loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Paper Skyscraper's Pillar (Made in Paper #1)

Paper Skyscraper's Pillar (Made in Paper #1)

moshimoonsoo · 7 chapters · 14,536 words

Paper Skyscraper

Welcome to Paper Skyscraper’s Pillar!

The very first installation of the series: Made in Paper.

The story of South Archangel Galopeo and Nicolai Ronan Caleruega.

Disclaimer :

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person(s), living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Genre: Boyslove Romance Language: English-Filipino

Started: November 23, 2025 Ended:

All rights reserved

moshimoonsoo

Panimula

I do not proofread.

This chapter is unedited.

Panimula

Equilibrium

Summer of 2017

“Mommy, pupunta muna akong minimart. Bibili po muna ako ng ice cream.” Paalam ko kay Mommy na nasa sala at inaayos pa ang mga gamit namin.

Kakauwi lang namin ngayon mula sa aming bakasyon sa Samal. Ramdam na ramdan ko na ang init dahil mataas na ngayon ang sikat ng araw. Ang lagkit na ng katawan ko dahil sa pawis.

Kailangan ko na ng ice cream pampalamig sa katawan ko.

Hindi ko na narinig na sumagot sa akin si Mommy dahil agad na akong lumabas ng bahay. Sinuot ko ang aking white cap sa aking ulo ng makalabas na sa aming gate.

I am wearing a baby blue sando, black shorts, and a sandal. Cellphone at wallet lang ang dala ko ngayon.

“I’m finally home. Ang init mo parin talaga, Santiagoviernes.”

Kunot ang aking noo at inis akong naglakad patungo sa pupuntahan ko habang pina-paypayan ang aking sarili gamit ang aking isang kamay. Malapit lang naman ang minimart sa aming bahay, walking distance lang iyon.

Pero kahit na gaano pa kalapit, kung ganito kainit ang panahon, madadama mo talaga ang pagod at pawis mo sa katawan.

I was pouting the whole time. Mas nainis pa ako ng makita ang pagdaan ng lalaking naka-bisekleta.

“Sana pala nag bisekleta nalang din ako para hindi na ako masyadong mainitan.” Bulong ko sa sarili.

Kahit na maramdaman ko na ang aircon sa loob ng minimart nang makapasok ako, hindi parin nawala ang busangot sa aking mukha.

Agad akong pumunta sa ref kung nasaan ang mga ice cream. Agad kong hinanap doon ang aking favorite na ice cream, ang ube caramel.

“Yes! Meron pa.” Excited na saad ko.

Ngumiti ako ng makitang nag-iisa nalang iyon doon. Buti nalang may naabutan pa ako. Kung wala, mas lalo atang masisira ang araw ko.

Pumunta na ako sa counter para mag-bayad. Agad naman akong nakalapit doon dahil walang pumipila para mag bayad. Malaki ang ngiti ko ng makita kong sino ang nasa cashier.

Si Kuya Tim Viorel.

“Oh, South! Kumusta ang bakasyon niyo?” Malaki ang ngiting tanong niya sa akin.

“Maayos naman po, maganda sa Samal.” Sagot ko sa kaniya, malaki ang ngiti at titig na titig parin sa kaniya.

Kung wala ng ube caramel ice cream kanina, masisira ang araw ko. Pero kung si Kuya Tim naman ang nasa counter ngayon, parang agad-agad na aayos ang mood ko.

Paano ba naman, gwapo si Kuya Tim at isa siya sa mga happy crush ko.

Nilapag ko ang bayad ko habang hawak pa rin ang ice cream sa kamay ko. Alam na ni Kuya Tim ang gagawin at pipindutin dahil sanay naman na siyang ito ang palagi kong binibili dito.

“Nag enjoy ka naman ba?” Tanong niya sa akin.

“Yes, Kuya. Sobrang-sobra. Magugustuhan mo rin siguro doon kung makakapunta ka.” Sagot ko sa kaniya.

“Sana nga.”

Kuya Tim is a working student here. Nag pa-part time siya rito at ilang taon na rin niya itong ginagawa.

Isa sa dahilan kung bakit crush ko siya. Gwapo, matalino, at hard working!

“Hot coffee would be better than an ice cream in this weather.” Saad ng kung sino sa likuran ko kaya napalingon ako doon.

Nakatayo siya sa likuran ko at nakapila. Medyo matangkad siya sa akin at parang hanggang balikat niya lang ako dahilan para mapatingala ako sa kaniya.

Ang tangos ng ilong! Iyon ang agad na napansin ko sa mukha niya.

“Are you done?” Binaba niya ang tingin sa akin ang nangunot ang noo ng hindi agad ako nakagalaw sa aking pwesto.

I smiled at him which made his forehead creased more.

He’s wearing a black hoodie which covers his hair. Ang tanging nakikita ko lang ay ang mukha niya. May band aid pa sa ibaba ng isa niyang mata.

“Change mo, South.” Tawag sa akin ni Kuya Tim kaya napatingin ako sa kaniya.

“Salamat po, Kuya Tim.” Nakangiting saad ko sa kaniya at kinuha ang sukling inaabot niya sa akin.

Bahagya pa akong nakaliti ng magtama ang aming kamay nang inabot ko iyon.

“Sige, South. Balik ka ulit dito!” Saad ni Kuya Tim.

Nakangiti naman akong tumango at naglakad na palayo sa counter. Nilingon ko pa ulit iyong lalaki na ngayon ay nagbabayad na.

Anong problema non? Hindi ko naman siya pina-pakialaman na nag su-suot siya ng hoodie habang sobrang init ng panahon. Hoodie at shorts lang ang suot niya pero mas mainit naman iyon kumpara sa suot ko.

Nang makalabas sa minimart, umupo ako sa isa sa mga table na nasa labas. May silong naman iyon dahil mayroong extension ang minimart sa labas para sa mga tatambay na customers.

I began eating my ice cream which made my mood become lighter. Ang sarap ng lamig na tumama sa lalamunan ko ng simulan kong kumain. Medyo naibsan ang init na nararamdaman ko.

I was enjoying my ice cream when the glass door of the minimart opened. Agad akong bumaling doon para tignan kung sino ang lumabas.

Ang lalaking nagsalita kanina sa likuran ko sa pila ang lumabas doon. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. Nasa tabi na siya ng bike na naka-park ng makalapit ako sa kaniya.

“What made you say that coffee is better than my ice cream?” Medyo may diin na saad ko sa kaniya.

Huminto pa talaga ako sa harapan ng bike niya para humarang sa kung saan siya dadaanan.

He was now glaring at me when he turned his head to me.

“Myself. You heard it from me.” He uttered coldly.

Sumakay siya sa bisekleta at akmang aalis na siya pero agad akong pumunta sa harapan para pigilan siya.

“Well, that’s your personal bias. Ice cream is better when the weather is hot like today.”

“I guess it’s also your personal bias that ice cream is better than coffee. What’s your problem with that?” He said, irritated that I am stopping his track.

“That’s why I’m asking you: what made you say that a while ago? I’m not asking for your personal opinion that coffee is better.”

“Science. Thermal equilibrium.” He said in a bored manner.

Ginalaw niya ang bike niya para makadaan sa harapan ko na hindi niya tinatamaan o sinasagasaan.

Sa gabing iyon, nag search na ako tungkol sa sinabi niya.

I found out that it’s not scientifically proven. And it’s basically based on your preference depending on how you cope up with hot weather.

Start of Class, 2017

“Timog! Breakfast is ready! Bumaba kana dito.” It was my mom’s voice coming from the kitchen. Rinig na rinig ko ang kaniyang boses hanggang dito sa second floor kung saan ang aking kwarto. Ganon kalakas ang kaniyang boses, lalo na pag umaga. Tinapos ko ang pag-aayos ng aking uniporme at agad ng bumaba.

Ang araw na ito ay ang pasukan namin, I was on my third year in highschool. Next year, mag tatapos na ako.

I’m really excited for this day, gusto ko ng makita ang aking mga kaibigan. Higit sa lahat ang aking mga crush! Sila talaga ang aking inspiration tuwing pumapasok ako sa school.

Malaki ang ngiti ko ng makababa na ako, lumapit ako kay Mommy at humalik sa kaniyang pisngi.

“Good morning, Mommy! Daddy!” Masigla kong bati. Lumapit naman ako kay Daddy at humalik rin sa kaniyang pisngi.

“Good morning, how’s the sleep of our baby?” My daddy asked. I smiled.

“Ang himbing po, napanaginipan ko na naman iyong crush ko. Joke lang.” Tumawa ako ng malakas at muntik pa ngang mahulog sa aking upuan.

“Ang harot harot mo talagang bata ka. Ang aga pa crush na naman ang bukambibig mo.” Si Ate na kakapasok palang. Suot na nito ang kaniyang uniform. Magkaiba kami ng uniform dahil siya ay college na habang ako ay highschool palang. Ibang school ang pinapasukan namin pero magkatabi lang iyon kaya palagi kaming nagsasabay na pumunta sa school.

“Si Ate, Mommy oh. Ang bitter. Porke walang nagkakagusto sa kaniya eh.” Sabi ko sabay paawa effect kay Mommy.

Napatigil nga lang ako ng makita ang masamang tingin na pinukol sa akin ni Ate. Nag-peace sign ako. Baka bombahan ako nito kapag nasa kotse na kami.

“Hayaan mo na ang kapatid mo, ganiyan talaga lalo na kapag nasa ganiyang edad na. Para namang hindi ka rin naadik sa mga crush mo noong high school ka, East.” Si Mommy na kinukunsinti ako.

“Huwag mo ngang kunsintihin ang anak na’tin.” Si Daddy na sumabat sa usapan namin. Ganito talaga sila. Si Mommy ay sobrang supportive sa’kin pero si Daddy ay sobrang protective naman sa’kin. “Mag-aral ka muna ng mabuti, Timog.”

“Opo, yes po. Hindi ako haharot ngayon, bukas na po.” Tumawa ako ng malakas after kong masabi iyon, sinabayan pa ni Mommy. Si Ate at Daddy naman ay napailing na lamang.

“Hay nako,” Iyon na lamang ang nasabi ni Daddy at nagsimula na kaming kumain.

“Umayos kayo sa first day ng school niyo, huwag kayong pasaway sa teacher ninyo. Maging magalang kayo sa kanila.” Bilin ni Daddy after naming kumain.

“Yes po.” Sabay naming sabi ni Ate.

“Papasok na po kami,” Si Ate sabay halik sa pisngi ni Daddy at sumunod naman ay kay Mommy.

“I love you so much!” Kiss sa pisngi at hug naman ang ginawa ko sa aking mga magulang.

“Bye, ingat sa school.” Si Mommy na sumunod sa’min palabas ng bahay.

“Bye-bye.” Sabi ko sabay kaway kay Mommy bago pumasok sa aming kotse.

Nasa loob na kami ng sasakyan, nasa back seat kaming dalawa habang si Manong Rony ang nag dra-drive para sa’min.

“Ate, ang gwapo nong isa mong classmate, iyong kuya ng classmate kong Manjeras. Ano ngang name non, iyong pinaka-kuya sa mga Manjeras ba iyon?” Sabi ko sabay tingin kay Ate.

“Ikaw talagang bata ka!” Asik ni Ate sa’kin. “Ngayon ay nag ka-crush ka na naman sa mga matatanda sa’yo? Sabing ’wag ka munang mag cru-crush eh, ang tigas talaga ng ulo mo.”

“Bakit ka galit ate? Crush mo ba iyon?” Biro ko kay Ate.

“Heh! Manahimik ka nga, mag aral ka muna bago lumandi. Ako nong nasa edad mo, libro ang kaharap ko araw at gabi, libro ang ini-stalk ko hindi mga gwapo!” Galit na galit nga si Ate.

“Sinasabi ko naman sa’yo iyong mga crush ko ah, hindi ka naman ganito kagalit. Crush mo iyon Ate?” Biro ko sabay sindot sa kaniyang tagiliran. “Yiee, si Ate, dalaga na.” Tumawa ako ng malakas.

“Iba ito sa mga crush mong iba! Masyadong matanda ang trip mo! Okay lang kung iyong sa mga ka-batch mo lang ang mga crush mo hindi iyong ganon na katanda kay Hopher.” Namumula ng ani ni Ate. Inayos pa niya ang kaniyang salamin.

“Sinong Hopher? Iyong kuya ng classmate ko? Yiee si Ate, may gusto ka talaga don eh. Sino si Hopher? Ang hope ng buhay ni Ate.” Biro ko kay Ate sabay tawa ng malakas.

“Hindi ko nga iyon gusto. Yak ang corny ng joke mo. Ang mais pwe.” Nalukot ang mukha ni Ate.

“May gusto si Ate kay Hopher Majeras, Manong pakisabi ito kay Mommy.” Saad ko kay Manong.

“Manahimik ka nga, Timog. Gawa-gawa ka ng kwento eh.” Galit na galit na si Ate dahil namumula na ang kaniyang pisngi.

Hindi ko siya pinansin, sa halip ay nilabas ko ang aking cellphone at binuksan ang aking account sa messenger.

Agad-agad akong nag-chat sa gc namin.

FRIENDSHIT

Today, 6:56 am

South Archangel

Hey girls, may chika akooo.

Edrianna

Good Morning.

Seraphina

Good Morning to all of you, anong chika mo bading?

Andromeda

Aga-aga chismis agad bungad ninyo. Ano iyon?

South Archangel

HAHAHAHA Omg, ’di pa ba kayo sanay sa’kin?

Si Ate, you know iyong nakita na’tin kina Aling Nila? Iyong Kuya ng Classmate na’tin? May gusto ata siya do’n.

Celestia liked your chat.

Andromeda

Omg, talagaa? Paano na iyan? Makakabog na ang beauty ko.

Edrianna

Hindi naman kayo magugustuhan non kaya tumigil na kayo.

Edrianna

Wala kayong chance ron.

South Archangel

Ang bitter mo, Edrianna!

Andromeda

replied to your chat

Halaaa, Kapatid vs Kapatid na ba ito? Sino ang pipiliin sa inyong dalawa? HAHAHAHA

Seraphina

Nangangarap ng gising ah.

South Archangel

Bigay ko na iyon kay Ate. Marami naman akong crush HAHAHAHA #TimogMapagbigay2025

Andromeda

Hindi ako papayag na may umagaw sa kaniya. Akin lang iyon! 🤬🤬 Charot lang

South Archangel

Iyo na, nahiya ka pa umamin Andromeda HAHAHAHAHAHAHAHA

Btw, nasaan na kayo? Papunta palang ako sa school.

Edrianna

Nasa school na ako.

Andromeda

Otw na.

You replied to Andromeda:

Anong otw? On the water ba?

Andromeda

Oo.

Edrianna

Walang hiyang Andromeda. Mahiya ka naman sa’min kahit papano.

South Archangel

Kita nalang tayo sa school. Miss you all. Let’s catch up.

Matapos ng huling chat ko ay pinatay ko na ang aking phone at nilagay sa aking bag.

Gusto ko ng makita ang mga kaibigan kong babae. Apat silang babae at ako lang naman ang nagiisang lalaki sa amin. Bale, ang nangyayari sa friendship namin ay para bang Princess and the four maids!

Napangisi ako sa naisip. Ako lang talaga lalaki amin, at ako rin pinaka maganda. Paano ba naman? Lumaki ba naman akong feminine.

Nakita kong abala si Ate kaya tumingin na lamang ako sa labas ng bintana. Puro bahay lamang ang nakikita ko. May kunting pagitan lamang ang kabahayan dito. This is just a small municipality kaya kunti palang ang mga taong naninirahan dito ngunit dumadami ng dumadami simula ng maipatayo ang Santagioviernes University. Karamihan sa karatig lugar dito sa aming probinsya ay doon nag-aaral ng college kaya naman nagiging madami ang mga tao dito.

Kunti lang ang mga buildings dito. Karamihan ay restaurant at iilang cafe. Ang pinakasikat dito ay ang street foods sa avenue ng school ni Ate. Magkatabi lang kasi ang University at High School dito sa’min.

Ang kalsada ay semento na sa iilang baranggay dito sa’min. Ang national highway lamang ang may four lanes dahil nakakonekta ito sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon.

Hindi ganito kadami ang makikita mong kabahayan sa mga siyudad lalo na sa Manila, mas marami roon. Mas marami rin ang mga buildings sa mga siyudad pati sa probinsya hindi katulad dito sa Santagioviernes na umuunlad pa lamang ang ekonomiya. Pero ang pinakanagugustuhan ko rito ay ang mga falls dito, ang karagatan at ang magagandang tanawin.

Mayroong nagiisang bangin dito sa Santagioveirnes ngunit kunti lamang ang nakakaalam, kasama na kaming magkakaibigan sa nakakaalam sa sapang iyon. Mahirap iyon puntahan dahil nasa loob pa iyon ngunit salamat na lamang sa aming kaibigan na si Miguel, nakakapunta kami roon ng hindi na nahihirapan.

May kalayuan ang aming bahay sa paaralan kaya inaabot kami ng ilang minuto bago makarating. Sa aming magkakaibigan, ako lang ata ang pinakamalayo ang bahay.

Patuloy kong pinapanood ang aming nadaraanan. Napansin ko na naman ang bagong bahay na malapit ng matapos. Kung noon ay ang napapansin ko lamang ay ang magandang estilo nito, ngayon ay mga taong nagbubuhat ng gamit papasok sa bahay. Hindi pa tapos ang bahay, wala pang pintura ang nasa labas ngunit tingin ko ay tapos na ang nasa loob. Kung ganon ay may bago na namang pamilya dito sa’min?

Ilang minuto ang lumipas hanggang sa umabot kami sa aming school. Nagpark si Manong sa tabi ng gate ng school ko pero hindi muna ako bumaba dahil nakita ko ang crush kong dumadaan sa pedistrian lane. Agad kong nilabas ang aking phone kinuhanan ng litrato ang aking crush. Isang shot palang ang nakuha ko pero binatukan na ako ni Ate.

“Hoy! Bumaba kana, malate-late ka pa. Anong e-excuse mo sa teacher kapag na-late ka? Na inis-stalk mo pa ang crush mo? Atsaka diba may jowa na ’yang Manjeras na iyan?!” Si Ate na agad kong sinimangutan.

Hindi ko siya pinansin.

“Bye-bye. Salamat Manong.” Labas sa ilong na ani ko at lumabas na. Nakita ko pang umiling si Ate. Umalis agad ang kotse at pumasok na iyon sa University.

Naglalakad na ako papasok sa aming school at papunta sa aming building habang pasulyap sulyap kong tinitignan ang aking phone. Ang gwapo talaga ng number one crush ko.

Nagulat ako ng habang naglalakad ako ay may biglang umakbay sa’kin. Muntik ko ng mabitiwan ang aking phone mabuti nalang at mahigpit ang kapit ko roon.

It was Miguel ng lingunin ko. “Good morning, South. I miss you so much.” Aniya.

“Hindi na kita miss dahil ginulat mo ako.” Saad ko sa kaniya habang nakangiti.

“Hmp. Ang sama mo talaga sa’kin.” Bigkas niya sa malungkot na tono.

“Ikaw ang mas masama sa’ting dalawa, demonyo ka eh.” Sabi ko.

Pinagkrus niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang dibdib. Bagamat hindi pa maskulado ang kaniyang kamay at hindi pa hulma ang kaniyang katawan ay gwapo na si Miguel paano ba naman ito hindi gwa-gwapo kung inaalagaan ng kaniyang Mommy 24/7. Mommy’s boy kasi siya, alagang-alaga ng nanay kaya ang kutis nito ay sobra pa kay Snow White. Pareho lang kami ng kulay pero mas maputi lamang ako.

“Hindi na kita mahal, South.” Sabi niya sabay pout. Cute. Sa totoo ay mayron rin akong crush sa kaniya pero hindi ko sinasabi. Tumawa ako.

Nakarating na kaming dalawa sa classroom habang nag kwe-kwentuhan tungkol sa kung anong ginawa namin noong bakasyon.

Naabutan namin si Edrianna na katabi si Seraphina habang kumakaway at tinuturo ang katabi nilang silya. Lumapit ako sa kanilang dalawa at umupo sa tinuturo nilang upuan. Habang si Miguel dumeretso sa mga lalaki niyang kaibigan.

Marami-rami na ang mga estudyante sa loob ng aming classroom. Kilala ko ang kanilang mukha pero hindi ko matandaan ang kanilang mga pangalan, isa na roon ang kapatid ni Tim Viorel na gusto ng Ate ko. Bagamat matagal na kaming mag kla-klase ay hindi ko parin alam ang kanilang mga pangalan. Wala akong nakitang bagong mukha, ibigsabihin ay walang transferee ngayong year. Wala rin kaming bagong ka-klase, ang classmates ko parin ay ang classmates ko rin noong 2nd year ako. Nakulangan nga lang ata kami, baka hindi pa dumating ang iba o ’di kaya’y nalipat ng section, tumigil or nag transfer sa ibang school.

Wala parin si Andromeda pero sinabi niyang otw na sila. Kasama naman siguro niya ang kapatid niyang si Celestia.

“I miss you, South.” Ani ni Edrianna sabay hug sa’kin. Nakisali pa si Seraphina kaya ang ending ay hindi ako makahinga.

“Hindi ako makahinga!” Ginaya ko pa kung paano magsalita si Andromeda sabay pilantik ng aking mga daliri. Tumawa kaming apat ng ma-gets nila kung anong ginawa ko.

“I miss you too.” Sabi ko sa kanilang dalawa.

Out of us, ako ang pinaka-payat sa amin. The girls have been my friends ever since elementary. Habang si Miguel ay ngayon lang nakikipag-close sa akin, simula last school year at ngayong year. Ako lang naman ang kaibigan ni Miguel dahil hindi niya masyadong ang mga babae kong kaibigan.

Nagsimula kaming mag usap-usap tungkol sa kung ano-anong ginawa namin noong bakasyon. Hindi kasi kami nagkita-kita dahil iba-iba ang pinuntahan ng aming pamilya para magbakasyon.

Dumating ang nagmamadaling si Andromeda habang kasunod niya naman ang kalmadong si Celestia. Galanteng-galante si Andromeda kahit nagmamadali. Sa aming apat, siya ang pinaka-maganda kasunod naman ang kapatid niyang si Celestia.

“May bago tayong classmate. Omg. Ang pogi!” Si Andromeda sabay tili nito ng sabihin iyon.

“Sino? Anong pangalan?” Si Edrianna

“Anong name? Asan na siya?” Ako sabay ngiti.

“His name is Nicolai. God ang gwapo talaga. Papasok na siya dito, kasunod ko lang kanina habang nag-uusap sila ni Ma’am.”

We were messy when Andromeda came kaya agad kaming nag ayos nang malaman na paparating na ang guro.

Pumasok nga ang isang teacher kasama ang isang lalaki makalipas lamang ang ilang sandali.

Nakayuko ito kaya hindi ko pa kita ang kaniyang mukha. Masyadong matangkad, mahaba-haba rin ang kaniyang buhok. Naka-long sleeve ito kaya hindi ko rin kita ang kaniyang balat.

I was eyeing him from his toe towards his build until his face.

“I’m Nicolai Caleruega.” Hindi ko namalayang pina-introduce na pala ng teacher ang lalaking kasama nito. Doon ko lang din napansin na nakataas na ang mukha nito.

After I saw his face, it was as if the time had slowed down. I was mesmerized by his beauty.

Si poging Thermal Equilibrium!

“My dream is to become an architect in the future.” Dagdag niya.

I will too, for you my love . Saad ko naman sa aking isipan habang malaki ang ngiti.

The transferee was so handsome. He has tanned skin, black eyes that are slightly chinito with thick eyebrows. Dahil sa kahabaan ng buhok nito, natatakpan ang kaniyang noo. His nose is long like European. His lips are thin and curved like a heart shape. Medyo may katulisan din ang kaniyang panga.

For all the boys that I have ever seen so far in Santiagoviernes, I can say that this guy is out of the league. He was so handsome, the most handsome boy I have ever seen in my entire life that I could and would want to spend my entire life gazing over his handsome face.

Kaya agad na naging crush ko na ito simula nong nakita ko siya sa minimart. Ang gwapo eh.

To be

continued

Kabanata 1

I do not proofread. Beware of grammatical and typographical errors.

This chapter is unedited.

Trigger warning: homophobic remarks.

Kabanata 1

Snob

Our first day of class ended too fast. Wala naman din kasi kaming ginagawa sa buong araw maliban sa paulit-ulit na self introduction.

Pinagkakaguluhan ang bagong estudyante nang mga kaklase ko pati narin ng mga nasa ibang section at year. Kakasimula palang ng bagong taon ng klase ay mayroon ng apple of the eye ang school.

Hindi ako nakalapit kay Nicolai sa araw na iyon. Paano ba naman kasi, palagi siyang pinapalibutan ng mga kaklase ko lalo na ang mga babae.

I badly want to talk to him but I couldn’t. Miguel, who’s sitting beside him already talked with him. Ang seating plan namin ay hindi parin naayos kaya kami parin ang nasusunod kung saan kami uupo.

Sa row namin, ay kaming mag kakaibigan lang habang si Nicolai ay nakaupo sa pinaka-gilid sa pinaka-unang row, malayo sa pwesto namin. Nasa pangalawa bago ang huling row kami.

Si Edrianna sa pinakagilid sa kaliwa ko, sunod naman ay si Celestia bago ako. Ang katabi ko naman sa kanan ay si Andromeda, bago ang ibang kakaklase ko. Si Miguel ay nasa pinakaharap din, katabi ng bagong kakaklase na si Nicolai.

Dahil nasa pinakagilid si Nicolai at ako naman ay nakaupo sa kabilang side ng classroom kung saan kitang-kita ko ang side view ng kaniyang mukha, malaya ko siyang napagmamasdan.

All day, from time to time ay pinagmamasdan ko si Nicolai. Pasulyap-sulyap ko siyang tinitignan. Masyado siyang attentive sa klase kaya hindi niya napansin ang pag sulyap sulyap ko sa kaniya. O baka nararamdaman niya rin pero hindi niya lang ito pinapansin.

Tinignan ko ng mabuti ang kaniyang mukha na nakabisado ko na ang perpekto nitong anyo. Kinabisa ko lahat ng parte. Pati ang maliit na sugat sa baba ng kaniyang kaliwang mata. Makinis na makinis ito, wala pang palatandaan na dinaanan ng bagyo ng mga pimples.

Sana all walang skin care pero makinis pa rin. Wala naman sa mukha niyang nag s-skin care siya.

I’ve got curious about his cut below his eyes, his face is fine without that cut but it looks more hotter in my eyes with that one.

He looks like a bad boy due to that cut! Lalaking lalaki siya kaya nakakasigurado akong straight siya. Dagdagan pa ng curtain mullet hairstyle niya.

Hindi ko parin nasasabi sa aking mga kaibigan na may gusto rin ako sa aming bagong classmate. I don’t have a chance at him if he’s straight.

I am openly gay. Masyado akong feminine para maging straight. Tanggap ako ng mga magulang dahil sila naman din ang nag udyok sa akin na maging bading.

Paano ba naman, bata pa lamang ako pinagsusuot na ako ng dress ni mama at ate. Lahat ng pinaglumaan niyang mga dress ay pinapa-suot nilang dalawa sa akin. Na siya namang nagustuhan ko dahil bagay na bagay sa akin.

Kaya naman nong lumaki ako, babaeng babae ako kumilos, gumalaw, pati na ang aking katawan at mukha.

“How’s your first day of school, Timog?” Dad asked.

Every person na close ko ay Timog ang tawag sa’kin. They are using that nickname for me since I was a kid. Hindi naman ako nag reklamo dahil tagalog version lang naman ng english name ko na South

“It’s fine, dad.” Nakangiti kong sagot. “Mayroon na nga akong bagong crush.” Dagdag ko ng nakabulong.

My dad is fine of me being gay. Wala siyang problema doon at hinahayaan lamang ako sa gusto kong gawin. Kaya wala akong problema sa pamilya ko dahil tanggap na tanggap nila ako.

Nasamid si Ate kaya napatingin ako sa kaniya. Uminom siya ng tubig bago tumingin sa’kin ng masama. Narinig ata niya ang sinabi ko.

“Daddy, may crush na naman daw si Timog!” Sumbong niya kay Daddy. Sabi ko na nga ba.

“Mommy, may gusto si ate kay Tim Viorel!” Ganti ko sa kaniya. Malaki rin ang aking ngisi sa kaniya.

Sinamaan ako ng tingin ni Ate. Ganon rin ang ginawa ko sa kaniya, pinandilatan ko pa nga ng mata. Akala niya ha.

“Sino na naman ang crush mo, bunso?” Si Daddy na nagtanong sa’kin.

“Si Nicolai po.” Wala akong magawa kundi sabihin nalang. Hindi kasi ako sanay na nagsisinungaling sa mga magulang ko. Hindi kami tinuruan na magsinungaling.

Malaki pa ang ngiti ko ng sabihin ko iyon. Para bang proud na proud akong sabihin iyon.

Nasanay naman sila dahil lagi kong sinasabi sa kanila kung sino ang mga crush ko sa mga nakalipas na taon. Sanay na sanay na ata talaga sa akin.

“Sinong Nicolai?” Nakakunot ang noong tanong sa akin ni Daddy habang patuloy na ngumunguya.

“Bago naming ka-klase ngayong taon, Dad.” Sagot ko sa kaniya.

“Anong apelyido?” Tanong ulit niya.

“Caleruega, dad. Nicolai Caleruega po.” Sagot ko naman.

“Ah!” Parang may narealize si Daddy dahil sa narinig. “Baka yan ang anak nong bagong dating na pamilya dito, iyong General Caleruega na lilipat dito.” Dagdag niya pa.

Hindi ko pa kilala masyado si Nicolai pero baka tama ang hinala ni Daddy. Sa munisipyo kasi nag tratrabaho bilang auditor doon.

“Sino naman ang gusto ng dalaga kong anak?” Pagpansin naman ni mommy kay ate. Naputol ang pag-uusap namin ni Daddy tungkol kay Nicolai dahil doon.

“W-wala po. Gumagawa lang ng story si Timog, mommy.” Sagot ni Ate.

“Bakit ka nauutal ate?” Nag ma-maangmaangang tanong ko. Nakangisi at patuloy na kumain.

“Anong nauutal?!” Galit ng sagot ni ate sa akin. Tinignan ko naman siya ng maramdaman ko ang galit na tingin niya sa akin.

“Bakit ka namumula ate?” Mas lalo niya akong sinamaan ng tingin. Mas lalo siyang namula.

“Yieee, si Ate. May gusto kay Tim Viorel.” Tukso ko sa kaniya. “Halata ka na masyado, te!” Nakangising saad ko.

“Tama na iyan, nasa harap tayo ng hapag kainan.” Si daddy na pumigil sa panunukso ko kay Ate.

Kunti na lamang ang natira sa aking pagkain kaya minadali ko na itong ubusin. Tutuksohin ko pa sana si Ate ngunit nagmamadali rin pala siya kaya hindi pa ako natatapos ay umalis na siya. Hindi manlang siya nagpaalam kina Mommy at Daddy dahil sa pagmamadali nitong umalis. Nagalit ko ata siya.

Pakiramdam ko ay nagalit ata sa’kin si Ate kaya ng matapos ako ay pumunta ako sa kaniyang kwarto para mag-sorry.

Kumatok ako sa kaniyang pinto. Magkaharap lang ang aming kwarto ni Ate.

“Ate?” Tawag ko.

Bumukas ang kaniyang pinto. “Anong kailangan mo?” Malditang tanong ni Ate.

Natawa ako. Alam na alam ko kung kailan siya nagmamalditahan o kung maldita talaga siya. I know her too well that I could read her actions, and emotions. I think, that was our relationship is as a sister.

“Sorry na.” Binuka ko ang aking mga kamay, senyales na gusto ko siyang yakapin. Naka-pout ang aking mga labi. Ang aking mate naman ay ginawa kong parang pusa. Kahinaan ng lahat sa pamilya ang ganitong kilos ko. Ang sabi nila ay masyado raw akong cute kapag ginagawa ito.

Madali kaming magbati ni Ate kapag may problema kaya lumipas ang ilang minuto, nakahiga na ako sa kaniyang bed. As we talked about our first class, nakatulog ako sa kaniyang kwarto.

I woke up early and rushed to my room to take a bath. Feeling excited since I will meet Nicolai again. Looks like I found a new inspiration to go to school.

I have done everything I always do when going to school. Soon enough, I was already sitting on my chair at school.

My friends are not yet around. Masyado ata akong maaga. Mayroon ng kukunting students na nasa classroom.

Wala pa si Nicolai and it looks like na hindi siya maaga kung pumupunta sa school. I’ll wait and see the time when he will arrive, para makasabayan ko siya pagpasok sa gate. Akala ko kasi ay nasa classroom na siya, sana pala ay sa gate nalang ako naghintay.

“Good morning, South.” A classmate talked to me. It was a boy. His face is familiar, but I don’t know his name. Classmate ko na ata ito simula nong Grade Seven?

“Good morning, what’s your name again?” I smiled.

“Matagal na tayong mag kla-klase pero hindi mo parin alam ang pangalan ko?” Tumawa ito. Nangingiti akong umiling. “Ilang beses na akong nagpakilala sa’yo. Fine, I’m Kiko Sebastian.” Oh. Kung matagal na siyang nagpakilala, sana pala ay tanda ko na ang pangalan niya. Pero it’s normal naman sa’kin na hindi matandaan ang kanilang pangalan lalo na kapag hindi nakukuha ng mga ito ang buong atensyon ko.

I let him entertain me. Nakikitawa narin ako sa kaniyang mga kwento. Horribly, we have so many interactions that I don’t know. Marami siyang alam sa’kin na hindi ko alam. Parang ang importante ng mga pagtatagpo namin na hindi na niya makalimot-limutan.

Ang lakas ng tawa ko sa joke na sinabi ni Kiko ng makitang papasok na si Nicolai.

I immediately pulled all my courage and went near him.

“Good morning, Nicolai.” I greet him happily with a big smile. I comb my hair using my hands. Nakalapit ako sa kaniya bago pa siya makapasok ng tuluyan sa pinto.

I hold on to his hand, wanting to take his bag from him. But then, he removed my hand. I was shocked for a moment because of his attitude, it left me standing at the door. Feeling all the eyes at me, I shamelessly  smiled and followed him. Letting all the students who were watching us think that it was just nothing to me. Mabuti na lamang at kunti lamang ang tao ngayon sa classroom namin.

I was used to having all the attention to me. I will let this slide, for now. Just once, for this boy.

Dumeretso si Nicolai sa kaniyang upuan. Habang ako naman ay sinundan siya. Agad siyang naupo doon at naglabas ng science book. Mag a-advance reading ata siya.

Nakangiti akong tumabi sa kaniya.

“I am South!” Masaya at nakangiting saad ko sa kaniya, inilahad ko pa ang aking kamay sa kaniya. Pero lumipas lang ang isang minuto, hindi niya ako pinansin.

Aba! Lakas naman nito ah.

Mabilis lamang ang pagsulyap niya sa akin at tumango bago binuklat ang libro niya. Nilapat niya iyon sa ilang pages bago huminto at nagsimulang magbasa.

He didn’t even talk to me?!

Wow. For the first time, I faced someone who would snob me!

Kinapalan ko ang mukha ko at nilapitan ko pa siya lalo. Inusog ko ang aking upuan sa kaniyang tabi.

“Anong binabasa mo? Advance reading?” Saad kong muli sa kaniya ngunit wala akong nakuhang sagot.

Kumunot ang kaniyang noo at para bang naiinis na siya sa akin. Napalaki naman ata ang aking ngisi. Papansinin niya rin ata ako kung magpapatuloy ako.

“Masyado atang maaga kung magbabasa ka na ngayon!” Saad kong muli sa kaniya. Ngayon ay malapit na malapit na ang mukha ko sa kaniyang mukha.

“Go away!” Biglang pagalit na singhal niya at medyo may kalakasan na pagtulak sa aking balikat upang mapalayo ako sa kaniya.

Nagulat ako roon. Naiinis ang kaniyang mukha at galit ang mga matang nakatingin sa akin.

“Lumayo ka nga sa akin, bakla. Nakakadiri ka huwag kang lumapit sa akin.” Pagalit na dagdag niya.

Nagulat ako roon at napakurap-kurap.

Damn, snob and a homophobic guy?! Bwesit naman ito.

Gwapo nga pero ang sama ng ugali.

Dumating na si Miguel kaya naman tumayo ako. Si Miguel kasi ang nakaupo sa upuang inupuan ko kaya umalis ako.

Binati pa ako ni Miguel pero di ko na iyon sinagot. Naiinis pa ako kay Nicolai!

Naiinis akong naglakad pabalik sa aking upuan. Wala pa ang mga kaibigan ko kaya hindi ko maikwento sa kanila ang nangyari.

Ang ilang student naman dito sa classroom ay patay malisya lamang habang ang ilang lalaki ay nakangisi. Narinig ata nila ang sinabi ni Nicolai sa akin.

To be continued…

Kabanata 2

I do not proofread. Beware of grammatical and typographical errors.

This chapter is unedited.

Kabanata 2

Decline

“So here are my classroom rules.” Our teacher spoke. I am looking at her but I’m not listening. My mind is still in the peak of what had happened a while ago.

“Sa classroom ko may batas, kapag ikaw ay lumabag, kick out or bagsak ang labas.” She said as a joke.

But I couldn’t even laugh. Busangot ang aking mukha.

Hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi dahil nababagabag parin ako ng nangyari kanina. How could he? Labis labis ang galit ko dahil sa kaniyang ginawa pati narin sa kahihiyan.

This was our last class before our recess time. After that, I and my friends would go to the canteen to buy our food.

“May problema ba? Kanina ka pa naka busangot diyan.” Bulong ni Celestia na nasa aking tabi ngayon.

Umirap na lamang ako bilang sagot sa kaniya at humarap sa guro namin ngayon.

I was looking for Nicolai when we got out of our classroom but he was already gone. Hindi ko manlang napansin ang pag-alis niya. I was planning on buying my food with him and my friends. Pero malabo na sigurong mangyari iyon.

Kahit na homophobic siya, ili-libre ko pa rin naman siya.

“Ano bang problema beh?” Si Edrianna na naman ang nagtanong sa akin ngayon.

Hinarap ko sila. Nauna akong naglalakad sa kanila habang naka-sunod naman silang apat sa akin habang papunta kami sa canteen ngayon.

“Si Nicolai, ang pogi pogi pero napaka-homophobic pala.” Inis na saad ko sa kanila.

“Huh?” Si Seraphina naman ngayon ang nagsalita. “Paano mo naman nalaman iyon?”

“Kanina diba ay maaga akong dumating sa classroom, eh ayon lumapit ako sa kaniya para kausapin pero hindi man lang ako pinansin. Nagsalita pa ng kung ano-ano tungkol sa pagiging bading ko.” Mahabang litanya ko.

I got used to people around me being homophobic. Whatever they say about me, I couldn’t care less. Wala akong pake sa kung ano man ang sinasabi nila sa kasarian ko, kung ano man ang pagkakakilanlan ko sa aking sarili.

My family is okay with me being me right now. And that’s enough for me. Masyadong mapagkalinga ang aking pamilya kaya hindi na ako nasasaktan sa mga sinasabi ng iba sa akin.

They are so supportive and caring that I have built this confidence and no amount of hate could make me cry and hate myself for being gay.

And I think that was the most important thing about being gay, including those who are in the community. If you have an inclusive and loving environment where you are fully accepted, you will not be scared to show who you are. You will not be anxious, you will not be afraid and hide the real you.

Hindi mo kailangan mang matakot sa kung anong masasabi at magagawa ng iba sa’yo.

However, the society we live in doesn’t allow that. Kaya hindi na bago sa akin ang mga ganitong ugali sa akin.

Nasanay na ako. Nasanay at kinasanayan na lang. Wala naman akong choice kung ang hindi masanay na lamang. Ano pa bang magagawa ko?

The society doesn’t allow us to choose. They will always be against us. They will always hate us.

One way to fight it, masanay ka nalang. Show them that you are confident enough. Show them that they cannot break you.

Whatever they say, what they do unto you, whatever their actions is. Stood up and raise head high up. Shine, brightly that they couldn’t look at you anymore. Once they can’t look at you anymore, ano pa ba ang magagawa nila?

Gaya ng ginagawa ko ngayon kay Nicolai.

Kung hindi ko lang sana napansin ang pakikitungo ni Nicolai sa iba, hindi ko na sana siya ngayon hahanapin.

However, it looks like Nicolai hates people surrounding him. Kanina nong nagkaroon kami ng free time ay mayroong senior na pumunta sa aming class para bigyan ng chocolate at letter si Nicolai. He took that, out of politeness but when the girl is gone, he only give the chocolate to Miguel while the letter ended up in the garbage.

Second day palang ng klase, may nagbibigay agad sa kaniya ng chocolate at love letter. Ganon siya kapogi.

I was happy about what he have done but I will be much happier if he didn’t take that! And I still don’t know what’s with the seniors having crush on their juniors? Are they pedophile?

He still doesn’t have the uniform like ours since he was a transferee. Masyado siyang gwapo at marangya sa mga damit na suot niya. He was wearing a black long sleeves last day and today, he was wearing a white shirt printed with the brand “oxygen” at the front with a black leather jacket. Hindi ba siya naiinitan? Isa rin iyon sa napansin ko eh. Naka jacket ngayon, kahapon ay long sleeve naman.

“I’ve heard from our classmates, those sitting at our back, that you were declined by Nicolai, Timog?” It was Andromeda. I was thankful that Celestia, Edrianna and Seraphina are in our back while the two of us are at the front. Sinabayan na ako ngayon ni Andromeda.

“Duh, he didn’t reject me. He just don’t want to give his bag because he is a man, he can handle that. He’s a gentleman, Andromeda. He wouldn’t decline me.” I defended myself, para iwas kahihiyan.

“Hmm, do you like him?” Celestia asked.

“Of course, who in the world wouldn’t have a crush on our new classmate. Bagong classmate, Celestia. Paanong hindi ko magugustuhan? Nakakasawa na ang mga gwapo dito sa’tin kaya natural na magugustuhan ko siya. He’s new to my eyes.” Ani ko.

“I suggest you stop liking him. Nakita mo naman diba, iyong ginawa niya sa bigay nong isang senior? You think he will not do the same thing as what he has done to that girl to you?” Si Andromeda naman ngayon ang nagsalita.

“He wouldn’t do that to me. Trust me, Celestia. I’ll make him fall to me, deeply.” I proudly say. “Nasasabi mo lang iyan kasi na-experience mo na, huwag mong igaya si Nicolai sa mga ibang lalaking narito sa Santagioviernes.” I defended him.

“Oo, na experience ko na nga kaya maniwala ka sa’kin. That boy like him will only break your heart. He is totally the same from my ex’s. That face like him is famously known as playboy and heartbreaker. Ang lahat ng pogi, nanakit ng puso, South.”

“Tse, I will never listen to what you were saying. I like him. Period. No one can change my feelings towards him. Even my family, friends and you. No one.” Nakangisi at mayabang kong bigkas.

Hindi na nagsalita si Andromeda. Saktong malapit na kami sa canteen. Sa labas palang ay masyado ng crowded ang canteen. This one is the main canteen. Mayroon pa sa main gate pero kailangan mo pang magtawag ng nagbebenta doon. Ang pagkain sa main canteen ay masyadong iba sa binibenta sa labas ng gate. May mga street foods naman dito pero mas marami ang nasa labas ng gate.

Siksikan kami sa pagpasok sa canteen. Habang patagal ng patagal, padami ng padami ang mga estudyante dito sa school. This was the only school in Santiagoveirnes for high school. Kaya lahat ng mga nag gra-graduate sa aming munisipyo ay dito nag aaral maliban na lamang sa mga estudyanteng mas gustong mag aral sa karatig bayan. Public school ito kaya marami ang nag e-enroll dito.

Inikot ko ang aking mata sa loob ng canteen, hinahanap si Nicolai. But I was disappointed when I couldn’t see him. My eyes tried to look for him but I just ended up failing. Mababali pa nga ang aking leeg kakahanap sa kaniya pero wala parin, hindi ko talaga siya makita.

I bought my own and friends foods when I decided to stop finding him. I also bought extra foods for Nicolai. I’m planning to find him after we go out of here. Ang tagal nina Edrianna at Seraphina sa pagpili kaya binigyan ko na lamang sila ng pera, pinipilahan pa kasi ang ibang tindahan.

“Andromeda, can you go with me?” I asked Andromeda with a smile.

“Where?”

“Dating gawi, crush hunting!” I enthusiastically said.

Narinig ata ni Celestia iyon kaya nasabi niyang gusto niya ring sumama. It was our culture every recess time, lunch break, and uwian na maghanap ng crush or hanapin ang crush namin.

We ended up inviting Edrianna. Seraphina whose stubbornness is on the top when it comes to this also came with us. Well, she doesn’t have a choice. Hinila kasi siya agad ni Andromeda at hindi na binitawan. Nagpupumilit pa itong ayaw sumama pero napasuko lang siya ni Andromeda.

Nagiingay si Seraphina habang naglalakad kami sa mga pathway ng bawat building. We are on the 12th grade, seniors namin ang narito. Different strands. Iisang section lang ang STEM at ABM sa grade 12 pareho sa grade 11. The Humanities and Social Science was the most crowded academic strand they say. 5-8 sections ata ang HUMSS dito sa school namin.

I, the captain of our trip on finding our crushes, take this way since this was the fastest way to go to the main gate.

“Bakit kasi ninyo ako sinama?” Patuloy na reklamo ni Seraphina. Andromeda who’s holding her pinches her hand.

“Nag re-reklamo kapa eh gusto mo rin namang makisabay sa’min para maghanap rin ng gwapo.” Basag ni Andromeda sa reklamo ni Seraphina. I laughed.

Anti-lalaki kasi itong isa. Allergic na allergic sa lalaki na para bang virus ang mga lalaki. Ako lang ata ang lalaking ka-close niya e.

“Anong naghahanap? Wala atang gwapo sa paningin at tanang buhay ko!” Pagalit na saad ni Seraphina.

I was at the front kaya hindi ko nalang sila pinansin ng inaway na naman nila si Seraphina sa pagiging anti lalaki nito.

“Look, it’s Nicolai.” Turo ni Celestia sa nakaupong si Nicolai sa bench sa tabi ng main gate, kung nasaan ang guard house.

“Let’s go near him.” I said.

“Why?” It was Edrianna who asked me.

“Basta! Lapitan nalang na’tin siya.”

He’s holding his phone while wearing his headphones on his ears. He didn’t notice the girls looking at her. I look up on the second floor of the two buildings near the gate. Napapagitnaan ng dalawang building ang gate. Sa gawing kanan ay ang building ng grade 10 habang sa gawing kaliwa ay ang grade 7. Nagkukumpulan ang mga babaeng estudyante sa second floor, nag sisigawan pa sila o nag kakantyawan habang pasulyap-sulyap kay Nicolai kaya nakuha nila ang atenson ko. Nagtitilian pa ang iba. Hindi lang sa second floor ng bawat buildings ang mga babae, pati narin ang nasa babang floor ay pinapanood narin si Nicolai.

Lumapit kami sa kaniya. Miguel, who’s already friends with him was already sitting besides him. Pati narin si Kiko ay nasa tabi niya narin. Friends na ata sila agad.

Nicolai smiled on Miguel. It’s my first time seeing him smile, he’s so handsome! Napangiti ako ng makita rin ang ngiti niya. I got hooked! And I think I have fallen too much to him after seeing that smile.

I gathered all my courage, hoping that he wouldn’t decline this time.

“Kahit recess nanonood ka ng online lecture sa YouTube, Nico?” Miguel already have nickname to him! So they are literally close now.

Siniko ako ni Celestia. She mouted ‘What now?’. Umiling ako bilang sagot. Maya-maya na. Baka hindi siya comfortable na nandito kami.

“Bored lang.” Simpleng sagot niya.

“Malapit ng matapos ang recess time ah?” Sabi ni Edrianna sa amin.

“Oo nga, kailangan na na’tin bumalik para hindi tayo ma-late.” Si Adromeda naman.

“Tara na! Balik na tayo.” Saad muli ni Edrianna.

Naglakas loob tuloy akong lumapit sa kaniya dahil sa pressure.

“I bought extra foods… I can give this to you. Baka lang gusto mo.” Naglakas loob na akong magsalita nang makalapit ako sa kanila. Now, I got his attention. He look up to me. Saka bumaba ang tingin niya sa aking kamay. Narinig ata niya ako dahil naka-pause ang video na nasa kaniyang cellphone dahil kausap pa siya ni Miguel.

I really bought this for him. Sinadya ko iyon. It was a chocolate, the same as the chocolate that the senior girl give to him.

“No.” He declined after seeing the chocolate. Kumunot pa ng bahagya ang kaniyang noo.

“Kunin mo na ito. Malapit na mag bell.” Pilit ko with a little pout on my lips.

“I hate chocolates.” He said coldly, nakabalik na ang atensyon sa kaniyang pinapanood.

Tinawag siya ng babaeng nagtitinda sa labas. I guess that was his food, kinalabit siya ni Miguel at tinuro iyon. Tumayo si Nicolai at lumapit siya roon para kunin. It was barbecue and buko juice, inaabot ng babae ang supot sa labas ng gate.

He didn’t take the chocolate I wanna gave to him. Binawi ko ang kamay ko. Napahiya na naman ulit ako. 

“Akin nalang yan?” Nakangisi si Miguel ng magsalita siya. Nasa parehong pwesto parin siya habang kinukuha ni Nicolai ang kaniyang pagkain na medyo may kalayuan sa amin.

Inis akong binato iyon kay Miguel.

Bwesit.

“Thank you, South.” Malaki ang ngiting saad ni Miguel sa akin.

Inis akong tinalikuran sila at bumalik sa pwesto ng mga kaibigan ko na ngayon ay pigil ang pagtawa dahil sa nangyari. Tumalikod pa si Edrianna para hindi ko makita ang kaniyang mukha.

Nakakainis. Napahiya na naman ako. Sa isang araw lang ito ah?!

To be continued…

Kabanata 3

I do not proofread. This chapter is unedited.

Kabanata 3

Architect

Ever since Grade 7, I always ranked first in our batch. Kaya ngayong Grade 9 ay hindi rin malabong ako ang magiging rank one. Nasa star section kami kaya marami rin ang matalino sa section namin.

“Grabe, Nico. Perfect ka na naman!” Narinig kong saad ni Miguel sa harapan.

Perfect siya sa 20 item na quiz namin?

Napatingin ako sa papel na hawak ko. Perfect 20 rin naman iyon pero hindi ko matanggap na may kasama akong perfect sa quiz na ito.

Hindi ako sanay! Laging ako kasi ang perfect sa classroom namin at minsan lang may ibang maka-perfect sa quizzes at exams namin.

Sa mga sumunod na araw matapos ang pagpapa-pansin ko sa kaniya, hindi na ulit ako nag tangkang lumapit pa kay Nicolai. Natuto na ako sa una naming encounter. Bagama’t crush ko parin siya dahil sa kagwapohan niya, hindi ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko.

Madami pa naman akong crush. Masyado pang mahaba ang listahan ng crush ko sa buong bayan ng Santiagoviernes.

“Naks! Taas na naman ng score na’tin. Salamat, South! Ikaw na talaga.” Si Edrianna na malaki ang ngiti habang pinapakita ang papel niyang may 18 na score.

Mataas din ata ang score ng iba kong kaibigan dahil malaki rin ang ngiti nila sa akin.

“What are friends for diba? Pasalamat kayo, ako ang katabi ninyo!” Mayabang at malaki ang ngiti kong saad sa kanila.

First quiz pa lang namin ito ngayong school year pero grabe na ang pangongopya nila sa akin. Ganoon naman lagi simula nong Grade 7 kami. Hinahayaan ko lang silang mangopya sa aking assignment at quiz pero kapag exam na mismo ay hindi na ako namimigay ng sagot.

Alam ko kasing mas mataas ang score sa exam mismo kaysa sa quizzes at assignment kaya iyon lang pinapa-kopya ko sa kanila kahit na alam kong bawal ang pangongopya.

Ano bang magagawa ko? Hindi naman ako madamot para ipagdamot pa ang mga sagot ko sa aking assignment at quizzes. Kaibigan ko naman sila kaya okay lang.

Dumagdag pang nasa isang linya lang kaming magkakaibigan sa upuan kaya madali na lang sa amin ang magpasa-pasahan ng mga sagot na para bang isa kami sa characters nang Bad Genius.

“Tara na, mag recess na tayo.” Naka-ngiting aya ko sa kanila nang maitago ko ang aking papel sa aking notebook na nilagay ko naman sa aking bag.

Nag-ayos rin naman sila ng kanilang gamit at sumunod sa akin sa paglabas ng classroom.

“Sa malapit na canteen tayo or sa main gate bibili?” Tanong ko sa kanila.

“Sa main gate nalang tayo, nakakasawa na iyong pagkain sa canteen eh.” Saad ni Andromeda. Hawak niya ang kaniyang cellphone at may kung anong binasa siya roon.

“Sige! Doon nalang tayo.” Nakangiti kong saad. Na tinanguan naman nilang apat.

Naglalakad na kami papunta sa pathway ng mapansin ko sa unahan ang kumpulan ng ilang mga estudyante. Sa malayo palang ay nakita ko na ang likod ni Nicolai dahil sa kaniyang kakaibang tangkad. Mas matangkad siya kumpara sa mga estudyanteng nakapa-libot sa kanila.

Tumikhim si Edrianna dahilan para mapa-baling ako sa kaniya. Nasa tabi ko na siya ngayon dahil sabay kaming naglalakad.

“Kahit saan pumunta si Nicolai, may admirer eh.” Nakangising aniya.

“Gwapo eh, ano pa bang e-expect na’tin? Ibu-bully siya ng mga students dito?” Malditang saad ko.

Tumawa si Edrianna.

“Look oh, tinanggap niya iyong bigay ng babae.” Saad niya kaya naibalik ko ang tingin sa pwesto ni Nicolai.

Kunot ang noo at dikit ang kilay at ang mga labi niya habang nakatingin sa pulang box ng chocolate na hawak niya na sa tingin ko’y galing doon sa maliit na babaeng nasa harapan niya, namumula pa itong naka-tingin kay Nicolai.

“So what kung tinanggap? Itatapon lang niya ’yan mamaya.” Bigkas ko. Pekeng nakangisi dahil sa nakikita at nagpatuloy na sa paglalakad.

“Sus! Better ka lang kasi hindi tinanggap iyong bigay mo!” Kantyaw sa akin ni Edrianna at tumatawa pa ito.

“Sana matapilok ka.” Inis na saad ko sa kaniya ng balingan ko siya.

Binalik ko ang aking tingin kay Nicolai habang patuloy na naglalakad. He’s wearing a green university jacket on top of our white polo uniform and a black jacket. He’s still wearing a jacket as always.

Inalis ko na ang aking tingin doon pumunta na lamang sa main gate para makabili ng pagkain mula sa mga tindahan sa labas ng school. Hindi kami nakakalabas ng school gate pero pwede kaming makabili sa labas dahil inaabot lang namin ang aming kamay sa butas ng gate para makabili. Ang mga tindera at tindero naman ay lumalapit para makuha ang gusto naming bilhin.

Madami na ang estudyante roon kaya nakipagsiksikan na lamang kami doon para mabilis na makabili at maka-alis doon.

“Anong inyo?” Tanong ko sa kanilang nasa likuran ko lang.

“Pancake ang akin at blue lemonade.” Saad ni Edrianna habang nakatingin sa tindahan sa labas ng gate.

“Biscuit lang ang akin, South.” Si Seraphina sa mahinang boses dahil masikip na sa pwesto namin. Siksikan ba naman ang mga students para lang makabili.

“Same lang kay Edrianna ang amin ni Celestia.” Si Andromeda iyon.

Dahil ako ang nasa pinaka-unahan namin at pinaka-malapit sa gate kaya ako na lamang ang nagsabi sa tindera ng lumapit ito sa aking pwesto. Sinabi ko na lamang ang aking bibilhin at nagbayad mula sa aking pera.

“Libre ko na ’to!” Nakangiting saad ko sa kanila ng balingan ko sila nang makuha ko ang aming pagkain.

“Naks! Salamat ng marami, South.” Nakangiting saad ni Edrianna sa akin. Nagpasalamat naman ang tatlo sa akin kaya bumalik na kami sa classroom.

Nang makabalik kami sa classroom ay may ilang minuto pa kami para mag usap-usap. 3rd period na namin sa susunod na subject at TLE iyon.

“Sa drafting ka diba, South?” Tanong ni Andromeda sa akin.

“Oo.” Simpleng sagot ko habang kumakain ng pancake na nasa aking kamay nang balingan ko siya.

Last school year ay pinapa-pili na kami kung ano ang magiging specialization namin sa TLE ngayong grade 9 hanggang grade 10. Ang kinuha ko ay drafting dahil kinahiligan ko na ang mga drawing at painting.

“Ako rin.” Saad ni Adromeda sa malungkot na boses.

“Bakit ka naman malungkot?” Tanong ko sa kaniya.

“Cookery sina Rian, Sera, at Celest eh. Tapos ako, hindi ko pa gusto ang drafting.” Sagot niya sa aking tanong.

“Sino bang pumili niyan para sa’yo? Ikaw diba?” Takang tanong ko sa kaniya.

“Si Mama. Gusto niyang mag drafting ako pero ang gusto ko talaga ay sa dressmaking eh.” Sagot niya at sabay na bumuntong hininga.

“Pwede ka pa naman sigurong lumipat doon.” Saad ko sa kaniya.

“Papagalitan ako ni Mama.” Tanging sagot niya sa akin.

Magkapatid si Andromeda at Celestia pero ang napansin kong pinagkaiba nila sa kanilang ugali ay sobrang madami na animo’y hindi sila magkapatid. Si Celestia ay seryoso, tahimik, mahinhin at masunurin. Habang si Andromeda ay pala-kaibigan, madaldal, at maraming short time boyfriend! Pareho naman silang mabait pero si Andromeda ay parang social butterfly na kabaliktaran naman ni Celestia.

“Nakita niyo na iyong announcement ni Ma’am sa gc? Nag send siya ng picture tungkol sa class schedule at room assignment na’tin para sa TLE subject na’tin.” Si Seraphina iyon habang nakatingin sa kaniyang cellphone.

Tumango naman ako dahil nakita ko na iyon kagabi. Sa drafting room 1 ang aming room para sa lahat ng pumili ng drafting. Isang room lang iyon kaya ka-klase ko siguro ang ibang students mula sa ibang section na pinili rin ang drafting.

“Sabay na tayong pumunta sa room ah.” Sabi ko kay Andromeda nang tumunog ang bell bilang tanda na magsisimula na ang bagong period ng klase.

Tumango naman si Andromeda bilang sagot sa akin habang nag-aayos siya ng kaniyang mga gamit na dadalhin.

“Magdadala ka ng bagong?” Tanong ko sa kaniya.

Hindi na kasi magdadala ng bag dahil unang klase pa lang naman ito sa TLE. Ballpen at isang notebook lang ang aking dadalhin.

“Oo, andito iyong mga make up ko e.” Nakangiting sagot sa akin ni Andromeda.

Andromeda is the prettiest among my girl friends. Mahilig siyang mag-ayos sa kaniyang sarili, hilig niya ang mag-make up, at pumorma. Matangkad, payat, at maputi siya. Kulot rin ng bahagya ang kaniyang brown na buhok na mas lalong nagpadagdag sa kaniyang ganda.

Nagpaalam na sina Rian, Sera, at Celest sa amin na mauuna na sila dahil may kalayuan pa ang kanilang room. Ang drafting naman ay malapit lang sa aming classroom. Nasa likod lang iyong ng library na nasa harapan ng building ng aming classroom.

“South, drafting ka rin diba?” Napalingon ako ng may biglang nagsalita sa aking likuran. Palabas na kami ng classroom ng marinig ko iyon.

Nakangiti si Kiko sa akin ng humarap ako. Pantay lamang ang aming tingin dahil pareho lang naman ang aming height.

“Yes!” Masayang sagot ko sa kaniya. “Ikaw rin?”

“Oo eh. Pwedeng sumabay sa inyo?” Nahihiyang tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot sa kaniya.

“Marami ba tayong drafting ang kinuha sa section na’tin?” Tanong ko sa kaniya ng magsimula kaming maglakad.

Si Andromeda ay busy sa kaniyang cellphone dahil meron siyang ka-text doon kaya si Kiko nalang ang kinakausap ko ngayon.

“Hindi ko alam pero nasa sampu ata sa atin ang drafting ang kinuha e. Mas marami sa ICT at Agri.” Sagot ni Kiko sa akin. Hindi ko siya binalingan ng tingin dahil nasa harapan ang aking tingin habang naglalakad.

Sa building namin ay marami pa ang students na nasa labas, same batch lang namin sila kaya siguro ay papunta na ang mga ito sa classroom nila para sa TLE subject. Halos lahat dito sa building namin ay grade 8. Dalawang palapag lang ang building at may walong classroom lang dito.

Naglakad kami papunta sa drafting at ng makarating doon ay kukunti pa lamang mga estudyante doon.

Pero agad na nakuha ni Nicolai ang aking paningin ng makita siyang nakaupo sa pinaka-gilid na parte ng classroom.

“Saan kayo mauupo?” Tanong ni Kiko sa aking tabi na hindi ko naman nasagot dahil nakatingin pa ako kay Nicolai na nakayuko habang nagbabasa ng libro sa kaniyang mesa.

“Doon na lang tayo sa tabi ni Nicolai,” Saad ni Andromeda habang sinisiko niya ako. Malaki pa ang ngiti niya. “Kaibigan mo naman yan diba, Kiko?”

“Ahh…” Natatawang ani ni Kiko habang binalingan din ng tingin si Nicolai.

“Tara doon na tayo.” Ani ni Andromeda sabay hila sa akin patungo sa pwesto ni Nicolai.

“Dito kami mauupo ah.” Malaki ang ngiti ni Andromeda nang magpaalam siya kay Nicolai. Pero hindi man lang kami tinapunan ng tingin ni Nicolai at bahagya lamang tumango sa amin.

“Sa tabi kaniya maupo,” Nakangising bulong sa akin ni Andromeda.

Hindi na ako nakapag reklamo dahil sunod na pumasok sa classroom ang teacher namin kaya napaupo na lamang ako agad sa upuang nasa tabi ni Nicolai. Medyo may pagitan naman iyon dahil malaki ang drafting desk na nasa harapan ng bawat upuan.

Not that I am complaining though. Pogi ang katabi eh. I need some motivation.

“Good morning class.” Bati ng guro sa amin. Agad kaming tumayo para batiin din siya. Ganon din ang ginawa ni Nicolai ng sulyapan ko siya at nakasara narin ang kaniyang libro sa kaniyang mesa.

“Alright, you can take a seat.” Saad ng lalaking guro na may katandaan na.

“Let me introduce myself, I am Eduardo Alvarez and I will be your TLE teacher in drafting for two years.” He uttered. “As usual, we will start the class with self introduction.” He added.

Nagbulangan naman ang ibang students na para bang hindi pa sila nasasanay na ganito ang ginagawa kapag unang meeting pa lamang sa klase.

Hindi pa ba sila nasasanay?

Nakangiti naman akong nakatingin sa teacher naming lalaki dahil kahit na may kaedaran na ito, klaro parin ang pagiging gwapo at matikas nito.

“We’ll start the introduction with you,” Baling ng guro sa banda namin at tinuro si Nicolai na nasa aking tabi. “Tell me about yourself and why you chose drafting as your TLE specialization.”

Tumayo si Nicolai at walang ekspresyon sa kaniyang mukha. Nakatingala na ako sa kaniya. Matangkad talaga siya. Hanggang balikat lang ata niya ako kapag magkatabi kami.

“I am Nicolai Ronan Caleruega, from section Einstein. I choose drafting because I want to be an architect in the future.” He shortly uttered in a low voice.

Madali lang ang introduction niya kaya ako na sumunod dahil ako naman ang katabi ni Nicolai.

Tumayo ako at handa ng ipakilala ang aking sarili.

“South Archangel Galopeo, Fifteen, Section Einstein, and I am a Virgo! Arts has become my passion since I was drowned in drawing. In the future, I want to become an architect just like him.” Sabay turo ko kay Nicolai habang nakahawak pa sa aking bewang ang isa kong kamay.

Narinig ko ang kantyawan ng mga kaklase ko dahil sa aking ginawa dahilan para mas lalong lumaki ang aking ngiti. Hindi ko na iniinda ang kahihiyan sa aking ginawa.

“Wow! That’s amazing! Baka 10 years from now, kayong dalawa na ang mag di-disenyo sa pinaka-mataas na Skyscraper sa ating bansa.” Natatawang ani ng guro sa amin.

“I can do that alone sir, I don’t need this guy.” Nakangiwi at iritang turo ni Nicolai sa akin ng maka-upo ako.

To be continued. ..

Kabanata 4

I do not proofread. This chapter is unedited.

Kabanata 4

Friends

“South, pwede bang makahiram kahit 50 pesos lang?” Tanong ni Sera sa akin.

Binalingan ko siya ng tingin.

“Para saan?” Takang tanong ko sa kaniya.

“Bibili sana ako nong mga requirements na’tin sa subjects na’tin kaso kulang ang allowance ko eh.” Saad niya.

Second week na ng pasukan namin kaya naman may mga requirements na kailangan naming bilhin. Nasabi na iyon sa amin last week at nakabili na rin ako ng mga kakailanganin ko.

“Hindi pa ako nakakabili nong transparent display book para sa portfolio na’tin sa Filipino eh.” Dagdag niya.

“Sige sige, may extra pa naman ako dito.” Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Napaka-buraot talaga nitong isang ’to simula pa noong grade 7 kami pero hindi ko iyon sinasabi sa kaniya. Ayoko namang magmukhang madamot dahil alam kong sa aming magkakaibigan, ako iyong may mas malaking allowance.

Kaibigan ko naman ’to kaya willing akong pahiramin siya at ang iba pang kaibigan ko ng pera.

Mabait ako eh. Hindi ako madamot lalo na’t kailangan naman niya ang pera kaya binigyan ko siya.

Sa aming lahat, ako lagi ang nahihiraman nila ng pera. Madali lang humiram ng pera sa akin dahil malalaki ang bigay na allowance sa akin nina daddy at mommy.

I have no problem with them borrowing money from me. Hinding-hindi ko iyon isusumbat sa kanila.

“Saan tayo maglu-lunch?” Tanong ko sa kanila.

Lunch time na namin ngayon, kakatapos lang ng huling klase namin sa umagang ito.

“Ayaw mo ba dito sa classroom kumain?” Makahulugang tumingin sa akin si Rian habang malaki ang ngiti sa akin.

“Bakit?” Nagtatakang tanong ko.

“Andito si ano eh.” Natatawang saad niya at tumingin sa harapan namin.

Napatingin din ako doon at nakita si Nicolai na nilalabas na ang kaniyang lunch box sa kaniyang bag at hinahanda na iyon sa kaniyang arm chair.

Nicolai is wearing a navy green varsity jacket on top of our uniform. As usual, walang emosyon sa kaniyang mukha at naka-poker face lang siya habang inaayos niya ang kaniyang pagkain.

Sa nakalipas na araw, dito lang siya sa classroom nag lu-lunch at tumatambay. Wala namang problema doon dahil iilan sa mga kaklase ko ay dito rin nag lu-lunch lalo na iyong malalayo ang bahay sa school na hindi na kayang umuwi pa sa kani-kanilang bahay.

Kami namang magkakaibigan ay hindi na umuuwi sa bahay namin dahil nakasanayan na namin na sabay kumain kapag lunch time. It’s our bonding time too.

Ang daming nangyayari kapag sabay-sabay kaming kumakain. Lalo na ang mga chismis na nakakalap ng mga ito kapag kasama ko sila.

“Wala akong baong lunch eh,” Saad ko sa kanila.

“Meron na kami.” Naka-ngiting sabi ni Andromeda. “Nag baon na kami para makatipid.”

Tumango naman ako bilang sagot.

“Sige, bibili nalang ako sa labas.” Sagot ko sa kanila.

Halos sabay nilang nilabas ang lunch box nila mula sa kani-kanilang bag. Hindi man lang nila ako sinabihan na mag ba-baon pala sila ng lunch nila.

Not that I am mad though. I am not so petty to be mad about this.

Nakangiti akong tumayo at nagpasyang lumabas na sa classroom. Kukunti nalang ang naiwan doon sa loob dahil halos lahat ay nakalabas na para mag lunch.

Dinaanan ko pa si Nicolai na maayos at maingat na nilalagay ang kaniyang mga gamit sa kaniyang armchair. Nasa tabi kasi ng pinto ang kaniyang upuan kaya madadaanan ko talaga siya.

I heard the girls laughing about something that I could no longer hear when I went out of the classroom.

“Saan ka pupunta, South?” Biglang may salita sa aking likuran habang naglalakad ako papunta sa gate.

Nilingon ko iyon ay nakita si Kiko na naka-ngiti sa akin. I smiled back at him.

“Ah, sa labas sana para bumili ng lunch ko.” I answered him.

“Sabay na tayo.” Nakangiti niyang bigkas.

“Sige,” Sagot ko sa kaniyan at tumango. Binalik ko ang tingin ko sa harapan at pinagpatuloy ang paglalakad.

“Ano bang bibilhin mo?” Tanong ni Kiko sa akin.

“Kahit ano lang ang makikita ko sa karenderia na masarap.” Nakangiting sagot ko sa kaniya.

“Saan ka ba bibili? May alam akong masarap at mura!” Masayang saad niya. Nilingon ko siya ng nakangiti.

“Saan naman yan?” Tanong ko sa kaniya.

“Sumama ka nalang sa akin.” Nakangiti paring sabi niya.

“Okay.” Tumango ako at sumabay nalang sa kaniya. Nasa labas na kami ng gate nang may tumawag sa aking pangalan.

“South!” Binalingan ko iyon at nakitang si Miguel iyon.

“Saan kayo pupunta?” Tanong niya sa akin. Nasa hintayan siya ng tricycle, naghihintay ata siya doon.

“Bibili lang kami ng lunch.” Nakangiting saad ko sa kaniya. Nakatingin ako sa kaniya mukha at nakita ko ang pagkunot ng kaniyang mukha nang bumaling siya sa aking tabi.

“Bakit kasama mo ’yan?” Kunot ang noong tanong niya sa akin.

Bumaling ako kay Kiko na tahimik lang sa aking tabi. Nakakatitig siya kay Miguel nang sabihin niya iyon.

“Sabay kaming bibili ng lunch namin.” Sagot ko sa kaniya at binalik ang tingin sa kaniya.

“Nasaan ang mga kaibigan mo at bakit ’yan pa ang kasama mo ngayon?” Medyo may inis sa boses ni Miguel ng sabihin niya iyon.

Akala ko ba mag kaibigan ang dalawang ito?

“Sumama lang ako sa kaniya para bumili ng lunch namin.” Sagot ni Kiko.

“Bakit sa school ka mag lu-lunch?” Baling ni Miguel kay Kiko.

“Walang tao sa bahay kaya hindi na ako uuwi.” Si Kiko na kalmadong kinakausap si Miguel.

Miguel frowned more for a while.

“Sige, hindi na rin ako uuwi at dito na lang din mag lu-lunch.” Biglang sabi ni Miguel.

“Akala ko ba umuuwi ka tuwing lunch time?” Takang tanong ko sa kaniya.

“Hindi na muna ngayon.” Inis na sagot niya sa akin. “Tara na.” Dagdag niya sabay lagay sa kaniyang kamay sa aking balikat at inaya niya na akong maglakad.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad habang tahimik lang si Kiko sa aming tabi.

“Sa dami-dami ng pwedeng sumama sa’yo, bakit ’yan pa?” Bulong sa akin ni Miguel na hindi ko naman sinagot dahil wala namang problema para sa akin iyon.

Kiko is friendly and kind and I don’t see any problem with being friends with him. Marami naman akong friends na lalaki pero wala akong lalaking close na close talaga maliban dito kay Miguel na sobrang feeling close sa akin.

Nakabili na kami ng lunch namin at pabalik na kami sa classroom. Medyo natagalan kami dahil medyo may kalayuan ang binilhan namin. Nilakad lang namin iyon at nagpasalamat pa ako kay Kiko dahil may dala siyang payong.

Ang init pa naman ng panahon kapag alas dose na. Buti nalang at hindi ako nawawalam nang sunscreen. Lagi akong nag su-sunscreen pero mas mainam parin kapag hindi talaga nag papabilad sa araw dahil hindi naman gaanong ka-effective ang sunscreen kapag magtatagal ka sa initan.

Naabutan ko sa classroom sina Andromeda, Sera, at Rian na nagsasayaw sa harapan ng black board ng classroom namin. Nasa harapan sila, malapit sa upuan ni Nicolai.

They were dancing on some dance trends in front of Nicolai. Although, nakatalikod sila kay Nicolai at nakaharap sa blackboard kung saan nakalagay ang kanilang cellphone sa teachers table sa harapan, kitang-kita parin sila ni Nicolai dahil sa lapit nila doon.

Napangisi ako sa pinag-gagawa nila. Walang hiya talaga ’tong mga babaeng ito. Kumakaldag ba naman sa harapan.

Sinulyapan ko si Nicolai na tahimik lang na nagbabasa ng kaniyang libro at may head set sa kaniyang tenga. Nakakunot ang kaniyang noo at seryosong-seryoso siya sa kaniyang binabasa. Wala man lang siyang pake sa pinag-gagawa ng kaibigan ko sa kaniyang harapan.

He’s minding his own business as if they were not bothering him on his readings. Masyado pa siyang focused doon. Hindi man lang ba siya na iingayan sa kanila?

Kung nag babasa siya, literal na magbabasa lang talaga siya. Wala na siyang pake sa nangyayari sa paligid niya.

And he’s always like that.

Kung hindi libro ang kaharap niya, lecture videos naman sa kaniyang cellphone ang pinapanood niya.

“Tapos na ba kayong kumain?” Natatawang tanong ko sa kanila ng makalapit.

“Yes.” Natatawang sagot ni Andromeda nang ayusin ni Rian ang cellphone sa mesa.

Tapos na ata silang lahat kumain.

Bumaling ako kina Kiko at Miguel na nasa aking likuran. Kiko has a poker face plastered on his face while Miguel is looking so pissed while uttering something on Kiko. Hindi ko marinig kung anong pinag-uusapan nila.

“Sabay nalang ako sa inyo kumain.” Naka-ngiting sabi ko sa kanilang dalawa.

The girls continued on what they were doing.

Biglang ngumiti si Kiko sa akin ng sabihin ko iyon.

“Sige, doon nalang tayo sa isang table sa likuran.” Kiko uttered while smiling at me.

“Tsk.” Si Miguel at padarag na naglakad patungo sa mesang sinabi ni Kiko.

Sumunod si Kiko sa kaniya kaya sumunod narin ako.

Nasa labas na ata ang iba kong kaklase dahil sina Andromeda, Rian, Sera at Nicolai lamang ang nasa loob nong hindi pa kami nakakarating.

The three of us started eating while my eyes were looking at my friends. Nag sasayaw lang sila doon at natatawa kapag may nagkaka-mali sa kanila dahilan para mapangiti din ako.

Nicolai was so immersed in what he was reading and he didn’t mind what they were doing. Or maybe he is just trying not to mind them.

Kung ako ’yan, kanina ko pa sila pinagsabihan. Kung ako ang nagbabasa tapos ganiyan sila kaingay, hindi talaga makaka-focus.

Napatawa ako ng makitang hindi sila sabay sa pagsasayaw. Si Andromeda lang ata ang nakakakuha ng tamang steps eh.

Kung okay lang ’yan maiinis ako. Pero si Nicolai ay hinahayaan lang sila. Kaya wala ng problema iyon sa akin kahit na medyo insensitive ang mga kaibigan ko sa parteng ito. Nag e-enjoy lang din naman ang mga kaibigan ko sa ginagawa nila. Pero sana naman ay nirerespeto nila ang tahimik na pagbabasa ni Nicolai.

They are disturbing him. Hindi nakaka-ganda.

“Mag dadala rin ba kayo ng baon ninyo bukas?” Nakangiting tanong ko sa kanila.

Our last period just ended for today and we are all now going home. Nasa labas na kami ng school ngayon at naghihintay na lamang ng aming sundo.

“Oo. Mag ba-baon na tayo lagi para tipid.” Naka-ngiting sagot ni Andromeda.

“Damihan mo ang ulam mo bukas ah, manghihingi ako.” Saad ni Sera kaya napatingin ako sa kaniya. She was smiling at me.

“Ako rin!” Natatawang dagdag ni Rian.

“Sige ba. Sasabihan ko si mommy.” Nakangiting sabi ko sa kanila.

Manong Rony arrived after a few minutes with our old car. Agad akong pumasok sa back seat ng sasakyan nang makapag-paalam na ako sa kanila.

They were smiling and waving at me when I went inside. Binaba ko pa ang window ng sasakyan namin para kumaway pa sa kanila.

“See yah all tomorrow.” Malaki ang ngiting sabi ko sa kanila.

Umandar naman ang sasakyan namin matapos iyon. Nilingon ko pa sila at nakita ko pa silang nagtatawanan bago tumalikod at naglakad patungo sa sakayan ng mga tricycle.

Binalik ko ang aking tingin sa harapan at nasulyapan ko ang pamilyar na likod ng lalaking sakay ng bisekleta sa gilid ng daan.

Nanatili ang tingin ko doon at hindi ako nagkamali ng tuluyan naming siyang madaanan.

Nicolai is riding his mountain bicycle. Nasa likod niya ang kaniyang back pack at seryosong nakatingin sa daanan habang nag pe-pedal.

Napangiti ako ng makita siya. He has his own bicycle and it looks like he’s always using that. Iyon ata ang ginagamit niya kapag pumupunta siya sa school at umuuwi sa kanila.

He looks so good as the wind hits hair. It was swaying along with the wind as he moved forward and it looks so ethereal.

Gwapo talaga siya, hindi ko iyon maipagkakaila.

Dinaanan pa namin si Ate sa kanilang university bago kami tuluyang umuwi. Our travel from home to our school is almost around fifteen to twenty minutes. Mahaba iyon ng kaunti dahil sa layo ng aming bahay.

“Bakit namumula ang pisngi mo?” Nakangiting tanong ko kay Ate na nasa aking tabi.

“Pake mo ba?” Malditang sagot niya sa akin. She was looking at her phone when she said that.

“May kalandian ka naman ano?” Nakangising sabi ko sa kaniya. “Susumbong kita kay Mommy.” Natatawang dagdag ko.

“Pangit mo, sumbongera.” Pairap na saad niya sa akin.

“Kaya ka hindi kina-crush back dahil ang sama ng ugali mo.” Dagdag niya.

“Nag salita ang kina-crush back? Parang kahapon lang nong iniiyakan mo iyong isa kasi may jowa na pala.” Natatawang sabi ko sa kaniya.

Kinurot niya ang gilid ko dahil sa sinabi ko.

“Saka mo na ako yabangan kapag pinatulan ka na ng mga crush mo.” Saad ni Ate.

“Sino ba doon para alam ko kung kanino ako mag fo-focus.” Nakangiting sabi ko sa kaniya at bahagya pang lumayo sa kaniya.

“Sa dami ng crush mo, ni isa doon hindi ka pa nag confess. Takot ka lang tanggapin na hindi ka din nila gusto eh.” Natatawang bigkas niya.

Well, that’s true.

Marami akong happy crush sa school at sa buong Santiagoviernes pero hindi pa ako umamin sa kahit sino sa kanila.

Kuntento na akong makita at masulyapan sila. They were just my happy crush and I am not yet too attracted to them. Hindi ko naman talaga sila gusto. I am just crushing on them, I have no other feelings that would drive me to confess.

I haven’t met someone so attractive that I want them to become my boyfriend.

Puro happy crush lang ang meron ako at masaya na ako doon.

To be continued…

Kabanata 5

I do not proofread. This chapter is unedited.

Kabanata 5

Shame

“Environmental degradation is unavoidable if human consumption is faster than how our environment heals.” Nicolai uttered while standing.

Nasa klase kami ngayon at nagkakaroon ng recitation sa aming Science class.

“Community development projects are continuously being built across our country in exchange for the trees being cut down and mountains being wrecked by humans. Because of these actions, when calamities hit our country such as typhoons and landslides, it is us who suffer. Specifically the poor and the middle sector of our society. The rich continuously grow their money due to these projects while the poor suffer when we are hit by calamities.” He continued.

Everyone was quietly listening to his answer. The way he speaks and stands confidently amazes me.

“That’s why we need stricter regulations and stricter implementation on every actions that we do towards our environment. That way, we could save our environment and avoid more victims just like in the past calamities that have hit us.” He added.

Ang gwapo niya kapag nag re-recite siya!

For the past few days, I saw how Nicolai actively participated in our classes. Lahat ng subject ay active siya at sobrang daldal niya kapag may recitations. Ang dami niyang alam at ang dami niya ring nasasabi.

He’s still wearing a jacket. For today, its a black hoodie that suits his body so well.

I have never questioned my intelligence and whether I do good academically or not. I just naturally do well in class without me putting so much effort into it.

Kaya minsan ay nag wo-wonder ako kung bakit ako lagi ang rank one sa klase at batch namin.

“That’s a very good insight, Caleruega.” Our male science teacher said and motioned for Nicolai to sit down. “Any other opinion on this?” He added.

Napalingon ako kay Rian na nasa aking tabi ng siniko niya ako. Nakita ko ang malaki niyang ngiti sa akin.

“Magpakitang gilas ka naman, come on. Baka patulan ka niyan kapag matalino ka rin sa paningin niya.” Nakangiti niyang saad sa akin sa mahinang boses.

Hinawakan niya ang isang kamay ko at bahagya pang tinaas iyon.

Ang gaga!

Ibababa ko na sana iyon pero agad na napansin iyon ng aming guro.

“Yes, Galopeo?” He called me. Kaya wala na akong nagawa kundi ang tumayo na. Narinig ko pa ang hagikhik ni Rian sa aking tabi.

“I agree with saving our environment. However, it is wrong to only blame one person or entity with whatever that is happening with our environment right now. I believe that whatever we are experiencing right now is due to collective wrong doings or action of every one of us. From smaller actions that begin in individuals such as littering anywhere and burning plastics, to the families that are wasting foods without proper consumption, the industries that use non-renewable resources and improper wasting of their chemical wastes, to the government that is turning a blind eye on this pressing issues of our environment.” Mahabang litanya ko. Sunod-sunod iyon at walang pause sa pagitan.

“We have many regulations already. What we need now is the collective effort to save our environment. Start on your own self, check it if what you’re doing is harmless to our environment. And if we are seeing injustice towards our environment, we need to participate in fighting and raising our voices.” I added.

I smiled at our teacher and nodded my head. Wala na akong masabi pa kaya titigil na lang ako.

“Coming from someone who rides a car when coming to school and going home.” Nakaupo na ako ng marinig ko iyon.

Mahina lang iyon pero sapat na para marinig ng buong klase dahilan para mag tawanan sila. Alam kong para sa akin iyon dahil ako lang naman ang nagsalita kanina. I confirm it when I look at his side.

It was Nicolai! Nakangisi siya habang nakatingin sa akin. Some of my classmates are looking at me too.

Natatawang inalis niya ang tingin sa akin at binalik sa aming guro. Nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi niya.

“Now, now, quiet class. No opinion is wrong inside this class. We are a safe place here.” Our teacher said kaya tumahimik naman ang mga kaklase ko. However, hindi pa rin nawawala ang aking inis.

Nakakunot ang noo at pinanliitan ko ng mata si Nicolai. Nakatilikod na ang kaniyang ulo sa akin kaya hindi ko na nakikita ang kaniyang mukha.

“We still have three minutes left but I’ll go out early class. Maglalakad pa ako papunta sa susunod kong klase ah. Don’t go out right after me.” Saad ng aming guro bago umalis sa aming classroom.

The class then started bickering and laughing about something.

“Bwesit ka talaga, Edrianna.” Inis na baling ko sa katabi.

Tumatawa na ito ngayon na sinabayan pa nila Andromeda at Seraphina sa pagtawa. Si Celestia naman ay tahimik lang sa kaniyang upuan.

Dahil sa nangyari, buong araw akong inis na inis. Busangot ang mukha ko sa buong klase sa araw na iyon.

“Sorry na, South.” Pangungulit sa akin ni Rian habang nakanguso pa ang labi.

Dahil sa inis ko sa kaniya, buong araw ko siyang hindi pinapansin. Bahala ka sa buhay mo, bwesit ka.

“May meeting na ba kayo sa scout?” Tanong ko kay Celestia na nasa aking tabi.

Tapos na ang huling klase namin at ngayon ay naglilinis na kami ng aming classroom bago umuwi.

Tinitigan ko si Celestia habang ina-arrange niya ang mga upuan.

“Oo, may mga bagong recruit kasing mga grade 7 at ibang year na gustong sumali sa scout kaya may orientation kami ngayon.” Sagot ni Celestia sa akin habang inaayos parin ang mga upuan kaya hindi niya ako tinitignan.

Hindi ko parin pinapansin si Edrianna kaya pumunta na lamang siya sa iba naming kaibigang naglilinis sa kanilang pwesto.

“Ah so hindi ka makakasabay sa amin sa pag-uwi?” Tanong ko sa kaniya na tinanguan lamang niya bilang sagot.

Out of the five of us, Celestia is the most quiet. Tahimik at introvert siya kaya hindi mo aakalain na kapatid niya si Andromeda na sobrang daldal at friendly. Andromeda has high confidence while Celestia has low, kaya minsan ay nakukumpara silang dalawa pero parang wala lang naman iyon sa kanilang dalawa kaya parang okay na lang din.

Andromeda has won many pageants and is very famous in our school and in Santiagoviernes. While Celestia is just… Celestia.

Wala kang masasabi sa kaniya maliban sa katotohanang natatago siya sa likod ni Andromeda. Andromeda has shined so bright that Celestia has no choice but to become her shadow. Aside from the fact that Celestia acts so mature and is less impulsive among us, wala ka ng masasabi sa kaniya.

“Nag text si Manong sa akin na baka matagalan siya dahil inaayos pa niya ang gulong ng kotse namin. Kaya baka pwedeng manood muna sa inyo? Tatambay lang ako habang naghihintay sa kaniya. Sa gym lang kayo diba?” Tanong ko sa kaniya.

“Oo naman.” Celestia simply said at bahagya pang tumango.

“Sasakay ka parin sa kotse matapos sabihin iyon ni Nicolai?” Natatawang tanong ni Sera sa akin ng makalapit siya.

Bumalik na naman ang inis ko dahil sa narinig ko sa kaniya. Naalala ko na naman kung paano mapangutyang ngumisi sa akin si Nicolai kanina.

Nakaka-inis!

Padabog kong inayos ang aking mga gamit sa aking upuan.

“As if that will work on me. Alam kong inggit lang ’yon dahil may kotse kami. I won’t sacrifice my comfort just to please him. Ano naman sasakyan ko pauwi kung magpapadala ako sa sinabi niya?” Inis na sagot ko kay Sera.

“Tama, tama. Inggit lang ’yon!” Natatawang saad ni Sera at inayos na rin ang kaniyang mga gamit.

Hindi na ako sumagot doon ay inabala na lamang ang sarili habang hinihintay silang matapos sa kanilang ginagawa.

“Hindi ako sasabay ngayon sa inyo. Mauna na kayong umuwi.” Si Celestia iyon ng matapos na kaming maglinis lahat.

“Ako rin, sasama ako kay Celestia.” Nakangiting saad ko habang tinitignan sila, maliban kay Edrianna na hindi ko na tinignan.

“Okay, mauuna na kami.” Si Andromeda ang nagsalita bago sila sabay na umalis sa classroom kasama sina Sera at Rian.

Binalingan ko naman ng tingin si Celestia na tinanggal ang kaniyang blouse at nag suot ng puting t-shirt. Nakapalda pa rin siya pero inalis din niya iyon ng masuot niya ang kaniyang itim na pants. She inserted her white shirt on her pants and buckled it.

She’s now a senior member of the scout club of our school.

“Tara na.” Matapos siyang mag-ayos ay inaya na niya akong lumabas.

May mga students pa sa classroom namin sa pag-alis namin. We were now walking towards the gym and I am checking my phone from time to time.

Kapag kasama ko kasi si Celestia at kaming dalawa lang, wala akong maisip na sabihin sa kaniya palagi lang kaming tahimik.

Parang ang bonding naming dalawa ay katahimikan. Silent bonding time ata ang tawag doon.

Paano ba naman, introvert si Celestia at ako naman ay madaldal lang kapag madaldal rin ang kasama. Kaya hirap na hirap ako kapag si Celestia lang ang kasama.

We get along but we don’t vibe together. Hindi naman siya mahirap pakisamahan. Mahirap lang siyang kausapin dahil kung kakausapin mo siya, mauubos na lang ang laway mo, puro tango lang ang sagot niyan sa’yo.

“Nicolai would be there.” Biglang sabi ni Celestia.

Napabaling naman ako sa kaniya at nangunot ang aking noo.

“Why would he be there? Anong gagawin niya roon?” Takang tanong ko sa kaniya.

“He’s one of the new recruits. I heard that he’s not novice though. Member na siya ng scout sa dati niyang school.” Seryosong saad ni Celestia. Naka-poker face pa iyon at walang emosyon sa mukha.

Binalingan niya ako ng hindi ako sumagot. Napansin niya ata ang pagtataka sa aking mukha kung bakit niya iyon sinasabi sa akin.

“Baka ma-bored ka, sinasabi ko lang sa’yo para ma-motivate ka naman kahit kunti.” Saad niya at inalis ang tingin sa akin.

“Mas lalo lang akong maiinis kapag nakita ko siya. Hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi niya kanina.” Sagot ko, bumabalik na naman ang inis ko.

“May masama ba siyang sinabi sa’yo kaya inis na inis ka?” Nagtatakang tanong ni Celestia.

I was offended by what he have said a while ago. Pero parang wala lang iyong kay Celestia kung makapagtanong siya ngayon. Parang hindi iyon big deal sa kaniya.

Pero para sa akin, big deal iyon. Binu-bully niya ako! Porket nakasakay lang sa kotse at na-contradict ko rin ang aking sinabi sa recitation, ganon na ang magiging reaksyon niya?

He made fun of me!

“Pinahiya niya ako, Celestia.” Inis na sabi ko sa kaniya at nangunot ang noo.

“Did he hurt you? Nasaktan ka ba dahil sa sinabi at ginawa niya? From what I have seen, he didn’t cause any harm to you. Wala lang iyon sa kaniya at sa iba na’tin mga kaklase.” She said in a serious voice.

Hindi naman ako nakasagot.

This is why I hate it when I am with Celestia. She’s so mature that everything that she says, it’s correct. Parang walang mali sa mga sinasabi niya kapag nang gagaling sa kaniya.

“You’re making a big deal out of it, South. I am sure he didn’t mean to offend you or hurt you.” She added.

Minsan naiisip ko kung kaibigan ko ba talaga ’to. Parang hindi pa ito kumampi sa amin at always na contradict siya sa mga ginagawa at pinagsasabi namin. She will be correcting us if she knows we did something wrong or when we are doing something terrible.

“Cheer up, South. Maraming gwapo sa mga scout kaya ngumiti ka diyan.” She said when I remained quiet. Napansin niya ata ang busangot kong mukha.

Papasok na kami sa gym at nakita na namin ang linya ng mga iilang scout members na pinaghalong babae at lalaki. All students from all years are here. I think they were complete since there are many of them here.

“Sige, dyan ka muna. Pakibantayan lang ang mga gamit ko.” Saad ni Celestia sa akin ng makalapit kami sa bench kung nasaan ang maraming gamit na sa tingin ko ay sa mga scout.

Tumango naman ako sa kaniya bilang sagot. Nag tungo siya mga scout at nag salute sa gwapo nilang commander. Celestia then went to her line.

Napunta ang tingin ko sa kabilang parte kung ng gym kung saan may naka-separate na tatlong linya ng mga scout. Bata pa ang mga iyon at sa tingin ko ay mga grade 7.

Napako ang tingin ko kay Nicolai ng makita siyang seryosong-seryoso ang mukha doon. Siya ang pinakamatangkad sa linya nila kaya kitang-kita ko siya. Maayos at matingkad siyang nakatayo roon habang straight lang tingin sa harapan.

He’s now wearing a white shirt that looks so fit to him. Idagdag pang naka-insert iyon kaya parang masikip iyon sa kaniya dahil kitang-kita ko ang hulma ng kaniyang katawan.

He’s wearing brown arm sleeves that connect to the sleeves of his white t-shirt kaya para lang din siyang naka-jacket.

Ang gwapo niya habang nakatayo roon. Tinitigan ko siya ng matagal bago pinalibot ang tingin sa buong gym at sa lahat ng mga scout.

Marami talaga ang gwapo!

Napangiti naman ako nang mailibot ko ang aking tingin. Tama nga si Celestia, marami nga ang gwapo sa kanila.

Marami ang gwapong members ng scout lalo na sa mga senior members. Isa na doon ang commander nilang nasa harapan.

Malaki ang ngisi ko habang pinapanood silang mag meeting. They were talking about something and some kind of orientation when I caught Celestia looking at me.

Napansin niya ata ang paninitig ko sa mga gwapong lalaki roon kaya bahagya siyang napangisi.

To be continued…


Return to top?

Part of a series

Made In Paper

Part 1 of 1
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.