loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Pag-ibig ng Sundalo Book I

Pag-ibig ng Sundalo Book I

Der3ck7 · 70 chapters · 124,401 words

UNA

Ang kwentong ito’y kathang-isip lamang ng may akda. Anumang pagkakahintulad sa mga pangalan, karakter, lugar, pangyayari at iba pa ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

Patuloy ang pagpapalitan ng mga putok ng baril ng mga sundalo sa mga teroristang grupo. Isa sa mga sundalong naroon ay si Richard na unang beses madestino sa Maguindanao, hindi ito nagdalawang isip na magbonluntaryo ng mangailangan ang kasundaluhan ng mga dagdag na sundalo para tulungan ang mga kabaro nila sa isang buwan ng hindi matapos-tapos na giyera. Nasa batas militar na rin ang lugar ng dahil sa nasabing giyera. Marami na rin sa mga terorista ang mga nasawi, gayun din sa mga kasundaluhan.

“Mga bok hindi lang para sa atin ang laban na ito kungdi pati na rin para sa Pilipinas. Kaya anuman mangyari sa atin ay ang nasa itaas na ang bahala.” pagbibigay ng lakas ng loob ni Major Manlangit na nangunguna sa kanila. Matapos nga nun ay wala ng ibang maririnig sa lugar kungdi ang palitan ng putok ng mga baril at mga pagsabog ng mga bomba sa magkabilang panig.

Sa ilang minutong pakikipalitan ng putok ni Richard sa mga terorista ay parang araw sa kanya ang katumbas nito. Inihanda na rin niya ang sarili sa pagkitil ng buhay ng ibang tao dahil kung hindi ito ang kikitil sa buhay ng kalaban ay siya ang kikitilan ng mga ito.

“Bok unang beses mo ba?” sabi ng tumabing kabaro nito na kagaya niya’y unang beses rin sumabak sa totoong giyera. Tango lang ang naging sagot ni Richard atsaka nito nakita ang pangalang Velasco ng kapwa nitong sundalo sa unipormeng suot nito.

“Manalo ka pala at huhulaan ko kamag-anak mo si Heneral Manalo ano?” sabi pa ni Velasco ng makita naman nito ang pangalan sa uniporme ni Richard. Gaya kanina ay tango lang ang naging sagot ni Richard sabay paputok nito sa armas na hawak nito sa mga kalaban at dalawa sa mga ito ang tinamaan.

“Bok ang galing! Dalawa kaagad ang timamaan mo.” puri ni Velasco sa kanya. Pero walang naging reaksyon si Richard sa natanggap na papuri. Samantala si Velasco naman ay bumalik na rin sa pagkikipagpalitan ng mga putok sa mga kalaban. Maging si Velasco ay magaling rin sa pakikipagpalitan ng mga putok sa kalaban. Sa katunayan kahit unang beses pa lang sumabak sa giyera ay isa ito sa mga natira sa mga sundalong kasabay niya isang linggo na ang nakakalipas. Ang iba sa mga kasabayan niya ay nagtamo ng mga tama ng baril at kasalukuyang nasa ospital na. At ang iba ay hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa dito na mismo sa kinalalagyan nila binawian ng buhay.

“Ilang araw ka na dito bok?” unang salitang binitawan ni Richard mula sa isang oras na nitong pakikipaglaban sa mga terorista.

“Ikapito na bok.” maagap na sagot ni Velasco at masaya na nakausap niya si Richard.

“Ang tagal mo na pala, mas magaling ka panigurado kesa sa akin.” balik papuri nito kay Velasco. Sa narinig na papuri ni Manalo sa kanya, napangisi si Velasco.

“Hindi naman masyado bok, kung pagalingan lang sa pagpapatumba sa mga kabalan sa pamamagitan ng mga armas ay ’di hamak na mas magaling sa akin si Komandante Manlangit.” kwento ni Velasco sa pinuno nila. Sa narinig ni Richard ay napatingin ito sa gawi ni Major Manlangit na nasa may unahan nila. Abala ang Komandante sa pakikipalitan rin ng mga putok sa mga kalaban. At tama ang naikwento ni Velasco tungkol kay Komandante Manlangit, dahil kung si Velasco ay pangpitong araw na niya sa giyera, si Major Manlagit naman ang inatasan ni Heneral Diosdado Manalo na siya rin ama ni Richard na manguna sa pakikipaglaban sa mga terorista na ngayon ay mag-iisang buwan na. Kita ng dalawang mata ng mga kapwa sundalo ang galing ng kanilang Komandante sa pakikipalitan nito ng putok sa mga terorista.

Nagpatuloy ang palitan ng mga putok sa magkabilang panig at dahil sa tagal na rin ng nasabing giyera sa pagitan ng militar at mga terorista. Halata na ang pagod at hirap sa mga sundalo. Lalo pang naging mahirap ang mga sumunod na pakikipaglaban nila dahil sa papalubog na ang araw.

“Men sa tantiya ko malapit na natin magapi ang mga terorista. Kaya konting tiis pa at alam kong mananalo tayo sa laban natin sa kanila.” mga salitang binitiwan ni Komandante Manlangit sa kapwa sundalo.

“Sir, yes, Sir!” sabay-sabay na sagot ng mga sundalo sa kanilang Komandante.

Sa kalaliman ng gabi ay nagpatuloy ang mga sundalo sa pakikipaglaban. Mga ingay ng putok ng baril ang maririnig at ang liwanag na mula sa mga ito ang makikita sa madilim na paligid. At gaya nga ng sabi ni Komandante Manlangit ay malapit na nilang magapi ang mga terorista, pero ang mga sumunod na mga pangyayari ang hindi nila inaasahan.

Wala na sa dalawampu ang natirang bilang ng mga terorista. At ang layunin ng mga ito’y malabo na nilang makamit dahil sa kakaunti na lang nilang bilang. Kaya naman wala ng pakialam ang mga ito sa kanilang mga sariling buhay at ang nasa isip na lang ay ang makakitil ng mas maraming sundalo kapalit na sariling buhay. Limang mga terorista ang may suot na mga bomba ang mabilis na tumakbo palapit sa kinaroroonan ng mga sundalo. Handa man ang mga sundalo sa ganitong sitwasyon ay iba parin kapag nasa harap mo na ang ganitong sitwasyon. Sa galing ng pag-asinta ni Komandante Manlangit ay apat kaagad ang mabilis nitong napatumba sa mga teroristang palapit sa kanila. Pero kahit na magaling ang komandante ay hindi nito kayang bumaril ng limang beses na magkakasunud-sunod. Ang ikalimang papalapit sa kanilang kinaroroonan ay napatumba rin nito ngunit malapit na ito sa kanilang kinalalagyan. At nang matumba ang nasabing terorista ay kasunod nitong sumabog ang bombang suot nito. Dala ng mabilis na pag-iisip sa susunod na mangyayaring pagsabog ay kaagad dumapa palayo sa kapwa sundalo ang Komandante. Hindi na nito inisip ang sariling buhay at ang mahalaga ay maging ligtas ang kapwa sundalo nitong malapit sa kanyang kinalalagyan.

Bago ang nangyaring pagsabog ay sinubukan ni Richard ang lumapit ng kaunti sa kilalagyan ng kanilang Komandante para mas matulungan ito sa pakikipaglaban sa mga terorista. Mas malapit kasi ang kinalalagyan ni Komandante Manlangit at ang pwestong iyon ang naisip ni Richard na magandang anggulo para mas makita ng maayos ang mga kalaban at para mapadali ang pagpapatumba sa mga ito. Nang makita nito ang limang teroristang  palapit sa kanila ay natigilan ito. Sunod na nakita na lang ni Richard ang isa-isang pagkatumba ng mga ito ng dahil sa kanilang Komandante. At nakita rin ni Richard ang isang natirang terorista sa lima, na palapit na ng palapit sa kinalalagyan nila at bago pa niya mabaril ito’y sumunod rin na napatumba ito ni Komandante Manlangit. Hindi pa man nakakababawi sa nakitang galing ng kanilang komandante ay nakita na lang ni Richard ang pagdapa ni Komandante Manlagit sa kinaroroonan niya. Kasunod nga nun ay narinig ni Richard ang malakas na pagsabog.

PANGALAWA

Hindi alam ni Richard kung anong mararamdaman sa mga oras na iyon. Parang huminto ang oras at wala itong marinig, makita at madama man lang sa ilang segundong lumipas. Hindi na iyon kataka-taka dahil sa malakas na pagsabog na nangyari. Ang daing ni Komandante Manlangit ang gumising sa natutulog na diwa ni Richard. Kasunod noon ay naramdaman niya ang bigat ng katawan nito na dagan-dagan siya. Rinig rin niya ang patuloy na mga putok ng mga baril atsaka lamang bumalik sa kanya ang realisasyon na nasa gitna siya ng giyera. Bumalik rin sa kanya ang mga lumipas na nangyari at kung paano siya iniligtas ng kanilang Komandante sa nangyaring pagsabog. Maingat niyang ginalaw ang katawan ng Komandanteng nakadagan sa kanya, at sa tulong ng flashlight ay nakita niya ang mga sugat na natamo nito dahil sa pagsabog, na alam niyang kanya dapat matatamo kung hindi ito dumapa sa kanya. Mabilis na tumingin sa paligid si Richard at ng makita na hindi delikado ang kinalalagyan nila ni Komandante Manlangit ay mabilis nitong kinuha ang dala-dala nilang first-aid kit at isa-isang nilagyan nito ng paunang lunas ang mga sugat ng kanilang Komandante.

“Manalo, ayos ka lang ba?” tanong ni Velasco na lumapit sa kinaroronan ni Richard.

“Ayos lang ako bok, si Major Manlangit, maraming sugat ang natamo dahil sa pagsabog.” Sa narinig kay Richard ay kaagad na tinulungan ni Velasco si Richard sa pag-alalay sa walang malay na nilang Komandante. 

Matapos nga ang pagsabog na naging dahilan sa pagkakaroon ng maraming sugat ni Komandante Manlangit. Kaagad na nilusob ng mga kasundaluhan ang kinaroroonan ng mga natirang terorista. Ang ibang nanlaban ay napatay ng mga sundalo at dalawa lang ang sumuko at nahuli ng buhay, kasama ang isa sa mga buhay ang pinuno nila nasi Al Jaggar Muhamad na magpapakamatay sana pero napigilan ng isa sa mga sundalo.

Mahalaga kasing may mahuling buhay sa mga terorista para may malaman ang pamahalaan sa mga ito. At matapos nga ang isang buwan ay mission accomplished ang mga kasundaluhan sa pakikipaglaban sa mga terorista.

Laman ng mga pahayagan, mga balita sa radyo at telebisyon ang kabayanihan ng mga sundalo at ang matagumpay nilang pakikipaglaban sa isa sa mga malaking grupo ng mga terorista dito sa Asya. Ang pagkakahuli ng buhay sa pinuno ng mga terorista na si Al Jaggar Muhamad ay isang malaking tagumpay hindi lang sa Pilipinas kungdi pati na rin sa buong mundo.

Kasama ni Private Richard Manalo si Private Lorenzo Velasco na naririto ngayon sa ospital at nagbabantay sa kwarto kung saan dinala si Major Sebastian Manlangit matapos magtamo ng mga sugat. Ang ilan pa nilang kabaro na nagtamo rin ng mga sugat at mga tama ng baril ay nandirito rin sa nasabing ospital.

Kasalukuyan nilang pinapanood ni Velasco sa telebisyon na nasa loob ng kwarto, ang balita sa laban nila sa mga terorista. Bahagyang nabalot ng katahimikan ang dalawa ng makita sa balita na limampu sa kanilang kabaro ang mga nasawi sa giyera. Ipinakita rin sa balita ang mga kaanak ng mga nasawing sundalo na puno ng hinagpis sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay. Sa nakitang ’yon ay nagpaalam si Velasco kay Manalo na bibili muna ng kanilang makakain. Alam ni Richard ang tumatakbo sa isipan ng kapwa sundalo nito. Maaaring iniisip nito na posibleng ang mga sarili nila mismo, ang mga sundalong nasawi na nasa balita. Kung tutuusin alam naman nila ang peligro sa propesyong napili nila, pero hindi maalis sa kanilang isipan na posibleng sa susunod na balita ay kasama na ang pangalan nila sa mga sundalong masasawi sa pakikipaglaban para maging ligtas at maayos ang Pilipinas.

Sa nakitang balita ay kaagad tinipa ni Richard ang telepono at tinawagan ang Mama nito.

“Hello Mom.” Bungad nito sa kabilang linya ng sagutin ng mama nito ang tawag. At sa durasyon ng ilang minuto nitong pakikipag-usap sa kabilang linya, ang mama nito’y walang tigil sa pag-iyak. Kaya naman panay ang pagpapatahan ni Richard rito. At bago pa maibaba ni Richard ang tawag ay ipinaalam ng mama nito sa kanya na sasama ito sa Ama niyang Heneral na pupunta sa kinaroroonan niya.

Napabuntong hininga na lang si Richard. Hindi naman niya masisisi ang mama niya, dahil nga ito ang bunso kaya naman hindi na nakapagtataka ito ang paborito ng Mama niya sa tatlong anak nitong lalake. Nakipag-away pa nga ang mama niya sa ama niya noon, ng ipaalam ng ama niya sa mama niya na maging si Richard ay gusto nitong maging sundalo dahil pangarap ng ama nila na maging sundalo lahat ang kanyang mga anak. Pero wala na rin nagawa ang mama niya na sabihin ni Richard na maging siya mismo ay gusto ang pagiging sundalo.

Napatingin si Richard sa pagbukas ng pinto ng kwarto at pumasok ang dalawang lalaking sundalong hindi niya inaasahang darating.

“Kuya Erick, Kuya Vince.” naguguluhan niyang sabi. Si Erick ang panganay sa kanilang magkakapatid at kagaya ni Sebastian ay isang Komandante rin. Lingid sa kaalaman ni Richard ay kaibigan ni Sebastian ang kanyang mga kapatid. Si Vince naman ay Kapitan ang ranggo nito at kasama ng kanilang kuya na nadestino ilang linggo pa lang ang lumipas sa South Cotabato.

Kaagad na niyakap ng mga kuya niya si Richard sabay gulo pa ng dalawa sa buhok ng kapatid.

“Nice one bunso, unang misyon na sabak mo at matagumpay niyong nagawa.” ngiting sabi ng panganay na si Erick.

“Salamat, kuya. Oo nga pala buti nandito kayo?” tanong ni Richard sa mga kuya niya. Nagkatinginan ang mga kuya niya at tinanguan ni Erick si Vince para ito na ang magpaliwanag.

“Ang totoo niyang Chard hindi namin alam na kasama ka pala sa mga ipinadala sa Magunidanao. Kaya nandito kami ngayon dahil nabalitaan namin ang nangyari kay Baste.” panimula ni Vince at lalo naman naguluhan si Richard sa narinig. Sa nakitang naguguluhang mukha ng kapatid, si Erik na ang sumunod na nagpaliwananag.

“Si Sebastian Manlangit o Baste ang nakasanayan na naming tawag sa kanya ay kaibigan namin dalawa ng kuya Vince mo. Gaya nga ng sabi ni Vince matapos namin mabalitaan ang nangyari sa kanya ay kaagad kaming nagpaalam sandali para bisitahin siya.”

“Nakakapagtaka lang kuya, sa tagal nang nakasama natin ang mokong na ito ay ngayong lang siya napuruhan ng ganito.” pahayag ni Vince sa nakitang ayos ng kaibigan nila. Sa narinig ay biglang napalunok si Richard. Alam niyang tama ang kuya nito, hindi man niya hiniling na iligtas siya ni Sebastian ay alam niyang siya ang dahilan kung bakit naririto ito ngayon sa ospital na puno ng mga sugat at walang malay.

Naputol ang pag-uusap ng tatlo ng pumasok si Lorenzo dala-dala ang mga pagkain na kakainin nila ni Richard. Si Lorenzo naman ay bahagyang nagulat sa nakitang kasamang mga sundalo ni Richard. Nang mahagip ng mga mata ni Lorenzo ang mga suot na uniporme ng dalawang lalakeng sundalo at mapagtanto na nakakataas sa kanya ang dalawang sundalo ay kaagad itong nagbigay galang sa dalawa.

“Mga Sir.” sabi ni Lorenzo sabay saludo. Sumaludo naman pabalik ang mga kuya ni Richard at ibinaba na ni Lorenzo ang kamay nitong nakasaludo. Kaagad naman ipinakilala ni Richard ang mga kapatid kay Lorenzo.

“Mga sir, baka gusto niyong kumain at ibibili ko kayo.” saad ni Lorenzo sa mga kuya ni Richard.

“Ayos lang kami Velasco, mas mabuting kayong dalawa ni Chard ang kumain, alam kong pagod at gutom kayo sa katatapos lang na giyerang sinuong n’yo.” maagap na sabi ni Vince na tango lang na sinang-ayunan ni Erick.

Nagpatuloy sa pagkain ang dalawa, habang seryosong kumakain si Richard ay pinagmamasdan naman ni Lorenzo ang una. Hindi kagaya kahapon ng unang makita ni Lorenzo si Richard. Kitang-kita ngayon ni Lorenzo ang maamong mukha ni Richard, kung tutuusin para sa kanya hindi bagay maging sundalo ito dahil ang mukhang meron ito ay hindi nababagay lagyan ng pintura at takpan. Mas nababagay na ipakita ang mukhang angkin nito na dapat ay nasa mga cover ng mga magazine o kaya’y nasa mga patalastas na nag-eendorso ng mga produkto na ginagamit sa pagpapaganda ng mukha. Habang abala sa pagtitig si Lorenzo sa mukha ni Richard. Sa loob ng kwartong yun ay nakamasid si Erick sa bunsong kapatid at nakikita ang paraan ng pagtitig ng kasama nitong sundalo. Sa kanilang tatlong magkakapatid tanging si Richard ang nagmana sa maputing kutis na meron ang mama nila. Parehong moreno ang balat nilang dalawa ni Vince na namana naman nila sa kanilang ama. Sa nakitang pagtitig ng sundalo sa kapatid ay lumapit ito sa kinaroroonan ng dalawa.

“U-uhm.” pagtikhim ni Erick na tumawag ng pansin ng dalawa. Sa narinig naman ay kaagad na iniwas ni Lorenzo ang paningin kay Richard.

“Ikaw Velasco, unang sabak mo rin ba sa giyera?” tanong ni Erick sa sundalo, na sa mga oras na iyon ay kinakabahan at naisip na baka nahalata nito ang ginawang pagtitig niya kay Richard.

“Sir, yes sir!” sa narinig na sagot ni Velasco ay napangiti sina Erick at Richard.

“Relaks ka lang bok, naitanong ko lang.” natatawang saad ni Erick sa kabadong sundalo.

“Kuya, tigilan mo na si Lorenzo hayan tuloy hindi na makakain ng maayos ang tao.” saway ni Richard sa kapatid.

“Sige maiwan ko na kayo, Velasco sa pagkain ang tingin ha.” seryosong saad ni Erick na ikinaubo ng pobreng sundalo. Naguguluhan man sa narinig sa kuya nito ay kaagad naman iniabot ni Richard ang bote ng tubig sa nabilaukang kasama.

PANGATLO

Sa pagdating ng mga kapatid ni Richard para bisitahin ang kaibigang si Sebastian ay naisipan nila Richard at Lorenzo na iwanan na ang dalawa sa pagbabantay sa kanilang Komandante. Matapos ngang kumain ay nagpaalam si Richard sa mga kapatid para bisitahin at kamustahin din ang mga iba pang nakasama nilang sugatan na mga sundalo. Si Lorenzo naman ay sinamahan rin si Richard.

Pag-alis ng dalawa sa kwarto ni Sebastian ay pumasok naman ang doktor na tumitingin sa sundalo.

“Kaanu-ano po kayo ng pasyente?” tanong ng doktor kina Erick at Vince na kasalukuyan nagbabantay kay Sebastian.

“Mga kaibigan kami dok at kapwa rin niya sundalo.” sagot ni Erick sa tanong ng doktor.

“I see, base sa mga tests na ginawa sa kanya ay maayos naman na ang pasyente. Ang mga sugat naman sa mga katawan nito ay nalunasan na rin at salamat rin sa paunang lunas ng kasamahan niyong sundalo ay naiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon ng pasyente. At sa mga susunod na oras ay asahan na rin na magigising na ito. At kapag nagising na ito ay ilang tests ulit ang gagawin para makasigurong nasa mabuting lagay na ito.” mahabang paliwanag ng doktor.

Sa narinig na sinabi ni dok ay nakahinga ng maluwag ang magkapatid.

“Salamat dok.” saad ni Vince at nagpaalam na ang doktor sa dalawa.

“Mabuti naman at ayos na ang lagay ni Baste, paggising niya’y makakatikim sa akin ang mokong.” pabirong saad ni Vince.

“Tama ka Vince, asar ang aabutin niya sa atin paggising niya.” sang-ayon ni Erick sa kapatid.

“Dado sa susunod na may misyon kayong mga sundalo, ’wag mo naman ipadala ang anak ko sa giyera! Kabago-bago pa lang ng anak ko bilang sundalo ay isinabak mo na kaagad sa delikadong misyon, paano kung nasugatan siya o kaya’y mas malala pa ang mangyari sa kanya.” mahabang litanya ni Aurora Manalo sa Heneral ng AFP at asawang si Diosdado Manalo. Sa narinig na litanya ng asawa ay sanay na ang Heneral. Siya bilang Heneral ng AFP ay isang karangalan na makapagsilbi sa bayan at nakadagdag pa na ang tatlong anak nitong lalake ay kasama niya sa pagsisilbi sa Pilipinas bilang mga sundalo.

“Aurora huminahon ka mahal, hindi ba kakausap mo pa lang kay Richard sa telepono at nalaman mo na maayos lang siya.” saad nito sa asawa.

“Oo maayos nga siya, sa ngayon, paano sa susunod? Hindi kita mapapatawad Diosdado kapag may nangyaring masama sa anak ko.” emosyonal nang sabi ng maybahay ni Heneral.

“Aurora.” mahinahong saad ng Heneral, pero kaagad ng lumabas si Aurora sa opisina ng asawa. Napabuntong hininga nalang ang Heneral.

Gaya nga ng sabi ni Aurora sa anak ng makausap niya ito kanina sa telepono ay sumama ito sa asawang Heneral na papunta sa Davao para kamustahin ang mga kasundaluhan. Tahimik si Aurora sa durasyon ng kanilang bihaye at ipinaparating nito sa asawang Heneral ang sama ng loob sa asawa dahil nilagay niya sa peligro ang bunso nitong anak, na mula pa nang pagkabata ay iniingatan niya.

Ang Heneral naman ay sanay na sa ugali ng may bahay at alam nito na noon pa man ay labis ang pagpoprotekta sa kanilang bunso. Nais kasi ng maybahay nito na magkaroon ito ng anak na babae. Ang pangarap na ito ni Aurora ay ’di na maari dahil sa naging maselan nitong pagbubuntis sa kanilang bunso at maliit na ang tyansa na makakabuo pa ulit ang mag-asawa. Na naging dahilan ni Aurora para ituring na parang babae ang kanilang bunso noong isilang ito. Si Diosdado na kilala bilang matikas na sundalo ay wala ng nagawa pa sa naging patrato ng may bahay sa kanilang bunso. Nag-aalala man na baka lumaking binabae ang bunsong anak na si Richard ay hindi na niya ito binigyang pansin pa. Alam ng Heneral na mas mahirap ang kalagayan ng asawa, na ang propesyon ay pag-papaanak sa mga buntis pero ang sarili nito’y hindi na maari pang manganak ulit.

Sa pagdalaw ni Private Manalo at Private Lorenzo sa mga kabarong sugatan ay magkahalong tuwa at lungkot ang naging damdamin ng mga ito. Tuwa na hindi na madagdagan pa ng isa ang bilang ng mga namatay na sundalo at lungkot dahil ang ilan ay hindi na maaring makabalik ulit sa pakikipaglaban. Ang ilan kasi sa mga kabaro nila ay naputulan ng mga paa o braso. Ganoon man ang naging kapalaran ng mga ito ay nagawa pang magbiro na ilan, na labis na inangahan ng dalawa.

Habang abala si Richard at Lorenzo sa pagbisita sa mga kabaro ay ilang sandali pa’y nakarating na sa ospital si Heneral Manalo kasama ng ilan pang miyembro ng AFP at ng may bahay nitong si Aurora.

Kaagad na dumiretso si Heneral Manalo kasama ng asawa at ilan pang sundalo sa kinaroroonan ni Major Manlangit.

Pagbukas ng pinto sa kwartong kinaroroonan ni Manlangit ay bumungad sa lahat ang dalawang kapwa nila sundalo.

Si Captain Vince Manalo at Major Erick Manalo naman ay hindi na nagulat pa ng dumating ang Heneral nilang ama sa kwarto ng kaibigang sundalo. Kaagad na sumaludo ang magkapatid sa kanilang Amang Heneral pati na sa mga kasama nitong nakatataas sa kanila.

“Captain Manalo, Major Manalo, anong balita sa lagay ni Major Manlangit?” tanong ng heneral.

“Sir, nasa stable na ang lagay ni Major Manlagit sir!” pormal na saad ni Major Manalo.

“Sir, anytime magigising na rin si Major Manlangit sabi ng doktor sir!” dagdag naman ni Captain Manalo.

Sa narinig ng heneral sa dalawa ay nagpaalam na ito para naman dalawin ang ilan pa sa mga sundalong naririto rin sa ospital.

Sa pag-alis ni Heneral Manalo kasama ng iba pang AFP ay naiwan si Aurora sa kwarto kasama ng mga anak.

“Vince, Erick mga anak kamusta kayo.”

“Mabuti naman kami ni kuya, mom.” saad ni Vince.

“At ayos lang din si bunso mom, alam kong nag-aala ka, kaya halika at sasamahan kita sa kanya.” saad naman ni Erick. “Vince, ikaw na muna ang bahala kay Baste.” baling nito sa kapatid. Sa narinig ni Aurora sa pangalang baste ay doon lamang niya naalala na kaibigan pala ng mga anak nito ang nakaratay ngayon na sundalo.

“Sige kuya.”

“Kawawa naman ang kaibigan niyo, mabuti naman at stable na ang lagay niya.” saad ng mom nila.

“Oo nga mom at dahil sa kailangan na magpahinga si Baste ay naisip namin ni kuya na sa atin na muna siya habang nagpapagaling siya.” saad ni Vince sa napag-usapan nila ng kanyang kuya kanina.

“Maganda ang naisip niyo, oo nga pala at hindi kaagad makakauwi ang mga magulang niya na nasa states.” sang-ayon ng mama nila.

“Oo nga mom, nakausap ko na sina tito at tita kanina at nagpasalamat ang mga ito at hindi na sila masyadong mag-aalala pa dahil sa atin pansamantala tutuloy si Baste.” kwento pa ni Vince.

“Tara na mom at puntahan na natin si bunso.” yaya ni Erick sa mama nito.

Matapos mabisita nina Richard at Lorenzo ang mga kabaro ay nagpaalam na si Lorenzo na uuwi na sa kanila.

“Ah Manalo hihingin ko sana ang numero ng cellphone mo, para alam mo na, may kontak tayo sa dalawa.” lakas loob na paghingi ni Lorenzo sa cellphone number ni Richard.

“Walang problema bok, amin na ang cellphone mo.” pagpayag naman ni Richard, na walang ideya kung paano napasaya si Lorenzo sa simpleng pagpayag lang nito.

“Sige bok una na ako.” paalam ni Lorenzo.

“Sige bok, ingat ka.” ngiting saad ni Richard. Ang pag-aalala at ngiting iyon ni Richard ay baon ni Lorenzo habang naglalakad paalis at ibayong saya ang dulot nito sa kanya.

PANG-APAT

Matapos umalis ni Lorenzo ay naisipan ni Richard na bumalik na lang sa kwarto, kung saan nagbabantay ang mga kapatid sa wala paring malay na si Komandante Manlangit.

“Richard anak, ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa’yo?” nag-aalalang bungad sa kanya ng mama nito bago pa makabalik sa kwarto si Richard. At bago pa makasagot ito’y mahigpit na yakap ang natanggap niya sa nagsisimula ng maging emosyonal na mama nito.

“Mom, ayos lang ako.” nahihiyang sagot nito sa kanyang mama na nakakuha ng pansin sa mga taong naroroon. Habang yakap-yakap parin nito ng kanyang mama ay humingi ito ng tulong sa kuyang si Erick na nagpipigil naman ng kanyang tawa.

“No, hindi ka okay, mabuti pa sasamahan kitang magpatingin sa doktor at baka may sugat ka o anupaman, mabuti ng sigurado. Tignan mo na lang ang mga nangyari sa mga kasama mong sundalo, Dios kong mahabagin hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa’yo.” balewala ng mama ni Richard sa sinabi niya at nag-uumpisa na naman sa labis na pag-aalala sa kanyang bunso.

At dahil sa narinig sa kanilang mama ay minabuti na ni Erick ang tulungan ang kapatid na hindi na maipinta ang mukha dahil sa hiya.

“Mom, okay lang si bunso. Kaya hindi na kailangan na ipatingin pa siya sa doktor dahil katatapos palang siyang matignan ni dok.” pagsisinungaling ni Erick.

“Sigurado ka Erick?” dudang tanong ni Aurora sa panganay na anak.

“Siguradong-sigurado mom.”

Hindi na nagpumilit pa si Aurora at naniwala ito sa panganay na anak.

“Kaya mom, halika na at samahan mo na lang akong bumalik sa kwarto ng Komandante namin at kaibigan nila kuya.” pag-iiba ni Richard sa usapan at baka magbago pa ang isip ng mama nito at ipatingin pa siya sa doktor.

“Mabuti pa nga, oo nga pala nagkita na ba kayo ng papa mo?” tanong nito sa anak.

“Hindi pa mom, siguradong abala si papa sa pagbisita sa mga kasama naming sundalo.” sagot ni Richard sa mama nito.

“Mom pwede bang ikaw na muna ang bumalik sa kwarto ni baste at kakausapin ko lang si bunso.” pakiusap ni Erick sa mama nila para makapag-usap silang dalawa ni Richard.

“Sige anak.” pagpayag ni Aurora sa panganay. “Richard pagkatapos niyong mag-usap ng kuya mo, tayo naman dalawa ang may pag-uusapan.” baling nito sa bunsong anak bago pa iwan nito ang dalawa.

Pag-alis ng mama nila ay napabuntong-hininga na lang si Richard.

“Hahaha hindi ka pa nasanay kay mom bunso.” natatawang saad ni Erick. “Oo nga pala bago ko pa makalimutan, kaya kita gustong makausap ay dahil kay Baste.”

“Anong tungkol sa kanya, kuya?” naguguluhang tanong ni Richard sa kapatid.

“Napag-usapan namin kasi ng kuya Vince mo, na makakabuti kung sa atin muna tutuloy si Baste paglabas niya ng ospital. Ang mga magulang niya ay sa Amerika na nakatira at wala naman siyang ibang kamag-anak na titingin sa kanya habang nagpapagaling siya.” paliwanag ni Erick sa kapatid.

“Yun lang kuya? Okay lang naman sa akin kung sa atin siya tutuloy at hindi mo na kailangan pa na kausapin pa ako..” hindi na natuloy pang sabi ni Richard ng maisip na may iba pang gusto ang kapatid kaya siya nito kinausap. “May iba kapang gustong ipakiusap.” kumpirma nito sa kapatid.

“Hehe ganun nga bunso. Nakausap kasi namin kanina si dok at sinabi niya na ngayong araw din ay magkakamalay na si Baste at pagkagising niya ay may ilang tests pang gagawin sa kanya, kapag nakasigurong maayos na talaga siya ay maaari na rin siyang lumabas sa susunod na araw dito sa ospital. At dahil ang sabi ko nga sa’yo kanina, nagpaalam lang kami saglit ni Vince para madalaw si Baste, gusto ko sana na ikaw na muna ang bahala kay Baste hanggang sa makalabas siya ng ospital, makakaasa ba ako sa’yo bunso.” mahabang paliwanag ni Erick sabay pakiusap sa kapatid.

“Si-sige kuya, isa pa wala naman na akong magagawa. Si mama naman siguradong kukumbisihin si papa na sa opisina nalang muna ako sa mga susunod na mga araw.” pagpayag ni Richard sa nais ng kapatid.

“Sigurado, yun ang gagawin ni mama bunso. Isa pa kapag gumaling na si Baste, maraming maitutulong sa’yo ang mokong na ’yon, lalo na paghawak ng mga baril.”

“Oo nga kuya, magaling nga si Major Manlangit dahil hindi ko na mabilang kung ilan sa mga kalaban namin ang napatumba niya sa kasagsagan ng laban namin sa mga terorista.” ’di mapigilang kwento ni Richard sa nakitang galing ni Major Manlangit.

“Siya nga at sigurado akong hindi tatanggi ’yon kapag nagpaturo ka sa kanya.”

Matapos mag-usap ni Richard at Erick ay bumalik na ang dalawa sa kwarto ni Major Manlangit.

Pag-uwi ni Lorenzo sa kanilang tirahan ay kaagad itong dumiretso sa likod bahay para maligo. Simple lang ang huhay na mayroon si Private Lorenzo Velasco. Ang mga magulang niya ay kapwa magsasaka sa kanilang baryo. Panganay siya sa tatlong magkakapatid, sa Edad na 22 ay tumutumulong ito sa kanyang mga magulang sa pag-papaaral sa dalawa nitong kapatid. Ang sumunod sa kanya na si Lorraine ay Grade 10 na, at ang bunso na si Lexter naman ay grade 6.

Matapos mapuno ni Lorenzo ang timba ng tubig na galing sa poso ay naligo na ang sundalo. Ibayong ginhawa ang dulot sa kanyang katawan ng malamig na tubig na galing sa poso. Habang abala sa pagligo ang sundalo ay bumalik sa kanyang isipan ang naganap na pakikipaglaban nila sa mga terorista. Masasabi niya sa sarili na masaya siya sa napiling propesyon at ng sumagi sa isipan niya ang mukha ng kasamahang sundalo na si Private Richard Manalo ay sumilay ang ngiti sa kanyang mukha, pagkatapos nga nun ay minadali na nito ang pagligo at hindi na makapaghintay pa si Lorenzo na matawagan o kaya’y matext man lang ang kapwa sundalong pumukaw sa damdamin niya sa maikling panahon pa lang nilang magkakilala.

Maingay na usapan ang bumungad kay Richard at Erick pagbalik nila sa kwarto ni Sebastian. Kitang-kita ni Richard sa guwapong mukha ng kanilang Komandante ang saya kahit pa kasalukuyan na nakahiga ito sa kama at puno ng mga benda dahil sa mga sugat na tinamo. Sandali naman natahimik si Vince at Sebastian sa pagpasok ng dalawa.

“Ayos Baste, parang kani-kanilang ng dumating kami ni Vince para bisitahin ka, akala namin kukunin kana ni kamatayan.” natatawang biro ni Erick sabay lapit at tapik nito sa balikat ng kaibigan. Napangiwi naman si Baste dahil sa bigat ng kamay ng kaibigan na tumapik sa kanya, kung saan pa naman may benda ito at alam niya na sinadya ng alaskador nitong kaibigan ang ginawa.

“Ang yabang pa ng mokong kuya, ang sabi niya bago kayo pumasok, para daw paso lang pala ng sigarilyo ang natamo niya sa pagsabog ng bomba.” sumbong ni Vince sa pagyayabang ni Baste.

“Kung ganun pala, bumangon ka diyan at mag-sparring tayong dalawa.” saad naman ni Erick. Sa nakitang pagbibiruan ng kanyang mga kuya at ni Sebastian ay tahimik lang na nakamasid si Richard sa tatlo. Samantalang si Baste naman ay panaka-nakang tinitignan ang lalakeng kasamang pumasok ng kaibigang si Erick kapag wala sa kanya ang mga mata ng lalaki. Sa nakitang mukha ng lalake ay napagtanto ni Sebastian na ito marahil ang bunsong kapatid ng mga kaibigan at kaagad naalala na isa ito sa mga nakasamang sundalo sa pakikipaglaban sa Maguindanao. Nang matuon ang pagtitig ni Sebastian kay Richard ay eksato naman na bumaling ang tingin nito sa kanya, kaya naman nagkasalubong ng tingin ang dalawa. Hindi alam ni Richard ang gagawin ng makita na nakapako sa kanya ang tingin ni Sebastian at bago pa magawa nitong umiwas ng tingin ay isang ngiti ang binitiwan sa kanya ng Komandante.

Nang makita naman ni Erick ang pagtitig ni Sebastian sa kapatid.

“Oo nga pala bok, baka sakaling hindi mo pa kilala, si Richard kapatid namin.”

“Kamusta, Richard.” nakangiting saad ni Sebastian at hindi parin maalis ang tingin kay Richard.

“Ayos lang sir.” pormal na sagot ni Richard dahil sa ilang na nadarama sa patuloy na pagtitig ni Sebastian.

“Ang pormal naman ng sir, Baste na lang ang itawag mo. Gaya ng pagtawag sa akin ng mga kuya mong ilang taon ko ng pinagtyatyagaan na kaibiganin.” birong sabi ni Sebastian na ikinatawa ni Richard.

“Hoy mokong, kaming dalawa lang nga ni Vince ang napilitan na kaibiganin ka.” ganti naman ni Erick.

“Oo nga kuya, kung hindi natin kinaibigan ang mokong na ito ay baka nabaliw na mag-isa noon.” sang-ayon pa ni Vince.

“Oo na, panalo na kayong dalawa at mag-isa lang ako.” suko ni Sebastian sa asaran nilang magkakaibigan.

Minabuti ni Richard na iwanan muna ang tatlong magkakaibigan at para ipaalam na rin sa doktor na nagkamalay na si Sebastian. Habang patungo sa kinaroronan ng doktor ay naalala ni Richard ang paraan ng pagtitig sa kanya ng Komandante at sa naisip ay napailing na lamang ito.

PANG-LIMA

Hawak ang cellphone, hindi alam ni Private Velasco kung ano ang gagawin habang nakatitig sa pangalan ni Richard sa kanyang telepono. Nang makakuha ng lakas ng loob ay sinimulan na nitong tawagan ang numero ni Richard. Habang naghihintay na sagutin nito ang kanyang tawag ay kinakabahan ang sundalo kung anong maaari nitong sabihin kapag sinagot nito ang tawag. Pero tunog lang ng telepono ni Richard ang kanyang narinig at wala itong sagot na natanggap. Sa nangyari’y inisip ni Lorenzo na baka nagpapahinga na ito, kaya naman minabuti nitong magpahinga na rin. At bukas paggising nalang niya susubukan tawagan si Richard.

Matapos ipaalam ni Richard sa doktor na nagkamalay na si Sebastian, kaagad naman pinuntahan ito ng doktor. Kasama ang doktor ay bumalik na si Richard sa kwarto ni Sebastian.

Sa nakitang pagbalik ng kapatid kasama ng doktor ay nagpaalam na si Erick at Vince sa kaibigan. Si Richard naman ay minabuting iwanan muna si Sebastian habang tinitignan ito ng doktor at para na rin maihatid ang mga kapatid sa pag-alis.

“Ikaw na muna ang bahala kay Baste ah Chard.” habilin ni Vince sa kapatid sabay yakap nito.

“Oo kuya.”

“Paano bunso, mauna na kami.” paalam ni Erick at ginulo pa ang buhok ng kanilang bunso.

“Sige kuya, ingat kayo.”

Paglabas ng doktor sa kwarto ni Sebastian ay hindi alam ni Richard kung papasok ba ito o hindi. Iniisip nito na hindi naman sila malapit ni Sebastian at naiilang rin siya sa presensya ng kanyang Komandante. Pero naisip rin niya na kung hindi nito sasamahan ang sundalo ay mag-isa lang ito sa kwarto at wala naman iba pang dadalaw sa kanya dahil wala naman itong kamag-anak na narito. Sa pagtatalo ng isip ni Richard ay ’di nito namalayan ang pagdating ng kanyang amang Heneral.

“Anak, nakaalis na ba ang mga kapatid mo?” tawag ng pansin ni Diosdado sa malalim na pag-iisip ng kanyang bunso.

Bahagya naman nagulat si Richard sa tanong ng ama.

“Ha? Opo pa.” sagot ni Richard ng makabawi.

“Ganun ba, oo nga pala nagkita na ba kayo na mama mo?”

“Opo pa, oo nga pala gising na si Major Manlangit.” sagot ni Richard at ipanaalam sa ama ang lagay ng kanyang Komandante.

“Mabuti naman kung ganun, halika samahan mo akong puntahan siya.” sabi ng ama nito at sa narinig, nasagot ang pagtatalo kanina ni Richard kung sasamahan ba niya o hindi si Sebastian.

Matapos magpaalam ng mga kaibigan sa kanya ay iba-ibang mga tests ang ginawa sa kanya ng doktor. Tinanong rin siya kung ano ang nararamdam niya at ng sabihin ni Sebastian na kumikirot ang mga sugat nito pati na ang magkabilang balikat ay pinainom kaagad siya ng pain killer at niresetahan narin siya ng doktor ng iba pang gamot para mapadali ang paghilom ng mga sugat niya. Sa narinig naman ng doktor tungkol sa pananakit ng makabilang balikat ay ipinaalam sa kanya na dahil lang ito sa bugbog na natamo sa pagsabog at wala naman itong bali.

Matapos lumabas ng doktor ay inaasahan ni Sebastian ang pagpasok ng bunsong kapatid ng mga kaibigan para samahan siya. Pero ilang minuto ang lumipas ay wala itong nakitang pumasok. Dala ng gamot na ipinainom ng doktor sa kanya ay ’di namalayan ng sundalo at nakatulog ito.

Ang natutulog na Sebastian ang naabutan ng mag-ama pagpasok nila sa kwarto.

“Ayaw yata akong makausap ng loko, kada pagdating ko rito’y natutulog siya.” natatawang saad na amang Heneral.

“Baka po napagod siya dahil kila kuya pa.” kwento ni Richard sa ama.

“Siguro nga. Bueno, nalaman ko sa mama mo na sa atin pala tutuloy si Manlangit.”

“Opo pa at pinakiusapan ako nila kuya na samahan ko muna si Major Manlangit hanggang sa makauwi siya sa atin.”

“Mabuti kung ganun, o siya ikaw na muna ang bahala sa kanya.”

“Sige pa, si mama pala nasaan?”

“Oo nga pala nakalimutan kong sabihin, nauna na siyang umuwi sa atin para ipahanda ang gagamiting kwarto ni Manlangit pag-uwi sa atin.”

“Mabuti naman po, akala ko kasi ipipilit pa ni mama na magpatingin ako sa doktor.” sumbong ni Richard sa ginawa ng mama nito.

“Masanay ka na sa mama mo, ikaw ang paborito niya kaya ganun. Oo nga pala, good job son sa una mong misyon.” naiiling na saad ni Diosdado sa narinig na ginawa ng asawa at hinabol ang papuri sa bunsong anak.

“Salamat pa.” masayang saad ni Richard sa ama.

“You deserved it son at proud kami sa’yo ng mama mo, kahit pa alam kong aawayin niya na naman ako pag-uwi.”

“Gaya nga ng sabi mo pa, masanay na tayo kay mama.” biro ni Richard sa ama.

“Loko ka talaga, o siya maiwan ko na kayo ni Manlangit.” naiiling na saad ni Heneral Manalo at iniwan na ang dalawang sundalo.

Sa pag-alis ng ama ay naisipan ni Richard na maligo muna sa shower na naririto rin sa kwarto ni Sebastian.

Matapos maligo ay kumuha ng mga damit na maisusuot si Richard sa laging baon na bag. Matapos magbihis ay naisip rin nito na kuhanin ang cellphone na nakasilid din sa kanyang bag.

Pagtingin sa kanyang cellphone, isang unknown number na may missed call ang bumungad sa screen nito. Tsaka niya naisip si Velasco na humingi ng kanyang numero. Tatawagan niya sana pabalik ang unknown number, pero hindi na niya ginawa dahil naisip niya na baka nagkamali lang ng tinawagan ang numerong iyon.

Paglabas ng banyo ni Richard ay natutulog parin si Sebastian, kaya naman minabuti niya na kumain na muna sa labas. Bago pa ito makalabas, nahagip ng mata niya ang papel na nakapatong sa mesang malapit sa kama ng natutulog na si Sebastian. Pagkakuha ni Richard sa papel ay nalaman nito na reseta pala iyon ng gamot ng mga iinumin ni Sebastian. Kaya naman ng lumabas ito para kumain ay isasabay na rin niya mamaya ang pagbili sa mga gamot ni Sebastian.

Matapos kumain at makabili ng gamot ay bumalik na rin si Richard sa kwarto ni Sebastian.

Samantalang nagising naman si Sebastian bago pa makabalik si Richard dahil sa pagkapuno na ng kanyang pantog. Maingat na bumangon ang sundalo at dala ng bugbog at mga sugat sa katawan ay nahirapan ito sa pag-upo pa lamang. Nasa ganitong sitwasyon ang Komandante ng bumukas ang pinto.

Pagbukas sa pinto ni Richard ay bahagya pa itong nagulat sa nakitang ayos ni Sebastian. Nag-aalala naman na kaagad itong lumapit sa kinaroroonan ng Komandante.

“Si-sir ayos lang po kayo?” alalang tanong ni Richard sa nagpipigil na maihing si Sebastian.

“Manalo ayos lang ako, pero ang junior ko ay hindi.” walang prenong saad ng komandante dahil ilang saglit nalang ay maiihi na ito. Sa narinig naman ni Richard ay kaagad na namula ito.

“Po?” tanong ni Richard sa Komandante dahil sa naisip na baka nagkamali lang ito ng rinig.

“Alam mo Manalo? Lumapit ka na kaya muna sa akin at tulungan mo ako rito dahil puputok na ang pantog ko anumang oras.” klarong saad ni Sebastian sa namumulang si Richard.

Nang maunawaan ni Richard ang sinabi ng Komandante ay mabilis naman itong lumapit at tinulungan ang nagpipigil parin na maihing si Sebastian.

Nakaakbay sa kanya na sinamahan ni Richard si Sebastian papunta sa banyo, nahihiyang umiwas naman kaagad ng tingin si Richard para makapagbawas na ang kanyang Komandante.

Samantalang si Sebastian naman ay hindi nito magawang mahawakan man lang ang sariling junior para mailabas sa suot nito, dala ng pananakit sa magkabilang balikat sa nangyaring pagsabog.

“Manalo hindi ako makakaihi ng ganito.” tawag ng pansin ni Sebastian sa nakaiwas na tingin na si Richard. Nang walang makuhang sagot kay Richard ay walang preno nitong sinabi ang mga sumunod.

“Ilabas mo ang junior ko sa suot ko.”

PANG-ANIM

“Ilabas mo ang junior ko sa suot ko.” Sa narinig na sinabi ng Komandante ay parang nabingi si Richard. Hindi ito makapaniwala sa gustong ipagawa ni Sebastian sa kanya.

“Manalo, narinig mo ba ang sinabi ko.” ulit ni Sebastian sa kasama na hindi parin makatingin sa kanya.

“Pe-pero sir.” utal na sabi ni Richard

“Manalo, kapag hindi mo pa sinunod ang ipinagagawa ko, ikaw rin ang kawawa. Ayaw mo naman siguro na habang kasama mo ako’y amoy ihi ako.” pagrarason ni Sebastian para makumbinsi si Richard sa nais nito.

Sa narinig na sunod na sinabi ni Sebastian sa kanya ay wala ng nagawa pa si Richard. Tama naman ang Komandante sa sinabi dahil responsibilidad na niya ito ngayon. Isa pa, ano ba naman ang simpleng pagtulong kay Sebastian sa pag-ihi, kapalit sa ginawa nitong pagligtas sa kanya sa bomba. Kaya naman kahit nahihiya sa nais ipagawa sa kanya ay sumunod na rin si Richard.

“Si-sige sir.” Matapos nga nun, gamit ang isang kamay ni Richard ay itinaas nito ang suot na hospital gown ni Sebastian. Bumungad tuloy kay Richard ang nakabukol na junior ni Sebastian sa suot na brief. Si Sebastian naman ay seryoso lang na nakatingin sa ginagawa ni Richard at pansin ang pamumula ng mukha ng huli.

‘Marahil nahihiya ito sa gagawin.’ bulong sa sarili ni Sebastian.

’Richard kaya mo ‘to, parehas naman kayong lalaki.’ kumbinsi naman ni Richard sa sarili. Sunud ay ibinaba nito ang brief na suot ni Sebastian at tuluyan ng tumambad sa kanya ang pagkalalaki ng kanyang Komandante. Ramdam ni Sebastian ang malamig na hangin sa kanyang pagkalalaki ng maibaba ni Richard ang suot na brief at pansin pa na lalong namula ang mukha ng kasama.

“Manalo para matapos na, hawakan mo ang junior ko at itutok mo sa inidoro.” pahintulot ni Sebastian kay Richard na batid ang hiya ng kasama kung anu pa ang susunod nitong gagawin.

“Y-yes sir.” sunud naman ni Richard at naiilang man ay hinawakan ang junior ng Komandante. Dala nga ng napunong pantog ay ilang minuto rin na hawak ni Richard ang junior ni Sebastian habang patuloy ang pag-ihi nito. Nang matapos umihi si Sebastian ay kaagad ng itinaas ni Richard ang suot na brief ng kanyang Komandante.

“Salamat Manalo at pasensya na rin sa nangyari.” pasalamat ni Sebastian at hingi nito ng paumanhin sa kasama.

“A-ayos lang sir.”

“Oo nga pala, maghugas ka muna ng kamay mo.” saad pa ni Sebastian.

“Okay sir.” Naghugas nga ng kamay si Richard at habang ginagawa niya ito’y naka-akbay parin sa kanya ang Komandante. Si Sebastian naman ay napatingin sa nasa harapan nilang salamin at pansin ang repleksyon ng maamong mukha ng kasama. ’Di gaya ng mga kaibigan ay maputi ang kutis ni Richard at kung naging babae lamang sana ito’y siguradong isa siya sa magkakagusto sa kasama. Sumagi rin sa isip niya ang pamumula ng mukha ng kasama kanina at napangiti ito dahil para itong inosente sa paningin niya na hindi alam ang gagawin. Matapos maghugas ni Richard ng kamay ay napatingin ito sa salamin at napansin ang pagngiti ng kasama. Sa nakita’y naalala ni Richard ang nangyari kanina at naisip na pinagtatawanan siya ng kasama. Napansin rin ni Sebastian na naging seryoso ang mukha ni Richard.

“Tapos na ako sir, maari ko na ba kayong ihatid pabalik sa kama?” seryosong saad ni Richard dahil ang hiyang naramdaman sa kasama kanina ay napalitan na ng inis.

“Oo Manalo ihatid mo na ako.” sang-ayon ni Sebastian na walang kaalam-alam sa inis na nararamdaman ng kasama.

Nang makabalik ang dalawa sa kwarto at makahiga ulit si Sebastian.

“Sir, ’yung mga gamot niyo pala ay binili ko na.” saad ni Richard na hindi man lang makatingin sa mukha ng kasama.

“Salamat Manalo.”

“May kailangan ka pa ba sir?” tanong na may himig na inis ni Richard na hindi na napigilan ang sarili.

“Wala na Manalo, sandali may problema ba?” saad naman ni Sebastian at tanong na rin kay Richard, na ’di nakaligtas ang paraan sa pagtatanong kanina sa kanya ng huli.

“Wala naman sir, may dapat ba akong problemahin?” balik na tanong ni Richard.

“Okay, okay. Kung ang pagtulong mo kanina sa akin ang dahilan kung bakit ka galit sa akin, humihingi ako ng paumanhin. Pasensya na rin dahil alam ko, na malaki akong abala sa’yo. Hayaan mo, hindi mo na kailangan na samahan pa ako at ako nalang ang bahala na magpaliwanag sa mga kuya mo.” mahabang saad ni Sebastian.

Sa narinig ay biglang nahiya si Richard sa naging akto nito.

“Sir hindi naman sa ganun.” depensa ni Richard sa sarili.

“Ibig sabihin galit o may inis ka nga sa akin?” kumpirma ni Sebastian kay Richard. Isang tango lang ang naging sagot ni Richard.

“Kung ganun, sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit.” saad ni Sebastian habang natingin ng diretso kay Richard.

“Kalimutan mo na lang sir ang naging sagot ko.” tanggi ni Richard na sabihin ang dahilan kung bakit ito nainis sa Komandante.

“Hindi, sasabihin mo ang dahilan kung bakit ka galit sa akin o tatanggapin mo ang sinabi kong hindi mo na kailangan pang samahan ako.” seryosong saad ni Sebastian.

Saglit na napaisip si Richard matapos marinig ang kundisyon ni Sebastian. Kung tutuusin mas madaling gawin ang ikalawa, pero alam niyang hindi kaya ng konsensya niya na iwan ang kapwa sundalong tumulong sa kanya. Isa pa kung kaibigan si Sebastian ng kanyang mga kuya ay alam niyang parang kapatid na ang turing ng dalawa kay Sebastian at kung tatangapin niya na iwan si Sebastian ay parang pinabayaan na rin niya ang sariling kapatid.

“Suko na ako sir, sige sasabihin ko na ang dahilan kung bakit ako nainis sa iyo.” sukong saad ni Richard at ikinuwento nga sa Komandante ang dahilan kung bakit nainis ito. Samantalang tahimik naman na nakinig si Sebastian kay Richard.

“Okay, naiintindihan ko na kung bakit ka nagalit sa akin, pero hindi para pagtawanan kita kaya ako napangiti kanina.” umpisang magpaliwanag ni Sebastian at mataman naman na nakikinig sa kanya si Richard. “Kaya ako napangiti ay dahil sa nakita ko ang mukha mo kanina sa salamin, mukhang sa babae kasi ang mukhang meron ka at naisip ko na kung babae ka lang sana, siguradong isa ako sa magiging manliligaw mo.” tapos na paliwanag ni Sebastian.

“Ah, hindi na bago sir sa akin ang napansin mo, marami na ang nagsabi sa akin n’yan. Sa katunayan napagkakamalan pa akong tibo ng ilan.” kwento naman ni Richard na nagkakamot pa ng batok dahil sa hiya.

At ang ilang na nararamdaman ni Richard sa presensya ni Sebastian ay unti-unting nabawasan. Marami pang napagkwentuhan ang dalawa at ilan sa mga ito’y kung paano naging kaibigan ni Sebastian ang mga kuya ni Richard.

Lumipas ang ilan pang oras at matapos makainom ng gamot si Sebastian ay nagpaalam na itong magpahinga. Si Richard naman ay nanatiling nakaupo malapit sa kama ni Sebastian at nanood ng telebisyon. Ilang saglit pa ay nakatulog na rin ito.

Nagising si Sebastian kinaumagahan at kaagad nitong napansin ang kasamang sundalo na nakatulog habang nakayuko sa kama nito. Napangiti si Sebastian at hindi nito namalayan, na hihaplos ang kamay na malapit sa mukha ng natutulog na si Richard.

PANG-PITO

Sa ginawa’y biglang natigilan si Sebastian at ng makabawi ay kaagad na iniwas ang kamay sa tulog parin na si Richard.

Ang pagbukas ng pinto sa kwarto ang humiwalay sa mga mata ni Sebastian sa pagtitig sa maamong mukha ng kasama. Pagbukas nga ng pinto ang duktor ang lulan nito.

Sinuri ng pumasok na duktor ang kalagayan ni Sebastian. Ilang minuto rin na inobserbahan nito si Sebastian at matapos nun ay ipinaalam sa kanya na kung gusto na nitong lumabas ngayong araw ay maaari na rin itong lumabas. Nag-paalam na rin ang duktor pagkatapos.

Samantalang nagising naman si Richard paglabas ng duktor, dulot ng napalakas na pagsara nito ng pinto.

“Good morning Richard.” bungad ni Sebastian ng mapansin nito na nagising na si Richard. Sandali pang nagtaka si Richard kung nasaan ito paggising. Nang marinig ang boses ni Sebastian ay tsaka pa lamang pumasok sa kanyang natutulog parin na diwa na nasa ospital ito.

“Good morning sir.” ganting bati ni Richard.

“Iyan ka na naman sa kaka-sir mo, Richard na nga ang tinawag ko kanina ng batiin kita.” nakangiting saad ni Sebastian.

“Sorry, okay good morning Baste.” ulit na bati ni Richard kahit na naiilang.

“Good, mas maganda yan, nakakatanda kasi pakinggan kapag tinatawag mo akong sir. Oo nga pala ipinaalam ni dok na maaari na akong lumabas ngayong araw.”

“Ah ikaw sir este Baste pala gusto niyo na bang lumabas na ngayong araw?”

“Oo sana, ikaw Richard ayos lang ba?”

“Oo naman, naayos na rin ni mama ang gagamitin mong kwarto sa bahay.” saad ni Richard at iniwasan ang pagbanggit sa pangalang baste dahil naiilang parin itong itawag sa kasama.

“Kung ganun, gusto ko ng lumabas ngayong araw rin na ito. Pakikuha na lang ng wallet ko sa mga gamit kong nasa kabinet.” saad ni Richard.

Kaagad naman itong sinunud ni Richard at ng makita ang nasabing wallet ay iniabot niya ito kay Sebastian. Pagkaabot ni Sebastian sa kanyang wallet ay binuksan niya ito, sabay kuha sa atm card at ibinigay kay Richard.

Bago iabot ni Sebastian sa kanya ang wallet, ay ’di sinasadyang makita ni Richard ang larawan ng isang magandang babae sa loob ng wallet ng una.

‘Girlfriend siguro iyon ni Sebastian.’ sabi sa sarili ni Richard.

“Ikaw ng bahalang magbayad sa bill ko Richard at ngayon palang ay sobrang nagpapasalamat na ako sa’yo.” saad ni Sebastian matapos abutin ni Richard ang kanyang atm card.

“Walang problema Baste, basta ba ilibre mo ako kapag magaling ka na.” biro ni Richard.

“Haha walang problema, sige kahit saan mo gusto.” tawang saad ni Sebastian.

“Huy Baste nagbibiro lang ako, pero kung seryoso ka ay okay din sa akin.” saad ni Richard na nawala na ng tuluyan ang ilang na nararamdaman at pati na ang ilang sa pagtawag nito sa palayaw ng kasama.

Gaya nga ng nais ni Sebastian ay nakalabas na ito ng ospital. Matapos nilang sumakay ng eroplano galing sa Davao, ngayon ay sakay ng van, kasalukuyan nilang tinatahak ni Richard ang pauwi sa bahay ng mga magulang ng kasama.

Katabi ni Richard ang kanilang family driver sa loob ng van, na sumundo sa kanila ni Sebatian sa paliparan at nasa likod naman nila ang nakatulog nang si Sebastian. Gamit ang cellphone ay ipinaalam ni Richard sa text sa kanyang mama ang malapit na nilang pag-uwi ni Sebastian. Habang hawak parin niya ang cellphone ay biglang tumunog ito at isang unknown number ang tumatawag, pagtingin ni Richard sa number ay kaagad niyang naisip na baka ito rin ang tumatawag kanya kahapon, kaya naman minabuti niyang sagutin na lamang ang tawag.

“Hello.” bungad niya sa kabilang linya.

“Hello Richard. Si Lorenzo ito.” sagot ng tumawag sa kanya. Saglit na napaisip si Richard at kaagad din naman niyang naalala ang kasamahang sundalo na humingi sa kanyang numero kahapon.

“Huy bok ikaw pala, pasensiya na kung hindi ko nasagot ang tawag mo kahapon.”

“Ayos lang ’yon Chard, oo nga pala baka nakakaistorbo ako sa’yo.”

“Hindi naman Renz, hayan tinawag mo kasi ako sa palayaw ko kaya tinawag na rin kita sa palayaw mo, naku! Tama ba na Renz ang palayaw mo.”

Sa kabilang linya naman ay napapangiti si Lorenzo sa kausap. ‘Mukhang may pagkamadaldal pala ito.’ sabi niya sa sarili.

“Ang totoo niyan Chard, hinulaan ko lang ang palayaw mo at swerteng tama pala ako, pero mukhang hindi ka magaling sa paghula ng sa akin dahil Enzo ang tawag ng lahat ng tiga sa amin sa akin.” sabi ni Lorenzo sa kausap sa kabilang linya.

“Sorry naman, pero kasi pwede naman na Renz din ang palayaw mo.” pilit ni Richard sa palayaw nito kay Lorenzo.

Lalo naman napangiti si Lorenzo sa kakulitan ng kausap.

“Sige na, payag na ako na Renz ang itawag mo sa akin.” suko ni Lorenzo sa kausap.

“Haha sige Renz, oo nga pala bakit ka napatawag?”

‘Gusto ko lang marinig ang boses mo’ yun sana ang gustong sabihin ni Lorenzo pero baka mabigla ang kausap kapag iyon ang kanyang sinabi.

“Ah nangangamusta lang at sinigurado ko lang na tama ang numerong ibinigay mo sa akin. Baka kasi sa dami ng mga girlfriends mo ay ayaw mong ibigay ang number mo sa akin at baka makadagdag pa ako sa mga tumatawag sa’yo.” pag-iiba ni Lorenzo sa gustong sabihin at pabiro pang idinagdag ang mga huling sinabi.

“Loko ka Renz, para sabihin ko sa’yo wala pa akong girlfriend sa katunayan kahit isang nobya hindi pa ako nagkakaroon.”

Si Sebastian naman ay nagising ilang saglit pa lang ang nakalilipas sa narinig na boses ni Richard at napatingin ito sa gawi ng huli. Rinig tuloy nito ang malamyos na boses ng kasama habang may kausap ito sa kabilang linya. Patuloy lang si Sebastian sa lihim na pakikinig sa may kausap na si Richard at ’di nito namalayan na napangiti ito ng matawa si Richard sa kausap. Hindi alam ni Sebastian kung sino ang kausap ni Richard sa kabilang linya. Narinig rin ni Sebastian ang sinabi ni Richard, na wala itong nobya at kahit isang nobya ay hindi pa ito nagkakaroon, nalaman niya rin na Renz ang pangalan ng kausap ng huli. Sa isip ni Sebastian ay babae ang kausap ni Richard at mukhang nakikipagflirt ito sa paraan ng pakikipag-usap sa kabilang linya. Kanina ng marinig na wala pang nobya at naging nobya si Richard ay ’di alam ni Sebastian kung bakit natuwa siya sa narinig, pero ng marinig ang paraan ng pakikipag-usap ng una sa kausap ay nakaramdam naman siya ng inis.

Sa kabilang linya naman ay sobrang saya ang nadama ni Lorenzo dahil sa narinig.

“Maniwala ako sa’yo, baka ayaw mo lang malaman ko na marami kang babae.” patuloy na biro ni Lorenzo sa kausap.

“Hahaha loko totoo ang sinabi ko, sa ating dalawa, ikaw ang mukhang may maraming babae.” balik sa kanya ni Richard.

“Hahaha ikaw Chard ah, mukhang tama nga ako, kasi ibinalik mo sa akin ang sinabi ko sa’yo na marami kang babae.” giit pa ni Lorenzo kay Richard.

“Hahaha wala nga akong nobya, ikaw hindi mo ikinaila na marami kang babae, kasi tama ako.”

“Hindi ko ikinaila kasi wala naman, o sige na nga naniniwala na ako na wala kang maraming babae.” pagsuko ni Lorenzo sa kausap.

“Dapat lang kasi wala naman, siguro darating din ’yon balang araw.” sagot ni Richard.

“Tama ka Chard ganun din ang nasa isip ko. O sige ibaba ko na ang tawag para matawagan mo na ang mga girlfriends mo.” tapos ni Lorenzo at hinabol pa ang pagbibiro sa kausap.

“Loko ka talaga Renz hahaha.” at ang tawang iyon ni Richard ang kumumpleto sa araw ni Lorenzo.

Si Sebastian naman, ang inis na naramdaman kay Richard ay nawala dahil sa patuloy niyang pakikinig sa huli, napagtanto nito na lalake pala ang kausap ni Richard. Ngayon naiinis si Sebastian sa lalaking nakausap ni Richard.

PANG-WALO

Kaagad sinalubong ng kanyang mga magulang si Richard at ang kasama nitong si Sebastian na pansamantalang mananatili sa kanila.

Sa tulong ng family driver nila Richard, ngayon ay nakasakay na sa wheel chair si Sebastian habang nasa likod si Richard na nakaalalay rito.

“Masaya akong nakalabas ka na ng ospital Manlangit at ngayon ay makakausap na kita.” saad ni Heneral Manalo sa sundalong inatasan niya, sa katatapos pa lang na giyera sa Maguindanao.

“Sir, ngayon palang ay nagpapasalamat na ako sa pagtulong ng pamilya niyo sa akin sir!” nakasaludo at magalang na pasasalamat ni Major Manlangit sa kanyang Commanding Officer.

“Tama na muna ang pormal na pakikipag-usap Sebastian at hindi mo na kailangan pang magpasalamat dahil pamilya at anak na ang turing namin sa’yo ng Tita mo.” saad ni Heneral Manalo.

“Sige po tito.”

“Mabuti pa pumasok na tayo sa loob at nakahanda na ang pagkain, alam kong gutom na kayong dalawa.” sali sa usapan ni Aurora.

“Baste alin sa mga ito ang gusto mo.” tanong ni Richard sa katabing si Sebastian, sa pagkain na gusto nitong kainin. Kasaluyan silang nasa hapag sa hinihandang tanghalian ng kanyang mama, kasabay rin nilang kumakain ang kanyang mga magulang.

“Okay lang Richard, ako na lang, sa tingin ko kaya ko nang igalaw ang mga braso ko.” tanggi ni Sebastian sa pag-alok ni Richard.

“Sir Manlangit, sige nga subukan mong abutin ang menudo sa gawing kanan mo.” subok ni Richard kay Sebastian dahil hindi ito naniniwala na kaya na nito. Si Sebastian naman ay sinubukan gawin ang sinabing iyon ni Richard. Dahan-dahan nitong iginalaw ang kanang braso, pero sa kakaunting paggalaw pa lang na iyon na ginawa ni Sebastian ay napangiwi na ito sa naramdamang sakit.

Ang mga magulang naman ni Richard ay nakikinig sa usapan ng dalawa at nakamasid sa ginawang iyon ni Sebastian.

Nang makita ang itsura ng napangiwing mukha ni Sebastian ay hindi mapigilan ni Richard ang matawa.

“Anong nakakatawa Manalo?” tanong ni Sebastian na pinipigilan rin matawa dahil alam nito na siya ang dahilan sa pagtawa ng katabi.

“Ako tumawa? Hindi kaya sir, sina mama at papa sa tingin ko ang narinig mo.” tanggi ni Richard sa ginawa at sumbong rin sa mga magulang na kagaya niya ay nangingiti sa mga oras na iyon. Sa narinig ay napatingin nga si Sebastian sa gawi ng mag-asawa at tama si Richard sa sinabi dahil bakas ang tuwa sa dalawa.

“Chard anak tama na ang pang-aasar, mabuti pa ay iabot mo na kay Baste ang mga pagkaing gusto niya.” suway ni Aurora sa pilyong anak.

“Ikaw naman Baste ’wag ka ng mahiyang magpatulong kay Chard, mabait ang bunso kong ’yan kahit pa may pagkaisip bata madalas.” baling ni Aurora kay Sebastian at biniro pa ang anak.

“Mom! Pa si mama oh.” reklamo ni Richard sa narinig sabay sumbong sa papa nito.

“Bakit anak? Totoo naman ang sinabi ng mama mo.” asar ng Heneral sa bunsong anak.

Natawa naman si Sebastian sa nakitang samahan ng tatlo.

“Anong nakakatawa Major Manlangit? balik ni Richard sa tanong ni Sebastian kanina.

“Ako tumawa? Hindi kaya Manalo, sila tito at tita sa tingin ko ang narinig mo.” gaya naman ni Sebastian sa naging sagot sa kanya ni Richard kanina.

“Gaya-gaya.” bulong ni Richard, na narinig naman ng matalas na tenga ni Sebastian na ikinatawa ng huli. …

Matapos kumain ay sinamahan ni Richard si Sebastian sa kwartong tutuluyan.

“Baste okay bang iwanan na kita?” tanong ni Richard matapos tulungan maihiga si Sebastian sa kama.

“Ah pupwede bang pakikuha na muna ng tubig para makainom na rin ako ng gamot.”

“Sige may iba ka pang gusto?”

“Yun lang salamat.”

“Okay, sige.”

Kaagad naman na kumuha ng tubig si Richard at iniabot na rin ang gamot na iinumin ni Sebastian. Pagkakuha sa gamot ay ininom na rin ito ni Sebastian.

“Salamat ulit Chard.”

“Ayos lang Baste, sige lalabas na ako. Kung may kailangan kay ay tawagan mo lang ako.” saad ni Richard. Sa narinig naman ay isang ideya ang pumasok sa isip ni Sabastian.

“Paano kita matatawagan hindi ko pa alam ang number mo.”

“Ay! Oo nga pala sandali asan yung phone mo?” nahihiyang tanong ni Richard sabay kamot pa sa ulo.

“Nasa isang bag, yung kulay itim kasama ng iba pang gamit ko. Pakikuha na lang at isave mo na rin ang number mo at pagkatapos ay iabot mo na rin sa akin.” sagot ni Sebastian. Matapos marinig ang sagot ni Sebastian, hinalukay ni Richard ang laman ng itim na bag at nakita nga niya na naroon ang cellpone ng una.

“Baste, anong password pala ng phone mo?” tanong ni Richard ng hawak na ang cellphone.

“I-swipe mo lang ’yan, hindi ako mahilig sa password.” simpleng sagot ni Sebastian.

“Seryoso? Ikaw palang ang taong nakilala ko na walang password ang phone.” komento ni Richard.

“Ganun talaga ako eh.”

Pagkaswipe nga ni Richard sa phone ni Sebastian ay bumungad sa screen ng cellphone ng huli ang larawan ng isang magandang babae. Kaagad naalala ni Richard ang babaeng nakita rin niya na nasa wallet ni Sebastian at napagtanto niya na iisa lang ang babae. Gusto man itanong ni Richard kay Sebastian kung sino at kaano-ano niya ang babae ay pinigilan niya ang sarili dahil masyadong personal ang bagay na iyon at ilang araw pa lang silang magkakilala. Minabuti niyang isave na lang ang numero, na siya namang dahilan kaya hawak niya ngayon ang cellphone ni Sebastian.

“Okay, gaya ng sabi mo naisave ko na ang number ko at kinuha ko na rin ang sa’yo para alam ko kapag tumawag ka.” saad ni Richard sabay abot sa cellphone ni Sebastian.

“Sige, salamat” maikling sagot ni Sebastian at kinuha ang kanyang cellphone. Nag-paalam na rin lumabas si Richard pagkatapos.

Paglabas ni Richard sa kwarto ni Sebastian ay dumiretso ito sa sariling silid, na katabi lang din ng silid ng huli. At dala ng pagod ay nakatulog kaagad ito.

Paglabas ni Richard sa kwartong tinutuluyan niya, naiwan si Sebastian na hawak ang cellphone at pinagmamasdan ang larawan ng kanyang girlfriend.

“Tama ba na girlfriend pa kita? O ako nalang ang nag-iisip na tayo parin.” kausap ni Sebastian sa larawan ng babae.

Sa kabilang panig naman ng mundo.

Isang fashion show ang dinaluhan ni Rachelle at siya ang star sa nasabing event. Maraming kilalang fashion designer, fashion guru ang mga naroon at mga international media naman ang kumukuha sa isa sa pinakamalaking event na iyon sa Paris.

Matapos ang gabi ng event na kanyang dinaluhan, umuwi si Rachelle sa hotel na kanyang tinutuluyan. At bago pa ito matulog ay napanood niya sa balita ang katatapos lang na giyera na nangyari sa Pilipinas. Nalaman niya na naging matagumpay ang mga sundalo sa kanilang misyon at nahuli pa ng buhay ang lider ng mga terorista. Nakita rin niya sa balita sa nasabing giyera ang pagkamatay ng 50 sundalo at marami rin ang nasugatan. Pero ang nakitang larawan sa sumunod na kuha sa balita ang ikinahinto niya, kasunud ng malakas na pagtibok ng kanyang puso. Ang larawan ni Major Sebastian Manlangit na nasabugan ng bomba at kasalukuyang walang malay.

“Sebastian. Mahal.”

PANG-SIYAM

Sa mga sumunod na araw ay unti-unti ng gumagaling ang mga sugat ni Sebastian. Ang pananakit naman ng kanyang katawan, lalo na ang kanyang balikat ay hindi na gaano pa ang pagsakit nito at naigagalaw na niya kahit papaano. Nahihiya na rin siya kahit papaano na humingi pa ng tulong kay Richard na naging parang personal na nitong nurse sa ilang araw na lumipas. Kaya sinikap niyang gawing mag-isa, lalo na ang pribadong gawain ng isang tao. Hindi nga maalis sa isip niya, ang pamumula ng mukha ni Richard sa hiya, nung araw na humingi siya ng tulong sa panahong nasa ospital pa siya.

Marami na rin siyang nalaman tungkol kay Richard, na madalas na samahan siya nito pagkagaling nito sa ilang oras niyang pagpasok sa kampo. Lagi pa itong nagrereklamo sa kanya, dahil gaya nga ng kanyang inaasahan sa kanya mama. Ipinaalam ng kanyang amang Heneral ng dalawang buwan siyang magtratrabaho sa opisina at laging paper works ang makakaharap niya.

Pagtingin ni Sebastian sa oras na nasa wall clock ng kanyang silid, inaasahan niya na ilang minuto mula ngayon ay darating na si Richard. At tama nga s’ya, pero ang inaasahang mag-isang si Richard ay may kasama ito nang dumating.

Matapos makausap ni Lorenzo si Richard, sumunod na ginawa ng sundalo ay tignan ang mga impormasyon ng kapwa sundalo sa internet. Sa ilang oras na paghahanap niya, hindi ito nabigo na malaman ang ilang impormasyon sa kapwa sundalong pumukaw sa kanya.

Matapos ang ilang araw at mukhang tinutulungan siya ng tadhana. Nadestino si Private Lorenzo Velasco sa Cavite. Ang nasabing lugar ay siya rin nakita ni Lorenzo sa internet, kung saan nakatira si Richard. Ibayong saya nga ang nadama at hindi na makapaghintay pa si Lorenzo na makitang muli, ang ilang araw ng laman ng kanyang isip na si Richard. Dala ng komunikasyon nila ni Richard sa mga nakalipas na mga araw, nalaman ni Lorenzo kung saan nagtratrabaho ngayon si Richard at ngayong araw mismo ay bibisitahin niya ito.

“Magandang Hapon po, nandirito ba si Private Manalo?” bungad ni Lorenzo kay Richard, na abala sa pagtingin sa mga tambak na papeles sa kanyang harapan.

Sa narinig naman ay napatingin si Richard sa nagsalita.

“Renz?” ’di makapaniwalang saad ni Richard.

“Ako nga Chard, mukhang busy ka ah.” sagot ni Lorenzo sabay turo pa sa maraming papeles sa mesa ni Richard.

“Sinabi mo pa.” saad ni Richard at napabuntong hininga pa. “Maiba ako anong ginagawa mo dito?” baling naman nito kay Lorenzo.

“Dito ako sa Cavite nadestino at kahapon nakita kita rito kaya lang paalis ka na. Kaya ngayon, naisipan kong dalawin ka para na rin magkita tayo.” sagot ni Lorenzo.

“Buti ka pa, ako dalawang buwan na mga papeles ang kalaban ko.” reklamo ni Richard sa kausap.

“Bakit naman at dalawang buwan? Ang tagal naman nun.” ’di makapaniwalang saad ni Lorenzo.

“Dahil sa mom ko, kinausap niya si papa na ’wag muna akong pabalikin sa field, kaya ngayon nandirito ako.” paliwanag ni Richard.

“Ganun ba? Wala na tayong magagawa, ang hirap pala ng sitwasyon mo.” simpatya ni Lorenzo sa kausap. “Mabuti pa samahan mo akong mamasyal paglabas mo.” suhestiyon pa nito.

“Pasensya na Renz, pero kung gusto mo ay samahan mo na lang ako sa amin. Para na rin makita mo si Major Manlangit.” tanggi ni Richard at imbita kay Lorenzo na napakunot noo naman sa narinig.

“Bakit? Kasama mo si Major Manlangit?”

“Ah oo, sa amin siya pansamantalang tumutuloy. Mamaya paglabas ko ikukwento ko sa’yo ang lahat ng mga nangyari.” saad naman ni Richard.

Ngayon nga ay kasama ni Lorenzo si Richard at pagbukas ng pinto ay bumungad ang nagtatakang mukha ni Sebastian sa kanila.

“Baste, kasama ko pala si Private Lorenzo Velasco.” pakilala ni Richard kay Lorenzo sa nagtatakang si Sebastian.

“Sir. Gaya nga ng sabi ni Chard, ako si Lorenzo.” pakilala ni Lorenzo sabay lahad ng kamay.

Sandaling tinignan ni Sebastian ang nakalahad na kamay ng kasama ni Richard at kaagad naman itong inabot ng una ang kamay ni Lorenzo.

“Hindi ko na siguro kailangan pang magpakilala at kilala mo na ako.” seryosong saad ni Sebastian kay Lorenzo.

“Ah oo sir, kayo po ang nanguna sa amin nila Chard sa Maguindanao.” sagot naman ni Lorenzo.

“Tama na muna ’yan, mabuti pa ay magmeryenda muna tayo.” putol ni Richard sa usapan ng dalawang kasama. “Baste, bababa muna kami ni Renz at ipag-aakyat nalang kita ng meryenda.” baling ni Richard kay Sebastian. “Tara Renz samahan mo ako.” baling naman nito kay Lorenzo.

“Sandali Chard, kaya ko naman nang gumalaw. Sasamahan ko na kayo.” kaagad na saad ni Sebastian.

“Sigurado ka Baste?”

“Oo naman.” sagot ni Sebastian at sinubukan nitong tumayo. Medyo masakit pa ang naramdaman ni Sebastian sa pagtayo, pero hindi nito ipinahalata kay Richard para hindi ito tumutol sa pagsunud sa dalawa.

“O sige, tara na.” yakag niya sa dalawa.

Si Lorenzo naman ay nanghinayang na masosolo na sana wakas si Richard, kungdi lang sa kasama nilang si Sebastian.

‘Sino naman itong Lorenzo na ito? At bakit kasama siya ni Richard.’ inis na kausap ni Sebastian sa sarili.

“Nga pala Renz, ilang araw ka nang nadestino dito sa Cavite?” tanong ni Richard kay Lorenzo habang abala ito sa paghahanap na pwedeng ihandang meryenda sa dalawa.

“Limang araw pa lang Chard, buti nga nakita kita kaagad kahapon. Kaya naman naisip kong surpresahin kitang puntahan kanina.” sagot ni Lorenzo na mula pa kanina ay ’di maalis ang tingin sa abalang si Richard.

Ang mga tingin na iyon ni Lorenzo ay hindi nakaligtas sa mapanuring mata ni Sebastian.

“Nasorpresa talaga ako kanina.” saad naman ni Richard.

“Tiga-saan ka Velasco?” tanong ni Sebastian kay Lorenzo para maputol ang pag-uusap ng dalawa.

“Sa Cebu ang probinsya ng mga magulang ko sir.” sagot ni Lorenzo.

Sa narinig naman ni Richard sa sinabi ni Lorenzo.

“Talaga! Tiga-Cebu ka pala Renz. Siguro naman marunong kang mag-bisaya.” interasadong saad ni Richard.

“Sa katunayan niyan Chard, kakaunti lang ang alam ko. Sa tito ko kasi na tiga Maynila ako nanirahan ng matagal, kaya ganun.” kwento ni Lorenzo kay Richard.

“Ah.” tanging reaksyon ni Richard sa nalaman kay Lorenzo. “Ikaw Baste, bago manirahan sa Amerika sila tito’t tita. May probinsya ba kayo?” baling naman ni Richard sa inis nang si Sebastian, dahil patuloy parin ang pag-uusap ng dalawa.

“Meron, parehong taga Batangas sila mama’t papa.” sagot ni Sebastian.

“Ala eh! Batangeño ka pala.” saad ni Richard at ginaya pa ang nakagawiang pagsasalita ng mga Batangeño.

“Oo, pero hindi ako ganyan magsalita.” maagap na saad ni Sebastian.

“Bakit naman eh, ang ganda pa naman pagkinggan eh.” natatawa pang patuloy na gaya ni Richard.

“Seryosos Manalo, hindi ka na nakakatawa.” asar talong saad ni Sebastian.

“Ala eh, napikon na si Major eh.” patuloy pa rin ang hindi maawat na si Richard.

Pinipigil naman ni Lorenzo ang matawa at baka magalit rin sa kanya si Sebastian.

Sa huling sinabi ni Richard, matalim na tingin ang ipinukol sa kanya ni Sebastian. At sa nakitang ’yon ay doon palang ito tumigil.

“Mabuti pa magmeryeda na tayo.” pag-iiba ni Richard sa usapan na kahit papaano’y natakot sa tingin na iyon sa kanya ni Sebastian.

Sa mga sumunod na oras, panay ang kwentuhan ng tatlo habang inuubos ang ginawang meryenda ni Richard.

“Chard, mauna na ako. Salamat sa meryenda.” ngiting pasalamat ni Lorenzo.

“Wala ’yon. Sa susunod ikaw naman ang taya.”

“Oo ba.” kaagad naman sang-ayon ni Lorenzo. “Sir.” baling naman nito kay Sebastian, na isang tango lang ang naging sagot sa kanya.

Pag-alis ni Lorenzo ay naiwan ang dalawa na nasa sala. Prenteng nakaupo si Sebastian sa mahabang sofa at nakatutok ang mata sa nakabukas na tv. Si Richard namay ay nasa isahang sofa at abala sa kanyang cellphone.

Nang ibaling ni Sebastian ang tingin niya kay Richard, nakita nito ang nangingiting mukha ng huli habang tutok sa cellphone.

“Sino yan?” hindi na napigilang usisa ni Sebastian kay Richard.

“Ah si Lorenzo.” Sa narinig ay napa-tsk nalang si Sebastian.

“Mukhang close kayo ah.” puna pa niya.

“Hindi pa masyado, pero hindi malabong mangyari kasi mabait ’yung tao.”

“Ibig sabihin gusto mo siya?” nadulas na tanong ni Sebastian, na hindi na napigilan ang sarili gusto man niyang bawiin ang mga ito.

“Oo naman, gaya nga ng sabi ko mabait siya at dapat lang kaibiganin ang mga ganung klaseng tao.” sagot ni Richard na mali ang pagkakaintindi sa naging tanong ni Sebastian.

“Mabuti naman kung ganun.” saad ni Sebastian at sa narinig ay lihim na natuwa pa ito.

PANG-SAMPU

Tuluyan ng gumaling ang pananakit ng katawan ni Sebastian dulot ng pagsabog at tanging mga peklat na lang na naiwang bakas sa kanyang mga sugat, ang makikita sa kanyang katawan.

Dahil sa magaling na nga, matapos magpasalamat sa naging tulong ni Richard at ng mga magulang nito. Nagpaalam na rin si Sebastian sa mga ito at bukas nga ay babalik na siya sa condo unit na tinutuluyan niya sa Makati.

Kasalukuyang iniimpake ni Sebastian ang mga gamit niya sa isang bag ng tumunog ang kanyang cellphone.

“Hello Sir.” bungad niya ng makitang si Heneral Manalo ang tumatawag.

“Manlangit come to my office later.” saad ng Heneral at ibinababa rin kaagad ang tawag.

Matapos maisara ang zipper ng kanyang bag, nagtungo rin kaagad si Sebastian sa opisina ng Heneral.

“Sir, permission to enter sir!” magalang na saad ni Sebastian bago pumasok sa nakabukas na opisina ng Heneral.

“Enter.” maikling sagot sa kanya ng Heneral.

“Sir.” saad ni Sebastian at tawag nito ng pansin sa Heneral pagkalapit niya.

“Have a seat.”

Pag-kaupo ni Sebastian, mga larawan ng mga teroristang huling nakalaban ang bumungad sa kanya.

“As you can see Manlangit, halos sa mga larawang iyan ay mga namatay sa natapos na giyera sa Maguindanao. And also, as you already know that their leader had been captured alive by us. Well ’yun ang lahat ng akala natin. Pero ang nahuli natin ay isa lang pala sa kanilang mga lider.” paliwanag ni Heneral Manalo.

“You mean sir, may iba pa silang lider.” pagtitiyak ni Major Manlangit. Isang tango lang ang naging sagot ng Heneral.

“Here.” saad ng Heneral, sabay galaw nito sa larawang hawak na nasa mesa, papunta sa harapan ni Manlangit.

“Ito ang isa pa nilang lider.” saad ni Sebastian sa sarili at alam na niya sa mga oras na iyon ang dahilan kung bakit siya ipinatawag ni Heneral Manalo.

“Gaya ng nauna mong pangunguna sa misyon, makakaasa ba ako ngayon sayo dito?” tanong ng Heneral.

“Sir, yes sir.” magalang na pagtanggap ni Major Manlangit sa isang delikado na namang misyon.

“Very well Manlangit. Bueno, heto ang mga intel patungkol sa isa pang lider ng mga terorista.” saad ni Heneral Diosdado Manalo sabay abot sa mga folder at isang usb flash drive kay Major Sebastian Manlangit.

Pagbalik sa silid ni Sebastian ay naisipan niya na munang maligo. Matapos maligo ay nagpunas lang siya na buhok at tanging tuwalya lang ang bumabalot sa kanyang kahubdan sa mga oras na iyon. Naisip niyang pag-aralan na kaagad ang mga files. Pinanood rin niya ang laman ng usb at kita sa video na naroon, ang pag-amin ng akala nilang tanging lider ng mga terorista na si Al Jaggar Muhamad na may kasama pa itong isa, na bumuo sa kanilang grupo.

Abala ang sundalo sa pag-isa-isa ng mga intel sa kanyang harapan, nang marinig nitong tumunog ang pinto dulot ng pagkatok ng taong nasa labas.

Dala ng nakalock na pinto ay minabuti ni Sebastian na tumayo at pagbuksan ang taong nasa labas. Pagbukas niya si Richard ang bumungad sa kanya.

“Oh Chard, anong atin?” bungad ni Sebastian.

Si Richard namay ay inutusan ng kanyang ama na tawagin si Sebastian. Pagbukas nga ng pinto ang hubad na katawan ni Sebastian na natatakpan lang ng tuwalya ang bumungad sa kanya. Sa nakita’y kaagad pinamulahan ng mukha si Richard.

“Pinatatawag ka ni Papa.” sagot sa kanya ni Richard. Dumako naman ang paningin ni Sebastian sa mukha ni Richard at kita nito ang pamumula ng mukha ng huli.

“Ayos ka lang Chard, ba’t ang pula ng mukha mo. May lagnat ka ba?” mga tanong ni Sebastian kay Richard sabay lagay ng likod ng palad sa noo ng huli.

“A-ayos lang ako.” saad ni Richard sabay tanggal sa kamay ni Sebastian na nasa noo parin niya. Natigilan naman si Sebastian sa ginawang ’yon ni Richard.

“I’m sorry, bakit pinapatawag ako ni tito?” hinging paumanhin ni Sebastian at tanong na rin kay Richard.

“Hindi ko rin alam, sige puntahan mo na lang siya.” sagot ni Richard sa kanya at iniwan na siya nito. Nahihiwagaan man sa kinilos ni Richard, pagpasok ni Sebastian sa silid ay kaagad na itong nagbihis. Abala siya sa pagsuot ng kanyang damit ng maalala ni Sebastian na wala pala itong suot kanina ng makausap si Richard. Sa naisip na posibleng dahilan ng kinilos kanina ni Richard, isang ideya ang naisip ng pilyong sundalo.

“Tito pinatawag mo daw ako sabi ni Chard.” saad ni Sebastian ng makarating ito sa sala. Sa sala, nandoon si Richard at ang mga magulang habang nanood sila ng tv. Saglit na binaling ni Sebastian ang paningin kay Richard at nang magtagpo ang mata ng dalawa, kaagad iniwas ni Richard ang ulo niya. Sa naging reaksyon na iyon ni Richard, lalo nitong nakumpirma ang mga naisip kanina ni Sebastian.

“Oo Baste, tutal bukas na ang alis mo, siguro naman hindi ka tatanggi kapag inaya kitang uminom.” saad ng Heneral sa dahilan kung bakit niya tinawag si Sebastian.

“Hinding-hinde tito, ano bang iinumin natin?” sagot ni Sebastian sa Heneral. Ang Heneral naman ay kaagad na tumayo para kuhanin ang alak.

“Dado huwag kayong masyadong magpakalasing.” malakas na saad ni Aurora sa tumayong asawa. Habang hinihintay naman ni Sebastian ang pagbalik ng Heneral dala ang alak ng kinuha. Bumaling ulit ang paningin nito kay Richard.

“Chard ikaw, kasama ka bang iinom?”

“Hindi, mahina akong uminom.” sagot ni Richard.

“Ganun ba? ’Di kakaunti lang ang inumin mo.”

“Kayo na lang ni papa, sigurado akong kulang pa ’yon sa inyong dalawa.” tanggi ni Richard.

“Tara Baste, mas magandang uminom sa hardin sa labas.” yaya ng Heneral kay Sebastian at dala nito ang isang bote ng whisky.

Pag-alis ng kanyang ama at ni Sebastian ay naiwan si Richard kasama ang mama nito sa sala. Habang abala si Aurora sa pinapanood nitong teleserye, ang isip naman ni Richard ay abala sa pagbalik sa nangyari kanina ng tawagin niya si Sebastian. Hindi niya maipaliwanag kung bakit gano’n na lang ang epekto sa kanya ng nakitang hubad na katawan ni Baste. Sa edad niyang dalawangput-isa, ni isang beses ay hindi niya kinuwestiyon ang sariling kasarian. Samantalang halos mag-iisang buwan palang niya nakakasama si Sebastian pero ngayon hindi na siya sigurado sa sarili. Sa naisip ay napailing na lang si Richard.

‘Imposible, lalake ako. At kahit pa hindi pa ako nagkakanobya alam kong hindi ako bading.’ pilit na isinisiksik ni Richard sa kanyang isipan.

“Good night mom.” paalam ni Richard sa mama nito at pinili na lang na itulog ang gumugulo isip niya.

“Ang aga pa anak, matutulog ka na?” tanong ni Aurora sa anak.

“Yes mom, kayo hindi pa?”

“Hindi pa, hihintayin ko na ang papa mo.”

“Okay, good night again mom.” paalam ulit ni Richard sabay halik sa pisngi ng mama nito.

“Night, son.”

Katok sa pinto ang gumising kay Richard. Pupungas-pungas pa ito ng tignan kung anong oras na. Nang makita na alas dos palang ng madaling araw ay bumalik ito sa pagtulog at inisip na baka nanaginip lang ito. Pero hindi pala ito nananaginip dahil narinig ulit nito ang pagkatok sa kanyang pinto, na sa tingin niya ay lalo pang lumakas. Matapos ayusin ang sarili, pinuntahan ni Richard ang pinto para pagbuksan ang taong umistorbo sa kanyang masarap na pagtulog. Pagbukas niya sa pinto si Sebastian lang pala ito.

“Chard.” lasing na sabi ni Sebastian pagkabukas ni Richard sa pinto.

Napaurong naman si Richard dahil sa ginawang paglapit sa kanya ni Sebastian.

“Baste bakit hindi ka pa natutulog?” tanong nito sa lasing na si Sebastian. Hindi siya sinagot ni Sebastian, bagkus ay naglakad ito palapit sa kanyang kama at doon nahiga. Sa nakitang ginawa ni Baste ay sinundan ito ni Richard.

“Ano ba Baste, halika samahan na kita sa kwarto mo.” saad ni Richard sabay hila sa kamay ng nakahigang si Sebastian.

Bago pa hilahin ni Richard ang kamay niya, sa ginawang paghiga ni Sebastian sa kama ng una, naamoy niya ang pamilyar na pabango na gamit ng kasama, na ilang linggo na niyang gustung-gustong amuyin kapag magkatabi sila. Kaya naman ng hilahin siya ni Richard, tsaka niya naisip ang kanina niya pa gustong gawin, matapos makita ang naging reaksyon ni Richard sa hubad niyang katawan. Hindi na nga nag-aksaya pa ng panahon si Sebastian at hinila niya pahiga ang nakatayong si Richard. Sa ginawa niyang paghila sa huli, nagpatong ang mga katawan nila. At bago pa makagalaw si Richard, hinagkan ng mga labi ni Sebastian ang nakauwang na mga labi ni Richard.

PANG-LABING-ISA

WARNING!!! RATED SPG

Hindi inaasahan ni Richard na ang hila-hilang kamay ni Sebastian ay siya rin palang hihila sa kanya pahiga sa katawan ng huli. At lalong hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa ni Sebastian, sinakop ng bibig nito ang kanyang nakabukang bibig na dulot ng gulat na reaksyon niya sa ginawang paghila nito. Sa mga oras na iyon, hindi alam ni Richard ang kanyang gagawin. Parang natuod ang katawan niya at ang isip naman niya ay panandalian huminto sa pag-andar.

Sa panig naman ni Sebastian, gaya ng kanyang inaasahan sa mapula at malambot na labi ni Richard, nagdulot ang mga labing ’yon ng ibayong pagnanasa sa kanya. Matamis na parang katas ng bulaklak, kung ihahalintulad ang labi na kanya ngayong natitikman. Kaya naman para siyang bubuyog na ayaw ng pakawalan pa ang mga labi na iyon. At naging mapusok ang sumunod na pag-angkin niyang iyon sa mga labi ni Richard.

Ang mapusok na aksyon na iyon ni Sebastian, ang nagpanumbalik sa kasalukuyan kay Richard.

“Bahmsthem.” subok na pigil ni Richard habang patuloy si Sebastian sa pag-angkin sa kanyang mga labi.

Ang pagpigil naman na iyon ni Richard ay nagbigay na ibang kahulugan kay Sebastian. Sa akalang pag-sang-ayon ni Richard, nagpatuloy si Sebastian sa pag-angkin sa mga labi ng una at lumalim pa ang halikan ng dalawa ng tugunan iyon ni Richard.

Gusto man niya kaninang pigilan si Sebastian sa pag-angkin nito ng walang paalam sa kanyang mga labi. Aminado si Richard, na nadala rin siya sa paghalik na iyon ni Baste. Ang una’t huli niyang halik na nadama ay noon pang high school pa siya at kung ikukumpara sa pagdampi na iyon ng kanyang mga labi sa kanyang kaklase. Malayo iyon, sa sarap na kanya ngayong nararamdaman sa masarap na halik na bigay ng mga bihasang labi ni Sebastian.

Naputol ang mainit na paghahalikan ng dalawa ng kapusan sila ng hangin. Sandaling nagkatinginan ang dalawa, kita ni Richard ang pagnanasa sa mga matang iyon ni Sebastian at kita naman ng huli ang pamumula ng mukha ng una. Ang akala ni Sebastian ay dun na matatapos ang lahat at handa na ito sa kung anong maaaring gawin ni Richard sa naging pangahas na kilos niya. Pero taliwas iyon sa sumunod na ginawa ni Richard, hinila nito ang kuwelyo ng suot niyang damit at hinalikan siya ulit ni Richard.

Habang patuloy ang halikan nilang dalawa at nasa ibabaw niya si Richard, mabilis na pumaibabaw si Sebastian at nagkapalit na ang pwesto nila. Nang magsawa sa bibig ng isat-isa, bumaba ang mga halik na iyon ni Sebastian sa leeg ni Richard. Pinapak ng halik ni Sebastian ang leeg na ’yon at hindi niya hinayaan na walang maiwan na marka sa parteng ’yon. Sarap na sarap si Richard sa ginagawang pag-angkin ni Sebastian sa kanyang leeg at kusang binigyan niya ng daan ang una para gawin ang mga gusto niya.

Alam ni Sebastian ang sarap na nararamdaman ngayon ni Richard dahil sa malikot ng paggalaw ng ulo ng huli, rinig din niya ang pagpipigil nito ng sariling ungol. Pero gusto ni Sebastian na marinig ang mga ungol ni Richard kaya naman sandali itong huminto sa ginagawa.

“Take your shirt off.” bulong ni Sebastian sa nabiting si Richard.

“Yes, sir.” masunuring sagot ni Richard at kaagad hinubad ang suot na damit.

Sa pagtawag sa kanya ni Richard ng ‘sir’. Lalong tumaas ang pagnanasang nararamdaman ni Sebastian. Kaya ng tumambad sa kanya ang hubad at maputing katawan ni Richard, hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Sebastian at agad na sinunggaban ang nakahain sa kanyang harapan. Una niyang sinuso ang kanang utong ni Richard at hindi ito nabigo sa sumunod na narinig.

“Ahhh sirrr ahh.” ungol ni Richard. Musika sa pandinig ni Sebastian ang mga ungol na iyon. At lalo pang pinabutihan ang pagroromansa sa katawan ni Richard. Nang magsawa sa kanan utong, ang kaliwa naman ang pinuntirya ni Sebastian. At sa sumunod na ginawang salitang pagsuso ni Sebastian sa magkabilang utong ni Richard ay mga ungol naman ang isinusukli ng huli.

Sa mga ungol na iyon na narinig kay Richard, ramdam ni Sebastian ang laman sa kanyang ibaba na gustong-gusto ng kumawala. At sa isang iglap ay walang paalam nitong hinubad ang mga pang-ibabang suot ni Richard, kasabay ng paghubad niya ng sariling damit at pantalon, kaya naman tanging brief na lang ang tumatakip sa naghuhumindig niyang alaga.

“Chard, titirahin na kita.” walang prenong saad ni Sebastian. Sa narinig naman ni Richard ay napalunok ito bigla. Tanda pa niya ang paghingi ng tulong ni Baste noong nasa ospital pa ito. Nakita rin niya ang burat ni Sebastian at sa katunayan ay nahawakan pa niya iyon ng ilang minuto, batid niyang kahit hindi pa matigas noon ang burat na hawak ay may kalakihan na ito, paano pa kaya ngayong alam niyang matigas at nagwawala na ito.

“Baste, pwede bang salsalin ko na lang.” pagbabakasakali ni Richard at baka magbago pa ang isip ni Sebastian.

“Kung gusto ko ng salsal lang, ako nalang sana ang nagmaryang palad.” balik ni Sebastian.

“Pe-pero hindi pa ako, ibig kong sabihin first time ko pa lang kung sakali.” saad ni Richard na nahiya pang sabihin na hindi pa siya nakantot.

“Alam ko, hayaan mo at dadahan-dahanin ko.” saad ni Sebastian. Sa ilang linggo nakasama niya si Richard, batid ni Sebastian na wala pang karanasan sa makamundong bagay ang una. Isang dahilan ay ang pamumula ng mukha ni Richard ng tulungan siya nito sa ospital, ikalawa ay kanina ng halikan niya nito. Totoo na gustung-gustong pasukin ni Sebastian ang birhen na butas ni Richard at ayaw niyang sa pagbate lang matanggal ang ibayong pagnanasang nararamdaman niya sa mga oras na ’yon, pero wala naman siyang magagawa at hindi niya maaring pilitin ang huli sa ayaw nitong mangyari.

“Naiintindihan ko.” sukong saad ni Sebastian.

Sa narinig na turan ni Sebastian, nakaramdam ng hiya si Richard. Kung tutuusin kahit pa si Baste ang unang gumawa ng hakbang, ang pagtugon na ginawa niya ang dahilan kung bakit nasa ganito silang sitwasyon ngayon.

“Dahan-dahanin mo lang.” saad ni Richard sabay halik nito sa labi ng nagulat na kasama.

Gulat man sa narinig at sa ginawang paghalik ni Richard, kaagad na tumugon ng halik si Sebastian. Sa patuloy nilang paghahalikan, ang isang kamay ni Baste ay nag-uumpisa ng paluwagin ang butas ni Richard.

Naramdaman ni Richard ang presensya ng isang daliri ni Sebastian sa kanyang butas at pigil na ungol ang tugon nito habang patuloy parin ang halikan nila. Matapos ang isa, sumunod ang pangalawa hanggang sa maging tatlo.

“Ahh sirr ahhh.” ungol ni Richard ng maramdaman ang sakit dulot ng malaking laman na nagpupumilit pumasok sa kanyang lagusan.

“Shhh it’s okay, dadahan-dahanin ko lang, promise.” alo ni Sebastian sa naluluha sa sakit na si Richard. Gaya nga ng pangako ng una, naging banayad ang pag-ulos ng kanyang burat sa makipot na lagusan ng huli.

“Ngyahh ahh ahh.” impit na ungol sa sakit ni Richard ng maramdaman ang pagkapunit ng birheng butas, kahit pa naging dahan-dahan ang pagpasok na ginawa ni Sebastian.

“Shit! Ang sikip ng butas mo at sakal na sakal ang malaki kong burat.” bulong ni Sebastian kay Richard.

“Sir ang bastos mo.” ganti ni Richard kay Sebastian at ngisi lang ang isinukli ng huli.

“Ano? Uumpisahin ko na ba ang pagbayo sa’yo?” hinging permiso ni Baste.

“Sir, yes sir!” tugon ni Richard, na batid ang pagtawag niyang ’yon kanina’y nagpatindi sa libog at pagnanasang nararamdaman ni Sebastian.

“Damn! Chard, alam mo kung paano ako pasabikin. Humanda ka ngayon at mararamdaman mo kung paano kita paliligayahin.” bulong ni Sebastian.

Sa una ay dahan-dahan ang pagbayo ni Sebastian sa butas ni Richard at ng masanay ang birheng lagusan na kanyang nilalabas-pasok, naging mabilis ang kanyang ginawang pag-urong-sulong.

Ang kaninang sakit, kirot at hapdi na kanyang nadama ng unang makapasok ang malaking burat ni Baste ay napalitan na ng sarap. At dahil sa sarap na kanya ngayong tinatamasa, galing sa pagbayo ng makisig na katawan ni Sebastian ay ’di na mapigilan ni Richard ang sumunod na sinabi.

“Sir ahh ang sarap ahh bilisin mo pa ahh.”

Sa narinig na saad sa pagitan ng mga ungol na galing sa sarap na sarap na si Richard. Isang ideya ang pumasok kay Baste at ito’y bitinin ang huli.

“Ikaw naman ang magpaligaya sa akin.” utos ni Baste sa nabiting si Richard at hinila patayo ang nakahigang katawan ng huli na kanyang pinaligaya kanina. Ngayon si Sebastian naman ang nakahiga sa kama at kanyang hinihintay kung paano siya paliligayahin ni Richard.

PANG-LABING-DALAWA

WARNING!!! RATED SPG

Nabitin man sa ginawang pagtigil sa pagpapaligaya ni Sebastian. Alam ni Richard na kailangan niyang suklian ang ginawa ng huli. Hindi man eksperto sa makamundong bagay, hindi naman inosente pagdating dun si Richard. Bago siya matulog, pinapaligaya niya rin ang sarili at habang ginagawa niya ’yon ay nakatutok ang mga mata niya sa kanyang cellphone at nanonood ng porn video. Pero ang kahibahan ng gagawin niya ngayon, hindi babae ang kanyang papaligayahin, kungdi isang makisig na barako. Sandaling pinagmasdan ni Richard ang moreno at pawisan na makisig na katawan ni Sebastian, kita niya ang malapad na dibdib nito at ang walong pandesal na prominenteng meron ang barakong nakahiga sa kanyang kama at hinihintay siya kung paano niya ito paliligayahin.

Inumpisahan ni Richard na halikan ulit ang mga labing ’yon ni Sebastian. Tumugon naman ang barakong sundalo sa kanya. Nang kapusan sila ng hininga, nagsimula na si Richard sa paghalik sa tenga hanggang sa bumaba ito sa leeg ni Sebastian.

Ramdam ni Sebastian ang sarap sa ginagawang pagpaligaya sa kanya, hindi man bihasa si Richard ay madali naman itong natuto at ginaya nito ang kanyang ginawa sa katawan ng huli kanina.

Gaya ng paghalik na ginawa sa leeg niya ni Baste kanina, pinapak ni Richard ang leeg ng barakong sundalo at sinamahan pa niya ito ng mahinang pagkagat.

“Ughmm.” ungol ni Sebastian ng maramdaman ang ginawang pagkagat na iyon ni Richard.

Nagsisimula palang si Richard sa pagpapaligaya sa katawan ni Sebastian. At nasa isip nito na hindi ito papatalo, kahit pa hindi ito bihasa sa pagpapaligaya. Sumunod na itinanaas ni Richard ang dalawang kamay ni Baste at lumantad sa kanya ang mabuhok na kili-kili ng barakong sundalo. Unang inamoy ni Richard ang kaliwang kili-kili ni Baste at pagkatapos ay inilabas nito ang kanyang dila at inumpisahang dilaan ang mabuhok na kili-kili na ’yon ng huli.

“Ahh damn!” ungol na may kasama pang mura na tugon ni Sebastian sa sarap na nadama sa ginawa sa kanya ni Richard.

Matapos ang kaliwang kili-kili, ang kanan naman ang sinunod ni Richard at matapos amuyin ay dinalaan rin ’yon ni Richard. Nang magsawa sa kili-kili ni Baste, ang mga utong naman nito ang binigyang pansin ni Richard. Pinatulis ni Richard ang kanyang dila at dinilaan ang magkabilang utong ng barakong sundalo. Gaya ng isang sanggol, parang gutom na gutom sa gatas na sinuso ni Richard ang mga utong na ’yon ni Baste.

Hindi alam ni Baste kung paano niya kokontrolin ang pagsabog ng kanyang katas, ramdam niya ang burat niyang naglalawa na ng paunang katas, na dulot ng masarap na pagsuso sa kanyang mga utong na gawa ni Richard.

Hindi rin pinalagpas ni Richard ang mga pandesal ni Baste at isa-isa rin niyang dilaan ang kinagat-kagat ang mga ’yon. Ramdam niya rin ang burat ng huli na basa na ng paunang katas. Hindi rin pinalagpas ni Richard ang pusod ni Baste at kinalikot niya iyon gamit ang kanyang dila. Sunod na naramdaman ni Richard sa kanyang ulo ang mga kamay ni Sebastian. At alam na ni Richard kung ano ang gustong mangyari na iyon ni Sebastian. Gamit ang isang kamay ay hinawakan ni Richard ang nakasaludong malaking burat ni Sebastian na naglalawa na ng paunang katas. At gamit ang dila ay kanya iyong dinalaan.

“Ughmm.” ungol ni Sebastian ng maramdan ang pagdilang ’yon ni Richard sa kanyang malaking burat.

Matapos dilaan ang burat ni Sebastian, inumpisahan ng isubo ni Richard ang malaking burat na iyon. At dahil sa taba at laki ng burat na mayroon si Baste ay kalahati lamang ang kayang isubo ni Richard, gamit ang isang kamay ay minabuting batehin na lang niya ang hindi kayang isubo ng kanyang bibig.

“Ahh Damn! Ang sarap mong sumuso ahhh.” nauulol sa sarap na saad ni Sebastian. Sarap na sarap ito sa makipot at mainit na bibig na kasalukuyang sumusubo sa malaki niyang burat.

“Uhmmnm.” ganting ungol naman ni Richard habang subo ang malaking burat ng barakong sundalo. Ilang minuto rin ang ginawang pagtsupa ni Richard sa burat na ’yon ni Baste.

“Ugh! Chard, shit ’wag mong tigilan ahhh. Malapit na akong magpaputok ahh.” saad ni Baste ng malapit ng labasan.

Sa narinig, mas binilisan nga ni Richard ang pagtaas-baba ng kanyang makipot, basa at mainit na bibig sa malaking burat ng barakong sundalo, habang patuloy rin na binabate ang ’di nito kayang masubo.

“Ahh hayan na chard ahh lunukin mo ang lahat ng gatas kooo ahhhh.” nasasarapang ungol na saad ni Baste.

At sa bibig na ’yon ni Richard nagpaputok ng maraming beses ang barakong sundalo.

Si Richard naman ay hindi magkandatuto sa paglunok sa napakaraming tamod na ipinunla sa kanyang bibig ni Sebastian. Hindi nito inulawa ang jumbo hotdog na iyon ni Baste hanggang ’di ito natatapos sa pagpapalabas ng malapot na gatas na kanyang pinaghirapang pagtrabahuhan.

Hindi makapaniwala si Sebastian sa dami ng kanyang pinalabas na tamod sa bunganga na iyon ni Richard. Kita rin ng dalawa niyang mata ang gutom na gutom na paglunok at pagsimot ni Richard sa kanyang tamod na galing sa kanyang malaking burat.

Nang makasigurong wala ng ilalabas na gatas ang jumbo hotdog na iyon ni Baste, doon palang pinakawalan ni Richard ang burat ng barakong sundalo. Pag-angat ng mata niya, nakita niya ang sarap sa mukha ng katatapos palang niyang paligayahin na barakong sundalo.

“Chard ready for round two?” ngising saad sa kanya ni Sebastian.

“Sir, yes sir!” magalang na tugon ni Richard, sabay dakma sa nag-uumpisa na namang tumigas na jumbo hotdog ng barakong sundalo.

Sa naging tugon ni Richard, mabilis na tumayo ang nakahigang si Sebastian at kaagad naisip kung ano ang susunod na gagawin, para mabaliw sa sarap ang kanina lang ay inosenteng si Richard.

“Ikapit mo sa leeg ko ang mga kamay mo at titirahin kita habang buhat-buhat ka.” utos ni Sebastian kay Richard na kaagad naman na sumunod.

At gaya nga ng naisip, naglabas-masok sa makipot na butas ni Richard ang malaking burat na iyon ni Baste habang buhat-buhat ang una.

Kapwa sarap na sarap ang dalawa. Si Baste sa masikip at mainit na birheng butas ni Richard. At si Richard naman sa galing at bilis ng paglabas masok ni Baste ng malaking burat sa loob niya.

“Ahh ahhh sirr ang sarap ahh isagad mo pahh ahh.” ungol na saad ni Richard.

“Sige Chard, ang sarap mong kantutin. Ang sikip ng butas mo, sakal na sakal ang malaki kong burat ahh.” ganting saad at ungol ng sarap na sarap na barakong sundalo. At dahil sa kakapalabas pa lang ng maraming tamod ni Sebastian, ninanamnam nito ang bawat sandaling naglalabas-masok ang malaking burat niya sa birhen at masikip na butas na iyon ni Richard habang buhat-huhat niya ito. Nang mangawit sa ganoong pwesto si Sebastian, naisip nito ang isa pang masarap na estilo ng pakikipagtalik.

“Chard, kabayuhin mo ako.” bulong ni Baste habang pabalik sila ng kama.

“Sir, yes sir!” pagpayag ni Richard sa gustong mangyari ng barakong sundalo.

Kaagad na humiga pabalik sa kama, ang hindi na makapaghintay na barako at gustong-gusto na maramdaman muli ang pasukin ang mainit, masikip at birheng butas ni Richard.

Kita ng dalawang mata ni Richard ang pananabik na iyon ng barakong sundalo. Kahit pa unang beses na makikipagtalik ito, hindi ito nagsisi na ibigay ang puri nito sa ilang linggo pa lang na kakilalang si Sebastian. Bukod sa magandang katawan at guwapong mukha na taglay ng barakong sundalo, ang ugali at katangian nito ang higit na inangahan ni Richard. Kaya anumang mangyari sa kanila matapos ang kanilang pagtatalik ay buong puso niya itong tatanggapin. Kaya naman ng lumapit ito sa nakahigang barako. Sinumulan na ni Richard ang pag-upo sa tirik na tirik na malaking burat na iyon ni Sebastian.

“Ahh shit! Ang galing mo mahal ahh, shit ganyan nga ahh.” ganting saad na ungol ni Sebastian, sa parang hineteng si Richard na nagtataas-baba sa malaking burat na iyon ng una.

’Di nakaligtas at narinig ni Richard ang pagtawag na iyon sa kanya ni Baste. Kaya naman lalo pa itong ginanahan sa ginagawang pagpapaligaya sa barakong sundalo na ngayon ay nakapikit na.

Ilang minuto pang nagtaas-baba si Richard, habang ginagantihan naman iyon ng pagbayo ni Sebastian.

“Baste ahh malapit na akong labasan ahh.” saad ni Richard na ramdam na ang papalapit na pagsabog ng sariling dagta, kahit pa hindi nito hinahawakan ang sariling burat.

“Ahh malapit na rin ulit akong labasan Chard ahh.” ganti ni Sebastian na ramdam na ang ikalawang pagpapakawala ng maraming tamod.

“Ahh lalabasan na ako ahh.” ungol na saad ni Richard at pumulandit ang napakaraming tamod nito sa tiyan hanggang sa dibdib ni Sebastian.

Sa nakitang pagpapakawala ng tamod ng katalik, mas binilisan ni Sebastian ang pagbayo sa patuloy parin na nagtataas-baba sa kanyang malaking burat na si Richard. At ilang saglit pa ay ramdam na ng barakong sundalo, ang malapit na pagsabog ulit na kanyang maraming tamod mula sa malaki nitong burat.

“Lalabasan na ako Chard ahhhh, Hayan na ahh ipuputok ko lahat sa masarap at birheng mong butas ahhhhhh.” matapos ang ungol na saad na iyon ni Sebastian, ilang beses ulit nagpakawala ng maraming tamod ang malaki nitong burat, habang nasa loob parin ito ng birheng butas ni Richard.

Ramdam ni Richard ang mainit at maraming pinakawalang punla na iyon ni Sebastian sa kanyang likuran.

Nang matapos labasan ng maraming tamod ang kanyang burat at lumambot na ito ng bahagya ay kusang lumabas iyon sa puwet ni Richard. Kita ni Sebastian na may halong dugo ang kanyang burat ng lumabas ito galing sa butas ni Richard.

“Shit! Chard a-ayos ka lang?” nag-aalalang saad ni Sebastian.

“Me-medyo mahapdi lang, pero ayos lang ako.” sagot ni Richard.

“Huwag ka ng gagalaw, ako ng bahala maglinis.” saad ni Sebastian na ’di maalis na makonsensya sa nakitang ayos ni Richard, matapos ang kanilang pagtatalik. Saglit na nagsuot ito brief at kaagad na kumuha ng palanggana at nilagyan niya ito ng maligamgam na tubig at bimpo. Matapos basahin ang bimpo, pinunasan ni Sebastian ang buong katawan ni Richard, lalo na ang napunit nitong butas.

“Inumin mo ito, para kaagad mawala ang pagkirot ng sugat.” saad ni Baste, sabay abot ng pain killer na gamot kay Richard.

“Salamat.” maikling sagot ni Richard at kahit pa iniinda ang napunit na butas ay walang itong pagsisi sa ginawa nilang pagtatalik ni Sebastian.

“Hawak ka ng mahigpit sa akin, sa kwarto ko na lang tayo matutulog.” saad ni Sebastian at binuhat si Richard papunta sa kanyang silid.

Habang buhat siya ni Sebastian, isang damdamin ang umusbong sa puso ni Richard.

‘Mahal na yata kita Baste.’ bulong sa isip ni Richard.

PANG-LABING-TATLO

Pagmulat ng mga mata ni Richard, bumungad sa kanya ang hubad na makisig na katawan ni Sebastian. Kita rin niya, na ang dibdib ng huli ang kanyang ginawang unan, habang nakadantay naman ang isa niyang braso sa tiyan ni Sebastian. Sa nakitang ayos ay biglang nakaramdam ng hiya si Richard, kaya naman naisipan niyang bumangon na kaagad, bago pa magising ang katabi nito. Pero ang tangkang paghiwalay ni Richard sa katawan ni Baste ay hindi nito nagawa, bago pa kasi iyon mangyari, naramdaman nito ang braso ng huli na humigpit ang hawak sa kanyang katawan.

“Chard maaga pa, matulog pa tayo.” mahinang saad ni Sebastian sabay hagkan nito sa ulo ng una.

Ramdam ni Richard ang ginawang paghalik na iyon ni Baste sa kanyang ulo at inaamin niya na isang damdamin ang naramdaman niya sa mga oras na iyon. At gaya nga ng nais ni Sebastian, kusang pumikit ang kanyang mga mata at nakatulog ulit si Richard.

Nang muling maggising si Richard, wala na ang katabi nito sa kama. At bago pa bumangon, naisip ni Richard na ngayong araw rin mismo ang pag-alis ni Sebastian. Nang bumangon, doon lang napansin ni Richard na mayroon na pala siyang suot na damit. At ang damit na iyon na suot ay hindi pamilyar sa kanya, sa dahilang hindi niya pag-aari yon. Saglit na pinagmasdan ni Richard ang suot na damit at naisip na damit iyon marahil ni Sebastian, lalo pa’t maluwag at mahaba ito sa kanya. Nang itaas ang laylayan ng mahabang damit, nakita rin niya na may suot na siyang brief at boxer short. Mabilis na naghilamos si Richard at nang makitang maayos na ang itsura ay lumabas na siya sa kwartong pansamantalang tinuluyan ni Sebastian. Pagkalabas sa silid ni Baste, sa sariling silid naman pumunta si Richard. At ng makita ang oras sa orasan na nakadikit sa dingding, nakaramdam siya ng lungkot. Tatlong oras na kasi ang lumipas sa takdang pag-alis ni Baste. Nanghihinang napaupo na lamang sa kanyang kama si Richard, ang kamang kani-kanilang ay saksi sa una nilang pagtatalik ni Sebastian. Sa naisip, hindi namalayan ni Richard na kumawala na pala ang masaganang luha sa kanyang mga mata, dulot ng panghihinayang na hindi man lang sila nakapag-usap ni Sebastian at hindi man lang ito nakapag-paalam bago umalis ang huli.

‘Bakit kasi hindi kaagad ako gumising.’ sisi ni Richard sa sarili na patuloy parin sa pag-iyak. At habang abala ito sa pag-iyak, pinutol ito ng ingay na nagmumula sa pinto ng kanyang silid na dulot ng pagkatok ng tao sa labas.

Sa narinig, kaagad pinunasan ni Richard ang luha sa kanyang mga mata, bago pagbuksan ang taong kumakatok.

At pagkabukas sa pinto, hindi na napigilan ni Richard ang sarili at mabilis na niyakap ang taong bumungad sa kanya.

Nagising si Sebastian, katabi ang taong hindi niya alam na mapapatibok muli ng puso n’ya.

Bata pa’y pangarap na nito na maging sundalo at dahil sa laging nakasuporta ang kanyang mga magulang anuman ang nais nitong maging sa buhay, lalo pa itong nagsumikap para makamit ang pangarap niyang ’yon. Kaya naman hindi na kataka-taka na mabilis niyang nakamit kung nasaan man siya ngayon. Tatlong taon na ang nakararaan ng opisyal siyang maging Komandante sa edad na 26. At ilang buwan matapos ang pagtaas ng kanyang ranggo sa pagkasundalo. Nakilala niya ang unang taong magpapatibok sa puso niya. Si Rachelle Ventura. Si Rachelle ay anak ng parehong mga Duktor. At ang mga magulang nitong mga duktor ay sila ring nag-mamay-ari ng isa sa pinaka-kilalang ospital sa buong Pilipinas. Unang nagkita si Sebastian at si Rachelle sa isang coffee shop at dahil iyon sa naiwang wallet ng huli, doon nagsimula na makilala ng isat-isa ang dalawa. Matapos ang ilang araw ay nagkita muli ang dalawa. At ang ikaliwang pagkikitang ’yon ay nasundan pa ng ilang beses at namalayan nalang ng dalawa na may pagtingin na sila sa isat-isa. Naglakas ng loob si Sebastian na magtapat ng kanyang damdamin kay Rachelle at tinanong nito ang huli kung maaari niya itong ligawan. Kaagad naman na pumayag ang dalaga, sa dahilang napukaw na ng binatang sundalo ang puso niya. Matapos nga ang dalawang buwan na matiyagang panliligaw ni Sebastian kay Rachelle, sa wakas ay sinagot na siya ng huli. Sa loob ng isang taon ng kanilang pag-iibigan, naging masaya ang dalawa. Si Sebastian, naisip na ang unang babaeng kanyang niligawan at ang una ring babaeng nagpatibok sa kanyang puso ay siya nang babaeng pakakasalan niya. Ngunit bago pa magpropose ang binatang sundalo, ipinaalam ni Rachelle sa kanya ang nais nitong pag-alis patungo sa ibang bansa, para makamit ang noon pa man ay inaasam-asam na niya, at ito’y ang maging modelo. Sa narinig parang gumuho ang mundo ni Sebastian. Alam niyang sa pag-alis ni Rachelle kahit pa mahal nila ang isat-isa, posibleng mawala ang pagmamahal na ’yon, lalo pa’t walang katiyakan kung ilang taon ito mawawala ng sagutin sya ng babae, matapos nitong tanungin ang tungkol sa bagay na iyon. Isang matagal na halik ang huling ibinigay sa kanya ni Rachelle bago ito magpaalam. At matapos nun, wala na siyang naging balita kay Rachelle magpasa-hanggang ngayon.

At ngayon ngang paggising niya, hindi niya maikakaila na tinamaan ulit siya, at ’di tulad ng unang pinana ni kupido na babae, sa kapwa niya lalake pinakawalan ni kupido ang palaso ng pag-ibig niya.

Maingat niyang iniwalay ang katawan sa natutulog na katabi, para hindi ito magising. Pagkabangon ay mabilis itong nagbihis at lumabas na rin ng silid.

Pagdating sa kusina, naabutan niya ang mama ni Richard na naghahanda ng almusal, kasama ng ilang kasambahay.

“Good morning tita.” bati ni Baste kay Aurora.

“Morning, maupo ka na at ako ng magtitimpla ng kape mo.”

“Tita, ’wag na, ako na lang ang gagawa.” magalang na tanggi nito kay Aurora.

“Ano ka ba Baste, ayos lang at ipagtitimpla ko rin naman si Dado.”

“Sige tita, salamat.”

“Hindi ka mananalo d’yan, ’pag sinabi n’yan siguradong masusunod.” saad ni Diosdado na nasa hapag, na kasaluyang nagbabasa ng dyaryo.

“Oo nga eh, tito.” sang-ayon ni Baste sa sinabi ni Diosdado patungkol sa asawa.

“Heto na ang mga kape n’yo.” saad ni Aurora, sabay lapag ng mga kape ng dalawang sundalo.

“Salamat, tita.” saad ni Baste.

“Walang anuman, sandali at gigisingin ko lang si Richard.”

Sa narinig ay kinabahan si Sebastian, magpepresinta sana siya, na siya na lang ang gigising kay Richard, nang magsalita si Diosdado.

“Hayaan mo na sa pagtulog ang anak mo at linggo naman.”

Parang nabunutan ng tinik si Sebastian sa narinig.

“Oo nga pala tito, tita. Maari ba na dumito muna ako ng ilang araw pa?” pakiusap ni Sebastian sa mag-asawa. Sa nangyari sa kanila ni Richard, nais ipaalam ni Sebastian ang tungkol sa nararamdam niya. Ayaw niyang mangyari na isipin ni Richard na wala lang ang nangyari sa kanila.

“Oo naman Baste at kahit kailan mo pa gustong manatili rito, bukas ang bahay namin dahil parang anak ka na rin namin.” saad ni Aurora.

“Tama ang tita mo Baste.” sang-ayon ni Diosdado sa sinabi ng asawa.

“Maraming salamat po, tito, tita.” masayang pasalamat ni Sebastian sa kabutihan ng mag-asawa at ’di na ito kataka-taka, maging ang anak nila na kaibigan niya ay kapwa nagmana sa kabutihan ng mga magulang nila. At maging ang bunso ng pamilya Manalo, na ngayon ay laman ’di lamang na isip niya pati rin ng puso n’ya.

Natapos na siyang mag-agahan kasabay ng mga magulang ni Richard at hindi parin nagigising ang huli. Naisip ni Sebastian na marahil sa ginawa nila ay napagod niya ito ng husto, isa pa at madaling araw na rin sila nakatulog. Hinayaan na lang nito ang tulog parin na si Richard at naisipan na lang ni Sebastian na samahan si Diosdado sa pag-eensayo sa pagbaril.

“Hindi ka parin nagbabago Manlangit at asintado ka parin.” puri ni Heneral Manalo sa Komandante, na bulls eye lahat ang ginawang pagpapaputok sa mga target.

“Salamat tito, pero mas magaling ka parin ’di hamak sa akin.” balik papuri ni Sebastian sa Heneral.

“At gaya ng dati humble ka parin.” saad pa ng Heneral.

“Totoo naman tito, kaya nga idolo ko kayo.” giit pa ni Sebastian sa galing ng Heneral.

“O s’ya at naniniwala na ako sa’yo at alam kong alam mo, na proud ako pati na ang mga magulang mo kung ano ka ngayon.”

“Salamat tito, malaking utang namin nila papa sa’yo kung anuman ang narating ko ngayon.” buong pusong pasasalamat ni Sebastian sa kaibigan ng papa niya.

“Mali ka, anak. Kung anu ka man ngayon ay dahil lang ’yon sa’yo.” saad ng Heneral sa anak ng matalik na kaibigan na itinuring na rin niyang sariling anak.

Matapos ang pag-eensayo kasama ni Heneral Manalo, bumalik si Sebastian sa silid para balikan si Richard. Tanghali na rin kasi at gigisingin na sana niya ang huli, pero wala si Richard sa kama ng pumasok siya sa kwarto. Naisip ni Sebastian na bumalik na ito sa sariling kwarto, kaya naman pinuntahan niya ito.

Ilang pagkatok ang ginawa ni Sebastian sa pinto ng kwarto ni Richard, bago siya pagbuksan ng huli. Pagbukas nga ng pinto, ’di niya inaasahan ang gagawin ni Richard, sa isang iglap lang mabilis itong yumakap sa kanya.

“Chard, ayos ka lang?” alalang tanong ni Sebastian, sa nagpipigil ng iyak na kasalukuyang nakayakap ng mahigpit sa kanya.

Walang naging tugon sa kanya si Richard habang patuloy parin na yakap siya nito. Bago pa makita ng mga magulang ni Richard ang ayos nilang dalawa, kaagad na iginiya ni Sebastian ang katawan nila ng una at isinara ang pinto ng kwarto.

“Chard, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa’yo?” nag-aalalang ulit na tanong ni Baste.

“A-akala ko umalis ka na.” mahinang sagot ni Richard na patuloy lang sa pagyakap kay Baste, na animo’y ayaw ng pakawalan ang huli.

“Maaari ba ’yon, eh hindi pa tayo nakakapag-usap. Isa pa, hindi pa kita naililibre.” saad ni Sebastian at paalala pa sa naging biro ni Richard noon sa kanya, nung panahong nasa ospital pa sila.

Sa narinig ay ’di napigilan ni Richard ang matawa.

“Naalala mo pa pala.” saad ni Richard at humiwalay na ito kay Sebastian sabay tingin nito sa mukha ng huli.

“Oo naman. Kaya lang, ayokong isipin mo na ililibre lang kita mamaya.” seryosong saad ni Sebastian at hinawakan ang magkabilang kamay ni Richard. “Gusto kong tanungin, papayag ka bang magdate tayo?” hinging pahintulot ni Sebastian.

PANG-LABING-APAT

Hindi alam ni Richard kung alin ang isusuot sa mga damit na nasa closet niya. Ilang sandali na lang kasi at aalis na sila ni Sebastian para kumain sa labas. Hindi nga parin siya makapaniwala hanggang sa ngayon, na inaya siya ni Sebastian na magdate sila. Ganun man, sinagot niya ito ng oo, ng tanungin siya ulit nito. At sa naging sagot niyang ’yon, sinunggaban siya kaagad ng halik ni Baste, na kita niya ang bakas sa saya ng mukha ng humiwalay ito. Sa naisip ay kaagad na napangiti si Richard. Aminado siya, na unti-unti ng nahuhulog ang loob niya kay Sebastian at naisip, na posibleng ganun din ang nararamdaman ng huli sa kanya, na dahilan ng paglabas nila mamaya.

Matapos maligo ni Richard, isinuot na nito ang damit na napili. Suot ang puting sando, ipinatong nito ang isang long sleeve polo shirt na kulay itim, na may tatlong butones sa harapan, hinayaan nitong nakabukas ang unang butones sa suot na damit. Itim naman na jeans ang pang-ibabang suot niya at black leather Plain-toe na sapatos. At syempre ang paborito niyang cologne ang panghuli. Saglit na tinignan ni Richard ang imahe sa harapan ng salamin at konting ayos pa ng maikling niyang buhok, lumabas na rin ito.

Paglabas niya, kasalukuyan naman na naghihintay si Sebastian. Kaagad dumako ang tingin ni Sebastian kay Richard at tinignan nito ang suot ng huli. ‘Sadya ngang napakagwapo ng bunso ng Heneral.’ saad ni Sebastian sa sarili.

“You look gorgeous.” hindi na napigilang pang saad ni Sebastian sa nakitang ayos ni Richard.

Sa narinig ni Richard, kaagad na namula ang mukha nito sa natanggap na papuri kay Sebastian. Aminado rin siya, na lalong gumwapo si Sebastian sa paningin niya. Sa suot na itim na damit, na pinatungan niya ng  checkered long sleeve polo na kulay puti at abo na nakabukas lahat ng butones, kulay black na khaki pants at black leather shoes naman ang ibabang suot nito.

“Ikaw rin, ang gwapo mo.” balik na papuring saad ni Richard kay Sebastian at kaagad na iniwas ang tingin sa huli dahil sa hiya.

“Halika na, nagpaalam na rin ako kila tito at tita at idinahilan na sasamahan mo lang ako sa bar.” yakag at paliwanag na saad ni Sebastian.

“Sige.”

Tamihik ang dalawa habang nagmamaneho si Sebastian, sa hiniram niyang sasakyan sa papa ni Richard.

Habang tahimik na nagmamaneho si Sebastian, ang katabi nito sa passenger seat na si Richard ay abala ang isip, sa kung anong maaring mangyari sa magiging date nila.

Ilang sandali pa.

“Nandito na tayo.” saad ni Sebastian na bumasag sa katahimikan nilang dalawa. “Huwag ka munang bababa.” dagdag pa ni Sebastian.

Nanatili nga si Richard sa sasakyan, sunod sa sinabi ni Baste. Samantalang kaagad naman pumunta sa kabilang pinto ng sasakyan si Sebastian para pagbuksan si Richard.

Sa nakitang ginawa ni Baste, inaamin ni Richard na kinilig siya sa simpleng  ginawa na iyon ng una.

Pagbaba ni Richard sa sasakyan, kaagad na hinawakan ni Sebastian ang isang niyang kamay.

“Baste, sigurado ka ba?” kabang tanong ni Richard at bahagyang hinila pahiwalay ang kanyang kamay na hawak ni Sebatian.

“Don’t worry.” sagot ni Sebastian at hindi pinakawalan ang kamay ni Richard. “Hayaan mo sila, ikaw lang ang mahalaga sa akin ngayon.” dagdag pang saad ni Sebastian.

Ibayong saya at kilig ang naramdaman ni Richard sa narinig, ngunit pinilit nitong ’wag ipahalata sa kasama ang nadama.

At magkahawak kamay na tinungo ng dalawa ang restong pinili ni Sebastian sa kauna-unahan nilang date.

“Welcome sirs, any reservation?” bungad ng waiter sa dalawa at hindi nakaligtas ang pagtingin nito sa magkahawak nilang kamay.

Sa nakitang pagtingin ng waiter sa kanilang mga kamay, nakaramdam ng takot si Richard, lalo na sa iisipin ng iba pang mga taong kasalukuyang naroon.

Hindi naman nakaligtas ang reaksyon na iyon ni Richard, kay Sebastian. Kaya naman, ang kaninang hawak niya sa kamay na si Richard, sunod na hinawakan n’ya ito sa baywang. Sabay baling nito sa waiter.

“Yes, for Manlangit.” baling ni Sebastian sa waiter sabay bigay pa ng matalim na tingin.

Kinabahan naman ang waiter sa nakitang tingin sa kanya ng lalaking nagsalita.

“T-this way sirs.” utal na saad ng waiter, dulot parin ng kaba at sinamahan na ang dalawa sa kanilang mesa.

Pagdating sa kanilang mesa, mabilis na umupo si Richard sa isang upuan, bago pa siya ipaghila ng kasama, na alam niyang ’di malabong gagawin ’yon ni Sebastian.

Sa pag-upo kaagad ni Richard sa upuan, napakamot na lang sa ulo si Sebastian na ’di nagawa ang balak nito.

Kita ni Richard ang reaksyon na ’yon ni Baste, kaya naman lihim na napangiti ito.

“Salamat sa pagiging gentleman, Mr. Manlangit, pero pinapaalala ko lang sa’yo na lalaki ang ka-date mo ngayon at hindi babae.” saad ni Richard pagkaupo ni Sebastian.

“Sorry naman, pero kasi ’di mo maaalis sa akin ang pagiging gentleman, kahit pa lalake ang kadate ko.” katwiran na saad ni Sebastian. “Lalo na at magandang lalake ang nasa harapan ko ngayon.” dagdag pa ni Sebastian.

“Bukod sa gentleman, bolero ka rin pala Mr. Manlangit.” saad ni Richard na pinipigilan ang kilig sa oras na ’yon na dulot ng kaharap.

“Excuse me sirs here’s our menu.” putol ng waiter sa usapan ng dalawa.

“Thanks, we will call you later.” saad ni Sebastian sa waiter. Pag-alis ng waiter, inabot ni Sebastian kay Richard ang isa pang menu.

“Anong gusto mong orderin?” tanong ni Sebastian kay Richard.

Saglit na tinignan ni Richard ang mga pagkain na nasa menu. Masasabi niyang mukhang masasarap ang mga pagkain na specialty ng napiling resto ni Sebastian, bukod sa maganda rin ang ambience ng lugar.

“Isa nitong pasta nila at ikaw na ang bahala sa iba.” sagot ni Richard kay Sebastian.

“Okay.” sang-ayon ni Sebastian at sinenyasan na ang waiter, para kuhanin na ang kanilang order.

“Here’s our special appetizer sirs, while waiting for your orders.” saad ng waiter, sabay lapag ng soup bilang appetizer ng dalawa.

“So, how was it.” kabang tanong ni Sebastian sa kadate.

Saglit na tinignan ni Richard si Sebastian at halata nito ang kaba ng huli, kaya naman naisipan nitong biruin ang kaharap. Tinikman ni Richard ang soup at nagkunwari na hindi maipinta ang kanyang mukha dahil sa natikman.

Sa nakitang mukha ni Richard, nagsimulang pawisan ang kanina pang kinakabahang si Sebastian.

“I’m sorry Richard, kung gusto mo ay may alam pa akong ibang resto at pwede pa nating puntahan.” paumanhin ni Sebastian at hingi pa ng pagkakataon kay Richard para sa date nila.

Bigla naman nakonsensya si Richard sa ginawang biro. Akmang tatayo na sana si Sebastian ngunit mabilis na inabot nito ang kamay ng huli.

“Baste sandali, i’m sorry. Binibiro lang kita.” hinging paumanhin ni Richard habang hawak parin ang kamay ni Sebastian.

Sa narinig, nakahinga ng maluwag si Sebastian.

“Nakuha mo ako dun, pero hindi ko kaagad matatanggap ang sorry mo.” saad ni Sebastian at bumalik ito sa pag-upo.

Ngayon si Richard naman ang kinabahan at sinisisi nito ang sarili sa naging biro.

“Okay tell me, anong puwede kong gawin para mapatawad mo ’ko?” tanong na saad ni Richard na nangangamba dahil sa nagawa, hindi na masusundan pa ang una nilang paglabas.

“Mamaya ko na sasagutin ’yan, kumain na muna tayo.” saad ni Sebastian, na ngayon ay lihim na natutuwa sa naisip na ideya, kapalit ng kapatawaran na hinihiling ni Richard.

“Try this.” saad ni Sebastian sabay lagay ng pagkain sa plato ni Richard.

“Salamat.”

Nagpatuloy ang dalawa sa pagkain habang nag-uusap sa iba-ibang bagay, hanggang sa napunta ang usapan ng dalawa sa personal na bagay.

“Ilang taon ka ng sundalo Baste?”

“8 years na, gaya mo 21 ako ng maging sundalo.” sagot ni Sebastian. “Ikaw Chard, buti at pagiging sundalo ang napili mo?” tanong ni Sebastian.

“Actually, hindi ko talaga gusto nung una na maging sundalo, bata pa ako palaging wala si Papa.” simula ni Richard sa pagkwento. Tahimik naman na nakikinig si Sebastian sa kanya. “Yun nga dahil sa palaging wala si papa, kapag may family activity sa school, tanging si mama lang ang nakakadalo. Kaya naisip ko na kapag lumaki ako at nagkapamilya, sisiguraduhin ko na palagi akong nandun kapag kailangan ako ng anak ko at hindi mangyayari ’yon kapag naging sundalo ako.” patuloy ni Richard na ’di namalayan na tumulo na pala ang luha.

Gamit ang kamay, kaagad naman pinunasan ni Sebastian ang luhang ’yon ni Richard.

“Okay lang kung ayaw mo ng ituloy.” saad ni Sebastian na hawak na ang isang kamay ni Richard, na animo’y pinapatahan ang nagiging emosyonal na huli.

“Ayos lang ako at salamat Baste.” saad ni Richard at ipinagpatuloy nito ang pagkukwento. “Nang lumalaki na ako at nagkakaisip, doon ko namalayan kung ano pala ang hirap at pagsasakripisyo ni papa bilang sundalo. At ng makita ko sila kuya, na pinili rin ang tinahak ni papa, kita ko ang saya sa mukha ni papa, kaya naman sinabi ko sa sarili ko na hindi ko bibiguin si papa at magiging sundalo rin ako.” pagtatapos ng kwento ni Richard.

“At salamat na naging sundalo ka Chard, na naging dahilan para magkita at magkakilala tayo.” saad ni Sebastian.

“Oo nga, isa pang dapat kong ihingi ng pasalamat, ang ginawa mong pagligtas sa akin sa Maguindanao, Baste.”

Sa narinig kay Richard, naguguluhan na tumingin si Sebastian sa kaharap.

“Ako ’yung iniligtas mo sa pagsabog at dahil ’dun ikaw ang napuruhan.” paglilinaw ni Richard sa ibig sabihin nito.

Sa narinig na paliwanag ni Richard, biglang tumayo si Sebastian.

Sa nakitang pagtayo ni Sebastian, ang akala ni Richard ay aalis na ang kasama, kaya naman napatayo rin ito.

Nang tumayo si Richard, inilahad ni Sebastian ang kanang kamay sa una.

Naguguluhan man sa nais ni Sebastian, inabot ni Richard ang nakalahad na kamay ng una.

Pagkaabot ni Richard sa kanyang kamay.

“Would you like to dance, with me?” ngiting tanong ni Sebastian kay Richard.

“I loved to.” ngiting sagot ni Richard at pinipigil ang maluha sa oras na ’yon.

Sa senyas ng isang kamay ni Sebastian, tumugtog ang isang musika na galing sa isang violin na tinutugtog na bihasang musician.

Inilagay ni Sebastian ang mga kamay sa baywang ni Richard, habang sa balikat naman ng una, inilagay ni Richard ang kanyang mga kamay.

At habang patuloy ang pagtugtog ng violin, nagpatuloy ang paggalaw ng katawan ng dalawa at sinasabayan ang saliw ng musika.

Wala ng mahihiling pa si Richard sa mga oras na ’yon, na kasayaw ang alam niyang una at sana ay huli ng pag-ibig niya.

Samantalang si Sebastian, naiisip na sana, hindi matulad sa una niyang pag-ibig, ang ngayon ay kanyang nadarama sa kasayaw nito. At hindi na niya makakaya pa, kung sakali man na mawala si Richard sa kanya.

PANG-LABING-LIMA

Sa pagsayaw ng dalawa, nakatawag ng pansin ito sa mga taong kasalukuyang din na nasa resto. May kinikilig, ang ilan ay natutuwa, meron din tila naiinggit sa kanila at syempre hindi rin maaalis ang ilan na may pagkadisgusto, sa nakikitang parehong lalaki ang magkasayaw.

Matapos ang kanilang pagsayaw, hindi inaasahan ng dalawa ang sumunod na nangyari. Sa ’di napigilang tuwa ng ilan sa mga taong naroroon, sumunod ang malakas na palakpakan pagkatapos.

Pero matapos ang palakpak, hindi rin napigilan ng isang lalaki ang kanyang pagkadisgusto sa nakita.

“Mga salot!” sigaw ng lalaki.

Sa narinig ni Sebastian, kaagad hinanap ng kanyang paningin ang lalaki.

Alam ni Richard na posibleng mangyari ang ganitong eksena bago pa lang sila pumasok sa resto. Kita rin niya ang pag-iiba ng mukha ni Sebastian sa narinig at alam nitong hindi basta hahayaan ng huli ang nangyari. Mabilis nitong hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Sebastian, para pigilan sa maaari nitong gawin sa lalaki.

“Baste.” mahinahon na saad ni Richard.

Sa simpleng paghawak lang ng kamay at pagtawag sa kanyang pangalan ni Richard, ang galit na nararamdaman ni Sebastian sa mga oras na ’yon ay unti-unting nabawasan.

“Don’t worry, kakausapin ko lang siya.” saad ni Sebastian.

“Baste, ’wag na, tayo na lang ang umiwas.” pakiusap ni Richard.

Tunay ngang napakabuti ng kasama, siya na nga ang tinawag na salot pero siya pa ang ayaw ng gulo. Isa ito sa ugaling meron si Richard na nagustuhan ni Sebastian sa kanya. Ngunit hindi kayang palampasin ni Sebastian ang narinig na ’yon, wala siyang pakialam kung anuman ang sabihin ng sinuman sa kanya, pero ibang usapan na kapag ang mahal na niya ang pinag-uusapan.

“Trust me Chard, kakausapin ko lang siya, kaya dito ka lang.” saad ni Sebastian at lumapit nga ito sa kinaroroonan ng lalaki.

Wala ng nagawa pa si Richard, kungdi ang manatili sa kanilang mesa. Sinundan na lang niya ng tingin ang papalayong si Sebastian, na papunta sa lalaking tumawag sa kanila ng salot.

Pagkalapit ni Sebastian sa lalaki.

“May problema ka sa amin, sir?” seryosong tanong ni Richard sa lalaki.

Napangisi naman ang lalaki sa narinig.

“Hehe sa’yo wala, sa kasama mo meron, sigurado naman na pineperahan mo lang ang baklang ’yon, hindi ba pre?” saad ng lalaki sabay lapat pa ng kamay sa balikat ni Sebastian.

Sa narinig ni Sebastian, ginawa niya ang lahat na makakaya para pigilan ang sarili na suntukin sa mukha ang lalaki.

“Paano kung sabihin ko sa’yo na ang baklang tinawag mo ay isa mga bayaning sundalo na nagligtas sa bansa natin.”

“Hahaha palabiro ka pala pare, yung bakla ’yon isang sundalo? Baka naman tsinupa lang niya lahat ng mga kasama niya, kaya siya naging sundal-.”

Hindi na pinatapos pa ni Sebastian ang bastos na pagsasalita ng lalaki at kaagad na pinakawalan ang kanina lang ay pinipigilan n’yang kamao niya. Sapul sa mukha ang lalaki at nabuwal ito pagkakatayo.

“Tarantado ka!” sigaw ng lalaki ng makatayo matapos mapatumba ni Sebastian.

“Oo tarantado ako, halika sa labas, doon natin ituloy ito.” sagot ni Sebastian, na kita na ang security guard sa resto na papalapit na sa kanila.

“Oo itutuloy natin talaga ’to at buburahin ko ang mukha mo para hindi ka na magustuhan ng baklang kasama mo.” sigaw ng lalaki.

Napangisi lang si Sebastian sa narinig at hindi na makapaghintay pa na turuan ng leksyon ang lalaki.

“Paano ba ’yan, nandito na tayo.” saad ng lalaki.

“Sigurado ka ba? Pwede ka pang tumakbo at sayang lang ang oras ko na dapat ay para sa kadate ko.” bigay ng pagkakataon ni Sebastian sa lalaki.

“Ulol! Pagkatapos ko sa’yo, ang baklang ’yon naman ang bubugbugin ko.” galit na saad ng lalaki at mabilis na lumapit kay Sebastian sabay pakawala ng suntok.

Balewala lang ang pagsuntok na ’yon ng lalaki, bukod sa galing sa pagbaril. Eksperto rin si Sebastian sa hand to hand combat, bukod pa sa ilang martial arts na alam nito mula pa nung nasa high school pa ito. Mabilis na sinangga ni Sebastian ang pagsuntok ng lalaki, pagkatapos ay hinawakan nito ang brasong pinigilan niya at pinilipit ito.

“Aaahhh!!.” hiyaw sa sakit ng lalaki.

“Paano ba ’yan, hanggang sa salita ka lang pala.” ngising saad ni Sebastian habang hawak parin ang pinilipit na braso ng lalaki.

“Su-suko na ’ko.” pagmamakaawa ng lalaki.

“Hindi, alam ko sa tunay na lalaki ay hindi sumusuko.”

“Ahhh! Parang awa mo na, ayaw kong mabalian.” sumamo pa ng lalaki.

“Baste, tama na ’yan.”

Napalingon si Sebastian sa nagsalita. At nakita niya si Richard na nakikiusap ang mata sa kanya. Gaya ng pakiusap ni Richard, pinakalawan na ni Sebastian ang lalaki.

“Pasalamat ka at mabait ang kadate ko, kungdi talagang babaliin ko ang braso mo.” baling ni Sebastian sa lalaki, na ngayo’y hawak-hawak ang brasong nasaktan. Kaagad na rin lumayo ang lalaki at natakot na baka magbago pa ang isip ng muntikan ng bumali sa braso niya.

“Pasensya na Chard, akala ko madadaan ko sa usapan ang loko, gusto palang makausap ang kamao ko eh.” hingi ng pasensya ni Sebastian na hinaluan pa ng biro.

Napangiti na lang si Richard sa narinig, pero napalitan ng pagkabahala matapos makita ang duguang kamao ni Sebastian.

Kaagad kinuha ni Richard ang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang dugo sa kamao ni Sebastian.

“Sorry, kung hindi dahil sa’kin, hindi mangyayari ito.” malungkot na saad ni Richard.

“Chard, wala kang dapat ihingi ng sorry.” maagap na saad ni Sebastian at hinawakan ang mukha ng una. “At nagpapasalamat ako sa’yo na binigyan mo ako ng pagkakataon na makadate ka. Kaya kung meron man dapat humingi ng sorry ay ako ’yon. Pasensya na, imbes na magkasama tayo, nagawa ko pang iwan ka para lang dun sa lokong ’yon.” mahabang dagdag pa ni Sebastian.

“Ayos lang, ang importante ngayon ay kasama na ulit kita.” ngiting saad ni Richard.

Sa nakitang ngiti ni Richard, dahan-dahan nilapit ni Sebastian ang sarili sa hawak parin na mukha ng una.

Hinintay naman ng walang pagtutol ni Richard ang nais gawin ni Sebastian at nagtagpo nga ang mga labi ng dalawa.

Gaya ng unang beses na mahalikan niya si Richard, ibayong sarap sa pakiramdam ang nadarama ni Sebastian sa tuwing hagkan-hagkan ang mga labi na ’yon ng una. Parang ayaw na nitong pakawalan pa si Richard na animo’y isang masarap na putahe na kailanman ay ’di niya pagsasawaan.

Hingal na hingal si Richard pagkahiway ng labi nila ni Sebastian. At kita rin nito na ganun din ang huli. Sa isip ni Richard, tunay ngang bihasa at masarap humalik si Baste, sa naisip ay uminit ang mukha nito at alam niyang namumula na rin sa mga oras na iyon.

“Tara na Chard.” yakag na saad ni Sebastian, habang kaya pa nitong magpigil na maangkin ulit si Richard dito mismo sa labas ng resto.

“May pupuntahan pa tayo?” tanong ni Richard, na buong akala’y tapos na ang gabi ng date nila ni Sebastian.

“Oo.” maikling sagot ni Sebastian at muli nitong pinagtapo ang kanilang mga kamay.

Pagdating nila sa sasakyan, kaagad pinaandar ito ni Sebastian papunta sa lugar na surpresa nito kay Richard.

Walang kaide-ideya si Richard sa susunod na pupuntahan nila ni Sebastian. At gusto man nitong tanungin ang huli, alam n’yang hindi rin nito sasabihin sa kanya kung saan ang tungo nila. Gaya kanina ng papunta sila sa resto, tahimik lang si Sebastian habang nagmamaneho. Ang kaibahan lang ngayon, kita niya ang nangingiting mukha nito. At nahiling ni Richard sa sarili, sana s’ya ang dahilan ng ngiti na ’yon ni Sebastian. Sa dahilang masaya rin siya sa tuwing kasama n’ya ang huli.

Ilang minuto pa ang lumipas, huminto na sa pagmamaneho si Sebastian.

Kaagad naman napatingin sa lugar si Richard at unang nakakuha na kanyang pansin, ay ang maliwanag na yate na nakadaong sa dagat at malapit sa inintuhan ng sasakyan nila ni Sebastian. Naputol ang namamanghang mukha ni Richard sa nakita ng pagbuksan siya ng pinto ni Sebastian, na ’di niya namalayan na nakalabas na pala ng kotse.

“Halika ka na, hinihintay na tayo ni Dolores.” yakag ni Sebastian sabay lahad pa ng kamay kay Richard.

Naguguluhan man kung sino si Dolores, kaagad inabot ni Richard ang kamay ni Sebastian. At ’di ito makapaniwala ng tinungo nila ang daan, papunta sa yate na kanina lang ay namamangha niyang pinagmamasdan.

“Sa-sandali Baste, si-sigurado ka bang maaari tayong pumunta d’yan?” nababahalang tanong ni Richard na nakaturo pa ang kamay, bago pa sila tuluyang makasakay sa yate.

“Hindi ba ang sabi ko kanina may pupuntahan pa tayo?” simulang paliwanag ni Sebastian.

Isang tango naman ang naging sagot ni Richard.

“Heto na ’yon, ipapakilala ko sa’yo si Dolores, isa ito sa mga yate na pagmamay-ari ni papa.” patuloy na paliwanag ni Sebastian.

“Pagmamay-ari ng papa mo? Ibig sabihin ang pamilya mo ang may-ari nito!” nanlalaking matang tanong ni Richard na ’di makapaniwala sa narinig.

“Oo, pero ako na ang namamahala ngayon dahil madalang na lang silang umuwi ng Pilipinas.” kaswal na sagot ni Sebastian.

“Ah.” tanging reaksyon ni Richard, ang buong akala kasi nito ay simple lang na sundalo si Sebastian at kung may kaya man sila sa buhay, hindi ganito na sobrang yaman pala.

“Sorry, nagulat ba kita. Sa katunayan, ikaw palang at si tito ang nakakaalam nito, maging ang mga kuya mo ay hindi rin alam.” paliwanag pa ni Sebastian.

“Me-medyo, akala ko nga nirentahan mo lamang ito at sobrang nahihiya ako dahil sa gumastos ka pa ng malaki para lang sa date natin.” nahihiyang tapat na saad ni Richard.

Napangiti naman si Sebastian sa narinig, hindi nga niya pinagsisihan na lubusang kilalanin ang bunso ng Heneral.

“Huwag mong sabihin na date lang, ang pagpayag mo lang sa akin, malaking bagay na at gusto kong makilala natin ang isa’t-isa, kaya ko ipinaaalam sa’yo ang mga bagay na hindi alam ng iba tungkol sa akin.” mahabang saad ni Sebastian at itinaas ang hawak na kamay ni Richard sabay dampi ng halik rito.

Inaamin ni Richard na sobrang kinilig ito, hindi lang sa ginawang paghalik ni Sebastian sa kanyang kamay, maging sa mga sinabi nito.

“So tara na?” nakangiting tanong ni Sebastian.

“Sige.” nakangiti rin na sagot ni Richard.

At magkahaway kamay nilang tinungo ang loob ng yate.

Hinayaan ni Sebastian na maglibot si Richard sa loob ng yate, na ’di maitago ang saya ng mukha pagtungtong palang nila. Napapikit pa si Richard habang ninanamnam ang malamig na hangin at ang simoy ng dagat.

“Ang sarap ng hangin.” ’di na mapigilang bulalas ni Richard na nakapikit parin sa mga oras na ’yon. Masaya naman na pinagmamasdan ni Sebastian ang tuwang-tuwang si Richard.

“Tara Chard, siguradong mas magugustuhan mo sa taas.” yakag ni Sebastian pagmulat ng mga mata ni Richard.

“S-sa taas? O-okay na ako dito.” kabang saad ni Richard.

Napansin naman ni Sebastian ang takot sa mga mata na ’yon ni Richard.

“Huwag kang mag-alala, kasama mo naman ako at promise sigurado akong magugustuhan mo dun.” pagtitiyak na saad ni Sebastian.

“Si-sige.” pagpayag ni Richard at may tiwala ito sa pangako ni Sebastian.

Mahigpit na hinawakan ni Sebastian ang kamay ni Richard, habang paaakyat sila sa itaas na deck ng yate. Ilang saglit pa ay nakarating na rin sila.

Tama nga ang sinabi ni Sebastian sa kanya, ramdam ni Richard ang medyo malakas at mas malamig na ihip ng hangin dito sa taas. Kita rin niya ang mga bituin na bumabalot sa madilim na langit, na ibayong saya ang dulot sa kanya habang pinagmamasdan ang mga ito.

“Ang ganda!” manghang-manghang saad ni Richard.

“Sobrang ganda nga.” mahinang usal ni Sebastian, na sa mukha ni Richard kanina pa ang tingin.

Matapos magsawa sa pagtingin sa mga bituin, binaling ni Richard ang paningin kay Sebastian at nakita nito ang mataman na pagtitig ng huli sa kanyang mukha.

“Thank you.” nakangiting saad ni Richard, na sobrang saya sa naging una nilang date ni Sebastian.

“No, thank you.” balik ni Sebastian, na hindi-hindi magsasawa na magpasalamat sa binigay na pagkakataon ni Richard na lumabas sila. At nang magtama ulit ang mata nila, hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Richard, ngayon siya naman ang unang hahalik sa lalaking alam niyang laman na ng puso niya.

PANG-LABING-ANIM

WARNING!!! RATED SPG

Lihim na napangiti si Sebastian sa paghalik na sinumulan ni Richard. Kung alam lang ng huli, na kanina pa niya pinipigilan ang sarili na maangkin at mahalikan muli ang masarap na mga labi na iyon. Kaya ngayon, sisiguraduhin niyang hahanap-hanapin ni Richard ang kanyang mga labi. Naging mapusok ang halikan ng dalawa at kapwa sarap na sarap at sabik sa mga labi ng isat-isa.

Sa isang iglap lang, mabilis na binuhat ni Sebastian ang katawan ni Richard at nagpatuloy sila sa halikan nila.

Habang buhat ang katawan ni Richard, dahan-dahan tinungo ni Sebastian ang daan papunta sa cabin ng yate. At ng makapasok sa loob, ibinababa ni Sebastian sa kama ang katawan ni Richard.

Naramdaman ni Richard ang malambot na kama sa kanyang katawan at humiwalay sandali ito sa halikan nila ni Sebastian. Kita niya na nasa cabin na pala sila ng yate at kita rin niya ang ganda ng loob nito. Matapos ang ilang sandali ng pagtingin ni Richard sa paligid ng cabin, ibinalik nito ang mga mata sa lalaking bumihag ng puso niya sa maikling panahon na magkasama sila. Pagkakita kay Sebastian, tanging puting brief na lang ang suot nito at may hawak pa itong dalawang baso ng red wine at iniabot sa kanya ang isa. Kaagad naman inabot ni Richard ang baso na may lamang red wine at sabay nilang ininom ang laman nito matapos nilang magtoast.

Matapos uminom ng wine, mabilis na niligpit ni Sebastian ang mga baso at bumalik kaagad para ipagpatuloy ang naputol na halikan nila ni Richard.

Ang halikan ng dalawa’y pinatamis pa lalo ng wine na kani-kanilang ay ininom nila. Kaya naman lalong lumalim ang paghalukay nila sa bibig ng isa’t-isa.

Nang hindi na makapaghintay pa na maging isa ang katawan nila, inumpisahan ng hubarin ni Sebastian ang mga suot na damit ni Richard.

Alam ni Richard ang gustong mangyari ni Sebastian. At wala siyang pagtutol sa nais gawin ng huli, dahil maging siya’y ’di na makapaghintay na muling mag-isa ang kanilang katawan.

Mabilis na nahubad ni Sebastian ang mga saplot ni Richard sa tulong ng huli. At hindi na nag-aksaya pa ang una, na kaagad sinabasib ng halik ang leeg ng huli.

“Ahh ahh.” ungol ni Richard na sarap na sarap sa ginagawang paghalik ni Sebastian sa kanyang leeg.

Nang magsawa sa leeg si Richard, sunod na binigyang pansin ni Sebastian ang mamula-mulang mga utong ng una. Salitang sinuso ni Baste ang dibdib na ’yon ni Richard.

“Sir ahh ang sarap ahh.” ungol ni Richard sa sensasyon na dulot ng dila at bibig ni Sebastian na kasalukuyang walang sawang sumususo sa kanya.

Naglandas pababa ang mga halik ni Sebastian hanggang sa tiyan ni Richard. Kung siya’y prominente ang walong pandesal sa kanyang tiyan, hindi rin papatalo si Richard na may anim naman na pandesal. Isa-isang hinalikan ni Sebastian ang anim na pandesal ni Richard at kinaga-kagat rin niya ’yon. Bumaba pa ang mga halik na ’yon ng una sa katawan ng huli, hanggang sa matapat ang mukha nito sa pagkalalaki ni Richard na sa oras na ’yon ay tigas na tigas na.

“Baste, okay lang kung ayaw mo.” saad ni Richard, dahil alam nito na wala pang karanasan ang katalik sa pagsubo ng ari ng lalaki.

Ngunit hindi pinansin ’yon ni Sebastian. Aminado siya na kailanman ay ’di pa siya sumubo ng burat ng iba at katunayan si Richard ang unang lalaking nakatalik niya, pero alam nito ang sarap sa pakiramdam sa tuwing subo-subo ang iyong kargada, kaya naman gusto niyang ipalasap ang sarap na ’yon kay Richard.

“Ahh ahh.” ungol ni Richard at nabigla ng isubo ni Sebastian ang kanyang burat.

Rinig ni Sebastian ang ungol ng nasasarapang si Richard, kaya naman lalo nitong pinagbutihan ang pagtsupa sa burat ng huli.

“Aahh ahh ang sarapp sirr ahh.” nababaliw sa sarap na ungol ni Richard sa patuloy na paglabas-masok ng bibig ni Sebastian sa kanyang ari.

At ilang pagtaas-baba pa ng ulo ni Sebastian sa burat ni Richard.

“Ahhh sir lalabasan na ako ahhh ayan naaa ahhhhhh.”

Gaya ng narinig sa mga ungol ni Richard, sunod-sunod nga na nagpakawala ang burat nito ng napakaraming tamod, hinayaan naman ni Sebastian ang lahat ng ilalabas ng una sa kanyang bibig.

Hingal na hingal si Richard matapos magpalabas at hindi parin siya makapaniwala, na nagawa ni Sebastian ang isubo ang kanyang burat pati na ang paglunok nito sa kanyang tamod.

“Baste.” saad ni Richard na ’di niya alam kung bakit nito tinawag ang pangalan ni Sebastian.

“Ang hot mong tignan Chard, habang nilalabasan ka.” saad ni Sebastian at nakangiting tumayo ito sabay halik sa pisngi ng nakahiga parin na si Richard.

“At ang tamis ng gatas mo.” bulong pa ni Sebastian sa tenga ni Richard.

Pinamulahan ng mukha si Richard sa narinig, ang akala kasi nito’y maiilang ang katalik dahil sa ginawa nito sa kanya.

“Hindi mo naman kailangan na gawin ’yon.” saad ni Richard at bumaling ang tingin sa nakahigang si Sebastian.

“Pero gusto ko kaya ko ginawa ’yon. Isa pa kaya ko nagawa ’yon ay dahil ikaw ang katalik ko.”

“Salamat Baste.” saad ni Richard at pinipigilan ang maluha dahil sa sobrang saya sa narinig na sinabi ni Sebastian.

“Salamat rin Chard. Kaya lang may kasalanan ka pa sa akin.” seryosong saad ni Sebastian.

“Anong kasalanan ko?” nalilitong tanong ni Richard.

“Hindi ba hindi pa kita napatawad sa ginawa mong biro sa akin sa resto.” paalala ni Sebastian sa naging biro ni Richard.

“Ah ’yun ba? Naaalala ko na at hindi mo ’ko sinagot nang tanungin kita kung anong pwede kong gawin para mapatawad mo ako, hindi ba?” saad ni Richard matapos maalala ang tinutukoy ni Baste. Isang tango ang naging sagot ni Sebastian para ipaalam na ’yun nga ang nais nitong ipaalala, sabay nangingiti itong tumingin kay Richard pagkatapos.

“At mukhang alam ko na ang gusto mong ipagawa sa’kin.” nangingiti at naiiling na saad ni Richard ng maisip ang gustong ipagawa ni Sebastian kapalit ng ginawa nitong biro kanina.

“Hehe syempre ang sabi nga ng kakilala ko, lahat ng kasalanan ay kailangang pagbayaran.” nangingiting saad ni Sebastian.

Sa narinig ay natawa naman si Richard.

“Mali yata ang sinabi ng kakilala mo Major Manlangit, ang alam ko ang  mga may utang lang ang dapat na magbayad, sa pagkakaalala ko wala naman akong utang sa’yo.” ’di papatalong balik ni Richard.

Nangingiti naman si Sebastian sa narinig na pagsalungat ni Richard sa kanyang sinabi.

“O s’ya kalimutan mo na ang tungkol sa biro mo sa resto, pero siguro naman ang pagligtas ko sa’yo nun sa Maguindanao ay masasabi natin na may utang ka sa akin at ngayon mismo maniningil na ako.” ’di papatalong saad ni Sebastian at kita nitong nanalo s’ya sa mga oras na ’yon dahil sa nakitang gulat sa mukha ni Richard.

Gaya ng kanyang inaasahan, wala itong panalo sa Komandante, bukod sa galing nito sa barit at pakikipaglaban, napatunayan ni Richard na matinik rin ang utak ng una. ‘Isama pa na malibog rin ito.’ bulong ni Richard sa sarili habang naiiling ito.

“Ano na, Chard. Maniningil na ako.” putol ni Sebastian sa naiiling na si Richard.

“Pero sir, wala akong dalang pera ngayon, maaari kayang ang katawan ko na lang ang ibayad ko?” saad ni Richard na wari’y naiiyak na sabay kagat nito sa kanyang labi. Alam ni Richard kung ano ang nais ni Sebastian at ang sabi nga nila, dalawa ang pwedeng maglaro nang isang laro. At ang larong ’yun ni Sebastian ay kayang-kayang laruin ni Richard.

‘Damn!’ salitang pumasok sa isip ni Sebastian matapos makita ang itsura ni Richard. Alam na sa mga oras na ’yon ng una, na hindi basta-basta papatalo ang huli sa kanya. Sumunod nun ay inumpisahan na ni Sebastian ang paglalaro nila ni Richard.

“Sige, tatanggapin kong kabayaran kapalit ng utang mo ang iyong katawan. Kaya ngayon umpisahan mo ng paligayahin ako.” utos ni Sebastian sa nakagat-labing si Richard.

Lihim na natuwa si Richard sa larong pinanindigan ni Sebastian at inaamin n’ya sa sarili na maging siya ay hindi na makapaghintay pa sa mangyayari.

“Masusunod sir.” sunod ni Richard.

Habang nakahiga si Sebastian, inupuan ni Richard ang ibabang katawan ng una na natatakpan pa ng brief sa mga oras na ’yon, sabay muli niyang pinagtagpo ang kanilang mga labi. Habang naghahalikan sila, ginalaw-galaw ni Richard ang kanyang puwet na kasaluyang inuupuan ang burat ni Sebastian na natatakpan pa ng brief.

Ramdam ng umiigting na burat ni Sebastian ang malambot na puwet na dumadagan sa kanya at lalo pang pumintig-pintig ang malaki niyang alaga sa ginawang paggalaw na ’yon ni Richard.

“Damn! Hindi na’ko makapaghintay pa na kantutin ulit kita.” bulong ni Sebastian sa tenga ni Richard na humiwalay saglit sa halikan nila.

“Sige lang sir, gawin mo na ang gusto mong gawin sa katawan ko, para mabayaran ko na ang pagkaka-utang ko sa’yo.” bulong naman ni Richard sa tenga ni Sebastian, na kagaya kanina at napapakagat-labi pa.

Sa narinig ni Sebastian, hindi na nga ito nakapagpigil pa at mabilis na natanggal ang brief na tumatakip sa dambuhala niyang alaga.

Ramdam ni Richard ang malaking laman na ’yon na tumutusok sa kanyang lagusan. At s’ya na mismo ang tumutok noon sa kanyang butas, pero sa ginawa n’yang ’yon, pinalo ng kamay ni Sebastian ang kanyang kamay.

“Ako ang masusunod dahil ako ang maniningil sa pagkaka-utang mo.” may otoridad na saad ni Sebastian na lalo naman nagpainit sa nararamdaman ni Richard.

“Sir, yes sir!” saad ni Richard at hinayaan na si Sebastian na gawin ang gusto nito.

“Dumapa ka sa kama.” unang utos ni Sebastian na kaagad sinunod ni Richard.

Nang dumapa na sa kama si Richard, inumpisahan halikan ni Sebastian ang batok ng una.

“Ahh.” ungol ni Richard ng maramdaman ang paghalik ni Sebastian sa kanyang batok.

Mula sa batok, bumaba pa ang mga halik ni Sebastian sa likod ni Richard at nagpatuloy ito hanggang sa mapunta ito sa puwet ng huli. Nang dumako ang paningin ni Sebastian sa matambok na puwet ni Richard, gamit ang mga kamay ipininaghiwalay ng una ang pisngi ng puwet na ’yon ng huli at gamit ang dila inumpisahan dilaan ’yon ni Sebastian. Hindi pinalampas ni Sebastian, pati ang makipot na butas ng puwet ni Richard ay kanya rin dinalaan.

“Ahh shit ahh.” ungol at mura ni Richard sa sarap na nararamdaman sa ginagawang pagdila ni Sebastian sa kanyang butas.

Nang magsawa sa pagdila sa makipot na butas ni Richard.

“Ngayon Chard, sisimulan ko ng singilin ang pagkaka-utang mo, kaya naman itaas mo ang puwetan mo habang nakadapa ka parin.” utos muli ni Sebastian.

At gaya ng nais ni Sebastian, sumunod muli si Richard. Sa puwestong ’yon, kitang-kita ng una ang makipot na puwet ng huli at bago tuluyang ipasok ang kanyang nagngangalit na burat, inihampas-hampas muna ’yon ni Sebastian sa matambok na puwet ni Richard.

“Chard papasukin ko na ang makipot mong butas.” saad ni Sebastian at dahan-dahan nga nitong ibinaon ang malaki at matigas nitong burat sa lagusan ni Richard.

“Ngyaah ahhh sir ahh.” ungol ni Richard ng muling maramdaman ang malaking burat na ’yon ni Sebastian na sumakop sa butas niya.

“Damn chard ang sikip mo parin.” saad ni Sebastian na nagsimula ng ilabas-masok ang malaking burat sa puwet ni Richard.

“Ahh sige pa sir ahhh.” nasasarapang ungol ni Richard sa patuloy na pagkantot ni Sebastian.

“Ugh Chard, ang sarap mo talagang kantutin ahh.”

Nagpatuloy sa pagkantot si Sebastian, mula sa banayad hanggang sa pabilis ng pabilis na pagbayo ang kanyang ginawa sa puwet ni Richard. Nang mangawit sa puwestong ’yon si Sebastian, hinugot muna nito ang malaking burat sa butas ni Richard.

“Chard, kabayuhin mo ulit ako.” saad ni Sebastian na muling humiga sa kama.

“Masusunod sir.” saad ni Richard.

At gaya ng utos ni Sebastian, sinimulang itanaas-baba ni Richard ang matambok na puwet sa malaki at tirik na tirik na burat ni Sebastian.

“Ahh ganyan nga Chard ahhh.” ungol na saad ni Sebastian sa parang hineteng si Richard, na patuloy sa pagtaas-baba sa kanyang burat.

Ramdam ni Sebastian na malapit na siyang labasan, habang patuloy parin si Richard sa pagkabayo sa kanyang burat.

“Chard malapit na akong labasan ahh.”

Lalo pang binilisan ni Richard ang pagtaas-baba sa burat ni Sebastian at pinagtagpo muli nito ang labi nila ng huli.

Tumugon naman si Sebastian sa mga halik ni Richard, na kailanman ay ’di niya pagsasawaan at sinalubong nito ng pagbayo ang ginagawang pagkabayo ni Richard sa kanya.

“Chard aahh hayan na’ko mahal ahhhh.” kasunod ng ungol ni Sebastian, sunod-sunod rin ang pagpapakawala na kanyang burat sa napakaraming punla sa loob ng butas ni Richard.

At gaya ng unang pagtatalik nila, ramdam ni Richard ang mainit at maraming tamod na pinakawalan ng malaking burat na ’yon ng barakong sundalo sa kanyang butas.

Nang wala ng ilalabas pa, hinugot na ni Sebastian ang kanyang burat sa butas ni Richard at pagod na tumihiya ito sa kama.

“Sana nabuntis na kita.” saad ni Sebastian, habang nakatingin sa kisame ng cabin.

Sa narinig ay natawa ng mahina si Richard.

“Pasensya na Major Manlangit at imposible ang sinasabi mo.”

“Bakit naman? Eh kung hindi ka parin buntis, aaraw-arawin natin.” nakangising saad ni Sebastian.

Sa narinig ni Richard, dinampot nito ang isang unan malapit sa kanya, sabay ibinato sa barakong sundalo at sapul sa mukha ito.

“Private Manalo, baka nakakalimutan mo, may kasalanan ka pa sa akin.” nakasimangot na saad ni Sebastian sa pagbatong ginawa ni Richard.

“Major Manlangit, ang sabi mo kanina kalimutan ko na ’yon.” paalala ni Richard sa sinabi ni Sebastian.

“Oo nga pala, eh paano kung gusto ko pa ng isang round?” pagbabakasakaling hirit ni Sebastian.

“Sige pagbibigyan kita, pero ako naman ang titira sa’yo pagkatapos.”

Sa narinig ay napalunok ang barakong sundalo.

“Ang sabi ko nga, napagod na ako.” pagsisinungaling ni Sebastian.

Lihim na natuwa si Richard sa narinig at isang ideya ang pumasok sa kanya.

“Nga pala Baste, sa shower room ang pintong ’yon hindi ba?” tanong ni Richard sa salamin na pintuan na nasa loob ng cabin ng yate.

Isang tango ang naging sagot ni Sebastian.

“Sige punta muna ako dun para maligo.” saad ni Richard at ’di nakaligtas ang mga matang ’yon ni Sebastian, na sinundan ng tingin ang kanyang hubad na katawan.

“Damn! Mukhang sa pagbabate na lang ang solusyon ko sa’yo.” kausap ni Sebastian sa nakatayong burat, na dulot ng maputing hubad na katawan ni Richard na pumunta ng banyo.

Pagpasok ni Richard sa banyo ay natatawa ito, dahil sa alam nitong nabitin ang barakong sundalo na naiwan sa kama. At gaya ng naisip kanina, susubukan nito kung hanggang saan ang pagpipigil ng barakong sundalo.

Matapos maligo, naisipan nitong sa loob ng cabin, kung saan naroroon si Sebastian ay doon rin siya magbibihis.

Habang binabate ang kanyang matigas parin na burat, lumabas sa banyo ang hubad parin na si Richard na nagpupunas ng basang buhok at nahuli nito ang kanyang ginagawa. Sa pagkahuli sa kanya ni Richard, mabilis na tinakpan ng kumot ni Baste ang kanyang alaga.

“Mukhang matigas parin Baste ah.” natatawang saad ni Richard.

Sa tagal ng panahon, ngayon lang nakaramdam ng pagkapahiya ang barakong sundalo at dahil iyon kay Richard.

“Matulog ka na pagkatapos, maliligo muna ako.” saad ni Sebastian sabay dampot ng brief para isuot ito at nang tumayo, nagtungo nga ito ng banyo.

‘Nasobrahan yata.’ kausap ni Richard sa sarili sa nakitang reaksyon ni Sebastian.

Habang naliligo si Sebastian, sinikap nitong paupahin ang matigas parin nitong alaga, pero maging ang malamig na tubig na galing sa shower ay hindi nakatulong para paupahin ang tirik na tirik parin nitong burat.

“Mukhang kailangan yata ng tulong ko.”

Bumaling ang tingin ni Sebastian sa nagsalita at ang nakangiting mukhang si Richard nga ang bumungad sa kanya.

Nang walang tugon na marinig kay Sebastian, nagkunwari si Richard na iwan na ang una.

Pero gaya nga inaasahan ni Richard, sa hindi parin humuhupang pagnanasa ni Sebastian, mabilis nitong nahuli ang kamay niya at kaagad rin isinandal ng huli ang kanyang katawan sa pader ng banyo.

“Sabi ko na eh at ’di mo rin ako matitiis.” ngising saad ni Sebastian habang magkalapit ang mukha nila ni Richard.

“Kawawa naman kasi si junior at mukhang nabitin sa’kin kanina.” kagat-labing saad ni Richard.

“Damn! Sisiguraduhin kong mag-eenjoy si junior sa’yo.” saad ni Sebastian at muling hinagkan ang mga labi ni Richard.

At sa loob ng banyo habang patuloy ang pagbuhos ng malamig na tubig sa shower, nagpalabas ng init at walang sawang pananabik sa katawan ng isa’t-isa ang dalawa.

PANG-LABING-PITO

Gaya ng paalam ni Sebastian sa mag-asawang Manalo. Limang araw pa itong nanatili sa pamamahay ng mga ito, matapos ang unang gabi na may mangyari sa kanila ni Richard. At ngayong araw na nga, ang takdang pagbalik nito sa tinutuluyang condominium sa Makati.

“Hindi ba pwedeng bukas ka na lang umalis?” pakiusap ni Richard sa kalukuyang nag-iimpake ng gamit na si Sebastian.

“Chard, hindi ba kaya nanatili pa ako ng ilang pang araw ay dahil sa pakiusap mo sa akin.” naiiling at nangingiting saad ni Sebastian.

“Promise last na ’to.” giit pa ni Richard.

Kung si Sebastian lang ang masusunod, ayaw rin nitong umalis at iwan si Richard, pero hindi naman maaari na dumito siya ng matagal pang panahon, sigurado kasing makakahalata na ang mag-asawang Manalo kapag nanatili pa ito. Napabuntong hininga na lang s’ya at matapos maisara ang zipper ng kanyang bag, hinarap nito ang nakikiusap na ’wag muna siyang umalis na si Richard.

“Ako man ayokong iwan ka, pero kapag hindi pa ako umalis ay baka makahalata na si Heneral.” paliwanag ni Sebastian.

“Mamimiss kita.” saad ni Richard na alam nitong hindi na mapipigilan pa ang pag-alis ni Baste.

Sa narinig, hinawakan ni Sebastian ang dalawang kamay ni Richard.

“At mamimiss rin kita, sobra.” sinserong saad ni Sebastian. At bago tuluyang lumabas ng kwarto ang dalawa, nagtagpo ang kanilang mga labi at sa pamamagitan ng halik na ’yon, ipinapaalam kung gaano nila mamimiss ang isa’t-isa.

“Maraming salamat po tito, tita.” saad ni Sebastian.

“Walang anuman Baste at gaya ng lagi namin sinasabi, kahit ano pang oras ay bukas ang bahay namin para sa’yo.” nangingiting saad ni Aurora.

“Mag-iingat ka sa pag-uwi, Manlangit.” saad ni Heneral Manalo.

“Sir, yes sir.” magalang na saad ni Sebastian at sumaludo pa sa Heneral.

“Salamat rin sa’yo Richard sa lahat ng tulong mo.” baling ni Sebastian na ikinagulat naman ni Richard.

“Wala ’yon sir, ingat sa pag-uwi.” pilit na ngiting saad ni Richard at pininipigilan ang sarili na maiyak dahil kasama parin nila ang kanyang mga magulang.

“Chard, tita, tito, mauuna na po ako.” paalam ni Sebastian sa pamilya Manalo at binuksan na ang kanyang sasakyan at pumasok na ito sa loob.

Sa pagpasok ni Sebastian sa kanyang sasakyan, pinagmamasdan ito ng mag-anak na Manalo at ilang sandali pa, narinig na nila ang pag-andar ng makina ng sasakyan.

Pagka-start ng kanyang sasakyan, ibinababa ni Sebastian ang bintana ng driver seat at nais nitong masilayan ang mukha ng lalaking ’di niya inakalang magpapatibok muli ng kanyang puso.

“Salamat po ulit.” nakangiting sigaw ni Sebastian at bago ito tuluyang paandarin ang kanyang sasakyan, itinuon nito kay Richard ang kanyang paningin.

Kita ni Richard ang pagtitig na iyon ni Sebastian at tinugon nito ng isang ngiti ang huli.

Ang ngiting ’yon ni Richard ang baon ni Sebastian at tuluyan na nitong pinaandar ang sasakyan.

Sa pag-alis ni Sebastian nakaramdam ng lungkot si Richard. Gayunman, palagi naman silang magkausap sa cellphone at kung minsan ay nagvivideo call rin sila.

At lumipas pa ang dalawang linggo at ang araw-araw nilang pag-uusap sa cellphone ni Sebastian ay naging madalang na lang. Sa lumipas rin na dalawang linggo ay panay naman ang paglabas nila ni Renz.

Naging masaya ang mga lumipas na araw ni Lorenzo dahil palagi nitong nakakasama si Richard. At ngayong araw na ito, naisip ng sundalo na magtapat na ng tunay nitong nararamdaman.

“Tara na Chard.” saad ni Lorenzo ng makitang lumabas na si Richard sa kampo.

“Tara, nga pala anong meron at nag-aya kang kumain sa labas.” tanong ni Richard. Sa mga nakalipas kasing araw na magkasama sila ni Lorenzo, naglilibot-libot lang sila kung saan-saan at ’pag ginutom, sa karenderia o kaya sa sidewalk vendor lang sila kumakain ng kung anu-ano.

“Malalaman mo mamaya, sa ngayon mag-enjoy muna tayo.” sagot ni Lorenzo.

Gamit ang kotse na hiniram ni Lorenzo sa kasamahang sundalo. Nagtungo ang dalawa sa isang mall.

“May bibilhin ka ba? Siguro birthday ng nililigawan o girlfriend mo.” hulang saad ni Richard ng makita sa mall ang punta nila ni Lorenzo.

“Walang nga akong girlfriend pero may nagugustuhan na ako.” nangingiting sagot ni Lorenzo.

“Sabi ko na eh, maganda ba bok?” usisa ni Richard.

“Mamaya malalaman mo, tara pasok na tayo.” saad lang ni Lorenzo.

“Ang daya naman.” simangot naman ni Richard ng walang makuhang sagot sa kasama.

Naunang lumabas ng kotse si Lorenzo at hinihintay ang pagbaba ni Richard. Nang lumabas na si Richard, sabay nilang tinungo ang daan papasok sa mall.

Sa magkalapit na paglakad ng dalawa, naglakas loob si Lorenzo na iakbay ang isang braso kay Richard.

Naramdaman ni Richard ang brasong ’yon ni Lorenzo at bumaling ang paningin nito sa huli. Kita ni Richard ang masayang mukha ni Lorenzo ng magtapat ang kanilang mga mata, kaya naman hinayaan na lamang nito ang braso ng huli.

Unang pinuntahan ng dalawa ang arcade ng nasabing mall.

“Anong gusto mong laruin, Chard?” tanong ni Lorenzo kay Richard.

Sa tanong ni Lorenzo, isa-isang tinignan ni Richard ang mga games na naroon at ng mahagip ng kanyang mga mata ang paborito nitong laro, nakangising tumingin ito sa una.

“Doon tayo, Renz.” saad ni Richard at turo sa machine na may larong Mortal Combat.

“Mukhang mapapalaban ako ah.” saad ni Lorenzo sa nakangising si Richard.

“Sabihin na natin na pro ako pagdating sa larong ’yan.” pagyayabang ni Richard.

Hindi na nagulat pa si Lorenzo sa narinig, sa ilang beses nitong nakapunta sa bahay nila Richard. Napansin ng una ang ilang action figures na karakter sa larong Mortal Combat na naroroon sa kwarto ng huli. Bukod pa sa nakita ni Lorenzo sa internet, na isa ang paglalaro ng arcade ang hilig ni Richard.

At gaya nga ng inaasahan, hindi natalo ni Lorenzo kahit isang beses ang seryosong paglalaro ni Richard.

“Suko na ’ko.” talong saad ni Lorenzo.

“Sabi ko naman kasi sa’yo, pro ako pagdating sa Mortal Combat.” ngising saad ni Richard.

“Oo na, ipinamukha mo nga sa akin.” kunwaring simangot ni Lorenzo.

Sa nakitang ayos ni Lorenzo, natawa naman si Richard.

At sa nakitang pagtawa ni Richard, masaya rin si Lorenzo na alam nitong nag-enjoy ang una, habang magkasama sila.

“Mabuti pa kumain na tayo, nakakagutom pala ang matalo ng paulit-ulit.” yakag ni Lorenzo na hinaluan pa ng biro.

“Hehe sorry, not sorry.” sagot naman ni Richard.

Habang naglalakad sila ni Richard papunta sa resto, nag-uumpisa ng kabahan si Lorenzo sa maaring mangyari sa gagawin n’yang pagtatapat sa una. Gayunman, pursigido ang sundalo na ngayong gabi rin ay ipaaalam nito kay Richard ang lahat.

Ilang minuto na rin silang kumakain, nang maalala ni Richard na tanungin muli ang dahilan ni Lorenzo sa pag-aya nito.

“Renz, anong meron at nag-aya ka?”

Yun lang ang hinihintay ni Lorenzo para simulan ang gagawin niyang pagtatapat kay Richard.

“Ang totoo n’yan Chard, may ipagtatapat ako sa’yo.” seryosong saad ni Lorenzo at tumingin ito ng diretso sa mga mata ni Richard.

Natigilan naman si Richard sa narinig, pero nanatili itong tahimik at hinintay ang gustong sabihin ng kaharap.

“May gusto ako sa’yo. Gusto kita Chard.” pagtatapat ni Lorenzo at lakas-loob na ipinatong ang kanyang kamay sa kamay ng kasama.

Gulat ang unang reaksyon ni Richard sa narinig, inaamin n’ya na masaya siya kapag kasama si Lorenzo, pero hindi niya kayang tumbasan ang nararamdaman ng huli. Kaya naman, iniwas niya ang kanyang kamay na hawak ngayon ni Lorenzo.

“Renz, i’m sorry.” nakayukong saad ni Richard.

Bago pa magsalita si Richard, may ideya na si Lorenzo sa sasabihin ng una. At ito’y dahil sa ginawang pagbawi ni Richard sa kamay na kanyang hawak.

“Naiintindihan ko, may iba ba?”

Hindi sinagot ni Richard ang tanong na ’yon ni Lorenzo.

Sa hindi pagsagot ni Richard sa kanyang tanong, nakumpirma ni Lorenzo na tama ang kanyang hinala na may ibang gusto ang una at may ideya rin siya kung sino ang taong ’yon.

“Okay lang ako Chard, sana ’wag kang lumayo matapos kong magtapat, pwede naman na maging magkaibigan tayo, hindi ba?” pilit na ngiting saad ni Lorenzo, kahit pa sa mga oras na ’yon ay pinipigilan ang maluha sa sakit na nararamdaman.

“Renz.” tanging salitang binitawan ni Richard, wala man siya sa sitwasyon ni Lorenzo, alam nitong nasasaktan ngayon ang kaharap.

“Kumain pa tayo, pagkatapos ay ihahatid na rin kita.” saad ni Lorenzo at sinusubukan na maging okay.

“Okay lang Renz, kaya ko naman umuwi mag-isa.” tanggi ni Richard.

“Hindi, ihahatid kita, please.” pakiusap ni Lorenzo.

“Si-sige, at hindi mo na kailangan pang hilingin na maging magkaibigan tayo. Dahil kaibigan naman talaga kita.”

Gaya nga ng pakiusap ni Lorenzo, inihatid nito sa bahay si Richard. Nang nasa tapat na sila ng bahay nila Richard, inihinto na ni Lorenzo ang sasakyan.

“Sana Chard, ’wag kang mailang sa akin at magawa parin natin ang mamasyal gaya ng dati.” saad ni Lorenzo bago pa lumabas ng kotse si Richard.

“Renz, hindi ko maipapangako na hindi mailang kahit papaano, pero gaya ng sabi ko sa’yo, kaibigan parin kita.”

“Naiintindihan ko, Chard pwede bang mayakap kita kahit isang beses lang.” saad ni Lorenzo at pakiusap rin nito.

Isang tango ang naging sagot ni Richard at pumayag ito sa pakiusap ni Lorenzo.

Sa naging pagpapayag ni Richard, inilapit ni Lorenzo ang kanyang katawan sa una at mahigpit nitong niyakap si Richard.

Ramdam ni Richard ang mahigpit na yakap na ’yon ni Lorenzo at naramdaman rin nito ang paggalaw ng katawan ng huli dulot ng pag-iyak nito. Inaamin ni Richard na nakaramdam rin siya ng lungkot at bilang simpatya sa nararamdaman ni Lorenzo, gamit ang isa niyang kamay hinagod-hagod nito ang likod ng huli.

“I’m sorry Renz.” malungkot na saad ni Richard habang magkayakap parin sila ni Lorenzo.

“It’s okay, wala kang kasalanan.” maagap na tugon ni Lorenzo at nagpunas ito ng luha bago tuluyang humiwalay sa pagyakap kay Richard.

“Sige, mauna na’ko.” saad ni Richard.

“Sige, salamat sa pagsama sa akin at pagpayag na mayakap kita.” saad ni Lorenzo at pilit na ngumiti kay Richard.

“Wala ’yon. Ingat ka sa pag-uwi.” saad ni Richard at lumabas na ito ng sasakyan.

Pagbaba ni Richard sa sasakyan, bumisina ng tatlong beses si Lorenzo, na sa pamamagitan nito, doon na lang niya maipapahayag ang salitang ‘mahal kita Richard’ at matapos nun, pinaandar na nito ang sasakyan palayo sa unang taong nagpatibok ng kanyang puso at una rin na nagbigay kirot dito.

Samantala, bago pa mangyari ang pagdating sa bahay ni Richard sakay ng sasakyang minamaneho ni Lorenzo.

Ilang minuto bago ’yun, dumating rin si Sebastian. At bago pa ito bumaba, narinig nito ang pagdating nila Richard at Lorenzo. Nang makitang magkasama ang dalawa, ibayong selos ang naramdaman ni Sebastian at ang selos na ’yon ay nadagdagan pa ng galit ng makita ang yakapan ng dalawa. Narinig rin nito ang ginawang pagbusina ni Lorenzo at dala ng selos at galit, binigyan ng ibang kahulugan ni Sebastian ang mga nakita at narinig nito.

PANG-LABING-WALO

Sa nasaksihan, ibayong selos at galit ang naramdaman ni Sebastian. At para hindi sumabog ang emosyon na ’yon, ginawa ni Sebastian ang lahat para kahit papaano’y uminahon ito bago lumabas ng sasakyan.

Pag-alis ni Lorenzo, wala sa sariling naglakad papasok sa kanila si Richard, kaya naman gulat ang reaksyon nito pagkakita kay Sebastian na bumaba ng sasakyan.

“Baste?!”

Hindi pinansin ni Sebastian at parang wala itong narinig sa reaksyon na ’yon ni Richard, bagkus dumiretso ito papasok sa bahay ng huli.

Hindi parin makapaniwala si Richard, na nasa harap niya ngayon ang lalaking ilang araw rin niyang namiss. At gusto man nitong yakapin at halikan si Sebastian ay pinigil niya ang sarili at baka makita silang ng kanyang mga magulang. Kaya naman, minabuti niyang sundan na lamang ang Komandante, na lalong kumisig at gumwapo sa paningin niya sa suot nitong uniporme.

Saglit na natigilan sa pagsunod si Richard, nang makita nito na sa opisina ng kanyang amang heneral ang tungo ni Sebastian.

“Permission to enter sir.” saad ni Sebastian na nakapagbalik kay Richard. At nakita na lamang nito, ang pagpasok ni Sebastian sa opisina ng ama na ’di man lang siya nito kinausap.

Alam ni Sebastian ang ginawang pagsunod na ’yon ni Richard. Sa totoo n’yan, bago pa ito bumiyahe pabalik dito sa bahay ng huli, gusto nitong surpresahin ang bunso ng heneral. Pero hindi n’ya naisip na s’ya pala ang masusurpresa, nang makita si Richard na kayakap ang sundalo, na nung nagpapagaling siya dito sa kanila ay siya rin sundalong kasama nitong umuwi pagkagaling nito sa kampo. Kanina ng makita n’ya ang gulat na reaksyon ni Richard. Lalong tumibay ang akala ni Sebastian, na may namamagitan nga kay Richard at sa kasama nitong sundalo. Kaya naman ikinuyom na lang niya ang kanyang mga kamay para pigilan ang galit at sama ng loob nito. Hindi ito makapaniwala, na sa ikalawang pagkakataon na muling umibig siya, mabibigo lamang ulit s’ya. Ang masakit pa, kita ng dalawang mata n’ya ang pagbalewala ni Richard sa nabuo nilang relasyon.

“Have a seat Manlangit.” saad ni Heneral Manalo na nakapagbalik sa kasalukuyan kay Sebastian na kaagad namang umupo.

“Any good news regarding with the terorists?” bungad na tanong ni Heneral Manalo.

“Yes sir, I have a good news about them. One of our asset comfirmed their current location and sent me several pictures.” sagot ni Major Manlangit, sabay pakita nito sa mga larawan kay Heneral Manalo.

“You’re right, this is a good news and I assume your here for my go signal.” kumpirma ni Heneral Manalo.

“Sir, yes Sir.” magalang na sagot ni Major Manlangit sa kanyang Commander in Chief.

“Well, you will have it and go get that son of a bitch, once and for all.” saad ni Heneral Manalo na ’di na naiwasang magmura dahil sa laking gulo at perwisyo na ang naging dulot ng mga teroristang grupo sa bansa.

“Sir, yes sir!” sagot at saludo ni Major Manlangit.

Ilang minuto rin na naghintay malapit sa opisina ng kanyang ama si Richard, nais nitong makausap ang namiss nitong si Sebastian. At ilang saglit pa nga, nakita nitong bumukas ang pinto sa opisina ng ama, na laman ang papalabas na si Sebastian.

“Sir.” tawag pansin ni Richard kay Manlangit, na sa ganitong paraan kung marinig man ng kanyang mga magulang ay ’di magtataka ang mga ito.

“Yes, Manalo.” balik ni Sebastian na ’di man lang kayang tignan sa mga mata si Richard.

“Pwede ba tayong mag-usap kahit sandali.” sagot ni Richard na nagtataka kung bakit nag-iba ang pakikitungo ni Sebastian sa kanya.

“Sige.” tipid na sagot ni Sebastian.

“Sa kwarto ko na lang tayo mag-usap sir.” saad ni Richard at isang tango lang ang naging sagot ni Sebastian.

Hindi alam ni Sebastian kung anong gustong mangyari ni Richard, gayunpaman sinundan nito ang huli na papunta nga ngayon sa kanyang kwarto.

Nang makitang nakasunod si Sebastian, lihim na natuwa si Richard na wala parin kaalam-alam sa nararamdaman ngayon ni Sebastian.

Nang tuluyang makapasok ang dalawa sa kwarto. Kaagad sinunggaban ng halik ni Richard si Sebastian.

Samantalang nanatili naman na nakatikom ang mga labi ni Sebastian, kahit pa nadadala na sa ginagawang paghalik ni Richard.

Sandaling natigilan si Richard sa ginagawang paghalik, nang walang pagtugon na maramdaman kay Sebastian.

“May problema ba?” nababahalang tanong ni Richard, na batid na ibang Sebastian ang kasama n’ya ngayon. Walang nakuhang sagot si Richard, bagkus ay seryoso lang siyang tinignan ni Sebastian.

“Baste, hindi mo ba ako namiss, kasi ako, sobra kitang namiss.” saad muli ni Richard at ’di na napigilan ang maluha sa malamig na pakikitungo ngayon sa kanya ni Sebastian.

Sa nakitang tumulong mga luha sa mga mata ni Richard, sandaling natigilan si Sebastian. At sunod nitong naramdaman ang pagsikip ng kanyang dibdib dulot lang ng pag-iyak na ’yon ng una. At tsaka niya naisip ang mga lumipas na nangyari.

“Mahal mo ba ako Chard.” seryosong tanong ni Sebastian.

Sa narinig ni Richard, nagtaas ito ng tingin ang tinignan sa mga mata si Sebastian.

“Oo Baste mahal kita.” kaagad na sagot ni Richard na basa parin ang mga mata dulot ng pag-iyak.

“Shit! Shit!” inis at mura ni Sebastian sa sarili, ngayon malinaw na sa kanya ang lahat.

Nagtataka naman na pinagmamasdan ni Richard ang Komandante, na kasalukuyang nagmumura at hawak ang buhok at mukhang naiinis sa sarili.

“A-ayos ka lang Baste.” nababahalang tanong ni Richard.

“Yes baby, ayos na ako and i’m sorry.” sagot kaagad ni Sebatian, sabay hawak sa mukha ni Richard at ngayon siya naman ang sumunggab ng halik sa huli.

Sa ginawang paghalik ni Sebastian, nagulat man si Richard ay kaagad naman nitong tinugon ang mga halik na ’yon ng una. Nang kapwa mauubusan na ng hangin, doon palang humiwalay sa halikan ang dalawa.

“Again I’m sorry.” hingi ulit ng tawad ni Sebastian.

“Sa-sandali Baste, bakit ka ba nagsosorry?” takang tanong ni Richard.

“Okay ipapaliwanag ko ang lahat, but please ’wag mo akong pagtatawanan.” saad ni Sebastian at inumpisahan nga nitong ikwento ang lahat ng nakita n’ya, pati na ang naging maling akala nito sa lahat.

“Dapat ka pala talagang magsorry at hindi ko kaagad matatanggap ang sorry mo.” seryosong saad ni Richard matapos nitong marinig ang mga sinabi ni Sebastian.

“Tama ka Chard and promise i will do anything, for you to forgive me.” saad ni Sebastian.

“But can i kiss you again please.” baka-sakali pa ni Sebastian.

“Hindi puwede at lalong hindi puwede ang sex.” nakangising sagot ni Richard para asarin si Sebastian.

“Shit! Please Chard, sabihin mo kung anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo ko.” sumamo pa ni Sebastian at sobrang nagsisi sa naging kapalit ng maling akala nito. Abala ito sa pag-iisip sa nakita kanina ng may maalala ito.

“Sandali Chard, hindi ba inamin ko naman na nagkamali ako?” saad ni Sebastian at isang tango naman ang naging sagot ni Richard rito. “Eh paano naman ang nagawa mong pagyakap dun sa payatot na sundalong ’yon?” balik ni Sebastian kay Richard.

“Sa-sandali Major Manlangit? Binabalik mo ba sa akin ang kasalanan mo?” ’di makapaniwalang tanong ni Richard.

“Hindi naman sa ganun, ang ibig kong sabihin bakit kasi magkayakap kayo? Hindi mo naman ako masisisi na mag-isip ng masama sa nakita ko.” paliwanag ni Sebastian.

“Kunsabagay tama ka naman, pero may paliwanag ako kung bakit nangyari ’yon. At kung sana hindi ka kaagad nag-isip ng masama, siguro nakapagpaliwanag ako kaagad sa’yo.”

“Gaya nga ng sabi ko, sorry at nagawa ko ang pagdudahan ka. So bakit nga kayo magkayakap ng payatot na ’yun.”

“Baste, may pangalan ’yung tao at Lorenzo ’yun, isa pa ang macho kaya ni Renz.” saad ni Richard at asar pa kay Sebastian.

“Mas macho ako dun at higit na mas guwapo pa.” yabang naman ni Sebastian.

“Te-teka nga, bago pa ako tangayin ng hangin na dulot mo, ipapaliwanag ko na ang lahat sa’yo.” saad ni Richard at ipinaliwanag ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Lorenzo.

“Sabi ko na nga ba! Simula palang ng kasama mong umuwi ’yon dito sa inyo, alam kong may balak na sa’yo ang ungas na ’yon.” saad ni Sebastian matapos marinig ang kwento ni Richard.

“Parang ikaw wala ah, pasalamat ka na lang at ikaw ang nagustuhan ko, pero parang dapat si Lorenzo na lang kasi alam kong hindi ako pag-iisipan ng masama nun.” saad ni Richard.

Natuwa naman si Sebastian sa narinig na nagustuhan siya ni Richard, ngunit napakunot-noo ito sa huling narinig.

“Baby ’wag naman, sorry na at hindi ako magsasawang humingi ng sorry sa’yo ’wag mo lang akong ipagpalit sa payatot na ’yon.” saad ni Sebastian.

“Tignan na lang natin.” ngising saad ni Richard.

“Chard, ’wag mo naman gawin sa’kin ito oh.” nababahalang saad ni Sebastian at baka ipagpalit nga siya ni Richard.

“Maiba ako, buti pala at nandito ka ngayon at mukhang may importante kayong pinag-usapan ni papa.” lihis ni Richard sa usapan at usisa pa nito.

“Private Manalo, confidential ang pinag-usapan namin ni Heneral Manalo.” sagot ni Sebastian.

“Gaano ka-confindential sir.” kagat labing tukso ni Richard sa Komandante.

‘Damn.’ bulong ni Sebastian sa ginawa ni Richard.

“Private Manalo, sini-seduce mo ba ako?” seryosong saad ni Sebastian.

“Bakit sir, naaakit ba kita.” ngising saad ni Richard, sabay dampi ng kaunti ng kanyang labi sa labi ni Sebastian.

Sa ginawa ni Richard, kaagad na sinundan ng mga labi ni Sebastian ang labi ng huli, pero kaagad inilayo ng una ang mukha nito.

“Hahaha.” ’di na napigilan pang tawa ni Richard, na kita ng dalawang mga mata n’ya kung paano sabik na sabik ang barakong sundalo sa kanya.

‘Shit.’ mura ni Sebastian sa sarili, na nahulog ito sa patibong ng pilyong bunso ng Heneral.

PANG-LABING-SIYAM

Matapos ang ginawang pag-akit sa kanya ni Richard, na ganti nito sa pag-iisip niya ng masama rito, lumabas na sa kwarto si Sebastian, sunod sa sinabi ng una. Ganun man, kahit hindi pa s’ya pinapatawad ni Richard, naiintidihan naman ito ni Sebastian, at mas gugustuhin na niyang suyuin ang una para mapatawad siya nito, kaysa sa malaman na totoo ngang may relasyon ito sa kasamang sundalo kanina. At ngayong may isang linggo siya na muling makakasama sa iisang bubong si Richard, gagawin niya ang lahat para mapatawad siya nito at kapag nangyari ’yon, hindi na mag-aaksaya ng panahon si Sebastian at hindi na papakawalan pa ang bunso ng Heneral.

At ang unang hakbang para mapatawad siya ni Richard ay sisimulang gawin bukas ni Sebastian.

Aminado si Richard na nasaktan siya sa hindi pagtitiwala sa kanya ni Sebastian. Ganun man, naiintidihan niya kung saan nanggaling ang selos at galit ng huli sa kanya kanina. At naisip rin niya, na masyado yatang naging mabilis ang relasyon na nagkaroon sila, kaya naman mabilis rin na napagdudahan siya ni Sebastian.

Kinaumagahan

Matapos maligo ay naging abala si Sebastian sa pagtingin sa kanyang laptop ng mga impormasyon patungkol kay Lorenzo at habang abala sa ginagawa, naputol ito ng pagkatok sa pinto sa kanyang kwarto. At nang maisip na si Richard ang taong nasa pinto, mabilis na tumayo ito at tinungo ang pinto.

Pagbukas ng pinto ni Sebastian, nadismaya siya ng hindi si Richard ang bumungad sa kanya, sa halip isang dalaga ito na nakasuot ng uniporme na kagaya ng sa mga kasambahay nila Richard.

“Sir, pinapatawag po kayo ni mam Aurora at nakahain na po ang almusal.” magalang na pahayag ng dalagang kasambahay.

“Sige, susunod na ako.” sagot ni Sebastian.

Nadismaya naman na bumalik sa kwarto si Sebastian at kaagad inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto.

Samantalang namumula naman ang mukha ng bagong dalagang kasambahay ng mga Manalo, dulot nang nakitang makisig na lalaking sundalo.

‘Ang swerte naman ng magiging asawa ni Sir.’ nangingiting saad sarili ni Carol.

Abala na ang mag-anak na Manalo sa pagkain, nang dumating sa hapag si Sebastian.

Napatingin naman si Richard sa dumating at kita ang makisig na pangangatawan ni Sebastian, na bakas sa itim na sandong suot, ’di rin nakaligtas pati na ang dalawang malalaking braso ng Komandante, kita rin niya ang mabalahibong hita at binti ng barakong sundalo dahil sa boxer short lang ang pang-ibabang suot nito. At bago tuluyang maalis ang paningin niya sa huli, nahagip rin ng kanyang mga mata ang nakabukol na alaga ng barakong sundalo. ’Sandali, Richard ‘wag mong ipahalata na tinitignan mo s’ya.’ saad ni Richard sa isip at mabilis na iniwas ang tingin sa makisig na sundalo, bago pa siya mahuli nito.

“Magandang umaga, tito, tita, Chard.” isa-isang bati ni Sebastian sa mag-anak na Manalo at ng bumaling ito sa huli ay nginitian pa niya ito.

“Magandang umaga rin Baste at kumain ka na rin.” saad ni Aurora. Samantalang isang tango naman ang naging tugon ni Heneral kay Baste. Si Richard naman ay nagkunwari na walang narinig at nagpatuloy lang ito sa pagkain ng almusal.

Hindi na umasa pang magiging madali na mapatawad s’ya ni Richard, kaya ng walang maging tugon ito sa ginawa niyang pagbati, hindi na nagtaka pa si Sebastian. At gaya ng sinabi ni Aurora, umupo na rin si Baste sa katabi rin na upuan ni Richard.

Habang kumakain ang kanyang mga amo, kasama ng kanilang bisita na isang makisig na sundalo. Nag-umpisa naman si Carol sa pagsisilbi sa mga ito, sa pamamagitan ng paglagay ng tubig sa mga baso at ng dumating sa pwesto ng lalaking inangahan niya sa unang beses na makita niya ito, nanginginig na nagsalin ito ng tubig sa baso ni Sebastian.

Kita ni Sebastian ang panginginig ng kamay ng dalagang kasambahay, sa isip ng sundalo ay marahil kinakabahan ito dahil sa bago palang ito sa kanyang trabaho.

“Miss, ako na lang.”

Nabigla naman si Carol sa nagsalitang si Sebastian, lalo na ng magdikit ang mga kamay nila ng sundalo habang hawak parin niya ang lalagyan na may lamang tubig at hindi nito sinasadyang mabitawan ang hawak na babasaging pitsel.

Maagap naman na nasalo ni Sebastian ang nasabing pitsel, dala ng mabilis na reflexes ng katawan nito.

“So-sorry po sir.” namumula at nahihiyang sabi ni Carol dahil sa nangyari.

“It’s okay.” maagap na saad ni Sebastian.

Kita naman ni Richard ang nangyari at napansin rin nito ang pamumula ng mukha ng dalagang kasambahay. Pinagmasdan nito ang babae at kahit mukhang probinsyana ang bago nilang kasambahay, ’di maikakaila na maganda ito. At sa nakitang niyang pamumula ng mukha ng babae, sumagi sa isip ni Richard na mukhang may gusto ito kay Sebastian.

“Carol ang pangalan mo hindi ba?” saad ni Aurora.

“Opo mam, pasensya na po sa nangyari.” paumanhin ni Carol.

“Ayos lang ’yon Carol, alam kong naninibago ka palang sa trabaho mo.”

“Salamat po, sige po kukuha na lang po ako ng bagong tubig.” magalang na saad ni Carol.

“Okay lang Carol, mabuti pa samahan muna sila manang at siguradong nag-aalmusal na rin sila.” saad ni Aurora

“Sige po mam.”

Nagpatuloy sa pagkain ang apat matapos umalis ni Carol.

“Baste, matapos natin kumain, puntahan mo ako sa aking opisina mamaya.” saad ni Diosdado.

“Sige tito.”

Napatingin naman ang mag-ina sa dalawa.

“Chard, hindi ka ba susunduin ni Renz mamaya?” kausap naman ni Aurora sa tahimik nitong bunso.

Sa sinabing ’yon ni Aurora, nakuha nito ang pansin ng tatlong sundalo.

“Sino si Renz?” takang tanong ni Diosdado bago pa makasagot si Richard.

“Oo nga pala Dado, hindi pa kayo nagkitang dalawa. Si Renz ay kaibigan ng anak mo, na isa rin sundalo at nakasama ito ni Richard noon sa Maguindanao, pero dito sa lugar natin siya ngayon nakadestino.” paliwanag ni Aurora sa asawa.

“Ganun ba? Richard isang araw imbitahan mo ang kaibigan mo na maghapunan dito, para makilala ko rin siya.” saad ni Diosdado sa nalaman at baling naman nito sa bunsong anak.

“Sige pa.” saad naman ni Richard.

Tahimik naman na nakikinig si Sebastian sa usapan ng pamilya Manalo at kahit pa alam nitong magkaibigan lang ang dalawa, ’di nito maiwasan ang muling makaramdam ng selos, lalo na sa nalaman na hatid-sundo pala si Richard ng sundalong si Renz.

Matapos nilang mag-usap ni Heneral Manalo, ’di nag-aksaya ng panahon si Sebastian na sundan ang papalabas ng bahay na si Richard.

At tama nga ang narinig nito kanina, nakita ni Sebastian ang paghinto sa bahay nila Richard, nang isang jeep na ginagamit ng mga sundalo at minamaneho ito ni Renz.

Sa nakita ay lumabas si Sebastian para samahan ang dalawa.

“Velasco.” tawag ni Sebastian sa dumating na sundalo, bago pa makasakay si Richard.

Nabaling naman ang paningin ni Lorenzo at Richard sa nagsalita.

“Sir.” magalang na saad ni Lorenzo at sumaludo pa sa sundalong nakatataas sa kanya.

“Puwede ba kitang makausap kahit saglit lang Velasco.” saad ni Sebastian.

Sa narinig ay nakaramdam ng inis si Richard kay Sebastian.

“Baste paalis na kami ni Renz, hindi ba makakapaghintay ang gusto mong sabihin.” saad ng inis na si Richard.

“Private Manalo, ganyan ka ba makipag-usap sa nakatataas sa’yo?” baling naman ni Sebastian kay Richard.

Natigilan naman si Richard sa narinig at ’di ito makapaniwala na ginamit ni Sebastian ang ranggo nito, para makaganti sa hindi niya pagpansin mula pa kanina sa huli.

“Sorry sir.” saad ni Richard, kahit pa sa mga oras na ’yon ay inis na inis ito kay Sebastian.

Naguguluhan naman si Lorenzo sa nakitang pag-uusap ng dalawa at naisip na mukhang may alitan ang mga ito.

“Sir, okay lang naman na mag-usap tayo.” saad ni Lorenzo para pumagitna sa dalawa.

“Salamat Velasco.” saad ni Sebastian. “Manalo, pwede bang pumasok ka sa jeep habang may pinag-uusapan kami.” baling naman nito kay Richard.

“Okay sir.” saad ni Richard, kahit pa gustong-gusto ng suntukin sa mukha ang Komandante dahil sa utos nito.

Lihim na napangiti si Sebastian sa nakitang pagpipigil ng galit ni Richard sa kanya.

“Gusto kitang makausap tungkol kay Richard.” simula ni Sebastian sa pag-uusap nila ni Lorenzo.

“Anong tungkol kay Chard, sir?” tanong ni Renz, kahit pa may ideya na ito sa nais ng kausap.

“Nalaman ko kay Richard na may gusto ka sa kanya at sinabi rin niya sa’kin ang mga nangyari kahapon. At para malaman mo kung bakit niya ipinaalam sa akin ang lahat, sa dahilang may relasyon kaming dalawa.” walang paligoy-ligoy na saad ni Sebastian.

“Gaya nga na sabi mo sir, alam mo na rin siguro na tinanggihan ako ni Richard at may ideya na rin ako bago pa tayo mag-usap na ikaw ang dahilan, kaya ’di kayang suklian ni Chard ang nararamdaman ko. ’Wag kang mag-alala sir, alam ko kung hanggang saan na lang ako pagdating kay Richard.”

Sa narinig kay Lorenzo, napatunayan ni Sebastian na mabuting tao nga ang una. Kung tutuusin, maari itong gumawa ng kwento na makakasira sa kanila ni Richard pero ’di nito ginawa At napatunayan rin niya na mahal nga talaga siya ni Richard. Kaya ngayon tatanggapin ni Sebastian, kahit gaano pa katagal bago siya patawarin ng bunso ng Heneral.

“Mabuti naman kung ganun. Isa pang dahilan kaya gusto kitang makausap, kakailanganin namin ng mga dagdag pang sundalo para sa operasyon ng AFP laban sa isa pang lider ng mga terorista. At napatunayan mong mahusay ka, sa pakikipaglaban natin sa Maguindanao. Kaya tatanungin kita, gusto mo bang sumama muli sa isa pang misyon.”

Natigilan naman si Lorenzo sa mga nalaman at inaamin n’ya na malaking bagay ang purihin siya ng sundalong nakatataas sa kanya.

“Sige sir! Malugod kong tinatanggap ang misyon.” sagot ni Lorenzo at sumaludo pa ito sa Komandante.

“Salamat Lorenzo at sana walang ibang makakaalam sa misyon natin lalong-lalo na si Richard.” saad ni Sebastian at paalala pa nito.

“Naiintindihan ko sir.” saad ni Lorenzo at alam nitong confindential ang mga napag-usapan nila ng Komandante.

“Mabuti naman, sige puntahan mo na si Manalo at baka ’di na mapigil ang inis nun sa’kin.” saad ni Sebastian at tinignan pa ang nakatingin sa kanilang si Richard na nasa loob ng jeep.

“Oo nga sir, mukhang badtrip nga sa’yo.” saad ni Lorenzo bago tuluyang puntahan si Richard.

Tinignan naman muli ni Sebastian ang naghihintay kay Lorenzo na si Richard. At nang magtama ang mga mata nila, nginitian niya ito pero umiwas kaagad si Richard na tingin sa kanya.

‘Lalo yatang nagalit.’ bulong sa isip ni Sebastian at nangingiti pa ito sa nakitang inis na mukha ni Richard, na lalong gumwapo sa paningin niya sa ganung itsura.

Pagkasakay naman ni Lorenzo sa jeep kasama si Richard.

“Anong pinag-usapan n’yo ng nakakaasar na Komandanteng ’yon?” bungad na tanong ni Richard kay Renz bago pa nito paandarin ang jeep.

“Confindential Chard.” sagot ni Lorenzo.

“Renz ’wag mo namang gayahin ang sinabi ni Baste sa akin, so ano nga?” pilit pa ni Richard.

“Ang kulit mo Chard, o s’ya sinabi sa akin ni sir na ’wag daw akong umaligid pa sa’yo at binakuran ka na daw niya.” pagsisinungaling ni Lorenzo para tumigil na si Richard.

Sa narinig ay pinamulahan ng mukha si Richard at ’di ito makapaniwala na nagawang sabihin ’yon ni Sebastian.

Nakita ni Lorenzo ang pamumula ng mukha ng kasama at napatunayan niya na mahal nga ni Richard si Sebastian. At alam nitong ganun din ang nararamdaman ng Komandante kay Richard, kaya ’di man nasuklian ang pag-ibig niya ng namumulang kasama, masaya siyang malaman na masaya naman si Richard.

PANG-DALAWAMPU

Gaya nga ng plano ni Sebastian, kasalukuyan niyang tinatawagan ang mga kaibigang si Erick at Vince. Sa ganitong paraan, gusto niyang patunayan na seryoso ito sa panliligaw kay Richard at ang paghingi ng basbas sa mga kuya ng huli ang una nitong naisip.

“Hello tol napatawag ka?” bungad ni Erick sa kanya sa kabilang linya.

“May importante akong sasabihin tol.” simula ni Sebastian.

“ Ano ’yon tol?“ tanong ni Erick

“Bago ko sabihin tol, kasama mo ba si Vince? Kailangan rin kasi niyang marinig ang sasabihin ko.”

“Teka lang tatawagin ko.” sagot sa kanya ni Erick at narinig nga ni Sebastian ang pagtawag ng una kay Vince.

“Baste ba’t napatawag ka bigla?” bungad na tanong ni Vince sa kabilang linya.

“Gaya ng sinabi ko kanina kay Erick, may importante akong sasabihin sa inyo.”

“Sige tol, sabihin mo na kung ano ’yon at makikinig kaming dalawa ni Vince.” saad ni Erick.

“Mahal ko ang kapatid ninyo.” walang paligoy-ligoy na saad ni Sebastian sa magkapatid.

“Baliw ka ba?!” malakas na saad ni Erick

“Nasisiraan ka ba?!” malakas na saad rin ni Vince matapos marinig ang sinabi ni Sebastian.

“Seryoso ako mga tol, kaya nga ipinapaalam ko sa inyo at lalong seryoso ako kay Richard.” saad ni Sebastian.

“Hindi! Kung anuman ’yang nararamdaman mo, ’wag mong idamay si bunso!” galit na saad ni Erick.

“Tama si kuya, Baste. Isa pa malaking gulo lalo na ’pag nalaman ni papa.” nababahalang saad naman ni Vince.

“Alam ko naman ’yon mga tol, pero gaya nga nang sabi ko sa inyo, mahal ko si Richard at alam kong ganun rin ang nararamdaman ng kapatid ninyo sa akin.”

“Gaya nga ng sinabi ko kanina ’wag mong idamay si bunso at ’di ako makapaniwala na kapalit ng pagbabantay sa’yo ni Richard, sinamantala mo para sa pansarili mong interes.” nagpupuyos sa galit na saad ni Erick sa kaibigan.

“Tol maniwala ka, mahal ko ang kapatid ninyo.” giit ni Sebastian at kahit pa galit sa kanya ang kaibigan ay naiintindihan niya ito.

“Mahal? Siraulo ka ba? Paano si Rachelle?” galit parin na saad ni Erick.

“Tol matagal na kaming wala nun.” maagap na sagot ni Sebastian.

“Siguro sa’yo tapos na kayo. Paano dun sa babae? ’Di bale, ’wag mo nang sagutin dahil ngayon palang sinasabi ko na sa’yo, ako ang makakalaban mo kapag hindi mo nilubayan si bunso.” galit at pinal na saad ni Erick.

“Sandali tol.” nanghihinang saad ni Sebastian sa narinig na galing kay Erick.

“Hayaan mo muna si kuya Baste, ako man nagulat sa narinig ko, pero kung mahal niyo talaga ni Chard ang isa’t-isa, sige susuportahan ko kayo.” saad ni Vince na naiwang kausap ni Sebastian.

“Sa-salamat tol.” saad ng nabuhayang loob na si Sebastian at ’di nito namalayan na tumulo na pala ang kanyang luha dahil sa takot na mawawala si Richard sa kanya.

“Mukhang tinamaan ka nga kay Chard hahaha at ang matapang na kilala kong Komandante ay napaiyak.” asar ni Vince na ’di nakalusot ang narinig na garagal na boses ni Sebastian.

“Sobra tol at salamat sa’yo.”

“Huwag ka munang magpasalamat, hayaan mo kakausapin ko si kuya para sa inyo ni Chard. Alam mo naman sa aming dalawa mas spoiled at protective ’yon pagdating kay Richard.”

“Sige tol at sana magbago ang isip ni Erick.”

“Sana nga tol, sige ibaba ko na ’to.” huling saad ni Vince.

Matapos makausap ang mga kaibigan ay napabuntong hininga na lang si Sebastian. Hindi man natanggap ng isa sa kanyang mga kaibigan, ang pagtatapat nito ng nararamdaman niya kay Richard, hindi ito susuko at papatunayan niya sa pamilya ng huli na totoo at tapat ang nararamdaman niya sa kanilang bunso.

Sunod na tinawagan ni Sebastian ay si Lorenzo.

“Hello sino ’to?” bungad ng nasa kabilang linya.

“Si Major Manlangit ’to, Velasco.”

“Sir! Anong atin?” gulat na reaksyon ni Lorenzo.

“Ipapadala ko sa’yo ang mga intel sa susunod nating misyon at tumawag rin ako para ipaalam na ako na lang ang susundo kay Richard mamaya.”

“Okay sir, naiintindihan ko at nagkausap na rin kami ni Richard tungkol diyan sir at huling pagsundo ko na ’yung kanina.”

“Ganun ba, o sige tatawagan na lang ulit kita sa susunod para sa misyon.”

“Okay sir.”

Matapos makausap si Lorenzo ay napangiti si Sebastian sa nalaman, naisip rin niya na gumawa ng paraan si Richard para hindi na siya magselos.

’At sana sa gagawin ko mamaya, mapatawad mo na ako baby.“ saad sa isip ni Sebastian.

Dumating ang oras ng pag-uwi ni Richard at paglabas niya sa kampo ay bumungad ang pamilyar na itim na sasakyan sa kanya at sunod na nakita nito, ang pagbaba ng may-ari ng sasakyan, wala iba kungdi si Major Sebastian Manlangit na nakasuot pa ng uniporme.

Hindi lang si Richard ang nakakita sa presensya ng Komandante, maging ang mga kapwa niya sundalong naroon ay nakita rin si Sebastian. At sunod na nakita na lang ni Richard ang pagsaludo ng mga kasamahang sundalo, sa dumating na si Major Manlangit na nakatataas sa kanila. Nakita rin ni Richard ang pagtingin ng kasamahang sundalo sa kanya at ng matanto na tanging siya na lang ang hindi pa nagbibigay galang sa dumating na Komandante, mabilis rin itong sumaludo.

“Sir.” saad pa ni Richard.

Kita ni Sebastian ang nabiglang itsura ni Richard at lihim pa itong napangiti sa nakitang hiyang reaksyon ng huli pagkatapos.

Sumaludo naman pabalik si Major Manlangit sa mga sundalong naroon at mabilis rin na pinuntahan ang nag-iisang sundalong sadya niya sa lugar na ’yon.

Kita ni Richard ang papalapit na presenya ni Sebastian sa kanya at ’di niya maiwasang kiligin sa naisip na siya ang sadya nito, kaya narito ngayon ang Komandante.

“Someone told me that you’ll nide a ride.” bulong ni Sebastian sa tenga ni Richard pagkalapit nito.

Alam ni Richard na namumula ngayon ang mukha niya dahil sa ginawa ni Sebastian. Bukod sa hiya sa maraming taong naroroon, inaamin niya na kinilig ito sa simpleng ginawa na ’yon ng Komandante.

“Sir Manlangit, mukhang gustong-gusto mo talaga ang atensyon sayo ng iba ah.” mahinang saad ni Richard.

“Nagkakamali ka Private Manalo, tanging atensyon mo lang ang gusto ko at wala ng iba pa.” balik ni Sebastian.

Sa narinig ay pilit na pinigilan ni Richard ang sobrang kilig na nadama na dulot ni Sebastian.

“Mabuti pa Major Manlangit ay umuwi na tayo at tigilan mo ako sa kakabanat mo dahil hindi mo ’ko madadaan sa mga ganyan.” seryosong saad ni Richard kahit pa ang totoo ay nanlalambot parin ito sa kilig na nadarama sa mga oras na ’yon.

“Private Manalo, hindi banat ang mga sinabi kong ’yon dahil totoong ikaw lang ang laging hinahanap ng mga mata ko.” saad ni Sebastian at walang paalam nitong hinawakan ang isang kamay ni Richard.

“Baste, maraming mga tao.” nababahalang saad ni Richard at kaagad hinila ang kamay na hawak ni Sebastian.

“Hayaan mo sila, kung tutuusin hahalikan rin sana kita, kaya lang ’di ko pa puwedeng gawin ’yon dahil ’di mo parin ako napapatawad.” seryosong saad ni Sebastian at hindi pinakawalan ang kamay na hawak.

“Ewan ko sa’yo, pero tama ka at hindi pa kita pinapatawad, kaya ’wag kang gagawa ng ’di ko magugustuhan.” kunwaring galit na saad ni Richard na muntik ng ’di mapigilan ang kilig, na dulot ng mabulaklak na salita na galing sa lalaking hawak ngayon ang kanyang kamay.

“Yes boss.” saad ni Sebastian at sumaludo pa ito kay Richard.

Sa ginawa ni Sebastian ay namula ang mukha ni Richard lalo pa at nakita niya ang pagtataka sa mga mukha ng mga sundalong nakakita sa ginawang pagsaludo sa kanya ng Komandante.

“Tara na nga Sir Manlangit at pinag-titinginan na nila tayo.” nahihiyang saad ni Richard at siya na ang humila sa kamay na una para lisanin na nila ang kampo.

Pagkapasok ng dalawa sa sasakyan.

“Ang dami mo talagang alam, Baste.” simangot na saad ni Richard dahil sa hiyang naramdaman niya kanina.

“Chard, isa lang ang alam ko at ’yon ay ang mahal kita.” seryosong saad ni Sebastian na nakatingin ng diretso sa mga mata ni Richard.

Natigilan si Richard sa narinig, kasunod ang pamumula ng kanyang mukha. Ngayon palang kasi niya narinig na sabihin ito sa kanya ni Sebastian, liban na lang sa dalawang beses na narinig niya ito nung sila’y nagtatalik.

“Alam ko, ’di ko madalas sabihin sa’yo ang nararadaman ko. Kaya ngayon makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko. Private Richard Manalo, mahal na mahal na mahal na mahal kita at mula ngayon hindi ko lang ipapadama sa’yo ito, ipaparinig ko rin ang laman ng puso ko at kung gusto mo’y ipagsisigawan ko pa ito ngayon dito mismo sa kampo.”

Hindi na kinaya pa ni Richard ang nag-uumapaw nitong kilig at saya sa mga narinig kay Sebastian, kaya naman nawala na ng tuluyan ang sakit na dulot ng pagdududa ng huli sa kanya. At bago pa gawin ng Komandante na ipagsigawan nga dito ang pag-ibig nito sa kanya, na alam ni Richard na kayang gawin ’yon ng walang kinatatakutang si Sebastian. Hinila ni Richard ang kuwelyo ng unipormeng suot ng Komandante at pinagtapo ang kanilang mga labi.

Hindi inaasahan ni Sebastian ang ginawang ’yon ni Richard, pero mabilis rin niyang tinugon ang paghalik sa kanya ng huli at inaamin niyang sobra nitong namiss at hinanap-hanap ang matamis ng mga labing ’yon ni Richard. At ngayong kusang binigay ito ni Richard sa kanya, masaya si Sebastian at alam nitong napatawad na siya ng bunso ng Heneral.

“Thank you baby and I love you.” saad ni Sebastian pagkahiwalay ng mga labi nila ni Richard.

“Mahal din kita sir.” saad ni Richard at kahit alam nitong namumula ang kanyang mukha ay tumingin ito ng diretso sa mga mata ni Sebastian.

“Ang sarap naman marinig nun baby.” nakangiting saad ni Sebastian sa tunay nitong nararamdaman.

“Last mo nang maririnig ’yon Baste, mabuti pa paandarin mo na ang sasakyan ng makauwi na tayo.” kunwaring galit na saad ni Richard at tumingin sa bintana para makaiwas, dahil sobrang kilig ang dulot nito sa kanya tuwing tatawagin siyang baby ni Sebastian.

“Masusunod baby at sana pag-uwi natin gumawa na tayo ng baby.” ngising saad ni Sebastian.

“Ewan ko sa’yo Major Manlangit.” naiiling na saad ni Richard, kahit pa ang totoo ay ganun din ang kanyang nasa isip.

PANG-DALAWAMPUT-ISA

Pagdating sa bahay nila Richard at Sebastian, parehong nagulat ang mga ito pagkakita sa dalawang taong kasalukuyang nasa sala.

“Bunso!” malakas na saad ni Erick pagkakita kay Richard at lumapit ito para yakapin ang bunsong kapatid.

“Kuya.” masayang saad ni Richard at niyakap pabalik si Erick.

Samantalang kinakabahan naman sa mga oras na ’yon si Sebastian, dahil alam nitong hindi payag si Erick sa nararamdaman niyang pag-ibig para kay Richard.

“Kuya ako naman.” saad ni Vince na lumapit sa mga kapatid.

Humiwalay naman si Erick sa pagyakap sa kanilang bunso, para bigyan ng daan si Vince. Niyakap nga ni Vince si Richard na sinuklian rin ng mahigpit na yakap ng huli, pero bago tuluyang humiwalay kay Richard, may ibinulong si Vince sa kapatid.

“Alam ko na ang sa inyo ni Baste.”

Sa narinig ay nababahalang tinignan ni Richard ang kuyang si Vince.

“Kuya, may ibibigay lang ako kay Chard at iwan na muna namin kayong dalawa.” saad ni Vince para makapag-usap sila ni Richard at alam rin nitong kailangan rin mag-usap ng kanyang kuya Erick at ng kaibigan nilang si Baste.

Gaya ng paalam ni Vince nagpunta nga silang dalawa ni Richard sa kwarto ng huli.

“Huwag kang mag-alala bunso, suportado ko kung anong meron kayo ni Baste.” saad ni Vince sa kapatid, na kita niyang nababahala ang mukha.

“Kuya.” tanging saad ni Richard, na hindi parin makapaniwala na alam na ng kuya Vince niya ang tungkol sa kanila ni Baste.

“Chard, walang kang dapat ikatakot. Gaya nga ng sabi ko, tanggap kita kahit ano ka pa at tanggap ko rin kayo ni Baste.”

“Sa-salamat kuya.” saad ni Richard at muling niyakap ang kapatid.

“Wala ’yon, pero hindi pa tanggap ngayon ni kuya Erick ang sa inyo ni Baste.” saad ni Vince.

Sa narinig ni Richard ay humiwalay ito sa pagyakap sa kapatid.

“Alam rin ni kuya!? Paano niyo pala nalaman?”

“Oo alam rin n’ya at kanino pa namin malalaman kungdi kay Baste.”

“Ka-kailan pa kuya?” tanong ni Richard na gulat parin sa mga nalaman.

“Kaninang umaga lang, tinawagan kami ni Baste at ipinaalam sa amin na may gusto siya sa’yo.” kwento ni Vince.

“Mahal ko rin si Baste kuya.” saad naman ni Richard.

“Alam ko at alam kong totoo rin na mahal ka ni Baste, pero gaya nga ng sabi ko hindi pa tanggap ni kuya.”

“Kung ganun, kakausapin ko siya at ipapaliwang kong mahal namin ni Baste ang isa’t-isa.” saad ni Richard at lalabas na sana pero mabilis itong napigilan ni Vince.

“Huwag na Chard, siguradong nag-uusap na rin sa ngayon sila kuya at Baste.” paliwanag ni Vince sa kapatid.

“Pero paano kuya, kung hindi nga matanggap ni kuya Erick ang sa amin ni Baste.” nababahalang saad ni Richard.

“Huwag mo munang isipin ’yon, mabuti pa ikwento mo sa akin kung paano kayo nagkagusto ni Baste sa isa’t-isa.”

“Kuya ’wag na at baka mailang ka lang, alam mo na at pareho kaming lalaki.” nahihiyang saad ni Richard.

“Okay lang sa akin, malay mo baka isang araw sa lalaki rin ako magkagusto.” nangingiting biro ni Vince, para kahit papaano’y mawala ang pagkabahala ng kapatid.

Samantala, sa pag-alis ni Richard at Vince, sandaling nabalot ng katahimikan ang dalawang Komandante.

“Tol.” saad ni Sebastian at simula nito sa pag-uusap nila ni Erick.

Walang naging sagot sa kanya si Erick, gayunpaman desidido si Sebastian na pag-usapan nila ang tungkol kay Richard.

“Anong puwede kong gawin tol, para maniwala kang mahal ko si Richard.” saad muli ni Sebastian at tinumbok ang gusto nitong pag-usapan nila ni Erick.

“Wala, wala kang dapat gawin dahil hindi kayo magkakaroon ng relasyon ni bunso.” seryosong saad ni Erick.

“Hindi tol, hindi ako makakapayag, nirerespeto kita bilang kaibigan ko at kuya ni Richard, pero sa tingin ko si Richard lang ang pwedeng magsabi sa akin kung maari o hindi kami pwedeng magkaroon ng relasyon.” seryosong balik ni Sebastian.

“Eh tarantado ka pala, sa ginawa mong pagsamantala sa kahinaan ng kapatid ko, hindi mo na dapat pang ituring na kaibigan ako dahil wala akong kaibigang ahas.”

“Tol naman, hindi ko pinagsamantahan ang kapatid mo at totoong mahal ko siya.” giit ni Sebastian.

“Kalokohan, kahit ano pang sabihin mo hindi mo na mababago ang isip ko, mabuti pa umalis ka na sa pamamahay namin at sigurado akong ’yun din ang gagawin ni papa dahil sasabihin ko sa kanya ang ginawa mo sa kapatid ko.” galit parin na saad ni Erick.

Sa narinig, ibayong gulat at pagkabahala ang naramdaman ni Sebastian. Alam niyang mas paniniwalaan ni Heneral ang panganay na anak kaysa sa kanya.

“Tol naman, maniwala ka sa akin at ’di ko pinagsamantalahan si Richard. Kung gusto mo, ako ang kakausap kay Heneral at ipagtatapat ko sa kanya ang nararamdaman ko sa kapatid mo.”

“Para ano? Nang sa ganun ay mapaniwala mo si papa na totoo na mahal mo si Richard? Kilalang-kilala kita Sebastian, alam kong babaero ka at ’di imposibleng iwan mo rin si bunso kapag nagsawa kana sa kanya.” galit parin na sigaw ni Erick.

“Hindi totoo ’yan Erick, mahal ko ang kapatid mo at kung talagang kilala mo ako, alam mo rin na hindi ako babaero.”

“Tignan na lang natin, kung sino ang paniniwalaan ni papa at mas importante kung sino ang paniniwalaan ni Richard.” ngising saad ni Erick dahil alam nitong walang pag-asa na kampihan si Sebastian ng dalawa kumpara sa kanya.

“Tol.” mahinang saad ni Sebastian at alam nito sa mga oras na ’yon, na mukhang hindi na mababago pa ang pagtutol ng kaibigan sa pag-iibigan nila ni Richard.

“Kuya!”

Napatingin ang dalawang Komandante sa taong pinanggalingan ng sigaw.

Ilang minuto bago ’yon, habang kinukwento ni Richard sa kuyang si Vince ang pangyayari sa nakalipas na ilang araw sa kanila ni Sebastian. Kita ni Vince ang masayang mukha ng kapatid at bago pa matapos ang pagkukwento ni Richard, nagulat sila ng marinig ang malakas na boses na na nanggagaling sa dalawang Komandante.

Sa narinig ni Richard, kaagad itong lumabas ng kwarto para puntahan ang kuya nito at si Sebastian, na batid niyang mukhang nagtatalo ang dalawa.

“Kuya!” sigaw ni Richard para matawag ang pansin ni Erick. Wala man naintidihan sa naging pag-uusap ng dalawa, batid ni Richard sa narinig na malakas na boses ng dalawa, na may pinag-tatalunan ang mga ito.

“Bakit bunso?” mahinahong tanong ni Erick sa kapatid, na parang walang nangyaring away sa kanila ni Sebastian.

“Ayos lang ba kayong dalawa.” saad ni Richard.

“Oo naman bunso, may dapat ba kaming pag-awayan ni Sebastian?” sagot ni Erick at tanong pa sa kapatid.

Sa naging sagot na ’yon ng kanyang kuya Erick, bumaling naman ang paningin ni Richard kay Sebastian, na sa mga oras na ’yon ay nanatiling tahimik lang.

“Baste, sabihin mo sa akin ang totoo, may pinag-aawayan ba kayo ni kuya?”

Sa narinig, sandaling natigilan si Sebastian. Gusto man nitong sabihin ang totoo, ayaw ni Sebastian na ang magkapatid naman ang mag-away.

“Wala, Chard.” pagsisinungaling ni Sebastian na ’di nito magawang tingnan ng diretso ang una.

Lihim naman na napangiti si Erick sa narinig kay Sebastian.

Sa nakitang ’di magawang tignan siya ni Sebastian, alam ni Richard na hindi nagsasabi ng totoo ang una sa kanya.

“Alam ko na alam mo na rin kuya, na may namamagitan sa amin ni Baste. At hindi ko magagawang pilitin ka na matanggap kami, pero hindi ko iiwanan si Baste anuman ang mangyari.” baling ni Richard sa kuyang si Erick.

Napatingin ang dalawang Komandante sa nagsalitang si Richard.

Si Sebastian ay masaya sa narinig, ngunit nababahala na baka mag-away ang magkapatid.

Si Erick naman ay nagulat sa sinabi na ’yon ng kanilang bunso, pero bilib ito sa matapang na paninindigan ng huli.

“Kung ganun, kalimutan mo ng kuya mo ako, tutal mukhang nabilog na ng tuluyan na gagong ’yan ang ulo mo.” galit na saad ni Erick.

“Kuya.” nababahalang saad ni Richard sa narinig.

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? ’Wag mo akong tawaging kuya, kung hindi mo kayang hiwalayan ang taong ’yan.” saad ng galit paring si Erick habang nakaturo pa ang daliri sa nakayukong ni Sebastian.

“Ganyan na ba katigas ang puso mo kuya, ano bang dahilan kung bakit ’di mo kami mataggap ni Baste, dahil ba sa pareho kaming lalaki? Galit ka ba sa mga bakla?” saad ni Richard at ’di na napigilan pa ang maiyak dahil sa sama ng loob sa mga narinig nito sa kanyang kuya.

Kapwa natigilan ang dalawang Komandante sa nakitang pag-iyak ni Richard.

Nang makabawi, kaagad naman nilapitan ni Sebastian si Richard at kinulong sa mga bisig nito ang patuloy parin na umiiyak na si Richard at tinignan ng masama ang kaibigang si Erick.

Kita ng dalawang mata ni Erick ang yakapan ng dalawa at napatunayan niyang tunay ngang mahal ng dalawa ang isa’t-isa.

Lumapit na rin si Vince sa kuyang si Erick sa mga oras na ’yon.

“Ano, kuya? Nakakasiguro ka na ba?” nangingiting saad ni Vince.

“Oo, mukhang ngang anumang oras, susuntukin na ’ko ni Baste dahil pinaiyak ko si bunso.” naiiling at nangingiting saad ni Erick sa katabing si Vince.

“Oh tama na ’yan Baste, mukhang tsinatsansingan muna ang bunso namin eh.” nakangiting saad ni Erick para maputol na ang yakapan ng dalawa.

Naguguluhan naman na napatingin ang dalawa sa nakangiting si Erick.

“Kuya.” saad ni Richard.

“Tol.” saad ni Sebastian.

“Sige na payag na rin ako, pero Sebastian, kapag pinaiyak mo si bunso, asahan mo dalawa kami ni Vince ang bubugbog sa’yo.” saad ni Erick at babala pa nito kay Sebastian.

“Hindi mangyayari ’yon tol.” maagap na saad ni Sebastian at hindi parin makapaniwala na tanggap na rin sila ni Erick.

“Ibig sabihin nito kuya, hindi ka na galit sa amin?” tanong ni Richard sa kuyang si Erick.

“Hindi bunso, kahit kailan ’di ko magagawang magalit sa’yo dahil mahal na mahal kita, namin ng kuya Vince mo.” sagot ni Erick sa bunso nila.

“Tama si kuya, Chard. Siniguro lang n’ya na mahal ka talaga ni Baste.” nakangiting saad naman ni Vince.

“Tol, ingatan mo si bunso ha, pasensyan na rin sa mga pinagsasabi kong hindi maganda tungkol sa’yo kanina, alam mo na, kasama ’yon sa acting para maging kapani-paniwala.” nakangiting baling ni Erick sa kaibigan.

“Ayos lang ’yon tol, pero inaaamin ko sumama ang loob ko sa’yo kanina. Pero asahan mo, iingatan ko si Chard.” saad ni Sebastian.

“Mabuti kung ganun, bunso patawarin mo si kuya ah.” baling ni Erick kay Richard.

“Oo naman kuya, naiintidihan ko kung bakit mo nagawa ’yon.” sagot ni Richard habang pinupunasan ang natirang luha dulot ng pag-iyak nito.

“Halika, payakap muli si kuya.” saad ni Erick. Kaagad naman pinagbigyan ni Richard ang hiling na ’yon ng kuyang si Erick at niyakap niya nga ito.

“Huy sali ako d’yan.” saad naman ni Vince at yumakap sa mga kapatid.

Sa nasaksihan, lubos na masaya at nabunutan ng tinik si Sebastian. Dalawang tao na lang ang natitirang kailangan niyang ligawan, para tuluyan ng maging legal ang relasyon nila ni Richard.

“Huy Baste, sumama ka na rito.” saad ni Erick at aya sa kaibigan sa yakapan nilang magkakapatid.

Kaagad naman lumapit si Sebastian at sumali sa yakapan ng tatlo.

“Kuya, hayaan muna si Chard kay Baste at alam kong kanina pa n’ya gustong masolo ang bunso natin.” saad ni Vince at humiwalay na ito sa yakapan nila.

“Oo nga, pero Baste, bunso. Habang naririto kami, bawal kayong matulog sa iisang kuwarto.” seryosong saad ni Erick at tinignan isa-isa ang dalawa.

“Kuya!” saad ni Richard na pulang-pula ang mukha sa sinabi ng kapatid.

“Tama si kuya bunso, baka kaagad kang mabuntis ni Baste.” gatong naman ni Vince.

“Kuya Vince!” ’di makapaniwalang baling ni Richard sa isa pa nitong kuya.

“Mga tol, pananagutan ko naman ang bunso n’yo kapag nangyari ’yon.” saad naman ng nakangising si Sebastian.

“Ewan ko sa inyo tatlo!” saad ng pulang-pulang si Richard at mabilis na iniwanan ang tatlo.

PANG-DALAWAMPUT-DALAWA

Maingay at masaya ang kasalukuyang hapunan sa bahay ng mga Manalo sa gabing ’yon. Inaasahan na ni Aurora ang pagdating na ’yon ng dalawang sundalo pa nitong anak na galing sa misyon sa South Cotabato. Kaya naman pagdating nila sa bahay ng kanyang asawang Heneral, kaagad niyang inihanda ang mga paboritong pagkain ng mga ito, sa tulong na rin ng mga kasambahay nila.

At ngayon nga habang naghahapunan sila, abala ang kanyang asawang Heneral pati na ang tatlong nilang anak sa pakukuwento sa mga nakalipas na araw na nangyari sa bawat isa. Nakadagdag pa sa kwentuhan at asaran ng mga ito, ang bisita nilang si Baste na kaibigan naman ng dalawa nitong anak at parang anak na rin ang turing nila ng kanyang asawa.

“Tama na muna ang kwentuhan, kumain kayo ng marami at alam kong matagal-tagal niyo rin na hindi natikman ang mga luto ko.” saad ni Aurora sa dalawang anak.

“Oo nga mom, ngayon pa lang ulit kami makakain ng masarap ni kuya.” sang-ayon ni Vince sa mama nito.

“At mukhang hindi lang kami ang nakamiss sa mga luto mo ma, pati na rin si Baste na ilang linggo pa lang ng mabalitaan namin na bumalik na ng Makati, ngayon nandito ulit.” saad ni Erick, na sa likod nito’y iba ang nais nitong tumbukin, sabay senyas sa katabing si Vince.

Kita ni Vince ang ginawang senyas na ’yon sa kanya ng kuyang si Erick at alam nito kung anong nais ng huli sa mga oras na ’yon.

“Oo nga ma, pero baka naman may iba pang namiss si Baste kaya agad siyang bumalik sa atin.” saad ni Vince.

Sa narinig ni Richard sa mga kapatid ay kaagad na pinamulahan siya ng mukha at batid nitong s’ya ang tinutukoy ng mga alaskador nitong mga kuya.

Kasabay ng pamumula ng mukha ni Richard, naubo naman si Sebastian sa narinig din sa dalawang alaskador na kaibigan.

“Kayong dalawa, tigilan niyo nga si Baste at baka hindi na siya dumalaw ulit dito sa atin.” saway ni Aurora sa dalawang anak ng makita ang nanyaring ’yon kay Baste.

“Malabong mangyari ’yon ma.” sabay na saad ni Erick at Vince na nakakuha ng atensyon sa mga kasama sa hapag dulot ng parehong sinabi nila. Nag-apir pa ang dalawa matapos nun.

“May alam ba kayo na hindi namin alam ng mama n’yo.” seryosong saad ni Heneral Manalo, na ikinatahimik ng lahat.

Parehong kinakabahan sa mga oras na ’yon si Sebastian at Richard na baka sabihin nina Erick at Vince ang tungkol sa kanilang dalawa.

“Anong ibig mong sabihin pa? Binibiro lang namin si Baste, na mukhang namiss talaga ang luto ni mama.” sagot ni Erick sa ama, na bagamat sang-ayon ito sa relasyon ni Richard at Sebastian, ayaw nitong sa kanya manggaling ang sikreto ng dalawa.

“Oo nga pa, alam niyo na matagal din namin na hindi nakasama si Baste, kaya inaasar lang namin ni kuya.” saad naman ni Vince.

“Oo nga naman Dado.” baling ni Aurora sa naging seryosong mukha ng asawa. “Pero tama na ’yang asaran na ’yan at kumain na tayo.” saway ulit ni Aurora sa dalawang anak.

Nagpatuloy sa pagkain ang lahat at kahit papaano ay nawala na ang tensyon na dulot ng seryosong pagtatanong ng Heneral kanina.

Pagkatapos kumain, tinulungan ni Richard ang mama nito sa pagliligpit sa mga natirang pagkain sa hapag.

“Chard anak, kami na ni manang ang bahala rito, samahan mo na lang ang mga kuya mo sa sala.” taboy ni Aurora sa anak.

Yun nga ang ayaw mangyari ni Richard, magmula pa kasi kanina ng matapos malaman, na tanggap ng parehong kapatid ang sa kanila ni Baste, hindi na ito tinantanan pa ng pang-aasar ng dalawa.

“Okay lang mom, isa pa gusto kong ako ang unang makakatikim ng cake na bi-nake mo.” bola ni Richard sa mama nito.

“Ikaw talaga, o s’ya kung ’yan ang gusto mo.” sukong sabi ni Aurora.

Samantalang naiwan sina Erick, Vince at Sebastian sa sala na nanood ng sports channel sa tv.

“Kuya, muntik na tayo kanina.” natatawang saad ni Vince patungkol sa nangyaring pagtatanong ng kanilang ama.

“Kasalanan n’yong magkapatid, alam niyo naman na kumukuha pa ako ng tiyempo kay Heneral.” naiiling na saad ni Sebastian sa kalokohan ng magkapatid.

“Eh paano, bago kasi dumating sila papa, mukhang gusto mo ng pasukin si bunso sa kwarto niya.” saad ni Erick.

“Tama si kuya Baste, pigilan mo muna ang sarili mo ’pag magkatabi kayo ni Chard, baka makahalata si papa sa’yo.” saad ni Vince.

“Mga tol kung alam niyo lang, ibayong pagpipigil ang ginagawa ko, pero anong magagawa ko, ilang araw na akong nasasabik kay Richard.” saad ni Sebastian sa nararamdaman nito.

“Langya! Pasalamat ka talaga at lalaki rin si bunso, kungdi malamang buntis na ngayon ’yon dahil sa’yo.” naiiling na saad ni Erick sa kaibigan.

“Ang gawin mo, magsalsal ka na lang gago, dahil sa amin ni kuya tatabi si Chard mamaya para sigurado.” asar naman ni Vince sa kaibigan.

“Tol naman!” reklamo ni Sebastian sa narinig.

“Tama si Vince, Baste. Maawa ka naman kay bunso.” sang-ayon ni Erick sa kapatid.

At sa narinig na ’yon, parang nalugi ang itsura ni Sebastian dahil alam nitong bantay sarado si Richard sa dalawa.

Kita nila Erick at Vince ang reaksyon ni Baste at nag-apir pa ang dalawa sa nagawa.

“Manlangit, mag-usap tayo sa opisina ko.” saad ng lumabas na Heneral.

Sa narinig ng tatlong sundalong kasalukuyang nanood sa sala, nagkatinginan ang mga ito at iisa ang nasa isip nila sa mga oras na ’yon.

“Patay ka Baste.” saad ni Erick sa kaibigan, pagkatalikod ng amang Heneral.

“Mukhang may mapuputulan ng kaligayahan.” ngising saad rin ni Vince sa kaibigan.

“Alam na kaya ni Heneral?” kabang tanong ni Sebastian sa dalawa.

“Mukhang oo Baste, kilala mo si papa at malakas ang pakiramdam nun.” saad ni Erick.

“Mabuti pa sundan mo na siya Baste, baka lalong magalit ’yon ’pag pinaghintay mo pa. ’Di bale, sagot na namin ni kuya ang kabaong mo.” saad at asar pa ni Vince.

“Kasalanan n’yo itong dalawa dahil sa kalokohan n’yo kanina, asahan n’yong mumultohin ko kayo ’pag nangyari nga ang sinasabi n’yo.” balik ni Sebastian sa mga kaibigan. At tumayo na ito para sundan sa opisina si Heneral Manalo, kahit pa nag-uumpisa na itong pawisan sa kaba sa mga sandaling ’yon.

Kita naman ni Richard ang masayang pag-uusap ng magkakaibigan na nasa sala at nakita rin n’ya ang paglabas ng ama, pati na ang pagsunod ni Sebastian sa amang Heneral.

“Mga kuya, heto ang mga cake n’yo.” saad ni Richard at abot sa dalawa ng cake na gawa ng mama nila.

“Salamat bunso.” saad ni Erick.

“Halika dito at tumabi ka sa amin.” yakag naman ni Vince.

“Sandali lang kuya, kukuha lang ako ng akin.” sagot ni Richard sa kapatid at bumalik ito sa kusina para kumuha ng sariling cake, pati na ng para kay Baste.

“Naks! Bunso, baka lalong mainlab n’yan sayo ’yung isa.” simula na naman ni Erick sa pang-aasar sa kapatid.

“Kuya, baka marinig ka ni mama.” nababahalang saad ni Richard.

“Huwag mong alalahanin si mama Chard, dapat kang mag-alala kay Baste at baka kasalukuyan ng pinapahirapan ni papa.” saad naman ni Vince.

“Ba-bakit kuya? Alam na ba ni papa?” tanong ng kinabahang si Richard.

“Mukhang alam na niya bunso, paano kasi masyado kayong halatang dalawa ni Baste, na kulang na lang magsubuan kayo kanina sa hapag.” sagot ni Erick at asar pa nito.

“Kuya! Kung meron man may kasalanan ay kayong dalawa ’yon ni kuya Vince.” inis ng saad ni Richard at inaamin niya na natatakot ito sa puwedeng gawin ng ama, kung totoo ngang alam na nito ang tungkol sa kanila ni Sebastian.

“Bunso, huminahon ka nga, sa tingin mo hahayaan namin na may mangyaring masama kay Baste, isa pa biro lang namin ’yung kanina pati na ang nasabi ni Vince na papahirapan ni papa si Baste.” seryosong baling ni Erick sa kapatid.

“So-sorry mga kuya, nag-aalala lang ako kay Baste.” nakayukong paumahin ni Richard sa mga kapatid dahil sa pagtataas nito ng boses kanina.

“Ayos lang ’yon, Chard. Mabuti pa kainin na lang natin ang cake na gawa ni mama at baka magtampo ’yon.” saad ni Vince at tinapik sa balikat ang katabing si Richard.

Huminahon naman si Richard at naisip nito, na posibleng iba marahil ang dahilan kung bakit kinausap ng ama si Sebastian.

Sa opisina ng Heneral.

“Maupo ka Manlangit.” saad ni Heneral Manalo pagkapasok ni Sebastian.

Sumunod naman kaagad si Sebastian at naupo ito kaharap ang Heneral.

“Anong pag-uusapan natin sir?” tanong ni Sebastian at pilit nilalabanan ang kaba sa mga oras na ’yon.

“Yes, about that. I spoke with the President and we already have his permission regarding with our plan with the terrorists. And tommorow we will analyze the information we have and make a strategies in order to seize and capture them, dead or alive.” paliwanag ni Heneral Manalo.

“Okay sir, I understand.” sagot ni Sebastian at nakahinga ng maluwag sa narinig.

“Oh and one more thing Manlangit, leave my youngest son alone.” seryosong baling ng Heneral sa Komandante.

“Si-sir!” gulat na saad ni Sebastian, kasabay ng ibayong kabang naramdaman nito, dahil alam na ng Heneral ang sikreto nila ni Richard.

“What! You think I’m a fool, that I still dont know about what’s going on between you and Richard?!” saad ng galit parin na Heneral na tumayo na sa mga sandaling ’yon.

“Sir, thats not what and I mean. I just waiting for the right time to tell you everything about us. And the reason that I couldn’t tell you is bacause Im afraid of what you’ll gonna do after you know everything.” nakayukong sagot ni Sebastian sa Heneral habang nakaupo parin ito.

“Well guess what Manlangit, I’m very much angry about it. And I will say it again, leave Richard alone.” maotoridad na utos ni Heneral Diosdado Manalo kay Major Sebastian Manlangit.

“Sir, please dont do this to us, we love each other and I will do anything, anything to prove it to you and your family that I love Richard but please, dont do this.” sumamo ni Sebastian na tumayo na sa pagkakaupo nang sa ganun ay matignan ng diretso sa mga mata ang Heneral at para rin maiparating sa huli na nagsasabi ito ng totoo.

“Manlangit, if you really love my son, give him the best thing, and a family with a wife, thats what Richard’s need.”

“Sir, but your son loves me, is it not enough that he’s happy with me?”

“No, son. Youre right he’s happy and inlove with you right now, but how about the next day, the next month and the next year? Trust me, Richard will be very much happy with a normal life with a wife and children in the future.”

“But sir, Richard can make his own choice and can choose whomever make him happy. Can we let him decide and give him that choice.” pakiusap pa ni Sebastian sa Heneral.

Sandaling natahimik si Heneral Manalo, sa narinig kay Major Manlangit. At inaamin nito na may punto ang Komandante.

“You really a stubborn one Manlangit. Fine! I will let Richard choose whoever he likes, but with one condition?” saad ng Heneral at kondisyon nito para dito.

“Sir, what is it?” maagap na tanong ni Sebastian at nabuhayan ito ng loob sa narinig.

“Accomplished the mission.” saad ng Heneral.

“Sir, yes sir!” sagot ni Sebastian na tumayo ng tuwid at sumaludo sa amang Heneral ng taong mahal niya. At sa sandaling ’yon, ipinapangako nito na gagawin niya ang lahat maging matagumpay lang ang misyon para sa bayan at para sa pag-ibig nila ni Richard.

PANG-DALAWAMPUT-TATLO

Gaya nga ng sinabi ng mga kaibigan, hindi na nasolo ni Sebastian si Richard sa gabing ’yon. Bukod pa sa bantay-saradong mga kuya, nakadagdag pa ang panaka-nakang pagtingin ng Heneral sa kanyang mga kilos laban kay Richard.

At kahit sa simpleng pag-akbay lang kay Richard ay ’di na nagawa ni Sebastian. Inaamin niya na wala siyang kinatatakutan, pero ibang usapan na kapag isang Heneral na ang kanyang katapat bukod sa nirerespeto niya ito, ama pa ito ng kanyang mahal at ayaw ni Sebastian na gumawa ng lalong ikagagalit nito.

Hanggang sa nagpaalam ng matulog si Richard sa mga kapatid at sa mga magulang nito. At ’yon ang pagkakataon na hinihintay ni Sebastian para makapag-usap sila ng una.

Nakita ni Heneral Manalo ang pagsunod ni Sebastian sa kanyang anak, pero hinayaan na lang niya ang dalawa. Sa mga araw na nagpapagaling si Sebastian sa kanila, nahalata na ng Heneral ang pagiging malapit ng dalawa sa isa’t-isa, ngunit hindi niya akalain na higit pa sa pagiging magkaibigan ang mabubuo na mga ito. At sa araw ng pagbalik ni Sebastian para dalhin sa kanya ang nakuha nitong intel sa mga terorista, nagkaroon na ng ideya ang Heheral na kaya dito mismo sa kanilang bahay dumiretso ang sundalo na ’di naman nito dating ginagawa, napatibay pa ang hinala nitong dahil ’yon kay Richard. Inaamin ng Heneral na nabahala ito sa mga nalaman, na may relasyon nga ang dalawa, pero hindi nito kaya ang paghiwalayin sila, na alam nitong ikagagalit ng kanyang bunso kapag ginawa niya iyon. Kaya naman kinompronta niya si Sebastian tungkol dito at lihim itong natuwa sa kanilang pag-uusap ng Komandante, nasiguro din niya na bukod sa pagiging matapang ng sundalo sa pakikipag-laban sa giyera, napatunayan nito ang paninindigan sa nararamdaman nito sa kanyang anak at maging ang kondisyon niya rito ay walang pagdadalawang isip na tinanggap ng Komandante.

“Mga anak, alam kong alam niyo na rin ang tungkol sa dalawa, anong reaksyon niyo rito.” seryosong baling ng Heneral sa dalawang anak ng iwan na rin sila ni Aurora.

“Pa!” sabay na saad nila Erick at Vince sa narinig.

“Matagal ko ng alam, pero may kondisyon ako kay Baste para tuluyan ko ng hayaan ang relasyon nila.” paliwanag ng Heneral.

“Mabuti naman pa, alam kong gagawin ni Baste para matupad ’yon. Siya nga ang tumawag sa amin ni Vince para ipaalam ang tungkol sa kanila ni bunso, nung una nagalit ako pero napatunayan naman nila na mahal nila ang isa’t-isa kaya hinayaan ko na rin.” saad ni Erick sa kanyang saloobin tungkol sa dalawa.

“Oo nga pa at alam namin na mabuting tao si Baste at hindi niya pababayaan si Chard.” sang-ayon naman ni Vince.

“Tama kayo mga anak.” saad ng Heneral at tumayo na ito para sundan na rin ang asawa sa kanilang kwarto.

“Kinabahan ako kay papa.” saad ni Vince ng maiwan silang dalawa ng kuyang si Erick.

“Eh ako nga rin, pero mabuti na lang at hindi tumutol si papa.” saad ni Erick.

“Oo nga kuya, pero sundan na natin si Chard at baka kinulong na ’yon ni Baste.” natatawang saad ni Vince.

“Mabuti pa nga.” naiiling na sang-ayon ni Erick.

“I love you baby.” saad ni Sebastian at hinalikan sa labi si Richard.

“I love you sir.” sagot ni Richard at hinalikan ulit sa labi si Sebastian.

At bago tuluyang maghiwalay ang labi ng dalawa ay bumukas ang pinto sa kwarto ni Richard.

“Sabi ko na nga ba! Baste tama na ’yan at baka mapudpod na ang mga labi ni bunso.” saad ni Erick pagkapasok nila ni Vince sa kwarto ni Richard.

“Kuya!” nahihiyang saad ni Richard, bukod sa sinabing ’yon ng kanyang kuya ay nahihiya rin ito sa nahuling paghahalikan nila ni Baste.

“Oo nga Baste, iligo mo na lang ’yan.” asar naman ni Vince.

“Tol naman.” sagot naman ni Sebastian.

“Baste mabuti pa lumabas ka na, sigurado akong hindi tayo titigilan nila kuya.” saad ni Richard.

“Hehe, tama si bunso, isa pa kami naman ang tatabing matutulog sa kanya.” saad ni Erick.

“Bye Baste.” asar muli ni Vince.

Wala ng nagawa pa si Sebastian at napakamot na lang ito ng ulo.

“Chard baka naman pwedeng makahingi na goodnight kiss.” baka-sakali pa ni Sebastian.

“Itong kamao ko tol, gusto mo?” biro ni Erick sa kaibigan.

“Kuya!” saway ni Richard sa kapatid.

“Sabi ko nga lalabas na ako.” saad ni Sebastian at lumabas na ito ng kwarto pero muli nitong binuksan ang pinto.

“Baste.” saad ni Richard ng makita si Sebastian.

“Goodnight pala baby.” masayang saad ni Sebastian.

“Baste!” saad ni Richard sa sinabing ’yon ni Sebastian lalo pa’t kasama nito ang mga kapatid, pero inaaamin niyang kinilig ito, kaya lang napalitan din kaagad ng hiya dahil sa nakita nitong nakangising mukha ng dalawa niyang kuya.

“Baby pala bunso ah.” asar ni Erick sa kapatid.

“Kuya!” saway ni Richard sa kuyang si Erick.

“Kung baby ka ni Baste, Chard. Anong tawag mo sa kanya? Daddy?” ngising saad naman ni Vince.

“Kuya Vince! Ewan ko sa inyong dalawa, matutulog na ako.” saway ni Richard sa kuyang si Vince at minabuting mahiga na para makaiwas sa mga ito.

“Goodnight baby.” panggagaya ni Erick kay Baste.

“Goodnight Daddy.” sagot naman ni Vince at nag-apir pa sila ni Erick sa kalokohan nila bago samahan ang bunso nila sa kama.

Pagkagising ni Richard ay wala na ang mga kasama nitong mga kuya niya na nakatabi nyang matulog. Nakasanayan na nilang tatlo ang matulog ng magkakasama, sa tuwing matagal na nawawala ang mga kuya niya dahil sa mga misyon.

Pagbaba sa kusina ay tanging ang kuya Erick niya ang naabutan nitong kumakain sa hapag.

“Morning bunso, halika sabayan mo na akong kumain.” bungad ni Erick sa kapatid.

“Morning, sige kuya.” bati ni Richard sa kapatid at pagpayag nito.

“Oo nga pala, asan silang lahat kuya?” tanong ni Richard matapos nitong umupo.

“Si mama inihatid ni papa sa ospital, sila Vince at Baste ay pumunta sa kampo at may importanteng gagawin.” sagot ni Erick sa kapatid.

“Ah, buti hindi ka nila kasama kuya?” tanong ni Richard.

“Pass muna ako, dadalawin ko rin ang ate Roxanne mo.” sagot ni Erick.

Sandaling natahimik naman si Richard sa narinig sa kuyang si Erick.

“Kung gusto mo kuya, sasamahan kita.” mungkahi ni Richard.

“’Di na bunso, pero salamat. Mabuti pa mamasyal ka na lang, pumunta ka sa mall o kaya kahit saan basta yung mag-eenjoy ka.” tanggi ni Erick sa kapatid.

“Naiintidihan ko kuya, pero promise nandito lang ako lagi kung gusto mo ng kausap.” saad ni Richard.

“Alam ko bunso, pero maiba ako, nabalitaan mo na ba ang malapit ng pag-uwi ng Pilipinas ni Hector?”

Sa narinig sa kapatid ay natigilan si Richard sa pagkain.

“Seryoso kuya? Babalik na si Hector!?” gulat na saad ni Richard.

“Oo, ’yun ang sabi sa’kin ni mama kanina. At mukhang ayaw pang ipasabi sa’yo ni Hector na uuwi siya, pero malas na lang n’ya at sinabi ko na sa’yo.”

“Hehe oo nga, siya ang susupresahin ko pagdating niya. Oo nga pala, itatanong ko kay mama kung kailan siya darating at nang masalubong ko siya sa airport.” nakangiting saad ni Richard.

“Mabuti pa nga, sigurado akong ikaw lang ang gustong makita ng amboy na ’yon kaya bumalik siya ng Pilipinas.” naiiling na saad ni Erick.

“Oo nga, eh asar na asar sa inyo ni kuya Vince ’yon.” sang-ayon ni Richard.

Sa kampo

“Men, pinaka-priority natin sa misyon nating ito ay mahuli o kaya’y mapatay ang isa pang lider ng mga teroristang grupo. At itong nakikita nyong larawan ngayon sa screen ay walang iba kungdi ang isa pa nilang lider na si Husami Muhamad na kapatid rin ng nauna na nating nahuli ng buhay na si Al Jaggar Muhamad.” saad ni Major Manlangit at paliwanag nito sa mga kasamahang sundalo ng kanilang misyon.

“Tama si Major Manlangit at alam kong mapagtatagumpayan natin ang misyon na ito gaya ng naunang misyon ng AFP sa Maguindanao. At heto ang kanilang kinaroroonan ngayon, base sa pinadalang impormasyon ng isa sa ating asset at nakumpirma na rin ito ng kapwa nating sundalo.” dagdag na paliwanag naman ni Captain Vince Manalo na minabuting samahan ang kaibigang si Sebastian sa misyon.

Ilang sandali pang ipinaliwanag ni Major Manlangit at Captain Manalo sa mga kasamang sundalo ang estratehiya at gagawing pagsalakay sa lugar na pinagtataguan ng mga natirang miyembro ng mga terorista. Pagkatapos pa nang ilang oras at matiyak na alam na nang lahat ang bawat detalye ng kanilang misyon, naghiwa-hiwalay na ang mga sundalo at muling magkikita-kita matapos ang limang araw na siyang napagkasunduan na petsa ng kanilang pagsalakay sa mga terorista.

Matapos ang ginawang pagpapaliwanag ni Major Manlangit at Captain Manalo, sumabay na rin si Private Lorenzo Velasco sa pag-alis sa mga kasamang sundalo. Habang naghihintay ng masasakyang taxi pauwi sa tinutuluyang apartment ay nakatawag ng pansin ang sumunod na narinig ni Lorenzo.

“Beep! Beep!”

Pagtingin ni Lorenzo sa bumusina ay galing pala ito sa isang dark green na sports car at nakita na lang nito ang pagbaba ng bintana ng driver’s seat ng nasabing sasakyan.

“Velasco, pauwi ka na ba?” sigaw ng boses at kasabay nang makilala ni Lorenzo ang boses ay nakita rin nito ang mukha ng kapatid ni Richard na si Captain Vince Manalo.

“Oo sir!” malakas na sagot ni Lorenzo para marinig siya ng kapitan, dahil malakas rin ang ingay ng mga sasakyan sa kalsada.

“Saan ka? Ihahatid na kita.” saad ni Vince.

“Hindi na sir! Baka mapalayo ka pa.” tanggi ni Lorenzo sa kapitan.

“I insist, wala naman akong gagawin at ayoko pa naman umuwi.” pilit pa ni Vince.

“Hindi na sir, isa pa nakakahiya rin.” tanggi muli ni Lorenzo.

“Private Velasco, hindi ako sanay na tinatanggihan, isa pa ’wag kang mahiya sa akin dahil ilang araw rin tayong magkakasama sa darating na misyon natin.” saad ni Vince at gaya nga ng sabi nito, isa ang pagiging makulit sa ugaling meron ang kapitan.

“Si-sige sir, pero ’wag mo akong sisihin kapag ginabi kang nakauwi.” wala nagawa pang saad ni Lorenzo at pumayag na rin sa gusto ng kapitan.

“Hehe, promise hindi kita sisisihin.” sagot naman ni Vince.

At sumakay na nga si Lorenzo sa sasakyan ng kapitan. Pagkasakay ay ipinaalam ni Lorenzo ang lugar kung saan ito tumutuloy sa nagmamanehong si Vince.

Ilang minuto na rin nagmamaneho si Vince at napansin nitong tahimik ang kasama, kaya naman para mabasag ang katahimikang ’yon. Inumpisahan nito ang pagtatanong sa kasama.

“Lorenzo, hindi ba nakasama ka ni Chard sa misyon niyo sa Maguindanao?”

Napatingin naman si Lerenzo sa gawi ni Vince at nakita nitong seryosong nakatingin ang kapitan sa daan habang nagmamaneho parin ito.

“Oo sir, kasama rin namin si Major Manlangit.” sagot ni Lorenzo.

“I see, pwede bang tanungin kita ng personal na bagay?” tanong ni Vince na nasa daan parin ang mga mata.

“O-okay lang sir.” maagap na sagot ni Lorenzo.

“Nalaman ko kay Sebastian na may gusto ka raw kay Richard, ibig ba nitong sabihin ay bading ka?” tanong ni Vince.

Sandaling natigilan si Lorenzo sa narinig na tanong ng kapitan, inaamin niya maging s’ya ay hindi nito alam, kung ano na ang kanyang kasarian dahil ang pagkakaroon niya ng damdamin kay Richard ay unang beses lang niyang maramdaman sa kapwa niya lalake.

“Sa totoo niyan sir, hindi ko rin alam kung ano na ang sekswalidad ko, si Richard palang kasi ang unang lalaking nagustuhan ko.” tapat na sagot ni Lorenzo.

“Oh ganun ba, pasensya na sa tanong ko. Gaya mo ganun din ang kaibigang kong si Sebastian at pati na si Chard na unang beses rin na magkagusto sa kapwa rin lalake.”

“Ayos lang ’yon sir.” saad ni Lorenzo.

Matapos ang pag-uusap na ’yon ay muling bumalot ang katahimikan sa dalawa. At ilang saglit pa ay narating na nila ang apartment na tinutuluyan ni Lorenzo.

“Salamat sir.” pasalamat ni Lorenzo at tinanggal na ang seatbelt na suot nito.

“Walang anuman.” sagot ni Vince.

Nang tuluyan ng matanggal ni Lorenzo ang seatbelt na suot ay binuksan na nito ang pinto ng sasakyan.

Bago pa tuluyang mabuksan ni Lorenzo ang sasakyan ay…

“Sandali Enzo.” tawag ni Vince. Samantalang natigilan naman si Lorenzo ng marinig ang pagtawag na iyon ng kapitan sa kanyang palayaw na matagal na rin niyang hindi naririnig.

“Bakit sir?” tanong ni Lorenzo sa kapitan.

“Mayroon lang akong gustong malaman.” sagot ni Vince at inilapit nito ang mukha sa naguguluhang mukha ng kaharap at pinagtapo nito ang mga labi nila ni Lorenzo.

PANG-DALAWAMPUT-APAT

Hindi alam ni Rachelle, kung bakit bigla siyang kinabahan, bago niya buksan ang email na ipinadala sa kanya ng private investigator na inirekomenda sa kanya ng kaibigan. Matapos kasi niyang mapanood sa balita ang nangyari sa kanyang iniwang nobyo sa Pilipinas na si Sebastian Manlangit, naisip nitong maghire ng private investigator para malaman ang mga nangyayari sa mahal nitong sundalo. At makalipas lang ang dalawang linggo matapos niyang i-hire ang imbestigador, tumawag ito sa kanya kanina na ipapadala niya sa pamamagitan ng e-mail ang mga nalaman nito patungkol kay Sebastian. At ngayon nga ay nakatutok ang kanyang mga mata sa screen na kanyang laptop at sa isang pindot lang ng kanyang daliri ay malalaman na nito ang mga impormasyon patungkol kay Sebastian. Kasabay ng paghinga nito ng malalim, pinindot ni Rachelle ang keyboard ng laptop at bumulaga sa kanya ang ’di niya inaasahang katotohanan.

“No! This can’t be true!” malakas na saad ni Rachelle sa nakitang mga larawan. Ito’y mga larawan ni Sebastian habang may kahalikan itong kapwa rin niya lalaki.

‘This is impossible, lalaki si Sebastian at hindi siya magkakagusto sa lalaki.’ naiiling na saad sa sarili ni Rachelle.

Sa ikatlong araw ni Sebastian sa pamamahay ng mga Manalo, maaga itong gumising at naisip nitong magjogging dahil ilang araw na rin niya itong hindi nagagawa.

Paglabas niya ng kwarto ay kasabay din nagbukas ang pinto ng katabing kwarto na pagmamay-ari ni Richard.

“Baste, ang aga mong nagising? Magjojoging ka?” mga tanong ni Richard ng makita ang ayos ni Sebastian.

“Yes baby, gusto mo bang samahan ako?” sagot at tanong ni Sebastian pabalik.

“Hindi na Baste, may pupuntahan kasi ako.” sagot ni Richard.

“Saan ka pupunta? Ang aga naman yata?” usisa ni Sebastian.

“May susunduin lang kami ni mama.” sagot ni Richard.

“Sinong susunduin niyo?” tanong muli ni Sebastian.

“Sandali Major Manlangit, imbestigador ka na rin ba ngayon?” tanong pabalik ni Richard ng makahalata sa pagtatanong sa kanya ng Komandante.

“Hindi naman baby, gusto ko lang malaman.”

“Malalaman mo mamaya sir, sige puputahan ko na si mama at baka tulog parin siya.” saad ni Richard at papunta na sana sa kwarto ng mga magulang.

“Oops may nakakalimutan ka pa baby.” saad ni Sebastian na kaagad nahuli ang isang kamay ni Richard.

“Anong nakali-.” hindi na natapos pang tanong ni Richard ng hilahin siya ni Sebastian at sa isang-iglap lang ay hinagkan ng huli ang kanyang mga labi.

“Yan ang nakalimutan mo baby, para ganahan ako sa gagawin kong pagtakbo.” nakangising saad ni Sebastian.

“Ang dami mo talagang alam Baste, sige na pupuntahan ko na si mama at baka makita pa tayo nila kuya at aasarin na naman tayo ng mga ’yon.” naiiling na saad ni Richard pero inaamin niya na namiss niya ang mga labing ’yon ni Sebastian.

“Ikaw kasi baby, bakit hindi ka na lang sa kwarto ko matulog.” suhestyon ni Sebastian na nakangisi pa sa mga oras na ’yon.

“Naku Major Manlangit, sumunod na lang tayo kay papa at baka magbago pa ang isip nun.” paalala ni Richard.

‘Oo nga pala.’ saad sa isip ni Sebastian na muntik ng madulas sa kasunduan nila ng Heneral.

Gaya nga ng nalaman ni Richard sa mommy niyang si Aurora. Kasalukuyan nilang hinihintay ang pagdating ng kanyang kababatang si Hector na matagal rin niyang hindi nakita, magmula ng umalis ito patungo ng Amerika.

Ilang saglit pa at dumating na ang eroplanong lulan ang kababata ni Richard, na si Hector.

“Hector!” sigaw ni Aurora. Napatingin ang half American at half Filipino na si Hector sa gawi ng tumawag sa kanyang pangalan at kaagad niyang nakilala ang pamilyar na mukha ng kanyang ninang, na si Aurora.

“Aunt Rora!” masayang saad ni Hector at mabilis na nilapitan ang kanyang ninang.

Nakita ni Richard ang papalapit sa kanilang lalaki at inaaamin niya na napakalaki ng pinagbago ng kanyang kababata. Ang chubby nitong pangangatawan noong bata pa sila ay napalitan ng makisig at parang modelo itong naglalakad habang papalapit sa kanila ng kanyang mama

“Richard, ikaw na ba yan?” baling ni Hector kay Richard, habang kasalukuyang nakayapakap ito sa ninang Aurora n’ya.

“Oo, ikaw na ba talaga si Hector.” ’di parin makapaniwalang saad ni Richard.

“Yeah, ako nga ito.” sagot ni Hector na masaya na muling makita ang kababata.

“Hindi na kita nakilala, ang laki ng pinagbago mo.” saad ni Richard.

“Ikaw rin, namiss kita Richi.” saad ni Hector.

“No, not that nickname again Hecky at namiss rin kita.” balik nito sa palayaw na tawag niya noon kay Hector.

“Glad, that you still remember me.” saad ni Hector at yakap ng mahigpit kay Richard. “I can’t wait to see also, your two annoying brothers.” saad pa ni Hector pagkahiwalay sa yakapan nila ni Richard.

“Don’t worry Hector, their still the same old annoying brothers of mine.” sagot ni Richard.

“How about you ninang? Are you still working as a midwife?” tanong ni Hector sa ninang niya na siya ring nagpanganak sa mama niya nung pinagbubuntis siya nito.

“Yes inaanak, how about your mom and dad, how are they?” sagot ni Aurora at tanong rin sa inaanak.

“Si papa still with the company, while mom’s busy with her new hobby which is baking cakes and more cakes.” natatawang kwento ni Hector.

“Mama and tita will surely get along.” bulong ni Richard sa tenga ni Hector na ikinatawa ng huli.

Sa bahay ng mga Manalo dumiretso si Hector sa nais na rin ng ninang Aurora niya. Masaya si Hector na katulad parin ang pagtanggap sa kanya ng mga Manalo at inaamin niya na namiss niya ang mga ito na isa sa dahilan kaya nasasabik siyang makabalik ng Pilipinas.

Pagdating sa bahay ng mga Manalo ay kaagad nagpahanda ng tanghalian si Aurora sa mga kasambahay para na rin sa bisita nilang si Hector.

Samantala, sinamahan naman ni Richard si Hector sa magiging silid nito, habang hindi pa ito nakakahanap ng pansamantala nitong tutuluyan.

“Hector, just like the old times, feel at home.” saad ni Richard ng makapasok sila ni Hector sa silid ng huli.

“Salamat Richi.” pasalamat ni Hector.

“Come on leave your bags, sigurado nakapaghanda na ng pagkain natin si mama.” yaya ni Richard sa kababata.

“Go ahead first, I’ll just unpack some of my gifts for everyone.” sagot ni Hector.

“Ok, just be quick.” saad ni Richard at iniwanan na nito si Hector.

Sa hapag ay nakahanda na ang tanghalian sa mga oras na ’yon. Nandoon na rin at nakaupo na ang buong pamilya Manalo pati na si Sebastian.

Samantala, habang hinihintay nila ang pagsama sa kanila ni Hector para sabay-sabay na silang kumain. Si Sebastian ay nalaman na sa mga kaibigan kung sino ang bisitang tinutukoy kanina ni Richard at sa nalamang kababata ’yon ng huli at bukod dun ay lalaki pa ito, nagsisimula na naman na makaramdam ng selos ang Komandante lalo pa’t nalaman rin nito sa mga kaibigan na close na close ang dalawa nung mga bata pa sila.

Ilang saglit pa nga at sinamahan na sila ni Hector.

“Hi tito, kuya Vince, kuya Erick and who is he?” bati ni Hector sa mag-aama at tanong nito sa ’di pamilyar na mukha.

Dahil sa kanya bumaling ng tingin ang kababata sa tanong nito kung sino si Sebastian, sinagot naman ni Richard ang tanong na ’yon ni Hector.

“He’s Sebastian and kaibigan siya nila kuya Erick at kuya Vince.”

Hindi na nagulat pa si Sebastian sa narinig na pakilala sa kanya ni Richard.

“Oh, hi Sebastian, I’m Hector and Richard’s soon to be husband.” saad ni Hector at pakilala pa nito kay Sebastian.

“What?!” gulat na saad ni Richard at napatingin ito kay Hector na may malapad na ngiti sa mukha sa mga sandaling ’yon.

Samantala, masamang tingin naman ang ipinukol ni Sebastian kay Hector sa ’di niya nagustuhang narinig na sinabi ng huli.

“Oh come on love, remember when we were younger and we had this promised na pakakasalan natin ang isa’t-isa kapag bumalik ako ng Pilipinas at wala ka pang asawa?” paalala ni Hector kay Richard sa sumpaan nila noon.

“Hector, that was just a silly promised and it happened because we’re both just a kid.” paliwanag naman ni Richard at napatingin kay Sebastian at kita nitong seryoso ang mukhang meron ang Komandante.

“But I’m very much serious about it or are you telling me, that it is not possible ’cause you’re already inlove with someone else?” saad ni Hector at tanong nito kay Richard.

Mula pa kanina ay nasa dalawa na ang atensyon ng mga kasama nila sa hapag.

Ang mga kapatid ni Richard ay hindi na makapaghintay kung ano ang magiging reaksyon ng kanilang kaibigan na si Sebastian sa mga nalaman nito sa bisita nila.

Ang Heneral naman ay interesado rin kung anong magiging sagot ng anak sa tanong na ’yon ng inaanak.

Si Aurora ay lihim na natutuwa sa inaanak at excited din na marinig ang sagot ni Richard.

Samantala, gustong-gusto ng magsalita ni Sebastian para sagutin ang tanong na ’yon ni Hector at ipaalam na siya ang mahal ni Richard, ngunit pinigil nito ang sarili, inisip nitong tanging ang huli lang ang dapat sumagot sa tanong na ’yon ni Hector.

“You’re right Hector, I’m already inlove with someone at ang taong ’yon ay si Sebastian.” sagot ni Richard kay Hector at tumingin ito sa mukha ni Sebastian.

Ibayong tuwa at saya ang nararamdaman ni Sebastian sa narinig na ’yon kay Richard, kaya naman ang inis at selos na nararamdaman niya dulot ng bisita ng mga Manalo ay nawala na nang parang bula.

Hindi naman na nagulat ang mga lalaking miyembro ng pamilya Manalo sa narinig kay Richard, pero gulat na gulat si Aurora sa mga nalaman.

“You heard him, we’re inlove with each other and it’s me that Richard will be going to marry soon.” saad naman ni Sebastian.

Naramdaman ni Richard na uminit ang mukha niya sa narinig na ’yon kay Sebastian at nakita rin nito ang mga masayang mukha ng mga kapatid.

“Sandali! Ako na lang ba ang hindi nakakaalam na may relasyon kayong dalawa?” baling ni Aurora kay Richard at Sebastian.

Natigilan naman ang lahat sa narinig na sinabing ’yon ni Aurora.

“Mom, hindi pa kami opisyal na magnobyo ni Baste, pero mahal namin ang isa’t-isa.” sagot ni Richard sa mama nito.

“Tama po si Richard, tita. At sana hayaan niyo ako sa panliligaw sa anak niyo.” saad naman ni Sebastian.

Kinabahan naman sina Richard at Sebastian dahil nananatiling tahimik ang ginang.

“Ano pang magagawa ko, sige payag na’ko basta ’wag mo lang sasaktan ang anak ko.” saad ni Aurora at kondisyon nito kay Sebastian.

“Makakaasa po kayo.” maagap na sagot ni Sebastian.

“Oh by the way Richard and Sebastian, I’m already engaged.” saad ni Hector sabay pakita nito sa singsing na suot sa daliri.

“What!” gulat na saad ni Richard at napatingin kay Hector.

Samantala, sumunod ang mga tawanan pagkatapos ng reaksyon na ’yon ni Richard.

At si Aurora na ang nagpaliwanag kila Richard at Sebastian, na planado nito ang lahat para mapaamin n’ya ang dalawa, na buong akala ng ginang na wala pang alam ang asawa at ang mga anak nila tungkol sa dalawa.

PANG-DALAWAMPUT-LIMA

Hindi parin makapaniwala si Richard na ikakasal na ang kababata nito at ito rin ang dahilan ni Hector kung bakit ito umuwi ng Pilipinas. Masaya si Richard para sa kaibigan at nakilala rin nito ang pakakasalan ni Hector, inaamin niya na nagulat siya ng malaman na lalaki rin ang magiging asawa nito. At abala ito sa pakikipag-usap sa fiancee ni Hector ng sumagi sa isip niya ang sinabi ni Sebastian kanina.

“You heard him, we’re inlove with each other and it’s me that Richard will be going to marry soon.”

Inaamin ni Richard na sobrang kinilig ito sa narinig niya kanina, na sa ilang buwan palang na magkakilala sila ni Sebastian ay sumagi na sa isip ng huli ang bagay na ’yon. Ganun man, umaasa si Richard na sana’y mangyari sa kanilang dalawa ’yon ni Sebastian balang araw.

Samantala, dumating na sa Amerika si Rachelle na galing nang France. Dito niya sisimulan ang mga plano, para mabawi ang kaisa-isang lalaking mahal niya. Hindi ito makakapayag na sa isang lalaki lang siya ipagpapalit ni Sebastian, kaya gagawin niya ang lahat na makakaya niya para mapasakanya muli ang sundalong pinakamamahal niya.

Hindi nakatulog ng maayos si Private Lorenzo Velasco, sariwa pa sa kanyang isip ang mga ginawa nila ni Captain Vince Manalo. Hindi rin niya alam kung bakit nagpatianod lang siya sa mga kilos na ’yon ni Vince at ang halikan na nagsimula sa sasakyan ng kapitan ay nauwi sa mainit na pag-iisa ng kanilang katawan sa inuupahan niyang apartment. Alam rin niyang hindi niya maiiwasan na muling magkita sila nito at gustong-gusto ng iuntog ni Lorenzo ang sariling ulo dahil sa nangyari.

‘Bakit ba hindi ako tumutol, ano bang nangyari sa’kin?’ kausap ni Lorenzo sa sarili.

Hindi maalis ang ngiti sa mukha ni Captain Vince Manalo matapos maalala ang mga nangyari sa kanila ni Lorenzo. Inaamin niya na gusto lang niyang malaman kung bakit na attract ang kapatid na si Richard at ang kaibigang si Sebastian sa isa’t-isa. Kaya ang maranasan ito sa kapwa niya lalaki, ang naisip niyang paraan para masagot ang kuryosidad na iyon ng kapitan.

Napansin ni Erick ang mga ngiting ’yon ng katabing si Vince habang naririto sila sa sala at nanonood.

“Alam ko ang mga ngiting ’yan kapitan, ’wag mong sabihing may bago ka na namang pinaglalaruan.” naiiling na saad ni Erick. Sa kanilang tatlong magkakapatid, alam nila ni Richard na mapaglaro ang kapatid pagdating sa pag-ibig.

“Kilala mo talaga ako kuya, ’wag kang mag-alala, malabong mabubuntis ko siya sa pagkakataong ito.” ngising sagot ni Vince sa kapatid.

Natigilan si Erick sa narinig at nanlalaking mata itong bumaling sa nakangisi parin na si Vince.

“Anak ng! Sinasabi ko sa’yo Vince, darating ang araw na makikita mo rin ang katapat mo.” naiiling na saad ni Erick at pangaral pa sa kapatid.

“Malabong mangyari ’yon kuya, ang sabi nga nila, collect and collect but never ever select.” natatawang saad ni Vince na binago pa ang kasabihan.

“Handa ka na ba baby?” tanong ni Sebastian kay Richard.

“Pwedeng time-out muna sir?” balik na tanong ni Richard.

“Baby naman, akala ko ba may round two?” nakangusong saad ni Sebastian.

“Sir naman, maawa ka naman sa akin, ayaw mo bang maghanap na lang ng iba, okay lang sa akin.” sagot ni Richard, ewan ba niya kung bakit napakalakas ng stamina ng Komandante pagdating sa sex.

“Baby naman, pinamimigay mo na ba ako, nagsawa ka na ba sa’kin?” nakanguso parin na saad ni Sebastian.

Hindi alam ni Richard kung maaawa ito o matatawa sa itsurang ’yon ng Komandante.

“Sir mabuti pa matulog na tayo, sigurado akong kailangan mo pang gumising ng maaga bukas.” kumbinsi at rason pa ni Richard.

“Sige na baby, kahit ako na lang ang trumabaho.” pakiusap ni Sebastian na hindi parin humuhupa ang nararamdamang pananabik sa tuwing kasiping si Richard.

“Hay ano pang magagawa ko, pero sa-sandali nga, anong ginawa mo para mapapayag ang mga kuya ko na magtabi tayong matulog?” tanong ni Richard, dahil alam nitong tuso ang mga kapatid at ’di basta hahayaan na lang sila ni Sebastian.

“Secret ’yon baby, dali na gawa na ulit tayo ng baby.” saad ni Sebastian at muling hinawakan ang puwet ni Richard, na katatapos lang nitong pasukin.

“Baste!” gulat na reaksyon ni Richard sabay palo nito sa kamay ni Sebastian.

“Sige na baby, alam mo naman na ilang linggo rin akong tigang.” sumamo pa ni Sebastian.

’Ano ba ‘tong napasok ko?’ saad ni Richard sa sarili dahil alam nitong kukulitin siya ng Komandante hangga’t hindi ito nakakadalawang round.

“Sige na nga, pero last na ito Major Sebastian Manlangit dahil kapag humirit ka pa ng isa pa, manigas kang mag-isa mo.” sukong saad ni Richard at banta pa nito sa Komandante.

“Promise last round na ’to at tama ka, talagang matigas ito lalo na’t dahil ’yon sayo.” saad ni Sebastian at ginawang biro lang ang banta na ’yon ni Richard.

“Malibog.” naiiling sa saad ni Richard.

“I love you too baby.” sagot lang ni Sebastian kay Richard sa sinabing ’yon ng huli.

“Mahal mo ako, o dahil lang ’yon sa katawan ko.” saad ni Richard.

Sa sinabing ’yon ni Richard ay nakita nito ang pagseryoso ng mukha ni Sebastian, nabatid ng una na ’di nagustuhan ng huli ang narinig nito. Kasunod nga nun ay humiwalay ang katawan ni Sebastian sa kanya, na kanina lang ay hindi na makapaghintay na muling magtagpo ang mga katawan nila.

“Alam mong totoong mahal kita Richard, pasensya na kung naging mapilit ako.” saad ni Sebastian na nanatiling seryoso ang mukha at bago pa makasagot si Richard ay mabilis na nagsuot ng mga damit ang Komandante at lumabas na ng kwarto.

Pag-alis ni Sebastian ay nagsisisi si Richard sa mga nasabi at nagawa nito. Hindi niya intensyon na saktan ang damdamin ng Komandante at gusto man nitong sundan ito, minabuti ni Richard na hayaan na lang muna si Sebastian.

Napatingin ang magkapatid na nanood parin ng tv sa mga oras na ’yon, sa lumabas na si Sebastian sa kwarto ni Richard.

Pansin rin ng dalawa ang seryosong mukha ng kaibigan, na kabaligtaran ng masayang mukha nito nang pagbigyan nila na samahan si Richard sa kanyang kwarto.

“Mga tol, inom tayo.” saad ni Sebastian ng lumapit sa kinaroroonan nila Vince at Erick

Nagkatinginan ang magkapatid at batid nilang kailangan sila ngayon ng kaibigan.

“Sige tol, kuya dun na kayo sa hardin ni Baste at kukuha lang ako ng alak na iinumin natin.” saad ni Vince at tumayo na para tunguhin ang mini bar ng kanilang bahay.

“Sige, damihan mo na ang kunin mo at matagal na rin akong ’di nakakainom ng alak.” sagot ni Erick. “Tara tol.” baling naman nito kay Sebastian at inakbayan nito ang seryoso parin na kaibigan.

Makalipas ang isang oras na pag-iinuman nilang magkakaibigan at batid ni Erick na may gumugulo sa isipan ni Sebastian, na dahilan ng kanilang pag-inom, minabuti na nito na pag-usapan na nila ang bagay na ’yon.

“Sabihin mo na tol kung anong problema mo, makikinig kami ni Vince.” simula ni Erick.

Napatingin si Sebastian sa nagsalitang kaibigan at bago sagutin ito, nilagok na muna niya ang basong hawak na may lamang alak.

“Hindi naman sa may problema ako tol, hindi ko lang maiwasan na magtampo sa kapatid mo.” saad ni Sebastian sa damdamin nito.

“Oh anong nagawa ni bunso.” tanong ni Erick. Minabuti naman ni Vince na makinig na lang sa usapan ng dalawa.

“Sa totoo niyan tol, hindi naman kami nag-away at sa tingin ko’y mababaw lang na dahilan ito para sa inyo ni Vince.” umpisang kwento ni Sebastian sa nangyari.

Mataman naman na nakikinig ang magkapatid sa kaibigan.

Nagpatuloy naman si Sebastian sa pagkukwento.

“’Yun nga, alam kong lalaki rin kayo at maiintindihan niyo ako, lalo na kapag ang usapin ay tungkol sa pakikipagtalik, nakulitan siguro sa akin ang kapatid niyo kaya nasabi rin niya ang ganung bagay.”

Naiintindihan naman ni Erick at Vince ang naging saloobin ng kaibigan.

“Gaya nga ng sabi mo tol, alam kong alam mo na ’di sinadya ni Richard ang nasabi niya at sigurado kami ni Vince na nagsisi na ’yon ng malaman niyang hindi mo nagustuhan ang mga nasabi niya sa’yo.” saad ni Erick.

“Tama si kuya tol, isa pa normal lang na magtampo ka dahil dun at para kasing kinwestyon ni Chard ang nararamdaman mo sa kanya, pero nanggaling na rin sa’yo na baka nakulitan lang si bunso.” saad naman ni Vince.

Sa mga narinig sa mga kaibigan ay unti-unting naliwanagan si Sebastian. Alam niyang mahal nila ni Richard ang isa’t-isa at tama ang kaibigang si Erick sa sinabi nitong hindi sadya ng bunso nila, ang mga nasabi nito.

“Salamat sa pakikinig at payo ninyo mga tol, asahan niyo lalawakin ko pa ang pang-unawa ko pagdating sa kapatid niyo.” saad ni Sebastian.

“Wala yon tol, isa pa darating din ang araw na magiging bayaw ka rin namin ni Vince.” nakangiting saad ni Erick.

“Kaya naman, kampay tayo para dyan.” saad ni Vince.

“Para sa pagiging magbayaw!” saad muli ni Vince at taas nito sa basong hawak.

Kaagad naman sumunod si Erick at Sebastian sa gustong mangyari ni Vince.

“Cheers para kay bayaw!” saad ni Erick.

“Cheers salamat mga bayaw!” sagot ni Sebastian sa mga kaibigan.

Kinaumagahan, nagising si Richard na wala sa tabi niya si Sebastian.

‘Galit parin siguro sa nasabi ko.’ saad sa isip ni Richard.

Minabuti nang bumangon ni Richard para makapag-usap sila kaagad ni Sebastian, hihingi ito ng tawad sa huli at ipapaliwanag na walang ibig sabihin ang mga nasabi nito.

Matapos maayos ang kama ay nagtungo na sa pinto si Richard, bubuksan pa lang sana niya ang pinto ng bumukas ito bago pa niya mahawakan ang door knob.

Pagbukas ng pinto ay bumungad ang bagong ligong si Sebastian at may hawak na tray na punong-puno ng mga pagkain.

“Morning baby.” nakangiting bati ni Sebastian sa natigilang si Richard.

“Breakfast in bed sana ito, kaya lang nakabangon ka na pala.” saad muli ni Sebastian na nilapag ang dalang mga pagkain sa maliit na mesang malapit sa kama ni Richard.

“Baste, I’m sorry.” nakayukong saad ni Richard.

“I’m sorry rin baby, don’t worry hindi ako galit sa’yo at heto nga may dala akong breakfast bilang peace offering.” saad ni Sebastian at hinakawan ang baba ni Richard at itinaas nito ang nakayukong mukha ng huli.

“Kung hindi ka galit sa’kin, bakit hindi mo ko tinabihang matulog.” saad ni Richard.

“Alam mo baby, ang makatabi kita palagi ang gustong-gusto kong mangyari, hindi mo ba natatandaan na magdamag mo akong yakap?” sagot ni Sebastian.

“Talaga sir?!” nakangiting tanong ni Richard, na buong akala’y hindi kasamang natulog si Sebastian.

“Yes baby at alam ko rin na hindi mo sinadya ang mga nasabi mo, mabuti pa kumain ka na, pagkatapos ay may pupuntahan pa tayo.” nakangiting saad ni Sebastian at hinalikan ang noo ni Richard.

“Sige sir, pero sabayan mo ako.” nakangiting saad ni Richard at masaya itong ayos na sila ni Sebastian.

Maaga naman umalis si Major Erick Manalo para muling bisitahin ang nobya nitong si Roxanne.

Matapos ang humigit kumulang na isang oras na biyahe, narating din nito ang ospital.

Mabilis na tinungo ni Erick ang ICU ng nasabing ospital. Dito sa bahaging ito, nakaratay ang nobya nitong si Roxanne, na limang buwan ng wala paring malay dulot ng isang aksidente sa kalsada.

Pagapasok sa ICU ay nadatnan niyang naroroon at nagbabantay ang nakababatang kapatid na lalaki ni Roxanne na si Hansel.

“Sir.” saad ni Hansel, nang makita ang pagpasok ng nobyo ng kanyang ate.

Hindi pinansin ni Erick ang pagbati na iyon ni Hansel.

“Anong balita sa lagay ni Roxanne?” tanong ni Erick kay Hansel at nanatiling sa nakaratay na nobya ang kanyang mga mata.

Hindi na nagtaka pa si Hansel sa malamig na pakikitungo ng Komandante, ganun man ay sinagot parin nito ang tanong na ’yon ng huli.

“Wa-wala pa kuya, gaya parin ng dati, walang katiyakan kung magigising pa si a-ate.” sagot ni Hansel, na ’di maiwasang maiyak sa hindi bumubuting lagay ng kanyang ate.

Napabuntong hininga na lamang si Erick sa narinig kay Hansel. Inaamin ni Erick, bukod sa sinisisi nito si Hansel sa nangyari sa kanyang nobya, sinisisi rin nito ang kanyang sarili.

“Ku-kuya, I’m sorry, alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyo ni ate at hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko, kung sana hindi nangyari-.”

“Pwede bang tumigil ka na!” galit na saad ni Erick at putol nito sa mga sasabihin pa ni Hansel.

“I-Im sorry kuya.” saad ni Hansel na napayuko pa dahil sa takot nito sa galit na Komandante.

“Kung sana-.” ’di na natuloy na saad ni Erick ng pumasok ang doktor sa kwarto para tignan ang lagay ng pasyente.

“Dok.” saad ni Hansel pagkapasok ni Dr. Zamora.

“Here, take this.” saad ni Dr. Zamora kay Hansel, sabay abot nito ng panyo sa huli dahil sa nakita nitong mugtong mga mata ni Hansel.

“Salamat po dok.” saad na pasalamat ni Hansel at inabot nito ang panyo.

Napansin ni Erick ang ginawa ng doktor at ang pagtanggap ni Hansel sa panyo nito, kaya naman napakunot-noo ito sa nakita.

Tahimik lamang si Erick at Hansel habang ginagawa ni Dr. Zamora ang pagcheck nito kay Roxanne at ilang minuto rin na nagtagal ang doktor sa pagtingin sa pasyente.

“So, how is she dok?” tanong ni Erick sa doktor.

“She still in a coma and there’s no sign that she was able to wake up anytime soon. I’m sorry, I know it’s hard for both of you, but all we have left is to pray and hope for her recovery.” malungkot at simpatya ni Dr. Zamora sa mga mahal sa buhay ng pasyente.

Sa narinig ay napaiyak muli si Hansel sa lagay ng kapatid.

‘I’m sorry ate.’ saad sa sarili ni Hansel.

Si Erick man ay pinipigilan rin nito ang maiyak sa nalaman sa doktor.

‘I’m sorry Roxanne.’ saad sa isip ni Erick at hinawakan ang parang wala paring buhay na kamay ng nobya.

PANG-DALAWAMPUT-ANIM

Gaya ng dati, tahimik lang na pinagmamasdan ni Richard ang mga dinadaanan nila ni Sebastian, habang patuloy naman sa pagmamaneho ang huli, patungo sa pupuntahan nila.

Makalipas ang ilan pang minuto ay huminto na ang minamanehong sasakyan ni Sebastian.

Sandaling tinignan ni Richard ang paligid at kita niya ang mga mayayabong na puno sa lugar.

“Tara na baby.” yakag ni Sebastian na nakalahad pa ang isang kamay, pagbukas nito sa pinto ng sasakyan para bumaba na si Richard.

Inabot ni Richard ang kamay na ’yon ni Sebastian at habang magkahawak ang kanilang mga kamay, hinayaan nito ang huli at nanatiling itong nakasunod kung saan man ang punta nila.

Ilang minuto rin sila ni Sebastian sa paglalakad at nabatid ni Richard na nasa gitna na sila ng kakahuyan, dahil kahit saan nito ibaling ang kanyang tingin ay mayayabong na mga puno ang bumubungad sa kanya.

“Baste hindi mo naman siguro ako iiwanan dito, hindi ba?” kabang saad ni Richard, na napahigpit pa ang kapit sa kamay ni Sebastian.

Lihim na napangiti si Sebastian sa narinig, sa ilang linggo na nakilala nito ang bunso ng Heneral, marami itong natuklasan tungkol rito, hindi niya inasahan na sa likod ng matapang na sundalong una niyang nakilala sa Maguindanao ay marami pala itong kinatatakutan. At ang tulungang harapin ni Richard ang mga kinatatakutan nito, ang isa mga gustong gawin ni Sebastian.

“Don’t worry baby, may mga baboy ramo, mga ahas at mga leon lang naman ang nakatira sa gubat na ito.” saad ni Sebastian para matakot pa si Richard.

“Baste!” malakas na saad ni Richard sa narinig nito sa kasama at mahigpit muling hinawakan ang kamay ni Sebastian.

“Hahaha, matatakutin pala ang baby ko.” nakangiting saad ni Sebastian at pagtingin nito sa mukha ni Richard ay halata nito ang takot ng huli.

“Major Manlangit, humanda ka talaga sa’kin kapag nakalabas na tayo dito.” inis na saad ni Richard at ’di niya inaasahan na sa isang gubat ang punta nila ng Komandante.

“Tignan natin bukas, baby.” saad ni Sebastian.

“Ba-baste anong ibig mong sabihin?” kabang tanong ni Richard.

“Dito tayo magpapalipas ng gabi.” kaagad na sagot ni Sebastian.

“Ano! Ba-bakit? Baste ’wag mo akong pinagbibiro, anong gagawin natin dito?” kabang reaksyon ni Richard sa nalaman at tanong nito kay Sebastian.

“Narinig mo na ba ang salitang camping baby? ’Yun ang gagawin natin.” paliwanag ni Sebastian.

“Pe-pero, hindi ba ang sabi mo, maraming mababangis na mga hayop na naririto sa gubat?” kabang saad ni Richard.

Isang tango lang ang naging sagot ni Sebastian. Kaya naman…

“Baste, umuwi na lang tayo, ayoko dito at natatakot ako kapag nasa gubat ako.” saad ng takot na takot na si Richard.

Tama nga ang mga kapatid ni Richard sa nalaman ni Sebastian sa mga ito. Kagabi sa pag-iinuman nilang magkakaibigan, naikwento ng dalawa ang takot ng kanilang kapatid sa gubat, hindi alam ng dalawa kung anong naging dahilan kung bakit ganun na lang ang takot ng kanilang bunso kapag nasa gubat na ito. Ang tanging alam ng dalawa ay nagsimula ito matapos ang ginawang camping ng kapatid nila noong nasa elementarya ito.

Sa nakitang takot ng kanyang mahal ay mabilis na ikinulong ni Sebastian sa kanyang mga bisig ang takot na takot parin na si Richard.

“It’s okay baby, nandito lang ako, promise hindi kita iiwan.” pangako ni Sebastian, habang mahigpit paring yakap si Richard.

“Natatakot ako sir.” saad ni Richard na naiyak na rin sa mga sandaling ’yon.

“Baby, nandito lang ako at pwede mong ikwento sa akin kung bakit ka takot sa tuwing nasa gubat ka.” saad ni Sebastian at hinalikan ang ulo ni Richard para maibsan ang takot na nadarama parin ng huli.

Samantala sa Ospital.

“Kuya, bibili lang ako saglit ng makakain, ikaw anong gusto mo para maibili na rin kita” paalam at tanong ni Hansel sa Komandante.

“Ayos lang ako.” maikling sagot ni Erick at nanatiling pinagmamasdan si Roxanne.

“Si-sige, pero ibibili na rin kita at kainin mo na lang kapag nagutom ka.” saad ni Hansel at lumabas na ito para bumili ng pagkain.

Habang papunta si Hansel sa malapit na karinderya sa ospital, nahagip nito ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.

‘Anong ginagawa niya dito?’ saad sa isip ni Hansel at mabilis itong bumalik ng ospital para sundan ang lalaki bago pa ito makarating sa kinaroroonan ng kanyang ate.

Tama nga ang naging hinala ni Hansel at nakita nito ang pagpasok ng lalaki sa ospital, kaya naman bago pa makagawa ng gulo ito ay mabilis na hinabol ni Hansel ang lalaki.

“Benedict!” sigaw ni Hansel para makuha ang pansin ng lalaki.

Sa narinig na tumawag sa kanyang pangalan ay huminto sa paglalakad ang lalaki.

“Hansel, bakit mo ’ko tinawag?” tanong ng lalaki ng makalapit si Hansel sa kanya.

“Nandyan si kuya Erick, pakiusap hayaan mo muna siyang umalis bago ka dumalaw kay ate.” pakiusap ni Hansel.

“Ano! Pakialam ko sa gagong ’yon, pupuntahan ko si Roxanne kahit naroon pa ang sundalong ’yon.” galit na saad ni Benedict.

“Gusto mo ba talagang gumawa ng gulo don? Para na lang kay ate, alam mong karapatan niyang siya ang magsabi ng totoo kay kuya Erick.” saad ni Hansel.

Sandaling natahimik ang lalaki at pinag-isipan ang mga sinabi ng kapatid ng babaeng pinakamamahal niya.

“Sige, pero bukas babalik ako at kahit nandito parin ang lalakeng ’yon ay wala na akong pakialam.” saad ni Benedict at lumabas na ito ng ospital.

Nakahinga ng maluwag si Hansel kahit papaano, pero alam niyang pansamantala lang ang lahat, kaya gagawa siya ng paraan para ’wag na munang dumalaw si Erick sa kanyang ate bukas. Bumalik na rin ito sa karinderya, para bumili ng mga kakainin nila ng lalaking matagal niya nang lihim na minamahal.

Gaya nga ng plano ni Sebastian, tutulungan niya si Richard na maharap ang mga takot ng huli. Kasalukuyan silang naririto parin sa gitna ng kakahuyan at hinihintay nila ang pagdating ng dalawang taong nagbabantay dito sa gubat, para dalhin sa kanila ang mga gagamitin nila sa gagawin nilang camping mamayang gabi.

Kahit papaano ay nabawasan na ang takot ni Richard sa tulong na rin ni Sebastian. Nasa taas ngayong ng puno ng niyog ang Komandante, na kasalukuyang kumukuha ng mga bunga ng nasabing puno.

Abala naman si Richard sa pag-iipon sa mga hinuhulog na mga buko ni Sebastian, lalo pang humanga ang una, sa mga nalaman na mga kayang gawin ng Komandante, na ngayon lamang niya natutuklasan.

“Sir, marami na ito, pwede ka ng bumaba!” sigaw ni Richard, para marinig siya nang nasa puno parin ng niyog na Komandante.

“Sige baby!” sagot ni Sebastian na ikinapula ng mukha ni Richard ng mapansin nito, na malapit ng makarating ang dalawang lalaking nakausap ni Sebastian kanina para dalhin ang mga gagamitin nila.

“Sir, heto na po ’yung mga pinakuha ninyo.” saad ng isang lalaki, na sa tingin ni Richard ay kaedad lang niya.

“Salamat kuya, hintayin niyo na ang kasama ko at pababa na rin ’yon.” sagot ni Richard.

“Sige sir.” sagot ng lalaki.

“Mga tol, salamat sa inyo, heto tanggapin ninyo kahit pambili lang ng maiinom.” saad ni Sebastian pagkababa nito sa puno sabay abot nito ng isang libo sa dalawang lalaki.

“Naku sir, ’wag na nakakahiya naman.” tanggi ng lalaking kausap ni Richard kanina.

“Tanggapin niyo na kuya at inabala namin kayo.” saad ni Richard at ito na ang nag-abot ng pera sa lalaking nanatili lang na tahimik magmula pa kanina.

“Salamat mga sir at tawag lang kayo kung may kailangan pa kayo.” saad ng lalaking kaedad ni Richard.

“Sige kuya salamat ulit.” sagot ni Richard.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Sebastian at inihanda nito ang mga gamit, para maitayo kaagad ang tent na magiging silong nila ni Richard mamayang gabi.

Tumulong naman si Richard sa paghahanap ng mga sanga at kahoy na gagamitin nilang bonfire mamayang gabi ni Sebastian. Gamit ang walis tingting ay nilinis rin nito ang paligid nang kanilang tent.

“Baby nagugutom ka na ba?” tanong ni Sebastian pagkatapos magwalis ni Richard.

“Okay lang ako sir, paano ba ’yan? At tutulungan na kita.” sagot at tanong ni Richard kay Sebastian na abala parin sa pagtatayo ng tent.

“Di na baby, malapit na rin matapos ito.” sagot ni Sebastian.

Abala si Captain Vince Manalo sa pagtawag sa numero ni Private Lorenzo Velasco, pero palagi lang itong nag-riring at hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag.

Kaya naman naisipan nang mapaglarong sundalo, na puntahan na lang sa apartment ang bagong pagkakabalahan niya.

Alam ni Lorenzo ang pagtawag sa kanya ng kapitan, pero minabuti nitong ’wag sagutin ang tawag na ’yon, dahil wala naman itong gustong sabihin sa sundalo, na hindi naman niya lubusang kilala pero nagawa nitong hayaan na may mangyari sa kanilang dalawa.

’Yon na ang una at huling beses na mangyayari ang bagay na ‘yon.’ tatak sa isip ni Lorenzo.

Inabala na lang ni Lorenzo ang sarili sa paglilinis ng kanyang maliit na inuupahan. Matapos maglinis ay naligo na rin ito at naisip na lalabas na lang, para maalis ang mga gumugulo sa isipan niya.

Matapos maligo at magbihis ay lumabas na si Lorenzo sa apartment na inuupahan. Pero hindi niya inaasahan ang unang taong makikita niya sa paglabas nito.

“Mukhang may lakad ka Enzo, saan ka at ihahatid na kita.” nakangiting bungad ni Vince pagkakita kay Lorenzo.

Kita ni Lorenzo ang angking kisig at kagwapuhan ng kapitan at kasunod nitong naalala ang nasilayan nitong hubad na katawan ng kaharap ng may mangyari sa kanila, ilang araw palang ang lumipas. Sa naisip ay mabilis na umiling-iling si Lorenzo.

“Ayos ka lang Enzo?” tanong ng kapitan sa nakitang ginawa ni Lorenzo.

“A-ayos lang ako, sige maiwan na kita.” sagot ni Lorenzo at iniwanan na ang kapitan.

Mabilis naman nahuli ni Vince ang isang kamay ni Lorenzo.

“Sandali Enzo.”

Natigilan si Lorenzo sa ginawang ’yon ni Vince pero mabilis nitong nabawi ang kamay na hawak ng kapitan.

“Galit ka ba sa nangyari sa atin?” tanong ni Vince sa nanatiling tahimik na kasama.

“Kalimutan na lang natin ’yon, sige na at may pupuntahan pa ako.” sagot ni Lorenzo at muling naglakad papalayo sa kapitan.

“Paano kung sabihin kong nagustuhan ko ang nangyari? At alam kong ganun rin ang nararamdaman mo.” saad ni Vince, na alam nitong narinig ni Lorenzo at dahilan ng huli sa pagtigil nito sa paglalakad. Kaya naman lihim na napangiti ang pilyong kapitan.

Natigil nga sa paglalakad si Lorenzo sa narinig nito sa kapitan, pero kaagad rin ipinagpatuloy ang ginagawa nitong paglayo sa kapitan.

‘Walang ibig sabihin ang sinabi niya.’ saad sa isipan ni Lorenzo, habang kasalukuyan itong nakasakay sa pampasaherong jeep, ganunman tinanaw nito sa salamin ng jeep ang iniwan na kapitan.

Sa ospital.

Tinanggihan man niya kanina si Hansel sa pag-alok nito sa kanyang ibili siya ng makakain, ramdam ni Erick ang kumakalam na nitong tiyan at hindi na makapaghintay pa sa dalang pagkain ni Hansel, na alam niyang binili rin para sa kanya ng nakababatang kapatid ng nobya.

Sandaling lumabas ng ICU si Erick para tanawin kung parating na si Hansel. Pero hindi nito nagustuhan ang sunod na nakita. Ito’y ang sabay na paglalakad ni Hansel at ni Dr. Zamora, na halata nito sa dalawa ang saya habang magkausap ang mga ito.

“Salamat po dok.” saad ni Hansel sa doktor.

“Youre welcome Hans, next time mag-ingat ka sa pagtawid.” sagot ng doktor.

Rinig ni Erick ang usapan ng dalawa at ’di nito nagustuhan ang ginawang pagtawag ng doktor sa palayaw ni Hansel.

“Kaya pala ang tagal mo, nakipaglandian ka pa sa doktor na ’yon.” ’di na napigilang saad ni Erick ng makitang silang dalawa nalang ni Hansel ang naiwan.

“Ku-kuya, hindi naman sa ganun.” nakayukong saad ni Hansel sa narinig na sinabi ng Komandante.

Sa nakitang itsura ng kasama ay lihim na pinagalitan ni Erick ang sarili. Hindi niya gustong sabihin ang mga ’yon, pero hindi na niya mababawi ang mga nabitawan nitong ’di magandang salita kay Hansel.

“He-heto kuya ang mga pagkain, sige maiwan na muna kita.” saad ni Hansel, bago pa muling makarinig ng hindi maganda sa Komandante at iniwanan na niya ito.

Sa paglayo ni Hansel kay Erick, kasabay din na tumulo ang mga luha ng una, dahil sa sakit nang narinig nitong tingin sa kanya ng Komandante.

PANG-DALAWAMPUT-PITO

Sa ospital.

Minabuti ni Hansel na pumunta na lang sa vending machine at bumili nang kape. Gutom man, dahil sa naiwan kasama ni Erick ang pagkain na para sana sa kanilang dalawa. Mas gugustuhin nang iwanan na muna niya sandali ang Komandante, sinisisi niya rin ang sarili kung bakit sa dinami-dami ng lalaking magugustuhan niya, sa lalaking kailanman ay ’di siya kayang mahalin pabalik pa tumibok ang kanyang puso, ang masaklap pa ay may nagmamay-ari na sa puso ng lalaking mahal niya at ito’y walang iba kungdi ang sarili pa niyang kapatid.

‘Napakadesperado mo Hansel.’ saad sa isip ni Hansel at ’di nito namalayan na tumulo na naman ang kanyang mga luha.

Nawala na ng gana pang kumain si Erick matapos ang nangyari, inaamin niya na sobrang napakalaki ng kasalanan niya sa nakababatang kapatid ng nobya at nakadagdag pa ang pagsikip ng dibdib niya ng makita ang malungkot na itsura ni Hansel matapos marinig ang mga nasabi niya.

‘Ano bang probelema ko.’ inis na saad sa isip ni Erick.

Gaya nga ng naisipan kanina ni Lorenzo para maalis ang mga gumugulo sa isip niya. Naririto ngayon ito sa isang mall at kasalukuyang tumitingin sa iba’t-ibang tindahan ng kung anu-ano.

Abala ito sa pagtingin-tingin ng mga damit ng makita niya ang isang larawan ng isang modelo. Kasunod nga nun ay nanlalaking mata ito at ’di makapaniwala sa nalaman.

‘Modelo si Vince?’ saad sa isip ni Lorenzo.

Hindi pa man nakakabawi si Lorenzo sa natuklasan sa kapitan, narinig nito ang maingay na dulot ng mga taong kasalukuyang may pinagkakaguluhan.

“Anong meron ate?” tanong ni Lorenzo sa saleslady.

“Mukhang nandyan yata si Mr. Vince Manalo na isa sa pinakasikat na modelo ngayon. Sige iwan na muna kita at makikigulo rin ako sa kanila.” sagot ng babaeng saleslady at nagtungo sa nagkakagulong mga tao.

Hindi inaasahan ni Captain Manalo, na kapalit ng pagsunod niya sa bagong target nito, ngayon siya naman ang hindi tinantanan sa pagsunod ng mga fans niya. Inaamin niya na ang pagiging modelo at ang paghanga sa kanya ng maraming fans ay nakadagdag para mapabilis na mahulog sa kanya ang mga kababaihan. At gaya nga ng kasabihan niya na ‘collect and collect but never ever select.’ Ito’y talagang kanyang pinanindigan, marami ng mga babaeng nagpunta sa kanilang bahay at nagsabing naanakan niya ang mga ito, pero dahil na rin sa impluwensyang meron ang mga magulang, bukod pa sa marami rin itong sariling pera, sa tulong ng DNA test, wala ni isa man ang nakapagpatunay na siya nga ang ama ng mga anak ng hindi bababa sa limampung kababaihan. At ngayon nga ay mukhang madadagdagan na naman ang bilang ng mga babaeng naikama niya, dahil may natipuhan ito sa mga kasalukuyang kababaihang ’di magkamayaw na makamayan man lang siya.

Kita ng dalawang mata ni Lorenzo, ang pinagkakaguluhang sundalo na isa rin palang modelo. Kaya naman, lalo nitong itinatak sa kanyang isipan na layuan na ang kapitan.

Sa gubat.

Matapos tuluyang maitayo ni Sebastian ang camping tent na gagawin nilang tulugan ni Richard sa gagawin nilang camping. Kinuha ng Komandante ang isang itak para gamitin sa pagbukas ng mga bukong kanina lang ay kinuha niya.

Nakita ni Richard ang ginagawa ni Sebastian at namangha siya sa husay ng Komandate na sanay na sanay sa pagbalat ng mga buko.

“Sir anong puwede kong gawin para tulungan ka?” tanong ni Richard.

Napatingin naman si Sebastian sa bunso ng heneral, na kasalukuyang nakaupo sa ugat ng malaking puno habang pinagmamasdan siya sa kanyang ginagawa.

“Kiss lang baby ang kailangan ko.” sagot pabalik ni Sebastian sabay nguso nito sa kanyang bibig.

Napailing naman si Richard sa kalokohan ng Komandante, ganunman handa itong pagbigyan ang gusto na ’yon ng huli.

Tumayo nga si Richard at dinaluhan si Sebastian na nakanguso parin sa mga oras na ’yon. At sa isang iglap pa ay hinalikan nito ng puno ng pananabik ang mga labi na ’yon ng Komandante.

Kapwa hingal na hingal ang dalawa matapos ang ginawang halikan.

“Ang sarap nun baby, hindi na ako makapaghintay na gumabi na.” nakangising saad ni Sebastian.

“Mukhang ibang hayop ang lalapa sa akin mamaya sir ah.” naiiling na saad ni Richard.

“Hahaha tama ka baby at malaya kang umungol ng malakas mamaya sa mga gagawin natin.” ngising saad parin ni Sebastian.

“Baste!” saway ni Richard sa pilyong Komandante dahil nag-uumpisa na naman ito.

“Hahaha.” tawa ni Sebastian na kita pa ang pamumula ng mukha ni Richard na dulot ng mga sinabi niya. …

Sa Mall.

Sa tulong ng mga gwardiya nang establisyementong kinaroroonan niya, nagawa ni Vince na makaalis sa mga nagkakagulo sa kanya. Pumasok rin siya sa isang department store na pag-aari ng pamilya nila at mabilis itong nagbihis at nag-disguised para hindi siya makilala ng mga fans niya.

Gaya nga ng inaasahan, malayang nakapag-libot-libot ang kapitan ng hindi na pinagkakaguluhan ng mga tagahanga niya, sinimulan na rin nito ang paghahanap sa sundalong bago niyang pagkakaabalahan.

Ilang minuto rin itong naglibot-libot sa mall, pero ni anino ni Lorenzo ay ’di na nito nakita, kaya naman nagpasya na lamang itong kumain sa paborito niyang resto na may branch din dito mismo sa mall.

Ang balak na pamamasyal ni Lorenzo para mawala ang gumugulo sa isip niya, kabaligtaran ang nangyari matapos niyang malaman ang isang bagay tungkol sa taong laman ng isipan niya. Gaya nga ng sinabi sa kanya ng saleslady kanina, tunay ngang sikat na modelo ang Kapitan. At lalo lamang siyang naiinis sa sarili dahil sa hinayaan nitong may mangyari sa kanila.

At dahil alam nitong posibleng magkita sila dito sa mall, naisipan ng sundalo na umuwi na lamang sa inuupahan.

Sa gubat.

Malapit ng dumilim ang paligid ng gubat at dahil walang kuryente sa kinalalagyan nila, inumpisahan ng sindihan ni Sebastian ang bonfire na magsisilbing ilaw nila ni Richard.

“Halika baby, ikwento mo na sa’kin kung bakit ka takot na takot sa gubat.” saad ni Sebastian.

Dala ang mga marshmallow na nakatusok sa mga barbeque stick, lumapit si Richard sa kinalalagyan ng Komandante, na kasalukuyang malapit sa bonfire at nakaupo sa isang malaking trosong nakatumba.

“Mamaya na ’yon sir, kumain na muna tayo ng mga ito.” saad ni Richard at inilapit sa apoy ang ilan sa mga hawak na marsmallow na nasa stick.

“Sige baby, oo nga pala tinawagan ko sila Bong at Isko at mamaya may dala silang mga pagkain.” saad ni Sebastian at tukoy sa dalawang lalaking bantay rito sa gubat.

“Hindi ba nakakahiya sir, pasensya na, kasi kung hindi lang ako takot na mag-isa dito sa gubat, ’di sana hindi na natin sila naabala pa.” saad ni Richard na hindi maiwasang makaramdam ng lungkot.

“Baby, normal lang sa isang tao ang may kinatatakutan, hindi rin kita sinisisi dahil dun, alam ko rin na isa ka sa mga taong matapang na kilala ko at nandito lang ako para samahan ka na harapin ang kung anumang kinatatakutan mo pa.” alo ni Sebastian sa kasama at hinalikan muli sa ulo ang katabi nitong si Richard.

“Salamat sir at masaya akong ikaw ang kasama ko, dahil kapag kasama kita, alam kong kaya kong harapin kahit ano pang kinatatakutan ko.” saad ni Richard na inilapit ang mukha sa mukha ng Komandante at pinagtapo ang kanilang mga labi.

Nang humiwalay sa halikan ang dalawa, kita nila sa kanilang mga mata, kung paano kasaya at kamahal nila ang isa’t-isa.

Sa Ospital.

Dala ng hindi magandang nasabi kay Hansel ay pinili ni Erick na sandaling iwanan ang nobya para hanapin ang una.

Ilang minuto rin siyang naglakad sa pasikot-sikot ng ospital at napadpad ito sa chapel ng nasabing gusali. Sa chapel niya nakita ang nakahigang si Hansel na kasalukuyang natutulog.

Minabuti niyang lapitan ang nakababatang kapatid ng nobya para sana gisingin ito, pero natigilan siya ng makita ang basa sa gilid ng mga mata ni Hansel.

Sumikip ang dibdib ni Erick sa nakitang ayos ni Hansel at nakita na lamang nito ang sarili na umupo sa kinahihigahang mahabang silya ng huli. Sa kanyang pag-upo, hindi na napigilan pa ni Erick ang sarili at pinusan sa pamamagitan ng kanyang daliri ang luha sa gilid ng mga mata ni Hansel. Matapos nun, ang buhok naman ng binata ang kanyang hinaplos-haplos, na namiss nitong gawin at hindi na niya matandaan kung kailan nung huli niya itong nagawa.

“I’m sorry Hans.” saad ni Erick sa tulog parin na kasama.

Sa Amerika.

Kasalukuyang naririto ngayon sa ospital si Rachelle. Hindi na siya makapaghintay para sa gagawing operasyon sa kanya, na magiging unang hakbang niya para mapasakanya muli si Sebastian.

Sa gubat.

“Salamat sir at dinala mo ko dito sa gubat, kanina ng malaman kong dito tayo magpapalipas ng gabi, bumalik sa akin ang mga nangyari nung bata pa ako. Matapos ang ginawang pananakot sa akin ng mga kaklase ko noon, isinumpa ko na hindi na muli pa akong mananatiling mag-isa ng matagal sa gubat, pero ngayon na kasama kita at gumawa tayo ng magagandang bagay dito sa gubat, sa tingin ko mabubura na ang takot ko kapag muling nagpunta ako dito.” saad ni Richard.

“Basta para sa’yo baby at gaya nga ng sinabi ko, isa ka sa pinakamatapang na taong nakilala ko. Pero may ipagtatapat rin ako sayo.” saad ni Sebastian.

Napatingala naman si Richard na kasalukuyang nakahiga sa hubad na dibdib ng Komandante, para tingnan sa mukha ang huli.

“Ano ’yon sir?”

“Ang mawala ka baby sa buhay ko,  ang tanging bagay na kinatatakutan ko.” seryosong usal ni Sebastian sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Richard.

Parang may humaplos sa puso ni Richard sa narinig nito sa Komandante at dala ng labis na kaligayahan, tumulo ang luha sa mga mata ng una na dulot ng pag-ibig ng huli.

“Ako man sir, pinakakinakatakutan ko ang mawala ka sa akin at ipinapangako ko, hinding-hindi kita iiwan.” ganting saad ni Richard.

“At hinding-hindi naman kita papakawalan baby, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.” saad ni Sebastian, sabay punas sa luha ng bunso ng Heneral at muling pinagtagpo ang kanilang mga labi.

At sa kalaliman ng gabi sa gitna ng gubat na ’yon, ipinadama ni Sebastian at Richard ang nagniningas nilang pag-ibig sa isa’t-isa.

Changes

Abangan ang pag-iiba ng decription ng PAG-IBIG NG SUNDALO. Mangyayari ’yon pagkatapos ng IKA-DALAWAMPUT-LIMA na parte ng libro. Makikilala rin ang mga bagong karakter na papasok sa mundo ng mga magkakapatid na Manalo.

PANG-DALAWAMPUT-WALO

Nagising si Hansel mula sa pagkakatulog nito sa chapel ng ospital. Pagmulat ng mga mata niya, bumungad ang guwapong mukha ng Komandante na natutulog habang nakaupo malapit sa kinalalagyan niya. Sandaling pinagmasdan pa ni Hansel ang mukha ni Erick, na sa ganitong pagkakataon lang niya malayang nagagawa. Nang makita nitong gumalaw ang katawan ni Erick ay mabilis na umiwas ng tingin si Hansel at minabuti ng bumangon, bago pa siya makita ng alam niyang galit parin sa kanya na Komandante.

Nang tuluyang makabangon, aalis na sana ng chapel si Hansel at iwanan na lang ang tulog parin na Komandante. Ngunit nang maalala nito na ngayong araw rin ay babalik si Benedict para dalawin ang kanyang ate, kabado man na baka magalit muli sa kanya si Erick, naglakas loob itong gisingin na ang natutulog parin na Komandante.

“Sir, gising na.” yugyog ni Hansel sa balikat ni Erick para magising na ang huli.

Pero walang reaksyon dito ang ilang araw ng puyat na Komandante. Sinubukan muli ni Hansel na yugyugin ang balikat ni Erick, ngunit dala ng napalakas niyang pagyugyog ay napahiga papunta sa kanya ang katawan ng Komandante. Sa nangyari ay muntik ng magtagpo ang kanilang mga labi, pero mabuti nalang at kaagad niyang naiharang ang isa pa nitong kamay sa dibdib ng Komandante.

Sa ilang araw niyang pagbisita muli sa wala paring malay na nobya, ngayon lamang muli siya nakatulog ng maayos. Hindi alam ni Erick kung totoo o nanaginip lang siya, nang maramdaman ang isang kamay sa kanyang dibdib na nagbigay ng ’di niya maipaliwanag na pakiramdam. Kasunod nito ay nagising ang Komandante at bumungad ang namumulang mukha ni Hansel.

“Uhm nakatulog pala ako, ikaw Hansel kagigising mo lang ba?” saad ni Erick at tanong nito sa katabi.

Natigilan naman si Hansel sa tanong ni Erick sa kanya, ngayon na lang muli kasi nitong narinig ang mahinahon na boses ng Komandante sa tuwing kausap siya.

“Na-nauna lang ako ng kaunti sa’yo kuya.” sagot ni Hansel na makabawi ito.

“Ganun ba, halika samahan mo na akong mag-almusal bago tayo bumalik sa ate mo.” saad ni Erick habang inuunat ang mga braso nitong nangalay sa kanyang pagtulog sa upuan ng chapel.

Kita ni Hansel ang pagflex ng mga malalaking braso ng Komandante, pero kaagad rin nitong iniwas ang pagtingin sa katawan ng huli.

“Hindi na kuya, bibili na lang ako ng kape ko.” tanggi ni Hansel sa alok ni Erick.

“Hans, alam kong hindi ka nakakain kahapon, kaya sa ayaw o gusto mo sasabayan mo akong mag-almusal.” maotoridad na saad ni Erick.

“Pero nakakahiya kuya, ikaw na nga ang gumagastos ng lahat sa ospital bills ni ate, dadagdag pa ako sa’yo.” saad ni Hansel.

“Walang kaso ’yon sa akin, isa pa hingi ko na rin ng sorry ’yon dahil sa mga maling nasabi ko sa’yo kahapon. Kaya sana patawarin mo ako.” seryosong saad ni Erick na tumingin ng diretso sa mukha ni Hansel.

Hindi alam ni Hansel kung anong naging dahilan kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo sa kanya ng Komandante, ganun man ay masaya ito sa nangyayari, ganito rin kasi ang pakikitungo sa kanya ni Erick bago ang nangyaring aksidente sa kanyang ate.

“Sige kuya.” nakangiting pagpayag ni Hansel at pagpapatawad nito kay Erick.

Gaya ng dati, nagising na naman si Vince sa isang hotel at katabi nito sa kama ang babaeng wala kahit ni isang saplot na suot sa katawan, na dahilan ng kanilang pagtatalik. At bago pa magising ang babae, mabilis na pumasok sa banyo ang kapitan para maligo.

Pagkatapos maligo at magbihis ay umalis na rin si Vince sa nasabing lugar.

Kasalukuyang nag-aalmusal si Lorenzo sa karinderya ng tumunog ang kanyang cellphone dulot ng isang dumating na mensahe. Pagtingin ng sundalo sa mensahe ay galing pala ito kay Richard at inahanyayahan siyang maghapunan sa bahay ng mga Manalo na galing pa mismo sa amang Heneral ng kaibigan. Sandaling natigilan si Lorenzo at iniisip kung tatanggapin ba nito ang imbitasyon, sa isip niya siguradong makakasalamuha niya ang kapitan na gustong-gusto niya ng iwasan, pero nahihiya rin siyang tanggihan ang gusto ng Heneral. Napabuntong hininga na lamang ang pobreng sundalo at kasunod nun ay nireplayan niya ang mensaheng ’yon ni Richard.

“Salamat Chard, sige pupunta ako.”

Kasalukuyan silang pabalik ni Sebastian sa bahay ng matanggap ni Richard ang sagot sa kanya ni Lorenzo sa text.

“Pumayag siya Baste at pakiusap ’wag mo ng pagselosan ’yung tao.” saad ni Richard.

“Promise hindi na baby, pero ’yung hinihingi ko sayong round 3 ha.” ngising saad ni Sebastian.

“Seryoso ka Baste?” ’di makapaniwalang tanong ni Richard, ang siste kasi nabanggit ng Komandante ang naudlot na round 2 nung nakaraang araw at dapat raw ay ibigay sa kanya ni Richard ’yon.

“Seryosong-seryoso baby.” nakangiting sagot ni Sebastian.

Naiiling na lang si Richard sa narinig, pero gagawa siya ng paraan para hindi matuloy ang round 3 na hinihingi sa kanya ni Sebastian.

Habang nag-aalmusal sila ni Erick, hindi alam ni Hansel kung paano sisimulan ang gagawin nitong paraan para mapapayag ang Komandante na umuwi na muna sa kanila. Alam niyang malaking gulo ang siguradong mangyayari kapag nagpang-abot si Erick at si Benedict.

“Kuya, ayaw mo bang umuwi ka na muna at magpahinga, ako na lang ang bahalang magbantay kay Ate.” saad ni Richard na pumutol sa pagkain ni Erick.

“Ayos lang ako ’wag mo kong alalahanin, nakatulog na rin ako ng maayos kagabi. Ikaw, baka gusto mo munang umuwi sa inyo, ako na lang muna ang bahala sa ate mo.” saad ni Erick.

Sa narinig ni Hansel ay alam nitong malabo ng mapaalis pa ang Komandante sa opistal at nag-uumpisa na itong kabahan sa maaaring gulong mangyayari mamaya.

“Pero kuya baka hinahanap ka sa inyo, pangako tatawagan kaagad kita kapag may pagbabago sa lagay ni ate.” subok pa ni Hansel.

Nahalata ni Erick ang pagpupumilit ng kausap na umuwi muna siya sa kanila at alam nitong may itinatago sa kanya ang nakababatang kapatid ng nobya.

“Hans, may itinatago ka ba sa akin?” seryosong tanong ng Komandante.

“Ha? Wa-wala kuya, ano naman ang pwede kong itago.” kabang saad ni Hansel at naisip na tunay ngang malakas ang pakiramdam ng Komandante.

“Sigurado ka?” pagtitiyak ni Erick sa kausap na halata nitong may hindi gustong ipaalam sa kanya.

“Wala nga kuya, a-ano mabuti pa ay kumain na lang tayo.” sagot ni Hansel at minabuting kumain na lang bago pa tuluyang mapaamin siya ni Erick.

Hindi na nagtanong pang muli si Erick, ganunman sisiguraduhin niyang malalaman nito ang ayaw sabihin sa kanya ni Hansel.

Abala sa pagkain ng almusal si Vince ng dumating ang kapatid na si Richard at ang kaibigang si Baste.

“Kamusta ang gubat Chard?” tanong ni Vince sa kapatid.

“Hayun kuya, gubat parin.” sagot ni Richard.

Natawa naman si Sebastian sa sagot na ’yon ni Richard.

“Pilosopo ka talaga bunso, eh ikaw Baste nakarami ka ba?” saad ni Vince at ngising baling nito kay Sebastian.

“Kuya!” saad ni Richard bago pa makasagot si Sebastian.

“Bakit ba Chard, tinatanong ko lang kay Baste kung marami siyang nakuhang buko.” palusot pa ni Vince.

“Marami bayaw, mamaya kukuhanin pa namin ni Richard ’yung iba.” nakangising sagot ni Sebastian.

“Ewan ko sa inyong dalawa at anong tinawag mo kay kuya?” saad at tanong ni Richard, na ’di nakaligtas ang pagtawag ng bayaw ni Sebastian sa kapatid.

“Ha iyon ba, darating din ang araw na magiging asawa kita kaya sinasanay na namin ni Vince ang mga sarili namin, hindi ba bayaw?” paliwanag ni Sebastian at hingi ng suporta kay Vince.

“Oo nga naman Chard, sinabi ko rin nga kay Baste na dapat tawagin ng papa si papa kaya lang natakot siya.” saad ni Vince at natatawa pa ito sa huling sinabi.

“Eh sinong ’di matatakot kay tito bayaw.” naiiling na sagot naman ni Sebastian.

“Akala ko ba Baste, yung sinabi mo sa akin ang tanging kinatatakutan mo, eh kay papa pala takot na takot ka.” asar ni Richard sa Komandante.

“Baby naman, syempre respeto ang ibig sabihin nun kaya takot ako kay Heneral, pero totoong ang mawala ka sa’kin ang pinakakinatatakutan ko.”

“Kayong dalawa tama na ang pagiging sweet niyo, mabuti pa sabayan niyo na lang ako.” saad ni Vince.

“Inggit ka lang tol, hindi ka pa kasi humanap ng seryosong mamahalin mo.” asar ni Sebastian sa kaibigan.

“Tama si Baste kuya, sawa na kami sa mga nagpupunta dito at nagsasabing naanakan mo sila.” sang-ayon ni Richard kay Sebastian.

Sandaling napaisip si Vince sa sinabi ng dalawa, pero wala pa sa isip niya ang tigilan ang nakagawian niya.

“Ako na naman ang nakita niyo.” saad lang ni Vince at nagpatuloy ito sa pagkain.

Habang pabalik sila ni Erick sa ospital, panay ang dasal sa isip ni Hansel na sana’y huwag na munang dumating si Benedict para dalawin ang kanyang ate.

Pero hindi nasagot ang dasal na ’yon ni Hansel, habang palapit sila ng palapit ni Erick sa kinaroroonan ng kanyang nakaratay parin na kapatid, kita niya ang pamilyar na lalaki na naroroon mismo sa labas ng ICU.

“Ku-kuya pwede bang bumalik muna tayo sa pinagkainan natin, naiwan ko yata ’yung wallet ko.” kabang pakiusap ni Hansel kay Erick, bago pa sila tuluyang makarating sa ICU.

Hindi na pinansin pa ni Erick ang sinabing ’yun ni Hansel, malinaw na sa kanya ngayon ang lahat, kung bakit pilit siyang pinapauwi kanina ng huli.

Nakita ni Hansel ang naging seryosong mukha ng Komandante habang sa lalaking nasa harapan nila ang tingin ng huli. Ibayong kaba at takot ang namayani kay Hansel dahil alam niyang galit na galit na ngayon si Erick.

“Kuya.” saad ni Hansel sabay hawak sa braso ni Erick, na wari mo’y sa paraang iyon ay mapipigilan niya ang galit ng huli.

Hindi parin pinansin ni Erick si Hansel, bagkus ay mabilis itong naglakad papunta sa lalaki.

“Bumalik kana pala.” ngising saad ni Benedict ng makita ang dumating na si Erick.

“Anong ginagawa mo dito?” seryosong tanong ni Erick na pinipigilan ang galit na nararamdaman nito.

“Mukhang nasabugan yata ng bomba ang ulo mo, eh ano pa kungdi kay Roxanne.” sagot ni Benedict na ’di naaalis ang ngisi sa mukha.

“Ikaw yata ang nauntog, hindi mo ba alam na ako na ang nobyo ni Roxanne.” saad ni Erick.

“Nobyo? Kailan pa?” natatawang saad ni Benedict.

“Banedict pwede bang tumigil ka na.” sabat ni Hansel para mapigilan ang alam nitong malapit ng mag-umpisang gulo sa dalawa.

“Ikaw ang tumigil Hansel!” singhal lang ni Benedict.

“Huwag mo siyang sisigawan.” saad ng nagpipigil na si Erick.

“Oh bakit, kasi kapatid siya ng nobya mo? Ulol! Hindi naging kayo ni Roxanne dahil hindi naman kami naghiwalay.” galit na saad ni Benedict.

“Ikaw ang ulol! Matagal na kayong wala ni Roxanne at hindi mo lang matanggap na ipinagpalit ka niya sa akin.” sagot ni Erick.

“Bakit hindi mo tanungin si Hansel, tutal alam kong alam naman niyang totoong may relasyon pa kami ni Roxanne.” ngising saad ni Benedict.

Gaya nga ng kanyang inaasahan sa siraulong si Benedict, dumating na ang sandaling kinatatakutan ni Hansel.

Kita ni Hansel ang pagbaling ni Erick sa kanya para kumpirmahin ang sinabing ’yon ni Benedict, gusto man nitong pasinungalingan ang sinabi ng huli at protektahan ang kanyang ate ay wala ng nagawa pa si Hansel.

“I’m sorry kuya.” nakayukong saad ni Hansel.

“Ka-kailan pa?” tanong ni Erick sa nabasag na boses na dulot ng sakit na nakumpirma ang matagal na niyang hinala.

“Nalaman ko lang kuya, nung araw na tinawagan kita at pinuntahan mo ako sa bar na siya rin gabing naaksidente si ate.. sorry kuya.” sagot ng nakayuko parin na si Hansel.

“Don’t be, may ideya na rin ako pero dahil sa mahal ko ang ate mo ay nagbulag-bulagan ako.” saad ni Erick.

“At ikaw.” baling ni Erick sa nakangisi paring si Benedict.

Tumingin naman si Benedict kay Erick at dahil hindi nito napaghandaan ang huli.

Isang suntok ang pinakawalan ni Erick sa mukha ni Benedict at sapul sa mata ang huli na ikinatumba rin nito.

“Nandito ka na rin sa ospital, mabuti pang ipagamot mo na rin ’yan.” saad ni Erick at matapos nun ay umalis na rin ito sa ospital.

PANG-DALAWAMPUT-SIYAM

Dumiretso si Erick sa kanyang sasakyan matapos ang mga nalaman nito sa loob ng ospital. Nanatili lang ito sa loob ng sasakyan at iniiisip parin ang mga nangyari sa mga nakalipas na sandali. Hindi na niya ikinagulat pa ang pagtataksil sa kanya ng kasintahan na nahalata na nito ang panlalamig sa kanya, bago pa mangyari ang pagkakaaksidente nito, ang mas gumugulo ngayon sa isipan ng Komandante ay kung bakit hindi ito nasaktan ng sobra gayung matagal na pala siyang niloloko ng minahal niyang babae.

‘Minahal.’ saad sa isip ni Erick at kasunod ng naisip nitong si Roxanne, ang mga ala-ala naman ng pinagsamahan nila ng nakababatang kapatid ng dating nobya, ang isa-isang pumasok sa isipan niya.

‘Hans.’ saad sa isip ng Komandante at pinaandar na nito ang kanyang sasakyan para lisanin na ang ospital.

’Malamang galit na galit si kuya Erick sa amin dalawa ni ate.“ saad sa isip ni Hansel.

At malungkot ngayon si Hansel, na alam nitong ang kaninang magkasama sila ni Erick ang huling sandaling ala-ala niya sa Komandante.

‘Sana mapatawad mo kami ni ate kuya at hangad kong dumating ang taong mamahalin ka at mamahalin mo rin.’ saad muli sa isip ni Hansel at kasunod ang pagbagsak ng mga masaganang luha nito.

Nalaman ni Vince ang pag-imbita ng amang Heneral sa sundalong si Lorenzo at isang plano ang naisip ng pilyong sundalo para dito.

“Si Lorenzo lang ba ang inimbitahan ni papa?” tanong ni Vince, sa kapatid na si Richard na katatapos lang mag-ensayo sa pagbaril.

“Oo kuya, bakit mo natanong?” sagot at balik na tanong ni Richard.

“Wala lang, oo nga pala mukhang problemado na naman si kuya.” sagot ni Vince at inilihis pa ang usapan.

“Oo nga kuya, hayaan na muna natin siya.” saad ni Richard.

“Tama ka.” sang-ayon ni Vince at alam nitong walang ’di kayang lutasin na problema ang kanilang kuya.

Matapos maligo ni Lorenzo ay ’di nito alam kung tutuloy ba ito o hindi sa bahay ng mga Manalo. Bukod sa nais nitong pag-iwas kay Vince, nakaramdam rin ng kaba ito kung bakit ang isang simpleng sundalong gaya niya ay naimbitahan ng isang Heneral.

‘Bahala na, siguro ay tungkol sa misyon ang dahilan ni Heneral.’ saad sa isip ni Lorenzo at nag-abang na ito ng masasakyan papunta sa bahay ng Heneral.

Nangingiti si Vince habang tinitignan ang sariling repleksyon sa salamin, nang makuntento sa kanyang ayos at itsura ay tsaka pa lamang ito nagdesisyon na lumabas na ng kwarto.

At habang pababa ito papunta sa hapag na magiging salu-salo nila kasama si Lorenzo.

‘Tignan mo nga naman, hinanap ko pa kahapon, ngayon siya rin pala ang lalapit papunta sa akin.’ saad sa sarili nang nangigiting kapitan.

“May lakad ka kuya?” tanong ni Richard ng makita ang ayos na ayos na si Vince.

“Wala sa ngayon, pero baka mamaya meron.” ngiting sagot ni Vince at umupo na sa hapag kasama ng mga kapatid.

Abala naman si Aurora sa paghahanda ng mga pagkain ng magiging salu-salo nilang mag-anak.

“Oo nga pala, buti at wala sa tabi mo si Baste?” baling pa ni Vince kay Richard.

“May inasikaso lang tungkol sa negosyo nila.” sagot ni Richard.

Samantala, tahimik lang na nakikinig si Erick sa usapan ng mga kapatid, gayunman sumagi rin sa isipan ng Komandante ang magiging hakbang nito sa magkapatid na Cortez.

Abala parin sa pag-uusap si Richard at Vince ng tumunog ang doorbell ng kanilang bahay.

“Teka lang kuya, siguradong si Renz na ’yon.” saad ni Richard na tumayo na para salubungin si Lorenzo.

“Chard ako na lang, may importante rin akong sasabihin kay Velasco.” pigil ni Vince sa kapatid.

Nahinto naman si Richard sa paglalakad sa narinig nito sa kanyang kuya.

“O sige kuya.” pagpayag ni Richard at bumalik na ito sa hapag.

At si Vince na nga ang sumalubong sa dumating na si Lorenzo.

Habang naghihintay na pagbuksan siya ng pamilya Manalo, kinakabahan parin si Lorenzo kung anong maaaring mangyari sa hapunan kasama ang mag-anak ng Heneral.

“Velasco, masaya akong nakapunta ka.”

Napatingin si Lorenzo sa nagsalitang boses at bumungad sa kanya ang guwapong kapitan na nakangiti pa sa kanya.

“Magandang gabi sir.” saad ni Lorenzo at sumaludo pa ito sa kapitan, bilang pagbibigay galang sa nakatataas sa kanya.

Lihim na napangiti ang pilyong kapitan, sa nakitang ginawang paggalang sa kanya ng sundalong bisita nila.

“Enzo magandang gabi rin sayo, pero tama na ang pormalidad kapag kausap mo ako.” simula ni Vince at lumapit ito sa kinatatayuan ni Lorenzo. “Para naman walang namagitan sa atin.” bulong ng pilyong kapitan sa tenga ni Lorenzo.

Hindi inaasahan ni Lorenzo ang ginawang ’yon ng kapitan, kaya naman sumunod na namula ang mukha nito na dulot ng kaharap.

Gaya ng inaasahan ni Vince, nakita niya ang reaksyon na ’yon ni Lorenzo at ’di na makapaghintay pa ang una sa mga mangyayari pa ngayong gabi.

“Pasok ka Enzo.” saad ni Vince at isang kindat pa ang pinakawalan nito sa namumulang mukha parin ni Lorenzo.

Nauna na ngang naglakad papasok si Vince at nakasunod sa kanyang likuran ang bisitang si Lorenzo.

Tahimik na sinusundan lang ni Lorenzo ang kapitan at ’di niya maitatanggi na sa simpleng ginawa kanina ng huli ay malaki ang naging epekto nito sa kanya.

‘Huwag mo na lang siyang pansinin.’ kastigo ni Lorenzo sa sarili.

“Mabuti naman Lorenzo at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko sa’yo.” saad ng Heneral ng makita ang sundalong kaibigan ng bunso niyang anak.

“Salamat naman po sir sa pag-imbita sa’kin.” magalang na sagot ni Lorenzo sa Heneral at sumaludo pa ito.

“Tama ka nga Aurora, ang galang naman ng batang ’to, tawagin mo na lang akong tito at maupo ka na rin.” saad ng Heneral sa asawa at makangiting baling rin nito kay Lorenzo.

Umupo na nga si Lorenzo, kahit pa ang tanging upuan na bakante ay sa tabi ng kapitan na nais na nitong iwasan.

“Renz kain ka lang at huwag kang mahiya.” nakangiting saad ni Richard.

“Salamat Chard.” ngiting sagot ni Lorenzo.

Kahit papaano’y nabawasan na ang kaba ni Lorenzo dahil na rin kay Richard, gayunman ay naiilang parin ito lalo na’t katabi nito ang kapitan.

“Enzo, subukan mo itong specialty ni mama na Kare-kare.” saad ni Vince at lagay ng ulam sa plato ni Lorenzo.

“Sa-salamat sir.” saad ng naiilang parin na si Lorenzo

Nakaramdam ng hiya si Lorenzo sa ginawang ’yon ng kapitan, lalo na’t kita nitong sa kanilang dalawa ni Vince napunta ang atensyon ng mga kasama nila sa hapag.

Sa nakitang ginawa ng kapatid na si Vince sa bisita nila, bumalik sa isipan ni Erick ang naging usapan nila ng kapatid ilang araw pa lang ang nakararaan.

“Kilala mo talaga ako kuya, ’wag kang mag-alala, malabong mabubuntis ko siya sa pagkakataong ito.”

‘Sira ka talaga Vince.’ saad sa isip ni Erick at nagdesisyon itong kakausapin ang kapatid mamaya.

“Kuya hayaan mo ng mag-isang kumain si Renz, nahiya na tuloy ang tao.” saway ni Richard sa kuyang si Vince.

“A-ayos lang ako Chard.” saad ni Lorenzo.

“Oo nga naman Chard, isa pa hindi na maiilang pa sa akin si Enzo, lalo na’t close na kaming dalawa, hindi ba Enzo?” saad ni Vince sa kapatid at baling naman sa katabi na inakbayan rin nito.

Isang tango lang ang naging sagot ni Lorenzo sa kapitan, kahit na gustong-gusto na nitong tumayo at umalis sa kanyang pwesto, ang ilang at kabang nararamdaman nito sa kapitan ay nadagdagan pa ng ’di niya maipaliwanag na pakiramdam sa ginawang pag-akbay sa kanya ng huli.

’Di nakaligtas kay Vince ang pamumula ng mukha ng akbay-akbay niyang sundalo.

‘Ang cute rin pala nito.’ saad sa isip ng kapitan at minabuti ng tanggalin ang brasong nakaakbay kay Lorenzo.

Ginawa lahat ng makakaya ni Lorenzo para hindi maging kahiya-hiya sa hapag kasama ang mag-anak na Manalo, kahit papaano ay tumigil na rin sa pang-aasar ang kapitan matapos ang ginawang pag-akbay nito sa kanya.

Matapos nilang kumain ay inaya ni Richard sa sala si Lorenzo para manood ng TV.

Samantala, pinigilan ni Erick ang kapatid na si Vince na susundan sana ang dalawa sa sala.

“Vince sundan mo ’ko sa kwarto ko.” seryosong saad ni Erick.

“Bakit ku-.” ’di na natapos pang sagot ni Vince ng iwanan na siya ng kapatid.

‘Anong problema nun.’ saad sa isip ni Vince pero sumunod naman ito sa kapatid.

“Tigilan mo kung anuman ang binabalak mo kay Lorenzo.” walang paligoy-ligoy na saad ni Erick ng pumasok sa kwarto si Vince.

“Te-teka lang kuya, anong ibig mong sabihin?” kunwaring naguguluhang tanong ni Vince.

“Alam mo kung ano ’yon Vince, paano kapag nalaman ni bunso ang ginagawa mo sa kaibigan niya?” saad ni Erick.

“Come on kuya, ano bang mawawala sa amin ni Enzo, isa pa matatanda na kami at nasa wastong edad na kami para magdesisyon sa mga kilos namin.” ’di makapaniwalang saad ni Vince sa pakikialam ng kapatid.

“Hindi kita pinakialaman sa mga mali mong gawain, pero ’wag mo nang idamay pati si Lorenzo.” seryosong saad ni Erick.

“Gaya nga ng sabi mo, hinayaan mo ako noon, kaya ’wag mo rin akong papakialaman ngayon, mas mabuting humanap ka ng sarili mong pagkakaabalahan.” saad ni Vince sa kapatid at lumabas na rin ito sa kwarto.

Napabuntong hininga na lamang si Erick. Sa isip ng Komandante, may punto naman ang kapatid dahil ’di siya nakialam sa mga maling gawain ni Vince noon, pero hindi rin maiaalis sa kanya ang mag-alala hindi lang para kay Lorenzo pati na rin sa kapatid.

‘Isa pa tama rin si Vince, may sarili rin akong problema at ang magkapatid na Cortez ang dapat kong pagkaabalahan.’ saad sa isip ni Erick.

Hindi alam ni Hansel kung anong mangyayari ngayon sa kanilang dalawa ng ate niya. Sigurado kasing hindi na sasagutin pa ng kuya Erick niya, ang mga magiging hospital bills ng kanyang ate at sigurado rin si Hansel na ang pag-alis ng Komandante kanina dulot ng nalaman nitong pagtataksil ng kanyang ate sa kanya ay nangangahulugan, na wala ng pakiaalam pa ang sundalo sa kanilang mag-ate.

‘Wala na akong ibang mapagkukuhanan pa ng pera, hindi ko naman maaaring pabayaan si ate.’ saad sa isip ni Hansel at kasunod nun ay naisip nitong ibenta na, ang tanging naiwang ari-arian na pamana sa kanila ng pumanaw na nilang mga magulang.

PANG-TATLUMPU

Isang tawag ang gumising kay Erick kinabukasan, nang makita na ang abogado nito ang tumatawag ay sumilay ang ngiti sa mukha ng Komandante.

“I hope this is a good news.” bungad ni Erick sa kausap sa kabilang linya.

“As a matter of fact Mr. Manalo, it is. Like what you said, Mr Cortez sell’s their property.” sagot ng abogado.

Lalong lumawak ang ngiti sa mukha ni Erick at umaayon sa kanya ang pagkakataon.

“He’s really a predictable one, and I think Attorney you already know what to do.” saad ni Erick.

“Of course Mr. Manalo, I’ll just inform you about it and as always, consider it done.” sagot ng abogado.

Matapos ang kanilang pag-uusap ni Atty. Cruz, hindi na makapaghintay pa si Erick sa magiging reakyon ni Hansel, kapag nalaman ng huli, kung sino ang taong bumili sa kanilang bahay.

‘Hindi ka basta-basta makakawala sa akin, Hans.’ saad sa isip ng Komandante.

Ang plano ni Vince kay Lorenzo sa nakalipas na gabi ay ’di na nito nagawa. Sa naging pag-uusap nila ng kuya Erick niya, napaisip si Vince sa mga sinabi ng kanyang kuya. Alam niyang kahit ’di sabihin ng nakatatandang kapatid, hindi nito kinukunsinti ang pagiging mapaglaro niya sa pag-ibig. Ngunit mali man ang kanyang ginagawa, tanging ang kuyang si Erick lang ang may alam sa likod ng pagiging mapaglaro ng kapitan. Sa katunayan, seryoso at tapat sa iisang minamahal noon si Vince, ngunit nabago ito dahil sa ginawa sa kanya ng unang babaeng inalayan nito ng totoo at wagas niyang pag-ibig.

‘Tama si kuya, bakit ba palagi kong iniisip na pare-pareho lang silang lahat.’ saad sa isip ng kapitan, na bumangon na rin para harapin ang bagong umaga at nasa isip na susubukang tigilan na, ang nakagawian nito sa nakalipas na ilang taon.

Habang nagluluto ng simpleng almusal sa kanyang aparment, hindi maalis sa isipan ni Lorenzo ang itsura ng tahimik na kapitan habang nagmamaneho ito kagabi, para ihatid siya. Dala rin ng pagkailang sa tuwing kasama niya si Vince, tanging pagpapasalamat lang ang lumabas sa bibig ni Lorenzo sa buong biyaheng kasama ang kapitan at isang tango lang ang naging tugon sa kanya ng huli.

‘May problema siguro.’ saad sa isip ni Lorenzo. ‘Teka lang bakit ko ba siya naiisip.’ kausap muli ni Lorenzo sa sarili.

Hindi makapaniwala si Hansel na matapos niyang ipost na for sale ang kanilang bahay at lupa, marami kaagad ang nagkainteres na bilhin ang nasabing property. Lalong ’di siya makapaniwala ng makita nito ang isang interesadong buyer na handang magbayad ng halagang sampung milyon, para lang sa dalawang palapag nilang bahay. Ganunman ay sinunggaban ni Hansel ang buyer na may pinakamalaking halaga ibabayad para sa kanilang property, dahil kakailanganin niya ang mas malaking pera para sa wala parin niyang malay na ate.

’Salamat kung sino ka man na buyer ka at sana bago maubos ang perang ‘yon ay magising na si ate.’ saad sa isip ni Hansel.

Pauwi na ngayon si Sebastian sa bahay ng mga Manalo, na galing sa pag-aasikaso sa kanilang negosyo. Minabuting tapusin na ng Komandante ang mga kailangan nitong gawin, dahil may pupuntahan sila ni Richard sa natitirang dalawang araw bago ang kanilang misyon.

Matapos ang pag-uusap nila ni Sebastian, hinihintay na lang ni Richard ang pagdating ng Komandante para sa biyahe nila patungo ng Baguio.

“Bunso pasalubong ko ha, kahit Strawberry Jam lang.” paalala ni Erick.

“Sige kuya.” sagot ni Richard.

“Ako Chard kahit peanut brittle lang.” saad naman ni Vince.

“Mahilig ka talaga sa mani, Vince.” asar ng Komandante sa kapitan.

“Alam mo ’yan kuya, pero malay mo maging katulad rin ako ni Richard na magustuhan ang hotdog.” natatawang saad ni Vince.

“Kuya!” saway ng namumulang si Richard.

“Hayaan mo na si kapitan bunso ’di ka pa nasanay sa kanya.” saad naman ni Erick.

“Parang ikaw tol hindi ah, nakita ko nga ang mga inilagay mong mga condoms sa mga gamit ni Chard.” ganti naman ni Vince.

“Kuya Erick!” ’di makapaniwalang saad ni Richard sa nalaman nito.

“Mabuti ng sigurado bunso, baka mabuntis ka ni Baste, mahirap na.” saad ng seryosong si Erick.

“Ewan ko sa inyong dalawa, bakit ba wala pa kasi si Baste.” saad ni Richard na ’di na makapaghintay pang iwanan na ang mga mapang-asar na mga kuya.

“Hayan na at parating na ang daddy mo Chard.” asar muli ni Vince ng makitang padating na ang sasakyan ni Sebastian.

‘Salamat naman.’ saad sa isip ni Richard.

Pagkahinto ng sasakyan ni Sebastian ay mabilis itong bumaba para kuhanin ang mga gamit na dala ni Richard.

“Mga tol, mauna na kami.” paalam ni Sebastian sa mga kaibigan.

“Sige tol, ingat sa pagmamaneho.” paalala ni Erick.

“Oo tol.” sagot ni Sebastian.

“Mag-enjoy kayo ni Chard, Baste.” saad naman ni Vince.

“Sigurado ’yon tol.” sagot ni Sebastian.

“Tara na Baste, bago pa tayo asarin nila kuya.” saad ni Richard na ikinatawa naman ng kanyang mga kuya.

“Sige mga tol.” saad ni Sebastian at pinaandar na nito ang sasakyan.

Kasalukuyang nakasakay ng taxi si Hansel para kitain ang buyer ng kanilang bahay at lupa. Dala ang plastic envelope ay tinignan muli ni Hansel ang dalang mga dokumento kung kumpleto ba ang mga ito.

‘Paalam na sa’yo.’ saad sa isip ni Hansel habang kasalukuyang hawak ang titulo ng kanilang lupa.

Pagdating sa cafe ni Hansel na pagkikitaan nila ng kanyang buyer, kaagad nitong hinanap ang kanyang sadya sa nasabing lugar at ilang liko pa ng kanyang ulo ay nakita nito ang taong nakasuot ng eksaktong damit, base sa kanyang natanggap na deskripsyon sa text sa kanyang cellphone.

“Mr. Cruz.” saad ni Hansel para makuha ang atensyon ng nakaupong lalake.

“Have a seat Mr. Cortez.” saad ng abogado na tauhan rin ni Major Manalo.

Kaagad naman tumalima si Hansel sa nais ng lalaki.

“Hindi na’ko magpapaligoy-ligoy pa Mr. Cortez, dala ko ngayon ang check na nagkakahalaga ng sampung milyong piso at ngayon mismo ay ibibigay ko ito sa’yo kapalit ng titulong alam kong dala-dala mo.” mahabang saad ni Atty. Cruz.

Sandaling natigilan si Hansel matapos magsalita ng kaharap, gayunpaman buo na ang pasya niya na ibenta ang kaisa-isang ala-ala nila ng kapatid sa mga nasira nilang mga magulang.

“Tama ka Mr. Cruz dala ko nga ang titulo pero bago ko ibigay sa iyo ito, maari ba kitang tanungin ng isang bagay?” saad ni Hansel at nagbasakali itong tanungin ang kausap.

“Go ahead Mr Cortez, ano ’yon?”

“Don’t get me wrong, alam kong alam mo rin na malaki ang halagang ibabayad mo sa akin, kapalit ng ibinebenta ko. Gusto ko lang malaman, bakit interesado ka sa property ko?” saad at tanong ni Hansel.

“You’re right Mr. Cortez, malaki nga ang ibabayad ko, pero not to dissappoint you, ang kliyente ko ang interesado sa ari-arian mo at hanggang dun lang ang pwede kong sabihin sa’yo.” sagot ni Atty. Cruz.

“Naiintindihan ko, sige heto na ang titulo ng bahay at lupa ko.” saad ni Hansel at abot nito sa titulo kay Atty. Cruz.

“Heto muna ang check Mr Cortez, para makasiguro kang totoong buyer ako at hindi kita niloloko.” saad ni Atty. Cruz bago kuhanin ang titulo kay Hansel.

“Oh, oo nga, pero tiwala naman akong hindi ka manloloko.” saad ni Hansel at inabot na nito ang check na nagkakahalaga ng sampung milyong piso.

Tama nga ang kanyang kliyente, sadyang mabuti nga ang kanyang kausap na kaagad nagtitiwala sa ibang tao kahit na ’di pa nito lubusang kilala.

“Nice to do business with you Mr. Cortez.” saad ng abogado sabay lahad pa ng kanyang kamay.

“Ako rin Mr. Cruz at hangad ko kung sino man ang kliyente mo, na mamahalin niya ang bahay at lupa na dating pagmamay-ari ng pamilya ko.” saad ni Hansel at abot nito sa kamay ng kausap.

“Tignan na lang natin Mr. Cortez, sige I have to go.” saad ni Atty. Cruz at nagpaalam na ito.

Naiwan si Hansel sa cafe at muli nitong naisip ang sinabi ni Atty. Cruz bago umalis ito.

“Tignan na lang natin Mr. Cortez.”

‘Anong ibig niyang sabihin.’ saad sa isip ni Hansel.

Matapos ang dalawang oras na biyahe ay nakarating na sa Baguio City sina Sebastian at Richard.

“Grabe Baste, ang lamig talaga dito sa Baguio.” saad ni Richard sabay kiskis sa dalawa nitong palad.

“Tama ka baby, pero hayaan mo at magpapainit tayo mamaya.” ngising saad ni Sebastian.

“Baste, ipinaaalala ko lang sa’yo, nandito tayo sa Baguio para mag-enjoy, hindi para maghoneymoon.” asar naman ni Richard.

“Baby naman, alam mo naman na ang palaging makasiping ka ang tanging kaligayahan ko.” biro muli ni Sebastian.

“Sorry na lang sir at dalawang araw kang magsasariling sikap dahil nakapagpareserba na ako ng dalawang kwarto dito sa hotel.” ngising asar ni Richard.

“Baby naman.” reklamo ni Sebastian.

“Don’t worry sir, baka naman lamigin ako mamaya at katukin kita sa kwarto mo.” kagat-labing saad ni Richard at nauna ng naglakad papasok sa hotel.

‘Damn baby, humanda ka mamaya sa akin.’ saad sa isip ni Sebastian at sinundan na ang bunso ng Heneral.

Hawak na ngayon ni Erick ang titulo ng property na pag-mamay-ari ng mga Cortez at minabuti na nitong umpisahan ang magiging plano niya sa magkapatid na Cortez, lalong-lalo na sa gumulo ’di lamang sa isip niya pati na rin sa kanyang puso.

Pagbalik ni Hansel sa ospital ay ’di niya inasahan ang lalaking dadatnan niyang naririto ngayon sa ospital.

“Ku-kuya Erick.” saad ng gulat parin na si Hansel.

“Don’t worry Hansel, hindi ako narito para gumawa ng gulo, nasaan pala ang kuya Benedict mo, na boyfriend ng ate mo.” saad ni Erick na diniinan pa ang salitang boyfriend para maiparating sa kausap ang pagkainis nito.

“Ku-kuya, pasensya na kung hindi ko sinabi sa’yo ang mga nalaman ko, alam kong walang kapatawaran ang panloloko sa’yo ni ate pati na ang pagtatakip ko sa kanya.” nakayukong saad ni Hansel.

“Hindi ko kailangan ang pasensya mo Hansel, isa pa hindi para pag-usapan natin ang kakatihan ng ate mo ang ipinunta ko rito.” simula ni Erick at nakita nitong nasaktan ang nakayukong si Hansel sa kanyang nasabi patungkol sa ate ng huli. “Nandito ako ngayon para singilin ang mga nagastos ko sa kapatid mo.” pagtatapos ni Erick.

“Ku-kuya?!” nagulat na reaksyon ni Hansel sa huling narinig nito kay Erick.

“Nalaman kong ibinenta mo ang bahay at lupa ninyo, siguro naman dapat lang na bayaran mo ako sa mga nagastos ko sa ate mo.” saad ni Erick.

Hindi naman masisisi ni Hansel ang Komandante, na galit ngayon sa kanila ng kanyang ate. Nanlulumo man, handang bayaran ni Hansel ang hinihingi ni Erick.

“Naiintindihan ko ku- sir.” saad ni Hansel na minabuti ng tawagin na lang ng sir si Erick, kaysa sa nakagawian na nitong pagtawag niya ng kuya sa Komandante.

“Mabuti naman, sampung milyon na ang nagastos ko sa ate mo at sa hospital bills palang ang mga ’yon, isama mo pa ang mga gamot na umabot na ng kalahating milyon, suma total, sampung milyon at limandaang libong piso lahat ng kailangan mong bayaran sa akin.” mahabang saad ni Erick.

“Si-sir, pupwede bang kalahating na muna ang ibigay ko?” pakiusap ni Hansel na nagsisimula ng maluha sa kanilang sitwasyon ng kanyang ate.

“Nagpapatawa ka ba Hansel, at kailan mo na naman ako mababayaran sa natitirang kalahati pa?” panggigipit pa ni Erick.

“Sa totoo niyan, hindi ko rin alam sir. Kaya nga kinapalan ko na ang mukha ko, kahit na alam kong ’di karapat-dapat pa akong makiusap sa’yo matapos ang lahat.” saad ng naluha ng si Hansel habang nakayuko parin ito.

Sumikip ang dibdib ni Erick sa nakitang ayos ngayon ni Hansel, kaya umiwas ito ng tingin sa naluluha parin na huli.

“Sige, papayag ako na kalahati palang ang ibayad mo, pero sa isang kondisyon.” saad ni Erick.

Kaagad na tumingala ang basa parin ng luha na si Hansel, matapos marinig ang sinabi ni Erick.

“Ano ’yon sir? Kahit ano gagawin ko.” maagap na tanong ni Hansel at baka magbago pa ang isip ng Komandante.

“Be my personal maid.” sagot ng nakangising si Erick.

PANG-TATLUMPUT-ISA

Natigilan si Hansel sa narinig nito sa Komandante. Iniisip nito kung makakaya ba niya ang maging personal maid ni Erick, walang kaso kay Hansel ang mga gawaing bahay dahil namulat silang magkapatid na ang isa’t-isa lang ang sandigan matapos ang pagkawala ng kanilang mga magulang sa mura nilang edad. Ang nararamdaman nitong pag-ibig para sa Komandante ang isa sa malaking rason kaya ito napaisip sa kondisyon ng sundalo, alam ni Hansel na kapag tinanggap niya ang alok ni Erick, malaking torture para sa kanya ang makasama ito sa iisang bubong.

“Mukhang ayaw mo yata Hansel, madali naman akong kausap, sige bibigyan kita ng dalawang araw para pag-isipan mo ang kondisyon ko sa’yo o kung mababayaran mo ako sa loob ng isang linggo ay kalimutan mo na ang mga napag-usapan natin. ’Yun ay kung makakahanap ka kaagad ng malaking halaga.” mahabang saad ni Erick at napangisi pa ito sa huling mga sinabi.

“Hi-hindi na kailangan sir, tinatanggap ko ang kondisyon mo, nakahanda akong maging personal maid mo.” sagot ni Hansel, na alam nitong kahit na anong gawin niya ay wala itong panalo sa Komandante.

Lihim na napangiti si Major Manalo, sa narinig na sagot sa kanya ni Hansel.

“Good decision then at para hindi mo isipin na masama akong tao, don’t worry kada-araw sa pagiging personal maid mo, sampung libo ang ibabawas ko sa natitira mo pang utang na limang milyon dalawandaan at limampung libong piso. Sa madaling salita 525 days kang magiging dakilang utusan ko.” nakangising saad ni Erick.

Napayuko na lamang si Hansel sa narinig nito sa Komandante, gayunpaman nakahanda itong gawin ang kahit na anong gusto ng huli. Kung tutuusin kulang pa ang maging personal maid ni Erick, sa laki ng kasalanan nilang mag-ate sa kanya at malaking utang rin ni Hansel sa sundalo, kung bakit hanggang ngayon ay patuloy parin na lumalaban ang kanyang ate.

“Ka-kailan ako mag-uumpisa sa aking trabaho sir.” tanong ni Hansel sa Komandante.

“Ikaw ang bahala, pero kung ako sa’yo, mas maaga ay mas mainam para kaagad mong mabayaran ang mga utang mo.” kaagad na sagot ni Erick.

“Sige sir, bukas na bukas ay mag-sisimula na ako.” saad ni Hansel.

“Mabuti kung ganun, heto ang calling card ko, tawagan mo ako bukas para maihatid na rin kita sa bahay kung saan mo sisimulan ang trabaho mo.” saad ni Erick at abot nito sa card.

Kaagad naman tinanggap ni Hansel ang calling card.

“See you tommorrow then.” huling saad ni Erick at iniwanan na si Hansel.

‘See you tommorrow kuya.’ saad sa isip ni Hansel at nanlalambot itong napaupo sa upuan.

‘Tama ba ang mga ginawa ko.’ saad sa sarili ni Erick, na kasalukuyang nasa loob ng sasakyan. ‘Pero normal lang na makaramdam ako ng galit.’ saad muli ni Erick sa sarili at pinaandar na nito ang sasakyan.

Matapos ang ilang oras na pamamasyal sa Baguio, huminto sina Sebastian at Richard sa Burnham Park na isa sa mga lugar na palaging pinupuntahan ng mga turista sa nasabing siyudad.

“Sir tara sumakay tayo ng bangka.” yakag ni Richard sa Komandante.

“Hindi ka pa ba pagod baby?” tanong ni Sebastian sa kasama.

“Hindi pa sir, ’wag mong sabihin napagod ka na Baste.” simula ni Richard. “Kunsabagay ’di kita masisisi, kaagad talagang napapagod ang mga may edad na.” asar pa ni Richard.

“Narinig ko ’yon baby, sige magbabangka tayo, pero mamayang gabi papatunayan ko sa’yo na matagal akong mapagod.” ngising asar pabalik ni Sebastian.

Pinamulahan ng mukha si Richard sa narinig sa Komandante.

“Tignan na lang natin sir.” sagot ni Richard ng makabawi.

Kasalukuyang hinihintay ni Vince ang photographer na kaibigan, para sa isang pictorial ng bagong clothing line na ieendorso niya. At habang naririto siya loob ng studio, nahagip ng mga mata niya ang pamilyar na mukha ng isang lalake.

‘Enzo.’ saad sa isip ng Kapitan.

Abala sa paglalaba ng mga damit si Lorenzo ng marinig nitong tumunog ang kanyang cellphone, nang makita na ang kapatid nitong babae na si Lorraine ang nasa kabilang linya ay kaagad nitong sinagot ang tawag

“Ku-kuya! Si bunso.” naiiyak na bungad sa kanya ni Lorraine.

Sa narinig sa kapatid ay biglang kinabahan ang sundalo.

“Huminahon ka Rain, anong tungkol kay Lexter?” tanong ni Lorenzo.

“Ku-kuya, nasagasaan si bunso.” saad ni Lorraine.

Parang sinaksak ang puso ni Lorenzo sa narinig nitong nangyari sa kanilang kapatid.

“A-anong lagay niya ngayon?” tanong ni Lorenzo na nagpipigil ng kanyang emosyon.

“Nandito na kami sa ospital kuya, kasama ko sila tatay at nanay. Si bunso ay wala paring malay. Kuya, kailangan namin ng pera, para kung may operasyon man na gagawin kay Lexter ay kaagad itong maooperahan.” sagot ni Lorraine at paalam nito sa kalagayan ng kanilang bunso.

“Sige, magpapadala kaagad ako sa’yo. Balitaan mo ako kaagad kung anong magiging lagay ni Lexter.” saad ni Lorenzo at ibinababa na nito ang tawag.

Iniwanan ni Lorenzo ang ginagawa at nagbihis na ito para makapagpadala kaagad ng pera para sa kapatid nito.

Ngayon nga ay naririto ito sa mall at kasalukuyang papasok ng remittance center, para ipadala ang ilang libong naging sahod nito sa ilang buwan.

Pero bago ito tuluyang pumasok sa remittance center ay isang kamay ang naramdaman nitong humawak sa kanyang balikat.

“Enzo.”

“Sabihin mo kay Ralph, na ikansela na ang photoshoot ay may biglaan akong lakad.” saad ni Vince sa tauhan ng kaibigan at lumabas na ito ng studio, hindi alam ng Kapitan kung bakit parang may nagsasabi sa kanya na puntahan ang nakita nitong si Lorenzo. At ngayon nga ay naglalakad ito palapit sa sundalong pumukaw sa kanyang interes.

“Enzo.” tawag ng pansin ni Vince at tapik pa sa balikat ng nakatalikod sa kanyang si Lorenzo.

“Vince.” tanging salitang lumabas sa bibig ni Lorenzo.

Pansin ni Vince, ang parang may malalim na iniisip na si Lorenzo.

“May problema ba?” tanong ng kapitan.

“Si Lexter, yung kapatid ko, naaksidente daw siya.” sagot ni Lorenzo, na ’di nito alam kung bakit nagawa nitong ikwento sa kapitan ang tungkol sa kapatid.

Sandaling natigilan ang kapitan sa nalaman nito.

“I’m sorry, kaya ka ba nandito para magpadala ng pera sa kanila.” kumpirma ni Vince ng makitang, isang remmitance center ang tungo sana ni Lorenzo.

“Oo sir, sige maiwan na muna kita.” sagot ni Lorenzo at aalis na sana.

“Sandali, bakit hindi mo na lang iabot ng personal sa kanila.” mungkahi ni Vince.

Naguguluhan naman na humarap si Lorenzo sa Kapitan.

“Sir, sa Cebu pa ang probinsya namin at isang araw mula ngayon ay mag-uumpisa na ang misyon natin.” paliwanag ni Lorenzo.

“Don’t worry, I’ll have a way.” nakangiting saad ni Vince at kasunod nun ay hinawakan ng Kapitan ang isang kamay ni Lorenzo.

Hindi alam ni Lorenzo kung bakit hinayaan nito ang Kapitan sa kung anuman ang balak nito. At sunod na nakita na lang ni Lorenzo na nasa rooptop na sila ng gusali.

“Halika ka na Enzo, para mapuntahan mo na ang kapatid mo.” nakangiting saad ni Vince.

Hindi makapaniwala si Lorenzo sa nasaksihan, malapit sa kanilang kinalalagyan ng Kapitan ay isang private chopper ang naroroon.

“Si-sir.” tanging lumabas na salita sa gulat parin na pobreng sundalo.

“Private Lorenzo Velasco, hinihintay ka na ng kapatid mo.” saad ni Vince para matauhan ang gulat parin na sundalo.

“Sir, yes sir.” sagot ni Lorenzo at sinundan na ang Kapitan na papunta na ng chopper.

“Just relax and don’t worry, you’re safe with me.” nakangiting baling ni Vince kay Enzo at inumpisahan ng paganahin ang motor ng chopper.

Matapos mapagod nila Sebastian at Richard sa ginawang pagsakay sa bangka sa Burham Lake ay minabuti ng dalawa na bumalik na sa kanilang tinutuluyang hotel.

“Salamat sir sa pagbabakasyon natin dito sa Baguio.” saad ni Richard sa nagmamanehong kasama.

“Anything for you baby, tomorrow let’s enjoy our last day here.” saad ni Sebastian.

“Yeah and later tonight, see you in my room.” saad na akit ni Richard sa Komandante.

“Sure baby.” nakangising sagot ni Sebastian.

Hapon na ng sandaling iwanan ni Hansel ang wala parin na malay na kapatid sa ospital. Minabuti na muna nito na kuhanin ang mga naimpakeng mga gamit nila ng kanyang kapatid na naiwan nito sa dati nilang bahay.

Pagdating ni Hansel sa dating bahay ay nakita nitong nakabukas ang gate at may nakita rin siyang bulto na tao na nasa loob ng dating pamamahay.

Sa isip ni Hansel ang bagong nagmamay-ari na ang taong nasa loob. Kanina, kasama na rin nitong ibinigay kay Mr. Cruz pati na ang susi ng ibinenta nitong bahay.

Dala ng nakita nitong nakabukas na gate ay minabuting pumasok na ni Hansel sa dating bahay. Makikiusap ito sa bagong may-ari, na kuhanin ang mga naiwan nitong mga maleta.

“Tao po.” katok ni Hansel sa pintuan ng dating tirahan.

Nang walang sagot na marinig, sinubukan muli ni Hansel ang pagkatok sa pinto.

“Tao po.”

Sa ikalawang subok ni Hansel ay narinig nito ang mga yabag ng pababang tao at naisip nitong pagbubuksan na siya ng bagong may-ari.

Hindi nga nagkamali si Hansel at sunod na nakita nito ang pagbukas ng pinto ng dating bahay, pero hindi ito makapaniwala sa taong bubungad sa kanya pagkatapos, ito’y walang iba kungdi si Major Erick Manalo, na mukhang katatapos lang maligo dahil sa basang buhok na meron ito at tanging puting tuwalya lang ang tumatakip sa ibabang katawan nito.

“Ku-kuya!” gulat na reaksyon ni Hansel at sumunod na namula ang mukha nito, sa nakitang ayos ng Komandante.

“Excited ka naman yata masyado Hansel, alam ko, bukas ka pa lang mag-uumpisa sa trabaho mo.” nakangising saad ng Komandante at ’di nakaligtas ang namumulang mukha ng nakababatang kapatid ng dating nobya.

“I-ikaw ang nakabili sa bahay namin?” tanong ng ’di parin makapaniwalang si Hansel, na ’di magawang tignan ang hubad parin na katawan ng Komandante.

“Ako nga, hindi mo na kailangan pang kuhanin ang mga maleta mo, dito rin sa bahay na ito mo sisimulan ang pagiging personal maid mo sa akin.” saad ng Komandante, na hindi maalis ang tingin sa namumulang mukha ng kaharap.

“Si-sige sir, iyon nga ang ipinunta ko rito. Puwede bang pumasok ako para kumuha lang ako ng mga damit ko.” saad at pakiusap pa ni Hansel na ’di makatingin ng diretso.

“Don’t be rude, tumingin ka sa akin ng diretso kapag kinakausap mo ako.” saad ng Komandante at umpisa nito sa larong sisimulan niya kay Hansel.

“S-sir, puwede bang pumasok ako para kumuha lang ng mga damit ko.” muling saad ni Hansel at sinubukang tumingin sa mukha ng Komandante. At dahil sa mas mataas ’di hamak ang sundalo sa kanya, hindi maiwasan na masilayan rin nito ang magandang hubog na katawan na meron ang kaharap, na lalong ikinapula ng mukha ni Hansel.

Kita ni Erick ang lalong namulang mukha ng kaharap at ’di na nito napigilan ang kanyang sarili.

“Sure, Hansel.” saad ng Komandante at inilagay nito ang kamay niya, para guluhin ang buhok ng namumulang si Hansel, na isa sa gustong-gusto nitong gawin sa huli.

Parang bumalik lang si Hansel sa nakaraan sa ginawang ’yon ng Komandante sa kanyang buhok. Ang unang lalaking hinangahan niya na siya rin nagligtas sa kanya noon.

PANG-TATLUMPUT-DALAWA

Matapos ang higit-kumulang na dalawang oras, huminto sa rooftop ng mismong ospital na kinaroroonan ng kapatid ni Lorenzo, ang private chopper na pinalipad ng piloto rin na si Captain Vince Manalo.

Paghinto ng chopper ay sabay na bumaba sina Vince at Lorenzo, para puntahan ang bunsong kapatid ng huli na naririto ngayon sa ospital.

Mabilis na hinanap ni Lorenzo, ang kwartong kinaroronan ng bunso nitong kapatid, na ipinaalam sa kanya ng kapatid na si Lorraine sa mensaheng ipadala sa kanya kanina.

Nakasunod naman ang Kapitan sa likod ng nagmamadaling si Lorenzo. Ilang minuto pa ang lumipas ng huminto na si Lorenzo sa kwarto ng naaksidente nitong kapatid.

Hinayaan muna ni Kapitan Manalo ang kasamang sundalo, para makasama ang pamilya nito sa loob ng kwarto, na alam nitong kasalukuyang nag-aalala para sa kanilang bunso.

Pagpasok ni Lorenzo sa kwarto, kung saan nakaratay ang bunsong kapatid, nagulat ang mga magulang nito pati na rin ang isa pa nitong kapatid.

“Anak!” saad ni Celia ng makita ang panganay nito at mahigpit nitong niyakap ang sundalong anak, kasunod ay tumulo ang luha ng ginang dahil sa kalagayan ng bunsong anak.

“Tahan na nay, kamusta na ang lagay ni Lexter?” alo nito sa ina at tanong nito sa kalagayan ng kapatid.

Humiwalay naman si Celia sa panganay na anak at lumapit sa wala parin na malay na bunsong anak.

“Hinihintay pa lang namin ang resulta ng ginawang mga tests sa kanya ng duktor.” sagot ni Celia sa anak.

Si Lorraine naman ang sumunod na yumakap sa kapatid na si Lorenzo.

“Mabuti anak at nandirito ka, hindi ba ang sabi mo’y may misyon kayong mga sundalo.” saad naman ni Lito na ama ni Lorenzo at lumapit ito sa asawang nagsisimula na naman maging emosyonal.

“Kasama ko ho si Kapitan Manalo tay at sa tulong niya ay naging posible na makarating ako rito ngayon.” sagot at paliwanag ni Lorenzo sa ama.

“Salamat sa kanya kung ganun anak, halika Celia, iwanan na muna natin ang mga anak mo, para makapagpasalamat tayo sa tao.” saad ni Lito at yakag nito sa asawa.

“Sige mga anak, kayo na muna ang bahala sa kapatid ninyo at sasaglit na muna ako sa bahay natin, para makapagdala ng mga gamit ni Lexter.” sang-ayon ni Celia sa asawa, na minabuti rin umuwi na muna.

“Sige po nay, tay.” sagot ni Lorenzo.

Nakaupo sa mga upuang nasa hallway ng ospital si Kapitan Manalo, nang bumukas ang pinto ng kwarto ng kapatid ni Lorenzo.

Kita ng mag-asawang Velasco ang makisig na lalaki, na nakaupo sa labas ng ospital, malapit sa kwarto ng kanilang anak.

“Kayo po ba si Kapitan Manalo?” tanong ni Lito sa lalaki, kahit pa may ideya na ito na siya nga ang Kapitan na tumulong sa kanilang anak na si Lorenzo.

“Ako nga po sir.” magalang na sagot ng Kapitan, na sa isip nito’y ang mga magulang marahil ni Lorenzo ang kanya ngayong kausap.

“Tawagin mo na lang akong Manong Lito sir at nagpapasalamat kaming mag-asawa, sa ginawa ninyong tulong para makauwi at mapuntahan ng panganay namin na si Lorenzo ang bunso namin.” saad at pasalamat ni Lito sa Kapitan.

“Wala ho ’yon Manong Lito, ano pa’t kaming magkakabaro rin ang magtutulungan.” sagot ni Vince na nilagay pa ang kamay sa likod ng ulo, dulot ng hindi ito sanay na makatanggap ng pasasalamat sa ibang tao.

“Naku sir hindi lang wala ang ginawa ninyo, ako naman si Celia ang nanay ni Enzo at Manang Celia na lang ang itawag mo sa akin.” saad at pakilala naman ni Celia sa mabuting Kapitan na tumulong sa kanyang anak.

“Sige po Manang Celia, maiba po ako, may alam na ho ba kayo kung sino ang nakasagasa sa anak ninyo?” tanong ni Vince sa mag-asawang Velasco at sa isip ng sundalo’y gagawin nito ang lahat para mapanagot ang gumawa sa pagkakasagasa sa bunsong kapatid ni Lorenzo.

Nagkatinginan ang mag-asawa sa narinig nila sa Kapitan at si Lito na ang sumagot sa tanong na ’yon ng sundalo.

“May mga nakakita dun sa kotseng nakahit and run sa anak namin, kaya lang hindi naplakahan ang sasakyan, gawa ng minabuting tulungan na kaagad ang anak naming nasagasaan.”

“I see, hayaan ho ninyo, ako ng bahalang magpaimbestiga sa nangyari kay Lexter.” saad ni Vince.

“Naku sir, nakakahiya naman at malaking tulong na ang makasama namin ngayon si Enzo, ayaw na namin na makaabala pa sa inyo.” nahihiyang saad ni Lito.

“Manong Lito huwag niyo po akong alalahanin, mas ikakasasaya ko po na matulungan ko ang pamilya ni Lorenzo sa abot ng makakaya ko. At siguro naman, mas magandang pong pakinggan, kung Vince na lang rin ang itatawag ninyo sa akin.” nakangiting saad ni Vince sa mag-asawang Velasco.

“Naku kung ganun hindi na namin tatanggihan ang tulong mo Vince.” nakangiting saad ni Celia at ’di na napigil ang sarili na yakapin ang Kapitan.

Natigilan naman si Vince sa ginawang ’yon ng matanda, ganunman ay niyakap nito pabalik si Celia.

“Salamat ng marami Vince.” saad ng nagpipigil na maluhang si Celia.

“Wala hong anuman Manang Celia.” sagot ng Kapitan.

Pinapasok nga ni Erick si Hansel sa bahay na dating pagmamay-ari ng huli.

“Nasa bodega ang lahat ng mga gamit ninyo ng ate mo. At kung gusto mong matulog na rin dito ngayong gabi, tanging ang kwarto ko lang ang maari mong matulugan. At ’yon ay ang dating kwarto mo.” saad ni Erick na nakapagsuot na nang damit sa oras na iyon.

“Bakit sir, hindi ka dito matutulog?” naguguluhang tanong ni Hansel, sa magiging amo na nito simula bukas.

“Mali yata ang pagkakaintindi mo Hansel, ibig kong sabihin kung gusto mong matulog dito sa loob ng bahay ko, tanging ang kwarto mo dati, na kwarto ko na ngayon ang maaari mong tulugan at sa madaling salita makakasama mo ako sa kwarto, yun ay kung gusto mo lang naman, pero kung ayaw mo, maluwang ang hardin sa labas.” nakangising saad ni Erick.

Nanlalaking mata si Hansel sa narinig na paliwanag ni Erick sa kanya.

“Hi-hindi ba maari sir na dito na lang ako sa sala matulog.” pakiusap ni Hansel sa Komandante.

“Hindi, anong problema kung magkatabi tayo? Hindi ba marami ka naman nang nakatabing lalaki dito sa bahay ninyo.” inis na saad ni Erick.

“Si-sir! Hi-hindi ko alam ang sinasabi ninyo.” nakayukong saad ni Hansel na nasaktan sa paratang na ’yon ni Erick.

“Oh come on! ’Wag ka ng magmalinis, kanino ka pa ba magmamana kung hindi sa makati mo ring ate.” saad ni Erick.

Ginawa ni Hansel ang lahat para pigilan ang mga luha nitong nagsisimula ng tumulo, hindi ito makapaniwala na ganito pala kababa ang tingin sa kanya nang lalaking lihim nitong minamahal. Ganunman susubukan nitong intindihin ang magiging amo nito, inihanda na rin ni Hansel ang sarili na hindi magiging madali ang makasama si Erick, na alam nitong galit na galit ngayon sa kanila ng kanyang ate.

“Sige na, kuhanin mo na ang mga kailangan mong damit.” saad ni Erick at iniwanan na ang nakayuko parin na si Hansel.

Sa pagtalikod ng Komandante, hinayaan ni Hansel tumulo ang mga luhang kanina lang ay pinipigilan niya.

’Kaya mo ‘to Hansel, para kay ate.’ saad sa isip ni Hansel at minabuting tunguhin na ang bodega, para kuhanin ang mga damit na gagamitin niya mamaya sa pagbalik nito sa ospital.

Gaya nga ng parehong gusto ng dalawang sundalo, ang malamig na klima sa Baguio ay pinainit ng walang kasawaang pagpapadama ng init ng pagmamahalan nila Richard at Sebastian sa isa’t-isa.

“Damn baby, I can’t get enough of making love with you.” saad ng pawis na pawis na si Sebastian, habang nakatihaya ang katawan sa kama, matapos ang round two na ginawa nila Richard.

“Me too sir, come on, let’s start our round three.” kagat-labing saad ni Richard, na mabilis na inuupuan ang nagsisimulang mabuhay muli na malaking laman ng barakong Komandante.

“Yeah, we shall.” sagot ni Sebastian, na muling sinibasib ng halik ang magang mga labi ni Richard.

Minabuting samahan na ni Lito ang asawang si Celia pauwi sa kanila at umalis na ang mag-asawang Velasco matapos makapagpaalam sa mga anak pati na kay Captain Manalo.

“Rain ikaw na muna ang magbantay dito kay Lexter, sasamahan ko lang si Captain Manalo.” saad ni Lorenzo sa kapatid.

“Sige kuya, oo nga pala kaanu-ano kaya ng kasama mo kuya ’yung sikat na modelo na crush ko.” saad ng dalagitang si Lorraine.

“Rain sinong crush ang sinasabi mo? At teka lang masyado kapang bata para magkaroon ng crush.” pangaral ni Lorenzo sa kapatid na babae.

“Kuya anong masama sa pagkakaroon ng crush!!” gulat na bulalas ni Lorraine nang makita ang lalaking kasalukuyang pumasok sa kwarto.

Pag-alis ng mag-asawang Velasco, minabuting bumili muna ni Vince ng mga pagkain, para sa kanilang naiwan dito na nagbabantay sa bunso ng mga Velasco.

Matapos makabili ay minabuti nitong pumasok sa kwarto, para makain na nila ang mga dala nitong pagkain.

Pero pagpasok ni Vince sa kwarto ng kapatid ni Lorenzo, nakita nito ang gulat na reaksyon ng dalagita, na sa isip ng Kapitan ay kapatid rin marahil ni Enzo.

Hindi makapaniwala si Lorraine, na nandirito ngayon ang modelong crush halos lahat nilang magkakaibigan, kaya naman mabilis itong lumapit sa idolo nito at yumakap pa rito.

Natigilan pareho ang dalawang sundalo sa ginawang pagyakap na ’yon ni Lorraine.

Si Lorenzo ay nahihiya sa ginawang ’yon ng kapatid sa Kapitan.

Si Vince naman ay hindi alam kung paano ang magiging reaksyon sa ginawang pagyakap sa kanya ng dalagita.

“Lorraine, baka naman ’di na makahinga si Kapitan sa’yo.” saway ni Lorenzo sa kapatid.

Humiwalay naman si Lorraine sa Kapitan, nang marinig ang sinabing ’yon ng kanyang kuya, pero nanatili ang mga mata nito sa guwapong idolo niya.

“May dala pala akong pagkain.” saad ni Vince.

“Sir, hindi ka na sana nag-abala pa, yung nandito ako kasama ng kapatid ko’y sobrang laking tulong mo na sa akin.” nahihiyang saad ni Lorenzo.

“Ano ka ba Enzo, sino pa ba ang magtutulungan kungdi tayong magkakabaro.” sagot lang ni Vince. “Lorraine tama ba? Heto kumain ka na at marami ito para sa atin.” baling naman ni Vince sa kapatid na babae ni Lorenzo na nakapako parin ang tingin sa kanya.

“Si-sige po kuya.” sagot ni Lorraine na namumula sa sobrang kilig, na kasama nito ngayon ang kanyang crush at nakausap pa niya ito.

“Kamusta ang lagay ng kapatid mo, Enzo?” baling na tanong ng kapitan kay Lorenzo.

“Wala pang sinabi ang duktor sir, pero marami na daw na tests ang ginawa sa kanya.” sagot ni Lorenzo.

“Sana naman ay hindi malubha ang lagay niya, ’wag mo na rin alalahanin ang bayarin sa ospital at sasagutin ko na ang lahat.” saad ni Vince.

“Si-sir! Hindi ko na matatanggap pa iyon, hayaan niyong ang pamilya ko ang bahalang magbayad sa pagpapagamot ni bunso.” gulat na saad ni Lorenzo at tanggi nito sa tulong ng Kapitan.

“Velasco, tinatanggihan mo ba ang pagtulong ko.” seryosong saad ni Vince.

“Oo sir.” maagap na sagot ni Lorenzo.

Napabuntong hininga na lamang ang Kapitan dahil dun, tunay ngang mabuti ang kapwa niya sundalo.

“O sige, kung ’yan ang gusto mo, pero ’wag kang mahihiyang magsabi sa akin kapag pera lang ang pinag-uusapan.” saad ni Vince.

Isang tango naman ang tanging naging sagot ni Lorenzo, na walang balak na humingi ng tulong sa iba hangga’t may paraan pa itong alam.

Lalo namang humanga si Lorraine sa kanyang idolo, bukod kasi sa guwapong mukhang meron ang modelo, nalaman rin nitong mabait ito sa totoong buhay.

Habang naririto ngayon sa ospital si Hansel, na nagbabantay parin sa ate nitong si Roxxane. Bumalik ang mga napag-usapan nila ng magiging amo nito magmula bukas.

‘Anong gagawin ko? Hindi ko kayang matulog kasama sa iisang kuwarto si kuya, pero kapag hindi ko sinunod ang gusto niya, sa labas naman ako matutulog.’ saad sa isip ng tulirong si Hansel.

‘May iba pang paraan, dito na lang ako sa ospital magpapalipas ng gabi.’ saad muli ni Hansel sa sarili. ‘Pero ang layo naman masyado ng dati naming bahay dito sa ospital.’ kausap pa ni Hansel sa sarili ng maalala nito na imposibleng makarating ito kaagad sa dalawang magkalayong lugar. ‘Ano ba itong napasok ko.’ nawawalang pag-asang saad ng problemadong si Hansel, sa sitwasyong siguradong haharapin na niya bukas.

PANG-TATLUMPUT-TATLO

Pagkagising ni Erick ngayong umaga, ang mabangong amoy na nanggagaling sa kusina ang bumungad kaagad sa kanya. Sa naisip na si Hansel na marahil na nagsimula na sa pagsisilbi sa kanya ang may gawa nun, sumunod na lumawak ang ngiti sa mukha ng Komandante.

Kaagad ng bumangon si Erick para makaligo at ’di na ito makapaghintay, na muling matikman ang masarap na luto ni Hansel.

Kasalukuyang inihahanda ni Hansel ang almusal ng among sundalo, alam nitong anumang oras ay lalabas na rin ang Komandante, na noon kapag dito nagpapalipas ng gabi sa kanila na dulot ng kanyang ate ay madalas na maaga itong gumising. Nagtimpla na rin si Hansel ng paboritong kape ng sundalo, na alam nitong ’di nakukumpleto ang umaga ng huli, kapag hindi nakakainom ng nasabing inumin.

Pagbaba sa kusina ni Erick ay bumungad ang mga nilutong agahan ni Hansel. Pansin rin nito ang umuusok na galing sa katitimpla pa lang na kape, na nasa tasa.

“Goodmorning sir, nakahanda na po ang almusal.” bati ni Hansel sa kanya.

’Di pinansin ni Erick ang pagbating ’yon ni Hansel, na umupo kaagad sa upuan para magsimula ng kumain.

Isinawalang bahala na lang ni Hansel ang hindi pagpansin sa kanya ng amo. At minabuting umpisahan na lang nito ang pagsisilbi sa sundalo.

“Ayos na po ba itong almusal? Kung may gusto pa po kayo ay sabihin niyo lang sa akin.” saad ni Hansel habang naghihintay sa magiging reaksyon ng amo na nagsimula ng tikman ang niluto nitong sinangag, piniritong itlog, bacon, ham at hotdog, na nakita nitong laman ng bagong malaking refrigerator, na marahil binili ni Erick na unang napansin kaagad ni Hansel sa dating bahay pagdating niya kanina.

Gaya kanina ay tahimik lang na nagpatuloy sa pagkain si Erick, samantalang nakatayo parin si Hansel, na naghihintay sa kung anong magiging utos o reklamo ng amo sa kanya.

Hanggang sa matapos kumain si Erick at wala ni isang lumabas na salita sa kanya. Napabuntong hininga na lang si Hansel, na ramdam na hindi magiging madali ang kanyang mga susunod na mga araw kasama ng amo.

Matapos kumain ni Erick ay nagbihis ito ng kanyang uniporme. Habang inuumpisahan niya ang ganti nito sa magkapatid na Cortez, napapayag niya ang Amang Heneral na magtrain na lamang siya ng mga baguhang sundalo ng sa ganun ay makakauwi siya dito sa nabili nitong bahay.

Nakita ni Hansel ang nakabihis na uniporme na Komandante pagbaba nito. At bago pa tuluyang lumabas ang sundalo ay kinausap ito ni Hansel, sa isang bagay na gusto nitong ipagpaalam sa Komandante.

“Si-sir, maari bang humingi ako ng dalawang araw na day off, para sa isa ko pang trabaho?” tanong ni Hansel sa Komandante.

Nahinto naman sa paglalakad ang sundalo at bumaling sa nagsalitang si Hansel.

“Anong trabaho?” seryosong tanong ni Erick.

Natigilan naman si Hansel sa tanong na ’yon ng amo at inaaamin nito na kinabahan ito sa tono ng pagtatanong sa kanya ng sundalo.

“Ba-barista ako sir sa isang coffee shop, nag-apply ako noong isang araw at natanggap naman ako at tuwing weekend lang ang pasok ko.” sagot ni Hansel at umaasa itong pagbibigyan siya ng amo.

“Anong oras ang pasok at pag-uwi mo?” usisa ng Komandante.

“2 PM to 10 PM sir.” kaagad na sagot ni Hansel.

“Sige payag ako, pero dahil sa day off mo ’yun, nangangahulugan na walang bawas ang mga araw na ’yon sa mga utang mo sa akin.”

“Opo naman sir, itatanong ko rin po kung dito kayo manananghalian mamaya.” saad ni Hansel.

“Hindi, almusal at hapunan lang ang ihanda mo, heto ang card ko, mamalengke ka na rin ng mga kakailanganin pa sa bahay.” sagot ng Komandante.

“Sige po sir, ingat po kayo.” saad ni Hansel sa tumalikod nang sundalo.

Mabuting balita ang natanggap ng pamilya Velasco ng malaman sa doktor, na walang malaking pinsala ang natamo ng kanilang bunso sa nangyaring aksidente rito. Ipinaalam rin ng duktor na anumang oras ay magigising na ang pasyente na tulog parin dahil sa mga ipanainom na gamot sa kanya.

“Mabuti naman at okay lang ang anak natin.” nabunutang-tinik na saad ni Celia sa asawa.

“Tama ka Celia.” sang-ayon ni Lito sa asawa.

Bukod sa pamilya Velasco ay masaya rin si Vince sa narinig rin nito.

“Sigurado akong matutuwa ang bunso ninyo kapag nakita ka niyang naririto, Enzo.” saad ni Vince sa katabing si Lorenzo.

“Tama ka sir at malaking utang na loob ko ’yon sa inyo sir.” saad ng naluha ng si Lorenzo, dala ng sobrang tuwa sa mabuting lagay ng kapatid.

Kaagad naman iniabot ni Vince ang kanyang panyo sa naiyak na katabi.

“Iyakin ka pala Velasco.” asar ni Vince sa kapwa sundalo.

“Pagdating sa kanila sir, oo inaamin ko.” sagot ni Lorenzo na kinuha ang alok na panyo ng Kapitan.

“Normal lang ’yon Enzo at masaya rin ako para sa inyo.” nakangiting saad ni Vince.

Sa nakitang pagngiting ’yon ng Kapitan ay inaaamin ni Lorenzo na lalong gumwapo sa paningin niya si Vince at masaya siyang sa likod ng pilyong sundalong nakilala niya ilang araw palang, nakita nito na mabuting tao rin pala ito.

“Oh ’wag mo kong titignan na ganyan Enzo, baka ’pag hindi ko napigilan ang sarili ko’y halikan kita dito mismo sa harapan nila.” bulong ni Vince nang makitang napako ang tingin sa kanya ni Lorenzo.

Kaagad naman iniwas ni Lorenzo ang namumulang mukha nito, na dulot ng sinabing ’yon ng Kapitan.

“Pero Enzo, gusto kong makilala pa kita ng lubusan at sana bigyan mo ako ng pagkakataon.” seryosong saad ni Vince sa mahinang boses, para tanging si Lorenzo lang ang makarinig.

“Si-sir.” mahinang sagot ni Lorenzo na ’di makapaniwala sa narinig nito.

Sinimulan ni Sebastian at Richard ang pamamasyal pa, sa huling araw nilang dalawa dito sa Baguio.

“Baste, dito ka muna at may bibilhin lang ako.” paalam ni Richard sa Komandante at minabuti na mag-isang bilhin ang gusto nitong regalo para sa mahal niyang sundalo.

“Sige baby, balikan mo na lang ako dito at ako nang bahalang bumili ng mga pasalubong sa mga magulang mo at kila bayaw.” sagot ni Sebastian.

“Sige sir.” sang-ayon ni Richard at pinuntahan na ang bilihan ng gusto nitong bilhin.

“Magkano itong bracelet kuya?”

“1,500 po sir, mura na po ’yan at pwede lagyan ng pangalan o initials, para ba sa kasintahan mo sir.” nakangiting saad ng tindero na nakyutan sa gwapo nitong kostumer.

Sa narinig sa tindero ay kaagad na naisip ni Richard si Sebastian at tama ang tindero, para nga sa taong mahal niya ang kanyang bibilhin.

“Sige kuya pabili ako ng dalawa, magkano pala ang pagpapa-engrave ng initials?” tanong ni Richard at minabuting palagyan nga ng initials ang mga nabiling silver bracelet, para lalong maging personal ang pagreregalo nito kay Sebastian.

“For free na sir, lalo na’t cute kayo.” nakangiting sagot ng tindero.

“Oh salamat kung ganun kuya at kaya pala marami kang suki dahil bolero ka.” nakangiting biro ni Richard sa tindero.

“’Di naman sir, nagsasabi lang ako ng totoo.” nakangiting sagot ng tindero.

“O siya na naniwala na ako, isusulat ko dito sa papel ang mga initials hindi ba?” saad at tanong ni Richard sa tindero.

“Oo sir.” maikling sagot ng tindero at kinuha ang dalawang bracelet, para makita ng malapitan ng guwapo nitong kostumer.

“Oo, itong dalawa nga kuya at heto ang mga initials.” saad ni Richard at abot nito sa papel na may mga initials na S.M. na initials ng pangalan ni Sebastian at R.M na initials naman ng kanyang pangalan.

“Sige sir, ilang minuto lang ito at maaari mo rin na hintayin na, heto ang upuan para ’di ka mangawit.” nakangiting saad ng tindero.

“Salamat kuya.” nakangiting pasalamat ni Richard sa bolerong tindero.

Matapos makabili ng mga pasalubong ni Sebastian ay naghihintay na ngayon ito sa labas ng tindahan, nang mahagip ng mga mata nito ang isang magazine na cover ang dati nitong girlfriend na si Rachelle Ventura.

‘Rachelle.’ saad sa isip ng sundalo, na inaamin niyang ibang-iba na ang itsura ng dating nobya ngayon.

‘Masaya akong natupad ang pangarap mo.’ saad ni Sebastian sa sarili.

‘Pero mas masaya ako, dahil kapalit ng pag-alis mo, ngayon ay nasa harapan ko ang lalaking pinakamamahal ko.’ saad muli ni Sebastian sa sarili at isang ngiti ang lumabas sa mukha nito sa nakitang kumakaway na si Richard na palapit sa kanya.

“Nabili mo ba ang listahan ng mga pasalubong?” bungad sa kanya ni Richard ng makalapit ito.

“Yes baby, ikaw ano palang binili mo?” tanong ni Sebastian.

“Mamaya malalaman mo sir, tara na at kumain na muna tayo.” saad at yakag ni Richard, sabay kuha ng isang kamay ni Sebastian.

“Tara.” sang-ayon ni Sebastian at wala ng mahihiling pa, dahil hawak ng kanyang kamay ngayon, ang taong nais na rin nitong makasama sa susunod pang mga araw, buwan at mga taon.

Gaya nga ng utos ng among sundalo, matapos sumaglit sa ospital, kasalukuyang naririto sa supermarket si Hansel at namimili ng mga groceries. Naunang bilhin ni Hansel ang mga alam nitong paboritong pagkain ng Komandante. Hindi rin nito kinalimutan ang kape at ilang in can ng mga beers. Sunod ay mga toiletries, mga detergent powder at fabric conditioner. Nang makasigurong tapos na ang mga listahan ng mga para sa among si Erick, sunod na tinignan ni Hansel ang laman ng kanyang wallet. Sa nakita nitong limandaan na lang ang kanyang pera ay napabuntong hininga na lamang ito.

‘Mabuti na lang at magsisimula na ako sa trabaho sa makalawa.’ saad sa isip ni Hansel at minabuting mga instant noodless na lang ang bilhin para sa kanya.

Dala ang mga pinamili sa cart ay pumila na sa counter si Hansel, pero sandali itong natigilan sa pagbunggo sa kanya ng isang tao.

“I’m sorry.” hinging paumanhin sa kanya ng lalaki.

Kaagad naman napatingin si Hansel sa pamilyar na boses.

“Dok?” saad ni Hansel ng makilalang si Dr. Zamora, ang taong nakabunggo sa kanya.

“Hans!? Pasensya na ha at tawagin mo na lang akong Anthony kapag wala tayo sa ospital.” hinging paumanhin muli ni Anthony at nakangiting saad nito kay Hansel.

“Okay lang ’yon Anthony.” saad ng ngumiti rin pabalik na si Hansel.

“O Sige at may bibilhin pa ako.” saad ni Anthony at nagpaalam na ito kay Hansel, para bilhin ang sadya nito sa supermarket.

“Miss, pakihiwalay ang mga instant noodless.” saad ni Hansel sa kahera at minabuti nitong unahin ang binili nito para sa sarili.

“100.00 pesos po.” saad ng kahera.

Iniabot naman ni Hansel ang natitirang limandaan na pera na galing sa kanyang wallet at matapos makuha ang sukli, sunod nitong pinacounter ang mga groceries na para sa among sundalo.

Dala ng mga maraming pinamili ni Hansel, nadatnan pa siya ni Anthony ng pumila ang huli para sa kanyang mga pinamili.

“Ang dami naman niyan Hans, hindi ko alam na mahilig ka palang uminom.” saad ni Anthony at komento pa nito sa mga nakitang mga in can beers na kasalukuyang nasa counter.

“Ikaw pala Anthony, hindi para sa akin ito, para kay ku- sa amo ko ang mga ito.” sagot ni Hansel.

“Ah, akala ko para sa’yo. Mabuti naman at walang magandang epekto sa katawan ang alak.” saad ni Anthony na lumabas ang pagiging doktor nito.

“Ibig sabihin kasi Anthony, hindi ka rin umiiinom ng alak?” komento ni Hansel matapos marinig ang sinabi ng doktor.

“Well umiinom naman, pero madalang lang.” sagot ni Anthony.

“Alam ko na, siguro umiinom ka lang kapag na heart broken ka no doc?” biro ni Hansel.

“Haha siguro kapag nangyari ’yon, pero mabuti na lang at hindi ko pa nararanasan ang sinasabi mo. Ikaw, baka naman naranasan mo na at mukhang alam na alam mo eh.” balik na biro ni Anthony.

“Hindi ko pa iniisip ’yun Anthony, ang magising lang si ate ang gusto kong mangyari ngayon.” sagot naman ni Hansel.

“Tama ka Hansel, isa pa enjoyin mo muna ang pagiging single mo? lalo pa’t bata ka pa lang naman.” saad ni Anthony.

“Hehe tama ka Anthony.” sagot ni Hansel at tinignan nito ang mga pinamili na malapit ng matapos sa counter.

“Sir, 7,550.25 pesos po lahat.” saad ng kahera.

“Heto miss.” saad ni Hansel at kita nitong nanlalaking mata ang kahera pagkaabot nito sa card sa babae.

“Hindi ko alam na bigtime pala ang amo mo Hansel.” komento ni Anthony, na nakita rin ang klase ng card na ibinigay ni Hansel sa kahera.

“Oo nga Anthony.” sang-ayon ni Hansel, na kailan lang nalaman na mayaman ang Komandante.

“Hindi bababa sa 100 million ang dapat na laman ng may mga card na ganyan, kahit ako na ilang taon pa lang sa pagiging doktor ay matatagalan bago ako magkaroon ng ganyan.” komento pa ni Anthony.

“Ganun kalaki Anthony?!” gulat na saad ni Hansel.

“Tama ang kasama mo sir, heto po ang balance pa nang card na dala ninyo.” sang-ayon ng babaeng kahera at ipinakita nito kay Hansel ang balance na laman ng card na 350 million plus pa. At muling nanlalaki ang mga mata ni Hansel sa nakita nito pagkatapos.

“Gusto ko tuloy malaman Hans kung sino ang amo mo, para naman makipagkaibigan ako.” biro ni Anthony sa gulat parin na kasama.

‘Ang yaman pala talaga ni sir.’ saad sa isip ni Hansel.

“Si-sige Anthony mauna na’ko.” paalam ni Hansel na nagpatulong pa sa isang empleyado ng supermarket sa pagbuhat sa ilang ’di nito mabitbit na pinamili.

“Sandali Hans, saan ka ba ng maihatid na kita?” tanong ni Anthony bago tuluyang makaalis si Hansel.

“Hindi na Anthony, baka mapalayo ka pa, magtataxi na lang ako.” tanggi ni Hansel.

“I insist, hindi naman ako nagmamadali. Saan ka ba?” pilit pa ni Anthony.

“Sa Spade Village ako.” sagot ni Hansel para kung malayo ito ay bakasakaling magbago ang isip ng doktor.

“Seriously? Eh dun din ang punta ko, para sa pamangkin ko na may birtday ngayon.” natutuwang saad ni Anthony.

“Kung ganun hindi na kita tatangihan.” nakangiting sagot ni Hansel, isa pa hindi tatanggapin ng taxi driver ang dala niyang card at tanging 400 na lang ang perang meron siya.

Magkasabay na nga si Hansel at Anthony sa sasakyan ng huli, matapos ang ilang minuto ay nakarating na rin sila sa dating bahay nila Hansel.

“Akala ko kanina nagbibiro ka lang ng sabihin mong dito nakatira ang amo mo, akala ko kasi sa bigating subdivision ka uuwi.” saad ni Anthony bago tuluyang bumaba ang kasamang si Hansel.

“Ewan ko nga dun sa amo ko, siguro may tinataguan kaya dito niya napiling manirahan.” pagsisinungaling ni Hansel, na walang balak ipaalam sa kasama ang totoo.

“Sige kita na lang tayo sa ospital Hans at gaya mo, ipinagdarasal ko na magising na kaagad ang ate mo.” saad ni Anthony.

“Salamat sa libreng sakay Anthony at salamat din sa pagdarasal kay ate.” saad ni Hansel at bumaba na sasakyan ng doktor.

“Walang anuman Hans, sige mauna na’ko.” sagot ni Anthony at pinaandar na nito ang sasakyan.

Pag-alis ni Anthony ay pumasok na rin si Hansel sa bahay ng amo, pero natigilan ito ng makita ang seryosong mukhang meron ang Komandante na nakauwi na rin.

PANG-TATLUMPUT-APAT

Hindi nagustuhan ni Erick, ang nakita nitong pagbaba ni Hansel sa isang sasakyan ng kung sinuman. Naririto ito ngayon sa pinto ng bahay para hintayin si Hansel.

“Sino ang naghatid sa’yo? Yung lalaki mo?” ’di na napigilang tanong ng nagpipigil ng inis na Komandante.

“Si-sir hindi po, si Anthony po ’yon.” sagot ni Hansel na ’di matignan ang seryoso parin na amo.

“Sinong Anthony? At kung hindi mo lalaki ’yon? Bakit sumabay ka sa kanya?” usisang mga tanong ng nakakunot-noong sundalo.

“Sir kaibigan ko lang po yung tao, Anthony Zamora ang buo niyang pangalan at kilala niyo po siya dahil doktor siya ni ate. At kaya po sumabay na ako sa kanya ay dahil dito rin ang punta niya.” paliwanag ni Hansel na ’di parin magawang tingnan ang among sundalo.

“Sa susunod ’wag kang sasabay kahit kaninong lalaki, para ’di ko isipin na katulad ka rin ng ate mo. At lalong ’wag kong malalaman na may nagpupuntang lalaki dito sa bahay ko, dahil hindi mo magugustuhan ang mga kayang kong gawin Hansel.” saad ng seryoso parin na Komandante at pumasok na ito sa loob ng bahay bago pa makasagot si Hansel.

Inaamin ni Hansel na natakot ito sa among sundalo at gaya ng sinabi ng Komandante, sisiguraduhin ni Hansel na hindi na muli itong sasabay kahit na kaninong lalaki at lalong-lalo na ang magpapasok ng lalaki sa bahay ng kanyang among sundalo.

Nakadalawang balikan si Hansel sa pagbitbit sa mga pinamili nito, kita rin nito na kasalukuyang nanonood sa bago rin na malaking flat screen tv na nasa sala ang kanyang amo.

Bago simulan ang paglalagay sa dapat na lalagyan sa mga pinamili nito, minabuti ni Hansel na tanungin na ang amo kung anong mga gusto nito para sa hapunan.

“Sir, itatanong ko lang kung anong gusto niyong iluto ko para sa hapunan.” kabang tanong ni Hansel sa amo.

Bumaling naman si Erick sa personal maid nito.

“Gusto ko ng beef, ikaw na ang bahala kung anong klase ng ulam ang alam mong lutuin.” sagot ni Erick at muling ibinalik ang tingin sa telebisyon.

“Sige po sir.” saad ni Hansel at inumpisahan na ang pagluluto ng hapunan.

Gaya nga ng sabi ng doktor, nagising na ang bunso ng mga Velasco at sobrang natuwa ang lahat ng dahil dun.

“Kuya!?” unang lumabas na salita kay Lexter ng makitang narito sa ospital ang kanyang kuya Enzo.

“Ako nga bunso, wala bang masakit sa’yo?” saad at tanong ni Enzo, na lumapit sa nagkamalay na nitong kapatid.

“Medyo masakit ang katawan ko kuya, pero masaya ako na nandito ka.” nakangiting sagot ni Lexter.

“Ako din bunso, kaming lahat nila tatay masaya na gumising ka na.” saad ni Lorenzo.

“Sino siya kuya?” tanong ni Lexter sa lalaking ngayon lang niya nakita.

“Ako si Captain Vince Manalo, Lexter. Kasamahan akong sundalo ng kuya Enzo mo.” sagot ni Vince na lumapit sa bunso ng mga Velasco at iniabot nito ang laruang baril-barilan sa bata.

“S-sa akin po to?” magalang na tanong ng bata sa Kapitan.

“Oo Lexter, naikwento sa akin ng kuya mo na gusto mo raw maging sundalo paglaki mo, kaya habang bata ka muna, hetong baril-barilan muna ang pwede sa’yo.” nakangiting saad ni Vince.

“Salamat po kuya Vince!” masayang sagot ng bata dahil matagal na nitong gustong magkaroon ng laruang baril-barilan.

Lubos naman na nagpapasalamat ang pamilya Velasco, sa nagawang pagpapasaya ng Kapitan sa kanilang bunso.

“Salamat sir.” mahinang saad ni Lorenzo na sapat na para marinig ng katabing Kapitan.

“Wala ’yon Enzo, sige magkita na lang tayo bukas sa rooftop ng ospital, para sabay na tayong makabalik sa amin.” saad ni Vince na minabuti munang magcheck in na lang sa malapit na hotel para makapagpahinga na rin.

“Sige sir.” sagot ni Lorenzo. “Tay, nay, ihahatid ko na muna si sir.” baling nito sa mga magulang.

“Sige po mauna na’ko, Lexter pagaling ka kaagad dahil alam kong matapang ang mga sundalo.” paalam ni Vince sa mag-asawang Velasco at bilin nito kay Lexter.

“Sir, yes, sir.” saludo ng bibong bata sa Kapitan.

“Mukhang may susunod kaagad sa yapak mo Velasco.” baling ng Kapitan sa sundalo na kasama niyang palabas ng ospital.

“Oo nga sir. Pero salamat sa lahat ng tulong mo sir.” muling pasalamat ni Lorenzo.

“Wala ’yon Enzo.” sagot lang ng Kapitan.

Samantala, kinakabahan ngayon si Private Lorenzo Velasco, kung papaano gagawin na maipaabot sa Kapitan ang naging sagot nito sa pagkakataong hinihingi sa kanya ng huli.

Sandaling tumingin si Lorenzo sa paligid ng ospital, at nang makasiguradong walang taong makakakita sa gagawin. Hinawakan nito ang isang kamay ni Vince.

Sa naramdamang humawak sa kanyang kamay ay natigilan ang Kapitan. At nagulat ito sa sunod na ginawa ng kasamang si Lorenzo.

Matapos hawakan ang isang kamay ni Vince at nakita nitong natigilan ang Kapitan, isinandal ni Lorenzo ang katawan ng Kapitan sa pader ng ospital at mabilis nitong hinagkan ang mga labing ’yon ng huli.

Hindi man inaasahan ang matapang na aksyon na ’yun ni Lorenzo, kaagad naman tinugon ni Vince ang mga halik na ’yon ng una at ramdam niya na hinayaan siya ng sundalo na maging dominante sa halikan nila. Inaamin ni Vince na nagustuhan nito ang mga labing ’yon ni Lorenzo at masaya ang Kapitan na alam rin nito na pinagbigyan siya ng sundalo sa hinihingi nitong pagkakataon na makilala nila ng lubusan ang isa’t-isa.

Nang kapwa mauubusan na ng hangin ay humiwalay na sa halikan ang dalawang sundalo.

Hindi makatingin ng diretso si Lorenzo sa kasamang Kapitan, matapos ang kanyang naging aksyon ay kaagad na nahiya ang pobreng sundalo sa nagawa.

“Si-sige sir, kita na lang tayo bukas.” saad ng nahihiyang si Lorenzo na namumula rin ang mukha.

Napangiti naman si Vince sa nakitang nahihiyang si Lorenzo. At inaaamin ng Kapitan, na ang namumulang mukha ngayon ni Lorenzo ang siyang nais nitong makita.

“Sige Lorenzo, pero bago ako umalis.” bitin na saad ng Kapitan.

Dun pa lamang tumingin si Lorenzo sa mukha ng Kapitan.

Nang makita ni Vince na tumingin sa kanya si Lorenzo ay ’di ito nag-atubili na muling mahagkan ang mga matamis na labi ng sundalo.

Pagkahiwalay sa kanilang halikan.

“See you in my dreams, Enzo.” saad ng Kapitan at isang kindat pa ang pinakawalan kay Lorenzo bago tuluyan itong umalis.

‘See you also, sir.’ saad sa isip ni Lorenzo na inaamin na masaya sa nangyari sa kanila ng kapitan.

’Di gaya ng nakalipas na gabi, nakuntento ang dalawang sundalo na nakahiga lamang sa kama. Habang nakahiga sa dibdib ng Komandante, kinuha ni Richard sa kanyang bulsa ang maliit na box na may lamang bracelet na para sa mahal nitong sundalo.

“Sir may ibibigay ako sa’yo.” saad ni Richard na tumingala para magtagpo ang mga mata nila ni Sebastian.

“Ano ’yon baby.” lambing na saad ng Komandante sabay halik nito sa ulo ng minamahal.

“Heto sir.” saad ni Richard sabay bukas sa maliit na kahon na may lamang bracelet.

Pagkakita ni Sebastian sa bracelet ay gumuhit ang ngiti sa mukha ng Komandante at hinayaan nito ang bunso ng Heneral na isuot sa kanyang braso ang regalo nito. Nang maisuot na sa kanya ni Richard ang bracelet ay tinignan ng malapitan ito ng Komandante.

“S.M. ibig bang sabihin nito ay sobrang malibog?” biro ni Sebastian sa nakahiga parin sa kanyang dibdib na si Richard.

“Ewan ko sa’yo Baste.” inis na saad ni Richard na tinalikuran pa ang kasama, dulot ng ginawang biro ng una, ang para sa kanya ay romantic na sanang sandali sa pagitan nilang dalawa ng Komandante.

“Thank you baby, sorry na, alam ko naman ang ibig sabihin nun. At alam kong may ganito ka rin na bracelet, akin na at isusuot ko ang sa iyo.” suyo kaagad ni Sebastian at niyakap ang matampuhin na mahal niyang sundalo.

Humarap naman kaagad si Richard at ibinigay nga nito ang bracelet na may initials ng sarili niyang pangalan.

“Sandali baby, hindi ba mas maganda kung ang mayroong initials mo ang isusuot ko, pagkatapos ang sa akin naman ang isusuot ko sa’yo?” suhestiyon ni Sebastian sa kanyang naisip.

Sandaling napaisip si Richard at nabatid nitong mas maganda nga, kung ang initials ng kay Baste ang kanyang isusuot at ang kanya naman ay ang isusuot ng Komandante.

“Oo nga sir.” pagpayag ni Richard.

At ipinasuot nga nila ang bracelet para sa isa’t-isa.

“Ako rin baby, may ibibigay ako sa’yo.” seryosong saad ni Sebastian habang hinahaplos ng kanyang kamay ang buhok ni Richard.

Muling napatingin si Richard sa mukha ng Komandante at ’di ito makapaniwala sa nakita nitong hawak ngayon ni Sebastian sa kanyang kamay.

“Si-sir.” saad ng nagsisimula ng maiyak na si Richard.

“Baby, hayaan mong isuot ko ang singsing na ito sa’yo, na simbolo ng pangako ko, na kapag nagkita tayong muli, hihingin ko na ang kamay mo kila Heneral at Tita Aurora, pati na rin kila bayaw.” seryosong saad ni Sebastian at hinawakan nito ang kaliwang kamay ni Richard at isinuot sa palasingsingan ng bunso ng Heneral, ang singsing na binili nito bago pa ang pagbiyahe nila ni Richard patungo ng Baguio.

Hindi na nga napigil pa ni Richard ang mga luha, na dulot ng labis na kaligayahan, nang pag-ibig na palaging ipinapadama sa kanya ng Komandante.

Pinunasan naman ni Sebastian ang mga luha ng mahal nitong si Richard at sunod na hinalikan nito ang  kaliwang kamay ng huli na may suot na ngayon na singsing.

“Thank you sir at mahal na mahal kita.” saad ni Richard at hinalikan nito sa labi ang Komandante.

“Mahal din kita baby at pangako, ikaw na ang huli.” sagot ni Sebastian at sinuklian ng mas malalim na halik ang halik kanina ni Richard.

“Hindi ba pwedeng humirit, kahit isang round lang bago tayo matulog?” saad pa ni Sebastian na hindi matiis na walang mangyari sa kanila ni Richard ngayong gabi.

“Sige na sir, pero isang round lang.” pagpayag ni Richard sa alam nitong ’di titigil na Komandante.

“Yes baby.” sagot ng Komandante na kaagad pumaibabaw kay Richard.

Kasalukuyang kumakain si Erick ng hapunan at alam nito bago pa maluto ni Hansel ang nasa kanyang harapan na Beef Broccoli, alam ng Komandante na siguradong masarap ito.

At di nga ito nagkamali, para kay Erick ang mga luto ni Hansel ang pinakamasarap para sa kanya at daig pa pati ang luto ng kanyang mama.

Nananatili naman na nakatayo si Hansel at gaya kaninang umaga ay hinihintay nitong magreklamo ang Komandante, na baka hindi nagustuhan ang luto niya, pero ng makita nito ang maganang pagkain ng sundalo ay lihim na nagbigay ito ng saya kay Hansel.

Hangang sa matapos ngang kumain ang among sundalo ay wala ngang narinig na reklamo si Hansel. Sunod na iniligpit ni Hansel ang mga pinag-kainan ng amo at hinugasan na rin niya ang mga ito. Nang makasigurong malinis na ang buong kusina, kumuha ng isang instant noodless si Hansel para siya naman ang kumain ng hapunan.

Habang hinihintay ni Hansel na maluto sa mainit na tubig ang instant noodless ay minabuti na rin nitong walisin ang sala habang nasa silid parin ang kanyang amo. Matapos magwalis ay binalikan ni Hansel ang kanyang hapunan at inumpishan na rin nitong kumain.

Bumaba naman si Erick sa sala, para manood ng paborito nitong sports channel at bago tuluyang makarating sa sala ay nakita nito ang kasalukuyang kumakain na si Hansel. Sa nakita ay napakunot-noo ang Komandante at minabuti nitong lapitan ang kanyang personal maid.

“Bakit iyan ang kinakain mo?” ’di na napigilang tanong ni Erick nang makalapit ito kay Hansel.

Nagulat naman si Hansel sa narinig nito sa Komandante.

“Si-sir, ano kasi, ito lang ang pagkain na kaya kong bilhin.” sagot na kinakabahang si Hansel.

“Hindi ba ang dami naman laman ng ref at nagpabili pa ako sa’yo kanina.” saad ni Erick.

“Eh kasi sir, hindi naman para sa akin ang mga ’yon. Okay lang naman ako kahit sa instant noodless lang.” nahihiyang saad ni Hansel.

“Kung sa’yo okay, sa akin ay hindi. Nasaan ang mga pinamili mo pang ganyan?” saad ni Erick at tanong pa nito kay Hansel.

“Na-nasa isang plastic bag at nasa kabinet na nasa itaas sir.” kabang sagot ni Hansel at nag-aalala ito sa gagawin ng amo.

Tinignan nga ni Erick sa kabinet ang mga biniling instant noodless ni Hansel, nang makita ang mga ito’y kinuha nito ang lahat at inilagay sa basurahan.

“Si-sir!” gulat na saad ni Hansel sa ginawa ng amo at tumayo ito para sana kuhanin ang mga nasa basurahan nang pagkain.

“Hansel!” galit na saad ng Komandante.

“Si-sir, yun na lang ang natitirang pagkain na meron ako.” saad ng nagpipigil ng maluhang si Hansel.

Napahilamos na lang sa mukha si Erick nang hindi parin maintindihan ni Hansel ang gusto nitong sabihin.

“Hansel, kung anuman ang pagkain na meron dito sa bahay ay puwede mo rin kainin, bakit pinagtiyatiyagaan mo ang mga ’yan. Gusto mong ikaw naman ang magkasakit.” mahinahon na saad ni Erick.

Napatingim naman si Hansel sa among sundalo sa kanyang narinig.

“Pero hindi ko naman gastos ang mga ’yun sir.” saad ni Hansel.

“Oo nga pero bilang amo mo kailangan sundin mo ako at gaya ng sabi ko kanina, kung anong sa akin ay sa iyo rin, naiintidihan mo ba?”

“Si-sige sir.” sagot na lang ni Hansel.

“Good, at ito na ang huling makikita kong kumakain ka ng ganyan.” saad ni Erick.

“Opo sir.” saad ni Hansel.

“Isa pa, magkatabi tayong matutulog mamaya.” seryosong saad ni Erick.

“Si-sir!” gulat na sagot ni Hansel.

“Simple lang Hansel, hindi na ang matulog ka sa labas ang kapalit kapag hindi ka sumunod sa akin, ngayon mismo ay tanggal ka na sa trabaho mo at ibig sabihin nun ay kailangan mo na akong bayaran ng buo sa mga nagastos ko sa kapatid mo.” ngising saad ni Erick.

“Pe-pero sir.” tutol ng namumulang mukhang si Hansel, iniisip palang nitong magtatabi sila ng Komandante ay hindi na ito mapakali, paano pa kapag nangyari na ito.

“Walang pero-pero Hansel, tatanungin kita ng huling beses, magtatabi tayo o maniningil ako?” seryosong tanong ng wais na sundalo.

Gaya nga ng inaasahan ni Hansel, nagsisimula na ang pagganti sa kanya ng Komandante at wala naman itong magagawa kungdi ang sumunod sa among sundalo.

“Sige sir payag na ako.” talong saad ni Hansel.

“Sabihin mo ng malinaw Hansel.” saad ni Erick.

“Sige sir, magtatabi po tayo.” nakayukong saad ni Hansel, para hindi makita ng Komandante ang namumula niyang mukha sa mga oras na ’yon.

“Smart decision then, Hans.” saad ng nangingiting si Erick, sabay gulo sa buhok ng nakayuko parin na si Hansel.

PANG-TATLUMPUT-LIMA

Sa nakitang pag-akyat sa kwarto ng kanyang among sundalo para matulog, hindi alam ni Hansel kung paano niya magagawa ang kondisyon ng Komandante na magtabi sila sa pagtulog.

Minabuti na muna ni Hansel na magpalipas ng isang oras sa sala, nang sa ganun kapag pumasok siya sa kwarto ng amo ay siguradong tulog na ito.

Pagkalipas nga ng isang oras, hinarap na ni Hansel ang para sa kanya’y isa sa mahirap na kailangan niyang pagdaanan, kapalit ng ’di naman niya sinasadyang pagsisinungaling sa dating nobyo ng kanyang ate.

Pagbukas ni Hansel sa kwarto ng among sundalo, bumungad sa kanya ang maamong mukha nang mahimbing na natutulog na Komandante, kasama rin tumambad sa kanya ang hubad na magandang katawan ng barakong sundalo na natatakpan lang ng puting brief, kaya naman pinamulahan ng mukha si Hansel, lalo ng dumako sa malaking umbok na pagkalalaki ng among sundalo ang kanyang paningin.

Kaagad iniwas ni Hansel ang mga mata sa malaking tukso na sundalo,  na ilang saglit lang ay kailangan niyang tabihan sa pagtulog.

Dahan-dahan na lumapit si Hansel sa kama ng natutulog parin na amo, ginawa niya ang lahat para hindi ito magising at baka magalit ito sa kanya, kapag naistorbo nito ang kanyang pagtulog.

Nakahinga ng maluwag si Hansel ng matagumpay itong nakahiga patalikod kay Erick at hindi rin nito nagising ang natutulog parin na huli.

Pero ang sumunod na nangyari ang nagpatibok ng malakas sa puso ni Hansel. Ilang segundo palang ng kanyang paghiga sa tabi ng among sundalo, sumunod na naramdaman nito ang pagyakap sa kanya ng huli. Kaya naman ramdam ni Hansel sa kanyang katawan ang hubad na katawan ng sundalo, pati na ang nakabukol na alaga ng Komandante na malapit pa sa kanyang puwitan.

Parang sinilaban ang buong katawan ni Hansel sa nangyari at alam rin nitong pati na ang kanyang mukha ay pulang-pula na ngayon.

Lingid sa kaalaman ni Hansel ay gising na gising ang Komandante at sinadya nito ang ginawang pagyakap sa personal maid niya. Inaamin ni Erick, na higit pa sa pwestong kinalalagyan niya ngayong ang gusto niyang gawin sa binatang nagpagulo sa kanyang isipan at damdamin, pero hindi niya gagawin ang hindi gustong mangyari ni Hansel at alam rin nito na kaya lang nagawa siyang tabihan ng huli ay dahil sa banta nito kapalit ng hindi nito pagpayag sa kanyang kondisyon, ganunman kuntento muna si Erick na yakap at kapiling ang mabangong katawan ni Hansel.

Kinaumagahan, unang nagising si Hansel at hindi ito makapaniwa sa puwestong ngayon ay kanyang kinalalagyan. Nakahiga siya sa malaking braso ng Komandante habang nakadantay sa hubad na katawan ng huli ang kanyang isang braso. Mabilis na humiwalay si Hansel sa kanyang amo at natatakot ito na baka may maling isipin ang sundalo kapag nakita ang kanilang ayos. Nakahinga naman ng maluwag si Hansel ng tuluyang makabangon, minabuti na rin nito na simulan nang gawin ang kanyang trabaho.

Matapos mag-almusal sa tinutuluyang hotel, nagpasya ng umuwi sila Richard at Sebastian.

“Baste, salamat sa bakasyon na kasama kita dito sa Baguio.” saad ni Richard sa nagmamanehong Komandante.

“Salamat din Chard at masaya rin akong nasulit natin ang dalawang araw natin dito.” sagot ni Sebastian.

Dala ang mga pagkain na para sa pamilya Velasco, dumiretso na sa ospital si Vince, dahil ngayon na rin ang takdang pagbalik nila ni Lorenzo sa kanila.

“Enzo, heto at ibigay mo sa pamilya mo.” saad ni Vince ng makita si Lorenzo.

“Salamat sir at sana hindi ka na nag-abala pa.” nahihiyang saad ni Lorenzo.

“Wala ’yan, sige na at magpaalam ka na rin sa kanila para makabalik na tayo sa amin.”

“Sige sir.” sunod ni Lorenzo.

Gaya kahapon, nakahanda na ang kanyang almusal na inihanda ni Hansel ng bumaba si Erick sa kusina.

“Hansel, sabayan mo na akong kumain.” saad ni Erick pagkaupo nito.

“Hi-hindi na sir, mauna na po kayo.” tanggi ni Hansel.

“Hindi iyon pakiusap Hansel, utos ko ang sabayan mo ako, ’yun ay kung gusto mo pa ang trabaho mo, madali naman akong kausap.” seryosong saad ni Erick.

Mabilis naman na sumunod si Hansel sa gusto ng amo at umupo na rin ito.

Lihim na napangiti si Erick sa nakita nitong pag-upo ni Hansel.

“Hindi ba ang sabi mo kahapon, magsisimula ka na sa trabaho mo bukas?” banggit ni Erick sa napag-usapan nila ni Hansel kahapon.

“O-opo sir.” tipid na sagot ni Hansel.

“Tutal 2 PM palang ang pasok mo, siguro naman kaya mo pang ipaghanda ako ng almusal ko sa mga araw na may pasok ka.” saad ni Erick.

“Opo sir, gagawin ko naman po ’yun, kahit kapalit lang ng pagpayag po ninyo sa pagtatrabaho ko sa cafe.” saad ni Hansel.

“Mabuti kung ganun.” saad ni Erick at muling nagpatuloy ito sa pagkain.

Pag-alis ng among sundalo ay sinimulan na ni Hansel ang paglilinis sa buong bahay. Matapos ang gawain, naligo na rin ito bago ang pagpunta muli nito sa ospital, para dalawin ang kanyang ate.

Napabuntong hininga na lamang si Heneral Manalo sa mga nalaman nito sa mga tauhan. Hindi sukat akalain ng Heneral, na matapos nitong malaman na sa kapwa lalaki umibig ang kanyang bunsong anak, mukhang pati ang dalawang barako nitong anak na sundalo ay nahumaling rin sa kapwa nila lalaki.

‘Kakausapin ko sila mamaya, hindi maaring maputol ang mga lahi naming mga Manalo.’ saad sa isip ng Heneral.

Unang dumating sa kanilang bahay si Richard na kasama nito si Sebastian. Nagpunta naman kaagad si Sebastian sa opisina ni Heneral Manalo, bago ang pag-alis ng Komandante para sa kanilang misyon.

“Maupo ka, Major Manlangit.” saad ni Heneral Manalo pagkakita kay Major Manlangit.

“Gaya ng nauna mong pangunguna at matagumpay na misyon ng AFP sa Maguindanao, umaasa akong gagawin mo ang lahat dito sa misyon ninyo sa Tawi-tawi.” muling saad ng Heneral.

“Sir, yes sir. At sisiguraduhin kong mahuhuli namin ng buhay o patay ang lider ng terorista sir!” magalang na sagot ni Major Manlangit.

“Dapat lang, Manlangit, dahil hindi ko ibibigay sa talunang sundalo ang bunso kong anak.” nakangising saad ni Heneral Manalo.

Kinabahan naman si Major Manlangit sa narinig, pero sisiguraduhin niyang mapagtatagumapayan niya ang misyon nila laban sa mga terorista.

“Sir papatunayan kong karapat-dapat ako sa inyong anak sir!” sagot ng matapang na Komandante sa Heneral.

“Mabuti kung ganun Manlangit, sige na at magpaalam ka na kay Richard.” saad ng Heneral.

“Sir, yes sir!” magalang at nakasaludong sagot ni Major Manalo.

Matapos makarating sa kanilang lugar sakay ng chopper, nakasakay na ngayon si Lorenzo at Vince sa sasakyan ng huli. Pagkalipas pa ng ilang minuto ay dumating narin sila bahay nila Vince.

“Velasco dito ka muna sa sala at kakausapin ko lang si Heneral.” baling ni Vince sa kasabay na si Lorenzo.

“Sige sir.” sunod naman ni Lorenzo sa Kapitan.

“Maupo ka Captain Manalo.” seryosong saad ni Heneral Manalo sa anak nitong si Captain Vince Manalo.

“Bakit mo ’ko gustong makausap Heneral?” tanong ng Kapitan.

Hindi sinagot ng Heneral ang tanong na ’yon ng anak, bagkus ay ibinagsak nito ang mga larawan sa mahabang mesang nasa kanilang harapan.

Gulat ang reaksyon ni Captain Manalo sa mga nakita, mga larawan nilang dalawa ni Lorenzo na magkahalikan ang mga nagkalat ngayon sa mesa ng amang Heneral.

“P-pa.” tanging lumabas na salita sa gulat parin na Kapitan.

“Hinayaan ko ang kapatid ninyong si Richard na umibig sa kapwa niya lalaki, pero hindi ko matatanggap na pati kayo ng kuya mo ay sa kapwa rin lalaki mapunta.” seryosong saad ng Heneral.

“Pe-pero pa!” tutol ni Vince sa sinabi ng ama at nagulat rin ito sa nalaman, na pati ang kuya Erick niya ay may lalaki rin na gusto.

“Hiwalayan mo ang sundalong si Velasco, dahil hindi mo magugustuhan ang mga kaya kong gawin kapag sinuway mo ako.” seryoso parin na saad ng Heneral.

“Bakit si Richard hinayaan ninyo pa? Tapos ako hindi?” ’di makapaniwalang saad ni Vince.

“Iba ang sa kapatid ninyo, bata palang alam na namin ng mama ninyo na baka hindi maging tuwid na lalaki si Richard. At tanggap ko iyon dahil sigurado ako sa inyo ng kuya mo, na ipagpatuloy ninyo ang lahi ng mga Manalo.” saad ng Heneral.

“Naiintidihan ko kayo pa, pero hindi ba maari na hayaan ninyo kami ni Velasco. Kung apo ang gusto ninyo, maaari naman namin gawan ng paraan ’yon ni kuya.” pakiusap ni Vince sa amang Heneral.

“Sige, hahayaan ko kayo ngayon, pero gusto ko sa lalong madaling panahon ay tuparin ninyo ng kuya mo ang sinabi mo. Sige na maaari ka ng lumabas.” saad ng Heneral.

Nakahinga naman ng maluwag si Vince, matapos marinig ang sinabi ng Amang Heneral.

“Sir, yes sir.” saad at bigay galang ni Vince sa Amang Heneral.

Umuwi muna si Major Erick Manalo sa bahay ng mga magulang, bukod sa gusto nitong makita ang kaibigang si Sebastian at ang kapatid na si Vince bago ang alis ng dalawa sa bago nilang misyon, nakatanggap rin ito ng mensahe sa Amang Heneral na may pag-uusapan daw sila.

Pagdating ni Major Manalo sa bahay ng mga magulang, minabuti nitong puntahan na ang Amang Heneral dahil may oras pa naman bago ang alis ng kapatid at kaibigan.

“Anong pag-uusapan natin sir.” bungad ng Komandante sa Amang Heneral.

“Tapatin mo ako, Major Manalo, totoo bang may binabahay kang kapwa mo lalaki?” seryosong tanong ng Heneral sa Komandanteng anak.

“Wala pa kaming relasyon sir, anong kinalaman niya sa pag-uusapan natin sir?” balik na tanong ng Komandante.

“Kung ganun mas maganda, tutal nanggaling na sa’yo na wala pang namamagitan sa inyo, mabuti pa ’wag mo ng ituloy kung anumang balak mo sa kanya. Isa pa, hindi ba may nobya ka at kapatid pa ng lalaking ’yon.” saad ng Heneral.

“Wala na kami ng ate niya at hindi ko magagawa ang sinasabi mo sir, lalong ’wag mong gagalawin si Hansel sir.” paliwanag ng Komandante at sagot nito sa ama.

“Binabantaan mo ba ako, Major Manalo!” pagtataas ng boses ng Heneral sa ’di nagustuhan nitong sagot sa kanya ng anak.

“Hindi sir, pero lahat ng ginusto ninyo sinunod ko, magmula ng bata pa ako, pero ’wag ninyong pakikialaman ang taong gusto ko.” matapang na sagot ng Komandante.

“Sige, hindi ko papakialaman ang binatang Cortez, pero gaya ng ipinangako ng kapatid mong si Vince, bigyan ninyo ako ng apo na magdadala ng apelyidong Manalo, sa lalong madaling panahon.” kondisyon ng Heneral.

“Sige sir! Permission to leave sir!” sagot ni Major Manalo sa Amang Heneral.

“Sige, makakaalis ka na.” saad ng Heneral.

At lumabas na nga ang Komandante sa opisina ng Heneral.

‘Hanga ako sa paninindigan ninyo mga anak.’ saad sa sarili ng may ngiti sa mukhang Heneral at ’di na nangangamba na mapuputol ang lahi ng mga Manalo.

“Ingat kayo kuya Vince, Renz at Baste.” bilin ni Richard sa papaalis na mga sundalo para sa kanilang misyon. At isa-isa nitong niyakap ang tatlo.

Una ang kuyang si Vince. Sunod ay si Lorenzo.

“Tama na ’yan Chard at baka magselos na si Baste.” komento ni Vince.

Humiwalay na nga si Richard sa kaibigang si Renz at huli nitong niyakap ng mahigpit si Sebastian.

“Hihintayin ko ang pagbabalik mo sir.” bulong ni Richard sa mahal nitong sundalo.

“I will, as soon as possible baby at ’di na kita papakawalan pagkatapos.” bulong na sagot ni Sebastian at hinalikan sa labi si Richard.

Kita nila Vince at Lorenzo ang halikan ng dalawa.

“Hindi ka ba naiinggit Enzo?” bulong ni Vince kay Lorenzo na inakbayan rin nito pagkatapos.

Pinamulahan naman ng mukha si Lorenzo, pero hindi nito sinagot ang sinabing ’yon ng Kapitan.

“Kunsabagay, baka naman nagseselos ka parin dahil hindi ikaw ang kahalikan ni Richard.” asar pa ni Vince.

Doon na bumaling ng tingin si Lorenzo sa Kapitan.

“Bakit pa ako magseselos, eh nandyan ka naman sir.” bulong ni Lorenzo sa Kapitan.

Lumawak naman ang ngiti ng Kapitan sa narinig.

“Tama na ’yan mga love birds, hindi pa ba oras ng pag-alis ninyo.” asar ni Erick sa apat.

Nagtataka naman sila Sebastian at Richard na napatingin kay Erick kung sino ang isa pang tinutukoy ng Komandante.

Isang nguso sa direksyon nila Vince at Lorenzo ang naging sagot ni Erick kina Sebastian at Richard.

Samantala namula naman ang mukha ni Lorenzo, nang bumaling ang tingin ng tatlo sa kanila ng Kapitan.

“Kuya, ’wag mong biruin si Velasco, baka hindi ako sagutin nito.” ngising saad ng Kapitan.

“Renz marami pang iba diyan at ’wag na si kuya.” asar naman ni Richard para makaganti sa kapatid.

“Tama si Chard, Velasco, babaero pa naman iyan.” gatong naman ni Erick.

“Richard, alalahanin mo kasama ko si Sebastian, hindi ko isusumbong sa’yo, kapag tumingin iyan sa mga babaeng sundalong kasama rin namin.” balik ni Vince sa kapatid.

“Baby, hindi ko gagawin ’yon, promise.” maagap na saad ni Sebastian sa katabi.

“At ikaw naman kuya, baka gusto mong sabihin ko kay Richard ang tungkol sa lalaki mo.” balik ni Vince sa kuya nito.

Hindi makapaniwalang, napatingin naman sila Richard, Sebastian at maging si Lorenzo kay Erick.

“Loko-loko ka Vince, bunso ’wag kang maniwala sa kanya.” maagap na saad ni Erick.

“Kalimutan mo na ang sinabi ko Velasco, mukhang magbabago na iyan dahil sa’yo.” bawi ni Erick sa sinabi nito kanina.

Muling namula naman ang mukha ni Lorenzo sa narinig nito sa Komandante.

“Tama na ’yang asaran ninyo, Major Manlangit, Captain Manalo, Private Velasco, oras na ng pag-alis ninyo.” paalala ni Heneral Manalo sa tatlong sundalo.

“Sir, yes sir.” nakasaludong at magalang na sagot ng tatlong sundalo sa Heneral.

At sumakay na nga ang tatlong sundalo sa military helicopter, na ang kasama nilang si Captain Manalo rin ang magpapalipad.

‘Ingat kayo.’ saad sa isip ni Richard, kasabay ng panalangin na ligtas makakauwi ang tatlo, kasama ang ilan pang mga kabaro.

PANG-TATLUMPUT-ANIM

Pagkatapos madalaw muli ang kanyang ate, malungkot na naman si Hansel sa kanyang pag-uwi, gaya kasi ng dati, wala parin pagbabago sa kalagayan ng limang buwan ng wala paring malay na kapatid.

“Hansel!” sigaw ng boses, na nagpahinto kay Hansel bago tuluyang makalabas ng ospital. Pagbaling nito sa tumawag sa kanyang pangalan, nakita nito ang papalapit sa kanya na si Dr. Anthony Zamora na hindi na nakasuot ng uniporme.

“Uuwi ka na ba?” tanong ni Anthony pagkalapit nito kay Hansel.

“Oo dok.” sagot ni Hansel.

“Kung ganun sumabay ka na sa akin, may ibibigay kasi ako sa pamangkin ko.” alok ni Anthony kay Hansel.

Natigilan naman si Hansel at tsaka nito naalala ang mga sinabi ng among sundalo kahapon.

“Sa susunod ’wag kang sasabay kahit kaninong lalaki, para ’di ko isipin na katulad ka rin ng ate mo. At lalong ’wag kong malalaman na may nagpupuntang lalaki dito sa bahay ko, dahil hindi mo magugustuhan ang mga kayang kong gawin Hansel.”

“Hindi na dok, may pupuntahan pa kasi ako bago ako umuwi.” tanggi ni Hansel na kinabahan pa sa mga oras na ’yon.

“O sige, ingat ka na lang sa pag-uwi.” saad ni Anthony at iniwanan na si Hansel.

Napabuntong hininga na lang si Hansel at lumabas na ito sa ospital para umuwi na rin.

Pagdating ni Hansel sa bahay ay wala pa ang among sundalo. Kaya naman minabuti nitong maligo na muna, para maalis ang anuman na mikrobyo na kumapit sa kanya sa pinanggalingan nitong ospital.

Nasa kalagitnaan siya ng pagligo ng marinig nito ang paggalaw ng doorknob ng banyo kung nasaan ito.

“Sir naliligo po ako!” sigaw ni Hansel, na sa tingin nito’y ang among sundalo lang ang maaaring nasa labas.

Pero nagpatuloy lang ang pagpupumilit na pagbukas ng kung sinuman, sa pintuan ng banyong kinalalagyan ni Hansel.

Kinabahan na sa mga oras na ’yon si Hansel at alam nitong hindi magagawa ng amo nitong sundalo ang ginagawa ngayon ng kung sinuman na nasa labas.

At ang sumunod na nangyari ang gumulat sa binatang si Hansel. Tinadyakan ng nagpupumulit na pumasok ang pinto ng banyo.

Hindi alam ng takot na takot na si Hansel ang kanyang gagawin, bukod sa takot sa maaaring gawin ng lalaki na sa oras na ’yon ay may ideya na siya kung sino ’yon, natatakot rin ito lalo na kapag naabutan ng among sundalo ang lalaking nasa loob ngayon ng kanyang pamamahay.

“Hansel! Buksan mo ito!” sigaw ng lulong sa drogang lalaki.

“Jonas umalis ka na! Tumawag na ako ng pulis!” sigaw ni Hansel, na sobrang takot na sa mga sandaling ’yon.

“Huwag mo ’kong lokohin Hansel! Akala mo hindi ko pa alam na nakatira na dito ang sundalong kinalolokohan mo! At tinanggihan mo ako dahil sa lalaking ’yon, pwes makikita ng sundalong ’yon ang pagpapakasasa ko sayo bago kapa mapunta sa kanya.” saad ng lalaki.

Lalo naman nahintakutan si Hansel sa narinig nito sa lalaki, alam niyang kayang gawin ito ng lulong sa droga na dating kaibigan.

Pagkauwi ni Erick sa bahay ay nakita nito ang nakabukas na gate. Hindi alam ng Komandante, kung bakit ito biglang kinabahan pagkatapos. Kasunod nun ay mabilis na pumasok sa loob ng bahay ang sundalo.

“Tulong!!!” Sa narinig ni Erick na pamilyar na boses ni Hansel. Mabilis na pumunta sa pinanggalingan ng boses ni Hansel ang sundalo.

At nagpupuyos sa galit si Erick sa kanyang nasaksihan. Ito’y ang hubot hubad ng nanlalaban na si Hansel, laban sa may masamang balak na lalaki sa kanya, sunud ay mabilis na hinablot ng Komandante ang katawan ng lalaki at ibinalibag ito sa kung saan, palayo sa hubad na katawan ng nakasandal sa pader na si Hansel na lumuluha rin sa mga oras na iyon.

“Tarantado ka!” galit na saad ng Komandante at pinaulanan nito ng suntok ang lalaki.

Patuloy ang pag-iyak ni Hansel sa nanyari, hindi parin ito makapaniwa sa ginawa sa kanya ng dating kaibigan na si Jonas at nanatili lang itong nakasandal sa pader ng banyo.

Nang mahimasmasan ay kaagad na nagtakip ng pang-ibabang katawan gamit ang tuwalya si Hansel at nilapitan nito ang among sundalo para awatin sa ginagawang pagsuntok, bago pa nito mapatay si Jonas.

“Si-sir tama na po, baka mapatay mo siya.” saad ni Hansel at hinawakan nito ang isang braso ng Komandante.

“Papatayin ko talaga siya!” nagpupuyos sa galit na saad ng Komandante.

“Ta-tama na po sir, ayokong makulong ka.” saad ng muling naluhang si Hansel, na takot na baka makulong ang mahal niyang sundalo ng dahil sa kanya.

Sa narinig na naiiyak na si Hansel ay tumigil na sa pagsuntok sa bugbog sarado ng lalaki ang Komandante.

“Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa’yo.” baling ng Komandante kay Hansel.

“A-ayos lang po ako sir, sa-salamat po sa inyo.” sagot ni Hansel sabay pahid sa luha nito sa mga mata.

“Sige na magbihis ka na sa kwarto natin, ako ng bahala sa gagong ’to.” saad ni Erick.

“Sige po sir.” sagot ni Hansel at iniwanan na nito ang among sundalo.

Kaagad tinawagan ni Major Erick Manalo ang kaibigan nitong pulis na si Police Major De Vera, para ipakulong ang lalaking nagtangka sa lalaking mahalaga sa kanya.

At wala pang isang oras ay dumating na ang kaibigang pulis sa kanyang bahay.

“Ayos tol ah, konti na lang at malalagutan na ng hininga ’yun.” saad ni Major De Vera sa kaibigan.

“Pasalamat siya at may pumigil sa akin, kungdi sa ataul ang diretso na gagong ’yon.” sagot naman ni Major Manalo.

“Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, sige tol mauna na ako, ako na rin ang bahala sa gagong ’yon at sisiguraduhin ko na hindi na makalalabas pang muli ’yon sa kulungan.” saad ni Major De Vera.

“Sige salamat tol, ikamusta mo na rin ako sa boyfriend mo.” asar ni Major Manalo sa kaibigan.

“Sige tol, ikaw rin simulan mo na ang diskarte mo sa bata mo at baka maunahan ka pa ng iba.” ganting asar ni Major De Vera.

“Malabong mangyari ’yon tol, ngayon pang ibinahay ko na siya.” ngising sagot ni Major Manalo.

“Haha oo nga, ibang klase ka talaga. Sige, kita na lang tayo sa susunod.” paalam ni Major De Vera sa kaibigan.

Nanatili naman sa loob ng kwarto ng amo si Hansel na mag-iisang oras ng naroon, bukod sa nahihiya ito sa among sundalo, natatakot rin ito na baka magalit sa kanya ang Komandante, dahil sa may nakapasok na lalaki sa bahay ng huli.

Abala si Hansel sa pag-iisip kung anong magiging reaksyon ng amo sa nangyari, nang marinig nitong bumukas ang pinto ng kwartong kinalalagyan niya.

“Hansel, halika na sa baba, sabay na tayong kumain.” mahinahon na saad ni Erick.

Sa narinig sa amo ay kaagad naisip ni Hansel, na hindi pa ito nakakapaghanda ng hapunan dahil sa nangyari.

“Sorry po sir, sige po magluluto na ako kaagad.” sagot ni Hansel na nakayuko pa dahil hindi nito matignan sa mukha ang among sundalo matapos ang nangyari at mabilis na itong lumabas sa kwarto.

Sa nakitang reaksyon ni Hansel, bumalik ang galit na naramdaman ni Erick matapos makita ang ginawa ng lalaki kay Hansel. Mabilis rin na nahuli ng kamay ng Komandante ang isang braso ni Hansel, bago pa tuluyang makalabas ang huli sa kwarto.

“Hansel, nakapagpadeliver na ako at hindi mo kailangan na humingi sa akin ng paumanhin at lalong ’wag kang mahiya dahil lang sa nangyari.” mahinahon na saad ni Erick.

“Si-sir.” sagot lang ng nakayuko parin na si Hansel.

“Sigurado ka bang okay ka lang? Kung gusto mo ay pumunta tayo sa ospital o kaya’y papatingnan kita sa isang psychologist baka natrauma ka sa nangyari kanina.” alalang tanong ni Erick.

“Hi-hindi na sir, ayos lang po talaga ako.” sagot ni Hansel na ’di alam ang gagawin, dahil nanatiling hawak ng Komandante ang kanyang isang braso.

Napabuntong hininga na lang si Erick at hindi naman nito mapipilit si Hansel sa ayaw nitong mangyari.

“Huwag ka ng mag-alala at ’di na makakalapit muli ang lalaking ’yon sa’yo, kasalukuyan ng nakakulong ngayon ang gagong ’yon.” saad ni Erick, para ipaalam sa kasamang si Hansel ang nangyari sa lalaki.

“Salamat po sir.” saad ni Hansel.

“Anything for you Hans.” sagot ni Erick at muling nilagay sa ulo ni Hansel ang kanyang kamay, para guluhin ang buhok ng huli.

Sa ginawa ng Komandante ay napawi ang takot ni Hansel sa nangyari kanina, sa ikalawang pagkakataon, nailigtas na naman siya ng lalaking lihim niyang minamahal.

Samantala, sakay ng limang military truck, papunta na sa kuta ng mga terorista ang mga sundalo. Magkakasama sa unang truck si Major Manlangit, Captain Manalo at Private Velasco.

“Velasco huwag kang lalayo sa tabi ko, para siguradong safe ka.” baling ni Vince sa katabing sundalong si Lorenzo.

“Salamat na lang sir at hindi ko kailangan ang tulong mo at kaya kong protektahan ang sarili ko.” ngising sagot naman ni Lorenzo sa nagmamanehong Kapitan.

Naiiling naman si Sebastian sa palitan ng dalawang sundalo, ang mga mata naman nito ay sa kanyang wallet nakatingin at tinitignan ang larawan ng mahal niyang si Richard.

“Baste baka malusaw na ang litratong ’yan ni Chard.” asar ni Vince sa kaibigan, na kanina pa niya nakikitang hindi maalis ang tingin sa larawan ng kanyang kapatid.

“Buti ka pa tol kasama mo si Velasco, ako, kailangan pang maghintay na ilan pang araw bago muli makapiling si Richard.” sagot ni Sebastian.

“Hahaha tama ka, anumang oras maaari kong sunggaban si Enzo, ikaw matiyaga ka na muna sa picture ni Richard.” natatawang saad ni Vince.

“Sir, mabuti pang ayusin mo na lang ang pagmamaneho.” saway ni Lorenzo sa pilyong Kapitan.

“Masanay ka na kay Kapitan, Velasco, pero kung gusto mo, maghanap ka na lang ng iba.” saad ni Sebastian at asar nito kay Vince.

“Hoy Major, alalahanin mong kapatid ko ang kinababaliwan mo, ayaw mo naman sigurong gumawa ako ng kwento para magalit sa’yo si Richard.” banta ni Vince sa kaibigan.

“Wala ka ng mahahanap na katulad ni Kapitan, Velasco, kaya sagutin mo na kaagad.” bawi ni Sebastian sa sinabi nito kanina.

“Narinig mo si Major, Enzo.” ngising baling ng Kapitan sa katabing si Lorenzo.

Naiiling nalang si Lorenzo sa kalokohan ng magkaibigang sundalo. At maging siya’y hindi na makapaghintay na mapagtagumpayan ng AFP ang kanilang misyon, nang sa ganun ay masolo na nila ng kapitan ang isa’t-isa.

Sa pag-alis ng Komandanteng mahal, minabuti ni Richard na muling harapin ang mga paperworks na natambak sa kampo.

Ngayon nga ay abala ito sa ginagawang paperworks, nang marinig nito ang maingay na komosyon sa mga kasamang sundalo.

“Nandyan yata si Major Alejandro Guzman.” saad ng isang babaeng sundalo na malapit sa pwesto ni Richard.

Sa narinig ay nakaramdam ng inis si Richard. At tama nga ang narinig niya sa kasamang mga sundalo.

“Privare Richard Manalo, ikaw na lang ang hindi sumasaludo sa akin.” saad ng boses at pagtingin ni Richard sa nagsalita, ang nakangising guwapong mukha ni Major Alejandro Guzman ang bumungad sa kanya.

At ayaw man nitong magbigay galang sa hambog na Komandante, walang nagawa si Richard kung hindi ang sumunod sa paggalang sa nakatataas sa kanyang sundalo.

“Sir.” saad ni Private Richard Manalo at sumaludo ito kay Major Alejandro Guzman.

“Nice seeing you again, Manalo.” saad ng Komandante bago ito umalis.

‘Bwisit na hambog na Komandante.’ saad sa isip ni Richard.

PANG-TATLUMPUT-PITO

Sa ikalawang gabi na makakasamang matulog ang among sundalo, hindi na gaanong maiilang pa si Hansel, lalo na ng makita nito na dalawang kamang magkahiwalay na ang nasa loob ng kwarto.

‘Ito marahil ang ginawa ni sir kanina.’ saad sa isip ni Hansel at natutuwa ito sa ginawa ng Komandante.

“Alin ang gusto mo sa dalawa Hans?” tanong ni Erick na kapapasok lang sa kwarto nila ni Hansel.

Nahiya naman si Hansel sa narinig, mukha kasing siya ang boss ngayon ng among sundalo at una pa siyang pinapapili nito.

“Kahit alin na lang diyan sir.” sagot ni Hansel.

“Ayaw mo bang pumili, dahil mas gusto mo ang magkatabi tayo.” biro ng nakangising sundalo.

Pinamulahan naman kaagad ng mukha si Hansel sa narinig nito kay Erick.

“Hi-hindi po sa ganun sir.” sagot ng namumula at nakayukong si Hansel.

Lihim na napangiti si Erick sa nakitang reaksyon ni Hansel, kaya naman siya na lang ang pumili sa magiging pwesto nila. Kagabi kasi, ibayong pagpipigil ang ginawa ng Komandante sa piling ni Hansel, kumbaga imbes na ang binatang si Hansel ang matukso sa kanya, kabaligtaran ang nangyari at muntik na niyang maangkin ang birheng katawan ni Hansel. Kaya naman ng makalabas ng kwarto si Hansel kaninang umaga, nakailang pagsasariling sikap ang ginawa ng Komandante, para lang humupa ang galit na galit na dambuhala nitong alaga.

“Sa akin na itong kaliwa, sayo na ang sa kanan.”

“Okay po sir.” pagpayag ni Hansel sa gusto ng Komandante at humiga na ito sa kanyang kama.

“Goodnight Hansel.” saad ni Erick na kasalukuyang naghuhubad ng damit at salawal, na nakasanayan ng tanging brief lang ang suot sa tuwing natutulog.

Bumaling naman si Hansel sa direksyon ng Komandante para sagutin ang bati sa kanya ng huli, kaya naman nasilayan muli niya ang magandang katawan ng sundalo na tanging brief na naman ang suot. Kaya naman mabilis na tumalikod muli si Hansel.

“G-goodnight sir.” saad ng namumulang mukhang si Hansel.

Napangiti na lamang si Erick sa nakitang reakyon ni Hansel, sa isip ng Komandante, mukhang matatagalan pa bago mapasakanya ang mahiyain na binatang Cortez, ganunman nakahanda itong maghintay, ngayon pa na abot-kamay na lang niya si Hansel.

Kinabukasan, nauna muling magising si Hansel sa kanyang among sundalo. Hindi rin maiwasan ni Hansel na tapunan ng tingin ang Komandante na natutulog parin at sa nakitang nakaumbok na malaking alaga ng among sundalo, napailing na lang si Hansel.

‘Bakit ko pa kasi tinignan.’ saway sa isip ni Hansel at lumabas na ng kwarto, bago pa siya mahuli ng amo.

’Langya! Bakit ba kasi hindi humupa-hupa ‘tong alaga ko.’ reklamo ni Erick sa nakatayong kargada.

‘Salsal na naman ang katapat nito.’ saad sa isip ni Erick at nagsimula na naman sa pagbate sa kanyang malaking kargada.

Gawa ng gusto na nitong humupa ang tigas na tigas na pagkalalaki. Nakalimutan ng i-lock ng sundalo ang pinto, habang patuloy ito sa pagtataas-baba sa malaki nitong alaga. Kaya naman sa oras na malapit na itong labasan ay siya rin na pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto.

Matapos niyang maihanda ang almusal ng among sundalo, bumalik na muna si Hansel sa kwarto, para kuhanin ang uniporme nitong isusuot niya mamaya sa pagpasok niya sa bagong trabaho sa cafe at para maplantsa niya na rin ito. Hindi na naisipan pang kumatok ni Hansel at baka maistorbo niya ang among sundalo na buong akala niya ay mahimbing parin ang tulog.

Pagkaikot sa doorknob ni Hansel ay bumukas nga ang pinto. At pagpasok nga niya sa kwarto ay ’di niya inaasahan ang bubungad sa kanya, kasalukuyang nagbabate ng malaking alaga ang kanyang among barakong sundalo. Sa nakita’y mabilis na muling isinara ni Hansel ang pinto at lumabas kaagad ito.

“Sorry sir.” saad ni Hansel na namumula ang mukha dahil sa nakita at ’di ito makapaniwala sa malaking alaga na ilang segundo lang ay nakita niyang nilalaro ng among sundalo.

‘Umisip ka na ibang bagay Hansel.’ paulit-ulit na saad sa sarili ni Hansel, para mawala ang nakita nitong imahe nang Komandante na binabate ang sariling malaking alaga.

Samantala, kahit pa nakita na ni Hansel ang kanyang ginagawa ay minabuti ng Komandante na ipagpatuloy ang ginagawang pagbabate sa malaki niyang alaga, ang siste kasi, lalo pang nag-init ang sundalo dahil sa nangyaring pagkahuli sa kanya ni Hansel.

“Shit ahh ahhh.” ungol ng barakong sundalo, kasunod ay nakailang putok ito ng sariling dagta.

’Tang-ina! Hanggang kailan ko kaya matitiis ang sarili ko na ‘di maangkin s’ya.’ saad sa isip ni Erick na nagkasya na lang sa pag-amoy sa mabangong unan na ginamit ni Hansel, nung unang gabi na magkatabi sila sa pagtulog.

Habang sabay na kumakain ng almusal si Erick at Hansel. Pansin ni Erick na ’di siya magawang tignan sa mukha ng kasama. Kaya naman minabuti niyang kausapin na ito.

“Hansel, sorry sa nakita mo, siguro naman naiintidihan mo na normal lang sa ating mga lalake ang ganun.”

“Hi-hindi mo kailangan na humingi ng paumanhin sir, ka-kasalanan ko rin na hindi muna ako kumatok bago ako pumasok.” saad ni Hansel na ’di parin makatingin sa among sundalo.

“Hansel wala kang kasalanan, ’di bale magla-lock na ako sa susunod.” saad at biro pa ni Erick, nang sa ganun ay ’wag ng mailang pa si Hansel.

Pinamulahan naman ng mukha si Hansel, sa narinig kasi’y bumalik sa kanya ang imahe ng nagsasariling sikap na Komandante.

“Maiba ako, hindi ba ngayon na ang pasok mo sa cafe?” tanong ni Erick.

Sa tanong sa kanya na among sundalo ay doon pa lang tumingin si Hansel sa mukha ng una.

“Opo sir.” maikling sagot ni Hansel at bumalik sa pagkain ang tingin.

“Mamaya pa naman ’yon hindi ba?” tanong muli ni Erick.

“Opo sir, alas dos ng hapon ang pasok ko sir.”

“Kung ganun, magbihis ka at may pupuntahan muna tayo.” saad na utos ni Erick.

“Sa-saan tayo pupunta sir?” tanong ni Hansel na napatingin muli sa mukha ng amo.

“Mamaya malalaman mo rin, sige na at maliligo lang ako.” sagot ni Erick na tumayo na, pero bago tuluyang maligo’y lumapit ito sa kinauupuan ni Hansel, para guluhin muli ang buhok ng huli.

“Salamat sa palaging masarap na pagkain Hans.” saad ni Erick at iniwan na si Hansel.

Namumula naman ang mukha ni Hansel sa ginawang ’yon ng amo, gayunman masaya ito sa tuwing ginugulo ng kamay ng amo ang kanyang buhok at natuwa rin ito sa ginawang pagpapasalamat sa kanya ng Komandante.

Para kay Richard ang lumipas na mga oras na hindi niya kapiling si Sebastian ay parang katumbas iyon ng mga araw. Ngayon nga ay papasok muli siya sa kampo, para na naman sa paperworks na kakaharapin niya.

“Manalo, pinapapunta ka ni Major Guzman sa opisina niya.” saad ng kapwa sundalo ni Richard bago pa ito maupo sa kanyang pwesto.

“Bakit raw Alfonso?” tanong ni Richard sa sundalo.

“Walang nabanggit Manalo, pero lahat tayo ay isa-isa niyang pinapapunta, siguro ay may itatanong rin sa’yo.” kibit-balikat na sagot ng sundalo.

“Salamat, sige at pupuntahan ko na kaagad si sir.” sagot ni Richard at iniwan na nga siya ng sundalo.

Matapos maiwan ang gamit sa kanyang mesa ay pinuntahan na nga ni Richard si Major Guzman.

“Permission to enter sir.” saad ni Richard na nasa pinto na ng opisina ng Komandante.

“Enter.” sagot ni Major Guzman.

“Maupo ka Manalo.” saad ng Komandante.

Sumunod naman si Richard at umupo sa upuan na katapat ni Major Guzman.

“Nalaman ko kay Heneral Manalo, na isa ka sa nagpresinta noon na magpunta sa giyera sa Maguindanao.” kumpirma ng Komandante.

“Oo sir, isa nga ako sa mga sundalong sumama sa giyera sa Maguindanao sir.” sagot ni Richard.

“Good job then and I guess kaya ka naririto at paperworks ang mga ginagawa mo ay dahil sa mama mo?” kumpirma muli ni Major Guzman.

“Tama ka sir.”

“I see, pero tapos na ngayon sa paperworks ang trabaho mo. Bukod sa misyon ng mga kasama nating sundalo sa Tawi-tawi ilang araw pa lang ang lumipas, kailangan tayong mga sundalo para makasigurong maging ligtas ang paparating na Presidente ng Amerika. At gusto kong kasama ka namin sa trabahong ’yon, ano Manalo? Tinatanggap mo ba ang misyon?” paliwanag at tanong ni Major Guzman kay Private Manalo.

Alam ni Richard ang tungkol sa paparating na Pangulo ng Estados Unidos dito sa Pilipinas at ngayon na nabigyan siya ng pagkakataon na muling makapaglingkod para sa bansa ay natuwa ito, kahit pa sa hambog na Komandante nanggaling ang alok para sa misyon.

“Tinatanggap ko ang misyon, sir!” sagot ni Richard sa Komandante.

“Mabuti kung ganun Manalo. Kaya magpaalam ka na sa pamilya mo at bukas na bukas rin ay sabay tayo kasama ng ilan pang sundalo na tutungo para salubungin ang pagdating sa bansa ni President Adams.” saad ng Komandante.

“Sir, yes sir!” sagot ni Richard.

Nakarating na sa Tawi-tawi ang mga kasundaluhan. Ilang sandali mula ngayon ay sisimulan na nila ang pagsalakay sa kuta ng mga Terorista.

“Men! Gusto kong maging handa kayo sa mga mangyayari at mula dito sa kinatatayuan natin, maaring alam na ng mga terorista na naririto tayo para malipon sila. Kaya naman gawin natin ang lahat para sa Pilipinas.” saad ni Komandante Manlangit.

“Sir, yes sir.” sagot ng mga sundalo sa Komandante.

At sa sandaling ’yon, inumpisahan na ng mga sundalo ang kanilang misyon sa Tawi-tawi laban sa mga terorista.

Huminto sa isang mall ang minamanehong sasakyan ni Major Manalo, kasama nito ay si Hansel na tahimik lang sa buong durasyon ng biyahe.

Bumaba kaagad si Erick sa sasakyan, habang nanatili naman si Hansel sa loob na hindi alam kung ano ang gagawin, dahil wala itong narinig galing sa among sundalo.

Pagkababa sa sasakyan ay pinagbuksan ng pinto ni Erick si Hansel.

“Halika ka na Hans.” yakag ni Erick.

“Si-sige po sir.” sagot ni Hansel at pinilit na ’wag bigyan ng kahulugan ang ginawang ’yon ng among sundalo.

Nanatili lang sa pagsunod si Hansel sa among sundalo kung saan man ang punta ng Komandante. Hanggang sa huminto sila sa bilihan ng mga damit.

“Pumili ka ng mga gusto mo Hans.” saad ni Erick.

“Si-sir wala po akong pera.” sagot kaagad ni Hansel.

Napailing na lang ang Komandante, pero hindi naman niya masisisi ang kasama dahil hindi malinaw ang sinabi niya.

“Hansel, pumili ka ng mga damit na gusto mo at ’wag kang mag-alala, ako ang magbabayad.” paglilinaw ni Erick.

““Si-sir ayos lang po ako, may mga damit pa naman ako.” nahihiyang tanggi ni Hansel.

Napabuntong hininga na lamang ang Komandante, pero mabilis itong nakaisip ng paraan.

“Miss.” tawag ni Erick sa saleslady na naroon.

“Yes sir.” sagot ng lumapit na saleslady na nagpipigil ng kilig sa nakitang guwapo at makisig na lalaki.

“Marunong ka bang pumili ng mga damit na babagay sa kasama ko?” tanong ng Komandante sa babae.

Napatingin naman ang babae sa direksyon ni Hansel.

“Oh my! Ang cute naman po ng kapatid ninyo.” saad ng babae na buong akala’y kapatid ng Komandante ang kasama nitong lalaki.

Namula naman si Hansel sa narinig na papuri sa babae.

“Yeah he is, ano miss marunong ka ba?” tanong muli ni Erick.

Samantala, lalong namula ang mukha ni Hansel sa narinig na papuri sa kanya ng among sundalo.

“Akong bahala sa kapatid mo sir.” sagot ng babae.

“Pero si-.” hindi na natuloy na tanggi ni Hansel.

“Bunso, kung ayaw mong magalit si kuya, hayaan mo si miss na tulungan kang pumili ng mga damit mo.” seryosong putol ni Erick kay Hansel.

Wala ng nagawa pa si Hansel, kung hindi ang sumunod na lamang sa kagustuhan ng among sundalo.

“Akong bahala sa bunso mo sir.” saad ng babaeng saleslady at lumapit pa sa sundalo para hawakan ang malaking braso ng Komandante.

Gusto man alisin ni Erick ang kamay ng babae ay hinayaan na lang niya ito, dahil kailangan niya ang tulong ng saleslady para kay Hansel.

Samantala ’di nagustuhan ni Hansel ang ginawang paghawak ng babae sa Komandante, pero wala naman siyang magagawa dahil wala naman siyang karapatan sa Komandante.

“Miss, mabuti pa tulungan mo na ang bunso ko, don’t worry babayaran kita ng malaki kapag nagustuhan ko ang pinili mo para sa kapatid ko.” saad ni Erick.

“Hindi ko tatanggihan ’yan sir, bunso halika na, si ate ang bahala sa’yo.” saad ng babae at hinawakan ang isang kamay ni Hansel para umpisahan na ang mamili ng mga damit na babagay sa huli.

Lihim na napangiti si Erick, dahil wala ng nagawa pa si Hansel kungdi ang sumunod sa gusto niya. Minabuti ng Komandante na mamili na rin ng mga kagamitan, na gagamitin ng lalaking mahalaga sa kanya.

PANG-TATLUMPUT-WALO

Hindi na nabilang pa sa daliri ni Hansel, kung ilan bag ng mga damit, mga pantalon at mga sapatos ang ngayon ay tapos ng mabayaran ng among sundalo. Sa ginawang pagtulong ng babaeng saleslady kanina, lahat ng makita nitong babagay sa binatang si Hansel ay kaagad na tinatabi ng babae at heto nga ngayon, umabot ang lahat ng mga ito sa presyong 200,000 pesos.

“Si-sir ang dami naman ng mga ’yon.” nahihiyang saad ni Hansel.

“Don’t worry Hans, hindi naman kita sisingilin, ituring mo na lang ’yan na regalo ko sa’yo. Isa pa, magagamit mo ang mga ’yan sa pagpasok mo sa trabaho at gusto kong maging presentable ka rin, lalo na kapag may bisita akong pumunta sa bahay ko.” saad ni Erick.

“Pe-pero sir.” saad ng nahihiya pa rin na si Hansel.

“Hansel, hindi mo tatanggapin ang mga ’yon o gusto mong mawalan ka ng trabaho? At alam kong alam mo ang susunod na mangyayari pagkatapos nun.” seryosong saad ni Erick.

“Si-sige po sir, tatanggapin ko na po, sa-salamat po sir.” nakayukong saad ni Hansel na wala ng nagawa, kungdi ang tanggapin ang mga gamit na sobrang mahal ang presyo para sa kanya.

“Mabuti kung ganun, halika na kumain na muna tayo, bago kita ihatid sa trabaho mo.” saad at yakag ni Erick kay Hansel.

“Si-sir, hindi na po, magtataxi na lang po ako at tsaka busog pa naman po ako.” nahihiyang tanggi ni Hansel.

“Hansel, sa ayaw at gusto mo’y sasamahan mo akong kumain at wala ka na rin magagawa dahil nakapagdesisyon na akong ihahatid-sundo kita sa trabaho mo.” seryosong saad ng sundalo.

“Pe-pero sobrang nakakahiya na po sir, ayoko pong maabala pa kayo.”

“Hindi ka malaking abala para sa’kin Hans, isa pa responsibilidad kita dahil nagtatrabaho ka sa akin. At para hindi na maulit ang nangyari kahapon. Sa tuwing wala ako at hindi kita maihahatid o masusundo, may kinuha na rin akong magiging driver mo, mayroon rin na dalawang guards na magbabantay sa bahay ko para siguradong ligtas ka.” mahabang saad at paliwanag ni Erick.

“O-okay po sir.” sukong sagot ni Hansel na wala naman magagawa kungdi sundin ang among sundalo.

Pagkatapos kumain ni Erick at Hansel ay umuwi na ang mga ito. Gaya nga ng sabi ng among sundalo, nakita ni Hansel ang dalawang nakasuot ng uniporme na pang-guwardya na naririto ngayon sa loob ng bahay ng among sundalo at isa pang pamilyar kay Hansel na medyo may edad na lalaki.

“Jojo, Arjay, heto si Hansel ang isa pa ninyong amo, gaya ng utos ko sa inyo, kayong dalawa ang bahala sa pagbabantay sa kanya kapag wala ako.” baling ng Komandante sa dalawang guwardya.

Nahiya naman si Hansel sa pakilala sa kanya ng among sundalo.

“Opo sir.” sabay na sagot ng dalawa.

“Mang Popoy, kilala niyo na ho si Hansel hindi ba? siya ang ipagmamaneho ninyo kapag may gusto siyang puntahan.” baling naman ni Erick sa matanda, na siya rin driver ng Komandante noon.

“Naiintindihan ko sir.” sagot ng matanda kay Erick. “Ikinagagalak kong makita kitang muli sir Hansel.” baling naman ng matanda kay Hansel.

“Sa-salamat po, masaya rin po akong makita uli kayo.” sagot ni Hansel na natandaan na kung sino ang matanda, siya ang driver ng kuya Erick niya noon.

“Arjay, Jojo, ’yung napag-usapan natin, kapag umaalis ang sir Hansel ninyo kasama si Mang Popoy, sumama ang isa sa inyo.” baling muli ni Erick sa dalawa.

“Naiintidihan namin sir.” sabay na sagot ng dalawang guards.

“Mabuti kung ganun, heto nga pala may dala akong pagkain para sa inyo” baling ni Erick sa mga guards sabay abot ng mga pagkain. “Mang Popoy, samahan ninyo kami ni Hansel sa loob.” baling naman ni Erick sa matanda.

“Sige sir.” sagot ng matanda.

Pagpasok ng tatlo sa loob ng bahay, naiwan ang dalawang guards na sinimulan ng kainin ang dalang pagkain ng amo.

“Suwerte nang baklang ’yon kay sir.” komento ni Arjay.

“Ang bibig mo Jay, gawin mo na lang ang trabaho mo baka marinig ka ni sir, isa pa hindi mo naman masisi si boss, parang ’di mukhang lalaki si sir Hansel, eh magsuot lang ng wig ’yon maganda pa sa mga naging syota mo.” asar ni Jojo sa kasama.

“Oo nga Jo at tsaka wala naman akong masamang ibig sabihin dun sa sinabi ko kanina, isa pa, takot ko na lang kay boss.” depensa ni Arjay sa sarili.

“Alam ko naman ’yon Jay, kaya lang baka marinig ka ni sir at iba ang maging dating sa kanya.” paliwanag naman ni Jojo.

“Kung sabagay tama ka at mukhang mabait si sir Hansel, eh kanina ng ipakilala siya ni sir, siya pa ang nahiya sa atin.” saad ni Arjay.

“Oo nga at tsaka masarap daw magluto ’yon sabi ni Manong Popoy.” kwento naman ni Jojo.

“Hindi na rin lugi si boss, kaya siguro ibinahay na si sir Hansel at hindi na pinakawalan.” saad ni Arjay.

“Tama na ang usapan natin tungkol sa kanila, mabuti pa kumain na lang tayo.” saad ni Jojo.

“Mang Popoy, heto ang magiging kwarto ninyo.” saad ni Erick na sinamahan ang matanda sa magiging kwarto nito.

“Salamat sir Erick, oo nga pala, gustong bumisita ng mama mo dito sa nabili mong bahay.” saad at kwento ni Mang Popoy.

“Ako ng bahala kay Mama, mang Popoy, kapag napasagot ko na si Hansel, tsaka ko na lang ipapaalam ang tungkol dito sa bahay.” saad ni Erick.

“Mabuti kung ganun, alam mo na si Mam at ayaw pahuli tungkol sa mga nangyayari sa inyong mga anak niya.” naiiling na saad ng matanda.

“Sinabi pa ho ninyo, kaya nga sinikreto ko ang tungkol dito kay Hansel, ganunman ay alam na rin papa ang tungkol sa kanya at alam kong may ideya na rin ang lokong si Vince, tungkol kay Hans.” saad ni Erick.

“Kilala mo ang ama mong Heneral, wala kang maitatago sa kanya. At masaya ako para sa’yo hijo, alam kong pareho kayo ng nararamdaman ni sir Hansel, pero payo ko lang ’wag mo siyang mamadaliin, alam kong alam mong mahirap ang sitwasyon niya dahil sa kalagayan ng ate niya.” saad at payo ng matanda sa itinuring na niyang parang anak.

“Alam ko po ’yon, kaya nga ibayong pagpipigil ang ginagawa ko. Sige mang Popoy ihahatid ko na maya-maya si Hans, yung pagkain na para sa inyo ay nasa mesa sa kusina.” saad ni Erick at iniwan na ang matanda.

Matapos maligo ay kaagad ng naghanda para magbihis si Hansel, saglit pa itong napatingin sa mga naka-bag parin ng mga mahal na mga damit at sapatos. At ayaw man nitong isuot ang mga iyon ay wala ng nagawa pa si Hansel kungdi ang gamitin ang mga ’yon para sa kanyang pagpasok sa trabaho, dahil alam niyang magagalit ang among sundalo, kapag hindi nito nakitang isinuot niya ang mga ipinamiling gamit para sa kanya.

Inaamin ni Hansel na magaling ang babaeng saleslady sa mga napili nitong mga damit na babagay sa kanya. Ngayon nga ay suot niya ang damit at pantalon na lalong nagpalitaw sa kanyang maputing kutis. Nagsuot rin siya ng itim na sapatos at sunod na inilagay sa kanyang bag ang unipormeng isusuot niya pagdating sa cafe, kung saan magsisimula siyang magtrabaho.

Hinihintay na lamang ni Erick ang pagbaba ni Hansel sa kanilang kuwarto at ilang sandali lang ay bumaba na ang huli, suot ang mga damit na binili niya.

Hindi nagkamali ang Komandante sa paghingi ng tulong sa saleslady kanina, lumitaw ang kagandahang lalaki ni Hansel sa mga suot niya ngayon at para sa sundalo, kung mahaba lang ang buhok ng binata ay pagkakamalan mo talagang babae ito.

“You look gorgeous.” saad ni Erick pagkalapit sa kanya ni Hansel.

Kaagad na pinamulahan ng mukha si Hansel sa narinig na papuri sa kanya ng among sundalo, kita rin ni Hansel ang tutok na tutok na mga mata ng Komandante sa kanya, mula pa kaninang pagbaba niya.

“Sa-salamat sir.” nakayuko at namumulang mukhang pasalamat ni Hansel.

“You’re welcome beautiful, halika ka na.” saad ni Erick sabay lahad sa kanyang kamay kay Hansel.

Inaamin ni Hansel na bukod sa hiyang nararamdaman ay kinilig rin ito sa pagtawag sa kanya ng beautiful ni Erick at nahihiya man sa among sundalo, minabuti ni Hansel na ilagay sa nakalahad na kamay ng Komandante ang kanyang kamay.

At magkahawak kamay na nagtungo sa sasakyan ang masayang sundalo at ang nahihiya at nagpipigil ng kilig na si Hansel.

Pagdating sa sasakyan ay parang babae pang pinagbuksan ng pinto ng sundalo si Hansel.

“Si-sir.” nahihiyang saad ni Hansel.

“Pasok ka na Hans.” nakangiting saad ni Erick.

Sumunod naman ang nahihiyang si Hansel at sumakay na ito sa passenger’s seat ng mamahaling sasakyan ng among sundalo.

Mabilis na sumunod na rin na sumakay si Erick sa sasakyan, para maihatid na ang lalaking nagpagulo sa buong pagkatao niya.

“Sa Royalty Cafe house ka magtatrabaho hindi ba.” kumpirma ni Erick sa katabi pagka-start nito ng sasakyan.

“Opo sir.” sagot ni Hansel.

“Medyo malapit lang naman pala dito.” saad ng sundalo at nagsimula na sa pagmamaneho patungo sa cafe.

Matapos lang ang higit-kumulang na kalahating oras ay nakarating na si Erick at Hansel sa Cafe.

“Sa-salamat po sir.” saad ni Hansel at bababa na sana ng sasakyan.

“Sandali Hans.” saad ni Erick bago pa makababa si Hansel.

Napatigil naman si Hansel at bumaling ito sa among sundalo.

“Ganun na lang ’yon, wala man lang kapalit ang paghatid ko sa’yo?” seryosong saad ng sundalo.

Hindi alam ni Hansel kung anong tumatakbo ngayon sa isip ng sundalo at kinakabahan man ay tinanong nito kung anong kapalit ang nais ng among sundalo.

“Anong kapalit si-sir?”

“Simple lang Hans, isang kiss lang.” nakangising saad ni Erick at kita ng sundalo ang nanlalaking mata at namumulang mukha ng kaharap pagkatapos.

“Si-sir!”

“Hindi ka makakababa hanggat hindi mo ibinibigay ang kapalit na gusto ko.” seryosong saad ni Erick.

“Pe-pero sir.” nababahalang saad ni Hansel at piniling nitong yumuko na lamang sa hiya, dahil hindi nito kayang gawin ang nais ng sundalo.

Kita ni Erick ang hiyang nararamdaman ng kasama, kaya naman may naisip na ibang paraan ang pilyong sundalo.

“Sige Hans kung ayaw mong halikan ako, siguro naman papayag kang ako ang humalik sa iyo.”

“Si-sir!” nahihiyang saad ni Hansel.

“O siya sige, isang kiss na lang sa pisngi mo.” saad ng Komandante

Sa sunod na narinig ni Hansel, nahihiya man kahit pa halik lang sa pisngi ang hinihiling ni Erick. Humarap na sa oras na ’yon si Hansel sa katabing sundalo.

“Si-sir sige po payag na ako, pe-pero sa pisngi lang po.” saad ni Hansel na muling napayuko dahil sa hiya.

“Yeah sa pisngi lang, promise.” saad ng may ngiti sa mukhang sundalo.

“Tumingin ka sa akin Hans, para matapos na.” saad ni Erick.

Sumunod naman si Hansel at humarap nga ito sa mukha ng sundalo, kasunod nga nun ay ang unti-unting paglapit ng mukha ng among sundalo papunta sa kanya. At sa sandali na naramdaman ni Hansel sa kanyang pisngi ang malambot na mga labi ng sundalo, sumunod ang hindi maipaliwanag na naramdaman ni Hansel sa kanyang katawan at ang sobrang pamumula ng kanyang buong mukha.

Sa ginawang paghalik niya sa maputi at makinis na pisngi ni Hansel, ibayong pag-iinit sa katawan at pagtigas ng kanyang laman sa gitna ng kanyang hita ang naging reaksyon ng Komandante.

“Thanks Hans, sige na at bumaba ka na bago pa magbago ang isip ko.” bulong ng Komandante sa tenga ni Hansel.

“Si-sige po sir.” sagot ni Hansel at mabilis na nabuksan ang pinto ng sasakyan ng among sundalo at lumabas na ito.

Matapos makababa ay sobrang bilis ng pagtibok ng puso ni Hansel dahil sa nangyaring paghalik sa kanyang pisngi ng among sundalo, isa pang dahilan ay ang narinig nitong boses sa ginawang pagbulong sa kanyang tenga ng Komandante.

Pagbaba ni Hansel sa sasakyan niya, inayos ng Komandante ang malaki at matigas niyang alaga sa suot na pantalon, na dulot ng inihatid niya sa trabaho.

‘Langya! Ang lakas talaga ng epekto mo sa akin Hans.’ saad sa sarili ng naiiling na Komandante na minabuti ng umuwi sa bahay.

Bukod sa bagong empleyadong si Hansel, nakilala pa niya ang dalawang halos kaedad lang niya na ilang buwan palang na nagtatrabaho sa cafe.

“Ang cute mo naman Hansel, ako nga pala si Alona.” pakilala ng babaeng barista din sa cafe.

“Sa-salamat Alona, ikaw naman ang ganda mo.” balik papuri ni Hansel.

“Naku! Maliit na bagay lang ’yan.” sagot ni Alona na sinabayan pa ng mahinang pagtawa.

“Sus naniwala ka naman, ako naman pala si Terrence, Hansel.” asar ng lalaking server kay Alona at pakilala nito kay Hansel.

“Tumahimik ka ungas, kung wala kang magandang masasabi.” inis na saad ni Alona kay Terrence.

Lihim na natawa naman si Hansel sa asaran ng dalawa.

“Nice to meet you Terrence.” sagot ni Hansel sa lalaki.

“May boyfriend ka na ba Hans?” tanong ni Terrence sa bagong kasamahan sa trabaho, na inaamin ng binata na nakakuha ng atensyon niya.

“Hoy Terrence tigil-tigilan mo si Hansel at hindi katulad mo ang type niya.” sabat ni Alona.

“Tumahimik ka panget, hindi ikaw ang kausap ko.” asar muli ni Terrence sa babae.

“Tse! Mas pangit ka.” balik ni Alona kay Terrence.

“Ano Hansel? May boyfriend ka na ba?” kulit na tanong ni Terrence.

“Wa-wala pa.” nahihiyang sagot ni Hansel.

“Ayos! Kung sakali ba pwede akong manligaw sayo?” nakangiting tanong ni Terrence kay Hansel.

“Hoy sabi ng tigil-tigilan mo si Hans. Hans ’wag mong pansinin ang pangit na ’yan.” saway ni Alona kay Terrence at payo nito kay Hansel.

“Okay lang Alona, isa pa Terrence wala pa sa isip ko ang bagay na ’yan.” saad ni Hansel kay Alona at baling nito kay Terrence.

“Sayang naman, pero kapag pwede ka ng ligawan, sabihin mo kaagad at siguradong manliligaw ako.” saad ni Terrence na isang kindat pa ang pinakawalan kay Hansel.

“Sure daw Terrence, after 100 years pwede ka na daw manligaw kay Hans.” asar ni Alona kay Terrence.

Natawa naman ng mahina si Hansel sa sinabing ’yon ni Alona.

“Ang ganda mo talaga girl, sabi ko na, pagkakita ko pa lang sa’yo sigurado akong maraming magkakagusto sa’yo.” bulong ni Alona sa katabing si Hansel, na kasama nitong naririto sa counter.

“Salamat Alona.” saad ni Hansel.

Gaya nga ng sabi sa kanya ni Major Guzman, pagkauwi ni Richard sa kanila ay naghanda na ito ng ilang gamit na dadalhin niya sa misyon nilang mga sundalo. Matapos mailagay sa isang bag ang mga gamit, nilagay ni Richard ang nasabing bag malapit sa kanyang kama.

Tinawagan na rin niya ang kuyang si Erick para ipaalam ang kanyang magiging misyon. Hindi na inusisa pa ni Richard ang tungkol sa lalaking gusto ng kanyang kuya at matapos ang pag-uusap nilang magkapatid ay minabuting maligo na ni Richard.

Pagdating ng mga magulang, ipinaalam rin ni Richard sa mga ito ang kanyang magiging misyon. Nalaman ni Richard sa amang Heneral, na ipinagpaalam pala siya ni Major Guzman bago pa siya makausap ng Komandante. Sa nalaman ay nabawasan ang inis na naramdaman ni Richard sa Komandate, na kinainisan niya noon sa panahon ng training niya bilang sundalo.

‘Mukhang bukod sa pagiging hambog, may itinatagong bait rin pala si Major Guzman.’ saad sa isip ni Richard.

Gaya ng inaasahan na mga sundalo sa laban nila sa mga terorista. Hindi basta-basta susuko na lamang ang mga ito, ngayon nga ay kasalukuyang nakikipag-palitan na ng mga putok ang mga sundalo.

“Velasco, lalapit ako sa kinaroroonan ni Major Manlangit, kaya icover mo ako.” mungkahi ni Captain Manalo.

“Sir, yes sir! Mag-iingat ka.” saad at paalala ni Private Velasco sa Kapitan.

“Oo naman, pero bago ’yon.” putol na saad ni Captain Manalo at mabilis na lumapit ito sa nakadapang si Private Velasco at hinalikan niya ito sa labi.

“Pampalakas Velasco.” nakangising saad ni Captain Manalo.

Napailing na lang si Private Velasco sa ginawa ng Kapitan.

“Sige na sir, para kapag natapos na tayo dito, magkita tayo sa apartment ko.” ngising saad ni Velasco.

“Sure Velasco at ikukulong kita ng isang linggo pagkatapos.” ’di papatalong saad na nakangising Kapitan.

At gaya nga ng mungkahi ng Kapitan, mabilis na tinulungan ni Private Velasco ang sundalong ’di niya akalain na magbibigay saya sa kanyang nasugatang puso.

Kasalukuyang nakikipag-palitan ng putok si Major Manlangit sa mga terorista at kasama rin niya ang ilan pang sundalo sa kanyang kinalalagyan.

“Anong balita kay Husami Muhamad? Nakita na ba ninyo?” tanong ni Major Manlangit sa mga kasama lalo na sa sniper nila.

“Negative sir!” sagot ng sniper sa Komandante.

“Akin na ang telescope at ihanda na ninyo ang mga drone, makakatulong ang mga ’yon para kaagad nating malaman kung naririto pa ang lider nilang si Husami Muhamad.” saad at utos ng Komandante sa kasamahang sundalo.

“Understood sir!” sagot ng isang sundalo na isa sa mga may alam sa pagpapalipad ng mga drone.

“Anong balita Major Manlangit?” tanong ni Captain Manalo na ligtas na nasamahan ang Komandante sa tulong na rin ni Private Velasco.

“Negative for now Captain Manalo, heto nga at kasalukuyan kong tinitignan sa teleskopyo.” sagot ng Komandante sa Kapitan.

“Sir! Positive! Nandirito pa sa Tawi-tawi ang lider nilang si Husami Muhamad!” sigaw ng sundalo na nakatutok sa computer na siya rin abala sa pagpapalipad ng mga drone.

“Good job! Policarpio.” puri ng Komandante sa kasamahang sundalo.

“Men! Nandito nga ang lider nila! At sisiguraduhin natin na mahuhuli ng patay o buhay ang lider nilang si Husami Muhamad!” malakas na saad ni Major Manlangit. At gaya ng kanilang objective sa kanilang misyon, inumpisahan na ng mga sundalo ang pagtugis at paghuli sa lider ng mga terorista.

PANG-TATLUMPUT-SIYAM

Gaya nga ng sabi ng among sundalo, paglabas ni Hansel sa cafe kasabay ng mga katrabahong sina Terrence at Alona, kaagad niyang napansin ang mamahaling sasakyan ng Komandante.

“Wow! Si boss siguro ang may-ari ng sasakyang iyan.” saad ni Terrence na manghang-mangha sa sasakyan na malapit sa kanila.

“Hindi kay boss ’yan, ilang buwan na tayong nagtatrabaho dito ay hindi mo pa kilala ang sasakyan ni boss.” saad ni Alona.

Samantala, hindi alam ni Hansel kung ano ang kanyang gagawin. Sigurado kasing magtataka ang dalawang katrabaho, kapag nakita siyang sumakay sa sasakyan ng Komandante.

Abala si Hansel kung ano ang gagawin ng bumukas ang pinto ng sasakyan ng Komandante.

Ilang minuto pagdating ni Erick sa cafe na pinagtatrabahuan ni Hansel, sunod na nakita nito ang paglabas na ng huli at kasama pa ang dalawang tao na sa isip ng Komandante ay kasamahan sa trabaho ni Hans.

Minabuting hayaan na lang ni Erick na puntahan siya ni Hansel sa kanyang sasakyan, pero ilang minuto pa siyang naghintay dahil hindi parin siya pinupuntahan ng huli. At sa nakita ng Komandante na pag-akbay ng lalaki kay Hansel, doon na naisipan lumabas ni Erick sa kanyang sasakyan.

“Hans!”

Kaagad na napatingin ang tatlong magkakatrabaho, sa lumabas na sa saksakyan na si Erick.

Si Hansel na kinabahan sa seryosong mukha ng Komandante matapos nitong tawagin ang pangalan niya. Pansin rin ni Hansel ang nagtatanong na mukha ng mga kasama, na matapos tumingin sa Komandante ay sa kanya naman bumaling ng tingin.

“Kilala mo siya Hans?” ’di na napigilang tanong ni Terrence na naka-akbay parin kay Hansel.

Si Alona naman ay natahimik at inaamin ng dalaga na nagwapuhan ito sa makisig na lalaki, na siya palang may-ari ng magarang sasakyan at hinihintay rin nitong malaman kay Hansel, kung kaanu- anu ng kasama sa trabaho ang guwapong lalaking na nasa harapan nila ngayon.

“Ah a-ano kasi.” saad ni Hansel na ’di alam kung paano ipapakilala ang sarili at kung kaanu-ano niya ang among sundalo.

“Totoy, tanggalin mo ang kamay mo sa balikat ni Hans.” seryosong utos ni Erick na nakalapit na sa kinaroroonan ng tatlo.

Napakunot-noo naman si Terrence sa utos ng lumapit na lalaki.

“Anong sabi mo? Bakit sino ka ba?” sagot na tanong ni Terrence sa lalaki.

Sa nakitang mukhang mag-aaway nang itsura ng dalawag lalaki, kaagad na tinanggal ni Hansel ang braso ni Terrence sa kanyang balikat.

“Ah Alona, Terrence. Siya nga pala si Kuya Erick at amo ko siya sa isa ko pang trabaho.” pakilala ni Hansel sa Komandante sa mga katrabaho. “Ku-kuya, si Alona at Terrence mga katrabaho ko dito sa cafe.” kabang pakilala ni Hansel sa dalawa sa kanyang among sundalo na nanatiling seryoso parin ang mukha.

“Si-sige mauna na kami ni kuya.” baling ni Hansel sa dalawang katrabaho, na alam nitong kanina pa gustong mangyari ng among sundalo.

At dala ng kaba ni Hansel ay hinawakan na nito ang kamay ni Erick para pumunta na sila sa sasakyan ng huli.

“Bye Hans.” sigaw ni Alona.

“Bye Hansel, yung sinabi kong manliligaw ako!” sigaw naman ni Terrence.

At sunod na naramdaman ni Hansel na tumigil sa paglalakad ang among sundalo at humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay.

“Si-sir, nagbibiro lang po si Terrence.” kabang saad ni Hansel na baka may masamang isipin na naman sa kanya ang Komandante.

Doon na lumuwag ang hawak sa kanyang kamay ng sundalo at tumuloy na rin ito sa paglalakad papunta sa sasakyan.

Magmula pa kaninang makasakay sila sa sasakyan, hanggang ngayon na malapit na silang makarating sa bahay ng among sundalo, nanatili lang na tahimik ang Komandante at kahit pa wala naman siyang ginawang masama ay kinakabahan si Hansel na baka galit na naman sa kanya ang sundalo.

Pagdating sa bahay ay kaagad silang pinagbuksan ng gate nang isa sa kanilang guard, na kung ’di nagkakamali si Hansel ay ang nagngangalang Jojo.

Pagkahinto ng sasakyan ay hinayaan na muna ni Hansel na maunang bumaba ang among sundalo, matapos ang ilang segundo, dala ang bag na lalagyan niya ng uniporme sa trabaho ay bumaba na rin si Hansel.

Pagpasok ni Hansel sa bahay ay wala na sa sala ang Komandante at inisip ng una na marahil ay dumiretso na ito sa kwarto para matulog.

Dala ng hindi pa naman inaantok ay minabuti ni Hansel na tignan ang sala at ang kusina para linisin ang mga ito.

Pagdating sa sala ay inayos lang ni Hansel ang mga throw pillow sa bago rin na sofa. Halos lahat ng mga dating gamit nila ng kanyang ate ay pinamigay ng among sundalo sa mga kapit-bahay nila, liban na lang sa mga personal na gamit nila ng kanyang ate na kasalukuyang nasa bodega. Pinalitan rin ng mas bago at mas maganda ng among sundalo ang mga kagamitan dito sa bahay at alam rin ni Hansel na siguradong mamahalin rin ang mga ito. Itinabi rin ni Hansel ang remote ng tv at ang ilang magazine na hilig basahin ng kanyang amo. Nang makasigurong malinis na ang sala ay ang kusina naman ang kanyang pinuntahan.

Bahagya pang natigilan si Hansel ng makita nito ang malinis na kusina, inaasahan kasi nito na may mga dadatnan siyang mga maruming pinagkainan ng amo at ng tatlo pang kasama rin nila ngayon sa bahay. Inayos na lang ni Hansel ang mga upuan sa hapag at matapos nun ay pumunta na siya sa kwarto ng amo.

Gaya nga na inaasahan ni Hansel, pagkapasok niya sa kwarto ay mahimbing ng natutulog ang among sundalo na tanging brief lang ang suot.

Minabuti ni Hansel na dito sa banyo na naririto sa kwarto ng among sundalo na lang maligo bago matulog. Matapos kumuha ng mga damit at tuwalya ay tumungo na rin siya ng banyo.

Matapos maligo ay nagpatuyo na muna ng buhok si Hansel at habang ginagawa niya iyon ay nagbrowse siya ng mga unibersidad na maari niyang aplayan ng scholarship, dahil malapit na ang pasukan at unang taon niya ngayon sa college. Dala ng pagod sa trabaho sa cafe at sa nangyari na kasama ang among sundalo sa mall, nakatulugan na ni Hansel ang paghahanap ng mga unibersidad sa kanyang cellphone.

Pagkagising ni Erick ay kaagad nitong tinignan ang kasama nitong si Hansel. Bahagya pang napangiti ang Komandante sa nakitang maamong mukha ni Hansel, kita rin ng sundalo ang cellphone na nasa isang kamay ng huli. Bumangon na si Erick at minabuting itabi ang cellphone ni Hansel baka mahulog pa ito sa kama. Pagkakuha sa cellphone ay nakita nitong umiilaw iyon dulot ng mga messages na dumating, dala ng kuryosidad at baka kasi may balita na rin tungkol sa kapatid ni Hansel ay pinakialaman na ng Komandante ang cellphone. Pagkabukas ni Erick sa cellphone ni Hansel ay text messages nga ang mga ito at galing ito sa mga may pangalan na Alona at Terrence. Pero bago pa mabuksan ng Komandante ang mga mensahe ng dalawa ay ’di sinasadya nitong napindot ang window button ng cellphone at nahagip ng matalas na mga mata ng sundalo ang tungkol sa paghahanap ng unibersidad ni Hansel. Lihim na napangiti ang sundalo, lingid sa kaalaman ni Hansel ay wala ng dapat pa siyang problemahin. Kahapon matapos niyang ihatid sa trabaho si Hansel, ang Komandante mismo ang nag-ayos sa papasukang unibersidad ng una.

‘Anything for you Hans.’ saad sa isip ni Erick at gaya ng palagi nitong ginagawa gamit ang isang kamay, ginulo ng sundalo ang buhok ng natutulog parin na si Hansel.

Naging maingat ang sumunod na mga hakbang ng mga sundalo, sa lokasyon ng pinag-tataguan ng lider ng mga terorista na si Husami Muhamad. Ngunit bago pa ang tuluyan na pag-atake ng mga sundalo, natunungan ng mga bantay ng mga terorista ang papalusub na mga mortal nilang mga kalaban. Sumunod ang palitan ng mga putok sa magkabilang panig, hanggang sa nagawa pang maisakay paalis sa lugar ng mga terorista ang kanilang lider.

Natunugan ni Major Manlangit ang pagtakas na ’yon ng lider ng mga terosista at ginawa nito ang lahat ng kanyang makakaya para mahuli ang madulas na terorista. Sa kanyang pagsunod sa papatakas na lider ng mga terorista, magaling na nakipagpalitan ng putok si Major Manlangit sa mga ilang teroristang humahadlang at nagnanais na mapatumba siya. Ilang pang pakikipagpalitan ng putok ang ginawa pa ng Komandante at nagtagumpay itong maubos ang mga tauhan nang lider ng mga terorista na pumipigil sa kanya.

Sa mga oras na ’yon, sakay ng isang truck ay nagsimula ng itakas ng mga terorista ang kanilang lider na si Husami Muhamad.

Ilang sandali matapos ang papaalis na lider ng mga terosrista, sinundan naman kaagad iyon ni Major Manlangit na hindi makakapayag na hindi mahuli ng buhay o patay ang lider ng mga terorista, sakay ng isang jeep na pagmamay-ari rin ng mga terorista mabilis na hinabol niya ang mga ito.

Sa nakitang humahabol sa kanila na sundalo, mabilis na inutusan ni Muhamad ang mga tauhan para patayin ang Komandante.

“Patayin ninyo ang gagong sundalong ’yon!” saad ng galit na galit na lider ng mga terorista.

“Yess boss!” sagot ng isa sa mga tauhan nito at mabilis na nagpakawala ng mga bala papunta sa sundalo.

Alam ni Sebastian na hindi magiging madali ang pakikipaglaban niya sa mga terorista, sa pagpapaulanan ng bala sa kanya ng mga kalaban, mabilis na umilag ang Komandante at gumanti rin ng putok sa mga terorista.

Nababahala na sa oras na ’yon si Husami Muhamad dahil kita ng dalawang mga mata niya ang pagkatumba ng mga kasama niyang tauhan, na nasa likod ng sasakyan na dulot ng magaling na sundalo.

Habang nababahala ang lider ng mga terorista ay bumaling ito sa nagmamaneho at nakita nito ang nakangising mukha ng kanyang kanang kamay.

“Anong nginingisi mo Roko?” tanong ng nababahalang lider sa kanang kamay, na mukhang masaya pa sa kanilang sitwasyon.

“Magbilang ka ng hanggang sa lima boss.” sagot ng nakangisi parin na si Roko.

Naguguluhan man, sinunod ni Muhamad ang utos na ’yon ng kanyang kanang kamay.

“Isa.” unang bilang ni Muhamad.

“Dalawa.”

“Tatlo.”

Sa ikatlong bilang ng kanyang boss ay lalong lumaki ang ngisi sa mukha ni Roko.

“Apat.” sa pang-apat na pagbilang ni Muhamad ay naguguluhan parin itong napatingin sa kanyang kanang kamay.

“Lima.” pagtatapos sa pagbilang ni Muhamad.

Sumunod ang gumulat na malakas na narinig ng lider ng mga terorista at nanlalaking mata itong napatingin sa kanilang likuran at muli ay napatingin ito sa kanyang kanang kamay na tanging may alam sa nangyari.

“Hahahahaha!!!.” umalingawngaw na malakas na pagtawa ni Roko sa lugar.

At iniwan ni Roko kasama ng lider ng mga teroristang si Husami Muhamad. Ang sumabog na sasakyan ng Komandanteng si Sebastian Manlangit, na nahulog rin sa bangin sa mga oras na iyon.

Samantala sa kinaroroonan ni Richard. Abala ito sa pag-aalmusal kasama ng mga magulang, nang dumulas sa kanyang kamay ang hawak nitong baso na may lamang tubig na iinumin niya sana.

Kasunod nito ang maingay na pagkabasag ng babasaging baso at pagkalat ng tubig sa makintab na marmol ng sahig.

‘Baste.’ saad sa isip ni Richard at ibayong kabog sa kanyang dibdib ang sumunod na naramdaman nito.

“P-pa? Ma-mayroon na bang balita tungkol sa misyon ng AFP sa Tawi-tawi?” tanong ni Richard sa Amang Heneral.

“Wala pa anak.” sagot ng Heneral.

“Ayos ka lang ba anak?” nababahalang tanong ni Aurora sa nakitang ’di mapakaling si Richard.

“A-ayos lang po ako ma, si-sige lilinisin ko muna ang mga ito.” sagot ni Richard na minabuting may gawin, dahil matapos mabasag ang baso ay ibayong kaba hanggang sa ngayon ang kanyang nadarama.

“Hayaan mo na at ipapalinis ko na lang kay manang.” saad ni Aurora at  nag-aalala ito sa bunsong anak.

Sa Tawi-tawi.

“May nakakita ba inyo kay Major Manlangit?!” sigaw ni Captain Manalo sa kasamahang sundalo na abala ngayon sa paghuli sa mga sumukong miyembro ng mga terorista.

“Sir nakita ko si Major Manlangit kanina, na paalis sakay ng jeep na pagmamay-ari ng mga terorista sir!.” sagot ni Private Samonte.

“Sigurado ka? At saan ang direksyon na tinahak niya?” tanong muli ng Kapitan sa kasamang sundalo.

“Siguradong-sigurado sir! At sa kanang lupang daan ang tinumbok ng sinasakyang jeep ni Major Manlangit sir!” sagot ni Private Samonte sa Kapitan.

“Sir sasamahan kita.” saad ni Private Velasco na alam kung anong susunod na gagawin ng Kapitan.

“Sige Velasco, kayo ng bahala dito, susubukan naming sundan si Major Manlangit.” saad ni Captain Manalo sa mga iiwanang sundalo.

“Sir, yes sir!” magalang na sagot ng mga sundalo.

Mabilis naman na kumuha ng jeep na gamit ng mga AFP si Private Velasco at ng tumigil ito sa harapan ng Kapitan ay itinuro ng huli ang sinabing daan ng kasama nilang sundalo na nakakita sa pag-alis ng Komandante.

Sandaling pinahinto ni Captain Manalo ang jeep na minamaneho ni Private Velasco, nang makita ng Kapitan ang usok na nanggagaling sa malapit lang na bangin sa kanila.

Kaagad na bumaba si Captain Manalo sa jeep at minabuting lumapit sa pinanggagalingan ng usok na kanyang nakita.

Sandaling natigilan si Captain Manalo na nasa gilid na ng bangin at kita nito na mukhang isang uri ng jeep ang kasalukuyang patapos ng lamunin ng apoy at tsaka muling naalala ng Kapitan ang narinig nito sa kasamahang sundalo na si Private Samonte.

“Sir nakita ko si Major Manlangit kanina, na paalis sakay ng jeep na pagmamay-ari ng mga terorista sir!.”

“Hi-hindi. Hindi maaaring mangyari ito! Hi-hindi ito totoo!” nanlulumo at ’di makapaniwalang saad ni Captain Manalo na napaluhod na rin sa mga oras na ’yon.

“Si-sir.” saad ni Velasco na nag-aalala na sa kilos ng Kapitan.

“Tol! Baste!!!” sigaw ni Captain Manalo na may mga masaganang luha na rin sa mga mata sa mga sandaling iyon.

PANG-APATNAPU

Natigilan si Private Velasco, matapos ang pagsigaw na ’yon ni Captain Manalo sa pangalan ni Major Manlangit. Kaagad rin nitong nilapitan ang malapit sa bangin na kinalalagyan ng Kapitan.

“Si-sir huminahon ka muna, hindi pa tayo sigurado kung nandoon nga si Major Manlangit, maaring kasalukuyan parin niyang tinutugis ang lider ng mga terorista.” saad ni Private Velasco na umupo na para samahan ang nakaluhod parin na Kapitan.

“Hi-hindi mo naiintindihan Velasco. Ang sabi ni Samonte ay nakita niya si Baste na umalis at gamit niya ang isang jeep ng mga terorista. A-ayokong maniwala, pero ka-kailangan kong makatiyak na hindi nga si Baste ang nandoon.” saad ng Kapitan at pababa na sana sa bangin.

“Sa-sandali sir, hayaan mong tumawag tayo ng mga makakasama natin sa pagbaba sa kinalalagyan ng sumabog na sasakyan, masyadong delikado kung dalawa lang tayong bababa sa bangin at baka may mga terorista pang nakaabang para tambangan tayo.” pigil ni Private Velasco sa Kapitan.

“Tama ka Velasco, sige bumalik na muna tayo.” saad ng Kapita ng mahimasmasan ito.

Ilang minuto matapos ang pagbalik nila sa mga kasamahang sundalo. Sa pangunguna ni Captain Manalo ay maingat nilang binaba ang nasabing bangin para puntahan ang sumabog na sasakyan.

Pagkarating sa kinalalagyan ng nasabing sasakyan. Dalawa sa kasama nilang eksperto ang kaagad na naghanap ng mga sample, para matukoy kung may tao ngang lulan ang sumabog na sasakyan at kung anong naging dahilan ng pagsabog nito.

“Sir! Kumpirmado na may taong lulan nga ang sumabog na jeep. Base na rin sa nasunog na katawan ng taong kaagad namin nakita. Kumuha na rin kami ng DNA sample rito para matukoy ang pagkakakilanlan ng tao.” saad na isa sa mga forensic.

Kinabahan naman si Captain Manalo sa nalaman, ngunit umaasa parin ito na maaring hindi iyon ang kanyang kaibigan.

“Sir! May nakita akong isang silver bracelet.” tawag ng isa pang forensic sa Kapitan.

Sa sandaling ’yon ibayong kaba na ang nararamdaman ni Captain Manalo, dahil alam ng Kapitan na may suot rin na bracelet ang Komandante, na ipinagmalaki pa sa kanya ng kaibigan na regalo daw ’yon sa kanya ni Richard.

“Ma-maari bang tignan ko ang bracelet.” saad ng Kapitan na nanalangin na sana’y mali ang kanyang nasa isip.

Pagkaabot sa bracelet ay kaagad na tinignan ng malapitan iyon ng Kapitan. At sa nakitang dalawang letra na R.M. na naroon na nakaukit sa pulseras, sumunod na sumikip ang dibdib ng Kapitan kasabay ng pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata nito.

“Ka-kay Baste ito.” mahinang saad ni Captain Manalo, ngunit sapat na para marinig ng mga kasama niyang sundalo.

Nagulat si Private Velasco sa narinig na iyon sa Kapitan, maging ang mga kasama rin nilang iba pang mga sundalo. Sa sandaling iyon, iisa ang saloobin ng mga magkakabaro at ito’y ang labis na kalungkutan sa nalaman na wala na ang kanilang Komandante.

“Si-sir.” saad ni Private Velasco at lumapit sa kinaroroonan ng nagpapakatatag na Kapitan.

“Hi-hindi ito totoo Velasco.” saad ng nakayuko ng Kapitan.

“I’m sorry sir.” tanging naging sagot ni Private Velasco sa nagdadalamhating Kapitan.

“Hi-hindi ang kagaya ni Baste ang basta-basta na lamang mamatay.” saad muli ng Kapitan.

“Sir magpakatatag ka, hindi pa tayo siguradong si Major Manlangit nga ang taong ’yon, mas makakatiyak tayo kapag lumabas na ang resulta ng DNA test.” pagbibigay pag-asa ni Private Velasco.

Sa narinig kay Velasco, hindi man sigurado ay pinanghawakan iyon ng Kapitan.

Ang pagsama ni Richard para sana sa gagawin nilang pagsalubong sa paparating na Presidente ng Amerika ay hindi na nito nagawa. Tinawagan niya si Major Guzman kanina at humingi ito ng paumanhin sa hindi nito pagtuloy para sa kanilang misyon. Nadismaya man sa kanya ang Komandante ay ipinagsawalang bahala na lang ’yon ni Richard. At ngayon nga ay kasalukuyan itong naghihintay ng balita sa naging misyon ng mga sundalo sa Tawi-tawi.

“Pa, wala pa bang balita kila Kuya at kay Baste.” nag-aalalang tanong ni Richard sa Amang Heneral.

Hindi na ikinagalit pa ng Heneral ang basta na lamang pagpasok sa kanyang opisina ng bunsong anak. Bago ang pagpasok ni Richard sa kanyang opisina, isang tawag ang nataggap ng Heneral sa isa sa mga sundalong naroon sa Tawi-tawi.

“Maupo ka anak.” saad ng Heneral.

Sumunod naman si Richard sa ama at umupo ito kaharap ang seryosong Heneral.

“May dapat kang malaman tungkol sa naging misyon ng mga sundalo sa Tawi-tawi.” simula ng Heneral.

Ang kabang kanina pa nasa dibdib ni Richard ay lalo pang tumindi sa paraan ng pagsasalita ng Amang Heneral.

“Hindi pa sigurado anak, pero ikinalulungkot kong sabihin na maaring wala na si Sebastian.” paglalahad ng Heneral sa mga nalaman nito sa tawag na natanggap niya kanina.

Parang bombang sumabog ang dating ng balitang ’yon kay Richard na galing sa kanyang Amang Heneral.

“P-pa. A-anong i-ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Richard na ayaw paniwalaan ang narinig nito sa Amang Heneral.

“Anak.. alam kong mahirap paniwalaan, pero alam kong alam mo na kalakip ng pagiging sundalo ay  itong hindi magandang maaaring mangyari sa atin.” mahinahon na saad ng Heneral.

“Hi-hindi pa. I-imposible ang sinasabi ninyo, makakauwi ng ligtas si Baste.” giit na saad ni Richard at hindi nito matatanggap ang sinabi ng ama.

“Anak. Isang taong sakay ng sumabog na jeep na nahulog rin sa bangin ang ngayon ay sinusuri kasama ng mga sundalo at bukod sa katawan ng tao, natagpuan din sa sasakyan ang isang bracelet na may initials ng pangalan mo.” saad muli ng Heneral.

Sa narinig ni Richard, lalo na ang tungkol sa bracelet na natagpuan sa sumabog na sasakyan, parang tinakasan ng kaluluwa ang sundalo, kasunod ang pagsikip ng kanyang dibdib at ang masaganang paglandas ng mga luha nito sa mga mata.

“Hi-hindi pa, uuwi si Baste. Uuwi siya sa a-akin, nangako siya sa akin pa, a-ang sabi niya papakasalan pa niya ako.” saad ng naluluhang sundalo na para bang sinusumbat nito sa ama, na tutuparin ng lalaking mahal niya ang pangako niya sa kanya.

Sa tatlong anak, si Richard ang pinakapinoprotektahan nilang mag-asawa at ang makita ngayon ito sa ganitong kalagayan, parang pinapahirapan din ang Heneral.

“A-anak alam kong mahirap tanggapin, pero sana ihanda mo ang sarili mo sa masakit na katotohanan, maging ang Kuya Vince mo na kaibigan ni Baste ay nasasaktan din sa mga oras na ito, sinisisi pa ngayon ng Kuya mo ang sarili niya, dahil hindi niya nasamahan at natulungan ang kaibigan niyang sundalo.”

“Hi-hindi pa, i-ibang tao ang nandoon sa sasakyan, makikita ninyo, tatawag sa akin si Baste o kaya’y uuwi siya dito mismo sa atin, hindi totoong wala na siya, hindi niya ako iiwan pa.” saad ng naluluha parin na si Richard, na animo’y sa paraang ito’y makukumbinsi niya ang sarili na imposibleng wala na ang lalaking mahal niya.

Minabuti nang lapitan ng Heneral ang emosyonal na bunso niyang anak.

“Anak, ayos lang ang umiyak, alam kong masakit, alam kong mahirap tanggapin, pero lahat ng hirap at sakit ay kayang mawala sa paglipas ng mga panahon.” saad ng Heneral at niyakap nito ang bunsong anak.

Doon na pinakawalan ni Richard ang hindi maubos-ubos na mga luha niya. Sa edad niyang 21, heto ang unang beses na umiyak ito sa piling ng Amang Heneral.

Abala sa panonood ng telebisyon si Major Manalo ng makatanggap siya ng tawag sa kapatid na si Vince.

“Kamusta Kapitan, tapos na ba ang misyon ninyo sa Tawi-tawi?” masayang bungad ni Erick sa kapatid.

“Kuya, si Baste.”

Hindi alam ni Erick kung bakit sa pagbanggit pa lang ng kapatid sa pangalan ng kanilang kaibigan ay sobrang kaba, ang sumunod na naramdaman ng Komandante.

“A-anong tungkol kay Baste, Vince?”

“Ku-kuya, posibleng wala na si Baste.” saad sa basag na boses ni Vince.

Nabitawan ng Komandante ang hawak na cellphone, matapos ang narinig nito sa kapatid.

Napatingin naman si Hansel sa gawi ng Komandante dahil sa nangyari at nabahala ito ng makitang napaupo ang among sundalo, kasunod nito ay ang pagpipigil na maiyak ng Komandante.

Wala man kaide-ideya sa nangyayari sa among sundalo, may nagtulak kay Hansel na tabihan sa sofa ang Komandante. At kita ng dalawang mata ng binata, ang unang beses na makita nitong lumuluha ang among sundalo.

“Si-sir.” saad ni Hansel at ’di na nito napigil ang kanyang sarili na yakapin ang lumuluhang sundalo.

“Hindi totoong wala na siya.” saad ni Erick, na sa balikat ni Hansel inilabas ang sakit, sa nalamang balita sa kanyang kapatid.

“Sige lang kuya, nandito lang ako.” sagot ni Hansel sa emosyonal na amo.

At ilang sandali rin na magkasama sa sofa ang dalawa. Si Hansel na dinamayan ang among sundalo, kahit na wala parin kaalam-alam sa mga nangyari at si Erick na ayaw parin maniwala na wala na ang matalik na kaibigan.

PANG-APATNAPUT-ISA

Kabaligtaran ng masaya at buhay na buhay na paligid sa bahay ng mga Manalo. Binabalot ngayon ng matinding kalungkutan ang pamamahay ng mga ito, dulot ng balitang maaring wala na si Major Sebastian Manlangit.

Tanging ang mag-asawang Manalo lang ang naririto ngayon sa hapag at kahit pa puno ng mga pagkain ang nasa harapan ng mga ito, nawala na ng gana para kumain pa ang dalawa.

“Nag-aalala ako kay Richard, mahal.” saad ni Aurora sa asawang Heneral.

“Ako man mahal ay nag-aalala rin. Hayaan mo muna ang anak natin, alam kong alam mo na hindi madali ang pinag-dadaanan niya ngayon.” saad ni Diosdado.

“Ako man ay ayokong maniwala na posibleng wala na si Baste, nakausap ko na rin ang mga magulang niya kanina at bukas na bukas ay uuwi na rin ang mga ito.” saad ni Aurora.

“Lahat tayo mahal ay umaasang hindi nga si Baste ang taong sakay ng sumabog na sasakyan, pero sa nakitang bracelet doon, ayoko man tanggapin pero posibleng si Sebastian nga ang taong lulan ng sumabog na sasakyan.” saad ng Heneral.

“Kaya nga mahal, gusto ko man palakasin ang loob ni Richard na buhay pa si Sebastian, ayaw ko naman paasahin ang anak natin.” malungkot na saad ng ginang.

“Ang magagawa na lang natin ngayon ay ihanda ang sarili natin sa pinakamasakit na katotohanan o sana ay maliit man ang tiyansa na hindi si Baste ang taong ’yon, mapatunayan sa resulta ng DNA test sa katawan ng taong sakay ng sumabog na sasakyan.”

“Tama ka mahal at kung mangyari man ang ayaw nating mangyari, gawin natin ang lahat para sa mga anak natin, lalo na kay Richard.” saad ni Aurora.

Ang loob ng kwarto ni Richard ang piping saksi sa pagtangis ng sundalo sa sakit na posibleng wala na ang pinakamamahal nitong lalaki. Maging ang kumain ay di na nito magawa at ang tanging gusto na lamang ng sundalo ay ang makatanggap ng magandang balita at sabihin sa kanya na buhay at ligtas ang Komandanteng nagbigay ng bagong kulay at buhay sa mga nakalipas na araw sa kanya. At sa suot nitong bracelet na may initials ni Sebastian at ng singsing na kanyang suot na regalo rin sa kanya ng Komandante, pinanghahawakan ni Richard na tutuparin ng una ang mga pangako nito sa kanya. Dala ng pagod sa pag-iyak, nakatulugan na ni Richard ang sakit sa kanyang puso na dulot ng posibleng pagkawala ni Sebastian.

Paggising ni Richard ay kaagad niyang napansin ang taong katabi niya ngayon sa kama

“Ba-baste?” saad ni Richard na ang buong akala’y si Sebastian ang kanyang kasama.

“Bunso si Kuya ito.” sagot ni Erick at kahit pa masakit sa kanya ang posibleng pagkawala na ng kaibigang si Sebastian, alam ng Komandate na higit na mas masakit ang nararamdaman ngayon ng kanyang bunsong kapatid. Kita rin ni Erick ang parang walang buhay na mukha ni Richard na kabaligtaran sa buhay at masiglang mukhang meron ang kapatid.

“Ku-kuya.” saad ni Richard at otomatiko na naman na bumagsak ang mga luha nito, na tila ba wala ng katapusan.

Kaagad na kinulong sa mga bisig ng Komandante, ang naghihinagpis na bunsong kapatid, sa paraang ’yon, nais ni Erick kahit pa sa katiting lang na sakit ay mabawasan, ang alam niyang higit na nararamdaman ni Richard, sa posibleng pagkawala na ni Sebastian.

“Bunso, alam kong masakit ang nararamdaman mo ngayon, pero kailangang magpakatatag ka at ihanda mo ang sarili mo sa posibleng masamang nangyari kay Baste.” saad ni Erick.

“Hi-hindi kuya, bu-buhay si Baste, hindi ba ang sabi niya magpapakasal pa kami.” sumbat ni Richard sa kapatid, sa pangako sa kanya ni Sebastian.

“Bunso, makinig ka kay kuya, ako man ay hindi naniniwala na wala na si Baste. Tinawagan ko kanina ang forensic na magsasagawa sa DNA test sa nakitang nasunog na katawan at nalaman ko sa kanila, na apat hanggang sa anim na linggo ang gugugulin bago lumabas ang resulta.” saad ni Erick at kwento nito sa mga nalaman.

“Ang tagal ng isang buwan kuya, paano kung hindi pala si Baste iyon at kasalukuyang kailangan niya ang tulong natin. Kuya ayokong maghintay dito sa bahay ng walang ginagawa para mahanap si Baste.” saad ni Richard na humiwalay na sa yakap ng kapatid.

“Alam ko ’yon Chard, kaya nga nandito ako, maghanda ka na at aalis tayo patungo ng Tawi-tawi ngayon din.” saad ni Erick.

“Sige kuya.” maagap na sagot ni Richard at bumangon na, para umpisahan ang walang kasiguraduhang paghahanap, sa lalaking pinakamamahal niya. …

Sakay ng private chopper na pag-aari ng pamilya nila, inumpisahan na ng magkapatid na sundalo ang bihaye patungo sa Tawi-tawi.

Sa Amerika.

Hindi makapaniwala ang mag-asawang Manlangit, sa masamang balitang natanggap nila, mula sa mga kaibigan na mag-asawang Manalo.

“Hon, hindi pa tayo siguradong si Sebastian nga ang taong sakay ng sumabog na sasakyan, kaya ’wag kang mawalan ng pag-asa na buhay pa ang unico hijo natin.” alo ni Alfredo sa sa asawang si Maritess.

“Iyan na nga bang kinakatakot ko, hindi ko kakayanin Fred kapag nawala ang anak ko.” emosyonal na saad ni Maritess at muli’y niyakap ang asawa nito habang patuloy parin sa pag-iyak ang ginang.

Sa Amerika parin.

Hindi rin makapaniwala si Rachelle sa masamang ibinalita sa kanya ng imbestigador, na posibleng ang lalaking pinakamamahal niya ay namatay sa isang sumabog na sasakyan.

“Hi-hindi! Buhay si Sebastian at bubuo pa kami ng pamilya na magkasama.” saad ni Rachelle na habang naluluha ay hinahaplos ang tiyan nito at umaasa na ilang linggo mula ngayon ay ipinagbubuntis na niya ang sanggol na galing sa semilya ni Sebastian.

Hindi iniwanan ni Lorenzo ang malungkot na Kapitan, na dulot ng posibleng pagkawala na ni Major Manlangit. Bigo rin ang misyon nilang mga sundalo, para mahuli ng buhay o patay ang lider ng teroristang grupo.

“Sir kumain ka muna.” saad ni Lorenzo na may dalang pagkain para sa kanila ng Kapitan.

“Wala akong gana Velasco.” sagot ni Vince sa kasamang sundalo.

Napabuntong hininga na lamang si Lorenzo, maging siya’y nalulungkot rin sa nangyari sa posibleng pagkawala na ng Komandante, na inaamin niya nung una ay kina-inggitan nito dahil sa pag-ibig ni Richard. Ngunit kalaunan ay hinangaan niya, dahil bukod sa galing nito bilang sundalo, lalo pa sa kabutihan at katapangan na taglay nito.

“Kumain ka na Vince, hindi ba ang sabi mo’y hindi basta-basta na lamang mawawala ang Komandante? Malay natin at hindi pala siya ang taong sakay ng sumabog na sasakyan at naghihintay lang na mahanap natin o baka isang oras mula ngayon ay muling samahan tayo.” pagbibigay pag-asa ni Lorenzo.

“Sana nga tama ka Enzo.” sagot ni Vince, na iniisip kung paano haharapin ang mga kapatid, gayung wala itong nagawa para tulungan si Sebastian.

“Sir, umasa pa tayo, hanggat wala pang kasiguraduhan na wala na talaga ang Komandante.” saad ni Lorenzo at lumapit para akbayan ang Kapitan.

Matapos ang nangyaring yakap niya ang among sundalo sa sofa, nang mahimasmasan ang Komandante ay humiwalay ito sa kanya at sunod na nakita na lamang ni Hansel ang mabilis na paglabas nito ng bahay at sumakay ito ng sasakyan, papunta sa kung saan ay wala parin kaide-ideya si Hansel, gaya ng wala rin siyang alam kung anong pinagdadaanan ngayon ng lalaking lihim niyang minamahal.

Hanggang sumapit ang gabi ay hindi parin umuuwi ang among sundalo at nakatulugan na ni Hansel ang paghihintay sa Komandante.

Pagkagising ni Hansel ay bakante rin ang kama ng among sundalo. At paglabas nito sa kwarto ay ni anino ng among sundalo ay hindi rin nakita ni Hansel. Minabuti na lamang ng binata na maghanda na ng almusal, para kung bigla man umuwi ang sundalo ay makakakain kaagad ito. Habang naghihintay sa among sundalo, minabuti rin ni Hansel na tawagin si Mang Popoy at ang dalawang guards para mag-almusal na ang mga ito. At sa naisip na posibleng may alam ang matandang driver ay nauna itong pinuntahan ni Hansel.

“Pasok ka sir Hansel.” saad ng matanda. Nagtataka man si Hansel kung paano nalaman ng matanda na siya ang kumatok sa pinto ng una, sunud na ipinihit ng binata ang pinto.

“Kumain na po tayo.” saad ni Hansel pagkapasok nito sa kwarto ng matanda.

“Salamat sir Hansel at alam kong may gusto kang malaman tungkol kay sir Erick, hindi ba?” saad at tanong ng matanda sa binata.

“Sa totoo ho niyan ay meron nga po.” nahihiyang amin ni Hansel.

“Halika, maupo ka muna.” simula ng matanda at alok nito sa isang upuan kay Hansel. Kaagad naman umupo si Hansel at hinihintay kung anong sasabihin ng matanda.

“Bago umalis si sir Erick ay ipinaalam niya sa akin ang nataggap nitong hindi magandang balita sa kanyang kapatid, sa tawag na iyon ng kapatid niyang si Vince, ipinaalam sa kanya na posibleng patay na ang kaibigan nilang sundalo. At dahil sa wala pang kasiguraduhan iyon, minabuti ni sir Erick na puntahan ang kinaroonan ngayon ng mga sundalo, para siya mismo ang kumumpirma kung ano talagang nangyari sa kanilang kaibigan.” mahabang kwento ni Mang Popoy.

Natigilan si Hansel sa kanyang nalaman at may nalaman siyang mga bagong bagay sa among sundalo.

“Napakalapit siguro ng kaibigan ni sir sa kanila.” saad ni Hansel.

“Tama ka hijo, parang kapatid na ang turingan ng magkakaibigang ’yon sa tatlo, lalo na ngayon at may relasyon ang kaibigan nilang sundalo sa kanilang bunsong kapatid.” saad at kwento pa ng matanda.

Sa narinig ay gulat na napatingin si Hansel sa matanda, dahil alam ng binata na puro lalaki ang mga kapatid ng among sundalo.

“Tama ang nasa isip mo hijo, sa bunsong kapatid nilang lalaki rin umibig ang kaibigan nilang sundalo.” saad ng matanda.

“Kung ganun po, hindi sila nagalit sa kaibigan nila dahil dun?” tanong ni Hansel.

“Sa katunayan, ang kapatid niyang si Vince ay kaagad na natanggap ang nalamang relasyon ng dalawa, pero si sir Erick ay sobrang nagalit sa kanyang nalaman, pero nang makita ng dalawang mata niya kung gaano kamahal na kaibigan niya ang kanilang bunsong kapatid, maluwag sa loob na tinanggap niya ang relasyong meron ang dalawa.”

“Kung ganun po, siguradong mas masakit ang nararamdaman ngayon ng kapatid ni sir, dahil posibleng wala na ang mahal nito.” saad ni Hansel na ’di maiwasan na malungkot rin para sa kapatid na among sundalo. Kung sa kanya siguro mangyari iyon ay baka hindi kayanin ni Hansel.

‘Mas gugustuhin ko nang mahalin ng palihim si sir, kesa sa malaman kong hindi ko na siya makakasama pa kahit kailan.’ saad sa isip ni Hansel at umaasa rin na sana’y buhay pa ang kaibigan ng among sundalo.

PANG-APATNAPUT-DALAWA

Hapon na ng makarating sila Richard at Erick sa Tawi-tawi. At ’di na nag-asaya pa ng oras ang dalawa at nagpasama sa kabaro nila, para puntahan ang bangin na mismong kinahulugan ng sumabog na sasakyan, na siya ring pinanghihinalaang sinakyan ni Major Manlangit.

Pagkababa sa bangin ng mga sundalo kasama sina Private Manalo at Major Manalo, kita ng magkapatid na sundalo ang parang lata na lang na natira sa sumabog na jeep.

Pilit na pinipigilan ni Richard ang kanyang sarili na maluha at pilit rin nitong isinisiksik sa isipan na hindi ang mahal niyang sundalo ang sakay ng naabong sasakyan.

Gaya ng kapatid ay ganun rin ang nasa isipan ni Erick, hindi niya matatanggap na sa isang malagim na pagkamatay matatapos ang buhay ng matalik nitong kaibigan.

“Bukod sa jeep na nahulog dito sa bangin ay wala na ba kayong nakitang ibang sasakyan na malapit dito sa lugar?” tanong ni Major Manalo sa mga kabaro, na siya rin mga kasama ni Major Manlangit sa misyon.

“Wala na sir, tanging itong jeep lang na nahulog sa bangin ang naririto sa area at wala ng ibang sasakyan pa kaming nakita.” sagot ng isang sundalo.

“Bukod sa pagkakakilanlan ng taong sakay ng nasunog na jeep, kumpirmado na isang improvised explosive device, ang ginamit sa pagpapasabog ng sasakyan sir.” dagdag pa ng isang sundalo.

Sa mga nalaman ay lalo pang nakumpirma ni Major Manalo, na sinadya ng mga terorista ang pagpapasabog sa jeep at naisip ng Komandante na mukhang plano rin ng mga ito na iwanan ang jeep, at kung masundan man sila ng mga sundalo, makakatakas sila dahil sa itinanim rin nilang bomba sa sasakyan.

“Chard alam kong may ideya ka na rin sa posibleng nangyari, ayoko man maniwala, pero malaki ang tiyansa na si Sebastian ang nakatunog sa papatakas na lider ng mga terorista.” saad ni Erick sa kapatid.

Tama ang kuya Erick niya, hindi tanga si Richard na maaring ’yon nga ang nangyari, pero hanggat walang kasiguraduhan na si Sebastian ang taong sakay ng sumabog na jeep, hindi mawawalan ng pag-asa ang sundalo na buhay parin ang lalaking mahal niya.

“Hindi kuya, hindi pa patay si Baste! Kung kailangan kong maghanap sa kung saan-saan ay gagawin ko.” sagot ni Richard sa kapatid at mabilis nitong iniwanan ang mga kapwa sundalo.

Mabilis naman na sinundan ni Erick ang kapatid bago pa may masama rin na mangyari rito.

“Richard, tama ka, na hindi pa tayo sigurado na wala na si Baste at magtutulungan tayo sa paghahanap sa kanya.” saad ni Erick ng makalapit ito sa kapatid.

“Sa-salamat kuya.” saad ni Richard na nagsimula na namang tumulo ang kanyang luha.

“Hindi mo kailangan na magpasalamat bunso, kaibigan ko si Baste at kagaya mo, naniniwala parin ako na buhay pa siya.”

At sa gabi rin na iyon, kasama ng ilan pang mga sundalo. Sinimulan ng mga ito ang paghahanap sa walang katiyakan, kung matatagpuan pa nila ang Komandante.

Madaling araw na at pagod na ang mga sundalo, pero wala silang nakita kahit bakas lang ng posibleng kinaroroonan ng Komandante.

“Chard, pagod na ang mga kasama natin, hayaan mo na magpahinga na rin muna tayo.” payo ni Erick sa kapatid.

“Sige kuya, magpahinga ka na rin, pero itutuloy ko parin ang paghahanap kay Baste.” saad ni Richard.

“Chard makinig ka kay kuya, kahit ilang minuto lang ay magpahinga ka rin.” saad ni Vince, na bukod sa nasasaktan sa posibleng wala na ang kaibigan, naaawa rin ito sa pinagdadaanan ng bunsong kapatid.

“Ayos lang ako, kaya ko pa naman.” sagot lang ni Richard.

“Hindi, magpahinga ka na muna. Gusto mo ba na pagbalik ni Baste ikaw naman ang hindi okay?” giit ni Vince.

“Kung maging hindi man ako okay ang tatanggapin ko kuya, basta makasiguro lang akong babalik sa akin si Baste.” sagot ni Richard sa kapatid, na ayaw man nitong aminin sa sarili ay nawawalan na rin ito ng pag-asa, na makikita muli si Sebastian.

“Sige mga sir, ako na munang sasama kay Richard, kahit papaano ay nakapagpahinga na rin ako.” saad ni Lorenzo, na minabuti ng sumali sa usapan ng magkakapatid, dahil alam nito kung saan nanggagaling ang bawat-isa at alam rin nitong hindi mapipigil ang determinadong kaibigan para hanapin ang lalaking minamahal.

“Sige Enzo, Chard susunod rin kami kaagad.” sang-ayon ni Erick.

Kasalukuyang nagtatrabaho na sa cafe si Hansel, na inihatid kanina ni Mang Popoy dahil sa hindi parin umuuwi ang amo nitong sundalo.

“Hans, hindi mo naman sinabi sa akin na may amo ka pala na ubod ng guwapo.” kinikilig na saad ni Alona na piniling kausapin ang katrabaho, habang wala pang gaanong kostumer ang cafe.

“Sinong guwapo? Yung sumundo kay Hans kagabi? Sus eh ang tanda na nun at mukhang tatay na nga natin.” sali sa usapan ni Terrence.

“Tse! Hindi ikaw ang kausap ko kaya ’wag kang sumabat, tsaka anong matanda eh ang hot nga nung amo ni Hansel at bukod pa dun ay siguradong sobrang yaman din.” saad ni Alona at muli nitong inalala ang nakitang makisig at guwapong lalaki kagabi.

Kahit papaano’y nakalimutan ni Hansel ang pag-aalala sa among sundalo, sa tulong na rin ng mga makukulit nitong katrabaho.

Hanggang sa ang ilang araw na paghahanap ng mga sundalo kay Major Sebastian Manlangit ay umabot na ng isang linggo.

At ngayon nga ay mag-iisang buwan na ang lumipas, ngunit bigo ang mga sundalo na walang pagod at sawang naghanap sa posibleng buhay pang Komandante.

Abala parin sa paghahanap kay Sebastian ang mga sundalo, nang isang tawag ang matanggap ni Major Erick Manalo at ito’y ang tawag ng mga forensic, na sumuri sa DNA ng natagpuang nasunog na labi sa loob ng sumabog na jeep.

“Tumigil na tayo sa paghahanap kay Major Manlangit, ngayong araw ay lumabas na ang resulta sa ginawang DNA tests sa bangkay.” simula ni Erick. “Ikinalulungkot kong sabihin, si Major Sebastian Manlangit nga ang taong sakay ng sumabog na jeep.” nakayukong lahad ni Major Manalo, na pinipigilan rin ang maluha dahil sa masamang balitang kanyang nalaman.

“Hindi! Hi-hindi pa patay si Baste kuya! Hindi ako naniniwala!” saad ni Richard na parang pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig sa kapatid.

“Chard.” saad ni Vince na nilapitan na ang kapatid.

“Sa-sabihin mo kuya Vince, hi-hindi totoo ang sinabi ni ku-kuya, buhay pa si Baste hindi ba, kuya Vince! Sabihin mo sa akin na buhay pa si Baste!” saad nang puno na ng luhang si Richard at niyuyugyog ang katawan ng kuyang si Vince.

Mabilis na kinulong sa bisig ni Captain Manalo ang luhaang kapatid, na alam nitong pinakanasasaktan sa masamang balitang kanilang natanggap.

“Bunso, nandito lang kaming lahat para sa’yo.” saad ng naluluhang si Vince sa patuloy parin na tumatangis na bunsong kapatid.

“Ku-kuya hi-hindi ko kayang wala na si Baste.” saad ni Richard na patuloy parin ang masaganang luha sa mga mata.

“Bunso, alam naming masakit, maging kami ni kuya Erick ay nasasaktan, pero nandito pa kaming pamilya at kaibigan mo.” saad ni Vince.

“Pe-pero ang sabi niya sa akin babalikan niya ako, ang sabi ni Ba-baste magpapakasal pa kami.” sumbat ng lumuluhang si Richard sa kapatid at dala ng sobrang pagod at emosyon sa nakalipas na buwan, nawalan ng malay ang bunso ng Heneral.

“Ku-kuya tumawag ka ng medic! Hinimatay si bunso!” alalang sigaw ni Vince.

“Hinde!! Fred hindi pa patay ang anak kooo!!!” histerikal na saad ni Maritess na kagaya ng mga sundalo ay nalaman na rin ang resulta ng DNA test.

“Hon. Ayoko rin tanggapin pero iyon ang lumabas sa ginawang pagsuri sa nasunog na bangkay.” saad ni Alfredo at niyakap nito ang asawa.

“Baste!! Anak ko huhuhu. Ang anak ko huhuhu.” at matapos ang pag-iyak ng histerikal na ginang ay nawalan rin ito ng malay.

“Hon! Pare tumawag ka ng ambulansya!” saad ni Alfredo sa nakitang nahimatay na asawa at pakiusap nito kay Heneral Manalo.

Kaagad naman tumawag ng ambulansya ang Heneral matapos ang narinig nito sa kaibigan. At gaya ng mag-asawang Manlangit ay malungkot rin ang mag-asawang Manalo, dahil sa nataggap nilang masamang balita, na ang anak ng mga kaibigan na si Sebastian Manlangit, ang lumabas sa DNA test na sakay ng sumabog na jeep.

Matapos ngang makumpirma na ang anak nila ang namatay sa sumabog na sasakyan sa Tawi-tawi. Inumpisahan na ni Alfredo, ang paghahanda para sa magiging burol ng kanilang unico hijo. Nalaman na rin nilang mag-asawa ang relasyon ng kanilang anak sa anak ng mga kaibigan at nanghihinayang ang mga ito, na hindi man lang nila nakita ang masayang mukha ng anak sa piling ng taong mahal nito.

“I’m sorry pare, kung hindi sa akin, baka iba sana ang naging landas ni Sebastian at sana’y buhay pa siya ngayon.” saad ni Diosdado at niyakap nito ang kaibigan.

“Wala kang kasalanan pare, hindi lang ang buhay ko ang utang ko sa’yo pati na ang pamilya ko. Kung hindi mo ako nailigtas noon sa mga terorista, posibleng wala na rin ang mag-ina ko at masaya akong ikaw ang naging idolo ng anak ko at sinundan niya ang propesyon ng bayaning nagligtas sa papa niya.” saad ni Alfredo.

“Basta nandito lang kami pare, para sa inyo ni mare.” saad ni Diosdado.

“Alam ko ’yon pare at alam kong hindi lang kami ang nagluluksa sa pagkawala ni Baste.” saad ni Alfredo.

Unang gabi ng lamay ni Sebastian at bumuhos ang mga nakikiramay sa pagkawala ng bayaning sundalo.

Pinilit ng mag-asawang Manlangit na magpakatagtag, kahit pa isang malaking puwang sa puso ng mga ito ang nawala sa pagkawala ng kanilang unico hijo.

Bukod sa hindi umalis sa kanilang tabi na mga kaibigan na mag-asawang Manalo. Naroroon din ang mga sundalong nakasama at mga kaibigan ng anak nilang Komandante. Sa pangunguna ni Major Manalo at Captain Manalo.

Samantala, nanatiling tulala lang si Richard na ilang minuto palang ang nakalilipas ng magkamalay ito, nalaman rin ng sundalo sa nagbabantay sa kanyang si Lorenzo, na kasalukuyan ng nakaburol ang katawan ni Sebastian. Hanggang sa ngayon ay ayaw parin harapin ni Richard ang katotohanan na wala na at ’di na muli niyang makakasama ang lalaking pinakamamahal niya at sa isiping ’yon, kumawala na naman ang mga luha sa mga mata ng sundalo na hindi na yata mauubos pa.

Kita ng dalawang mga mata ni Lorenzo ang nagdadalamhating sitwasyon ngayon ng kanyang kaibigan, maging siya ay ayaw parin niyang paniwalaan ang nangyari sa matapang na sundalo. At ang tanging magagawa niya lamang ngayon ay samahan ang kaibigan, na alam ng sundalo na hindi basta-basta matatanggap ang pagkawala ng minamahal nito.

Sa Amerika.

“Uuwi na tayo baby at sana bago kita isilang ay tuluyan ng magising ang daddy mo.” kausap ni Rachelle sa isang buwan ng nasa sinapupunan nito. Gaya ng plano ng babae, ipinagbubuntis na niya ang anak nila ni Sebastian, na hindi man dulot ng kanilang pagtatalik at gawa lang ng artificial insemination, na galing sa semilya na itinago nito ng lihim sa kasintahang si Sebastian noong magkasama pa sila.

Nang malaman kasi ni Rachelle na isang sundalo ang propesyon ng unang naging kasintahan, naisipan ng babae na maaaring hindi na makakabalik pa ng buhay ang sundalo, lalo na kapag sumabak muli ito sa misyon. At doon pumasok sa isip ng babae na kumuha ng semilya na galing sa sundalo at nagawa nito ng palihim ng minsan na magtalik sila ng kasintahan at piringan nito ang mga mata ng lalaki. Gamit ang kilalang ospital na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay naging matagumpay ang planong iyon ni Rachelle. At pinabilis pa ng malaman nitong may iba ng minamahal ang sundalong pinakamamahal niya. Ilang linggo na rin ang lumipas ng malaman niya sa mga magulang na may isinugod na lalaki sa ospital ng mga magulang niya. Isinugod doon ang lalaki, dahil alam ng mga nakakita rito na mas matutulungan ang taong ’yon, kapag sa kilalang ospital ito idinala. At sa naisip ng babae na hindi ang kagaya ng matapang na sundalong nakilala niya ang basta-basta na lamang mamamatay, doon na naisipan ni Rachelle na tawagan ang mga magulang, para makita ng dalawa niyang mga mata ang itsura ng lalaki at gumulantang sa kanya ang malaman na si Sebastian nga ang taong ’yon. Doon na rin naisipan ng babae ang mga magiging plano, para muling mapasakanya ang sundalong pinakamamahal niya.

PANG-APATNAPUT-TATLO

“Bunso, ngayon na ang ang huling gabi ng burol ni Baste, hindi ka ba magpapaalam sa kanya bago ang libing niya bukas.” saad na paalala ni Erick kay Richard na magmula ng magising matapos ang pagkahimatay nito ng malaman na patay na si Sebastian ay nanatili lang at nagkulong sa kwartong tinuluyan ng Komandante noon.

“Ayoko kuya.” sagot ni Richard na kahit pa alam sa isipan, na wala na si Sebastian ay nanatiling naniniwala ang kanyang puso, na buhay pa ang mahal nitong sundalo.

“Alam kong mahirap bunso, pero maging kami ay ayaw parin maniwala na wala na si Baste, pero kailangan mo rin tanggapin ang katotohanan na iniwan na niya talaga tayo.” saad ni Erick.

“Hindi ko kaya kuya, ayokong makita kahit pa ang kabaong lang niya.” sagot ni Richard na wala talagang balak na pumunta sa lamay ni Sebastian.

Napabuntong hininga na lamang si Erick at muli’y wala na naman itong nagawa, kungdi ang iwanan sa kwarto ang nagdadalamhating bunsong kapatid.

“Anong sabi ni Chard, kuya?” bungad ni Vince sa kuya.

“Ayaw niya talagang pumunta, Vince.” sagot ni Erick.

“Ano! Anong gagawin niya? Manatili na lang na magkulong sa kanyang kwarto?! Alam kong nasasaktan siya kuya, pero hindi naman tama na hindi man lang niya madalaw si Baste bago ang libing niya!” saad ni Vince na kahit pa naiintindihan ang kapatid ay naiinis rin ito.

“Vince, hindi mo naman siya masisisi, kumpara sa ating dalawa, mas masakit para kay Richard ang mga nangyari.” saad ni Erick.

“Nandun na tayo na mas masakit nga sa kanya ang pagkawala ni Baste, pero alam kong mas masakit kung hindi man lang siya magkakapagpaalam rito.” saad ni Vince at ito naman ang pumasok sa kinaroroonan ni Richard.

“Vince!” pigil ni Erick sa ginawa ng kapatid, pero huli na dahil nakapasok na si Vince sa kwarto at nilock rin nito ang pinto.

“Bumangon ka d’yan Richard!” galit na saad ni Vince.

“Kung kakausapin mo lang ako tungkol sa pagpunta sa burol niya ay mabuti pang lumabas ka na kuya.” saad ni Richard.

“At sinong nagsabing kakausapin kita tungkol dun, pwes nagkakamali ka, dahil kung kailangan kita kaladkarin para lang makapunta ka sa burol ni Baste ay gagawin ko.” saad ni Vince at hinila ang kamay ni Richard.

“Kuya! Ano ba!” panlalaban ni Richard sa kapatid.

“Nakita mo na ba ang sarili mo! Sa tingin mo matutuwa si Baste kapag nakita niyang nagkakaganyan ka!” inis na saad ni Vince.

“Paano niya pa makikita ang kalagayan ko, eh iniwan na niya ako kuya!” sigaw ni Richard at muli sa hindi na niya mabilang pang pagkakataon ay kumawala na naman ang mga luha nito.

“Nandito pa kaming mga kuya mo, sila papa at mama, ang mga kaibigan mo. Kung hindi man para kay Baste, para sa amin, anong gusto mo? Sundin na sa kabilang buhay si Baste? Sa tingin mo magugustuhan ni Sebastian na makita ka roon, samantalang siya ginawa niya ang lahat para lang mahuli ang mga terorista ng sa ganun ay makauwi lang sayo, kahit pa alam niyang maaaring mangyari ang nangyari nga sa kanya ngayon!” saad ni Vince na walang tigil na rin sa paglandas ang mga luha nito, dahil maging ang Kapitan ay sobrang nasasaktan sa nangyari sa kanyang kaibigan pati na sa nangyayari ngayon sa bunsong kapatid.

Sa nakitang pag-iyak ng kanyang kuya Vince, parang ipinamukha kay Richard ang katotohanang hindi lang siya ang nasasaktan sa pagkawala ng Komandante, inaamin niya na ayaw niyang makita ni anino lang ng kabaong ni Sebastian, kapag kasi nangyari ’yon, parang tinanggap na niya sa kanyang sarili na wala na talaga ang lalaking mahal nito. Pero tama ang kanyang mga kapatid, sa ayaw man niya o gusto ay kailangan niyang harapin ang pinakamasakit na katotohanan.

“Sige kuya, pupuntahan ko na si Baste.” saad ni Richard.

Isang beses lang na umuwi ang kanyang among sundalo, matapos ang pag-alis nito para alamin ang nangyari sa kaibigan nitong sundalo. At nalaman ni Hansel sa among si Erick sa pag-uwi nito, ang  katotohanan na namatay nga sa pagsabog ang kaibigan ng among sundalo.

Nalaman rin ni Hansel kay Mang Popoy, na mamayang gabi na ang huling gabi ng burol ng kaibigang sundalo ng among si Erick, kaya naman minabuti nitong samahan ang matanda, sa pagpunta nito sa lamay ng sundalo.

“Hindi naman siguro magagalit si sir hindi ba Mang Popoy?” tanong ni Hansel sa abalang nagmamaneho ng matanda.

“Hindi sir Hansel, sa katunayan mas magugustuhan ni sir na sumama ka nga sa akin.” sagot ng matanda.

Magkakasabay naman na pumunta ang mga magkakapatid na Manalo sa burol ni Major Manlangit.

Habang nagmamaneho si Erick at katabi nito si Vince ay nasa likod naman nakaupo ang nagpapakatatag na si Richard. Sinabi rin sa sarili ni Richard na kahit anong mangyari ay hindi na ito luluha pa at masakit man ay pilit nitong tatanggapin ang katotohanan na iniwan na siya ni Sebastian.

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa lugar kung saan inilagak ang pinaniniwalaang katawan ng pumanaw ng Komandante.

“Bunso, nandito lang kaming dalawang mga kuya mo.” saad ni Erick at inakbayan ang bunsong kapatid.

“Tama si kuya Chard, hindi ka kailanman nag-iisa.” sang-ayon ni Vince at tinapik ang balikat ni Richard.

“Salamat mga kuya.” sagot ni Richard sa mga kapatid.

Sa pagpasok ng tatlong sundalong magkakapatid, nakakuha ito ng pansin sa mga taong kasalukuyang nakikiramay na naroroon sa lugar. Kahit pa alam nito na hindi madali para sa kanyang bunso, napanatag ang loob ni Aurora na nandirito ngayon ang anak na si Richard sa huling gabi ng lamay ni Sebastian. Maging si Heneral Manalo ay proud sa katapangan ng bunsong anak, para harapin ang alam nitong masakit na sandali para kay Richard.

Sa ikalawang pagkakataon naman ay nakita muli ng mag-asawang Manlangit, ang bunsong anak na lalaki ng mga kaibigan at siya rin iniibig ng kanilang unico hijo. Masakit lang para sa mag-asawang Manlangit na kung kailan wala na ang anak nilang si Sebastian ay tsaka palang nila nalaman ang relasyon na meron ang dalawa, sigurado kasing buong puso nilang tatanggapin ang namamagitan sa dalawa at ang tuksuhan noon nilang magkakaibigan na maging magbalae ay matutupad na sana, pero kaagad naman itong tinutulan ng tadhana sa ginawang pagkuha kaagad ng maykapal sa kanilang anak.

Gaya nga ng pangako ni Richard sa kanyang sarili, ginawa nga niya ang lahat para mapigilan ang sarili na umiyak. Pero alam ng sundalo na imposibleng mangyari ’yon, sa pagkakita palang ni Richard sa kabaong na ilang metro na lang ang layo sa kanila ay nagbagsakan na ang masaganang luha sa mga mata nito. Kaagad naman inilagay sa balikat ni Erick ang mukha ng lumuluhang kapatid habang palapit sila ng palapit sa kabaong ni Sebastian.

Kita ng mag-asawang Manlangit ang pag-iyak na ’yon ni Richard at alam ng mag-asawa na tunay ngang mahal ng bunso ng Heneral ang kanilang unico hijo.

Pagkarating nilang magkakapatid sa kabaong ni Sebastian, hinayaan nila Erick at Vince ang kapatid na si Richard. Dahan-dahan ang ginawang paghawak ni Richard sa kabaong ni Sebastian. At sa bawat paghaplos nito sa kabaong, wari mo’y kinakausap ni Richard ang Komandante. At bago pa ito tuluyang umalis ay niyakap nito ang kabaong ni Sebastian na sa paraang ’yon ay mayakap nito sa huling pagkakataon ang pinakamamahal nitong sundalo.

Hindi man niya kilala ng personal ang bunsong kapatid ng among si Erick, sa nakita ni Hansel na paghihinagpis ng sundalo dulot ng namatay na mahal nitong sundalo rin, hindi namalayan ng binatang si Hansel na lumuluha na rin siya sa sandaling iyon. Kita rin nito ang malungkot na itsura ng mga sundalong nakikiramay sa huling gabi ng kanilang kabaro.

Matapos yakapin ang kabaong ni Sebastian ay sinamahan ni Richard ang kanyang mga magulang pati ng ang mga magulang ni Sebastian na kasama rin ng mga ito.

“Sorry po, kung ngayon lang po ako nakapunta.” hinging paumanhin ni Richard at nagmano ito sa mag-asawang Manlangit.

“Hindi mo na kailangan na humingi pa ng paumanhin hijo, naiintindihan namin ng tito mo ang pinagdadaanan mo rin ngayon.” saad ni Maritess at niyakap nito si Richard.

“Salamat rin sa pagpapasaya sa aming anak, Richard.” saad naman ni Alfredo at ito naman ang yumakap sa lalaking huling inibig ng unico hijo nito.

Ramdam ni Richard sa pagyakap ng mga magulang ni Sebastian sa kanya, ang pangungulila ng mga ito sa sarili nilang anak. At alam na ng sundalo, kung kanino nagmana ng katapangan at kabutihan ang mahal nitong Komandante.

At sa huling gabi ng lamay ni Sebastian, nagsama-sama ang mga magulang, kaibigan, mga kabaro nito at ang pinakamamahal nitong si Richard, sa pag-aalala sa naging maikli man, ngunit makabuluhang buhay ng Komandante.

Kasalukuyang pinagmamasdan ni Rachell ang wala paring malay na si Sebastian. Muntik pa nga raw, na ’di na nito maabutan pang buhay ang sundalo ng mag-50-50 ito, bago pa ang pagdating niya ilang oras pa lang ang nakakalipas. Ngayon na hawak na ni Rachelle ang kamay ng naka-coma parin na sundalo, ipinapangako ng babae na magising lang ito, hindi na kailanman pa niya ito iiwanan, lalo na’t magkakaanak na sila.

‘Gising na mahal, hinihintay ka ng baby natin at kapag naging lalake ang anak natin, gaya ng gusto mo noon, magkakaroon ka na ng junior mo.’ saad ni Rachelle, habang hawak ang isang kamay ng wala paring malay na Komandante.

PANG-APATNAPUT-APAT

“Nandirito tayo ngayon, para alalahanin ang naging maikli man ngunit makulay na buhay ng mahal nating si Sebastian. Masakit man para sa atin, na hindi na makakasama pa si Sebastian na bilang isang anak, bilang isang kaibigan at bilang isang iniibig. Natapos man dito sa lupa ang misyon ng mahal nating si Sebastian, magpapatuloy ito sa langit sa piling ng Diyos na alam nating kapiling na niya ngayon at mananatili naman ang ala-ala niya sa ating mga mahal niya sa buhay.” saad ng pari na nag-alay ng misa para sa namayapang sundalo.

At habang pababa sa hukay ang ataul, na akala ng lahat ay labi ng sundalong si Sebastian. Napuno ng lungkot at pighati ng mga taong naroroon, ang pamamaalam na sa huling hantungan ng sundalo.

Hindi na yata matatapos pa ang sakit na nararamdaman sa puso ni Richard, na nagsimula pa noong wala pang katiyakan sa kung sino ang sakay ng sumabog na jeep, hanggang sa ngayon na naihatid na niya sa huling hantungan si Sebastian.

‘Ang sakit sir, bakit mo naman ako iniwan.’ saad sa isip ni Richard, habang patuloy sa paglandas ang mga masaganang luha nito sa mga mata.

Hindi rin maiwasan ni Hansel ang maluha, sa nakikitang nitong mga matatapang na sundalo na patuloy rin sa pagluha dahil sa pagkawala ng kanilang kabaro. Kita rin sa dalawang mga mata ng binata ang kalungkutan ng amo nitong sundalo na naluluha rin sa mga oras na ’yon.

Matapos ang libing ni Sebastian ay nagpaiwan si Richard sa sementeryo. Hinayaan naman ng mga magulang ni Sebastian at ng mga magulang ni Richard ang kagustuhan nito. Maging ang mga kuya niya ay minabuti rin ng mga ito na mapag-isa ang kanilang kapatid. At ngayon na siya na lamang ang naririto sa harap ng puntod ng mahal nitong sundalo, ibinuhos na ni Richard ang walang katapusang sakit at mga luha dahil sa pagkawala ni Sebastian.

“Ang daya mo naman sir, matapos mo akong sanayin na kasama ka, hindi mo naman ako inihanda sa biglaan mong pag-iwan sa akin.” sumbat ni Richard sa puntod ng Komandante.

“Paano na’ko ngayon? Paano pa ako magpapatuloy, gayong kasabay ng pagkawala mo’y malaking puwang sa puso ko ang isinama mo.”

“Sana kahit sa panaginip lang dalawin mo ako, pangako hindi ako matatakot sa’yo. Sa katunayan ay magiging masaya pa ako kapag nangyari ’yon.”

“At pangako ko sa’yo, gaya ng pangako mo sa akin noong ibinigay mo sa akin ang singsing na ito.” kausap ni Richard sa puntod ni Sebastian at tinignan muli nito ang singsing na kanyang suot na bigay ng Komandante. “Ikaw na rin ang huling mamahalin ko.” pangako ni Richard sa mahal nitong si Sebastian.

“Vince uuwi na muna kami ni Hansel sa bahay ko, ikaw na muna ang bahala kay bunso.” saad ni Erick sa kapatid.

“Oo kuya, ako ng bahala kay Chard. Wala parin bang pagbabago sa lagay ni Roxanne?” sagot at tanong ni Vince.

“Wala parin, kaya nga hindi ko pa nasisimulan ang panliligaw kay Hansel.” sagot ni Erick.

“Sa tingin ko kuya mas mabuti kung simulan mo na ngayon din, ayaw mo naman siguro na maging huli na ang lahat bago pa mangyari ’yon, katulad na lang ng biglaang pagkawala ni Baste.” payo ni Vince at iniwanan na ang kapatid, para puntahan ang bunso namang kapatid.

Sa pag-alis ng kapatid, naiwan na gumulo sa isipan ni Erick ang mga salitang binitawan sa kanya ni Vince. Sa isip ng Komandante, tama ang Kapitan na maraming puwedeng mangyari, kahit pa sa maikli lamang na panahon at gaya ng payo ng kapatid na si Vince, sisimulan na kaagad ni Erick ang hakbang para mapasakanya ang binatang si Hansel.

Matapos ang libing ni Major Manlangit ay nagpaalam na si Lorenzo, sa lalaking ’di niya inasahan na magbibigay ng panibagong saya sa kanyang puso. Isang mensahe pa ang natanggap ni Lorenzo, pagkasakay sa taxi na maghahatid sa kanya sa tinutuluyan niyang apartment.

“Pupuntahan kita bukas sa aparment mo Enzo.”

At isang ngiti ang lumabas sa mukha ni Lorenzo, sa mensaheng iyon ni Vince.

“Sige sir, hihintayin kita.” reply naman sa text ni Lorenzo sa Kapitan.

Pagkarating nila ng among sundalo sa kanila ay binuksan na ni Hansel ang pinto ng sasakyan para bumababa na sana, pero hindi nangyari iyon ng maramdaman ng binata ang isang kamay ng Komandante na humawak sa kanyang isang braso.

“Magbihis ka at may pupuntahan tayo.” saad ni Erick.

Bumaling naman kaagad si Hansel matapos ang narinig nito sa among sundalo.

“Sir may trabaho pa po ako mamayang 2 PM.” paalala ni Hansel sa Komandante na ilang oras mula ngayon ay papasok na ito sa trabaho.

“Oo nga pala at linggo ngayon, o siya bukas na lang.” saad ni Erick at bumaba na ito ng sasakyan.

Naiwan naman na naguguluhan si Hansel sa naging kilos ng Komandante.

Matapos maghanda ng tanghalian ay pinuntahan ni Hansel ang among sundalo na kasalukuyang nanonood ng tv sa sala.

“Sir, handa na po ang tanghalian.” saad ni Hansel.

“Sige.” maikling sagot ni Erick at sabay off nito sa tv.

Habang sabay na kumakain ng tanghalian ang dalawa’y namayani ang katahimikan sa kanila. Si Hansel na ’di alam kung anong tumatakbo sa isipan ng among sundalo, na magmula pa kanina matapos ang pag-uusap nila sa sasakyan ay mukhang may malalim na iniisip. At si Erick na nagdadalawang-isip, kung sisimulan na bang iparating kay Hansel, ang tunay nitong dahilan kung bakit kinuha niya ang binata bilang personal maid niya.

Naunang natapos sa pagkain si Erick at ng tumayo ito…

“Maliligo lang ako, hintayin mo ako at ihahatid kita sa trabaho mo.” saad ni Erick.

“O-okay sir.” sagot ni Hansel.

Matapos marinig ang sagot ni Hansel ay umakyat na sa kwarto ang Komandante para maligo. Naiwan naman si Hansel, na ’di maipaliwanag kung bakit bigla itong kinabahan sa parang may nagbago sa pakikitungo sa kanya ng among sundalo.

‘Dahil na rin siguro sa pagkawala ng matalik na kaibigan ni sir.’ saad sa isip ni Hansel at nagpatuloy ito sa pagkain.

Matapos ang tatlong oras na paghihintay sa kapatid, na nanatili lang na nasa puntod ni Sebastian. Napilit rin ni Vince na umuwi na sila ni Richard sa kanilang bahay. At ngayon nga ay kasalukuyang nagmamaneho ang Kapitan pauwi sa kanila, habang nagmamaneho’y panaka-naka rin nitong tinitignan sa salamin, ang parang tulala lang na bunsong kapatid na magmula ng sumakay sa likuran bahagi ng kanyang sasakyan ay nanatili lang na nakamasid sa bintana ng sasakyan. Hindi maiwasan ng Kapitan na makaramdam ng lungkot at awa sa kalagayan ngayon na bunso ng kanilang pamilya. Alam rin ni Vince na wala silang magagawa kungdi ang damayan at hayaan si Richard na magluksa, hanggang sa makalimot ito sa masamang nangyari sa lalaking lubos nitong inibig.

Pagkarating sa kanilang bahay ay mabilis na lumabas ang bunsong kapatid sa sasakyan, bago pa makapagsalita ang Kapitan. Sa nangyari ay napabuntong hininga na lang si Vince at minabuting ’wag na munang sundan ang kapatid at hayaan na lang niya muna ito.

Pagkarating ni Richard sa loob ng kanilang bahay ay kasalukuyang kumakain ng tanghalian ang kanyang mga magulang.

“Kumain ka na-.” naputol na saad ni Aurora.

“Wala po akong gana.” sagot kaagad ni Richard at mabilis na nagtungo ito sa silid na tinuluyan ni Sebastian.

Pagkarating ni Richard sa kwarto ay muling isinampal sa kanya ang katotohanan na kailanman ay ’di na niya makakasama pa ang mahal nitong Komandante at kasunod nun ay kumawala ang walang katapusang luha na dulot ng sakit ng biglaang pag-iwan sa kanya ni Sebastian. At sumunod ang maingay na narinig ng mag-asawang Manalo at ni Vince na dulot ni Richard, na sa unang pagkakataon, bawat mahawakan ng sundalo ay isa-isa nitong pinagbabato hanggang sa masira ang bawat bagay na makita nito.

“Putang-ina!” sigaw ni Richard at muling humagulgol ito.

Mabilis na pinuntahan ni Vince ang bunsong kapatid matapos ang pagsigaw nito at sa isang pagsipa ng Kapitan sa nakakandadong pinto,  bumukas ito at tumambad sa kanya ang magulo at puno ng mga nasira at nabasag na mga bagay at kagamitan sa kwarto pero hindi ito ang gumulat sa Kapitan, kungdi ang tulalang mukhang meron ang kapatid habang kasalukuyang nagdurugo ang magkabilang pulsuhan nito.

“Richard!” saad ni Vince at mabilis nitong dinulugan ang kapatid, sabay mabilis na sinira ang suot nitong damit para ilagay sa nagdurugong mga braso ng bunsong kapatid.

“Chard, nandito si kuya. Ma! Pa!” saad ni Vince na nagsimula ng maiyak sa nakitang kalagayan ng kapatid.

Ilang segundo matapos ang pagsigaw ng bunsong anak ay nauna lang ng bahagya ang anak nilang si Vince na pumunta sa kinaroroonan ni Richard, kaya naman sa pagsigaw ni Vince para tawagin sila ay eksatong nakita ng mag-asawang Manalo ang dahilan ng pagsigaw na iyon ng Kapitan.

“Diyos ko! Anak ko!” saad ni Aurora na kinabahan sa nakitang lagay ng kanyang bunso.

“Mahal halika na at isugod na natin ang anak natin sa ospital.” saad ni Heneral Manalo.

At mabilis naman binuhat ni Vince ang katawan ng kapatid na si Richard, na nanatili lang na tulala parin ang mukha sa mga oras na iyon.

PANG-APATNAPUT-LIMA

Matapos mabayaran ni Rachelle ang ospital at ang dalubhasa na siyang sumuri sa labi ng pinanghihinalaang katawan ni Sebastian, sunod na pinuntahan ng dalaga ang mag-asawang mangingisda, na nakakita sa duguan at walang malay na katawan ng Komandante.

“Maraming salamat po sa inyo sa pagtulong sa nobyo ko, bilang kapalit sa kabutihang ginawa ninyo, hayaan po ninyo tanggapin ang kaunting pera na galing sa aming pamilya.” saad ni Rachelle sa pobreng mag-asawa sabay abot nito sa sobreng may laman na isandaang libong piso.

Masaya si Aling Josefa na nakatulong silang mag-asawa at hindi nila inaasahan na kapalit ng pagtulong nila sa nakita nilang lalaki, heto ngayon at hawak niya ang alam ng matanda na taliwas sa kaunting pera na saad ng babaeng kausap nila.

“Mawalang galang na po mam, bakit po ayaw ninyong ipaalam namin sa otoridad ang tungkol sa natagpuan naming lalaki?” tanong ni Manong Edgar, na bagamat aminado itong maganda at mukha namang mabait ang kausap na dalaga ay diskumpiyado parin ito.

Napaghandaan na lahat ng matalinong si Rachelle ang mga sandaling ito, kaya naman kaagad nitong inilabas ang larawan nilang magkasama ni Sebatian.

“Sa nakikita ho ninyong masayang larawan namin ng nobyo ko, siguro naman po ay naniniwala kayong kilala ko po ang taong tinulungan ninyo at para po sagutin ang katanungan ninyo patungkol sa pakiusap ko po sa inyo na ’wag ng ipaalam sa mga pulis ang nangyari, sa dahilang marami pong nagtatangkang masamang loob sa nobyo ko dahil sa mayaman po ito. Nakita po ninyo ang kalunos-lunos na sinapit niya ngayon at kasalukuyan po siyang nakikipaglaban kay kamatayan at ako po ay nangangamba na baka hindi niya masilayan ang pagsilang na una naming anak.” mahabang paliwanag ni Rachelle at naluha na rin sa mga oras na iyon.

“Pagpasensiyahan mo na ang asawa ko hija, salamat sa pagbibigay sa amin ng ganitong kalaking pera at hayaan mo walang ibang makakaalam sa nangyaring pagtulong namin sa nobyo mo at huwag ka rin mag-alala hija, gaya naming mag-asawa ay tikom ang mga bibig ng mga kapit-bahay namin.” saad ni Aling Josefa.

“Salamat po kung ganun, hayaan po ninyong ipahatid ko na kayo sa driver namin.” saad ni Rachelle at niyakap pa ang matandang babae.

“Hindi na hija, gaya ng sinabi ng asawa kong si Josefa, maraming salamat sa ibinigay mong pera sa amin at hangad rin namin na magising at gumaling kaagad ang nobyo mo.” saad ni Mang Edgar na kahit pa nakita na sa larawan ang mukha ng lalaking nailigtas nila ay ’di parin nawawala ang kanyang pagdududa, na may itinatago ang babae sa kanila.

“Wala po ’yon at palagi po kayong welcome para bisitahin ang nobyo ko.” saad ni Rachelle.

Pag-alis ng mag-asawa ay muling tinawagan ni Rachelle ang imbestigador, na hindi niya inaasahan na tunay ngang magaling sa kanyang trabaho at may malaking naitulong sa kanya para maisakatuparan na muling makasama niya si Sebastian.

“Anong balita sa pamilya Manalo at sa pamilya Manlangit?” bungad ni Rachelle sa kabilang linya.

“Gaya ng inaasahan mam, paniwalang-paniwala sila na si Sebastian nga ang taong sakay ng sumabog na jeep. Sa katunayan nga’y ngayong araw, nailibing na nila ang bangkay ng wala pang pagkakakinlanlan na lalaki.” sagot ng imbestigador.

“Mabuti kung ganun, gaya na pangako ko sa’yo, nailagay ko na sa account mo ang kabuuang bayad sa serbisyo mo sa nakalipas na buwan at manatili ka lang sa pagbabantay sa pamilya Manalo at hindi na kailangan pang bantayan ang pamilya Manlangit, dahil sigurado akong babalik rin kaagad ng Amerika ang mga ’yon.”

“Masusunod mam.”

Sa baryo San Agustin.

Matapos ang pakikipag-usap ng mag-asawang Edgar at Josefa kay Rachelle sa ospital ay kararating lang ng dalawa sa kanilang bahay.

“Josefa ’wag mong gagalawin ang ibinigay ni mam Rachelle na pera sa atin, may naitabi pa akong pera sa silid at iyon na lang ang ipambili mo ng mga pagkain natin.” saad ni Edgar sa asawa at nagtungo na ito sa silid nilang mag-asawa para kuhanin ang nasabing pera.

Hindi naman nakasagot si Josefa sa asawa, gawa ng naiwan ang matandang babae na naguguluhan sa kilos ng kabiyak.

Pagkalabas sa kwarto ng asawang si Edgar at abot nito sa kanya ng pera ay doon na nagtanong si Josefa.

“Ano bang ibig mong sabihin Edgar? Bakit yata may alam kang hindi mo sinasabi sa akin.” saad ni Josefa.

“Hindi pa ako sigurado Josefa, pero malakas ang kutob ko na may hindi sinasabi sa atin si mam Rachelle at pupuntahan ko ngayon si Pareng Pedro na siyang gumamot sa lalaking natagpuan natin.” saad ni Edgar.

“O siya sige naiintindihan ko.” saad ni Josefa.

“Sige, mauna na ako para kaagad din akong makauwi.” saad ni Edgar at humalik pa sa asawa bago ito umalis patungo sa kumpareng manggagamot na si Pedro.

Pag-alis ng asawa ay kaagad na itinabi ni Josefa, ang perang bigay sa kanila ni Rachelle, kung anuman ang gusto ng asawang si Edgar ay minabuting sinunod na lamang ng matandang babae.

Samantala sa ospital.

Kasalukuyang nakahiga sa kama si Richard, na matapos ang ginawa nitong pagsugat sa magkabilang pulsuhan, ngayon ay natutulog na dulot ng itinurok na pampakalma ng doktor sa kanya. Nabendahan na rin ang mga sugat nito sa mga braso.

“Ayos lang ba ang anak namin dok?” tanong ni Aurora sa doktor na tumingin sa anak na si Richard.

“Okay na siya as of now mam, pero base sa mga naikwento ninyo, malaki ang tiyansa na nagkaroon ng nervous breakdown ang pasyente at makakatulong kung mapatignan natin siya sa isang psychologist or psychiatrist kapag mas naging okay na siya paggising niya.” saad at mahabang paliwanag ng doktor.

“Ang anak ko.” saad ni Aurora na naluha na, sa naging lagay ng dati ay masaya at puno ng buhay na bunso niyang anak.

Kaagad naman niyakap ni Heneral Manalo ang asawa ay maging siya’y nalulungkot sa kalagayan ng bunsong anak.

Si Vince naman ay katatapos lang tawagan ang kuyang si Erick at gaya ng mga magulang ay ’di rin ito makapaniwala sa malaking epekto, na naging dulot sa kapatid, ang pagkawala ng kaibigang si Sebastian.

Matapos maihatid si Hansel sa trabaho ay ilang minuto matapos nun, nakatanggap ng tawag si Erick sa kapatid na si Vince. Ibayong gulat at pagkabahala ang naging reaskyon ng Komandante sa nangyari sa bunsong kapatid at matapos ang tawag na ’yon ng kapatid na si Vince, mabilis na tinungo ni Erick ang ospital na kinaroroonan ni Richard.

Sa natanggap na mensahe ni Lorenzo na hindi matutuloy ang pagkikita nila bukas ni Vince, dulot ng nangyari kay Richard. Minabuti na lamang na pumunta ng pobreng sundalo sa ospital, para sa kaibigang si Richard at para na rin damayan ang Kapitan.

“Pare anong balita sa lalaking natagpuan ninyo ni mare?” bungad ni Pedro kay Edgar ng makita nito sa kanyang bakuran ang kaibigan.

“Ang totoo niyan pare, tungkol nga sa lalakeng natagpuan namin ang sadya ko kaya narito ako ngayon.” sagot ni Edgar.

“Pasok ka pare, anong tungkol sa lalake ang gusto mong pag-usapan natin?” simula ni Pedro sa kanilang usapan.

“Wala ka bang nakita o napansin lang na pagkakakilanlan ng lalaki?” tanong ni Edgar.

Naguguluhan naman na napatingin si Pedro sa kaibigan.

“Sandali pare, akala ko ba ay naipaalam niyo na sa otoridad ang tungkol dun?” tanong ni Pedro.

“Hindi pa pare, bukod sa nakalimutan namin ang tungkol dun, gawa ng sabi mo na isugod na kaagad siya sa ospital, dahil sa hindi bumubuti ang lagay niya matapos ang ginawa mong panggagamot sa kanya, pinakiusapan rin kami ng babaeng nagpakilala sa amin na nobya ng lalaki na huwag ng ipaalam sa mga pulis ang nangyari.” mahabang paliwanag ni Edgar.

“O iyon naman pala at may nakakilala na pala sa lalaki, bakit mo pa itinatanong sa akin ang tungkol diyan?” saad ni Pedro.

“Mukhang nagsasabi naman ng totoo ang babae, na kakilala niya ang lalaking nakita namin malapit sa pampang ng dagat, pero hindi ko maiwasan na isipin na may itinatago sa amin ang babae, dahil ni ang pangalan ng sinasabi nitong nobyo ay ’di man lang nito ipinaalam sa amin, kaya nga sinadya kita ngayon para itanong sa’yo ang tungkol dun sa lalaki.” mahabang kwento at paliwanag ni Edgar sa kumpareng si Pedro.

“Mukhang tama ka pare, nakakaduda nga ang babae, pero wala akong nakitang ibang bagay na maaaring pagkakakilanlan ng lalaki, bukod sa suot na pang-ibaba na parang sa mga sundalo at alam kong nakita mo rin ang suot na ’yon ng taong nailigtas ninyo.” saad ni Pedro.

Sa narinig sa kumpare’y naisip ni Edgar na posible ngang sundalo ang lalaki, pero posible rin na hindi, dahil sa kanilang baryo ay maraming mga kalalakihan na nagsusuot ng mga ganoong mga uniporme ng mga sundalo, na hindi naman mga sundalo.

“Sa tingin mo pare, isa kayang sundalo ang lalaking nailigtas namin?” hingi ng opinyon ni Edgar sa kausap.

“Maaari pare at kung sundalo nga ang taong ’yon, bakit naman ililihim pa ng babae ang tungkol dun?” balik ni Pedro sa kumpare.

May punto ang kanyang kausap na kumpare, pero malakas talaga ang kutob ni Edgar na may itinatago ang babaeng nakausap nila na nagpakilalang nobya ng nailigtas nilang lalaki. Kaya naman desidido si Edgar na alamin kung totoo nga ang kanyang kutob na iyon at ang malaman ang tunay na pagkatao ng lalaking nailigtas nilang mag-asawa, ang alam nito na makakapagbigay ng kasagutan sa lahat ng iyon.

Nakita ni Pedro ang kaseryosohan ng mukha ng kaibigan at kumpareng si Edgar kaya naman.

“Paalala lang pare kung may gagawin ka man, isipin mo na may makakabangga kang tao at kung totoo ngang nagsisinungaling sa inyo ang babae, sigurado akong gagawin nun ang lahat para manatiling lihim ang mga ayaw niyang ipaalam tungkol sa lalaki.” bigay ng payo ni Pedro sa kumpare.

“Salamat pare, hayaan mo, tanging tayong tatlo lang ng asawa ko ang nakakaalam nito at kilala mo ako pare, pinakaayaw ko sa lahat ang taong sinungaling at manloloko, kaya malas na lang ng babaeng ’yon kung tama nga ang kutob ko.” saad ni Edgar.

“Alam ko iyon pare, mabuti pang mag-inuman na muna tayo at kung kailangan mo nang tulong ko ay’ wag kang magdadalawang-isip na sabihan ako.” saad ni Pedro.

“Oo naman pare at tama ka, mag-inuman na muna tayo.” sagot ni Edgar.

PANG-APATNAPUT-ANIM

Dalawang linggo ang nakalipas matapos ang nangyari kay Richard. Walang katapusang paghingi ng tawad ang ginawa ng sundalo, sa mga magulang at mga kapatid nito sa kanyang nagawa. Bago kasi ang pagkakaroon nito ng malay, matapos ang kanyang dalawang araw na mahabang tulog, na dulot na rin ng pampakalma na ibinigay sa kanya ng duktor, isama pa sa nakalipas na buwan ay hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kay Sebastian. Ilang sandali bago magising si Richard ay napanaginipan nito ang mahal nitong sundalo. Sa panaginip ni Richard ay ang imahe ni Sebastian na nakatalikod at palayo sa kanya, habang wala naman siyang tigil sa paghabol sa papalayong Komandante at naging dahilan ng kanyang paggising. Hindi mawari ni Richard kung anong ibig sabihin ng panaginip niyang iyon at habang hinahabol niya ang Komandante sa panaginip na iyon, pakiwari ni Richard ay hindi ang patay ng si Sebastian ang kanyang napanaginipan at para sa kanya ay buhay na buhay ito. Kaya naman lubos na pinagsisisihan ni Richard ang nagawa sa sarili, pagkagising nito. Minabuting rin nitong ’wag na lamang ikwento ang panaginip na iyon kahit kanino, lalo na ng sabihin ng mama nito na kailangan siyang patignan sa espesyalista, dulot ng kanyang nagawa. Walang ginawang pagtutol si Richard sa sinabing iyon ng kanyang mga magulang at sinang-ayunan naman ito ng kanyang mga kapatid. Alam ni Richard na tama ang mga ito, na kailangan niya ng tulong para matanggap ang pagkawala ng Komandante, pero sa puso ni Richard mananatiling buhay ang pinakamamahal nitong sundalo.

At ngayon nga nakatakda ang unang araw niya, para makipagkita sa kanyang psychologist.

“Handa ka na ba bunso?” bungad ni Erick ng makita si Richard.

“Oo kuya.” sagot ni Richard at pilit itong ngumiti sa kapatid.

“Basta relax ka lang okay? Alam kong kakayanin mo kung anuman ang itatanong sa’yo. Isa pa, nasa labas lang ako at anytime na gusto mo ng lumabas naghihintay lang ako sa’yo.”

“Salamat kuya.” sagot ni Richard sa kapatid.

“Basta para sa’yo bunso, sa susunod naman kasama natin si Vince, eh nagpupumilit pang sumama ngayon, pero ng malaman kong bukas na ang pag-uwi ni Velasco sa kanila ay sinabihan kong samahan niya na lang ito at magdate silang dalawa.” saad ni Erick at kwento pa nito.

Hindi naman maiwasan ni Richard na mapangiti dahil sa kanyang narinig, hindi man naging maganda ang nangyari sa kanila ni Sebastian, ang ikasasaya ng kapatid at nang kaibigan rin na si Lorenzo ang hangad ng sundalo.

“Mabuti naman kuya at ginawa mo iyon, masaya ako para sa kanila at sa susunod kailangan ko na rin makilala ang tinutukoy ni Kuya Vince na lalaking mahal mo.” saad at tukso ni Richard sa kapatid.

Sa nakikitang lagay ngayon ng kapatid, kahit papaano ay nabawasan na ang pag-aalala ni Erick na muling gagawa ng ikapapahamak si Richard. At handa nitong pagbigyan ang hiling na iyon ng kapatid, alam na rin sa sarili ng Komandante na hindi na lang basta gusto na lang niya si Hansel, kungdi mahal na rin niya ito.

“Sige ba, pagkatapos natin sa pagkikita ninyo ni Dok, isasama kita sa bahay ko at ipapakilala ko na kayo sa isa’t-isa.” sagot ni Erick sa kapatid.

“‘Di nga kuya?”’ di makapaniwalang tanong ni Richard sa kapatid.

At isang ngiti lang ang naging sagot ng Komandante, para ipahatid sa kapatid na totoo ang narinig nito.

Gaya nga ng payo ng kanyang kuya. Kasalukuyang nasa labas ng apartment ni Lorenzo si Vince at hinihintay nito ang paglabas ng una.

At ilang minuto lang na naghintay ang Kapitan at lumabas na si Lorenzo.

Ang guwapong mukha ng bihis na bihis na Kapitan ang bumungad kay Lorenzo pagkalabas nito sa inuupahan. Kanina ng sagutin nito ang tawag ni Vince, ipinaalam ng Kapitan ang pag-aya nitong kumain sila sa labas at walang pagdadalawang-isip naman na pinaunlakan ng pobreng sundalo ang nais na iyon ng Kapitan.

“Ayos lang ba itong suot ko sir.” saad ni Lorenzo ng makita ang suot ng Kapitan. Alam ni Lorenzo na sa suot palang nilang mga damit, malalaman na ng kahit sino ang magkaibang estado nila sa buhay ng Kapitan.

Hindi kailanman ninais ni Vince na makaramdam ng ilang o hiya si Lorenzo sa tuwing magkasama sila, pero alam ng Kapitan na hindi maaalis ang puna at tingin ng ibang tao kapag magkasama silang dalawa. Kaya naman mabilis na binuksan ni Vince ang backseat ng kanyang sasakyan at kumuha ng polo shirt kagaya ng suot ngayon ni Lorenzo at ito ang isinuot ng Kapitan.

Hindi makapaniwala si Lorenzo sa ginawang pagpapalit ng suot na damit ni Vince, nasilayan tuloy muli nito ang magandang katawan na meron ang Kapitan.

“Ayos na ba ito?” nakangiting baling ni Vince, sa parang natulalang si Lorenzo.

Sa narinig na nagsalitang Kapitan, doon pa lang bumalik sa sarili si Lorenzo, na ’di na namalayan na napako na pala ang mga mata sa magandang hubog na katawan ng modelong sundalong kasama.

“A-ayos na sir.” utal na sagot ni Lorenzo ng makabawi.

Hindi nakaligtas ang mga matang iyon ni Lorenzo na nakatingin sa kanyang katawan, kaya naman gaya ng ugaling meron ang pilyong Kapitan.

“Masyado pang maaga Enzo, para mamayang gabi ang nakita mo kanina.” biro ni Vince. At gaya ng kanyang inaasahan ay sunud na nakita ng Kapitan, ang pamumula ng mukha ng pobreng sundalo.

Sa narinig na turan ng Kapitan ay mabilis na iniwanan ni Lorenzo ang kasama at sumakay na ito sa sasakyan ng lalaking nagbigay muli ng sigla sa kanyang puso.

Kaagad naman sinundan ni Vince ang namumulang mukhang si Lorenzo sa sasakyan at pagkasakay ng Kapitan, minabuting magmaneho na lang at tigilan na muna ang pagbibiro sa kadate at baka mainis na ito. At nagtungo na nga ang dalawa papunta sa restaurant para sa kauna-unahan nilang date.

Sa Zamboanga.

Matapos ang dalawang linggo, bigo si Edgar sa paghahanap ng pagkakakilanlan ng lalaking kanilang nailigtas ng kanyang asawa. Ngayon nga ay naririto ito sa syudad ng kanilang lugar, na siya rin kinatatayuan ng Ventura’s Hospital, na siya mismong ospital na inirekomenda ng kaibigang manggagamot na si Pedro para pagdalhan sa lalaki. Kilala ang ospital ng mga Ventura dahil sa advance na teknolohiya sa paraan ng panggagamot, bukod pa dun, takbuhan rin ito ng mga hikahos sa buhay, dahil sa isang Pilantropo ang kanunu-nunuan ng mga Ventura at pinagpatuloy ng kanilang pamilya ang pagtulong sa mga kapus-palad. Gaya nga ng plano ni Edgar, minabuti nitong dalawin ang lalaki para makuhanan ito ng larawan ng sa ganun ay maibigay niya ito sa kanyang anak, na naririto rin malapit dito sa syudad at nag-aaral sa kolehiyo.

Kaagad naman nakapasok si Edgar sa ospital at pinuntahan na nito ang ICU, na alam ng matanda na kinaroroonan ngayon ng lalaki.

Isang tawag ang natanggap ni Rachelle, na kasalukuyang naririto ngayon sa kanilang ospital ang lalaking nagligtas kay Sebastian. Alam ni Rachelle na bagamat naniwala ang matandang lalaki sa kanya na kilala niya si Sebastian, halata nito ang pagdududa parin ng matanda. At dahil likas na matalino ang babae, kaagad nitong pinasundan sa isang tauhan ang matandang lalaki at tama nga si Rachelle ng malaman nito sa kanyang tauhan, na gumagawa ng paraan ang matandang lalaki para matukoy ang pagkakakilanlan ni Sebastian.

“Alam mo na ang gagawin mo.” saad ni Rachelle sa kausap.

‘Pasensya na Mang Edgar, pero’ di ang kagaya ninyo ang sisira sa mga plano ko para sa pagsasama namin ni Baste.’ saad sa isip ni Rachelle

Bago tuluyang makarating si Edgar sa ICU na kinalalagyan ng lalaking kanyang bibisitahin, bumungad sa kanya ang security personnel ng nasabing ospital.

“Pasensya na po, pero mahigpit na ipinagbabawal ng mga doktor ang pagdalaw ng kahit na sino sa pasyente.” saad ng isang guwardya.

“Bakit naman sir?” tanong ng matanda.

“Gaya nga ng kasasabi ko lang po manong, naging maselan ang kalagayan ng pasyente, kaya bawal daw muna ang pagpasok sa kwarto, liban na lang sa mga doktor.” paliwanag muli ng guwardya.

Sa narinig ay kaagad bumalik sa isip ni Edgar ang narinig nito sa kaibigang si Pedro.

“Paalala lang pare kung may gagawin ka man, isipin mo na may makakabangga kang tao at kung totoo ngang nagsisinungaling sa inyo ang babae, sigurado akong gagawin nun ang lahat para manatiling lihim ang mga ayaw niyang ipaalam tungkol sa lalaki.”

‘Tama si Pareng Pedro, posibleng kagagawan ng babae ang pagbabawal para makita ko ang lalaki.’ saad sa isip ng matanda at minabuting huwag ng magpumilit pa sa kanyang pakay.

“Sige sir naiintindihan ko, pero puwede bang makiusap sa inyo.” hinging pabor ni Edgar sa guwardya.

“Ano’ yon manong?”

“Puwede bang pakitext ako sa numerong ito, kapag pupuwede ng mapuntahan sa kwarto ang pasyente.” saad ni Edgar.

“Sige manong.”

Pagkaabot ni Edgar sa numero nasa isang papel, minabuti nang umalis ng ospital ng matanda. Hindi na umaasa pa si Edgar, na makakatanggap siya ng mensaheng maaari na niyang madalaw ang lalaki. Ginawa ito ng matanda, para isipin ng alam nitong babae na siguradong alam na rin ang kanyang ginawang pagdalaw sa lalaki, na tanging pagbisita lang ang pakay niya kaya naparito ito sa ospital. Ganunman hahanap at hahanap ng paraan si Edgar dahil lalo lamang pinagtibay ang kanyang kutob, na may itinatago nga ang babaeng nagpakilalang nobya ng lalaking nailigtas nilang mag-asawa.

PANG-APATNAPUT-PITO

Sakay ng sasakyan na minamaneho ni Mang Popoy at kasama ang isang bodyguard, pauwi na sila Hansel sa bahay ng among sundalo, na kagagaling lang sa pagdalaw sa wala paring malay na ate. Nang makatanggap ito ng mensahe sa among sundalo na ilang linggo rin niyang namiss, dulot ng sinamahan nito ang bunsong kapatid na nagtangkang magpakamatay. At sa natanggap ngang text na iyon ay pinakiusapan siya ng Komandante, na dagdagan ang kanyang ihahandang hapunan para sa kasamang bisita ng huli pagkauwi nito.

Hindi maalis sa isipan ni Hansel, kung sino kaya ang bisitang kasama ng amo pag-uwi nito. Ito kasi ang kauna-unahan na may bisita itong isasama sa bahay. Kaya naman hindi maiwasan ni Hansel ang mag-isip, na baka isang babae ang kasama ng Komandante at posibleng girlfriend rin ito ng amo. Sa isiping iyon ay ’di maiwasan ni Hansel na makaramdam ng kirot sa kanyang puso, kahit pa alam ng binata sa sarili na kailanman ay ’di matutumbasan ng among sundalo ang lihim nitong pagtingin. At kung maliit man ang tiyansa na magkagusto sa kanya ang Komandante, hindi rin naman ito matatanggap ni Hansel, sa dahilang may relasyon ang kapatid na si Roxanne at si Erick bago pa ang nangyaring aksidente sa kapatid. Alam man ni Hansel na niloko ng kanyang kapatid ang among sundalo, hindi gugustuhin ni Hansel na pumasok sa isang relasyon kasama ang among sundalo, gayung wala pang pormal na hiwalayan ang Komandante sa kanyang ate. At kahit pa sabihin na nagtaksil ang kapatid sa Komandante, alam sa sarili ni Hansel na may malaking dahilan sa nagawang iyon ng kanyang ate Roxanne.

Nang huminto na ang sasakyan at nakarating na sila sa bahay ng among sundalo, minabuti na lamang na iwaglit sa isipan ni Hansel ang mga naisip at sinimulan ng gawin ang paghahanda ng hapunan para sa among sundalo pati na sa magiging bisita nito.

Gaya nga ng inaasahan ni Lorenzo, kita ng pobreng sundalo ang pagsunod ng tingin ng mga kababaihan, pati ng mga kalalakihan na kapwa rin lalaki ang hanap, sa makisig at guwapong modelong sundalo na akbay-akbay siya ngayon. Ilang beses ngang pilit na inaalis ni Lorenzo ang braso ni Vince, pero paulit-ulit rin itong ibinabalik ng Kapitan at sa ginawang pagbulong nito sa kanyang tenga, na kapag muling daw niyang tinanggal sa kanyang balikat ang brasong nakaakbay sa kanya, ang labi ng Kapitan ang susunod nitong mararamdaman. Kaya naman minabuting hayaan na lamang ni Lorenzo ang brasong iyon ni Vince na nakaakbay sa kanya, dahil alam ng pobreng sundalo na tototohanin ng pilyong Kapitan ang bantang sinabi nito sa kanya.

At huminto ang dalawa sa isang bilihan ng mga damit.

“Sir baka naman puwede mo ng tanggalin ang braso mo ngayon.” mahinang saad na pakiusap ni Lorenzo sa Kapitan, magmula pa kasi kanina hanggang sa ngayon ay maraming mga mata ang nakatutok sa kanila.

“Okay, pero may kapalit iyon at ‘wag na’ wag mo ’kong tatanggihan Enzo.” saad ni Vince.

“Sandali lang sir, baka naman’ yung ibinulong mo sa akin kanina ang kapalit.” kabang saad ni Lorenzo, na may ideyang ang nasa isip nito ang hihinging kapalit ng tusong Kapitan.

“Sorry to disappoint you Enzo, pero iba ang hihingin ko.” ngising saad ni Vince.

Sa paraan ng pagkakasabing iyon ng Kapitan ay namula ang mukha ni Lorenzo, para kasing siya pa ang nagsusuhestyon na ’yun nga ang hinging kapalit ng Kapitan.

Lihim na napangiti si Vince sa reaksyon ni Lorenzo, sa maikling panahon na nakasama at nakilala niya ang huli, maraming mga bagay at ugali ang nadidiskubre ang Kapitan sa pobreng sundalo. Gaya ng unang plano ni Vince, gusto lang nitong masagot ang kanyang kuryosidad sa kung posibleng maatract siya sa kapwa niya lalaki. Inaaamin ng Kapitan na nakyutan siya sa pobreng sundalo sa ikalawang pagkakataon na makita niya ito, na humantong nga sa pag-iisa ng kanilang katawan sa inuupahan pang apartment ni Lorenzo. At ang sumunod niyang hakbang ay ang kuhanin ang loob ng pobreng sundalo hanggang sa mahulog ito sa kanya at gaya ng mga babaeng pinaasa niya ay iiwanan niya rin ito pagkatapos, pero kabaligtaran ang nangyari. Ngayon gusto na ng Kapitan na mahulog ang loob ni Lorenzo sa kanya at iyon ang kanyang gagawin ngayon, dahil alam sa sarili ni Vince na may pagtingin na siya sa pobreng sundalo.

“Tutal at uuwi ka na bukas sa inyo, hayaan mong samahan kitang bumili ng mga pasalubong para sa pamilya mo.” saad ni Vince.

Naguguluhan naman na napatingin si Lorenzo sa Kapitan.

“Hindi na kailangan na bumili pa ako sir. Ang makasama ko silang kumain sa labas ay sapat ng pasalubong sa pamilya ko sir.” saad ni Lorenzo.

“Mali yata ang pagkakaintindi mo Enzo, ang bibilhin nating pasalubong ay galing sa akin, kaya naman halika na para pagkatapos nito ang date naman natin ang sisimulan natin.” nakangiting saad ni Vince sabay hila sa kamay ni Lorenzo papunta sa mga hilera ng mga damit.

Hindi inaasahan ni Lorenzo ang ginawa na ’yon ni Vince, kaya naman napasunod lang ito kung saan man siya dalhin ng huli.

Nang huminto sila sa bilihan ng mga mamahaling damit, na alam ng sundalo na ang may mga kaya lang sa buhay ang makakabili, doon na nagsalita si Lorenzo.

“Te-teka lang Vince, hindi ko matatanggap kung anuman ang binabalak mong gawin.” saad ni Lorenzo.

Napangisi lang si Vince sa kanyang narinig na pagtutol ni Lorenzo.

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Kapalit ng pagtanggal ko sa braso kong nakaakbay sa’yo ay heto, ang ibili ng pasalubong sila Mang Lito at Aling Celia pati na ang mga kapatid mo na sila Lorraine at Lexter.” kibit-balikat lang na saad ni Vince at syempre hindi niya kakalimutan na bilhan rin ng mga damit si Lorenzo.

Natigilan si Lorenzo sa mga narinig nito sa Kapitan. Hindi makapaniwala ang pobreng sundalo, na natandaan ni Vince ang pangalan ng buong pamilya niya, gayung maikling panahon lang na nakasalamuha ng Kapitan ang mga ito.

“Oh natulala ka Enzo, mabuti pa tulungan mo ako sa pagpili ng mga damit para sa kanila.” saad ni Vince na nakapagbalik sa pobreng sundalo.

Nang matauhan si Lorenzo ay muli nitong iginiit ang pagtanggi nito sa anumang gustong gawin ng Kapitan.

“Sir, kung gusto mong matuloy ang magiging date natin ngayon, ayokong gumastos ka kahit isang pera para sa pamilya ko.” seryosong saad ni Lorenzo.

“Eh paano kung ayaw ko?” hamong saad ni Vince.

At gaya nga ng prinsipyong meron ang pobreng sundalo, iniwanan nito ang Kapitan at lumabas na ito sa bilihan ng mga mamahaling damit.

At gaya rin ng inaasahan ni Vince sa nakilalang ugaling meron si Lorenzo, hindi nga pumayag ang huli sa kanyang gagawing pagbibigay ng mga regalo sa pamilya Velasco. Kasunod nun, mabilis naman na hinabol ng Kapitan si Lorenzo.

“Sige na panalo ka na Enzo, pero ngayon lang kita pagbibigyan, dahil sa magiging date natin ay ako ang masusunod.” saad ni Vince na kasalukuyang muling nakaakbay sa balikat ni Lorenzo.

“Tignan na lang natin sir.” ngising saad ni Lorenzo at natutuwa itong napasunod niya ang Kapitan sa unang pagkakataon.

“Tignan na lang natin mamayang gabi, kung makangisi ka pa sa gagawin ko sa’yo.” ngising bulong na ganti ni Vince.

Sa ginawang iyon ng Kapitan ay alam ni Lorenzo na tototohanin ng una ang ibinulong nito sa kanya, na naging dahilan ng pamumula ng mukha ng pobreng sundalo.

Lalong lumawak ang ngiti ni Captain Manalo sa nakitang namumulang mukha ni Lorenzo. At hindi na makapaghintay pa ang Kapitan sa magiging date nila ng kasamang sundalo.

Matapos ang pakikipagkita ni Richard sa Psychologist, kahit papaano’y natulungan siya na unti-unting tanggapin ang pagkawala na ni Sebastian. Gaya nga ng sinabi sa kanya ng nakausap na Psychologist, hindi magiging madaling makalimutan ang isang taong malaki ang naging bahagi sa iyong buhay, lalo na’t ito pa ang unang taong nagbigay sa iyo na una at wagas na pag-ibig at inalayan mo rin ng katumbas ng ibinigay nito sa iyo.

Paglabas ni Richard sa kwarto matapos niyang makausap ang Psychologist, gaya ng pangako ng kanyang kuya Erick ay nandoon nga ito at naghihintay sa kanya.

Mabilis na tumayo si Erick at nilapitan ang bunsong kapatid, pagkakita nito sa huli. Halata pa ng Komandante, na galing sa pag-iyak ang kanyang kapatid, dahil sa namumulang matang meron ito. Kaya naman kaagad nitong niyakap si Richard.

“Alam kong hindi magiging madali bunso, pero nagpapasalamat ako na pinili mong magpakatatag at lumaban, at gaya ng palagi naming sinasabi sa iyo, nandito kaming pamilya mo na mahal na mahal ka at hindi ka kailanman nag-iisa.” saad ni Erick.

Tama ang kuya Erick niya, hindi na muling gagawin ni Richard at kahit pa ang isipin man lang ang nagawa nito sa sarili, nawala man si Sebastian sa kanya, nandirito pa ang pamilya niya na labis na nagmamahal sa kanya.

“Salamat kuya at pangako hindi ko na kahit kailan pa, gagawin ang nagawa ko.” saad ni Richard pagkahiwalay sa yakap ng kapatid at muli nitong tinignan ang naghilom ng mga sugat sa kanyang pulsuhan, dulot ng kanyang tangkang pagkitil sa sariling buhay.

“Aasahan ko ’yan bunso.” nakangiting saad ni Erick at inakbayan ang kapatid.

“Maiba ako kuya, hindi ko nakalimutan ang sinabi mong magkikita na kami ng taong gusto mo.” lihis sa usapan ni Richard.

“Ah iyon ba? Oo naman, pero hindi ko pa ipinagtatapat ang damdamin ko sa kanya, kaya bunso ’wag mo munang sabihin sa kanya ang tungkol dun.” pakiusap ni Erick sa kapatid.

“Sure kuya, paano tara na at ng makilala ko na siya.” pagpayag ni Richard sa pakiusap ng Komandanteng kapatid at yakag nito pagkatapos.

“Sige at miss ko na rin siya.” nakangiting saad ng Komandante.

PANG-APATNAPUT-WALO

Matapos ang pagsunod ni Vince kay Lorenzo paglabas nito sa bilihan ng mga damit. Muling inakbayan ng Kapitan ang pobreng sundalo, at gaya nga ng sabi ng una, ito ang pumili sa susunod na pupuntahan nila sa pagsisimula ng kanilang date.

Habang tutuk na tutok ang mga mata ni Lorenzo sa malaking screen sa loob ng sinehan, panaka-naka namang abala ang mga mata ni Vince sa seryosong mukha ng una. Madilim man sa loob ng nasabing lugar, kita ng mga mata ng Kapitan ang maamong mukha ng pobreng sundalo, na ’di maalis ang mga mata sa pinapanood.

Kanina ng iminungkahi ni Vince na manood sila ng sine, pansin ng Kapitan ang saya sa mga mata ni Lorenzo. Sa tuwa nga ng pobreng sundalo, nasabi nito na ito ang kauna-unahang pagkakataon, na makakapasok ito at manonood sa isang sinehan. Sa nalaman ng Kapitan ay bahagya pa itong nakaramdam ng lungkot, kaya naman lalong tumibay ang hangarin nito na ipalasap at iparanas ang mga bagay na ’di pa nararanasan ni Lorenzo.

Hanggang sa natapos nga ang pinanood na pelikula ng dalawa. At habang papalabas sila, hindi maiwasan ng pobreng sundalo na ikwento ang kapapanood pa lang na pelikula. Mataman naman na nakikinig ang Kapitan, kahit pa ang totoo’y wala itong naiintindihan sa ikinukwento ng kasama, dahil sa matagal pa nitong pinagmasdan ang mukha ni Lorenzo kaysa sa ipinapalabas na pelikula.

Patuloy lang sa pagkwekwento si Lorenzo sa napanood, nang makahalata ito na panay lang ang pagtango ng kasama sa bawat kwento niya patungkol sa pelikula.

“Nanood ka ba talaga sir?” dudang tanong ni Lorenzo.

Natigilan naman si Vince dahil sa narinig nito kay Lorenzo.

“Oo naman, halika na at kumain na tayo at gutom na gutom na ako.” pagsisinungaling ni Vince at pag-iiba nito sa usapan.

“Sige, pero sagutin mo muna ang tanong ko bago iyon.” kondisyong saad ni Lorenzo.

“Ano ’yon?” maagap na tanong naman ni Vince.

“Hindi ba ang sabi mo ay pinanood mo ang pelikula? Ano nga kasing title ng pinanood natin?” tanong ni Lorenzo na nakangisi pa sa sandaling iyon.

Sa tanong na iyon ni Lorenzo ay napakamot na lang sa ulo ang Kapitan, sigurado kasing alam na ng kasama, na hindi nga nito pinanood ang pelikula. Hinayaan kasi nitong si Lorenzo ang pumili ng papanoorin nila kanina, lalo ng malaman nito na ngayon palang ito makakapanood sa sinehan.

“Sabi ko na nga ba! Kaya pala, oo ka lang ng oo at laging pagtango lang ang mga sagot mo sa’kin habang nagkwekwento ako sa pinanood natin, mali, sa pinanood ko lang pala.” naiiling na saad ni Lorenzo.

“Oo na, hindi ko nga pinanood, eh paano may iba akong pinanood.” pag-amin ni Vince at nakangiting bawi nito.

Naguguluhan naman na napatingin si Lorenzo sa Kapitan.

“Paanong may iba kang pinanood?” tanong ng naguguluhang si Lorenzo.

“Ikaw, ang mukha mo ang pinanood ko, ang cute mo kasi habang seryoso at tutok na tutok ka sa panonood.” paliwanag ni Vince, na ’di maalis ang ngiti sa mukha at lalo pang lumawak ito ng makita ang namumulang mukhang reaksyon ni Lorenzo.

Inaamin ni Lorenzo na bagamat nahiya ito sa narinig sa Kapitan ay kinilig rin ito.

“Puro ka talaga kalokohan sir, hindi ba ang sabi mo gutom ka na? Halika na at nagugutom na rin ako.” saad ni Lorenzo na pinipigilan ang saya at kilig na dulot ng Kapitan.

“Sige at mamaya gaganti ako sa pagngisi mo sa akin ng dalawang beses mula pa kanina.” saad ni Vince at kung kanina ay akbay lang niya ang pobreng sundalo, minabuti na ng Kapitan na hawakan ang isang kamay ni Lorenzo at hindi naman ito tinutulan ng huli. At sabay na tinungo ng dalawa ang resto na pinili ng Kapitan, para sa kauna-unahan nilang paglabas.

Matapos ang dalawang oras na pagluluto at paghahanda ng hapunan para sa among sundalo, pati na sa magiging bisita nito. Ngayon nga ay kasalukuyang pinagmamasdan ni Hansel ang mga pagkain na nakahanda sa malaking mesa.

‘Napasobra yata’ saad sa isip ni Hansel.

Akmang babawasan palang sana ni Hansel ang maraming mga ulam at pagkain na nasa mesa, nang marinig nito ang boses ng among sundalo na dumating na rin sa mga oras na iyon. At gaya nga ng inaasahan ni Hansel, unang nakita nitong pumasok ang among sundalo, kasunod ang bisita nito na ’di pala babae at lalong-lalong hindi kasintahan ng among si Erick, ang bisita palang kasama ng kanyang among sundalo ay ang bunso nitong kapatid.

Pagkapasok ni Erick sa loob ng bahay ay unang hinanap ng kanyang mga mata si Hansel. Pagkakita ng Komandante sa lalaking namiss niya ay kaagad na lihim na napangiti ito, pero kaagad rin naman itong natigilan ng sunod na mahagip nito ang maraming pagkain na nakahanda sa hapag.

“Hansel, ngayon na ba ang pista dito sa atin?” saad ni Erick na ’di na napigilan ang matawa dahil sa nasaksihan.

Kaagad naman napayuko si Hansel matapos ang narinig nito sa among sundalo.

Kita naman ni Richard ang reakyon na iyon ni Hansel, kaya naman siniko nito ang kanyang kuya na katabi lang nito.

Natigilan naman si Erick at kaagad nitong naisip ang nagawa.

“Salamat, Hansel.” saad ni Erick na nakalapit na sa kinaroroonan ni Hansel.

Tumingala naman si Hansel para tignan ang among sundalo, na ’di nito napansin na nakalapit na pala sa kanya.

“Pa-pasensya na sir.” saad ni Hansel at muling napayuko ito.

Kaagad naman na hinawakan ng isang kamay ni Erick ang baba ni Hansel para magpantay ang tingin nila ng huli.

“Hindi mo kailangan na humingi ng pasensya Hans, ako ang pagpasensiyahan mo, imbes na dapat ay magpasalamat ako kaagad sa iyo ay tumawa pa ako.” seryosong saad ni Erick at labis ang pagpipigil na mahalikan ang mapulang labi ng personal maid na sobra niyang namiss.

“Ehem!” pagtikhim na putol ni Richard sa dalawa.

Sa narinig ni Hansel sa kasama ng among sundalo ay mabilis na ibinaling nito ang kanyang ulo, para maalis ang kamay ng Komandante na kasalukuyang nakahawak sa kanyang baba.

Bumaling naman ng tingin si Erick sa bunsong kapatid, na inaamin ng Komandante, na pansamantalang nakalimutan nito na kasama nga pala niya.

“Ah alam kong nagkita na kayo dati, pero Richard, ito nga pala si Hansel, ang personal maid ko, Hansel si Richard, kapatid ko.” pakilala ni Erick sa dalawa, na minabuti ng Komandante, na ’wag ng sabihin na sa burol ng kaibigang si Sebastian, unang nagkita ang mga ito.

Kaagad naman na nagkamay ang dalawa pagkatapos.

Pero hindi man binanggit ni Erick ang tungkol sa burol na iyon ng kaibigan. Kapwa nakaramdam ng sakit ang dalawa sa magkaibang kadahilanan.

Si Richard na alam sa sarili na tama ang kanyang kuya Erick, na pamilyar ang mukha ni Hansel sa kanya. Ilang beses rin na nakita ni Richard si Hansel sa burol ng mahal nitong si Sebastian, pati na sa libing ng Komandante.

Si Hansel na bagamat tanggap nitong kailanman ay ’di siya magugustuhan ng Komandante, pero nasaktan ito sa pakilala sa kanya ng among sundalo sa kapatid, kahit pa tama naman ang amo, na hamak na katulong lamang siya nito.

“Chard, maupo ka na muna sa hapag at sasamahan ko lang si Hansel sa kanyang kwarto.” basag ni Erick sa katahimikang bumalot sa kanila, na walang kaide-ideya na dulot niya.

Kaagad naman na napatingin si Hansel matapos ang sinabing iyon ng Komandante, pero minabuti nitong sumunod na lamang matapos hawakan ng among sundalo ang kanyang isang kamay.

Pagkapasok ng dalawa sa kwarto.

“May problema ka ba Hans?” mahinahong tanong ni Erick.

“Wa-wala sir.” sagot ni Hansel na naiilang na, dahil sa magkalapit ang mukha nila ng Komandante sa mga oras na iyon.

Napabuntong hininga na lamang ang Komandante, na bagamat halata nitong may malalim na iniisip ang kasama, minabuti na hayaan na lang muna niya ito.

“Again, kung tungkol dun iyon sa pagkain ay humihingi ulit ako ng tawad, sige na at magbihis ka na at hihintayin ka namin ni Richard para sabay-sabay na tayong kumain.” saad ni Erick at lumabas na ito ng kwarto bago pa makasagot si Hansel.

Paglabas ng among sundalo ay gaya ng sabi nito, mabilis na nag-ayos ng sarili si Hansel at ngayon nga ay suot ang mga na binili ng Komandante.

“Tama ka nga kuya, mahihirapan ka nga kay Hansel, mukhang wala pa siyang ideya na gusto mo siya, samantalang kung hindi pa ako tumikhim ay baka hinalikan mo na kanina.” naiiling na saad ni Richard.

“Sinabi mo pa, kung alam mo lang na sobra-sobrang pagpipigil ang ginawa ko sa mga nakalipas na ilang buwan.” sang-ayon ni Erick.

“Alam ko rin na batid mong gusto ka niya, hindi kaya kuya, na kaya pinipigilan ni Hansel ang sarili niya ay dahil sa kapatid niya?” pahayag ni Richard sa kanyang opinyon, sa nakita nito sa dalawa.

Sa narinig na iyon ni Erick sa kapatid, napatibay ng Komandante ang hinala rin niya, na iyon nga marahil ang malaking dahilan, kaya pinipigilan ni Hansel ang sarili nito. Kaya naman, isang plano ang nabuo sa isip ng Komandante at sisiguraduhin niya, sa lalong madaling panahon ay masasagot ang hinala niyang iyon.

“Salamat bunso, pero kakailangin ko ang tulong mo, kaya dito ka na sa amin matulog.” saad ni Erick.

“Oo ba kuya, basta ba may utang ka sa akin.” pagpayag ni Richard.

“Ikaw talaga, sige utang ko iyan sa’yo.” naiiling na saad ni Erick.

Pagdating ni Hansel para samahan ang magkapatid ay nakita nito ang masayang pag-uusap ng dalawa. Kaya naman nawala na ang naramdaman nito kanina at napalitan ng tuwa sa samahang meron ang dalawang magkapatid na sundalo.

“Hansel, halika na at kanina pa gutom si kuya.” nakangising saad ni Richard na may iba pang ibig na ipakahulugan.

Isang sipa naman sa paa ang naging sagot ni Erick sa loko rin na kapatid, na ginantihan naman ng pagtawa ni Richard.

Naguguluhan man sa dalawa ay sinunod naman ni Hansel ang anyaya ni Richard at gaya ng nais ng among sundalo sa tuwing sabay silang kumakain, tumabi si Hansel sa Komandante.

Naging maayos naman ang naging hapunan ng tatlo. Si Hansel na kahit pa nung una ay naiilang lalo na at kasama nila ng among sundalo ang kapatid nitong si Richard, inaamin ng binata na naging magaan kaagad ang loob nito, kahit pa may pagkapilyo rin ang bunsong kapatid ng Komandante. Samantalang natutuwa naman si Erick sa nakikitang pag-uusap ng dalawang kasama niya, na animo’y matagal ng magkakilala at muli lamang silang nagkita. Sa panig naman ni Richard ay ’di nito masisi ang kapatid, kung bakit nahulog ito sa binatang si Hansel, tama nga ang kanyang Kuya Vince ng itanong nito ang tungkol sa taong gusto ng kanilang Kuya Erick, hindi maikakaila na parang sa isang babae nga ang mukhang meron ang nakapalagayan kaagad nito ng loob na binata.

Sa Restaurant.

Pagkapasok nila ng Kapitan sa resto, kaagad nakadama ng ilang si Lorenzo, lalo na ng makita nito na pawang mukhang mayayaman ang kasalukuyang kumakain sa lugar. Kaagad naman nahalata ni Vince ang reaksyon na iyon ng kasama, kaya naman isang pisil sa hawak nitong kamay ng pobreng sundalo, ang kanyang ginawa para iparating dito na magiging okay lang ang lahat.

“Don’t mind them and don’t worry I’m all yours.” bulong pa ni Vince.

Parang kiniliti ang buong katawan ni Lorenzo sa ginawang iyon ni Vince, pero hindi nito ipinahalata na labis ang kilig ang idinulot ng Kapitan sa kanya.

Ilang sandali pa nga ay nakarating na sila sa kanilang mesa na ipinareserba ng Kapitan.

Pagkaupo ng dalawa ay kaagad na inabutan sila ng menu ng isang waitress, halata naman ni Lorenzo ang panaka-nakang pagtingin ng nasabing waitress sa Kapitan. Pero pansin rin nito na hindi kahit isang beses man lang tinapunan ng tingin ng Kapitan, ang para sa sarili ni Lorenzo ay haliparot na babae.

Matapos makapili ng oorderin si Vince ay tinanong nito ang kaharap na si Lorenzo. Pero bago pa nito tanungin ang gusto ng kadate ay pansin nito ang seryosong mukhang meron ang kaharap.

“May problema ba Enzo?”

“Wala babe, kung ano na lang ang oorderin mo ay ganun na rin ang akin.” sagot ni Lorenzo.

Kapwa naman natigilan ang Kapitan at ang waitress sa narinig nila kay Lorenzo. Kaagad nawala ang nakangiting mukhang meron ang babae, may nobyo na pala ang lalaking mula pa kaninang pagpasok ay hindi na tinantanan ng mga mata niya, dahil sa angkin guwapo at kisig na taglay nito na tila ba nakita na niya dati. Samantala, nasagot na ang tanong ni Vince kung bakit biglang naging seryoso ang mukha ng kadate nito at lihim na natuwa ang Kapitan sa pagtawag sa kanya ni Lorenzo ng babe.

“Miss, gaya ng sabi ng babe ko, tigdalawa ng mga ito ang order namin.” baling ni Vince sa waitress na pinanindigan ang sinabi ni Lorenzo kanina.

Hindi naman makapaniwala si Lorenzo sa nagawa, na lalo pang nagbigay ng hiya sa kanya ng tawagin rin siya ng babe ng Kapitan.

Pag-alis ng waitress.

“Hindi ko inaasahan na sasagutin mo kaagad ako babe.” nakangising saad ni Vince.

“Si-sir hindi ko sinasadya ang nasabi ko kanina, kaya I’m sorry.” nahihiyang paumanhin ni Lorenzo.

“Don’t be Enzo, dahil gagawin ko rin ang ginawa mo kanina o baka malala pa, kapag nakita kong may ibang nagkagusto sa iyo.” maagap na saad ni Vince sabay abot sa isang kamay ni Lorenzo na nasa mesa.

“Si-sir.” tanging naging sagot ni Lorenzo sa narinig at ginawa ng Kapitan.

“Let just enjoy our first date, and hopefully this is not the last?” nakangiting saad ni Vince.

Hindi parin makapaniwala si Lorenzo, na pagkatapos ang pagkabigo nito sa pag-ibig kay Richard. Heto ngayon at kasama nito, ang ni sa hinagap ay magkakagusto sa kanya, lalo pa’t alam ng pobreng sundalo na madaling makakahanap ang guwapo at milyonaryong modelong sundalo ng mas higit pa sa kanya.

“Oo, Vince.” sagot ni Lorenzo na masaya rin na kapiling ang Kapitan at kahit pa may takot na muling masasaktan sa pag-ibig, pinili ng pobreng sundalo ang sumugal.

PANG-APATNAPUT-SIYAM

Abala si Hansel sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila, matapos ang hapunan kasama ang magkapatid na sundalo, nang tulungan siya ni Richard sa ginagawa nitong pagliligpit.

“Si-sir! Ako na lang at nakakahiya!” nababahalang saad ni Hansel sa pagtulong na ’yon ni Richard.

“Hansel, okay lang. Para mas madali tayong matapos.” sagot ni Richard at baliwala nito kay Hansel.

Nakita ni Erick ang pagtatalo ng dalawa, kaya naman nilapitan niya ang mga ito na kasalukuyan ng nasa lababo sa kusina.

“Hindi ka mananalo d’yan kay Richard, Hans, hayaan mo na siyang tulungan ka niya.” saad ni Erick na masaya sa nakikitang samahan ng dalawa.

“Tama si kuya Hansel, para saan pa at Manalo ang apelyido namin, at sa tingin ko’y hindi ka rin nananalo pagdating kay kuya hindi ba?” ngising baling ni Richard kay Hansel at ganti na rin sa kuya nito.

Kapwa natigilan si Erick at Hansel sa tinuran na iyon ni Richard. Si Erick na binantaan sa pamamagitan ng tingin ang kapatid, na baka madulas ito at maipalam kay Hansel ang nararamdaman niya. At si Hansel na pinamulahan ng mukha, na para bang may iba pang ibig na ipahiwatig sa kanya si Richard sa nakita nitong pagngisi ng huli.

“Richard mabuti pang ang paghuhugas mo ng plato ang atupagin mo, kung gusto mo talagang tulungan si Hansel sa ginagawa niya.” saway ni Erick sa kapatid. “At Hansel, ’wag mong intindihin ang pinagsasabi ni Chard.” baling naman ng Komandante kay Hansel. At matapos nun ay inawanan na niya ang dalawa.

Sasagot palang sana si Hansel sa among sundalo, ngunit nakita na lang nito ang likod ng umalis na palang amo.

Nakita naman ni Richard ang ginawang ’yon ng katabi at kita rin nito sa mga mata ni Hansel, ang pagmamahal na klase ng tingin na ipinukol ng binata patungo sa kanyang kuya. Kaya naman hindi na napigil ni Richard ang kanyang sarili, sa mga sumunod na binitawan nito.

“May boyfriend ka na Hansel?”

Muntik ng mabitawan ni Hansel ang hawak na baso, sa narinig na ’yon kay Richard.

“Wa-wala pa sir.” kabang sagot ni Hansel kay Richard at minabuti nitong ’wag tingnan ang katabi at ipagpatuloy na lang ang paghuhugas ng mga pinagkainan nila.

“Pero manliligaw meron?” tanong muli ni Richard na ayaw tantanan si Hansel.

“Hindi ko pa iniisip ang mga tungkol sa bagay na ’yan sir.”

“Bakit naman? Pero siguro, nagugustuhan meron ka?” ayaw paawat na tanong ni Richard, na sa pamamagitan nito’y gusto nitong mapatunayan ang hinila nila ng kanyang kuya.

Sandaling hindi nakasagot si Hansel sa tanong na iyon ng sundalo, sa isip nito ay mukhang nakakahalata na ang katabi sa itinatago niyang pag-ibig para sa Komandante. At sa isiping ’yon ay nababahala si Hansel na baka maging ang among sundalo ay batid na rin ang kanyang tunay na nararamdaman.

“Pasensya na sa mga tanong ko, Hansel, masyado na yatang naging personal ang mga iyon.” saad muli ni Richard ng hindi sagutin ni Hansel ang huli niyang tanong. Ayaw man gawin ni Richard ang nagawang pagtatanong ng personal sa katabi, hindi pinagsisihan ng sundalo iyon. Dahil napatunayan ni Richard na may malalim na rason si Hansel, kung bakit pinipigilan nito ang sarili na mahalin ang Komandante. At gaya nga ng naisip ni Richard, na marahil ang ate ni Hansel ang malaking rason na iyon, isang payo ang ibinigay nito sa katabi.

“Hansel, maikli lang ang buhay ng tao, kung sa tingin mo’y magiging masaya ka kapag nasuklian ng taong ’yon ang pag-ibig mo, mas mabuti kung ipagtapat mo na kaagad iyon, kung hindi naman niya masuklian ay okay lang, ang mahalaga ay hindi mo pinagsisihan na malaman ng taong ’yon ang nararamdaman mo. Tignan mo ako, naging maikli man ang pagmamahalan namin ni Baste, masaya akong naipadama namin ang pagmamahal namin sa isa’t-isa dahil hindi ako natakot, hindi man niya masuklian iyon nung una. Kaya sana, isantabi mo muna ang iba at mas bigyan mo ng pagkakataon na lumigaya ang sarili mo.” mahabang payo ni Richard kay Hansel at sa mga binitiwan nitong payo, alam ng sundalo, na alam na ng katabi nito na may ideya na siya sa nararamdaman nito sa Komandante.

Nanatili lamang na tahimik si Hansel, matapos marinig ang payo na iyon sa kanya ni Richard. Ganunman nanatili sa isipan ni Hansel, ang payong ’yon ng sundalo.

Hanggang sa natapos sa paghuhugas ng mga pinagkaninan ang dalawa ay nanatili ang katahimikan sa kanila. Inawanan na muna ni Richard si Hansel pagkatapos, alam ng sundalo na marahil ay nasa isipan parin ng binata ang payong ibinigay niya rito.

Saglit na sinundan ng tingin ni Hansel ang kanina na lang ay kasama niyang sundalo at ngayon ay nasa sala na at nanonood. Sa maikling oras na nakasama niya ang bunsong kapatid ng Komandante, inaamin ni Hansel na labis ang paghanga nito sa tapang na mayroon ang sundalong si Richard. Hindi niya inakala na ang matapang na sundalong inangahan niya at nagbigay na payo sa kanya kani-kanina lang ay nagawang pagtangkahan ang sariling buhay, sa isip ni Hansel labis nga ang pagmamahal ni Richard sa namayapang mahal nitong sundalo, kaya nito nagawa ang bagay na iyon. At tama nga si Richard na maikli lang ang buhay, kaya naman hati ang isip at puso ngayon ni Hansel, kung ipagtatapat na ba ang matagal ng lihim na pagmamahal nito sa Komandante.

Matapos kumain ng dalawa sa resto sa kanilang kauna-unahang paglabas. Naglalakad sila ngayon sa isang parke, na malapit lang rin sa mall na pinuntahan nila.

Sandaling nakaramdam ng kaba si Lorenzo, habang kapwa tahimik lang sila sa paglalakad sa parke ng Kapitan. Hindi alam ng pobreng sundalo ang susunod na mangyayari sa kanila ng Kapitan, gayung bukas ay uuwi na siya sa kanilang probinsya sa Cebu.

Hindi man alam ni Vince ang tumatakbo ngayon sa isipan ni Lorenzo, lingid sa kaalaman ng Kapitan ay pareho ng kanya ngayong naiisip ang gumugulo sa kasama. Masaya si Vince sa naging date nila ni Lorenzo at ang isipang hindi na niya makakasama itong muli sa mga susunod na araw ay isa sa ayaw mangyari ng Kapitan.

Nang hindi na makatiis sa katahimikang namayani sa kanila, kinuha ni Vince ang isang kamay ni Lorenzo para tumigil ito sa paglalakad.

Sa naramdamang kamay ng Kapitan, natigilan sa paglalakad si Lorenzo at napatingin ito sa mukha ni Vince at nasilayan nito ang seryosong mukha ng Kapitan, na kasalukuyang napako ang tingin sa kanya.

“Salamat Enzo sa gabing ito at gusto kong ipaalam sa’yo, na seryoso ako na gusto pa kitang makilala ng lubusan.” sinserong saad ni Vince.

Kita ni Lorenzo na totoo ang binitawang salita sa kanya ng Kapitan sa paraan ng pagtitig nito sa kanya, at maging siya’y masaya rin sa gabing nakapiling niya ang Kapitan.

At bilang sagot sa sinserong pahayag na iyon ni Vince sa kanya, hindi na alintana pa ng pobreng sundalo ang mga taong kasama rin nila ngayon sa parke. Sa isang iglap nga ay hinagkan nito ang labi ng Kapitan, na kay tagal rin niyang muling gustong matikman.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon si Vince at kaagad na tinugon ang halik ng pananabik na iyon ni Lorenzo. Nang kapusin pareho ng hangin ay tsaka pa lang sila humiwalay sa mainit nilang halikan.

At para bang iisa ang nasa isip ng dalawang sundalo, dahil mabilis nilang pinuntahan ang sasakyan pagkatapos.

Pagkarating sa sasakyan, mabilis na pinaharurot ito ni Vince at tinahak ang kabibili palang nitong condo na malapit lang din sa lugar.

WARNING!!! RATED SPG

Pagkapasok na pagkapasok palang ng dalawa sa condo, mabilis na hinubad ng dalawang sundalo ang kani-kanyang mga suot. Habang patuloy rin ang mainit nilang halikan. Nang humiwalay sa labi ng isa’t-isa, inumpisahan na ng Kapitan ang paglandas ng mga halik mula sa tenga pababa sa leeg ng pobreng sundalo. Bawat halik ni Vince ay ibayong pagnanasa ang dulot nito sa katawan ni Lorenzo.

“Ah ganyan nga Kapitan ahh.” ungol ni Lorenzo ng ’di na mapigil ang sarap na dulot ng mga halik ni Vince.

Ginanahan naman si Vince sa ginagawa at dala ng sobrang pananabik ay kinagat-kagat pa nito ng marahan ang leeg ni Lorenzo na iniwanan nito ng maraming mga marka.

“Ahh Kapitan ahh.”

Nagpatuloy sa paghalik ang Kapitan at naglandas pababa papunta sa utong ni Lorenzo na hinihintay na siya.

At inumpisahan na nga ni Vince ang pagsuso sa magkabilang utong ni Lorenzo, na tila ba sanggol ang Kapitan na uhaw na uhaw sa gatas ng ina.

“Kapitan ahh, ang sarap ahh.” nasasarapang ungol ni Lorenzo na nagawa ng ikapit ang mga binti sa katawan ng Kapitan at ngayon ay buhat-buhat na siya.

Nagpatuloy si Vince sa pagsuso sa mga utong ni Lorenzo at ng magsawa ay dahan-dahan nitong iginiya ang mga sarili nila ni Lorenzo habang  buhat-buhat parin niya ito, papunta sa pinakamalapit na kama.

Pagkahiga sa kanya ni Vince sa malambot na kama, humiwalay muna ang Kapitan sa kanya, kaya naman malayang nasisilayan ngayon ni Lorenzo, ang malapad na dibdib na may walong prominenteng pandesal na magandang katawan ng modelong barakong sundalo, na alam ng pobreng sundalo na muli na namang papaligayahin siya.

“Tititigan mo na lang ba Enzo? Maari mong gawin ang mga gusto mong gawin sa nakikita mo ngayon.” ngising saad ni Vince at mabilis na tinanggal ng Kapitan ang tanging puting brief na kanya na lamang suot sa mga oras na iyon.

Lalong nanuyo ang lalamunan ni Lorenzo, sa magandang katawan ng barakong Kapitan, pati na sa nagngangalit nitong malaking burat na nakasaludo at naghihintay na sa kanya.

Hindi na nga nag-aksaya ng oras si Lorenzo na naupo na sa gilid ng kama, palapit sa malaking burat na nais ng maramdaman ang mainit at masikip niyang bibig.

Sa dami ng babaeng naikama at napaligaya na niya, iba ang dulot na pananabik at pagnanasa ngayon ang nararamdaman ng barakong Kapitan, sa tuwing si Lorenzo ang makakaulayaw niya. Sa naramdaman palang na paghawak ni Lorenzo sa kanyang tigas na tigas na burat, ’di na makapaghintay pa si Vince sa mga susunod pang gagawin ng pobreng sundalo sa kanya.

“Isubo mo na Enzo, para matikman mo na ang gatas kong, alam kong matagal mo ng hinanap-hanap ahhh!” saad ni Vince na may kasamang ungol sa huli, nang isubo na nga ni Lorenzo ang kanyang galit at napakalaking burat.

Tama ang Kapitan, matagal na niya muling hinihintay na maisubo ang malaking burat na iyon. Kung alam lang ng barakong sundalo, na nagpraktis pa si Lorenzo sa tulong ng mga talong, para lang mabaliw nito ang Kapitan sa pagkakataong ito.

“Ahh puta ka Enzo, ang galing mong sumuso ahh sige pa ahh.” nababaliw sa sarap na ungol ni Vince, dahil kitang-kita nito na halos bumaon ang kanyang walong pulgadang malaking burat sa bunganga ng pobreng sundalo.

Ginanahan lalo si Lorenzo dahil sa nasasarapang ungol ng barakong Kapitan, na dulot ng kanyang pagtsupa. Kaya naman pinagbuti pa lalo ni Lorenzo, ang paglabas-masok ng malaking burat na iyon ng Kapitan sa kanyang makipot, mainit at madulas na bibig.

Nang ramdam na ni Lorenzo na malapit ng labasan ang Kapitan, na bumilis na rin ang pagbayo sa kanyang makipot na bibig, mabilis na iniluwa ni Lorenzo ang malaking burat na iyon at kita nito ang pagkabitin sa mukha ng Kapitan.

Lihim na natuwa si Lorenzo dahil dun, pero hindi pa siya tapos at gustong-gusto ng pobreng sundalo na maulol sa sarap ang barakong Kapitan sa kanya.

“Masyado pang maaga para matikman ko ang gatas mo Kapitan, gusto ko munang malasap rin ang mga itlog mo.” saad ni Lorenzo at naghihintay, sa alam nitong hindi na makapaghintay pang nabitin na barakong sundalo.

“Ano pang hinihintay mong puta ka! Isubo mo na ang mga bayag ko at sayong-sayo lang ang mga ’yan ahhhh!” mabilis na utos ng nabitin na Kapitan, na nasasabik ng muling malasap ang mainit na bibig ng pobreng sundalo at gaya kanina ay napaungol kaagad ng maramdaman na nga ang basa at mainit na bibig ni Lorenzo, na kasalukuyang subo-subo na ang kanyang mga bayag.

Gamit nga ang dila at bibig ay nagpakasasa si Lorenzo sa mga bayag ng barakong ng sundalo na naglalaman ng maraming gatas na maya-maya lang ay kanyang sisimutin.

“Ahh puta ka Enzo ang sarap ng ginagawa mo ahh sige pa, sayong-sayo lang ang mga iyan ahh.” nauulol sa sarap na ungol ng Kapitan.

Nang mapuno na nga ng kanyang laway, ang mga bayag na iyon ng barakong sundalo, muling dinilaan ni Lorenzo ang malaking burat na iyon ng Kapitan, na hindi na rin maawat sa pagpapakawala ng paunang katas. At sa nakitang paunang katas na iyon na patuloy na lumalabas sa malaking burat ng barakong sundalo, gamit ang pinatulis na dila ay parang sorbetes na dinilaan ni Lorenzo ang mga paunang dagta na iyon.

“Ahh ang sarap puta ka Enzo! Mamaya gaganti ako sa ginagawa mong pag-ulol sa akin ahh.” nasasarapang ungol at banta ng Kapitan.

At muli na ngang tsinupa ng tsinupa ni Lorenzo ang malaking burat na iyon ng barakong sundalo, na sinusuklian naman ng pag-kantot sa kanyang bibig ng Kapitan. At makalipas pa nga ang ilang minuto, naramdaman ni Lorenzo ang lalong paglaki ng ulo ng malaking burat na iyon ng barakong Kapitan.

Ilang kantot pa nga ang ginawa ni Vince sa bihasang makipot, mainit at basang bibig ni Lorenzo.

“Puta ka Enzo malapit ng magpaulan ng gatas ang burat ko, kaya puta ka heto naaa ahh!!!” simulang ungol ni Vince at nagpawala nga ito ng hindi mabilang na pagputok ng maraming tamod sa bunganga ni Lorenzo.

Hindi naman magkandatuto si Lorenzo, sa paglunok sa maraming tamod na pinakawalan ng barakong Kapitan sa kanyang bibig.

Kita ni Vince ang uhaw na uhaw na pagsimot ni Lorenzo, sa kanyang malaking burat na patuloy sa pagpapakawala ng maraming tamod.

“Ganyan nga puta ka Enzo, simutin mo ang mga gatas ko at masustansiya ang mga ’yan ahh.” saad ng Kapitan at muling kinantot ang bibig na iyon ni Lorenzo.

Malugod naman na tinanggap ni Lorenzo ang pagbayong iyon ng Kapitan, hanggang sa may ipuputok itong tamod sa kanya.

Ilang bayo pa ang ginawa ng barakong Kapitan sa bibig ni Lorenzo at ng matapos na itong magpaputok ng maraming tamod, hinugot na rin nito ang kanyang burat.

Pagkahugot ni Vince sa kanyang burat ay kita nitong, wala ni isang tamod ang natira at talagang sinimot ito ng bihasang dila at bibig ni Lorenzo. Kaya naman sa isiping iyon ay muling nabuhay ang malaking burat na iyon ng Kapitan.

“Puta ka Enzo ang sarap ng ginawa mo.” nakangiting saad ng Kapitan na lubos na napaligaya ni Lorenzo.

“Salamat Kapitan.” nakangiting ganti ni Lorenzo na masaya rin na napaligaya nito ang barakong sundalo.

“Puta ka! Hindi pa tayo tapos at lulubusin ko ang pananabik ko sa’yo at babawi ako sa ginawang mong pag-ulol sa akin kanina.” nakangising saad ni Vince at hinawakan nito ang  muling matigas na malaking burat at hinampas-hampas ito sa magkabilang pisngi ng pobreng sundalo.

PANG-LIMAMPU

WARNING!!! RATED SPG

Mabilis na pumaibabaw si Vince sa kasalukuyang nahahigang si Lorenzo. Ngayon, gaya ng banta kanina ng Kapitan, papaligayahin nito ng sobra ang pobreng sundalo.

Muling naglandas ang mga labi ni Vince sa leeg, sa mga utong ni Lorenzo, na gaya kanina ay salitang muling sinuso ng barakong Kapitan.

“Ahh sige pa sir ahh.” sarap na sarap na ungol ni Lorenzo.

Bumaba pa ang mga halik na iyon ng Kapitan, papunta sa tiyan ni Lorenzo na ’di rin papatalo kung pandesal lang ang pag-uusapan, bukod sa nasabak sa training bilang sundalo, batak rin sa trabahong bukid at iba pang klase ng mahihirap na trabaho ito, na naging bunga nga ng anim na pandesal na prominenteng meron din ito.

Isa-isang nilandasan ng dila at kinagat-kagat rin ni Vince ang mga abs na iyon ni Lorenzo, hanggang sa bumababa pa nga ang ulo ng Kapitan, sa tanging puting brief na suot na lang ng pobreng sundalo.

Gaya ng inaasahan, hindi na makapaghintay pa ang burat ng pobreng sundalo na nasasakal na sa suot nitong brief. At sa nakitang tanawing iyon ni Vince, sa tulong ng kanyang bibig ay maingat na kinagat ng Kapitan, ang garter ng brief na suot ni Lorenzo at bahagya nitong ibinaba, sapat na para lumabas ang ulo ng tigas na tigas ng burat ng pobreng sundalo.

Napangisi pa ang Kapitan pagbungad sa kanya ng matigas na burat ng pobreng sundalo, na may pauna ng katas na lumalabas. Mabilis naman na dinilaan ni Vince ang paunang katas na iyon ng burat ni Lorenzo.

“Ahh sir ahh.” ungol ni Lorenzo sa ginawang pagdila na iyon ng Kapitan.

Sumunod ay isinubo ni Vince ang ulo at kalahating katawan ng burat ni Lorenzo, na nakalabas sa brief na hindi pa tuluyang tinanggal ng Kapitan.

“Ahh ang sarap sige pa sir.” nauulol sa sarap na ungol ng pobreng sundalo. ’Di gaya na naunang may nangyari sa kanila ni Vince, tanging ang pagkantot lang ang ginawa sa kanya ng Kapitan. Kaya ngayon na isinusubo ng superior niya ang kanyang burat, lalong umigting ang nararamdamang pagnanasa ni Lorenzo.

Ramdam ng Kapitan sa pagtaas-baba ng kanyang ulo sa kalahati palang ng katawan ng burat ni Lorenzo, ang malapit ng pagpapakawala ng pobreng sundalo ng tamod nito. Kaya bilang ganti nito sa pag-ulol ni Lorenzo sa kanya, biglang tinigilan ni Vince ang kanyang ginagawa.

Sa pagtigil na iyon ni Vince ay napamulat si Lorenzo, na kanina lang ay ninanamnam ang sarap ng bibig ng Kapitan at ’di na nito namalayan na nagawa ng ipikit ang kanyang mga mata.

“Si-sir?!” nabiting saad ni Lorenzo.

Isang ngisi lang ang sagot na iyon ni Vince sa nabitin na katalik.

“Isusubo ko ulit ang burat mo, basta ba kasabay nun ay isubo mo rin ang akin.” kondisyon ng Kapitan pagkatapos.

“No problem Kapitan.” ngising ganting sagot ni Lorenzo.

At mabilis ngang pumosisyon pa 69 ang kapwa makisig na sundalo at sabay na pinaligaya ang isa’t-isa, sa pamamagitan ng pagtsupa sa malaki at matigas na burat ng bawat-isa.

Sa ilang minutong lumipas ay ipinadama nila Vince at Lorenzo ang sarap ng posisyon na iyon at kapwa hindi maiungol ang sarap na nararamdaman, dahil napipigilan iyon ng malaking burat na kapwa nila walang sawang tsinutsupa sa mga sandaling iyon. At ilang minuto pa ang lumipas ay sabay na nagpakawala ng maraming tamod ang Kapitan at ang pobreng sundalo. Pareho man na ang isa’t-isa pa lamang ang binigyan ng blowjob, muling nasimot ni Lorenzo ang mga gatas na pinakawalan ng Kapitan sa kanyang bibig, kumpara sa Kapitan na hindi maipinta ang mukha, matapos ang kauna-unahang pagkakataon na makatikim ng tamod. Kita pa ni Lorenzo ang hindi maipintang mukha ni Vince at sa nasaksihan ay ’di na napigilan ng pobreng sundalo ang matawa.

“Anong nakakatawa Velasco?” seryosong saad ni Vince na’ di nakaligtas ang ginawang ’yon ni Lorenzo.

“Ikaw sir.” matapang na sagot ni Lorenzo na’ di man lang natakot sa seryosong Kapitan. “Sayang naman ang gatas ko sir, kung ayaw mo ay akin na lang.” dagdag pa ni Lorenzo at mabilis na nilapit ang mukha sa seryoso parin na mukha ng Kapitan at sinimut ang tamod na tumulo sa gilid ng labi ni Vince, pati na sa dumaloy sa leeg ng Kapitan.

Sa ginawang iyon ni Lorenzo ay napangiti ang Kapitan at hindi man nagustuhan ang lasa ng tamod, hindi pinagsisihan ang ginawa nila ng pobreng sundalo.

“Tangina Velasco, nakadalawa ka ng suplay ng gatas ko, tapos pati ang gatas mo ay tinikman mo rin.” naiiling na saad ni Vince, matapos simutin ni Lorenzo ang sariling tamod na pinakawalan nito sa kanya.

“Ang sarap kaya sir, ewan ko nga sa’yo at parang diring-diri ka.” asar ni Lorenzo sa Kapitan.

“Hindi pa lang ako sana’y, ikaw parang sana’y na sanay ka Velasco, pang ilan na ba ako sa natikman mo?” saad na biro ni Vince.

Natigilan naman si Lorenzo sa sinabing iyon ni Vince, alam ng sundalo na biro lang iyon ng Kapitan, pero hindi nito maiwasan ang masaktan kahit pa biro lamang iyon.

Kaagad naman nabatid ni Vince na hindi nagustuhan ng kasama ang birong iyon, sa nakitang pananahimik ni Lorenzo ay mabilis naman niya itong nilapitan.

“I’m sorry, biro lang ’yon Enzo at salamat sa pagkakataong binigay mo sa akin, pati na rin sa masarap na gabing ito.” suyo ni Vince at kinulong sa bisig nito ang pobreng sundalo.

Sa yakap lang na iyon ng Kapitan ay mabilis na napawi ang nasaktan na damdamin ni Lorenzo at niyakap pabalik ang sundalong hindi niya aakalain na magpapatibok muli ng kanyang puso.

Hindi makatulog si Hansel sa gabing iyon, hindi niya alam kung dahil ba sa mga payong narinig nito kay Richard, o dahil hindi nito kasama sa kwarto ang among sundalo.

Kanina ng ipaalam ng Komandante na dito sa kanila magpapalipas ng gabi ang bunsong kapatid. Mabilis pa lang inayos ng among sundalo ang kwarto nila at doon matutulog si Richard. Ang akala ni Hansel ay sa kwarto ngang iyon matutulog ang magkapatid, pero nakita na lamang nito ang pagbaba ng Komandante sa mga gamit nitong pantulog papunta sa sala. Tumutol pa nga nung una si Hansel, dahil nahihiya ito na imbes na siya na personal maid lang ng Komandante ang dapat sa sala na lamang matulog, wala ng nagawa pa ang binata ng muling ipinaalala ng among sundalo ang tungkol sa kanyang utang, kapag hindi niya sinunod na sila na lamang ni Richard ang magkasamang matutulog sa kwarto.

Kaya heto nga at habang himbing na himbing ang kasama nito sa kwarto na si Richard. Nakailang ayos na ng pwesto sa pagtulog si Hansel at hanggang ngayon at gising na gising parin ang diwa. Nang hindi parin dalawin ng antok, naisipan na nitong magtimpla ng gatas na baka makatulong para dalawin na siya ng antok.

Pagbaba sa kusina ay nagtimpla kaagad ng gatas si Hansel at habang hinihintay nitong maibsan ng kaunti ang mainit na kagagawa palang na gatas. Nabaling ang mga mata ni Hansel sa among sundalo na kasakuyan na natutulog sa sofa sa sala. Mahaba man ang sofang iyon, hindi maiwasan na makaramdam ng konsyensya si Hansel, dahil baka nahihirapan ngayon ang among sundalo na higit na mas malaki at lagpas ang katawan sa kinahihigaang sofa.

Hindi na namalayan ni Hansel ang paglapit nito sa natutulog na Komandante. At dahil sa tanging ilaw sa kusina lamang ang binuksan ng binata, ang tangka lamang sanang pagtakip ni Hansel sa kumot para hindi lamigin ang among natutulog, hindi na napansin ng binata ang isang unan na nahulog ng Komandante kanina at ngayon ay nasa sahig na. Hindi na nga nagawa ni Hansel ang pagtakip sa katawan ng Komandate sa kumot, sa halip ang kanyang katawan ang dumagan sa barakong sundalo na dulot na kanyang pagkatalisod.

Ibayong mabilis na pagkabog ng dibdib ang nadarama ngayon ni Hansel, hindi alam ng binata kung dahil ba iyon sa pagkatalisod o dahil ba sa pwestong ngayon ay kinalalagyan niya.

Ang masarap na pagtulog ng Komandante ay pinutol na isang bagay na naramdaman nito sa kanyang katawan, nung una ang akala ng sundalo ay nanaginip lamang ito, ngunit ng maamoy nito ang pamilya na mabangong amoy ng kanyang personal maid, kaagad nitong nabatid na hindi pala bagay ang nasa harapan niya ngayon, kungdi ang katawan mismo ni Hansel.

Nang matauhan ay minabuti ni Hansel na tumayo na para humiwalay sa among sundalo, bago pa ito magising. Ngunit hindi na nabigyan pa ito ng pagkakataon ng maramdaman nito ang braso ng among sundalo sa kanyang bewang.

Hindi basta-basta na lamang hahayaan ni Erick na makawala pa si Hansel matapos ang nangyari, kaya naman babawi na ngayon ang Komandante, sa ilang buwan na niyang pagtitiis sa piling ng kanyang personal maid.

“Hansel, may kapalit ang pag-istorbo mo sa masarap na pagtulog ko.” bulong ng Komandante sa tenga ni Hansel.

Kinilabutan si Hansel sa narinig na malalim na boses ng Komandante at ngayon ay hindi na ito mapakali, lalo na at gising na ang among sundalo habang nakadagan parin siya rito.

“Hindi mo ba ako tatanungin Hans, kung anong kapalit ang hihingin ko?” bulong muli ni Erick sa tenga ni Hansel.

Sa paraan ng pagsasalitang iyon ng Komandante, wala man ideya si Hansel sa kapalit na hinihingi nito. Alam na sa oras na iyon ng binata na hindi basta-basta na lamang ito makakawala sa among sundalo, na mahigpit parin na nakapalupot ang isang braso sa kanyang bewang.

At para masagot na, ang kapalit ng kanyang hindi naman sinasadyang pag-istorbo sa masarap na tulog ng among sundalo.

“A-ano po ang kapalit si-sir.” kabang tanong ng wala ng pagpipilian pang si Hansel.

“Give me a blowjob.” saad ng Komandante.

PANG-LIMAMPUT-ISA

Parang nabingi si Hansel sa narinig sa among sundalo, kahit pa pabulong lamang ang sagot na iyon ng Komandante, kapalit nga ng hindi naman niya sinasadyang maistorbo ang masarap na pagtulog nito.

“Si-sir!” mahinang bulalas ni Hansel na ’di pa rin makapaniwala sa narinig nito.

“Bakit Hans? Hindi ba kaya nga nasa ganitong sitwasyon tayo ngayon ay dahil may gusto kang gawin sa katawan ko?” pilyong bulong ng Komandante sa tenga ng binata.

Hindi man niya nakikita ang mukha ng among sundalo, sigurado si Hansel na nakapaskil ang ngisi sa mukha ngayon ng Komandate.

“Pe-pero sir mali ang iniisip ninyo.” simulang paliwanag ni Hansel na nanatili pa ring nakadagan sa among sundalo.

“Sige Hans, bibigyan kita ng pagkakataon, paanong nangyari na nakapatong ka ngayon sa akin?” mahinang saad ni Erick at nagsisimula ng tigasan ang malaking laman sa pagitan ng mga hita nito.

“A-ano po sir, nagtimpla lang po ako ng gatas at habang hinihintay na medyo lumamig ito, napatingin po ako sa inyo, tapos kukumutan ko po sana kayo, pero natisod po ako sa isang bagay at heto nga po dumagan ako sa inyo.” mabilis na paliwanag ni Hansel at lalong hindi na mapakali dahil sa isang matigas na bagay na nararamdaman nitong pumipintig ngayon sa kanyang tiyan.

“Hmm nagtimpla ka ng gatas? At natisod ka lamang?” kumpirma ni Erick sa binata.

“O-opo sir, maari na ho bang tumayo na ako?” maagap na sagot ni Hansel at ilang beses pang tumango, sabay pakiusap nitong pakawalan na siya ng among sundalo.

“Kung gatas pala ang gusto mo, meron ako dito, sa katunayan nga hindi mo na kailangan pang palamigin at higit na mas masustansya pa.” pilyong saad ni Erick at idiniin ang mga katawan nila ni Hansel sa isa’t-isa.

Sa ginawang iyon ng among sundalo, doble na ang pagkabog ng dibdib ni Hansel, hindi na ito mapakali dahil ibang pagkatao na ang ipinapakita sa kanya ng kilala niyang seryoso at disenteng sundalo.

“Si-sir.” nababahalang saad ni Hansel. Wala pa itong karanasan sa makamundong bagay, sa katunayan sa edad na disi-otso, ni manood lang na isang porn ay di nito kayang gawin at ang pagkakahuli nito sa ginagawang paglalaro sa sariling alaga ng among sundalo noon sa kanilang kwarto, ang kauna-unahang pagkakataon na makakita ito ng maselan na pag-aari ng iba. Kaya nga tampulan siya ng tukso ng mga kaklase niya at kaibigan na lalaki, babae, tomboy at mga kapwa niya binabae. Ang tawag pa nga sa kanya ng ilan ay manang Hans .

“Ano na Hans, ’wag ka ng mahiya, sigurado akong magugustuhan mo rin ito, isa pa, marami ang gustong mahawakan lang iyan, pero para sa’yo, maari mong gawin ang kahit na anong gusto mo.” pagyayabang pa ni Erick at labis ng nanabik sa gagawin ni Hansel.

“Si-sir! Hi-hindi ko po kayang gawin ang ipinapagawa po ninyo.” tanggi ni Hansel sa nais mangyari ng among sundalo. Totoong lihim niyang minamahal ang Komandante, pero kahit pa mahal nito si Erick, may respesto sa sarili si Hansel.

“Bakit Hans, dahil ba may iba kang gustong i-blowjob o baka naman ginawa mo na iyon sa iba?” nagpipigil ng inis na tanong ni Erick.

“Si-sir wa-wala po, hi-hindi ko lang po kayang gawin ang bagay na iyon.” kabang sagot ni Hansel at pinipigilan ang maluha sa sitwasyon niya ngayon.

Sa narinig kay Hansel ay natauhan ang Komandante, maging siya’y hindi makapaniwala sa kanyang mga nagawa. Inaamin ni Erick na gustong-gusto na niyang maangkin si Hansel, kahit pa wala naman siyang karapatan sa binata, kaya ng tanggihan siya nito, ibayong selos at galit ang lumukob sa kanya, lalo na ang isipin na may ibang lalaking gusto si Hansel.

“Sige, hindi na kita pipilitin sa ayaw mo, pasensya na rin sa mga nasabi at nagawa ko.” saad ng wala ng nagawa pang Komandante at tinanggal na ang brasong nakapalupot sa bewang ni Hansel.

Sa pag-alis ng braso ng among sundalo sa kanyang bewang, mabilis na humiwalay at tumayo na si Hansel.

“So-sorry rin po sir sa pag-istorbo ko sa pagtulog niyo.” hinging tawad ni Hansel pagkatayo kaagad nito.

“Sige na Hans, matulog ka na ulit, bago pa tuluyang hindi na ako makapagpigil.” sagot ni Erick.

Mabilis naman na sumunod si Hansel at nagtungo ito ng kusina para balikan ang gatas na tinimpla nito, at gaya nga ng inaasahan ay hindi na mainit ang nasabing inumin, kaya kaagad na rin niya itong inubos. Pagkatapos maubos ang gatas, dumiresto na si Hansel sa kwarto at ’di na nito tinapunan muli ng tingin ang among sundalo.

Nang tuluyan ng makapasok si Hansel sa kwarto, naiwan naman si Erick, at gaya ng dati, nagsariling sikap na lamang ang Komandante, para humupa ang matigas nitong pagkalalaki na madalas na dulot ng kanyang personal maid.

‘Konting tiis pa Erick.’ saad sa isip ng sundalo, matapos ang pagpaparaos nito.

Magmula pa kanina ay pansin ni Richard ang pananahimik ng dalawa. Na kabaligtaran ng nakita nitong samahan ng dalawa kahapon.

“May nangyari bang hindi ko alam?” basag ni Richard ng hindi na ito makatiis sa katahimikan.

Naubo naman si Hansel sa narinig nito sa bisitang sundalo.

Kaagad naman na inabutan ng tubig ni Erick ang nabilaukang binata.

“Wala Chard, mukhang matatagalan pa bago mangyari iyon.” baling ni Erick sa kapatid, matapos maiabot kay Hansel ang tubig.

Matapos mabilaukan, nasamid naman si Hansel dahil sa sagot na iyon ng among sundalo.

“Ow! Pero mukhang iba ang sa tingin ni Hansel.” asar ni Richard sa personal maid ng kanyang kuya.

Gustong-gusto na ni Hansel na makaalis na sa hapag, pero alam nitong magagalit ang among sundalo kapag ginawa niya iyon, at para makatakas na sa usapan ng magkapatid, mabilis nitong inubos ang kanyang almusal.

“Dahan-dahan lang Hans.” saad ng Komandante. “Ikaw Chard, kumain ka na at hayaan mo na si Hansel, hindi ba at papasok ka na muli ngayon sa kampo?” baling naman ni Erick sa kapatid.

“Oo nga kuya, buti at ipinaalala mo.” sagot ni Richard at nagsimula na itong kumain.

“Hans, hintayin mo ako at akong maghahatid sa’yo mamaya, pagkatapos kong maihatid si Chard.” saad ni Erick sa binata na abala naman ngayon sa paglilinis sa sala.

“Opo sir, ingat po kayo ni Sir Richard.” sagot ni Hansel at tumingin sa magkapatid.

“Hans, iyong napag-usapan natin kahapon ah!” sigaw naman ni Richard, bago sila tuluyang lumabas sa bahay ng kanyang kuya.

Paglabas ng magkapatid na sundalo ay napabuntong hininga na lamang si Hansel. At habang nagwawalis sa sala, muling bumalik ang payo sa kanya ng sundalo.

“Anong tungkol sa napag-usapan ninyo ni Hans, Chard?” curious na tanong ni Erick, habang nagmamaneho papunta sa kampo.

“Ah tungkol iyon sa nanliligaw sa kanya.” sagot ni Richard na naisipang asarin ang kapatid.

Bigla namang napahinto si Erick sa pagmamaneho ng dahil dun.

“Kuya! Baka maaksidente tayo!” gulat na bulalas ni Richard at nagsisi na sa nagawang biro. Kita rin nito ang pagseryoso ng mukha ng kapatid at ang mahigpit na hawak nito ngayon sa manubela.

“Totoo bang may nanliligaw sa kanya?” tanong ng nagpipigil sa galit na Komandante.

“Kuya, sorry nagbibiro lang ako, may iba kaming pinag-usapan ni Hans, at hindi ko pwedeng sabihin sa iyo ’yon.” hinging paumanhin ni Richard sa naging biro at piniling ’wag ikwento ang mga napag-usapan nila ni Hansel.

“Hindi magandang biro ’yon Richard, alam mo naman na madamot ako sa mga taong mahalaga sa akin. Pero naiintindihan ko, kung ayaw mong ipaalam ang mga napag-usapan n’yo ni Hans.” saad ni Erick at kumalma na, matapos malaman ang kalokohan ng bunsong kapatid.

Pagdating sa Kampo.

“Sige Richard, mauna na’ko at ihahatid ko pa si Hans.” paalam ni Erick.

“Sige kuya, salamat sa paghatid, ingat ka sa pagmamaneho.” saad ni Richard at pumasok na rin ito sa kampo.

Gaya ng inirekomenda sa kanya ng doktor, pinayuhan si Richard na ’wag na munang sumabak sa field, sa susunod na isang buwan. At heto nga at ito ang unang araw niyang sasabak muli sa siguradong tambak na naman na mga papeles.

Sa nakitang papasok ng sundalo, kaagad na naghanda na ang mga kasundaluhan, para sa welcome back party na naisipan nilang ibigay kay Private Manalo.

“Surprise!!!”

Nanlalaking mata si Richard at talagang nagulat siya sa nasaksihan. Hindi niya akalain na may ganitong pa-welcome party para sa kanya.

“Mga sir!” saludo ni Richard sa mga opisyal na mga sundalong nakatataas sa kanya.

“Masaya kaming maayos ka na Manalo.” saad ni Major Guzman na siyang nakaisip ng lahat, para sa welcome party kay Richard.

“Salamat sir, at salamat po sa inyong lahat para dito.” saad na pasalamat ng sundalo, na kahit pa malungkot parin sa tuwing maiisip ang pagkawala na ni Sebastian, ay napasaya naman sa ginawa ng mga kabaro nito.

“Walang anuman bok, pero kung meron ka man dapat pasalamatan ay si Major Guzman iyon na siyang nakaisip nitong lahat.” sagot ni Private Alfonso.

Isang nagbabantang tingin naman ang ipinukol ni Major Guzman sa paglaglag sa kanya ni Alfonso.

“Hingi ko na rin ng pasensya iyon Manalo, dahil hindi na’ko nakapunta sa lamay ni Manlangit, kami man na abala noon sa pag-escort sa Presidente ng Amerika ay nabigla at nalungkot sa nangyari sa kanya.” saad ni Major Guzman.

Mabilis na napalitan ng lungkot ang masayang mukha kanina ni Richard, muli na naman kasi niyang naalala ang tungkol kay Sebastian.

“I’m sorry, Manalo.” saad ni Major Guzman at alam ng Komandante na napaalala nito sa kabaro, ang tungkol sa namayapang minamahal nito.

“Okay lang sir, masakit pa rin, pero kailangang magpatuloy tayo sa buhay.” sagot ni Richard at pinilit na ngumiti sa mga kasama.

“Tama iyan Manalo, halika na at pagsaluhan na natin ang kaunting inihanda namin, para sa pagbabalik mo.” ngiting yakag ng Komandante at tapik nito sa balikat ni Richard.

“Sige sir.” saad ni Richard at isa-isa ngang kinamusta siya ng mga kabaro, habang pinagsasaluhan ang mga pagkain sa welcome party para sa kanya.

Alas-onse ng umaga nang sabay na gumising ang dalawang sundalo, na napuyat at sobrang napagod sa ilang rounds na pagpapadama ng pananabik sa piling ng isa’t-isa.

“Enzo, anong oras nga kasi ang lipad mo pauwi sa inyo?” tanong ng Kapitan sa kasalukuyan ng nakatapis ng tuwalya na sundalo.

“Ala-una ng hapon, Vince.”

“11 AM na pala, maligo ka na at magpapadeliver na ako para sa brunch natin.” saad ng Kapitan.

“Sige Vince, ayaw mo bang sumabay na lang sa akin?” suhestyon ni Lorenzo at nakangisi pa sa oras na iyon.

“Hindi na at baka hindi ka na makauwi sa inyo, kapag sumabay ako sa’yo.” ngising ganting saad ng Kapitan.

“Ikaw ang bahala, pero baka sakaling magbago ang isip mo, hindi ko ilolock ang pinto ng banyo.” saad ni Lorenzo at nagpunta na ito ng banyo.

Ilang minuto matapos ang pagpasok sa banyo ni Lorenzo, nakatawag na rin si Vince para sa kanilang pagkain. At ng hindi ito makatiis, sinundan nga nito sa banyo si Lorenzo.

WARNING!!! RATED SPG

Pagpasok ni Vince sa banyo ay hinalikan nito sa labi si Lorenzo. Matapos ang halikan nila, iginiya ng Kapitan ang ulo ni Lorenzo papunta sa kanyang burat na nakasaludo na naman.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Lorenzo at niluhuran na ang Kapitan, habang patuloy ang pagbagsak ng tubig mula sa shower sa kanilang mga katawan ng Kapitan, sa ilang beses na pagkakataon ay muli na naman niyang isinubo ang malaking burat na iyon ni Vince.

“Ahh ganyan nga puta ka, magpakasawa ka sa burat ko ahh.” nasasarapang ungol ng Kapitan.

Sa ilang beses niyang natsupa ang malaking burat na ’yon ng Kapitan, ngayon ay nakakaya ng i-deep throat ni Lorenzo, ang walong pulgadang laki at sintaba naman na lata ng sardinas na jumbo hotdog na iyon ng modelong sundalo.

“Ahh ang sarap ng bibig mo puta ka Enzo, sige pa sayong-sayo lang’ yan at mamaya, makakainom ka muli ng masustansyang gatas ko ahh.” nauulol na ungol ng labis na nasasarapan na sundalo.

Nangangawit man ang bibig sa malaking burat na nakasapak ngayon sa kanyang bibig, hindi pagsasawaan ni Lorenzo na baliwin sa sarap ang modelong sundalo, at sa nakikita nitong reaksyon ng nasasarapang Kapitan, lalo pang pinagbutihan ni Lorenzo ang pagpaligaya sa mahal na nitong sundalo.

“Ahh sige pa, bilisan mo pa puta ka, ahhh malapit na’kong labasan ahh.” ungol muli sa sarap ni Vince at hinawakan na ang ulo ni Lorenzo at sinabayan na rin nito ng pagkantot ang makipot na bibig ng pobreng sundalo.

“Ahh ayan na ang masarap na gatas ko Enzo, ahhh simutin mo lahat ng pinaghirapan mo puta ka ahhhhhh!” ungol ng Kapitan at kasabay ng pagtigas ng mga binti nito, ilang beses na nagpaaputo ito ng napakarami paring mga tamod sa bunganga ni Lorenzo.

Kasabay ng mahabang ungol ng Kapitan, naramdaman na nga ni Lorenzo ang paglaki ng ulo ng malaking burat ng sundalo na umabot na sa lalamunan niya, at sumunod ngang nagpaulan ito ng maraming tamod na malugod nitong tinanggap at dumiretso kaagad sa lalamunan niya.

Kita ni Vince ang pagbaon ng kanyang malaking burat sa bibig ni Lorenzo, na hanggang ngayon ay nanatiling subo-subo ng pobreng sundalo at hinihintay na matapos sa pagpapawala ng mga tamod.

“Ang sarap mo talagang sumuso ng burat puta ka Enzo.” nakangiting saad ni Vince at ginulo ang buhok ni Lorenzo.

Nang wala ng ipuputok pang tamod, iniluwa na ni Lorenzo ang jumbo hotdog na muli naman niyang pinagsawaan.

“Maligo na tayo, Enzo.” saad ni Vince at bilang ganti sa masarap na tsupang ibinigay ni Lorenzo, sinalsal naman ng Kapitan ang matigas na burat ng pobreng sundalo.

Matapos ang mainit na nangyari sa kanila sa banyo, eksakto naman ng pagdating ng ipinadeliver na pagkain ng Kapitan. At pinagsaluhan rin kaagad nila ito ni Lorenzo.

Sa Airport.

“Magkita tayo sa susunod Enzo, ikamusta mo ako sa mga kapatid at mga magulang mo.” nakangiting saad ng Kapitan sa ilang sandali lang ay aalis ng si Lorenzo.

“Sige Vince, ikaw tama na ang kalokohan.” sagot at pangaral naman ng pobreng sundalo sa pilyong Kapitan.

“Oo naman, at ngayon palang ay mamimiss na kita.” saad ni Vince na naging seryoso na sa mga oras na ’yon.

“Ako man sir, sige mauna na’ko.” paalam na ni Lorenzo sa Kapitan at kinuha na ang hawak na bag ng huli na naglalaman ng mga gamit niya.

Bago tuluyang bitawan ang bag na pag-aari ni Lorenzo, mabilis na hinablot ni Vince ang kwelyo ng polong suot ng pobreng sundalo at muli nitong hinagkan ang mga labi ng sundalong nagpagulo sa kanyang isip at damdamin.

Pagkahiwalay ng kanilang mga labi.

“See you soon, Velasco.” saad ni Vince at nginitian ang nagpipigil ng maluhang si Lorenzo.

“Sige sir, see you soon.” sagot ni Lorenzo at matapos makuha ang bag sa Kapitan, pinili na ng sundalo na ’wag ng tignan pa muli si Vince at baka hindi na siya tuluyang makauwi sa probinsya nila sa Cebu.

Pagkasakay ni Lorenzo sa eroplano. Umalis na rin sa Airport si Captain Manalo, ngayon pupunta naman siya sa Zamboanga, para kitain ang kanyang matagal ng hinahanap na pinsan at may mahalaga raw itong sasabihin sa kanya.

PANG-LIMAMPUT-DALAWA

Hindi inaasahan ni Ariel ang pagdating ng kanyang tatay sa inuupahang dorm sa araw na iyon. Kaya naman gulat na gulat ito ng pagbuksan niya ang taong kumatok sa tinutuluyan niya, na malapit rin sa unibersidad na pinapasukan niya.

“Ta-tay ano pong ginagawa n’yo dito?” kabang bungad ni Ariel sa ama pagkabukas nito ng pinto.

“May dinaanan lang ako dito na malapit sa dormitoryo anak at naisipan kong dalawin ka na rin.” sagot ni Edgar sa anak. “Hindi mo lang ba ako papapasukin?” dagdag pa ni Edgar ng makitang natigilan ang anak at ’di ito mapakali.

“Ah eh, sa-sandali lang tay.” sagot ni Ariel at mabilis na isinara ang pinto.

Matapos pagsarhan ng pinto ang ama, mabilis nitong pinuntahan ang lalaking wala ni isang saplot sa katawan na kasama nitong natulog.

“Kap, bangon ka muna sandali, andyan sa labas si tatay.” yugyog ni Ariel sa sundalong kasintahan na masarap pa rin ang tulog.

Naalimpungatan naman ang sundalo at hindi pinansin ang kasintahan at nagpatuloy sa pagtulog.

“Kap, dali na, papatayin ako ni tatay kapag nakita ka niya dito.” pakiusap ni Ariel sa sundalo.

“Love naman, bakit kasi hindi mo pa ako ipakilala kay tatay.” saad ng Kapitan na hinila pa ang kamay ng ’di na mapakaling kasintahan at ngayon ay nakapatong na sa kanya.

“Kumukuha pa ako ng tiyempo, dali na at kanina pa nasa labas si tatay.” pakiusap muli ni Ariel sa kasintahan at para mapapayag ito ay hinalikan muli nito ang labing ’yon ng Kapitan.

“Sige, basta mamayang pag-alis ni tatay, ’yung isang round na hinihingi ko ha.” ngising saad ng Kapitan at muling hinagkan ang hindi pagsasawaang labi ng kasintahan.

“Oo na, dali pumunta ka muna sa banyo at pagbubuksan ko na si tatay.” pagpayag ni Ariel sa kapalit na hinihingi ng malibog na Kapitan. Nang sigurado ng hindi na makikita ng ama ang sundalong lihim na karelasyon niya, binalikan na nito ang amang si Edgar.

“Pasok ka tay, inayos ko muna sandali ang tinutuluyan ko.” anyaya ni Ariel sa ama at paliwanag nito.

Sandaling tinignan ni Edgar ang anak, alam ng matanda na may hindi sinasabi sa kanya ito, pero hindi na nito binigyan pa ng pansin iyon, minabuti na lang nitong ipaalam ang isa pang sadya nito sa anak.

“Kaya pala nandito rin ako, may nais akong hinging pabor sa iyo anak.” simula ni Edgar.

“Ano po ’yon tay?” tanong ni Ariel sa mukhang seryosong pakay ng ama.

“Hindi ba ang sabi mo nung huling binisita ka ng nanay mo, magsisimula ka ng mag OJT sa mga ospital dito sa atin?” pagpatuloy ni Edgar.

“Anong tungkol dun tay?”

“Ilang buwan na kasi ang nakararaan ng may mailigtas kami ng nanay mo na isang lalaki, ngayon nasa ospital ang taong ’yon at kahit pa may nagpakilala ng kakilala nung lalaki, may hinala akong may itinatago sa amin ang babaeng nagpakilalang kasintahan ng nailigtas namin.” kwento ni Edgar sa anak.

“Bakit ho ninyo nasabing may itinatago sa inyo ang babae?”

“Ang tungkol nga sa bagay na iyan ang ihihingi ko ng pabor anak, gusto kong malaman kung anong tunay na pangalan ng lalaking nailigtas namin, na ’di man lang ipinaalam sa amin ng babae, kaya kung pwede ay magawan mo ng paraan na makapunta ka sa Ventura’s Hospital, dahil nandun ngayon ang lalaki at ng makita mo na rin siya, kasalukuyan din siyang nasa ICU at pinagbawalan ang sinuman na dumalaw sa kanya.” paliwanag ni Edgar.

“Mukhang tama po kayo, anong dahilan ng babae at hindi man lang niya ipinaalam sa inyo ni nanay kahit pangalan lang ng lalaking nailigtas ninyo.” sang-ayon ni Ariel sa ama. Kilala niya ang ama na malakas ang pakiramdam, kaya nga ngayon ay kinakabahan rin siya para sa sarili, na nahahalata na siya ng ama sa itinatago rin nito sa kanya.

“Iyon nga ang gusto kong malaman, ano makakaasa ba ako anak?” tanong ni Edgar sa pansin nitong kinakabahang anak.

“Sige po tay, titignan ko ang magagawa ko, kapag may nalaman ako, ipapaalam ko po kaagad sa inyo.” sagot ni Ariel sa ama.

“Sige aasahan ko iyan anak, sige aalis na rin ako.” saad ni Edgar at niyakap ang anak bago tuluyang umalis.

Pagkaalis ng ama nito, nakaramdam ng pagkakonsyensya si Ariel.

Lumabas na rin si Captain Guzman sa pinagtaguang banyo at nakita nito ang may malalim na iniisip na kasintahan.

“Love, sorry kung dumagdag pa ako kanina, hayaan mo matatanggap rin ni tatay ang relasyong meron tayo.” alo ng Kapitan at niyakap ang kasintahan.

“Sana nga love, hindi ko maiwasan na makonsyensya, hindi lang ang paglilihim ng tungkol sa atin, pati na rin ang tungkol sa kapatid ni tatay.” saad ni Ariel at niyakap pabalik ang kasintahan.

“Don’t worry love, magiging maayos din ang lahat.” pagbibigay pag-asa ng Kapitan, sabay hagkan nito sa ulo ng kasintahan, na alam nitong nahihirapan ngayon.

“Sana nga love.”

Sa sumunod na mga araw ay nagawan ng paraan ni Ariel, na makaapak siya sa isa sa pinakamalaking ospital sa buong Pilipinas. Hindi siya nahirapan dahil na rin sa magandang credentials na mayroon siya, kaya naman bilang isang future na magaling na surgeon, malapit na niyang magawa ang pabor na hiningi ng amang si Edgar at ngayon nga ay papunta na siya sa ICU na eksaktong lugar, kung saan nakaratay ang lalaking nailigtas ng kanyang mga magulang.

Gaya nga ng narinig niya sa ama, bantay sarado nga ang kwartong iyon ng ICU ng mga maraming guards, pero dahil may permission naman siya para makapunta sa nasabing kwarto, dire-diretso lang na naglakad papunta doon si Ariel.

“Sandali, may permiso ka ba para pumasok?” harang ng isang security kay Ariel.

Hindi iyon sinagot ni Ariel, bagkus ay itinapat nito sa mukha ng security ang kanyang ID.

Pagkakita ng guwardya sa ID ng hinarang nito, mabilis naman itong yumuko.

“Sorry Dok, ginagawa lang namin ang inutos sa amin.” saad ng guwardya.

“Naiintindihan ko at gaya ninyo, gagawin ko rin ang trabaho ko.” saad ni Ariel at matapos nun ay kaagad na siyang pinagbuksan ng pinto ng mga guards.

Lihim na napangiti si Ariel at pumasok na rin ito sa loob ng ICU. Pagkalapit ni Ariel sa lalaking nakahiga at wala paring malay sa mga oras na iyon, literal na nagulat at nanlalaking mata siya sa kanyang nasaksihang mukha ng lalaki.

“Papaanong?!” saad ni Ariel at hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ngayon ng kanyang dalawang mata. Nang matauhan sa nakitang kilala niyang mukha ng lalaki, mabilis na kinuhanan ni Ariel ng larawan ang wala paring malay na pasyente. Sa oras rin na iyon, isang plano ang naisip ng binata at ito’y ipaalam sa mga pinsan niyang matagal na niyang gustong makilala, ang tungkol sa lalaking, alam niyang parte ng buhay ng mga ito.

“Mukhang ikaw pa sir, ang bubuo sa pamilya Manalo.” labis sa sayang saad ni Ariel.

PANG-LIMAMPUT-TATLO

Ilang minuto na lang at lalapag na ang eroplanong lulan si Captain Manalo. Hindi pa rin makapaniwala ang Kapitan, na matapos ang higit na dalawang dekada ay makikita niya sa unang pagkakataon sa personal, ang kaisa-isang pinsan niya sa ama na matagal na niyang gustong makilala. Isa pang nasa isip ngayon ng sundalo, ang tungkol sa natanggap nitong mensahe sa email, na galing sa pinsan na importante raw na malaman niya kaagad. Nung una ay ayaw pang maniwala ni Vince na pinsan nga niya ang kachat niya online, pero ng sabihin nito ang tungkol sa kanilang namayapa ng lolo na si Don Guillermo Manalo, na tanging pamilya lang nila ang nakakaalam, doon na nakumpirma ng Kapitan na totoo ngang ang matagal na nilang hinahanap na pinsan ang kanyang kausap. At sa importante ngang gustong ipaalam sa kanya ng pinsan, hindi na nagdalawang isip pa si Vince na makipagkita sa gusto rin niyang makilala na kamag-anak.

Pagkalapag ng eroplano sa paliparan sa Zamboanga. Mabilis na bumaba si Vince at nang dumating na sa arrival area ay kaagad na hinanap ang mukha ng kanyang pinsan na si Ariel.

“Kuya!” sigaw ng isang boses.

Kaagad na sinundan ng mga mata ni Vince ang sigaw na iyon ng boses at ilang liko pa ng kanyang ulo, nakita na rin nito ang pinsan na kasalukuyang kumakaway sa kanya.

“Pinsan!” sigaw pabalik ni Vince at mabilis na naglakad palapit sa pinsang si Ariel.

Pagkalapit ng pinsang si Vince, mabilis na niyakap ito ng mahigpit ni Ariel.

“Masaya akong nakita na kita sa wakas pinsan.” saad ni Vince at niyakap pabalik si Ariel.

“Ako rin, kuya.”

“Uh hmm.” tikhim ni Captain Guzman na sinamahan ang nobyo sa airport.

Kaagad naman humiwalay sa yakapan ang magpinsan.

“Guzman?!” medyo gulat na saad ni Vince ng makilala ang kapwa Kapitan rin na sundalo.

“Ako nga Manalo, ’di ko akalain na ikaw pala ang pinsan ni love, maliit talaga ang mundo.” saad ni Mikael.

“Love?” naguguluhang saad ni Vince.

“Ah tawag ko kay Ariel, boyfriend ko ang pinsan mo.” paliwanag ni Mikael.

“Naks! Pinsan nga kita Ariel, mahilig tayong mga Manalo sa mga sundalo.” nakangiting saad ni Vince, na masaya para sa dalawa.

“Loko ka talaga bok, unang pagkikita palang ninyo ni love, tinukso mo na kaagad.” naiiling na saad ni Mikael.

“Kilala mo ako Guzman.” baling ni Vince sa kabaro. “Oo nga pala pinsan, ano ang importanteng gusto mong sabihin sa akin.” baling naman ng Kapitan sa namumulang si Ariel.

“Umuwi na muna tayo sa tinutuluyan ni Mikael kuya, nandoon lahat ng tungkol sa mga dapat mong malaman.” saad ni Ariel.

“Tama si love bok, mabuti pa ay dumaan na muna tayo sa isang resto bago iyon para kumain, alam kong kakailanganin mo iyon sa mga malalaman mo mamaya.” sang-ayon ni Mikael.

“Manalo, kumain ka na ba?” tanong ni Major Alejandro Guzman kay Private Richard Manalo.

“Hindi pa sir, bibili pa lang sana ako.” sagot ni Richard.

“Sakto pala ang dating ko, huwag ka ng bumili, marami itong mga dala ko para sa ating dalawa, mabuti pa ay saluhan mo na lang ako.” saad at anyaya ng Komandante.

“Naku sir nakakahiya naman.” saad ni Richard, na nitong mga nakalipas na  araw ay naninibago sa pakikitungo sa kanya ng Komandante.

“Huwag ka ng mahiya Manalo, ayaw mo bang samahan kami nila Alfonso.” saad ng Komandante.

“Hindi naman sa ganun sir.”

“Iyon naman pala, halika na.” yakag muli ni Alejandro at inabot pa ang isang kamay ni Richard.

Natigilan naman si Richard sa ginawang iyon ng Komandante at ng matauhan ay mabilis na inilayo ang sariling kamay na hawak ni Alejandro.

“Oh pasensya na, tara na?” saad ng Komandante.

“Si-sige sir.” sang-ayon na lang ni Richard na alam nitong kukulitin lang siya ng makulit na Komandante.

“Aba! Major congrats at napapayag mo si Manalo.” tukso ni Private Alfonso pagkakita sa dalawa.

“Kumain ka na lang Alfonso, kapag hindi na tayo muling sinamahan ni Manalo bukas, kasalanan mo iyon.” saway ng Komandante sa sundalo. “Kumain ka na Chard.” baling ni Alejandro sa kasama sa iisang mesa na si Richard.

“Sige sir salamat.” sagot ni Richard, kahit pa sobrang naiilang, dahil ang Komandante mismo ang naglagay ng mga pagkain sa kanyang plato.

“Huwag mong pansinin si Alfonso, Chard, masaya lang iyon na kasama ka namin ngayon, lalo na ako.” saad ni Alejandro.

“Sir.” saad ni Richard na lalo pang nailang ng dahil sa narinig.

“Alam ko Chard, na hindi mo pa nakakalimutan si Sebastian, pero sana huwag mong isara ang puso mo sa iba, at hindi rin kita minamadali, basta tandaan mo lang na nandito ako kapag gusto mo ng kausap o kaya kapag may kailangan ka.” matapang na labas ng saloobin ni Alejandro, noon ay naduwag ito na ipakita ang nararamdaman para kay Richard, na palagi lang nitong idinadaan sa pang-iinis sa sundalo, pero ngayon kahit pa walang kasiguraduhan, handa na nitong ipadama sa kaharap ang matagal na nitong pag-ibig, na alam ng Komandante na posible sanang nasuklian noon ni Richard.

Pinili na lamang na manahimik ni Richard, matapos ang mga narinig nito sa Komandante. Tama ang kaharap, na hindi pa niya nakakalimutan ang mahal niyang si Baste at hindi rin alam ni Richard kung muli pa niyang magagawang buksan ang kanyang puso para sa iba.

“Hansel, isang buwan mula ngayon ay pasukan na sa kolehiyo hindi ba?” tanong ni Erick habang nagmamaneho, para ihatid ang binata sa pinapasukang coffee shop.

“Ah oo sir.” sagot ni Hansel na magmula pa kahapon ay ilang na ilang parin sa tuwing kausap ang Komandante, dahil sariwa parin sa kanyang isip ang tungkol sa nangyari sa sofa.

“Oh may napili ka na bang kurso na kukuhanin mo?”

“Baka hindi na muna ako tutuloy sa pag-aaral sir.” sagot ni Hansel. Sa ilang buwan kasing lumipas, ilang beses na naghanap ito ng scholarship, pero bigo itong makakita ng full scholarship para hindi na nito problemahin ang gastos sa pag-aaral niya sa kolehiyo. Ayaw naman niyang galawin ang ilang milyon na natira pa sa pinagbentahan niyang property ng mga magulang, wala parin kasing katiyakan kung kailan magigising ang ate niya, mula sa pagkakacomatose nito.

“Bakit naman Hans, mas mabuting habang bata ka ay makapag-aral ka na, kung ang gastos ang inaalala mo, ako na ang bahala tungkol dun.”

“Si-sir!” gulat na reaksyon ni Hansel at napatingin sa nagmamanehong amo.

“Kilala ko ang tinging ’yan Hans, magpapatuloy ka sa pag-aaral tapos ang usapan, isa pa, idadagdag ko sa utang mo ang gagastusin ko, kung ayaw mong tanggapin iyon ng libre.” maagap na saad ng Komandante at alam nitong hindi basta papayag ang binata, kapag hindi niya idinagdag na magiging utang iyon ni Hansel.

“Sa-salamat sir, promise kapag nakapaghanap kaagad ako ng trabaho pagkagraduate ko, paunti-unti ay babayaran kita sa mga utang ko.” naiyak ng saad ni Hansel sa sobrang kasiyahan.

“Huwag mo munang intindihin iyon, basta mag-aral ka lang ng mabuti.” saad ni Erick at huminto na sa pagmamaneho sa tapat ng coffee shop.

“Opo sir pangako, pagbubutihin ko.” sagot ni Hansel at hindi alam ng binata kung anong nagtulak sa kanya at niyakap nito ang among sundalo.

Nabigla man ang Komandante ay masaya itong napasaya niya, ang sigurado ng mahal na niyang si Hansel.

“Gusto ko man na hindi na kita pakawalan ay baka ma-late ka na sa trabaho.” putol ni Erick sa yakapan nila ni Hansel.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Hansel, matapos ang narinig nito sa among sundalo.

“Pa-pasenya na sir.” saad ni Hansel, na mabilis na humiwalay sa yakapan nila ng amo at namumula ang mukha sa sandaling iyon.

“Sige na, baba ka na, mamaya susunduin kita paglabas mo.” saad ni Erick at ginulo ang buhok ng namumulang si Hansel.

“Sige sir salamat, ingat po sa pagdadrive.” sagot ni Hansel at bumaba na sa sasakyan.

Pagkababa ni Hansel, napangiti na lamang ang Komandante.

‘Hans, anong ginawa mo sa akin.’ saad sa isip ng sundalo na labis rin ang saya sa tuwing nakikita ang saya sa mukha ni Hansel.

Matapos kumain sila Vince kasama ang pinsang si Ariel at ang kapwa sundalong si Mikael, pauwi na ang tatlo sa condo rin ng huli.

At wala pang isang oras ay nakarating na sila sa isang condo building, kung saan may unit ang kasintahan ng pinsan ni Vince.

Pagkababa ng tatlo ay tahimik na tinahak ng mga ito, ang papunta sa tinutuluyang unit ni Mikael.

Hindi maintindihan ng Kapitang si Vince, kung bakit bigla itong kinabahan, habang patuloy lang niyang sinunsundan ang magkasintahan patungo sa condo.

“Kuya, pasok ka.” anyaya ni Ariel na kakabukas palang sa pinto ng condo unit ng kasintahan.

Lumapit naman kaagad si Vince at pumasok na rin ito sa condo.

Sumunod na pumasok si Ariel at Mikael.

“Maupo ka muna kuya, may kukunin lang ako sa kwarto.” saad ni Ariel at iniwanan na muna ang pinsan.

Umupo naman si Vince at sinamahan naman ito ni Mikael.

“Bok, alam mo ba ang tungkol sa nais ipaalam sa akin ni Ariel?” tanong ni Vince sa kabaro.

“Oo bok, pero mas mabuting sa kanya mo na malaman ang lahat.” sagot ni Mikael sa kabaro.

Matapos kuhanin ang mga larawan sa kwarto ay binalikan na ni Ariel ang pinsan.

“Hi-hindi ko alam kung saan magsisimula kuya, pero mas mabuti siguro kung makita mo nalang ang mga ito.” saad ni Ariel, sabay abot sa pinsan sa mga nakuhanang larawan ni Sebastian sa ospital.

Pagkaabot ni Vince sa mga papel na mga larawan pala, parang nakakita ng multo ang Kapitan sa nakitang mukha sa larawan. At habang tinitignan nito isa-isa ang mga litratong iyon, na larawan nga ng buhay pa palang matalik na kaibigang si Sebastian, isa-isa ring nagbagsakan ang mga luha ng Kapitan.

“Baste.. Tol.”

PANG-LIMAMPUT-APAT

“Saang ospital naroon si Baste, Ariel?” tanong kaagad ni Vince sa pinsan.

“Nasa Ventura’s Hospital siya kuya, sasamahan ka namin ni Mikael papunta doon, pero bago iyon, may dapat ka munang malaman.” sagot ni Ariel.

“Ano iyon?”

“Hindi ko alam kung bakit, pero mahigpit na pinagbabawalan ang sinuman na mabisita si Sebastian, kuya.” sagot ni Ariel.

“Sa tingin ko, alam ko na kung bakit.” saad ni Vince. Sa pagkarinig pa lang sa pangalan ng ospital, kaagad naisip ng Kapitan na iisa lang ang taong nasa likod ng lahat. At ikinuwento ni Vince ang sa tingin niya’y posibleng dahilan ng lahat, sa hindi  pagpapaalam sa kanila na buhay pa ang matalik na kaibigan.

“At sisiguraduhin kong mananagot silang lahat sa pagtatago nila ng katotohanan sa nangyari kay Baste.” nagpipigil sa galit na saad ni Vince.

“Isa pa pala kuya, sila tatay at nanay ang nakakita sa kaibigan ninyo.” paalam pa ni Ariel sa pinsan at ikinwento nito ang lahat ng mga nalaman rin niya, sa kwento sa kanya ng ama.

“Kung gayun matapos nating makapunta sa ospital, samahan mo rin ako kila tito, para personal akong makapagpasalamat sa kanila.” saad ni Vince.

“Iyon na nga ang problema kuya, wala pang alam si tatay tungkol sa pakikipag-ugnayan ko sa inyo, sa katunayan, kailan ko rin nalaman na galing pala kay tito ang natanggap kong scholarship. Hindi ko alam ang kwento sa likod ng galit ni tatay kay lolo, kaya sigurado akong magagalit rin iyon sa akin kapag nalaman niya na kilala ko na kayo.” mahabang paliwanag ni Ariel.

“Tama ka, malaki nga ang galit ni tito kay lolo. Sa iyo ko rin nalaman ngayon, na natagpuan na pala kayo ni papa, at alam kong alam mo rin ang dahilan kaya inilihim ni papa ang tungkol sa pagtulong niya sa pag-aaral mo.” sang-ayon ni Vince sa pinsan at maging ang Kapitan ay gulat rin sa mga nalaman.

“Oo kuya, kaya nga kung pwede ay hayaan mong ako ang magsabi ng totoo kay tatay.” pakiusap ni Ariel.

“Sige, kung iyan ang gusto mo at kapag naging maayos na ang lahat sa pamilya natin, gamitin mo na ang apelyido nating Manalo.” saad ni Vince. Alam na ngayon ng sundalo, kung bakit nahirapan ang pamilya nila sa paghahanap sa pamilya ni Ariel.

“Oo kuya at sana magkatoto na ang lahat ng mga sinabi mo.” sang-ayon ni Ariel, na matapos niyang malaman ang totoo niyang pagkatao, ilang taon pa lamang ang nakararaan ay ang una nitong hinangad na mangyari.

“Mangyayari iyon pinsan, hayaan mo’t kakausapin ko si papa na magkita na sila ni tito.”

“Salamat kuya.” masayang saad ni Ariel.

“Walang anuman pinsan, pero sa ngayon puntahan na natin si Baste.” saad ni Vince.

At matapos ang sinabing iyon ng Kapitan, kaagad ng tinungo ng tatlo ang ospital na siyang kinaroroonan ngayon ni Sebastian.

Habang nasa loob ng ICU kasama si Sebastian, nakarinig ng ingay si Rachelle na nanggagaling sa labas ng kinaroroonan nitong kwarto.

At ng tumayo ang babae, nanlalaking mata ito ng makilalala ang lalaking kaibigan ng mahal nitong si Baste.

‘Paanong nandito siya sa ospital?!’ kinakabahang saad ni Rachelle.

Gaya nga ng sabi sa kanya ni Ariel, marami ngang guwardiya ang nagbabantay sa ICU ng makarating silang tatlo sa lugar. Ngunit walang pakialam ang Kapitan, na nais ngayon ay makita ng dalawang mata niya ang matalik na kaibigan.

“Sir, pasensya na at bawal bisitahin ang pasyente.” saad ng isang guard, bago pa makalapit si Vince sa pinto ng ICU.

Masamang tingin ang ipinukol ng Kapitan sa guwardiyang pumigil sa kanya.

Kinabahan naman ang guard sa ginawang iyon ng lalaki, pero kaagad rin nakabawi at muling pinigilan ang lalaki.

“Papasukin ninyo ako, o gusto ninyong manggulo ako ngayon dito?” seryosong banta ng Kapitan.

Mabilis naman na lumapit ang apat pang guards para mapigilan ang dumating na lalaki.

Sa nakitang pagtutulungan ng mga guwardiya, nasagot na ang tanong na iyon ng Kapitan. Kaya naman, mabilis nitong ipinakita ang galing nito sa mano-manong pakikipaglaban.

Hindi napaghandaan ng unang guwardiya ang pinakawalang suntok na iyon ng lalaki, kaya naman sa nataggap na suntok sa mukha ay tumba kaagad ito.

Mabilis namang sumugod ang apat pang guwardiya, matapos ang ginawa ng lalaki sa kasamahan nila. Pero kahit apat pa silang nagtulong-tulong, hindi umubra ang mga ito, sa galing sa pakikipaglaban ng lalaki.

Matapos, isa-isang mapatumba ang limang guwardiya, papasok na sana ang Kapitan sa ICU, ngunit bago iyon ay nakabunot ng baril ang unang guwardiyang napatumba nito at itinutok iyon sa direksyon niya.

Nasaksihan ng magkasintahang si Ariel at Mikael ang ginawang pakikipaglaban na iyon ni Vince. Kaya naman, nakita rin ng mga ito ang pagbunot ng baril na iyon ng isang guard.

Sa nasaksihan nga ay nanlalaking mata si Ariel at kinabahan rin sa mga oras na iyon.

“Kuya!” sigaw ni Ariel. Kasabay ng pagsigaw na iyon ng kasintahan, kaagad na nakahugot ng maliit na patalim si Mikael at mabilis na pinakawalan iyon sa direksyon ng guwardiyang may hawak na baril.

“Bang!”

“Ahhhh!” sabay na umalingawngaw sa lugar.

Nakahinga ng maluwag si Ariel ng makita nito ang sumunod na nangyari. Dahil sa mabilis at asintadong pagpapakawala ng patalim ng kasintahang Kapitan, sa kisame ng ospital tumama ang bala ng baril na pinaputok ng guwardiya, na ngayon ay umihiyaw rin sa sakit dahil sa patalim na nakatarak sa kanyang kamay.

Napatingin naman si Vince sa gawi ng kapwa Kapitan na tumulong sa kanya. At isang tango ang ibinigay nito bilang pasasalamat.

“Sige bok, ako ng bahala rito.” saad ni Mikael.

Hindi na mapakali si Rachelle na labis pang nagulat, lalo ng makarinig ng putok ng baril.

At sunod na narinig nito, ang pagbukas ng pinto ng ICU na kinaroroonan niya kasama si Baste.

Matalim na tingin ang pinakawalan ni Vince sa babae, na kasama ngayon ng nakaratay na kaibigan.

“Bilib din ako sa kawalanghiyaan mo.” saad ng nagpipigil sa galit na Kapitan.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo, at sinong nagsabing maaari kang pumasok dito.” ganti naman ni Rachelle.

“Tignan na lang natin ang tapang mong babae ka, kapag kumanta na lahat ng mga binayaran mo.” banta ni Vince sa babae. Kanina, habang tinatahak nilang tatlo nila Ariel at Mikael ang ospital, kaagad ng ipinaalam ng Kapitan sa mga magulang ng kaibigan, ang magandang balita na buhay pa ang anak ng mga ito. At gaya nga ng inaasahan ni Vince, gulat na gulat ang mga ito sa kanilang nalaman at bukas nga ay uuwi kaagad ang mga ito sa Pilipinas. Sunod na tinawagan ni Vince ang amang Heneral, para ipaalam rin ang magandang balita at sa pag-uusap nga nila, ipinangako ng Heneral na pagbabayarin nito ang mga nasa likod ng pagtatago sa katotohanang buhay pa ang Komandante.

“Gaya nga ng sabi ko, wala akong alam sa pinagsasabi mo, hindi ba dapat ikaw ang mahiya, bilang sundalo dapat ay kaagad ninyong natagpuan si Baste, kung nangyari iyon, sana wala siya sa sitwasyon niya ngayon na nag-aagaw buhay.” sumbat ni Rachelle sa kausap.

Sa narinig, inaamin ni Vince na may punto kahit papaano ang babae, pero alam ng Diyos, na ginawa nila ang lahat at hindi sila tumigil sa walang kapagurang paghahanap sa kaibigan.

“Natahimik ka, dahil totoo ang sinasabi ko hindi ba?” saad ni Rachelle.

“Tama ka, sinisisi ko ang sarili ko at wala ako sa tabi ng kaibigan ko nung panahong kailangan niya ako, pero hindi ako katulad mo, na tinanggalan ng karapatan ang mga mahal sa buhay ni Baste, na samahan siya lalo na ngayon sa kalagayan niya.”

“May karapatan ako dahil mahal ko siya, higit pa dun dahil dinadala ko ang anak namin.” saad ni Rachelle.

Sa narinig ay natigilan si Vince at nang dumako ang paningin nito sa tiyan ng babae, hindi nga maikakaila na buntis nga ito.

“Bu-buntis ka, papaano?” gulat parin na saad ng Kapitan.

“Bakit mukhang gulat na gulat ka? At bago mo pa isipin na hindi ito anak ni Baste, handa akong magpa-DNA para lang patunayan sa inyo na anak niya ang dinadala ko ngayon.” saad ni Rachelle.

“Sabihin na nating anak nga iyan ni Baste, pero alam kong may paliwanag siya sa lahat pagkagising niya. At tandaan mo ito Rachelle, kahit pa buntis ka, mananagot ka parin kapag napatunayan namin ang kinalaman mo sa pagtatago kay Baste.” saad ng Kapitan, kahit pa alam ng sundalo sa mga oras na iyon, na masasaktan ang bunsong kapatid, kapag nalaman nito ang tungkol sa lagay ngayon ng babaeng dating kasintahan ng kaibigan.

“Tignan na lang natin Vince, handa rin akong patunayan na wala akong kasalanan at alam kong papaniwalaan ako ni Baste paggising niya, lalo na at magiging tatay na siya.” saad ni Rachelle, na nag-iisip na sa susunod na hakbang, para hindi masira ang mga plano niyang mapasakanya muli ang lalaking pinakamamahal.

“Gaya mo Rachelle, hindi rin kami titigil sa paghahanap sa totoo at asahan mo rin anumang oras bukas, isa-isang darating ang mga mahahalagang tao sa buhay ni Baste, lalong-lalo na ang taong alam kong pinakamamahal niya.” huling binitawan ng Kapitan at lumabas na ito sa kuwarto.

PANG-LIMAMPUT-LIMA

Habang hinihintay ang pagdating ng kanilang family driver, isang sasakyan ang huminto malapit sa kinatatayuan ni Richard.

“Chard wala pa yata ang driver mo? Ayaw mo bang ihatid na kita sa inyo?” sigaw ng nagmamaneho sa sasakyan na kaaagad nakilala ni Richard, na walang iba kungdi si Alejandro.

“Hindi na sir.” sigaw pabalik ni Richard, ayaw ng sundalo na bigyan ng tiyansa ang Komandante na mapalapit pa sa kanya, sa dahilang hindi niya basta mapapalitan sa kanyang puso, ang tanging Komandante na laman nito.

“Sige hindi na kita pipilitin, paano mauna na ako.” sigaw na paalam ng Komandante.

“Sige sir.” sigaw pabalik ni Richard.

Ilang matapos ang pag-alis ng Komandante, dumating na rin ang driver ni Richard.

“Pasensya na sir at ngayon lang ako.” hinging paumanhin ng driver.

“Ayos lang kuya, diretso na tayo sa bahay.” saad ni Richard.

“Masusunod sir.” sagot ng driver.

Paglabas sa coffee shop ni Hansel, kasama ang katrabaho at kaibigan rin na sila Alona at Terrence. Hindi ang inaasahang sasakyan ng among sundalo ang bumungad sa binata, kaya naman bahagyang nalungkot si Hansel.

“Nakakainggit ka friend, ako kaya kailan mararanasan na sunduin ng nakasasakyan, kaya naman ang masasabi ko lang. Sana All!” saad ni Alona sa nararamdaman nito.

“Ikaw talaga.” naiiling na saad ni Hansel sa kalokohan ng kaibigan. “Sandali hintayin niyo ako at kakausapin ko si Mang Popoy na isabay ko na kayo.” dagdag pa ni Hansel, para kahit papaano’y masuklian ang kabutihan sa kanya ng mga kaibigan.

“Go girl, hindi ko tatangihan iyan.” mabilis na pagpayag ni Alona.

Pagkalapit ni Hansel sa sasakyan na alam nitong minamaneho ngayon ng matanda. Kaagad na pinagbuksan siya ng guwardiya na si Jojo.

“Sandali lang kuya Jo.” “Mang Poy, maari po bang isabay na natin ang mga kaibigan ko.” pakiusap ni Hansel sa matanda.

Nagkatinginan naman ang matandang driver at ang guwardiyang si Jojo. Nang tumango si Jojo ay alam na ng matanda ang isasagot sa amo.

“Sige po sir, pero sa harap na kayo umupo at sa tabi na lang ni Jojo ang mga kaibigan ninyo.”

“Talaga po, sige po at babalikan ko na kaagad sila.” masayang saad ni Hansel at bumalik nga sa kinaroronan ng mga kaibigan.

“Anong sabi ng driver mo Hans?” bungad ni Alona sa kaibigan.

“Pumayag siya, kaya tara na.” nakangiting sagot ni Hansel.

“Yay! Salamat Hans, hoy Terrence magpasalamat ka rin.” pasalamat ni Alona at baling nito sa isa pa nilang kasama

“Thanks Hans, hayaan mo kapag yumaman ako, ikaw ang unang isasakay ko.” saad ni Terrence at umakbay pa kay Hansel.

“Hoy ang sabi ko, magpasalamat ka lang, hindi ko sinabing tsansingan mo ang kaibigan natin.” saway ni Alona at pinalo nito ang kamay ni Terrence.

“Hoy pangit! Inggit ka lang dahil wala paring pumapatol sa’yo.” ganti naman ni Terrence.

“Kayo talagang dalawa, mabuti pa ay sumakay na tayo at nakakahiya na kay Mang Poy.” awat ni Hansel sa dalawa at nauna ng sumakay sa sasakyan.

Matapos maihatid ang mga kaibigan ay dumating na rin sila sa bahay ng amo.

“Sandali sir Hans, mawawala ng ilang araw si Sir Erick at may importante itong pinuntahan, kaya hindi ka na niya nasundo ngayong gabi. Heto at ipinabibigay niya ito sa’yo.” saad ni Mang Popoy bago tuluyang makababa si Hansel, sabay abot nito sa huli sa pinapabigay ng Komandante.

Kaagad namang tinanggap ni Hansel ang malaking envelope at minabuti nitong sa loob na lang tignan ang laman nito.

Matapos maligo ay tsaka pa lang binuksan ni Hansel ang envelope, pagkakita nito sa laman nakapaloob doon ay kaagad na nagulat ang binata. Nakalagay doon na sa isang pribadong unibersidad siya mag-aaral at wala ni isang kusing pa siyang babayaran hanggang sa matapos ang apat na taon niyang pag-aaral sa kolehiyo. Habang pigil-pigil ni Hansel ang maluha sa nalaman, kaagad itong nagtipa ng mensahe para sa among sundalo.

“Salamat sir, ingat ka sa pupuntahan mo, mahal kita.”

Matapos maitipa ang mensaheng iyon ay pinindot na ni Hansel ang send button. At nang makita ang mensaheng naipadala niya sa Komandante.

‘Diyos ko! Anong katangahan ang nagawa ko.’ saad sa isip ni Hansel na hindi na mapakali sa mga oras na iyon.

‘Alam ko na, sasabihin ko na lang na nagkamali lang ako ng naitext.’ kausap ng binata sa sarili.

‘Pero hindi ako papaniwalaan ni sir, paano kaya kung sabihin kong na wrong send lang ako? Tama! Iyon na nga lang.’ kausap muli ni Hansel sa sarili.

At nagpadala muli ito ng text sa among sundalo.

“Sorry sir, wrong send lang ako.”

Pagkasend sa pangalawang text ay nakita kaagad ni Hansel na may natanggap itong text.

“Walang anuman Hans, oo mag-iingat ako, at personal kong sasagutin ang huli mong sinabi sa text pag-uwi ko.”

Nang makita ang text na iyon na galing sa amo, kaagad nalaman ni Hansel na sagot iyon sa unang text na ipinadala niya sa Komandante. At hindi alam ng binata kung kakabahan ba o kikiligin siya sa text na iyon ng among sundalo. At ng maisip nito ang ikalawang text na ipinadala niya sa Komandante, kaagad nabitawan ni Hansel ang kanyang cellphone. Pinagpawisan na rin si Hansel at alam nitong ilang sandali mula ngayon ay magtetext muli sa kanya ang among sundalo.

“Ting ting.”

Sa narinig palang na tunog ng kanyang cellphone na ngayon ay nakalapag na sa kama, doble na ang pagkabog ng dibdib ni Hansel at hindi malaman kung bubuksan ba nito at babasahin na ang mensahe na alam nitong galing muli sa among sundalo.

‘Anong gagawin ko.’ kabang kausap ng binata sa sarili.

‘Bahala na.’ saad muli sa isip ni Hansel at kinakabahan man, nakahanda na ito sa magiging kapalit ng kanyang nagawang katangahan.

“Hansel para kanino ang text na iyon?! Uuwi kaagad ako pagkatapos ng lakad ko at mag-uusap tayong dalawa.”

‘Patay ako nito, pag-uwi ni sir.’ saad sa sarili ni Hansel at napasabunot na lang sa buhok ito.

Pagpasok ni Richard sa loob ng kanilang bahay, kaagad nitong napansin ang mga magulang na nasa sala at kaharap ang isang laptop at mukhang may kausap ang mga ito.

“Pa, Ma, sino pong kausap ninyo?” tanong ni Richard sa mga magulang habang palapit siya sa mga ito.

Kaagad naman napatingin ang mag-asawa sa kanilang bunsong anak.

Hindi mawari ni Richard kung anong meron at pagtingin ng mga magulang sa kanya ay sabay na ngumiti ang dalawa.

“Anak halika dito.” anyaya ni Aurora sa anak at ’di maalis ang ngiti sa kanyang mukha.

Naguguluhan man, sumunod si Richard sa nais ng mama nito. Pagtingin nga ni Richard sa screen ng laptop ay bumungad sa kanya ang mga magulang ni Sebastian.

“Hello po tito, tita.” kaagad na bati ni Richard sa mag-asawang Manlangit.

“Hi din sayo hijo, nabalitaan namin sa mama mo ang nangyari sa’yo, We’re sorry at ngayon lang namin nalaman ng tito mo, kamusta ka na?” saad at kamusta ni Maritess sa mahal ng unico hijo nila.

“Okay lang po at ayos na po ako ngayon.” sagot ni Richard sa ginang at pilit na ngumiti ito.

Alam ng mag-asawang Manlangit, pati na ng mga magulang ni Richard na malayo sa pagiging okay ang nararamdaman na iyon ng huli. Kaya naman, minabuti na ng Heneral na ipaalam ang tungkol sa nabalitaan nilang magandang balita na may kinalaman kay Sebastian.

“Son, alam kong miss na miss mo parin si Sebastian, kaya makinig kang mabuti sa sasabihin ko.” simula ng Heneral.

Napatingin naman si Richard sa amang Heneral at naghihintay sa kung anumang sasabihin ng huli.

“Anak, buhay si Baste.” lahad ng Heneral sa magandang balita kay Richard.

Sa narinig ay hindi alam ni Richard ang kanyang magiging reaksyon, matapos tumingin sa ama, sa mama naman niya ito tumingin at isang tango lang ang naging sagot sa kanya ng ginang, sunod ay napatingin ito sa mga magulang ni Sebastian, na kahit pa kita niya ang naluluhang ginang ay nakangiti ito, katabi ang asawang nakangiti rin sa mga oras na iyon. At nang tuluyang naprosesa ng kanyang utak ang lahat, isa-isang kumawala ang mga masaganang luha sa mga mata ni Richard.

“Baste.. Bu-buhay si Baste.. Pa.. Ma.. Buhay si Baste.” naluluha sa labis na kaligayahang saad ni Richard at sa isang iglap lang, bumalik ang sigla at nagkaroon ng kulay ang kanyang paligid pati na ang kanyang puso.

PANG-LIMAMPUT-ANIM

Pag-alis ng kaibigan ni Baste, kaagad tinawagan ni Rachelle ang tauhan na katuwang niya sa lahat, para manatiling lihim ang tungkol sa buhay pang Komandante.

“Baldo paano nalaman na ng mga Manalo ang tungkol kay Baste!” singhal ni Rachelle sa tauhang imbestigador.

“Mam paano nangyari iyon?”

“Tanga! Kaya nga tinatanong ko sa’yo dahil trabaho mo ang tungkol dun, ngayong alam ng nila ang tungkol kay Baste, siguraduhin mo lang na hindi ako madadamay kapag nagsalita ang binayaran natin.” inis na saad ni Rachelle.

“Relax mam, matagal na ako sa trabaho kong ’to at malinis akong trumabaho.”

“Dapat lang dahil malaking pera ang ibinayad ko sayo, sige magpalamig ka muna, tatawagan ulit kita kapag may ipapagawa pa ako.” huling saad ni Rachelle sa kausap sa telepono.

‘Hindi basta-bastang makukuha ka nila sa akin, mahal.’ kausap ni Rachelle sa wala paring malay na Komandante.

“Bunso anong nararamdaman mo ngayon?” tanong ni Erick sa kapatid, na katabi nito sa private jet nila at anumang oras ay lalapag na sa Zamboanga.

“Hindi ko maipaliwanag kuya, pero isa lang ang gusto ko ngayon at yun ay muling makita at mahawakan si Baste.” sagot ni Richard.

“At magagawa mo iyon bunso, nandoon na rin sa ospital si Vince kasama ng pinsan nating si Ariel.”

“Siguro sinadya ng Diyos na ito ang mangyari, para matagpuan rin natin sila pinsan.” ’di na napigilang saad ni Richard.

“Tama ka Chard, pero sana ihanda mo rin ang sarili mo kapag nandoon na tayo sa ospital.” payo ni Erick sa kapatid. Naipaalam na rin ni Vince sa Komandante ang lagay ngayon ni Sebastian, pati na ang tungkol sa dating nobya ng huli.

“Anuman siguro iyon kuya, nakahanda ako basta makita ko lang muli si Baste.” sagot ni Richard.

“Sigurado ka na ba love?” tanong ni Mikael sa kasintahan.

“Natatakot ako love, pero tama si kuya, panahon na para magkita sila tatay at si tito.” sagot ni Ariel.

“Sang-ayon ako dun love, pero ang tungkol sa atin sigurado ka na rin ba?”

“Sandali love, natatakot ka ba kay tatay?” biro ni Ariel sa kasintahan, pero ang totoo’y takot rin ito sa magiging reaksyon ng kanyang ama.

“Love, alam mong ipaglalaban ko kahit kanino ang pagmamahalan natin, ikaw lang ang inaalala ko.” sagot ni Mikael sa kasintahan at ilang sandali pa ay huminto na ito sa pagmamaneho sa sasakyan at narating na nila ang bahay nila Ariel.

“Salamat love, tara na at sana hindi ako mapatay ni tatay.” saad ni Ariel at una ng bumaba sa sasakyan ng nobyo.

Abalang kumakain ng tanghalian si Edgar at Josefa ng makita ng ginang ang pagdating ng anak kasama ang isang lalaki. Kita rin ni Josefa ang magkahawak kamay ng dalawa at bilang nanay ni Ariel, hindi na nagtaka pa ang ginang sa nakikita niya ngayon.

Napatingin naman si Edgar sa gawi ng tinitignan ng kabiyak at kaagad na natuwa sa nakitang pagdating na iyon ng kaisa-isa nilang anak, ngunit kaagad rin napalitan ng pagkunot ng noo nito, sa nakita rin na hawak-hawak sa kamay ng anak.

“Magandang hapon po.” magalang na bati ng Kapitan sa mga magulang ni Ariel.

“Tay, nay, si Mikael po, nobyo ko po.” pakilala ni Ariel sa mga magulang sa kanyang kasintahan.

Kaagad na tumayo si Edgar matapos ang narinig na iyon sa anak. Sinundan naman siya ni Josefa na nag-aalala sa maaring gawin ng kabiyak sa kanilang anak.

“Kailan pa?” seryosong tanong ni Edgar sa anak.

“Da-dalawang taon na po tay.” sagot ng kinakabahang si Ariel.

“At bakit ngayon mo palang sinasabi sa amin ng mama mo?”

“Natatakot po kasi ako tay.” sagot ni Ariel na napayuko pa sa sandaling iyon.

Kapwa tahimik lang si Mikael na katabi ang kasinataha at si Josefa na katabi naman ang asawa.

“Mahal mo ba ang anak ko?” baling ni Edgar sa lalaking katabi ngayon ng anak.

“Opo sir, mahal ko po si Ariel.” maagap na sagot ni Mikael sa tatay ng kasintahan.

Napabuntong hininga na lamang si Edgar pagkatapos, gaya ng asawa, pansin na rin nito ang kaibahan ng kaisa-isang anak na lalaki sa mga lalaking kaedad nito, nung maliit pa lamang si Ariel, kaya noon pa man ay tanggap na nito anuman ang pagkatao ng anak.

“Maupo na kayong dalawa at sabayan n’yo na kaming kumain ng nanay n’yo.” saad ni Edgar.

“T-tay!” ’di makapaniwalang saad ni Ariel sa narinig sa ama.

“Salamat po sir.” saad naman ni Mikael, na kaagad nabatid na tanggap sila ni Ariel ng matanda.

“Anak narinig mo ang tatay mo, sabayan n’yo na kami.” segunda ni Josefa sa sinabi ng asawa at masaya ang ginang sa pagtanggap ng kabiyak sa anak at sa nobyo nito.

“Salamat po tay, nay.” saad ng nagpipigil sa luhang si Ariel.

Hinagod naman ni Mikael ang likod ng kasintahan para tumahan ito.

At sabay-sabay na ngang kumain ng tanghalian ang apat.

Matapos kumain ay pansamantala munang umalis ang ama ni Ariel, kaya naman ang ina na lamang ang ang kasama nila ngayon ng kasintahan. At bilang paghahanda sa isa pang sadya ni Ariel sa kanyang pagpunta sa mga magulang. Minabuti na ng binata na ipaalam na sa ina ang tungkol sa kamag-anak nila.

“Nay may hihingin akong pabor sa inyo.” simula ni Ariel.

“Ano iyon anak?”

“Tungkol po sa kapatid at kamag-anak ni tatay.” lahad ni Ariel.

“Anong tungkol sa kanila anak.”

“Darating sila dito sa atin nay, at gusto ni tito na makita si tatay.” patuloy ni Ariel.

Sa narinig sa anak ay maging ang ginang ay kinabahan rin sa oras na iyon.

“Hindi ko alam ang sasabihin ko anak.” sagot ni Josefa sa anak.

“Ang alam ko lang ay galit si tatay kay lolo, nay, pero sa tingin po ba ninyo ay galit rin si tatay kay tito.” hinging opinyon ni Ariel sa ina.

“Malalim ang galit na tatay mo sa tatay niya anak, kaya sana kung anuman ang maging desisyon niya sa hinihingi mo ay igalang mo siya.” saad ng ginang.

“Nay maaari niyo bang ikwento sa akin ang lahat, siguro naman po ay karapatan ko ng malaman, lalo na at nasa wastong edad na ako at kapamilya rin natin sila tito.” pakiusap ni Ariel.

Ilang minuto bago ang pakiusap na iyon ni Ariel, nakabalik na sa kanilang bahay ang kanyang ama at narinig nito ang ilan sa pag-uusap nilang mag-ina.

“Tama ka anak, panahon na siguro para malaman mo ang tungkol sa nangyari noon sa pamilya natin.” saad ni Edgar.

Batid ni Mikael na usapang pamilya ang susunod na mangyayari kaya naman.

“Love, tay, nay,  lalabas na po muna ako.” paalam ni Mikael sa mag-anak.

“May nakilala ka na ba sa kanila?” tanong ni Edgar sa anak.

“Opo tay, nagkita kami kahapon ni kuya Vince, pero bago pa po ’yon, alam ko na ang tungkol sa pamilya ni tito Dado.” sagot at paliwanag ni Ariel.

“Paano at kailan mo pa alam ang tungkol sa kanila?” tanong muli ni Edgar.

“Magdadalawang taon na po tay, noong naghanap ako ng kopya ng birth certificate ko.”

“Sa akin niya nalaman, Edgar. Nakita ng anak mo ang tunay na birth certificate mo at kilala mong matalino ang anak natin, kaya ipinagtapat ko sa kanya ang lahat, liban na lang ang tungkol sa paglayo mo sa tatay mo.” sali sa usapan ni Josefa.

Tama ang kanyang asawa na matalino nga ang nag-iisa nilang anak, alam rin ni Edgar na darating din ang araw na lalabas din ang katotohanan na matagal na niyang itinatago.

“Gaya nga ng sabi ko anak, sasabihin ko na sa’yo ang lahat.” simula ni Edgar.

At isang tango lang ang naging sagot ni Ariel sa kanyang ama, kasunod noon ay mataman itong nakinig sa kwento ng kanyang ama.

Galing sa mayamang pamilya si Guillermo Manalo. Bukod pa sa ranggo nitong Komandante sa pagkasundalo, hindi rin papatalo ito sa makisig at guwapong mukhang meron ito. Kaya naman hindi kataka-taka na maraming babae ang nahumaling sa mayamang sundalo. Unang umibig ito sa dalagang si Salome at nabiyayaan sila ng isang anak na lalaki at pinangalan nila itong Diosdado. Nang madestino ang Komandante sa Mindanao, isang pobreng dalaga ang nakaulayaw rin nito. At sa nangyari nga sa kanila ng pobreng dalaga, nabuo ang isang anak na lalaki. Lingid sa kaalaman ng sundalo, na nagdalang tao ang pobreng dalaga, kaya naman wala itong kaalam-alam na nagkaroon ito ng anak sa nakaulayaw nito sa Mindanao. Lumipas ang isang dekada, binuhay mag-isa ni Rosario ang anak nila ng Komandante. Sa lumipas ngang panahon, batid ni Rosario na may nararamdaman na itong sakit, kaya naman ginawa nito ang lahat para magkita ang kanyang mag-ama bago pa nito maiwan na mag-isa ang anak nilang si Edgar.

Nagawan nga ng paraan ni Rosario na magkita sila muli ni Guillermo at sa panahong iyon ay isa ng Heneral, pero nagulat ito sa nalaman na may pamilya na pala ang sundalong una nitong inibig. Ganunman hindi binalak ng babae na sirain ang masayang pamilyang mayroon si Guillermo, nais lang ni Rosario na makilala ng anak nila at ng Heneral ang isa’t-isa. Ang hindi inaasahan ng babae ay ang magiging reaksyon ng Heneral, hindi nito kinilala ang anak nilang si Edgar, bagkus ay may masasakit pa itong binitawan sa kanila ng kanyang anak. Sa sampung taong gulang na batang si Edgar, tumatak ang mga sinabing iyon ng Heneral sa kanilang mag-ina. Umalis rin kaagad sila ng ina niya sa malaking pamamahay na iyon ng Heneral. At matapos nga ang dalawang buwan ay iniwan na siya ng kanyang ina na may malubhang karamdaman. Sa edad na sampu, maraming pasakit at paghihirap ang sinuong ng mag-isa ni Edgar. At bilang ganti sa kanyang walang kwentang ama para sa kanya, minabuti ng batang si Edgar na ang apelyido ng kanyang butihing ina na lamang ang kanyang gamitin.

Matapos ang pagkukuwento ng ama sa kanya sa dahilan ng labis nitong galit sa kanyang lolo. Inaamin ni Ariel na hindi nito masisisi ang ama. Pansin rin nito ang naiyak ng ama, matapos nitong isalaysay sa kanya ang lahat.

“Hindi ko man napatawad ang lolo mo kahit pa alam kong patay na siya, para sa’yo anak, handa akong makipagkita sa tito mo.” saad ni Edgar.

“A-ayos lang ba tay? Naiintidihan ko po kung ayaw n’yo.” saad ni Ariel at lumapit para yakapin ang ama.

“Gaya nga na sabi ko anak, basta para sa’yo at panahon na rin siguro para magkita kami ng kapatid ko.” saad ni Edgar at matapos ngang ikwento sa anak ang nangyari sa kanila noon ng ina niya, parang gumaan kahit papaano ang bigat na dala-dala niya sa mahabang panahon.

“Salamat po tay at alam kong nasasabik rin si tito na makita na kayo.” saad ni Ariel na labis ang pasasalamat sa ama at masaya rin na unti-unti ng natutupad na mabuo ang kanilang pamilya.

PANG-LIMAMPUT-PITO

Matapos ang paglapag ng kanilang private jet sa Zamboanga. Ngayon sakay ng isang van, papunta na sila Richard kasama ang kuyang si Erick at kanilang mga magulang sa ospital na kinaroroonan ni Sebastian. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ngayon ni Richard, pero nangingibaw ang pagkasabik na muling makita ang pinakamamahal nitong Komandante.

Lumipas ang humigit-kumulang na isang oras na biyahe, huminto na sa pagmamaneho ang driver na kasama sa inarkila nilang sasakyan sa tapat ng Ventura’s Hospital.

“Handa ka na bunso?” tanong ni Erick sa kapatid.

“Handa na kuya.” sagot ni Richard at naglakad na ang sundalo papasok sa ospital at nasa likod nito ang kapatid pati na ang mga magulang nito.

Sa loob ng ospital ay nadoon na rin si Ariel kasama ang mga magulang pati na ang nobyong si Mikael. Kasama rin nila si Vince na katatapos lang makilala ang mga magulang ni Ariel. Kaya naman sa pagpasok ni Richard sa ospital, kasama ang isa pang kuya at mga magulang. Naunang nagkita-kita ang magkakamag-anak na Manalo.

Hindi na ikinagulat pa ni Diosdado na madatnan ang matagal ng nais nitong makita na kapatid.

Si Richard at Erick naman ay may ideya na sa oras na iyon, na ang matagal na nilang hinahanap na kamag-anak ang kasama ngayon ng kanilang kapatid na si Vince.

Sa paghaharap sa kauna-kaunahang pagkakataon ng magkapatid na Manalo, kapwa naghihintay ang mga kasama nila sa magiging reaksyon ng dalawa.

Unang lumapit si Diosdado sa kapatid at ng mabatid na hinihintay siya ng kapatid, hindi na nag-aksaya ng panahon ang Heneral at niyakap nito ng mahigpit ang matagal na nitong gustong makilala na kaisa-isang kapatid.

At sa ilang minutong nagdaan ay nagkamustahan ang magkakamag-anak na Manalo at ipinakilala nila ang bawat-isa sa isa’t-isa.

“Sige anak, mauna mo nang puntahan si Baste, susunod kami pagkatapos mo.” saad ng Heneral, sa alam nitong sabik ng anak na makita ang mahal na Komandante.

“Salamat pa, sige po maiwan ko muna kayo.” paalam ni Richard sa lahat.

Pagkabukas ni Richard sa pinto ng ICU, nagsimula ng mangilid ang luha sa mga mata ng sundalo. At ilang hakbang pa ng kanyang mga paa ay unti-unti ng nasilayan ni Richard ang nakaratay na mahal nitong Komandante.

Kumawala na ang mga masaganang luha sa mga mata ni Richard sa oras na iyon. Ang kaibahan ngayon ay luha ito ng kaligayahan at hindi na nag-aksaya pa ng oras si Richard na kaagad hinawakan ang kamay ng wala paring malay na Komandante.

“Sir, nandito na ako. I’m sorry kung ngayon lang tayo nagkita, I’m sorry kung hindi kita nahanap, pero promise hindi ako tumigil sa paghahanap sa’yo, I’m sorry kung tumigil ako sa paghahanap sa iyo nung akala naming lahat na wala ka na, I’m sorry kung naniwala kaagad ako na wala ka na talaga, I’m sorry ng pagtangkaan ko ang buhay ko para lang magkita na tayo sa kabilang buhay.” paulit-ulit na paghingi ng tawad at kausap ni Richard sa Komandante at wala ring tigil sa pagluha sa sandaling iyon.

“Kaya pangako mula ngayon, hindi na kita iiwan pa at panghahawakan ko ang pangako mo noon sa akin na babalik ka at papakasalan mo ako.” kausap muli ni Richard sa Komandante.

“Kaya sana, gumising ka na at heto nga pala, dala ko ang bracelet mong may initials ko.” saad ni Richard at ipinasuot muli sa Komandante ang silver bracelet na regalo nito sa mahal.

At gaya nga ng pangako ni Richard, hindi nito iniwanan si Sebastian, hanggang sa makatulog nga ang sundalo sa tabi ng Komandante. Ilang minuto matapos makatulog si Richard, sa unang pagkakataon matapos ang maaksidente ang Komandante, naigalaw nito ng bahagya ang isang kamay na ngayon ay hawak ng tulog na si Richard.

Sa labas ng ICU ay tuloy ang kamusatahan ng pamilya Manalo.

“Ano tol, pumapayag ka ba sa suhestiyon ko?” tanong ni Diosdado sa kapatid.

Hindi inaasahan ni Edgar na sa ilang sandali na pagkikita nila ng kuyang si Diosdado, ngayon ay gusto ng kapatid na isama na sila sa kanilang probinsya sa Cavite at doon na sila tumirang mag-anak.

“Hi-hindi ko alam ang isasagot ku-kuya.” saad ni Edgar na hindi parin sanay na tawaging kuya ang matagal ng nawalay na kapatid.

“Sige hindi kita mamadaliin, pero gaya ng sabi ko sa’yo kanina, ang manang iniwan sa’yo ni papa ay hindi kabayaran ng pag-ambanduna niya sa inyo ni tita, kungdi karapatan mo at ng pamilya mo na gustong-gustong ibigay sa’yo noon ni papa sa inyo ng mama mo.” paliwanag ni Diosdado.

Hindi man makapaniwala si Edgar sa nalaman sa kapatid, alam ng pobreng matanda na hindi nagsisinungaling ang kuyang Heneral sa mga ikinuwento nito. Hindi parin makapaniwala si Edgar na ang hindi pagkilala ng kanyang ama noon sa kanila ng kanyang nanay ay hindi rin pala gustong gawin ng kanyang amang Heneral at ito’y kagustuhan at utos pala ng ama na kanyang ama.

“Buong akala ko kuya ay ayaw talaga sa amin ni tatay.” saad ni Edgar na ngayon ay naluluha at nanghihinayang sa matagal na panahon na ’di man lang nakasama ang ama noong nabubuhay ito.

“Iyon rin ang sabi sa akin ni papa, tol. Bago siya mamatay ay ipinaalam niya sa akin ang tungkol sa inyo ni tita, sabay pakiusap sa akin na hanapin ko kayo. Ang totoo’y hindi kayo nakalimutan ni papa at ang sabi pa niya ay ihingi ko siya ng tawad sa inyo kapag nagkita tayo. Natakot lang si papa sa pagbabanta ni lolo na ipapatay kayo ni tita, dahil ayaw masira ni lolo ang pangalan natin.” muling paliwanag ni Diosdado.

“Heto, ang tanging ala-ala sa inyo ni papa.” saad ni Diosdado, sabay abot sa isang larawan kay Edgar.

Pagkaabot ni Edgar sa larawan ay kumawala ang mga luha sa mga mata ng matanda. Larawan iyon nila ng kanyang ina, noong araw na puntahan nila ang kanyang tatay.

“Pinakatago-tago iyan ni papa, naniniwala ka na ba sa akin na mahal niya rin kayo?” saad muli ng Heneral.

“Oo, kuya.” sagot ni Edgar.

“At mahal din kita tol, kung alam mo lang na ang tagal kong hinintay ang araw na ito. Kaya sana pag-isipan mo ang sinabi ko sa’yo kanina, para magkalapit na ang pamilya natin.”

“Ako rin kuya, mahal kita at patawad na ngayon lang ako nagkalakas ng loob na magkita tayo.” saad ni Edgar.

“Hindi mo kailangan na humingi ng tawad at naiintindihan kita.” saad ni Diosdado at muling niyakap ang kapatid.

Hindi na mapakali si Rachelle sa oras na iyon, na alam ang pagdating ng buong mag-anak na Manalo para kay Sebastian. Gusto man ng babae na pagbawalan ang mga ito, alam ni Rachelle na hindi niya basta-basta na lamang mapipigilan ang mga ito sa pagbisita sa wala paring malay na Komandante. Pero hindi rin basta-basta na lamang papayag si Rachelle na mauwi lang sa wala ang lahat ng plano niya, para masolo si Sebastian.

‘Magpakasaya na kayo ngayon, pero sa amin lang ng anak ko si Baste.’ saad sa sarili ni Rachelle.

Hindi maipaliwanag ng Komandante kung nasaan siya ngayon. Pakiramdam niya ay nakadilat ang kanyang mga mata, pero ni kaunting aninag na liwanag ay hindi niya makita. Alam rin niyang nakatayo siya at patuloy lang siya sa paglalakad sa madilim na lugar na iyon. Sinubukan rin niyang tumakbo pero kahit wala siyang nakikita dahil nga sa madilim na lugar, nagtataka ang Komandante na hindi man lang siya nababangga sa tagal ng ginawa niyang pagtakbo. Pakiramdam rin ng sundalo na matagal na siya sa lugar na kinaroroona niya at ng mapagod ay minabuti na lamang nito ang maupo na lamang. Hindi alam ng sundalo kung ilang araw o buwan na ba siya sa lugar na iyon. Kaya naman ng may maramdaman siyang isang pamilyar na kamay na humawak sa isa niyang kamay, kaagad nakadama ng kapanatagan ang sundalo. Kasunod nga nito ay ang pamilyar rin na boses na parang kinakasusap siya. Gustong-gusto ng Komandante na kausapin rin ang boses, pero walang boses na lumalabas sa kanyang bibig ng subukan niyang kausapin ang nagsasalitang boses. Hanggang sa sunod na naramdaman ng Komandante, ang isang bagay na isinuot sa kanyang braso. Matapos nun ay tumigil na ang boses sa pakikipag-usap sa kanya, kaya naman sa unang pagkakataon sa tagal niyang naroroon sa madilim na lugar, nakaramdam ng takot ang Komandante at ninais nitong ipabatid sa boses na kumausap sa kanya na ’wag siyang iwan nito, hanggang sa hindi na niya mabilang na pagkakataon ay nagawa nitong damhin at pisilin ang pamilyar na kamay na hawak ngayon ang kanyang kamay.

Hindi namalayan ni Richard na nakatulog pala siya at ng imulat niya ang kanyang mga mata, kaagad na nabatid nito na kasama niya si Sebastian sa kuwarto. At ang sumunod na nangyari ang hindi inaasahan ni Richard. Habang hawak parin ang isang kamay ni Sebastian, naramdaman ni Richard ang paggalaw na iyon ng kamay ng Komandante.

“Si-sir!”

Sunod ay napatingin si Richard sa mukha ni Sebastian. At kasabay ng pagbaling na iyon ni Richard sa mukha ng Komandante. Ang dahan-dahang pagbukas ng mga mata ng nagkamalay ng si Sebastian.

“Ba-baste!” saad ni Richard na kumawala ang mga masaganang luha sa mga mata sa labis na kaligayahan.

PANG-LIMAMPUT-WALO

Matapos makita ni Richard ang pagmulat ng nagkamalay ng si Sebastian. Kaagad pinindot ni Richard ang buzzer para iparating sa doktor na nagkamalay na ang Komandante at habang hinihintay nga ang pagdating ng doktor, pinaglapit ng naluluhang si Richard ang mga mukha nila ni Sebastian.

“Salamat at nagising ka na sir.” mahinang saad ni Richard at hinagkan nito ang labi ni Sebastian.

Kaagad rin humiwalay si Richard sa Komandante at ngayon ay mataman nitong tinititigan ang matamlay pang mukha ng huli.

“Anong nararamdaman mo sir, may masakit ba sa’yo?” alalang tanong ni Richard.

“T-thank you, b-baby.” mahinang saad ni Sebastian na medyo hirap pa sa pagsasalita sa sandaling iyon.

“Ako ang dapat na mag-thank you sir at huwag ka na munang magsalita, darating na rin si dok n’yan.” saad at pakiusap ni Richard ng mapansin ang hirap ng Komandante sa pagbigkas pa lamang nito.

“Marami akong ikukuwento sa’yo maya-maya sir, sa ngayon ay magpahinga ka na muna at pangako, sasamahan kita hanggang sa lumakas at gumaling ka.” dagdag pa ni Richard at muling lumapit sa mukha ng Komandante, sabay halik nito sa pisngi naman ng huli.

Gaya nga ng sabi ni Richard, ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang doktor. Ayaw pa sanang lumabas ni Richard, pero pinakiusapan siya ng doktor na lumabas na muna para matingnan na nito ang pasyente, kaya wala ng nagawa ang sundalo kungdi ang sumunod na lamang.

Kita pa ni Richard ang pagsunod sa kanya ng tingin ng Komandante, kaya naman isang ngiti ang isinukli nito kay Sebastian.

Sa paglabas ni Richard sa kwarto, dumating naman sa sandaling iyon si Rachelle, na alam na rin ang pagkakaroon ng malay ni Sebastian.

“Nagkita na rin tayo sa wakas, ako nga pala si Rachelle, ang taong mahal ni Baste at magiging ina ng anak namin.” pakilala ni Rachelle kay Richard.

Sandaling tinignan ni Richard ang babae, at kaagad na naalala ang pamilyar na mukha nito.

“Ikinagagalak kong makilala ka Rachelle, ako naman si Richard, pero sa tingin ko, si Sebastian lang ang makapagsasabi kung sino ang taong mahal niya, kaya hindi ko muna ipagyayabang na ako ang taong iyon, mas mabuting sa kanya na mismo manggaling iyon.” pakilala naman ni Richard kay Rachelle at hindi papatalo ang sundalo kahit pa totoong anak ng Komandante ang dinadala ng babae.

“Tama ka naman, pero ’wag mong ipagmalaki ang namagitan sa inyo ni Baste, dahil alam kong napilitan lang siya sa’yo o baka nacurious lang siya kaya nagawa niyang pumatol sa katulad mo.” saad ni Rachelle na tila ba nandidiri pa ito sa kausap.

“Oh ganun ba, kaya pala hindi makatiis sa akin si Baste, actually gabi-gabi naming ginagawa ang bagay na iyon at madalas na humihingi siya sa akin na isa pang round, kung ayaw mong maniwala, puwede mong itanong sa kanya iyan mamaya.” ngising balik ni Richard sa babae.

Sa narinig ni Rachelle ay gustong-gusto nitong burahin ang ngisi sa pagmumukha ng sundalo, pero alam ng babae na hindi basta-basta na lamang niya ito magagawa sa ngayon.

“Tignan na lang natin kung makangisi ka pa, kapag nalaman na ni Baste na magiging tatay na siya, na kailanman ay ’di niya mararanasan sa iyo.” ganti naman ni Rachelle.

Inaamin ni Richard na totoong hindi sila makakabuo ni Sebastian ng sarili nilang anak, pero sa panahon ngayon ay marami ng posibleng paraan kung ang pagkakaroon lang nila ang anak ang pag-uusapan.

“Huwag kang mag-alala Rachelle, hindi mo na kailangan pang ipaalam sa akin ang matagal ko ng alam, pero kung ang pagkakaroon lang namin ng anak ni Baste ay maraming ibang paraan para matupad iyon.” sagot ni Richard.

“Well hindi na kailangan pang  maghintay ni Baste at ilang buwan mula ngayon ay magiging daddy na siya.” ngising saad ni Rachelle.

Alam ni Richard na panalo sa pagkakataong iyon ang babae, pero hindi kaagad papatalo si Richard.

“Sandali Rachelle, gaya nga na sabi ko kanina, na maraming posibleng paraan para magkaroon ng anak, at alam kong kilala nating pareho si Sebastian na hindi siya manloloko, tapatin mo nga ako? Paanong nabuntis ka ni Baste, gayung wala namang nangyari sa inyo?” seryosong tanong ni Richard sa babae.

“A-anong pinagsasabi mo? May nangyari sa amin kaya buntis ako ngayon!” malakas na saad ni Rachelle na kinakabahan na rin sa sandaling iyon.

“Kung anumang milagro ang ginawa mo Rachelle, sisiguraduhin ko na malalaman ko iyon sa lalong madaling panahon.” saad ni Richard.

At pagkalabas ng doktor sa ICU, dalawang tao ang kaagad na bumungad sa kanya.

“Anong lagay ni Baste dok?” “Kamusta si Baste dok?” halos sabay na tanong nila Richard at Rachelle sa doktor.

“For now ay maayos na ang pasyente at ililipat na siya sa ibang kwarto hanggang sa gumaling na siya, ilang tests ang ginawa ko sa kanya at kapag maayos ang mga results sa mga tests ay pahinga na lamang ang kailangan ng pasyente.” paliwanag ng doktor sa dalawa.

“Salamat dok.” “Thank you dok.” halos sabay muling saad ng dalawa.

At halos sabay na pumasok rin sila Richard at Rachelle para samahan si Sebastian.

“Mahal ayos ka na ba? Wala bang masakit sa’yo?” alalang tanong ni Rachelle sa Komandante.

Ayaw man ni Richard na kasama niya si Rachelle, hinayaan na lang ng sundalo ang babae na nag-aalala rin para sa Komandante.

Hindi naman malaman ni Sebastian ang isasagot sa oras na iyon, na nagtataka sa nakikita nitong magkasama ang dating nobya at ang mahal niya ngayon.

“Hayaan na muna nating magpahinga si Baste, hirap pa siya sa pagsasalita.” saad ni Richard sa babae.

“Ikaw ba ang kausap ko? Ang mabuti pa ay iwan mo kaming dalawa.” sagot ni Rachelle sa sundalo.

Hindi nagustuhan ni Sebastian ang sinabing iyon ni Rachelle, kaya naman kahit hirap ito sa pagsasalita ay…

“Di-dito ka lang b-baby.”

“Sinong tinawag mo ng baby, mahal?” tanong ng naguguluhang si Rachelle.

“Oo sir, hindi kita iiwan, huwag ka na munang magsalita at magpahinga ka na lang.” sagot ni Richard sa Komandante.

Sa mga narinig ay nasagot ang tanong na iyon ni Rachelle sa Komandante. At hindi ito makapaniwala sa mga sandaling iyon.

“Mahal, ipagpapalit mo ba kami ng anak natin sa lalaking iyan?!” sumbat ng inis ng si Rachelle sa Komandante.

“Pwede bang tumigil ka na muna? Kita mo ng hindi pa tuluyang magaling si Baste.” saway ni Richard sa babae.

“Ikaw ang tumigil, ano pang ginagawa mo dito, iwanan mo na kami ni Baste!” singhal ni Rachelle kay Richard.

“Hindi mo ba narinig si Baste? Dito lang ako gaya ng sabi niya, kung gusto mo, ikaw ang lumabas.” balik ni Richard sa babae.

“Mahal, ano bang ginawa sa iyo ng lalaking iyan, hindi mo ba ako narinig kanina, magiging daddy ka na at magkakaanak na tayo, hindi mo na siya kailangan at ipinapangako ko, hindi na tayo maghihiwalay pa.” saad ni Rachelle at lumapit ito sa mukha ni Sebastian para halikan ang Komandante.

Naguguluhan naman si Sebastian sa mga narinig nito sa dating nobya at sa tangkang paghalik na iyon ng babae sa kanya ay kaagad na umiwas ito.

Nasaksihan ni Richard ang lahat ng iyon at lihim na natuwa ang sundalo, napatunayan muli kasi ng Komandante ang pag-ibig nito sa kanya.

Pigil ni Rachelle ang galit na nararamdaman nito, sa pagtangging ginawa na iyon ng Komandante. Kaya ayaw man nitong iwanan ang dalawa, minabuti na ng babae na lisanin ang lugar, pero bago iyon.

“Hindi ako makakapayag na ipagpapalit mo kami ng anak mo sa lalaking iyan, kung pipiliin mo siya, hindi ka kailanman kikilanin ng anak natin.” saad ni Rachelle at umalis na pagkatapos.

PANG-LIMAMPUT-SIYAM

Isang linggo ang lumipas at unti-unti ng bumubuti ang lagay ni Sebastian. Maayos na rin itong nakapagsasalita at sa mga nakalipas ngang araw na nagpapagaling ito, hindi halos umalis si Richard sa tabi nito.

“Baby nagugutom na’ko.” saad ni Sebastian sa kalalabas lang na si Richard, na katatapos lang maligo sa banyong nasa loob rin ng kuwarto ng Komandante.

“Sandali lang sir, anong gusto mong kainin.” sagot at tanong ni Richard sa Komandante na abala sa pagliligpit ng mga kalat sa kuwarto.

“Pwede bang ikaw?” pilyong sagot ni Sebastian na nakangisi pa ng tumingin si Richard.

“Kaya mo na ba sir?” ’di papatalong sagot ni Richard na kagat pa ang labi, habang papalapit ito sa Komandante.

“Kayang-kaya na, bakit hindi natin subukan.” sagot ni Sebastian, na nagsisimula ng mabuhay ang malaking laman sa pagitan ng kanyang mga hita, na natatakpan lang ng suot nitong hospital gown.

“Paano kung mahuli tayo?” sagot ni Richard na patuloy ang ginagawang pang-aakit sa Komandante.

“Damn baby, humanda ka talaga sa’kin kapag tuluyan na akong gumaling.” banta ni Sebastian, alam kasi ng Komandante na alam rin ni Richard na hindi pa talaga niya kaya sa lagay niya ngayon.

Kita naman ni Richard ang pagkabuhay ng malaking sawa ng Komandante na halata sa suot nitong hospital gown, kaya ng tuluyan itong makalapit kay Sebastian.

“Habang hindi pa puwede ang round two, hayaan mong isubo ko muna si Baste junior.” bulong ni Richard sa tenga ng Komandante.

Sa narinig ni Sebastian, mabilis nitong hinawakan ang mukha ni Richard at pinagtapo ang kanilang mga labi. Matapos ang masarap na halikan nila ni Richard.

“Sige na baby, nasasabik na si junior.” utos ni Sebastian kay Richard.

Iyon lang ang hinihintay ni Richard at mabilis nitong naiangat ang suot na hospital gown ni Sebastian, matapos nun ay bumungad nga sa sundalo ang malaking sawa ng Komandante, na nakasaludo na at naghihintay na sa kanya.

WARNING!!! RATED SPG

Kaagad isinubo ni Richard ang matigas at malaking burat ni Sebastian na sobra niyang namiss. Gaya ng dati ay pinagbutihan ng sundalo ang ginagawang pagtsupa sa hindi niya pagsasawaang malaking burat ng Komandante.

“Ahhh ganyan nga baby, sige pa sobrang namiss ka namin ni junior ahh.” ungol ng nasasarapang Komandante na nakapikit na sa sandaling iyon at ninamnam ang sarap ng bibig ng mahal niyang si Richard.

Pinagbutihan pa lalo ni Richard ang pagtaas-baba ng kanyang ulo sa malaking burat na iyon ng Komandante. At para hindi kaagad labasan si Sebastian, inuluwa sandali ni Richard ang malaking burat na iyon ng Komandante, para bigyan pansin naman ang mga bayag ng Komandante.

“Ahhh baby, ang sarap ng ginagawa mo ahh ganyan nga ahh.”

Salitan ngang isinubo ni Richard ang mga bayag ng Komandante at sinubukan rin nitong isubo ang dalawang bolang iyon na naglalaman ng masaganang gatas na maya-maya lang ay kanya ng matitikman.

Matapos magsawa sa mga bayag ni Sebastian at mapuno niya ito ng kanyang laway. Muling binigyang pansin ng sundalo ang malaking burat na iyon ng Komandante na walang-tigil na sa pagpapakawala ng paunang katas.

Gamit ang dila, parang ice cream na natutunaw na dinilaan ni Richard ang pauntang katas na iyon ng malaking burat ni Sebastian. At mga ungol naman ang naging sagot ng Komandante kay Richard.

Matapos masimot ang lahat ng paunang katas na iyon ni Sebastian, muling tsinupa ni Richard ang malaking burat na iyon ng Komandante.

Sa galing ng pagtsupang ginagawa ni Richard sa kanya, sinasabayan narin ni Sebastian ng pagbayo ang pagtaas-babang iyon ng ulo ni Richard.

Ramdam ni Richard ang mga kamay ng Komandante sa kanyang ulo, pati na ang pagbayo nito, para maisagad pa ang malaking burat na sumasakop sa kanyang buong bibig hanggang sa kanyang lalamunan.

Ilan beses pa ngang pagtaas-baba ang ginawa ni Richard sa malaking burat na iyon ng Komandante na sinasabayan rin ng pagbayo ng huli, at naramdaman na ni Richard ang paglaki pa lalo ng ulo ng burat ng Komandante na umabot na sa kanyang lalamunan.

“Ahhh andyan na baby ang gatas kooo ahhhhh!” ungol ni Sebastian na malapit ng labasan.

At sumabog na nga ang maraming tamod ni Sebastian sa bibig at lalamunan ni Richard, na walang tigil naman na tinaggap ng huli hanggang sa may ipuputok pang tamod ang Komandante.

Hingal na hingal si Sebastian matapos ang pagpapakawala nito ng maraming punla sa bibig ni Richard.

“Ang sarap nun baby, thank you.” saad ni Sebastian habang hinihimas ang ulo ni Richard na nanatiling subo ang kanyang burat.

“Anytime sir, sobra kong namiss si junior.” ngising sagot ni Richard, matapos nitong masimot ang pinakawalang tamod ng Komandante.

“At sobra ka rin namin namiss baby.” saad ni Sebastian na sobrang saya dahil ngayon ay muli nitong nakita at kasama ang taong pinakamamahal niya.

“I love you baby.” saad ni Sebastian na naluha na rin sa sandaling iyon.

Kaagad naman lumapit si Richard sa nakasandal ng Komandante sa oras na iyon.

“I love you sir.” sagot ni Richard at hinalikan ang mga naluhang mga mata ni Sebastian.

“Alam mo ba baby, ikaw ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon. Kaya sorry at dahil sa akin ay muntik ka na rin mawala.” saad ni Sebastian na muling naging emosyonal at hawak ngayon ang dalawang pulsuhan ni Richard na may peklat, dahil sa pagtatangka sa sariling buhay ng huli.

“Hindi sir, wala kang kasalanan, ako, ako ang dapat na humingi ng sorry, naging mahina ako, dahil buong akala ko’y kailanman ay hindi na tayo magkakasama pa.” alo ni Richard sa Komandante at ngayon ay naiiyak na rin matapos maisip ang sobrang sakit na pinagdaanan nito, sa panahong akala niya’y iniwan na siya ni Sebastian.

“Sshhh, tahan na baby.” alo ni Sebastian sa naiiyak na rin na mahal at iniligay nito ang ulo ni Richard sa kanyang dibdib, sabay yakap nito sa katawan ng huli.

“Hayaan mong ikuwento ko sa’yo ang dahilan, kung bakit kahit pa hindi kita kasama noon sa Tawi-tawi, nagawa mo parin ang mailigtas ako.” saad ni Sebastian at nagsimula na ito sa pagkuwento sa mga nangyari noon sa Tawi-tawi.

Sakay ng jeep na pagmamay-ari ng mga terorista, ngayon ay sinisundan na ni Sebastian ang mga papatakas na mga kalaban.

Sumunod ang pagpapaputok sa kanya ng mga terorista, na ginantihan rin niya ng pagpapaputok sa mga ito. At habang unti-unti niyang nauubos ang mga tauhan na iyon ng papatakas na lider ng terorista, hindi inaasahan ng Komandante ang bubungad sa kanya sa salamin na nasa harapan ng minamanehong jeep, ito’y ang pamilyar na patay ng tao na natanggal ang pagkakatakip at sakay rin ng minamaneho niyang sasakyan. Kaya naman hinubad ni Sebastian ang suot nitong uniporme, para itakip sa isa nilang asset na nahuli pala at napatay ng mga terorista. Sa pag-takip nga ng Komandante sa isa sa kanilang mga tauhan, sunod na namalayan ng sundalo ang natanggal na bracelet na regalo sa kanya ng mahal na si Richard.

Habang patuloy si Sebastian sa pagsunod sa mga terorista, patuloy rin nitong hinahanap ang bracelet na regalo sa kanya ni Richard. Pero hindi na nahanap pa ng sundalo ang pulseras, sa halip ay napansin nito ang maliit na pulang ilaw na patay-sindi na naririto mismo sa kanyang minamanehong jeep, alam na sa mga oras na iyon ng Komandante na isang bomba ang itinanim ng mga terorista at planado rin ng mga ito ang iwanan ang isang jeep para kung may sumunod man sa kanila ay mabibigo rin ang taong ’yon sa paghuli sa kanila ng buhay. At gaya rin sa inaasahan ni Sebastian, putol na rin ang preno ng minamaneho nitong jeep, kaya naman minabuti na lamang ng Komandante na ibangga sa isang puno ang sasakyan, bago pa ito sumabog na lulan siya. Pagkabangga nga ni Sebastian sa jeep sa isang puno, sugatan man ang Komandante ay nagawa nitong makalabas ng sasakyan, pero ilang segundo palang ng kanyang paglabas ay sumunod ang pagsabog ng bombang nasa loob ng jeep. Sa lakas ng pagsabog ay nahulog sa bangin ang jeep at pati na ang Komandante na malapit lang rin sa mga oras na iyon. Hindi alam ng Komandante, kung ilan beses siyang nagpagulong-gulong sa bangin bago ito tuluyang tumigil. Halos mapunit na rin ang kanyang suot na damit, dahil sa taas ng kinahulugan nito. Ilang sandali matapos na mahulog sa bangin, ilang metro sa kanyang puwesto ay ang dagat, kaya naman ng magkamalay ito, naisipan ng sundalo na baka sakaling may makakita at tumulong sa kanya kapag nagawa niyang makalapit sa dagat, kaya hirap man at hindi makatayo, sinikap ng sundalo na marating ang pampang ng dagat sa pamamagitan ng paggapang at kasabay nga na marating ng Komandante ang pampang ay nawalan muli ito ng malay.

Hindi maiwasan ni Richard ang maluha, matapos ikwento sa kanya ng Komandante ang mga pinagdaanan nito.

“Tahan na baby, ang importante ngayon ay magkasama na muli tayo.” alo ni Sebastian sa mahal.

“Tama ka sir, pero papaano ang tungkol kay Rachelle?” sang-ayon ni Richard at tanong na rin sa Komandante sa dating nobya nito.

“Wala kang dapat pang alalahanin sa kanya, naniniwala ka naman sa akin na hindi ko magagawang lokohin ka, hindi ba baby?” sagot at tanong ni Sebastian.

Isang tango ang naging sagot na iyon ni Richard sa Komandante.

“Iyon naman pala, pero sa ngayon, puwede bang pakainin mo na ako baby, gutom na talaga ako.” pakiusap ni Sebastian sa mahal nitong si Richard.

“Ikaw kasi sir, inuna mo pa si junior, hayaan mo kapag puwede na, isang buwan tayong magbabakasyon.” ngising sagot ni Richard.

“Gusto ko ’yon, at humanda ka talaga sa’kin.” sagot ni Sebastian at sa pagtayo ni Richard para ikuha siya ng mga kakainin, isang palo sa matambok ng puwet at iginawad ng Komandante sa mahal nito.

“Si-sir!”’ di makapaniwalang saad ni Richard, na namumula na ang mukha pagharap nito sa Komandante.

“Ang cute mo talaga baby.” sagot lang ni Sebastian sa namumulang mahal.

“Manyak!” sigaw pabalik ni Richard, bago iwanan sa kuwarto ang mahilig na mahal nitong sundalo.

“Hahahaha.” tawa naman ng Komandante sa narinig nito kay Richard.

At natawa na rin si Richard pagkatapos at masaya ang sundalo na wala ng mahihiling pa, ngayong kapwa sila masaya ng kanyang mahal na Komandante.

PANG-ANIMNAPU

Pagkalabas ni Richard para ibili ng pagkain si Sebastian, si Erick naman ang pumasok para samahan ang kaibigan.

“Sira ka talaga tol.” bungad ni Erick sa kaibigan.

“Tol! Ikaw pala, bakit mo na naman nasabi? nakangiting tanong ni Sebastian sa dumating na kaibigan.

“Hindi ka pa talaga nakapaghintay, pati dito sa ospital gumawa kayo ng milagro ni bunso.” sagot ni Erick na naiiling pa sa sandaling iyon.

Napakamot na lang sa ulo si Sebastian sa narinig nito sa kaibigan.

“Sa palagay ko ay naiintindihan mo naman ako tol, sobra ko lang namiss ang kapatid mo.” depensa naman ni Sebastian.

“Halata nga, oo nga pala magpapaalam na rin ako sa’yo at magkita nalang tayo sa kampo kapag magaling ka na talaga.” paalam ni Erick sa kaibigan at tinapik nito sa balikat ang kapwa Komandante.

“Sige tol, ingat ka, ano na palang balita sa ibinahay mo?” tanong ni Sebastian at biro pa nito sa kaibigan.

“Wala pa nga eh, kaya ilang buwan na rin akong tigang, pero mukhang mapapaamin ko na sa pag-uwi ko.” sagot ni Erick.

“Kung ganun goodluck tol, at hindi ka na magsasariling sikap na lang.” natatawang kantyaw ni Sebastian sa kaibigan.

“Gago! Oo nga pala, bako ako tuluyang umalis, bilis-bilisan mong magpagaling at baka mainip si Richard at patulan na si Guzman na umaaligid sa kanya.” ganti ni Erick sa kaibigan, at sa nakita nitong natahimik si Sebastian ay natatawang naglakad palabas ang alaskador na Komandante.

“Vince, Chard, mauna na’ko.” paalam ng Komandante sa mga kapatid.

“Sige kuya, ingat ka.” sagot ni Richard.

“Sige tol.” sagot naman ni Vince.

“Nga pala bunso, puntahan mo na si Baste, siguradong umuusok na ang ilong nun sa selos.” natatawang baling ni Erick kay Richard.

“Kuya ano na naman ang ginawa mo?!” nababahalang tanong ni Richard.

“Ganti ko sa inyo ni Baste sa ginawa ninyo sa kuwarto.” ngising sagot ni Erick at iniwan na nito ang mga kapatid.

Pagpasok nga sa kuwarto ng Komandante ni Richard, halata nito ang pagseryoso ng mukha ni Sebastian. Dala ang mga pagkain na binili nito, lumapit na si Richard at inihanda sa isang maliit na lalagyan ang mga kakainin ni Sebastian.

“Kain na sir.” saad ni Richard at inilagay sa harapan ng Komandante ang mga pagkain.

At dahil gutom na talaga, nagsimula ng kumain si Sebastian sa mga pagkaing dala ni Richard.

“Oo nga pala, umuwi na si kuya.” paalam ni Richard sa mahal nito.

“Alam ko, galing siya dito.” sagot ni Sebastian na patuloy parin sa pagkain.

“May sinabi ba siya sa’yo, sir?” tanong ni Richard na kahit wala namang ginawang kasalanan ay kinakabahan ito, lalo na sa seryosong itsura ngayon ng Komandante.

“May dapat ba akong malaman?” tanong pabalik ni Sebastian.

“Wa-wala sir, alam mo na si kuya, ugali nun ang mang-asar.” sagot ni Richard.

“Pero hindi iyon sinungaling hindi ba? Totoo bang may nanliligaw sa’yo?” seryosong baling ni Sebastian kay Richard na mabilis ng naubos ang kinakain.

“Si-sir!” gulat na saad ni Richard.

“Sa reaksyon mo, mukhang totoo nga, gusto mo ba si Alejandro?” seryosong tanong ni Sebastian kay Richard.

“Sir naman, anong klaseng tanong iyan? Syempre hindi, alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko.” ’di makapaniwalang sagot ni Richard.

Sa narinig ay nawala na pagkaseryoso sa mukha ng Komandante.

“Hindi mo naman ako masisisi, ang tagal rin na nagkahiwalay tayo, syempre hindi mo maaalis sa akin na mag-isip na baka ipinagpalit mo na ako.” amin ng Komandante sa takot at nararamdaman nito.

“Kunsabagay, mayaman rin si Alejandro, tapos maganda pa ang katawan at guwapo pa, wala ka ng mahihiling pa sa kagaya niya.” saad ni Richard na ngayon ay gumaganti, sa kabang naramdaman nito kanina na dulot ng mahal nitong Komandante.

“Sus ’yung ungas na ’yon guwapo? Malayo ang agwat ng kaguwapuhan ko, kumpara sa pulpol na Komandanteng iyon.” pagyayabang ni Sebastian.

“Talaga lang ha sir, baka sa hangin at bilib sa sarili kamo, sige nga, paano mo nasabing mas guwapo ka kay Sir Guzman?” hamon ni Richard sa Komandante.

“Mukhang close nga kayo ng ungas na ’yon ah, at kahit wala naman siya dito ay sir parin ang tawag mo sa kanya. At para masagot ko na ang tanong mo, kung bakit alam kong mas guwapo ako sa pulpol na iyon, simple lang, dahil patay na patay ka sa akin.” ngising sagot ni Sebastian.

Hindi naman makapaniwala si Richard sa narinig sa mahal nitong Komandante.

“Ako ba talaga ang patay na patay sa’yo sir, o ikaw ang patay na patay sa akin? Kasi kahit pa sinabi ko kanina na wala akong gusto kay Sir Guzman, hindi ko naman maaalis na hindi ko rin siya magustuhan, lalo na at palagi kaming magkasama sa kampo.” asar ni Richard sa Komandante.

Hindi nagustuhan ni Sebastian ang binatawang salitang iyon ni Richard, kaya naman mabilis nitong nahuli ang kamay ng huli at ngayon nga ay nakadagan na sa kanya si Richard.

“Hindi ka magkakagusto dun sa ungas na ’yon baby, dahil sa akin ka lang at kung kailangang iposas kita sa tabi ko ay gagawin ko.” bulong ni Sebastian sa tenga ni Richard at gamit ang dila ay dinilaan nito ang tengang iyon ng bunso ng Heneral.

“Ahhhh sir nakikiliti ako.” saad ni Richard at pumiglas sa pagkakahawak ni Sebastian.

“Damn baby, nabubuhay muli si junior.” saad ni Sebastian at pinagdikit pa lalo ng Komandante ang mga katawan nila ni Richard.

“Ang libog mo talaga sir.” bulong ni Richard sa tenga ng Komandante.

“Ikaw kasi, alam mo naman na seloso ako pagdating sa’yo.” saad ni Sebastian at ngayon ay inaamoy at hinahalikan na ang leeg ni Richard.

“Sa-sandali lang sir, baka mahuli na naman tayo, tignan mo kanina nahuli pala tayo ni kuya.” angal ni Richard na nadadala na rin sa ginagawa ng Komandante.

“Ayaw mo nun, mas exciting.” sagot ni Sebastian.

At sa sagot na iyon ng Komandante sa kanya, hindi na napigilan ni Richard at napalakas ang pagpalo nito sa balikat ni Sebastian.

“Ouch naman baby, hindi pa tayo kasal, ginagawa mo na akong battered husband.” reklamo ni Sebastian.

“So-sorry sir, ikaw kasi eh, masakit ba?” alalang tanong ni Richard.

“Oo baby, pero ikiss mo lang at mababawasan ang sakit.” uto ng Komandante kay Richard.

Kaagad naman hinalikan ni Richard ang balikat na iyon ng Komandante.

“Dito pa sa bandang leeg baby, sumakit din dahil sa paghampas mo.” patuloy na uto ng Komandante.

At muli ay hinalikan ni Richard ang parteng iyon ng leeg ng Komandante.

“Teka lang baby, sumakit rin si junior.” dagdag pa ni Richard Sebastian.

Sa sinabing iyon ng Komandante ay nabatid na ni Richard na pinagloloko na siya ng sundalo.

“Masakit sir, anong gagawin ko kay junior?” tanong ni Richard sa loko-lokong mahal nitong Komandante.

“Ikiss mo baby.” sagot ng lihim na natatawang Komamdante.

At bilang ganti sa pang-uuto ng Komandante, kinurot ni Richard ang malaking sawa na iyon ni Sebastian.

“Ouch baby! Tama na, masakit.” pigil ni Sebastian sa ginawang iyon ni Richard.

“Ewan ko sa’yo sir, puro ka kasi kalokohan, sige maiwan na muna kita, at magdedate pa kami ni sir Guzman.” asar ni Richard, na minabuti ng iligpit ang mga pinagkainan ng pilyong Komandante.

“Subukan mo baby at ipoposas talaga kita sa tabi ko.” banta ni Sebastian na muli ay nakaramdam ng selos sa sinabing iyon ni Richard.

“Napakaseloso mo talaga sir, ililigpit ko lang po ang mga pinagkainan n’yo, mahal na hari.” amin ni Richard sa tunay na gagawin nito.

“Mabuti kung ganun, mahal kong alalay.” sang-ayon naman si Sebastian.

At naiiling na lang lumabas ng kuwarto si Richard, dahil sa kalokohang pinaggagawa nila ni Sebastian.

Paglabas ni Richard ay ilang minuto matapos nun ay si Heneral Manalo naman ang pumasok, para kamustahin muli si Sebastian.

“Kamusta na ang pakiramdam mo, Manlangit?” bungad na tanong ng Heneral sa Komandante.

“Kayo pala sir, ayos na po ako sir.” magalang na sagot ni Sebastian.

“Mabuti kung ganun, isa pa palang sadya ko sa’yo bago kami umuwi ng tita mo, may mga dapat tayong pag-usapan sa mga nalaman ko.” simula ng Heneral at mataman naman na nakinig ang Komandante.

PANG-ANIMNAPUT-ISA

Abala si Hansel sa paghahanda ng tanghalian nila ng mga kasama sa bahay, at matapos maihain sa hapag ang mga pagkain, tinawag na isa-isa ng binata, ang dalawang guards at ang matandang driver na si Mang Popoy.

Habang tahimik na kasalukuyang kumakain ang apat, binasag ito ng may pagkamadaldal na guard na kasama nila.

“Balita ko tol, mamaya na ang dating ni sir Erick.” saad ni Arjay.

“Oo tol, alam mo na, siguradong namiss ni sir ang iniwanan niya.” sagot ni Jojo at tumingin pa kay Hansel pagkatapos.

Kinabahan naman si Hansel sa narinig na pag-uusap ng dalawang guards, at sa sandaling iyon ay umiisip na ng isasagot sa among sundalo, sa siguradong mga itatanong nito.

“Kayong dalawa, kumain na lang kayo ng kumain, at isa sa inyo ang sasama sa akin para magsundo kay sir.” saway ni Popoy sa mga guwardiya at baka makahalata na si Hansel sa tinutukoy ng mga ito.

At gaya nga ng inaasahan ni Hansel, habang abala ito sa pagluluto ng paboritong ulam ng padating na among sundalo, para sa hapunan, pagkabukas nga ng pinto ay bumungad sa kanya ang dumating ng Komandante.

“Ang bango niyan ha, Hans, paborito ko ba ’yan?” tanong ni Erick, pagkaamoy nito sa mabangong ulam na kasalukuyang niluluto ni Hansel at lumapit pa ang Komandante sa kinaroroonan ng binata.

Hindi naman kaagad nakasagot si Hansel, na nag-uumpisa ng kabahan, sa presensiya palang ng among sundalong katabi na niya.

“Pero ’wag kang mag-alala, mas mabango ka parin.” saad ni Erick na inilapit ang mukha sa leeg ng ’di mapakaling si Hansel.

Kita ng Komandante ang pamumula ng buong mukha ni Hansel, dahil sa ginawa niya, kaya naman minabuti nitong iwanan na muna ang binata.

Pag-akyat ni Erick sa kuwarto nila ni Hansel ay kaagad na itong naligo, at hindi na makapaghintay na matikman muli ang masarap na luto ni Hansel.

Tapos ng maihanda ni Hansel ang hapunan at hinihintay na lang nito ang pagbaba ng amo, para sabay na silang kumain. Sa isip ni Hansel, ayaw na muna nitong makasabay ang amo, ngunit wala naman siyang magagawa dahil paniguradong magagalit ito sa kanya.

“Sorry sa paghihintay Hans, kain na tayo.” saad ni Erick na katatapos lang maligo.

Amoy naman ni Hansel ang mabangong amoy ng amo pagkalapit nito. At inaamin ng binata na bagay ang amoy na iyon, sa isang katulad ng amo, na bukod sa may magandang katawan ay may angkin din na kaguwapuhan. Sa naisip ay napailing na lang si Hansel.

“Okay ka lang Hans?” takang tanong ni Erick.

“A-ayos lang ako, sir.” sagot ni Hansel na namula pa ang mukha.

“Kung ganun, mabuti pa ay kumain na tayo.” saad ni Erick.

Tahimik lang ang dalawa habang kumakain, si Erick na talagang namiss ang masarap na luto ni Hansel, na ganado sa pagkain. Samantalang ’di naman mapakali si Hansel, at naiisip ang maaring mangyari mamaya, kapag nag-usap sila ng among sundalo.

Matapos nilang kumain ng amo, kaagad ng iniligpit ni Hansel ang mga pinagkainan nila at para mahugasan na rin niya ang mga ito, kita rin ng binata na tinungo naman ng amo ang sala at nanood ito ng TV.

Ayaw man matapos ni Hansel ang paghuhugas, alam ng binata na hindi na niya maiiwasan ang among sundalo, sinisisi tuloy nito ang sarili dahil sa katangahan nitong nagawa sa pagpapadala nito ng text sa Komandante.

Halata ng nanood na sundalo ang matagal na pananatili ng personal maid sa kusina, kaya pinipigilan nito ang sarili na matawa, dahil sa halatang pag-iwas sa kanya ni Hansel.

‘Hay Hans, anong gagawin ko sa’yo.’ saad sa isip ng Komandante at minabuti ng pumunta sa kuwarto at doon na lamang hintayin si Hansel.

Sa nakitang pag-akyat ng amo sa kanilang kuwarto, sa maaga pang oras para matulog ito, alam na ni Hansel sa sandaling iyon, na naghihintay na ang Komandante para magkausap sila. Kaya naman, wala ng nagawa pa si Hansel, kungdi ang sundan ang amo.

Nakaupo sa gilid ng kama si Erick ng bumukas ang pinto ng kuwarto nila ni Hansel. Sunod na nakita ng Komandante ang paglapit ng pumasok na si Hansel sa kinaroronan niya.

“Sir ’yung tungkol po sa text ko sa inyo.” simula ni Hansel.

“Sige Hans, makikinig ako.” sagot ni Erick.

“Hi-hindi po wrong send lang iyon, to-totoo pong para sa inyo ang mensaheng iyon.” amin ni Hansel na napayuko na sa oras na iyon, at naghihintay na pandirihan o kaya’y insultuhin siya ng amo.

Sa narinig na matapang na pagtatapat ni Hansel sa nararamdaman, kaagad ng tumayo ang Komandante at nilapitan ang mahal nitong si Hansel.

“Alam ko at mahal din kita, Hans.” amin ni Erick sa damdamin nito at iniangat ang nakayukong mukha ni Hansel, para magpantay ang paningin nila.

Hindi makapaniwala si Hansel sa narinig nitong mahal din siya ng among sundalo, kaya naman kasunod nito ay ang masaganang luhang pinakawalan ng kanyang mga mata.

“Sshhh tahan na baby, I’m sorry kung hinintay ko munang sabihin mong mahal mo ako, bago ako magtapat ng nararamdaaman ko sa’yo.” alo ni Erick sa mahal, sabay pahid nito sa mga mata ni Hansel.

“A-ayos lang sir.” sagot ni Hansel at naiiyak man ay hindi naman dahil sa lungkot, kungdi dahil sa saya na nararamdaman nito.

“Ibig bang sabihin nito Hans ay tayo na?” tanong ng Komandante, na sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng kaba sa maaring isagot ni Hansel.

“Ikaw sir, ano bang gusto mo?” balik na tanong ni Hansel.

Gustong-gustong sabihin ni Erick na oo at maging sila na, pero ayaw ng Komandante na tanging siya lang ang magdedesisyon sa bagay na iyon, kaya naman.

“Oo, gusto kong maging tayo na Hans, pero ayokong madaliin ka o mapilitan lang na maging tayo, kaya payag ka ba na manligaw muna ako sa’yo?” sagot ni Erick.

Labis naman na kinilig si Hansel sa naging sagot na iyon ng among sundalo, pero kaagad rin naman nitong naisip ang tungkol sa kanyang ate.

“Sige sir, payag akong ligawan mo ako, pero papaano si ate?”

Natuwa naman si Erick sa unang sagot ni Hansel, pero napakunot-noo ito sa huling narinig.

“Anong tungkol sa ate mo?” tanong ni Erick.

“Papaano kapag nagising na siya sir?”

“Mabuti kung magising na siya Hans at maniwala ka na kahit hindi maganda ang nangyari sa amin ng ate mo, ipinagdarasal ko na magising na siya sa lalong madaling panahon, pero walang magbabago sa relasyong meron tayo, kapag dumating ang araw na magkamalay na siya.” sagot ni Erick.

Lalo naman humanga si Hansel sa mahal nitong Komandante, tunay ngang mabuti ang lalaking matagal na niyang lihim na minamahal, kaya naman hindi nagsisisi ang binata sa ipinagtapat nitong pag-ibig para sa among sundalo.

“Salamat sa pagdarasal din para kay ate sir, at gaya mo pangako ko rin, walang magbabago sa atin kapag nagising na si ate.” saad ni Hansel.

“Ngayong nagkaaminan na tayo, wala ka bang ideya Hans bago ka magtapat sa akin, tungkol sa nararamdaman ko rin sayo?” tanong ni Erick.

Sa narinig ay isa-isang naalala ni Hansel ang mga nangyari sa nakalipas ng mga buwan, na magkasama sila ng among sundalo sa iisang bahay.

“A-akala ko kasi sir ay nagbibiro lang kayo.” nakayukong saad ni Hansel, na ngayon ay isa-isang naisip ang ilang beses na pagpapadama sa kanya ng pag-ibig ng Komandante.

“Kung ganun, hayaan mong ipadama ko, kung gaano kalalim ang nararamdaman ko sa’yo.” saad ni Erick at mabilis na inilapit ang kanyang mukha sa maamong mukha ni Hansel, at sa isang kisap-mata lang, ipinagtagpo ng Komandante ang mga labi nila ng binatang si Hansel.

PANG-ANIMNAPUT-DALAWA

Hindi makapaniwa si Sebastian sa mga narinig nito sa Heneral, at hindi rin nito alam sa sandaling iyon ang mararamdaman sa mga nalaman.

“Hi-hindi ko po alam kung anong isasagot ko.” amin ng Komandante sa Heneral. “Bukod po sa atin, may iba po bang nakakaalam ng katotohanan?” tanong pa ng Komandante sa Heneral.

“Ang mga magulang niya at siya at tayong dalawa pa lang.” sagot ng Heneral.

“Kung ako lang po, handa akong kalimutan ang mga nagawa ni Rachelle, pero paano po si Richard?” alalang tanong ni Sebastian.

“Kakausapin ko siya hijo, at gusto rin ni Rachelle na magkausap kayong tatlo.” saad ng Heneral.

“Pero pa, ganun na lang iyon? Paano kung hindi nalaman ni pinsan ang tungkol kay Baste? Buong buhay akong mag-iisip na patay na ang mahal ko.” ’di makapaniwalang saad ni Richard.

“Naiintindihan ko ang galit mo anak, kaya nga gusto ni Rachelle na magkausap kayong tatlo kasama si Baste, pero sige kung anuman ang maging desisyon mo pagkatapos, tatanggapin ko.” saad ng Heneral.

“Ikaw sir, ano sa tingin mo ang dapat na gawin ko?” tanong ni Richard sa yakap nitong Komandante.

“Kung ano baby ang maging desisyon mo ay iyon ang gagawin natin.” sagot ni Sebastian.

“Hindi pa rin ako makapaniwala, sa dami ng taong magiging kaibigan ni papa, mga magulang pa ni Rachelle.” saad ni Richard.

“Ganyan talaga ang buhay baby, tignan mo, hindi ko akalain na ang anak ng taong bayaning nagligtas kay papa ay kasama ko ngayon at pinakamamahal ko.” saad ni Sebastian.

“Naisingit mo pa talaga iyon ah sir.” asar ni Richard sa Komandante.

“Syempre baby, kaya ’wag mong pigilan ang kilig mo sa mga sinabi ko.” sagot ni Sebastian.

“Sinong nagsabing kinilig ako? Nokornihan puwede pa.” saad ni Richard.

“Nakornihan pala ah, sige mamaya pagdating nung magandang nurse para icheck ako, papatunayan ko sa’yo na magaling akong magpakilig.” saad ni Sebastian.

“Subukan mo lang sir at tutuhurin ko si junior.” banta ni Richard.

“Huwag naman baby, alam mo naman ikaw lang ang gusto kong pakiligin.” saad ni Sebastian at muli ay hinalikan ang mga labi ni Richard.

“Ang hahalay ninyong dalawa.” saad ni Vince ng makita ang paghahalikan ng kapatid at ng kaibigan pagpasok nito sa kuwarto.

“Inggit ka lang tol.” sagot naman ni Sebastian.

“Bakit naman ako maiingit eh meron din ako, at dahil alam kong maayos ka na tol dahil para kang sawa kung makalingkis kay bunso, magpapaalam na rin ako.” saad ni Vince at asar nito sa dalawa.

“Kuya!” saway ni Richard.

“Hahaha, syempre tol, ang sabi pa naman ni Erick may umaaligid sa baby ko.” saad ni Sebastian.

“O sige na mauna na ako at ituloy ninyo na ang ginagawa ninyong kahalayan.” paalam ng Kapitan at nagawa pang asarin ang dalawa, bago ito tuluyang umalis.

“Sige ingat tol, ikamusta mo kami ni Chard kay Lorenzo.” sigaw ni Sebastian sa paalis ng kaibigan.

“Ano baby ituloy na natin?” ngising tanong ni Sebastian kay Richard, pagkalabas ni Vince.

“Ang libog mo talaga sir, matulog na muna tayo, inaantok pa ako.” sagot ni Richard.

“Sige baby tulog ka na.” saad ni Sebastian at hinagod nito ang likod ni Richard para kaagad itong makatulog.

Paggising ni Hansel ay kaagad bumalik sa kanyang isip, ang unang halik na ipinadama nila ng Komandante sa isa’t-isa. At sa naalala ay kusang nailagay ng binata ang daliri sa kanyang labi.

‘Totoo ngang nangyari iyon.’ saad sa isip ni Hansel at lumabas ang ngiti sa kanyang mga labi. Sandali pa nitong tinignan ang Komandante, na nasa kabilang kama at masarap parin ang tulog. Gaya ng dati ay walang suot ang among sundalo, kaya naman kita ni Hansel ang magandang katawan ng Komandante sa sandaling iyon, atsaka bumalik ang nangyari sa kanila ng Komandante sa sofa nung isang araw.

‘Kailangan ko na bang matutunan ang tungkol sa bagay na iyon?’ saad sa isip ni Hansel, pero mabilis rin na iwinaksi ang tungkol sa makamundong bagay. Sa halip ay bumangon na ito para maihanda na ang kanilang almusal ng mahal nitong sundalo.

Paggising ni Erick ay mabilisan itong naligo at matapos makaligo ay minabuti nitong magsuot na lang ng boxer short at sando at bumaba na rin ito, dahil kanina pa niya gustong matikman ang siguradong masarap na luto ng kanyang mahal.

Tapos ng maihain ni Hansel ang almusal nila ng amo at hinihintay na lang nito ang pagdating ng Komandante. At ilang minuto lang ay narinig na nito ang pagbaba ng sundalo.

“Morning baby.” bati ni Erick kay Hansel.

“G-good morning sir.” namumulang mukhang bati rin ni Hansel, na hindi pa sanay sa bagong tawag sa kanya ng among sundalo.

“Hindi ba napag-usapan na ang tungkol sa bagay na iyan, kaya masanay ka na dahil ikaw lang ang baby ko.” saad ni Erick na pansin ang pagkailang ni Hansel.

“Opo sir.” sagot ni Hansel, na bagamat namumula ay kinilig naman sa narinig sa Komandante.

“Isa pa ang pagtawag mo sa akin ng sir, palitan mo kapag tayong dalawa lang ang magkasama.” saad pa ni Erick.

“A-anong gusto mong itawag ko sa’yo s-sir?” tanong ni Hansel at tumingin ito sa guwapong mukha ng Komandante.

“Dahil baby ang tawag ko sa’yo, siguro naman mas bagay kung tawagin mo akong daddy.” ngising sagot ni Erick.

“Si-sige da-daddy.” payag ni Hansel, kahit pa sobrang pula na ng kanyang mukha.

“Sige na kain na tayo baby.” saad ni Erick na labis ang saya sa sandaling iyon.

“Okay daddy.” sagot ni Hansel na kahit naiilang parin ay masaya naman, sa nakikitang masaya rin ang mahal nitong sundalo.

Habang naghaharutan sina Richard at Sebastian, natigil ito ng pumasok sa kuwarto si Rachelle.

“Alam kong alam na ninyo ang tungkol sa mga nagawa ko, kaya alam kong hindi basta-basta na mapapatawad ninyo ako, ganunman humihingi ako ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko.” saad ni Rachelle.

Kita ni Richard na bukal sa loob ang paghingi na iyon ng tawad ni Rachelle, nalaman rin nito kahapon sa ama na inamin na lahat ng babae ang mga maling nagawa nito.

“Anong nagbago Rachelle, hindi ba nung huling mag-usap tayo, handa kang ipaglaban si Baste kahit na anong mangyari?” saad at seryosong tanong ni Richard.

“Tama ka Richard, handa kong ipaglaban si Baste kahit kanino, siguro naman sapat na ang mga maling nagawa ko para patotohanan iyon, pero alam ko rin kung kailan talo na ako sa laban, kita ko ang pagmamahalan ninyo sa isa’t-isa dahil ganun din ang ibinigay at ipinadama namin ni Baste sa isa’t-isa noon, pero nagkamali ako na inakala kong ganun parin ang madadatnan ko matapos ko siyang iwanan.”

“Ngayon, anong gusto mong pag-usapan pa natin.” tanong ni Richard na kahit papaano’y naiintindihan na si Rachelle.

“Hindi ako narito para makiusap para sa akin, gusto kong makiusap para sa mga magulang ko, ako ang may plano ng lahat kaya sana ako na lang ang magbayad sa mga pagkakamali ko.” saad ni Rachelle na naiyak na rin sa sandaling iyon.

“Sige pangako, hindi sila madadamay.” saad ni Richard.

“Sa-salamat Richard, Baste. At isa pa pala, kaya gusto ko kayong makausap, ito ay ang tungkol sa baby ko, kung gusto ninyo, ibibigay ko siya sa inyo, kapag nakapanganak na ako.” saad ni Rachelle.

Labis naman na ikinagulat ng dalawang sundalo ang narinig nila kay Rachelle.

“Pe-pero anak mo rin siya Rachelle.” saad ni Richard.

“Tama ka, na anak ko siya Richard, pero alam kong mas higit na magiging mabuti kayong magulang, kung kayo ang magpapalaki sa kanya.” saad ni Rachelle.

“Sige tinatanggap namin ang kagustuhan mo Rachelle. Ngayong naisip ko na ang lahat, tama ba ng pinuntahan kita dito sa ospital at may nangyari sa atin, kaya naging posible na may magamit ka para ipinagbubuntis mo ngayon.” saad ni Sebastian.

Napatingin naman si Richard sa gawi ni Sebastian, dahil sa nalaman.

“Oo Baste, noong araw ngang iyon, natakot kasi ako na baka dumating ang araw na hindi ka makabalik ng buhay, kaya ko nagawang kumuha ng gagamitin ko, para kahit may masamang mangyari sa’yo ay maipagbubuntis ko parin ang anak natin.” kumpirma ni Rachelle.

“Ibig sabihin, noon pa pala mahilig ka na sir.” saad ni Richard.

“Baby naman, ginagawa ko lang iyon sa mga karelasyon ko.” depensa naman ni Sebastian.

“Tama si Baste, Chard, kahit marami ang humahabol diyan, masasabi kong loyal siya sa taong mahal niya.” sang-ayon ni Rachelle sa Komandante.

“Narinig mo si Rachelle, baby, siguro naman hindi ka na magtatampo sa akin.” saad ni Sebastian.

“Pag-iisipan ko muna.” sagot ni Richard sa Komandante. “Salamat Rachelle, sa pagtitiwala sa amin ng magiging anak ninyo ni Baste, pero ayokong maisilang mo sa kulungan ang anak natin ni Baste, kaya hindi na ako magsasampa ng kaso sa’yo, at mali man ang mga nagawa mo, nagpapasalamat parin ako na isa ka sa dahilan kung bakit buhay ngayon si Baste.” baling naman ni Richard kay Rachelle.

Naluha naman si Rachelle, na ’di makapaniwala sa mga narinig sa sundalo.

“Sang-ayon ako kay Richard, Rachelle, dahil rin sa’yo kaya buhay pa ako, kaya salamat.” saad ni Sebastian.

“Ba-bakit? Matapos ang mga kasalanan ko, bakit napatawad ninyo ako.” tanong ni Rachelle na patuloy parin sa pag-iyak.

“Dahil alam namin ni Baste na mabuti kang tao, at nagawa mo lang iyon dahil nabulag ka ng sobra mong pagmamahal. Hindi ba may mga tauhan kang nakasubaybay sa amin? Alam mong ako ang balakid para tuluyang mapunta sa’yo si Baste at maaaring ipapatay mo ako anumang oras, pero gaya nga ng sabi ko, hindi mo ginawa iyon dahil mabuti kang tao.” paliwanag ni Richard.

“Sa-salamat sa inyo, pero higit na mas mabuti kayo at napatawad ninyo ako, kaya buong buhay kong ipagpapasalamat sa inyo ang pangalawang pagkakataong mabuhay ako ng malaya.” saad ni Rachelle na patuloy parin sa pagluha.

“Tama na ang pag-iyak, nakakasama ’yan sa baby natin.” saad ni Richard at lumapit ito para yakapin si Rachelle.

“Sa-salamat, Richard.” saad ni Rachelle.

“Salamat rin Rachelle.” sagot ni Richard.

PANG-ANIMNAPUT-TATLO

Abala sa paglilinis ng sala si Hansel ng tumunog ang kanyang cellphone na nasa malapit lang na sofa. Pagtingin nga ng binata ay napangiti ito ng makitang ang mahal nitong Komandante ang tumatawag.

“He-hello daddy.” bungad ni Hansel sa Komandante.

“Hi baby, magbihis ka ah, mamayang pag-uwi ko ay may pupuntahan tayo.” saad sa kabilang linya ni Erick.

“Sige daddy.”

“O sige, ibaba ko na rin ito, love you baby.”

“Okay daddy, love you too.” sagot ni Hansel at kahit pa namumula sa oras na iyon ay sobra namang kinilig sa maikling pag-uusap nila ng Komandante.

At gaya ng nais ng mahal nitong sundalo, mabilis ng tinapos ni Hansel ang paglilinis, para makaligo na ito.

Nakapagbihis na si Hansel at hinihintay na lang nito ang pagdating ng Komandante para sa lakad nila, pero bago iyon ay muling tumunog ang kanyang cellphone. Pagkakita nito ay hindi ang Komandante ang tumatawag, kungdi ang bunsong kapatid nito na si Richard.

“Hello sir Chard.” bungad ni Hansel.

“Hello Hans, congrats pala ah, sabi ni kuya ay umamin ka na rin sa wakas.” saad ni Richard at alam ni Hansel na tumawag ang sundalo para tuksuhin siya nito.

“Oo nga sir Chard, pero kahit na alam kong inaasar mo ako ngayon, salamat ah, dahil sa payo mo kaya nagkalakas rin ako ng loob na sabihin na sa kuya mo na mahal ko siya.”

“Wala yun, masaya ako para sa inyo ni kuya, kaya dapat samantalahin mo na ang pagkakataon ngayong nanliligaw na siya, sa aming tatlong magkakapatid, si kuya ang pinakamayaman.”

“Hindi naman iyon ang dahilan kaya minahal ko si sir Erick, pero maiba ako, masaya rin ako para sa inyo ni sir Sebastian.”

“Alam ko naman iyon at pati na si kuya, pero sa’yo rin naman mapupunta ang anumang pag-aari ni kuya balang araw, pero salamat sa tungkol sa amin ni Baste.”

“Salamat din sir Chard at kahit hindi pa tayo matagal na magkakilala ay tanggap mo ako para sa kuya mo.” saad ni Hansel na ’di na maiwasang maiyak dahil sa sinabi ni Richard.

“Oh napaiyak pa yata kita, wala ’yon Hans, gaya ng sabi ko nga kanina, masaya akong ikaw ang mahal ni kuya dahil alam kong mahal ninyo ang isa’t-isa, maiba ako may nangyari na ba sa inyo?”

“Sir Chard ano bang klaseng tanong iyan?!”’ di makapaniwalang bulalas ni Hansel.

“Hahaha, ibig sabihin wala pa nga, isang payo lang Hans, magpraktis ka na para doon, maawa ka naman kay kuya na ilang buwan ng nagpipigil sa’yo.” natatawang saad ni Richard.

“Eh wala pa akong karanasan sa bagay na iyon.” amin ni Hansel sa kausap.

“Huwag kang mag-alala, papadalhan kita ng website para d’yan, o sige mag-enjoy kayo ni kuya sa date ninyo.” huling saad ni Richard sa kabilang linya.

Gaya nga ng nabanggit ni Richard sa telepono, sumunod ay nakatanggap ng text si Hansel.

Pagkabukas sa text ay isa ngang link sa isang website iyon at dala ng kuryosidad ay ini-open ni Hansel ang nasabing link. Kaya naman bumungad sa mga mata ni Hansel, ang isang porn website na tampok ang isang twink na lalaki habang subo-subo nito ang malaking kargada ng isang maskuladong lalaki. At sa nakita ni Hansel, bumalik sa kanyang ala-ala ang sandaling nahuli niya ang Komandante, habang nilalaro nito ang sariling kargada.

‘Handa na ba ako para dun.’ saad sa isip ni Hansel.

Naputol ang pag-iisip ni Hansel tungkol sa makamundong bagay ng bumukas ang pinto, na dulot ng dumating ng Komandante.

“Ready ka na baby.” tanong ni Erick pagkakita sa nakabihis ng si Hansel.

“Oo daddy.” sagot ni Hansel na saglit pang tumingin sa paligid at baka may ibang makarinig sa kanya.

“Its okay baby, puwedeng sir na muna ang itawag mo sa akin kapag may ibang tao, pero kapag nasa kuwarto tayo, daddy lang ang puwedeng itawag mo sa akin.” saad ni Erick at lumapit na ito kay Hansel para kuhahin ang kamay ng huli.

“Okay sir.” sagot ni Hansel.

Sa isang amusement park idinala ni Erick si Hansel. At pagkakita pa lang ni Hansel sa labas ng nasabing lugar, kaagad bumalik sa kanya ang masayang ala-ala, ito ay noong magkasamang nagpunta ang buong pamilya nila sa araw ng kanyang ikapitong kaarawan.

“Halika na.” yakag ni Erick sa mahal na natigilan pagkababa nila ng sasakyan.

“Sige sir.” sagot ni Hansel na inabot ang nakalahad na kamay ng Komandante, at magkahawak kamay silang pumasok sa nasabing lugar.

Nangingiting pinagmamasdan ni Erick ang masayang mukha ng kasama, na abala ngayon sa pagtingin sa mga rides na naroon.

“Halika sir, sakay tayo doon.” saad ni Hansel na para bang bumalik ito sa pagkabata at dala ng sayang nararamdaman ay hila-hila na nito ang isang kamay ng Komandante papunta sa nasabing rides.

Nagpatianod naman si Erick sa kagustuhan ng mahal at ilang sandali lang ay tumigil sila sa isang carousel.

“Gusto mong sumakay diyan baby?” ngiting tanong ni Erick.

“Oo daddy!” sagot ni Hansel na otomatikong iyon ang ang tinawag sa Komandante, at ng maisip nito ang nasabi, kaagad na pinamulhan ng mukha ang binata, pansin rin nito na napatingin ang ilang malapit sa kinaroroonan nila.

“O sige sasakay tayo. Pero mamaya sa akin ka sasakay.” saad ni Erick at bulong nito sa huli sa tenga ni Hansel.

Kinilabutan naman si Hansel sa ibinulong ng Komandante at ramdam rin nito ang pag-init ng kanyang mukha.

Naging masaya ang pagpunta ng dalawa sa amusement park. Si Hansel na parang bumalik sa pagkabata at tuwang-tuwa sa mga rides na magkasama nilang sinakyan ng Komandante. At si Erick na higit na mas masaya, lalo na ng makita ang ngiti sa mga labi ng inosenteng mahal.

“Thank you sa araw na ito daddy.” saad ni Hansel habang pauwi na sila ng Komandante.

“Anything for you baby.” sagot ni Erick na abala sa pagmamaneho.

Pagdating sa bahay ay naunang pumasok si Hansel at mabilis itong nagtungo sa kuwarto nila ng Komandante. Naiwan naman si Erick na naguguluhan sa ikinilos ni Hansel.

Sa kuwarto ay muling tinignan ni Hansel ang kanyang cellphone, na nasa isang pornsite. Ilang minuto rin nitong pinapanood ang isang porn video, para kahit papaano ay may malaman siya kung paano papaligayahin ang isang lalaki.

Nag-aalala naman na sinundan ni Erick si Hansel sa kuwarto, at dahil sa dahan-dahan ang pagpasok na iyon ng Komandante. Walang kaide-ideya si Hansel na kasalukuyang nanood parin ng porn sa kanyang cellphone, na nasa likuran na niya si Erick.

Hindi makapaniwala ang Komandante sa nasaksihan, ang inosenteng mahal niya ay kasalukuyan ngayong nanood ng porn sa sariling cellphone.

“Hans anong ibig sabihin niyan?” ’di na napigilang tanong ng Komandante na medyo inis na sa sandaling iyon.

“Si-sir!” gulat na saad ni Hansel na kaagad nabitawan ang hawak na cellphone.

“Tinatanong kita Hans, kailan ka pa natutong manood ng ganyan?” seryosong tanong muli ni Erick.

“Nga-ngayon pa lang si-sir.” nakayukong saad ng namumula at nahihiyang si Hansel.

“Sabihin mo, bakit mo naisipang manood ng porn?” tanong ni Erick na sa sandaling iyon ay nakadarama na ng init sa katawan.

“Pa-para matuto ako sir.” sagot ng nakayuko parin na si Hansel.

“Ulitin mo ang sinabi mo, at anong sabi kong itawag mo sa akin kapag nasa kuwarto tayo.” saad ni Erick na ipinaparating nito sa kanyang boses, na ’di nito nagustuhan ang sagot na iyon ni Hansel.

“Pa-para matuto ako daddy.” pagtatamang sagot ni Hansel.

“Anong gusto mong matutunan baby?” lambing na tanong ni Erick na lumapit pa ng kaunti kay Hansel.

“Gu-gusto kong matuto, kung paano kita papaligayin da-daddy.” pag-amin ni Hansel sa Komandante.

“Ayokong makita muli kitang manood ganyan maliwanag!” maotoridad na utos ni Erick.

Nakaramdam naman ng kaba si Hansel sa tono ng pagkakasabing iyon ng Komandante.

“Yes daddy.” sagot ni Hansel na nanatili parin na nakayuko.

“Good boy baby, at dahil nahuli kitang nanood ng porn, gusto kong gawin mo kay daddy ang ginagawa kanina ng napanood mo.” saad ni Erick na ibayong pagnanasa na ang nararamdaman.

“O-okay daddy.” sagot ni Hansel at tumingala na ito kay Erick, kaya naman nakita ng binata ang ibayong pagnanasa sa mga mata ng Komandante.

“Sige na baby, paligayahin mo na si daddy.” saad ni Erick at humiga na ito sa kama ni Hansel.

Hindi makatingin ng diretso ang nakapatong na si Hansel sa mukha ng nakahigang si Erick, habang isa-isa niyang tinatanggal ang mga suot ng barakong Komandante.

“Baby, tingin ka kay daddy.” utos ni Erick kay Hansel, at tanging puting brief na lang rin ang suot ng Komandante sa sandaling iyon.

Sumunod naman si Hansel at tumingin ito sa mukha ni Erick.

Pagtama ng kanilang paningin, kaagad hinawakan ng dalawang kamay ng Komandante ang maliit na mukha na inosenteng mahal, na ilang sandali lang ay kukuhanin na nito ang pagkainosenteng iyon ni Hansel.

“Gusto kong tanungin muli kita baby, sigurado ka na ba na paligayahin si daddy?” lambing na tanong ni Erick.

“Oo daddy, handa na akong paligayahin ka.” maagap na sagot ni Hansel at para ipahatid sa Komandante na totoo iyon, pinaglapit na ni Hansel ang mga labi nila ni Erick.

Tinugon naman kaagad ni Erick ang paghalik na iyon ni Hansel, at muli ay nalasahan at nadama ng Komandante ang tamis at lambot ng mga mapulang labi na iyon ng inosenteng mahal. Matapos magsawa sa kanilang paghahalikan, mabilis na pumaibabaw ang barakong sundalo, sa bihis na bihis pa sa oras na iyon na si Hansel.

“Baby, gusto ng makita ni daddy ang katawan mo, kaya maghubad ka na para mapaligaya ka na ni daddy.” utos ni Erick.

“Okay daddy.” sagot ni Hansel na kaagad sumunod sa mahal nitong Komandante.

Pagkahubad ng inosenteng mahal sa mga suot nito, lumantad sa Komandante ang makinis at maputing katawan na iyon na matagal na niyang kinakapanabikang hagkan at mahawakan. Kaya naman gamit ang mga malalaking kamay, sinumulang maglandas ng mga palad ng Komandante sa mga binti ni Hansel.

Sa naramdaman palang na mga palad ng barakong Komandante sa kanyang mga binti, nagsimula na rin makaramdam ng init sa katawan si Hansel.

Nagugustuhan ni Erick ang pagsalat sa makinis na binti ni Hansel, kaya naman naglakbay pa papunta sa makinis ring mga hita ng mahal ang mga palad ng Komandante. Nang umabot na sa tanging brief na lang na suot ni Hansel ang mga kamay ni Erick, mabilis na hinubad na rin ng Komandante ang natirang saplot na iyon ni Hansel.

Kaagad naman tinakpan ni Hansel ng dalawang kamay ang kaselanan niya, dahil nakaramdam ito ng hiya sa sandaling iyon.

“Baby, ’wag kang mahiya kay daddy, dali na, gustong makita ni daddy ang cute na si junior.” saad ni Erick.

Tinanggal na rin ni Hansel ang kanyang mga kamay, at lumantad na kay Erick ang maliit na titi ni Hansel.

“Ang cute naman nito baby, pero syempre mas cute ka parin baby.” biro ni Erick para hindi na mahiya pa ang mahal.

Gamit ang isang kamay, nilaro ni Erick ang maliit na titing iyon ni Hansel, na kaagad naman unti-unting lumaki at tumigas.

Pigil ni Hansel ang sarap na nadarama sa ginagawang iyon ng Komandante, sa edad niyang disi-otso, ni hindi nagawang paligayahin ni Hansel ang sarili at ito ang unang beses na maramdaman nito ang sarap na iyon.

“Baby, gusto ni daddy na marinig ka, kaya iparinig mo kay daddy na nasasarapan ka.”

Hindi na nga pinigil pa ni Hansel ang sarap na nadarama, kaya naman…

“Ahhh ang sarap daddyy ahh.” ungol ni Hansel sa sarap na dulot ng kamay ng Komandante na abala sa pagsalsal sa kanyang kaselanan.

“Sige lang baby, ’wag mong pigilan.”

“Gnyahh ahh da-daddy ahh ahh.” ungol muli ni Hansel.

Ilang taas-baba pa ang ginawa ng kamay ni Erick sa maliit na titi ni Hansel, at ilang sandali pa ay nagpakawala ng maraming katas ang huli.

“Ahh ang sarap daddy ahh ahh.” ungol ni Hansel na ibayong sarap ang sensanyong nadama, matapos kuwala sa unang pagkakataon ang likidong katas ng kanyang ari.

Kita ni Erick ang pagod sa mukha ng inosenteng mahal, matapos nitong magpakawala ng maraming katas. At halata rin ng Komandante ang inaantok ng mukha ni Hansel, kaya naman matapos niyang linisan ang katawan ng mahal, minabuti na lamang nito na buhatin si Hansel at sa kama niya na lamang sila matulog.

“Paano ka daddy?” tanong ni Hansel habang buhat-buhat siya ng Komandante.

“Ayos lang ako baby, matulog ka na okay.” sagot ni Erick at tumingin ito maamong mukha ni Hansel.

“Sorry daddy.” sagot ni Hansel na nakunsyensya at umiwas ng tingin sa Komandante.

“It’s okat baby, naiintindihan ni daddy.” sagot ni Erick at inihiga na si Hansel sa kama.

“Thank you daddy, promise babawi ako bukas.” saad ni Hansel na humikab pa pagkatapos.

“Aasahan iyan ni daddy, sige na baby matulog ka na.” saad ni Erick at tinabihan na rin niya si Hansel.

Pumikit na nga si Hansel, pero bago iyon ay lumapit ito at yumakap sa Komandante.

Inayos naman ni Erick ang posisyon ni Hansel, at inilagay nito sa kanyang dibdib ang ulo ng mahal. At kuntentong nakatulog na rin ang Komandante sa piling ng pinakamamahal.

PANG-ANIMNAPUT-APAT

Abala sa gawaing bukid si Lorenzo ng marinig nito na parang may tumatawag sa kanya. At pagtingin nga nito sa direksyon na pinagmumulan ng boses, nakita nito ang nanay niya.

“Enzo anak may bisita ka!” muling sigaw ni Celia para marinig siya ng anak.

Sa narinig ni Lorenzo kahit pa nagtataka ay iniwan na muna niya ang ginagawa sa bukid. Paglapit nito sa ina ay nagtanong na ang pobreng sundalo.

“Sinong bisita nay?”

“Si Kapitan Vince anak.” sagot ng ginang sa anak.

Nagulat naman si Lorenzo sa narinig nito, at kaagad nitong tinungo ang papunta sa kanilang bahay, matapos sabihin ng kanyang ina na kausap ngayon ng Kapitan ang kanyang tatay.

“Sir anong ginagawa mo dito?” ’di makapaniwalang tanong ni Lorenzo ng makita nito na narito nga si Vince sa kanila.

Sandaling pinasadahan naman ng tingin ni Vince ang namiss niyang si Lorenzo, at kita nito ang simpleng suot ng pobreng sundalo pati na ang putik na nasa katawan nito dulot ng gawaing bukid.

“Syempre para bisitahin ka, namiss kita Enzo.” matapang na sagot ni Vince, kahit pa kasama nila ni Lorenzo sa sandaling iyon ang mga magulang ng huli.

Sandali naman nakaramdam ng hiya si Lorenzo sa sagot sa kanya ng Kapitan, at dahil alam nitong wala talagang kinatatakutan si Vince, ang pobreng sundalo na ang gumawa ng paraan, bago pa tuluyang makahalata ang kanyang mga magulang sa relasyon na meron sila ng Kapitan.

“Tay, nay, puwede bang magkausap kami saglit ni sir.” pakiusap ni Lorenzo sa mga magulang.

Kaagad naman pinagbigyan ng mag-asawa ang kagustuhan na iyon ng kanilang anak.

“Sige sir maiwan na muna namin kayo.” saad ni Lito.

“O sige Enzo ikaw na ang bahala kay sir.” baling ni Celia sa anak. “Sir dito na kayo sa amin mananghalian.” baling naman ng ginang sa Kapitan.

“Sige po nay.” sagot ni Vince sa nanay ni Enzo.

Natuwa naman si Celia sa pagtawag sa kanya ng nanay ng kasamahang sundalo ng anak, at iniwan na nga nila ng kanyang asawa ang dalawang sundalo.

“Sir naman, baka puwedeng ’wag mo munang masyadong ipahalata kila tatay ang tungkol sa atin.” pakiusap ni Lorenzo sa Kapitan ng medyo malayo na sila sa kanilang bahay

“Bakit Enzo, kinakahiya mo ba ako?” seryosong tanong ni Vince.

“Hi-hindi naman sa ganoon Vince, ayoko lang biglain sila tatay.” maagap na sagot ni Lorenzo.

“Bakit, galit ba sa mga bakla ang mga magulang mo?”

“Sa tingin ko sir hindi naman, pero maiba ako, bakit ka nga nandito sa amin?”

“Hindi ba sinagot na kita kanina? Sobrang namiss kita Enzo.” sagot muli ng Kapitan at sabay na pinaglapit nito ang mga mukha nila ni Lorenzo.

Kaagad naman lumayo ang pobreng sundalo, bago pa tuluyang mahalikan siya ng Kapitan.

Sa ginawang iyon ni Lorenzo, nakaramdam naman ng pagkapahiya si Vince.

Halata ng pobreng sundalo na nasaktan ang Kapitan, dahil sa naging reaksyon nito sa tangkang paghalik sa kanya ni Vince, kaya naman kaagad rin nitong hinawakan ang isang kamay ng Kapitan.

“Hi-hindi ko sinasadya sir, natatakot lang ako baka anong isipin ng ibang makakakita sa atin.” amin ni Lorenzo sa kabang nararamdaman.

“Gusto kong intindihin ka Enzo, pero alam mong wala akong pakialam sa anumang iisipin ng iba sa akin, at sana hindi ito ang maging dahilan para pigilan mo ang nararamdaman mo rin sa akin.” saad ni Vince at minabuti ng iwanan ang pobreng sundalo.

Naiwan naman na nagsisisi si Lorenzo, tama naman ang Kapitan na hindi nito ikinahiya ang tungkol sa kanila noong nasa probinsya sila ng huli. Pero hindi alam ng pobreng sundalo kung bakit natatakot ito, ngayong kasama niya si Vince sa kanilang lugar.

Mula pa kaninang nagkausap sila ng Kapitan, pansin ni Lorenzo ang hindi pagpansin sa kanya ng una. Tanging ang mga magulang at mga kapatid niya ang kinakausap ni Vince, habang abala silang kumakain ng tanghalian.

“Ikaw sir, may alam ka ba sa gawaing bukid?” tanong ni Lito sa bisita nilang Kapitan.

“Eh wala ho tay, pero madali naman akong matuto.” tapat na sagot ni Vince.

“Ah d’yan ka daig ng kuya ko, kuya.” sali sa usapan ng batang si Lester.

“Lester, ’wag ka ngang sumali sa usapan ng mga matatanda, mabuti pa kumain ka na lang.” saway ni Lorenzo sa bunsong kapatid.

“Opo kuya.” sunod naman ni Lester.

“Kung gusto mo sir subukan mo, mamaya sumama ka sa amin pagbalik namin sa bukid si Enzo.” saad ni Lito.

“Tay nakakahiya naman kay sir.” sabat ni Lorenzo bago pa makasagot si Vince.

“Sige tay sasama ako.” baliwala ng Kapitan kay Lorenzo at pagpayag nito sa sinabi ng tatay ng huli.

Ngayon si Lorenzo naman ang naiinis kay Vince, dahil kanina pa siya hindi pinapansin ng Kapitan.

Gaya ng sabi ni Vince, kasama nito ang mag-ama ng bumalik ang mga ito sa bukid.

“Anak, ikaw na ang magturo kay sir kung paano ang magtanim.” saad ni Lito.

“Opo tay.” sagot ni Lorenzo na lihim pang napangiti, dahil hindi na magagawa ng Kapitan ang umiwas pa sa kanya.

“Hindi mo na kailangan ang turuan pa ako, papanoorin na lang kita at madali naman akong matuto.” tanggi ni Vince sa pagtuturong gagawin ni Lorenzo.

“Okay lang sir, para mas maging madali ang pagtatanim mo.” sagot ni Lorenzo.

Kasalukuyan na ngang nasa gitna ng bukid ang dalawang sundalo. At para mas madaling maturuan niya ang Kapitan sa pagtatanim ng palay, kaagad na hinawakan ng pobreng sundalo ang dalawang kamay ni Vince, para gabayan ito sa pagtatanim ng mga punla ng palay.

“Sige na Enzo, alam ko na kung papaano.” awat ng Kapitan sa pagtuturong ginagawa ni Lorenzo.

“O-okay sir, pero kung ayaw muna, wag kang magdadalawang-isip na umahon na kaagad.”

Hindi na sinagot pa ni Vince ang sinabing iyon ni Lorenzo. At nagpatuloy na nga sa pagtatanim ang dalawa.

Panaka-naka naman na pinagmamasdan ni Lorenzo ang Kapitan. Inaamin ng pobreng sundalo na lalo itong humanga sa lalaking alam niyang laman na ng kanyang puso. Sino ba kasing mag-aakala na ang milyonaryong modelong Kapitan ay magkakainteres sa kanyang simple lang na sundalo, at heto ngayon at mabilis na napakisamahan ang kanyang pamilya, pati na ang simpleng pamumuhay na mayroon sila, kasama rin niya ito ngayon sa bukid at parang sanay na sanay rin ito sa isa sa mga mabigat na gawain ng mga kagaya nilang hirap sa buhay.

Nang makaramdam ng init sa ilang oras ng pagtatanim, minabuti na ng Kapitan ang hubarin ang suot na damit.

Sa ginawa nga ni Vince, tila lalong nanuyo ang lalamunan ni Lorenzo ng bumungad sa kanya ang magandang katawan na iyon ng Kapitan. At bago pa siya mahuli ng alam niyang inis parin sa kanyang si Vince, minabuti na lamang ng pobreng sundalo ang ipagpatuloy ang pagtatanim.

Alas-singko ng hapon ng sabay-sabay na umahon sa bukid si Vince, Lorenzo at si Mang Lito.

“Ang galing mo sir, hindi parin ako makapaniwala na unang beses mo ito sa pagtatanim ng palay.” tuwang saad ni Lito at tapik pa nito sa balikat ng Kapitan.

Tama ang kanyang tatay, wala yatang hindi alam na gawin ang Kapitan, kita ni Lorenzo ang pantay at pulidong naging pagtatanim ni Vince. At hindi lang iyon, kita rin ng pobreng sundalo ang likod ng makisig na Kapitan na wala parin suot na damit sa sandaling iyon.

At huli na bago makaiwas na tingin si Lorenzo, dahil nahalata ng Kapitan ang tinging iyon ng pobreng sundalo ng humarap siya rito. Kaya naman kahit hindi pa tuluyang nakalalayo ang tatay ni Lorenzo, lumapit na ang Kapitan sa kinaroroonan ng pobreng sundalo.

“Mamaya, hindi mo lang iyan titignan, maari mo rin gawin ang kahit na anong gusto mong gawin.” bulong ni Vince sa tenga ni Lorenzo.

At bago pa makasagot sa kanya ang pobreng sundalo, iniwanan na ni Vince ang namumula na rin sa oras na iyon na si Lorenzo.

Dahil sa bisita nilang Kapitan, pinagtulungan ng mag-amang Lito at Lorenzo ang pagkatay ng mga alaga nilang manok. Nakagawian na ng pamilya ang bagay na iyon, lalo na kapag may importante silang bisita. Samantala pinanood naman ni Vince ang mag-ama sa kanilang ginagawa, dahil pinagbawalan na siya ni Mang Lito na tulungan sila.

Ngayon ay oras ng hapunan, at pinagsasaluhan ng mag-anak na Velasco at ng bisita nilang Kapitan ang mga manok na kinatay ng Mag-amang Lito at Lorenzo. Inaamin ni Vince na nagustuhan nito ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Velasco, at nakapagdesisyon ang Kapitan na bago sila magkahiwalay muli ni Lorenzo, ipagtatapat na nito sa mga magulang ng huli ang totoong dahilan ng pagpunta niya rito sa Cebu.

Matapos ang hapunan at makapagpahinga ng kaunti, muling nakita ni Vince ang tatay ni Lorenzo, matapos magpaalam nito na may kukuhanin ito sa kapitbahay na kumpare rin nito.

“Ano sir gusto mo bang samahan ako sa pag-inom nito?” tanong ni Lito na dala-dala na ang boteng may laman na lambanog.

“T-tay baka hindi umiinom ng ganyan si sir!” alalang sagot ni Lorenzo, bago pa makasagot ang katabi nitong si Vince na nanood ng balita sa luma nilang TV.

“Ayos lang Enzo, nakainom na rin ako ng ganyan dati.” pagsisinungaling ni Vince na ayaw pahiyain ang tatay ni Lorenzo.

“Ayos kung ganun sir, anak ikuha mo kami ng baso at samahan mo na rin kami.” utos ni Lito kay Lorenzo.

“Sigurado ka ba sir?” muling tanong ni Lorenzo sa Kapitan.

“Oo Enzo, at kung malasing ako, aalagaan mo naman ako hindi ba?” bulong ni Vince sa tenga ni Lorenzo.

Matapos ang dalawang oras na pag-iinuman nila, minabuti ng iwanan ni Lorenzo ang tatay at ang Kapitan, kilala kasi ng pobreng sundalo na malakas sa inuman ang kanyang ama, at ayaw nitong pareho silang tuluyang malasing tatlo at walang aakay papasok sa kanila.

Matapos ang dalawang oras na pananatili ni Lorenzo sa kanilang sala, muli itong lumabas para kamustahin ang lagay ng dalawang iniwan niyang umiinom parin kanina. At gaya nga ng kanyang inaasahan, parehong bagsak na ang dalawa dahil sa labis na kalasingan, pansin rin nito na tatlong bote pala ng lambanog ang naubos ng dalawa.

Naunang akayin ni Lorenzo ang kanyang tatay, at ng makapasok sa loob ng kanilang bahay, kaagad nitong kinatok ang pintuan ng kuwarto ng mga magulang.

“Ang tatay mo talaga.” naiiling na saad ng nanay ni Lorenzo at tinulungan nito ang anak na akay ang kanyang tatay.

“Sige na ako ng bahala sa tatay mo, balikan mo na si sir, sigurado akong lasing rin iyon ano?” saad ni Celia sa anak.

“Oo nay, kilala n’yo naman si tatay, sige po.” sagot ni Lorenzo.

Pagbalik ni Lorenzo sa labas ay nakita nitong nakasubsob parin ang lasing na Kapitan.

“Hay talagang nakipagsabayan ka pa kay tatay.” naiiling na saad ni Lorenzo, bago ito lumapit para akayin na ang tulog ng Kapitan.

Matapos maihiga ang Kapitan sa kanyang kuwarto, na tanging banig lang ang nandoon sa kawayan lang na higaan nito. Sandaling iniwanan muna ni Lorenzo si Vince, para kumuha ng tubig at bimpo para ipampunas sa katawan ng huli.

Matapos mahubad ang damit at ang pantalon na suot ng Kapitan, saglit na pinagmasdan ni Lorenzo ang guwapong barakong sundalo na naririto ngayon at nakahiga sa kanyang kuwarto. Nang matauhan sa paghanga sa katawan ng mahal niyang sundalo, sinumulan na rin ni Lorenzo ang pagpupunas sa malaking tuksong katawan ng Kapitan.

Nang matapos mapunasan ang buong katawan ni Vince, minabuti na munang maligo ng pobreng sundalo sa posong nasa labas ng kanilang bahay, ibayo kasing init at pagnanasa ang naramdaman nito dulot ng tulog na Kapitan.

Abala si Lorenzo sa pagpupunas ng kanyang basang buhok sa loob ng kanyang kuwarto, nang maramdaman nito ang mga kamay na yumapos sa kanyang hubad pang katawan.

“Si-sir!” gulat na bulalas ni Lorenzo sa alam niyang taong may gawa nun.

“Sshh, sabik na sabik na ako sa’yo Enzo.” bulong ni Vince sa tenga ni Lorenzo.

“Si-sir baka marinig tayo nila tatay.” alalang saad ni Lorenzo, kahit pa nagsisimula na rin na mag-init ang kanyang katawan, dulot ng nag-uupisa ng mga labi ng Kapitan na humahalik sa kanyang batok.

“Sshhh, basta pigilin mo lang ang sarili mo, akong bahala.” bulong na sagot ni Vince at ipinagpatuloy nito ang paghalik sa batok ni Lorenzo.

Hindi na tumutol pa si Lorenzo dahil inaamin nitong ganoon rin ang kanyang nararamdaman, at hindi na rin makapaghintay na muling mag-isa ang kanilang katawan ng Kapitan.

Nang humarap na sa kanya si Lorenzo, sabik na sabik na hinagkan ni Vince ang namiss niyang malambot na mga labi ng pobreng sundalo. Hindi naman nagpatalo si Lorenzo at gutom na gutom rin nitong hinalikan pabalik ang Kapitan. Habang nakatayo parin ang dalawa at kapwa hubot-hubad na, ramdam ng bawat-isa ang init na nanggagaling sa hubad nilang mga katawan, ramdam din nila ang matigas ng laman sa pagitan ng kanilang mga hita, kaya naman lalo pang ipanaglapit ng dalawa ang kanilang mga katawan, na naging dahilan ng pagkiskisan ng kanilang matigas na laman.

“Ahhhh.” sabay na ungol ng dalawang sundalo na saglit na humiwalay sa paghahalikan, dulot na sarap ng pagkiskisan ng kanilang matigas ng sandata.

“Enzo, isubo mo na.” utos ni Vince at inilagay ng Kapitan ang dalawang kamay sa balikat ng pobreng sundalo, sabay giya nito paluhod kay Lorenzo.

WARNING!!! RATED SPG

Hindi na tumutol pa si Lorenzo sa kagustuhan ng Kapitan, at ng tuluyan itong makaluhod, saktong nakatapat na sa kanyang mukha ang malaki at matigas na nakasaludong burat ng Kapitan. Gamit ang isang kamay, dahan-dahan binate ni Lorenzo ang malaking sandatang iyon ni Vince.

Pigil naman ni Vince ang mapaungol at baka marinig sila ng mga magulang ni Lorenzo.

Matapos ang pagtaas-baba ng kanyang kamay sa galit ng burat ng barakong Kapitan, gamit ang dila ay sinumulan ng dilaan ni Lorenzo ang kahabaan ng namiss niyang jumbo hotdog ni Vince. Sa tulong ng kaunting liwanag na nanggagaling sa ilaw ng poste sa labas ng kanilang bahay, kita ni Lorenzo ang nakapikit na mukha ng Kapitan na sarap na sarap dulot ng kanyang ginagawang pagpapaligaya. At hindi na nakatiis pa si Lorenzo at inumpisan na rin nitong ipasok sa kanyang bibig ang malaking burat ng Kapitan.

“Ahhhh!” ’di napigilang ungol ni Vince ng maramdaman nito ang mainit na bibig ni Lorenzo, na isinubo na ang kanyang matigas na laman.

Sandali namang inuluwa ni Lorenzo ang malaking burat na iyon ng Kapitan.

“Sir, baka marinig tayo.” mahinang saad ni Lorenzo.

“Sorry Enzo, sige na isubo muna ulit.” mahinang pakiusap ng Kapitan.

Isinubo na nga muli ni Lorenzo ang matigas at malaking burat na iyon ni Vince, at sinumulan muli nito ang paglabas-masok sa jumbo hotdog na iyon na hindi niya pagsasawaan.

“Ahh ang sarap ahh ganyan nga Enzo ahh.” mahinang ungol ni Vince sa sarap na hatid ng maiinit at masikip na bibig ng pobreng sundalo.

Nagpatuloy si Lorenzo sa pagtsupa sa malaking burat ng barakong Kapitan, at ramdam na rin ng pobreng sundalo ang pagbayo ng Kapitan para lalo pang isagad ang malaking burat sa kanyang lalamunan.

“Shit kang puta ka Enzo, sige lang ahhh sa’yong-sayo lang ang burat ko ahhh.” mahinang saad at ungol ng Kapitan.

Pinagbutihan pa lalo ni Lorenzo ang pagtsupa sa malaki at matigas na burat ng barakong sundalo, at hindi na ito makapaghintay na matikman muli ang maraming gatas na ipuputok ng malaking burat na iyon ng Kapitan na pumupuno ngayon sa kanyang bunganga.

“Ang sarap mo talagang tsumupa puta ka Enzo ahh, sige pa ahh mamaya papainumin muli kita ng masustansyang gatas ko ahhh.”

At ilang pagtsupa pa ang ginawa ni Lorenzo na sinusuklian rin ng pagbayo sa kanya ng Kapitan.

“Ahhh tangina malapit na aahhhh, heto na Enzo puta ka lunukin mo lahat ng ipuputok ko ahhhhhh.” saad at ungol ng Kapitan na hawak na rin ang buhok ng pobreng sundalo, at ng maramdaman nitong lalabasan na siya, isinagad nito sa lalamunan ni Lorenzo ang kanyang malaking burat.

Halos maduwal naman si Lorenzo ng lalong naging marahas ang pagbayo ng Kapitan sa kanyang bibig, at ilang sandali pa nga, naramdaman ng pobreng sundalo ang ulo ng malaking burat ng barakong Kapitan na umabot na sa kanyang lalamunan. At kasunod nga nito ang pagragasa ng maraming gatas na pinaputok sa kanya ng malaking burat ng barakong sundalo. At nagpatuloy si Lorenzo sa paglunok ng ilalabas pang tamod ng malaking burat ni Vince.

Halos maubos ang lakas ng Kapitan, matapos ang maraming pinakawalan nitong tamod sa bunganga ng gutom na gutom sa kanyang gatas na si Lorenzo.

Nang wala ng ipuputok pang tamod ang burat ni Vince, pinakawalan na ng pobreng sundalo ang masarap na jumbo hotdog na iyon ng Kapitan.

“Ang sarap nun Enzo, salamat.” mahinang saad ni Vince sabay gulo sa buhok ng nakaluhod parin na si Lorenzo.

Pagkatayo ni Lorenzo ay hinalikan nito ang labi ng Kapitan.

“Ready for round two?” bulong ni Lorenzo ng humiwalay ito sa halikan nila ni Vince.

“Always ready babe.” sagot ni Vince. At mabilis na naihiga nito si Lorenzo sa kawayang papag na nasa loob ng kuwarto at pumatong rin kaagad ito.

PANG-ANIMNAPUT-LIMA

Dalawang linggo matapos magkamalay si Sebastian, ngayon ang takdang araw ng paglabas nito ng ospital. At kasalukuyan nitong kausap ang kanyang mga magulang.

“Masaya kami ng mama mo Baste sa relasyong mayroon kayo ni Richard, at ngayon na magkakaroon na kayo ng anak sa tulong ni Rachelle, siguro naman anak alam mo na ang ibig sabihin nun.” nakangiting saad ni Alfredo.

“Opo pa, kaya nga sosorpresahin ko na si Chard.” sagot ni Sebastian na hindi na makapaghintay sa gagawin nito.

“At deserve ni Richard iyon anak, dahil kita namin ng papa mo ang pagmamahal niya sa’yo, at alam namin na para kayo sa isa’t-isa noon pa.” saad ni Maritess at simula nito sa isang bagay na hindi alam ng kanyang anak at ni Richard.

“Anong ibig mong sabihin ma?” takang tanong ni Sebastian.

“Kasi noon ng ipinagbubuntis pa lang ni Aurora si Richard, buong akala talaga namin ay babae ang ipinagbubuntis niya. Kaya kaagad kaming nagkasundo ng mga Manalo, na kapag nasa wastong edad na ang bunso nila, ipapakasal namin kayo, kaya lang, nawala na ang kasunduang iyon ng malaman naming lalaki rin ang bunso nila.” paliwanag ni Maritess.

Nakangiti naman si Sebastian sa sandaling iyon sa nalaman at nagpatuloy ito sa pakikinig sa kanyang mama.

“Pero kahit pa nawala na ang kasunduang iyon, tinukso ko pa ulit ang mag-asawang Manalo, lalo na at legal naman ang same sex marriage sa America, eh sa panahong iyon pareho pa kayong walang nobya.” pagpapatuloy ni Maritess sa pagkukuwento.

“Ano pong naging reaksyon ni Tito?” interesadong tanong ni Sebastian.

“Tinawanan lang ako noon ni Dado, pero si Aurora ay gusto rin ang ideya kong iyon.” sagot ni Maritess at may ngiti sa kanyang labi, habang naalala ang nangyari noon. “Kaya lang menor de edad palang noon si Richard, kaya hindi rin puwede ang ikasal kayo. Pagkatapos nung nasa wastong edad naman na siya, ipinaalam mo sa amin ng papa mo ang tungkol sa inyo ni Rachelle, kaya naman hindi na muli naming napag-usapan ni Aurora ang tungkol sa bagay na iyon.” pagtatapos ng pagkukuwento ni Maritess.

“Tama ka ma, hindi man natuloy ang kasunduang kasal sana namin ni Richard noon, ipapangako ko na ilang buwan mula ngayon ay mangyayari iyon.” saad ni Sebastian.

“At suportado namin iyon ng papa mo, anak.” masayang saad ni Maritess at niyakap nito ang anak.

“Tama ang mama mo Baste, kaya anak, alagaaan at ’wag mong sasaktan si Richard.” sang-ayon ni Alfredo at payo nito sa anak.

“Makakaasa po kayo ni mama, pa.” maagap na sagot ni Sebastian.

Pagbalik ni Richard sa kuwarto ni Sebastian, palabas naman ang mga magulang ng huli na katatapos lang kausapin ang kanilang anak.

“Sige hijo, puntahan mo na si Baste, mauuna na kaming babalik sa Manila.” saad ni Maritess pagkakita nito kay Richard.

“Sige po tita, tito, ingat po kayo.”

“Sige hijo, mauna na kami.” saad ni Alfredo at niyakap nito, ang ilang buwan mula ngayon ay magiging opisyal na parte na ng kanyang pamilya. Sumunod ay niyakap rin ni Maritess si Richard, bago tuluyang umalis silang mag-asawa.

“Umalis na pala sila tito.” bungad ni Richard kay Sebastian pagkapasok nito sa kuwarto.

“Oo baby, nagpaalam na rin sila sa akin. At ngayon ay masosolo na kita.” ngising saad ni Sebastian.

“Alam ko ang ngising iyan Major Manlangit, pero kahit alam kong puwede na nating gawin iyon, tsaka na muna ang tungkol sa bagay na iyon, mabuti pa ay lumabas na tayo dito sa ospital.” saad ni Richard na sinimulan ng ilagay ang mga gamit nila ni Sebastian sa mga bag.

“Tama ka baby, tsaka na muna ang paggawa natin ng baby.” saad ni Sebastian, na kaagad nakalapit sa abalang si Richard.

“Ako ng bahala rito Baste.” saway ni Richard sa Komandante, nang kuhanin sa kanya ni Sebastian ang mga bag na katatapos lang nitong isara.

“Kaya ko naman na Chard, ginawa mo naman akong baldado niyan eh.” reklamo ni Sebastian.

“Sige hahayaan kita, pero walang sex mamaya.” ngising kondisyon ni Richard.

Sa narinig ay mabilis pa sa alas-kuwatrong binatawan ng Komandante ang mga hawak nitong bag.

“Very good sir.” asar pa ni Richard.

“Alam mo talaga ang kahinaan ko, pero ngayon lang iyan baby, dahil mamayang gabi papatunayan ko sa’yo na puwede na akong magbuhat.” ngising asar pabalik ni Sebastian.

“Manyak!” naiiling na saad ni Richard at sabay na silang lumabas ng kuwarto ng ospital na iyon ng Komandante.

Sakay ng nirentahang van, sabay na nagtungo ng paliparan sa Zamboanga sina Sebastian at Richard. At gaya ng ipinangako ni Richard sa Komandante, isang buwan silang magbabakasyon.

“Mukhang napasubo ako sa pangako kong bakasyon sa iyo, sir.” saad ni Richard ng nasa loob na sila ng eroplano ng Komandante.

“At siguradong malaki ang isang buwan mong isusubo, baby.” bulong ni Sebastian sa tenga ni Richard.

Nanlalaking mata naman na napatingin si Richard sa Komandante.

“Ang libog mo talaga sir, naisingit mo pa iyon.” bulong pabalik ni Richard sa katabing mahal.

“Hindi ko lang isisingit, isasagad ko pa.” bulong muli ng pilyong Komandante kay Richard.

Sa narinig ni Richard ay namumulang mukha itong bumaling kay Sebastian. At pagkatapos ay isang hampas ang iginawad nito sa huli.

“Ouch naman, baby.” reklamo ni Sebastian at pigil nito ang pagtawa dahil tuluyang na nitong naasar ang mahal.

“Ewan ko sayo.” sungit na sagot ni Richard sa katabi.

“Oh sige na, sorry na, ’wag ka ng magalit.” alo ng Komandante at baka tuluyan ng magalit sa kanya si Richard.

Hindi naman pinansin pa ni Richard si Sebastian, at minabuti nitong magsuot na lang ng earphone para makinig ng music.

Hinayaan na lang ni Sebastian si Richard na hindi parin siya pinapansin. At ilang minuto pa lang ang lumipas, namalayan ng Komandante ang paghilig ng ulo ni Richard sa kanyang balikat na nakatulog na pala.

Kahit papaano ay nakaramdam ng awa ang Komandante sa mahal, alam kasi nito na kahit pa tuluyan na siyang magaling, hindi siya iniwan ni Richard na dalawang linggong nag-alaga sa kanya.

“Sorry baby, matulog ka na at pangako, ako naman ang mag-alaga sayo mula ngayon.” saad ng Komandante sa tulog na si Richard, sabay hagkan nito sa ulo ng huli.

Hindi maalis ang saya sa mukha ng dalawang sundalo ng makarating na sila sa Palawan. Kaya matapos nilang mailagay ang kanilang mga gamit sa tutuluyang kuwarto sa hotel. Kaagad na silang nagtungo sa dagat, na ilang metro lang ang layo sa hotel.

“Tara Baste pumunta tayo dun.” nakangiting yakag ni Richard sa Komandante na hila-hila na rin niya.

Nagpatianod naman si Sebastian sa kagustuhan ng mahal nito, at ilang sandali pa nga ay nakarating na sila sa pampang ng dagat, kaya naman kita ng magkahawak kamay na nagmamahalang sundalo ang papalubog ng araw sa dalampasigan.

Pero mas pinili ni Sebastian na pagmasdan ang masaya at maamong mukha ng minamahal, na abala sa pagtingin sa sunset.

“I love you.” saad ni Sebastian na tutok na tutok parin sa mukha ni Richard.

Sa narinig ni Richard, pinili na nitong tumingin na sa mukha ng Komandante. Kaya naman bumungad sa kanya ang guwapong mukha ni Sebastian na seryosong nakatingin parin sa kanya.

“I love you sir.” ganti ni Richard at hindi na ito nag-aksaya pa ng oras at pinagtapo nito ang mga labi nila ni Sebastian.

Matapos ang ilang sandaling paghahalikan ng dalawang sundalo, may ngiti sa mga labi ng humiwalay ang mga ito.

“Kumain na muna tayo baby, bago ang honeymoon natin.” saad ni Sebastian.

“Sige sir, at kailangan mo iyon, dahil baka hindi ka na umabot sa second round.” sang-ayon at asar ni Richard sa Komandante.

“Ah ganun, sige mamaya papatunayan ko sa’yo, at uumagahin tayo sa gagawin natin.” ’di papatalong sagot ni Sebastian.

“Dapat lang sir, ilang buwan rin akong hindi nadiligan.” kagat-labing sagot ni Richard.

“Damn baby, hayaan mo, babawi tayo at isang buwan kitang papagurin.” pangako ni Sebastian at mabilis nitong pinisil ang puwet ni Richard.

“Baste!” nababahalang saad ni Richard sa ginawang iyon ng Komandante.

“Hahaha! Ikaw kasi, alam mo namang sabik na sabik ako sa’yo.” depensa ni Sebastian.

“Alam ko ’yon at ganun rin naman ako, pero hindi dito at nakakahiya ang daming tao oh.” paliwanag ni Richard.

“Pasensya na, alam mo naman pagdating sa’yo hindi ko mapigilan ang sarili ko, kaya halika na at kumain na tayo ng maaga tayong matapos at maaga rin tayong makapagsimula sa honeymoon natin.” ngising saad ni Sebastian.

“Oo na, pero gusto kong magsisi at isang buwan ang bakasyon natin.” sagot at biro ni Richard.

“Baby naman, wala ng bawian at wala ring hugutan mangyayari mamaya.” maagap na saad ng pilyong Komandante.

“Halika ka na nga, at kumain na tayo.” naiiling na saad ni Richard at nauna ng bumalik sa hotel.

“Hahaha hintayin mo ko baby!” tawag ni Sebastian sa papalayong si Richard.

PANG-ANIMNAPUT-ANIM

Pagkagising sa umaga ni Sebastian, ang maamong mukha ng natutulog na mahal ang bumungad sa kanya. At ito ang tanawin na hindi pagsasawaang pagmasdan ng Komandante, pero nang maisip nito ang dahilan sa maaga nitong paggising, ayaw man nitong humiwalay sa himbing pang si Richard, minabuti na nitong bumangon.

Tunog ng kanyang cellphone ang gumising sa natutulog pang si Richard. At paggising nga niya, kaagad nitong napansin na wala na ang katabi nitong Komandante. At ng muling marinig nito ang pagtunog ng kanyang cellphone ay minabuti na nitong sagutin ang tawag.

“Hello ma.” bungad ni Richard ng makitang, ang kanyang mama ang tumatawag.

“Hello anak, kamusta kayo ni Baste d’yan?”

“Okay naman ma, kayo ni papa kamusta kayo?”

“Mabuti rin anak, sige na, nangamusta lang ako at enjoy kayo ni Baste sa bakasyon ninyo.”

“Okay, sige po ma.”

Matapos makausap ang ina ay minabuti na ni Richard ang bumangon. Pagtayo nga nito ay dumiretso na ito ng banyo para maligo. Sa salaming nasa banyo ay muling bumungad kay Richard, ang kanyang katawan na puno ng mga kissmark na bigay ni Sebastian kagabi. At sa nakita’y naiiling man ay masaya si Richard, kahit pa parang mabangis na hayop ang nakaulayaw nitong Komandante, sa paraan ng pag-ankin muli nito sa kanya.

Matapos maligo ay lumabas na ng kuwarto si Richard, at sa isip ng sundalo ay muling makikita nito ang Komandante na nasa resto na ng hotel.

Pagdating ni Richard sa resto ay kaagad na hinanap ng kanyang mga mata si Sebastian, pero ni anino ng Komandante ay hindi man lang nito nakita. At para masagot ng sundalo, kung nasaan ang mahal nitong sundalo rin, minabuti na nitong tawagin ito.

“Baste nasaan ka?” bungad ni Richard ng sagutin ng Komandante ang kanyang tawag.

“Wala man lang bang goodmorning baby, pasensya na at baka mamaya na ako makauwi, may inasikaso lang ako.”

“Ano ba naman iyan Baste, kaya nga nagbakasyon tayo para makasama natin ang isa’t-isa, pagkatapos iiwan mo na naman pala ako.” sagot ni Richard sa Komandante at pinababatid sa kausap ang pagkadismaya nito.

“Sorry na baby, promise babawi ako sa’yo mamaya.” suyo ng Komandante sa kabilang linya.

“Bahala ka na nga!” sagot ni Richard at ibinababa nito ang tawag.

Aaminin ni Richard na talagang nainis siya sa mahal, buong akala talaga kasi nito, na ngayong araw ay mag-eenjoy lang sila ng Komandante sa iba’t-ibang maaari nilang gawin sa magandang beach ng Palawan, pero paaano pa siya magiging masaya, gayung mag-isa na lang siya.

“O Baste, anong sabi ni Richard?” usisa ni Aurora sa ilang buwan mula ngayon ay magiging manugang na nito.

“Hayun ma, nagalit sa akin.” pilit na ngiting sagot ni Baste.

Kita naman ng mag-asawang Manalo ang nalungkot na mukha ng Komandante.

“Masanay ka na sa ugali ng magiging asawa mo, ilang buwan mula ngayon, anak, pero kung nagdadalawang isip ka puwede ka pang umatras.” biro ni Heneral Manalo sa Komandante.

“Iyon ang kailanman na hindi ko gagawin pa, at naiintindihan ko naman si Chard kung bakit nagalit siya sa akin.” maagap na sagot ni Sebastian.

“Aba dapat lang anak, kasi kapag kinasal na kayo ni Richard, hindi maiiwasan na magkatampuhan o kaya naman ay mag-away kayo, at gaya ng paulit-ulit na sinasabi ng mga matatanda, hindi parang mainit na kanin ang pag-aasawa na kapag napaso ka ay iluluwa mo kaagad.” saad at paaalala ni Alfredo sa kanyang unico hijo.

“Opo pa.”

“At tiwala kami sa pagmamahalan na mayroon kayo ni Richard, anak.” saad ni Maritess at niyakap nito ang anak.

“Salamat ma, salamat po sa inyong lahat.” saad ni Sebastian.

At sa tulong nga ng kanyang mga magulang at mga magulang ng mahal niyang si Richard, isang sorpresa ang gagawin ng Komandante mamaya.

Sa inis ni Richard sa Komandante ay naglabas ito ng sama ng loob sa kanyang mga kuya.

“Nakakainis ang kaibigan ninyo mga kuya.” bungad ni Richard ng makita nito ang naka-online ng mga kapatid.

“Naku bunso, baka nagsawa na sa’yo si Baste, kaya naghanap na ng iba.” asar ni Vince sa kapatid, kahit pa alam na nito ang sorpresang gagawin ng kaibigan.

“Huwag kang makinig sa kuya Vince mo, bunso, baka importante lang kaya kailangang iwanan ka ni Baste.” kausap naman ni Erick sa kapatid, na alam rin ang tungkol sa sorpresa ni Sebastian.

“Pero paano kuya, kung tama si kuya Vince, baka nga may iba ng mahal si Baste.” saad ni Richard na naiyak na sa sandaling iyon.

“Shit! Bunso nagbibiro lang si kuya, Aray!” saad ni Vince atsaka ito napatingin sa bumatok sa kanya.

“Richard ’wag kang maniwala kay sir, hindi gagawin iyon ni Major Manlangit sa iyo.” singit ni Lorenzo matapos batukin ang katabing Kapitan.

“Tama si Lorenzo bunso, hindi magagawa ni Baste iyon sa iyo. Hindi ba sinabi naman niyang uuwi siya mamaya.” saad ni Erick.

“Oo nga bunso, sorry na Chard binibiro ka lang ni kuya ah, isa pa paano ka ipagpapalit eh napakaseloso nun pagdating sa’yo.” bawi ni Vince sa kapatid.

“Iyon, tama sa parteng iyon si Vince, alam mo naman na ikaw lang ang mahal nun, at kilala natin si Baste na hindi siya manloloko, kaya bunso magtiwala ka lang sa kanya.” payo pa ni Erick.

“Tama kayo mga kuya, salamat sa inyo, at salamat Renz sa pagbatok kay kuya Vince.” saad ni Richard.

“Wala ’yon Chard, kung gusto mo babatukin ko ulit siya.” sagot ni Lorenzo.

“Hoy Enzo, humanda ka mamayang gabi sa akin.” banta ni Vince sa nakangiting si Lorenzo.

“Naku kuya ’wag mong iparinig kay kuya, na hindi parin nakakascore kay Hansel.” saad ni Richard, para maasar ang kuyang si Erick.

“Ikaw bunso ah, pagkatapos kitang damayan, inasar mo naman ako.” naiiling na saad ni Erick, na masaya naman na napangiti ang kapatid.

“Oo nga kuya, hindi ka gumaya sa akin na gabi-gabi kong kinaka-” ’di na natuloy na saad ni Vince ng takpan ng namumulang si Lorenzo ang bibig ng Kapitan.

“Ang bastos ng bibig mo sir.” hiyang saway ni Lorenzo sa nakangisi lang na si Vince.

“Eh totoo naman ah.” depensa ng Kapitan.

“Alam naman namin ni kuya iyon, kuya.” sagot ni Richard sa kapatid. “Renz gumanti ka kay kuya, ’wag mong tabihan mamaya.” baling naman ni Richard sa kaibigan.

“Tama ka Chard, iyong kalabaw ang katabi niyang matutulog mamaya.” sang-ayon ni Lorenzo.

“Babe naman, hindi ka na mabiro.” saad ni Vince, na hindi nagustuhan ang sinabi ni Lorenzo.

“Sige na ibaba ko na ito, at inaasar n’yo lang akong dala-” ’di na natuloy na paalam ni Erick, dahil sa sumunod na nangyari.

“Daddy, handa na si baby.” saad ni Hansel na tanging brief na lang ang suot, nang lumapit at yumakap sa likod ng Komandante, na nasa kama at kasalukuyang kausap parin sa laptop ang mga kapatid.

“Langya kuya! Ikaw pala ang mahilig sa role play na iyan!” malakas na saad ni Vince na may ngisi pa sa mukha.

Sa narinig ni Hansel ay tinakasan siya ng dugo sa mukha dahil sa kahihiyang nagawa.

Kaagad naman napansin ni Erick ang reaksyon na iyon ng mahal, at mabilis rin nitong naisara ang laptop.

“Baby.” saad ng Komandante na mabilis na yumakap kay Hansel.

“Na-nakakahiya sir.” sagot na hiyang-hiya paring si Hansel.

“Shhh, ’wag mo ng isipin iyon baby, sige na magsuot ka na muna ng damit at kakausapin natin ang mga kapatid ko.” saad ng Komandante.

“Hi-hindi na sir, ikaw na lang at nahihiya ako sa mga kapatid mo.” sagot ni Hansel.

“Hans, loko-loko lang talaga si Vince, kaya masanay ka na sa isang iyon, at hindi ba magkaibigan naman kayo ni Richard, halika na, gusto ko lang ipakilala at ipagyabang sa kanila ang pinakamamahal ng kanilang kuya.” muling pakiusap ni Erick.

Ibayong saya at tuwa sa kanyang puso, ang hatid kay Hansel ng mga binitawang salitang iyon ng Komandante. Kaya naman, pansamantala nitong kinalimutan ang nangyari kanina at gaya ni Erick, handa rin si Hansel na ipakita sa mga kapatid ng Komandante ang nararamdamang pagmamahal.

“Sige daddy.” nakangiting sang-ayon ni Hansel.

“Welcome back daddy!” bungad ni Vince, pagkabalik online ng kanyang kuya.

“Tumigil ka Vince, ang baby ko lang ang puwedeng tumawag sa akin niyan.” saway ni Erick sa kapatid, sabay halik nito sa pisngi ni Hansel.

“Hi Hansel, ako pala si Renz, nice to meet you again kahit dito lang sa video call, pasensya kana kay Vince, may sapak talaga ito sa ulo.” kausap ni Lorenzo kay Hansel.

“Nice meeting you too, sir Renz, sundalo ka rin pala kuwento sa akin ni sir Erick.” sagot ni Hansel.

“Ah oo, nakasama ko noon si Richard sa Maguindanao, tapos ng nadestino ako diyan sa Cavite, may Kapitan na bumuntot sa akin magmula noon, heto nga at kasama ko na, at ilang beses ko ng pinapalayas ayaw parin akong lubayan.” mahabang kwento ni Lorenzo, sabay asar muli kay Vince.

“Hoy Enzo hindi totoo ’yon ah, Hansel ’wag kang maniwala sa mokong na ’to, kung alam mo lang sa unang beses pa lang naming pagkikita, sinuko na niya sa’kin ang sarili niya, dahil siya ang patay na patay sa akin.” pagyayabang ng Kapitan.

“Hay naku Hans, ’wag kang makinig kay kuya Vince, kayabangan lang ang alam niyan, at ang sweet ninyo ni Kuya Erick.” saad naman ng nakangiting si Richard.

“Pagbibigyan kita ngayon bunso, at tama si Richard, Hans, masaya kami para sa inyo ni kuya.” sang-ayon ni Vince sa kapatid.

“Salamat sa inyo, sir Richard, sir Vince.” masayang saad ni Hansel.

Matapos ang pakikipag-usap nito sa mga kapatid, kasama pa ng mga mahal rin ng mga kuya nito, kahit papaano ay nakalimutan ni Richard na mag-isa lang siya sa hotel. Sunod nga ay isang text ang ipinadala nito sa mahal niyang si Sebastian.

“Nanatili lang ako sa kuwarto natin sir, hihintayin kita dito at miss na miss na kaagad kita.”

Sa nabasang text ay isang ngiti ang sumilay sa mukha ng Komandante. May mga texts din na galing sa mga kaibigan ng mga kuya ng mahal niyang si Richard, at nalaman nga ni Sebastian na nagkausap ang mga magkakapatid. Nalaman rin ng Komandante sa mga kaibigan na napaiyak niya si Richard, na buong akala ay may iba na siyang mahal. Kaya naman napatunayan pa lalo ni Sebastian, na gaya ng takot niyang mawala sa kanya si Richard, ganun rin ang nararamdaman ng huli sa kanya. At isang text rin ang ipinadala ni Sebastian, sa taong sigurado siyang, huling mamahalin na sa tanang buhay niya.

“Miss na miss na rin kita baby, pero gusto kong magsuot ka ng maganda at may pupuntahan tayo mamayang Seven PM.”

Sa nabasang text na galing sa Komandante, kaagad muling naligo si Richard bago ang takdang oras ng pupuntahan nila. At gaya nga ng gusto ng Komandante, isang pormal na kasuotan ang isinuot ni Richard.

At ilang minuto matapos muling pagmasdan ni Richard ang kanyang itsura sa salamin. Sunod na naramdaman ni Richard, ang pagpalupot ng mga braso sa kanyang bewang.

“Like always, my baby looks gorgeous.” saad ni Sebastian at ibayong pagpipigil sa sarili ang ginawa, para hindi masira ang sorpresa niya mamaya kay Richard.

“Matagal ko ng alam ’yan sir, kaya nga patay na patay ka sa akin.” ngiting sagot ni Richard at humarap na ito sa Komandante.

“Yeah, I’m strongly head over heals to you my baby, my everything.” sang-ayon ni Sebastian sa paos na boses, na ’di na nag-aksaya pa ng panahon na muling mahagkan ang masarap at matamis na mga labi ng mahal.

“Oops relax, Major, the night is young, besides, I’m excited to where you taking me.” pigil ni Richard at humiwalay ito sa halikan nila ni Sebastian.

“You’re right baby, but can you blame me, when it comes to you, I almost can’t restrain myself from taking and making love with you.” depensa ni Sebastian.

“Binola mo pa ako, tara na nga.” pigil ni Richard sa kilig, na maya’t-maya’y pinapadama sa kanya ni Sebastian.

“Hindi iyon bola baby, hay, I’m the luckiest man alive.” saad pa ni Sebastian at kaagad nitong inilagay sa bewang ni Richard ang isang kamay, para sabay na silang lumabas sa kuwarto.

Matapos nilang makasakay, sa minamanehong sasakyan ngayon ng Komandante para sa pupuntahan nila, ilang minuto ang lumipas at tumigil na rin sa pagdadrive si Sebastian. Kaya naman isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Richard, nang makita ang maliwanag na yate na ilang metro lang ang layo sa kanila.

“Nagustuhan mo ba?” ngiting tanong ng Komandante kay Richard ng makababa sila ng sasakyan.

“Puwede na.” pigil ang ngiting sagot ni Richard.

“Don’t worry, many more surprises are waiting for you baby.” saad ni Sebastian.

“Well let’s see, kung masusurprise mo nga ako, Major.” ngising subok ni Richard. At mabilis itong sumampa ng yate.

Naiiling naman na sinundan ni Sebastian ang mahal, pero kahit pa itago ni Richard ang nararamdaman, batid ni Sebastian na napasaya nito ang bunso ng Heneral.

Gaya ng utos sa kanila ni Major Manlangit, pagkakita ng mga musikero sa lalaking dahilan ng malaking raket nila sa gabing iyon, sinimulan na ng mga ito ang pagtutog sa klasikong romantikong kanta.

Kaagad na natigilan si Richard pagkarinig nito sa isang pamilyar na kanta, at sunod na nakita nito ang isang mesang nakahanda para sa dalawang taong magdedate, kita rin nito ang limang taong abala sa pagtutog ng romantikong tugtugin. At dahil nga sa paghinto nito sa paglalakad, sa likod niya ay si Sebastian na nakalapit na sa kanya.

“Surprise already hmm?” bulong ni Sebastian sa tenga ng mahal.

“Hindi no.” muling tanggi ni Richard na gaya kanina’y pigil parin ang mapangiti.

“If you say so, pero tara na, alam kong gutom na ang baby ko.” muling bulong ni Sebastian.

“Sige, gutom na nga ako.” sang-ayon ni Richard.

At magkahawak ngang kamay na lumapit ang dalawa sa mesa. At hinayaan naman ni Richard si Sebastian sa paggabay sa kanya sa kanyang uupuan.

Pagkaupo nga ng dalawa, sa isang sensyas sa kamay ng Komandante, mabilis na inihanda na ng waiter ang kanilang mga pagkain.

Habang abala sila sa pagkain, abala rin ang mga mata ni Richard sa pagtingin sa paligid ng yate na napapalibutan ng mga maliliit na ilaw, at sa puntong iyon, batid na ng sundalo na ito marahil ang dahilan kaya siya pansamantalang iniwanan ng Komandante sa buong araw. Inaamin rin niya na sa araw-araw na muling nakasama niya ang mahal, na buong akala niya talaga ay hindi na niya mararanasan pa, matapos ang pag-aakalang iniwan na siya nito ng tuluyan, posible pa palang lalo pa siyang mahulog, kahit pa nung una ay alam rin niyang tinamaan na siya ng tuluyan sa Komandante. Kaya naman hindi pinagsisihan ni Richard, ang pagboluntaryo nito na sumabak kaagad sa giyera noon sa Maguindanao, na naging dahilan nga para magkrus ang landas nila ni Sebastian. At heto nga ngayon, kahit pa may malaking pagsubok ang dumaan sa kanila, masaya siya sa sundalong hindi lang nagligtas sa kanya noon sa kapahamakan, ito rin ang nagbigay ng tunay na pag-ibig sa kanya, at alam ni Richard na susuklian rin niya ng wagas na pagmamahal.

“Anong iniiisip mo, baby?” tanong ni Sebastian ng mapansin na tila may malalim na iniisip ang kaharap.

“Ikaw sir.” amin ni Richard.

“Kung gusto mo ’kong halikan, malaya ka baby.” ngiting biro ni Sebastian, dahil ayaw nitong maging seryoso kaagad sila ni Richard.

Alam man ni Richard na nagbibiro lang ang Komandante, kaagad nitong hinalikan sa labi si Sebastian.

“Oh.” ngiting saad ni Sebastian, pagkahiwalay ng mga labi nila ni Richard.

“Last kiss mo na iyon para ngayong gabi.” ngising saad ni Richard.

“Well tignan natin baby, alam ko naman na kanina ka pa sabik sa mga halik ko, sa katunayan nga ikaw na ang gumawa ng hakbang para halikan ako.” balik ng nakangising Komandante.

Sa parteng iyon, sa isip ni Richard ay tama ang kaharap. Kanina ng makita niya ang itsura ng namiss niya kaagad na si Sebastian, ibayong pagpipigil ang ginawa ni Richard para hindi mahalikan ang Komandante.

“Ako pa ang hinamon mo sir, at dahil last na ang kiss na iyon, asahan mo rin na wala ng sex mamaya.” ngiting saad ni Richard.

Natigilan naman sa ginagawang pagkain ang Komandante sa kanyang narinig.

“Baby naman, akala ko ba namiss mo ’ko, sige na aaminin ko ng sabik na sabik na akong halikan ka, kung pwede nga lang ay dito mismo ay angkinin na kita eh.” talong saad ni Sebastian.

Isang ngiting tagumpay naman ang sumilay sa mga labi ni Richard, kung alam lang ng kaharap, na gusto rin nito ang naisip na iyon ng Komandante, pero syempre may kahihiyan parin siya sa katawan, ’di tulad ni Sebastian na siguradong gagawin talaga nito kahit na anong maisip.

Matapos nilang kumain ni Richard, sandaling tinignan ni Sebastian ang kanyang relo, at ng makitang maaga pa naman.

“Gaya nung unang nagdate tayo, maaari bang isayaw ko ang baby ko?” ngiting tanong ni Sebastian, sabay hawak sa isang kamay ni Richard.

“Oo naman sir, at hindi ko kailanman tatanggihan ang guwapo kong Komandante.” sang-ayon ni Richard at papuri nito sa mahal.

Lalo pang lumawak ang ngiting mayroon si Sebastian, lalo na at galing ang papuring iyon sa kanyang pinakamamahal.

At sa ilalim ng mga bituin, sakay ng yate, at habang patuloy ang mga musikero sa pagtutog sa romantikong awitin, muli, sa pamamagitan ng sayaw, ipinadama ng dalawang sundalo ang kanilang pagmamahalan.

Matapos ang kanilang pagsayaw, isang senyas ang ginawa ni Sebastian para iwanan na sila ng lahat ng mga kasama.

“Salamat sir sa gabing ito, sorry rin kanina at nainis ako sa’yo.” saad ni Richard at niyakap ang Komandante.

“Wala ’yon baby at naiintidihan kita, pero hindi pa tapos, dahil mamaya pa ang sorpresa ko sa’yo.” sagot ni Sebastian, at ng humiwalay sila sa yakapan ni Richard, mabilis na kinuha ng Komandante ang isang kamay ni Richard at tinungo nila ang upper deck ng yate.

Pagdating doon, kaagad na nilibot ni Richard ang kanyang paningin, pero wala naman itong nakitang iba, kungdi ang simpleng kabuuan parin ng itaas na parte ng yate. Kaya magtatanong na sana ito sa Komandante kung anong meron, pero ang maliwanag at maingay ng mga fireworks ang sumunod na narinig at nakita ni Richard.

Kaya naman, manghang pinagmamasdan ni Richard ang kasalukuyang maliwanag na langit, na dulot ng iba’t-ibang kulay na mga paputok.

“Ang ganda sir.” masayang baling ni Richard sa Komandante.

“May pahabol pa baby, at iyon ang pinakasopresa ko sa’yo.” maagap na sagot ni Sebastian na umakbay na kay Richard.

Sunod ay kapwa pinagmasdan ng dalawang sundalo ang madilim pang langit. Pero kaagad na ibinaling ni Sebastian ang paningin nito sa mukha ni Richard, nang sa ganun ay mapagmasdan nito ang reaksyon ng huli.

Abala parin si Richard sa pagtingala sa langit, at sumunod nga ang pagkislap muli ng mga paputok sa madilim na langit, pero hindi katulad ng iba’t-ibang kulay lang na nakita niya kanina, may mga salitang napansin si Richard na nabubuo pagkatapos. Una ang salitang

Richard

, sumunod ay

will

, sinundan ng salitang

you

, at pagkatapos ay ang

marry

at panghuli ay ang salitang

me

. At mabilis na naisip ni Richard ang ibig sabihin ng mga iyon, kaya naman sunod ay ang nakaluhod ng Komandante ang bumungad sa kanya.

“Gaya nga ng nakita mo sa langit, baby, will you marry me?” kabang tanong ni Sebastian na may hawak na singsing, sabay hawak sa kaliwang kamay ni Richard at hinihintay ang magiging sagot sa kanya ng huli.

Alam ni Richard na mahal nila ni Sebastian ang isa’t-isa, pero hindi niya inaasahan ang pagpopropose ng Komandante ng kasal, kaya naman bago ito makasagot ay nag-uunahang kumawala ang mga masasaganang luha sa kanyang mga mata, dala ng labis na kaligayahan.

“Baby okay lang kung anong maging sagot mo, promise maiintidihan ko.” saad ni Sebastian na gusto ng yakapin ang naluluhang mahal.

“Oo Baste, papakasalan kita.” naluluhang sagot ni Richard.

Sa narinig ni Sebastian ay parang nabunutan ito ng tinik sa dibdib, at mabilis nitong isinuot ang singsing sa daliri ni Richard, tanda na engage na sila ng kanyang pinakamamahal.

“Yohoo! Engage na kami ng mahal ko!” sigaw ng Komandante sa labis na sayang nararamdaman.

Kasunod nga ng pagsigaw na iyon ng Komandante, hudyat rin nito ng pagsama sa kanila ng kanilang mga magulang.

“Ano Richard anak, nakabawi na ba si Baste sa pag-iwan niya sa’yo kanina?” ngiting tanong ni Alfredo sa papakasalan ng unico hijo nila.

“Opo tito.” sagot ni Richard sa ama ni Sebastian.

“Call us papa and mama from now on, anak.” pagtatama ni Alfredo kay Richard.

“Opo papa.” sang-ayon ni Richard.

“Baste, anak, ingatan mo ang bunso namin.” baling ng Heneral sa Komandante.

“Sir, yes sir!” magalang na sagot ni Sebastian.

“Masaya kami sa inyo ni Baste, anak, ang bunso ko, nauna pang magpapakasal kesa sa mga kuya niya.” saad ni Aurora na nagsimula ng maging emosyonal.

“Ma, magpapakasal lang kami ni Baste at pangako hindi kami lalayo sa inyo nila papa.” alo ni Richard sa mama nito.

“Tama po si Chard, ma, malapit lang sa inyo ang bahay na ipinapatayo ko.” saad ni Sebastian.

“Anong ibig mong sabihin sir?” naguguluhang tanong ni Richard sa Komandante.

“Naku anak, nung sinisumulan palang ni Sebastian ang panliligaw sa’yo, sinimulan na pala niya kaagad ang pagpapatayo ng bahay ninyo, mukha sigurado yata siyang mapapasagot ka niya.” paliwanag ni Maritess kay Richard.

“Sige na, iwanan na namin kayong dalawa, Baste ingatan mo ang bunso namin.” muling paalala ng Heneral sa Komandante.

“Opo pa.”

Sa pag-alis ng kanilang mga magulang, naiwan ang dalawang nagmamahalang sundalo.

“Paano baby, umpisahan na ba natin?” ngising tanong Komandante.

“Oo naman sir.” sagot ni Richard na mabilis na ipinulupot ang dalawang kamay sa batok ng Komandante, at ang mainit na halikan ang sumunod na tagpo sa dalawang sundalo, na nauwi muli sa walang kapagurang pagpapadama ng kanilang pananabik at pagmamahal sa isa’t-isa.

PANG-ANIMNAPUT-PITO

Tatlong linggo matapos ang nangyari sa kanila ng Komandante, hindi na nasundan pa iyon. Matapos kasi ang tangkang pagbibigay sana ni Hansel sa kanyang sarili kay Erick, hindi na natuloy pa ito, dahil sa hiyang naramdaman ng binata ng marinig ng mga kapatid ng Komandante ang tungkol sa bagay na iyon.

Naging abala rin ang Komandante, sa kasalukuyang pati-train sa mga bagong sundalo, at pagdating nga ni Erick ay madalas na tulog na si Hansel.

Kaya naman ng sabihin ni Erick, na dalawang araw itong magpapahinga, kaagad na gumawa ng paraan si Hansel, para sa unang pagkakataon ay maibigay na sa wakas ng huli, ang sarili sa Komandante.

Aaminin ni Hansel na bagamat siguradong na siyang ibigay kay Erick ang lahat, kahit papaano’y kinakabahan parin ito. Hindi na rin siya muling nanood ng porn, sunod ito sa kagustuhan ng Komandante. Kaya naman habang abala si Hansel sa pag-aayos sa kanilang kama, na magiging saksi mamaya sa pag-iisa ng kanilang katawan ni Erick, abala rin ang binata sa pag-iisip sa kung papaano nito magagawang mapaligaya ang Komandante.

Magtatanghali na ng papauwi si Erick sa bahay nila ni Hansel, galing ito sa kampo at ang balak nitong pag-uwi ng mas maaga kagabi ay hindi na nito nagawa, dala ng isang selebrasyon ang naganap sa kampo para sa mga bagong sundalong nakapasa. Kaya nga halos dalawang linggo niyang hindi nakasama ng maayos ang mahal, ganunman pinilit nito ang makauwi kahit isang beses lang sa isang linggo, nang sa ganun ay makapiling niya kahit papaano si Hansel.

Pagdating nga ng sasakyan ng Komandante sa kanyang bahay, mabilis itong pinagbuksan ng guwardyang si Arjay.

“Welcome back sir.” bati ni Arjay sa amo.

“Salamat Jay, pakikuha sa backseat ang ibang dala ko.” sagot ni Erick ng makababa, na abala ang dalawang kamay sa hawak na bouquet ng mga pulang rosas at isang malaking teddy bear na handog nito kay Hansel.

“Areglado sir, tiyak matutuwa niyan sir Hansel.” maagap na sagot ni Arjay at komento pa nito.

“Sana nga Jay.” ngiting sagot ng Komandante.

Abala si Hansel sa pagluluto ng tanghalian nila ng mga kasama sa bahay, nang marinig nito ang pagbukas ng pinto, at bumungad nga sa kanya si Erick na may dalang mga bulaklak at malaking teddy bear.

“Sir buti at nandito ka na? Akala ko mamayang gabi pa ang uwi mo?” mga tanong na bungad ni Hansel sa namiss niyang sundalo.

“Syempre namiss ko na ang baby ko, kaya nga napaaga ang uwi ko, at bilang bawi ko sa nakalipas na araw na hindi kita nakasama, heto.” sagot ni Erick at abot nito sa bulaklak kay Hansel, at dahil sa malaki ang teddy bear ay minabuti ng Komandante na ilagay na lang iyon sa isang upuan.

“Sa-salamat sir, hindi ka na sana nag-abala pa, okay na sa akin na nakauwi ka na.” hiyang saad ni Hansel at abot nito sa ibinigay ni Erick, at matapos amuyin ang mga bulaklak ay inilagay nito ang mga iyon sa tabi ng teddy bear.

“Alam ko naman ’yon, pero pagbigyan mo na si daddy na i-spoil ka paminsan-minsan.” sagot ng Komandante at niyakap nito ng mahigpit ang sobrang namiss niyang si Hansel.

Kaagad namang sinuklian ni Hansel ang mahigpit na yakap na iyon ni Erick, at ng maamoy nito ang mabangong amoy ng sundalo, kaagad na nakaramdam ng hiya si Hansel, dahil siguradong amoy ulam na siya sa kasalukuyang ginagawang pagluluto, kaya naman mabilis rin itong humiwalay sa yakapan nila ng Komandante.

“Oh anong problema?” takang tanong ni Erick kay Hansel.

“Eh nakakahiya sir, amoy ulam ako.” aming sagot ni Hansel.

“Ayaw mo nun, para ng sa ganun ay kainin na kita dito mismo.” ngising saad ni Erick.

“Si-sir!” namumulang sagot ni Hansel.

“O siya, sige na at ituloy muna ang pagluluto, aakyat lang ako sa kuwarto natin.” saad ni Erick na minabuti ng iwanan na muna si Hansel.

“Sa-sandali sir!” pigil ni Hansel sa Komandante.

“Oh bakit baby?” tanong ng natigilang sundalo.

“Puwede bang huwag ka munang pumasok sa kuwarto, eh kasi ano.. ah oo makalat pa, tama! Makalat pa kasi hindi pa ako tapos maglinis.” kabang sagot ni Hansel at nanalangin itong paniwalaan siya ni Erick.

Nahihiwagaan man sa kinikilos ni Hansel, minabuti ng sundalo na sundin na lang ang gusto ng mahal.

“O sige, sa sofa na lang ako mahihiga, gisingin mo na lang ako kapag handa na ang tanghalian natin.”

“Okay sir.” sagot ni Hansel, na kahit papaano’y naawa sa mukhang pagod na itsura ng mahal nitong sundalo.

Kasalukuyan silang nanananghalian ni Erick, nang banggitin ni Hansel ang tungkol sa nalaman.

“Nga pala sir, nakausap ko kanina si sir Richard, at nalaman kong engaged na pala sila ni sir Sebastian.”

“Oo, tanda mo ng makausap natin si Richard noong isang araw? Sa gabing iyon, plinano ni Baste ang tungkol sa sopresang pagpopropose nito kay bunso.”

“Ah, mahigit dalawang linggo na pala silang engaged.” mahinang saad ni Hansel.

“Oh bakit at mukhang nalungkot ka? Huwag mong sabihin may gusto ka kay Richard.” biro ni Erick kay Hansel.

“Si-sir! Wala po!” maagap na sagot ni Hansel.

“Hahaha, alam ko, binibiro lang kita.” natatawang saad ni Erick, na mabilis na ginulo ang buhok ni Hansel.

“Ano kasi sir, medyo nalungkot lang ako at hindi ko kaagad nalaman, akala ko kasi magkaibigan na kami ni sir Richard.” amin ni Hansel sa nararamdaman.

“Naiintindihan ko Hans, pero siguradong akong isa ka sa mga unang sinabihan ni Richard sa bagay na iyon, at sa tingin ko’y kinulong ng ilang linggo ni Baste si Chard, kaya nga ngayon lang niya naipaalam sa’yo.”

“Tama ka sir, at masaya ako para sa kanilang dalawa.” nakangiting saad ni Hansel.

Matapos kumain, nanood na lang ng TV si Erick sa sala, gustuhin man kasi nitong pumunta sa kuwarto at doon sandali sana umidlip, bago ang lakad nila mamaya ni Hansel ay hindi naman nito magawa, dulot parin ng pagbabawal at pakiusap ng huli sa kanya na ’wag muna itong pumasok. Kaya nga lalo pang nagkainteres ang Komandante, kung anong ayaw ipaalam sa kanya ni Hansel, at dala ng pagod nga ng sundalo ay nakatulugan na nito ang pinapanood.

Sa kuwarto nila ng Komandante, abala naman si Hansel sa pag-aayos ng hindi nito natapos kanina. Kinabahan pa nga ang binata kanina, nang muntikan ng malaman ni Erick, ang dapat ay para mamayang gabing sopresa na handog niya para rito. At dahil maya-maya ay may lakad pa sila ng mahal niyang sundalo, minabuti ng madaliin ni Hansel ang mga dapat pang ayusin sa loob ng kuwarto. Nang makutento sa bagong ayos ng kuwarto nila ni Erick, isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Hansel, at umaasa na magugustuhan ito ng Komandante.

Isang tapik sa balikat ang gumising sa natutulog pang si Erick, at pagmulat ng mga mata ng Komandante, bumungad sa kanya ang maamo at nakangiting mukha ni Hansel.

“Bangon na sir, hindi ba ang sabi mo kanina may pupuntahan tayo?”

“Oo baby, sandali anong oras na ba?” sagot at tanong ni Erick, na sandali pang tinignan ang kaliwang braso sa pag-aakalang suot nito ang relo.

“4:30 PM na sir.” maagap na sagot ni Hansel, na batid na walang suot na relo ang Komandante, sa dahilang siya mismo ang nag-alis sa relong suot ni Erick kanina, para maging kumportable ang pagtulog ng huli.

“Medyo late na pala, sige baby maliligo lang ako ng mabilis at aalis na kaagad tayo.” saad ni Erick na nakaupo na sa sandaling iyon.

“Sige sir, oo nga pala bawal pang pumasok sa kuwarto natin, nandoon na sa isa pang banyo ang mga susuotin mo at doon ka na rin muna maligo.” paalam ni Hansel sa Komandante.

“Sige, baby.” sagot ni Erick, pero sa isip ng Komandante ay sisilip ito sa kanilang kuwarto, dahil kanina pa ito curious sa itinatago sa kanya ni Hansel.

Nahalata naman ni Hansel ang ikinilos na iyon ng Komandante, kaya naman, sa pag-akyat ni Erick, mabilis rin sinundan niya ito.

At dahil nakasunod nga si Hansel, mabilis nitong naiharang sa pinto ang sarili, bago pa ang tangkang pagbukas ni Erick.

“S-sir! Please, mamayang pagbalik na lang natin.” pakiusap ni Hansel sa Komandante.

“Ano ba kasing ayaw mong makita ko sa kuwarto natin?” tanong ni Erick.

“Secret muna ’yon sir, at hindi ba ang sabi mo maliligo ka na kaagad dahil may lakad pa tayo?” sagot ni Hansel at paalala pa nito sa lakad nila ng Komandante.

“Kahit silip lang hindi ba pwede?” kulit pa ni Erick.

“Hindi sir!” medyo napalakas ng sagot ni Hansel.

“Okay, okay, sige na maliligo na ako, pero para mas mabilis pwede bang samahan mo ako at ikaw ang manghilod sa akin.” ngising suhestiyon ni Erick.

“Sir! Dali na maligo ka na.” namumulang mukhang sagot ni Hansel.

Sa nakitang reaksyon ni Hansel, mabilis na ginulo ni Erick ang buhok ng namumula paring mukha ng mahal. At natatawa itong pumasok na ng banyo para maligo pagkatapos.

Sa papasukang Private University ni Hansel, ang unang tungo ng dalawa. At kita ni Erick ang saya sa mukha ng kasama pagkarating nila sa lugar.

“Salamat talaga sir at tinulungan mo ako sa pagpasok ko sa college, promise, babayaran kita kaagad kapag nagkaroon na ako ng trabaho pagkatapos ng pag-aaral ko.” saad ni Hansel, habang kasalukuyan silang nag-iikot ni Erick sa University.

“Huwag mo munang isipin iyon, tiwala naman akong makakapagtapos ka.” sagot ni Erick, at pigil nito ang sarili na ipadama sa katabi ang pag-ibig na nadarama.

Ilang minuto pang pag-iikot sa nasabing gusali ng dalawa, at matapos malaman ni Hansel ang tungkol sa araw ng pasukan, sunod na pinuntahan nila ang malapit lang rin na mall sa lugar.

Matiyagang sinamahan ni Erick si Hansel sa pagbili ng mga gagamitin nito sa pag-aaral, dalawang linggo mula ngayon. Tila ba alalay nga ni Hansel ang milyonaryong Komandante, na ngayo’y bitbit ang mga pinamili nitong mga gamit. Sa ilang buwan ngang pagtatrabaho ni Hansel sa cafe, nakaipon ito ng pambili ng mga gamit. At dahil alam ni Erick na tatanggihan siya ng kasama, hinayaan na lamang nito na gastusin ni Hansel ang naging suweldo, kahit pa gustong-gusto ng Komandante na ibigay ang lahat ng meron siya sa kanyang mahal.

Matapos ang pamimili ni Hansel, inaya nito sa isang fastfood chain ang Komandante. Natigilan naman si Erick sa narinig nito sa kasama, at  kaagad itong tumutol.

“Hans, may alam akong resto doon na lang tayo kumain.”

“Sige na sir, masarap naman ang pagkain dun, at hindi naman mabubura ang abs mo, kapag kumain ka ng isang beses sa fastfood.” pilit pa ni Hansel.

“So ibig sabihin, pansin mo na may abs nga ako?” ngising asar ni Erick.

“S-syempre naman sir.” sagot ng nahiyang si Hansel na napagtanto ang sinabi kanina.

“O sige, pero ngayon lang, at ’wag kong malalaman na kumakain ka ng madalas sa fastfood.” pagpayag ng Komandante at pagbabawal rin nito.

“Oo naman sir, halika na.” maagap na sagot ni Hansel at kinuha nito ang isang kamay ng Komandante, sabay hila rin nito papunta sa fastfood chain.

Naging masaya ang pagkain ng dalawa sa fastfood chain na iyon. Halos hindi maawat sa pang-aasar si Hansel sa Komandante na gaya nga ng inaasahan ng binata, ito ang kauna-unahang pagkakataon na kumain sa nasabing lugar ang mahal nitong sundalo.

Kung masaya si Hansel sa ginagawang pang-aasar kay Erick, doble naman ang dulot na iyon sa Komandante, na higit na mas masaya na makita nito ang parang walang problemang mahal. Batid ng sundalo ang lihim na pag-iyak sa gabi ni Hansel, at alam ng Komandante na dahil iyon sa ate ng binata na magpasahanggang ngayon ay wala paring malay at walang kasiguraduhan kung magigising pa.

Pagdating sa bahay ng dalawa, mabilis na bumaba ng sasakyan si Hansel, pero bago iyon…

“Pagkatapos ng 20 minutes, pumasok ka na sa kuwarto natin, daddy.” saad ni Hansel sabay halik nito sa pisngi ng Komandante.

Sa ginawa at pagtawag sa kanya ng daddy ni Hansel, may ideya na si Erick sa nais mangyari ng mahal. Kaya naman mabilis na rin itong bumaba ng sasakyan, at bilang paghahanda sa alam na mangyayari mamaya ng Komandante, pumunta na rin ito ng banyo para muling maligo.

Kinakabahan man sa gagawin pag-angkin sa kanya mamaya ni Erick. May halong excited ang nararamdaman ngayon ni Hansel na kasalukuyang naliligo, ilang beses rin itong nagsepilyo ng mga ngipin. At ng makuntento na handa na siya, tanging brief na lang ang isinuot ng binata.

Matapos ang pagpapatuyo ng kanyang buhok, sinindihan na ni Hansel ang dalawang kandila ng naroon at nahiga na rin ito, kaya naman naghihintay na lamang ang binata sa pagpasok sa kuwarto ni Erick.

Limang minuto pa ang natitira bago ang takdang pasukin niya si Hansel sa kanilang kuwarto, kaya naman napailing pa ang Komandante, dahil alam nitong literal na papasukin na niya si Hansel sa kauna-unahang pagkakataon. At sa naisip ay ibayong pagnanasa na ang naramdaman ng sundalo, na sabik na sabik na sa minamahal. Kaya naman minabuti ng Komandante na doon na muna maghintay sa banyo, bago ang takdang pagpasok niya sa kuwarto nila ni Hansel.

Rinig ni Hansel sa tahimik na kuwarto ang pagbukas ng pintong iyon, at bumungad nga sa kanya ang Komandante, na nakatapis lang ng tuwalya ang pang-ibabang katawan at alam nitong bagong ligo rin sa sandaling iyon.

Isang ngiti ang pinakawalan ni Erick ng makita ang bagong ayos ng kanilang kuwarto ni Hansel. Taliwas sa dalawang kamang mayroon dati, isang kama na lamang ang nandirito ngayon sa kuwarto nila ng mahal. Pansin rin ng sundalo ang isang picture frame na nasa mesa, at nakapaloob dun ang larawan nilang dalawa ni Hansel nung nagpunta sila sa amusement park. Ito’y larawan kinuhanan ni Erick habang nakahalik siya sa pinsgi ni Hansel. Amoy rin ng Komandante ang pamilyar na mabangong amoy ni Hansel, na dulot ngayon ng dalawang kandilang nakasindi sa loob ng kuwarto.

“Thank you baby.” nakangiting saad ni Erick, at lumapit sa nakahigang si Hansel na panandalian niyang iniwasan tignan kanina, dahil gusto ng Komandante na maging dahan-dahan ang gagawin nila ng mahal maya-maya.

“Nagustuhan mo ba daddy?” tanong ni Hansel sa nakaupo sa kamang sundalo.

“Sobra baby, nagustuhan ni daddy ang sorpresa mo sa kanya.” sagot ng Komandante at dahan-dahan nitong pinaglapit ang mga mukha nila ni Hansel. At kasunod nga noon ang paghahalikan ng dalawa, na naging hudyat sa pagsisimula ng pagpapadama nila sa pagmamahal sa isa’t-isa.

WARNING!!! RATED SPG

Matapos ang halikan nila ni Hansel, sinimulan ng maglandas ng mga labi ni Erick sa leeg na una. At bilang pagbibigay tanda sa unang gagawin niyang pag-angkin mamaya sa inosenteng mahal, ilang marka ang inilagay ng Komandante sa leeg na iyon ni Hansel na dulot na mga halik na may kasamang pananabik.

“Ngyahh ahh.” ungol ni Hansel sa malalim na mga halik na kasalukuyang hatid sa kanyang leeg ng Komandante. Ibayong kiliti rin ang dulot sa kanyang katawan ng maninipis na bigote at balbas ng Komandante, na ramdam ni Hansel sa walang sawang paglandas ng mga halik ng sundalo.

Gaya ng kanyang pakay, sisiguraduhin ni Erick na ibayong ligaya ang ipapadama niya kay Hansel. Kaya naman matapos magsawa sa maputing leeg ng inosente pang mahal, ang pinkish na mga dibdib naman ni Hansel ang sunod na pagtutuunan ng pansin ng sundalo.

Unang dinila-dilaan ni Erick ang kaliwang dibdib ni Hansel at gamit ang pinatulis na dila, sinundot-sundot nito ang utong na iyon.

“Daddy ngyahh ahh.” ungol ni Hansel sa kiliting hatid sa ginagawa ngayon ng Komandante.

Lalo namang ginanahan pa si Erick sa ungol na narinig nito sa kanyang baby. At matapos ang pagsundot-sundot sa utong na iyon ni Hansel, mabilis na sinuso ng Komandante ang kaliwang dibdib ng mahal, at mga ungol ang naging tugon naman sa kanya ni Hansel. Habang patuloy sa pagsuso sa kaliwang dibdib, gamit ang kaliwang kamay, nilaro naman ng mga daliri ni Erick ang kanang dibdib ni Hansel.

Hindi mapirmi ang ulo ni Hansel, sa sarap ng ginagawang pagsuso at paglaro sa kanyang mga dibdib ng Komandante. At hindi alam ng binata kung papaano pa niya matatagalan ang hindi labasan, sa ibayong sarap na sinisimulan pa lang ipalasap sa kanya ni Erick.

Nang magsawa sa kaliwang dibdib ni Hansel, ang kanan naman ang pinagtuunang pansin ni Erick at gaya ng nauna, sabik na sabik na sinuso rin ng Komandante ang kanang dibdib na iyon ng mahal. Nang magsawa sa mga dibdib ni Hansel, sandaling pinagmasdan ni Erick ang makinis na katawan ng mahal. Kaya naman kita ng Komandante ang mamula-mulang itsura ngayon mga dibdib ni Hansel na pinagsawaan niyang susuhin kanina. Pansin rin ng sundalo ang mga kiss marks na naiwan niya sa leeg ng mahal, at tila ba nagmamalaki pa ito sa nakitang iniwang marka sa katawan ni Hansel.

“Nag-uumpisa palang tayo baby, sabihin mo kay daddy, anong susunod na gusto mong gawin ko hmm?” lambing na tanong ni Erick kay Hansel.

“Daddy angkinin mo na ako.” maagap na sagot ni Hansel.

“Sigurado ka na baby? Alam kong nakita mo na dati ang alaga ni daddy, kakayanin mo ba ang laki ng alaga ni daddy hmm?”

“Kakayanin ko daddy at sa’yo lang ako.” sagot ni Hansel sa ibayong pagnanasa at ’di na makapaghitay sa gagawin ng Komandante.

“Kung ganun, humanda ka na at aangkinin ka na ni daddy, at tama ka baby, akin ka lang pati na ang masarap mong katawan.” saad ni Erick, habang inuumpisahan na ng dalawa nitong kamay ang pagsalat sa makinis na mga hita ni Hansel.

Nang mapunta ang mga kamay ni Erick sa tanging telang tumatakip sa kaselanan ni Hansel, parang papel lang na pinunit nito ang suot na brief ng huli.

Hindi naman makapaniwala si Hansel sa nakita, na rinig ang ingay ng pagkasira ng suot na brief, dulot ng ginawa ng Komandante.

“Don’t worry baby, ibibili kita bukas ng mga bagong brief.” ngising saad ni Erick sa nakitang gulat paring mukha ni Hansel “Sa ngayon, papaligayahin ka muna ni daddy.” bulong pa ng Komandante sa tenga ng mahal.

At para umpisahan na ang gagawing pag-iisa sa wakas ng mga katawan nila ni Hansel, tinanggal na rin ni Erick ang tuwalyang tumatakip sa kanina pa gustong makawala na naghuhumindig niyang alaga.

Sa pagtanggal ng Komandante sa tuwalyang suot, tumambad kay Hansel ang nakasuludong mataba at malaking burat ni Erick. Kaya naman sa nakita’y napalunok na lamang ang binata.

“Dadahan-dahanin ko baby, promise.” saad ng Komandante na nakita ang reaksyon na iyon ni Hansel.

“O-okay daddy.” sagot ni Hansel, na otomatikong naglandas ang dalawang kamay sa magandang katawan ng barakong sundalong, tanging gusto niyang alayan ng sarili.

Napapikit naman si Erick ng maramdaman nito ang malambot na mga kamay ni Hansel sa kanyang katawan. At pagmulat ng kanyang mga mata, kita ng sundalo ang mangha sa mukha ng mahal na tutok na tutok parin sa magandang katawan na meron siya.

“Ang hot mo daddy.” rinig ni Erick na galing kay Hansel. At kita rin pagkatapos ng sundalo ang pamumula ng mukha ng mahal.

“Huwag kang mahiya baby, at gaya ng sa akin lang ang katawan mo, sa’yo lang rin ang buong katawan ni daddy.” saad ni Erick at hinuli nito ang isang kamay ni Hansel para igiya papunta sa naghuhumindig niyang burat.

Panandaliang nabitawan ni Hansel ang mainit, matigas at malaking burat ng barakong sundalo, sa isip ng binata, paano kaya niya makakaya ang malaking laman na iyon ng Komandante, na kanina ng mahawakan niya ay hindi man lang magtagpo ang maliit niyang kamay sa taba ng burat ng barakong ilang saglit lang ay kukuha sa pagkabirhen niya.

“Na-natatakot ako daddy.” amin ni Hansel sa kabang nararamdaman.

Nakaramdam naman ng pag-aalala si Erick sa narinig sa mahal.

“It’s okay baby, ayos lang kay daddy kung hindi ka pa handa.” maagap na alo ng Komandante na mabilis na nahawakan ang mukha ni Hansel.

“Hi-hindi daddy, gusto ko ng ibigay sa’yo ang sarili ko, kahit takot parin ako, tiwala ako at alam kong dadahan-dahanin mo.” sagot ni Hansel at bilang pagtitiyak na buo na ang desisyon nito. Mabilis nitong ipinaglapit ang mga mukha nila ng Komandante para sa isa na namang halikan.

Sa ginawa ni Hansel, ibayong saya ang naging dulot nito kay Erick at gaya ng pangako niya sa una, sisiguraduhin ng sundalo na bagamat nasasabik na siyang angkinin ang mahal, ihahanda na muna niya ito bago ang pagkuha niya sa pagkabirhen nito.

Sandaling humiwalay si Erick sa halikan nila ni Hansel, para kuhanin ang lubricant na nasa drawer. Pagkakuha sa bagay na iyon, nilagyan ng sundalo ang kanyang palad at kaagad rin nitong inilagay sa birheng butas ni Hansel.

Kinakabahan man, may kasama rin na pananabik ang nadarama ni Hansel, na ramdam ang lamig ng bagay na inilagay sa kanyang puwet ng Komandante.

Gamit ang isa munang daliri na may lubricant, sinimulan na ng sundalo ang pagpapaluwag sa masikip na butas ni Hansel. Habang naglalabas-masok nga ang isang daliri ni Erick sa butas ni Hansel, pigil ng huli ang sarili na mapaungol. Nang malayang naglalabas-masok na ang isang daliri, sunod ay dinagdagan na ng isa pang daliri ng Komandante ang paglabas-masok sa butas na iyon ni Hansel, hanggang sa naging tatlo iyon.

Kahit papaano’y ramdam ni Hansel ang hapdi ng paglabas-masok ng mga daliri ng Komandante, pero tiniis niya iyon, dahil alam ng binata na higit pa roon ang susunod na mararamdaman niya, kapag ang malaking burat na ng sundalo ang pumasok sa masikip at birhen pa niyang butas.

“Baby, ipapasok na ni daddy ang burat niya.” saad ni Erick.

“Si-sige lang daddy.” sagot ni Hansel na napapikit na sa sandaling iyon.

At para mawala ang atensyon ni Hansel sa gagawin niyang pagpasok, minabuti ni Erick na muling halikan ang una. At ng maitutok na ng sundalo ang malaking ulo ng kanyang burat sa tapat ng birheng lagusan ni Hansel, sabay sa dahan-dahang pag-ulos papasok sa masikip na butas na iyon, muling hinagkan ng Komandante ang mga labi ng mahal.

Abala man sa paghahalikan nila ni Erick, ’di maitatanggi ang ibayong kirot sa pagkapunit ng kanyang lagusan sa pagpasok palang ng ulo ng malaking burat na iyon ng Komandante, na naging dahilan nga ng masaganang luhang naglandas sa mga mata ni Hansel.

“Shhh baby, sorry, sorry.” alo ni Erick na batid ang naluluhang lagay ngayon ng mahal.

“O-okay lang daddy.” sagot ni Hansel kahit pa sobrang hapdi ang kasalukuyang nararamdaman.

“Ano baby, gagalaw na ba si daddy?” alalang tanong ng Komandante.

Isang tango naman ang naging sagot ni Hansel, kaya naman umulos na ng dahan-dahan si Erick, na ibayong sarap naman ang nadarama sa pagsakal ng makipot na butas ng una sa kanyang malaki at matigas na burat.

“Shit baby ang sikip mo!” bulalas ng nasasarapang sundalo.

Ang narinig na iyon sa mahal ay sapat na kay Hansel, na tiisin ang kirot at sakit sa pag-angkin sa kanya ng Komandante.

“Sige pa daddy, ipasok mo na lahat.” saad ng nagpipigil parin na maluhang binata.

Sa pag-aakalang hindi na gaanong nasasaktan pa ang mahal, sinunod kaagad ni Erick ang sinabing iyon ni Hansel.

At naipasok nga ng buo ng Komandante ang malaki, mataba at matigas niyang burat sa makipot na butas ni Hansel. Ibayong sarap nga ang dulot sa Komandante ng masikip at mainit na lagusan na iyon, kaya naman para lalong malasap ang langit sa piling ni Hansel. Sinimulan na rin ng sundalo ang dahan-dahan paggalaw, para sa paglabas-masok sa makipot na lagusan.

“Shit baby, ang sarap at ang sikip mo.” saad ni Erick na abala na sa dahan-dahan paglabas-masok sa makipot na butas ni Hansel.

Sa panig naman ni Hansel, ibayong kirot parin at hapdi ang kanyang nararamdaman, pero sa dahan-dahang paggalaw ng Komandante, kahit papaano’y natitiis na nito ang sakit.

“Ahh baby, ang sikip mo talaga fuck!” ungol at mura ni Erick na nagsisimula ng bumilis ang pagkantot sa butas ni Hansel.

“Ahhh sige pa daddy ahhhh.” ganting ungol ni Hansel, na habang tumatagal ay paunti-unti na lang ang kirot sa bawat paglabas-masok ng malaking burat na iyon ng Komandante sa kanyang butas.

“Ahh masusunod baby, shit ’wag kang mag-aalala, dadalasin ko ang pagkantot sa’yo, ang sarap ng butas mo ahh.”

“Ngyahh daddy ahh sige pa aahhh!”

“Shit ahh, ang sarap mo talaga baby ahhh!”

“Daddy ahhh isagad mo pa please ahh ahhhh!” ungol ni Hansel na ibayong kiliti at sarap ang nadarama sa tuwing may tinatamaan sa kaloob-looban niya ang Komandante.

“Shit sarap na sarap na ba ang baby ko, tinatamaan na ba ni daddy ang g-spot mo ha? ahhh!” saad at ungol ng Komandante na patuloy sa pagkantot ng sagad sa lagusan ni Hansel.

“Ngyahhhh daddyyy ahhhhh malapit na akong labasan ahhhh!” ungol ni Hansel na sa tuwing sinasagad ng Komandante ang pagbayo ng malaking burat sa kanyang lagusan ay natatamaan ulit nito ang bagay na naghahatid sa kanya ng ibayong kiliti at sarap sa buo niyang katawan.

“Sige lang baby, mamaya pa lalabasan si daddy, susulitin ko ang pagkantot ko sa’yo.”

“Ahhhhh daddy ang sarap ahhhh lalabasan na ako ahhhhh!” ungol ni Hansel at nilabasan na nga ito na hindi man lang hinahawakan ang sariling alaga, at dulot lang ng barakong sundalong walang humpay na bumabayo sa kanya ng sagad.

“Ahhh ang sarap mo baby, ahh sakal na sakal ang malaki kong burat ahh, fuck babawi ako sa pananabik ko sayo at paliliguan kita ng maraming tamod ko ahhhh.”

“Sige lang daddy ang sarap mong kumantot aahhhh!”

“Ahh fuck at ang sarap mong asawahin baby, at ang suwerte kong akin lang ang masarap na butas mo at sisiguraduhin kong paluluwagin ko ito ahhh!”

“Oo daddy sa’yo lang ang butas ko, ang sarap mo daddy ahhh!”

“Shit! Ang horny pala ng baby ko, ’di bale tatapatan ni daddy ang pagkahorny mo at hindi ko pagsasawahan ang masarap mong katawan ahhh lalo na itong butas mo na kumakain ng buo sa malaking burat ko ahhh!”

“Ngyahh ahhh sige pa daddy ahhh!”

“Fuck baby ang sarap mo talagang kantutin ahhhhh, ayaw ko man na labasan ramdam kong malapit ng lumabas ang maraming tamod ko ahhhh!

“Sige lang daddy ahhh iputok mo sa loob ko ahh!”

“Malapit na akong labasan baby at oo ipuputok ko lahat sa makipot at masarap mong butas ahhh!”

“Gusto ko iyon daddy sige pa isagad mo pa ahhh!”

Nagpatuloy pa sa mabilis na pagkantot si Erick sa masikip na butas ni Hansel, at pilit mang pigilan ng Komandante ang sarili na ’wag kaagad labasan, dahil gusto nitong namnamin ang sarap ng makipot na lagusan na sumasakal sa dambuhalang matigas niyang burat. Hindi na kaya pang pigilan ng sundalo ang pagpapakawala niya ng maraming tamod na dalawang linggo rin na naipon sa kanyang mga bayag.

“Ahh fuck lalabasan na ako baby ahhh.”

“Sige lang daddy iputok mo sa loob ko ahh, lalabasan na rin ulit ako ahhh!”

“Ahhh heto na lalabas na ahhh ipuputok ko sa loob ng butas mo ahhh ahhhh ahhhhhhhhhh!” kasabay ng mahabang ungol ng sarap na sarap na barakong sundalo, ang pagpapaputok nito ng masaganang tamod sa lagusan ni Hansel.

Ramdam ni Hansel ang maraming malapot at mainit na tamod na pinutok ng malaking burat ng Komandante sa kanyang butas, kasabay ng pagpapalabas muli niya ng kanyang sariling dagta.

“Fuck ang sarap mong asawahin baby.” bulong ni Erick sa tenga ni Hansel, na pumatong sandali sa katawan ni Hansel na puno rin ng tamod.

“Ang sarap mo namang kumantot daddy.” ngiting sagot ni Hansel.

“At susulitin natin ang gabing ito baby, ramdam mo na ba?”

“Oo daddy, matigas na naman ang malaking burat mo daddy.” sagot ni Hansel na ramdam sa kanyang tiyan, ang galit parin na malaking burat ng Komandante na katatapos lang lumabas at labasan sa kanyang masikip na butas.

“Paano ready for round two?” ngising tanong ni Erick at mabilis na ipinalupot ang mga binti ni Hansel sa kanyang bewang.

“Ready na ako daddy.” sagot ni Hansel na inilagay rin ang dalawang kamay sa batok ng barako niyang sundalo.

At mabilis ng tumayo ang Komandante na buhat ang maliit na katawan ni Hansel na muli niyang aangkinin sa gabing iyon.

(New Story, Sypnosis and Teaser)

“Ang Hardinero at ang Heredero”

Sypnosis

Dalawang taong paglalapitin ng pagkakataon, ngunit sa kabila ng magkasalungat na sitwasyong kinalalagyan, posible kayang sa dulo ay magkatuluyan?

Saglit na nag-unat siya ng mga braso bago ito tuluyang bumangon, at ng makabangon ay gaya ng kanyang palagiang ginagawa, kaagad nitong hinawi ang kurtina sa kanyang bintana, para tignan ang hardin na nasa tapat ng kanyang kuwarto. Pero hindi ang inaasahan niyang mga tanim na halaman na puno ng iba’t-ibang bulaklak, isang matipunong lalaking walang suot na damit na kasalukuyang nagdidilig sa mga ito ang bumungad kay Timothy.

“Wala ’yon, oo nga pala sa tanong mo kanina, ako si Miguel ang bagong hardinero dito sa mansyon.” sagot at pakilala ni Miguel, sabay lahad pa nito sa isang kamay.

“Ako naman si Timothy kuya Miguel, anak ako ng may-ari ng mansyon.” pakilala ni Timothy at inabot naman ang nakalahad na kamay ng bago nilang hardinero. At naging dahilan nga para masilayan muli ng binata, ang magandang katawan ng bago nilang hardinero na siyang unang nakita niya kanina, pagkabukas niya ng kurtina sa bintana ng sariling kuwarto.

Lihim namang napangiti si Miguel, na nahalata ang pagtitig sa kanyang katawan ng bagong kakilala, na kaisa-isang pa palang anak ng taong pakay niya sa mansyong iyon. At sa naisip na maaari nitong gamitin, ang lalaking kasalukuyang hawak parin ng isa niyang kamay, isang plano ang kaagad na sumunod na nabuo sa kanyang isipan. At hindi na nag-aksaya pa ng oras si Miguel, dala parin ng magkatagpo nilang mga kamay ni Timothy, mabilis nitong nahila papunta sa kanya ang huli.

Sa hindi nga naisip na gagawin sa kanya ng bagong kakilalang lalaki, sa paghila nito sa kanya ay naging dahilan para mapunta ang kanyang mukha sa dibdib ng walang suot na pang-itaas na bago nilang hardinero. At bago pa makaalis sa puwestong iyon si Timothy, sunod na naramdaman nito ang isang braso ni Miguel na pumalupot sa kanyang likod.

“Mamayang gabi, samahan mo ako sa kuwarto ko.” bulong ni Miguel sa tenga ni Timothy, bago nito pakawalan ang huli.

Author’s Note:

Coming this July

Pag-ibig ng Sundalo Book 2 Sypnosis

Ang buhay mag-asawa nila Private Richard Manlangit at Major Sebastian Manlangit, kasama ng anak nilang si Erwin Manlangit.

Ang pag-iibigan nila Captain Vince Manalo at Private Lorenzo Velasco, na susubukin sa pagbabalik ng unang babaeng minahal ni Captain Manalo.

Ang nagsisimulang relasyon nila Major Erick Manalo at Hansel Cortez at ang mga sikretong mabubunyag sa paggising ni Roxanne Cortez.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.