loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Partners In Crime (Freezell #1.5) [Completed]

Partners In Crime (Freezell #1.5) [Completed]

ice-freeze · 8 chapters · 10,885 words

READER’S GUIDE

Reader’s Guide

FREEZELL SERIES SEQUENCE

(1st Generation

  • FIVE BULLETS)

1 . My Possessive Fake Husband [Completed]

                  a. Partners In Crime (MPFH Side

             Story) [Complete

d]

    

  1. My Naughty Boastful Boss [Completed]

<EDITING

    

  1. My Impulsive Ex Boyfriend [Completed]

    

  1. My Stupid Runaway Groom [Completed]

My Short Tempered Husband

[C

ompleted

]

   

(2nd Generation - EIGHT GRENADES)

  1. The Arrogant Client [Completed]

  2. The Secretive Professor [Completed]

  3. The Distressed Raced [

Completed

]

  1. The Vicious Agent [Completed]

  2. The Indecent Suitor [

Completed]

              a. Instances and Chances

              (Side Story) [Completed]

  1. The Untamed Actor [Completed]

  2. The Nasty Rancher [On-going]

  3. The Fierce Manipulator [Soon]

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

PROLOGUE

FREEZELL SERIES #1.5

 

Naglalakad ako ngayon sa pasilyo ng Crosante Group of Companies. I need to talk to my Dad about my shares.

Papasok na ako ng conference room nang bigla na lamang may humatak sa akin at kinaladkad ako.

“Ugh! Ano bang problema mo!” asar na sabi ko.

“Ikaw! Ikaw ang problema ko!” sagot nito habang patuloy pa din akong kinakaladkad.

“Tapos na , kung ano man ang naging ugnayan nating dalawa kaya tigilan mo na ko! Successful ang naging pagkaka partner natin sa mag asawang Mondragon kaya’t wala ng kahit ano ang nag uugnay sa akin at sayo!”

“Not unless you’ll talk to me Crosante! Not unless you’ll talk to me!” galit na bulalas nito.

“Whatever Heiton!” galit din na sagot ko.

Nagulat na lamang ako nang huminto syang kaladkarin ako at bigla akong hinapit saka siniil ang aking mga labi..

I’m Ruiza Honeylei Crosante and he’s Levin Sandro Heiton ….

My ex boyfriend and we are PARTNERS IN CRIME

!

One

Ruiza’s P.O.V

Letse! Letse! Letse! Anong problema ng kupal na to at ayaw akong tigilan? Puro sya pagpapapansin! Anong trip nyang gawin? Asarin ako? Letsehin yung buhay ko na niletse na nya dati? The nerve!

Kasalukuyan akong narito sa opisina ko at ang mokong ay nakatanod sa akin at pinagmamasdan ako sa ginagawa ko!

“Umalis ka na nga kasi dito!” bwisit na sabi ko.

“Ayoko.”

“Naiinis na ako sayo Heiton!”

“Naiinlove ulit ako sayo Crosante.” nakangiting sabi nito.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at ibinato sa kanya ang ballpen na hawak ko. “Gago!”

“I love you too.”

“Levin tigilan mo na ko please. Tapos na tayo. TAPOS NA TAYO!” saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko at nagtangkang lumabas ng pinto ngunit mabilis nya lang din nahila ang braso ko.

“I’m tired chasing you Ruiza. I’m tired , but still , I kept on chasing you. Dahil ayoko ng ulitin ang pagkakamali ko noon. Ang pagkakamali ko , na sumira sa atin noon!” seryoso at matigas na sabi nito.

“Stop it Levin. Ayoko na. Alin ba sa salitang AYOKO NA ang hindi mo maintindihan? Alin Levin at baka magawa kong ipaintindi sayo!” saka ko binawi ang braso ko rito.

“You’re really asking me? Then , ipaintindi mo sa akin kung bakit sa tuwing titingin ako sa mga mata mo , kitang kita ko ang pagmamahal mo para sa akin na ibinabaon mo ng pilit! Tell me Ruiza! Tell me! Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hirap na hirap kang pagkatiwalaan at bigyan ulit ako ng isa pang pagkakataon!”

Tila nanumbalik lahat ng sakit sa akin dahil sa huli nyang sinabi. Lahat ng pagkamuhi na naramdaman ko sa kanya noon at muli ko nanamang naramdaman. “You cheated on me and you left me. You freaking left without saying anything!” then I slapped him.. hard at lumabas na ako ng opisina ko habang may bumabagsak na luha sa mga mata ko.

Sabi ko noon , hindi na ko iiyak. Sabi ko noon , hindi na ko magpapaapekto. Sabi ko noon , hindi ko na kahit kailan mamahalin ulit yung gagong yun. But here I am , devastated.

Mabilis kong tinungo ang parking lot as sumakay ng sasakyan ko. I drive home as fast as I could. I need to see my stress and pain reliever.

Nakarating ako ng bahay at sa garahe pa lamang ay may sumalubong na sa akin. “Mommy!”

“Hello there little buddy. How was your day?” saka ko ito kinarga.

“Tiring mommy. I and Yaya Liya played at the playground early this morning then we play x-box.” at inihiga niya ang ulo nya sa balikat ko. “You mommy? How’s your day?”

“Stressful little buddy. Kaya nga ako umuwi na para mapawi mo yung stress ni Mommy.”

“Lexin!” sigaw mula sa loob ng bahay.

“Yaya Liya I’m here at our garage. Mommy is already here!” sigaw pabalik ni Lexin.

Lumabas si Liya at kinuha sa akin si Lexin. “Narito na po pala kayo Ma’am. Gusto nyo po bang ipaghanda ko kayo ng makakain?”

“Hindi na Liya. Magbebake kami ni Lexin. Paki ready yung kitchen , ha?”

Tumango lang si Liya at ibinaba si Lexin na otomatikong kumaput sa kamay ko. “Let’s go inside Mommy.” aya nito.

Wondering? He’s my son. Lexin Andro Crosante….. Heiton.

Oo. Anak sya ng gago kong ex. But I’ve no plans of telling him about Lexin. Mag isa ko syang binuhay sa loob ng pitong taon kaya’t kakayanin ko pang gawin iyon. Hindi ko na ipinagkait ang apelyido niya sa anak KO , tama na iyon kumpara sa pang iiwan at panloloko na ginawa nya sa akin noon. Hindi na ako makakapayag na saktan nya ako ulit at mas lalong hindi ko papayagan na masaktan nya emotionally ang anak ko lalo na’t nagkakaisip na ito.

Nagtungo lang ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. I and Lexin does really enjoy baking.

Bumaba ako at naabutan ko si Lexin na nakatungtong na sa tungtungan nya para maabot ang kitchen counter habang naka suot ng apron at chef’s hat.

“Mommy faster! I want choco mallows cake.” nakangiting sabi nito.

Those smile , parehong pareho ng sa kanya. Kung makikita nyo si Lexin at Levin ay hindi nyo maipagkakaila na mag ama sila. Lalo na’t nakuha pa nya halos lahat ng facial features ni Levin. Hindi ko din madalas ilabas si Lexin dahil baka may makakita sa amin at mag sabi kay Levin. Laking pasalamat ko nga’t hindi nagtatanong si Lexin about sa Daddy nya dahil hindi ko din naman alam ang isasagot ko.

Tinungo ko na ang kinaroroonan ng anak ko at nakisama na sa mixture na ginagawa nya.

Marami sigurong nagtataka kung bakit galit na galit ako kay Levin?


Kasalukuyan kaming nag aalmusal ni Daddy nang bigla akong makaramdam ng pagbaligtad ng sikmura ko kaya’t mabilis akong napatakbo sa banyo.

“Ruiza.”

“Dad.” nalingonan ko si Daddy habang nagpupunas ako ng bibig.

“You’re pregnant.”

“D-Dad I’m not.”

“Yes you do Honey. Don’t worry , I won’t get mad or neither get hurt about it Honey. There’s nothing wrong about being pregnant. Besides you do have a boyfriend kaya’t hindi mo na kailangan itago. I know Levin , at may tiwala ako sa kanya.” bigla kong tinakbo ang pagitan namin ni Daddy at niyakap sya.

“Thank you Daddy. Thank you.”

Mabilis akong nagbihis dahil gusto ko ng ibalita kay Levin na buntis ako. Kahapon ko lang din naman ito nalaman na two weeks pregnant pala ako.

Lulan ako ng kotse ko nang tawagan ko sya ngunit hindi nya sinasagot kaya’t nagpasya na lamang ako na tumuloy sa condo nya.

Nakarating ako ng condo nya at pinindot ko na ang code nya. Bumukas naman ito at nagtuloy ako sa kusina nya para bitawan ang mga dala kong pagkain. Knowing Levin? He’s a lazy dog when it comes to cooking.

Bubuksan ko na sana ang seradura ng kwarto nya nang makarinig ako ng mga salitang yumanig sa pagkatao ko.

“Fuck.. Ahhh..”

“Faster Levin! Faster.. Ahhhh..”

Ipinihit ko ito at tumambad sa akin ang tatay ng anak ko na nakapatong sa isang hubad na babae.

“L-Levin.” nanginginig ang boses na tawag ko dito.

Kanina ko pa sinasabi sa utak ko na nananaginip lang ako. Na hindi totoo itong nakikita ko.

“Sino yang istorbo na yan Levin!” baling ng babae sa akin at saka nagtakip sila ng kumot na dalawa.

“Don’t mind her. Aalis din yan mamaya.”

Tila nadurog lahat ng pweding madurog sa akin dahil sa narinig ko.

“L-Levin anong n-nangyari sayo-”

“Umalis ka na dito. Hindi ko din gusto ang presensya mo.”

Hindi ako masokista at lalong hindi ako tanga. Linisan ko ang unit nya dala ang mabigat na pangyayari sa dibdib ko.

Paano nya nagawa sa akin iyo? Paano nya nagawa iyon kung kailan magkaka anak na kami.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya’t mas minabuti ko nang tawagan ang bestfriend kong si Yuan.

“Y-Yuan.”

“Ruiza?”

“Puntahan mo ko sa seaside. I need y-you.”

“Why? Ruiza? Why-” hindi ko na sya pinatapos at pinatay ko na ang telepono ko.

Matagal din akong naghintay bago dumating si Yuan. Agad ko syang niyakap at humagulgol sa dibdib nya. Yuan is like a brother to me.

“What happened?”

“L-Levin. L-Levin cheated on me.”

Hindi na sya nagsalita at hi agod na lamang ang likod ko. Ang bigat ng nararamdaman ko. Galit ako kay Levin ngayon pero hindi ko maipagkakailan na mahal ko sya.. na mahal na mahal ko sya.

Iniuwi ako ni Yuan sa bahay at baka kung ano pa daw ang manyari sa akin. Hindi ko din sinabi sa kanya na buntis ako.

Natulog ako nang gabing iyon na plinano ko ang pagbalik ko sa condo ni Levin bukas. Makikipag usap ako. Kung hihingi sya ng tawad , patatawarin ko.

Kinaumagahan ay mabilis akong nagbihis at tinungo ang condo ni Levin. Tinype ko na ang passcode nya which is my birthday pero puro error lang ang lumalabas. Sumubok pa ako ng ibang numero ngunit puro error pa din.

Nakaupo ako sa harap ng pinto ng unit nya nang may dumaan na isang unit owner din.

“Miss may hinihintay ka ba dyan?”

“Opo. Yung boyfriend ko po.”

“Ay Miss , hindi mo ba alam na wala ng tao dyan kagabi pa? Ang balita ko eh lilipad daw pa ibang bansa yung lalaking nakatira dyan.”

“Salamat po.”

Nanlumo ako sa narinig ko. Hindi ko nasabi sa kanya. Hindi kami nakapag usap. Hindi sya nagpaliwanag. Iniwan nya ako ng walang anumang salita.

Umuwi ako sa bahay namin at iniiyak ko nanaman lahat bg sakit. Pilit din akong tinatanong ni Daddy pero hindi ako nagsasalita.

Lumipas ang mga araw , buwan at taon na panay ang balik ko sa condo nya. Nagbabaka sakali na makita ko sya.. na makausap ko sya. Ngunit wala ng Levin.. wala na.


Hanggang sa nagdesisyon na akong kalimutan sya at buhayin mag isa ang anak namin. Itinigil ko na ang pagpapakatanga kaya’t mas pinili kong maging matapang , malakas , maldita at flirt sa mga mayayamang bachelors ng bansa.

Hindi ko sya kailangan , gaya ng hindi sya kailangan ng anak ko sa buhay nito.

“Mommy? Bakit ka po nagka cry?”

Bigla akong napahawak sa pisngi ko dahil sa sinabi ni Lexin.

“Wala na ba?” nakangiti kong tanong sa anak ko.

“Wala na Mommy pero po naging ugly ka na kasi yung chocolates po nasa face mo na.” saka pa ito tumawa.

“You’re teasing Mommy , ha?” at bigla ko syang pinahiran ng chocolate sa pisngi.

Tumawa lang ng tumawa ang anak ko habang nagkukulitan kami.

Ganito ko ka HINDI kailangan si Levin sa buhay naming mag ina. Kahit hindi kami buo , masaya kaming dalawa.

NARITO na ako ngayon sa opisina ko at laking pasalamat ko nang hindi ko maabutan ni Levin dito , hindi gaya ng araw araw nyang ginagawa.

Itinuon ko na ang pansin ko sa ginagawa ko. Napakadaming gawain ngayon sa opisina para pansinin ko pa ang hindi oag eexist ng asungot na iyon sa opisina ko.

Kasalukuyan akong pumipirma ng mga papeles nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko.

Itinaas ko ang ulo ko at nakita ko si Lexin na nakangiting nakatingin sa akin habang may bitbit bitbit na tapperware.

“Surprise Mommy!” nakangiting bungad nito saka mabilis na lumapit sa akin. “Yaya Liya and I cooked your favorite food. Sinigang na lobster.” saka iniabot sa akin ni Lexin ang pagkain.

“Thank you.”

“Mommy you don’t seemed to be happy seeing me here.” nagtatampong turan ng anak ko.

“No little buddy. Mommy was just tired. I’m sorry.”

Kinandong ko ang anak ko at at hinalikan sa ulo.

“Mommy what’s that?” saka sya umalis sa pakakandong sa akin at pinuntahan iyong tinuturo nyang papel na hindi kalayuan sa table ko.

“What’s that Lexin?”

“Ruiza , oh Mommy , your name was written here. I’ll read it po , ha?” paghingi nito ng permiso na ikinatango ko. “Ruiza , sorry for everythin I did to you. God knows how much I blamed myself for losing you. I’m a jerk- Mommy what’s a jerk? I’m a jerk for hurting such a good woman like you. I love you.” saka itinaas ni Lexin ang papel. “Mommy , the writer loves you. Ohhh my Mommy , this is a love letter. My classmate told me that if there’s the words I love you in a certain letter , it’s love letter then. Who sent you this Mommy?” bigla akong binundol ng kaba sa tuloy tuloy na pagsasalita ng anak ko.

“Lexin , come here.”

“Mommy answer me first.” naka ngusong sabi nito.

“Lexin.” tono kong nagbabanta.

“Mommy.”

“Mommy!?”

“Levin?”

Parang giniba ang mundo ko sa nakita at narinig ko.

A/N : Next update will be Levin’s P.O.V. MAIKSI LANG PO TALAGA ITO. More or less 5 chapters. Salamat.

Lexin Andro Crosante-Heiton

on the multimedia .

Two

Levin’s

P.O.V

Narito ako ngayon sa opisina nya at patuloy na kinukulit sya. Ito lang ang alam kong paraan para bumalik sya. Para mapatunayan kong mahal ko pa din talaga sya. Na nagsisisi ako’t iniwan ko sya.

“Umalis ka na nga kasi dito!” bwisit na sabi nito sa akin.

“Ayoko.” sagot ko at saka ngumisi. Pinipilit kong itago ang sakit na gustong bumalatay sa mukha ko dahil sa pagtataboy nya sa akin.

“Naiinis na ako sayo Heiton!” hindi nya lang alam kung gaano kasakit sa akinna sa bawat salitang binibitawan nya ay itinataboy nya ako palayo sa kanya.

“Naiinlove ulit ako sayo Crosante.” nakangiting sabi ko.

Bahagya akong nagulat nang itaas nya ang kamay nya na may hawak na ballpen at ibinato ito sa gawi ko. Mabuti na lamang at mabilis akong naka iwas. “Gago!”

“I love you too.”

“Levin tigilan mo na ko please. Tapos na tayo. TAPOS NA TAYO!” saka sya mabilis na tumayo sa kinauupuan nya at tinungo ang pinto ngunit mabilis ko syang sinundan at hinaltak sa braso nya.

“I’m tired chasing you Ruiza. I’m tired , but still , I kept on chasing you. Dahil ayoko ng ulitin ang pagkakamali ko noon. Ang pagkakamali ko , na sumira sa atin noon!” seryoso at matigas na sabi ko sa kanya na kita kong ikinangilid ng luha nya.

“Stop it Levin. Ayoko na. Alin ba sa salitang AYOKO NA ang hindi mo maintindihan? Alin Levin at baka magawa kong ipaintindi sayo!” saka nito binawi ang braso na hawak ko.

“You’re really asking me? Then , ipaintindi mo sa akin kung bakit sa tuwing titingin ako sa mga mata mo , kitang kita ko ang pagmamahal mo para sa akin na ibinabaon mo ng pilit! Tell me Ruiza! Tell me! Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hirap na hirap kang pagkatiwalaan at bigyan ulit ako ng isa pang pagkakataon!”

“You cheated on me and you left me. You freaking left without saying anything!” then she slapped me.. a hard one na ikinabiling ng mukha ko saka ito lumabas ng opisina nya. Nakita ko pa ang paglandas ng mga luha sa mukha nya na alam kong ako ang dahilan. Ang gago at tarantadong ako!

Sinundan ko sya ngunit hindi ko na sya naabutan dahil mabilis na syang nakasakay ng kotse nya.

Ano nga bang naging mali? Ano nga bang naging kasalanan ko sa kanya? Siguro oo , ako ang nang iwan sa aming dalawa , pero sya ang unang nanloko , ang unang nanakit kaya’t nagawa ko syang iwan ng ganoon kadali na sobra kong pinagsisihan.

Paano kung pinagpaliwanag ko sya? Paano kung hiningan ko sya ng eksplenasyon ukol sa masasamang balita tungkol sa kanya? Maraming paano sa utak ko na alam kong kahit kailan ay hindi ko na maibabalik.

Sumakay ako ng sasakyan ko at pumunta sa lugar kung saan ang madalas naming puntahan. Ang lugar din kung saan lantaran nyang pinakita ang panloloko nya sa akin maging ang dahilan kaya’t lalo kong ginustong iwan sya.

Bumaba ako ng sasakyan ko at naupos sa na bato bato sa tabi ng dagat. Papalubog na din ang araw. Ito yung pinaka paborito nyang scenery noon. Natutuwa daw sya dahil sobrang napaka calming ng paglubog ng araw.


“Levin!” humahangos na tawag sa akin ni Aleya.

“Why?”

Nakita kong masama ang tingin na ipinukol sa akin ni Aleya bago nya inihagis sa akin ang mga pictures na hawak nya. “Sinabi ko na noon sayo! Malandi yang babaeng yan! Malandi sya! Pero hindi mo ko pinakinggan!” galit na bulalas nito.

Nagtakha ako sa pinagsasasabi ng bestfriend ko kaya’t pumulot ako ng isa sa mga litrato. Pero tila nagsisi ako sa pagpulot nito. Nakakapagsisi.

In the picture , I saw Ruiza lying on a bed naked while her bestfriend Yuan is at her top. Oo hindi nga malinaw ang mukha ni Ruiza pero sapat ng katibayan ang bracelet na suot nya para masabi kong sya iyon. That bracelet , I gave that to her at pinasadya ko iyon kaya’t alam kong walang maaring maging katulad iyon.

“Now tell me she’s not a slut!? Tell me! Bestfriend ko at an kapatid kong si Yuan ay parehong tinuhog ng babaeng yan! Malandi sya!”

“Stop Aleya.”

“Why Levin? Nasasaktan ka? Kasi totoo? Sabagay truth hurts ika nga.”

“I FUCKING SAID STOP ALEYA!” saka ako mabilis na lumabas ng condo ko at tumungo sa isang bar. Doon , doon ko nilango ang sarili ko sa alak.

Tang ina? Ano bang mali sa akin? Ano bang nagawa ko para lokohin at saktan nya ako? Ano bang pagkukulang ko para makipag sex sya sa bestfriend nya?

“Putang ina lang!” saka ko tinungga ang inorder kong alak.

“Wooooohh , mukhang mainit ang ulo natin ah Mister?” napalingon ako sa nagsalit at nabungaran ko ang isang babae sa kilang nalang ay wala ng itago base sa pananamit nya.

“Why don’t you just leave me Miss? You see? I don’t fuckin’ need your company here.” at ibinaling ko ang atensyon ko sa iniinom kong alak.

“Really , huh? What if I ask you to be my fucking playmate for this night? Tatanggihan mo ba ako?” mapang akit na sabi nito.

Akmang tatanggi na sana ako nang maalala ko ang mga litratong nakita ko kanina kaya’t walang anu-ano ay hinatak ko ang babae palabas ng bar at isinakay sa sasakyan ko.

Nakarating kami ng condo ko at mabilis naman ang babae sa pagkilos dahil mabilis nya lang akong nahubaran.

The whole time that I’m fucking this woman in front of me , iniisip ko na sa ganitong paraan ay makakaganti ako sa panlolokong ginawa nya! Tang ina Ruiza , tang ina!

Nakatulog ako na puro galit ang hinanakit ang nasa dibdib ko. Doon ko din napagpasyahan na aalis ako. Aalis ako para makalimot.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil tila may humahaplos sa dibdib ko.

“Good morning babe.” tinignan ko ang nagsalita at nakita kong ang babaeng nakilala ko sa bar ang humahaplos sa dibdib ko.

“Bakit nandito ka pa?” saka ako bumangon at tumungo sa banyo.

“Give me one more round at aalis na ako.” sabi nito.

Hindi ko na sana papansinin ang kung ano mang sinabi nya ngunit namg matisod ko ang isang litrato at tila bumalik nanaman ang galit at alimpuyong nadarama ko.

Walang anu-anong sumampa ako sa kama at sinimulang gamitin ang babaeng ito.

“Fuck.. Ahhh..”

“Faster Levin! Faster.. Ahhhh..”

“L-Levin.” napahinto ako at napalingon sa

pamilyar na boses na tumawag ng pangalan ko.

“Sino yang istorbo na yan Levin!”

wika mg babaeng kaniig ko at nagtakio ng kumot.

“Don’t mind her. Aalis din yan mamaya.”

sagot ko dito.

“L-Levin anong n-nangyari sayo-”

“Umalis ka na dito. Hindi ko din gusto ang presensya mo.”

Tama lang sayo yan Ruiza. Dapat masaktan ka! Gaya ng sakit na nararamdaman ko ngayon!

Nakita ko ang pagtulo ng luha nya ngunit pinanatili ko ang matigas na ekspresyon ko. Mabilis nyang nilinisan ang unit ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko ngunit mabilis akong bumaba ng kama at nagbihis.

“Damn! Saan ka pupunta!”

“Just leave after mong magbihis.” iyon lang ang isinagot ko sa babae saka tuluyang lumisan at sumunod sa kanya.

Sobra ba ang nagawa ko? Bakit nakokonsensya ako? Mahal ko sya. Alam kong mahal ko sya. Martyr man pakinggan , pero tang ina wala na akong pakielam kung may nangyari man sa kanila ng bestfriend nya , ang mahalaga mahal ko sya! Mahal ko sya at akin sya!

Nakita ko syang nakaupo sa mga batuhan kung saan kami madalas nakatambay habang nakatanaw sa araw. Lalapitan ko sana sya nang may kotseng dumating at bumaba mula doon si Yuan.

Nakita kong mabilis na yumapos sya dito at isinubsob ang mukha nyabsa dibdib nito.

Para akong tangang nakatingin sa babaeng mahal ko habang sya masayang nakayakap sa lalaking mahal nya. Tang ina! Para akong sinasakal! Ang hirap tang ina! Ang hirap!

Hindi ko na hinintay ang mga pwedi pa nilang gawin na mas makakasakit sa akin kaya’t umalis na ako lulan ng sasakyan ko.

Aalis ako. Aalis ako and that’s final.


Ngayon nyo sabihing mali ako? Ngayon nyo sabihing mali na nagkagusto ako kay Aiyell kahit na ang mahal ko talaga ay si Ruiza?

Tumayo na ako at nagtuloy sa bahay ko. Ang bahay ko na ipinagawa ko sana para sa amin. Sa magiging pamilya namin.

PAPUNTA ako ngayon sa opisina nya. Hindi pa din ako susuko na mapaamo sya. Na maging kami ulit dalawa lalo na’t alam kong mahal nya pa din ako.

Hindi na kami mga teenager para problemahin pa ang nangyari noon. Ang mahalaga ay kung ano ang meron ngayon , kung anong nararamdaman namin ngayon.

Akmang kakatako na sana ako sa pintuan ng opisina nya nang nakarinig ako ng nag uusap. Hindi sound proof ang opisina nya kaya’t madali lang marinig ang nag uusap sa loob.

“Surprise Mommy!” tinig ng isang bata iyon na lubos kong pinagtakahan. The last time I check , hindi magiliw si Ruiza sa mga bata at isa pa bakit may tinatawag itong Mommy sa loob ng opisina ni Ruiza? “Yaya Liya and I , cooked your favorite food. Sinigang na lobster.”

“Thank you.” that was Ruiza’s voice. So she’s the Mommy?

“Mommy you don’t seemed to be happy seeing me here.” nagtatampong tinig ng bata ang narinig ko.

“No little buddy. Mommy was just tired. I’m sorry.” nanatili lang akong nakatayo sa pinto at nakikinig sa pag uusap sa loob. Kinakabahan din ako dahil..

Nagkaanak ba sila ni Yuan?

“Mommy what’s that?”

“What’s that Lexin?”

Lexin? Lexin? So the boy’s name was Lexin? Hindi ko alam pero may kakaiban pakiramdam ang sumagi sa akin matapos kon marinig ang pangalanna iyon.

“Ruiza , oh Mommy , your name was written here. I’ll read it po , ha?” at huminto itosagkit sa pagsasalita. “Ruiza , sorry for everything I did to you. God knows how much I blamed myself for losing you. I’m a jerk- Mommy what’s a jerk? I’m a jerk for hurting such a good woman like you. I love you. Mommy , the writer loves you. Ohhh my Mommy , this is a love letter. My classmate told me that if there’s the words I love you in a certain letter , it’s love letter then. Who sent you this Mommy?” iyon yung sulat na pinadala ko kaninang umaga sa kanya.

Hinihintay ko ang isasagot nya sa bata ngunit sa halip ay iba ang sinabi nya.

“Lexin , come here.”

“Mommy answer me first.” pagmamatigas ng bata.

“Lexin.” tono ni Ruiza na nagbabanta kaya’t mabilis na akong pumasok sa loob.

“Mommy.”

“Mommy!?” bulalas ko saka tumingin doon sa bata.

Pagtingin ko palang sa bata ay tila bumalik ang kakaibang pakiramdam na naramdaman ko kanina lang.

Nagulat ako nang maglakad palapit sa akin ang bata at hinila ang laylayan ng polong suot ko kaya’t umupo ako na kalevel nya.

“You’re the one who sent the letter to my Mommy , right?” sabi nito sa tila amuse na tono. Napapiksi ako nang idampi nya ang maliit nyang kamay sa pisngi ko. “Your eyes.” wika nito saka bumaling kay Ruiza. “Mommy , this stranger’s eyes looks like my eyes.” tila magiliw na sabi nito kay Ruiza.

Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Ruiza at ang unti unting pagngilid bg mga luha nya.

“Lexin , come here anak.” sabi nito. Ngunit bago pa man makalakad ang bata ay kinarga ko na ito at sanay kaming lumapit kay Ruiza.

“Levin-”

“He’s my child.” that wasn’t a question. It was a statement.

“No!” saka nya mabilis na inagaw sa akin si Lexin ngunit hindi ko iyon hinayaan.

“Then let me conduct a DNA testing between me and him.”

“You can’t do that Levin.” matigas na pahayag nito.

“I can Ruiza kung gugustuhin ko at kilala mo ko.”

“Mommy.” boses ni Lexin.

“Yes buddy?”

“He’s my father , right?” tila gitla si Ruiza sa sinabi ni Lexin. Maging ako din naman.

“No Lexin-”

“Mommy you said masama ang nagla lie. Bakit po kaw nagla lie sa akin? Mommy I saw his photo on your wallet tapos po may naka write sa likod. Nakalagay po , Levin this will be the last time that I will treasure something about you aside from our child Lexin .”

“Lexin-”

“Kaya po Mommy hindi ako nagtatanong about sa Daddy ko because based on what is written on that photo , you do really hate my Dad.” parang gusto kong manlumo sa naririnig ko.. sa nalalaman ko.

Kinuha sa akin ni Ruiza si Lexin at kinarga ito. Humarap naman sa akin si Lexin habang si Ruiza ay patuloy na may luha na naglalandas sa mga mata.

“Levin , he’s your son. He’s Lexin Andro Crosante- Heiton. Hindi ko ipinagkait ang apelyido mo.”

“Mommy put me down.”

Ibinaba naman sya ni Ruiza at naglakad muli palapit sa akin. Muli nyang hinila ang laylayan ng suot kong damit kaya’t muki din akong umupo.

“Don’t cry Daddy. Nagmumukha kang gay.” saka nito pinunasan ng maliliit nyang mga kamay ang mga luhang hindi ko namalayan na naglalandas na pala sa pisngi ko.

“Lexin.”

“Yes Daddy. Your oh so handsome son.” at bigla itong yumapos sa akin.

It may sound gay , but I felt complete.

Three

Ruiza’s P.O.V

“Mommy walk faster please.” pangungulit ni Lexin sa akin.

Ang hirap pala ng ganito? Yung tipong hindi ko masabi sa anak ko na naiilang akong kasama yung tatay n’ya. Ang hirap!

Magkakasama kami ngayon at narito kami sa mall. Napagpasyahan ni Levin na ilibot ang anak n’ya. Ayoko nga sanang sumama pero ang walanghiyang Levin , hindi ako tinantanan!


“Mommy look! Daddy’s here. He’s going to fetch me.” sigaw ng anak ko na nanggagaling sa sala ng bahay. Narito kasi ako sa kusina. Kakatapos lang namin magligpit ng pinagkainan namin kaninang umaga.

Hindi ko alam pero tila ako kinabahan sa kaalaman na narito ngayon sa pamamahay ko. Para bang bumabaligtad ’yung sikmura ko , na kinakabahan ako , na nababanyo ako. Lintek! Una ko ’tong naramdaman noong

mainlove ako sa kanya. Lintek talaga! Hindi pwede. Hindeeeeeee!

“C’mon mommy , why are you so matagal. Daddy said he wants to see you.” sigaw muli ng anak ko na mas lalong nakapagpabilis ng tibok ng dibdib ko.

Hinubad ko ang apron na suot ko at mabilis na tinungo ang sala. Naabutan kong nakaupo s’ya sa sofa habang kalong kalong n’ya si Lexin.

“Hon come here , sit beside me.” para namang gusto kong masuka ng tawagin n’ya ako ng may endearment saka n’ya pa tinapik ang pwesto sa tabi n’ya. Lintek talaga Heiton!

“Hon? Honimal ka! Tigil tigilan mo ko sa kalandian mo!” di ko napigilang bulyaw sa kan’ya na naging dahilan para mapalingon sa akin ang anak ko na kanina ay nakatingin sa pipanood n’yang Phineas and Ferb.

“Honimal? What’s honimal Mommy?” kunot noong tanong ng anak ko na ikinakaba ko. Hindi sanay si Lexin na nakakarinig ng hindi magagandang salita dahil numero unong binabawal ko ’yon sa pamamahay ko.

Napansin yata ni Levin na hindi ko alam ang isasagot ko kaya’t mabilis n’ya akong sinalo. “Honimal means I miss you son. Your mom miss me that much.” saka pa ito ngumisi.

Aba ang lintek!? Sinalo nga ako , nilaglag din naman ako. Eh kung palayasin ko kaya ’to? Makakangisi pa kaya s’ya?

“Really Mommy? You miss Daddy that much. Ayiiiieeeee.” kinikilig pang sabi ng anak ko saka umalis sa pagkaka kalong sa tatay n’ya at lumapit sa akin.

Nagulat ako nang hatakin n’ya ako sa kamay

at mabilis na iniupo sa tabi ng Daddy n’ya. Lintek! Mukhang pati kapilyuhan ng tatay n’ya nakuha ng anak ko ah?

“There you go. You look good together Mommy , Daddy.” saka pa ito nakangiting pumalakpak.

“You’re really happy right , son?” napatingin ako kay Levin nang magsalita s’ya pero biglang napakunot ang noo ko nang makita kong kumindat s’ya kay Lexin. Mabilis kong ibinaling ang tingin ko kay Lexin at nakita ko s’yang tumango.

“Yes Dad , I’m really happy. But I will be more happy if Mommy will kiss Daddy on his lips.”

Otomatikong napamulagat ang mata ko at napatingin kay Levin. Nakaita ko s’yang nakangisi na nakatingin sa akin. Shit! Kung hindi lang talaga masamang manakit sa harap ng anak ko!

Sinamaan ko s’ya ng tingin bago nakangiting muling bumaling kay Lexin. “Baby , it will be awkward for me. I don’t wanna see you seeing your Mom and Dad kissing. It’s kind’da embarassing.” nalungkot naman bigla ang mukha ng anak ko kaya’t bigla akong nataranta.

’Yan ang pinaka iiwasan ki ng mangyari sa buong buhay ko. Ang makitang malungkot ang anak ko. Para kasi akong pinapatay.

“Okay fine. But can I just kiss Daddy on his cheeks?” nakita ko namang biglang nagliwanag ang mukha ni Lexin at mabilis na tumango sa akin.

Inilapit ko ang mukha ko kay Levin ngunit dinaanan muna ng mga labi ko ang tenga n’ya at bumulong. “This will be the last Levin or else I’ll cut your tongue. Don’t act as if there’s nothing happened between us way back then.”

“This won’t be the last Hon. This won’t be the last.” sagot nito at sa isang iglap ay naramdaman ko nakang ang marahas na pagkabig n’ya sa akin at ang paglapat ng mga labi ko sa maiinit n’yang mga labi.

Damn! Hindi ako ipokrita. Hindi ako marunong magpanggap. I miss this lips. I miss him. Shit! Hindi ’to pwede. Tama ng nasaktan ako at nahulog ng isang beses. Hindi na ’to pwede pang maulit muli.

Nakakainis!

“Ayiiiiiiiiieeeeeeee!” bigla naman akong nabalik sa reyalidad sa matinis na pagsigaw ng anak ko. Mabilis kong naitulak sa Levin.

Tinitigan ko lang s’ya sandali bago ko sila tinalukuran at umakyat ng k’warto ko. Ayoko. Ayoko ’tong nararamdaman ko. Nakakatakot. Sobrang nakakatakot.

Nagkulong lang ako sa k’warto ko habang nakahiga nang makarinig ako ng bining katok mula sa pinto na nanggagaling sa tila maliliit na kamao. I knew it was Lexin.

“Pasok ka baby.” ni hindi ko na pinagtuunan ng lingon ang pinto dahil sigurado naman kong si Lexin ’yon. Nakatalikod kasi ako ng higa mula sa pintuan.

Naramdaman kong naupo ang anak ko sa kabilang dulo ng kama dahil bahagya itong lumundo.

Teka!? LUMUNDO!? GANOON BA KABIGAT SI LEXIN!? NOT UNLESS…….

Mabilis pa sa alas k’watro akong napalingon at hindi nga ako nagkakamali. It was Levin.

“What the hell are you doing here!?”

Sa halip na sagutin ay tinitigan n’ya lamang ako. Tingin na kulang nalang ay matunaw ako.

“W-What are y-you staring at f-faggot!?” utal at pagalit kong sabi. Lintek! Ano bang kinauutal ko? Eh eto lang naman kami. Tinititigan n’ya ako habang kami lang dalawa ang nasa k’warto.

Oh Gosh!

“Why did you do that?” malamig ang boses na tanong nito sa akin habang titig na titig pa din sa mga mata ko.

“What-”

“Cut the act off , Ruiza. Why did you pushed me infront of Lexin!?” tila galit na ang tono nito kaya’t nakaramdam ako ng konting takot.

Konti nga ba Ruiza?

Shut the hell up brain!

“It’s your goddamn fault Heiton! It’s your fault! You kissed me in my lips!”

“So now you’re making a big deal out of that scene , huh?”

Para naman akong tila natauhan sa sinabi nito. Bakit nga ba binibig deal ko ’yon?

“Ilang beses na bang may nangyari sa atin Ruiza? To think na naisilang pa si Lexin dahil doon. Ilang beses ko na bang sinamba ang katawan mo? How many times did I made you screamed my name? Tapos ngayon halik lang kailangan mo pa akong ganunin sa harapan ng anak ko?”

Ayoko sa lahat pag nagiging madaldal si Levin. It means , naapakan ang ego or pride n’ya. Iyon s’ya! Iyon si Levin Sandro Heiton.

“Let’s stop this Levin. Let’s stop this. Just go. Ilabas mo na si Lexin. Iuwi mo nalang din s’ya kaagad.” saka ako tumalikod at pumasok sa banyo ko.

Saktong isasara ko na ang pinto ng mabilis itong harangan ni Levin at pumasok din sa loob.

I froze as my eyes widened. He smirked that gives shiver to my spine. “Am I still that intimidating to you , Hon?” bahagya pa akong napakislot ng haplusin nito ang pisngi ko.

“L-Lumabas ka n-nga dito!” utal na tugon ko. Kinakabahan nanaman ako. Ayoko nito!

“I won’t Hon. Not unless you tell me that you’ll come with me and Lexin.”

He’s freakin’ trapping me in this goddamn situation! Curse him!

Napahakbang ako paatras ng humakbang s’ya palapit sa akin. Peto tila mali naman ang ginawa ko. Nadikit kasi ako sa labatory ng banyo.

“Stop-” I wasn’t able to finish my sentence ’coz he shut my lips using his two fingers.

“If I said I won’t , then I won’t. So now get dress and you’ll join me and Lexin or I will be the one to put a proper attire on your gorgeous body and I know you knew that before I get you dress I will make you beg for my name first. Now choose?” seryosong tanong nito na hindi inalis ang pagkakatingin sa mga mata ko.

Ibinaling ko sa ibang parte ng banyo ang tingin ko saka nagsalita. “Magbibihis na ako. Lumabas ka na. Bullshit!” at binigyan ko s’ya ng may kalakasang tulak na sapat para mailabas s’ya ng banyo saka ko ito nilock.

Damn you Levin Sandro! You’re evil! You’re a control freak! Damn you!


Sa ngayon ay nandito kami sa Jollibee. Dito kasi nagyaya si Levin. Paborito n’ya kasi ang spaghetti nila dito parang si Ice (Author) lang.

“Daddy I want spaghetti.” paalala ni Lexin sa ama ng tangkang mag oorder na ito. “Si Mommy Daddy , paborito n’ya po ’yung shanghai rolls nila dito.”

“I see.” tatango tangong tugon nito sa anak. “Order na ko.” paalam naman nito sa akin.

The whole time na kumakain kami ay hindi ako nagsasalita. Ayokong magsalita. Ayokong mag usap kami ni Levin sa harap ni Lexin. Alam ko naman kasi na isang kagaguhan nanamang pag uusap ang mangyayari kung sakali.

Nang matapos kaming kumain ay nag aya si Lexin sa tindahan ng mga action figure. Gusto daw nitong bumili ng action figure ni Luffy ng One Piece.

“Daddy , do you like animé too?” biglaw pukaw ni Lexin sa atensyon ng ama nito.

Nagtaka ako nang hindi ito sumagot kaya’t nilingon ko ito. Nagulat nalang ako nang makita ko s’yang kulang nalang ay patayin sa tingin lahat ng lalaki na namimili din sa loob ng store.

“I told you to wear a proper attire but you fucking wear a very seductive shitty dress!” mahina nitong bulong sa akin na sapat lang na hindi marinig ng anak ko.

“I don’t give a damn.” asik ko dito. Nagtaka naman ako nang kuhanin n’ya ang telepono n’ya at may dinial.

“Cloak , this is Levin pare…. Yeah…. Can you fucking close your mall near the bay?….. Fuck you pare!…. Yeah…. Just fucking close it pare or else I’ll tell Aiyie your surprise to her….. Oh Yes dude I’m evil…. Yeah…. Salamat….”

Nagulat nalang ako ng isa isang palabasin ng napakaraming security guard ang mga tao sa mall. Ilang sandali lang ay kaming tatlo nalang ang natirang customer ng store.

“Why did-”

“Just so you know ayokong pag pyestahan ng mga tao ’yang katawan mong sinadya mo yatang i expose! Kanina ka pa sa Jollibee!” the nagger Levin. Tssssssss!

Natapos na namin bilhin lahat ng gusto ni Lexin at napagpasyahan namin na umalis na. Hapon na din naman kase.

Saktong kakalabas lang namin ng mall ng may madaanan ang paningin ko sa kalapit na restaurant na nakapagpatuod sa akin.

I saw the girl…. yes. The girl that was with Levin , the day I was about to tell him that I’m pregnant.

But what shocked me most is…….

She’s with a child na halos ka edad ni Lexin and she’s also with….. Yuan. My bestfriend. My bestfriend that knew everything that happened in the past.

The child…. could it be….. Levin’s?

NAPAGPASYAHAN namin na dumaan sa opisina ni Daddy bago umuwi sa bahay. Ayokong i by pass ang ama ko. He needs to know lahat ng nangyayari sa buhay ko lalo na’t s’ya lang ang nakapitan ko nang mga panahon na hirap na hirap ako.

Pinapasok na kami ng assistant ni Daddy. Hindi na ako nagtaka na hindi nagulat si Daddy nang makita n’yang kasama namin si Levin.

“LOLO!” tawag dito ng anak ko saka humahangos na tumakbo papunta sa Lolo nito.

“Lexin apo. I miss you.” saka nito hinalikan ang noo ni Lexin.

Magka antabay na sana kaming uupo ni Levin da sofa nang pareho kaming nabato dahil sa sinabi ni Lexin.

“ Honeymal you too Lolo.“

Biglang tumingin si Daddy sa amin ni Levin ng matalim.

“And now we’re dead Heiton.”

Shit!

A/N : May drama ’to tsaka sweetness. Sabaw ako ngayon dahil magdamag akong nagbantay sa ospital.

Four

Ruiza’s P.O.V

We’re heading back to our house. Well si Levin ang driver habang nasa backseat naman kami ni Lexin. Nakatulog na kasi si Lexin at nakaunan siya sa mga hita ko.

“Did you enjoy?” out of the blue na basag nito sa katahimikan.

“Quite.” matipid na tugon ko.

“Ruiza , can we- can we talk?”

“When and where? Sa palagay ko nga ay kailangan talaga natin na mag usap. First , para magkaroon ng closure ang kung ano mang namagitan sa atin NOON , second , gusto kong pag usapan natin ang custody kay Lexin. Ayokong maging goma ang anak ko na paghahatakan.” sagot ko.

Hindi na siya sumagot at itinuloy na lamang ang pagdadrive.

Nakarating kami ng bahay nang walang imikan na naganap. Bumaba na ako at siya na ang nagbuhat kay Lexin paakyat sa kwarto nito. Sinamahan ko pa siya dahil hindi pa niya alam kung saan ang silid ni Lexin dito sa bahay ko.

“Here. Dito ’yung kwarto niya.” kaswal na wika ko dito.

Hindi naman siya sumagot at ipinasok niya na si Lexin sa loob ng kwarto nito. Nang maibaba niya na si Lexin ay nauna na siyang bumaba ng hagdan dahil isinara ko pa ang pinto.

“Uuwi ka na ba?” tanong ko dito.

“Why? Do you want me to stay?” tanong niya pabalik na tila walang emosyon.

“Don’t play fool Levin. You know how much I despise you.” tugon ko.

“Oh yeah. Alam ko nga pala kung gaano mo ka ayaw sa ’kin.” saka siya huminto sa paglalakad at hunarap sa akin dahil nasa likod niya lamang ako. “You know what? Sometimes I’m really wondering kung bakit galit na galit ka sa akin , where in fact you’re the main reason kung bakit tayo nagkasira.” napamulagat naman ang mata ko sa narinig kong ’yon. Is he freaking insane!?

“What the fucking hell are you talking about jerk? AKO PA? AKO PA TALAGA HA!” I said as I laugh sarcastically.

“Oh bakit? Talaga naman ikaw ang may kasalanan hindi ba? Why can’t you fucking admit it Ruiza! Just fucking admit it so that we could give this non sense relationship the right closure!” kuyom ang kamao at galit na wika nito.

“Damn you Heiton! Damn you! Ako pa ngayon? Sa akin pa talaga ang sisi ngayon? Sino ba ’yung gagong kumama ng babaeng hindi ko alam kung saan niya napulot kahit alam niyang may girlfriend siya ng mga panahon na ’yon? To think na nahuli na , pero parang wala naman sa kanya!”

“Shut the hell up lady! I fucking did that damn thing because of you! Because you cheat at my back! You fucking betrayed me for shit sake!” gulat ako sa lahat ng salitang binitawan niya.

Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa akin samantalang siya ang umiwan sa ’kin. Hindi ko alam bakit sinasabi niyang ako ang nagloko sa aming dalawa kung sa totoo ay siya naman talaga! Damn you Levin! Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi niya na niloko at pinagtaksilan ko siya kung alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginawa.

“And now your fucking speechless? Bakit Ruiza? Naaalala mo na ba kung paano mo ako ginago noon? Kung paano mo ko pinagmukhang tanga? Kung paani mo ko niloko? Kung paano kang nagpakama sa sarili mong bestfriend? Kung paano mas masarap na magromansa si Yuan sa akin? Oh fuck Ruiza! Napapa isip tuloy ako ngayon kung anak ko nga ba si Lexin-”

There…. I slapped him.

“You can tell me anything you want. You can look at me as a low class girl. But fuck you Levin! Never ever doubt my Lexin! Dahil sa lahat ng nangyari sa buhay ko , siya lang ang hindi ko pinagsisisihan dahil siya lang ang totoo!” I don’t know. I fucking don’t know bakit umiiyak ako sa harap ng tarantadong ’to!

“Ruiza-”

“Damn you! Leave me alone! Leave us alone! Hindi ko ipinipilit sa ’yo ang anak ko. Ikaw lang ang nagsusumiksik sa amin!”

“Fuck! Damn! I think we need to talk. Something is missing in our stories!”

“Tama na Levin! Please tama na. Pagod na ’ko.” imbes na sumagot siya o ’di kaya at lumabas na ay nakita ko siyang dinukot ang wallet niya at may kinuha mula dito.

“Here. Look at these photos. Iyan nalang ang nasave ko dahil sinira at sinunog ko ang iba.” malumanay na wika na niya. Tinignan ko siya at nakita kong pulang pula ang pisngi niya na sinampal ko bago ko kinuha ang iniabot niyang litrato.

The moment na nakita ko ang litrato ay bigla na lamang napamulagat ang mata ko. “Damn? Sino ’to? Si Yuan ’to hindi ba?” tanong ko.

“Yeah. At ikaw ’yung babae dyan.” mas nanlaki naman lalo ang mata ko sa sinabi niya.

“Damn you! Paanong magiging ako ’to? Are you fucking out of your mind? Sa palagay mo makikipag talik ako sa sarili kong bestfriend?”

“But you’re wearing the bracelet that I gave you in that photo.”

Pinakatitigan ko naman ang sinabi niya at nakita ko nga na suot ng babaeng hubad sa larawan ang bracelet ko na binigay niya.

“Damn you Levin! Hindi ako ’to! Walang kakurba kurba ’yung katawan ng bruhang babaeng ’to! Hindi mo ba naaalala na sinabi ko sa iyo na nadukutan ako noon sa Cubao at nakuha ’yan sa akin! Sinabi ko ’yan sa ’yo!”

This time , siya naman ang nanlaki ang mata sa sinabi ko at mukhang naaalal niya nga na may sinabi ako noon tungkol sa pagkawala ng bracelet na ’yun.

“Damn it! Pero….. Pero si Aleya ’yung nagbigay sa ’kin ng mga pictures na ’yan-”

“Aleya? ’Yung ate ni Yuan na bestfriend mo?” tanong ko.

“Yeah.”

“Damn you Levin! Alam mong galit sa akin ’yon dahil may gusto ’yon sa ’yo!”

“So you mean-”

“Yeah. She did this para mapaghiwalay tayo and gladly she succeeded.” I’m full of sarcasm.

“Wait. What! So all these years we both suffered ’cause of nothing!?” wika niya.

“Yeah.”

“Shit Ruiza. Sorry.” at inilang hakbang niya lamang ang pagitan namin saka ako niyakap ng mahigpit. “Please let me make things up to you. I’m sorry. God , I’m really sorry.”

Parang tumalon ang puso ko sa narinig kong sinseridad sa boses niya. “Don’t you think your sorry is too late?”

“No honey. Nothing is too late when it comes to love. God know how much I love you.”

And in an instant , I felt his lips into mine..

NAGBEBAKE kami ngayon ni Lexin. Hinihintay namin si Levin. Yeah readers okay na kami. Sa palagay ko ay kulang lang talaga kami sa pag uusap. But no , not that fast. Nagpapakipot pa ako. Anong akala niya ganon - ganon nalang ’yon? Pagkatapos niya akong husgahan? Huh! Manigas na muna siya.

“Ma’am , nandito na po si Sir Levin.” pukaw sa atensyon namin ni Yaya Lia.

“Tell Daddy to go here Yaya. Thank you po.” wika naman ni Lexin na sinang ayunan ko na lamang.

Ilang saglit pa ay nandito na si Levin. Bakit alam ko? Eh bigla lang naman kaya niya akong hinalikan sa pisngi na sobrang ikinagulat ko.

“Ayieeeeeeee si Daddy , breezy.” pang aasar ni Lexin sa ama.

“What is breezy Lexin?” tanong ni Levin sa anak.

“’Yung dumadamoves po Daddy. ’Yung bang mga gustong maka score.” saad naman ni Lexin.

“At kanino mo naman ’yan nalaman , aber?” this time ako naman ang nagtanong.

“Kay Yaya Lia po Mommy.”

Jusko. Si Yaya Lia talaga , ano anong sinasabi kay Lexin.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Lexin at itinuloy ang paggawa ng cake. Matapos kong ilagay sa oven ang ginawa namin ni Lexin ay nagtungo muna ako sa sala at nagpahinga. Sinasadya ko talagang hindi pansinin ang presensya ni Levin sa paligid ko.

Wala lang , trip ko nga lang talagang magpakipot. Isa pa hindi pa kami nagkakaliwanagan ng maayos. Oo nagka usap kami pero hindi kami nagka liwanagan.

“Hon? I think we need to talk?” napukaw ang atensyon ko nang may magsalita mula sa likod ko.

“You think so?” tila walang gana kong wika.

“Why be cold all of a sudden? I thought nagkaka intindihan na tayo?” tanong niya.

“Tell me Levin , mahal mo pa ba ako? O mas mahal mo na si Aiyell kaysa sakin?”

Hindi ko mawari ang sarili ko. Basta iyan lang talaga ’yung mga salitang lumabas mula sa ’kin. Nababaliw na kaya ako?

“Hon naman. What I felt for Aiyell is nothing compare on what I’m feeling for you. I can turn the world upside down just to prove that to you.”

“If you do really love me , how can you explain that you didn’t trust me , upon seeing those pictures way back then?” tanong kong muli.

“It’s just that , naunahan ako ng galit , selos at sakit. Hindi ko alam ang gagawin ko nang araw na ’yun kaya’t nilunod ko ang sarili ko sa alak. Sakto naman na dumating si Sassy nang gabing ’yon at ini offer niya ’yung sarili niya sa akin. At first I refused not to fuck her but then suddenly those photos came into my mind kaya’t mas pinili ko na gantihan ka sa ganoong paraan.”

“Bakit hindi mo man lamang pinakinggan ang paliwanag ko?”

“Dahil noong handa ko na sanang pakinggan ka dahil sinundan kita , nakita kong magkayakap kayo ni Yuan sa tabing dagat kaya’t mas pinili ko nalang na layuan ka dahil akala ko sa kanya ka sasaya-”

“Maraming namamatay sa maling akala Levin!”

“I know Hon at isa na ako sa naging biktima noon.”

“Sana pinakinggan mo na muna ako. Sana hindi tayo nahirapan na pareho.” lumuluhang wika ko.

Nagulat ako nang lapitan niya ako at ikinulong sa mga bisig niya. “Sorry Hon. Mahal na mahal kita. Hindi ko na kakayanin kung mawawala pa kayo ulit sa akin ni Lexin.”

“I don’t know who to blame for what happened to us , pero sa palagay ko ay kailangan nating kausapin ang magkapatid na Buena-Esguerra para malinawan tayo.” I said between my sobs.

Niyakap ko na din siya ng mahigpit. “Yes Hon. Kailangan nating maka usap sina Yuan at Aleya. Nasa kanila ang sagot. Basta’t tandaan mo , ano man ang mangyari mahal kita at patuloy kitang mamahalin.”

“Ang drama niyo po Daddy.” napabitiw kaming bigla sa biglaang pagsulpot ni Lexin mula sa kusina. “Daddy luto na po ’yung cake. Design na po natin?” nakangiting wika ni Lexin kay Levin.

“Yes baby , I’m coming.”

Hinalikan niya muna ako sa noo bago niya ako iniwan sa sala. Nag ayos lang ako ng sarili dahil nga pinaiyak nanaman ako ni Levin.

“MOMMY! TARA PO DITO SA KUSINA!” dinig konh saad ni Lexin kaya’t mabilis kong tinungo ang kusina.

“Aba ang galing magdesign ng baby ko ah?”

“Hindi naman po ako nagdesign niyan Mommy. Si Daddy po.” nakangiting saad sa ’kin ng anak ko.

“Hon tikman mo ’to oh.” pukaw ni Levin sa atensyon ko saka inilapit sa labi ko ang tinidor na may piraso ng cake.

Isinubo ko naman ito at nagtakha ako ng may matigas akong nakagat. Nang alisin ko ito mula sa bibig ko ay bumungad sa akin ang isang singsing.

“What’s the meaning-”

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay kinuha niya ang singsing sa akin at pinunasan ito sa damit na suot niya saka lumuhod sa harap ko.

“Hon….. Please , marry me.”

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko dahil sa bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung paano ko ihahandle ang nangyayari. Parang sasabog ang puso’t isip ko.

“Mommy please answer Daddy.”

“Hon.. Ruiza.. I promise to take care of you. I won’t hurt you , not anymore. You already suffered too much at ayoko ng dagdagan pa ’yon. Please Hon , marry me.”

“Y-Yes. I’ll m-marry you.”

Oh God. This is really is it.

A/N : Actually dapat wala akong AN dito. It just so happen na dapat kagabi pa ’to napublish. Nawalan lang ako ng load. Hahahahaha! Nagpuyat pa man din ako para dito kaso wala pala. Hindi ko naipublish kaninang maaga dahil nagpunta kami ng Manila at sa maniwala kayo’t sa hindi e kung saan saan kami napunta’t nawala. XD Yun lang. Bye!

Shout out kay @kimpersky at @mezuki_08 na kasama kong naligaw. HAHAHAHAHAHA!

EPILOGUE

Ruiza’s P.O.V

    

“Mommy can you please kiss Daddy?” tanong ni Lexin sa akin habang ang magaling niyang ama ay naka akbay sa akin at nakahawak sa tyan ko.

     

“But baby—”

       

tsup

      

Natigil ang sasabihin ko dahil bigla na lamang akong ninakawan ng halik ni Levin. Lokong lalaki talaga ‘to. Pasalamat siya mahal ko siya.

     

Mag iisang taon na din mula ng ikasal kami at sa bawat araw na dumadaan sa buhay ko ay lalo niyang pinatutunayan na mahal na mahal niya kami , isa na ding patunay ang laman ng tyan ko.

      

“Kelan po kaya lalabas si Griss , Mommy?” parang inip na inip na wika ni Lexin.

    

“Hindi pa siya pwedeng lumabas baby , five months palang kasi siya sa tummy ni Mommy.” tugon ni Levin kay Lexin.

     

Hindi ko ba alam sa mag ama ko kung bakit nila gustong pangalanan na

Griss Nairen Crosante– Heiton

‘tong baby girl ko. To think na babae siya at parang panlalaki ang pangalan na gusto nila. Tapos ang layo pa sa mga pangalan namin. Mga baliw talaga.

       

“Baby doon ka muna sa kwarto mo , may pag uusapan lang kami ni Mommy mo.” nagtakha ako sa iniutos ni Levin kay Lexin.

      

Agad naman tumalima ang bata at tinahak ang silid niya. Ano nanaman kayang problema ng asawa kong ‘to?

       

“Now , what?” paninimula ko.

       

“Do you think Aleya deserves to be in jail?” naguguluhang wika nito. Yeah , pinakulong ko si Aleya but that doesn’t mean na masama na ako.

        

“I won’t let her rot in jail. Don’t worry. I’m just gonna let her taste her own medicine. Panandalian lang naman ang pagkakakulong niya. You know , para naman hindi niya na ulitin sa susunod. Mahirap naman kasi na kukunsitihin natin siya , sigurado naman hindi siya magtatatanda at uulitin pa niya.”

      

“Then , why Yuan? Bakit hindi mo siya ipinakulong.” tanong niyang muli.

      

“I’m not that cruel and mean Levin at alam kong alam mo kung bakit hindi ko siya ipinakulong. Hindi dahil bestfriend ko siya , but because he deserves to be happy with his family and besides nagsisisi siya sa ginawa niya , unlike youe bestfriend na parang wala man lang ipinagsisisi.”

     


    

Patungo kami ngayon sa mansyon ng mga Buena–Esguerra. Ngayon namin napagdesisyonan na kausap ang magkapatid para magka alaman na kaming lahat.

     

Si Levin na ang nagdoorbell. May nagbukas ng gate at kapwa kami gulat ang mukha nang magkasalubong ang mga mata namin.

     

“Ms. C—Crosante.”

     

“It’s Mrs. Heiton miss. I’m sorry but I’m already married.” taas kilay na saad ko dito.

      

“Sassy , anong ginagawa mo dito?” kaswal ngunit walang emosyon na wika ni Levin sa babae.

      

“A—Ah ano , ano kasi—”

        

“SASSY!” lahat kami ay napatingin sa likod ni Sassy kung saan nagmula ang tinig.

    

Kung hindi niyo naaalala , si Sassy ‘yung babae na katalik ni Levin nang pumunta ako sa condo niya.

    

“T—Teka lang Yuan. Andyan na ko!” sigaw niya pabalik bago bumaling sa amin. “Tara pasok kayo. Alam kong kailangan niyo ng paliwanag.” wika nito sa amin kaya’t pumasok na kami ni Levin.

       

Nang marating namin ang sala ng mga Buena–Esguerra ay naupo na kami at hinintay namin si Yuan dahil sinabi ni Sassy na tatawagin niya lamang daw ito.

       

“R—Ruiza.” iyong tinig na ‘yon ang nagpalingon sa akin.

     

“Yuan.” wala pa din naman nagbabago sa kanya. Ganoon pa din ang itsura niya ng makita ko siya sa mall.

     

“W—What brought you here?” I don’t know but I can see him tense in his every word.

      

“No Buena–Esguerra , the right question is , what have you done that brought us here?” bigla naman pagpasok ni Levin sa eksena.

       

“What are you talking about?”

     

“Stop playing fool. Just go and tell us what you , Aleya and Sassy planned to ruin my relationship with Ruiza?” para namang nagpipigil ng galit si Levin sa mga binibitawan niyang salita kaya’t nakinig na lamang ako.

      

Walang nagsasalita nang bigla na lamang dumating si Sassy. “Siguro kailangan mo ng sabihin sa kanila lahat Yuan. Pati na din ang tungkol kay Yassy.” napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Sassy.

      

“Fine. I’ll tell you everything but please , huwag niyo akong ipakukulong. Kailangan ako ng mag ina ko at kailangang kailangan ako ng anak ko.”

      

“Just go directly to the point Yuan. Ako na ang mag iisip kung anong nararapat na gawin sa ‘yo. Hindi mo ako kailangan diktahan.” pahayag ko.

        

“Mahal na mahal ni Aleya si Levin , mahal na mahal kita at mahal na mahal ako ni Sassy. That’s the right picture pyramid of our love heptagon. Dahil mahal na mahal ng kapatid ko ang lalaking boyfriend ng bestfriend ko at mahal na mahal ko naman ang bestfriend ko ay umisip kami ng paraan para mapaghiwalay kayo. Una , pinanakaw ko ang nag iisang bracelet na binigay ni Levin sa ‘yo Ruiza para maging successful ang plano. I had sex with Sassy na agad pumayag sa plano ko dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin. I had sex with her at kinuhanan ko ang pagtatalik namin na talagang ma eemphasiza ang bracelet—”

     

“And that explains kung bakit kitang kita sa mga larawan na , na kay Levin ang bracelet na matagal ng wala sa pag iingat ko.” I saw him nod for what I said.

     

“Ibinigay ko ang mga larawan na ‘yon kay Aleya para ipakita niya kay Levin at magalit sa ‘yo si Levin. I just thought na ‘pag nagalit na sa ‘yo si Levin ay mababaling na ang atensyon mo sa akin , pero mali pala ako. Maling maling mali. Noong gabi na nagpakalasing si Levin ay inutusan ko siya na landiin si Levin at kuhanan ng picture ang ano mang mangyayari sa kanila but then you came and you saw it live. Noong oras na tinawagan mo na ako noon ay akala ko mapapasa akin kana , pero hindi pa din pala. Siya lang pala talaga at wala ng iba.”

     

“And you have to accept that dude.” pang aasar ni Levin.

      

“Then , sino si Yassy? Anong konekta niya dito?” tanong ko.

     

“Noong una akala ko si Yassy ay anak ni Sassy kay Levin noong pinagbubuntis niya palang ‘to. So I conducted a DNA testing at lumabas na akin ang bata. Pero ewan ko , siguro karma na nga ito dahil ipinanganak na may butas ang puso ng anak ko. Kaya’t nakikiusap ako na huwag niyo na akong ipakukulong.”

      

“Nasaan ni Aleya?” tanong ko.

      

“She’s staying in her condo dahil pinalayas ko siya. Pinalayas ko siya ng tapunan niya ng kumukulong tubig si Sassy at pinagbuhatan niya ng kamay ni Yassy. My sister is already insane. Nagkaganoon siya ng umalis si Levin imbes na mabaling ang pagmamahal ni Levin sa kanya dahil sa pagkawala mo.” paliwanag nito.

      

Hiningi ko ang address mg condo ni Aleya at nagpaalam na kami sa mag asawa upang puntahan ang baliw na si Aleya.

     

Nang makarating kami sa condo niya ay parang ang ingay ingay. SOBRA! Kumatok muna si Levin at maya maya lang ay bumukas ang pinto. Isang hindi na makilalang Aleya ang bumungad sa amin. Malalim ang mga mata , maputla , sobrang payat at amoy alcohol.

       

“L—Levin.”

      

“What happened to you?”

      

“R—Ruiza.” baling nito sa akin.

     

“Oh hi.”

     

“Fuck you!” bigla na lamang ako nitong dinamba at pinagsasabunutan at sinampal na mabuti nalang ay agad naagapan ni Levin. “Putang ina mo mang aagaw! Malandi! Pokpok! Hayop ka!”

     

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya’t sinampal ko siya ng sobrang lakas habang hawak siya ni Levin. “Walang kahit sinong may karapatan na sabihan ako ng malandi , lalo na kung manggagaling ‘yan sa ‘yo. Nakakahiya naman ‘di ba? Good thing may kasama kaming pulis.” sabay baling ko sa likod ko. “Pakidampot nalang po siya.” as of on the cue , ay lumabas na ang mga pulis at kinuha siya mula kay Levin.

      

“Hayop ka Ruiza! Papatayin kita! Papatayin talaga kita!”

       


     

“Honey! Ang lalim ng iniisip mo.” napukaw ang atensyon ko ng sumigaw si Levin.

      

“Aba Heiton? Sinisigawan mo na ba ko?” taas kilay na saad ko.

       

“Hindi naman Hon. Huwag ka ng magalit. Gawa nalang tayong kakambal ni Griss—”

      

“Tse! Hindi pa nga lumalabas ‘tong anak mo humahabol ka pa mg kasunod!”

      

“Honey naman—”

      

“Shut up Heiton!”

     

“I love you too Honey.” at bigla na lamang niya akong hinalikan at alam niyo na kung saan kami umabot.

   

Hahahahahahahaha.

   

   

   

   

   

  

   

   

“HONEY relax lang ha. Relax ka lang.”

     

“Gago! Paano ako magrerelax e lalabas na ‘tong anak mo— AHHHHHHHHHH!”

   

Shit! Sobrang sakit ng bawat pag hilab ng tyan ko.

     

“Baby huwag muna lalabas ha. Malayo pa tayo sa ospital.”

    

“Huwag ka ng magsalita dyan at baka mapikon pa ‘yung anak mo sa ‘yo at mas lalo siyang lumabas ng maaga! Bilisan mo nalang!”

      

“O—Opo opo. E—Eto na.”

     

“AHHHHHHHHHHH! LEVIN!”

     

Hindi ko na alam kung anong nangyayari basta ang alam ko lang ay narito ako ngayon sa hospital bed at iniire ang anak kong babae.

       

“Honey ire.”

     

“AHHHHHHHHHHHH! GAGO KA UMALIS KA DITO HUWAG KANG MAKIELAM— AHHHHHHHHHHHHH!”

        

“Mrs. Heiton kaunti nalang—”

      

“Sssshhhh! Huwag kang maingay Doc , umiire po ‘yung misis ko—”

     

“LEVIN LABAS— AHHHHHHHHHHHHH! LAST NA ‘TO LEVIN— AHHHHHHHHHHHH!”

       

“Honey naman , tatlo pa nyan ‘di ba?”

     

“GAGOOOOOOO! AHHHHHHHHHH! IKAW MANGANAK!”

      

“Ay honey naman. Hindi naman kasya ‘yung baby. Maliit lang kasi ‘yung butas ng ti—”

      

“MANAHIMIK KANG GAGO KA!”

    

Jusko! Pakipaalala nga na sa susunod hindi ko na isasama ‘tong gagong ‘to!

    

“Eh honey totoo naman e. Ihi lang kasi ‘yung kayang lumabas sa ti—”

       

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! LABAS! ‘PAG HINDI KA LUMABAS HINDI KO IPALABAS ‘TONG ANAK MO!”

     

Jusko! Ako nahihiya sa doktora sa lumalabas sa bibig niya. Nang lumabas si Levin ay siya din namang paglabas ni Griss sa akin. Siguro ayun lang din ang cue ng anak ko na lumabas , ‘pag nawala sa landas namin ang tatay niyang sira ulo.

      

“It’s a handsome— I mean beautiful baby girld Mrs. Heiton.” wika ng doctor at iniabot sa akin si Griss.

    

Kahit na pagod na pagod ako ay nagawa ko pa din buhatin at imulat ang mga mata ko para sa anak ko.

     

Pero teka bakit ganoon? Bakit parang…… parang ang gwapo ng anak ko kahit na babae siya?

      

“Ang gwapo niya.”

    

“Kailan ka pa nakapasok Levin? At sinong nagsabi na pumasok ka?”

      

“Ako lang. Pero honey bakit ang gwapo ni baby Griss e babae siya?” tanong muli ni Levin.

       

“Noong time na naglilihi ako sa kanya , hindi ko alam pero gustong gusto kong nakikita ‘yung isa sa

five bullets

na Freezell , ‘yung Aeickel ba ‘yun? ‘Yung babaeng gwapo na pinsan ni Aiyell?”

      

“Oh shit! Hala ka baby , habulin pa naman ng babae ‘yung si Aeickel kahit na babae siya , gwapo kasi e. Hindi kaya magaya si Griss sa kanya?”

      

Iniabot ko na muna si Griss sa kanya at pumikit. “We’ll never know. Basta ang alam ko gwapo at maganda ang anak natin at the same time. Saka ko na ‘yun poproblemahin ‘pag binata este dalaga na siya. Magpapahinga na muna ako , alagaan mo siya.” ayan lang ang natatandaan kong huli kong sinabi bago ako dinalaw ng antok.

    

“I love you Honey. I love you. Thank you for our second baby.”

    

    

    

    

   

  

  

“GRISS naman. Huwag ka ng manununtok ulit ng kaklase mo ha anak? Tignan mo , pati ang kuya Lexin mo napapaaway dahil sa ‘yo.”

     

“Aba Mommy , kasalan po nong panget na bungal na ‘yun e! Pinatid niya po ako! Sabi niya ba naman napaka mang aagaw ko daw dahil lahat daw ng may gustong babae sa kanya may gusto din sakin!” depensa ni Griss sa sarili niya.

     

“Mommy hindi naman ako napaaway e! Nang awat lang ako!” depensa naman ni Lexin.

     

“Teka nga , sino bang naka away niyo?” tanong ni Levin sa mga anak.

     

“Daddy si Griss lang nang away , hindi ako kasali!”

     

“Fine. So sino bang naka away mo Griss?” tanong muli ni Levin.

     

“Ewan ko po anong pangalan ng pangit na ‘yun. Ang nadidinig ko pong tawag sa kanya nong Ma’am namin , Mondragon yata.” sagot ni Griss at bigla kaming nagkatinginan ni Levin.

      

“Sige na akyat na at maghilamos. Kakain na tayo.” utos ko. Mabilis naman sumunod ang mga anak namin at nagkanya kanyang pasok na sa mga kwarto nila.

    

“Kinutuban ka din ba Honey?” tanong ni Levin na ikinatango ko bago ngumiti.

    

“Siguradong isa sa kambal na Modragon ang naka away ng anak mong babae.” sagot ko.

     

“Sigurado akong hindi si Ayce ‘yon , malamang sa oo , si Ayler ang kaaway ng anak mo. Alam mo naman na si Ayce ay tahimik lang at si Ayler ang mapang asar.”

     

“Yeah. Palagay mo ba dapat e ipagkilala natin sila para hindi na sila mag away? Ang kilala lang kasi nilang anak natin ay si Lexin.” saad ko.

     

“Hindi na Honey. Palagay ko ay tadhana nalang ang gagawa ng dahil para magkakilala sila. Malay mo , ang mga naudlot sa magulang ay matuloy sa mga anak.” makahulugang wika ni Levin.

     

“So binubugaw mo ang anak natin sa isa sa mga kambal na Mondragon?” taas kilay na tanong ko.

     

“Hindi Honey. Ang akin lang , may kutob ako na may kakaibang gagawin ang tadhana para sa kanila.” wika niya sabay akbay sa akin.

      

“NAKAKA INIS KA NAMAN KUYA E! HINDI NIYA NGA ALAM NA BABAE AKO! HUWAG MONG SASABIHIN DOON SA PANGET NA ‘YUN NA BABAE AKO! HUWAG MO DIN SASABIHIN NA KAPATID KITA! AYOKONG MAGBAGI PAKIKITUNGO NIYA SA ‘KIN DAHIL LANG INIISIP NIYA NA MAHINA AT BABAE AKO , PATI KAPATID KITA! BUBUGBUGIN KO PA SIYA E!”

    

Sigaw ‘yon mula sa itaas na alam kong galing sa anak kong babae. Ayaw talagang magpatalo e.

       

“Hon , sundan na natin?”

     

“Manahimik ka!”

      

“Aba Ruiza Honeylei Crosante– Heiton , tinatanggihan mo na ba ako?”

      

“Tse!” saka ko inalis ang pagkaka akbay niya sa akin at tumakbo paalis ng sala papunta sa kwarto.

     

“Kapag nahabol kita Honey , mag kakautang ka sa akin ng walo. Tandaan mo ‘yan.” narinig kong pahabol niya pa sa akin.

      

Ano pa nga bang magagawa ko? We’re Partners In Crime and this is our story.

     

Well for now , we’re already Partners In Real Life .

   —

 

The End ~

    

A/N : ATLAST! Atlast natapos ko na din. So sa palagay ko ay may hint na kayo about kay Ayler? O kay Griss? mwhahahahahahaha! Trust me. Babye! :))

Thank you sa matyagang naghintay dito kahit na napaka ikli lang. Salamat talaga sa lahat ah? MUAAAAAAAAHHHHHH! ;*

Facebook Group

I made a group for my readers. Hehehe. If you want to join, the facebook group name is…..

Ice_Freeze Stories (FREEZIES).

HOPING YOU’LL JOIN. THANK YOUUUUUU SO MUCH.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.