Paris, you're such a dream!
xCoffeeOrTeax · 2 chapters · 1,506 words
Author’s note
DISCLAIMER:
This is a work of fiction, any names, characters, events, places and incidents are either the products of author’s imagination or used in a fictitius manners. Any resemblance to actual person living or dead are purely coincedental.
06-09-25
Eliana Mia Vaughn
Eli’s pov:
Aika’s name pops on my screen I tap it and read her message, “Tapos kana ba sa research paper? Submit ko na bukas para maisabay ko.” Aika chatted.
I replied, “nagsubmit na ako kanina, thanks by the way.”
I look at my phone sineen niya lang message ko so nagpunta ako sa Instagram. “When Kaya.” I uttered when I saw a post of my friends having good time with they’re love ones. Bumuntong hininga ako at tumingala sa kisame.
Makakahinga na rin dahil wala na akong assignment na ipapasa. Tapos ko na rin naman ang pinapagawang research at projects. Magcocollege na ako sa susunod na buwan graduating ng Senior high. Ewan ba’t kailangan may mahabang proseso ng pag-aaral eh, pwede naman dumiskarte ng walang diploma diba. Ano pa nga ba hahay.
Ilang sandali rin akong nakatingala roon ng kumilab ang sikmura ko. 9am already at wala pa akong plano bumangon. Ano ba ang maganda ngayong araw parang ang sarap nalang humilata muna sa kama. College na ako next month and I’m planning to take Arts. Mahilig ako sa arts, paints and others like baking, cooking also gardening.
Naisipan kong bumangon at magtungo sa aming bakod. Doon naabutan ko ang katulong namin mayordoma kumbaga siya kasi ang inaasahan nila mama at papa rito sa pamamahala sa bahay lalo na’t kapag nasa malayo sila. Business owners ang parents ko at apat kaming magkakapatid may kambal ako pero wala rito sa pinas. Pinagbakasyon sa States, bumisita sa grandparents ko. At ang iba ko namang mga Kapatid may kanya-kanya ng pamilya kumbaga kami ang bunso nila kambal pa.
Umupo ako sa upuan dito sa garden habang pinagmamasdan ang mayordoma na may tinuturuan bagong kasambahay. Wala akong imik habang nakaupo hindi rin naman nila namalayan na lumapit ako.
Lumapit ang isang katulong at nagbigay galang ng makita ako. Nasa 20’s pa ito basi sa pangagatawan nito at tindig. “Good morning Señyora,” sabay yuko.
Pilit akong ngumiti at sinabing “Good morning too.”
Lumapit ito sakin at inalokan ako ng gatas na tinanggap ko naman.
“I guess nakapag isip ka na para sa University na pag-aaralan mo. Mind share it with me so I will know?” Our mayordoma ask the moment she came. Umupo sya sa tabi kong upuan.
“Yes and it will be La Salle University.”
“Wala ka bang plans for other countries at doon magpatuloy?”
It took seconds before I answered, “I want to graduate here in Philippines where my parents graduated.” Ewan bakit gusto ko rito pwede naman na sa ibang bansa malaki pa sweldo kapag nakapagtrabaho na.
Pero dahil mahal ko ang bansang kinalakihan ko dito rin ako magtatapos.
“Pagbutihin mo pag-aaral mo El naniniwala ako na kaya mo.” She smiled and I smile too.
Nasa edad 50’s na si aunte Reca, dalaga pa siya simula noong nanilbihan siya sa amin Sabi pa nga niya sakin na mahirap pa kami noon at nagkanda utang-utang pa pero kahit ganoon di siya umalis at naghanap ng ibang trabaho kahit delayed minsan ang sweldo niya. Hindi na ito nag-asawa pa dahil tinuring niya na kaming mga anak. Siya ang karamay ko kapag wala ang parents ko at nag out of town. Sabi niya pa dahil daw sa pagpupursige ng ama namin nabawi nila ang negosyo ng ama ni mama na ngayon ay pagmamay-ari na nila, pumanaw na rin ang mga magulang ni mama kaya nagsumikap sila para palaguin ang aming business. Kaya eto nakakaginhawa na galing sa mahirap na pamumuhay.
Nagpaalam na akong magtutungo sa kusina para maghanda ng makakain gusto ko ako ang magluto ng breakfast ko. Wala rin naman akong gagawin ngayon eh. Namiss kong magluto matagal na rin huli kong nagluto sa kusina. Matapos kong magluto kumain na ako tapos hinugasan ko na pinggan ko. Nag alok pa nga ang kasambahay namin na siya nalang ang maghuhugas ng pinagkainan ko kaso sinabi ko nalang na “okay lang naman po saka matagal na akong di nakapaghugas ng pinggan eh.” Natawa nalang ito at sinabi na mabuti at hindi ako maarte gaya ng ibang mayaman. Sa totoo lang galing kami dyan pero nasa sayo ’yan pano mo gagawin.
Umakyat na ako at saka kinuha ang cellphone na nasa table saka inopen ang Facebook baka sakaling may mag aya ng gala haha.
Pagtingin ko sa messages ko 15 notification agad. Halos ang iba sa mga group chats pero agaw attention sakin ang message ni Kaelia, pinindot ko ito at binasa.
“Eliana I miss you,” with crying emoji pa. “Hindi ka online sa Instagram pati sa Whatsapp so nagbabakasakali ako rito sa Facebook. Susunod ka ba rito sa States? Pinapasabi nila lola kung pupunta ka ba.”
“Dito nalang ako sa pinas magtapos El(Kaelia short for El) pero I’ll try to visit soon if not busy.” Message sent.
Ting Kaelia message you..
“Come here total vacation pa naman, Lolo and Lola missed you El.”
“Saka na pag tapos enrolled na ako.” replied.
Ting Kaelia message you.. “By the way where are you planning for college El?”
“La Salle University.”
It took two minutes before she replied.
“Ah.”
Hindi ko na binasa message niya at nagscroll nalang ako sa Facebook, nag search rin ako tungkol sa university na yon at nakita mga post sa page ng mga students some are graduated and some are in school days pa.
I press the pic where a group of students are in a room of arts. One person caught my attention and seconds of admiring him immediately erase when I scroll down the pic. Is this a coincidence why him pa?
Nilog out ko na account ko sa social media at nagpamusic. Naisipan kong magprepare ng kagamitan sa pagguhit. Pumwesto ako sa may terrace ng kwarto ko at tanaw ko ang magandang bungad ng araw. Sa di kalayuan tanaw ko ang bata na masayang naglalaro ng kanyang bike habang ang Ina naman ay may kausap na kapitbahay rin.
Pinagtuunan ko ng attention ang bata at iginuhit ko ito sa blankong puting papel. Mabilis ko namang naiguhit ang bata saka ko isinunod ang dalawang babaeng nag-uusap. Ng matapos ay ibinaling ko naman ang attention sa kabilang banda kung saan matanaw ang umaagos na tubig galing sa falls. Iginuhit ko rin ito pati na rin ang mga puno doon.
Nang matapos ko ito ay tinitigan ko pa naiguhit ko ang umaagos na tubig galing sa falls at malawak na bermuda naman saka sa kaliwang bahagi naroon ang kalsada at sa gilid nito ang dalawang babaeng nag-uusap at ang bata na sumasakay sa bisiklita na may lubig hawak ng kaniyang Ina para hindi ito makawala.
I placed the drawing in my collection room and suddenly my phone beep seems someone is calling. I took my phone and see who’s the caller, I answered it and few minutes I hang it.
My friend invited me for a lunch, it’s not a simple lunch outside she want me to help decide for her wedding malapit na kasi ito at kailangan niyang tulong para sa pagpeprepare. Tumugon rin naman agad ako ng oo at agad na naligo saka nagbihis pagkatapos ay pumunta sa garahe. Nandon yung pink kong Mitsubishi pero mas pinili ko talaga ang magbike. Ayaw ko ng traffic at mas makakatipid kung bike saka hindi naman ganon kainit. Mas gusto kong mamuhay ng simple kaya magbibike nalang ako.
Pagdating ko roon wala pa si Hanah kaya naghintay ako ng ilang minuto bago pa ito makarating. Na traffic daw kaya nalate sinabi ko naman na buti at nakabike lang ako nagulat pa ito sa sinabi ko. At ayon nga sinabi niya sakin plano niya for decorations and sa foods and others okay naman na sa decorations lang raw sya nahihirapan. Malapit na kasal nila two months nalang. She’s my friend since we’re in grade school and nag advance study sya para sa kaniyang kinuhang course she graduated Medicine sa ibang bansa kaya natagumpayan niyang makapasa. Now happy siya for her life at sa kaniyang career.
“Thank you so much sa pagdalo sa imbetasyon ko, Eli.” She warmly hugged me.
“It’s my pleasure Han,” kumalas kami sa pagyakap habang nagkahawak pa mga kamay namin. “Congratulations I am so happy for you, at balita ko ang swerte mo sa mapapangasawa mo ah sinabi rin sakin yan ng kaklase natin nuon haha yung bully ba.”
Inayos niya ang buhok niya sa tenga saka sinabing,“baka siya ang maswerte sakin.” Sabay kaming natawa sa mga pinagsasabi namin.
Ilang sandali pa ay nagkwentohan pa kami hanggang sa mapag usapan namin na umuwi. Mag aalas sais nang makauwi kami pareho, patuloy pa rin siya sa pagpapasalamat sa akin. Maliit na bagay lang naman yun para sa akin tanaw na utang na loob ko na siguro ’yon sa aming pagkakaibigan.
Nang makauwi ako ay di na ako kumain ng dinner agad na akong umakyat sa kwarto para nagbihis at matulog.

