Pangil Ni Tarim [MxM, SPG]
Danmax Orange · 5 chapters · 7,236 words
Panimula (ᜉᜈᜒᜋᜓᜎ)
Panimula
ᜉᜈᜒᜋᜓᜎ
Sa paglaho ng kaniyang mga mahal sa buhay, nanatiling matatag si Adamin na tumayo ng tuwid at hindi magpakita ng kahinaan. Kasing-tigas ng bato ang kaniyang puso dulot ng mga delubyong dinaanan niya. Ang tanging naiwan lang sa kaniya ay ang kasintahang si Kiron.
Ipinangako niya na hindi siya mabibigo na bigyan ng sapat na hustisya ang mga yumaon niyang kamag-anak. Hindi niya hahayaan na pati siya ay matangay rin ng hangin.
Bagsik, galit at hinanakit.
Paano ba niya magagantihan ang lalaking sumira sa buhay ng kaniyang mga minamahal? Hanggang kailan niya kayang umilag sa paparating na kagat ng pangil ni Tarim?
Book 2 of Bihag ni Dakum
Paalala (ᜉᜀᜎᜎ)
Paalala
ᜉᜀᜎᜎ
Ang mga tao, bagay at kaganapan na matatangpuan sa nobelang ito ay hindi totoo at likhang isip lang. Kung sakaling magalit kayo sa akin dahil hindi akma ang mga bagay na nakasaad dito kumpara sa tunay na nagkaroon noong unang panahon ng Pilipinas, iyon ay dahil gawa-gawa ko lang po ito. Konteksto pa rin ang Pilipinas noong unang panahon ngunit hindi dito binase ang kabuuan ng istorya.
Ang kung nagtataka kayo kung bakit, takot kasi akong magkamali sa pagsasaad ng mga bagay-bagay noong araw. Nakakahiya kapag nagkataon. Kaya sinubukan kong gumagawa-gawa nalang ng mga bagong bagay-bagay, nang sa gayon ay hindi ko na kailangan mag-research para dito.
Salamat ᜐᜎᜋᜆ᜔.
I
ᜁᜃᜂᜈᜅ᜔ ᜃᜊᜈᜆ
Ikaunang Kabanata
(third person view)
“Huwag kang masyadong lumayo, kapatid. Papagalitan tayo ni Ama,” paalala ng binatang si Aparo.
Patungo sana siya sa pagsasanay ng hukbo ngunit nabisto niya ang kaniyang nakababatang kapatid na naglilibot. Sa murang edad ay inatasan na siyang maging heneral ng kaniyang Ama. Ang lahat ng nasa hukbo ay doble pa ang tanda sa kaniya. Nais lang siyang pagsanayin pagdating sa pamumuno.
Hindi pinakinggan ni Adamin ang kaniyang kuya at nagpatuloy lang siya sa pagtakbo patungong kakahuyan. Dala ng pagiging kuryuso sa paligid, sabik na sabik siya na makakita ng iba’t ibang mga nakakamanghang bagay rito.
Madalas siyang kuwentuhan ng kaniyang ina tungkol sa kakahuyan. Sa gabi ay may mga magagandang istorya na nagpapatulog sa kaniya ng mahimbing, bumubuhay sa kaniyang mapaglarong imahinasyon at naidadala ang mundong ito hanggang sa panaginip.
Patuloy ang paghakbang ng kaniyang mumunting mga paa na nababahiran ng kaunting putik. Malutong ang kaniyang bawat pagtapak sa mga tuyong dahon.
Nais niya na makakita ng mga diwata at engkanto, tulad ng mga nasa kuwento ng kaniyang ina. Hindi siya makapaghintay na makakita ng mga hiwaga mula sa mga kakaibang nilalang na matatagpuan dito.
Ilang sandali ay nakakita si Adamin ng kulay bughaw na mariposa na nakadapo sa katawan ng puno. Mas malaki pa ito sa mga paru-paro na nakikita niya sa damuhan. Kasing-laki ng kaniyang dalawang kamay.
Dahil sa pagkamangha ay agad niya itong nilapitan ngunit lumipad ito palayo sa kaniya.
“Diwata,” tawag niya sa mariposa. Napahagikhik siya sa tuwa habang hinahabol ito.
Matulin ang gamu-gamo, kaya sinubukan ni Adamin na panatilihin ’to sa kaniyang paningin, ngunit hindi nagtagal ay nagtago ito sa likod ng mga puno at hindi na niya nakita.
Napabusangot siya.
Hindi siya nagpatinag. Nais pa rin niyang makakita ng isa pa. Nagpatuloy lang siya sa pagbaybay, hindi na namalayan na nasa gitna na siya ng kagubatan.
Kasalukuyan siyang naglalakad nung may narinig siya sa paligid.
“T-Tulong…”
Isang mahinang panaghoy ng babae ang narinig niya mula sa likod ng mga ligaw na palumpong. Sinundan niya ang boses at hinawi ang mga halaman na nakaharang sa kaniyang dinadaanan patungo rito.
Noong matunton niya ito, nakita niya ang isang nakatalikod na lalaki habang hawak sa kaniyang bisig ang isang babae. Malaki ang pangangatawan nito kaya hindi na makita ni Adamin ang babae. Unti-unti siyang gumilid upang makita ang mukha nila, at nung nasa tamang anggulo na siya ay nakita niya na ang babae pala ay si Dalyana, ang kaniyang ina.
Hindi siya kumibo, lalo nung nakita niya na nakalubong ang pangil ng lalaki sa balikat ng kaniyang ina. Lubos siyang natakot. Nais man niya na tulungan ang ina ngunit alam niya na sobrang liit niya kumpara sa kakalabanin.
Sa huling sandali, napalingon si Dalyana sa direksyon ng kaniyang anak. Nagulat siya. Nais niyang ilayo ang kaniyang anak sa halimaw na sumisipsip sa kaniya ng dugo ngunit hindi siya makawala. Hawak pa nito ang kaniyang magkabilang braso.
Pahina na ang kaniyang katawan sapagkat nawawalan na siya ng dugo. Bago pa siya malagutan ng hininga ay nakapagsambit pa siya ng mga salita.
“A-Anak, tumakbo ka na,” mahinang utos ni Dalyana na narinig naman ng kaniyang anak. Pagkatapos ay agad siyang nawalan ng buhay sa bisig ng lalaki.
Malaki at nakakatakot ang katawan nito, kaya nung napaharap siya kay Adamin ay nanginig sa takot ang bata. Nakita ni Adamin ang unti-unting paglalag ng walang buhay na katawan ng kaniyang ina sa lupa. Imbes na tumakbo ay napako lang si Adamin sa kaniyang kinatatayuan.
Sa sobrang kaba na baka isunod siya ng lalaki ay naihi siya sa kaniyang bahag. Hindi niya ito sadya, hindi niya lang napigilan.
Lingid sa kaalaman ni Adamin, bampira ang lalaking ’to, ngunit iniisip niya na isa siyang masamang engkanto na pumatay sa kaniyang ina.
Sinuri ng bampira ang bata. Tinignan niya ang anak ng kaniyang dating minamahal. Sa galit ay nais niya itong lapitan, ngunit nakita niya na may suot itong alahas. Yari ito sa pilak, uri ng mineral na maaaring pumatay sa kaniya.
Nagtiim ang bagang ng bampira dahil hindi niya ito malapitan. Bago pa siya tuluyan nagsimulang umalis ay biglang sumigaw ang bata sa kaniyang harapan.
“INA!!”
Sa lakas nito ay umalingawngaw ito sa buong kagubatan. Dala na rin ng matinding hinagpis at galit ni Adamin noong nakita niya ang kaniyang Ina sa ganoong kalagayan. Wala man lang siyang nagawa.
Narinig ito ng mga nag-eensayong hukbo sa bungad ng kagubatan, kasama ang heneral nilang si Aparo. Dahil doon, huminto muna sila sa pagsasanay at nagsimulang hanapin si Adamin sa kakahuyan. Tumakbo si Aparo ng mabilis, agad niyang tinungo ang daan patungo sa pusod ng kagubatan.
Narinig ng bampira ang mga yabag na papalapit sa direksyon nila kaya agad siyang tumakbo patungo sa kaniyang nayon. Iniwan niya ang bata na umiiyak at basang-basa ang bahag.
Si Aparo ang unang nakatunton sa lugar kung saan nakatayo si Adamin. Nagulat siya nung nakita ang kaniyang ina na nakahiga sa lupa.
“Adamin! Anong nangyari kay Ina?!” gulantang na tanong ni Aparo sa kapatid.
“Kinagat siya ng masamang engkanto, Kuya! Nakita ko kanina! Sinipsip niya yung dugo ni Ina! Tumakas siya palayo,” nanginginig ang kaniyang panga ngunit nakayanan niyang sabihin ito ng diretso sa kaniyang Kuya.
Sinuri ni Aparo ang leeg ng kaniyang ina at nakita ang isang pares ng butas. Dahil doon ay naniwala siya sa kaniyang kapatid. Hindi siya makapaniwala na totoo pala ang mga masasamang engkanto na ikinukwento ng kaniyang ito, at tunay nga silang delikado.
Pareho silang umiyak. Lumapit si Adamin sa kaniyang ina at yumuko. Niyugyog niya ang braso nito at paulit-ulit na tinatawag, umaasa na gumising mula sa kamatayan.
Ilang sandali pa ay natagpuan sila ng mga kasapi ng hukbo at isa-isa silang pinuntahan. Ang pinakamalakas sa kanila ay nagpresenta na buhatin ang kaniyang kamahalan upang iuwi sa kanilang nayon. Pumayag naman si Aparo sapagkat hindi pa niya kayang magbuhat ng isang tao.
Dumako ang tanghaling tapat nang madala ang katawan ni Dalyana sa nayon, sa loob ng tahanan ng kanilang pinuno. Ipinahiga nila ito sa kama na pinagtutulugan nilang dalawa. Nagpunta sina Aparo at Adamin sa gilid ng kama habang umiiyak.
Maya-maya pa ay dumating ang kanilang ama. Nakakuyom ang mga kamao nito habang tinitignan ang asawa niya. Nabiyak ang kaniyang puso. Hindi siya makapaniwala sa hindi inaasahang pangyayari.
“Sinong may gawa nito?” mariing tanong ni pinunong Rumad habang pinanlilisikan ng mata ang mga tao na nasa paligid. Ang lahat ay takot na sumagot sa kaniya, ngunit may isang matapang na kawal ang naglakas-loob na humakbang paabante upang ipabatid ang nangyari.
“Pinuno, sabi po ng inyong anak na si Adamin ay may masamang engkantong sumipsip sa dugo ni kamahalang Dalyana. Nasaksihan niya po ito hanggang sa makatakas ang naturang nilalang,” ani ng kawal.
Agad na hinawi ni Rumad ang buhok ni Dalyana upang tignan ang sinasabi nilang kagat sa kaniyang balikat. At nung nakita niya ito ay hindi niya mapigilan ang matinding galit at sinuntok ang kawal na nagpabatid sa kaniya ng pangyayari.
Mabilis na hinawakan ng iba pang kawal ang braso ng kanilang pinuno na nagwawala sa galit.
Hindi lang siya galit sa pagkamatay ng kaniyang minamahal na asawa, kun’di dahil alam niya kung sino ang may gawa nito. Matagal nang sinasabi ng pumatay kay Dalyana na gaganti ito sa kaniya, ngunit hindi akalain ni Rumad na kamatayan ang kaniyang ibibigay upang makaganti.
Bakit sa dinami-rami ng kinuha sa kaniya, bakit ang asawa niya pa. Hindi ba’t siya talaga ang nais ng lalaking ’to?
Nung kumalma na si Rumad ay napatingin siya sa kaniyang mga anak. Kahit kailan ay ayaw niyang ipaalam sa mga ito na totoo ang mga hiwaga sa mundo. Totoo na may diwata, engkanto, taong-lobo, sirena, bampira at marami pang iba.
“Huwag kayong maniwala sa engkanto, marahil ay lobo lang ang may gawa nito sa inyong ina. Guni-guni mo lang ang lahat, Adamin!” sigaw niya sa kaniyang anak. Hindi alintana ang mararamdaman nito.
Batid ng lahat na walang katotohanan ang sinabi ng pinuno nila tungkol sa lobo. Hindi kailanman sumisipsip lang ng dugo ang ligaw na hayop na ito kun’di nanlalapa ng karne. Hindi ito napansin nina Aparo at Adamin sapagkat wala silang alam tungkol hayop na lobo.
Matapang na tumayo si Adamin sa kaniyang mga paa upang ipaglaban ang kaniyang salaysay.
“Totoo po ang sinasabi ko, Ama! Totoo po ’yung engkantong nakita ko! Totoo po na pinatay nito si Ina! Maniwala po kayo sa’kin!” sigaw ng matining niyang boses.
Pero hindi ipinakita ni Rumad na kumbinsido siya sa sinasabi ng kaniyang anak. Gusto niyang ipilit na hindi totoo ang hiwaga sa paligid, dahil kapag nalaman nila ay maaari silang makipag-ugnayan sa mga kakaibang nilalang. Maaari nilang ikapahamak ’yon.
Sinuntok niya ang isang muwebles sa tabi at nasaksihan ng lahat kung paano ito nabiyak ng matindi. Ang ilan sa mga kawal ay napahinto sa paghinga sa maiksing panahon, ganoon din si Aparo.
Umiyak lang lalo si Adamin.
“Tumahimik ka na. Wala akong panahong makinig sa mga haka-haka mo!” sambit niya sa kaniyang anak. “Ano yung naaamoy kong kakaiba?”
Medyo napaatras si Adamin sa kaniyang puwesto, ngunit napansin ng kaniyang ama ang bakat ng basa sa bahag niya.
“Naihi ka ba sa kasuotan mo?” seryosong tanong ni Rumad sa kaniyang anak.
Dahan-dahang tumango si Adamin. Nahihiya.
“Idala niyo ’yan sa lawa at paliguan doon!” utos niya sa isang alipin. Sinunod naman ito ang kaniyang ipinag-uutos.
Galit siyang lumabas sa silid at bigla siyang dinaluhan ng mga alipin na nagpapabatid ng kanilang pakikidalamhati. Hindi ito pinansin ni Rumad, bagkus ay nagtungo siya sa bulwagan upang maglakad ng paikot-ikot habang nag-iisip ng plano.
Umabot ang kaniyang pag-iisip hanggang sa kinagabihan. Sa totoo lang ay sa tagal ng oras na ginagawa niya ito ay wala pa rin siyang maisip na paraan. Nananatili pa rin ang kaniyang lungkot sa namayapang asawa at galit sa may gawa nito.
Nasa pagitan siya ng kagustuhang mamatay o makaganti sa bampira.
Nagtungo siya sa kaniyang trono at umupo. Ngunit hindi pa rin siya mapakali kaya agad din siya tumayo ulit. Biglang may naisip siya na dapat niyang gawin.
Hinubad niya ang mga suot niyang alahas na yari sa ginto’t pilak. Ibinigay niya ito sa isang bantay ng kanilang tahanan.
“Hawakan mo ’to. Isauli mo sa’kin ’yan kapag nakabalik ako, pero kung hindi ay pagmamayari mo na ’yang lahat,” aniya at tinanggap naman ito ng kawal. “Ibigay mo lang sa aking ang sandata mo.”
Pumayag naman ang kawal at ibinigay ito sa kaniya. Kahit pa alam ng kawal kung gaano kamahal ang alahas na hawak niya, para sa kaniya, mas ninanais niya na makabalik ang kaniyang pinuno ng ligtas.
Hindi naman kasi likas na magagalitin si Rumad sa kaniyang mga alagad. Sa katunayan ay napapalapit ang loob sa kaniya ng mga mamamayan sa kaniyan nayon. Sadyang nadala lang siya ng emosyon dahil sa pagkamatay ng kaniyang asawa.
Umabot ang hatinggabi at hinihintay pa rin ng lahat ang pagbabalik ng kanilang pinuno. Ang mga tagapagbantay ng kaniyang tahanan ay nag-aalala. Ilang oras na silang nag-aabang.
Ang hindi nila alam ay wala nang pagkakataon na makita pa nila muli si pinunong Rumad na buhay, sapagkat kinaumagahan ay natagpuan ang kaniyang bangkay sa kakahuyan. Maputla at wala na itong buhay. May natagpuan pang kagat ng pangil sa kaniyang leeg.
II
ᜁᜃᜎᜏᜅ᜔ ᜃᜊᜈᜆ
Ikalawang Kabanata
(Paalala: Maselang Nilalaman)
Dinama ko ang tronong dating pagmamay-ari ni Dakum. Humagod sa dulo ng aking mga daliri ang mga maninipis na detalyeng nakaukit sa matibay na kahoy. Mas maganda pa ang disenyo nito kumpara sa trono na pinagawa ko sa aking mga alagad.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na sinunod ng tadhana ang pagkamatay ni Dakum. Mukhang hindi niya kinaya ang pamamaalam ng aking kapatid kaya napag-isipan niyang sumunod na rin dito.
Hindi ako kailanman nabilib sa kaniyang naging pasya. Sa totoo lang, mas lalo lang akong nanlumo dahil sa pagiging makasarili niya. Hindi niya inisip ang kapakanan ng kaniyang nayon at basta-basta nalang niya itong nilisan upang sundan sa langit ang kaniyang pinakamamahal. Grabe, kailanman ay siya nababagay na ilathala bilang isang alamat. Hindi siya dapat hangaan ng kahit sino.
Sabi ng mga alagad dito, bihira lang upuan ni Dakum ang kaniyang trono. Ngunit tandang-tanda ko ang ma-otoridad niyang pag-upo habang pinaglilitisan kami ng aking kapatid. Marahil ginagamit niya lang ito sa mga okasyon. Ngunit mukhang magagamit ko naman ito ng madalas.
Kailanman ay hindi ko hinangad ang kapangyarihan, ngunit sa pagbibito ng tadhana ay mas lalo pa akong lumakas. Mas lumawak ang lupain na ang aking naging sakop ng aking kapangyarihan. Alam kong hindi ito magiging madali para sa akin sapagkat bago kang ako sa pagiging pinuno.
Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa’kin ang pagkawala ng aking kapatid, ang natatangi at natitira kong pamilya. Gumuhit ang kirot sa aking dibdib na pilit kong tinitiis. Madalas ko itong nararanasan sa tuwing nakatulala ako at walang ginagawa, sapagkat biglang bumabalik ang aking mga alaala kahit hindi ko man naisin.
Maya-maya ay may dumating na alipin sa aking harapan. Tumungo siya sa bulwagan upang magpakita.
“Pinunong Adamin, paparating po si kamahalang Kiron dito sa inyong tahanan,” aniya. Yumuko pa siya sa harap ko.
“Ano raw ang sadya niya?” tanong ko.
“Wala po akong ideya, pinuno, ngunit nakita ko po siyang may hawak na pana at mga palaso.”
Tumango lang ako sa alipin. Maya-maya pa ay dumating na ang kalaguyo kong si Kiron dala ang sandatang tinutukoy ng alipin sa akin. Nakangiti siyang tumungo sa aking harapan.
“Abala ka ba ngayon, Adamin? Nais lang sana kitang ayain upang mangaso sa kakahuyan,” paanyaya niya. Wala naman akong naiisip na dapat kong gawin ngayong araw, kun’di ang maghintay ng maaaring magreklamo sa aking harapan.
Hindi talaga ako marunong mangaso. Gusto nanaman ni Kiron na ayain ako sa subukan ito.
“Sa tingin mo, mukha ba akong abala ngayon?” tanong ko sa kaniya ng pa-sarkastiko. Bahagya lang siyang tumawa. “Sige, papayag ako na samahan ka.”
Bumaba na ako mula sa aking trono at pumunta sa kaniya. Dinaluhan niya ako ng isang mahigpit na yakap at halik sa noo. Pabiro ko lang siyang sinuntok sa dibdib.
“Ang tagal na kitang hindi nakikita. Ilang araw na nung umalis ka sa nayon natin,” sabi niya sa malungkot na tono. Tinignan ko siya sa mata.
“Pasensya na. Nag-iisip pa ako ng paraan kung paano ko mapag-iisa ang dalawang lupain. Itong bahay ni Dakum ang napagpasyahan kong maging sentro ng ating komunidad,” paliwanag ko sa kaniya.
“Sabihin mo sa’kin kung nahihirapan ka. Maaari naman kitang tulungan,” alok niya sa akin, ngunit bigla akong umiling upang ipakita ang hindi pagsang-ayon.
“Kaya ko na ’to mag-isa,” simple kong sambit. Kumawala na kami sa aming pagkakayakap. “Ano? Tara na?”
“Pumunta na tayo,” aniya.
Naglakad kami patungo sa kakahuyan. Nadaanan namin ang mataong kabahayan at lahat sila ay yumuko habang dumadaan ako. Madalas ko silang nginingitian sa kanilang pagiging magalang.
Maya-maya pa ay natunton na namin ang simula ng kakahuyan. Tahimik ngunit maririnig ang mga ibon na malakas na humuhuni.
Bigla akong kinilabutan, sapagkat naaalala ko na sa kakahuyan pumanaw ang lahat ng aking mahal sa buhay.
Tumingin sa akin si Kiron nung napansin niya akong huminto sa paglalakad. Nanginginig ang aking mga kamay at tuhod ngunit hindi ko ito pinahalata sa kaniya. Makikita sa kaniyang ekspresyon ang matinding pag-aalala.
“Ayos ka lang? May nararamdaman ka bang kakaiba?” tanong niya sa’kin at hinawakan niya ng marahan ang aking braso. Huminga ako ng malalim at agad na umiling.
“Oo. May dumaan lang sa isipan ko,” sabi ko sa kaniya. Totoo iyon, ngunit ayaw kong sabihin kay Kiron ang tunay na laman ng isipan ko sa tuwing nakikita ko ang kagubatan. Binabalot ako ng matinding kaba sa panganib na maaari nitong idala sa akin.
Kailangan mo ’to, Adamin. Tuturuan ka ni Kiron kung paano maisasalba ang sarili kapag may sumugod na kakaibang nilalang. Kailangan mo lang na panuorin siyang mangaso.
Dahan-dahan akong lumapit sa kakahuyan habang nasa harapan ko si Kiron na nagmamatyag sa paligid. Ang mga tuyong dahon na malutong kong natatapakan ay nagbabalik sa aking alaala kung paano ko natunton si Ina sa huling sandali ng kaniyang buhay.
“Hindi na ako makapaghintay na makakita ng usa. Bihira ko nalang kasi silang makita dahil malapit na silang maubos sa kagubatan,” sabi niya sa akin habang magkasabay naming binabaybay ang mga puno.
“Hindi ka ba naaawa sa kanila? Malapit na palang maubos ang kanilang lahi, bakit kailangan mo pa silang paglangin?” tanong ko sa kaniya ng medyo pagalit. Huminto siya para kausapin ako.
“Wala naman akong kinalaman kung bakit sila unti-unting nauubos. Sabi ng iba, may bampira daw na umaaligid sa kagubatang ito at pinupintirya ang karamihan sa mga hayop. Mukhang ang tinutukoy nilang bampira ay yung pumatay kay Aparo, ’di ba?” tanong niya sa akin.
Tinignan ko siya ng masama. Pinakita ko sa kaniya kung paano ko kinuyom ang aking kamao.
“Pasensya na. Hindi ko sinasadya na masaktan ang loob mo, Adamin. Hindi ko na uulitin, mahal ko,” aniya at pinalibot ang kaniyang kamay sa aking baywang. Lumambot ang aking pakiramdam sa kaniya.
“Tara na. Magpatuloy nalang tayo sa paghahanap ng usa,” pagkatapos ay nilagpasan ko siya. Sinundan niya lang ako.
Ilang minuto ang aming inabot sa pagbaybay sa kagubatan ngunit wala kaming nakitang kahit isang usa. Bahagyang napapagod na ang aking mga binti. Mukhang malayo na ang aming narating.
“Sandali lang, mahal ko. Magpahinga muna tayo rito,” aniya at tinuro ang isang nakabuwal na troso upang doon umupo. Pumayag naman ako at tumungo na kami roon.
Hinilot ko ang aking bukong-bukong na bahagyang nangawit sa paglalakad.
“Ano ba yan? Bakit wala pa tayong mahanap kahit isa?” pag-aatungal ni Kiron.
“Baka nga talagang naubos na sila,” biro ko sa kaniya at tumawa.
“A, basta. Dito muna tayo. Nakakapagod ring bumalik,” aniya.
Magkatabi kaming dalawa at hinawakan niya ang aking kamay. Niyapos-yapos niya ito at pinaglaruan ang aking mga daliri. Pinapanood ko lang siya habang ginagawa ’yon.
“Yung totoo, Adamin. Bakit ka nabagabag kanina noong papasok tayo rito sa gubat?” tanong niya sa’kin.
Pwede ko ba talagang sabihin sa kaniya? Naging hesistante ako nung una pero hindi naglaon ay naisip ko rin na dapat kong pagkatiwalaan si Kiron sapagkat mahal ko naman siya. Handa akong sabihin sa kaniya.
“Natatakot kasi ako sapagkat sa kagubatan namatay sina Ama’t Ina, tapos hindi ko akalain na gano’n din pala si Kuya Aparo. Bukod pa ro’n, masakit din sa aking damdamin,” paliwanag ko sa kaniya.
Kuya Aparo. Matagal na panahon nung huli ko itong sinabi. Pinipilit kasi ako ng ibang tao na tawagin siyang pinuno kaysa y’un.
“Naiintindihan ko. Dapat pala ay hindi nalang kita isinama kung makakasama lang ito sa loob mo,” nag-aalalang sabi ni Kiron.
“Ayos lang. Dapat ko ring harapin ito, para sa susunod ay hindi ko na ito muling maramdaman.”
“Wala ka bang naiisip na paraan para maging masaya naman ang alaala mo sa gubat?… Alam mo na, para mabaliktad yung emosyon mo?” tanong niya sa’kin.
“Ano ba kasing pwede ritong gawin para maging masaya?” pagtataka ko.
“Marami, mahal ko,” aniya. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga upang senswal na bumulong. “Wala ka bang naiiisip na kakaiba?… Payapa… Tahimik… Walang tao sa paligid. Ano sa tingin mo?”
Bigla tuloy akong humagikhik sa marumi niyang pag-iisip. Marahil ay tama siya, maaari naming gawin ito dito mismo.
“Sige na… simulan na natin,” bulong ko sa kaniya pabalik. Ngumisi siya at bigla siyang lumuhod sa aking harapan.
Binaba niya ang hawak niyang pana at palaso. Dumako ang kaniyang mga kamay sa aking bahag at itinaas ito. Nagpakita ang aking ari at pinanuod niya itong unti-unting naninigas sa kaniyang harapan. Tayong-tayo at sabik na sabik na mahawakan ni Kiron.
Pinalibot ng kaniyang daliri ang aking kahabaan at mabilis itong binati. Pero ayoko naman na umabot ako sa pagpapalabas ng mabilis.
“Teka lang! Huwag kang magmadali. Nais ko na tagalan mo ang pagsalsal,” sabi ko sa kaniya.
“Hindi ko kaya, mahal ko. Gustong-gusto ko na matikman ulit ang katas mo pagkatapos ng mahabang panahon,” aniya.
Hindi ko maipaliwanag ang bilis ng kaniyang kamay sa pagtaas-baba, ngunit kada bayo ng kaniyang kamay ay nagpapatirik sa aking mata.
Tumingala ako sa kalangitan at dinama ang kaunting sinag ng araw. Napabuka ang aking bibig habang nasasarapan sa kaniyang ginagawa.
Pinipiga ang aking laman. Hindi ko mapigilan ang patuloy na damhin ang matinding sensasyon.
Napahawak ang aking mga kamay sa troso kung saan ako umupo upang maiangat ang sarili ko. Kusang kumakadyot ang aking baywang, sumasabay sa ritmo ng kaniyang kamay, pasalubong.
“Ahh… ang sarap, Kiron. Ipagpatuloy mo lang!” mahina kong sigaw sa kaniya. Tutal, wala naman sigurong ibang tao na nakapaligid sa’min para marinig ’yon.
“Malapit ka na ba, mahal ko?” tanong niya.
“Oo, malapit na malapit na,” pagkasabi ko no’n ay mas lalo pa niyang tinulinan ang pagbati. “Ahh… Ambilis mo, Kiron!… Parating na…”
Nakailang putok ako ng aking katas na tumurit sa ere ng mataas. Napunta ito sa aking dibdib na dinilaan naman ni Kiron. Napadako pa ang kaniyang dila sa aking utong at pinaglaruan ito, pagkatapos ay sinipsip na parang isang sanggol.
“Ang galing mo, Kiron,” puri ko sa kaniya.
“Ngayon, ako naman, mahal ko,” aniya at bigla tumayo sa aking harap habang nakaupo pa rin ako sa troso. Inangat niya ang kaniyang bahag at nagpakita ang kaniyang nagngangalit na ari na natirik paitas.
Umaabot ito sa pitong pulgada kaya talagang mahirap trabahuin. Maugat ito at tuwid na tuwid.
“Kainin mo ’to, mahal ko. Masarap din ’to,” aniya. Nakakahalina ang kaniyang malambing na tono. Lubos tuloy akong naaakit sa kaniyang tarugo.
Mahirap talaga itong ipasok sa bibig, ulo palang ay mataba na, paano pa kaya kapag napunta na ’ko sa kahabaan?
Inuna kong isubo ang ulo nito na halos sakupin na ang buong loob ng aking bibig. Sinipsip ko ito at nalasahan ang kaniyang lalaking-lalaking lasa.
Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa batok na nakaangat. Ipinapakita niya ang kaniyang mabalahibong kili-kili na nakakatakam din sa paningin.
“Ang sikip ng bibig mo, mahal ko. Mainit at madulas. Ako na ang bahalang bumayo sa bibig mo,” aniya at hinawakan ang likod ng aking ulo.
Namilog ang aking mata. Sandali lang, hindi pa ’ko handa. Nais ko mang ipaalala ito sa kaniya ngunit nakasupalpal ang alaga niya sa aking bibig.
Nadire-diretso ang kaniyang kahabaan papasok sa akin. Halos mabulunan ako nung nasa kalahatian palang kami. Kahit ilang beses ko na siyang sinipsip sa buong pagsasama namin ay hindi pa rin ako sanay sa laki at haba niya.
“A-Ang higpit… Ahh…” aniya habang patuloy pa rin siya sa pagtulak sa kaniyang sarili hanggang sa naging buo ito sa loob, habang ako naman ay halos maluha at hindi makahinga sa balahibo niyang pinagdidiinan ng aking ilong.
Ilang sandali pa ay sinubukan niyang maglabas masok sa aking bibig. Banayad pa ito sa simula ngunit habang patagal ng patagal ay mas bumibilis ang kaniyang pagbarurot.
Maririnig ang aking laway na nagpapadulas. Kasabay pa nito ang kaniyang pag-ungol ng malakas at tuloy-tuloy.
“Ugh… Bilisan ko pa, mahal ko?” tanong niya at tumango ako habang subo pa rin ang alaga niya. “Humanda ka na… Ahh…” ungol niya at bumilis ang kaniyang pag-indayog.
Napadpad ang isa kong kamay sa kaniyang bayag at pinaglaruan ito. Hinimas-himas. Hinihintay na bumuga ito.
“Malapit na ’ko… Arghh… Ayan na…”
Sunod-sunod na naglabasan ang kaniyang katas sa aking bibig. Marami ito dahil ilang araw na kaming hindi nagsisiping. Marahil ay naipon na niya ito ng limpak-limpak.
Walang patid ang aking paglagok, walang gustong paghinayangan kahit isang patak. Hindi ko hinayaan na may makalabas ng aking bunganga.
“Ang galing mo rin, mahal ko. Nakayanan mo ’to,” aniya at tinutukoy ang kaniyang mahabang tarugo. Dahan-dahan ko itong niluwa.
“Nagkataon lang na nakayanan ko. Halos hindi na nga ako makahinga. Ang haba mo kasi,” paninisi ko sa kaniya. Tumawa lang siya ng mahina.
“Kaya nararapat lang na ako ang kumilos sa ating dalawa. Ako ang bahala sa’yo, mahal ko,” aniya ngunit hindi pa rin niya binababa ang kaniyang bahag. Dumako ulit ang aking paningin sa kaniyang pagkalalaki na kasalukuyan pa ring nakatayo. Basang-basa ng laway at katas.
Tumingin naman ako sa kaniyang mukha at nakita ang kaniyang pagngisi.
“Mukhang hindi pa tayo dito nagtatapos,” sabi niya, pagkatapos ay tinulak niya ako pahiga sa troso.
III
ᜁᜃᜆ᜔ᜎᜓᜅ᜔ ᜃᜊᜈᜆ
Ikatlong Kabanata
Isang araw pa lang ang nakakalipas, nabalot na malalakas na hagulgol ang buong kagubatan. Nakahilera ang mga bangkay ng mga mamamayan ng namayapang si Dakum. Gabi ang oras ng pagpaslang sa kanila, at wala pang impormasyon kung paano sila dinala rito. Dugo ang nagsilbing kulay ng damuhan. Lubos na nagdadalamhati ang mga kaanak ng mga namaalam.
“Pinuno, hindi pa rin po namin matukoy kung sino salarin. Kailangan pa namin ng oras upang tukuyin kung sino talaga ang may gawa nito,” ani ng isang lalaki na nakabihis hukbo. Bakit ko nga pala ’to isinugo upang imbestigahan ang pangyayari kung wala naman itong sapat na pinag-aralan?
“Hindi pa ba sapat na ebidensya ang nakita niyong mga butas sa kanilang mga leeg? Kinagat sila ng isang bampira. Marahil isang tao lang ang naiisip kong may kagagawan nito,” sabi ko sa kaniya.
Tao nga ba talaga yung taong tinutukoy ko?
“Mahirap pong sabihin na ang pinunong si Tarim ang may kagagawan nito, kamahalan. Maaaring may iba pa pong nilalang na gumawa nito sa kanila, o may iba pang bampira na nakapalibot dito sa ating lupain na hindi natin alintana. Kailangan pa po natin ng matibay na dahilan upang tukuyin kung sino ang salarin.”
Napahinto ako sa sinabi ng kawal na ito. Napabilib niya ako sa kaniyang sinabi. Kung sabagay, may punto siya.
“Sige. Bibigyan ko kayo ng oras para pag-isipan ang bagay na iyan, pero huwag sanang humantong na maulit pa ang pangyayaring ’to hanggang sa maubos tayo ng nilalang na hindi pa natin nalalaman,” saad ko sa kaniya at tinignan siya ng mariin sa mata. “Kaya kong maghintay, pero oras din ang kalaban natin. Binibigyan natin ng pagkakataon ang salarin na ’to para sugurin tayo kung kailan niya gusto.”
“Magtiwala po kayo sa amin, kamahalan. Ipapatawag po namin ang mga may matataas na antas ng karunungan upang mas mapadali ang misyong ito.”
“Nararapat lang,” saad ko at agad na nagtungo palayo sa kaniya upang lapitan ang mga bangkay.
Idiniin ko ang aking panga. Pinipilit kong magmukhang matapang sa harap ng mga tao, kahit sa loob-loob ko ay nangangamba ako na baka pati ako ay patayin din ng pumaslang sa kapatid ko.
Nangangamba rin ako na baka ubusin niya kami. Sa bilang ng limampung bangkay, hindi namin alam kung hanggang saan umaabot ang uhaw ni Tarim. Bukod pa sa mga natamong kagat ay may sugat din ang mga ito sa iba’t ibang parte ng katawan na waring mga kalmot kaya tumatagas ang dugo sa kanila.
Nanginginig ang aking mga kamay. Sinusubukan ko itong pigilan ngunit nakikisabay ang malakas na pagtambol ng aking dibdib.
Aparo, tulungan mo ’ko. Hindi ako kasing galing mo mag-isip. Kailangan ko ang iyong karunungan, dahil kahit isang desisyon ay walang pumapasok sa aking isipan.
Bakit ba kasi humantong ang lahat sa ganito?
Nakaramdam ako ng matinding pagyakap mula sa aking likuran.
“Ayos ka lang?” tanong sa’kin ni Kiron habang nakadantay ang kaniyang baba sa aking balikat.
Napabuntong-hininga ako.
“Hindi ko alam, Kiron. Mahirap sabihin na nahihirapan na agad ako, samantalang wala pa akong nagagawang progreso,” sagot ko.
“Kung kailangan mo ng tulong, handa ’kong tulungan ka,” aniya.
Napangiti ako sa sinabi niya.
“Hindi na. Kaya na namin ’to,” sabi ko at unti-unti kong kinalas ang kaniyang yakap. Humarap ako sa kaniya. “Ako dapat ang maging responsable sa lahat ng pangyayaring ’to.”
Tinignan ako ni Kiron na may bahagyang lungkot sa kaniyang mata. Bigla akong natakot na baka nadama niya na may bumabagabag sa’kin sa likod ng aking pagngiti sa kaniya.
“Alam mo, naka-usap ko dati ang kapatid mo. Hinarap niya ako matapos niyang malaman ang namamagitan sa’tin. Sinabi niya na may pagdududa siya sa’kin na baka saktan lang kita. Hindi raw niya mapapatawad ang kaniyang sarili sapagkat resposibilidad ka niya bilang kapatid. Hindi siya nagtiwala sa desisyong ipagkatiwala ka niya sa akin,” kwento ni Kiron.
Tahimik lang akong nakinig sa kaniya. Makarinig lang ako ng kapirasong kwento sa akin kapatid ay nagbabalik sa akin ng mga alaala nung buhay pa siya. Kasabay ng pagbabalik ay ang sakit, lungkot at pagsisisi.
“Hindi naging madali sa kaniya ang pag-iisip ng desisyon, mahal ko. Pareho lang kayo ng nararamdaman. Ngunit dumating din sa punto na nakakaisip siya ng epektibong paraan,” aniya at ngumiti sa akin. “Magtiwala ka lang sa sarili mo, kakayanin mo rin ang mga pagsubok na binibigay sa’yo ng tadhana tulad ni pinunong Aparo.”
“Paano mo nasabing naging matagumpay ang mga naging desisyon ng kuya ko?”
Ngumisi siya.
“Hindi ba sapat na pinatunayan ko sa kaniya na mali ang pagdududa niya sa akin? Hindi kita kailanman sinaktan.”
Kasabay ng ginahawang humagod sa aking puso ay ang pamumula ng aking pisngi. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
“Akala ko naman kung ano,” saad ko nalang at nagsimulang lumapit sa mga nakahilerang bangkay. Napahagikhik siya sa naging reaksyon ko.
Mapait kong pinapanood ang mga tao na umiiyak habang niyayapos ang malamig na bankay ng kanilang mga kamag-anak. Ang sakit man panoorin ngunit wala akong magagawa. Dapat ko pa rin silang damayan. Dapat ko pa ring imbestigahan kung ano ang mga naganap.
Ganito rin ang aking nadarama nung naabutan ko si Kuya sa kwarto ni Dakum. Walang paghinga. Walang tibok. Walang buhay. Hindi ko maipaliwanag ang matinding sakit. Basta, ang alam ko lang ay hindi ko ito kayang dalhin.
Habang nakatayo ako sa madugong damuhan ay may biglang kumapit sa akin binti. Napayuko ako at nakita ang isang bata na umiiyak ng malakas.
“Pinuno, buhayin niyo pi yung mga magulang ko, pakiusap!” sigaw nito sa akin sa gitna ng kaniyang sunod-sunod na paghikbi. Madugo ang kaniyang mga kamay, at napapahid ito sa aking binti. Napangunot ang aking noo, at biglang nandiri sa dumikit sa aking balat.
May isang naalarmang kawal at agad na lumapit sa akin at saka yumuko upang hilahin palayo ang bata.
“Bitiwan mo si pinuno. Hindi dapat ganiyang umakto sa harap niya,” anito.
Naramdaman ko ang mga tingin sa akin ng maraming tao. Para nila akong pinapako sa aking kinatatayuan. Nakaramdam ako ng kaba.
Hindi nakabitaw ang bata.
“Tama na,” utos ko sa kawal at agad din itong sumunod.
“Pagpasensyahan niyo po ako kamahalan. Hindi ko pa rin po siya magawang itanggal sa inyo,” anito.
“Hayaan mo na. Ako na ang bahala rito,” sabi ko sa kaniya. “Maaari ka nang lumayo sa amin.”
“Masusunod po,” aniya at naglakad na paalis.
Dama ko pa rin ang pagtitig ng maraming mata sa akin. Pinipigilan kong huwag manginig habang dahan-dahang yumuko upang lumibel sa bata na nakakapit pa rin sa akin binti.
Sa aking tansiya ay maaaring nasa limang taong gulang pa lang ito. Nakakapanlumong isipin na sa ganito kamurang edad magiging ulila ang batang ito. Maaaring wala na siyang naiisip na gawin upang buhayin ang kaniyang mga magulang at naisip niyang lumapit sa akin.
Nakita ko na bigla siyang kinabahan sa aking paglapit ng mukha kaya unti-unti siyang bumitaw sa akin. Ngumiti ako ng mapait.
“Anong pangalan mo, bata?” mahina kong tanong sa kaniya. Napalunok siya ng sariling laway bago siya sumagot.
“K-Kalpas,” mahina nitong sagot sa akin.
“Kung gano’n, Kalpas, maaari mo bang ulitin sa akin kung ano ang iyong hinaing?”
Muli nanamang nagtubig ang kaniyang mga mata. Nais ko siyang yakapin at pakalmahin, kung kailangan ko munang malaman kung ano ba talaga ang nais niyang gawin ko.
“S-si Ina… Si A-ama. Patay n-na po sila,” aniya habang dumadausdos ang luha mula sa kaniyang mga mata. “B-buhayin niyo po siya.”
Namilog ang aking mata sa kaniyang sinabi. Paano ko bubuhayin ang kaniyang mga magulang, e, isa lang akong hamak na tao na walang kapangyarihan. Oo, naniniwala ako sa himala, ngunit hindi iyon nangyayari sa aming mga mortal. Hindi namin kayang gumawa ng himala kahit gaano pa namin kagusto.
Wala akong magagawa kun’di maawa nalang sa bata.
“Nalulungkot akong sabihin na hindi ko magagawa ang kagustuhan mo, Kalpas.
“Ngunit sabi po sa’kin ni Ina, lahat kayang gawin ng isang pinuno,” anito sa akin. “Wala na po akong kasama sa bahay kung hindi po sila mabubuhay. Natatakot ako.”
Nanginginig ang kaniyang boses habang sinasabi niya iyon. Ako rin, natatakot na ipagsawalang-bahala ang batang ito. Hindi ko siya maaaring pabayaan, lalo na’t hindi kayang mamuhay ng isang musmos ng mag-isa. Walang gagabay sa kaniya sa paglaki.
Kailangan mong magdesisyon agad, Adamin. Nakasalalay sa iyo ang buhay ng batang ito.
“Ayos lang ba sa’yo kung iuwi kita sa aking tahanan?” tanong ko sa kaniya.
Handa akong akuin ang resposibilidad ng kaniyang mga namayapang mga magulang. Tutal, hindi ko siya napagbigyan sa kahilingan niyang buhayin ang kaniyang mga magulang.
“Ibibigay ko lahat ng pangangailangan at mga ninanais mo, Kalpas. Doon ka na uuwi sa amin,” pagpapatuloy ko.
Hindi ko alam kung ano ba ang nararapat na sabihin sa kaniya upang kumbinsihin na sa akin siya umuwi ng hindi nasasaktan. Maliit, walang muwang at madaling masaktan ang mga bata, kung kaya ay dapat mag-ingat ako sa mga sasabihin ko sa kaniya.
Nakita ko ang pagdududa sa mga mata ni Kalpas habang pinapahid niya ang kaniyang pisngi. Kumuha ako ng kapirasong bimpo na nakaipit sa akin bahag at pinunasan ang kaniyang mga uhog at luha. Pagkatapos ay hinawakan ko ang magkabila niyang kamay at marahan itong pinisil-pisil upang pakalmahin siya.
“Huwag kang mag-alala. Masakit ang paglisan ng iyong mga magulang. Naiintindihan kita,” saad ko. Kinagat ko ang aking labi dahil sa mabilis na pagdaan ng alaala. Tumingin ako sa kaniyang mata. “Ako na ang magiging magulang mo.”
Dahan-dahang tumango si Kalpas at agad na yumakap sa aking leeg. Niyakap ko siya pabalik at hinagod ng marahan ang kaniyang likod. Dahan-dahan ko ring inangat ang aking sarili upang buhatin siya, pagkatapos ay nakarinig ako ng paghilik.
Hindi ko akalain na makakatulog sa aking bisig si Kalpas. Napakabilis. Siguro ay pagod na siya sa kakaiyak kaya nawalan na siya ng enerhiya.
Inutusan ko ang mga kawal na manguha ng panggatong para sa pagsunog ng mga bangkay. Paapuyin ang mga ito mamayang hapon. Mabilis naman silang kumilos upang magputol ng mga puno na nakapalibot lang sa paligid.
Napakabilis ng mga pangyayari. Nung una ay nabawasan ang mga namumuhay sa nayon ni Dakum noong digmaan nila laban kay Tarim. Ngayon na pagmamay-ari ko na sila ay nabawasan sila ulit na maaaring si Tarim nanaman ang may kagagawan.
Nararamdaman ko na ang hirap ng kapatid ko, ngayon na nasa posisyon niya na ako. Ngayon na nasa gitna kami ng isang hindi inaasahang delubyo, hindi pa ko nakakaisip ng paraan para iwasan ito.
Dinala ko sa aking tahanan si Kalpas at inihiga ko siya sa kama. Mahimbing pa rin ang kaniyang pagtulog habang pinagmamasdan ko ang payapa niyang ekspresyon.
Hindi ko alam kung bakit ako naaaliw. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako gumiginhawa sa simpleng pagmamasid sa kaniyang pagtulog. Ganito ba ang pakiramdam ng isang ama? Labis ba nilang kinakatuwa ang pagbabantay sa kanilang anak? Kung gano’n, bakit hindi iyon ang nadarama ni Ama sa amin?
Hinawi ko ang kaniyang mga takas na buhok paangat. Maamo ang mukha ng batang ito. Panigurado, lalaki itong magandang lalaki.
Nung sumapit na ang hapon ay agad akong lumabas para sa seremonyas. Nagtipon ang lahat sa gitna ng malawak na espasyo. Sinimulan na ang pagsusunog ng mga bangkay habang ang lahat ay umiiyak pa rin at tulala.
“Nakikidalamhati ako sa inyo,” pampalubag loob ko sa isang pamilya na nilapitan ko na namatayan din ng kamag-anak.
“Maraming salamat po pinuno,” sabi ng isang matandang babae at mapait na ngumiti sa akin.
Mabuti nalang at hindi nila ako sinisisi sa pangyayari, dahil kung nagkataon man ay iisipin ko pa kung paano ko makukuha ang mga loob nila. Nais ko silang pagpasensyahan sapagkat hindi pa malawak ang aking kakayahan sa pamumuno. Sa susunod, ipapangako ko na hindi na ito mauulit. Kailangan kong gumawa ng hakbang para maiwasan ito.
Nung naging abo na ang lahat ay agad unti-unting nagsi-alisan ang mga tao pauwi sa kani-kanilang mga tahanan.
Sumasapit na ang gabi, at ang huni na lamang ng mga kuliglig ang nagsisilbing musika sa paligid. Umuwi ako sa aking tahanan upang hanapin ang mga kawal na inutusan kong imbestigahan ang mga kaganapan. Nakatipon sila sa harap ng aking trono kung saan walang nakaupo, waring hinihintay ang aking pagdalo. Nasa gilid ng aking trono ay nakatayo si Kiron. Mula sa seryoso niyang mukha ay napalitan ng masayang ngiti nung masilayan niya ako.
Agad akong lumapit sa trono at umupo.
“Natukoy niyo na ba kung sino ang salarin?”
Nagtinginan ang mga kawal sa isa’t isa, waring nagtuturuan kung sino ang sasagot sa aking tanong. Umismid tuloy ako sa harapan nila.
“Hindi pa kamahalan,” ani ng isang lalaki na nakabihis iskolar. Siya na siguro ang tinawag nilang katuwang na may mataas na antas na pinag-aralan. Pero kung gano’n, bakit hindi pa rin nila matukoy ang salarin.
“Siya nga po pala si Radi, pinuno. Naglakbay pa po siya galing sa iba’t ibang lugar upang punan ang kaniyang edukasyon,” aniya na may panginginig sa kaniyang tinig. “Akala namin, magagawa na namin ang aming misyon, ngunit kahit tinawag pi namin siya ay hindi pa po namin kayang alamin kung sino man ang nasa likod ng pangyayaring ito.”
“Bakit naman? Hindi pa na sapat na binigyan ko kayo ng oras na maghapon? Para saan ba ang pag-aaral mo Radi, kung hindi ito makakatulong sa lipunan natin?” pangmamaliit ko sa lalaki. Yumuko lang siya sa akin ng bahagya ngunit makikita sa kaniyang mata ang kawalan ng reaksyon. Pinagsadahan ko ng tingin ang mga kawal na walang ring masabi. “Wala bang sasagot sa alinman sa mga katanungan ko?!”
Naramdaman ko ang kamay ni Kiron na humagod sa aking balikat kaya napalingon ako sa kaniya. Masungit pa rin ang aking mga mata na nakatitig sa kaniya, samantalang sinuklian niya lang ito ng malambot na tingin.
“Kumalma ka lang,” marahan niyang sabi sa akin. Huminga ako ng malalim upang pabalikin ang aking kalmadong ekspresyon. Ngumiti lang siya sa’kin, at iniwas ko ang aking tingin upang matahan muli ang mga kawal. Si Radi lang ang bumuka ang bibig mula sa kanila.
“Wala pa po akong nababasang teksto na naglalaman patungkol sa mga bampira, kamahalan. Hindi naman kasi napapanahon ang mga ganitong paksa. Iniisip ng karamihan na kathang isip lang ang mga bampira at iba pang mga nilalang na may hiwaga, kung kaya’t mahirap para sa akin ang pagsusuri.”
Napabuga ako ng hangin. Kung wala palang kikilos para alamin ang salarin ay aakuin ko nalang rin ang pag-iimbestiga.
“Ako nalang ang bahala rito,” mariin kong sambit sa kanila. Agad akong tumayo at naglakad paalis sa aking tahanan. Napasinghap ang mga kawal.
Palabas pa lamang ako sa malaking pintuan nang nagsalita si Kiron ng malakas.
“Saan ka pupunta, Adamin?” tanong niya.
“Sa gubat. Ipapain ko ang sarili ko mula sa nilalang na ito,” sagot ko sa kaniya.
Alam ko namang si Tarim lang ang may kagagawan nito. Maaaring pinagmamasdan an niya kami sa mga oras na ito at nagpaplano na upang lusubin kami. Kaya niya iyong gawin ng mag-isa. Lumingon ako sa kawal na nagbabantay sa pintuan.
“Akin na yang sandata mo,” utos ko rito na agad din niyang sinunod.
“Sandali! Ipapahamak mo lang ang sarili mo, Adamin. Dapat muna nating planuhin ng mabuti ang pagbitag sa salarin,” sigaw ulit ni Kiron at nagsimulang lapitan ako.
Dahan dahan akong humakbang palayo.
“Wala na akong pakialam!” sigaw ako at mabilis na tumakbo.
Huwag mo na akong sundan, Kiron. Para sa akin ang hamong ito.
Mabilis akong nagtungo sa kakahuyan. Tanging ang buwan ang nagsisilbi kong liwanag sa pagtahak.
Nagsusumidhi ang aking galit, at pagnanais na paslangin ang sumira sa aking pamilya. Ipapangako ko sa kaluluwa ni Aparo na iuuwi ko sa aming nayon ang ulo ni Tarim at ipapakain sa mga ligaw na ibon. Humanda siya!
Halos masira ang aking sapin sa paa dahil sa mabilisang pagtakbo. Hindi na ako naabutan pa ni Kiron na kani-kanina lang ay sinusubukan akong habulin. Matagumpay akong tumungo sa gitna ng kagubatan kahit pa madilim at wala akong dalang sulo. Laking pasasalamat ko nalang sa buwan na maliwanag sa pagkakataon ito.
“Lumabas ka!” sigaw ko sa gitna ng kawalan. Umalingawngaw ang aking boses sa paligid. “Magpakita ka sa’kin, halimaw!”
Hiningal ako dahil sa pwersang nilaan ko sa pagsigaw. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid habang dahan-dahan akong humahakbang. Mahigpit kong hinawakan ang aking sandata upang mabilis kong itarak ito sa katawan ni Tarim.
Lumipas ang ilang minutong pagbabaybay ay may malakas na pwersang tumungo sa akin at bumangga sa aking kamay. Mabilis kong nabitawan ang aking sandata at tumurit ito sa ere. Hindi ko na namalayan kung saan ito nagtungo.
Napatingin ako bigla sa paligid at hindi man lang nahagip ng aking mata ang nilalang na gumawa sa’kin nito. Bigla akong hiningal sa kaba at piniling sumandal na lamang sa isang makapal na puno.
Bathala! Ipapasainyo ko na lang ang kaligtasan ko.
May isang lalaki na biglang tumambad sa aking harapan. Hindi ko namalayan ang kaniyang paglapit, basta sa isang iglap ay nasa harap ko na siya. Singbilis ng kidlat. Napakurap ako at nawalan ng hininga sa maiksing panahon.
Inangat ko ang aking tingin mula sa kaniyang matangkad at matikas na katawan patungo sa kaniyang mukha. Hindi ko pa man siya nakikita sa personal dati ay nasisiguro ako kung sino ang lalaking ’to.
Siya si Tarim, ang sanhi ng aking matagal na paghihinagpis. Ang naglaro sa tadhana at nagdala sa aking kapatid sa kaniyang kamatayan. Ang lalaking kinamumuhian ko, sagad sa buto.
Hawak niya ang magkabila kong kamay. Sinubukan kong magpumiglas ngunit hindi naging epektibo.
“Ako ba ang hinahanap mo?”
Masama ang aking titig sa kaniya habang nanggagalaiti sa harap niya.
“Tama ba ang pagkakarinig ko? Tinawag mo ’kong isang halimaw?”
Masungit akong tumango sa kaniya.
“Pasensya na. Hindi na kita sasaktan ulit, pangako ’yan,” aniya. Nangunot ang aking noo dahil hindi ko matanto ang nais niyang ipabatid sa akin. May mensahe sa kaniyang mga mata na hindi ko maintindihan. Dahan-dahan siyang ngumiti ng matamis na lubos na nagpagulo sa akin. “Natutuwa ako sa muli nating pagkikita, Rumad. Lahat ginawa ko para sa’yo. Isa-isa kong pinaslang ang pamilya mo, mapasaakin ka lang.”
Bakit niya ako tinawag sa ngalan ng aking ama?
Itutuloy
![Cover of Pangil Ni Tarim [MxM, SPG]](/story-covers/pangil-ni-tarim-mxm-spg_254673412.webp)
