Payapang Alpas
missgrainne · 18 chapters · 557 words
Panimula
Ang pagmamahal ko sa pagsusulat ng mga tula at nobela ay tila mararahan at pabalik-balik na mga hampas ng alon sa dalampasigan—hindi tumitigil, hindi nakakalimot at siguro wala rin katapusan. Palagi akong umaasa na sa ganitong paraan, makatulong ang aking mga likha sa mga taong tahimik na nakikipagsagupaan sa gitna ng karimlan. Sa kabila ng ingay ng mga bulong, sana ay palagi niyong tandaan na darating din ang araw na ang mga hindi mapigilang alpas sa puso’t isipan ay payapang dadaloy at magwawakas.
— Grena Altaraza (MissGrainne)
1
Kapag huminto na ang ulan, doon mo lang malalaman kung bakit kailangan ng langit umiyak.
— Grena Altaraza
2
May mga tao talaga sa buhay natin na dumaan lang para mag iwan ng sugat.
— Grena Altaraza
3
Hindi naman talaga mabilis ang ikot ng mundo, sadyang nasanay lang tayo na damhin ang bawat segundo sa tuwing masaya tayo.
— Grena Altaraza
4
Sa mga laro na ikaw lang ang nakikipagsagupaan, sana sa oras na maipanalo mo ang laban, maghilom hindi lang ang mga sugat—kundi pati na rin ikaw.
— Grena Altaraza
5
Hindi lahat ng multo ay nakatira sa mga lumang gusali, o sa mga inabandonang bahay. Minsan, sa madilim na nakaraan sila matatagpuan.
— Grena Altaraza
6
May mga kabanata sa buhay natin na hindi lang nagturo kung paano lumaban, nagturo rin kung kailan dapat tumigil.
— Grena Altaraza
7
Hindi mo kontrolado ang buhay, kaya ayos lang kung sa ngayon ay hindi ka muna magtatagumpay. Ang mahalaga, sinubukan mo. Ang importante, hindi ka sumuko.
— Grena Altaraza
8
Wala silang ideya kung gaano kahirap ang humarap sa giyera na ikaw lang ang nakakaalam. Kaya ipanalo mo sana ang laban kahit mag isa ka lang.
— Grena Altaraza
9
May mga pahina sa buhay natin na sadyang itinadhanang maging masakit.
— Grena Altaraza
10
Isang kulay lang naman ang kailangan mong makita para magpatuloy sa pag abante kung nasa kalagitnaan ka nang nakakabulag na karimlan; ang liwanag.
Nawa’y matagpuan mo ito at yakapin ka nito.
— Grena Altaraza
11
Pareho-pareho lang naman tayo na hindi alintana noon na ganito pala ang totoong ikot ng mundo; hindi mabilis, hindi rin mabagal, at tila ba kung minsan ito ay nagsisilbing kaagapay na umaalalay sa atin sa tuwing nakakaramdam tayo nang hindi maipaliwanag na kalabisan.
— Grena Altaraza
12
Hindi naman ang mundo ang totoong kalaban natin sa buhay na ito, kundi, ang bawat galaw ng malaking galamay ng orasan—kung saan tila ba karera ang bawat segundo at gano’n nalang kabilis ang paglipas.
— Grena Altaraza
13
Magiging pilat ang mga sugat, maghihilom na para bang mga dahon pagkatapos sapitin ang matinding sakuna. Ngunit ang mga ala-ala na iniwan nito, sana ay lumipas din at huwag mag iwan ng malalim na marka.
— Grena Altaraza
14
Minsan, mas mabuti pang manahimik nalang at hayaan ang isipan na magsawa sa hindi ko kontroladong digmaan.
— Grena Altaraza
15
Sana ang bawat pagwawakas, pamamaalam ay kasing ganda kung paano lumubog ang araw.
— Grena Altaraza
16
Sa huli, wala ka naman talagang ibang kakampi kundi ang sarili mo. Kaya sana alagaan mo siya at mahalin ng sobra.
— Grena Altaraza
17
May mga desisyon tayo sa buhay na kahit alam natin na hindi perpekto, at hindi lahat nang nakapaligid sa atin ay magiging masaya, mas pinili pa rin natin ituloy. Dahil mas nangibabaw sa atin ang mga tanong na… paano naman ako? Paano ang kasiyahan ko?
— Grena Altaraza

