Pandemic Boyfriend
Tamadins · 10 chapters · 20,572 words
Prologue
“ May tanong ako, “ sambit ko habang nakangiting nakatitig sa maamo niyang mukha.
“Ano yon? “ tugon niya habang nakapikit kasabay non ay ang pagkayakap niya sa’kin ng mahigpit.
“ Halimbawang umuwi ka ng Tarlac, ako parin ba ang mahal mo? “ tanong ko dahilan para lumuwag ang pagkakayakap niya saakin.
“ I love you!“ mahinang sambit niya, Napangiti ako ng mapait. Hindi na naman niya sinagot ang tanong ko. Nakakalungkot lang isipin na baka hanggang dito lang ako. Na baka pang Pandemic lang ako. Baka kapag umuwi na siya sa totoong lugar nila. Makalimutan na niya ako. At ang lahat ng pinapakita at pinaparamdam niya ay isa lamang kasinungalingan. At pampatanggal ng kaniyang kaburyuhan.
Chapter 1.
[“Patuloy na lumalaganap ang Corona virus san mang lupalop ng mundo. Halos umabot na sa milyon ang tinamaan ng corona virus. “]
“Habang nagtatagal lalong dumadami ang kaso ng corona virus. Tsk, paano na ang kabuhayn ng mga tao? Nganga? “ hinanaing mi papa habang nanonood ng balita.
“Napaka laki talagang pinsala ng corona virus na yan. Bakit kasi hindi pa iyon mawala? “ muling sambit ni papa, halata dito ang pagkainis.
“Aysus! Ang sabihin mo lang namimiss mo na ang babae mo kaya galang gala na yang mga paa at iyang pwet mo.” singhal naman sa kaniya ni mama. Dahilan upang bumusangot ang mukha ni papa.
Umalis na ako ng sala dahil ayoko nang marinig pa ang pagtatalo nilang dalawa. Dahil sa kaburyuhan ko ay nagtungo ako ng aking bakuran. Naintriga akobng may makita akong nagbubuhat ng gamit sa harapan ng aming bahay. Mukhang bagong mangungupahan sa paupahan ni aling Nena.
Habang tutok ang tingin ko sa mga nagbubuhat ay biglang nag pop ang aking selpon. Kaya agad ko itong kinuha at binuksan, mabilis ko rin itong ibinalik ng makitang TM lamang ito. Ibinalik ko ang aking paningin sa mga gamit hanggang sa dumako ang aking tingin sa isang lalaki. Moreno ang kulay, bilugin ang mata. Matangos ang kaniyang ilong. Kita ko rin ang labi nitong hugis puso at mamula mula. Ang tingin ko ay bumaba sa kaniyang dibdib ng mapansin ko ang litaw niyang colarbone. Napaka ganda non kaya ganon na lamang kung pakatitigan ko ito ng maigi, Namamangha.
Mabilis akong nakaramdam ng hiya ng magtagpo ang aming mga mata. Nasilayan ko rin ang mapuputi at pantay niyang ngipin sa pamamagitan ng kaniyang pagngiti. Dahil sa hiya at pagkataranta ay hindi ko namalayan ang aking gagawin. Kung ako ba ay ngingiti rin o mag iiba ng tingin.
“Hi? “ biglang sambit niya dahilan upang makaramdam ako ng hiya. Muli ay hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin.. Kung ako ba ay tutugon o ngingiti? Hanggang sa napagtanto ko na lamang ang aking sarili na mabilis na pumasok sa loob ng bahay at doon ay saka nakaramdam ng maluwag.
“Grabe! Taena
kabads me bente. “
sambit ko sa aking sarili habang tila hinahapo. Nagtungo ako sa aming bintana at doon ay tahimik na nagmasid. Hinahanap ng aking mata ang kaniyang pigura nguni’t wala akong makita. Kung kaya ay matamlay akong naupo at nagpakawala ng malalim na hininga.
Lumipas pa ang ilang araw, hindi ko na muli siyang nakita. Kaya iniisip ko tuloy na baka sumama lang siyang maghakot nung nakaraan.
“Bienne! Bumili ka nga muna ng bigas. Naubusan na tayo eh.” napasimangot ako ng marinig ko ang pagtawag sakin ni mama. Kaya dali dali akong tumayo at lumabas ng aking kwarto.
“Nasan na yung pambili ma? “
“Kunin mo jan sa wallet ko.”
“Nanjan sa loob. Hanapin mo. “ kakamot kamot akong pumasok sa loob ng kwarto nila mama at hinanap ang kaniyang wallet.
“Maaaa!! Wala dito! “ sigaw ko ng di ko mahanap ang wallet. Kaya muli kong inilibot ang aking paningin baka nasa sulok sulok lang iyon pero wala parin aking makita.
“Nanjan lang yon nakasabit sa sabitan hanapin mo! “ tugon naman ni mama kaya naman nagtungo ako sa likod ng kanilang pintuan. Naroon kasi ang sabitan nila ng shorts, pants pati wallet niya.
Nguni’t mabilis akong nakaramdam ng inis ng di ko makita roon ang kaniyang wallet.
“Maaa wala naman dito eh. San niyo ba nilagay? “ sigaw ko, nagtatago ng inis.
“Nanjan nga hanapin mo na lang. Bilisan mo! “ sigaw rin nito kaya muli akong naghanap nguni’t wala parin aking makita. Nag uumpisa ng manikip ang dibdib ko sa sobrang inis. Kaya naman pinagpatuloy ko ang paghahanap hanggang sa makita ko ito sa ilalim ng mesa.
“Nakita mo na? Boses kasi ang ginagamit mo di yung mata. Bilisan mo! “
“ Letse naman kasi, nasa may sabitan daw nakalagay eh bakit nandon sa ilalim ng mesa? “ sambit ko sa isip ko. Kaya bago pa uminit ang dugo naming dalawa ni mama ay lumabas na ako at nagtungo ng tindahan para bumili ng bigas. Medyo na conscious din ako kasi kasabay kong bumili ang bago naming kapitbahay. May katangkaran ito, hanggang braso niya lamang ako at talagang moreno. Agad kong iniwas ang aking tingin ng magtama ang aming mga mata. Medyo kinabahan din ako sa di ko malamang dahilan.
“Anong bibilhin mo? “ tanong ng tindera, walang partikular na tinawag. Kaya naman ako na lang ang sumagot.
“Bigas nga po! “ agad akong napatingin sa lalaking kasabay ko ngayon ng magsabay kaming magsalita. Ganon din ito, nakatingin na rin ito saakin nguni’t walang reaksyon ang kaniyang mukha. Umurong na ako paatras para siya na lamang ang paunahin ko, nguni’t ganon din ang ginawa niya. Lalo tuloy akong nailang ng sabay ulit kaming itinaas ang magkabila naming kamay tila tinuturo ang bukana ng tindahan. Muli kaming nagkatitigan nguni’t ako rin ang mabilis na umiwas.
“Redhorse nga isang bote.” sabay kaming napatingin sa lalaking nagsalita. Naroon na siya sa harap ng tindahan, tuloy ay napaatras na lamang ako habang siya ay napakamot na lamang sa kaniyang ulo. Nang matapos ang naunang bumili ay umatras na muli ako at hinayaang siya na ang maunang bumili. Naroon na siya sa harap ng tindahan, hindi ko masyadong marinig ang kaniyang boses, bawal lumapit dahil kailangan paring may social distancing.
“Ahh so bago ka lang dito? “ tanong ng tindera, tumango lamang ito bilang pagtugon.
’Kelangan makipag chismisan sa bago? ’ inis na sambit ko isip ko.
Natapos siyang bumili kaya naman ako na ang sumunod. Sinabi ko na ang binilhin ko, at matapos non ay umuwi na ako. Napatingin pa ako sa harapan ng bahay namin. Naroon siya nakaupo sa harap ng gate nila habang naninigarilyo.
‘May bisyo, ampanget.’
Pumasok na ako sa loob at ibinigay kay mama ang bigas na binili ko. Matapos non ay umakyat ako papunta sa kwarto ko upang kunin ang aking cellphone. May iche-check din kasi akong activities eh. Kahit ngayong kasagsagan ng Pandemic, still may klase parin kami, online class nga lang. Tinignan ko ang mga activities sa subject naming Perdev, nguni’t ganon na lamang ang panlulumo ko ng makita ko ang sangkatutak na activities dito. Orientation palang naman ngayong week pero bakit nagbibigay na to ng mga activities, di pa nga namin siya nami-meet sa gclass eh. Kaurat!
Dahil sa dami ng activities na yon, hindi ko na iyon tinignan pa isa-isa. Nag scroll na lamang ako sa fb. Nanood ng mga funny videos, Mv’s at mga funny moments ng EXO.
Nang mag-sawa ay nagtungo naman akong Pinterest, naghanap-hanap nang mga picture ni Chanyeol, Sehun at buong group ng EXO. Papalitan ko na ang wallpaper ko hehe. Matapos din non ay naglaro ako ng ML, nanalo nguni’t mas lamang parin ang talo. Kaya naman nag back na ako at muling tumambay sa FB at hanggang sa wala na akong magawa pa kundi ang tumunganga na lamang dito sa loob ng kwarto ko.
Chapter 2.
“Ok class, since we tackled about gender here in Community engagement, may question ako sainyo. “ sambit ni Sir, teacher namin sa Community engagement. Ibinaba ko ang librong binabasa ko. Ongoing na kasi ang klase namin. Start kami ng 9 am at end naman namin ay 11 pero dahil always na turong turo si sir. Inaabot kami minsan ng 12 ng tanghali. Minsan malapit ng mag-ala una. Ganyan siya kasipag magturo.
“Ano po yun shir? “ tanong naman ng adibadib kong kaklaseng babae. Isa rin yan sa kinaiinisan ko. Kasi ang dami niyang katanungan sa buhay. Minsan alam na niya ang sagot nagtatanong pa. At kapag nagrereport naman kami through online sa gmeet. Hindi ako sa teacher natatakot. Kundi sa kaniya pati sa iba. Dami kasi niyang katanungan talaga. Kahit ako alam ko ung sagot di ko na kailangang itanong pa. Pero dahil isa iyon sa grading system namin. Kaya ganyan na lang sila mag adibadib.
“Here’s the question, are you or do you agree with same sex marriage? “ tanong ni sir, natahimik ang lahat. Ako always naman akong tahimik eh. Na antig din nito ang atensyon ko. Sasagot na sana ako nguni’t naunahan ako ni Carolino na mag open ng mic kaya siya ang unang magsasalita.
“Yes Carolino? “
“No sir, because it says po sa bible na, tanging ang babae at lalaki lamang ang nararapat na ikasal. At tanging babae at lalaki lamang ang nararapat. At isa pa po ay it is one of a sin po” sagot naman nito. Pero sa sinabi niyang iyon nakaramdam ako ng medyo kaunting pagkataliwas. Di pala kaunti, taliwas talaga. Gusto ko siyang barahin kaya mabilis akong nag on ng mic.
“Sir, Sefarin po.” agaw atensyon ko
“Oh yes Sefarin, go ahead.”
“I think po, para sakin po ito. I’m a bisexual po, and taliwas po ako doon sa sinabi ni Carolino.” panimula ko. Tatango tango naman si Sir Gonzalez.
“Hindi naman po naging kasalanan ang pagmamahal hindi po ba? Yes po, babae at lalaki lang po ang may kakayahang magpakasal. Di rin naman po tama na laging sa bible natin ibabase ang lahat. Kasi po sa generation na to ngayon. May iilan na pong open para sa mga LGBTQ. Di naman po sa sinasabi kong agree ako sa same sex marriage. Pero wala naman po kasi tayong kakayahang pigilan ang mga taong nagmamahal diba? Di rin po natin kayang diktahan ang tao na, babae lamang ang mamahalin ng mga lalaki at lalaki lamang ang dapat na mahalin ng mga babae. Alam niyo na rin naman po ang generation ngayon di po ba? Wala naman pong masamang magmahal ka ng kapwa mo lalaki or babae. Wala naman pong pipigil sayo na magmahal. Nasa tao na lang din po kasi ang problema eh. Kasi may mga taong hindi parin tanggap ang mga taong nabibilang sa LGBTQ. Pero I hope po na sana maging open na ang lahat. Di ko po sinasabing pati ang same sex marriage ay iopen rin. Ang akin lang po, sana wag na po nating ibase ang lahat sa bible lalo na po kapag relasyon sa pagitan ng lalaki at babae na po ang usapan. Yun lang po, salamat.” matapos non ay inof ko na ang mic. Alam kong may ilan paring taliwas sa mga sinasabi ko. Pero opinyon ko naman yun eh. Walang akong mali na nakikita sa sinasabi ko. Kasi lahat din ng iyon ay katotohanan. Hindi nga lang agree ang iba, kasi nga hindi pa nila totally accepted ang mga taong miyembro ng LGBTQ.
“ Yes, we’re all aware to that. V
ery nice saying. Good job and thank you Sefarin. Ok let’s proceed to our next topic which is gender orientation .“ sambit muli ni sir, at doon ay di na muli akong nakinig. Kinuha ko ang librong kanina ay binabasa ko, ang atensyon ko ay nasa librong binabasa habang ang tenga ko naman ay nakatuon sa sinasabi ni sir. Para in case na tawagin ako. Malalaman ko parin at hindi ako matataranta ng bigla bigla.
Medyo nakakaramdan narin ako ng init, kaya naman muli kong ibinaba ang librong hawak ko. Pinalakasan ang electricfan at itinutok sakin. Nguni’t hindi parin napapawi ang init sa katawan ko. Kaya naman hinawi ko ang kurtina sa aking bintana at sumalubong sa’kin ang preskong hangin. Napapapikit pa ako habang dinadama ang pagsalubong ng hangin sa’king katawan. Iminulat ko ang aking mga mata, at agad na tumama sa bahay na kaharap ng bintana ko. Ganon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng makitang nakatingin sa’kin ang lalaking nakasabay ko kanina sa pagbili. Ang lalaking bago naming kapit bahay.
Walang reaksyon ang kaniyang mukha, wala ring suot na pang itaas na damit kaya naman kita ko mula dito ang hubog ng kaniyang katawan. Agad kong iniwas ang tingin ko ng tignan niya rin ang kanyang katawan at iiling iling pang tumingin muli sa’kin. Ramdam ko ang hiya sa’king katawan. Bumalik na ako sa kinauupuan ko at itinuon na lang muli ang atensyon sa pagbabasa ng libro.
12:45 ng matapos ang klase namin kay Sir Gonzalez. Nakaramdam narin ako ng gutom kaya naman bumaba na ako para kumain. Nandoon narin sila mama sa sala, kasama ang tatlo kong kapatid. Nag-umpisa na kaming kumain, nang matapos ay ako ang naiwan para linisin ang aming pinagkainan.
Habang naglilinis ay bigla na namang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Maging ang mga nakita ko ay muling nag flashback sa’king ala-ala.Muli akong nakaramdam ng hiya dahil don. Iwinaglit ko na iyon sa aking isipan, itinuon ko na lamang muli sa aking ginagawa. Hanggang sa paunti-unti ko na itong nakakalimutan.
Alas tres na ng hapon ako bumaba, magpapahangin sa harap ng aming bahay. Titignan ko rin kasi ang mga halaman namin na ako ang nag-aalaga.
“Lumalaki na kayo ah.” sambit ko matapos tignan ang mga halaman. Nakakatuwa dahil ang liit lang nito nung nakaraan, pero ngayon ay malaki na sila. Matapos kong i check ang mga halaman ay lumabas na ako ng gate upang magpahangin. Nguni’t bigla ay parang gusto ko na lang bumalik sa loob.
Agad kong namataan ang bago naming kapitbahay na muling nakaupo sa kanilang gate, habang tutok sa selpon at paninigarilyo. Medyo nakakaurat kasi ampangit lang tignan. Naramdaman niya ata ang tingin ko kaya naman nilingon niya ako. Pero bago pa man magtagpo ang aming mga mata ay iniwas ko na ang aking paningin. Itinuon ko na lamang ito sa puno ng Starapple o Kayumito.
Nakakaramdam ako ng conscious dahil sa mga titig niya kaya naman ay dali dali akong pumasok sa loob, nguni’t di pa man ako nakakatapak papasok ng gate ay agad na bumungad sakin si mama, dala-dala si Mae. Bunso kong kapatid. Agad na bumagsak ang aking balikat ng nakangiti na ito sa’kin. Gustong lumabas.
“Ilabas mo muna itong si Mae. Jan kang kayo sa gate, umiiyak doon sa loob eh.”
Wala na akong nagawa pa kundi ang kunin ang kapatid ko at lumabas. Naglabas din ako ng upuan at inilagay iyon sa bukana ng aming gate. Ramdam ko parin ang conscious dahil nakatingin parin siya sa’kin. Kaya naman pinatayo ko si Mae at doon ay kunyari kinakagat at hinahalikan ko ang likod nito. Pero ang dahilan ko ay para itago ang mukha ko sa kaniya. Dahil alam ko at pakiramdam ko ay namumula na ang aking mukha dahil sa hiya.
Nakahinga rin ako ng maluwag ng marinig ko ang pagsara ng gate sa pwesto niya. Kaya naman inupo ko na sa binti ko Si Mae at yinakap ng mahigpit. Matapos non ay tinignan ko ang kaniyang pwesto at doon ay muli akong nakahinga ng maluwag ng makita kong wala na siya rito.
Ilang oras din ang itinagal namin hanggang sa abutin kami ng dilim. Pagod na rin si Mae dahil nilalaro ko ito, may minsan pang hinahagis ko sa ere, pero tuwang tuwa naman ito haha. Dahil narin sa pagod ay umupo na ako, si Mae naman ay sinipsip na ang kaniyang kanang hintuturo. Senyales na patulog na ito. Hinele ko na siya at doon ay tuluyan na siyang nakatulog. Pumasok na kami sa loob at inihiga ko na si Mae sa kaniyang higaan. Naligo na rin ako at muling umakyat sa aking kwarto.
Dumako muli ang aking paningin sa bintana, mula dito sa kinahihigaan ko, natatanaw ko ang bintana ng bago naming kapit bahay. Muling pumasok sa isip ko ang itsura niya kanina, ngayon ko lang muling naisip ang mukha niya. Maging ang katawan niya. Nakaramdam na naman ako ng hiya kaya muli kong iwinaglit ito sa isipan ko hanggang sa hindi ko na muli ito maalala.
Bumaba na ako dahil tinawag ako ni mama para kumain. Naabutan ko ulit sila na naroon na kasama na si papa. Nag-umpisa kami ng masaya dahil sa kakulitan ng dalawa kong kapatid. Lalo na si Mae at si Shae. Natapos kami at ako muli ang naiwan para maglinis. Matapos non ay balik ulit ako sa routine ko.
Lalabas ako ng 8 pm para magpahangin. Papasok ng 9, mag kakalikot sa cellphone, ML, Scroll sa fb, nood sa netflix. ML ulit, scroll ulit sa FB. Manood ng Mv’s at funny compilation ng EXO. Ganyan ang routine ko araw araw.
Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa labas ng bahay. Nakatingala, pinagmamasdan ang kagandahan ng kalangitan. Nakakamangha dahil ang daming constellations na makikita. Nguni’t ang nakakalungkot lang don. Wala akong alam sa kanila. Pinagsisisihan ko tuloy kung bakit wala akong nalalaman sa mga constellation na nakikita ko ngayon. Sana nakinig ako noong grade 6 ako noong tinatalakay ang constellations sa science.
Naagaw ang atensyon ko ng may marinig akong kaluskos ng gate sa harap ko. Nahihinuha ko na lalabas muli ang bago naming kapitbahay na lalaki. Umupo muli ito at nagsindi ng sigarilyo.
Di ba nagkakasakit ang lalaking ito? Ganon naba siya ka stress para gawing umagahan, miryenda at hapunan ang paninigarilyo? Curious na tanong ko sa isip ko. Nguni’t wala rin akong nakuhang sagot. Dahil bukod sa di ko naman siya kilala, hindi ko rin siya nakakasama at nakakausap sa loob ng isang araw. Dahil hanggang sa ngayon ay nanatili parin siyang stranger para sakin. At wala narin akong pake pa roon.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Itinuon ang atensyon ko sa cellphone. Scroll na lang ulit sa fb ang ginawa ko. ML and menimenimor hanggang sa makaramdam na ako ng antok.
Tumayo na ako at mabilis na kinuha ang upuan na ginamit ko. Napatingin naman ako sa gawi niya, nakatayo na rin siya halatang papasok narin, nilingon niya pa muna ako bago siya pumasok sa loob. Hindi ko na rin siya pinansin pa, pumasok na rin ako sa loob at umakyat papunta sa aking kwarto. Muli na naman akong napatingin sa aking bintana. Nakita ko na naman siya sa beranda ng kwarto niya ata iyon, hindi ko alam. Nakatukod ang magkabilang kamay sa bakal na nakaharang roon. Tila may pinagmamasdan. Bigla ay nagtama ang aming mga mata, dahil sa gulat ko ay mabilis kong naisara ang aking kurtina. Nag-iwan ako ng kaunting awang upang silipin siya, nakahinga ako ng malalim ng hindi ko na makita miski ang kaniyang anino. Nakapatay narin ang kaniyang ilang, siguro ay matutulog na siya. Pinatay ko na rin ang ilaw ng kwarto ko, kinuha ang speaker at binuksan ito. Nag play na ako ng EXO’s songs at muli dito sa aking bintana ay matatanaw ang kagandahan ng langit. Nakita ko na naman ang hugis saranggola na mga bituin. Alam ko ang tawag don nguni’t hindi ko mabigkas dahil nasa dulo ng aking dila ang salita.
Gamit ang aking hintuturo, tinrace ko ito upang mabuo ko na sa isip ko ang hugis saranggola na mga bituin. Ito rin ang madalas kong nakikita sa mga kalangitan. Ang hugis saranggola.
Ilang minuto pa ang lumipas ng ganon lamang ang aking ginagawa hanggang sa dapuan na ako ng antok. Kaya naman hihikab hikab akong tumayo upang kunin ang aking kumot. Nang makuha na ay mabilis na akong humiga at ilang saglit pa ay di ko na namalayan na nakatulog na ako.
Chapter 3.
Imimulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ang init na nagmumula sa’king mga paa. Masyado na palang tirik ang araw kaya ganito na lamang kainit ang sinag nito. Tumayo na ako at binuksan ang bintana at doon ay nag-unat unat ng katawan na may kasamang paghikab.
Agad ko ring naisara ang aking bibig at tinakpan ng kanang kamay upang pigilan ang paglabas ng hangin mula sa aking bibig, na parang mula dito sa kinatatayuan ko at sa puwesto niya ay posibleng umabot don ang aking hininga. Nakatitig ito sa’kin na tila pinag aaralan ang aking postura. Nailang ako sa mga titig niya. Kaya imbis na magtago or what, inirapan ko lamang siya at sinamaan ng tingin. Natawa lamang ito, iiling-iling na muling pumasok sa kwartong iyon.
“Adik ata ang lalaking yon. “ sambit ko at iilin-iling din na umalis sa bintana. Tiniklop ko muna ang hinigaan ko bago ako bumaba.
Sabado ngayon, wala masyadong gagawin. Madami pala, pero dahil isa akong dakilang masipag. Lahat ng kailangan kong gawin, hindi ko ginagawa. Kaya minsan ang ending ko, ayon nag ka-cramming kapag malapit na ang deadline ng mga activities. Ganyan naman ang mga estudyante hindi ba? Kung kelan pasahan ng mga activities doon sinisipag.
Pagkababa ko ay walang tao sa sala, kaya nagtimpla na lamang ako ng gatas since di naman ako nagkakape. Matapos non ay naghilamos na ako at pumunta sa aming bakuran upang tignan at diligan ang mga halaman. Kinuha ko ang hose at sinaksak ito sa gripo. Nag-umpisa na akong diligan ang bawat halaman na nakalagay sa aming bakuran. Habang isinasagawa ko iyon ay napapakanta pa ako kaya lalo akong naeengganyo sa pagdidilig lalo na kapag EXO songs na ang tumutugtog.
Ilang minuto din ang itinagal ko sa pagdidilig, medyo tirik na rin ang araw. Lalabas pa sana ako kaso biglang nahagip ng paningin ko ang bago naming kapit bahay. Naroon na naman siya sa kaniyang pwesto habang tahimik na naninigarilyo. Napangiwi ako ng magtama ang aming paningin. Mabilis ko siyang iniwasan ng tingin. Inilabas ko na lamang ang aking facemask at kinuha ang aking bike. Bibili na lang ako ng tinapay sa Bakery.
Ngayon ay hila-hila ko na ang bike papalabas ng gate. Muli kong naagaw ang atensyon niya pagkalabas ko. Ramdam ko ang bawat pagtitig niya sa’kin, kaya hindi ko maiwasang hindi ma conscious dahil hindi ako sanay na tinitignan ako. Maging sa pagkakaupo ko sa bike ay ramdam kong nakatigtig parin siya sakin. Kaya naman bago pa man ako tuluyang ma conscious ay nagpedal na ako papalayo.
Mabagal ang aking pagpepedal dahil sa dami ng nga dumaraang sasakyan. Ewan ko ba kung bakit sa kalagitnaan ng lockdown eh marami paring sasakyan ang mga nagsisilabasan. Bigla ay hinanap ng aking mga mata ang nga kapulisan. Wala ang mga ito sa dating pwesto nito. At ayon sa napapansin ko, tuwing Monday lang sila ng umaga nagbabantay. Muli akong napangiwi, iwinaksi ko na iyon sa aking isipan. Itinuon na lamang sa daan ang aking atensyon. Ilang saglit pa ay narating ko na ang bakery, mula sa kinatatayuan ko ay amoy ko na ang paborito kong tinapay. Ito ay ang spanish bread. Bumili ako ng twenty pesos na pandesal, at dalawang piraso ng spanishbread. Matapos non ay bumalik na ako. Muli akong nagpedal ng marahan, dahil mahirap narin baka may mga taong garalgal magmaneho. Lalo na ang ilan sa nga gumagamit ng motorsiklo.
Gamit ang alcohol na inilagay ko kanina sa bulsa ko, inispreyan ko ang buo kong katawan, maging ang aking kamay. Gumamit din ako ng plastik sa pagtatapon ng pinaggamitang facemask. Mahirap na kasi baka nakakuha ako ng virus sa labas. Isa rin iyon sa ikinakatakot ko, kakaiba pa naman ang mga kapitbahay namin. Masyadong malalakas ang signal.
Napatigil ako sa pagpasok ng makita ko ang bago naming kapitbahay na lalaki. Nakatayo siya sa kanilang gate at ng makita ako ay bigla siyang umalis at isinarado ang gate.
‘Adik nga talaga.’ iiling-iling kong sambit sa isip ko. Masyadong weird ang lalaking iyon. Pogi sana kaso mukhang tahimik. Ekis na agad charr.
Pumasok na ako sa loob dala ang binili kong tinapay. Mukhang tulog parin sila mama dahil wala parin sila dito sa lamesa. Hindi ko na sila hinintay pa, sa halip ay nagtimpla na lamang ako ng sarili kong gatas, kinuha ang spanishbread at saka umakyat papunta sa kwarto ko.
Halos araw-araw ay ganyan ang routine ko. Tuwing mag-aalmusal ay, pupunta ng bakery, bibili ng tinapay. Iinom ng gatas at aakyat sa kwarto para doon mag almusal. Masyadong boring ang quarantine life ko. Parang ang kwentong ito, charr. Pano ko nasabing boring?
Una, di ka pwedeng gumala. Pangalawa… Sana all nag goglow-up Pangatlo… Wala paring majowa. Pang-apat… Daming school activities. And so on.
Sobrang boring talaga ng quarantine life ko. Mabuti na lamang ay nariyan ang wattpad, ML, YT at fbdatcom. Sila lamang ang bumubuo ng araw ko sa tuwing dadaanan ang araw. May minsan parin na iniisip ko kung paano o ano na naman ang gagawin ko bukas para mawala ang stress at pagkaboring ko. Sa sobrang pag-iisip ng kung ano-ano, namalayan ko na lamang ang aking sarili na binubuksan ang bintana. Hindi ko mawari kung bakit ko iyon ginagawa, pero marahil ay sa sobrang kaboringan. Nang tuluyan ko ng nabuksan ang bintana ay bigla na lamang akong lumabas. Mabilis na humampas sa’kin ang presko at mainit na hangin. Napakasarap sa pakiramdan non, kaya napapapikit pa ako kapag dumadampi sa katawan ko ang masarap sa pakiramdam na hangin. Ngayon ko lamang iyon ginawa, sa tagal namin dito ay hindi ko pa nasusubukang lumabas ng bintana at umapak sa bubong, ngayon palang.
Nang iminulat ko ang aking mga mata, agad iyon tumama sa lalaking adik, ang bago naming kapitbahay. Nakatingin ito sa’kin, pinag-aaralan ang aking postura. Nakangiwi pa habang tinitignan ang kabuohan ko.
Sa sobrang pagkapahiya ay mabilis akong sumampa sa bintana dahilan upang tumunog ng malakas ang bubong dahilan din upang sigawan ako ni mama. May naramdaman din akong hapdi sa bandang binti ko, alam kong nasugatan ako sa di ko alam na bagay. Hindi ko na iyon ininda pa dahil tuluyan na akong pumasok.
“Tingin tingin mo jan?” inis na sambit ko sa lalaking nasa harapan ng bintana ko. Sakto lang ang boses ko yung tipong naririnig niya parin.
“Nung ikaw na tumitingin sa’kin, sinuway ba kita? “ balik tanong niya sa’kin dahilan para muli akong makaramdam ng pagkapahiya. “Sa susunod mag-iingat ka, pagnagugulat ka wag kang tatalon agad-agad. Kita mo yang nasa binti mo? Lalaki pa yan kapag di ka nag-ingat sa susunod. Tsk. “ dagdag pa nito habang iiling-iling na pumasok sa loob. Agad ko namang tinignan ang aking binti, may sugat nga roon. Nasapo ko ang aking noo, mabilis kong kinuha ang alcohol at nilagyan ito.
“Waaaaaaaaahhhhhhhh!! “ sigaw ko ng maramdaman ang hapdi non sa binti ko. Nagpapadyak padyak pa ako sa sobrang sakit. Rinig ko ang sigaw ni mama pero di ko na pinansin iyon. Napatingin ako sa bintana, naroon na naman ang kapitbahay naming lalaki, nakatingin sa akin habang umiiling-iling.
Chapter 4.
Hakdog
Kasalukuyan ako ngayong nakahiga sa kama ko. Linggo ngayon kaya wala rin akong masyadong gagawin. Tinatamad pa akong gawin ang mga activities ko. Sino ba naman kasing sisipagin eh isang subject palang halos nasa bente na ang gagawing activities.
Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko na naka charge, nasa 98% percent na rin naman siya. Binuksan ko ang IG account ko upang tignan kung may update ba sina Chanyeol, Baek, at Sehun. Maging si Earth din ay chineck ko kung may update kaso wala, kaya naman buryo akong lumipat sa fb dat com upang doon magpawala ng pagkaburyo at upang doon manood ng EXO compilations.
Mabuti na lang talaga nanjan ang EXO at mabuti na lang talaga ini-stan ko ang EXO. Kasi sila lang ang lagi kong nakakasama ngayong quarantine. Bawal din namang gumala gala ngayon dahil laganap parin ang Corona Virus. Hindi rin kami makapag meet ng mga friends ko kasi na lockdown sila sa ibang lugar, kaya wala talaga akong choice kundi ang magkulong na lang sa kwarto. May minsan pang nakakaurat dahil minsan di namin maiwasang di magtalo ni mama. Pano ba naman kasi, kung dati ay gusto niyang laging nasa kwarto lang ako, wag daw akong gumala kung san-san, tapos ngayong nasa loob nako ng kwarto lagi. Ngayon naman gusto niyang lumabas labas ako.
Sa totoo lang, di ko na rin alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Isa rin iyan sa nagpapadagdag ng stress sa’kin. Ang madalas na utos ni mama. Ang madaming gagawing activities, at ang mahinang internet, bakit kasi di nalang ipatigil ng DEPED ang pag-aaral sa ngayon. Kasi sa totoo lang, wala talagang matututunan ang IBANG studyante tulad ko. Lalo na yung mga studyanteng walang pang-supply ng internet. Walang gadgets na gagamitin para sa mga online meetings. Dapat iyan ang pinagtutuonan ng pansin ng DEPED eh hindi iyong walang kwentang bagay, kaso wala eh. Kaya thankful parin ako ngayon kasi may gadgets akong ginagamit, may internet pero minsan talaga nakakaurat dahil napakahina. Kaya ang boses minsan ng teacher namin at mga kaklase ko eh ngongo.
“Taenaaa bat ang pogi niyo?? Huehuehue” sambit ko habang nanonood ng mga music video, funny compilations, live performance at concert ng EXO. Di ko tuloy maiwasang hindi matawa sa katangahan at kabaliwan ko. Mukha akong tanga habang nanonood ng past concert ng EXO, sinasabayan ko rin ang fanchant ng kapwa ko EXO-L na naroon sa mismong concert. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainggit sa kanila. Mabuti pa sila nakaka-attend ng EXO concert. Samantalang ako eh, tamang nood na lang, nakikisabay sa fanchant nila habang winawagayway ang hawak kong eribong. Ang hawak kong eribong ngayon ay ang pinaka memorable na nangyari sa tanang buhay ko. Ito kasi ang kauna-unahang gift ko para sa sarili ko, though against don si mama kasi nagalit siya sakin kasi ang mahal daw non, wala din daw kwenta. Masakit sa part ko yon dahil di nila support ang pagiging fanboy ko, but still eto parin ako. Patuloy na sinusuportahan ang EXO.
Nang magsawa sa kaka scroll sa fb dat com ay bumaba ako ng kwarto para lumabas ng bahay. Nagugutom na ako, bibili ako ng snacks ko. Kinuha ko ang facemask ko saka nagmadaling lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ay agad na tumama ang mata ko sa kalalabas lang na lalaki, ang bago naming kapitbahay. Medyo naiilang parin ako kasi hindi ko alam. Basta naiilang parin ako sa kaniya, siguro kakaiba siya kung tumingin? Paanong kakaiba? Hindi ko ulet alam.
Iniwas ko ang aking paningin, nagkunwaring abala sa kinakalikot sa kung ano, hinayaan kong siya ang mauna. Ayokong magsabay kaming dalawa, kung Bakit? Hindi ko ulit alam.
Ngayon ay nasa likuran na niya ako, nakatingin lamang ako sa likod niya. Pwede siyang magmodel, para kasi siyang rumarampa kapag naglalakad. Napahagikgik ako sa aking naisip.
Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa daan, iniwas ko na ang tingin sa maganda niyang likod. Ngayon ay nasa harap na kami ng tindahan, siya ang nasa unahan at ako naman ang nasa kaniyang likuran.
As usual, sigarilyo na naman ang binili niya. Hindi ba nagkakasakit sa baga ang lalaking to?
“Nako hahaha. Ano pa? “ bigla ay masiglang sambit ng tindera, may halong landi sa tono. Ilang minuto na rin kasing naka tengga ang lalaking ito, panay kasi ang daldal ng tindera sa kaniya kaya di makaalis. Tuloy ay tumatagal siya sa unahan.
“Ate Kikay, baka po pwedeng makabili ako? Social distancing ho kasi eh. Wala ka pang facemask. Want mo po magpunta ako ng baranggay ora mismo? Baka po kasi masyado pang mahaba ang talkshow niyo. Nakakahiya naman po. “ pasiring na sambit ko, agad naman siyang nagsuot ng facemask. Alam kong sa loob non ay nagme-make face na siya base sa postura ng nata niya. Kahit naka facemask siya ay alam kong masama ang binibigkas niya sa bibig niya. Dukutin ko kaya dila niya?
“Piatos nga po, tapos clover.” di pa man ako tapos magsalita ay kumilos na siya, kumuha na siya ng piatos at clover ng hindi pinapatapos ang sasabihin ko. Kaya ang ending ay nakakunot ang noo naming pareho.
“Malaking piatos po ate Kikay. At saka isang~~” hindi na naman ako natapos sa pagsasalita dahil bigla siyang umalis upang kumuhabng malaking piatos.
“Ano pa? “ mataray niyang sambit, bigla akong nakaramdam ng pagkaurat. Kaya naman inisa isa ko ang bibilhin ko. Kapag nasa harap ko na siya ay muli akong magsasalita upang magpabalik balik siya. Alam kong inis na inis na siya sa’kin. Pero dahil wala siyang magawa, sumusunod na lang siya.
“One hundred and twenty five pesos lahat. Ano pa? “
“Wala na po, salamat.” tugon ko sabay inabot ang mga binili ko, ramdam ko ang inis ni ate Kikay dahil sa padarag niya iyong ibinigay sa’kin. Ayoko sanang patulan kaso minsan lang naman akong bumili o lumabas kaya lubos lubusin ko na. Padarag ko ring inabot ang bayad sa kaniya, Nang aabutin na niya ang bayad ko ay ibinaba ko ito upang maiwan sa ere ang kamay niya. May narinig pa akong hagikgik, kaya napatingin ako sa gilid ko. Narito parin ang bago naming kapitbahay. Tahimik na tumatawa, pinipigilang gumawa ng ingay. Napangiwi ako ng umiwas siya ng tingin sa’kin at nanguna nang maglakad.
Hindi ko na pinansin pa ang dalawa maging ang presenysa ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Nagmadali na akong maglakas hanggang sa marating ko na ang aming gate. Napatingin pa muna ako sa bago naming kapitbahay bago ako tuluyang pumasok sa loob.
Hawak hawak niya na ngayon ang kaniyang selpon habang ngingiti-ngiti sa di ko malamang dahilan. Nakangiwi akong pumasok sa loob ng magtama ang aming paningin.
Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay agad kong hiniwalay ang mga maaalat na snacks at matatamis. Kinuha ko ang piatos ang etseterang maaalat na chichirya at inilagay iyon sa supot. Bumaba ako ng kwarto para ibigay iyon kila mama. Di naman kasi ako nakain ng maaalat gaya nyan. Yung piatos pwede pa, pero dahil nay pillows at loaded naman na ako, binigay ko na lamang iyon kila mama kasama ng iba pang chichirya.
Kinuha ko ang phone ko at nagbukas ng isang pillows, umupo ako sa bintana, isinampa ang mga paa sa dulo at isinandal ko ang aking likod. Ito ang paborito kong ginagawa. Ang maupo sa bintana habang kumakain at nanonood ng EXO compolations at ibang funny videos na shine-share ng mga fb Friends ko.
Ilang oras ding nandoon ako, hanggang sa pagdesisyunan ko ng bumaba ng kwarto. Kinuha ko ang mga pinagbalatan ng mga kinain ko at itinapon iyon sa basurahan.
Nakita ko sila mama at papa sa sala, kumakain. Niyaya nila akong kumain nguni’t tumanggi ako dahil busog na ako.
Lumabas ako upang pumunta sa aming bakuran. Tinignan ko ang magagagandang bulaklak na ngayon ay namumukadkad na. Iba-ibang uri iyon at iba’t-ibang kulay. Napakaganda sa paningin. Kinuha ko ang aking cellphone at pinicturan ang mga bulaklak sa iba’t-ibang anggulo at pinost iyon sa aking social media accounts.
Napatingin ako sa kalangitan, tirik ang araw nguni’t di ganon kainit sa pakiramdam. Gawa ng simoy ng hangin, nababawasan ang init. Matapos non ay naligo na rin ako at agad ding umakyat papunta sa kwarto ko.
Kasalukuyan ako ngayong nakahiga sa kama ko. Pinakatitigan ang kisame, nag-iisip-isip.
Gusto ko na talagang gumala, gusto ko ng pumunta nang SM Manila para kumanta doon sa Tom’s World. Doon kasi kami madalas tumambay kapag walang pasok o napagpasyahang mamasyal. Tapos kapag uuwi ay maglalakad. Nakakatuwang balikan ang ginagawa namin dati. Nguni’t nakakalungkot din dahil di na namin iyon nagagawa dahil nga sa Covid na ito.
Magmula ng tumama ang Covid, wala ng magandang nangyari sa buhay ko. Alam ko ring gaya ko ay buryong-buryo na rin ang iba. Dahil alam kong sa mga panahong ganito, marami na ang umaalis upang magbakasyon at mamasyal sa iba’t-ibang lugar. Nguni’t dahil sa pandemyang ito, lahat ng iyon ay nawala sa plano. Sa sobrang pag-iisip ay di ko namalayang nakatulog na ako.
Hapon na rin ng magising ako, medyo madilim na nga rin. Kinuha ko ang aking cellphone upang tignan kung anong oras na. Saktong alas singko na pala. Ilang oras din pala akong nakatulog.
Kinukuskos ang matang binuksan ko ang aking bintana. Bumungad sa’kin ang malamig na hangin. Napapikit pa ako dahil sa sarap non sa pakiramdam. Nguni’t ayon na naman ang aking pagkagulat ng pagmulat ko ay agad na nagtama ang aming paningin ng bago naming kapitbahay.
Hawak niya ang kaniyang cellphone habang nakangiting nagsasalita. Di ko masyadong marinig ang boses niya dahil mahina iyon, nakakaramdam narin ako ng hiya dahil di parin nawawala ang kaniyang nga titig sa’kin.
Imbis na labanan ang mga tingin niya ay pumasok na lamang ako sa loob. Hinayaang bukas ang bintana upang pumasok ang malamig na simoy ng hangin. Bumaba na rin ako dahil nakaramdam narin ako ng gutom.
Naroon na sila mama at papa, kasana ang mga kapatid ko. Nakahanda narin ang pagkain. Kumuha na ako ng plato at pagkain.
“Oh saan ka pupunta? “ takang tanong ni mama sakin ng makitang di ako umupo sa upuan.
“Doon ako sa kwarto ko kakain, may ginagawa pa ako eh. Kailangan ko ng tapusin kasi mamaya na ang pasahan.” pagdadahilan ko, nguni’t hindi naman talaga iyon ang pinaka dahilan ko. Ayoko lang talaga sumabay sa kanila dahil ayoko na namang makarinig ng kung anong bagay nakakasakit mula kay papa. Hindi na kasi iyon nawawala kapag nagkakasabay kaming lahat sa pagkain. Though minsan hindi naman ganon si papa, pero alam kong ngayon ay dadaldal na naman siya. Sasabihin niya na namang, panay lang ang cellphone ko. Hindi na ako nalabas ng kwarto ko. Hindi na ako mautusan. Halos lahat ng mga bagay na nakikita niya sakin noon, kahit di ko na ginagawa iyon ngayon, still yon parin ang nakikita niya.
Gumawa ka man o hindi, kumilos ka man o hindi. May masasabi parin sila. Minsan pa ngang sasabihan kang ’
yan na lang ang alam mo? Hihilata at magseselpon buong maghapon? ’
Palibhasa kasi di nila alam ang mga ginagawa ko, di rin nila nararamdaman ang nararamdaman ko. Kaya madali na lang para sa kanila ang magsalita ng mga ganong bagay. May minsan ding magbibigay ako ng reason ko pero ang sinasabi lang nila lagi, ‘Nagdadahilan kana naman.’
Sa totoo lang, gustong gusto ko ng pumunta ng Laguna para doon magbakasyon. Nasanay kasi ako na kapag bakasyon ay doon ako napunta. Doon kasi nakatita ang lola at nga tita ko. Gustong gusto ko nang umalis dito, nagsasawa na ako sa sermon ni mama na ginagatungan pa ni papa. Dahil talaga sa Covid na ito, nawala ang mga plano ko.
Umakyat na ako ng kwarto ko bago pa man tumulo ang mga luha ko. Kung bakit, ay hindi ko alam kung bakit naluluha ang mga mata ko.
Inilapag ko sa study table ko ang pagkain ko at itinapat iyon sa bintana. Ganito lagi ang ginagawa ko kapag dito ako sa kwarto ko kumakain.
Mabilis lang din akong natapos dahil kakaunti lang naman akong kumain. Bumaba na ako at inilagay ang pinaggamitan kong plato doon sa lababo. Pumunta ako ng sala upang kumuha ng tubig na malamig sa ref. Nang matapos ay aakyat na sana ako ng biglang masalita si Papa.
‘ayan na naman siya.’ napapikit ako at huminga ng malalim bago ako humarap sa kanila.
“Saan kana pupunta? “ tanong sakin ni papa. Alam kong sa mga oras na ito, manggigisa na naman siya.
“Sa taas na pa. May gagawin pa akong activities namin eh.”
“Dahilan mo na naman, aakyat kana at magkukulong sa kwarto mo para di kana mautusan. Hindi kana raw mautusan sabi ng mama mo kasi lagi kanang nasa loob ng kwarto mo. Kung kunin ko kaya ang selpon at laptop mo? “ palihim akong napangiwi sa mga sinabi ni papa. Nakakasawa na rin kasing marinig iyon mula sa kaniya, o sa kanila. Halos yan na rin ang kanilang panakot sakin. Kaya talaga minsan kapag inaalok ako nila mama na bibilhan ako ng bagong gamit, tumatanggi ako. Ayoko na kasing makatanggap ng panibagong sumbat eh. Kaya minsan din ay nag-iipon na ako ng pera para ako na mismo ang bumili ng mga gamit ko para iwas sumbat.
“Marami po kasi akong ginagawa, masyadong marami ang binibigay samin na activities.” pagdadahilan ko, sumama lalo ang kaniyang mukha.
“Lagi kana lang nakatutok sa selpon mo. Ano yan lagi kayong may meeting? “ galit na siya, hindi na ako sumagot pa at tumango na lang, dahil baka kapag sumagot pa ako ay madagdagan na naman ang galit niya, napangiwi na lang ulit ako ng palihim.
“Bakit itong kapatid mo? Dalawang beses lang sa isang linggo kung gumamit ng selpon? O mag meeting?” ayan na naman sila sa pagkukumpara. Ilang beses ko nang ipinaliwanag ang kaibahan ng elementarya sa senior high school. Ilang beses ko na ring ipinaintindi sa kanila na magkaiba ang ginagawa ng public school at private school. Lalo pa’t magkaiba kami ng pinapasukan. Ang hirap kasi sa kanila masyadong sarado ang kanilang isip kaya ganyan na lang sila magsalita. Hindi pa nakakaintindi dahil ang pinapanigan lang nila ay kung ano ang nalalaman nila. Kahit minsan ay hindi nila pinanigan ang mga sinasabi ko.
Isa akong top students, pero kahit ganon hindi ako masaya sa mga natatanggap ko. Dahil ang pag-aaral ko ng mabuti ay kinukwestyon parin nila.
Kaya sa tuwing tatanggap ako ng medalya at mga sertipiko ay normal lang sa akin. Pilit lagi ang ngiting nakatingin sa camera para sa pagkuha ng litrato. Minsan di ko maiwasang hindi mainggit sa mga kaklase kong wala hindi seryoso sa pag-aaral. Maging sa mga kaklase kong nakakatanggap din ng mga medalya at sertipiko. Dahil halata sa kanila na masaya silang tinatanggap ang mga pinaghirapan nila. Samantalang ako, ako ang nangunguna sa klase pero hindi masaya sa natatanggap. Kasi pakiramdam ko ang lahat ng ito ay hindi ko deserve. Ang mga awards na natanggap ko ay hindi ko deserve.
Hindi na ako nagsalita pa, maging ang tumango o umiling ay hindi ko na rin ginawa. Mabuti na lamang ay nagkulit ang bunso kong kapatid at pumunta kay papa. Nabaling tuloy ang atensyon niya roon at nawala sakin. Doon na rin ako nakakuha ng tiyempo upang umakyat at magkulong sa aking kwarto.
Chapter 5.
Haduken
Matamlay kong tinignan ang kalangitan. Ang mga luha ko ay kusang pumatak pababa sa aking pisngi. Dapat ay sanay na ako sa mga ganito pero kahit anong gawin kong pagsasanay ay hindi ko magawa. Nanatili parin ang sakit sa dibdib ko.
Gusto kong sumigaw para mabawasan ang sakit ng nararamdaman ko pero kahit anong kagustuhan ko ay hindi ko magawa dahil hindi naman ako marunong sumigaw.
Hinayaan ko na lamang tumulo ang luha sa’king nga mata. Ang sakit ay naroroon pa sa dibdib ko. Bigla ay napahawak ako sa’king dibdib ng nakaramdam ako ng paninikip.
Nirelax ko ang pakiramdam ko. Huminga ako ng malalim. Inaatake na naman ako ng sakit na ito. Minsan ay gusto ko na itong ipa-check up. Pero wala akong lakas ng loob para malaman kung ano ba ang sakit na ito.
16 years old ako noon ng nag-umpisang makaramdam ako nito. Hanggang sa umabot na ito ngayon. At parang lumala dahil kung dati ay parang hinihingal lang ako, pero ngayon ay dumagdag ang paninikip at kirot sa dibdib ko. Gusto ko itong sabihin kila mama pero natatakot ako, at baka mawalan lang din ako ng gana dahil baka sabihin lang nila sa’kin, ’ Kakaselpon mo yan!’ may minsan ding sinabi ko iyon kay mama dahil sobrang kirot talaga niya at talagang hinahapo ako. Pero wala man lang ginawa si mama. At isa yon sa pinaka masakit sa part ko. Ang makaramdam na walang concern ang tao sa paligid ko. Napangiti ako ng mapait ng maalala ang mga ginagawa nila mama. Kung paano siya nag care kay papa at sa nga kapatid ko, at sa nakikita at nararamdam ko.
Minsan napapaisip ako, kaya siguro ganon na lang ang turing minsan sakin ni mama dahil anak niya lang naman ako sa una niyang asawa. Pilitin ko mang alisin yan sa isip ko pero kapag nakikita ko na at nararamdaman ko na ang nga actions ni mama, doon ko nasasabi ang nasa isip ko.
Kasalukuyan akong nakatitig sa kalangitan, napatingin ako sa mga group ng stars. Mayroong hugis saranggola. Madalas ko iyong makita, alam kong may pangalan iyon, kung ano man yon ay hindi ko alam.
Naibaba ko ang aking paningin, agad na nagtama ang aming paningin. Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha sa mata. Mabilis ko ding isinara ang bintana. Bigla akong nakaramdan ng hiya dahil sa kadramahan ko. Baka isipin pa non mamaya, na baliw ako.
Siguro sa mga oras na ito wala na siya sa bintana niya, kaya napagdesisyunan kong buksan ulit ang bintana ko. Nguni’t ganon na lamang ang gulat ko ng naroon parin siya, nakatingin ng diretso sa akin. Nakaramdam muli ako ng hiya, di ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon.
Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na kinuha ang speaker at ang selpon ko. Inon ko ang music at nakinig sa nga kanta ng EXO.
Mga ilang sandali pa’y gumanda na ang mood ko. Sumasabay narin ako sa kanta ng EXO, may minsan pang napapasayaw. Napatigil ako sa ginagawa ko ng muli kong makita ang bago naming kapitbahay na nakatingin sa akin.
‘Kakaurat ang lalaking yon, naudlot na nga ang pag eemo ko kanina, pati ba naman ang pagkanta at pagsayaw ko, kaniya ring uudlutin.’
Lahat ng nasa isipan ko ngayon ay inalis ko. Ayoko na muling mag-isip ng kung ano-ano ngayon. Dahil alam kong tiyak na luluha na naman ako.
Iniwan kong nakabukas ang aking bintana, sumampa na ako sa kama ko at saka nahiga. Mula dito ay kitang kita ko parin ang maaliwas na kalangitan. Maging ang mga formations ng mga stars ay kitang kita ko. Mula sa pinaknaliit hanggang sa pinakamalaki.
Muli kong inon ang speaker at saka muling nagpatugtog ng mga paborito kong musika. Halos araw-araw ko iyong pinapatugtog nguni’t hindi man lang ako nakakaramdam ng pagkasawa kahit minsan. Ganon siguro talaga noh? Kapag mahal mo ang isang bagay at gustong gusto mo, minsan di mo makalimutan at mapagsawaan. Meron din namang iba na madali kana lang magsawa.
Sa kakatitig ko sa kalangitan ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Iminulat ko ang aking mga mata ng marinig ko ang boses ni mama sa labas ng kwarto ko. Kumakatok ito at sinisigaw ang pangalan ko. Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Dahil alam kong tiyak na uutusan na naman niya akong pumunta ng bakery para bumili ng pandesal.
Ewan ko ba kay mama, ang aga kung gumising at mamalengke. Di man lang isinabay ang pamimili ng tinapay. Nasa iisang lugar naman iyon tsk.
Tumayo na ako at pinagbuksan si mama ng pinto. Nakabusangot ba ang mukha nito, galit na naman.
“Bumili ka ng pandesal, bilisan mo papaalis na ang papa mo.” bungad niya sabay inabot sakin ang bayad. Naghilamos muna ako bago pumunta nang bodega upang kunin doon ang bike ko.
Isinuot ko na ang facemask ko at saka lumabas ng bahay. Nguni’t bago pa man ako makatapak sa labas ay agad na nagtama ang aming paningin ng bago naming kapitbahay.
Nakaupo na naman siya sa kanilang gate habang umiinom ng kape. Ilang minuto rin ang itinagal ng aming pagtitigan nguni’t sadyang hindi ko iyon matagalan, dahil ako na rin mismo ang siyang pumutol at umiwas ng tingin sa pagitan naming dalawa.
Sumakay na ako ng bike at saka nagpedal papalayo. Ilang minuto lang din ay narating ko na ang bakery. Medyo kinabahan din ako kanina kasi may mga pulis na nakabantay sa kanto katabi ng ministop. Akala ko ay sisitahin ako mabuti na lamang ay may nauna na silang nasita. Sa pagkakataong iyon alam kong naging ligtas ako. Nakabalik ako dala ang pandesal na binili ko sa bakery. Mabuti na lamang ay wala na ang mga pulis na naroon kanina, kundi ay panigurado na baka masita na ako.
Pumasok na ako sa loob at ibinigay iyon kay mama. Agad na nagtungo ako ng kusina upang magtimpla ng sarili kong gatas. Gatas ang lagi kong iniinom, minsan naman ay milo o kahit anong maiinot basta choco. Hindi kasi ako nagkakape, nanginginig ako.
Kumuha ako ng tatlong pirasong pandesal at mabilis na umakyat papunta sa kwarto ko. Ayokong sabayan sila mama sa baba, dahil baka may masabi na naman si papa sa akin.
Kinuha ko ang selpon ko at speaker, agad akong nagpatugtog ng mga kanta ng EXO. Nilakas ko rin ang volume non para gumanda ang mood ng umaga ko.
Sa totoo lang ang EXO ang nagbibigay at umaayos sa umaga ko. Hindi na ako magtataka kung bakit ganon na lang din ang epekto ng iba pa.
Napatingin ako sa aking bintana ng dumungaw mula doon ang bago naming kapit bahay. Kitang kita ko na naman ang katawan niya dahil wala siyang damit pang itaas. Hindi ko rin maiwasang hindi mapatingin sa mga nakahulmang pandesal nito. Bigla ay nakagat ko ang pandesal na hawak ko. Halos maitapon ko ang pandesal at gatas ko dahil sa pagkataranta. Hindi ko alam ang gagawin ko nang magtama ang aming mga mata. Masyado akong nahihiya dahil baka isipin niya na pinagpapantasyahan ko ang katawan niya.
Pumasok na lamang ako sa loob at nagkunwaring walang nangyari. Pero deep inside hiyang hiya ako. Bakit naman kasi ganon? Dudungaw lang sa bintana kailangan pang naka topless? Dzuhh ang sarap kaya. Charr
Kinuha ko ang cellphone ko upang tignan kung anong oras na. Malapit na palang mag alas nuwebe, malapit na rin mag start ang online class ko.
21st century ang subject namin ngayon, bukas naman ay Community engagement, at sa miyekules ay Filipino. Ang 21st century at community engagement ay ang pinaka boring na subject para sakin. Siguro ay hindi lang ako interesado. Tanging sa Filipino lamang ako active, though active naman ako sa community engagement pero sa 21st century ay nganga. Yan ang pinaka nakakaantok na subject. Bukod sa wala akong maintindihan, hindi ko talaga ma gets. Ang community engagement naman ay gaya nga nung sinabi ni sir sa amin. Ang community engagement raw ay parang review na lang dahil bagalakay naman na daw iyon sa philosophy at political governance naming subject noong kami ay grade 11. Which is true nga kasi halos karamihan sa discussion doon ay alam ko. Ang 21st century lang talaga ang bago sakin.
“So first, what is
Pre-colonial Period? “
panimula ng kaklase ko, kami rin kasi ang nagrereport kahit online. Part daw iyon ng performance task namin.
“
The cultural achievements of
pre
colonial Philippines
include those covered by the prehistory and the early
history
(900–1521) of the
Philippine
archipelago’s inhabitants, the indigenous forebears of today’s
Filipino
people.“
panimula niya nguni’t wala parin akong maintindihan. Hindi lang talaga ako interesado sa subject na ito. Nagpatuloy ang discussion ng hindi ako nakikinig. Nagdodrawing lamang ako ng kung ano ano. Minsan pa ay nagbabasa ng libro, minsan din ay nagpapatugtog habang sumasayaw.
Natapos ang kanilang report ng wala akong nalaman at naintindihan. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya tuwang tuwa ako na natapos din ang reporting. Though di pa naman talaga sila totally tapos, di lang kinaya ng time kasi ang daming katanungan at kaalaman ang mga kaklase ko. Minsan ay hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kanila, masyadong masisipag, di tulad ko na sa una lang masipag. Tapos sa huli ay hindi na. Pero kahit ganon ay hindi ko naman napapabayaan ang grades ko. Ayoko ring sirain ang expectations ng family ko sakin. Nakakalungkot lang dahil sa expectations nila, ginagawa mo yung mga bagay na hindi dapat makasira ng image mo sa kanila or madismaya sila. Minsan din isa sa kinaiinggitan ko sa iba, buti sila nagagawa nila ang gusto nila without expectations mula sa family nila. Yung tipong ang lalakas ng loob nilang gumawa ng kalokohan sa loob ng school not knowing na baka masira ang image nila hindi lang sa school pati na rin sa kanilang pamilya. Minsan iniisip kong gayahin sila, yung tipong nagpapakasaya hindi dahil sa pag-aaral kundi dahil sa paglalakwatsa. Gustong gusto kong itry ang mag cutting, gustong gusto kong malaman kung anong feeling kapag nag cutting ka, kung anong feeling ng mapunta ka sa guidance dahil may nagawa kang mali. Pero ang lahat ng iyan ay hindi ko magawa. Sobrang bait ko na siguro kasi gagawin ko palang ang mga iyon napapaisip na ako. Kinakabahan at nakokonsensya. Kaya napaisip din ako dahil jan. Na baka ang mga gawaing iyan ay hindi talaga nararapat para sa akin.
Natapos kaming kumain at ako muli ang naiwan upang maglinis ng aming pinagkainan. Nang matapos ay mabilis akong umakyat papunta sa kwarto ko upang umpisahan na ang modules ko sa 21st century. Bukas na ang pasahan nito nguni’t kahit ni isa ay wala pa akong nasasagutan. Sino ba naman kasi ang gaganahang sagutan ito gayong naka file lang. Ang liliit pa ng letters at masyadong magulo. Hindi ko alam kung ano ang sasagutan. Kaya ngayon lang ko lang din ito naisipang sagutan dahil bukod sa pasahan na ito bukas, ay nakahingi ako ng file para sa mga questions dito. Kaya madali na lang para sa akin ang sagutan ito.
Halos gabi ko na rin natapos ang lahat ng mga activities ko, dahil halos lahat ng mga pendings na activities ay ginawa ko na para sa susunod ay wala na akong iintindihin. Meron pa pala, ang mga susunod pang mga activities pero atlis nabawasan at iyon na lang ulit ang tatambakin ko.
Napahiga ako sa aking kama sa sobrang sakit ng likod ko. Pagod na pagod ako, napapagod na rin ang utak ko kakaisip sa mga sagot lalong lalo na sa mga activities na puro essays ang isasagot. Mas madami kasi ang nga essays kaysa sa mga questions na may mga choices. Iyong sa mga may choices naman ay hindi ako nahihirapan dahil naise-search ko naman ito sa google, essays lang talaga ang hirap ako dahil napakadaming tanong at kailangan pang ang sentences mo ay kailangang umabot sa lima hanggang sampung sentences. Kaya ganito na lang kapiga ang utak ko ngayon. Pagod na pagod ang katawan ko, naluluha na rin ang mga mata ko dahil sa pagkatutok masyado sa laptop ko. Pagod na pagod akong mag-isip. Hindi pala talaga maganda na biglain mo ang sarili mo sa mga ganitong gawain. Napapikit ako at huminga ng malalim. Nakaramdan ako ng antok kaya naman ay ilang minuto lang din ay nakatulog na ako.
Agad kong iminulat ang aking mga mata, akala ko ay totoo na. Isa lamang pala iyong panaginip. Iiling iling akong tumayo at kinuha ang selpon ko na nakalimutan kong i-charge. Madaling araw na pala ako nagising, masyado ring mahaba ang tulog ko, ganon siguro ako kapagod kaya ganon na lang kahaba ang tulog ko.
Nguni’t ang labis kong ipinagtataka, bakit siya ang nasa panaginip ko? Bakit ganon na lang ang daloy ng panaginip ko? Bakit nakita ko ang kapit bahay namin sa aking panaginip? Magkasama kami sa isang lugar, magkayakap at tila mahal na mahal ang isa’t-isa. Napailing na lamang ako, masyadong imposible iyon. Hinding hindi iyon mangyayari, hinding hindi.
Chapter 6
Gustuhin ko mang bumalik sa pagtulog ay hindi na, dahil hindi na ako dinalaw pa ng antok. Nagugutom na rin ako, naalala ko na hindi pa pala ako kumakain simula kagabi kaya ganito na lamang ang kalam ng sikmura ko. Dahan dahan akong bumaba dahil ayokong makagawa ng ingay dahil baka magising ko sila mama at papa. Mahirap na, baka abutin na naman ako ng sermon. Nguni’t balewala na pala iyon, naabutan kong gising si papa. Kumukuha ng tubig sa ref.
“Pa…” pagtawag ko kay papa, agad naman itong lumingon sa akin. Mabilis na nangunot ang kaniyang noo.
“Oh bakit gising kapa? Akala ko ba tulog kana? “ seryosong tanong ni papa, nakayuko lamang ako, hinihintay ang sunod niyang sasabihin.
“Ilang beses kang tinawag ng mama mo kagabi pero hindi ka sumasagot. Ano bingi kana ba? “ eto na ang kinakatakot ko, ang maagang panenermon ni papa. Kahit ihanda ko siguro ang sarili ko sa mga masasakit na salitang binibitawan niya ay hindi ko parin magawa. Parang laging bago sakin. Dapat sanay na ako sa ganito pero bakit parang laging bago sakin? Nakakapagod din minsan na kapag magbibigay ka ng reason mo, hindi ka nila papakinggan. Kaya madalas nanahimik na lang ako kapag nasa ganitong sitwasyon ako.
“Hindi kana rin daw mautusan dahil lagi kana lang nakatutok sa selpon mo. Ni hindi mo nga mabantayan ang mga kapatid mo. Hindi mo pa matulungan ang kapatid mo sa nga modules niya.
Malaki kana, alam mo na dapat ang mga ginagawa mo.“ muling dagdag ni papa. Sa katotohanang mas kampi pa si mama sa kaniya doon ako lalong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay mag-isa lang talaga ako sa bahay na ito. Wala akong kakampi. Wala akong masandalan sa mga pangyayaring ganito. Wala akong masabihan sa mg problema ko. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit laging naninikip ang dibdib ko. Dahil sa pag-iipon ko ng sakit ng loob hinahayaan kong maipon dito sa dibdib ko hanggang sa humupa. Gustohin ko mang ipaglaban ang side ko sa kanila nguni’t hindi ko magawa, bukod sa wala akong lakas ng loob, alam ko ring hindi nila ako papakinggan dahil sarado ang isip nila. Natapos magsalita si papa at hindi na umimik pa. Tuloy ang gutom ko ay nawala na. Wala na akong ganang kumain. Masyado na akong nabusog sa mga sinasabi ni papa. Busog na naman ang dibdib ko sa sakit at sama ng loob.
Matapos kong uminom ng tubig ay unakyat na muli ako sa kwarto ko. At doon ay hindi ko na hinayaang pigilan ang nararamdaman ko. Kusa nang tumulo ang luha sa nga mata ko. Hinayaan kong ilabas ang sakit ng nararamdaman ko.
Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at doon ay sumampa. Muli kong hinayaang mag-unahan sa pag-agos ang aking mga luha. Kahit anong gawin kong pagpapakatatag ay hindi ko parin kaya. Masyado parin akong mahina. Minsan ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kung kailangan ko na bang sumuko? Pero kahit ganon ang mindset ko, hindi ko parin maiwasang hindi mag-isip. Na what if gawin ko ang mga bagay na ginagawa ng iba? Anong mangyayari sa mga naiwanan ko. Paano kung hanapin nila ako? Maraming dahilan ang iniisip ko kapag iniisip ko ang mga maling gawain.
Napatingin ako sa kwartong nasa harap ko ng makitang biglang lumiwanag ang kwartong iyon at iniluwa ang kapitbahay namin. Nagtama ang aming paningin, nguni’t sa pagkakataong iyon ay may lakas akong labanan ang mga titig niya. Hanggang sa hindi na niya natagalan iyon at siya na ang sumuko. Iniwas niya ang tingin niya. Napangisi ako sa aking ginawa. Hindi ko akalaing makakayanan ko siyang titigan ng ganon katagal.
Tumingala ako sa kalangitan ng mapansing may dumaang bulalakaw. Napangit ako ng mapait.
“Kung totoo man na kapag humiling ako saiyo matutupad. Hihilingin ko na sana alisin mo ang sakit dito sa dibdib ko. At sana ay bigyan mo ako ng taong pwede kong sandalan sa mga oras na ganito ang pakiramdam ko.” muli akong napangiti ng mapait sa sinabi kong iyon. Muling pumatak ang luha sa aking mga mata. Nararamdaman ko parin ang mga matang nakatingin sa akin. Alam ko kung kanino iyon, nguni’t sa pagkakataong ito ay wala akong pakialam sa kung ano ang iisipin niya sa akin. Dahil ang mahalaga para sakin ay ang nararamdaman ko ngayon at hindi ang kaisipan ng ibang tao.
Ilang oras rin akong nakatingala sa kalangitan, medyo lumiliwanag narin. Masyadong maganda ang kalangitan kaya hindi ko naramdaman ang takbo nang oras. Humupa narin ang aking pagluha nguni’t ang sakit sa dibdib ko ay hindi parin nababawasan. Siguro nabawasan rin ng konti pero mas lamang parin ang naiwan.
Lumipas ang ilang araw ng wala akong gana, lumalabas ako, kumakain din nguni’t ang tamlay ay hindi nawawala. Nawalan din ako ng ganang pumasok sa mga online classes. May minsan namang pumapasok ako tapos kapag tinawag ay nagsadahilan na mahina ang internet. Minsan din ay nakakatulugan ko ang klase kaya ako ang laging nahuhuling mag leave sa gmeet namin. Nay mga time din na napapagalitan na ako dahil lagi lamang akong natutulog sa oras ng klase. Pinagsasabihan narin ako nila mama at papa nguni’t masyadong sarado ang tenga ko para pakinggan ang mga rant nilang hindi ko naman ginagawa.
Muling lumipas ang ilang araw ay alam ko sa sarili kong ayos na ako. Nakakangiti na ako ng hindi pilit. Nakakatawa na rin ng natural. Ang tamlay sa katawan ko ay wala na rin. Wala na rin akong sakit na nararamdaman sa dibdib ko. Kaya natutuwa ako na muli kong nalagpasan ang sarili ko at muling nabuhay sa panibagong pagkatao. Kaya naman ay nag-ayos akong muli ng sarili ko, naligo ako at bumaba. Masyadong maganda ang araw ngayon, sana buong maghapon ganito lang. Agad kong sinaksak ang hose sa gripo at nag-umpisang diligan ang mga halaman ko.
“ Ang tatamlay niyo ah. Ang lalanta niyo pa. Pasensya na kung hindi ko kayo naalagaan ng ilang araw. Malungkot ang
mami
este ako nitong mga nagdaang araw eh. Pasensya na ha? God bless .“ sambit ko na tila tao ang kausap ko. Natawa ako nguni’t nawala rin iyon ng may marinig akong paghagikgik sa labas. Agad kong itinukod ang aking mga paa upang tignan kung sino ang nasa labas at ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang kapitbahay namin. Nagtama ang aming paningin, hindi ko na iyon nakayanan pang tignan. Kusa na akong umiwas, sa mga ganitong mood ko hindi ko kayang makipag eye to eye wala na akong lakas ng loob. Yumuko na ako para hindi na magtama ang aming paningin, bigla ko na namang naalala ang ginawa ko noong nakaraang nag e-emo ako. Hindi ko rin alam kung bakit siya ang pumapasok sa panaginip ko nitong mga nagdaang mga araw. Straight na 5 days na laging siya ang nasa panaginip ko. Tinititigan ko lang siya sa labas habang siya ay walang pake na nag i-scroll sa kaniyang selpon. Hindi ko alam bakit ganon lagi ang panaginip ko, isa paring malaking tanong sakin iyon. Kung bakit siya ang laging laman ng isip ko.
Mabilis kong tinapos ang pagdidilig at agad ding nag-almusal. Alas otso narin ng umaga, isang oras na lang ay mag-uumpisa na ang klase namin. Miyerkules ngayon, Filipino ang subject namin. Medyo hindi boring ang subject na ito. Minsan nakakainis lang kasi nagto-talkshow muna ang teacher namin bago magstart ng lesson. Gamay ko na rin naman ang ugali ni Ma’am Kat kasi naging teacher ko na rin siya noong grade 11 ako sa subject niyang DISCIPLINE AND IDEAS APPLIED IN SOCIAL SCIENCES (DIASS)
Nag-umpisa ang klase sa pagto-talkshow hanggang sa natapos ang attendance at doon na si Ma’am nagturo ng lesson. Medyo napupukaw ang atensyon ko dahil sa lesson namin.
“Dadako na tayo ngayon sa teleserye.” panimula ni ma’am Kat, di ko pa pala nasabi na sa subject na ito dapat ay alerto ka rin dahil kusa kana lamang tatawagin. Gaya na lamang nito.
“Nasaan si Sefarin? “ pagtawag sa akin ni ma’am. Paniguradong itatanong niya kung ano ang teleserye.
“Narito po ako ma’am! “ tugon ko
“Sefarin, ano ang teleserye? “ tama ako, mabuti na lamang ay may alam ako sa lesson ngayon kaya hindi ako natatakot na baka ako’y matawag at wala akong maisagot.
“Ang teleserye po ay
Nagmula sa dalawang salita na “tele”, pinaikling salita para sa “telebisyon”, at “serye”, salitang Tagalog para sa “series”
“ panimula ko, tatango-tango naman si Ma’am Kat bilang pag-sang ayon sa mga sinasabi ko.
“
Ang Philippine Drama, o mas kilala bilang teleserye o teledrama, ay maaaring i-uri sa iba’t-ibang anyo at genre. Ang teleserye o teledrama ay isang uri na napapanood sa telebisyon na karaniwang hindi makatotohanan o walang pawang pruweba na masasabing ito ay totoo.
Yan lamang po. Salamat.“ dagdag ko at muling tumango si Ma’am Kat bilang pag-sang ayon sa aking sinasabi.
“Tutal ay nabanggit mo na rin ang Philippine Drama, sa lahat ng napanood mong teleserye ano ang pinaka nagpa-antig sa puso mo? Ano ito at bakit? “
“Ako po ba ulit ma’am? “
“Yes Safarin, may iba paba akong tinawag bukod saiyo? “ mabuti na lamang ay naka off cam ako kundi ay baka nakikita na nila ang pagmemeyk face ko.
“Madami po akong napanood at madami din po akong paborito. Hindi ko po sila kayang isa-isahin. Hindi ko rin kayang magsabi ng isa lang kasi baka magkagulo sila mag-away away pa.” sagot ko rinig ko naman ang hagikhikan ng mga kaklase ko.
“Kapag tatawa kailangang naka on ang mic ano?” bulong ko nguni’t lalo lamang akong nakarinig ng pagtawa. Halos mailayo ko ang headphone sa tenga ko sa sobrang lakas nilang tumawa. Doon ko lang din napansin na naka on parin pala ang mic ko.
“
Pisting yawa! “
muling sambit ko dahilan para lalo silang magtawanan. Kingina.
Natapos ang klase namin na ako na naman ang naging bida. Paano? Dahil nga doon sa hindi ko pag off ng mic, kaya ayon nakakasawang sermon ang natanggap ko kay ma’am Kat. Mabuti na lang talaga hindi kami required na mag open ng cam dahil kung hindi ay baka hindi ko na nagagawa ang mga bagay na ginagawa ko lagi kapag nag-uumpisa na ang klase.
Nang matapos ang klase namin ay bumaba na ako dahil nagugutom narin ako. Pagkababa ko ay naroon na sila mama. As usual walang bago sa takbo ng buhay kong ito. Hindi ko na nga pinapangarap na may magbago pa eh kasi wala naman akong nakikitang dahilan para baguhin pa. Hindi na kayang baguhin pa ang bagay na nabago na. Natapos kaming kumain lahat, pumasok na ulit sila mama sa kwarto nila. Habang ako ay naiwan dito sa kusina para maghugas ng aming pinaggamitan. Nang matapos ay lumabas ako ng kusina at nagtungo sa labas upang magpahangin. Medyo tirik ang araw at mainit kaya hindi rin ako nagtagal.
Lumipas ang araw na ito na wala akong masyadong ginawa. Maghapon lamang akong nakahiga at hindi na lumalabas ng kwarto. Alas sais na ng gabi ng bumaba ako upang kumain. Muling natapos, naghugas at tapos na ulit. Wala na akong masyadong maikwento dahil paulit ulit lang naman ang takbo ng buhay ko sa bahay na ito.
Kinuha ko ang upuan at inilabas iyon at doon ay naupo. Napatingala ako sa kalingitan ng maalala na ilang beses na akong umuuwi ng ganito kadilim kapag gumagala ako kasama ang mga kaibigan ko. Minsan ay hindi ko maiwasang hindi ma miss ang mga kaibigan ko. Lalo na ang mga kaklase ko na naging kaibigan ko rin hangganh ngayon. Nakakalungkot lang dahil nagkahiwa hiwalay kami ng section. Ewan ko ba sa school namin, masyadong epal hindi na lang kami ginang block section.
And speaking of that, namimiss ko na rin ang maggala gala sa kung san-san. Magpunta ng Museum, Sa Luneta, sumama sa mga kaibigan kong nakikipag meet up sa mga nakilala nila sa RPW . Minsan nga ay binabalaan ko sila eh. Puro babae pa naman ang mga kaibigan ko. Pero masyadong matitigas ang ulo nila kaya as a friend ay sinasamahan ko na lang sila para mailayo na rin sa kapahamakan.
Namiss ko tuloy ang madalas naming pagpunta sa SM Manila para doon ay mag videoke sa loob ng Tom’s World. Natawa ako sa sarili ko ng maalala na ilang beses na akong pumipoyok doon. Madami pa namang tao kasi masyadong public. Magkasama kasi ang nga arcade game at videoke kaya kapalan na lang din ng loob ang pagkanta. Kaso nakakahiya lang talaga pagsumablay ka dahil hindi lang ikaw ang naroon. May iba rin kayong kasama na kumakanta rin. May minsan pa ngang muntik na kaming napaaway sa labas ng SM Manila dahil inabangan kami nung nakasabayan naming kumanta. Muli ko tuloy naalala ang nangyaring iyon.
Flashback
Narito kami ngayon sa Tom’s World sa loob ng SM Manila. Ito abg paborito naming tambayan kapag gagala kami somewhere. Lagi naming dinadayo dito ang videoke. Maganda kasi ang mic pati ng sound kaya lagi kaning narito.
Habang naghahanap ng makakanta ay hindi namin naiwasang hindi matawa dahil sa pagpiyok ng isang babaeng kumakanta ngayon lang.
Pigil namin ang paghagikhik dahil paniguradong maririnig nila ang aming pagtawa. Hanggang sa nagbiro si Jazmelle at doon ay hindi na namin napigilan pa ang aming sarili na itago at pigilan ang aming mga tawa.
Kaya nangibabaw ang tawa naming lima kaysa sa kumakanta. Dahilan din iyon para magtinginan ang mga taong nasa loob at naglalaro.
“Ikaw kasi Jaz eh, ang ingay mo.”
paninisi sa kaniya ni Lara at dahil don ay muli kaming natawa.
“Ay teh ako talaga? Bakit totoo naman eh. “
tugon naman sa kaniya ni Jazmelle, tinutukoy ang sinabi niya.
Hindi ko pa pala nasasabi ang dahilan din namin dito, kaya pala kami nandito dahil makikipag meet up ang kaibigan naming si ANNA. Sumipot naman ang ka-meet up niya. Ang hindi lang namin maintindihan bakit sa chat ang ingay nya pero sa personal eh ang tahimik. Napagkamalan ko pa ngang pipe eh.
“So totoo namann eh hahaha. Parang mas lalaki pa nga itong si Bienne kesa don sa lalaking yon.”
tukoy ni Jazmelle sa ka meet up ni Anna.
“Oo na letse kayo.”
iritang sambit naman ni Anna ay biglang nag walkout. Dahilan para lalo kaming matawa.
Alas singko na ng gabi ng matapos kaming mag bidyoke pagkalabas namin ng SM Manila, hindi pa man kami nakakalayo mula roon ay may humarang na sa amin. Saka lamang namin ito nakilala ng maalala na ito iyong kasabayan namin sa videoke kanina.
“Hoy! Bakit niyo ako pinagtawanan kanina? Lalakas ng loob niya ah.”
sambit ng babaeng nasa harapan. Eto yung pumiyok kanina sa loob ng videokehan. Hindi ko tuloy naiwasang hindi matawa. Mukhang narinig nito ang pagtawag ko dahilan para lingunin ako nito at hawakan ang kwelyo ko.
“Bakit
ka
tumatawa? “
muling sambit nito sa akin at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ko. Doon ako nagulat kaya mabilis kong hinawakan ang kamay niya at malakas na hinatak yon papaalis sa akin. Kaya ngayon ay hawak hawak niya na ang kanang kamay niya na hinawakan ko.
“Subukan mo ulit akong hawakan, babalian kita. Kaya kong pumatol sa babae. Lalo na ngayon may dahilan ako para patulan ka.”
hindi ako nananakot pero alam kong ganon na ang dating sa iba. Ayoko sa lahat ay ang hinahawakan ako ng hindi ko naman kilala. Lalo na kapag ginugusot ang damit ko. Kaya kong lumaban ng pisikalan, mahina ako sa dakdakan eh. Kaya kong pumatol sa pamamagitan ng pagsuntok at pananambunot.
“Pag nakita pa namin kayo dito, paniguradong sira yang mukha niyo.”
banta nito, hinarap ko ito ng nakangisi.
“Pananakot naba yan? “
nakangising sambit ko. Pinanlakihan lamang ako ng mata ng mga kasama nito.
“Sa payat niyong yan? Tignan mo nga mga kasama ko. Sa tingin niyo kaya niyo kami? Eh kaya namin kayong hambalusin.”
muling sambit ko at tinignan ang babaeng sobrang sama kung tumingin sa akin. Kaya tinignan ko rin ito mula ulo hanggang paa.
‘Dugyot’
“Gusto mo dukutin ko yang mata mo? Sama mo kung tumingin ah. Gusto mo ng sampol? “
pananakot ko dito kaya iniwas niya naman ang kaniyang tingin at nagtago sa likod ng kasama niya. Hindi na nagsalita pa ang apat na iyon hindi na rin ako nagsalita pa dahil ayokong makasama pa ng damdamin. Ayoko kasing inuunahan ako eh. Masyado pa naman akong mapanlait na tao, kaya minsan iniiwasan kong magsalita lalo na sa mga ganitong tao. Kasi minsan sa mga sinasabi ko hindi ko maiwasang hindi ma guilty hanggang sa lagi ko na iyong iniisip. Kahit anong sama ko, mas nangingibabaw parin ang mabuti sakin noh.
’Ang basura hindi inuugali,
Kundi tinatapon sa tamang lalagyan. Kung ilalagay kita ngayon, tiyak akong sa nabubulok ka nabibilang.’
sambit ko sa isip ko. Hindi ko na naiwika pa dahil ayokong pagsisihan ko rin sa huli. Ayokong maaawa sa kanila. Ayokong makaramdam ng guilt sa mga ginagawa ko.
Umalis na kami doon saka naglakad papunta sa sakayan ng jeep. At doon ay muli kaming nagtawanan.
End of flashback*
Muli akong natawa ng maalala ang nangyaring iyon. Ilang beses na kaming umulit na pumunta doon pero hindi na kami hinarang o binalikan ng mga babaeng iyon.
Natatawa kong ibinaba ang aking paningin at agad na tumama iyon sa kapit bahay namin. Mabilis na tumibok ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kung bakit ganito na lamang kabilis ang tibok ng puso ko.
Hindi na ito normal pa sa akin dahil alam ko na agad ang dahilan nito. Sabay naming iniwas ang aming paningin. Ako naman ay tumingala muli habang siya ay tumingin sa kaniyang kaliwa. Medyo nakaramdam ako ng awkward kaya naman pinili ko na lamang ang pumasok sa loob at umakyat sa kwarto ko. Binuksan ko ang bintana at doon ay sumampang muli. Hindi ko maiwasang hindi maalala ang nangyari kanina lang. Bakit ganon na lang ang bilis ng tibok ng puso ko nung makita ko siya? Bakit ganon na lang ang nakikita ko sa mga mata niya? Tila namamangha. Pero ang pinaka pinag-iisipan ko ngayon ay kung ako ba ay may gusto na sa kaniya.
Chapter 7
Lablab Hanggang ngayon ay hindi parin ako pinatitigil ng isip ko na mag-isip ng mag-isip. Gusto kong alamin sa sarili ko kung may gusto naba ako sa kaniya o dahil lang nakaramdam lang ako ng gulat. Lumipas ang ilang araw ay ganon parin ang pakiramdam ko. Bumibilis ang tibok mg puso ko kapag nakikita ko siya. Tila mayroong kumikiliti sa akin kapag nakakasabay ko siyang bumili sa tindahan.
Talaga bang magy gusto na ako sa kaniya? O baka indenial lang ako kasi wala naman akong makitang maaaring magustuhan ko sa kaniya. Isa pa, hindi ko rin naman siya kilala kaya imposibleng magkagusto ako sa kaniya.
“
Simula ngayong araw hanggang sa ika labing apat na araw ng buwang ito ay iiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila gayundin sa Laguna at Cebu City.“ kasalukuyan akong nasa sala
ngayon. Nanonood ng TV ng biglang lumabas si papa mula sa kwarto nila.
“Ano na naman yang
modipayd modipayd
nayan? “ iritang sambit ni papa habang nakatitig sa TV
“
Limitado ang galaw ng mga tao sa containment zone para makakuha ng essential services at makapagtrabaho.
Papayagan na ang operasyon ng manufacturing at processing plants ng hanggang 50 porsiyento ng mga tauhan o empleyado. Limitado ang paghahatid ng essential goods at serbisyo Suspendido ang pisikal na klase sa mga paaralan .Ipinagbabawal pa din ang Mass gathering. Social Distancing 1 METER APART sa trabaho“
“Ano ba naman yan. Ang dami nilang nalalaman. Paano na ang kabuhayan ng mga tao? Palibhasa ang mga iyan eh mayayaman kaya ganyan na lang kung magdisisyon.” muling kumento ni papa. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiwi. Tumayo na ako at agad na umakyat sa aking kwarto. Kinuha ang cellphone at ikinonek sa speaker at saka nagpatugtog.
Masyadong maganda ang kalangitan ngayon. Maaliwalas at napakadaming bituin. Isa sa magandang naging dulot ng pandemyang ito, nabawasan ang pulusyon sa kalangitan. Dati kasi hindi mo masiyadong makikita ang mga nagliliwanagang mga bituin. Maymakikita ka pero iilan lamang. Hindi katulad ngayon na sobrang dami na nila.
Lalo pa akong nakaramdam ng kaginhawaan sa aking isip ng biglang tumugtog ang 24/7 ng EXO kasabay non ay ang Peter Pan. Hindi ko tuloy naiwasang hindi mapasabay sa kanilang kanta. Masyadong maganda ang panahong ito lalo pa’t sasabayan mo ng nga fave mong music. Nakaka relax ng super duper sobra sa isip mo maging sa iyong kalooban.
Ipinikit ko ang aking mga mata, ninamnam ang masarap na simoy ng hangin. Tila ay hiniling ko na sana ganito na lang lagi ang panahon. Laging ganito na kang katahimik ang buhay ko. Walang gulo, walang ingay, walang sermon, walang magagalit at nagagalit. Walang rants, walang huhusga at walang susuway.
Muli kong ipinikit ang aking mga mata ng maymakita akong shooting star. Mabilis akong humiling. Sabi kasi nila kapag may nakita ka daw na shooting star humiling ka. Wala namang mawawala kung hindi ko susubukan diba?
Iminulat ko ang aking mga mata, agad iyong tumama sa harapan ng aking bintana. Agad na sumalubong ang pares niyang mata sa aking paningin. Hindi ko inaasahan na magtatama ang aming paningin. Gaya nang nauna ay ako na rin ang sumuko. Agad king ibinaling sa iba ang paningin ko.
Eto na naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Isang buwan na ang dumaan magmula ng maramdaman ko ito. Alam kong may hindi na normal sa nararamdaman kong ito. Dahil hanggang sa ngayon ay nagtataka parin ako.
Paano ko nagustuhan ang taong hindi ko naman kilala? Paano ko magugustuhan ang isang taong ni miski isang beses ay hindi ko pa nakaka-usap? Kaya isang napaka laking katanungan nito para sa akin. Wala akong dahilan para magustuhan ko ang taong ito. Kaya buo na ang disisyon ko, habang hindi pa ako sigurado ay kailangan kong iwasan na siya, hindi na ako makikipag eye contact sa kaniya. Ayokong lumago itong nararamdaman ko sa kaniya. Hindi dahil natatakot ako na baka hindi niya ako saluhin, kundi ay alam ko rin namang aalis din siya dito.
Lumipas ang ilang araw, ipinatupad na ang MECQ dito sa Metro Manila. Hindi ka pwedeng lumabas ng wala kang dalang quarantine pass. Bawal na rin akong lumabas dahil hanggang bente uno pataas ang edad ang siya lamang pinapayagang lumabas ngayong MECQ. Medyo boring ulit ang buong week ko dahil bukod sa nakatengga na naman ako sa kwarto ko, panay pa ang nakakasawang sermon ang nakukuha ko lagi kila mama at papa. Hindi rin ako pwedeng lumabas labas o kahit mag bike-bike dahil wala pa naman sa bente uno ang edad ko.
Lumipas ang isang linggo na parang may kulang sa akin. Hindi ko malaman kung ano ito, ang pakiramdam ko ay may hinahanap na ibang tao ang mga mata ko. Ang lungkot din ng puso ko. Naramdaman ko ito magmula noong iwasan ko ang kapit bahay namin. Hindi na ako lumalabas ng gate, lagi ko na ring sinasarado ang aking bintana para maging successful ang pag-iwas ko na mag eye contact ang aming mga mata. Hanggang sa lumipas pa ang ilang araw, sobrang bigat ng pakiramdam ko. Akala ko ay mawawala na itong nararamdaman ko, nguni’t bakit tila ngayon ay lalong lumago?
Hindi ko na natiis na hindi siya makita kaya may minsang bumababa ako upang tignan siya, binubuksan ko na rin ang aking bintana pero hindi parin satisfied ang puso ko sa ginagawa niya. Nakabisado ko na rin kung anong oras siya bumababa at kung anong oras din siya umaakyat.
Sabi ko sa sarili ko hindi ko na muna ako magpapakita sa kaniya, o miski ang makita siya ay ipinagbawal ko sa sarili ko. Siguro baliw lang ako sa part na yan, lumalayo at umiiwas sa taong hindi naman kilala.
Pilitin ko mang umiwas ang kaso, tae lang, hindi ko ata kayang tagalan ang isang araw nang hindi siya nakikita. Para akong nababaliw sa tuwing magtatama ang aming paningin. Kung ang dating pagsasabay namin sa pagbili ay wala lang sa akin, pero ngayon ay iba na. Kinikilig na ako sa tuwing magkakasabay kaming bumili.
Ito ang unang araw ng buwan ng setyembre , eto na rin ang araw na pwede ulit akong makalabas labas ng walang dalawang quarantine pass. Ito rin ang unang buwan ng BER months.
Lumabas ako para bumili ng makakain ko, sa hindi inaasahan ay nakasabay ko muli siyang bumili. Napatingin ako sa kaniyang likuran, mas matangkad siya kaysa sa akin. Hanggang tenga niya lamang ang taas ko.
Nang matapos naming bumili ay pinauna ko na siyang maglakad para kahit sa likuran niya ay matitigan ko siya. Sa ginagawa kong iyon ay kinikilig na ako. Paano pa kaya kapag nakasalubong ko siya ng harapan?
Nauna na akong pumasok sa loob habang siya naman ay naupo sa kanilang gate, gustuhin ko mang hindi muna umakyat para naman makita ko siya kahit papaano, nguni’t masyado akong nahihiya ngayon para gawin iyon. Kaya wala akong nagawa kundi ang umakyat ng kwarto.
Lumipas pa ang ilang araw, napapansin ko sa sarili ko na lagi ko siyang gustong makita. Gustong gusto ko siyang makasabay ulit sa pagbili sa tindahan. Nguni’t nitong mga nagdaang araw ay hindi ko na siya nakakasabay pa.
Nalulungkot ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ano ang kaniyang pangalan. Kaya mas lalo akong nalulungkot at naiinis na rin sa sarili ko dahil nahulog ako sa taong nakikita ko nga nguni’t hindi ko naman alam ang pangalan niya. Napabuntong hininga ako sa kawalang magawa.
Kasalukuyan ako ngayong nakadungaw sa aking bintana, naghahangad na sana siya ay lumabas. Nguni’t ilang minuto din ang lumipas ay hindi parin siya lumalabas mula sa kaniyang bintana. Kaya bigo akong bumalik sa lamesa at nakinig na lang sa tinatalakay ni Ma’am Kat.
“Ngayon ay tatalakayin natin ang mga uri ng pag-ibig. Sino na sainyo ang may ideya dito? Anyone? “ tanong ni mam Kat, natahimik ang lahat. Alam ko ang sagot pero tinatamad akong magsalita.
“Ako po maam.” tugon ng aming presidente.
“Oh Mr. President sige, ano ang mga uri ng pagmamahal? “
“Dalawa lang po ang alam ko eh, pero paki correct na lang po mam.” muling tugon nito, napangiwi ako.
“Sige sige, go ahead”
“GO MISTERRR PRESSSS!! RAWR RAWR! “ mabilis kong nailayo ang aking earphones ng magsalita ang kaklase kong maingay. Sa buong cycle na ito at sa bawat recitation siya ang kinaiinisan ko. Parang hindi marunong gumamit ng mouthpiece, kasi sa tuwing magsasalita siya ang, nilalagay niya o nilalapit niya iyung mouthpiece ng earphones niya at doon todo bigay na nagsasalita. Kaya nakakarindi lagi dahil bukod sa sobrang lakas niyang magsalita, pati ang paghinga niya ay maririnig mo sa sobrang lakas niyang magpakawala ng hangin. Palibhasa rin ay mataba kaya siguro ganyan.
“So ang una po ay
Philia
.“ panimula nito. “Pagmamahal sa pagitan ng mga magkakaibigan, ito’y pagmamahal na ipinaparamdam ng mga magkakaibigan sa isa’t isa na may iisang layunin sa buhay. Pangalawa naman po ay
EROS,
Dito pumapasok yung pagmamahal natin sa mga taong naging parte na ng ating mga buhay, mga taong nakilala nating minsan na ngayo’y di na natin kaya pang mabuhay ng wala sila. Ito’y tumutukoy sa pagmamahal ng babae sa isang lalake, at gayon din naman ang lalake sa isang babae . Yan lang po, thank you po mam.
“ dagdag pa nito, nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko habanh si mam Kat naman ay tatango tango lang.
“Sino pang dadagda sa sinabi ni Mr. President? “ muling tanong ni mam kaya naman ng on ako ng mic. Ako ang sasagot.
“Sefarin po.”
“Oh yes sefarin, sige.”
“So base po sa natatandaan ko dati sa Philosophy subject namin noong nakaraang taon, tinalakay po namin ang Augustinian Philosophy of Love. Hindi ko na po ipapakilala siya dahil alam ko naman pong kilala na nang lahat iyon. So yung una po tama naman po si Mr. Pres,
PHILIAL,
eto po yung pagmamahal na may kundisyon. Halimbawa po, mamahalin ko ang isang tao, pero may kundisyon. Kapag minahal ko siya, dapat ay mahalin niya rin ako~~“
“Owssss! “ hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang gumawa ng eksena ang adibadib kong kaklaseng bano na parang ngayon lang nakarinig ng ganyang salita.
“Ang pangalawa naman po ay ang sinabi ni Mr. Pres, ang
EROS,
yan po ang tawag saming mga lalaking EXO-L, charr haha.“ so next, walang tumawa. “So ayon nga po, ang
EROS o EROTIC LOVE
naman po ay only for fulfilment of flesh. Ang pangatlo naman po ay ang
AGAPE,
ang
AGAPE
naman po ay unconditional love or external love. Ito po yung pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Tulad na lang po kunyari, minahal ko ang isang tao pero hindi ako nag eexpect na mahalin niya rin ako pabalik. Pag-ibig na walang hinihintay na kapalit, di alintana ang hirap … ito’y ipinaparamdam ng ating mahal ng Panginoon at tanging siya lang ang wagas na makakapagbigay nito. At ang tawag naman po doo. Ay Godly love.“ pagpapatuloy ko, nakikita ko rin ang paghanga sa mukha ni mam Kat. Tila satisfy sa lahat ng mga sinasabi ko. Napangiti naman ako at muling nagpatuloy. “Yun lang po mam nakalimutan ko na rin po kasi ung iba. Salamat po. “ dagdag ko at agad na inof ang mic, mahirap na baka pagmagsasalita na naman ako eh marinig na naman nila.
“Very good, since nasabi naman na ni Sefarin lahat, may tanong ako sa inyo. Kayo bilang magmamahal, ano ang ibibigay niyo?
Erotic love? Philial? O Agape? “
“Lahat po ba kami sasagot mam? O si Sefarin lang po? “ biglang bungad naman ni Yvonne, isa sa adibadib kong kaklase. “I mean po, isa-isa po ba kaming sasagot o si Sefarin po? “ muling dagdag nito.
“Ang tibay taena. Sarap sungalngalin ng earphones eh.” iritang sambit ko sa sarili ko habang nakatingin sa screen ng laptop ko.
“Syempre lahat kayo.”
“Ahh sige po. Salamat! “
“Oh sino ang magvo- volunteer?”
“Me po mam! “ maingay na sambit ni de Jesus, isa rin to sa kiniinisan ko eh. Lalakas ng mga bunganga. Boses pala.
“Oh, sige ikaw de Jesus. Anong ibibigay mong pagmamahal? Erotic love? Philial? O agape? “
“Philial po mam! “ tugon naman nito.
“Oh bakit Philial? “ muling tanong naman ni mam sa kaniya.
“Kasi po mam gusto ko may kundisyon. Gaya po ng sinabi ni Sefarin kanina. Kapag minahal ko siya dapat mahalin niya rin ako pabalik para naman hindi lang ako ang nagmamahal sa aming dalawa.” hugot nito dahilan para maging abnormal na naman ang kalahati sa mga kaklase ko. Asar na asar kong tinanggal ang earphones sa tenga ko at ibinalik na lang iyon nang matapos na ang pagiging wild nila.
Natapos silang mag recite hanggang sa ako na lang ang natira. Kaya naman wala akong choice kundi ang sumagot na lang. Karamihan sa kanila ay Erotic love at Philial love ang ibibigay sakaling sila ay magmahal, lalong lalo na sa mga kaklase kong lalaki na Erotic love ang pinili, ang lalakas ng loob, ampapanget naman ewww.
“Ang pipiliin ko po is Agape, unconditional love, ibibigay ko ito sa taong pinaka importante sa buhay ko, yon ay ang pamilya ko. Sila ang dapat na pinaglalaanan ko ng pagmamahal bago ko mahalin ang ibang tao. Bukod don ay ang panginoon, at higit sa lahat, ang aking sarili. Mamahalin ko ng buo ang aking sarili kaysa sa iba dahil tanging ako lamang ang makakaramdan ng sakit sakaling iwanan ako at walang matira sakin. Mga 99.9% sa sarili ko, kasama na doon ang pamilya ko at 0.1% percent naman para sa ibang tao. Yun lang po. Salamat! “
“Wow! Lagi mo talaga akong pinapabilib sa lahat ng sinasabi mo Sefarin, ipagpatuloy mo iyan. Oh siya, dahil wala na tayong oras hanggang dito na lamang ang ating pag-uusap. Muli huwag niyong kakalimutan ang inyong proyekto, hanggang sa muli nawa’y sana kayo parin ang maging estudyante ko next semester. Ang saya ko dahil naging parte ako ng first cycle niyo. Nalulungkot ako dahil hanggang dito na lang ang pagtuturo ko. Maraming salamat and keep safe everyone, you may now leave!”
“Thank you mam! “
“Tenk tsu mam!”
“
Kapunka
mam! “
“Salamat mam!”
“Arigatou guzaimas! “
Halos sabay sabay na nagsipagsalita ang mga kaklase ko dahilan para ako ay marindi. Hindi na ako nagpaalam pa dahil sa ingay nila. Nag leave na ako sa gclass ng hindi man lang nagpapaalam at nagpapasalamat. Ito na rin ang last day ng first cycle namin. Next week ay 2nd cycle naman for 6 weeks ulet.
Isa rin sa ikinakatuwa ko ang sched namin. Hindi siya hassle pero madaming activities. Ang 1st sem kasi namin hinati sa tatlong cycle, katatapos lamang ng first cycle namin ngayon. And next week naman ay umpisa na ng 2nd cycle para sa iba naming subjects.
Natapos ang buong araw ko nang productive ang katawan ko. Halos lahat ng activities ko ay tinapos ko na. Lahat din ng projects na kailangang gawin ay naipasa ko na ng maaga. Kaya ngayon ay wala na akong gagawing activities. Nakakatuwa lang dahil pwede mo na ulit gawin ang lahat ng gusto mong gawin kapag wala ka nang nakatambak na gawain. Masyadong nakaka relax ng isip at ng katawan. Dahil na rin siguro sa pagod ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Chapter 8
Crush?
Iminulat ko ang aking mga mata. Mabilis kong kinuha ang selpon ko at agad na tinignan ang oras. Alas tres na pala ng madaling araw.
Grabe ang haba ng naitulog ko. Sa tantsa ko ay alas sais nang gabi ako nakatulog. Halos siyam na oras din ang tinulog ko. Hindi na rin iyon masama. Nakabubuti pa nga eh. Tumayo ako upang bumaba sana kaso bigla kong naalala ang nangyari noong nakaraan kaya mas minabuti ko na lang na hindi na lamang bumaba. Ayokong makita ulit ako ni papa ng ganitong oras. Mahirap na, baka sangkatutak na sermon at masasakit na salita ang makain ko ngayon.
Dumungaw na lamang ako sa binta ng aking kwarto. Masyado pang madilim ang kalangitan, may mangilan ngilang bituin kang makikita, bigla na lamang akong natuwa nang makita ang hugis saranggolang bituin. Ilang beses ko na siyang nakikita, halos madalas nga ata o araw araw.
Nakatitig lamang ako dito ng ilang minuto hanggang sa naibaling ko ang aking atensyon sa biglaang pagliwanag ng isang kwarto. Bigla ay nakaramdam ako ng tuwa sa hindi malamang dahilan. Bumilis din bigla ang tibok ng puso ko. Nakaramdam ako bigla nang pagkasabik na makita ang lalaking lalabas at dudungaw sa harapan ng bintana ko.
Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang tuluyan na itong lumabas at bigla ah nagtama ang aming mga mata. Hindi ko rin natagalan iyon dahil wala akong lakas ng loob na labanan ang mga titig niyang iyon. Iniwas ko ang aking paningin at itinuon na lamang sa kalangitan. Umabot ng ilang segundo ay ibinalik ko sa gawi niya ang mga mata ko. Agad na tumamlay ang katawan ko nang hindi ko na muli siyang nakita.
Bagsak ang balikat na bumalik ako sa loob at humiga sa kama. Ilang beses ko na rin siyang napapanaginipan. Hindi ko alam kung bakit, kaya naman mabilis kong kinuha ang selpon ko at nagsearch kung ano ba ang ibig sabihin non.
“
Ano ang Totoong Ibig Sabihin Kapag Napapanaginipan mo ang isang tao o
Crush mo
“
basa ko sa isang article na na-search ko sa google. Bigla ay napaisip ako, Crush ko na nga ba siya?
“
Hindi porket napanaginipan mo ang isang tao o ang crush mo ay iniisip ka niya. Minsan kasi ikaw ang siyang nag-iisip kung kaya maging sa pagtulog mo ay nakikita mo siya.
“
kumunot ang noo ko sa nabasang iyon. Hindi parin nasasagot nito ang katanungan ko. Ang mga sinasabi din nito ay hindi ko naman ginagawa, kaya napaka impossible talaga na mapanaginipan ko ang lalaking iyon. Muli kong pinagpatuloy ang aking pagbabasa.
“Kung naiisip mo siya lagi bago ka matulog, mataas ang tsansa na pumasok siya sa iyong panaginip. Nguni’t hindi ibig sabihin nito na iniisip ka niya, at hindi rin naman ibig sabihin nito ay
napapanaginipan ka rin niya. Hindi naman imposible na sabay niyong mapanaginipan ang isa’t isa. Pwede sigurong mangyari iyon kung parehas kayong may gusto sa isa’t isa, o kaya naman, ay mayrelasyon kayong dalawa. Sa dahilang iyan, maaari niyong mapanaginipan ang isa’t-isa.“
Buntong hininga kong ibinaba ang aking selpon nang mabasa ko ang article na iyon sa google. Napangiwi ako, ’Hindi ko naman siya iniisip eh. So bakit nga siya ang laging laman ng isip ko?
Muli kong kinuha ang selpon ko at kasabay non ang speaker ko. Agad ko iyong binuksan at nagpatugtog. Nakaramdam din ako ng tuwa nang may makitang apat na yema sa lamesa ko. Mabuti na lamang ay hindi ko naubos iyon kundi ay baka gutom na gutom na ako sa mga oras na ito.
Kasalukuyan ako ngayong nakahiga sa kama ko habang nakatitig sa kisame at paisa-isang kinakain ang yemang pa pyramid. Malalim akong nag-isip isip sa kung ano-anong bagay bagay na maaari kong isipin. Gusto kong pagudin ang utak ko sa kakaisip para mawala na sa isip ko ang lalaking iyon.
Pero kahit anong gawin ko pilit siyang pumapasok sa isip ko. Siguro tama nga ang nasa article na iyon. Iniisip ko siya kaya laging siya ang nasa panaginip ko. Indenial lang siguro ako sa ngayon kaya panay ang deny ko kahit obvious naman na at totoo naman.
Lumipas ang ilang oras at ganon parin ang puwesto ko. Maliwanag na rin sa labas kaya naman bumangon na ako at naghilamos. Bigla kong namiss ang mga halaman ko.
Mabilis akong nag-ayos ng sarili ko at matapos non ay bumaba na ako papunta sa bakuran namin.
Gaya ng kinagawian ay sinaksak ko ang hose sa gripo upang pagdaluyan ito ng tubig. Nakangiti kong pinaliguan ng bahagya ang mga halaman ko. Natutuwa ako dahil ang lalaki na nila. Meron pang ang iba kong halaman ay lumalabas na ng bakuran dahilan para lumabas ako at doon din sila dinidiligan. Nakakatuwang mag-alaga ng mga halaman. Hindi na ako magtataka kung bakit ang iba ay sobrang mahal ang pagtatanim ng mga halaman. Dahil gaya ko ay narerelax ako at sobrang natutuwa dahil sa magandang kinalabasan nito. May mangilan ngilan naring namumulaklak habang ang iba naman ay patuloy na lumalago.
Nang matapos akong magdilig ay pinatay ko na ang gripo at tinanggal ang hose mula sa pagkakasaksak.
Isang napakagandang umaga nito para sa akin dahil bukod sa maganda ang gising ko kanina kahit masyadong napaaga, ay dahil isa sa dahilan ay wala kaming klase ngayon. Free na free ako ngayong araw, wala akong gagawin na kahit anong activities kasi tinapos ko na lahat kagabi.
Noong nakaraang araw ay inanunsyo na ang pagbubukas ng iba’t-ibang stablishimento. Kaya naman ay napagdesisyunan naming nagkakaibigan ang maggala gala kahit papaano ay mabawasan ang sakit sa ulo gawa nang mga school activities. Tamang tama din ang pagkakataong ito dahil wala sila mama kaya maaari akong gumala ngayon.
Nag-ayos na ako ng sarili ko, halos dalawang oras din ang itinagal ko sa pag-aayos. Tsinek ko muna ang mga gamit namin kung maayos ba ang lagay non. Kung napatay ko na ba ang mga dapat kong i-off at kung naisara ko na ba ang mga dapat na isara. Mahirap na kasing masalisihan, baka mayari pa ako. Lumabas na ako at papaaalis na na sana nang makatanggap ako ng text mula sa kanila.
Mabilis na bumusangot ang mukha ko nang mabasa ko ang mga messages nila. Nauurat ako dahil sobrang excited ko pero hindi naman pala kami matutuloy. Nakakaurat.
Tuloy ay nakabusangot ang mukha kong ibinalik ang selpon ko sa bulsa. Napatingin naman ako sa gate na nasa harapan ko nang magbukas ang ito at iniluwa ang kapit bahay naming lalaki.
Ngayon ay alam kong nakikita niya ang pagkabusangot ng mukha ko ngayon, pero wala akong pake sa ngayon dahil nauurat ako.
Nagtama ang aming paningin, sa pagkakataong ito ay mayroon ulit akong lakas ng loob na labanan ang mga titig niyang iyon, hanggang sa siya na ang kusang umiwas. Hindi ko na iyon inintindi pa, pumasok na ako at padabog na isinara ang gate.
Kasalukuyan ako ngayong nakahiga sa kama ko habang nakatitig sa puting kisame. Nag-isip isip ng kung anong dapat pagkaabalahan. Hanggang sa umabot iyon ng oras Nguni’t wala parin akong naiisip na maaaring gawin.
Lumipas pa ang ilang minuto ay doon na ako nakaisip ng magandang gawin. Bigla akong nakaramdam ng pagka-uhaw kaya naman mabilis akong lumabas ng bahay upang bumili ng dalawang bote ng tanduay ice na apple flavor. Bumili din ako ng snacks para gawing pulutan.
Pagkauwi ay agad kong inayos ang aming karaoke at ang mga binili ko. Natutuwa ako dahil ngayon ko na lang ulit ito magagawa. Ang uminom ng malaya. Magmula din kasi nang maglockdown ay hindi na ako nakakatikim ng alak. Dahil bukod sa banned ang alak, wala rin akong mabilhan.
Matapos kong maayos ang videoke sa kwarto ko ay agad akong naghanap ng kakantahin hanggang sa mahanap ko ang kantang ‘Crush’ by David Archuleta. Wala akong ideya kung bakit eto ang napili kong kantahin.
🎶
🎶I hung up the phone tonight
Something happened for the first time
Deep inside
It was a rush, what a rush
🎶 🎶
Pagkanta ko sa unang verse ng kanta, hindi ko alam kung bakit sa mga sandaling ito, ang bago naming kapitbahay na lalaki ang sumagi sa isip ko.
🎶 🎶Cause the possibility
That you would ever feel the same way about me
It’s just too much, just too much (Just too much)
Why do I keep running from the truth?
All I ever think about is you
You’ve got me hypnotized, so mesmerized
And I just got to know
🎶 🎶
Pagpatuloy ko sa pagkanta. Nakapikit na kinanta ko ang kasunod hanggang sa umabot na ako hanggang chorus.
🎶 🎶
Do you ever think when you’re all alone?
All that we could be, where this thing could go?
Am I crazy or falling in love?
Is it real or just another crush?
Do you catch a breath when I look at you?
Are you holding back, like the way you do?
’Cause I’m trying, trying to walk away
But I know this crush ain’t goin’ away
Goin’ away 🎶 🎶
Biglang tumatak sa aking isipan ang lyrics sa parteng chorus.
Am I crazy or falling in love?
Napatanong ako sa sarili ko, Nababaliw na nga ba ako o nahuhulog na ako?
Is ir real or just another crush?
Napangiwi ako sa isiping iyon. Masyado akong relate sa kantang kinakanta ko ngayon. Tuloy ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa labas ng aking bintana.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang dumungaw sa kaniyang bintana. Muli akong napatingin sa kaniyang dibdib pababa sa nakahulma niyang pandesal. Hindi rin nagtagal iyon dahil mabilis kong iniwas ang aking paningin nang magtama ang aming mga mata.
🎶 🎶
Cause I’m trying, trying to walk away
But I know this crush ain’t goin’ away
Goin’ away
🎶 🎶
Pagtapos ko sa kanta. Ngayon ay medyo nahihirapan na ako sa paghinga dahil sobrang bilis na nang tibok ng puso ko.
Mabilis kong tinungga ang isang bote ng tanduay ice hanggang aa makalahati ko ito. Hindi parin normal ang tibok ng puso ko. Doon ko na napagtanto na maylihim na pala akong gusto sa lalaking nakita ko kanina.
Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sa kaniya dahil first of all, hindi ko siya kilala kaya siguro ganon na lang akong mag deny noong nakaraan na hindi ko siya gusto dahil wala naman akong nakikita para magustuhan ko siya.
Matapos kong ubusin ang dalawang bote ay mabilis kong nilinis ang mga naging kalat ko. Medyo nabitin pa ako dahil dalawang bote lamang iyon, ayoko rin namang dagdagan pa dahil baka dumting sila mama mapagalitan pa ako.
Lumipas ang ilang oras, nakaramdam narin ako ng gutom kaya naman ay nagsaing ako at nagluta ng noodles. Iyon lang din kasi ang madaling lutuin and since ako lang din naman ang mag-isa dito sa bahay.
Nang maluto ay agad din akong kumain, matapos non ay nagpahinga at saka naligo. Ngayon ay kasalukuyan akong nakatingin sa repleksyon ko sa aking salamin. Ilang buwan din pala ang lumipas, hindi pa pala ako nakakapagpagupit. Medyo mahaba narin siya, ang astig ngang tignan eh. Ngayon ko lang din kasi napansin, medyo hawig din siya sa buhok ni Bakhyun sa Kokobop era. Dahil don ay parang gusto ko na tuloy magpakulay ng buhok.
Matapos kong pagmasdan ang sarili mula sa salamin, buryo akong nahiga sa aking kama. Kasalukuyan ako ngayong nakikipagtitigan sa kisame, wala na akong maisip, wala na akong maisip na pwedeng gawin kaya hinayaan ko na lamang ang sarili ko na titigan ang kisame hanggang sa kusa itong magsawa at makaramdam ng pagod dahilan para dalawin ako ng antok.
Iminulat ko ang aking mga mata nang may maramdamang humahawak sa aking paahan. Napatingin ako doon at agad na bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng aking kapatid na si Shae.
“Tuya labat daw tayo tabi mama.” aniya nang makitang iminulat ko na ang aking mga mata. Nakangiti akong tumayo at kinarga ang tatlong taong gulang kong kapatid.
“Gabi na lalabas pa tayo? Diba bawal lumabas sabi ni Kim?” biro ko at natawa naman siya. Nakakatuwa dahil sa ganito kamurang edad ng kapatid kong ito ay talagang napakabibo. Napakarami naring alam, mas maalam pa nga sa aking magtiktok eh lagi niya kasing ka-jamming si Rae sa mga ganyan.
Apat kaming magkakapatid, anak ako ni mama sa una niyang asawa habang ang tatlo kong kapatid na babae na sina Rae, Shae, at Mae ay anak ni mama sa stepfather ko na si Papa Leo.
Papa na ang tawag ko kay Papa Leo dahil noong bata palang ako ay siya ba ang nakakasama namin ni mama. Kasi noong kakapanganak palang sa akin ni mama ay iniwanan na kami ng tunay kong ama. Nakakalungkot dahil mula pagkabata ay hindi ko man lang nayakap ang sarili kong alam. Nakakalungkot lang din dahil imbis na harapin niya ang responsibilidad niya kay mama, tinakasan niya.
Pero mabuti na lamang ay nariyan si Papa Leo, noong bata ako ay hindi niya naman pinaramdam sa akin na iba ako sa kaniya. Actually nga eh spoiled pa ako dati kay Papa Leo, dahil kahit anong gusto ko kahit hindi ko hilingin binibigay niya.
Bigla ay hindi ko naiwasang hindi mapaisip, kung bakit umabot sa ganito ang nararamdaman ko sa kanila. Siguro dahil nagseselos lang ako dahil nagmula noong ipinanganak si Rae, nawala na sa akin ang atensyon nila. Hindi naman ako nagagalit kau Rae, nagpapasalamat pa nga ako dahil dumating sila sa buhay ko.
“Tuya ano yon? “ natinag ako nang marinig ko ang cute na boses ni Shae. Tinignan ko naman ang tinuro niya. Dumako iyon sa kwarto ng lalaking madalas kong makita, namangha ako sa aking nakikita. Iyon ang gusto kong makita lagi sa kwarto ko. Maski ako ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng kulay non, madilim ang kwarto nguni’t dahil sa LED lights naging kaakit akit iyon sa mata dahil sa kulay nitong ube. Nakakamangha, isa iyon sa gusto kong gawin sa kwarto ko nguni’t hindi ko magawa dahil tinatamad ako.
Muli kong pinagmasdan ang kwartong iyon, hindi ko parin maiwasang hindi mamangha dahil sa ganda non. Ang angas talaga ng pagkakalagay at pagkakagawa, pang aesthetic ang datingan. Hindi ko alam na may hilig pala ang lalaking iyon sa mga ganyan ganyan. Bigla ay parang may parte sa loob ko ang kinilig.
(pcrdtto)
Hindi ko nasagot ang tanong na iyon ni Shae sa sobrang pagkamangha. Gustong gusto ko talagang gawing ganon ang design ng kwarto ko, ang kaso bukod sa tinatamad na ako ayaw din akong payagan ni mama dahil masyado raw madilim at masakit sa mata kaya wala na talaga akong magawa kundi ang hayaang ganito ang kwarto ko. Tuloy ay hindi ko maiwasang hindi mainggit sa lalaking nakatira doon. Mabuti pa siya nagagawa niya ang mga gusto niya, samantalang ako kailangan ko pang magpaalam bago gawin ang mga gusto ko. Pero hindi rin lahat ng iyon ay aprubado.
Dahil ayoko nang mainggit pa lalo, iniwas ko na ang aking paningin at bumaba na lamang upang ilabas si Shae jan lamang sa harap ng aming bahay. Hinayaan kong maglaro si Shae habang ako naman ay hindi parin mapigilang mapatingin sa maganda at mapang-akit sa matang kwarto na iyon.
Ilang sandali pa ang lumipas ng mag-aya nang pumasok si Shae sa loob sakto rin na nakahanda na ng pagkain si mama kaya naman ay mabilis akong nagtungo sa lababo kasama si Shae upang maghugas ng kamay. Matapos non ay umupo na kami at nag-umpisang kumain.
Kumpleto kami ngayong kumakain sa lamesa. Tahimik lamang ako dahil ayokong mapuna ni papa. Hanggang sa natapos kaming kumain na sila mama at papa lamang ang nag-uusap, maging ang kakulitan ng aking mga kapatid.
Natapos kumain sila mama at ako na lang muli ang naiwan dito sa lamesa para maglinis ng aming pinagkainan. Matapos kong linisan ang lamesa ay agad ko ring hinugasan ang platong aming ginamit. Nang matapos ay nagpahinga muna ako saglit bago pumasok sa banyo upang maligo.
Nang matapos akong maligo at magbihis ay bumaba muna ako para magpahangin. Bigla ko rin kasing na miss ang tumambay ng ganitong oras dito sa labas. Private village naman ito kaya walang nagpapatrol na pulis or kahit anong opisyal ng baranggay kaya ganito na lang ang lakas ng loob ko na tumambay dito sa labas ng aming gate. Isa rin sa rason ko kung bakit ako nandito sa labas, upang makita ko ulit ang bago naming kapitbahay. Lumipas ang isang oras hindi ko parin siya nakikita kaya naman dahil sa inip ko ay pumasok na lamang ako. Nakita ko naman sila mama sa sala inaayos ang mga bago nilang binili. Bigla tuloy akong na excite dahil baka nabili na ni mama iyung gusto kong damit na black na oversize kaya naman mabilis akong nakigulo sa kanila.
“Na nabili mo na yung damit? “ puno nang excitement na sambit ko. Iyon lang din kasi ang kaligayahan ko eh. Ang makuha ang mga bagay na gustong gusto ko.
“Hala oo nga, nakalimutan ko. Inuna ko kasi itong damit ng papa at mga kapatid mo. Kapag bumalik kami sa susunod bibilhin ko na. Nakalimutan ko eh.” agad na bumagsak ang balikat ko sa sinabing iyon ni mama. Ang kaninang excitement na nararamdaman ko ay biglang nawala, napalitan pa ito ng lungkot at kirot sa dibdib.
Hindi na ako nagsalita pa, bagsak ang balikat na umakyat ako sa aking kwarto at doom ay nagkulong. Napangiwi ako kasabay ng pagtulo ng aking luha sa aking mga mata.
Dapat sanay na ako sa ganito, hindi lang naman ito ang unang beses na nangyari ito kundi madalas.
Kahit anong gawin kong pagsasanay sa sarili ko sa mga ganitong sitwasyon ay hindi ko magawa. Masyado parin akong mahina.
Kumikirot ang dibdib ko sa sakit, muling nagdadamdam. Bakit nga ba hindi na ako masanay sanay sa mga Ganito? Eh halos kapag aalis at may bibilhin sila mama, si papa ang laging inuuna kaya naiitsapwera ka.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi magdamdam kay mama dahil sa tuwing aalis siya at kapag babalik na, laging may bago si papa. Samantalang ako hindi man lang maalala na kahit isa ay bilhan man lang. Simula nang nag lockdown wala pa akong bagong bagay na natatanggap mula sa kanila. Though nay binibili naman ako online pero iba parin kapag sakanila na nanggaling. Yung tipong ibibigay sa akin kahit hindi ko hilingin.
Muling kumirot ang aking dibdib nang biglang sumagi sa isip ko na baka hindi na ako belong sa bahay na ito.
Sa limang taong pamamalagi ko dito, sa unang dalawang taong pananatili ko dito ay maayos ang pakiramdam ko. Hanggang sa lumipas na ang ilang taon ay nagbago na iyon.
Hindi ko alam kung anong rason nila noong una kung bakit pa nila ako kinuha sa lola ko noon kung ganito lang din naman ang pakikitungong nararamdaman ko.
Pinipilit kong alisin iyon sa isip ko nguni’t hindi ko magawa. Masyadong masakit para sa akin kaya ganito na lamang ang nararamdaman ko ngayon.
Tumayo ako at nagtungo sa bintana. Lumuluhang tinignan ko ang mga bituin sa maaliwalas na kalangitan. Gusto kong ngumiti nang makita ang hugis saranggolang bituin, pinipilit kong ngumiti nguni’t kasabay non ay ang pagbagsak muli nang aking luha mula sa aking mga mata.
Ilang minuto don ang itinagal ko sa paghangad hanggang sa mangalay ang leeg ko kaya ibinaba ko na ang aking ulo. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa.
Kasalukuyan siyang nakatayo habang nakatitig sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang nababasa ko sa kaniyang mga mata. Ayokong mag assume pero base sa nakikita ko ay parang gusto niya akong puntahan at yakapin ng mahigpit at sasabihing nandyan lamang siya sa tabi ko.
Natawa na lamang ako sa kabaliwang imahinasyon ko. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang isiping, ang pangit na nang image ko sa lalaking ito.
Lagi niya akong nakikitang lumuluha, siguro ang magiging first impression nito aa akin ay SADBOI.
Natatawang iniwas ko ang aking nga mata at ibinaling na lang iyon sa lock ng bintana.
’Wala na akong pakialam kung ano ang magiging first impression niya sa akin, dahil alam ko rin namang hindi yan siya magtatagal dito dahil panigurado akong uuwi din ang lalaking iyan doon sa tunay niyang tahanan.
Hindi ko alam kung bakit biglang dumoble ang kirot at sakit ng aking dibdib. Marahil ay dahil sa isiping AALIS din siya.
Ngayong alam ko na na may gusto ako sa kaniya, ang tamang gawin ko ay ang iwasan na siya. Iyon ang nararapat dahil bukod sa hindi ko naman siya kilala, alam ko namang aalis din siya.
Kaya mula sa gabing ito, iiwas na ako. Masyado na akong obvious, alam at pansin ko iyon sa sarili ko. Kahit hindi ko siya tanungin, alam kong napapansin niya narin ang mga tingin kong iyon na nagpapahiwatig na maygusto ako sa kaniya. Kaya simula ngayong gabi, iiwas na ako, hindi lamang sa kaniya kundi pati na rin sa mga bagay na maaaring makapanakit muli sa akin.
Chapter 9
Nasaan siya?
Iminulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ang init sa aking paahan. Nakatitig ako sa kisame at malalim na nag-isip, isang linggo din ang lumipas simula noong umiwas na ako sa kaniya. Nakakatanga mang isipin na umiiwas ako kahit wala naman siyang ideya na may gusto ako sa kaniya, ni hindi nga namin kilala ang isa’t-isa.
Gustong gusto ko siyang i-approach pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon. Gustong gusto ko na ring malaman ang pangalan niya, gustong gusto ko na rin siyang makilala. Dahil sa sobrang pagkadesperado ko na makilala at malaman ang pangalan niya, habang nag-iisip ng topic ang mga kagrupo ko kung ano ang aming magiging topic para sa research, biglang pumasok siya sa isip ko. Ang mga hilig niya ang naging inspirasyon ko sa paggawa ng topic. Hanggang sa maihayag ko sa kanila ang about sa smoking. Dahil doon ay nabuhayan ako ng loob na malaman ang pangalan niya sakaling kami ay umabot na sa survey. Nguni’t ang nawala din iyon nang mag suggest ang kagrupo ko na mas relevant sa magagawa naming research. Kaya dahil doon ay pinanghinaan na ako ng loob. Baka kapag umalis na siya ay pagsisihan ko na hindi ko nalaman ang pangalan niya o hindi ko man lang siya nakilala.
Sa isiping iyon ay nakaramdam ako ng lungkot, tila gustong umiyak ng aking mga mata nguni’t wala namang luhang tumutulo. Katangahan mang makaramdan nito, pilitin ko mang iwasan ito, nguni’t patuloy lamang itong lumalala sa sandaling iiwas ako.
Buong maghapon akong matamlay at walang gana sa lahat ng bagay.
Alam ko ring sa mga nagdaang mga araw ay ang madaming nangyari, ayokong mag-assume pero base sa lagi kong napapansin ay binibigyan ako ng ideya na baka may gusto rin siya sa akin.
Natatawa at iiling-iling kong pinagmasdan ang binta ng kwartong kaharap ko ngayon. Masyado na akong nag-iilusyon. Ganito na ba talaga ako ka bored? Kaya ganito na lang ang pumapasok sa isip ko.
Assuming mang pag-iisip nguni’t gusto ko ring malaman kung bakit sa tuwing nakikita niya ako ay bigla na lamang siyang aakyat o aalis. Hindi ko tuloy maiwasang hindi balikan ang mga pangyayaring iyon.
**FLASHBACK **
Kagigising ko lamang ng bigla akong utasan ni mama na bumili ng pandesal. Pipikit pikit akong tumayo at nagtungong banyo upang maghilamos. Kinuha ko ang pambili at inilabas ang bike. Nguni’t bago pa man ako umalis ay sinulyapan ko pa muna ang kapitbahay namin na nagkakape sa harap ng gate nila. Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako.
Mukhang maganda ang simula nang araw ko.
Napahagikgik ako sa isiping iyon.
Nakangiti akong nagpatuloy sa pagpedal hanggang sa marating ko ang bakery. Matapos kong makabili ay muli akong nag pedal pabalik, nguni’t sa pagkakataong ito ay marahan ang aking pagpedal nang makita ko ang bago naming kapitbahay na nakaupo parin sa harapan ng gatr nila. Gusto kong titigan siya kaya binagalan ko talaga ang pagpedal.
Bumaba na ako nang marating ko na ang aming bahay. Pasimple pa akong sumilay sa kaniya hanggang sa magtama ang aming mga mata. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang magtama ang aming mga mata.
Umiwas ako nang tingin at saka kinuha ang supot ng pandesal. Inayos ko na rin ang bike ko at dahandahang ipinasok sa loob. Bago pa man ako pumasok ay muli akong sumilay sa kaniya, ngayon ay nakatayo na siya, umuunat nang kamay habang nakatingin sa aming harapan.
Bigla tuloy nag assume ang maharot kong puso, iniisip ko na baka ako ang tinititigan niya. Sa isiping iyon ay bigla akong nakaramdam ng kilig.
Lumipas ang maghapong ito na madalas akong nakatambay malapit sa aming gate na kung saan ay natatanaw ko mula doon ang laging pwesto ng aming kapitbahay na lalaki.
Lumipas ang ilang araw na tantsa ko ang bawat labas niya. Tuwing alas otso ng umaga tumatambay siya sa harapan nila para magkape, kaya ang ginagawa ko ay gumigising ako nang umaga para diligan ang aking halaman. Syempre rason ko iyon para makita ko siya.
Sa hapon naman ay lumalabas siya nang alas tres ng hapon upang bumili nang zesto at fudgee bar at doon sa kanilang gate kakainin. Madalas ko na siyang nakikitang ganon ang ginagawa, hindi ko na rin siya nakikitang naninigarilyo, isa sa good thing dahil natuturn off ako kapag nakikita ko siyang naninigarilyo.
Sa gabi naman ay lumalabas siya nang alas otso hanggang alas nuwebe ng gabi.
Sa mga nagdaang araw na iyon ay napapansin ko rin na kapag nakikita niya ako ay bigla na lamang siyang papasok sa kanilang loob.
May isang beses pa ngang sinubukan ko siya dahil ayokong mag assume, maghapon akong hindi bumaba maging ang lumabas ay hindi ko ginawa. Sinarado ko rin ang aking bintana para hindi niya ako makita. Lumipas ang gabi, at doon na ako lumabas. Nag stay ako ng ilang minuto at dahil hindi ko naman siya nakita ay tumayo na ako upang pumasok, nguni’t napahinto din ako nang marinig ko ang pagbukas ng gate sa likurab ko nakita kong umupo siya doon sa harap nila. Pero hindi ko na iyon pinansin pa, tuluyan na akong pumasok at isinara ang pinto ng gate at doon ay sinilip siya. Nakita ko siyang nakatingin sa huli kong pinagtayuan at matapos non ay tumayo siya at padabog na isinara ang pinto.
.
..
End of flashback…
Sa ginawa niyang iyon hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, ayokong mag-isip ng ikahuhulog ko lalo pero basi talaga sa mga ikinikilos niya, nagkakaroon ako ng pag-asa.
Sa hindi inaasahan ay biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ko noong nakaraan. Hindi ko alam na kakainin ko rin pala ang lahat ng sinabi ko na iiwasan ko na siya.
Bakit ang ginagawa ko ay ang lalong paglapit sa kaniya? Umabot pa sa point na ang mga normal na kilos niya ay ginagawan ko ng malisya.
Siguro nga ay nababaliw na ako, dala naba ito ng kaburyuhan ko kaya ganito na lang ang tumatakbo sa isip ko?
Posible, dahil ang mga taong katulad ko naghahanap parin ng atensyon mula sa iba, kaya siguro ganito na lang din kadesperado ang isip ko. Ang mag-isip na may gusto rin sayo ang taong gusto mo.
Napakalaking kalokohan non para sa sarili ko. Pinapaniwala ko ang sarili ko sa isang bagay na hindi naman totoo. Pero ang tanga ko lang din dahil alam ko namang hindi iyon totoo, patuloy ko paring pinaniniwalaan. Binibigyan ko pa nang rason na, Wala namang mawawala kung hindi ko paniniwalaan.
Lumipas ang buong araw ng hindi ko siya nakikita. Hindi rin siya dumudungaw sa kaniyang bintana. Hindi rin siya bumaba buong maghapon. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng lungkot. Ilang beses kong tinignan ang bintana niya nguni’t walang lalaking lumabas doon. Buong maghapon din akong tumambay sa baba nguni’t wala parin akong nakitang lalaking lumabas doon.
Sa buong maghapong ito ay parang wala akong gana. Pakiramdam ko ay ang bigat ng pakiramdam ko. Nalulungkot ako sa hindi malamang dahilan. Para tuloy akong buhay na patay. Gumagalaw ang katawan ko pero ang kaluluwa ko wala sa kaniyang katinuan.
Alas otso na ng gabi nguni’t nakapatay parin ang ilaw sa kabilang kwarto. Hindi rin nakabukas kahit man lang ang LED light na madalas kong nakikita. Purong itim ang makikita sa kabilang kwarto, wala kang makikitang liwanag kahit na isa. Biglang kumirot ang dibdib ko sa aking naisip.
Baka umalis na siya at umuwi na sa lugar kung saan doon talaga siya nakatira.
Sa isiping iyon ay lalo akong nakaramdam ng lungkot. Parang lalo kong naramdamang mag-isa na naman ako.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga, malungkot kong tinignan ang kaniyang bintana. Hindi ko alam kung nasaan siya sa mga oras na ito, wala akong ideya kung babalik paba siya o hindi na.
Tumingala ako at pinakatitigan ang mga bituin. Malamya akong napangiti nang makita kong muli ang hugis saranggola na bituin. Hindi na ata mawawala ang formation na ito.
Nang magsawa ay bumalik ako sa pagkakahiga at hinayaang lamunin ng antok ang aking sistema.
Iminulat ko ang aking mga mata, sa hindi inaasahan ay biglang pumasok sa isip ko ang lalaki sa kabilang bahay. Kinuha ko ang aking selpon at tinignan ang oras. Saktong alas dose na ng gabi, muling nanumbalik sa isip ko ang lalaking sumagi sa isip ko kanikanina lang. Kaya naman tumayo ako at dumungaw sa bintana, nakaramdam muli ako ng kirot ng makitang patay parin ang ilaw non.
Hindi ko alam kung bakit sa paggising ko ng alanganing oras ikaw agad ang pumasok sa isip ko. Ayokong mag-assume pero, Ako ba’y iniisip mo na?
Napangiti ako ng mapait sa kasinungalingan at ilusyong pumasok sa isip ko. Napaka imposible na ako ang iniisip niya ngayon gayong hindi niya naman ako kilala.
Muli akong bumalik sa pagkakahiga at saka nagpatugtog. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaang dapuan ako ng antok.
Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ang init ng araw sa aking paahan. Kinukuskos ang matang bumangon ako at dumungaw sa bintana at pinakatitigan ang kwarto ng taong gusto kong makita sa mga oras na ito. Umaasa ako na sana ay makita ko siyang dumungaw muli sa kaniyang bintana. Ilang minuto pa ang lumipas nguni’t wala akong nakitang lumabas o dumungaw mula doon. Kaya naman ay bagsak ang balikat na bumaba ako upang magtimpla ng gatas. Lumabas din ako para diligan ang mga halaman ko, nagbabakasakali rin na baka makita ko siya sa tambayan niya. Nguni’t maging pati doon ay wala rin siya. Bigla tuloy akong nawalan ng pag-asa na baka hindi ko na siya muli pang makita.
Iminulat ko ang aking mga mata at matamlay na tumayo, muling dumungaw sa bintana at nag aasam na sana’y makita kana. Nguni’t bagsak ang balikat na bumalik ako sa pagkakahiga ng makitang wala siya roon.
Tumayo ako upang bumaba, hindi ako tumambay sa kwarto ko dahil ayokong umasa sumilip silip sa bintana ko at umasang doon ay makikita kitang muli.
Lumipas ang gabi, bumalik na ako sa kwarto ko, muli akong dumungaw at tumitig sa bintana ng kaniyang kwarto.
’Hihintayin kita hanggang linggo, kapag hindi pa kita nakita sa araw na iyon, isa lang ang ibig sabihin non… Nakaalis kana nga.
Nakakatawa mang isipin na hindi paba obvious iyong wala siya ngayon dito? Natatawang umiling na lamang ako at humiga.
Ngayon ay ika-tatlong araw na hindi ko siya nakikita. May pag-asa paba akong makilala ka? May pag-asa paba akong malaman ang pangalan mo? Hanggang saan ako aasa?
Buong maghapon muling hindi kita nakita, nasa isip ko parin na baka nakaalis kana, but still hihintayin ko parin ang pagbabalik mo. Hihintayin kita hanggang linggo, kapag na kita na kita, ayos na ako. Pero kapag lumipas ang linggo at hindi parin kita nakikita. Titigil na ako.
Ngayon ay araw ng huwebes, narito ako ngayon sa aming bakuran, dinidiligan ang aking mga halaman. Sa hindi inaasahan ay mayroon akong nakitang lalaking pumasok sa bahay ng bago naming kapitbahay. Nakaramdam ako ng tuwa, nag-aasam na sana siya ang nakita ko at sana ay hindi ibang tao. Sa mga sandaling ito ay nakaramdam ako ng kakarampot na pag-asa na baka siya ay bumalik na. Nguni’t ang pag-asang iyon ay muling nawala nang makita ang lalaking pumasok kanina. Hindi siya iyon. Sa mga nagdaang araw ay maynakikita akong babaeng laging pumupunta sa kwartong iyon, madalas ko rin siyang nakikita at nahuhuling tumitingin sa kwarto ko. Pero hindi ko na iyon minasama pa. Siguro kaya siya laging naroon upang maglinis ng loob ng kanyang kwarto. Siya lang din ang lagi kong nakikita, sa tingin ko nga ay siya lang ang mag-isa roon. Parang gusto ko tuloy siyang tanungin kung hindi ba siya nabuburyo gayong mag-isa lang siya sa loob ng bahay na iyon.
Muling dumaan ang maghapon na mabigat at matamlay ang pakiramdam ko. Dahil sa nararamdamang ito ay nakagawa ako ng tula na patungkol sa kaniya.
Ginoo ,
Nais ko nang malaman ang pangalan mo,
Sapagka’t ako saiyo,
Ay mayroong gusto.
Sana’y dinggin mo ang hiling ko,
Na malaman ko man lang kahit ang pangalan mo.
Nakakasawa din kasi minsan na tignan ka mula sa malayo,
Nag-aasam din minsan na sana ikaw ay makilala ko.
Mayroon pabang tiyansa na makilala ka?
O sapat naba na nakikita kita kahit hindi kita kilala.
Hanggang dito na lamang ba ang pagtingin ko saiyo?
Ang magustuhan ka kahit hindi ko malaman ang pangalan mo.
Hindi ko inaasahan na muli akong makakagawa ng tula, siguro gaya na lang ng ginagawa ko dati, nakakagawa ako ng tula kapag inspired ako sa isnag tao o isang bagay.
Muling lumipas ang araw at ngayon ay biyernes na ng hapon. Narito ako ngayon sa loob ng kwarto ko, nakadungaw sa bintana. Ngayon ay nakatitig ako sa bintana ng kabilang bahay, muli akong nag-aasam na sana ikaw ay makita na. Nguni’t ilang oras na rin ang lumipas wala parin akong nakikita.
Nasaan kana ba?
Gustong gusto na kitang makita.
Gusto kong pigilan ang puso ko na gustuhin ka,
Gusto kong pigilan ang puso ko na huwag nang umasa saiyo.
Kasi sa totoo lang napapagod na rin akong mag-isip kasi wala akong kasiguraduhan na babalik kapa ba o hindi na.
Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang bugso ng aking damdamin. Hindi ba dapat hindi ganito ang pakiramdam kapag gusto mo ang isang tao? Maaari bang mahal ko na siya? Nguni’t papaano ko mamahalin ang taong hindi ko naman kilala?
Malalim akong napabuntong hininga at nag-isip. Hindi malabong mangyari iyon dahil sa assuming kong pagkatao ay ito na siguro epekto. Ang mahalin ang taong hindi ko alam ang pangalan, at ang taong hindi ko naman kilala.
Napangiti ako ng mapait sa isiping iyon.
Siguro itinadhana lang tayong magkita, pero hindi para magkakilala.
Lumipas ang dalawang araw na hindi ko parin siya nakikita. Linggo na ngayon nguni’t wala akong nakikita ni anino niya. Ito na rin siguro ang senyales na tigilan ko na. Siguro nga umuwi na talaga siya at hindi na muling babalik pa.
Sa mga nagdaang araw, napaisip ako,
Malungkot ba talaga ako? O sadyang ginagawa ko lang malungkot ang sarili ko?
Siguro nga ganon. Ginagawa ko lang malungkot ang sarili ko gayong may mga paraan naman para aliwin ang sarili ko.
’Tama, aliwin mo ang sarili mo, huwag mong ituon sa iisang tao lang ang atensyon mo. Ituon mo sa iba baka sakaling makalimot ka.
Tama… Tama.. Iyan na ang gagawin ko, uumpisahan ko nang tanggalin ang nararamdamang ito.

