Pag-ibig ng Sundalo Book II
Der3ck7 · 3 chapters · 5,787 words
I
Ngayong araw magaganap ang pinakahihintay na sandali ng nagmamahalang sina Richard at Sebastian.
Sa nakitang papalapit na anyo ni Richard, pigil ni Sebastian na kasalukuyang nakatayo malapit sa pastor ang hindi maluha sa labis na kaligayahan. Sa wakas ilang sandali mula ngayon, ikakasal na sila ng kanyang mahal.
Gaya ni Sebastian, gustong-gusto na ni Richard na takbuhin ang kinaroroonan ng mahal niyang Komandante, pero pinigil nito ang sarili, at habang naglalakad papunta sa minamahal, kita niya sa gilid ng kanyang mga mata, ang presensya rin ng mga mahal nila sa buhay ni Sebastian.
Pagkalapit ni Richard sa kinaroroonan ni Sebastian, sabay na silang humarap sa pastor, para masimulan na ang seremonyas sa kanilang pag-iisang dibdib.
“Nandirito tayo ngayon, para masaksihan and pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. Kaya naman hayaan ninyo akong simulan na ang seremonyas, sa kasalan ng mga mahal nating sina Richard Manalo at Sebastian Manlangit.” simula ni Pastor Reyes sa kasalan ng dalawang nag-iibigang sundalo.
“Hindi ko alam na ang kauna-unahang pagsabak ko sa giyera noon, ang magiging dahilan pala, para magkrus ang landas namin ng unang lalaking mamahalin ko. Ngayon, hayaan mong muling magpasalamat ako Baste, sa pagligtas mo sa akin noon sa Maguindanao, tama ang narinig ninyo, imbes na ako ang masabugan ng bomba noon, akala yata ni Major Manlangit ay siya si superman at ginawa ba namang shield ang katawan niya para iligtas ako.” simula ni Richard sa vow’s nito.
Napangiti na lamang si Sebastian sa narinig nito sa mahal, at rinig rin nila ni Richard ang natatawang reaksyon ng mga kasama nila sa kanilang kasal.
“Iyon nga dahil sa napuruhan si Sebastian, ako ang nakasama niya hanggang sa gumaling siya, at sa panahong iyon, unti-unting nahulog ako sa kanya. At ng malaman ko na pareho kami ng nararamdaman, isa iyon sa pinakamasayang sandali ng buhay ko at kahit pa may malaking pagsubok kaming pinagdaanan, masaya ako na heto ngayon at nandito na kami at ikakasal na. Kaya naman mahal ko, isuot mo ang singsing na ito na simbolo ng pag-ibig ko at nangangako rin ako na ikaw lang hanggang sa dulo ng buhay ko.” pagtatapos ni Richard at isinuot ang singsing sa palasing-singan ni Sebastian.
Matapos maisuot sa kanya ni Richard ang singsing, sinumulan na rin ni Sebastian ang kanyang vow’s.
“Gaya ng sabi kanina ni Richard, ipinagpasalamat ko na nailigtas ko siya noon sa giyera sa Maguindanao, masasabi man ng iba na kabaliwan ang ginawa ko, para sa akin ay paulit-ulit kong gagawin ang kabaliwang iyon, basta ba kung kapalit noon ay magiging asawa ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Salamat mahal ko, sa pag-ibig mo, at sa paghihintay kahit pa ang tagal kong nawalay sa’yo, at bilang pangako ko sa’yo na ikaw na ang huli kong mamahalin, isuot mo ang singsing na ito, na simbolo ng ibayong pag-ibig ko na tanging sa’yo ko lang iaalay.” mahabang lahad ni Sebastian sa sumpa ng pag-ibig nito kay Richard, at kasunod noon ang pagpapasuot sa singsing na hawak nito sa kaliwang palasing-singan ng mahal.
Hinayaan na maglandas ni Richard ang mga luha ng kaligayahan, na dulot ng pagmamahalan nila ni Sebastian.
Gamit ang kanyang mga kamay, maagap namang pinahiran ni Sebastian ang mga luhang iyon ni Richard.
“Sa kapangyarihang iginawad sa akin, masaya akong sabihin na kayo’y ganap ng mag-asawa. Ngayon, maaari na ninyong halikan ang isa’t-isa.” ngiting saad ng pastor.
Mabilis namang naglapit ang mukha nila Sebastian at Richard, at ipinadama sa unang halik nila bilang mag-asawa, ang pananabik at pagmamahal nila sa isa’t-isa.
…
Matapos ang halikan ng bagong kasal, sumunod ang pagpapakuha nila ng mga litrato kasama ng mga mahal nila sa buhay.
Matapos nun ay dumiretso na sila sa reception na idinaos sa isang mamahaling hotel.
“Welcome Richard anak, at opisyal ka ng Manlangit.” bati ni Alfredo sa asawa ng anak.
“Salamat po pa.” sagot ni Richard at sinuklian nito ang yakap ng ama nila ni Sebastian.
“Ako naman, hijo, gaya ng sabi ng papa mo, welcome sa pamilya Manlangit.” bati ni Maritess at hinalikan nito sa magkabilang pisngi ang napangasawa ng anak.
“Salamat po mom.” sagot ni Richard sa mama nila ni Sebastian na niyakap rin nito.
Gaya ng pagbating natanggap ng asawa, binati rin si Sebastian ng mga inlaws nito.
“Masaya ako para sa inyo Baste, gaya ng pangako mo, huwag mong ilalayo sa’kin ang bunso ko.” bati ni Aurora sa bagong miyembro ng pamilya nila at matapos nitong halikan sa magkabilang pisngi ang napangasawa ng anak, nagbiro pa ito.
“Oo naman po ma, salamat po.” ngiting sagot ni Sebastian at niyakap naman ang mama nila ni Richard.
“Congratulations anak, gaya ng pangako mo sa akin, ingatan mo ang pamilya ninyo ni Richard.” saad ni Heneral Manalo.
“Opo pa, salamat po.” maagap na sagot ni Sebastian at niyakap nito ang amang Heneral nila ng kanyang asawa.
“Naks! Bunso hindi ka na Manalo, Manlangit ka na sa wakas!” masayang saad ni Vince at mahigpit itong yumakap sa kapatid.
“Oo nga kuya, ’di bale alam ko naman na madadagdagan ninyo ni kuya ang apelyido natin balang araw.” sagot ni Richard na niyakap rin ang kapatid.
“Ako naman Vince, congrats bunso, inunahan mo pa kaming mga kuya mo.” nakangiting saad ni Erick na yumakap rin kay Richard.
“Hehehe salamat kuya, wala eh, mabilis ang kaibigan ninyo at ayaw na akong pakawalan.” masayang saad ni Richard na sinuklian ang mahigpit na yakap ng panganay na kapatid.
“Syempre naman baby ko, ngayon wala ng magtatangkang lumapit pa sa’yo dahil habambuhay ka ng nakatali sa akin.” pagyayabang ni Sebastian na mabilis nailingkis ang isang braso sa bewang ng asawa.
“Congrats Baste, sa wakas bayaw ka na namin.” saad ni Vince at niyakap nito ang kaibigan, para na rin makawala muna ang bunsong kapatid.
“Salamat tol, te-teka lang asawa ko!” sagot ni Sebastian at tawag nito kay Richard na kaagad na nagpunta sa iba nilang bisita sa kasal.
“Congrats bayaw, hayaan mo muna si bunso, sa’yo naman na siya mula ngayon.” bati ni Erick sa kaibigan at naiiling nitong saad pagkatapos.
“Oo nga bayaw, langya! Mukhang kung noon seloso ka, baka naman kada lalaking tumingin at kumausap lang kay bunso ay magseselos ka na.” sang-ayon ni Vince sa kapatid at naiiling nitong saad.
“Ako pa talaga ang seloso mga bayaw, paano, mukhang nagugustuhan ng mga syota ninyo ang kausap nila ngayon.” sagot ni Sebastian at ganting asar nito sa mga kaibigan.
“Sir Chard, congrats sa inyo ni sir Sebastian.” ngiting saad ni Hansel.
“Salamat Hans.” ngiting sagot ni Richard at niyakap nito ang kaibigan.
“Chard, masaya ako para sa inyo ni sir Sebastian.” bati ni Lorenzo.
“Salamat Renz.” sagot ni Richard sa kaibigang sundalo na niyakap rin nito pagkakatapos.
“Richi, congrats! Pareho na tayong may asawa.” bati ni Hector sa kababata at kaibigan.
“Salamat Hecky!” ngiting sagot ni Richard at isang mahigpit na yakap ang ibinigay nila sa isa’t-isa ng kababata.
Matapos ang yakapan nila ni Hector, sumunod na niyakap ni Richard ang asawa ng kababata.
“I heard from Hector, that you and Sebastian are already expecting your first baby.” saad ni William.
“That’s right, how about you two?” sagot at tanong pabalik ni Richard sa asawa ng kababatang si Hector.
“We’ve talked about it sometimes, but I think we will enjoy a little bit more our time together, you know having a baby is not an easy responsible.” sagot ni William.
Sa naging sagot ng kausap, inaamin ni Richard na tama ang narinig nito. Kaya nga kahit pa excited na ito sa pagsilang ng magiging anak nila ni Sebastian, na galing sa pinagbubuntis ni Rachelle. Kinakabahan rin ang sundalo sa bagong responsibilidad nila ng kanyang asawa.
…
Pansin ni Sebastian na tila ba malalim ang iniisip ng asawa pagkabalik nito, matapos makausap ang mga kaibigan.
“Anong problema baby ko.” bulong ni Sebastian sa tenga ni Richard, habang nasa likod siya at yakap ang asawa.
“Napag-isip-isip ko Baste, handa na ba tayo sa responsibilidad sa magiging anak natin.” aming sagot ni Richard.
“Bakit baby ko, kinakabahan ka ba?” muling tanong ni Sebastian.
“Oo Baste.” maagap na sagot ni Richard.
Sa naging sagot ni Richard, kaagad na iniharap ni Sebastian ang katawan ng asawa.
“Normal lang ’yon asawa ko, sa tingin mo hindi rin ako kinakabahan? Iyon pa nga lang ang maging mabuti at karapat-dapat sa’yo bilang asawa mo, kinakabahan na ako, pero kahit pa sobrang kinakabahan ako, sapat ng alam kong magiging katuwang kita magmula ngayon, upang maging handa akong gawin ang lahat para magampanan ko ng mabuti ang pagiging asawa sa’yo at ama naman sa magiging baby natin.” saad at lahad ng saloobin ni Sebastian sa nangangambang asawa.
“Baste.” tanging nausal ni Richard at mahigpit itong yumakap sa asawa pagkatapos.
Kahit papaano’y nawala ang pangamba ni Richard sa mga narinig nito kay Sebastian. At nagpatuloy ang masayang kuwentuhan at salu-salo sa reception ng kanilang kasal.
…
Matapos isa-isang magpaalam ang mga bisita, mga kaibigan, naiwan ang bagong kasal kasama ng mga mahal nila sa buhay.
“Babalik na rin kami sa kuwarto namin ni Hansel, enjoy kayo sa honeymoon ninyo.” paalam ni Erick sa bagong mag-asawang Manlangit.
“Sige kuya.” sagot ni Richard.
“Ako lang ba bayaw?” ngising biro ni Sebastian kay Erick.
“Depende ’yon kay Hans.” ngising sagot ni Erick.
“Sige sir Chard, sir Sebastian aalis na kami ni sir.” namumulang mukhang paalam ni Hansel sa bagong kasal, at mabilis na nahila si Erick.
“Aalis na rin kami ni Enzo, Chard, bayaw.” paalam ni Vince sa dalawa.
“Sige bayaw.” sagot ni Sebastian.
“Sige kuya.” sagot naman ni Richard.
“Mauuna na kami, sir, Chard.” paalam rin ni Lorenzo sa bagong kasal.
“Okay Renz.” sagot ni Richard.
“Sige Lorenzo, enjoy kayo ni Vince.” saad ni Sebastian at asar rin nito sa dalawa.
“Sigurado ’yon bayaw!” sigaw na sagot ni Vince.
“Sige na Baste, Richard, bumalik na kayo sa kuwarto ninyo, kami ng bahala dito.” saad ni Diosdado at pahintulot nitong umalis na ang dalawa.
“Sige po pa.” “Opo pa.” sabay na sagot nila Richard at Sebastian. At matapos magpaalam sa mga magulang nila. Sunod na nagtungo na ang dalawa sa kanilang kuwarto sa hotel.
…
“Paano asawa ko? Uumpisahan na ba natin?” ngising saad ni Sebastian na mabilis na nabuhat ang katawan ni Richard.
“Oo naman asawa ko.” maagap na sagot ni Richard na kaagad na hinagkan ang mga labi ni Sebastian.
WARNING!!! RATED SPG
Mabilis na naihiga ni Sebastian sa kama ang buhat na katawan ng asawa. Sumunod ay isa-isa nitong tinaggal ang mga suot na damit ni Richard. Nang tuluyang malantad ang kahubdan ng katawan ng asawa na kailanman ay hindi niya pagsasawaan. Kaagad muling pinagtagpo ng barakong sundalo ang mga labi nila ni Richard.
Ramdam ni Richard ang halik ng pananabik ng asawa, at ’di na man ito nagpatalo at sinuklian rin nito ng matindi at malalim ang mga halik na iyon. Nang kapusan sila ng hangin, pansamantalang humiwalay ang mga mukha nila ni Sebastian. Kita ni Richard sa mga sandaling iyon ang pagnanasa sa mga mata ng asawa, gaya rin ng alam niyang pagnanasang nararamdaman niya. At sa muli nilang paghahalikan ng asawa Komandante, mabilis na pumaibabaw siya rito.
Sa pagpapalit nila ng puwesto ng asawa, ramdam ng bihis na bihis pang si Sebastian ang malambot at matambok na puwet ng asawa na eksaktong nakaupo sa kanyang malaking laman na kanina pa gustong makawala. At tila ba tinukso pa siya lalo ng pilyong asawa, sa sunod na ginawa nitong pag-indayog habang nakagat-labi pa itong tumingin sa kanyang mga mata.
“Ughmm.” ungol ni Sebastian sa ginawang pagkiskis ni Richard sa pang-upo nito sa kanyang harapan.
“Damn! Humanda ka sa akin asawa ko.” saad ni Sebastian.
Gaya ng kanyang inaasahan ni Richard mabilis na muling pinagtagpo na kanyang asawa ang kanilang mga labi. At kita nito ang nagmamadaling kilos ng asawang Komandante, sa paghubad ng lahat ng mga suot nito.
Nang tuluyang nahubad ng asawa ang mga suot, lumantad kay Richard ang matipuno at magandang katawan ng Komandante. At ramdam na rin nito ng maayos ang mainit, matigas at malaking laman na kasalukuyan nitong inuupuan.
“Baby, paligayahin mo na ang asawa mo.” saad ni Sebastian sa paos nitong boses.
Lalo pang sumidhi ang nararamdaman pagnanasa at antisipasyon ni Richard, at gaya ng narinig nito sa asawa, kaagad nitong sinunod ang pareho nilang kagustuhan ni Sebastian.
Unang pinuntiryang halikan ni Richard ang leeg ni Sebastian, at habang abala siya sa paghalik, ramdam naman niya ang mga kamay ng asawa na humihimas sa kanyang bewang.
Matapos pagsawaan halik-halikan ang leeg ng asawa at marahan rin nitong kinagat-kagat, sunod na pinunturya ni Richard ang malapad na dibdib ng asawang sundalo.
“Ughmm ganyan nga asawa ko uhmmm.” ungol ni Sebastian ng sinimulan ng susuhin ni Richard ang kanyang mga utong.
Pinabutihan pa ni Richard ang salitang pagsuso sa mga utong ni Sebastian, at ng magsawa ito, naglandas na pababa ang kanyang mga halik sa tiyan ng huli, na mayroong prominenteng walong pandesal.
Sa sarap ng naramdaman na dulot ng labi ng asawa, sunod na iginiya ng mga kamay ni Sebastian ang ulo ni Richard, nang sa ganun ay maramdaman na muli nito sa kanyang burat na kanina pa naghihintay ang mainit na bibig ng huli.
Alam na ni Richard ang nais mangyari ng Komandante, at kaagad naman nitong pinagbigyan ang asawa, dahil maging siya nananabik na rin na muling matikman at masubo ang malaki, mataba at matigas na burat ni Sebastian.
Pagkatapat nga ng kanyang mukha sa malaking laman na iyon ng asawa, gamit ang dila ay kaagad na dinilaan ni Richard ang naglalaway na malaking sawa ng Komandante. Matapos nun ay walang sawa nitong itinataas-baba sa kanyang bibig ang dambuhalang burat ng asawang Komandante.
“Ahhh ang sarap mo talagang sumuso baby ahhh! Ganyan nga sige pa ahhh sa’yong-sayo lang iyan ahhh.” nasasarapang saad at ungol ni Sebastian habang patuloy sa pagtsupa ang asawa.
“Ahh sige pa ahhh baby ko ang sarap niyan aahh.”
“Ahhh bilisan mo pa baby ahhh malapit ka ng uminom muli ng gatas kooo ahhhhh.” ungol na saad ni Sebastian, na ramdam ng malapit na itong magpalabas ng masaganang tamod.
Sa narinig ni Richard sa asawa, mas binilisan pa nga nito ang pagtaas-baba sa malaking burat na iyon, at ’di na rin ito nagtaka ng maramdaman nito sa kanyang ulo ang mga kamay ni Sebastian na tumutulong para lalong maisagad niya ang malaking laman na iyon.
Habang hawak ang ulo ng asawa na kasalukuyang tsumutsupa sa malaki niyang burat, sinamahan pa ng pagbayo ni Sebastian ang ginagawang pagsuso ni Richard.
“Ahhh lalabas na ang gatas kooo asawa ko ahhhhh lunukin mo lahat ahh ahhh aahhhhhh.” saad at mahabang ungol ni Sebastian, kasabay nga ng maraming tamod na pinakawalan nito sa bunganga ng asawa.
Hindi naman magkandatuto sa paglunok si Richard sa masaganang tamod na pinakawalan ng asawang Komandante, at gaya ng kagustuhan ni Sebastian at walang dudang nais rin nito, wala itong sinayang sa pinaghirapang tamod na iyon na galing sa malaking burat ng barakong sundalo at asawa rin nito.
“Damn baby, sinimot mo nga ang gatas ko.” nakangiting saad ni Sebastian at hinimas nito ang ulo ng asawa.
“Syempre naman asawa ko, ito ang unang tikim ko sa gatas mo bilang mag-asawa tayo.” ngiting sagot ni Richard.
“At hindi ito ang huli sa honeymoon natin ngayong gabi, kaya humanda ka na. Ihi lang ang pahinga natin.” ngising saad ni Sebastian. At kasunod nga nito ay ang walang kapagurang pagpapadama ng labis na pagkasabik at pagmamahal sa isa’t-isa ng bagong kasal na sundalo.
II
Matapos ang kasal nila sa Amerika, sinulit ng mag-asawang Manlangit ang kanilang bakasyon sa pamamagitan ng pamamasyal sa iba’t-ibang bansa. At ngayon nga ay nasa bansang Japan sila na huling destinasyon bago ang pagbalik nila sa Pilipinas.
“Baby tingin ka dito?” kuha ni Sebastian sa atensyon ng asawa, na abala sa paghanga sa Arashima Bamboo Grove.
Kaagad namang tumalima si Richard pagkarinig nito sa asawa, at gaya ng kanyang inaasahan, panay ang pagkuha sa kanya ng larawan ng Komandante.
“Hindi ka ba nagsasawang kuhanan ako?” nakangiting lumapit na si Richard sa kinatatayuan ng asawa.
“Hinding-hindi baby.” maagap na sagot ni Sebastian, na kaagad hinalikan sa labi ang asawa kasabay rin ng pagkuha nito ng larawan.
Napailing na lamang si Richard na sunod na nasaksihan ang masayang mukha ng asawang Komandante, na muli’y naging abala sa pagtingin ng mga nakuhanan nitong larawan.
…
“Hans maghanda ka ng mga gamit mo, uuwi tayo ng Tagaytay bukas, darating na sila Richard.” paalala ni Erick sa nobyo.
“Talaga sir?!” masayang reaskyon ni Hansel sa nalaman.
“Oo, kausap ko kanina si Baste at tutal Sabado naman kinabukasan, sa bahay nila papa na muna tayo hanggang sa Linggo.”
“Hi-hindi ba nakakahiya sa mga magulang mo sir at kasama ninyo ako?” kinabahan bigla si Hansel pagkarinig nito sa plano ng nobyong sundalo.
“Hans wala kang dapat ipag-alala, alam nila papa ang relasyon natin, si mama nga palagi akong kinukulit dati pa na isama ka sa bahay.” pagtitiyak ni Erick na maagap na nahuli at marahang pinisil ang isang kamay ng nobyo.
Napanatag naman kaagad si Hansel sa ginawang iyon ng nobyong sundalo at alam nitong hindi siya pababayaan ng Komandante.
…
“Babe matagal ka pa ba?” muling tanong ni Vince sa nobyong sundalo na nasa loob muli ng banyo.
“Sandali lang babe.” tugon ni Lorenzo na minadali pa lalo ang pagligo, habang pigil rin ang mayamot sa makulit na Kapitan.
Gaya ng narinig nitong sagot sa kanya ng nobyo, ilang sandali na lang nga ang lumipas at tumambad na kay Vince ang anyo ng yamot na si Lorenzo.
Sa nakita ngang itsura ng nobyo, pigil ni Vince ang hindi matawa, sapagkat siya ang may kasalanan kung bakit naiinis ito ngayon.
“Subukan mong tumawa, tutuhurin talaga kita.” inis na banta ni Lorenzo na batid ang pagpipigil na iyon ng Kapitan.
“Sorry na kasi babe, heto nga’t tinulungan na kitang pumili ng isusuot mo.” suyo kaagad ni Vince, sabay pakita ng piniling mga damit.
“Mabuti naman at alam mo ang kasalanan mo, bakit kasi hindi mapigil ang kalibugan mo, alam mo ng bihis na bihis na ako kanina ipinasubo mo pa sa akin.” yamot na litanya ni Lorenzo, habang isinusuot ang mga damit na iniabot ng Kapitan.
“Sorry na, promise susubukan ko ng pigilan, bati na tayo please.” suyo muli ng Kapitan at yakap nito sa nakatalikod na nobyo.
Kinilig man sa ginagawang pagsuyo ng Kapitan na wari mo’y maaamong tupa ngayon sa kanya, kabaligtaran ng tila mabangis na hayop kapag nagniniig sila. Hindi kaagad ipinahalata ni Lorenzo ang nararamdaman, sapagkat alam nitong babalik na naman sa ugaling maloko ang nobyong sundalo kapag nagkaayos na sila.
“Pag-iisipan ko pa kung patatawarin na kita, sa ngayo’y bumaba na tayo ng condo para makaalis na tayo.” lihis sa usapan ni Lorenzo matapos tanggalin ang pagkakayakap ng Kapitan.
Napabuntong hininga na lamang si Vince na walang nagawa, kundi ang sumunod kay Lorenzo.
…
“Sinong kausap mo?” interesadong tanong ni Erick na katatapos lang maligo at magbihis at pagbaba nito’y nadatnang ngang may kausap sa cellphone ang nobyo.
“Si dok Anthony, ipinaalam ko lang na hindi ako makakadalaw kay ate ngayong weekend.”
Sa nalaman ay gustong batukan ni Erick ang sarili, ang siste kasi’y parang nagiging makasarili na siya at nakalimutan nitong may kapatid palang dapat bigyan rin ng pansin ang nobyo.
“Hans, maiintindihan namin ni bunso kung hindi ka makakasama sa akin sa pag-uwi, kaya ikaw ang masusunod kung maiiwan ka o sasama ka.”
“Sasama ako sa’yo daddy, I mean sir.” mabilis na sagot ni Hansel na kaagad pinamulahan ng mukha pagkatapos.
Napangiti naman si Erick na hindi kailanman magsasawang pagmasdan ang namumula at nahihiyang anyo ngayon ng mahal, na isa sa dahilan kung bakit ito nahumaling sa nakababatang kapatid ng dating nobya.
“Sigurado ka ba baby? Gaya ng sabi ko kanina, ikaw ang masusunod.” ulit ni Erick na sa pagkakataong iyo’y nakalapit na sa nobyo at sunod na iniangat ang mukha ni Hansel para magtama ang kanilang mga mata.
“Oo sir, sasama ako sa’yo, namiss ko rin si sir Chard.”
“Kung ganun masusunod ang gusto ng baby ko.” tugon ni Erick na sa isang iglap lang ay walang kahirap-hirap na nabuhat paharap ang magaang katawan ng nobyo, na sunod nitong pinupog ng mga halik sa mukha.
“Si-sir!” alalang reaksyon ni Hansel na kaagad naisip ang mga kasama nila sa bahay.
“Wala na tayong kasama sa bahay, baby, pinauwi ko na silang lahat.”
Sa nalama’y napanatag na si Hansel at pagkakataong iyo’y kaagad ng nagpaubaya, sapagkat maging siya ay nananabik rin na muling may mangyari sa kanila ng nobyong sundalo, sa dahilang naging madalang na lang iyon sa nakalipas na mga buwan dulot ng pagtungtong na nito ng kolehiyo.
…
“Vince anak mabuti naman at nakauwi na kayo ni Lorenzo, halina kayo sa loob at nakahanda na ang mga pagkain sa hapag.” tuwang salubong ni Aurora sa ikalawang anak at sa nobyong kasama nito.
“The best ka talaga mom, eksato gutom na gutom na ako, pinagod kasi ako nitong si Enzo.” bola ni Vince sa ina na niyakap nito ng mahigpit.
Nakaramdam naman ng hiya si Lorenzo sa sumbong na iyon ng Kapitan sa ina, lalo pa’t nakatingin ngayon sa kanya ang maybahay ng Heneral.
“Naku Lorenzo masanay ka na kay Vince, pinakapilyo ang nobyo mo sa kanilang tatlong magkakapatid.” sunod na niyakap ni Aurora ang pobreng sundalo. “Masaya akong nakasama ka at alam kong matutuwa ang bunso namin pag-uwi nila bukas.” dagdag pa ng ginang pagkahiwalay nito sa nobyo ng anak.
“Masaya rin po akong nandito ngayon tita, at salamat po sa pag-imbita sa bahay ninyo.” magalang na tugon ni Lorenzo.
“Naku hijo welcome ka lagi dito sa bahay namin, at ako ang dapat na magpasalamat at dahil sa iyo tumino kahit papaano ang isang ito.
“Mom! I’m still here.” kunwari’y protesta ni Vince sa ina.
Natawa na lamang ang dalawa sa naging reaksyon na iyon ng Kapitan.
…
“Baste wala na ba tayong nakalimutan?” baling ni Richard sa asawa.
“Wala na baby, nasa loob na ng bag ang mga nabili nating pasalubong sa lahat.” tugon ni Sebastian na katatapos lang maisara ang zipper ng nasabing bag.
“Salamat naman kung ganun, naimpake ko na rin ang mga damit at gamit natin sa mga maleta.”
Pansin ni Sebastian ang pagod sa mukha ng asawa, kaya naman may naisip itong paraan para matanggal iyon.
“Halika sa kama baby, mamasahain kita.” anyaya ng Komandante.
“Masahe lang Baste, baka saan mapunta iyon.” diskumpiyadong tugon ni Richard.
“Hahaha promise baby, iyon lang wala ng iba.”
Musika naman sa mga tenga ni Richard ang pagtawang iyon ng asawa, kaya naman walang sawa itong magpapasalamat sa Diyos, na ibinigay sa kanya ang Komandante na dati’y nagligtas lang sa kanya noon sa giyera at ngayo’y makakasama na niya sa pagbuo ng sariling pamilya.
…
Sa sunod na araw.
“Welcome back pinsan!” mahigpit na yakap ang isinalubong ni Ariel sa pinsang si Richard na kadarating lang galing sa ibang bansa kasama ang asawa.
“Salamat pinsan.” tugon ni Richard pagkahiwalay nila ni Ariel, at sunod itong napatingin sa pamilyar na mukha ng lalaking kasama ng pinsan.
“Oo nga pala, Chard, si Mikael boyfriend ko.” pakilala ni Ariel.
“Nice meeting you again Chard, hindi na tayo nagkakilala ng maayos last time dahil sa kalagayan noon ni Major Manlangit, sundalo rin ako kagaya ninyo.” lahad ng kamay ni Mikael sa pinsan ng nobyo at sumaludo naman ito sa kakilalang Komandante.
“Kapatid siya ni Major Guzman, baby, siya si Captain Guzman kaya siguro pamilyar sa iyo.” dagdag ni Sebastian na pansin ang naging reaksyon ng asawa.
“Sir.” saludo kaagad ni Richard ng mapagtantong nakakataas sa kanya ang nobyong sundalo ng pinsan.
Nagpatuloy ang kuwentuhan ng apat habang pauwi sila sa Tagaytay, nasa harapan ng sasakyan ang Komandante katabi ang Kapitan na siya ring nagmamaneho ng van. At lalo pang nakilala ng magpinsang sina Richard at Ariel ang isa’t-isa na nasa gitnang bahagi ng sasakyan.
“Anong reaksyon ni sir Baste nung malamang nanliligaw sa iyo ang kuya ni Mikael?” mahinang tanong ni Ariel sa pinsan.
“Naku ano pa nga ba kundi lalo pang kinain ng selos, gusto ngang iposas ako sa kanya.” naiiling na tugon ni Richard.
“Seloso nga pala ni sir Baste, kunsabagay normal lang naman iyon sa taong mahal ka.”
“Tama ka, oo nga pala si sir Mikael, seloso rin ba?” balik ni Richard sa naging tanong ni Ariel.
“Ay naku pinsan seloso rin siya, pati nga mga kaibigan ko pinagseselosan mapababae, binabae lalong-lalo na kapag lalake.”
“Hindi pala ako nag-iisa, pero sa tingin ko medyo nag-iba na si Baste ngayong kasal na kami, kasi siya pa ang bumanggit na kapatid ni sir Mikael si sir Alejandro.” bahagi ni Richard ng mga napansin nitong pagbabago sa asawang Komandante.
“Sa palagay ko Chard ay dahil siguro sa kasal na kayo, kumbaga may assurance si sir Baste na hindi ka na mapupunta sa iba.”
“Tama ang sinabi mo Ariel, kayo ba ni sir Mikael hindi pa ninyo napag-uusapan ang pagpapakasal?”
“Hi-hindi pa Chard! Ang bata-bata ko pa!” napalakas na sagot ni Ariel, na sunod na pinamulahan ng mukha ng mabatid na panandaliang huminto ang kanilang sasakyan at napunta ang atensyon ng mga kasama sa kanya.
“What’s with the sudden outburst love, are you alright?” alalang tanong ni Mikael sa kasintahan.
“I’m fine love, may nabanggit lang si Chard.” tugon ni Ariel na ’di magawang tignan sa mukha ang nobyong sundalo.
“Everything is fine sir Mikael, I’m just teasing Ariel.” segunda ni Richard sa sagot ng katabi na pulang-pula parin ang mukha.
“Hayaan mo na muna silang magpinsan, Guzman, palabiro talaga si Richard.” dagdag ni Sebastian.
Gaya ng narinig sa Komandante, hinayaan na nga lang ni Ariel ang dalawa at muli na itong nagpatuloy sa pagda-drive.
“Magsabi ka ng totoo Ariel, hindi ganun ang magiging reaksyon mo kung walang dahilan.” huli ni Richard sa pinsan.
“Tama ka Chard, ang totoo niyan nitong mga nakalipas na buwan, lagi kong naririnig kay Mikael ang tungkol sa kagustuhan nitong magkaroon na ng anak, dahil na rin siguro sa mga kaibigan nitong may mga sari-sarili ng pamilya.” simulang bahagi ni Ariel.
Nang makitang mataman na nakikinig ang katabi, nagpatuloy si Ariel.
“Hindi man nito diretsong sabihin sa akin, alam kong iyon ang tumatakbo sa isip niya at natatakot akong tanungin niya ako tungkol sa bagay na iyon.”
“Kasi hindi ka pa handa kapag nagkataon?” tanong ni Richard.
“Oo Chard, pero bukod dun natatakot rin akong maging dahilan rin iyon ng paghihiwalay namin.”
“Nakikita kong mahal na mahal ka ni sir Mikael, at naniniwala akong maiintindihan ka niya anuman ang mangyari, siguro mabuti kung mapag-usapan na ninyo kaagad ang tungkol sa bagay na iyan, para na rin mawala ang pag-aalala mo.” hayag ni Richard sa mga napansin nito at payo na rin sa pinsan.
“Salamat Chard at tama ka, kakausapin ko na mamaya si Mikael.”
…
“Ang swerte naman ng anak ko sa iyo Hans, kaya pala hindi na gaanong pinapansin ang mga luto ko, kasi ang sarap mong magluto.” puri ni Aurora sa nobyo ng panganay nito.
“Medyo marunong lang po tita, nasanay lang po ako dahil maaga kaming naulila ni ate.” hiyang tugon ni Hansel sa ginang.
“I’m so sorry to hear that hijo, ’wag kang mag-alala marami kaming nagdarasal para gumaling na kaagad ang ate mo.”
“Salamat po tita.”
“Bueno tama na muna ang drama natin, salamat rin sa iyo hijo at sinamahan mo kami nila manang sa pagluluto.”
“Walang anuman tita.”
“O siya sige samahan mo na sila sa loob, kami nila manang ang bahala dito, bago pa ako ulit pagalitan ng nobyo mo.”
Hindi na napigilan ni Hansel ang sarili at niyakap nito ang ina ng nobyo, sa mga binitawan kasing mga salita ng maybahay ng Heneral, bumalik sa ala-ala ng batang si Hansel ang bukambibig ng sariling ina sa tuwing sasamahan niya itong magluto noon.
Ginantihan naman ni Aurora ng mahigpit rin na yakap ang ginawang iyon ng nobyo ng anak, at sobrang masaya ang ginang at nakatagpo ng mabubuting tao ang kanyang mga anak.
III
Pagdating ng mag-asawang sina Richard at Sebastian sa Tagaytay, kaagad na sinalubong sila ng mahigpit na yakap ng kanya-kanya nilang mga magulang.
“Ang bunso ko.” tanging salitang nabigkas ni Aurora, na kaagad naging emosyonal habang yakap parin nito ang anak.
“Ma, nasa tapat lang naman ang bahay namin ni Baste.” alo kaagad ni Richard sa ina.
“Oo nga naman mahal, mabuti pa’y pumasok na tayo sa loob, alam kong gusto ng matikman ng bunso natin ang mga luto mo.” sali ng Heneral na kaagad nakaisip ng paraan, para tumahan na ang kabiyak.
“Mabuti pa nga, Baste anak alagaan mo itong bunso ko at ’wag mong gugutomin, kundi kukuhanin ko ulit siya sa iyo.” sang-ayon ni Aurora sa asawa at sunod itong bumaling sa manugang.
Pigil ni Richard ang sarili na hindi matawa matapos makita ang takot sa mukha ng asawa, dulot nga nang mga narinig nito sa ina.
“Pangako ma, aalagaan at bubusugin ko hindi lang ng pagmamahal ang baby ko.” tugon ni Baste nang makabawi ito sa kaba.
“Hanep nang sagot mo, ah bayaw.” asar ni Erick sa kapwa Komandante.
At matapos ang kantyaw na iyon ng panganay ng Heneral, pumasok na ang lahat para pagsaluhan ang masarap na tanghalian sa araw na iyon.
…
“Salamat Renz, Hans, Ariel, tito, tita, mga kuya, mom, ma, dad at pa, sobrang suwerte namin ni Baste at nagkaroon kami ng mga mahal sa buhay na alam namin laging nandyan na nagmamahal at sumusuporta sa amin.” emosyonal at isa-isang pasasalamat ni Richard sa mga kasama nila ngayon ng asawa, matapos na ibless ng pari ang kanilang bagong two storey house na ipinangalan pa sa kanya ng Komandante.
“Tama na muna ang iyak baby, wala pang regalo sa atin ang mga bisita.” agad na biro ni Sebastian, para tumahan ang asawa na hawak nito sa isang kamay.
Napangiti nga si Richard sa ginawang birong iyon ng asawang Komandante, pati na ang mga kasama nila. At sumunod nga ang isa-isang pag-abot ng kanya-kanyang regalo ng lahat, para sa mag-asawang maninirahan na sa kanilang bagong bahay.
Matapos na mabuksan ng mag-asawang Richard at Sebastian ang mga regalong kanilang natanggap, isa-isa na ring nagpaalam ang mga bisita nila.
“Baste mamaya na muna.” saway ni Richard sa asawang Komandante na sinimulan ng halik-halikan ang kanyang batok.
Imbes na tumigil, mas mariing mga halik ang naging tugon ni Sebastian sa asawang abala parin sa pagliligpit sa mga naiwang kalat mula sa mga nabuksan na mga regalo.
“Ahhhh.” ungol ni Richard, matapos na maramdaman ang mga daliri ng asawang napuntirya na ang kanyang mga utong.
“Baby, gusto na muling pumasok ni junior.” bulong ni Sebastian sa tenga ni Richard na marahan rin nitong kinagat-kagat pagkatapos.
Ang aksyon na iyon ng Komandante ang lalong nagpainit sa katawan ni Richard, kaya naman sa isang iglap lang ay humarap na ito sa unang pagkakataon sa pilyong asawa at mabilis nitong pinagtagpo ang kanilang mga labi.
Sa hindi inaasahang magiging tugon ng asawa, may kalakasang napasandal si Sebastian sa pader, ganunman mabilis itong nakabawi at sinuklian na mas marubdob na mga halik ang sinimulan ni Richard.
Matapos ang mainit na halikang nangyari sa kanila ng asawa, biglang tumalikod si Richard at iniwan ang Komandante.
Nabitin naman at naguguluhang naiwan si Sebastian, habang nakasandal parin ito sa pader.
Pigil naman ni Richard ang matawa habang patungo ito sa hagdanan at ng nasa kalahati na ito sa nasabing hagdanan na siyang nagdurugtong sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, tumigil ito sa paghakbang at tumingin ito sa gawi ng asawa na nasa sofa na sa sandaling iyon.
“Baste, ayaw mo bang ituloy natin sa taas?”
Pagkarinig nito sa tanong na iyon ni Richard, doon pa lang muling bumaling ang paningin ni Sebastian sa asawa na buong akala nito’y wala sa mood kaya tumigil sa ginagawa nila kanina.
Kita ni Richard ang mabilis na pagbangon ng asawa, kaya naman patakbo na itong nagtungo sa ikalawang palapag.
Mabilis namang nadakip ni Sebastian ang katawan ni Richard at sa isang iglap lang ay nabuhat niya ito ng walang kahirap-hirap.
“Baby naisahan mo ako dun, kaya naman humanda ka, uumagahin tayo mamaya.” ngising banta ng Komandante na mabilis na ring tinungo ang kuwarto nila ng asawa.
…
“Hans anong problema?” nag-aalalang napatingin si Erick sa nobyong umiiyak matapos nitong may makausap sa kabilang linya.
“Nagising na si ate.” naluluha sa labis na kaligayahang sagot ni Hansel sa nobyo.
“Masaya ako sa para sa inyo ng ate mo, Hans, halika na at puntahan na natin siya.” tuwang tugon ni Erick sa magandang balita.
“Okay lang ba sa iyo sir, kahit pa matapos ang mga nangyari sa inyo ni ate?”
“Nakaraan na iyon Hans at kakausapin ko rin tungkol diyan ang ate mo kapag malakas na siya, bukod pa sa ipapaalam rin natin sa kanya ang relasyon natin.”
“Salamat sir.” mahigpit na yakap ang isinukli ni Hansel, sa nobyong naging sandalan nito mula pa nung unang araw na macoma ang nakatatandang kapatid, bukod pa sa pagmamahal na walang palyang ipinaparamdam sa kanya ng Komandante.
…
“Captain Manalo, Private Velasco maupo kayo.” pahintulot ni General Manalo pagkapasok ng dalawa sa kanyang opisina.
“Alam kong batid ninyo ang gulong nangyayari ngayon sa bansang Oman at nagbigay na ng signal ang Pangulo para tumulong ang kasundaluhan sa nasabing giyera, pero bukod dun, kailangan rin ninyong bigyan ng proteksyon ang panganay na anak ng ikalawang Pangulo na si Carmen Montes, heto siya.” Mahabang simula ng Heneral at abot nito sa larawan at mga intel sa dalawa, na sa puntong ring iyon ay matamang tumingin sa magiging reaksyon ng anak.
Bahagyang nagulat si Vince pagkakita nito sa pamilyar na larawan ng dating nobya, ngayon pa lang kasi ito nagkaroon ng balita mula nang makipaghiwalay sa kanya ang babae.
Hindi naman napansin ni Lorenzo ang reaksyon ng nobyong Kapitan, sapagkat abala ito sa pagtingin sa larawan ng magandang babae pati na sa mga intel na naroon.
“Bukod sa inyong dalawa makakasama ninyo ang magkapatid na sina Major Alejandro Guzman at Captain Mikael Guzman sa rescue mission na ito, bukas na bukas rin malalaman ang nakatakdang paglipad ninyo papunta sa bansang Oman.” huling hayag ng Heneral sa dalawang kaharap.
…
Sa bansang Oman.
Hindi alam ni Carmen kung sino ang uunahin nitong gamutin sa mga pasyenteng walang tigil sa pagdating, sa kanyang maliit na clinic na itinayo nito wala pang isang taon ang nakararaan.
“Doctor please help my son.” hirap na pag-ingles ng isang inang Omanis, nang dumaan ang babaeng doktor sa kinaroroonan nila ng anak.
“I’ll help him, don’t worry.” mahinahong tugon ni Carmen sa ina ng batang pasyente at pagkatapos ay bumaling ito sa kasamahaan na siyang nagsisilbing translator para magkaunawaan sila.
“Shukran, Doctor, shukran jazeelah.” tugon ng inang Omanis, na ang ibig sabihin ay maraming salamat.
“Afwan.” ngiting balik ni Carmen, na ang ibig sabihin naman ay walang anuman, matapos nga nun ay muling bumalik sa pag-aasikaso ang babaeng duktor sa mga pasyenteng nadamay sa gulong ilang linggo nang nangyayari sa nasabing bansa.

