Poseidon's Program (BL) UNEDITED VERSION
Kijarasen · 37 chapters · 56,009 words
🌊•Prologue•🌊
The Sea Goddess made a way to help those who suffer. A new beginning, a reset, or a restart, but not as a human…
But as
a
mythical creature under the sea with a tail and half of a human body…
They are called the mermaids and mermen.“
Date started: June 01 2023
🌊1: Surprise visit🌊
Cleo’s POV
Today is the best day of my life. Arc and I got to celebrate our 2nd year anniversary around the Baguio. Sobrang dami naming pinuntahan. We took a lot of pictures together and created memories that would settle within my heart for the rest of my life. I wouldn’t trade anything for this!
He was my stress-reliever. My comfort zone. My guardian. My hero. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nang walang Arc Pineda sa buhay ko.
I held his hand tightly and rested my head on his shoulder. Nasa byahe na kami pauwi. He was driving the car and here I am beside him, being so clingy as I am.
“Thank you for making this day memorable, Arc. I love you.” Sambit ko sa kaniya at alam kong narinig niya ’yon.
Even though I wasn’t looking, I know he was smiling at me.
“And I thank God for giving me a sweet little cry-baby like you.” He said.
My heart filled with joy and warmth of his love. Wala na talaga akong mahihiling pa sa buhay ko ngayon. My grandma is healthy. I have my own business at home and I have him as my lover. Isa na yata ako sa mga pinakaswerteng tao sa mundong ’to.
Suddenly, my stomach made a noise that made Arc burst out of laughter. Gutom na ako palibhasa ’dis oras na rin ng gabi.
“Drive thru tayo sa McDo. Dumadaing na ’yang mga dinosaur sa tiyan mo.” Natatawa-tawa niyang sambit.
Tumango-tango lang ako at mabilis din naman kaming nakabili ng pagkain sa dinaanan naming McDo.
Hindi ako nag-rice. Sundae, float, BFF fries at double cheese burger lang ang binili naming dalawa.
Para hindi mahinto ang byahe at makauwi kami agad sa Manila, sinusubuan ko na lang siya habang kinakain ang sa akin.
This kind of moment is something that I would die for. Sobrang simple lang nito para sa iba pero para sa akin, sobrang galak at tuwa na ng puso ko. I am serving him the way other couple’s do. Honestly, there nothing wrong with us. I don’t feel different from others. Ang sabi kasi nila, we, the same sex are not normal. They even call us names and so on but I don’t give a single fuck. I don’t really care at all. Dahil hangga’t kasama ko si Arc sa buhay ko, I would always be greatful and contented. With Arc beside me, nothing worries me.
I don’t know how long the ride is. Nakatulog din kasi ako sa byahe. Nagising na lang ako nang gisingin ako ni Arc dahil nandito na kami sa harapan ng Coffee shop ko. Pasado alas 12 na rin ng gabi nang tingnan ko ang wrist watch ko.
Magpapaalam na sana ako kay Arc nang makita ang babaeng na nakaupo sa harapan ng pinto ng Coffee Shop. Nakasandal ito sa pinto at tila ba nahihimbing na. Nagulat pa ako nang makitang hindi siya nag-iisa. She was with her kid. Nakahiga ang bata sa hita niya na kinumutan niya lang ng jacket para pangsangga sa lamig. Naawa naman ako bigla.
“Mag-iingat ka pauwi. I love you.” Sabi ko kay Arc saka humalik sa pisngi niya.
Nagtaka ako nang makita siyang nakatitig doon sa mag-ina. Naaaawa rin siguro siya.
“Ako na bahala sa kanila. If they need place to stay, papapasukin ko muna sila sa coffee shop para naman hindi sila malamigan-” nahinto ako nang biglang lumabas si Arc sa kotse.
He strode towards them. Lumabas naman ako bigla at lumapit sa kanila.
Pupungay-pungay ang mga mata ng babae nang makita niya kami. She seemed surprise but the glimpse of joy was so evident in her eyes.
“Arc, sa wakas, nakita rin kita. Anak, gumising ka, nandito na ang tatay mo.” Sambit noong babae dahilan para tumigil saglit ang mundo ko.
“Anong kahibangan na naman ang sinasabi mo Zamarah? Pwede ba, tigilan mo na ako!” Sigaw ni Arc. Napatingin pa siya sa akin at naintindihan niya namang naguguluhan ako sa mga nangyayari kaya hinawakan niya ang mga kamay ko.
“Huwag kang makikinig sa kaniya. Walang katotohanan ang mga lumalabas sa bibig ng babaeng ’yan,” dugtong niya pa.
The girl stood up, now holding the kid in her arms.
Tila ba huminto sa pagpintig ang puso ko nang makita ang batang lalaki. He was looking at me and then averted his gaze to the guy standing beside me.
Mula sa mata, ilong, bibig, buhok at hugis ng mukha, hindi mapagkakailang ama niya si Arc. Para silang pinagbiyak na bunga. Lahat ng meron si Arc ay meron din ang batang ito. He was like the younger version of my Arc.
“Dalawang taon na si Andy at panahon na para makilala niya ang kaniyang ama. Arc, ayaw kong magaya sa akin ang anak natin na lumaking walang mga magulang kaya nakikiusap ako, tumayo kang anak sa batang ’to.” The girl said.
Pakiramdam ko’y naubos ang lakas na natitira sa ’kin. Para akong matutumba kung hindi lang dahil kay Arc na nakahawak sa akin ay kanina pa ako nakalupagi sa sahig.
Slowly, I felt my heart torn apart.
He needs to be a husband and a father to them…
So I need to give up my man for these people who need him the most.
Ang sakit naman magmahal.
Marahan kong tinanggal ang kamay ni Arc na nakahawak sa akin. Lumingon siya sa akin, balisa at takot na iwanan ko siya sa kawalan.
“Hayaan mo muna akong lumayo. Gusto ko mapag-isa, Arc. Gusto ko munang mag-isip-isip. Pakiusap, huwag mo akong susundan.” Sambit ko sa kaniya at saka humakbang ng ilang beses paurong sa kanila. He was about to go near me when that girl named Zamarah stopped him from doing it.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. The sight of this kid just touched my heart. Magagawa ko bang magparaya para sa kanila? Para sa kinabukasan ng batang wala namang ginawang kahit na anong kasalanan? Would I sacrifice my happiness for this kid? Magagawa ko ba?
I closed my eyes as I felt the bunch of tears that jumped out. I need to get away from here so I turned my back and started running.
Kaya ko bang mag-paraya?
🌊 2: Merman’s song 🌊
Cleo’s POV
Bawat hakbang tila ba pabigat nang pabigat katulad na lang ng kirot sa dibdib ko, na sa ngayon ay hindi ko alam kung paano ba tatanggalin. Maybe I would live with the pain for a while and get used to it.
2 years with Arc. We had so much memories together. I can’t remember we had a fight and misunderstanding because Arc is a very understanding and gentle guy I ever met. Now that the thought of us being apart really breaks my heart.
I sobbed and cupped my face. Mabuti na lang at madilim na, wala na ring mga tao ang naglalakad sa side walk kung saan ako naglalakad ngayon. Dis oras na rin kasi ng gabi kaya wala nang pakalat-kalat na tao sa paligid. Swerte pa rin ako.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I just want the heaviness to be lifted up from my heart. Parang pakiramdam ko hindi ko na kayang buhatin pa ang puso ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Ni hindi ko magawang huminto mula sa pag-iyak. Ayaw tanggapin ng isip ko na maghihiwalay kami ni Arc. Ayaw pang tanggapin ng isip ko na pagkaraa’y mas pipiliin din ni Arc ang mag-ina niya kesa sa akin, dahil iyon ang mas tama at mas mabuti. Kaya wala na akong magagawa kundi sumuko at magparaya. Kaya ko na ba siyang ipaubaya?
Hindi ko alam kung gaano ako katagal naglalakad. Hindi ko na rin alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Napansin ko na lang na malayong-malayo na ako nang makarinig ako ng mga alon na humahampas sa naglalakihang mga bato. Malapit ako sa dagat.
I looked around. Madilim at ang liwanag lang ng buwan ang siyang tanging nagbibigay sa akin ng liwanag. Nasa gilid ako ng daan. May mga nadaang sasakyan pero miski sila’y walang pakialam sa nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko wala akong kakampi at mistulang kaawa-awa.
Nasa gilid pala ako ng bangin. Nakumpirma ko lang iyon nang makalapit ako sa metal railings na siyang nagbibigay ng harang sa gilid nito.
Tubig na ang nasa ilalim. The waves making noises whenever they hit the sea wall.
Somehow, I felt the calmness of the sea. Hindi ko inaasahang bibigyan ako ng seguridad ng dagat. Tila ba dinadamayan din ako ng buwan. Napakaganda nito sa kalangitan. Napakasarap niyang titigan.
I felt the tears rolling down my cheeks again and so I wiped it all down.
Napakaiyakin ko naman. Palibhasa kasi alam kong wala nang Arc na handang aluhin ako sa tuwing hindi nagiging maganda ang mga bagay-bagay. Wala nang Arc na handang pumahid ng mga luha ko at magpaalalang magiging okay din ang lahat.
I closed my eyes hoping that my tears would stop from falling then suddenly, I heard a hum. It was a male’s voice. Sobrang sarap sa tenga ng boses na ’yon. Tila ba hinihikayat ako nitong tumalon sa dagat at magpalunod na lang. Baka sakaling mapawi ang nararamdaman kong lumbay ngayon.
Unti-unting lumalakas ang naririnig kong boses na tila ba papalapit siya nang papalapit sa akin at mula sa kinatatayuan ko, may nakita akong tao sa hindi kalayuan. Nasa tubig ito at alam kong ako ang tinitingnan niya.
To get a closer look, I leaned forward and squinted my eyes but I didn’t expect that the metal railings couldn’t support my weight as it went broken, making me fall into the water.
Tumama ang ulo ko sa kung saan. I felt numb for seconds before I felt the extremely pain in my skull. Parang binibiyak.
My eyes was getting blurry. I want to swim but my body couldn’t seem to move. Unti-unti na rin akong nauubusan ng hangin.
The humming voice was passing through my ears. Hindi ko alam pero parang nawala ang takot sa puso ko kahit na alam kong ano mang oras ngayon ay pwede akong bawian ng buhay. Mula sa pagkakalunod o sa natamo kong sugat mula sa pagkakahampas ng ulo ko sa kung saan man.
I felt something that wrapped around my body. A hand held my cheek. I tried to focus my eyes but everything was so blurry. Gawa na rin siguro ng sobrang dilim ng gabi at alam kong unti-unti nang nag-aagawan ang kamalayan ko at pagkaantok.
Mamamatay na ba ako?
May naaninag akong mukha. It wasn’t a clear view but I must say that there was a man in front of me. He has a very fine features but what caught my attention is that his ears weren’t normal. It was very different. Hindi ko maipaliwanag pero mukha itong palikpik ng isda. Hindi ko masabi dahil hindi ko na rin makita nang maayos.
(This is how their ears would look like)
His voice soothed all the worries in my heart. I slowly closed my eyes and just accepted the fact that I am dying tonight when I felt something soft touching my lips.
Hinalikan niya ako.
Everything went black. Nang magising ako’y nasa tabi na ako nang dalampasigan. Agad akong napabangon at napahawak sa noo ko dahil sa pagkakatanda ko’y nahulog ako sa bangin at tumama ang ulo ko sa matigas na bagay. Nakahinga ako nang malalim nang mapansing wala akong kahit na anong galos at halos mapatalon ako sa gulat nang makita ang taong nakahiga ilang dipa ang layo sa akin.
Nakatalikod siya sa akin at walang kahit na anong saplot sa katawan. Napakaganda ng hubog niya na tila ba pumupunta siya sa gym kada sabado at linggo.
I shrugged off the thought and looked for myself. Hindi naman ako na-rape dahil suot ko pa rin nang maayos ang damit ko kahit na basang-basa ako. Hindi ko lang alam kung paano ako napunta rito at kung sino itong kasama ko ngayon. Hindi naman ako lasing! Aminado akong hindi ako nakainom ng alak!
I took a stick that I saw on the sand near me and used it to poked the guy. Baka mamaya alien to! Mahirap na!
I successfully awaken him but then I screamed the moment he turned to face me. Nakalimutan niya yatang nakahubad siya kaya bumungad sa akin ang putotoy niya. Juskopo!
Nakakita tuloy ako ng ahas nang wala sa oras!
Thanks for reading! Dont forget to hit the vote button before proceeding to the next part. Thank you ❤️
🌊 3: No name 🌊
Cleo’s POV
Napatakip ako sa mga mata ko habang sumisigaw. Hindi niya yata alam na wala siyang suot na kahit na ano ngayon. Parang wala siyang pakialam!
“Kadiri ka!” Sigaw ko. “Nasaan ba ang damit mo? Bakit hubo’t hubad ka?” Dagdag ko pa.
“Bakit hindi ka naging sirena…?” He asked. Nahinto ako at kahit na nakahubad siya ngayo’y hinarap ko siya. Napatitig ako sa mukha niya’t kitang-kita ang pagtataka mula sa kaniyang mga mata. “Bakit naaalala ko pa rin lahat? Bakit meron pa rin akong memorya ng pagiging merman? Anong…anong nangyari?”
Unti-unting prinoseso ng isip ko kung ano ang ba ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Saka lang unti-unting bumalik lahat. Mula sa pagkakahulog ko sa bangin at sa misteryosong boses na narinig ko mula sa dagat. Meron ding lalaki. Merong humalik sa akin sa ilalim ng tubig!
“Anong ginawa mo sa ’kin?” I asked him the moment all the memories flashed back at me. Napaiwas ako nang tingin at napapikit nang makita na naman ang putotoy niya. Malaki naman ito pero hindi lang ako sanay na makakita ng ibang putotoy bukod sa putotoy ng Arc ko.
Since I was wearing pants, I removed it and gave it to him. Nakasuot naman kasi ako ng boxer shorts kaya ayos lang na ibigay ’yon sa kaniya. Nakaka-distract siya! Nakakadiri rin!
“Suotin mo ’yan!” Utos ko sa kaniya kahit na hindi ako nakatingin. Kinuha niya naman sa akin ang maong pants. Minutes later, I faced him. Mabuti naman at naisuot niya na ito.
“You have a broken heart. We, merpeople have the ability to see if someone is suffering by an emotional pain. Goddess of the Merland City heard the mortal’s cry and witnessed their sufferings so she came up with a program in which humans and merpeople can be beneficial to one another. Humans can have a new start. A reset or a restart in life but not as a human, but as a mythical creature under the sea with a tail and half of a human body. They are called mermaid and mermen. And so as we, the merpeople. The deal will be sealed by a kiss and everything will be erased on both parties. Pero hindi ko alam kung anong nangyari at parang naiba ang diseniyo ng Goddess of Merland City sa ating dalawa.” Paliwanag niya sa akin.
Hindi ko magawang magtanong dahil nanatili akong gulat sa mga pinaliwanag niya. Hindi ko halos maintindihan ang mga sinabi niya. Merpeople? Goddess of the Merland City? Program? Mythical creature? Mermaid and mermans?
“Nakadrugs ka ba?” Tanong ko na lang.
“You are the key. You need a restart and so I am here to offer you a help. A kiss would seal the deal. Magkakaroon ako ng mga paa at babalik muli sa pagiging tao samantalang mag-uumpisa kang muli bilang isang merman. Pero bakit gano’n? Hindi ka naging isang merman? Ngayon lang nangyari ’to! Ang sabi pa nila ay mawawala lahat ng ala-ala ko bilang isang merman pero bakit nandito pa rin ang lahat ng ’yon sa akin? Hindi ko maintindihan-”
Sinuntok ko siya. I saw a glimpse of blood on the corner of his lips.
“Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin. Wala rin akong oras para paniwalaan ang mga pinagsasasabi mo pero sa tingin ko, mas tama kung dadalhin kita sa mga pulis ngayon!” I said. I was about to drag him by the arm when he stopped me.
“Please, believe me. We were both under of the Poseidon’s Program but there’s something wrong that happened.”
Something about him wanted me to believe him. Parang may kung anong nagsasabi sa utak ko na totoo ang lahat ng sinasabi niya. Na kailangan ko siyang paniwalaan.
“I need a proof! Hindi ako tanga na maniniwala na lang sa lahat ng mga sinasabi mo! Paano kung niloloko mo lang ako at balak mo lang pagkatuwaan?” I told him.
Napansin ko ang pag-aalinlangan sa kaniya.
“See? You were just making fun of me-”
He started humming. Naramdaman kong muli iyong lahat nang mga naramdaman ko bago ang nangyaring aksidente sa bangin. All my worries have been lifted up of my chest. His voice was so soothing. I won’t get tired listening into it all day. Lahat ng pangamba, takot at lungkot sa puso ko ay panandaliang nawala. They all just came back when he stopped.
“Merpeople uses our voice to lure our victim from jumping into the water. Hindi nasira ang hinahawakan mong railings dahil tumalon ka mismo sa bangin papunta sa tubig dagat.” Paliwanag niya.
“So apparently, you tricked me?” Hindi ko makapaniwalang sabi sa kaniya.
“I need to be human again! I need to find my family and be reunited again with them!” Sabi niya sa akin.
“Handa kang manloko para lang sa sarili mong pangangailangan? You’re no other than a cheater!” Sigaw ko sa kaniya at humakbang ng ilang beses palayo sa kaniya.
Napansin kong hindi pa siya tumatayo kaya naman napakunot ang noo ko. “D’yan ka na lang ba hanggang sa sumikat ang araw?”
Teka? Anong oras na ba?
Namula ang mga pisngi niya at nag-iwas nang tingin sa akin.
“I don’t know how to stand and walk. Sa tagal kong naging merman, nakalimutan ko na kung paano ang maglakad. Tila ba para akong bagong silang ngayon.” Paliwanag niya.
Naglakad ako patungo sa kaniya. Inalalayan ko siyang makatayo at nang makaakbay na siya sa akin, nagsalita siya at naramdaman ko kung gaano siya kalungkot ngayon.
“I don’t even know my name.”
“Max.” Sambit ko.
He looked at me confusingly and so I looked back at him and smiled. “From now on, I’ll be calling you Max.”
My first dog who died when I was a little was named Max. That name would always have a special space in my heart.
Nag-umpisa na kaming maglakad. Hindi naging madali para sa aking alalayan siya dahil mas matangkad siya sa akin. He has a dark skintone. Bagsak ang maitim na buhok. Singkit na mga mata. His nose was so pointed and he has a tiny red lips. Gwapo siya at hindi mapagkakailang matikas din ang pangangatawan. Paniguradong maraming babae ang magkakandarapa sa taong ito.
“For the meantime, you’ll be staying with me until we figure out what really happens to both of us. Kailangan nating maghanap ng sagot at habang naghahanap tayo ng mga sagot, tutulungan na rin kitang hanapin ang pamilya mo.”
His face lighten up on what he just heard from me. Kulang na lang ay yakapin niya ako sa tuwa…at ginawa nga ng loko. He embraced me. I almost choke.
“Thank you.” He said.
Believing this guy’s explanation was the most weirdest thing I ever did in my entire life. I hope it was worth listening to him.
Merman and human in one journey? I didn’t know it was possible.
🌊 4: Max 🌊
Cleo’s
POV
It turned out that it was already passed 3 AM in the morning. Dinala ko si Max sa bahay. Since iisang lugar lang ang coffee shop at ang tinitirhan namin ni lola, namalagi kami ni Max sa lobby ng coffee shop. I gave him warm towel, new shirt and a pajamas. I even made him a hot choco. Para naman kahit papaano’y guminhawa ang pakiramdam niya
Now, he was sitting on the couch, in an indian sit way and fully dressed with the appropriate clothings. The towel was covering his legs sign that he was feeling so cold.
Nakaligo at nakapagpalit na rin ako ng damit. Mabuti na lang ay hindi namin naabala si lola na natutulog sa kwarto niya. Tiyak ay magtataka ’yon kung sino ’tong lalaki na kasama ko ngayon.
Nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili kong hot choco ay dinaluhan ko si Max sa couch. I held the mug with both of my hands so that the warmth of it would give comfort on my palms. Sobrang nalalamigan na rin kasi ako. Palibhasa kakapasok lang din ng BER-months kaya iba na ang hatid ng klima nitong mga nagdaang araw.
“Tell me everything about mermen. I need to know.” Bungad ko sa kaniya nang makabuwelo ako.
I heard him sigh.
“I don’t really understand the Goddess of Merland City. Ginawa niya ang program para tulungan ang mga mortal at mga sirena na mag-umpisang muli pero sa katunayan, hindi madali ang pagiging isang sirena. I get the point that she wanted to help but I don’t get it on the side of the merpeople.” Sambit niya.
My curiousity grew even more.
“Bakit? Ano bang meron sa mga merpeople?” I asked.
“Hindi pwedeng magsama-sama ang mga merpeople sa ilalim ng dagat. Wala kahit saanmang lugar makakita ng mga grupo ng Merman at mermaids na magkakasama. When a human turned to mermaid or merman, he or she would take the journey alone. No friends. Nothing to have. Imagine being just so alone in the ocean. Parang hindi tulong ang ginawa ng Goddess of the Merland City kundi isang sumpa.”
Unti-unti kong naiintindihan ang mga sinasabi niya. “Kaya ba biniktima mo ako ro’n sa bangin dahil hindi mo na makayanan pang maging isang sirena?”
I saw how the joy in his eyes disappeared. Tumango-tango siya at saka nag-iwas nang tingin.
“I only have 30 days. Kapag inabot ako ng 30 days na walang nakikitang pwede kong maging kapalit, maglalaho ako at magiging isang sea foam. You are my only hope.”
Nanlaki ang mga mata ko mula sa narinig. If that is real. I only have 30 days to accomplish this or else I would turn into a sea foam! Dahil sa aming dalawa, ako dapat ang magiging merman.
“I’m sorry if I have to do it.” Sabi niya sa akin.
Tiningnan ko siya at taimtim na tinitigan sa mga mata. “The Goddess of that merland City clearly don’t want to help the mortals but wanted to punish them. Whoever told you that she wants to help, nagkakamali siya dahil malinaw para sa akin na ginawa niya ang programa na ’yon para parusahan ang mga tao!” Paliwanag ko sa kaniya.
Mukha namang nakuha niya ang nais kong iparating.
“Kailangan nating magmadali bago pa mahuli ang lahat. We still have things to compromise between us. Bakit naging iba ang epekto ng program sa ating dalawa?” I asked him.
“I know someone that can help us.” He said. Nabuhayan naman ako ng pag-asa.
“Sino?”
Tumayo siya at saka kinuha ang kamay ko. Balak niya pa akong hilahin palabas ng shop pero pinigilan ko siya.
“Si Flynn, isa rin siyang merman!”
“Teka! Kailangan nating magplano! Hindi naman dapat basta-basta na lang tayo lulusong sa dagat at magpapadalos-dalos! Kailangan-”
Nahinto ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni lola.
“Apo? Ano iyong naririnig kong ingay,” Bungad niya sa akin, pupungay-pungay pa ang mga mata.
Her eyes landed on the guy beside me. “At sino iyang lalaki na kasama mo? Ngayon ko lang siya nakita.”
Inilapag ko ang mug sa lamesa ar lumapit ako kay lola para alalayan siya. When we get closer to Max, she studied his face and smiled.
“Guwapo rin ang binatang ito. Ano mo ang apo ko?” Tanong ni lola sa kaniya.
Nagmano si Max sa kaniya. Napangiti naman ako dahil magalang naman pala ang isang ’to.
“Kaibigan ko siya noong college, lola. Napadpad lang po ’yan dito sa atin para manggulo.” Biro ko na lang.
“La, iuupo kita sa couch. Ipagtitimpla na rin kita ng kape mo.” Sabi ko sa matanda. Tumango naman ito at saka ko siya inalalayan patungo sa couch. Nang maiupo ko siya ro’n ay lumapit ako kay Max.
“Kausapin mo muna si lola hangga’t ginagawa ko siya ng kape. Huwag ka munang magkwento ng kung ano-ano sa kaniya. Ako na ang bahalang magpaliwanag ng mga bagay-bagay sa kaniya.” Sambit ko sa kaniya.
Saglit ko muna silang iniwanan at nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng kape. Bitbit ang platito kung saan nakalagay ang ginawang kape ay tinahak ko ang daan patungo sa lobby ng Coffee shop, nahinto ako nang makita si lola na nakikipagtawanan kay Max.
I felt a joy in my heart. Her smile and laughter is everything to me. It has been a while since the last time I heard that geniune laugh of my grandma. I never thought that this guy Max would be the one to bring that joy back to her. Mukhang malapit si Max sa matatanda. Hindi ko inaasahang magkakasundo agad sila ni lola.
Inilapag ko ang dala sa lamesa sa gilid ni lola. Tinitigan ko ang babaeng una kong hinangaan. Iyong babaeng pinakakakaingatan ko simula una pa lang. I have been with her since I was a child. Siya na ang tumayong magulang sa akin. Though I never heard anything about my parents from her, lola didn’t miss anything for being a parent to me. She’s my life. Without her, pakiramdam ko wala na ring saysay ang buhay ko.
We spent more time talking and exchanging stories when I noticed that Max was being so sleepy. Marahil pagod siya sa dami nang nangyari ngayong umaga pa lang. Kailangan niya ring magpahinga.
“Max,” pagkuha ko ng atensiyon niya. “Come here.” I told him and led the way. Naramdaman kong sumunod siya sa akin sa kwarto.
“Magpahinga ka. Alam kong pagod ka. If you need me, I’m outside. Meron ng mga costumers mamaya niyan. Mas mabuti kung dito ka muna at magpahinga na lang muna.” Sabi ko.
Naupo siya sa kama ko at pinasadahan nang tingin ang buong kwarto. Namangha siguro siya dahil sa mga mural na ako mismo ang gumawa.
“I admire the beauty of the ocean. Kahit na never pa akong nakapag-scuba diving, I created those mural like I’ve seen and witnessed them already. In that way, pakiramdam ko nasa ilalim ako ng karagatan.” Paliwanag ko sa kaniya.
My walls were painted by me. Thinking how beautiful the ocean was, I created them with all of my heart. Coral, reefs, shipwrecks, undertow everything in the ocean, I put it into art. Sa tingin ko’y nagustuhan din ni Max ang mga pinta ko. I even have things that I collected from the shores. Mga pearls, seashells at kung ano-ano pa.
“Wow.” Dinig kong sabi niya.
Ngumiti na lang ako. Balak ko na sanang umalis nang may maalala ako.
“Max,” pagkuha ko nang atensiyon niya. Tumingin siya sa akin, naghihintay sa kung ano pa ang sunod kong sasabihin.
I smiled, “Thank you.”
“Para saan?” Takang tanong niya.
“Thank you for bringing joy to my grandma.” Then right after that, iniwan ko na siya sa loob.
Nang makabalik sa lobby ay ginawa kong abala ang sarili ko sa paglilinis ng shop. Wala pa namang alas siyete kaya may oras pa ako para maghanda. Mamaya ay nandito na ang ilan sa mga suki ko. Kadalasan kasi ay puro estudyante at mga magkasintahan ang laman ng shop. Mabuti na lang at walang araw na nababakante ’to. Ito lang din ang pinagkukuhanan namin ni lola lalo na at kailangan namin ng pangsustento sa maintenance niya.
Minutes later, tumunog ang bell ng pinto hudyat na may costumer na ako. I was about to greet it when I saw a familiar figure standing from a distance, looking at me like he was being so careful of what should he do next.
“We need to talk.” Sambit ni Arc. At hindi siya nag-iisa. Nasa likuran niya pala si Zamarah at ang anak nila.
🌊 5: Unselfish heart 🌊
Cleo’s POV
Costumers filled the shop but its not a problem for us to settle in the table to talk things out.
Tahimik lang kaming tatlo. I just took my cappucino and had a sip. Ginagawa ko lang abala ang sarili ko pero sa katunayan, gusto nang kumawala ng mga luha ko.
I am here today with the guy who filled the gap in my heart. Little did I know that it was the same guy who would break it. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung paano uumpisahan ang usap na ito.
“Cleo,”
Agad akong nabalik sa reyalidad at napatingin kay Arc. Rinig na rinig ko ang ingay ng puso ko. Pakiramdam ko’y sasabog na ’to sa sobrang pagtibok.
“Yes?” I tried to sound as calm as possible. Successfully, my voice didn’t break. I got to be proud of myself.
“Hindi ko alam ang gagawin ko sa totoo lang.” Komento niya.
A part of my heart collapsed. Hindi ko alam kung paano ko matatagalan na makita siyang ganito. Nasasaktan din ako.
“Sino ba ang mahal mo?” Yan agad ang bungad ko sa kaniya. Gusto kong malaman ang isasagot niya dahil alam ko rin kung ano ang tamang isasagot sa kaniya.
“Ikaw ang mahal ko, Cley.” Sagot niya sa akin, “pero…”
Lagi namang may pero,
“Pero hindi ko kayang tiisin ang batang ’to. Hindi naman ako siraulo para hayaan siyang lumaki ng walang ama.”
I closed my eyes. I got the answers.
“Then be a father to that child, Arc. Be a husband to that woman. Tatanggapin ko kahit masakit.” Every word was like a dagger that went right through my heart. Gusto kong umiyak at maglupasay pero hindi naman ako tanga para mag-iskandalo sa sarili kong shop.
“Pero mahal kita, Cley. Ikaw ang gusto kong makasama. Gusto kong tumanda na ikaw ang nasa tabi ko.”
Umiling ako kasabay ng luhang kumawala sa mga mata ko.
“Is it worth spending with me? If life spending with me means of breaking that kid’s life, it’s better not to push it through, Arc. Mahal kita at alam kong tama na pakawalan ka para sa ikabubuti ng lahat. Para sa ikabubuti niya.” Wika ko habang nakaturo sa anak niya. Finally, I did it! I said it!
Tumulo ang luha sa mga mata ni Arc.
“Nakikipaghiwalay ka na ba sa akin?” Tanong niya pa.
Slowly, I nodded my head and all of us fell silent.
Gustong-gusto ko nang umalis at tumakbo palayo pero hindi ako pwedeng maging mahina sa oras ngayon. Kailangan kong harapin ’to.
“Zamarah, right?” I said. In a way that shows authority and anger. I want her to feel so bad. Hindi naman masisira ang love story ko kung hindi siya dumating sa buhay namin ngayon.
“Please take care of Arc for me.” Sabi ko sa kaniya. Hindi ko pa rin magawang ipakita sa kaniya ang pagkapoot ko dahil tulad ko, nagmahal lang din siya sa maling tao.
Tumayo na ako sa kinauupuan. I was about to stride away when I saw Max making his way to our table.
“Kanina pa kita hinahanap.” Bungad niya sa akin at agad naman akong napalingon kay Arc na ngayo’y nakakunot na ang noo.
“Sino ’yan?” Tanong agad ni Arc.
“Bakit kailangan mo pang malaman?” I asked him.
Hinablot niya ang kamay ko’t dinala ako sa labas ng coffee shop. When I got the chance to take my hand away from him, Tiningnan ko siya nang masama.
“Ano sa tingin mo ’yang ginagawa mo?” Anas ko sa kaniya.
“Sino ang lalaking ’yon, Cley?” Sigaw niya sa akin. It was the first time he raise a voice on me.
“Bakit? Wala ba akong karapatang iuwi ang mga taong gusto kong iuwi sa bahay?” Laban ko sa kaniya.
Natawa siya, mukhang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.
“Sino ang lalaking ’yon?” Every word has an authority like he was forcing me to answer him right away.
Nakaramdam ako nang takot at pangamba dahil tila ba hindi siya ang tao na minahal ko. Parang hindi si Arc ang kaharap ko ngayon.
“W-wala ka nang pakialam sa mga desisiyon ko, Arc! You chose them over me! Wala ka na dapat pakialam pa sa akin!” Because I might steal him away from them if he gave me even the smallest chance of fighting this love story of us.
“Akala ko mahal mo ako pero hindi ko inaasahang gano’n mo lang din ako ipagpalit sa iba, Cley. Napakasakit pala.” He said, making my tiny hopes to fall and got broken.
Wala na. It was all over. Sumuko na siya.
I should be happy that he was now making the way of leaving me but some part of my heart shouting that he was worth fighting for.
Pero hindi pwede! Hindi na pwede!
“Tama ka nga. Itigil na natin ’to.” He said and turned his back at me.
Hindi ko siya pwedeng pigilan dahil kapag ginawa ko ’yon, mas magiging komplikado lang din ang lahat sa amin.
He went back inside the coffee shop and fetched for his now so called “family” but before leaving me, he looked at me with disbelief, sadness was written on his eyes.
I wiped my tears and watched them leave.
Napaupo na lang ako sa pavements na parang tanga at saka hinayaan ang sarili na umiyak nang umiyak.
Suddenly, I felt a presence on my side and when I turned to look at it, Max was giving me tissue and was offering me his hand.
He didn’t say a thing but somehow, my heart felt at ease.
People come and go. Arc left me with a broken heart. Hindi ko alam kung kailan ako makakabawi ulit, kung kailan ako mabubuong muli pero sa ngayon, kailangan ko munang pagtuunan nang pansin ang mga problemang kinakaharap namin ni Max.
Arc left but God gave me this guy. I don’t know what role he could be on my life right now but I hope he would help me heal and be whole again.
🌊 6: Glitch 🌊
Cleo’s POV
“Cley!” Tili ng kaibigan kong si Shaun nang makita akong nakapwesto sa counter. Bihis na bihis siya na tila ba meron importanteng lalakarin.
“Good morning,” bati ko sa kaniya at saka nakipag-beso at yumakap.
Shaun was my long time best friend. He was also Arc’s younger brother. Unlike Arc, the prim and proper guy that he is, Shaun is a bubbly and party goer. Minsan naisip ko paano ko naging kaibigan ang baklang ’to. He still in his decent attire. Hindi naman sya cross-dresser pero sobrang feminine niya kumilos at napaka-hyper naman kung magsalita.
“Saan ba ang lakad mo at bihis na bihis ka?” I asked, faking a smile.
He knew me very well. Pinaningkitan niya ako ng nga mata at saka umirap.
“Anong ginawa sa ’yo ng kuya ko? Bakit maga yang mga mata mo? I deserve an explanation, Cley!” Sigaw niya sa akin. Pumasok siya sa counter at tumabi sa akin.
I smiled. He was really worried of me.
Tama bang sabihin ko na sa kaniyang wala na kami ng kuya niya? Ang hirap naman nito.
I took a deep breath and faced him, “Wala na kami ng kuya mo, Shaun.”
Nahinto pa siya na tila ba hindi pa rumihistro sa kaniya ang mga sinabi ko kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita.
“His ex-girlfriend, Zamarah, came here with a child. Nabuntis siya ng kuya mo bago naging kami. Nito na lang siya nagpakita nang umedad na ng 2 taon ang bata.”
Napaawang pa ang bibig niya, hindi makapaniwala.
“We better off this way, Shaun. Hindi ko rin kayang lumaki ’yong bata na walang ama. Hindi naman ako ganoon kasama para ipagkait si Arc sa kanila.” Paliwanag ko.
“Tapos sino naman ’yong hottie na ’yon.” Tanong sa akin ni Shaun saka ngumuso kay Max na abala sa pag-aasikaso ng mga costumers namin. He was wearing a cute apron exclusive for employees of my shop. 3 lang din naman ang empleyado ko, isang barista at dalawang serbidora. Wilson was my bartender. Nash and Amanda were my servers.
“Si max ’yan. Dati kong kaibigan noong college, dumayo lang dito para mangamusta. Walang titirhan kaya dito ko muna pinatuloy.” Pagsisinungaling ko. Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanila na hinalikan ako ng isang sireno at may anomalyang nangyari sa program ng Goddess of Merland City kaya naman humahanap kami ng solusiyon para malutas ’to. Pambihira!
“Kaya pala noong nakasalubong ko si kuya sa bahay, nakabusangot siya. Pero alam mo, hindi niya pa sinasabi sa amin na may nabuntis pala siya. Ang alam pa rin nila mom at dad ay ikaw pa rin ang partner niya. Hinahanap ka nga nila sa akin!” Sambit ni Shaun.
May konting kurot sa puso ko pero kailangan kong tanggapin na wala na kami ni Arc at kahit kailan ay hindi na kami maaring magsama pa dahil pamilyado na siya.
Panandalian akong nanahimik upang magisip-isip hanggang sa may ideyang pumasok sa utak ko.
“May lakad ka ba today?” I asked Shaun.
“Porque ba maganda ang bihis ko ngayon ay may lakad na agad? Hindi ba pwedeng gusto lang kitang dalawin dito sa shop mo?” Sagot niya.
“Can I ask for a favor?” Tanong ko pa.
Pinanliitan niya ako nang tingin, “nako! Iyan ka na naman sa favor, favor na ’yan, Cley! Malilintikan ka talaga sa akin! Inaabuso mo ang kabaitan ko! Ano ba kasing favor ’yon?”
“Can you look grandma for me? Pakibantayan lang din ang shop at meron lang kaming saglit pupuntahan ni Max. Please? Saglit lang,” Paliwanag ko sa kaniya.
Sinamaan ako nang tingin ng loka, “Kapag nalaman kong magde-date lang kayo, puputulin ko talaga ’yang titi mo, Cley! O’siya sige na! Mabilis lang ’yan, ah!”
Napangiti ako at saka napayakap sa kaniya. I even kissed his cheek.
“Kung hindi lang kita crush noong college tayo at hindi ko nalaman na boys din ang gusto mo, nako!” He said but I just winked my eyes at him.
“Saglit lang kami! Importante lang.” Sabi ko saka tinanggal ang apron at saka lumabas ng counter.
Lumapit ako kay Max na abalang nakikipag-usap sa mga costumer. Kilig na kilig pa ang mga babaeng highschool student na kausap niya.
“Max,” pagkuha ko ng atensiyon niya. Lumapit naman siya sa akin.
“Puntahan na natin ’yong kaibigan mong sinasabi sa akin. Naibilin ko na si lola at ’tong shop na ’to kay Shaun. Nga pala, best friend ko, si Shaun.” Saka ko itinuro ang bakla sa counter. Kumaway naman siya sa amin ni Max.
“Tanggalin mo na ’yang apron mo at tara na!” Sabi ko sa kaniya.
Nang matanggal niya ’yon ay hinigit ko na siya sa braso at saka sabay kaming lumabas ng shop.
Hindi naman sobrang layo ng dagat sa shop kaya nagpasiya na lang ako na maglalakad kaming dalawa. Siguro mga bente minutos ang kinain sa oras namin nang marinig ko ang ingay ng alon at ang pagsipol ng hangin sa mga tenga ko.
“Paano natin pupuntahan ang kaibigan mo, Max? Ano nga ulit ang pangalan no’n?” Tanong ko sa kaniya nang makalapit kami sa dalampasigan.
“Si Flynn,” sagot niya.
“Teka,akala ko wala kayong pangalan? Bakit siya meron?” Hindi ko na mapigilang magtanong dahil nakakapagtaka lang.
“Sila na lang nag-isip nang pangalan na ’yon habang sirena sila. They named theirselves.” Sagot niyang muli sa akin.
“Ano pala ang pangalan mo noong sireno ka?” I asked, curiousity was playing along my mind.
“Luigi.”
Bagay. I don’t know but the Luigi name suits him.
“Pero mas pinili mo ang ipinangalan ko sa ’yo kesa sa nakasanayan mong pangalan na Luigi.” Sabi ko sa kaniya.
Lumusong na si Max papalapit sa tubig at bago siya tuluyang pumunta ro’n ay lumingon siya sa akin at nagsalita,
“This is my new life. A reset or a restart. I need a new name and leave my old Merman’s name behind.”
And just like that, he dived into the water. Binalot siya nang matinding liwanag at nang iahon niya ang ulo niya, sa bandang likod ay sumulpot ang buntot niya. It was a mix of blue and purple in color. The tail was like a fluffy and soft fabric. It was like a vulnerable thing and was made of a jelly. Ang ganda nito kahit na mukhang napaka-fragile. Kapansin-pansin din ang tenga niya na naging ibang aniyo. Parang palikpik ng isda. Katulad nito ang kulay ng buntot niya. Hindi ko alam pero mukha siyang Mythical God ngayon.
“Kailangan mong lumusong sa tubig para maging Merman, Cley. Come, let’s go.” Pag-aya niya sa akin.
Dahan-dahan ay humakbang ako papalapit sa kaniya. Habang tinatahak ang daan patungo sa tubig ay unti-unti ko ring ipinipikit ang mga mata ko.
The moment I dived into the water, I closed my eyes the whole time. I felt a sudden heat on my feet until they turned fine and okay. Nang magmulat ako ng mga mata ay bumungad na sa akin ang buntot kong magkahalong kulay ng asul at berde. Magarbo rin ang pinakabuntot na tila ba gawa rin sa napakalambot na tela. Kinapa ko ang tenga ko at kagaya ni Max ay meron din ako ng sa kaniya. Nagpanic pa ako dahil nakalubog ako sa tubig. Akala ko’y malulunod ako pero hindi dahil tila ba nagkaroon ako nang abilidad na makahinga sa ilalim ng tubig.
“You’re adjusting really fast, huh? That’s nice.” Komento ni Max nang makalapit siya sa akin.
Napansin ko ang tatlong hiwa sa magkabila niyang leeg na tila ba hasang. So, that is the reason why we can breathe under water.
Lalapit na sana ako kay Max para hawakan ang braso niya nang bahagya siyang lumayo.
“Hindi tayo pwedeng maglapit. Makukuryente tayo kapag nagdikit ang mga balat natin, Cley. The Goddess of the Merland City designed it. Hindi tayo maaring magkaroon ng koneksiyon kahit na sa paanong paraan.” Paliwanag niya.
“But we are the glitch.” Then I held his hand. Nagulat pa siya nang walang kahit na anong naramdamang sakit nang maglapat ang mga balat naming dalawa.
Whoever is the Goddess of the Merland City, what she had done is not a blessing, its a curse for those who turn to be a siren.
“Let’s go,” I told him and let him lead the way.
Thank you for reading ️❤️🧜🏻♂️
🌊 7: Part of that world 🌊
Cleo’s POV
The world under the sea is beyond my expectations. All the image I’ve kept inside my mind have been painted with such beautiful colors upon seeing all the things and every single living thing under water.
Sobrang ganda ng mga corals at iba’t ibang klase ng isda sa ilalim. The fringing reefs grow near the coastline really blew my mind. The formation of corals and the different colors it has was so stunning. Kulang na lang ay hindi na ako umalis habang binabaybay namin ang mga reefs. Napakarami ring isda ang nakatambay dito. Some of them are clownfish, Green Chromis, Domino Damselfish, variety of angelfish and so much more. The way they dances along the water really amazed me. Iyong naglalarong mga kulay ng asul, pula, dilaw at itim sa bughaw na tubig, sobrang nakakamangha.
We got to pass along the group of Chelonians or most commonly known as the turtles and tortoises. They were travelling the ocean by group and they usually one of the ancient creatures under the sea.
Nahinto ako nang makita ang mga Pink Jellyfish sa harap namin ni Max. Nawala tuloy ang ngiti sa labi ko at napalitan nang pag-ngiwi.
“Why?” He asked.
“Pink meanies or Drymonema Larsoni in scientific name are carnivorous and have stinging tentacles that can reach up to 70 feet long. We are not safe with them, Max.” Paliwanag ko sa kaniya at napansin kong napatulala siya sa akin habang nakanganga.
“Hindi ko inaasahang sobrang dami mong alam sa karagatan. You truly are a son of the ocean. Tatay mo ba si Poseidon?” Biro niya pa.
“I told you already how I really love the ocean. Hindi ko nga alam kung hihilingin ko pang maging tao ulit matapos makita ang ganda ng karagatan. I can live here forever, Max. Only if that is possible then I’ll grab it. Well, with grandma here of course.” Kung sana talaga maari rito na lang ako manatali bilang merman. But I only have 30 days to be a human again or else I’ll turn into sea foam.
“We are merpeople. They are nothing with us. Unless they are sharks who can eat us alive.” Paliwanag ni Max at saka hinablot ang kamay ko. He led the way. Hinawi niya lang ang mga pink meanies na parang wala lang sila at nang napadikit sila sa akin, napatunayan kong wala nga silang sting hindi katulad kung sa normal na tao ito mangyayari. It may cause allergies, hard to breathe or worse, death.
The whole swim, Max was holding my hand. Hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa ganda ng dagat. It was a dream come true to see all the beauty in my eyes. The colorful reefs, sea plants, the pretty tails and the way how the fishes swim with so much grace. I am like a kid while admiring the beauty of the ocean. Hindi ko talaga maiwasang mapanganga sa sobrang ganda.
New ideas have been added to my mind. Mukhang marami na naman akong maipipinta nito. Those moment would turn into an artwork once I get the chance to paint again. Dahil alam kong kapag naging tao na ulit ako, all my memories as a merman would be gone and erased.
I closed my eyes and let Max lead the way. Dinadama ko lang ang lamig ng tubig na siyang bumabalot sa aking katawan pati na rin ang pagkakataon na nakakalangoy ako nang malaya sa karagatan. Kapag nayari na ang tatlumpong araw at nalutas na namin ang problema ay babalik na sa dati ang lahat. I just want to norture this and to make every seconds memorable to me. How I wish this to have extensions.
Napunta na kami ngayon sa ibabaw ng mga nagtataasang sea kelps. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot at pangamba. Mukha kasing lungga ng mga shokoy ang seagrass na nadadaanan namin. Parang maraming kung ano-anong nilalang ang nagtatago sa mga ’to.
“Flynn!” Sigaw ni Max habang binabaybay namin ang mga seagrass.
Sumigaw siyang muli at saka may biglang humila sa buntot ko. Nahila ko rin si Max paibaba sa sea kelps kung saan galing ang kung sino mang humatak sa akin.
“Ssshhh!” Sambit ng isang lalaki na merong mahabang buhok.
“Flynn! Siya ’yong sinasabi ko sa ’yo, Cley. Flynn, si Cleo at kailangan ka naming dalawa!” Paliwanag ni Max pero pinatahimik siya ni Flynn at saka tumuro sa itaas.
“May bangka sa ibabaw. ’wag kayong malikot at maingay. Baka mapansin nila tayo rito.” Sabi niya.
Tumingin ako sa itaas at saka ko nasilayan ang isang maliit na bangka. Siguro mangingisda ang may-ari noon. Marami rin kasing naglalaging mga grupo ng isda sa sea kelps dahil nagsisilbi itong tahanan at proteksiyon sa kanila mula sa mas malalaking isda ng karagatan.
Pinasadahan ko nang tingin si Flynn. He has a brown long hair with a pair of brown eyes too. Matangos ang ilong at napakaganda ng labi. He has a light aura and this smiley face of him. Maganda rin ang pantay-pantay niyang ngipin at matipuno ang katawan. He has six-packs too! While his tail, it was the combination of red and orange color. Kumikinang ito sa tuwing nasisinagan ng araw. Ang ganda!
“Teka? Paano kita nahawakan? It was on the Poseidon’s rule that merpeople should not have any kind of connections or else they will be punished but how can I explain this?” Sabi ni Flynn at saka tinusok-tusok ang pisngi ko.
“Kaya ka namin hinahanap para sabihin sa ’yo ang mga nangyaring problema sa pagitan namin ni Cleo, Flynn!” Singit ni Max.
Pinaliwanag ni Max ang lahat-lahat simula sa kung paano niya ako inakit na tumalon sa tubig at kung paano kami napunta sa sitwasiyon namin ngayon.
“Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong kaso, Luigi.” Sabi ni Flynn.
“I am Max.” Sagot agad ni Max sa kaniya.
“Okay, Max! Anyway, hindi ko alam kung paano ko kayo tutulungan pero meron akong kilala na may mas alam sa akin. She could help you with this case.” Sabi niya sa amin.
“Sino?” I asked.
“It’s the Merwitch. Kailangan nating mapuntahan ang shipwreck area para makita siya. Doon lang siya namamalagi!” Paliwanag sa amin ni Flynn.
“Hindi ba pungad ng mga pating ang Shipwreck area?” Tanong ni Max.
“We need to take a risk just to find answers. Gusto ko rin malaman ang kasagutan sa mga nangyayari sa inyo.” Sagot ni Flynn.
I don’t know but Flynn was the kind of guy who knows a lot of things in the ocean. Somehow, I just got curious about him and what he was like in his human life. Kagaya ko, parang gustong-gusto niya rin ang karagatan. He was like devoted to know more about the ocean. I am seeing this passion in his eyes whenever he has something to say about the sea.
“Tara, puntahan na natin ang Merwitch bago pa mahuli ang lahat.” Paalala sa amin ni Flynn.
Nauna siya sa daan patungo sa sinasabi nilang Shipwreck area kaya sumunod lang ako sa kanila ni Max.
Nasa kalagitnaan kami nang paglangoy nang makakuha ako nang tiyempo para magtanong sa kaniya.
“How long have you been a merman?”
Nahinto siya kaya nahinto na rin si Max. We were all in the middle of the sea, sun was setting and the darkness was starting to scatter all over the sky.
“If I’m not mistaken, this is my 24th day of being a merman,” sagot niya. Sadness was evident on his voice.
Anim na araw na lang.
Gusto kong magsalita pero mas pinili ng bibig ko na manahimik.
“Yes, I’m on the edge of becoming a sea foam.” Dagdag niya pa. After that, he smiled. A genuine kind of smile.
“But the ocean have that special place in my heart. I’m willing to leave my life as a human to become part of this world. Only if there’s an extension. I’m willing to give up everything for this.” Dama ko ang lungkot sa bawat salitang binigkas niya. He gave up on his life already and accepted his fate. Mas pinili niya ang buhay sa ilalim ng dagat kaysa ang bumalik bilang isang tao.
“There’s a way but its impossible. Tara na. Lumalalim na ang gabi.” At saka siya nag-umpisa ulit lumangoy.
Napaisip ako sa mga huling salitang binitawan niya. There’s a way but its impossible? So, meron pang paraan para manatiling merman pero imposible? Ang gulo niya!
I need answers. Hindi ako hahayaan ng isip ko na mag-isip lang. Kailangan kong malaman ang kasagutan sa mga sinabi niya!
🌊 8: Glimpse of the Merwitch 🌊
Cleo’s POV
The darkness of the sky made the whole place a lot scarrier than the first time I saw this shipwreck. Hindi ko alam kung anong oras na pero dahil wala na ang haring araw, siguro alas siyete o alas otso na ng gabi. Kailangan ko na rin bumalik sa lupa at nakakahiya na kay Shaun. Kailangan din ako ni Lola at ng coffee shop. But before that, I need to settle this first. Hindi ako pwedeng bumalik sa lupa nang walang nakukuhang kahit na anong impormasiyon!
Takot. Iyan agad ang naramdaman ko nang marating namin ang tinatawag nilang Shipwreck area. There were lots of sunken ships everywhere. Ang iba’y tila ba kinain na nang kalumaan at pinamumugaran na ng kung ano-anong lamang dagat. Hindi ko tuloy maiwasang kilabutan sa tuwing nakakaisip ng mga gan’ong ideya. Paano na lang kung may mga nakatirang shokoy sa loob no’n?
We get to pass by along with some of them. Ang iba’y tila ba mula pa sa mga giyera o mga pagmamay-ari ng mga pirata base sa mga diseniyo. Meron din akong nakitang mga cargo vessels na tinubaan na ng iba’t-ibang klase ng coral reefs. Ilan taon na kaya nandito ang mga shipwreck na ’to? Parang hindi pa ako buhay ay nandito na sila. Gayunpaman, kahit na anong gawin ko, hindi pa rin talaga mawala sa akin ang takot at pangamba na baka may humila na lang sa akin dito at kainin ako nang buhay.
Naramdaman yata ni Max na bahagya akong nahuhuli sa kanila. Nag-iingat kasi ako sa bawat kilos ko at kung maaari ay hindi ko balak gumawa ng kahit na anong klase ng kaluskos. Big movements can cause big water ripples and sound waves, therefore, I might attract some kind of carnivorous species of whatsoever.
“Anong ginagawa mo?” Tanong sa akin ni Max nang makalapit siya.
“Makakain ka talaga ng mga pating sa ginagawa mo!” Saka siya tumawa pero naging dahilan ’yon para mawala ang dugo sa mukha ko’t tuluyang mamutla.
“So, may mga pating nga at kung ano mang mga klase ng halimaw dito?” Tanong ko sa kaniya na sinagot niya nang pagtango. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit sa kaniya. Siniksik ko ang sarili sa tagiliran niya na para bang bata na pinagalitan ng mga magulang. Malay ko ba kung may pating na lang na biglang sumulpot para sagpangin kami ’di ba? I need to be prepared or atleast, may kasama ako sa loob ng tiyan ng pating kung gawin nito kaming hapunan. I’m with Max. That’s a good idea than being alone inside a shark’s tummy, right?
“Halika na nga!” Sabi niya at saka ako hinawakan sa pulsuhan at hinila patungo sa direksiyon ni Flynn na medyo malayo na sa amin.
The moonlight is the only source of our light but somehow, I am seeing the whole ocean the way I see it with daylight. Medyo malabo nga lang sa mga parteng sobrang dilim na. Maybe this was a merman’s ability. To see things clear underwater. Hindi man sobrang linaw kapag umaga pero ang mahalaga’y may vision pa rin na hindi nalalayo ro’n.
Naramdaman kong huminto si Max hudyat na nandito na kami sa pakay naming lugar. Nandito na rin si Flynn sa amin, nakahinto na tila ba hinihintay kaming tingnan ang kabuoan nito.
I roamed my eyes around. It was a huge, really huge ship like those ship who have VIP rooms and five star restaurant inside. In short, a ship that anyone would pay much money to afford boarding, cruise ship. May malaki itong butas sa ibabang parte ng barko. Sa unang tingin ay hindi ito mapapansin pero kapag sinuring maigi, makikita ang butas na natatakpan ng mga nagtataasang seaweeds at seagrasses.
Napangiwi ako. So, doon kami dadaan?
Napansin yata ni Flynn ang mukha ko dahil nang mapalingon ako sa kaniya ay tumatango-tango na siya.
“Tama ka. Diyan tayo dadaan. She’s inside this cruise ship.” Saad ni Flynn at siya na mismo ang naunang pumasok doon.
Kahit nag-aalangan ay sumunod ako sa kanila ni Max. I need to do this. I need to solve this mystery before our time is over.
I swam towards them and followed the way. Hinawi ko ang mga seaweeds at seagrasses saka bumungad sa akin ang hindi ko inaasahang mundo sa loob ng cruise ship na iyon.
The setting was like a plain black room but what’s interesting inside the black room are the luminous living species everywhere. They made the whole place lighted up with their ability to glow light from their bodies.
The first one that caught my eyes are the, “Black dragonfish.” Sambit ko sa kanila.
“Wag na wag kayong hahawak ng kanit na ano dahil venomous ang mga nandito. Kapag lumapit sila, wag niyo lang pansinin at magpatuloy lang kayo sa paglangoy. Hindi rin natin masiyadong makikita ang kabuoan ng lugar dahil limitado lang ang mga abilidad natin bilang merman. Masiyado nang madilim sa malayo kaya hindi na natin ’to maaaninag pa kahit anong gawin natin kaya mas magandang hindi tayo maghihiwa-hiwalay. We didn’t know what’s inside of this cruise ship so we better be careful.” Paliwanag ni Flynn sa amin.
Tumango naman ako bilang sagot sa kaniya at saka ko ipinaliwanag ang kakaibang isda na bumungad sa amin. “Black dragonfish is bioluminescent, but unlike a lot of bioluminescent fish, it uses its glow to light the surroundings rather than attracting prey. They are also poisonous with very potent venom.”
“Wow.” Sabi na lang ni Flynn. “I didn’t know you know a lot of the ocean. Ang galing!”
“Ocean is everything to me but I guess we should keep moving before they start spilling their venoms on us.” Suhestiyon ko na sinangayunan naman nila.
Nag-umpisa na ulit kaming tumulak papunta sa dulo ng lugar. The black dragonfish serves as our tourch. Meron ding mga maliit na glowing squid pero dominante pa rin ang mga dragonfish. Hindi naman sila agresibo kung hindi naman sila sasaktan kaya safe kami sa kanila hanggang sa maabot namin ang kabilang dulo ng lugar kung saan matatagpuan ang isang maliit na butas paitaas. Kailangan naming lumusot dito pero nahinto ako nang makita ang mga halimaw na naghihintay sa amin sa kabilang parte nito. Hindi ko na napigilan ’yong dalawa na pumasok sa lagusan dahil nahuli na ako.
Ilang sandali pa nang bumalik si Max at hinila ako pero pinigilan ko siya.
“Tara na! Ano pang ginagawa mo diyan?” Takang tanong niya sa akin nang hindi ako tumulak papunta sa kanila.
“Those light of bulbs are from Anglerfish. They don’t attack humans but they really look like monster to me. Nakakatakot, Max!” Sabi ko sa kaniya dahil mukha naman talagang halimaw ang mga Anglerfish lalo na kapag tinitigan itong maigi dahil ang mga ilaw nito ay nakalawit lang sa harapan ng mukha nila na mukha talagang halimaw!
“As long as I’m here with you, you’re safe.” He said.
Hindi ko alam pero may kumabog na kung ano sa dibdib ko na tila ba nagkaroon ako ng lakas para magpatuloy. Since he came into my life, Max didn’t fail to make me feel like I can do anything with him beside me.
Tumango lang ako sa kaniya at saka niya ako marahang hinila papunta kay Flynn.
“Hindi naman nangangagat ’yang mga ’yan. Nakakatakot lang talaga dahil mukhang mga halimaw ng kagaratan.” Pabirong sabi ni Flynn at saka kami nagpatuloy sa paglangoy papunta sa pakay namin.
Hindi ko alam kung hanggang saan kami nalangoy hanggang sa biglang nawala ang mga ilaw mula sa mga Anglerfish. Tila ba naglaho silang bigla dahilan para kabahan ako sa kinalalagyan namin. Mabuti na lang at hawak ni Max ang kamay ko kung hindi ay mawawala ako dahil sa matinding takot at pangamba.
“Meron pala akong mga bisita.” Sambit ng isang napakalambing na boses. Hindi ko man nakikita pa ang nagsalita pero alam kong napaka-ganda niya. Her voice was so soothing. It was like a music to my ear. Napakasarap pakinggan.
“Anong pakay niyo sa ’kin?” Tanong niya pa.
“There’s a problem with the Poseidon’s program with my merfriends, Cleo and Max.” Sagot ni Flynn at pagkayari no’n ay biglang sumabog ang tila ba crystal na liwanag mula sa isang malaking perlas. Saglit lang ito naganap na tila ba kidlat pero sapat na iyon sa akin para makita ang ganda ng kabuoang lugar na kinaroroonan namin ngayon. I got to see the beauty of the mermaid we were talking with awhile ago. Tila ba nabato ako sa ganda ng mukha niya. She’s not an angel but she looks like one. Para siyang Goddess. O hindi kaya siya ang Goddess of the Merland City na kailangan naming mahanap?
•••
Thanks for reading! Malapit na tayo sa exciting part lalo na sa susunod na kabanata nito ❤️
🌊9: The Goddesses Part I🌊
Cleo’s POV
“Are you the Goddess of The Merland City? We need you,” Para akong nawala sa sarili nang lumabas ’yon sa bibig ko. I didn’t know that my thought of her being the Goddess would come out of my mouth.
Naramdaman ko na may humablot sa akin pero dahil madilim, hindi ko alam kung sino sa dalawa kong kasama. Nagtaka na lang ako nang hailahin ako nito. Hindi ko na nagawa pang pigilan pa ang kung sinong humila sa akin. Naramdaman ko na lang na may nakabalot sa aking katawan. It wasn’t a tight grip but it was enough to hold me and I know that it’s a tail. But unlike our tails, it’s like a very soft one. Something about it that I cannot explain and I couldn’t figure it out. Para bang nakabalot iyon ng napakalambot na bagay.
“I know someone would appreciate my beauty. I don’t really know why they didn’t call me Sea Goddess.” The merwitch said right beside my ear. Doon ko lang nakumpirma na siya ang humila sa akin. Her tail was placed around me and she was inches apart from my left ear. A Sea Goddess talked to me! Hindi ako makapaniwala!
Then red light started emitting from the pearl. I got a closer look on that pearl and it was as big as a ball of the basketball’s. I know its not a comman pearl just starting from the size of it.
The black corals seems like a group of dancers that dances along the soundwaves of the water. They were so lively and alive, like rejoicing because the Sea Goddess finally made some light to see her.
Namangha ako nang tumalbog ang maliliit na sinag ng liwanag sa mga botilyang nakakubli sa pangangalaga ng mga black corals. Sa tingin ko ay nasa lobby kami ng cruise ship at puno na ng black corals ang buong lugar. Naging silbi na rin itong mga pader para magmistulang isang malaking kwarto ang kinaroroonan namin. Ang mga mumunting bote ay naglalaman ng makukulay na klase ng likidong hindi ko alam kung para saan. Para silang mga potion na kapag natatamaan ng pulang sinag mula sa malaking perlas ay lumalabas ang natural na kinang nila base sa kung anong kulay nila. Asul, dilaw, berde, lila, halos lahat ng kulay na parte ng bahaghari ay tila ba nakita ko ngayon dito. Nagmistula tuloy kalawakan ang kinaroroonan namin, puno ng mga bit’win at ang pulang perlas ang siyang nagsisilbing araw.
I was about to have a look at the Sea Goddess when I heard Max’s scream.
Binawi niya ako mula sa Sea Goddess at saka niya ako tinago sa kaniyang likuran na para bang pinoprotektahan niya ako mula sa isang kalaban. Si Flynn ay nasa gilid lang din ni Max at nakatutok ang atensiyon sa Sea Goddess na bumihag sa akin kanina.
Nagtaka ako sa inasal ni Max kaya naman dahan-dahan akong sumilip para makita ang d’yosa na kumausap sa akin at agad na nalaglag ang panga ko nang makita ang kanina’y tinatawag kong Sea Goddess.
Ang kaninang mala-anghel na ganda ay napalitan ng puting buhok at kulubot na balat. Her tail is a plain gray in color now. Meron itong patches na puti at mga uka na tila ba nabubulok na. Her face was a typical granny face. Malalim ang mga mata at putlang-putla ang labi. Matangos naman ang ilong niya pero nakakatakot pa rin ang itsura niya ngayon. She was like a villain from a movie. Halos buto’t balat na at nanlilimahid sa dumi.
Pero bakit gano’n? Nasaan na ang mala-anghel na gandang nakita ko kanina sa kaniya? Anong nangyari?
Nag-echo sa buong kwarto ang mahinhin niyang tawa. I don’t know but a part me saying that this old woman was the same woman who possessed such beauty that I saw. A beauty that I didn’t know that existed.
Nag-iba man ang boses niya at naging matanda, alam kong siya pa rin ’yon at hindi ako pwedeng magkamali ro’n!
Dahan-dahan siyang naglangoy papunta sa trono niya at saka naupo rito. Naramdaman ko namang napaatras ang mga kasama ko nang may lumitaw na dalawang Chain Catshark mula sa likod ng trono niya. They were glowing green just like the other luminous fishes we met along our way here.
“Chain Catsharks are harmless and they used to be an addition to aquarium because of their natural beauty. Its name is inspired by the chain-like patterns on its body. They are very active at night and comes out when they need food to eat but guys, we are safe with them! The reason for them to glow green is because of the reflected light from the pearl. They don’t naturally glow on its own.” Paliwanag ko kay Flynn at Max.
Nakita kong napangiti ang Merwitch. Now, Merwitch really suits her. Hindi na ako magtataka kung bakit tinawag siya ng lahat na Merwitch.
“You’re wasting my time. Akala ko ba’y may sadiya kayo sa akin?” Tanong niya at saka hinawakan ang isang Chain Catshark na lumapit sa kaniya. Ang isa naman ay umikot-ikot lang sa kinalalagyan ng itim na perlas.
“Guys! Don’t waste the chance! Tell her!” Aligagang sabi ni Flynn sa amin.
Magsasalita na sana ako nang magsalita ang Merwitch,
“Those who needs me, place your one hand on the black pearl as it will reveal your back-story.”
Sinunod namin siya. Kahit na natatakot ako sa itsura niya ay lumapit ako at saka inilapat ang palad ko sa itim na perlas. Ginawa rin iyon ni Max.
Naging mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko alam pero bigla akong nablanko na para bang nawalan ako nang malay. Ang alam ko’y bago mangyari ’yon ay may mga imaheng lumabas sa Perlas at malakas ang kutob ko na kami ’yon ni Max. Nakita ko roon ang mga pangyayari bago ko makilala si Max at kung paano ako nahulog dahil sa ganda ng tinig niya. The Merwitch used the Black pearl to recall everything about our story. Tila ba segundo lang naganap ang lahat pero sapat na ’yon para makita ng Merwitch at malaman ang buong istorya.
“You changed the Poseidon’s Program and split the curse between the two of you.” Sabi niya sa amin ni Max nang mabawi namin ang mga kamay mula sa pagkakahawak sa itim na perlas. Nakatitig siya sa akin na para bang kasalanan ko ang lahat.
“Kaya ba kapag nasa tubig kami ay nagiging merman kami at tao naman sa lupa?” Tanong ko sa kaniya.
Tumango naman ang Merwitch sa amin pero agad kong napansin ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi.
“Sinong may sabing babalik ka agad sa pagiging tao?” Tanong niya sa akin dahilan para mabuhay ang kaba sa aking dibdib.
“Anong ibig mong sabihin?” Max was the one who asked the Merwitch.
“Hangga’t hindi sumisikat ang haring araw sa kalangitan ay hindi ka agad magiging tao, Cleo? Tama?” Tanong niya sa akin at tumango naman ako para ipaalam sa kaniyang Cleo nga ang pangalan ko.
Lumingon naman siya kay Max, “Max?” Tanong niya sa binata na sinang-ayunan naman ng kasama ko. Si Flynn ay tahimik lang na nakikinig sa tabi ko. Napapagitnaan nila ako ni Max ngayon.
“You would be the one to benefit from the Poseidon’s program since you are the one who chose to do this for your own sake. Habang nananatili si Cleo sa tubig, unti-unti namang babalik sa’yo lahat ng ala-ala mo sa nakaraan mong buhay habang unti-unti ka ring nagiging ganap na tao ngunit,” huminto siya at lumapit kay Max. Hinawakan niya ang baba nito at bahagyang iniangat upang makapantay ng mukha niya’t magtama ang tingin nilang dalawa.
“Ngunit?” Tanong ni Max na halatang gusto na ring marinig ang kabuoan ng katotohanan.
“Makakalimutan mo ang mga ala-ala ng pagiging merman. Unti-unti mo ring malilimutan si Cleo at ang mga nararapat niyong yariin at tapusin para bumalik sa dati ang lahat.” Sagot niya sa ngunit na tanong ni Max.
Kung unti-unti akong malilimutan ni Max, ibig sabihin nito ay may posibilidad na makalimutan rin niya ang lahat ng kailangan naming tapusin. At kapag nangyari ’yon, hindi na ako magiging taong muli at ang masaklap doon, papunta na ako sa pagiging sea foam.
“Ibig sabihin ba nito…” Nahinto si Max sa pagsasalita.
Marahan na tumango ang Merwitch sa kaniya at dahan-dahan na umangat ang kabilang sulok ng kaniyang labi.
“Kapag nahanap niyo ang sulosiyon para masira ang Poseidon’s program at mapigilan ang lahat, simple lang ang mangyayari, babalik kayo sa dating kung ano kayo noon.” Paliwanag ng Merwitch sa kaniya.
Kung magiging tao akong muli, babalik lang din si Max sa pagiging merman niya.
Nilingon ko si Max at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kahit hindi niya sabihin, alam kong dismayado siya. The reason why we are in this situation is because of him in the first place, because of him wanting to be a human again and I couldn’t blame him after hearing the story and his life as a merman. The image of him in the ocean, alone in the never ending darkness of its deepness, seeking for a light of hope and ended up being a failure makes me feel the guilt and sadness he once felt as merman… And I don’t want him to feel it all over again.
“Is there any way to break the curse?” I asked the Sea Merwitch.
Ngumisi na naman siyang muli at saka napalingon sa direksiyon ko.
I tighted my jaw and didn’t break the eye contact with her, “Not just on us but for the rest of the merpeople suffering from the shit that they all call as blessing.”
Natawa siya at saka lumapit sa akin. She leaned her face to me, smiling like a villain in a movie. She’s inches away like anytime soon, our nose would touch each other and I’m glad it didn’t.
“You really want to play hero, huh?” Sambit niya at saka bahagyang dumistansiya sa akin. Sumirko siya sa tubig at lumangoy pabalik sa trono niya.
The red light from the black pearl grew stronger than before. The merwitch was smiling like she’s really enjoying what she was telling us. Muling lumapit ang mga Chain Catshark sa kaniya na tinatrato niyang mga maaamong alaga. She even pat the head of the other one. “On your 30th day, the last day of being a siren, when the full moon show from the nightsky, you need to sacrifice yourself and offer your life for the Goddess of the Merland City. That way, the curse would be dispelled and all the merpeople would be back alive as human, even those who already turned to sea foam.”
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nalaman kong impormasiyon pero mas tumindi ang nararamdaman kong kaba lalo na nang maglaho ang ilaw ng perlas. Since it was the source of all the lights here, they all gone. Simula sa mga nagliliwanag na potions at sa dalawang Chain Catshark. Lahat sila ay tila ba kandila na namatay mula sa matinding ihip ng hangin. Nagmistula na naman kaming nasa kalawakan at wala ni kahit na anong liwanag. Everything fell like dead stars and we were engulfed into a big black hole.
Suddenly, I felt a hand held my hand. Kahit hindi nagsasalita si Max, alam kong siya ang humawak sa akin. Nagulat pa ako nang may humawak sa kabilang braso ko, this time, it was Flynn.
“We need to get out of here! We need to go now!” Sigaw ni Flynn dahilan para gumapang ang kaba sa aking dibdib.
Anong problema niya? Bakit bigla-bigla naman siyang mag-aayang umalis kami? Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may mali at alam kong gusto iyong sabihin sa amin ni Flynn. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip. Anong nangyayari sa kaniya at bakit bigla siyang naging ganito kabalisa?
…
Please proceed to the next part for the continuation of this chapter. Thank you!
🌊🌊🌊
🌊9: The Goddesses Part II🌊
Continuation of Chapter 9
Cleo’s POV
“Why? I need to hear more! We need to resolve this!” Pagpo-protesta ko.
“I made a mistake. I know everything about the Poseidon’s program and how to help you be human again, help you how to break the curse and be free. I wouldn’t be called The Ocean’s Encyclopedia for no reason. My obsession’s to the ocean lead me to know more about the merwitch and I only used you guys to help me reached her here and now got the proof and proved my theory, and this moment, I can tell that there’s something wrong on what she have said about the sacrificing one’s life for the sake of others’.”
Pinapakinggan ko lang ang boses niya at alam kong nasa tabi ko lang si Flynn pero hindi ko inaasahang sasabihin niya ang mga bagay na ’yon sa amin ngayon. Sobrang dilim ng kinaroroonan namin at wala akong ni kahit anong maaninag pero kabaligtaran ng kinalalagyan namin, nabigyan ng kulay ang mga ideyang nasa isipan ko at unti-unti’y napagtatagpi-tagpi ko ang lahat sa aking isipan.
“The Merwitch is the Sea Goddess’s Sister! I have a lot to say but its the least of our concern now, we need to go—” Sambit ni Flynn at kagaya ng kidlat ng liwanag kanina, samabog na naman ang liwanag pero sumigaw si Flynn kaya napalingon kami agad sa kaniya.
“Close your eyes and don’t ever look into the Merwitch. If you see her true beauty, mawawala kayo sa katinuan hanggang sa patayin niyo ang sarili niyo para sa kaniya. You would be under her spell and—” Nahinto si Flynn sa pagsasalita nang may marinig kaming malakas na kalabog kasabay ng isang matinis na pagsigaw.
Sinunod ko ang gusto ni Flynn na pumikit at hindi ko rin maiwasang mapatakip sa tenga sa tindi ng sakit na nararamdaman dahil sa matinis na sigaw na iyon. I think it was coming from the Merwitch. Pakiramdam ko’y sasabog na ang tenga ko sa tinis ng tinig niya.
Agad akong napamulat nang marinig ang sigaw ni Flynn. Ibang-iba na ang lugar na kinaroroonan namin taliwas sa lugar na kinagisnan namin kanina dahil tila nasa isa kaming paraiso ngayon. Nagtaka naman ako dahil wala naman kami sa open area dahil napunta kami sa isang malawak na lugar. Maaliwalas at napakaganda. Para talagang paraiso hanggang sa makakita ako ng araw. Doon ko lang napagtanto na hindi totoo ang lahat nang nakikita ko at isang ilusiyon lang ang lahat. Even the scream changed and turned into a soothing lullaby.
And now, I am looking at Flynn, making his way to stop the Merwitch just by hugging her face. ’yong magandang babae kanina, ’yong babae na mala-anghel, ito na ang kaharap namin ngayon. Siya ang tinatawag kong Sea Goddess at nagbalik siya! Nandito siya!
“Wag na wag niyong bubuksan ang mga mata niyo hangga’t malapit kayo sa kinaroroonan ng Sea Merwitch! Just swim away from her voice! Go! Hindi ko siya mapipigilan pa nang matagal! Max! Cleo! Umalis na kayo!” Sigaw ni Flynn pero hindi ko siya pinakinggan. Kailangan kong makita ang Sea Goddess! Gusto kong makita ang mukha niya pero bakit tinatago iyon ni Flynn! Bakit pinagdadamot niya sa ’min ang Sea Goddess! Nagsisinungaling pa rin ba siya para masolo ang Diyosa? Napakamakasarili niya naman!
Her tail was a shade of golden yellow and I know that it will gleam with the sunlight. Yamabuki is the Japanese term of its color. Its meant to convey wealth and prosperity, which is very appropriate. Sobrang ganda niya. Everything about her is perfect. Even her curves showcasing how Demigod she is. Tama nga si Flynn, nakakabaliw ang ganda niya.
Lalapit na sana ako nang sumigaw si Flynn at napansin ko ang sobrang takot at pangamba sa mukha niya. Nagtaka ako bigla nang may sumulpot na dalawang magagandang mermaids mula sa likod ng trono ng Merwitch at parehas na walang kahit na anong saplot pang itaas. Their breasts are showing. Nakangiti pa sila sa akin habang papalapit na tila ba handa akong salubungin ng mainit nilang yakap. Where are the Chain Catsharks? Saan sila napunta? At saka akala ba nila gusto ko sila? I only want the Sea Goddess not these two random mermaids.
“Luigi! Gumising kayo! Ilayo mo na si Cleo rito!” And with that, I felt a tight grip on my wrist as it pulled me away from Flynn and the Sea Goddess.
“I’m sorry, guys!” Iyon ang huli kong narinig bago umalingawngaw muli ang matinis na sigaw dahilan para mapapikit akong muli at mabalik sa reyalidad.
Max was pulling me to somewhere and I realized that I fell on the Merwitch’s trap. Hindi rin Mermaids ang nakita ko kanina kung hindi ’yong dalawang Chain Catshark. They were all illusions!
Kahit hindi ko alam kung saan kami papunta dahil nanatili akong nakapikit, ginamit ko ang natitira kong lakas para pigilan si Max pero hindi ako nagtagumpay.
“We need to go back and save, Flynn!” Sigaw ko sa kaniya pero hindi siya natinag at nagpatuloy pa rin sa pag-langoy palayo.
“Go back and make his sacrifice useless? No! Flynn sacrificed himself for us and I wouldn’t even waste it.” He yelled at me. Kahit nakapikit ay naramdaman ko ang lungkot sa boses niya. Determindo siyang makaalis kami sa lugar nato. Sa aming dalawa, siya ang hindi sumira sa paalala ni Flynn na huwag magdidilat ng mga mata para hindi mahulog sa ilusiyon ng Sea Merwitch.
Makailang beses kaming nabunggo sa kung ano mang matutulis at malalaking bagay na nagawa naman naming malampasan. Alam kong kagaya ko ay nakapikit lang din si Max at alam kong nangangapa lang siya kung paano kami makakalabas sa kinaroroonan. We need to get away from her voice. The more it sounded so low, the far we could be. Hindi kami pwedeng magmulat ng mga mata dahil kung gagawin namin ’yon ay mahuhulog kami sa patibong ng Merwitch at mapupunta lang sa wala ang sakripisiyo sa amin ni Flynn.
Alam kong palayo na kami nang palayo sa kanila dahil pahina na nang pahina ang matinis na sigaw na kanina pa namumutawi sa bibig ng akala ko’y D’yosa ng karagatan.
Hindi rin ako sigurado kung ang mga Black dragonfish ba o ang mga anglerfish ang mga tumatama sa balat ko at buntot ko. Matatalim sila at alam kong puro na ako sugat pero hindi ko ininda iyon. I did my best to help Max find our way out. With my tail, I swiftly swam along the water and make my weight as light as possible.
Nagawi kami sa lugar kung saan iba ang temperatura ng tubig. Napakalamig nito ngunit taliwas sa mga bagay na patuloy na dumadampi sa aking balat saka lang pumasok sa isip ko ang mga Black dragonfish at ang lason na hatid nito.
Balak ko sanang pigilan si Max sa paglangoy dahil kung magpapatuloy kami ay malalagay sa piligro ang buhay naming dalawa pero nahinto ako nang may dalawang pares ng kamay na humawak sa akin at pilit akong inilalangoy paalis ng lugar.
“I wouldn’t let you be in harm, Cleo. As long as I am here, nothing can harm you.” And with that, I lost consiousness and even if I fought it back, the darkness finally got the best in me.
Third Person’s POV
Max and Cleo finally made it. Nagawa nilang makalabas mula sa lungga ng Sea Merwitch. Both of them got bitten by the Black dragonfish and they only have short time to live because of the fish’s potent venom.
Kumalas si Max sa pagkakayakap kay Cleo nang mapansing nakalaya na sila sa kapahamakan. Hindi makuhang kumalma ni Max nang makitang wala nang malay pa si Cleo ngunit nang makita ang mistulang nahihimbing nitong mukha ay nawala lahat ng pangamba sa puso niya. He gently touched his cheek with his right hand as the left one was holding Cleo by the waist to keep them in place, floating in the midst of sea water along with the darkness of the night sky.
Biglang nagliwanag ang dibdib ni Cleo. It was emitting yellow light as a sign that he was heart-broken. Max wasn’t surprise anymore though it was the first time he saw a merman who can make it heart glows when heart-broken. They are the glitch in the Poseidon’s program and seeing Cleo doing this unusual thing didn’t shock him anymore. Ang alam niya kasi ay sa tao lang lumalabas ang dilaw na liwanag mula sa kanilang dibdib at hindi sa Merman na katulad nilang dalawa. Kahit napapaisip sa nangyayari ay mas nanaig na lang sa isip niya ngayon ay ang ilayo si Cleo mula sa cruise ship na iyon at itago mula sa iba pang mermans at mermaids dahil maaari niyang makuha ang atensiyon ng mga ito sa pag-aakalang tao siya na kailangang kantahan ng Enchanted song at maging biktima gaya ng ginawa ni Max sa kaniya noon.
But to Max’s surprised, the Black Dragonfish’s venom was going inside his blood veins and was about to snap his counsiousness out.
Ilang dipa lang ang layo nila sa entrada ng cruise ship na iyon nang unti-unting mawalan ng malay si Max. Right at that moment, Max knew exactly what the best thing to do.
He swam to the nearest seaweeds, took a piece and tied his wrist on Cleo’s hand before he passed out.
Habang unti-unti silang lumulubog ay bigla na lang sumabog ang tila ba maliliit na crystal sa buong karagatan. Tulad ng nangyari kanina sa loob ng cruise ship but this time, it came from a different Goddess. Someone that is real.
The crystal light took a blink of an eye to happen then out of nowhere, a Spotted Eagle Ray just came out to fetch Max and Cleo.
Sakto ang pagkakalapag ng dalawa sa likuran ng higanteng stingray na para bang nasa tamang pagkakataon lang ang lahat. Tila ba nahihimbing sila sa isang malambot na kama at walang kahit na ano o sino man ang makakagalaw sa kanila papunta sa kapahamakan dahil habang nasa pangangalaga sila ng mahiwagang pagi na ito ay hindi-hinding sila maaaring mapahamak.
Right on the back of the Spotted eagle ray is the dust of cure to the Black dragonfish’s venom. Right there at the moment, Max and Cleo are both safe and sound. Little did they know, The Real Sea Goddess was the one behind of helping them cured and be safe.
Sa kabilang banda, hindi pagsidlang ang galit ng Sea Merwitch sa ginawa ni Flynn. Gustong-gusto na nitong bawian ng buhay si Flynn dahil ano mang oras ay maari niya nang baliin ang mga buto ng kawawang binata. Flynn was inside the Sea Merwitch’s tail. Nakapalupot ito sa kaniya ngunit ngayon, ibang-iba na ang itsura ng Sea Merwitch. Nagpakita ang tunay nitong anyo. Ang tunay na ganda na meron ang tinatawag nilang halimaw na kahit sino ay handang magpakamatay makita lang ang malaanghel niyang mukha. Flynn fell on her illusions and spell.
The poor guy smiled regardless of all the wounds he got. His smirk was the last thing he could do and he was so glad to see that the Sea Merwitch got so annoyed of his behavior.
With all his strength, Flynn looked her in the eyes and spoke, “I know by now, your sister would help them and that simply means you would stay here forever. You have no escape, Sea Merwitch!”
The Merwitch took the sleeping potion, threw it in the water and hit it using her pointing finger. Nang kumalat ang likido ng potion ay tinarak niya ang hintuturo sa dibdib ni Flynn. Bumaon ang mahaba niyang kuko sa balat ng binata. It was a shallow wound but was enough to make him sleep.
“Too early to die. You should help me first before I’ll add you into my merman’s potion collections.” The Sea Merwitch gracefull laughed with Flynn inside her arms.
She took some of the specific potions from the file of black corals, mixed the right amount of them and swirled into the water. When she’s done, she controlled it and paved its way into Flynn’s mouth down straight into his heart. Bahagyang nagliwanag ng pula ang puso ni Flynn saka siya pinakawalan ng Sea Merwitch, wala pa ring malay.
“Find the Sea Goddess,” She said and released him into the water. She gently pushed Flynn away from her, towards the entrance of the Cruise ship. All the fishes inside the place formed like a sea wave that made Flynn to reach the very entrance of this prison.
But before he went out of the hole, the Merwitch swam swiftly towards him and planted a soft kiss on his lip.
Bago magliwanag si Flynn ay itinulak siya ng Sea Merwitch palabas ng lagusan. The light from the guy was blinding.
Marahang umikot-ikot sa tubig si Flynn bago tuluyang napalitan ng mga paa ang kaniyang magandang buntot.
The light disappeared as he gained back his conciousness, almost being drowned by the water for losing his gills for an exchange of a human legs.
Right before her eyes shot open, an angelic voice echoed inside his ears.
“And kill her for me.”
Anong kapalaran ang naghihintay kay Max at Cleo matapos malaman lahat ng rebelasiyon sa problemang kanilang kinakaharap? At ano ang magiging ganap ng tauhan na si Flynn sa kanilang kwento?
…
Thank you for reading!
Please vote and comment.
🌊🌊🌊
🌊10: Strange feeling🌊
Cleo’s POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha mula sa isang nakabukas na bintana. Far from what I expected, I woke up on a hospital bed. The softness of white pillows, warmth of white blankets and the ambience of the whole place made me feel so comfortable.
Napansin agad ako ni Shaun na siya lang ding laman ng kwarto bukod sa akin. Huminto sa pagtunog ang nagtatamang mga kutsara sa babasaging mangkok hudyat na tumigil si Shaun sa pinagkakaabalahan at saka lumapit sa akin, alalang-alala.
“Bespren! Ano bang nangyari sa inyo ni Max? Ha? Sobrang pinag-alala niyo ako! Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa inyong dalawa sa dalampasigan! Jusko, halos mabaliw ako sa mga balitang nasagap ko kanina noong natagpuan kayo ro’n sa pampang!” Sambit ni Shaun sa akin.
I looked around the room and I didn’t see the person I wanted to see.
“Si Max? Nasaan siya?” Tanong ko agad sa kaniya.
Napasapo si Shaun sa mukha niya at pagkaraa’y tiningnan ako nang masama.
“Nasa kabilang kwarto. Wala pa rin malay kanina noong sinilip ko. Ano ba kasing nangyari at nandoon kayo sa dalampasigan? Mabuti na lang at nakita kayo ng isang mangingisda kaninang madaling-araw kaya tumawag agad ng saklolo. Bakla ka, wala ka pang suot na kahit ano noong nakita ka nila! Nakatapis ka lang ng mga seaweeds, pati si Max! Kadiri kayo! Ano ’yon? Low budget at sa gilid-gilid na lang ng dagat nagtirahan, gano’n—aray! Masakit!”
Paano ba naman kasi, hinampas ko sa siya sa balikat niya dahil sa mga sinasabi niya sa akin. Pero hindi ko talaga inaasahan na gano’n nga ang nangyari sa amin. Ang naalala ko lang ay nawalan ako ng malay at alam kong muntikan na akong mamatay sa lason ng Black Dragonfish. Isasantabi ko muna ’to at haharapin ang mga sinasabi ni Shaun.
“Mali ka nang iniisip, Shaun! Walang nangyari sa amin! Parang hindi mo naman ako kilala! Alam mong mahal na mahal ko ang kuya mo. Hinding-hindi ko magagawang magloko sa kaniya pero wala naman na kami—” Nahinto ako nang bumukas ang pinto at saka iniluwa nito ang dalawang lalaki. Tangina! Sana hindi narinig ni Arc ang mga sinabi ko!
“Speaking of the—and oh my gosh, bespren! Siya iyong tumulong din sa inyo na magdala dito! Nagkataon kasi na siya ’yong nahingian ng saklolo ng mangingisda kanina, sakto naman at dala niya ang kotse niya kaya mag-thank you ka sa hottie na ’yan!” Sabi ni Shaun habang papalapit sa amin ang kuya niya at ang kasama nitong lalaki. “Sa pagkakaalam ko ay siya ang bumuhat sa ’yo kanina papunta sa kotse niya. Gosh! Nakita niya ang hubad mong katawan. Char!” Sinamaan ko lang nang tingin si Shaun para mahinto na sa kahibangan niya. Nakakahiya at baka marinig pa nila ang mga sinasabi niya sa akin. Paano ko ba kasi naging matalik na kaibigan itong kapatid ni Arc na ’to?
Speaking of Arc, he was looking at me and I could feel how terrified he was even if he showed no interest at all. Alam kong nag-aalala rin siya kahit hindi siya magsalita sa akin ngayon at hindi ko siya masisisi ro’n.
Inilapag niya ang hawak na plastic bag na sa tingin ko ay sopas ang laman at saka inayos ito sa mga mangkok na inaayos kanina ni Shaun. Napansin kong may dala rin siyang mga prutas na inilapag niya lang din sa lamesa.
On otherhand, this guy beside him was as high as my ex boyfriend’s height. Medyo mas mataas lang sa kaniya si Arc ng kaunti. Matikas din itong tumindig at maganda ang pangangatawan. Hindi sobrang puti at hindi rin sobrang itim, kumbaga kayumanggi lang ang kulay ng balat. What caught my attention was his long black hair tied into a neat pigtail. Nakasuot siya ng loose sando at beach shorts. He paired them with his leather sandals. Base sa sinabi ni Shaun, siya ang nahingian ng saklolo noong mangingisda. Mukhang inaabangan niya pa ang sunrise noon base sa bihis niya at nakakahiya dahil nakaabala pa kami sa moment niya. I really need to thank him but honestly, I really have this strange feeling inside my heart that telling me I’ve known this guy very long time ago. Hindi ko lang matandaan saan at kailan o siguro kamukha niya lang. Hindi ko alam!
Magpapasalamat na sana ako sa lalaki nang magsalita si Arc.
“Hindi pa alam ni Lola Merci na nandito ka. Mas pinili na lang namin na hindi sabihin sa kaniya at baka mag-alala pa ’yon ng sobra sa katigasan ng ulo mo!” Sabi ni Arc at saka huminto sa ginagawang pagsalin ng sopas sa mangkok. Tiningnan niya ako nang masama. I didn’t say anything. I know he knew that I already accepted my defeat and I admit that I am hard-headed guy who makes sudden decisions most of the time. His facial expression softened as he exhaled. Bitbit ang mangkok na may lamang sopas ay lumapit siya sa akin.
Shaun stood up and Arc occupied the seat where Shaun seated awhile ago.
“Shaun, puntahan mo na si Lola sa cafe. Susunod na rin kami agad kung makakalabas na si Cleo ngayong araw.” Sabi ni Arc sa nakababatang kapatid. Alam na alam talaga ni Arc na priority ko si Lola kaya todo asikaso siya sa matanda. I am so glad that I have him… Well, before. Dahil wala na kami ngayon.
Sinunod namanni Shaun ang utos niya pero bago ito umalis ay yumakap pa sa akin at bumulong,
“Ingatan mo muna ’yong hottie na ’yon, ah. Wag mo ipapamigay sa mga bilat na nurse! Akin lang ’yan— Kuya naman e, kabastos! Kita namang kausap ko pa ang bestfriend ko!” Pagrereklamo ni Shaun dahil si Arc na mismo ang humila sa kapatid mula sa akin. Kulang na lang ay pagtulakan siya palabas ng kwarto ng kuya niyang si Arc. Hindi ko siya masisisi. Puro kabaliwana ang sinasabi ng kapatid niya. Mabuti sana kung hindi naririnig ng bisita na kasama namin ngayon.
Natawa na lang ako sa kapilyuhan ni Shaun. Nagawa niya pang yumakap doon sa lalaking gwapo na may magandang buhok bago umalis. Kinikilig-kilig pa ang bruha. And the more that I want to shrug this idea off of my head, there were only three people left here in this room by this moment. Its Arc, this guy and I.
Sumalok si Arc ng sopas sa hawak na mangkok gamit ang kutsarang bakal at saka itinapat ito sa bibig ko. Kahit na hindi naman ako gutom ay sumubo ako nang kaunti. I just don’t know how Arc doing this to me, like he could manipulate my moves and make me silent the whole time. Though I knew this guy only wanted my safety and my happiness instead of anything else. Natatameme talaga ako kapag nandito na siya. But unlike my heart, it was like going to explode anytime soon. Masama ’to! Hindi ko maitatanggi na mahal ko pa talaga ang lalaking ’to. Mahal ko pa si Arc at hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya mamahalin na ganito.
“Baka malusaw ako niyan. Mahiya ka sa bisita mo.” Sabi ni Arc dahilan para mamula ako sa hiya. Hindi ko kasi napansin na napatagal na ang pagtitig ko sa mukha niya. Not to mention that he wasn’t far from my bed and we weren’t be the only ones here. Hindi lang ako makapaniwala na pinapakain niya ako ngayon at inaalagaan. It just like old good times.
“Sorry,” sabi ko na lang at saka nag-iwas nang tingin. Sana naman may lagusan na lang ang sahig para kainin ako dahil sa sobrang kahihiyan. For pete’s sake, Cleo! Break na kayo ng lalaking nag-aaruga sa ’yo ngayon kaya huwag nang lumandi pa! May asawa at anak na ’yan! Pero ako pa rin naman ang original!
Che!
Napapikit ako nang mariin sa ideyang naglalaro sa isip ko. Baka mabaliw ako nito!
“Kagabi pa lang, hindi na ako mapakali noong sinabi sa akin ni Shaun na umalis ka kasama ang tao na ’yon,” huminto si Arc sa pagsasalita at saka napaiwas nang tingin. Alam kong si Max ang tinutukoy niya. Hindi ko rin alam kung matutuwa ba ako na concern siya sa akin o matatakot para kay Max dahil alam kong masama ang loob niya sa lalaking pinaghihinalaan nilang may ginawa sa aking masama.
“Hindi ko magawang matulog, Cley…”
He called me by the way he was calling my name. That sweet gentle tone of him.
“Then I received a call from Shaun this morning. He stayed with your grandma in the cafe while I stayed in my partner’s boarding with our daughter. Kung pwede ko lang sila iwan para sa ’yo, ginawa ko na.”
Bakit niya ba sinasabi ang lahat ng ’to? Para saan pa? Nakakainis! Masiyadong paasa!
“I rushed here the moment I got the call. Salitan kami sa pagbantay kay Lola ni Shaun dahil hindi naman pwedeng walang maiwan sa kaniya. I got you warm food and fruits too.” Sabi niya pa sa akin.
Hindi ko alam pero sobrang saya ng puso ko. Hindi maganda ’to dahil hindi naman pwedeng malunod ang puso ko sa sayang alam ko namang walang kasiguraduhan. Hindi ako pwedeng umasa ulit kay Arc na meron pa. Masiyado na akong nasaktan sa paghihiwalay namin at hindi na maaari pang madagdagan ang sakit na ’yon.
“Excused me,”
Napalingon kami ni Arc sa lalaking nasa likuran niya. Nakatayo na ito mula sa pagkakaupo sa sofa. Nakakahiya lang dahil naging saksi siya ngayon sa pagiging maasikaso at maalaga ni Arc sa akin. Miski ang pagiging pilyo ng kapatid nitong si Shaun sa kaniya. Ang dami niya ring nalaman na hindi naman dapat malaman. Nako! Nakakahiya talaga! Tapos pinaghintay pa namin siya ngayon dito. Nagpatong-patong nakahihiyan ko!
“Well, yeah. This guy, you should thank him. Siya ang nagdala sa ’yo rito sa ospital. He was the one to pay for your hospital bills as well. Babayaran ko na sana siya pero matigas ang ulo niya, ayaw tanggapin ang binibigay kong pera kanina. Ano nga ulit pangalan mo, pare?” Sabi ni Arc. Ang cute niya talaga habang nagpapaliwanag.
“Sorry to disturb your chitchat but I have an important thing to do, so I just need to go now,” sabi niya at saka ngumiti. Halos mawala na ang mata niya sa pagngiti. Guwapo nga rin ang isang ’to. Tama si Shaun pero hindi ako papayag na mas guwapo siya kay Arc. Syempre mas gwapo pa rin ang boy—ex ko.
“And anyway, I am—” Nahinto siya nang may kumalabog sa pinto at agad ring bumukas pagkaraan.
“Flynn?” Sabi ni Max habang nakaharap sa lalaking kumakausap sa amin kani-kanina lang. Nahinto pa siya sa akmang pagpasok sa pinakaloob ng silid nang makita ang binatang kaharap.
“Max?” Sambit ko na lang habang takang-taka dahil kasunod niya nang pumasok ang isang nurse na mukhang humabol sa kaniya papunta rito.
Flyyn sounds familiar but I couldn’t recall where did I hear that name before. Basta ang alam ko, narinig ko na ang pangalan na ’yon. Sino nga ba talaga si Flynn?
Thanks for reading! 🌊🌊🌊
Kindly vote for this part. Thank you! ⭐
🌊11: Playing hero🌊
Cleo’s POV
Lumipas ang mga araw at patindi nang patindi ang nararamdaman kong pangamba. Alam ko kasing parang kandila na lang ang oras ko, unti-unting nauubos hanggang sa mamatay at matapos. I don’t want to end up like a sea foam, so Max and I were still looking for an alternative way to lift the curse, not just for us but for all of the Merpeople under the curse of Poseidon’s program. I know it sounds silly to play hero in this ocean that felt like a never-ending maze, but I couldn’t bear the thought of some Merpeople suffering when I could do something to help them.
Every night, we go together in the ocean, asking every living thing to gather at least the tiniest information we could get. Nakakahiya man kay Shaun na siya ang pagtauhin ko sa shop tuwing gabi, wala naman akong ibang matatakbuhan kundi siya lang din at ang kuya niya. I am still lucky that he’s not asking me about it. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan ko maitatago kay Shaun ang sitwasiyon ko pero alam kong darating din ang araw at ang tamang pagkakataon na maikukwento ko sa kaniya ang lahat. He deserves to know, even though I don’t really want him to worry about me because, knowing Shaun, he’ll fight blood and bruises just for his only best friend, which is me. Not to mention that he’s not on good terms with his kuya because of what Arc did to our 2-year relationship. The last time I remember, he punched Arc in the face. Nakita ko rin ang namamagang labi ni Arc noong nakaraang araw at alam kong si Shaun ang may kagagawan kung bakit pumutok ang labi ng kuya niya. Ang akala ko naman kasi okay lang sila hanggang sa si Arc na ang nagsabi sa ginagawa ni Shaun sa kaniya.
I am also the one who treated his wound that’s why my anger to this girl Zamarah really went up high. Ang dahilan naman kasi ni Arc ay ayaw niyang madagdagan pa ang problema nila ni Zam kaya tinago niya na lang ang blackeye sa Cafe ng ilang araw bago umuwi sa kanila. And yes, he stayed in the coffee shop for three long days, walang uwian. Naging problema ko pa nga siya noon dahil muntikan pa akong mabisto sa pagiging Sireno ko nang hindi niya kami payagan ni Max na umalis. Mas marami pa siyang tanong kay Shaun at mas naging sakit pa siya ng ulo sa akin noong nakalipas na tatlong araw pero sa kabilang banda, alam kong naging daan ’yon para maging magkaayos sila ng mas nakababatang kapatid.
“Ano raw gusto mong donut bespren, Krispy Kreme or Dunkin’ Donut? Pinapatanong ni kuya. Kakatawag lang sa akin sa phone.” Bungad agad sa akin ng kararating lang na si Shaun. Nandito ako ngayon sa counter at inaasikaso ang mga bumibiling costumer, mahaba ang pila at maraming dumagsang tao ngayon palibhasa kasi labasan na ng mga estudyante at uwian na ng mga nagtatrabaho sa opisina. Sila naman kasi kadalasan ang laman ng cafe ko. The teens were doing their research and schoolwork while the workers used to grab some coffee, sip, and take time to relax. Mabuti na lang talaga at nandito si Shaun para tulungan ako lalo na’t ipit ako sa sitwasiyon kay Max at kay Arc.
Bahagya akong napatingin kay Shaun na hinihintay ang sagot ko. He started wearing his apron and bumped my waist the moment he wore it.
“Tagal naman magdesisiyon!” He said as he took over the counter. “Ako na rito at ako na rin magde-decide ng donuts mo. Bolang talaga si kuya, alam na may sarili kang cafe, you serving coffees and sell pastries yet he asked what donut do you want. Ibang klase takaga kuya ko.” He said and shook his head in disbelief.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. I thanked him as he started talking to a costumer in the counter. Nagpaalam na ako sa kaniya at saka ako pumunta kay Max.
Naabutan ko siyang abala na kinukuha ang order ng iba pang tao sa shop, those who remained seated on their seats. Max is also the one who gets and gives all their drinks. Bilib din ako sa sipag ng lalaking ’to. Minsan nga kapag breaktime niya, nakikita ko siyang nakikipag-kwentuhan kay lola. I adore Max for being so humble, as he is the only one who can make my grandma laugh like there’s no tomorrow. Kasi si Arc, ni minsan hindi niya napatawa ang lola ko. He talks to Grandma, but it is so professional that Grandma used to think of him as this prim and proper guy.
Napatingin si Max sa akin. He excused himself with those teen girls who closed enough to make their eyes form a heart shape and then made his way towards me.
Napansin ko ang pawis na namumuo sa noo niya. As a boy scout, I always have a handkerchief whenever I do duty at the counter. Pawisin din kasi ako lalo na kapag sabay-sabay ang gawain at napakarami ng costumers.
Nang makuha sa bulsa ang panyo ay ako na mismo ang nagpunas sa pawis ng noo niya.
For a split of seconds, my world stopped rotating, and here I am, thinking of him, of us, as I am doing this thing to this guy who causes nothing but a misery to me. Kahit na ano kasing gawin ko ay siya talaga ang dahilan at puno’t dulo ng lahat ng problema naming dalawa ngayon, or more likely, problema ko mismo.
I took my hand and threw my sight away. Sana naman hindi niya napansing nag-panic ako. Bwisit naman kasi! Bakit ba kasi ginawa ko ’yon? Ngayon tuloy ay hindi maalis sa isip ko ang mukha ni Max lalo na ang mga mata niyang nakatitig sa akin na para bang matagal niya na akong kilala at napakalalim na nang pinagsamahan namin tulad na lang nang kalaliman ng karagatan.
“Magpaalam na tayo kay Lola. Malapit nang magtago ang haring araw. We need to see the ocean before we turn to mermen .” I mumbled the last word. I need to be careful since no one knows about our situation. Ako lang at si Max. Alam ko ring hindi magtatagal ay malalaman din nila Arc at Shaun ang kinakaharap naming problema nitong si Max.
Dahil maraming tao ngayon sa shop ay mas minabuti ko munang pagpahingahin si lola ngayon sa kwarto niya.
Sabay kaming pumunta ni Max patungo sa pinto kung saan nag-uugnay ang bahay at ang cafe. Hindi naman malayo ’yon dahil nasa gilid lang din naman ng shop ang exit door patungo sa entrada ng bahay namin ni lola.
Dumaan na rin ako kay Shaun sa counter para ibilin si lola. I’m glad he didn’t ask anything since I told him about Max and me going to somewhere to settle something important; in fact, the ocean is the only place we’re staying for the rest of the night.
Nalaman kong ako lang pala ang nananatiling Sireno sa amin ni Max sa gabi dahil ako naman talaga ang sumalo nang tinatawag nilang Blessing sa Poseidon’s program. Max would turn human once he got out of the water, unlike me, who needed to wait for the dawn to turn human again.
“La, aalis muna kami ni-” nahinto ako nang makapasok sa kwarto niya.
Ang gulo-gulo sa loob na tila ba pinasok ito ng magnanakaw. My heart started to race when I didn’t see my grandma anywhere.
Kusa na lang gumalaw ang sarili ko para halughugin si lola sa kwarto. Hindi ko na inalala pa si Max at dali-dali kong hinanap si lola sa loob. Agad na nalaglag ang puso ko nang makita siya na nakahandusay sa loob ng banyo, basa at wala nang malay.
I rushed towards her and Max did too. Agad kong kinuha si lola at sinuportahan ang katawan niya papunta sa bisig ko. Walang pagsidlan ang puso ko habang inaalala ang taong dahilan kung bakit ako nagpapatuloy at lumalaban sa buhay. I tried to wake her up, but she seemed so unconscious.
“Call for help, please! Call for help!” Sabi ko kay Max. Saglit pa siyang napatitig sa mga mata ko at kitang-kita ko kung gaano siya nag-aalala para sa akin. That’s when my tears started to fall. If anything bad happens to my grandma, I will blame myself forever.
“Magiging maayos din ang lahat. Please, don’t cry.” Sabi sa akin ni Max at saka siya tumayo para tumawag ng saklolo mula sa loob ng cafe.
As much as I wanted to calm down, I couldn’t listen to Max to stop myself from crying. Sobrang kinakabahan ako at natatakot sa mga maaaring mangyari.
“Hey, what happened?” A familiar voice entered my ears as he came rushing into the room.
My grandma is my most important priority today, but this guy who came here for the help I really needed made me stop for seconds, asking myself, of all the people, why him?
Luigi helped me lift my grandma. Max helped us too as other men united to lend a hand.
Luigi is Max Merman’s name but it’s not the real Max anymore.
Luigi—that name is owned by the long-haired guy this time. The same guy who helped me and Max at the seashore. The one who played hero when we were in our most vulnerable moments of our lives is here again, in this very moment, like everything is starting to fall apart.
Who are you and why are you doing this, Luigi?
🌊12: Choose me🌊
Cleo’s POV
Maraming kalalakihan ang nagtulong-tulong na buhatin si Lola palabas ng kwarto. Siguro mga walo o siyam na tao ang tumulong sa amin ngayon kabilang na kaming tatlo. I appreciated eveyone who lend a hand. Tulong-tulong ang bawat isa. I am the one supporting Grandma’s head, Max and Luigi were supporting her back and shoulders while the others used their arm to serve like a strecther and held the rest of her body.
We need to pass across the Café’s lobby to get out of the establishment. Agad na sumalubong si Shaun, alalang-alala. Tinulungan niya ako na buhatin si Lola.
“What happened?” He asked me.
Muling bumuhos ang luha ko kahit na hindi gustuhin. I badly want to wipe my tears, but my hands are used already.
“Hindi ko alam, Shaun.” Bulong ko sa kaniya. My voice almost broke.
Shaun’s other hand caressed my back, assuring me that everything would be okay.
“Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyaring hindi maganda kay Lola.” I said, and just like that, my tears flowed like waves of warm water.
I felt everyone’s attention as we were walking out of the café. Hindi ko sila masisisi dahil nasira ang katahimikan at kapayapaan na siya namang pinunta nilang lahat sa lugar na ’to.
“Wait, I’ll open my car’s door for your Grandma. Hold her tight.” Sabi ni Luigi sa akin kaya napatango na lang ako.
Kalalabas lang namin ng shop at agad akong nahinto nang mapatingin sa kalangitan. Malapit nang magtakip silim. Tangina! Bakit ngayon pa?
I shrugged it off. Hindi ko muna iisipin ’yon dahil mas importante si Lola sa lahat. Pero paano kung abutan ako sa Ospital ng pagpapalit-anyo ko? Paano kung doon ako bigla magkabuntot? Bwisit! Bahala na si Batman!
Hindi ko alam pero sa maikling panahon ay marami na kaming tao na nahatak. Marami nang nakikiusiyoso sa nangyayari ngayon hindi lang mula sa mga tao sa shop kundi pati na rin sa mga taong naglalakad at napapadaan sa labas.
Nabuksan na ni Luigi ang pinto ng passenger seat ng sasakyan niya para doon sana ilagay si Lola. Ilang dipa pa ang layo namin doon nang may bumusina.
Nahinto ang lahat sa ginagawa nang huminto ang isang itim na kotse sa mismong harapan namin. It occupied the remaining space that we needed to stride just to get in Luigi’s car. Muntikan pa ngang mabangga ang mga taong nasa harapan namin na bumubuhat kay Lola.
Bumukas ang pinto ng Driver’s seat at dahil kilalang-kilala ko ang lalaking nagmama-ari ng sasakyang ito ay hindi na ako nagulat pa nang makita si Arc na lumabas mula sa sasakyan niya.
Saglit kaming nagpalitan nang tingin saka niya binuksan ang pinto patungo sa passenger seat.
“Get inside and support Grandma’s head.” Utos sa akin ni Arc. Napansin ko naman na nagulat si Luigi sa ginawa niya pero wala ring nagawa ang lalaki kung hindi ang hayaan siya.
May pag-aalinlangan sa puso ko dahil alam kong mapapahamak ako kung susunod ako kay Arc. Ayaw kong mabisto nila ang sitwasiyon ko kay Max dahil oras na lumubog ang araw ay wala akong magagawa kundi bumalik sa pagiging sireno. Grandma is more important than anything, so I didn’t care what would happen next to me. Bahala na.
Ibibilin ko na sana si Lola kay Max na siyang nasa kaliwa ko sa bandang harapan nang pigilan niya ako gamit ang isang kamay. His other hand was left to support my grandma’s shoulder.
“Hindi pwede, Cley. Malapit nang mawala ang araw at alam mo kung ano ang mangyayari sa ’yo! We need to get back to the water-”
Nahinto si Max sa pagpapaliwanag nang magsalita si Shaun na siyang nasa kabilang gilid ko lang. I forgot that he was also here, listening and witnessing everything.
“Ako na. Pero ang gusto ko, kapag bumalik kayo ay sasabihin niyo na sa akin lahat kung ano bang tinatago niyo sa aking dalawa.” Halos pabulong na sabi sa akin ni Shaun. He was looking at me as if asking for my approval. Since I needed all their help, I nodded to him.
Ngumiti sa akin si Shaun at saka siya nagpunta sa sasakyan ng kuya niya pero nahinto siya nang makita si Luigi sa loob ng passenger seat, sa pinakadulong pwesto.
“Ipasok niyo na si lola dito sa akin! Time is running! She need to see a doctor!” Paalala niya sa amin.
Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa kotse ni Arc dahil alam kong hindi naman siya hahayaan basta-basta ni Arc na pumasok doon. Maybe he used the other door to enter.
Everyone moved and put grandma inside the car. I’m so glad that Luigi is here to help us now. Nagsilbing unan ni Lola ang binti niya at napakalaki ng utang na loob ko sa kaniya dahil sa ginagawang ’to. Maybe he’s really a good guy, even though I didn’t really know who he really was in the first place. He was like a cover-up superhero.
I thanked everyone who helped us. Nagsialisan na sila at natira na lang kaming apat sa labas, Arc, Shaun, Max at ako.
“Bantayan mo ang Coffee Shop Shaun. Cley, pumasok ka sa shotgun seat. Kailangan ka ni Lola sa ospital-” Nahinto si Arc sa pagsasalita at sa aktong pagpasok sa driver’s seat nang makita niya si Max na humarang sa daan ko patungo sa sinasabi nitong upuan. Balak ko kasi sanang sumunod talaga sa kanila pero biglang sumulpot si Max at pinigilan ako.
“No!” Mahinang sabi ni Max sa akin. It was only one word, and yet I felt the authority in his voice.
Agad na lumapit sa akin si Arc at saka hinablot ako sa aking braso. He almost dragged me inside his car when Max interfered. Hawak na rin ngayon ni Max ang kabilang braso ko kaya nagmukha akong tali ng larong thug of war. Kulang na lang ay hilahin nila ako para pag-agawan.
“Ano bang problema mo! Let him go! Lola Merci needs him! Nasisiraan ka na ba nang bait?” Sigaw ni Arc kay Max.
Napalingon ako kay Max at kitang-kita ko na wala siyang pakialam sa sinasabi ni Arc. Bahagya niya akong hinila kaya napahakbang ako papalapit sa kaniya.
“Cleo, hindi pwede! Alam mong hindi pwede! Pwede kang patayin ng mga tao kung makikita ka nila bilang-” I stopped him.
“Shaun. Ikaw muna ang bahala kay Lola. I will immediately close the shop, and we will go after you. Please take care of my grandmother for me,” sabi ko kay Shaun at saka ko hinila ang sarili mula kay Arc.
I saw the sudden sadness in his eyes. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nasaktan ko siya sa ginawa ko dahil mas pinili ko si Max sa sitwasiyon ngayon. I need to listen to him. Kung ipipilit ko ang gusto ko ay mas lalo lang magiging malala ang lahat. Iba na ang panahon ngayon. Society is too cruel. Kapag nalaman nilang nagiging sireno ako ay maaaring maging rason ’yon para malagay sa palegro hindi lang ang buhay ko, kundi pati na rin ang kay Lola at sa mga taong nakapaligid sa akin.
Kahit na gusto kong sumama kanila Arc at samahan si Lola sa ospital ay hindi pwede. Para rin sa kanila ’tong ginagawa ko. This is the best for all of us.
Shaun obeyed me. Pumasok siya sa shotgun seat pero hindi ko inaasahang maglalakad si Arc papalapit sa akin ngayon kaya naman umatras ako para hindi niya ako maabot. I almost threw myself at Max to maintain the distance between me and Arc.
“No!” One word, and I knew it was enough to break his heart even more.
Ganoon din naman ang ginawa niya sa akin noong pinili niya si Zamarah at ang anak niya kaysa sa kung ano ang meron kami. Its the same as this.
“Pwede ba? Si Lola muna bago ang lahat? Yari na tayo Arc kaya hayaan mo na ako sa kung ano ang desisiyon ko! Please, si Lola muna!” Sigaw ko sa kaniya.
His shoulders fell down in defeat. Now I know that he really surrendered this time.
“Kuya! Bilisan mo na!” Sabi ni Shaun sa kapatid.
“Grandma needs to see a doctor! Please hurry up!” Sigaw naman ni Luigi mula sa loob ng sasakyan.
Tumango-tango si Arc sa akin. His eyes say it all. I struck him with so much pain and now he was suffering. Like what happened to me before.
I need to choose Max and this is the best for us.
I watched their car to disappear from my sight. My knees felt weak and I almost lost my strength. Mabuti na lang ay nasalo ako ni Max. Our eyes locked for a few seconds.
Nagulat na lang ako nang pahirin niya ang luhang dumadaloy sa aking mga mata. Hindi ko na napansing umiiyak na pala ako.
A small smile slowly appears on his lips. Somehow, he made me feel light and secure. His smile soothed all the worries in my heart, and for a while, he convinced me that everything would be okay.
“We should go to the ocean now, Cley.” Sabi niya sa akin at saka itinuro ang nag-aagawang dilim at liwanag sa kalangitan.
Napahinto ako at saglit na naalarma nang mapansin ang nalalapit na takip-silim. Napailing ako at saka binawi ang sarili mula kay Max.
“I can’t leave our shop like this. Kailangan muna nating magsara!” I told Max to enlighten him.
We really need to do this fast, or else I would be on any social media platforms discovering a guy just turned into a merman.
🌊13: The Bathtub🌊
Cleo’s POV
I checked the sky. Nag-aagawan na ang liwanag at dilim sa kalangitan pero buo pa rin ang desisiyon kong asikasuhin muna ang cafe bago umalis at magtungo sa dagat. I can’t leave this place like this! Lalo na at wala pa si Shaun o si Arc. Hindi ko naman pwedeng iasa kay Max itong buong shop. It should be me who needs to fix and compromise everything before we leave.
“I still have time.” Bulong ko sa sarili saka nilagpasan si Max.
Sinalubong ako nang mga tingin ng ibang tao sa loob ng shop. I ignored all of their stares and went straight in the cafe’s kitchen. Mabuti na lang at nakasunod agad sa akin si Max dahil nakalimutan kong bilingin ang lahat ng costumer sa loob ng shop ngayon.
Inihinto ko ang ginagawa at saka hinarap si Max. I really need to thank this guy for being here with me all the time. Without him, baka mas naging mahirap ang lahat sa akin.
“Please flip the signage at the front door to stop people from coming. Tell them if they ever want to come in, we are already closed. Also, makibilang ako ng lahat ng tao ngayon sa loob ng shop. Thank you, Max.” I told him. Tumango-tango ang lalaki sa akin at saka mabilis na sisinunod ang sinabi ko.
Nahihiya na ako Max sa totoo lang pero kung hindi naman kasi dahil sa kaniya ay hindi naman ako mapupunta sa ganitong sitwasiyon. Basically, siya pa rin talaga ang may kasalanan ng lahat. I don’t have any reason to blame him anymore. Habang tumatagal ay naiintindihan ko na rin si Max. Once in his life, I knew he felt understood.
I placed the twenty mini cups on my tray and mixed all the right amount of sugar, water and creamer in each of them. Nang mag-umpisang kumulo ang tubig sa malaking heater ay pinatay ko na ito at nag-umpisang isalin sa bawat baso. Sakto namang dumating si Max.
“16 lang ang nandito. Cley, madilim na sa labas! Konti na lang at-”
Inilipat ko ang walong paper cups sa isang tray at saka ito iniabot sa kaniya dahilan para mahinto siya sa pagsasalita. I am doing all of these in a bliss. I need to hurry!
Nang mahalo ang natitirang kape na nakalagay sa tray ko ay hinarap ko si Max. I picked up my tray and gestured him to follow me.
Nasa harapan na kami nang counter at nahinto ang iilan sa mga ginagawa nila’t napalingon sa gawi namin ni Max. The guy stood right next to me, holding the tray of coffee in his hands.
Saglit naman akong napatingin sa labas at napamura nang makita na dominante na ang dilim sa langit. Baka rito ako abutan!
“I guess everyone of you is aware of what happened, and I am here to apologize for the disturbance we caused you,” I paused as I remembered Grandma. I felt my eyes teary so I fought hard not to cry again.
“My grandmother was rushed to the hospital, and I needed to immediately close this shop. I need to see her quickly. So, I prepared a little peace offering to everyone. Take one coffee as you all make your way out of this cafe. I am really sorry.” Paliwanag ko sa kanila.
I received a lot of responses. Some of them expressed disappoinment, but the majority of them smiled and nodded in support, which helped me feel a little better.
Pumuwesto na kami ni Max malapit sa entrada ng cafe. Nag-umpisa namang magsilabasan ang mga costumers kaya inaabutan namin ang bawat isa ng kaniya-kaniya nilang kape. I kept on apologizing for each of them. Mabuti na lang at walang nagalit o nang-away sa akin.
Tatlo na lang ang nakapila nang may maramdaman akong kakaiba lalo na sa parteng mga paa ko. Napalingon pa ako kay Max at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
“Paki-asikaso mo muna sila.” Sabi ko sa kaniya at saka inilapag ang tray sa pinakamalapit na mesa.
Dali-dali akong nagtatakbo patungo sa counter. Mabuti na lang at nasa kitchen na ako nang mahinto ako sa pagtakbo. My feet felt numb and I was about to grab the kitchen counter when my head hit the edge of it.
Nahilo pa ako nang saluhin ako ng sahig. It made a loud thud sound as the light engulfed me. Nang mawala ang liwanag mula sa akin ay siya namang paglitaw ni Max mula sa entrada ng kusina.
Saglit niya pa akong tiningnan at bago lumapit sa akin upang alalayan ako sa pag-upo.
Natulala na lang ako nang makita ang sariling buntot. My tail is an ocean blue color with a hint of green, and I am constantly amazed by how it shimmers when the light from the kitchen light fixture shines on it. I had no idea that looking at it closely would astound me to no end.
I smiled and turned to look at Max who was supporting me.
Tumango naman siya sa akin na para bang nakuha niya ang gusto kong itanong.
“Wala nang tao sa shop. They all went out.” Sabi niya sa akin. “May sugat ka sa noo, Cley! I need to treat it first, but you can’t stay out of the water for long.” Nag-aalala niyang sabi sa akin.
Napahawak naman ako sa noo ko’t doon ko naramdaman ang kirot. I saw blood on my hand. Hindi ko naman inaasahang nagkasugat ako sa pagkakatama ko sa sulok ng kitchen counter.
“The bathtub, we can use it.” Sabi ko sa kaniya nang maalala. “It’s inside my old room. Kung saan ka nags-stay ngayon.” Paalala ko sa kaniya.
Max got my point, and with that, he lifted me with his hands around my back and tail. I have no choice but to hook my hand around his nape. Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ako ngayon dahil sa sobrang hiya.
He made sure that no one would see us from the outside. Nakababa na rin naman ang mga harang sa glass wall ng shop kaya wala nang makakapansin sa amin.
Hindi ko maiwasang titigan ang mukha ni Max habang bitbit niya ako. The way his lips sat in its natural state and how his nose complimented his face, damn! Is this a demigod or actually a person? Napaka-gwapo niya!
Iniwas ko na lang ang tingin dahil baka kung saan pa umabot ang paglalakbay ng isip ko. I felt shy for split of seconds. Iyong pamumula ng pisngi ko ay tila ba hindi pa rin nawawala. Paano ba naman kasi ay nakakahiya ang pwesto namin ngayon. Buhat-buhat pa rin kasi niya ako sa bisig niya. I was so close to his heart. His heartbeat was the only thing I could hear within my head right then and there.
This guy was putting chills down my spine!
Bigla akong nakaramdam ako nang pagkahilo. Para bang nagsirko-sirko bigla ang paningin ko na kulang na lang ay masuka ako. Ito yata ang gustong sabihin ni Max sa akin. Hindi ako pwedeng magtagal nang wala sa tubig.
Hindi ko namalayan na nadala na ako ni Max sa banyo ng dati kong kwarto. He carefully placed me in the bathtub before turning on the tap, only for the water to start flowing continually.
Nakaramdam ako nang ginhawa sa ginawa ni Max. Hindi man kalakihan ang bathtub dahil nakalabas pa rin ang laylayan ng buntot ko pero sapat na ang laki nito para sa aking kabuoan. I just soaked myself in the bathtub, then closed my eyes, only to see the image of Arc walking towards me. Napamulat agad ako at napabangon sa tubig. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba na narinig ko si Arc na tumatawag sa pangalan ko.
My heart just started racing when I heard his voice again, it was clear and loud this time. It means he is closer to us now.
“He’s here,” dinig kong sabi ni Max.
Hindi niya ako pwedeng makitang ganito! I need to do something!
…
🌊🌊🌊
Your comments matters ❤️
Thank you!
Kuyasen
🌊14: Begin again 🌊
Cleo’s POV
“I didn’t lock the front door.” Sabi sa akin ni Max at dahil doon ay mabilis ko siyang pinapasok sa loob ng banyo.
“Isara mo ’yong pinto!” Sigaw ko sa kaniya pero huli na dahil agad na pumigil si Arc sa tuluyang pagsara nito. Ngayon ay naglalaban pa sila nang lakas kung sino ba ang mananalo sa pagbukas-sara ng pinto.
I saw almost all of the reactions on Arc’s face. Shock, the moment he saw me and my tail. Anger, because of Max doing his best to stop Arc from entering the bathroom. Sadness, might be from me, who kept everything as a secret and happiness, the moment I told Max to stop the thing he was doing.
They are both shocked of me, Si Max dahil pinahinto ko siya sa pilit na pagsara ng pinto at si Arc na nakita ako sa ganito kong kalagayan.
Max gave way to Arc and opened the door for him. I thanked this guy inside my mind and finally took a look at Arc. Nakatulala pa rin siya sa akin na tila ba hindi niya maproseso na may buntot ako ngayon.
“You ain’t dreaming, Arc. I’m Merman. Half human, half sea creature.” I told him.
Saglit niya akong pinasadahan nang tingin at saka siya lumapit sa akin. Naupo pa siya sa tabi ko. He glanced at my tail and looked back at my face. Puno pa rin nang pagtataka ang mga mata niya dahil sa nasaksihan.
“Pero paano? Kailan pa?” Magkasunod niyang tanong sa akin.
“To make a long story short, this guy behind you, he was the one who turned me into this—Arc! Makinig ka muna pwede ba?” Awat ko sa kaniya nang aktong susugurin niya si Max. “The door is open for you to go if you don’t want to hear what I have to say.” Kalmado ko pang sambit sa kaniya.
Kita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa mga salitang lumabas mula sa aking bibig. Miski ako ay hindi ko rin inaasahan ang paraan nang pagkakasabi ko sa kaniya. I’m not sure where the guts came from to say it and indirectly defend Max. Siguro kasi dahil ayaw ko na lang ng gulo at alam kong kapag hindi ko pinigilan si Arc ay susugurin niya talaga si Max. I know his capacity. It’s terrible that I still know everything there is to know about Arc.
“You need privacy. Labas muna ako, Cley.” Paalam ni Max at saka siya lumabas ng bathroom.
Naiwan kaming dalawa ni Arc sa loob at pansamantalang namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nobody dared to talk, and I’m relieved that the stillness didn’t make me feel uncomfortable in any way.
“Don’t act like you still care, Arc. Baka nakakalimutan mong mas pinili mo ang bata at si Zamarah kaysa sa akin kaya dapat lang na sila ang mas pagtuunan mo nang pansin—” He cut me off.
“I only care for the child Cley. Pera lang ang habol sa akin ni Zam kaya ibibigay ko. I would be a father for the child but never be a lover to her. Ikaw ang mahal ko, Cley. We can fix this. We can be back again like how we used to be. Ibalik natin iyong dating tayo. ’yong masaya. Iyong gigising sa umaga sa bisig ng bawat isa. God knows how much I miss you, Love.”
Love. It has been a while since the last time I heard that word from him. Hindi ko inaasahang magiging ganito ang epekto noon sa akin. Hindi ko inaasahang mararamdaman ko ulit lahat nang pagmamahal kay Arc sa pamamagitan lang ng isang salitang ’yon.
Tangina lang talaga! Naparupok mo, Cleo!
“Hindi pwede, Arc! Ikaw na mismo ang nagsabi na babalikan mo sila! Na gusto mong lumaki ang bata na may mga magulang, isang ina at ama na gagabay sa kaniya. Paano mo gagawin ’yon kung babalik ka sa akin?” Giit ko sa kaniya. Alam niyang hindi pwedeng basta-basta na lang magdesisiyon. Ginagawa niya na namang komplikado ang lahat para sa akin.
“I will provide everything for them. Iyong condo na binili nating dalawa, I let them use it. Para naman maayos ang titirhan nila. Susustentuhan ko rin ang bata at ibibigay ko lahat ng kailangan nila. I also want to see the child whenever I want to, and I have the rights to take him home and do sleep over with me. Kapalit noon ay hahayaan nila ako sa kung ano ang magiging desisiyon ko, sa kung sino ang pipiliin kong makasama pagtanda ko. Ikaw ’yon Cleo. Ikaw ’yong tao na gusto kong makasama hanggang sa pumuti ang buhok ko. Ikaw ’yong tao na kayakap ko sa tuwing lumulubog ang araw at habang nananatili ang buwan sa kalangitan. Ikaw ang gusto kong makasama habambuhay, Cley.” His eyes didn’t break connection with me. Alam kong paraan niya lang iyon upang ipabatid sa akin na nagsasabi siya nang totoo, na walang halong kasinungalingan lahat ng mga binanggit niya.
A part of me wanted to believe him, but a part of me says no either. Meron pa rin akong pag-aalinlangan sa puso ko. Siguro dahil minsan nang nasira ang puso ko kaya ang hirap na ring ibalik ang buong tiwala ko kay Arc pero hindi naman masama kung susubok akong muli ’di ba? Hindi naman sa ibang tao pa, kundi sa kaniya lang din naman, sa taong minahal ko nang sobra-sobra.
Suddenly, I saw his chest glow yellow. Nagliliwanag ang puso niya ng kulay dilaw tanda na broken siya, malungkot at sobrang nalulumbay. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Max noon. He saw me at the railings, crying as my heart emitted the color yellow, which is why he began the Merman’s song.
Arc’s hand made its way towards my cheek, and slowly, he was moving towards me. Balak niya pa akong halikan pero hindi maaari.
“If you will kiss me now, the Poseidon’s program would happen between us two. I will turn to human again and you will turn to merman.” Sabi ko saka ako umiling. “I don’t want it to happen, Arc. Kaya nga ako humahanap ng solusiyon ay para matapos na ang sumpa. Para matuldukan na ang paghihirap ng mga Merpeople. I want to be the way to end their suffering.”
I saw how his lips moved into a thin smile. Binalot niya ako bigla nang mainit niyang yakap. Iyong klase ng yakap na matagal ko nang hinihintay mula sa kaniya. Sobrang na-miss ko makulong sa loob ng bisig niya.
“This is the reason why I love you even more, Cley. You are so unselfish. You really have a good heart.” Dinig kong sabi niya at saka ako muling ikinulong sa mga bisig niya.
I know it’s not right to fall for this guy again, but this time, I just proved one thing, and that is that I still love him.
Matatalo ba ako ulit kung susugal akong muli?
🌊15: Troubled duo 🌊
Cleo’s POV
He stayed. I don’t know but I just felt secure with Arc around me. Hindi ko alam kung tama bang maging masaya ako ngayon sa oras na ’to pero hindi ko kasi mapigilan lalo na’t pakiramdam ko’y ako ang pinaka-priority ngayon ni Arc. After hearing the whole explanation of him with Zamarah and his child, I don’t know but I am at my happiest.
Hindi na rin bumalik pa si Max at alam ko namang nasa lobby lang siya ng coffee shop. Gusto ko lang din na lubusin ang oras na kasama si Arc, iyong kami lang dalawa kahit na hindi magandang pakinggan na nandito kami sa loob ng banyo. I was in the tub with water while he was sitting on the tiled floor.
“I have news for you, Cley. Alam kong nandito ka sa shop kaya agad din akong bumalik para maabutan ka. It’s important and it’s about grandma.”
Hearing the word grandma put so much worry in my system. Bigla akong nakaramdam nang matinding takot dahil kasangkot si lola sa mga balitang gusto niyang ihatid sa akin. All I want is my grandmother’s safety and yet I failed to protect her.
Agad na nangilid ang luha sa mga mata ko. Max said Merpeople can’t cry. They can feel so much loneliness and yet the Sea Goddess designed the Poseidon’s Program and unabled them to cry, making it much harder to live as a merman or mermaid.
Hindi ko alam siguro dahil glitch ako ng programa kaya nagagawa kong umiyak. Mabuti na lang at napipigilan ko pa ang mga luha ko mula sa pagbagsak pero ano mang oras ngayon ay maari na silang tumalon mula sa mga mata ko. I could feel them forming and anytime soon, they would flow down my cheeks.
“Please, don’t cry.” He said using soft and reassuring voice. It didn’t help me. Mas lalo lang ako nakaramdam nang lungkot kaya tuluyan nang tumulo ang luha mula sa kaliwa kong mata.
Arc wiped my tears and cupped my face. “Luckily, Lola Merci just got some scratches and bruises on her forehead. Good thing, iyon lang ang nakuha niya mula sa nangyaring aksidente bago niyo siya natagpuan. We didn’t know what happened to her and what caused her to be in that situation. The doctors made some stitches on her wound and…” Arc paused and looked me into my eyes as if telling me that everything would be okay.
“They were still running some tests on her but sadly, Cley, Grandma is comatose.”
And that news struck every fiber of my well-being. The first five seconds felt like I am dying. Hindi magawang maproseso ng isip ko ang mga salitang lumabas mula sa bibig niya. Nabalik na lang ako sa reyalidad nang punasan ni Arc ang luha na walang tigil sa pagbagsak mula sa aking magkabilang pisngi.
I badly want to blame myself but words can’t come out of my mouth. Ako ang dahilan kung bakit napahamak si lola. Nawalan na ako ng oras sa kaniya dahil mas nakalaan ang atensiyon ko sa sitwasiyon namin ni Max ngayon. It’s so funny that I want to save every Merpeople underwater and yet I failed to protect my one and only Grandmother. The lady who became my mom and treated me like her own son. Ang sakit sa dibdib isipin na natutulog lang siya pero walang kasiguraduhan kung kailan siya babangon. It’s because of me. It should be me who needs to be blamed here.
Suddenly, I just found myself inside Arc’s arms. He was embracing me with such a warm hug and making me feel that everything woukd be okay. I felt at ease, but whenever Grandma crossed my mind, I couldn’t help but to cry even more.
Biglang nahagip ng mga mata ko ang taong nakasilip mula sa labas ng banyo. I knew it was Max, but before I could see and confirm that it was him, he was already gone.
Lalayo na sana ako mula sa pagkakayakap kay Arc nang bigla akong napagitla at halos mapatalon ako sa tub nang makaramdam nang matinding hilo. Tila ba niyanig ang mundo ko noong sandali na iyon. It was like the beat of my heart but made me miserable in a split of seconds. Para akong namatay at nabawian ng buhay.
Napansin iyon ni Arc at agad niya akong inilayo mula sa kaniya. He was holding me by my shoulders to support my weight because I knew, anytime soon, If he let go of me, I would fall and collapsed.
“What happened—” Tanong ni Arc pero nahinto siya nang makita na naman akong mapapitlag sa kirot. Halos mawala ako sa sarili dahil sa nangyayari. Para akong nilalagutan nang hininga.
Sobrang takot na takot ako at halos wala nang paglagyan ang kaba sa aking dibdib nang marinig ko ang boses ni Max mula sa likuran ni Arc.
“Soak him under the water. He was experiencing withdrawals. Nangyayari iyon kapag matagal siyang hindi nakababad sa ilalim ng tubig lalo na ang hasang niya na dapat ay laging basa ng tubig dagat. It wouldn’t last long. We need to bring him back in the ocean. He needs salt water—”
Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari dahil masiyado nang malabo ang panangin ko. Naalarma na lang ako nang makarinig ako nang galabag na tila ba may tao na humampas sa sahig.
I squinted my eyes and took a while to finally see Arc pinning Max on the floor.
I did my best to reach them. Halos sumigaw na rin ako para maaawat sila pero hindi ko magawa.
Dahil sa kagustuhang mapaghiwalay at mapahinto sila ay dumulas ako palabas ng tub. My back hit the floor and it hurt so bad.
Napangiwi ako sa sakit pero alam kong sapat na ang nangyari sa akin para mahinto silang dalawa. Hindi ko alam kung sino ang unang lumapit sa akin upang maalalayan akong makaupo dahil sobrang hilong-hilo na ako. Nalaman ko lang na si Arc ito nang magsalita siya.
“Kumuha ka ng clean blanket sa kwarto niya. Bilisan mo!” At alam kong si Max ang inutusan niya.
Hindi ko na halos maintindihan ang mga nangyayari. Ang alam ko’y kinakausap ako ni Arc kahit na nag-aagawan na ang kamalayan ko at ang matinding hilo.
Naramdaman ko na lang na may bumalot sa aking buntot. Malambot na tela. Siguro ito na ang pinakuha ni Arc kay Max kanina.
“Ang tagal mo naman! Saan mo ba hinanap ’yong pinapakuha ko? Sa loob pa ng baul?” Singhal ni Arc kay Max.
“Bago pa lang ako rito! Hindi ko pa kabisado kung saan nakalagay ang mga gamit nila!” Depensa naman ni Max. Tama naman siya!
“Ang kapal nga naman ng mukha mo, ano? Dito mo pa nakuhang tumira! Pagkatapos mong guluhin ang buhay ni Cleo—” Nahinto si Arc sa pagsasalita. Bigla na lang kasi akong napapitlag nang maramdaman ulit ang naramdaman kanina. Para akong malalagutan ng hininga. Kailangan ko nang makabalik sa dagat. Hindi ko kayang tiisin ang ganito. Sobrang sakit!
Balak ko na sana silang sermunan dahil ngayon pa nila napiling magsisihan pero hindi ko na nagawa pa nang maramdamang may bumuhat na lang sa akin.
I could feel his warm breath. My vision was blurry and wasn’t enough to distinguish who was the one carrying me.
Then Arc yelled, “Anong ginagawa mo? Give Cley back to me!”
Now I confirmed that it’s Max who was the one who took me on the tiled floor.
“Cley needs to put back in ocean! He’s our top priority now! Wala na akong pakialam sino ang may bitbit sa kaniya! Ang mahalaga’y dalhin na natin siya pabalik sa dagat!”
And that somehow put a smile in my heart. His concern and his willingness to help me is something that I could be proud of him.
Uy, vovote niya na yan.
Thank you ❣️
🌊🌊🌊
🌊16: Ocean’s Encyclopedia🌊
Cleo’s POV
The coldness of sea water brought me back to life. Someone was carrying me and I know, it was the same guy who took me from the bathroom. The same guy who assisted me on the back seat and the same guy who kept on telling me that everything would be fine, it was him, Max.
Hindi ko na halos namalayan ang tagal ng byahe patungo rito sa dagat. I got the glimpse of Max and Arc agruing from time to time. Ang alam ko’y gusto ni Arc na siya ang mag-asikaso sa akin sa back seat pero hindi naman marunong magmaneho si Max kaya wala siyang nagawa kundi ang sumuko at ipagmaneho kami papunta sa dagat. Para silang aso at pusa. Hindi ko na halos maintidihan kung ano ang mga pinag-aawayan nila dahil hilong-hilo na ako. Makailang beses ring sumumpong ang sakit na nararamdaman ko kanina. Mabuti na lang at hindi rin nagtagal ay nakarating kami agad sa dagat.
I could hear Arc from behind. Mas nauna kasing bumaba si Max habang buhat ako sa bisig niya at alam kong nagmamadali siya para mailagay ako sa tubig dagat kaya naman noong oras na marating namin ang pampang at madala ako ni Max sa parte na hanggang bewang na ang taas ng tubig, it was enough for me to regen my health and conciousness.
“Thank God! You’re fine!” He said in relief.
Agad namang sumulpot si Arc mula sa likod at marahas na tinabig si Max. Dahil doon ay tuluyan niya akong nabitawan dahilan para mahulog ako sa tubig. Hindi niya naman sinasadiya at mas nainis pa ako kay Arc dahil sa inasal niya.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!” Sigaw ni Arc kay Max.
Then the realization hit me hard. Tila ba nawala ang ingay ng boses ni Arc habang nakatitig ako ngayon kay Max at sa kabuoan ng katawan niya.
He was soaked in water and yet he didn’t turn to be a Merman. Mas lalo akong nahinto nang maalalang kanina pa siya hindi naging Merman. Dapat parehas kaming naging Merman noong oras na mawala ang haring araw.
Ito na ang kinakatakot ko. Unti-unti nang nabubuo ang program ng Poseidon’s design sa pagitan namin ni Max. Hindi ’to maaari! Kapag nangyari ’yon ay mas mahihirapan ako sa sitwasiyon naming dalawa. It would be beneficial for me on my Merman side since I want to find a solution to lift up the curse to all the Merpeople but in this kind of situation, with my Grandma in the hospital, being in coma, I don’t think I could stand it anymore.
Napansin siguro ni Max ang naglalaro sa isip ko kaya nahinto rin siya at agad na rumihistro sa kaniya ang matinding pagkagulat. Arc on the other hand grew more curious than before. Hindi niya pa kasi alam ang tungkol sa Poseidon’s program at kung ano ang totoong kwento nito.
“Ano bang problema? Pwede bang ipaliwanag niyo sa akin? Hindi ako manghuhula para malaman ang tumatakbo sa isipan niyo ngayon. Cley?” Untag niya sa akin.
It took me seconds to finally answer his question. “The Sea Goddess Designed the Poseidon’s Program wherein a Merman should sing a song to a broken-hearted human. They called it blessing when the human fell to the Merman’s chant and that is when the exchange happens, Magkakaroon ng paa ang Merman at saka magiging Merman naman ang tao. It should be sealed by one real kiss. They will both have the reset in life and forgets everything about their past lives then live a new life with their new forms.” Paliwanag ko kay Arc.
He was about to punch Max in the face but I stopped him.
“Hindi naman makakatulong kung gugulpihin mo pa si Max, Arc. Please, calm down and cooperate! We are both looking for answers in everything! I have a goal to lift the curse in every Merpeople and let them all free. I want to put an end to their sufferings and help them out so please, listen and stop this shit with Max, could you?” Halos mapasigaw na ako sa kaniya sa mga huling salita na lumabas sa aking bibig. Nakakapuno na rin kasi!
Tanging ang buwan na lang ang saksi sa mga nangyayari sa amin ngayong tatlo. It’s the same moon who gives us light during this darkest moments of our lives. Matahimik ang paligid at tanging ang ingay lang ng alon ang siyang namumutawi sa buong karagatan.
I didn’t break the silence and let it be. Lumayo ako nang bahagya sa kanila at nagulat pa ako nang sabay silang magsalita sa akin.
“Saan ka pupunta?” Ani Arc.
“Aano ka, Cley?” Tanong naman ni Max.
Napabuntong-hininga ako at saka dahan-dahang humarap sa kanila. I looked both of them and smiled.
“I need to end this curse. Hindi ako matatahimik kung nandoon si lola sa ospital at wala man lang akong magawa para mapuntahan siya. Kailangan kong hanapin ang Merwitch at tapusin ito bago pa mahuli ang lahat! She knows everything so maybe she could help me out this time!” Sabi ko sa kanila saka ko tiningnan si Arc.
“Please, take care of my Grandma for me. I want you to go back there and look out for her.” Sabi ko sa kaniya. Agad naman siyang umiling-iling. Humakbang pa siya papalapit sa akin na para bang gusto niyang sumama sa pupuntahan ko pero agad kaming nahintong tatlo nang may mabuong maliit na alon mula sa palad ko noong oras na sinenyasan ko siyang huminto sa kinatatayuan niya. It was like a strong current that went out of my hand. I could feel it. Hindi ko alam kung saan galing ang lakas na nararamdaman ko pero pakiramdam ko’y kaya ko itong gawin ulit kaya naman ikinumpas kong muli ang kamay at laking gulat nang umangat ang tubig at sumunod ito sa direksiyon ng aking kamay. Naputol lang ito at bumagsak muli ang tubig nang magsalita si Max.
“Only the Royal family of the Sea Goddess and Poseidon’s bloodline are the only ones who can make it. They are the blessed ones who can control the water and have the ability to command the sea creatures.” Paliwanag ni Max sa akin na naging dahilan kung bakit ako nahinto sa kinalulugaran ko.
(Remember the scene
from chapter 9 part II? Iyong may Spotted Eagle Stingray na sumagip kay Max at Cleo noong nalason sila sa kamandag ng
Black Dragon Fish, Si Cleo talaga ang tumawag noon kahit na unconcious siya. ’yon lang muna sa reminders :P)
“Ibig sabihin ba nito na may tyansang konektado si Cleo sa Sea Goddess at kay Poseidon?” Tanong ni Arc kay Max at kitang-kita ko kung paano tumango si Max sa kaniya.
Magsasalita na sana ako nang may biglang humila sa akin mula sa likuran. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Max at Arc ng pangalan ko bago ako tuluyang mahatak ng isang malakas na pwersa mula sa ilalim ng tubig.
Wala akong sapat na lakas para labanan ang kung ano mang humihila sa akin mula sa dagat. It was like a strong sea current and I have no other choice but to let it pull me down.
Pababa ako nang pababa patungo sa madilim at malalim na parte ng dagat. Unti-unti na ring nabubuhay ang kaba sa dibdib ko dahil wala akong ideya sa kung sino ang nasa likuran ng lahat ng ito. Wala akong alam kung ano ang naghihintay sa akin sa kabilang dulo. I am clueless and being worried is my only choice right now.
I don’t know how deep I was underwater when the strong current stopped. Nasa gitna ako ng kadiliman, sa gitna nang tila ba walang katapusan na lalim ng dagat. Hindi ko na rin matanaw ang liwanag ng buwan gayundin ang pinaka-sahig ng karagatan. Mas nadagdagan ang takot sa puso ko nang may sumulpot mula sa hindi kalayuan. He slowly showed up until my vision revealed his bare face.
He smiled. Meron siyang suot na tila ba isang sling bag na gawa sa fishnets. I could see what is inside of the bag and it was some sort of Seashells amd some things like tiny rocks and pieces of dead corals.
“Long time no see, my friend.”
He looks like Luigi but how come he was here? Merman ba siya? Kailan pa? Hindi ba siya ang naghatid kay lola sa ospital kasama sila Arc kanina? Naguguluhan ako!
“Nakalimutan ko, nasa ilalim ka pa nga pala ng spell ng Merwitch kaya hindi mo ako matandaan. Here, take this.” He said and took one of the seashells inside his sling bag. Binuksan niya ito at saka bumungad sa akin ang tila ba kulay gintong powder dust. Isinaboy niya ito sa akin at napaatras pa ako sa gulat. Pagkaraan ng ilang minuto ay agad na nanumbalik sa akin ang lahat ng nangyari noong gabi na ’yon at kung paano kami napunta ro’n. Isa-isang rumehistro sa isip ko ang mukha ni Flynn. Kaya pala burado ang ilang ala-ala niya sa akin dahil nasa ilalim pa rin ako ng Merwitch’s spell hanggang ngayon.
Agad akong napangiti nang maalala siya at agad din namang naglaho ang ngiti na ’yon nang maalalang siya ang dahilan kung bakit kami napahamak ni Max. He knew everything from the very start but his possesion with this Merwitch got the best in him. He even used us as a way to get into the Merwitch’s altar.
Napaatras akong muli pero napansin agad niya iyon dahilan para mahinto ako.
“I’m here to help. I made a mistake that is why I am doing my best to help you. I know how to help you, Cleo. Hindi ako tatawaging Ocean’s Encyclopedia nang walang maayos na rason. Hayaan mo akong bumawi sa ’yo.” Paliwanag niya sa akin.
I gathered myself and had the courage to say this to him. “Naiwan ka sa Cruise ship noon, Flynn. Paano mo mapapatunayang mapagkakatiwalaan kita?” Because I knew, it would be risky to trust him again. Ayaw kong mapahamak na naman kung sasama at magtitiwala muli sa kaniya nang basta-basta.
“I knew it! That is why I brought this thing,” He said and took out an ancient knife inside his sling bag. Alam kong luma na ang punyal na iyon na tila ba ilang dekada na ang nagdaan mgunit ay para pa rin itong bago at hindi pa ni minsan nagamit. The blade itself look like a frozen water and crystal at ang mismong base nito o hawakan ay gawa sa isang kulay emerald na Murex shell. I also noticed the pearls in the Murex shell itself and in the edge of the base wherein the small pearl has been guarded by a small shell too.
Tuluyan na akong napalangoy palayo sa kaniya pero agad ding nahinto nang magsalita siya. Everything that is happening to me right now is too much bear. Hindi ko na halos maproseso lahat sabay-sabay. First, Max said that I am somehow connected to the Sea Goddess and the Poseidon then now, this thing with Flynn and everything that he was telling me. Parang sasabog na ang utak ko sa mga impormasiyong nalalaman ko mula sa kanila.
“Easy! You just need to use this on the Merwitch to end the Poseidon’s Program. Kailangan mong itarak ito sa puso niya para matuldukan na ang sumpa. I didn’t say you this but the Merwitch was the reason why the Poseidon died. The Sea Goddess and the Poseidon was so deeply inlove with each other and the Merwitch, who was called as the Mermaid Princess before was envied of them and have this secret love for the Poseidon. Remeber, kapatid ng Sea Goddess ang Mermaid Princess, hindi ba? To make the story short, The Mermaid Princess made a strong spell and potion to trick the Poseidon and she succeed. To save the Poseidon, The Sea Goddess made a way to inprison the Mermaid Princess in that Cruise ship since putting a celestial Merman under the spell is so prohibited for them and should be punished, just like what the Mermaid Princess did to the Sea Goddess’s Lover, the Poseidon.” he paused as he was making his slow swim towards my direction like as if being careful not to scare me. Hindi naman na ako naalarma dahil alam kong totoo ang sinasabi ni Flynn at kailangan kong intindihin ang mga kaalamang binibitawan niya. Word by word. I know he was telling me the truth and I should listen to him.
“The dark spell made the Poseidon insane and eventually killed himself using this sacred knife. Ang akala niya kasi ay namatay na ang Mermaid Princess dahil sa mga balitang kumalat noon sa Merland City. Para talagang nabaliw ang Poseidon noon dahil sa tila ba gayuma na ginawa ng Mermaid Princess.” Huminto si Flynn sa pagsasalita nang marating ang kinalulugaran ko.
He took my hand and put the sacred knife on it. Siya na rin mismo ang nagsara ng palad ko.
He looked me in the eyes and smiled, “Kailangan kong bumawi sa kasalanang nagawa ko sa inyo ni Max kaya ako nandito ngayon para tulungan ka. Nga pala, sa tingin ko’y kakailanganin mo rin ito.” At saka siya may kinalkal sa suot niyang slingbag.
Naging mabilis ang pangyayari. May isinaboy siya sa mukha ko dahilan para unti-unting maglaban ang hilo at kamalayan sa aking sistema.
Narinig ko pa ang tawa niya at malinaw ko pang nakita kung paano sumibol ang mapaglarong ngiti sa labi niya. There’s something wrong in his eyes and the glint of light it was emitting. He was like under a spell or what. Whatever is happening, I know it wasn’t the real Flynn that I am talking with a while ago.
Nakita ko pa na tila ba saglit na nawalan nang malay si Flynn saka siya naguguluhang tumingin sa akin at sa sarili niya. Gulong-gulo siya na para bang wala siyang alam sa mga nangyari.
He rushed towards me and held me by his arms. Tila ba iiyak na siya batay sa ekspresiyong nakikita ko sa mukha niya.
I was so dizzy and I know anytime soon that I would be unconcious so I gave him back the sacred knife and smiled.
“I know its the real Flynn that I am talking with right now, but please, help me end this curse.” I said and that is when he embraced me and uttered his apologies couple of times.
Doon ko lang din napansin na hindi na kami nakuryente pa nang magtama ang balat namin sa isa’t isa. It means we can resolve this Poseidon’s program and that somehow gave me hope.
“I’m so sorry, Cley. Pinapangako ko tutulungan ko kayo ni Max.” He said before my vision turned black and blank.
I know this time, it was him, the real Flynn, the Ocean’s Encyclopedia that I know.
🌊17: Triton🌊
Cleo’s POV
Unti-unti akong nagising sa ingay na tila ba may nagkakasiyahan. The loud sound of everyone’s voice, cheering and happily singing with joy was the only one who echoes in both of my ears.
Nang magkaroon ng sapat na lakas para maproseso ang nangyayari ngayon ay napansin kong nakaharap ako sa isang tila ba malaking screen ng projector. Flashbacks of video was playing on it and the black corals were the thing that serves as the background of the screen. Mula sa higanteng perlas na itim ang mga nakikita ko ngayon at hindi ko alam kung saan nagmumula ang mga lumalabas dito.
Dumagsa ang kaba sa dibdib ko nang mapagtantong nandito ako ngayon sa lungga ng Sea Merwitch, nakagapos ang mga kamay at nakakadena ang buntot sa isang malaking anchor. Meron ding nakataling tela sa bibig ko kaya hindi ko magawang sumigaw. I feel so hopeless right now. Ni hindi ko magawang matawag si Flynn sa gilid ko na kagaya ko ay nakagapos din, wala pa siyang malay kaya tila ba nahihimbing siya sa kinalulugaran niya.
Inilibot ko ang paningin sa paligid para suriin kung nandito ba ang Sea Merwitch pero kahit saan ay hindi ko nararamdaman ang presensiya niya. Kahit iyong dalawa niyang Chain Catshark ay wala rin dito.
Somehow, I felt at ease. Kahit papaano ay napanatag ako na walang sino man ang magpapahamak sa akin, sa aming dalawa ni Flynn ngayon.
I was about to make my ways to wake up Flynn when someone spoke as the sound of cheering people vanished.
“The Merland City used to be a happy place before. Masaya ang lahat at magkakasundo ang bawat sambayanan ng mga Merpeople not until my heart broke when My sister Athena announced her wedding with the Poseidon.”
Nanigas ako sa kinalalagyan nang marinig ang matandang boses ng Sea Merwitch. Ang akala ko’y wala siya rito?
Napalingon ako sa kaniya at nakita kong nakaupo siya sa trono niya. The two Chain Catshark were circling around her trone as if guarding the Mermaid Princess. Yes, it was her. The sister of the Sea Goddess, Amphitrite.
Nag-iba ang pinapakitang flashbacks ng higanteng black pearl dahil siya na ito ngayon habang nag-iisa sa loob ng isang shipwreck, tila ba lunod sa kalungkutan at nagdudusa sa balita na hindi niya kailanman nagustuhan.
“Mas nadurog ang puso ko nang malamang buntis ang ate ko at Si Poseidon ang siyang ama! Ang lalaki na matagal ko nang minamahal sa malayo. Ang nag-iisang lalaki na tinitibok ng puso ko. Wala na akong ibang gusto kundi siya lang pero anong ginawa ni ate, inagaw niya sa akin si Poseidon!” Sigaw ng Sea Merwitch dahilan para mapapikit ako sa sakit. Halos mabasag ang eardrum ko sa tinis ng boses niya.
“Kahit kailan hindi naging sayo si Poseidon dahil una palang ay si Amphetrite na ang mahal niya! I was there long time ago! I was there, witnessing everything that has been flashing in that black pearl so you can’t trick us here, Pherousa!”
Napalingon ako bigla kay Flynn. He was awake and he was defending Amphitrite from this crazy Sea Merwitch. Now I know what her real name is, it was Pherousa. Sounds like Medusa who really a master of deception.
(Pherousa or Pherusa is one of the Nereids. The siblings of Amphitrite are the Nereids and Oceanids who were three thousands in numbers and Pherousa was one of them. This is based in the Greek Mythology.)
I wanted to speak and interfere. I wanted to ask Flynn about how come he was there if a Merman can only live thirty days before they would turn to sea foam. Gusto kong magtanong sa kaniya pero dahil may nakaharang sa bibig ko ay wala akong nagawa kundi ang manahimik na lang at hayaang mapuno ng tanong ang isip.
Tumingin sa akin si Flynn at saka siya tumayo mula sa pagkakaupo. He was limited to move because of the anchor on his tail just like mine. Mabuti na lang at walang nakaharang sa bibig niya kaya malaya siyang ipahayag ang mga gusto niyang sabihin ngayon.
“Natatandaan mo noong sinabi ko sa ’yo na may mali sa sinabi ng Sea Merwitch tungkol sa kung paano magwawakas ang Poseidon’s program? She told us you only have thirty days to live as a merman and the only way to save every Merpeople is to sacrifice yourself. Truth be told, A lot of Mermaid and Merman did that and you seeing them all here because it was all the potions along the black corals. They turned to potions because the Sea Merwitch tricked them and only used them for her own sake—”
Nanlaki ang mga mata ko nang tila ba may isang kidlat na tumama sa dibdib ni Flynn. Sa lakas ng pwersa ay napahampas siya sa mga black corals at panandaliang nawalan ng malay. I badly want to go with him and lend some help but in this situation, I was like a prison without a cage.
“You talk a lot! Kailangan mo nang bumalik sa pagiging alipores ko! Masiyado ka nang maraming nasasabi!” Sabi ng Sea Merwitch at saka mabilis na hinanap ang isang botilya mula sa mga maliliit na bote sa pangangalaga ng black corals.
She mixed some of the potions with the other colors and swam swiftly towards Flynn.
“The marking behind your ear is the markings of the Sea Ancient Bloodline. The Merwitch has it too as she was the Sea Goddess younger sister and so the Sea Goddess herself. Lahat ng Celestial Goddess at mga Merpeople na may dugong maharlika lang ang may ganiyang balat kaya ibig sabihin ay isa ka rin sa kanila, Cley! You have the power and ability to control the sea creatures and the ocean so you could ask some help. Makakaalis ka—” and with that, the Sea Merwitch injected something in Flynn’s heart using her long finger nails. Seconds later, Flynn’s eyes turned loomy and dull. He was like under a spell. Iyong Flynn na nakita ko kanina ay siya na ulit kaharap ko ngayon.
I screamed out of anger but I sounded so hopeless because of the thing in my mouth. Kung wala lang akong busal na tela sa bibig ay na-torture ko na nang masasakit na salita ang impaktang Pherousa na ito!
“Shut up and watch, okay?” Sabi ng Sea Merwitch kay Flynn na sinangayunan naman ng binata.
Ngumiti ang babae at saka tinapik ang ulo nito na para bang aso.
“Good boy.” Aniya pa.
“Now, watch!” Sigaw niya sa akin at saka ako nabulag sa liwanag na nagmumula sa malaking screen sa harapan namin. Para akong tanga na nanunuod ng sine ngayon. The Sea Merwitch wanted me to see and witness the whole story before. Every details and everything in their back story. Well, I needed it so I will obey her this time.
The big black pearl showed me another scene. It was the Sea Goddess sleeping with a baby Merman on her arms. Natigilan ako habang pinapanood sila dahil kung anong ganda ni Pherousa sa pagiging Mermaid Princess ay triple ang ganda na meron ang isang Sea Goddess na si Amphitrite.
Poseidon was looking at the them as if enjoying the moment of seeing his very own wife and son.
Hindi ko alam pero parang may kung ano akong nararamdaman habang pinapanood silang tatlo. It was a complete family. A mother, father and a child. Something I really did not even feel to have. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit doon sa bata ma tinitingnan ko. Naiisip ko paano kung ako may mga magulang din na kagaya nila. May nayayakap sa tuwing hindi maayos ang araw ko. May maiiyakan at malalapitan sa tuwing hindi sumasang-ayon sa akin ang kapalaran.
Nagitla ako sa realisasiyon na posibleng ako ang bata na ’yon. Napahawak ako sa balat na nasa likuran ng tenga ko. It was the marking of the Sea Celestial’s bloodline and they said that I am somehow connected to them.
I want to shrug off that idea but it kept on entering may mind. Kahit na anong waksi ko ay paulit-ulit lang itong naglalaro sa isipan ko dahil meron naman kasi talagang tyansa na ako ang bata na nasa bisig ng Sea Goddess.
The setting was in a big room with different corals reefs with variety of colors. Nakahiga ang Sea Goddess sa isang malambot na Sea Anemone formation. Napapalibutan sila ng nagtatasang Coral reefs at mga sea weeds kaya nagsisilbi itong silong sa sinag na nagmumula sa mataas na sikat ng araw.
Nahinto ako nang mahagip ng mga mata ko si Pherusa na nakatago sa likod ng isang malaking corals. Naghintay lang siya ng ilang minuto para umalis si Poseidon saka siya lumabas.
The moment she was infront of the sleeping Sea Goddess, she took out a potion bottle and lingered it to the Sea Goddess. Sa tingin ko ay sleeping potion iyon para hindi agad magising ang kapatid niya.
She smiled and took the baby from Amphitrite.
“You have to pay for the mess you made, my dear Sister.” She said and swam away, having the baby of the Sea Goddess and Poseidon in her arms.
And later after that scene, Pheruosa spoke to me that caught my attention. It even made my heart skipped a beat. This was something that I am not really sure if it was real or I am just being tricked again by the Sea Merwitch.
“You are the son of Poseidon and my Sister, Amphitrite and before I forgot, your real name is not Cleo. It’s Triton.”
🌊18: Poseidon’s Trident🌊
Cleo’s POV
The revelation of what I truly am was too much for me to bear. Halos hindi na ako makagalaw sa gulat dahil sa impormasiyong sinabi niya. Hindi ako halos makapaniwala na ako ang siyang nawawalang anak ni Amphitrite at ni Poseidon, ako ang nag-iisang si Triton.
I saw how the Sea Merwitch smiled at me mischievously. She knew this moment that the game was on her palm already and I am just her little pawn, so clueless of what was happening on the chessboard.
Lumapit siya sa akin. Her hand lifted my chin to make me looked at her in the eyes.
Even though she was in her granny form, her eyes showing me who she really is. I could clearly see the Mermaid Princess behind her cloak.
“You are simply my Nephew, Triton.” She said and leaned closer to my ears. “And I need your mother. Hindi pa ako tapos sa inyo. She needs to pay for her debt.” The Sea Merwitch whispered to my ear.
Tinanggal niya ang busal sa bibig ko at saka dumaan sa likuran ng tenga ko ang napakatulis niyang kuko. Her fingernail touched my birthmark. It was the same marking of what they called Sea Celestial’s bloodline.
“We only have one marking and yet I am the unique one among us.” She said and showed me her birthmark. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang tila ba nakaguhit ito gamit ang kulay pulang likido. It was like glowing red. Parehas na parehas kami ngunit ang pinagkaiba lang ay ang kulay nito.
“My dear sister wouldn’t come here but I know if I will use you as my bait, she have no choice but to show up. Its been hundred years since the last time we saw each other. Miss ko na ang kapatid ko.” She said.
Hundred years? Ibig sabihin ay matagal na siyang nabubuhay? Kaya pala sabi ni Flynn dahil kagaya ng Merwitch ay matagal na siyang namamalagi sa ilalim ng dagat. Naabutan niya pa nga ang mismong Sea Goddess at si Poseidon. He, himself saw what truly happened. Kung sana ay una pa lang ay sinabi na sa akin ni Flynn ang lahat-lahat ay hindi na sana aabot pa sa ganito.
“As we wait for my dear sister to come, mukhang mas maganda muna na panuorin mo kung paano ko sinira ang pamilya mo. Happy watching.” She said as if teasing me.
The screen just showed up again and continue the scene I am watching before. Bibit ni Pherousa ang isang bagong silang na anak ng Sea Goddess. Kung saan-saan siya sumuot para lang makapagtago sa maaring makakita sa kaniya. I thought she was going to run away with the baby in her hands but then I was so shocked upon seeing her enter a sacred sanctuary. Gawa iyon sa malalaking formation ng coral reefs. At first, people could be deceived by how it looked like from above. Siguro ay paraan din ito upang hindi madiskubre ng tao ang lungga ng mga Merpeople.
The Sea Merwitch entered the sanctuary by a small hole from the side. Nakakubli pa ang butas sa nagtataasang sea weeds na sa tingin ko ay siya lang din ang nakakaalam. I think she prepared for this. The Sea Merwitch prepared for her evil plan.
Nahinto pa ako nang makita ang mundong naghihintay sa loob ng sanctuary na iyon. It was like a very fine infrastructure. The inner designs were variety of coral reefs. They were aligned and in a very fine formation like as if classified them by species. Color by color. Size by size. Marami rin ang nagkalat na malililiit na isda. They all looked happy and alive. Sobrang ganda nilang pagmasdan habang ang ilan sa kanila ay tila ba sumasayaw sa lamyos ng tubig ng karagatan.
Hindi ko tuloy mapigilang hindi ngumiti dahil napakaganda nito sa loob. And what caught my attention was the altar in the middle of the santuary. The coral reefs formed like a crown and right on the top of it was the Poseidon’s Trident. Nakalutang ito sa tubig at kitang-kita ko ang nakapalibot ditong puting aura na para bang ito ang nagpapanatili ng seguridad nito. Like no one is allowed to hold it but the Poseidon itself.
No one is inside the sanctuary. Nang masigurado ng Sea Merwitch na walang sino man ang nasa loob ay tuluyan na siyang naglakad patungo sa trident. Nagsialisan ang lahat ng isda sa loob ng suntuwaryo na para bang umiiwas sa pagdating ni Pherousa.
It was strange of me to watch myself as an infant and being carried by the one who started the pain in my parent’s heart. She was the same mermaid that caused everything to be destroyed and broken. She was the reason of everyone’s sorrowness and tears. She was the one who put a curse in the blessing of the Merland city. Walang dapat ibang sisihin kundi siya lang at alam kong malaki ang kasalanan niya hindi lang sa akin, kundi sa lahat ng Merpeople na nabubuhay sa ilalim ng karagatan magpa-mula noon hanggang ngayon. Pherousa should be punished by the law of the ocean. She deserve to be imprisoned in this cruise ship forever.
She stopped in front of the trident. Kukuhanin niya na sana iyon mula sa loob ng puting aura nang may marinig akong nagsalita.
“Where do you want to use it, Pherousa.”
After that, the screen showed me a very intimidating merman. It was my father Poseidon.
Ilang metro ang layo niya kay Pherousa. He was looking sternly at the Sea Merwitch as if already knew what the trouble she had made.
Mula sa likod ni Poseidon nagpakita ang Sea Goddess na si Amphitrite. She was so worried to Pherousa despite of what she did to her when she was asleep. Masasabi kong napaka-understanding niya bilang isang ina. I wonder if ever any of these never happened. Siguro masaya kami lahat ngayon at naranasan ko magkaroon ng isang buong pamilya.
Without hesitation, Pherousa took the trident from the sacred altar. Nagulat pa ang mga magulang ko noong oras na mapasakamay ni Pherousa ang trident ng aking ama. I don’t know but I felt something weird in that scene. Tila kasi dumilim ang buong karagatan noong sandaling iyon at kulang na lang ay bumuhos ang malakas na ulan sa itaas ng karagatan at mag-umpisa ang isang delubiyo. I just assured one thing and that is the trident is no longer in good hands.
Humalakhak siya na para bang siya na ang nagwagi sa laban niya pagitan sa mga magulang ko. Nag-umpisa na ring dumami ang mga Merknights ngunit pinigilan sila ng aking ama na si Poseidon sa paglapit kay Pherousa dahil bihag niya ako.
Walang pagsidlan ang kagalakan niya. She had me and my father’s power because of that trident. One wrong move from my parents, I will vanish. Kaya naman sobrang ingat ng galaw nila kahit na nakapalibot na ang mga Merknights sa buong santuwaryo. My father ordered them not to make any move that is why everyone were looking at my aunt, celebrating her victory.
Itinutok niya ang trident kay Poseidon. “Gusto ko lang naman mahalin ng isang katulad mo pero hindi ko inaasahang aabot sa ganito ang lahat.” She said and shifted the trident to my mom, Amphitrite. “And you are the reason why I am here so you deserve to be punished-” and with that, meron lumabas na kidlat sa trident na ’yon. Naging mabilis ang paggalaw ni Poseidon at siya ang sumalo ng atake ni Pherousa sa sariling kapatid.
Poseidon’s power against him is not easy. It was like tasting his own medicine. Nawalan ng lakas si Poseidon sa tindi ng atake na iyon. Halos mawalan siya ng malay ngunit lumalaban siya para sa anak at sa asawa niya.
The Sea Goddess helped Poseidon to stand up. Walang hinto sa pagtangis ang Sea Goddess dahil sa mga nangyayari.
The Merknights started to swim towards the Sea Merwitch so she let go of me. Naiwan akong nalatulang sa gilid niya habang nahihimbing kaya naman agad niya akong tinapatan ng trident dahilan para mahinto ang lahat ng Merknights sa pagsugod sa kaniya.
A smiled appeared on her face. Napakasama niya talaga!
“Kapatid ko, sumuko ka na. Hindi pa huli ang lahat sa atin! Maayos pa natin ito! Hindi mo kailangang sirain ang sarili mo dahil lang sa pag-ibig. Pakiusap, wag mong saktan ang anak ko. He’s your nephew. Please, maawa ka.” Wika ni Amphitrite. Seeing my mother cry really breaks my heart. Hindi ko inaasahang ito ang magiging epekto nito sa akin dahil naramdaman kong halos mangilid na ang luha sa aking mga mata. Kulang na lang ay lumuhod siya sa harapan ni Pherousa upang pakinggan ang pakiusap niya.
Tumawa ang Sea Merwitch dahil sa sinabi niya. “Sa tingin mo ba’y maniniwala ako sa ’yo? Sira na tayo una pa lang, ate. Ikaw ang sumira sa ’tin kaya wala nang rason para maibalik pa ang lahat sa dati.” I saw how the tears went out of her eyes. Hindi ko sukat akalain na kahit nasa ilalim sila ng tubig ay nagagawa kong makita nang malinaw ang mga luhang lumalabas sa mga mata nila. Ngayon ko napapatunayang para rin silang normal na tao, may puso at damdamin din. Umiiyak at nagagawang maging masaya. Ngunit dahil sa insidenteng ’to ay magbabago ang lahat sa Merland City.
“If you want me then take me. Basta ibalik mo lang sa amin ang anak ko at huwag mo lang sasaktan ang asawa ko, buong-buo ako sasama sa ’yo, Pherousa.” Biglang sambit ni Poseidon.
Everyone seemed so surprise by what he’d said. Hindi inaasahan ng lahat na gano’n na lang susuko ang nag-iisang Poseidon sa kagustuham niya.
“Sa tingin mo maniniwala ako sa ’yo?” Sabi ng Sea Merwitch sa kaniya. Nakatutok pa rin sa akin ang hawak niyang trident. Ang tindi naman ng trust issue nitong tiyahin ko na ito.
“Mga Merknights, maaari niyo nang lisanin ang santuwaryo. Iwanan niyo muna kaming tatlo ngayon.” Sabi ni Poseidon sa mga kawal.
Unti-unting nagsialisan ang lahat habang dahan-dahan na lumalangoy si Poseidon patungo kay Pherousa. The Sea Goddess remained behind Poseidon.
Nang makaalis ang lahat ng kawal ay huminto si Poseidon ilang dipa ang layo mula kay Pherousa at sa batang ako. He looked her in the eyes and spoke, “Tayo na lang tatlo ngayon. Wala nang iba pang magtatangkang makialam. Sana naniniwala ka nang sasama ako sa ’yo kapalit nang pagpapalaya mo sa anak ko.”
The Sea Merwitch took out her potions from her necklace and broke it. Inihanda niya ito at itinapat sa akin. Wala talaga akong kawala ng mga oras na ’yon.
“This is a potion in which the one who will take this would be under a spell. Pair of human legs are waiting for someone who will receive this. At ibibigay ko ito sa anak niyo oras na bumali ka sa kasunduan. Sisiguraduhin kong hindi niyo siya mahahanap sa mundo ng mga mortal oras na lokohin niyo ako!” Sigaw ng Sea Merwitch sa kaniya.
Napatakip ang Sea Goddess ng kaniyang bibig dahil sa banta ng kapatid. Natatakot siguro siya na maari itong tuparin ng tiyahin ko oras na hindi tumupad si Poseidon sa gusto niya… and I guess it happened that is why I am in the human world.
Hindi siya tumapad sa usapan nila. Poseidon broke his promise to her.
Tumango-tango ang ama ko sa kaniya at dahan-dahan siyang lumapit sa akin na noo’y nakalutang pa rin malapit sa Sea Merwitch.
When Poseidon took me in his arms, that is when the tragic happened.
“Not now, Pherousa. Not my family!” He said and gestured his hand on the trident. Muli na sana itong babalik sa tunay na nagmamay-ari nang pigilan ito ng Sea Merwitch.
She took it and fought the force. “I will kill your child! You tricked me! Hindi ko kayo mapapatawad!”
Nawalan ng kontrol si Poseidon at nagulat na lang ako nang magdire-diretso ang trident sa direksiyon nilang mag-ama.
My father used his back to protect me. Tila ba nawala rin sa sarili si Pherousa dahil hawak niya ang trident gamit ang magkabilang kamay habang nakatarak ang talim nito sa likuran ni Poseidon, tagos sa kaniyang puso.
Dahil doon ay napapikit ako ng aking mga mata. Hindi ko na kayang panoorin pa dahil masiyado na akong nasasaktan sa mga nangyayari.
I need to get out of here. I need to escape so even though I didn’t know how, I tried to call for help, not from Merpeople but from the sea creatures Flynn told me before.
…
Oh, di ba? Nagiging intense na ang kwento ni Cley dahil sangkot na ang greek mythology sa flow ng kwento.
Anyway, I would like to thank this person for the support and warm comment that I received from him. I didn’t know you completely and yet you managed to boost my confindence in writing just by one comment. Thank you and I want to dedicate this chapter to you.
QuerobinMarky
❣️🌊❣️
-Kuyasen
🌊19: Trail of friends🌊
Cleo’s POV
I didn’t know if I did it it right. Naghintay ako ng ilang segundo pero mukhang wala namang nangyari. Walang mga sea creatures tulad ng mga pating o kung ano mang halimaw ang dumating ngayon para isalba ako. Napamulat na lang ako nang marahas na hawakan ni Pherousa ang mukha ko. Nagawa niya pang pisilin ang mga pisngi ko gamit ang isa niyang kamay para lang maibalik ko sa pinanonood ang aking buong atensiyon.
“I said watch! Nurture every moment of your parent’s despair!” She said then laughed.
Wala akong nagawa kundi muling ituon ang atensiyon sa nasa harapan ko.
The Sea Merwitch swam back to her throne and sat right there. Ang mga Chain Catshark naman ay patuloy lang sa pag-ikot sa trono ng Sea Merwitch. Si Flynn sa kabilang banda ay nakatitig lang sa akin na tila ba wala sa sarili.
Ibinalik ko na lang ang mga mata sa screen at saka bumungad sa akin ang gulat sa mga mata ni Pherousa noong oras na tumarak ang trident sa minamahal na si Poseidon.
Malapit na ang Sea Goddess nang isaboy ng Sea Merwitch ang potion sa anak nilang si Triton. The potion lingered around them and before the Sea Goddess reached them, Pherousa pulled the trident to Poseidon and pointed it back to them. She uttered some words and finally hit them the lightning of its own power.
Nagawa pang yakapin ni Amphitrite ang mag-ama bago ito nawala na tila ba isang bula. Hindi siya makapaniwala na nagawa ito sa kaniya ng sarili niyang kapatid. Nakita ko pang napatitig ang Sea Goddess sa kaniya bago ito sumigaw, nagluluksa sa kinahinatnan ng mga nangyari. The Poseidon was killed and I was spelled to become human then teleported to somewhere no one would ever know.
“Hindi! Hindi! Hindi!” Sigaw ng Sea Goddess.
Mula sa kinalulugaran ay unti-unti siyang lumutang mula sa pagluluksa. Her eyes started glowing until it turned completely white. Her hair was dancing with the water as the strong current of water started to form around her. Kitang-kita ko ang maliliit na kidlat na sumasabay sa malakas na pag-galaw ng tubig paikot sa Sea Goddess. It was her power and it was growing strong.
Nag-umpisang masira ang buong santuwaryo. Nagsisibagsakan ang mga coral reefs na siyang nagsilbing silong ng buong lugar. The Sea Merwitch tried to break the strong current of water around her sister using the trident but she failed. Napatilampon pa siya dahil sa ginawa. Now, even the power of Poseidon’s trident couldn’t save her. Magbabayad siya sa ginawa niya dahil alam kong nabuhay na ang halimaw sa loob ng aking ina. Even the power of trident couldn’t save Pherousa that time. It’s her end.
“You will be imprisoned to somewhere dark, alone.” The Sea Goddess uttered. Parang ume-echo ang boses niya at halos dumagundong ang buong karagatan sa lakas nito. She was talking calmly and yet the power it has couldn’t be measured by anything else. Walang kasing lakas.
“Poseidon’s program. Your life defends in this. You need to find my son, Triton, to finally be free, and if you can’t, your life will be getting shorter. Ito ang kabayaran mo sa ginawa mong pagpatay sa aking asawa.” She paused. A minute of silence happened and I could tell the sadness in my mother’s voice. She was longing for her husband who save me from death.
“You are the reason why he became a human and I need you to be responsible of bringing him back here. The broken heart can be seen by us and we can use it to lure the human. One real kiss to seal the deal and an exchange will happen. The human will become a siren while the siren would finally have a pair of legs. Both can start again their new life. If you fail to find my son, Pherousa. Your life would be getting shorter and I am giving you chance to live longer. Merman’s life for a longer life. That is the only way.”
The Sea Goddess was too kind to give her considerations. Ngayon alam ko na kung bakit niloloko niya ang ibang merpeople na patayin ang sarili nila upang maging potion niya at madagdagan pa ang buhay niya. I wonder how many lives she tricked to save herself. Iyong akala nila na matatapos na ang sumpa kung papatayin nila ang sarili nila pero hindi naman pala. Thirty days of life is just a hoax. Merpeople could live hundred years and more. Hindi ako makapaniwala na iyon ang gagawing paraan ng Sea Goddess upang madagdagan pa ang buhay ng kapatid. A life for a life. Iyon ba ang nakasulat sa libro ng dagat? The Law of Ocean considers this testament? Hindi ko maintindihan!
“Find them before its too late, my sister.” And with that, the Sea Goddess pointed her hand to her. The beam of light struck the Sea Merwitch. Napahiyaw ito na tila ba kinikitilan ng buhay. Her scream didn’t last long until everything went back to normal. Nahulog na lang ang trident sa sea floor at tuluyan nang naglaho si Pherousa sa kinalulugaran.
Unti-unting naging kalmado ang Sea Goddess. Her eyes went back to normal as she was slowly sinking down the sea floor. Everything was broken. I didn’t expect that the whole sanctuary would fall in just split of seconds. Hindi ako makapaniwala sa lakas na kayang gawin ng Sea Goddess. I couldn’t deny the fact that she is my mother and her blood was running within me as well.
I saw the tears escaped from her eyes and that was when the screen disappeared.
Napalingon ako kay Pherousa at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Agad niya iyong ikinubli sa pamamagitan nang mayabang na pagngiti. Kahit na itago niya sa akin ay ramdam kong malungkot siya sa mga nangyari sa pagitan nilang magkapatid.
“That is how the Poseidon’s program created. Hindi ba ang galing? Nagawa niya pa akong utusang hanapin ka kaya naman ngayong nandito ka na, si ate na lang ang hinihintay ko upang makalaya. Hindi pa ako tapos sa paghihiganti ko sa inyo, Triton!” Dumagundong sa loob ng kinalalagyan namin dahil sa lakas ng boses niya.
“Flynn, nasaan ang punyal?” Tanong pa ng Sea Merwitch sa sireno sa aking tabi.
Flynn took out the ancient knife and handed it to me.
Natawa pa siya nang maalalang nakagapos ako kaya naman agad niyang sinira ang kadenang nakapalupot sa aking mga kamay. The only worry I has is the anchor on my tail. Maybe I can use my powers to break it. Hahanap lang ako ng tiyempo. I need to get out of here!
Tinanggap ko na lang ang punyal na inaabot sa akin ng Sea Merwitch dahil maaari ko ito gamiting sandata laban sa kanila oras na makalaya ako sa pagkakagapos.
“I thought Flynn would be the one to help me kill my dear sister. Mukhang mas maganda kung ikaw ang gagawa nito para sa akin.” She said then smiled. “My potions will help you. Magiging madali na lang ang lahat.”
Napailing pa ako habang pinagmamasdan siyang lumangoy pabalik sa kaniyang trono. She was like dancing in the water and the moment she sat down on the throne, her hands took some of the specific potions, break the little bottles of it and mixed them. Nakakamangha kung paano niya ito ginawa dahil nakalutang lang ang makukulay na likido habang kinukumpas niya ang mga kamay upang paghalu-haluin ang mga ito.
“Before I forgot, Luigi is Flynn. Flynn is Luigi.” Saad niya at panandaliang nahinto sa ginagawa.
Nakita niya ang pagtataka sa mukha ko kaya naman natawa siya.
“Iisa lang sila. I am using her to find my dear sister and finally kill her. Kaso naisip kong mas maganda kung ikaw na lang ang gumawa nito sa sarili mong ina oras na magkita kayong dalawa.” She added.
Nahinto ako at pilit na prinoproseso ang sinabi niya. Kaya pala hawig na hawig si Luigi at si Flynn. He even used Max merman’s name. Wala akong kaalam-alam na nasa kapahamakan pala kami noon pa lang na nakilala namin si Luigi. But I couldn’t blame him everything since he was under a spell. Kaya alam kong inosente pa rin si Flynn dahil hindi niya ginusto ang nangyayari ngayon sa kaniya.
Inilagay ng Sea Merwitch ang pinaghalo-halong potions sa ibabaw ng kamay niya. Kontrolado niya ito na para bang pinalulutang kasunod sa kung saan niya ikumpas ang kamay.
She swam towards me and stopped when she was close enough.
“Wala ka bang gustong sabihin sa kaniya? He was the reason why you and Max got here in the first place. Edi sana hindi kayo napahamak at hindi nabuo sa akin ang ideyang gamitin ang hunghang na ’yan para sa mga plano ko.” Sabi niya sa akin habang nakaduro ang isang kamay kay Flynn.
In some part of my heart, I felt the pain on how she called him. Flynn didn’t deserve to be called that way. His obsession with the ocean led him to the Sea Merwitch, just like other researchers who want to know more about their subject. Nasaktan ako para kay Flynn dahil ang babaeng gusto niyang matuklasan ay walang kasing-sama. She don’t even care about Flynn being her slave. Nakagapos ito na kagaya ko at kulang na lang ay patayin niya kanina dahil sa mga impormasiyong sinasabi nito sa akin.
I need to help him too. Hindi ako aalis dito nang hindi siya kasama!
“This potion will make you forget everything you have known and discovered from me. There is only one thing in your mind. The only way to end this curse is to stab the Sea Goddess on her chest. Use the sacred dagger to stab her heart. You need to kill your mother, Triton.”
Pherousa raised her hand and I saw how the potion went around her finger nail. Hindi na ako nakalayo pa sa kaniya nang itarak niya ito sa aking dibdib.
Bigla akong nahilo. Parang sasabog ang ulo ko. My vision was getting blurry and my sight was turning black. Parang akong nasisirang sistema na nagbubukas-sindi.
Minutes later, nagtaka ako kung paano ako napunta sa kinalulugaran ko ngayon. Nagulat pa ako sa hawak kong punyal. I even saw Flynn beside me and the Sea merwitch just standing right in front of me. Ang naalala ko’y kausap ko pa si Max at Arc kanina at may humila sa akin patungo sa malalim na parte ng dagat. Nakita ko si Flynn at parehas kaming hinigop ng isang whirlpool. When I open my eyes, I was here.
I also have this thought of how this curse would be ended. Hindi ko maalala kung paano ko nakuha ang impormasiyong iyon pero ang mahalaga ay alam ko na kung paano wakasan ang paghihirap ng lahat ng Merpeople at kung paano babalik ulit sa normal ang buhay ko.
I need to kill the Sea Goddess.
Paano ko naman siya mahahanap? Maybe that is the least thing I could do from now, kailangan ko munang makatakas sa lugar na ’to.
Naalala ko ang bagay na nagawa ko kanina bago ako napunta rito. I controlled the sea water with such current so maybe I could use it to make an attack to the Sea Marwitch. That way, magagawa kong sirain ang kadenang nakapalupot sa aking buntot at sa anchor na siyang bumibihag sa amin ni Flynn. Kung hindi ko susubukan ay walang mangyayari sa amin dito ni Flynn. I need to get out of here with him. Hindi ako aalis na hindi siya kasama!
Gagawa na sana ako nang atake nang mahinto ako. My eyes went wide open upon seeing the bunch of glow squids entering the whole place from the entrance. They were glowing neon purple and it amazed me seeing them dancing with water.
Akala ko iyon lang ang ikagugulat ko pero meron pa pala. Following the trail of every glow squids was the guy who sealed the Poseidon’s Program through a kiss with me. It was Max and he was looking right through me.
🌊🌊🌊
Thank you for reading and for the constant support I am receiving from my readers. Sobrang thankful ako to have you all guys. Stay safe lagi 🌊❣️
-Kuya Sen
🌊20: To end this curse🌊
Cleo’s POV
Agad na kumunot ang aking noo nang mapansing walang buntot si Max. How come he reached us without having his tail? Paano siya nakakahinga sa tubig kung naka-anyo siyang tao ngayon?
I badly want to find answers to my questions but considering our situation, I need to do something before the Sea Merwitch could harm Max.
Pherousa was about to attack him. My hand just automatically moved and swayed. Moments later, I just felt the strong current of water hit Pherousa. Parang konektado ang kapangyarihan na lumalabas sa akin sa bawat parte ng katawan ko. It was flowing all around my blood veins and it’s too strong to hold. Natatakot ako sa maari kong magawa kung hindi ko ito makokontrol nang maayos.
Humampas siya sa pader at panandaliang nawalan ng malay. Kailangan naming samantalahin ang oras para makatakas!
Max swam towards me to help me loosen the chain but it didn’t help.
“Paanong—”
“Glitch! My gills went back but my tail didn’t. Magpapaliwanag ako oras na makalabas tayo rito!” Sabi niya sa akin habang pilit na pinuputol ang kadena sa pamamagitan nang pagahatak dito.
Napansin kong susugod na sa amin ang dalawang Chain Catshark ni Pherousa kaya ikinumpas kong muli ang kamay upang gumawa ng isang malakas na atake. Mabuti na lang at natamaan sila at pansamantalang nahilo kagaya ng Sea Merwitch.
“Move aside. Let me try.” Sabi ko sa kaniya.
Nang makalayo nang bahagya si Max ay hinawakan ko ang makapal na kadena. I closed my eyes and just think of the strong waves within the seashore. The way they hit the rocks and the sands kept coming back and forth as the waves dancing along the shoreline.
Nagulat na lang ako nang sumabog ang kadena na tila ba isang nabasag na yelo. Halos mapatalon ako sa tuwa nang magawa ang bagay na ’yon. Finally, I’m free!
Napansin kong unti-unti nang napupuno ng mga glow squid ang loob ng lobby kung nasaan kami. Kailangan kong magmadali kung hindi ay makukulong na naman kami rito!
Agad akong lumapit kay Flynn kahit na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin siya at tila ba wala sa sarili. Talagang sinunod niya ang utos kanina ng Sea Merwitch. Tangina! Gano’n ba kalakas ang potion na itinarak sa kaniya para maging ganito si Flynn?
Hindi rin naman nagtagal at nasira ko ang kadena nito. Kailangan na naming lumayo rito bago pa mahuli ang lahat.
“Guide him. Kaya ko ang sarili ko. We need to get out of here as soon as possible! Now, move!” Paalala ko kay Max na sinang-ayunan niya naman nang simpleng pagtango.
Umakbay siya kay Flynn at agad siyang nahinto at napatingin sa likod ko.
“Saan kayo pupunta?” Dinig kong sabi ni Pherousa na ilang dangkal lang ang layo mula sa akin.
“Go!” Sigaw ko kay Max.
He was so hesitant at first but I nodded at him to assure that everything would be okay.
Hinarap ko ang Sea Merwitch at alam kong mali ang ginawa kong iyon.
I froze the moment our eyes met. She was far from the old lady I am seeing since I was thrown here. Right in front of me is a demigod mermaid princess. Her tail was a shade of yellow and gold that is usually called Yamabuki in japanese. Her long wavy hair was the only thing that covers her breast. She has a very perfect body proportion and her face shouts elegance and beauty. Sobrang ganda niya at talaga namang nakakahalina siyang pagmasdan.
Napatingin ako bigla sa hawak ko. It was the sacred knife.
A voice just whispered right through my ear and said, “escape.”
That was when I felt the urge to use the sacred knife and make a shallow wound within my palm.
Agad akong nabalik sa reyalidad. I am seeing the same lady with such beauty but the effect it gave me didn’t feel like illusion anymore.
Napasigaw siya sa galit. Sobrang tinis ng boses niya na halos masira na ang eardrum ko.
Tumalikod na ako sa kaniya para sana tumakas nang makita ko ang dalawang chain catshark na nagbabantay sa lagusan palabas.
Good thing, I couldn’t see Max and Flynn meaning that they already escaped. Ako na lang ang kailangang makaalis dito ngayon.
With all my might, I made an attack. To my suprised, nakailag ang mga chain catshark. I did couple of attacks but I failed hitting them. I only left one choice, that is to pass through them and test my fast swimming skills.
Hinanda ko na ang sarili at saka sumugod sa dalawang chain catshark. Worries filled my heart when I saw them swimming towards me. Nakanganga na rin ang mga bibig nila’t handa na akong sakmalin oras na mahuli nila ako.
I took the risk.
Diretso lang ako sa paglangoy. I closed my eyes hoping that I would pass through them safe and sound… and so I did.
Napalingon ako sa likuran at doon ko nakitang kagat-kagat ng dalawang chain catshark ang magkabilang braso ng Sea Merwitch na para bang pinipigilan nila ito.
They are helping me.
Mas lalong tuminis at lumakas ang pagpalahaw niya, hindi inaasahang pagtataksilan siya ng mga alagang matagal niya nang kasama.
Napatakip na lang ako sa aking tenga at mabilis na naglangoy palayo. Hindi ko rin naman malalaman ang dahilan bakit nila ako tinulungan. Is it because of my ability as the Poseidon’s son? Hindi ko sigurado.
The light from the glow squids helped me reached the exit. Hindi ko na nagawa pang maligaw at ilang sandali pa ay nakikita ko na ang lagusan palabas sa cruise ship na ito.
I hurriedly swam forward. Hinawi ko na ang mga seaweeds na nakaharang sa lagusan at hindi ko inaasahang nakaabang doon mismo si Max. I bumped to him.
Nagpasirko-sirko kaming dalawa sa tubig. Hindi ko alam kung hanggang saan kami napadpad at kung gaano kalayo ang inabot naming dalawa dahil sa lakas ng impact. Nahinto lang kami nang sumadlak ang likod ni Max sa isang malaking coral.
“Hala! Max, anong masakit sa ’yo? Sorry. Hindi ko sinasadiya!” Sabi ko agad sa kaniya.
We remained on our position for a while. Nasa ilalim ko siya at ako ang nasa ibabaw niya. He was just looking at me as if tracing every features of my face.
Napahiwalay ako sa kaniya at agad na inayos ang sarili. Bigla akong nahiya at naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko.
I almost forgot that he was injured so I hurriedly came back to him and helped him stood up. I even checked him just by swimming around his body. Nakahinga naman ako nang maluwag matapos mapansin na wala naman siyang galos.
“You replaced all the creatures inside that cruise ship with glow squids. You really are powerful, Cley.” Puri sa akin ni Max.
“Nasaan si Flynn?” Sambit ko na lang dahil mas mahalagang makalayo kami ngayon kaysa pag-usapan ang bagay na ayaw ko munang marinig ngayon.
Hinanap ko nang tingin ang kaibigan at saka ko namataan si Flynn na walang malay. He was asleep but what surprised me more is that seeing him with a pair of legs. He turned to human? Paanong…?
“Kailangan natin siyang iahon sa pampang. Baka malunod siya!” Sambit ni Max.
Flynn was naked and I got to see his, yeah, manhood. Naalala ko na naman tuloy iyong nangyari sa amin ni Max noong unang araw na nakita ko siya sa pampang na walang malay.
Napailing na lang ako at saka lumangoy patungo sa kanila. Pakiramdam ko tuloy ay mas nadagdagan ang pamumula ng mga pisngi ko dahil sa naalala. Pambihira naman kasing utak ito!
Nauna na si Max at agad din niya namang inilangoy paitaas si Flynn. Kung magmamabagal kami’y mawawalan ng hangin si Flynn na magiging sanhi ng pagkalunod niya.
Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa. I am looking at them and wondered. Tama bang pumatay ako para lang matapos ang sumpa na kinakaharap namin?
Humigpit ang pagkakahawak ko sa sagradong punyal at muling napalingon kay Max at Flynn na siyang lumalangoy paitaas sa karagatan.
If I am going to kill the Sea Goddess, would our misery end right there?
Doon ko lang napansin na naglaho na agad ang sugat na ginawa ko kanina para hindi ako malinlang ni Pherousa. Is it my perks of being Triton? Hindi ko pa sigurado.
When the three of us reached the surface, I’ve noticed that Flynn was still unconscious. Wala pa rin siyang malay.
Lumapit ako kay Max at tinulungan siyang alalayan si Flynn. We started swimming towards the shore when I finally had the courage to thank him.
“Thank you for saving me once again.” I uttered.
“Naligaw talaga ako kanina pero alam kong ikaw ang may dahilan kung bakit nagsidatingan ang mga glow squid. They showed me the way to reach you so you should thank yourself, Cley. It’s more than helping yourself than me helping you out.” Paliwanag niya.
“But still, you risked your life to save me and it means a lot to me. Thank you.” Sagot ko na lang.
Max smiled. Panandaliang tumahimik ang paligid at saka siya muling nag-salita.
“The glitch, Cley. I’m getting scared of it.” Sabi niya sa akin.
Nahinto ako kaya nahinto rin siya sa paglangoy. She looked at me and I saw the sadness within his eyes.
“My gills are back but not my tail. Akala ko iyon lang pero unti-unti akong nakakalimot. Habang naglalangoy ako kanina papunta sa ’yo, isa-isang nabubura ang mga ala-ala mo sa akin. Kamuntikan pa akong bumalik sa lupa dahil nagtataka ako kung bakit ako sumuong sa ilalim ng tubig. Cleo, natatakot ako na baka tuluyan kitang makalimutan at maging pabigat lang ako para matapos natin ang problema na ito. Sorry! Kung sana’y hindi na lang kita hinalikan—”
“If you forget, I will always make a way for you to remember me. Loosen up. Malalagpasan natin ang lahat ng ito.” I gave him a reassuring smile. “I got the information on how to end this Poseidon’s Program, Max.”
Nakita ko ang saya sa mga mata niya. He even smiled out of happiness. It was so contagious that even made me to smile too.
“Anong kailangan nating gawin para matapos na ang sumpa?” He asked.
My gaze went down to the water. The coldness of it wrapped around myself but it felt like I was numb. I couldn’t even utter the news for him to know the solution in this problem because that thought kept on making me sad and I don’t even know why? Meron at meron talagang kurot sa puso ko na hindi ko maintindihan.
“I need to end the Sea Goddess’s life with this sacred knife.” It was almost a whisper. Hindi ko pa magawang itaas at ipakita sa kaniya ang hawak kong punyal dahil kahit anong gawin ko, merong matinding kirot sa aking dibdib habang binibitawan ang mga salitang iyon sa kaniya.
Hindi ko alam kung kaya ko pero parang ang hirap kumitil ng isang buhay para lang sa kapakanan ng nakararami. Akala ko madali lang mamili ngunit ngayong ako na ang nandito sa ganitong sitwasiyon, hindi ko alam kung ano ba ang nararapat gawin.
🌊🌊🌊
🌊21: Go back underwater🌊
Cleo’s POV
Tahimik lang kami ni Max habang binabaybay ang daan patungo sa dalampasigan. Inaalalayan namin sa magkabilang braso ang walang malay na si Flynn. Kailangan niyang malapatan ng paunang lunas dahil napansin ko rin ang gasgas at pagdurugo ng kanyang likuran dahil siguro sa pagkakatilampon niya kanina laban sa tita kong si Pherousa. Flynn tried to spill all the information for me but the Sea Merwitch wanted him to stop. She even put him under spell that is why he became silent up until he lost his consciousness.
Biglang pumasok sa isipan ko ang nabanggit kanina ng Sea Merwitch sa akin. She told me that Luigi and Flynn are the same. Iisa lang sila at siya ang may kagagawan kung bakit naging tao si Flynn. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit niya ginawa ’yon sa kaibigan namin? It was like she put him in the glitch like what we are experiencing! Nakakapagtaka lang kung paano niya nagawa ’yon! Well, she’s my mother’s sister. Siguro ay nagagawa niya rin ang ilan sa mga nagagawa ni mama. Somehow, maybe she did something to copy the Poseidon’s program and to put a glitch on it with Flynn.
Babanggitin ko na sana kay Max ang tungkol kay Flynn at Luigi nang magsalita siya.
“Sundin mo ang puso mo, Cley. Sundin mo ang mas nakabubuti at kung ano ang sa tingin mo ay tama.”
Kung ano ang sa tingin ko ay tama…
Sasagot na sana ako sa kaniya nang pigilan niya ako.
“Stay here. Arc was found by the policemen. Kahit sino naman ay magtataka kung ano ang ginagawa niya ngayon sa ganitong oras. He freaked out again after seeing you pulled out by the sea current. Halos mabaliw ang boyfriend mo sa ’yo—” nahinto siya sa pagsasalita at saka napatitig sa akin. The brightness on his face faded. I couldn’t even feel the joy within his voice as well. Tila ba nawala ang saya sa kaniya dahil sa sinabi. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang naglaho ang galak sa labi niya. Miski tuloy ako ay nalungkot na lang nang biglaan.
“Once they see us and Flynn, the police would call for help. Go back underwater. Baka makita ka pa nila.” Paliwanag niya na lang sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya. He took Flynn’s arm from me and smiled a weak smile.
“Pero paano ka naman? Anong sasabihin mo sa kanila? Anong ipapaliwanag mo?” Pag-aalala ko.
Tumango-tango siya sa akin. “Don’t worry about me. Ako nang bahala. Mas iniintindi kita dahil baka may iba pang makakita sa ’yo. Babalik ako rito para may makasama ka. Sa ngayon, sumunod ka muna sa usap natin. Ayaw kong may mangyaring masama sa ’yo, Cley, kaya hangga’t maaari, hanggang kaya ko ay ilalayo kita sa kapahamakan.”
It took me time to realize what he told me. Nakita ko na lang siya na lumangoy patungo sa dalampasigan kung nasaan si Arc. Kaya pala may nakita akong puting kotse sa road side ay dahil sa mga pulis. Lumapit pa sila sa kumakaway na si Arc na mukhang inoobserbahan talaga nila ang ginagawa nito sa dalampasigan.
Max and Arc, even Flynn, they wanted to help me out, and I am not going to waste their efforts on me.
I dived underwater. Since I am seeing the underworld clearer even night time, I found a way to get closer with them. Mabuti na lang at hindi ako nalalayo sa mabatong parte ng dalampasigan kung saan ako pwedeng magtago pansamantala.
I found two big rocks located not too far from the shoreline. I used it as a hide out and peeked to them.
Nakita kong merong dalawang pulis ang kumakausap kay Arc. When they saw Max and Flynn, they all hurriedly went to them for help. The other police man took out his jacket and wrapped around Flynn’s naked waist. Arc helped Max to support and guide the unconscious Flynn. Iyong isang pulis naman ay agad na nagtungo sa car patrol nila upang buksan ang mga pinto nito at alalayan silang ipasok si Flynn sa loob. They all went in except Arc. Ang akala ko’y iiwan nila si Arc pero nakita kong kinausap siya ni Max hanggang sa nakumbinsi niya si Arc na sumama sa kanila. I couldn’t hear them but I think Max told him that if he stay here, the policemen would think suspicious about Arc. They need to act decent or else everyone here would be in trouble. Lalo na at may mga pulis na gusto pang makisawsaw sa problema namin.
I watched them gone. Napabuntong-hininga na lang ako nang mawala na sila sa aking paningin. It’s me and myself now, alone in the middle of ocean, under the night sky with that beautiful blue moon.
Naupo ako nang maayos sa malaking bato na tinataguan. I looked up and couldn’t help but to wonder.
Isa-isang bumalik sa akin ang mga ala-ala simula noong kami pa ni Arc. Iyong masasaya naming pagsasama. Gigisng sa umaga na nasa bisig niya. Kung paano niya ako ipagluto at paano niya ako ituring na para bang prinsipe ng buhay niya. Then memories with Max came crushing in. From the time I met him as a merman and how the Poseidon’s Program happened between the two of us. He was known as Luigi back then when he was lurking underwater with that tail of him. Well, I just came in the picture and everything was ruined. Ang akala niya magiging tao na ulit siya. Little did we know, a glitch would happen between the two of us and the Poseidon Program would split and turned everything as mess as what we are now.
I kept on wondering, kung hindi niya ba ako hinalikan noong gabi na ’yon, hindi naman ako magiging ganito, hindi ba?
My eyes went to my tail. Its color was clearly a blend of green and blue. The light of moon reflected upon my tail whenever it crossed my eye sight. Ang ganda sana kaso ito ang dahilan kung bakit kami, ako nahihirapan ngayon. Gustong-gusto kong puntahan si lola sa ospital pero dahil sa sitwasiyon ko ngayon ay wala ako ibang pagpipilian kung hindi palipasin ang buong gabi para bumalik ako sa pagiging tao kinabukasan. Parang gusto ko na lang tuloy umiyak dahil sa mga nangyayari sa akin. May mga nalaman akong impormasiyon mula sa Sea Merwitch. Simula sa totoong katotohanan ni Flynn na iisa lang sila ni Luigi at sa katotohanan na siya, bilang si Pherousa ay kapatid talaga ng mama kong si Amphitrite na siya namang asawa ni Poseidon na aking ama. Alam kong meron pa akong mga impormasiyong nalaman bukod doon pero tila ba nasa dulo at sulok sila ng isipan ko. Parang burado na hindi ko matandaan. Hindi ko maintindihan pero parang nawala ang ilan sa parte ng mga ala-ala ko at alam kong may ginawa ang Sea Merwitch doon.
Nakakainis lang talaga!
Napatingin ako sa palad ko at doon ko lang din naalala ang hawak na punyal. Hindi ko pa pala naibigay kay Max ito para maitabi niya. Tama na rin ito para may magamit akong sandata laban sa kung sino man. The ocean is huge and who knows who are those who hides underwater, under the light of the blue moon.
Naalala ko kung paano ko nakontrol ang tubig. I closed my eyes and put myself in concentration. I slowly swayed my right arm and when I opened my eyes, I saw the trail of water standing right in front of me. Tila ba may pwersa na pumipigil dito upang manatili sa kinalulugaran. Parang kahit saan ko itapat ang kamay ay susundan nito. And so I did, I moved my hand in a circular motion and that was when the water twirled like a snake above the water.
Napangiti ako sa sobrang tuwa at nakaisip ng mas magandang ideya.
Ipinatong ko ang punyal sa aking buntot at saka itinaas ang kaliwang kamay. The water followed my left hand and moved continuosly from the surface like a water snake.
Iniikot ko ang mga kamay na para bang nakikipaglaro ako sa hangin. I was like doing a sign language and the water kept on following my hand gestures. Umikot ito sa isa’t-isa paitaas na para bang sumasayaw sa ere. Sobrang nakakamangha ang ginagawa ko. Ang galing!
I was about to make another style of controlling the water when I felt a nudging pain in my head. Bumagsak ang tubig na nakalutang sa ere at bumalik silang muli sa dagat.
I need to get back to water. Nakakaranas na naman ako ng withdrawals! Ang sakit talaga sa ulo nito palibhasa ay kanina pa ako nakaahon sa dagat kaya nakaramdam ako muli ng ganito.
I dived to the ocean and let my body merged to the salt water that I needed.
I closed my eyes and calmed myself. Nakalubog na ako sa tubig nang makarinig ako ng isang tinig mula sa kabilang direksiyon ng tubig. Palayo sa dalampasigan ang pinagmumulan ng tinig na ’yon. Someone is trying to communicate with me and all I felt is security and calmness of the sea. I felt the connection with that someone who I didn’t know.
May posibilidad kayang si mama ang nagmamay-ari ng tinig na ’yon?
Should I follow the voice and let my questions be answered?
I think I should give it a try.
🌊22: The Goddess of Deception 🌊
Cleo’s POV
I followed the humming voice. It was so calming and soothing. Sobrang sarap pakinggan na para ba akong hinehele. It was like the eagerness in me awakens and I am ready to risk everything just to follow the voice and see who is behind of that. I don’t know the feeling of being hypnotized but this time, I was like under a spell and was being controlled by someone. Alam ko naman ang mga ginagawa ko at alam ko na walang kumo-kontrol sa akin ngayon. Gusto ko lang talaga humanap ng mga sagot sa katanungang gumugulo sa akin sa puntong ito. If I am not going to find that voice, my curiousity would kill me to core.
Kahit madilim sa ilalim ng dagat ay malinaw ko pa ring nakikita ang lahat. May mga parte lang na hindi ko talaga maaninag nang maayos gawa nang sobra na sa dilim at layo mula sa kinaroroonan ko.
Hindi ko alam kung saan ako balak dalhin nang naririnig kong tinig. I am just following it, making sure that I am taking the right path and trail.
Malamyos ang boses na unti-unting lumalakas tanda na malapit na ako sa kinaroroonan nito.
I got to pass with the formation of coral reefs. Their variations never fail to amaze me. May mga malalaki. May maliliit. Iba’t-ibang hugis at tingkad. Some of the sea turtle voyagers greeted me and their babies wanted to play around just by swimming in circles. Napangiti naman ako at saka ikinumpas ang kamay upang bumuo ng mahinang pwersa sa tubig para batiin sila pabalik. Somehow, I felt the connection with them. Even though they couldn’t utter any single word for me, I felt the joy with their movements and responses.
Nang makalagpas sila ay sinalubong naman ako ng mga maliit na isda. Different kinds of fishes with different color patterns. As an Ocean bookworm, I got to distinguish some of the fishes that caught my attention. The first one was the Banggai Cardinal fish with its stripe and dot pattern. Mostly, sila ang laman ng mga aquariums dahil sa taglay nilang ganda.
The other kind of fish that caught my attention was the Coral Beauty Angelfish as they were the one who stayed in the reefs and blended on its vibrant colors. They are active swimmers and don’t have very restricted or specialized dietary needs. They were interacting with other fishes. Marami silang iba’t-ibang color patterns at talaga namang isa sila sa bumubuhay sa ganda ng dagat.
This is one of the reason why I fell in love with the ocean. The mystery it has and the kind of beauty it has to offer where the world keeps coming back for more. The ocean never fails to cheer me up, but as a Merman, I think that idea somehow tinted my colorful canvas. Knowing that merpeople could only live alone and couldn’t hang out or even interact with others, the thought of us being alone with the darkness and the deepness of the sea was traumatizing.
Nahinto ako nang maglaho ang napakandang tinig na ang akala ko’y nasa malapit na lang. Umasa pa naman akong makikita ko ang kung sino mang nagmamay-ari ng boses na ’yon. Nalungkot lang ako dahil gumuho rin ang pag-asa kong si mama Amphitrite ang siyang nag-mamay-ari ng boses. I wanted to see her and be reunited again after almost 23 years. Simula sa pagiging sanggol ay maaga akong nawala sa kaniya kaya gano’n na lang din ang kagustuhan kong makita siya nang harapan.
Inilibot ko nang tingin ang buong paligid at doon ko lang napagtanto kung nasaan ako.
The whole place was covered with seaweeds and kelps. Some of the coral reefs grew from the broken walls of the wrecked sanctuary. Pira-piraso man ang mga bato na siyang nagsilbing silong ng dating santuwaryo ay malinaw ko pa ring nakikita ang kabuoan ng buong lugar. Napaisip tuloy ako kung paano ang itsura nito noon. I recalled everything from the memories the Sea Merwitch showed me. Hindi ko alam pero parang kulang-kulang ang mga ala-ala na para bang may kumuha ng mga ’to mula sa akin. Hindi ko maintindihan pero takang-taka ako kung paano ako nawalay kay mama at sa tatay kong si Poseidon. His disapperance was still a mystery to me. Even my aunt Pherousa. Ang alam ko lang ay masaya sila noon nila mama na siyang ate niya. Other than that were the blank memories that I needed to find out.
Muli kong inilibot ang mata sa buong lugar saka ko namataan kung saan nakapwesto ang sacred altar. It was where the Poseidon’s trident located.
Bigla akong napahawak sa ulo ko nang may maramdamang matinding kirot at tila ba may mga imahe na isa-isang nagpapakita sa isipan ko. A hand. It took the trident. Tapos nagkagulo na. Halos mapasigaw pa ako nang makita kung paano unti-unting gumuho ang buong santuwaryo sa isipan ko mismo. Then I saw the power of the trident. Someone is trying to kill me. Then my father Poseidon took the drifting trident to save me from death.
Hindi ko alam pero may kung anong pumipigil sa akin na makita kung sino ang tao sa likod ng mga kaguluhang nagaganap. Something is blocking me to see and discover it! Bwisit!
Hingal na hingal ako nang tumigil ang mga imaheng nagpapakita sa akin. Nahilo ako doon dahil para bang may puting flash na lumilitaw sa tuwing isa-isang bumabalik ang mga ala-ala ko.
I caught off guard when someone spoke and she was right in front of me.
“You found my voice, my son.”
Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya sa sinabi niya dahil ang kaharap ko ngayon ay walang iba kung hindi si Pherousa, ang kapatid ng mama kong si Amphitrite.
“You are not my mother!” Sigaw ko sa kaniya. Kumunot din agad ang noo ko nang mapagtantong wala na siya sa cruised ship na pinaglagakan sa kaniya ni mama. She was imprisoned in that cruised ship and the only way to escape is to find me, as what my mother told her to do.
Saka lang ako nalinawan sa mga ideyang naglalaro sa isipan ko. She found me so now, she was finally free.
Napangiti siya sa akin at saka napahalakhak. Mula sa likod niya ay unti-unti niyang inilabas ang isang pamilyar na bagay, ito ang trident ng tatay kong si Poseidon.
It was too late for me to realized that I left the sacred knife on the rocks where I hid myself before. I guess I dropped it there and now I don’t have anything to protect myself from her, from the danger she can cause to me.
Hindi ko na nagamit pa ang abilidad na kontrolin ang tubig matapos niyang itapat sa akin ang trident na ’yon.
The electric-like from the trident hit and caught me like a cowboy’s rope. Hindi ako makakilos at para bang unti-unting kinakain nito ang lakas ko.
Halos mapapikit ako sa sakit pero tiniis ko. Napansin kong papalapit siya nang papalapit sa akin. The mischievous grin on her lips made me mad even more.
“Akala ko maloloko kita. I am Pherousa and I am the
goddess of deception
.“ She said and with that, her other hand held my forehead, implicting me a lot of memories and images I hope that I couldn’t simply understand. Hindi kapani-paniwala sa una pero habang tumatagal ay unti-unti niya akong nahihikayat na maniwala sa mga prowebang pinakikita niya.
It was my mother who killed my father Poseidon. That was the reason why she was being hidden from the flashbacks I saw awhile ago.
The real villain was no other than my real mother .
•••
Forgive me because sa parteng ito, I made a little hoax regarding the
Greek Mythology.
Ayon kay pareng google, si Pherousa ay, one of the 50 Nereids, marine-nymph daughters of the ‘Old Man of the Sea’ Nereus and the Oceanid Doris.[2][3] Her name, a participle, means “she who carries.” She, along with her sister Dynamene, were associated with the power of great ocean swells.
Si Amphitrite kasi, legit sya na kapatid ni Pherousa dahil ang kapatid ni mareng Amphitrite ay mga oceanids at nereids.
Back to the real deal, ang God of Deception kasi talaga ay si Dolus. In Greek mythology, Dolos or Dolus (Ancient Greek: Δόλος “Deception”) is the spirit of trickery. He is also a master at cunning deception, craftiness, and treachery.
So ayan, para aware kayo na ganyan, I just left a little note para may ideya rin kayo how it happened or kung bakit parang malibm yata ang pinakita kong info sa lahat regarding sa god of deception. Need lang kasi ibahin that is why I changed it into something that connects to my story. Thank you for your understanding ❣️
-Kuya Sen
🌊23: A life for our lives 🌊
Cleo’s POV
It was a blinding light that ended all the flashbacks the Sea Merwitch showed to me.
My shoulders went up and down, tensed breathing made me do it from what I just saw and discovered.
It was my mother who pointed the trident to my father Poseidon. She took all his power and later on cursed him to death. The only way to kill him is to use his own trident on him, stabbed him in the heart and let the blood scatter all around the sea salt water. She watched him suffered until he lost and turned to sea foam.
But why did she kill her own lover?
Because my father had an affair with her sister, Pherousa.
Amphitrite found it and punished everyone. Every single innocent merpeople suffered when she created the Poseidon’s Program. She made it to make every merpeople taste the pain of being betrayed and being left behind. Kaya pala hindi maaaring magkaroon ng kahit na anong koneksiyon o physical touch ang mga Merpeople sa kapwa nila. Everything makes sense now.
But the most painful part is that, my own mother neglected me as her son. Sa tuwing nakikita niya ako ay naaalala niya kung paano siya lokohin ng tatay kong si Poseidon. Me as a new born, she sent me to human world and left me all alone.
She killed my father. She forgot having a son by sending me away and then she imprisoned my aunt Pherousa inside a cruised ship. She punished everyone with this curse called Poseidon’s Program and destroyed the whole Merland City.
My mother was the real villain here and I couldn’t even understand why it was her? Of all merpeople, why it was her?
Naramdaman ko na lang ang luhang lumalabas mula sa aking mga mata. I could see the tint of blue merging from the water and dancing along the mini waves of the sea current. I could sea a merman’s tears and sadly, the pain was unbearable for me take. Sobrang sakit palang malaman na hindi ako nawala dahil ako pala mismo ang pinakawalan ng sarili kong ina.
Hindi talaga kami magkikita kung siya mismo ang hindi naghahanap sa akin.
Pherousa slowly made her way towards me. While holding my father’s trident on her left arm, she used her other hand to show me the thing she was holding.
It was the sacred knife that I need to use to kill the Sea Goddess. The knife that I needed to end my mother’s life and free every merpeople under the ocean.
I took it and stare on it for a while, thinking if I would be happy to kill someone who deserves to be killed.
Buo na ang desisiyon ko.
Magbabayad siya!
“Kill your mother when the blue moon occurs. Isang t’yansa lang ’yon dahil tuwing blue moon lang din nagaganap ang The Chosen kung saan nagiging tao ang napipiling Mermaid o Merman ng Sea Goddess. Use this sacred knife to bleed yourself if you feel you are about to get under a spell. Lahat ng Merpeople ay magtitipon-tipon at pansamantalang makokontrol ng Sea Goddess para pagpilian niya mismo. Kung masusugatan mo ang sarili mo bago niya kayo tawagin, magagawa mong makawala sa kapangyarihan niya at masagawa ang bagay na kailangan mong gawin, Cleo. Its now or never because the blue moon happens only once after 33 months. You need to do it right or else, you will become a merman permenantly, give up your human life and leave everything behind, as well as your Grandmother, Arc and Max.” Mahaba niyang paliwanag sa akin.
I turned to look at my aunt but she was slowly moving away, letting the darkness of the sea to engulf her and be gone. I badly want to ask here bow the hell she got to know my human life but then she was gone.
Tama siya. I jus need to do this!
Sorry mother, but I think you deserve to die
like what you did to my father!
I will avenge for my father’s death and break the Poseidon’s program to free us all. Your life for everyone’s lives. It’s a good trade, isn’t it?
Nagpalipas ako ng buong gabi dahil umaasa akong babalik ako sa pagiging tao oras na sumikat na ang araw kinabukasan pero nabigo ako.
Nakakubli lang ako sa likod ng malalaking bato na pinagtaguan ko noong oras na sumikat ang araw. I was holding the sacred knife on my hand and let the sun kissed my skin. Nothing happened. I didn’t turn to human. I am so scared because the glitch was getting out of hand. Unti-unti na itong nagiging dominante sa pagkatao ko’t ’pag hinayaan ko pa itong magtagal ay tuluyan na akong magiging isang merman.
And if that happens, Max would fully become a human and he would forget everything about me, about us then live a normal life eventually.
Maiiwan akong mag-isa sa ilalim ng dagat. Malayo sa mga taong mahal ko. Malayo kay Arc at kay lola. Malayo sa buhay na nakasanayan ko mula una pa lang.
Hindi pwede ’to!
Naramdaman ko na lang ang luhang kumawala sa mga mata ko kaya dali-dali ko itong pinahid.
Hindi rin tumupad si Max na babalikan niya ako rito. Umasa pa naman akong dadamayan niya ako hanggang sa lumipas ang gabi pero wala akong Max na nakitang bumalik.
I was to about to dive back into the water before anyone could see me here when I noticed something under the sea surface.
Ilang metro lang ang layo nila sa akin na para bang nag-iingat sila na huwag akong abalahin o takutin. They were the two chain catshark and they are wounded. Naalala kong sila nga pala ang sumalo ng atake ni Pherousa at sila rin ang pumigil sa kaniya na mahuli ako. They helped me escape the cruised ship when I thought…
Nahinto ako nang maalala kung paano ako napunta sa loob ng cruised ship na ’yon. I remembered everything with Max and Arc that night and how the strong sea current took me underwater. Bakit parang hindi tugma ang mga naaalala ko sa mga pinakita sa akin ni Pherousa kanina. Hindi ko maiwasang mapaisip bakit parang ang lumalabas na ang may sala ay ang tiyahin kong si Pherousa at hindi ang nanay kong si Amphitrite. What she showed me was so different from the way I knew who she was. Sobrang taliwas sa kung anong mga pinakita niya.
I am doubting her. Sobrang tibay lang ng mga rebelasiyong pinakita niya tungkol kay mama kaya mas nangingibabaw ang galit ko sa sariling ina.
I shrugged the idea off my mind and put my focus on what is more important this time.
Lumusong ako pabalik sa dagat at saka nilapitan ang dalawang chain catshark. Noong una ay nararamdaman ko ang takot nila mula sa akin hanggang sa makabuo ako ng koneksiyon sa kanilang dalawa. Nakuha ko ang loob nila saka ako lumapit upang suriin ang mga sugat nila. They have serious injuries that should be treated immediately!
Wala ako masiyadong alam sa mga sea herbal dahil si Flynn ang mas nakakaalam noon kaya meron akong ibang naisip na paraan upang mailayo na rin sila sa kapahamakan. Mailayo sila kay Pherousa na nanakit sa kanila.
I hugged both of them, making sure that I am somehow securing them the idea of everything would be okay so they don’t have to worry anymore.
I guided them towards my safe space. Malapit sa naglalakihang mga bato na pinagtataguan ko.
If I am going to sit behind, I might get caught by the fishermen. Kaya mas maganda kung aabangan ko na lang sila Max at Arc sa ilalim nang tubig. And so I did.
Lumapit kami nang bahagya sa dalampasigan. I made sure that no one is around. When I felt a presense of someone. I confirmed it first before showing myself.
Hindi ko alam pero sobra akong natuwa nang makita si Max na naglalakad patungo sa akin. He slowly soaked himself in the water to make way towards me.
Nasa magkabilang gilid ko ang mga chain catshark at bigla silang nagtago sa likuran ko nang maramdaman ang papalapit na si Max.
I don’t know but seeing this guy approaching me and feeling the extreme happiness within my heart was something I couldn’t explain. Hindi ko maintindihan ang takbo ng puso ko ngayon dahil hindi nito magawang kumalma. My heart was racing and I couldn’t understand why. Hindi tama ’to.
His smile made my heart melt. Halos mawalan ako nang lakas nang yakapin niya ako. When he redeemed his body from my hug, I saw the sadness on his tiny lips.
“Akala ko bumalik ka na sa pagiging tao. Sobrang ngiti ko pa naman na sinalubong kita ngayon tapos hindi ko inaasahang may buntot ka pa rin.” Paliwanag niya sa akin. “At saka ano ’yang nasa likuran mo? Hindi ba sila ang mga alipores ni Pherousa? Layuan mo sila, Cley—”
“They protected me back there at the cruised ship. They were the ones who stopped Pherousa from reaching me. They were wounded and needs to be treated!” Paliwanag ko naman sa kaniya.
“Where is Arc? Bakit ikaw lang ang nandito? Wala ka pa masiyadong alam sa human world kaya hindi mo alam ang MWWP na kailangan nating lapitan para matulungan ang mga ’to.” Sabi ko pa sabay turo sa mga chain catshark na nasa magkabilang gilid ko na ngayon.
“Susunod na sila Arc dahil sasama daw ang best friend mong si Shaun para sunduin ka. Pati sila inaasahang magiging tao ka na dahil nabanggit ko na babalik ka na sa pagiging—” nahinto siya nang marahan kong hawakan ang pisngi niya. May napansin kasi akong bangas sa bandang ibaba ng labi niya. Bakit ngayon ko lang ito napansin! Meron pa siyang pasa malapit sa pisngi.
“May sumuntok ba—” I paused when I saw a car stopped from behind.
Pamilyar sa akin ang sasakyan na ’yon dahil ang nagmamay-ari no’n ay walang iba kung hindi ang taong nagmamay-ari pa rin ng puso ko hanggang ngayon, it was my Arc and I saw Shaun coming out of the passenger seat, waving at me to get my whole attention.
I am happy to see them both but if I found out that Arc was the one who made this bruise in Max face, I think I have the rights to be mad and defend this guy who wanted to protect me no matter what.
Sana mali ako. Sana hindi sinasaktan ni Arc si Max. Yes, Max was the reason why I got in this kind of situation but he was one of those who didn’t leave me during my misery, unlike Arc who faded during the moment that I need him the most. Max stayed. Arc left me all alone in the dark.
•••
I am here to thank you for being such a patient reader! Thank you sa mga nakaabot sa part na ito at sa patuloy na nagbo-vote ng bawat chapter ng PP. Sobrang thankful ako sa inyo! 🥰
-Kuyasen
🌊24: Goner 🌊
Cleo’s POV
Kasama ko ngayon si Max habang nasa likuran ko ang dalawang Chain catshark na kailangang madala agad sa MWWP shelter.
I wanted to help them but I need to talk to Arc first.
Shaun hurriedly made his way towards our location. Hanggang bewang lang ang tubig para naman kung merong susulpot na mga tao sa dalampasigan ay hindi nila mapapansin na meron akong buntot. I need to be careful.
“Bestfriend! Kamusta ka na! Miss na miss na kita! Ano ba kasing ine-emote-emote mo diyan at bakit hindi ka pa bumabalik sa shop? Kailangan mo nang bumalik sa—” Nahinto siya nang makita ang buntot ko. This is the first time he saw my tail. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang lahat at alam kong darating ang araw na malalaman niya kung bakit kailangan kong umalis sa tuwing lumulubog ang araw at sa tingin ko ay ngayon ang oras na ’yon.
“Paanong—” Nahinto siya dahil tila ba hindi niya alam ang mga salitang sasabihin sa akin.
“I have a lot to say and I will promised that I would tell everything with you once I turned to human again but Shaun, can I talk to your brother? I just need to clear things out.” Pakiusap ko sa kaniya.
Tumango-tango ang kaibigan ko sa akin. Marami na talaga akong utang kay Shaun at nakakahiya na hindi ko agad maipaliwanag sa kaniya ang pinagdadaanan ko ngayon. He really deserve an explanation from me.
“One more thing, can you call the MWWP for me? Alam mo naman ’yon, hindi ba?” Tanong ko pa sa kaniya.
Tumango siya sa akin bilang sagot. Halata sa mukha niya na gulat pa rin siya sa nadiskubre mula sa akin. Sino ba naman ang hindi magugulat na makita ang kaibigan niyang may buntot? Hindi ba?
“These two catshark needs an immediate rescue. Please call the MWWP for me. Thank you.” Paliwanag ko pa.
Shaun nodded and excused himself. Naiwan ulit kaming dalawa ni Max dahil kailangang kuhanin ni Shaun ang phone niya upang tumawag sa nasabing organisasiyon.
This time, I could see Arc making his way towards us. He got to pass with his shooked brother. Tama nga ang hinala ko na hindi niya pa sinabi sa kapatid ang kalagayan ko.
“Kamusta—” Hindi nayari ni Arc ang sinasabi nang makita ang itsura ko ngayon. He was shocked upon seeing me without my pair of legs.
Napalingon siya kay Max at saka niya sinuntok agad ang lalaki. Sa lakas noon ay napatras si Max at kalaunay bumagsak din sa tubig.
I helped him out and made myself a shield for Max. Kailangan kong pigilan ang nagwawalang si Arc dahil baka kung ano ang gawin niya kay Max. I could feel his rage and I know that he was blinded because of it.
Pakiramdam ko ay umangat lahat ng dugo sa ulo ko dahil sa ginawa ni Arc. Parang gusto ko rin siyang gantihan ng isang malakas na suntok sa mukha!
“Tangina mo! You told me that Cley would be back to normal once the sun showed up! Anong kagaguhan ang mga pinagsasasabi mo? Sinong niloloko mo, Max!” Sigaw nang nagwawalang si Arc.
Susugurin niya nang muli si Max nang maalala ko ang hawak na patalim. It was the sacred knife that I didn’t even try to let go from my grip.
Itinutok ko ito sa kaniya dahilan para mahinto siya sa pagkabigla.
“Try to raise a hand on him again and you will regret doing it, Arc.” Banta ko sa kaniya.
His shock face changed to something I didn’t expect him to do. Natawa siya. He was laughing as the tears started to fall from his eyes. Tila ba nilamukos ang dibdib ko dahil sa nakikita. The person I love the most, the person I shared the two years of my life was crying out of pain. Idinaan niya pa ito sa pagtawa na ang akala niya magiging daan para makubli ang tunay na nararamdaman. Hindi niya ako maloloko dahil bakas sa mga pagtangis niya ang tindi ng sakit na nararanasan. His emotion deceived him.
“Ang sakit pala na pinatatanggol mo ang tao na naging dahilan kung bakit ka nagdurusa ngayon. Ako dapat ang kinakampihan mo, Cley! Ako dapat ang mahal mo! Ako lang dapat!” He screamed. I could feel the strong emotion within his voice. He was so devastated and pained. I was the reason behind his tears. Nasaktan ko siya.
Kaya naman dahan-dahan kong ibinaba ang punyal at saka lumapit sa kaniya. I used my other hand to dry his tears. He was looking at me, straight into my eyes. Ramdam na ramdam ko ang takot at lumbay sa bawat paghinga niya.
“I’m sorry for hurting you,” usal ko at saka muling pinahid ang luha na kumawala sa mga mata niya. “But Max was there when you weren’t. He was there when everyone turned their backs on me. He didn’t vanish like you, Arc. Hindi niya ako iniwan kahit na siya ang naging dahilan kung bakit ako nasa problemang ito at alam ko, patunay ako na handa siyang malutas ang problema namin dahil kami mismo ang humahanap ng solusiyong dalawa! He didn’t leave me during the time when the world and ocean surrendered on my life. Arc, he didn’t fade like you did. So, please! Don’t hurt him just because I am defending him from you. Alam kong ikaw ang may gawa ng mga pasa sa mukha niya. Alam kong siya pa rin ang sinisisi mo dahil sa problemang kinakaharap namin ngayon pero Arc, pakiusap. Huwag mo siyang sasaktan ulit dahil hindi ka niya sinisi noong mga panahong mas pinili mo si Zamarah at ang anak mo kaysa sa akin na minahal ka nang buong-buo!”
He froze upon hearing the words from me. Hindi niya siguro inaasahang sasabihin ko ang mga salitang ’yon sa kaniya. I have the right to speak and he deserved to hear every single word from my lips.
Hurting Max is not a big help for me. I didn’t know but the idea of Max being beaten up by Arc was so painful to think. Parang dinudurog ang puso ko habang naiisip na hindi lumalaban si Max mula sa pananakit ni Arc sa kaniya dahil alam kong sinisisi rin ni Max ang sarili dahil sa mga nangyayari sa amin.
Nagulat na lang ako nang pahirin ni Arc ang luhang rumaragasa sa aking mga mata. Hindi ko namalayang nag-uunahan na pala sa pagtakbo ang mga luha ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako dahil sa matinding sakit na nararamdaman.
What happened next was a swift. He took the sacred knife from me and he immediately made his way towards Max who was standing right beside me.
Maybe my body just move out of adrenaline and took his stab. Tumagos ang punyal sa palad ko dahil ginawa ko iyong paraan para mapigilan ang pagtama ng patalim sa dibdib ni Max. Arc’s emotion blinded him. I know loves me but too much could ruin someone’s mind. He was lost in the depth of the ocean and I couldn’t do anything to pull him out of the water because I knew, If I am going to do it, I would have to let go of Max and let him drowned. I need to choose and this time, I am choosing what I think is right.
Everyone was shocked especially Arc who did the bad move here. Hindi ko na nga halos maramdaman ang kirot nang pagkakasaksak niya sa palad ko. Parang namanhid ako kahit na tagus-tagusan ang maliit na punyal sa aking palad at kitang-kita ang matalim na dulo nito sa kabilang parte ng kamay ko.
Nabitawan ni Arc ang punyal at agad na lumapit sa akin upang humingi nang paumanhin. Hindi niya alam ang dapat gawin. Nataranta siya na halos umikot-ikot na siya para lang asikasuhin ako.
The blood was running down from my hand. Nagulat na lang ako nang hawakan ni Max ang palad kong may nakatarak na punyal.
“Bakit mo ginawa ’yon, Cley?” He asked me. Almost a whisper.
“I chose you this time. I need to protect you, Max.” Sagot ko sa kaniya saka nagpakawala nang tipid na ngiti.
Magsasalita sana akong muli nang marinig ang sigaw ni Shaun. Hindi ko namalayang nakabalik na pala siya agad.
Lumapit siya sa akin at kinuha ang palad ko. He looked me in the eyes as the tears started to form around his eyelids.
“Sino ang gumawa nito sa ’yo?” Naiiyak na tanong niya.
Umiling lang ako para hindi na siya magtanong pa. Hindi naman ako tanga na sasabihin sa kaniyang ang kapatid niya ang siyang gumawa nito sa ’kin. Baka mag-away na naman sila at hindi na naman niya kausap ang kuya niya. Kilala ko si Shaun. If someone hurt me, he’s willing to man up just to defend me. Parang kung paano lang din ako protektahan ni Max noong nahulog ako sa bitag ng Sea Merwitch. He didn’t leave me back there.
“I badly want to hurt the people who hurt you now, bestfriend but I think this is not the right time to be like this. We can treat your wound because it heals but, Cley. I want to tell you that grandma merci,” she paused and looked me in the eyes. “She was missing.”
•••
🌊25: He who understood the pain🌊
Cleo’s POV
Hindi ko alam kung anong gagawin nang marinig ang sinabi ni Shaun. Kung maari lang na umalis ako sa lupa para hanapin si lola ay gagawin ko pero sa kalagayan ko ngayon, all I can do is to stay in the water and wait for the time for me to go back into human again. Sa umaga lang ako mananatiling tao dahil kapag sumapit na ang gabi ay babalik akong muli sa pagiging sireno. I have a very short and limited time to look for grandma. Hindi ko rin alam ang haba nang itatagal ko sa oras na bumalik ako sa ganitong anyo. This is the first time I got to hate my tail and merman form. Wala akong magawa para hanapin kung saan maaaring nagpunta si lola.
With all my might, I pulled the sacred knife from my palm. Nagulat silang lahat sa ginawa ko pero hindi ko pinaglaanan nang pansin ’yon.
The blood kept on flowing from my open wound. Aaluhin pa sana ako ni Arc pero tinabig ko ang kamay niyang humawak sa braso ko.
I saw how the sadness crossed his face but just like before, I didn’t give any care at all.
Mas mahalaga si lola ngayon kaysa sa nararamdaman niya.
“What happened? Bakit nawawala si lola?” Tanong ko kay Shaun.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Shaun took my hand and before I could react, he took out a wet handkerchief from his pocket and immediately wrapped it around my palm.
Kaibigan ko nga siya. He still the Shaun that cares for me.
I smiled as I felt the warmth of his love. Kahit wala akong kapatid, dahil kay Shaun, hindi ko naramdamang nag-iisa ako.
“Hindi ko mapapatawad ang taong gumawa nito sa ’yo, Cley.” He uttered and I know he already knew who was the one who did this.
“There’s no one to blame here. Dinepensahan ko lang si Max. Hindi mo kailangang—” Nahinto ako nang makitang umiiyak na si Shaun. Para siyang bata dahil patuloy lang siya sa paghikbi. Hindi ko inaasahang iiyak siya nang ganito ngayon dahil kilala ko siyang masiyahin at makulit. This time, seeing him in so much pain brought so much sadness in my heart.
“Isa pa ’yang Max na ’yan! Akala ko ba kaibigan mo lang siya noong college na kailangan ng lugar na matutuluyan? Nagsinungaling ka sa akin! Tinago mo pa ang pagiging sirena mo na pangarap ko talaga dati pa lang.” Nahinto si Shaun dahil sa pagtawa. He brushed the tears on his cheeks. Nagagawa niya pang magbiro kahit na alam kong naglalabas na siya nang sama ng loob sa akin ngayon.
“Kaibigan mo ako, Cley. You can lean on me whenever life gets tough! Bestfriend forever, ’di ba? Iwan ka na ni kuya pero hindi kita iiwan kaya nagtatampo talaga ako sa ’yo na itinago mo sa akin lahat-lahat! Nakakasakit ng puso na hindi mo man lang naisip na ibahagi sa akin ang nararanasan mong problema ngayon.”
My body just moved to hug him. I know one warm hug is enough to make up with my best friend. Sana maintindihan niyang ginawa ko lang ang lahat ng ’to para hindi na siya mag-alala pa sa akin. I just don’t want them to be stressed out over my own problem. Hangga’t kaya ko, sasarilihin ko ang lahat huwag lang sila madamay.
“I’m so sorry if I made you feel that way, Shaun.” Sabi ko sa kaniya.
I wanted to console him more but when I saw a familiar van stopped by the roadside not too far from the sea shore, I immediately dragged myself down the water.
“Nandiyan na ang MWWP.” Dinig kong sabi ni Shaun habang nalingon sila sa nakita ko kanina.
MWWP stands for Marine Wildlife Watch of the Philippines. They aim to protect the ocean as well as the life within the water. They have so many campaigns and projects for the conservation and protection of Marine Wildlife especially those who are endangered. Alam kong sila ang malalapitan ko para matulungan ang mga Chain Catshark na sumagip ng buhay ko. I need to repay them just by saving them this time. Mabuti na lang at madali lang lapitan ang MWWP dito sa Manila at nakakatuwa na ang bilis lang nila rumesponde sa ganitong klase ng sitwasiyon.
Dahil hindi naman nila ako maiintindihan kahit na magsalita ako sa kanila mula sa ilalim ng tubig ay tumango na lang ako kay Max para bigyan siya nang hudyat na sumama sa kanila.
My blood started to scatter around the area. Napansin ko ring nanghihina na ang isa sa chain catshark na mas napuruhan.
Max shook his head. I knew he will stay.
Itinuro ko na lang ang mga chain catshark para asikasuhin nila bago ako dahan-dahang lumayo para sana magtago pero napansin ko ang mga catshark na nakasunod sa akin.
Tinitigan ko sila at binuo ang koneksiyon sa bawat isa. I made them feel that everything would be okay. Kaya kahit hindi ko alam ay sinubukan ko silang pabalikin malapit kanila Max. They obeyed me and that is something I really didn’t know how I did.
On the other side, I have this feeling that I am slowly turning into a full merman. Unti-unti ko nang naa-adapt ang mga nagagawa nila at natatakot ako na kapag nagtagal ay hindi na ako makabalik bilang tao.
When I got the perfect spot, nakalubog lang ako sa tubig malayo sa kanila pero natatanaw ko pa rin ang bawat kilos nila.
I saw three staffs of MWWP shelter. The other one was holding a special equipment to fetch the chain catsharks while the two were holding the container where they are going to put them.
Kinausap muna nila sila Shaun, Arc at Max bago nila marahang hinuli ang sugatan na mga hayop. I’m glad that the catsharks didn’t go wild. Marahil ay napakiusapan ko sila na maging kalmado at magtiwala sa mga tao na kukuha sa kanila. Well, I owed my life to those chain catsharks. Kung hindi nila pinigilan si Pherousa na mahuli ako ay baka bihag niya pa rin ako hanggang ngayon.
Hindi naman talaga agresibo ang mga ganoong species ng pating. Chain Catsharks are known for being a good addition in an aquarium. Beside from having a unique size that grows up to 59 centimeter long, they are bioflourescent that made them glow in dark places. Iba ang ganda nila kumpara sa ibang uri ng pating. They are harmless too. Bakit ko alam lahat ng ito? Because I love the ocean to the point that I studied everything about underworld. Hindi ko rin alam pero may koneksiyon ang dagat sa akin na hindi ko maipaliwanag. Maybe because I am Triton?
I waited for more than ten minutes when everything was settled. Nagpasiya silang si Shaun ang sumama sa mga staff ng organisasiyon at napansin kong naiwan si Max at Arc sa kinalulugaran.
Nang makasigurado na nakaalis na sila Shaun at nakalayo ay nagpasiya akong lumabas mula sa pinagtataguan.
Nakaahon na ako mula sa ga-bewang na tubig nang mapansin ko ang palad kong tinalian kanina ni Shaun gamit ang handkerchieft niya.
I didn’t feel any pain so I removed the cloth and found out that my wound has finally healed. Maybe that was one of the perks of being in the bloodline of royal family. I am still the Triton, son of Poseidon and Amphitrite.
Napalingon ang dalawa sa akin. Arc made his way to reach me. Hindi ko siya pinansin dahil naaalala ko ang ginawa niya kanina. Pinagtangkaan niya si Max at hindi ko magawang tanggalin ’yon sa isip ko basta-basta na lang.
“Hanggang kailan mo ako hindi papansinin, Cley?” Tanong sa akin ni Arc nang lagpasan ko siya para sana makalapit ako kay Max.
Huminto ako at saka lumingon sa kaniya. “Kapag kaya mo nang kontrolin ang sarili mo at kapag hindi mo na kayang manakit ng ibang tao. That’s when I’m about to accept you in my life again but Arc, I’m so sorry to say this, ayaw muna kitang makita ngayon. Pakiusap! Iwanan mo muna kami ni Max.”
I might be a little harsh there but I think I said the right words for him. Nakita ko kung paano lumatay ang matinding lungkot sa maamo niyang mukha. Arc holds the handsomest face from all the people that I met but that same face was the one who tried to kill someone because of too much love.
“Mahal na mahal kita, Cley.”
Iyon ang mga huling salitang sinabi ni Arc bago siya naglakad pabalik sa dalampasigan. I was just watching him walked away, taking the path towards his car who was parked along the roadside.
That made me question myself. Mahal ko pa ba si Arc o minamahal ko na lang ang mga bagay na pinagsamahan naming dalawa?
Napailing ako habang pinapanood si Arc na pumasok sa kotse niya. I saw him made a one last glance before driving his car away.
Napabuntong-hininga ako.
“I’m so sorry if I have to ruin everything. Ako naman kasi talaga ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat nang ito sa ’yo at sana mapatawad mo ako, Cley.” He said with so much sincerity.
“Gusto mo lang kumawala sa kalungkutan at isalba ang sarili mo sa bad’yang kamatayan. You don’t have put all the blame in you all the time, Max. Oo, may kasalanan ka naman talaga sa mga nangyayari sa atin pero kung ako ang nasa sitwasiyon mo at kung iyon lang ang natatanging paraan para iligtas ko ang sarili ko, I will do it without hesitation.” Paliwanag ko sa kaniya.
I saw the bloom of happiness within his lips. He smiled and I’m glad to see the joy in his eyes again. Meron ding kirot sa puso ko dahil sa dami nang pasa sa mukha niya. Ngayon ko lang napansin ang ibang mga pasa niya matapos ko siyang matitigan nang matagal. Arc did all of it. Kahit na magalit ako kay Arc, alam kong nagawa niya lang din ’yon dahil sa galit niya matapos malamang si Max ang dahilan kung bakit ako nasangkot sa problema na ’to. Naiintindihan ko silang lahat pero kailangan kong protektahan ang tao na nangangailangan nang tulong ko. I need to stay with Max and choose him again. I need to let go of Arc to resolve the problem with Max. Hindi ko sila kayang asikasuhin nang sabay dahil kung pagtutuunan ko silang pareho nang pansin ay doon ko mapapabayaan ang sarili ko.
Napapikit ako bigla dahil sa matinding silaw. Napansin kong bigla akong binalot ng matinding liwanag at ilang segundo lang din ang lumipas ay napansin ko na bumalik nang muli ang mga binti ko.
Napangiti ako nang malapad at halos mapatalon sa tuwa. Nang lingunin ko si Max ay agad kong hinablot ang kamay niya para sana hilahin siya paalis sa tubig.
“Let’s go find grandma—” Sambit ko pa nang maalala na wala nga pala akong suot pang-ibaba dahilan para makita niya ang hindi naman dapat makita.
Naramdaman ko ang matinding init sa magkabilang pisngi dahil sa hiya at agad na napatakip sa junjun ko. Ngayon, patas na kami. I saw his dingdong back on our first meet up and now, he saw mine way clearer than I saw him. Nakakahiya talaga!
•••
🌊26: Busted 🌊
Cleo’s POV
Passed nine in the morning when we reached the coffee shop. Hindi ko alam kung paano lalabas mula sa loob ng tricycle dahil ang tanging nakatakip lang sa junjun ko ay ang suot na damit ni Max kanina. Marami pa namang tao sa coffee shop ngayon at wala akong lakas ng loob na bumaba para dumaan sa back door dahil alam kong sisilip ang puwit ko kahit na natatakpan ang harapang bahagi ng katawan ko. Kapus din kasi ang damit ni Max sa bulto ko.
“Hintayin mo ako rito at ikukuha kita ng masusuot sa kwarto mo. Manong, saglit lang po, ah.” Sabi ni Max sa akin at saka sa driver ng tricycle na sinakyan namin. Wala siyang suot na pang-itaas dahil ibinigay niya sa akin ang suot na damit. Mabuti na lang at may Max na handang tumulong sa akin sa ganitong klase ng sitwasiyon.
I watched him went inside the shop. Wala si Shaun dahil panigurado ay inaasikaso niya pa rin ang ibinilin kong mga chain catshark pero kahit wala siya ay nakabukas pa rin ang shop. I hired one coffee maker which is Wilson. Tanaw ko rin si Nash at Amanda, mga servers ko na nag-aasikaso ng mga tao sa loob. Somehow, it gave me a nostalgic feeling. Iyong amoy ng matamis na kape ay mabilis na dumaan sa ilong ko at hindi ko maiwasang mapapikit habang inaalala ang mga panahon kung paano ko pinursigi ang pagkakaroon ng coffee shop. Lola was always part of my plans and I want her to become care-free as she aged. Para rin naman sa kaniya kung bakit ko tinayo ang coffee shop na ito.
Bumalik si Max na may hawak na bathrobe. Iniabot niya ito sa akin at dali-dali ko itong sinuot, maingat ang bawat paggalaw na hindi sumilip ang hindi naman dapat sumilip. Mahirap na baka hindi lang si Max ang makakita sa junnie ko.
Hindi ko alam kung saan nakakuha si Max ng pera na pinambayad sa tricyle driver. Nagpasalamat na lang kami sa kaniya at saka ako mabilis na nagtungo papunta sa back door.
Kahit na back door ito ng shop ay mapapadaan pa rin ako sa mismong lobby, sa bandang gilid. I need to be quick. Nakakahiya na makita ako ng iba na ganito ang suot ko. Paniguradong magtataka sila bakit sa katirikan ng araw ay nakasuot ako ng bathrobe.
Nauna na ako kay Max at hindi ko inaasahang si Amanda ang siyang bubungad sa akin sa back door. She was holding a tray with some empty cups.
“Sir Cleo! Kamusta po ang bakasiyon niyo? Ang tagal po namin kayong hindi nakita.” Bati niya sa akin.
Ngumiti muna ako sa kaniya, “Ayos lang naman ako,” siguro ay ginawang dahilan ni Shaun na nagbakasiyon lang ako para hindi na sila magtanong pa.“pero baka nakita niyo si lola rito sa shop. Hindi ba siya napadpad dito?”
I still have a tiny hope in my heart that grandma is here but what Amanda said broke my heart.
“Hindi ba nasa ospital siya ngayon, sir at nagpapagaling? Hindi po namin siya nakita rito nitong nagdaang araw o kaninang nag-open kami ng shop.”
Marahan akong napatango-tango at saka nagpaalam kay Amanda.
I made my way towards the pathway that leads to my room. Alam kong nakasunod lang sa akin si Max at hindi na ako nag-abala pang lingunin siya dahil sa pagmamadali. I need to hurry. Hindi mahaba ang oras ko dahil kasabay nang paglubog ng araw ay ang pagpapalit anyo ko bilang isang merman. I should not waste any minute of my life. Bawat segundo ay mahalaga.
Hinawakan ko ang seradura ng pinto ng aking kwarto, upon entering my room, happiness filled my heart. Nakita ko ulit kasi ang loob ng kwarto ko at ang mga desenyo na ako mismo ang gumihit. Mula sa rural painting sa kisame at sa pader hanggang sa mga maliliit na bagay na kinokolekta ko sa mga parte ng dagat na napupuntahan namin ni lola.
How I wish that everything would be back to normal.
Napabuntong-hininga na lang ako at saka nagtungo sa aking walk-in cabinet. I didn’t even bother to look for Max. Nakatalikod naman ako sa kaniya kaya kahit walang underwear ay tinanggal ko na lang ang suot na bathrobe. Wala naman ibang tao ngayon sa loob ng silid at parehas naman kaming lalaki. Isa pa, nakita niya na minsan ang alaga ko kaya wala nang rason pa para mag-inarte.
Mabilis akong nagsuot ng disenteng damit. I wore a black pants and white minimalist round neck shirt that I paired with my leather sandals.
Hinarap ko si Max na kanina pa nanunuod sa bawat kilos ko. It seems like he was enjoying it. Napansin kong nakasuot na rin siya ng damit na hindi ko alam kung saan niya nakuha.
“Saan tayo pupunta?” He asked me before a moment of silence.
“Samahan mo ako sa ospital kung saan nila in-admit si lola.”
“Meron ka pa lang dapat malaman kay Flynn.” Sambit niya.
Nahinto ako nang makita ang seryosong expresiyon sa mukha niya. Bigla akong nakaramdam nang kaba sa hindi ko malamang dahilan.
“Kagaya ni lola, nasa coma si Flynn. Simula noong nakuha natin siya sa lungga ni Pherousa ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng malay hanggang ngayon. Dinala namin siya sa ospital kung saan naka-admit si lola Merci.” Paliwanag niya sa akin.
Hindi ko inaasahan ang balita niya dahil ang buong akala ko ay maayos na si Flynn at nagpapalakas. Siguro nga ay sadiyang mapaglaro ang tadhana, patong-patong na ang problema namin ni Max. Lalo na sa akin na may Arc pang kasama. Pati si Lola tapos ngayon ay si Flynn naman. Hindi lang ang Poseidon’s Program ang iniintindi namin dahil nagkasabay-sabay na halos lahat ng hindi magagandang pwedeng mangyari.
“Max, alam mo na ba na ginamit ni Flynn ang pangalan mo noon na Luigi noong naging tao siya? Si Flynn at ang tumulong sa atin na si Luigi ay iisa!” Paliwanag ko sa kaniya.
Nahinto siya at napatitig sa mga mata ko na para bang tinataniya niya ako, “Una pa lang ay alam ko na pero humahanap lang ako ng matinding katibayan na iisa sila. Hindi ko lang maintindihan kung paano niya nagawang magpalit ng anyo katulad ng problemang kinakaharap natin ngayon. Ang akala ko kasi ay tayo lang ang glitch sa sistema ng Poseidon’s Program tapos malalaman ko ang kaso ni Flynn. Kung hindi ako nagkakamali ay si Pherousa ang siyang may kagagawan ng lahat?”
Tumango ako sa kaniya. Hindi niya pa nga pala alam na ako si Triton. Alam nilang maaari akong parte ng royal family sa celestial bloodline pero wala pa siyang ideya na ako si Triton na anak mismo ni Poseidon at Amphitrite.
Sasabihin ko na ba? Wala naman ng dahilan para ilihim pa sa kaniya dahil malalaman at malalaman din naman ni Max.
I was about to say it when the door of my room went open. Iniluwa nito si Shaun na mukhang hingal na hingal.
“Nakaabala ba ako sa inyo?” Tanong niya pa at saka napatukod sa tuhod dahil sa hingal.
Umiling naman ako bilang sagot.
“Merong nakakita kay lola na lumabas sa ospital. Kung magtatanong-tanong tayo sa mga taong nandoon ay matutunton natin kung saan ang kinaroroonan niya. Naisip ko na kung mas marami tayo ay mas mapapadali ang paghahanap natin kay lola Merci.” Mahabang paliwanag sa amin ni Shaun. “Naloka ako sa paghahanap sa inyo. Galing pa ako sa dagat dahil akala ko ay nandoon kayo, mabuti na lang at tumawag sa akin si Amanda na nakauwi ka na nga raw sa shop.”
I felt bad for him. Todo ang effort ni Shaun para lang tulungan ako. That gave me the eagerness to find my grandma so I grabbed both of their hands and dragged them both out of the shop.
“Hindi naman malayo ang ospital na—” nahinto ako nang makita ang pamilyar na kotse na naghihintay sa amin sa labas.
It was Arc’s and he was there at the driver’s seat as if waiting for us to enter in the car.
Hindi ko alam pero naramdaman ko ang matinding lungkot sa dibdib. Parang wala lang kasi sa kaniya na itinaboy ko siya kanina. He even smiled at me now like nothing happened. Sobrang nadurog ang puso ko nang makita ang ngiti niya. He was doing his best to pretend but the truth is he was hurt, and I am the one who hurt him.
“Tara na. Sumakay na kayo.” Sabi niya sa amin.
Parang mabigat ang bawat paghakbang ko habang tinutungo ang daan papunta sa shotgun seat. Si Max kasi at si Shaun ang naupo sa likuran kaya wala na akong ibang pagpipilian kundi ang maupo sa tabi ni Arc.
So I entered his car with a heavy heart. Dapat ay panindigan ko ang ginawa kong pagtaboy sa kaniya dahil pinagtangkaan niyang patayin si Max kanina pero hindi ko magawang magalit kay Arc ng lubusan. After all, he’s the same Arc that I loved before.
“Kung maghihiwalay tayong apat sa labas ng ospital at ita-track natin kung saan posibleng pumunta si lola, alam kong hindi pa nakakalayo ’yon at matutunton din natin ang kinaroroonan niya.” Suhestiyon ni Shaun sa akin.
“Wala bang CCTV para mas madali natin siyang makita?” I asked him.
“Iyan ang isa sa kinabwisit ko dahil sira lahat ng CCTV footage noong nagtanong kami ni kuya sa ospital at sa baranggay hall ng lugar. Parang sinasadiya lang kasi corrupted lahat ng CCTV footage na meron sila!” Inis na sagot sa akin ni Shaun.
Napaisip naman ako. Kanina pa pala sila naghahanap kay lola. Hindi ko tuloy maiwasang matuwa dahil para akong nakakita ng pamilya sa katauhan nila. Arc made a mistake and he was doing his best to prove himself again to me. And Shaun inserted a lot of effort just to find my grandma. Alalang-alala rin sila kung nasaan si lola.
I shrugged the idea off my mind and focused on what is more important now.
Nang makarating kami sa ospital ay pinarada muna ni Arc ang kotse niya sa parking lot. Nag-usap-usap kaming apat para maghiwa-hiwalay sa paghahanap.
Lakad-takbo ang aking ginawa. Ang dami kong napagtanungan pero panay pag-iling lang ang isinasagot nila. Ilang beses nadurog ang puso ko sa bawat pag-iling na natatanggap ko mula sa iba’t-ibang tao na nakakasalamuha. Ramdam ko na rin ang luhang nagbabadiya sa pagtulo mula sa gilid ng aking mga mata. Ni wala pa akong kain at almusal ganoon din silang tatlo kaya mas lalong bumigat ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko na ininda ang matinding sikat ng araw na tumatama sa aking balat. Tanong lang ako nang tanong sa bawat taong nakakasalubong ko, umaasang tatango sila at maituturo sa akin ang kinaroroonan ni lola.
Until one old guy nodded his head after I told him what grandma looked like.
“Nakita ko siya kanina ro’n. Naglalakad lang patungo sa intersection malapit sa mabini street. Kung tatakbuhin mo ito ngayon ay baka maabutan mo siya, hijo.” Paliwanag niya sa akin na nakapagpabuhay nang natitirang pag-asa sa puso ko.
I thanked him not twice but ten times before sprinting towards the direction he told me. Napakaraming tao ngayon at hindi ko maiwasang mabunggo sa iba dahil sa pagmamadali.
I followed his instruction and then my sight landed to an old woman who was walking along the side walk. Alam kong si lola iyon. Malakas ang kutob kong siya ’yon pero nang oras na balak ko nang isigaw ang pangalan niya ay nakaramdam ako nang panghihina at agad akong napaluhod sa sahig.
Biglang dumagsa ang kaba sa puso ko dahil hindi maaaring ngayon ako bumalik sa pagiging merman. Kung kailan nakita ko na si lola ay ngayon pa sumabay ’tong putanginang program na ’to!
Hindi ko na napigilan pa ang sarili. My tears stared to fall from my eyes. I did my best to stand up. Kahit na hirap na hirap ako sa paghakbang ay mabilis akong humanap ng pwedeng pagtaguan at saktong may nakita akong isang eskinita ilang dipa ang layo sa kinatatayuan ko. With all my might, I walked straight to it, too afraid to get caught. Kaso huli na ang lahat dahil hindi ako nakaabot pa sa eskinatang ’yon dahil sa kalagitnaan nang paglalakad ko ay binalot ako nang matinding liwanag. I lost my balance and my body hit the floor. My legs went numb and little did I know, the shine of the reflected light from the sun bounced off on my shiny tail.
Lahat ng tao na nakakita sa akin ay nahinto sa gulat at ang ikinatatakot ko ay ang marinig ang salitang ’yon mula sa kanila.
“Halimaw! May halimaw!” Sigaw ng isang matandang lalaki mula sa hindi kalayuan.
•••
🌊27: Finally the constellation aligned 🌊
Cleo’s POV
Walang pagsidlan ang kaba na nararamdaman ko habang palipat-lipat ang tingin sa iba’t-ibang reaksiyon ng tao sa akin. Some of them took a video. Some are whispering to one another and the worse was when an old man threw something to me.
Nasaktan ako, physically and emotionally. Hindi ko inaasahang ganito ang reyalidad ng siyudad. If you look different from the norms, they would judge you. They even hurt you and call you names. At wala akong magagawa ro’n. I couldn’t please everyone.
Nagsimula sa isa, dalawa hanggang sa marami ng mga tao ang bumabato sa akin ng mga kung ano-ano. Siguro ay puro gasgas na ako dahil ang iba’y pumupulot pa ng bato na siyang ihagis sa akin.
Ang tindi ng dasal ko na isa sa mga kaibigan ko ang makakita sa akin at saklolohan ako ngayon dahil hindi ko talaga alam kung paano makakaalis dito sa kinalalagyan ko. Hindi ko magawang makatakbo dahil wala na ang mga binti ko. Nakakainis pero wala na ang magagawa. Nagloloko na ang sistema ng Poseidon’s program sa amin ni Max at alam kong nasa piligro na kaming dalawa.
Then someone stood right in front of me. Nang mag-angat ako nang tingin ay may isang lalaki na ang nakatayo sa harapan ko na tila ba pinoprotektahan ako sa mga bumabato sa akin. He bend down and carefully lifted me from the ground. Napapalupot na lang ang braso ko sa leeg niya para nang sa gayon ay hindi ako mahulog muli.
People stopped from their violence. Kahit na hindi ko kilala ang bumuhat sa akin ay malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil niligtas niya ako mula sa kapahamakan. Kung nahuli pa ang dating niya ay baka hindi lang pambabato ang naranasan ko sa kanila.
Panandalian kong natitigan ang mukha ng taong may buhat sa akin ngayon. He was like in his early 40’s. May makapal na tubo ng buhok sa baba na mukhang napabayaan na ng panahon pero kahit na ganon ay napatikas niya pa rin ang tindig niya at napakaguwapo. Ang tangos ng ilong niya at napakaganda rin ng hugis ng kaniyang labi. Tila ba nangungusap din ang kaniyang mga mata at hindi ko maintindihan ang sarili pero sa bisig niya, parang walang mananakit sa akin, na ligtas ako at hinding-hindi niya ako pababayaan kahit na anong mangyari.
Dinala niya ako sa kotse niya. Mabuti at tinted ang bintana nito dahil pinagkakaguluhan kami ng mga tao para kumuha ng litrato at video. Halos hablutin na nila ang lalaking may karga sa akin para lang makigulo at maki-usiyoso.
He locked the door when he got inside the driver’s seat. Inilagay niya ako sa passenger’s seat at hanggang ngayon ay matindi pa rin sa pagkalabog ng puso ko dahil sa kaba.
“Maraming salamat po,” Sabi ko sa kaniya.
Tiningnan niya ako mula sa rear view mirror ng sasakyan. He didn’t say a word and maneuvered the car.
“Ibalik niyo na lang po ako sa dagat, Sir. Hinihintay po ako ng mga kaibigan ko ro’n.” Pagsisinungaling ko dahil nag-iiba na ang ihip ng hangin sa loob ng kotse. Iba kasi ang ikinikilos niya at kumpara kanina na ang akala ko’y ligtas ako, hindi ko alam pero parang nasa kapahamakan ako ngayon.
“Sir, ihinto niyo na po ang sasakyan at bababa ako!” Sabi ko sa kaniya nang mapansing palayo kami sa direksiyon kung nasaan ang pinakamalapit na dalampasigan.
Naka-locked ang pinto. Hindi ko magagawang makatakas! Bwisit! Bwisit!
“Shaun! Max! Arc! Tulungan niyo ako!” I screamed at the top of my lungs. I know it was useless but I am so very desperate to escape. Hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin sa akin. Hindi ko siya kilala at alam kong kapahamakan ang naghihintay sa akin kung hindi ako makakawala mula sa kaniya.
Kinalampag ko ang pinto ng kotse niya. He glanced at the rear view mirror and surrendered by my actions. Inihinto niya ang kotse at kinalampag ang manibela nito.
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa ginawa niya. Nakakatakot siya. Iba ang paraan ng pagtingin niya. Parang ano mang oras ay sasaktan niya ako kung gagawa pa ulit ako ng kahit na anong ingay.
“Ano pong kailangan niyo sa akin? Pakawalan niyo na po ako, pakiusap.” Sambit ko habang tinitingnan siya sa rear view mirror.
Umiling siya at saka may kinuha mula sa dash board. “Pasensiya na pero kailangan kong gawin ’to. Kailangan kita para sa eksperimento ko.” Sabi niya at saka itinaas ang isang tazer.
Nanlaki ang mga mata ko. Wala akong ibang matatakbuhan kaya naman wala na akong nagawa nang idikit niya sa akin ang tazer na ’yon.
Parang may matinding kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. Ang tagal niyang ginawa no’n sa akin hanggang sa akala ko ay malalagutan na ako nang hininga. My eyes became blurry as I felt the urge to sleep. Seconds later, everything went blank.
Nagising na lang ako na nasa loob ako ng isang malaking aquarium. May mga aparato na nakakabit sa akin at may mga screen din na sa tingin ko ay nagmo-monitor ng aking vital signs. Maraming gamit sa loob ng silid na kinaroroonan ko. Mga libro sa estante at ’gabundok na papeles sa ibabaw ng lamesa katabi nito. The only source of light was the hanging bulb above the aquarium.
Muli ay nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Lalo na noong nakita ko ang nakapaskil sa isang bulletin board sa gilid ng nakasarang pinto. Doon makikita ang mapa ng dagat dito sa lugar namin. May mga nakabilog doon na hindi ko maintindihan.
Meron din akong nakita na mga punit na pahina ng isang study patungkol sa mermaids. May mga pahina na puro high-lighted wordings lang ang nakikita ko. Dahil malayo sa kinalulugaran ay hindi ko na mabasa pa ito.
Napansin ko rin na may mga poster ng iba’t-ibang missing person at doon ko nakita ang litrato ni Max. Gusto ko pa sanang titigan upang makita ang pangalan na nakalagay doon pero bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaki na kumuha sa akin kanina. Naharangan nang nakabukas na pinto ang bulletin board kung saan nakalagay ang missing poster ni Max. Ibig sabihin pala ay nawawala lang si Max at biktima lang din siya ng ibang sirenang gustong bumalik sa pagiging tao. The Poseidon’s Program was like a never ending cycle. May aalis at may papalit na bago. Kaya hangarin ko rin na matapos na ang sumpa upang matuldukan na rin ang pagdurusa ng bawat merpeople sa ilalim ng dagat.
“Gising ka na pala. Pagpasensiyahan mo ako kung napatagal ang paggamit ko ng tazer sa ’yo.” Aniya.
“Pakawalan mo na ako, pakiusap. Kailangan ko pang hanapin si lola.” Sabi ko sa kaniya at saka naramdaman ang nagbabadiyang luha.
Hindi ko alam kung paano niya ako naintindihan dahil mula sa tubig, sa tingin ko ay mahina ang boses na naririnig nila mula sa amin.
Kinuha niya ang isang wooden stool na nakasandal sa gilid ng malaking aquarium at saka inupuan ito sa harapan ko mismo. Mukha kaming nasa loob ng isang interrigation room. He was like a detective, looking for some useful evidence.
“Kada gabi, naririnig ko ang dagat na tumatawag sa akin. Ang akala ko noon ay wala lang ’yon. Hanggang sa makaranas ako ng mga pira-pirasong alaala na gabi-gabing dumadalaw sa panaginip ko.”
He was looking at me as if wanting me to listen carefully. Hinayaan ko siya dahil alam kong may katuturan ang mga sinasabi niya.
“Meron akong buntot at masayang nabubuhay sa kailaliman ng dagat. Paulit-ulit na gano’n ang mga nasa panaginip ko. At meron pa na gumuguho ang isang magandang santuwaryo. May hawak akong sanggol na meron ding buntot katulad ko hanggang sa balutin kami ng liwanag. Gano’n lang ang panaginip ko gabi-gabi. Paulit-ulit.”
Tinitigan ko nang maigi ang mukha niya at habang ginagawa ’yon ay may nabuo na reyalisasiyon sa isip ko.
“May kung anong tumatawag sa akin mula sa dagat at alam kong matutulungan mo ako.” Seryosong sambit niya sa akin.
May posibilidad na totoo ang mga nasa isip ko ngayon kaya naman gusto ko itong kumpirmahin. Dalawang bagay lang naman ang nais kong makita. Ito ay kung meron ba siyang balat na kagaya ko at kung ano ang pangalan niya.
“Meron po ba kayong balat na kagaya nitong sa akin?” Tanong ko na lang kahit na wala sa konstekto ang pagpasok ko.
Nahinto siya nang ipakita ko ang balat sa likuran ng tenga. Ilang segundo rin siyang nakatitig sa akin na tila ba hindi alam kung ano ba ang gustong sabihin.
Hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko nang marahan siyang tumango sa akin at pagkaraa’y pinakita ang balat na tila ba maliit na alon ng dagat.
“Bakit ka umiiyak? May ginawa ba akong mali?” Nag-aalalang tanong niya sa akin.
Hindi ko pinansin ang tanong niya dahil may gusto akong malaman.
“Ano pong pangalan niyo?” I asked him.
Nag-iwas siya nang tingin at saka bahagyang natawa na para bang nahihiya siyang ipaalam ang pangalan sa akin.
“Wag mo na lang tawanan ang pangalan ko kasi nakakahiya dahil nang magising ako sa dalampasigan maraming taon na ang nakalilipas, iyon agad ang rumihistrong pangalan sa isip ko.”
“Ano po iyon?” Gustong-gusto ko nang malaman ang isasagot niya. Gustong-gusto ko nang mapunan ang mga patlang na naglalaro sa isipan ko. Dahil kung tama ako, masasabi kong hindi pa patay ang aking ama.
“Poseidon. Poseidon ang alam kong pangalan ko.”
At gaya ng pagsikat ng araw sa kaduluhan ng karagatan, nabuhay ang mumunting pag-asa sa puso ko.
Buhay pa si papa at kasama ko siya ngayon, kausap at kaharap pa.
•••
🌊28: Missing Poster 🌊
Cleo’s POV
“Pa…” Iyan lang ang naisagot ko sa sinabi niya kaya naman hindi niya maiwasang mapakunot ang noo dahil sa sinabi ko.
“Anong, Pa?” Tanong niya.
“Ikaw ang papa ko. Ikaw si Poseidon na siyang hari ng karagatan. After 23 years, finally I found you, father.” Sambit ko. Walang pagsidlan ang galak sa puso ko dahil sa tagal ng panahon, nandito na siya sa harapan ko at kausap siya. Sa tagal ng panahon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makita siya.
“Anak kita?” Tanong niya na tila ba gulong-gulo pa rin.
I slowly nod my head. “Hindi ko alam kung paano nabura ang mga ala-ala mo pero niligtas mo ako noong panahon na balak akong patayin ni mama na si Amphitrite. Pa, ako ang bata na bitbit mo noon sa mga ala-alang bumabalik sa ’yo.” Paliwanag ko.
His face was still blank, still in the phase of thinking everything of what I’ve said.
“Meron akong isang alam na paraan para maibalik ang paraan mo.”
Nakuha kong muli ang atensiyon niya kaya pinagpatuloy ko ang pagpapaliwanag.
“When the blue moon arise, I need to kill the Sea Goddess just to break the Poseidon’s Program. That way, every Merpeople would be freed from the curse and everything would be back to normal.”
Kumunot ang noo niya, “Bakit kailangan mo pang patayin siya? Wala na bang ibang paraan?”
Umiling ako at saka inumpisahang ikwento sa kaniya lahat ng nalalaman ko tungkol sa Poseidon’s Program. Inisa-isa ko sa kaniya ang mga flashbacks na pinakita sa akin ng Sea Merwitch noon. Mas madali sana kung natatandaan niya ang mga nangyari para alam ko kung totoo ba ang pinakita sa akin ng Sea Merwitch. Pero dahil wala ang mga ala-ala niya, kailangan naming magplano sa oras na lumitaw ang blue moon.
“But I lost the sacred knife again. That is the only thing that can help us to end the curse.” Sabi ko sa kaniya.
“Tungkol do’n,” saglit siyang umalis at pagbalik ay hawak niya na ang punyal na nawala ko.
“Saan niyo po nakita ’yan?” Nakangiti kong tanong sa kaniya.
“I found it on the seashore when I was out for a walk. Lagi akong nagpupunta sa dalampasigan dahil umaasa akong makakahanap ako ng sagot sa lahat ng katanungang gumugulo sa akin.” Sagot niya sa akin at saka iniabot ang punyal.
“ Pa, pwede ko bang malaman kung kailan ang susunod na blue moon? Kailangan nating gumawa ng plano oras na maganap ang blue moon. Kayo lang po ang aasahan ko sa mga oras na ’yon.“ Sabi ko.
Napansin kong napahinto siya at napatitig nang ilang sandali sa akin kaya hindi ko napigilan ang sarili na mapatanong kung bakit natigalan siya.
“Hindi ako makapaniwalang anak kita, at sana mapatawad mo ako dahil ang laki ng pagkukulang ko sa ’yo bilang ama.” Malungkot niyang sambit.
Ngumiti ako at saka iniangat ang mga kamay sa glass wall ng aquarium. Gusto ko siyang yakapin para ipaalam sa kaniyang hindi niya kasalanan ang lahat. Katulad niya, biktima lang din kaming dalawa.
“Ang akala ko talaga noon ay wala na kayo dahil tumagos ang mismong trident sa puso niyo. Hindi ko alam na may ginawa si Pherousa para mapapunta rin kayo sa mundo ng mga tao, kagaya ko.” Paliwanag ko.
“Ang mahalaga ay magkasama na tayo ngayon. Sabay nating harapin ang mga problema mo. Hindi kita pababayaan, anak.”
That melted my heart. Lola used to call me anak than apo but hearing that word from my real father, it was very heart-whelming. Napakatagal kong hinintay marinig ang salitang ’yon sa kaniya at ngayon ay parang musika ito sa mga tenga ko. I wouldn’t get tired hearing that word from him.
“Saglit lang. I’ll go get my phone to search when will the blue moon shows.” He said and left me again.
Ang akala ko’y mapapahamak ako sa kamay niya. Sino mag-aakalang ang lalaking sumaklolo sa akin ay siya pa lang ama ko. Buhay siya at handa siyang bumalik sa ilalim ng dagat para bumalik sa dati niyang buhay. Able for it to happen, he need to come with me when the blue moon shows up. I would be his lead towards the Sea Goddess and if they would meet again, baka magbago ang isip niya’t buoin muli ang pamilya naming nasira.
Bumalik si papa na hawak ang cellphone niya. Hindi matanggal ang tingin niya rito hanggang sa makapunta siya sa harapan ko.
“An article I found online says that the blue will happen two days from now.” Aniya.
2 araw pa akong mananatili rito? Mas maganda siguro kung babalik ako sa dagat kahit na mas safe ako rito. Sa dagat kasi ay mas malawak ang magagalawan ko hindi katulad dito na limitado lang ang lugar na pwede kong puntahan.
“Pa, mas mabuti siguro kung ibabalik mo ako sa dagat.” Suhestiyon ko sa kaniya.
“Naisip ko na ’yan, anak. Pero dahil sa nangyari sa ’yo doon, paniguradong maraming tao at media ang nakaabang sa tabing dagat, umaasang makikita ka nila ro’n. Hahanapin ko na lang ang mga kaibigan mo para malaman nilang nandito ka kasama ko.” Paliwanag niya sa akin na naintindihan ko naman. “Kuhanin mo pala ito, para hindi lagi nawawala iyang punyal mo.” Saka siya may inilabas mula sa bulsa niya. It was a small sling bag that was made of a fish net. Kasiyang-kasiya lang dito ang punyal.
Iniabot niya ito sa akin kaya sinuot ko na rin agad para mailagay ang hawak na punyal. Hindi naman kasi pwedeng lagi ko itong hawak at lagi na lang nakakaalpas sa mga kamay ko.
“Saan ko ba makikita ang mga kaibigan mo nang mapapunta ko sila rito. Kailangan ka naming itago sa mga tao at baka kung ano ang gawin nila sa ’yo.”
Ngumiti ako dahil sa init ng pagmamahal na pinararamdam niya sa akin. Ang sarap lang pala sa pakiramdam na mahalin ng magulang. Ito ang unang pagkakataon na maramdaman ang kalinga niya. Iyong inaasikaso niya ako, inaalala. Sobrang sarap sa pakiramdam na bukod kay lola, Arc, Shaun at Max ay meron pa ring tao na handang magmahal sa akin at mag-asikaso.
I told him the address of the coffee shop. Sinabi ko ring dadating doon si Shaun at paniguradong kasama nito ang kuyang si Arc at Max lalo na kapag nalaman nilang wala ako. Alam kong kakalat din sa internet ang videos at larawan ko kaya malalaman nilang nagtatago ako. Kailangan lang nila makita si papa para malaman nilang nandito ako kasama niya.
“Babalikan kita at pag bumalik ako, kasama ko na ang mga kaibigan mo.”
I never got to thank him because he leave immediately. Naiwan akong nag-iisa muli sa loob ng silid at dahil nakasara na ang pinto ay muli kong nasilayan ang missing poster ni Max. Dahil sa kuryosidad na malaman kung ano ang tunay niyang pangalan, I squinted my eyes to look closely.
Ceddie
Guerero
Missing since March 29 2022
Mahigit isang taon na rin pala simula noong naging sireno si Max. Ang tagal niya na palang nag-iisa, umaasang makakakita ng broken-hearted na taong mapapadpad malapit sa dagat para maging kapalit niya, and unluckily, it was me. But upon thinking, I don’t think I am unlucky this time as I got to see my father and discovered that my mom was the Sea Goddess. Buhay pa ang mga magulang ko at naging daan lang si Max upang makilala at makasama ulit sila.
Mabubuo pa kaya muli kami?
🌊29: New owner 🌊
Cleo’s POV
I don’t know how long I waited. Siguro mga isang oras mahigit nang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito si Papa. Nakasunod sa likod niya sila Arc, Max at Shaun.
They all looked worried for me. Napangiti naman agad ako nang makita silang apat.
Naunang lumapit sa akin si Arc. Alalang-alala siya. Pinasadahan niya pa ako nang tingin para masiguradong ayos lang ako.
“May masakit ba sa ’yo? Kamusta pakiramdam mo? Ayos ka lang ba?” Tanong niya sa akin.
I felt the warmth of his love. Parang nabalik ako sa nakaraan na kami lang. Noong kami pa at wala pang involve na Zamarah at ang anak nila. Ganitong-ganito siya sa tuwing may sakit ako. Sobrang maalaga si Arc, maasikaso. Kaya nang tanungin niya ako, wala akong maisagot sa kaniya. Nakatitig lang ako sa mukha niya habang isa-isang bumabalik ang mga ala-ala naming dalawa.
Mahal ko pa rin siya pero hindi na kagaya ng pagmamahal na meron ako noon.
“Best friend, ano ba kasing nangyari at napunta ka rito? Nawala ka na lang bigla habang hinahanap natin si lola!” Sumingit si Shaun sa tabi ni Arc.
Ngumiti ako sa kaniya at saka sinilip si Max sa likuran nila. He was just looking at me, giving some time for Arc and Shaun to have a talk with me.
“I found my father.” Sabi ko kay Shaun.
Kita ko ang gulat sa mukha niya. Itinuro ko si papa na nasa tabi ni Max.
“Paanong…?” Takang tanong naman ni Arc.
“He’s Poseidon. My long lost father.” Paliwanag ko sa kanila.
Everyone fell silent. Masiyadong mahaba ang paliwanag kung ikuk’wento ko pa sa kanila ang buong istorya kaya naman mas pinili ko na lang na tumahimik.
“Siya ang nakakita sa akin noong bumalik ako sa ganitong anyo. The glitch happened again. Hindi pa lumulubog ang araw pero nagpalit-anyo na agad ako.” Sabi ko pagkatapos ng mahabang katahimikan.
“Kaya pala kanina parang nawala sa sarili si Max. Tinitigan niya ako na parang hindi niya ako kilala.” Sabi sa akin ni Shaun.
Napatingin ako kay Max at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
“Two days from now, I promised you that the Poseidon’s program would be broken and we would be finally free.” Paninigurado ko sa kaniya.
“Ako na ang bahala sa paghahanap kay lola at sa coffee shop mo. Ang mahalaga ay matapos niyo na ang problema niyo diyan sa Poseidon’s Program na ’yan.” Ani Shaun.
“Thank you, Shaun. I don’t know how to pay you. Sobrang dami ko nang utang sa ’yo. Nakakahiya na.” Sabi ko sa kaniya.
Umiling siya, “You don’t have to pay me, Cley. Makatulong lang ako sa ’yo, masaya na ako. So please, go back to normal, okay? Gagala pa tayo sa MOA at sasamahan mo akong maghanap ng boys!” Masigla niyang sambit.
Tumawa lang ako sa mga sinabi niya.
Ilang sandali pa ay tumunog bigla ang cellphone ni Shaun. I saw how he turned hysterical upon talking to someone over the phone. When the call ended, he faced me worriedly.
“Marami daw media sa shop at hinahanap ka. Did anyone took videos of you when you turned to merman? Mukhang kalat na sa social media ang balita! Kailangan ko munang bumalik sa coffee shop, best friend. Iwan ko muna kayo.” Paalam niya at akmang aalis na pero pinigilan ko siya.
Humarap sa akin si Shaun at dahil nasa loob ako ng malaking aquarium, wala akong magagawa kung hindi ilapat ang mga palad sa glass wall at iparamdam sa kaniyang mahal ko siya bilang isang matalik na kaibigan.
“Thank you, best friend.” Usal ko at hindi na napigilan pa ang luha na dumaloy kasama ng kalmadong tubig.
Hindi ko alam kung pagkatapos nito ay makakabalik pa rin ako sa dati. Na kapag nagawa namin ang plano at nasira ang sumpa ng Poseidon’s Program ay mananatili pa rin ako sa mundo nila. Alam kong may posibilidad na bumalik ako sa dagat dahil ito ang tunay kong tahanan at hindi ko rin alam kung mabubura na ang mga ala-ala ko sa kanila kaya naman nilulubos ko ang pagkakataon na ito para magpaalam. Shaun has been with me since the first day of college. He was like a brother who I never had. Pinagtanggol niya ako sa mga nanti-trip sa akin. Binibigyan noon ng pagkain sa tuwing kapos ang budget namin ni lola. Pinapatulog sa kanila sa tuwing may project kami na lagi namang nauuwi sa kwentuhan. Shaun have this special place in my heart and I know, even if all the memories of us went gone, my heart never forgets. He wouldn’t be forgotten.
“Umayos ka nga! Bakit ba umiiyak ka!” Pabiro niyang sambit at saka lumapit sa akin. He even did the same, held me like the glass wall is the only thing that separates us.
“Ikaw na ang bahala kay lola kapag hindi ako nakabalik sa mundo niyo. If she asks me where I am, ikaw na ang bahalang magpaliwanag. ’wag na ’wag mo siyang pababayaan, Shaun. Magagalit ako sa ’yo kapag nalaman kong pinabayaan mo si lola!” I told him as another bunch of tears exploded from my eyes.
Tuluyan nang tumulo ang luha ni Shaun. Ramdam ko ang pighati sa bawat paghikbi niya. Sobrang nasasaktan ako habang pinagmamasdan siyang ganito.
“Hindi ka naman nagpapaalam, ’di ba? Cley, marami pa tayong gagawin kapag bumalik ka kaya ’wag kang ma-eme diyan at hihintayin ko ang pagbabalik mo!” Protesta niya at saka pinahid ang luha. “Ang pangit mo umiyak!” Pang-aasar niya pa at saka tumawa.
Natawa ang lahat sa sinabi niya pati na rin ako. He smiled to lift up the mood. The traces of his cry could be seen in his eyes. Napakaiyakin talaga ng kaibigan kong ’to.
“O’siya, baka nakikipagbakbakan na sila Wilson, Amanda at Nash doon. Kailangan nila ang ganda ko para puksain ang mga media. Babush na best friend, sasaklolohan ko lang muna sila!” Masiglang sabi ni Shaun at saka nagtungo malapit sa pinto. He did a one last glance on me before leaving.
Hinarap ko iyong dalawa, si Max at Arc. Si papa ay tahimik lang din na nakatayo sa gilid ni Max.
“Saglit at ipaghahanda ko kayo ng makakainn. Maiwan ko muna kayo.” Paalam ni papa sa amin at saka lumabas ng silid.
Naiwan kaming tatlo ngayon. The atmosphere was kinda heavy. Hindi ko maipaliwanag pero hindi ako komportable na silang dalawa ang kasama ko ngayon sa isang silid. Parang may worry o siguro takot lang ako na gawan na naman ng hindi mabuti ni Arc si Max at hindi ko madedepensahan si Max dahil nandito ako sa loob ng malaking aquarium na ’to.
“I won’t harm him. Don’t worry. If that is the thing that worries you, don’t worry. Hindi ko gagalawin si Max.”
Nahalata siguro ni Arc na balisa ako kaya iyan ang nasabi niya.
Lumapit siya sa akin at saka naupo sa gilid ng pader sa gilid mismo ng aquarium. Si Max naman ay naupo sa mismong kinatatayuan niya paharap sa akin.
“Malapit na ang blue moon. Malapit mo nang makasama ang pamilya mo, Max. Matagal ka na nilang hinahanap.” Usal ko at saka tinuro ang poster na nakadikit sa dingding doon sa likuran niya.
Napalingon siya ’ron at panandaliang natigilan.
“Ceddie Guerero? Is that my real name?” Tanong niya na sinang-ayunan ko naman.
“Isang taon na rin simula nang mawala ka, Cedd. Miss na miss ka na ng pamilya mo.” Calling him by his real name is so unusual. Nasanay na kasi akong Max ang tinatawag sa kaniya.
“Mas gusto ko ang Max.”
That kinda lifted my heart. He prepared Max than his real name. Mas gusto niya pa rin gamitin ang pangalan na ako mismo ang nagpangalan sa kaniya.
“Enjoy your life once you redeemed it, Max. Kung maaari sana ay ’wag mo akong kalimutan.” Those words came out like a bliss. I badly want to be part of his life but there’s a certain part of me that says there is a possibility that he might forget me once he became human again.
“Iba pa rin mabuhay kasama ka, Cley. Nasanay na ako na ikaw ang kasama ko. Sa tuwing gigising, ikaw agad ang bubungad sa akin. I love serving inside your coffee shop because you were there. Nakikita kita. Nakakausap. Nahahawakan. At kung mabubuhay akong muli bilang tao sa mundong ’to, parang hindi na ulit kagaya noong kasama kita. Hindi natin alam kung mabubura ba lahat ng ala-ala natin sa isa’t-isa pero alam ko, ang dagat ang siyang kokonekta sa ating dalawa. Makalimot man ang isip ko pero hinding-hindi ang puso.”
He was looking at me. Every word he delivered was like a warm hug that enveloped around my heart. I felt his genuine love and in just a short period of time, alam kong natutunan kong mahalin ang isang Max, ang tao na gumulo ng lahat. Ang tao na naging daan para makilala ko ang mga magulang ko at madiskubre ang lahat sa nakaraan. Ang tao na nagturo sa akin na maaaring maghilom ang sugat sa pamamagitan ng pagmamahal.
It’s hard to admit it but I think, Max took my heart with him. He was the one who owned it now. Siya na ang hinahanap nito at alam kong naging denial ako sa sarili kong nararamdaman. I kept on telling that I’m still inlove with Arc but the truth is, Max was the one who makes my heart crazy whenever he is around. Hindi na si Arc ang tinitibok nito kundi siya na at napatunayan ko ito sa oras na ito.
“Wala akong ideya kung magkikita pa tayo matapos ang hinihintay nating paglitaw ng blue moon pero gusto ko sanang lubusin ang oras na ’to para magtapat sa ’yo, Cley.” Taimtim na saad ni Max.
Napansin kong tumayo si Arc mula sa kinauupuan na para bang naaalarma. Hindi ko siya pinagtuunan nang pansin at hindi ko sinara ang koneksiyon na meron ang mga mata namin ni Max. I saw the genuine joy in it. His tears might nmbe forming around his eyelids but I know, it was coming out from happiness.
“Mahal kita, Cleo.”
Three words but was enough to make my heart explode.
Mahal niya ako. Mahal ako ni Max.
*
🌊30: The calling 🌊
Cleo’s POV
Arc and Max stayed with me during my remaining days before the blue moon. Para silang nagpapaligsahan dahil wala ni isa sa kanila ang iniwan ako sa loob ng silid.
I’m glad that Max and I were on the same page. Nakakalungkot lang na kung kailan maghihiwalay na kami, doon lang namin naamin sa isa’t-isa ang nararamdaman. Hindi namin alam kung ano ang naghihintay sa aming dalawa matapos namin masira ang Poseidon’s Program kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung magtutuloy-tuloy ba ang istorya namin ni Max. I want it to happen but I don’t know what would be the destiny planned for us.
Arc on the otherhand remained persistent. He stayed even though he already saw it himself the confession between me and Max. I know it broke him but still, he stayed. Mahal ako ni Arc pero huli na ang lahat para sa amin. May pamilya na siya at mas mabuti kung magpapaka-ama siya sa bata na anak niya. Like what I told him before, if loving me means of breaking the child’s life, its better to end what is between us than ruining one innocent life.
Nandito ngayon sa loob ng silid si papa at naghihintay na lang kami sa oras na lumubog ang araw at saka lumitaw ang blue moon sa kalangitan.
Napag-usapan na namin ang plano ni papa. Hindi naman ito gano’n kahirap kaya alam kong magagawa namin ito nang maayos. Ang problema lang ay ang pagsama niya sa akin sa ilalim ng dagat. He was a human so his breathing capability is not the as same as with us, merpeople. Ang sabi niya ay kaya niya kaya naman magtitiwala ako sa kakayahan ni papa.
Mayamaya pa ay nakarinig ako ng tinig, hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng lakas at pagkaraa’y nablanko’t nawalan ng malay.
Third person’s POV
The calling started. It was the Sea goddess’s voice who was singing a soothing melody to gather all the merpeople around the world. Kahit na gaano kalayo ang mga merpeople sa kaniya ay maririnig siya ng mga ito at panandaliang mahihipnotismo upang magsama-sama kung saan gaganapin niya ang nakaugalian. She will choose one merman or mermaid to become human again. Ito ang pinakahihintay ng lahat ng merpeople upang makalaya sa sobrang kalungkutan na sanhi ng Poseidon’s program.
Dahil sa dumating na ang oras na pinakhihintay ay naghanda na si Poseidon upang gawin ang plano nila ni Cleo. Nagulat na lang sila ni Arc nang makita na pati si Max ay lumutang sa era kagaya ni Cleo na kusang nakalabas sa malaking aquarium na kinalalagyan. Their eyes were open but emitting a blinding light. Hindi maiwasang mamangha ni Arc dahil ang dalawa ay nakalutang lang sa era at pagkaraa’y umusad palabas ng bahay.
Nakasunod lang si Poseidon at Arc sa kanila. Max and Cleo made a way towards the nearest shore. Doon ay nakahanda na ang maliit na bangka na gagamitin ni Poseidon at Arc upang isagawa ang plano nila.
Suddenly, their heart started glowing. Kulay asul ang kulay ng liwanag na nagmumula sa puso ni Max at Cleo. Napansin din nila Poseidon at Arc ang mga liwanag na nagmumula sa ilalim ng dagat ngunit kaibahan ito sa kulay ng liwanag na nagmumula sa puso ng dalawa. Tila ba bumaba ang mga bitwin at sumabog sa ikailaliman ng karagatan. The merpeople’s heart are glowing yellow, a sign that they are all heart-broken.
Dali-daling sumakay si Poseidon at Arc sa maliit na bangka at nagsagwan upang masabayan ang papalapit na si Max at Cleo sa tubig.
Unti-unti ay lumusong ang mga ito sa tubig papunta sa malalim na parte ng dagat kasama ng ibang merpeople na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Sea Goddess.
Dahil iba ang kulay ng puso nila Max at Cleo ay naging madali kay Poseidon ang sundan sila. Nakalubog na kasi nang tuluyan ang dalawa sa tubig.
Sagwan lang nang sagwan si Arc at Poseidon para masabayan ang dalawa sa ilalim ng dagat. Hindi nila alam kung gaano sila katagal sa ginagawa. Sobrang pawis na pawis na ang mga ito dahil sa takot na mawala sa paningin ang mga sinusundan.
Nang mapansing huminto ang mga asul na liwanag ay hudyat na ito na nandirito na sila kaya naman tinanguan ni Arc si Poseidon upang ipaalala na oras na para isagawa ang plano nila ni Cleo.
Poseidon dived into the water. He held his breath and looked for Max and Cleo. Nang makita ang dalawa ay agad siyang lumangoy palapit kay Cleo at saka kinuha ang punyal sa suot nitong sling bag na siya mismo ang gumawa.
Tinitigan ni Poseidon ang mukha ng anak at saka marahang gumawa ng sugat sa palad nito. Dahil doon ay nawala si Cleo sa ilalim ng kapangyarihan ng Sea Goddess.
Poseidon gave him the sacred knife and hugged his son, reminding him to be careful.
Pagkatapos noon ay umangat na si Poseidon sa itaas upang makakuha ng hangin at makahinga. Maghihintay na lang siya ng tiyempo upang gawin ang sunod na plano nilang mag-ama.
*
Cleo’s POV
When my father left me, buo na ang desisiyon kong gawin ang nararapat kahit kailangan kong kumitil ng buhay para sa ikabubuti ng nakararami.
Panandalian kong inilibot ang paningin. Every merpeople are under the Sea Goddess power. Mas magiging madali ang lahat dahil hindi sila magiging balakid na gawin ang mga plano ko. Ngayon ay kailangan ko na lang humanap ng tiyempo at makalapit sa kinaroroonan ng Sea Goddess.
Aalis na sana ako nang mapansin ang lalaki na nasa tabi ko. He had the pair of legs and yet he still became part of this calling. Kami ang glitch ng sistema kaya kahit nasa anyong tao si Max ay hindi siya naging ligtas mula sa kaganapang ito.
Ibinalik ko sa suot na sling bag ang hawak na punyal at saka hinarap si Max. Tinitigan ko ang mukha niya at katulad noong una ay hindi pa rin nag-iiba ang epekto niya sa akin. His handsome face never fail to make my heart a mini back flip. Napakaguwapo niya kasi at hindi-hindi ako magsasawa na titigan ang maamo niyang mukha.
“I love you.” Bulong ko sa kaniya at saka siya niyakap.
He told me to slit his palm so that he could help me with my plan but then I am not going to do it now. Gagawin ko ito nang mag-isa at mas pipiliin ko na maging ligtas siya kaysa mailagay na naman siya sa kapahamakan.
I held his cheek and kissed it afterwards. It was a farefall kiss because I don’t know what’s waiting us after this night. Hindi ko alam kung magkikita pa ba kami ni Max pagkatapos nito.
Kahit na labag sa kalooban ko na iwanan siya ay dahan-dahan na akong lumayo. Bitbit ang pag-asang maisasagawa ko nang maayos ang plano na ito.
Bawat kampay ng buntot ko ay tila ba pabigat nang pabigat ang lungkot na nararamdaman. I am going to kill my mother, the Sea Goddess. I chose to free the Merpeople than her. Siguro naman ay tama ako ng pinili dahil siya pa rin ang sirena na halos kumitil sa buhay ni papa. If not because of my auntie’s power, my father would be gone. Kung hindi siya niligtas ni Pherousa at pinadala sa mundo ng mga tao ay tuluyan nang nawala si papa sa amin.
Sana hindi ako mag-sisi sa desisiyong pinili ko.
Sinundan ko ang magandang boses na kanina pa naglalaro sa magkabila kong tenga. Nahinto pa ako nang makita ang sariling dibdib na nagliliwanag ng asul. Ngayon ko lang kasi nakita na magliwanag ito ng ganito. Broken-hearted people usually glow their hearts into yellow but it was so unusual to see merpeople do it, like me who has an unusual color blue. Ibang-iba sa kung ano ang meron sila.
I pushed the idea at the back of my head and focused on what is more important now.
I removed the sling bag and threw it away. I need to act this out. Kailangan ay hindi ako mahalata ni mama, ng Sea Goddess na meron akong balak na kitilin ang buhay niya.
I hid the sacred knife at my back, holding it tight so that it wouldn’t slip away of my hand again.
Ilang dipa ang layo ko mula sa tinig nang mahinto ako sa nakita.
Isa, dalawa, tatlo… Anim. Anim na sireno at sirena ang nakikita ko ngayong pinalilibutan ng mga merpeople. Their hearts are glowing blue like mine and what surprise me the most was the guy at the side. His eyes are glowing and was like under the Sea Goddess’s spell. It was no other than Flynn , the Ocean’s encyclopedia.
*
🌊31: The key to end the curse 🌊
Cleo’s POV
“After the long wait, you are finally here my brother.” The Sea goddess uttered. Her voice echoed and like a beautiful melody to my ears. What surprised me the most is that she’s not my mother. Siya na mismo ang nagsabi na siya ay kapatid ko.
The confusion made my eye brows furrowed. Hindi ko maintindihan pero paanong nangyari na ang Sea Goddess na matagal ko nang hinahanap ay kapatid ko pala?
“Triton, welcome back to us.” Saad niya pa at saka lumapit sa akin. She embraced me and that gave warmth to my heart.
Nagulat na lang ako nang kuhanin niya ang punyal na itinatago ko mula sa aking likuran. She elevated it in front of us and then moments later, I saw it exploded.
“Long time ago, mom lost herself because of father’s power. Masiyado siyang nahulog sa kung ano ang pwedeng magawa ni ama sa kapangyarihan niya. He even gave mother half of his power but mom wasn’t contented. She wanted more.” Pag-uumpisa niya. She built up our connection just by staring right through my eyes.
“She tricked everyone. Every Sea Deities just to own father’s power. We did everything to stop her, to save her but she got obssessed with the Poseidon’s power, turning her into a monster we didn’t expect her to be.” Namumuo na ang luha sa mga mata niya. Ramdam ko ang pighati sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Nalulungkot din ako na nakikita siyang ganito.
“Ang akala namin ay magiging maayos ang lahat nang ipanganak ka niya pero mas lalo lang lumala. She was so determined to get father’s trident and kill him just to rule the whole ocean. She started pointing the trident to us. Isa-isa sa ating magkakapatid hanggang sa ’yo na handa ka na niyang patayin noong panahon na ’yon kaya sinalo ni ama ang atake ni ina sa iyo. Our aunt Pherousa came to rescue us and sent you and father to human world so that you wouldn’t be harm by her again.”
Pherousa? Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan ang kwento niya! Si Pherousa ang nagpakita sa akin ng lahat-lahat at kitang-kita ko na ang Sea Goddess ang pumatay kay papa. Siya ang nagtangkang kumitil din ng buhay ko! Paanong nangyari na siya at ako ay magkapatid? Hindi ko maintindihan pero may mali sa mga pinakita sa akin ni Pherousa. Did she tricked me? Hindi pala totoo lahat ng ipinakita niya?
“Amphitrite, our mom, we improsoned her inside a cruise ship and the only way to make her free is to see you again, her youngest child.”
Pumatak ang luha sa mga mata ko. The mermaid that I called a witch is no other than my mom. Simula pa lang noong naghahanap kami ng kasagutan patungkol sa Poseidon’s Program ay kasama ko na siya. Hindi ko inaakalang ang babae na kinatatakutan ko ay siyang nagbigay sa akin ng buhay.
“But where’s our aunt? Where is aunt Pherousa?” Tanong ko sa kaniya at saka sumilip sa likuran kung saan naroroon ang iba pang sirena at sireno na katulad namin ay merong asul na liwanag sa dibdib.
“She saved father and you, Triton. Para mapadala kayo sa mundo ng tao ay kailangan niyang isakripisiyo ang sarili kapalit noon ay ang pagiging tao niyo. Aunt Pherousa love you so much. She’s willing to die just to protect you. Siya rin ang nag-aalaga sa ’yo noong mga panahon na wala sa sarili ang ating ina. She became your mother and until her last breath, all she wanted was your safety.”
Nahinto ako sa sinabi niya. Mom used my aunt’s name for her own sake? My mother was the real villain here. She lost herself for wanting too much power. Hindi ko alam pero nabuhay ang matinding galit sa puso ko. Walang paglagyan ang poot na nararamdaman. Pilit kong iniisip bakit niya nagawa ang lahat ng ito. She destroyed the whole Merland City and tore every merpeople’s heart.
“Para makita kayo, we designed a program in which a merman could benefit from a human and vice versa. We even named it Poseidon’s Program because I remembered father’s obssesion about building the connection between the people and the merpeople. He wanted to live with them and stop the idea of us being the monster of the sea, but the people are so cruel. It couldn’t be done. We just used the program to look for you and now you are here. You’re home, Triton.” Nakangiting saad ng Sea Goddess sa akin.
“I am your sister, Benthesikyme, the Goddess of waves. Let me introduce you to other Sea deities.” She said and guided me towards them.
Itinuro niya ang isang babae na may mahabang buhok. Sobrang ganda niya at napakatingkad ng kulay lila niyang buntot.
“She is your sister too, She’s Rhodos, the Goddess of Rhodes.” Pakilala niya ro’n sa babae. She vowed down and so I did it too.
Pinakilala niya pa sa akin ang iba pang kasama. Aegaeon is the God of violent sea storms. Ceto is the goddess of sea dangers and sea monsters. Leucothea is the goddess who helped sailors in distress and Galene who is the goddess of the calm sea. They all helped my sisters, Benthesikyme and Rhodos to make the Poseidon’s program.
“And now, this merman. We need to bring him back here with us.” Sambit niya at saka sabay-sabay nilang itinaas ang palad at pinatama ang kapangyarihan sa kinaroroonan ni Flynn.
I saw how his pair of legs turned into tail. Nagkaroon din siya nang malay at saka napatingin sa akin. His smile suddenly appeared upon seeing me.
“Welcome back, brother.” He said and rushed towards me. Agad niya akong niyakap sa tuwa. I don’t know but there is something different about Flynn now. Parang hindi na siya iyonh Flynn na kilala ko. He turned into a different merman now.
“He’s our half-brother, Theneus. A demi-god, half-god and half human. He was our father’s son to a mortal.” Paliwanag ni Benthesikyme.
Kapatid ko si Flynn at ang tunay niyang pangalan ay Theneus. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito ngayon. Parang sasabog na ang ulo ko sa dami ng impormasiyong nakakalap ko.
“I’m glad to meet you all here tonight but sister, I want to know how to end the Poseidon’s Program. I want to help everyone to get out of this curse and be free. Please tell me what should I do to end it.” Pakiusap ko kay Benthesikyme.
Ngumiti siya sa akin at saka hinawakan ang mga kamay ko. She looked me in the eyes and said, “True love is the only way to end the Poseidon’s Program. We designed it to put every merpeople in a never ending cycle of life. They are focused on how to turn into human so they are looking for someone with a broken heart. A kiss is the only way to seal the deal but little did they know, a true love’s kiss is also the only way to end the Poseidon’s Program.”
Nahinto ako at saka naalala si Max. If I am going to kiss Max, matatapos na ba ang Poseidon’s Program?
“I love someone and he was here with us. Kung hahalikan ko ba siya ngayon ay matatapos na ba ang sumpa ng Poseidon’s Program?” Tanong ko sa kapatid.
“It must be one true love, brother. Mahal mo ba talaga siya?” Paninigurado niya.
Tumango ako, “Mahal ko siya.” At saka ako tumangong muli. “Mahal na mahal.”
“Then do it.” She said. I turned my back and was about to find Max when I heard a familiar voice.
“Nakialam ka na naman sa amin, Benthesikyme! You always ruin everything!”
Dumagundong ang boses ng aming ina sa buong karagatan. She showed up in front of me, holding the most powerful thing ever existed under the sea, it’s my father’s trident and she was pointing it at me.
*
🌊32: True Love’s Kiss 🌊
Cleo’s POV
“One wrong move and he will die.” Wika ni mama sa mga kasama kong Sirena at Sireno.
“Hindi ka ba natutuwa na sa loob ng dalawampu’t tatlong taon ay nakita mo kaming muli, ina?” My sister Benthesikyme asked her. I could feel the sadness in her voice. Lubos na nangungulila sa pagmamahal ng isang ina.
“Ina, sobrang miss na miss ka na namin kaya pakiusap, bumalik ka na.” Said Rhodos, my other older sister.
Tumawa si Pherousa na siya palang ina naming magkakapatid. She was no other than our mom, Amphitrite.
“Wala naman ako ibang hangad kundi ang makawala sa kulungan na ’yon para maipagpatuloy ko nang muli ang plano ko. Kung sana hinayaan niyo ako noon pa lang ay hindi na aabot pa sa ganito ang lahat!” She shouted at us. Galit na galit siya at sa tingin ko, isang maling galaw ay mamamatay ako dahil sa akin nakatutok ang trident ni papa.
“You almost killed Triton, your own son! Sa tingin mo ba hahayaan ka naming pagharian ang buong karagatan kung pati ang sarili mong anak ay handa mong patayin para lang sa kapangyarihan?” Saad muli ni Benthesikyme.
“The monster consumed you. You’re not our mother anymore!” Sigaw naman ni Rhodos sa kaniya.
“But we can still fix this.” This time. It was Theneus who spoke up. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin pero nahinto rin nang itinutok sa kaniya ni mama ang makapangyarihang trident ni Poseidon.
“It’s not too late, mother. Please, come back to us.” Dugtong pa ni Theneus.
“Dont call me mother! Hindi kita anak! You are nothing but a half God with a slut mother who rode in Poseidon’s dick so shut up!” Sigaw sa kaniya ni mama.
Nagulat ang lahat sa sinabi niya. It was a bad insult. Alam ko kung gaano kasakit para kay Flynn iyon.
“Stop!” Mahinahong sambit ni Flynn. I prefer calling him Flynn than Theneus. Hindi ako sanay na tawagin siya sa kaniyang greek name.
“Anong gagawin mo sa akin? Papatayin mo ako? Then go? Kill me!” Our mom really wanted to tease Flynn and that fueled his anger to attack.
Everything happened in a swift. Nalaman ko na lang na dumating si Papa upang saluhin ang atake ni Mama para kay Flynn. Natamaan siya sa bandang likod ng kaniyang balikat ng kuryente na nagmula sa sarili niyang trident.
We all gathered to help dad. Napuruhan siya dahilan para mawalan siya nang malay.
“Hindi ba pwedeng gawin niyo na lang sa kaniya ang ginawa niyo kay Flynn para bumalik siyang muli sa pagiging merman? If he stay here for a little longer, dad would die.” I said to Benthesikyme.
Malungkot siyang umiling sa akin, “The only way for him to become like us is to get his trident back. Don’t worry. I can provide him air through a bubble but it wouldn’t last long.”
Benthesikyme created a huge bubble and put it to our father’s head. My sister Rhodos was healing him. Mom lost her mind. Wala na kaming magagawa pa para tulungan siya.
Lumayo ako sa kanila at saka hinarap si mama. Nakangiti siya sa akin pero kapansin-pansin ang lungkot sa ngiti niyang ’yon.
“I know you’re sad seeing all of us here. We are complete and yet felt incomplete because of what you did.” Wika ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot. Napalingon lang siyang muli kay Poseidon at saka ibinalik sa akin ang tingin niya.
“There was still love in your heart, mother. I knew it. Alam kong mahal mo pa rin kami.” Siguro kung ipagpapatuloy ko ito ay magagawa kong ma-brainwash ang isip niya. The only thing in my mind is to get that trident from her and save our father.
Umiling siya sa akin na parang litong-lito sa mga sinasabi ko. “Huminto ka! Huminto ka sa mga pinagsasasabi mo!”
I took the chance to swim towards her, slowly. Iyong paraan na hindi niya napapansing lumalapit ako pero bago ako makalayo sa mga kasama ay narinig ko pa ang ibinulong sa akin ni Flynn.
“Careful.”
I just smiled at him and proceed to my plan.
“Hindi ba masaya kung mabubuo tayong muli, mama? Ikaw at si papa, kasama kaming magkakapatid. Makakapag-umpisa tayong muli na para bang walang nangyaring ganito. Handa kaming patawarin ka dahil mahal ka namin. Mahal na mahal ka naming magkakapatid.” Pagpapatuloy ko, umaasahang mahuhulog siya sa mga salitang lumalabas sa aking bibig.
Nakatapat pa rin sa akin ang trident na ’yon at tanging lakas lang ng loob ang bitbit ko sa puntong ito.
I badly want to use my ability to stop her but that is too risky. Hindi ko pa masiyadong gamay ang abilidad ko at baka pumalpak lang ako kaya mas mabuti kung kakausapin ko na lang nang masinsinan si mama at baka sakaling mapalambot ko ang puso niya.
“We can be a family again. But the decision is in your hand, mother. Sumuko ka na at mag-umpisa tayong muli. Itigil mo na ito, ma. Pakiusap.” I uttered.
“Stop right there or else I will kill you!” Bawat salita na binigkas niya ay may kaakibat na galit. She was so determined to kill me but I didn’t listen. I continue moving towards her because I know, there’s still kindness that’s left in her heart.
“Mom, hear me out. Please.”
Those were the last words I uttered before I heard a loud sound. Everything was like in slow motion. The way the trident released the powerful thunder who was going straight in my direction and the guy who appeared right beside me.
Max took that attack for me.
…and then my world stopped upon seeing the blood sacttered around the area.
I heard gasps from them and just like a glass, my heart shattered into pieces when I saw Max sinking down the water.
I didn’t hesitate to swim towards him. With all my strength, I took Max inside my arm and locked my eyes with his eyes.
Agad na sumabog ang luha mula sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang ngiti niya. He was struck right on his heart. Blood scattered everywhere. Walang pagsidlan ang kaba sa puso ko dahil sa takot na baka mawala sa akin ang taong mahal.
“Bakit mo ginawa ’yon, Max.” I uttered. Walang hinto ang luha ko habang pinagmamasdan siya.
Max lifted his hand and touched my cheek, as if wiping my tears.
“Stop crying, you cry-baby. Mahihirapan akong iwanan ka kaya huminto ka na.” He said weakly.
Nakakulong si Max sa mga bisig ko at wala akong balak na pakawalan siya. Wala ako ibang maramdaman kundi takot na maiwan niya. Hindi pa nag-uumpisa ang kwento naming dalawa ay tapos na agad? Marami pa akong gusto gawin kasama si Max. Maraming oras pa kaming ilalaan sa isa’t-isa. Gusto ko pa siyang dalhin sa mga lugar na napuntahan ko, makipagpalitan sa kaniya ng mga kwentong tungkol sa mga buhay-buhay naming dalawa. Gusto ko pa siyang makilala ng lubos at higit sa lahat ay mamahalin ko pa siya sa paraang alam kong magpapasaya rin sa kaniya.
My heart tormented when I saw Max cough with blood. Parang nilalamukos ang puso ko habang pinagmamasdan siyang mag-agaw buhay sa mismong mga bisig ko.
“You know what, I want to share a fact with you.” He said, almost a whisper.
“I will listen.” Bulong ko at saka niyakap siya. Doon ay mas lalong bumuhos ang luha mula sa aking mga mata.
“Back there at the cliff, I really don’t have intentions of lurking you to become a siren. Well, merong kaunti pero noong nakita ko ang lungkot sa mga mata mo noon, I badly want to stop turning you to a merman.” Hindi ko na halos marinig ang boses niya dahil sa panghihina. Sinasabayan pa nang paghikbi ko dahil hindi ko na makontrol pa ang sarili. Natatakot ako na mawala si Max sa akin. Natatakot ako na ito na ang huling pagkakataon na makakausap ko siya.
“I kissed you to save you, Cley. Your head hit the rock and you were bleeding that time. Kung hindi kita hinalikan noong gabi na ’yon ay wala ka na sa akin ngayon.” He said.
Hindi ko na nagawa pang sumagot. Para akong tanga na iyak nang iyak sa sitwasiyon naming dalawa. He did it on purpose. Hindi lang dahil sa gusto niyang makawala sa sumpa kundi dahil sa kagustuhan na maligtas ako mula sa kamatayan. Hanggang ngayon, handa siyang iligtas ako kahit kapalit pa nito ang buhay niya.
Napansin ko ang sugat sa palad niya. Someone slit his palm to be awake and entered the whole scene. Malakas amg kutob kong si Amphitrite ang gumawa nito bago siya nagpakita sa amin. Napakasama niya talaga!
“I don’t know if I still have chance to see you again, Cley but I hope in my next life, I would cross-path with you again. I love you…”
Pahina na nang pahina ang boses niya. Nang ilayo ko ang sarili mula sa pagkakayakap sa kaniya ay napansin ko ang unti-unting pag-sara ng kaniyang mga mata.
“No. Max! No! Stay awake! Stay with me. Please! Don’t fall asleep! Hindi pwede! Max!” I tried calling him hoping that his eyes would open but I failed.
My tears kept on flowing as the pound of pain placed on my chest to make my heart suffer even more. Hindi ako papayag na mawala si Max. Hindi ako papayag na hanggang dito na lang ang kwento naming dalawa. Kaya kahit hindi ako sigurado ay inilapat ko ang labi sa kaniyang labi, umaasang maililigtas ko siya kagaya ng pagligtas niya sa akin noon.
I slowly closed my eyes as the blinding light enveloped the two of us. Magkikita pa tayo, Max.
*
🌊33: The End of their Misery🌊
Third Person’s POV
Amphitrite casted an attack on Cleo and Max but the blinding light protected the two of them.
Bumalik ang atake na iyon ni Amphitrite dahilan para siya ang sumalo ng sariling atake.
She lost her strength as the trident slipped off her grip.
Nang maka-recover si Poseidon mula sa sinalomg atake ng asawa kanina ay agad siyang lumangoy patungo sa asawa. She held her and then took the trident back.
Dumagundong ang buong karagatan kasabay nang pagsabog ng liwanag mula kay Cleo at Max.
Suddenly, Poseidon’s power went back. His legs was immediately replaced by his shiny golden tail.
Nahinto ang lahat nang makita ang mga merpeople na isa-isang binabalot ng liwanag at saka napapalitan ng binti ang mga buntot nila. Some of the merpeople stayed, those were the original mermaids and mermen who were already part of the underworld while the ones who are turning to human are the people who got to be part of Poseidon’s Program.
“They are finally free. Triton and that guy ended the Poseidon’s Program.” Bulong ni Benthesikyme sa sarili.
Sa kabilang banda, habang isa-isang bumabalik ang mga merpeople sa pagiging tao ay nakakulong pa rin sa bisig ni Poseidon ang kaniyang walang malay na asawa.
“You didn’t deserve all the hate, my love. I’m sorry.” He said while looking at her pretty face.
Mahal na mahal niya ang asawa at handa siyang gawin ang lahat bumalik lang sa dati ang buhay nila. He wanted to start all over again but he knew, it was impossible to happen.
Napansin ni Poseidon ang unti-unting pagbalik ng malay ni Amphitrite.
“Hindi pa huli ang lahat sa atin mahal ko. Mag-umpisa tayong muli. Handa akong gawin ang lahat para lang mabuo ulit tayong pamilya. Pakiusap, sumama ka na sa akin ngayon.” And for the first time, Poseidon shed a tear in front of his wife.
Ngumiti si Amphitrite sa kaniya. Hinang-hina ito dahil napuruhan siya sa lakas ng atakeng bumalik sa kaniya. She lifted her hand and touched her husband’s cheek.
“I’m sorry, I lost myself. You don’t deserve a monster like me, Poseidon.” She uttered and slowly, her lips planted a kiss on Poseidon’s cheek.
“Be free, my love. I’m sorry for ruining everything. I love you.” Said Amphitrite and with that, she took the trident and stabbed her own heart.
Napasigaw si Poseidon sa ginawa niya. Gano’n din ang mga anak nila at ibang mga Sea Deities na nakakita sa ginawa ni Amphitrite.
Poseidon pulled the trident from her wife’s chest. He did everything to heal her but it’s not working. Little did he know that before Amphitrite faced them all here, she spilled a special potion on the trident that would block the strongest power to save her from death. It was her final plan if she wouldn’t succeed on the original one.
Binalot ni Poseidon ang mga braso sa asawa. He hugged her, mourning for the death of her wife. Half of his heart collapsed and he knew, it wouldn’t become full again.
Slowly, Amphitrite was turning into sea foam. Poseidon took the remaining time hugging the love of his life. Wala namang magawa sila Benthesikyme, Rhodos, Theneus at ang iba pang Sea Deities kundi ang umiyak at damayan sa pagluluksa ang hari ng karagatan.
Nawalan ng malay si Cleo matapos mawala ang matinding liwanag na bumalot sa kanila. Max on the otherhand became human again. He got his feet back and when Flynn saw the two of them, he immediately took Max to the surface. Kung hindi niya kasi gagawin iyon ay malulunod ang binata dahil wala rin itong malay kagaya ni Cleo.
The situation here was a phenomenal. Naging tao ang marami sa mga merpeople at nagising sila na takang-taka sa kinaroroonan. The sea became a large pool party wherein people kept on popping in the sea surface. That time, the Poseidon’s Program was broken and they all got the freedom to start a new life again.
Dahil nakaabang ang media sa tabing dagat, umaasang makakakuha ng impormasiyon matapos kumalat ang video ni Cleo na naging sireno sa lupa, nasaksihan nila ang mga tao na isa-isang umaahon sa dalampasigan. Ang mga nangyayari ay nabalita sa buong mundo sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Walang kahit na sino sa kanila ang may ideya kung ano ang nangyayari ngayon. Wala ding mga tao ang nakakatanda sa buhay nila bilang sireno at sirena dahil parte ng programa ang pagkawala ng kanilang memorya oras na bumalik ang lahat sa dati.
Since Max was with Flynn. Maingat na dinala ni Flynn si Max sa dalampasigan kung saan walang masiyadong nakakakitang tao sa kanila. Inihiga niya ang binata sa buhanginan at saka yumuko rito tanda ng pasasalamat sa pagkakaibigan na nabuo sa kanilang dalawa. When he was alone before, Max was the one who accompanied him. Kahit na nakasaad na bawal magsama ang merman sa kahit na sinong merman, Max stayed and became friends with Flynn. Kaya naman labis ang pasasalamat ni Flynn sa taong hindi siya inabanduna simula pa noon.
“Take care, my friend.” Said Flynn and he put his palms on Max chest. Nagliwanag ang mga palad ni Flynn sa saglit na oras. He casted a spell to Max just to gain back his consciousness.
Lumayo muna si Flynn sa kaibigan at ilang segundo lang matapos siyang lumayo ay napaubo si Max at napabalikwas mula sa pagkakahiga.
Takang-takang siya sa kinaroroonan. Nakaramdam din siya ng sobrang pagod at pagkauhaw.
Tumayo ang binata at saka sumulyap sa dagat dahil napapansin niya ang mga tao na tinatahak ang daan patungo sa dalampasigan. Nagtataka siya kung saan galing ang mga ito. Hindi niya alam ay nakatingin din si Flynn sa kaniya mula sa ilalim ng tubig.
“Mag-iingat ka palagi, Max. Hanggang sa muli nating pagkikita.” Said Flynn and then Max turned his back and walked away, confused on what happened to him in the water.
*
When Amphitrite was gone. Poseidon took the unconscious Triton and placed him in a comportable sea anemone that serve as his bed.
Using his power, he built a castle underwater. The remaining merpeople rejoice as well as the other sea deities. Nagtulong-tulong silang lahat na buhayin ang sibilisasiyon sa ilalim ng dagat. All the destroyed sanctuary rebuilt by their powers. Muling nabuhay ang saya sa ilalim ng dagat nang bumalik ang hari ng karagatan na si Poseidon.
It must be happier if Amphitrite surrendered and accepted her defeat. Sana ay kumpleto sila ngayon. Malungkot man si Poseidon ay wala na siyang magagawa kundi tanggapin na wala na ang pinakamamahal na asawa. She chose death over them. It was her own decision.
And for the final move, Poseidon went to Triton’s side. Pumalibot din ang mga kapatid niya sa binata. Ganoon din ang ibang Sea Deities.
“Son, wake up.” Bulong ni Poseidon sa anak at pagkaraan ng ilang sandali ay dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Triton.
Bumungad sa kaniya ang mga nakangiting mukha ng mga kapatid. The sea creatures rejoiced. Sumayaw sa kalmadong daloy ng tubig ang mga jelly fish na nakapaligid sa kanila ngayon. The sea hourses swirls in a uniform motion. Thousands of fishes swims around them too. Dumagsa rin ang naglalakihang mga dugong at sting rays. Tuwang-tuwa na sinalubong siya ng mga dolphins at walang pagsidlan ang galak ng mga maliliit sea lions na dumayo pa sa lugar para bisitahin siya.
“Welcome home, my son, Triton.” Wika ni Poseidon sa anak.
Dahan-dahang bumangon si Triton mula sa pagkakahiga at mula sa malayo, napansin niya ang imahe ng isang babaeng dahan-dahang lumalapit sa kinaroroonan niya.
Dahil burado na ang ala-ala ng binata ay wala siyang ideya kung sino ang papalapit sa kaniya.
Benthesikyme and Rhodos was shocked to see her. Ito kasi ang tiyahin nilang si Pherousa na nagligtas kay Poseidon at Triton noon.
“Akala namin ay wala ka na.” Yon agad ang lumabas sa bibig ni Benthesikyme matapos makita ang tiyahin.
Tumango ito sa kaniya. “I just came here to bid a goodbye for my favorite grandchild, Cleo. Siguro ay burado na ang mga ala-ala mo sa akin pero alam kong natatandaan pa rin ako ng puso mo.”
Ngumiti ang matanda sa kaniya. She came as a heavenly spirit. Siya ang nagsilbing magulang ni Triton sa mundo ng mga tao. Siya ang nagpalaki at gumabay sa kaniya, humabog sa kaniyang pagkatao at nagturo ng mabubuting asal. She was his grandma Merci. Pherousa was his grandmother all along.
Pherousa hugged Triton like her own child.
“You have been loved.” She said as she was slowly moving away from Triton.
Hindi maintindihan ng binata pero biglang pumatak ang luha mula sa kaniyang mga mata. Wala siyang matandaan na kahit ano tungkol kay lola Merci pero nang yakapin siya nito ay dumagsa ang kanyang luha, tanda na merong kung anong malalim na koneksiyon ang namamagitan sa kanilang dalawa noon.
His mind forgets but the heart
always remember
s.
He watched her gone into thin air. At the back of his heart, he knew he was loved by many and it was enough to make him smile.
I’m home. He told himself and looked all the merpeople around him.
🌊• F I N A L E •🌊
One year later
Triton
’s POV
It has been a year since the day they welcomed me here in the Merland City. Our father, Poseidon, set up a party to celebrate it. Well, that made me feel kinda special.
Everyone are busy decorating the whole sanctuary. The music from the mermen orchestra filled every pathway in the whole place while me, here, making my way to escape and go to my secret cavern. Wala rin naman kasi akong maitutulong rito at nakakainip na magpaikot-ikot lang sa sarili kong silid.
When I got the chance to escape, I hurriedly made my way out of the sanctuary.
“Saan ka na naman pupunta, Triton?”
Nahinto ako at napalingon sa nagsalita. It was my companion, Plum. He’s a sea horse with a golden color. Well, Plum is a grumpy little one who kept on lecturing me to be an obedient son.
“Sumama ka na lang!” I said and put him inside my fish net sling bag.
“Mapapagalitan na naman tayo ng hari! Malalagot ako sa kapilyuhan mo, Triton!” Dinig kong sabi niya nang mag-umpisa akong maglangoy palayo.
“Ako ang bahala sa ’yo. Easy ka lang.” Wika ko sa kaniya sabay tawa.
I saved Plum from being eaten by a shark. Nasa shipwreck area ako noon at kasalukuyang naghahanap ng idadagdag sa koleksiyon ko nang makita ko siyang hinahabol ng malaking pating. Using my ability to control the water, I saved him. Since then, Plum didn’t leave my side. Nangako siya na hindi niya ako pababayaan dahil ako ang sumagip ng buhay niya. Well, I love him but sometimes, Plum was like an old grumpy merman who loves reminding me to be a good merman all the time. Mas istrikto pa siya sa ama kong si Poseidon.
“Saan ba kasi tayo pupunta?” Tanong ni Plum sa akin.
“’wag kang mag-alala. Hindi sa shipwreck ang tungo natin ngayon.” Pagpapagaan ko ng loob niya. Alam ko kasing ayaw na ayaw niya nang bumabalik sa lugar na ’yon dahil napakarami ng pating doon. Doon din siya kamuntikan kainin ng mga ’to kaya ekis na sa kaniya ang shipwreck area.
“Saan pala? Nako, Triton! Kapag talaga ako nalintikan sa ama mo!”
Tumawa lang ako sa reaksiyon niya.
“I saw a human stuff near the shore. Kung babalikan natin ’yon ngayon ay maabutan ko pa ’yon. Marami lang kasing tao kanina sa dalampasigan kaya hindi ko nakuha.” Sabi ko sa kaniya.
“Galing ka na kanina sa dalampasigan? Ang tigas talaga ng ulo mo! Pinakabibilin ng hari na ’wag kang aahon sa tubig at baka may makakita sa ’yo! Paano na lang kung—”
“Plum. I’m careful, okay? You don’t have to be so grumpy again!” Natatawa kong sabi sa kaniya.
Malapit na kami sa dalampasigan at natatanaw ko na ang kumikinang na bagay na ’yon sa buhanginan.
I stopped and pulled Plum from the sling bag.
“Stay here. Babalik ako agad, okay?” I told him.
“Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka!”
Dinilaan ko lang siya at saka marahang lumangoy upang siguraduhin na walang tao sa buong lugar. I swam towards the rock side part of the shore and hid myself behind a big standing rock near the shoreline.
Inilibot ko muna ang tingin sa lugar bago mabilis na lumangoy papunta sa dalampasigan.
I didn’t waste any single second. I hurriedly grab that thing and put inside my sling bag then I went back to the water. Bumalik ako sa likuran ng malaking bato na tinataguan kanina at saka naupo sa gilid nito.
Napangiti pa ako nang makita ang nakuhang bagay. I didn’t know what it is. The color was black. There were two glasses with a thick black frame. Nagulat pa ako ng maitaas ko ang dalawang stick sa magkabilang gilid nito. It can be folded but still, I don’t know what is the purpose of this thing.
I tried wearing it on my hair but it’s not match. Hindi rin siguro ito ginagamit sa pagkain. Nagulat na lang ako nang sumakto ito nang suotin ko sa aking mga mata. It minimize the brightness of the sun and it really amazed me. Ano kaya ang tawag dito?
Napansin kong biglang lumitaw si Plum sa harapan ko. Suddenly, I felt a ripple in the water. Someone is behind of me. May tao!
“Don’t move. May tao sa bandang gilid mo.” Mahinang sabi sa akin ni Plum.
Para akong tanga na halos idikit ko na ang sarili sa bato para lang magkubli. I turned my face to have a closer look to a human.
Ang guwapo niya. Sobrang tangos ng ilong. Ang ganda ng mapupungay niyang mga mata. His hair is kindy messy but it suits his looks. Pero ang mas pumukaw ng pansin ko ay ang lungkot sa mga mata niya. He was looking at the ocean like as if waiting for someone to come.
“Miss na kita, Cleo.” I heard him say and with that, I saw a tear fell from his eye. Agad niya namang pinunasan ang pisngi.
“Nasaan ka na kaya? Bakit hindi ka na bumalik sa amin. Miss na miss na kita.” Sambit niya pa.
Bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya. Whoever is Cleo, I think he misses him too.
“Kuya, tara na! Kanina pa nag-iinarte ang asawa mong si Zamarah dito sa kotse! Sabi ko naman kasi sa ’yong ’wag na natin isama ang impaktang ’yon para sana mas matagal tayong makapag-stay dito, e! Tara na bago ko pa masakal ang babaeng ’yon!” Sabi ng isang kararating na lalaki. Magkamukha sila halos. Ang ga-guwapo nila.
“Just a minute, Shaun. Pupunta na rin ako ro’n. Sige. Mauna ka na.” Sabi niya doon sa lalaking nagngangalang Shaun.
“Bilisan mo kuya at baka makapatay ako ng wala sa oras.” Pabirong sabi noong Shaun at saka bumalik na sa dalampasigan.
The guy left spent his time looking at the endless ocean. Ngumiti siya kasabay nang muling pagpatak ng luha sa mga mata niya.
“Hindi ako magsasawang pumunta rito araw-araw dahil alam ko, magkikita tayong muli, Cleo. I love you. I miss you so much.” He said and turned his back. Naglakad na siya pabalik sa dalampasigan kaya napahinga na ako nang maluwag.
“Tara na! Umalis na tayo!” Sabi sa akin ni Plum na sinang-ayunan ko naman.
Bumalik akong muli sa tubig at bago lumusong ay lumingon muna ako sa kanila.
“Sana makita niyo na si Cleo para hindi ka na ulit umiyak pa.” Usal ko sa hangin at saka lumubog para lumangoy pabalik sa santuwariyo.
Kagaya ng inaasahan ay panay ang pagrereklamo sa akin ni Plum na kesiyo paano raw kung nahuli ako noong lalaki ganito ganiyan. Tinatawanan ko lang siya basta ako makuha ko na ang kailangan ko sa dalampasigan. Masaya na ako rito.
We are about to go on my secret cavern hole when a huge net fell from the above. Hindi ko na nagawa pang makatakas nang bumalot ito sa akin. Kasama kong nahuli ang mga isda na nakakalat sa dinadaanan namin. Sa tingin ko ay may angkat ngayon ng isda mula sa isang malaking fishing vessel at tama nga ako nang makita ito sa itaas namin.
Bwisit! Bakit hindi ko napansin na may barko pala sa itaas?
Dahil maliit lang si Plum ay nagkasiya siya sa maliit na butas ng net. I tried to break the net using my power but it didn’t work. It was a high quality fiber who didn’t break so easily.
“I will call for help. Babalik agad ako!” Sabi sa akin ni Plum at dali-daling lumangoy palayo.
The huge net slowly pulling up. Naaawa ako sa mga kasama kong isda ngayon dahil magiging pagkain lang sila ng mga tao. Some of them would be an addition to aquariums. Is that how we are to them? Food and decorations for human?
Kahit kabado ay wala akong nagawa kundi magpatangay sa taas. Nang umahon ang net sa tubig ay namataan ko ang ilang lalaki na nakaabang sa amin. They all looked surprised upon seeing me inside.
“May sirena! Nakahuli tayo ng sirena!” Dinig kong sigaw noong isa.
Dahan-dahang bumaba ang kinalalagyan kong net sa loob ng malawak na espasiyo ng barko. Hindi ko na nagawa pang makatakas dahil napapalibutan nila ako.
“Tawagin niyo si captain! Bilis!” Sabi naman noong isa.
Sobrang bilis ng kabog ng puso ko pero hindi ko maaaring ipakita sa kanila na natatakot ako.
Limang lalaki ang nakapalibot sa akin. One guy took out something from his pocket. It was a square thing.
“Ibi-video ko ’to! Grabe, hindi ako makapaniwalang may sirena pala talaga! Ang akala ko ay kwento-kwento lang ang mga ’yon—” Nahinto siya nang may magsalita sa likuran niya.
“Itigil mo ’yan, Marvin. Hindi tayo tatantanan ng media kung ipapakalat mo sa internet ’yan. Kung gusto mo nang tahimik na buhay, itigil mo ’yan.” Saad ng matipunong boses at kagaya ng gusto niya, tumigil din saglit sa pag-ikot ang mundo ko.
He looked like the guy from my dreams. Every night, nakakaranas ako ng mga sunod-sunod na flashbacks sa panaginip ko na hindi ko maintindihan kung totoo ba o hindi dahil meron akong mga paa doon. Maraming ganap pero sa bawat ganap na ’yon ay hindi nawawala ang isang lalaki na kamukha niya. Hindi ko inaasahang makikita ko siya ngayon dito.
“Pero captain, pagkakataon na natin ’to para sumikat sa internet! Maraming magkokontrata sa atin para magpahuli ng isda—”
“Edi sana nag-artista ka kung gusto mong sumikat. Marvin, ihinto niyo na ’yan. Kayong lahat, bumalik na kayo sa pagtatrabaho.” Utos niya sa mga kasama.
Wala silang nagawa kundi sundin ang iniutos ng tinatawag nilang captain. Labag sa loob silang umalis kaya naiwan kaming dalawa ngayon.
“Hindi kita sasaktan. ’wag kang mag-alala.” Paninigurado niya sa akin. “Pagpasensiyahan mo na ang mga kasama ko. Magugulo kasi talaga ang mga ’yon saka may bali-balita kasing meron daw gantimpala ang kung sino mang makahuhuli ng sirena pero ’wag kang mag-alala. Ibabalik kita sa dagat.”
Napakabait niya. Sobrang lumanay niyang magsalita. Ni hindi ako makaramdam sa kaniya nang pangamba dahil alam kong mabuti siyang tao.
“Thank you.”
Nahinto siya nang magsalita ako. Panandalian niya akong tinitigan at pagkaraa’y lumapit sa kinalalagyan ko.
Isang dipa ang layo niya sa akin ay naupo siya para mas malapitan ako.
“Meron talaga akong pakay sa ’yo.” Sabi niya.
Ano naman ang pakay niya? Ano ang sadiya ng isang tao sa kagaya kong merman?
“I don’t remember so much about this merman. Maraming ala-ala namin ang nabura kasama siya pero sana, kung may makikita kang isang merman na nagngangalang Cleo, makisabing matagal ko na siyang hinahanap.”
Cleo? It’s the same name that I heard from the guy back there at the sea shore. Kilala ba nila ang isa’t-isa? Paanong iyong hinahanap niya ay ang merman din na inaabangan noong isa?
“Naguguluhan ka na siguro sa mga sinasabi ko. Sorry for causing you so much confusion. Mas mabuti pa kung ibabalik na kita sa dagat at baka ma-picture-an ka pa ng mga kolokoy dito. Ako na ang bahala sa kanila. I will confiscate all their phones and will delete your photos later.” He explained.
Maingat siyang lumapit sa akin. He gently carried me. Ipinalupot ko na lang ang mga braso sa leeg niya para sa suporta at mula sa kinalalagyan ay mas nakita ko nang malapitan ang mukha niya.
He really looked like the guy from my dreams. Napakagwapo niya.
“Bago mo ako pakawalan, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?” I asked him.
Tinitigan niya ako sandali kaya naman nag-panic ako bigla. Baka naman kasi kung ano-ano ang isipin niya.
“Para kapag nakita ko si Cleo ay may pangalan akong masasabi sa kaniya.” Pagdadahilan ko na lang. Baka isipin niyang may gusto ako sa kaniya kaya ko tinanong ang pangalan niya.
Natawa siya. I don’t know but his laughter was like a music to my ears. Sobrang gentle. Ang sarap pakinggan.
Nag-umpisa na siyang maglakad patungo sa gilid ng fishing vessel at bago niya ako pakawalan, sinagot niya nang maayos ang tanong ko.
“My name is Ceddie , Ceddie Guerero but I prefer the name Max as someone named me the exact name of his favorite childhood dog. What a cutie right?”
The End
🌊🌊🌊
Author’s Note
Thank you guys for the warm support and love you put in Poseidon’s Program. Thank you for reaching this part of the story. Kayo ang naging inspirasiyon ko para matapos ang kwentong ito. Salamat sa lahat ng matiyagang naghintay ng updates, sa mga nakaabang at naka-vote agad sa bawat kabanatang inilalabas ko. Sa mga silent readers na sumusuporta sa lahat ng akda ko. Maraming-maraming salamat sa inyo ❣️
Once again, thank you guys for reading this novel. Hanggang sa muli 😊
Love,
Kijarasen

