Padrasto: Makamundo
KingBL14 · 16 chapters · 24,727 words
Chapter 1
Bahagya kong iginalaw ang ulo at nagising mula sa mahimbing na tulog nang marinig ang tilaok ng manok sa labas. Inaantok man ay marahan kong iminulat ang mga mata ko, at napansin sa binata ng kuwarto na madilim pa rin.
Ganito talaga rito sa maliit na isla ng Santa Catalina, madaling araw pa lang, ay tumitilaok na ang mga manok na tila nagsisilbing alarm clock na ng iilang mga residente, lalo na ang mga mangingisda.
Ako nga pala si Minandro Bautista, Mi ang tawag sa akin ng mga nakakakilala sa aki. 19 years old at graduate ng 2 years associate course na IT sa isang community college sa bayan, which is 45 minutes ang layo mula rito sa bahay namin.
Amelia ang pangalan ng mama mo, isa itong bar entertainer sa maynila at nadali ng isang naging customer na hindi na nito matandaan kung sino. Kaya naman ipinagbuntis at isinilang niya ako na walang nakakakilala sa tatay ko. Maging ako ay hindi ko alam kung sino at nasaan ito.
Pagkasilang sa akin ni mama, ilang linggo lang ay iniwan na niya ako sa pangangalaga ng nakatatanda niyang kapatid, si tita Carmella at ang asawa nitong si tito Dino, para bumalik ito ng manila at ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa bar. Bale baby pa lang ako, ay sina tita Carmella at tito Dino na ang nag-alaga at nagpalaki sa akin.
Baog si tita Carmella kaya wala silang anak ni tito Dino. Kaya naman tuwang tuwa sila noong iniwan nga ako sa kanila ni mama, at itinuring nila ako na parang totoong anak nila. Hindi marangya ang buhay nila, lalo na't mangingisda ang kabuhayan ni tito Dino, at ang mga nahuhuli ay itinitinda nila sa palengke. Madalas ay may mga pagkakataon na wala halos huli si tito... pero pinilit nilang gawin ang makakaya para mapalaki ako ng maayos at mapag-aral.
Si mama... well, sobrang bihira kung magpadala ito at hindi pa ganun kalaki. Hindi sapat sa kahit na saang anggulo titignan. Pero hindi kailanman nagreklamo sina tito ay tita. Basta ay ginawa nila ang makakaya nila, para hindi ko maramdaman na pabigat ako... minahal nila ako na parang nanggaling talaga sa kanila.
Gaya nang sinabi ko ay nakatapos ako ng 2 years associate course dahil na rin sa tulong nina tito Dino at tita Carmella. Ang kaso, hindi ko na naituloy pang tapusin para sana makakuha ng bachelor's degree, kasi ay biglang nagkaroon ng sakit si tita.
Nagsimula ito noong napansin namin na bumibilis siyang mapagod at madalas ay nahihirapan sa panghinga. At nung pina-checkup namin siya, saka namin nalaman na may maliit itong butas sa puso. Sabi ng doctor, baka matagal na daw ito, normally noong bata pa siya at hindi lang gaanong problema noon. Pero kalaunan dahil nga tumatanda na siya, ay saka ito naging problema.
Kaya gusto man sana nila akong patapusin sa kolehiyo, ay mas pinili ko na rin na tumigil at tumulong na lang sa kanila. Kasi alam ko na mas kailangan namin ng pera para sa maintenance meds ni tita.
Iyong community college sa bayan na sinasabi ko, ay hanggang 2 years lang talaga ang mga offer. At nasa 45 minutes na ang layo nun sa amin. Puwede kong ituloy sana ang 3rd at 4th year sa kabilang bayan, pero almost 2 hours naman ang biyahe papunta pa lang. Kaya sobrang hassle na.
Kaya naman sa madaling araw, normally alas tres o alas kuwatro, ay magigising na ako para maghanda ng kape o kahit anong puwedeng agahan para sa amin. Tapos ay sasama ako kay tito Dino na pumalaot at mangisda. Pagkabalik naman namin mga bandang alas cinco o alas sais ng umaga, ay itatakbo agad namin sa palengke ang mga huli para itinda. Kung hindi naman ay ibebenta namin ng mas mura sa mga mangingisdang hindi pumalaot, o ibang kapitbahay na may puwesto sa palengke, para hindi na kami mapagod at mapalayo pa kasi nga ay nasa 40 plus minutes ang biyahe at layo.
50 years old na si tito Dino, pero dala marahil ng mabigat na trabaho ng pangingisda, ay batak pa rin ang katawan nito. 45 years old naman si tita Amelia, at 42 years old si mama.
Agad akong nag-unat ng katawan bago umupo sa papag sa kuwarto ko na may manipis na kutson, tapos ay nakangiti akong bumangon na at lumapit sa bintana para ipitin ang kurtina at papasukin ang malamig na hangin mula sa labas. Rinig na rinig ko nga ang hampas ng alon sa dalampasigan, na sobrang gaan at sarap sa pakiramdam. Dito ako sa isla lumaki buong buhay ko, at nagka-isip, pero namamangha pa rin ako madalas.
Kahit pa medyo liblib ang isla namin, ay hindi naman ito gaya ng iba na laging madilim, o walang signal, o kung ano pang iniisip agad ng iba kapag sinabing liblib na. Kasi ay may mga linya na rin naman dito. Kaya kahit pa hindi karamihan ang nakatira dito sa isla at kahit pa mahirap ang buhay, ay medyo kumportable naman at kuntento ang karamihan.
Gaya ko, kuntento na ako sa buhay ko rito. May smart phone ako na nagagamit kapag naiinip ako, may TV kami na source of entertainment although hindi kami naka-cable. May kuryente at ilaw... pero wala kaming gripo. Okay lang naman iyon, mas okay naman kasi sa amin ang poso.
Hindi rin kalakihan ang bahay. Ang kalahati nito ay gawa sa bato, siguro hanggang bewang namin, tapos mula doon pataas, ay gawa naman sa kawayan at sawali. Pero ang bubong ay gawa naman sa yero. May dalawang kuwarto ang bahay, isa para sa akin, at isa para kina tito at tita. Ang kusina at sala naman ay walang dibisyon.
May isang banyo rin, na nasa labas ng bahay. Hindi naman malayo kasi kadikit lang ito ng mismong bahay, pero kailangan mong lumabas pa at dumaan sa backdoor na nasa kusina para lang makapunta doon, at nandoon din ang poso kung saan kami kumukuha ng tubig na panligo, paglinis ng kung ano-ano, at naiinom na rin.
Pagkalabas naman ng mismong bahay ay unang bubungad sa 'yo ang kahabaan ng dagat na sobrang gandang tignan. Sa harap ng bahay ay maraming mga halaman at puno ng niyog.
Medyo malayo ang agwat ng mga bahay, at may mga halaman na pagitan sa bawat lote. Sa likod naman ng bahay ay marami ring mga puno gaya ng mangga, bayabas, chesa, atis at kung ano-ano pa. Tapos ay may mga tanim pang gulay sina tito at tita. Kaya masasabi ko na maayos ang buhay namin dito. Hindi madali, pero hindi naman kami nagugutom kahit pa madalas wala kaming pera. Kasi may dagat na mapagkukuhanan ng isda basta madiskarte ka, at may mga tanim ng gulay at prutas sa likod ng bahay na puwedeng pitasin.
Halos lahat ng mga kabahayan dito sa isla ay ganito. May mga sariling tanim. Kaya walang nagnanakaw ng bunga ng may bunga, at kung wala mang bunga ang sa kanila ay maayos silang nanghihingi, na minsan ay pinapalitan pa nila ng isda, o karne ng baboy o manok. Ganun ang mga tao rito sa isla.
Malalayo man ang agwat ng bahay, at hindi man madalas magkausap ang mga tao, ay nagkakasundo naman ang halos lahat at nagtutulungan.
Pagkatapos kong mag-unat ng katawan at nang medyo nagising na ang diwa ko, ay tinignan ko ang cellphone ko at nakitang saktong alas tres pa lang ng madaling araw. Tipid naman akong ngumiti bago naglakad palabas para sana makapag-init na ng tubig para sa kape, at makapaghanda na rin ng agahan.
Bago iyon ay dumiretso muna ako palabas ng backdoor para sana umihi sa banyo. Ang una kong inisip ay natutulog pa si tito Dino, kasi ay madilim pa sa kusina at nakapatay pa ang ilaw. Kaya naman ako na ang nagbukas nun.
At pagkalabas ko sa backdoor, saktong pagkatulak ko sa pinto ng banyo pabukas ay laking gulat ko nang makita si tito doon... nakaupo sa inidoro at pinaglalaruan ang hindi dapat.
(The scene is removed to avoid the story from being reported. Pero sa original story po, ay detalyado ang bawat scenes. Salamat po!)
Chapter 2
Maging si tito ay parang nagulat nang makita ako. Kaya naman dali-dali nitong itinaas ang suot na shorts at ibinaba ang sandong bahagyang nakataas.
"Hala, tito! Sorry po!" gulat na gulat na saad ko at nagmamadali pang isinara ang pinto.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang maglakad pabalik sa kusina. Pagkaraan ng ilang minuto ay naglakad na papasok si tito Dino na pawis na pawis at mukhang nahihiya pa.
"Pasensiya na..." aniya at napakamot pa sa batok.
"Pasensiya na rin po..." saad ko naman.
Agad akong nag-iwas ng tingin at dinaanan ko siya, para ako naman ang makapasok sa banyo. Hindi ko alam kung bakit... para akong nakaramdam bigla ng kakaibang init sa nasaksihan. Pero mabilis akong umiling para iwaksi sa isip ko ang bagay na iyon dahil alam kong mali.
Hindi ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito. Pero ginagawa ko ang makakaya ko para hindi mabigyan ng pansin ang kakatwang pakiramdam, kasi nga kahit saang anggulo titignan ay alam kong mali.
Pagkatapos kong gumamit ng banyo ay naglakad na ako pabalik sa loob. Medyo naiilang pa rin, lalo na nang makita ko si tito Dino na pinapa-apuyan na ng kahoy iyong kalang-uling namin.
"Uhm, mag-iinit na po ako ng tubig para makapag-kape na kayo. Tapos magluluto na lang po ako ng sinangag tutal may natirang kaning lamig kagabi, at mapiprito po ako ng daing na bangus," mababa ang boses na wika ko.
Pinipilit na gawing normal lang ang lahat, kahit pa ang totoo ay naglalaro sa isip ko ang nakita kong ginagawa ni tito sa banyo. Pinipilit ko lang talagang iwaksi iyon sa isip ko kahit pa mahirap.
"Sige lang..." ani tito at pilit pang ngumiti.
Kaya naman kinuha ko na iyong takure namin at lalagyan sana ng tubig sa labas, nang napatingin kami sa pinto ng kuwarto nila nang makita si tita na dahan-dahang naglalakad palabas doon.
"Oh, bakit bumangon ka na? Maaga pa. Ang mabuti pa matulog ka pa," ani tito kay tita Carmella.
Agad akong nakaramdam ng awa nang makita na sobrang laki ng ipinayat ni tita. Pero madalas, pinipilit pa rin niyang kumilos kasi halata na ayaw niyang maging pabigat at gusto niyang makatulong pa rin sa kabila ng karamdaman niya. Hindi naman siya magiging pabigat sa amin kahit na kailan.
"May maitutulong ba ako?" nakangiting tanong nito.
"Tita, magpahinga pa po kayo. Masyado pang maaga. Kaya na po namin ni tito rito. Mayamaya lang, aalis na po kami at papalaot!" saad ko.
Mula noong magkasakit siya, ganito ang naging cycle namin. Maaga akong gigising, maghahanda ng agahan para sa amin tapos aalis kami ni tito para pumalaot at mangisda. Para kapag nagising si tita ng bandang alas sais, o basta kapag nagising siya, ay may agahan na siya at makakain para maka-inom ng gamot kasi nga nagme-maintenance siya para sa karamdaman niya.
"Sigurado ba kayo? Ako ay nahihiya na sa inyo kasi ay lagi niyo na lang akong inaasikaso. Kaya ko pa naman, eh. Hindi naman ako baldado," aniya kaya mahina akong natawa.
"Sus, si tita umagang-umaga nagda-drama! Gusto lang po namin na magpahinga kayo, kasi kailangan niyong lumakas at gumaling agad. Kapag magaling na kayo, saka niyo na kami ulit alagaan ni tito. Sa ngayon, kami po muna. Ganun po ang pamilya hindi ba?" saad ko na nagpangiti sa kanya.
"Siya kung ganun... maiiwan ko na kayo rito at matutulog ako ulit," aniya kaya nakangiti akong tumango.
Agad ko naman nang nilagyan ng tubig ang takure at isinalang na iyon sa kalan-uling. Kalan-uling iyon pero hindi uling ang gamit namin. Mga kahit na mula sa likod na sinisibak ni tito. Mas matagal kasi ang apoy, at tipid pa.
Nang kumulo na ang mainit na tubig ay ipinagtimpla ko na agad ng kape si tito. Tapos ay nagtimpla ako ng isa pa na inilulan ko sa tumbler, para baunin namin. Medyo matakaw kasi sa kape si tito eh. Tapos ay nagprito na ako ng daing na bangus at nagsangag.
Agad kong itinabi sa mesa ang agahan ni tita gaya nang dati, tapos iyong sa amin naman ni tito ay inilulan ko na sa isang tupperware.
"Halika na?" mababa ang boses na tanong niya sa akin nang makitang natapos na ako, kaya marahan akong tumango. "Magbihis ka na rin. Hahalik lang ako sa tita mo at magpapaalam," aniya tapos ay tumayo na at naglakad papasok sa kuwarto nila.
Ako naman ay pumasok na rin sa kuwarto ko at nagsuot ng jogging pants at long sleeve. Kapag kasi ganitong madaling araw ay malamig masyado hanggang mamayang alas sais kahit sikat na ang araw ay malamig. Ganito rin ang suot namin kapag pumapalaot kami ng tanghali, pangontra naman sa init.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ulit. Mayamaya pa ay lumabas na ulit ito, at sabay na kaming naglakad palabas.
Agad namang kinuha ni tito ang lamabat na inilalagay lang niya sa may terasa namin. Ako naman ay bitbit ang plastic bag na may tupperware na agahan namin at tumbler nga na may lamang kape. Tapos ay sabay na kaming naglakad papuntang dalampasigan.
Medyo malaki ang bangka ni tito. Para itong mga pampasaherong bangka na nakikita sa TV. Kasya siguro ang 20 na katao basta nakaupo lang ang lahat. Pero literal na pang mangingisda ito. Parang may secret room kasi sa baba na hindi kalakihan, hindi ko alam kung amo ang tawag, pero doon inilalagay ang mga huling isda. Bukod pa doon, ay may bubong din ito. May ilaw na kulay dilaw ang liwanag, na siyang nagsisilbing liwanag namin kapag ganitong madaling araw at madilim kami pumapalaot.
Nang makarating na sa bangka ay inalalayan na ako ni tito pasampa doon. Pagkasampa ko ay ako na ang nagbukas ng ilaw, tapos ay itinulak naman na niya ang bangka, bago siya sumampa rin doon na walang hirap. Nang nakasakay na rin siya ay saka niya binuhay ang motor ng bangka at umalis na nga kami. Ako naman ay inilagay sa isang gilid ang plastic bag na naglalaman ng pagkain namin at umupo na.
Nung mga naunang minuto ay sobrang tahimik lang namin ni tito Dino. Which is nakakapanibago, kasi nga dati ay nagkukuwentuhan kami lagi kahit na tungkol saang bagay lang. Hindi ko alam kung dahil ba iniisip niya iyong nakita ko kanina... kasi ako aminado ako na iyon pa rin ang nasa isip ko kaya medyo tahimik ako.
Pagkaraan ng halos 20 minutes na biyahe ng bangka, nang malayo na kami at nasa gitna ng karagatan ay pinatay na ni tito Dino ang makina kaya huminto ang bangka. Tapos ay tumayo na siya at inayos ang lambat. Hindi naman ako nagdalawang isip na tumayo na rin para tulungan siya.
Kahit pa medyo kinakabahan ako sa paggalaw ng bangka sa bawat kilos namin. Hindi ko talaga alam kung kailan ako masasanay sa ganito. Marunong naman akong lumangoy, pero nakakatakot pa rin kasi ang dagat. Hindi biro ang ganitong trabaho.
"Pasensiya ka na nga pala ulit sa nakita mo kanina, ha?" mababa ang boses na paninimula ni tito habang magkatulong namin inaayos ang lambat. "Mukhang naiilang ka kasi dahil doon kaya tahimik ka, kaya pasensiya na..." aniya.
"Naku tito, hindi po. Wala po iyon..." sagot ko naman.
"Alam mo kasi, mula nang magkasakit ang tita mo, hindi na puwede sa amin ang... alam mo na. At bilang lalaki ka rin, alam mong naiintindihan mo na may mga pangangailangan ako, hindi ba? Kaya madalas wala akong magawa kung hindi... ang ganun na nga lang," paliwanag pa niya, kaya pilit akong ngumiti bago marahang tumango kahit pa ang totoo ay naiilang ako sa ganitong topic.
Naiilang pero... parang may kung anong init din ang namumuo sa loob.
Hindi ako straight na lalaki. Alam ko iyon mula pagkabata pa. Mas attracted kasi ako sa mga lalaki. Pero hindi naman ako iyong tipo ng binabae na babae na kung manamit, hindi rin ganun kalamya at hindi malambot ang boses. Hindi ko rin kailanman sinabi kahit na kanino ang tungkol sa kasarian ko... at wala rin namang nagtatanong. Kahit sina tito at tita pa, hindi ako kailanman tinanong. Although feeling ko kung minsan, alam nila at hindi lang nila sinasabi. Na para bang hinihintay nila na ako ang mag-open up.
Pero wala naman akong lakas ng loob na sabihin iyon kasi nga ay nahihiya ako. Guwapo si tito Dino sa totoo lang. Maraming beses na akong nakaramdam ng kakaiba para sa kanya... bagay na pilit kong pinipigilan. Kamukha ni tito Dino ang actor na si Adrian Louis Alandy. Sa edad niyang singkwenta ay masasabi at makikita mong matikas at matipuno pa rin ang pangangatawan niya. Siguro ay mas morenong bersiyon si tito ng nasabing aktor dahil nga sa trabaho nito, at mas matangkad at mas may maganda siyang katawan dito.
Ako naman... well, 5'5 ang tangkad ko. Hindi naman pandak, pero hindi rin matangkad kumpara sa iba. Sakto lang kumbaga. Medyo payat, tapos ay maputla ang balat. Nakuha ko ang kulay ni mama. Kahit pa matagal akong naaarawan, ay mamumula lang ang balat ko pero hindi umiitim talaga. Kung medyo iitim man, ilang araw lang na nagkukulong sa bahay ay bumabalik din agad sa dating kulay.
At dahil wala namang ibang mapaglibangan dito sa isla, kapag hindi kami pumapalaot ay nasa bahay lang ako lagi.
Kapag marami kaming huli, ang iba doon ay naibebenta na namin sa mga kapitbahay na may puwesto rin sa palengke. Iyong mga natira, iyon ang itinitinda namin sa palengke. Kapag may mga hindi nabenta, ay ginagawa naming daing at tinapa na naibebenta rin namin. Minsan naman ay kami ang kumakain.
Hindi ganun kalaki ang kita sa ganito sa totoo lang, pero nakakapagtabi naman kami ng para sa budget sa bahay, pambayad sa kuryente buwanan, at pambili na rin ng mga gamot ni tita. Iyong konting natitira ay iniipon pang-emergency. Binibigyan naman nila ako ng pera, pero madalas ay ayaw kong tanggapin. Kapag namimilit sila, itinatabi ko na lang at inilalabas kapag kailangan namin.
Bukod kasi sa nahihiya ako sa kanila, ay masyado nang malaki at marami ang nagawa nila para sa akin.
Nang maayos na namin ni tito ang lambat, ay inihagis na niya iyon sa dagat tapos ay naghintay kami ng ilang minuto. Tapos ay inayos na rin namin ang isa pang lambat, at inihagis naman sa kabilang side ng bangka at naghintay din ng ilang minuto.
Mayamaya pa ay hinila na ni tito ang lambat, at dahil medyo mabigat iyon ay tinulungan ko siya. May mga nahuli naman kaming isda at ilang mga pusit, iyong mga maliliit pa ay ibinalik namin sa dagat, at iyong mga puwede na ay ipinasok na sa parang pinaka-compartment ng bangka.
Ganun ang ginawa namin sa mga naunang oras. Nang bandang alas cinco na ay nagpasya kami ni tito na magpahinga muna saglit at kumain ng baon naming agahan. Nagsimula na uli kaming magkwentuhan ni tito na para nang natunaw at nawala na ang ilang na nararamdaman namin kanina.
Pagkatapos kumain at uminom ng kape ay nagpahinga lang kami saglit, bago bumalik ulit sa pangingisda.
Mga saktong alas sais ata iyon nang makabalik kami sa pampang. Hindi pa nga kami nakakababa ay marami nang kapitbahay ang sumalunong sa amin para bumili ng mga huli namin.
Medyo marami kaming huli ni tito, at sa mga kapitbahay pa lang ay nakabenta na kami ng worth 1,200 pesos. May mga tira pa pero konti na lang. Kaya naman nagpasya kaming hindi na pumalaot at gawin na lang na daing ang mga natira, at iyong iba ay ulamin nga namin.
Chapter 3
Sa mga sumunod na araw, ay ganun pa rin ang naging cycle namin. Gigising kami ng maaga, maghahanda ako ng agahan, papalaot kami ni tito, tapos ay mangingisda at ibebenta ang mga huli.
Nagsasawa ba ako sa ganitong cycle ng buhay namin? Well... may mga pagkakataon na nakakaramdam ako ng pagod siyempre, normal naman iyon kasi ay tao lang din ako. Pero hindi ako kailanman nagreklamo. Hindi ko rin masasabing nagsasawa ako, dahil nga kuntento naman na ako sa ganito kasimpleng buhay. Tahimik, simple at malayo sa ingay at gulo.
Ang worry lang talaga namin ay ang kalusugan ni tita.
"Mi?" narinig kong pagtawag ni tito Dino sa akin isang tanghali, pagkatapos naming kumain ng tanghalian.
Nakita ko siyang nasa likod ng bahay at gumagawa ng mga daing na bangus.
"Bakit po, tito?" tanong ko at pinunasan ang basa kong kamay, dahil katatapos ko lang maglinis ng mga pinagkainan.
"Pagkatapos ko rito, puwede bang ikaw muna ang bahala sa tita mo? Tinignan ko kasi ang maintenance niya kaninang umaga, eh hanggang bukas na lang ang mga iyon. Sasaglit lang sana ako sa bayan para mabilhan na siya," aniya.
"Gusto niyo po bang ako na lang ang magpunta ng bayan, tito?" tanong ko naman.
"Hindi na, ako na lang at alam kong pagod ka sa pangingisda natin kanina. Ang mabuti pa magpahinga ka na lang muna rito," aniya.
"Eh, pagod din naman po kayo. Mas pagod nga po kayo kasi kahit pa sumasama ako sa inyo, kayo po halos lahat ang kumikilos. Tapos iyang mga daing pa po na ginawa niyo, inalisan niyo ng tinik ang mga bangus, nilinisan, lahat lahat na. Hindi po biro iyan, ah? Kaya pagkatapos niyo po diyan, kayo po ang magpahinga, at ako na lang po ang pupunta sa bayan kasi wala naman po akong gagawin dito," sagot ko.
"Ayos lang ba?" paninigurado niya kaya nakangiti akong tumango. Ngumiti rin naman siya sa akin at tumayo. "Alam mo naman na ang bibilhin mo, hindi ba? Bilhan mo na ang tita mo ng pang-isang buwan. Tapos daan ka sa grocery, bili ka na rin ng ilang delata at instant noodles para may stock tayo rito sa bahay. Huwag na munang bigas kasi hindi pa naman nakakalahati iyong isang kaban natin. Kung kaya mo pa, daan ka na rin sa palengke at bumili ka ng kalahating kilo ng baka. Na-miss kong kumain ng sinigang na baka eh. Ako ang magluluto mamaya," mahabang paalala niya kaya tumango ako.
"Sige po, tito," sagot ko naman.
"Pakikuha na lang dito sa bulsa ko ang wallet ko, eh malansa ang kamay ko dahil sa mga isda," aniya.
Bahagya naman akong napatingin sa suot niyang maong shorts. Ewan kung bakit medyo kinabahan ako, pero lumapit pa rin ako at ipinasok ang kamay ko doon. Medyo napalunok nga ako nang mapansin na malalim ang bulsa niya... sa pagpasok ko ng kamay ko doon... may tila kung anong matigas at bilugan ang nakaharap sa mismong bulsa na iyon na aksidente kong nasagi.
Nung una ay medyo nalito ako, pero nang makita ang nagulat na reaksiyon ni tito ay agad kong napagtanto kung ano iyon. Hindi naman kumibo si tito at umakto na parang wala lang, kaya ganun din ang ginawa ko at agad na hinila palabas ang wallet niya nang nahawakan ko na ito.
"May limang libo diyan, dalhin mo na lahat para sigurado na hindi ka magkulangan," aniya kaya tipid akong ngumiti at tumango at kinuha nga ang limang libo sa wallet niya.
"Uhm, sige po, tito. Magpapaalam lang po ako kay tita tapos aalis na po ako, para makabalik po ako agad," saad ko naman at muling ibinalik ang wallet niya sa bulsa niya, pero hindi ko na ipinasok ang kamay ko doon sa takot na may kung ano na naman akong masagi.
"Ihahatid na kita papuntang sakayan," ani tito.
"Hindi na po, tito. Lalakarin ko na lang po. Ituloy niyo na lang po iyan nang matapos din po kayo agad at makapagpahinga na," nakangiting sagot ko naman kaya marahan na lang siyang tumango.
Pagkatapos ay naglakad na ako papasok sa kuwarto ko para kunin din ang wallet ko, kung saan ko inilalagay ang konting pera na naipon ko mula sa ibinibigay ni tito sa akin. Tapos ay nagpaalam din ako kay tita na nasa kuwarto nila, at nagpasyang maglakad na palabas.
Dahil nga medyo liblib ang isla namin, ay kailangan ko pang maglakad ng halos 30 minutes papuntang sakayan. May motor si tito Dino na may kolong-kolong, iyon ang ginagamit namin kapag nagpupunta kaming palengke o bayan pang-service. Pero iniisip ko rin kasi ang gas kaya hindi na ako nagpahatid. Kung ihahatid niya ako, nasa 10 to 15 minutes lang ay nasa sakayan na ako. Mula sa sakayan naman, ay nasa 30 to 40 minutes ang biyahe bago makarating sa bayan.
At sanay naman akong lakarin lang iyon. Normal ko nang ginagawa noong nag-aaral pa ako kaya walang problema sa akin.
"Minandro, saan ang lakad natin?" narinig kong tanong ng isang boses, at nang napalingon ako ay nakita ko ang mag-asawang sina mang Ernes at aling Razon. Isa sila sa mga kapitbahay namin na madalas bumibili ng huli namin.
Dahil kasi medyo may edad na si mang Ernes ay hindi na niya kayang pumalaot, kaya ibinenta na niya ang bangka niya pero may puwesto pa rin sila sa palengke. Nakasakay sila sa isang motor na may sidecar din na kolong-kolong. Si mang Ernes ang nagmamaneho at nasa likod naman si aling Razon.
"Ah, sa bayan po, mang Ernes at aling Razon. Paubos na po kasi ang gamot ni tita kaya kailangan na siyang bilhan," sagot ko naman.
"Sumakay ka na, sakto at pupunta kami ng palengke. Para hindi ka na magastos pa sa pamasahe at hindi ka na mapagod sa paglalakad," wika ni aling Razon.
"Ayos lang po ba?" tanong ko naman.
"Ikaw na bata ka! Anong klaseng tanong ba naman niyan? Siyempre naman!" sagot naman ni mang Ernes.
Kaya naman nakangiti na akong sumampa sa kolong-kolong at umupo doon.
"Kukunin na kasi namin iyong mga banyera sa palengke at iba pang gamit kasi ubos na daw ang paninda, sabi nung anak namin. Nag-text kasi," ani aling Razon kaya tumango ako. Kaya pala wala pang laman ang kolong-kolong nila.
"Sumabay ka na rin pauwi sa amin," wika ni mang Ernes.
"Naku, hindi na po kasi baka matagalan pa ako sa bayan. Marami-rami po kasi ang bibilhin ko. Magji-jeep na lang po ako pauwi, tapos aarkila ng tricycle kapag nakababa na sa kanto," nakangiting sagot ko naman.
Ang kantong tinutukoy ko ay ang sakayan kung saan may mga tricycle na nakaparada, at may dumadaan ding jeep. Kaya nasabi ko lang na liblib ang isla namin, kasi walang pumayag sa mga residente na magbenta ng mga lupa para hindi masira sa mga nagbabalak na gawan ng resorts. Walang nagawa ang mga iyon kasi ay may titulo kami ng mga lupa namin... at malalawak ang lupain namin dito kaya nga magkakalayo rin ang agwat ng mga bahay.
Nung una, gusto nga ni tito na ibenta na ang lupa namin para mapa-operahan si tita, pero si tita mismo ang tumanggi. Sinabi nito na may edad na rin naman daw siya, at kung oras na niya ay oras na niya. Pero ayaw niyang mawala sa amin ang lupa, kasi nga gusto niyang maipamana ito sa akin at may maiwan sila ni tito sa akin kapag wala na sila. Ngayon, kapag wala na daw sila... ako ang magdedesisyon ng gagawin ko sa lupa para makapagsimula ulit.
Puwede ko daw ibenta para magkaroon ng pera na makapagsimula nga ulit. O kahit pa anong gusto kong gawin dito. Basta lang may maipamana sila sa akin.
Kaya sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sa tito at tita ko. Kasi sobra nila akong mahal. Kaya iyong kakaibang init na nararamdaman ko madalas? Pinipigilan ko iyon sa abot ng makakaya ko, dahil nga ayaw kong gumawa ng rason para masira ang pamilya namin, at ang tiwala nila sa akin.
Ayaw kong magkasala. Takot akong magkamali. Minsan nga naiinis ako kung bakit ipinanganak akong ganito. Na bakit hindi na lang ako naging straight na lalaki para hindi ko nararamdaman ito. Pero sa huli, naisip ko na wala namang mali sa akin. Ang mali ay ang maling nasa isip o naiisip ko. Kasi kahit sino pa ako, basta hindi ako marumi mag-isip at marunong magpigil... ay walang mangyayaring hindi tama.
"Salamat po, aling Razon at mang Ernes!" nakangiting wika ko pagkaraan ng more than 40 minutes na biyahe, nang makarating na kami sa bayan.
"Walang ano man. Mag-iingat ka!" nakangiting sagot ni aling Razon sa akin.
Nakangiti naman akong tumango at bumaba na sa kolong-kolong nila, at naglakad na nga papunta sa botika. Ito kasi ang hindi ko puwedeng makalimutan kaya ito ang uunahin ko. Dahil ito ang pinaka-importante.
Actually, hindi naman kamahalan ang ibinigay na maintenance kay tita eh. Kasi may generic naman. Apixaban na two times a day, at bisoprolol na isang beses lang sa isang araw. Magkano lang iyon sa generic na puwedeng puwede naman daw sabi nung doktor na tumingin sa kanya.
Bale ang monthly na maintenance ni tita ay nasa 2,500 hanggang 3,000 pesos lang monthly, depende kung may pagbabago sa presyo. At depende rin kung may kailanganin siyang iba bukod pa sa dalawang iyon. Pero kahit na hindi kamahalan iyon sa mata ng iba, ay malaking halaga pa rin sa amin lalo na't hindi rin naman madalas ay nakakarami kami ng huli sa pangingisda. May mga pagkakataon nga na sa sobrang konti ng huli, ay wala pa sa tatlong daan ang kinikita namin sa araw.
Kapag ganun ay naglalako ako ng mga daing na isda at tinapa sa mga kapitbahay sa murang halaga. May mga kumukuha para maibenta nila sa palengke. Basta, madalas naming ibagsak ang presyo para lang mabilis namin mapaubos at walang masayang. Basta may kita pa rin kami kahit na papaano.
Pagkarating sa botika ay agad kong ipinakita ang reseta sa cashier at bumili nga ng pang-isang buwan na. Tapos ay naglakad ako ng ilang minuto papunta sa grocery. Doon ay bumili ako ng ilang delata, ilang instant noodles para sa amin ni tito. Bawal na kasi sa mga ganito si tita, pero minsan ay makulit kaya pinagbibigyan namin basta madalang lang. Para na rin hindi niya maramdaman o maisip na may iba sa kanya dahil lang may sakit siya.
Bumili rin ako ng ilang sitsirya, lalo na mga mani. Paborito kasi ni tito ang mani lalo na kapag umiinom ito ng lambanog kung minsan, pampulutan niya. Bumili rin ako ng sabon, toothpaste, shampoo at ilang sabon panlaba.
In total, since hindi naman maramihan ang kinuha ko, ay nasa less than 2,000 ang binayad ko. Wala na sa isang libo ang natitira mula sa limang libo na bigay ni tito. Kaya nagpasya ako na gawing saktong dalawang libo ang ibabalik sa kanya na kinuha ko sa konting ipon ko, at ako na rin ang nagbayad ng kalahating kilo ng baka na habilin niya.
Mga alas dos na ata ng hapon iyon nang mabili ko ang lahat. Kaya naman agad na akong naglakad papunta sa sakayan ng jeep at sumakay. Mag-aalas tres naman iyon nang makarating at makakababa ako sa kanto papuntang isla namin, kaya nag-arkila na ako ng tricycle, kaya nasa 10 minutes lang ay nakarating na ako.
Kaya saktong alas tres iyon ng hapon nang makauwi ako. At agad pa ngang kumunot ang noo ko bago makarating sa bahay, kasi ay napansin ko na may hindi pamilyar na sapatos ang nasa labas at nasa harap ng pinto.
Teka, may bisita ba sina tito at tita?
Tanong ko sa sarili ko. Nagkibit naman ako ng balikat bago humakbang na papasok, at nang nasa pinto na ako ay laking gulat ko nang makita kung sino ang nakaupo sa sala kasama nina tito at tita...
Walang iba kung hindi si Amelia... ang nanay ko na iniwan nga ako sa tito at tita ko. Ang babaeng nagluwal sa akin, pero bilang pa sa sampung daliri ang beses na nakita ko siya ng personal.
"Minandro, anak? Ikaw na ba iyan? Ang laki mo na!" nakangiting saad nito sa akin kaya napalunok ako. Tumayo pa nga ito at naglahad ng kamay na para bang umaasa siyang tatakbo ako palapit at yayakapin siya dahil sa tuwa at excitement. Bagay na pareho kong hindi naramdaman.
Kasi kahit pa nanay ko siya... para siyang estranghero sa akin. Parang hindi ko siya kilala. Kasi mas naging nanay pa si tita Carmella sa akin. Mas naging magulang pa sila ni tito Dino.
"A-Ano pong ginagawa niyo rito?" mababa ang boses na tanong ko.
Agad namang nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa naging tanong ko. Tapos ay pilit siyang ngumiti.
"Para sa 'yo, anak... may kailangan akong sabihin sa 'yo. Sa inyo..." aniya, at hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba sa paraan niya ng pagsabi nun.
Chapter 4
“Akin na ang mga pinamili mo, Mi. Ako na ang magdadala at mag-aayos sa kusina. Maupo ka muna,” mahinahon ang boses na wika ni tito Dino, tapos ay tumayo ito at kinuha sa akin iyong mga plastic bag na dala ko.
Napahinga naman ako ng malalim bago inabot sa kanya iyon at humakbang palapit sa sala, tapos ay sa tabi ako ni tita umupo.
"Napagod ka ba sa lakad mo?" nakangiti at mahinahon ang boses na tanong ni tita.
"Hindi naman po. At saka nung papunta, isinabay po ako nina mang Ernes at aling Razon kasi saktong papunta po sila sa palengke," sagot ko, kaya nakangiti itong tumango na marahan pang hinaplos ang buhok ko.
Tapos ay tumingin ito kay mama na nakatingin sa amin, kaya napatingin din ako rito.
"Ano pong kailangan niyong sabihin sa amin?" seryosong tanong ko, pero hindi pa rin nawawala ang paggalang.
Ganito naman kasi ako pinalaki nina tito at tita. Na maging magalang at mahinahon lang sa lahat ng pagkakataon. Madalas kasi, ay nauunahan ang mga tao ng galit at inis kaya nakakapagbitiw tayo ng salita na baka pagsisihan lang natin sa huli. At madalas sinasabi ni tita na walang patutunguhan ang init ng ulo. Mas mahalaga na maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon at mapagpakumbaba.
Pero hindi naman ako galit sa mama ko eh. I mean... siguro, konti, medyo. Pero parang mas tama sigurong sabihin na... wala akong pakialam. I mean, mas lamang iyon sa nararamdaman ko. Kasi nga feeling ko, estranghero siya. Na hindi ko talaga siya kilala.
"Anak, alam ko na marami akong pagkukulang sa 'yo. Pero maniwala ka, walang araw na hindi kita naisip..." nakangiting paninimula niya kaya napangiwi ako.
Gusto ko sanang sabihin na bakit hindi siya tumatawag araw-araw, o nagte-text, o chat man lang. Kasi uso naman na ang social media, at may smart phone naman na. Bakit hindi siya nangungumusta?
At gaya nang sinabi ko, bilang sa sampung daliri na nagkita kami. Minsan sa pasko lang, o bagong taon. Tapos isang araw lang iyon. O wala pang isang araw. Papasyal lang siya rito, magbibigay ng regalo na hindi ko naman kailangan, gaya ng damit o sapatos na hindi ko kasya. O kung hindi naman ay pera, at pagkatapos ng ilang oras ay aalis na siya ulit.
Ganun lang palagi. Pero hindi ko na sinabi ang mga iyon. Baka kasi kapag nagsalita ako ay magtuloy tuloy pa at hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kaya naman nanatili na lang akong tahimik na nakikinig.
"Alam ko na hindi ako naging mabuting ina... na wala ako sa tabi mo habang lumalaki ka, na hindi ko nasubaybayan ang paglaki mo kasi masyado akong ambisyosa. Na ginusto kong... mas ibaon ang sarili sa paghahanap buhay para kumita ng pera. At naiintindihan ko kung galit ka sa akin..." mababa ang boses na wika pa nito.
"Pero anak, gusto kong makabawi sa 'yo. Gusto kong maging ina sa 'yo... iyon ay kung hindi pa huli ang lahat, at kung mabibigyan mo lang ako ng pagkakataon..." saad pa niya.
"Nabanggit ng tita mo sa akin na... hindi mo na daw natuloy ang pag-aaral mo sa kolehiyo dahil napilitan kang tumigil pagkatapos ng dalawang taon dahil nagkasakit siya?" tanong pa nito.
Isa pa ang tungkol sa bagay na ito. Nagkasakit si tita at ilang beses ko siyang sinubukang contact-in nung mga panahon na kailangang kailangan namin, pero wala siyang kahit na anong naging tugon.
"Gusto sana kitang pag-aralin ulit, anak. Gusto ko na makatapos ka sa pag-aaral mo at magkaroon ng magandang kinabukasan. Iyong maraming opportunity na naghihintay at hindi nahihirapan..." wika pa nito.
Saglit akong natigilan sa narinig. Kasi sa totoo lang, ay gusto ko rin talagang makatapos. Pero wala nga lang choice kasi ay mas kailangan naming unahin si tita. Kaya naman napatingin ako kay tita na ngumiti sa akin at marahang tumango. Wala man lang akong makitang kahit konting galit kay mama dahil sa pag-iwan nito sa akin. Siguro kasi sadyang mabuti siyang tao.
"Nakapangasawa ako ng negosyante sa maynila. Medyo may edad na ito at may dalawang anak na rin, kaya ayos lang sa kanya na may anak ako... at ang totoo nga niyan, gusto ka niyang makilala..." kwento nito kaya napangiwi ako.
"Nakapangasawa ka sa maynila?" tila gulat na tanong ni tita.
"Well, hindi pa naman kami kasal, pero nag-propose na siya..." nakangiting sagot nito at ipinakita pa sa amin ang singsing na suot niya. "Mabuti siyang tao, may magandang negosyo, at maayos ang buhay. Kahit ang mga anak niya... mababait at tanggap ako. Wala sa kanila na dati akong nagtatrabaho sa bar. Kaya umalis na ako sa bar at nagsasama na kami..." dagdag pa nito tapos ay tumingin sa akin. "Kaya kung papayag ka sana... isasama na kita sa maynila, para doon ka makapag-aral at makatapos..." nakangiting saad pa nito na ikinagulat ko.
"Po?" gulat na tanong ko naman. Hindi ko kasi in-expect iyon. Ang akala ko ay pag-aaralin niya ako, pero dito lang ako. Mas okay sa akin iyon dahil kasama ko pa rin ang pamilyang kinalakihan ko.
"Bakit? Ayaw mo ba, anak?" nalilitong tanong niya.
"Gusto ko pong makatapos... pero ayaw kong lumayo. Ayaw ko na iwan sina tito at tira rito lalo na sa kalagayan ni tita. Alam ko na kapag umalis ako, mahihirapan po sila. At ayaw ko rin pong tumira sa bahay ng mga tao na hindi ko naman talaga kilala kahit pa sabihing kasama ko kayo. Kasi sa totoo lang po, kahit nga kayo parang estranghero sa akin, eh. Kaya maraming salamat po sa offer, pero tumatanggi po ako. Okay na po ako sa buhay na meron ako rito..." sagot ko naman kaya nawala agad ang ngiti sa labi niya, na para bang nagulat sa sinabi ko.
"Pero anak, mas may magandang buhay ang naghihintay sa 'yo sa maynila lalo na kapag nakatapos ka!" giit naman niya.
"Alam ko po iyon, pero mas kailangan po ako nina tito at tita rito. Kaya hindi ko po sila iiwan, lalo na at malaki ang pasasalamat ko sa kanila. Kasi sila ang nagtaguyod, umalalay, bumuhay at nagpalaki sa akin noong mga panahong wala po kayo. Kaya dito lang po ako... kasama sila," medyo madiing sagot ko.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili kahit pa sobra kong sinusubukan na maging mahinahon.
"Minandro, anak..." mahinahong wika naman ni tita, tapos ay hinawakan pa ang kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya. "Tama ang mama mo. Hindi mo man aminin sa amin ng tito mo, ay alam namin na nai-inggit ka sa mga kaklase mo na nakakapag-aral. Na kahit pa sabihin mong ayos na ang buhay mo rito, sa loob mo ay gusto mong magpatuloy sa pag-aaral at makatapos. At hindi mo rin kailangang manatili rito dahil lang iniisip mo na... malaki ang utang na loob mo sa amin ng tito mo..." mababa ang boses na wika niya.
Bahagya nga akong napalingon kay tito Dino na nasa kusina, tahimik nitong inaayos ang mga pinamili ko kunware, pero halatang nakikinig ito.
"Wala kang utang na loob sa amin. Pinalaki ka namin at minahal, kasi iyon ang tama. Kasi ay pamilya tayo. Kaya hindi mo kami kailangang alalahanin ng tito mo, kasi ay ayos lang kami rito. Kaya namin..." nakangiting dagdag pa nito.
"Pero kasi tita..." saad ko, pero agad niyang pinisil ang kamay ko.
"Sshh..." pagputol pa nito sa sasabihin ko. "Kaya na namin ng tito mo rito. Kung tutuusin, kayo lang naman ng tito mo itong bine-baby ako, eh kaya ko namang kumilos. Hindi hadlang ang karamdaman ko para sa mga gawaing bahay, basta hindi ako sobrang napapagod. Kaya hindi mo kailangang mag-alala sa amin," saad pa nito. "At isa pa, hindi naman ganun kalayo ang maynila. Hindi ka naman sa ibang bansa pupunta. Kaya kapag may pagkakataon ka at gusto mo kaming pasyalan dito, ay puwedeng puwede naman..." dagdag pa nito.
Hindi ako agad na nakasagot. Alam kong sinasabi lang ni tita ito, kasi nga ay gusto niyang makatapos ako. Kasi kahit hindi niya sabihin, alam kong nahihiya siya sa akin at ayaw niyang sa kanila at dito sa isla na lang umikot ang mundo ko. Kasi madalas din niyang sabihin noon na... mas may magandang buhay at mundo pa bukod dito sa isla.
Tapos ay napatingin ako kay mama nang maalala na sinabi niyang negosyante ang napangasawa niya, at may maganda itong buhay.
"Papayag po ako sa isang kondisyon..." saad ko.
Naalala ko kasi na hindi nga madalas malaki ang kita sa pangingisda. Kaya kung umalis man ako rito, gusto ko na may consistent na matatanggap sina tito at tita para hindi matigil ang maintenance ni tita.
"Kahit na ano, anak..." nakangiting sagot ni papa.
"Every month, padadalhan niyo po ng at least 5,000 sina tita rito. Para sa maintenance ni tita at ilang gastusin sa bahay na makakatulong sa kanila. Para bawas na po iyon sa mga iniisip nila. Tutal sinabi niyo na may magandang buhay naman po ang napangasawa niyo, hindi ba? Kaya sigurado po ako na... maliit na bagay lang iyon sa inyo..." saad ko.
"Minandro, anak--" ani tita na agad kong pinutol.
"Hindi po, tita. Kapag umalis ako rito, alam ko na mahihirapan mag-isa si tito sa pangingisda kasi wala na siyang makakatulong. At kapag nangyari iyon, alam na alam ko po na kikilos kayo na higit pa sa dapat, at baka dahil doon mas lumala po ang karamdaman niyo. Ayaw ko pong mangyari iyon. Kaya kung aalis man po ako rito at sasama sa kanya, gusto ko na may magawa pa rin ako para sa inyo. Gusto ko na hindi niyo na po isipin at problemahin ang para sa maintenance niyo," saad ko.
"Walang problema, anak," nakangiting sagot naman ni mama.
"Every 1st of the month, sa akin niyo po ibibigay ang pera para ako mismo ang magbibigay sa kanila. Gusto kong makasigurado na... mabibigyan po talaga sila. Maliit na bagay lang po ito kumpara sa maraming taon na sila ang bumuhay sa akin at umako ng responsibilidad na dapat ay kayo ang gumagawa..." saad ko kaya nakangiting tumango si mama.
Napatingin ako kay tita at nakita kong nakangiti siya, pero may konting lungkot naman sa mga mata niya.
May mga ilan pa kaming napag-usapan at napagkasunduan. At sa totoo lang ay hindi ko alam kung tama ba ang desisyon na iwan sina tito at tita. Pero alam ko rin na malaking tulong sa kanila ang 5,000 a month. Bukod doon, makakapag-aral pa ako ulit at makakatapos... at tama rin naman si tita, eh. Kapag nami-miss ko sila, puwede akong umuwi anytime para makita sila.
Chapter 5
“Mauuna na rin ako. Anak, babalik ako rito bukas para sunduin,” nakangiting wika ni mama, nang alas sais na ng gabi.
"Ayaw mo bang dito na kumain ng hapunan at dito na lang magpahinga? Para naman makapagkuwentuhan pa kayo nitong anak mo," ani tita.
"Gusto ko sana, pero may kailangan pa kasi akong kitain sa may bayan eh. At saka nakapag-book ako ng hotel doon. Hindi bale at marami naman kaming oras na makapagkuwentuhan bukas kapag nasa biyahe na kami papuntang maynila," sagot ni mama, kaya marahang tumango si tita.
Hindi naman ako nagsalita. Nang tumayo ito ay tumayo na rin kami. Tapos ay tipid lang akong ngumiti at hinayaan ko siya nang lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.
"Salamat ulit, anak. Pangako, babawi si mama sa 'yo," bulong niya.
"Dino, pakihatid na lang si Amelia sa bayan," ani tita kaya tumango si tito Dino.
"Sa sakayan na lang, Dino. Para hindi ka na mapalayo at gabi na," wika naman ni mama.
Kaya naman magkasabay na naglakad palabas ng bahay sina mama at tito Dino. Mayamaya pa ay narinig ko na ang tunog ng motor ni tito Dino at ang pag-alis nito. Nang wala na sila ay mahina akong napabuntong hininga at napa-upo, kaya umupo rin sa tabi ko si tita.
"Alam ko na hindi madali para sa 'yo ito, kasi ay nasanay ka na sa buhay natin dito. Pero mas maraming magandang oportunidad ang naghihintay sa 'yo sa maynila. At kung may pangarap man ako, iyon ay ang makatapos ka sa pag-aaral. Nakakalungkot na hindi ka namin napatapos dahil nagkasakit ako, kaya kung ako ang tatanungin... mas gugustuhin kong sumama ka sa mama mo, kasi ay para sa 'yo naman ito..." mahaba at mahinahong saad niya.
"Ginawa niyo po ang makakaya niyo para sa akin. Actually, higit pa nga po sa dapat ang ginawa at ibinigay niyo para sa akin eh. Totoo po na nagdadalawang isip ako at parang... ayaw kong umalis dito, kasi ayaw ko po kayong iwan. Pero alam ko na malaking tulong din po sa inyo, sa atin... iyong ibibigay ni mama buwanan kapag sumama ako sa kanya," sagot ko naman.
"Napakabuti mong bata..." nakangiting sagot niya.
"Maayos niyo po akong napalaki, kasi maayos at mabuting tao rin po kayo ni tito," sagot ko naman.
Pagkaraan lang ng halos 30 minutes ay bumalik na rin naman si tito. Kasi ay sa sakayan na lang daw nagpababa si mama. Kaya naman magkakasabay na kaming kumain.
Habang kumakain nga ay tahimik lang ako. Pansin ko kung minsan na napapalingon sa akin sina tito at tita, at alam ko na gusto nila akong kausapin tungkol sa pag-alis ko na bukas, pero hindi na nila ginawa pa. Siguro ay dahil iniiwasan na rin nilang makapagsabi ng malungkot na bagay, na baka magpabago pa sa isip ko.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang sina tito at tita bago nagpaalam na magpapahinga na. Ako naman ay naglinis na ng mga pinagkainan, at nagpasyang mag-halfbath pagkatapos, bago ako pumasok sa kuwarto ko para nga mag-ayos na ng mga dadalhing gamit.
Hindi naman karamihan ang mga gamit ko. At wala rin naman akong balak na dalhin ang lahat kasi ay uuwi pa naman ako rito at papasyal. Kaya naman isang backpack na medyo malaki na lang ang napagpasyahan kong gamitin na paglalagyan ng mga gamit ko.
Dalawang pantalon iyon, pitong t-shirt na pang-araw, tatlong t-shirt na pang-alis, dalawang polo, pitong underwear, tapos ay tatlong short na pang-araw. Bukod sa mga iyon, ay wala na akong ibang dadalhin pa. Balak kong iwan ang lahat dito sa bahay kasi nga ay babalik at babalik talaga ako rito sa tuwing may pagkakataon ako. Para hindi ko rin gaanong ma-miss sina tita.
Nang matapos ay humiga na ako sa papag ko, na may manipis na kutson. Sinubukan kong matulog nang gabing iyon, pero hindi ako dinadalaw ng antok. Iniisip isip ko ang mga mangyayari bukas, lalo na kapag nasa maynila na ako. Iniisip ko kung magiging okay lang ba talaga sina tito at tita na maiwan dito.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig lang sa taas ng kuwarto ko na walang kisame. Hindi gaanong madilim, dahil napakaliwanag ng sikat ng buwan mula sa labas na lumalandas sa nakabukas na bintana ng kuwarto ko na gawa lang din sa kahoy.
Hindi naman malamok kasi ay may gamit din akong kulambo, kung tutuusin ay malamig nga sa balat ang simoy ng hangin na pumapasok din sa silid mula sa nakabukas na bintana. Iyong klase ng lamig na sobrang sarap sa pakiramdam, lalo na't rinig na rinig din ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Kapag nasa maynila na ako... siguro ay isa ito sa mga mami-miss ko.
Ilang sandali pa ay nagpasya akong tignan ang phone ko, at napansin na ala una na pala ng madaling araw. Ilang oras na akong nakatitig lang sa kawalan at hindi talaga makatulog. Kaya naman nagpasya akong bumangon at maglakad palabas.
Kumuha ako ng isang basong tubig sa kusina, tapos ay lumabas ako at nagpasyang tumambay sa maliit na terasa ng bahay para doon magpahangin at mag-isip.
"Hindi ka makatulog?" narinig kong tanong ng isang baritonong boses mayamaya pa, at nang napalingon ako ay nakita kong natayo sa may pinto si tito. Naka-shorts lang ito at walang suot na pang-itaas.
Na kahit pa malamig sa isla ng ganitong oras, ay para bang hindi niya alintana at sanay na sanay na siya. Kung sabagay, buong buhay niya ay nandito na siya sa isla.
Tama. Kung hindi ko pa nababanggit ay dito na isinilang, nagka-isip at lumaki si tito Dino. Itong bahay namin ay pagmamay-ari pa ng mga magulang niya. Mag-isang anak kasi siya. Base sa kwento nila sa akin, 2nd year high school lang siya nang mamatay ang mga magulang niya. Magkasama kasing pumalaot ang mga ito para mangisda, nang biglang umulan ng malakas.
Tumaob ang bangka nila, at iyon ang ikinamatay nila. Bukod sa mga magulang niya, ay wala na siyang ibang pamilya. Patay na rin kasi ang mga lolo at lola niya. Nakatapos naman siya ng high school, pero hindi na nakapag-kolehiyo. Kesa mag-aral, mas pinili na maghanap buhay na agad. Kaya naman 17 pa lang siya nang magsimula na siyang mangisda.
Sina tita naman at si mama ay taga-kabilang bayan. Medyo malayo na sa dagat, at nakilala ni tita si tito Dino sa palengke. Naging suki niya ito, binibigyan lagi ng discount, dalawang taon ata siyang nanligaw kay tita bago naging sila. Iyon ang love story nila. Kaya sobrang tagal na rin nila... iyon nga lang hindi nabiyayaan ng anak dahil baog pala si tita.
Pero okay na rin iyon, kasi nga nalaman namin na bata pa lang si tita ay may butas na ito sa puso. Hindi malaki, at hindi problema noon kaya hindi niya ramdam. Pero habang nagkaka-edad nga ay saka naging problema. Kung nagkataon na hindi baog si tita at nabuntis siya... baka may kung anong hindi maganda na ang nangyari sa kanya noong nanganak siya dahil sa butas na iyon sa puso. Ewan ko. Wala naman akong gaanong alam sa ganitong mga bagay. Pero baka lang...
Kaya nga tuwang tuwa sila noong iniwan ako ni mama sa kanila eh. Kasi ako ang naging parang anak na nila.
"Hindi po, tito, eh..." sagot ko naman mayamaya pa.
Humakbang naman palapit si tito sa akin tapos ay umupo ito sa tabi ko. Para akong kinilabutan nang dumikit ang braso niya sa braso ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba wala siyang suot na pang-itaas, pero ramdam na ramdam ko ang mainit na singaw ng kanyang katawan.
"Nagdadalawang isip ka ano?" mababa ang boses na tanong niya, kaya pilit akong ngumiti bago marahang tumango.
"Iyong totoo, tito? Opo..." sagot ko tapos ay napabuntong hininga pa. "Ayaw ko po kasi talaga sana kayong iwan ni tita rito. Nag-aalala po ako. Alam ko po na kaya niyo, pero alam ko rin po na mas mapapadali ang lahat kung nandito ako na tumutulong sa inyo," dagdag ko pa.
"Tama ka naman, pero tama rin kasi ang tita mo eh," aniya. "Nag-uusap kami sa kuwarto kanina bago matulog. Ang sabi niya... naaawa na daw siya sa 'yo kasi ay parang dito na lang sa isla umiikot ang mundo mo. Sa pagtulong sa amin na maghanap buhay. Ayaw daw niyang maramdaman mo na... kailangan mong gawin iyon dahil lang gusto mong magpasalamat sa amin at makabawi. Kaya mas gusto niya na... makatapos ka, at magkaroon ng magandang buhay," mahabang dagdag pa niya.
"Eh kayo po, tito? Ganun din po ba ang... iniisip niyo?" tanong ko tapos ay tumingin sa kanya.
Napalunok nga ako nang mapansin na nakatingin din pala siya sa akin kaya agad na nagtama at nagtitig ang aming mga mata.
"Mas madali kung nandito ka. Pero gaya nang tita mo... gusto ko rin na magkaroon ka ng magandang buhay, na makatapos ka. Bata ka pa, hindi naman puwede na dito na nga lang sa isla umikot ang mundo mo," sagot niya. "At saka ano ka ba? Ang tita mo na rin ang nagsabi na hindi sa ibang bansa ang pupuntahan mo. Puwedeng puwede kang umuwi at pumasyal dito sa atin kahit na kailan mo gusto," nakangiting dagdag pa nito.
Sunod sunod na paglunok ang ginawa ko nang bigla niya akong inakbayan.
"Pero iba pa rin po iyong kasama ko kayo..." sagot ko.
"Mami-miss mo kami ano?" nakangising tanong niya kaya mahina akong natawa bago tumango.
"Siyempre naman po..." sagot ko.
"Mas lalo na siguro ako?" dagdag pa niya kaya saglit akong natigilan.
"Po?" nalilitong tanong ko.
"Eh, siyempre, tayong lagi ang madalas na magkasama. Ang dami nating bonding, lalo na iyong pangingisda. Kaya nakatitiyak ako, na mas mami-miss mo ako," aniya kaya pilit na lang akong tumawa. "Basta tandaan mo, kahit na anong mangyari, nandito lang kami palagi ng tita mo para sa 'yo. Puwede kang umuwi rito kung kailang mo gusto. Hindi naman porke aalis ka ay hindi ka na namin makikita ulit. Pamilya tayo, kahit na anong mangyari..." saad pa niya.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay marahan niyang pinisil ang balikat ko, at marahan pa niya akong hinila palapit. At dahil hanggang leeg lang niya ako, ay bahagyang tumama ang pisngi ko sa matipuno niyang dibdib.
Muli ko na namang naramdaman ang init na hindi dapat. Pero pilit kong iwinaksi iyon sa isip ko.
"Salamat po, tito..." wika ko na lang.
"Salamat din, kasi lagi kaming kasama sa mga iniisip at desisyon mo," nakangiting sagot niya at pinakawalan na ako sa pagkaka-akbay niya. "Siya sige na, magpapahinga na ako ulit. Ikaw din magpahinga ka na. Hindi ako papalaot bukas, para kami ng tita mo ang maghahatid sa inyo sa sakayan," saad pa niya.
Pilit na lang akong ngumiti bago tumango at hinayaan ko na siyang pumasok ulit sa loob. Nang wala na siya ay nanatili muna ako ng ilang minuto pa sa terasa, saka ako nagpasyang pumasok na rin para magpahinga.
Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog nang madaling araw na iyon, basta late na masyado. Kaya naman alas otso na ng umaga nang magising ako.
Chapter 6
Pagkagising ko, ay agad akong bumangon para sana maghilamos na, at maghanda ng agahan kung sakali man na wala pang nakaluto. Hindi ko na alam kung kailan ako huling nagising ng ganitong oras. Nasanay na ako na maagang natutulog sa gabi at madaling araw na nagigising at bumabangon.
Pagkalabas ko, ay nakita kong gising na sina tito at tita. Nasa sala sila at kasama na nila si mama doon. May dalang travel bag si mama na ngumiti pa nang makita ako.
"Gising ka na pala. May dalang agahan ang mama mo. Nauna na kaming kumain kanina, pero nasa hapag ang sa 'yo. Ang mabuti pa kumain ka na muna, tapos ay maligo at magbihis ka na," nakangiting saad ni tita sa akin.
Pilit naman akong ngumiti bago tumango at dumiretso na sa hapag. May fast food na nandoon. Garlic fried rice na may longganisa at sunny side up na egg tapos ay may side pang hash brown. Kaya naman nagpasya akong kumain na.
Pagkatapos kumain ay naligo na ako at nagbihis, at saktong alas nueve iyon nang matapos ako sa lahat ng kailangang gawin. Bago ako lumabas ng kuwarto, ay dinala ko sa bedside table na gawa sa kawayan iyong garapon kung saan nakalagay ang konting pera at ipon ko mula sa mga binibigay nila sa akin. Tapos ay kumuha ako ng papel at ballpen at nagsulat.
"Konting tulong panggastos sa bahay..."
Iyon lang ang inilagay ko, at inipit ko iyon sa baba ng garapon. Tapos ay napahinga ako ng malalim, bago nagpasyang maglakad na palabas dala nga ang backpack na dadalhin ko, at dala rin ang isang plastic envelope na naglalaman ng lahat ng requirements na meron ako, para kung sakali na mag-enroll na ako ay hindi hassle na pabalik-balik pa.
"Iyan lang ba ang... gamit na dadalhin mo, anak?" mababa ang boses na tanong ni mama sa akin.
"Hindi ko po dinala lahat, uuwi pa naman po ako rito kapag may pagkakataon eh. Kaya nagdala lang po ako ng mga alam kong kakailanganin at... magagamit ko," sagot ko, pilit naman siyang ngumiti bago tumango.
"Hindi bale, bibilhan na lang kita sa maynila ng iba mo pang mga kakailanganin pagkarating natin doon," aniya tapos ay tumayo na. Kaya naman tumayo na rin sina tito at tita.
"Ihahatid na namin kayo sa terminal," ani tito kaya tumango si tita.
"Ate, maraming salamat ulit sa pag-aalaga at pagpapalaki sa anak ko, ha?" nakangiting saad ni mama na naglabas ng isang sobre sa hand bag niya at inabot ito kay tita. "Hindi kalakihan, pero makakatulong ito sa inyo. Iba pa rito iyong buwanang napag-usapan namin ni Minandro na iaabot sa inyo," aniya.
"Naku, hindi na! Hindi naman iba sa amin si Minandro, kaya hindi mo kami kailangang bayaran," ani tita.
"Hindi bayad ito, ate. Kaunting tulong lang," ani mama.
"Tita, tanggapin niyo na po. Itabi niyo pang-emergency. Para kung mahina ang kita ni tito sa pangingisda, may nagagamit po kayo," wika ko naman, kaya napahinga ng malalim si tita bago ngumiti at tinanggap iyon.
"Salamat..." wika pa nito.
"Kapag kasal na kami ng kinakasama ko, hihingi ako agad ng tulong sa kanya para sa operasyon mo. Sa ngayon kasi ay nahihiya pa akong magsabi, baka isipin niya hindi pa kami kasal ay nanghihingi na ako. Kaya pinagkakasya ko muna iyong mga allowance na weekly niyang ibinibigay sa akin," saad pa ni mama.
"Maraming salamat..." nakangiting sagot naman ni tita.
Kaya naman naglakad na kaming lahat palabas para nga makaalis na. Gamit namin ang motor ni tito na may kolong. Iyong kolong mismo ay may silya naman, kaya doon sina mama at tita. Ako naman ay nasa likod ni tito, siyempre ay si tito ang nagda-drive.
Habang nasa biyahe nga ay nagkukuwentuhan lang sina mama at tita. Puro si mama lang ang nagkukuwento actually, kung gaano kaganda ang bahay ng napangasawa nito... kinakasama I mean, kasi hindi pa naman sila kasal. Pero mag-asawa na rin daw talaga ang turing nila kaya asawa na ang lagi niyang sinasabi. Basta marami siyang kinukuwento at hinayaan ko lang sila. Narinig ko nga ring sinabi niya na hindi lang siya nasamahan dito nung lalaki, kasi ay busy daw ito sa negosyo.
Pagkaraan ng mora than 40 minutes na biyahe, ay nakarating naman na kami sa terminal sa may bayan. Nang nandoon na kami, ay saka ako mas lalong nakaramdam ng pinaghalong kaba at panlulumo... saka ko lang parang napagtanto na aalis na ako sa puder nina tito at tita. Saka lang parang naging totoo ang lahat. Gustong gusto kong mag-backout na nung mga oras na iyon, pero hindi na lang ako nagsalita pa.
"Mag-iingat kayo sa biyahe," wika ni tito nang maihinto na ang motor at makababa na kami.
Si tita naman ay nakangiting lumapit sa akin at yumakap.
"Mag-iingat ka lagi doon ha? At pumasyal ka rito kapag may pagkakataon, para hindi kita gaanong ma-miss," aniya na nagpangiti sa akin.
"Siyempre naman po..." sagot ko tapos ay tumingin kay tito. "Tito, tinuruan na kita ng ilang beses kung paano gamitin iyong facebook sa cellphone mo. Kapag may pagkakataon, video call tayong tatlo nina tita ha?" saad ko, kaya nakangiti siyang tumango sa akin.
Yumakap din si mama kay tita at tumano kay tito. Tapos ay muli akong yumakap kay tita... sunod kay tito. Bago kami muling nagpaalam sa kanila at naglakad na papasok sa loob para bumili ng ticket.
Naging mabilis lang naman iyon at nakasakay kami agad ng bus. Nang umandar na nga ang bus ay saka ko napansin sa labas na hindi agad umalis sina tito at tita. Napakagat ako sa ibabang labi nang makitang lumuluha ang mata ni tita na nakatingin sa akin sa bintana, habang kumakaway. Kaya naman kumaway rin ako sa kanila.
Noong mga naunang minuto na nasa biyahe kami, ay tahimik lang ako. Hinayaan naman ako ni mama. Pero mayamaya pa, mukhang hindi na rin siya nakapagpigil pa.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya, at marahan lang akong tumango. Kahit pa ang totoo ay parang hindi ako okay. Parang ang bigat kasi talaga sa puso na... iwan sina tito at tita sa isla eh. Pero wala na, nandito na ako. "Alam ko na hindi madali sa 'yo ito, kasi buong buhay mo sila na ang kasama mo. Pero isipin mo na lang na... para sa 'yo rin naman ito, at ito rin ang gusto nilang gawin para magkaroon ka ng mas maayos at magandang buhay," aniya.
Hindi pa rin ako sumagot. Nanatili lang akong tahimik na nakatingin sa labas habang umaandar ang bus.
"Para ma-divert ang atensiyon mo sa ibang bagay, magkwento na lang ako sa 'yo tungkol sa magiging stepfather mo at sa pamilya nila ha? Para hindi ka na rin mabigla gaano kapag kaharap mo na sila..." saad pa niya.
Napahinga naman ako ng malalim bago pilit na ngumiti at marahang tumango.
Chapter 7
Inilabas naman ni mama ang cellphone niya at nakita kong pumindot siya doon na para bang naghahanap ng picture. Tapos mayamaya pa ay pinakita niya sa akin iyon. Agad akong napangiwi sa nakita.
"Negro po ang napangasawa niyo?" mahina pero hindi makapaniwalang tanong ko.
Iyong picture na pinakita pa naman niya sa akin ay hubad baro iyong lalaki. I mean, kahit sa picture pa lang ay halatang sobrang tangkad na nito. Mukha siyang black american... maganda ang katawan, oo. Pero sa kulay, tangkad at laking tao nito... para siyang nakakatakot. Hindi naman siya pangit, parang nakaka-intimidate lang.
"Half black american at half pinoy siya. Darius Williams ang pangalan niya. Pinay ang nanay at purong black american ang tatay na isang sundalo na na-destino dati dito sa Pinas. Kaya dito sila sa Pinas nagkakilala. Noong nabuntis ang nanay, ilang buwan lang ay bumalik na sa america ang tatay at hindi na bumalik. Noong namatay ang tatay nila, saka sila kinontak nung isang kamag-anak nila sa amerika para sabihin na... pinamanahan pa rin sila. Kaya iyon ang nagamit nila para magkaroon ng magandang buhay dito," kwento niya.
"May lahi man sila, pero dito na lumaki, kaya tagalog na tagalog kung magsalita sila. 58 years old na si Darius, at may nakatatandang kapatid siya, si Demetrius. 60 years old naman..." aniya tapos ay nakita kong naghanap siya ng iba pang picture.
Sa picture na iyon ay si Darius pa rin, pero may kasama itong isang lalaki na sobrang laking tao rin.
"Wala po sa hitsura nila na may lahi silang pinoy..." bulong ko kaya tumango siya.
"Iyan din ang una kong sinabi. Pero naku, kapag narinig mo silang magsalita? Tagalog talaga," natatawa na saad niya. "Iyong unang asawa ni Darius, namatay na. Pero may dalawa silang anak. Sina Amir at Zion. Si Amir ay 40 years old, at si Zion naman ay 39," aniya kaya napangiwi ako.
"Ibig po bang sabihin, 18 lang si Darius nang magka-anak siya?" tanong ko.
"Oh, eh ano naman? Nasa edad na iyon. Ang importante ay naging responsableng ama naman siya sa mga anak niya," sagot ni mama.
"Nagulat lang po ako. At saka... 42 years old lang po kayo, di ba? Eh parang kapatid niyo na po halos ang mga anak niya," wika ko.
"Oo nga, pero mababait naman silang lahat. Wala naman sa kanila na ako ang napangasawa ng papa nila. Madalas nga nakakabiruan ko rin sila, eh. Kasi mababait sila," aniya.
Naghanap siya ng picture at pinakita sa akin. Sa picture na iyon, ay tatlong lalaki ang magkakasama. Hubad baro pa rin sila. Teka, ano bang meron sa mga ito at parang puro shirtless ang mga pictures nila?
"Ito si Amir at ito naman si Zion... ito namang isa, iyan si Kairo. Nag-iisang anak siya ng kuya ng tito Darius mo, at 40 years old na siya. Bale pinsan siya nina Amir at Zion," kwento pa niya.
Grabe, wala talaga sa hitsura nila ang pagiging pinoy. Silang lima ay mukhang pure black american.
"Lahat silang lima ay magkakasama sa iisang bahay. Magkasosyo kasi sina Darius at Demetrius sa negosyo. Itong si Amir, may dalawa nang anak, magka-iba ang nanay, at parehong hiwalay. Iyong mga anak niya ay nasa mga nanay at sinusustentuhan naman niya. Si Zion, may isang anak, at hiwalay din sa asawa. Kahit iyang si Kairo... dalawa ang anak sa isang babae, pero hiwalay din. May pagkababaero kasi ang magpipinsan na iyan, kahit nga ang tatay ni Kairo na si Demetrius hiwalay sa asawa dahil sa pagiging babaero. Lalo na restobar ang negosyo nila, sa umaga restaurant at bar sa gabi... kaya madalas iba't ibang babae mga nakikilala at nakakasalamuha nila," napapa-iling na kwento pa niya.
"Si Darius lang ang hindi babaero sa kanila, una't huling naging babae niya ay ang mga magulang nina Amir at Zion. Tapos ako na..." nakangiti at tila may pagmamalaking kwento pa niya.
Gusto ko sanang isagot na 'Di mo sure...' pero hindi ko na ginawa pa. Hindi ko pa naman sila kilala talaga at ayaw kong mag-judge na lang basta. Pero grabe... limang picture ng mga negro ang pinakita sa akin ni mama, silang lahat ay ang lalaki ng mga katawan. Parang nakakatakot silang tignan.
"Teka, sabi niyo po silang lima magkakasama sa iisang bahay? Eh sabi niyo po... nagsasama na kayo ni Darius--"
"Tito Darius, anak. Sanayin mo na ang sarili mo. Baka nga mag-request pa iyon sa 'yo na tawagin mo siyang papa, eh," nakangiting pagputol niya sa sasabihin ko.
Napalunok naman ako sa narinig. Ewan ko kung bakit out of nowhere, para akong nakaramdam ng init sa ideya na... tatawagin kong papa ang negrong kinakasama ni mama.
"Tito Darius," pag-uulit ko naman kaya tumango siya. "Kung nagsasama na po kayo, ibig sabihin... mag-isang babae lang po kayo sa tahanan ng limang lalaki?" tanong ko pa.
"Eh, ano namang masama doon? Pamilya ko na sila! Pamilya na natin sila," nakangiting sagot niya.
Napangiwi naman ako at hindi na lang sumagot pa. May mga ilan pang sinabi si mama sa akin tungkol sa pamilyang Williams. Nakinig naman ako kasi ay ayaw kong magkamali, o may magawang hindi tama kapag nandoon na ako. Lalo na para lang akong makikitira talaga tahahan ng mga estranghero.
Sobrang dami ng mga sinabi ni mama, na karamihan ay hindi ko na maalala. Pero marami naman akong natatandaan. Nagkaroon ng ilang stopover ang biyahe, sa bus na rin kami kumain ni mama. Bumili siya ng pagkain nang nagkaroon kami ng isang stopover, tapos ay patuloy siya sa pagkukuwento ng kung ano-ano sa akin. Hanggang sa lumipas ang mga oras na nakatulog ako sa biyahe.
Nagising lang ako ulit nang maramdamang may tumatapik sa pisngi ko. Nang nagmulat ako ng mata ay nakita kong nagsisitayuan na ang ilang mga pasahero sa bus.
"Nandito na tayo sa terminal, anak. Halika na," nakangiting saad niya sa akin.
Kung hindi ako nagkakamali, normally ay nasa 3 to 4 hours lang ang biyaheng Pangasinan to manila. Pero depende iyon kung saan ka sa Pangasinan magsisimula. Dahil nga malayo ang sa amin na Santa Catalina, ay nasa anim na oras ang total na biyahe.
At nang napatingin ako sa oras sa phone ko ay saka ko napansin na alas cinco na pala ng hapon. Alas diez na kasi kaming nakaalis sa Santa Catalina, at nagkaroon pa ng ilang mga stopovers ang biyahe kaya hindi nakakapagtaka na ganitong oras na kami nakarating dito.
Pagkatayo ni mama ay kinuha na niya ang dala niyang bag sa taas ng inuupuan namin, kaya naman tumayo na rin ako at kinuha ang backpack ko.
Pagkababa namin ng bus, sa hindi kalayuan ay nakita ko na prenteng nakatayo ang isang sobrang tangkad na lalaki. Namukhaan ko agad ito base sa mga pictures na pinakita ni mama sa akin kanina. May suot itong white na t-shirt at pants, at bakat na bakat sa suot niya ang magandang hulma ng katawan... grabe, sobrang laking tao na.
6 footer na si tito Dino, pero di hamak na mas matangkad at mas malaking tao pa ito kay tito. Agaw atensiyon nga ito, eh. Napansin ko sa dami ng mga napapatingin. Bukod kasi sa matikas na pangangatawan... aaminin ko na sobrang lakas ng sex appeal nito.
"Hon!" nakangiting sigaw pa ni mama na para bang nagyayabang tapos ay kumaway sa lalaking nakatingin sa amin, muli akong napalunok nang mapansin na sa akin nakatitig ang lalaki.
Tapos ay nagmamadali nang maglakad palapit si mama rito at humalik pa sa labi.
"Thank you sa pagsundo, hon!" malambing ang boses na saad ni mama. "Ah, anak ko nga pala, si Minandro. Pero Mi ang palayaw niya. Anak, ang tito Darius mo, asawa ko," pagpapakilala pa nito.
"Masaya akong makilala ka, Minandro," nakangiting wika nito gamit ang napakalalim na boses, tapos ay naglahad ng kamay sa akin, na agad ko namang tinanggap kahit pa nahihiya ako.
"Mi na lang po, at... n-natutuwa rin po akong makilala kayo, sir..." may halong kaba na sagot ko naman tapos ay tinanggap ang kamay nito. Para akong napaso sa init ng kamay nito... magaspang ang kamay niya, kaya alam na alam kong batak sa gym. Kamay ng masipag at... lalaking lalaki.
"Tito na lang, eh magiging anak na rin naman kita. Kung gusto mo nga... puwede mo rin akong tawaging daddy..." aniya kaya mahina akong napasinghap.
Hindi ko alam kung ako lang ang nagbigay ng kakaibang kahulugan doon, eh. Si mama naman ay mahinang natawa dahil doon.
"Daddy? Dapat ako lang ang tumatawag ng daddy sa 'yo, hon..." naglalambing na saad pa ni mama kaya napangiwi ako, mahina namang natawa si tito Darius hindi dahil sa sinabi ni mama, kung hindi dahil nakita niya ang pagngiwi ko. "Papa, puwede ka niyang tawaging papa," dagdag pa nito.
"Okay na po ako sa tito Darius," sagot ko naman.
"Ano? Halina kayo? Naghihintay na ang iba sa bahay kasi excited din silang makilala itong... magiging bago nating bunso sa bahay," nakangiting saad ni tito Darius.
Tapos ay tinulungan na niya kaming dalhin sa trunk ang mga gamit namin ni mama at sumakay na nga kami sa kotse nito. Siyempre si mama ang kasama niya sa harap at ako ang nasa backseat.
Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako. Hindi pa rin makapaniwala na... wala na ako sa isla na naging comfort zone ko na, at nandito na ako sa maynila...
Chapter 8
Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako. Sina mama at tito Darius lang ang nagkukuwentuhan. Pero kung minsan ay napapansin ko na parang napapatingin sa akin si tito Darius mula sa rearview mirror. Umaakto naman akong hindi napapansin iyon, kasi hindi ko ba maintindihan kung bakit tila kinakabahan ako sa tingin niya sa akin.
Hindi ko alam kung ako lang ang nag-iisip, pero para bang may iba sa tingin niya. Baka naman masyado lang akong nag-ooverthink kasi ay hindi ko pa naman talaga siya kilala? Ewan ko. Baka nga.
Mayamaya pa ay nakita kong ipinasok na niya ang sasakyan sa gate ng isang subdivision. Kahit pa laking isla ako, ay hindi naman ako inosente o ignorante. Sa gate pa lang ng subdivision, at sa mga bahay na nadadaanan, ay masasabi ko nang mararangya ang buhay ng mga nakatira rito. Ang lalaki kasi ng mga bahay.
Pagkaraan ng ilang minuto pa, ay nakita kong ipinasok na ni tito Darius ang sasakyan sa nakabukas na malaking gate. Bahagya ngang umawang ang bibig ko sa laki ng bahay. I mean, hindi mala-mansiyon na laki, pero malaki pa rin talaga.
"Welcome home, anak! Dito na ang magiging bahay natin," nakangiti at excited na wika ni mama sa akin.
Two storey ang bahay, at mula sa labas ay sumisigaw na ito ng karangyaan. Iyong garahe pa lang ay medyo malawak na. Tapos ay may apat na sasakyang nakaparada doon, pang-lima itong sasakyan na gamit ni tito Darius. Malamang ay tig-iisa silang limang mga barako na nakatira rito.
"Halina kayo sa loob," nakangiti at malumanay ang boses na wika ni tito Darius nang makababa na kami, at makuha na namin sa trunk ng sasakyan niya ang mga gamit.
Nauna na itong maglakad papasok sa loob. Ngumiti naman sa akin si mama tapos ay sumunod na kay tito Darius. Napalunok naman ako bago nagpasyang sumunod na rin, dala ang backpack ko.
Pagkapasok namin sa pinto, ay unang bumungad ang malawak na sala na may malaking flat screen TV pa. Sa sala ay may L-shaped na sofa, na sa tingin ko ay kakasya kahit labing limang tao pa.
Sa sala, ay may hagdan papunta sa ikalawang palapag, sa likod naman ng hagdan ay ang daan papuntang kusina, kung nasaan din ang hapag kainan na may 8-seater na dining table. Sa kusina mismo, ay may peninsula... tapos sa dulo ay may pinto papunta malamang sa likod ng bahay.
"Nakahanda na ang pagkain sa poolside, naghihintay na doon ang iba. Gusto niyo bang kumain na muna, o ayusin mo na muna ang mga gamit mo sa magiging kuwarto mo?" nakangiting tanong ni tito Darius sa akin.
"Uhm, okay lang po ba kung... aayusin ko muna ang mga gamit ko? Gusto ko rin po kasi sanang... maghilamos ng mukha," sagot ko kaya tumango ito.
"Kung mapapansin mo, heto ang sala ng bahay. Ito ang kusina, at may isang kuwarto rito sa baba na tinutuluyan ng kuya ko, si Demetrius. Tamad kasi iyon umakyat ng hagdan kaya mas pinili niya rito sa baba. May isang pinto rin sa tabi ng kuwarto ng tito Demetrius mo, at opisina naming dalawa iyon dito sa bahay," kwento nito kaya marahan akong tumango.
"Sa second floor, may limang kuwarto. Bawat kuwarto ay may kanya-kanyang mga banyo, kaya hindi mo kailangang mag-alala sa privacy," saad pa nito. "Halina kayo sa taas," dagdag pa nito, tapos ay naglakad na papuntang hagdan, at sumunod naman kami ni mama sa kanya.
Pagkarating sa second floor ay nakita ko na agad ang limang pinto. Isang pinto sa kanan, at may kaharap itong pinto sa kaliwa. Pero bago ang unang pinto, ay may sala din sa second floor. May l-shaped na sofa din doon, flat screen TV, at may wine bar pa... sa tabi ng wine bar ay meron ding ref.
Grabe... halatang mayaman talaga sila.
"Itong pinto sa kanan, kuwarto ito ng anak kong si Zion, iyong katabing pinto sa kanan ay kuwarto naman ng panganay kong si Amir. Itong unang pinto sa kaliwa, kuwarto ng pamangkin kong si Kairo, iyong dulo ang kuwarto namin ng mama mo. Kaya iyong katabing pinto sa kaliwa, katabi lang ng kuwarto namin, at katabi ng kuwarto ni Kairo, iyon ang magiging kuwarto mo," mahabang saad niya kaya tumango ako.
Tapos ay naglakad na ito papunta sa pinto ng sinabi niyang kuwarto, kaya naman sumunod kami.
Pagkabukas niya sa pinto, ay bahagyang umawang ang bibig ko nang makita iyon. Maganda at maayos kasi. May isang queen size bed, may built in closet, may study table din...
Tapos ay may isang pinto na papunta sa en-suite bathroom. Para itong isang hotel roon. Apat na beses na mas malaki ata kumpara sa kuwarto ko sa bahay namin sa isla. I mean, hindi naman kasi malaki ang kuwarto ko doon. Hindi sobrang laki ng kuwartong ito pero masasabi ko na... kakasya pa siguro ang dalawang queen size bed ng walang problema.
"Ayos ba?" nakangiting tanong ni tito Darius sa akin, kaya tipid akong ngumiti bago tumango.
"Masyado pong malaki para sa isang tao lang... baka mahirapan po akong makatulog nito, nasanay po kasi ako sa... alam niyo na, maliit na kuwarto..." pagsasabi ko ng totoo na nagpangiti sa kanya.
"Masasanay ka rin, lalo na't bahay mo na rin ito," sagot naman niya. "Paano? Maiiwan ka na namin dito para maayos mo na ang mga gamit mo. Hihintayin ka na lang namin sa poolside. Nandoon ang iba..." aniya kaya tumango ako.
"Uhm, ma?" pagtawag ko naman kay mama nang mapansin na susunod na sana ito kay tito Darius. "Okay lang po ba kung... hintayin niyo na ako? Sabay na tayo. Nahihiya po kasi ako na... bumaba na walang kasama..." saad ko, kaya nakangiti itong tumango.
Ngumiti naman sa amin si tito Darius bago naglakad na palabas ng kuwarto. Ako naman ay ibinaba ko na muna sa kama iyong dala kong backpack. Konti lang naman ang dala ko kaya alam ko na madali lang ayusin iyon. Kayang kaya kong gawin mamaya.
Balak ko lang talagang gumamit ng banyo kasi ay kanina pa ako naiihi, at gusto ko ring maghilamos ng mukha kasi pakiramdam ko ay nanlalagkit na ako. Kaya iyon ang agad kong ginawa habang si mama ay nakaupo sa kama at hinihintay ako.
Nang matapos ako ay lumabas din naman ako agad.
"Halika na? Nagugutom na rin ako, at alam kong ganun ka rin," aniya kaya pilit akong ngumiti bago marahang tumango.
Tapos ay sabay na kaming naglakad palabas ng kuwarto. Nang makarating kami sa poolside, ay napalunok ako nang makita ang limang negro na nakaupo sa lanai na nasa poolside.
Parang resort ang likod ng bahay, medyo malawak din ang swimming pool na may ilaw pa. Pero ang mas nakakagulat ay nang makita na... iyong tatlo sa kanila ay hubad baro at naka-shorts lang, habang may hawak na mga beer na para bang nagpa-party.
"Heto na pala sila," nakangiting saad ni tito Darius nang makita kami, kaya napalingon sa amin ang lahat.
Ramdam ko ang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero pilit naman akong ngumiti para maitago iyon. Ayaw ko namang mapansin nila na masyado akong intimidated sa kanila.
"Helli, sexy mommy..." napapangiti at makahulugang bati ni Amir kay papa.
Hindi ako inosente para hindi mapansin na may iba sa pagkakasabi niya nun. Lalo na iyong paraan ng pagtawag niya ng mommy kay mama? Para bang... may pagka-seksuwal. Pero hindi ko na lang binigyan ng pansin, lalo na nang tumawa si mama na para bang natutuwa pa.
"Naku naman, Amir, nakakatanda ang mommy! Di ba nga sabi ko, tita na lang?" aniya habang tumatawa. "Oo nga pala, heto ang anak ko. Si Minandro, Mi ang palayaw niya. Anak, sila ang anak ng tito Darius mo, ang kuya Amir mo, at ang kuya Zion mo. Siya naman, si kuya Demetrius, kuya siya ng tito Darius mo. At ang anak niya, ang kuya Kairo mo..." pagpapakilala pa ni mama.
"Magandang gabi po sa inyo..." mababa ang boses na bati ko naman, pilit ang ngiti.
"Magandang gabi rin, Mi..." napapangiting bati naman ni kuya Amir sa akin.
Muli akong napalunok sa paraan niya ng pagtawag ng Mi sa akin. But then again, hindi ko na lang gaanong binigyan ng pansin iyon.
"Bakit nga pala nandito kayong lahat? Wala bang pupunta sa mga restobar para mag-manage?" tanong ni papa.
"Tita, siyempre naman hindi namin puwedeng palampasin ang pagkakataon na... makilala ang bagong bunso ng pamilya," nakangiting wika ni kuya Zion tapos ay sumulyap pa sa akin. "Kaya napagdesisyunan namin na wala na muna sa amin ang magtatrabaho ngayon, at mag-party na lang dito sa bahay. Pa-welcome party ba..." dagdag pa nito.
"Mi, kung ayos lang sa 'yo, tutal ikaw naman ang bagong bunso dito sa bahay, bunso na ang itatawag namin sa 'yo ha? Hindi naman na tayo iba. Pamilya na tayo. Lalo na ikakasal na si papa, at ang mama mo," nakangiting saad pa ni kuya Amir.
Pilit na lang ulit akong ngumiti bago marahang tumango.
"Pagpasensiyahan niyo na at may pagkamahiyain lang talaga. Pero mabuting bata itong si Minandro, masipag at matalino pa," wika naman ni mama.
"Ayos lang iyon, tita. Eh siyempre hindi pa naman niya kami gaanong kilala," saad naman ni kuya Kairo.
"Pasasaan at mapapalagay din ang loob niya sa amin," nakangiting wika rin naman ni tito Demetrius.
Grabe... ang lalaki talaga nilang mga tao, at ang guguwapo pa. Sobrang lakas ng mga sex appeal. Pero nagpasya ako na ibaling sa iba ang atensiyon ko bago pa kung saan mapunta ang isip ko.
"Ilang taon ka na nga, Mi?" tanong naman ni tito Darius.
"Uhm, 19 years old po..." sagot ko.
"Nice! Ibig sabihin nasa hustong edad ka na para uminom. Ano? Since nag-effort ang mga kuya mo para sa welcome party na ito, inom tayo ha? Para may bonding na agad tayo bilang pamilya," nakangiting wika nito.
Pilit na naman akong ngumiti bago marahang tumango. Marunong naman na talaga akong uminom, kasi ay madalas kong samahan si tito sa isla na uminom ng gin o lambanog, lalo na kapag hindi kami makatulog.
"Pero bago iyan, kumain muna tayo at kanina pa ako nagugutom!" saad naman ni mama. Kaya iyon ang ginawa namin.
Chapter 9
Ang dami ng nakahandang pagkain. Tatlong putaheng ulam iyon, may kare-kare, caldereta, sisig tapos ay may lumpiang shanghai pa, at pancit canton. Bukod doon, ay may mga inihaw din pala na manok at liempo, iyong iba ay nakasalang pa sa grill.
Parang may birthday, o kung anong okasyon man sa totoo lang. Sa isla, naghahanda rin naman kami kapag may okasyon, pero hindi ganito karami. Minsan ay marami na ang dalawang putahe, pero kung kulang sa budget kung minsan ay sapat na ang pancit sa amin o isang klase ng ulam.
Pero dito? Grabe. Pa-welcome lang daw nila sa akin, although hindi ko alam kung totoo o trip lang nilang mag-party, ay ang dami nang handa. Siguro kung nasa isla lang ako, ay tinikman ko ang lahat ng putaheng nakahapag.
Pero nahihiya kasi ako eh, kaya konting pancit at shanghai lang ang kinuha ko kahit pa gutom ako, na kino-konti konti ko pa. Habang kumakain, ay nagkukuwentuhan ang lahat. Ako ay nanatiling tahimik lang, sumasagot lang kapag ako ang kinakausap o may itinatanong sila sa akin.
Si mama, siya ang madalas magsalita. Ang dami niyang kinukuwento sa akin tungkol sa mga buhay nila rito. Nalaman ko na may isa silang kasambahay, pero hindi ito stay in.
"Hindi kasi sila madaling magtiwala sa iba, kaya hindi rin nagpapatuloy ng ibang tao rito sa bahay. Bale iyong kasambahay, pinapapunta lang dito kapag kailangang magluto ng marami, gaya nito. Kung hindi naman ay tuwing linggo lang para maglinis ng bahay at maglaba," wika ni mama.
"Eh ako po... I mean, kung tutuusin, ibang tao po ako..." wala sa sariling saad ko nang marinig iyon.
"Anong ibang tao? Hindi ka na iba sa amin, bunso. Oo, ngayon lang tayo nagkakilala-kilala. Pero pamilya na tayo. Asawa ko na nga ang mama mo, hindi ba?" nakangiti at mahinahon ang boses na wika naman ni tito Darius.
Pasimple nga akong napalunok ng laway nang marinig kong tinawag niya akong bunso. Gaya nang suhestiyon at sinabi ni kuya Amir kanina.
"Kaya ba konti ang pagkain mo, kasi iniisip mong iba ka pa sa amin?" nakangiting tanong naman ni tito Demetrius.
"Oo nga naman, anak. Pamilya na tayo rito. Kaya huwag kang mahihiya at kumain ka lang!" saad naman ni mama, kaya marahan akong tumango.
At kahit pa nahihiya pa rin ako, ay nagpasya akong sumandok na ng kanin at ulam. Dahil doon ay napangiti ang limang negro at nagsimula na ulit sa kung ano-anong kwentuhan.
Nalaman ko rin na ang restobar na pagmamay-ari nila, ang pangalan ay Red Room. Sa umaga ay kainan, parang tipikal na restaurant na ang offer ay pinoy foods. Hindi siya karinderya, parang 3 star restaurant nga daw kung ituring eh, at may pagkamahal ang presyo. Kasi ay sadyang masarap daw ang pagkain, well, iyon ang sinabi ni mama.
Tapos sa gabi nga ay bar ito, bar na may inuman at sayawan. Basta, magkasosyo daw sina tito Darius at tito Demetrius, at tumutulong na rin ang mga anak nila sa pagma-manage. Iyong main na Red Room ang restobar, tapos ay may tatlong branches naman ang bar na Red Room din ang pangalan, pero wala itong restaurant hindi gaya ng main. Ang ang tatlong magpipinsan ang nagma-manage ng tatlong branches na iyon.
Ang Red Room A, ay si kuya Amir ang nagma-manage, sa Red Room B ay si kuya Zion, at sa Red Room C naman ay si kuya Kairo. Nasa manila lang ang lahat ng iyon, pero magkakalayo naman kaya hindi naglalaban at nagkakatalo sa mga customers.
Sa Red Room main naman, ay sina tito Darius at tito Demetrius ang magkatulong mag-manage, lalo na at mas malaking responsibilidad ito dahil may restaurant din ito. Minsan si tito Darius ang sa umaga para sa restaurant, at sa gabi si tito Demetrius para sa bar, at minsan ay nagpapalit sila. Pero ang tatlong magpipinsan, puro gabi ang duty nila kasi nga night bar ang mga iyon.
May mga employed supervisor naman daw sila na nagsu-supervise ng iba pa nilang mga empleyado, kaya kahit hindi sila makapasok minsan sa trabaho ay ayos lang. Pero siyempre, mas madalas na nagpupunta sila para nga i-manage ang lahat.
Bukod pa doon, ay nagmamay-ari sila ng aparment na may 32 na butas. Lahat daw iyon ay okupado. Parang condo style building daw. Ang monthly na singil nila doon ay 12,000. Dalawa ang kuwarto ng bawat unit. Medyo mahal pa rin kung iisipin, pero parang malapit daw kasi ito sa maraming mga establishments at iba't ibang mga kompanya kaya hindi nababakante ang bawat unit.
Nang marinig ko nga iyon at nag-compute ako sa isip ko, 12,000 times 32, ay medyo nalula ako sa laki. 384,000 ang income nila monthly sa apartment pa lang. Iba pa ang malaking kita nila sa restobar.
Saka ko napagtanto na hindi lang sila basta may kaya sa buhay. Mayaman talaga sila. Hindi lang nila binabanggit iyon, o sinasabi. Kumbaga, wala lang point para sabihin at ipagyabang iyon.
"Anong year mo na nga ulit, bunso?" tanong ni tito Darius sa akin mayamaya pa.
"Uhm, graduate po ako ng... 2 years associate course sa Pangasinan. IT po ang course. Hindi ko na po naituloy ang 3rd year kasi... nagkasakit po ang tita ko, kaya mas kailangan kong unahin ang mga maintenance meds niya. At saka malayo po kasi sa isla namin ang... university na pag-aaralan sana, nasa 2 hours po. Kaya hindi na rin po kaya..." sagot ko, kaya tumango ito.
"Pero kung ikaw ang tatanungin, gusto mo bang magpatuloy sa pag-aaral? Kami nitong tito Demetrius mo, hindi nakatapos ng kolehiyo. Pero kita mo naman... negosyante kami ngayon. Hindi sa sinasabi ko na... huwag ka nang mag-aral, kasi sa huli, nasa diskarte pa rin naman iyan ng isang tao. Kaya kung ikaw ang tatanungin... gusto mo bang makatapos?" tanong ni tito Darius, napalunok na naman ako bago marahang tumango.
"Oo nga pala, hon, ipapasyal ko itong si bunso bukas, ha? Konti lang kasi ang gamit na dala nitong bunso natin, balak ko sana siyang bilhan ng mga bago..." naglalambing na wika ni mama, mataman naman akong pinagmasdan ni tito Darius bago ito marahang tumango.
"Walang problema. Ibibigay ko ang credit card ko sa 'yo bukas at iyon na ang gamitin niyo. At maghanap na rin kayo ng unibersidad na baka mapusuan niya, para maitanong niyo na ang mga requirements at sa susunod na pasukan ay mai-enroll natin siya," aniya kaya bahagyang umawang ang bibig ko. Malawak namang ngumiti si mama sa akin na para bang sinasabi niyang: Oh, di ba tama ako? Mababait sila rito! "Pag-aaralin kita hanggang sa makatapos ka, kung desidido ka talaga," saad pa niya sa akin kaya tipid akong ngumiti.
"Salamat po... malaking bagay po sa akin ito..." sagot ko naman.
"Sa isang kondisyon..." aniya kaya saglit akong natigilan.
"K-Kondisyon po?" mababa pero may halong kaba na tanong ko.
"Itigil mo na iyang hiya-hiya na iyan sa amin, ha? Alam ko na hindi mo pa kami kilala talaga, pero pamilya na tayo. Kaya dapat lang na mawala iyang hiya o ilang na nararamdaman mo. Kaya nga tayo ngayon nandito at magkakasama, para maka-bonding natin ang isa't isa bilang isang pamilya. Para mas makilala at mapalapit tayo sa isa't isa..." aniya.
Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa narinig, pero ngumiti naman bago marahang tumango.
"Excuse me lang, ha? Gagamit lang ako saglit ng banyo," nakangiting saad naman ni mama tapos ay tumayo na at naglakad paalis.
"Pasensiya na po, may pagkamahiyain lang po talaga ako..." sagot ko naman nang makaalis na si mama.
"Ayos lang, bunso. Pasasaan at masasanay ka rin!" nakangiting sagot naman ni kuya Amir.
"Alam mo? Kung minsan isasama ka namin sa restobar, doon tayo uminom! Nang mawala ang ilang mo sa amin," saad naman ni kuya Zion.
"Salamat po sa inyo... sa mainit na pagtanggap niyo po sa akin dito," sagot naman.
"Mainit talaga kaming tumanggap..." napapangiting wika naman ni tito Demetrius, nakita ko nga na bahagya itong napasulyap kay tito Darius eh. Nang pasimple akong napatingin kay tito Darius, nakita ko ang multo ng ngiti na sumilay sa labi niya. "Basta para sa pamilya..." dagdag pa ni tito Demetrius.
Mukha naman silang okay at mababait talaga... pero ewan ko ba, parang may iba eh. Hindi ko mawari kung ano. Ngumiti na lang ako ulit at hindi na sumagot pa. Mayamaya pa ay bumalik na ang nakangiting si mama.
Naging okay naman ang bonding daw na iyon. Hanggang sa hindi ko na kinaya pa ang pagod, at dala na rin ng konting alak na pinainom nila sa akin, kaya nagpaalam akong magpapahinga na. Hinayaan naman nila ako.
Pagod talaga ako nang gabing iyon at gustong gusto ko nang magpahinga. Pero nang nasa kuwarto na ay hindi naman ako makatulog agad. Sobrang lambot ng kama na hindi ako sanay. Mas gusto ko pa rin ang papag ko sa bahay namin sa isla kahit pa manipis ang kutson.
Parang hinahanap din ng pakiramdam ko ang malamig na simoy ng hangin kapag ganitong gabi... hinahanap ng tenga ko ang tunog ng mga kuliglig sa labas, maging ang hampas ng alon sa dalampasigan.
Oo, namamahay ako at alam kong normal lang iyon. Pero bukod doon, ay miss ko na rin agad sina tito at tita. Kaya naman nagpasya akong buksan ang isang messaging app, umaasa na may load si tito at online pa ito. Pagkabukas ko, bahagya akong napanguso nang makitang active siya 2 hours ago pa at offline na, pero may mga chats ito sa akin.
Dino Acosta: Mag-text o chat ka kapag nakarating na kayo sa maynila ha? Para lang alam namin ng tita mo.
Dino Acosta: Kumusta ang biyahe?
Dino Acosta: Pinapatanong ng tita mo kung kumusta ka.
Dino Acosta: Nakarating na ba kayo?
Dino Acosta: Magpapahinga na kami ng tita mo. Mag-chat ka lang kapag nabasa mo na ang mga ito.
Dino Acosta: Miss ka na namin ng tita mo.
Muli na naman akong nakaramdam ng lungkot dahil sa nabasa. Kaya naman nagpasya akong mag-reply sa kanya.
Ako: Pasensiya na po, tito, at ngayon ko lang po nabasa ang mga chats niyo. Nakarating na po kami dito. Alam niyo po ba, sobrang laki ng bahay at may swimming pool pa. Pero namamahay po ako eh. Kahit pa gaano kaganda ang swimming pool, mas hinahanap ko pa rin po ang dagat sa atin. Nakilala ko na po ang bagong pamilya ni mama, at mababait naman po sila. Kaso nahihiya pa po ako sa kanila. Miss ko na po kayo agad ni tita.
Iyon ang mahabang reply ko sa kanya, bago ko ini-lock ang phone at dinala na iyon sa bedside table. Tapos ay ipinikit ko na ang mga mata ko, at pinilit na lang ang sarili na makatulog kahit pa sobrang hirap.
Chapter 10
Mga alas dos na ata ng madaling araw iyon nang makatulog ako. Pero alas sais pa rin naman ng umaga iyon nang magising ako. Siguro ay sadyang nasanay na kasi talaga ako na bumabangon ng maaga, kahit pa late akong nakakatulog. Well, maliban na lang kung sobrang late na. Pero after ilang oras lang ay magigising din naman ako.
Pagkamulat ko sa mga mata ko ay unang bumungad sa akin ang napakagandang kisame ng bahay. Sa bahay kasi namin sa isla ay wala kaming kisame. Pilit naman akong ngumiti kahit pa sobra akong naninibago, bago ako nagpasyang bumangon na at maligo sa banyo. Nang matapos ay nagbihis na rin naman ako ng pambahay lang. I mean, simpleng black shorts at kulay green na t-shirt.
Tapos, nahihiya man ay kumuha ako ng lakas ng loob na maglakad na palabas ng kuwarto. Pagkalabas ko, ay nakita kong nakasara ang lahat ng pinto ng mga kuwarto. Hindi ko alam kung gising na ba ang mga tao, o natutulog pa. Pero hinayaan ko na lang. Ayaw ko namang maka-abala.
Kaya naman humakbang na ako pababa ng hagdan. Wala akong nadatnang tao sa sala pagkababa ko, pero may narinig kong tunog sa kusina na para bang may naglilinis.
Kaya naman humakbang ako papuntang kusina, iniisip na baka si mama iyon. Pero hindi. Isa iyong babae na medyo may edad na, naglilinis ito ng tila mga pinagkalatan kagabi.
"Magandang umaga po..." mababa ang boses na bati ko, una kasing pumasok sa isip ko ay baka ito iyong kasambahay nila na on-call lang ang service. Agad naman itong napalingon sa akin at ngumiti.
"Magandang umaga rin po, sir. Kayo na po ba ang anak ni ma'am Amelia?" tanong nito kaya marahan akong tumango bago mas humakbang palapit. Saka ko napansin na iyong kuwarto ni tito Demetrius sa baba ay nakasara pa.
"Ako nga po. At huwag niyo na po akong tawaging sir. Minandro o Mi na lang po," sagot ko naman.
"Naku, sir, hindi po puwede iyon at baka mapagalitan ako. Lalo na amo ko na rin po kayo," nakangiting sagot nito. "Ako nga po pala si Rosalinda, ang kasambahay rito," dagdag pa nito.
"Hindi po kasi ako sanay na tinatawag akong sir, kaya Mi na lang po," pamimilit ko naman kaya tipid lang na ngumiti ito. "Gising na po ba ang iba?" tanong ko pa.
"Natutulog pa po. Tinawagan lang po ako ni Sir Darius kagabi para sabihin na maaga nga akong magpunta rito para makapaglinis ng mga ginamit kagabi," aniya kaya tumango ako.
"Nasaan po iyong mga tirang pagkain kagabi? Iinitin ko po sana para sa agahan..." saad ko.
"Ha? Wala na po, sir. Ibinigay ko na po sa guard. Sila na po ang bahala doon, kung kakainin nila kasama ang pamilya nila, o ipamimigay rin. Ayaw na ayaw po kasi ni Sir Darius na may nasasayang na pagkain, pero ayaw din naman po niya na madalas na nag-uulit ng ulam sa magkasunod na araw," paliwanag niya kaya napangiti ako.
"Ganun po ba? Sige po. Hahanap na lang po ako ng... puwedeng mailuto sa ref. Ayos lang po ba?" tugon ko.
"Naku sir, amo po kayo rito kaya hindi po dapat kayo nagpapaalam pa sa akin. Pero kung ako po ang tatanungin niyo, mas maigi po siguro na... ako na ang gagawa. Baka po kasi magising sila at mapagalitan ako," aniya kaya mahina akong natawa.
"Aling Rosalinda naman ang kulit, Minandro na nga lang po kasi, o kaya Mi. Iyon po ang pangalan ko. At saka hayaan niyo na po ako. Sobrang laking bagay at tulong po sa akin na... tinanggap nila ako rito, kaya gusto ko rin naman pong may magawa para sa kanila," saad ko. Ngumiti naman siya dahil doon.
"Kayo po ang bahala. Pero kapag pinagalitan po ako, sabihin niyo po kayo ang nagpumilit, ha?" aniya kaya natatawa akong tumango.
Tapos ay humakbang na ako papunta sa ref at binuksan iyon. Namangha nga ako kasi ay sobrang daming laman. Pero kalahati ata ay beer. May mga soft drinks, juice, fresh milk at mga tsokolate... sa baba ay may ilang mga gulay. Sa freezer naman ay ang daming mga frozen foods at karne ng baboy, manok, isda at iba pa. Two doors ang ref, sobrang laki. Namamangha ako hindi dahil ito ang unang beses na nakakita ako ng ref, kung hindi dahil wala kaming ref sa isla.
"Ano po ba normally ang gustong agahan ng mga tao rito?" tanong ko pa.
"Kahit na ano po. Hindi naman po sila maarte sa pagkain. Madalas, ayaw lang talaga nilang nag-uulit ng magkasunod. Halimbawa adobo ngayong tanghalian, dapat hindi na adobo sa gabi at sa susunod na araw. Pero ang araw pagkatapos nun, ayos na ulit ang adobo. Ganun po sila. Kahit na mayaman ay mababait na pamilya," nakangiting paliwanag niya kaya marahan akong tumango.
Kaya naman nagpasya akong kumuha ng longganisa at tocino sa ref. Tapos ay kumuha rin ako ng mga itlog. Nang tinignan ko nga ang rice cooker ay napansin kong malinis na iyon, kaya nagpasya akong mag-saing din.
Nanibago nga ako kung paano gamitin ang mga iyon eh, pero tinuruan at tinulungan naman ako ni Aling Rosalinda. Maging sa pagsingi ng kalan nila. Habang nagluluto nga ako ay nagkukuwentuhan kami ni aling Rosalinda. Saka ko nalaman na on-call lang talaga siya kahit pa matagal na siyang naninilbihan dito.
May mga pagkakataon na sa isang araw ay hindi siya nagpupunta rito. Minsan naman ay gabi lang para maghanda ng hapunan at maglinis ng mga pinagkainan kasi ay gabi lang sila halos nakukumpleto rito sa bahay.
Normally kapag umaga, ay ang mga tao na rito ang kanya-kanyang gumagawa ng mga agahan nila. Sa lunch naman, madalas walang tao rito o kung meron man ay umo-order na lang. Tapos every Sunday, iyon ang hindi siya puwedeng mawala para mag-general cleaning ng bahay at maglaba nga. Pero buo daw ang sahod niya. 15,000 every kinsenas katapusan, kaya sobrang laking tulong daw sa kanya.
Gusto ko sanang itanong kung bakit hindi siya stay-in eh kung tutuusin, parang mas madali kapag ganun. Pakiramdam ko ay may sikreto ang pamilyang ito, o may mga gawain sila na... ayaw nilang malaman ng iba? Ewan ko. Iyon lang ang feeling ko. Pero hindi ko na lang binigyan ng pansin ang ideyang iyon. Alam ko rin naman sa sarili ko na maling manghusga ng mga tao na hindi pa talaga natin kilala... lalo na kung iyong mga taong iyon ay handa tayong tulungan at ituring na pamilya kahit pa hindi namn natin sila kadugo.
Saktong natapos akong nagluto, ay nakita kong bumaba na sa hagdan sina mama at tito Darius. Kumunot nga ang noo ni tito nang makita akong nasa kusina.
"Ikaw ang nagluto ng agahan?" nakakunot ang noo na tanong nito tapos ay napatingin kay aling Rosalinda.
"Ah, ako po ang nagpumilit. Sa totoo lang... kahit pa napag-usapan na po natin kagabi na... alisin ko na ang hiya at ilang, hindi ko po maiwasan eh. Kaya gusto ko pong may magawa at makatulong kahit sa gawaing bahay lang," sagot ko kaya napatango ito.
"Anak, sa susunod hayaan mo na si Rosalinda na gumawa ng mga iyan..." ani mama kaya napangiwi ako.
Matanda na si aling Rosalinda para tawagin lang niya sa pangalan. Oh well, magka-iba naman kami ng ugali.
"Hindi naman po mabigat na trabaho ang pagluluto..." sagot ko na lang.
Hindi na sila nakapagsalita pa nang nagbukas na ang kuwarto ni tito Demetrius at lumabas na ito. Tinulungan naman ako ni aling Rosalinda na ihapag na sa mesa ang inuluto ko. Nang nasa hapag na ang lahat, ay sunod-sunod na ring bumaba sina kuya Amir, kuya Zion at kuya Kairo.
Kaya naman umupo na kaming lahat, at si aling Rosalinda na ang gumawa ng juice na iinumin, at kape sa iba na nag-request.
Habang kumakain nga ay nakangiting ipinagmalaki ni mama na ako ang nagluto ng agahan para sa amin, kaya naman inulan ako ng papuri kahit pa puro prito lang naman ang mga iyon.
Pagkatapos kumain, ay si aling Rosalinda na ang naglinis ng mga pinagkainan. Si mama naman ay sinabihan ako na magbihis na, dahil nga papasyal kami sa mga mall dito.
Kaya naman iyon ang ginawa ko. Tapos ay inihatid kami ni tito Darius sa mall. Nang nasa mall na nga kami ay sobrang lawak ng ngiti ni mama, sinasabi na kunin at bilhin namin ang lahat ng gusto ko, tutal ay ipinahiram daw sa kanya ni tito Darius ang credit card nito, at sinabi daw nito na bilhin namin lahat ng gusto namin.
Hindi naman ako sumagot, pero hindi rin ako nag-take advantage. Kumuha lang ako ng dalawang bagong pants, at tatlong t-shirt na magagamit ko pang-alis. Iyon lang, at pumili pa ako ng... mga pinakamura sa department store, pero kahit na ganun lang ay umabot ng 5,000 ang presyo ng mga akin at nalula ako, kasi para sa akin ay sobrang laki na ng ganung halaga.
Si mama naman... well, ang dami niyang binili para sa kanya. Mga bagong dress na 2,000 pesos ata ang pinakamura, mga bagong sapatos, lipstick, makeups at kung ano-ano pa.
Pagkatapos nun, ay naghanap na rin kami ng university na puwede kong mapasukan. Nakahanap naman kami, na nasa 15 to 20 minutes lang daw ang layo sa bahay. Siyempre ay hiningi ko na ang mga requirements, at napagpasyahan na babalik na lang sa susunod na buwan para mag-enroll tutal ay may two months pa naman bago magsimula ang klase. Bale may mga requirements pa kasi akong nakalimutan sa isla, hindi ko pala nadala ang lahat. Nagkamali lang ako ng tingin. Pero balak ko na next month ay kukunin ko na iyon, kasabay ng paghahatid ko ng 5,000 pesos na pangako ni mama na ibibigay buwanan kina tito at tita.
Hapon na ata iyon nang makauwi kami ni mama. Sa totoo lang, napagod ako kasi ay ang dami naming nilakad. Hindi dahil sa paghahanap ng unibersidad na mapapasukan ko, kung hindi dahil sa dami ng mga botiques na pinuntahan pa ni mama. Nagpa-salon pa kasi ito, nagpaayos ng buhok, nagpa-facial, manicure at pedicure, massage at kung ano-ano pa.
Nakita ko ang klase ng luho na meron siya sa buhay niya ngayon. Pero hindi ko na lang siya sinita at hinayaan kasi ay hindi ko naman pera ang gamit niya. Although ako mismo ang nahihiya kay tito Darius at sa pamilya nito para sa kanya. Lalo na at hindi pa naman talaga sila mag-asawa kahit pa sabihin na nagsasama na sila. Hindi pa sila kasal.
Pero gaya nang sinabi ko, hinayaan ko lang siya.
Chapter 11
Naging maayos naman ang mga sumunod na araw. Iyong konting ilang ay hindi pa rin nawawala, pero para bang unti-unti ko nang nakakasanayan na ito na ang bago kong buhay. Hindi ibig sabihin ay kakalimutan ko na ang buhay ko sa isla, kasi kung papipiliin ako ay doon at doon pa rin ako babalik. At saka halos araw-araw naman kung mag-video call kami nina tito at tita eh. Kaya nakatulong din siguro iyon para kahit na papaano ay mawala ang pagka-home sick ko rito.
Pero iyon nga, kahit na papaano ay medyo nasasanay na ako na dito nakatira. Pero hindi rin ibig sabihin ay masyado na akong feel at home. Kumbaga, ay alam ko pa rin ang limitasyon ko. At kung may mga pagkakataon akong nakikita para tumulong, ay tumutulong ako kahti pa maliit na bagay lang, hindi wala silang masabi sa akin at hindi ko rin maramdaman na pabigat lang ako rito at dagdag gastos sa kanila.
"Oo nga pala, nakahanap ka na ba ng mapapasukang unibersidad?" tanong ni tito Darius sa akin isang gabi, habang magkakasabay kaming lahat na kumakain ng hapunan.
Alas sais pa lang ng gabi iyon, maaga pa kung tutuusin pero napansin ko na ganito talaga ang oras ng kain nila, kasi ay nagpe-prepare pa sila para nga sa duty nila sa mga night bar na negosyo nila.
"Uhm, may nahanap na po kami. Iyong Clairewood University po. Pero may mahigit two months pa naman po bago magsimula ang bagong sem. Kaya napagpasyahan ko po na... next month na mag-enroll, kasi ay may ilang requirements pa naman po akong naiwan sa isla. Kukunin ko pa po ang mga iyon," sagot ko kaya tumango siya.
"Basta, kapag mag-eenroll ka na, sabihan mo ako agad, para maibigay ko na ang pang-tuition mo, okay?" aniya kaya tipid akong ngumiti at tumango.
"Salamat po..." sagot ko.
Bigla tuloy akong napa-isip kung pati baon o allowance ko kapag nag-aaral na ako ay sila rin ang magbibigay. Hindi ba parang sobra nang nakakahiya iyon? Para na akong... pabigat talaga. Lalo na si mama, napansin ko nitong mga nakaraang araw na sobrang maluho. May mga pagkakataon na maghapon siyang wala sa bahay para kitain ang mga kaibigan, manlibre, at gumastos nang gumastos.
Naiintindihan ko naman na sabik lang siguro siya sa marangyang buhay. Pero hindi naman kasi niya pera ang ginagastos niya eh. Kaya ako na talaga ang nahihiya para sa kanya.
"Uhm... puwede po ba akong magtanong?" tanong ko mayamaya pa, kaya napalingon sa akin ang lahat, maging si mama.
"Ano iyon, nak?" nakangiting tanong pa nga nito, kahit pa kay tito Darius ako nakatingin.
"Ah... gusto ko lang po sanang malaman kung... may opening kayo sa bar, o sa restaurant? Kahit server or janitor po, ayos na ayos na sa akin. Hindi naman po ako mapili sa trabaho..." saad ko.
"Gusto mong magtrabaho sa amin? Bakit?" nakakunot ang noo na tanong ni tito Darius.
"Eh, malaking bagay na po kasi na... pinapatuloy niyo ako rito. Tapos pag-aaralin niyo pa po ako. Kaya kung... magkakaroon po sana ako ng trabaho, o kahit part time job lang, makakapag-ipon po ako. Para hindi ko na po sana iasa pa sa inyo ang magiging allowance ko, at siguro... maging ang tuition na rin," paliwanag ko.
"Hindi mo dapat isipin iyan. Kami naman ang may gusto na pag-aralin ka," ani tito Darius kaya tumango ang iba.
"Naku si bunso, mahigit isang linggo na nating kasama nahihiya pa rin sa atin," nakangiting saad naman ni kuya Zion.
"Hindi naman po. Hindi lang din po kasi ako sanay na... nasa bahay lang at walang ginagawa. Eh madalas akong mag-isa po ang naiiwan dito, baka masira na mga tiles sa sahig at sa pader kakukuskos ko..." sagot ko, kaya natawa silang lahat.
"Puwede ka naman naming ipasok, bunso. Pero hindi siguro sa bar. Hindi mo gugustuhin ang mga makikita mo doon..." ani kuya Amir, kaya natawa sina kuya Zion at kuya Kairo. Natahimik naman sila nang binigyan sila ng tingin ni tito Demetrius na parang nagsasabi na tumahimik sila. "I mean, kasi magulo madalas sa mga bar. Mausok. Maingay, at iyon nga... hindi naiiwasan madalas na may mga nag-aaway at batuhan ng bote. Kaya parang hindi okay na sa... bar ka, siguro sa restaurant pwede pa, para pang-umaga ka at hindi rin mapuyat," saad pa nito kaya marahan akong napatango at napatingin kina tito Darius at tito Demetrius na para bang hinihingi ang permiso nila, kasi alam kong sila ang nagma-manage ng resto.
"Mag-usap tayo sa opisina ko mamaya pagkatapos kumain," ani tito Darius, kaya ngumiti ako at tumango.
Nang napalingon nga ako kay mama ay tipid lang siyang ngumiti sa akin. Nagpatuloy naman kami sa pagkain. After kumain, ay si aling Rosalinda ang nagligpit at naglinis ng mga pinagkainan namin na kanina pa naghihintay matapos kami. Bagay na lagi naman niyang ginagawa. Sa hapon pupunta siya rito para ipagluto kami ng hapunan, tapos ay magtatabi siya ng kanya at sa kusina kakain at maghihintay na matapos kaming kumain. Para after naming kumain ay makapaglinis siya, bago siya umalis.
"Bunso, tara sa opisina!" ani tito Darius mayamaya pa habang nakaupo ako sa sala at naghihintay. Sina kuya Amir, kuya Zion at kuya Kairo kasi ay umakyat na sa taas para makapaghanda na. Si mama naman ay lumabas saglit, para daw manigarilyo pampababa ng kinain.
Nakita ko naman na nauna nang pumasok sa opisina si tito Demetrius, kaya naman tumayo na ako. Tapos ay pumasok na rin si tito Darius doon. Medyo kinabahan nga ako sa ideya na silang dalawa ang kakausap sa akin. Inisip ko na lang na... job interview ito kunware, at nagpasya akong maglakad na at pumasok nga sa opisina.
"Pakisara ng pinto," ani tito Darius kaya iyon ang ginawa ko nang makapasok ako.
Saka ko napansin na malawak ang opisina nila sa bahay. May book shelf na puno ng mga libro na para bang hindi naman nababasa, may dalawang office table, may dalawang swivel chair, tig-isa sila. Tapos sa harap ng bawat office table ay may dalawang extra na silya.
Agad na umupo si tito Darius sa swivel chair nito, akala ko nga ay uupo si tito Demetrius sa swivel chair niya, pero umupo ito sa silya na nasa harap ng office table ni tito Darius. Tapos ay pinaupo nila ako. Kaya magkaharap kami ni tito Demetrius.
"Sabihin mo nga ang totoo, bakit gusto mong magtrabaho? May nagpaparamdam ba dito sa bahay sa 'yo na pabigat ka o kung ano man?" seryosong paninimula ni tito Darius, kaya mabilis akong umiling.
"Hindi po, tito. Wala po. Sobrang bait niyo nga pong lahat sa akin eh..." sagot ko, kasi iyon ang totoo.
"Oh, eh bakit naisipan mo bigla na gusto mong magtrabaho at kumita?" tanong naman ni tito Demetrius.
"Kasi nga po... hindi ako sanay na walang ginagawa," sagot ko, partly true, pero hindi lang iyon ang rason.
"Bunso, hindi ka namin matutulungan at hindi tayo magiging totoong pamilya kung hindi tayo magiging totoo sa isa't isa. At alam namin na hindi lang iyan ang rason mo, kaya magsabi ka ng totoo," ani tito Darius, tumango naman si tito Demetrius bilang pagsang-ayon.
Napahinga naman ako ng malalim dahil doon.
"Iyong totoo po? Nahihiya na po ako sa inyo..." saad ko. "Alam ko po na sinabi niyong... alisin ko na ang ilang at hiya, at pinipilit ko naman po. Pero nitong mga nakaraang araw... nakita ko po kung gaano kagastos si mama. Hindi tumutulong dito sa bahay, puro gastos pa... kaya ako na ang nahihiya para sa kanya, kasi alam ko naman na hindi niyo pinupulot ang pera. Kaya... gusto ko sana na... kumita ng sarili kong pera, para hindi na po ako makadagdag pa sa mga gastusin niyo..." paliwanag ko, kaya nagkatinginan sila tapos ay sabay na natawa.
"Diyos ko naman, bunso. Iyan lang pala ang rason mo? Akala naman namin kung ano. Hindi mo kailangang mag-alala kasi sariling pera ko ang hinahayaan kong gastusin ng mama mo. Hindi iyon pera ng mga negosyo namin," wika naman ni tito Darius.
"Kahit na po... hindi pa rin tama na basta na lang gumastos dahil lang kaya natin at dahil lang gusto natin," giit ko na nagpangiti sa kanila.
"Okay ganito na lang. Papayag kami na... bigyan ka ng part time job, pero sa bar na lang ha? Wala kasing opening sa resto at 12 na ang mga waiters at servers namin doon. Iba pa iyong head chef, tatlong cook, tatlong dishwasher at tatlong cleaners. Pero sa bar, madali ka naming maipapasok doon. Iyon nga lang, tama ang kuya Zion mo. Baka hindi mo kayanin ang trabaho," mahabang saad nito.
"Sanay po ako sa mabigat ng trabaho! Sa isla nga po tinutulungan ko ang tito ko na pumalaot at mangisda..." sagot ko naman.
"May plano ka ba ngayong gabi?" tanong ni tito Demetrius.
"Wala naman po. Bakit po?" tugon ko.
"Isasama ka namin sa bar, para makita mo ng personal ang lugar. Para... makita mo kung anong klase ng trabaho ang papasukin mo kung sakali, at makapagdesisyon ka," ani tito Darius, ngumiti naman ako at agad na tumango.
"Sige po! Salamat po!" masayang sagot ko.
"Siya sige na, magbihis ka na sa kuwarto mo. Siguraduhin mong magsasapatos ka ha? Bawal pumasok sa mga bar namin na nakapang-araw lang at hindi nakasapatos," saad ulit ni tito Demetrius kaya masaya akong tumango.
Akmang tatayo na sana ako, pero biglang nagbukas ang pinto at sumilip doon si mama.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong nito.
"Iyong trabahong hinihingi nitong bunso natin, hon. Mukhang desidido talaga eh," ani tito Darius.
Bigla na naman akong nakaramdam ng init nang marinig ang mga salitang 'bunso natin'. Ewan ko ba. Kakaibang init iyon. Init na may konting kiliti sa loob na hindi ko mawari.
"Pagbibigyan niyo na nang hindi naiinip dito. Mas maganda na rin siguro iyon nang hindi siya puro dito sa bahay lang at mabilis masanay dito sa manila," ani mama kaya tumango sina tito Darius at tito Demetrius. "Oo nga pala, hon, inaaya ako ng mga kaibigan ko na dumalo sa birthday nung isa naming kaibigan, ha? Sa bahay lang naman nila at hindi kami lalabas. Pero alam niyo na, tiyak may inuman din iyon, kaya baka medyo late na rin akong makakauwi," ani mama kaya tumango si tito.
"Sige lang, isasama rin namin itong si Minandro sa bar ngayon para makita niya kung kaya ba niya ang trabaho," ani tito Darius, kaya nakangiting tumango si mama.
Tapos ay nagpaalam na ito at naglakad na paalis, siguro ay para makapagbihis sa taas. Ako man ay nagpasyang umakyat na sa kuwarto ko, para makagayak na rin.
Chapter 12
Nagpasya akong mag-half bath, pero minadali ko lang dahil ayaw ko na baka maghintay sila ng matagal sa akin. Pagkatapos ay nagbihis na ako. Nagsuot ako ng pantalon, plain bkac t-shirt at sapatos. Simple lang, kasi simple lang din naman ang mga pang-alis ko, kahit iyong mga bago na binili pa sa akin ni mama kailan lang gamit ang credit card ni tito Darius.
Pagkababa ko, nakita kong nakaupo sa sofa sa sala sina tito Darius at tito Demetrius.
"Ready ka na?" tanong pa ni tito Darius, kaya marahan akong tumango.
"Si mama po?" tanong ko.
"Nauna nang umalis, hindi na nagpahatid kasi dinaanan siya nung isa niyang kaibigan dito," aniya tapos ay sabay na silang tumayo.
Tapos ay magkakasabay na kaming naglakad palabas. Nang nasa labas na kami ay nakita kong ini-lock ni tito Darius ang pinto, nang napatingin ako sa garahe ay saka ko napansin na wala na ang tatlong sasakyan na sina kuya Amir, kuya Zion at kuya Kairo ang gumagamit, kaya alam kong nakaalis na rin sila.
"Sa akin ka na sumabay," ani tito Darius kaya tumango ako.
Sabay naman na kaming sumakay sa kotse niya, at ganun din si tito Demetrius sa kotse nito. Naunang umalis si tito Demetrius, at namangha nga ako nang makita na automatic na nagbukas ang gate. Sa mahigit isang linggo na tumira ako rito, ngayon ko lang nalaman na puwede rin palang automatic ang gate nila.
Pagkaalis ni tito Demetrius, ay sumunod naman kami agad ni tito Darius. Pagkalabas namin ay automatic ulit na nagsara ang gate. Nang mga naunang minuto na nasa biyahe kami, ay tahimik lang ako.
Hindi naman ako kinakabahan, wala lang talaga akong alam na sabihin at wala lang akong maisip na buksan na kahit pa anong topic lang. Aminado ako na nahihiya pa rin ako kay tito Darius at sa iba pang parte ng pamilya nila, pero hindi naman na sobrang hiya hindi gaya nung mga naunang araw ko rito. Ngayon, mas nahihiya na ako sa pagiging gastadora ni mama.
"Okay ka lang ba?" tanong ni tito Darius mayamaya pa, habang nasa biyahe kami, kaya tipid akong ngumiti bago tumango.
"Opo, ayos lang," sagot ko naman. "Tito Darius, salamat nga po pala ulit ha? Alam ko pong paulit ulit na, pero sobra ko pong naa-appreciate ang tulong niyo sa amin ni mama," dagdag ko pa.
"Sus, itigil mo na iyang kapapasalamat mo dahil hindi na kayo iba sa akin. Pamilya na nga tayo hindi ba?" nakangiting sagot naman niya.
Hindi na ako nakasagot, nang mayamaya pa ay nakita ko na ang malaking signage ng isang three storey building na may kulay pulang ilaw pa. Ang nakalagay sa signage ay Red Room. Kaya alam kong nandito na kami. Nasa 20 minutes lang pala halos ang biyahe. Medyo malayo, pero hindi naman ganun kalayo kung iisipin.
Agad na idiniretso ni tito Darius ang sasakyan sa parking lot, at nakita ko na may dalawang parking space doon na may signage din na ang nakalagay ay owner's parking. Tapos nakita ko na saktong ipinarada ni tito Demetrius ang sasakyan niya sa isa. Sunod naman ay si tito Darius sa isa pa.
Nang naiparada na ni tito ang sasakyan at pinatay ang makina ay sabay na kaming bumaba. Ngumiti pa nga sa amin si tito Demetrius na hinihintay kami.
"Bunso, bago tayo pumasok sa loob may gusto lang kaming liwanagin..." paninimula ni tito Darius na ikinakunot ng noo ko.
"Ano po iyon?" tanong ko.
"Hindi ito iyong tipo ng night bar na iniisip mo, ha? Sa panlabas, parang normal na galaan at inuman ang nandito at disco, pero may sikreto ang bar na kahit mama mo hindi alam. Kaya rin isinama ka namin dito para makapag-desisyon ka kung... kaya mo ang trabaho. Ngayon, kung kaya mo man o hindi, ipangako mo na kung ano man ang makikita mo, hindi mo ipagsasabi kahit na kanino. Kahit sa mama mo pa," mahabang saad niya.
Ewan ko kung bakit bigla akong kinabahan sa narinig. Pero pilit naman akong ngumiti bago marahang tumango.
"Promise po..." sagot ko kaya sabay silang tumango ni tito Demetrius.
Tapos ay inaya na nila ako papasok sa loob. Nakapatay ang mga ilaw sa baba ng three storey building. Sinabi ni tito na iyon daw ang restaurant na bukas lang mula alas otso ng umaga, hanggang alas sais ng gabi. Tapos ay dumiretso kami sa gilid kung saan may hagdan at umakyat kami doon. Pagkarating sa second floor ay bumungad sa amin ang dalawang bouncer na nakakatakot sa sobrang laki ng mga katawan... bumati naman ang mga ito kina tito Demetrius at tito Darius at ipinakilala ako ni tito Darius na bunso daw nito na magtatrabaho rito, ngumiti naman ang mga iyon at pinapasok kami agad. Pagkapasok namin, unang bumungad sa akin ang mausok na lugar. Bukod kasi sa mga umiinom, ay ang dami ring naninigarilyo. Maliban doon, ay may disco at dance floor sa gitna, kung saan maraming mga sumasayaw sa masayang indak ng musika.
"Ito ang akala ng marami na Red Room... at ganito talaga ang gusto naming ipalabas. Pero sa 3rd floor, mga VIP members lang ang nakakapasok doon. Madalas mga pulitiko, o artista, o mga kilalang mga tao. Mga mayayaman na handang magsayang ng pera para sa saya..." bulong ni tito Darius sa akin.
Sa lakas ng indak ng musika sa loob ay kinailangan pa niyang yumuko para masabi iyon sa akin. Kaya naman para akong nakiliti at kinilabutan nang tumama ang hininga niya sa kaliwang tenga at leeg ko.
"At kung magtatrabaho ka man dito, siyempre hindi kita dito sa 2nd floor dadalhin. Bukod sa pagod ang mga servers dito, ay madalas magkaroon ng gulo. Ayaw ko naman na baka mapahamak o aksidenteng madamay ng gulo dahil lang gusto mong magkaroon ng income," aniya. "Kaya doon ka namin dadalhin sa 3rd floor. Doon, madami din naman ang mga customers lagi, pero hindi ganito kagulo. Hindi rin ganun kaingay..." dagdag pa niya kaya tumango ako. "Halika, doon na tayo sa 3rd floor," pag-anyaya pa niya.
Tapos ay nauna nang maglakad si tito Demetrius, sumunod naman kami ni tito Darius. Sinabayan ako nito sa paglalakad na para bang inaalalayan ako. Kailangan kasi na medyo makipagsiksikan sa dami ng tao.
Pagkarating sa may hagdan ay may dalawa na namang bouncer na sobrang laki ng mga katawan. Parang mga body builder.
"Magandang gabi po mga ser," halos sabay na bati pa ng mga ito.
"Magandang gabi rin. Bunso ko nga pala, si Minandro, isinama ko lang at baka mapusuan na magtrabaho rito," ani tito, Darius, gaya rin nang sinabi niya sa naunang dalawang bouncers. Ngumiti rin naman ang mga ito at tumango at hinayaan na kaming umakyat sa hagdan.
Nang nasa 3rd floor na kami ay may isang pinto pa. At sa labas ng pintong iyon ay dalawang bouncer na naman. Sobrang daming bouncers na halatang protektado talaga ang lugar... na para bang ang daming sikreto nito. Again, ipinakilala ako ni tito Darius na bunso nito. Hindi ko nga alam kung naniniwala ba ang mga ito kasi ay... maputla ang kulay ko. Wala sa hitsura na may lahi akong negro gaya nila. Pero wala namang nagtanong. Tumango lang ang mga ito at pinapasok na kami.
Pagkapasok sa pinto ng 3rd floor, mahina akong napasinghap sa nakita. Malawak ang palapag. Pero unang bumungad sa akin ang pinakagitna, na isang stage. Sa stage na iyon ay may tatlong poles, at may tatlong babae na sumasayaw... hindi lang sila basta sumasayaw, kasi ay wala silang kahit na anong mga suot.
Chapter 13
Medyo madilim sa lugar, kulay pula ang bawat ilaw kaya hindi iyon ganun kaliwanag. Pero kitang kita mo na hubad talaga sila. Nakapalibot naman sa pabilog na entablado ang mga mesa kung saan may mga lalaking nakaupo. Karamihan ay mga matatanda na. Sa bandang dulo naman, ay may dalawang pinto pa. At may dalawang bouncers din na nakatayo doon.
"Alam namin na hindi lang ito ang bar na may ganitong live show, pero ito ang sikreto ng bar namin, bunso..." mababa ang boses na wika ni tito Darius.
Hindi naman ako nakasagot. Nanatili akong nakatitig sa entablado, hindi dahil nalilibugan ako sa mga babae, kung hindi dahil gulat ako at hindi makapaniwala sa nakikita. Alam ko naman na madaming ganitong klase ng mga bars. Pero grabe... first time kong makakita sa personal ng ganito.
"Pa, dito!" narinig kong tawag ng isang pamilyar na boses, kaya saka lang ako parang bumalik sa reyalidad at napatingin. At nakita ko sina kuya Amir, kuya Zion at kuya Kairo na magkakasama sa pinakadulong mesa.
"Bakit... nandito po sila?" tanong ko.
"Nabanggit kasi namin na dadalhin ka namin dito, gusto lang daw nilang makita ang reaksiyon mo," natatawang sagot ni tito Demetrius.
"Halika, lapitan natin sila," saad pa ni tito Darius, kaya naman naglakad na kami palapit sa tatlo.
Nang makalapit ay nakita ko sa mesa nila na may isang whiskey, at tatlong klase ng pulutan. Sizzling sisig, fries at fried calamares.
"Maupo kayo at uminom muna tayo," napapangiting wika ni kuya Kairo sa amin.
"Ipapasyal lang namin saglit itong bunso natin dito, nang malaman niya ang klase ng negosyo na meron tayo. Babalik din kami agad," sagot ni tito Darius.
"Nako, sa Red Room niyo ba siya dadalhin?" nagpipigil ang tawa na tanong ni kuya Amir, kaya natawa rin ang dalawa.
"Kung magtatrabaho siya rito, dapat lang na makita rin niya iyon. Para nga makapagdesisyon siya kung tutuloy siya o hindi," ani tito Demetrius kaya tumango ang tatlo.
Napalunok naman ako sa narinig. Mukhang may mas malala pa kasi ata sa mga babaeng hubo't hubad na nagsasayaw. Pero hindi naman ako sumagot. Inaya na ako nina tito Darius at tito Demetrius papunta sa pinakadulo, kung saan madilim at walang mga mesa at tao bukod sa dalawang bouncer. As usual, ipinakilala ako ni tito Darius na bunso niya at pinapasok naman kami agad sa tila gate na nagsisilbing harang bago makarating sa dalawang pinto.
"Itong pinto sa kaliwa, opisina namin ito ng tito Demetrius mo rito. Diyan kami madalas tumatambay kapag nandito kami, at diyan na rin kami natutulog kapag inantok kami bigla habang nandito. Kung magtatrabaho ka rito, welcome kang pumasok diyan para matulog kung inaantok ka," ani tito Darius sa akin na naririnig nung dalawang bouncer, kaya tumango ako.
"Dito na tayo... ang tunay na rason kung bakit Red Room ang pangalan nitong bar," nakangising saad naman ni tito Demetrius at itinuro ang kanang pinto.
"Teka, hindi po ba dahil... dito?" tanong ko naman at itinuro ang stage kung saan may nagsasayaw na mga babaeng hubad, tapos ay puro kulay pula ang ilaw.
"Hindi pa iyan..." nakangising sagot naman ni tito Darius. Tapos ay binuksan na niya ang pinto at pumasok na doon. Kinakabahan man ay sumunod naman ako.
Pagkapasok na pagkapasok, ay puro kulay pula rin ang nakikita. Medyo nakakahilo at masakit sa mata sa totoo lang. Pero mukhang ito na talaga ang signature nitong bar... kasi nga Red Room. At pagkapasok, ang unang bumungad sa amin ay ang tila counter na nasa harap. May isang ginang doon na halatang may edad na, pero grabe... para siyang pilit na bagets kung manamit. Parang... bugaw? Ganun ang hitsura.
"Sir Darius, Sir Demetrius! Mabuti at magkasama kayong dalawa ngayon? Gusto niyo sigurong subukan at maunahan iyong bago natin ano?" natatawang wika nito kaya napangiwi ako.
Sa harap kasi ng counter, ay isang parang malaking aquarium. Sa loob nun, ay ang daming mga babae na... naka-panty at bra lang na parang naghihintay ng customer.
"Bata pa iyong bago natin, 22 years old pa lang! Makinis ang balat, walang peklat..." saad pa nito.
"Corazon, hindi kami nandito para diyan. Nandito kami para ipasyal itong bunso ko, at baka mapusuan niya na magtrabaho rito," sagot naman ni tito Darius.
Pero hindi niya itinanggi iyong unang sinabi ng ginang. Ibig sabihin ba... normal na rin sa kanila na gamitin nila ang mga babae rito? Well, sa kanila itong bar... at sa yaman at ganda ng mga katawan nila, hindi na ako magtataka kung ganun nga.
"Bunso mo? May iba ka pa palang bunso? Ilan pa kaya ang naging bunso mo sa ibang mga babae?" nakangising wika nito tapos ay tumingin sa akin. "Aba'y napakaguwapong bata. Kaso bakit parang guwapo rin ang hanap?" natatawang saad nito, kaya napangiwi ako. Sina tito Darius at tito Demetrius naman ay sabay lang na natawa.
"Sige na, Corazon, maiiwan ka na muna namin," ani tito Darius kaya tumango ito at umupo na ulit. Tapos ay nagsimula na silang maglakad at sumunod naman ako.
"Iyong una mong nakita sa labas, mga mayayaman halos lahat ng nandoon. May pera. Pero ito ang pinaka-VIP. Dito, puro pulitiko, pamilyadong artista, o mga kilalang personalidad ang makikita. At iyong aquarium na iyon? Doon sila pipili ng babae na... alam mo na, gusto nilang makasiping..." nakangising kwento ni tito Darius.
Hindi pa rin ako sumagot. Gulat na gulat pa rin ako sa mga rebelasyong nalaman ko.
"Pili ang lahat ng babae dito sa VVIP, ang Red Room nga. Hindi ko alam kung napansin mo, pero halos mga bata at sariwa pa. Pinaka-bata ata iyong bago na sinabi ni Corazon kanina, 22 daw. Ang ang pinakababang presyo dito... 50,000 sa isang babae sa isang gabi," dagdag pa niya kaya napasinghap ako.
"5-50,000 po?" utal na tanong ko.
"Oo, depende kung matagal na sila rito. Kung bago pa, puwedeng umabot ng hanggang 200,000. At sa bar iyon. 20 percent ang mapupunta sa babae natin dito. Pero ang tip naman na mula sa customer, ay solong-solo nila. At hindi biro mag-tip ang mga customer dito. May isang pokpok kami noon na isang gabi pa lang at ikinama ng senator, binigyan siya ng tatlong milyong tip. Kaya ayun, umalis na agad at nag-resign kinabukasan, para magbagong buhay na daw," ani tito kaya bahagyang umawang ang bibig ko.
"Gaya nang sinabi namin, ito ang langit ng mga mayayamang manyak na handang magsayang ng malaking halaga para sa babae," walang preno na wika naman ni tito Demetrius kaya napangiwi ako.
"Nakikita mo iyang mga pintong iyan? Lahat ng nakasara... may milagrong nangyayari diyan! Ganun karami ang VVIP customer namin dito. Kasi... lahat ng ginawa mo rito, mananatili rito. Walang ibang makaka-alam. At lahat ng babae namin dito at mga staffs, pinapirma namin ng NDA iyan... kasi nga maingat kami. Kapag may lumabas na kahit ano rito, at kapag nalaman namin kung sino iyon... may magaling kaming abogado na sisira sa buhay nila at ng pamilya nila. May dalawang beses nang nangyari iyon... at ang dalawang tao na iyon ay nakulong ng paninira sa negosyo namin, at isa sa dalawang taong nagkalat ng sikreto nitong Red Room, nagpakamatay na lang sa kulungan," wika pa ni tito Darius kaya napasinghap ako.
"Hindi namin sila sinasaktan ng pisikal o pinagbabantaan ha? Hindi kami mamamatay tao o kriminal. Magaling lang talaga ang abogado namin. Dalawang beses na ring sinubukang i-raid itong bar dahil nga doon sa dalawang nagkalat ng sikreto. Mabuti at maingat kami at wala silang nahanap na kahit ano. Kasi bago pa sila makapunta rito... may NBI na ring nag-tip sa amin. May tao kami sa NBI, may koneksiyon kami sa mga otoridad..." nakangising pagmamalaki pa ni tito Demetrius.
Grabe. Pakiramdam ko ay malinaw na sa akin kung bakit tila may sikreto ang pamilya nila. Ito pala iyon. Pero hindi man lang ako na-turn off o kung ano. Nagulat lang at... ewan, medyo nag-iinit na naman?
Iginala ko ang mata ko sa lugar at nakita na sobrang daming mga pinto. At more than half ng mga iyon ay sarado ang mga pinto, kaya sigurado ako na may milagrong nangyayari sa mga iyon.
Marami pang sinabi sina tito Darius at tito Demetrius sa akin patungkol sa lugar. At tahimik lang ako na nakinig. Bale iyong sa labas nitong VVIP ay VIP. Mayayaman, pero hindi kilala. Pero dito... mga kilalang tao talaga ang customers. At may sarili silang daan para makapunta rito. Hindi sa dinaanan namin. Kumbaga, parang secret passage siya nitong buong bar.
Pagkaraan ng ilang minuto pa ay inaya na ako nina tito Darius at tito Demetrius na lumabas para balikan at samahan sina kuya Amir, kuya Zion at kuya Kairo sa mesa nila.
Chapter 14
“Ano, bunso? Kumusta? Sa tingin mo ba kaya mong magtrabaho rito?” napapangiting tanong ni kuya Amir sa akin, nang makaupo na rin kami nina tito Darius at tito Demetrius sa mesang inookupa nila.
Hindi ako agad na nakasagot. Isa-isa ko munang tinignan ang mga mukha niya, at kahit pa medyo madilim sa lugar ay kitang kita ko ang multo ng ngiti sa mga labi nila.
Tapos ay muli akong napasulyap sa stage kung saan may mga nakahubad pa ring babae na sumasayaw. But this time, hindi na lang sila tatlo. Lima na sila doon, tapos ay merong tatlo na nasa baba ng stage, lumalapit sa mga customers at sinasayawan ang mga ito. Lap dance na sobrang sexual kung titignan. Halata naman sa mukha ng mga lalaki na tuwang tuwa sila... malawak kasi ang mga ngiti, at iyong iba ay may hawak pang mga cash na halatang handa talagang gumastos para lang sa libog.
Ngayong mas natitigan kong maigi ang mga customers, saka ko napansin na hindi lahat ay matatanda. Meron ding mga mukhang bata pa, at siguro ay kasing edad nina kuya Amir, kuya Zion at kuya Kairo. May ilan na... may mga hitsura pa.
Napalunok na naman ako bago muling tumingin kina tito Darius at tito Demetrius.
"Alam namin na nakakagulat, pero ganito talaga rito. Ayaw ka naman naming dalhin sa 2nd floor kasi nga madalas magkagulo doon. Dito, kita mo... maayos at tahimik, pero ganito nga..." ani tito Darius sa akin.
"Ayos lang kung ayaw mo. Kaya ka nga namin isinama rito para makapagdesisyon ka," saad pa ni tito Demetrius.
Huminga naman ako ng malalim bago pilit na ngumiti.
"Kaya ko po..." lakas loob na sagot ko, kaya mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi nila.
"Talaga?" tila hindi makapaniwalang tanong pa ni tito Darius kaya tumango ako.
"Opo. Pero ano pong... magiging trabaho ko rito?" tugon ko.
"Sasayaw ka rin sa stage..." napapangiting saad niya kaya bigla akong naubo. Sina tito Demetrius, kuya Amir, kuya Zion at kuya Kairo naman ay sabay-sabay na natawa. "Biro lang. Magiging server ka rin. Kung mapapansin mo, tatlo lang kasi ang server dito," aniya at itinuro ang counter sa kabilang dulo. Saka ko nakita iyong mga servers doon na puro mga lalaki rin, at nakatayo lang doon at pinapanuod din ang mga babaeng sumasayaw sa stage na para bang wala silang ibang gagawin kung hindi ang kumuha at mag-serve ng orders at maglinis ng mesa kapag may umalis. Hindi gaya sa 2nd floor na sobrang busy ng mga tao.
Sa likod ng bar counter ay may isa pang lalaki, na sa tingin ko ay ang bartender. Tapos ay may pinto doon, nalaman ko na may isang chef din doon na siyang naghahanda ng mga pulutan na order dito.
"Pero kaya mo ba ang puyat?" tanong naman ni tito Demetrius sa akin.
"Hindi ko naman siya pagtatrabauhin ng full time. Simula alas otso lang ng gabi, hanggang ala una ng madaling araw. Bale limang oras lang. Para hindi siya masanay sa puyat lalo na kapag mag-aaral na siya," ani tito Darius kaya tumango ako ulit.
"Payag po ako!" sagot ko naman kaya nakangiti silang tumango.
"Hindi na kita papipirmahin ng NDA kasi hindi ka naman na iba sa amin. Basta, lahat ng nakita mo rito... wala kang ibang pagsasabihan, kahit pa gaano mo pinagkakatiwalaan, maliwanag ba?" ani tito Darius kaya tumango ako. "Mababait kaming mga tao, bunso, pero kapag nasira ang tiwala namin... hindi na iyon maibabalik. Pero hindi mo kailangang mag-alala kung sakaling ipagkalat mo man ang sikreto nitong Red Room, kasi hindi ka naman namin ipapakulong hindi gaya nung dalawang nauna. Kasi nga hindi ka na iba sa amin. Pero wala kang mapapala at wala ring kapupuntahan ang pagsasabi mo kung nagkataon, kasi nga marami kaming koneksiyon. Basta ang pinanghahawakan lang namin sa 'yo ngayon, ay tiwala... at hindi mo naman siguro sisirain ang tiwala namin, hindi ba?" dagdag pa niya kaya tumango na naman ako.
"Wala po akong ibang pagsasabihan ng lahat ng nakita at makikita ko pa rito... sa laki ng tulong niyo sa akin, hinding hindi ko po sisirain ang tiwala niyo..." sagot ko naman kaya tumango rin sila.
"Kung ganun, cheers tayo! Dapat lang na mag-celebrate tayo dahil may trabaho ka na!" nakangising saad naman ni kuya Kairo, na hinawakan ang bote ng whiskey at nilagyan ang mga baso, maging iyong tatlong extrang baso na nasa mesa na, na sa tingin ko ay hiningi na nila kanina para sa amin.
Hindi ako sanay uminom ng whiskey o kahit pa anong hard. I mean, kung hard man na maituturing ang gin. Hanggang gin at lambanog lang kasi ako at kung minsan ay beer. Pero hinawakan ko rin ang baso nang hinawakan na nila iyong kanila, at nag-cheers nga kaming lahat.
"Bottoms up!" nakangising wika pa ni kuya Amir, kaya iyon ang ginawa nila na walang hirap.
Nang ininom ko rin ng straight iyong akin, ay napangiwi pa nga ako nang gumuhit ang pait at init nun sa lalamunan ko. Kamuntikan na akong maduwal, mabuti at napigilan ko.
"Kayong tatlo, hindi pa ba kayo aalis? Lagi na lang ata kayong wala sa mga branches natin!" ani tito Darius sa tatlo mayamaya pa.
"Ubusin lang namin itong isang bote pa, tapos aalis na kami. Gusto lang talaga naming makita ang reaksiyon nitong si bunso kapag nakita niya kung ano ang meron dito," natatawang sagot ni kuya Zion.
"Siguraduhin niyong aalis na kayo pagkaubos nitong isang bote. Aba, napapadalas na ang hindi niyo pagpasok sa mga branches natin. Baka mamaya napapabayaan na pala ang mga iyon o may problema, hindi natin masosolusyunan agad," saad naman ni tito Demetrius kaya tumango ang tatlo.
Mayamaya pa ay nakita kong nagtaas ng kamay si tito Darius, kaya lumapit agad iyong isa sa tatlong server.
"Good evening po, sir Darius!" nakangiting bati agad nito pagkalapit.
"Tawagin mo ang iba, may ipapakilala ako sa inyo," wika ni tito, kaya tumango itong lalaki at agad na sinunod ang utos. Mayamaya pa ay lumapit na rin iyong dalawa pa, maging iyong bartender at chef. "Ito nga pala si Minandro, ang bunso ko. Simula sa lunes, magtatrabaho na siya rito kasama niyo bilang server din. Tini-train na namin, para kapag nagbukas kami ng isa pang branch, hindi na siya mahirapan sa pagma-manage," ani tito.
Napangiwi ako sa narinig. I mean, okay lang naman na ipakilala niya akong bunso niya kasi ay itinuturing nga daw niya akong stepson kahit hindi sila kasal ni mama. Hindi ko lang talaga alam kung... naniniwala ba ang mga nakakarinig. Eh kahit saang anggulo nga kasi titignan ay hindi niya ako mukhang anak. Malayong malayo. Bukod sa kulay, ay sobrang liit din ng height ko kumpara sa kanilang lima. Well, puwede sigurong sabihin na nagmana ako sa mama ko kung sakali? Pero parang malabo. Sa lakas ng genes niya, base na rin sa mga anak niya, parang sobrang malabo talaga. Pero hindi ko na lang pinansin pa iyon.
"Bunso, sila ang mga makakasama mo. Sina Alvin, Vince at Marko, mga servers din. Si Lucas, ang bartender at si Luis, ang chef dito sa VIP area," saad pa ni tito.
"Magandang gabi po sa inyo," bati ko naman.
"Magandang gabi rin po, sir," sagot naman nila na halos sabay-sabay pa.
"Naku, Minandro na lang po, o kung hindi kaya ay Mi. Huwag na pong sir ang itatawag niyo sa akin," wika ko naman.
"Sige na, bumalik na kayo sa trabaho. Ipinakilala ko lang talaga sa inyo ang bunso namin," wika pa ni tito Darius, kaya tumango sila at bumalik na nga sa dati nilang mga pwesto. "May iche-check lang ako sa opisina saglit," paalam pa niya sa amin mayamaya pa.
"May iche-check sa opisina, o baka naman iche-check mo iyong bago, pa? Balita ko bente dos lang daw iyon eh. Tapos maputi at makinis pa... sariwang sariwa," napapangiting saad ni kuya Amir.
Napalunok namana ko kasi ay alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. Gaya nang sinabi ko, hindi naman ako inosente pagdating sa usaping sex kahit na virgin pa ako.
"Baliw. Naririnig kayo ni Minandro, baka kung ano ang isipin ng bata sa akin," napapa-iling na sagot naman ni tito Darius. Tapos ay tumayo na ito at naglakad nga paalis.
Sina kuya Amir, kuya Zion at kuya Kairo naman ay sabay sabay na natawa. Maging si tito Demetrius nga.
"Nakita mo na ba iyong bago, tito?" nakangising tanong pa ni kuya Zion.
"Nakita ko kaninang pumasok kami doon. Okay naman," aniya.
Nakita ko na nagkatinginan ang tatlo, na para bang nag-uusap sila sa tingin lang at marahang tango. Mahina namang natawa si tito Demetrius dahil doon.
"Sige na, daliin niyo na at alam ko ang ganyang mga tingin. Alam din namin na ginawa niyo lang na dahilan itong bunso natin, pero iyon talaga ang totoong pakay niyo rito," nakangising wika ni tito Demetrius, kaya mas lalong napangisi at tatlo at halos sabay-sabay pang tumayo.
Mahina naman akong napasinghap sa nangyari, at pinanuod ko pa silang maglakad paalis para magpunta sa VVIP, hanggang sa makapasok na sila doon at kaming dalawa na lang ni tito Demetrius ang naiwan sa mesa.
Chapter 15
“Mukhang tayong dalawa na lang ang uubos nito. Hindi bale, kalahati na lang naman,” wika ni tito Demetrius sa akin mayamaya pa na ang tinutukoy ay ang whiskey.
"Hindi po ba babalik agad ang... tatlo?" tanong ko kunware, kahit pa deep inside ay alam ko na ang sagot.
"Iyang tatlo mong mga kuya, sabik iyan sa mga bagong mukha rito o kahit saang branches pa. Kaya kapag may bago... sinisigurado nila na sila ang makaka-una o matitikman din muna nila..." nakangising sagot ni tito.
Sunod sunod na paglunok ang ginawa ko dahil doon. Tapos ay napalingon ako kay tito Darius na bumalik na pala agad at umupo sa tabi ko.
"Ganyan din kami dati ng tito Demetrius mo. Ngayon, ako hindi na kasi nga ay asawa ko na ang mama mo. Kaya masanay ka nang nakikita ang mga kuya mo na ganyan... normal na iyan sa kanila at single naman silang lahat," wika pa ni tito Darius na narinig pala ang sinabi ni tito Demetrius. "Hindi na kami mahihiya na sabihin sa 'yo ang mga ito kasi isa ka naman na sa amin," dagdag pa niya kaya natatawang tumango si tito Demetrius.
Inasahan ko naman na iyon. Pero medyo nagulat pa rin ako. At... ewan ko kung bakit, pero may parte sa akin ang... tila ba nai-inggit sa mga babae rito? I mean, ano kaya ang feeling na... matikman din ang mga boss nila? Pero lahat ba ng babae rito ibig sabihin ay natikman na ng limang mga barakong negro? Ewan ko. Pero hindi na ako magtataka kung ganun na nga.
Nagpatuloy naman kami sa inuman. Ako madalang lang kung mag-shot kasi ay hindi ako sanay sa lasa ng whiskey. Pagkaraan ng almost 30 minutes ay bumalik naman na sina kuya Amir, kuya Zion at kuya Kairo.
Lahat sila ay may ngisi sa mga labi na para bang nagsasabing sobra silang satisfied. May konting butil pa nga ng pawis sa mga noo at leeg nila eh, tapos ay medyo gusot ang suot na mga t-shirt na kanina lang ay maayos naman. Kahit saang anggulo titignan, mukhang kagagaling lang nilang makipag-sex.
"Oh, bakit parang ang bilis niyo?" natatawang tanong ni tito Demetrius.
"Minadali lang namin. Hindi naman kami nahirapan, sariwa pa eh. Ang sikip!" nakangising sagot ni kuya Amir.
Hindi ako makapaniwala sa naririnig. Iyong ganitong usapan nila na para bang normal lang talaga ang ganito sa kanila. Grabe ang pamilyang ito. Pero heto ako... nakakaramdam pa ng init dahil dito.
"Ikaw, tol? Hindi ka ba iisa doon sa bago?" tanong ni tito Darius kay tito Demetrius.
"Hindi na tol, pagod ako mula sa maghapong pagbabantay sa resto kanina at tinignan ko pa ang mga inventories kung maayos ang pagkakagawa. Kaya wala ako sa mood," ani tito Demetrius. "Pagkaubos nito, uuwi na rin ako," saad pa niya at tumingin sa akin. "Sasabay ka na ba pauwi sa akin?" tanong niya.
"Pero kung gusto mo pang uminom, puwede rin naman na dito ka muna at sa akin na sumabay pauwi. Mga bandang alas dos o alas tres ng madaling araw siguro ako uuwi," saad ni tito Darius.
"Uhm, kay tito Demetrius na po siguro ako sasabay. Hindi po ako sanay sa ganitong inumin, eh. Pang-lambanog lang po ako, kaya medyo nahihilo na po ako kasi di ako sanay sa mamahaling alak..." sagot ko natawa sila.
"Naku bunso, dapat masanay ka na! Kasi maraming mga customers dito na nagwawaldas lang talaga ng pera. Kung hindi cash tip ang ibibigay sa inyo, alak naman na kailangan niyong inumin! Kaya mag-practice ka na!" natatawang wika ni kuya Zion.
"Hindi bale, sa lunes pa naman ang simula niya. Gagabi-gabihin natin siya..." napapangiting wika ni tito Demetrius, kaya mahinang natawa ang apat. "Sa alak. Kasi tama ang kuya mo, kahit na papaano dapat ay masanay ka sa lasa ng ganitong mga alak at hindi agad nalalasing," dagdag pa nito, kaya pilit na lang akong ngumiti bago marahang tumango.
"Paano? Aalis na rin kami at... nakuha na namin ang isa pa naming totoong pakay dito," natatawa na wika ni kuya Kairo mayamaya pa.
Tapos ay magkakasabay na silang tatlo na naglakad paalis ng VIP Room. Grabe talaga! Iyong kilos nila parang hindi sila kumantot. Teka, pinagsabay-sabay ba nilang tatlo iyong babae? Eh ang lalaki nilang mga tao. Kumusta kaya iyong babae? Sumakit ba ang... kaselanan nito? Ewan ko. Pero malamang. Hindi ko tuloy alam kung maaawa ako sa babae na iyon o maiinggit dahil sa tatlong barakong negro na sobrang lakas ng mga sex appeal ang kumasta sa kanya ngayong gabi.
"Mauuna na rin kami, tol," ani tito Demetrius mayamaya pa nang maubos na ang laman ng whiskey.
"Sige lang. May mga tatapusin lang akong inventory dito, tapos uuwi rin ako agad. Wala rin ako sa mood na magtagal dito ngayon eh," ani tito Darius kaya tumango si tito Demetrius.
Tapos ay inaya na ako nito kaya sabay na kaming tumayo at naglakad na nga paalis. Nang nasa parking lot na kami ay sumakay naman na kami agad ni tito Demetrius sa kotse niya. Feeling ko nananaginip ako. Parang hindi kapani-paniwala ang mga nakita at nalaman ko... pero totoong totoo ang mga iyon. Grabe talaga...
"Uhm, tito Demetrius, pwede po ba akong... magtanong?" mababa ang boses na tanong ko mayamaya pa habang nasa biyahe na kami pauwi.
"Tito Dim na lang. Masyadong mahaba ang Demetrius," aniya kaya tumango ako. "Ano iyon?" tugon pa niya.
"Uhm... g-ganun po ba talaga kayong lima kapag... m-may bagong babae sa bar?" tanong ko kaya mahina siyang natawa bago tumango.
"Oo..." aniya.
"Ibig sabihin po ba... k-kahit si tito Darius, uhm... i-iyong bagong babae po na tinutukoy niyo, uhm... ano po..." hindi siguradong sasabihin ko kaya natawa na naman siya.
"Na ano? Gagalawin din niya iyong bagong babae?" pagtuloy niya kaya napalunok ako bago tumango. "Malamang ay ganun na nga. Ayaw lang niyang umamin kanina kasi ay naririnig mo. Eh anak ka ng asawa niya ngayon. Siyempre ayaw niyang pasira sa 'yo. Pero bata, kung may isang bagay kang dapat tandaan dito, iyon ay normal sa amin ang s*x. Makipag-s*x man si Darius sa babaeng iyon, iyon ay dahil lang sa libog at sa hilig namin sa... mga sariwa at bata pa. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na niya mahal ang mama mo. Maliwanag ba?" mahabang saad niya.
"Pero hindi po ba... cheating pa rin iyon?" tanong ko.
Hindi ko alam kung maawa ako kay mama sa ideya na... parang mag-asawa na talaga sila ni tito Darius kahit hindi pa sila kasal, pero normal lang pala na makipag-sex si tito Darius sa ibang babae. At alam din iyon ng buong pamilya maliban kay mama.
Pero si mama naman kasi sobrang maluho at magastos. Wala siyang naririnig na kahit ano kay tito Darius kahit pa madalas, wala siya sa bahay at gumigimik kasama ang mga kaibigan niya... tapos winawaldas na parang walang sawa ang pera ni tito Darius. Kaya hindi ko talaga alam kung maaawa ako kay mama, o masasabi kong fair lang ang relasyon nilang dalawa. Ewan ko.
At kahit pa mama ko siya, ang totoo ay hindi ako nandidiri o nate-turn off kay tito Darius o sa iba pang miyembro ng pamilya. Alam kong paulit ulit ko nang sinasabi pero may parte talaga sa akin ang nag-iinit.
"Hindi naman malalaman ng mama mo. Bakit, isusumbong mo ba kami?" nakangising tugon niya kaya mabilis akong umiling,
"Hindi po..." sagot ko.
"Mabuti na iyong nagkaka-intindihan. Ikaw, kung gusto mo rin na... tumikim ng mga babae sa bar, magsabi ka lang," nakangising saad pa niya kaya mahina akong naubo. "Pero babae nga ba ang gusto mong tikman?" nakangising dagdag pa niya.
"Uhm, eh kayo po, bakit... hindi niyo po tinikman din iyong bagong babae kung normal na pala sa inyo ang... ganito?" pag-iiba ko ng usapan.
Dahil sobra naman na silang nagpakatotoo sa akin, at dahil alam ko na ang mag sikreto nila... hindi na ako nahiyang magtanong pa. Isa pa, may parte sa akin ang nag-iinit at nag-eenjoy sa ganitong klase ng usapan eh.
Ngumisi naman si tito Dim. Hindi siya agad na sumagot, kasi ay nakarating na pala kami sa bahay. Nang nagbukas ang automatic na gate ay ipinasok niya ang sasakyan doon, at nang maiparada na ang sasakyan ay pinatay na niya ang makina at sabay na kaming bumaba.
"Gusto mong malaman ang totoong rason kung bakit hindi ko ginalaw iyong bagong babae sa bar?" nakangising tanong niya, napalunok na naman ako bago tumango. "Kung ganun... magbihis ka na sa taas, tapos bumalik ka rito sa baba. Uminom tayo ng beer pang-banlaw at magkuwentuhan muna. Bitin ako sa inuman eh..." napapangiting saad niya.
Bago pa ako makasagot ay naglakad na siya papasok. Sunod sunod na paglunok na naman ang ginawa ko, bago sumunod na sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sobra akong nakaramdam ng excitement. Kaya naman dali-dali akong umakyat sa ikalawang palapag at nagpalit na nga ng damit pambahay. Isang maluwag na sando at shorts ang isinuot ko.
Normal at tipikal na pambahay ko rin. Bago ako bumaba ay dumiretso ako sa kuwarto nina tito Darius para masigurado na wala pa si mama doon. At wala pa nga siya… hindi pa nakakauwi. Alam ko rin na wala ang tatlo rito na sina kuya Amir, kuya Zion at kuya Kairo. Maging si tito Darius na naiwan sa bar. Kaya kaming dalawa lang ni tito Dim ang magkasama ngayon.
Pagkababa ko, ay nadatnan ko siya sa kusina. Nakatayo siya sa harap ng ref at kumukuha ng beer. Napalunok pa nga ako nang makitang naka-shorts lang siya at walang suot na pang-itaas. Sobrang gandang tignan ng katawan niya... ang laki, barakong barako. Iyong tipo ng katawan na sa unang tingin, ay manlalambot na agad ang tuhod mo sa pinaghalong panghihina at libog.
Ganun silang lima. Mula sa kanya, kay tito Darius, kuya Amir, kuya Zion at kuya Kairo. Tapos ay ang ganda pa ng kulay ng mga balat nila. Kahit pa kulay black american talaga... ay pantay naman at ang kulay ay mas nakakalakas pa ng sex appeal nilang lima.
"Halika, sa pool side tayo uminom at magkwentuhan..." napapangiting saad pa niya.
May kung ano sa boses niya na parang inaakit o ginagayuma ako kasi ay para akong naging sunod-sunuran at marahang tumango. Nakita ko na kumuha siya ng dalawang beer in can sa ref at naglakad na papunta sa likod, kung nasaan ang pool.
Ramdam ko ang sobrang lakas na kabog ng dibdib ko, at kinakabahan man nagpasya pa rin akong sumunod sa kanya doon.
Note
Hanggang dito na lang po tayo, and this is to protect the story from being reported. Sample chapters lang po talaga ang ipo-post namin. Lalo na, hindi na po puwede sa wattpad ang mga susunod na kaganapan ng kwento ni Minandro kasama ang mga barakong negro.
Kung na-hook po kayo sa story, at gustong mabasa ng buo, binebenta po namin ang soft copy in .pdf file. Kung interesado po kayong mag-avail, email niyo lang po kami:
Mahaba po ang story, tapos mura pa kaya sobrang sulit. 58 chapters in total, 275 pages at 85k wordcounts. Tapos ay discount din po kung 2 or more stories ang ia-avail. Kaya sana ay makabili na po kayo bilang suporta sa amin!
Iyon lamang, salamat po!
xx,
King

