loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Pleasure For Hire (BoyXBoy)

Pleasure For Hire (BoyXBoy)

misterdisguise · 22 chapters · 24,133 words

DISCLAIMER

Ang inyong mababasa ay hindi angkop sa mga batang mambabasa. Naglalaman ito ng kwento tungkol sa LGBT Community. Ito ay M2M story kaya’t kung hindi ka komportable ay iwanan na ang istorya.

Sumasalamin ang istoryang ito sa ating lipunan. Alin mang pagkakahalintulad sa mga inyong nabasa, napanuod, napakinggan at kung ano pa man ay hindi sinasadyang pagkakahawig lamang.

ANG SIMULA

Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa ibaba ko. May kakaibang sensasyon iyon na gumagapang sa buo kong kalamnan. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang dulot nito pero isa lang ang sigurado ako, parang langit sa pakiramdam.

            Unti-unti niyang binababa ang suot kong pantalon na kanina'y nasa tuhod ko na. Ang bawat pagbaba nito ay sinasabayan niya nang maririing hagod sa mga hita ko paakyat sa aking tiyan. 

            Nakakailang lunok na ako ng laway dahil sa kaba. Kakaibang init na rin ang nararamdaman ng katawan ko na kahit de-aircon ay pinagpapawisan ako.

            Matapos niyang mahubad ang suot kong pantalon ay sinunod naman niya ang panloob kong suot. Bakas ang ilang mantsa roon ng likidong mula sa aking pag-aari. Hindi ko namalayang sumasagot na rin pala ito sa sensasyong nararamdaman ng katawan ko. 

            Nang maihubad ang pang-ibaba ko ay pumaling ito sa kanan. Sinundan lang iyon ng tingin ng lalaking nasa harapan ko at ngisi-ngisi sa akin.

            "Hindi ka siguro sanay sa ganitong gawain," hula niya.

            Hindi ako sumagot. 'Yun na rin kasi ang payo sa akin ng kaibigan kong nagrekomenda sa akin ng ganitong trabaho.

            

“Sa sandaling nakipagkwentuhan ka sa kliyente mo, oras mo na rin para tumigil sa ganitong trabaho.”

            Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin doon pero sinunod ko na lang. Ngumiti na lang ako sa lalaking nasa harapan ko.

            Nagsimula na uling umakyat ang mga labi niya mula sa paa ko patungo sa pagmamay-ari ko. Hindi ko napigilan ang katawan kong mag-

react . Nakakakiliti na tila tinutumbok ang rurok ng kaligayahan ko.

            Napapakagat-labi na lang ako habang nililiyad ang buo kong katawan. Una niyang tinungo ang ulo, dinilaan na tila isang takam na bata sa matamis na sorbetes.

            Hindi ko na napigilang umungol. Ito pala ang sinasabi nilang langit ng pagnanasa. Tila nagliliyab ang katawan ko sa kasabikan. Isang droga na kapag nasimulan mo ay hahanap-hanapin mo.

            Iniliyad ko ang balakang ko, sakto para ipasok sa kanyang bibig ang inaasam-asam na sandata. May parang kung anong tinamaan ang pag-aari ko nang isagad ko iyon sa kanya hanggang lalamunan. Pero ang init ng kanyang bibig na lalong dumadagdag sa nararamdaman kong libido, hindi ko masabi kung papanawaan ako ng ulirat.

            Habang puno ang kanyang bibig, nararamdaman ko ang mariing haplos ng kanyang dila sa katawan nito sa loob.

            Para akong sinisinat sa init ng katawan ko. Ano ba itong pinasok ko? Parang makasalanang langit kung ilalarawan. Masarap na kahit ay bawal.

            Nagsimula na siyang mag-angat baba ng kanyang ulo. Sa una ay marahan hanggang naging mabilis. Napakapit ako sa kanyang ulo na tila minamaniobra ang sasakyan kung kailan dapat pipreno at haharurot.

            "Sige pa," pagsusumamo ko. Nakatingala lang ako habang nakatingin sa kawalan at patuloy sa ginagawa.

            Hindi rin nagtagal ay naramdaman kong may naiipon na kung ano sa loob ko na gustong kumawala. Mas binilisan ako ang pagtaas-baba ng kanyang ulo kasabay ng katawan ko na patuloy sa pagliyad.

            "Aaaahh... Aaaahh..." mariing sambit ko hanggang sa naramdaman ko ang mainit na likidong lumabas mula sa akin. Napabitiw ako sa ulo ng lalaking nasa harapan ko. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas sa sandaling iyon.

            Nagpatuloy siya sa pagsubo hanggang sa maubos ang nilalabas na likido ng pag-aari ko. Nakatingin lang siya sa akin habang ninanamnam ang bawat katas ko.

            Tumayo siya at saka dinukot ang kanyang pitaka. Nilabas niya ang ilang papel na pera roon at iniabot sa akin.

            "300?" tanong ko sa sarili ko.

            Matapos niya iabot iyon ay mabilis akong tumayo at nagbihis para umalis. Hindi ko na nagawang magpaalam sa kanya. Wala naman kaming koneksyon maliban sa bayad na hinihingi ko sa serbisyo ko. Sa pagkakataong iabot niya sa akin ang bayad, wala na dapat kaming pag-usapan.

            Habang pauwi, pinagmasdan ko ang tatlong piraso ng tig-isandaang kinita ko.

            Ganito lang pala ang presyo ng puri ko. Hindi ko akalaing aabot ako sa ganitong pati ang buhay ko ay may halaga na.

CHAPTER I: Project Spot

CHAPTER I: Project Spot

            "Michael, nakita mo na ba 'to?" tanong ni Emil, hawak ang kanyang cellphone sa kanang kamay at isang tasa ng kape sa kabila naman. 

            Umaga no'n at halatang pareho kaming kulang sa tulog. Sa umaga kasi, kumakayod kami bilang barista sa isang maliit na coffee shop sa Las Piñas, katapat ang isang kilalang unibersidad na siya ring madalas naming pinagkukunan ng pagkakakitaan sa gabi. Hindi naman madalas ang '

part time’ job namin pero mabuting pandagdag na rin pambayad sa mga gastusin lalo na’t parehong kami ang gumagastos para sa sarili namin.

            Lumapit ako sa kanya at iniwan ang dyaryong kanina ko pa binabasa na ang laman lang sa classified ads ay trabahong kailangang nakatapos sa pag-aaral.

            "Ano ba 'yan?" tanong ko pabalik at saka sinaluhan siya sa pagtingin sa cellphone.

            Pansin ko ang ilang larawan ng mga lalaking nakahubad pang-itaas. 'Yung iba naman ay tanging mga pangloob lamang ang suot pero hindi kita ang mga mukha.

            "Social interaction app para sa mga naghahanap ng pansamantalang aliw," ani Emil habang itinutuon pa rin ang tingin sa cellphone. "Paniguradong makakakuha rin tayo rito ng kliyente. Discreet pa ang pag-aalok kasi hindi ka nila kilala personally."

            Umiling ako. "So gano'n din. Hindi mo rin sila kilala. Ayokong sumama sa taong hindi ko pa nakikita. Hindi ka nga rin sigurado kung sila ba 'yang nasa larawan," paliwanag ko kay Emil na tila hindi pa rin natatauhan sa sinabi ko.

            Tumawa siya nang bahagya. "Ngayon ka pa talaga namili? Sa panahon natin, sa ganitong trabaho, hindi na tayo mamimili. Basta mabayaran tayo, tapos! Eh, hindi naman natin kailangan kung may hitsura o hindi. Hindi naman natin sila mga karelasyon para pakisamahan nang matagal," paliwanag niya pabalik.

            Napatango ako. Kung kailangan ko ng pera, hindi ito ang oras para mag-inarte o mamili pa ako.

            "Saka 'yung madalas sumasali dito, sila 'yung malalaki magbayad ng serbisyo mo. May pagpipilian na kasi sila depende sa gusto nila. Malay mo, dito ka pa makakuha ng mayaman na tutustos sa pag-aaral mo," pabiro niyang sabi at saka tumawa.

            "Hindi ko naman gagawin 'yun. Kung gusto ko lang din palang makapagtapos nang walang hirap, sana matagal na akong sumama kay Lovely," ani ko patungkol sa baklang nagtatrabaho sa salon na malapit dito sa apartment. Matagal na kasi akong inaalok bilang 

‘boy’ no’n kapalit ang mga gabing babangungot sa akin. Ilan na rin daw kasi ang napagtapos ni Lovely at iniwan rin siya kalaunan.

            "Ang tawag sa 'yo dapat ay callboy na may dignidad," pagbibiro niya.

            Natawa naman ako sa turan niya. May trabaho pa rin naman akong mapagkukunan ng ipambabayad at ang sandaling aliw sa mga kliyente ay 

‘part time’ job ko lang. Tama lang ’yun pantapal sa kakulangan ng pera ko pambayad sa mga utang ko nang mamatay si Mama.

            "Oh, ano? Isasali na ba kita?" tanong ni Emil habang pinapakita ang registration ng app.

            Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa mesa. "Ako na. Ano bang name ng app na 'yan?"

            "Project Spot."

            "Oh, sige.Tingnan ko."

            Ilang minuto lang ay natapos ko na ang pagrehistro sa nasabing application. Ginamit ko ang larawang kita ang labi ko paibaba hanggang baywang. Mas maiging maging discreet na rin sa pag-post ng mga larawan sa mga site. Hindi ko rin masasabi kung ilan sa mga kakilala ko ang sumali na roon. Wala pa namang nakakaalam maliban kay Emil at mga naging kliyente ko ang tungkol sa ganitong trabaho ko.

            "Oh, ano 'to?" tanong ko nang biglang may nag-pop up na notification.

            Napatingin naman si Emil sa cellphone ko. "Patingin nga."  Kinuha niya sandali ang cellphone ko. "Ang bilis, ah. May nag-react agad sa account mo. Malapit lang din dito sa Las Piñas," aniya at saka ibinalik ang cellphone.

            "Paano mo nasabi?" naguguluhang tanong ko.

            "May mga user na magre-react sa account mo. Ibig sabihin, interesado sila sa 'yo. Sa pagkakataong iyon, pwede ka nang mag-alok sa kanila ng serbisyo mo. Makikita rin dito kung gaano kalayo ang kausap mo. Sa estimate ko, malapit lang ang pitong kilometro kaya siguradong nasa Las Piñas lang din siya."

            "Bakit ang dami mong alam sa ganyan?" tanong ko.

            Nagkibit-balikat lang siya. "Well. Saan mo ba nalaman ang ganitong trabaho?"

            Napatango na lang ako.

            "I-message mo na habang online pa," pilit sa akin ni Emil.

            "Ano'ng sasabihin ko?"

            "Akin na nga ulit 'yan. Ako na ang makikipag-usap," saad niya at saka mabilis na kinuha ang cellphone ko.

                            

CoolDude: Meet???

NaughtyDaddy69: Twin Condominium, Alabang, Muntinlupa. 8:00 PM

            "Sabihin mo 8:30 PM. 7:30 PM pa kasi out natin sa cafe, e," suhestyon ko.

            "Ang taong sabik sa sex, hindi namimili ng oras 'yan. For sure, willing to wait pa 'yan," pagbibiro niya.

                            

CoolDude: 8:30 PM?

NaughtyDaddy69: Call. Hm?

CoolDude: Depends.

NaughtyDaddy69: 2k?

CoolDude: Sure.

NaughtyDaddy69: See u.

            "Anong ibig sabihin mo sa depends?" tanong ko.

            "Wala ka pa rin talagang alam masyado sa trabahong pinasok mo. Bibigyan ka nila ng presyo, at bahala ka na kung hanggang saan para sa 'yo ang ganoong presyo. Kung ang dalawang libo na bayad sa 'yo ay kasama ang fucking, ikaw na ang bahala," paliwanag niya.

            "Wala talaga akong masbai sa 'yo," mangha kong sabi.

            "Sige na. Mag-asikaso ka na. May pasok ka pa, 'di ba? Hahanap na rin ako ng kliyente ko. Hindi pwedeng ikaw lang ang mayroong kita ngayong gabi," aniya.

            Napailing na lang ako habang natatawa nang bahagya.

            Napaisip ako sa dalawang libong perang makukuha ko ngayong gabi. Hindi biro kitain ang ganoong kalaking pera pero para sa iba, madali lang iyong gastusin para sa sandaling aliw. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong makonsensya.

            "Bahala na," bulong ko sa hangin.

CHAPTER II: Coffee Shop

CHAPTER II: Coffee Shop

         Tirik ang araw nang mga oras na ’yun. Madalas ay hanggang ala-una ng hapon natatapos ang klase ko. Nakipag-usap ako sa school kung maaari ay ako na ang mamili ng mga professor na papasukan ko dahil sa part time job ko sa coffee shop. Hindi naman sila mahigpit sa ganoong arrangement dahil ina-acknowledge nila ang mga paghihirap ng mga working student.

Suot ang pares ng earphones sa aking tainga, sumakay ako papuntang cafe shop. Hindi naman sila mahigpit sa late pero hinihiling lang nila na abisuhan sila kung mangyari ’yun. Kawawa rin kasi ang papalitan ko dahil kapareho ko ring working student.

Ilang minuto lang, nasa coffee shop na ako. Maaamoy mo kaagad mula sa kinatatayuan ko ang amoy ng kapeng gigising sa inaantok mong diwa.

“Nand’yan ka na pala,” bati sa akin ni Jeff, kapalitan ko ng shift, nang makapasok ako sa shop. May iilang customer ang nasa loob, abala sa kanya-kanya nilang ginagawa. Madalas dito nagre-review ang ilang mga estudyante dahil tahimik at libre ang internet connection. Ang iba naman ay ito ang ginagawang meeting place.

“Magpapalit lang ako,” ani ko at saka dumiretso sa staff room. Napapaisip tuloy ako kung paano ko napagsasabay-sabay ang lahat, ang pag-aaral at pagtatrabaho. Hindi ko na rin naiintindi ang sarili ko. Kung naaabuso ko na ba ito. Alam kong may hangganan ang katawan ko pero mas mahalaga pa rin sa akin ang kumayod kalabaw.

Lumabas na ako ng staff room at sinaluhan si Jeff sa counter.

“Maaga ka pa nang 30 minutes. Magpahinga ka muna r’yan,” wika ni Jeff. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Pareho ko, siya rin ang tumutustos sa pag-aaral niya. Siya kasi ang panganay kaya doble kayod talaga siya sa pagtatrabaho.

“Maiba pala ako, graduating ka na, Jeff, ’di ba?” tanong ko habang wala pang masyadong customer.

“Oo. Malapit na rin ako matapos sa wakas,” sagot niya na tila may galak. Sino ba naman kasing hindi magiging masaya na sa kabila ng paghihirap nila ay may sisilip na liwanag?

“Paano mo nakayang patapusin ang sarili mo sa kabila na ito lang ang pinagkakakitaan mo?” nagtatakang tanong ko.

“Kumuha naman ako ng scholarship sa school na pinapasukan ko kaya naging madali lang para sa akin ang mga gastusin. Ang naging problema ko lang naman ay kung paano ko isisingit ang pag-aaral sa pagtatrabaho,” aniya. “Minsan, ginagawa kong araw ang gabi. May mga araw na dalawang oras ang tulog ko. Pero sa tuwing iisipin ko na kailangan kong makapagtapos para sa pamilya ko, nabubuhayan ako ng loob.”

Napangiti ako. Sa buong taon ko na kasama si Jeff, hindi ko siya nakitaan na namroblema. Lagi siyang nakangiti kahit na ano’ng mangyari. Hindi ko alam na ganito rin pala kabigat ang binibitbit niyang pasanin.

Kung tutuusin, wala pa ako sa kalahati ng naging paghihirap ni Jeff pero parang ako itong hirap na hirap iahon ang sarili.

Narinig kong tumunog ang pinto. Sinilip ko kung sino ang pumasok. Isang lalaki na madalas pumasok sa coffee shop nang ganitong oras, suot ang unipormeng katulad sa university na nasa harapan namin.

Halos kilala na namin ang mga madadalas naming customer. Bawat isa, nakikilala namin depende sa kung ano’ng kape ang gusto nila o ’di kaya ay nag-iwan sila ng impresyon sa amin na hindi namain makakalimutan.

“Iced coffee for Dan?” tanong ni Jeff sa customer na nasa harapan niya

“Yes,” sagot nito at saka ngumiti. Napapansin kong sa tuwing nandito ito ay nanakaw sa akin ito ng tingin. Hindi ko minsan binibigyan ng kahulugan ang mga ganoong bagay. Iniisip ko na lang na coincidence na lang na nagtatagpo ang tingin namin. Walang halong malisya.

Bitbit ang kanyang laptop, naupo siya malapit sa glass wall. Nakilala ko rin siya dahil madalas siyang umuupo roon nang halos apat na oras, tutok lang sa laptop na bitbit. Hindi kami nagkakaroon ng tyansang makapag-usap dahil sa tuwing dadating siya, si Jeff ang naka-duty.

“Ako na ang gagawa,” suhestyon ko nang makitang kukuha na ng lalagyan si Jeff.

Hindi naman na siya tumanggi at hinayaan na lang ako. Wala pa naman akong ginagawa kaya mas mabuting tulungan ko na rin si Jeff.

Nang matapos, tinawag ko na ang pangalan niya.

“For Dan?!” sigaw ko.

Lumingon siya sa akin pero walang reaksyon. Nang makuha ko ang atensyon niya ay tumayo na siya at lumapit para kuhanin ang kanyang iced coffee.

“For Dan,” ani ko nang makalapit siya. Iniabot ko sa kanya ang iced coffee. Hindi ko namalayang nagpatong ang mga kamay namin nang abutin niya ang inumin. Hindi ko na nabawi ang kamay ko dahil baka malaglag ang iced coffee.

“Thank you,” pasasalamat niya at saka nginitian ako. Hindi ako nakapagsalita nang ilang sandali dahil doon.

“Ano’ng nangyari sa akin?” bulong ko sa sarili.

“Okay ka lang ba?” tanong ni Jeff nang makita akong tulala.

“O-okay lang ako. Wala ito,” pagsisinungaling ko.

Tiningnan ko ang pwesto ni Dan. Nakita kong nakasulyap siya sa akin habang humihigop sa iniinom na iced coffee. Napalunok ako.

“Umayos ka nga,” saad ko sa sarili saka mahinang sinampal ang pisngi

Tinapik ako sa likod ni Jeff. “Mag-aayos na ako, ah,” aniya bitbit ang apron sa kamay.

Tumango ako bilang tugon. Shift ko na rin pala. Kailangan ko nang umayos pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagdadampi ng kamay namin ni Dan. Bakit parang may kung anong lumundag sa akin at nagpawala ng katinuan ko?

Napailing na lang ako at iwinaksi ang ideya sa utak ko. Kailangan kong mag-focus sa trabaho. Pagkatapos pa nito ay may kikitain pa ako. Isa pa tuloy ’yun sa dumagdag sa isipin ko. Hindi ko pa pala lubos maisip kung anong klaseng serbisyo ang ibibigay ko para sa dalawang libo.

Napakamot na lang ako ng ulo sa dami ng iniisip. Hindi tama itong iniisip ko ang ibang bagay habang nasa trabaho. Sa huling tanda ko nang mawala ako sa focus, kung anu-ano ang naibigay kong kape sa mga customer. Ayoko nang maulit ’yun dahil tiyak, kagagalitan na naman ako ng boss ko.

Huminga ako nang malalim ay inayos ang sarili. Nagbukas muli ang pinto ng shop at nagluwal ng dalawang customer.

“Good afternoon, Ma’am. Can I have your order?”

CHAPTER III: Soon-To-Be Groom

CHAPTER III: Soon-To-Be Groom

          Nilamon na ng dilim ang buong paligid. Abala na naman ang buong kahabaan ng kalsada dahil sa mga nagsisiuwiang estudyante at empleyado. Napatingin ako sa relong suot ko.

            "7:41 PM," bulong ko. Tinantiya ko kung makakaabot ako ng 8:30 sa unang napag-usapan naming tagpuan. Dahil punuan ang mga pampublikong sasakyan nang mga ganitong oras, inabisuhan ko na si 'NaughtyDaddy69' na may tyansang mali-late ako. 

            Hindi naman siya nagreklamo. Okay lang raw dahil doon na rin siya magpapalipas ng gabi habang hinihintay ako.

            Huminga ako nang malalim. First time kong magbibigay ng serbisyo sa taong hindi ko pa nakikita. Madalas kasi, sa kindat lang sa coffee shop kami nag-uusap ng mga kliyente ko. Konting usap sa magiging detalye at saka ako papayag.

            Ibang-iba ito sa tradisyunal kong ginagawa. Ako itong magbibigay ng serbisyo pero ako pa itong kinakabahan. Bago pa nga lang talaga ako sa ganitong trabaho sa isip-isip ko.

            Sampung minuto siguro ako naghintay o higit pa bago nakasakay. Saktong may bakanteng upuan sa tabi ng driver. 

            "Manong, bayad po. Sa Alabang po," ani ko saka abot ng bayad sa driver.

            Habang binabagtas ko ang kahabaan ng Alabang-Zapote Road, may mga alaalang laging sumasagi sa utak ko. Mga alaala na kahit ano'ng gawin ko para kalimutan, hindi ko magawa. May kung anu-anong mga bagay ang nagpapaalala sa akin kung gaano ko hindi pinahalagahan ang mga bagay na mayroon ako noon.

            Napahiga ako sa malamig na bakal na sandalan ng lulan kong dyip. Marami akong nasayang napanahon at tao noon. Naging duwag kasi ako sa nararamdaman ko at itinago ko na lang sa sarili ko. Siguro itong nangyayari sa akin ay sapat na kabayaran sa mga naging kasalanan ko. 

            Pero sa kabilang banda, nagsisisi na ako. Kung may pagkakataon lang talagang maibalik ko ang mga nasayang na panahon, hihilingin ko.

            "Sana napatawad mo na ako," bulong ko sa hangin kasabay ang malalakas na busina ng mga sasakyan sa kahabaan ng kalsada.

            Mas mabilis kaysa sa inakala ko ang magiging biyahe. Nahuli lang ako nang halos kinse minuto sa orihinal naming napag-usapang oras.

            Mataas ang gusali na may higit tatlumpung palapag. Sa entrada pa lang, makikita mo na ang malaking chandelier sa mataas na kisame, mga bellboy na akala mo ay mga artista at ang amoy ng mabangong air freshener.

            "Nandito na ako," mensahe ko sa kanya. Suot ang polo at maong, nagpalakad-lakad ako sa lobby. Gawa sa salamin ang ilang parte ng dingding. Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon mula roon.

            "Hindi ako nababagay dito," banggit ko. Kaya hindi rin siguro ako pinapansin ng mga staff dito ay dahil sa awra na ipinapakita ko. 

            Kahit ano'ng suotin ko, kung mahirap ako, mangangalingasaw pa rin ako.

            "Hey," bati ng isang lalaking papalapit sa akin.

            Sa simpleng kumusta niya, mababatid ko kaagad na may kaya siya. Makikita sa kung paano niya bigkasin ang bawat salita.

            Napatingin ako sa itsura niya. Hindi halata sa kanya ang naeengganyo sa mga ganitong gawain. Simple lang ang suot niya. Nakaputing T-shirt at naka-shorts habang nakatsinelas pero hindi mababakasang mahirap.

            "Oh, hi!" bati ko pabalik.

            "Akyat tayo?" aya niya.

            Tumango ako bilang tugon. Sinundan ko siya patungo sa elevator. May parang kung anong kaba na naman ang kumakabog sa dibdib ko. Dapat nasasanay na ako sa ganitong gawain pero pakiramdam ko, lagi akong baguhan na tila nababahag ang buntot dahil sa kaba.

            "Pasok ka," paanyaya niya nang buksan niya ang pintuan ng unit niya.

            Simple lang sa loob. Tipikal na unit ng isang lalaki. May iilang kasangkapan na gamit sa pagluluto at tamang pwesto lang para sa tulugan.

            "Gusto mo ba ng maiinom?" pag-aalok niya nang makaupo ako sa sofa.

            Nang banggitin niya iyon, napansin kong may isa ng bote ng alak ang bukas sa mesa. Halos kalahati na rin ang bawas no'n. Marahil ay dahil sa matinding inip, nagsimula na siyang uminom.

            Ngumiti ako bilang pagtanggi.

            "Ilang lalaki na rin ang nadala ko rito. I think, two weeks ago 'yung last time na may dinala akong lalaki dito," aniya at saka naupo sa tabi ko..

            Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin kaya nanatili akong tahimik.

            "Pero don't worry. I use condom everytime na makikipag-sex ako. Hindi ko rin naman gusto makahawa sa kung sinuman at ayoko ring mahawa in the first place," paliwanag niya.

            "Bakit? Bakit kailangan mong gawin 'to?" tanong ko dala ng kuryosidad. Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. Hindi ko dapat sinabi 'yun pero tapos na. Nasabi ko na.

            Tumawa siya nang bahagya. "Bakit? Bakit nga ba? Siguro treat ko na rin sa sarili ko? Ilang buwan na lang kasi ikakasal na ako."

            Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya 'yun. Ikakasal? Paano?

            "Nagulat ka ba? Kahit siguro sino ay magugulat. Even I, nagulat sa sarili ko that I can marry a girl kasi all my life, alam kong lalaki ang gusto ko. But, everything could change in just one night. Isang gabi lang 'yun. Isang gabi na pagsisisihan ko pala nang habambuhay."

            Nagpatuloy lang ako sa pakikinig sa kwento niya hanggang sa hindi ko mamalayan ay iniinom ko na pala ang bawat abot niya sa akin ng baso ng alak.

            "I got drunk that night. I was with my friends. I'm 36 na pala, btw," paliwanag niya. Nang sabihin niya iyon, napatingin ako sa itsura niya. Hindi halata sa kanya ang edad ay lagpas na sa kalendaryo. Siguro kaya gano'n na lang din ang pinili niyang username sa Project Spot.

            "I got wasted kasi ang dami na rin naming nainom no'n. Nag-alok 'yung isang friend ko na ihahatid na lang niya raw ako. So she drove me hanggang dito. She's a bit drunk too so when we got inside, we had sex and the rest is history. One month siguro after no'n, inamin niya sa akin na buntis siya. I was hesitant at first kasi hindi ko alam kung ako lang ba ang naka-sex niya," tumigil siya sandali at tinungga ang isang baso ng alak.

            "Pero she insist na akin daw iyon. I said gusto ko ng proof. Pero she ignored me. She went all the way to Makati to tell my parents. Of course, my parents were overwhelmed. Hindi nila kasi alam na ang anak nilang bading, magkakaanak. So they arranged a marriage." Pinakita niya sa akin 'yung singsing na nasa kamay niya, simbolo na engaged na siya.

            "Nagsisisi ka pa rin ba?" tanong ko.

            "I don't know. Pero gusto kong sulitin ang ganitong mga bagay habang nagagawa ko pa," aniya at saka hinawakan ang pagitan ng hita ko.

            Nagkatinginan kami sa mga mata. Unti-unti niyang nilalapit ang kanyang mukha sa akin. Ramdam ko ang init ng kanyang hinga na dumadampi sa aking mukha. 

            Sa isang kurap lang ng mata, naramdaman ko na ang mainit na pagsasalo ng aming mga labi. Kasabay ang paghuhumiyaw ng kasalanan namin na nagtatago sa kwartong ito.

CHAPTER IV: Harder

CHAPTER IV: Harder

          Hindi ko maramdaman ang lamig ng kwarto nang mga sandaling iyon dahil sa pagsasalo ng katawan namin sa matinding sensasyon. Ang bawat pagdikit ng mga balat namin ay tila apoy na nakakapaso na sa tuwing hahawakan mo ay lalagablab.

            Dala na rin siguro ng alak kung kaya't gano'n na lamang ang pagtaas ng init sa buo kong katawan. 

            Nararamdaman ko ang mga kamay niyang naglalakbay sa buo kong katawan. Ang init pero may kakaibang dulot iyon sa tuwing dadampi. 

            Nagpatuloy kami sa pagsasalo sa aming mga sariling laway. Lalakbayin ng kanyang dila ang sa akin at saka kami magtatagisan. Para akong kakapusin ng hininga sa sarap na dulot nito. Hindi ko akalain na may ganito palang klase ng taong bihisa sa pakikipaghalikan. Marahil na rin ay sa hindi mabilang na nakasiping niya.

            "Aaahhh," ungol ko nang dumako ang dila niya sa dibdib ko. Para siyang sanggol na sabik sa pagsupsop ng gatas mula sa kanyang ina. Inikot niya ang kanyang dila at sabay marahang kakagatin ang dulo nito. Hindi ko mapigilan ang mapaliyad sa kakaibang nararamdaman. 

            Unti-unti ay binubuksan niya ang suot kong pantalon. Pagkababa niya, hindi napigilang dumungaw ng ulo ng aking pag-aari na may gabutil ng likido dahil siguro sa papataas kong libido.

            Napangiti siya nang tingnan niya iyon.

            "May maipagmamalaki ka rin naman pala. Tama lang na ginawa mong puhunan," pagbibiro niya. Hindi ako sanay na binibigyan ng papuri ang pag-aari ko. Hindi ko rin naman kasi pinagmamalaki ang mayroon ako.

            Itinaas niya ang kaliwa kong hita at saka marahan iyong hinalikan papunta sa suot kong panloob. Pinuno niya ng kanyang laway ang panloob ko hanggang sa tuntunin ang ulo ng pagmamay-ari kong sumisilip sa pagitan ng garter.

            Pilit niyang ipinapasok ang kanyang dila sa loob no'n na nagdulot ng kakaibang kiliti sa buo kong katawan. 

            Mayamaya pa ay ibinaba na niya ang huling saplot sa katawan ko. Sumambulat sa kanya ang sabik kong pag-aari na mapunan ng kanyang bibig. Halos kita na ang mga ugat sa paligid nito na napaliliguan ng puting likido.

            Sa sobrang kasabikan, tumayo ako at itinulak siya pahiga sa kama. Umupo ako sa kanyang dibdib sapat lamang ang distansya para pumasok ang pag-aari ko sa kanyang mainit na bibig.

            Nag-angat siya ng ulo at saka inabot ang aking pag-aari. Naramdaman ko ang paglibot ng kanyang dila habang nasa loob 'yun. Nagsimula na akong maglabas-masok sa kanya na tila isang makipot na yungib.

            "Ah, shit!" sigaw ko dala ng sarap habang pinaiikot ang mga daliri sa dibdib.

            Nagpatuloy lang ako hanggang sa maramdaman kong sumasabay ang kanyang ulo sa paglabas-masok ko. Sa bawat pagsagad ko, nararamdaman ko ang pagkipot ng dinaraanan ko. Nagiging mas mainit at madulas.

            Sa katagalan, natutunan ko na ring pigilan ang sarili kong magpalabas nang maaga kahit anong sarap pa ang gawing pagroromansa. Pakiramdam ko kasi ay nauubusan ako ng lakas sa tuwing dalawang beses kong gagawing magpalabas para lang ma-satisfy ang kliyente ko.

            Ilang saglit ay tumigil ako at huminga nang malalim. Ganoon rin siya na kita ang pamumula ng mukha dahil sa paghahabol ng hininga.

            Umupo ako sa dulo ng kama at siya naming habol niya sa aking pag-aari. Nakahiga ang kanyang katawan habang patuloy pa rin sa kaninang ginagawa.

            Dumadagundong na sa bawat dingding ng kanyang unit ang malalakas kong ungol. Habang ginagawa niya iyon, inabot naman ng mga daliri ko ang nagtatago niyang yungib sa ibaba. Binasa ko muna 'yun ng laway at saka ipinasok roon. Medyo masikip nang pasukin ko pero kalauna'y tila nag-iimbita na ng bisita nang ilabas-masok ko ang daliri ko.

            Narinig ko ang mahihinang ungol niya dala ng kasabikan. Hindi nagtagal, ang isang daliri ay naging dalawa. Napaigtad siya at tumigil sa ginagawang pagsubo.

            Sa tuwing papasukin ng aking daliri, pinipilit kong ibuka ang kanyang butas at saka mabilis na paglalaruan. Mariin siyang kumapit sa punda ng kama kasabay nang malalakas na ungol.

            "Fuck me," pagsusumamo niya na halos panawan ng ulirat.

            Inilabas niya ang isang sachet ng condom at isang bote ng lube. Binuksan ko 'yun at binalot ang aking pagmamay-ari. Nanatili siyang nakadapa habang ang pang-upo ay nakaangat nang bahagya.

            Kitang-kita ko ang naglalawa niyang butas na naghihintay mapasukan nang mas malaking bisita.

            Hinawakan ko ang ulo ng aking pag-aari at saka itinutok sa kanyang butas. Marahan ang pagpasok ko hanggang sa maramdaman ko ang pagkipot ng bawat daan.

            "Shit!" sigaw niya nang kalahati pa lang ang naipapasok ko.

            Sinubukan kong dahan-dahanin kung maaari. Ayoko sa lahat ay ang marahas sa pakikipagtalik. Gusto kong ninanamnam ng katawan nila ang bawat indayog sa tugtog ng romansa.

            Nang makapasok ay marahan kong hinugot ang pag-aari ko at saka ibinalik ulit sa loob. Kita ko ang bawat pag-igtad ng kanyang katawan at paghingi niya ng saklolo.

            "Fuck me... Harder..." sumamo niya. Inabot ko ang kanyang mukha at siniil siya ng halik. Kasabay no'n ay ang mabilis na paglabas-masok ko sa kanyang yungib.

            Malalakas na pagtatama ng aming mga katawan at ungol ang nangibabaw nang gabing iyon. Dalawang lalaki na magkaiba ang rason pero pinagtagpo ng tawag ng laman.

            Napuno ang katawan namin ng mga butil ng pawis dahil sa makamundong pagnanasa. Hindi namin alam kung gaano kami tatagal pero ni isa ay walang gustong tumigil dahil sa sarap na dulot nito.

            Mayamaya lang ay humiga ako at saka niya inupuan ang aking pag-aari habang nakatapat sa akin. Kita ko ang pag-angat ng kanyang ulo nang tuluyang pumasok sa kanya ang pag-aari ko. Nag-angat-baba siya nang katawan habang nakaluhod.

            Sa tuwing mauupo siya ay wala siyang itinitirang bakas ng aking pag-aari. Ramdam ko ang pagsakop niya no'n sa buo niyang katawan. Habang tumatagal ay nagiging madali para sa akin ang pasukin ang kanyang butas.

            Naramdaman ko ang pangangalay ng kanyang tuhod. Hinawakan ko siya sa balakang at iniangat nang bahagya. Kasunod no'n ay walang habas iniangat-baba ang aking baywang, sakto lang para makapasok.

            Sa sandaling 'yun, hinawakan niya ang kanyang pag-aari at pinaglaruan. Palakas nang palakas ang kanyang ungol sa bawat pagpisil na kanyang ginagawa. Hindi naman ako tumigil sa pagtaas-baba ng aking baywang.

            "Oh, shit. Aaahh!" sigaw niya kasabay ang malapot na puting likido na bumuhos sa katawan ko. Ang ilang talsik niyo ay nagkalat sa dibdib at tiyan ko.

            Matapos 'yun ay marahan kong hinugot ang pag-aari ko. Bumaba siya at hinubad ang condom na suot ko. Isinubo niyang muli ang aking pag-aari at mabilis na nagtaas-baba habang patuloy sa paglalaro sa dalawang bolang nasa ibaba no'n.

            Hinawakan ko siya sa ulo at ibinabaon ang kanyang bibig hanggang sa dulo.

            Nararamdaman ko ang papataas na libido sa katawan ko. May kung ano ang namumuo sa loob ko na gustong kumawala. Mas binilisan ko pa ang pagbaba ng kanyang ulo hanggang sa maramdaman ko ang papalabas na likido.

            Tumayo ako at hinugot ang pag-aari sa kanyang bibig. Mabilis kong tinaas-baba ang aking pag-aari gamit ang kamay hanggang sa lumabas ang malapot at mainit na likido na bumuhos sa kanyang mukha habang sinasalo ng kanyang dila.

            "Aaaahh," sigaw ko. Sinalok niya gamit ng daliri ang ilang kumalat na likido sa mukha at saka nilunok.

            Pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko nang mga sandaling iyon. Marahil ay dala na rin ng sobrang pagod kaya naubos ang lakas ko.

            Bagsak akong napahiga sa kama. Tumabi naman siya sa akin habang nakasalo ang kanang kamay sa ulo at ang isa naman ay nakayakap sa akin. Kita kong nakatingin siya sa akin kahit hindi ako direktang nakatingin.

            Himunga siya nang malalim at saka nagtanong.

            "By the way, ano palang pangalan mo?" tanong niya.

CHAPTER V: Henry

CHAPTER V: Henry

          “Kian,” pagsisinungaling ko habang hindi siya tinitingnan sa mga mata.

Ngumiti siya nang bahagya at saka kinuha ang isang kaha ng sigarilyo. Kumuha siya ng isa roon at sinindihan. Humihithit siya at saka niya pinakawalan ang usok mula rito. Kalmado siya habang tinatanaw ang mga nagkalat na usok sa kwarto.

“Alam ko namang hindi mo sasabihin ang tunay mong pangalan sa akin,” aniya na patuloy pa rin sa paninigarilyo.

Naamoy niya siguro na nagsisinungaling lang ako. Hindi ko rin naman kailangang sabihin sa kanya ang tunay kong pangalan.

Naalala kong sinabi sa akin ni Emil na huwag kong ibibigay ang tunay kong pangalan sa kahit na sinong makakasiping ko. Kapag raw ibinigay ko, hinahayaan ko silang maging pag-aari nila ako. Sa tuwing aalamin nila ang tunay mong pagkatao, unti-unti mo na ring ibinibigay ang sarili mo.

Sa kabilang banda, pagkatapos naman nito, kung magkataong magtagpo ang mga landas namin sa kahabaan ng kalsada, aarte kaming hindi namin kilala ang isa’t-isa. Isang makasalanang pagnanasa lang ang nagbubuklod sa amin. ’Yun lang at hanggang doon lang.

“I’m Andrew,” wika niya at saka inabot ang kamay ko para makipagkamay. Hindi ako sigurado sa gusto niyang sabihin pero inabot ko pa rin. “Gusto kong malaman ng lahat nang naka-sex ko ang tunay kong pangalan. Gusto ko kasing maalala niyo ang isang gaya ko na walang ginawa kundi ang sirain ang buhay niya. Nasa akin na ang lahat pero wala, sinayang ko lang,” natatawa niyang sabi.

Sa bawat ngiti niyang iyon, alam kong nasasaktan siya. Ngiti na hindi kailanman makakapawi sa sakit na nararamdaman niya.

“Kung anuman ang nangyayari sa ’yo ngayon, sana makuha mo ang tamang sagot sa lahat,” saad ko. Hindi ko man magawang magpayo sa kanya, kahit hiling na lang na maging maayos siya ay siguro sasapat na.

Hindi rin nagtagal ay umalis din ako matapos niyang ibigay ang bayad. Halos mag-a-alas diyes na nang gabi. Gano’n pa rin ang dami ng sasakyan sa kalsada. Punuan pa rin ang mga pampublikong sasakyan.

Wala na talagang pag-asa ang Pilipinas sa isip-isip ko.

Naisipan ko na lang na maglakad-lakad muna hanggang sa makasakay. Hindi naman ganoon kadilim ang kalsada dahil sa tanglaw ng mga ilaw sa poste. May ilan din akong kasabay sa paglalakad kaya hindi ko alintana ang masasamang loob sa paligid.

Natigilan ako sa paglalakad nang matapat ako sa isang bar. Hindi rin kasi ako madalas bumabiyahe papuntang Alabang kaya hindi ako pamilyar sa mga bagong establisyimento rito.

“Black Pegasus,” basa ko sa karatulang nasa labas ng bar. Walang mga babaeng nasa labas na nag-aalok ng extra service kaya hindi ako sigurado kung isa lang ba itong bahay paligayahan.

Nagsimula ulit akong maglakad nang may madapuan ang mata ko na isang lalaki sa gilid habang patuloy sa paninigarilyo. Malayo ang tingin niya na tila may iniisip.

Napalunok ako ng laway habang nangangatog ang mga binti. Pamilyar sa akin ang lalaking iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit sabihing dalawang taon nang huli kaming magkita, hindi naman ganoon nagbago ang kanyang mukha.

Naaalala ko pa kung paano niya ako titigan na tila nanduduro. Simula no’n ay ikinahiya ko na ang sarili ko. Siya lang ang taong tanging naniwala sa akin pero sinira ko.

Gusto ko siyang lapitan pero natatakot ako sa pwedeng mangyari. Paano kung itakwil na naman niya ako at tapunan ng tingin na animo’y nandidiri? Sapat na rin siguro na alam kong nakalaya na siya sa kulungan.

Mariin kong ikinuyom ang kamao ko at saka huminga nang malalim.

“Magkikita pa tayo ulit,” bulong ko sa hangin at nagpatuloy muli sa paglalakad.


Ilang minuto rin ang nakalipas bago ako nakauwi. Masakit na ang buo kong katawan dahil sa maghapon na trabaho. Pakiramdam ko ay kakalas na ang mga buto ko sa katawan dahil sa kirot. Idagdag pa ang sakit ng ulo dahil sa ilang baso ng alak na nainom ko kanina.

“Nandito na ako,” bati ko nang makapasok sa bahay.

Patay ang ilaw sa sala at tanging liwanag lang mula sa telebisyon ang pinagkukunan ng tanglaw.

Mabilis na hinanap ng mata ko si Emil. Napansin kong nakaupo sa sofa si Emil habang abala sa pinanunuod sa telebisyon.

“Nanunuod ka na naman ng porn?” dismaya kong sabi.

Wala siyang suot pang-ibaba habang patuloy sa pagtaas-baba ng kanyang pag-aari. Isang amateur porn video ang kasalukuyan niyang pinapanuod. Walang ibang ginawa ang nasa video kung hindi ang magsiungol sa kalaswaang ginagawa.

“Samahan mo ako rito,” pag-aalok niya at saka umusog nang kaunti para bigyan ako ng pwesto. “Bwiset kasi ’tong kliyente ko kanina. Pagkatapos labasan, iniwan ba naman ako?! Tangina lang. Sumakit tuloy pantog ko,” reklamo niya.

Natawa na lang ako sa turan niya. “Hindi na. Kaya mo na ’yan. Gusto ko nang magpahinga,” saad ko.

Dumiretso ako sa kwarto at iniwan siya. Inilapag ko ang mga gamit ko sa gilid ng kama at saka hinubad ang mga suot ko at iniwang tanging panloob pang-ibaba lang ang saplot.

Tumihaya ako sa pagkakahiga at tumingala sa kisame. Naaalala ko pa rin ang mukha niya. Gusto ko siyang yakapin ulit pero ramdam ko ang pagkasuklam niya sa akin nang araw na iyon.

Hindi ko namalayang unti-unti na rin palang bumabagsak ang luha ko. Naninikip na naman ang dibdib ko sa pag-iisip sa kanya. Walang gabi na hindi ko siya naaalala. Sinisisi ko ang sarili ko sa kahinaan ko. Kung nakaya ko lang sanang maging malakas nang panahong ’yun, siguro dalawang buhay ang nailigtas ko.

Sana buhay pa si Mama… At sana, magkasama pa tayong dalawa…

Suntok na nga lang ba sa buwan na patawarin mo ako sa mga naging kasalanan ko? Kahit ano, gagawin ko, mapatawad niya lang akong muli. ’Yun lang, sapat na sa akin para makahinga.

“Henry…” wika ko sa gitna ng mga luhang patuloy sa pag-agos dahil sa kalungkutan.

CHAPTER VI: Scandal

CHAPTER VI: Scandal

          Nasa gymnasium kami nang mga sandaling iyon, nagpapalipas ng oras habang hinihintay ang susunod na subject. Ito lang kasi ang tanging may lilim pagsapit ng tanghali maliban sa library kaya madalas puno rin dito ng mga estudyante.

            "Nakita mo na ba 'to?" tanong sa akin ni Arjay, kaklase ko sa subject na Financial Management. Abala siyang tinitingnan ang kanyang cellphone. Kasamang nakikinuod sa kanya si Peter na hindi ko masiguro kung anong ekspresyon sa mukha ang mayroon.

            "May panibago na naman palang scandal, ah?" saad ni Peter.

            Dahil sa kuryosidad, tumayo ako sa pagkakaupo at saka tinabihan sila sa panunuod. Isang malaswang video ang kasalukuyang pinapanuod ng dalawa. Pero ang higit na nakapukaw ng atensyon ko ay ang makilala ang tao sa naturang video.

            "Si Samuel 'yan, 'di ba? 'Yung higher batch lang sa atin?" nagtataka kong sabi.

            "Hindi ko akalain na bading pala 'yan. Hindi mo na talaga masabi sa panahon ngayon kung sino'ng malamya, e," nailing na sabi ni Peter.

            Mula kasi sa malaswang video na pinapanuod nila, kitang-kita ang pagromansa ni Samuel sa pag-aari ng kasiping niyang lalaki. Maririnig din ang mahihinang ungol nila na dulot ng pagnanasa.

            "Pero hindi ko kilala 'yung kasama niya sa video. Hindi naman kasi nagpapakita ng mukha. Sa tingin niyo, dito rin kaya nag-aaral?" tanong ni Arjay at saka kami tiningnan na parang nanghihingi ng sagot.

            Napailing na lang ako sa pag-iisip. Ano bang nasa isip nila at nagawa pa nilang i-video ang mga sarili nila habang nagsisiping? Laking kahihiyan panigurado sa kanila at sa kanilang pamilya ang eskandalong ito kapag kumalat.

            "Patayin mo na nga 'yan. Nandidiri ako," ani Peter at saka itinaboy sa mukha ang cellphone na parang umaaktong naduduwal. "Hindi ko maatim makipagtalik sa kapwa lalaki."

            Natawa bahagya si Arjay sa turan ni Peter. "Hindi rin naman panigurado maaatim ng mga bading makipagtalik sa 'yo. Sa itsura mo ba namang 'yan, may magtatangka ba? Kahit siguro lasing, magigising sa katotohanan kapag ikaw 'yung nakasama nila sa kama," pagbibiro ni Arjay na sinabayan nang malakas na tawa.

            "Maganda naman katawan ko, no'?" batong sagot ni Peter at saka ipinakita ang pinaghirapang hubog ng katawan.

            "Tawag sa 'yo, hipon! Kain katawan, tapon ulo!" dagdag na pang-aasar ni Arjay sa kaibigan.

            Napakamot na lang ako ng ulo. Hindi ko maisip kung ano'ng magiging reaksyon nila sa sandaling malaman nila ang 

part time job ko. Maswerte sila at hindi nila kailangang gawin ang pinandidirihan nilang bagay para lang may makain araw-araw.

            "Eh, ikaw nga pinagpalit kasi mabilis kang labasan!" pang-aasar ni Peter. Nakita kong nagpalinga-linga si Arjay, nagbabaka-sakali kung may nakarinig sa sinabi ni Peter. Pansin ko ang biglang pamumula ng kanyang mukha dahil sa kahihiyan.

            Sa sandaling iyon, pumagitna na ako sa kanilang dalawa. "Teka lang. Baka magkapikunan na kayong dalawa n'yan. Anong oras na rin? Bumalik na tayo sa room," suhestyon ko.

            Ganito naman silang laging dalawa. Mag-aasaran, magkakapikunan pero magkakabati rin mayamaya. Hindi ko tuloy alam kung tagapamagitan lang talaga ang silbi ko sa pagkakaibigan namin.

            Maaga na namang natapos ang klase. May oras pa ako para makapagpahinga dito sa coffee shop. Tulad pa rin ng dati, may mangilan-ngilang nasa loob na ng shop ng ganitong oras, busy sa mga kanya-kanya nilang gawain.

            Minsan ay napapaisip ako kung buhay pa siguro si Mama, makikita rin nila ako panigurado sa coffee shop na nag-aaral. Hindi sa bahay pagkatapos ng nakakapagod na araw galing sa trabaho.

            "Maaga ka 'ata ngayon?" tanong sa akin ni Jeff habang binibilang ang mga perang nasa kaha.

            Napakamot ako ng ulo. "'Yung professor ko sa last subject, nagbigay na lang ng gawain para maaga raw kaming i-dismiss. Reasons," dismaya kong sabi. "Kaya pagdating ng exams, gulat kaming lahat sa mga tanong, e. Hindi man lang namin alam kung saan napulot 'yung mga tanong."

            "Ganoon ba? Eh, masasanay ka rin. Ganyan talaga sa college. Mag-self study ka na lang. O kaya minsan mag-invite ka ng mga kaklase mo rito. May ilan din dito na naggu-group study," kwento niya.

            Napailing ako. "Hindi ako naniniwala sa group study. Mas maigi pa ngang mag-self study na lang ako," saad ko.

            "Kailangan mo ba ng tulong?" Napalinga ako sa taong nagsalita. 

            Si Dan. 

            Marahil dahil sa abala kami ni Jeff sa pag-uusap, hindi ko na nagawang mapansin ang pagdating niya. Hindi siya nakasuot ng uniporme. Naka-formal attire siya na lalong nagpalutang ng estado niya sa buhay.

            "Ah, hindi... Hindi naman," maikli kong sagot kahit na nahihiya.

            "Huwag kang mag-alala. Mababait naman kami ng mga kasama ko. Ang totoo nga n'yan ay mayroon kaming group study sa Linggo," pag-aalok niya.

            "Nakakahiya rin kasi baka iba ang course ko sa inyo," pagdadahilan ko.

            "B.A. student ka, 'di ba?" aniya na tila nanghuhula. Hindi. Hindi siya nanghuhula. Alam niya kung ano ang course ko. Sinusundan ba ako nito?

            "A-Ahh... Oo. Pa'no mo nalaman?" tanong ko.

            "Paano nga ba?" tanong niya at saka nag-isip. "Tama! Naaalala ko na. Narinig ko kasi kayo ng isang customer na nag-uusap sa accounting subject. Nasabi mo kasing nahihirapan ka dahil wala lagi ang professor mo. Madalas naman kasi B.A. student lang ang may accounting subject. Tama lang din dahil B.A. student ako. Kahit magkaiba tayo ng major, for sure, may magkapareho tayong subject."

            Napatango na lang ako sa mga sinabi niya. Kung madalas siyang nakikinig sa mga pinag-uusapan ko, marami talaga siyang malalaman tungkol sa akin. Pero duda pa rin ako. Hindi ko alam kung hanggang saan na ang nalalaman niya tungkol sa akin.

            "So, sasama ka na ba?" pagpilit niya pa rin.

            "Pag-iisipan ko," mariin kong sagot.

            "Sabagay. May tatlong araw ka pa para mag-isip. Kung sakaling maisipan mong pumunta, ito nga pala ang address namin," aniya at saka kumuha ng ballpen at papel para ibigay ang address ng tirahan nila.

            "By the way, Jeff, isang iced coffee," aniya at saka ibinalik ulit ang atensyon sa akin matapos iabot ang bayad. "Try mo lang pumunta. Mas masaya kasi kapag marami," wika at saka ngumisi matapos sabihin ang huling linya.

            "Here's your iced coffee," singit ni Jeff at saka inabot ang order ni Dan.

            Hindi na nagsalita si Dan bagkus ay nag-iwan siya ng nakalolokong ngiti bago umalis sa shop. Naiwan naman akong nagtataka sa mga sinabi niya habang tinitingnan ang kapirasong papel na may sulat ng address niya.

            "Duda ako sa kilos niya, Michael. Parang kursunada ka, e. Ang lagkit ng tingin sa 'yo. Kung ice cream ka lang, tunaw ka na," pagbibiro ni Jeff.

            Mahinang napasuntok naman ako sa braso niya. "Tungaw! Hindi naman siguro. Baka gusto lang akong tulungan," pagpipilit ko.

            "Tama nga akong isa kang ice cream. Isa kang ice cream na gusto niyang dilaan," pang-aasar niya at saka natawa.

            Napailing na lang at saka tumawa. Ayokong mag-isip ng iba pero iba talaga ang nararamdaman ko sa tuwing kikilos siya. Ano kaya talagang balak niya?

CHAPTER VII: Bonded by Blood

CHAPTER VII: Bonded by Blood

          Sabado ng umaga. Makulimlim ang kalangitan na tila nagbabadya ng malakas na ulan. Hindi man ganoon kalakas ang simoy ng hangin, naaamoy ko ang alimuong na tila bumagsak na ang ulan sa ibang lugar malapit sa amin.

            "Maaabutan pa nga 'ata ng ulan. Malas talaga," iritable kong sabi habang nakatingin sa maitim na langit. "Punyeta talaga 'to si Emil, e. Hindi man lang tumulong sa pamamalengke. Kung hindi lang talaga libre ang pagtira ko sa kanila, magrereklamo talaga ako, e."

            Bitbit ang ilang pinamalengkian, binaybay ko ang kanto sa amin. Mahal din kasi ang singil kapag special trip ang sinakyan kong tricycle papasok sa subdivision lalo na't nagtitipid ako. Iniisip ko na lang na ehersisyo itong ginagawa ko. Pampalubag-loob man lang sa mga paa kong pagod.

            Bagsak ang balikat, tagaktak ang pawis, binuksan ko ang pinto. Hindi ko pa man nahahabol ang hininga ko, pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko hanggang sa ulo.

            "Bakit nandito ka?!" galit kong tanong. "'Di ba, sinabi ko na Emil na ayaw kong nakikita ang taong 'yan?" 

            Hindi ko pa man nailalapag sa kusina ang mga pinamili ko, mabilis akong lumapit sa lalaking nakaupo sa sofa at saka tinapunan siya ng masamang tingin.

            "Makinig ka muna sa sasabihin ng tatay mo, Michael. Baka magbago ang isip mo tungkol sa kanya," pagpilit sa akin ni Emil.

            Pero nilalamon na ako ng galit sa puso ko. Hindi ko maatim na tingnan o kausapin man lang siya. Bingi ang mga tainga ko sa mga gusto niyang sabihin na pawang mga kasinungalingan naman.

            "Umalis ka na... Umalis ka na..." saad ko habang nakatiim-bagang, pinipigilan ang sarili sa pwede ng mangyari. "Umalis ka na habang alam ko pa ang ginagawa ko. Dahil kapag nagdilim ang paningin ko, baka hindi ko na alam ang p'wede kong gawin sa 'yo."

            "Anak... Nagbago na ako," aniya na parang nagpapaawa. Tuluyang bumagsak ang mga luha niya pero hindi ko 'yun inintindi. Kulang pa ang luha niyang iyan sa lahat ng pinaghirapan ko dahil sa kanya.

            "Araw-araw akong binabangungot ng ginawa ko sa inyo ng Mama mo. Pinagsisisihan ko na iyon. Umuwi ka na, pakiusap," pagpupumilit niya at saka lumuhod habang patuloy sa pag-iyak. Inabot niya ang kamay ko na tila nanghihingi ng kapatawaran.

            "Gusto kong makumpleto tayo. Gusto kong maging pamilya ulit tayo," dagdag pa niya.

            Tila nagpantig ang tainga ko sa huli niyang sinabi. Tama ba ako? Pamilya?

            "Seryoso ka ba r'yan? Pamilya? Mabuo? Nagpapatawa ka ba? Patay na si Mama!" mariin kong bigkas sa huling linya para tumatak sa isip niya na hindi na kailanman kami mabubuo dahil sa kanya. "Hindi ka na ba masaya sa pamilyang ipinalit mo sa amin kaya bumabalik ka sa akin? P'wes! Wala ka ng babalikan dahil matagal ka ng patay para sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit nag-aaksaya ka pa ng oras para puntahan ako at pilitin na umuwi," galit kong sabi sa kanya habang nakakuyom ang mga kamay.

            Patuloy lang siya sa pag-iyak. May parte ng puso ko ang kumikirot sa tuwing nakikita siyang umiiyak. Marahil ay dahil magulang ko pa rin siya at siya lang ang tanging mayroon ako. Pero kung titimbangin ang lahat ng pagkukulang niya bilang ama sa akin, kulang pa pati ang buhay niya bilang kabayaran.

            "Patawarin mo na ako," pagmamakaawa niya sa gitna ng kanyang paghagulgol.

            "Puntod na lang ang kulang sa 'yo pero patay ka na para sa akin," mariin kong sabi. 

            Naglakad ako papuntang pinto at saka itinuro ang labas. "Makakalabas ka na. Natuto na akong mag-isa. Hindi ko na kailangan ng tulong mo."

            Tumayo siya at saka kinuha ang mga gamit niya. Nagpahid siya ng mga luha at saka lumapit sa akin.

            "Babalik ulit ako sa susunod na linggo. Sana sa pagkakataong 'yun, magawa mo na akong patawarin," garalgal niyang sabi at saka dumiretso palabas ng bahay.

            Habang naglalakad siya palayo, hindi ko na napigilang ilabas ang mga luhang kanina pang gustong tumulo dala ng matinding emosyon. Sa tuwing nakikita ko siya, pinapaalala lang nito ang lahat ng sakit na dinanas ko na gusto ko nang kalimutan.

            Napaluhod ako at napakapit sa hawakan ng pinto. Takip-takip ang mukha ng isang kamay, nagpatuloy lang sa pagbagsak ang mga luha ko. 

            Lumapit sa akin si Emil at saka tinapik ako sa ulo. Nagpahid muna ako ng luha bago siya tiningnan sa mata.

            "Hiwalay na sila ng asawa niya. Pangalawang asawa pala to be exact. Iniwan siya sa hindi ko alam na dahilan. Akala ko ay ikwikwento niya sa 'yo para magpaawa," aniya at saka nagpakawala nang malalim na paghinga.

            "Ano namang paki ko?" tanong ko na tila walang pakialam sa sasabihin niya.

            Napakamot siya ng ulo. "Hindi ko sure kung dapat ko ba sabihin sa 'yo. Bahala ka na kung may paki ka," saad niya at saka napahilamos ng mukha. "Kinakabahan kasi ako sa kilos ng tatay mo. Mukha naman siyang sincere sa mga sinabi niya kanina pero kung iisipin, parehas na lang kayo ng sitwasyon ngayon – parehong miserable. Ang pinagkaiba lang, mas mahina siya," dagdag pa niya at saka naupo sa tabi ko habang nakasandal sa dingding.

            Hindi ko alam kung saan patungo ang kwento niya pero nagulat ako sa sarili ko na interesadong nakikinig, nag-aabang pa sa sasabihin niya.

            "Siya na lang ang mayroon ka. Sa estado niyang iyon, may tiyansang magpakamatay siya na sa tingin ko ay ikaw lang ang may kakayahang pumigil," paglalahad niya.

            Sa mga nagdaang araw nang pagpunta niya, kapansin-pansin ang pagpayat ng kanyang katawan. Hindi na rin niya nagagawang ayusin ang kanyang sarili. Kita ring bagsak na ang kanyang mga mata dahil sa nangingitim na ilalim nito.

            "Kung mapapansin mo ang itsura niya, hindi na tulad ng dati. Senyales na wala na siyang paki sa mundo maliban sa ang mapatawad mo. Pag-isipan mo ang mga sinabi ko. Minsan ka ng nawalan ng ina kaya alam mo ang pakiramdam mawalan ng mahal sa buhay," turan niya at saka tumayo, bitbit ang mga pinamili ko.

            Naiwan lang akong nakaluhod habang mataimtim na iniisip ang lahat ng sinabi niyang iyon. Totoong galit ako sa tatay ko dahil sa pag-iwan niya sa amin ng nanay ko. Nang dahil doon, iba't-ibang paghihirap na ang dinanas ko na 'di naglaon ay nagbunga ng poot at pagkasuklam.

            Sa kabilang banda, hindi ko na rin maalala kung paano alagaan ng isang ama. Hindi ko alam kung tama bang sabihin na nangungulila ako pero masarap isipin na may handa pang magsakripsyo para sa akin.

            Sa paglipas kasi ng mga araw, nasasanay na ako at nakakalimot. Marami akong natutunan pero marami rin akong naramdamang sakit at pagod. Tumatanda na ako, nakakaunawa at nakakaintindi. Maiksi ang buhay para sa poot. Pwedeng bilang na lang ang araw ko at ang sa kanya. 

            Tumayo akong nakangiti. "Nakapagdesisyon na ako," bulong ko sa hangin.

CHAPTER VIII: Nightmare

CHAPTER VIII: Nightmare

          Tanghaling-tapat. Ramdam ko ang pangingirot ng ulo ko. Marahil ay dahil kulang sa tulog kaya binabawian ako ng katawan ko. Hindi ko magawang makapag-focus dahil parang gumagalaw ang paligid ko. Sa tuwing gagalaw ako, pakiramdam ko ay babagsak ako.

Nalipasan na rin ako ng gutom dahil sa tuwing susubo ako, nawawalan ako ng gana. Lagi siyang dumadaan sa utak ko.

Patapos naman na ang klase at may natitira pang tatlong oras bago ang shift ko. Makikiusap na lang muna siguro ako kay Jeff na kung pwede ay sakupin ng shift niya ang unang oras ko. Mabait naman ’yon kaya sigurado akong maiintindihan niya ang sitwasyon ko.

Tatlong araw na ang nakalilipas pero patuloy pa rin akong binabangungot ng nakaraan ko. Hindi na ako madalas managinip nang masasama pero parang bumalik nang makita ko ang ama ko.

Sa panaginip ko, hinahabol ako ng masasamang tao. Marami sila na hindi ko mabilang sa daliri. Hindi ko alam kung bakit pero tumatakbo lang ako. Takbo nang takbo. Walang kapaguran. Hindi ko rin sila kilala dahil kapwa silang walang mga mukha pero umiiyak lang ako habang tumatakbo. Sa oras na maabutan nila ako ay saka ako nagigising hanggang sa hindi na ako makatulog muli.

Marahil dahil sa matinding galit ko, maraming napasok sa isip ko. Pero sa tingin ko, tama lang din ang nararamdaman ko. Lahat ng kung sinuman ang mapunta sa posisyon ko, ganoon din siguro ang mararamdaman.

Poot at galit.

Minsan, higit pa roon.

“Michael? Hoy, Michael!” tawag sa akin ni Peter habang tinatapik ako sa balikat.

Napatingin ako sa kanya at doon pa lamang ako bumalik sa ulirat.

“B-Bakit?” tanong ko habang nagtatakang tinitingnan sila ni Arjay.

Napakamot ng ulo si Arjay. “Kanina ka pa kaya namin tinatawag. Wala ka na naman sa sarili. Ang lalim naman ’yata niyang nasa isip mo. Ano bang iniisip mo?”

Umiling ako at saka bahagyang ngumisi.

“Uy! Teka lang! Kung pera ’yan, wala akong mapapahiram sa ’yo,” mariing singit ni Arjay at saka umatras nang kaunti.

“Siraulo! Alam ko namang wala kang pera. Baka mas maniwala pa ako kapag si Peter ang nagpahiram sa akin. Sa oras na mangailangan ako, ikaw ang huli kong lalapitan,” pang-aasar ko.

Nagkibit-balikat lang si Arjay. “Hintayin niyo lang talagang yumaman ako. Akala niyo talaga,” pagmamalaki niya.

“Pero ano bang iniisip mo? Para kasing nasa alapaap ang utak mo,” pagtataka ni Peter.

Umiling muli ako. “Wala ito. Wala lang kasi akong tulog na maayos nang mga nakaraang gabi,” saad ko at saka nangusot ng mga mata.

“Aha! Sinasabi ko na nga ba, e. Matagal na talaga akong nagdududa sa ’yo, e,” bulalas ni Arjay at saka tiningnan ako na tila nag-iimbestiga.

“Ano ba ’yon?” kunot-noo kong tanong.

“Aminin mo na kasi. Callboy ka, no’?” aniya at saka tinapunan ako ng tingin.

“H-Ha! Pinagsasabi mo? Hindi, no’,” pagtanggi ko. “S-Saan mo naman n-nakuha ’yan? Baliw ka talaga.”

Napakamot naman siya ng ulo. “Wala lang. Hula ko lang. Sabi mo kasi puyat ka ng mga nakaraang gabi. Sino bang madalas ang dilat tuwing gabi? Hindi ka naman call center agent para mapuyat kaya malamang callboy ka,” giit ni Arjay.

“Bakit? Ikaw nga, hindi ka naman call boy or call center agent pero lagi kang puyat. Puro ka kasi Tinder nang Tinder. Pinuyat pero hindi pinili,” pang-aalaska ni Peter.

Natawa naman ako sa sinabi niya. “Hoy! Nagsisimula na naman kayong dalawa, e. Hindi na muna ako sasama sa inyong dalawa. Tatambay na lang muna ako sa library. Iidlip lang ako saglit,” ani ko.

“Ayaw mo bang samahan ka namin? Para may back-up ka kapag sinita ka ng librarian?” tanong ni Arjay.

Umiling ako bilang pagtanggi. “Hindi na. Paniguradong mag-aaway lang kayo sa tabi ko. Mas okay nang mag-isa na lang ako para hindi maistorbo.”

“Grabe naman ’yun. Para namng sinabi mong maingay kami ni Peter. Pero sige. Tawagan mo lang kami kapag kailangan mo ng back-up. Matandang dalaga pa naman ang librarian natin. Masungit ’yun panigurado,” aniya at saka lumapit sa akin na tila may ibubulong. “Saka menopause na. Patay ka ro’n,” mahina niyang sabi.

“Loko ka. Sige na. Mauna na ako,” paalam ko. Kumaway lang ako sa kanila bago ko sila iniwan.

Mabilis akong naglakad papuntang library. Hindi ko na rin kasi mapigilan ’tong hilo ko. Kung tutuusin, hindi ko alam kung paanong nagagawa pa ng katawan ko ang tumayo. Kailangan ko na makarating sa library at makatulog.

Mariin kong ipinipikit ang mga mata ko na animo’y sa tuwing ididilat ko ay iba na ang nakikita. Pakiramdam ko tuloy, naglalakad ako habang tulog. Hindi ko na alintana kung may makabangga ako sa hallway.

Isa pang hakbang. Malapit na ako.

Pero parang bumibigat ang katawan ko lalo. Gusto ko nang magpahinga. Gusto ko nang matulog. Hindi na kaya pa ng katawan ko ang maglakad.

Nakita kong nagbukas ang pinto ng library. May isa… o dalawa. Hindi. Tatlong estudyante ang lumabas. Iba ang suot nilang uniporme. Hindi ko masyadong makita ang mukha nila dahil nanlalabo na ang paningin ko.

“Okay ka lang?” narinig kong sabi no’ng isa.

Hinawakan niya ako sa balikat. Sa pagkakataong ’yun, bumigay na ang katawan ko. Kung hindi niya siguro ako hinawakan doon ay tumumba na ako.

“Gusto ko nang matulog,” bulong ko.

Kahit malabo ang nakikita ko, nakita kong hinawakan pa ako no’ng dalawa pang kasama niya sa braso para alalayan.

“Dalhin na natin siya sa nurse station,” sambit pa niya.

Hindi ko na makita nang maayos ang paligid. Lahat, malabo. Hanggang sa wala na akong makita sa kanila. Hindi ko na rin alam kung saan nila ako dadalhin. Basta ang alam ko, buhat lang nila ako.

Gusto ko lang magpahinga. ’Yun lang. Dahil pagod na ako. Pagod na pagod.

CHAPTER IX: What Is Your Intention?

CHAPTER IX: What Is Your Intention?

          “MA! NASAAN KA, MA?!” sigaw ko sa gitna ng kawalan. Iginala ko ang tingin ko pero wala akong makita. Umuugong lang ang mga sigaw ko sa hindi ko malamang distansya. Marahil ay sa hanggang kawalan.

            Mugto na ang mga mata ko sa kaiiyak. Hindi ako sanay maiwang mag-isa. Ni anino ng taong maaari kong malapitan ay hindi ko makita. Gusto kong kumapit kahit kanino dahil natatatakot na ako.

            Nangangamba at tuliro.

            Nasaan ba ako? Bakit parang ako lang mag-isa?

            Mayamaya lang ay nakarinig ako ng mga yabag ng paa. Dumadagundong iyon sa tuwing iaapak nila sa lupa. Nakakagitla kung tutuusin dahil sa bigat ng kanilang paglalakad.

            "Sumama ka sa amin, Michael," rinig kong sambit nila sa gitna ng kawalan. Hinanap ko kung kanino ang boses na iyon pero wala akong makita.

            Nagsunod-sunod ang pagtawag nila sa ngalan ko. Bumibilis at lumalakas ang bawat bigkas nila. Nakakarindi sa tainga. Tila pinupunit nito ang kaloob-looban ko dahil sa lakas. 

            Hawak-hawak ang magkabilang tainga, napaluhod ako sa kirot. Parang nanunuot hanggang sa utak ko ang mga bigkas nila.

            Ayokong sumama. Hindi ko sila kilala.

            "Lubayan niyo ako! Umalis na kayo!" galit kong sabi. 

            "Ma! Tulungan mo ako." Muli, bumagsak ang mga luha ko. Nakaramdam ako ng takot sa pag-iisa. Hindi ako sigurado sa sarili kong seguridad dahil ako lang mag-isa. Walang handang tumulong. 

            "Ano bang ginawa ko sa inyo?! Iwanan niyo na ako!" pagsusumamo ko. Pero sa tuwing nakakaramdam ako ng takot, lalo silang nagpupursigi. Tila ikinatutuwa nila ang panginginig ng katawan ko.

            "Umalis na kayo!" sigaw kong muli at saka napatayo. 

            Nagdilat ako ng mga mata. Muli kong iginala ang aking tingin at natagpuan ang sarili sa isang kwarto. Medyo madilim ang kwarto dahil sa iisang ilaw lang ang nakabukas.

            Gabi na. Hinawakan ko ang mga mata ko. May mga kapirasong butil ng luha na marahil ay dahil sa nangyari kanina.

            Panaginip? Oo. 'Yun na naman. Bumabalik na naman ang lahat. Hinahabol ako ng mga kasalanan ko hanggang sa panaginip. Nilulunod nila ako sa takot hanggang sa hindi ko na kayang makaahon.

            Napahawak ako sa ulo ko. "Oh shit!" bulalas ko nang makabalik sa ulirat. "Patay ako. 'Yung shift ko pala. Anong oras na?!" natataranta kong sabi.

            "Gising ka na pala," ani ng lalaking biglang sumulpot sa harapan ko. Tiningnan ko siya sa mukha at agad na nabigla nang makilala kung sino siya.

            "Dan? B-Bakit nandito ka?" nahihiyang tanong ko.

            "Nawalan ka ng malay kanina habang papunta sa library. Luckily, nakasalubong ka namin ng classmates ko bago ka tumumba kaya dinala ka na rin namin dito sa nurse station," paliwanag niya.

            Doon ko lang napagtanto kung nasaan ako. Siguro sa sobrang sama na ng pakiramdam ko kanina, tuluyan nang bumigay ang katawan ko. Hindi pa rin gano'n kalinaw ang pagproseso ko sa paligid pero sapat na rin ang naipon kong lakas para makauwi.

            "Don't push yourself. Magpahinga ka lang muna. Hindi ka naman sisingilin ng school sa pag-stay mo dito," suhestyon niya nang akma ko nang kukunin ang bag ko.

            "Hindi mo naiintindihan. Kailangan kong –"

            "Don't worry. I already called Jeff na hindi ka makakarating sa duty mo dahil nasa nurse station ka. Nasabi ko na rin kung ano ang nangyari sa 'yo. Sinabi naman niyang magpahinga ka lang dahil may iba namang pwedeng sumalo sa shift mo," singit niya kaya hindi ko na rin nagawang tapusin ang sasabihin ko.

            Nakatayo lang siya sa harapan ko, pinagmamasdan ako. Wala siyang ibang ginagawa pero hindi ako mapakali sa tuwing tititigan niya ako. Parang may kung ano sa kanyang mga tingin na nag-aalangan ako na kumilos sa harapan niya.

            "Salamat," maikling sambit ko. Hindi ko rin sigurado kung ano bang dapat kong sabihin sa harapan niya. Wala naman akong perang pwedeng ialok sa kanya para sa ginawa niyang tulong.

            "You're welcome," sagot niya.

            Sa tuwing nanakaw ako ng tingin sa kanya, hindi niya inaalis ang mga mata niya sa akin. Lalo tuloy akong hindi makakilos nang maayos dahil sa kanya.

            "Ahm, pwede ka na palang umuwi. Kaya ko na 'to," wika ko.

            "No."

            "Ano?"

            "I said no. Dito lang ako. Hindi ka pa ganoon kaayos. Baka ako pa ang masisi kapag nagkataong bumagsak ka ulit sa daan. Kinausap ko na rin naman ang nurse na ako na ang bahala sa 'yo. May pagkain akong binili kanina. Kumain ka na muna. Sabi sa akin ng nurse, baka dahil daw sa gutom kaya ka nahimatay. Okay ka naman kasi nang i-check ka niya kanina," aniya.

            "Thank you pero sa bahay na siguro ako kakain," pagtanggi ko.

            "Is this how you say thank you sa taong tumulong sa 'yo?" mariing sabi niya at saka ngumisi.

            Napabuntong-hininga ako. "Okay. Hindi ko hinihingi ang tulong mo in the first place. Kaya kung humihingi ka ngayon ng utang na loob, sorry. Mali ka ng taong tinulungan. Hindi ko kailangan ng tulong," iritable kong sagot.

            Tumayo ako pero ramdam ko pa rin ang pangingirot ng ulo ko. Sinabayan pa ng pananakit ng tiyan ko dahil marahil sa matinding gutom.

            "Kaya siguro hindi ka sumama sa group study namin dahil sanay kang hindi humihingi ng tulong," wika niya na tila nanghuhuli.

            Ngumisi ako sa turan niya. "Ibang bagay 'yun. Wala 'yung kinalaman dito," giit ko.

            Napakamot siya ng ulo. "Oh, siya! Kumain ka na muna," aniya at saka hinarang sa mukha ko ang isang supot ng pagkain. "Hindi kita sisingilin kung kakainin mo 'yan. Remember, tao ka. Nagugutom din. Hindi ko pa nababawasan 'yan."

            Huminga ako nang malalim at naiilang na inabot ang supot. Puro sandwich ang laman no'n na binili sa kilalang convenience store. Nang pagmasdan ko, saka ko lang naramdaman ang naghihingalo kong tiyan.

            Kumuha ako ng isa at saka ibinalik sa kanya ang supot. "Kumain ka rin muna. Baka hindi ka pa nagdi-dinner," pag-aalok ko.

            Ngumiti siya at inabot mula sa kamay ko ang mga pagkain. Kumuha siya ng upuan at naupo sa tapat ko habang kapwa kami kumakain. Nakalihis lang ang tingin ko sa pader para hindi ko mapansing nakatingin siya sa akin.

            "Baka mabulunan ka n'yan," aniya at saka inabot ang bote ng tubig. Napansin niya sigurong hindi normal ang bawat pagnguya ko sa pagkain. Gusto ko na kasing matapos ito nang makauwi na.

            "Thank you," maikli kong sabi at saka nilagok ang inumin.

            "Huwag kang mahiya sa akin."

            Napakunot ako ng noo. "Bakit mo ba ginagawa 'to sa akin? Hindi naman tayo magkaano-ano? Kung sa iba kasi, paniguradong iniwan na nila ako matapos akong dalhin sa nurse station," pagtataka ko.

            "Kasi gusto kita," aniya at saka ngumiti.

CHAPTER X: Save Me from This Mess

CHAPTER X: Save Me from This Mess

            “Okay ka na ba talaga?” tanong sa akin ni Jeff pagbalik ko sa station matapos kong magbihis para sa shift ko.

            Ngumisi ako sa kanya. "Pangatlong beses mo na 'yang tanong ngayong araw. Okay na talaga ako. Kulang lang daw ako sa kain at tulog. Nakakakain naman na ako nang maayos at saka nakatulog din naman ako nang matiwasay kagabi."

            Tumango-tango siya na tila nakukumbinse. Napabuntong-hininga na lang din ako sa tuwing maaalala ang mga nangyari nang nakaraang araw.

            "Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Tuparin mo muna ang mga pangarap mo. Kung hindi mo kayang balansehin ang mga bagay-bagay, kailangan mong bumitaw sa isa. Kailangan talaga magsakripisyo kung para lang din sa kalusugan mo," paliwanag niya.

            Wala akong naging kapatid. Nag-iisang anak lang ako ng mga magulang ko. Kaya sa tuwing kailangan ko nang matatakbuhan, wala akong malapitan kundi ang mga kaibigan ko lang.

            "Naiintindihan ko. Pero kung hindi ko kasi magsusumikapan, kung hindi ako magdodoble effort, baka maging matagal ang paghihintay ko," wika ko.

            Tinapik niya ako sa balikat at saka ngumiti. "Huwag kang masyadong magmadali. Hindi mo nakukuha ang mga bagay sa mabilisan. Ang bagay na mabilis makuha ay mabilis ring mawawala. Hinay-hinay ka lang sa buhay. Wala ka namang pamilyang binubuhay."

            "Isa na naman ba ito sa words of wisdom mo?" natatawa kong sabi.

            Nabatukan niya ako nang sabihin ko iyon. "Take it from your senior. Totoo 'yung sinasabi ko kaya ikaw," aniya at saka turo sa akin. "Kaya ikaw, huwag mo masyadong pinahihirapan ang sarili mo. Take one step at a time, okay?"

            Tumango ako bilang tugon. Maraming beses na niya akong binigyan ng mga paalala pero madalas ay labas lagi sa kabilang tainga. Pero ngayon, hindi naman siguro kawalan kung maniniwala ako sa kanya.

            "Teka, anong oras na ba?" tanong niya.

            "May isang oras pa bago ang una mong subject," sagot ko.

            "Ganoon ba? Sige, mag-aayos na ako. Ikaw na ang bahala rito," aniya habang tinatapik-tapik ang balikat ko.

            "Kayang-kaya," nagmamalaking sabi ko.

            Matapos 'yon ay dumiretso na si Jeff sa staff room para mag-ayos. Naiwan akong nakatayo sa counter habang nag-aabang ng paparating na customer. 

            Nagpalinga-linga ako upang tanawin ang mga customer na nasa loob.

            "Wala pa siya?" bulong ko sa sarili nang hindi matagpuan ang isang customer na madalas sa ganitong oras ay natambay.

            Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko 'yung mga sinabi niya nang isang gabi. Naguguluhan ako pero higit pa doon, bakit parang kinakabahan ako? Marami namang nagtapat sa akin ng nararamdaman nila pero hindi ganito ang naging epekto sa akin.

            "Gusto ko rin ba siya?" tanong ko sa hangin.

            Imposible. Isang beses lang ako nagmahal at ang isang beses na iyon ay ang huli na rin. Hindi na ako iibig pang muli – delikado at nakakasira ng pagkatao. Ayoko nang maulit pa ang nakaraan kung saan, nasira ko ang buhay ng isang tao.

            Huminga ako nang malalim dahil sa matinding pag-iisip. Kung hindi lang dahil sa pera, sa hirap ng buhay, hindi ko naman gagawin 'yun. Gumuguhit pa rin ang alaalang iyon sa puso ko.

            Mayamaya lang, bumukas ang pinto sa gitna ng aking pagpapalipas oras. Ngumiti ako sa taong pumasok at malugod siyang binati.

            "Welcome," nakangiti kong sabi..

            Unat-unat ang dalawang braso dahil sa pagod, pinatay ko ang ilaw sa loob ng coffee shop matapos maglinis. Madilim na sa labas at mangilan-ngilan na lang rin ang mga sasakyang nasa kalsada.

            Alas-diyes na rin pala nang gabi kaya gano'n. Nasobrahan din naman 'ata ako sa trabaho kaya hindi ko na rin napansin ang paglipas ng oras. Kailangan ko rin kasing bumawi sa mga araw na hindi ko ipinasok. Ngayon pa't nagigipit na naman ako dahil sa dami ng gastusin sa school.

            Isinara ko na ang coffee shop nang mapansing may isang sasakyan na naka-park sa kabilang gusali. Sarado na rin naman ang shop sa tapat no'n at ang nasa paligid nito kasama na ang sa amin. Marahil ay nakiki-park. Pero nasaan naman kaya ang may-ari nito sa ganitong oras?

            Nang simulan kong maglakad, napansin kong nagbukas ang makina ng sasakyan.

            "Nasa loob siguro 'yung may-ari," saad ko sa sarili.

            Nakailang hakbang pa ako nang tumigil bigla sa harapan ko 'yung sasakyan. Nagbaba ito ng bintana pero hindi nito nagawang silipin ako mula sa loob.

            Nagbaba ako ng ulo para tingnan ang nasa loob. Dahil sa gabi na rin, hindi ko magawang maaninag ang mukha niya. Ang tanging napapansin ko lang ay ang kumpas niya ng kamay, nag-aanyaya sa akin na pumasok ako sa loob.

            Hindi ko na nagawang mag-isip nang mabuti at diretsong pumasok sa loob. Marahil isa ito sa mga kakaunting nakakaalam ng sideline ko bilang 'callboy'.

            "Saan tayo?" aniya pero hindi ko pa rin tinitingnan ang mukha niya. Pamilyar ang boses pero hindi ko na masyadong pinansin. 

            Nagkibit-balikat ako. "Ikaw ang bahala."

            Madalas kasi, sila ang pinag-iisip ko ng lugar kung saan kami pupunta. Karaniwan naman ay sa motel kami dumidiretso o sa lugar kung saan walang nakakakilala sa amin. Sila naman ang madalas na nagbabayad ng accommodation.

            Umaalingasaw sa loob ng sasakyan ang suot niyang mamahaling pabango. Doon pa lamang, makikita ko na ang agwat ng estado namin sa buhay.

            "Kumusta pala ang klase?" tanong niya.

            Napakunot ako bigla ng noo sa tanong niyang iyon. Pilit kong inaaninag ang mukha niya. Doon ko lamang napagtanto kung sino siya.

            "Sir Gomez?" bulalas ko.

            "Kanina ka pa nasa sasakyan ko, ngayon mo lang napansin?" nangingisi niyang sabi.

            Napakamot naman ako ng ulo sa sandaling iyon. Gusto kong bumaba ng sasakyan at tumakbo na parang walang nangyari. Bakit ba kasi nagawa kong sumama agad sa taong ito nang hindi man lang muna tinitingnan ang itsura niya?

            "S-Sir, parang late na rin po 'ata. Pwede niyo na po akong ibaba r'yan sa tabi," pagdadahilan ko kahit nilulukob na ako ng kahihiyan.

            Bigla naman siyang natawa na parang hindi napansin ang sinabi ko sa kanya. Patuloy lang siya sa pagmamaneho sa kahabaan ng kalsada.

            "Ahm, sir. Maaga pa po kasi ang pasok ko bukas. Baka po pwedeng ibaba niyo na lang po ako sa isang tabi. Sasakay na lang po ako pauwi," muli kong pagdadahilan.

            Huminga siya nang malalim, itinabi ang minamaneho at saka inapakan ang preno ng sasakyan.

            "Sir?" mahina kong tawag.

            "Alam mo bang ayoko sa lahat ay ang pasaway na estudyante?" paliwanag niya.

            Doon ko lang bigla naramdaman ang kaba. Pakiramdam ko ay maling desisyon talaga itong nagawa ko. Base sa mukha niya, hindi siya nagbibiro.

CHAPTER XI: Teach Me Some Lesson

CHAPTER XI: Teach Me Some Lesson

          Ramdam ko ang halos kumakawala kong puso dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Nakailang lunok din ako ng laway dahil sa patuloy na panunuyo ng lalamunan ko dahil sa kaba. Gusto ko nang lumabas sa sasakyang ito pero hindi ko magawa.

            "Ano na lang ba ang mangyayari sa 'yo kung ibabagsak kita? May magagawa ka pa kaya?" tanong sa akin ni Sir Gomez na lalong nagdulot sa akin ng matinding kaba.

            Oo nga. Paano na lang ang mga pangarap ko kung mawawala na lang sa isang iglap? Nahuli niya ang kahinaan ko. Hindi na ako makakawala kapag nagkataon.

            "Kaya kong i-manipulate ang buong sistema. Kahit anong gusto mong ahon, patuloy ka lang babagsak sa mga kamay ko kaya huwag ka nang magbalak takasan ako dahil wala ka rin namang mapupuntahan. Kung ako sa 'yo, ibibigay ko na ang gusto ko," mapanakot niyang sabi habang marahang hinihimas ang binti ko.

            Imbes siguro na tumaas ang libido ko, balahibo ang patuloy na tumatayo sa akin. Huminga ako nang malalim, iniisip kung ano ang mga pwede kong gawin.

            "S-Sir, paano kung may makaalam ng tungkol dito? Ayokong kumalat 'to sa buong campus," pagdadahilan ko. 

            Isa siyang guro, modelo ng bawat estudyante. Siya dapat ang gumagabay sa mga mag-aaral kung anong daan ang babaybayin – kung sa tama o sa mali. Ngunit hindi isang guro ang nakikita ko. Isang mabangis na lobo na nagtatago sa anyo ng isang marangal na tao. Tinatakot ang sinuman para sa kanyang pansariling kagustuhan. Ginagamit ang kanyang lakas upang utakan ang kanyang bibiktimahin.

            "Sa tingin mo ba, ilang taon ko na ginagawa 'to? Sa tagal nito, ni minsan ba ay may nabalitaan ka tungkol sa akin?" nakangisi niyang sabi.

            "W-wala..." pabulong kong sabi.

            "Exactly. So ano'ng kinatatakot mo?" tanong niya at saka lumapit sa tainga ko. "Wala namang makakaalam kung walang magpapaalam," pabulong niyang sabi. Ramdam ko ang nakakakiliting sensasyon dahil sa kanyang hininga na tumatama sa aking tainga paibaba sa leeg.

            Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang dumadampi niyang dila sa aking leeg. Mainit ang kanyang hininga na humahagod sa akin.

            Nagsimula nang maglakbay ang kanyang malilikot na kamay sa katawan ko. Sa bawat dampi niya, marahan niya ring sinasalat ang bawat parte ng aking katawan.

            Bago pa man ako anurin ng makamundong pagnanasa, napagtanto kong nasa kahabaan kami ng kalsada. Maaaring may makakita sa ginagawa naming kahalayan.

            "S-Sir..." bulong kong sabi sa pagitan ng nararamdaman kong sensasyon.

            Hindi niya nagawang intindihin ang sinasabi ko. Abala siya sa paglalakbay sa maseselang parte ng katawan ko.

            "S-Sir... Baka may makakita sa atin," saad ko.

            Tumigil siya pansamantala at tiningnan ako sa mga mata. Kita ko ang nagliliyab na pagnanasa sa kanyang mga mata na animo'y ilang taon nang nananabik na makatikim.

            "Hindi tayo makikita mula sa labas. Huwag kang mag-alala. Hindi ka ba nae-excite?" aniya at saka pinisil ang pang-ibaba ko.

            Napaangat naman ako ng katawan. Umaayon na sa gusto niya ang katawan ko. Marahil ay dahil na rin sa tumataas na libido kaya hindi mapigilan nito ang maging sabik sa ginagawa ni Sir Gomez.

            Marahan niyang tinanggal ang sinturon sa suot kong pantalon habang patuloy sa paghimas sa kahabaan ko. Isinunod niya ang butones nito na nagpalabas ng suot kong panloob.

            Yumuko siya at saka dinilaan ang parte ng katawan ko, sa pagitan ng pusod at maninipis kong buhok sa ibaba. Napapaangat naman ako ng ulo dahil sa kiliting nararamdaman.

            Kung kanina lang ay halos gusto kong tumakas mula sa kanya, ngayon ay ibang-iba na. Ginusgusto na ng katawan ko ang pagsasalitan ng init ng aming mga katawan. Kung iisipin, bayaran naman talaga ako. Walang pinipili, walang sinisino.

            Unti-unti niyang binababa ang mga suot kong pang-ibaba hanggang tuhod. Humampas naman sa kanya ang kahindikan ng aking pag-aari na sabik na matikman ng kanyang bibig. Umaapaw mula roon ang kapirasong mga likido na dala siguro ng kasabikan.

            "Hindi ko alam na may ganito ka pala kalaking tinatago," aniya habang hawak-hawak ang aking pag-aari at nakatingin sa akin.

            Umiwas lang ako ng tingin sa kanya dahil sa kahihiyan. Hindi ko naman gustong ipagmalaki ang mayroon ako. Hindi ko rin naman inaasahan na ganyan 'yan lalaki habang tumatanda ako.

            Una niyang dinilaan ang ulo nito at saka ang pagitan. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa sandaling iyon. Masyadong sensitibo ang puno nito kaya marahil ganoon na lang naging reaksyon nito ng ipinapasok ni Sir Gomez ang kanyang dila roon.

            Ramdam ko ang kanyang malambot na labi na pumupuno sa kahabaan ko. Malikot din ang kanyang dila na naglalaro hanggang sa dalawang bilog na bitbit ko sa ibaba.

            Hindi ko na napigilan ang magpakawala ng mahihinang ungol dahil sa dala-dala nitong sarap. Halos panawan ako ng ulirat sa ginagawa niyang pagsubo. Sa bawat pagpasok kasi ng aking kahabaan, sumisikip ang kanyang bibig na tila isang yungib na hindi pa nadadalaw.

            Walang anu-ano'y hinawakan ko ang kanyang ulo. Sinimulan kong iangat ang balakang ko hanggang sa sumagad sa kanyang lalamunan ang buo kong kahabaan. Narinig ko naman na parang nabibilaukan siya pero hindi ko 'yun inintindi. Nagpatuloy akong maglabas-masok sa kanyang bibig nang walang paalam.

            Para akong kabayo na may hinahabol dahil sa sobrang bilis. Dahil na rin siguro sa ilang araw na rin akong hindi nagpapalabas, ganoon na lang din ang kasabikan na nararamdaman ko.

            "Gusto mo 'yan, 'di ba? Sige, isubo mo pa!" gigil kong sabi habang patuloy sa paglabas-masok sa kanyang bibig.

            Nang maramdaman kong nangangalay na ang balakang ko, napaupo ako at marahang iginiya na lang ang ulo niya sa paglabas-masok.

            Kita ko ang halos namumula niyang mukha. Kumuha siya nang malalim na hininga at saka nangingiti sa akin. Puno ng laway ang kanyang bibig na tila nagpasabik pa lalo sa akin. Sinunggaban ko siya ng halik na sinabayan din niya.

            Napuno ng kasalanan ang buong sasakyan niya nang mga oras na 'yun.

            Nang matapos ang pagpapalitan namin ng laway ay bumalik siya sa una niyang ginagawa kanina. Hinawakan niya ang kahabaan ko at saka itinaas-baba ang kanyang kamay. Nararamdaman ko na ang namumuong likido na gustong lumabas mula roon.

            "Isubo mo!" maawtoridad kong sabi.

            Mabilis pa sa alas-quatro niyang sinunod ang utos ko. Isinubo niya ang puno ng pag-aari ko habang patuloy sa pagtaas-baba ng kanyang kamay.

            "Shit! Fuck!" sigaw ko habang nararamdaman na ang unti-unti papalabas na ligaya.

            Tinanggal ko ang kamay niya at saka hinayaan ang bibig niya na ang kumilos. Hinawakan kong muli ang ulo niya at saka 'yun ginalaw pababa at pataas nang paulit-ulit.

            "Fuck!" bulalas ko nang lumabas ang likido mula sa kahabaan ko patungo sa kanyang lalamunan. Nakailang sirit pa ito at saka marahang sinubo ni Sir Gomez hanggang sa maubos ang katas.

            Habol-hininga akong napasandal sa upuan habang nanghihina.

            "Marami-rami rin 'yun, ah," natatawa niyang sabi.

            Hindi ako sumagot, nakatanaw lang sa labas ng sasakyan.

            "Ito ang bayad. Alam kong ito naman talaga ang hanap mo," aniya at saka inabot sa akin ang salaping kinuha niya mula sa wallet. "Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita," pag-aalok niya.

            "Dito na lang po ako. Magsasakay na lang ako," pagtanggi ko.

            "Kung 'yan ang gusto mo. Sige. Sa susunod ulit," nakangisi niyang sabi at saka kinindatan ako.

            Hindi na ako nagpaalam sa kanya at mabilis na bumaba ng kanyang sasakyan. Nandoon pa rin ang kaba ko hanggang sa makababa ako. Isang taon na lang din naman ay ga-graduate na ako. Hindi ko na kailangang mag-alala sa oras na iyon.

            Nang makalayo ang sasakyan niya, doon ko lang napagtanto na hindi ko alam kung nasaan na ako. Hindi ako pamilyar sa lugar. Mangilan-ngilan lang din ang mga sasakyang dumadaan. Wala rin akong matanaw na pampublikong sasakyan.

            "Nasaan ba ako?" iritable kong sabi.

            Hindi pa man nagtatagal, isang sasakyan ang huminto sa harap ko. Nag-iwas agad ako ng tingin para mapansing hindi ako interesado sa maaari niyang ialok.

            "Michael?"

            Napatingin agad ako sa taong tumawag sa pangalan ko at nagulat nang makita siya.

CHAPTER XII: Love is Painful

CHAPTER XII: Love is Painful

          Humugot ako nang malalim na hininga, mataimtim na iniisip kung paanong pagdadahilan ang sasabihin ko sa kanya. Mula sa nakikita ko, puno ng pagtataka ang kanyang mga mata. Kahit naman sino siguro magtataka na makita ako rito, sa lugar na hindi ko alam kung saan papunta.

            "Mag-isa ka lang ba?" tanong niya.

            Hindi ako sumagot. Madalas akong ganito. Wala ako ganang sumagot sa mga tanong na obvious naman ang sagot. Aksaya kasi sa laway ang mga ganitong klaseng tanong.

            "Saan ka papunta?" tanong niya ulit.

            Nakatingin lang ako sa kanya habang ang ulo niya ay nakadungaw sa bintana ng kanyang sasakyan.

            "Sa bahay. Pauwi na," matipid kong sagot.

            "Pauwi na rin ako, e. Sumabay ka na sa akin. Gabi na rin at baka wala kang masakyan pauwi. Saan ka ba nakatira?" muli na naman niyang tanong.

            Masyado na siyang maraming tanong. Ito ang ayaw ko sa kanya. Sa sobrang matanong niya, nakakairita na. Hindi ko naman kailangan na lagi akong kinukumusta o kung ayos lang ako. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit pinutol ko ang ugnayan namin.

            Bagkus na sagutin siya at humaba ang pag-uusap namin, nagsimula na akong maglakad papuntang sakayan.

            "Hoy! Saan ka papunta? Sumabay ka na sa akin," aniya.

            Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Hindi ko alam kung tama bang direksyon itong tinatahak ko. Ang alam ko lang ay ayaw ko siyang makita pa sa paningin ko.

            Mayamaya lang ay biglang umarangkada ang kanyang sasakyan at bahagyang nilagpasan ako bago huminto. Bumukas ang pinto ng kanyang sasakyan at saka siya bumaba mula roon.

            Nalintikan na!

            "Iniiwasan mo ba ako?" nagtatakang tanong niya.

            Nangamot lang ako ng ulo. Hindi pa ba halata sa kanya ang ginagawa ko? Kahit siguro manhid, mapapansin 'yun. Pero ibang klase ang taong ito, pinaghalo 'atang katangahan at kamanhiran.

            "Hindi ko pa rin alam kung bakit mo ako iniiwasan. May ginawa ba akong ayaw mo? K-Kaya mo ba ako iniwan?" mariin niyang sabi sa dulo.

            Napailing ako. Sa dami kong iniisip, dumagdag pa itong lalaking ito. Sa sobra niyang pursigido noon kaya mabilis akong bumitaw sa relasyon namin. Limang buwan ko ring naging nobyo si Carlo. Ang katotohanan n'yan, wala naman akong naging problema sa kanya. 

            Ako kasi ang problema.

            Nang panahong iyon, hindi pa naman talaga akong handang umibig pang muli. Kaso masyadong mapilit si Carlo kaya nagawa niya akong mapapayag. Hindi niya ako binigyan ng sakit sa ulo. Sadyang nanghihingi lang siya ng oras at atensyon ko. Alam niyang nagta-trabaho ako nang mga panahong iyon at hindi niya ako iistorbohin hanggang sa matapos ang shift ko.

            Pero dumating ang panahon na kailangan kong gawin ang 'part time' job ko. Hindi ko na kayang lokohin pa si Carlo. Pati na rin ang sarili ko. Nakipaghiwalay ako sa kanya na hindi man lang sinasabi sa kanya ang totoo kaya ito siya ngayon, hinihingi pa rin ang kasagutan ko.

            "Mahigit isang taon na tayong hiwalay. Hindi ko na kailangan pang magpaliwanag sa 'yo," diretso kong sabi sa kanya nang hindi siya tinitingnan sa mata.

            "Gusto ko pa rin ng sagot. 'Yung totoong sagot, Michael. Hindi ka naman susuko sa isang mababaw na dahilan. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa 'yo... O mali lang ako," mahina niyang sabi sa dulo.

            Narinig ko na ang mga ganitong litanya. Tulad nang sa kanya, hindi ko nagawang sabihin ang totoong dahilan ko. Lagi akong nagsisinungaling. Siguro nga pati ang buhay ko, napuno na ng kasinungalingan dahil sa mga pinagsasabi ko. Hindi ko na alam ang totoo dahil natatakot ako kahit pa sabihin na katotohanan lang ang makapagpapalaya sa akin.

            "Sa limang buwang pagsasama natin, hindi ko alam kung ilan doon ang totoo. Lahat lang ba 'yun pagpapanggap?" tanong niya.

            Kung sabihin ko ba sa kanya ang totoo, gagaan ba ang pakiramdam niya? Hindi siguro. Lalo lang siyang madudurog tulad ngayon. Nawasak ko na siya. Ayoko nang mawasak pa siyang ulit dahil alam ko ang pakiramdam nang paulit-ulit kang nadudurog.

            "Minahal kita pero hanggang doon lang 'yun," mahina kong sabi.

            Sa pagkakataong 'yun, lumuha na siya pero nanatiling nakatayo sa pwesto niya.

            "Ano? Hanggang doon na lang? Ano ba 'yang pagmamahal mo? May expiration date?" inis niyang sabi.

            "Kung ayaw mong tanggapin ang mga sinabi ko, wala na tayong dapat pang pag-usapan. Gusto ko nang umuwi," saad ko at saka humakbang papaalis.

            Nang makalagpas ako sa kanya, bigla siyang nagsalita.

            "Lagi mo na lang bang tatakasan ang mga problema mo nang wala man lang ginagawang anumang solusyon? Lagi ka na lang bang mabubuhay sa ganyan? Na hindi napapagod tumakbo? Tumakas?" aniya na nagpatigil sa mga paa ko.

            Lumunok ako ng laway at saka humarap sa kanya. Tapos na ako sa pagdepensa sa sarili ko.

            "Hindi mo alam ang sinasabi mo," wika ko.

            Ngumisi siya. "Paanong hindi ko alam ang sinasabi ko kung 'yun naman ang pinapakita mo?"

            "Wala kang alam dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko," iritable kong sabi.

            "Dahil ba sa hindi ko alam ang nararamdaman mo, wala na akong karapatang magsalita? Okay na bang dahilan 'yun para araw-araw akong mag-isip kung ano'ng mali sa akin? Kung may pagkukulang ba ako? 'Yung araw-araw akong nag-iisip kung bakit iniiwan ako ng mga tao? Okay na ba 'yan para husgahan ko ang nararamdaman mo?" galit niyang sabi.

            Napayuko ako. Hindi ko alam na ganitong 'damage' na pala ang iniinda niya. Sa isang pagkakamali, isang buhay na naman ang nawasak ko. Iniisip ko tuloy kung may sumpa akong dala dahil puro kamalasan na lang at pighati ang dala ko sa lahat ng tao.

            Kailan ba sila magiging masaya na ako ang dahilan?

            "Patawad..." nasabi ko na lang. Wala na rin siguro akong pinagkaiba sa tatay ko. Pareho kaming nagluluksa dahil sa mga bagay na nagawa namin.

            "Ang gusto ko lang naman ay makalaya na sa 'yo. Mahirap ba hilingin 'yun kahit deserve ko  naman?" nagmamakaawa niyang sabi. Rinig ko ang bawat pagkabasag ng kanyang boses habang binibigkas ang mga salitang 'yun.

            "Patawad... Minahal kita pero mali ako." Sa sandaling 'yun, hindi ko na rin napigilan ang sarili kong lumuha. "Patawad sa pag-aakalang kaya ko nang magmahal ulit. Patawad sa mga oras na nasayang mo dahil sa akin..."

            Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap. Patuloy lang ako sa pagluha. Ang sakit sa dibdib.

            "Paano mo ba ako mapapatawad?" tanong ko sa pagitan ng mga luha ko.

            Humarap siya sa akin at saka ngumiti. 

            "Patawarin mo na rin ang sarili mo at saka kita mapapatawad," aniya.

            Tila nagliwanag ang langit kahit gabi nang mga oras na 'yun. Gumaan ang pakiramdam ko. Masyadong maraming nangyari ngayong araw pero sa kabila no'n, ito rin ang gabing hindi ko makalilimutan.

            "Salamat, Carlo," bulong kong sabi.

CHAPTER XIII: Everything Will Be Fine

CHAPTER XIII: Everything Will Be Fine

          “Wala ba tayong gamot para sa sakit ng ulo?” tanong ko kay Emil na abalang nanunuod sa may sala ng balita, hawak-hawak ang isang baso ng mainit na kape habang nakapatong ang paa sa mesa sa harapan ng sofa.

            "Hindi bibig ang pinanghahanap. Tingnan mo d'yan sa medicine kit sa cabinet, bandang lababo," aniya na hindi maabala sa panunuod.

            Hilot-hilot ang nananakit na ulo, mabilis kong kinuha ang medicine kit at saka kumuha roon ng paracetamol para inumin.

            Hindi ko magawang makakain ng almusal dahil sa iniindang sakit ng ulo. Mabuti na lang ay Sabado kaya hindi ko kailangang pumasok nang maaga at magtrabaho pagkatapos. 

            Sinaluhan ko sa sala si Emil at tinabihan siya sa sofa. Nag-angat ako ng paa na halos abutin si Emil sa pwesto niya. Wala pa sa kalahati ang nababawas niya sa kapeng iniinom. Marahil ay dahil sa sobrang abala siya sa panunuod ng balita, hindi na niya nagagawang pansin ang kape na mayamaya lang ay lalamig na.

            "Ano ba 'yang pinanunuod mo at seryoso ka?" nagtataka kong tanong.

            "Wala naman. Balita lang. Wala namang ibang pagkakaabalahan, e," sagot niya.

            Tumango na lang ako at saka nag-unat ng katawan. Pakiramdam ko ay dahil lang sa kulang ako sa tulog kaya panay ang pananakit ng ulo ko. Anong oras na rin kasi ako nakauwi kagabi kaya ito, puyat na naman. Kagagaling ko lang sa sakit. Ayoko na ulit mangyari pa 'yung nakaraang araw.

            "Maiba ako. Bakit late ka na pala umuwi kagabi? Mayroon ka na naman bang naging raket?" tanong niya na tila hinuhusgahan ako mula sa bitaw niya ng salita.

            Tumango-tango ako. Wala namang dahilan para tumanggi ako. Lalo na't siya naman ang nagpakilala sa akin sa ganitong trabaho.

            "Nag-sex ba kayo?" walang paligoy-ligoy niyang tanong.

            Bahagya akong nagulat sa tanong niya. "T-Talaga ba? Tinatanong mo talaga 'yan?" nag-aalangan kong sagot.

            Tiningnan niya ako nang matalim na lalo kong pinagdudahan. Ano bang nasa isip nito at bigla na lang nagtatanong ng mga ganyang bagay?

            "Sagutin mo na lang ang tanong ko!" inip niyang sabi.

            "Bakit mo ba kasi tinatanong?!"

            Nangamot na lang siya ng ulo at saka iritableng tiningnan ako. "Basta! Ang kulit mo naman!"

            "Hindi! Okay na?" mabilis kong sagot.

            Napasandal siya sa sofa at saka tinitigan ang kisame. Nakailang buntong-hininga siya na tila may malalim na iniisip. Hindi ko madalas na makitang ganito si Emil. Madalas kasi magbibiro lang 'yan. Makikita mong tahimik lang 'yan kapag tutok sa panunuod sa telebisyon o pagkalikot sa cellphone niya.

            "Ano kasi... Hindi naman kami nag-sex  pero binayaran niya ako. Bakit mo ba naitanong?" naiilang tanong ko.

            Nakita kong napakagat siya ng labi habang tulala pa rin sa kisame na animo'y malayo na ang nararating. Hindi ko buong mabasa ang nasa isip niya pero kung nagkakaganito siya, malamang ay problema ang dahilan.

            "Naaalala mo ba 'yung nakwento ko sa 'yong sugar daddy ko?" tanong niya.

            "Oo, 'yung nakilala mo sa bar," sagot ko at saka nagtatango.

            Nagpakawala siya ng hininga at saka nangangamot ng ulo.

            "Kagabi kasi, naghiwalay na kami. May nahanap na raw siya na bago, mas bata. Ang sakit sa puso. Ilang taon pa lang ba ako? Nasa kalendaryo pa naman ang edad ko. Pero ang sabi niya, estudyante pa raw ang bago niya at kaedad mo kaya naisip kong itanong," litanya niya.

            Nakakunot lang ang noo ko habang sinasabi niya 'yun. Medyo naguluhan ako kung paano naging related ang tanong niya sa akin sa naging kwento niya.

            "Teka lang. Hindi ko masundan ang kwento mo, e," naguguluhan kong sabi.

            "Bago kasi siya magpaalam sa akin, ang sabi niya makikipagtalik daw siya doon sa bago niya kagabi. Mas wild at maraming alam daw na position 'yung bago niya. Kung ako lang, kaya ko rin naman gawin 'yung sinasabi niya. Natatakot lang akong atakihin siya habang nagtatalik kami. Mabuti nga ako concern pa sa kalusugan niya," kwento pa niya.

            "Kaya mo ba naisipang itanong kung anong ginawa ko?"

            "Oo. Bakit? Baka sakali kasing ikaw ang nakabingwit. Hindi ko lang alam. May iba pa bang dahilan?" Kita sa mga mata niya ang pagtataka. Kahit kailan talaga, hindi mo malalaman ang nasa isip nitong taong 'to.

            "Wala naman. Kaya ba ganyan ka kaproblemado?"

            "Mahihirapan na naman ako nitong maghanap ng sugar daddy, e," pagmamaktol niya at saka tinungga ang natitirang kape sa baso. "'Yung mga nakikita mong gamit dito, halos lahat 'yan ay sustento ng mga naging sugar daddy ko. Bibigay ko lang 'yung gusto nila, bibigay naman nila ang gusto ko. Ganoon umiikot ang mundo ko."

            Napansin ko ngang madalas ay may bagong gamit si Emil. Hindi na rin naman kasi ako nag-aabalang magtanong pa sa kanya dahil may kaya naman ang pamilya niya.

            "Pero kung titingnan, may trabaho ka naman. Part time nga lang bilang barista. Hindi ka naman na nag-aaral din. Wala ka namang pamilya na dapat buhayin. Bakit kaya hindi ka mag-settle sa isang stable job at itigil na 'yan?" suhestyon ko sa kanya.

            Bumalik na naman siya sa kanina niyang ginagawa, malayo ang tingin at malalim ang iniisip.

            "Alam mo, tama ka, e. Hindi naman kalakihan ang kinikita ko bilang barista dahil hindi naman sila nagbibigay ng full-time job. Pero, sa tingin ko kasi, hanggang dito lang talaga ako. Ang kaya ko lang gawin ay ibenta ang laman ko," aniya at saka mapait na tumawa.

            "Graduate ka kaya," pagpapaalala ko.

            Tinapik niya ako sa balikat. "Graduate nga, may laman ba 'to?" tanong niya at sabay turo sa ulo. "Hindi ako tatagal sa isang propesyon. Grumadweyt lang naman ako dahil kaya kong magbayad ng pera at katawan. Mahina ang utak ko pagdating d'yan. Ang alam ko lang ay kumambyo gabi-gabi para kumita. 'Yun naman na rin ang tingin sa akin ng pamilya ko."

            Napailing na lang ako. Alam kong mababa talaga ang tingin niya sa sarili niya dahil na rin siguro, successful na ang mga kapatid niya kaya madalas siyang naikukumpara.

            "Pero alam mo, hindi pa rin naman ako sumusuko maging mabuting tao, e. Hinihintay ko lang talaga 'yung tamang oras para maipagmalaki rin ng iba. Kaya ikaw, huwag kang susuko muna sa pagiging callboy, ha?" natatawa niyang sabi sa huli.

            Maging ako, natawa rin sa turan niya.

            "Seryoso kasi. Hindi ako nagbibiro. Kapag ikaw naging successful, taas noo mong ipagmalaki na naging callboy ka! Ta's hubo't hubad mong sasabihin 'yun para makita nila kung ano ba 'yung pinagmamalaki mo," pagbibiro pa niya.

            Tama siya. May tamang oras para sa lahat. Kung hindi ngayon, baka bukas pwede na.

CHAPTER XIV: Issue and Challenge

CHAPTER XIV: Issue and Challenge

          “Punta tayo rito!” aya ni Arjay nang makita ang isang poster na nakapaskil sa bulletin board sa hallway. Gaganapin kasi sa susunod na linggo ang taunang acquaintance party ng lahat ng departamento sa paaralan.

            Madalas sa ganitong selebrasyon, humahanap ng 

contacts ang tulad ang mga kagaya ko. Inaanyayahan din kasi ang ilang miyembro ng ibang school na makisaya sa taunang pagdiriwang bilang malayang pakikipag-unayan. T’yansa na rin kasi nila na bumuo ng connections kapag naka-graduate sila. Malaki kasi ang magiging tulong nito sa kanilang employment sa real world .

            "Pag-iisipan ko pa. Baka kasi may gawin din ako sa araw na 'yan," pagdadahilan ko. Hindi kasi ako sanay sa mataong pagsasalo-salo. Bukod sa crowded, hindi ko rin trip ang pakikihalubilo kung kani-kanino. Iniiwasan ko rin kasi ang close contact sa mga naging kliyente ko noon.

            Napakamot naman ng ulo si Peter dala ng panghihinayang. "Kung ticket fee lang ang problema mo, kami na ang bahala. Magkano lang naman 'yan, e," pag-uusig niya.

            "Oo nga. Sumama ka na. Kulang ang tropa kapag wala ka. Saka baka dito ka na rin makahanap ng lab op yur layp," ani Arjay na may halong pang-aasar. Lagi kasi akong pinipilit nito na maghanap na ng girlfriend para naman daw magkaroon ng kaunting spice ang buhay ko.

            "Wala naman akong balak na maghanap ng makakarelasyon d'yan. At saka pa, hindi rin naman masayang makipag-usap kung kani-kanino," paliwanag ko. Sa tingin ko, malayo itong sinasabi ko sa ginagawa ko ngayon.

            "Hindi ka lang kasi pa sanay. Hayaan mo ang sarili mong mag-enjoy sa tanawin ng mga malulusog na –"

            "Huwag mo na ituloy ang sasabihin mo," pigil ko kay Arjay. Alam ko kasing puro kabulastugan lang ang sasabihin nito. "Sabi ko nga, pag-iisipan ko. Hindi naman ako humihindi, e," paliwanag ko pa sa kanila.

            "Basta pumunta ka, ah. Bawal ang sagot na hindi o busy. Magbabayad na kami. Gusto ka rin naman naming sumaya paminsan-minsan," ani Peter. 

            Napangiti na lang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung mapilit itong dalawang ito? Hindi naman nila ako regular na kaklase. May tatlo o apat lang kaming subject na magkakasama pero ang iba doon ay ibang klase na ang kasama ko. Maswerte lang siguro ako na nakahanap ako nang makakasama sa college life ko.

            "Sige na. Pipilitin kong makapunta pero hindi ako nangangako," saad ko

            "Aasahan ka namin, ah," pangungumbinse ni Arjay na sinang-ayunan ko na lang. Hindi rin naman patatalo itong dalawa hangga't hindi nakukuha ang 'oo' mo.

            Mayamaya lang ay umalis na rin sila para sa susunod na klase. Habang ako naman, nagpapahinga pa bago ang shift ko sa coffee shop mamayang tanghali. Pwumesto ako sa bandang dulo ng study area. Doon kasi medyo tahimik at may laya akong matulog kahit na gustuhin ko pa.

            Inilapag ko sa tabi ko ang bag ko at saka naupo. May mga mangilan-ngilan ding estudyante ang nasa kabilang table pero mukhang tahimik naman silang nag-aaral para maiwasan ang makapang-istorbo sa gaya ko.

            "Hindi mo pa shift?"

            Napalinga ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. Ito na naman siya, lagi ko na lang nakikita kung saan-saan.

            "Hindi pa. Bakit?" sagot ko sa kanya. Usual ang boses ko. Walang masyadong emosyon. Ganito ko simulan ang pakikipag-usap sa mga taong hindi ko naman lubos na kilala. Para na rin mawalan sila ng interes na kausapin pa ako.

            Naupo siya sa tapat ko. Naka-longsleeve siya ng puti habang naka-tuck in. Bukas ang pinakataas na butones ng kanyang suot habang naka-loose naman ang neck tie. Tulad pa rin siya ng dati, mukhang anak mayaman na hindi problema ang pera at kayang bilhin ang mga bagay na kailangan ko pang paghirapan.

            "Ano'ng kailangan mo?" tanong ko sa kanya nang mapansing nakatunganga lang siya.

            "Wala na kasi akong ibang magawa. Tapos na rin kasi ang meeting namin with student council kaya naisip kong hanapin ka," aniya. 

            Napakunot ako ng noo dahil sa pagtataka. Ano namang dahilan para hanapin ako nito? Wala naman akong pagkakautang sa kanya sa pagkakaalala ko.

            "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Ano bang kailangan mo?" pag-uulit ko.

            Napakalumbaba siya habang tinitingnan ako. Doon ko lang napagmasdan nang mabuti ang mukha niya. Matangos ang ilong niya na parang sa mestizo. Manipis naman ang kanyang mga labi at mapupungay ang mga mata. Hindi ko tuloy mawari kung sa anong dahilan at nagustuhan ako nito. Sa huling tanda ko, hindi naman ako naglalagay ng gayuma sa inumin ng mga customer ko.

            "Kung liligawan ba kita, sasagutin mo ba ako?" tanong niya.

            Tila isang kulog na paulit-ulit na dumadagundong sa utak ko ang tanong niya. Tama ba ang narinig ko? Mali 'ata ang tanong. Nasa tamang katinuan ba siya para tanungin ako ng ganyan?

            "Teka nga. Saan mo naman napulot ang ideyang 'yan? Hindi ka ba kinilabutan sa tanong mong 'yan?" gulat kong sabi.

            Pero hindi mababakasan ng anumang pagdadalawang-isip ang kanyang mukha. Buo ang kanyang isip habang itinatanong sa akin ang bagay na 'yun.

            "Alam mo, siguro puyat ka lang o nauntog ang sarili kaya natatanong mo 'yan," nahihiya kong sabi. Hindi ko namalayang namumula na pala ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

            Bumuntong-hininga siya at saka nangiti. "Ang cute talaga ng reaction mo," aniya.

            "Huwag mo nga akong pinaglalaruan. Wala akong oras para d'yan," saad ko at saka nag-iwas ng tingin.

            Ilang saglit lang ay nararamdaman ko ang paghagod ng kanyang sapatos sa suot kong pantalon. Parang halos nag-akyatan ang ilang boltahe ng kuryente sa buo kong katawan. Hindi ko mapigilan ang manginig habang ginagawa niya 'yun.

            "Hindi ko naman hinihingi ang sagot mo ngayon. Masyado ka pang maraming oras para makapag-isip. Pero gusto ko, sa susunod na tatanungin kita, may makuha na akong sagot sa 'yo," wika niya.

            Inilihis ko ang binti ko para hindi niya maabot. "Paniguradong 'hindi' naman ang magiging sagot ko kaya huwag ka nang mag-abala. Hindi na magbabago ang isip ko kung sa tingin mo ay madali akong mauuto ng gaya mo," paliwanag ko.

            Natawa siya sa sinabi ko. Wala naman akong sinabing mali, ah. Ibang klase din talaga itong lalaking ito. Hindi ko alam kung ganyan ba mag-isip ang mga mayayamang tulad niya.

            "Natutuwa talaga ako sa personality mo. Lalo tuloy akong nacha-challenge sa ginagawa mong 'yan," aniya at saka napahimas sa kanyang baba.

            Napailing na lang ako sa kanya. Imbes na umiwas ito, lalo pa niyang nilalapit ang sarili niya sa akin. Ibang klase talaga.

            "Tingnan na lang natin kung hindi ka sumuko sa ginagawa mong 'yan," wika ko sa kanya.

            Ngumiti lang siya sa akin na tila tinatanggap ang hamon ko sa kanya. May pakiramdam ako na may mali sa naging desisyon ko, ang i-provoke siya sa bagay na baka ikabigay ko. 

            Mula sa nakikita ko sa kanyang mga mata, hindi rin talaga siya patatalo sa akin. Magiging madali lang naman 'to sa akin dahil noon pa man, isang tao lang ang minahal ko.

CHAPTER XV: The After Duty

CHAPTER XV: The After Duty

          Natapos na naman ang duty ko. Tulad nang mga nakaraang araw, halos tahimik na rin ang kalsada nang isara ko ang shop. Para tuloy pinagsisisihan ko na ang ganitong oras na duty. Pag-uwi kasi sa bahay, hindi ko na nagagawa pa ang mga iba kong dapat gawin.

            "Buti na lang, malayo pa ang midterm exam," wika ko at saka bumuntong hininga.

            Matapos kong patayin ang lahat ng ilaw sa shop, lumabas na ako para mag-abang ng masasakyan pauwi.

            Mula sa parking ng kabilang building, nakita ko na naman ang pamilyar na sasakyan na 'yun. Napailing na lang ako. Tiyak na ako na naman ang hinihintay nito kaya nandito. 

            "Ano na naman ba ang kailangan nito?" sa isip-isip ko. Alam ko naman ang sagot sa tanong na 'yan. Ang pinagtataka ko lang, sa dami marahil ng estudyanteng minomolestiya niya, hindi pa ba siya nakukuntento?

            Tulad nang nakaraang linggo, umandar na ito papunta sa akin kaya hindi na ako nag-abalang mag-abang ng masasakyan. Nang huminto ito sa harapan ko ay binuksan ko ang pinto at saka sumakay.

            Ganoon pa rin. Nangangalingasaw na naman ang amoy ng kanyang pabango sa loob ng sasakyan. Hindi ko namamalayan, umaayaw na ako sa amoy na ito. Pinapaalala kasi nito ang amoy ng taong ayaw kong makita.

            "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pero hindi tinitingnan ang kanyang mata.

            "Ako na ang bahala," aniya at saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

            Napansin kong binabagtas namin ang kahabaan ng Coastal Road. Saan naman kaya kami papunta? Pinili niya talaga na malayo sa mga nakakakilala sa amin ang pupuntahan. Takot naman pala siyang mahuli pero nakapagtatakang ginagawa niyang biktima ang mga estudyante niya. 

            "Malayo na 'to sa amin," paliwanag ko habang hindi pa rin iginagawi ang tingin ko sa banda niya.

            "Malapit na rin naman tayo," sagot niya.

            Ilang saglit lang, pumasok kami sa isang tagong motel sa Pasay. Hindi ako pamilyar sa lugar dahil pumasok kami sa isang eskinita na sakto lang para sa isang sasakyan. Kung tutuusin, kung may itinatago kang kalaguyo, pwedeng-pwede mong dalhin dito. Malayo sa mga mata ng mga tao.

            Tatlong palapag ang gusali na sa tantiya ko ay may apat na kwarto kada palapag. Ilang staff lang ng motel ang bumungad sa amin nang pumasok kami.

            Binati lang nila kami at nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang elevator. Napatingin na lang ako sa kanila nang sundan nila kami ng tingin. Marahil bago pa man niya ako sunduin ay nakapag-book na siya ng kwarto dito.

            "Ang tagal mong umuwi kanina," aniya habang nasa loob kami ng elevator.

            "Maraming customer kanina," sagot ko sa kanya.

            Mayamaya lang ay naramdaman ko ang mainit niyang palad sa pang-upo ko. Hinihimas niya iyon na tila isang malambot na unan. Nagitla naman ako nang biglang lumipat ang kanyang mga kamay at napunta sa pag-aari ko.

            "Sir..."

            Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking batok. Tila nagdadala ito ng kakaibang kuryente sa buo kong katawan.

            "Sir... May CCTV..." paanas kong sabi.

            "Hayaan mo silang manuod. Kilala naman ako rito kaya wala kang dapat na katakutan," aniya at saka ko naramdaman ang pagdampi ng kanyang dila sa leeg ko. Panandalian akong nanigas sa kinatatayuan ko hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator.

            "Ano pang ginagawa mo r'yan?" mapang-akit niyang sabi.

            Huminga ako nang malalim at saka ibinalik ang sarili sa ulirat. Iniisip ko na lang na isa siyang kliyente na kailangan kong punan ang kakulangan sa sexual desire.

            Dumiretso kami sa pinakadulong kwarto sa bandang kanan. Pagpasok ko, isang normal na motel room ang bumungad sa akin. Ang kakaiba lang marahil ay king size ang kama dahil madalas, double size lang ang mayroon sila.

            "Ano pang ginagawa mo?" tanong niya nang makitang nakatunganga lang ako.

            "Maliligo lang ako," wika ko. Inilapag ko ang mga gamit ko sa upuan at saka dumiretso sa banyo.

            Sandali akong napasandal sa pinto habang makailang beses na humugot nang malalim na paghinga.

            "Ano ba 'tong napasukan ko?" wika ko sa sarili habang sapu-sapo ang ulo. Hindi ko magawang makatanggi sa hiling niya dahil na rin siguro sa takot na pwede niyang gawin sa pag-aaral ko. 'Yun na nga lang ang pwede kong ipagmalaki, baka mawala pa sa akin.

            Unti-unti kong hinubad ang mga saplot ko at saka binuksan ang shower. Kakaiba rin itong motel na ito dahil may hot shower. Madalas kasi ang kaya lang i-offer ng iba ay normal na shower.

            Hindi na ako nagtagal sa pagligo. Kinuskos ko lang ang ilang parte ng katawan ko na sa tingin ko ay kailangang hugasan nang maigi. Matapos 'yun ay nagpunas lang ako ng katawan at saka ibinalot ang tuwalya sa baywang paibaba. 

            Paglabas ko ng banyo, napansin kong pinaglalaruan na niya ang kanyang alaga habang pinanunuod ang pinapalabas sa telebisyon. Uso ang mga ganito sa motel. Pero may option ka naman na manuod ng normal na palabas kung simpleng magpapahinga ka lang naman.

            Maririnig mo ang makailang ulit na ungol ng babae habang sabay na nakikipaglaro ng apoy sa dalawang lalaki. Ang isa ay abala sa bibig habang ang isa naman ay sa ibabang bahagi.

            Napailing na lang ako habang inaayos ang mga damit na pinaghubaran.

            "Mamaya mo na gawin 'yan. Tabihan mo ako rito," aniya at saka itinuro ang tabi niya.

            Hindi na ako umangal pa sa hiling niya at saka naupo sa kama. Pinanuod ko na lang ang pinagkakaabalahan niya. Hindi ko na rin namamalayan na nag-iinit na rin pala ang katawan ko dahil sa kakaibang init ng pagsasalo nila.

            Mayamaya lang ay nararamdaman ko ang kamay niyang humahagod sa binti ko. Wala akong ginawang pagtutol. Hinayaan ko lang siya sa gusto niyang mangyari.

            Inaabot ng kanyang kamay ang nakatago kong alaga sa loob ng nakatapis na tuwalya. Nang magtagumpay ay marahan niya iyong hinagod.

            "Kanina pa siguro nito gustong kumawala," pang-aasar niya.

            Tumingin lang ako sa kanya nang walang ekspresyon sa mukha.

            "Kakaiba ka talagang bata. Pinapakita mong wala kang pakialam sa ginagawa ko pero iba ang nagiging reaksyon ng katawan mo," aniya at saka nangingiti habang patuloy sa paghagod ng aking alaga.

            Napailing naman ako bilang hindi pagsang-ayon. "Natural lang 'yun. Don't you know that some rape victims reach orgasm even if they don't want to?" paliwanag ko sa kanya.

            "Sa tingin mo, panggagahasa ang ginagawa kong 'to?" tanong niya at saka kinagat ang ibabang labi.

            Umiwas ako ng tingin bago nagsalita. "Hindi," matipid kong sagot.

            "Rape is an unlawful sexual intercourse," aniya habang iginagala ang kaninang kamay sa alaga ko papunta sa dalawang bilog na nasa ibaba nito. "Without the consent of the victim," dagdag pa niya.

            Inilapit niya ang mukha niya sa akin, sapat upang maramdaman ko ang mainit na hininga niyang tumatama sa katawan ko.

            "Alam kong trabaho mo 'to kaya willing akong magbayad para sa panandaliang aliw mo," nakangiti niyang sabi at saka mariing pinasadahan ng dila ang dibdib ko.

            Sa pagkakataong 'yun, natumbok niya ang weak spot ko. Nakagat ko ang labi ko dahil sa papausbong na sensasyon. 

            Malilikot ang kanyang dila na nagdadala sa akin sa kakaibang sarap. 

            "Nagustuhan mo ba?" tanong niya at saka tiningnan ako sa mga mata.

CHAPTER XVI: Needs and Wants

CHAPTER XVI: Needs and Wants

Parang nagliliyab ang buong paligid dahil sa ginagawa sa akin ni Sir Gomez. Hindi ko mapigilan ang sarili kong damhin ang bawat paghagod ng kanyang bibig sa buo kong kahabaan. Kahit pigilan ko ang sarili kong lumikha ng ingay, iba naman ang nagiging reaksyon ng katawan ko.

            Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Nakapako ang tingin niya sa akin habang pinapasadahan ng dila ang uluhan ng aking pag-aari.

            "Huwag mo ng pigilan ang sarili mo," mapang-akit niyang sabi at saka buong sinubo muli ang aking kahabaan.

            Wala sa kanya kahit na maabot ng aking pag-aari ang dulo ng kanyang lalamunan. Pakiramdam ko pa nga'y ikinatutuwa niya ang bagay na 'yun. Hindi ko man lang siyang nakitang nahirapan habang ginagawa 'yun.

            Mayamaya lang ay tumigil siya sa kanyang ginagawa at saka inilapit ang kanyang mukha sa akin.

            "Hindi ka pa ba kikilos?" bulong niya sa akin. Tiningnan ko lang siya habang sinasabi niya iyon. Alam ko naman ang gusto niyang sabihin pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga naging pagbabanta niya sa pag-aaral ko. 

            Sinimulan niyang dilaan ang aking leeg habang mariing hinahagod ng kanyang kamay ang aking kahabaan. Sa sabay na ritmo, parang may kuryente ang patuloy na dumadaloy sa katawan ko. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kiliting dulot no'n sa buo kong pagkatao.

            "Iinom na muna ako ng tubig," pagdadahilan ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo pero nandoon pa rin ang gigil kong kahabaan.

            "Inumin mo na lang 'yung tubig na nand'yan," aniya at saka itinuro ang tubig na nasa mesa. Bukas na ang takip no'n nang hawakan ko pero puno pa ang laman. Napatingin naman ako sa gawi niya na abala na naman sa ipanapalabas sa telebisyon. Nagkibit-balikat na lang ako at saka nilagok ang bote ng tubig.

            Matapos 'yun, hindi kaagad ako bumalik sa  tabi niya. Nanatili ako sa pwesto ko na tinitingnan lang siya. 

            "Kaawa-awa talaga ang magiging estudyante nito kapag nagkataon. Dinudungisan nito ang matinong propesyon," bulong ko sa sarili.

            Nang mapansing nakatunganga lang ako, ngumiti lang siya sa akin nang nakakaloko.

            "Tatayo ka na lang ba talaga d'yan? Ayaw mo ba akong samahan?" tanong niya at saka naupo sa gilid ng kama.

            Umiwas lang ako ng tingin. Hindi pa rin ba sapat ang mga ikinikilos ko para ipamukha sa kanya ang pagtutol ko? Pero sa timgin ko, hindi sa gano'ng paraan siya kadaling titigil. Marahil sa utak nito, mga laruan lang ang kanyang mga estudyante na pwede niyang ikot-ikutin sa kanyang gusto.

            Huminga ako nang malalim at marahang naglakad sa kanyang tapat. Buhay na buhay pa rin ang aking alaga kahit ilang minuto na mula nang tumigil siya sa pagroromansa rito.

            "Wala ka bang nararamdamang iba?" tanong niya.

            Napakunot na lang ako ng noo. "Ano'ng ibig mong sabihin?" pagtataka ko sa tanong niya.

            Hindi na siya sumagot pa, bagkus ay lumuhod siya sa harapan ko at saka nagsimula muli sa kanyang ginagawa. Inabot ng kanyang isang kamay ang kahabaan ko at saka mariing dinilaan ang nasa pagitan no'n.

            Para siyang bata na sabik sa dalawang bolang nasa ibaba ng aking kahabaan. Papalit-palit lang siya kung ano sa dalawa ang uunahin. Kakaiba ang dulot no'n sa akin. Kung ipapaliwanag ang sarap na may dulot na sakit, ito na marahil.

            Nagpatuloy lang siya sa pagdila hanggang sa dumako siya sa mga singit ko. Ramdam ko ang mainit na kanyang hininga na dumadagdag sa tensyon na umuusbong sa katawan ko.

            Matapos 'yun ay saka siya bumalik sa aking kahabaan. Kasalukuyan na naglalawa 'yun sa puting likido. Hindi ko mapigilan ang masabik dahil sa kakaiba niyang pagroromansa. Inuna niya ang pinakapuno at saka ipinasok ang kabuuan ng kanyang bibig sa aking kahabaan.

            Tila sa bibig pa lang niya, nararating ko na ang rurok ng langit. Mabilis siyang sumubo na tila wala nang bukas. Hindi ko na namalayan na sumasabay na ang katawan ko sa bawat paglabas-masok niya.

            Hinawakan ko ang kanyang ulo para higit na maipasok ang aking kabuuan at sumakto hanggang sa kanyang lalamunan habang patuloy sa paglikha ng kakaibang ingay.

            Unti-unti ay nakaramdam ako ng kakaibang kiliti. Parang may namumuo na sa aking ibaba. Hindi pa dapat. Wala pa kami sa kalahati ng ginagawa namin.

            Lalong naging mas mabilis ang pagsubo niya na tila hinahabol talaga na labasan ako sa ginagawa niya. Hindi ko na kayang pigilan pa! Nararamdaman ko na siya sa pinakapuno ng aking kahabaan.

            Hindi pa man nagtatagal ay lumabas na ang puting likido mula sa kahabaan ko. Mabilis ko 'yung hinugot habang ang ilan ay lumabas na sa loob ng kanyang bibig habang ang iba naman ay kumalat sa kanyang mukha.

            Inabot ng kanyang daliri ang mga nagkalat na likido sa mukha at saka pinahid upang lunukin.

            Nakangiti siya sa akin na tila hindi pa kuntento sa nakuha niya. Nandoon pa rin ang naghuhumindig kong pag-aari. Matigas pa rin ito na tila kaya pa ng isang putok.

            "Masarap ba?" tanong niya sa akin.

            Tulad pa rin ako ng dati. Hindi ko pa rin magawang sumang-ayon sa gusto niya. Panigurado kasing lalo lang siya magpupumilit na gawin ito nang paulit-ulit kapag sumagot ako ng 'Oo'.

            "Ang sarap talaga ng katas mo. Matamis-tamis. Ano bang madalas mong kinakain? Siguro puro ka pineapple juice," pang-aasar niya. 

            Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at saka inilapit ang kanyang ulo hanggang sa maabot ang aking tainga. Amoy ko ang katas ko na tila amoy bleach. "Matigas pa naman 'yan, 'di ba?" aniya at saka hinigpitan ng hawak ang aking pag-aari.

            Napangiwi naman ako nang hawakan niya iyon. Nakapagtataka ngang matigas pa rin ang aking alaga. Kadalasan kasi ay bumibigay na ito sa isang round pero iba ito ngayon, tila naghahanap pa ng makakasiping.

            "Gusto mo pa, 'di ba?" bulong niya. Napalunok lang ako ng laway.

            Mayamaya lang ay itinulak niya ako papunta sa kama habang siya ay nanatiling nakatayo.

            "Ako naman," aniya.

            Umakyat siya sa kama at saka sumampa sa dibdib ko. Kahit na nasa kama at nakatukod ang dalawang tuhod sa parehong gilid ko, ramdam ko ang bigat ng kanyang katawan. Itinambad niya sa aking harapan ang kanyang alaga na handa na rin sa susunod na round.

            Napakunot ako ng noo. Ano gusto niyang gawin ko? Hindi naman sana ang bagay na 'yun.

            Nakangiti siya habang pinagmamasdan ako.

            "Hindi ka pa siguro nakakatikim ng ganito," pang-aasar niya.

            Ang totoo n'yan, hindi pa naman talaga at wala sa hinuha ko ang makakatikim ako n'yan. Madalas kasi, ang gusto lang ng mga nagiging kliyente ko ay ang makakahanap ng roromansahin. Mas prefer nila ang labasan habang may ginagawa sa akin.

            "Ibubuka mo lang naman ang bibig mo habang ipinapasok ko 'to. Huminga ka lang nang malalim," paliwanag niya.

            Inilapit niya ang kanyang pag-aari sa bibig ko. Hindi ko alam kung susundin ko ba ang pinapagawa niya.

            "Ibuka mo na ang bibig mo. Ayaw mo naman sigurong magalit ako, 'di ba?" pagbabanta niya.

            Dahil sa sinabi niyang iyon, awtomatiko naman ang naging reaksyon ng katawan ko. Ibinuka ko ang bibig ko at saka mariin niyang ipinasok ang kanyang kahabaan roon hanggang sa maabot ang aking lalamunan. Pakiramdam ko ay masusuka ako nang mga sandaling iyon. Hindi ko na napigilan ang maluha habang iniinda ang nararamdaman.

            "Sanayin mo lang ang bibig mo na nand'yan sa loob ang alaga ko," saad niya. Pero malabo 'atang masanay ang lalamunan ko sa ginagawa niya. Halos umaakyat na ang mga kinain ko kanina.

            Pilit ko siyang inilalayo sa akin. Pakiramdam ko ay mauubusan na rin kasi ako ng hininga. Pero masyado siyang malakas, hindi pa rin niya tinatanggal ang kanyang pag-aari sa loob ng aking bibig. Wala na akong naiisip na iba pang paraan.

            "Shit!" reklamo niya nang kagatin ko ang kanyang alaga. Mabilis naman siyang kumalas mula sa pagkakapasok.

            "Ano bang problema mo?" inis kong tanong sa kanya. "Halos hindi na ako makahinga sa ginagawa mo!"

            Tumawa lang siya nang nakakaloko pero kita ko sa mga mata niya ang labis na pagkairita.

            "Kunin mo na ang mga gamit mo at umalis ka na," diretsa niyang sabi.

            Hindi naman ako nagdalawang-isip sa kanyang sinabi. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at saka nagsuot ng saplot. Bumalik siya sa kama at saka kinuha ang kanyang cellphone. Kita ko pa rin ang pagkainis sa kanyang mukha.

            "H'wag ko lang sana pagsisihan ang nangyaring ito sa akin," bulong ko na lang sa sarili ko.

            Habang naghahanda ako sa pag-alis ko, narinig ko na lang na may kausap na siya sa kanyang cell phone. 

            "Pumunta ka na rito, Samuel. Bilisan mo," utos niya sa kausap niya.

            "Samuel?" pagtataka ko.

            Napailing na lang ako sa naiisip at saka walang lingon-lingong umalis ng kwarto. Pakiramdam ko, sa pag-alis kong 'yun, hindi ko na gugustuhing bumalik pa sa pag-aaral.

CHAPTER XVII: Do We Know Each Other?

CHAPTER XVII: Do We Know Each Other?

          “Antok na antok ka ’ata?” tanong sa akin ni Arjay habang abala sa pagnguya sa pagkain niyang binili sa canteen.

            Nag-unat-unat muna ako ng ulo at balikat bago siya sinagot. "Kulang lang sa tulog. Anong oras na rin kasi ako natapos sa shift ko kagabi," pagdadahilan ko. Ang totoo n'yan, hindi naman talaga 'yun ang dahilan. Isang gabi rin akong hindi pinatulog ng nangyari sa amin ni Sir Gomez. Ramdam ko pa rin ang mga kamay niyang lumalapat sa katawan ko.

            "Sino kaya 'yung Samuel?" bulong ko nang maalala ko 'yung pangalang nabanggit ni Sir Gomez.

            "May sinasabi ka ba?" nagtatakang tanong ni Arjay.

            Napailing naman ako. "Wala, wala. Kumain ka lang d'yan," pagtanggi ko.

            "Baka gusto mo," pag-aalok niya.

            Ngumiti lang ako. "Hindi na. Kulang pa panigurado 'yan sa 'yo."

            Sumimangot naman siya ng mukha. "Bahala ka. Minsan lang ako mag-alok ng pagkain."

            Nandito kami sa usual naming pwesto sa campus kapag may bakanteng subject. Madalas kasing wala kaming professor sa ibang subject dahil na rin siguro mga part time ang mga kinuha nila para magturo.

            "Siya nga pala. Napansin mo ba si Peter? Hindi ko pa siya nakikita ngayon, ah," tanong ko.

            "Sabi niya, may kukunin lang daw siya sa gate. May pinapasuyo daw sa kanya 'yung isa naming kaklase sa Philosophy para sa finals," paliwanag ni Arjay habang patuloy pa rin sa pagnguya.

            Malapit na nga pala ang final exam. Mahihirapan na naman akong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Hindi ko rin pwedeng pakisuyuan si Jeff na kunin ang ibang shift ko dahil nakakahiyang abalahin din siya.

            "Speaking of the devil, parating na si Peter. May bitbit pa 'atang alalay. Pero sino 'yang kasama niya?" ani Arjay habang tinatanaw si Peter na papalapit sa amin.

            Pinagmasdan ko 'yong taong tinutukoy niya. Hindi ito nakasuot tulad ng sa uniporme namin. Sa isang iglap lang, parang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Pamilyar ang mukha ng taong 'yun sa akin. Biglang bumalik sa aking alaala ang lahat ng nangyari ilang taon na ang nakalilipas.

            "Henry..." saad ko nang makalapit sila. Nakapako lang ang tingin ko sa kanya na marahil ay dala ng matinding pagkabigla.

            "Magkakilala kayo?" tanong ni Peter na may halong pagtataka.

            Umiling ito tanda ng hindi pagsang-ayon. "Ahm, hindi, e. Baka nagkita lang kami before sa mga okasyon. Pero sorry, hindi kita maalala," pagtanggi nito.

            Mapait lang akong napangiti sa kanyang turan. "Baka nga hindi mo ako natatandaan. Naalala ko lang 'yung pangalan niya kasi minsan na namin siyang naging customer sa  coffee shop. Alam niyo naman, kailangan naming tandaan 'yung mga nagiging customer namin," pagpapaliwanag ko at saka bahagyang tumawa upang hindi nila mapansin.

            Napatango na lang sina Arjay at Peter na tila kuntento na sa pagsisinungaling ko.

            Ano bang dahilan para itanggi niya na magkakilala kami? Nakakatawa talagang naitanong ko pa ang bagay na 'yan sa sarili ko kahit halata naman ang sagot. Sa lahat siguro ng naging kasalanan ko sa kanya, tama lang na tanggalin na niya ako sa kanyang alaala.

            "Bakit mo pala siya kasama?" pagtataka ni Arjay na sa wakas ay tapos na rin sa kanina pang kinakain.

            "Nakasabay ko lang siya sa gate tapos nagpasama na sa akin kung saan ang room ni Sir Gomez," paliwanag nito.

            Sir Gomez? Nagkaroon ako bigla ng mga tanong sa isipan kung sa anong dahilan at hinahanap niya si Sir Gomez.

            "Pero... ano kasi... Anong kailangan mo kay Sir Gomez?" tanong ko.

            Ngumiti si Henry sa akin na parang wala lang sa kanya. "Siya raw kasi ang kakausapin para sa acquaintance party na gaganapin dito sa school. Kami kasi ang assigned sa beverages. Ilang araw na lang kasi mag-start na ang party. Medyo hagol na rin kasi kami sa oras dahil delay ang approval ng proposal," paliwanag nito.

            Naalala ko bigla na faculty president nga pala si Sir Gomez at siya rin ang may hawak sa Student Council kaya tiyak na dadaan sa kanya ang mga ganitong klaseng proposal.

            Yumuko nang marahan si Arjay at saka tumingin sa paligid. "May mga hard drink ba kayo r'yan?" pabulong na tanong nito.

            Ngumisi lang si Henry. "Sorry. We cannot offer that. Saka na siguro kapag legal na ang uminom ng alcohol sa campus," natatawa nitong sabi.

            Napakamot na lang ng ulo si Arjay dahil sa nalaman. "Bawiin ko na lang 'yung binayad ko. Akala ko pa naman makakainom tayo. Alam mo, dapat pinapalitan na 'yung student council dito, e. Hindi naman tayo catholic school para magdasal sa party," pagtatampo ni Arjay.

            "Siraulo ka rin talaga, e. Nakikita mong sa campus gaganapin 'yung party ta's gusto mong may alak? Eh 'di, nagrambulan 'yung mga estudyante rito. Paniguradong kasama ka pa sa makikipagbasag-ulo," pang-aasar ni Peter.

            "Malay ko ba? Kaya nga nagtatanong, e. Saka nakita mo na ba akong uminom? Ha! Baka ihatid pa kita sa bahay niyo," pagmamalaki ni Arjay.

            Napapailing na lang ako sa dalawang 'to. Kahit kailan talaga, kahit may ibang tao, hindi maiwasan ng mga ito na magbangayan.

            "Oh sige. Mauna na siguro ako. Baka kasi umalis pa si Sir Gomez at hindi ko na maabutan," ani Henry na panay tingin sa dalawa maliban sa akin.

            "Basta diretsuhin mo lang 'yang hallway ta's kumanan ka kaagad, unang pinto. Doon 'yung kwarto ni Sir Gomez," turan ni Peter.

            "Maraming salamat sa inyo. Sana hindi pa ito ang huli nating pagkikita," aniya at saka tumingin sa akin. Biglang nawala ang ngiti niya nang sandaling iyon. Napayuko na lang ako na marahil ay dahil sa hiya.

            Umalis na siya matapos niyang magpaalam. Hindi pa rin tapos sa pag-aasaran ang dalawa. Patuloy lang sila sa pang-aalaska sa isa't-isa.

            "Kahit walang alak, kapag may balak,  hahanap ka talaga ng paraan para mangmanyak, no'?" ani Peter kay Arjay.

            "Ganyan ba talaga tingin mo sa akin? Sa bait kong 'to? Sa totoo nga n'yan, active ako sa church. Akala nga nila, magpapari ako paglaki, e," ani Arjay.

            Natawa na lang si Peter sa pinagsasabi ng kaibigan. "Sa mukhang 'yan, magpapari? Eh, mukha ka ngang kriminal. Kung orange lang 'tong damit natin, baka nadampot ka na," pang-aasar nito.

            "Mukha ba akong kriminal, Michael? Mukha ba?" tanong niya at saka tinuon ang tingin sa akin. "Hoy! Seryoso mo 'ata!"

            Naririnig ko silang nag-uusap pero hindi ko lubos na iniintindi. Occupied pa rin ang utak ko ni Henry. Kahit sabihing ilang taon na ang nakalilipas, may kaunti pa rin siyang puwang na natitira sa puso ko.

            "Wala 'to. May iniisip lang ako," saad ko.

            "Ano ka ba? Wala ng mas importante pa sa tanong ko sa 'yo. Mukha ba akong kriminal, ha?" tanong ni Arjay.

            Tiningnan ko lang siya at binigyan ng dismayadong mukha.

            "Ano'ng klaseng mukha 'yan, ha? Sinasabi ko sa inyo, ako 'yung pang-13 na Apostle. Galangin niyo na ako para maisama ko kayo kapag sumulat ako ng talambuhay ko," pagmamalaki pa niya.

            Napakamot na lang ng ulo si Peter. "Alam mo, malala ka na. Kulang ka pa 'ata sa mga kinakain, e. Kulang tuloy sa sustansiya 'yang utak mo," natatawa nitong sabi.

            Napatingin ako sa relong suot ko. Masyado na 'ata kaming nawiwili sa labas at hindi na namin namalayan na malapit na magsimula ang susunod na subject.

            "Tama na 'yan. Bumalik na tayo. Baka ma-badshot na naman tayo kay Ma'am," saad ko.

            "Ito kasi, e. Puro kalokohan ang kwinekwento. May papari-pari pang nalalaman. Eh, ang totoo naman no'ng nagkumpisal ka, overnight kayo ni Father," muling pang-aasar ni Peter.

            "Alam niyo, kapag hindi pa kayo tumigil, iiwan ko na kayo rito," pagbabanta ko sa kanila.

            Pareho namang nakasimangot ang mukha nila. Hindi na ako magtataka kung hindi sila makapag-asawa at mahanap na lang sa isa't-isa ang kaligayahan.

            "Ito kasi, e. Mapang-asar ka rin talaga, e," inis na sabi ni Arjay.

            Naiiling na lang talaga ako. Paano na kaya ang buhay college ko kung wala ang dalawang 'to? Malungkot siguro. Okay na rin 'to. Magulo pero masaya. Kahit kaunti, ang naaalala ko lang ay ang maging masaya kapag kasama sila.

CHAPTER XVIII: This Shall Pass

CHAPTER XVIII: This Shall Pass

          “Ang lalim ’ata ng iniisip mo?” tanong sa akin ni Emil habang abala sa pagkalikot ng kanyang cell phone. Bukas ang telebisyon pero parehong wala roon ang atensyon namin. Abala na naman siguro ’to sa mga hookup niya.

            Hindi na rin naman kasi bago sa akin ang gabi-gabi n'yang pagpaparaos sa kung kani-kaninong makilala niya. Hindi na lang siguro maituturing na parttime job ang bagay na ito para sa kanya kundi isang regular job.

            "Bukas na kasi nang gabi 'yung acquaintance party namin," saad ko at saka bumuntong-hininga. Pagod na ako mag-isip kung itutuloy ko ba ang pagpunta o hindi na lang. Pero nanghihinayang kasi ako sa ibinayad nina Arjay at Peter. Paniguradong madidismaya ang dalawang 'yun.

            Pero maliban pa roon, alam ko sa sarili kong may masa malalim pang dahilan.

            "Ano'ng gagawin ko?!" iritable kong sabi.

            Nilingon naman ako ni Emil at saka masama akong tiningnan. Duda ang mga mata niya na tila nangungutya. Ano na naman bang nakain ng taong ito at kung ganoon na lang makatingin sa akin?

            "Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil lang d'yan? Acquaintance party lang naman 'yan. Hindi ka pa ba nakakapunta sa gano'n? Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw, matakot ka na lang sa tao," aniya habang ganoon pa rin ang pagkakatingin sa akin.

            Napailing na lang ako. "Hindi mo kasi naiintindihan kung gaano kahirap para sa akin pumunta roon. Basta! May iba rin kasing dahilan kung bakit nagdadalawang-isip akong pumunta," reklamo ko at saka muling humugot nang malalim na hininga.

            "Ano bang mahirap doon? Eh, pupunta ka lang naman sa party? Pera ba ang problema mo? Wala kang pambili ng damit? Pwede naman kasi kitang pahiramin kung gusto mo kaysa nagmumukmok ka r'yan na parang bata," nangangamot-ulo niyang sabi.

            Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha dahil sa lubos na pagkadismaya. Akala ko kasi ayos na ako matapos ang ilang taon. Akala ko kaya ko na siyang harapin ulit nang walang pag-aalinlangan. Pero hanggang sa akala lang pala ang lahat.

            Hindi ko pa rin pala kaya. Wala pa rin akong lakas ng loob. Gaya pa rin ako ng dati – ang dating ako.

            "Nandoon kasi si Henry," malungkot kong sabi.

            Nangunot siya ng noo. "Sino si Henry?"

            "'Yung sinasabi ko sa 'yong lalaki na tinakbuhan ko dati. Nandoon siya sa party. Kinuha sila ng school. First time ko sana a-attend pero parang ayaw kong pumunta. Wala pa rin kasi akong mukhang ihaharap sa kanya," dismayado kong sabi.

            Tumayo siya mula sa pagkakaupo at saka hinawakan ako sa balikat. Nakangiti siya sa akin. Bakas sa mukha niya ang isang taong mapagkakatiwalaan na lubos ko ngayong pinagtataka. Hindi ako sanay na makita siyang ganyan. Madalas kasi ay panggagagong mukha lang ang nakikita ko sa kanya.

            "Pumunta ka. Ako na ang nagsasabi sa 'yong pumunta ka," utos niya sa akin.

            Napailing na lang ako at saka bahagyang nangiti. "Hindi ko pa 'ata talaga kaya. Nagdadalawang-isip pa ako. Ibig sabihin, ipapahiya ko lang ang sarili ko sa harapan niya," sagot ko.

            "Ang tanong. Siya ba ang pinunta mo roon?" tanong niya.

            Umiling ako bilang tugon.

            "'Yun naman pala, e. Maliit ang mundo para hindi kayo magkita sa kahit anong lugar. Itong event na 'to, minsan lang 'to sa buhay mo kaya um-attend ka. Magkakaroon talaga ng pagkakataon na magtatagpo pa rin ang landas niyo. Hindi lang ito ang una," paliwanag niya.

            "Bakit sa mga ganitong bagay, magaling ka? Kahit na ganyan ka, mapagkakatiwalaan ka pa rin pala talaga," natatawa kong sabi.

            Mahinang binatukan niya ako sa ulo. "Gago! Hamak na mas matanda naman ako sa 'yo kaya mas may alam ako sa 'yo. Papunta ka pa lang, pabalik na ako."

            Nangunot ako ng noo dahil sa turan niya. "Eh, 'di ba, tatlong taon lang naman ang agwat natin? Sa ibang experience ka 'ata lamang sa akin."

            Muli, binatukan niya ako sa ulo. "Siraulo ka, ah! Nakakadami ka na, ah!"

            "Sa tingin mo ba? Sa dami ng nakaka-sex kong matatanda, hindi nila ako pinangangaralan? Sa tuwing naaalala ko tuloy kung paano nila ako pagsabihan habang nagse-sex kami, kinikilabutan ako. Alam mo ba 'yung para kang nakikipag-sex sa magulang mo?!" nandidiri niyang sabi at mabilis na iwinawaksi ang naiisip.

            "Eh, sila naman kasi ang tipo mo. Ayaw mong maghanap ng halos kaedad mo lang," payo ko sa kanya.

            Walang anu-ano'y lumapat muli ang kamay niya sa ulo ko. "Ano bang problema mo?! Bigla ka na lang nambabatok!" sigaw ko.

            "Syempre kailangan ko ng pera. Sa tingin mo ba, ang mga taong halos kaedad ko lang, kaya ng tustusan ang pangangailangan ko? Mag-isip ka nga. Ano pang dahilan at naghanap ako ng halos dekada ang agwat sa akin kung kaya naman pala akong tustusan ng kaedad lang natin?" aniya.

            Napatango na lang ako sa ideya. Sa tinagal-tagal ko na rin pala sa ganito, wala akong nakasiping na malapit sa edad ko. Madalas ay mga sampung taon na ang agwat sa akin. Tutal, sila naman 'yung tipong kayang magbayad ng kaunting aliw.

            "Sabagay. Puro ka nga pala sugar daddy," pagsang-ayon ko na lang.

            "Sa totoo n'yan, nagsimula lang din naman ako sa mga kaedad ko lang. Pero napagtanto ko lang din na hindi pala magtatagal ang gano'n. Ang mga tulad natin, masyadong ambisyoso. Kung hindi ambisyoso, praktikal. Porket mga nagsisimula pa lang kaya hindi kayang gumastos para sa aliw," mapait niyang sabi.

            "Kaya ba kayo naghiwalay ng una mong boyfriend?" tanong ko.

            Naalala ko kasing bago pa ako tumira rito, may kinakasama na siyang halos kaedaran lang niya. Hindi niya sa akin nakwento ang buong detalye kaya hindi na rin ako nag-abalang mangialam pa.

            "Sino ba naman kasi ang gustong makasama ako na tanging katawan lang ang kayang ibigay? Nakakatawa, 'di ba?"

            Nakatunganga lang ako, naghihintay sa karugtong ng kanyang kwento. Lahat siguro ng tao ay mayroong kwento ng nakaraan na naging malaking bagay sa kasalukuyang sila.

            "Graduate kasi siya, e. So may trabaho, may pangarap. Tapos ako, tambay. Puro gimmick. Pariwara nga kung ilarawan niya. Pero isipin mo 'yun, siya lang din kasi ang bumubuhay sa aming dalawa kasi ang tanging nagagawa ko lang ay paligayahin siya. Ang tanga ko lang mag-isip na akala ko, ako lang ang may kayang gumawa no'n," huminga siya nang malalim.

            Pansin ko ang pagtiim ng kanyang bagang, hudyat na nagpipigil siya sa pag-iyak.

            "Naghanap siya ng iba. Ano'ng laban ko roon kung 'yun may trabaho at kayang gawin ang ginagawa ko, 'di ba? Doon lang ako magaling, e. Kaso kaya rin pala ng iba," mariin niyang sabi.

            Tinapik ko siya sa balikat. "Okay lang 'yan. Bata ka pa rin kasi," balik ko sa kanya ng mga sinabi niya kanina. 

            "Bakit ba kasi napunta sa akin ang topic? 'Di ba, tungkol sa inyo ni Henry ang pinag-uusapan natin?"

            Nagkibit-balikat na lang ako. "Aba malay ko! Bigla ka na lang nagdrama r'yan tungkol sa buhay mo. Ako lang naman 'tong nakikinig sa mga kwento mo," dahilan ko.

            "Pero sinasabi ko sa 'yo, pumunta ka sa party niyo. Huwag mo munang isipin kung sino ang makikita at makakusap mo roon. Isipin mo lang na nandoon ka para magsaya, okay?"

            Tumango ako bilang tugon. Ngayon, ang gusto ko na lang ay matapos ang linggong ito.

CHAPTER XIX: The Party

CHAPTER XIX: The Party

          Semi-casual ang dress code nang gabing iyon. Suot ang mga damit na pinahiram sa akin ni Emil, mabilis na hinanap ng mga mata ko sina Arjay at Peter.

          "Nasaan na ba 'yung mga 'yun? Ang sabi ko naman sa kanila, huwag nila akong iiwan, e," bulong ko sa sarili. Pailing-iling lang ako hang hinahanap sila. Ang mga pasaway na 'yun, ang hirap hanapin. Kanina pa rin ako nasasakal sa suot kong ito. Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong mga suot lalo na't hindi naman bagay sa akin.

          Unti-unti nang kumakapal ang dami ng tao. Kasabay no'n ay ang paglakas ng mga ingay dahil sa tugtugan at kwentuhan ng mga dumalo. Hindi pa rin talaga ako sanay sa ganitong okasyon. Mabuti pa talaga ay umuwi na lang ako kung hindi lang din magpapakita 'yung dalawang 'yun.

          "There you are," bati sa akin ng isang lalaki na halos katangkaran ko lang rin. Naka-coat siya ng itim habang naka-long-sleeve ng puti na binagayan ng itim na ribbon.

          Napakunot lang ako ng noo dahil sa pagtataka. Kilala ko ba 'tong tao? Naging kliyente ko na ba 'to? Sa tanda ko, hindi naman dahil namimili naman ako kung sino ang parokyano ko.

          "Mukhang nagkakamali ka 'ata. Hindi kasi kita kilala. Saka pauwi na rin kasi ako. Maiwan na muna kita," nakangisi kong sabi at saka akmang uuwi na.

          "Pauwi?" pagtataka niya at saka nangunot ang noo. Tumango lang ako. "Eh, hindi pa nga nag-uumpisa ang party, uuwi ka na kaagad. Halika, sumama ka sa akin. Ipinasuyo ka rin kasi ng kaibigan ko," paliwanag niya.

          Lalo akong nagtaka sa turan niya. Sa huling tanda ko, dalawa lang ang naging kaibigan ko rito. At kung hindi ako nagkakamali, ako lang din ang kaibigan nila. At hindi rin sila makikipagkaibigan sa hindi nila ka-level.

          "Wait. Sino bang kaibigan 'yan? At bakit naman ako sasama sa 'yo? Eh, hindi nga kita kilala," tanong ko dala ng pagtataka.

          Hinablot niya bigla ang kamay ko at saka ako hinila sa gitna ng maraming tao. 

“Huwag ka nang maraming tanong pa. Basta sumama ka na lang sa akin,” aniya at saka ngumiti nang malapad.

“Kung babayaran mo ba naman ako, okay lang,” bulong ko sa sarili.

“May sinasabi ka ba?” pagtataka niya.

Ngumiti lang ako sa kanya habang umiiling.

Kaya ko namang pigilan siya pero may kung ano sa akin na gustong malaman kung sino ang tinutukoy niyang tao. Minabuti ko na lang ding sundan siya dahil sa wala rin naman akong ibang gagawin dito kung hindi ko makikita ’yung dalawa.

          "Saan mo ba ako dadalhin? At saka hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sa 'yo. Sino ba 'yang kaibigan na tinutukoy mo?" pangungulit ko.

          Nagpatuloy lang siya paglalakad habang hindi sinasagot ang mga tanong ko. Bingi ba ito? O deadma lang sa tanong ko?

          "Naririnig mo ba ako?" iritable kong sabi.

          "Alam mo, ang dami mo rin talagang tanong, e. Malalaman mo rin," sagot niya at saka nagtaas-baba ng kilay.

          Napabuntong-hininga na lang ako. Ano rin bang pumasok sa isip ko at sumama ako sa taong 'to? Siguraduhin niya lang na sa mabuting tao niya ako dadalhin dahil kung hindi, magkakalintikan kami.

          Sa ilang minuto naming paglalakad, pakaunti nang pakaunti ang mga tao. Palayo rin kasi kami nang palayo sa mismong ginaganapan ng party hanggang sa huminto kami sa isang pinto.

          "Part ka ng student council?" tanong ko sa kanya nang mapansing huminto kami sa pinto ng quarters nila.

          Tumango siya. "Yes! Nakakapagtampo 'yun, ah. Nakapagtataka lang na hindi mo ako kilala. Baka isa ka sa mga hindi bumoto sa akin," natatawa niyang sabi.

          Napakamot lang ako ng ulo. "Pasensya na. Wala na rin naman kasi akong alam sa nangyayari sa school pagkatapos ng klase ko. Hindi mo naman siguro ako paparusahan, 'di ba? Wala naman akong nilabag sa campus rules sa huling tanda ko," paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

          "Nakakatawa ka. Wala naman sa akin 'yun, e. At saka, hindi mo naman kasalanan na hindi ka interesado sa mga ganap dito sa campus. Kaya sa susunod na eleksyon, alam mo na kung sino ang iboboto mo, ah," aniya at saka ngumiti.

Tumango lang ako. Hindi ko nga kilala kung sino siya, sa isip-isip ko. Kaya sa paanong paraan ko siya iboboto?

“Kaya siguro nagustuhan ka niya kasi mabait ka,” saad niya na ipinagtaka ko naman.

          "Ha? Sino? Ano'ng ibig mong sabihin?" pagtataka ko habang nangungunot ang noo.

          Bumuntong-hininga siya. "Pumasok ka na lang para malaman mo," aniya at saka pinagbuksan ako ng pinto.

          Unti-unti kong nakikita ang loob ng quarters na ngayon ko pa lang mapapasok. Sa pagbukas no'n, nabungaran ko si Dan na nakaupo sa isang sofa, nag-aabang at nakangisi sa akin. Nakasuot siya ng formal attire, nakaayos ang buhok na bumagay sa kanyang mayamang awra.

          "Iwanan ko na kayo. Enjoy!" aniya habang kumikindat at saka isinara ang pinto.

          Naiwan kaming dalawa ni Dan sa loob at ang tanging ilaw lang ng mga oras na 'yun ay ang lampara na nasa gilid niya at liwanag galing sa labas.

          "Maupo ka muna," anyaya niya habang itinuturo ang tabi niya.

          Nagpalinga-linga ako sa paligid. Iba ang pakiramdam ko nang mga oras na 'yun. Parang may kung sinong mga mata ang nakatingin sa amin.

          "Hindi na. Mauuna na ako. Maraming salamat sa paanyaya mo," magalang kong sabi at saka tumalikod.

          "Hindi ka pa nga nag-eenjoy, aalis ka na kaagad?" saad niya. "Maupo ka muna rito. Mag-uusap lang naman tayo. Bakit ka ba masyadong iwas sa akin?"

          Huminga ako nang malalim. "Kung wala ka namang ibang sasabihin, mauuna na ako at marami pa kasi akong gagawin. Ayoko ring sayangin ang oras mo. Mayamaya lang kasi, magsisimula na ang party. Baka hindi mo magawang mag-enjoy," sarkastiko kong sabi.

          "Sa tingin mo ba talaga, 'yang party ang ipinunta ko rito?" tanong niya.

          Napaisip ako sa turan niyang 'yun. Siguro, sa yaman niya, kaya niyang araw-araw na ganito ang gawin sa buhay niya. Wala nga namang hindi nagagawa ang pera.

          "So, ano bang pinunta mo rito? 'Yan ba ang gusto mong maging usapan natin?" Muli, hindi ko naiwasan ang maging sarkastiko. Pareho lang naming sinasayang ang oras namin sa isa't-isa.

          "Nakakatawa ka talaga," aniya at saka bahagyang ngumiti. "Let's have a drink. Gusto ko lang naman mag-chill. And have a little chat with you. Masama ba 'yun?" tanong niya sa akin.

          Masama nga ba? Hindi. Sa huli kong tanda, wala pa naman siya sa aking pinapakitang masama. Ang tanging ikinakagulo lang ng isip ko ay ang mga sinasabi niya sa akin. Habang tumatagal, kinakabahan na ako sa pakay niya.

          Napailing na lang ako. Wala naman siguro ngang masama ang samahan siya saglit. Tutal ay hindi ko rin naman makita 'yung dalawa kong kaibigan kaya mabuti pa sigurong dito ko na lang ubusin ang oras ko. Paraan na rin siguro 'to para malaman ko ang nasa isip niya.

          Naupo ako sa tabi niya, ilang talampakan din ang layo. Kapansin-pansin ngang walang tao sa headquarters maliban sa aming dalawa. Marahil ay mga abala dahil sa ginaganap na party.

          Kinuhanan niya ako ng isang baso at saka nagsalok ng alak. 

          "Hindi ako umiinom," pagtanggi ko nang iabot niya sa akin ang baso.

          Natawa siya ng bahagya. "Hindi ka malalasing dito. Wine lang 'to. Baka dalawang bote pa ang kailangan mong maubos bago ka tamaan," saad niya.

          Hindi na ako nagreklamo. Pinaniwalaan ko na lang ang sinabi niya. Tutal hindi naman talaga ako madaling tamaan ng kalasingan. Ayoko lang talaga umiinom kasama ang ibang tao. Gusto ko kasing maprotektahan ang sarili ko kung sakaling may ibang mangyari.

          "Kumusta ang trabaho?" tanong niya.

          Pinaikot-ikot ko muna ang alak sa baso, iniisip kung ano ang isasagot.

          "Ayos naman," matipid kong sagot.

          Tumango-tango siya na parang hindi sang-ayon sa sinabi ko.

          "E, 'yung isa mong trabaho. Kumusta?"

          Nangunot bigla ang noo ko sa tanong niyang 'yun. Paano niya nalaman ang bagay na 'yun? Maingat ako sa mga kilos ko kaya imposibleng may nakakaalam ng ibang trabaho ko.

          "Ano'ng ibig mong sabihin?" pagkukunyari ko. 

          "Huwag na tayo maglokohan. I know na may iba ka pang ginagawa maliban sa pagiging barista," wika niya.

          Lumunok ako ng laway, umaarte na tila na walang nalalaman sa sinasbai niya. Hindi ko naman ikinakahiya ang trabahong 'to pero ayoko namang kumalat ang isyu na 'to at maging dahilan pa para hindi ako makatapos sa pag-aaral.

          "Alam mo, ang non-sense ng mga sinasabi mo. Hindi kita maintindihan," pagtanggi ko.

          Mayamaya lang ay unti-unti siyang lumalapit sa akin hanggang sa halos isang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin.

          Ramdam ko ang pagtama ng kanyang hininga sa mukha ko. Naaamoy ko rin ang matamis na alak sa kanyang hininga na nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa akin para mapatitig sa kanyang labi.

          "Masyado ka na 'atang malapit," wika ko habang paatras ang ulo.

          "Bakit hindi mo ako itulak kung masyado na akong malapit?" tanong niya.

          Hindi ako nakaimik. Bakit nga ba? Dito siya magaling, ang manukso. Habang tumatagal, tila 'ata nagugustuhan ko ang ginagawa niya.

          Hindi ko namalayan na naglalakbay na pala ang kamay niya sa ibabaw ng pantalon ko. Hindi ko mapigilan ang manlambot habang ginagawa niya 'yun. Patuloy siya sa paghimas hanggang sa mag-init ang katawan ko.

          "Babayaran kita kahit magkano ang isang gabi mo," aniya at saka siniil ako ng halik.

CHAPTER XX: Welcoming You

CHAPTER XX: Welcoming You

            Nabigla ako sa biglang paglapat ng kanyang labi sa akin. Napakalambot ng labing iyon na animo’y ngayon pa lang nakahalik. Samahan pa ng matamis niyang laway na marahil ay dahil sa alak na kanyang ininom kanina.

          Patuloy lang kami sa tagisan ng aming mga dila habang patuloy siya sa paglakbay sa buo kong katawan. Pakiramdam ko tuloy ay papanawan na agad ako ng ulirat sa langit na dulot pa lang ng kanyang mga halik.

          Mayamaya lang ay humiwalay siya sa akin at pareho kaming naghabol ng hangin. Nakangiti siya sa akin habang hindi pa rin inaalis ang kanyang mga kamay sa aking katawan.

          "Sabihin mo lang kung ayaw mo ang ginagawa ko," aniya. 

          Hindi ako nagsalita. Hindi rin ako tumutol. Tuluyan nang bumigay ang katawan ko sa makamundong pagnanasa. Hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong sumabay sa kasalanang ito. Hinayaan ko na lang ang sarili kong magpaanod sa gustong mangyari ng katawan ko.

          "I'll take your silence as a yes," turan pa niya. 

          Tumayo siya mula sa pagkakaupo at saka iniayos ang sarili. Tumungga siyang muli sa iniinom na alak at saka ako tiningnan. Napakunot naman ako ng noo nang sandaling iyon. 

          "What are you waiting for? Tumayo ka na r'yan. Dadalhin kita sa mas private na lugar," saad niya at saka ngumisi. Nakita ko pa ang pagkindat ng kanyang mata.

          Walang ano-ano'y napatayo niya ako mula sa kinauupuan ko. Tila awtomatiko ang naging reaksyon ko. Nakapagtatakang napapasunod niya ako ngayon. Marahil ay dala na rin ng alak at nag-uumapaw na init ng katawan kaya aktibo ang katawan kong maghanap nang mapaglalabasan.

          Lumabas kami ng quarters. Tulad pa rin ng kanina, wala pa ring tao ang parteng ito ng campus. Ang lahat ay nandoon sa event area, abala at nagsasaya. Nawala na rin sa isip kong hanapin pa sina Arjay at Peter. Hindi naman siguro magtatampo 'yung dalawang iyon sa akin kapag nagkataon dahil sa totoo lang, sila naman itong nang-iwan.

          "Sumunod ka lang sa akin," ani Dan na siya namang ginawa ko.

          Malikot ang mga mata kong pinagmamasdan ang paligid. Tinitingnan ko kung may mga taong makakakilala sa akin. Nakapagtataka naman kasing isipin na may kasama akong iba na hindi taga-campus kaya paniguradong magdududa ang sinumang makakita.

          Nagtungo kami sa parking lot. Tunay ngang mayaman ang pamilya niya dahil sa murang edad, may ganito na siya agad na kagarang sasakyan. Nagdadalawang-isip tuloy akong sumakay dahil sa sandaling nasa loob na ako, wala ng atrasan 'to.

          "Bakit hindi ka pa nasakay? Gusto mo bang pagbuksan pa kita ng pinto?" pang-aasar niya.

          Tiningnan ko lang siya nang masama. Hindi ko alam kung iniinsulto niya ba ako sa sinasabi niya.

          "Or maybe you want it more in the parking? Okay lang naman sa akin," aniya at saka kumindat.

          Itinaas ko lang ang gitnang daliri ko sa mukha niya at saka malokong ngumiti.

          "Nagkakaintindihan naman pala tayo. Sumakay ka na," utos niya.

          Wala na akong nagawa, sumakay na akong tuluyan sa kanyang sasakyan at hinayaan na lang kung anong pwedeng mangyari mamaya.

          Nagsimula na siyang paandarin ang sasakyan. Nakapagtatakang nakangiti lang siya habang nasa kalsada ang atensyon niya. Ano bang problema ng taong 'to? Mahirap talagang alamin kung ano ang natakbo sa utak niya. Hindi naman siguro ganito ang utak ng ibang mayayaman, 'di ba?

          "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko pero hindi direktang nakatingin sa kanya.

          "Life is full of surprises. Hindi mo alam kung saan ka nito dadalhin. Sometimes, it brings you too much joy. Pero most of the time, you'll get fucked really hard," aniya at saka tumingin sa akin. Iyan na naman siya sa mga sinasabi niyang laging may ibang kahulugan.

          "Bahala ka," matipid kong sagot.

          Mayamaya lang ay hindi ko napansing tumigil kami sa isang malaking bahay. Siguro ang laki nito ay dalawang building ng apartment kung saan ako nakatira ngayon.

          "Nasaan tayo?" tanong ko.

          Ngumiti siya. "Nasa bahay namin," sagot niya. Napamulat naman ako nang sabihin niya 'yun. "Welcome home," pagbati niya.

          Hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang bahay nila. Ito 'yung madadalas kong napapanuod na bahay sa mga foreign films. Sobrang aliwalas ng bahay nila dahil na rin siguro sa lighting. Puno rin ng mga mamahaling figurine ang buong hallway.

          "Bakit parang wala 'atang tao?" tanong ko nang mapansing ang tahimik ng buong bahay. Imposible kasi sa ganitong kalaking bahay, dalawa o tatlo lang ang mga taong nakatira.

          "Weekends ngayon. We let our maids na magkaroon ng restday. Tutal ay wala naman ang parents ko rito," sagot niya.

          Bigla tuloy akong nahiya sa suot ko. Sa pagkakataong may makakita sa akin, baka ay mapagkamalan pa akong katiwala sa kanilang bahay.

          "Maupo ka muna. Ikukuha muna kita nang maiinom," aniya at saka nagtungo sa pantry nila.

          Ngayon, malinaw na talaga sa akin ang agwat ng estado namin sa isa't-isa. Nakakasiguro na akong biro lang ang sinabi niya noong may gusto siya sa akin. Sa isang tulad niyang mya ganitong karangyang buhay, hindi kailanman gugustuhing danasin ang buhay na mayroon ako.

          "Na-amaze ka ba?" tanong niya sa akin habang inaabot ang isang wine glass. Napansin niya sigurong kanina ko pa nililibot ng tingin ang buong bahay nila.

          Napatango na lang ako bilang tugon. Wala namang dahilan para magsinungaling ako. Iniisip ko tuloy kung may ganito lang siguro akong yaman, hindi ko dadanasin ang ganitong hirap.

          "I'm very proud of my parents. Nagawa nila ang ganito. Pero you know what? Nakakatawang there are lot of teenagers who like to brag things na hindi naman nila pinaghirapan. That's so funny," wika niya at saka tinungga ang basong iniinom.

          "What do you mean?" pagtataka ko.

          "They think na they can get whatever the hell they want. Most of people love money. Narinig mo? Most... Hindi lahat," mariin niyang sabi.

          Naging sunod-sunod ang paglagok niya ng alak na tila nilulunod ang sarili. Pagkakataon na ba para makita ko ang softside na tinatago niya? Baka sa pagkakataong 'to, makilala ko na siya nang lubusan.

          Napangisi ako. "I agree at kasama ako sa most na 'yun," wika ko.

         "Kaya siguro ganyan ka katigas. You don't open your heart to anyone. Para kang bato. You don't let your emotions to get in your way. Masyado 'atang mataas ang pangarap mo para maging ganyan ka kahigpit sa sarili mo," saad niya.

          Napailing ako. 'Yan ang mga salitang madalas sabihin ng mga taong hindi alam ang pinagdadaanan ko. Madali para sa kanilang sabihin ang mga katagang 'yan dahil nasa kanila ang pribilehiyo. Sa isa kasing tulad ko, limitado ang biyaya para sa amin kaya mahigpit ang kapit namin.

          "Hindi mo lang kasi naiintindihan," sagot ko.

          "Narinig ko na 'yan. Nagiging sarado naman kayo sa pag-intindi. Sinasabi niyong kaya niyo pero hindi naman talaga."

          Sa pagkakataong 'yun, napatayo na ako. Hindi ko na nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig niya.

          "Ano bang gusto mong palabasin?!" wika ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtaas ng boses. Pakiramdam ko ay naiinsulto ako sa mga sinasabi niya.

          "Chill ka nga lang. Mainit naman kaagad ang ulo mo. We're just having some heart to heart talk here. I do not mean to offend you," saad niya.

          Huminga ako nang malalim. Nagmukha tuloy akong sensitibo sa kilos kong 'yun. Hindi kasi ako sanay na hinahamak ang sarili ko. Alam kong mahirap ako pero may tamang paraan para kausapin ako.

          Tumayo siya bigla at tumapat sa akin. Hawak mula sa isang kamay ang baso ng alak, naglaro naman ang kabila niya sa mukha ko na tila inuusisa ang bawat parte no'n.

          "Hindi ako sanay na nakikita kang ganyan. Sanay ako sa kalmadong Michael na matagal ko nang sinusubaybayan. It's been one year since I met you and I finally got the strength para lumapit sa 'yo," wika niya.

          "Ano'ng ibig mong sabihin? Nagbibiro ka lang naman, 'di ba? Marami ka nang naiinom na alak kaya kung ano-ano na ang natakbo sa utak mo," natatawa kong sabi.

          "Siguro nga. Lasing na ako kaya mas may lakas na ako ng loob na magtapat sa 'yo," aniya. Inilipag niya ang hawak na baso at saka inilingkis ang magkabilang braso sa balikat ko. Halos magdikit ang dibdib namin nang mga oras na 'yun. Ilang dipa lang din ang layo ng mga mukha namin kaya ramdam ko ang pagtama ng kanyang hininga sa mukha ko.

          "I love you," wika niya at kasabay no'n ay ang paglapat ng mga labi namin.