Pagibig Sa Lansangan
viacouz · 6 chapters · 17,314 words
Introduction
Hindi ba talaga pwede mahalin ng isang straight ang isang third sex? Pag ba nagmahal ka ng kapareho mo ng kasarian ay homosexual or bisexual kana?
Ang mga kwento inyong mababasa ay magkahalong makatotohanan at imahinasyon.
Ang ilan sa mga tauhan ay totoo subalit ang kwento ay imahinasyon ng may Akda.
Crossroads of Destinies
“Bakla, nasaan ka na? 8:30 pm na! Sabi mo pupunta ka dito?” Chat ng kaibigan kong si Bebang
“Oo on my way nako hahaha” Reply ko habang naka sakay sa tricycle papunta sa public restroom na binabantayan nya na katabi ng istasyon ng bumbero para tumambay at samahan sya ng ilang oras para may kakwentuhan.
“Nako ha baka keme ka!” Reply nya sa chat
“Gaga kelan ba kita kineme?” Sinasabi ko naman pag Hindi ako matutuloy“ Muli kong reply “Antayin moko malapit nako diyan”
Ako nga pala si Lucy, 31 years old, bading pero bihis lalake. Style paminta kung tawagin ng iba pero alam ng lahat ng nakaka kilala sakin na bading talaga ako.
“Kambal, andito nako!” Bungad kong bati sa kaibigan kong si Bebang.
Kambal ang tawagan namin dahil parehas Kami ng katawan na mataba at nangunguna ang tiyan pag naglalakad. Kambal ang katawan kung baga. Pero nag reduce yung sakin dahil nag Low Carbs Intermittent Fasting (LCIF) ako.
“Hay nako Kambal akala ko’y di kana naman pupunta!” Tugon niya sa bungad ko
“Oh heto clubhouse sandwich para good mood ka na at di mo nako talakan hahaha” Nakatawa kong pagbigay sa kanya bilang suhol at di nako sermonan dahil late Ako sa binigay kong oras.
Pagka tanggap nya ay agad nya itong inumpisahan kainin.
Nagsimula na syang magkwento sa maghapon nya kung saan may nakilala raw syang Gwapong lalaki, ang pag book nya sa isa pang lalaki na nakiihi at iba pang mga customers ng public restroom na nakilala nya.
Habang muli syang naglinis ay naglaro muna Ako Mobile Legends pampalipas oras.
Naka dalawang game nako ng bumalik si Bebang sa inuupuan nya na katapat ko. Nag kwekwentuhan Kami habang naglalaro ako.
“Hay nako! Maglaro kana nga Lang kambal! Kainis ka! Hindi ka makausap ng ayos!” Tampo niyang sabi
“Hahaha oo eto na tapusin ko Lang toh! Hahaha” Tanging depensa ko dahil nag enjoy Ako sa stable network connection sa pwesto namin kumpara sa bahay
Maya-maya ay may dumating na tatlong mga binata at nakitambay sa pwesto namin.
“Kambal, ayan na si Prince!” Pagpapa batid ni Bebang sakin
Dahil tutok ako sa laro ay sinulyapan ko Lang si prince at nginitian at balik sa laro.
Si prince ay isa sa mga anak-anakan ni Bebang na nabooking ko one month ago. Maputi, 17 years old, tambay tuwing gabi sa bilyaran malapit sa fire station.
“Busy’ng busy ka ahh?” Tinig ni prince mula sa kanan ko
“Hay nako Nakshie! Di nga makausap ng ayos! Nagpunta Lang dito para maglaro!” Iritang pasaring ni Bebang na tinawanan ko lang
“Par, delehensya kana! Gutom nako” Tinig ng isa sa mga kasama ni Prince
“Teka lang!” Pabulong na tugon ni prince subalit di nya yata alam na narinig ko
Nang matapos nako sa isang game ay nag request sakin si Prince ng siopao.
Dahil inaasahan ko na yon ay iniabot ko sa kanya ang 100 pesos sabay sabing pagkasyahin na yon at ibili ng apat na siopao.
“Ayown! Palulon!” Pang aasar ni Bebang sakin ng nakaalis na yung tatlong lalaki. Nginitian ko lang sya at naglaro muli.
“Sabi mo last game na yon?” Pagpapaalala sakin ni Bebang
“Hahaha last na ’to promise kambal! Hahaha” Tanging tugon ko dahil nalibang ako sa wins streak ko sa laro
“Hay nako! Ewan ko sayo! Akala ko pa naman ay may makaka kwentuhan nako dito! Wala rin pala!” Muling pasaring niya na may kasamang pag cross arms.
Ilang minuto Lang ay bumalik na Sila Prince bitbit ang apat na siopao na binili.
“Naglalaro ka ulit?” Bungad na pagtatanong nito kasabay ng pag abot sakin ng isang siopao at isa Kay Bebang “Kulang ng 4 pesos pero okay na, Ako na nagdagdag”
“Ahh Salamat “ Tugon ko ng Hindi nalingon sa kanya dahil tutok pa rin sa laro
“Huy! Ako wala??” Tinig ulit nung isang lalaki kanina na Hindi ko pa nakikita ang mukha
“Hati na lang kayo” Rinig kong tugon ni Bebang
“Hatian kana Lang namin ni Andoy, par!” Tinig naman ni Prince
Natigil ang aking win streak at natalo kami ng team ko sa last game. “Tsss!!” Munti kong reaksyon sa pagkatalo
“Oh! Last game na yan ha!” Muling pagpapaalala sakin ni Bebang
“Oo kambal last game na yon at talo na!” Naka ngiti kong tugon
“Kumain ka na muna Baka lumamig yang siopao mo!” Pag bibilin sakin ni Prince Bigla kong naalala na may siopao nga pala na nakapatong sa hita ko.
“Sige sige! Salamat!” Nakangiti kong Sagot sa concern niya
Kukunin ko na sana ang pagkain ko ng makita kong may nag chat pala sakin. Naka mute kase lahat ng notifications ko dahil ayoko na may nagpa pop out habang naglalaro.
Tiningnan ko muna kung sino yun at nag reply.
Akmang kukunin ko na ang siopao ng nagsalita muli yung isang kasama ni Prince
“Kakainin mo pa ba yan? Sa akin na Lang kung ayaw mo!” Tinig ng lalake
Napatingin Ako sa nagsalita at kinilatis ko sya
“Uyy bet!” Tanging nasabi ko sa isip ko at lihim akong napangiti.
Gwapong binata ang nakita ko. Moreno ang kutis, mahaba ang bangs one-sided pakaliwa, may kakapalan ang mga kilay, mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, manipis ang upper lip at amg sarap halikan, ma-panga. Naka suot ng light gray na round shirt at black denim short na 1 inch above the knee.
Naka simangot ito sakin sa diko malamang dahilan.
“Hoy nakakain kana ahh? Ano’t nanghihingi ka pa diyan??” Pagtataray ni Bebang sa lalake “Nak, sino ba yan??”
“Ahh ’Nay si Jebong po!” Tugon ni Prince sa kanyang inay-inayan
“Pagsabihan mo yan ’nak baka masampal ko yang kasama mo! Nabigyan na nanghihingi pa!” High blood na tinig ni Bebang
Natawa na Lang ako sa kakambal ko dahil nag umpisa na naman syang magtaray
“Nang libre nga, kalahati naman..” Bulong ng lalaki na pinakilala ni Prince na si Jebong
“Ano!?! Aba!!!” Tuluyan na nagalit si bebang at tumayo para sugurin si Jebong.
Agad naman sya hinarang ni Prince at Andoy.
Patuloy pa rin sa pagtalak si bebang hanggang sa pinatigil ko na sya at muling pina upo subalit patuloy pa rin sya sa pag tataray.
Si Jebong naman ay napa atras at lalong sumimangot.
“Oyy bakla kalma! Bubuhusan kita ng tubig diyan galing sa inidoro hahaha” Nagtatawa pa rin ako habang pinapakalma si Bebang
“Ka imbyerna yang lalakeng yan ehh!!” Pag tugon nya sa medyo kalmadong tono
Diko pa rin mapigilan ang magtawa dahil sa tuwing nakakasama ko sya ay Hindi mawawala ang pagkakataon na ma iimbyerna sya sa mga lalaki.
Nang humupa na ang tensyon ay iniabot ko Kay bebang yung siopao ko at pinakain sa kanya para hindi na makapag taray.
Nakita ko naman ang mas lalo pang pagsimangot ni Jebong dahil Hindi ko sa kanya ibinigay Yung siopao.
Nang maubos na ni kambal yung pagkain nya ay kumalma na sya.
“Oy pogi!” Tawag ko kay Jebong at tumingin naman ito sakin “Gutom ka pa ba? Tanong ko sa maayos na tono
Nakatingin Lang ito sakin at hindi sumagot
“Hoy pre tinatanong ka” Tinig ni Prince sabay tapik sa kaibigan
Hindi pa rin sya tumugon at umiwas na Lang ng tingin
“Kung gutom ka eto pera oh! Bumili ka pa ng makakain mo” Paglalahad ko ng kamay ko habang hawak ang isang daang piso
Tumingin Lang ito at muling umiwas sabay sabing “Di Ako nanglilimos!”
“ABA!!” Muli ko narinig ang galit na tinig ni Bebang
“Psssst! Bakla! Kalma! Stay! Stay! Behave! Don’t bark! Hahaha” Pagpigil ko sa kanya sa nakakatawang paraan na alam ko
“Hayup ka kambal! Ginawa mo akong aso!” Nakangiti nitong tugon!
“Hahaha sorry sorry baboy ka nga pala Hindi aso! Hahaha” Pang aasar kong tugon
“Bastos ka Hahaha” Nakatawang tugon nito at nagtawanan Kami lahat maliban Kay Jebong
Pagkatapos namin maglaitan ni Bebang ay muli akong tumingin sa nananatiling nakasimangot na si Jebong.
“Pogi, Tara sa Dos ihos! Libre kita!” Nakangiti kong pagyayakag
Tumingin naman siya sakin subalit nanatiling nakasimangot
“Sunod ka na Lang kung gusto mo kumain” Naka ngiti kong pagbilin at nagtungo sa Dos Ihos meal stand na nasa kantuhan.
“Ayown palulon talaga si kambal! Hahaha” Pang aasar ni Bebang
Tinawanan ko Lang siya at nagpatuloy sa paglakad
Ilang hakbang bago ako makarating sa kainan ay naramdaman ko na may tumabi sakin.
Napangiti ako ng makita ko si Jebong na sumunod sakin.
“Anong gusto mong kainin, pogi?” Nakangiti kong tanong sa kanya pagka upo namin sa isang side ng stall.
Tumingala sya bahagya para pumili ng kakainin sa menu board.
“Hotsilog na lang sakin..” Munti niyang tugon
“Miss, dalawang order po ng hotsilog. Yung isa po for Take out.” Pag order ko sa babaeng bantay at agad nya kinuha ang mga sangkap
“Bakit take out yung sayo? Dito mo na rin kainin sabayan mo nako..” Pag hikayat sakin ni Jebong
“Hahaha Hindi sakin yan! Para Kay Bebang yan para matahimik dahil magpaparinig na naman yon pagbalik natin don!” Nakangiti ko pa ring tugon.
“Anong kakainin mo?” Muli niyang tanong
“Yung hotdog mo!” Pilya kong Sabi sa isip ko “Ge at kumain nako sa bahay bago ako umalis.. Hindi na pati ako kumakain ng kanin at naglo Low carb diet ako” Munti kong paliwanag habang may ngiti pa rin sa aking labi.
“Ahh ganon ba..” Munti nyang tugon kasabay ng pag tungo
Habang hinihintay namin maluto yung pagkain ay nag open up sya
“Pasensya ka na ha at Hindi pa ako kumakain simula kagabi.. ang kinain ko Lang ay yung siopao kaya gusto kong hingin yung sayo” Pagpapaliwanag nya
“Eh di sayo na Lang ako! Ayiiiiieeeee!!” Malandi kong sabi sa isip ko at diko maiwasang mapangiti
“Bakit ka natawa?” Nagtataka niyang tanong at muling nagsalubong ang mga makakapal niyang kilay
“Ha?? Ahh wala.. may naalala Lang ako..” Wala sa sarili kong tugon sa kanya
Nahiya tuloy ako sa kanya dahil napangiti Ako habang nag open up sya baka isipin nya pinagtatawanan ko sya. Bawas ganda points 😰😰😰
After 2 minutes ay inihain na sa kanya yung hotsilog na order nya at iniabot na rin sakin yung for take out.
“Uyy Pwede ba humirit ng softdrinks?” Nakangiti niyang request
Natulala ako sa pagkaka ngiti nya. Lalo sya naging Gwapo dahil sa mga ngiti niyang iyon. Ang ganda ng ngipin nya na pantay-pantay. Pakiwari ko’y mahihimatay Ako sa ngiti niyang yon 😍😍😍
Bumaling Ako sa tindera bago pako tuluyang mawalan ng malay-tao at bumili ng bottled water.
Pagka abot sa kanya ng tindera ay nagtataka sya.
“Huwag ka na muna mag softdrinks at sabi mo kagabi kapa walang kain.. tubig na inumin mo para healthy.. uminom ka rin muna ng tubig bago ka kumain para maging maganda ang flow ng digestion mo..” Paliwanag ko sa kanya na naunawaan naman nya
Pagka bayad ko ay nagpaalam Ako sa kanya na ibibigay ko Lang Kay Bebang yung suhol ko pero pinigilan nya Ako.
“Dito kana muna samahan mo muna ako kumain” Sabi niya sabay ng paghawak nya sa kanang kamay ko
Labis na naman akong kinilig dahil sa paghawak nya sakin at napangiti ng walang alinlangan. Pakiramdam ko’y namumula na ang mukha ko sa kilig lalo pa at nakatingin sya sakin ng mata sa mata.
“Wag ka mag alala at bayad na yan!” Pagbibiro ko para divert yung kilig ko.
“Oo, kita ko nga pero dito kana muna.. sabay na tayo bumalik doon..” Muli nyang pagpigil sakin at di nako pumiglas pa
Pakiwari ko’y gusto nya rin ako hahaha Charot!
Ang cute nya pagmasdan habang kumakain 😍😍😍
Parang kahit anong gawin nya ay Gwapo pa rin sya sa paningin ko..
Pag ibig na ba ito? O pag libog lang? 🤣🤣🤣
Nanatili Lang akong nanonood sa kanya habang kumakain.
Sana mamaya ako naman ang pakainin nya hahaha 🤣
“Bakit pinapanood mo ko kumain??” Tanong nya na nagpabalik sa ulirat ko
“Ahh ano! Wala naman hahaha Wala kase magawa! Ayoko naman kausapin ka habang kumakain ka hahahaha” Pagdadahilan kong sagot
Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa ginawa ko kaya kinuha ko na Lang ulit cellphone ko at nag browse sa Facebook.
“Add mo ko!!” Tinig nya na ikinagulat ko
“Ha?” Munti kong tugon
“I-add mo ko sabi ko” Pag uulit nya pagkatapos nya uminom ng tubig “Search mo Jhei Byong”
“Ikaw na mag type at diko alam ang spelling” Pag aabot ko ng phone
“Ikaw na at baka mapatak ko pa yang iPhone mo! Wala ako pambayad diyan!” Pag tanggi nya na kunin yung phone ko
“Sira ka hahaha itype mo Lang ohh hahaha” Natatawa kong tugon at inilagay sa kaliwang kamay nya ang cellphone ko
Pagka type nya ay sinearch ko na. Tatlo ang nag appear na result.
“Yan! Yung Pangalawa yung naka side view ako!” Pag tuturo nya sakin habang itinutuloy ang pag kain nya.
Agad ko pinindot yung dinescribe nyang profile at sabay pindot ng ‘Add Friend’ button.
Nag browse na rin ako sa timeline nya. Mostly mga uploaded photos palang ang nakikita ko dahil di pa accepted yung Friend Request ko.
“Accept ko mamaya pag nag online nako.. dead batt ang phone ko ihh..” Pagsalita ni Jebong bago uminom muli ng tubig “Tara na ulit doon.. tapos nako kumain..”
“Ahh ang bilis ahh hahaha” Gulat kong tugon dahil parang kakasimula palang niya kumain
“Hahaha gutom ehh hahaha” Nakatawa na ito ngayon at Hindi na tulad kanina na nakasimangot “Salamat nga pala sa pagkain!”
“You’re welcome! Busog kana ba? Baka gusto mo pa?” Pag uusisa ko dahil gusto ko makasigurado na busog na sya
“Oo busog nako! Okay nako! Salamat ulit! Mamaya na Lang ulit siguro bago tayo umuwe!” Tugon niya na ikinakilig ko
Tama ba narinig ko? ‘Bago tayo umuwe’..? Ibig ba sabihin?.. take home ko sya?.. hahahaha
“Ahh si-sige magsabi ka Lang pag gutom kana ulit?” Nakangiti kong pag aalok “yosi pala gusto mo?”
“Nako Hindi ako nagyoyosi!.. nagyoyosi ka?” Tanong nya
“Nako Hindi rin! Iba ang niyoyosi ko hahaha” Pagbibiro ko sa kanya ng direkta
“Ayy salaw hahaha pass ako diyan! Di Ako nagpapa ganyan pasensya na!” Nakangiti nitong tugon sa biro ko
Bahagya ako nanglambot sa sinabi niya tila nawalan Ako ng excitement sa pag uwe ‘Daw’ namin…
“Pero pwede tayo maging mag tropa!” Pag dugtong nito sabay akbay sa akin
Diko alam kung kikiligin ba Ako sa akbay o lalong manlulumo sa sinabi niya na maging mag tropa..
Hays masyado kase ako nag assume at nag conclude agad agad kaya heto ako ngayon at lagapak ang nguso..
“Sya nga pala JB na Lang itawag mo sakin!” Nakangiti nitong sabi sakin
“JB? Sige sige ano ba real name mo?” Pagtatanong ko sa kanya
“John Bryan ang real name ko.. Jebong tawag sakin ng mga tropa ko kase yun ang pagkaka bigkas nila sa pangalan ko sa Facebook na Jhei Byong” Pag paliwanag nya
“Saan galing yung Jhei Byong??” Pag uusisa ko
“Wala Lang naisip ko Lang hahaha” Tatawa-tawa nitong sagot sakin
Pagbalik namin sa restroom ay nanatili pa rin sya naka akbay sakin.
“Miss Palulon 2019 is kambal Verna a.k.a. Ursula!!” Pang bungad na pang aasar ni Bebang kasabay ng pagpalakpak
“Miss palulon ka diyan! Oh! Eto para matahimik kang butanding ka! Hahaha” Pag sagot ko sa bungad nya sakin sabay abot ng take out na hotsilog.
“Wow Shalaaa! May pasalubong sakin si kambal!” Agad niya tinanggap ang binigay ko sinimulang kainin
“Suhol ko yan para manahimik ka hahaha” Pang aasar ko sa kanya habang kumakain
“Asan po sila Prince?” Tanong ni JB Kay Bebang
Hindi sya pinansin ni Bebang at nagpatuloy Lang sa pagkain
“Hoy! Susong baragan! Asan sila Prince?” Pag agaw ko sa atensyon nito
“Maka susong baragan ka wagas!” Nagtatawa nitong sagot “Andoon sa bilyaran at nag chat daw jowa ni Nakshie!”
“Ahh sige po Salamat po!..” Pag tugon ni JB Kay Bebang “Oyy puntahan ko Lang saglit, balik Ako mamaya.. okay Lang?” Pagpapa alam niya sakin
“Okay Lang, sige hehehe” Pag payag ko sa kanya
Nagulat ako dahil nagpaalam sya sakin
Pagkalayo nya ay biglang nagsalita si Bebang “Ayon umalis na at nakakain na!”
Diko na Lang pinansin ang sinabi nya pero aminado ako na tama si Bebang.
Karamihan sa mga lalake na nakilala ko ay pag nakuha na ang gusto o natapos na ang pag booking ay magpapaalam na aalis saglit at babalik din.. Pero Hindi na Sila bumabalik..
Nilibang ko na Lang sarili sa pakikipag asaran kay Bebang at nag tandem kami sa pag lande sa mga poging napasok sa restroom at maya-maya ay nagkaron ng biglaang booking si bakla sa loob ng cr. Kaya ako’y todo bantay dahil baka may biglang dumating.. At ayun nakapag paraos naman sila within 10 minutes..
Muli kami nag chikahan ni Bebang kasama namin yung na booking nya sa pagtambay..
Pagtingin ko sa orasan ng cellphone ko ay 10:11pm na.. Isang oras na Lang ay uuwe nako at isang oras mahigit na rin ang lumipas ng umalis si JB.
Napansin ko na may ilang notifications Ako sa Facebook at messenger..
Pag open ko ng messenger ay may new conversation thread Ako na connected kay JB.. Na accept na pala nya yung Request ko.. Sana pati yung sigaw ng Puso ko ay tanggapin na rin nya hahahaha
May mga message rin sya sakin..
Jhei Byong waved at you! Oyy wait lang nakikicharge Lang ako dito sa bilyaran Mamaya ka umalis pagbalik ko Oyy Oyy andiyan ka pa? Reply ka Naglalaro ka na naman siguro Reply ka pag nabasa mo na to!
Kinilig Ako sa dami ng chat nya.. Mag rereply na dapat Ako ng makita kong Typing sya..
Oyy seen? Andiyan ka pa?
Agad ko sya nireplyan;
Yup andito pako slr ngayon lang ako nag check ng phone Sige antayin kita baka mga 11pm Ako umuwe
Pagkasend ko ay bigla siyang nag seen at nag reply na rin
Sige andiyan nako bago mag alas onse 😉
Shocks! May wink emoji hahaha Diko maiwasang kiligin ulit!
“Hoy Kambal sino ka chat mo at kilig na kilig ka diyan?” Pag sawata sakin ni Bebang
“Ahh hehehe si Jebong” Kilig kong tugon
“Nako kambal ingat ka diyan ha! Baka magpa gamit ka Lang diyan! Baka perahan ka Lang niyan!” Pag bibigay nya ng concern sa ibang paraan
“Huy babe wag mo naman siraan yung Tao kay Ursula Malay mo naman tulad natin sya na rin next boyfriend nya!” Pagsali ni Jerick sa usapan namin
Si Jerick yung booking ni Bebang at instant jowa
Ursula ang unang pangalan ko tuwing gabi subalit di ko na yun ginagamit
“Ursula ka diyan! Just call me Vern..” Paglilinaw ko “Matagal ko na Hindi ginagamit yung pangalan na Ursula noh!”
“Ay nako! Basta mag ingat ka don sa lalaking yon! Di porke’t bet mo ay basta basta ka na magtitiwala!” Pag sesermon ni Bebang sakin
“Opo, ate kambal!” Nakangiti kong pag sang ayon para matigil na sya
Sayang at Wala nako dala o hawak na pagkain para pang supalpal sa bibig nitong kambal ko.
Pero tama naman sya dahil ilang beses nako nanakawan ng mga lalaki ng isinasama ko sa bahay.
Ang laging nakukuha sakin maliban sa pera ay wristwatch kaya Hindi nako bumili ng relo dahil may orasan naman ang cellphone.
10:45 pm Habang naglalampungan ang bagong mag jowa ay naglalaro ako ulit ng ML dahil feeling ko third wheel Ako 😞😞😞
Saktong kakawasak Lang ng kalaban namin sa base namin ng may isang Pares ng kamay ang tumakip sa mga mata ko.
“Oyy sino toh?” Inis kong tanong dahil lose streak ako
Hindi naimik sila Bebang at Jerick kung sino yon. Pati yung nagtakip ng mata ko ay sadyang Hindi umiimik. Gusto talaga makipag hulaan.
Kinakapa-kapa ko ang kamay ng may mahawakan akong bracelet. At nahulaan ko na kung sino yon.
“JB” Nakangiti kong sambit at agad inalis ang kamay sa aking mata
Paglingon ko ay si JB nga at may sukbit itong backpack
“Oh? Saan galing yang bag?” Bungad kong tanong
“Doon sa Bilyaran, hinabilin ko don kanina pag tambay namin doon” Paliwanag nya “Pauwe ka na ba?”
“Maya-maya ng konti, Bakit?” Patanong kong Sagot
“Ahh Wala naman” Naka ngiti niyang sagot na may kahulugan sabay hawak sa tiyan niya na agad kong nakuha
“Hahaha gutom ka na ba ulit?” Nakatawa kong tanong
“Medyo Lang hahaha” Nakangiti nitong tugon
Diko na sya pinag hintay pa at pansamantala akong nagpaalam Kay Bebang na ikakain ko Lang si JB
“Ako rin ha Kambal, Salamat!” Pag bibilin niya
“Di ka pa ba nabusog Kay Jerick?” Pang asar kong tanong “Naka dalawa na kayo ahh hahaha”
“Gusto pa nga ng pangatlo ehh hahaha” Pag dagdag ni Jerick sa pang aasar ko
Tumuloy na kami ni JB sa paglalakad
“Saan mo gusto kumain?” Pag uusisa ko
“Diyan na Lang ulit sa Dos Ihos” Tugon nya at agad Kami nagtungo at naupo
“Anong kakainin mo? Hotsilog ulit?” Pagtatanong ko sa kanya habang muli syang nakatingin sa menu board
“Cornedsilog, okay Lang?” Pag tugon niya sakin
Agad ko Inorder yung gusto nyang kainin.
Habang naghihintay Kami ulit na maluto yung pagkain ay nagpalitan Kami ng phone numbers. Para pag offline sya or busy ako sa ML ay text text na Lang gagawin naming communication.
Narinig ko na may tumatawag sakin kaya sinagot ko ito at iniaabot ko kay JB yung pambayad pero umiling sya at di kinukuha.
Pagkabulsa ko ng cellphone ay agad sya nagtanong pagkatapos uminom ng tubig na kasabay ng order. “Sinong tumawag sayo?
“Ahh yung kaibigan ko tinatanong Ako kung nasaan daw ako” Ngiti kong paliwanag
Agad ko na rin binayaran yung order nya
“Pasensya nga pala at diko kinukuha yung pambayad nung iniabot mo.. ayoko kase tumanggap ng pera hanggat maaari..” Pag pasensya nya
Nagtaka naman ako sa sinabi nyang yon. Nang humingi Ako ng paliwanag ang sabi Lang nito ay “basta..”
Pagkakain nya ay nag presinta sya na ihahatid daw nya ako
“Hanggang bahay?” Excited kong tanong
“Ha? Hindi! hanggang sa sakayan lang hahaha” Paglilinaw niya
Bahagya ako nalungkot siguro marahil ay umaasa Ako na may mangyayari samin
Bumalik ako Kay Bebang at nagpaalam na uuwe na ako.
Pagkatapos namin magpaalaman ay inihatid nya Ako sa tapat ng Jollibee plaza na dalawang kanto ang layo sa Fire station.
“Ikaw ba? Uuwe ka na rin? Sabay ka na sakin? Saan Lugar ka ba umuuwe?” Sunod-sunod kong tanong Kay JB
“Oo uuwe na rin ako pagkasakay mo.. diyan Lang ako umuuwe sa barangay bagong bayan.. may pamasahe pa naman ako kaya wag ka mag alala” Sagot nya sa mga tanong sabay tapik sa kaliwang braso ko.
“Kung gusto mo sa bahay ka na matulog.. wala naman Ako kasama doon” Tahasan kong pagyayakag dahil Hindi pa rin nawawala yung pag aasam ko na may mangyari samin.
“Nako pass muna hahaha sa bahay nako tutulog” Tangi niyang tugon
“Ahh sige sige “ Frustrated kong tugon
“Diba sabi ko naman sayo na di Ako nagpapa book?” Nagulat ako sa biglaan niyang pag uumpisa
“Huwag ka sana magagalit ha pero kung nag expect ka ng sex na kapalit sa pag libre mo sakin, pasensya na kase di Ako namamakla tulad nila Prince.. huwag mo rin sana isipin na pinag lamangan kita kase tinanggap ko Lang yung offer mo na libre eh.. sino ba naman ang aayaw sa libre diba hahaha” Mahaba niyang paliwanag
Nauunawaan ko naman siya. Sa totoo Lang ay nahihiya nga Ako sa inasal ko dahil obvious yata na gusto ko sya matikman..
“Pero wag ka mag alala.. seryoso Ako na maging tropa mo.. pero Hindi dahil sa libre ha.. gutom na gutom Lang talaga ako..” Dagdag niya sabay ng pag akbay niya sakin
“Salamat.. Tsaka.. sorry rin if in some point ay nag expect ako ng sex.. sorry..” Nahihiya kong paghingi ng tawad
“Ayos Lang yon! Initindi kita hahaha sadyang Yummy at irresistible ako hahaha” Naka bungisngis nitong sambit
“Hahaha yabang! Hahaha” Munti kong sagot
Nang makarating Kami sa tapat ng Jollibee ay ipinara na nya ako ng tricycle
“Saan ka nga pala?” Tanong niya
“Ahh sa San lucas, sa may Ramos Compound..” Pag sagot ko sa tanong nya
Pagkatapos niya akong ipara ng masasakyan ay agad nya rin sinabi sa driver kung saan Ako ihahatid.
Bago ako sumakay ay nakipag shake hands pa sya sakin at nagpaalam.
Habang umaandar ang sinasakyan kong tricycle ay tinanaw ko sya at nakita kong pumara at sumakay din sya ng tricycle.
Pagkapasok ko ng bahay ay agad ako nakatanggap ng chat message mula sa kanya na nagsasabing nasa bahay na raw siya.
Nagpalitan Kami ng chat messages habang nagaayos Ako ng sarili at bago tuluyang matulog.
Nabasa ko pa ang sweet goodnight message nya na ikinakilig kong muli.
Sana muli ko sya makasama dahil iba ang nadarama ko sa kanya. 😍😍😍😍😍😍😍
Pinaka Gwapong Binata
Araw ng linggo, kakalabas ko lamang ng Katedral mula sa pag attend ko ng Holy Mass ng biglang may umakbay sa akin mula sa kanan ko.
Gulat ang ekspresyon ko dahil baka holdaper dahil wala naman ako kasama na magsimba.
Paglingon ko ay nakita ko ang nakangiti at gwapong mukha ni JB.
“Gulat ka noh? Hahaha” Natatawa niyang bungad sakin
“Hype ka hahaha oo hahaha” Nakatawa kong tugon sa kanya “Akala ko’y holdaper hahaha”
“Ahh ahh naman sa gwapo kong ito!?! Napag akalaan mong holdaper? Hahaha” Sambit niya habang nakaturo ang kanang hintuturo sa sarili habang nagtatawa
“Oo, kase kinuha mo yung Puso ko! Ayiiiiieeeee!” Sabi ko sa isipan ko “Bigla kaseng may umakbay hahaha” Tugon ko
“Pag may umakbay sayo, holdaper agad?? Hahaha” Pang babara niya
“Wala naman kase akong kasama ehh tsaka wala naman umaakbay sakin hahaha” Pagpapaliwanag ko habang namumula ang mukha sa kilig
“Pwes! Ngayon may lagi ng aakbay sayo, ako!” Naka ngiti niyang sagot habang nakatingin sakin
Oh! My Gee! Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa sobrang kilig na parang gusto kong sumigaw 😍😍😍😍😍
“Bakit ka nga pala nandito?” Pagtatanong ko para may topic naman Kami habang naglalakad sa sidewalk ng town plaza.
“May usapan tayo ahh?” Taka niyang tanong sakin “Wag mo sabihin na nakalimutan mo na?”
“Oo tanda ko! Hahaha ibig ko sabihin akala ko’y Hindi ka pupunta at kanina pa kita hinihintay bago magsimula yung misa kanina.. Wala ka rin reply sa mga chat at texts ko..” Naka smile kong paglilinaw
“Ahh dead batt kase phone ko pag gising ko.. yun din dahilan kung bakit late ako kase Hindi nag alarm yun pala dead batt na..” Pag papaliwanag niya “Pero nandito nako bago mag homiliya si Father.. diko nga Lang alam kung saan ka nakaupo kaya dito na Lang ako sa may pinto pumuwesto..”
Limang araw na rin ang nakalipas Magmula noong nagkakilala kami.. Araw-araw at gabi-gabi magka chat at text.. Pero Hindi kami mag jowa dahil hanggang tropa Lang daw talaga ang kaya niya.. 😞😞😞😞😞😞😞
Masakit man pero ayos na rin yon atleast nagpakatotoo sya at dinerekta ako..
Pero aaminin ko Hindi ko pa rin maiwasan na umasa na may Happily ever after Kami tulad ng sa mga fairy tales hahaha 🤣
Pasensya na kase despite sa age ko ehh Hopelessly Romantic ang Lola nyo hahaha
Nasa gitna ako ng aking pag babalintataw ng nagsalita si JB.
“Saan tayo kakain?” Sambit niya sakin ng makarating na kami sa harap ng KFC
“Ikaw ba? Saan mo gusto?” Tanong ko sa kanya
“Doon na Lang sa Jollibee!” Naka ngiti niyang tugon sakin
Agad kami tumawid ng plaza road patungo sa katapat namin na Fast food chain.
Pagpasok namin ay agad akong pumila para maka order.
“Anneong Haseo?” Naka ngiti kong sambit
“Ha?? Ano!?!” Salubong na kilay nitong tanong sa sinabi ko
“Hahaha sabi ko Anong sayo?” Bungisngis kong ulit sa kanya
Habang napili sya ng kakainin ay nakatitig muli ako sa kanyang mukha.
“Ikaw na ang pinaka Gwapo na binata saking mata…” Yan ang kinakanta ko sa isip ko 😍😍😍😍😍😍😍
“Huy!!” Pag salita nito “Natulala ka na naman sa mukha ko! Hahaha”
“Ha?? Ahh ano? Ano nga??” Gulantang kong pagsagot
“Hahaha sabi ko chickenjoy sakin with spaghetti! Hahaha” Nagtatawa niyang pagbibigay ng order niya
“Ano pa po sir?” Boses ng babae sa tabi ko
Paglingon ko ay katabi ko na pala ang isang waitress na kumukuha ng advance order sa pila.
“Huy! Ano raw sayo! Hahaha Tulala ka na naman hahaha” Pag siko nya sakin
“Ahh ano.. miss, Y2 na Lang sakin.. for dine in..” Pagbibigay ko ng order ko.
Pagkatapos Kami I-assist ay ibinigay sakin ang order slip at nagpunta sya sa katabing pila.
“Hanap Lang ako ng uupuan natin” Pagpapa alam ni JB
Sa mga nagtataka kung bakit Lagi syang nagyayakag na kumain, ang sabi niya Lang ay mahilig Lang daw sya kumain.. Pero pakiramdam ko may iba pa siyang dahilan kung bakit..
Sa ilang araw namin na magkausap via cellphone ay may Ilan na rin ako nalaman sa kanya.. pero pili Lang ang mga gusto niyang sabihin diko alam kung bakit..
Ang alam ko Lang sa ngayon ay 19 years old na sya, mahilig sya kumain, nakatira sya sa bahay ng Tito nya at ume extra sya sa trabaho ng mga tropa nya sa kanila.
Yun Lang ang nai share nya sakin.. Di na ako nagpumilit na mag usisa pa dahil baka magalit si Papi JB 😍😍😍
Agad kami kumain pagka kuha ko ng orders namin.. Magkatapatan Kami sa single table habang kumakain..
Wala akong ibang nararamdaman ng mga sandaling iyon kundi matinding kilig dahil para sakin ay first date namin yon.
Ang cute nya habang kumakain.. Yung tipong lobo na yung cute niyang pisngi dahil sa kinakain nya..
Habang focus sya sa pagkain ay naka focus naman ang mga mata ko sa kanya habang hawak ko ang burger.
Lalakeng lalake ang bawat galaw nya. So manly! 😙😙😙
“Alam kong Yummy Ako, pero Hindi ako pagkain” Tinig niya habang nakatingin sakin “Penge ng fries ha!”
Tumango Lang ako bilang pag sang ayon.
Para akong nahihipnotismo sa tuwing nakikita ko sya. Parang gusto ko sabihin na “please own me! Sayong sayo nako! Ayiiiiieeeee!” ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
Pagkatapos namin kumain ay nanatili muna Kami at nagkwentuhan ng kung anu-Anong maisipan na topic.
“Oyy Tara na! Saan tayo pupunta?” Pagyakag niya sakin papa alis ng Jollibee
“Ahh ewan ko rin hahaha ikaw ba saan mo trip magpunta?” Pagbabalik ko sa kanya ng tanong “Hindi naman kase ako gala ihh bahay Lang ako lagi diba?”
“Tara sa SM?” Yakag niya muli sakin
“Ano Gagawin natin doon?” Pag angal ko dahil nga Hindi nga ako galang Tao
“Wala Lang! Pasyal Lang hahaha window shopping Lang” Pag depensa nya sa tanong ko
“Bibili ka ng bintana?” Pag bibiro ko sa kanya
“Ha? Anong bibili ng bintana?” Tanong nito na di nakuha ang joke ko
“Hahaha sabi mo mag window shopping ka hahaha bibili ka ng bintana!” Pagpupumilit ko sa biro ko
“Ahh hahaha joke ba yon? Hahaha ang corny ng joke mo hahaha” Pag tawa nito ng napagtanto na joke yung sinabi ko
“Hahaha corny baga? Sensya na mas corny kase kung sasabihin kong ‘I love you’ hahaha” Pag pipilit ko sa isang naisip ko na pick up line
“Tsss!” Tiningnan Lang ako nito na napangisi sa sinabi ko
Sa konting expression nya na yun ay sandamukal na kilig ang hatid sakin ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
“Tara na nga! Ikaw talaga! Hahaha” Pagpapatuloy namin sa paglalakad ng muli sya umakbay sakin
Naghintay kami ng jeep ng biyaheng SM San Pablo sa tapat Lang ng Jollibee plaza.
Nang makasakay na kami ay nagtuloy Lang ang kwentuhan namin hanggang nakarating kami sa Cloud 9 este sa SM San Pablo.
Pagkapasok ay sumimple ako ng tingin sa movie schedule board.
Nagpatuloy na Kami sa pag window shopping sa mga stores ng branded clothes tulad ng penshoppe, tribal, dickies at iba pa.
Habang tumitingin sya ng mga damit ay sa kanya Lang ako nakatingin na Wala sa sariling naka ngiti 😊😊😊😊
“Ano may nagustuhan ka na?” Bungad kong tanong ng bumalik na sya sakin este sa pwesto ko sa may pinto ng Mossimo Store
“Wala, diko type mga style nila hahaha” Mahina niyang tugon dahil baka marinig sya ng sales lady. “Ikaw ba may nagustuhan ka na?”
“Oo, meron akong nagustuhan” Pilyo kong sagot sa kanya
“Ehh? Nasaan? Patingin nga?” Pag yakag niya sakin pabalik ng store “Nasaan dito yung nagustuhan mo?”
Hinila ko sya sa vacant fitting room at iniharap ko sya sa salamin na nasa loob.
“Ayan oh!” Turo ko sa reflection niya sa salamin “Ayan yung nagustuhan ko! Ayiiiiieeeee! 😘😘😘”
“Sira ka talaga! Hahaha” Nagtatawa niyang tugon sakin sabay ng pag akbay nya sakin na pasakal. “Ibig kong sabihin ay damit hahaha”
“Ahh damit ba? hahaha dimo kase nililinaw hahaha” Kilig kong tugon dahil successful yung gimik ko 😊😊😊😊
Hinila na nya ako palabas ng store at pasakay ng escalator habang naka akbay sya sakin at patuloy ko pa rin syang hinaharot.
“Dapat nag elevator tayo!” Pag sita ko sa kanya
“Ha? Bakit? Ehh eto ang malapit ihh ang layo ng elevator!” Pagtataka niya sa sinabi ko
“Dapat sa elevator tayo sumakay!” Pag ulit ko
“Bakit nga?” Lalo nagtaka ang tono nito
“Para habang umaangat tayo ay nag eelevate din yung feelings natin! Booom!!” Pag pipilit ko ng pick up line ko
Dahil doon ay lalo akong sinakal nito habang naka akbay
Ang sweet ng moment na yun para sakin dahil para kaming normal na lovers na naglalambingan sa ‘Date’ namin! ❤️😊😘😍😙😄
“Turnilyo ka ba?” Muli kong pagbibigay ng pick up line ko
Hindi ito umiimik pero naka ngisi Lang sakin
“Oy! Turnilyo ka ba?” Pangungulit ko dito
“Hindi! Hahaha” Nakangiti nitong pang aasar sakin
Natahimik na Lang ako dahil binara na niya yung pick up line ko
“Bakit natahimik ka? Hahaha” Pang aasar na tanong niya sakin
“Ahh Wala naman Wala nako maisip na gimik ihh” Tangi kong sagot sa kanya
“Hahaha oh sya pagbibigyan na kita! Pero last na yan ha!” Pag bibigay niya ng chance sakin na maituloy ko yung pick up line ko
“Pagbibigyan mo nako!?! Hahaha” Magkahalong pilya at manyak kong ngiti sa kanya “Kelan? Tsaka saan tayo?”
Sandali itong natahimik at nagtaka sa sagot ko.
“Salaw ka!!” Bulalas nito ng na-gets nya yung pinahiwatig ko 😄😄😄 “Hindi sex ang ibig kong sabihin! Sira ka! Hahaha”
“Hahahahaha ahh Hindi baga yon? Hahaha” Pagtatawa kong sambit
“Yung pick up line mo, salaw ka!” Pag yugyog niya sakin habang paakbay akong sinasakal. “Ituloy mo na pero last na yan ha!”
Nagbawi muna ako ng sarili dahil labis akong nagtawa sa reaksyon nya 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
Nang mahimasmasan ako ay muli akong bumuwelo sa kanya.
“JB, Turnilyo ka ba?” Muli kong pag uumpisa
“Oh! Bakit?” Agad niyang sagot sakin “Last na yan ha!”
“Kase habang umiikot ka sa isipan ko, Lalong kang bumabaon sa Puso ko! Ayiiiiieeeee 😍😍😍” Pagbibitiw ko ng pick up line ko sa kanya habang patuloy kaming naglalakad
Walang mapag sidlan yung saya ko nang mabitiwan ko ng maayos yung pick up line ko.
Nanatili Lang syang tahimik at napapa iling subalit kita ko ang mga ngiti nya sa labi niya.
Nang mapatapat kami sa sinehan ay tinanong ko sya kung gusto niya manood.
“Anong movie naman?” Tanong nya pabalik sakin
“Yung IT chapter 2?” Pag aalok ko sa kanya “Mahilig ka ba sa Horror?”
“Sus! Kunwari ka pa hahaha gusto mo Lang manood ng horror para pag natakot ka ay bigla kang yayakap sa akin! Hahahaha” Pang aasar niya sakin
Nagulat ako sa sinabi niya dahil Wala naman ako ganong pakay. Ang gusto ko Lang sana talaga ay manood Kami as a ‘Movie Date’ namin sana.
“Oyy Hindi ahh hahaha yun kase latest movie ’noh!” Halos mahiya-hiya kong depensa sa sinabi niya
“Eyyy naman!! Hahaha ikaw pa ehh kanina ka pang Panay ang gimik na ginagawa hahaha” Pakikipag talo nitong habang kapwa Kami nakatawa
“Oyy Hindi talaga hahaha promise! Yon Lang kase latest movie Tsaka yun Lang natandaan ko sa apat na movies!” Pag ulit ko sa depensa ko sa salaysay niya
“Hahahaha ok sige sabi mo ehh hahaha” Pang aasar niyang tawa
“Hahaha ano nga? Gusto mo manood ng IT?” Pag yayakag ko ulit
Sandali sya natahimik at tiningnan yung movie poster at movie Schedule
“Wag na Lang tayo manood baka maubusan ka ng budget mo!” Pag tanggi niya sa alok ko “Ipangkain na Lang natin yan mamaya! Busog pa tayo hahaha”
Natawa ako sa sagot niya pero infairness practical thinker pala siya hahaha
“Sige sige food is life ka nga talaga hahahaha” Pang aasar ko sa kanya
“Masarap kaya kumain” Munti niyang sagot
“Pero mas masarap kang kainin hahaha” Sabi ko sa isip ko hahaha Diko pwede sabihin sa kanya yan dahil ayaw niya ng ganong topic.
Nabanggit niya yon sakin nung magka chat kami. Off limits daw sya sa usapang sex dahil ayaw niya malibugan kaming pareho at ayaw niya na maging friends with benefits ang eksena ng samahan namin.
“Tara samahan mo na Lang ako sa Department store tingin ulit tayo ng damit” Muli niyang pagyayakag sakin sabay akbay ulit sakin
Kotang-kota nako sa mga akbay niya hahaha kung pwede Lang sana yumakap sa bewang niya habang nakaakbay sya nakooooo! Ang sweet namin hahaha
Pag dating namin ay agad sya tumingin tingin ng mga damit.
Ako naman ay tumingin na rin ng mga type kong damit.
“Oyy samahan moko isusukat ko Lang to!” Paghila niya sakin papunta sa fitting room dala ang dalawang garments sa kanang braso.
Pagpasok ay agad siyang nagsukat.
After 3 minutes ay lumabas ito.
“Bagay ba?” Tanong nya sakin, Hindi ako agad naka imik dahil na astigan ako sa kanyang sinukat na damit.
Nakasuot sya ng black and white stripes na polo na pinatungan ng black leather jacket na may white designs. Diko sure kung tribal ba yon o doodle art.
“Oo, JB, ang astig mo! Mas lalo kang naging gwapo!” Manghang-mangha kong tugon na Hindi mawala ang ngiti sa akin. Sabay bitaw ng mga katagang “Pinaka Gwapong binata sa aking mata! Hahaha”
“Lols! Pinaka Gwapo ka diyan! Hahaha” Ngiti niyang tugon “Oyy picturan moko yung pang dp sa Facebook!”
Pumuwesto ito at nag ayos ng buhok at ang suot niyang damit. Itinago nya ang price tag para di makita.
“1, 2, 3.” Pag bilang ko sabay picture sa kanya
Click! Click! Click!
“Patingin nga?” Excited niyang pag tingin sa mga kuha ko “Isa pa! Isa pa! Hahaha”
Muli ko syang kinunan ng picture. Sa pagkakataon na yun ay nagpogi sign sya.
Click! Click! Click!
Muli niyang tiningnan ang mga pictures at nagustuhan nya yung kuha ko Sa cellphone ko.
“Yan! Ayos na yan hahaha” Tuwang tuwa niyang tugon “Send mo sakin mamaya ha! Palit Lang ako!”
Muli syang pumasok para magbihis ulit.
Paglabas namin ng fitting room ay binalik nya sa pinagkuhanan niya yung mga damit.
“Hindi mo bibilhin?” Tanong ko sa kanya
“Hindi naman talaga ako bibili hahaha nagsukat lang ako para sa pang dp sa Facebook hahaha” Pabulong niyang tugon sakin dahil baka marinig ng sales lady “Tsaka ang mahal ng presyo! Imbes na ibili ko yung pera ay ikakain ko na Lang hahaha”
Muli siya umakbay at lumipat ng ibang brand ng damit
Makalipas ang halos kalahating oras na pagtingin ng mga damit ay lumabas na kami ng department store.
“Tara kumain!” Pag yakag nito sakin sabay haplos sa kanyang tiyan
“Hala! Gutom ka na agad?” Naka ngiti kong pang aasar
“Oo hahaha.. alam mo naman na food is life Ako hahaha” Pag papaalala niya sakin
“Saan mo gusto kumain?” Pagtatanong ko sa kanya
“Ikaw na bahala! Ako na pumili kanina ng kakainan ihh ikaw naman ngayon!” Pagbibigay nya sakin ng chance na pumili ng kakainan
“Tara doon!” Naka bungisngis kong pag yakag sa kanya
“Saan?” Munti niyang tugon
“Basta! Tara!” Pasikreto kong sagot
“Baka kung Anong gimik mo na naman yan ha?” Pag aalangan nitong pag sunod sakin
Dinala ko sya sa gustong gusto kong kainan, King Sisig!
“Sisig??” Gulat niyang tanong
Diko na siya sinagot at agad na kami pumasok at pumila.
Tulad ng eksena sa Jollibee ay sya na ang humanap ng mauupuan namin at Ako ang nakapila.
After ilang minutes ay dinala na sa lamesa namin yung orders namin.
“Akala ko ba Hindi ka nagkakanin?” Taka niyang Tanong
“Oo nga!” Munti kong tugon
“May kanin kaya yang order mo?” Sabay turo niya sa pinggan ko.
“Oo nga! Bibigay ko sayo yung kanin at yung sisig Lang kakainin ko hahaha” Sabay paglipat ko ng kanin sa pinggan ni JB
“Sisig Lang kakainin mo? Mabubusog ka na diyan?” Pagtataka niya
“Oo naman! Prayer is the key!” Agad ako nagdasal ng before meal prayer
“Tara kainan na!” At agad Ako nag dig-in sa pagkain sa harap ko.
Tahimik Lang kaming kumakain.
Sisig ang isa mga paborito kong pagkain kaya pag ito ang nakahain ay natahimik akong nilalasap ito.
Matapos namin kumain ay nag stay kami doon at nag kwentuhan ulit. Nagtanong kung saan pa kami pupunta.
Napagpasyahan namin na mag libot-libot pa ng isang oras at bumalik na kami sa plaza at nagpunta Kami sa Sampalok Lake.
Doon namin ginugol ang mga sumunod na oras na magkasama kaming dalawa.
Past 6pm ng mapagdesisyunan na namin na mag uwian na. Pero bago kami umuwe ay ikinain ko muna sya ulit sa Ramzi, isang kilalang canteen style restaurant malapit sa isang College school.
After 30 minutes ay isinakay na nya ako ng tricycle at sumakay na rin sya para umuwe.
Habang nasa biyahe pauwe ay napakasaya ko sa nararamdaman ko.
Thanks God for a Beautiful Sunday!
Pag uwe ko ay magka chat Kami habang ginagawa ang kanya-kanyang gawaing bahay hanggang bago matulog.
Dala ko ang kasiyahan at ngiti hanggang sa aking pagtulog.
Bago ako tuluyang makatulog ay nag text sya sakin.
“Oyy yung pictures pa send hahaha” Laman ng text nya
Kaya agad akong tumalima at sinend sa kanya ang pictures thru Messenger.
Muli ko pinagmasdan ang picture niya na naka pogi sign at ginawa ko yun na wall paper ng lock screen ng phone ko.
“Ok na! Salamat! Goodnight! 😊”
Chat niya sakin at nireplyan ko rin ng goodnight 🌙
Muli ko tinitigan ang picture niya hanggang makatulog nako..
Zzzzzz…
Wayback into Love
“Alam mo ba yung kantang Zebbiana ni Skusta Clee?” Tanong ko sa kanya sa chat
“Oo, madalas ko yung pinakikinggan, Bakit?” Reply ni JB sakin
“Kase Ikaw Lang ang baby ko, JB ko.. Kahit Wala ka sa piling ko.. At namimiss kita..” Pagpapatuloy ko sa pick up line ko
“Hahaha sige ipilit mo pa yung pick line mo kahit medyo sablay hahaha” Muli niyang reply sa akin
“Hahaha Gravity siya hahaha” Pag depensa ko
“Anong Gravity?” Di ko inaasahang Tanong nya sakin
Ibig ko sana i-reply na slang ko yun sa word na “Grabe” pero may naisip akong hirit.
“Gravity, yun yung force that made me fall inlove with you! Ayiiiiieeeee!” Muli kong pag banat ng pick up line kahit diko sigurado na makukuha niya.
“Hahaha kulit mo ay! hahahaha” Kinilig Ako sa chat niyang iyon dahil Iniisip ko na kinilig din siya ng slight dahil sa reply nya 😍😍😍
Pero as much as possibile, ayoko mag assume hahaha 🤣
“Oyy tatambay ka ba mamaya? Bantay daw ulit si inay Bebang sa CR” Pag babago nya ng topic
Nawala tuloy ako sa focus ko sa Plano kong next pick up line ko
“Ngayon ba siya magbabantay?” Reply ko sa kanya
“Oo raw sabi ni Prince.. Dimo alam? Hahaha” Pang aasar niya
“Hahahaha Hindi ehh hahaha Hindi ako na informed hahahaha” Chat ko sa kanya
“Ano oras ka pupunta?” Sunod niyang tanong sakin
“Bakit? Miss mo na ba Ako? Ayiiiiieeeee!” Yan ang nasa isip kong reply pero iba ang isinagot ko “Baka mga 9pm ulit. Ikaw?”
“Gege hintayin kita mamaya.. Punta nako sa bilyaran ng mga 6pm” Tugon niya sa tanong ko
Nagpatuloy ang aming palitan ng chat sa mga random topics na naisipan namin hanggang sa nagpaalam siya back to practice na ulit sila ng sayaw.
7:49pm Nag decide nakong gumayak at lumarga na para makita ko ulit ang pinaka Gwapong binata sa buhay ko 😍😍😍
Pagdating sa CR ay andoon si Bebang na may kasamang lalake at magka dikit.
“Baka si Jerick” Sambit ko sa sarili ko na Napa isip kung sino kaya yon.
“Ayy wow ang sweet!” Masaya kong pag bungad sa dalawa na magkadikit
Pag lingon nila sakin ay nagulat ako dahil Hindi si Jerick yung kadikit niya kundi ibang lalaki.
“Kambal!! Buti nagpunta ka!” Nakangiting bati sakin ni Bebang “Si Johnver nga pala jowa ko!”
“Huh!?!” Gulat kong ekspresyon sa sinabi niya na nagpa kunot ng Noo ko.
Pinakilala niya Kami sa isa’t isa. Nang magtagpo ang mata namin ni kambal ay sumenyas ito sakin sa pamamagitan ng pagpupungay ng mata niya.
Nakuha ko agad ang meaning ng gesture niya. Yun ang bago niyang jowa-jowaan. Naging jowa niya pagkatapos niyang mai-booking.
Ngumiti Lang ako sa kanya at bahagyang napailing.
Matapos ng kulitan at harutan ay tinanong ko sa kanya kung nagpunta na ba si JB.
“Jusko! Kambal! si JB na naman!?!” Tugon niya sa tono na parang naasar “Di mo pa rin ba nakukupang yung Tao na yon!?”
“Gaga! Wala naman ako balak hadahin yon! Hahaha” Gulat man ako sa Tanong niya ay nakangiti ko siyang sinagot
“Nako! Kambal! Kilala kita! Tigilan moko!” Nanatili pa rin ang pagka asar sa kanyang tono “Anong Plano mo? Hanggang kelan ka magpapagamit sa otoko na yon!?”
“Hahaha sira ka! Papagamit ka diyan!” Medyo asiwa nako kase parang napahiya ako dahil may ibang Tao sa paligid pero maayos ko pa rin siya kinakausap
“Ipakilala na Lang kita sa pinsan ni johnver! Awra!” Pag bubuyo niya sakin na tinanggihan ko “OKAY!?” Tinig niya na tila napahiya
Pina chat niya yung pinsan ng jowa niya para papuntahin. Pinakita niya sakin yung picture ng pinsan ni johnver.
“Cute na yan sayo!?” Di ko napigilan ang pagka asar sa tono ng boses ko dahil pagbubugaw niya sakin.
“Grabe ka ha!” Seryoso niyang depensa dahil napahiya yata siya sa jowa niya na katabi niya
“Ano ba mga tipo mo sa lalake?” Biglang tanong sakin ni johnver
Agad kong pinakita yung wall paper sa lock screen ng cellphone ko sabay proud na sinabing “Ganito ang mga gusto kong lalake!!”
Picture ni JB na naka ngiti.
“Ahh..” Tanging tugon ni Johnver na tila nahiya dahil malayo sa hitsura ng pinsan niya
Nakita ko si Bebang napa Smid Lang ng makita ang picture.
Buong pang aasar ko siyang nginitian.
“Tagumpay ako sa pang aasar!” Isip-isip ko
Nang Hindi nila ako nagawang ireto sa pinsan ni johnver ay Hindi na nila iyon pinapunta at naglambingan na Lang silang dalawa.
May ilang pagkakataon na titingin sakin si Bebang at sesenyas ng pag pupungay ng mata. Tinawanan ko na Lang siya sa tuwing Gagawin niya iyon.
Mag chachat sana ako Kay Prinsipe JB ko ng magsalita si Bebang. “Ang sarap ng may jowa kambal!”
Nasura ako sa ngiti nito na tila sinasadyang asarin ako
“If I know, isa Lang sya sa mga pansamantalang jowa mo tulad ni Jerick!” Sa isip-isip ko
Ayokong sabihin iyon ng derekta dahil baka ma-offend ko sya
Ilang saglit ay dumating si Prince at isa niyang kaibigan na diko kilala.
Nagpalitan Kami ng pagbati at naupo siya sa bungad ng CR.
“Ayan na hinihintay mo!” Tinig ni Bebang
Na excite Ako dahil Iniisip kong nandiyan na si JB 😍
Paglingon ko kay kambal ay si Prince pala ang kausap nya. Ang kanyang kanan hintuturo ay na point sakin.
“Kanina ka pa?” Naka ngiting tanong sakin ni Prince na sinagot ko rin agad. “Oyy Tara ngayon? Pwede ka?”
“Nako! Pass na ako diyan! Pasensya na!” Naka ngiti kong pag tanggi sa pagyayakag niya ng Booking
“Hindi na tayo natuloy!” Patampo niyang tugon
Ilang araw na kase niya akong niyayaya pero lagi kong tinatanggihan dahil si JB Lang lagi ang nasa isip ko at gusto kong makasama.
Walang ligoy-ligoy ko agad siya tinanong kung nasaan si JB.
“Si JB pa rin?” May laman na sagot ni Prince
“Ewan ko ba diyan Kay kambal kung Anong nagustuhan sa lalaking yon! Nagpapagamit masyado!” Pag segunda niya sa anak-anakan niya.
“Kung ako sayo layuan mo na yon! Ginagamit ka Lang non!” Dagdag ni Prince na seryoso sa sinabi “Kahit itanong mo pa dito kay Migs!” Turo niya sa kasama niya na halata ng mas bata sa kanya at mas fresh looking
Pagtingin ko sa kasama niya ay nag aalangan itong tumango bilang pag sang ayon sa sinabi ni Prince.
Marami pa silang sinabi na diko binigyan ng pansin.
“PAKI EXPLAIN NGA SA AKIN KUNG SA PAANONG PARAAN NIYA AKO GINAGAMIT?!?” Mataray kong tanong sa kanila na may malakas na boses na ikinagulat nila dahil Hindi ko na napigilan ang pagka asar ko na tuluyan ng kumawala.
“Kambal, wag ka magalit sa Amin sinasabi lang namin na….” Pag depensa ni bebang na agad kong pinutol
“PWES!! PAKI EXPLAIN!!” Pag uutos ko sa kanila “ANO NA??”
Natahimik silang lahat at tila nasindak.
Nang Wala pa rin nag uumpisa ng magsalita ay Isa-isa ko silang tiningnan ng matalim sa mata. Pagbalik ng tingin ko Kay Bebang ay tinaasan ko sya ng kaliwang kilay ko bago sya nagsalita na tila bwisit na rin sakin. “Anak, Prince, ikaw na magsabi!”
Napatingin si Prince Kay Bebang na tila gustong umapela
“Yung sinabi niyo sakin ni Migs, sabihin nyo sa kanya!” Utos ni Bebang sabay turo sakin
Itinutok ko ang tingin ko kay Prince tapos Kay Migs.
Nang ma-intimidate si Migs ay siniko niya si Prince na nagkwento na.
Ayon sa kwento ni Prince, Nakatira sya sa isang maliit na kubo sa gilid ng bahay ng tiyo niya. Lupa na ang pinaka sahig na nagpuputik pag umuulan. Isang espasyo Lang ang laki na kasya Lang ay limang Tao sa loob.
Ang mga kagamitan niya ay mga pinaglumaan ng kanyang Tiyuhin. Sa gatong Lang siya nagluluto at nagsasaing. Ang liguan niya ay sa likod ng tinitirhan niya at nakiki igib Lang siya sa garahe ng kapitbahay.
Ang kuryente na gamit niya ay isang Extension cord lang na nakalilis mula sa bahay ng tiyuhin.
Ang kanyang papag na tulugan ay siya rin niyang kainan sa araw.
Ang sinasabing extrang trabaho ni JB ay kargador sa palengke tuwing araw ng Lunes, Huwebes at Linggo ng madaling araw.
Na-extra rin sya bilang back up dancer sa dance group ng kaibigan niya pero madalang Lang iyon depende sa Competition na sinasalihan.
Kaya rin daw lagi siyang nagyayakag kumain ay dahil once a day Lang ang kain niya minsan ay Wala pa.
Nang matapos mag kwento si Prince ay tahimik Lang ako.
“Kaya layuan mo na yon bago ka pa gawing pala bigasan.. tropa ko sya pero..” Dagdag na salaysay ni Prince na Hindi ko pinatapos
“Talaga?? Tropa mo sya? Hindi halata sayo! Tropa mo siya pero ayaw mong matulungan ko sa sarili kong paraan!?! HAHAHAHAHAHAHA” Medyo bitter man isipin pero natawa talaga Ako sa sinabi niyang Tropa ang Turing niya
“Ikaw bahala pero ang akin Lang lagi ka Lang niyang yayakagin na kumain” Depensa niya
“Uubusin lang niya ang pera mo kambal kakapalibre ng pagkain!” Segunda ni Bebang
“Di bale ng maubos ang pera ko sa kanya atleast alam kong sa pagkain mapupunta! Kesa naman maubos ang pera ko sa mga kaladkarin lalaki diyan na nagpapa booking na di naman natin alam kung saan napupunta ang pera!” Tuluyan na akong sumabog sa sandaling iyon “Tsaka hindi naman big deal yung estado nya sa buhay! Ang mahalaga nadiskarte sya sa maayos, matino at DESENTENG paraan!”
Muling nabalot ng katahimikan ang umpukan namin. Marami pa sana akong gusto sabihin na parinig at panunumbat pero pinigilan ko na Lang ang sarili ko dahil baka may makasakitan nako sa pwede kong bitiwang salita.
“Oo na sige kambal, tama ka! Kumalma ka na at ang dami ng napapatingin satin!” Inis man ay pina alalahanan Ako ni Bebang na kumalma
Di ko alam kung dapat pa ba akong mag stay sa Lugar na yon o umalis na.
Maya-maya ay Tumayo si Bebang at kinuha ang perahan at nagbilang. “Oh, Nakshie bumili muna kayo ng makakain niyo! Ibili mo na rin itong bago mong ama-amahan”
Agad naman tumalima si Prince at Migs, sumama na rin ang jowa ni Bebang sa pagbili.
“Hay nako! Kambal tinakot mo yung jowa ko! Nagutom tuloy?” Sambit ni Bebang pagbalik sa kinakaupuan niya
Nanatili akong tahimik at mainit ang ulo.
Pagkabalik nila Prince ay dalawa na Lang sila ng jowa ni Bebang at agad kinain ang siopao na binili. Inalok nila ako pero tinanggihan ko dahil wala akong gana kumain dahil sa negative emotion na nararamdaman ko.
Tahimik Lang ako habang kumakain sila at naglalandian ang mag jowa.
“Ano? Kambal highblood ka pa?” Tanong sakin ni Bebang from out-of-nowhere
Tumingin Lang ako sa kanya at muling tumingin sa kalayuan kahit wala naman akong tinitingnan.
Nagulat ako ng may biglang may sumulpot na kamay sa peripheral vision ng kanang mata ko at lumapat ito sa balikat ko. “Bakit naman highblood ang tropa ko?”
Sambit ng pamilyar na boses mula sa taong gusto ko makita.
Paglingon ko sa kaliwa ko ay nakita ko ang nakangiting mukha ni JB ko 😊😊😊😊
Pero nabakas ko sa mata niya ang konting lungkot.
“Kanina ka pa?” dagdag na Tanong niya
Naaktuhan ko na Lang ang sarili ko na nakangiti sa kanya.
“Bakit ka naka ngiti?” Pang tatanong niya kahit batid kong alam naman niya ang dahilan ng mga ngiti ko.. walang iba kundi siya! ❤️❤️❤️❤️
Napa iling na Lang ako at napayuko
“Landi Neto hahaha” Pang aasar sakin ni JB sabay ng pagsakal niya sakin habang naka akbay at niyugyog ako.
Nang tumigil sya ay nagsalita na ako.
“CAMERA ka ba?” Pagsisimula kong hirit sa pick up line ko
“Hahahaha yan na naman tayo! Hahaha” Pagtatawa niyang tugon sakin “Oh bakit?” Eye-to-eye niyang tanong sakin
“Kase.. pag nakikita kita, napapa ngiti ako!” 😊😊😊😊 Pagbibitaw ko ng last line ko sabay ngiti sa kanya
Hindi ko alam kung Bakit Ako ang kinilig sa sarili kong hirit
“Naks! Bago yata yon ahh hahaha” Nakangiti pa rin niyang tugon sakin habang muli niya akong sinakal-sakal 😍😍😍😍
“Oyy Sana all!!” Boses mula sa taong nasa likuran niya
Pagtingin ko ay si Migs yung kasama ni Prince kanina.
“Si Miguel nga pala! Tropa ko!” Pagpapakilala niya sakin “Bata pa yan! 14 years old! Gusto mo ibooking? Hahahaha” Pang aasar niya sakin
“Sira ka hahaha” Tanging tugon ko sa kanya “Kumain ka na?”
“Hindi pa. Ikaw ba?” Simpleng Tugon niya
“Tara! Kain tayo libre ko hahaha” Pagyakag ko sa kanya at tumayo na ako
“Hahaha lagi mo naman akong libre ahh hahaha” Pag sang ayon niya sa yakag ko “Saan tayo kakain?”
“Tara sa Jollibee! Gusto ko kumain ng Cheeseburger, French fries, spaghetti at 2 pieces chickenjoy with softdrinks!!” pagpaparinig ko sa mga Tao sa paligid namin at dumerecho na ako ng lakad, sinadya kong hindi magpaalam Kay Bebang at lampasan sila.
Bahagya akong tumingin Kay Prince at nakita kong effective ang pagpapasaring ko dahil napanganga ito sa mga pagkain na binanggit ko
Masaya kong binagtas ang sidewalk ng plaza dahil kasama ko na ang Tao na gusto kong makita at makasama, si Papi JB! 😊😍❤️😘
Naka akbay pa rin sya sakin habang nagkukulitan kami sa daan.
Pagkarating namin sa Jollibee ay agad akong pumila, siya naman ay humanap ng mauupuan namin.
Pagkaupo ko ay sinabi ko sa kanya na seserve na Lang samin sabay pakita ng Queuing number 19
“Kanina pa kita hinihintay hahaha” Pagsisimula ko ng usapan namin
“Sorry naman hahaha Naki charge pako ng cellphone ihh” Tugon niya sakin “Nag chat kaya ako sayo! Di ka nga nag seen pero active ka”
Pagkasabi niya ay agad kong kinuha yung cellphone ko at nakita ko nga na may mga chat siya.
Subalit napaisip ako sa isang chat niya na sabi ay ‘Nandito nako!’
Time sent ay 8:42pm Pagtingin ko sa orasan ng phone ko ay 9:18pm Dumating siya ay past 5 minutes ago
Nag calculate ako sa utak ko. 8:42pm yun yung oras na nagkwekwento si Prince about sa kanya.
Agad ako napatingin sa kanya na tinutulungan yung waiter sa dala niyang order namin.
Pagka lapag ng mga pagkain ay agad siyang nag lead ng dasal na sinabayan ko na rin tapos ay kumain na.
Pasulyap-sulyap ako sa kanya dahil gusto kong I-confirm yung theory ko pero ayoko masira yung happy mood nya habang kumakain kaya’t pinagpaliban ko na Lang muna.
Nang natapos Kaming kumain ay nanatili kami doon at Hindi muna agad umalis.
“May pick up line ka na naman ano? Hahaha” Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita
“Ha? Wala ahh hahah Bakit?” Tanong ko
“Kanina ka pa tingin ng tingin sakin ihh hahaha sige na bitiwan mo na yan hahaha” Pag pipilit niya na ihirit ko na ang pick up line ko
“Actually.. Hindi pick up line.. may tatanong sana ako sayo?” Pag buwelo ko
“Ano yun?” Maikli niyang sagot
Dinerecho ko na sa kanya yung tanong sa maayos na paraan na alam ko at…. BOOM!! 💥
CONFIRMED ang theory ko!
“Oo, andon ako, nakatago sa trapal na harang sa likod ni inay Bebang” Tugon niya sa Seryosong tono “Narinig ko lahat ng naging usapan niyo hanggang pinabili sila ng pagkain”
Tahimik Lang ako at diko alam kung Anong Gagawin o sasabihin ko sa kanya.
“Bumalik ako agad sa bilyaran ng nasa tindahan na Sila Prince.. tapos dumating si Migs at sinabing nandoon ka na.. nag kunwari na Lang ako na hindi ko pa alam na andon ka na..” Salaysay ni JB at maya-maya ay nagyakag na itong lumabas.
Habang naglalakad-lakad Kami ay muli ko siyang tinanong. “Ayos ka lang ba?”
“Oo naman noh! Hahaha Bakit mo naitanong?” Sagot niya sabay akbay ulit sakin
“Ahh wala naman” Maikli kong sambit
“Ikaw? Ayos Lang ba sayo?” Nagulat akong tanong niya sakin
“Ha? Ayos saan?” Nagtataka kong tanong
“Ayos Lang ba sayo na mahirap Lang ako? Mahirap pa sa daga? Laging gutom at laging nagyayakag kumain?” Seryosong Tanong niya na Hindi tumitingin sakin
“Oo naman noh! Wala yon sakin!” Pag klaro ko sa kanya
“Talaga Lang ha? Yan din sinabi ng mga naging girlfriend ko dati pero Hindi rin nakatiis at humanap ng kaya sila ikain sa mga restaurant” Pagpapa tuloy niyang salaysay
Di Ako sanay sa ganitong topic namin pero sa tingin ko ay Hindi laging happy-happy ang vibes tuwing magkasama kami.
“Ano? Ayos Lang ba talaga sayo? Baka maubos ko pera mo hahaha” Pag pupumilit niyang pag ngiti sa Kabila ng pagka Seryoso niya
“Kung narinig mo lahat ng usapan namin kanina, for sure, narinig mo ang sagot ko sa kanila” Malumanay at seryoso kong tugon “Pero sige ulitin ko para sayo.. oo! Ayos Lang sakin yon kase sa maikling panahon na nakilala kita, hindi mo naman ako pinakitaan ng panglalamang tulad ng sinasabi nila.. Ako pati nagkukusa na manglibre diba? Hahaha Tsaka…”
Napatigil ako dahil diko alam kung sasabihin ko ba o hindi.
“Tsaka ano?” Tanong niya dahil nabitin siya sa sasabihin ko
“Tsaka… ano… Tsaka mas gusto ko ilaan yung pera ko para sa kabusugan mo kesa sa kalibugan ko” Pagpapalit ko ng gusto kong sabihin
“Naks naman hahaha salamat talaga! Wag ka mag alala di kita paglalamangan basta maglaan ka rin para sa sarili mo ha!” Pag tugon niyang muli
“Yes, Papi!” Naka ngiti kong tugon
“JB, ang gusto ko talagang sabihin ay.. Tsaka Mahal kita!” Sambit ko sa isipan ko habang nakatingin sa kanya
Pagbalik namin sa CR na binabantayan ni Bebang ay si Prince at Migs ang nandoon.
“Asan si Bebang, Migs?” Pagtatanong ko
Sumenyas ito na nasa loob ng Cubicle at nagsalita ng walang boses “Na-booking”
Napangiti na lang Ako sa nalaman ko at naupo Kami ni JB sa tabi ni Migs.
Nag cellphone ako habang hinihintay si Bebang na matapos. Si JB naman ay nakipag kwentuhan sa dalawa na parang Wala Lang sa kanya yung mga narinig niya kanina.
Makalipas ang 5 minutes ay lumabas na si Bebang kasunod si johnver. Parehong nagulat ng bahagya ng makita akong nakatingin sa kanila.
“Kanina ka pa Kambal?” Bungad na Tanong niya sa akin habang may kinukuha sa bag niya na pinahabilin Kay Prince
“Medyo” Maikling tugon ko
Nakita kong inabutan niya ng pera ang jowa niya at agad nagpaalam samin Tsaka umalis.
Nakita kong napa iling si JB pero di nya pinahalata sa iba.
“Kambal, eng sherep!” Sambit nito pagkaupo sa pwesto niya
“Daks ba Inay? “ Pag uusisa ni Prince
“Sapat Lang Nakshie! Mas daks ka pa rin!” Nagpalitan ng tawanan silang dalawa
Ginugol ko ang oras ko sa pakikipag kwentuhan kay JB at sa iba.
Ilang saglit ay lumipat si JB sa likuran ng inuupuan kong monoblock chair. Ipinatong ang noo nya sa kaliwang balikat ko habang inilagay niya ang mga braso niya payapos sa akin.
“Iidlip Lang ako ha inaantok ako ihh” Pagpapaalam niya sakin
Naalala ko na galing mga pala siya sa praktis ng sayaw kanina.
Mahigit isang linggo na siyang nag eensayo ng sayaw kasama ng dance group ng tropa niya dahil sasali sila sa Dance competition sa Fiesta ng Barangay Mateo.
Hinayaan ko na muna siyang makatulog sa balikat ko habang patuloy akong nag cellphone at nakipag kwentuhan kina bebang sa maayos na mood kumpara kanina.
Mahigit isang oras din siyang nakatulog bago ko yayain na umuwe na para makatulog siya ng maayos dahil may praktis pa siya ulit kinabukasan.
Pinauna ko na siyang pasakayin dahil antok na antok na ito.
Habang nasa biyahe ako pauwe ay nag chat siya na nagsasabing nakauwe na raw siya sa munting bahay niya.
“Ahh gege matulog ka na para makabawe ka ng lakas para sa rehearsal niyo.. malapit na rin ako sa bahay.. goodnight, sweet dreams, sleep tight and don’t let bedbugs bite you! 😘😘😘” Chat ko sa kanya
“Sige goodnight din! Chat ka pag nasa bahay ka na ha. Wag ka na mang lalake 😂😂 Pasensya na ha bawe Ako next Time” Reply niya sa chat ko
Nag send Ako ng heart ❤️ bilang reply ko
Pag uwe ko ay agad akong nag ayos ng sarili at natulog na rin. Zzzzz…
Makalipas ang Dalawang araw, Hinintay ko si JB sa labas ng katedral para sa “SunDate” namin with God 🙏🏻
Hihikab-hikab siya habang ongoing na ang misa pero pinipilit niyang mag focus.
After ng Holy Mass ay niyakag ko sya na kumain sa KFC para magkaroon ng Energy kase Gusto ko na may lakas siya para sa Plano ko sa kanya 😊😊😊
Halos wala siyang tulog dahil late na natapos ang praktis nila ng sayaw tapos derecho na sya ng palengke para sa trabaho nya.
Pagkauwe ay natulog sya ng isang oras at kalahati at agad nag ready para tagpuin ako sa Katedral.
“Saan tayo?” Tanong niya sakin pagkatapos namin kumain
“Tara samahan moko mamalengke” Pag yakag ko sa kanya na Hindi naman niya tinanggihan
Pumasok muna Kami sa Centro Supermarket at namili ng canned goods at mga tinapay.
“Ang dami naman yata niyang mga delata mo?” Nagtataka niyang tanong
Ngiti Lang ang sagot ko sa kanya.
Nang nakapila na Ako ay sinabi kong maupo muna siya sa upuan sa may entrance na agad naman niyang sinunod dahil sa antok.
Nang ma bayaran ko na ang mga pinamili ay agad ko itinago yung resibo.
Nag patuloy na kami sa palengke at ibinili ko yung sukli sa grocery ng 5 kilos na Bigas.
“Tara na! Sakay na tayo!” Pag yakag ko sa kanya
Halata sa kanya ang pagkalambot dahil kulang sa pahinga at tulog.
Agad akong pumara ng tricycle at sumakay na kami. “Manong, sa Barangay bagong bayan po!”
Nagulat si JB sa narinig at napatingin sa akin.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa reaksyon niya.
“Saan doon?” Tanong ni manong driver
“Huy JB saan ba yung bahay mo? Diko alam?” Tanong ko habang pinipilit na pigilan ang pagkakangiti ko
“Bakit samin?” Taka niyang tanong
“Ihahatid muna kita at antok na antok ka na oh!” Pagsisinungaling ko sa kanya
Nang nakumbinsi ko sya sa sinabi ko ay agad niyang ibigay sa driver ang direksyon ng bahay niya.
Pag dating namin sa kanila ay agad ko nakita ang kubo na tinitirhan niya na nakatayo sa gilid ng isang kulay mustard yellow na firewall ng tiyuhin niya.
Gawa ito sa mga light materials tulad ng mga kahoy, kawayan at trapal.
“Dito na ako..” Nahihiya-hiya niyang paalam sakin at bumaba na ng tricycle
Binayaran ko si manong at agad-agad na bumaba dala ang eco bag ng groceries at supot ng bigas.
“Oh? Bakit ka bumaba?” Gulat na tanong ni JB
Ngiti Lang ulit ang ginawa kong tugon at iniabot sa kanya yung eco bag sabay sabing “Pakihawak nga ang bigat! Hahaha”
Niyakag ko na siya sa kubo niya. Nag aalangan man ay Wala na siya nagawa dahil nakaalis na yung tricycle na sinakyan namin.
Pagkapasok namin sa kubo niya halata sa kanya na nahihiya siya.
Pinagpagan niya ang papag niya at pinaupo ako.
“Kalma brad! Hahaha masyado kang tense!” Pagbubuhay ko ng mood niya
“Ahh nakakahiya kase sayo..” Mahina niyang tugon
“Hahaha sira ka! Wag ka na mahiya hahaha” Pagtatawa ko sa expression niya
Hindi naman bago sakin ang makapasok sa ganitong bahay dahil may mga kaibigan at nakilala Ako na ganito rin ang tinitirhan.
Isa pa Hindi naman ako sensitive sa mga ganitong lugar.
Napansin ko na Hindi siya mapakali kaya’t Napilitan akong isambulat na ang sorpresa ko.
“Oh? Papi saan mo ilalagay ang mga ito?” Pag angat ko sa bigas at pagturo ko sa ecobag ng mga groceries.
Nanglaki ang mga mata niya sa sinabi ko at di makapaniwala
“S.. sa.. sakin yan?” Nauutal nitong tanong sakin
“Hindi! Hindi! Sakin! Sakin toh! Bahay ko toh diba? Hahaha” Pangbabara ko sa kanya
“S.. se-seryoso ka?” Muli niyang tanong
“Hindi ahh! Joke Lang! Prank Lang toh! Hahaha oo nga! Sayo nga toh hahahaha” Paglilinaw ko sa kanya
Bahagya siyang napa atras, Napasabunot at tumalikod sakin pero may ngiti sa mukha akong nakita.
Tumayo ako at sinabing tulungan ko na siyang ayusin ang mga food stocks niya.
“Nakakahiya sayo.. sobra-sobra na tulong mo sakin.. parang nakakahiyang tanggapin..” Sambit niya habang nakatalikod pa rin sakin “Diko kaya palitan yang binibigay mo..”
Kinabahan ako sa sinabi niyang iyon dahil parang hindi sya natuwa sa sorpresa ko
“Wala naman ako sinabing bayaran mo ahh hahaha Hindi naman ako nahingi ng kapalit.. kusang loob toh!” Kalmado kong salaysay sa kanya “Tropa tayo diba? Hahaha”
Nanatili siyang nakatalikod sakin at Hindi nakibo at Hindi rin naimik.
Nilapitan ko siya at tinapik sa kanang balikat niya. “Huy?”
Nagulat ako dahil bigla itong humarap na akala ko’y sasapakin Ako kaya napa atras Ako ng isang hakbang.
Nagulat ako sa ginawa niya na nagpitigil sa aking buong katawan, nagpatigil ng oras at ng pag ikot ng mundo ko.. bigla niya akong Niyakap!
Nakapaikot ang kanang kamay nito sa leeg ko, Ang mukha niya ay nakasubsob sa kanang balikat ko at ang kaliwang braso nito ay nakayapos sa bewang ko.
Ngayon lang kami nagka dikit ng ganitong kalapit. Bagama’t lagi niya akong inaakbayan ay tila kakaiba ang lapat ng aming mga katawan.
Ramdam ko ang init ng kanyang katawan sa akin, ang Amoy ng kanyang katawan at higpit ng kanyang mga bisig sa akin.
Matagal din ang pagkakayakap niya sa akin na ikinainit ng mukha ko sa kilig.
“Kayakap ko ang taong mahal ko! Eto pala ang pakiramdam! Ang sarap!” Bulong ko sa isip ko
“Baka naubos ang pera mo?” Rinig kong tanong niya sakin habang nakayakap
“Hahaha Hindi ahh nakapamalengke nako ng stocks ko kahapon.. sadyang kasama ka sa budget ko para di kana malipasan ng gutom, Papi!” Pag Amin ko sa kanya
“Salamat.. Salamat talaga.. pero.. pero diko kaya palitan lahat ng binigay mo sakin..” Pagpapa tuloy niya
“Hindi naman ako humihingi ng kapalit noh! Kusang loob lahat yon!” Pag Lilinaw ko na hindi Ako nahingi ng anumang kapalit
Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin at humarap sakin ng ayos.
Napansin kong basa ang mga mata nito.. basa ng luha.
“Ibig ko sabihin.. di ko.. di Kita kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo sakin..” Seryoso niyang tugon habang nagkukusot ng mata
Hindi ko alam ang sasabihin kaya’t sinabi ko na Lang yung gusto ko sabihin
“Hindi naman ako nahingi ng kapalit sa pagmamahal ko sayo ehh haha ayos na sakin na maibahagi ko sayo at maiparamdam ko sayo yung pagmamahal ko sa sariling kakayanan at paraan ko.. tropa naman tayo diba?” Tugon ko sa kanya sabay paglalahad ng kamay ko sa kanya.
Agad naman niya iyon tinugunan at nakipag kamay din siya sakin. Bigla niya akong kinabig payakap habang nasa pagitan namin ang mga kamay namin. Tinapik sa likod gamit ang kaliwang kamay. Yung gesture ng batian ng mga magtrotropang lalake.
“Aray ko! Yung suso ko!” Pagbibiro ko ng humampas yung kamao namin sa dibdib.
“Hahaha sira ka! Wala ka non! Hahaha” Pag tatawa niya sabay agwat sakin
Bigla siyang nag arms sidewards at sinabing “Yakap na! Alam kong nabitin ka kanina!”
Kinilig Ako sa sinabi niyang iyon at hindi na Ako nagpa bebe pa at agad ko siyang niyakap.
Bigla rin siyang yumakap sakin.
Ang sarap ng feeling na kayakap mo yung taong mahal mo. Ang Warmth ng feeling. ☺️☺️☺️☺️
Hinayaan niya akong nakayakap sa kanya bago siya nagsalita. “Oyy wag ka masasanay ha hahaha diko ako sanay hahaha Tsaka walang mag Tropang nagyayakapan hahaha”
Dahil sa sinabi niyang iyon ay binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap bago tuluyan bumitaw.
“Yes, Papi hahaha” Sambit ko sa kanya na nakangiti “Tara ayusin na natin itong stocks mo!”
Pinagtulungan namin isaayos ang mga groceries niya at humanap na rin siya ng container na pwedeng paglagyan ng bigas nya.
Napansin ko na wala talaga siyang food stocks sa bahay.
Sinabi naman niya na yung bayad sa kanya sa palengke ay ibinibili niya agad ng karne at inihahabilin sa kapit bahay niya na kusang loob din na tumutulong sa kanya.
Pag may nangangailan daw ng tulong ay bigas o delata na Lang ang hinihingi niyang kabayaran sa halip na pera.
Ayaw kase niya tumanggap ng pera dahil pakiramdam daw niya ay mas lalong nakakapang liit iyon sa pagkatao niya.
Pagkatapos namin isaayos ang mga stocks niya ay nagpahinga Lang ako saglit. Nagpaalam na rin ako na uuwe na rin dahil kailangan din niyang matulog at samantalahin na Wala silang rehearsals ngayong araw.
Inihatid niya Ako sa sakayan ng tricycle.
“Chat moko pagka uwe mo ha” Pagpapaalala nito sakin habang naka akbay
“Yes boss! Hahaha” Tugon ko sa kanya “Chat mo rin ako pag ubos na stocks mo ha! Wag ka na mahihiya sakin at mag tropa naman tayo!”
“Yes ma’am!” Pagbibiro niyang tugon sakin
Pagkasakay ko ay agad ko siya pinauwe para makatulog na
Nasa kalagitnaan ako ng biyahe pauwe ng mag chat siya sakin.
“Oyy may naiwan ka!” Chat niya sakin
Agad ako nag double check ng mga dala ko, kumpleto naman.
Sa curiousity ko ay nag reply Ako ng “Anong naiwan ko?”
Agad siya nag reply sakin
Ikinapula ng mukha ko ang nabasa ko.
“Yung Puso mo naiwan mo sa dibdib ko nung niyakap moko! ❤️❤️❤️❤️”
Tuliro
“Papi, nandito nako sa may labas ng court” Text ko kay JB pagkarating ko sa court ng Barangay San Mateo kung saan gaganapin ang sinalihan nilang dance competition.
Natagalan ako sa pagreply niya kaya nag pasya Ako na pumasok na sa venue.
Medyo madilim, maingay at maraming Tao tulad ng pangkaraniwang event.
Sinubukan kong hanapin sila Prince dahil sabi niya ay pupunta rin daw siya kasama ang ibang tropa nila.
Subalit nabigo ako na makita siya. Kaya’t naghanap ako ng pwede kong pwestuhan habang hinihintay na magtext si JB.
Nagsimula na ang programa subalit Wala pa rin ako natanggap na text. Inunawa ko na Lang na baka busy sa last minute rehearsal ang grupo nila.
Nanatili akong mag-isa at palinga-linga sa madilim na paligid para makita man Lang kahit isang kakilala.
“Nakakainip pag walang kasama” Sambit ko sa isip ko
Ang plano ay kasama ko dapat si Bebang kaso nag chat sya na Hindi na raw siya makakasama dahil Hindi raw niya maiwan mag isa ang kanyang ina. Nauunawaan ko naman ang dahilan niya sadya Lang na medyo nakakainis dahil nag chat sya nung nasa plaza nako at naghihintay sa kanya.
No choice Ako kundi magpunta mag isa dahil gusto ko ipakita ang suporta ko sa taong pinakamamahal ko 😍😍😍
Nag stay na ako sa isang pwesto at Hindi na umalis dahil maganda ang spot na yon, kitang-kita ang kabuuan ng stage na pagsasayawan ng mahal ko ❤️❤️❤️❤️
Pasado alas nuebe ng nagsimula ang programa. Medyo ngalay man sa pagkaka tayo ay tiniis ko iyon para Kay JB
“Sana makita niya ako dito” Pagkausap ko sa sarili na napapangiti mag isa.
“Please welcome the next group, The Dance Royalties!” Pagpapakilala ng host sa grupo nila JB na nagpa excite sakin
Yun ang sinabi niya na pangalan ng grupo nila 3 days ago.
Sa wagas mapapanood ko na ang pinaghandaan at pinag paguran nilang sayaw ng mahigit isang linggo.
Pagpasok ng grupo sa stage ay nagpunta na ang bawat isa sa kanilang mga blockings.
Pinilit kong hanapin si JB at nakita ko siya sa bandang left side corner ng stage.
Tanging sa kanya Lang ako nakatitig sa buong performance nila. Hindi mawala sa isipan ko na sana makita niya Ako sa pwesto ko.
Ang suot nila ay may pulang panyo na ginawang bandana, colored stripes na t-shirt na pinatungan ng maong jacket na terno sa maong pants.
Ang genre ng sayaw nila ang magkahalong hip hop, crumpings at exhibitions. Ang dance music naman nila ay remix ng Mobe, Moviendo Canderas by Yandel at IDOL ng BTS.
Lahat ng information na yan ay galing Kay JB hahaha Sinabi niya sakin thru chat.
Makalipas ng 5 minutes performance ay agad silang nag exit sa kanan ng stage.
“Hays mas matagal pa pinag hintay ko kesa panonood” Reklamo ko sa isipan ko
Dahil napanood ko na ang gusto kong makita ay umalis Ako sa pwesto ko at naghanap ng pwede kong mauupuan para ipahinga ang mga nangalay kong mga binti.
Nakalabas nako ng court pero Wala akong nahanap na pwedeng pagpahingahan.
Naisipan ko na Lang na magpunta sa public CR na malapit sa Court.
Habang umiihi ay Iniisip ko ang nakakamanghang pagsayaw ni Papi JB . Yung mga swabeng movements niya, Mga pagpitik ng balikat at yung mga ngiti niya habang sumasayaw.
Pagkalabas ko ng banyo ay agad akong nagtext Kay JB at pinuri ang angking galing niya sa pagsasayaw.
Napagpasyahan ko na rin na kumain muna ng kwek-kwek at iba pang masarap kainin.
Nakigaya na rin ako sa ibang Tao na nakaupo sa Gutter ng kalsada. Pumuwesto ako paharap sa entrance ng court para makita ko agad pag lumabas si JB.
30 minutes na ang nakalipas pero diko pa rin siya nakikita ulit. Naka limang bili na yata ako ng machichibog pero kahit isang text ay Wala akong natanggap.
Nang nakaramdam nako ng pagkainip ay nag decide nako na umuwe. Pero susubukan ko ulit na hanapin siya sa loob ng court sa huling pagkakataon.
Agad ko siya hinanap sa mataong lugar na iyon. Nagtangka rin Ako pumasok sa backstage pero diko makita ang pasukan.
Pagtingin ko sa labas, sa gawing kanan ng court, ay may mga tao na labas-masok sa pinto doon. Nakita ko rin ang ilang dancers na kabilang sa ibang grupo na nandoon.
“Ayun yata yung entrance!” Wika ko sa sarili
Muli akong lumabas ng court at nagtungo sa iniisip kong pasukan ng mga contestant.
Nang nakompirma ko nga na iyon nga ang daan papunta ng backstage ay sumilip-silip ako at sinubukang pumasok.
Nang nasa loob nako ay medyo masikip dahil sa dami ng Tao. Ang iba ay napapatingin sakin at napansin na Hindi Ako kasali sa ano mang grupo.
Sinubukan ko na magtext ulit Kay JB at umaasa na mag reply sya.
Ilang saglit pa ay nakita ko siya, Pero yung excitement ko ay bahagyang nawala sa nasaksihan ko.
Nakita ko siya na masayang nakikipag selfie sa isang babaeng dancer at naka akbay sya.
Alam ko sa sarili ko na Hindi Ako dapat mag selos dahil malinaw sakin na tropa Lang kami. Pero may isang bahagi sa loob ko na kumirot dahil sa nakita ko.
Bigla akong nakaramdam ng panglalamig sa katawan. Patuloy pa rin akong nakatingin sa kanila na paulit-ulit na nag seselfie.
Natauhan lang ako ng aksidenteng may bumunggo sa kaliwang balikat ko.
Muli akong sumulyap Kay JB at muling nagbaka sakali na makita niya ako pero bigo pa rin ako.
Pagtalikod ko ay nag derederecho nakong lumabas ng backstage at umalis sa venue.
Naguguluhan Ako sa nararamdaman ko. Nag seselos ba Ako? May karapatan ba Ako?
Batid ko sa sarili ko na alam ko ang sagot pero patuloy pa rin akong nagtatanong sa sarili ng paulit-ulit.
Naiisipan ko rin na bumalik pero parang wag na lang. Para akong trumpo na paikot-ikot sa isang pwesto dahil diko alam kung babalik ba ako o Hindi.
Paglingon ko sa kabilang side ng court ay nakita ko ang grupo ni JB dahil sa suot nila.
Isa-isa ko silang tiningnan at pilit na hinahanap si JB. Nakita ko siya sa bandang hulihan.
Kasama pa rin niya yung babaeng dancer at naka akbay pa rin siya. Akbay na parang akbay na mag syota.
Bigla akong nakaramdam ng pagkataranta. Parang Bigla akong natakot at nahiya na baka makita niya ako.
Dinadalangin ko na Hindi niya Ako makita, taliwas sa gusto kong mangyari kanina.
Wala sa sarili akong lumakad Paalis ng court. Nagpunta ng tabing kalsada at naghintay ng jeep pabayan.
Palingon-lingon Ako sa paligid habang naghihintay ng sasakyan at pag iisip na sana Hindi niya Ako maabutan.
Mula sa direksyon ng court ay naaninag ko ang grupo niya na mga naka colored stripes na damit.
Paulit-ulit Ako ng dasal na sana may dumating nang jeep at agad akong maka sakay bago pa niya Ako makita.
Sa kabilang banda ng isip ko ay kung pasakay na rin Sila ay sana Hindi ko Sila makasakay sa jeep.
Nang may tumigil na pampasaherong jeep ay agad ako sumakay at doon Ako naupo sa likod ng passenger seat na katabi ng driver.
Pagka abot ko ng bayad ko ay muli akong lumingon sa grupo nila. Dere-derecho ang lakad nila papunta sa jeep na sinasakyan ko.
“Sana Hindi Sila dito sumakay! Manong umandar ka na!” Paulit-ulit kong dasal sa aking isipan
Pagtingin ko sa driver ay nakatingin ito sa direksyon ng mga Tao na nangmumula sa court at tila naghihintay pa ng pasahero.
Hindi ko alam kung Bakit Ako natataranta at natatakot ng ganon. Ano naman kung makita Ako ni JB? Bakit ba Ako naiwas? Bakit ba Ako nagmamadali? Bakit ba ganitong ang pakiramdam ko?
Nang lumingon akong muli sa grupo nila JB ay ilang metro na Lang ang layo nila sa jeep.
Biglang tumigil ang nasa unahan na ka-dancer niya sa isang tindahan at bumili.
Gumaan ang pakiramdam ko ng maramdaman ko na umandar na ang jeep.
Muli akong tumingin sa direksyon nila. Bago sila mawala sa Paningin ko ay lalo akong nakaramdam ng sakit.
Nakita kong hinalikan ni JB sa kaliwang pisngi ang babaeng kaakbay niya.
Habang nasa biyahe ay di ko maituwid ang aking isipan. Girlfriend niya ba yon?
Mula sa kinauupuan ko ay nakatanaw ako sa kadiliman ng labas, sa pinang galingan ko.
Hindi maipinta ang mukha ko. Hindi Ako mapakali sa nararamdaman kong sakit.
Ang daming bagay na pumapasok sa isip ko. Nag uumpisa na naman akong mag Overthink sa mga bagay-bagay.
Mga bagay na “paano kung??”
Pagkababa ko ng jeep ay naghintay ako ng tricycle. Pagtingin ko sa harap ko ang natanaw ko ang Jollibee plaza.
Muling bumalik sa akin yung mga alaala na magkasama kaming kumain doon. Mauulit pa kaya yon ngayong may girlfriend na siya?
Mang may tumigil na tricycle ay agad Ako sumakay at umuwe ng bahay.
Wala ako sa sarili na pumasok ng gate. Sa pagkabalisa ko ay di konna nagawang pansinin ang ang alaga kong aso na masigla akong sinalubong.
Pagpasok ko ng bahay ay nagtuloy-tuloy Ako hanggang sa kwarto. Naupo sa gilid ng akong kama at nag iisip.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nasa ganong pwesto.
Muli lamang akong natauhan ng lumapit ang aking dalawang aso at naupo sa tapat ko. Bigla kong naalala na Hindi ko pa pala Sila napa pakain ng hapunan dahil nagmadali akong umalis kanina.
Habang inihahanda ko ang pagkain nila ay lumilipad pa rin ang isip ko.
“Dapat Hindi na Lang ako nagpunta.. Pero kung Hindi naman ako nagpunta ay Hindi ko malalaman na may girlfriend na sya.. Ano naman ngayong kung may girlfriend na siya?? Bakit ba Ako nag seselos?” Pagkausap ko sa sarili na tila hinahangin na ang utak ko dahil sa pagka balisa.
Hanggang sa pagtulog ko ay iyon pa rin ang iniisip ko. 3am na pero Hindi pa rin ako makatulog. Ang lalong nagpadagdag sa kabaliwan ko ay hanggang ngayon ay Wala pa rin text o chat si JB.
Mag iisip Ako kung mag tetext na Ako o wag na lang.
Dahil Wala ako sa katinuan ay mag text Ako sa kanya ng “Nakauwe ka na?”
Paulit ulit kong pinagmasdan ang sent message na parang gusto kong bawiin pero nag send na.
Naka tulugan ko na ang pagka balisa ko.
9am na ng nagising ako. Pagkatapos ko mag unat ay agad ko tiningnan ang cellphone ko. Walang text st Wala rin chat.
Muling bumalik sakin lahat ng nangyari kagabi.
“Ang aga kong magpaka balisa” Pagkausap ko sa sarili ko
Bumangon nako at ginawa na ang usual routine ko pag gising. Kasama na doon ang pag Goodmorning sa gc namin ng dalawa kong kapatid st Kay JB.
“Active 15 hours ago” Pagbigkas ko sa duration ng inactivity niya.
Habang nagkakape at nakikinig ng mga old songs sa Radyo ay bigla kong naalala na linggo nga pala ngayon at Hindi ako nakasimba ngayong umaga tulad ng nakasanayan ko.
Hinampas ko ang noo ko ng tatlong beses gamit ang kanang kamay ko
“Focus! Focus! Focus!” Sambit ko habang hinahampas ang sarili
Napag pasyahan kong maglinis ng bahay para ma divert ang isipin ko.
Habang naglilinis ay patingin tingin ako sa oras dahil naghihintay Ako ng text mula Kay JB.
Maghapon ako naghintay pero Wala siyang paramdam.
Lalo akong nag overthink. Ini stress ko ang sarili ko.
4pm nag decide Ako na maligo at sumimba ng afternoon mass. Para humingi ng katinuan ng isipan sa Panginoon.
Pagdating ko nasa kalagitnaan na ng homily. Doon nako pumuwesto sa labas ng Katedral, sa may patio.
Rinig naman mula sa mga speakers ang buong seremonya.
Habang nag mimisa ay patuloy pa rin ang lipad ng isipan ko.
Para akong baliw na palinga-linga sa paligid dahil baka andito rin si JB kasama ang girlfriend niya at ayokong makita niya ako.
Sa kabila ng pagka Tuliro ko ay nagawa ko pa rin makapag focus kahit konti sa Misa.
Nanatili akong Wala sa sarili hanggang pag uwe ng bahay.
Patuloy pa rin akong nag iisip kung bakit wala pa rin paramdam si JB sakin.
Nag uumpisa na naman akong mag isip ng kung ano-ano hanggang mapadaan Ako sa harap ng salamin at kinausap ang sarili.
“Alam mo ba yung salitang TANGA? Oo bakit? Kase Ikaw yon! Para kang tanga na nagpapakabalisa ehh Wala namang kayo! Tropa ka Lang naman niya diba? Diba? Kaya umayos ka!”
Tumahimik ako habang nakatitig sa sarili kong reflection.
Biglang tumunog ang cellphone ko.
Kinuha ko iyon at nabuhayan Ako ng sarili ng makita ko ang pangalang “Papi JB”
JB; oyy pasensya na ngayon Lang ako nakapag reply.. diko kase hawak ang cp ko.. pag uwe ko ay deadbatt.. Hindi ko agad nai charge dahil sa pagod at antok.. musta ka na?
Ako; okay Lang ako.. Kamusta ang sayaw? Sinong nanalo? Anong oras ka nakauwe?
JB; 5am na kami nag uwian at nagka inuman pa kami doon Lang din sa San Mateo.. Di Kami nanalo pero may consolation hehehe Ikaw Anong oras ka umuwe kagabi? Sorry Hindi kita nakita kagabi yaan mo babawi ako sayo pag nagkita tayo
Ako; Wala yon ayos lang sakin yon at nauunawaan ko naman na busy ka kagabi
JB; Salamat pala ulit sa pag suporta hehehe
Hindi ko na nagawang mag reply sa text niyang iyon dahil diko na alam ang sasabihin ko.
Binitiwan ko muna ang cellphone at nag isip kung ano-ano ang pwede kong sabihin o kung itatanong ko ba kung sino yung babae na hinalikan niya at kung ano ano pang bagay.
Nawala ako sa pag iisip ko ng Muling tumunog ang cellphone ko
JB; oyy bakit hindi na na nag reply? Busy ka ba?
Ako; pasensya na may iniisip lang
JB; bagong pick up line? Hahaha
Ako; Hindi ibang bagay
JB; ano Naman?
Muli akong tumigil sa pag reply at muling nag isip kung magtatanong ba Ako o Hindi
JB; hey! Galit ka ba?
Ako; Hindi
JB; okay ka Lang ba?
Ako; oo
JB; naninibago ako sayo.. ayos ka Lang ba talaga? Sorry na kung galit ka at Hindi kita nakita kagabi.. Bawe ako sayo promise Gusto mo magkita tayo ngayon?
Ako; pass na muna next Time na Lang Wala ako sa mood
JB; sus! Galit ka nga, Sorry na! Ano ba kase yon sabihin mo na?
Sa pagkakataon na iyon ang nag decide nako at lakas loob nakong nagtanong sa kanya
Ako; itatanong ko Lang pero wag ka sana magagalit.. sino yung babae na kaakbay mo kagabi?
Bahagya siyang natagalan na mag reply sa tanong ko
JB; ahh si Chichay yon! Bagong girlfriend ko hehehe
Nanglambot Ako sa nabasa kong text niya ‘Girlfriend ko’
Ako; naks! May jowa kana pala hehe kailan pa kayo ? Di mo sinabi?
JB; oo hahaha pasensya na kung Hindi ko nasabi agad nung Friday lang naging kami..
Ako; congrats!
JB; Salamat hahaha Ayos Lang ba sayo?
Ako; Oo naman noh hahaha
JB; baka galit ka?
Ako; Hindi ahh Bakit naman ako magagalit eh tropa Lang naman tayo hahahaha
JB; Salamat tropa Wait lang mag iigib Lang ako para maka ligo na hahaha text kita mamaya
Ako; G
Lalo akong nanglumo sa pag uusap namin na iyon.
Pakiramdam ko ay tinakasan na ko ng kasiyahan ko
“Ang sakit!” Tanging nasambit ko at kumawala ang mga luha sa mga mata ko.
Inilabas ko lahat ng sakit na naramdaman ko sa pag iyak.
Hinayaan kong dumaloy ang luha ko at mabasa ang mukha ko. Wala akong ibang mapag balingan kundi ang aking unan.
Mahigpit ko itong niyakap at doon ko ibinuhos yung sakit. Sakit na diko alam kung bakit ko nararamdaman. Alam ko, batid ko at tanggap ko na Tropa Lang Kami pero Bakit Ako nasasaktan ng ganito.
Dahil ba sa kabila ng pagiging tropa ko ay Hindi ko namamalayan na umaasa pa rin ako? O pinapaasa ko Lang ang sarili ko? O Ako mismo ang nanakit sa sarili ko dahil pinagpatuloy ko pa rin yung nararamdaman ko kahit alam kong sa umpisa palang ay Hindi na dapat?
Patuloy Lang akong umiiyak hanggang napagod ang sarili kong mga mata at natulog na.
“Ang sarap at ang hapdi rin nitong pag-ibig” Mga salita mula sa aking panaginip at nadala ko sa aking pag gising kinabukasan
Halos wala akong gana na kumilos ng araw na iyon pero kailangan kong gumalaw dahil kailangan.
Buong araw akong Tuliro.
Hindi nako masyadong nag rereply sa mga chat ni JB at nag dadahilan ako na busy sa mga gawain ko.
Mula ng araw na iyon ang naging matumal na ang palitan namin ng communication ni JB.
Sa kadahilanang siya ay kausap si Chichay at Ako naman ay unti-unti ng umiiwas sa kanya.
Nagdaan ang mga araw at linggo na halos Hindi na kami nagtetext at nagchachat ni JB.
Pag nakita kong online sya ay mag ooffline Ako o mag switch account ako.
Ginagawa ko iyon Hindi dahil sa nag iinarte Ako. Ginagawa ko iyon dahil nasasaktan ako pag nakikita ko ang pangalan at picture niya. Nakakaramdam ako ng iba’t-ibang negative emotions tulad ng selos, pagka inggit at galit sa sarili.
“Miss na kita..” Lagi kong sambit tuwing nakikita ko ang pangalan niya sa Active list ng messenger ko.
Lalo akong nakaramdam ng sakit ng makita ko ang picture niya na kasama ang girlfriend niya habang pisil-pisil ang mukha niya.
Bakas sa mga mata ni JB ang kasiyahan niya sa pakikipag relasyon niya Kay Chichay.
Hindi ko na kinaya ang sakit na naramdaman ko kaya nag decide Ako na I-unfollow sya sa Facebook. Pati ang mga My Day Stories niya ay naka mute na rin sakin.
Sa paglipas pa ng ilang linggo ay tuluyan nang nawala at naputol ang communication namin.
Ang dating conversation namin na puno ng cheesy at corny na pick up lines ay binura ko na. Iniiwasan ko na rin na kumain sa fast food chain na madalas namin kinakainan noon.
Hindi ako nagsisisi na nagbigay ako ng kung Anong meron Ako sa kanya. Ang tanging sinisisi ko Lang ay ang aking sarili na palihim na umasa.
Ginawa kong output ang pag booking sa iba’t-ibang lalaki para maibsan ang lungkot ko.
Muli kong chinachat ang mga contacts ko at dating mga nabooking ko.
Muli akong bumalik sa pag gastos sa mga lalaki kapalit ng sex.
“Ang hirap pala makipag kaibigan sa taong minamahal mo”
“Minahal ko ang Tao na dapat ay Tropa Lang”
“Masarap ma-inlove, masakit masaktan”
Its raining Men
Kinukulayan ang isipan Pabalik sa nakaraan ’Wag mo nang balikan Patuloy ka lang masasaktan Hindi nagkulang kakaisip Sa isang magandang larawan Paulit-ulit na binabanggit Ang pangalang nakasanayan Tayo ay pinagtagpo Ngunit hindi tinadhana Sadyang mapaglaro itong mundo Kinalimutan kahit nahihirapan Para sa sariling kapakanan Kinalimutan kahit nahihirapan Mga oras na hindi na mababalikan Pinagtagpo Ngunit hindi tinadhana Puso natin ay hindi Sa isa’t isa Hindi na maibabalik ang dati nating pagsasama Ang tamis ng iyong halik ay ’di na madarama Pangako sa isa’t isa ay ’di na mabubuhay pa Paalam sa ’ting pag-ibig na minsa’y pinag-isa Tayo ay pinagtagpo Ngunit hindi tinadhana Sadyang mapaglaro itong mundo Kinalimutan kahit nahihirapan Para sa sariling kapakanan Kinalimutan…
Sa Hindi ko alam na dahilan ay siya pa rin ang naalala ko tuwing naririnig ko ang kanta na yan hanggang ngayon.
Mahigit nang apat na buwan na rin ang nakakaraan mula ng huli ko siyang nakita, nakausap at nakasama.
Hindi ko man siya kamustahin ay alam kong masaya na siya sa taong pinili niyang mahalin. Aaminin ko na paminsan minsan ay ini stalk ko pa rin ang fb niya. Lahat naman siguro ng tao ay naging gawain yon. Sa isang part ng kanilang buhay.. ang mag stalk sa Minahal nila.
Nasa kalagitnaan ako ng pag mumuni-muni ko ng gabi na iyon ng nag chat si Bebang.
“Kamusta ka na kambal? Tagal mo na Hindi nagpapakita sakin! Nakakapag tampo ka na nakalimutan mo na yata ako!” Ani niya sa message
Sa totoo Lang ay iniiwasan ko talaga siya pati lahat ng tao, bagay at lugar na nagpapa alala sakin sa kanya. Kahit ang pangalan niya ay ayaw kong banggitin dahil sa ayaw ko siya alalahanin.
“Apat na buwan na ang nakakaraan kambal! Move on na!” Muli niyang chat na ikinagulat ko dahil tila nabasa niya ang nasa isip ko
Bahagya ako napa ngiti sa Sandaling yon at nagtuloy tuloy ang conversation namin.
Makalipas ang isang oras ay natagpuan ko na Lang ang sarili ko na nakatambay ulit sa Public restroom kung saan ko siya nakilala.
“Kambal, move on na!” Muling banggit ni Bebang Pero sa pagkakataon na ito ay kaharap ko na siya
“Madaling sabihin para sayo kase Hindi ikaw yung nasa sitwasyon ko..” Mapagpa kumbaba kong Depensa
“Oo nga Pero bakla! 4 months na ang nakakaraan noh!!” Tugon niya sakin habang inabot ang bayad ng isang babae na naki gamit ng CR
“Kung sa bagay lampas na rin naman ako sa sinasabi nila na 3 months rule” Sagot ko sa kanya habang nakangiti
“Bakla ka! 3 months rule ka diyan! Bakit? Naging kayo ba? Hahahaha” Pagsisimula niyang pakikipag asaran na sinakyan ko
Nagtuloy-tuloy ang masaya naming gaslawan habang nakatambay sa binabantayan niyang public restroom sa tabi ng bumbero.
Nalibang ako sa muli kong pag tambay sa cr lalo na pag may nilalanding lalaki si Bebang.
Hinihintay ko na may mai booking sya ulit at maging jowa nya ulit tulad ng nakaraan.
Makalipas ang dalawang oras ay may dumaan na isang grupo ng mga lalaki mula sa direksyon ng town plaza.
Na excite ako na baka isa doon ang maging booking ni Bebang ngayon gabi.
“Hi baby!” Malanding pag bati ni Bebang sa mga lalaki na dumaan sa tapat namin.
“Pare Baby daw hahahaha” Reaksyon ng ilan sa kanila at nag tuturuan king sino sa kanila ang sinabihan ni Bebang ng Baby.
Hindi ko mapigilan na magtawa sa pagtuturuan nila na parang gustong Ibugaw ang isa sa kanila Kay Bebang.
Nagpatuloy sa pag lakad ang mga lalaki patungo sa paradahan ng Jeep.
“Hahaha Hopia ang bakla hahahaha” Pang aasar ko Kay Bebang ng mabakas ko sa mukha niya ang pag dismaya dahil Hindi bumalik ang mga lalaki.
“Ayy sorry ka kambal Hindi ako hopia hahaha” Pag Tugon niya sakin na nakangiti sabay turo sa isang direksyon
Pagtingin ko ay bumalik ang mga lalaki at tumambay sa kinaroroonan namin.
Nagpakilala sila isa-isa sa amin ni Bebang at nakipag asaran at landian.
Sila raw si Paolo, Vin, Brian, MJ, Mark, Albert at Ric.
Ang na bet ni Bebang ay si Paolo. Maputi, bilugan ang mga mata at pang romansahan ang dating.
Agad sila nagka palagayan ng loob at pumasok ng Men’s cr.
“Yun nadagit na si Pao hahaha” Wika ni Albert sa amin.
“Mapapalaban ang kaibigan mo diyan Kay Pao hahaha” Pag bibiro sakin ni Vin at sabay silang nag tawanan maliban sa isa pa nilang kasama.
“Tara silipin natin sa loob hahaha” Pag yayakag ni Vin sakin hawak ang cellphone niya at naka ready sa video.
Naisipan kong gayahin din siya at ini ready ang Camera ng phone ko.
Pasimple Kami sumilip sa loob ng cubicle at doon nakita namin si Pao na naka sandal sa pader.
Inumpisahan na ni Vin na mag record habang ako’y nagpipigil ng aking tawa.
Nakisabay nako sa trip ni Vin at kinuhanan sila ng Picture.
“Ayy Tanga!” Wika ko sa sarili ko dahil Hindi ko nai off ang flash ng Camera ko dahilan para mapatingin si Paolo na sumakto sa shot.
“Hoy!! Bakla ka!! Hahahaha” Pag sawata sakin ni Bebang ng makita kami
“Sorry hahaha nakalimutan ko tanggalin yung flash hahaha” Pagbibiro kong depensa ng sitahin niya ako
“Gusto mo pala ako kunan ng picture, sana sinabi mo para nakapag pose ako hahahaha” Pagbibiro ni Paolo sakin
“Scandal sana tol! kaso nahuli mo Kami hahaha” Pang aasar ni Vin Kay Paolo bago Kami lumabas
“Luko ka Vin!” Sigaw ni Paolo ng maka labas na kami ng kaibigan niya
“Ano nakunan niyo ng video yung pag booking Kay Paolo?” Naka ngiting tanong ni Albert samin tila excited na makita ang dapat sana ay Scandal ng kaibigan
“Hindi nahuli Kami!” Tugon ni Vin
“Sorry kasalanan ko hahaha nakalimutan ko alisin yung flash ng camera hahaha” Mahiya hiya kong pag paumanhin Kay Albert “Pero may stolen shot ako hahahaha” Sabay lahad ng phone ko sa kanila na ikinatawa nila
“Pa booking na pa booking ang hitsurahin ayyy! Hahahaha” Wika ni MJ
“Hahahaha sayang!! May pang blackmail na sana tayo pag ayaw niya tayo paisahin sa mga babae niya hahahaha” Pabirong pang hihinayang ni Mark
“Baka abot pa Dali kunan ulit natin hahahaha” Pag pupumilit ni Brian
“Mga siraulo kayo! Wag kayong hihingi ng Jeta sakin mamaya” Nakangiting bungad ni Paolo pagka labas niya ng cr.
Kasunod niya si Bebang na nagtatawang nakatingin sakin “Napaka mo talaga kambal!”
Nagtawanan kami paglabas nila at nag asaran sa nangyari.
Maya-maya ay umalis si Bebang at sandaling nawala. Pag balik nito ay may kasama siyang isang babae at isang lalake at naupo sa pwesto niya.
“Tara kumain ng Lomi sa Adrian’s! Libre ko!” Pagyayakag ni Bebang sa amin na agad sinang ayunan nila Vin
“Yon food trip hahahaha sakto kanina pako ng gutom!” Masiglang reaksyon ni Brian
“Tara! Tara! Baka magbago pa isip ni Bebang hahahaha” Pag segunda ni Albert
Tumayo na Kami lahat para magpunta sa kakainan namin
“Ric, Tara! Hindi ka ba sasama?” Pagyayakag ni Paolo sa isa pa bilang kasama yung kanina pang tahimik
Pagkayakag ay agad tumayo si Ric at naka sunod sa amin.
“Pipi ba yung kasama nyo?” Tanong ni Bebang habang naglalakad sa unahan ng Grupo.
“Pag Pasensyahan niyo na yan! Bad mood Lang yan! Pero mabait yan!” Wika ni Paolo sa amin ni Bebang habang naglalakad
“Mabait yan! Di yan nangangagat hahaha” Pang aasar ni Vin Kay Ric na nasa likuran
“Wag kayo mag alala may turok yan ng anti rabies hahahaha” Pag segunda ni Albert
Napagbuntunan nila ng asar si Ric na tahimik Lang sa likod at walang reaksyon.
“Uyy peram naman cellphone mo mag selfie Lang ako!” Pag kulbit sakin ni Mark na nasa kaliwa ko at agad kong pinahiram.
“Nako!! Bakit mo pinahiram! Itatakbo niya yan! Hahahahaha” Pananakot sakin ni MJ na nagtatawa sa kanan ko
“Ulol! Hahaha ano tingin mo sakin snatcher! Hahahaha” Depensa niya at agad nag selfie
“Hahah biro Lang Hindi niya iyon itatakbo” Pag bawe niya sa pananakot niya na ikinapanatag ko “Pero pupunuin lang niya ng selfies niya ang Gallery mo hahahaha”
“Eh?!? Adik sa selfie? Hahahaha” Reaksyon ko sa sinabi niya
“Oo sobrang adik! Kaya ayoko ipa hiram phone ko diyan ihhh” Naka ngiting Wika ni MJ sakin “Naiwan ko Lang cellphone ko sandali pagbalik ko puro mukha na niya ang nasa Gallery ko”
Dahil sa sinabi niyang iyon ay natawa ako at napatingin Kay Mark na kasalukuyang nag burst selfie.
After 32 minutes ay nakarating na Kami sa Adrian’s Eatery at Habang hinihintay namin ang order ni Bebang na Lomi ay nag sasalawan Kami maliban kina Ric at MJ.
Dahil sa Curiosity ko ay tinanong ko si Vin na nakaupo sa kaliwa tungkol sa dalawa.
Sabi niya si Ric daw ay sadyang silent type person. Si MJ naman daw ay laging tutok sa kanyang cellphone tulad ng ginagawa niya ngayon.
Palagi raw maraming ka chat si MJ na mga babae at Hindi raw makikita na walang syang hawak na cellphone.
“Tingnan mo ohh parang abnoy tumatawa ng mag isa hahahaha” Dagdag na pang aasar ni Vin sa walang kamalay-malay na si MJ.
“Mamaya pauwe na yan kase low battery na hahahaha” Patuloy ang pag kwekwento ni Vin tungkol sa kaibigan. Talagang kilalang kilala na nila ang isa’t isa.
Bigla akong nag Segway sa kanya kung Anong Facebook account niya para mai add ko.
Ini abot ko ang phone ko sa kanya at hinayaan na siya ang mag type
“Naks yayamanin naka iPhone!” Pang aasar nito sakin
“Baliw ka hahaha bigay Lang yan sakin ng ate ko hahahaha” Depensa ko sa kanya
“Eh di yayamanin nga hahahaha” Muli niyang buwelta
“Ngayon mo Lang napansin? Hahaha” Pag sali ni Mark sa usapan namin “Kaya nga naki selfie ako ihh at maganda ang camera”
“Maganda nga ang camera lagi naman low battery hahahaha “ Muli kong pag Depensa dahil naging topic na yung cellphone ko
“Yun Lang laging low battery nga pag iPhone hahahaha” Dagdag ni Mark
“Kaya nga lagi akong may dala na power bank ihh hahahaha” Sambit ko
“Ayon sakto! Low batt nako! Pahiram naman ako!” Sambit ni MJ na nakikinig pala sa aming kwentuhan
“Oo pwede kaso Lang cord ng iPhone ang dala ko, Wala akong android cord” Pagpapa unlak kong Tugon Kay MJ
“Ge Ayos Lang meron akong dala” Pag Tugon niya “Pahiram ako ha pa charge”
Kinuha ko sa bulsa ko ang power bank at iniabot sa kanya at agad siyang nag charge ng phone niya
“Sabi ko sayo ihh low batt na Yan Hahahha” Bulong sakin ni Vin sabay abot ng phone ko naka display ang Facebook account niya
“Kung Wala kang dala na power bank nagyakag na yan pauwe” Dugtong ni Mark Kay Vin
Habang inaasar nila ang kaibigan ay nag stalk ako sa fb ni Vin. Agad kong pinindot ang ‘Add Friend’ button.
Pinusuan ko rin ang display picture niya naka naka Blue and white sya at naka sakay sa isang sasakyan
Bago Kami matapos kumain ay nagyakag sila ng inuman.
“Babe, Tara mag inum?” Pagyayakag ni Paolo Kay Bebang sabay akbay sa kanya
Nagtawanan naman Kami lahat dahil sa gesture ni Paolo
“Babe? Yung Pig in the City? Hahahaha” Panimulang pang aasar ni Albert sa dalawa na ikinatawa ko dahil napa nood ko yung movie na yon
“Siraulo ka Albert hahahaha” Pagtatawawang reaksyon ni Paolo Sabay paltok ng kinuyumos na Tissue
“Hahaha oh? Yun yon diba? Hahaha yung pina nood natin noong isang gabi hahahaha”
Nagtuloy-tuloy ang asaran, kanchawan at laitan bilang magkakatropa habang ako ay nakikitawa na Lang sa kanila.
“Ano Babe? Tara? Shot tayo?” Muling tanong ni Paolo Kay Bebang
“Anla dipa ako pwede ngayon at hanggang bukas ng umaga pako bantay”alungkot na pagtanggi ni Bebang “Kung gusto mo bukas pwede ako Wala akong lakad”
“Luh? Bukas pa? Gusto ko sana ngayon! Alam mo na!” Pagbibigay motion ni Paolo Kay Bebang na mgusto niya magpa booking
“Bukas na promise!” Tugon ni Bebang “Sure yon kina kambal tayo!” Sabay turo niya sakin
“Hala!! Bakit sa amin??” Gulat kong ekpresyon dahil bigla niyang pag set ng ganap sa bahay “Hindi pako nakakapag links ng bahay! Amoy aso pa salas ko!”
“Eh di linisin natin bukas ng hapon tulungan kita!” Pag ooffer ni kambal ng tulong “Wag ka nang maraming dahilan at sagot ko na ang inuman sayo na Lang ang Place kambal!”
“Oo nga! Sa inyo na Lang tayo! Para walang hassle!” Pag suporta ni Vin Kay Bebang sabay akbay sakin na may nakakalokong ngiti
Ganun din ang ginawa ng iba bilang kasama kaya Hindi nako nakatanggi.
“Okay” Maikling Tugon ko 😰😰😰😰
Habang tinatahak na namin ang daan pabalik sa cr ay tumabi sakin si Albert at Mark
“Pa selfie ulit!” Pag papaalam ni Mark sabay abot ko ng phone ko
“Ako rin ha pa selfie tas pa send na Lang sakin!” Dagdag naman ni Albert
Ang cute nila pag masdan habang nag aagawan na mag selfie.
“Oyy pa send muna ng mga pictures ko bago punuin ni Mark ang gallery mo” Wika ni Albert “Add mo na rin ako sa Facebook”
Agad ko sinearch ang fb niya at naglaway ako sa DP niya
“Wow ang Yummy hahahaha” Pagnanasa ko sa picture ni Albert
“Yown! Yummy daw hahaha” Pang asar ni Mark Kay Albert na idinaan Lang niya sa ngiti
“Bukas sa inuman mas yuyummy pa yan Hahahha” Nakangiting Sambit ni Albert na ikinataas ng Libido ko sa katawan Pagtingin ko sa kanya at naka ngiti ito na nakakaloko
“Pa send ako ng pictures ko ha! Wika niya sabay kindat sakin 😉
“Oyy pera mother pa selfie ulit!” Ani ni Mark na pinahiram ko agad matapos ko isend Kay Albert ang selfies niya
Hanggang sa maka balik Kami ng CR ay nanatiling mataas ang libido Kay Albert lalo na pag nagkakatinginan Kami at ngingiti siya sakin.
Ilang oras pa ang lumipas ay napag pasyahan na nila na umuwe na dahil mahirap daw makasakay pauwe sa kanila pag dis oras ng gabi.
Nagpaalaman Kami sa bahay isa, nagkamayan at nagpaalala na bukas ay may ganap.
Mang magtagpo ang tingin namin ni Albert at magkamayan Kami ay Hindi ko maiwasan na tagal an ang hawak sa kanyang kamay na Hindi naman niya pinalagan. At bago siya bumitaw ay muli siyang kumindat sakin sabay ngiti.
Nang maka alis sila ay nag Plano na Kami ni kambal kung paano ng ganap bukas. Kung Anong oras siya mamimili at magluluto at ano oras siya pupunta sa bahay para tulungan ako maglinis at Anong eksaktong oras sila papapuntahin.
Nang maisaayos na namin ang lahat ay nagpaalam nako sa kanya para umuwe na rin dahil hanggang 6am pa siya.
1:23am nako nakarating ng bahay Pagkatapos ko gawin ang ilang mga gawaing bahay ay nahiga nako.
Pag Bukas ko ng Facebook ay may Friend request ako
Rick Hard sent you a friend request
Pag stalk ko ay si Ric, yung silent type na barkada nila Vin at Paolo
May message request din sya sakin na ipinagtaka ko
“Pwede ba ako sumama diyan bukas?”

