabay handshake kay Dan.

“Ayos lang bro, gaya nga ng sabi ni Leah ako si Daniel.” Sabi naman ni Dan. Sumunod ay nagpakilala ang mga guitarista nila pinsan na sina Jojo at Raymond.

“Since kilala na natin ang isat-isa at may oras pa tayong mag-ensayo para sa pagtutog natin mamaya, halika na Dan at para naman marinig na namin kung gaano kaganda ang boses mo.” Sabi ni Leah at pumunta na nga sila sa backstage para mag-ensayo at syempre ako ang unang makakarinig ng mga kakantahin nila mamaya.

Nagsimula na silang mag-practice at talaga namang mahuhusay ang bawat isa sa kani-kanilang ginagawa. Kahit na anong genre ng music ay alam nika kung paano ito tutugtugin.

Unang kantang tinugtog nila ang sikat na kanta ni Lukas Graham na 7 Years.

Once I was seven years old, my mama told me,“Go make yourself some friends or you’ll be lonely.”

Sa intro pa lang na kanta ay halata mo sa mukha ng apat, na nagustuhan nila ang ganda ng boses ng kaibigan ko.

Nagpatuloy lang tumugtog ang banda nila pinsan habang seryoso naman na kumakanta si Daniel na para bang dinadama nito ang kanta.

Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami kung saan una kaming nagkita noon.

Sa probinsya talaga nakatira ang mga magulang ko, pero dahil sa trabaho ni Tatay at sa naisip nitong mas aasenso sa syudad ang itatayo nitong shop ay kinailangan naming lumuwas sa syudad at dito narin manirahan.

Doon nakilala ni Tatay ang mga magulang ni Daniel na nagtatrabaho sa isang real state company at inalok si Tatay ng mga Bahay na ibinebenta nila. Kaya sa isang subdivision kami ngayon nakatira kung saan nga doon rin nakatira sina Dan. Naging magkaibigan ang mga magulang namin, kaya ng dumating ang kaarawan ni Daniel ay imbitado ang aming pamilya at sa araw rin na ’yon ay nakilala ko ang aking bestfriend. Sa araw nga rin na ’yon ay kumanta pa ito, kaya naman tuwang-tuwa ang lahat sa kanya dahil bukod sa cute ito at matalino sa klase ay magaling pang kumanta. Sila Dan rin ang tumulong sa amin sa panahon na namroblema kami lalo na sa financial ng mamatay si Tatay.

Bumalik lang ako sa pagbabaliktanaw ko ng marinig ko si pinsan.

“Whooo ooohh! Ang ganda pala talaga ng boses mo Danny boy at tama nga si Jared nang sabihin sa’min na may kakilala nga s’yang magaling kumanta.” Natutuwang sabi ni Leah.

“Mukhang mas dadami pa ang mag-aabang sa’tin tumugtog lalo na at gwapo at magaling pang kumanta ang bago nating bokalista!” Masaya rin sabi ni Ed sabay akbay pa kay Dan.

“Oo nga.” Sang-ayon naman nina Jojo at Raymond.

“Sa-salamat naman at nagustuhan n’yo, sa totoo lang gusto ko talaga ang pagkanta kaya lang busy masyado sa study, kaya thank you rin sa inyo at sa ganitong paraan ay malalabas ko ang talent ko sa pagkanta.” Sabi naman ni Dan.

“Kung alam n’yo lang pinsan ay ayaw ni Dan kanina at pinilit ko lang kaya napapayag ko.” Sabi ko naman sabay lapit kay Dan at inakbayan ito.

“Oo nga, buti na lang makulit ’tong pinsan mo Leah.” Sabi lang ni Dan.

“Sinabi mo pa Danny boy, akalain mo Red may maganda rin palang naidudulot ang pagiging makulit mo.” Sabi naman ni Leah.

“Pero seryoso, salamat Dan at pumayag ka, ’di mo lang alam kung paano kami kinakabahan habang hinihintay na dumating ka.” Sabi ni Ed.

“Wala ’yon isa pa mamaya pa naman talaga tayo mag-peperform, baka naman hindi magustuhan ng mga tao na bago ang bokalista n’yo.” Sabi ni Dan.

“Naku Danny Boy paniguradong magugustuhan ka nila, kaya ’wag kang kabahan kami nga nagustuhan ang pagkanta mo.” Sabi ni Leah.

Nagpatuloy nga ang pagpractice nila Dan at ako ay nanonood lang.

Matapos ang isang oras ay natapos din sila.

Mabilis lumipas ang mga oras at parami na ng parami ang mga taong dumadating sa Bar. Naghanda na rin ang banda para sa kanilang pagtugtog.

“Hello ang Good Evening everyone, nais ko pong sabihin sa inyo na may bago kaming bokalista at ngayong gabi rin na ito ay makikilala ninyo s’ya. Kaya naman ’di ko na papatagalin pa, meet our new vocalist Mr. Daniel Natividad.

“Magandang Gabi sa inyong lahat at sana magustuhan n’yo ang unang kanta na maririnig n’yo.” Sabi ni Dan at kasunod nito ang pagtutug ng banda sa kantang 7 Years.

Once I was seven years old,

my mama told me,

“Go make yourself some friends

or you’ll be lonely.

“Once I was seven years old

It was a big big world,

but we thought we were bigger

Pushing each other to the limits,

we were learning quicker

By eleven smoking herb and

drinking burning liquor

Never rich so we were out to

make that steady figure

Once I was eleven years old,

my daddy told me,

“Go get yourself a wife or you’ll be lonely.”

Once I was eleven years

old

I always had that dream,

like my daddy before me

So I started writing songs,

I started writing stories

Something about that

glory

just always seemed to bore me

’Cause only those I really love

will ever really know

me

Once I was twenty years old,

my story got told

Before the morning sun,

when life was lonely

Once I was twenty years

old

I only see my goals,

I don’t believe in failure

’Cause I know the smallest voices,

they can makeit major

I got my boys with me,

at least those in favor

And if we don’t meet before I leave,

I hope I’ll see you

later

Once I was twenty years old,

my story got told

I was writing about everything

I saw before me

Once I was twenty years

old

Soon we’ll be thirty years old,

our songs have been sold

We’ve traveled around the

world

and we’re still roaming

Soon we’ll be thirty years old

I’m still learning about life

My woman brought

children

for me

So I can sing them all my songs

And I can tell them stories

Most of my boys are with me

Some are still out seeking glory

And some I had to leave behind

My brother, I’m still

sorry

Soon I’ll be sixty years old,

my daddy got sixty-one

Remember life, and

then

your life becomes a better one

I made a man so happy

when I wrote a letter once

I hope my children come and

visit

once or twice a month

Soon I’ll be sixty years old,

will I think the world is cold

Or will I have a lot of

children

who can warm me?

Soon I’ll be sixty years old

Soon I’ll be sixty years old,

will I think the world is cold

Or will I have a lot of

children

who can warm me?

Soon I’ll be sixty years

old

Once I was seven years old,

my mama told me,

“Go make yourself some

friend

or you’ll be lonely.“

Once I was seven years old

Once I was seven years

old

P.M.B. Part 3

Jared’s POV

Ngayon ay araw ng Sabado at paggising ko ay 7 AM na. Wala na rin si Daniel sa kama na katabi kong natulog kagabi dahil hindi ito nakapasok sa kanila sa dahilang hindi nito nadala ang spare na susi ng bahay nila. Matapos ayusin ang kama at maghilamos ay bumaba na rin ako sa kusina.

Pagdating sa kusina ay nadatnan kong nagluluto ang kapatid kong si Jenny.

“Jen gising ka na ba ng umalis ang Kuya Daniel mo?” Tanong ko rito.

“Si Kuya Dan? Dito s’ya natulog?” Tanong lang nito sa’kin at sa sagot nga nito ay mukhang tulog pa ito ng umalis si Daniel sa bahay.

“Ah Oo, kumanta kasi s’ya sa Bar na pinagtatrabahuan ni Leah, madaling araw na kaming umuwi at sarado na sa kanila kaya dito sa bahay na s’ya natulog.” Paliwanag ko rito.

“Kuya bakit ’di mo naman kaagad sinabi na kumanta pala si Kuya Dan at pumunta sana kami, alam mo naman na crush ko si Kuya Dan ’di ba?” Sagot naman ni Jenny.

“Oo alam ko at sa pagkaka-alam ko hindi ka raw n’ya crush, kilala mo ba si Tiffany? Yun ang crush ni Dan at malapit na s’yang sagutin nito.” Pang-iinis ko pa rito.

“Si Tiffany s’ya rin ba yung niligawan mo dati at binasted ka kaagad? Sabagay hindi ko naman masisi si Tiffany at may taste s’yang pumili kung sagutin n’ya si Kuya Dan.” Ganti naman nito sa’kin.

“Aba loko to ah, ano ba ’yang niluluto mo at dalian muna para bigyan ko si Dan, malay mo kapag natikman ang luto mo at magustuhan baka sakaling magkagusto rin s’ya sa’yo.” Bola ka rito.

“Oo nga no Kuya, malapit na’tong maluto at sabihin mo ako ang nagluto nitong Menudo ah.” Napailing na lang ako at sumang-ayon ito sa sinabi ko. Bata pa kami ay type na nitong kapatid ko si Daniel at hanggang sa ngayon ay patay na patay parin ito sa kanya. Biniro ko pa nga si Dan dati na bakit ’di nito ligawan si Jenny para maging magbayaw kami na tinawanan lang nito at sinabing parang kapatid lang daw ang turing nito sa kapatid ko.

Masarap magluto si Jenny na namana ang galing ni Nanay sa pagluluto.

Matapos ngang maluto ang nilulutong menudo ni Jen ay kaagad nitong nilagay sa tupperware ang para kay Dan.

Lumabas na ako ng bahay dala ang ulam na para kay Dan at tinungo ko na ang bahay nila.

Pumasok na rin ako ng makitang bukas ang kanilang gate.

Tahimik ang bahay nila Dan pagpasok ko kaya minabuti ko na lang na umakyat sa kwarto ni Dan. Ipinihit ko ang doorknob ng pinto ng kwarto ni Dan pero nakalock ito kaya naman bumaba na lang ako at pumunta sa kusina.

Nagtimpla na rin ako ng kape at balak kong dito na rin kumain kasabay sina Dan.

“Oh ang aga yata ng gising mo Red.” Sabi ng isang boses at paglingon ko’y galing pala kay Tita Lorna.

“Ah magandang umaga po Tita, oo nga po eh, nga pala may dala po akong ulam luto ni Jen para raw po kay Daniel.” Sagot ko naman kay Tita.

“Ang batang ’yon talaga oo, hanggang sa ngayon ba ay gusto parin si Daniel.” Natatawang komento ni Tita sabay abot nito sa dala kong ulam.

“Oo Tita, nagalit pa sa’kin dahil ’di ko nasabi na kumanta po si Dan sa bar kagabi.”

“Naku hijo, kung alam lang ni Jen na may iba ng nagugustuhan si Dan siguradong magseselos ’yon.” Sabi pa ni Tita.

“Sa katunayan po Tita, alam na po ni Jen.” Sabi ko naman.

“Si-sigurado ka!” Biglang reaksyon ni Tita.

“Ah opo, nasabi ko na sa kanya na si Tiffany ang nililigawan ni Dan.” Sabi ko naman.

“Ah eh si Tiffany ba? A-akala ko ay i-i”

“Ma!” Isang sigaw na narinig namin na galing pala kay Daniel.

“Ano ba naman tol bakit kaba sumisigaw?” Tanong ko sa kanya paglapit nito sa amin. Pagtingin ko kay Tita ay nakatalikod na ito sa amin at iniwan kaming dalawa ni Daniel.

“Ang aga-aga anong ginagawa mo dito?” Sabi lang nito imbes na sagutin ako.

“Hindi ka pa nasanay sa’kin, makikikain ako, oo nga pala may dala akong ulam galing sa manliligaw mo.” Sabi ko.

“Anong ulam? Galing ba kay bunso?” Tanong lang nito. Bunso kasi ang tawag nito kay Jenny.

“Oo, bakit kasi ’di mo pa sagutin si Jen.” Biro ko pa rito.

“Alam mo naman ang sagot d’yan ’di ba, oo nga pala may sinabi ba si Mama sa’yo?” Tanong nito sa akin habang seryoso ako nitong tinitignan.

“Ah wala naman napag-usapan lang namin si Jen at si Tiffany na niligawan mo.” Sabi ko.

“Yun lang?” Tiyak na tanong pa nito.

“Oo nga, bakit may iba pa ba?” Balik kong tanong naman sa kanya.

“Ah eh wala naman, akin na ’yung ulam ko.” Sabi na lang nito.

“Nandoon na kay Tita.” Sagot  ko naman at iniwan ako nito para tignan ang ulam na bigay ni Jen.

Sabay-sabay na kaming kumain nina Tita at Daniel, si Tito naman ay wala dahil sa out of town daw ito sa trabaho.

“Sabado ngayon may lakad ba kayong dalawa?” Tanong ni Tita sa amin.

“Wala Ma, ewan ko si Red kung meron.” Sagot ni Dan.

“Ah wala naman Tita, nakakabagot nga sa bahay.” Sabi ko naman.

“Ganoon ba, maiba ako kumusta naman anak ang pagkanta mo sa bar kagabi?” Tanong ni Tita kay Dan.

“Ayos naman Ma, nagustuhan naman ng mga costumer ang pagkanta ko.” Sagot naman ni Dan.

“Mabuti naman Anak, one time imbitahan mo ang mga kabanda mo, para naman personal namin na makilala sila.” Sabi pa ni Tita.

“Sige ma, mababait nga sila lalo na si Leah na pinsan ni Red at ’yung isa na si Ed ay napakapalabiro.” Kwento naman ni Dan.

“Nakakabagot talaga, wala ka bang bagong Dvd Dan at manood na lang tayo.” Sabi ko. Nandito kami ngayon sa living room ng bahay nila Dan pagkatapos namin kumain.

“Mamaya na tatapusin ko lang ’to.” Sagot nito habang tutok na tutok ito sa TV habang nanood ng Phineas at Ferb.

“Di kaba nagsasawa d’yan at paulit-ulit na lang na naiisahan si Candice ng dalawa.” Komento ko rito.

“Hindi.” Kaagad na sagot nito.

“Isip bata.” Sabi ko naman.

“KJ.” Sagot nito.

“Nagiging kamukha mo na nga si Ferry dahil sa kakapanood mo n’yan.”

“Ano ba Red ’wag ka ngang maingay.” Saway pa nito. At dahil nga sa inip na inip na ako at ayaw ko naman na asarin pa ito ay umuwi na muna ako.

“Aalis ka na?” Rinig kong tanong nito.

“Oo eh ayaw ko naman manood n’yan.” Sabi ko naman.

“Ok, isara mo nalang ang gate.” WTF? Akala ko pa naman sasabihin nitong ’wag akong aalis at manonood na kami ng pelikula.

Pagdating sa bahay.

“Ano kuya nagustuhan ba ni Kuya Dan?” Tanong ni Jen pagkakita sa’kin.

“Oo masarap daw.” Walang gana kong sabi sabay higa sa sofa.

“Hulaan ko nanood na naman si Kuya crush ng Phineas and Ferb no.” Sabi naman ni Jen.

“Oo, ewan ko ba sa crush mong ’yon napaka-isip bata.” Sabi ko naman.

“Sinong isip bata?” Sabi ng isang boses.

“Ikaw, teka nga bakit ka nandito? Umuwi ka na sa inyo at baka ’di kapa tapos manood.”

“Tapos na akong manood at kaya pumunta ako dito para ihatid ang tupperware na lalagyan ng ulam na bigay ni Jenny.” Sabi naman ni Dan na sinundan pala ako pauwi sa amin.

“Bunso salamat sa menudo ha, ang sarap mo talagang magluto.”

“Salamat naman Kuya at nagustuhan mo.” Sabi naman ni Jenny na halata mong namumula dahil sa papuri ni Dan sa niluto nito.

“Mamaya kakanta ulit ako sa Bar kasama ng banda ng pinsan mong si Leah, pumunta ka at isama mo narin ang mga friends mo.” Sabi pa ni Dan.

“Gusto ko sana Kuya, kaya lang wala akong extrang pera ngayon eh.” Sagot naman ni Jen.

“Huwag mo ng problemahin ang gastos at treat ko na sa’yo ’yon, basta next time bigyan mo ulit ako ng luto mong ulam ah.” Nakangiting sabi pa ni Dan.

“Sige ba, salamat sa treat kuya Dan. Maiwan ko muna kayo ni Kuya at may lakad kami ng kaibigan ko.” Masayang sabi ni Jen sabay paalam nito sa amin.

“Kaya gustong-gusto ka ni Jen dahil ini-spoil mo.” Sabi ko kay Dan.

“Hayaan mo na, alam mo naman sabik ako sa kapatid, tsaka alam kong may magugustuhan rin na iba ’yon pagdating ng araw. Oh heto na ang mga Dvd.” Sabi lang ni Dan sabay abot ng mga Dvd. Kinuha ko nga ang mga ito at isa-isang tinignan.

“Wala na bang iba? Wala ka bang XXX d’yan?” Sabi ko.

“Ewan ko sa’yo Jared. Bakit ’di ka na lang manood ng porn sa online.” Inis na sabi nito.

“Asar talo ka talaga, oh heto na lang ’di ko pa napapanood ’to.” Sabi ko naman at iniabot sa kanya ang Dvd na napili ko at sabay namin itong pinanood.

Wala pang isang oras habang nanood kami ni Dan ng tumunog ang cellphone nito.

Kaagad naman nitong sinagot ang tawag sa kanyang cellphone habang katabi ko parin ito na nanood.

“Hello..”

“Nasa labas ka na!?”

“Oo nandito ako kina Red.”

“Wala naman.”

“O sige lalabas na ako.”

“Bye.” Mga rinig kong sabi ni Dan sa kausap nito sa cellphone.

“Sino ’yon?” Tanong ko kay Dan habang tutok parin ako sa panood ng pelikula.

“Si Art, nagpapasama sa mall at may bibilhin daw.” Sagot naman ni Dan.

“At sasamahan mo naman?” Pag-titiyak ko rito.

“Ah oo, wala naman akong gagawin, isa pa nakakainip rin sa bahay.” Sagot naman ni Dan.

“O sige hintayin mo ako at magpapalit lang ako.” Sabi ko rito.

“Sasama ka?” Tanong naman ni Dan.

“Oo.” Sagot ko rito at kaagad na akong umakyat sa kwarto para makapagpalit ng damit.

Sabay na nga kaming lumabas ni Dan sa bahay at pagdating sa kanila ay nandoon nga ang ungas na si Arthur at hinihintay ito. Kita ko pa ang tuwa sa mukha nito na kaagad din nawala pagkakita na kasama ako ni Daniel.

“Ah Art sandali lang magpapalit lang ako ng damit” Sani ni Dan kay Art na tinugon lang ng pagtango ni ungas.

“Anong ginawa mo rito?” Tanong ko kay Arthur pagkapasok ni Dan sa loob.

“Ikaw nga sana ang tatanungin ko, anong ginagawa mo rito? At para sagutin na rin ang tanong mo, inaya ko si Danny na mag-mall.” Sabi pa ni ungas.

“Ganoon ba? Pareho pala tayo inaya ko rin si Dan na mag-mall.” Sagot ko naman habang nakangisi pa ng nakakaloko sa kanya.

Magsasalita pa sana ito ng marinig naming magsalita si Daniel.

“Tara na, oo nga pala Art okay lang ba na sumama si Red?” Sabi ni Dan. Dahil sa sinabi ni Dan ay alam kong alam na ni ungas ang pagsisinungaling ko tungkol sa pag-aya ko kay Dan na pumunta sa mall.

“Oo naman ’di ba tol” Nakangising saad pa ni ungas. ’Di ko na ito sinagot pa.

Pagkatapos nga ay binuksan na ni ungas ang kanyang kotse at dahil nga sa anak mayaman ay masasabi kong mamahalin ang kotse ni ungas, para san pa na pagmemekaniko ang course ko kung ’di ko alam na isang luxury car ang sasakyan nito.

Alam ko na ang plano nito kaya bago pa man ito mangyari ay mabilis akong pumasok at naupo sa passenger seat ng sasakyan. Kita ko pa kung paano magulat si ungas dahil sa ginawa ko. Alam ko rin na ’di nito magagawang paalisin ako dahil ayaw nitong maging masama sa paningin ni Daniel. Sa halip ay mabilis na binuksan ni ungas ang pinto ng backseat para makapasok na si Dan. Pagkatapos ay pumasok na rin ito sa loob at pinaandar na ang sasakyan at tinungo na namin ang mall.

Nandito na kami ngayon sa mall at isa-isang tinitignan ang mga nadadaanan naming mga tindahan.

“Oo nga pala Art, ano bang kailangan mong bilhin at sinama mo ako?” Tanong ni Dan kay Arthur.

“Ah ano kasi, birthday ng pinsan kong babae at ’di ko alam kung anong gift ang magandang ibigay sa kanya, kaya naisipan ko na baka matulungan mo ako na makapili ng ireregalo sa kanya.” Sagot pa ni ungas na halata mong nag-papacute kay Dan. Oo nga pala may bulung-bulungan sa campus na bisexual raw si Arhur at sa nakikita ko ngayon ay mukhang tama nga ang mga naririnig kong ’yon.

“Gano’n ba? Ilan taon na ba ang pinsan mo?” Pagtatanong pa ni Dan. Ako naman ay palipat-lipat ng tingin sa dalawa na nag-uusap na para bang ’di nila ako kasama.

“Mag-sisixteen na sa makalawa, ano sa tingin mo ang magandang iregalo sa kanya?” Tanong pa ni ungas kay Dan.

“Maraming puwedeng iregalo, pero ano bang hilig ng pinsan mo na alam mo?” Tanog ulit ni Dan. Saglit na nag-isip si Arthur at…

“Mahilig s’yang magpinta, sa katunayan nga kasali s’ya sa isang exhibit na gaganapin sa isang kilalang hotel sa Manila next month.” Sagot naman ni Arthur.

Dahil sa sagot ni Arthur ay kita ko kung paano lumiwanag ang mukha ni Daniel. Bukod kasi sa pagkanta ay hilig rin ni Dan ang magpinta at sa nakikita ko ngayon ay alam kong nais na ni Dan makilala ang pinsan ni ungas.

“Talaga?! Ah Art pu-puwede bang makilala ko ang pinsan mo?” Tanong ni Dan kay Arthur.

Sabi

ko

na

eh’

bulong ko sa sarili ko.

“Oo naman at iimbitahan pa kita sa birthday n’ya.” Masayang pahayag namin ni Arthur.

“Salamat ha, oo nga pala mukhang alam ko na ang puwedeng iregalo sa pinsan mo.” Masayang sabi rin ni Daniel.

Mga kagamitan sa pagpinta ang mga pinamili ni Arthur, sunod sa suhestiyon ni Daniel ng malaman na mahilig sa pagpinta ang pinsan ni ungas.

“Maraming salamat talaga Danny at sigurado akong matutuwa si pinsan dahil sa regalo ko para sa kanyang birthday.” Masayang sabi ni Arthur.

“Naku wala ’yon.” Sagot naman ni Dan.

“Ehem.” Pagsingit ko sa dalawa na mukhang hanggang ngayon ay parang wala ako sa tabi nila kung mag-usap. Tumingin naman sa akin ang dalawa.

“Dan tara na sa foodcourt at nagugutom na’ko.” Sabi ko kay Dan para maputol na ang usapan ng dalawa. Sa sinabi kong ’yon ay bumaling ng tingin si Dan kay Arthur.

“Ah Art sa totoo n’yan gutom na rin ako, pwede bang pumunta muna tayo sa foodcourt?” Nahihiyang sabi ni Dan kay ungas.

“Gano’n ba sige nagugutom na rin ako, may alam akong resto dito sa mall, doon na lang tayo kumain at treat ko na rin sa’yo sa pagpayag mong sumama sa akin.” Mahabang sabi ni ungas.

“Art nakakahiya naman okay lang sa akin kahit sa food court na lang.” Tanggi ni Dan kay ungas.

“Please i insist, bawi ko na rin sa’yo dahil hindi ako nakapunta last night sa bar remember?” Pilit pa ni ungas kay Dan na may kasama pang pa-cute.

Sus

mayaman

ka

lang

pero

mas

gwapo

ako

sa’yo

.’ sa isip-isip ko.

“Ah sige ikaw ang bahala.” Talong sabi ni Dan.

“Ikaw Bro sasama ka ba?” Nakangising tanong ni ungas.

“Hindi na kayo nalang ni Dan.” Sagot ko naman pero ang totoo gusto ko nang upakan ito. Alam kong masaya si ungas dahil naisahan ako nito ngayon pero ’di ako titigil at aalamin ko ang totoong motibo nito kung bakit bigla na lang itong nagka-interes kay Dan.

“Akala ko ba Red gutom ka na?” Sabi naman ni Dan at tumingin ito ng seryoso sa akin.

“Sa bahay na lang ako kakain, sige mauuna na ako.” Sagot ko na lang kay Dan at iniwan ko na sila.

Ano

bang

balak

mo

ungas

?

Siguraduhin

mo

lang

na

wala

kang

gagawing

masama

kay

Daniel

.’ mga

salitang paulit-ulit sa isip ko.

“Hoy tol ang lalim yata ng iniisip mo.” Sigaw ni Luke na nakapagbalik sa akin.

Nandito ako ngayon sa kanila at dito ako dumiretso matapos kong iwan si Dan kasama ng ungas na si Arthur.

“May problema ba tol?” Dagdag pang tanong nito na bakas mo ang pag-alala sa mukha nito.

“Wala tol may naisip lang ako.” Pagsisinungaling ko rito. Minabuti ko munang ’wag sabihin sa kanya at hindi naman ako sigurado kung may balak bang masama si Arthur kay Daniel.

“Okay sabi mo eh, maiba ako mamaya kakanta rin si Daniel sa bar ’di ba? Naisip ng barkada na doon na lang kami mag-bar para kumpleto tayo sa birthday ni Patrick.” Mahabang saad ni Luke.

“Ngayon ba ang birthday ni Patrick?”

“Oo ngayon nga tol, alam ko may problema ka at ’di kita pipilitin na ikwento sa’kin pero kapag handa ka na nandito lang ako.” Seryosong sabi pa ni Luke.

“Pasensya na tol, sige sasabihin ko rin kapag sigurado na ako.” Sabi ko naman.

“Ayos lang tol, so paano tatawagan ko nalang si Jerome at ipaalam ko na ang venue para sa birthday ni Patrick at magkapitbahay lang naman ang mga ’yon.” Sabi ni Luke.

Matapos ang pagtambay ko sa bahay ni Luke ay umuwi na rin ako.

P.M.B. Part 4

Jared’s POV

Sa Bar

Kasalukuyan ng tumutugtog ang banda ni pinsan at nakailang kanta na rin si Daniel.

Habang patuloy naman kami nila Jerome, Luke at ng birthday boy na si Patrick sa pag-inom. Nawala na sa isip ko na ako ang driver ni Dan pauwi sa amin.

“Hanep tol! Ang ganda pala ng boses ni Dan. Hindi malabong mapasagot niya si Tiffany kapag dinaan niya ’yun sa harana.” medyo lasing ng kumento ni Luke.

“Oo nga.” sang-ayon ni Jerome.

“At mukhang hindi lang si Tiffany ang maaring mabighani sa boses ni Daniel.” singit ni Patrick sabay nguso nito sa kanan. Dahilan para mapatingin kaming tatlo sa gawing ’yon.

Kaagad na nagsalubong ang kilay ko ng makita sa gawing ’yon si Arthur, na titig na titig sa harapan ng stage kung saan kumakanta si Daniel.

“Nice mukhang totoo nga na Bisexual si Arthur, kungsabagay hindi pa naman sinasagot ni Tiffany si Dan, kaya ayos lang na dumamoves si Arthur.” ngiti-ngiting sabi ni Luke sabat baling ng tingin sa akin.

“Loko anong ayos hindi naman bakla si Dan kaya malabo ’yun.” kontra ko kay Luke sabay lagok ko sa hawak kong bote ng beer.

“Oo nga naman Luke malabo ang sinasabi mo. Pero ang alam ko kay Arthur hindi tumitigil ’yon kapag hindi mapapasakanya ang isang bagay o ang ibig kong sabihin sa kaso ni Daniel, sa isang tao.” mahabang sabi ni Patrick.

Sa narinig kong sinabi ni Patrick ay napaisip ako. May punto ito pero hindi ko hahayaan na mangyari ’yon kung totoo mang may gusto si Arthur sa bestfriend ko.

Ipinagpatuloy naming apat ang pag-inom at kung anu-ano pa ang napagkwentuhan namin. Kung minsan ay nagagawi ang tingin ko kay Arthur na kasama rin sa isang mesa ang tropa nito.

Ilang saglit pa ay nagpaalam ako sa tatlo na pumunta sa banyo dahil puputok na ang pantog ko. At bago ko pa marating ang cr ay dadaanan ko ang kinaroroonan nina Arthur.

“Ang galing palang kumanta ni Daniel, swerte mo Art kung sagutin ka at sigurado akong ’di malabong manyari ’yon.” rinig kong sabi ng isa sa tropa ni Arthur.

“Alam mo naman ako bro, wala akong ginusto na ’di ko nakukuha.” yabang naman na sabi ng ungas na si Arthur.

Sa narinig ay ikinuyom ko ang kamao ko para pigilin ang nararamdaman kong galit dahil ayokong gumawa ng gulo dito sa loob ng bar.

Pagbalik sa pwesto namin ng mga kaibigan ko ay naikwento ko ang narinig kong sinabi ni Arthur. At lahat sila ay sumang-ayon sa akin na tama ang ginawa kong pagpigil sa galit ko.

“Paano Red mauna na kaming tatlo.” paalam nina Luke. At isa-isa ng sumakay ang tatlo sa sasakyan ni Patrick.

“Kuya Jerry kayo ng bahala sa mga ’yan.” sabi ko naman sa driver nila Patrick.

“Oo naman Red eh ikaw ’di ka pa ba sasabay?”

Sa narinig ay napamura ako sa isip ko. Paano ko nakalimutan na ako nga pala ang driver ni Dan.

“Ayos lang ako Kuya Jer, kasabay ko ang pinsan ko pauwi.” nasabi ko na lang.

Pagbalik ko sa loob ng bar ay kakaunti na lang ang tao. Sina Leah at Dan ay tapos na rin sa kanilang gig. Ilang liko pa ng ulo ko ay nakita ko si Dan na kausap si Arthur. At para na rin marinig ang pag-uusap ng dalawa ay minabuti kong lumapit sa kinaroroonan nila.

“Hindi na, kasabay ko si Red pauwi.” salitang galing kay Dan na narinig ko paglapit ko sa dalawa.

“Sigurado ka? Eh lasing na ’yan baka mapahamak ka pa lalo na’t nakamotor lang kayo.” sabi ni Arthur. Na sa hinuha ko ay gustong ihatid sa bahay si dan. At dahil sa sinabi nito patungkol sa akin ay..

“Narinig mo ang sinabi ni Dan, sa’kin siya sasabay kaya umuwi ka ng mag-isa mo.”

“Sabi ko na sa’yo Dan lasing na ’yan.” sabi ng ungas kay dan na ’di man lang pinansin ang sinabi ko. Sa sinabi ngang ’yon ni Arthur ay bumaling ang tingin sa’kin ni Dan. At sa tantiya ko ay sinusuri ako nito kung totoong lasing nga ako.

“Kaya ko pang mag-drive Dan, nakailang shot lang ako.” depensa ko rito sabay taas pa ng dalawa kong kamay.

“Pasensya na Arthur at kay Red na lang ako sasabay, isa pa mapapalayo ka ’pag hinatid mo pa ako.” sa narinig na sinabi ni dan ay napangiti akong bumaling kay Arthur para asarin ito.

“Okay kung ’yan ang gusto, by the way ang ganda pala talaga ng boses mo at hindi ako nagsisi na pumunta dito ngayon.” bola pa ni Arthur kay Dan.

“Salamat Art, ingat ka sa pag-uwi.”

“Sige mauna na’ko ingat ka rin.” masayang sabi ni Arthur kay Dan at masamang tingin naman ang ipinukol nito pagbaling sa akin.

“So paano aalis na tayo?” tanong ko kay Dan pagkaalis ni Arthur. Imbes na sagutin ako nito ay tinignan lang ako nito ng seryoso at pagkatapos ay umiling pa ito.

“So ano na Dan.” kulit ko pa rito.

“Seryoso Red, alam kong hindi mo na kayang magdrive kaya hintayin natin sina Leah at sasabay tayo sa kanila.”

“Te-teka alam mo?” napakamot pa ako sa ulong nagtanong kay Dan.

“Oo alam ko. At bago ka pa uminom, alam ko nang malalasing ka lalo pa’t birthday ngayon ni Patrick.” paliwanag ni Dan.

“Kaya sinabihan ko na si Leah kanina na sasabay tayo sa service ng banda nila.” dagdag pa nito.

“Hehehe kilala mo talaga ako.” natatawa kong sabi sabay akbay ko rito.

“Naku pasalamat ka at may mabait kang kaibigan. Biruin mo may papangapangako ka pa kay Dad na ikaw ang magiging driver ko eh ikalawang araw palang nakalimutan mo na kaagad.” sermon nito.

“Hehehe sorry na pramis last ko ng uminom ngayon.” sabi ko naman sabay muestra pa sa kanang kamay ko.

Sumabay nga kami ni Dan sa service nina Leah pauwi at gaya kahapon sa bahay ko na kami dumiretso.

Pagpasok namin ni Dan sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at kaagad rin akong pumunta sa banyo na nasa loob rin ng kwarto ko para maligo.

Paglabas ko sa kwarto ko ay nakahiga na si Dan ng patagilid na patalikod sa kanang bahagi ng double size na kama ko. At dahil sa nainom ramdam ko ang init ng panahon kahit pa kakatapos ko lang maligo, kaya tanging boxer short na lang ang isunuot ko at nahiga na rin ako sa tabi ni Dan.

Daniel’s POV

Sa ilang taong magkakilala kami ni Jared o Red, ang madalas na tawag ko sa kanya, hindi kailang man kami humiwalay sa isa’t isa. Pero dahil sa unti-unti umuusbong na nararamandaman ko para rito, mukhang nanganganib na matapos ang ilang taong pagkakaibigan namin.

Ang hirap na araw-araw na kasama mo s’ya at ang turing sa’yo ay kaibigan lang o sabi nga niya palagi parang kapatid na rin ang turing nito sa akin. Lagi pa nga ako nitong binibiro na ligawan ko na ang kapatid nitong si Jenny para maging bayaw ako nito. Ang ’di niya alam siya ang gusto kong ligawan kung pupwede nga lang. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang pagtingin ko rito. Ang simpleng pag-akbay nito na dati ay wala lang sa akin, pero kanina ay nagdulot ng ’di ko maipaliwanag na pakiramdam sa akin. Lagi ko ring nasasaksihan ang hubad na katawan nito noon, magmula ng mga totoy pa kami. Sabay rin kaming nagpatuli noong summer vacation ng matapos kami sa elementarya. Lagi rin kaming hubo’t hubad kung maligo kami sa ilog noon sa probinsya nila mama, kapag nagbabakasyon kami. Pero ngayong katabi ko ito sa maliit nitong kama at kita ko ang dating payat na pangangatawan nito, na ngayon ay tila ba katawan ng isang modelo sa isang magazine. Mula sa makinis na moreno nitong balat, ang malapad nitong dibdib, ang braso nitong malaki na dulot ng paglalaro nito ng basketball at ang ilang buwan na rin nitong pagdyi-gym. Sa utong nitong mamula-mula pababa sa abs nitong kita ang anim nitong pandesal na kaysarap hawakan at sa ilalim ng pusod nito, ang balahibong nagdurugtong sa itinatago nitong alaga na dahil sa morning wood at tanging boxer short lang na suot nito ay bakat na bakat na. Si Red ay isang malaking tukso sa akin ngayon na ’di ko alam kung hanggang kailan ko kayang pigilan, kaya kagaya ng lagi kong ginagawa sa tuwing dumarating ang ganitong pagkakataon ay mabilis na akong bumangon at lumabas sa kwarto nito.

P.M.B. Part 5

Jared’s POV

Paggising ko ay wala na si Dan sa tabi ko. At dahil araw ng Linggo ngayon at madalas na lagi kaming nagsisimba ni Jen ay mabilis pa sa alas kwatrong bumangon ako para maligo.

Pagbaba ko nga ay nakahanda na ang almusal namin ng kapatid ko.

“Morning kuya, nakauwi na ba si kuya dan?” bungad ni Jen habang abala ito sa pag-ayos ng mga plato.

“Morning, oo ewan ko ba sa isang ’yon sabi ko ng dito nalang s’ya mag-almusal sa atin pero paggising ko wala na s’ya.”

“Sayang naman nagbake pa naman ako nitong cookies para sa kanya.” nakangusong sabi ni Jen sabay pakita pa sa akin ng kagagawa nitong cookies na nasa isang lalagyan.

“Amin na at ibibigay ko mamaya at pupuntahan ko rin s’ya bago tayo umalis papunta ng simbahan.” sabi ko sabay abot sa hawak nitong cookies.

“Ayoko ako na lang magbibigay kilala na kita sigurado akong babawasan mo na naman ito bago mo ibigay kay kuya crush.” ayaw na sabi ni Jen sabay iwas sa hawak nitong cookies.

“Ang damot mo naman jen hindi naman mauubos ni dan yan, isa pa siguradong bibigyan din ako nun.”

Matapos ang asaran namin ni Jen ay wala rin akong nagawa at ngayon nga ay sabay kaming papunta sa bahay ni dan para ibigay ang ibinake nitong cookies.

“Oh Jen, Red pasok kayo.” sabi ni Tita Lorna pagkakita sa amin ni Jen.

“Good morning tita andyan po ba si kuya dan?” bati at tanong ni Jen.

“Oo nandito s’ya at mukhang may lakad yata, kayo ba ang kasama?” sagot at tanong ni tita sabay tingin ka kay Jen at pagkatapos ay sa akin naman.

“May lakad si Dan?” kaaagad na tanong ko kay tita bago pa makasagot si Jen.

“So ibig sabihin hindi kayo ang kasama n’ya.” konklusyon ni tita pagkaring sa tanong ko. “Hintayin na lang natin s’ya at sigurado akong pababa na rin iyon.” sabi pa nito.

Daniel’s POV

Pag-uwi ko sa bahay ay tulog pa si mama, si dad naman ay wala parin dahil out of town na naman sa work nito.

Dahil sa hindi na rin ako makakatulog ulit ay nagluto na lang ako ng agahan namin ni mom.

Matapos ngang magprito ng bacon, itlog at ng sinangag ay nagtimpla na rin ako ng kape para sa amin ni mom. At gaya nga ng inaasahan ay sunod kong narinig ang kagigising lang na si mom.

“Good morning son, swerte ko naman at may almusal na ako.” nakangiting sabi nito.

“Morning, ’wag kang masanay ma madalang lang ito.”

“I know right, so how’s the gig?”

“It’s good same as yesterday?” ’di ko siguradong sagot rito.

“So how’s Red?” tanong ulit nito.

“Ma!” medyo malakas na sagot ko rito. Kilala talaga ako ni mom, kunsabagay sabi nga nila mother’s knows everything about their children kahit pa ang ipinakatatago mong lihim.

“What? May mali ba sa tanong ko?” patay malisya pa nitong sabi.

“Wala naman bago kay Red ma.” Sa sagot kong ’yon kay mom ay sandaling namayani ang katahimikan sa aming dalawa.

“Son, it is’nt the time para sabihin mo kung anong nararamdaman mo para sa kanya?” basag ni mom sa katahimikan.

“I don’t know and besides hindi ko pa kayang harapin kung anong magiging reaksyon niya once na malaman n’yang may gusto ako sa kanya, isa pa ayokong mawala si Red sa buhay ko, hindi ko pa kaya.”

“Pero anak hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan, i know mahirap pero sa tingin ko nahihirapan ka rin sa sitwasyon mo ngayon lalo na’t palagi kayong magkasama.”

“Don’t worry about me mom, one day sasabihin ko rin sa kanya.”

Matapos ang pag-uusap namin ni mom ng tungkol kay Red ay iniba nito ang usapan habang patuloy kami sa pagkain ng inihanda kong almusal. Napag-usapan rin namin si Lola Carmen at Lolo Manuel at gaya ng dati ay kinukulit ako ng dalawang matanda na umuwi doon sa probinsya sa darating na bakasyon.

Matapos kumain ay nagtungo ako sa shower para maligo. May usapan kasi kami ni Tiffany na magkita sa mall mamaya. Si Tiffany ay isa sa iilang taong may alam na bading ako. Noong una ay ’di pa ito makapaniwala ng magkita kami sa isang ’di inaasahang lugar.

Ang lugar na iyon ay sa isang gay bar. Don’t get me wrong, oo bading ako pero hindi ako laging nagpupunta doon, in fact that was the first and last time na nagpunta ako sa isang gay bar. Nasa probinsya ako noon nina Lolo’t lola at dahil sa madalang lang akong pumunta doon sa probinsya at hindi naman ako kilala ng mga tao sa kalapit na bayan sa lugar na iyon ay sinubukan kong pumasok sa isang lugar, kung saan alam kong makakasalamuha ko ang mga kagaya ko o ang sabi nga ng ilan, nang mga kapederasyon ko.

Sa gay bar ngang ’yon naramdaman ko na parang nakawala ako sa isang hawla. Maraming kagaya ko na kung manamit at kumilos ay lalake pero lalake rin ang hanap, may mga drag queens at cross dressers na mga bakla at ang ilan pa nga ay pasimple pang babangain ako sabay hawak pa sa ilang parte ng katawan ko. Sa una ay ilang na ilang pa ako pero wala namang lumampas sa ’di ko gustong mangyari, ’yun ay ang hipuan o hawakan ako sa maselang parte ng katawan ko. Hindi naman ako inosente tungkol sa sex pero hindi ko rin naman masasabing eksperto ako pagdating rito. In fact babae ang first kiss ko back in highschool at hindi na nasundan pa ’yon. Nung time pa ngang ’yon ’di pa ako attracted sa lalaki kahit pa kay Red. Pero si Red ang kaunaunahang lalakeng pinagpantasyahan ko. Pathetic right, sa dami ng lalakeng maaari kong magustuhan dun pa sa ’di pwede. Wala pa sigurong isang oras akong nasa bar ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

“Da-Daniel? Is that you?” paglingon ko sa nagsalita ang nanlalaking matang si Tiffany ang nakita ko. Sa oras na ’yon ang pakiramdam kong parang nakawala sa isang hawla sa isang iglap ay napalitan ng pangamba at takot sa maaring mangyari kapag nalaman ng mga kakilala ko ang tungkol sa kasarian ko.

“T-Tifanny.” mahinang sabi ko na ’di ko na rin pinansin kung narinig man nito o hindi ang pagtawag ko sa pangalan nito.

“It’s okay I won’t judge and don’t worry your secret will safe with me.” sa sinabi nito ay unti-unting nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman ko, gayunpaman ’di ko parin maiwasan na magduda na baka hindi totoo ang sinasabi nito. Kaya naman nanatiling tahimik parin ako. “Okay to make you sure na totoo ang sinasabi ko. I have two gay dads and the reason why I am here its because they tag along me.” mahabang paliwanag pa nito.

“You have what? gulat na sabi ko.

“Two gay dads no, i mean two fabulous and wonderful gay dads.” masayang sabi ni Tiffany. “I can’t believe na may makikita akong kakilala dito. I mean ’di tayo close dahil ngayon lang tayo nagkausap ng ganito right?” dagdag pa nito. Na tango lang ang naging sagot ko dahil ’di pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko na parehong bading ang mga magulang nito. Isa pa may pagkamadaldal rin pala ito. “Pero thats in the past siguro naman pwede na tayong maging kaibigan?”

“Sure i want to.” ngiting sagot ko.

“Yes! I already have a gay friend!” At sa gabing ’yon ang simula ng pagkakaibigan namin ni Tiffany. Ipinakilala rin ako nito sa mga dads niya at tuwang-tuwa ang mga ito sa amin ni Tiffany.

Marami na kaming alam sa isa’t isa kahit na ilang buwan pa lang kaming magkaibigan at alam rin nito na mayroon akong gusto sa bestfriend ko. Nung ngang ligawan s’ya ni Red ay ipinaalam nito kaagad sa akin. At sa araw din na iyon ay napaamin ako ni Tiffany sa nararamdaman ko kay Red. Sabi pa nga nito na oo at gwapo si Red pero binasted niya ito ’di dahil sa may gusto ako sa huli kungdi dahil sa babae ang gusto nito. At sa sandaling ’yon ay lalo pang lumalim ang pagkakaibigan namin ni Tiffany.

Bago pa ako lumabas sa kwarto ko ay rinig kong parang may kausap si mom. At ’di nga ako nagkamali ng makita ang magkapatid na Red at Jen na bihis na bihis at sa tingin ko’y sa simbahan ang punta ng mga ito.

“Kuya dan may lakad ka daw sabi ni tita.” nahihiyang saad ni Jen pagkakita sa akin. Nagpaalam na rin si mom sa amin at pumasok sa loob para iwanan kaming tatlo.

“Oo jen may lakad nga ako, kayo magsisimba na ba?” sagot ko rito at pagkatapos bumaling ang tingin ko sa kuya nito na abala sa pagtingin sa akin.

“Oo Dan magsisimba nga kami, kaya lang may gustong ibigay ang manliligaw mo sa’yo.” sagot ni red sabay biro nito sa kapatid.

“Kuya Red!” medyo may kalakasang sabi ni jen at pagtingin ko rito ay namumula ang mukha sa hiya dahil sa sinabi ng kuya nito.

“Kuya dan ’wag mong pansinin ang sinabi ni kuya. Ano kasi nagtry akong magbake ng cookies at naisipan kong bigyan ka dahil alam kong gusto mo ang mga ito.” mahabang paliwanag ni jen na ’di man lang ito makatingin ng diretso sa akin, habang inaabot ang lalagyang may lamang cookies.

“Salamat Jen at naalala mong favorite ko ang cookies, hayaan mo wala akong pagbibigyan ng mga ito.” sabay kuha ng bigay nito. “At alam kong masarap ang mga ito dahil ikaw ang nagbake.” dagdag ko pa na ikinangiti ng dalaga.

Matapos ngang maibigay ni jen ang mga cookies ay nagpaalam na ang magkapatid.

Ako naman ay umalis na rin para kitain si Tiffany sa mall gamit ang hiniram kong kotse ni mom.

Sa Mall

“So kamusta na kayo ni Papa Red mo.” nang-iinis na bungad ni Tiffany pagka-upo ko sa isang resto sa loob ng mall.

“Not again Tiff.”

“Why eh alam mo naman na interesado ako pagdating sa one sided love mo.”

“Fine! Kami na.”

“Wait, what!”

“It’s a joke, you should see yourself para kang nakakita ng multo hahaha.”

“I hate you.” sabay hampas nito sa braso ko. “But seriously why can’t you just tell him already. Malay mo the feeling is mutual.” seryosong sabi nito.

“You know what’s funny? You’re the second person who told me that today, the first one was mom. I guess it’s easier to said than done.” seryoso ko ring sagot rito.

“Okay suko na’ko but promise me, you will tell him sooner.” sabi ni tiff sabay pisil nito sa palad ko na hawak na pala nito.

“I will and I promise.”

P.M.B. Part 6

Jared’s POV

Lunes na naman at paggising ko’y maaga pa kaya naisipan ko munang magjogging para hindi maging bilbil ang nainom ko nung birthday ni Patrick. Isa pa gusto kong maging fit hindi dahil sa concious ako sa katawan ko, kung ’di dahil gusto ko ay healthy ako. Bonus ng maituturing na naging maganda ang hubog ng katawan ko dala na rin sa sport kong basketball at ilang buwan na rin akong nagdyigym sunod sa utos ni coach dahil mapapasabak na naman kami sa pagsisimula ng taunang basketball tournament sa mga university. Hindi lang ako ang nakapansin sa pagganda ng katawan ko dahil kapag naglalaro kami dito sa lugar namin, madalas na tanging basketball short lang ang mga suot namin ng mga kasama ko. At isang araw nga, may baklang nakapansin sa akin sabay bigay ng calling card nito at tawagan ko lang daw kung interesado akong maging model sa isang bagong clothing line na pinatatrabahuhan nito.

Suot ang sandong puti, jogging pants at runner shoes ko ay inumpisahan ko na ang pagtakbo. Ilang hakbang pa lamang ay natanaw ko ang isang pamilyar na sasakyan sa harap ng bahay ni Dan. Ipinagpatuloy ko ang pagtakbo at inisip na mamaya pagkatapos kong magjogging ay dadaan ako kina dan para malaman kung sino ang bisita nito sa ganito kaaga.

Pagkatapos ng kalahating oras ay malapit na ako sa bahay ni dan at namukhaan ko kaagad ang bisita nito at kaya pala pamilyar ang sasakyan ay dahil ang ungas na Arthur pala ang bisita nito. Imbes na daanan si dan sa kanila ay dumiretso na lang ako sa bahay.

Matapos maligo at kumain ay sumakay na ako sa motor ko dala ang spare na helmet para kay dan para sabay kaming pumasok.

“Magandang umaga tito, tita.” bati ko sa mga magulang ni dan pagpasok sa bahay nila.

“Magandang umaga red? Teka hindi ba nasabi ni dan na ’di siya makakasabay sayo ngayon?” naguguluhang tanong ni tito John.

“Hindi po, ang aga naman po yata niyang pumasok.”

“Oo Red maaga nga siyang umalis at may nakalimutan daw itong gawing project kagabi. At sa library na lang daw niya ’yon gagawin bago magstart ang klase niya.” paliwanag ni tita. “Hindi mo ba natanggap ang text n’ya sa’yo?” dagdag pang tanong ni tita. Sa narinig kay tita ay kaagad kong kinuha sa bulsa ang phone ko at tama nga ito na may dalawang messages si dan at maaga raw itong papasok at hindi muna ito sasabay sa akin. Nagpaalam na rin ako kina tita pagkatapos at nagtungo na sa university.

Pagdating sa university ay dumiretso na ako sa klase ko.

“Red tol buti ngayon ka lang?” bungad na sabi ni Luke pagkakita sa’kin.

“Ang aga pa naman ah at wala pa si prof.” kunot noong sagot ko rito.

“Ang ibig sabihin ni Luke tol, bakit hindi yata kayo sabay pumasok ni dan.” paliwanag ni Patrick.

“At hindi lang ’yon, nakita ko rin si Arthur na kasama si dan kanina ng magpunta ako ng library. Mukhang close nga ang dalawa.” sabad ni Jerome bago ko pa masagot si Patrick tungkol sa ’di namin sabay na pagpasok ni dan.

“Ang totoo n’yan alam kong magkasama silang dalawa, maaga lang pumasok si dan dahil may tatapusin daw na project.” paliwanag ko sa tatlo.

“Naniniwala ako tol kay dan na may project na gagawin, pero kay Arthur mukhang iba ang gusto kaya lumalapit kay dan.” sabi ni Jerome.

“Rome naman, sa’yo na mismo galing na mukhang close ang dalawa at may ibang gusto si Arthur sa paglapit kay dan. ’Di pa ba obvious na may gusto si Arthur kay dan.” mahabang paliwanag ni Patrick.

“Eh ang totoong tanong, si dan kaya ay may gusto kay Arthur?” tanong naman ni Luke. “Anong sa tingin mo tol?” baling pa ni Luke sa akin.

“Oo nga tol? Matagal mo nang kilala si Dan wala bang bahid ng kahit konting alam mo na.” dagdag pa ni Jerome na nakatanggap ng kutos sa katabi nitong si Patrick dahil sa tanong nito sa bestfriend ko.

“Tumigil na nga kayo, sabay lang na pumasok ang dalawa nilagyan n’yo na kaagad ng malisya. At para malaman n’yo hindi bakla si dan kaya malabo ang iniisip n’yo.” badtrip kong sagot na ikinatahimik ng tatlo.

Sa lunch sama-sama kaming apat na pumunta ng cafeteria. Wala ni isa man sa amin ang umiimik at akala siguro ng tatlo na galit pa rin ako sa kanila ng dahil sa kanina.

“Himala anong meron at ang tahimik n’yong apat.” nakangiting bungad ni dan, na ’di ko namalayan na nakalapit na sa mesa namin dala ang pagkain nito. At gaya kanina walang naglakas ng loob sa tatlong kasama ko ang sumagot kay dan kaya bumaling ang tingin ng huli sa akin.

“Umupo ka na at kumain.” maikling sagot ko kay dan. Na mukhang nabatid nito na seryoso ako at parang alagang aso itong sumunod sa sinabi ng amo nito.

At natapos nga kaming kumain lahat na wala ni sino man ang umimik.

Pagkatapos nang huling klase naming apat ay humingi sa akin ang tatlo ng sorry tungkol sa sinabi nila kay dan at humingi rin ako ng pasensya sa kanila. Pero mula pa kanina ’di maalis sa isip ko ang mga nasabi at mga tanong ng tatlo tungkol kay dan. Alam ko naman na tama sila na may gusto si Arthur kay dan. Pero ang gumugulo sa isip ko ay ang tanong kung si dan ba ay may gusto kay Arthur? At kung posible ba na ’di straight si Dan.

Daniel’s POV

Paggising ko ngayong araw ng Lunes ay kaagad na akong naghanda para sa pagpasok at kasabay nun ay nasa isip ko pa rin ang mga napag-usapan namin ni mom at ni Tiffany patungkol sa pag-amin ko sa nararamdaman ko kay Jared.

Alam ko sa sarili ko na wala pa akong lakas ng loob na magtapat na nararamadaman ko pero tama sila na sooner or later kailangan ko nang gawin ito. Hindi lang para sa sarili ko kungdi para na rin kay Jared. Hindi man sigurado kung anong magiging kapalit nito ay desidido na ako na magtapat sa kanya.

Nabaling sa iba ang atensyon ko ng marinig na parang may bumubusinang sasakyan sa harapan namin. At paglabas ko nga si Arthur pala na presentableng suot ang uniporme nito.

“Anong atin at ang aga mo naman yatang napadpad sa amin.” ngiting bungad ko rito.

“Ouch! Nakalimutan mo pala.” sagot nito sabay arte pang nasaktan ito sa tanong ko. Actually may usapan kami na sabay papasok ngayon dahil nagpapaturo ito sa isang project. Hindi ko lang alam na mas maaga itong darating sa napag-usapan naming oras.

“Biro lang Art pasok ka muna.” sagot ko at anyaya ko rito sa loob ng bahay.

Sa hapag ay handa na ang almusal na kasalukuyang inaayos ni Mom, si Dad naman ay tulog pa dahil late na ng makauwi ito kaninang madaling araw.

Matapos magkakilala ni Mom at ni Arthur ay inanyayahan ng una si Arthur na sumabay sa amin ng magalang naman nitong tinanggap at sabay-sabay na kaming kumain.

Bago pa kami umalis patungo ng university ni Art ay nagtext ako kay Jared na ’di ako makakasabay sa kanya sa pagpasok.

Pagdating namin sa university ay sa library kaagad ang tungo namin ni Art at matapos nga ang ilang minuto ay natapos rin naming magawa ang project ng huli.

Lunch time na ng magkita kami ni Jared at gaya ng inaasahan ay nasa cafeteria na ito kasama ang tatlo pa nitong kaibigan. Pero taliwas sa laging maingay at magulong ayos nilang apat sa tuwing sumasabay ako sa kanilang kumain, kataka-taka na tahimik ang mga ito. Kaya naman biniro ko pa ang mga ito. Pero wala ni isang sagot akong nakuha, maliban na lang ang seryosong saad ni Red na maupo na ako at kumain.

Gaya nga nang inaasahan pagtapos ng klase ngayong araw. Nakita ko si Jared na naghihintay sa akin malapit sa motor nito. Pero ang ’di ko inaasahan ay ang mga salitang binatawan nito.

“May gusto ka ba kay Arthur?”

P.M.B. Part 7

Jared’s POV

“May gusto ka ba kay Arthur?” hindi ko alam kung anong nagtulak para itanong ko ito kay Dan. Pero ’di ko na mababawi ang mga nabitiwan kong tanong sa huli, kaya naman handa man o hindi sa magiging sagot nito ay ’di ko rin alam sa mga oras na iyon.

“Ano bang klaseng tanong ’yan Jared.” seryosong tanong nito pabalik sa akin gamit ang tunay na pangalan ko.

“Ang simple lang na tanong ko Daniel may gusto ka ba kay Arthur?” ulit na tanong ko at banggit ko rin sa tunay na pangalan nito.

“Okay para masagot ko ang tanong mo. Wala akong gusto kay Arthur.” mahinahong sagot ni dan.

“Pero alam mo na may gusto s’ya sa’yo hindi ba?” tanong ko pa.

“Teka lang Red ano bang masamang hangin ang nalanghap mo at pati ang pakikipagkaibigan ni Arthur sa akin ay binibigyan mo ng ibang kahulugan?”

“Wala, kalimutan mo na lang amg mga nasabi ko.” tapos ko sa usapan namin ni dan sabay abot ko rito ng spare na helmet.

Pagkahinto sa bahay nila dan ay kaagad na bumaba ito sa motor ko, sabay abot nito sa helmet sa akin at pumasok na ito sa bahay. Alam kong galit ito sa akin sa paraan ng tanong ko rito patungkol kay Arthur kaya naman kaagad kong nilabas ang cellphone ko sabay tipa ng katagang “sorry”

Kinabukasan ay maaga akong pumunta kila dan, dala ang ulam na luto ko mismo bilang peace offering, alam ko na ngayon nagkamali ako at masyadong naging personal ang mga tanong ko kahapon.

“Morning tita.” bati ko kay tita Lorna na nagwawalis sa harap ng bakuran nila.

“Morning red, ano bang dala mo at ang aga mo yata?” tanong ni tita habang nasa hawak kong ulam ang tingin nito.

“Uhm nagluto po ako ng paborito ni dan na ginataang hipon.” nahihiyang saad ko sabay kamot sa batok ko.

“Hulaan ko nag-away na naman kayo ano, kayo talagang dalawa para kayong mag-asawa kung mag-away.” Naiiling at nangingiting sabi ni tita. Isa mannerism ni dan na namana nito kay tita.

“Tita, normal naman po na mag-away ang magkaibigan.” depensa ko rito.

“O s’ya mabuti pa sabayan mo na kaming mag-almusal at gigisingin ko na si Dan.” nasabi na lang ni tita sabay alis nito patungo sa kwarto ni dan.

Daniel’s POV

Nagising ako ngayong araw sa sunud-sunod na katok ni mom, pagbukas ko nga ng pinto ay kaagad nitong ipinaalam na nandito sa bahay si red na may dalang ulam na ginataang hipon. Isa ang mga paborito naming mga pagkain, hobbies, laruan at kung anu-ano pang mga bagay na alam ng bawat isa sa amin ay patunay sa kung paano namin kakilala ang isa’t isa.

Alam ko rin na alam na nito ngayon na nagkamali ito sa pagtanong nito sa’kin sa mga personal na bagay kahapon lalo na ang tungkol kay Arthur. Akala ko nga kahapon pagkatapos kong sagutin na wala akong gusto kay Arthur ay masasabi ko na rin ang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya tungkol sa nararamdaman ko para rito.

Kaya ngayon hindi ko alam kung paano ko ito haharapin na parang walang nangyari. Alam ko, na kung may kasalanan man ito sa pagtanong nito ng personal sa akin, ako man ay may kasalanan rin dahil sa itinatago kong pag-ibig. Kaya bago pa man matapos ang araw na ito ay nagdesisyon akong ipaalam na rito ang totoong nararamdaman ko.

Pagdating sa hapag ay kasalukuyang inihahanda ni mom ang agahan, tanging ang mga tunog ng mga plato at mga kubyertos ang nariririg habang si red naman ay nakaupo na. Gaya ng dati tahimik akong umupo sa bakanteng silya na nasa tabi nito. Sa gilid ng mata ko’y kita ko na gustong magsalita ni red pero pinigil nito ang sarili.

“Mom pwede bang iwan mo muna kami ni red.” basag ko sa katahimikan. Kaagad naman na nagpaalam si mom sa amin.

“I’m sorry dan.” saad ni red sa mahinang boses.

“Okay Red tinatanggap ko ang sorry mo, pero sa sana kalimutan na natin kung anong mga napag-usapan kahapon.” tanggap ko sa paumanhin ni Red sabay hiling kong kalimutan na ang mga nangyari kahapon.

“Sige payag ako.” pagpayag ni Red. “Hay akala ko tuluyan ka ng magagalit sa akin Dan. Tara kain na tayo nitong paborito mo.” nakangiting sabi pa ni Red sabay lagay ng dala nitong ulam sa plato ko.

At sa ganoon lang balik na ulit kami sa dati na parang walang nangyari. Paano ko ba matitiis na magalit sa kanya, kung sa pagkakataong mangyayari ’yon ay isang hingi lang nito ng tawad at sa nakasanayan na nitong laging pagbibigay sa akin ng mga paborito ko ay nahihirapan na akong tiisin ang galit ko. Alam ko ang lihim na pag-ibig ko para rito ang malaking dahilan kung bakit hindi ko kayang magalit sa kanya ng matagal. Kaya lang natatakot akong magalit ito sa akin kapag nalaman nito ang pag-ibig kong itinatago sa kanya. Matagal ko ng kilala si Red at alam kong hindi ito papatol sa kagaya ko pero masisisi n’ya ba akong mahalin ko ito sa pagiging maalahanin, malambing, at maalaga nito sa akin. Kung sana pwede lang turuan ang puso o sana may gamot para makalimutan o maalis ang pag-ibig na nadadarama ko para sa kanya, siguro kung meron matagal na akong bumili at uminom na nito.

Jared’s POV

Parang akong nabunutan ng tinik ng patawarin ako ni Dan kanina. Ngayon nga ay hinihintay ko na lang ito para sabay kaming pumasok sa University.

Beep! Beep! Beep!

Sa narinig na busina ng sasakyan ay nabaling ang tingin ko sa daan. At ang kaninang magandang araw ko matapos akong patawarin ni Dan ay mukhang mapapalitan ng inis.

“Anong ginagawa mo dito?” kunut-noong tanong ko sa dumating na si Arthur.

“Hindi ba halata? Sabay kaming papasok ni Danny.” ngising asong sagot nito.

“Ayos ah may bago palang hire na driver si Dan.” asar na saad ko.

“Don’t worry sabi nga nila basta driver sweet lover.” ganting asar ni ungas. At dahil sa sinabi nito ay sunud kong nakita ang paghandusay nito sa daan.

“Jared!” sigaw ni dan sabay lapit nito kay Arthur na nakahiga parin sa daan habang hawak ang pumutok nitong labi dahil sa suntok ko rito.

“Ano bang problema mo tol!” galit na sabi ni ungas.

“Huwag mo kong ma-toltol at hindi kita kapatid.”

“Ano ba kasing nangyari sa inyong dalawa?” tanong ni dan matapos alalayan tumayo si Arthur.

“Ewan ko ba d’yan sa bestfriend mo, sinagot ko lang na sabay tayong papasok at pagkatapos nanuntok na lang bigla.” sinungaling na sabi ni ungas.

“Totoo ba ’yon Red?” tanong ni Dan sa’kin.

“Syempre hindi dan, kilala mo ako hindi ko susuntukin ang isang tao ng walang dahilan.” depensa ko rito.

“Eh anong dahilan at bigla mo na lang sinuntok si Arthur?” tanong ulit ni dan.

“Ka-kasi.. Ano parang ang asta kasi n’ya ay manliligaw s’ya sa’yo. Eh hindi ka naman pumapatol sa kapwa mo lalaki. Kaya ayun hindi ko napigilan ang sarili ko at nasuntok ko s’ya.” mahabang paliwanag ko.

“Huwag kang maniwala sa kanya dan, hindi lang alam siguro n’yan ang salitang biro. Sineryoso yata ang sinabi ko.” sabad ni Arthur.

“Huwag kang sumabat sa usapan hindi ikaw ang kausap ko.” baling ko sa ungas.

“Pwede bang tumigil na kayo!” galit na sabi ni dan na ikinatikom ng bibig namin ni Arthur. “Para kayong mga bata pati walang kwentang bagay pinag-aawayan n’yo. Mabuti pa mauna na kayong dalawang pumasok at sasabay na lang ako kay dad.” dagdag pa ni dan.

“Pero dan.” protesta ko rito, na binigyan lang ako nito ng matalim na tingin na nagsasabing tumigil na ako.

“Sige dan, kita na lang tayo mamayang lunch break.” sabi naman ni ungas na isang tango lang ang natanggap kay dan.

Mabilis na natapos ang klase at ngayon nga ay lunch time na.

“Tol, bukas na ang unang sabak natin sa basketball at ang champion pa last season ang unang makakalaban natin.” sabi ni Luke na ikinatingin namin nila Patrick at Jerome.

“Oo tama si Luke. Kagabi ko pa alam dahil nagtext sa akin si coach kagabi.” sabi ko naman.

“Langya tol ba’t ’di mo kaagad ipinaalam sa amin.” protesta ni Pat.

“Eh sa nakalimutan ko anong magagawa ko. Isa pa eh ano ngayon kung champion sila last year, sisiguraduhin ko na tayo naman ang magiging kampeon ngayong taon.” yabang kong sabi.

“Tama si Red, Pat. Ang importante sisiguraduhin natin na tayo ang mananalo ngayon at uumpisahan natin ’yon bukas sa laban natin sa kanila.” segunda naman ni Jerome sa sinabi ko.

Abala kaming apat sa usapin tungkol sa basketball ng dumating si dan sa pwesto namin dala ang pagkain nito.

“Dan ’wag kang mawawala bukas sa simula ng laro namin ah.” sabi ni Luke bago pa makaupo si dan sa tabi nito.

“Oo naman, kailan pa ako nawala sa unang laban n’yo, balita ko kay Art ang champion last year kaagad ang makakalaban n’yo.” sabi naman ni dan na ang tingin ay sa tatlo kong kaibigan lang. Sa pagbanggit nito sa pangalan ni Arthur ay nakaramdam ako ng inis.

“Nag-away kayo no?” bulong ni Pat na katabi ko. ’Di ko ito sinagot at minabuti ko na lang na ipagpatuloy ang pagkain ko. Natapos ang lunch ng hindi man lang kami nag-usap ni dan.

Bago ang uwian ay ipinatawag ni coach ang basketball team para magpractice. Dahil nga bukas na ang unang laban namin ay ipinaalam na nito sa amin kung sinu-sino ang limang player na unang maglalaro bukas. Gaya ng inaasahan kaming apat na magkakaibigan kasama si Arthur ang napili ni coach.

Matapos ang practice ay nakagawian na naming mga player ang magshower at kaagad hinanap ng mata ko si Arthur at kasalukuyan na itong naliligo. Minabuti kong tumabi rito dahil gusto kong kausapin ito.

“Arthur sorry sa pagsuntok ko sa’yo kanina at sana bukas sa laro, isantabi mo muna natin ang away na meron tayo.”

“Sorry rin Jared pero hindi ko tinatanggap ang sorry mo. At tungkol naman sa laro natin bukas, tignan na lang natin.” ngisi nitong sabi. Hindi ko man nagustuhan ang sagot nito sa akin ay hinayaan ko na lang at alam kong magagalit lang si dan kapag pinatulan ko pa ito.

Matapos maligo ay tumunog ang cellphone ko. Pagbukas ko may isang text ako galing kay dan at ang laman nito.

“Red may sasabihin ako sa’yo.”

P.M.B. Part 8

Daniel’s POV

Matapos ko ngang sabihin kina Red at Art na mauna ng pumasok at kay dad na lang ako sasabay ay umalis na rin ang dalawa. Pero hindi naman talaga ako sasabay kay dad bagkus ay minabuti ko nalang na hiramin ang sasakyan ni mom.

Sa pag-alis nga nila ay bumalik sa akin ang mga salitang binitawan ni Red kanina kay Arthur.

“Ano parang ang asta kasi n’ya ay manliligaw s’ya sa’yo. Eh hindi ka naman pumapatol sa kapwa mo lalaki. Kaya ayun hindi ko napigilan ang sarili ko at nasuntok ko s’ya.”

Dahil sa narinig kong mga salita galing kay Red ay imbes na matakot sa magiging reaksyon nito kapag ipinagtapat kong may gusto ako sa kanya, kabaligtaran ang naramdaman ko. For once hindi na ako takot anuman ang kahihinatnan ng pagtatapat ko.

Mabilis na lumipas ang oras at ngayon nga ay hinihintay ko ito, habang nasa loob ako ng sasakyan ni mom na hiniram ko kanina. Sigurado rin ako na alam nito na hinihintay ko ito ngayon dahil sa text ko rito.

Ilang minuto pa nga ang lumipas ng marinig ko ang pagkatok nito sa salamin ng kotseng kinalalagyan ko. Kaagad naman akong lumabas sa sasakyan at tinignan ko ang kabuuan nito. Alam kong ito na ang huling beses na magagawa ko ito dahil sa ayaw ko man o gusto ay sigurado akong maiiba na ang turingan namin sa isa’t isa matapos kong magtapat. Alam ko na bagong ligo rin ito dahil amoy ko ang paborito nitong body wash na gamit n’ya mula pa nung magbinata ito. Sa tindig at mukhang meron ito, hindi kataka-takang maraming may gustong mga babae at mga binabae sa kanya at isa nga ako sa mga binabaeng ’yun. Pero ang kaibahan ko lang sa kanilang lahat, ang hinahangaan nila lalaking kaharap ko ngayon ay ilang taon ko nang lihim na gusto, hindi lang dahil sa aking gwapo nito kungdi dahil rin sa ugali at pagkataong meron ito.

“Anong gusto mong sabihin?” tanong ni red na nakapagpabalik sa akin mula sa pagkakatitig ko rito. Saglit akong umiwas ng tingin dahil sa hiyang mahuli nitong pagtitig ko. Pag-angat ng ulo ko ay s’ya namang kita ko, nang mataman nitong pagtitig sa akin.

“May ipagtatapat ako sa’yo.” simula ko sa gusto kong sabihin kay Red. Hindi ito sumagot kaya minabuti kong ipagpatuloy ang sasabihin ko.

“Red hindi ako naging tapat sa’yo sa mga nakalipas na ilang taon. Hindi lang sayo maging sa sarili ko. Bakla ako Red.” sa huling salitang binitawan ko’y hindi ko namalayan ang pagtulo rin ng luha sa mga mata ko. Kaagad kong pinunasan ang luha ko’t pinagmasdan ang mukha ng kausap ko. Hindi ko alam kung anong nasa isip nito ngayon, dahil seryoso lang ito nakatitig sa akin at ang huli nitong salitang narinig ko ay ang kaninang pagtanong nito sa gusto kong sabihin.

“Narinig mo ba ang sinabi ko Jared. Hindi ako tunay na lalake dahil bakla ako.” ulit ko pang sabi ng wala akong marinig mula rito.

Jared’s POV

“Narinig mo ba ang sinabi ko Jared. Hindi ako tunay na lalake dahil bakla ako.” ulit na sabi ni dan sa akin. Kanina ng una nitong sabihin sa akin na bakla daw ito, ang akala ko’y nagbibiro lang ito, pero ngayong inulit na nito’y hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, kaya hindi ko na rin naisip pa ang lumabas na salita sa bibig ko.

“Wala akong kaibigan na bakla.” Kasunud nun ay ang makita kong masaganang luhang dumaloy sa mga mata nito at bago ko pa mabawi ang mga nasabi ko’y mabilis na tinalikuran ako ni dan at sumakay na ito sa kotse’t umalis.

“Shit! Bakit ba ’yon ang nasabi ko?” paulit-ulit kong sabi sa isip ko habang binabagtas ang daan pauwi sa amin.

Pagdating sa amin imbes na sa bahay ang uwi ko ay sa bahay ni Dan ako dumiretso.

Hindi na ako kumatok pa at pagpasok ko’y nakita ko si Tita Lorna na bakas sa mukha ang pag-aalala.

“Tita si dan po?” pagkarinig ni tita ay tsaka pa lang nito napansin ang presensya ko.

“Nasa kwarto red at kung anuman ang nangyari sa inyo ay hindi ako makikialam, pero sa tingin ko ngayon mas mabuting hayaan mo muna s’yang mag-isa.”

“Pero tita, gusto ko lang magpaliwanag sa kanya. Nabigla lang ako kaya may nasabi akong ’di niya nagustuhan.” pakiusap ko pa.

“Red, alam kong mabuti kang bata at hindi kita sinisisi kung anuman ang nangyari, pero gaya ng sabi ko hayaan mo munang mag-isa ang kaibigan mo. Mas mabuti pang umuwi ka na muna at alam kong pagod ka rin sa klase at sa paglalaro mo ng basketball.” mahabang saad ni tita.

“Si-sige po tita. Pero pakisabi kay dan na sabay kaming papasok bukas.” nasabi ko na lang at gaya ng sabi ni tita ay umuwi na ako.

“ Wala akong kaibigan na bakla.“

Katagang narinig ko kay red matapos kung aminin ang totoong pagkatao ko. Ang sakit palang marinig sa taong mahal mo mismo galing na itanggi ang pagkakaibigan na meron kayo, dahil lang sa nalaman nito ang tunay na pagkasino mo. Kung ang pagkakaibigan palang ay ’di na nito matanggap, paano pa kaya kapag nasabi ko na higit pa doon ang turing ko sa kanya. Parang gripong lumabas ang mga luha sa mga mata ko at kaagad ko itong tinalikuran at mabilis na sumakay ako sa kotse para lisanin ang lugar na saksi sa huling pagkakaibigan namin ni Jared.

Pagdating sa bahay ay si mama na nanood ng tv ang nadatnan ko. Hindi rin nakaligtas ang pamamaga ng mata ko, kaya bago pa ako nito tanungin kung bakit ganun ang lagay ko ay mabilis akong yumakap rito.

Nang mahimasmasan ay ikinwento ko ang mga nangyari at mataman naman itong nakinig. Hindi ito nagkumento sa nangyari, pero pinayuhan ako nito na anuman ang mangyari ay humanda ako sa pagbabago sa pakikitungo namin ni Red sa isa’t isa.

Nasa silid ako ng marinig na may kausap si mom at ng makilala ko ang boses ni Jared ay minabuti kong ’wag kausapin ito. Kaya ang ginawa ko’y nakinig na lang ako ng radyo at isinuot ang earphone ko.

Paano na kaya ’di sinasadya ’di kayang magtapat ng puso ko

Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa

Paano na kaya ’di sinasadya ba’t nahihiya ang puso ko

Hirap ng umibig sa isang kaibigan ’di masabi ang nararamdaman

Paano na kaya.

At parang nanadya ang tadhana dahil sa kantang kasalukuyang pinapatugtog sa mga oras na ’yon. Gaya sa kanta, hindi ko naman sinadya na magkagusto kay red. At handa man ako na magtapat kanina ay hindi ko na nagawa dahil sa nangyari, talagang mahirap magmahal sa kaibigan hindi lang dahil sa ’di mo masabi sa kanya kungdi wala rin katiyakan na masusuklian nito ang nararamdaman mo. Habang patuloy ako sa pakikinig ng radyo ay patuloy rin ako sa pag-iyak.

Kinabukasan wala man sa sarili at ayaw ko man na pumasok ay pinilit ko ang bumangon. Alam kong nag-aalala si mom, kaya mas ginusto ko na ang pumasok kaysa sa makita ako nitong magmukmok sa bahay.

Pagbaba sa kusina ay ’di ko inaasahan ang taong nadatnan ko.

“Good morning dan, maagang umalis si tita para mamalengke kaya nagpresinta akong magluto ng almusal natin.” bungad ni red pagkakita sa’kin. Suot nito ang apron na regalo ko rito ng malaman kong nag-aral itong magluto.

“Bakit ka nandito.” seryoso kong tanong kay red at balewala sa sinabi nito.

“Dan, hindi ko sinasadya ang nasabi ko kahapon. Alam kong nasaktan kita pero maniwala ka, maging ako man ay nainis sa sarili ko dahil sa sinabi ko. Kaya sana patawarin mo ’ko.” paliwanag at hingi ng sorry ni red.

“Tama ka red nasaktan talaga ako sa mga sinabi mo, ngayong ipinaliwanag mong nabigla ka lang kaya mo nasabi ang mga ’yon, sorry rin at hindi ko alam kung papaniwalaan kita.” sabi ko sa tunay na nararamdaman ko ngayon.

“Naiintidihan ko dan at handa akong patunayan na totoong nagsisi ako sa mga nasabi ko sa’yo at maniwala ka na hindi magbabago ang pagkakaibigan natin dahil lang sa sekswalidad mo.”

Matapos ang pag-uusap namin ay tahimik kaming sabay na kumain ni Red. Panaka-naka rin ang pagtingin nito sa akin. Ako man ay ’di rin maiwasan ang mailang, tama si mom dahil sa mga nangyari, may magbabago sa pakikitungo namin ni Red sa isa’t isa.

P.M.B. Part 9

Jared’s POV

Lumipas ang ilang linggo at matapos kong malaman ang tunay na pagkatao ni dan ay inaamin kong may nagbago sa pakikitungo namin sa isa’t isa. Sa parte ko’y pilit kong iniisip na si Dan parin ang matagal ko ng kaibigan na kilala, bago ko pa malaman na bakla ito. Pero sa parte ni dan ay alam kong naging iba ang pakikitungo nito sa akin. Madalang na lang na umangkas ito sa motor ko at kapag nangyari ’yon ay imbes na sa baywang ko ang kapit nito na nakagawian na nito ay mas nais na nitong sa hawakan sa likod na lang ng motor ko ito humawak.

Hindi ko alam kung bukod sa akin ay may nakakaalam pang iba sa tunay na pagkatao ni dan. Hindi ko rin naman ito sikreto para ipaalam sa iba kaya maging sa tatlo ko pang kaibigan ay ’di rin nila alam ang tungkol kay dan.

Ang isang napansin ko pa ay ang madalas na pagsasama nila ni Arthur. Pero gayunpaman ay lagi ko pa rin itong pinipuntahan sa kanila para sabay kaming pumasok. Sa banda naman ng pinsan kong si Leah, kung saan pansamantalang bokalista si dan ay ngayong sabado na ang huli nitong pagkanta, sa kadahilanang magaling na ang dating bokalista nila Leah at magbabalik na ito bilang tunay na bokalista nila. Hindi na rin ako ang kasabay ni dan na pumunta at umuwi sa bar pagkatapos nitong magtapat sa akin sa totoo nitong sekswalidad. Nung una ay nagtalo pa kami dahil hindi iyon ang ipinangako ko sa mga magulang nito nang kunbinsihin ko itong maging pansamantalang bokalista nila pinsan. Pero sa huli ay hinayaan ko na ito sa gusto nitong mangyari dahil kapag nagpumilit daw ako ay hindi na kailanman ito sasabay sa akin papasok sa university. Gayunpaman ay hindi ako pumalta sa gabi-gabing pagpunta sa bar kung saan ito kumakanta. Unang dahilan ay para makatiyak na ligtas na makakauwi si dan sa kanila. Pangalawa ay para ’di rin mapansin nila Pat, Luke at Jerome na may problema sa pagkakaibigan namin ni Dan dahil halos gabi-gabi rin silang nasa bar tulad ko. Ang ikanaiinis ko lang ay palagi rin nagpupunta si Arthur sa bar at dahil ayaw na nga ni dan na hatid sundo ko ito, kaya nagkaroon ng pagkakataon ang una sa paghatid sundo nito sa huli. Ang siste parang silang dalawa na ang matagal na magkaibigan imbes na kaming dalawa ni dan. Lalo pang nadaragdagan ang inis ko dahil alam kong higit pa sa pagkakaibigan ang gusto ni Arthur at sa nalaman kong sekswalidad ni dan ay hindi malabong maging magkasintahan sila. At iyon ang pinaka-ayaw kong mangyari dahil kapag nangyari ’yon ay lalo ko ng hindi makakasama si dan. Kaya naman naging madalas ang pag-inom ko kasama ng tatlo ko pang kaibigan. Dinadaan ko na lang sa alak ang inis ko kay Arthur sa pagdikit nito kay dan, at inis rin kay dan dahil sa nararamdaman kong paglayo nito sa akin mula ng magtapat ito ng tunay nitong pagkatao.

Alas dos na ng madaling araw ito ang nakita kong oras sa suot kong relo. Kasalukuyang lasing na ako kasama nila Pat, Jerome at Luke dito sa bar kung saan ito na ang huling gabing kakanta si dan. Pero kahit na marami na ang mga nainum namin ay patuloy parin kaming tatlo sa pag-inom. Ramdam ko kay Jerome at Patrick na may problema ang mga ito dahil hindi sabay ang pagdating ng dalawa kanina, taliwas sa lagi nilang sabay na pagdating kapag nagkayayaan ang tropa dahil magkapitbahay lang naman sila. Pansin ko rin na gaya ko’y nakikipagpaligsahan sa dami ng nilalaklak na alak si Jerome sa’kin na ’di rin nito nakagawian. At isa pang dahilan kaya alam kong may problema sila ay ni isang salita ay walang napag-usapan ang dalawa. Kaya naman bago pa maghiwa-hiwalay ang tropa ngayong gabi ay nakialam na ako.

“Mga tol may problema ba kayo.” lasing na tanong ko sa dalawa sabay baling ng tingin ko sa kanila.

“Oo nga, Pat, Jerome, akala ko’y ako lang ang nakakapansin sa pananahimik n’yong dalawa eh pati itong lasenggong kaibigan natin napansin rin pala kayo.” sali ni Luke sa usapan na ’di gaya namin tatlo ay kakaunti lang ang nainom. Pero sa narinig kong pagtawag nito sa’kin ng lasenggo ay nakatikim ito sa akin.

“Aray! Tol naman.” reklamo ni Luke habang hawak ang ulo nitong kinutos ko.

“Lasing ako pero hindi ako bingi kaya narinig ko ang tinawag mo sa’kin.”

“Pero seryoso mga tol may problema ba kayong dalawa?” Tanong ni Luke kina Pat at Jerome.

“Oo” “Wala” magkasabay na sabi ng dalawa. Oo ang sagot ni Jerome at wala naman ang kay Pat.

“Okay dahil ikaw Jerome ang nagsabi ng oo, na meron kayong problema ni Pat. Ikaw ang magsabi ng problema n’yo sa amin ni Luke.” suhestiyon ko.

“Tama si Redhorse.” sagot naman ni Luke sabay biro sa pangalan ko na binigyan ko ng nagbabantang tingin na sinagot lang nito sa pagtaas ng dalawang kamay na nagsasabing titigil na ito.

“May nangyari sa amin.” amin ni Jerome. Sa narinig ay paramg nawala ang lasing ko at sabay pa kaming napatingin ni Luke sa dalawa. Pagtingin ko kay Pat ay nakayuko ito at halatang namumula rin hindi lang dahil sa nainom dahil rin sa hiya sa sinabi ni Jerome. Pagbaling naman ng tingin ko kay Jerome ay patuloy lang ito sa pag-inom pero halata rin ang pamumula ng mukha nito na sa tingin ko’y bukod sa alak rin ang dahilan nun.

“So anong ibig sabihin kaya may nangyari sa inyong dalawa.” tanong ni Luke ng makabawi sa narinig na pag-amin ni Jerome sa nangyari. Ako naman ay interesado sa magiging tugon ng dalawa sa tanong ni Luke.

“Wala.” sabay na sagot ng dalawa. Matapos sabihin ’yon nina Pat at Jerome ay salitan kong tinignan ang dalawa at gaya kanina patuloy parin sa pag-inom si Jerome habang nanatiling nakayuko parin si Pat pero ng nag-angat ng ulo ito’y kita ko ang basang parte sa gilid ng mata nito. Pagkatapos ay nagpaalam ito sandali para pumunta sa banyo.

Nagpatuloy kaming tatlo sa pag-inom si Luke ay pakonti-konti pero kaming dalawa ni Jerome ay nakakadami na ng inom.

“Eh kayong dalawa ni Dan mukhang may problema rin.” pabulong na saad ni Luke na katabi ko. Bumaling ang tingin ko rito pero hindi ko ito sinagot. “Alam ko ang tungkol sa sekswalidad ni dan.” bulong pa ni Luke.

“Paano mo nalaman.” pabulong ko ring tanong.

“Sa kanya mismo, ngayong araw lang din. Sinabi n’ya sa akin, matapos kong sabihin sa kanya na nahahalata ko ang pag-iiwasan n’yong dalawa nitong mga nakaraang araw.” mahabang pabulong na paliwanag ni Luke.

“Ewan ko ba dun, matapos magtapat sa akin na bakla s’ya parang nag-iba na s’ya sa pakikitungo sa akin.”

“Eh baka naman ayaw lang n’yang mailang ka rin sa kanya dahil sa nalaman mo.” sabi ni Luke.

Bago ko pa sagutin ito’y may narinig akong text sa phone ko.

“Umalis na si Pat at sumama daw ang pakiramdam.” paalam ko sa dalawa sa text ni Pat sa akin.

“Aalis na rin ako.” paalam ni Jerome matapos marinig ang sinabi ko.

“Sige tol ingat ka.” pahabol na sabi ni Luke bago tuluyang mawala sa paningin namin si Jerome.

“Balik tayo sa inyo ni dan.” baling ni Luke sa akin.

“Gaya nga ng sabi ko nag-iba s’ya ng pakikitungo sa akin matapos kong malaman na bakla s’ya. Humingi na rin ako sa kanya ng tawad dahil sa nasabi kong wala akong kaibigan na bakla, dala ng pagkabigla ko ng magtapat siya. At seryoso ako na walang kaso sa akin kung ano pa s’ya dahil mas mahalaga ang matagal na naming pinagsamahan.” mahabang sabi ko ng panig ko.

“Okay naniniwala ako sa mga sinabi mo tol, pero sa tagal ng pagkakaibigan n’yo wala ka bang ibang napapansin kay dan sa pakikitungo n’ya sa’yo?”

“Anong ibig mong sahihin?” naguguluhan kong tanong.

Bago pa ako sagutin ni Luke ay narinig namin ang huling kantang aawitin ni Dan bilang bokalista ni pinsan.

“Wala kalimutan mo na ang sinabi ko. Ang mabuti pa’y tama na ’yang pag-inom mo at ilang minuto na lang magsasara na ang bar.” huling narinig kong sabi ni Luke habang patuloy kami sa pakikinig sa magandang boses ni dan at hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.

Daniel’s POV

Sa ilang linggong lumipas ay pinili ko na ibaon at pilit na kalimutan na ang nararamdaman ko kay Red. Unti-unti ko rin inilalayo ang sarili ko sa kanya. Sa paraang ’yon iniiisip ko na mapapadali ang paglimot ko ng pag-ibig ko kay Red. Sa parte naman niya ay ginagawa parin nito ang palaging pagpunta nito sa amin para sabay kaming tumungo sa university. At sa mga sandali na lang na iyon ko nararamdaman ang saya sa puso ko dahil sa tagpo na lang ’yon din nagkakadikit ang mga katawan namin, kahit pa hindi na sa kanya ako kumakapit ’di gaya ng madalas kong gawin noon.

Alam kong pansin ni red ang paglayo ko sa kanya at maging ang kaibigan nitong si Luke ay nakakahalata sa amin kaya inamin ko rin ang tungkol sa kasarian ko sa huli. Halata ko ang pagkagulat ni Luke sa nalaman at gaya ng inaasahan ko’y nangako ito na walang ibang makakaalam ng sinabi ko rito.

Si Arthur ay alam rin na bading ako. Sa katunayan bago pa kami magkakilala at maging magkaibigan ngayon, ay amoy na daw nito ako noon pa. Kaya hindi rin ito nagulat ng malaman nitong may gusto ako kay red. Sabi nga niya ay tutulungan pa ako nito sa nararamdaman ko kay red na tinawanan ko lang. Sinabi ko rin sa kanya na alam na ni Red ang pagkatao ko at dahil daw dun ay mas magiging madali na ang plano nito para matulungan ako kay red.

Ngayon nga ang huling gabi kong kakanta sa bar bilang bokalista nila Leah at nakilala ko rin ang tunay nilang bokalista na si Jay. Biniro pa nila ako na pwede naman na dalawa ang vocalists nila pero tinanggihan ko ito.

Mabilis na lumipas ang oras at dumating na sa huli kong kanta, kaya naman isang kanta ang hiniling kong tugtugin ng banda.

Bakit ba kay hirap tanggapin

Na ikaw ay ’di na magiging akin

Sa lahat ng bagay sa mundong ito

Wala ng hihigit pa sa pag-ibig mo

Kung tunay na’t ’di lang panaginip

Ang aking nararamdaman ngayon

Hanggang kailan kaya nagdurusa’t

Malulumbay ako ng wala sa piling mo

Hindi na bale kung mawala ka

Basta’t iniibig kita ng higit sa buhay ko

Hindi na bale kung mag wakas na

Ang buhay kong ito

Ngunit sa puso ko

Ikaw ay naroon at hindi maglalaho

Sadya ngang kay tamis ng iyong halik

Araw-araw ako sa inyo’y nananabik

Sana’y makapiling ka kahit saglit

At mayakap ka ng kay higpit

Hindi na bale kung mawala ka

Basta’t iniibig kita ng higit sa buhay ko

Hindi na bale kung mag wakas na

Ang buhay kong ito

Ngunit sa puso ko

Ikaw ay naroon at hindi maglalaho

Hindi na bale kung mawala ka

Basta’t iniibig kita ng higit sa buhay ko

Hindi na bale kung mag wakas na

Ang buhay kong ito

Ngunit sa puso ko

Ikaw ay naroon at hindi maglalaho…

Matapos kong kumanta ay bumaba na ako sa stage ng bar at isa-isang pinasalamatan ang mga naging kabanda ko na ilang buwan. Pati na ang may-ari ng bar. Sabi pa nga nila ay anytime welcome akong bumalik sa kanila na akin namang pinagpasalamat.

Ang balak ko sanang pag-uwi na kasama si Art na nakasanayan ko ng gawin sa mga nakalipas na mga araw ay hindi nangyari dahil sa biglaang pagsulpot ni Luke at ipinaalam na walang makakasama pag-uwi si Jared dahil sa nakatulog na ito sa sobrang kalasingan. Ewan ko ba sa isang ’yon, nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong naging madalas ang pag-iinom nito pero ngayong gabi lang ito nakatulog sa kalasingan.

Kaya bilang mabuti nitong kaibigan ay pinakiusapan ko si Art na tulungan ako sa pag-akay sa tulog na lasing na si Red. At iuwi na rin ito sa kanila.

Pagdating sa bahay nila Red ay binuksan ko ang pinto gamit ang susi na nakapa ko sa harapang bulsa nito. Bahagya pa akong natigilan kanina ng iba ang makapa ko kasabay ng hiya ng malaman kong ang junior nito ang una kong nakapa. Kaagad kong sinaway ang sarili dahil sa ’di ko sinasadyang nangyari.

Pagpasok sa loob ay dumiretso na ako sa kwarto ni red habang akay ko parin ito. Naging mabagal ang pag-akyat namin dahil ’di hamak na mas malaking tao at malaki rin ang katawan nito kumpara sa akin. Matapos nga ang ilang minuto ay nakarating rin kami sa kama ni Red. Minabuti kong punasan ang katawan nito na ilang araw ko rin na hindi nasilayan gawa ng pag-iwas ko sa kanya sa lumipas na mga araw. Una kong hinubad ang suot nitong damit at kasunod ay ang pantalon na hirap kong alisin dahil sa mahigpit na suot nitong sinturon. Matapos matanggal ang sinturon ay tinanggal ko rin ang butones ng pantalon nito at ibinaba ang zipper, sunod ay iniangat ko ang puwitan nito para tuluyan kong mahila pababa ang suot nitong pantalon. Bumungad sa akin ang tanging boxer brief na suot nito na nakanasanayan nitong isuot dahil ’di ito sanay sa pagsusuot ng brief. Mabilis kong ginawa ang pagpunas sa katawan ni Red bago pa ako gapiin ng temptasyon ko para rito sa mga oras na iyon.

P.M.B. Part 10

AUTHOR’S NOTE

RATED SPG NG SLIGHT AND PREPARE FOR YOUR HEART!

Jared’s POV

Hindi ko alam kung anong oras na ng magbukas ang mga mata ko pero ang mga mata ni Dan ang bumungad sa akin pagmulat ko. Napagtanto ko rin na nandito kami ngayon sa kwarto ko at tanging boxer brief na lang ang suot ko. Huling naalala ko ay kausap ko si Luke bago ko marinig ang pagkanta ni dan at hindi ko na natapos pa ang kanta at nakatulog na ako dala ng labis na kalasingan.

At ang sunod na nakita ko na lang ay ang paglapit ng mukha ko kay dan.

“Red.” mahinang saad nito bago pa lumapat ang labi ko rito.

“Ssshh.” tahan ko rito.

“Red lasing ka lang.” sabi pa ni Dan sabay tulak nito sa’kin ng mahina. Sa oras na ’yon ay naalala ko ang mga sinabi ni Jerome tungkol sa nangyari sa kanila ni Pat. At dahil dun ay nag-init ang katawan ko, idagdag pa dahil sa alak na nainom ko at parang may sumanib sa akin at ang mga sumunod na ginawa ko ay magiging dahilan sa tuluyang pagtatapos ng pagkakaibigan namin ni Daniel.

Daniel’s POV

Abala ako sa pagtitig sa mahimbing at payapang mukha nang natutulog na si Jared ng magmulat ang mga mata nito. Tila inaalala pa nito ang mga nangyari habang nakatitig ang mga mata nito sa mata ko. Sunod na namalayan ko na lang ang paglapit ng mukha nito sa mukha ko.

“Red.” mahinang usal ko.

“Ssshh.” tahan nito sa akin

“Red lasing ka lang.” sabi ko pa rito sabay tulak ko dahil hati ang puso at utak ko sa mga oras na ’yon sa kung ano ang gusto kong mangyari. Sandaling natigilan si Red pero hindi ko inaasahan ang sumunod na gagawin nito.

Sa isang iglap lang ay pumatong ang katawan nito sa akin. Sunod kong naramdaman ang mapusok at madiin na pag-angkin nito sa mga labi ko. Sa una ay nagpupumilit itong pumasok at dahil sa hati ang puso at utak ko sa nangyayari ay sinubukan ko pang itikom ang bibig ko. Pero hindi nito napigilan ang nagpupumilit na mga labi ni red. Sa ginawa nitong pagkagat sa aking labi ay naibuka ko ang bibig ko na ’di nito inaksaya pa at tuluyan nitong napasok at ginalugad ang bibig ko. Hindi ko alam kung anong nag-udyok kay red dahil para itong mabangis na hayop na gutom na gutom sa paraan ng pag-angkin nito sa mga labi ko. Nalasahan ko rin ang dugo dahil sa nakagat nitong mga labi ko sa marahas na paraan ng pag-angkin nito sa akin. Hindi pa doon natapos si Red, sumunod kong naramdaman ang mga halik nito sa leeg ko papunta sa gilid ng tenga ko na nagbigay ng ibayong sarap at sensasyon sa akin. Ramdam ko rin ang matigas nitong alaga na kasalukuyang kumikiskis sa bandang tiyan ko. Hindi pa man nakakabawi sa sensayong dulot na mga labi nito sa leeg at tenga ko ay sunod na nagpahalinghing sa akin ng madama ko ang bibig nito sa dibdib ko na sa oras na ’yon ay natatakpan pa ng suot kong puting damit. Binasa ng dila ni Red ang mga utong kong natatakpan pa ng damit at sinuso nito ng salitan at marahan din na kinagat-kagat ito na naging dahilan ng mga pigil na ungol ko. Nang magsawa sa pagsuso sa dibdid ko’y nagulat pa ako ng punitin ni Red ang suot kong damit at sa sandaling ’yon kita ko ang pagflex ng mga masel nito sa bisig at braso sa ginawa nito. Matapos mapunit at maalis ang damit ko ay sunod nitong hinubad ang suot kong boxer short at tanging brief na lang ang natira. Mabilis na bumalik sa salitang pagsuso si red sa magkabila kong utong at gaya kanina ay kinakagat-kagat rin n’ya ito. Nang magsawa si red sa utong ko’y saglit ako nitong tinignan sa mata at nakita ko ang ibayong pagnanasa sa mga nito. At sa isang iglap pa nga ay mabilis nitong natangal ang kapirasong telang tumatakip sa ibabang parte ng katawan ko. Pinadapa ako ni Red at sumunod kong naramdaman ang mainit nitong hininga sa puwet ko. Nadama ko rin ang malalaking mga kamay nito na ibinubuka ang pisngi ng puwet ko at sumunod pa nga ay ang dila na nito ang naramdaman kong dumidila sa bukana ng lagusan ko. Ibayong sarap ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon habang patuloy sa pagdila si red. Nang magsawa ay ipinaharap ako nito at ipinasubo ang dalawa nitong daliri sa akin. Dala na rin sa sarap ng sensasyong dulot nito ay naging sunud-sunuran ako sa mga utos ni red. Basang-basa na ng laway ko ang mga daliri nito dahil sa pagsubo ko sa mga ito. Sandaling ngumisi sa akin si Red matapos kong iluwa ang mga daliri nitong basa na ng laway ko. Nang maramdaman ko ang kirot sa bukana ng lagusan ko. Sinisimulan na palang ipasok ni Red ang isa nitong daliri sa oras na iyon. Nang mapasok ang isa ay sinunod nito ang pangalawa hanggang maging tatlo. Sa sandaling iyon ay ramdam ko ang sakit dahil tatlong daliri na nito ang naglalabas-masok sa akin pero nagpatuloy pa rin ito. Tinanggal na rin ni Red ang tanging suot nitong boxer brief at tumambad sa akin ang matigas nitong alaga na naglalaway na sa pauna nitong katas. Hinawakan nito ang sariling alaga at ang paunang katas ay inilagay sa dulo ng dalawang nitong daliri at pagkatapos nun ay ipinatikim n’ya sa akin na ikinaungol ko.

Habang nasa bibig ko ang daliri ni Red na may pauna nitong katas ay naramdaman ko ang sobrang hapdi sa bukana ng lagusan ko at pagtingin ko nga ay kasalukuyan na pala n’yang ibinabaon ang naghuhumindig sa tigas nitong alaga sa birhen ko pang butas.

“Red masakit.” impit na saad ko.

“Ssshh sa una lang ’yan.” tahan nito sa akin habang patuloy ito sa pagbaon sa alaga nito. Para akong dahan-dahan na pinupunit sa mga sandaling ’yon.

“Ugh ang sakit red.” naluluhang impit na saad ko.

“Ssshh.”

At ilang ulos pa ni Red ay naipasok na nito ng buo ang pagkalalaki nito sa aking lagusan. Hindi pa doon natapos ang sakit na nararamdaman ko. Dahil kasunod pa nun ay ang paglabas-masok ng sandata ni Red sa akin. Sa ilang minuto nitong paglabas masok ay hindi ko man marinig na nasasarapan ito sa pamamagitan ng pag-ungol ay alam kong sarap na sarap ito dahil bakas ang sarap sa mukha nito habang pawisan na rin ang magandang katawan nito na walang tigil sa pagbayo sa akin.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras bago ito labasan pero ng naging mabilis ang paglabas-masok ng matigas nitong sandata sa lagusan ko ay alam kong malapit nang labasan ito at ilan pang hugot-baon ay naramdaman ko na ang pagtigas ng mga binti nito at kasunod noon ay ang hindi mabilang na sunud-sunud na pinakawalan nitong dagta sa loob ng lagusan ko. Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagod na pagbagsak ng pawisang katawan nito sa akin. Pero ang sumunod na mga sinabi nito ang mas masakit na naramdaman ko, higit na mas masakit kaysa sa pagkagat nito sa labi at ilang bahagi ng katawan ko o kahit pa ang butas ko na siyang unang nakapasok at pumunit nito. Tagos sa puso ko ang sakit, sa salitang binitiwan nito

“Ang sarap palang parausan ng mga katulad mo.”

P.M.B. Part 11

Daniel’s POV

Masaganang luha ang walang tigil na lumalabas sa mga mata ko at sinikap ko ring hindi makagawa ng ingay sa paghikbi ko, habang parang echo rin na paulit-ulit sa pandinig ko ang mga salitang binitawan ni Red matapos ang nangyaring pag-angkin nito sa katawan ko.

Ilang minuto kong pinilit ang sarili kong tumigil sa pag-iyak pero ang sakit sa puso ko ay hindi ko alam kung kailan ko maaalis. Nang mahimasmasan ay kaagad kong inayos ang sarili ko at kumuha na rin ako ng pamalit sa damit na nasira ni Red sa bag ko na laging baon ko. Matapos magbihis ay dahan-dahan akong umalis sa kwarto ni Red at bago ako tuluyang lumabas sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang payapang mukha ni Red at sa ginawa ko’y namalayan ko na lang na pumatak na naman ang mga luha ko.

Alas singko nang umaga ang oras sa suot kong relo ng makababa ako sa kwarto ni Red. Sandali pa akong natigilan ng makita ko ang paglabas ni Jen sa silid nito na nagulat rin ng makita ako.

“Kuya ayos ka lang.” alalang tanong ni Jen.

“O-okay lang ako, nagising lang ako dahil sa masamang panaginip.” sagot ko rito at kaagad na rin akong nagpaalam na uuwi na bago pa ako nito ayain na mag-almusal.

Pagdating sa kwarto ko’y hinanap ko kaagad ang maleta ko at mabilis na nag-impake ng mga damit at gamit ko.

Sa nangyari sa amin ni Red ay alam kong mahihirapan ako kapag lagi ko itong makikita, kaya isang desisyon ang naisipan ko at ito’y lumayo muna sa kanya at ang probinsya nila Lolo’t lola ang unang pumasok sa isip ko.

Ginamit ko ang sasakyan ni mama papuntang terminal ng bus at sa tulong ng kakilala kong guardya sa establisyementong malapit sa terminal. Inihabilin ko na ibigay kay mama ang kotse nitong ginamit ko matapos kong iabot sa guardya ang susi.

Sakay ng unang biyahe ng bus pauwi ng Tarlac na probinsya nina Lolo’t Lola ay susubukan kong kalimutan ang pag-ibig kong alam kong kailanman ay hindi masusuklian ni Red.

Sa Tarlac

Alas Nuebe ng umaga ng makarating ako sa bahay nila lolo’t lola. Nakausap ko na rin kanina si mama at nalaman na nito ang pag-alis ko pero kung ano ang dahilan ko’y sigurado akong may ideya na rin ito. Binilin ko rin na ’wag ipaalam kanino man kung saan ako nagpunta.

“Apo ikaw ba ’yan?” gulat na tanong ni lola ng huminto ako sa tapat ng bukas na tarangkahan ng bahay nila.

“Lola, opo si dandan po ito.” pilit na ngiti kong bati sabay yakap ko ng mahigpit dahil miss na miss ko na ito.

“Ikaw bata ka, bakit ’di ka nagsabi na uuwi ka. ’Di sana ipinasundo kita kay Mikoy.” pangaral pa nito sa akin at tukoy kay Mikoy. Si Mikoy ay anak ng matagal ng kasambahay ni lola na si Manang Helen.

“Eh biglaan rin kasi ang pagbisita ko sa inyo. At gusto ko’y sopresahin kayo sa pag-uwi ko.” nasabi ko na lang.

“Naku! Nasorpresa nga ako at alam kong matutuwa rin ang lolo Manuel mo at sa wakas ay dumalaw ka dito sa amin.” masayang sabi ni lola.

Gaya nga ng sabi ni lola ay tuwang-tuwa si lolo ng makita ako. Kaagad naman nagpahanda si lola ng makakain ko kay Manang Helen matapos ang kamustahan namin.

Sa hapag

“Alam mo ba apo ilang beses ko ng pinipilit ang mama mo na magbakasyon kayo rito. Pero palaging maraming trabaho ang lagi n’yang sagot sa akin.” hayag ni lola habang kasalukuyang inihahanda ni Manang Helen ang mga niluto nito.

“Tama po si mama, la. Si dad palagi ngang wala dahil out of town sa trabaho n’ya. Si mama busy naman sa kabubukas lang na convenient store namin malapit sa University.” sang-ayon ko sa dahilan ni mama.

“Paano ’yan kung ’di ka pa bumisita dito sa amin. Iisipin kong ayaw n’yo na kaming dalawin.” tampong sabi naman ni lolo.

“Lo naman, syempre malabong mangyari ’yon. Kaya nga nandito ako ngayon dahil miss ko kayo ni lola. At susubukan kong kumbisihin si mama na dumalaw rin dito.” bola ko sa matanda.

“Ikaw talaga apo binola mo na naman kami, manang-mana ka talaga ka sa lolo mo.” nakangiting sabi ni lola. Na ikinatawa naming lahat maging si Manang Helen na nakikinig sa amin.

Kung meron man magandang idinulot ang nangyari sa pagitan namin ni Red ay ito ang makasama ko ulit sina lolo’t lola.

Jared’s POV

Paggising ko’y sakit ng ulo ang unang bumati sa akin. At habang tinitiis ang sakit ng ulo ko’y isa-isang pumasok ang mga nangyari sa nakaraang gabi kasama na ang tungkol sa ginawa kong pakikipagtalik kay Dan.

“Tang-Ina.” mahinang mura ko ng mahimasmasan sa mga nangyari ilang oras pa lang ang nakararaan. Inaamin kong ginusto ko ang ginawa kong pakikipagtalik kay dan. Pero ni sumagi sa isip ay hindi ako makapaniwala na mangyayari ’yon sa aming dalawa. At habang bumabalik sa akin ang ala-ala ng pagniniig namin ay unti-unting nabubuhay ang laman sa ilalim ng kumot na tanging tumatakip sa ibabang katawan ko.

“Nalintikan na.” usal ko sa isip ko at sunod kong namalayan ang ngiting sumilay sa labi ko.

Minabuti kong bumangon na at isa lang ang gusto kong gawin pagkatapos kong makapagbihis at ito’y kausapin si dan tungkol sa nangyari sa amin. Bago pa ako matapos makapagbihis ay nakita ko ang damit ni dan na pwersahan kong pinunit kanina. At sa naisip ay sumikip ang suot kong pantalon.

“Damn.” usal ko sa isip ko dahil sa tindi ng epekto ni dan sa katawan ko.

Matapos maghilamos at magsipilyo ay kaagad na akong pumunta sa bahay ni dan.

“Morning tita.” masayang bati ko kay tita pagpasok ko sa bahay.

“Oh red ikaw pala.” medyo gulat na reaksyon ni tita at seryosong tumingin sa akin pagkatapos.

“Sorry nagulat yata kita tita. Ano kasi, gising na ba si dan.” nahihiyang sabi ko sabay kamot sa batok ko.

“Si Dan, ah si dan wala s’ya ngayon, paggising ko nga ay wala na siya hindi naman sinabi kung saan nagpunta.”

“Po? Eh saan naman kaya siya pupunta ng ganito kaaga.”

“Hindi ko rin alam red.” sabi ni tita na ’di man lang makatingin sa akin.

Matapos makausap si tita ay umuwi na rin ako. Bigo man makausap si dan ay umaasa akong sasabihan ako ni tita kapag nalaman na nito kung saan nagpunta si dan. Hindi na ako makapaghintay na makausap ito para mapag-usapan namin ang mga nangyari sa amin.

Daniel’s POV

Matapos kumain ay tuloy ang kwentuhan namin nila Lolo at lola. Nalaman ko rin na may nabili silang ilang hektaryang lupa malapit dito at ngayon nga ay may iba’t ibang tanim na mga gulay mga prutas at iba-iba rin na mga root crops ang nasabing lupain.

Sinabihan ako ni Lola na magpahinga muna sandali dahil napansin nito ang pagod at inaantok kong mukha. Sinamahan naman ako ni Manang Helen sa sarili kong kwarto dito sa bahay nila lola.

“Matula ko tung na mekauli ka pasibayo kekatamu.” kapampangan na sabi ni Manang Helen na ang ibig sabihin ay “natutuwa ako hijo na nakauwi ka ulit sa atin.”

“Yaku man matula ku, na akayabe da kayo.” sagot ko rito “ako rin ay natutuwa na makasama ko kayo.”

Matapos ayusin ni manang Helen at kama sa kwarto ko ay iniwan na rin ako nito para makapagpahinga.

Nagising ako na medyo magaan na ang pakiramdam ko. Pagtingin ko sa orasan na nakasabit ay alas kwatro na pala ng hapon.

Pagbaba ko’y narinig ko ang maingay na usapan ng mga matanda kasama ang mag-inang sina Mikoy at Helen.

“Dan-dan ika na yan, lalu kang mesanting a.” bungad sa akin ni Mikoy sabay yakap sa akin ng mahigpit. “Dan-dan ikaw na ba ’yan, lalo kang gumwapo ah.”

“Mikoy, aguli eku makapangisnawa keng sobrang talik na ning kawul mo.” sagot ko rito. “Mikoy, sandali lang hindi ako makahinga sa higpit ng yakap mo.”

Na ikinatauhan ni Mikoy at humiwalay kaagad sa akin.

“Pasensya na ba’t kasi katagal mong minuli.” sabi ni Mikoy.

“Alam mo naman na busy ako sa studies ko kaya ngayon lang ako nakauwi.” paliwanag ko rito.

“Ay oo nga pala.” sabi nito ng marinig ang sinabi ko. “Maiba ako mamaya ipapasyal kita sa taniman nila Apu.” nakangiting sabi pa ni Mikoy. Sa kapampangan ang salitang Apu ay parehong tawag sa mga lolo o lola.

“Oo nga gusto ko ang sinabi mo. Nabanggit na nila Apu sa akin kanina ang tungkol sa nabili nilang lupa.”

“Ayos! ’Yon naman pala, mamaya babalikan kita at maliligo lang ako.” maligalig na sabi ni Mikoy.

Tuwang-tuwa ang nanay ni Mikoy at ang dalawang matanda sa usapan namin. Si Manang Helen ay kaagad na ipinaghanda ako nito ng meryenda na bilo-bilo na katatapos lang nilang kainin bago ako gumising.

Pagkatapos ko ngang kumain ay ilang saglit lang ay dumating si Mikoy dala ang tricycle nito.

“Tara na dan-dan, sigurado akong matutuwa ang mga nagtratrabaho kila apu ’pag nakita ka nila.”

“Sige tara na.” ngiting sang-ayon ko kay Mikoy at tinungo na namin ang lupain nila apu.

P.M.B. Part 12

Jared’s POV

Gabi ng makabalik ako sa bahay nila Dan.

“Tita may balita na ba kung saan nagpunta si dan.” tanong ko kaagad kay tita na kasalukuyang nagluluto ng hapunan.

“Sandali lang red at tatapusin ko muna ang niluluto ko. Mabuti pa ay sa sala ka muna at mamaya sabayan mo na akong maghapunan.” seryosong sabi ni tita.

Sa paraan ng pagsasalita ni tita ay nakaramdam ako ng kaba na ’di ko mawari. Pero pinilit kong ipagwalang bahala iyon at baka wala naman ibig sabihin ito.

Gaya nga ng sabi ni tita ay sabay kaming kumain ng hapunan. Sa pagkain namin ay nanatiling tahimik kaming dalawa at wala ni isang nagsalita sa amin. Nang hindi na makatiis ay ako na ang bumasag sa katahimikan.

“Uhm tita tungkol po kay dan.” Pagkarinig sa sinabi ko’y tumigil si tita sa pagkain at seryosong tumingin ito sa akin sabay buntong hininga nito.

“Nagsinungaling ako kanina ng sabihin kong hindi ko alam kung nasaan si Daniel. Katatapos ko lang makausap si Daniel ng dumating ka. Kagaya mo hindi ko rin alam kung saan nagpunta noong una ang anak ko. Pero ng tawagan ako ni Daniel ay ipinaalam n’ya sa akin na mawawala ito ng ilang araw at ibinilin rin nito na ’wag itong ipaalam kahit kanino kung saan ito nagpunta.” mahabang salaysay ni tita.

“Pero bakit naman aalis si dan, tita at maging sa akin ay bakit ayaw niyang ipaalam kung saan siya pumunta.” naguguluhan na tanong ko sa mama ni dan.

“Walang dahilang sinabi si Daniel kung bakit s’ya bigla na lang umalis. Kaya ibabalik ko ang tanong mo sa’yo Red, ikaw ba ay may alam na nangyari kay Daniel kaya s’ya umalis?” sagot at tanong sa akin pabalik ni tita.

Kaagad na bumalik ang nangyari sa amin kanina ni dan matapos akong tanungin ni tita. Alam kong ako ang dahilan kaya may nangyari sa amin dalawa. Kaya ng maisip na ito ang dahilan sa biglaang pag-alis ni dan ay binalot ako ng pagsisisi. Pero hindi ko naman maaaring sabihin ito sa mama ni dan kaya isang kasinungalingan na lang ang naisip kong sabihin rito.

“Hindi ko rin alam tita.”

Matapos kong sabihin iyon ay nagpaalam na ako kay tita na umuwi. At habang pauwi ako sa bahay ay sinisisi ko ang sarili kung bakit ko iyon nagawa kay dan. Ilang beses ko rin itong tinawagan pero hindi nito sinasagot ang tawag ko at ilang sandali pa’y hindi ko na ito makontak. Para ipaalam na nagsisi ako ay pinadalhan ko ito ng text. At sa text ay hiningi ko ng tawad ang nagawa ko’t ipinaalam ko rin na gusto ko itong makausap tungkol sa nangyari sa amin.

Pagdating sa bahay ay pagod akong humiga sa sofa at iniisip pa rin kung saang lupalop pumunta si dan.

“Ba’t ganyan ang mukha mo kuya.” tanong ni jen pagkakita sa akin.

“Umalis si dan sa kanila at ayaw ipaalam kahit kanino kung saan s’ya nagpunta.”

“Hindi kaya may problema si kuya dan, kuya. Paggising ko kasi kanina ay naabutan ko ang pag-alis niya sa bahay at mukhang katatapos lang umiyak dahil namumula at namamaga ang mga mata niya. Tinanong ko pa nga kung ayos lang s’ya pero sinagot lang ako na dahil lang daw iyon sa masamang panaginip.” sabi ni jen.

Sa nalaman kay jen ay pinilit kong alalahanin ang tungkol sa pagtatalik namin ni Dan, pero wala naman akong ibang maisip kung hindi iyon ang dahilan kung bakit umalis si dan. Alam kong naging marahas ang ginawa ko sa kanya nung una pero handa naman akong tumigil kung pinatigil ako nito. Sa tagpong mag-iisa na ang aming katawan ay wala rin akong naramdamang pagtutol mula rito, kaya hindi naman masasabing ginahasa ko ito. Gayunpaman ay ako parin ang dahilan kung bakit nangyari ang mga nangyari at sa ngayon nga ay nakokonsyensa ako sa biglaan nitong pag-alis.

Daniel’s POV

Nandito kami ngayon ni Mikoy sa taniman ng mga prutas at dala ang sari-sariling basket ay pareho kaming namimitas ng mga hinog na mga bunga. May Mangga, Rambutan, Lansones, Atis, Avocado, Ubas at kung anu-ano pa ang mga napitas namin. Sa sobrang dami ng mga bunga ng mga punong kahoy ay hindi ko alam kung paano mag-umpisa sa pagpitas. At habang pumipitas ay nilalantakan ko rin ang iba.

“ Eku sabi, sumawa kang mangan keng dakal da bunga.“

“Anong sabi ko, magsasawa kang kumain sa dami ng mga bunga.” yabang na sabi ni Mikoy habang pinupuno nito ang hawak na basket ng mga prutas.

“Wapin, dapat mapera na ka kanyan kasi ika ing mag-manage kareni.”

“Oo nga, dapat mapera ka na n’yan kasi ikaw ang nagmamanage dito.” sabi ko naman.

“Kaunti pa lang, hindi pa sapat para mapakasalan kita.” sabi naman ni Mikoy sa akin sabay kindat pa nito.

“Mikoy tigilan muku ne. Alam mo naman na meron akong ibang gusto.” sabi ko naman.

“Alam ko, Pero hangga’t hindi pa kayo nandito lang ako. At handa akong maghintay.” sabi pa nito. “O relax kamu baka umuwi ka kaagad dahil sa sinabi ko. Mag-enjoy ka dapat dahil nandito ka kasama mo kami nina lolo.” ngiti pang dagdag nito.

“’Wag kang mag-alala at hindi agad ako uuwi. Pero magbengi na umuwi na tayo kina apu.”

“Oo nga gabi na, umuwi na tayo, akin na ing awak mung basket yaku ng magdala.” sang-ayon ni Mikoy at sya na nga ang humawak sa dala kong basket at matapos mailagay sa loob ng tricyle ang mga basket na puno ng iba’t ibang prutas ay sumakay na ako sa likod ng minamaneho nitong trike.

“Hawak ka sa akin at baka mahulog ka, pero ayos lang kung sakaling sa akin ka mahulog.” banat pa nito bago paandarin ang motor.

“Puro ka talaga kalokwan.” naiiling ba tawang sabi ko rito at umuwi na nga kami kina apu.

Kinabukasan ay nag-aalmusal ako kasama nila apu ng dumating si Mikoy at ipinaalam ako nito sa mga matanda para isama sa pagligo sa ilog na malapit sa amin.

Matapos payagan nila apu ay kumuha lang ako ng pampalit na damit at ng mailagay ang mga ito sa isang bag, sakay ulit sa tricyle ni Mikoy ay pumunta na kami sa ilog.

“Buti walang masyadong tao ngayon dito.” puna ko pagdating namin ni Mikoy sa ilog.

“Syempre ako pa, ang totoo n’yan may nakabili na sa lupang ito at dahil kapitan si tatang, kami ang pinayagang magbantay dito. Kaya nga ng malaman kay ima na dumating ka. Ito kaagad ang naisip kong puntahan kaya lang dahil matako ka hinayaan na lang kita na sa lupain nila apu tayo unang magpunta, isa pa mas magandang maligo dito tuwing umaga.” mahabang sabi nito at tinawag pa akong matakaw.

“Ako matako? Ikaw nga ang matako, dati payatot ka ngayon..” natigilan ako sa pagsabi ng mapansin na gumanda nga ang katawan ni Mikoy, malayo sa payat nitong pangangatawan kumpara dati.

“Natahimik ka.” ngising sabi nito sabay sa hubad sa suot nitong damit kaya naman lumantad ang magandang katawan nito sa akin. “Ayos ba? Dala ng trabaho sa lupain ni apu kaya gumanda ang katawan ko at isang beses sa isang araw nagdyigym rin ako sa gym ni kuya Philip.” paliwanag nito kung bakit ang dating payat na pangagatawan nito’y bukod sa nagkalaman ay nagkamasel rin ito.

“Ganun ba.” nasabi ko na lang dahil sa ilang na naramdaman ko matapos makita ang hubad na katawan nito.

“Ano pang hinihintay mo, maligo na tayo at mamayang gabi samahan mo akong pumunta sa peryahan sa bayan, sakto ang pagdating mo at sa isang linggo ay pyesta na ng probinsya natin.” masayang anyaya nito sabay hubad rin sa suot nitong salawal, kaya naman itim na brief na lang ang tanging suot nitong tumambad sa akin, na mabilis kong iwas sa tingin ko rito. Sunod kong narinig ang maingay na tunog ng tubig dahil sa ginawa nitong pagtalon.

Pagkakita ko nga ulit kay Mikoy ay kasalukuyan na itong lumalangoy.

“Lumusong ka na rin dan-dan, kapag hindi mo pa ako sinamahan rito, pagpunta ko d’yan ako mismo ang maghahagis sa’yo rito.” sigaw na may pagbabantang sabi ni Mikoy. At dahil alam kong wala sa bokabularyo nito ang salitang biro ay mabilis kong hinubad ang suot kong damit at salawal at natira na lang na suot ko ay boxer short at brief.

“Oo na takot ko lang sa’yo.” sigaw ko rito na ikinatawa ng mokong.

“O ano wala sa Manila nito, hindi ba?” pagmamalaking sabi ni Mikoy.

“Sinabi mo pa, swerte mo na kayo ni tatang mo ang pinayagan na magbantay rito.” sang-ayon ko naman.

“Oo nga, akala ko ng mabalitaan kong may bumili nito ay hindi na ako makakaligo dito kasama ka. Buti na lang at nabanggit ko kay tatang na habang hindi pa umuuwi ang may-ari ay kami muna ang magbabantay sa nabili nitong lupa.”

“Sandali lang at may kukunin ako.” paalam ni Mikoy na umahon sandali.

“Tingin ka rito dan-dan.” sabi ni Mikoy at pagharap ko nga rito ay kinuhanan ako nito ng larawan sa hawak nitong kamera.

“Oy burahin mo yan Mikoy!” sigaw ko ng matauhan sa ginawa nito.

“Ano ako hilo, ang dalang mo na lang umuwi dito sa amin, tapos pati larawan mo ipagkakait mo pa sa akin.” reklamo nito sabay belat pa sa akin na parang bata. Iling lang ang naging tugon ko rito at hinayaan na lang ito sa pagkuha ng larawan ko.

“Say cheese.” Namalayan kong sabi ni Mikoy at kasalukuyang naka-akbay na sa akin.

“Cheese!” sabay na sabi namin, na kaagad namang kinuhanan ni Mikoy. Ilang beses pang kumuha ng larawan namin na magkasama si Mikoy at ang huling kuha nito’y ang pagnakaw nito ng halik sa pisngi ko.

“Oy oy Mikoy ’yung huli burahin mo ’yon!” sigaw ko rito habang tumakbo naman palayo ito sa akin dala ang kamera nito.

“Okay, okay binura ko na.” sabi ni Mikoy nang maabutan ko ito. Inabot pa nito ang kamera sa akin at mabilis ko naman itong tinignan at tama nga ito na wala na ang larawan na iyon. Pag-abot ko pabalik sa kamera nito ay hindi maalis ang saya sa mukha ni Mikoy.

“Anong tinawa-tawa mo d’yan?” hinalang tanong ko rito.

“Bakit bawal bang tumawa eh, matula ko na kayabe daka.” ngiting sagot lang ng mokong.

“Mabuti pa magbihis na tayo at umuwi na rin tayo.” sabi ko na lang.

“Yes boss.” sagot ni Mikoy na sinamahan pa ng pagsaludo na ikinailing ko lang dahil sa kalokohan nito. At sa oras na ’yon panandalian kong nakalimutan ang mga nangyari sa akin sa Manila sa tulong ni Mikoy.

P.M.B. Part 13

Jared’s POV

Isang linggo ang mabilis na lumipas at isang linggo na rin na hindi ako makatulog ng maayos, sa dahilang kinokonsyensya ako sa nagawa ko kay dan. Ilang beses ko rin kinausap si tita para ipaalam sa akin kung saan nagpunta si dan, pero hindi ko ito napilit na sabihin sa akin ang gusto kong malaman.

Maging si Arthur at Tiffany ay pinuntahan ko sa kani-kanilang bahay para magtanong tungkol kay dan, pero maging sila ay walang ideya kung saan ito nagpunta. Halata ko rin ang gulat kay Arthur ng puntahan ko ito sa kanila at ang huling pagkikita pa raw nila ni dan ay noong gabing nalasing ako at silang dalawa nito ang naghatid sa akin sa bahay.

Abala ako sa pagbabakasakaling matawagan si dan ng sunud-sunod na may pumasok na mga notifications ko sa social network kung saan may account ako. Nung una ay hindi ko ito pinansin dahil nga sinusubukan kong tawagan si dan. Pero ng magflash sa screen ng cellphone ko ang litrato ni dan ay mabilis kong tinignan ito.

Unang larawan na nakita ko ay si dan na may hawak na basket, habang abala ito sa pagpitas ng mga bunga ng Rambutan at sunud ay may kinakain itong Rambutan din. Sa nakita’y napangiti pa ako. Sumunod ay iba-iba pang larawan nito habang abala rin sa pagpitas ng ibat-ibang prutas. Nagpatuloy ako sa pagbrowse sa mga larawan ni dan at sumunod kong nakita ang pamilyar na ilog sa probinsya ng mga lolo’t lola ni dan, at sa nakita ay kaagad kong napagtanto na sa Tarlac pala ito pumunta. Ilang pang larawan ni dan ang nakita ko habang nasa ilog ito’t naliligo, kaya naman sa basang katawan nito ang tutok ng mga mata ko at namalayan ko na lang ang pagsikip ng suot kong pantalon, pero kumunot ang noo ko sa mga sumunod na larawang nakita ko. Larawan ito ng isang lalaki na tanging brief lang ang suot habang nasa parehong ilog kung saan naroon si dan. Mayroon rin na kasama nito si dan habang nakaakbay pa ito sa balikat ng huli, pero ang ikinatiim bagang ko ay ang huling larawan kung saan nakahalik ang lalaki sa pisngi ni Daniel at sa oras na iyon ay isang pasya ang nabuo sa isip ko at ito ay ang sundan kung saan naroon si dan.

Sakay ng bus papunta ng Tarlac ay hindi na ako makapaghintay na makita si dan para makausap ito.

Ilang oras pa nga ang lumipas ay nakarating na ako sa terminal ng bus sa Tarlac. Mabilis naman akong pumara ng tricycle at ipinaalam sa driver ang barangay na sadya ko kung saan nakatira ang lolo’t lola ni Daniel.

Ilang minuto pa nga at pumara na ako sa tapat ng bahay ng mga matanda.

At ang lalaking kasama ni Daniel sa larawan ang unang nakita ko pagbaba ko sa tricycle.

“Dan-dan may bwisita ka yata.” sigaw ng lalaki at hindi nakaligtas ang sinabi nito patungkol sa akin. Kaya naman ang inis na nararamdaman ko para rito ay lalong tumindi.

“Lolokwan mu naku na naman kanyan ne Mikoy, ninu naman abisita ko keni.” rinig kong sabi ng pamilyar na boses sa dayalekto nila.

“Jared! Nang gagawan mo ot atsu ka keni?” gulat na reaksyon ni dan pagkakita sa akin, ako nama’y kunot noong nakatingin lang rito dahil wala ako, ni isang maintindihan sa mga sinabi nito. “Ang ibig kong sabihin bakit ka nandito?” seryoso nitong sabi ng maisip nitong hindi ako nakakaintindi ng kapampangan.

“Gusto kitang makausap.” simula ko. “Nang tayong dalawa lang sana.” dagdag ko ng makita kong nakikinig sa amin ang lalaking tinawag na Mikoy ni dan kanina.

“Mikoy pwede bang iwan mo muna kami ni Jared, pakisabi na rin kila apu sa loob na may bisita akong kausap dito sa labas.” sabi ni dan, na pinagbigyan ang nais kong magkausap kaming dalawa. Sumunod naman ang lalaki at iniwan kami ni dan.

“Anong gusto mong pag-usapan natin.” seryosong saad ni dan. Sandali pa akong natigilan dahil ngayong kaharap ko na ito ay parang umurong ang dila ko at hindi kaagad ako nakapagsalita.

“Magtitigan na lang ba tayo Jared.” may himig ng inis na dagdag pa ni dan ng hindi pa ako umimik.

“Sorry.” mahinang sabi ko.

“Sorry? Alam mo ba Jared kung anong hinihingi mo ng tawad?” balik ni dan sa sinabi ko.

“Hindi ba kaya ka umalis at ayaw mong ipaalam kahit kanino ay dahil sa nangyari sa atin? Kaya dan sorry sa nagawa ko.” mahabang saad ko ng  hindi man lang makatingin sa kanya ng diretso.

“’Yun lang ba ang dahilan kung bakit ka humihingi ng sorry? Hindi mo ba talaga alam kung anong nagawa mo sa akin? Mali pala, hindi mo ba alam ang mga sinabi mo sa akin?” mahabang patanong na saad ni dan at nagcrack pa ang boses nito sa huli. Pag-angat ko nga’y nangingilid na ang luha sa mga nito. Sa nakita’y gusto ko itong yakapin para tumahan na ito pero pinigilan ko ang sarili, dahil alam kong galit ngayon ang nararamdaman nito sa akin. Ako nama’y parang sumikip ang dibdib ko dahil masakit ang makita kong umiiyak ito na ako pa mismo ang may gawa.

“Sorry, please dan ’wag ka ng umiyak. Anong gusto mong gawin ko, gagawin ko basta patawarin mo lang ako.” samo ko rito.

“Hindi ganun kasimple ang lahat Jared. Dahil sa nangyari sa atin hindi ko na kailanman maibabalik ang pagkakaibigan na meron tayo. At hindi ko pa kayang patawarin ka ngayon.” sabi ni dan sabay pahid sa luha sa mga mata nito atsaka pumasok na ito sa loob ng bahay ng mga matanda.

Pagtalikod ni dan ay nanlambot ang tuhod ko sa bigong mapatawad ako nito at bumalik ang mga binitiwang salita ni Daniel sa akin.

“’Yun lang ba ang dahilan kung bakit ka humihingi ng sorry? Hindi mo ba talaga alam kung anong nagawa mo sa akin? Mali pala, hindi mo ba alam ang mga sinabi mo sa akin?”

Pinilit kong alalahanin ulit ang mga nangyari at bigo akong maalala ang dahilan kung bakit ko nagawang masaktan si Daniel at ngayo’y galit na galit ito sa akin. Isa rin sa pinagtataka ko’y sa gabi bago mayroong mangyari sa amin ay nakatulog ako dahil sa pag-inom, na kailanman ay hindi pa nangyari sa akin. Kaya naman isa-isa kong tinawagan ang tatlo kong kaibigan para malaman kung may alam sila sa dahilan sa biglaan kong pagtulog.

Matapos kong makausap ang tatlo ay pare-parehong wala silang alam ang naging sagot nila sa akin. Pero alam kong may maling nangyari kaya ako nakatulog at ng magising ay nagawa kong may mangyari sa pagitan namin ni Daniel. Isa rin pruweba ay ang nakita kong punit na damit ni dan paggising ko kaya ko naalalang naging marahas ang pangyayaring naganap sa amin. At nang maisip ito’y naalala ko ang mga damit kong suot sa gabing ’yon, na napansin kong may pinagsukahan ko ng isuot ko ito pagggising ko.

Kaagad kong tinawagan si Jen para sabihing ’wag nitong galawin ang mga damit ko. Sumunod kong tinawagan ang kakilala ko, na alam kong matutulungan ako para alamin kung mayroong ibang hinalo sa nainom kong alak sa gabing nakatulog ako.

Sa tulong ni Jen at ni Luke ay ipinasuri ko ang damit na may pinagsukahan ko at nangako ang huli na tatawagan ako kung anuman ang resulta na lumabas dito.

Minabuti ko rin na sa isang malapit na inn muna ako tumuloy at bukas ay babalik ako sa bahay ng mga Apu ni Daniel at papakiusapan ko ang mga matanda na sa kanila na tumuloy.

Sa sumunod na araw

Tulog pa si Daniel ng dumating ako sa bahay ng mga apu nito. At dahil kilala ako ng mga matanda na kaibigan ni Dan, ay kaagad akong inimbitahan na sabayan ko sila sa almusal.

“Mabuti apo at ngayon ka lang pumasyal sa amin, dati rati magkasabay kayong pumupunta ni dandan kapag umuuwi siya dito.” mahabang sabi ni Apung Carmen na kasalukuyang hinahalo ang sarili nitong kape.

“May practice po kasi kami ng basketball la, kaya hindi ako nakasabay sa pag-uwi kasama ni dan.” pagsisinungaling ko sa matanda.

“Ganun ba, akala ko nga ay nag-away kayo at himala nagawang pumasyal ni dandan sa amin ng hindi ka kasama.” seryosong saad naman ni Apung Manuel na parang binabasa ako ng matanda sa paraan ng pagtingin nito sa akin.

“Ah busy lang po talaga sa basketball lo.” may kabang sagot ko sa matanda.

“Hindi na bale ’yon apo, ang mahalaga ay nandito ka na at buti nakahabol ka dahil bukas ay pista na ng bayan namin. Sigurado akong mag-eenjoy kayo nila dandan.” masayang sabi ni Apung Carmen na ikinahinga ko ng maluwag dahil hindi na nagtanong pa si Apung Manuel pagkatapos.

Abala kami sa pagkain ng almusal ng makita kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Dan at lumabas ito kasama si Mikoy. Sa nakita’y may umusbong na galit sa puso ko pero pinigilan ko ito at baka makagawa ako na lalong ikagagalit ni dan.

Pagkakita sa akin ni dan ay sandali lang ako nitong tinapunan ng tingin at hindi na ako pinansin, sabay umupo na rin ito para mag-almusal na ginawa rin ni Mikoy na tumabi pa sa huli.

Maliban sa pag-uusap ng matanda tungkol sa darating na pista at paminsan-minsan pagsali rin ni Mikoy sa usapan ang tangi kong naririnig habang tahimik naman kami ni dan sa pagkain.

“Dandan apo, mamaya ibigay mo kay red ang mga gagamitin n’ya sa pagtulog sa katabi ng kwarto mo.” saad ni lola na ikinatingin namin dalawa ni dan sa matanda.

“Sige la.” sunod naman ni dan sa matanda.

“Ikaw naman Red, mamaya pupunta kami ni Mikoy sa bukid baka gusto mong sumama.” sabi naman ni Lolo Manuel.

“Opo lo, gusto kong sumama.” kaagad kong sagot sa matanda.

“Alam mo ba kung paano magtanim ng palay apo?” tanong ng matanda.

“Hindi po eh.” nahihiyang tugon ko na ikinatawa ng dalawang matanda. “Pero gusto ko pong matuto at madali naman po akong turuan.” dagdag ko.

“Tama ’yan, sige mamaya kasama ni Mikoy s’ya ang magtuturo sa’yo. Sayang naman ’yang maganda mong katawan kung hindi mapapakinabangan.” tuwang sabi ni lolo at pagtingin ko kay Dan ay nakatingin ito sa katawan ko at ng mahuli kong nakatingin ito sa akin ay kaagad na iniba nito ang tingin. Sa napansin ay lihim na napangiti ako.

P.M.B. Part 14

Daniel’s POV

Matapos kong makausap kahapon si Red, ang akala ko ay babalik na ito sa Manila. Pero paggising ko’y taliwas ito sa inaasahan ko dahil kasama n’ya sila Apu na nag-aalmusal.

Hindi ko pinansin ito habang kumakain kaming lahat, pero ng mabanggit ni lolo ang pagtatanim sa bukid ay nabaling ang tingin ko rito. Alam kong hindi ito marunong sa pagtatanim ng palay pero alam ko rin na magiging madali lang rito ang bagay na ’yon dahil sa katawang meron ito. Sa isiping iyon ay bumalik sa akin ang gabing may mangyari sa amin at ang hubad nitong magandang katawan habang abala ito sa pag-angkin sa katawan ko. At bago ko pa maalis ang tingin ko’y nahuli nito ang pagtitig ko rito.

Matapos ang almusal ay inihanda ko ang mga gamit ni Red sa pagtulog mamayang gabi. Hindi ko man gusto ang pananatili nito sa bahay nila apu ay hindi ko naman maaring paalisin na lang ito basta-basta.

Pagpasok ko sa kwartong tutulugan ni Red dala ang mga gagamitin nito ay kaagad kong ipinatong ang mga ito sa kama. Bago pa ako makalabas ay s’ya namang bukas ng pinto at si Red ang bumungad sa akin.

“Salamat dan.” sabi nito at palapit ito sa kinatatayuan ko, pero kaagad ko itong iniwasan at mabilis na umalis sa kwarto ng walang salitang lumabas sa bibig ko.

Jared’s POV

Gaya nga nang sabi ni lolo matapos magpababa ng kinaing almusal. Kasama ko ito at si Mikoy na tumungo ng bukid.

Bumungad sa amin ang higit kumulang sa dalawampu na kasalukuyang abala sa pagtatanim ng palay. At dahil sa maaga pa ay presko pa ang panahon.

“Red apo, hubarin mo ang suot mong sapatos at hindi mo magagamit ’yan sa pagtatanim.” sabi ni lolo at pagtingin ko nga kay Mikoy ay wala itong suot na tsinelas at lumusong na ito sa basang lupa para magsimulang magtanim.

Kaagad kong hinubad ang suot kong sapatos at lumusong na rin ako sa bukid. Inumpisahan na rin ni Mikoy ang pagturo sa akin ng pagtatanim ng palay. Halata mo kay Mikoy na sanay na sanay na sa ganitong gawain sa mabilis na paraan nito ng pagtatanim. Ako naman dahil sa unang beses ko itong gagawin ay nangangapa pa kung papano ito. Nang maglaon ay nakuha ko na rin kung paano ang tamang pagtatanim ng palay. Matapos ang isang oras ay tinawag kaming dalawa ni Mikoy ni lolo na nasa silong malapit sa bukid.

“Tama ka nga Red at madali ka ngang matuto, hindi ba Mikoy?” masayang sabi ng matanda.

“Opo lo, ang bilis mo nga matuto tol.” ngiting sang-ayon ni Mikoy na ipinagsalamat ko naman.

Ilang sandali lang ay nagpaalam kami mi Mikoy sa matanda na lumusong ulit sa bukid para magtanim.

Abala ako sa pagtatanim ng lumapit si Mikoy sa kinaroroonan ko.

“Anong meron sa inyo ni dandan?” tanong nito.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko pabalik.

“Tol lalake rin ako at kita ko sa paraan ng pagtitig mo kay dandan na ’di na lang kaibigan ang tingin mo sa kanya.” paglilinaw ni Mikoy.

“Tama ka, ’di na lang pagkakaibigan ang tingin ko kay dan.” pag-amin ko kay Mikoy sa nararamdaman ko tungkol kay dan. Sa mga nakalipas na araw ay hinahanap-hanap ko ang dating samahang meron kami ni dan. At pilit kong isinisiksik sa isip ko na namimiss ko lang ang kaibigan ko. Pero ng makita ang madalas na pagsama nito kay Arthur, matapos n’yang magtapat sa sekswalidad nito sa akin, may naramdaman akong inis sa dalawa at sa naramdamang inis na ’yon nagsimulang tanungin ko ang sarili ko sa kung selos ba bilang kaibigan ang nadarama ko o higit pa roon.

“Tama nga ako, paano ba ’yan. Tulad mo gusto ko rin si dandan.” amin ni Mikoy sa nararamdaman nito.

“Ayos lang kung may gusto ka kay dan, pero sisiguraduhin kong sa akin siya mapupunta.” determinado kong saad.

“Huwag ka munang makampante, gaya mo gagawin ko rin ang lahat mapunta lang sa akin si dan.” sabi ni Mikoy.

“Kagabi nga ay magkatabi kaming natulog at pati na sa mga susunod pang mga gabi.” dagdag pa ni Mikoy na ikinakuyom ng mga kamay ko sa galit.

“Easy lang tol, mabuti pa ay tapusin mo na ang pagtatanim mo ng palay.” huling sabi nito at iniwan akong mag-isa na ’di parin humuhupa ang galit na nararamdaman ko.

Bago magtanghalian ay tinawag na ang lahat ng nasa bukid para magpahinga at kumain na rin ng tanghalian.

Pagdating sa lilim ng mga puno ay punung-puno ng mga pagkain ang mga mesang nakahilera doon. Naroon rin si Daniel kasama sila lolo’t lola na abala sa pamimigay ng mga plato sa mga taong kasama namin sa bukid.

“Red apo, damihan mo ang pagkain at alam kong napagod ka sa pagtatanim.” nakangiting sabi ni Lola, sabay tawag ng pansin nito sa katabing si Dan para iabot sa akin ang platong ipinamamahagi nito.

“Salamat dan.” ngiti ko rito na gaya ng dati ay hindi parin ako pinansin nito, kaya napabuntong hininga na lang ako.

“Mikoy, heto ang sa’yo ipinagtabi na kita.” sunud na narinig kong sabi ni dan at nakita ko ang pag-abot nito kay Mikoy ng plato na puno ng mga pagkain.

“Salamat dandan, halika at sabay na tayong kumain.” tugon naman ng karibal ko at sa sandaling ’yon ibayong selos at inggit ang naramdaman ko.

Matapos magpahinga ay bumalik kami sa pagtatanim at maging si Daniel ay sumama rin sa amin. Gaya ng dati ay iwas na iwas ito sa akin at lagi naman nitong kadikit si Mikoy.

Nang marinig kong tinawag ni lolo si Mikoy ay nagkaroon ako ng pagkakataong lapitan si Dan. Pero ang sumunod na nangyari ang hindi ko inaasahan.

“Ahhh!” sigaw ni dan ng mawalan ito ng panimbang at mapapahiga sana sa basang lupa pero mabuti na lang ay saktong paglapit ko rito, kaya imbes na ito ang mahiga sa lupa ay ako ang napahiga habang nakapatong naman ang katawan nito sa akin.

“Ugh.” daing ko ng bumagsak ang katawan ko sa basang lupa, isama pa ang katawan ni dan na dagan din ako.

“Sorry Red.” mahinang sabi ni dan habang nanatili parin itong nakapatong sa akin.

“Uhm dan, gusto ko man ang pwesto natin, marami na ang nakatingin sa atin.” pilyong sabi ko rito na kaagad ikinapula ng maputi nitong pisngi. Pagkasabi ko nun ay mabilis naman itong tumayo.

“Pwedeng tulungan mo ako.” pakiusap ko rito habang pinipigilan ko ang mangiti at baka magalit pa ito. Pagkaabot nito sa sariling kamay ay mahigpit ko naman na hinawakan ito at tumayo na rin ako.

Daniel’s POV

Nakakainis! Ito ang salitang paulit-ulit sa isip ko matapos kong tulungan makatayo si Red sa pagkatumba nito dahil sa katangahan ko. Naiinis ako sa sarili dahil sa nangyari at naiinis rin ako kay Red dahil nagawa pa nito ang inisin ako habang nakapatong ang katawan ko sa katawan nito.

P.M.B. Part 15

Jared’s POV

Matapos akong tulungan makatayo ni dan ay kaagad itong lumayo sa akin. Dumating na rin si Mikoy at alalang nilapitan si dan.

Sa nangyari nga ang suot kong damit at salawal ay nabasa at puno rin ng putik. Kaya naisipan kong hubarin na lang ang suot kong damit.

Nagpatuloy ako sa pagtatanim habang ang tingin ko’y hindi maalis sa nagtatanim rin ng palay na si Daniel.

Paminsan-minsan ay nagtatama ang paningin namin ni dan at ngiti naman ang isinusukli ko rito.

Daniel’s POV

Ipinagpatuloy ko ang pagtatanim katabi ni Mikoy at nang mabaling ang paningin ko kay Red ay sandali pa akong natigilan ng makitang wala na itong suot na damit. Kita ko tuloy ang magandang katawan nito, na dahil sa init ng araw ay nangingintab na sa pawis sa mga sandaling ’yon at nakadagdag pa ito para maging kaakit-akit ito sa paningin ko. Sa naisip ay napailing ako, hindi pwede ang nararamdaman ko, ang dapat kong gawin ay ang lumayo rito lalo pa’t nasaktan na ako nito, kaya nga umalis ako at nagpakalayo.

Pagtingin ko sa katabi kong si Mikoy ay naghubad rin ito ng suot nitong damit. Kaya ngayon, dalawang lalaking may magaganda at makikisig na katawan na ang tanawing nakikita ko.

At dahil sa naiinitan na rin dala ng panahon. ‘Sa panahon lang nga ba?’ singit ng malanding isip ko. Kaya minabuti kong maghubad na rin ng suot kong damit.

Paghubad ko ng suot ko ay guminhawa ng kaunti ang pakiramdam ko. Saglit pa akong tumingin kina Mikoy at Jared na sa mga sandaling ’yon ay natigilan na para bang nakakita ng multo.

Jared’s POV

Sa pagtatama ng paningin namin ni dan ay kita ko rin ang pagtitig nito sa hubad na katawan ko, na lihim kong ikinatuwa. At ’di naman nagpatalo si Mikoy ng makita ang pagtitig ni dan sa akin at naghubad rin ito ng suot. Kaya naman napabaling ang tingin ni dan sa kakaalis lang ng damit na si Mikoy. Ang tuwang nadama ko’y napalitan ng inis ng makita rin na kung pagandahan lang ng katawan ay ’di rin papatalo si Mikoy sa akin at ngayon nga ay nakita kong nakatingin si dan sa katawan ni Mikoy.

Nagpatuloy ako sa ginagawang pagtatanim pero natigilan sa sumunod na nangyari. Hinubad kasi ni Daniel at suot nitong damit at lumantad hindi lang sa akin, kungdi pati na sa mga kasama namin kalalakihan ang maputi nitong kutis at dahil sa sinag ng araw, kapansin-pansin ang pamumula ng balat nito. Ilang beses akong napalunok ng laway dahil sa nakita, kita ko rin na pati si Mikoy ay hindi maalis ang tingin sa katabing si Dan.

Habang patuloy ang lahat sa pagtatanin ng palay. Ako naman ay lihim na pinagmamasdan si Dan.

Ilang oras pa ang mabilis na lumipas at tinawag na ang lahat ni lolo Manuel para tumigil na sa pagtatanim.

Magkasabay na naglalakad pabalik sina Mikoy at Daniel habang nasa likod ako ng dalawa. Kita ko tuloy ang matambok na puwet ni Dan na nagpasikip sa suot kong salawal. “Tang-ina tinamaan na talaga ako kay dan.” saad ko sa isip ko.

Pagdating ng lahat sa silong ay nakahanda ang iba’t ibang meryenda na inihanda nila apu, na kaagad naman ipinamahagi para sa amin.

Gaya ng dati sinusubukan ko parin ang dumikit kay dan.

“Heto dan ’di ba paborito mo ito.” abot ko ng hawak kong turon rito.

“Salamat.” maikling tugon nito.

“Heto dan, baka mabulunan ka riyan.” abot naman ng tubig ni Mikoy.

“Salamat Mikoy.”

“Hindi ka ba nilalamig?” tanong ko kay dan sabay kuha sa hinubad nitong damit at iniabot sa kanya. Kanina ko pa kasi napapansin na ’di lang kaming dalawa ni Mikoy ang mataman na tumitingin sa hubad parin nitong katawan.

“Medyo malamig na nga, salamat Red.” pasasalamat ni Dan at matapos maiabot rito ang damit ay kaagad na rin nitong isinuot. Tsaka pa lang ako napanatag at hindi na mapagnanasahan ang makinis nitong katawan ng mga kalalakihang kasama namin, pati na rin ako.

“Sa susunod ’wag mo ng huhubarin ang damit mo sa harapan ng maraming tao.” ’di ko mapigilan na bulong kay dan.

“Anong masama sa ginawa ko?” kunut noong tanong nito pabulong.

“Maraming nakatingin sa’yo kanina. At sa paraan ng pagtitig nila sa’yo ay gusto ka nilang angkinin. Pero ako lang ang maaring gumawa nun sa’yo.” bulong na paliwanag kong sabi at hindi ko na napigilan lumabas ang pagiging possesive ko rito. Kita ko ang panlalaki ng mata ni dan sa narinig at ’di rin nakaligtas ang pamumula ng pisngi nito.

Daniel’s POV

“Maraming nakatingin sa’yo kanina. At sa paraan ng pagtitig nila sa’yo ay gusto ka nilang angkinin. Pero ako lang ang maaring gumawa nun sa’yo.”

Matapos marinig ’yon kay Jared ay nanlalaking mata akong napatingin sa kanya at alam kong namumula na rin ako. Pero ng maalala ang gabing huling sinabi nito sa akin matapos may mangyari sa amin ay ’di ko napigilan ang sumunod na ginawa ko.

“Pak!” umalingawngaw ang tunog ng pagkakasampal ko sa mukha ni Jared. Na ikinatahimik ng lahat. At bago pa may magtanong kung bakit ko iyon ginawa ay mabilis na akong umalis at umuwi na sa bahay nila Apu.

Jared’s POV

“Gago! Ano naman ang ginawa mo!” sisi ko sa sarili matapos akong sampalin ni Daniel. Alam kong nasobrahan ang mga nasabi ko sa kanya at ’di ko ito masisi lalo pa’t napaalala ko rito ang gabing may mangyari sa amin. Hindi ko lang talaga mapigil ang maging possesive sa kanya. Alam kong wala akong karapatan dahil wala namang kami, pero ng makita ko ang pagtitig na lahat sa kanyang katawan ay gusto kong malaman nito na sa akin lang siya. Sa nangyari, lalo nang mahihirapan ako sa pagsuyo ko para mapatawad ako nito.

Hindi naman nagtanong ang mga kasama namin kung bakit ako sinampal ni Dan. Isa pa sigurong dahilan dahil ’di naman ako kakilala ng mga ito. Pero kita ko ang pagtatanong sa mukha ng dalawang matanda at maging si Mikoy.

Nagpaalam kaagad si Mikoy kila apu para sundan si dan at sa sandaling ’yon ay gusto ko na rin puntahan si dan, na hindi ko nagawa dahil kay lolo Manuel.

“Ikaw ba ang dahilan sa biglaang pagdating ni Dandan sa amin.” sa paraan ng pagtatanong ni lolo ay nahihimigan kong hindi patanong ito, kungdi pagkukumpirma sa hinala nito. Tango lang ang naging sagot ko sa matanda.

“Mahal na mahal namin ’yang si Dandan, at dahil nag-iisang apo lang namin siya, sa nag-iisa rin naming anak. Bata pa’y napapansin ko na, na iba siya sa mga kagaya rin niyang batang lalaking kaedad niya. Alam mo ba kung anong ang hiniling n’yang bagay sa akin, isang beses bago ang kaarawan niya?” sa narinig ay napatingin ako kay lolo. At nagpatuloy ito sa pagkwento patungkol sa kabataan ni dan bago ko pa ito makilala.

“Kaya ang maipapayo ko lang sa’yo Red, apo. Kung talagang importante sa’yo ang nag-iisang apo ko. Gawin mo ang lahat para ’wag siyang mawala sa piling mo.” huling payo ni lolo Manuel at sabay na naming tinungo ang pauwi sa bahay.

Tama si lolo Manuel, kahit gaano pa katagal at kahirap bago ko makuha ang kapatawaran kay Daniel. Nakahanda ako, dahil mas hindi ko kakayanin ang mawala siya sa buhay ko.

P.M.B. Part 16

Daniel’s POV

Patuloy ang pag-iwas ko kay Jared matapos ang ginawa kong pagsampal rito. Sa hapunan ay hindi ko inimik ito at tanging ang mga boses nila apu ang naririnig ko sa buong hapunan.

Matapos ang hapunan ay nagpaalam ako kila apu na pumunta sa kwarto ko. Ilang minuto pa lang ang lumipas ng marinig ko ang sunud-sunud na katok sa pinto ng kwarto ko.

“Dandan si Mikoy ’to.” Nang makilala na si Mikoy lang pala ay kaagad kong binuksan ang pinto.

“Hindi ka pa bihis? ’Di ba may usapan tayong sabay na pumunta sa peryahan.” paala ni Mikoy sa usapan namin ng sundan ako nito kanina matapos kong umuwi sa bahay dahil kay Red.

“Oo nga pala, nakalimutan ko. Sandali magbibihis lang ako.”

Mabilis nga akong nagpalit ng damit at paglabas ko sa kwarto ay inaya ko na si Mikoy na naghihintay sa akin.

Jared’s POV

Narinig ko ang usapan ni Dan at Mikoy at bago pa lumabas sa pinto ang huli ay mabilis akong nagtago para hindi mahuli sa pakikinig ko sa usapan nila.

Nang makita ang paglabas nila sa bahay sakay ng motor ni Mikoy ay kaagad kong pinara ang motor na dumaraan at sinabihan na sundan ang pupuntahang peryahan ng dalawa.

Ilang minuto ang lumipas at tumigil nga ang dalawa sa nasabing peryahan, kaya naman pumara na rin ako sa sinakyan kong tricycle at nagbayad.

Maraming palaro ang bumungad sa akin pagpasok ko, pero hindi ko inalis ang paningin ko sa dalawa, na abala sa pagtingin sa ibat-ibang palaro at mga rides na naroon.

Sunud na nakita ko ay huminto ang dalawa sa isang basketball base na palaro, kung saan depende sa dami ng maishoo-shoot na bola ang magiging premyo sa kada laro mo. Lihim pa akong natawa ng maglaro si Dan, dahil sa sampu na bola isa lang ang nai-shoot nito, na ang kapalit na premyo ay isang kendi. Sunud ay si Mikoy naman ang naglaro at medyo magaling rin maglaro ang mokong dahil sa sampu ay nakapito ito na naishoot at kapalit naman nitong premyo ay isang key chain, na kaagad nitong ibinigay kay dan. At dahil lihim ang pagsunud ko sa dalawa, isang ideya ang pumasok sa isip ko ng makita ang tindahan ng mga maskara. Suot ang maskara ni Spiderman, na paborito rin superhero ni Dan ay tumabi ako sa dalawa at naglaro rin sa basketball base na laro. Gaya nila, sampung bola rin ang ibinigay sa akin ng nagbabantay ng laro at kita ko ang pagtingin sa akin ng dalawa, dahil na rin siguro sa suot kong maskara. Unang shoot ko sa bola ay pumasok ito hanggang sa ikasiyam nang walang mintis at dahil sa galing ng paglalaro ko ay maraming naroroon ang huminto at pinanood ako. Sa ikasampung bola ay sandali akong napatingin kay Daniel, na kita ko sa mata nito ang seryosong pagtitig na para bang kinikilala ako nito. At bago ko pa i-shoot ang ikahuling bola ay isang kindat ang pinakawalan ko kay dan. At ng binitawan ko ang bola ay gaya ng inaasahan ay pumasok ito. Kasunud noon ang mga palakpak na natanggap ko sa mga nanood sa paglalaro ko. At bilang premyo sa walang mintis na mga shoot ko ay isang malaking asong teddy bear ang nakuha ko. Kita ko ang pagsunud ng mga mata ni dan sa nakuha kong premyo na lihim kong ikinangiti.

Matapos maglaro ang dalawa sa mga palaro sa perya ay sa mga rides naman ang sunud na pinuntahan ng mga ito. Hawak ang malaking stuffed toy ay patuloy kong sinundan sila Dan at Mikoy.

Nang sumakay ang dalawa sa mga rides ay sumakay rin ako. Binabantayan ko ang mga kilos ng karibal ko at baka maungusan ako nito na pinakaayaw kong mangyari.

Ilang minuto pa ang lumipas matapos kumain ng dalawa sa isang food stall ay narinig kong nag-aya ng umuwi si Dan na kaagad naman sinunod ni Mikoy.

Gaya kanina sakay ng tricycle, nakasunod ako sa sasakyang tricycle nila Mikoy at dan. At bago pa makarating sa tapat ng bahay nila apu ay ipinahinto ko sa driver ang motor nito. Kita ko na umalis na rin si Mikoy pagbaba ni Dan. Kaya naman matapos kong magbayad sa driver ay mabilis na akong bumaba at sinundan na rin si dan sa bahay papasok.

Maingat ang ginawa kong pagsunud  at ng malaman na hindi sa kwarto dumiretso si dan ay mabilis kong inilagay ang malaking stuffed toy na napanalunan ko sa perya at isang note din ang kasama nito na galing sa bulsa ko na ginawa ko kanina pa matapos namin maghapunan.

Daniel’s POV

Isang malaking Dog stuffed toy ang bumungad pagpasok ko ng kwarto ko. At kaagad kong naalala ang lalaking naglaro ng basketball base game kanina sa peryahan na nakamaskara pa. At nang maalala na kagaya ng lalaking ’yon ay magaling rin maglaro si Jared ng basketball ay mabilis kong napagtanto na iisa lang ang katauhan ng dalawa. Sa naisip ay mabilis akong tumayo para sana isauli ito, pero bago ko pa iyon magawa ay may isang nalaglag na envelope na kasama nito.

Pagbukas sa envelope ay kaagad kong nakita ang sulat kamay ni Jared na kilalang-kilala ko at inumpisahan ko ng basahin ang sulat na gawa nito.

Daniel

 

   

Ilan taon na ba tayong magkakilala?

13 years kung hindi ako nagkakamali hindi ba? Sa tagal ng pagkakaibigan natin ay para ng kapatid ang turing ko sa’yo. Hindi ko nga kaya, na sa isang araw ay hindi tayo magkasama. Kaya naman madalas kitang biruin na bakit hindi mo na lang ligawan si Jen na kapatid ko nang sa ganun ay maging magbayaw tayo. At nasagot ang tanong kong iyon ng ipagtapat mo sa akin ang tunay mong pagkatao. Inaamin ko na mali ang mga nasabi ko sa’yo, matapos mong magtapat sa akin, pero alam ko na alam mo na ’di totoo ang mga ’yon. At pinatunayan ko naman dahil para sa akin ikaw parin ang dating kaibigan ko, anuman ang kasarian mo. Pero iba pala ang naging dating sa’yo ng lahat at namalayan ko na lang paglayo mo sa akin. Kaya naging dahilan ng pag-inom ko gabi-gabi dahil naiinis ako sa’yo, imbes na dapat ako ang palagi mong kasama, si Athur na ang madalas na kasama mo. At sa panahon na ’yon, tinanong ko ang sarili ko. Kung namimiss ba kita dahil sa matalik kitang kaibigan o higit pa ang nararamdaman ko dahil sa inis na makita kitang kasama si Arthur. At nangyari nga ang isang gabi na dahilan kung bakit ka umuwi sa probinsya. Alam mo ba paggising ko? Ikaw kaagad ang hinanap ko. Gusto kong magpaliwanag sa nangyari sa atin, pero pagdating ko sa inyo hindi na kita naabutan. Sa isang linggong hindi ko alam kung saan ka nagpunta ay kinakain ako ng konsyensya ko, sinisisi ko ang sarili sa dahilan ng paglayo mo ng walang paalam sa akin. At nang malaman ko na dito sa Tarlac ka umuwi, hindi ako nag-akasaya ng panahon na sundan ka para hingin ang kapatawaran mo. Pero alam kong hindi kaya ng isang sorry lang, para mapatawad mo ako. Kaya naman pinilit ko ang lumapit sa’yo pero kada paglapit na gawin ko’y siya namang paglayo mo. Kanina sa bukid ng maghubad ka ng suot mong damit, alam mo bang sa simple ginawa mong ’yon ay ang laking epekto nun sa akin. At hindi lang sa akin pati na rin sa iba pa natin kasama sa bukid, na labis kong ikinainis dahil ayokong may ibang makakakita sa katawan mo. Kaya hindi ko napigil ang sarili ko na sabihin sa’yo na ayaw kong makita

at pagpantasyahan

ng iba ang katawan mo

at

ako lang dapat ang

maaring gumawa nun sa’yo. Isang sampal nga ang natanggap ko galing sa’yo matapos kong sabihin ’yon. Alam kong naipaalala ng mga sinabi kong ’yon ang gabing may mangyari sa atin. Kaya dapat lang ang ginawa mo, kung tutuusin kulang pa ang sampal na ’yon sa sakit na idinulot ko. Kaya naman sa huling pagkakataon humihingi ako ng tawad sa ginawa ko sa’yo. ’Wag mong isipin na duwag ako at sa sulat ko idinaan ang paghingi ko ulit ng tawad. Alam ko, na alam mo na ilang beses kong sinubukan na makausap ka ulit ng harapan at hingin ulit ang kapatawaran mo. Kaya lang sa unang pagkakaton na magkausap tayo’y sinabi mo sa akin na hindi ka pa handa na patawarin mo ako at iginagalang ko ang kagustuhan mo. Bukas ay babalik na ako sa Maynila, pero sana sa huling pagkakataon ay magka

p

agusap tayong dalawa.

Umaasa, Jared

P.M.B. Last Part

Daniel’s POV

Matapos basahin ang sulat na gawa ni Jared ay ’di maalis sa isip ko ang mga laman ng sulat nito. Inaamin ko na, nabawasan na ang galit na nararamdaman ko para sa kanya, pero nanatili parin sa puso ko ang sakit sa mga salitang binitawan nito matapos may mangyari sa amin. Kung alam lang nito, na habang abala ito sa pag-angkin sa katawan ko’y kapalit nun ay umasa ako na matutumbasan niya ang matagal ko ng lihim na pagmamahal. Pero sa isang kisap-mata lang, gumuho ang pag-asa ko na masusuklian nito ang pag-ibig ko para rito. At sa narinig ngang mga salitang binitiwan nito’y parang sinaksak ang puso ko na ang tingin pala sa akin ng taong pinakamamahal ko ay isang parausan lang.

Sa isip ko, tama lang ang ginawa kong paglayo kay Jared para hindi na ako masaktan pa. Pero ang puso ko’y iba ang isinisigaw, nais nito na pagbigyan ang hinihingi ni Jared na makausap ako. Kaya naman sa pagtatalo ng puso’t isip ko’y hindi ko na alam kung anong oras ako dinalaw ng antok.

Paggising ko’y tunog ng cellphone ko ang bumungad sa akin. Pagtingin ko’y alas siete na ng umaga at si Arthur ang tumatawag.

“Hello Art.” bungad ko sa kabilang linya.

“Anong kasalanan pinagsasabi mo?”

“Ano? Bakit mo ginawa ’yon?”

“Oo nandito s’ya.” sagot ko kay Art .

“Shit! Ngayong araw din pala ang alis ni Red.” biglang pumasok sa isip ko.

“Tatawagan na lang ulit kita mamaya Art.” huling sabi ko sa sabilang linya.

Hindi pwede ’to, kailangan mahabol ko si Red.

Jared’s POV

Gaya nga ng nakalagay sa sulat na ibinigay ko ng palihim kasama ng stuffed toy sa kwarto ni Dan kagabi. Nakahanda na akong umalis pabalik ng Maynila. Nakapag-paalam na ako kina lolo’t lola at idinahilan na kailangan ko ng umalis dahil sa paglalaro ko ng basketball.

Matapos nga ang almusal kasabay ng dalawang matanda ay nagpaalam na ako. Sakay ng tricycle papunta ng Terminal ng bus ay inaalala ko ang mga nangyari sa pagsunud ko kay dan dito sa Tarlac. At ’di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa bigong mahingi ang kapatawaran nito. Tama lang siguro ang nangyari, kapalit ng mga nagawa ko kay dan. Ako naman ang may kasalanan ng lahat, kaya masakit man sa dibdib ay pinilit kong tanggapin at igalang ang pasya nito.

Pagdating sa terminal ay kaagad na akong sumakay sa bus na biyahe pabalik ng Maynila. Habang naghihintay sa iba pang pasahero ay bigla kong narinig na tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko rito ay ang pangalan ni Luke ang nakita kong tumatawag.

“Hello Luke, bakit ka napatawag?” bungad ko sa kabilang linya.

“Anong tungkol sa damit?”

“Ano?! Sino naman ang gagawa nun?”

“Sige, salamat at kaagad mong ipinaalam sa akin.”

“Sige, ibaba ko na ito.”

Sa mga narinig na sinabi ni Luke ay nabuhayan ako ng loob at mabilis na bumaba ng bus. Kailangan malaman ni Daniel ang mga nalaman ko.

Daniel’s POV

Matapos ibaba ang tawag ni Art ay mabilis akong naghilamos. Nagmamadali rin akong bumaba at hindi na makapaghintay na makita si Red.

Pagbaba ko’y kaagad kong hinanap sa kwarto si Jared pero ’di ko na ito nakita. Wala na rin ang bag na lalagyan nito ng mga gamit ng dumating ito.

Paglabas ko sa kwartong tinuluyan ni Jared ay si lolo kaagad ang nakita ko. Bago pa ako makapagtanong ng tungkol kay Jared ay ipinaalam ni lolo ang pag-alis nito kanina-kanilang.

Mabilis akong pumara ng tricycle at umaasa na maabutan ko pa ang paalis na si Jared. Atsaka ko naalala ang mga nangyari. Sa paraan kasi ng paghingi nito sa akin ng sorry sa nangyari, ay parang hindi nito alam ang mga huli nitong sinabi na dahilan ng paglayo ko sa kanya.

Ilang minuto pa nga ay nakarating na ako sa terminal ng bus at kaagad kong hinanap ang bus na biyaheng pabalik ng Manila.

Nang wala akong makita’y kaagad akong nagtanong sa nakita kong konduktor at ng ipaalam nito sa akin na nakaalis na ang bus na biyaheng Manila ay nanlalambot akong napaupo sa mga upuan na naroon.

Bigo man na makausap si Jared ay nagpasya akong bumalik na lang kina Apu.

“Daniel?” rinig kong tawag sa akin ng pamilyar na boses. At pagtingin ko nga sa pinanggalingan ng boses, bumungad sa’kin ang lalaking gusto kong habulin para makausap.

“Jared.”

Jared’s POV

Pagkababa ko ng bus ay hindi na ako makapaghintay na makausap si Daniel. Bago pa ako makapara ng tricycle pauwi sa bahay ng mga matanda, nahagip ng mga mata ko ang bilihan ng mga pasalubong, kaya naman naisipan ko muna ang bumili ng mga ito.

Matapos makabili ng buko pie na isa sa paborito ni dan ay naglakad na ako papunta sa sakayan ng tricycle. Saglit akong natigilan sa paglalakad ng makita ko ang pamilyar na mukha ng taong laman ng isip at puso ko sa mga nakalipas na mga araw.

“Daniel?” tawag ko rito.

“Jared.” sagot ni Dan at sunud kong namalayan ang pagyakap nito sa akin na ikinahulog ng hawak kong pasalubong.

“Hinabol mo ako.” ngiti kong sabi at yakap ko pabalik rito. Tango lang ang sinagot nito sa akin.

“May sasabihin ako sa’yo” “May ipagtatapat ako sa’yo.” sabay na sabi namin ni dan ng humiwalay kami sa yakap ng isat-isa.

“Sige, ikaw na ang mauna.” sabi ko kay dan.

“Wala ka bang naalala na mga sinabi mo sa akin, matapos may mangyari sa atin.” simula ni dan, na namula pa dahil sa sinabi.

“Wala.” kunut-noong sagot ko. “May sinabi ba ako?” tanong ko pa. Isang tango lang ang naging sagot ni dan.

“Ano ang mga nasabi ko.” seryoso kong tanong kay dan at tumingin ako sa mga mata nito. Nakita ko ang pag-ngilid ng luha sa mga mata ni dan bago pa ito magsalita.

“Sinabi mo sa akin na.. na…. na…” hindi na natuloy na sabihin ni dan ng yakapin ko ito dahil sa nakita kong pagbagsak ng mga luha nito.

“I’m sorry, kung anuman ang mga nasabi ko. Walang ibig sabihin ang mga ’yon.” hingi ko ng tawad sa nagpipigil na umiyak na si Dan.

“Kung hindi mo kayang sabihin ang mga ’yon ay okay lang sa akin.” dagdag ko pang sabi.

“Okay na ako, mas maganda na sabihin ko, para malaman mo kung bakit ako nagalit at nagawang lumayo sa’yo.” sagot ni dan. At nagpatuloy sa pagkukwento si Daniel sa mga nangyari.

“I’m sorry Dan. Kung gusto mo’y sapakin mo ako o kaya’y sampalin mo ’ko, basta kung anong makakapagpagaan sa loob mo. Napakalaki kong gago, I’m sorry, I’m sorry Dan.” paulit-ulit kong hingi sa kapatawaran ni Daniel, matapos kong malaman ang mga nasabi ko sa kanya nang gabi matapos may mangyari sa amin.

“Hindi na kailangan at pinapatawad na kita.” sagot ni dan sabay punas sa luha kong ’di ko alam na tumulo na pala.

“Hindi, masakit ang mga nagawa at mga nasabi ko sa’yo. Huwag mo muna akong patawarin. Hayaan mong bumawi muna ako sa’yo.” tanggi ko sa kapatawaran nito na kanina lang ay paulit-ulit kong hinihingi sa kanya.

“Red, sige kung ’yan ang gusto mo. Isa pa pala kaya kita hinabol ay may nalaman ako tungkol sa gabi bago ka makatulog.” sabi ni Daniel.

“Te-teka lang, ’yun din ang gusto kong sabihin sa’yo. Kaya ’di ako natuloy sa pag-alis.” sabi ko naman bago pa ipagpatuloy ni dan ang sasabihin nito. At ipinaalam namin dalawa ang mga nalaman ng isat-isa.

Gaya nga ng ipinaalam ni Luke ng tawagin ako nito kanina, nalaman ko na tama ang hinala ko na may hinalo sa nainum kong alak. At ang may kagagawan nito ay si Arthur na nalaman ko naman kay Dan. Nalaman ko rin na ang gamot na iyon kapag nainum ay magbibigay sa’yo ng malakas na sexual desire at hindi mawawala ang bisa ng gamot na iyon, kapag hindi mo nailalabas ang init na dulot nito. Sa narinig nga ay ’di na ako makapaghintay na makita si Arthur, para masuntok ang pagmumukha nito dahil sa nagawa. Na kaagad naman akong pinakiusapan ni Dan na huwag ng gawin. Nangako rin ito na pagbalik sa Maynila ay dalawa kaming kakausap kay Art, na ilang beses daw na humingi ng tawad kay Dan kanina ng makausap nito.

Ngayon nga sakay ng tricycle ay pauwi na kami ni Dan sa bahay ng mga matanda.

“Hindi ba Red sinabi mo kanina na gusto mong bumawi sa akin bago kita patawarin?” banggit ni dan na katabi ko sa loob ng tricycle. Bumaling ang tingin ko rito at tango lang ang naging sagot ko sa narinig.

“May tatlo akong hiling o gusto na dapat ay gawin o tuparin mo.” nangingiting sabi ni dan.

“Okay walang problema, ako ang magiging hot na genie mo and your wish is my command.” yabang ko rito. At ’di nakaligtas ang pamumula ng mukha nito sa sinabi ko.

“Binabawi ko na ang nasabi ko, puro ka naman kalokohan Red eh.” sabi ni dan sabay iwas ng tingin nito sa akin.

“Hindi nga, totoo ang sinabi ko Dan. Kahit anong gusto mo o hingin mo gagawin ko. Basta ’yung hindi imposible.” seryoso kong sabi na ikinatingin ni Dan.

“May suhestiyon ako sa una mong hiling. Nakahanda kong ibigay ang katawan ko sa’yo kahit kailan mo hingin.” pilyong asar ko rito.

At sa sinabi’y sunud-sunod hampas ang natanggap ko rito.

“Ewan ko sa’yo Jared, nakakainis ka talaga.” inis na sabi ni dan habang patuloy parin ito sa paghampas sa akin.

“Aray ko Dan masakit na, teka lang tsinatsansingan mo na ako eh.” asar ko pa lalo rito.

“Bwisit ka talaga Jared.” sabi ni dan at itinigil na ang paghampas nito sa akin. “Manong ihinto mo nga sa tabi at ibaba mo ’tong katabi ko.” baling ni Dan sa driver.

“Kuya ’wag, binibiro ka lang nito.” maagap kong sabi kay kuya na nagdadrive.

“Nakakatuwa kayong dalawa, para kayong magkasintahan.” komento naman ni kuyang driver.

“Hindi pa kuya, manliligaw pa lang.” at ang namumulang mukha ni Dan dahil sa sinabi ni kuyang driver ay lalo pang namula dahil sa mga sinabi ko.

Author’s Note:

This is the end of book 1.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.