Paano?!
fearlesspards · 8 chapters · 2,279 words
Last Chapter
I consider this as the last chapter since Grade 10 na ako and very soon ay gagraduate na ako. Last chapter na ’to ng Highschool Book ko since I consider my highschool life as a book and it is my 2nd book kasi ang first book ng buhay ko ay nung nasa gradeschool pa lang ako. Very soon din ay magsisimula na ung 3rd book ko which is college. Pero bago yun, kailangan ko munang gumawa ng maraming memories ngayon para maging makabuluhan itong last chapter ng buhay ko bilang isang highschool student.
Pero “Paano?!” ko gagawing memorable ’to kung hindi ko naman hawak ang kapalaran ko.
And it started
Back to school na, it just means na simula na rin ng 10 months naming taning sapagkat we will be graduating na after 10 months. Hindi ko naman iniisip ung 10 months na yun kasi hindi ko maeenjoy ang huling chapter ng buhay ko as a highschool student ’pag ganun. Sabi nga diba, “Hindi mo maeenjoy ang buhay mo kung matatakot ka sa kamatayan.” Hindi ko iniisip na kulang ang 10 months para gumawa ng marami pang memories kasama ang mga taong naging parte ng buhay ko sa loob ng napakaraming taon. Ang tanging iniisip ko lang ay punuin ang 10 buwan na iyon ng mga memories na hindi ko malilimutan at tanggapin na darating ung oras na magkakaiba na kami ng landas na tatahakin. “Paano?!” ko mapupuno ito ng memorable memories? Simple lang, trust God kasi He has plans for us ayaw man natin o gusto, iyon ang katotohanan na kailangan tanggapin. Ano nga ba ang “life”? “Life is not a reality we dream for. Hindi lahat ng bagay na gusto natin ay makukuha natin. Life is all about making good and right decisions, as well as accepting reality.”
New Set of Family
As usual, shinuffle na naman kami. So I belong sa section na St. Claire. 48 kami dun at almost half ay clasmmate ko nung Grade 9. Ung iba naman naging classmate ko na rin during lower years. Isa pa, close naman kaming magkakabatch kahit hindi magkakaclassmate. Hindi din naman nagiging hadlang ung pagkakaiba ng section sa unity namin.
Masaya ko sa naging section ko pero medyo sad kasi nahiwalay ako dun sa mga iba ko pang kaclose. Masaya kasi naging classmate ko ulit ung mga katropa ko nung 2nd year, sinadya ata ni Lord. Syempre that’s a good news pero may bad news din, hindi ko classmate ung mga katropa ko nung Grade 9. Another bad news ay hindi ko classmate ung crush ko na crush din ng karamihan ng katropa ko. At ang pinakamatindi, classmate ko ung naissue sa akin nung Grade 9 kami.
Dun pa lang, memorable na ang last chapter ng highschool life ko. “Paano?!” kaya ang magiging takbo ng buhay ko? Hay buhay, parang life.
Life Goes On
Ako nga pala si Enzo. Lalaki ako pero may something. Hindi ako gay. Pagdating ng panahon, alam kong babae ang papakasalan at mamahalin ko pero sa ngayon, parang okay lang sakin na maattract sa kapwa lalaki. Sinapian rin siguro ako ng konting pagkabisexual pero sa school lang. Halos mga babae katropa ko at bi ung ibang lalaki. Bi with a class unlike others. Mapride eh since nag-aaral kami sa mamahaling school kaya hindi mawawala ung class at hindi rin ako papayag na mapag-iwanan. Ayokong magmukhang katulong kaya makikipagsabayan din ako. Isa pa, kung mahirap ka ay kawawa ka. Baka wala kang maging katropa.
Halos wala naman kaming ginagawa since first days pa lang kaya wala pang discussions.
Akala ko tuluyan ng mawawala friendship namin ni Chad kasi hindi na kami classmates. Siya ung crush ko kahit alam kong walang pag-asa. Halos lahat ng katropa ko naging crush siya, eh kung sila nga na babae hindi nagkachance, ako pa kaya? Oops, nagkasomething nga pala sila ng bestfriend kong si Daniella. Tumutulong pa nga ako sa lovestory nila kahit masakit eh. Pero hindi din naman tumagal. Hindi naman super gwapo si Chad, ma-appeal siya at malakas ang appeal niya. Lagi ko siyang nakakaaway nung Grade 9 kami, madalas kasi kaming magharutan at mag-asaran kaya minsan nagtatampo ako at minsan naman ay siya, feeling ko tuloy kami. Assuming overload. Kahit hindi na kami classmates, madalas naman kaming nagkakatext. Pag naggGM ako, nagpPM siya. Assuming again.
Mas napadalas ang pagkakatext namin. Madalas naman kaming magkatext noon pero dahil iyon sa bestfriend kong si Daniella. Ayaw kong mag-assume kasi ayaw kong madissappoint. Masarap sa feeling tuwing katext ko siya. Hindi nakakasawa kahit minsan paulit-ulit lang ung topics. Masaya ko at sana magtuloy-tuloy. Hindi man tulad nung gusto ko, ayos lang atleast may oras siya for me.
Gala Mode On
It was Saturday and all Grade 10 students are required to go to school. Orientation about sa activity namin. Activity na isa ring requirement para makagraduate kami. Half day lang naman ’yon kaya naisipan namin gumala.
Pumunta kami sa bahay nina Maris (classmate, katropa, at kapatid-kapatidan ko), malayo sa school at mas malayo sa bahay namin pero okay lang since ieenjoy lang namin ung mga araw na hindi pa busy.
Nagkwentuhan kami (6 kami sa tropa at 4 dun ay babae). Nag-open kami sa isa’t-isa. At ang kwento ni Mico (99% pamintang durog siya pero sa puso lang at hindi sa panlabas na anyo) ang ikinabigla namin, breaking news ganon.
Ang kinuwento niya ay tungkol kay Dave (may pagkabi din pero ayaw umamin, katropa rin namin dati). Pinabasa niya samin ung convo nila. Convo nila through facebook since Dave is in Malaysia pa at bukas na ang uwi. Nakakabigla ung convo kasi umamin na si Dave kay Mico na type nito si Chad. Nabigla kaming lahat lalo na si Daniella since magbestfriend din sila. Ayos lang kay Daniella na may gusto si Dave kay Chad, ang hindi niya lang matanggap ay hindi kinuwento ni Dave iyon kay Daniella. Ako naman ay nabigla din kasi may karibal na naman ako. Hindi lang ako nagpahalata kasi ayaw kong malaman nilang gusto ko si Chad, denial pa rin ako tuwing tatanungin ako kung bi ako eh. Sina Rachel (katropa rin namin) naman ay nabigla din kasi naniwala sila kay Dave na lalaki ito at babae ang gusto). Sinabi ni Mico sa amin na pang-apat siya sa mga sinabihan ni Dave ng sikreto nito. Ang naunang tatlo ay wala sa tropa namin. Dalawa doon ay babae at ang isa ay bi din.
Revelation
Umaga pa lang ay magkatext na kami ni Chad. Maya-maya ay may nagGM, si Dave iyon at nandito na siya sa Pilipinas. Mas nagfocus muna ko kay Dave kasi gusto kong sa kanya mismo manggaling ung mga nalaman ko galing kay Mico.
So tinext ko siya welcoming his back at nagreply din naman agad siya. Kung anu-anong topic nung una hanggang sa tinanong ko kung saang section niya gusto. Sinabi niya na sa St. Agatha niya gusto with kilig emoticons. So tinanong ko siya kung dahil ba nandoon ung crush niya at sumagot siya ng oo. Tinanong ko sa kanya kung sino pero sabi niya bukas daw niya sasabihin para personal. Pinilit ko siya pero bukas na lang daw talaga kaya’t hindi na ako nagpumilit pa. Pero dahil biniyayaan ako ng talino, ginamit ko na rin. Tinanong ko siya kung sino ang katext niya dahil alam kong pagkasagot niya ay ibabalik niya sa akin ung tanong since that’s how text conversation goes. At ganun nga ang nangyari at ang naging sagot ko lang ay siya at si Chad lang ang katext ko. Totoo naman na sila lang ang katext ko kaya’t iyon ang ginamit ko para mapunta ang topic namin kay Chad. Ang sunod niyang reply sa akin ay sasabihin na daw niya kung sino ang crush niya. Tinanong ko kung sino at sinabi niya na hindi na daw pala niya crush kasi mahal na niya at si Chad daw ’yon.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi akin si Chad kaya wala akong magagawa kung maging close sila. Ang sunod ko namang reply kay Chad ay itext niya si Dave. Nagreply naman ito na wala daw siyang sasabihin kay Dave. So tinanong ko siya kung may sasabihin ba siya sa akin. Wala naman daw. Medyo natuwa ako kasi feeling ko mas special ako kay Dave para sa kanya. Sinabi ko na iwelcome niya lang si Dave. Ginawa nga niya pero hindi naman nagtagal ung convo nila. Ito namang si Dave, tuwang-tuwa na nagkukwento sakin thru text na tinext siya ni Chad. Pasalamat siya sa akin.
Pero “Paano?!” feelings ko? Magsasacrifice ba ako para sa kaibigan ko? Crush na nga lang eh, may kahati pa rin? Yung totoo?!
Seat Plan
Ung seat plan namin na officer ang nag-aayos, pinagtripan! Pinagtabi nila ung mga pwedeng asarin, gawan ng loveteam at may past. Tinabi nila ako kay Vergel. Straight siya pero nalink kami sa isa’t-isa. Kinalat niya kasi na nagkasomething kami nung Grade 6, trip niya lang yun at nabuhay ung trip na yun nung Grade 9 kami mga 2 months before the end of the school year. Pinagtripan kami at nakiride siya, kaya nakiride na rin ako. Bawal kasi ang KJ sa amin eh. Para sa amin wala lang yon pati na rin sa iba. Pero hindi natin maiiwasan na halungkatin nila ang ating nakaraan. Akala ko everything will be alright sa aming dalawa, nagkaroon tuloy ng awkwardness lalo na sa part ko.
Nakakabaliw pag malakas trip ng mga kabarkada eh. At mas nakakabaliw kapag ako ang napagtitripan.
Lunch time ’yon. Absent si Rachel so 5 lang kami. Si Janella may dalang lunch kaso kasama niya si Jam (boyfriend niya at kabatch namin), nandun sila sa table for 3 persons. May usapan kasi kami kung kailan magdadala ng lunch, kaso sina Mico, Daniella at Maris, hindi nagdala ng lunch. Ayaw ko naman kumain sa table nina Janella, panira ng moment eh. Nasa kiosk kami non at ayaw nila (ung 3) ng ulam sa kiosk kaya gusto nilang bumili ng snacks and drinks sa main canteen. Habang nakain ako, sa table na for 3 persons din, lumapit sa akin ung 3 at natawa. Nagtaka ako, maya-maya ay lumapit si Chad. Sinabi sa akin nung 3 na kinausap na nila si Chad na samahan muna ko habang nabili sila since siya ung nakita nung 3. Kahit papaano nakatulong ung pangtitrip nung tatlo sa akin. Naging tama ung taong pinili nila. Destiny ganon? Masaya ako pero pakipot ako eh. Isa pa, nandun si Dave. So ang ginawa ko, lumipat ako sa table nina Janella at alam kong hindi na ko susundan ni Chad. Pero nagkamali ako. Wala nga siyang uupuan since 3 lang ung upuan pero medyo mahaba ung upuan para sa isang tao lang. Tumabi sa akin si Chad, as in magkatabi kami sa iisang upuan. Mas lalo akong sumaya kaso hindi ko mailabas. Since maloko din si Jam, sinabi niya na double date daw ’yon. Ang saya, super!
Hanggang sa bumalik na ung 3 kong katropa at tapos na ring kumain sa kiosk ung mga katropa ni Chad. Umalis kami sa kiosk together. As in together talaga kasi nung moment na ’yon, parang nagcombined ung tropa namin at hindi naman awkward pagdating sa topics kasi magkakaibigan na kami dati pa at halos naging magkakaklase na kami. Napakasaya nung araw na ’yon. Araw na ayaw ko ng matapos. Pero hindi ganun ang buhay eh.
Stripes
Akala ko yun na ung start of something new. Oo yun nga pero the another way around. Akala ko mas mapapadalas na ung pagsasama namin pero hindi eh. Hindi na kami nagkakatext at hindi na rin kami nagkakausap in person.
Saturday na naman at may pasok kami dahil nga dun sa activity for us. Nakakatamad pero kailangan eh. Isa pa, another way yun para makasama ko si Chad since lahat ng Grade 10 nandun. Gusto kong makita man lang mga ginagawa niya kasama mga classmates niya lalo na si Dave dahil magkaklase sila.
Malayo kami ni Chad sa isa’t-isa samantalang malapit sila ni Dave sa isa’t-isa. Ang sakit sa heart kasi naman kailan lang magkatabi kami tapos ngayon hindi man lang kami magkausap. Pinakilig niya ko ng isang araw tapos wala ng kasunod. Ayaw kong magdrama kasi parang ayos lang siya kahit hindi kami mag-usap. Kaya mas pinili kong maging matapang. Hindi rin ako nagpaapekto kasi ayaw ko ring magpatalo. Mapride ako kaya kung kaya niya na hindi ako kausapin, kaya ko rin. Hindi ako bitter, naaasar lang ako. Maybe naaasar ako kasi hindi nangyari ung mga gusto kong mangyari. Nakakahinayang din kasi.
Sa point na ’yon, para bang sumuko na ako. Kaso itong si Daniella, tinanong ako kung bakit pareho kami ni Chad na nakastripes. Dun ko lang narealize na pareho kaming nakastripes. Kakasabi ko lang na ayaw ko na pero ito namang si destiny nanggugulo. Binigyan pa ako ng reason kung bakit dapat akong umasang muli.
It was Monday, tinanong ako ni Cris kung bakit kami parehong nakstripes ni Chad nung Saturday. Si Cris ay classmate ko rin at ang pinakabisexual. Siya ang unang sinabihan ni Dave ng feelings nito for Chad kaya alam ko na nag-open si Dave dito about sa amin ni Chad. Sinagot ko si Cris na hindi ko alam na pareho kaming nakastripes. Yun ung sinagot ko para hindi halatang tinitingnan ko si Chad.
Dun ko naalala ulit ang feelings ni Dave para kay Chad. Naisip ko na baka ako na ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Ayaw ko ng ganon pero paano naman ako. Wala namang kami ni Chad eh, so pati friendship namin isasacrifice ko? Maybe yes para iwas gulo. Buti na lang magkaiba kami ng section, mas mapapadali sa akin na huwag kausapin si Chad. Isa pa, tumutulong na rin ata ang destiny para paghiwalayin kami. Ayaw kong sumuko pero wala naman kasing dapat ipaglaban.

