loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETED

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETED

YorTzekai · 32 chapters · 58,632 words

Pangarap Ko’y Ikaw

Si Khalil Pantoja ay isang probinsyano,nakatira sa isang probinsya sa north cebu,ang Calamboa,kahit isa syang binabae ay masipag,matyaga at maasahan,ngunit sila ay mahirap lamang,pero sa likod ng kaharipan ay masayahin sya,sya ang nagbibigay kulay sa buhay ng pamilya nya,salat man sila sa pera at materyal na mga bagay ay masaya silang pamilya. Hanggang sa dumating ang isang trahedya sa kanila para magtulak sa kanyang iwan ang pamilya sa probinsya para makipag sapalaran at humanap ng trabaho sa Manila. Ngunit paano kung maraming pagsubok ang makaharap nya? At ang pinakamatindi dito ay makikilala nya ang lalaking matagal na nyang pinapantasya ngunit napopoot sa mga gaya nya? Ano ang magiging kahihinatnan ng pakikibaka nya? Magpapatuloy ba sya o susuko at uuwi na lamang sa probinsya?

01. Khalil > The good gay :)

“Hala? Naubusan na pala tayo ng tanim na malunggay at talong sa bakuran” bulalas ni Nanay na nasa may kusina ng aming kubo kaya lahat ng atensyon namin ay napunta sa kanya.

“Sabi ko naman sayo day,dahan dahanin lang dahil hindi palaging may pananim tayo” sagot naman ni Tatay na inaayos ang gasera,ang ilaw namin tuwing gabi.

“Masyado akong nawili dong,pero sige,may pera pa naman tayo ditong natira,utusan mo sa Khalil mangompra sa bayan” ani Nanay na dumukot sa pagkalalim lalim na bulsa ng duster nya,naiiling na natatawa na lamang si Tatay,ako naman napangisi. Yung dalawa kong kapatid na 5 years old at 7 years old ay napahagikgik,para kasing kayamanan ang dudukutin ni Nanay sa bulsa nya.

“Nay,ilang ginto ba ang nasa bulsa mo? Parang kayamanan ang hinahalukay mo dyan eh” pabiro kong sabi at lumapit na sa kanya.

“He! Magtigil ka! O eto isang daan,talong,malunggay at apat na kilong bigas lang imong paliton” ani Nanay,kinuha ko ang pera at pumasok sa kwarto namin para magpalit ng damit. Ng makapag palit ay lumabas na ako.

“Kuya! Kendi ah?” ani ng 5 years old kong kapatid,si Caloy.

“Ako kuya super crunch! Kahit five lang!” segunda ni Buboy yung 7 years old.

“Magtigil nga kayo! Baka wala ng pamasahe kuya nyo” suway dito ni Nanay.

“Ikaw talaga day” ani Tatay “Oh eto singkwenta Khalil,pamasahe,mag ingat ah? Kaba’o ka naman daghang badlungon sa bayan,mga nagtitrip sa mga bayot,kaya mag ingat ha?” ani Tatay,lumapit ako at kinuha yung pera.

“Opo! Sige po,aalis na ako!” masaya kong pagpapaalam at lumabas na ng kubo. Nagsimula na akong maglakad,malayo kasi dito yung pinaka sakayan,kailangan pang maglakad ng halos dalawang kilometro,mabuti na lamang at alas dos pa lamang ng tanghali,ang problema nga lamang ay mainit.

Halos kalahating oras din ako sa paglalakad ng makita ko ang kumpare ni Tatay,si Ka Simeon,mamamasada siguro sa trycicle nya.

“Dong,asa man ka paduong?” tanong nito ng tumigil sa harapan ko.

“Diha lang po sa bayan,mangompra” sagot ko.

“Papunta din ako doon,sakay ka na” natuwa naman ako dahil mas mapapadali na ang byahe ko,kaya agad agad na akong sumakay.

Dito kami sa probinsya ng Cebu nakatira,sa Calamboa,liblib at hindi pa abot ng kuryente ang amin maliban sa ibang bahay. Kilala ako dito dahil lagi ako tumutulong kay Tatay sa pagsaka at kung anu-ano pa,high school lang ang natapos ko,sobrang hirap kasi ng buhay,pero may pangarap ako,kaya nga hanggat pwedeng may pagkakitaan ay ginagawa ko,magtinda ng gulay kadalasan.

Bente anyos na ako,kayumanggi ang kulay dahil laging bilad sa araw,ako yung baklang walang alam sa kahit anong pampaganda o kahit anong pamporma,simple lang,sobrang simple,pero kahit na malamya ako,tanggap ako ng mga magulang ko at ng lahat ng nakakakilala sa akin,ang sabi pa ni Tatay,dibale ng bayot,basta marangal at nakakatulong.

Ng makarating sa bayan ay agad akong bumaba para magbayad,ngunit hindi tinanggap ni Ka Simeon,nagpasalamat na ako at tumuloy sa palengke.

Mabilis kong nabili ang mga dapat bilhin,yung iba nga dito kilala na ako dahil yung mga anak nila,mga naging kaklase ko nung elementarya at high school.

“Oh Khalil,dinagdagan ko na yang bigas mo ng dalawang kilo,para lang yan sa magaganda at mabaet na gaya mo” nakangiting sabi ni Nang Alicia,ang may ari ng bigasan.

“Naku Nang Alicia! Daghang salamat! Matutuwa sina Nanay at Tatay nito” masaya kong sabi at iniabot ang bayad ngunit hindi ito tinanggap.

“Libre na yan,masyado lang akong natutuwa sayo,sana lahat ng kaedad mo eh ganyan,at sana yung ibang gaya mo eh ganyan din sayo” nakangiting sabi nito,halos pumutok naman ang puso ko sa papuri nya,hanggang madako ang tingin ko sa TV sa loob ng tindahan nya.

Drama ang palabas at ang eksena ay iyakan ng bidang lalaki siguro at bidang babae,napako ang tingin ko dun sa lalaki,napaka gwapo! Sa wari ko ay ka edad ko lamang sya,natulala na ako sa TV.

“Crush mo?”

“Ho?”

“Naku! Dapat kasi mag boyfriend ka na,yung gaya ng bidang yan,mayaman at mabaet”

“Ay naku! Hindi po Nang Alicia,sa mismong TV ako nakatingin! Ang ganda kasi! Alam nyo naman po,wala kaming TV at kuryente”

“Magde-deny ka pa! Flexter Tuazon ang pangalan ng artistang yan,baguhan lang,bente uno ang edad pero magaling ng umarte,singer din sya”

Wow naman! Mukhang tama si Nang Alicia,crush ko na sya,at Flexter Tuazon pala pangalan nya.

“Ganon ho ba? Uhm mauna na po ako,maraming maraming salamat po ulit” pagpapaalam ko na,baka kasi abutin pa ako ng dilim,mahirap na.

“O sige,basta ituloy mo lang ang pagiging masipag at madiskarte,hindi lang TV mabibili mo Khalil,mag ingat sa byahe! Ikamusta mo ako sa Tatay at Nanay mo!”

Habang nasa byahe pauwi ay hindi na maalis sa isip ko si Flexter Tuazon,napakagwapong artista,maamo ang mukha,talentado,at sabi pa ni Nang Alicia eh mabaet daw. Mukhang tinamaan ako ah? Ngayon lang napukaw ng isang lalaki ang aking sistema,panong hindi,panay tanim at mga puno ang nakapaligid sa akin.

Puno itong jeep na nasakyan ko,lagi naman ganito basta malayong lugar,meron pa sa bubong,hindi kasi bumabyahe ang mga jeep dito ng hindi puno,ito ang mga bagay na nakasanayan ko na. Simpleng buhay na parte na ng pagkatao ko.

Ng makarating sa bahay ay nagtatatalon na sinalubong ako nina Caloy at Buboy,nilabas ko naman sa bayong yung mga pinabili nila,tuwang tuwa yung dalawa kaya natawa ako. Pagkatapos nun ay pumasok na kaming tatlo sa kubo,binigay ko na kay Nanay yung sukli,pati yung sukli din ni Tatay.

“Oh? Halos diyes lang nabawas sa pera ah?” takang tanong ni tatay.

“At itong sukli ko din? Bakit malaki pa?” segunda ni Nanay, inilabas ko sa bayong ang lahat ng binili ko at ipinatong sa maliit naming lamesa.

“Kasi po,Nay,Tay,nilibre ako ni Ka Simeon papuntang bayan,at si Nang Alicia naman ginawang anim na kilo ang bigas at hindi na pinabayaran,kinakamusta nga po kayo eh”

“Talaga? Salamat naman kung ganon,nakatipid tayo” masayang sabi ni Nanay.

“Ang lakas talaga ng hatak sa tao ng dalaga natin!” masayang sabi ni Tatay at ginulo pa ang buhok ko,nagtawanan na lamang kami.

Naghahanda na para sa hapunan sina Nanay at Tatay,ako naman at ang dalawang kapatid ko ay nasa tapat ng kubo,nakaupo ako sa bangko at pinapanood silang dalawa maglaro ng sumagi na naman sa isip ko si Flexter Tuazon.

Haaay! Kailan ko kaya sya makikita? Sana pala naghanap ako ng litrato nya sa bayan kanina,yung tig singko lang,para lagi kong natitigan ang gwapo at maamo nyang mukha.

“Kuya anong iniisip mo?” biglang tanong ni Buboy na ikinagulat ko.

“Baka iniisip nya yung ulam natin!” sabi naman ni Caloy.

“Mga baliw,tao ang iniisip ko” nakangiti kong sabi sa kanila.

“Sino kuya?” ang sabay nilang tanong.

“Si Flexter Tuazon,yung bagong artista,nakita ko kanina sa TV,ang gwapo nya” sabi ko naman.

“Mas gwapo kay Tatay?” inosenteng tanong ni Buboy.

“Gwapo kaya si Tatay! Pati ikaw kuya Buboy,pati ako!” masayang sabi ni Caloy kaya natawa ako. Ang mga kapatid ko talaga,hindi nila alam kung gaano nila ako napapasaya.

“Syempre! Mas gwapo si Tatay,pero gwapo din si Flexter” sabi ko pa.

“Hindi naman namin yon kilala” nakalabing sabi ni Buboy,ang cute lang!

“Pakilala mo sa amin kuya! Para makita namin!” ani Caloy na pumapalakpak pa.

“Ha? Eh artista nga diba? Kaya imposible yon,kayo talaga,hala tara sa loob baka handa na ang hapunan” at pumasok na kami sa kubo,sakto magdidilim na din.

At ng tuluyan ng magdilim,ang gasera ang aming ilaw sa loob,sa labas naman ay ang buwan na napaka liwanag at ang mga aniniput (alitaptap) na naglalaro sa mga halaman.

Masaya naming pinagsaluhan ang aming masarap na hapunan,at ng dumating ang oras ng pagtulog ay ang mukha at pangalan ni Flexter Tuazon ang aking nasa isipan hanggang sa ako ay nakatulog na.

  • Unang chapter? What can you say? :)

02. Sad Goodbye >

Since ako lang ang nakapag aral,at hindi na nakapag aral sina Buboy at Caloy dahil nga sa aming kahirapan at sobrang layo ng paaralan sa amin ay ako na din ang naging teacher ng dalawa kong kapatid,sadyang matalino sila at madaling turuan,nagmana kina Tatay at Nanay,at syempre sa akin.

“Okay,Buboy at Caloy,ano ang pangalan ng ama ng ating Prisedente?” tanong ko sa mga ito,samantalang si Nanay ay nagwawalis sa bakuran,si Tatay naman ay nagsisibak ng kahoy sa likuran.

“Ako kuya! Kama’o ko kinsa!” ani Buboy na nagtatalon pa habang nakataas ang kanang kamay.

“Oh sige Buboy,what’s the answer?”

“Benigno Aquiano also known as Ninoy!” masayang sabi nito.

“Wow Buboy! Ang galing mo! Ang talino talaga! Palakpakan natin Caloy si kuya Buboy” at pumalakpak nga kami,natuwa ako sa reaksyon ni Buboy,kumikinang pa ang mga mata.

“Oh,sino naman ang asawa ni Benigno Aquino na dating presidente ng Pilipinas?” pagkuway tanong ko ulit.

“Ako naman kuya! Dali! Dali!” tumatalong sabi ni Caloy.

“Oh sige nga,sino?”

“Cory Aquino kuya! Tinuro mo yon dati! Dili ko makalimtan” ani ni Caloy na todo ngiti,pinalakpakan namin sya ni Buboy. Natutuwa ako dahil sadyang matatalino ang mga kapatid ko,ako naman average lang,kaya nga nangangarap ako na maka ahon kami sa hirap para hindi na napapagod sina Nanay at Tatay,at para makapag aral ang dalawa kong kapatid,sayang naman kung hindi magagamit ang katalinuhan nila.

“Day! Buboy,Khalil ug Caloy,maniudto na ta!” sigaw ni Tatay na tapos na pala magsibak ng kahoy at makapag luto ng tanghalian.

Mga bandang alas tres ng hapon,naghahanda ako ng mga kamatis,sitaw at camias na ititinda ko bukas sa bayan ng dumating ang isang kaibigan ni Tatay,may pupuntahan daw sila sa may kabilang sitio na nasa kabilang bundok pa,ganon talaga dito,ang lalayo ng pagitan ng mga bahay, sitio o baranggay. Matapos maiayos ang aking mga ititinda para bukas ay nagpaalam na ako kay Nanay na tutungo sa ilog para maligo,ang dalawa kong kapatid naman ay nagsisyesta na.

Lumipas na lang ang hapunan eh hindi pa bumabalik si Tatay,hindi na mapakali si Nanay,ako naman ay nag aalala na din,mabuti na lamang at nakatulog na ang dalawa.

“Naunsa na jud ang imong amahan? Nganung dili pa manguli?” nag aalalang sabi ni Nanay habang nakatayo sa pinto ng kubo,nag aabang,naghihintay.

“Nay,relax lang,matuwog na ka,ako na lang mag huwat kay Tatay” sabi ko at lumapit. Bumuntong hininga si Nanay at humarap sa akin.

“Khalil,dong,nag aalala na ako,iba nararamdaman ko” bakas sa mukha ni Nanay ang labis na pagkabahala,kita ko sa maganda nyang mukha ang pag aalala.

“Nay,ayaw jud mag huna huna ng unsa unsang problema,relax lang kasi sabi”

Nasa ganoon kaming pag uusap ng may mga boses kaming narinig,tinatawag si Nanay,may mga bitbit silang sulo.

“Karen! Nang Karen!” agad kaming napalabas ni Nanay at sinalubong sila,pero ganun na lang ang panglalambot ko ng makita kong pinagtutulangan nilang buhatin ang walang malay na si Tatay at duguan.

“Anong nangyari? Bakit sya nagkaganyan?” umiiyak na sabi ni Nanay at niyakap si Tatay,ako naman ay nanginginig,parang pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo ko,nanlamig ako.

“Yung isa sa mga kambing na pinapastol nya ay nahulog sa bangin sa may kabilang bundok,sinubukan nyang iligtas pero sya ang nahulog,mabuti at nakita namin kaya maagap namin syang nakuha” paliwanag ng isa.

“Buhi pa sya! Humihinga pa sya! Tulungan nyo akong dalhin sya sa ospital!” humahagulhol na sabi ni Nanay,agad ulit nilang binuhat ng maingat si Tatay at si Nanay pumasok sa bahay,at ng muling lumabas ay may bitbit ng bayong. Napako pa din ako sa kinakatayuan ko.

“Ikaw muna bahala sa mga kapatid mo anak ah? Sumunod kayo bukas sa ospital” ani Nanay at umalis na sila.

Labis labis ang takot ko,si Tatay? Pwedeng mawala sa amin? Hindi pwede! Mahal na mahal namin si Tatay.

Kaya ng gabing iyon ay ay niyakap ko ang mga kapatid ko sa pagtulog. At ng magising ako kinabukasan,pinaghandaan ko sila ng nilagang saging at tsokolateng natural galing sa cocoa bilang almusal. Pagkatapos nun ay sabay sabay kaming naligo sa ilog dahil isasama ko sila sa bayan sa pagtitinda pagkatapos ay pupunta sa ospital,hindi ko naman sila pwedeng iwanan sa kubo.

Bago mag alas quatro ay naubos ang paninda kong gulay,naka two hundred fifty pesos din kami,sabi ko kina Buboy at Caloy ay papasok muna kami sa pinaka loob ng palengke,papakainin ko sila,may murang karendirya kasi doon. Ng mapadaan kami sa bigasan ni Nang Alicia ay tinawag ako nito.

“Alam ko nangyari sa Tatay nyo,pupunta ba kayo sa ospital?” anito,malungkot akong tumango,tahimik lamang na nagmasid ang mga kapatid ko. Pumasok sa tindahan si Nang Alicia at parang may Volt na binuksan at may kinuha sya dito.

“Oh eto,tulong ko sa inyo,bente mil yan,yung sampung libo pandagdag bayad sa ospital,at yung natitirang sampung libo ay gamitin mo sa pagpunta sa Manila,maghanap ka ng trabaho doon,eto ang address ng isa sa mga pamangkin ko doon” nagulat ako syempre,hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lamang si Nang Alicia sa amin,napaka baet nya.

“Ho? Bakit po? Bakit ako pupunta sa manila?” taka kong tanong. Ngumiti sya.

“Pagtanaw yan ng utang na loob sayo at sa mga magulang mo,kung hindi dahil sa kanila,hindi magiging kami ng asawa ko at hindi ako magiging maligaya,nagpunta kami ng asawa ko kanina sa ospital at kinausap ang Nanay mo,plinano na namin ang lahat,pupunta ka sa Manila para magtrabaho at makatulong,at sa bahay na muna titira ang pamilya mo”

Hindi ko na namalayang naiyak na pala ako,masyado akong na overwhelmed sa kabaitan ni Nang Alicia,hindi ko lubos maisip na sadyang may mga ganito pang tao sa mundo.

“Maraming salamat po”

“Huwag kayong umiyak,ayaw ng mga magulang nyo na ganyan kayo” ani Nang Alicia at nagpahid ng luha,doon ko napansin na tahimik na lumuluha sina Buboy at Caloy,parang pinipiga ang puso ko.

“Tinawagan ko na pamangkin ko,bukas ka aalis at sa isang araw ang dating mo,nabilhan ka na ng asawa ko ng ticket sa barko,kaya huwag mong iwala yang address na yan,nakasulat din dyan ang telephone number ng pamangkin ko” anito at niyakap kaming tatlo,walang humpay ako sa pasasalamat dito. Balang araw makakabawi din ako.

Pumunta kami sa ospital,agad kong tinanong sa Nurse station kung saan ang kwarto ni Tatay. “Miss,Janus Pantoja po,anong room?” agad naman itong sinabi sa akin,nagmamadaling tinungo namin ang kwartong iyon,pagbukas pa lang ay nabungaran na naming umiiyak pa din si Nanay,at si Tatay naman wala pa ding malay.

“Tatay!” sigaw at iyak nina Caloy at Buboy at tumakbo palapit kay tatay,ako naman ay napaiyak na naman.


Pinag usapan namin ni Nanay ang lahat lahat,mabuti at ligtas na si tatay,mga bali sa buto at bagok sa ulo ang natamo nya pero malayo na sya sa kapahamakan. Pati ang plano nila ni Nang Alicia ay pinag usapan namin,kahit parang mabigat sa dibdib ang isiping iiwanan ko sila ay kailangan ko magtiis. Para sa kanila naman ang gagawin ko.

Kinabukasan ay nasa ospital lahat kami,pati sina Nang Alicia at Nong Berto na asawa nya. Nakahanda na ako sa pag alis,ihahatid ako ni Nong Berto,isang bag lang ang dala ko,mga damit at konting personal na gamit.

Ang bigat sa dibdib ng eksena ng pagpapaalam ko,parang sasabog ang dibdib ko,ayaw ako bitawan nina Buboy at Caloy,nagwawala na sila,si Nanay naman ay niyakap at hinalikan ako sa labi.

“Mag iingat ka dun anak huh? Mamimiss ka namin,lagi kang susulat at magdadasal” ani Nanay habang tumutulo ang mga luha.

“Kuya! Huwag ka ng umalis! Huwag mo kaming iwan!” ang humahagulhol na sabi ni Caloy habang napaka higpit ng yakap sa bewang ko.

“Kuya! Magpapakabaet na po kami! Huwag ka lang umalis! Kuya!” sabi naman ni Buboy,kumirot ang dibdib ko,kinagat ko ang pang ibaba kong labi para mapigilan ang aking paghikbi.

“Ka-khalil…” napatigil kami sa pag iyak at napalingon sa nagsalita. Si Tatay! Gising na sya!

Agad akong lumapit at marahang niyakap si Tatay saka nag iiyak.

“Tay! Salamat po at nagising kana!” humihikbi kong sabi.

“S-san k-ka pu-punt-punta?” ani Tatay. Lalo naman akong naiyak sa tanong ni Tatay,parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

“Tay! Patawarin nyo po ako dahil kailangan kong umalis na ganito ang sitwasyon mo,patawad po! Para sa inyo po ito,gusto ko pong makatulong”

“P-payakap u-ulit si Tatay,m-may s-sabihin ako” agad akong sumunod,marahan ko ulit niyakap si Tatay,yumakap din sya pero hindi mahigpit,ramdam ko yung pagmamahal ng isang ama. “Mag iingat k-ka dun,pa-patawarin mo din ak-ako kung h-hindi ko kayo nabigyan ng m-mar-marangyang bu-buhay” ani Tatay,naramdaman kong tumulo ang luha nya sa pisngi ko dahil magkadikit ang aming mukha.

“P-pero lagi mong t-ta-tandaan,mahal na mahal kita,hintayin ko ang pagbabalik mo Kha-khalil” dagdag pa nya,panay tango lang ako dahil hindi na ako makapag salita.

Lumapit na si Nong Berto,kailangan na daw naming bumyahe,kailangan daw mas maaga ako ng tatlong oras sa pier. Wala na akong nagawa,mabigat man sa loob ay nagpaalam na ako muli at naunang lumabas,pinipigilan ni Nang Alicia at Nanay sa pagwawala sina Buboy at Caloy,pero hindi na ako lumingon pa.


Bumyahe kami ng bus na Ceres papunta sa Colon,at ng makarating sa Colon ay sumakay naman kami ng jeep na 02B na ang destinasyon ay Pier uno,pier dos,pier tres, pier tres ako,dun kasi ang barkong sasakyan ko, Superferry 12. At sa buong byahe,tahimik at tulala lang ako,naintindihan siguro ako ni Nong Berto kaya pinabayaan nya muna ako.

Ng makarating sa Pier tres ay niyaya muna ako nitong kumain,alas singko na ng hapon at mamayang alas otso ang larga ng barko. Sinamahan nya ako sa waiting area hanggang sa inannounce na pwede na kaming umakyat sa barko,nakaramdam na naman ako ng matinding lungkot at pamumuo ng luha,ito ang unang pagkakataon na iiwan ko ang pamilya ko ng matagal,at milya milya pa ang magiging agwat namin. Mahigpit akong niyakap ni Nong Berto at may nilagay sya sa palad ko.

“Mag iingat at magpakabaet ka dun Dong,lagi ka sumulat sa amin,idagdag mo sa allowance mo yang panibagong sampung libo” aniya at kumalas sa pagkakayakap sa akin.

“Daghang salamat kaayo Nong” lumuluha kong sabi.

“Huwag ka ng umiyak,dapat maging matapang at magpakatatag ka sa Manila,iba ang buhay dun,huwag mo alalahanin ang pamilya mo,kami ni Nang Alicia mo ang bahala sa kanila,sige na,umakyat kana” at niyakap nya ako ng saglit saka umalis. Mabigat ang damdaming pumila ako paakyat sa barko,sana,maging maayos ang lahat.

Sa economy ako,syempre madami kami,swerte ko at dingding at katabi ko,pwedeng sumandal. Tiningnan ko yung mga tao,ano kayang mga rason nila ng pagpuntang manila? Tulad din ba sa akin? Ang magtrabaho para maitaguyod ang naiwang pamilya sa Cebu?

Humiga ako,ginawa kong unan ang bag,namimigat na kasi ang mga mata ko,siguro dahil sa kakaiyak. Pumikit ako at inisip sina Nanay at Tatay,ano na kayang ginagawa nila? Sina Buboy at Caloy kaya umiiyak pa rin? Miss ko na agad sila,parang gusto kong bumaba ng barko.

Napadilat ako ng bumusina na ng pagkalakas lakas ang barko,hudyat na paalis na ito sa pier. Tumayo ako,lumabas sa corridor,at nakita ko nga na unti unti na kaming lumalayo,papaliit na ng papaliit sa aking paningin ang mga ilaw ng Cebu. Sana makabalik agad ako dito sa madaling panahon.

Para maiwaksi ko ang kalungkutan ay naisipan kong maglibot sa buong barko,hanggang napadpad ako sa rooftop,nandun pala yung pinaka kainan. Nakaramdam ako ng gutom kaya pumasok na ako. Maganda ang loob,parang restaurant na nakikita ko noon sa TV,may malaking TV na flat sa unahan at may nakanta.

Pumunta na ako sa counter para bumili ng pagkain,ayon kasi sa ticket ay bukas pa effective yung free meal, hotdog at kanin lang ang binili ko pero umabot na ng 60pesos! Grabe ang mahal!

Naghanap na ako ng bakanteng mesa,at ng makahanap ay nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ay nilibot ko ang paningin ko hanggang nadako ang tingin ko sa may kabilang dulo,sa sulok may TV,at nanlaki ang mga mata ko ng ipakita si Flexter Tuazon! Lumakas na naman kabog ng dibdib ko,parang hindi na naman ako mapakali. Dali dali kong tinapos ang pagkain at lumipat ng pwesto para mas mapanood ko sya. Napaka gwapo at napaka galing nyang umarte,napaka natural lang.

Ng matapos ang palabas ni Flexter ay bumaba na ako at bumalik sa pwesto para matulog,dahil laking probinsya,maaga akong dinalaw ng antok. Kinabukasan naman walang masyadong nangyari sa byahe hanggang mag gabi,at ng bandang alas otso y medya ay inannounce ng padaong na kami sa pier ng manila,nakaramdam ako ng excitement.

Inayos ko na ang sarili ko pati ang bag,kinuha ko yung papel na binigay ni Nang Alicia,binasa ko ito:

Japhet Salcedo tel # 747-80-14

address - Mercedes Village,San Miguel Pasig City.

Ito na,makakatapak na ako sa manila sa unang pagkakataon,pumila na ako sa lobby,marami ng tao,mga excited na din siguro bumaba. Hindi ko sila masisisi,maging ako ay ganun din naman ang nararamdaman,pero may konting takot syempre dahil hindi ko naman alam kung anong itatakbo ng buhay ko dito.

At sa wakas! Nakababa din ng barko,agad akong lumabas ng pier hanggang marating ang kalsada,ang daming tao,may mga sumisigaw,nagtitinda sa gilid,madami din jeep. Naghanap ako ng jeep na may nakalagay na pasig. Wala akong nakita kaya nagtanong ako,may sumagot naman,at ang sabi kailangan kong sumakay ng jeep hanggang SM Megamall,at marami na daw sakayan dun ng jeep papuntang pasig.

May isang manong driver na mabaet at sa harap ako pinaupo,nahalata nya siguro na baguhan lang ako dito.

“San ka?”

“SM Megamall po? Pwede nyo po ba akong ibaba dun at magkano po?” magalang kong sagot,tumango si manong at sinabi kung magkano saka ako nagbayad. Sa byahe ay nalibang ako sa mga nadadaanan,sobrang maliwanag,doble ng sa Colon,at ng makarating sa destinasyon,at natanaw ko yung napakalaking SM Megamall sa kabilang kalsada ay naghanap ako ng matatawiran,mag a-alas Dies na din ng gabi. Ng marating ko iyon ay pasara na,minabuti ko na lamang na magtanong sa gwardya kung may telepono bang pwedeng gamitin? Sinabi naman nito na meron sa loob,magmadali daw ako at mamaya pa ay magsasara na.

Namangha ako,ang lamig at ang ganda sa loob,patingin tingin sa paligid habang naglalakad. Ito ang first time na makapasok ako sa ganito,nakukutawa talaga! At napansin ko na nasa dulo na ako at may mga telepono nga sa gilid! Dumukot ako ng tig pipiso saka nagdial dun sa number sa papel. Nakailang ring din ito.

“Hello?” bungad nito sa akin,ang ganda ng boses naman ng lalaking ito.

“H-hello,pwede po ba kay Japhet Salcedo?” kinakabahan kong sabi.

“Ako na to,sino ka?”

“Ako si Khalil Pantoja,y-yung sinasabi ni Nang Alicia”

“Babae ka pala? Bakit sabi ni Tiyang lalake? Anyway nandito ka na ba? Para masundo kita” aniya.

Babae? Boses babae ba ako? Baliw ata tong lalaking to eh.

“Uhm,oo dito sa megamall ba yun?”

“Medyo matatagalan ako,kaya ganito gawin mo ah? Lumabas ka dyan at tumawid,marami ng jeep dyan na Pasig palengke,dun ka sumakay,pag nasa palengke ka na,pumunta ka sa Mang Inasal,dun mo ako hintayin,mag ingat ka at ingatan mo gamit mo” mahaba nyang sabi. Diyos ko,mabuti at matalas ang memorya ko.

Ginawa ko ang sinabi nya,at ng makarating ako sa sinasabi nyang Mang Inasal ay matyaga akong naghintay,halos trenta minuto din yon,parang nakabisado ko na nga ang kanta ng Mang Inasal na paulit ulit tumutugtog.

Ito pala ang Pasig,ang ganda pala ng palengke nila,tapos sa tapat may 7/11 pa. Buhay na buhay ang lugar na ito kahit gabi,hindi gaya sa Calamboa,tahimik na kahit alas singko palang at puro kuliglig na ang madidinig mo.

“Khalil?” malakas ang pagkakasabi nun na parang hindi pa sigurado. Humarap ako at halos malaglag ang panga ko sa lapag.

Ang gwapong lalaki! Nakasakay sa motor!

  • eto po Chapter 2,lemme know what you think :)

03. The Housemates >

Diyos ko! Na e-engkanto ba ako? Tao ba ang nakikita ko o isang aparisyon ng inyong anghel? Sinusundo nyo na ba ako? Hindi pa ako handa! Babalik pa ako sa Cebu!

“Khalil!!” mas malakas na ang boses nya ngayon kaya napatingin yung ibang mga dumadaan,nataranta ako kaya lumapit na ako,baka bigla umalis to eh.

“Ahm.. Ah.. Ako si Khalil” kinakabahan kong sabi at nagbigay ng nag aalangang ngiti.

“Ikaw yon? Pero bakit babae yung nakausap ko sa phone kanina?” ang kunot noong sabi nya.

“Ako nga yon,Khalil Pantoja,yung sinasabi sayo ni Nang Alicia. Kapuya oy” sabi ko naman.

“Oo nga pala,lalaki nga daw yon,pero parang ano.. hmmn” aniya at humawak pa sa baba nya at sinipat ako. Nakaramdam ako ng matinding hiya,ganito ba mga taga manila? Mabuti pa mga kambing at baka hindi ako tinitingnan ng ganito. “O sya,sige,sakay ka na sa likod ko,humawak kang mabuti at hawakan mo ding mabuti ang bag mo” pagkuway dagdag nya at nagsuot ng helmet.

“Ako nga pala si Japhet Salcedo,baka sabihin mo wala akong manners at hindi man lang ako nagpakilala” aniya at pina andar na ang makina. “Kumapit kang mabuti” at bigla nya itong pina andar ng napaka bilis. Napayakap talaga ako sa kanya habang nasa harap ko yung bag,may pagitan pa din kami kahit papano.

Nakakatuwa yung mga nadadaanan namin,magkakasunod yung nadaanan naming barangay hall,kahit mabilis sya magpaandar ay tumatatak naman sa isipan ko yung nakikita ko.

Maya maya ay pumasok kami sa isang kalsada na may gwardya,may dinukot sya sa bulsa at pinakita ito sa gwardya at tumuloy na kami. Namangha ako sa mga nadadaanan, ang lalaki ng bahay at medyo magkakalayo,may mga parte na may talahiban,may mga puno,naalala ko bigla ang Calamboa.

Ilang saglit pa ay tumigil kami sa tapat ng isang bahay na may dalawang palapag. Pumasok kami sa gate at huminto na.

“Nandito na tayo” aniya,kaya kumalas na ako sa pagkakayakap at bumaba. Ng maayos nya na ang pagparada ng motor nya at matanggal ang helmet ay humarap sya sa akin. Ganun na lang ang gulat ko ng bumulanghit sya ng tawa.

Hala! Anong nakakatawa?

“Bakit ka tumatawa?”

“Para ka kasing Trolls o kaya naman ay parang nakuryente,nagtayuan mga buhok mo,hindi ka ba nagsa-shampoo?” aniya at nagpapahid pa ng luha sa sobrang pagtawa. Grabe,ngayon lang ako napagtawanan sa tanang buhay ko,dapat pala dinala ko yung tirador ko at tinirador ko sya!

Nahihiyang napahawak ako sa buhok ko,oo nga,tama sya,buhaghag ng buhok ko,ang ganit pa.

“Ano kase,nung naligo ako sa barko kaninang umaga nakalimutan kong wala akong shampoo saka tubig dagat pala yon kaya malagkit” ang nahihiya kong sabi saka tumingin sa paligid,baka may ilog,pwede akong maligo bago matulog.

“Ganon ba? O anong nililinga linga mo sa labas? Tara na sa loob para makapag pahinga ka na,bukas tayo mag usap tungkol sa papasukan mong trabaho at bukas na din kita ipapakilala sa mga kasama natin sa bahay” nakangisi nyang sabi,talagang kinatutuwaan ako ng isang to eh.

“Uhm kasi ano,gusto kong maligo bago matulog,nanlalagkit ako eh,wala bang ilog dito na pagpapaliguan?” seryoso kong sabi. Tatawa sana sya pero bigla syang nasamid. Da! Mayra! Kahit gwapo ka hindi ka papayagan ng kapalaran na pagtawanan ako. Ubo lang sya ng ubo,tiningnan ko na lang sya at hinintay matapos umubo.

“Ang galing mo palang magpatawa!” anito at nagpahid ulit ng luha kakaubo. Ako nagpapatawa? Baliw ba sya? Wala naman akong sinabing nakakatawa ah? “walang ibang ilog dito bukod sa mga creek at sa Ilog Pasig na nadaanan mo kanina papunta dito” aniya. Hala? Oo nga! Yung malaki at mahabang ilog sa ilalim ng tulay.

“Ganun ba? San pwedeng maligo?” nahihiya kong sabi. Ngayon ko tuloy napagtanto,na kahit nakapag aral ako ng High school ay wala ako sa kalingkingan ng mga taga maynila,dahil probinsyano ako.

“Syempre,sa banyo,pumasok na tayo para makapag pahinga ka na,bukas ka na lang maligo,baka magkasakit ka pa pag naligo ka ngayon eh pagod ka pa naman,baka pagalitan ako ni Tiyang Alicia” aniya habang sinasara ang gate. Naglakad na sya sa pinto ng bahay,binuksan nya ito,pumasok at sumunod ako.

“Mula ngayon,ituring mo na din itong bahay mo,wala kang babayarang kahit ano,maliban sa mga gawaing bahay” sabi nya,tumango lamang ako dahil abala ang mga mata ko sa pagtingin sa paligid. Ang gandang bahay naman nito,walang wala yung kubo namin,at ang liwanag,hindi gaya sa amin gasera ang aming ilaw. “Tara sa taas,dun ang magiging kwarto mo” at umakyat kami sa taas.

Dinala nya ako sa kwarto at sinabihang feel at home bago nagpaalam dahil inaantok na daw sya,nagpasalamat naman ako at lumabas na sya. Agad natutok ang tingin ko sa higaan,natuwa ako kaya agad akong humiga dito.

“Wow! Ang lambot! Parang ang sarap matulog! Hindi gaya sa amin,sa papag kami natutulog” sabi ko sa sarili at nagpagulong gulong sa higaan. Ang lambot talaga! Inaantok na ako.


Maaga akong nagising,madilim pa lang,unang pumasok sa isip ko ay ang pagwawalis sa harap ng kumubo,kaya agad akong bumangon,pero bigla akong natigilan,nasa maynila na nga pala ako at wala sa Calamboa. Ngunit ganun pa man ay bumangon na ako at lumabas ng kwarto,binaybay ang hagdan pababa. Madilim,patay pa ang mga ilaw,kaya agad kong tinumbok ang pinto at lumabas,tinungo ko yung gilid kung san nakaparada ang mga motor at naghanap ng walis,swerte naman at meron kaya nagsimula akong magwalis at maglinis. Pasikat na ang araw ng matapos ako,kaya pumasok naman ako sa loob. Medyo malaki ang bahay na ito kaya nahirapan akong maghanap ng walis tambo,nasa may likod lang pala ng pinto.

Inabala ko ang sarili sa pagwawalis habang kumakanta,bawat sulok ay winalis ko kahit hindi naman mukhang madumi,ano nga ba tawag sa ganitong sahig? Tiles? Tama! Yun nga yon. Sunod kong winalis ay ang kusina,gusto ko sanang magluto ng agahan dahil sabi ni Japhet may mga kasama kami dito.

Nakatalikod ako sa pinto ng kusina habang nagwawalis ng mapatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita.

“Ang aga mo ata pareng Japhet?”

“Ay! Kanding na may bangs!” gulat kong bulalas at napatalon.

“Sino ka?” sabi nung lalaki kaya humarap ako. At tulad ng pagkakita ko kay Japhet kahapon,napanganga ako.

Isa pang gwapo! Pinagmasdan ko sya,bukod sa gwapo ay maganda ang hubog ng katawan,hubad baro kasi sya at short na maikli suot nya.

Teka? Bakit parang?… Hala? Na utog si dodong? Ka dako naman?

Napalunok ako bigla,nangunot naman noo nya ng mapansin kung san ako nakatingin. Saka ngumisi.

“Bakla ka ba?” aniya,at dun ako natauhan at napatitig sa mukha nya. Mukha syang salbahe pero gwapo talaga. “Inuulit ko,sino ka? Anong ginagawa mo sa bahay namin?” dagdag nya. Sasagot sana ako ng bigla naman dumating si Japhet na ganun din ang suot.

“Oh Cross ang aga mo ah? Timpla kang kape” ani Japhet saka napalingon sa akin. “Khalil,gising ka na pala” aniya.

“Kilala mo sya?” sabi nung Cross. Ano ba namang pangalan yan? Mukhang galing pa sa libro o di kaya ay pang mayaman.

“Yup,sya si Khalil Pantoja,yung sinasabi ni Tiyang Alicia,Khalil sya si Cross isa sa mga kasama natin dito sa bahay at makakasama mo din sa trabaho” nakangiting sabi ni Japhet.

“Ah eh,magandang umaga,gusto nyong kape?” ang tangi ko lang nasabi. Kinakabahan kasi ako baka isa sa mga nang aapi sa bakla tong Cross na to,eh pano pa kaya yung ibang hindi ko pa nakikilala.

“Good idea! Ayan yung termos,magkakatabi naman yung kape,gatas,cream at asukal, with cream yung amin ni Cross” naka ngiting sabi ni Japhet at naupo na sila ni Cross,nilagay ko naman sa likod ng pinto yung walis tambo saka tinungo yung kinalalagyan ng mga kailangan ko sa pagtimpla ng kape at nagsimula na akong magtimpla,nakatalikod ako sa kanila.

“Tama ka nga na lalaki,pero sabi mo nung tumawag yan eh babae,tapos ngayon hindi pala lalaki kundi binabae,baka naman ma an–” mahinang sabi nung Cross pero dinig ko,nakaramdam ako ng pagkirot sa dibdib.

“Tigilan mo kakaisip ng ganyan,hindi yan gaya sa ibang baklang nakikita mo,probinsyano yan,ikaw talaga,sa sobrang pagkababaero mo natututo ka ng manghusga” pagbara naman ni Japhet dito kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Lumapit na ako at inilapag sa mesa ang mga kape nila. “Salamat Khalil” naka ngiting sabi ni Japhet.

“Wala yon,uhm pwede na ba akong umakyat muna para makapag pahinga saglit at makaligo na? Tapos na din naman akong magwalis dito at sa labas” sabi ko naman,pero hindi na ako nag abalang tapunan ng tingin si Cross.

“Ginawa mo yon? Wow! O sige! Nagtatayuan na nga ang buhok mo eh hahaha!” ani Japhet,buti pa to at masayahin at mabaet hmp!

“Salamat” ani ko.

“Hindi ka ba magkakape?” tanong nung Cross.

“Ambot!” sagot ko at tumalikod na at naglakad papunta sa hagdan pero narinig ko pa ang tanong ni Cross.

“Ano daw yon tol?”

“Ewan ko”

“Huh?”

Paakyat na ako ng may makasalubong naman akong lalaki,isa siguro sa mga kasama namin dito. Ngumiti ito sa akin na ipinagtaka ko.

“Good morning dude! Ikaw siguro si Khalil?” tango lang naisagot ko,napatitig ako sa mukha nito,ang cute nya kase,at mukhang bata pa. “Im Jai,Nice to meet you,enjoy your stay here” at tinapik nya ako sa balikat at tuluyang bumaba.

Ayos yung isang yon ah? Parang si Japhet lang. Tumuloy na ako sa pag akyat at dumiretso sa kwarto,kinuha ko ang bag sa gilid ng kama at inilabas ang lahat ng laman nito,pumili ako ng isusuot ko at tiniklop ang ibang damit,kinuha ko ang toothbrush,tooth paste,shampoo at safeguard pati tuwalya at muling lumabas para tunguhin ang banyo,bubuksan ko sana ito ng biglang kusa itong bumukas at lumabas ang isang gwapong lalaki,nagkatitigan kami. Yawa! Puro gwapo mga kasama ko,nanliliit ako tapos isa pa akong bakla,parang hindi ako bagay dito.

“Maliligo ka? Sige na,umihi lang naman ako” seryoso nyang sabi.

“Uhm thank you,ako nga pala si Khalil” sagot ko naman.

“I know,nakita kitang dumating kagabi, Aya pangalan ko” sagot nya at tumalikod na. Wow,mabaet na suplado na misteryeso. Baka naman meron pa akong makikilala? Ihahanda ko na sarili ko.

Pumasok na ako sa banyo at naligo,habang naliligo hindi ko maiwasang maisip ang pamilya ko,kamusta na kaya sila? Haay,nandito na ako sa maynila,bagong buhay,kailangan ko ng masanay,kailangan ko magsikap para mapaganda ko ang buhay ng pamilya ko. Ngayon nasa isang bahay na din ako kasama ang apat na lalaki na may iba’t ibang ugali at personalidad,sila din daw ang mga makakasama ko sa trabaho,sana maging maganda ang samahan namin.

Matapos maligo ay bumalik na ako sa kwarto at nagbihis,sinuklay kong mabuti ang maikli kong buhok na ngayon ay malambot na ulit,bumaba na ako,nasa gitnang hakbang palang ako ay may narinig na akong pamilyar na boses,alam kong galing iyon sa Tv.

Boses iyon ni Flexter! Jusme! Kailangan ko syang makita!

At nagmadali akong bumaba,hanggang sa natapilok ako,napapikit na lang ako dahil alam kong babagsak ako sa tiles.

  • musta? Request to ni Mr.Unconcious kaya nag update ako, vote and comment then recommend po,thank you :)

04. The Boys! One by one >

Pumikit na lang ako dahil alam kong sa matigas na tiles ang bagsak ko. Pero hindi ganun ang nangyari,ramdam kong katawan ng tao ang nabagsakan ko.

“Ugh!“daing nito,at alam kong napahiga sya sa sahig kung sino man sya,agad akong nagmulat ng mata at tiningnan kung sino ang sumagip sa akin,at nanlaki ang mga mata ko na si Cross pala yon! Nasa ibabaw ako at ramdam ko sa tyan ko ang pututoy nya kaya agad akong bumalikwas at tumayo.

“Pasensya na” hinging paumanhin ko,pero ngumisi lang sya. Ugh! Lakas mang inis ng ngiti nya. Tumayo sya at tinungo ang sala,ang lakas ng kabog ng dibdib ko,yon ang pangalawang beses na lumapat ang katawan ko sa katawan ng ibang lalaki,una yung kay Japhet.

Agad din akong pumunta sa sala para tingnan ang palabas. Wala na,patalastas lang pala yon,nakakapanlambot,hindi ko nakita si Flexter. Tiningnan ko sina Aya at Cross na tutok sa panonood. Minabuti kong pumunta na lang sa kusina,nakasalubong ko si Jai.

“Khalil,patawag naman yung dalawa,tapos na kaming magluto ni Japhet,mananghalian na tayo” sabi nito,tumango naman ako at tinawag yung dalawa,naiilang ako habang kumakain kasi lahat sila naka hubad baro at maikling shorts pa din ang suot. Wala ba silang planong magdamit? Imbis na sila ang mailang dahil may kasama silang bayot eh ako pa naiilang.

“Bukas ka mag start sa work kung san din kami magtatrabaho Khalil,kailangan mo muna gumawa ng resume” ani Japhet habang kumakain kami.

“Sige,yon din ang iniisip ko,uhm at saka pwede ba akong mamalengke mamaya?” sabi ko naman,halos kaming dalawa lang ni Japhet ang nag uusap,yung tatlo abala sa pagkain at patingin tingin lang sa amin,ng madako tingin ko kay Cross ay ngumisi ito. Tse! Buang! Amaw!

“Oo naman,anong gagawin mo sa palengke?” ani Japhet.

“Mupalit ko ug sininang bag-o” sagot ko.

“HUH?” sabi nilang apat na napatigil pa sa pagkain.

“Ang ibig kong sabihin bibili akong damit pati na din ibang damit”

“Ah ganon ba? Sige idaan kita sa pasig palengke mamaya” nakangiti nitong sabi. Yawa,ang gwapo talaga ng kolokoy na to.

“Samahan na kita! Sa Mega mall na lang tayo” pag butt in ni Jai na ang lapad ng ngiti,bakit ba ang cute ng isang to? Ang sarap siguro kurutin ng pisngi nya.

“Tumigil ka,ang dami mo ng absent,mapagalitan ka na ni Maam nyan” seryosong sabi ni Aya,pero ang gwapo pa din,napanguso na lang tuloy si Jai.

Natapos kaming mananghalian,nagpresinta akong maghugas ng plato,sila naman naligo at naghanda na papasok sa trabaho nila,na magiging trabaho ko na din sa mga susunod na araw.

Handa na kaming lahat,kanya kanya sila ng motor,may inabot saking susi si Japhet,duplicate key daw ng bahay. Umangkas na ako kay Japhet,sabay sabay na kaming lumarga. Napayakap na naman ako sa kanya,ang sarap nyang yakapin,tapos parang kumakabog na ewan ang dibdib ko,hindi ko mawari.

Ibinaba ako ni Japhet sa palengke,nagpasalamat ako at pumasok sa loob ng palengke. Ang gandang palengke naman nito? Ibang iba sa palengke sa amin. Nagtanong ako kung san yung bilihan ng damit at sapatos. Nasa second floor daw kaya wala na akong inaksayang panahon,bumili na ako ng lahat ng kailangan ko,pati biodata para sa trabaho,alam ko naman yung resume pero hindi ako marunong gumawa at hindi ako marunong mag computer. Bago umuwi ay napadaan ako sa tindahan ng mga dyaryo. Nasa unahang pahina ang larawan ni Flexter! Kumabog kabog ang dibdib ko sa tuwa kaya binili ko ito.

Pagdating sa bahay dumiretso ako sa kwarto at inayos ang mga pinamili ko,nakaramdam naman ako ng kalungkutan sa pag iisa sa bahay. Naalala ko sina Nanay at Tatay,pati sina Buboy at Caloy,kamusta na kaya sila? Sana okay sila,pero alam kong okay sila,hindi sila papabayaan nina Nang Alicia at Nong Berto. Hindi ko namalayang napaluha na pala ako,kaya agad ko itong pinunasan at nagdesisyong bumaba,bitbit ang ballpen,biodata at dyaryo ay tinungo ko ang kusina. Doon ko sinagutan ang Biodata.

Matapos kong sagutan ito ay kinuha ko ang dyaryo at tinitigan ang mukha ni Flexter.

Napaka gwapo talaga nya,ang amo ng mukha,ang ganda ng katawan,nakakapang init at nakakapangatog ng kalamnan. Haaay!! Ngayon lang ako talaga naapektuhan sa itsura ng ibang tao,ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong uri ng paghanga.

“Tsk tsk! Hapon na hapon nagpapantasya” napatingin ako sa nagsalita. Si Aya at Cross nasa pinto ng kusina!

“Bunganga mo” suway dito ni Aya. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha sa sobrang inis sa Cross na yan! Tamaan sana sya ng kidlat!

“M-may nakalimutan ba kayo?” bagkus ay tanong ko na lang.

“Tapos ka na bang bumili ng mga gamit at damit?” tanong ni Aya at lumapit,si Cross naman ay uminom ng tubig,tumango ako bilang sagot. Ataya oy! Ang bango bango ni Aya,nakaka adik! Nanunuot sa sistema. Jusko mababaliw ako sa apat na lalaking ito pag nagtagal. “Good,eh ang resume? Kailangan mo ng ipasa ngayon,may nag resign kaming kasamahan eh” dagdag nito at lumapit pa. Waahh! Ang bilis ng tibok ng puso ko,ganito ba talaga epekto ng mga lalaki sa tulad kong binabae?

“Eh hindi ako marunong nun eh,kaya biodata na lang” ang nahihiya kong sagot. Ang hirap talaga pag limitado ang alam,at mas mahirap kung isa kang probinsyano na nasa maynila.

“Hindi pwede yan,akin na,tara sa kwarto ko at igagawa kita ng resume,may computer at printer ako” ani Aya,para naman akong batang sumunod. Pagpasok sa kwarto nya ay napanganga ako,ang ganda,malinis at maayos,lalaking lalaki ang dating. Umupo sya sa harap ng computer at binuksan ito,maya maya ay nagsimula na syang magtype,ang bilis ng mga kamay nya.

Napakaswerte ng nobya nito ni Aya kung meron nga,mabaet,gwapo at maaasahan,matulungin pa,yun nga lang,suplado at bilang lang ang salitang binibitawan.

Ilang saglit pa ay natapos na nya at na print,hiningian nya ako ng 2x2 picture,buti na lang meron ako. Walang humpay akong nagpasalamat sa kanya bago sila umalis at bumalik sa trabaho.

“Wala yon,o sige,alis na kami,mag ingat ka dyan” yun lang at humarurot na sila paalis,pumasok na ako sa bahay at nag isip ng gagawin.

“Makapanood na lang ng Tv,hindi naman siguro masama” sabi ko sa sarili at binuksan ang Tv at naupo sa sofa. Unang pagkakataon ko na maupo dito,ang lambot lambot!

Wala naman magandang palabas,kaya panay ang lipat ko ng channel,hanggang sa mapadpad ako sa channel na cartoons ang palabas,haay kung nandito sina Buboy at Caloy panigurado tuwang tuwa ang dalawang iyon. Pano ko kaya sila mako-contact ng hindi na kailangang sumulat? Pag sulat kasi,panigurado matagal bago sila makasagot.

Nalibang ako sa panonood ng cartoons,saka ko lang napansin na madilim ang bahay at ang ilaw lang ay ang liwanag ng Tv. Tiningnan ko ang oras, alas sais na pala. Tumayo ako at binuhay ang mga ilaw sa buong bahay pati sa taas,saka ako ulit bumaba at pinatay ang Tv.

Nagugutom na ako,hindi naman ako marunong magluto gamit ang kalan at rice cooker,hay! Napaka probinsyano talaga. Naalala ko din na sinabi ni Japhet na gabing gabi pa ang tapos ng trabaho nila kaya hindi sila naghahapunan sa bahay. Kumukulo na ang tyan ko sa gutom. Pumunta ako sa kusina,nagbabaka sakaling may natirang pagkain. Pero malas dahil wala!.

“Na unsa man oy,mamatay jud ko sa gutom” ang mahina kong sabi. Kinapa ko ang bulsa ko,may pera nga pala dito,yung sukli sa pinamili ko kanina,maghahanap na lang ako sa labas ng mabibilhan ng pagkain.

Lumabas na ako at nilock ang pinto,naglakad palabas ng gate at isinara ito,paglingon ko sa kaliwa,sakto ang liwanag ng poste ay may nakita akong umiihi sa gilid. Ang lapit lang kaya nya sa akin! Kitang kita ko yung ano nya! Ang bastos naman nito! Bigla itong humarap at nagkagulatan kami.

“Khalil? San ka pupunta?”

“J-jai?” ani ko at napatingin ulit sa ano nya. Ka dako jud. Napalunok ako. Unang pagkakataon na makakita ako ng ari ng ibang lalaki. At parang natauhan naman at napahiya syang inayos ito at napangiti.

“Pasensya na,ihing ihi na kase ako at hindi na ako aabot sa banyo,san ka pupunta?” sabi nito na napahawak pa sa batok.

Diyosko! Ang init ng pakiramdam ko,bakit ganito? Magkakasakit yata ako lagi dito dahil sa mga kasama ko sa bahay,bakit ba sila ganyan? Alam naman nilang bakla ako eh,bawat isa sa kanila kakaiba epekto sakin,jusme! Tulong po!.

“Ah eh,ano uhm…”

“Haha ang cute mo,huwag ka ng mahiya,ayos lang sa akin na nakita mo ang akin,may ganon ka din naman” ang tumatawa nitong sabi.

“Buang ka! Hindi lang ako sanay.. Alam mo namang ano ako eh” ang sabi ko naman na sobrang nahihiya,tumawa lang naman sya. Ganyan ba talaga mga laking siyudad?

“San ka nga pupunta?” anito at lumapit sa akin. Kahit mukhang mas matanda ako sa kanya eh ako ang nagmukhang bata,ganito talaga pag walang alam.

“Maghahanap sana ako ng mabibilhan ng pagkain”

“Ganon ba? Huwag ka ng bumili,umuwi talaga ako ng maaga dahil naisip kita,alam kong hindi ka marunong gumamit ng kalan at rice cooker,kaya bumili ako ng pagkain,nasa motor ko,mauna ka ng pumasok,ipaparada ko lang ang motor” mahaba nyang sabi. Tumango lang ako at pumasok na sa loob.

Dideretso na sana ako sa kusina para maghanda ng mga plato ng tawagin nya ako,nakaupo na sya sa sofa at bukas na ang Tv.

“Huwag ka na maghanda,dito tayo kumain habang nanonood ng Tv” aniya at tumalima ako. Nakita ko sa lamesita na Jollibee pala binili nya,kanin,fried chicken,burger,fries,spaghetti at may coke pa. Natakam ako at umupo sa tabi nya.

“Kain lang ng kain Khalil,para sayo talaga yan” aniya habang nanonood,nagsimula na akong kumain,inuna ko yung kanin at manok,hanggang natuon ang tingin ko sa Tv. Simula na ng teleserye ni Flexter!

Ililipat na nya sana pero pinigil ko sya.

“Huwag! Dyan na lang kay Flexter” sabi ko habang ngumunguya at nakatingin sa Tv.

“Yan pa pinagpapantasyahan mo?”

AAAAAARRRKKK!!!

Nabilaukan ako!.

  • lemme know whats on your mind! Hahaha :D

05. Movie & Jai > First day!

Agad inabot sakin ni Jai ang coke at agad ko din itong ininom. Nakahinga ako ng maluwag. Wew!

“Okay ka lang Khalil?” nag aalalang sabi nito habang hinahagod ang likod ko.

“Salamat,ayos na ako,nabigla lang talaga ako sa tanong mo” sagot ko naman at umayos ng upo. Hindi pa ako tapos kumain,kailangan kong kumain ng marami.

“Bakit? Hindi ba totoo?” anito,napatingin ulit ako sa Tv,si Flexter na naman ang nasa eksena,na may kausap na matandang babae.

“Pantasya? Sobra man ka oy,crush lang na gamay ba ug ako-a syang idol” sagot ko naman. Grabe naman kung pantasya agad. Pero ano nga ba pakiramdam ng pinagpapantasyahan ang isang Flexter Tuazon?

“Huh? Anong sabi mo? Huwag mo naman ako salitaan ng elyen Khalil!” natatawang sabi ni Jai,hinampas ko nga sa braso.

“Buang ka! Bisaya yon hindi alien! Mukha ba akong alien?” sabi ko pa at lalo lumakas ang tawa nya.

“O sya! Tama na,matulog ka na,ako na magliligpit dito,para mas fresh ka bukas sa unang araw ng trabaho” aniya at niligpit na yung pinagkainan ko. Hindi ako makapaniwala na naubos ko yon! Jusko! Pero hindi nyo ako masisisi,wala pa ata sa sampung beses akong nakaka kain ng Jollibee.

“Eh ikaw? Hindi ka pa ba matutulog?” ani ko ng sundan ko si Jai sa kusina,itinapon nya sa basurahan yung mga kalat ko kanina.

“Hindi pa,manonood pa ako eh” anito.

“Anong papanoorin mo? Pwedeng makinood?” sabi ko naman. Wala lang,gusto ko lang masanay na matagal matulog lalo na at nasa siyudad na ako at magkakatrabaho na ako.

“Sige ba,nga pala nakita ko sa Resume mo na 20 years old ka na pala,matanda ka ng isang taon sa akin” ani naman nya habang pabalik kami sa sala.

“Sabi ko na eh bata ka pa” nakangiti kong sabi.

“Hindi na ako bata,kaya ko na nga gumawa ng bata eh,nakita mo naman si Junjun diba?” anito at humagikgik at may inayos dun sa bandang Tv.

“Hala ka! Bastos mo!” sabi ko sa kanya. Dapat na siguro ako masanay sa mga ito. Magmumukha ako lalong mangmang pag hindi ako nakipag sabayan.

“Ang bastos yung naghuhubad at bigla bigla nanghahalik” anito at nagulat ako’t hinalikan ako sa pisngi ng tumabi na sya sa akin sa sofa dahil nagsisimula na yung papanoorin namin.

“Bastos ka!” gulat kong sabi sabay hampas sa hita nya,atay! Ako ang nasaktan eh! “Bakit mo ginawa yon?” dagdag ko pa. Buti pinatay nya ang ilaw,panigurado kasi namumula na buong mukha ko.

“See? Yon ang bastos,pero hindi talaga bastos yon no? Kiniss kita kasi cute ka,ito naman bakit hindi ka pa ba nahahalikan?”

“Ano,uhm..Nahalikan na,ng mga kapatid ko at nina Nanay at Tatay pero…pero ngayon lang ako nahalikan ng ano..uhm..ng lalake” nahihiya kong pag amin.

“Virgin ka pa pala” aniya at tumawa pero hindi ko na iyon pinansin,natutok na paningin ko sa palabas. “magsisimula na” aniya.

“The Conjuring” basa ko sa title,ano kaya ibig sabihin nun? Mukhang masaya ang palabas na to.

Kalagitnaan ng palabas,nakasiksik na sa dulo ng sofa,ang sakit na ng lalamunan ko kakasigaw,ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sana pala natulog na ako at hindi nanonood,nakakatakot pala tong palabas na to. Panay tawa naman si Jai sa akin,gusto ko syang sikaran eh! Hindi naman porket laking bukid ako eh hindi na ako takot sa mga ganyan.

“Huwag ka ng manood Khalil,umakyat ka na” natatawa nyang sabi. Hindi ako sumagot. Pumapasok sa isipan ko yung mga nakakatakot na eksena eh. “Halika nga dito,lumapit ka para hindi ka na matakot” hindi pa din ako kumilos.

Sya na ang lumapit at niyakap ako ng mahigpit,nilagay nya ang ulo ko sa dibdib nya. Nagulat ako,may kakaiba akong naramdaman,hindi ko maipaliwanag. “Alam ko ng mahihirapan ka ng matulog,pumikit ka na at matulog,hindi kita iiwanan” ani Jai. Dahil sa sinabi nya,nakaramdam ako ng antok kaya pumikit na din ako.

kinabukasan,nagising ako sa pakiramdam na may nakayakap sa akin at humihinga sa ulo ko. Nagdilat ako ng mata at unang bumungad sa akin ay si Cross.

Nakatingin sya sa akin na parang may ginawa akong masama,naka cross arms pa. Kikilos na sana ako pero biglang gumalaw yung nakayakap sa akin kaya tiningnan ko kung sino. Agad akong napabalikwas ng makita ko si Jai. At doon ko naalala yung kagabe. Nakaramdam ako ng matinding hiya. Parang pakiramdam ko iba na ang iniisip ni Cross.

Nagising na din si Jai,nag unat pa saka nagsalita. “Good morning everyone!”

“Gising na pala kayo Khalil at Jai,handa na tanghalian,tara na” biglang sulpot ni Aya. Napayuko ako. Nadinig ko namang may pumalatak,panigurado ako si Cross yon.

Tumayo na ako at tumungo sa banyo para maghilamos at mumog,pagkalabas ko si Jai naman ang sumunod.

“How was your sleep?” nakangiti nitong tanong,pero ako,iba pa din nararamdaman ko.

“Ayos lang,sige mauna na ako sa kusina” sagot ko at tumalikod na at tinungo ang kusina. Inihahanda na ni Japhet ang pananghalian,naka upo na sina Aya at Cross,kaya tahimik na din akong naupo,maya maya pa ay sumalo na din si Jai at kumain na kami. Si Jai at Aya lang nagsasalita,lalo ako nailang kaya itinuon ko na lang ang atensyon sa pagkain.

Ng matapos kaming kumain ay nagpresinta akong maghugas ng pinagkainan.

“Maghanda ka na para sa unang araw mo” ani Aya,tumango lang ako at lumabas na ito sa kusina,maliligo na siguro sila. Nasa kalagitnaan na ako ng paghuhugas ng may magsalita sa likod ko.

“Nice move,ang bilis mo ah? Sabi ko na nga ba wala kang pinagkaiba sa ibang bakla. Ay meron pala,mas matalas pala mga probinsyanong gaya mo” hindi ko na kinailangan lumingon dahil kilalang kilala ko ang mapang uyam nitong boses,si Cross.

Yun lang at naramdaman kong lumabas na ito ng kusina,hindi na ako nakagalaw,nanlambot na ako,sumikip ang dibdib ko. Gusto kong umiyak,ngayon lang ako nasabihan ng mga ganung salita,ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang kahihiyan at panliliit sa sarili. Nahusgahan agad ako. Ang sakit sa pakiramdam na ganito,kasama mo sa bahay pero lantarang ipinapakita ang pagka disgusto sayo. Ano ba ang nagawa kong kasalanan?

Mabigat ang pakiramdam na tinungo ko ang aking kwarto matapos maghugas ng mga pinagkainan namin. Hinanda ko na ang isusuot ko,saka ako nagtungo sa banyo para maligo dahil tapos na silang apat.

Sinabi ni Japhet na sa kanya ako aangkas. Mabigat pa din ang pakiramdam ko at iniisip ko pa din ang mga sinabi ni Cross pero hindi ako nagpahalata. Dahil naka motor kami,naging mabilis ang byahe at nakarating agad kami sa trabaho.

“Mukhang nagkaka mabutihan kayo ni Jai ah” ani Japhet ng makababa kami sa motor. Natigilan ako. Hindi pa ako nakakasagot ng hilahin na nya ako papasok sa isang parang restaurant pero napansin kong hindi naman pagkain ang nandito.

“Uhm.. Japhet,ano ba ito? At ano magiging trabaho ko?” sabi ko ng makapasok kami. Napansin ko naman na sa akin na nakatingin yung mga tao,pare parehas sila ng suot,uniform siguro.

“Ito ang ChocoDelight coffee shop,at magiging crew ka dito gaya namin,tara na sa opisina ng boss namin para makilala ka na nya” ang sagot ni Japhet. Sumunod na lang ako sa kanya at pumasok kami.

“Emi,nandito na sya” ani Japhet.

Humarap sa amin ang isang napaka gandang babae na may kulot at pulang pulang buhok. Napanganga ako,para syang artista. Ang ganda nya,hindi nakakapagtakang magaganda at gwapo din mga trabahador nya,hindi ako bagay dito.

“Ow! Sya na ba yan? Ang cute naman nya!” magiliw na sabi nito at niyakap ako na ikinagulat ko,nadinig ko pang napahagikgik si Japhet.

“Welcome dito sa ChocoDelight Khalil! Enjoy your stay ah? Ako nga pala si Emi,ang boss dito,but just call me Emi,ayoko ng Maam,feeling ko ang tanda ko na,by the way,ayan uniform mo nasa couch,at saka ang gagawin mo lang ay mag serve ng mga orders na cake at kape,si Japhet na bahalang umalalay sayo” nakangiti at mahabang sabi nito,napakurap ako ng ilang beses,grabe ah? Walang hingahan yon,hindi man lang sya hiningal? Nakakabilib!.

Nagsimula na ako sa unang araw ko,masasabi kong nag e-enjoy naman ako,naka sundo ko din agad ang ibang crew,pero iniiwasan ko si Jai at Cross,at sana huwag nilang mapansin yon. Dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko pag nagkataon.

Napansin kong parang puro mayayaman ang pumapasok sa shop,pero ganun pa man hindi nauubusan ng tao,halos maduling nga ako kanina ng makita ko yung presyo sa menu. Nakakatakot mag waldas ng ganung pera para sa kape at cake. Ako nga ayos na sa akin ang pandesal at tsokolateng cocoa eh.

“Oh my Gawd! Diba si Flexter yon?” sabi ng isang babaeng crew.

“Oo nga! Si idol,at dito sya papunta!” ani naman ng isang lalaking waiter.

Nataranta ako,bumilis tibok ng puso ko. Tiningnan ko ang papasok na si Flexter. Pinagtitinginan na sya,ang gwapo talaga nya! At ang bango nya ay abot hanggang dito sa counter kung san tumatambay pag wala pang order o pag hindi pa tapos ang mga costumer.

Naupo si Flexter sa isang bakanteng mesa malapit samin,kilig na kilig ang mga kababaihan,ako naman ay natulala,ang lakas ng kabog ng dibdib ko,hindi ako makapaniwalang nakikita ko sya ng personal.

Lumapit dito si Cross upang tanungin ang order. Sa totoo lang gwapo talaga si Cross,silang apat na kasama ko sa bahay gwapo,pwedeng mag artista,pero nag iba na ng tuluyan ang tingin ko kay Cross mula ng pagsalitaan nya ako ng masasakit kanina.

Lumapit na si Cross sa counter at sinabi ang order ni Flexter. Ibinalik ko ang tingin ko kay Flexter. Para na akong nabato balani sa kanya.

“Patay na patay ka dyan diba? Ikaw magdala sa kanya ng order nya” boses iyon ni Cross. Buti abala na ang iba at walang nakarinig,iniabot nya sa akin ang tray na naglalaman ng order ni Flexter. Tumango ako at tinanggap ito,habang naglalakad palapit kay Flexter ay damang dama ko panginginig ng tuhod ko at malakas na kabog ng dibdib ko.

“Here’s your order s–” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may pumatid sa akin. Natapon kay Flexter ang cake at frapuccino. Napadapa naman ako.

“Shit! Fuck!” malakas na sabi ni Flexter. Kinabahan ako at dahan dahan tumayo para humingi ng despensa,tiningnan ko muna ang paligid kung sino ang pumatid sa akin. Pero nakatingin sila lahat na nag aalala.

Hinarap ko si Flexter,nagbabaga ang mga mata nya sa galit,lalo ako natakot. Hihingi na sana ako ng pasensya ng bigla nya ako suntukin ng ubod lakas. Sumadsad ang katawan ko sa lapag at nauntog ang ulo ko sa lamesa. Nahilo ako,kasunod nun ang pagdilim ng paningin ko pero nakiramdam ako,naramdaman kong may nag angat ng katawan ko.

“Khalil? Khalil?” boses iyon ni Aya,sya pala yumakap sa akin.

“Dumudugo ulo nya! Fuck!” boses naman iyon ni Jai.

“Shit! Bakit mo ginawa yon?” boses iyon ni Japhet.

“Bagay yan sa kanya” hindi ko nakilala ang boses,at tuluyan na akong nilamon ng dilim.

  • Comment and vote po! Thank you sa mga comments nyo last chapter :3

06. Instant Sikat! >

Nagising na lang ako na parang may humahaplos sa ulo ko,kaya nagmulat ako ng mga mata at nabungaran ko ang boss naming si Emi,nasa mukha nito ang labis na pag-aalala.

“Anong nangyari Maam?” agad kong tanong at inilibot ang paningin sa paligid. Nasa opisina nya ako at nakahiga kaya bumangon ako.

“Okay na ba pakiramdam mo? Nalunasan na namin sugat mo,mabuti at hindi malalim” anito,at dun ko kinapa ang ulo ko. May bendahe. Ano ba nangyari?

“Okay naman po,ano po ba nangyari?”

“Sinapak ka nung artistang si Flexter,tumama ulo mo sa isa sa mga table natin. Hay nako,akala ko mabaet yon,hindi ko na sya idol” ani pa ni Maam Emi.

Natatandaan ko na ang nangyari. Sa bagay,hindi ko masisisi si Flexter,kahit sinong matapunan ng kape magagalit,normal lang iyon. Para sa akin,hindi pa din nawala ang paghanga ko sa kanya,ibig sabihin lang nun ay normal syang tao,hindi mapagkunwari sa nararamdaman.

“Ayos lang po yon Maam,kasalanan ko din naman,hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko,napatid tuloy ako” ani ko at umayos ng upo.

“Ilang beses ko bang sasabihing Emi na lang itawag mo sa akin? Naku ha! Tatanggalin kita sa trabaho! Haha! Seriously,dahil sa ginawa ng Flexter na yon,pagpipistahan na sya ng media,grabe sya!” ani pa nito. Bigla naman ako kinabahan. Naku! Ako pa ata magiging rason ng pagkasira ng imahe nya! Nakakahiya! Lalo yong magagalit at baka madamay pa itong shop.

“Naku! Huwag naman po sana! Uhm,sina Japhet po? Babalik na ako sa trabaho,nakakahiya naman,unang araw ko pa lang ay palpak na” sabi ko at akmang tatayo na ngunit pinigilan nya ako at muling pinaupo.

“No,magpahinga ka at bukas na lang bumawe,ayokong magalit sina Japhet,Aya at Jai sa akin” sabi nito. Medyo nadissapoint ako,hindi binanggit si Cross,ang laki talaga ng galit sa akin ng isang yon,sya kaya pumatid sa akin? Hindi naman siguro.

“Now tell me,may fowl ba sa pangyayari? Hindi pwedeng basta ka matisod,hindi baku-bako ang sahig ng shop” ani pa nya. Kinabahan ako,sasabihin ko ba ang hinala ko? Huwag na siguro,baka maging gulo pa.

“Wala,nagmamadali kase akong makalapit,idol ko kasi si Flexter,ayun,natisod ko sarili ko. Pasensya na sa abala ah?” pagsisinungaling ko naman. Grabe! Ngayon lang ako nagsinungaling,at hindi sya maganda sa pakiramdam. Hindi na ako uulit,pangako yan!.

“Mabuti naman,at saka ano ka ba,hindi abala yon. Ang ganda nga eh,atleast hindi na makakalimutan ng Flexter na iyon ang shop natin,baka dumugin pa tayo at interviewhin ka ng media! Ang taray diba?” nakangiting sagot nito at tumawa. Hala?! Ang wirdo pala nito ni Maam Emi? Kakaiba.

Para naman maiba ang usapan ay nanghiram na lamang ako ng papel at ballpen,para habang nandito ako sa loob ng opisina ay may ginagawa ako,bigla kasi pumasok sa isip ko sina Tatay,gagawa ako ng sulat.

“Sulat? Neng,hindi na uso yan,text,tawag,internet na ang pinaka madaling paraan para makausap mo mga mahal mong malalayo” sabi agad nito.

“Eh wala naman ako pang text o pang tawag at wala ako alam sa internet” nahihiya kong sabi. Haay! Nanliit na naman ako,ang hirap talaga maging probinsyanong taga bundok na ignorante.

“You mean wala kang cellphone?” marahan akong tumango “Eh ang pamilya mo?” dagdag pa niya. Napaisip ako. Hmmn.. Si Nang Alicia meron! Tama sya nga!.

“Ahm,yung tiya ni Japhet,si Nang Alicia,baka meron sya.” sagot ko.

“Miss na miss mo na ba pamilya mo?” ang parang naaawa nyang tanong. Nahirapan akong sumagot,parang may bumara sa lalamunan ko,pag ang pamilya ko na ang usapan,hindi ko maiwasang maiyak. At yun nga,tumulo na ang pinipigilan kong luha. Agad nya akong niyakap at inalo. Ang hirap ng ganito,ang hirap ng malayo sa pamilya. Pang ilang araw ko pa lamang dito pero sobrang miss ko na sila. Si tatay,kung magaling na ba sya? Si nanay,kung nakakapag pahinga ba sya ng maayos? Sina Buboy at Caloy,kung nag aaral ba sila,at kung namimiss din ba nila akong lahat?.

Kumulas si Maam Emi sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako. “Gusto kong maging mas malapit tayong dalawa,gusto kong maging ate mo..At gusto kong ikwento mo sa akin ang lahat lahat kung bakit napadpad ka dito,yun ay kung ayos lang sayo Khalil” ang sinsero nyang sabi,napatango na lamang ako at namalayan ko na lang na ikinekwento ko na sa kanya ang lahat lahat,walang labis,walang kulang.

“So probinsyanong beki ka pala. Haay,ayos lang yan,nandito kami para sayo” ani Maam Emi matapos akong magkwento. Pakiramdam ko gumaan ang aking dibdib ng may mapagsabihan ako. “Ngayon mismo ay bibili ka ng cellphone para matawagan mo ang pamilya mo,sagot ko na,dont worry hindi ko ito ikakaltas sa sahod mo”

“Hala? Huwag na! Sa ibang araw na lang,at saka may pera pa naman akong naitabi,makakapaghintay naman siguro yong cellphone,kaya sulat na lang” pag tanggi ko. Hindi ako sanay ng ganito,nakakahiya. Kung ang pagtulong ni Nang Alicia at Nong Berto sa amin ay aming ikinasisaya,ito naman ay nakakahiya,parang abuso naman ata ako nito.

“No! I insist,wait lang,tatawag ako ng isang crew para masamahan ka sa Mall” ani pa nito at lumabas na ng opisina kaya wala na akong nagawa.

Ng pumasok muli ito sa opisina ay ang lawak ng ngiti kaya nginitian ko din. Pero nawala ang ngiti ko ng kasunod nitong pumasok si Cross,kinabahan ako,ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Alam ko may tawag dito eh,parang na discuss na namin nung high school,ano nga ba yon? Po-po? Po- ayun! Phobia! May phobia na ata ako kay Cross. Blangko ang tingin nito sa akin kaya napalunok ako ng laway.

“Magbihis ka na Khalil,para maaga kayong maka balik ni Cross,sya lang kasi ang wala ng ginagawa paglabas ko kaya sya na ang sasama sayo” ani Emi. Napatango na lang ako at nagpasalamat saka naunang lumabas at tinungo yung locker room at nagbihis,paglabas ko nakahalukipkip na naghihintay si Cross.

“Tara na,masyado mo ng naaabala ang araw na ito” walang emosyon nyang sabi at sa back door kami dumaan,iniabot nya sa akin ang extra helmet at nag helmet na din sya,pagka angkas ko ay nahiya pa akong humawak sa kanya kaya sa likod ako kumapit,mukha namang ayos lang dahil hindi naman sya umimik. Paharurot kaming umalis doon,pakiwari ko ay limang minuto lang ang dumaan at agad kaming nakarating sa Mall,yun ay yung mall na una kong napasukan,yung megamall.

Nagpaikot ikot lang kami hanggang makarating kami dun sa puro cellphone.

“Malaki binigay na budget ni Emi,anong cellphone gusto mo?” walang emosyong sabi ni Cross sa akin. Tiningnan ko ang mga cellphone na naka display,lahat magaganda,ang problema ko lamang ay paano gamitin ito.

“Uhm,ikaw na bahala,wala ako alam sa mga ganyan,ang importante lang naman sa akin ay ang magkaroon ng kontak sa pamilya ko sa Calamboa Cebu” nahihiya kong sagot.

“Ang dami mo na agad sinabi,dyan ka lang,ako na bahala” aniya sakin,napahiya na naman ako kaya yumuko na lang ako.

“Hi” ani ng isang boses at may kumalabit sa akin kaya nilingon ko ito. At ganun na naman reaksyon ko,halos mapanganga ako sa nakita ko,isang gwapong lalaki,na sa tantya ko ay ka edad ko lamang. Maputi,makinis,maganda ang parang singkit ngunit bilugang mata,makapal na kilay,matangos na katamtamang ilong,maliit at manipis na mapulang labi. Bigla ito ngumiti kaya lumabas ang magkabilang biloy sa mga pisngi.

“B-bakit?” kabado kong tanong,hindi naman ako sanay diba na makihalubilo.

“Ikaw yung sa Tv diba? Yung waiter na sinapak ni Flexter Tuazon?”

Dyos ko! Pakiramdam ko lumuwa ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko sa sahig. Na Tv na yung nangyari? Bakit wala akong nakitang mga reporters? Sabagay,nawalan ako ng malay.

“H-hindi ako yon! Nagkakamali ka” taranta kong sabi sabay lakad palapit kay Cross na abalang nakikipag usap sa sales lady. Ngunit makulit ata ang lalaking to at humarang bigla.

“Hahahaha! Ang cute mong mataranta at ang cute ng mukha mo! Tama nga kutob ko sayo ng makita kita sa Tv,kaya ka siguro sinapak ni Flexter” nakangiti nyang sabi. Ano ba to? Nagtitinginan na mga tao,ayaw kong dumugin at bugbugin ng mga fans ni Flexter!

“Hindi nga ako yon! Sikaran taka dyan! Daplin na! Mu agi ko!” inis kong sabi,agad na nagsalubong ang kilay nya kasunod ng pagtawa.

“Hahaha! Bisaya ka pala? Basta ikaw yun cute! O sige na! See you soon!” anito at umalis na,doon lang ako nakahinga ng maluwag kaya ibinalik ko ang tingin kay Cross para matakot lang sa tingin nya sa akin,yun yung tingin na ibinigay nya sa akin nung makita nya kami ni Jai na magkayakap matulog. At ngayon,sigurado ako,may iba na naman syang iniisip.

“Oh! Ayan na cellphone mo,tara na at bumalik sa coffee shop” sabay abot ng plastic bag,agad ko iyong tinanggap,mabilis syang naglakad kaya hinabol ko pa. Haay! Bakit ba may mga taong gaya ni Cross? Agad agad naghuhusga sa pagkasino ng ibang tao,malaking issue ba talaga sa kanya ang isang binabae? Hayst.

Nang makabalik sa shop ay agad akong nagtungo sa opisina ni Maam Emi para magpasalamat,si Cross naman ay dumeretso sa locker room. Pagpasok ko sa opisina ay naabutan ko si Maam Emi na nanonood ng Tv,nag muwestra sya na maupo din ako at manood. Nagulat pa ako na si Flexter ang nasa Tv,iniinterview.

“Gaano katotoong nanapak ka ng isang waiter sa isang sikat na coffee shop?”

“Totoo po iyon at hindi ko itatanggi,tao lang ako,nagugulat at nagagalit,nagawa ko iyon dahil sa gulat at galit ng matapunan nya ako ng kape” kalmado pang sagot ni Flexter,pigil hininga akong nanood,hanggang ipakita ang picture ko na walang malay.

“Tsk tsk,pangit yan,nakuhanan ko ng picture ng hindi natin alam” komento ni Maam Emi ngunit hindi ko ito pinansin,bagkus ay nagtanong ako.

“Ngayon lang ba yan?”

“Pangalawa na,nabalita na din yan kanina nung nasa mall kayo ni Cross”

Ibig sabihin,totoo yung sinasabi nung gwapong makulit kanina. Nakakahiya! Hindi ganito ang gusto kong mangyari sa pagpunta ko dito sa maynila. Muli kong ibinalik ang atensyon sa Tv.

“So,anong masasabi mo dun sa waiter?” ani ng nag iinterview.

“Mag iingat ka sa susunod,huli ko na kung ano ka,at yun ang ayaw ko” sagot ni Flexter.

Huh? Bakit ganon? Huli daw nya ako kung ano ako at yon ang ayaw nya? Ano yon? At saka bakit parang sobrang pinalaki naman nila ata ang nangyari? Parang ayaw ko na tuloy lumabas ng bahay,madami na makakakilala sa akin dahil sa litratong yon at sa pangit na imaheng itinatak sa akin ni Flexter,bakit ganun sya? Hinahangaan ko pa naman sya.

“Babalik ka pa ba sa coffee shop na iyon?” ani ulit ng nag iinterview,ngumiti si Flexter at sumagot.

“Ofcourse,bagong diskubre ko ang shop na yon,at yun ang magiging tambayan ko” pagkasabi nun ay pinatay ni Maam Emi ang Tv. Bumigat na naman pakiramdam ko,parang gusto ko ng isipin na malas ako.

“Huwag mo ng isipin yon,ganyan talaga sa showbiz,kaya pag bumalik sya dito ulit,ikaw na lang umiwas okay?” buong pag unawang sabi nito,tumango lamang ako. “Anyway,nagustuhan mo ba ang cellphone? Pag aralan mong gamitin yan,naka line yan,unlimited call and text ka,hindi mo kailangang magload,at huwag ka mag alala sa bill nyan,ang shop na ang bahala dun” dagdag pa nya.

“Salamat sa lahat lahat” at ngumiti ako ng tipid.

“Wala yon,basta pagbutihin ang trabaho,magsumikap at panatilihin mo ang totoong ikaw,huwag na huwag mong isiping utang ito na dapat bayaran,dahil makakabayad ka din balang araw ng hindi mo napapansin,okay ba yon?” nakangiti nyang sabi at ngumiti na lamang ako.

Nung gabi na makauwi na kaming lima at oras na ng pagtulog ay nababagabag pa din ako. Sana,kayanin ko ang mas mga susunod pang pagsubok sa akin,wala pa itong nangyari,pero susubukan kong magpakatatag.

  • Musta? Vote and comment po kung nagustuhan :)

07. Crayon the new guy! And the offer!

Isang araw ng miyerkules,abala kaming lahat sa shop dahil sa dami ng costumers,halos wala ng panahon para makapag usap kaming mga crew. Mga alas quatro na nun ng may pumaradang pamilyar na sasakyan sa tapat ng shop,mabuti na lamang at katatapos ko lang mag serve noon kaya napako ang tingin ko dito,naunang lumabas si Flexter at may pinag buksan sya ng pinto,isang napaka gandang babae. Artista kaya sya? Pero ngayon ko lang sya nakita.

Dumako ang tingin ni Flexter sa shop,nataranta ako,alam kong malaki ang galit nya sa akin at pwedeng masira ang araw nya ng dahil lang sakin. Agad akong tumalikod,sobrang bilis ng tibok ng puso ko,kahit galit sya sa akin ay hindi ito naka apekto sa pagtingin ko sa kanya. Nagmadali akong makalapit sa counter para hindi na nya ako mapansin,takot din naman akong maulit ang pagbulyaw nya sa akin.

“Khalil,table number five,paki dala itong hot coffee ang chocolate cake” ani ng nasa cashier,agad ko itong inilagay sa tray,umiba ako ng daan para hindi ako mapansin ni Flexter at ng kasama nyang babae,ngunit sadyang hindi ako nakatiis,sumulyap ako,ina assist na ito ni Jai,biglang napadako sakin ang tingin ni Flexter,nagsalubong ang mga kilay nya,nadagdagan ang pagkataranta ko pero nakontrol ko ito hanggang sa madala ko ang order sa table number five,pero hindi ko nagawang tingnan ang costumer,nakayuko lang ako habang tinatanggal sa tray ang mga order nito.

“Thanks cute! Swerte ko ikaw nag serve sa akin” anito.

Huh? Ano daw? Pamilyar ang boses kaya nilingon ko ito.

“Ikaw?!” gulat kong sabi.

“Yes! Ako nga! Kamusta ka na?” anito. Sya yung nangulit sa akin sa mall nung bumibili kami ng cellphone ni Cross.

“Ahm..Okay lang naman sir,may order pa ba kayo?” ang sabi ko na lang. Hanggat maaari ay ayaw kong masayangan ng oras sa trabaho dahil lamang sa pakikipagdaldalan sa isang costumer.

“Napaka formal mo naman Khalil” anito. Napakunot ang noo ko,pano nya nalaman ang pangalan ko? At parang manghuhula lang ng iniisip ko,inginuso nya ang name tag ko. “Im Crayon Montelebano,mag a-apply sana akong crew,may bakante pa ba?” nakangisi nitong dagdag.

Ano daw? Mag a-apply sya dito? Eh sa itsura pa lang nya ay pwede na syang mapagkamalang may ari ng shop na ito.

“Ahm ano kase..” nag aalangan kong sabi. Napatingin ako sa paligid,abala na ang lahat.

“Bawal ba?”

“Hindi naman,uhm dala mo ba requirements mo?”

“Oo naman,ako pa! Im always ready” naka ngisi nitong sabi. Naku! Delikado ang mga ganitong lalaki! Dun pa nga lang kay Flexter at sa apat kong kasama sa bahay natutuliro na utak at buong sistema ko,dadagdag pa sya? Gusto na ba nila akong mamatay?

“Khalil ano yan?” ani ng boses sa likod ko. Si Japhet,kaya nilingon ko ito.

“Ano daw,uhm mag a-apply daw sya” sagot ko naman,tinitigan ako ni Japhet kaya agad akong nag iwas ng tingin. Ewan,basta pag tinititigan na nila ako parang nababalisa na ako na hindi ko maintindihan. Lumipat na ang tingin ni Japhet sa nagpakilalang si Crayon.

“Ganun ba? Sige,samahan mo sya kay Emi,kami na muna bahala dito,wala pa namang mga bagong costumer” ani Japhet at tumalikod na. Niyaya ko na ang pangisi ngising si Crayon na sumunod sa akin. Ano nakain ng taong to? Hindi ba sya nangangawit na nakangisi?

Nadaanan namin si Jai na kinindatan ako kaya pakiramdam ko namula ako,hindi na ako nasanay. Tapos si Aya na galing sa labas na halos kasabay naming maglakad ay nginitian ako,pati ibang crew,mga baliw lang! Pero iba si Cross,tinaasan nya ako ng kilay,sa lahat ata,sa kanyang pakikitungo ako nasasanay,yung pagiging ganyan nya sa akin na tinanggap ko na lang,naisip ko na lang na,atleast,hindi na nya ako pinagsasalitaan ng masama,mas mainam na yon.

Malapit na kami sa opisina ni Maam Emi ng makaramdam ako ng kilabot,yun bang parang may nakatingin sayo mula sa kung saan. Kaya tumigil ako sa paglalakad.

“Bakit cute? May problema ba?” ang parang nabahalang sabi ni Crayon. “Si Flexter ba? Huwag mong isipin yon,hindi ka nun magagalaw dito,dami mo palang kaibigan dito eh” dagdag pa nya. Sa sinabi nya,nakaramdam ako ng sensiridad,maari ko siguro syang maging kaibigan din,kaya ang ginawa ko ay nginitian ko na lang sya,tapos ay tiningnan ko ang mga costumer. At nakita kong tinititigan ako ni Flexter mula sa pwesto nya habang ang kasama nyang babae ay abala sa pagkain ng cake.

May kakaiba sa titig ni Flexter,parang nanlalambot ang mga tuhod ko,natatakot ako na ewan,kaya ang ginawa ko ay hinila ko agad si Crayon papasok sa opisina ni Maam Emi ng hindi kumakatok. Naabutan namin itong nag yo-yoga na lagi nyang ginagawa pag bored sya.

“Oy Khalil! Ginulat mo naman ako! May kailan nga ka kapatid?” anito at tumayo. Tiningnan si Crayon. “Anong ginagawa mo dito Crayon?” dagdag nito na ikinagulat ko.

Magkakilala sila?

“Mag apply bilang crew mo tita” naka ngising sagot ni Crayon,nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa,nag uusap na sila ngayon.

“Khalil,iwan mo muna kami nitong pamangkin kong ungas,bumalik ka na sa trabaho” ani Maam Emi,tumango ako. “By the way,tumawag ka muna sa pamilya mo bago ka bumalik sa trabaho,may cellphone na sila,bumili sila nung nagpadala ka,si Japhet ang nag tsismis sa akin kaya sa kanya mo kunin ang number” nakangiti nitong dagdag.

“Salamat Maam!” ang maluha luha kong sabi at lumabas na,nakita ko si Japhet na nasa counter at nakikipag usap sa cashier kaya lumapit ako at sinabi ang pakay ko,agad naman nya itong ibinigay. Nagpunta ako sa likod ng shop,excited na akong makausap ulit ang pamilya ko,isang linggo na kase nakakalipas ng tumawag ako pagkatapos magpadala. Medyo may nagbago nga sa akin sa loob lamang ng isang linggo,mahaba na pala buhok ko,pumuti ako,at hindi na ako masyadong nakakapag bisaya,matatas na din akong magtagalog at nadagdagan ang mga english na salitang aking alam.

“Hello?” agad kong bungad ng sagutin na ang tawag ko.

“Hello anak? Mabuti at napatawag ka! Gusto sana naming tumawag pero wala kaming load” sagot ni Nanay at napangiti ako.

“Talagang alam nyong ako to ah? Kamusta na mo diha? Si tatay? Sina Buboy at Caloy?” ani ko,nararamdaman kong namumuo na ang mga luha sa mga mata ko.

“Ayos lang kami anak,ka dako jud ng imong gipadalang kwarta,salamat kaayo,nagpalit ko ng tambal ng imong tatay at allowance nina Buboy at Caloy sa eskwela,nasa paaralan pa sila,at itong sobra,pinilit ako ni Alicia na bumili ng cellphone para direct daw na tayo ang mag usap” mahabang sabi ni Nanay,napangiti ako habang nagpupunas ng luha.

“Nay,maraming salamat po at ayos kayo dyan,sana tuluyan ng gumaling sa tatay,at masaya akong malaman na nag aaral na ang mga kapatid ko,pakiabot din po ang aking pasasalamat kina Nang Alicia at Nong Berto” ang humihikbi ko ng sabi. Pagdating talaga sa pamilya ko sobrang emosyonal ako.

“Kami ang dapat magpasalamat at naging anak ka namin. Miss ka na namin anak,mahal na mahal ka namin” ang umiiyak na sagot ni Nanay kaya lalo akong naiyak.

“Mahal na mahal ko din po ka–” tumunog ang phone. Ibig sabihin,battery empty. Napabuntong hininga na lamang ako.

“Ayos na siguro yon,ang mahalaga ay maayos ang kalagayan nila dun” sabi ko sa sarili at bumalik na sa shop. Madami na ulit costumer,wala na si Flexter at ang kasama nya. Sana mawala na galit nila sa akin ni Cross,mabigat kasi sa pakiramdam. Para mawala ang mga isipin ay pumasok ako sa counter at kumuha ng pamunas sa lamesa at spray. Magpupunas na lamang ako ng mga lamesa.

Habang abala ako sa pagpupunas ay napadako ang tingin ko sa may sulok,malapit sa Cr,nandun si Japhet at may kausap na magandang babae.

“Wow! Na-a pala syang uyab,ka gwapang babae” sabi ko habang nagpupunas.

“Ano yon?!”

“Ay!! Gi-atay!” ang gulat kong sabi. Kasunod nun ay ang paghalakhak nung nang gulat sa akin. Ng tingnan ko kung sino,si Crayon pala.

“Tanggap na ako,at dun din ako titira sa bahay nyo” nakangiti nitong pagbabalita na ikinanganga ko. Ano daw?

Napatingin tuloy ako ulit kina Japhet,ngunit ganon na lang ang pagtataka ko ng nakatingin sa akin ng masama yung babae kaya agad kong ibinalik ang atensyon ko kay Crayon.

“G-ganun ba? Edi okay” ang nasabi ko na lang. Haay! Dalawa na sila ni Jai na makulit! Mga parang bata.

“Yup! At sa akin ka sasabay mamaya pauwi,nasa kotse na din kase ang mga gamit ko,buti na lang talaga napapayag ko si tita Emi” ang nakangiti na namang sabi nito.

Nabu-buang ba sya? Mayaman naman pala sya,bakit sya magtatrabaho dito at makikitira sa amin? May tama sa utak tong isang to,at bakit sa kanya ako sasabay?

“Ayoko nga! Lalo ako magmumukhang alila eh!” halos pabulong kong sabi,kasi dumaan sa harap namin si Japhet at yung babae.

“Basta! Ipagpapa alam na kita sa mga kasama mo sa bahay,at sinong nagsabing mukha kang alila? Babalian ko ng bagang!” aniya,imbis na mainis ako ay napangiti ako ng wala sa oras.

“Flirting sa oras ng trabaho? Tsk,kakaiba ka talaga” boses iyon ni Cross,nasa likod sya ni Crayon kasama sina Aya at Jai.

“Tapos na trabaho Cross,lumapit tayo dito para ipaalam yon kay Khalil at sa bago nating makakasama sa bahay” monotonous na sabi ni Aya.

“Tama! Mukhang nakalimutan na ni Khalil ang oras eh” ani naman ni Jai at humagikgik,pumalatak na lamang si Cross.

“Kamusta mga brad? Nice meeting you all nga pala ulit! Salamat sa pagtanggap ah?” ani Crayon sa tatlo.

“Huwag kang ulul Crayon! Matagal na tayong magkaka kilala” ang sabat ni Jai at tumawa sila’t nag apir.

“Tulungan ko lang sila sa paglinis at ligpit” sabi naman ni Aya at sabay silang umalis ni Cross. Naisip ko tuloy na mukhang matagal ng magkaka kilala ang mga ito base sa mga kilos nila,lalo na si Crayon na pamangkin pala ni Maam Emi,ibig sabihin,mayayaman talaga sina Japhet,Cross,Aya at Jai? At trip lang nila magtrabaho dito? Ewan,balang araw malalaman ko din yon at mas lalo ko pa silang makikilala.

“Cute mauna ka na sa labas,hintayin mo kami,magpapaalam lang kami kay tita” ani Crayon,tumango na lamang ako. Bago ako lumabas sa shop ay binati at nakipag biruan pa ako sa mga crew na palabas na din. Ng makalabas na ako ay pumunta na ako sa parking kung san nakaparada ang motor ng apat.

Laking gulat ko ng mapatingin ako sa isang kotse na naka park din,kotse ni Flexter! Hindi nga ako nagkamali dahil lumabas sya dito,seryoso ang mukha na palapit sa akin.

Palapit sa akin? Teka?! Bakit sya lalapit sa akin? May nagawa na naman ba ako?

Kinakabahan man ay nanatili akong nakatayo sa pwesto ko,pinagpapawisan na ako ng malamig at ang lakas ng tibok ng puso ko.

“Nakaka irita ka,ayaw na kitang makita sa shop na yan” ang diretso nyang sabi na nagpa awang sa bibig ko.

“P-po? Pero yan lang ang trabaho ko”

“I dont care,basta ayaw kitang nakikita dyan!” ang inis nyang sabi.

“Kung dahil po ito sa nagawa ko dati,mag iipon na lamang po ako para mabayaran ko ang damit at pantalon mo” ang bigla kong nasabi sa sobrang kaba. Kayasa! Mukhang mas mahal sa buhay ko yung damit at pantalon na yon.

“Talaga magbabayad ka? Mahal ang mga iyon,kulang ang tatlong buwan mong sweldo sa coffee shop na yan” ang naka ngisi nyang sabi. Ugh! Ang gwapo!

“Opo! Magbabayad ako!”

“Then,simulan mo na. Mag resign ka na dyan,work for me,be my slave for two months” ang nakangisi nyang sabi. Atay!? Ano ba tong napasok ko?

“Khalil?” boses ni Japhet kaya napalingon ako,magkakasama na silang lima,at parang nagtaka din silang kausap ko si Flexter.

“Babalik ako next monday,I’ll give you time to think” naka ngising sabi ni Flexter at tumalikod na at naglakad papunta sa kotse nya. Napalunok ako,ano na ngayong gagawin ko? Anong sasabihin ko sa limang ito pag nagtanong sila?

  • Musta? Hahaay! Meme nko,hinabol ko lang pag gawa ng update na to. Vote and comment po kung nagustuhan ninyo! Daghang salamat mga igsuon! ;)

08. Desisyon!

“Woi sige na Khalil?! Ano yung pinag usapan nyo ng feeling pogi na yon?” pangungulit ni Crayon sa akin ng maka uwi na kaming lahat,ilang beses na nya akong kinakalabit,nakikiliti na nga ako,sadya palang napaka kulit nito.

“Oo nga naman! Pinagbantaan ka ba? Ano? Bugbugin namin! Gagong yon ah?” segunda naman ng isa pang hyper na si Jai. Kasalukuyan kaming tatlong nandito sa labas,nagpapahangin.

“Wala namang importante sa sinabi nya no? Kaya huwag kayong dalawang makulit dyan!” ang natatawa kong sabi. Grabe tong mga to,feeling ko babae ako dahil sa kakaganyan nila,baka isang araw pag gising ko may dibdib na ako.

“Oohhh Khaalil! My darling,sabihin mo na please ~” pagkanta pa ni Crayon sa tono ng Unchained Melody,buang talaga kaya humagalpak kami ng tawa ni Jai.

“Amaw ka!” ang natatawa kong sabi sabay hampas sa braso nito.

“Ang lakas talaga ng sira mo sa utak bro!” ang sabi naman ni Jai at nakipag apir kay Crayon.

“Lul! Ano bang sabi ni Khalil? Amaw ano yon?”

“Alas nueve na ng gabi at naghaharutan pa kayo dyan sa labas? Tsk tsk” napatigil kami sa tawanan at nilingon ang nagsalita.

Si Cross nasa pinto at naka halukipkip pa. Saka ito parang inis na umalis. Haay,alam kong dahil na naman iyon sa akin.

“Anyare don? May dalaw?” ang pabulong na sabi ni Crayon.

“Ewan,bigla na lang yan nagkaganyan,hindi naman yan ganyan dati diba?” ang walang idea namang sagot ni Jai. Kung pwede lang sabihin na kaya nagkakaganyan si Cross ay dahil sa akin,dahil ayaw nya sa akin,ayaw nya sa bading.

“Crayon,tulungan mo nga ako dun sa magiging kwarto mo,may babaklasin lang ako” ang biglang sulpot ni Aya,agad namang tumalima si Crayon.

“Tara pasok na tayo sa loob,lalo ng lumalamig,baka mahamugan ka” ang biro ni Jai kaya pumasok na din kami.

“Jai! Tulungan mo nga ako dito sa kusina” ang sigaw ni Japhet,tinanguan ko na lamang si Jai at umakyat na ako sa taas,wala naman akong gagawin na,kaya mas magandang manahimik na lang ako sa kwarto ko at pag isipan yung mga sinabi ni Flexter kanina.

Naguguluhan pa din ako,hindi madali yung pinapagawa nya. Kung sa kanya ako magtatrabaho,ibig sabihin nun wala akong sasahurin dahil nga bayad iyon sa damage na nagawa ko,hindi ako makakaipon at makakapag padala ng pera kina Nanay at Tatay,at higit sa lahat,malalayo ako sa mga kasama ko dito sa bahay sa loob ng dalawang buwan.

Ngayon pa nga lang ay hindi ko na masabi sa kanila kung ano ang sinabi ni Flexter,pano pa kaya kung malaman nila? Pero sa kabilang banda parang may nag uudyok sa akin na tanggapin iyon. Pagkakataon na yon para makasama ko sya at makilala,sobrang hinahangaan ko sya,pakiramdam ko nga ay mahal ko na sya dati pa,sya ang pangarap ko mula ng una ko syang makita. Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganito,malas nga lang sa artista pa,at galit pa sa akin.

THURSDAY…

Tulad ng nakagawian ay maaga pa lang nagwalis na ako sa tapat ng bahay at naglinis ng bahay habang tulog pa ang limang adonis. Matapos maglinis sa bahay at tumungo na ako sa kusina at nagsimulang magluto. Marunong na akong gumamit ng rice cooker at kalan,kaya nagsaing na ako at nagprito ng itlog,ham at hotdog para sa aming almusal.

7:35AM may kumakatok sa gate,hindi pa din gising ang lima kaya lumabas na ako para tingnan kung sino yung bisita ng ganito ka aga.

Paglabas ko ay nakita ko yung magandang babaeng kausap ni Japhet. Pinagbuksan ko ito ng gate.

“Si Japhet?” ang mataray na sabi nito,nagtuloy tuloy sa paglakad papasok sa bahay kaya sumunod ako.

“Natutulog pa ata,gigisingin ko na sila para makapag almusal na tayo,maupo ka muna” ang sagot ko ng makapasok kami. Hinarap ako nito at pinagtaasan ng kilay.

“Huwag na. Wala akong tiwala sayo” anito at umakyat na sa hagdan,tumigil at muling humarap sa akin. “By the way,layuan mo si Japhet,ayokong makitang kinakausap mo sya,keep at bay” at tuluyan na itong umakyat.

Napanganga ako. Bakit sya ganun magsalita? Ganun ba sila talaga dito sa maynila? Mababaw ang tingin sa katulad ko? Hindi ko naman sya kilala at hindi din nya ako kilala para husgahan nya agad ako. At saka anong sinasabi nyang keep at bay? Bakit nasa dagat ba ako? Bugo pala sya eh! Bati’g nawung!.

Pagdating sa shop ay trabaho agad,gusto kong maging abala.Para maipakita ko sa lahat,na hindi ako tulad ng iniisip nila. Ng sumapit ang hapon ay dumating ulit si Flexter,may mga kasama,sabi ng ibang kapwa ko crew,artista daw yung mga kasama nito. Ang wirdo lang eh,bawat kilos ko napapansin kong sinusundan ako ng tingin ni Flexter,para bang atat na atat na syang alilain ako.

Kaya ang ginawa ko ay hindi ko na muna sya tinapunan ng pansin kahit na nangangati na ang mga mata ko na titigan sya. Napaka gwapo talaga nya. Kahit sa malayo nagagawa nyang pakabugin ang dibdib ko ng napakalakas.

At dahil pinagsabihan ako ng kasintahan ni Japhet,hanggang uwian hindi ko sya pinansin,sa kotse na din ni Crayon ako sumasakay,mahirap na baka bigla akong awayin nung babae,kahit bakla ako eh hindi ako nakikipag away sa babae.

Alam kong hindi masyadong napapansin iyon nina Jai at Crayon dahil nakikipag kulitan sila sa ibang crew,pero si Aya at Cross binibigyan ako ng tingin na makahulugan,kaya pati sila iniiwasan kong tingnan,at si Japhet mukhang hindi din naman nya napapansin.

FRIDAY . . .

Abala ako sa pagpunas ng mga mesa ng maramdaman kong may tao sa likod ko kaya nilingon ko ito. Si Japhet pala. Agad ko ding binawi ang aking tingin at nagpatuloy sa pagpupunas. Mahirap na baka nasa paligid lang ang iyahang uyab at bigla na lang ako sugurin kung makita nyang magkausap kami ni Japhet.

“Khalil”

“Bakit?” ang tanong ko at lumipat naman sa ibang lamesa para magpunas pa din. Naramdaman kong sumunod sya. Kumabog dibdib ko,hindi na ako mapakali,baka kasi nasa paligid nga lang yung babae.

“May problema ka ba sa akin?” ang mahina nyang sabi. Nahihiya din siguro syang marinig ng iba ang mga sinasabi nya.

“H-ha? P-roblema? Wala naman? Bakit mo nasabi?” ang nauutal kong sagot.

“Humarap ka nga sa akin,hindi yang nakikipag usap ka sa akin ng nakatalikod” aniya. Kaya wala akong nagawa kundi harapin sya. “Bakit hindi mo ako pinapansin mula kahapon? May nagawa ba akong mali sayo?” ang dagdag nya.

“Uhm,w-wala! Wala kang ginagawa”

“Eh bakit hindi mo ako pinapansin? Naiintindihan ko pa ang hindi nyo pagpansinan ni Cross,pero ako? Bakit?” ang medyo lumakas ang boses na sabi nya,nagtinginan tuloy sa amin ang lahat. Nakakahiya!

“Ano kasi,uhm .. Ano” ang nahihirapan kong sabi. Ano ba yan?!

“Japhet ano yan? Oras ng trabaho” ani Aya na nakalapit na pala. Bumuntong hininga si Japhet bago umalis at tiningnan lang ako ni Aya na parang nagtatanong. Nakakatunaw talaga syang tumingin,parang ngayon pa lang gusto ko ng sa kanya magsabi.

“Ituloy mo na yan Khalil” ang sabi lang ni Aya at tumalikod na. Muli akong napatingin sa paligid,abala na ulit ang lahat. Ngunit si Crayon at Jai nakatingin sa akin sa magkahiwalay na pwesto.

Ano ba naman kasi tong nangyayari? Simple lang naman ang gusto ko eh,pero bakit nakakaranas ako ng mga ganito. Parang gusto ko na lang umuwi pabalik sa Cebu.

Bandang hapon,tulad ng mga nakaraang araw,dumating si Flexter pero mag isa lang sya. Mukhang pagod na pagod sya,napagod siguro sa taping,shooting o kung ano pa man. Pagkaupo pa lamang nya ay sumenyas agad sya sa akin. Tumambol na naman ang dibdib ko. Ito ang unang pagkakataon na pinansin nya ulit ako. Nanginginig man ay lumapit ako.

“Yes sir? Ano po order nyo?” ang kabado kong sabi.

“Pagod ako,pwede mo ba akong imasahe?” anito.

“P-po? Dito po?” ang gulat kong sabi. Ano ba to? Hindi pa nga ako nakakapag desisyon ay aalilain na nya ako? Pasalamat sya mahal ko sya.

“Sa sasakyan ko tayo” ang sagot nya.

“Naku! Pasensya na po,may trabaho pa ako,baka mapagalitan po ako”

“Babayaran ko sa kanila ang oras na mawawala ka,dagdag yon sa magigi–”

“Pasensya na po mister Flexter ano? Pero oras po ng trabaho. Mamaya nyo na harutin si khalil” ang biglang pagsingit ni Cross.

“Anong sinasabi mo?” ang gulat na sabi Flexter. Nagtitigan sila,natakot ako bigla.

“Bumalik ka sa trabaho,wala ka talagang pinapalampas” ani pa ni Cross. Napahiya ako at nakayukong umalis. Kaya ko pang magtiis. Hindi ako basta tutumba.

Kaya ng makauwi kami,agad akong nagkulong sa kwarto.

SATURDAY. . .

Dahil sa sunod sunod na nangyari ay parang nawalan ako ng gana. Pero hindi ko ito pinakita,ngumingiti at nakikipag biruan pa din ako sa mga katrabaho ko,pag kinukulit ako nina Crayon at Jai sa locker room ay nakikipag kulitan ako.

Alas tres pa lang ng hapon ng dumating si Flexter,pinatawag pa ako sa isang crew. Nagtaka tuloy lahat,lalo na ako.

“Nasan ang opisina ng boss nyo?” anito sa akin.

“Bakit?”

“Mag resign ka na dito! Kakausapin ko boss mo,hindi ko na mahihintay ang lunes,gusto kong sa akin ka na magtrabaho” ang galit na sabi nito.

“B-bakit ka nagagalit?” ang takot kong sabi.

“Teka nga,tama ba narinig namin? Pinagreresign mo si Khalil dito?” boses iyon ni Japhet kaya sabay kaming napatingin ni Flexter.

“Oo” ang deretsong sagot ni Flexter. Nataranta ako,tumaas ang tensyon,nandito pa naman kami sa tapat ng opisina ni Maam Emi.

“Teka lang brad no? Sino ka ba para pag resign-in dito si Khalil?” ang segunda ni Crayon.

“Hindi naman siguro porket sikat ka ay pwede na yang gusto mo? Baka nakakalimutan mong sinapak mo sya nung una pa lang” inis na sabi ni Jai.

“Saglit,huwag kayo dit-” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinutol ni Flexter.

“May kinalaman nga yon dun,kailangan nyang magtrabaho sa akin para makabayad sya” naka ngising sabi ni Flexter. Dyos ko! Sana lamunin na ako ng lupa.

“Yun ba problema mo? Ako na magbabayad ng danyos ni Khalil” sabi naman ni Aya. Parang gusto ko na maiyak. Ayoko ng ganito. Hindi ako sanay.

“Marami akong pera bro,gusto ko sa ibang paraan sya magbayad”

“Sobra ka naman!” ang sabay na sabi ni Japhet at Jai.

“Hayaan nyo sya,para wala na ding masakit sa mata” ang walang emosyong pagsingit ni Cross. Dun na napatulo ang luha ko. Talagang isinusuka nya ako. Talagang kinamumuhian nya ako at hindi ko alam kung bakit.

“The fuck dude?!” ang reak ni Crayon sa sinabi ni Cross.

“Putsa naman Cross!” sabi naman ni Japhet.

“Kung wala ka magandang sasabihin,pwede manahimik ka?” ani naman ni Aya.

“Khalil..” ang pagtawag sa akin ni Jai,halata sa kanya ang awa para sa akin. Nginitian ko sya para ipahiwatig na ayos lang ako.

“What? Im just stating the fact! Dyan na nga kayo” galit na singhal ni Cross at umalis. Nilingon ako ni Flexter.

“See that? Now,you decide”. Nakangising sabi ni Flexter. Napatingin ako sa kanilang lahat. Hinihintay nila ang sagot ko.

Naisip ko. Mas mabuti siguro nga na kay Flexter ako magtrabaho,para sumaya na si Cross,at saka baka ako pa maging dahilan ng pagkaka sira sira ng pagkakaibigan nila. Dalawang buwan lang naman yon,at hindi naman siguro ako kakawawain ni Flexter.

“Mag re-resign na ako,kay Flexter na ako magtatrabaho” nakayuko kong sabi sabay bukas ko ng pinto ng opisina ni Maam Emi. Nakapag desisyon na ako. At wala ng atrasan pa.

09. Bagong bahay! Bagong tukso!

“Sigurado ka na ba dito Khalil? You dont have to do this” ang sabi ni Jai habang nag iimpake ako ng mga gamit ko,mga damit at importanteng gamit lang,two months lang naman yon.

“Nakakainis! Pumasok nga ako dito dahil sayo tapos aalis ka pa? Walang katarungan naman ata yon? Ano ba yang Flexter na yan” segunda pa ni Crayon.

Saglit akong tumigil sa pag iimpake at hinarap sila ng naka ngiti.

“Ano ba kayo? Dalawang buwan lang naman yon,saka pangarap ko din yon no? Matagal ko na kayang pinapangarap si Flexter” ang sabi ko na lang. Syempre ayaw kong sabihin na para sumaya na si Cross at ang gf ni Japhet,pero totoo din namang pangarap na natupad itong pagkakataong makasama si Flexter sa loob ng dalawang buwan. Ang swerte ko kaya.

“Nako,mas gwapo at mas mabaet naman kami don,diba tol?” ani Jai,sabay siko kay Crayon na naka busangot na ang mukha sa hindi ko mawaring dahilan.

“Oh ayan,tapos na akong mag impake,kailangan ko ng magpaalam,baka naiinip na din si Flexter sa labas” pilit ang ngiting sabi ko matapos mag impake. Nagpumilit sina Jai at Crayon na sila na magbibitbit ng dalawa kong bag. Ng makababa kami,nandun sa sala si Aya,Japhet at kasintahan nya.

Abot tenga ang ngiti nung babae,ngiting tagumpay. Pero hindi ko na lang binigyang pansin,tutal aalis na din naman ako.

“Aya,maraming salamat sa lahat ng tulong ah? Hindi ko yun makakalimutan” ang sabi ko dito.

“Wala yon,magkaibigan tayo eh” anito at ngumiti sabay tapik sa balikat ko. Parang gusto ko matunaw,yon ang kauna unahang pagkakataon na ngumiti si Aya,ang gwapo nya talaga.

“Japhet,uhm maraming salamat din ah? Kung hindi dahil sayo,hindi ako mapupunta dito,uhm,pag nagtanong si Nang Alicia,pakiusap,magpanggap kang magkasama pa din tayo,ayoko silang mag alala sa akin” ang nahihiya kong baling kay Japhet,ako din pala ang unang mamamansin.

“Makaka asa ka,mag ingat ka okay?” ang sagot ni Japhet at kumindat. Mabigat talaga sa dibdib ang pagpapa alam. Kaya bago tumulo ang mga luha ko ay lumabas na ako.

Nakita kong nakasandal si Flexter sa kotse nya at naka cross arms pa.

“Uhm,sir Flexter,okay na po” ang nahihiya kong sabi. Lumapit sya at kinuha kay Jai at Crayon ang dalawa kong bag at binuksan ang backseat at dun nilagay yung mga bag ko.

“Tara na,gusto ko ng magpahinga” sabi pa ni Flexter at pumasok na sa kotse. Hinarap ko ang mga kasamahan ko at nginitian sila.

“Oh pano? Paalam muna? Naging masaya ako sa halos isang buwan nating magkakasama. Uhm dalawang buwan lang ako mawawala,sana pagkatapos nun,pwede pa akong bumalik” ani ko sabay pahid ng luhang hindi ko na napigilan. Agad na akong tumakbo papasok sa passengers side at dun tahimik na umiyak.

“Babalik ka din naman,isipin mo na lang,magbabakasyon ka” ang walang emosyong sabi ni Flexter. Nilingon ko ang bahay,nandun pa din sila,nakatanaw,sa pagkakataong ito,nandun na si Cross,nagkatitigan kami,may kung ano sa mga mata nya na hindi ko maipaliwanag. Parang lungkot ang nakita ko.

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko,imposibleng malungkot si Cross,sya nga ang pinaka masaya sa pag-alis ko.

“Lets go. Baka gabihin tayo” ani Flexter. Tumingin muna sa akin bago pinaandar ang sasakyan,ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Lalo pa ngayon at magkatabi kami at naaamoy ko ang pabango nyang syang nakakapag panginig sa aking kalamnan at tuhod. Bahagya akong dumikit pa sa pinto at saka ako pumikit,natatakot kasi ako na baka marinig nya ang malakas na tibok ng puso ko na parang lalabas na sa dibdib ko.

“Saturday and sunday ang off mo,pwede mo silang dalawin o kaya ay mamasyal ka” napadilat ako ng mga mata dahil sa sinabi ni Flexter,tiningnan ko sya,ngunit tutok pa din sya sa pagmamaneho.

“A-ano ba magiging trabaho ko?” ang tanong ko,kahit alam ko na naman talaga kahit nung umpisa pa.

“Simple lang,magiging alila kita,lahat ng papagawa ko sayo ay gagawin mo,in english assistant kita,kung kinakailangan kahit sa taping,shooting at mga appointments ko ay nandun ka nakabantay sa bawat iuutos ko,ang pinaka importante,ayoko ng mabagal at tamad,nakuha mo ba?” ang mahaba nyang sagot. Tumango na lamang ako,wala naman akong ibang sasabihin eh,ay! Meron pala.

“Pwede pa magtanong?”

“Ano yon? Siguraduhin mong may kinalaman yan sa trabaho mo” ang masungit nitong sabi. Hmp! Parang si Cross lang.

“May sasahurin ba ako kahit maliit lang? Kase ano eh,sakin umaasa ang pamilya ko sa probinsya,may sakit ang tatay ko at kailangan ko lagi magpadala ng pera para makabili sila ng gamot,pang maintenance.” ang nahihiya kong sabi. Saglit akong nilingon ni Flexter bago magsalita.

“Sige,hindi naman ako ganon kasama. So,isa ka pa lang probinsyanong bading?” nakangising sabi nito. Haay! Mukhang dadaigin pa nito ang pang aalipusta ni Cross eh! Pasalamat sya at mahal ko sya.

“Uhm eh,oo. Salamat nga pala,akala ko hindi na ako makakatulong sa pamilya ko.” ang sabi ko na lamang ngunit hindi na sya sumagot.

Pumikit ulit ako at sumandal. Tama ba tong ginagawa ko? Sana tama. Dahil wala naman ako hinangad kundi mapabuti ang pamilya ko,at tuluyang matupad ang pangarap ko,ang maabot ang pinaka mamahal kong si Flexter. Para sa pamilya ko at para sa pagmamahal ko sa kanya ay gagawin ko lahat ng papagawa nya,kung kapalit non ay ang pag ginhawa ng pamilya ko at ang palagi syang makasama.

Pagdating namin sa bahay nya ay sadyang hindi ko mapigilang humanga,pakiramdam ko nga sumayad na sa lupa ang panga ko. Ang laki laki ng bahay,ang lawak,ang ganda! Pagbaba ng kotse ay may lalaking naka uniporme ang kumuha sa mga bag ko,tapos may mga sumalubong sa aming mga katulong,lahat sila nasa may harapan ng pinto.

“Sya si Khalil,sya ang bago kong alalay,pakisamahan nyo sya ng maayos” ani Flexter sa mga ito. Nakaramdam ako ng hiya,hindi ako sanay sa ganito.

“Opo señiorito Flexter!” ang sabay sabay na sagot ng mga ito. Ayos ah? Yung mga kasambahay nya inutusan nyang pakisamahan ako ng maayos,pero sya.. Haay,huwag na nga.

“Tara na. May papagawa pa ako sayo” anito at nauna ng tuluyang pumasok sa loob. Sumunod ako at sobrang ingat pa ako sa paglakad,nangangamba kasi akong madumihan ang sahig. Ng umakyat na sya sa hagdan ay napanganga ako. Napaka laki namang hagdan nito. Nilibot ko pa ang paningin. Halos puti lahat,tapos ang laki at ganda ng chandelier! Nakakamangha!

“Nganga-nga ka na lang ba dyan o susunod ka sa akin?” ang biglang sabi ni Flexter at talagang tumigil pa sa gitna ng hagdan. Yawa! Kagwapo nya talaga! Para syang prinsipe sa kinatatayuan nya.

“P-pasensya na” ang nahihiya kong sabi ng makabawi at maka alis sa pagpapantasya sa kanya at sumunod ng umakyat.

Nakakita na ako ng mga ganitong bahay sa Tv,pero iba pala talaga pang nandun ka na. Hindi naman porket inosente ako ay hunghang na ako,alam ko din naman ang tawag sa mga iba’t ibang bagay. Tulad na lang nitong hallway na tinatalunton namin,ang haba at ang daming kwarto,at ang gaganda ng mga wallpaper at pagkakalagay ng mga ilaw. Nakakamangha talaga.

Binuksan ni Flexter ang isang pinto,sumenyas sya na sumunod ako sa loob. Natural,pagpasok pa lang namangha na ako. Ayoko na isa-isahin ang mga nakikita ko,nakakapagod idetalye.

“Ito ang kwarto ko,ang tawag dito ay Master’s bedroom” aniya at may nilapitang isa pang pinto.

“ah” ang tangi ko lang nasabi. Lango pa ang utak ko sa mga karangyaang nakikita ko eh.

Binuksan nya yung pintong nilapitan nya. “At ito ang magiging kwarto mo,maliit pero ayos na yan,may kama,may lagayan ng damit at may study table.” aniya kaya lumapit ako at tiningnan ito.

Wow! Kwarto sa loob ng kwarto? Ang galing naman! Pero teka? Bakit dito ako?

“Teka? Bakit dito ako?” taka kong tanong,pero nandito na ako sa loob ng maliit na kwarto at sinusuri ito,nakita ko yung dalawang bag ko sa gilid ng kama. Hmm,ayos na din,basta may matutulugan.

“Para madali kitang matawag at madali kita makita,ang banyo ay yung pintong iyon. Sige na,maliligo muna ako bago ko pagawa yung dapat mong gawin” ani Flexter at isinara ang pinto,naiwan ako sa loob. Kaya ang ginawa ko,nilagay ko na ang mga damit ko sa cabinet at inayos ang mga gamit ko. Ng matapos ako ay binuksan ko ang bintana para may pumasok na hangin. Alam ko na,bibili na lang ako ng kurtina para dito at maliit na electric fan.

Pagka bukas ko sa bintana ay agad kong tiningnan ang paligid,wow! Ang lalaki din ng ibang bahay. Para ng mga palasyo. Nilibot ko pa ang tingin ko,hanggang madako ang tingin ko sa kalsada. May nakita akong pamilyar na bulto at pamilyar na motor na biglang humarurot palayo.

Cross? Hindi. Napaka imposible,kapareho lang siguro ng motor ni Cross. Hindi lang naman sya ang may ganung motor,at wala syang rason para pumunta sa lugar na ito. Umupo na muna ako sa kama at tiningnan ang phone ko. May mga message na kaya binasa ko isa-isa.

From: Japhet Salcedo

Mag iingat ka dyan. Pag may time dalaw ka sa shop,panigurado mamimiss ka ni Emi :)

Oo nga,hindi kami nakapag usap ni Maam Emi bago man lang ako umalis.

From: Jai cute :3

Kaka alis mo pa lang pero miss na agad kita. Wala na akong kakulitan. Pwede ka bang kidnapin? Ingat ka dyan ah? Mwa :-*

Naku! Si Jai talaga! Parang baliw lang.

From: Aya Pogi

Lagi kang welcome dito. Hintayin namin ang pagbalik mo,tc.

Pati sa text ang tipid ni Aya?!

From: Crayon kulet!

Hahanapin kita! Malaman ko lang address ng Flexter na yan,araw araw kitang pupuntahan! Hindi ako papayag na masayang effort ko! Text ka naman Khalil kung ano na nangyayari sayo? :(

Huh? Ang wirdo talaga ng isang to?

May isang mensahe pang natitira,ng tingnan ko ito,ay galing kay Cross,biglang kumabog ang dibdib ko,parang natatakot akong basahin,baka kung ano sinasabi nya sa text. Pero sa huli,binasa ko pa din.

From: Cross ++

ingat.

Ano ba yon? Kinabahan ako sa wala? Yon lang pala ang text nya. Pero napangiti ako. Kahit papano ay naalala nya pala ako,okay na yon,kesa sa wala.

Napapitlag ako ng may kumatok na sa pinto. Kaya agad kong nilapag sa bedside table ang phone ko at binuksan ang pinto.

“Lumabas ka na dyan,imasahe mo ako,masakit ang katawan ko.”

Napalunok ako ng sunod-sunod. Si Flexter,bagong paligo at nakatapis lang ng tuwalya. Para akong hihimatayin,ni sa pagpapantasya ko sa kanya,hindi sumagip don ang hubad nyang katawan! Pero ngayon,para akong pinagpala.

“May problema ba?” ang kunot noo at inis nitong sabi kaya muli akong natauhan.

“W-wala” ang ninenerbyos kong sagot. Dyos kong mahabagin,kung dati ay tukso ang apat kong kasama sa bahay ay mas tukso pala si Flexter. Gabayan nyo po akong huwag makagawa ng kahit anong hindi maganda.

“Good,tara na.” anito at tumungo na sa kama nya.

“Gabayan sana ako ng mga anito.” ang piping hiling ko.

  • hello! =) ayan na po ang hinihintay nyo. Vote and comment po kung nagustuhan :)

10. First day with Flexter!

Napalunok ako ng sunod sunod. Tinanggal na ni Flexter ang tapis nya at dumapa sa kama. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ganon suot nyang brief? Halos parang wala na din syang suot dun eh!.

“Ano pang tinutunganga mo dyan? Imasahe mo na ako,galingan mo para mamaya makapag dinner na tayo at makapag pahinga ng maaga.” aniya.

“O-opo!”

Umupo na ako sa gilid ng kama,kinuha ko ang lotion sa bedside table nya,naglagay ako sa mga palad ko at ipinahid ko sa buong likod nya,pinigilan ko ang panginginig ng mga kamay ko. Kayasa! Bakit parang mas makinis sya sa akin? At ang ganda ng likod nya. Napadako ang tingin ko sa puwit nya. Maumbok ito,nakakainggit.

Pinilit kong alalahanin kung paano ako hilutin nina Nanay at Tatay noon,wala namang pinagkaiba ang hilot sa masahe diba? Kaya ayon,ginawa ko na ang dapat,kaso nawawala ako sa konsentrasyon pag umuungol sya,idagdag pa yung bango nya,amoy na amoy ko ang sabon at shampoo na ginamit nya.

“Ang saraaaaapppp Khalil,ganyan ngaa…Uhmm..”

Napanganga ako,iba ang dating sa akin non,parang pakiramdam ko nag init ang buong katawan ko lalo na ang mukha ko,pero nagpatuloy pa din ako.

“Mga hita ko naman.” utos nya. Kaya agad kong sinunod. Hanggang sa ang mga braso naman nya ang pinamasahe nya.

“Dibdib naman.” aniya at tumihaya ngunit nakapikit pa din. Napunta ang mga mata ko sa buhay na bagay na nasa pagitan ng mga hita nya. Napalunok na naman ako. Bakit sya na-utog? Nakalabas na ang halos kalahati nito sa brief nya. Bumilis ang paghinga ko,naalala ko bigla si Cross na bakat din dati,pati ang hindi sinasadyang pagkakita ko sa pagkalalaki ni Jai. Bakit ganito sila? Inuubos ba nila ang kahuli huliang hibla ng pagtitimpi ko?

Pumikit ako at sisimulan na sanang imasahe ang dibdib ni Flexter ng may kumatok. Napatalon ako,para akong nabunutan ng tinik sa dibdib,pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at ang kumakalabog kong dibdib. Agad kong tinungo ang pinto at binuksan.

“Nakahanda na po ang dinner.” sabi nung maid na nabungaran ko. Agad akong lumabas at sinara ang pinto.

“Sa wakas! Ligtas na ako!” ang sabi ko sa sarili ko.

Dalawa lang kami ni Flexter na kumakain ng hapunan dito sa komedor,napakahaba at laki ng mesa,mga naka abang lang ang mga katulong sa kung anong ipag uutos nya. Hindi ako mapakali,kumakabog pa din ang dibdib ko. Grabe,baka dahil sa kanya magkasakit ako sa puso.

Hindi ko sya tinitingnan,naiilang ako,naiisip ko yung pagkalalaki nyang halos mangalahati na sa brief ng lumabas,halos abot pusod na. Nakakatakot,kawawa siguro kasintahan nito? Alam kaya nyang nakita ko? Kinsa kaya mas dako? Sa iyaha,kay Jai o kay Cross? Ugh! Kayasa! Napunta lang ako dito sa maynila dumumi na ang pag-iisip ko. Mapatawad sana ako ng Panginoon at ng mga anito ng kakahuyan sa Calamboa,hindi ko sadyang makakita ng ari ng ibang lalaki.

“Agahan mo gising bukas,gisingin mo ako ng alas sais,may taping ako at sasama ka.” ang sabi ni Flexter sa gitna ng pagkain.

“O-opo Sir!”

Ngayon ko lang naisip,bakit kaya ganito sya sa akin? Nung una halatang galit na galit sya sa akin,nagbanta pa nga sya sa isang interview nya,ngayon naman,galit pa din sya pero mukhang hindi na gaya ng dati,siguro kasi makakaganti na sya sa pang aalila sa akin,at ito din ang kabayaran sa danyos na nagawa ko nung una,kailangan ko lang magpakatatag at magtiis,para sa pamilya ko at para sa pagmamahal ko sa kanya.

Kinabukasan,alas quatro pa lamang ng umaga ay gising na ako,sanay naman ako gumising ng ganitong oras diba? Masarap ang tulog ko,ang ganda kasi ng panaginip ko eh,nililigawan daw ako ni Flexter at nasa Calamboa daw kami. Naputol lang ang panaginip ko sa part na hinabol ng bolo ni Tatay si Flexter. Hihi! Si Tatay talaga,kahit sa panaginip pinoprotektahan pa din ako.

Lumabas na ako ng aking munting silid,paglabas ko kita agad si Flexter na nakadapa sa kama nya,kahit dimlight ang ilaw na nagmumula sa dalawang kanto ng headboard ng kama nya ay naaaninag ko pa din ang magandang katawan nya,alaga sa gym at ehersisyo,hindi pa din ako makapaniwala na nahawakan ko ang katawang iyan,sadyang mga pangarap na nagkatotoo.

Bago pa ako tuluyang lumutin sa kakaisip ay lumabas na ako,panigurado,gising na din ang mga kasambahay. Hindi nga ako nagkamali dahil pagpunta ko sa kusina eh naghahanda na sa pagluluto ang kusinera nya.

“Magandang umaga po.” ani ko at humarap din ito sa akin.

“Magandang umaga din Khalil,ang aga mong magising ah? Magkape ka muna.” ani ng matanda.

“Salamat na lang po,mamaya na lang,uhm ano kase,maaga akong pinagising ni sir Flexter,ako daw gumising sa kanya may taping daw sya.” magalang kong sagot.

“Nako ganun ba? Ang batang iyon talaga,may mga maid naman na nakatokang gumising sa kanya eh.” anito habang naghihiwa ng carrots.

“Ayos lang po yun,sanay akong gumising ng ganitong oras,alam nyo na po,sa probinsya,dapat maagang nagigising.” nakangiti kong sabi.

“Probinsyano ka pala.”

“Opo,tanong ko lang din po,kung may extra kayong walis at dustpan? Maglilinis ako sa kwarto ni sir Felix habang tulog pa sya.”

“Ang sipag mo palang bata,ayon anak,sa kabinet na yon,nandun ang mga walis at dustpan na hindi pa nagagamit.”

Nagpasalamat ako dito at kinuha na ang dapat,bumalik ako sa kwarto namin ni Flexter at nagsimulang magwalis,ayokong galawin ang mga gamit nya,baka magalit lalo ito sakin pag nawala sa pwesto ang mga gamit nya. Tiningnan ko sya ng matapos ako,ngayon nakatihaya na sya at nakita ko na namang nakalabas ang halos kalahati ng ari nya. Para akong hihikain na aatakihin sa puso.

Tumakbo na ako sa kwarto ko para makalma. Ng humupa na ang nararamdaman ko ay kinuha ko na ang tuwalya,sabon at shampoo at naligo na. Matapos akong maligo ay nagbihis na ako,yung maayos na mga damit,diba nga pinapasama ako ni Flexter mamaya?.

Alas sais ng ginising ko sya,ang hirap pa gisingin. Mantika pala ito matulog?. Susuko na sana ako ng sa hindi ko inaasahang bagay ay nawalan ako ng balanse kaya bumagsak ako sa kanya. Napapikit ako.

“Ugh! Araay!!”

Agad akong napadilat sa sigaw nya. Ganun na lang ang pamumutla ko ng sa mismong ari nya ako bumagsak,kaya pala matigas,agad akong bumalikwas at inayos ang sarili ko. Dyosko! Bakit ganun? Montik na akong magkasala.

“Anong oras na ba? Ganyan ka ba mang gising?” ang husky na boses ni Flexter kaya napatingin ako sa kanya,nakangisi na sya at nakaupong nakasandal sa headboard ng kama,hindi man lang nya pinagka abalahang takpan ang pagkalalaki nya.

“A-a-alas s-sais na. Pasensya n-na po,n-nawa-walan a-ako ng ba-balanse.” ang nanginginig kong sabi. Pakiramdam ko pulang pula na ako,sana lumubog na lang akong bigla sa kinatatayuan ko,yumuko agad ako sa hiya.

“Alas sais na pala,first time mo bang makakita ng ari ng ibang lalaki na ganito kalaki? Nagustuhan mo ba?” dama kong nakangisi sya ng sinabi nya yan kaya ganun na lamang ang pag iling ko,tapos humagikgik sya.

Hindi ko alam pano ako nakaligtas sa pangyayaring iyon. Nandito ako sa may tabi ng kotse ni Flexter,at sila,abala sa pagte-taping,basketball ang eksena. Napapalunok ako dahil ang gwapo gwapo nya talaga kahit pawisan na. Napaka swerte talaga ng magiging kasintahan nya.

“CUT! Okay waterbreak muna!”

Nakipag apir pa at nakipag usap sya sa mga ka eksena nya sa basketball kaya hindi muna sya lumapit sa akin,hinanda ko na ang towel at gatorade nya.

“Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” sabi ng isang boses na ikinalingon ko,mataray kasi ang pagkakasabi. At pagharap ko,sya yung babae na kasama dati ni Flexter sa shop.

“Uhm.. Ako po si Khalil”

“Anong ginagawa mo dito? Bawal mga pulubi dito,tsupi!” nagulat ako at nasaktan dun. Mukha ba talaga akong pulubi?.

“Janna,anong problema dyan?” at may lumapit pang isang matandang lalaki,na sa tingin ko ay isa ding bading.

“May nakapuslit kasing pulubi dito Mars,paalisin mo nga.” naiiritang sabi nung Janna. Maganda sana,pero pangit pala ang ugali.

Tiningnan ako ng matandang bakla mula ulo hanggang paa,ngumiwi pa bago magsalita.

“Ijo,bawal ka dito,exclusive ang taping na ito,bumalik ka na sa kalye at magkalkal na lang ulit ng basura.” hindi na talaga ako nakapagsalita,may kung anong bumara na sa lalamunan ko at tumulo na ang mga luha ko. Ngayon ang ikatlong pagkakataon na nainsulto ako,masakit pala talaga.

“Kahit umiyak ka dyan,hindi kami maaawa.” nakataas ang kilay na sabi nung Janna.

“What are you two doing? Bakit pinaiyak nyo si Khalil?.” boses iyon ni Flexter na galit,ngunit hindi ako nag angat ng tingin,nakayuko pa din ako. Nakakainis,lalong bumaba ang tingin ko sa sarili ko,nanliliit ako.

“Ow,you know that beggar Flexter?” ani nung Janna.

“Huwag mo syang pagsalitaan ng ganyan Janna,he’s my P.A!” at naramdaman kong hinaplos ni Flexter ang likod ko. “You okay?” tanong nya sa akin,pero hindi pa din ako makasagot.

“PA? Duh?! Makaalis na nga,eksena ko na ang susunod.” at nag walk out yung Janna. Ang sama sama na ng loob ko.

“PA huh? Pwede kitang ikuha ng mas okay na PA,Flexter.”

“Hindi porket manager kita Hugo eh pati personal kong buhay ay papakialaman mo.”

“Whatever Flexter,maghanda ka na at magpalit,eksena nyo na ni Janna ang susunod after 30 minutes.” at umalis na din ito.

Naramdaman kong hinawakan ni Flexter ang baba ko,iniangat nya ang mukha ko,nagtama ang mga mata namin. Para akong nabato balani,natigil ako sa paghikbi,at ang puso ko,naging abnormal na naman ang tibok. Sya lang,sya lang ang nakakapag pataranta sa puso ko.

“You stop crying okay? Huwag mo silang intindihin,lalo ka pumapanget,at saka ang isipin mo na lang ay ang pagsisilbi sa akin bilang kabayaran sa kasalanan mo.” napangisi pa sya.

Ang sama ng ugali mo! Kung hindi lang kita mahal ay sinikaran na kita! Amaw! Akala ko papangitiin mo ako sa sasabihin mo! Buang! Gggrr!.

“Asan na gatorade ko? Punasan mo na ang mga pawis ko dali,magpapalit at magpapa make up pa ako.” dagdag pa nya,iniabot ko ang gatorade sa kanya,at walang imik kong pinunasan ang mukha nya,pinigilan kong huwag manginig,sinunod ko ang likod nya,pang huli ay ang harap. Napasinghap ako ng maamoy ko ang natural nyang aroma,lalaking lalaki,nanlalambot na ang tuhod ko kaya bigla akong napaupo.

“Oh? Anong nangyari sayo?” ang natatawa nyang sabi.

“Sumakit lang paa ko bigla.” ang pagsisinungaling ko.

“Pumasok ka muna sa kotse at magpahinga,huwag kang aalis,dahil pagkatapos ko sa taping ichecheck kita,sige na,magbibihis at magpapa make up pa ako,dyan ka lang.” at umalis na nga sya. Nang sa tingin ko ay kaya ko ng tumayo ay tumayo na ako. Papasok na ako sa kotse ng may makita na naman akong pamilyar na motor na agad humarurot ng mapansing nakatingin ako,nakahelmet kasi ito kaya hindi ko namukhaan,pero malakas ang kutob ko.

“Cross…”

11. First time with Cross!

Araw ng linggo..

“Labhan mo yang mga briefs and boxers ko bago ka maglakwatsa.” ani Flexter ng buksan ang pinto sa kwarto ko sabay hagis ng mga sabon. Buti nasalo ko agad.

“Huh? Yung mga yon talaga?” ang gulat ko pang sabi.

“Ayaw mo? Edi sige,yung mga damit at pantalon ko na lang ang labhan mo.” ang masungit nyang sagot.

“Ha? Hindi! Sige lalabhan ko na!” sabi ko at agad tumayo.

“Nasa banyo na mga yon,dun ka maglaba at idryer mo pagkatapos. At tandaan mo,gusto ko maayos ang pagkakalaba.”

“O-opo! Sige.” taranta kong sabi at agad tinungo ang banyo. Sya naman ay nahiga sa kama nya. Bukas ang banyo kaya nakikita ko sya. Nakakatakot talaga sya pag nagsusungit,parang walang kinikilala. Ano kaya problema nun at nagsusungit ngayon? Ayos pa naman sya kahapon ah?

“Alas otso ng gabi dapat nandito ka na mamaya. Maaga tayong aalis bukas!” nagulat ako at sumigaw sya. Hindi na lang ako sumagot. Sinimulan ko ng labhan ang mga briefs at boxers nya,nadedemonyo nga akong singhutin kaya lang parang ang sagwa kaya nagtuloy na lang ako sa paglalaba. Minadali ko talaga,ala una kasi ang sabi ko kay Jai at Crayon. Grabe naman kase,bakit alas otso palang dapat nasa bahay na? Ang sama talaga ng mahal kong si Flexter.

At dahil binilisan ko,maaga akong natapos. Matapos ko itong idryer ay naligo na ako at nag ayos. Paglabas ko sa kwarto ko wala si Flexter kaya lumabas na ako para hanapin sya at makapag paalam na. Tiningnan ko ang orasan,mag a-alas dose y medya na. Nagmadali na akong bumaba.

“Pakisabi kay sir Flexter umalis na ako.” sabi ko dun sa katulong na nakasalubong ko. Tumango lang naman ito sakin at lumabas na ako.

“Manong guard,san ang sakayan ng trycicle?” tanong ko sa gwardya ni Flexter.

“Deretsuhin mo lang yang Fuji street,ikalawang kanto may terminal ng trycicle dun.” sagot nito at binuksan ang maliit na gate,nagpasalamat na ako at umalis. Grabe,parang hindi ako naligo. Ang init init!.

Kaya laking tuwa ko ng makasakay na ako,sa terminal naman ng jeep ako nagpahatid. May byaheng pasig palengke at pasig simbahan daw dun.

1:35PM ng makarating ako sa Mercedes subdivision. Nakatayo na ako ngayon sa labas ng bahay.

“Grabe! Namiss ko ang bahay na to.” nakangiti kong sabi. Sakto bumukas ang gate at lumabas si Aya.

“Youre late Khalil.” aniya habang inilalabas ang kanyang motor.

“Huh? Pasensya na. Pinaglaba pa ako ni Flexter eh.”

“Inaalila ka nya?” naniningkit ang mga matang tanong ni Aya. Nakakatakot,ngayon ko lang sya nakitang ganya. Agad akong umiling.

“Oy Khalil! Kamusta?!” biglang sulpot ni Japhet,hindi agad ako nakasagot kasi niyakap nya agad ako.

“Ayos lang naman.” sabi ko ng kumalas sa yakap. Namiss ko sila grabe.

“Crayon,Jai! Tara na! Nandito na si Khalil.” sigaw ni Japhet. Lumabas naman sa gate ang kotse ni Crayon kaya umusog kami.

“Yes! Sa wakas! Tuloy na date natin Khalil! Kamusta na? Wala bang kiss dyan?” nakangising sabi ni Crayon at ngumuso pa ng sumilip mula sa loob ng kotse nya kaya natawa ako. Ang ligalig talaga ng isang to.

“Hoy! Ako nagyaya sa kanya,sabit lang kayong tatlo no?” pagsingit naman ni Jai na nasa backseat ng kotse. Kinawayan ko sya.

“O pano? Tara na? Mag enjoy tayo,ngayon lang to.” ani Japhet at binuksan na ang pinto sa front seat,dun daw dapat kasi ako maupo sabi ni Crayon. Ang kulit talaga. Tumabi na din si Japhet kay Jai sa backseat.

“Si Aya?” tanong ko. Sakto naman sumilip mula sa labas si Aya.

“Crayon,dun ako sa motor ko,convoy na lang tayo.” anito.

“Sige kuya.” sagot ni Crayon. Ganun na lang ang gulat namin ng bumukas ang pinto sa backseat at naupo si Cross sa tabi nung dalawa.

“Anong ginagawa mo dito? Diba sabi mo tinatamad ka?” sabi dito ni Japhet. Bigla akong kinabahan na parang natuwa. Gusto ko sanang kausapin si Cross kung sya yung nakikita ko kaso baka mapahiya ako. Pano kung hindi sya yon diba?

“Nagbago isip ko,ayaw kong maiwan sa bahay.” dinig kong sagot ni Cross,gusto ko sanang lumingon kaso nakakahiya.

“Kahit kailan ka talaga!” ani Jai.

“Manahimik ka nga Jai!” sagot ni Cross.

“Ang ingay nyong dalawa!” reklamo naman ni Japhet kaya napahagikgik ako.

“Tapos na kayo mga kulugo? Nauna na si kuya Aya oh? So lets go!” pagsingit ni Crayon at pinaandar na ang kotse.


Sabi nila,pag nakakita ka ng bagay na sobrang ikamamangha mo ay halos lumuwa na ang iyong mga mata at malaglag ang iyong panga. Ganyan ang nangyayari sakin ngayon.

“Nasan tayo?” ang hindi kumukurap ang mga matang tanong ko pagkababa pa lamang namin ng kotse.

“Enchanted Kingdom!” ang nakangiting sagot ni Japhet saka umakbay sakin. Nailang na naman ako,pakiramdam ko nandito lang sa paligid yung nobya nya.

“Ayon na si Aya! Nakapila na,bumibili ng ticket,tara!” sabay hila sa akin ni Jai papunta kay Aya.

“Hoy tukmol! Huwag kang madaya! Sakin sasama si Khalil!” ang biglang sabi ni Crayon na sumusunod na sa amin. Ang wirdo talaga ng mga ito. Naisip ko tuloy na baka gusto nila ako.

Gustong maging kaibigan talaga.

Nang makapasok sa loob ay hindi ko na maisara ang bibig ko. Dyosko! Ngayon lang ako nakapunta sa ganito. Ang ganda ganda! Ang lawak lawak! Para akong nasa panaginip! Naku! Kung kasama ko sina Buboy at Caloy tuwang tuwa din siguro ang dalawang iyon kagaya ko.

“Tara Khalil! Dun tayo sa bump car,magbungguan tayo ng bump hihi!” maligalig na sabi ni Crayon sabay hila sa akin.

“Teka lang unggoy! Ako nagyaya,kaya sa akin sasama si Khalil. Khalil dun tayo sa swan para sweet.” sabay hila din sa akin ni Jai.

“Ano,uhm Jai,Crayon.. Teka sandali.” ang sabi ko pero mukhang hindi nila ako napapansin dahil nagsasagutan na sila. Para talaga silang mga bata.

“Pabayaan mo na mga yan,tara sa akin ka sumama,free ako ngayon.” sabay hila sa akin ni Japhet palayo sa dalawa na nagsasagutan pa din. Nahihilo na ako sa kanila hindi pa man ako nakakasakay sa mga rides.

“This is a group date Japhet,anong akala nyo kay Khalil? Laruan? Tara dun at sa may condor tayo.” ani Aya at nagpatiuna na sa paglalakad.

“Kainis naman eh!” pabulong na sabi ni Japhet at sumunod na kay Aya. Susunod na din ako ng may humila sa akin bigla. Bakit ang hilig nilang manghila? Hindi ba sila marunong magsalita? Basta na lang manghihila?

Hindi ko na matanaw sina Japhet at Aya,maging sina Crayon at Jai. Kinabahan ako. Sino ba tong humihila sa akin? At dun lang ako humarap dahil tumigil na din ito sa paglalakad.

“C-cross?” ang gulat kong tanong saka napatingin sa kamay kong hawak pa din nya. Parang may mga kuryenteng gumagapang. Bakit hindi ko to naramdaman kanina? Kainis! Parang hinahalukay ang tyan ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. May kapangyarihan ba sila ni Flexter?

“Aabutin tayo ng gabi kung hindi sila titigil na pag agawan ka. I’ll just text them na tayo ang magkasama.” seryoso nyang sabi. Napatango na lang ako habang nakatitig sa mukha nya.

“A-anong sasakyan natin?” tanong ko habang naglalakad kami. Hawak pa din nya ang kamay ko.

“Dito tayo sa space shutle.” aniya at ngumiti. Para akong na estatwa ng ngumiti sya,naging erotiko na naman tibok ng puso ko. Ito ang kauna unahang nginitian nya ako at parang lalo sya gumwapo sa paningin ko.

“Ha? D-dyan? Ayoko! Mukhang nakakatakot dyan! Ikaw na lang.” sabi ko ng tingnan yung sinasabi nyang space shutle na kasalukuyang umaandar. Ang ingay ng mga taong nakasakay tapos bumabaliktad pa. Ayoko! Tinitingnan ko pa lang parang nasusuka na ako. Katakot!

“C’mon Khalil. Enjoy dyan promise.” aniya at pumila kami. Ilang saglit pa ay kami na ang sumakay. Nanginginig talaga ako. Iniisip ko na hindi pa tapos ang pag andar ay patay na ako.

“Nakaka kaba.” ang bulong ko sa sarili ko.

“Dont be. Akin na kamay mo,hawakan ko para malaman mong nandito lang ako.” aniya at hinawakan ang kamay ko saka pumikit. Iniisip ko yung sinabi nya,parang may ibang ibig sabihin.

At nagsimula na ngang umandar. At wala akong ginawa kundi ang sumigaw ng sumigaw at pisilin ang kamay ni Cross na nakahawak sa akin.

“Okay ka lang Khalil?”

“Hindi ko alam. Buhay pa ba tayo?” ang sagot at tanong ko. Hindi na ako uulit. Grabe parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Humagikgik naman si Cross kaya napatingin ako. Unang beses iyon para sa akin.

“Tara dun sa bench. Magpahinga ka muna,ibibili kita ng tubig.” aniya at inakbayan ako papunta dun sa sinasabi nyang bench.

Inatay! Ang bango nya! Parang mas lalo nagwala ang kaluluwa ko tapos ang init ng katawan nya,ang sarap sa pakiramdam. Haay! Sana ganito din kami ni Flexter ko.

“Maupo ka muna dyan,bibili lang ako. Huwag kang aalis dyan,dahil hahanapin talaga kita.” aniya saka umalis. Napanganga ako sa sinabi nya. Ngayon nga lang nya ako kinausap pero kung anu-ano pa ang sinasabi nya.

Hindi pa nag iinit ang puwit ko sa pagkaka upo ng mag ring ang phone ko. Pagtingin ko ay number lang. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.

“Hello?” at sinagot ko pa rin.

“Nasan ka na?”

“F-flexter? Panong?”

“Hindi na mahalaga kung san ko nakuha number mo,nasan ka na?”

“Ha? Uhm dito sa ano ba to? Sa ano Enchanted ba yon?” ang kinakabahan kong sabi. Hanggang ngayon hindi pa din ba maganda mood nya?

“Umuwi ka na dito please. Hindi ka man lang nagpaalam.” biglang lumambot ang boses nya.

Anong nangyayari kay Flexter? Naku! Baka may masamang nangyayari sa kanya. Kailangan ko ng umuwi.

“Diba sabi mo alas otso ng gabi?”

“Gusto mo bang puntahan pa kita dyan? Umuwi ka na.” at pinutol na nito ang tawag. Naguguluhan na ako. Baka may nangyari nga sa kanyang hindi maganda. Ayokong mangyari yon.

“Sinong tumawag?” ani Cross ng tumabi sa akin at inilapag sa gitna namin yung inumin,sabay abot nya sa akin ng footlong. Tinanggap ko agad dahil pakiramdam ko ay nagutom ako bigla.

“Si Flexter. Pinapauwi na ako.” ang sagot ko saka kumagat sa footlong. Nakatingin lang sa akin si Cross at parang natulala na.

“May problema ba?” tanong ko at muling sumubo. Ipinilig nya ang ulo nya saka sumagot.

“W-wala. Anong sabi mo? Ang sakim naman nya,isang linggo ka na nga nyang kasama.” aniya na ikinatigil ko sa pag nguya,pati sya ay parang nabigla sa sinabi nya.

“Sa wakas! Nakita din namin kayo. Bigla kayong nawala.“nasa harapan na pala namin sila. “Ganyanan tayo Cross ah?” dagdag pa ni Japhet.

“Magbabayad kang bakulaw ka! Sinolo mo si Khalil” sabi naman ni Crayon at itinaas pa ang naka kuyom na kamao.

“Hindi tuloy ako nag enjoy. Ang daya talaga! Kainis.” ani Jai na hindi na maipinta ang pagmumukha.

“Naririndi na ako sa inyong tatlo,kanina pa kayo eh.” suway ni Aya sa mga ito.

“Pasensya na. Ang tagal nyo kasi magdecide kanina eh. Ano ba magandang sakyan na magkakasama tayo?” sabi ko na lang at tumingin kay Cross na hindi sila pinansin,kumakain lang ng footlong at parang nagpipigil ng ngiti.

“Sa Rio grande tayo!” halos sabay na sabi nina Jai at Crayon.

Alas siete ng gabi ng magpasya na kaming umuwi. Hindi namin namalayan ang oras,sobrang saya ko. Nag enjoy talaga ako,at nakapagpadagdag saya sa akin ay ito ang unang araw na nagpansinan kami ni Cross at pinakisamahan nya ako ng maayos. Lahat ng alinlangan at hinanakit ko sa kanya ay naglaho na parang bula.

“Aya,tol. Ako na gagamit ng motor mo,dun ka na sa kotse. Sa akin sasakay si Khalil.” ani Cross kay Aya ng makalabas kami. Napatingin talaga ako sa kanilang dalawa. Halata sa mukha ni Aya ang gulat at pagtataka pero tumango lang ito.

Nag vibrate ang phone ko. Tiningnan ko. Puro text galing kay Flexter. Haay,nag aalala na ako sa kanya.

“Sakay na,bago pa tayo mapansin nina Jai,Crayon at Japhet.” aniya sabay abot ng helmet at nagsuot na din ng helmet.

“Yakapin mo ako ng mahigpit. Huwag kang bibitaw.” ani Cross ng makasakay ako sa likod nya. Agad ko syang niyakap ng mahigpit at pinaharurot na nya ang motor.

“Higpitan mo pa.”

12. Gabi ng Kilig!

“Anong ginagawa natin dito? Anong oras na oh? Panigurado hinahanap na ako ni Flexter,lampas na ako sa oras na binigay nya at panigurado pagod ka na din,ang layo kaya ng byahe,teka,nasan ba tayo?” direderetso kong sabi.

Naramdaman ko syang ngumisi bago sumagot. Abala din ang mga mata ko sa pagtingin sa ibaba,parang mga christmas light na yung mga ilaw sa siyudad.

“Nasa antipolo tayo,over looking ang tawag dito. At tama ka,napagod ako sa mahabang byahe kaya nandito tayo dahil gusto ko lang magpahinga. Si Flexter? Huwag mo isipin yon.” mahaba naman nyang sagot. Saglit akong natahimik,gusto ko mag bukas ng usapan since ayos na naman kaming dalawa.

“Cross.”

“Hmmn?”

“Anong nakain mo?” tanong ko at bigla sya humalakhak. Napangiti ako dahil ito ang unang pagkakataon na hindi lang basta tawa ang binigay nya sa akin,kundi halakhak.

“Hindi pa ako kumakain,yung footlong lang kanina na kinain natin. Gutom ka na ba?” aniya at nakangiting tingnan ako. Napatitig na naman ako sa mukha nya. Nakakabato balani talaga,naalala ko na nagkaganito din ako ng una ko makita si Flexter. Haayst,kelan kaya kami magiging ganito ni Flexter? Mukhang imposible,alila ako nun eh,pero ayos lang,mahal ko naman sya.

“Natahimik ka na, yon lang ba itatanong mo?” untag sa akin ni Cross kaya napakislot ako at agad bumalik sa reyalidad.

“Uhm,anong nakain mo at nagbago ka? Bigla kang bumait sa akin? Dati galit na galit ka eh.” nahihiya kong sabi at kinakabahan sa maaari nyang isagot.

“Hmmn.. Yon ba? Wala lang,for a change. Nakakapagod din kasi magsungit sayo eh.” nakangisi nyang sabi. Napasimangot ako. Yon lang rason nya? Sipain ko kaya sya ng magpagulong gulong sya pababa,amaw.

“Ngayon mo lang yan naisip kung kelan wala na ako sa bahay? Kakaiba ka din eh.” inis kong sabi saka ngumuso.

“Ang ganda mo na,ang cute mo pa.”

“Ha?”

“Joke lang!” aniya at sinapak ko nga sa braso.

“Buang ka! Ano nga?” at tumawa ulit sya.

“Wala nga. Basta sa akin na lang yon,hindi ko pa pwedeng sabihin sa ngayon.” seryoso nyang sabi kaya tumahimik ako. Pero may naisip ulit akong itanong.

“Cross?”

“Oh ano na namang tanong mo? Pag sinagot ko yan,ako naman magtatanong ah?” aniya at tumingin sa kawalan.

“Ikaw ba yung lagi kong nakikita na parang minamatyagan ako?” pagkuway tanong ko. Parang bigla syang na alarma pero saglit lang yon.

“Bakit ko naman gagawin yon? Busy ako sa trabaho,ang ganda mo naman masyado para matyagan.” ang agad nyang sagot. Ganun pala. Sabagay,tama ako na hindi sya yon at tama ang mga sinabi nya,namamalikmata lang siguro ako.

“Huling tanong na lang.” banat ko pa.

“Sige,ano yon? Dali at ako naman magtatanong.”

“Nung una nga diba galit ka sa akin? Nadinig ko yung sinabi mo na parepareho lang kaming mga bakla,bakit ngayon hindi ka na galit sakin?”

“Tulad ng sinabi ko kanina Khalil,sa akin na lang muna yon. I have my reasons,pero malalaman mo din yon balang araw pag kaya ko na.”

“Ha?”

“Anong ha? Nakakailang ha kana ngayon. O,ako naman magtatanong.”

“Sige.”

“Si Flexter. Gusto mo ba talaga sya? I mean,mahal mo ba sya? Dati pa namin yon napapansin sayo.” ang parang alangan nyang tanong at parang namumula pa sya kaya biniro ko,lumapit pa ako sa kanya.

“Bakit ka namumula?” ang nakangisi kong tanong. Tulad kanina parang na alarma na naman sya. Nagiging wirdo na din sya tulad nung apat.

“Anong namumula? Hindi kaya! Basta! Sagutin mo na lang ang tanong ko.” sabi nya at nag iwas ng tingin. Tutal naman ay nagtanong sya,edi sasabihin ko na. Matagal ko na kasi tong kinikimkim. Ang hirap ng walang napagsasabihan.

“Si Flexter,una ko syang nakita sa Tv,nabatobalani na ako sa kanya,sya lang ang lalaking pumukaw ng atensyon ko,lagi ko syang naiisip. Yung pagkagusto ko sa kanya napunta sa pagmamahal pagkalipas ng maraming araw. At nung una ko syang makita sa personal,hindi ko maipaliwanag pero ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Akala ko hanggang pangarap ko na lang sya,pero ngayon parang natupad na,kasama ko na sya,at lahat titiisin ko para sa pagmamahal ko sa kanya.” mahaba at madamdamin kong sabi. Ang sarap sa pakiramdam na may napagsabihan ako ng nararamdaman ko kay Flexter.

Ngunit tahimik lang sya at parang bumalik sa dati,kaya medyo kinabahan ako.

“Tara ng umuwi,ihahatid na kita,baka hinahanap ka na ng mahal mo.” aniya na walang emosyon at dumiretso sa motor kaya sumunod na ako.

“Cross,maraming salamat sa paghatid at sa time mo,pakisabi din dun sa apat,maraming salamat,nag enjoy talaga akong makasama kayo.” ani ko ng makababa sa motor. Nanatili lamang sya sa motor at tinanguan ako. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa gate,ayaw ko na syang kulitin,may nasabi siguro akong hindi nya nagustuhan. Sayang,ayos na kami eh tapos nagkaganito pa. Ang bigat sa pakiramdam.

Nasa tapat na ako ng gate,binuksan na iyon ng guard ng bigla syang sumigaw kaya hinarap ko sya.

“Khalil!”

Kinabahan ako. Mukhang galit nga talaga sya. Hinintay ko syang magsalita. Agad syang bumaba sa motor at lumapit sa akin,tinitigan nya ako,lalo ako natakot.

“Gagawin ko ang lahat para mapasok ko yan.” turo nya sa puso ko. “Hindi ako titigal,cross my heart!” natulala ako sa sinabi nya,hindi agad pumasok sa sistema ko ang sinabi nyang iyon. At bago pa ako makasagot,mabilis na nyang pinaharurot ang motor palayo.

“Ano daw? Anong sinabi nya?” wala sa sariling sabi ko at napahawak sa dibdib ko kung saan naghuhurumintado na sa pagtibok ang puso ko.

“Nag enjoy ka ba sa paglalakwatsa?” agad akong napatingin sa nagsalita

“F-flexter!”

“Its SIR FLEXTER,baka nakakalimutan mong alila kita? Pumasok ka na sa loob,madami pa akong ipapagawa sayo.” madilim ang mukha nyang nagsalita. Galit sya.

“O-opo sir,pasensya na.” nakayukong sabi ko ng pumasok na,nahiya kasi ako kay manong guard.

“Sabi ko alas otso dapat nandito ka na. Lumampas ka sa oras ko. Pinapauwi na kita kanina pero hindi ka umuwi. Inuubos mo ba ang pasensya ko?” aniya ng makapasok na kami sa kwarto. Nanginig ako bigla. Naalala ko yung sinuntok nya ako dati,natatakot akong maulit iyon.

“P-pasensya na talaga. Hindi namin namalayan ang oras,sorry po sir” ang nakayuko kong sabi.

“Wala akong pakialam. Nasa banyo ang mga damit at pantalon ko. Labhan mo iyon,at gusto kong pag gising ko bukas ay tuyo na lahat yon.” aniya at tinalikuran ako at humiga sa kama nya. “Ang haliparot kasi,ganyan talaga mga bakla.” dinig ko pang sabi nya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko,napaiyak na ako pero pinigilan kong huwag humikbi. Pumasok na ako sa banyo na masama ang loob ko. Habang buhay na siguro akong makakarinig ng insulto patungkol sa kung ano ako.

Ganon nga talaga siguro,pag sobrang saya mo,lungkot din agad ang papalit. Lumuluha pa din ako habang naglalaba na. Kahit sanay akong maglaba ay nahirapan pa din ako sa mga maong at pantalon. Wala kasing brush,kung bakit ba naman kasi hindi muna ako bumaba para kumuha nun. Ngayon nakaka limang pantalon pa lang ako pero ang hapdi na ng mga kamay ko. Ng tingnan ko puro galos na at pulang pula.

“Itigil mo na yan.” halos mapatalon ako sa gulat dahil dun,agad akong tumayo at hinarap sya.

“P-po? Konti na lang po ito,patapos na din ako.”

“Itigil mo na yan.” at tiningnan nya ang mga kamay ko kaya inilagay ko ang mga ito sa likod ko. Pero pinilit pa din nyang hawakan at tingnan.

“Aray!” ang hindi ko maiwasang daing ng matmaan nya yung galos. Tiningnan nya ang mga kamay ko saka ako tiningnan ng parang naaawa sya. At ganun na lang ang gulat ko sa ginawa nya.

Niyakap nya ako.

Parang tumigil ang lahat at tumahimik,parang tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko. Ganito pala kasarap ang pakiramdam pag niyakap ka ng taong mahal mo.

“Im sorry Khalil,Im really sorry,nainis at nag alala kasi ako sayo na hindi ka dumating sa oras.” ang bulong nya sa tenga ko. Nakiliti ako ng tumama sa balat ko ang mainit nyang hininga.

“Sorry talaga. Nasugatan ka tuloy dahil sa akin.” at hinipan nya ang mga kamay ko. Hindi ako makapag salita,hindi ako makapaniwala na ginagawa ito sa akin ng taong mahal ko.

“Nung bata pa ako,pag nadadapa ako at nagkaka galos,hinihipan lang ni Mommy ang galos ko at magiging okay na ang pakiramdam ko.” aniya at saka nag angat ng tingin at nginitian ako. Parang sasabog na ang dibdib ko. Umaapaw na yong nararamdaman ko. Panaginip lang ba ito o totoo?

“S-sir?”

“Tara,maupo ka dun sa kama at gagamutin ko yan.” aniya at iniupo ako sa kama nya. Pumasok sya sa banyo at ilang saglit pa ay lumabas na sya ng may bitbit.

“Sir,ako na lang po,saka malayo naman ito sa bituka. Hindi ako mamamatay dahil lang sa galos.”

“Huwag ka ngang magbanggit ng mamamatay na yan! Pano kung ma impeksyon? Edi lalala lang.” sabi nya sa akin habang nilalagyan ng betadine ang bulak. “akin na mga kamay mo.” at nung hawakan nya ang mga kamay ko,nakaramdam ako ng kuryente.

Bakit kanina hindi ko iyon naramdaman?

Tinitingnan ko lang sya habang ginagamot nya mga galos ko. Paminsan minsan ay hinihipan pa din nya ito,na para bang sa ganung paraan ay maiibsan ang hapdi ng sugat.

“Huwag mo ng uulitin iyon. Pinag alala mo ako ng husto. Kung hindi ka makakauwi sa oras na binigay ko ay magtext o tumawag ka para hindi ako mukhang baliw dito na nag aalala at nag iisip kung ano na ang nangyari sayo.” seryoso nyang sabi habang ginagamot pa din ako. Hindi ko mapigilang kiligin at umasa na gusto din nya ako. Hindi naman masamang mangarap diba?

“Opo sir. Pasensya na talaga.”

“There. Okay na yan. Matulog at magpahinga ka na,maaga pa tayo bukas,hindi pwedeng hindi kita kasama,ayokong nawawala ka ng matagal sa paningin ko.” aniya at inayos na yung mga gamit nya na pinang gamot sa akin.

“Po?”

“Wala. Matulog ka na.” sagot nya. Nagpasalamat at humingi ulit ako ng pasensya at naglakad na papunta sa kwarto ko. Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ay tinawag na nya ako.

“Khalil.” agad akong humarap sa kanya.

“Ano po iyon sir?”

“Hindi kita pinagbabawalang makita at makasama mo ang mga kaibigan mo. Pero pag oras ko na,gusto ko sa akin lang ang atensyon mo,gusto ko akin ka lang. Ayokong habang kasama kita ay iba ang tinitingnan mo. Maliwanag ba?”

13. Paghaharap : Pag amin!

Nandito lang ako sa loob ng kotse ni Flexter. Huwag daw akong lalabas dahil baka pag initan daw ako nina Hugo at Janna. May shooting na naman kasi sila. Natakot nga ako eh,naalala ko nung una,inaway,nilait at minaliit ako ng mga yon. Basta ang sabi ni Flexter,pag nandyan ang dalawa huwag ako magpapakita.

Ayos naman ako dito sa loob ng kotse. Mula dito ay tanaw ko ang mga staff,crew at ibang artista habang may kinukuhaang eksena. Si Flexter at yong isang bago ring artistang lalake na gumaganap na kapatid nya.

Muli kong ibinaling ang pansin ko sa phone ko. Katatapos ko lang makausap ang pamilya ko,tinawagan ko sila kasi nagpadala ako kahapon ng pera. Nakakahiya nga dahil dinagdagan ni Flexter,pa-unang bayad daw. At ngayon nga wala ng magawa. Ka-text ko lang yung lima. Nakakapagod nga silang sagutin isa-isa sa text. Naisip ko tuloy kung nakakapagtrabaho pa ba sila ng maayos?

From: Crayon kulit

San ka?

To : Crayon kulit

Dto sa may shangrila ata? Dto shooting nina Flexter eh,sa labas.

From: Crayon kulit

Okay :-P

Huh? Hirap din spellingin ng makulit na to eh. Wala talaga silang pinagkaiba ni Jai. Yon nga lang,mas malambing si Jai. Tanda ko pa yung dinalhan nya ako ng pagkain,tapos nanood hanggang makatulog ako sa takot. Pag gising ko magkayakap kami. Hiyang hiya ako nun tapos nakita kami ni Cross.

Si Cross.. Ano kayang ibig nyang sabihin dun sa sinabi nya? Sobrang seryoso nya,sala sa init sala sa lamig. Ang hirap nya intindihin,pero aaminin ko,ang saya ko nung nagka ayos na kami. Ganon pala ang totoong Cross. Haaay! Nagtetext nga sya at katext ko din ngayon pero hindi na nya ulit nabanggit yon. Pasagdi-i (Hayaan) na nga lang. Basta masaya ako nung gabing yon,si Flexter kase eh ang sweet.

Si Flexter,hayun! Hindi ako pinatulog nung gabing yon. Dati kalabog sa dibdib lang ang naidudulot nya sa akin pati panginginig ng kalamnan at panlalambot ng tuhod. Ngayon iba na,dun ko lang naranasan yong nag uumapaw na saya at kilig. Hindi ko makalimutan nung niyakap nya ako,ang sarap sa pakiramdam! Tapos nung ginagamot nya mga galos ko,ang lambing nya sobra. Haaay! Pangarap ko talaga sya. Sana magustuhan din nya ako kahit sa tingin ko ay napaka imposible.

Natigil ako sa pagmumuni-muni ng may kumatok sa bintana ng kotse. Paglingon ko,si Janna. Natakot ako,hindi ko alam kung pagbubuksan ko ba sya o hindi. Pero wala syang tigil sa kaka-katok kaya nagpasya akong buksan na at lumabas.

“Sa wakas! Akala ko magkukulong ka dyan eh,ano pakiramdam ng nakakasakay sa kotse?” ang taas kilay nitong sabi kaya napalunok ako ng laway.

“M-maam Janna.”

“Eewww! Anong ginawa mo kay Flexter? Bakit sya nagkaganyan? Kinulam mo sya no?”

“Po? Hindi p–” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinampal nya ako ng napakalakas. Para akong nabingi,parang nangapal ang kanan kong pisngi. Hindi ako makapaniwala na na sampal ako. Hindi pa ako sinasaktan nina Nanay at Tatay kahit kailan.

“Layuan mo si Flexter! Akin sya! Kilala ko ang mga katulad mo,basurang bading na patay na patay kay Flexter tapos huhuthutan ng pera!” ang galit na galit na sigaw ni Janna na halos magpatalon sa akin.

“Hindi po totoo yan maam” ang naiiyak ko ng sabi.

“O kaya blinackmail mo sya ano? Alam mo bang dahil sayo,hindi sya makapag trabaho ng matino? Iniisip daw nya kung ayos ka lang dito. Pati sa eksena nila kanina pangalan mo ang binanggit nya!” singhal pa uli nya. Napanganga ako at nanlaki ang mga mata ko.

Pangalan ko nabanggit nya? Iniisip nya ako? Totoo kaya yon?

“Layuan mo sya at bumalik ka sa basurahang pinanggalingan mo! Sinisira mo trabaho nya! Sinisira mo relasyon namin!” at bago pa ako makapag reak ay nahablot na nya ang medyo may kahabaan ko ng buhok. Halos matuklap na ang anit ko,sobrang sakit. Hindi ko magawang lumaban dahil hindi ako nakikipag away sa babae,at isa pa,artista sya,sya ang papaniwalaan ng mga tao.

Maya maya pa ay napabitaw sya. May humila sa akin at tinulak sya.

“Anong karapatan mo para saktan ang mahal ko?!” napalingon ako sa humila sa akin. Si Crayon,nagtatagis ang mga bagang at nag aapoy ang mga mata sa galit.

Napatingin ako sa paligid,madami ng nakapansin at nanonood. Hingal na hingal si Janna. Nakita kong nagmamadaling lumapit si Flexter kasama ang ibang artista at mga staff,lumapit din si Hugo na tinitingnan ako ng masama.

Pero teka? Totoo ba narinig kong sinabi ni Crayon? Mahal nya ako?

“Yuck! Nakakadiri! Isa ka pang nauto ng basurang baklang yan!.” sigaw ni Janna. Hinapit ako ni Crayon at niyakap. Napaiyak na lang ako sa dibdib nya.

“Wala kang karapatang magsalita ng ganyan sa kanya. Dahil ikaw ang basura,umaalingasaw mula sa bunganga mo!” sagot ni Crayon. Natigilan si Janna.

“Ikaw na naman? How pathetic.” ani Hugo.

“Janna? Khalil? Anong nangyayari dito?” agad na sabi ni Flexter ng makalapit. Kita ko sa dulo ng mga mata nya na nakatitig sya sa akin. Ayokong gumalaw,kumikirot ang ulo ko at mahapdi ang mukha ko,baka nakalmot ako ni Janna sa mukha ng hindi ko namamalayan.

“Yan! Yang baklang yan at ang lalaking yan! Bigla akong inaway! Kung anu-ano ang sinabi kaya hindi ko napigilan ang sarili kong saktan sya!” ang biglang humahagulhol na sabi ni Janna. Nagulat ako sa inakto nya at sinabi nya.

“Artista ka nga.” ang nang uuyam na sabi ni Crayon at inalalayan ako papunta sa likod nya. Pero nakatingin pa din ako.

“Khalil ano to? Diba sabi ko sayo huwag kang lalabas? Tingnan mo,pinagtitinginan na tayo,pinahiya mo ako.” sabi ni Flexter. Sa narinig ko ay kumirot ang dibdib ko at lalong napaiyak. Nilaglag nya ako,hindi nya ako pinagtanggol,kahihiyan ako para sa kanya. Hindi totoo yung pinakita at pinaramdam nya sa akin ng gabing iyon. Ang sakit pala.

“Ayusin nyo yan. Gahol na sa oras Flexter,marami pang eksena na kukunan.” sabi nung direktor at umalis. Sumunod sina Hugo at Janna na nginisihan ako. Ngayon lang gumapang ang galit sa akin. Hindi ako marunong magalit pero ngayon lang. Sobra na kasi eh.

“Bumalik ka na sa kotse Khalil.” seryosong sabi ni Flexter na hindi talaga pinapansin si Crayon.

“Hindi na sasama sayo si Khalil. Babawiin ko na sya.” matigas na sabi ni Crayon. Napasinghap ako. Hindi ko gusto ang pakiramdam na mag aaway sila dahil sa akin.

“What? Are you kidding me? Akin sya,pag aari ko sya.” nakangising sabi ni Flexter,kasabay nun ang pagkislapan ng mga camera. Ang dami na palang nanonood talaga at may mga media na.

“Kelan mo pa naging pag aari si Khalil? Hindi mo naman sya pinapahalagahan at inaalila mo lang sya,dahil sa walang kwenta mong rason. Youre such a mess Flexter. Basta,iuuwi ko na samin si Khalil at hindi mo na sya masasaktan pa.” mahaba at matapang na sagot ni Crayon,natatakot na ako sa kung anong pwedeng mangyari sa palitan nila ng salita. At alam ko,mamaya lang ay maibabalita na ito sa Tv.

“You cant do that. Sa akin uuwi si Khalil,hindi ko pa tinatapos ang sa amin. Babawiin mo sya? Says who?” ang inis ng sabi ni Flexter,ang gwapo nyang mukha ay mababakasan na ng pagka inis at pagka irita.

“Says us.” nagulat kami pare-pareho sa nagsalita. Nagtagis ang mga bagang ni Flexter at naikuyom nya ang kanyang mga kamao.

Nilingon ko kung sinong nagsalita. Si Cross! Kasama si Japhet,Aya at Jai.

Hinila ako ni Crayon palapit sa apat. Mas namuo ang tensyon,parang ako ang hindi makahinga,ni hindi ko magawang ibuka ang bibig ko at magsalita.

“Mula sa araw na to,tapos na ang pagbabayad ni Khalil ng utang sayo. Binabawi ko na sya.” ani Cross at nakipagtitigan ng masama kay Flexter.

“Abangan mo na lang sa bank account mo ang kabayaran. Hindi na kami makakapayag pa sa ginagawa mo.” ani Aya.

“At pwede ba? Maghanap ka ng ibang paglalaruan! Hindi laruan si Khalil.” sabat ni Japhet.

“Huwag kang susunod! Nanggigil na talaga ako sayo nung una palang. Babasagin ko talaga mukha mo!” sigaw ni Jai at hinila na ako papunta sa kotse ni Crayon. Sumunod na din sila. Habang naglalakad ay dinig na dinig ko ang mga pinag uusapan ng tao. Galit sila sa akin.

Hindi ko naman ginusto to. Hindi ko naman sinadya ang lahat ng ito. Hindi ko hiniling ito. Nangarap lang naman ako at ng may pagkakataon ay sinunggaban ko. Pero wala akong ginagawang masama. Nagmahal lang naman ako. Pero sa palagay ko. Sa maling tao. At ngayon,nakaladkad na ang pangalan ko,pinag uusapan na ng buong pilipinas ang nagawa ko. Simple lang naman ang gusto ko at hindi naman sobra-sobra ang ginusto ko. Pero bakit sobrang baba naman ata ng binalik sa akin? Inalipusta,inapi,nilait at sinaktan na nga ako ng pisikal at emosyonal pero ito pa ang natanggap ko.

“KHALIIIILL!!” sigaw iyon ni Flexter. Pinahid ko ang mga luha ko at humarap.

“Huwag kang umalis please? Kailangan kita!” ang sigaw nya ulit. Parang tinutusok ng libu-libong karayom ang puso ko. Pero tama na. Gusto ko ng bumalik sa simpleng buhay.

Umiling lang ako at tinalikuran sya. Nasa kotse na sina Jai,Aya,Crayon at Japhet.

Inakbayan ako ni Cross at hinapit pa palapit sa kanya habang naglalakad papunta sa kotse.

“Hindi kana masasaktan pa. Hindi kita hahayaang masaktan pa.” sabi nya bago pumasok sa kotse.

Ng makauwi kami ay tulala na ako. Ang dami ko ng iniisip. Parang puputok na ang utak ko at gusto ko na lang magpahinga. Sobra na ang nangyari ngayong araw.

“Gagamutin na kita. Nga pala,umalis ulit si Cross may pupuntahan daw.” ani Crayon at tumabi sa akin dala ang mga panggamot. Napatitig ako sa kanya. Naaalala ko ang sinabi nya kanina. Mahal daw nya ako.

“Tsk tsk! Halimaw yung babaeng iyon. Sinugatan pa mukha ng mahal ko.” mahinang sabi ni Crayon habang ginagamot mga galos at kalmot sa mukha ko. Hindi ko alam kung totoo iyon,o biro,hindi ko alam kung sarili nya ba kinakausap nya o sadyang pinaparinig nya sa akin. Pero nararamdaman ko na ngayon na may nararamdaman sya sa akin dahil sa maingat at buong pag aalala nyang pang gagamot.

Kung sana ganito din si Flexter ka deretso magmahal,masaya siguro ako. Tanga lang talaga na nangarap ako at umasa sa mga pinapakita at pinaparamdam nya.

At si Cross. Nakaramdam ako ng pagmamahal sa kanya kanina,iba,parang tulad nung magkasama kami. Hay,eto na naman ako sa mga iniisip ko. Ayoko na. Magmumukha na naman akong tanga. Pero nasan sya? San sya nagpunta?

“Khalil,naayos ko na ang dati mong kwarto. Dun ka na ulit.” ang nakangiting sabi ni Japhet pagkababa sa hagdan.

“Tara ng kumain,nakapagluto na ako. Khalil halika na.” tawag ni Aya mula sa kusina.

Tatayo na sana kami ng kumakaripas na bumaba sa hagdan si Jaii.

“Tumawag si Ate Emi. Iinterviewhin daw ng magkasunod sina Flexter at Janna tungkol sa nangyari kanina.” anito sabay bukas ng Tv at inilipat dun sa istasyong sinasabi.

Lahat kami napatutok ang mukha sa Tv,si Aya ay lumapit na din.

“Janna. Totoo bang ikaw daw ang nanakit don sa PA ni Flexter? Dahil di umano ay pinagseselosan mo ito? Kaya nilait mo din?”

Saglit na tumahimik si Janna. Ngumiti at sumagot.

“Oo tito boy,pinagseselosan ka sya. Hindi sya bagay kay Flexter.” sagot nito. Napanganga talaga ako sa napapanood ko. Pinagseselosan nya ako ng walang ebidensya? Tsaka bakla ako,bakit nya ako pagseselosan? Kaya ganun na lang ang ginawa nya?

Halatang nagulat at saglit na nadissapoint ang host sa sagot nito.

“Janna,alam mong sa industriyang ito ay hindi maganda ang ganyan. At sa palagay mo,tama bang pagselosan ang isang binabae?”

“Im just being true with my feelings tito boy. Yun na nga po,binabae sya kaya huwag syang mangarap ng mataas. Im sorry tito boy sa mga nasasabi ko pero sa palagay ko tama ako,sinisira nya kasi si Flexter at ang nagsisimula pa lang naming relasyon. Pag PA dapat,hanggang doon lamang,hindi ko maintindihan kung kinulam nya si Flexter or what.” mahabang sabi nito. Naiinis ako! Parang gusto ko dukutin ang mukha nya mula sa Tv.

“Such a good liar and story teller tsk tsk.” komento ni Aya.

“Maraming salamat Janna sa iyong panahon,hiling namin na maayos pa ang mga bagay bagay. At sa ating pagbabalik,ekslusibong panayam kay Flexter Tuazon Live! Sa pagbabalik ng..”

“The buzz!” ang naka ngiting sabi ni Janna at nag commercial na. Napa buntong hininga ako.

“Kumain na kaya tayo? Lumalamig na ang kanin! Gutom na si Khalil.” ani Crayon.

“Oo nga. Tara na Khalil at kumain muna,diba sabi ko sayo ayokong nagugutom ka.” sabi naman ni Jai.

“Mamaya na lang,tapusin ko lang ang pinapanood natin.” walang gana kong sabi.

“Sshh! Ayan na.” pagsuway ni Japhet at tumutok ulit kami sa Tv.

“Kanina ay nakausap natin si Janna at mabigat at mapait ang mga binitawan nyang salita patungkol sa PA ni Flexter na inaway nya at sinaktdan dahil di umano ay nagseselos sya at ayaw nyang masira ang career ni Flexter at nagsisimula pa lamang na relasyon nila. Flexter,deretsuhang mga tanong. May dapat nga ba pagselosan si Janna sa PA mong binabae? Dinig na dinig ng lahat ang mga sinabi mo kanina sa confrontation nyo ng mga kaibigan nya,may relasyon ba kayo?”

Tumingin si Flexter sa camera,huminga ng malalim at saka nagsalita.

“Opo tito boy,may basehan ang pagseselos ni Janna sa PA kong si Khalil.”

Natigilan ang host ng ilang saglit bago nagtanong ulit. Maging ako ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa sasabihin nya.

“Nakakagulat ang sagot mo,may kinalaman ba ito sa mga makahulugan mong salita sa lugar ng pinangyarihan,Flexter?”

“Opo tito Boy. Mahal ko ang PA ko. Mahal na mahal ko si Khalil Pantoja.”

14. Ulan! Halik! Desisyon!

Natahimik ang host,pati ang studio halatang tumahimik,tumutok ang camero sa gwapo ngunit seryosong mukha ni Flexter.

Namuo na ang mga luha ko,alam kong papatak na ito ano mang oras. Parang sasabog ang dibdib ko,masaya akong malaman na mahal din ako ni Flexter,pero malungkot dahil huli na ang lahat.

“That can’t be true! For publicity lang yan!” bulalas ni Crayon na nagtatagis na ang mga bagang.

For publicity nga ba? Para lalo syang pag usapan? Ganun ba iyon?

“Ganyan ang mundo ng showbiz Crayon.” sagot ni Jaii.

Muling natutok ang paningin namin sa Tv ng magsalita ang host.

“Flexter,isang napakalaking rebelasyon ang iyong sinabi. Alam kong wala ako sa lugar para magtanong,pero totoo ba yan? Mahal mo ang dati mong PA na gaya ko ay isang binabae?”

“Oo tito Boy,matagal ko itong nilabanan,pero in the end nahulog pa din ako sa kanya. I dont care if he’s gay o pareho kaming lalaki. Basta mahal ko sya. Love is something you just dont feel,its something you do and show. Kaya pinapakita ko sa buong bansa na mahal ko si Khalil.” seryosong sagot ni Flexter,dun na tuluyang pumatak ang mga luha ko at hindi ko napigilang humikbi.

“Hindi kaya for publicity lamang ito?”

“No tito boy,hindi ko kailangan magsinungaling at gumamit ng ibang tao para mas mapag usapan. Mahal ko si Khalil,take it or be bitter with it.”

Pagkatapos nun ay galit na lumapit si Janna at biglang naputol at naging commercial.

“Kumain na lang tayo,lalo ka na Khalil. Huwag mo yang masyadong pagtuunan,ganyan sa showbiz.” ani Aya at inalalayan akong tumayo. Mas lalong gumulo ang isipan ko,kaya ng nasa hapag na kami ay wala talaga akong gana. Sila man ay tahimik na kumakain at panaka-naka akong tinitingnan.

Matapos ng hapunan ay umakyat na ako sa kwarto ko para makapag pahinga na. Pero ang totoo eh gusto kong umiyak,ang iiyak ang kabiguan ko. Sana pala hindi na lang ako nangarap. Flexter,pangarap ko’y ikaw,natupad na mapalapit at makilala kita,kuntento na ako na minamahal kita ng hindi mo alam. Isa kang napaka tayog na bituin na kamontik ko ng maabot. Ayon,sa pangangarap ko,bumulusok ako pababa hindi pa man kita naaabot.

Parang gusto ko na lang bumalik sa Cebu,tutal madami na akong naipon. Doon walang problema,masaya ang buhay kahit simple pa.

Narinig kong nag click ang seradura ng pinto kaya nagpanggap akong natutulog. Naramdaman ko itong lumapit at umupo sa gilid ng kama ko.

“Hanggang pagtulog mo,si Flexter pa din. Huwag kang mag alala Khalil,hindi ko na hahayaang masaktan ka pa nya,ilalayo kita.” anito at hinaplos ang buhok ko.

Si Cross iyon. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Anong ibig nyang sabihing ilalayo nya ako? Hayst,ayoko ng ganito,lahat sila ay naaapektuhan dahil lamang sa akin.

Naramdaman kong tumayo na ito at lumabas ng kwarto. Pero muli iyong bumukas kaya nagpanggap pa din akong tulog. Pigil hininga ako kung sino man iyon.

“Hay nako Khalil. Kung alam mo lang kung gaano ako nababaliw sayo. Kahit hindi maging tayo ay masaya na akong makasama ka. Alam kong ganito din nararamdaman ni Jaii,kaso wala naman kaming laban sa minamahal mo,pangit ang ipilit ang sarili. Basta hayaan mo lang ako at si Jaii na ipadama at ipakita ang pagmamahal namin okay? Si Flexter,naku babasagin ko talaga mukha nun dapat,kaso mahal mo eh,kahit masakit tiniis ko. Grabe ka kasi,unang kita pa lang natin pinatibok mo na puso ko” mahabang litanya ni Crayon habang sinusuklay ng mga daliri nya ang buhok ko.

“Mahal na mahal kita Khalil. O sya,dami ko ng sinabi,goodnight” at naramdaman kong humalik ito sa noo ko. Gusto ko ng umiyak,bakit ganito sila sa akin?

“Gising pa ba sya?” boses iyon ni Jaii.

“Tulog na haha! Kinausap ko habang tulog,yon din gagawin mo no? Goodluck!” dinig kong sagot ni Crayon.

“Lul! Sige na,umalis ka na dyan!” kasunod nun ay ang pag sara ng pinto at yabag palapit sa akin.

“Beautiful and innocent as always,matulog ka ng mahimbing Khalil,alam kong napagod ka,goodnight, I love you.” kasunod nun ay halik sa noo at lumabas na sya. Ng masiguro kong tahimik na ang buong paligid ay umupo ako at sumandal sa headboard.

Mahal ako ni Crayon,mahal din ako ni Jaii? Pero si Flexter ang mahal ko. Pero bakit iba din ang kinikilos ni Cross? Gusto din nya ba ako? Aaahh! Ayoko ng umasa!

Kung ibang tao pa siguro ako eh sumaya na ako sa dami ng nagkakagusto sakin. Pero ako hindi,nalulungkot ako dahil hindi ko masusuklian iyon. Tanging si Flexter lang talaga,tanga na kung tanga,pero ganito talaga ata pag nagmamahal. Haaay! Bakit sa akin ito nangyayari?

Halos isang oras din akong tulala,hindi na ako dinalaw ng antok. Nagulat pa ako sa malakas na kidlat at kulog kaya napatalukbong ako sa kumot. Kasunod nun ay dinig ko na ang malakas na buhos ng ulan.

Natatakot ako sa kulog at kidlat,noon pag ganito,niyayakap ako ni Tatay o kaya ni Nanay. Habang nakatalukbong ay tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa bedside table,at nakita kong may text mula kay Flexter.

From: Flexter

Hindi ako aalis dito sa harap ng bahay nyo hangga’t hindi mo ako kinakausap Khalil :(

Napahawak ako sa dibdib ko,tumayo ako at tinungo ang bintana. Pagsilip ko ay nanginig ako. Nandun nga sya,nakasandal sa kotse nya at basang basa na sa ulan.

Anong ginagawa nya dito? Pagtingin ko sa oras ng phone,pasado ala una na. Hindi na ako nag isip dahan dahan akong lumabas ng kwarto at bumaba,ayokong makagawa ng ingay. Pagbukas ko pa lang ng gate ay sinalubong na ako ni Flexter ng yakap.

“Khalil! Mahal na mahal kita! Mag usap tayo,bumalik ka na sa akin,kailangan kita.”

Dinama ko muna ang yakap nya. Kahit malamig at malakas ang ulan ay mainit ang katawan nya.

“T-totoo ba yan?” tanong ko ng magkalas kami sa yakap. Pati ako ay basang basa na din.

“Oo! Mahal na mahal kita! Inis ako sa mga tulad mo,kaya nung una pa lang kitang nakita ay tinisod na kita,pero pagkatapos nun,hindi na kita nakalimutan kaya gumawa ako ng paraan para mapunta ka sa puder ko.” ang madamdaming sabi ni Flexter habang hawak ang dalawa kong kamay. Hindi ako nakapag salita sa mga sinabi nya,sya pala may gawa nun.

“Ayaw na kitang mawala sa paningin ko. Sumama ka ulit sa akin. Mahal kita Khalil”

“Hindi pwede. Ayaw ko ng masaktan.”

“Mahal mo ba ako?” agad nyang tanong. Hindi ulit ako nakapag salita. Kung sasabihin kong ‘OO’. Magiging okay kami,pero hindi ako liligaya,bakit? Dahil kahit gaano ko sya kamahal ay masisira ko sya,isa syang kilalang tao,at ayokong masira sya ng tuluyan dahil sa akin. Kahit pa gaano ko sya kamahal,kahit pa sabihin nya ng paulit ulit na mahal nya ako,hindi ako liligaya dahil madami kaming maaapakang tao. Ayokong manakit ng damdamin ng iba.

“Hindi na mahalaga kung mahal kita o hindi. Masaya akong malaman na mahal mo ako at pinagsigawan mo iyon sa buong bansa,thats enough,napasaya mo ako dun,pero ayoko ng may mga natatapakang tao.” ang umiiyak kong sabi. Mabuti na lamang at hindi ako humihikbi. Salamat sa malakas na ulan,dahil hindi nakikita ang paglandas ng mga masaganang luha mula sa aking mga mata.

“No! Dont say that! Ikaw lang ang mahalaga sa akin Khalil,wala na akong pakialam sa mga sasabihin nila. I can risk everything just to be with you.” ang sabi nya na namumula ang mga mata. Umiiyak sya,ganyan sya pag umiiyak sa Tv.

“Pasensya ka na,pero ayoko kong masira ka dahil sa akin,umuwi ka na Flexter,Please? Baka magkasakit ka pa.” ani ko at tumalikod na. Ganito pala kasakit ang pakawalan ang taong minamahal mo. Ganito pala ang pakiramdam,para akong unti-unting pinapatay,parang hinihiwa ang puso ko.

“No! I will never loose you again!” at naramdaman kong hinila ni Flexter ang braso ko. Sa isang iglap ay naglapat ang aming mga labi.

Natigilan ako. Para akong ipinaghehele sa halik nya. Ganito pala pag hinahalikan ka ng taong mahal mo at mahal ka din. Unang halik ko ito,hindi ko alam kung paano ako tutugon. Napakasarap sa pakiramdam. Punong puno ng pananabik at pagmamahal ang halik ni Flexter,hanggang sa namalayan ko na lang ang aking sarili na yumakap sa kanya at ginaya ang bawat galaw ng mga labi at dila nya. Mas hinapit pa nya ako para maidiin ang katawan ko sa kanya.

“Mahal na mahal kita Khalil. Ngayon lang ako nabaliw ng ganito.”

Sa gitna ng malakas na ulan at malamig na hangin ay nagkasundo ang aming mga puso. Nakalimutan ko bigla ang kanina’y pinaglalaban kong pagtutol. Napaungol ako ng sipsipin nya ang lower lip ko.

“Damn! I never thought na hahalik ako sa kapwa lalaki. But I never thouht also na ganito kasarap.” aniya ng maghiwalay ang aming mga labi,hinihila nya ako papunta sa kotse nya.

“T-teka Flexter! Hindi na mababago desisyon ko. Tama na to,pasensya ka na,nadala lang ako,umuwi ka na.” ang taranta kong sabi. Ngumisi lang sya at binuksan ang pinto ng kotse nya.

“I dont care Khalil. Buo na din ang desisyon ko. Tumugon ka sa halik ko,kaya akin ka na mula ngayon,now lets go home,tatatakan kita at papawiin natin ang lamig” at hinila nya ako papasok sa passengers seat. Pagpasok ay napatingin ako sa gate. At agad nanlaki ang mga mata ko.

Si Aya at Jaii!

Sasabihin ko na sana ito kay Flexter pagpasok nya pero agad nya akong sinunggaban ng halik. Nagiba na naman ang depensa ko. Madali nya akong natupok,at tumugon na lamang ako. Napamulat na lang ako ng pinaandar na nya ang kotse. Tanging paglingon lamang ang nagawa ko.

Aya,Jaii,Japhet,Crayon at Cross,patawarin nyo ako. Pero ngayon lang ito. Babalik ako,hayaan nyo lang muna akong maramdaman ang pagmamahal ni Flexter kahit saglit lang. Kahit sa huling pagkakataon lang.

Hindi ko alam kung paano agad kami nakarating ni Flexter sa kwarto nya. Basta ngayon,magkahinang na muli ang aming mga labi habang dahan dahan nyang tinatanggal ang aking mga saplot. Nanginig ako.

“H-hindi ko alam kung paano.” ang sabi ko.

“Sshhh youre shaking,ganyan talaga pag una,dont worry hindi ko din alam pano to gawin sa kapwa lalaki.” sagot nya ng matanggal ang kahuli hulihan kong saplot. Nahiya ako dahil matigas na din iyon. “Youre already hard. Ang cute pala.” at muli nya akong hinalikan sa labi,tapos sa tenga,bumaba sa leeg.

Para na akong mababaliw,hindi ko kinakaya ang sensasyong nararamdaman ko. Bago ito sa akin. Napasinghap pa ako ng tumigil sya. Yun pala naghubad na din sya. Napanganga ako,kahit ilang beses ko ng nakikita ang katawan nya ay ang lakas pa din ng dating sa akin. Bumaba ang tingin ko sa abs nya. Nakakabaliw na,kitang kita ang mga linya.

Hinawakan nya ang naghuhumindig nyang pagkalalaki at marahang minasahe kaya dun nabaling ang tingin ko. Sadyang napaka laki pala nito,ngayon ko lang ito nakita ng buo.

Hinalikan nya ulit ako,kinuha nya ang kanang kamay ko at pinahawak sa kanya. Nanginig naman ako ng hawakan nya ang akin.

“Ganito pala pakiramdam pag lalaki ang karomansahan mo,ngayon lang ako humawak ng ari ng ibang lalaki. Pero dahil mahal kita ay gagawin ko lahat.” paanas nyang bulong at nilaro ang akin habang gumapang ang labi nya sa aking dibdib. Halos mabaliw na ako. Kaya muli kong hinawakan ang kanya at nilaro na ito.

“Khalil.. Gawin mo na.”

“H-hindi ako marunong.” ang hinihingal kong sabi.

“Tuturuan kita.” aniya at humiga. Kahit kinakabahan ay hinawakan ko na ito. Napakalaki nga. Magkakasya ba ito sa bibig ko? Tiningnan ko si Flexter,tumango sya at ngumiti.

Dinilaan ko ang ulo paikot,pati ung butas,napaungol si Flexter kaya lalo akong ginanahan. Binuka ko ng maigi ang aking bibig at dahan dahan itong isinubo. Kalahati lang ang kinaya ng bibig ko.

“Ganyan nga mahal ko,subukan mong isagad at sipsipin.” aniya na agad kong sinunod. Sinipsip ko muna bago tuluyang isagad sa lalamunan ko pero halos masuka na ako,tumulo pa luha ko.

“Im sorry,kung hindi mo pa kaya,matulog na lang tayo.” aniya at hinila ako paangat saka ako hinalikan.

“Hindi! Kakayanin ko para sayo.” ani ko. Gusto kong may maiwan ako sa kanyang hindi nya makakalimutan.

“S-sige. Ikaw bahala.”

15. Sweet Escape!

Siniguro ko munang tulog na tulog na si Flexter bago ako bumangon at nagbihis. Kahit masakit ang aking katawan ay pinilit ko. Tumungo ako sa dati kong kwarto,kinuha ko lahat ng importante kong gamit at sinilid ko kasama ng mga damit sa dalawang bag na gamit ko din dati nung lumipat ako dito.

Muli kong binalikan si Flexter,mabigat at masakit sa kalooban ang gagawin ko,pero nakapag desisyon na ako,kung anong mga nangyari at meron sa amin ni Flexter ay tinatapos ko na. Uuwi na ako ng cebu bukas,mamaya ako bibili ng ticket. Yumuko ako at hinalikan sya sa noo.

“Flexter,salamat sa masayang gabi,pinaramdam mo sa akin ang kakaibang aspeto ng pag ibig,salamat sa mga panahong magkasama tayo,ang pagiging masungit at malambing mo,salamat sa pagmamahal. Mahal na mahal kita,sana maintindihan mo ako,patawad.”

Bitbit ang dalawa kong malaking bag ay marahan na akong lumabas ng kwarto. Maingat akong nakalabas. Wala ng ulan.

“Flexter? San ang punta? Aalis ka na dito?” ani ng guwardya.

“Oo,tapos na kontrata ko kay Sir eh. Sige,aalis na ako manong!” ani ko. Pinagbuksan ako nito ng maliit na gate,paglabas ko ay saktong may parating na taxi kaya pinara ko na ito. Mabuti at kahit ganitong oras ay may rumoronda pa ding taxi sa subdivision na ito.

Habang lulan ng taxi pauwi ay hindi ko mapigilang mapaluha,naaalala ko kasi yung mga panahon na magkasama kami ni Flexter,isang pangarap na natupad ngunit madali ding naglaho. Mabuti na yon kesa wala. At ginagawa ko ito para wala ng gulo,para hindi na mapasama ang lahat.

Ng makarating sa bahay ay nagulat pa ako dahil bukas ang ilaw sa ibaba at naka awang ang gate. Matapos kong magbayad sa taxi ay pumasok na ako. Nasa sala sina Aya at Japhet,mukhang nagka-kape,napalingon sila sa akin ng maisara ko ang pinto.

“Akala namin sumama ka na kay Flexter.” ani Japhet ng makita ako. Tumayo sya at niyakap ako saglit. “Huwag mo ng uulitin yon,pinag alala mo kami.”

Ngumiti ako at umupo na din,tinitingnan lang naman ako ni Aya. “Nagpaalamanan lang kami at kinuha ko mga damit at gamit ko.”

“Sigurado ka na ba dyan? Alam naming mahal mo si Flexter.” ani Aya saka humigop ng kape.

“Kape mo,para hindi ka antukin sa byahe.” ani Japhet sabay lapag ng kape para sa akin sa lamesita.

Byahe? Anong ibig nyang sabihin?

“Ito naman talaga ang tama diba? Teka nga,bakit gising pa kayong dalawa?” ani ko at humigop ng kaunting kape.

“Tinulungan namin si Cross mag impake,since nakuha mo na mga gamit at damit mo,hindi mo na kailangan mag impake.“sagot ni Japhet at kapwa sila tumahimik.

“T-teka nga? Impake? Bakit?”

“Aalis na tayo dito. Yon ang inasikaso ko kagabi,ang pagkuha ng ticket nating dalawa.” boses iyon ni Cross. Nilingon ko sya pababa sya sa hagdan at may dala ding dalawang malaking bag. “Magbihis ka na,alam kong naulanan ka kanina.” dagdag nito.

Nagtataka at nakanganga akong napabaling ng tingin kina Aya at Japhet na nakatingin din sa akin. “Tara,magbihis ka na.”

Kinuha ni Cross ang isang bag at hinila ako papuntang banyo,pumasok kaming dalawa. Lumapit sya sa akin at hinuhubad na ang damit ko. “T-teka Cross,anong ibig sabihin nito? San tayo pupunta? Ay! Ako na magbibihis sa sarili ko! Labas na!” sabi ko ng pumasok na lahat sa utak ko.

“Tatalikod na lang ako. Magbihis ka na. At para sagutin ang katanungan mo,ilalayo na kita dito. Aalis tayong dalawa,ibabalik na kita sa Cebu.” aniya saka tumalikod. Napanganga na naman ako. Kaming dalawa? Uuwi sa Cebu? Baka itakin ako ni Tatay?! “Magbihis ka na o ako maghuhubad sayo? Matagal na akong nagtitimpi Khalil.”

“Ha? Sige! Saglit.” kinalkal ko agad sa bag kung ano mang damit at short na makuha ko at dali daling nagbihis. “Tapos na.”

Humarap sya sa akin. Tinitigan ako saka ngumiti. Biglang naghurimintado ang puso ko dahil sa ngiting iyon. “Sayang! Wala akong nasilip.” nakangisi nyang sabi at kinuha ang bag ko at naunang lumabas.

“Ha?”

“Mag a-alas tres na pala,kailangan 3hours before bumiyahe ang barko ay nasa pier na kami. Aya,Japhet ihatid nyo kami sa Pier,alas sais ang alis ng barko.” ani Cross ng maabutan ko sila sa sala.

“Sige,tara na.” si Japhet ang bumuhat ng dalawa kong bag. Ginamit namin ang kotse ni Crayon. Gusto ko tuloy magtanong kung alam ba ito ni Crayon at Jai?

Si Aya ang nagda-drive,sa front seat si Japhet,sa backseat kami ni Cross.

“Inaantok ka ba? Matulog ka muna.” bulong ni Cross,tumango ako at sumandal. Pero laking gulat ko ng akbayan nya ako at hilahin palapit sa kanya. “Dito ka umunan sa lap ko.” dagdag nya.

Ihiniga nya ako at sa lap nga nya ako nag unan. Ninerbyos ako dahil sa harap ng ari nya mismo hinarap ang mukha ko. Hindi ko tuloy maiwasang titigan yung bumubukol,palaki ng palaki. Kayasa! Katatapos ko lang sa ganyan kanina kay Flexter eh! Huwag ngayon! Pero malawak ang utak ko at naimagine ko ang itsura ng kay Cross. Linsyak! Atay!

Sinuklay suklay ni Cross ng daliri nya ang buhok ko kaya nakalma ako. Ang sarap sa pakiramdam,pero ang puso ko nagririgodon pa din. Bakit kaya ganon? Posible ba yon? Na dalawang tao ang nagpapalakas at nagpapabilis ng tibok ng puso ko?

“Nandito na tayo. Hindi kami pwedeng magtagal,may pasok pa kami mamaya.” ani Aya. Bakit parang ang bilis naman?

Lumabas na kami,ako na din nagbitbit ng dalawa kong bag,ganun din si Cross.

“Salamat mga pre sa tulong ah? Hindi ko maisakatuparan to kung walang tulong nyo. Pakisabi na lang kay Crayon at Jai na naka alis na kami ni Khalil.” pagpapasalamat ni Cross.

“That was nothing,magkakapatid na tayo,kaya dapat mahalin natin ang isa’t isa at magtulungan.” nakangiting sabi ni Aya. Napanganga na naman ako. Nakakatuwa na magsabi sya ng ganun,eh napaka tahimik at suplado nya. “Mag iingat kayo dun. Ikaw Khalil,magtext ka lang pag pinabayaan ka ni Cross,mahal kita,ingatan mo sarili mo” dagdag nito at niyakap ako.

“Ano yon? Bakit sinabi mo pang mahal mo sya? Kala ko ba sikreto yan?” ani Cross na ikinangisi ni Aya. Ang gwapo din talaga ni Aya,sana magka girlfriend na sya.

“Salamat din Aya sa lahat lahat mula umpisa.” sagot ko,nagulat pa ako at hinalikan ako ng mabilisan sa labi saka pumasok sa kotse na nakangisi.

“Hoy Aya! Bakit mo hinalikan?” at kinatok talaga ni Cross ang salamin ng kotse.

“So paano Khalil. Hanggang sa muling pagkikita?” napabaling ako kay Japhet. Bumigat ang dibdib ko,tumulo na ang luha ko,agad ko syang niyakap ng mahigpit. Naramdaman kong gumanti sya ng yakap.

“Maraming maraming salamat Japhet,dahil sayo nakilala ko sila. Ikaw ang dahilan bakit ako nandito,ikaw ang una kong nakilala,salamat talaga,mami-miss kita.” umiiyak kong sabi.

“Wala yon,basta tandaan mo,kung may mangyayaring panget,itext mo lang ako,kahit gano kalayo ang Cebu,pupuntahan kita. Mahal kita mula umpisa pa lang,kaso mahal ko din ang girlfriend ko,tulad ni Aya,Crayon at Jai hindi na ako lumaban dahil may mahal kang iba at may mas karapat dapat para sayo,huwag ka ng umiyak,mag ingat ka dun,huwag kang lalayo kay Cross.” mahabang sabi ni Japhet at hinalikan din ako ng mabilisan sa labi. “Paalam Khalil.”

“Ehem..”

“O sige, una na kami ni Aya.” kumalas kami sa yakap,lumapit si Japhet kay Cross at nag manly hug sila at nagbulungan. “Kami na bahala kina Crayon at Jai pag nagwala,ingat at paalam Khalil,Cross tol!.” at pumasok na din ito sa kotse at humarurot paalis.

Nginitian ako ni Cross at naglakad na kami papasok sa waiting area. Ewan,kahit malungkot ako na aalis kami at may naiwang mahahalagang tao dito ay nakaramdam din ako ng excitement. Makakabalik na ako sa Cebu. Makakapiling ko na ulit ang pamilya ko. Pero ang problema,paano ko ipapakilala si Cross? Bahala na nga.

Madami na ding tao sa waiting area. Nakahanap kami ng magandang pwesto ni Cross matapos macheck ang ticket namin. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na kaya pala sya nawala kagabi,at kaya pala ganon ang sinabi nya nung akala nya tulog ako eh kumuha pala sya ng ticket,pero bakit kaya hindi na lang eroplano? Mamaya ko nga tatanungin.

“Nagugutom ka ba?”

“Hindi. Inaantok lang ulit.” sagot ko naman habang inilalagay sa bakanteng upuan ang bag ko,gagawin kong unan.

“Dito ka sa lap ko mag unan,mapipipi mo mga damit mo.” aniya sabay hila sa akin. Wala na akong nagawa. Pumikit ako at inalala ang mga nangyari ngayong araw. Nakakapagod pala talaga. Masakit pa katawan ko dahil sa pagtatalik namin ni Flexter,mahapdi pa din ang butas ko,pero kailangan huwag ako magpahalata,grabe,ganon pala si Flexter,at ganon pala pag nagtatalik. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko iyon. Pero sana maintindihan at mapatawad ako ni Flexter.

Umayos ako ng higa. Nasanggi ko ang harap ni Cross na matigas na naman pala,hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinarap ko ang mukha ko dun at isiniksik,idiniin ko ang mukha ko dun. Napakislot at napasinghap pa si Cross. Hanggang sa makatulog na ulit ako.

Nagising na lang ako sa mahihinang tapik at halik sa labi ko,kaya agad akong nagmulat ng mga mata.

“Alas sais na,aakyat na tayo sa barko at aalis na,dun na din tayo magbreakfast,tara.” aniyang nakangiti kaya napangiti na din ako. Nakipila na kami. Nagulat pa ako dahil hindi pala kami sa Economy gaya ng iba. Iginiya kami ng isang crew sa isang Cabin na nagpamangha sa akin.

“Dito tayo.” nakangiting sabi ni Cross ng maka alis ang crew,mas gwapo pala sya sa umaga. “Ayoko makisiksik sa Economy at para makatulog ka din ng maayos.” dagdag nya.

“Ikaw talaga,ako nga Economy lang dati at Superferry 2 lang,ikaw Superferry 12 pa talaga,at Cabin pa.” ani ko at inayos ang mga bag namin.

“Para madami tayong mapapasyalan at magagawa dito. Ngayon lang ako nakasakay ng barko at gusto kong mag enjoy.” aniya habang sinisipat ang ang banyo. “Okay ang banyo,malinis,pwedeng pwede.” nakangisi nyang sabi. Ewan ko ba,mula ng ma expose ako sa mga berde,madali na akong makaisip ng berde.

“Oh bakit namumula ka dyan? Tara magbreakfast muna,ayokong nagugutom ka,may papakain sana ako sayo pero sa ibang pagkakataon na lang.” sabi pa nyang nakangisi saka kumindat.

“Bastos ka!” namumula kong sabi. Siguro naisip nyang gusto ko din kasi siniksik ko ang mukha ko kanina dun sa ano nya. Kainis!

“Hahahaha! Walang bastos dun,green minded at sadyang gutom ka lang. Tara na nga.” aniya at hinila na ako palabas ng Cabin. Naglalakad na kami papunta sa restaurant ng barko ng bumusina na,ibig sabihin aalis na ang barko.

“Ano yon?” tanong ni Cross ng saktong makapasok kami sa restaurant.

“Ibig sabihin nun,lalarga na ang barko.” sagot ko. Pumunta na kami sa counter at pumili na ng mga pagkain. Hindi pa ito kasama dun sa libre ayon sa ticket,kaya binayaran pa ni Cross. Pagkaupo namin ay naramdaman kong umandar na ang barko.

“Nakaka excite pala ang ganito,ngayon lang kasi talaga ako nakasakay ng barko.” nakangiting sabi ni Cross at nagsimula ng kumain.

“Sinabi mo pa,ganyan din ako nung una.” sagot ko ng biglang mag ring ang phone ko. Tiningnan ko kung sino,si Flexter pala,napabuntong hininga ako,pinabayaan ko itong mag ring hanggang matapos saka ko pinatay.

“Sino yon?”

“Si Flexter.”

“Ah.. Kain na uy,dali.” nakangiti nyang sabi. Nagkekwentuhan kami habang kumakain ng maisipan kong itanong yung iniisip ko kanina sa waiting area.

“Uhm Cross,bakit barko? Diba sa eroplano ka sanay?”

Tumigil sya sa pagkain saka ako sinagot.

“Dahil gusto kitang makasama ng mas matagal sa isang byahe,sa isang paglalakbay na ngayon ko lang mararanasan,gusto kong kasama kita sa lahat ng first time ko.”

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabi nya,kaya sinundutan ko pa ng isa pang tanong.

“Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito? Bakit ako?” hindi ako sigurado kung narinig nya iyon,pakiramdam ko kasi mahina ang pagkakasabi ko nun at nabibingi din kasi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

“Isn’t it obvious Khalil? Ginagawa ko itong lahat para sayo,ginagawa ko ito dahil gusto ko. Ginagawa ko ito dahil mahal kita. Mahal na mahal.”

16. Cant fight this feeling.

“Nabigla ba kita? Hindi mo naman kailangang sumagot ngayon,pabayaan mo lang akong ipakita at iparamdam ito sayo. Yon ay kung ayos lang sayo.” ani Cross. Natulala ako sa nadinig kong. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito? Sina Aya,Japhet,Jai,Crayon at Flexter mahal din nila ako. Bakit ako? Kung ibang bading siguro matutuwa,pero ako,hindi. Hindi naman sa hindi ako natutuwa na mahal nila ako,sadyang sa tingin ko lang ay hindi naman dapat ako paglaanan ng pagmamahal na ganon.

“M-mahal mo ako?”

“Oo,mahal kita. Pinigilan ko pero wala eh,pag pinipigilan,lalong nagwawala. Tulad ng sabi ko,ayos lang kahit huwag ka munang sumagot,alam ko namang si Flexter ang mahal mo. Just let me love you.” nakangiti nyang sabi. Hindi ko tuloy mapigilang inumin yung kape kahit mainit pa. Nasamid tuloy ako. “Easy lang Khalil. Tapusin mo na ang pagkain at maglibot tayo dito sa barko.”

kaya ayon nga,tinapos ko na ang pagkain,pinagmamasdan nya lang ako,ang bilis nya kasing natapos kumain eh. Napapangiti na lang din ako. Hindi ko alam,pero kinikilig ako.

Maya’t maya ang tingin nya sa phone nya kaya nagtanong na ako. “May problema ba?”

“Wala naman. Si Crayon at Jai tinatadtad ako ng text at miss call.” nakangiti nyang sagot.

“Ikaw kase eh. Tinakas mo ako ng hindi nila alam.”

“Mas mabuti na yon,pag nalaman pa nila,matatagalan pa tayo sa paalamanan,baka hindi tayo naka abot sa byahe. Tara na at maglibot.” aniya at tumayo,kinuha ang kamay ko at pinag hugpong. Parang may bolta boltaheng maliliit na kuryente ang gumapang sa akin mula sa kanya.

Naglibot libot kami sa barko,pati yung sa Economy tiningnan namin,pati yung arcade at kung anu-ano pang makikita sa barko. Panay naman ang kuha nya ng litrato sa aming dalawa kaya hindi na din maalis ang pagkaka ngiti ko. Napag desisyunan naming umakyat sa rooftop. Ang dami na ding tambay,mga taong may kanya kanyang rason kung bakit nilisan ang maynila at pinili na pumunta sa Cebu.

“Ang sarap ng hangin.” aniya at tumukod sa barandilya. Tiningnan namin ang asul na dagat. Medyo patirik na ang araw,nakakaramdam na ako ng antok dahil sa malakas na hangin.

“Oo nga,nakaka antok.” sagot ko. Maya maya ay nag unat sya,hinapit ako at inakbayan at ihinilig sa balikat nya.

“fifteen minutes na lang. Tapos balik na tayo sa cabin natin para tuloy-tuloy na ang tulog mo.” pabulong nyang sabi. Hindi na ako sumagot. Tiningnan ko na lang ang asul na dagat. Napaka payapa. Ang ganda ng panahon para sa byaheng ito.

Pagkalipas nga ng labinlimang minuto ay bumaba na kami sa cabin namin.

Nauna na akong humiga dahil antok na talaga ako. Maya maya naramdaman kong may tumabi sa akin. Si Cross pala! Magrereklamo na sana ako dahil may isa pa namang higaan ng tumunog ang cellphone ko. Bumangon ako pero niyakap ako ni Cross kaya napahiga ulit ako.

“Kausapin mo yan ng nakahiga ka,para pagkatapos,matutulog ka na lang.” aniya na hindi natitinag sa pagkakahiga,kaya ang ginawa ko na lang,kahit nakahiga ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa at sinagot ito. Si Nang Alicia pala.

“Nang Alicia? Buti po napatawag kayo? Tatawagan ko sana kayo kanina.” ani ko ng sagutin ito.

“Tumawag kasi sa akin si Japhet,umalis ka daw at luluwas dito ng walang pasabi.” anito. Nanlaki mata ko ng hapitin pa ako ni Cross. Ang init ng singaw ng katawan nya,ang sarap sa pakiramdam.

“Oo nga po eh. Gusto ko sana tawagan sina Nanay,kaso naisip ko na sorpresahin sila,huwag po kayong maingay ah?”

“Naku Khalil. Yun din ang isa sa itinawag ko. Wala na sila sa puder namin,nasa Cebu City na mismo sila,sa may Tejero. Hay nako,puntahan mo din ako dito,madami kang ikekwento tungkol dun sa Flexter.” sabi pa ni Nang Alicia at humagikgik. Kinabahan tuloy ako,napanood din kaya iyon nina Nanay at Tatay?

“Ganon po ba? Itext nyo sa akin ang buong address,nga po pala,bakit sila lumipat?” pagkuway tanong ko. Medyo napapangiti ako dahil yung hininga ni Cross tumatama sa leeg ko,niyakap nya kasi ako mula sa likod,tapos nararamdaman ko pa yung pagkalalaki nya sa likod ko sa sobrang higpit ng yakap nya,para tuloy kaming magkasintahan.

“Nako,himalang ang bilis gumaling ng Tatay mo,may trabaho na sila ngayon ng Nanay mo,ang tatay mo ay Mekaniko sa isang malaki at magandang talyer sa Colon,ang Nanay mo naman ay taga luto sa isang karendirya,at ang mga kapatid mo naman mas naging maganda ang pag aaral. Basta ah? Dumaan ka dito minsan sa Calamboa,ikwento mo sa akin si Flexter.” napalunok ako. Kamusta na kaya si Flexter? Miss ko na sya,yung yakap,halik at nangyari sa amin namimiss ko na. Hinahanap nya kaya ako tulad nina Crayon at Jai?.

“Sige po Nang Alicia,maraming maraming salamat po. Yung address po ah?”

“Sige anak,mag iingat ka. Bye.” at naputol na ang linya. Tiningnan ko muli ang phone,puro missed call din mula kay Flexter,Crayon at Jai, tadtad din ako ng messages kaya binuksan at binasa ko.

From : Crayon Kulit :3

Takte! Bakit kayo umalis? Susunod ako dyan! Hindi makatarungan ang ginawa ni Cross.

From : Jai

What happened? May nagawa ba kami? Gagong Cross yan ah? Nasan na kayo?

From : Flexter

Why did you do this? Akala ko ba mahal mo din ako? Hindi ako papayag na basta mo na lang ako iiwanan. Pagkatapos ko mag sakripisyo? Hahanapin kita. Kung nasan ka man ngayon,mag ingat ka ah? Mahal na mahal kita Khalil.

Napa buntong hininga na lang ako,sakto dumating yung text ni Nang Alicia,yung address. Pinatay ko ang phone ko at nilagay to sa ilalim ng unan. Pumikit na ako. Sobrang antok ko na talaga.

“Mahal na mahal kita Khalil.” sabi ni Cross na ikinagulat ko. Tulog ba talaga ang isang to? O nagsasalita talaga sya ng tulog?

Pumikit na ako dahil hindi ko na kaya ang antok. Panigurado,gabi na ang gising ko.

Nagising ako sa pakiramdam na parang may humahalik sa leeg ko kaya nagmulat ako ng mga mata. Ang nakangiting si Cross ang nabungaran ko.

“Cross! A-anong oras na?”

“Gabi na,maligo ka na para makapag dinner na tayo.” aniya. Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko kaya amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga,ang ginamit nyang shampoo at sabong pangligo. Nakakalango,parang gusto ko syang halikan. “Bangon na.”

Bumangon na ako at kinuha ang bag ko,kumuha ako ng damit at tuwalya.

“May tira pa akong shampoo at sabon. Yun ang gamitin mo.”

“Salamat!” ani ko at pumasok na sa banyo. Tamang tama,nanlalagkit na din ako,kailangan ko na talagang maligo.

Tapos na kaming kumain ng may magsalita sa Mic. Lahat ng tao sa restaurant ay napatingin sa harapan.

“Magkaka roon po tayo ng kasiyahan. Mag vi-videoke tayo,pwede din po uminom,sa may counter kayo bumili. At para sa mga gustong kumanta,maaari po lamang na lumapit at magpalista dito sa akin. Salamat.” nakangiting sabi ng isang crew. Gusto ko sanang kumanta,pero ang kanta hindi ako gusto.

Madaming pumila,doon nakatutok ang paningin ko kaya hindi ko napansin na tumayo si Cross at pumila. Nagulat na lang ako na sya na ang nagpapalista.

Kumakanta pala sya? Marunong pala syang kumanta?

“Kakanta ka?” tanong ko ng bumalik sya sa mesa namin.

“Just watch and listen.” nakangiti nyang sabi. Kaya pinanood na lang namin yung mga naunang kumanta.

“Dun sa mga naunang kumanta,mga teh,koya,yung totoo? Naka ilang case na kayo ng redhorse? Ay teka,kakaiba yung pangalan ng susunod na kakanta,baka kakaiba din sya.” ani ng crew na tumingin sa papel. “Ang next na magwawala,Cross Zaavedra! Palakpakan mga igan! Hoy kuyang sound system, number 10882, Cant fight this feeling ang kakantahin ni Cross.”

Tumayo si Cross at naglakad papunta sa harap.

“Parang ayoko ng maging lalaki,type ko si Cross! Kakaiba nga!” ani pa nito,nagtawanan kami,may iba pa nagbubulungan. Ang gwapo naman kasi ni Cross,hindi pwedeng hindi mo sya lilingunin at tititigan,maganda ang tindig,parang si Robin Padilla lang kung tumayo. “Any message Cross? Para kanino ang kanta?”

“Ang kantang ito ay para sa pinakamamahal kong lalaki, si Khalil Pantoja. Khalil,para sayo to.” sagot ni Cross at kumindat sa akin. Napanganga yung crew,nagkaroon ng bulung-bulungan,hindi siguro sila makapaniwalang lalaki ang mahal ni Cross. Nahihiya ako,alam kong namumula na ako.

“Wait kuya Cross! Pasensya na ah? Pero lalaki ang mahal mo? At yung Khalil Pantoja na iyon ay yung sinabi ni Flexter Tuazon na mahal din nya? Pasensya na,maka showbiz ako eh.”

“Oo,sya nga,ayon sya oh.” sabay turo sa akin. Lahat tuloy sa akin lumingon. May mga nadidinig akong maganda at panget na kumento. Baliw ka Cross! Huwag mo ako pahiyain!

“Ah,sya nga,kanina ko pa din sya tinitingnan eh. Well,huwag na tayo makialam madlang pipol,hintayin na lang natin ang balita sa Da Buzz! Once again,ladies and gentlemens,Cross!” at nagpalakpakan na ang mga tao,dun lang ako parang nakahinga ng maluwag.

Nagsimula ng kumanta si Cross at hindi ko maiwasang humanga lalo.

~ I can’t fight this feeling any

longer.

And yet I’m still afraid to

let it flow.

What started out as

friendship, Has grown stronger.

I only wish I had the

strength to let it show. ~

Sakin sya nakatingin habang kumakanta. Para akong hinihigop ng mga mata nya. Pakiramdam ko kaming dalawa lamang ang tao ngayon

~ I tell myself that I can’t

hold out forever.

I said there is no reason for my fear.

Cause I feel so secure when

we’re together.

You give my life direction,

You make everything so clear. ~

Naglakad sya palapit sa akin,nagsigawan ang mga tao,may mga sumisipol at pumapadyak pa,natakot tuloy ako na baka lumubog ang barko sa malalakas nilang pag padyak.

~ And even as I wander, I’m keeping you in sight.

You’re a candle in the window,

On a cold, dark winter’s

night.

And I’m getting closer than

I ever thought I might. ~

Hinawakan nya ang mga kamay ko. Itinayo nya ako,para naman akong papel na nagpatangay,dinala nya ako sa gitna,hindi natigil ang titigan namin.

~And I can’t fight this

feeling anymore.

I’ve forgotten what I

started fighting for.

It’s time to bring this ship

into the shore, And throw away the oars,

forever.

Cause I can’t fight this

feeling anymore.

I’ve forgotten what I

started fighting for. And if I have to crawl upon

the floor,

Come crushing through your

door,

Baby, I can’t fight this

feeling anymore. ~

Tumatagos sa akin ang kanta nya. Damang dama ko. Parang may kung ano sa dibdib ko ang nagsisimulang umusbong,walang tigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

~ And even as I wander,

I’m keeping you in sight.

You’re a candle in the wind, On a cold, dark winter’s

night.

And I’m getting closer than

I ever thought I might.

And I can’t fight this

feeling anymore. I’ve forgotten what I

started fighting for.

It’s time to bring this ship

into the shore,

And throw away the oars,

forever. Cause I can’t fight this

feeling anymore.

I’ve forgotten what I

started fighting for.

And if I have to crawl upon

the floor, Come crushing through your

door,

Baby, I can’t fight this

feeling anymore. ~

At ng matapos ang kanta ay kinintalan nya ako ng mabilisang halik sa labi. Iyon ang kauna unahang pagkakataon na hinalikan nya ako sa labi. Kakaiba,para akong namajicaj dahil doon.

At ng gabing iyon ay gumulo lalo ang isip ko pero ipinag sa walang bahala ko na lamang. Hindi na kami tinantanan ng mga tao,pinagtabi tabi ang mga mesa at upuan habang nag iinuman. Kami ang sentro nila. Game namang sinasagot ni Cross ang mga tanong.

Ng mapagod kami at makaramdam ng konting tama ng alak ay nagpasya kami ni Cross. Nagising na lang kami sa busina ng barko. Ibig sabihin,dumaong na ang barko.

Naghilamos at sipilyo lamang kami ni Cross at lumabas na para pumila bitbit ang aming mga bag.

Pagkababa pa lang sa barko ay napangiti ako. Sa wakas! Nakabalik na ako sa pinakamamahal kong Cebu. Nakakatuwa na nakakarinig na ulit ako ng mga bisaya.

“San tayo?” tanong ni Cross na palinga linga sa paligid. Hindi ko pa din makalimutan yung ginawa nya kagabi. Ngayon ko lang ata na absorb.

“Malapit lang dito. Tara dun at mag taxi.” sagot ko. Naglakad kami palabas ng pier dos. Madami ng naka abang na taxi kaya agad naming kinontrata yung una naming nakita.

“Asa man ta?” (San tayo?) ani ng Driver.

“Dapit lang Noy,sa Tejero Elementary school.” sagot ko at lumarga na kami.

“Okay pala dito,halatang walang polusyon. Igala mo ako bukas.” nakangiting sabi ni Cross at umakbay.

“Okay talaga dito,lalo na dun sa Calamboa,sa bukid. Sige,gala tayo bukas kasama ang pamilya ko.” nakangiti ko ding sagot.

Ilang saglit pa nandito na kami sa tapat ng Tejero elementary school. Tiningnan ko ulit sa phone ko ang address at saka ako nagtanong tanong. Dun pala kami dadaan sa gilid ng tulay,malapit na din sa T.Padilla. Nang nasa tapat na kami ng bahay ay excited akong kumatok.

“Dong? Khalil?” ang gulat na sabi ni Nanay at niyakap ako.

“Day? Naay tau?” boses ni Tatay. “Khalil! Palangga!” ani tatay ng makita ako. Niyakap din nya ako. Napaiyak ako,ang saya ko at ayos na si Tatay,namiss ko sila ng sobra.

“Kamusta na po kayo? Sya nga pala po, Kaibigan ko,isinama ko dito,si Cross.” pagkuway sabi ko.

“Magandang tanghali po,ako si Cross ang manliligaw ng anak nyo.” nakangiting sabi ni Cross at nag bless kay Nanay at Tatay,napanganga kaming tatlo. Kaya para mawala ang pagkabigla nila ay nagsalita na ako.

“Sina Buboy at Caloy po?”

“Nasa Tejero pa. Pumasok na kayo at mananghalian.” sagot ni Tatay kaya pumasok na kami. Dumiretso kami sa kusina. Namangha ako,maayos ang bahay at malinis. Dumalo na kami sa hapag.

“Mabuti at isinama mo dito ang manliligaw mo?” ani Tatay at bumaling kay Cross “ San kayo nagkakilala dong?“

“Kasama ko po sya sa bahay at trabaho Tay.” nakangiting sagot ni Cross.

Tay? Kelan ko pa sya naging kapatid?

“Akala ko Khalil si Flexter na artista ang uyab nimo? (uyab=kasintahan) napanood namin yon sa Tv. Pero gwapo din at mabait itong si Cross.” dagdag ni Nanay. Napipi ako. Akala ko hindi nila matatanggap kung magkaron ako ng kasintahan kung sakali. Tanggap na tanggap pala.

“Uhm,Nay,Tay naman eh.” ani ko ng may kumatok.

“May bisita ulit.” sabi ni Nanay sabay tayo. Tumayo na din ako para samahan sya. Pagbukas ng pinto ay nalaglag ang panga ko sa lupa.

“Fle-Flexter? Ke-Crayon? Anong ginagawa nyo dito?.”

17. Labad sa ulo!

“F-flexter? Crayon?” natulala ako. Anong ginagawa ng dalawang ito dito?

“Hala anak! Yung artistang may gusto sayo!” bulalas ni Nanay,at sa isang iglap nasa tabi ko na din si Cross at Tatay.

“Magandang tanghali po! Khalil Hindi nyo ba kami papasukin?” nakangiting sabi ni Crayon na naka backpack pa.

“Nice move Cross.” ani Flexter.

“Pumasok kayo mga ijo!” paanyaya ni Tatay. Nakatulala pa din ako. Panong? Dyosko!

“Waaahh! Umaygad! Dai! Ari ka diri! Si Flixter na-a diri sa atong bag-ong silingan!” (punta ka dito dai! Nandito si Flexter sa bago nating kapitbahay.) sigaw ng isang babae. Biglang dumami ang tao. Nataranta ako at hinila sina Flexter at Crayon papasok saka ko sinara ang pinto.

“Dong,ikaw muna bahala dyan,dagdagan lang namin ang hapag.” ani Nanay at pumunta na sila ni Tatay sa may komedor.

“Anong ibig sabihin nito Crayon?” bakas ang pagkairita kay Cross pero na kay Flexter ang atensyon ko,naghuhurumintado ang puso ko,ang saya ko at nakita ko sya ulit. Nginitian nya ako saka kinindatan.

“Gusto ko lang kayong makasamang dalawa ni Khalil,kinulit ko si Japhet sa address,at ewan ko sa bakulaw na to kung bakit kasabay ko sa eroplano.” nakasimangot na sagot ni Crayon at inginuso si Flexter.

“I have my ways,hindi ako papayag na maka isa kayong magkakaibigan sa pag aari ko.” matapang na sagot ni Flexter.

“Matapang ka din talaga ano? Tingnan natin.” sagot ni Cross,nagtitigan sila ng masama ni Flexter,naalarma ako.

“Teka! Teka! Huwag dito,utang na loob! Pakiusap,pag nandito sa loob ng bahay wala sanang gulo.” sabi ko at pumagitna sa kanila.

“Khalil! Ari na diri! Maniudto na ta!” (punta na dito,mananghalian na tayo.) ang tawag ni Tatay.

“Tara na at kumain.” pag aya ko na lang,tutal tumahimik na silang tatlo. Ang bilis ng mga pangyayari. “Nay,Tay, si Crayon kasama namin ni Cross sa trabaho at bahay,at si Flexter po yung nag–”

“Manliligaw nya po.” putol ni Flexter sakin. Nag init ang mga pisngi ko,panigurado namumula na ako.

“Tss.” si Cross.

“Jerk.” si Crayon.

“Ah ganon ba? Madami pala nagkakagusto sa anak ko,maupo na kayo at kumain.” nakangiting sabi ni Tatay,naupo na yung tatlo.

“Hindi ko kayo masisisi,ke gwapa man ng among anak,at pumuti pa,bagay pala sa kanya mahabang buhok.” ani naman ni Nanay. Nakakapag taka na parang ang bilis nilang matanggap ang mga bagay bagay? Anong nangyari nung mga panahong wala ako?

“Tama po kayo dyan! Kaya love namin syang lahat ng mga kasama namin sa bahay.” ang nakangiting pag sang ayon ni Crayon.

“Nako! Nakakatuwa kayo. Uhm ijo.” ani Nanay at bumaling kay Flexter. “Hindi ba ito makakasama sa iyo at sa anak ko? Napanood namin kasi lahat sa Tv,nangangamba kami ng Tito nyo na madaming magalit kay Khalil.”

“Hindi po tita,akong bahala,titigil na po ako sa pag aartista kung si Khalil naman ang magiging kapalit.” sagot ni Flexter. Parang gusto sumabog ng dibdib ko. Totoo kaya iyon? Gagawin nya talaga yon para sa akin?

“Mabuti at naka sunod kayo,akala namin asawa na ni Khalil si Cross,may humabol pa pala.” ani Tatay at tumawa.

“Malapit ko na po syang maging asawa.” seryosong sagot ni Cross. Ano ba yan! Dumagundung na naman ang dibdib ko.

“O sya,saka na natin pag usapan yan,kumain na tayo,para makapag pahinga kayo,at bukas pwede kayong mamasyal kung gusto nyo.” pagsingit ni Nanay sa usapan. Tahimik lang ako,hindi ko pa din alam ang iisipin ko at magiging reaksyon ko. Sina Nanay at Tatay ay panay kausap naman sa tatlo. At para bang tuwang tuwa sila sa mga ito.

Matapos mananghalian ay dinala kami ni Nanay sa isang kwarto,dun daw sina Crayon,Cross at Flexter,at ako dun sa kwarto nila kasama ang dalawa kong kapatid. Pagod pa din ako at hinayaan ko na silang tatlo dun sa kwarto at dun ako sa sala nagpahinga,humiga ako sa sofa. Napapangiti ako dahil hindi napunta sa wala ang pagod ko at pagod ng mga magulang ko,ngayon ay may sarili na kaming bahay,ang sarap lang sa pakiramdam.

Nakadilat lang ako habang nakahiga,naiisip ko yung mga nangyari mula nung isang araw hanggang ngayon. Pinuntahan ako ni Flexter sa bahay at dinala sa kanila,may nangyari samin pero iniwan ko sya,pag uwi ko nalaman kong aalis kami ni Cross at dito sa Cebu pupunta,tapos ang dami nyang paglalambing sa barko,inamin nyang mahal nya ako,tapos ngayon sumunod si Flexter at Crayon. Ugh! Ka-sakit sa utok!

“Kuya Khalil!!” napabalikwas ako sa pagkakahiga ng madinig ang boses ng dalawa kong kapatid. Sinundo sila ni Nanay at si Tatay ay pumasok na sa trabaho.

“Buboy! Caloy!” agad akong tumayo at tinakbo ang pinto. Niyakap ko silang dalawa at pinaghahalikan. Hindi ko maiwasang maiyak. Miss na miss ko na sila. “Miss na miss na kayo ni Kuya. Lagi ko kayong iniisip.”

“I love you kuya.” ani Buboy at hinalikan ako sa pisngi. “namiss ka din namin.”

“Huwag ka ng aalis kuya ah? Iiyak ulit kami at malulungkot. Mahal na mahal ka namin, diba Kuya Buboy at Nanay?” sabi naman ni Caloy. Lalo akong naiyak. Ngayon ko lang narealize na sobra na ang pagka miss ko sa kanila.

“Mahal na mahal ko din kayo. Ang gagwapo nyo sa uniform nyo ah? Nag aaral ba kayong mabuti?” ani ko at kumalas sa yakap nila at pinunas ang mga luha ko.

“Opo kuya!” ang nakangiti at sabay nilang sabi.

“O sya,Buboy,Caloy magbihis na kayo at magpapahinga muna si kuya Khalil nyo ah? Gawin nyo muna assignments nyo.” ani nanay at tumakbo ang dalawa sa kwarto. Bumaling si Nanay sa akin. “Pupunta muna ako sa trabaho anak,ikaw muna bahala dito. Isara mong maigi ang mga bintana at pinto,maya’t maya may mga sumisilip,kumalat na kasi na nandito si Flexter.”

“Opo nay.” sagot ko,humalik at yumakap muna ako bago sya umalis. Umupo ulit ako sa sofa at napaisip. Pano na ngayon? Kung gagala kami bukas,baka pagka guluhan si Flexter?

“San may palengke? Mamili tayo,ako magluluto ng dinner natin.” boses ni Cross. Hindi ko man lang namalayang nasa harapan ko na.

“Yung dalawa?”

“Natutulog. Grabeng pagtitimpi at pag pipigil ang kailangan kong gawin para huwag masapak ang Flexter na iyon. Akala nya siguro,makukuha ka pa nya sa akin.” nakangising sabi ni Cross.

“Haay.. Tara na nga,magtanong tayo kung san ang palengke.” sabi ko na lang at hinila ko na sya palabas.

“Manang,pwede ko mangutana?” (Manang pwede po magtanong?) ani ko dun sa nakasalubong naming babae na may edad na.

“Unsa ba dai?” (ano ba dai?)

“Asa man diri ang tsangge?” (san dito ang palengke.)

“Ah! Diretsuhin nyo lang yan,tapos paglabas nyo kalsada na,yun ang T.Padilla,mulakaw lang mo ng gamay tsangge na.”

“Salamat po.” at yun nga. Madaming nakatingin sa amin habang naglalakad,si Cross naka akbay sa akin,at sigurado din akong namumukhaan na ako ng iba dito. Ng makarating kami sa T.Padilla Market ay agad ng namili si Cross,pinabayaan ko lang sya,natutuwa pa ang mokong at ang mura daw ng mga bilihin at sariwa pa.

Sinigang na isda ang lulutuin daw nya. Na excite ako dahil hindi ko alam na marunong pala sya magluto. Ang akala ko kasi si Aya at Japhet lang ang marunong magluto.

Pagdating namin sa bahay ay bukas ang pinto at ang daming tao.

“Naloko na!” agad akong tumakbo papasok. Pinagkakaguluhan na si Flexter. Si Crayon hindi na alam ang gagawin,pati mga kapatid ko ay naguluhan.

“Sumama sama pa kasi dito eh!” reklamo ni Crayon.

“Shut up! Inggit ka lang!” sagot ni Flexter. Si Cross dumiretso sa kusina.

“Kadyot ra! Uhm mawalang galang na po,pero kailangan namin ng privacy. Pwede nyo pong maka usap si Flexter sa ibang araw.” sabi ko sa mga tao.

“Waaahh! Malipay ko! Silingan na nato si Flixter” (ang saya ko,kapitbahay na natin si Flexter.)

“Narinig nyo naman po? Kung hindi po nakaka bastos,lumabas na po kayo.” segunda ni Crayon.

Mabuti at nakinig sila,pagkalabas nilang lahat ay agad kong sinara ang pinto. “Anong nangyari?”

“Hahanapin sana kita eh.” sagot ni Flexter.

“Hindi mo sya kailangang hanapin,dahil ako ang kasama nya.” pagsingit ni Cross.

“Wala akong tiwala sayo. Naitakas mo nga sya eh,hindi imposibleng gawin mo ulit.” sabi naman ni Flexter. Parang biglang sumakit ang ulo ko.

“Mga kuya,alam naming maganda ang kuya ko,pero dapat huwag nyo syang pag awayan. Ayaw namin ng away.” biglang sabat ni Buboy.

“Magagalit sina Nanay at Tatay.” segunda ni Caloy. Natahimik kami. “Sino po pala kayo? Bakit nandito kayo?”

“Buboy,Caloy. Mga kaibigan ko sila sa maynila.” ang nasabi ko na lang habang hinihimas ang magkabila kong sintido.

“Hello Buboy at Caloy! Ako si Kuya Crayon nyo!” magiliw na sabi ni Crayon sa mga kapatid ko. “At yung gwapo na yon gaya ko ay si kuya Cross nyo,boyfriend ni kuya Khalil nyo.”

“Crayon!” gulat kong sabi.

“Kung anu-ano sinasabi mo sa bata.” inis na sabi ni Flexter.

“Totoo naman kasi.” sabat ni Cross. Dyosko! Kailan ba sila titigil? Parang hihimatayin na ako.

“Boyprem? May boyprem ka na kuya? Hello po kuya Cross! Boyprem ka daw ni kuya Khalil sabi ni Kuya Crayon!” inosenteng sabi ni Buboy. Napa facepalm ako.

“Tama yan.” humahagikgik na sabi ni Crayon.

“Boyprem ni kuya? Kiss ko beh!” ani naman ni Caloy.

“Buboy,Caloy huwag kayong naniniwala dyan kay Crayon at Cross. Ako ang boyfriend ng kuya nyo,ako si Flexter.” sabat ni Flexter. Parang naguluhan bigla ang mga kapatid ko.

“Dalawa boyprem ni Kuya?” gulat na sabi ni Buboy at nagpalipat lipat ang tingin sa amin. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam sasabihin ko,tuwing ibubuka ko ang bibig ko ay isasara ko lang ulet.

“Boyprem ka din ni kuya? Kiss ko din!” inosenteng sabi naman ni Caloy na katatapos lang halikan si Cross sa pisngi,saka lumapit kay Flexter at ito naman ang hinalikan.

“Gwapo din naman ako,pero kahit hindi ko boyfriend ang kuya Khalil nyo,mahal ko naman sya,bakit ako walang kiss?” pagkuway sabi ni Crayon,hinalikan sya ng mga kapatid ko sa magkabilang pisngi. Napangiti na ako. “Tara! Lets buy something,samahan nyo akong dalawa.”

Nang makalabas ang tatlo ay naiwan kaming tatlo. Hindi na siguro masama,sa ngayon ay hindi ko muna iisipin ang pagmamahal ko kay Flexter,hindi ko muna iisipin ang pagmamahal ni Cross. Habang nandito kami sa Cebu ay magsasaya muna ako. Bahala na kung anong mangyayari sa hinaharap.

“Magluluto na ako Khalil,tara.” hila sa akin ni Cross papuntang kusina.

“Tutulong ako. Baka walang lasa ang luto mo.” ani Flexter ng sumunod sa kusina.

“Mapapahiya ka lang. Ni magsaing nga ata hindi mo alam. Ngumanga ka na lang dyan.” sagot ni Cross at inihahanda na ang mga rekados.

“Huwag kang mayabang,hindi man ako marunong magluto ay kaya ko silang bilhan ng mga pagkaing masasarap. Mas masarap pa dyan sa lulutuin mo.” sagot naman ni Flexter. Napanganga ako. Ayaw talaga nilang tumigil. Naramdaman ko na lang na kumikirot na naman ang ulo ko.

“Utang na loob. Tumigil kayong dalawa.” sabi ko na lang. Sana naman tumigil na sila sa pag iiringan. Nakakatorete pala? Ayaw kong dito sila sa bahay nagkakaganyan.

Alam ko na! Pagkatapos mamasyal ay dadalhin ko silang tatlo sa Calamboa. Tingnan ko lang kung gaano sila katatag sa paninindigan nila.

18. Plaza Independencia!

Kinabukasan,niyaya ko sina Cross,Crayon at Flexter na mamasyal kasama ang mga kapatid kong sina Caloy at Buboy. Wala ako masyadong alam dito sa Cebu city mismo maliban sa Colon. Bahala na,hindi naman siguro kami maliligaw. Nahirapan kami kay Flexter,inis na inis na sina Cross at Crayon dahil natatagalan kami,kaya pinag disguise ko na lang sya. Una naming pinuntahan ang Metro Gaisano Mall,namili kami ng mga kailangan sa bahay,

“Kuya! Kuya! Gusto namin ni Caloy ng mga laruan!” pagkalabit sa akin ni Buboy.

“Tara mga bata,bili tayo.” si Crayon ang sumagot,agad silang pumasok dun sa bilihan ng mga laruan. Kami naman ay naka sunod lamang. Syempre salitan ko kinakausap sina Flexter at Cross baka mapanisan ng laway ang dalawa.

“Marami din pala magagandang lugar dito,at maganda din ang mall.” ani Flexter saka ako tiningnan at kinindatan.

“Yup,meron din daw ditong pwedeng pag inuman at may live band daw,sa fuente osmenya.” sagot ko naman.

“Pwede kaya tayong pumunta dun pagkatapos natin mamasyal at mamili? Iuwi muna natin ang mga bata.” pagsingit ni Cross.

“Pwede siguro.” nakangiti kong sagot.

Medyo na-bagabag na ako ng may mga nagtitinginan na sa amin,lalo na kay Flexter na kahit naka shades na at cap ay makikilala pa din ng taong mahilig talagang manood ng tv. Kaya ng matapos mamili ng laruan sina Crayon ay nag take out na kami ng pagkain sa Jollibee at saka umuwi.

“Sa susunod dyan ko gusto pumunta.” turo ni Buboy sa park na nadaanan namin habang lulan ng jeep pauwi,nakakandong sya kay Crayon.

“Ano ba yan kuya?” tanong naman ni Caloy na naka kandong kay Cross. Tiningnan ko yung park,namangha ako sa ganda at sobrang lawak nito.

“Yan ang plaza independencia,hindi nyo ba alam?” sabi ng isang matandang babae,halos sabay sabay kaming umiling.

“Taga manila po kasi itong tatlong kasama ko at taga bukid naman kami nitong mga kapatid ko kaya hindi kami pamilyar sa mga lugar dito.” ang nakangiti kong sagot dito.

“Mao ba? Kaya pala. Maganda nga dyan at masarap mag picnic.” sabi ng matanda.

Nang makauwi sa bahay ay nandun na sina Nanay at Tatay,mabuti at hindi pa sila nakakapag luto ng hapunan kaya inihanda na namin sa hapag yung tineyk-out namin kanina. Masaya naming pinag saluhan ang masarap na hapunan.

Pagkatapos ay nagpasya kaming manød ng tv ng magkakasama sa sala.

“Breaking news. Maraming mga appointments at mga commitments di umano si Flexter Tuazon na hindi sinipot. Kaya nagpasya ang mga naperwisyo daw nya,na pag hindi pa sya lumabas sa loob ng isang linggo ay kakasuhan na sya ng mga ito,narito po ang panayam namin sa kanyang rumored girlfriend.”

Napanganga ako,sunod na lumabas sa screen ay ang pagmumukha ni Janna.

“Yes,its true,nawawala nga si Flexter at hindi nya sinipot lahat ng dapat,dahil sa iisang tao. Kung natatandaan nyo si Khalil Pantoja,yung baklang PA nyang basurero,magaling syang mag brain wash kaya naman napapayag nyang sumama sa kanya si Flexter para magpakalayo. Una pa lang sinabi ko na sa lahat,sisirain ng baklang patay gutom na yon si Flexter. Look whats happening now? Maaaring makulong sya dahil sa hindi pag sunod sa mga kontrata.” mahabang sabi ni Janna. Nakita ko kung paano umiling sina Nanay at Tatay.

“May idea ka ba Janna kung nasaan sya?” tanong nung nag iinterview.

“Ofcourse meron. Magugulat na lang sila. And Im assuring all of you na babalik sya.” nakangising sabi ni Janna. Pinatay ni Tatay ang Tv,tahimik silang tumayo ni Nanay patungo sa kwarto namin kasama ang mga kapatid ko. Alam kong masama ang loob nila,ayaw nilang napapahiya o nilalait ako.

“Look what have you done. Inilayo ko nga si Khalil para matigil na ang mga pang aalipusta sa kanya ng mga taong malalapit sayo. Pero pinagpilitan mo pa din ang sarili mo. At ano ngayon? Si Khalil pa ang masama?” galit na sabi ni Cross.

“Ginawa ko lang ang alam kong tama,ang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya! I can give up everything for him! Ganun ko sya kamahal.” sagot ni Flexter.

“Yeah,nagawa mo nga igive up ang career mo,lalo naman nasira si Khalil,ganyan ba ang sinasabi mong pagmamahal?” muling sabi ni Cross.

“Uhm,teka! Huwag kayong magsagutan ng ganyan dito. Mahiya kayo sa mga magulang ni Khalil.” pag awat ni Crayon sa dalawa.

“Tumigil kayong dalawa,umisip na lamang tayo ng solusyon. Huwag kayong mag away.” ang pag sabat ko na rin.

“What do you know about love? Hindi ba’t lagi mong binabara at pinapasama ang loob ni Khalil noon? And now youre acting as if youre his love sick boyfriend?” ang parang walang narinig na sabi ni Flexter.

“And you were saying? Ikaw din naman diba? But let me remind you Flexter. Mas mahal ko si Khalil kesa sa binibigay mong pagmamahal sa kanya. At sisiguraduhin kong hindi mo na sya masasaktan at hindi mo na sya pwedeng ariin pa.” galit na sabi ni Cross. Natulala si Flexter,ako naman ay gustong magsalita pero parang walang boses na lumalabas.

“You what? Mahal mo din sya? Akala ko kaya mo ginagawa ang lahat ng ito ay dahil gusto mo lamang magpasikat.”

“Hindi ko gawaing magpasikat gaya mo. At uulitin ko,hindi mo na pwedeng ariin si Khalil.”

“Youre too late. Tapos ko na syang ariin. Walang patutunguhan ang pag uusap na ito. Magpapahinga na ako.” lumapit si Flexter at hinalikan ako sa labi bago tinungo ang kwarto nila. Nang ibalik ko ang tingin kina Cross at Crayon,nagtatanong ang mga mata nila. Napayuko ako.

“Fuck!” ang bulalas ni Cross saka walang pasabing lumabas ng bahay. Hahabulin ko sana sya pero pinigilan ako ni Crayon.

Flexter,bakit kailangan mo iyong sabihin? Nasasaktan ako dahil nasaktan ko si Cross.

“Hayaan mo muna. Nagulat lang yon. Maski naman ako nagulat eh. Ang sakit pala sa dibdib.” nakangiti ngunit malungkot na sabi ni Crayon. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako na may mga nasasaktan na ako.

“Im sorry.” nakayuko kong sabi. Inalalayan ako ni Crayon na maupo ulit.

“Wala kang dapat ihingi ng sorry. Alam naman naming lahat kung gaano mo kamahal si Flexter,kaya ibinigay mo ang sarili mo sa kanya. Pero sadyang masakit lang pala talaga,lalo na siguro kay Cross.”

“Naguguluhan na ako Crayon. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin,at kung ano ang dapat kong maramdaman.” ang pag amin ko. Ewan ko,kailangan ko lang siguro talaga ng mapapag sabihan,ang bigat na kasi sa dibdib.

“Kung mahal mo talaga si Flexter,edi sya. Wala naman na kaming magagawa dun.” ang buong pag unawang sabi ni Crayon. Napatingin ako sa kanya. Kung sana ganun lang kadali,pero kasi may pumipigil sa akin.

“Mahal ko si Flexter. Walang duda yon. Pero kasi…”

“Mahal mo na din si Cross kaya hindi ka agad makapag desisyon?” ani Crayon. Napa yuko na lamang ako tanda ng pag amin. Yun nga siguro ang nararamdaman ko kay Cross. Linsyak naman kasing puso to eh,bakit dalawa ang minahal?

“Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganito,ayoko ng may nasasaktan ako. Ikaw,si Cross,si Flexter. Bakit kasi ako pa ang minahal nyo? Sana iba na lang.” at pumatak na ang mga luha ko.

“Sshhh huwag kang umiyak.” alo ni Crayon at niyakap ako. “Ako,huwag mong alalahanin,hindi na mahalaga kung nasasaktan ako,matagal ko ng tinanggap na talo ako,kaya kong magparaya para sa taong alam kong dun ka liligaya,ganon kita kamahal,kaya kong indahin ang lahat. At huwag kang magtanong kung bakit ikaw ang minahal namin,lahat kami ay may nakita sayo na hindi nakikita ng iba. Sa totoo lang,tulad nila,ngayon lang din ako nagmahal ng kapwa lalaki,masarap pala pero masakit. Alam mo kung ano ang dapat mong gawin? Magpahinga ka,saka mo timbangin kung sino nga ba ang mas lamang sa puso mo. Si Cross o si Flexter.” mahabang dagdag ni Crayon. Lalo akong naiyak,hindi ko kasi naisip na may mga tulad niya,ni Cross at Flexter na kayang mag risk para sa isang tulad ko.

“Pwede ba kaming mag usap Crayon?” boses iyon ni Cross. Nilingon namin sya,nasa pintuan sya.

“Syempre naman tol! O sya,matutulog na din ako,may papatayin pa ako sa kwarto!” tumatawang sabi ni Crayon ng tumayo.

“Crayon!” suway ko dito at pinanlakihan ng mga mata.

“Hahaha! Sige,mag usap na kayo dyan.” at umalis na nga ito’t tinungo ang kwarto nila.

“Mamasyal tayo dun sa plaza independencia. Dun tayo mag usap.” ani Cross. Tumayo ako at lumapit na sa kanya.

Nang makarating sa plaza independencia ay parang nawala ang mga iniisip ko dahil sa pagkamangha. Mas maganda pala ito pag gabi. Madaming tao pero hindi mo mapapansin dahil nakakalat,sobrang laki naman kasi ng plaza na ito. Naghanap kami ng pwesto ni Cross kung saan walang makakapansin sa amin.

Pagka upo namin sa lilim ng isang puno ay may napansin akong dalawang gwapong lalaki na medyo malapit sa amin,magkahawak kamay at nagtatawanan tapos naghalikan. Napangiti ako at nakaramdam ng inggit. Kung bakit inggit,hindi ko din alam.

“Pasensya ka na sa inasta ko kanina. Hindi ko lang talaga matanggap na may iba ng naka angkin sa taong mahal ko.” mababa ang tono ng boses ni Cross ng sinabi iyon. Bigla na naman kumabog ang dibdib ko.

“Ako nga dapat ang humingi ng sorry dahil nasaktan kita. Saka kasi,ng mga panahong iyon,sobrang lunod na lunod ako kay Flexter,kaya ibinigay ko ang sarili ko.” ang nakayuko kong sabi dahil nahihiya ako,hindi ako kumportable na pinag uusapan ang ganito kaselang bagay.

“Pero alam mo Khalil. Kahit sya ang naka una sayo. Hindi ako susuko,hindi naman sa sex nasusukat ang pagmamahal ko sayo. Its beyond what you can imagine. I love you with every fiber in my being,ikaw ang dahilan ng bawat pagtibok nito,at ikaw lang din ang may karapatang magpatigil sa tibok nyan.” kinuha nya ang kanang kamay ko at itinapat sa puso nya. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso gaya sa akin.

“H-hindi ko alam ang sasabihin ko.” ang tangi ko lamang nasabi. Gusto kong magsabi ng mga ikakagaan ng kalooban nya pero hindi ko alam kung masasabi ko ba ito ng tama.

“Sabi ko naman sayo,nung una palang hindi mo kailangang sumagot. Halika nga dito.” naka ngiti nyang sabi at hinigit ako palapit sa kanya,ipinulupot nya ang kamay nya sa bewang ko at ihinilig nya ang ulo ko sa dibdib nya. Dinig na dinig ko ang mabilis na pag pintig ng puso nya. Pumikit ako,nakaramdam ako ng kapayapaan at seguridad tulad nung nasa barko pa kami. Matagal kaming nanahimik at nanatili sa ganung pwesto,nagpapakiramdaman.

Biglang may pumasok sa isip ko. Bahala na kung may mga magalit,pero ito ang naisip kong paraan para pagaanin ang loob nya. Para hindi nya maramdamang talo sya. Alam kong magmumukha akong cheap,pero ito lang ang naisip ko.

“Cross?…”

“Hmmn?”

“Okay lang sa akin,kung gusto mo din akong angkinin ngayon.”

19. Undecided : Unexpected!

“Hindi mo alam kung anong inaalok mo Khalil. Gusto ko,kung may mangyayari sa atin,mahal mo na din ako,kasi kung may mangyayari sa atin,wala ng makaka kuha pa sayo sa akin,hinding hindi kita ibibigay at hinding hindi kita papakawalan pa.” seryosong sagot ni Cross habang nakatingin sa akin ng diretso,ang mga mata nya ay para akong hinihigop,ang paraan ng pagtitig nya sa akin ay nakaka yanig at nakaka lasing.

Hindi ko alam,pero pakiramdam ko na reject ako at na offend. Pero kasabay nun ay natuwa din. Bakit kaya ganito? Pareho na ang nararamdaman ko sa kanila ni Flexter? Parang ayaw kong dumating ang panahon na kailangan kong pumili,pero alam kong dadating at dadating iyon.

“Natahimik ka na.” ang pagpuna nya sa akin at saka ako hinarap sa kanya. “Hindi mo ba ako aalukin ulit? I changed my mind.”

“H-ha?” ang gulat kong nasabi. Ngayon naman parang gusto kong umurong. Bakit kasi naisipan kong ialok ang sarili ko? Nagiging unfair ako kay Flexter, pati na din kay Crayon.

Bakit unfair? May relasyon ba kayo ni Flexter? Ni Crayon? Ang sabi ng kabilang bahagi ng isipan ko.

Kaya ng hinila ako palabas ni Cross sa Plaza Independencia ay wala akong nagawa. Hanggang sa naka sakay kami ng taxi at sabihin nya sa driver kung saan kami.

“Sa tapat po ng Tejero Night High School.” aniya na ipinagtaka ko kaya tiningnan ko talaga sya. “It was just a joke Khalil,hindi ko sasamantalahin ang pagkakataon,lets just go home.”

At muli,para akong nabigo na ewan. Bakit ba ganito? Hinahanap hanap na ba yon ng katawan ko? Kaya hanggang makarating sa bahay ay tahimik ako. Hinalikan ako ni Cross bago pumasok sa kwarto nila. Ako naman ay hindi pa inaantok kaya naupo na lamang ako sa sofa. Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Dati naman simple ang buhay ko,walang problema,pero ngayon,ang laki ng pinagbago.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka upo at tulala hanggang sa mapansin kong bumukas ang kwarto at lumabas si Flexter. Agad syang ngumiti at ayun na naman ang puso ko,nagkaka-kabog na naman ng walang humpay.

“Cant sleep? Ako naalimpungatan lang eh. Kamusta ang paglabas nyo ni Cross?” aniya at tumabi sa akin. Agad ko naman sya naamoy. Bakit ba ang bango din nya?

“Oo eh. Uhm ayon,nag usap lang saglit at umuwi na din agad.” ang sagot ko at tiningnan sya na nakatitig pala sa akin.

“M-may pag asa na ba sayo si Cross? Mahal mo na ba sya? Mahal mo pa ba ako?” ang seryoso nyang mga tanong at hinawakan ang mga kamay ko. Hindi agad ako nakasagot dahil parang nablangko ang utak ko at may bumara sa lalamunan ko.

“Mahal kita Flexter,sigurado ako dun. Pero kasi,naguguluhan na ako ngayon,hindi ko na alam.” ang pagsasabi ko ng totoo. Nakita ko ang sakit sa mga mata nya at nasasaktan din ako. Sana hindi na ako nagsalita.

“Naguguluhan ka kasi nandyan na din si Cross.” sabay turo nya sa puso ko. “Ayos lang,lalaban pa ako,hindi ako susuko maging akin ka lang ng buo. Alam mo ba,wala sa bokubolaryo ko ang pagmamahal? I flirted with so many girls secretly,nakipagsex ako sa kanila,galit din ako sa mga gaya mo dahil sa masamang nangyari sa nakaraan,kaya nga pinatid at sinapak kita dati.”

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga sinabi nya,inamin na nya dati pa ang pagpatid at pagsapak nya,pero ang aminin nya ang ugat ng lahat,nabigla ako. Madami pa nga talaga akong hindi alam sa kanya.

“I was fourteen ng pagtangkain akong halayin ng limang bakla dati,kaya simula nun,nagalit na ako sa mga bakla,pero ewan,pagkatapos ng unang araw ng pagkikita natin,everything changed kaya gumawa ako ng paraan para mapunta ka sa puder ko just to test my curiosity at kung hanggang saan ako nito dadalhin. But I fell. Nahulog ako sayo ng dahan dahan,hanggang sa hindi ko na kayang hindi ka nakikita. Ni sa panaginip hindi ko naisip na magmamahal ako ng isang lalaki, na gaya mo,isang bakla. Pero look at me now,Im madly and crazy inlove with you Khalil. Kaya hangga’t kaya kong lumaban,ilalaban kita,mahal mo ako at mamahalin mo ako lalo

ng buong buo.“ ang pagsasalaysay nya habang titig na titig sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nalulunod ako. Nalulunod ako sa pagmamahal nya,nalulunod ako sa pagmamahal ni Cross. Dapat ba akong matuwa o malungkot dahil may mga nahihirapan para makamit lang ang pagmamahal ko? Naguluhan ako lalo.

“Pangarap kita nung pa lang kitang nakita,pangarap ko’y ikaw Flexter,mahal kita at wala talagang duda doon. Pero tama ka,mahal ko na din si Cross.” gumuhit na naman ang pait at sakit sa kanyang mga mata. Hinawakan ko ng dalawa kong mga kamay ang napaka gwapo nyang mukha. “Masaya akong malaman na nagawa mong mag open up sa akin,masaya ako na mahal mo din ako,pero bigyan nyo ako ng sapat na panahon.”

Huminga sya ng malalim bago nagsalita. “I understand,tulad ng sabi ko,lalaban ako,masarap sa pandinig na pinangarap mo ako,sapat na sa akin iyon,sapat na din sa akin yung may nangyari sa atin.”

Napabitiw agad ako sa mukha nya. Alam kong namumula ako,at dahil pina alala nya ay parang gusto ko ulit maulit. Ang wirdo ko na,kanina inalok ko si Cross,ngayon naman si Flexter,parang ang landi ko na.

“Youre blushing. Lalo ako naiinlove sayo.” ang naka ngiti nyang sabi bago humagikgik. Nag init ang mukha ko lalo. “Does he know? Alam ba ni Cross na mahal mo sya?”

“H-hindi. Ewan. Magulo talaga eh.” ang sagot ko na lamang at kinalma ang sarili ko. Napakagat pa ako sa pang ibabang labi ko.

“Don’t do that. Your turning me on,baka may mangyari satin dito sa sofa.” ang sabi nya kaya umayos ako sa pagkaka upo. “I have a request Khalil.”

“A-ano iyon?” ang kinakabahan at excited kong tanong. Excited? Hindi ko din alam kung bakit.

“Kahit na mahal mo si Cross,please huwag ka munang magpapa galaw sa kanya,ako lang dapat.” nakangiti nyang sabi kaya hinampas ko sya ng unan. Na guilty ako eh.

“He!! Ano akala mo sa akin? Uhaw sa ano? Uhm,uhm at saka kung gustuhin ko man wala kang magagawa.” sabi ko.

“Hindi sa ganon! Natatakot lang ako,alam kong malapit na eh! At saka please dont say that! Nakaka sakit ka na ah?!”

“He! Matulog ka na nga! Antok lang yan.” sabi ko.

“Sige,pero good night kiss muna.” naka ngisi nyang sabi at lumapit agad sa akin.

“Ayoko ng–” at agad nya akong hinalikan. Tumugon naman ako. Kaya ng maghiwalay ang mga labi namin ay hinihingal ako at sya naman ay naka ngisi.

“Matulog na tayo.” aniya at naglakad na papunta sa kwarto nila. Pero may naalala ako kaya pinigilan ko sya sa paghawak sa kamay nya kaya agad din syang lumingon. “B-bakit? Gusto mo pa?”

“Ambot! May gusto lang akong itanong.” ani ko,hindi sya nagsalita kaya nagpatuloy ako. “Yung napanood natin sa Tv,yung interview kay Miss Janna. Pano ka? Nasisira ka dahil sa akin? At kakasuhan ka pa ng mga producers na hindi mo na sinipot.”

“They can do whatever they want Khalil. I give up everything,I gave up my career dahil mahal kita. I’ll just cross the bridge when I get there. Sa ngayon,ang mahalaga sakin ay kasama kita,mahal kita at ang inaalala ko ay ikaw ang nasisira dahil sa akin. Pero huwag kang mag alala. I can handle them.” ang mahaba nyang sagot. Parang hinaplos ang puso ko. “Matulog ka na bago pa ako may magawa,coz you know? Im really having a hard time,Im getting boner here.”

Napatingin ako sa gitnang bahagi ng katawan nya. At totoo nga,bukol na bukol na iyon. Nanlaki ang mga mata ko at napalunok,parang nadedemonyo na naman ako. Kaya bago pa ako mawala sa sarili ay pumasok na ako sa kwarto nina Tatay,nadinig ko pa syang tumawa ng mahina sa labas.

Bago pumikit ay tiningnan ko pa ang orasan,12MN na. Kailangan ko na talagang matulog. Agad kong niyakap ang mga kapatid ko at natulog na.

Nagising ako na parang may nadidinig akong ingay. Tiningnan ko ulit ang orasan,pasado alas siete na ng umaga. Nanlambot naman ako,kahapon pa lang kasi ng umaga ay plano ko ng ako mag aasikaso sa mga kapatid ko,at panigurado,nasa eskwelahan na ang mga iyon. Si Cross at Flexter kasi eh,pinuyat ako.

Nagkuskos na ako ng mga mata at nagtanggal ng mga muta saka tumayo at lumabas. Nagulat pa ako na may mga pulis at parang takang taka sina Nanay at Tatay. Nakatayo lang din sina Cross,Flexter at Crayon. Ibinalik ko ang paningin sa mga pulis ng mapansin kong may kasama ang mga ito.

Si Janna at Hugo!

“Anong nangyayari? Bakit may mga pulis?” ang taka kong tanong at lumapit. Lahat sila ay sa akin tumingin.

“May warrant po kami dito na pag hindi sumama si sir Flexter kina Maam Janna at Sir Hugo pabalik ng maynila ay huhulihin ka namin for Kidnapping.” sagot ng isang pulis. Literal na napanganga ako at isa isa silang tiningnan. Totoo bang nangyayari to?

“And may I add,baka ituloy ang kaso laban kay Flexter.” sabi ni Hugo.

“You see,sinira mo si Flexter. Ikaw ang sumisira sa kanya.” taas kilay na sabi ni Janna. Napansin ko ding marami ng tao sa labas na nakiki usyoso.

“Dont say that Janna!” galit na sita ni Flexter dito. “Sasama na ako pabalik sa maynila,just stop doing this! Stop pestering Khalil! At pag sumama ako,tantanan nyo na sya!”

“Mawalang galang na ho Miss Janna,hindi ata maganda ang tabas ng dila mo. Tandaan nyo po nasa pamamahay kita. Pwede din kita kasuhan ng trespassing.” pagsingit ni Tatay.

“Thats good Flexter.” ani Janna saka bumaling kay Tatay. “You cant do that,may kasama akong mga pulis.”

“Maam,tama po sya,kami lang ang may warrant,at kayo ay civilian pa din. Pwede nya po yung gawin,at ngayon pa lang pwede din namin kayong isamang dakpin kung hindi maiaayos ito.” sabi ng isang pulis. Napa atras sina Hugo at Janna.

“Nadinig nyo yon? Layas na! Mga eskandalosa!” nanunuyang sabi ni Crayon at pinagtulakan sina Janna at Hugo palabas.

“Mga sir,ayos na ah? Sasama na si Flexter,at kung ano man yang kaso daw na isasampa kay Khalil,huwag nyo ng ituloy.” ani Cross sa mga pulis.

“Pasensya na po. Ginagawa lang namin ang trabaho namin. Sige,mauna na kami at pasensya sa abala.” ani ng pulis at nagsilabasan na. Tahimik pa din ako at parang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

“Pasalamat ka bakla!” sigaw ni Janna. “Flexter we’ll wait for you at the car!.” at umalis na din sila ni Hugo.

“Ngayon, ano itong nangyayari? Bakit umabot tayo sa ganito?” ani Tatay na halatang kinakalma ang sarili habang hinahaplos ni Nanay ang likod nya.

“Pasensya na po sa abala. Pasensya na po talaga. Sasama na po ako sa kanila para hindi na kayo madamay,but that doesnt mean na isinusuko ko na ang anak nyo. Pasensya na po talaga Tito at Tita.” ang buong pagpapakumbabang paghingi ng tawad ni Flexter saka ako binalingan ng tingin, nasa kanan ko si Crayon at sa kaliwa naman si Cross.

“Nakikita at ramdam namin na mahal mo talaga ang anak namin. Kahit kina Cross at Crayon nararamdaman at nakikita namin iyon ng Tita nyo. Pero sa totoo lang,ayaw kong nakakaladkad ng ganito ang anak ko.” ang sabi ni Tatay.

“At saka sana maayos na ito. Tahimik kami at ayaw naming masangkot sa mga ganyan.” dagdag ni Nanay. Naupo sila sa sofa,tumabi ako, at nag si upuan din naman sina Crayon,Flexter at Cross sa mga katabi at katapat na couch.

“Pasensya na po talaga. Aayusin ko po ang lahat at babalikan ko ang anak nyo.” ani Flexter. Ewan ko,ngayon lang siguro pumasok sakin ang lahat,naramdaman kong naninikip ang dibdib ko at parang gusto ko ng umiyak.

“F-flexter.” ang sabi ko.

“Babalikan kita Khalil,pangako yan.” at sa harapan ng lahat,hinalikan at niyakap nya ako at saka kumalas. “Cross,Crayon kayo na bahala sa kanya.” aniya at tinungo ang kwarto. Tumango lamang ang dalawa.

Tumayo ako. Parang hindi ko kayang makita syang umalis,parang nararamdaman ko na ang naramdaman nya ng bigla ko syang iwanan. Ang sakit pala.

Bago pumatak ang mga luha ko ay tumakbo na ako palabas ng bahay.

“Khalil!!”

20. Pagbabalik sa maynila!

Dito sa may tulay ng ng Tejero ako pumunta,yung tulay na papuntang Mc Arthur. Panay ang tulo ng luha ko,at wala akong pakialam kahit pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng tambay.

Kung nasasaktan ako ng ganito dahil sa pag alis ni Flexter,isa lang ang ibig sabihin nito,hindi ko kaya ang mawala sya,ibig sabihin din,nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya. Pero anong gagawin ko? Kung ilalaban ko sya at magiging kami,tuluyan syang masisira dahil sa akin. Ngayon pa nga lang malaking problema na ang naidulot ko sa kanya eh.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala dito sa tulay. Pero ng mapansin kong may mga batang estudyante na ang pauwi ay nagdesisyon na akong bumalik sa bahay,inihanda ko na ang sarili ko na wala ng Flexter na maaabutan sa bahay.

“San ka galing anak? Hanggang ngayon hinahanap ka pa nina Cross at Crayon.” ang salubong sa akin ni Tatay.

“Dyan lang po,uhm si Nanay?” ang sagot at tanong ko.

“Sinundo ang mga kapatid mo,magtanghalian ka na. Nga pala,sabi ni Flexter,kung nakapili ka na daw,at sya ang napili mo,pwede mo syang sundan,pero kung si Cross daw,ay malugod nya itong tatanggapin.” ang sabi ni Tatay. Parang lalo ako nalungkot at nainis sa sarili ko,hindi ko man lang naisip si Crayon at Cross na basta ko na lang iniwanan ko kanina.

“Salamat po Tay,punta muna ako sa kwarto bago kumain.” ang malungkot kong sabi. Buong pag unawa akong tiningnan ni Tatay bago tumango saka ko tinungo ang kwarto.

Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako,ginising ako ni Nanay na parang nag aalala.

“May nangyari ba nay?” ang agad kong tanong at bumangon na.

“Aalis na din si Cross,tumawag daw ang lolo Jian nya at pinapauwi sya.” ang sagot ni Nanay na ikinalaki ng mga mata ko.

“H-ho? Pati sya aalis?” ang gulat kong tanong.

“Oo,aba’y Saavedra pala ang isang iyon,apo sa tuhod nung Paul at Tzekai na gay couple noon na sikat na sikat dahil sa love story nila. Pero anak,magpapa iwan daw si Crayon para sabay kayong bumalik sa Manila pag naisipan mo na.” mahabang sagot ni Nanay. Napanganga ako dahil wala akong alam tungkol dun,wala akong alam tungkol sa pamilya ni Cross.

“Hindi ko yun alam nay,kung ganon bakit pa sya nagtatrabaho at bumukod?”

“Nako,huwag ka ng maraming tanong,sya ang kausapin mo bago man lang sya umalis. At saka anak,sana makapag desisyon ka na,sundin mo ang puso mo,may masasaktan talagang isa sa kanila,pero ganon talaga ang pagmamahal anak.” nakangiting sabi ni Nanay at hinaplos ang mukha ko. Agad ko syang niyakap,napaka swerte ko at sila ni Tatay ang mga magulang ko.

“Salamat po Nay,sige po,kausapin ko lang sya at ihahatid na din.” ani ko at kumalas na sa pagkakayakap at lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Cross at Tatay sa sala,habang nadidinig ko sa labas si Crayon at ang dalawa kong kapatid.

“Oh mag usap muna kayo,at kung aalis ka na Cross,tawagin nyo lamang ako.” ani Tatay saka ako tinapik sa balikat.

“Bakit naman pati ikaw aalis na din? Umalis na nga si Flexter eh,pati ikaw ba naman?” ang malungkot kong sabi ng tumabi kay Cross sa sofa.

“Payakap nga.” nakangiti nyang sabi at niyakap ako. Nakatapat ang ulo ko sa dibdib nya kaya dinig na dinig ko ang mabilis at malakas na pintig ng puso nya. “Aalis ako hindi dahil gusto ko,saka magkikita pa naman tayo,once na bumalik kayo ni Crayon sa maynila,nandun lang ako sa bahay natin.”

“Pero aalis ka pa din.” ang halos pabulong ko ng sabi.

“Ang kulit mo talaga. Alam mo Khalil kung gaano kita kamahal pero ayaw kitang pilitin na maging tayo dahil alam kong malaki ang puwang ni Flexter sa puso mo.” aniya at sinuklay suklay ang buhok ko. “Ang pag alis naming ito ni Flexter ay isa ding paraan para mas matimbang mo kung sino ang mahal mo talaga sa aming dalawa,gusto kong makapag desisyon ka ng wala kami sa paligid mo,para malaman mo kung sino talaga ang hahanapin ng puso mo.”

Umalis ako sa yakap at tinitigan sya. Mahal ko sya,mahal ko si Flexter,posible ba itong nararamdaman ko? Nasaktan ako ng umalis si Flexter at nasasaktan na din ako ngayon dahil aalis na din sya. Ano ba itong puso ko?

“Im sorry kung nasasaktan ko na kayo. Tama ka,kailangan kong timbangin kung sino talaga sa inyo. Sorry talaga.” ang malungkot ko pa ding sabi.

“Huwag ka ng malungkot,makikita mo pa ako,makikita mo pa si Flexter. Pero tandaan mo ito Khalil,kung hindi man ako ang mapili mo ay ayos lang,magiging masaya ako sa kung saan ka sasaya. But that doesnt mean na isinusuko na kita. Kaya huwag kang malungkot,everything will fall into its right places.” aniya at muli akong niyakap. “Masaya akong malaman,na kahit papano ay mahal mo ako,masaya ako sa mga panahong nagkasama tayo.”

Dahil sa mga sinabi nya ay tuluyan na akong naiyak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Tahan na,papangit ka nyan eh. Tara na,ihatid nyo na ako,nagmamadali na sina Dad eh.” hinalikan nya ako ng mabilisan sa labi saka tumayo.

“Tapos na kayong mag usap? Tara na ihahatid ka na namin sa airport.” ani Tatay na ngayon ay kasama na sina Nanay at mga kapatid ko.

“Opo Tito,uhm Tito at Tita,maraming salamat po sa pagtanggap at pagpapatuloy sa akin,huwag kayong mag alala,babawi ako.”

“Walang anuman ijo.” ani Nanay at niyakap si Cross,ganun din si Tatay.

“Kuya mag ingat ka ah? Mami-miss ka namin.” sabi ni Buboy.

“Balik ka kuya ah?” dagdag naman ni Caloy.

“Oo naman! Wala bang hug si kuya bago umalis?” nakangiting sagot ni Cross,napangiti din ako,sayang lang wala kanina ang mga kapatid ko ng umalis si Flexter.

“Oh,hug daw dali!” ani Crayon sa mga kapatid ko,mula sa pinto ay tumakbo ang mga ito at niyakap si Cross.


“Ang sarap dito sa Cebu,nawiwili na ako.” ani Crayon habang umiinom kaming dalawa ng RH,nakaka tig dalawa na kami,pinayagan kaming uminom nina Nanay at Tatay dito sa harap ng bahay,gabi na syempre at wala ng aabala sa amin.

“Sinabi mo pa,lalo na sa Calamboa sa bukid,walang polusyon.” sagot ko at tumungga,medyo nasasanay na din ako sa lasa,tinatawanan nga ako ni Crayon pag napapangiwi. Wala lang,ako ang nagyaya uminom,medyo nalulungkot ako,ito na ang ika apat na araw mula ng umalis sina Cross at Flexter,nagtetext at tumatawag naman sila,pero pakiramdam ko ay hindi iyon sapat.

“Talaga? Gusto kong pumunta dun pag may panahon pa tayo. Teka nga,kelan mo balak bumalik ng maynila?”

“Sa totoo lang Crayon,gusto ko ng sumunod,pero hindi pa ako nakakapag desisyon eh,mahal ko silang dalawa.” malungkot kong sagot.

“Huwag mong madaliin ang sarili mo,it takes time. Pero alam mo naisip ko,kung ipinaglaban ko ang pagmamahal ko sayo at hindi nagparaya,sisiguraduhin kong mamahalin mo ako at sa akin ka babagsak,kaso wala eh,si Flexter at Cross lang nagkasya sa puso mo.” mahabang sabi ni Crayon. Namangha ako sa kanya,napaka bait nya,sana makahanap na sya ng magmamahal sa kanya,dahil hindi ako deserving sa pagmamahal nya.

“Hanggang ngayon ba mahal mo pa din ako?” ang nahihiya kong tanong. Ganito pala yong pakiramdam na ikaw mismo ang magtatanong.

“Oo mahal pa din kita Khalil,pero sabi ko nga,huwag mo akong isipin diba?” sagot nya at tumungga ng RH.

“Salamat at sorry huh? Makakahanap ka din ng mas bagay sayo, yung babaeng maganda at mabaet,yung babagay sa pagiging gwapo at mabaet mo,hindi gaya ko na isang bakla. Pag dumating ang panahon na yon,magiging masaya ako para sayo.” bukal sa loob na sabi ko.

“Ikaw talaga,huwag mo nga dinadamay ang pagkasino mo,tingnan mo nga,ang dami naming nagmamahal sayo. Pero sa palagay ko tama ka,hindi ko naman isinasara ang pinto ko para sa ganung posibilidad.” aniya at inakbayan ako. Napaka swerte ko at naging kaibigan sya,pati na sina Aya,Jai at Japhet,ay pati nga pala si Maam Emi.

“Basta salamat pa din for always being there for me.” ang sabi ko naman at tinungga na ang RH. Nakakaramdam na ako ng antok at hilo.

“Wala yon,basta ikaw.”

“Crayon,pwede na ba tayong bumalik sa Maynila sa isang araw? Bili na tayo ng ticket bukas at magpaalam na din tayo. May mga naisip kasi ako,gusto kong subukan.”

“Sige ba! Pero bago yon,tara na at matulog,medyo pumipikit na kasi mga mata mo at naduduling ka na.” natatawa nyang sabi. Hinampas ko nga sa braso. Tumawa lang sya at inalalayan na akong tumayo at pumasok sa loob ng kwarto.

“Dun na lang ako sa kwarto mo,ayokong maabala pa sina Nanay.”

“Sige ba,basta huwag kang susuka,hindi ako marunong maglaba ng bedsheet eh.”

Kinabukasan ay sinabi na nga namin ito sa mga magulang ko,isinama na din namin sila sa pagbili ng ticket para pagkatapos ay mamamasyal naman kaming lahat.

Ganun nga ang nangyari,pagkabili ng plane ticket ay dumiretso kami sa Gaisano mall para manood ng sine at bumili. Hati kami ni Crayon sa gastos,gusto nya sya ang gagastos pero hindi ako pumayag.

Araw ng pag alis namin ni Crayon pabalik sa maynila,naging sobrang emosyonal pa ng paalaman namin,parang nung dati lang,halos ayaw na akong bitawan nina Buboy at Caloy,panay ang iyak. Pero inilayo na sila nina Nanay at Tatay para makapasok na kami sa loob ni Crayon,ayokong lumingon,dahil pag lumingon ako,ay ako naman ang aatungal sa pag iyak at baka tumakbo ako pabalik sa kanila.

Habang hinihintay namin ang flight namin ay tinawagan ko si Nang Alicia at Nong Berto,humingi ako ng tawad dahil hindi ko na sila nagawang puntahan,naintindihan naman nila ito at nagpayo lamang.

Pagkatapos ko makipag usap ay tiningnan ko si Crayon,nakapikit na kahit naka upo lang.

“Dito ka na muna sa hita ko mag unan.” ang sabi ko ng pukawin ko sya.

“Huh? Huwag na,ikaw na lang ang mag unan sa lap ko,ang pangit kung ako pa ang uunan sayo.”

“Sigurado ka? Salamat ah,inaantok pa din talaga ako.” ani ko at umunan na nga sa hita nya at pumikit. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko,excited na akong makabalik sa maynila,excited na ako sa kung ano man ang mangyayari. Higit sa lahat,excited na akong makita at makasama sina Cross at Flexter.

Hindi ko na namalayang napaidlip na nga talaga ako,ginising lang ako ni Crayon dahil aakyat na daw kami sa eroplano. Syempre excited din akong sumakay sa eroplano,diba nga barko ang sinakyan namin ni Cross papunta dito sa Cebu.

At ng makasakay na sa eroplano ay mas tumaas ang excitement ko. Ng umandar na ito at dahan dahang umangat sa ere ay pumikit na ako at napangiti.

Flexter,Cross. Magkakasama na ulit tayo.

21. MAGKABILANG MUNDO a collab with ElixirJohn!

NOTE : This is a collaboration with one of the finest pinoy boyxboy author here in wattpad @ElixirJohn to his story “MAGKABILANG MUNDO.” Magaganda po ang mga gawa nya so you should read them,hindi kayo magsisisi. Maraming salamat po! =)


Gabi na ng makarating kami ni Crayon sa Manila. Sabi nya mag check in muna kami sa hotel at bukas na lang umuwi,pumayag naman ako kahit excited na akong makauwi.

“Pwede mo ba akong samahan Khalil? May pupuntahan lang tayo saglit.” ani Crayon ng kumakain na kami sa restaurant ng hotel, 8PM pa lang naman kaya pwede pa naman siguro.

“Sige ba. San ba?”

“Dyan lang sa malapit,Im meeting an old friend,may race daw ang bestfriend nya.” naka ngiti nyang sagot. Tumango lang ako at ipinagpatuloy namin ang pagkain. Madami akong nakain,busog na busog ako na ikinatawa naman ni Crayon.

Matapos kumain ay gumayak na kami. Pakiramdam ko nga ay ngayon ko lang makikilala ng lubusan si Crayon. Nag taxi lang kami papunta dun sa sinasabi nya,wala akong ideya pero sige lang,si Crayon naman ang kasama ko kaya ligtas ako.

“Were here.” aniya ng maka baba kami sa taxi. Lumingon lingon ako sa paligid,wala akong ibang makita kundi mga tao na abala sa pagtingin sa mga kotse nila at isang kalsada na parang wala ng dumadaang kahit isang sasakyan.

“Anong lugar ito Crayon?” ang tanong ko ng ibalik ko ang tingin sa kanya.

“Dito ko daw sya i-meet eh. Race track ito,dito ginaganap ang drag racing.” aniya na naka pamulsa at ginagala din ang paningin para hanapin yung sinasabi nyang kaibigan.

“Drag racing?”

“Yup,pagkakarera ng mga kotse na may pustahan,malaking amount ng pera.” sagot nya at napaisip ako. Napaka delikado ng ganitong hilig tapos ang laki pa pala ng mga pusta. Bakit nauso ang ganito? Para ng naka apak ang isang paa mo nito sa hukay eh. “Oh! There they are! Tara!” aniya at hinila ako.

Malayo pa lang kami ay natanaw ko na ang dalawang lalaki na nag uusap sa harap ng isang kotse,kakarera din ata ang isa sa kanila,ng malapit na kami ay nilingon kami ng mga ito. Nabigla ako dahil ang gwapo nila pareho,lalo na yung isa na parang may ibang lahi pa ata.

“Uy! Crayon buti nakarating ka! I thought magpapaka bulok ka na sa cebu at magtatanim na lang ng kamote!” bati nung isa,maaliwalas ang mukha nya,parang si Crayon,pala ngiti.

“Ulul! Pasalamat ka at pinagbigyan kita kahit may jetlag pa kami.” ani Crayon at nagyakap sila at nagtapikan ng balikat,ano nga bang tawag dun? “Kamusta na Onyx?” dagdag ni Crayon.

“Ito,mas gwapo pa din kesa sayo!” nakangising sabi nito at tiningnan ako,bigla akong kinabahan,baka malait ako nito. “Who’s that? Para syang bak–”

“Yes he’s a gay. Pero maganda diba? He’s my close friend,Khalil Pantoja. Khalil sya si Onyx,my college colegue.” ani Crayon at napanganga yung Onyx.

“M-magandang gabi.” nahihiya kong sabi at napatingin din dun sa isang lalaki,yung parang may ibang lahi.

“Magandang gabi din,sorry sa bibig ko,sometimes nagsasalita ito ng hindi nag iisip.” sabi nung Onyx at ngumiti. “By the way,ito nga pala si Hugo Sebastian,my buddy,my bestfriend! Sya ang lalaban ng karera.”

“Onyx!” ang agad na reak nung lalaki.

“Ay! Sorry, just call him ‘H’”. Close friends lang nya tumatawag sa kanya nun.“ nakangisi nitong sabi. “Seb,este H,sila sina Crayon at Khalil.”

“Nice meeting the two of you.” sabi nung H matapos naming makipag kamay.

Nagkwentuhan ang tatlong lalaki habang hinihintay ang oras daw ng karera nung H. Nakikinig lang naman ako,palihim ko ding pinagmamasdan ito. Gwapo,mukhang mayaman talaga,at pusta ko,habulin ito ng babae,may kasintahan kaya sya? Malamang meron. Sa pagtingin ko sa kanya ay bigla syang napatingin sakin at nagsalubong ang mga kilay,agad naman akong nag iwas ng tingin.

“Why are you looking at me? May problema ba Khalil?” sabi sa akin ni H. Bigla akong kinabahan,napatingin ako kina Onyx at Crayon na abala sa kwentuhan.

“H-ha? Ahm,ah,eh.. Wala! Pasensya na,ngayon lang kasi ako nakakita ng gaya mo mong ganito pala ang hilig.” ang kinakabahan kong sagot. Kayasa! Kung bakit naman kasi nagkalat ang mga gwapong lalaki eh.

“Ganon ba? Do you think its dangerous? Teka,youre a gay right? Hindi ako malapit sa mga gay,pero masasabi kong okay ka naman pala,youre a beautiful gay.” anito.

“Ha? Nako! Hindi naman po! Uhm,tungkol sa tanong mo,oo sa tingin ko delikado yan,hindi lang pala sa tingin,totoong delikado,walang magandang maidudulot,naka lubog na sa hukay ang isang paa mo dahil dito.” ang sabi ko naman,tapos nilingon ko ulit sina Crayon at Onyx na halos katabi lang naman namin,kinindatan ako ni Crayon,baliw talaga.

“Your honest. The truth is,nangako na ako sa kuya ko,kay kuya Santi na ititigil ko na ito,this is the last,actually nandito din si kuya.” anito. Hindi na ako nakasagot. Wala na akong masabi eh.

“Seb! Onyx! Ano? Okay na ba? Magsisimula na?” sabi ng isang boses na ikinalingon namin.

“Kuya Hector! San ka galing? Sakto lang,malapit na mag start.” sagot ni Onyx.

“Dyan lang.” maikling sagot nito at tiningnan ako. Gwapo sya,may hawig kay H,mukhang istrikto. Tapos kay kay Crayon naman tumingin.

“Kuya Santi,mga kaibigan sila ni Onyx, si Crayon,at ito si Khalil.” sabi ni H. “Dude Crayon,Khalil sya ang kuya Hector ko.”

Naguluhan ako. Magkapatid nga sila,parehong may dalawang pangalan. Nakipag kamay kami dito. Tahimik lang sya hanggang sa magsimula ang karera. Nakakatakot panoorin,natatakot ako para kay H. Kung kaya ko lang hilingin sa gobyerno na ipagbawal ang ganitong karera ay ginawa ko na. Bago mag alas onse ng gabi ay naka balik na kami ni Crayon sa hotel.

Kinabukasan,maaga pa lang ay bumyahe na kami papuntang pasig. Mas nadagdagan ang excitement ko, makikita at makakasama ko na ulit sina Aya,Japhet,Jai lalo na si Cross,tapos pwede ko na din puntahan sa kanila si Flexter. Gusto kong magsimula ng bago,hanggang sa maka siguro ako sa nararamdaman ko para kina Cross at Flexter.

“Welcome back Khalil! Na miss ka namin!!” ang agad na salubong nila sa akin,niyakap ko sila isa isa ng mahigpit.

“Ganon? Sya lang na miss nyo? Mga walangya,dapat pala hindi ko na iniuwi dito si Khalil!” ang pagsingit ni Crayon. Nagtawanan kami dahil dun.

“Hindi bagay sayo tol! Halika nga dito!” nakangising sabi ni Japhet at hinila si Crayon,pinagtulungan nila ito ni Jai na kutusan,naglandian silang tatlo,ako naman ay masaya silang pinanood.

“Tama na yan mga bata. Tara na at kumain,tamang tama at paniguradong gutom na ang dalawang yan.” ang pag aya ni Aya kaya pumasok na kami sa loob. Masaya naming pinagsaluhan ang tanghalian,na miss ko sila,palitan kami ng kwento nung mga panahong wala kami dito. Pero syempre,may hinahanap ako,hindi lang ako nagpahalata. Kanina ko pa sya hindi nakikita. Nasaan kaya sya?

“Teka,nasaan nga pala ang gagong si Cross?” ang biglang tanong ni Crayon kaya natigil ako sa pagkain,inabangan ang isasagot nila.

“Pumunta dito nung isang araw,kinuha mga gamit nya,dun na ata sya sa kanila,kailangan sya ng pamilya nya eh,bakit? Hindi ba nya sinabi?” ang sagot ni Jai. Hindi ko alam pero parang may bumara sa lalamunan ko at nagsimulang mamumuo ang mga luha ko.

“Anong ibig nyong sabihin?” nabasag na ang boses ko sa tanong kong iyon.

“Are you okay Khalil?”

“Ang pagkaka alam ko,dito daw sya ulit pagkatapos nyang puntahan ang pamilya nya,pero bakit kinuha na nya mga gamit nya?” ani Crayon. Tumulo na ang luha ko. Nagsinungaling sa akin si Cross! Hindi totoo ang sinabi nya. Sinadya nyang lumayo! Akala ko ba hindi sya susuko? Akala ko ba ilalaban nya ako?

“Excuse me. Busog na ako.” tumayo na ako at umalis. Dumiretso ako sa kwarto at nagmukmok.

Hindi ako tunay na mahal ni Cross,hindi nya pinanindigan ang sinabi nya,hindi nya ako totoong inilaban.

Iniyakan ko ang pagkabigo ko kay Cross hanggang sa makatulog ako.

Nang magising ako ay agad din akong bumaba. Nag iinuman sila sa sala. Nagpaalam ako na magpapahangin lang. Pero ang totoo ay pupuntahan ko si Flexter. Kung isinuko ako ni Cross,alam kong hindi ako magagawang isuko ni Flexter.

Maaaring ang selfish ko na dahil gusto kong sa akin silang dalawa,maging ako man ay naguguluhan na sa sarili ko. Pero ano bang magagawa ko? Nagmamahal lang ako,ang pagkakamali ko ay dalawang lalaki ang minahal ko.

Pagka baba ko sa taxi sa mismong harapan ng mansyon ni Flexter ay nakaramdam na ako ng kaba. Sana nandito sya.

Lumapit na ako at agad akong nakita ng guard. Nginitian ko ito.

“Nandyan ba si Flexter?” ang agad kong tanong.

“Uy Khalil! Ikaw pala yan!” anito at lumabas. “Wala si Sir eh,magkasama sila ngayon ni Miss Janna,may taping ata. At saka ano.. Uhm..” at napakamot pa ito sa ulo.

“Saka ano?” ang kinakabahan kong tanong.

“Pinagbawal na nilang papasukin ka dito. Tatanggalin daw kami sa trabaho pag hindi kami sumunod.” ang nahihiya nitong sagot.

Pakiramdam ko ay gumuho ang aking mundo. Ipinagbawal nila? Ibig sabihin pati si Flexter?

Literal akong nanlambot. Agad akong naalalayan ni Manong guard. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko at nagkapira piraso ang mga pangarap ko. Ang dalawang lalaking mahal ako ay sabay akong tinalikuran,sinasabing mahal ako pero ngayon,bakit ganito? Totoo ba ang mga sinabi nila?

Nang mahimasmasan ako ay agad na akong nagpasalamat at umalis. Ngayon ay sinisisi ko ang sarili ko. Kung hindi ako naging selfish,kung hindi ako naging ganid sa pagmamahal nilang dalawa ay hindi ako aabot sa ganito. Tama si Janna,masyadong mataas ang lipad ko,sa sobrang taas ay bumulusok ako pababa,at sobrang sakit ng natamo ko.

Masyado kasi akong paasa eh. Masyado ko siguro na enjoy na dalawa silang hawak ko,dahil akala ko ay mahal ako. Ganito pala yon kasakit. Kung sana,sa una palang ay inayos ko na,wala sanang ganito. Masyado ko siguro silang nasaktan,at maaaring napagod na sila sa kakahintay sa akin kaya sumuko na sila.

Nabubuwisit ako sa sarili ko. Hindi ko na tuloy alam ngayon kung paano ulit ako magsisimula,kung paano ko matatanggal itong sakit na nararamdaman ko. Kaya eto ako ngayon,sakay ng taxi pag uwi at walang tigil sa pag iyak,sinisisi ko ang sarili ko,napaka laki kong gago.

Pagdating sa bahay ay pinilit kong maging okay. Hindi ako dapat magpahalata na halos patay na ako sa kaloob looban. Naabutan ko pa silang nasa sala pa din at umiinom habang nanonood ng TV.

“Khalil,dito ka,join us!” pag aya ni Aya. Agad akong lumapit at umupo. May commercial sa tv na sadyang umagaw ng atensyon ko.

“Pinoy Big Brother is now open for audition. Sa mga gustong sumali ay pumunta lamang sa blah blah blah blah…” ang sabi sa Tv.

Medyo napangiti ako sa ideyang pumasok sa aking isipan.

22. ANG LALAKI SA DAGAT a collab with @agentbreak

NOTE: This is a collaboration with @agentbreak to his story “ANG LALAKI SA DAGAT.” I recommend you guys to read his works,maganda po ang mga iyon. Suportahan natin ang mga mga pilipinong boyxboy author. Maraming salamat po. =)


Tanging si Crayon lang ang sinabihan ko sa balak ko. Kasi kung sasabihin ko ito sa iba,pipigilan nila ako at sasabihing huwag ng magpakatanga kay Flexter,nalaman din kasi nila ang nangyari ng maabutan nila akong umiiyak sa kwarto ko. Maging si Cross ay walang paramdam. Unti unti ng nabubuo ang sama ng loob ko. Kaya gagawin ko ito para ipakita sa kanilang,may magagawa ang taong tinalikuran nila.

“Are you sure with this Khalil?” ani Crayon nang paalis na kami,sa tutuusin ay tumatakas kami,alas dos pa lang ng madaling araw.

“Oo naman,gusto ko ito.” sagot ko ng makalabas na kami sa bahay. Napayakap ako sa sarili dahil sa lamig.

“Suotin mo tong jacket ko.” aniya at iniabot sakin. Agad ko din naman itong sinuot. “Look Khalil,kung sakaling makapasok ka sa PBB madaming posibilidad ang pwedeng mangyari. At kung maging artista ka na,gugulo ang tahimik mong buhay,matutulad ka kay Flexter,kaya paulit ulit kitang tinatanong kung sure ka? Baka kasi youre just doing this because of bitterness,gusto mong ipakita na mali sila sa pang iiwan sayo,o baka naman gusto mo lang sundan si Flexter? Pwede mo naman syang hintayin,sila ni Cross,baka may mabigat silang rason.” mahaba nyang dagdag ng magsimula na kaming maglakad.

Hindi ako nakapag salita. Ayaw kong makipagtalo. Basta gagawin ko ito para sa sarili ko. Masyado na nga sigurong mataas ang pangarap ko,pero wala naman sigurong masama kung pagsumikapan ko itong gawin.

“Salamat sa paalala Crayon.” pagkuway sabi ko. Nadinig ko pa ang pagpalatak nya pero nagpatuloy lang kami sa paglalakad palabas ng subdivision,medyo mahaba ang nilakad namin hanggang sa makalabas kami sa gate.

Agad namang may dumaang taxi kaya pinara na namin. Tahimik lang kaming dalawa buong byahe. Sa totoo lang,nahihiya na ako kay Crayon,lagi na lang sya ang dumadamay sa akin,naiisip ko nga din na,baka dahil sa akin ay hindi na nya nagagawa ang mga gusto nyang gawin.

Nang makarating kami sa tapat ng PBB Hall ay napaka dami na agad na tao. Medyo nanlumo ako,pero sa gaya kong determinado,lahat ay gagawin ko.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ni Crayon,ngayon ko sya talaga lalong nakikilala,at aaminin kong nasasanay na akong kasama sya. Isa syang totoong kaibigan. Pagsapit ng umaga ay binigyan na kami ng form na dapat i-fill up. Nagpaalam si Crayon na aalis muna para bumili ng pagkain namin dahil pareho na kaming gutom.

Sa sobrang dami ng nag audition ay alas dos na natawag ang number ko. Agad akong pumasok at naiwan sa labas si Crayon.

“Introduce yourself.” ang sabi ng isa sa mga judge,si Direk Lauren Dyogi. Inatake ako ng kaba,parang tinakasan ako ng dugo.

“A-ako po s-si Khalil Pantoja. Dalawampung taong gulang.” ang sagot ko. Walang emosyong tinitigan lang ako ni Direk Lauren.

“Bakit mo gustong sumali dito?”

Sa pagkakataong ito ay medyo lumakas na ang loob ko. Hindi dapat ako mahiya at kabahan.

“Gusto ko pong may mapatunayan sa sarili ko,gusto ko pong guminhawa ang buhay ng pamilya ko sa Cebu. Dahil naniniwala po ako,na maaaring ito na ang stepping stone ko.” ang diretso kong sagot. Inilibot ko ang paningin,puro mga staff at yung iba ding mag o-audition.

“Good. May tanong ako.” ani Direk Lauren at tumingin sa papel sa mesa nya bago tumingin ulit sa akin. “Ano sa tingin mo ang pinaka malaking sakripisyo na nagawa mo sa buhay?”

Natigilan ako. Hindi ko alam kung kaya ko ba itong sagutin o kung may maisasagot ba ako? Pero ng pumasok sa isipan ko ang nangyari kay Tatay ay huminga ako ng malalim bago sumagot.

“Ang pinaka malaking sakripisyo ko po ay ang iwan ang pamilya ko sa Cebu sa panahong kailangan nila ako dahil kailangan kong lumuwas ng Maynila para magkapera,para makapag padala ng pampagamot ni Tatay,masakit po iyon sa akin,kailangan kong isakripisyo ang kagustuhan kong nasa tabi lang nila palagi para sa ikakabuti ng Tatay ko at ng buong pamilya.” diretso ko ulit sagot,kasabay ng pagpunas ko sa aking mga luha na kanina pa pala umaagos.

Natahimik ang lahat,pati ang paghinga at tibok ng puso ko ay dinig na dinig ko.

“Nakakahanga. May talent ka ba?”

“Wala po.” ang biglang nahiya kong sagot.

“Okay that’s all.” ani Direk Lauren. Nalaglag ang mga balikat ko,malungkot akong lumabas. Tama na yon siguro,kung hindi ako makukuha dito ay madami pa naman sigurong paraan.

“Kamusta ang audition?” seryosong tanong ni Crayon paglabas ko.

“Hindi ko alam. Bahala na.” ang sagot ko lang habang lutang ang isipan.

“That’s okay. Huwag ka ng malungkot. Tara,miryenda tayo dyan sa may Homer’s.” ani Crayon at inakbayan ako. Naglakad lang kami papunta dun sa Homer’s,isang open bar and restaurant.

Umorder na kami,pero saglit na nagpaalam si Crayon para mag CR daw. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil pinagtitinginan ako ng ibang tao? Namumukhaan ba nila ako? Huwag naman sana,matagal ng tapos ang issue na yon,kahit nga sa audition kanina ay mukhang hindi naman nila ako namukhaan na ako ang baklang inamin noon ni Flexter sa The Buzz na mahal nya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na si Crayon pero may kasamang magandang babae. Sino sya? Girlfriend ba sya ni Crayon?

“Khalil! Pasensya na medyo natagalan,nakasalubong ko kasi itong kakilala ko nung college eh.” aniya. Ngumiti lang naman ako. “By the way,she’s Belle, Belle sya si Khalil.”

“Hi khalil!” ani nung Belle at naglahad ng kamay. Tinanggap ko iyon at muling ngumiti. “You look familiar.” dagdag pa nito.

“Ganon ba? Anyway,nice meeting you Belle.” ani ko.

“Join us Belle.” ani Crayon at hinila pa ang isang upuan palapit sa mesa namin.

“Nako! Nakakahiya naman,pero hindi ako tatanggi,tsaka teka may kasama ako.” nakangiting sabi nito.

“Sino?” ang tanong ni Crayon.

“Pinsan ko,gaya din sya ni Khalil,nasa labas,wait me here,tawagin ko.” anito at lumabas,agad din naman itong nakabalik na may kasama na. “Crayon,Khalil,this is my cousin Shayn.”

“Hello Shayn!” sabay naming sabi ni Crayon at nakipag kamay kami. “Join us. The more,the merrier.” ang naka ngiting dagdag naman ni Crayon.

“Ang tahimik mo naman Shayn,parang si Khalil lang dati.” ani Crayon ng magsimula na kaming kumain.

“Pasensya na,may iniisip lang. Ano nga palang ginagawa nyo dito sa compound ng ABS-CBN?” sagot nito.

“Nag audition kasi itong si Khalil sa PBB kaya sinamahan ko.” sagot ni Crayon. Nahiya tuloy ako bigla. Napatingin ako kay Shayn. Maamo ang mukha nya,maganda kung naging babae at gwapo kung naging lalaki.

“Wow! Really? Sana matanggap ka.” maligalig na sabi nung Belle.

“Sana nga. Pero pakiramdam ko hindi eh. Kayo anong ginagawa nyo dito?” ang sagot at tanong ko naman.

“Tamang gala lang. Teka,are you a couple?” ani Shayn. Bigla akong nasamid. Agad naman akong binigyan ni Crayon ng tubig. “Naku sorry sa tanong ko.”

“Ayos lang,nagulat lang ako. Magkaibigan lang kami ni Crayon.” ang sagot ko ng mahimasmasan.

“Yup,magkaibigan lang kami. May iba syang mga minamahal.” makahulugang sabi ni Crayon kaya tiningnan ko sya,pero hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nya.

“Ang taray ah? Nag deny ang isa,yung isa parang umamin na. Really Khalil? Huwag ka ng mahiya,hindi na issue ngayon ang magkaroon ng syotang bading o ng kapwa lalaki ang isang lalaki,huwag mo ng pakawalan si Crayon.” mahabang sabi ni Belle,napanganga ako at ngumisi si Crayon.

“Ikaw talaga Belle.” ani Crayon.

“Bakit? Babaero ka dati,pero hindi masamang sa beki ka mainlove. Tingnan mo itong si Shayn,inlove nga din yan eh.”

“Belle! Ang daldal mo!” suway ni Shayn sa pinsan. Napangiti ako at napaisip. Kung sana ganun nga lang kadali gaya ng sinasabi ni Belle,pero hindi,nagmahal ako ng dalawang tao na iniwan din ako sa bandang huli.

“Bakit? Huwag ka nga,naku naman kasi eh,parang pareho kayo nito ni Khalil,deny deny pa. Sige kayo pag inayawan na kayo ng mga lalaki baka umiyak kayo ng pako. Kasi naman pinsan tama na yang pagpapaka emo huh? Ikaw na magtapat dun sa lalaking iyon.” dyosko,napaka daldal pala ng Belle na ito. Nag blush tuloy si Shayn. Sana huwag sya magaya sa akin,sana maging sila at lumigaya sila ng lalaking mahal nya.

“Ewan ko sayo. Binulatlat mo na ang buhay ko. Kumain na lang kaya tayo.” ani Shayn. “Crayon,Khalil pasensya na kayo kung nakikialam si Belle sa relasyon nyo,pero honestly,sasaya ako kung magkakatuluyan kayo.”

“Mali ang iniisip nyo.” ang agad kong depensa. Ayokong napagkakamalan kami ni Crayon,alam kong mahal ako nito pero kasi,baka umasa sya at masanay kung lagi kaming mapag iisipan na magkasintahan.

“Ang daldal nyo. Kumain na lang tayo.” seryosong sabi ni Crayon.

Matapos ang pagkikita at pagsasalong iyon ay nagpaalam na sina Belle at Shayn. Hiling ko lang talaga na huwag matulad si Shayn sa akin. At umaasa ako na hindi ito ang huli naming pagkikita. Napangiti na lang ako dahil sa mga nangyayari, una kong nakilala sina Onyx,H at Hector,tapos ngayon naman sina Shayn at Belle,at dahil iyon kay Crayon. Sana magkita kita pa kami.

Naglalakad kami sa kahabaan ng Mother Ignacia St. ng may bumusina at pumarang puting kotse sa tabi namin. Nagtatakang nagkatinginan kami ni Crayon. Bumaba ang isang may edad ng lalaki at agad lumapit sa amin.

“Pwede ko ba kayong maka usap?” anito. Tumingin ulit ako kay Crayon,gusto kong sya na lang ang sumagot. “Saglit lang naman ito,at makakatulong ito sayo.” ang sabi nito ng bumaling sakin.

Pumayag kami ni Crayon at sumakay sa kotse nito,dinala kami ulit nito pabalik sa ABS-CBN,pumasok sa loob.

“Dun tayo sa office ko.” anito at tahimik lang kaming sumunod ni Crayon. Iniisip ko kasi kung ano ba yung pag uusapan at kailangang dito pa talaga. Ang dami kong artistang nakikita kaya medyo nalilibang din ako. Mukhang hindi naman interesado si Crayon.

“I saw you at the audition,na amazed ako sayo at sa mga sinabi mo. I will tell you na malaki ang posibilidad na hindi ka makapasok dun. Pero ako,matutulungan kita.” anito ng pumasok kami sa parang isang opisina. “By the way,Im Gilbert,a movie producer.”

“Ano po ba ito?” ang tanong ni Crayon na seryoso pa din. Kanina lang okay pa sya ah?

“Huwag kang ma excite,kasama ka dito sa mangyayari kay Khalil. Ano ngang pangalan mo?” sabi nung Gilbert.

Kasama si Crayon?

“Im Crayon.”

“Well then,Khalil and Crayon,mula ngayon artista na kayo.” naka ngiting sabi nito.

“Po?” nanlaki ang mga mata ko sa narinig. “Artista? Agad agad?”

“Nanloloko ka ba?” ani Crayon pero tumawa lang si sir Gilbert.

“Im dead serious. Kilala ko itong si Khalil dahil nga sa issue dati with Flexter.”

“Go straight to the point.” ang mahinahon ng sabi ni Crayon. Ako naman ay parang lumutang ang isip at hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari.

“You see,may gagawin kaming pelikula,kumpleto na ang lahat,maliban sa dalawang cast,at wala kaming makitang artista na pwedeng mag fit in sa character ng dalawa pang main characters. And since nakita ko kayo,nagliwanag ang isip ko,dahil sa inyo nakikita kong magiging effective at hit ang pelikula dahil nga may pinagsamahan kayo ng bida.” mahabang sabi nito. Parang kinabahan ako at naiisip ko na kung saan ito patungo.

“At talagang nakaka siguro ka?” sabi ni Crayon.

“Oo naman,kakaiba ang movie na to,kauna unahang movie ng star cinema at viva films na may kinalaman sa gay love. Alam kong gets nyo na,huwag kayong mag alala,medyo malayo pa ang start ng shooting,ako muna bahala sa workshop nyo,alam mo Khalil,ikaw ang magpapatabo sa takilya sa pelikulang ito kung sakali kasama nitong si Crayon.” litanya ni sir Gilbert.

“S-sino po ba ang mga bida?” ang kinakabahan kong tanong.

Ngumisi ito bago sumagot.

“Sina Flexter at Janna.”

23. Pagtalikod!

Hindi ko alam kung nabingi ba ako o sadyang mas malakas lang ang tunog ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

Totoo ba ito o nananaginip lang ako? Ganito agad kabilis?

“What can you say?” seryosong tanong ni sir Gilbert.

“No! Hindi ako papayag. Lalo lang masasaktan si Khalil! Sabi mo alam mo ang issue,so bakit itinutulak mo sya dito?” singhal ni Crayon.

Napatingin ako sa kanya na naka nganga pa.

“Gusto nyang pumasok sa showbiz. Be professional,set aside the feelings. Big break ito para kay Khalil. At sa paraang ito,maaari nyang ipakita kay Hugo at Janna na kaya nya.” seryoso pa ding sabi ni Sir Gilbert. Tiningnan ako ni Crayon na para bang ayaw nyang tanggapin ko ang offer. Pero ito ang gusto ko diba?

“Tatanggapin ko po.” maikli kong tugon,napanganga si Crayon at napangiti si Sir Gilbert.

“Okay,thats good! Its settled then. Give me your contact numbers and I will call the both of you kung kailan ang start ng workshop at pirmahan ng kontrata,matagal pa naman ang simula ng taping.” ani Sir Gilbert. Tumayo at inilahad ang kanang kamay,tinanggap ko iyon,mukhang nagdadalawang isip naman si Crayon,pero nakipag kamay pa din sya.

Umuwi kami na dala ko ang pag asa,ito na lang kunswelo ko sa sarili ko sa pang iiwan sa akin ng dalawang taong minahal ko. Ang ipakita sa kanila na may kaya akong patunayan,na kaya kong bumawi sa pagkakamali at pag papa-asa sa kanilang dalawa.

“Bakit naka busangot ang isang iyon?” tanong ni Japhet sa akin ng makauwi kami,gabi na nga at halatang kakauwi lang din ng tatlo. Dumiretso si Crayon sa kwarto nya.

“Ewan,wala ata sa mood.” sagot ko at naupo sa sofa.

“Mas naging close na kayo ah? Nakaka selos na.” ang biglang pag sulpot na sabi ni Jai.

“Ano ka ba. Pantay pantay ang tingin ko sa inyo. Nagkataon lang talaga na si Crayon ang lagi ko nakakasama.” sagot ko naman. Nasa gitna ako nina Japhet at Jai. Binuksan ni Jai ang Tv,sakto si Flexter ang nakita namin,teleserye nya pala ang palabas ngayon.

Bigla akong nalungkot. Nanghinayang ako sa mga panahon na pinalampas ko,nasa tabi ko na sya pero pinakawalan ko pa. Pero hindi naman kasi ganon kadali yon,nahulog din ako kay Cross. Kay Cross na nangako din ng pagmamahal pero iniwan ako. Kasalanan ko naman,takot kasi akong masaktan ang isa sa kanila kaya ginusto kong mapanatili sila sa buhay ko. Pero anong nangyari? Pareho din silang nawala.

“Ilipat mo ng channel.” ani Jai kay Japhet.

“Huh? Bakit?”

“Dyan na lang!” ang pagsali ko. Gusto kong mapanood si Flexter. At ngayon ang eksena na ay kasama ni Flexter si Janna,mabigat ang eksena dahil nag iiyakan ang dalawa. Napaka galing talaga nilang umarte. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang maging ka eksena sila kung sakali. Kung kaya ko bang iset aside ang damdamin ko.

“Naku Khalil,ang panget ng teleseryeng yan. Saka tingnan mo,ang OA ng dalawa.” ani Jai na napangiwi pa.

“Pare parehas tayong galit sa dalawang yan,pero hindi natin sila kailangang husgahan Jai,kung si Khalil nga tahimik eh,bakit tayo hindi ba natin kaya?” ani Japhet.

“Tumigil kayong dalawa. Nakaraan na yon. Huwag nyo ng pagtaluhan pa,ang importante,hindi nyo ako iniwan.” pag awat ko sa kanila. Naisip ko tuloy,kung wala sila,siguro nakalugmok pa din ako at wala ng balak bumangon.

“Magulo ang buhay artista. Karamihan sa kanila hindi totoo,dyan sila expert,ang umarte. Pero tama si Khalil,nangyari na yon. Mag move on na lang tayo. Kaya nga may tinatawag na good and bad karma.” sabi ni Aya na kakababa lang sa hagdan.

Nakiupo na din si Aya at nakinood ng Tv. Napangiti na lang ako. Ganito kami noon,pero may kulang.

Bago matulog ay nagpasya akong puntahan si Flexter,last option ko ito. Kung kakausapin nya ako hindi ako tutuloy sa pag aartista at aayusin ko ang gusot na nagawa ko,hahanapin ko din si Cross para matapos na ang lahat. Pero kung wala akong mapala,tutuloy ako at mag mu-move on.

Kinabukasan ay maaga akong umalis,wala akong pinagsabihan kahit isa,gusto kong maaga kasi gusto kong maabutan na nasa bahay si Flexter. Ito ang huling baraha ko,kung hindi ko ito maipanalo,tatanggapin ko na talaga na wala na akong pag-asa.

“Kuya si Flexter po?” tanong ko sa guard ng makarating. Sigurado akong nandito pa sya,dahil natanaw ko sa garahe ang kotse nya.

“Nako Khalil! Bakit bumalik ka pa? Baka makita ka ni Miss Jana? Diba nasabi ko na sayo nung unang punta mo dito na pinagbabawal ka na nila dito? Kakasuhan ka ng trespassing.” napapakamot sa ulo na sagot nito sa akin.

“Ha? Bakit? Hindi naman ako kriminal ah? Kakausapin ko lang si Flexter!”

“Pasensya na. Yon ang protocol,sumusunod lang kami. Umalis ka na bago maabutan.” anito na tumitingin sa paligid.

“What are you doing here? You beggar and famewhore at the same time?” ani ng isang boses na hinding hindi ko makakalimutan. Nilingon ko ito. Si Janna,kasama si Flexter,parang katatapos lang nilang mag jogging.

Hindi agad ako nakapag salita. Parang umurong ang dila ko papunta sa lalamunan ko. Pag si Janna talaga ang nagsalita,iba ang dating. Tiningnan ko si Flexter,nakatingin lang sya sa akin. Blangko ang ekspresyon at walang emosyon. Parang hindi nya ako na miss,parang hindi nya ako kilala.

“N-nandito sana ako para,para maka usap si Flexter.” ang mahina kong sagot. Naningkit ang mga mata ni Janna at naglakad palapit sa akin,ni hindi man lang sya pinigilan ni Flexter.

“Mag usap? Hindi pa ba sapat sayo na kahit papano ay binigyan ka nya ng kaunting panahon? Gusto mo pang kunin sya ng buo?” singhal sa akin ni Janna. Nilunok ko ang takot ko at tinapatan ang matatalim nyang tingin.

“Hindi ikaw ang pinunta ko dito. Si Flexter ang gusto kong makausap,hindi ikaw.” taas noo kong sabi. Kasunod nun ay naramdaman ko na lang na mainit na ang pisngi ko at napaling ang ulo ko.

Sinampal ako ni Janna. Malakas iyon,ni hindi ko magawang maigalaw ang ulo ko.

“Hindi sya interesadong kausapin ka. Sinira mo buhay nya,sinira mo career nya. Sinira mo ang tiwala at paghanga ng mga tao sa kanya! Ngayon,nahihirapan syang makuha ulit ang mga iyon,dahil sayo! Maka-sarili ka! Masyadong mataas ang ambisyon mo! Isa ka lang baklang pulubi na namamalimos!” aniya at sinampal naman ang kabila kong pisngi. Hindi ko magawang lumaban dahil sa babae sya. “Ayan! Para pantay!” dagdag nya pa.

Nawalan ng saysay ang lahat. Pinilit kong huwag umiyak. “Sige na naman,kahit saglit lang miss Janna.” pagmamaka awa ko.

“Hindi! Umalis ka na bago kita ipakaladkad sa mga tanod!”

Bumaling ako kay Flexter pero nag iwas sya ng tingin. Masakit,masakit pala ito kaysa sa sakit na naramdaman ko ng mga nakaraang araw. Masakit na tinitingnan lang nya ako at wala syang ginagawa. Masakit dahil tahimik nya akong itinakwil,tahimik nya akong tinalikuran.

“F-flexter?” pagtawag pansin ko pero tinalikuran nya ako at pumasok sa loob. Tinitigan muna ako ni Janna bago sumunod kay Flexter.

“Khalil.” pagtawag sa akin ng gwardiya. Tiningnan ko sya,namumuo na ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Pero hindi dapat ako umiyak. “Itatawag na kita ng taxi,baka maabutan ka ng mga tanod,kilala ko si Miss Janna at hindi sya mangingiming gawin ang sinabi nya.” dagdag pa nito. Tumango lang ako,at ilang saglit pa ay may dumating ng taxi.

Pagkauwi ay wala ng tao sa bahay. Nasa trabaho na siguro sila. Mas mabuti na to,ang walang makakita sa pagka miserable ko,ayokong maapektuhan sila dahil sa akin,ayokong problemahin nila ang problema ko.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng pagkaka abalahan. Magluluto na lang o gagawa ako ng dessert para mamayang gabi,dito ko muna ida-divert ang panahon ko. Ayoko ng umiyak,nakakasawa. Ako ang gumawa at pumili nito,ito ang daang tinungo ko kaya nandito ako,dapat ko na lang panindigan. Nabuhay ako ng labing syam na taon na walang pag ibig,at kaya ko pang mabuhay ulit ng wala ng pag ibig.

Inabala ko ang sarili ko sa pag gawa ng dessert. Graham ang naisipan kong gawin,yung may mangga,gatas at at chocolate,maliit na pambawi sa mga panahong wala ako dito.

Pakanta kanta pa ako habang ginagawa ang graham. Ngayon lang ako kumanta dahil wala naman akong hilig dito. Pero may mga minutong bigla na lang akong matitigilan at maiisip ang mga nangyari. Ni sa panaginip ay hindi sumagi sa akin na mararanasan ko ang lahat ng ito. Simple lang naman ang buhay ko noon,nagbago lang ang lahat ng mapunta ako dito.

Natigil lang ako sa pag iisip ng malalim ng mapansin kong tapos na pala ako. Nilagay ko muna ang graham sa ref saka nilinis ang mga kalat ko.

Nagwawalis na ako ng may madinig akong yabag na pababa sa hagdan.

“May tao na? Bakit hindi ko man lang namalayan?” sabi ko at nagtuloy na lang sa pagwawalis sa kusina.

“Aya? Kayo na ba yan?”

Natigil ako sa pagwawalis ng madinig ko iyon. Napatayo ako ng tuwid. Pakiramdam ko nga ay nanigas akong parang yelo. At ang tahip ng dibdib ko ganon na lang kalakas at kabilis.

“Khalil?” mas malinaw na ngayon ang boses. Boses na hinding hindi ko makakalimutan. Boses na kahit pagtulog ay nadidinig ko.

Para akong naghahyperventilate,kinakapos ako ng paghinga,normal ba ang ganitong reaksyon. Hindi na ulit sya nagsalita,kaya huminga ako ng malalim at hinarap sya.

Nakatitig lang sya sa akin. Ang mga mata nya,kahit limang dipa ang pagitan namin para akong hinihigop,para akong nilalasing. Tulad ng dati ay naka boxers shorts lang sya.

“Nandito ka na pala.” aniya.

“Cross.”

24. Cross my heart!

“Cross!” ang gulat kong sabi at nag rigodon na naman ang puso ko. Sa sobrang pagkasabik ko sa kanya ay niyakap ko sya. Lahat ng sama ng loob ko sa kanya at mga iniisip ko ay biglang naglaho. Hindi ko na din napigilan ang maiyak. “Bakit mo ako iniwan? Iniwan na ako ni Flexter,akala ko mahal nya ako,pero hindi pala.”

“Sshhh…” ang pagyakap din nya sa akin. “Hindi ako umalis para iwan ka. Umalis ako dahil may gusto akong siguraduhin,at may mga bagay akong inayos.” aniya habang hinihimas ang likod.

“Patawarin mo ako kung naguluhan ako. Kasi hindi ko pa alam kung sino ang dapat. Pero ngayon alam ko na. Naisip ko kasi na hindi naman porket naipakita at naiparamdam na sa akin ni Flexter ang pagmamahal nya ay tatagal iyon,hindi pala,hindi sapat ang pagmamahal nya,inilaban ko sya kasi akala ko ilalaban nya din ako hanggang ngayon,pero hindi.” ang umiiyak at mahaba kong sabi. Mabuti na yong masabi ko na lahat.

Humiwalay ng yakap si Frost at nakipagtitigan sa akin. Ngayon ay lumaban ako ng pakikipagtitigan,hindi gaya dati na una akong nagbabawi ng tingin.

“Gusto kong sagutin mo ang itatanong ko. Yung totoo at galing sa puso.” aniya. Tumango lamang ako bilang pag sagot. “Narealize mo bang mahal mo ako talaga dahil iyon ang nararamdaman mo o dahil hindi ka na mahal ni Flexter?” mabigat ang tingin nya,seryoso at naghihintay ng totoong sagot.

“Mahal kita Cross,pero maging ako ay nagduda sa sarili ko,pero gusto ko itong patunayan,gusto kong magsimula ulit tayo,yung mas kikilalanin natin ang isa’t isa. Hindi maganda ang pagmamadali.” ang sagot ko habang nakatitig pa din sa kanya.

“Kung ganon ang gusto mo. Sige,magsimula uli tayo.” aniya at ngumiti. Nakakagaan talaga ng loob ang ngiti nya at saka pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

“Reunion? Together again?” boses iyon ni Crayon kaya nilingon namin. Nakangiti sya but I can see the pain in his eyes.

Haay sana lang makahanap na sya ng para sa kanya. Ilang beses ko na syang nasasaktan ng hindi sinasadya.

“Nandyan ka na pala. Nasan sila?” ang sabi ni Cross.

“Padating na,nauna kasi ako,akala ko kasi wala pang kasama si Khalil.” ang sagot ni Crayon at naglakad na papunta sa sala.

Tahimik kaming sumunod ni Cross sa kanya. Pagdating namin sa sala ay bukas ang tv at iniinterview sina Flexter at Janna.

“So kamusta naman ang upcoming movie nyo?” ani ng nag iinterview.

“Hindi pa namin alam ang title,pero nabasa na namin ang script at kakaiba ito.” nakangiting sagot ni Janna. Ang galing talaga nyang umarte.

“At saka ang pagiging kakaiba nya ay talagang pag uusapan. Baka next month mag shooting na kami.” ang sagot naman ni Flexter. Kita ko pa kung paano ako tingnan nina Cross at Crayon.

“Paanong kakaiba? Binigyan na ba kayo ng rights na magbigay ng clue?”

“Its a quadruple love a story at may gay na bida.” sagot ni Flexter. Parang alam ko na ang magiging kasunod na tanong kaya tiningnan ko si Crayon. Nagets naman nya at inilipat ang channel.

“He’s back where he truly belongs.” ang komento ni Cross. “Dyan lang kayo,magbibihis ako.” dagdag nya at naglakad na paakyat sa hagdan.

“Alam ba niya?” ang bulong ni Crayon sa akin. At dun ko lang narealize na hindi ko pa nga nasasabi. Magagalit ba si Cross pag nalaman nya? Sasagot na sana ako ng biglang lumingon si Cross.

“Magbihis na kayo at pakisabi sa kanila pag dumating,magbihis din. Mamamasyal tayo,treat ko.” at tuluyan na itong umakyat. Muli kaming nagkatinginan ni Crayon.

“Manlilibre dahil bumalik ka na. Sige na magbibihis na din ako at magbihis ka na.”

“Sige.” sabi ko lang tapos umakyat na din ako sa kwarto ko,pero hindi pa din ako mapakali kasi pano pag nalaman nyang papasok ako sa showbiz,iisipin nya na para kay Flexter yon.

Kailan ba ako mauubusan ng problema? Nako naman.

Nagpunta kami sa isang amusement park. Hindi ko maipaliwanag yung saya ko. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar. Madami pa talaga akong hindi napupuntahan at nakikita.

Kumakain na kami ng mag ring ang cellphone ko. Pagtingin ko unregistered number,nakatingin sila lahat sa akin. Pero sinagot ko pa din.

“Hello? Sino po ito?”

“Si Khalil ba ito? This is Gilbert.” sagot nito na ikinagulat ko.

“Sir Gilbert! Napatawag po kayo?” at lahat sila tumingin sakin,tinitigan ko naman si Crayon.

“Gusto ko lang ipaalam sa inyo ni Crayon na tuloy yung movie,mag start ang workshop nyo next week. But this saturday contract signing kasama ng ibang cast.”

“Ganon po ba?” ang kinakabahan kong sabi. Iba na kasi ang tingin ni Cross,nagtatanong pero nakakatakot.

“Yon lang. Aasahan ko kayo ni Crayon. Bye.” at naputol na ang tawag.

“Sino yon?” ang halos sabay sabay na tanong nina Jai,Aya,Japhet at Cross.

“Si sir Gilbert.” sagot ko at napatingin ulit kay Crayon.

“Kanina pa kayo nagtitinginan ni Crayon. May dapat ba kaming malaman?” seryosong ani ni Cross.

“Sa bahay na lang namin sasabihin mga tol.” sagot ni Crayon.

“Siguraduhin nyo lang na okay yan.” sabi naman ni Japhet.

“Mamaya na yan,ituloy muna natin ang pagkain at pagsasaya.” pagsingit ni Aya at tiningnan ako.

“Tama! Magsaya na lang tayo! Woohh!” pagsingit din ni Jaii.

Kaya ang nangyari ay nagsaya na nga lang kami. Tutal ngayon lang kami nakapag bonding ng ganito,ngayon lang kami nakumpleto.

Pauwi na kami ng may tumawag kay Crayon.

“Si auntie Emi. Saglit kakausapin ko lang.” aniya at lumayo kaya hinintay namin sya.

“Nililigawan ka din ba ni Crayon? May dapat ba akong ikaselos?” ang bulong ni Cross na hindi ko man lang namalayang nakalapit na.

“Huh? Hindi no. Alam naman natin lahat na ako tataluhin ni Crayon,at hindi mo sya dapat pagselosan.” ang sagot ko naman at tiningnan si Crayon na busy sa kausap sa cellphone.

“Make sure of that. Ngayong binigyan mo na ako ng karapatan,hindi mo dapat ako pinagseselos,dahil matagal na akong nagtiis sa pagseselos sa inyo ni Flexter. Sisiguraduhin kong akin ka lang.” mahaba nyang sabi. Napatingin ako sa mga mata nya na nagpapakita kung gaano katotoo ang sinasabi at nararamdaman nya.

“Oo naman.” maikli kong sagot,nakita kong palapit na si Crayon sa amin.

“Good. Mag uusap tayong dalawa mamaya.” ani Cross at bumaling na din kay Crayon na nakalapit na.

“Anong sabi ni Emi?” ang agad na usisa ni Japhet.

“Kung pwede ba daw na mag sleep over sa kanya si Khalil,namiss daw nya,girl bonding.” sagot ni Crayon.

“Payag ako,basta kasama ako.” ang sabi ni Cross na ikinanganga ko.

“Huwag kang KJ,Cross! Girl bonding yon.” sita ni Japhet dito.

“Ipahiram naman natin si Khalil kay ate Emi,kuya.” dagdag pa ni Jaii.

“Sang ayon ako sa kanila. Pabayaan natin silang magbonding.” pahabol ni Aya. Napapangiti na lang ako dahil hindi na maipinta ang mukha ni Cross,kinikilig tuloy ako.

“Okay! Panalo na kayo! Sige mauna na kayo at ako maghahatid kay Khalil kina Emi.” ani Cross at hinila ako papunta sa motor nya.

“Ang daya mo!!” sigaw ni Crayon na napakamot pa sa ulo.

“Mag uusap pa tayo Crayon! May sasabihin ka pa sa amin kaya huwag mo akong sigawan!” ani Cross at sinuot na namin ang helmet at pinaandar na ang motor palayo sa apat.

Ramdam ko yung lamig ng hangin dahil gabi na. Mas hinigpitan ko pa ang yakap kay Cross. Gusto ko kasi yung init ng katawan nya.

Tahimik kami sa byahe,hindi kami nakapag usap dahil pareho nga kaming naka helmet. Kaya pagdating kina Emi ay agad syang nagsalita hindi pa man ako nakakababa sa motor.

“Pag uwi mo na lang tayo mag usap. Enjoy your night with Emi. Gusto ko sana ngayon eh.”

“Promise pag uwi ko,mag uusap tayo.” nakangiti kong sabi at bumaba na. Iniabot ko sa kanya ang helmet at tinanggap naman nya ito.

“Talaga lang ah? Baka hindi?” sabi nya na parang nanunubok.

“Oo nga promise! Cross my heart!” natatawa ko ng sabi. Gusto ko ang nakikita ko kay Cross,pero namimiss ko din ang pagka badboy nya.

“Naniniwala na ako. Sige na! Alis na ako,nandyan na si Emi.” at nahalikan nya ako sa pisngi ng ganon kabilis,kaya kahit naka alis na sya ay malakas pa din kabog ng dibdib ko at tulala pa din ako.

“Alam kong patay na patay sayo si Cross,pero hindi ko alam na ganyan sya ka sweet ah? Infairness,ang cute nyo together! I just cant believe na sa isa’t isa kayo babagsak.” mahabang sabi ni Emi na nasa tabi ko na pala.

“Huh? Uhm..Ano kasi–”

“Sus! Kinikilig ka na eh! Ikaw talaga! Nag improve ka na.” pagputol sa akin ni Emi sabay siko.

“Aray!”

“Ay! Sorry,tara na sa loob. Madami kang dapat ichika! My god,namiss kita Khalil!” aniya at niyakap ako.

“Namiss din kita.” ang sagot ko at mahigpit syang niyakap. Pagkatapos ay pumasok na kami sa napakalaki nyang bahay. Direderetso kami hanggang sa kwarto nya na may mga nakahanda na agad na junkfoods at softdrinks.

“No hard drinks tayo. Lets just pretend na high school tayo.” ani Emi na ang sigla pa din,samantalang ako ay pagod na.

“Ganito ba pag high school? Hindi ko ito naranasan sa Calamboa dati.” ang sagot ko at umupo na din sa carpet.

“Ganon? Pwes,ipaparanas ko sayo ngayon.” nakangiti nyang sabi. “Ganito,magtatanong ako at sasagutin mo? Huwag kang mahiya,diba nga ate mo na ako? I just want to know kung anong mga nangyare nung hindi na tayo nagkikita.” dagdag pa nya at nagbukas na ng junkfood,inabutan din nya ako ng softdrink.

“Sige. Gusto ko din naman may mapagkwentuhan.” ang pag sang ayon ko. Kaya ganon nga,ang bawat tanong nya ay tapat kong sinasagot at sinasamahan ko pa ng kwento.

“Grabe! Wala akong masabi Khalil! Dinaig mo pa ang babae. Talbog sila lahat sayo. Haay! Sana lang happy ending.” manghang komento ni Emi matapos akong magkwento.

“Hindi naman. Pero sana nga happy ending.” ang sabi ko naman.

“Magiging happy yan kung mas magpapakatotoo ka. Pangit ang may nililihim.” ang biglang nagseryosong sabi ni Emi kaya natigilan ako sa pag nguya.

“Ha? Anong ibig mong sabihin?” ang taka kong tanong.

“Pamangkin ko si Crayon,sobrang close kami nun diba? Lahat sinabi nya sa akin,pati ang pag a-artista nyong dalawa.” wika ni Emi na ikinayuko ko. Parang bigla ako nakonsensya dahil sa paglilihim ko.

“Pasensya na,hindi ko naman ginustong maglihim. Nagkataon lang talaga.”

“Its okay,pero ang tanong,kailan mo sasabihin? At itutuloy nyo ba? Kasi,you see masasaktan si Cross,iisipin nyang niloko mo sya at si Flexter pa din ang mahal mo dahil nag artista ka,parang hinahabol mo sya sa mundo nya at unfair iyon kay Cross.” litanya ni Emi na talagang nakapag patigil sa akin,para akong batang pinapagalitan,nahihiya ako.

“Sasabihin ko din sa kanya ate Emi.” ang tangi ko lang na nasabi.

“Sige. Pero ang tanong. Sino talaga ang mahal mo? Si Cross o si Flexter? Yung totoo.”

25. Two become One!

WARNING - SPG

Nagising ako sa mahihinang tapik sa akin. Pagmulat ng mga mata ko ay si Emi agad ang nabungaran ko. Nangungulap pa ako kaya hindi agad ako nakapag isip.

“Nananaginip ka pa ba Khalil? Nandito ka sa bahay ko remember?” nakangiting sabi ni Emi. Bumangon na ako at umupo sya sa kama.

“Oo nga pala,nakatulog na ako kagabe. Salamat ah? Sige,mag aayos lang ako at uuwi na.” ani ko at akmang tatayo na pero pinigilan ako ni Emi.

“No! Youre not going home. Magba-bonding pa tayo,saka yung pinag usapan kagabi. Its a secret between you and me. Now,maligo ka na at may damit ako dyan na para sayo talaga.” ani Emi at itinutulak na ako papunta sa banyo ng kwarto nya.

“Salamat. Pero san tayo pupunta? Baka hanapin nila ako,si Cross.” ang sabi ko pa na nagtataka.

“Ako na bahala sa mga yon. Sa mall tayo pupunta Khalil. Maganda ka na pero kailangan mo ng make over para mas mabaliw sila sayo,lalo na ngayon at mag a-artista ka na. Kaya c’mon,ligo na!” nakangising sabi ni Emi at tinulak na ako sa loob ng banyo at sya pa ang nagsara ng pinto.

Habang naliligo ay hindi ko mapigilang mapaisip. Nasabi na kaya ni Crayon? Ano kaya reaction nila? Ano kayang reaction ni Cross? Tutuloy pa ba ako sa pag aartista? Ano nga ba ang dahilan ko at napunta ako sa ganitong punto?

Pagdating namin sa Mall ay hinila agad ako ni Emi papasok sa isang sobrang sikat na salon.

“Gusto kong mas gumanda sya,pero hindi yung bading na bading ah? At yung buhok nya gupitan at i-straight.” ani Emi at agad na akong pinaupo.

“Kailangan pa ba to?” ang hindi ko mapigilang tanong habang tinitingnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Medyo nakakahiya dahil ang ganda ng salon at sobrang sikat.

“Kailangan yan!” ani Emi. “Mama,ikaw na bahala dyan,future star yan,alam kong kilala nyo sya kaya umayos kayo.” dagdag ni Emi ng bumaling sa stylist.

“Oo naman. Gagawin namin ang lahat para sa ex ni papa Flexter.” nakangising sabi nung stylist at kumindat pa. Napalunok ako bigla,hanggang ngayon pala hindi pa din namamatay ang issue na yon.

“Okay ganyan dapat. Sige magpa manicure muna ako.” ani Emi at umupo sa kabilang upuan.

“Matulog ka muna,pag gising mo,ikaw na pinaka magandang beki sa buong mundo.” ani ng stylist. Sinunod ko sya. Pumikit ako at inisip ang mga pinag usapan namin ni Emi kagabi.

Walang dudang mahal ko si Cross,pero may gusto talaga akong patunayan kay Flexter. At kung kakastiguhin ako ni Cross kung bakit ko ito ginagawa ay sasabihin ko na siguro ang totoo.

Napamulat lang ako ng madinig kong parang may kausap si Emi.

“Ano ba Crayon? Huwag ka ngang abala. Ibabalik ko si Khalil,huwag kang baliw! Sige na busy ako.” sabi nito at ibinaba na ang phone. Napangiti ako.

Muling nag ring ang phone ni Emi at irita nya itong sinagot.

“Hello Cross? Ano ba naman kayo?! For Pete’s sake,kakatawag lang din ni Crayon. Utang na loob wala pang 24 hours nawawala si Khalil! Isasauli ko sya,dont worry! Bye!” ani Emi at umiling. “My goodness.” dagdag pa nito at muling binalik ang pansin sa magazine na binabasa nya.

“Mukhang hindi lang si Flexter ang nahumaling sayo. Anong gamit mong sabon? Pabango at deodorant? Sabihin mo sa akin,ganun din gagamitin ko para naman madami ding mahumaling sa akin.” sabi ng stylist at humalakhak. Nahiya tuloy ako dahil nagtinginan sa amin lahat.

“Ano,uhm..” hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

“Mahiyain ka pala talaga. Sige,pikit ka na lang ulit,para surprise pag natapos na kami sayo.” ani pa nito at muli akong pumikit. Ilang minuto pa ang lumipas ay nadinig ko na si Emi.

“Oh my God! Si Khalil pa ba yan?”

“Mulat na teh.” sabi ng stylist. Pagmulat ko ay nagulat pa ako sa sarili kong repleksyon.

Hanggang leeg ang buhok ko na maganda ang pagkaka gupit,at kulay brown din sya pero makintab. Ang ang kilay ko ay nagkaroon ng korte. Parang hindi ako ang nakikita ko.

“Anong masasabi mo?” tanong nung stylist. Habang si Emi naman ay hindi maalis ang pagkaka ngiti.

“P-parang hindi ako.” ang pagsasabi ko ng totoo. Hindi ko inakala na pwede pa palang mabago ang itsura ko.

“Ikaw yan. Inilabas lang namin ang tunay mong ganda. Hindi ba’t mag a-artista ka? Huwag kang papakabog kay Vice ganda o sweet john lapuz. Gumawa ka ng sarili mong style.”

“Ang dami mo ng sinabi. O sya,salamat Mama,uuwi na kami,ihahatid ko pa sya at kanina pa yan hinahanap ng mga kasama nya.” pagsingit ni Emi.

“O sige. Salamat din Emi! Khalil,good luck girl! Isa na ako sa number one fan mo.” sabi ng stylist at saka kami lumabas sa salon.

“Ngayon kailangan alisin mo na pagiging mahiyain mo,dapat lagi ka ng taas noo,maganda ka,dapat ipakita mo sa lahat. Now mag shopping muna tayo ng wardrobe mo bago kita ihatid.” litanya ni Emi. Naging sunod-sunuran lang ako. Hindi pa din kasi ako makapaniwala na nabago ang itsura ko.

Ano kaya magiging reaksyon nila? Ano kaya ang sasabihin ni Cross? Magustuhan nya kaya ang bago kong itsura?

Madaming pinamili sa akin si Emi,panay ako tanggi pero hindi sya nakikinig. Ang sabi nya,sya ang bahala,at ang pera ko daw ay ipadala ko na lang ulit sa mga magulang ko sa Cebu.

Hinatid lang ako ni Emi sa tapat ng bahay dahil dederetso pa sya sa Coffee shop. At sigurado din akong walang tao sa bahay. Pagkapasok ko ay nagkamali ako ng akala. Nandun sila lahat sa sala at parang naglalaro ng kung ano. Sabay sabay silang tumingin sa akin,wala ni isang nagsalita,nakita ko pa kung paano bumuka ang mga bibig nina Cross at Crayon.

“M-mabigat ang mga dala ko,pwede nyo ba akong tulungang iakyat to sa kwarto ko?” ang pagbasag ko sa katahimikan.

“Khalil!” sigaw ni Crayon at agad na lumapit at kinuha ang mga bitbit ko. “Ikaw ba talaga yan?” titig na titig na sabi ni Crayon.

“Ang ganda ganda mo lalo!” sabi naman ni Jaii kaya hindi ko maiwasang mamula.

“Bagay sayo ang bago mong itsura,lumabas ang ganda mo.” ani naman ni Aya.

“Pwede ba kitang ligawan?” nakangising sabi ni Japhet. “Aray!” dagdag nya ng sapakin sya ni Cross sa likod. Napangiti ako,seloso talaga sya. “Joke lang yon!”

“Akin na mga yan,ako na magdadala sa kwarto mo,remember mag uusap pa tayo.” ani Cross at kinuha sa akin at kay Crayon ang mga paper bag saka naglakad paakyat sa hagdanan.

“Sige! Maya ko na kayo kausapin,sya muna uunahin ko.” ang sabi ko na lang at umakyat na din sa taas.

“Kaya ka nagpa make over para mag artista? Bakit ka mag artista?” ani Cross pagkapasok ko pa lamang sa kwarto,nakaupo sya sa kama ko at sinusandan ako ng tingin ng maupo ako sa tabi nya. “Bakit hindi mo agad sinabi?” dagdag pa nya.

“Pasensya ka na,hindi ko agad nasabi sayo. Biglaan naman kasi ang lahat.” sabi ko at bumunot ng malalim na paghinga. Inihanda ko na ang sarili ko na singhalan nya ako.

“Eh anong dahilan? Bakit tumuloy ka pa din. Si Flexter ba?” ang halos pabulong nyang sabi kaya dumagundong ang dibdib ko. Nagwala ang puso ko.

“Nung una siguro,I was so devastated na nawala kayo kaya may gusto akong patunayan. Pero ngayon iba na,gusto kong mag artista dahil gusto ko na talaga,wala ng kinalaman pa dito si Flexter. Kaya sana mapatawad mo ako sa mga pabigla bigla kong desisyon.” ang mahaba kong sabi at yumuko. Kung ano man ang sabihin ni Cross ay tatanggapin ko.

Naramdaman ko na lamang na iniangat nya ang mukha ko. Sobrang lapit ng mga mukha namin at mas lalong bumilis ang tahip ng puso ko. Malalim,malagkit ang kanyang tingin,nakakalasing. Tiningnan nya ang bawat parte ng mukha ko at sinusundan ko ang mga mata nya na halos ikaduling ko.

“Naiintindihan ko. Mahal na mahal kita at dapat lang kitang suportahan sa pangarap mo. Ayokong maging hadlang. Pero ngayon pa lang ay sasabihin ko na sayo. Lagi mo dapat akong kasama.” at siniil nya ako ng halik. Malalim at nakakalasing na halik.

Naging mas malalim ang aming halikan,napakatamis ng labi at laway nya,na para bang binudburan ng chocolate syrup. Inihiga nya ako sa kama habang gumagapang ang mga kamay namin sa katawan ng bawat isa. Mainit,nakakadarang.

“Gusto na kitang maging akin.” sabi ni Cross at naramdaman ko na lamang na lumapat ng muli ang labi nya sa leeg ko pababa sa aking dibdib. Salitan nyang dinilaan at sinipsip ang aking mga utong kaya hindi ko napigilang mapaungol sa pagragasa ng kakaibang sensasyon. Ni hindi ko nga naramdaman na kapwa na kami walang saplot. Hindi ito ang unang pagkakataon ko sa sex diba? Kaya ako naman ang umibabaw na ikinagulat nya. Inupuan ko ang kanya pero hindi ko ipinasok.

“Ngayon,binibigyan na kita ng pagkakataon para angkinin ako.” at dinilaan ko ang leeg nya,pababa sa kabilaan nyang utong. Nang hindi ako makuntento ay dinilaan ko din ang bawat guhit ng kanyang matitigas na abs. Bumaba ako sa puson nya at hinawakan ang kanya.

“K-khalil.” ang humihingal nyang sabi habang nakikipagtitigan sa akin. Tiningnan ko ang pagkalalaki nya na ngayon ko lamang nakita. Makapal din ang kanyang buhok. Hindi ako makapaniwalang hawak ko ito,malaki,mataba,mahaba. Mabango at lalaking lalaki ang amoy.

Dinilaan ko na agad ang ulo ng kanyang pagkalalaki at dahan dahan itong sinubo ng buo. Sinikipan ko lalo ang aking bibig. Pinigilan kong masuka at maluha ng sumagad ito ng husto sa lalamunan ko.

“Aahhh shit! Khalil! Binabaliw mo ako.” ang pigil ungol nyang sabi at hinawakan ang aking ulo. Dahil sa narinig ay ginanahan ako. Mahal ko sya at gagawin ko ang lahat lumigaya lamang sya. Sa ilang pagtaas baba ng aking ulo ay dahan dahan nya akong iniangat at siniil ng halik.

“Youre driving me crazy. Lets try something else. Something we will both enjoy.” aniya at muli nya akong siniil ng halik at sya na ang pumaibabaw.

Nang pinaghiwalay nya at iangat ang aking mga hita ay alam ko na. Handa na ako,sa pagkakataong ito ay masasabi kong hindi ko ito pagsisisihan.

“I love you so much Khalil.” ani Cross at dahan dahan nya akong pinasok. Iba ito,niyakap ko si Cross dahil rumagasa ang sakit,parang unang beses lamang.

“M-mahal din kita. Ugh.” sagot ko at ako mismo ang sumiil ng halik sa kanya. Gumalaw sya ng dahan dahan. May kung ano sa loob ko ang natamaan nya kaya hindi ko na napigilang umungol.

“Kung babae ka lang,binuntis na kita para wala ka ng kawala.” bulong nya sa tenga ko. Ang mabagal nyang pag ulos ay naging mabilis na halos ikabaliw ko.

26. Ang muling pagkikita!

Hindi namin itinago sa lahat kung anong mayroon sa amin ni Cross. Pero hindi ko maiwasang masaktan,bakit ako nasasaktan? Alam ko kasing nasasaktan si Crayon.

“Ganon talaga yon Khalil,hindi pwedeng wala tayong masasaktan,pero hindi naman ibig sabihin na nasaktan natin sila ay kasalanan na natin.” isang beses ay sabi ni Cross ng sabihin ko sa kanya kung ano ang bumabagabag sa akin.

Ngayon nga ay dumating na ang araw na sinasabi ni sir Gilbert na contract signing,at sa kung anong dahilan ay hindi ko maiwasang kabahan.

“Relax. Nandito lang ako sa labas maghihintay.” ani Cross at hinalikan ako ng mabilisan.

“Tama na ang ka sweetan. Naghihintay na sa loob sina sir Gilbert.” pag singit ni Crayon.

“Inggetero. Sige na,pumasok na kayo.” ani Cross matapos tapunan ng masamang tingin si Crayon na ikinahagikgik ko.

“Sige! Hintayin mo kami ah?” ani ko. Ako na ang nagbukas ng pinto at sumunod na si Crayon. Inilibot ko ang paningin sa pahabang lamesa,nakita ko si sir Gilbert sa kaliwang side ng mesa at may dalawang bakanteng upuan. Pero ng ibaling ko sa kanan ang tingin ko ay natigilan ako. Magkatabi sina Flexter at Janna na gulat na gulat.

“The hell? What are they doing here?” agad na reak ni Janna. Agad tumaas ang kilay ni Hugo. Si Flexter naman ay tinitigan ako,hindi ko alam kung kinabahan ba ako o ano? Kasi biglang nanikip ang dibdib ko.

“React agad ang feelingera.” dinig kong bulong ni Crayon. Maski ako ay nainis,pero kailangan ko magpaka propesyunal.

“Janna relax.” ani sir Gilbert. “Crayon,Khalil,maupo na kayo dito para makapirma na tayo,kanina pa nandito ang mga big bosses.”

Tahimik kaming naupo ni Crayon sa tabi ni Sir Gilbert. Hindi ko maiwasang mailang sa mga kasama namin pati sa iba pang bigating artista,lalo na kay Flexter na nakikita ko sa dulo ng aking mga mata na nakatingin sa akin.

“Huwag mong titingnan si Flexter.” bulong ni Crayon. “Lalo na yang sina Hugo at Janna. Isipin mo wala sila dito.” dagdag pa nya. Huminga ako ng malalim at itinuon ang pansin sa mga big bosses.

“As you can see,kayong mga main cast lang muna ang pipirma ng kontrata.” ani ng isang may edad ng lalaki pero gwapo pa din.

“The movie will be released after 4 months,under Star Cinema and Viva Films,and the title of the movie is ‘He’s inlove with Him’.” dagdag ng isa pa na matanda na.

“Ang unang nagsalita ay ang head ng ABS-CBN at Star Cinema,si Gabby Lopez,yung pangalawa big boss ng Viva Films,si Boss Vic.” ang mahinang sabi samin ni Crayon ni Sir Gilbert.

“Gusto kong maging propesyunal lahat,isang tabi ang mga personal issues,gusto namin ni Boss Vic na maging success itong kauna unahang big film na patungkol sa gay love.” sabi nung Gabby Lopez. Napatingin ako kina Flexter,halos sabay akong pinagtaasan ng kilay nina Hugo at Janna. Si Flexter naman ay parang lutang lang at walang emosyong pinapakita.

“Magkakakilala na naman siguro kayo. Flexter and Janna,I want the two of you na makipag bonding sa mga kapwa nyo bida na sina Crayon at Khalil. Aasahan namin iyon.” ani naman ni Boss Vic. “For now,let us all sign the contracts.” dagdag nito na agad naming sinunod. Medyo hindi pa din ako mapakali dahil may mga media sa paligid. Pero dapat na siguro akong masanay.

“Thank you and congratulations everyone.” at nagkislapan na ang mga camera,nakipag kamay kami nina Crayon sa lahat,nakipag picture. May isang nag request na magpicture daw kaming dalawa ni Flexter. Kumabog ang dibdib ko,kinabahan ako,parang bigla ko syang na miss,pero hindi dapat,hindi ko ito ginagawa para sa kanya,ginagawa ko ito para sa sarili ko,sa pamilya ko,at para sa pangarap ko.

Hindi na ako nakatanggi ng ang mga big bosses mismo ang nag udyok na magpakuha kami ng litrato ni Flexter. Napatingin ako kay Crayon,tingin na humihingi ng opinyon,tinanguan nya ako bilang pag sang ayon.

“Pakibilisan po,may lakad pa kami.” pagsingit ni Janna hindi pa man kami nakukuhaan ng litrato.

Lumapit na si Flexter. Hindi ko alam kung ano na ba ang itsura ko. Basta umakbay sya sa akin,hinapit nya ako. Wala na akong nagawa kundi ang ngumiti habang kinukuhaan kami ng litrato. At pagkatapos nun ay naglakad na sya palapit kina Janna at Hugo.

“Its okay Khalil. Sa una lang yan. Face your fears. May Cross kana,at nandito din kami nina Emi,Aya,Japhet at Jaii. No one’s gonna hurt you again.” ani Crayon at inakbayan ako. Bumuntong hininga na lamang ako. Tama sya,bakit ba nagpapa apekto pa ako?

“Reminder lang everyone,we will just send a message kung kailan ang pictorial at first day of shooting. Thank you.” pahabol na deklara ni sir Gilbert. Nagpaalam na kami sa kanya at lumabas.

Paglabas ay sinalubong agad kami ni Cross. Magsasalita sana sya pero bigla syang natigilan at napatitig sa pinto. Kaya nilingon namin ni Crayon.

Si Flexter,kakalabas lang ng pintuan.

“Lets go.” ani Cross at hinila ako.

“Feelingerang beki!” singhal ni Janna habang naglalakad na kami palabas.

“Ikaw plastic at ipokrita! Amoy basura bunganga mo.” pasigaw naman na pahabol ni Crayon. Sa totoo lang,gusto kong ako na lang ang haharap kay Janna at Flexter. Gusto ko ng matapos na ang mga pang iinsulto dahil hindi na talaga nakakatuwa.

“Bakit hindi nyo sinabi sa akin na ang dalawang yon ang makaka trabaho nyo?” galit na sabi ni Cross ng nasa kotse na kami.

“Para may thrill.” nakangising sagot ni Crayon na nasa backseat.

“May thrill? Kung basagin ko mga mukha nyo ng Flexter na yon?”

“Pasensya na. Pero trabaho lang naman iyon. Tsaka hindi naman ako papayag na makawawa.” ang sagot ko naman.

Huminga ng malalim si Cross bago muling nagsalita.

“Paano kung may mga eksenang hindi ko gusto? Baka makapatay ako ng tao.”

“Hindi naman siguro. Diba sabi mo susuportahan mo ako? Kailangan kita para mas lumakas ang loob ko.” malumanay kong sabi at hinawakan ang kamay ni Cross na naka patong sa kambyo.

“Tama. Saka artista na sila,alam na nila yon. Huwag ka din masyadong mag alala,wala pa naman ang script. Ipagdasal na lang natin na hindi sila ang partner.” ang pagsingit ni Crayon.

“Siguraduhin lang nila.” ani Cross. “At ikaw Crayon,nag usap na tayo okay? Alam mo na ang mga dapat at hindi dapat.”

“Yes boss!”

“Kung bakit kasi hindi na lang humanap ng iba.” pabulong na sabi ni Cross at pina andar na ang kotse.

“Oy,narinig ko yon! Pasalamat ka nga hindi ko sinulot si Khalil kahit may pagkakataon na ako.” sagot naman ni Crayon.

“Pag ginawa mo yon,dalawa na kayo ni Flexter na nasa listahan ko ng mga papatayin.”

“Tumigil nga kayong dalawa. Ayokong nakakarinig ng ganyan.” ang pag awat ko sa dalawa. Agad naman silang nanahimik. Si Cross ay nagmamaneho pa din habang hawak ang kamay ko. Si Crayon naman ay nagsalpak ng earphones at pumikit.

Ako naman ay nag isip. Kailangan naming galingan ni Crayon. Alam kong makakaranas ako ng mga pang aalipusta na naman kay Janna at Hugo,kaya dapat maging handa ako. Alam kong nagpaplano na syang ibaon ako. Alam kong ayaw nya sa nangyayari,pero pareho lang kaming walang magagawa kundi ang sumabay sa agos. At kung sakaling magkaroon ulit kami ng pagkakataong magkaharap ni Flexter,sana hindi na ako kabahan,sana hindi na ako maguluhan.

At sana,pag dumating ang panahong iyon,nasa tabi ko pa din si Cross. Ngayon na mahal na mahal ko na sya,hindi na dapat ako magpa apekto kay Flexter. Gusto kong patunayan na si Cross na ang mahal ko,na naka move on na ako. Na ang lahat ng nangyari sa amin ni Flexter ay tapos na at mananatili na lamang sa nakaraan. Gusto ko itong bago naming nasimulan ni Cross,ang bago naming relasyon bilang magkasintahan.

Pagdating sa bahay ay wala na namang tao. Si Cross naman ay tinawagan ng mga magulang nya,si Crayon naman ay may importanteng lakad kaya ako lang naiwan mag isa sa bahay.

Dahil wala naman magawa ay naglinis ako ng bahay gaya dati pag naiiwanan ako mag isa. Matapos maglinis ay naisipan kong mag gala. Mula kasi ng napunta ako dito sa San Miguel Pasig,hindi pa ata ako nakapag libot dito.

Lumabas na ako ng bahay at naglakad. May mga nakakasalubong akong mga bumabati at tinatanguan ako. Hindi na ako nagtataka kung bakit nila ako kilala. Simula ng umamin dati si Flexter sa buong Pilipinas ay hindi na nawala ang issue.

Nakarating na ako sa gate ng subdivision,buti hindi ako pinagpawisan,malamig kasi ang ihip ng hangin.

“Sa One Mercedes Plaza po.” sabi ko sa trycicle driver na tumigil sa harap ko. Ilang beses ko ng nadaanan ang One Mercedes Plaza pero hindi pa ako nakakapasok doon. Pagkarating doon ay namangha pa ako dahil may Rustan’s Super Market pa. Ang galing talaga sa siyudad. Pumasok ako dito at tumingin tingin sa mga paninda. Ng magsawa ay lumabas ako sa pinto na nasa kaliwa,may Jollibee. Bigla ko tuloy naisip na bumili mamaya bago umuwi.

Sumakay na ako sa escalator. Maganda dito sa taas,may mga kung anu-anong paninda. Siguro kung ako lang,hindi na ako pupunta sa MegaMall kung meron naman dito ng mga kailangan at hinahanap ko.

Nag ikot ikot pa ako at ng magsawa ay naisipan ko ng lumabas. Sakto naman ay tumunog ang phone ko,ng tingnan ko ito,si Cross pala ang tumatawag.

“Hell–”

“Nasaan ka? Nag aalala na ako.” halata nga sa boses nya na nag aalala sya kaya hindi ko mapangiti at kiligin.

“Nandito ako sa San Miguel,sa One Mercedes Plaza.” ang sagot ko habang nagpapalakad lakad. Naisipan kong maupo muna sa isang gilid habang nakikipag usap.

“Anong ginagawa mo dyan? I’ll fetch you,huwag kang aalis. I’ll be there in no time.”

“Huh? Huwag na. Kaya ko naman umuwi mag isa. Saka ang lapit lang kaya. Basta uuwi ako,bibili lang muna ako dito sa Jollibee para hapunan natin.” ang sagot ko naman habang patingin tingin sa paligid. May mga bahay pala sa paligid.

“Okay. Basta umuwi ka agad,I’ll be waiting. I love you so much Khalil.” ang malambing nyang sabi. Tumagos sa puso ko ang sinabi nya,ang sarap sa pakiramdam.

“I love you too.” sagot ko at naputol na ang tawag. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. Makapasok na nga sa Jollibee. Dahil wala naman dumadaan sa drive thru ay dun ako naglakad. Ganon na lang ang gulat ko ng may biglang bumusina sa likuran ko kaya nawalan ako ng panimbang at patihaya akong bumagsak.

“Aguuuuyy! Ang sakit ng puwit at balakang ko.” ani ko at dahan dahang tumayo. Pag tayo ko ay bumukas ang pinto ng kotse at tumambad sa akin ang taong hindi ko inaasahang mapapadpad sa lugar na ito.

Si Flexter.

27. Unexpected event

“Flexter!” ang bulalas ko ng makita syang lumabas ng kotse.

“Are you okay Mis–Khalil?” ang gulat nyang sabi. Nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ako o dahil sa mahal ko pa din sya? Hindi ko talaga alam kung bakit.

“Kyaaaahhhh! Si Flexter Tuazon!!!” ang biglang sigaw ng isang babae. At ayun dinumog na sya ng mga tao. Hanggang sa hindi ko na sya makita sa dagat ng mga tao. Lumayo na ako at nagpasyang umuwi na lamang.

Naglakad na ako palayo sa One Mercedez Plaza. Dinig ko pa na tinawag ako ni Flexter,pero hindi ako sigurado kaya hindi ako lumingon.

Tatawid na sana ako para pumunta sa sakayan ng trycicle ng may tumigil na motor sa harap ko.

Si Cross.

“Akala ko ba bibili ka ng para sa hapunan?” aniya ng matanggal ang kanyang helmet.

“Ha? Ano,uhm. Naisip ko kasi na masyadong mahaba ang pila,baka gabihin ako.” ang pagsisinungaling ko. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at napatingin sa gawi na pinanggalingan ko.

“Anong meron dun? Bakit nagkaka gulo ang mga tao?”

Hindi ko nilingon ang pinanggalingan ko,basta na lamang akong sumagot. “May artistang dumating. Ayun pinagkaguluhan.”

“Ah.. So tara na? Huwag ka na nga lang bumili,nakabili na ako ng ulam,niluluto na nina Aya at Japhet.” aniya at ngumiti. Nakaramdam ako ng mabilis na pagtahip ng aking puso dahil sa ngiting iyon. Ngiting sa akin lang nya ibinibigay,at hindi ko alam kung bakit hindi pa din ako nasasanay.

“Sige! Gutom na din ako eh!” sabi ko at ngumiti din. Kumindat naman sya at hindi ko mapigilang kiligin. Sumakay na ako sa likod nya at inihanda ang sarili sa mabilis nyang pagpapatakbo ng motor.

“Kumapit kang mabuti. Yung pinakamahigpit mong yakap,ayokong bibitaw ka hangga’t hindi ko sinasabi.” aniya bago namin isuot ang mga helmet. At ng paandarin nga nya ang motor ay mahigpit ko syang niyakap. Yun nga lang,may kasamang panginginig. Hindi pa naman kasi ako sanay sa bawat pagkakalapit namin,kumbaga,naninibago pa ako.

Nang makarating kami sa bahay ay madilim na. Dumiretso kami sa kusina kung nasaan na silang lahat.

“Kaen na. Bumili na din kami ng alak para mamaya.” ani Aya habang naglalagay ng kanin sa kanyang plato. Nagtataka akong napatingin kay Cross pero nagkibit balikat lamang sya.

“Magse-celebrate tayo.” nakangising sagot ni Jaii.

“Para saan? Hindi ko maintindihan.” sabi ko ng makaupo na din kami ni Cross,magkatabi kami.

“Para sa pag a-artista nyo ni Crayon.” sagot ng nakangising si Japhet.

“Ewan ko ba sa mga yan. Sinabihan ko naman sila na hindi na kailangan eh.” nakangusong sabi naman ni Crayon.

“Kunwari ka pa. Okay lang yan,matagal na din tayong hindi nag iinuman. Gusto ko ulit kayo makitang maduling sa sobrang pagkalasing.” ani Cross at nagtawanan sila. Napangiti na lamang ako. Sa totoo lang,hanga ako sa pagkakaibigan nila,alam kong nag aaway din sila paminsan minsan,pero mas lamang pa din na nasa magandang mood sila.

Pagkatapos nga ng hapunan ay dumiretso kami sa sala,may alak,may softdrinks at nag salpak din sila ng videoke. Nakaramdam ako ng excitement dahil sa wakas madidinig ko na sila kumanta. At higit sa lahat,madidinig ko na ulit kumanta si Cross.

Tanda ko pa nga nung nasa barko kami papuntang Cebu,kinantahan nya ako ng “Cant fight the feeling.” hindi ko nga maipaliwanag ang kilig na naramdaman ko nun,pero syempre nagpigil ako. Dahil ng mga panahon na yon,si Flexter pa ang mahal ko,sya lang ang nasa puso ko.

“Para sa mga bagong artista! Kanta ko para sa inyo!” ani Jaii sa mic.

“Lul! Why are we doing this?” namumulang komento ni Crayon na tinawanan namin.

Kumanta si Jaii,nakakatawa ang kinanta nya. Kaya kahit nag uumpisa pa lang ay mukha na silang mga lasing.

Tumatagay naman ako,pero konti konti lang. Ayaw kong malasing,alam ko kasing malalasing sila at baka walang maglinis ng kalat.

“Oh eto,careless whisper! Alam ko na kasi ang tumatakbo sa isip ni Cross ngayon.” nakangising sabi ni Japhet. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko papunta sa aking mukha dahil sa sobrang hiya.

“Gago! Inggit ka lang! Sige ayusin mo ang pagkanta!” tumatawang sabi ni Cross. Medyo namumula na din sya. At hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng init. Lalo pa ngayon na hinubad nya ang damit nya at ipinaypay sa sarili. Naisip ko din tuloy ang posibleng mangyari mamaya.

“Namumula ka. Youre too obvious. Dont worry,after this,you and Cross have all the time to pleasure each other.” nakangising bulong ni Aya. Parang gusto ko na tuloy lumubog sa kinauupuan ko. Ganon ba ako kahalata? Ganon ba kahalata ang nararamdaman kong pangangailangan,paghanga at pagmamahal para kay Cross?

“Dont tease him Aya!” ang biglang pagpansin ni Cross at hinapit ako palapit sa kanya. Para akong nakuryente ng maglapat ang aming mga balat. At ng maamoy ko ang natural nyang amoy,ang lalaking lalaki nyang amoy,parang gusto ko na syang hilahin paakyat sa kwarto.

“I dont. Sinasabi ko lang sa kanya ang napapansin ko. Teka,ikaw na susunod na kakanta oh!” sagot ni Aya at iniabot kay Cross ang mic.

“Pasalamat kayo nasa good mood ako.” aniya. Humarap sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi,kumindat at saka humarap sa tv. Nagsigawan tuloy sila,at kung mapula ang kamatis,mas mapula na ako kesa dito. “Ang kantang ito ay para sa nag iisang lalaking nagpatibok ng puso ko.”

Kantyawan at sigawan ulit sila. Ako naman ay nasunod sunod ang tagay. Pakiramdam ko kasi kahit hindi ako nagsasalita ay natutuyuan at nauubusan ako ng laway.

♪youre my peace of mind

In this changing world ♪

Natigil kami ng magsimula ng kumanta si Cross. Maganda talaga ang boses nya. Maganda ang hagod.

♪youre everything I try to find,

your love is pearl ♪

Nagkatitigan kami. Parang kami lang ang tao sa mundo. Hanggang sa matapos nya ang kanta ay magkalapat pa din ang aming mga mata. At ngayon nga,hindi ko alam kung paanong napunta kami sa kwarto ko. Nakahiga ako at gumagalaw sya sa ibabaw ko,hindi ko matandaan paanong napunta kami sa ganito at pinagsasaluhan ang aming pagmamahalan.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Basta nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Bumangon ako at tiningnan si Cross,tulog na tulog sya,napadami talaga ang inom nya,dahil sobrang wild nya kanina.

Pinulot ko ang cellphone ko sa bedside table at tiningnan kung anong meron. Puro mga text,at ng buksan ko ang inbox ay napasinghap ako. Lumang number ni Flexter.

“Bakit kaya?”

Binuksan ko ang lahat ng mensahe galing sa kanya. Iisa lang ang laman.

Flexter :

Meet me sa labas ng subdivision nyo.

Biglang tumambol ang dibdib ko. Napatingin ako sa wall clock. 2:45AM na. Kaya hindi ko maiwasang magdalawang isip. Pero meron sa kaloob-looban ko ang nagsasabi na kailangan kong pumunta. Na kailangang makausap ko sya.

Tumayo na ako at hinalikan ko muna sa labi ang mahimbing sa pagtulog na si Cross. Pinulot ko ang aking mga damit pero hindi ko na ito sinuot,lumapit na ako sa drawer at kumuha ng bagong susuoting damit.

Ng matapos ay bumaba na ako,nakita ko pang nakasalampak ng pagkakahiga si Crayon. Madami din nainom ang isang ito kaya siguro hindi na nakaakyat papunta sa kwarto nya.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto. Ayokong may magambala ako. Lakad ko ito,at sa tingin ko,ito na din ang tamang panahon para tuldukan ang kung ano mang namagitan sa amin ni Flexter noon. Para pare-pareho na kaming maka move on at makapamuhay ng matiwasay.

Nagtagumpay akong makalabas,pero ang hindi ko napaghandaan ay ang pag ihip ng malakas na hangin at pagbuhos ng ulan.

“Haay! Ang layo ko na sa bahay eh!” inis kong bulalas pero nagpatuloy pa din ako sa paglalakad. Okay lang na mabasa ako,basta makapag usap lang kami ni Flexter at ng makauwi ako agad. Alam kong kahit isa lang sa mga kasama ko sa bahay ang magising at malamang nawawala ako ay lahat sila’y matataranta.

Saktong tumila ang ulan ng makarating ako sa labas ng subdivision. Sa di kalayuan ay may napansin akong kulay pula na kotse. Napakislot pa ako ng mag vibrate at tumunog ang cellphone ko,binasa ko ang text.

Flexter :

Hindi ako pwedeng lumabas ng kotse. Nandito ako sa loob ng pulang kotse,ikaw na ang lumapit at pumasok.

Nanginig ako. Ang isiping magkakatabi at magkakausap kami ni Flexter ay nagbigay ng tensyon sa aking katawan,idagdag pa ang pagkabasa ko at ang malamig na ihip ng hangin.

Sinimulan ko ng maglakad palapit sa pulang kotse. At ng nasa tapat na ako nito ay bumuntong hininga ako at tumingin tingin muna sa paligid. Walang tao,walang media na makakakita. Pagkatapos nito ay pwede na akong makauwi,humiga sa tabi ni Cross,yakapin sya at matulog ng mahimbing.

Binuksan ko ang pinto ng front seat,pumasok ako at umupo ng hindi sya tinitingnan.

“Sabi ko na nga ba at kakagat ka. Patay na patay ka pa din talaga kay Flexter ano? How cheap!” nanlaki ang mga mata ko sa boses na iyon kaya marahas ko syang nilingon.

“Janna!”

Bakit sya? Naloko ako!

“Surprised! Nagulat ka talaga ano? Akala mo si Flexter? Pwes,ako ito. Ive had enough of you! At talagang pati showbiz ay pinasok mo para masundan si Flexter?!” singhal nya sa akin. Ang takot na naramdaman ko kanina ay napalitan ng galit.

“Hindi ganon ang intensyon ko Janna! Masaya na ako sa buhay ko. At kung si Flexter ang pinoproblema mo,iyong-iyo na sya.” ang singhal ko saka binuksan ang pinto. “Mag usap tayo pag hindi na mainit ang ulo mo.”

“Not so fast fag! Hindi pwedeng masira ang plano ko. Subukan mong ilabas kahit dulo ng kuko mo sa paa ay sasabog ang ulo mo.” matapang na sabi ni Janna,at naramdaman ko na lang na may malamig na bagay na nakatutok sa likod ng aking ulo.

Napilitan akong isara ulit ang pinto,dumiretso ako ng pagkaka upo. “Huwag ganito Janna. Hindi ko gustong humantong tayo sa ganito.”

Tumawa sya na nagpatindig sa aking mga balahibo. “But you forced me too. Matagal na kitang sinabihan,but you didnt listen! At ito ang resulta ng pagkalaban mo sa akin.”

Natigilan ako. Inisip kong mabuti kung saan ba nanggagaling ang galit nya sa akin. At hanggang ngayon,wala pa din akong makuhang sagot.

“Tama na Janna. Sige,gawin mo na lahat. At pagkatapos ay manahimik na tayong lahat.”

“As you wished.” nagulat ako ng may ilabas syang posas. Kahit kailan ay hindi pa ako naiposas,at hindi ko pinangarap na maiposas. “Subukan mong lumaban. Hindi ako magdadalawang isip na kalabitin ang gatilyo ng aking baril. Alam kong takot kang mamatay dahil may pamilya ka pang naghihintay sa pagbabalik mo.” dagdag nya at tuluyan nyang naikabit ang posas,pakiramdam ko tuloy isa akong kriminal na nagkasala sa batas.

Pinaandar na nya ang makina ng kotse,aandar na sana ito ngunit bumukas ang kanang pinto sa backseat at pumasok ang taong hindi ko inisip na gagawin ito.

“Crayon!”

“Shit!” at biglang pinaandar ni Janna ang kotse. Sobrang bilis na halos parang lumilipad na kami.

“Sabi ko na nga ba at hindi ka gagawa ng mabuti.” ani Crayon at dumukwang. Pipigilan nya ata sa pagmamaneho si Janna,pero parang ibang tao na si Janna,mabilis nyang napaputukan sa dibdib si Crayon kaya napaupo ito. “Pakialamero!”

“Crayon! Dyosko!” nanginig ako ng makita kong umagas ang mga dugo. Mabilis kong nilingon si Janna,kahit nakaposas ako ay inagaw ko ang manibela. “Janna! Dalhin natin sya sa ospital!”

“No!” at siniko ako ni Janna,dahilan para mahilo ako at sandaling mawala sa sarili.

“Hindi mo magagawan ng masama ang taong mahal ko. Walang kahit sino ang pwedeng manakit sa kanya!” at muling dumukwang si Crayon para makipag agawan sa manibela,ngayon ay parang nahihirapan na si Janna.

“Janna! Itigil mo na ang sasakyan!” naki agaw na din ako sa manibela. Pero natahimik kami ng may ilaw kaming makasalubong. Napapikit ako. Sigaw ni Janna at tunog ng makina ang nadinig ko bago tuluyang dumilim ang aking mga paningin.

Mahabang katahimikan. May naririnig akong ingay,halo halo. Alam kong gising ako ngunit ng sinubukan kong idilat ang aking mga mata ay hindi ko magawa. Mahapdi at may nararamdaman akong mainit na likido sa aking mga mata.

Anong nangyari? Bakit hindi ko maidilat ang mga mata ko? Bakit masakit? Bakit parang may tumutusok?

“Khalil? Hung in there! Dadalhin kita sa ospital.” boses iyon ni Crayon. Bigla kong naalala ang tama nya ng bala sa dibdib.

“Crayon? Nasan ka? Pumunta tayo sa ospital! Kailangan mong magamot.” ang nag aalala kong sabi.

“Sshh! Kaya ko sarili ko. Ikaw ang dadalhin ko sa ospital.” at naramdaman kong umangat ako sa ere. Nakakadinig na din ako ng mga boses ng mga tao,busina ng mga sasakyan,sirena ng ambulansya at police.

“C-Crayon? Bakit ganon? Hindi ko maidilat ang mga mata ko? Masakit mahapdi.” ang sabi ko habang buhat nya ako.

“Shit!”

“Crayon? Nasan si Janna? Dalhin din natin sya sa ospital!”

“Lumayo po kayo! Nagliliyab ang sasakyan!” dinig kong sigaw ng isang lalaki.

“Sir! Kami na po ang bahala sa kanya,kailangan din kayong magamot! Madami ng dugong nawala at namumutl–” hindi na natapos ang nagsasalita dahil sa malakas na pagsabog.

“Crayon! Si Janna!!”

28. Dilemma : Pagsisisi

“Masaya ako sa mga panahong nagkasama tayo. Lalo na nung nasa Cebu tayo.” ang sabi ni Crayon na nagpakunot sa aking noo. Nandito kami sa isang lugar na hindi ko maintindihan,payapa at tahimik. Pakiramdam ko ay ligtas ako dito. At kung anong dahilan kung bakit kami nandito ay parang hindi na importante sa aking malaman pa.

“Ano bang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan Crayon.” ang taka ko namang tanong sa kanya. Ngumiti sya,yung ngiting lagi nyang ibinibigay sa akin,yung ngiting nagustuhan ko sa kanya.

“Maiintindihan mo din. Basta masaya ako na hinayaan mo akong nasa tabi mo,hinayaan mo akong iparamdam sayo ang pagmamahal ko.”

Magsasalita na sana ako ng biglang dumilim ang buong paligid. Lumiwanag ang buong katawan ni Crayon na ikinagulat ko.

“Mag iingat ka. Tandaan mo lagi lang akong nakabantay sayo.”

“Teka! Hindi ko maintindihan! Ano bang sinasabi mo?” pilit kong inabot si Crayon,pero parang may humihila sa kanya palayo. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong makaramdam ng takot.

“Lumaban ka Khalil.” ani Crayon. Hinabol ko sya ngunit palayo na sya ng palayo. Dirediretso ng tumulo ang mga luha ko at hindi ko alam kung bakit. Ang tanging alam ko lang ay natatakot ako. Natatakot ako na mawala na ng tuluyan si Crayon.

“Crayon!!” ang sigaw ko. Sa isang iglap ay muling tumahimik ang lahat.

“Uhmmm…”

“Gising na sya!” boses iyon ni Jaii ah? Nasan ako?

“Umiiyak sya.” boses naman iyon ni Japhet. Kasunod nun ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

“Salamat at gising ka na. Pinag alala mo ako,kaming lahat.” boses iyon ni Cross. Gusto kong magsalita pero parang pagod ako. Pinipilit ko din ibuka ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Madilim,napaka dilim.

“I will call the doctor. Sabihan ko na din si Emy.” boses naman iyon ni Aya at kasunod nun ay tunog ng bumukas at sumarang pinto.

“Gising ka na ba talaga?” boses ni Cross na halata ang sobrang pag-aalala.

Tumango lang ako at inalala ang nangyari. Napagtanto kong nasa ospital ako. At ng maalala ko na ang nangyari ay nanikip na ang dibdib ko at ramdam kong umagos sa pisngi ko ang aking mga luha.

“Please dont cry.” ani Crayon,naramdaman ko ang marahan nyang pagyakap. Ngunit wala doon ang aking pag iisip. Nasa naganap na aksidente ang aking pag iisip.

“K-kasala-lanan k-ko it-ito.” hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Sinisisi ko ang aking sarili. At ang panaginip ko kasama si Crayon ay isang senyales.

“Dont cry. Makakasama sa iyo. Baka ma infect ang mga mata mo.” ang pag alo ni Cross. Nabasag na din ang boses nya kaya mas lalo akong naiyak.

“S-si C-cra-crayon. Si Ja-janna. K-kasalan k-ko a-ang la-lahat.”

“Huwag mong sisihin ang sarili mo Khalil. Kaya nga aksidente eh. Huwag ka ng umiyak.” boses ni Jaii.

“Baka lalong makasama iyan sa mga mata mo.” boses naman ni Japhet.

“H-hindi. T-tama lang s-sa ak-akin ito.” ang hirap kong sagot dahil sa paghikbi. Napagtanto ko na ang gusto nilang sabihin,kaya madilim ang nakikita ko,kaya hindi ko maidilat ang aking mga mata ay dahil nabulag na ako.

“Huwag kang magsalita ng ganyan.” ani Cross na ngayon ay katabi ko na at nakayakap sa akin.

Huminga ako ng malalim para mapigil ang paghikbi. Gusto kong magtanong at malaman ang lahat.

“Nasan si Crayon? Anong nangyari kay Janna?” pinilit kong patatagin ang boses ko. Dapat akong maging handa sa kasagutang makukuha ko,kahit ang totoo ay takot na takot akong malaman ito.

“Gising na daw si Khalil Pantoja? Let me check him first.” boses na hindi pamilyar sa akin. Natahimik ang lahat.

“Pwede pong pakidalian doc? I want to talk to Khalil.” boses iyon ni Emi,lalo akong nalungkot. Pakiramdam ko ay nabigo ko sya.

“Okay,just wait.” sagot ng tinawag na duktor at naramdaman ko ang paglapit nito at ang pagluwag ng yakap ni Cross.

Chineck nito ang heartbeat ko,ang aking pulso.

“Okay naman sya. Ang mga galos at sugat nya ay gagaling din after a month.”

“Yung bandage po nya?” ani Aya.

“Tatanggalin din iyan after ng operation. Mabuti at may donor tayo.”

Tumahimik ang lahat. Ramdam kong may mali. Ramdam kong may hindi tama.

Bakit ang bilis naman ata nilang nakahanap ng donor para sa mga mata ko? Kung ako lang,ayaw ko ng magpa opera,bagay lang sa akin na mabulag,dahil kung hindi dahil sa akin ay walang aksidenteng mangyayari.

“Sa ngayon ay kailangan nya ulit magpahinga. Miss Emi,pakidalian ang oras ng pakikipag usap. Mag rounds muna ako,just call me if anything comes up.”

Katahimikan ulit.

“Gising ka pa ba Khalil?” boses iyon ni Emi,at alam kong sya din ang tumabi sa akin.

Sa mga oras na ito. Parang gusto ko na lang mamatay para mabayaran ko ang kasalanan ko. Para matapos ng lahat.

“Huwag kang umiyak. Dapat maging matapang ka. Gusto mo bang mag alala sayo ang pamilya mo sa Cebu?”

At dun nga bigla kong naisip ang pamilya ko sa Cebu.

“Kasalanan ko ang lahat. Hindi mangyayari ang aksidenteng iyon kung hindi matigas ang ulo ko,kung hindi ako tumakas.” ang mahina kong sagot. Parang binibiyak ang puso ko pag sumasagi sa isip ko kung paano kami nabangga,kung paano ako niligtas ni Crayon.

“Sshhh.. Nasa state of shock ka pa. Tama ang doctor,kailangan mo pa ulit magpahinga.” ani Emi,naramdaman ko ang paghaplos nya sa mukha ko.

“Nasan si Crayon? Si Janna?” ang pagpipilit ko pa din.

Bumukas sara ang pinto.

“Excuse me po,oras na po para sa pagpapahinga ng pasyente. Kailangan nya ng lakas bago ang operasyon.” boses iyon ng isang babae.

“Sige po Nurse.”

Huminga ako ng malalim. Sana lason na lang ang iturok sa akin para mamatay na ako. Para hindi na ako makaramdam ng ganito.

Matapos ako maturukan ay nakaramdam ako ng antok at pagkapagod. Kasunod nun ay ang mahabang katahimikan.

Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Hindi ko alam kung radyo ba o Tv. Basta maingay,hindi ako nagpahalata na gising na ako. Gusto kong makiramdam.

“Marami ang nabigo at nalungkot sa sinapit ng tatlo sa bida ng ilalabas sanang pelikula ng Star Cinema. Nakaligtas ang isa,ngunit ang dalawa ay hindi pinalad,isa na dito si Janna Scott.”

Sa nadinig ko ay naramdaman kong nanginig ang aking kalamnan. Isa lang ang ibig sabihin nun,wala na si Crayon,wala na si Janna. At lahat ng iyon ay kasalanan ko.

“Sinubukan naming hingiin ang komento ni Flexter Tuazon,ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig patungkol sa kinahinatnan ng kasintahang si Janna.”

Doon na tuluyang nanikip ang dibdib ko. Kumawala na ang hikbi na pinipigilan ko.

“Shit! Narinig nya.” boses ni Jaii.

“Sabi kasing hinaan nyo ang volume eh.” boses naman iyon ni Japhet.

“Huwag na kayong magsisihan.” boses ni Aya. “Khalil? I know youre not okay. Pero huwag mo na sanang intindihin yung narinig mo.” mas malapit na ngayon ang boses ni Aya. Hindi ako sumagot. Patuloy akong umiyak ng umiyak.

“S-sana.. Ako na lang.” sa pagitan ng paghikbi ay sabi ko.

“Anong nangyayari dito? Bakit umiiyak si Khalil?” ang biglang sulpot ng boses ni Cross.

“Narinig nya sa Tv ang news.” sagot ni Aya.

“Bakit? Diba sinabi naman sa atin na makakasama sa kanya pag nakarinig sya ng ganyan?” galit na sabi ni Cross,naramdaman ko ang pagyakap nya.

“And do you think,hindi makakasama sa kanya ang pinag uusapan ngayon?” si Japhet.

“Utang na loob,tumigil kayo.” pag awat ni Jaii.

“Sa labas kayo mag away,huwag dito!” ang sigaw ni Aya na ikinatahimik nila. Maging ako ay napatigil sa pag iyak.

“Okay na? Magtulungan tayo,huwag magsisihan.” sabi ni Aya pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Huminga ako ng malalim. May gusto akong itanong at gusto ko itong isaboses.

“Ilang araw akong walang malay pagkatapos ng aksidente?”

“Isang linggo.” sagot ni Cross. Hindi na muli ako nagsalita.

Isang linggo. Isang linggo akong walang alam sa nangyayari. Mga pangyayaring kasalanan ko. Hindi ko naman ginusto ito,hindi ko inakalang aabot sa ganitong punto.

“P-pwede ba akong makapunta sa burol nina Crayon at Janna?” pagkuwa’y tanong ko.

“Hindi ka aabot. O-operahan ka muna.” ang sagot ni Cross.

“Ayokong magpa opera. Hindi ako magpapa opera. Tama lang sa akin tong sinapit ko. Dapat nga ay ako na lang ang namatay at hindi sila. Ako na lang dapat,ako na lang.”

“Please,huwag kang magsalita ng ganyan. Ilang beses ba naming sasabihin na wala kang kasalanan. Aksidente iyon at walang dapat sisihin.” sabi ni Aya.

Natahimik sila ng bumukas ang pinto. Dinig na dinig ko ito dahil dahan dahan pa.

“Anong ginagawa mo dito?” galit ang boses ni Cross kaya nagtaka ako.

Sinong dumating?

“Ikaw ang rason kaya umalis si Khalil ng madaling araw na iyon. You shouldn’t be here.” boses naman iyon ni Jaii.

“Diba sabi ko walang sisihan.” sabi ni Aya.

“Anong kailangan mo kay Khalil?” si Japhet.

“I just want to talk to him. Yung kaming dalawa lang.”

Sa nadinig kong boses ay nanikip ang dibdib ko. Alam kong masama ang manisi dahil simula sa umpisa pa lamang ay kasalanan ko na. Pero hindi ko maiwasang sumama ang loob. Ng dahil sa kagustuhan kong makausap sya,iba ang nangyari.

“No Flexter. Kakausapin mo si Khalil sa harapan naming apat.” boses ni Cross.

Nagsisimula na naman akong maiyak pero kailangan kong pigilan. Kailangan kong tatagan ang aking loob.

Muli akong humugot ng malalim na paghinga. Pinuno ko ng hangin ang aking baga kahit na parang may kung anong nakabara sa aking lalamunan. Gayunpaman ay nagsalita ako.

“Gusto kong magkausap kami ni Flexter. Kaming dalawa lang.”

AN/ Hellu pu! Pasensya na po kung natagalan. Diba nga ayaw kumunek ng OM ko sa wattpad kaya need pa magload. Kaya ito,nakapagload ako kaya may update. Votes and comments po kung nagustuhan. Thank you po! :)

29. PRE FINALE: Forgiveness and Letting Go!

“Khalil.” ang pagtawag sa akin ni Flexter. Hindi ako kumibo,pero nanatili akong nakasandal sa headboard ng hospital bed. Ito na ang panahon,hindi man maganda ang kinahantungan,pero kailangan na naming matuldukan ang nakaraan. Kasi sa totoo lang,pagkatapos ng lahat ng pangyayari,ayaw ko na,pagod na ako,gusto ko ng magpahinga.

“Patawarin mo ako kung bigla akong nagbago. Sabi ko naman sayo,kailangan ko lang ayusin ang lahat. Ginagawa ko saktan ka para maprotektahan ka.” ang mahinang sabi ni Flexter.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Pero hindi ganon ang nangyari diba? Alam mo kung gaano kita minahal noon.”

“Noon?!”

“Oo noon.”

“Ngayon hindi na? Naiintindihan ko naman. Ganon talaga siguro,kahit gaano nyo kamahal ang isa’t isa pero kung hindi kayo ang para sa isa’t isa ay maghihiwalay pa din kayo.” aniya. Naramdaman ko ang paglapit nya. Sinubukan kong kapain ang aking sariling damdamin. Ngunit wala na akong nararamdaman para sa kanya.

“Oo,pero hindi ko matanggap kung bakit umabot sa ganito. Ayaw kong manisi. Pero sa tingin ko,tama lang ang nangyari sa akin.”

“Patawarin mo sana ako. Alam kong ako ang dahilan. Hindi ako matatahimik na hindi mo ako mapapatawad.” aniya. Nahiling ko tuloy,na sana,kahit wala na akong nararamdamang pagmamahal para sa kanya ay makita ko man lang sya.

“Hindi kita mapapatawad,dahil wala ka naman dapat ihingi ng tawad. Lahat ay kasalanan ko.” sagot ko. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Crayon. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib.

“Minahal kita Khalil. Sobrang mahal. Hanggang ngayon ay sobrang mahal pa din kita.” hinawakan nya ang kamay ko,wala akong kakaibang naramdaman,hindi gaya dati na halos mamatay ako sa kilig. “Pero hindi pala sapat na mahal nyo lang ang isa’t isa. Nasa akin ang pagkukulang kaya tanggap ko na. Tanggap ko ng may mahal kang iba,at alam kong liligaya ka sa piling ni Cross. Pinapalaya na kita Khalil.” dagdag nya pa. Nabasag na ang boses nya,napaiyak na ako.

Napaiyak ako hindi dahil mahal ko pa sya. Napaiyak ako dahil nanghihinayang ako sa lahat.

“Sana mas mahalin ka pa ni Cross.”

Si Cross. Bakit ganon? Hindi ko alam,pero bakit parang may nag iba? Ano bang nangyayari sa akin?

“Mahal nya ako.” ang tangi kong sagot. At ng hindi sya umimik ay muli akong nagsalita. “Pwede ko bang puntahan si Janna? Makahingi man lang ng tawad kahit medyo huli na ang lahat.”

“You will see her soon Khalil. Sige na,alis na ako. I love you and goodbye.” bulong nya sa tenga ko,kasunod ng mabilisang halik nya sa aking labi at ang pagbukas sara ng pinto.

Napaisip ako,naguluhan. Sa ganitong kondisyon,pakiramdam ko ay hindi na normal ang itinatakbo ng aking pag iisip. Para bang lahat ay magulo at mahirap paniwalaan.

Sumapit ang araw ng operasyon. Kahit anong gawin kong pagtutol ay hindi ako nanalo. Nakatatak na kasi sa isipan ko na hindi na dapat ako muling makakita pa kung may nawala naman ng dahil sa akin.

Ngunit bago ako makatulog pagkatapos maturukan ay naisip kong kailangan kong makakita,kailangan kong makausap ang mga magulang ni Crayon,kailangan kong mapuntahan ang puntod ni Crayon. Kailangan kong humingi ng tawad.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na walang malay. Basta nagising ako na parang may mga nag uusap sa paligid ko. Muli,gaya ng dati ay hindi ako nagpahalata na gising na ako.

“Handa ka na ba Cross?” boses iyon ni Aya. Ano kayang pinag uusapan nila?

“Handa ako Aya. Malinaw na naman kung sino talaga. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. Naguluhan lang talaga sya,at ngayon malinaw na kung sino talaga.” ang seryosong sagot ni Cross.

“Sana matapos na ito. Masyado nang madaming nasaktan.” boses naman ni Japhet iyon. Lalo na akong nagtaka kung ano ba ang pinag uusapan nila.

“After 1 week,pwede ng tanggalin ang bandage,makakakita na ulit si Khalil. At dun ulit magsisimula ang lahat.” sabi naman ni Japhet.

Isang linggo pa? Ganon pa ako katagal maghihintay para mapuntahan si Crayon. Sana magpakita na lang ulit sya sa panaginip ko. Hindi ko kasi gusto ang ganitong pakiramdam. Maaaring naayos na namin ni Flexter ang sa amin,pero paano naman ang sa akin? Una palang ay sinabi ko ng gusto ko lang ng simpleng buhay. Pero bakit ganon? Ang simple na gusto ko ay hindi nangyari.

Kung pwede lang sanang ibalik ang panahon. Itatama ko ang lahat ng pagkakamali ko. Itatama ko ang tibok ng puso ko,kung bakit kasi sa dalawang lalaki pa ito tumibok,kung bakit kasi naging napaka sakit at kumplikado ng lahat. Ganito ba talaga ang sinasapit ng mga bakla sa pag ibig? Sa una patitikimin ka ng konting saya,at sa huli,mag isa kang magdudusa.

“Dahan dahan mong imulat ang mga mata mo Khalil.” ang sabi ng duktor matapos tanggalin ang bendahe sa aking mga mata.

Sinunod ko ang sinabi nya,dahan dahan ko ngang iminulat ang aking mga mata. Sa una ay malabo pa,hanggang sa naging klaro,at nanibago ako bigla. Para bajng nasanay na ako sa dilim.

At ng tuluyan ng luminaw ang aking paningin ay iginala ko ang aking paningin. May hinahanap ako ngunit ako ay bigo. Miss na miss ko na sya. Kung bakit kasi umaasa pa ako eh. Ano ba nangyayari sa akin?

“So?” ani ng isang boses kaya nilingon ko. Ang duktor pala.

“Nakakakita na po ulit ako.” ang sagot ko at iginala ang aking paningin. Nandito lahat,si Emi,Aya,Japhet,Jaii at Cross.

“Kailan ko pwedeng puntahan si Crayon?” ang tangi kong sinabi. Nagkatinginan sila.

“Kailangan mo munang magpahinga. Kakagaling mo lang sa operasyon,bawal kang ma stress.” ang sabi ni Emi.

“Ang tagal ko ng nagpapahinga,ang tagal ko ng nakahiga. Ang tagal ko ng walang silbi.” ang sabi ko naman.

“Okay. Masusunod ang gusto mo. Pero magpahinga ka muna. Pagkagising mo,mag uusap tayong dalawa.” ang malumanay na sabi ni Cross.

“First thing first,kailangan nya ng panghinga. Kung gusto nyo syang ilabas dito,pwede na,just make sure makakapag pahinga sya sa bahay.” ang biglang sabi ng duktor.

“Ilalabas na namin sya.” ani Cross at tiningnan ako. May nakikita ako sa mga mata nya na hindi ko mapangalanan. At hindi ko maintindihan bakit nasasaktan ako. Mahal ko ba talaga sya?

“Pwedeng puntahan si Janna?” ang hiling ko sa kanila.

“Sige.” ani Emi. Inilipat nila ako sa isang wheelchair. Nagkekwentuhan sila habang palabas kami ng ospital. Pero wala sa usapan nila ang atensyon ko. Kundi kay Janna,at mamaya panigurado,kay Crayon naman.

Sumakay kami sa isang van. Malayo ang takbo ng isipan ko. Naisip ko na pagkatapos ng lahat ng ito ay uuwi na ako sa Cebu at mananahimik. Hindi para sa akin ang Maynila,hindi para sa akin ang pag aartista. Totoo ang sinabi ni Janna,masyado lang mataas ang paglipad ko,at ng bumulusok ako pababa ay durog na durog ako.

Ano na kaya ang nangyari sa dapat naming magiging pelikula? Ano kayang ginawa ni Sir Gilbert?

Nagtaka pa ako ng tumigil ang van sa tapat ng bahay mismo ni Flexter.

“Anong ginagawa natin dito?” ang taka kong tanong sa kanila.

“Nandito si Janna. C’mon,she’s waiting for you.” ang sagot ni Cross at binuhat ako,nailabas na ni Japhet ang wheelchair at saka ako iniupo doon ni Cross.

“Magandang tanghali Khalil!” nakangiting bati ng gwardiya nina Flexter at binuksan ang gate. Nginitian ko din sya saka ako suminghap. Madami din akong alaala sa mansyon na ito. Dito ako nagsimula noong mangarap.

Nang makapasok kami sa loob ay naabutan naming nagkekwentuhan sina Flexter at Janna. Napalingon sila sa amin at sabay ngumiti.

“Nandito na pala kayo. Tara sa dining hall,nakahanda na ang pagkain.” nakangiting sabi ni Flexter,lumapit sya sa amin at nakipag manly hug sa mga lalaking kasama ko.

Tiningnan ko si Janna,naka wheelchair din sya,at may mga maliliit na sugat na mukhang pagaling na din gaya sa akin. Pero,maganda pa din sya. Napatingin sya sa akin at ngumiti. Nagulat man ay sinuklian ko din sya ng ngiti.

Nang nasa hapag na kami ay nag uusap sila na parang walang pinagdaanang away. At sa totoo lang,natutuwa at masaya ako sa nasasaksihan ko.

“Khalil. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko.” ang panimula ni Janna ng kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa living room nila. Nginitian ko sya.

“Ayos lang yon. Ako din gusto kong humingi ng tawad. Naging biktima lang tayo ng sitwasyon. Inilaban lang natin ang sa tingin natin ay dapat ilaban.” ang sagot ko naman.

“Tama ka. Sobrang pinagsisisihan ko ang lahat,kung pwede lang maibalik ang nakaraan.”

“Ganyan din ang sinabi ko eh,pero tapos na yon. At masaya ako,na pagkatapos ng lahat ng bangayan,sigalot at away at nagkaayos na tayo.” nakangiti kong sabi at hinawakan ang kamay nya.

“Masaya din ako. Masaya ako na nakakakita ka na ulit. Masaya ako na ayos na lahat,masaya ako na hindi ako iniwan ni Flexter. Naging bulag ako,pero kahit anong kasamaan ang ginawa ko,tinanggap nya pa din ako.” ani Janna at tumulo ang mga luha nya. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

“Masaya din ako. Matalino ang Diyos,alam nyang hindi para sa akin si Flexter. Sana magmahalan kayo.” ang tanging nasabi ko na lamang.

“Youre lying. Hindi ka lubos na masaya. Bakit? Hindi ka ba mahal ni Cross?” ang nagtatakang sabi ni Janna pagkatapos magpunas ng mga luha.

“Mahal nya ako. Pero,ako nga siguro ang may problema. Hindi ko agad nalaman ang pagkakaiba ng pagmamahal sa pagkagusto lamang. At ngayong narealize ko ang lahat ay huli na,wala na.” ang malungkot kong sagot pero pinilit ko pa ding ngumiti. Dapat maging masaya na ako talaga dahil naayos na ang lahat ng dapat maayos.

“Anong huli na? Kung hindi mo–ah okay. Palapit na sila.”

Anong sasabihin ni Janna?

“We have to go Khalil.” ani Emi kaya tinanguan ko sila.

“Salamat Khalil. I wish you all the luck. Mabait ka,kaya mabait din si God sayo.” nakangiting sabi ni Janine. Ang pakiramdam ko,nabunutan ako ng isang tanikala sa dibdib ngunit may naiwan pa,at hindi ko alam kung kailan din ito matatanggal.

“Salamat din Janna.” nakangiti kong sabi at bumaling kay Flexter. Ngayon kaya ko na syang tingnan at ngitian. “Flexter,magmahalan kayo ah? Huwag kayong maghihiwalay,kundi lagot ka sa akin.” ang biro ko pa at tumawa sila.

“Oo naman. At pag kinasal kami ni Janna. Ikaw ang unang makaka alam bago yang mga kasama mo.” nakangiti din nyang sabi.

“O sige na,magpapahinga pa si Khalil at may lakad kami bukas.” ang pagsingit ni Japhet,samantalang si Cross ay hinawakan na ang wheelchair.

“Khalil? Can I kiss you goodbye for the last time?” ang biglang sabi ni Flexter. Lahat kami ay nagpabaling baling ang tingin sa kanya,papunta kay Janna,papunta kay Cross.

“Its okay with me.” nakangiting sabi ni Janna.

“Huwag nyo akong tingnan. Ayos lang sa akin iyon.” ang nakangiting sabi ni Cross na ipinagtaka ko. Okay lang talaga sa kanya?

At sa isang iglap ay mabilis na lumapat ang mga labi ni Flexter at mabilis din nya itong binawi. “Thank you for everything. Sana maging magkaibigan pa tayo,I love you Khalil.” ang bulong pa nya na ikinagulat ko na naman.

Makalipas ang isang linggo ay tuluyan na akong gumaling. Ngumingiti ako,tumatawa,ngunit sa kaloob looban ko may kulang,may hinahanap ako. Ngunit hindi ko na iyon binabanggit sa kanila,nakakatakot kasi na may madinig akong hindi maganda.

“Talaga bang miss na miss mo na sya.” boses iyon ni Cross,nandito kasi ako sa labas ng bahay. Nilingon ko sya at nginitian.

“Oo. Pero wala eh. Huli na ang lahat. At saka,nandyan ka naman. Mahal kita,mahal mo ako.” ang sagot ko naman at muling tumingin sa labas.

“Hindi mo ako mahal Khalil. Naging parte lang kami ni Flexter para malaman mo kung ano ba ang tunay na pagmamahal.” ani Cross at bumuntong hininga.

“Anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko. Gusto ko kasi maging malinaw ang lahat. Gusto kong maging sa kanya ay maging malinaw.

“Mahal kita. Sobrang mahal,ramdam ko din namang minahal mo ako. Pero mas may nagmamahal sayo,at alam naming sya talaga ang tunay mong mahal Khalil.” ani Cross na tinitigan ako. Lumaban ako ng tingin. Kinapa ko ang aking sarili. Mahal ko nga sya,pero tama sya,hindi pala iyon ganon katindi.

“Pasensya na. Naging magulo ako. Hindi ko din maintindihan ang aking sarili. Sobrang gulo.” sabi ko at napayuko.

Naisip ko talaga sya. Sya ang hinahanap ko. Naging bulag ako sa pag aakalang mahal ko si Flexter,at nagkamali naman ako ng pagkilala sa damdamin ko para kay Cross. Napakalaki kong tanga. Totoo nga na kung kailan wala na ang isang tao,saka mo maiisip ang kahalagahan nya sayo,kung gaano mo sya kamahal.

“Hindi makasarili ang pagmamahal ko Khalil. Inihanda ko na ang sarili ko para dito,hindi ko ipipilit ang sarili ko. Mas sasaya ako,kung makikita kitang kapiling ang tunay na nagmamahal sayo,yung talagang mahal mo.” halos pabulong na sabi ni Cross.

Hindi ko na naman mapigilan ang mapaiyak. Hanggang dito na lang talaga siguro ang buhay pag ibig ko. Ito talaga siguro ang nakalaan para sa akin,ito ang tadhana ko.

Niyakap nya ako ng hindi ako tumugon.

“Dapat na ba akong magselos talaga?” isang boses na matagal ko ng gustong madinig. Napabitaw ako ng pagkakayakap kay Cross.

Nandun sya. Gwapong gwapo,nakatayo sa gate,nakangiti at buhay na buhay.

Agad naghurumentado ang puso ko,hindi ko maisalarawan kung gaano kabilis ang bawat pintig nito. Nagsimula na namang namuo ang mga luha ko.

“There goes your happiness.” ang bulong ni Cross.

Sa isang iglap ay tinakbo ko ang pagitan ng lalaking tunay kong minamahal. Ang lalaking hindi ako iniwan,ang lalaking minahal ako kahit hindi ko pa man ito nasuklian.

At ngayong nandito sya sa harap ko. Ngayong narealize ko ng sya ang mahal ko. Hinding hindi ko na sasayangin ang pagkakataon. Hinding hindi ko na sya papakawalan.

“Crayon!!” at mahigpit ko syang niyakap. Mahigpit na mahigpit. Natatakot kasi ako na baka panaginip lang ang lahat ng ito.

“Ang sarap naman! Ngayon mo lang ako niyakap ng ganyan. Pasalamat ka magaling na mga sugat ko.” aniya at gumanti ng yakap. Sobrang sarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko ay kumpleto na ako. Pakiramdam ko ay ligtas ako. At sa yakap nya ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nyang walang kapantay.

“Patawarin mo ako! Huli na ang lahat ng malaman ko na ikaw pala talaga ang mahal ko.” ang sabi ko at isinubsob ang aking ulo sa matigas nyang dibdib.

“Nah,huwag kang ganyan. Ng minahal kita ay wala akong hininging kapalit. Pero masaya akong malaman na mahal mo din ako.” sagot nya. “Kahit hindi ka na virgin.”

Sa nadinig ko ay agad kong kinurot ang tagiliran nya. “Bastos!” ang namumula kong sabi.

“Mahal mo naman!” nakangisi nyang sabi habang hawak hawak ang tagiliran nya.

“Kahit na! May kasalanan ka! Bakit pinalabas nyong patay ka na? Halos isang buwan nyo akong binaliw!” ang inis kong sabi.

“Oopps! Hindi ako nagplano nun. Tanungin mo yang mga nasa likod mo.” aniya na itinaas pa ang mga kamay,yung tipong sumusuko na sa laban.

“Ginawa namin yon para lumabas ang totoo mong damdamin.” nakangising sabi naman ni Jaii ng pukulin ko sila ng masamang tingin. Ng mabaling ang tingin ko kay Cross ay nginitian nya ako.

“Maraming salamat.” at nagulat na lang ako ng kabigin ako ni Crayon.

Muling naglapat ang aming mga labi. At hindi ko maipaliwanag ang saya at tuwang nararamdaman ko.

AN / MAY GRAND FINALE Pa po :) alam kong nabitin kayo,pero hanggang dito na lang ang kwento nila. Abangan po ang Grand Finale :)

30. WAKAS: Pangarap ko’y Ikaw

AN/ Hello! Ito na po ang huling chapter. Maraming maraming salamat po sa inyong suporta sa kwentong ito. Hindi ito aabot dito kung hindi dahil sa inyo. Magkita kita po tayo sa iba ko pang kwento. Enjoy reading and dont forget to vote and comment. =)


Ganon na lang ang hagalpak ko ng makita ko sa newsflash ang pangalan ng coffee shop ni Auntie Emy. Nadawit kasi ito sa gulo,yung artistang si Flexter Tuazon may sinapak na crew.

Pero ng makita ko ang picture nung crew na sinapak ay parang may naramdaman akong kakaiba. Parang kinabahan ako na ewan,parang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Nagawa mo pang tumawa,na eskandalo na nga ang shop ng tita mo.” ani Mom na nakalapit na pala.

Kunot noo ko syang tiningnan. “Mukha pa ba akong tumatawa Mom? Sino yung waiter na yon? Bago lang ba?” ang sabi ko naman.

“Siguro. Kina Aya yon nakatira. Probinsyano.” ani Mom. “at isang bakla.” dagdag pa nito. Nakaramdam tuloy ako ng inis kay Mom.

“Gago talaga yang Flexter na yan!” ang sabi ko at tumayo.

“Syempre ijo,showbiz,kailangan ng sympathy ng mga fans.”

“Hindi na sya makakaulit.” ani ko at tumayo. Pupunta ako sa kwarto,dun ko tatawagan si Tita Emi.

“Oh,san ka pupunta?”

“Sa kwarto po Mom.” sagot ko at tinungo na ang kwarto. Pagkapasok pa lang ay tinawagan ko agad si Tita Emi.

“What do you want?” anito. Halatang nag aalala.

“I heard about the news.” ang sabi ko naman. Hindi ko alam kung paano ko maipapasok sa usapan yung crew nya. Kinakabahan ako.

“Yeah. At uminit ang ulo ko sa Flexter na iyon. My god,hindi ko na sya idol! Mabuti na lang at nandito sina Aya,Jaii at Japhet para alagaan si Khalil. Kung pwede lang kasuhan yang–”

Khalil pala ang pangalan nya,cute.

“How was he?” ang pagputol ko sa tuloy tuloy na pagsasalita ni tita Emi.

“Who’s he? Flexter?”

“No! Kailan pa ako nagkainteres sa lalaki?” ang agad kong sabi.

Ngayon pa lang. Ang bulong ng pag iisip ko.

“Sino ba?”

“Yung bago mong crew.” ang mahina kong sabi.

“Huwaatt? My god Crayon! Kailan ka pa nag alala sa mga empleyado ko? Anong nakain m–wait?! Type mo ba si Khalil?”

Napalunok ako bigla dahil dun,kaya nasamid ako sa sarili kong laway.

“Y-yeah. Kamusta sya? Anong buo nyang pangalan?” lakas loob kong tanong. Saka na ako magpapaliwanag pag nakasigurado na ako.

Kaya simula ng araw na iyon,lagi ko ng naiisip si Khalil. Hindi ko alam kung ano na bang nangyayari sa akin. Nahihiya naman akong magtanong kina Mom and Dad,baka isipin agad nila na bakla ako.

One day,I was in the Mall,roaming,sight seeing. Ng bigla akong may nakitang pamilyar na mukha,bumilis agad ang pintig ng puso ko,hindi ako mapakali,gusto kong lumapit pero hindi ko alam ang sasabihin.

Nasa loob sya ng isang shop ng mga cellphone. Nagdadalawang isip ako kung lalapit ba o hindi. Hindi pa ako naging ganito katorpe,kilala akong kilabot ng mga babae,at ngayon natorpe ako sa isang binabae.

Ano ba ito? Gusto ko na ba talaga siya? Bahala na nga.

“Hi!” ang pagkalabit ko dito ng agad akong makalapit. Inihanda ko agad ang pamatay kong ngiti. At ng humarap ito ay parang nakakita ng multo,parang nataranta.

“B-bakit?” ang nauutal nitong sabi. Napangiti ako. Ang cute nya,lalo tuloy tumambol ang puso ko.

“Ikaw yung sa Tv diba? Yung waiter na sinapak ni Flexter Tuazon?” ang agad kong sabi para mas makasiguro pa. Iba ang pakiramdam na kaharap ko na sya. Parang nabibingi ako sa tibok ng puso ko.

“H-hindi ako yon! Nagkakamali ka” ang taranta nyang sabi na ikinangiti ko. Aalis na sana sya pero hinarangan ko sya,gusto ko pa syang makausap.

“Hahahaha! Ang cute mong mataranta at ang cute ng mukha mo! Tama nga kutob ko sayo ng makita kita sa Tv,kaya ka siguro sinapak ni Flexter” Ang nakangiti kong sabi. Kahit na sa loob ko ay naiinis ako kay Flexter.

“Hindi nga ako yon! Sikaran taka dyan! Daplin na! Mu agi ko!” ang agad nyang depensa na ikinatawa ko,bisaya pala sya? Ang cute talaga.

“Hahaha! Bisaya ka pala? Basta ikaw yun cute! O sige na! See you soon!” ang sabi ko na lang at umalis na. Nakita ko kasing papalapit na si Cross at ang sama ng tingin nya sa akin. Siguro gusto din nya si Khalil? Ibig sabihin may karibal na pala agad ako.

At mula ng araw na iyon,tinanggap ko na sa sarili ko na nagmamahal na nga ako,na nagmamahal na ako ng kapwa ko lalaki. It doesn’t really bothered me,gusto ko yung nararamdaman ko.

Isang beses,dahil sa kagustuhan kong mapalapit kay Khalil ay nakiusap ako kay Tita Emi na magtatrabaho din ako sa shop,at dun na din ako titira kina Khalil.

“Binabalaan kita Crayon. Dalawa ang makakabangga mo,si Cross at Flexter.” ang sabi ni Tita Emi.

“Edi may the best man win! Sila lang ba may karapatang magmahal kay Khalil?” ang seryoso ko pang sagot noon. Pero nagkamali ako,kalbaryo ang inabot ko.

Malinaw pa sa mineral water na wala akong lugar sa puso ni Khalil. Masakit,araw araw akong nasasaktan,pero nagpakamanhid ako,kahit hindi na nya masuklian ang pagmamahal ko ay ayos lang,basta nandito lang ako palagi para sa kanya.

At ng dumating ang araw na nabigo si Khalil kay Flexter ay gusto ko ng pumatay ng tao. Bakit hindi? May pagkakataon na sana ako,ngunit si Cross naman ang nakakuha ng pagkakataon na iyon,muli akong nagparaya,hindi ko tatraydurin si Cross.

Biglang nawala sina Cross at Khalil. Malakas ang hinala ko na pumunta sila ng Cebu. Kaya agad akong sumunod,kaso nagkasabay kami sa airport ni Flexter.

Nang makarating sa Cebu ay dun mas tumindi ang pagmamahal ko kay Khalil,halos kaming dalawa ang magkasama,nawili din ako sa dalawa nyang kapatid,lalo na sa mga magulang nyang itinuring kaming mga parang totoong anak.

Umalis si Flexter at Cross,ngunit ako hindi. Hindi ko kayang iwanan si Khalil sa ganong kalagayan. Ginawa ko ang lahat para sumaya sya kahit papaano. Alam ko ang kabiguang nararamdaman nya kay Flexter at Cross,dahil ang kabiguang iyon ang araw araw kong nararamdaman.

“Sigurado ba kayo dyan?” ang diskumpyado kong tanong sa mga mokong. Nandito ako sa ospital,nakaratay at hindi mapakali dahil alam kong naghihirap si Khalil,alam kong nabulag sya sa aksidenteng iyon. Mabuti na lang talaga at naalimpungatan ako nung gabing tumakas sya.

“Oo. Napansin kasi naming,parang hindi naman wagas ang naramdaman nya kina Cross at Flexter. Alam naming ikaw ang mahal nya,kaya palalabasin natin ang pagmamahala nyang iyon.” ang sabi ni Tita Emi.

Napangiti ako. Ang isiping mahal din ako ni Khalil ang nag uudyok sa akin para magpatuloy lumaban.

“Pero bakit kailangang patayin nyo ako sa paniniwala nya?” ang tanong ko po din.

“Gusto mo bang makatuluyan si Khalil o hindi?” ani Jaii.

“Oo naman! Pero paano si Cross?” ang nag aalangan kong sabi. Alam ko kasi kung gaano kamahal nito si Khalil.

“Huwag mo syang intindihin. Idea nya ito. Mag uusap din kayo pag magaling ka na. Sa ngayon pabayaan natin syang magbantay kay Khalil. Pagkatapos ng operasyon,magsisimula ulit tayong lahat.” ang mahabang sabi ni kuya Aya. Ngumiti na lamang ako. Sana nga ako talaga ang mahal ni Khalil,sana nga.

Katatapos lang daw ng operasyon ni Khalil at nagpapahinga ito. Gusto ko syang puntahan pero hindi ako pinayagan ng mga impakto,ikinulong nila ako dito sa bahay.

“Kahit sino o ano pa man ang mahal mo anak,susuportahan ka namin,yon ang gusto namin,ang lumigaya ka.” ang sabi ni Dad habang nagpapahangin kami dito sa Lanai.

“Okay sa akin si Khalil. I want to meet him and his family pagkatapos ng plano nyo.” nakangising sabi ni Mama.

“Kung ako talaga ang mahal nya matutupad yang gusto nyo.” ang sagot ko naman. Hindi na ako makapag hintay na dumating ang araw na muli kaming maghaharap ni Khalil. Sobrang nananabik na ako sa kanya. Gusto ko syang yakapin at halikan.

“Nandyan na si Cross,dun muna kami ng Mom mo sa loob.” ani Dad at sabay silang pumasok sa loob ng bahay.

“I want to clear things to you Crayon.” ang panimula ni Cross ng makaupo na sya. Inihanda ko na ang sarili ko. “Alam nyong lahat kung gaano ko kamahal si Khalil. Mahal ko sya kaya pinapalaya ko sya.” dagdag nya.

“Pero hindi tayo nakakasigurado na ako talaga ang mahal nya kuya.” ang sabi ko naman.

“Sigurado na kami. Kitang kita naman. Gusto kong magpakasaya kayo. Paligayahin mo sya. Hindi ko na kekwestyunin ang pagmamahal mo sa kanya dahil naging saksi naman ako. Pero sa oras na saktan mo sya,pag umiyak sya,babawiin ko sya sa iyo and you wont get him back!” ang mahaba nyang sabi. Nginitian ko sya,humahanga ako sa katapangan nya na magparaya,alam ko ang pakiramdam ng nagpaparaya.

“Salamat kuya. Salamat at inintindi nyo ako. Masaya ako na kayo ang naging kaibigan ko,maraming salamat talaga. Pero hindi ko mapapangako na hindi sya iiyak,pero ang pag iyak nyang iyon ay hindi dahil nasaktan sya,kundi dahil sa sobrang kaligayahan.” ang sagot ko naman. Ngumiti si kuya Cross at nagkamay kami. Usapang lalaki sa lalaki.

“Tulala? Aba! Malapit na tayo mag take.” ang biglang pagtapik sa akin ni Janna na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

“Wala naman. Inaalala ko lang ang mga pinagdaanan namin ni Khalil. Nasan nga pala asawa mo?” ang sagot ko naman. Nandito kami para sa final taping. Ang huling eksena sa pelikula. Natuloy ito makalipas ng ilang buwan at binago ang pamagat.

“Sus! Ang isipin mo,yung ngayon at ang future. Anyway,nandun si Flexter kausap ni Direk. Eh si Khalil nasan? Hay! Akalain nyo yon? Kayo ang ginawang bida dito sa movie. Nakakainggit.” ang sabi pa ni Janna at humalukipkip kaya natawa ako.

“Okay lang yon. Ilang pelikula na naman na naging bida kayo ni Flexter eh. Ang Khalil ko? Wala pa nga,yon din ang iniisip ko,baka kung ano ng ginawa ni Tita Emi dun.” ang sagot ko naman at napa pout. Grabe kasi yon si Tita Emi,nag ala manager namin ni Khalil,pero parang lugi ako dahil si Khalil ang lagi nyang pinapaburan.

“Malapit ng mag take! Nasan si Khalil!” ang sigaw ng direktor namin. Nagkatinginan tuloy kami ni Janna.

“Kami na kakausap ni Flexter kay Direk. Tawagan muna si Khalil.” ani Janna,tumayo at lumapit kina Direk at Flexter.

Agad akong tumayo,lumayo saka kinuha sa bulsa ang cellphone ko at tinawagan ang aking pinakamamahal.

“Nasan ka na?” ang nag aalala kong tanong ng sagutin nito ang tawag.

“Nasa puso mo.” ang sagot nya. Yung inis at pag aalala ko ay biglang natunaw. Napangiti ako at kinilig. He really never fails to make me feel this way. Araw-araw nya akong pinapatawa,pinapasaya at pinapakilig.

“Kinilig ako.” ang sabi ko agad. Pakiramdam ko ang ngiti ko umabot na sa tenga sa sobrang pagkakilig.

“Haha! Halata nga eh. Kitang kita ko kung paano ngumiti ang mga mata mo,ang mga dimples mo.”

“Teka! Nasan ka ba talaga? Hinahighblood na si Direk.”

“Uyy,umiiwas. Lingon ka sa likod mo.”

Pinatay ko agad ang cellphone at humarap sa likuran. And then I saw him. My everything,my life,my love.

“Mahal na mahal kita. Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin nila,ang mahalaga sa akin,ikaw ang nagpapasaya sa akin,ikaw ang nagpapaligaya sa akin. At ikaw ang nagpapatibok nito.” ani ko,kinuha ko ang kamay nya at inilapat sa aking dibdib,sa tapat ng aking puso,na tuwing kasama ko sya. Nagtitigan kami,titigang punung puno ng pagmamahalan.

“Mahal na mahal din kita. At kahit huli na ng marealize ko ito ay inilaban ko pa din.” hinawakan nya ang kamay kong nakahawak sa kamay nya,dinala nya sa kanyang dibdib. “At itong puso ko,tanging pangalan mo lamang ang isinisigaw. Paulit ulit,nakakabingi ngunit hindi nakakasawa.” ang dagdag pa nya.

“Matagal kong itinago ang damdamin ko. Matagal kitang pinangarap. Pangarap ko’y ikaw Khalil. At ngayong kapiling na kita,hinding hindi na kita papakawalan pa.” ani ko at siniil ko ang labi nya. Ang labi nyang walang kasing tamis,ang labi na noon ay pinapangarap ko lang na mahagkan.

“Khalil? Wait! Cut! Cut! Hindi Khalil ang pangalan niya sa pelikulang ito! Cut! Cut!” dinig kong sigaw ni Direk,ngunit patuloy naming pinagsaluhan ang halik ng aming pagmamahalan ni Khalil.

“Pangarap Ko’y ikaw Khalil,mula noon,hanggang ngayon.” sabi ko ulit ng maghiwalay ang mga labi namin. Nakikita ko sa mga mata ni Khalil kung gaano nya din ako kamahal. At muli,inangkin ko ang labi nya.

“My gaaawwwddd! Cuuuuttt!!!”


WAKAS :)

EPILOGUE

SPG :D

“Oh? Bakit hindi maipinta ang pagmumukha ni Crayon?” ani Jaii. Nandito kami sa coffee shop ni Tita Emi.

“May taping ngayon si Khalil,supporting sya sa bagong movie ni Vice Ganda.” sagot naman ni Tita Emi.

“Dapat masaya sya. Eh bakit ganyan?” ani naman ni Japhet.

“Obviously,may love interest si Khalil sa movie. Yung bagong artista,si Jivan Montefalco.” nakangising sagot ni Tita Emi.

Ewan ko ba. Badtrip ako,hindi naman ako dapat mainis eh,kaso ang daming sweet moments nina Khalil at nung Jivan ng mabasa ko yung script. Ang isiping may ibang humahawak,lumalambing at humahalik sa asawa ko ang talagang nakakapag pakulo ng dugo ko.

“Grow up Crayon. Mag iisang taon na kayo ni Khalil. You have to trust him.” ani Cross saka ininom ang kape nya.

“Hindi naman ata tama na gumanyan ka. Nung ikaw ang may mga ganung eksena wala kang narinig kay Khalil.” ani pa ni kuya Aya.

“Eh kasi naman bakit may mga ganun pang eksena? Nakakainis lang.” ang nakalabi kong sabi. Ano na kaya ang ginagawa ng asawa ko ngayon?

“Maka ganyan ka parang virgin si Khalil ah? Dumaan muna sya kay Flexter at Cross bago mo sya nakuha.” ang sabi ni Tita Emi na ikinalaki ng mga mata ko. Nasamid naman sa iniinom na kape si Cross at natapon ito.

“Tita!” ang pagsuway ko dito. I cant believe na kadugo ko ang isang ito.

“Okay ka lang tol?” ani Japhet at Jaii kay Cross. May lumapit na crew para ligpitin ang kalat.

“Im okay. Nabigla lang ako kay Emi.” sagot ni Cross.

“Para kayong mga ewan. By the way anong meron mamaya para sa first anniversary nyo?” pagsingit ni Tita Emi sa usapan na hindi naaalis ang pagkakangisi.

“Simple lang,kainan at inuman sa bahay.” ang sagot ko. Pinaghandaan ko talaga ito,tsaka kasi may surpresa ako kay Khalil. Gusto kong maibigay sa kanya ang lahat,gusto kong palagi syang masaya.

“O sige,baka late na ako mamaya. Pasok muna ako sa office ko.” ani Tita Emi at umalis na.

“Anong sabi ng mag asawang Flexter at Janna?” ang biglang sabi ni Jaii.

“Hindi sila sure pero susubukan daw nilang pumunta. May taping kasi sila ng teleserye nila.” si Japhet naman ang sumagot.

“Hi! Pasensya na at na late ako.” sabi ng isang boses na ikinalingon namin.

“Mabuti naman at dumating ka pa.” ang seryosong sabi ni Cross. Nagkatinginan tuloy kami. He’s always like that,napaka suplado.

“Madami kasi akong inasikaso muna.” ang nahihiyang sagot ng bagong dating.

“Maupo ka na Love,huwag mo masyadong iniintindi si Cross.” ani Aya dito. Si Love ay isang Transexual,nakilala namin ng gawan nya ng damit si Khalil dati nung umattend kami sa Awards Night. Maganda sya at babaeng babae na,at halata na may gusto kay Cross.

“Masasanay din ako.” anito at ngumiti. Napatingin ako kay Cross,nginisihan ko sya at iniangat nya ang kamao nya na nakakuyom kaya natawa ako.

“Pwedeng minsan tantanan nyo ako?” iritang sabi ni Cross,namumula naman si Love. Bakit kaya hindi makita ni Cross na si Love na ang para sa kanya.

“O sya. Uuwi muna ako,magpapa cater pa ako. Pumunta kayo kung ayaw nyong magkalimutan na tayo.” ang pagpapa alam ko saka ako tumayo at lumabas na ng coffee shop.

Sumakay na ako sa kotse ko. Napagdesisyunan ko kasi bigla na puntahan na lang sa location.

At ng makarating ako dun ay napabuntong hininga ako. Ang eksena ay magkayakap sina Khalil at Jivan.

Kailan ba ako masasanay? Hindi naman masamang magselos diba?

“Oh! Crayon,youre here.” pag puna sa akin ng isa sa mga staffs.

“Yeah,susunduin ko lang si Khalil.” sagot ko at pilit ngumiti. Naglakad muna ako pabalik sa kotse. Kinuha ko ang phone at may itinext,yung restaurant na magke-cater. Gusto ko kasing pag uwi namin ni Khalil sa bahay ay nakahanda na ang lahat.

Muli kong tiningnan ang mga ito. Kung hindi lang pagiging makasarili ang hilingin kay Khalil na magquit na kami sa showbiz ay hihilingin ko. Gusto ko kasi hindi sya napapagod,at gusto ko lagi ko syang nakikita. Nag aalala din kasi ako na baka sa sobrang pagod nya ay ma stress sya,o kaya naman ay may mangyari sa mga mata nya. Pero hindi,mahal ni Khalil ang trabaho nya. At dahil mahal na mahal ko sya,kailangan ko syang suportahan. Diba ganon naman talaga dapat?

Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino,yung may ari pala ng restaurant kaya agad ko itong sinagot.

“Sir? Sorry po sa abala,pero kailangan ka po namin dito. May emergency lang.” ang agad nitong sabi ng sagutin ko. Muli akong napabuntong hininga.

“Okay. I’ll be there.” ang sabi ko at muling nilingon si Khalil. Nagte-taping pa din sya at mukhang hindi nya talaga ako napansin.

Mabigat ang pakiramdam ko ng umuwi. Sana lang,makauwi si Khalil bago man lang matapos ang araw.

“Anong problema?” ang agad kong sabi ng makapasok ng bahay. “What the? Nasan ang mga tao dito?”

Magsasalita na sana ako pero biglang may tumakip sa bibig ko.

Shit!

At sa isang iglap ay namigat ang mga talukap ko hanggang sa kainin na ako ng dilim.

Nagising ako sa pakiramdam na parang may humahalik sa mukha ko. At ng magmulat ako ng mga mata ay napangiti ako.

“Gising ka na.” nakangiti nyang sabi. Napatingin ako sa katawan nya,wala syang saplot. Bigla akong nag init. Tiningnan ko ang sarili ko,wala din akong saplot,umangat na ang kumot dahil sa hindi ko maitagong init.

“Ready na diba?” aniya at hinalik halikan ako. Hinahabol ko ang labi nya ngunit inilalayo nya.

“Huwag mo akong bitinin.” ang halos pabulong kong sabi. Tumayo sya. At dun ko lang napansin ang paligid. “Nasan tayo? Paano nga pala ako napunta dito?”

“Maligo ka muna. Babalikan kita.” ani Khalil at lumabas ng pinto. Agad akong napatayo at sumunod,ngunit nakakandado na ang pinto.

“Anong balak nya?” ang napapangiti kong sabi. Nagoyo ako,akala ko sya ang maso-surpresa,pero ako pala. Tiningnan ko ang paligid,scented candle ang tanging ilaw ng kwarto,masarap amuyin,at ang mga petals na nakakalat sa paligid at kama ang mas nagpangiti sa akin. “Dinaig nya ako. Bakit hindi ko ito naisip?” ang napapailing ko pang dagdag.

Pumasok ako sa banyo,hindi ko pa naisasara ang pinto ng biglang pumasok si Khalil,naka robe na sya ngayon. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Napakaganda nya talaga.

“Anong pakulo ito?” ang nakangisi kong tanong. Lumapit ako sa kanya at hinapit sya,napakabango talaga ng Khalil ko,hinding hindi ako magsasawa.

“Nagbago ang isip ko. Makakapaghintay naman siguro sila.” nakangiti nyang sabi at hinalikan ang tenga ko,napaungol ako.

“Happy anniversary,nabalewala ang preparation ko.” ang sabi ko naman at mas idiniin ko pa sya sa katawan ko.

“Hindi naman nasayang yon. Gusto ko lang na mauna ang regalo ko.” sagot nya at nilaro ng kanyang dila ang aking kanang nipples. Nanginig ako,hindi nagbago ang pakiramdam ko. Ganito din ng unang may mangyari sa amin.

“Pwes,ako din may regalo.” dahan dahan kong inilagay sa bewang ko ang mga paa nya. Binuhat ko sya palabas ng banyo habang salitan nyang sinasamba ang aking mga nipples.

Dahan dahan ko syang inilapag sa kama. Nakatulong ang mga scented candles at mga petals para mailabas ko lalo ang aking pagnanasa at pagmamahal sa kanya.

“Dahan dahan.” aniya.

“Dadahan-dahanin ko talaga.” ang sagot ko at dinilaan ko ang tenga nya pababa sa leeg.

“C-crayon.”

Tuwing nadidinig kong binabanggit nya ang pangalan ko sa ganitong paraan ay mas ginaganahan ako.

Pinagapang ko ang aking dila pababa sa kanyang mga nipples,salitan ko itong sinamba,napakasarap ng balat nya sa dila ko,para syang candy na hinding hindi ko pagsasawaang sipsipin at kainin.

Pinaghiwalay ko ang kanyang mga paa. Kung noon ay hindi ko iniisip na gagawin ko ito,ngayon ay gusto kong gawin ng paulit ulit. Pinaglaruan ko ng aking dila ang kanyang butas.

“Crayon! Uhh! Anong?” hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil ipinasok ko na ang isa kong daliri.

Ngunit nagulat ako ng bigla syang bumangon at itulak ako. Ngayon sya naman ang nasa ibabaw. “Hindi ka talaga papatalo?”

“Pinaghandaan ko ito.” aniya at hinawakan ang kanina ko pa nag uumigting na pagkalalaki. Dinilaan nya ang ulo,paikot pati ang butas na halos ikabaliw ko.

“Kakaiba ka talaga.” ang halos pabulong ko ng anas. Napaungol ako ng dilaan nya ang dalawa kong bilog. Hindi pa nya ito ginawa noon. Napapikit ako ng may lumukob na init at sikip sa aking alaga. Effortless na nya itong naisusubo ng sagad.

Nang hindi na ako makatiis ay hinila ko sya paangat. Siniil ko sya ng halik. Halik na punung puno ng pagmamahal. “Mahal na mahal kita Crayon.”

Naramdaman kong hinawakan nya ang akin. At napamura na lamang ako ng maramdaman ko ang init,sikip at sarap. Sya na pala ang nagpasok,saglit kaming hindi gumalaw,dahil sa totoo lang,sa tagal namin ay bihira ko syang pasukin. “Mahal na mahal kita at araw araw akong nagpapasalamat dahil mahal mo din ako.”

Nagsimula na syang magtaas baba. Napakaganda pa din nya kahit pinagpapawisan na. Hinding hindi ko talaga hahayaang mawaka pa sya sa akin.

Hindi nagtagal ay sinabayan ko na sya. Ipinatong ko ang mga paa nya sa aking mga balikat at ako na ang gumalaw.

Sabay naming narating ang rurok ng kaligayan. Humiga sya sa dibdib ko,at ako naman ay sinusuklay ko ng aking mga daliri ang kanyang buhok.

“May isa pa akong regalo sayo.” aniya,kaya umayos ako ng pagkakahiga.

“Ano yon?”

“Last movie ko na yon,at tapos na din ang kontrata ko next month.” panimula nya. Ako kasi ay last month natapos ang kontrata at hindi na ako ulit pumirma. “Ibig sabihin,lagi na ulit kitang makakasama,hindi ko kasi gusto yung pakiramdam na kahit hindi ka nagsasalita,ay alam ko namang nagseselos ka.” ang dagdag pa nya. Bigla tuloy akong nahiya.

“Im sorry. Ganon na pala ako kahalata. Natatakot kasi ako na mawala ka sa akin.” ang pag amin ko naman.

Bumangon sya at tinitigan ako. Nalalasing ako sa paraan ng pagtitig nya. Parang dapat ay ako ang nagpaparamdam sa kanya ng ganito.

“Bakit ka matatakot? Eh sayong sayo ako. Ikaw ang pinili ko,ikaw ang tinitibok ng puso ko. Balewala ang mga hirap na naranasan ko noon kumpara sa hirap na naranasan mo para sa akin. Kaya nga ito,gagawin at ginagawa ko ang lahat para mapantayan ang pagmamahal mo,mahal kasi kita.” ang sagot nya. Tumambol ang dibdib ko. Ganito pala talaga pag sobrang mahal mo ang isang tao.

“Mahal na mahal kita Khalil,kahit ano pang hirap at sakit ang danasin ko,basta para sayo ay kakayanin ko. Hindi mo kailangang pantayan ang pagmamahal ko mapaligaya mo lamang ako. Dahil unang kita pa lang natin napaligaya mo na ako,at sapat na sa akin ang pagmamahal mo.” ang sagot ko naman at muli kong inangkin ang kanyang labi. This time,mabagal at mas ipinaramdam namin ang aming pagmamahal.

Muli akong pumatong sa kanya. “Another round? Diba sabi mo makakapag hintay sila? Atin namang araw ito eh.” nakangisi kong sabi.

“Kung kaya mo pa.” nakangisi naman nyang sagot kaya agad kong pinasok ang akin. “Gustong gusto ko talaga ang pakiramdam na nasa loob kita.”

“Ako din,gusto ko pag nasa loob mo ako.” at gumalaw na ako,sa pagkakataong ito,mabilis at madiin.

“Kuya Khalil! Kuya Crayon tawag na kayo sa baba!” boses ni Buboy at biglang bumukas ang pinto. Huli na para tumigil dahil nasa kalagitnaan na ako.

“Hala? Tara na Buboy! Gumagawa sila ng baby!” biglang hila ni Caloy kay Buboy at isinara ang pinto.

Nagkatinginan kami ni Khalil at natawa. Nawala na yung intimate ng moment.

“Can we start again? Please?” ang sabi ko kay Khalil,nabitin kasi ako talaga.

“Ilock mo muna ang pinto!”

THE END :)


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.