PANAKOT SA BATA ✔
cutiecane23 · 3 chapters · 5,668 words
FRONT PAGE
Disclaimer
All characters appearing
in this work are fictitious.
Any resemblance to real
persons, living or
dead, is purely
coincidental.
“No to plagiarism”
Thank you, Barbie Morci for this cover😘
Date started:
11.07.22
Date Ended:
11.07.22
Status:
COMPLETED
©2022Cutiecane23
THAT GHOST IS MY NEW BOSS
FULL STORY
THIRD PERSON’S POV
“NAY! TAY! Natanggap po ako sa trabaho!” Malakas na pahayag ni Hannah dala ang magandang balita.
Mabilis na nagsilapitan ang kanyang mga magulang at kapatid dahil sa kanyang sinabi. Hawak ang lumang cellphone ay binasa niya ang email galing sa kompanya na pinag applayan.
“Talaga anak!?” gulat at hindi makapaniwalang saad ng kanyang ina.
“Di ba sa maynila iyan, Hannah?” Masaya pero may mababakas namang pag aalala sa boses ng kanyang ama.
“Opo, nag pasa po ako ng resume sa isang kilalang kompanya, hindi ko po akalain na matatanggap po ako,” tuwang-tuwa pa niyang tugon sa mga magulang at nagawa pang yumakap sa mga ito.
“Ate! Congrats po!”
“Congrats, ate!
Sigaw rin ng kanyang mga nakababatang kapatid. Dahil malaki ang kanilang pamilya at marami pa siyang kapatid na dapat pag aralin, sinikap ni Hannah na makapag tapos sa kolehiyo upang matulungan ang mga magulang.
Ngayon nga ay pakiramdam niya malapit na niyang maabot ang pangarap na iyon.
LUMIPAS ang isang linggo at nakarating na rin siya sa syudad. Malaki, maingay ay talagang abala ang lugar na ito, di gaya sa probinsya kung saan mabibilang mo ang mga dumadaang sasakyan sa buong maghapon.
Imbis na tumayo at matulala sa dami nang nangyayari sa kanyang paligid, mabilis niyang dinampot ang bag na dala nang makababa siya sa terminal ng bus.
Dahil hindi sagot ng kumpanya ang tirahan ng mga empleyado kaya naman wala siyang ibang pagpipilian kun’di ang maghanap ng sariling bahay na matutuluyan.
“Sana makahanap ako ng bahay na mura at malapit lang sa pinagtatrabahuhan ko,” bulong pa niya sa sarili.
Ngunit dahil hindi pamilyar sa lugar ay halos nagkandaligaw-ligaw pa siya, gano’n rin ay halos hindi kaya ng kanyang bugget ang mga apartment na kanyang pinagtatanungan.
Sumapit nga ang hapon, pagod at gutom na si Hannah, napaupo siya sa may tabing kalsada. Naibaba niya ang mabibigat na gamit para maipahinga naman ang masakit na likod.
“Anong gagawin ko kapag di ako nakahanap ng bahay ngayon? Bukas pa naman ang simula ng orientation ko sa trabaho. Hays, sana pala mas maaga akong pumunta rito para maghanap ng dorm o boarding house na pwede kong tirahan,” malungkot at puno ng pagsisi niyang ani sa sarili.
Habang nakatulala nga sa kalsadang halos hindi nauubusan ng mga sasakyang dumadaan, tila ba ay may narinig siyang mga boses sa di kalayuan kaya naman napalingon siya sa dereksyon na pinag gagalingan noon.
Doon niya napansin ang tatlo kalalakihan na para bang pinagdidiskitahan ang isang matandang babae. Nagmamadali rin siyang napatayo sa gulat nang makita na inaagaw na ng mga ito ang bag na dala ni lola.
‘Teka! Mga loko, matanda pa talaga ang pagnanakawan!’ galit na sigaw niya sa isipan at kinuha ang payong ng kanyang kapatid na may pito na nakasabit mula doon. Wala kasi siyang matinong payong kaya naman iyon na lamang ang ipinadala ng kanyang nanay.
Malakas niyang hinipan ang pito at nagsisigaw. “Kuyang Pulis! Dito po! Dito!”
Natakot naman ang mga magnanakaw dahil akala ng mga ito ay may pulis talagang parating.
Nang makalayo na ang mga lalaki ay nilapitan naman ang matanda upang tulungan. “Lola, okay lang po ba kayo?”
“Oo hija, salamat ah,” pagpapasalamat
pa nito sa kanya.
“Ihahatid ko na po kayo, kukunin ko lamang ang mga gamit ko,” paalam pa niya dito at muling binalikan ang mga dala niyang gamit.
“Hija ang dami mo namang dalang gamit, may pupuntahan ka ba?” nagtataka namang tanong ng matanda habang naglalakad sila sa tabing kalsada.
“Ah, galing po kasi akong probinsya at ngayon po ay naghahanap ako ng matitirahan,” napapakamot sa ulo namang niyang tugon. Bigla siyang nahiya sapagkat hindi niya napag isipan at napaghadaan ng maayos ang pagpunta dito.
“Gano’n ba, naghahanap ka pala ng apartment?”
“Opo, kaso ang mahal pala po ng renta ng mga apartment dito sa Maynila,” makatotohanan niyang saad.
“Tunay iyan hija, bakit di ka na lamang dito sa apartment ko tumuloy. Mura lang,” anito sabay tigil sa tapat ng may kalumaang building.
Ilang beses na siyang dumaan dito sa lugar na ito pero bakit parang wala naman siyang natatandaang ganitong building kanina. Medyo nagtataka tuloy siyang napasilay sa kanyang tabi, ngunit laking gulat niya nang makita na mag isa na lamang siya doon.
Kikilabutan na sana siya kun’di lang niya nakitang kumakaway ang lola mula sa may pinto ng building. Sa halip na mag isip ng kung ano-ano, lumapit na lamang siya kung nasaan ang matanda.
“Baka gutom lang to kaya marami na akong di napapansin sa paligid,” bulong pa niya habang napapailing.
Akala niya mula lang sa labas mukhang luma ito, pero mas matindi pala pagpasok sa loob. Mapapansin ang nangingitim na mga crack sa dingding at gano’n rin ang naninilaw nang tiles sa flooring. May kakaibang lamig din dito sa loob kahit wala namang aircon ang lugar.
“Hija dito,” ani lola kaya nagising siya sa pagkatulala.
“Ah, opo, nandyan na,” tugon naman niya at mabilis na sumama sa matanda pasakay sa elevator na mukhang ano mang oras ata ay titigil sa pag andar.
Mabuti na lamang at di nagtagal ay dumating din sila sa floor kung saan ang kanyang magiging kwarto.
Habang naglalakad sila sa pasilyong iilan ang ilaw na gumagana, bigla niyang naalalang itanong ang ilang bagay.
“Lola, magkano po ang renta?”
“Para sayo hija dahil tinulungan mo ako kanina, kalahati na lang ng tunay na presyo,”
“Talaga po?” Kahit nakakatakot ang lugar na ito, kaya naman niyang pagtiisan wag lang matulog sa ilalim ng tulay.
“So, magkano nga po?”
“1K na lang kada buwan,” tipid na sagot pa nito at nginitian na naman siya na para bang may kakaibang kahulugan.
Medyo kinilibutan man pero magaling na ito sa wala, ayaw pa niyang mabalita na nasasaksak siya ng mga adik dahil sa pagtulog niya sa ilalim ng tulay.
“Hija, dito ang kwarto mo,” saad pa nito nang tumigil sila sa tapat ng isang pinto na may numerong trese. Lalo siyang kinabahan, hindi na lamang niya pinahata.
“S-Salamat po,” aniya ay pilit na nginitian pa ito.
“Wala iyon, magpahinga ka na hija,” saad pa nito matapos iabot sa kanya ang susi. Tumango naman siya at pumasok.
Pagpasok pa lamang niya sa kwarto ay sumalubong na sa kanya agad ang anino sa tapat ng bintana. Naipikit niya ang mata nang matagal, pinigilan niya ang paghinga dahil sa takot at tanging malakas na kabog lamang ng kanyang puso ang maririnig dahil sa kaba.
‘Pagod lang to Hannah, walang multo, okay? Walang multo,’ paulit-ulit pa niyang mantra sa kanyang sarili habang unti-unting iminumulat ang mata.
“Oh di ba, wala,” mayabang pa niyang saad nang makitang wala naman talagang tao sa may bintana. Pinindot niya ang switch ng ilaw at nagliwanag ang buong kwarto, maayos naman iyon at malinis kahit luma na ang pintura sa mga pader.
Panatag na ang kanyang kalooban ngunit paglingon niya sa likod ay mukha ng lalaking hindi pamilyar ang kanyang nakita.
“Hello—” bati pa nito.
“AAHH—” Di na niya naituloy ang pagsigaw sapagkat nawalan na siya ng malay dahil sa takot.
MAKALIPAS nag ilang sandali ay naalimpungatan rin si Hannah at dahan-dahang nagising. Nasa kama na siya at maayos na nakahiga.
“Kumusta na pakiramdam mo?” saad pa ng boses mula sa kanyang gilid. Dahil antok pa at hindi maayos ang kanyang pag iisip kaya kaswal niyang sinagot ang tanong na iyon.
“Mm, okay lang naman, pero ang sakit ng ulo ko,” daing pa niya habang hinahaplos ang likod ng ulo.
“Ah nagkabukol ka ata dahil sa pagbagsak mo kanina,” tugon naman ng kanyang kausap.
Sasagot na sana ulit siya nang maalala kung nasaan siya ngayon at kung anong nangyari kanina. “Gano’n b--- AHHHH!!!! MULTOOO—”
“Hays, nahimatay na naman siya,” bulong pa ng lalaki at muling inayos ang pagkakahiga ng dalaga.
▼△▼△▼△▼△
KINABUKASAN, humahangos na napabalikwas sa higaan si Hannah. Habol ang hininga at tagaktak ang pawis habang inililibot ang paningin sa paligid.
Sa unang tingin ay hindi pamilyar ang kwarto na kanyang kinalalagyan ngayon kun’di lamang mayamaya ay unti-unti ring nagbalik ang kanyang alaala. “Nasa Maynila na nga pala ako— hala! Teka!!!” malakas niyang sigaw nang maalalang umaga na at ngayon rin ang kanyang orientation sa trabaho.
“Jusko late na ako!!!” malakas niyang sigaw at nag madaling inayos ang sarili para makapasok sa trabaho.
Dahil sa pagmamadali ay hindi na niya naisip ang tungkol sa paranormal activity na naranasan kagabi lamang. Dahil mukhang pinagpala siya ng Diyos, ang apartment pala na kanyang tinitirhan ay walking distance lang mula sa kumpanya.
Pagod na pagod man ay pasalamat ni Hannah sapagkat nakaabot siya. Halfway ng meeting ay medyo nakakausap at nakaka kwentuhan na rin niya ang mga bagong magiging workmates.
“Ui, Hannah malayo ba ang bahay mo, bakit late ka kanina?” tanong pa ni Alicia na kagaya niyang probinsyana rin.
“Ah hindi naman, kahapon lang kasi ako dumating dito sa Maynila tapos wala pa akong tirahan kaya medyo napagod ako at napasarap ang tulog kagabi,” nahihiya at medyo napapayuko pa niyang tugon.
Napatawa lamang naman ang kanyang mga kasama at nakisimpatya dahil naiintindihan ng mga ito kanyang sitwasyon.
“Eh saan ka nakahanap ng apartment?” ani Selena sa kanya, isa rin sa kanyang mga kasama sa department.
“Ah dyan lang sa RC building, malapit lang dito,” tugon naman niya.
“RC building? Saan iyon? Parang wala akong napapansin na ganyang apartment malapit dito,” nagtataka namang saad ng mga kasama niya.
“Ha? Pero—”
“Ladies, hali kayo itu-tour ko kayo sa magiging work space n’yo,” saad naman ng kanilang team manager kaya naputol ang munting usapan nila.
Gusto rin sana niyang sabihin na kahit siya ay nagtataka dahil sa biglang pagsulpot ng building na iyon. Pero dahil abala na muli sila kaya hindi na nila ulit napag usapan iyon.
“Bye Hannah!”
“Bye! Ingat kayo!” sigaw rin niya sa mga bagong kaibigan at ka trabaho.
Dahil walking distance nga lamang ang apartment kaya nilakad na lang niya pauwi. Pagpasok sa building ay nakasalubong pa niya ang Lolo na nagpatuloy sa kanya dito.
“Nandito ka na pala hija, hapon ka na ata?”
“Ah opo Lola, marami lang pong nangyari sa 1st day ko sa trabaho,” pagod naman niyang tugon.
Tumango lamang ang matanda at tinapik ang kanyang braso sabay sabing magpahinga na siya. Ngayon, habang sakay ng lumang elevator ay muli niyang naalala ang nangyari kagabi. “Hm baka naman panaginip ko lang yun, oo nga. Imposible namang tunay na may multo di ba?” pangungumbinsi pa niya sa sarili.
Ngunit gaano niya tapangan ang sarili, nawala ang lahat ng iyon nang makarating siya sa tapat ng kanyang kwarto. “Hinga lang Hannah! Walang multo,” paulit-ulit pa niyang bulong habang sinususian ang doorknob.
Isang malalim na hinga ang kanyang pinakawalan bago buksan ang pinto, dahil halos 6 pm na ng gabi kaya naman madilim na ang loob ng kwarto. Dahan-dahan niyang kinapa ang switch, ngunit di pa niya napipindot ay bumukas na ang ilaw sa kwarto.
Gusto sana niyang tumakbo ngunit biglang sumara ang pintuan, nanlalaki ang mata at malamig na pinagpawisan siya sa takot. “Jusko Hannah! Totoo na to!” takot na sigaw pa niya sa isipan nang maramdaman na may presensya ng tao sa kanyang likuran.
Pero bago mahimatay ay naalala niya ang rosariong nakasabit sa kanyang bag, mabilis niyang kinuha iyon at hinawakan bago lumingon.
“Lumayo ka sa ngalan ng panginoon!!!” malakas pa niyang sigaw habang nakapikit.
Ngunit sa halip na mawala ang presensya, mas kinilabutan siya nang marinig ang mahinang tawa mula dito, iyon nga lamang. Hindi kilabot mula sa takot ang kanyang naramdaman kun’di sa kilig???
Mabilis niyang naimulat ang kanyang mata upang silayan kung kanino galing ang malalim pero masayang tawa na iyon. Bumulaga sa kanya harapan ang matangkad na lalaking halatang may lahi, siguro ay Fil-Am.
Base sa suot modernong suot nito na isang pares ng T-shirt at maong na pants, halatang hindi ito galing sa sinaunang panahon.
“Okay ka lang?” inosenteng tanong pa nito sa kanya.
Naisara naman niya ang nakabukang bibig at naibaba ang kamay na may hawak na rosario. Siguro kun’di medyo malabo sa kanyang paningin ang lalaking ito, iisipin niyang normal itong tao.
“Ah totoo ka?” hindi niya makapaniwalang ani. Mula kabataan, hindi naman siya nakakakita o nakakaramdam ng mga multo, ngayon lang kaya naman naninibago siya.
“Oo naman, kahapon pa kita binati,” nakangiti at tila ba ay masayang-masaya nitong turan sa kanya.
“M-Multo ka talaga?” tanong muli niya.
Hindi naman ito sumagot at inilagay ang kamay sa pader, ngunit sa halip na lumapat lang ito doon, tumagos iyon sa pader.
“Okay, okay, gets ko na,” ani Hannah, at patagong kinurot pa ang kanyang braso para magising kung sakaling nananaginip ba siya.
“Anong pangalan mo nga pala?” Tinanggap na niya ang kapalaran na mula ngayon ay may roommate na siyang multo.
“Hindi ko rin alam,” napapakibit balikat naman nitong sagot.
“Ha? Anong ibigsabihin mo?”
“Hindi ko alam kung bakit ako nandito, kung sino ako at kung gaano na ako katagal dito,” anito na mababakas pa ang matinding kalungkutan sa mga mata nito.
Dahil sa awa ay niyaya na lamang niya ito sa may balkunahe ng kwarto, habang umiihip ang malakas at malamig na hangin ay napatingala siya sa kalangitan.
“Ako si Hannah, pasensya ka na kung natakot ako sayo, hindi mo rin naman siguro ako masisisi, di ba?” napapangiti at may kasamang pang aasar pa niyang ani dito.
“Oo naman, pero alam mo ba Hannah, sa lahat ng tumira sa building na ito, ikaw lang ang nakakita sa akin, tapos ilang linggo lang umaalis na sila agad,”
“Siguro hindi ka nga nila nakikita pero nararamdaman ka nila.”
“Sa tingin ko rin, kaya naman mula noon, mag isa lang ako dito,” napapayuko pa nitong pahayag.
Sa totoo lamang, naiintindihan ni Hannah ang nararamdaman ng kawawang multo na ito. Kahit siya ay nakararamdam din ng kalungkutan at pangungulila. Sa tanang buhay niya, ngayon lamang siya napalayo sa kanyang pamilya.
Hindi rin niya alam ang gagawin, pero ngayon siguro handa na siyang simulan ang bawat araw na may kasamang di man normal pero nagkakaintindihan naman sila.
“Hm, ayan may kwintas ka pala, pwede ko kaya iyang hawakan?” tanong pa niya sa binata.
“Hindi ko alam,” tugon naman nito, pero masunurin din naman nitong hinubad ang kwintas at balak iabot sa kanya, ngunit tumagos lamang sa kanyang kamay ang alas na iyon.
“Sayang hindi ko pala pwedeng hawakan, kahit ikaw siguro ay hindi rin,” segunda pa niya at sinubukang hawakan ang braso ng binata. Pero kagaya ng kanyang inaasahan, tumagos lamang ang kanyang kamay sa katawan nito.
Tila naman ay lalong lumungkot ang ekspresyon ng gwapong multo. Para ibahin ang usapan, Napa tingin muli siya sa kwintas.
“Ah sige nga, ibaligtad mo ang kwintas, baka may nakasulat,” nagmamadali pa niyang tugon.
Sinunod naman iyon ng binata at ipinakita sa kanya, pagsilip nila, sabay pa silang nagkatinginan sapagkat may nakasulat nga roon. Isang letra.
“K? Ano kayang ibigsabihin niyan?”
“Hindi ko rin alam,” napailing pa ito.
“Baka naman pangalan mo?”
“Siguro,” nagkibit balikat muli ito.
“Hm, ano ba ang mga pangalan na nagsisimula sa K? Kristian? Kristopher? Hm, dahil hindi natin alam, kaya mula ngayon ikaw na lang si K, okay lang ba?”
“Oo naman, masaya ako dahil hindi mo lang ako nakikita, binigyan mo pa ako ng pangalan,” ngising-ngisi pa nitong pahayag.
“Ikaw talaga, wala iyon,” saad pa niya. Sa totoo lamang, hindi rin maintindihan ni Hannah kung bakit parang ang dali sa kanyang tanggapin ang lahat.
Pero, dahil walang choice kun’di ang manatili rito sapagkat wala naman siyang pera para makalipat, mabuti nang pagtyagaan na lamang niya kung anong sitwasyon ang kinalalagyan ngayon.
Dahil gabi na, kumain na lamang siya ng hapunan habang magkatabi silang nanunuod ng balita sa tv. May ilang appliances kasi dito sa kwarto.
MULA noon, ay naging tahimik at maayos naman ang naging pagsasama nila ni K, sa katunayan nga niyan ay malaking tulong ito sa kanya.
Pag uwi niya sa hapon galing trabaho ay may masiglang boses na sumasalubong sa kanya na nakakapagpatanggal ng pangungulila niya sa kanyang pamilya, isama pa na masipag si K maglinis ng bahay.
Ang lahat ng naiiwan niyang kalat sa umaga ay wala pag dating niya sa hapon. May mainit na ring tubig para maipang ligo niya. Siguro ang magluto na lamang ang kulang at perpekto na ang lahat.
“Ako na ang bahala sa mga gamit mo, Hannah, magpahinga ka muna,” saad pa nito habang lumutulang sa ere ang kanyang bag na dala.
Nang gabing iyon, nagkwentuhan lamang sila ng kaunti bago matulog.
▼△▼△▼△▼△
HABANG naglalakad siya sa pasilyo ng kanilang department, may naalala siya bigla.
‘Bakit kaya hindi pa kinukuha ng liwanag si K? May dahilan ba kaya nananatili siya dito sa mundo?’
Dahil sa lalim ng kanyang iniisip kaya hindi niya agad napansin ang kanyang dalawang kaibigan na paparating. “Ui!!! Hannah! Tulala ka na naman dyan!” panggugulat pa ng mga ito.
“Ahhh! Kayo talaga! Muntikan na akong atakihin sa puso,” pagalit na saad niya at nagawa pang hampasin ang dalawa dahil sa inis.
“Sorry naman, mukha ka kasing zombie na tulala habang naglalakad dyan,” tumatawa pang bwelta ng dalawa.
“May iniisip lang ako no,” depensa naman niya habang naglalakad sila pabalik sa kanilang cubicle.
“Sino naman iyan ha? May crush ka na ba dito sa atin o sa ibang department?” pang aasar pa ng mga ito.
“Wala, pagdating talaga sa ganyang mga bagay ang bibilis n’yo.”
“Haha well, speaking of gwapo, mayaman at mabait, sayang nga lang kasi hindi na inabutan si Mr. Dela Vega,” pagpaparinig pa ni Selena sa kanila.
“Sino yun?” nagtataka naman niyang ani.
“Anong sino yun bhe! Gaano ka katulala gurl. Pati ba naman pangalan ng CEO hindi mo na tanda?”
“Ah, oo siya nga pala ang CEO ng kumpanya, eh nasaan siya ngayon? Nasa business trip ba sa ibang bansa?” sunod-sunod pa niyang tanong habang inaayos ang mga gamit sa kanyang table. Kababalik lamang kasi nila mula sa lunch break.
“Hindi, balita ko ilang buwan na daw nung maaksidente si big boss, hanggang ngayon daw ay under pa rin siya ng coma,” maarteng tugon ni Selena at nag iiyak-iyakan.
“Jusko, sana naman ay maka-recover siya agad,” gulat na saad niya, hindi naman niya akalain na masama ang nangyari dito.
“Kaya nga, balita ko pa naman wala pa daw asawa si Boss kaya may pag asa pa ako,” nag iilusyong pahayag pa ng kaibigan niya.
Hindi naman niya alam kung matatawa ba siya o mas gusto na lamang niyang batukan ang babaeng ito. “Gaga, ipanalangin mo munang gumaling kaysa ganyan iniisip mo.”
“Sorry bhe, nagbibiro lang naman,” depensa pa nito habang nagpapaikot-ikot sa office chair na sinasakyan.
“Nga pala, sa tingin n’yo, kapag yung multo nandito pa sa mundo at hindi pa makatawid, anong ibigsabihin no’n?” Wala kasi siyang ideya kaya napatanong na siya sa mga kaibigan.
“Uii mas malala ka naman bhe, buhay pa si Boss at magiging asawa pa niya ako!”
“Ikaw talaga Selena, hindi siya ang tinutukoy ko,” nanggigil na aniya sabay hila sa mahaba nitong buhok.
“Wala kang makukuhang matinong sagot dyan,” Saad naman ni Alicia habang tumatawa.
“Hala siya, nagsalita ang matino, eh mas may saltik ka pa nga sakin,” bwelta naman ni Selena dito.
“Aba’t—”
“Ui, tumugil na nga kayo.” Kung di pa ata siya pumagitna ay magsasabunutan pa ata talaga ang dalawang ito.
Wala namang nagawa si Selena at muling umupo sa kanyang office chair. “Hmp iyon nga kasi bhe, sabi ng lola ko, yung mga ganong klase daw ng multo ay may unfinished business pa dito sa earth kaya di pa sila kinukuha ng puting liwanag.”
“Unfinished business?” naguguluhan niyang saad.
“Oo, yun bang, hindi pa sila handang tumawid kasi may naiwan pa silang gawin mula noong nabubuhay pa sila, ganern,” maarteng paglilinaw pa nito.
Napatango na lamang siya habang itinatatak sa isipan ang sagot na nakuha niya sa mga kaibigan.
“Bakit mo natanong, may kaibigan ka bang multo?”
Siguro kung ikukwento niya ang tungkol may K sa kanyang mga ka trabaho, paniguradong mapagkakamalan pa siyang baliw at may saltik sa utak kaya umiling na lamang siya.
NANG hapong iyon, sa halip na makuntento na sa katunayang masaya si K na may kasama na ito at di nag iisa, napagpasyahan ni Hannah na hanapin kung sino ba talaga ito.
Baka iyon ang sagot para mawala ang unfinished business ni K at makatawid na rin ito. Naaawa kasi siya kapag naiisip niya kung gaano na katagal na nag iisa ito, pagala-gala at walang dereksyon na patutunguhan. Sa mga araw at buwan na kanilang pagsasama, naisip ni Hannah na ang tunay na makakapagpasaya kay K ay ang makapahinga na ito nang tuluyan.
“Ha? Pero busy ka sa trabaho Hannah, wag mo na akong isipin pa, okay lang ako dito,” napapailing na tugon ni K habang nagtutupi ng mga damit ni Hannah.
“Hindi, K. Gusto mo bang habang buhay ka na lang dito? Ayaw mo bang makita kahit sa huling sandali ang pamilya mo?”
“Hindi naman sa gano’n pero wala akong ibang naaalala para makatulong sa paghahanap mo.”
“Okay lang, gagawa ako ng paraan, tutulungan kita na magawa ang unfinished business mo,” confident pa niyang ani lalo na at day off niya bukas kaya may oras siya.
“Salamat, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ka dumating,” nakangiting anito na umaabot hanggang sa mga mata nito.
“Wala iyon, bukas na bukas ay sisimulan ko maghanap!” Ganado pa niyang pangako.
Ngunit, dumaan ang mga araw at linggo pero walang naging progress ang kanyang paghahanap sa tunay na katauhan ng roommate niyang multo. Unang-una ni pangalan ay hindi niya alam, tapos hindi rin naman niya makunan ng picture ito para maipost upang makilala ng iba. Sinubukan niyang mag tanong malapit sa apartment kung may nakakakilala ba sa itsura ni K ngunit wala, naisip niya na baka taga dito lang din si K pero mukhang walang nakakatanda rito, kahit ang Lolang may ari ng apartment ay walang ideya sa taong kanyang hinahanap.
Sa paglipas din ng mga araw ay tila ba may napapansin siyang kakaiba kay K, para bang may lihim na itinatago ito sa kanya. Ayaw na lamang niya itong pilitin magsalita at naniwala na lamang na darating ang oras na ito mismo ang magsasabi sa kanya.
MAKALIPAS ng isang buwang paghahanap ng impormasyon malungkot at pagod si Hannah mula sa pagtatanong-tanong sa paligid. Umuwi siya sapagkat gabi na, alam niyang mag aalala na si K kapag hindi agad siya nakauwi.
“K, nandito na ako,” bati pa niya pagbukas ng pintuan.
Nakita pa niya itong nakaupo sa gilid ng kama at tulala, ang blangko nitong mukha ang nagpapaalala sa kanya kung gaanong lungkot ang pinagdadaanan nito kapag wala siya. Medyo nakusot din niya ang mata sapagkat para bang mas malabo si K sa kanyang paningin ngayon na talagang ipinagtataka niya. Halos transparent na kasi ito. Muli ay isinisi na naman niya iyon sa pagod.
Habang nakasilay rin sa malungkot pero gwapong mukha nito, hindi lang awa kun’di kabog ng dibdib ang kanyang naramdaman. ‘Hindi ko pwedeng maramdaman ito para sa kanya,’ saad niya sa sarili habang mahigpit na nakayukom ang kamay sa tapat ng kumakabog niyang puso.
Hindi siya gano’n kamanhid upang di malaman kung ano ang kanyang nararamdaman para sa walang alalang multo na si K, pero hindi rin lingid sa kanyang kaalaman na hindi niya pwedeng ipagpatuloy itong kanyang nararamdaman.
“Ehem, K nandito na ako,” mas malakas niyang ani para makuha ang atensyon nito.
Mabilis naman itong napalingon sa kanya at nasilayan muli niya ang maganda at napakaliwanag nitong ngiti. Muli ay may kumirot sa kanyang puso.
“Hannah! Nandyan ka na pala,” maligaya pa nitong pagsalubong sa kanya.
“Oo pasensya ka na, ginabi na ako.”
“Okay lang basta ang mahalaga nandito ka na,” nakasunod pa nitong tugon sa kanya.
Matapos kumain ay nakatambay sila ngayon sa paborito nilang pwesto, saan kun’di sa maliit na veranda sa kanyang kwarto.
Muli ay nakatanaw sila sa abalang kalsada na puno pa rin ng mga sasakyan, ang mga ilaw na dala ng bawat isa ay parang bituin sa madilim na kalangitan. Habang natihimik na nakatanaw roon ay nagsalita siya.
“K, pasensya na pero hanggang ngayon wala pa rin akong nahahanap tungkol sayo,”
“Ano ka ba, ilang beses ko namang sinabi sayo na okay lang, tanggap ko na ang ganito ang sitwasyon ko, ang makilala ka at makasama ay laking pasalamat ko na sa Diyos,” malumanay pa nitong tugon sa kanya habang pilit itinatago ang isang kamay nitong dahan-dahan nang naglalaho.
“Basta, wag kang mag alala hindi ako titigil!” dedikado namang sagot ng dalaga na walang kaalam-alam na baka ito na ang huli nilang pag uusap.
Nang gabing iyon, nanatiling gising si K habang pinapanuod ang mahimbing na pagtulog ni Hannah. “K… hmm wag ka—ng mag.. alala… ako bahala sayo hm,” bulong pa nito sa pagtulog na lalong nagpasikip sa dibdib ng binatang multo.
Alam kasi ni K na hindi na siya magtatagal, nanghihina siya nitong mga nakaraang araw pa, pakiramdam niya ay hindi magtatagal at maglalaho na siya ng tuluyan.
Nangingilid ang luha ay napabulong siya sa dalaga. “Sana, kung magkakaroon ako ng isa pang chance na mabuhay at makilala ka, hinding-hindi ko na hahayaan na magkahiwalay pa tayo…”
Sa huling pagkakataon habang unti-unti na siyang naglalaho, sinubukan niyang yakapin ang minamahal niya ngunit hanggang sa huli, tumagos lamang ang lumalabo na niyang mga kamay.
“Hannah, salamat sa lahat.”
▼△▼△▼△▼△
“Bhe ano na? Tulala ka na naman.”
“Ha? Ah may iniisip lang ako,” aniya at tumawa pa ng peke para makumbinsi ang mga kaibigan.
Ngunit hindi siya nagtagumpay sapagkat alam ng mga ito ang tunay niyang nararamdaman. “Okay lang yan bhe, kung ano man pinagdadaanan mo, nandito lang kami ha,” bulong pa ng dalawa ng makita na nangingilid na naman ang luha ni Hannah habang nakatulala sa kawalan.
Siguro halos ilang buwan na rin ang lumipas nang dumating ito sa trabaho na para bang pinagsakluban ng langit at lupa. Sa unang pagkakataon rin ay umiyak ito sa kanila. Hindi man masabi ni Hannah sa kanila ang tunay na dahilan, alam nilang may mabigat itong pinagdadaanan.
“S-Salamat sa inyo,” nauutal pa nitong pahayag habang nakayakap sa kanila. Hinaplos na lamang nila ang likod nito para tuluyan itong kumalma.
“Paano bhe, balik na kami sa cubicle namin,” paalam pa ng dalawa niyang kaibigan. Tumango naman siya at pinahid ang luha.
Mula ng gabing mawala si K, hindi na muli ito bumalik pa. Halos mabaliw na siya sa paghahanap pero sa huli ay hindi niya ito natagpuan. Alam niyang darating ang araw na magkakahiwalay sila pero bakit naman gano’n, wala man lang pasabi ang pag alis nito. Pakiramdam niya ay nadurog ang kanyang puso dahil sa biglaang pagkawala ng multong natutunan na niyang mahalin.
Dahil nasa gitna pa rin ng trabaho, mas pinabuti na lamang ni Hannah na ipagpatuloy ang naiwang workload.
Pero, mayamaya nga habang abala ang lahat, dumating ang team manager nila at ipinatawag ang lahat para sa isang urgent meeting. Nagulat sila sapagkat bakit parang lahat ng employees ay kasama.
Pagbaba nga nila sa ground floor ng kompanya, doon nagtipon-tipon ang lahat upang ihayag ang isang balita.
“Ano kayang meron?”
“Oo nga, para saan kaya ang meeting na to?”
“Ui, balita ko bumalik na daw si Boss.”
Napalingon namam siya sa mga babaeng kapwa empleyado dahil sa ibinubulong ng mga ito. Dahil sa dami nila at ingay sa buong lugar kaya naman hindi niya agad narinig ang announcement mula sa unahan.
Naagaw na lamang ang kanyang atensyon dahil sa malakas na sigawan. Kasama na doon ang loka niyang kaibigan.
“Welcome back sir!”
“Mr. Dela Vega, welcome back po!”
Napaharap siya sa unahan upang silayan ang Boss na mulang bumalik mula sa bingit ng kamatayan. Kahit gaano kaingay at kagulo ang paligid, tila ba ay tumigil ang pag ikot ng mundo nang magtama ang kanilang mga mata.
“K-K?” hindi makapaniwalang bulong niya. Napahawak na lamang siya sa kanyang bibig para pigilan ang hikbi na gustong kumawala doon.
Ngunit, kung gaano naman kasaya ang kanyang puso ng makita ito, mabilis rin iyong nadurog nang iwasan nito ang kanyang tingin na para bang hindi siya kilala.
“Pero, hindi ako nagkakamali, si K iyon, siya talaga,” mahina pa niyang bulong habang pabalik siya sa kanilang working station.
Handa na siyang umupo at bumalik sa trabaho kun’di lang dumating ang secretary ng CEO. “Ms. Hannah, please come with me.”
Napaturo pa siya sa kanyang sarili para kumpermahin kung siya nga ang kailangan nito. Tumango naman ang secretary at ginabayan na siya patungo sa top floor ng building.
Nang makarating sila sa harap ng isang malaking pintuan, kumatok ng bahagya ang secretary at nang marinig nila ang approval mula sa loob, saka siya pagbuksan nito ng pinto.
Kakabog-kabog ang kanyang dibdib ng makilala ang boses mula sa likod ng pintong ito, alam niya kung sino ang may ari no’n.
Pagpasok niya ay mabilis rin naman sinaraduhan ang pinto sa kanyang likod kaya napalingon siya doon.
Pero nang ibaling muli niya ang paningin sa harap, halos mapasigaw pa siya sa takot nang makitang nasa harapan na niya si K.
Nakatayo doon, nakangiti ng malapad sa kanya at makikita ang masaya pero puno ng pangungulila sa mga mata nito.
“Wag mong sabihing mahihimatay ka na naman, Hannah,” pang aasar pa nito.
“H-Hindi! P-Pero, ikaw--- ikaw ba talaga si K?” maluha-luha niyang tanong.
Ngumiti ito at iniabot sa kanyang harap ang kamay, tinanggap naman niya iyon ng walang pag aatubili.
“Kian Dela Vega, yan ang pangalan ko,” masaya nitong pahayag at hinigit palapit ang magkahawak nilang kamay kaya naman napasalampak siya sa matipuno nitong dibdib.
“Hoy, ano ba—”
“Sa wakas nayakap na rin kita,” mahinang bulong nito habang nakalagay sa kanyang bewang ang magkabila nitong kamay. Dahil sa pangungulila ay nagawa rin naman niyang yakapin ito ng mahigpit.
“K, bakit hindi ka man lang nagpaalam, hindi mo ba alam kung gaano ako nalungkot,” naghihinanakit na bulong pa niya dito.
“I’m sorry Hannah, pero pagkakanda ko may nilagay ako sa bulsa mo,” saad pa nito at marahang humiwalay sa kanya.
“Sa bulsa ko? Pero wala naman,” aniya habang abala sa pagkalkal sa kanyang bulsa.
Dahil sa pagiging abala hindi niya napansin na lumuhod na pala ito sa kanyang harapan at naglabas ng isang maliit na box. “Hannah, heto pala,” anito pa kaya napalingon ang dalaga.
“K-Kian? Anong ginagawa mo?” napapahawak sa labing aniya.
“Bago ako mawala at magkahiwalay tayo humiling ako sa Diyos na sana bigyan pa ako ng isa pang chance at pagnagkataon hahanapin kita at pakakasalan, hindi na tayo muli magkakahiwalay, kaya naman. Hannah, will you marry me?”
Muling nagbalik sa alaala ni Hannah ang sakit at lungkot nang mawala si K sa kanya, ngayong nandito na muli ito at pwede na nilang ituloy ang pagmamahalan nila, sino ba naman siya upang tumanggi pa.
Sa gitna ng pagluha, nagawa niyang tumango kaya naman masayang-masaya namang tumayo si Kian at niyakap muli siya.
“I love you, Hannah,” bulong nito habang isinusuot ang sing sing sa kanyang daliri.
“Mahal din kita Kian, even death can’t tear us apart.”
END.
✨Thank you for reading ✨
HAPUNAN
JOSEPH’S POV
“Anak alam mo na ang gagawin ha, pagkatapos ng klase uuwi ka na agad at wag ka basta-bastang sasama sa hindi mo kilala---”
Iyan ang bilin ni nanay na lagi kong naririnig mula sa kanya. Bakit at ano ang kanyang kinatatakutan ay labis ko ring pinaniniwalaan noon.
”----- lalo na kay mang Badong, alam mo namang pamilya sila ng mga---”
”----- aswang.”
Seryoso at pabulong pa niyang ani habang nakatitig sa akin na lalong nagdala nang matinding takot at kilabot sa munti kong puso.
◆◇◆◇◆◇◆◇
MAHIGIT
sampung taon na ang nakalipas mula nang umuso ang kuro-kuro tungkol sa aming kapitbahay na sina mang Badong at kanyang pamilya.
Hindi ko sila personal na kilala sapagkat hindi naman sila gano’ng nagtagal sa aming lugar, ang natatandaan ko lamang ay ang katotohanang naging kaklase ko sa elementarya ang anak ni mang Badong na si Addi.
Mabait naman siya at malayong-malayo sa mga kwento na naririnig ko sa aking pamilya at mga kapitbahay kaya naman naging magkaibigan kami at kinalaunan ay naging magkasintahan matapos magkita ilang taon rin mula nang umalis sila sa aming lugar.
Ngayon nga, habang ako’y nasa trabaho ay maririnig ang malakas na tunog ng television sa aming cafeteria kung saan kami ay naghahapunan. Ano pa nga ba, eh di overtime na naman kami ngayong gabi.
“Sa Mandaluyong, alas nuebe ng gabi noong oktubre bente sinco ay may pinaghihinalaang pinaslang ng isang aswang dahil sa nakitang mga kalmot at brutal na paraan ng pagkamatay nito…”
“Hoy, hindi ba malapit lang ‘yan dito sa atin? Nakakatakot naman.”
Napalingon ako dahil sa pahayag na iyon.
“Ano ka ba, hanggang ngayon ba naman ay naniniwala ka pa rin sa mga ganyang kwento?” tumatawa namang kumento ng isa sa mga katrabaho ko.
Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lamang sa pagkain habang ka text ang girlfriend kong si Addi.
“Kaya nga, panakot lang sa mga bata iyan eh,” segunda pa ng isa naming kasamahan.
Habang tumatanda ako at nagkaka edad, nagagawa ko na lamang ding tawanan ang mga sumesirkulong kwento tungkol sa mga aswang na nagbigay ng takot sa akin noon.
“Tama kayo, hindi na dapat sineseryoso ang mga bagay na iyan.” Nakangiti ko pang saad para mapanatag na sila.
Mabilis naman silang sumang ayon sa akin at ang kinatatakutang nilang balita ay madaling naglaho sa kanilang mga isipan.
Para rin tuluyan nang mailayo ang usapan tungkol sa balitang iyon ay muli akong nagsalita.
“Nga pala, pagkalabas natin dito, may alam akong bagong bukas na cafe, gusto n’yo ba sumama? Treat ko,” pag aanyaya ko pa.
“Waooh talaga, boss?! Sige!”
“Sama din kami manager!” hindi magkamayaw nilang ani.
Hindi ko mapigilang ‘di mapangiti nang marinig ang masaya at sabik nilang mga tugon. Habang pinagmamasdan ko ang kanilang ekspresyon ay isang patagong ngisi naman ang bumakas sa aking labi.
Tumango pa ako bilang pagsang ayon sa kanilang pahayag bago ibalik ang cellphone sa aking bulsa matapos mai-send ang huli kong text.
JOSEPH
:
Hintayin mo ako love, dadalhan kita ng hapunan.

