POSSESSIVE 14: Lysander Callahan
CeCeLib · 29 chapters · 73,446 words
SYNOPSIS
SYNOPSIS
She was his secretary, and he was her boss. Plain and simple. No complication. No problem. Nothing.
That was Lysander’s life before he started desiring his secretary in ways that he couldn’t even explain. Siya ang tipo ng tao na sigurado ang lahat ng galaw at desisyon, pero pagdating sa sekretarya niyang palaging dahilan ng pagsakit ng ulo at puson niya, nawawala siya sa tamang huwisyo.
Lysander knew where this was leading him… But would he risk it? There was a possibility that he might lose the most efficient secretary that he ever had.
… But there was also a big possibility that he might lose his head if he didn’t risk it.
CECELIB | C.C.
PROLOGUE
PROLOGUE
HUMUGOT ng malalim na hininga si Jergen habang nakaharap sa salamin ng restroom.
You’re gonna be okay. Kailangan mo ang trabahong ’to kundi sa kalsada ka talaga pupulutin, pagkausap niya sa kanyang sarili na kinakabahan pero pilit niyang pinapakalma.
She needed to calm down before her name was called for the interview. Ang mismong presidente ng Callahan Real Estate ang mag-i-interview sa kanila kaya kailangan niyang kumalma.
She needed this job badly. Pinalayas na siya sa tinitirhan niyang apartment kaninang umaga. Nasa isanlibo na lang ang pera niya, kulang pa para sa pangkain niya bukas. Hindi naman siya puwedeng umuwi ng probinsya dahil mahirap lang din ang mga magulang niya at siya lang ang inaasahan ng mga ito. Saka tatlong buwan na siyang hindi nagpapadala sa mga ito dahil nga sa nawalan siya ng trabaho.
Letse naman kasi iyong boss niya, isa siyang secretary hindi sexetary . Ang nakakasuka, may asawa pa ang boss niyang iyon at may-edad na.
Kaya heto siya ngayon, walang tumatanggap na kompanya sa kanya dahil hindi maganda ang feedback na palaging ibinibigay sa kanya ng dati niyang boss.
Nasa mga dalawampu silang nag-a-apply ngayon sa posisyon na sekretarya ng big boss ng Callahan Real Estate. Malaki ang sahod at kilala sa Asya ang kompanya. Maganda talaga ang magtrabaho roon.
Ang tanong, tatanggapin kaya siya?
Bakit ba siya umaasa na magiging iba ang kalalabasan ng interview niyang ito? Nasisiguro naman niyang tatawag ito sa dati niyang pinagtatrabahuhan at siguradong tigok na siya sa susunod na mga araw.
Cause of death: Starvation.
Lumabas na siya ng restroom at bumalik sa kinauupuan kanina. Humugot siya ng malalim na hininga nang tawagin ang babaeng sinusundan niya.
Shit! Ako na ang sunod!
Humigpit ang hawak niya sa envelope kung saan ang laman ay ang credentials niya.
Dumagundong sa kaba ang dibdib ni Jergen nang lumabas ang babae at mukha itong tinakasan ng dugo sa katawan. Ang putla-putla nito, parang nakakita ng multo.
“Ms. Jergen Carbonell Camince?” sabi ng babae na sumilip sa nakabukas na pinto.
Mabilis siyang tumayo. “Yes, Ma’am?”
“Ikaw na ang susunod.”
Tumango siya, saka humugot muna uli ng malalim na hininga bago humakbang papasok sa bahagyang nakaawang na pinto.
“Kaya ko ’to,” bulong niya sa sarili habang naglalakad at sinusundan ang babae patungo sa isa pang pinto.
The woman stopped in front of a close glass door. “Mr. Callahan is waiting for you inside.”
She tried to smile but failed. “Thanks.”
“Goodluck.”
Tumango siya, saka pumasok sa pintong binuksan ng babae.
Habang naglalakad palapit sa mesa, mataman niyang tinititigan ang lalaking nakaupo roon at mataman ding nakatitig sa kanya.
The guy was so smoking hot. Those deep brown eyes, his hairstyle, his kissable lips, his well-toned body and his aura and sex appeal was oozing.
Goodness!
Jergen blinked. Nope! Not going there! Hindi nakakabusog ang kaguwapuhan, actually nakakagutom ’yon. At lalong ang mga ganitong tipo ng lalaki ay hindi siya ang tipo ng babae. Kaya dapat no attraction. Wala iyong patutunguhan.
Tumigil siya sa harap ng mesa nito, saka nginitian ito. “Good morning, Sir, I’m Jergen Carbonell Camince. I’m here for my interview.”
Iminuwestra nito ang kamay sa visitor’s chair. Ang mga mata nito ay nakatuon pa rin sa kanya. “I’m Lysander Callahan, your future boss if you pass this interview.” Kapagkuwan ay tumuon ang mga mata nito sa buhok niyang kulay-pink.
Ninenerbiyos siyang ngumiti. No one liked her hair. No one, lalo na sa loob ng opisina. Hindi na siya magtataka kung sitahin nito mamaya ang buhok niya. Usual bosses had always disliked her taste of hair color.
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Let’s start.”
Tumango siya, kinakabahan.
“I only have one question,” panimula ng lalaki habang nakatingin pa rin sa mga mata niya. “And your answer will decide if you will be hired or not. Nabasa ko na ang credentials mo, everything is good. High grades, good university in the province where you’re from. So… let’s start?”
She gulped. “Yes, Sir.”
Pinagsalikop nito ang kamay, saka ipinatong iyon sa ibabaw ng mesa at tinanong siya. “Why should I hire you?”
This is it, Jergen! Ilang beses siyang nag-practice para sa tanong nito. Memorize na niya ang sagot, pero bakit parang hindi niya iyon maisip ngayon?
“Anytime, Miss Camince. The clock is ticking,” basag ni Mr. Callahan sa katahimikan. “Marami pang aplikante bukod sa ’yo.”
Tumikhim siya. “I’m efficient and I can multitask. I’m equipped with right skills required by the position and—”
“I don’t wanna hear that,” sansala sa kanya ni Mr. Callahan. “Gusto kong makarinig ng bagong sagot, ’yong hindi mo minemorize bago ka pumasok sa opisina ko.”
Napatitig siya sa lalaki. “Ho?”
He stared at her. “Give me an answer that I haven’t heard before.”
Huminga siya nang malalim. “I’m passionate and I’m really, really, starving to death.”
Natigilan ang kaharap, saka napatitig sa kanya. “You’re starving to death?” parang hindi makapaniwalang tanong nito.
“Yeah.” Lumunok siya at nahihiyang nagbaba ng tingin. “I am.”
“Kumain ka ba ngayon?” tanong nito kapagkuwan.
Umiling siya. “I really need this job, Sir. Wala akong pera at pinalayas pa lang ako kanina sa tinitirhan kong apartment. Kaya kailangan ko ang trabahong ’to kung tatanggapin n’yo ako. Pero kung hindi naman, ayos lang din. Maghahanap ako ng iba.”
Mataman siyang tinitigan ng lalaki, kapagkuwan ay nagsalita ito. “If I hire you, where can you see yourself after five years?”
Huminga siya nang malalim. “Still your secretary, Sir.”
Satisfaction glimmered on his deep eyes. “Hmm… I’d like to see that.” Pinindot ni Mr. Callahan ang intercom, saka pinapasok ang kung sino mang sumagot.
Seconds later, a woman entered. “Yes, Sir?”
Sumulyap muna sa kanya ang lalaki bago nagsalita. “Send all the applicants home. May nahanap na ako.”
Namilog ang mga mata niya. “Totoo?! Tanggap na ako?! For real?!” Hindi niya napigilang mapasigaw sa gulat.
“Yes,” he shushed her. “Now stop shouting and order me two American breakfast in the restaurant two blocks from here.”
Natigilan siya. Her eyes widened. “Ho?”
“Secretary kita, ’di ba?”
“Y-yes?”
“Then order me some breakfast.” May inilapag itong ilang libo sa ibabaw ng mesa. “ Pronto .“
Napakurap-kurap si Jergen, gulat na gulat. “Mag-uumpisa na ako ngayon?”
“Yeah.” He glanced at her. “Unless you want me to interview another applicant—”
“No.” Mabilis siyang tumayo at pinulot ang pera. “On it, Sir.”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Go on. I-order mo na ako. Then go to the HR Department, sign your appointment contract and you’ll start with paper works.”
Ang lapad ng ngiti niya. “Thank you, Sir! Thank you so much!” She was not expecting this. “Thank you!”
Tumango lang ito. “You’re welcome.”
Mabilis siyang naglakad patungo sa pinto. Nang buksan niya iyon, akmang lalabas na siya nang marinig niyang nagsalita si Mr. Lysander Callahan.
“I like your hair,” sabi nito. “Maybe you should try blue next month? Or maybe green?”
Natigilan siya at nilingon ang boss niya. “Thanks. I’ll keep that in mind, Boss.”
He smiled. “Go. Buy me a breakfast.”
Napakurap-kurap siya at nag-iwas ng tingin, saka mabilis na lumabas ng opisina nito.
Jergen couldn’t keep herself from grinning happily. May trabaho na siya. Sa wakas, may tumanggap na rin sa kanya sa trabaho! And it looked like her new boss was a good man. She’d be happy to work for him. Very happy.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 1
CHAPTER 1
Five years later…
TUMAAS ang kilay ni Jergen nang makapasok siya sa high-tech barn ng boss niya at nakita niya ang mga kaibigan nitong naglalagay ng tigsasampung piso sa isang mineral bottle na may butas sa gitna para makapasok ang pera sa loob.
“Don’t tell me na pinagpupustahan n’yo na naman kung ano’ng kulay ng buhok ko?” nakataas ang kilay na tanong niya sa anim na kalalakihang nasa harap niya.
Napakamot ng ulo si Andrius. “Well, it is the first Monday of the month. The day when you change the color of your hair.”
Nakangiwing napangiti naman si Khairro. “At mukhang walang nanalo sa amin.” Iminuwestra nito ang kamay sa kanya. “You have a rainbow hair. Great.”
Thorn sighed. “And I lost ten pesos.” He groaned. “Again.”
Umingos siya. “Get out. All of you,” pagpapalayas niya sa mga kaibigan ng boss niya. Naging malapit na rin siya sa mga ito kaya nagagawa niyang palayasin. “I’m here for my boss. Mayroon akong iri-report sa kanya.”
Khairro sighed. “Fine. Fine. We’re leaving.”
Nang makaalis na ang tatlo, inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng barn. Hindi niya makita ang boss niya. Nasaan naman kaya iyon? Ayaw niyang makipag-hide-and-seek dito.
“Hello? Boss?” malakas niyang sabi.
Pagkalipas ng ilang segundo, nakarinig siya ng baritonong boses.
“I’m here, Jergen.”
Napabuntong-hininga siya, saka sinundan ang pinanggalingan ng boses. Nakita niya itong nakahiga sa sofa bed at kinakalabit ang string ng gitara na hawak.
Her boss looked so laid back as he strumed the guitar.
“Boss.” Huminga si Jergen nang malalim habang bored na nakatingin dito. “Absent ka na naman.”
Nag-angat si Lysander ng tingin sa kanya. “Yeah. I noticed.”
She rolled her eyes. “No sarcasm, Boss. Baka masapak kita nitong folder na dala ko ngayon. Alam mo bang traffic papunta rito?”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Always so bossy.” He tsked and looked at her hair. “Nice. Sino’ng nanalo?”
“No one,” sabi niya, saka inilapag ang tatlong folder na hawak sa tiyan nito at nginitian ito nang peke. “Hayan na ang report last month. Alam mo ba kung sino ang mga pinagalitan ko para matapos ang report na ’yan? Oh, wait, you don’t know anything, Boss. Absent ka nga pala ng dalawang linggo.” Inirapan niya ito. “You’re so unfair, you know that? Kapag kami ang absent, may bawas agad ang sahod namin. Bakit ikaw, wala? That is not fair you know.”
Hinuli nito ang tumataray niyang mga mata. “I am your boss, you do know that, right?” pagpapaalala nito sa kanya.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Unfortunately.” Inirapan niya uli. “Pero hindi naman talaga totoo ’yon. Kasi sa ating dalawa, ako ang boss kasi hindi ka naman pumapasok.”
Tumawa lang si Lysander, saka kinalabit na naman ang string ng gitara. “I’m bored, Miss Secretary.” Umupo ito, saka tinapik ang bakanteng espasyo ng sofa bed na nasa harap nito. “Sit and read me this.” Iniabot nito sa kanya ang folder. “Reports? Ayokong basahin ’yan. Nababagot ako.”
Napabuntong-hininga si Jergen at napailing-iling. Yep. This was her boss. Ang boss na inakala niyang seryoso at hardworking. Iyon pala ay nangangailangan ito ng sekretarya na gagawa sa trabaho nito.
Sarap sapakin, eh.
“Ayoko.” Pinagkrus niya ang mga braso sa harap ng dibdib. “Trabaho mo ’yan. Tapos na ang trabaho ko.”
Lysander looked at her, his eyes smiling in unknown reason. “Kung tataasan ko ang sahod mo, babasahin mo na ’yan?”
Natigilan siya at napatitig dito. “Totoo?”
Nagkibit-balikat ito. “Read the report. Now.”
Napasimangot si Jergen at napipilitang binasa ang report para sa boss niyang tamad.
Nang matapos niyang basahin ’yon, napatingin siya sa relong pambisig. Great. She wasted nearly two hours reading the reports. Okay lang, tumaas naman sahod ang niya.
“Kailangan ko nang bumalik sa opisina.” Inayos niya ang damit na bahagyang nagusot. “Unlike you, Boss, may trabaho ako.”
“You’re insulting me, Miss Secretary.” Pinukol siya nito ng masamang tingin. “I am your boss. Wala kang karapatang pagsalitaan ako nang ganyan. I could fire you.”
Namaywang siya. “Sino’ng tinatakot mo, Boss? Ako? Ikaw ang mas matakot kasi mawawalan ka ng sekretaryang mapagkakatiwalaan mo na, sobrang ganda pa.”
Amusement filled his eyes. “I am your boss, Jergen. Show some respect.”
“And I’m your secretary and I’m doing your job.” Humaba ang nguso niya. “I hate you, Boss. Pumasok ka na kasi. Nakakapagod kayang maging president at secretary at the same time.” Pinandilatan niya ito. “You’re stressing me out. Hindi sapat ang sinasahod ko. Dapat ’yong sahod mo, akin na rin ’yon kasi ako naman ang gumagawa ng trabaho mo. Argh !”
Tumawa lang si Lysander. “May regalo ako sa ’yo.”
Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Hindi mo ako masusuhulan, Boss.”
He grinned. “It’s antique.”
Napakurap-kurap siya, saka dahan-dahang nawala ang talim ng mga mata. “Really? Antique?”
She loves old stuff like antiques. And her boss had always exploited her love for it.
Lysander wagged his eyebrow. “Yep. Ayaw mo?”
Napasimangot siya. “Iinggitin mo na naman ako, ’no? Masasapak talaga kita, Boss. It’s an antique! Ibang usapan na ’yan.”
“Nope. I’m not,” sabi nito, saka kinalabit uli ang gitara at mahinang kumanta.
Napatitig si Jergen sa boss niyang tamad na nga, hindi pa pumapasok. Mula sa kinatatayuan, kitang-kita niya ang matitipuno nitong mga braso at binti, ang guwapo nitong mukha, ang buhok nitong pinaghalong brown at blond at ang mga labi nitong natural nang mapula.
Her boss was smoking hot. But she knew better than to get attracted to him. Well, she already was, but she was just better in controlling and hiding it.
Biglang nag-angat ng tingin si Lysander at huling-huli siyang nakatingin. Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Saw something you like?”
Nag-init ang pisngi niya pero hindi siya nagbawi ng tingin. “Nope. I’m looking at my boss.”
He smiled. “Does your boss look handsome?”
Inirapan niya ito. “Sige, buhatin mo ’yang sofa bed. Nakakahiya naman ang kahanginan mo, signal number five na ’yan.” Inirapan niya uli ito. “Makaalis na nga. Marami pa akong gagawin sa opisina.”
Mahina lang na tumawa si Lysander, saka bumalik sa pagkalabit sa gitara nito.
Naglalakad na siya palayo nang marinig niya ang boses nito.
“Open that box on the center table, Jergen.”
Napabuntong-hininga siya. “Kailangan ko nang bumalik sa opisina, Boss—”
“Just open it, Jergen.”
Naiinis na lumapit siya sa center table, saka binuksan niya ang box na naroon. Isang mapalad na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya nang makita ang laman niyon.
“You like it?”
Napaigtad si Jergen nang marinig ang boses ni Lysander sa likuran niya. Pinakalma niya ang dibdib na mabilis ang tahip, saka kinuha ang laman ng box at humarap sa lalaki. “This is…”
“It’s an antique necklace from Middle East.” He smiled. “Nakuha ko ’yan last week when I was in Jordan. It looks old… just how you like it.”
Hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi niya. “Akin na ’to?”
“Yep.” He grinned. “In return, you’ll go hiking with me this weekend.”
Nawala ang ngiti niya. “So suhol ’to?”
“Nope.” Kinuha ni Lysander ang kuwintas sa kamay niya, saka ito na ang nagsuot sa leeg niya. “This is a thank you gift for a job well done on running my company. And I’ll pay you for hiking with me this weekend.”
Nang marinig ang salitang “pay,” nagningning ang mga mata niya. “Extra pay?”
He gave her a deadpan look. “Para namang sasama ka kung walang bayad.”
“Hindi nga.” Inungusan niya ito. “At saka paano kung sumakit ang paa ko sa hiking?”
He sighed. “I’ll pay you for accompanying me, for your sore legs, for your aching back and for wasting your time. Okay na?”
“Magkano ang ibabayad mo sa ’kin?” tanong niya habang malapad na nakangiti.
“Ten thousand.”
Sumeryoso ang mukha ni Jergen. “No deal. Twenty thousand.”
“No. Fifteen thousand.”
Malapad siyang ngumiti. “Deal. I’ll see you this weekend then.”
“Nope.” Tinalikuran siya nito. “I’ll see you tonight. At dinner. Ipagluluto mo ako.”
“Ayoko nga.” Humaba agad ang nguso niya. “You’re taking advantage of my skills, Boss.”
“I’ll pay you,” may diin nitong sabi.
Agad siyang napangiti. “Okay. I’ll see you tonight then. Pang ilang tao ba ang ipagluluto ko?”
Bumaling ito sa kanya. “For two.”
“Oh, you have a date.” Nanunudyo ang ngiti sa mga labi niya. “Should I buy you condoms too? Para makapag-order na ako sa online. Wala pa naman niyan dito sa Pilipinas.”
Yes. She sometimes bought Lysander’s condoms through online. He was big and long and no local condoms here in the Philippines would fit him.
Goodness. What kind of penis was that? Mabuti na lang at sanay na siya. Pero noong una, halos lumuwa ang mga mata niya at ilang buwan din niyang ini-imagine iyon. ’Buti naka-move on na ngayon ang mahalay niyang utak.
She did stuff for him. With pay of course. Wala nang libre sa panahon ngayon, ’no.
She was his very, very, very, very personal secretary. Kaya naman kilalang-kilala na niya ang boss niyang si Lysander Callahan mula ulo hanggang paa at hindi siya naiilang na pagsabihan ito ng kung ano-ano. Limang taon na rin siyang sekretarya nito kaya alam na niya ang binabalak nito kahit kislap pa lang ng mga mata nito.
“No condoms.” Lysander rolled his eyes. “It’s just a simple dinner.”
She grinned. “ Okidoki .“
“Go. Leave my barn,” pagtataboy nito sa kanya. “Magtrabaho ka kasi binabayaran kita para magtrabaho hindi para pagsalitaan ako ng kung ano-ano.”
“Yes, Boss.” Sinaluduhan pa niya ito bago umalis ng barn at ng Bachelor’s Village.
Nang makalabas ng village, pumara si Jergen ng taxi at binuksan niya ang bintana niyon. Hindi niya kayang sumakay sa taxi, kotse o bus na aircon ang naamoy niya. Kailangang makalanghap siya ng sariwang hangin. Kahit pa ang hangin na iyon ay puno ng polusyon ayos lang, basta hindi hangin na nanggagaling sa aircon.
Natigilan siya sa pag-iisip nang marinig na tumunog ang message alert tone niya. Nang basahin niya iyon, ngiting aso lang ang ini-reply niya.
No condom. Buy a lubricant instead, galing iyon sa boss niya.
Napailing-iling siya, saka binura ang mensaheng iyon.
No way. She wouldn’t that stuff. Bahala ang boss niyang iyon sa sex life nito. Idinamay pa siya. Nakakahiya kayang bumili, unless may mahanap siya sa online. Pero kapag wala, pasensiyahan sila. Bahala itong pagkasyahin ang mahaba nitong ahas na makipot na kuweba ng ka-dinner nito mamaya.
“’MA, ILANG ulit ko bang sasabihin na hindi ako pupunta diyan sa Seattle.” Bumuga ng marahas na hininga si Lysander. “I’m maybe bored here in the Philippines but I won’t leave.”
Narinig niyang napabuntong-hininga ang kanyang ina sa kabilang linya. “Anak, hindi naman labag sa kaalaman namin ng ama mo na kahit wala ka diyan sa Pilipinas ay tatakbo ang kompanyang iniwan namin sa ’yo. Kaya nga pinapapunta ka namin dito sa Seattle. We miss you. Gusto ka naming makasama.”
Lysander sighed. “Mom, I have friends here. I’ll visit soon but I won’t stay.”
“Is this because of her?”
Natigilan siya sa tanong ng ina. “’Ma, change topic please.”
“No,” she spoke in authority. “Goodness, Lysander, ilang taon na ba ang lumipas? Hindi mo pa rin masabi-sabi sa kanya na gusto mo siya? Hindi kita pinalaking duwag at torpe.”
Napasabunot siya sa sariling buhok. “Good-bye, Mother. I love you. Say hi to Dad for me.” Kapagkuwan ay pinatay niya ang tawag at napatitig sa kisame ng barn.
Darn. His mother was really a pain in his ass sometimes. Good thing she wasn’t in the country to bug him about his personal life.
Akmang itatapon ni Lysander ang cell phone sa carpeted na sahig dahil sa sobrang boredom na nararamdaman nang tumunog ang message alert tone niyon.
Binuksan niya ang cell phone at binasa ang mensaheng natanggap. Nang makitang galing iyon sa sekretarya niya, napangiti siya.
Found a lubricant. You’re really that big that you’ll not fit without this?
Mahina siyang natawa, saka nireplayan ito.
Ikaw ang tagabili ng condom ko, you tell me.
Alam mo, Boss, kung hindi ka lang malaki magpasahod, ’tapos kung wala lang akong extra pay palagi, matagal na akong nag-resign sa kahalayan at ka-weird-ohan mo.
Malakas siyang natawa, kapagkuwan ay napailing-iling.
Magtrabaho ka na diyan. Babawasan ko ang sahod mo, sige ka. At nagko-computer ka na naman, ’no? Online shopping ka na naman? Babawasan ko talaga ng 20% ang sahod mo.
Okay lang. Babawasan din kita ng 70% sa sahod mo, ’tapos idadagdag ko na lang sa sahod ko ’yong ibinawas ko sa ’yo. Salamat, Boss.
Napailing-iling siya.
You’re fired.
Jergen replied.
Ha-Ha. You’re fired too, Boss.
Hindi na lang siya nag-reply pero hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi niya. His secretary did that to him sometimes. She made him smile in so many ways that he couldn’t even explain. Maybe it was because…
Nope. Not going there.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 2
CHAPTER 2
“JERGEN, kailangan na raw ng Marketing Department ’yong layout na inaprubahan ni President,” sabi ni Catheya na ipinadala ng nasabing department.
“Jergen, ano na raw ang sabi ni Boss sa ipinadala ni Advertising Department?” sabi ni Susan.
“Jergen, ’yong report daw sabi ng Accounting Department, naaprubahan na ba ni President?” Si Danya.
“Jergen, ’yong lot transfer kay Mr. Hubella, napirmahan na raw ni Boss ’yon?” tanong ni Daisy.
“Jergen, nasaan na raw ’yong payroll para sa inyo ni President? At napirmahan na raw ba ni President ’yong ibang mga papeles para maipasok na sa account ng mga empleyado ang mga sahod nila?”
Gustong sabunutan ni Jergen ang sariling buhok habang sabay-sabay na nagsasalita ang mga empleyado sa harap niya.
Argh! Shit!
Parang sasabog ang ulo niya sa dami ng trabaho na kung tutuusin ay hindi naman sa kanya! Pero dapat relax lang siya. Ayaw niyang ma-stress nang maaga.
Breath in. Breath out. Then, she smiled. “I’ll get back to you all. Just give me thirty minutes. Handa na ang lahat. Hahanapin ko lang sa table ko, okay?”
“Sige,” sabay-sabay na sabi ng mga empleyadong nasa harap niya at nagsialisan na ang mga ito.
Napabuga ng malalim na hininga si Jergen. Mababaliw na siya kapag nagpatuloy pa iyon. Bakit naman kasi ang tamad-tamad ng boss niya? Ayaw pumasok at ang gusto lang ay ang mag-chill at relax.
Kahit naiinis at nai-stress na, hinanap niya ang mga kailangan at siya na mismo ang naghatid ng mga iyon sa mga departamentong nangangailangan niyon. Pagkatapos ay sinunod niyang trabahuhin ay ang mga report ng layouts para sa mga bahay. Kailangan niya iyong i-compile sa isang folder bago ipakita kay Lysander para aprubahan. Pagkatapos ay iniisa-isa niyang basahin ang mga report ng bawat departamento para tingnan kung kailangan ba ng pirma ng boss o kung hindi naman kailangan. Unfortunately, lahat kailangang pirmahan.
Napatigil lang siya sa pagtatrabaho nang may tumikhim sa harap ng mesa niya. Nag-angat siya ng tingin at kumunot ang noo nang makita ang isang delivery boy.
“May kailangan ka?” nakataas ang kilay na tanong niya.
Ngumiti ang lalaki at alam niyang pilit iyon. It was part of his job to smile at the customers. “Hi po. I’m Emman.” May inilabas itong naka-pack na pagkain mula sa malaking bag na dala. “Heto po ’yong order na pagkain ni Mr. Lysander Callahan para kay Miss Jergen Camince. Nandito ho ba siya?”
Ipinakita niya ang Company ID. “That’s me.” Tumikwas ang isa niyang kilay. “Si Mr. Callahan ang nag-order?”
“Yes po. Binayaran na rin po niya.”
Tinanggap ni Jergen ang iniaabot nitong plastic, saka binuksan. Nanubig ang mga bagang niya nang makita ang paborito niyang pagkain.
“Sige po, Ma’am, aalis na po ako. Maraming salamat po.” Pagkasabi niyon ay umalis na ang delivery boy.
Siya naman ay kinuha ang cell phone at tinawagan ang tamad niyang boss na agad namang sumagot. Ang wala nga namang ginagawa.
“Boss—”
“Yes. I ordered for you,” sansala ni Lysander sa iba pa niyang sasabihin. “I’m sure hindi ka pa kumakain.”
“At paano ka naman nakakasiguro?” tanong niya na nakataas ang kilay.
“Because I called the cafeteria. Hindi ka pa raw kumakain do’n.” Napalatak ito. “I’m getting worried, Miss Secretary. I don’t want you to die in starvation.”
Tumahip nang mabilis ang puso niya pero agad niyang sinaway iyon. He was just being his lazy boss, Lysander. This was what he did best. Pampering his employees.
“Marami akong trabaho, Boss, unlike you na—”
“Blah, blah, blah,” putol nito sa sasabihin niya. “Alam kong tamad ako kaya huwag mo nang ulit-ulitin. I just don’t feel like working, okay? And I’m your boss. Now, eat.”
“Marami pa akong gagawin—”
“Eat,” sabi nito na may diin. “Ang mahal niyang pagkaing in-order ko para sa ’yo. Babayaran mo ’yan baka akala mo libre. Bawas ’yan sa sahod mo, okay?”
Umikot ang mga mata niya. “You are a jerk, Boss.”
“Yes, and you’re so bossy. Now, eat then get back to work. Binabayaran kita para magtrabaho—-”
Pinatayan niya ito ng tawag, saka pinatay rin niya ang cell phone para hindi na uli makatawag ang tamad niyang boss.
Mabilis siyang kumain, saka bumalik agad sa trabaho kapagkuwan. Kailangan niya iyong tapusin kasi first Monday of the month na. Marami pa siyang reports na kailangang basahin bago iyon papirmahan kay Lysander.
Hindi namalayan ni Jergen ang oras. Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niya mula sa glass wall ng opisina na madilim na sa labas.
“Gabi na?” tanong niya sa sarili, saka bumuga ng hininga. “Damn, ipagluluto ko pa pala si Boss.”
Mabilis siyang tumayo, saka isinukbit ang tote bag niya sa balikat. Kinuha niya ang folder na may lamang papeles na papipirmahan niya kay Lysander at nagmamadaling sumakay sa elevator.
Sayang ang bayad niya. Lamang tiyan din ’yon.
NANG PAGBUKSAN si Jergen ng boss niya ng pinto, agad siyang pumasok sa loob ng bahay nito na katabi lang ng high tech nitong barn.
“Sorry late ako. Traffic, eh,” sabi niya.
“It’s okay.” Isinara ni Lysander ang pinto sa likuran niya. “Anyway, nakahanda na ang ingredients sa kusina. Ikaw na ang bahala.”
Humarap siya rito at ibinigay ang isang pirasong papel kung saan nakasulat ang babayaran nito sa kanya. “Six hundred fifty sa taxi kasi traffic, plus effort ko sa pag-upo sa taxi at sa mahaba kong pasensiya, one thousand na ’yan. Plus cooking skills ko, that’s three thousand, Boss. And of course, ako pa ang maghahain at mag-aayos ng mesa kaya plus two thousand ’yon.”
“Hmm…” Iyon lang ang narinig niya mula sa bibig ng lalaki.
Tumaas ang kilay niya. “Anything you want to say, Boss?”
Amusement danced in his deep brown eyes. “Nope. Nothing.”
Inirapan niya ito, saka nagtungo siya sa kusina at inilapag ang bag niya sa gilid ng island counter. Nagsuot siya ng apron at nag-umpisa nang magluto.
Simpleng pork steak ang niluto niya na paborito ni Lysander at chicken ala king na isa rin sa mga paborito niya. Wala siyang pagpipilian sa putaheng lulutuin kasi nakabili na ng ingredients ang boss niya at may note pang nakadikit sa stove kung ano ang dapat lutuin.
“Done,” sabi niya, saka nagtungo sa hapagkainan para naman ayusin ang mesa at maghain.
Nang matapos, hinanap niya si Lysander. Natagpuan niya ito sa sala—nakaharap sa laptop nito.
“Tapos na,” sabi ni Jergen para kunin ang atensiyon ng laaki.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Great.” Tumayo ito, saka ibinigay sa kanya ang hawak na laptop. “Here. Tapusin mo ang ginagawa ko. Kukuha ako ng champagne sa cellar.”
Lukot ang mukhang tinanggap niya ang laptop. “May bayad ’to.”
“Yes. I know.” His boss said in a matter-of-fact voice, then left.
Siya naman ay umupo sa mahabang sofa at ipinatong ang laptop sa mga hita niya. Tiningnan niya kung ano ang ginagawa ng boss niya na pinapatapos nito.
Umawang na lang ang mga labi ni Jergen nang makitang may ka-chat ito. Iyon ang may-ari ng online shop na gumagawa ng customize sizes ng condoms. Yes. He knew the guy because she sometimes chatted with him to order Lysander’s condoms.
The same size, Mr. Callahan? tanong ng ka-chat nito.
Siya ang nag-reply. Yes. Six point six circumference and the length is like a Durex XXL.
Nag-iinit ang pisngi niya habang nagre-reply. Goodness. This had always made her blush.
“How’s this for a wine?”
Napaigtad si Jergen nang marinig ang boses ng boss niya. Agad siyang nag-angat ng tingin dito. “Huh?”
Ipinakita nito sa kanya ang wine. “From 1930. Like it?”
Tumaas ang kilay niya. “Bakit tinatanong mo ako?” Inalis niya ang laptop sa hita niya, saka inilapag sa center table at tumayo na. “Anyway, na-order ko na ’yong pinapa-order mo.”
Sinusuri ni Lysander ang bote ng wine habang nagsasalita. “Nasabi mo ba ang exact size?”
Her cheeks burned. “Yes.”
“Good. Because that fucking Durex XXL is really tight.” He tsked, sounded annoyed. “I need something with a wider circumference. It’s strangling my cock—” he paused and looked at her, lips parted. “Sorry for the too much information.”
Nag-iwas siya ng tingin. “Ilang taon ko na ring alam ’yon, so no harm done.”
Anong no harm done?! Halos umusok na siya sa sobrang init ng mukha niya! This was beyond awkward! This was super weird and super green. Green like erotic green.
“Okay.” He took a very deep breath. “Anyway, I just want to ask…” He paused for a second. Kapagkuwan ay lumapit ito sa kanya, saka hinawakan siya sa pupulsuhan at hinila patungo sa hapagkainan. “So, ahm, my question is… how much would I pay to have a dinner with you?”
Lumipad ang tingin niya kay Lysander na matiim na nakatingin sa kanya. “A-ano?”
“Dinner. With you. How much?”
Umawang ang mga labi niya at napakurap-kurap siya. “What?”
Lysander rolled his eyes. “How much?”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Boss, I’m only selling my skills not my free will.”
“Oh.” Bumaba ang tingin nito sa hapagkainan. “Looks like I’ll be dining alone then.”
Lalong lumalim ang gatla sa noo ni Jergen. “Paano ang ka-date mo?”
“Not coming.” Umupo ito sa upuan at tumingin sa kanya. “Go. I’ll be okay. I’ll wire the payment for your service tomorrow.”
Parang biglang bumigat ang pakiramdam niya. She could feel it in herself that she didn’t want to leave him. Kaya magandang ideya man ito o hindi, umupo siya sa kaharap nitong upuan at sinalubong ang tingin nito.
“This is free,” sabi niya.
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Yeah? That’s a first.”
“Yes.” She smiled. “Let’s eat.”
Lysander smiled and started eating.
Nasa kalagitnaan sila ng tahimik na hapunan nang may maalala si Jergen. Bigla siyang umalis sa hapagkainan at kinuha ang bag niya sa island counter at dinala iyon sa mesa.
“I got this for you, Boss,” sabi niya, saka inilabas mula sa bag ang payroll nilang dalawa na kailangan nitong pirmahan para maipasok sa account nila ang sahod sa buwang nagdaan. “Sign it.”
Tumigil sa pagnguya si Lysander. “Your boss…” Itinuro nito ang sarili. “And that’s me, is eating. Show some respect.”
Umupo siya, saka inilapag ang ball pen at papeles sa ibabaw ng mesa malapit dito. “Sign it, Boss. Eat later.”
He gave her an arched look. “You’re giving me orders now?”
Walang buhay ang mga matang tinitigan ni Jergen ang guwapong mukha ng kaharap. “Boss, gusto mo bang isa-isahin ko ang stress na idinulot mo sa akin sa dalawang linggong absent ka? At sa end of the month pa talaga kung kailan marami ang trabaho.” Peke siyang ngumiti. “Now sign it.”
Lysander grimaced. “Stop that smile.”
“This fake smile will only go away if you sign that.”
Bumuntong-hininga ito na para bang napakahirap ng ipinapagawa niya. “Ngayon na talaga?”
“Oo. Baka makalimutan ko mamaya. Kailangan na iyan bukas.” Humalukipkip siya. “Kung ikaw hindi nangangailangan ng pera, ibahin mo ako. Kailangan ko ang sahod ko. May dalawang kapatid akong nag-aaral sa kolehiyo at may mga magulang akong sinusuportahan.”
Lysander sighed heavily. “Yes, yes, I get it, Jergen. Don’t poke my conscience anymore.” Inis nitong pinulot ang papel, saka binasa. Kapagkuwan ay hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. “Binawasan mo ang sahod ko?”
Nginiting aso ang itinugon niya rito. “I told you I will, Boss.” Uminom siya ng tubig, saka matamis itong nginitian. “Two weeks kang wala last month, and that’s fifty percent less.”
Halos hindi maipinta ang mukha ni Lysander. “Kung ganoon bakit twenty five percent lang ng isang buwan kung sahod ang inilagay mo rito kung fifty percent ang bawas?”
“The remaining twenty five percent is for all the stress that you have given me last month.” Lalong tumamis ang ngiti niya. “See below? ’Yong may pangalan ko? Yes, that. See? Iyong nawala mong sahod, nasa akin na siya kasi ako naman ang gumagawa ng trabaho mo. All you do is sign the papers. You don’t even read them.”
He scoffed. “It’s your job to read them and it’s my job to sign them.”
She rolled her eyes. “So twenty five percent for you for signing the papers.” Umiling-iling pa siya na may sarkasmong ngiti. “Signing papers is such a talent, Boss. Nakakaubos iyon ng ink ng ball pen. Round of applause for you.”
Pinirmahan ni Lysander ang papeles, saka tumingin sa kanya. “You’re insulting me again, Jergen. May I remind you na ako ang boss mo? Ako ang dahilan kaya may sahod ka buwan-buwan.”
Inubos niya ang pagkain sa pinggan, saka tumayo at nginitian ito nang peke. “May I remind you din na dalawang linggo ka nang hindi pumapasok. Without me doing all your work, you’ll be in the office working your ass off.” Then she glared at him. “You’re very much welcome, Boss.” Kapagkuwan ay inilabas niya sa bag ang nabiling lubricant. “Here. Your lubricant. Have fun with that weird stuff.” Inirapan niya ito, saka isinukbit ang bag sa balikat. Kinuha rin niya ang champagne na nasa ibabaw ng mesa. “At dadalhin ko ’to sa bahay. Tutal marami ka namang champagne sa cellar mo.” Pagkasabi no’n ay malalaki ang hakbang na umalis siya sa hapagkainan.
Akala niya ay hindi siya sinundan ni Lysander dahil wala naman siyang narinig na yabag. Kaya naman nagulat siya nang may magsalita sa likuran niya habang binubuksan niya ang pinto palabas ng bahay.
“Hey.”
Nilingon niya ito. “What?”
“I’ll drive you home. Gabi na, baka mapano ka sa daan.” Napakaseryoso ng mukha ni Lysander. Hindi siya sanay na ganoon ito.
“Okay lang ako. Kaya ko ang sarili ko.”
“No. I insist.” Lumapit ito sa kanya, saka hinawakan na naman ang kamay niya at hinila siya palabas ng gate kung saan nakaparada ang sasakyan nito. “Sakay na.”
May choice ba siya? Binuksan niya ang passenger seat at sumakay. Sumakay na rin ito sa driver’s seat. Nang umusad sila, binuksan niya ang bintana, saka napapikit nang maramdaman niya ang hangin.
“Ano’ng ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Lysander kapagkuwan. “Itaas mo nga ’yong bintana. May aircon naman.”
“Ayoko niyan.” Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib. “Ihahatid mo ako, fine with me, Boss. Pero ang i-off mo ang aircon. I can’t stand that.”
He blinked numerable times before speaking. “No aircon?’
“Nope.” Umiling pa siya para pumasok talaga iyon sa isip nito.
Humigpit ang hawak nito sa manibela at itinutok ang mga mata sa dinadanan nila. “Fuck. I’m gonna die later,” he mumbled but she heard him.
Umikot lang ang mga mata ni Jergen. “Ang arte nito. Mas maganda ’yong fresh air, eh.”
“Oo na,” parang suko na nitong sabi. “Panalo ka na. Keep that freaking window open.”
Nginitian niya ito nang sumulyap sa kanya. “Thanks, Boss.”
“Yeah, yeah, pero may bayad ’yan.”
Hindi na siya nagulat. “Ano naman ang bayad ko rito sa pagbukas ng bintana?”
May kakaibang kislap ang mga mata nito na agad ding nawala kaya hindi niya nabasa. “You’ll see. We’ll get there.”
Sa halip na sagutin si Lysander, ihinilig na lang niya ang ulo sa gilid ng bintana para mas tumama pa sa mukha niya ang hangin. Nakakahiyang sumuka sa Lamborghini ng boss niya.
That would be a total disaster.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 3
CHAPTER 3
NAKAKRUS ANG mga braso ni Jergen habang hinihintay na lumabas ang boss niya sa sasakyan nitong nakasara na ang bintana. Mag-iilang minuto na rin ito sa loob at hinihintay niyang lumabas dahil iyon ang sabi nito.
“Anytime now, Boss,” she whispered while tapping her foot on the ground.
Ano ba ang ginagawa ng lalaking ’yon sa loob? Goodness. Is he doing some weird stuff again?
Akmang kakatukin na niya ang bintana ng sasakyan nang bumukas ang driver’s seat at lumabas si Lysander doon.
“Namumutla ka, Boss,” komento niya habang nakatingin dito.
Napahawak ito sa hood ng kotse na parang nanghihina, saka tumingin sa kanya. “Ayos lang ako.” He tried to smile.
“Ano’ng nangyari sa ’yo?” nagtatakang tanong niya.
“I’m fine.” Umayos ito ng pagkakatayo, saka ngumiti. “See?”
Umikot ang mga mata niya. “Fine. Now leave, Boss.”
“No way.” Lumapit ito sa kanya, saka hinawakan siya sa kamay at hinila papasok sa condominium.
Nang makapasok, agad siya nitong hinila papasok sa elevator. “What floor, Jergen?” tanong nito.
“Tenth,” sabi niya habang pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
Bakit ba nararamdaman niya iyon? Matagal na niyang ibinaon sa limot ang atraksiyong nararamdaman niya para sa boss niya. At ngayon, hinawakan lang siya sa kamay at ang puso niya ay nagri-react na agad. What was happening to her?
“Nandito na tayo,” sabi ni Lysander.
Hindi namalayan ni Jergen na nakarating na sila sa tenth floor at nakalabas na rin ng elevator.
Napakurap-kurap siya. “Oh.”
“Yeah. So, what room?”
Nauna na siyang naglakad patungo sa pinto ng condo niya. Gamit ang key card ay binuksan niya ’yon. Itinulak niya ang pinto pabukas at humarap siya sa boss niya.
“Salamat sa paghatid. Good night. “Pumasok na siya at akmang isasara ang pinto nang itulak iyon pabukas ni Lysander at pumasok ito.
“I believe we still have a wine to drink,” sabi nito, saka parang pag-aari ang condo niya na naglakad patungo sa sala at umupo sa mahabang sofa, saka binuksan ang TV.
Tumaas ang kilay niya. “Boss?”
“Hmm?”
“Ipapaalala ko lang, hindi mo bahay ’to,” sabi niya.
Nilingon siya nito. “This is given by the company to you, baby, so partly, it’s mine.”
Umawang ang mga labi ni Jergen kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig dahil nasisiguro niyang hindi iyon gawa-gawa ng imahinasyon niya.
Did he just call her baby?
Itinikom niya ang nakaawang na bibig, saka tumikhim para kumalma ang dibdib niya. “Boss?”
“Yes?”
“Did you just call me baby?”
He glanced at her. “I did.” Amusement danced in his eyes. “Didn’t I?”
Now this is awkward. Nag-iwas siya ng tingin. “Ahm…” Tumikhim siya, saka itinuro ang kuwarto niya. “Doon lang ako.”
Habang naglalakad, narinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaki. Napailing-iling na lang siya, saka pumasok sa kuwarto.
Kung ano man ang narinig niya na itinawag sa kanya ni Lysander ay kailangan na niyang kalimutan. It wasn’t healthy for both of them, especially at work.
Nang makapagbihis ng pambahay, lumabas si Jergen ng kuwarto niya habang dala-dala ang wine na kinuha niya kay Lysander. Nagpunta siya sa kusina at kumuha ng dalawang wineglass. Kapagkuwan ay nagtungo siya sa sala kung saan nanonood pa rin si Lysander.
“Hey, Boss,” sabi niya, saka umupo sa kabilang dulo ng mahabang sofa at iniabot dito ang wineglass na may laman nang kalahating wine. “Here.”
Tinanggap iyon ni Lysander, saka sumimsim habang matamang nakatingin sa kanya.
“Bakit ka nakatingin sa akin nang ganyan?” naiilang na tanong niya pagkatapos sumimsim din ng wine sa wineglass.
Pinaikot-ikot nito ang lamang wine sa wineglass habang mataman pa ring nakatitig sa kanya. “Bakit masama bang tingnan ka?”
Nag-iwas siya ng tingin. “Hindi naman.”
“Hmm…” Ilang segundo itong natahimik bago nagsalita uli. “You know, hindi mo magagawa sa ibang boss ang ginagawa mo sa akin.”
Ibinalik niya ang tingin dito. “Alam ko, kaya nga hindi ako nagre-resign kahit sobrang stress ko na.” May munting ngiti na gumuhit sa mga labi niya. “It’s not every time that a secretary can insult her boss for being so darn lazy.”
He chuckled. “Yeah? And you like insulting me?”
“Pretty much.” Uminom si Jergen ng wine. “I get to insult my boss, I get to learn a thing or two about being a secretary slash president of a company, I have a high paying job, I have extra pay because you’re darn lazy to do things on your own and above of it all, I can finance my family because of my job.” Ngumiti siya. “Sinong aayaw maging secretary mo kung marami akong benepisyong nakukuha?”
Inagaw nito ang wien bottle na hawak ng isa niyang kamay, saka nagsalin ito sa sariling wineglass na wala nang laman.
“Pero bilang empleyado mo, Boss, masasabi kung ang tamad-tamad mo talaga kahit kailan. Wala kang pinagbago,” dagdag niya. “Limang taon na akong nagtatrabaho para sa ’yo pero mabibilang ko lang ang mga araw na pumapasok ka. I’m even shock that Callahan Real Estate still survive through the years.”
“Because I’m awesome,” sabi nito na para bang dagdag points iyon para sa sales at stocks ng kompanya.
Inirapan niya ito. “Actually, ako ang awesome, hindi ikaw. Huwag kang ambisyoso, Boss.”
Sanay na siya sa sagutan nilang ganoon ni Lysander. This was what made them comfortable with each other. Sanay na siyang iniinsulto ito palagi dahil alam niyang hindi naman iyon dinidibdib ng lalaki.
“Oo na.” Umiling-iling si Lysander. “Ikaw na.”
“Ako naman talaga.” Mahina siyang natawa. “Ako pa, ako yata ang nagpapatakbo ngayon sa kompanya mo. Dapat nga increase-san mo ang sahod ko, eh. Too much load na ako bilang sekretarya mo. Dapat ’yong sahod mo, akin na rin.”
Hindi maipinta ang mukha nito. “Kaya nga ’di ba binawasan mo na ang sahod ko? You’re not even allowed to do that, but hell, you’re doing it anyway. Maybe I’ll fire every employee in the Accounting Department. Trabaho nila ang tinatrabaho mo, eh.” Umiling-iling ito na parang naiinis sa kanya. “Bakit ko ba pinirmahan ang payroll na ’yon? Wala na akong panggasolina nito.”
“Boss, baka nakakalimutan mong ipinatanggal mo ako sa payroll na tinatrabaho ng Accounting Department kasi gusto mong ako mismo ang gumawa ng sarili kong payroll na kasama ka.” She rolled her eyes. “At puwede ba, Boss, hindi bagay sa iyo yang paawa effect. Ang alam ko namang kahit wala kang sahurin, may pera ka pa rin.”
Nawala ang inis sa mukha ng lalaki, saka mahinang natawa. “You know me too well, baby.”
Bumilis ang pintig ng puso niya. There’s that baby again. Am I hearing him wrong or was I right?
Pareho silang natahimik na dalawa hanggang sa magsalin na naman ng wine si Lysander sa champagne glass nito.
“Magmamaneho ka pa pabalik, Boss. Huwag kang uminom nang marami,” paalala niya.
“I’ll be fine,” sabi nito, saka ininom ang wine na inilagay sa champagne glass. At mukhang hindi pa sapat iyon, ininom nito ang natitira pang wine sa bote.
Nalukot ang mukha niya. “Ayos ka lang ba, Boss?”
“Have you seen my passport, Jergen?” sa halip ay tanong nito.
Lalo siyang naguluhan sa tanong nito. “What?”
“And have you seen my passbooks?”
Napailing-iling siya. Nalasing na yata ’to. “’Yong passport mo kasama siya sa mga passbook mo. Nasa may kulay-dark blue na maliit mong cabinet sa gilid ng walk-in closet mo. Doon ko iyon inilagay noong pinakisuyuan mo akong mag-deposit ng pera sa bangko pagkatapos mong umuwi galing Colorado.”
“Oh.” He rested his feet on the center table. “You knew me too well, baby. Too well.”
“Yes, I do,” sabi niya, saka tumingin dito. “Boss, limang taon na akong nagtatrabaho para sa ‘yo. Lahat na yata ng tungkol sa’ yo ay alam ko na. Alam kong kapag umiinom ka ng tequila, ayaw mo ng asin at garnish, gusto mo pure. Alam ko ring allergic ka sa polyester kaya cotton ang lahat ng damit mo kahit ang loob ng mga tuxedo mo. Alam ko ring kapag kumakain ka ng burger, inaalis mo ’yong lettuce, tomato at iba pang gulay kasi ayaw na ayaw mo sa gulay dahil ang tawag mo sa kanila ay damo. At alam ko ring kapag birthday mo, ayaw mo ng malaking cake, gusto mo cupcake lang kasi selfish ka at ayaw mong may kumakain sa birthday cake mo kundi ikaw lang.”
He looked at her. “Kilalang-kilala mo na talaga ako, ’no?”
“Oo.” Tumango siya habang sinasalubong ang tingin nito. “At ikaw rin ang pinakatamad na lalaking nakilala ko.”
Mahina itong natawa. “At ikaw ang pinaka-bossy kong secretary. At ikaw lang ang sekretarya kong iniinsulto ako. But I kinda like you insulting me, at least I know you’re real and not fake.” He glanced at her. “That’s what I like about you, you never lie to me. Sinasabi mo sa akin kung ano’ng laman ng isip mo kahit negatibo pa ’yon.”
Pumintig nang mabilis ang puso niya. He liked her? “Umuwi ka na nga, Boss, gabi na. Lasing ka na yata, eh.”
Nanatili itong nakatitig sa kanya. “Do you have a boyfriend, Jergen?”
Tumaas ang kilay niya sa tanong nito. “Bakit ka naman nagtatanong? Personal ’yon.”
“Sagutin mo na lang ako.”
“Wala.”
“Nagkaroon ka na ng boyfriend noon?”
“Oo.”
Nagdilim ang mukha nito. “Sino? Ipapa-assassinate ko.”
Inirapan niya ito. “Wala ’yon. Kaklase ko noong college sa probinsya namin. Nakipag-break ako kasi ayoko ng long distance relationship nang makipagsapalaran ako rito sa Manila.”
“Mas guwapo sa akin?”
Mahina siyang natawa sa tanong ni Lysander. “Boss, you do realize that you look like a freaking model.”
“Yes.” May pagmamalaki ang boses nito. “Yes, I am.”
Jergen rolled her eyes. “And here goes the ipuipo of boastfulness.”
Sa halip na sumagot, tumawa lang ito at dumausdos ng higa sa mahabang sofa habang nakapikit ang mga mata. Hanggang sa ang ulo nito ay nakaunan na sa hita niya.
Nalukot ang mukha niya. “Boss, ano ba, huwag ka ngang magbiro diyan. Bumangon ka na nga.”
Akmang yuyogyugin niya ang balikat nito nang marinig niya ang mahina nitong paghilik.
“What the…” Hindi niya natapos ang sasabihin, saka napailing-iling na lang. “Matulog ba naman sa sofa at ginawa pang unan ang hita ko.” Napabuntong-hininga siya. “Dapat may bayad ’to, eh.”
Bumaba ang tingin niya sa maamo nitong mukha na natutulog. Hindi niya maiwasang pakatitigan ang boss niyang ilang taon na rin niyang pinagnanasaan. Ngayong tulog ito, malaya niyang napagmamasdan ang guwapo nitong mukha.
This man was really handsome. Kaya hindi nakapagtatakang magkagusto siya rito.
But she knew better than to fall for her boss. Tiyak na mawawalan siya ng trabaho kung malalaman ni Lysander ang laman ng isip niya sa tuwing nakikita ito. Baka bumalik na naman siya sa cause of death; starvation. Kaya nga siya tumagal bilang sekretarya nito kasi ang alam nito ay platonic ang relationship nilang dalawa. Walang malisya. Pero heto at pinagnanasaan niya ito.
Alam niyang sinesante ni Lysander ang sekretaryang sinundan niya dahil nagkagusto ang babae rito at ayaw niyang mangyari ’yon sa kanya.
Napabuntong-hininga si Jergen, saka hinaplos ang noo nito. Sinuklay niya ang buhok nito habang nakatitig siya sa mukha nito. “Bakit naman kasi ang guwapo mo?” pabulong niyang tanong.
Bigla na lang nagmulat ng mga mata ni Lysander dahilan para tumigil ang paghinga niya at manlamig ang buong katawan niya. Narinig ba nito? She was so close. Of course, he heard her!
Then he smiled. “It’s in my genes, baby.”
Umawang ang mga labi niya. “Oh… my…” halos manlamig ang buo niyang katawan at parang sasabog ang dibdib niya. “Boss…”
He grinned. “And it’s also God’s gift to women—”
Bigla siyang tumayo na para bang napaso siya sa kinauupuan dahilan para mahulog si Lysander sa sofa at tumama ang ulo at likod nito sa sahig.
“Ouch! Fuck!” Mabilis itong tumayo, saka pinukol siya ng masamang tingin. “Is that the right way to treat your boss? Fuck! Nabali yata ang ribs ko.”
She glared back at him. “Hindi! Pero hindi rin naman tamang magtulog-tulugan ka!” Hindi niya napigilang sigawan ito, lalo na’t nag-iinit ang pisngi niya sa hiya. “Are you making fun of me, Boss?”
“Of course not! And I think we’re even,” sagot nito na masama pa rin ang tingin sa kanya. “Nauntog ang ulo ko sa semento at nabali yata ang ilang ribs ko.” Nakangiwi ito habang hinahaplos ang likod ng ulo.
Gusto niyang bulyawan ang lalaki sa ginawa nitong pagtutulog-tulugan pero mas namayani ang pag-aalala niya sa ulo nito.
Mabilis siyang kumuha ng cold compress sa ref, saka bumalik agad sa sala.
“Ayos ka lang ba?” Nilapitan niya si Lysander, saka pumuwesto siya sa likuran nito at inilapat ang cold compress sa likod ng ulo nito. “Masakit pa ba? Ikaw naman kasi, Boss, eh,” paninisi niya. “Huwag mo kasi akong ginugulat. Hayan tuloy, nagkabukol ka na.”
“That’s okay,” sabi nito, saka inagaw ang cold compress na hawak niya at bigla na lang humarap sa kanya. “Hindi mababawasan ng bukol na iyan ang kaguwapuhan ko.”
Nag-angat si Jergen ng tingin sa lalaki at lihim siyang napalunok nang mapansing ilang dangkal na lang ang layo ng mukha nilang dalawa. At nang bumaba ang tingin nito sa mga labi niya, parang nanuyo ang lalamunan niya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan sa hindi malamang kadahilanan kahit gustuhin niya.
“You owe me,” sabi nito habang nakatingin pa rin sa mga labi niya. “Una, binuksan mo ang bintana ng kotse ko kahit ayaw ko. Pangalawa, hinulog mo ako sa sofa at iniuntog mo pa ang ulo ko sa sahig—”
“Hindi ko naman sinasadya ’yon, Boss.” Naiinis na sumimangot siya. “Sorry na. Actually kasalanan mo naman talaga, eh.”
“Hindi sapat ang sorry mo para sa bukol ko.” Lalong lumalapit ang mukha ni Lysander sa mukha niya. “That requires an extra payment, Jergen.”
She gulped and frowned. “Extra payment?”
“Yes, baby,” he whispered. “And this will do.” With that, he pressed his lips on hers.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 4
CHAPTER 4
“THIS IS TONIGHT?” tanong ni Jergen sa babaeng nagbigay sa kanya ng invitation para sa business party na gaganapin mamayang gabi at imbitado ang boss niya.
“Yes, Ma’am.” Ngumiti ang babae.
“Sino-sino ang dadalo?”
“Confidential po ang mga businessmen na dadalo sa pagtitipon. And I’m not allowed to disclose it to a mere secretary.”
Nakaramdam siya ng pagkainsulto kaya tumaas ang kilay niya. “Well, this secretary will not give this invitation to her boss if you won’t tell me,” pagtataray niya. “At mukhang isa sa mga importanteng tao sa pagtitipon ang boss ko, and trust me, my boss doesn’t like this kind of lavish parties.”
Tumaas ang kilay ng babae. “We will call Mr. Callahan.” May pananakot sa boses nito.
Jergen smiled. “Be my guest, Miss.” Iminuwestra niya ang kamay sa elevator. “You can leave now.”
Inirapan siya nito, saka malalaki ang hakbang na pumasok sa elevator.
Umirap si Jergen nang mawala ang babae sa paningin niya. Ayaw na ayaw niya talaga sa mga taong ito na nga ang may kailangan, ito pa ang nagmamataas.
Bumuntong-hininga siya, saka umupo sa upuan niya sa harap ng mesa. Nag-iisip siya kung tatawagan ba niya ang boss niya o pupunta siya sa Bachelor’s Village. Pero tuwing naiisip niya ito, bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi.
That kiss…
Her cheeks heated up.
Good heavens. What happened last night should never have happened!
Huminga siya nang malalim, saka napatingin sa elevator nang tumunog ’yon at bumukas.
Bahagyang namilog ang mga mata niya nang lumabas mula sa elevator ang boss niyang walang iba kundi si Lysander Callahan. He was wearing a very expensive suit and he looked formidable in it as he walked like he owned the place. Well, he did own the place. And she couldn’t help but to admire how gorgeous he was in his suit.
But what the hell? He’s actually here?
Napakurap-kurap siya. Hindi siya makapaniwalang nakikita niya itong naglalakad papasok sa opisina.
Hindi ito nagsalita. Nang magtama ang mga mata nila, kinindatan lang siya, saka pumasok sa opisina nito.
Her mouth was still opened in shock. The hell? Her boss was here? Ano ang nakain nito ngayong araw at pumasok ito?
Nagmamadali niyang sinundan si Lysander sa opisina nito, saka natigilan sa paglalakad nang makitang nakaupo ito sa swivel chair. Hindi siya sanay na nakikitang nakaupo ito roon.
“Shock?” he asked.
Itinikom ni Jergen ang nakaawang na bibig. “You have no idea.”
Nag-angat ito ng tingin sa kanya at hindi nakatakas sa paningin niya ang pagbaba ng mga mata nito sa mga labi niya at ang kakaibang kislap ng mga mata nito.
Nag-init ang pisngi niya. Naalala ba nito ang halik na ’yon kagabi?
Shit!
“So…” Humugot ang lalaki ng malalim na hininga. “What do you need me to do?” tanong nito. “I’m here and I feel like working my ass off today.”
Naguguluhan at nagtataka pa rin siya habang nakatingin dito. “Ano nga ang nakain mo, Boss at pumasok ka?”
“It’s not what I ate.” May pilyong kislap sa mga mata nito. “It’s what I tasted last night.” Tumaas ang sulok ng labi nito. “Damn your lips taste sweet—”
“Shut up, Boss.” Namumula ang pisnging pinandilatan ni Jergen ang lalaki, saka itinuro ang steel cabinet na nasa gilid ng opisina nito. “First drawer, sign those papers. I already read them and all you need is sign them. Sa second drawer, nandiyan ang layout ng mga bahay na ginawa ng mga architect sa Architectural Department. There are fifty of them. Tingnan mo lahat at mamili ka ng treinta piraso para maipasa ko na ’yon sa Construction Department. Nasa ikatlong drawer ang reports ng sampung construction firm na sister company ng Callahan Real Estate. Kailangan mo ring pirmahan ang mga ’yon. And the last drawer, nandiyan ang lahat ng papeles na dumaan sa akin sa dalawang linggong absent ka. I-review mo, ’tapos ibalik mo sa akin para maayos ko kung may dapat pang ayusin.”
Nakanganga lang si Lysander sa kanya habang nagsasalita siya. Parang hindi ito makapaniwalang nakatingin sa kanya. “May balak ka bang patayin ako sa trabaho ngayong araw?”
Matamis siyang ngumiti. “Why would I do that to you, Boss?”
Tumalim ang mga mata nito. “Are you trying to get even with me, Miss Secretary?”
Inosente niya itong nginitian. “I don’t know what you’re talking about, Boss.” Nginisihan niya ito, saka lumabas na siya sa opisina nito.
She would take advantage of her boss being present today. Minsan lang ’tong mangyari kaya dapat lubos-lubosin na niya. Who knows kung kailan naman ito papasok.
Umupo si Jergen sa kanyang upuan at inangat ang telepono, saka tinawagan ang bawat departamento sa loob ng kompanya para ipaalam na pumasok ngayon ang big boss. At kung may papipirmahan, ngayon ang tamang oras baka absent na naman ito bukas.
Masaya siyang napangiti nang matapos niya ang tawag at isa-isang nagsidatingan ang mga head ng bawat departamento at may mga dalang papipirmahan kay Lysander.
At dahil lahat ng may kailangan ay pinapaderetso niya sa boss niya, ang tanging ginawa niya lang ay tumanggap ng tawag at mag-set ng appointments.
She was smiling happily and humming when her boss got out from his office, looking broody and annoyed.
Nginitian niya ito. “Hi, Boss.”
He glared at her. “Don’t fuck with me, Jergen. I’m pissed!”
Nanatili ang ngiti sa mga labi niya. “Ano ba’ng ginawa ko?” inosente niyang tanong.
“You know exactly what you did,” galit nitong sabi. “Halos hindi ko na alam ang gagawin sa loob sa dami ng trabaho ko at sumabay pang nagsidatingan ang head ng mga department para magpapirma!”
Nagmaang-maangan siya. “Nope. Hindi ko alam kung ano’ng sinasabi mo, Boss.”
He took a threatening step towards her. Nang makalapit ito sa kanya, halos mapugto ang hininga niya nang ilang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha nila.
“What you did requires an extra payment, baby,” sabi nito na matiim na nakatitig sa kanya, kapagkuwan ay bumaba ang tingin sa mga labi niya.
She saw desire in his eyes. Bumilis ang tibok ng puso niya. “Boss, don’t you dare kiss—”
Hinuli ng mga labi nito ang mga labi niya at mapusok siyang hinalikan. Sa takot na baka may makakita sa kanila, pilit niyang itinutulak palayo si Lysander kahit pa nga nagugustuhan niya ang kiliti na hatid ng paggagad ng mga labi nito sa mga labi niya.
“Boss—”
Lalo nitong diniinan ang paghalik sa kanya, saka niyapos ang baywang niya at hinapit siya palapit.
Itutulak sana niya ito uli nang tumunog ang cell phone nito. Nakahinga siya nang maluwang nang pakawalan nito ang mga labi niya pero hindi ang pagkakayapos sa baywang niya.
“Huwag kang gagalaw,” bulong ni Lysander, saka kinuha ang cell phone sa bulsa at sinagot ang tawag. “Yes, speaking.”
He kissed her again, this time she didn’t spoke to stop him. Baka marinig ng nasa kabilang linya. Nanatili siyang tahimik at tinanggap ang masarap na pakiramdam ng halik nito. She even close her eyes not to savor his kisses but to stop herself from feeling pleasure.
Damn, his kisses feel good.
“Yes. No, hindi ko pa natanggap,” Lysander said in between kissing her lips, to her chin, down to the side of her neck.
Nahigit ni Jergen ang hininga nang maramdaman ang kuryenteng dumaloy mula sa puson niya pababa sa pagkababae niya.
Oh, God… why was she feeling wet down there?
He nipped and licked the skin on her neck making her whimper quietly. Napahawak siya sa balikat ni Lysander nang bahagya nitong kagatin ang balat sa leeg niya at paglandasin ang dila dahilan para lalong maramdaman niya ang pagkabasa sa gitnang bahagi ng mga hita niya.
“Yes, it would be my pleasure,” Lysander said between kissing her neck. “Oh?” Sa wakas ay tumigil na ito sa ginagawa sa leeg niya at bahagyang binigyang pagitan ang mga mukha nila. “Jergen, open your eyes, honey.”
Dahan-dahan niyang iminulat ang mariing pagkakapikit sa mga mata na dala ng estrangherong sensasyong ipinaparamdam nito sa kanya na hindi niya mapigilan. “A-ano ’yon?” nautal niyang sabi habang kapos ang hininga.
Tinakpan nito ang mouthpiece ng cell phone, saka nagtatanong ang mga matang nagsalita. “Tinarayan mo raw iyong organizer ng business party mamayang gabi?”
Natakpan ng inis ang kakaibang sensasyong nararamdaman kani-kanina lang. “Oo. Bakit? Nagsumbong sa ’yo?”
He nodded. “Yep.”
“She called me a mere secretary.”
“Oh.” Realization dawn on his face then he spoke to the other line. “She insulted my secretary too,” he paused, his face growing darker every seconds. “No. She’s not saying sorry. At kapag may sinabi pa siyang masama tungkol sa sekretarya ko, mawawalan siya ng trabaho kaya huwag niya akong subukan.” Pinatay nito ang tawag, saka ibinalik ang cell phone sa bulsa at ibinalik ang atensiyon sa kanya. “Now, where were we?”
Mabilis siyang humakbang paatras, palayo rito. “No, Boss, you’re not kissing me again.”
“Why not?”
“Because!” Pinandilatan niya ito. “Hindi ito tama.”
“Sino’ng nagsabi?”
“Ako.” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Saka marami ka pang trabaho—”
“Kapag natapos ko ba ang trabaho ko, magpapahalik ka na sa ’kin?”
Namula ang pisngi niya. “Lysander!”
Mahina itong tumawa. “Now that’s a first… palaging boss ang tawag mo sa ’kin, eh.”
Inirapan niya ito. “Tigilan mo ako, Boss.”
“Nope.” Humakbang uli ito palapit sa kanya, may kakaibang kislap ang mga mata. “I want to kiss you so I’m kissing you.”
“Tigilan mo sabi ako, eh!” naiinis niyang sabi kasi nararamdaman niyang nadadarang na siya.
“No.”
“Lysander!”
“Honey,”
“Don’t call me that!”
“Baby.”
Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Hindi mo talaga ako titigilan? Ano ba ang kailangan mo sa ’kin, Boss, ha?! Is this some kind of a test?! Stop it… stop this now! Hindi na ako natutuwa! Hindi!”
Tumigil ito sa paglapit sa kanya, saka tumuwid ng tayo. “Fine. I’ll stop now.”
Nakahinga si Jergen nang maluwag. “Bumalik ka na roon sa loob ng opisina mo.”
Nawala ang emosyon sa mukha nito. “I’m your boss, Miss Camince, so don’t boss me around like I’m your employee.” Pagkasabi n’on ay tinalikuran siya nito at pumasok na sa opisina.
Pabagsak siyang naupo sa upuan niya, saka lumapat ang mga daliri niya sa mga labi niya at gumapang iyon pababa sa baba niya hanggang sa leeg kung saan siya hinalikan kanina ni Lysander.
Nararamdaman pa niya ang mainit nitong paghalik. She liked it. She liked it very much! Pero ayaw pa rin niya. Limang taon na siyang nagtatrabaho para kay Lysander. Alam na niya ang likaw ng bituka nito pagdating sa mga babae. Marami na siyang babaeng nakitang umiyak nang dahil dito. Kaya nga pinili niyang itago ang atraksiyong nararamdaman dahil sa pagiging babaero nito.
She knew him too well when it came to women. She knew him too well not to trust him.
Kaya naman ayaw niyang magpadarang sa masarap na sensasyong ipinaparamdam nito sa kanya. She’d end up like his other women before, in the gutter, bleeding and crying. At hindi niya hahayaang mangyari ’yon sa kanya at iyon ay kailangan niyang ipaintindi rito.
Huminga si Jergen nang malalim, saka nagtimpla siya ng kape at hinatid iyon sa loob ng opisina ni Lysander.
“Here, Boss,” sabi niya.
Tumango lang ito, saka nagpatuloy sa pagtatrabaho. Kaya naman humakbang siya paatras, tumalikod, saka naglakad palabas ng opisina.
Bumalik siya sa mesa niya, saka ipinagpatuloy ang pagtatrabaho hanggang hapon. Pareho silang hindi kumain ng boss niya. Nang sumapit ang alas-singko ng hapon, gutom na gutom na siya kaya naman pumasok siya sa opisina ni Lysander.
“Boss, kakain ka ba—” Napatigil siya sa pagsasalita nang makitang nakasandal ito sa likod ng swivel chair at mahimbing na natutulog. Napailing-iling siya. And here she thought he was working his ass off.
Napabuntong-hininga siya, saka nilapitan ang lalaki at ginising. “Boss, pagabi na,” sabi niya habang niyuyugyog ang balikat nito. “Gising na.”
Slowly, his eyes opened then he frowned. “What?” Dinig na dinig niya ang iritasyon sa boses nito.
“Gabi na,” sabi niya. “Umuwi na tayo. May pupuntahan ka pang party, ’di ba?”
“Oh. Akala ko papatayin mo ako sa trabaho.” May sarkasmo sa boses nito. “At hindi mo man lang ako pinakain.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Akala ko kasi galit ka kaya hindi na ako nag-abala.”
“I was starving, Jergen. You could have at least feed me! Alam mo bang ang dami kong trabaho, ’tapos ginutom mo pa ako!”
“Parang galit ka sa ’kin kanina, eh…” nakasimangot niyang sabi. “Saka nagugutom din naman ako, ah. Pareho lang tayong hindi kumain kasi ang arte mo kanina.”
He sighed, then got up. “Come on. Let’s eat.” Hinawakan siya nito sa kamay, saka hinila palabas. “Nagugutom na talaga ako.”
Habang pababa ang elevator, magkahawak ang kamay nilang dalawa at mas bumibilis ang tibok ng puso niya.
Nang makalabas sila ng elevator, hawak pa rin ni Lysander ang kamay niya hanggang makapasok sila sa kotse nito. Lihim siyang napangiti nang makitang ibinaba nito ang bintana sa passenger seat para sa kanya. Mukhang naalala nito na ayaw niyang nakakaamoy ng aircon.
“Sakay na. Kakain tayo,” wika ng lalaki.
Binalingan niya ito. “Akala ko galit ka sa ’kin.”
“I still am, actually.”
“Kung ganoon bakit mo ako pinapasakay sa kotse mo?”
“Kasi gusto kitang halikan sa loob kaya pumasok ka na bago pa kita halikan dito sa labas.”
Namilog ang mga mata niya. “Lysander!”
He chuckled. “There’s my name. Sounds good when you say it.”
Inirapan niya ito. “Tigilan mo na ako, Boss. Hindi ka na nakakatuwa.”
Sa halip na tigilan siya, humakbang ang lalaki palapit sa kanya, saka ipinalibot ang mga braso sa baywang niya at niyakap siya nang mahigpit.
Kumabog na naman nang mabilis ang puso niya habang yakap siya ni Lysander. Hindi na siya magtaka kung marinig nito ang tibok ng puso niya sa lakas ng tibok niyon.
“Boss—”
“Call me Lysander.” It wasn’t a request, it’s more like a command. “Nakakarindi na sa tainga ang katatawag mo sa ’kin ng boss.”
Para siyang mabibingi sa lakas ng tibok ng puso niya. “Boss—”
“It’s Lysander, Jergen. Ly-san-der.”
“L-Lysander,” mabilis ang tibok ng puso niyang sambit. “Okay na? Bitawan mo na ako.”
“Nope.” Mas humigpit pa ang yakap nito. “Just a little longer.”
“Minamanyak mo na ako, Boss.” sabi niya para mawala ang kabang nararamdaman niya. “Tama na ’yan.”
Mahina itong tumawa, saka pinakawalan siya sa pagkakayakap at tumingin sa kanya. “Hiking tomorrow?”
“Yeah, sure,” sabi niya na hindi pa rin maka-move on sa pagyakap sa kanya ni Lysander. Her heart was still hammering inside her chest.
“No payment needed?”
Inirapan ni Jergen ang lalaki. “’Yan ang hindi mangyayari, Boss.” Sumakay siya sa kotse nito, saka hinintay itong makaupo sa driver’s seat. “Ihatid mo na lang ako sa bahay,” sabi niya nang makasakay ito. “Doon na lang ako kakain. Saka ikaw mag-aayos ka pa para mamaya sa party.”
Napabuntong-hininga ito nang banggitin niya iyon. “Actually, I don’t want to go.”
“Pero kailangan kaya pumunta ka na. Sobrang katamaran na ’yan, Boss.”
Umiling-iling ito habang nagmamaneho. “I’ll get bored there. Hindi kita kasama, eh.”
Nalukot ang mukha niya. “Ano’ng tingin mo sa ’kin, clown?” Inirapan niya ito. “Saka huwag mo akong idamay-damay sa party na ’yan. Busy ako ngayong gabi.”
“At bakit?”
“Manonood ako ng Avengers na cartoons.”
Napapantastikuhang sumulyap sa kanya ang lalaki. “Pinapatulan mo ’yon? Goodness, baby, you’re not a kid anymore.”
Jergen rolled her eyes. “It’s fun to watch.”
Napailing-iling na lang ito, saka itinigil ang kotse sa harap ng condominium building niya. “Malapit lang pala dito sa opisina ang condo mo.”
“ Yeps .“ Binuksan niya ang pinto ng kotse. “Have fun in the party, Boss.”
Lysander rolled his eyes. “I won’t have fun, unless…” he grinned, “… you come with me.”
“ Nah-ah .“ Umiling pa siya, saka nginisian ito. “May the force be with you, Boss.”
Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Lysander. “Really? Star Wars ?”
Tumawa siya. “Yes.”
“And? Wala ka nang ibang alam o sasabihin para hindi ako ma-bore mamaya sa party?”
Kumurap-kurap siya, nag-iisip, kapagkuwan ay napangiti. “Avengers, assemble.”
Lysander give her a bored look. “That’s it?”
“You are the guardian of the galaxy.”
Lysander shook his head. “Wala ka nang pag-asa, Jergen. Pang-mental ka na.”
Mahina siyang natawa. “That’s why you like me, Boss.”
“Yeah.” Matiim siyang tinitigan ni Lysander. “That’s why I like you, Jergen.”
Nagbaba siya ng tingin, saka lumabas na ng kotse nito para makaiwas. Para maiwasan din niya ang mag-assume ng kung ano-ano.
Lysander liked her as his secretary. Nothing more and nothing less. That kiss meant nothing. Kilala niya ang boss niya pagdating sa mga babae, tiyak na hindi ito seryoso sa kanya.
“Jergen?”
Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. “Yes, Boss?”
“Have fun watching Avengers .”
May gumuhit na munting ngiti sa mga labi niya. “Thanks, Boss.”
He smiled, that kind of smile that could drop someone’s underwear. “See you, baby.”
Her heart skipped a beat. Hindi siya nakapagsalita hanggang sa makaalis ang sasakyan ni Lysander sa harap niya. Natulos siya sa kinatatayuan at paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang pagtawag nito sa kanya ng “baby.”
Damn. Why am I so affected?
LYSANDER was bored to death. Ayaw niya sa mga ganitong party. Businessmen trying to win another businessmen’s favor and on and on and on. Lahat plastic, lahat may mga hidden agenda at lahat may gustong makuha.
At hindi siya kasali sa mga ’yon. Kontento na siya kung ano ang mayroon ang kompanya niya. And anyway, he didn’t need investors. His company could stand on its own.
“Mr. Callahan?” A woman’s voice called his attention.
Nilingon niya ang babae. She’s a beauty, but… “Hi.” Ngumiti siya. “May I help you?”
Inilahad ng babae ang kamay. “I’m Klariza Dela Fuente, heiress of DF Shipping Lines.”
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “Lysander Callahan, owner of Callahan Real Estate and some other companies.”
The woman smiled flirty at him. “It would be my pleasure to go to your place tonight.”
Nanatili ang ngiti sa mga labi niya. “Sorry.” He felt odd being with her. He didn’t like it. “I, ahm…” Tumikhim siya. “I have somewhere else to be after here.”
Halata ang disappointment sa mukha nito. “Oh. Maybe tomorrow?”
“Ahm…” Nag-iwas siya ng tingin. “I don’t know. Not sure. I’m a busy man.” Say what? I’m lazy for goodness’ sake! “ Excuse me.“ Tinalikuran niya ito, saka kinuha ang cell phone sa bulsa. Tinawagan ang kaibigan niyang may sagot sa katanungan sa isip niya.
“Callahan.” Mukhang nagulat ang nasa kabilang linya sa tawag niya. “May emergency ba sa village? Is my house on fire? We’re on vacation for goodness’ sake!”
“Tyron, my man, I have a quick question.”
“Shoot.”
“I just declined a woman’s invitation for a sexy erotic night.” Hinilot niya ang sentido. “Ano ba’ng nangyayari sa ’kin? Hindi naman ako ganito noon, ah.”
Mahinang tumawa si Tyron sa kabilang linya. “Welcome to Possessive Men’s Club, buddy.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “What the fuck?”
“Deal with it, buddy.” Pinatayan siya nito ng tawag.
Napatitig siya sa screen ng cell phone niya. “Anong deal with it?” Napabuntong-hininga siya, saka tinawagan ang sekretarya niya. Bored na siya at nasisiguro niyang malilibang siya nito.
“Hey, baby.”
“Boss, huwag mong sirain ang gabi ko.”
Napangiti siya nang tarayan na naman siya ni Jergen. He liked calling her baby. It seemed to him that that certain endearment was made only for her.
“How’s your night?” tanong niya. “I’m so fucking bored.”
“I’m watching Avengers beating up Ultron, Boss.” Tumawa ito na parang siyang-siya. “Ang saya ng gabi ko.”
“I’m bored, baby.”
“Eh, di umalis ka diyan,” suhestiyon nito na parang iyon ang pinaka-rational na gawin. “Hindi mo naman kailangan ang mga businessmen na ’yan.”
“Hmm…” That was true. “Sige, pupunta ako diyan sa condo mo.”
“What? At bakit?” Jergen sounded shock and scared at the same time. “No! Go home, Boss. Huwag mo akong istorbohin. Matutulog na ako actually.”
Tumawa lang siya. “See yah, baby.”
“No—”
“Bye, baby.”
“Baby-hin mo ang mukha mo!”
Malakas siyang tumawa, saka pinatay niya ang tawag at nagmamadaling lumabas ng hall kung saan ginaganap ang party.
He have more important things to do than to party. Important like his secretary.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 5
CHAPTER 5
HER BOSS being so darn stubborn, kahit anong sabi ni Jergen na huwag itong pumunta sa condo niya, pumunta pa rin at hindi nagpapigil. Kaya naman napilitan siyang papasukin ito sa condo niya.
“Sinabi nang huwag kang pumunta rito kasi sisirain mo ang gabi ko,” nagpuputok ang butsi na sabi niya habang nakasimangot. “Pasok ka na nga.”
Nginitian lang siya ni Lysander, saka pumasok sa bahay niya. At habang naglalakad ito, hinubad nito ang tuxedo na suot, paisa-isang inaalis ang butones ng puting polo, saka walang pag-aalinlangang hinubad ’yon.
Napanganga si Jergen nang makita ang pang-itaas na katawan ng lalaki. Ripped muscles, eight pack abs, V-line. And not to mention his very handsome face.
Dayum, hot.
Itinikom niya ang bibig dahil baka tumulo ang laway niya. Kapagkuwan ay umakto siyang hindi apektado sa hubad nitong pang-itaas na katawan.
“Puwede ba, Boss, magdamit ka nga.” Kunwari ay naiinis siya pero ang totoo, ginagahasa na ng mga mata niya ang abs nito.
It wasn’t every day that she could see an abs. Live and up close.
Umupo si Lysander sa sofa, saka inilipat ang TV sa Discovery Channel. “Halika rito, Miss Secretary,” sabi nito.
Nag-aalangan siyang umupo sa dulo ng mahabang sofa. “Boss, magdamit ka nga. Nakakaasiwa kang tingnan.”
She liked seeing his body and abs, pero kung ganito naman ang epekto n’on sa kanya, pass na lang siya. Parang hindi siya mapakali at gusto niyang hawakan ’yon.
Goodness, me!
“Usod ka rito malapit sa ’kin,” ulit ni Lysander. “Manood tayo.”
“Ayoko nga.” Umalis si Jergen sa sala kasi ayaw niya ng tentasyon. Nagtungo siya sa kusina para magtimpla ng gatas.
Milk before bedtime. Nakagawian na niyang uminom ng gatas bago matulog.
Nang matapos siyang magtimpla, hinayaan niya iyong lumamig ng ilang minuto bago niya ininom. Nangangalahati na siya sa pag-inom ng gatas sa baso nang marinig niya ang boses ni Lysander.
“Milk?”
Napatigil siya sa pag-inom, saka bumaling dito. “Bumalik ka ro’n sa sala. Dini-distract mo ako.”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Why is that?”
“Basta.” Inirapan niya ito. “Lumayo ka nga sa ’kin.”
Sa halip na makinig, lumapit ito sa kanya, sabay yakap sa baywang niya.
“Lysander!” Muntik na niyang mabitawan ang basong hawak.
He chuckled. “Yeah?”
“H-huwag mo nga akong yakapin.” Ang bilis ng tahip ng dibdib niya. “Please, bitawan mo ako.” Sa halip na pagalit ay pabulong ang pagkakasabi niya. Walang lakas.
Baka hindi na niya kayang kontrolin ang katawan niya kapag nagpatuloy ito sa ginagawa.
“What if I don’t want to?” pabulong namang tanong ni Lysander habang ang mga labi ay humahalik-halik sa tainga niya na naghahatid sa kanya ng kakaibang sensasyon at kiliti. “What if I want more than hugging your waist?
Napalunok si Jergen. Parang nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa mga sinasabi ni Lysander at sa uri ng boses na ginagamit nito.
His voice sounded sexy and seductive.
At hindi rin nakakatulong ang walang saplot nitong pang-itaas na mas nakaka-distract sa kanya.
“Lysander—”
“Yes, baby?” He kissed her from her ear to her cheek, then to her lips.
Hindi napigilan ni Jergen ang mapadaing nang mas naging mapusok ang paghalik sa kanya ni Lysander. Habang pinipigilan ang sarili na hindi madarang ay nanginginig ang kamay niya na may hawak na baso na may kalahating laman ng gatas.
She squeezed her eyes shut, forcing herself not to feel anything. Then Lysander started caressing her breast, making her whimper in pleasure.
Oh, God… she wanted to moan, to let go of this pleasure building inside her. Dear God. What is happening to me? This is new to me. So new.
“Lysander…” Hindi niya napigilang iungol ang pangalan nito nang pakawalan nito ang mga labi niya at bumaba ang mga labi sa leeg niya. “Oh, God…”
Malapit na siyang bumigay, ’buti na lang ay tumigil na ito sa ginagawa. Para siyang nakahinga nang maluwag.
“H-huwag mo nang gagawin ’yon,” nauutal niyang sabi habang namumula ang pisngi. “T-that was—” Napatigil siya sa pagsasalita nang halikan na naman siya nito sa mga labi.
This was insane. Liking Lysander’s kisses was insane on her part. But… she really liked the feeling of his lips on hers.
Inilapag niya ang baso sa island counter na kinasasandalan, saka parang may sariling isip na yumakap ang mga braso niya sa leeg nito. Hindi na niya kayang pigilan ang sarili. She wanted this too… his kisses.
Humigpit ang yakap niya kay Lysander, saka dahan-dahang gumagad ang mga labi niya sa mga labi nito, ginagaya ang paggalaw ng mga labi nito. Nang ipasok ni Lysander ang dila nito sa loob ng bibig niya, napadaing siya. Pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman pero hindi na niya kayang pigilan ’yon.
Nadadarang na siya. Napapaungol na siya sa sarap. Napapadaing.
Lysander bit her lips before pulling away and staring at her. “Did you just kiss me back, Miss Secretary?”
Nag-init at namula ang pisngi ni Jergen na tumungo siya. “Don’t say it,” may diin niyang sabi na nahihiya. “Sasakalin kita, Boss.”
Lysander chuckled. “At bakit naman? You look flush, baby.”
Inirapan niya ito. “Tigilan mo ako. That kissing back was a mistake.” Kinuha niya ang baso, saka ininom ang gatas na laman. Inilagay niya sa lababo ang baso, saka iniwan si Lysander sa kusina.
Agad naman siya nitong sinundan.
“You kissed me back, Jergen.” Lysander sounded pissed. “Why deny it, huh?”
Tumigil siya sa pagsasalita, saka hinarap ang lalaki. “I’m not denying anything, Boss. Ayoko lang matulad sa iba mong mga babae.” Sinalubong niya ang tingin nito na nagtatanong at naguguluhan. “Kilala kita. Alam ko ang likaw ng bituka mo. Alam ko kung gaano na karami ang babaeng pinaiyak mo. Alam ko rin na itong ginagawa mo, itong paghalik-halik mo sa ’kin at itong pagtawag mo sa ’king ‘baby,’ lilipas din ’to. Mawawala rin kaya hihintayin ko na lang na mangyari ’yon kasi alam ko naman na hindi mo ako seseryosohin.” Huminga siya nang malalim. “I miss my boss who likes to banter with me. I want him back, Boss. Kasi ngayon pa lang sasabihin ko na sa ’yo, hindi ako magiging katulad sa mga babae mo na ibinasura mo lang pagkatapos mong pagsawaan. I will not be like them. I don’t want to be one of them.”
Mapaklang tumawa si Lysander. “So that’s it… iyan ang rason mo kung bakit ayaw mo sa ’kin, kasi babaero ako?”
“Yes,” deretsahan niyang sagot. “Limang taon na akong nagtatrabaho para sa ’yo. Alam ko rin kung ilang babae ang pinaiyak at sinaktan mo.” Huminga siya nang malalim. “So, yeah, that’s my reason.”
Hindi mapakaniwalang tiningnan siya ni Lysander. “You can’t judge me like that, Jergen. You don’t know me—”
“No, Boss, I know you and that’s the problem. I don’t want to associate myself with a playboy like you.” Alam niyang nakakainsulto ang sinabi niya pero kailangan niyang sabihin ’yon. “Kaya tama na ’tong paglalaro mo kasi hindi ka na nakakatuwa.”
Mapait itong ngumiti. “So that’s my judgement?”
Nagbaba si Jergen ng tingin. Hindi niya alam ang isasagot. Judgement? Maybe. It was all self-preservation and nothing more.
Nagpasalamat siya nang tumunog ang cell phone niya na nasa center table ng sala. May alibi na siya para umalis sa harap ni Lysander.
Nilapitan niya ang cell phone at pinulot iyon sa ibabaw ng mesa. Sinagot niya ang tawag nang makitang numero iyon ng nakababata niyang kapatid.
“Ate, kumusta ka na?”
Pilit niyang pinasaya ang boses. “Ayos lang naman ako, Jenny. Kayo diyan? Kumusta?”
“Ayos lang naman kami, Ate,” sabi ni Jenny. “Pero, Ate, birthday ko na sa susunod na linggo. Uuwi ka ba?”
Napangiti siya. “Oo naman. ’Di ba nangako akong bibilhan kita ng malaking cake.”
Masayang tumawa si Jenny. “Talaga, Ate? Yehey!” Tuwang-tuwa ang kapatid niya. “Hihintayin ka namin, Ate, ha? Excited na ako.”
“Ako rin,” sabi niya na nakangiti. “See you soon, Jen.”
“See you soon din, Ate.”
Nang mawala sa kabilang linya ang tawag, napatitig si Jergen sa screen ng cell phone niya, saka siya bumaling kay Lysander. Pero wala na roon ang lalaki. Tanging ang tunog na lang ng pagsara ng pinto ng condo ang narinig niya.
Napabuntong-hinga siya. Now what?
Bumuntong-hininga siya uli. Lysander left and that was what she wanted, right? Dahil babaero ito at ayaw niyang maging isa sa babaeng ibinasura nito.
This was the best for her. Bahala ang boss niya kung dinamdam nito ang sinabi niya. Totoo naman kasi iyon. And it wasn’t like she was lying. Totoo namang babaero ito.
Dahan-dahan siyang umupo sa pang-isahang sofa, saka bumuntong-hininga.
Shit!
“CAN I COME IN?” tanong ni Lysander sa kaibigan nang pagbuksan siya nito ng pinto ng bahay nito sa Bachelor’s Village. “I need a friend who gives a good advice.”
Mahinang natawa si Terron. “And do I qualify in that aspect?”
Nagkibit-balikat siya. “Yeah, I think so.”
Pumasok siya sa loob ng bahay ni Terron kahit hindi siya pinapapasok. Magkaklase sila nito sa graduate school kaya nagkakilala sila at magkaibigan. Maybe because he was the only one who treated Terron like a normal person even though he was a Royalty.
“Thorn, Andrius, Khairro are lunatics. Wala akong mapapala sa tatlong ’yon.”
Terron chuckled. “Okay. I’ll pretend that I didn’t hear that.”
Umupo siya sa pang-isahang sofa, saka sumandal. “So, how’s your life here?” tanong niya.
Terron sighed and then sat on the long sofa. “I feel at home, actually.” He gave out a short laugh. “This is the best country to hide from my father who wants me to pick a woman to marry. Again. Since my supposedly wedding with Themarie fucking failed.”
“Marunong ka pa lang magmura,” gulat niyang sabi, saka mahinang natawa.
Ngumisi si Terron. “Oh, I can cuss all right. I just wasn’t allowed to do so in the Palace.”
“And your Tagalog?”
“Oh.” Tumawa ito, saka may accent na nag-Tagalog. “Malapit na. Pero sa tingin ko hindi ka nagpunta rito para kumustahin ako.”
He looked at Terron, impressed. “Straight Tagalog.” He chuckled. “Improving, bud.”
Naningkit ang mga matang tiningnan siya nito. “Why are you here, bud?”
Napabuntong-hininga siya. “There’s this woman and I’m horny.”
Napangiwi si Terron. “Really? That’s it? Iyan ang problema mo?” Napalatak ito. “Man, that is weird.”
Lysander rolled his eyes. “Tell me about it.”
“Can’t you unhorny yourself?” Terron asked.
Umiling siya. “Nope. Been trying for years.”
Malalim na napabuntong-hininga si Terron. “Damn. You have a problem indeed.” Napailing-iling ito. “Ilang taon ka na palang nagpipigil, ’buti napigilan mo.”
“I’d been slipping these past few days.”
Terron tsked. “Ano’ng ginagawa mo?”
“Kissed her, touched her… you know, horny stuff.”
Napangiwi si Terron. “Too much information, bud. Stop.”
Lysander chuckled. “Well, that’s my problem… So, any advice?”
“Fuck her,” deretsahang sagot ni Terron. “Then move on.”
Binasa ni Lysander ang nanunuyong labi. “Ahm, she doesn’t want to fuck me.”
“Why?” Terron asked as if it was impossible for a woman to say no to him.
“Because she’s different.”
“Oh. Different.” Napatango-tango ito, saka ngumiti. “You’re fuck then.”
Napamura siya. “Yes, I’m fucked. I figure that out already.”
Napailing-iling si Terron. “But here’s an advice, buddy. You’re lusting over her so go and fuck her. If she doesn’t want to screw you then seduced her. That would be easy for you, right? Seducing a woman?”
Tumango siya. “Yeah. It’s easy to seduce Jergen,” may sarkasmo niyang sabi. “It’s like a walk in the park with cannibals.”
Mahinang tumawa si Terron. “It’s sex, bud. How hard could it be?”
“You don’t know Jergen. She’s hard as a rock.”
“Your problem…” Terron smirked. “Not mine.”
Humugot siya ng malalim na hininga. “Yeah. My problem.” Dumausdos siya ng upo. “I hate my life right now.”
Tumayo si Terron, saka iniwan siya sa sala. Nang bumalik ito, may dala nang beer, saka ibinigay sa kanya. “Drink up.”
Tinanggap niya ang beer at ininom iyon. “Let’s get drunk.”
Napailing-iling si Terron habang mahinang tumatawa. “You really are fucked.”
“Yes, yes I am fucked,” sabi niya saka uminom ng beer.
NAGULAT si Jergen nang mapagbuksan niya si Lysander ng pinto ng condo niya. Sabado ngayon ng umaga. Hindi na siya nagtanong kung ano ang kailangan nito dahil nakapang-hiking na ang suot nito.
“Hiking?” tanong niya.
Tumango ito. “Gear up.”
Huminga siya nang malalim. “Sige.” Binuksan niya ang pinto para makapasok ito, saka nagmamadali siyang pumasok sa kuwarto niya para magbihis.
Nakahanda na ang bag na dadalhin niya sa hiking. Matapos magbihis, isinukbit niya ang backpack sa balikat, saka lumabas. Nakita niya si Lysander sa may pinto, hindi ito pumasok.
He’s still pissed?
“Let’s go, Boss,” sabi niya na parang hindi sila nagsagutan nang nakaraang gabi.
Mataman siyang tinitigan ni Lysander bago nagsalita. “Let’s go.”
Sinundan niya ito pababa ng condo niya, saka pareho silang walang imik habang nasa kotse sila patungo sa pagha-hike-kan nila. May driver na naghatid sa kanila patungo roon.
Nang makarating, sabay silang lumabas ni Lysander at napalinga-linga siya.
“Tayo lang?” tanong niya. Sanay kasi siyang apat o lima silang nagha-hiking.
“Yes,” walang emosyong sagot ni Lysander habang inaayos ang backpack na dala nito. “Hindi naman malayo ’to at wala namang masyadong nakakatakot sa trail kaya tayo lang dalawa. Bakit?” Ang walang emosyon nitong mga mata ay tumingin sa kanya. “May problema ka ba ro’n, Miss Camince?”
Miss Camince? He was mad. Iyan palagi ang basehan niya ng galit nito kapag tinawag na siyang Miss Camince.
Huminga si Jergen nang malalim bago sumagot. “Wala naman. Nagtataka lang ako.”
“Good.” Nag-umpisa na itong maglakad. “Let’s go. Kailangang makarating na tayo sa tuktok ng bundok bago gumabi.”
Tumango siya, saka sumunod. Pareho silang walang imik na dalawa habang naglalakad. Hindi siya sanay. Kasi noon, kapag nagha-hiking sila, palagi silang nagsasagutan ng kung ano-ano lang. Hindi ganito na ang tahimik nila.
Four hours later, ilang beses na siyang nagreklamo na pagod na siya at mala-lock jaw na dahil hindi talaga siya kinakausap ng boss niya na nasa unahan lang niya. Kaya naman inunahan na niya ito.
Tumikhim siya. “Boss?”
“We’ll reach that mountain maybe after lunch,” sabi ni Lysander, wala pa ring emosyon ang boses. “Doon na tayo magka-camping sa ibaba n’on kapag ginabi tayo.”
Napabuntong-hininga siya. Sila na nga lang dalawa, ganoon pa ito makipag-usap sa kanya.
The funny thing was that, pagdating kay Lysander, kapag ito ang kasama niya, she felt safe. Hindi siya natatakot na baka may mangyaring masama sa kanila sa kagubatan. Kasi nararamdaman naman niyang hindi siya nito pababayaan.
Namaywang siya habang naglalakad. She couldn’t take the silence anymore. “Nakakapagod naman ’to, Boss. Kaya ayokong sumasama sa ’yo, eh. Ikaw lang itong mapilit na isama ako,” reklamo niya habang kinakapa ang masakit sa likod niya. “Shit… kung wala itong extra pay, nuncang sasama ako sa ’yo.”
Napatigil sa paglalakad si Lysander, saka humarap sa kanya. Pinakatitigan nito ang mukha niya, kapagkuwan ay mahinang tumawa, saka kinuha ang backpack na dala niya. “Akin na ’to. Kawawa naman ang baby ko.”
Nang marinig niyang tinawag siya nitong baby, pinukol niya ito ng masamang tingin. “Masasapak kita kapag tinawag mo pa akong baby, Boss.”
Tumawa lang si Lysander, saka nauna nang maglakad. Siya naman ay masaya dahil kinakausap na siya nito kahit nga panay ang ngiwi niya sa bawat hakbang na ginagawa.
Mag-aapat na oras na silang naglalakad mula sa inumpisahan nilang trail kanina at pagod na pagod na siya.
“Boss!” nababagot niyang tawag kay Lysander.
Sa halip na sumagot, nag-umpisa itong magbilang. “One… Two… Three—”
“Pagod na ako, Boss,” angal niya.
“That’s the fourth time you said that, baby,” sabi ni Lysander na nagpatuloy lang sa paglalakad.
So he’d been counting?
Humaba ang nguso ni Jergen. “Boss, naman kasi, eh.” Pilit siyang humahabol sa lalaki. “Hintayin mo nga ako.”
Bumuntong-hininga ito, tumigil at nilingon siya. “Gusto mong magpahinga?”
Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Kanina pa. Hindi mo lang ako pinapansin kaya hindi ako nagsabi.”
Inilibot nito ang tingin, saka tumuon iyon sa malaking bato na nasa gilid ng trail. Itinuro nito ’yon. “Upo ka ro’n.”
Nakahinga siya nang maluwang. “Hay, salamat.” Napangiti siya nang makaupo sa bato at medyo nawala ang sakit ng mga muscle sa mga binti niya. “Grabe, nakakapagod ’to. Buwisit ka talaga, Boss. Balak mo yata akong patayin, eh.”
“I paid you for this,” reklamo rin ni Lysander sa kanya.
Tiningnan niya ito nang masama. “You bribe me, you mean.” Inirapan niya ito, saka hinaplos ang buhok niya. “Tingnan mo ang buhok ko, hindi na siya maganda. It’s a mess, not a freaking rainbow color anymore.”
“Just fix it later,” sabi ni Lysander na parang naiinis.
Nag-angat siya ng tingin dito. “Naiinis ka?”
Lumapit sa kanya ang lalaki, saka lumuhod ang isang tuhod nito sa lupa. Inabot nito ang binti niya at marahang minasahe ’yon.
Lihim siyang napangiti. So he cares?
Napakagat-labi siya nang makaramdam na kaunting kaginhawaan sa binti. “Damn, that feels good.”
“Yeah?”
Napatingin siya kay Lysander, titig na titig ito sa kanya. “Bakit nakatingin ka sa ’kin nang ganyan?”
Nanatili itong nakatitig. “You look sexy biting your lips.”
Jergen quickly stopped biting her lips. “Yong bag ko, please?” sabi niya para makaiwas sa sinabi nito.
Tumigil sa pagmasahe sa kanya si Lysander, saka inilapag ang backpack na dala niya kanina sa harap niya.
“Pakiabot naman niyang mini thermos bottle ko,” sabi niya.
Agad naman iyong kinuha ni Lysander sa gilid ng bag, saka iniabot sa kanya. “Ano ba ang laman niyan?”
“Gatas.”
Napapantastikuhang napatitig sa kanya si Lysander. “Gatas?”
“ Yeps .“ Binuksan niya ang takip ng thermos bottle, saka uminom, ’tapos iniabot iyon kay Lysander. “Drink up. It’s good for your bones, Boss.”
Nakangiwing umiling si Lysander. “No, thank you.”
She glared at him. “Drink, Boss.”
“No.”
Humaba ang nguso ni Jergen. “Grabe, dinamihan ko pa naman ang laman para hati tayo,” pangongonsiyensiya niya.
“Still, no. I hate milk.”
Hindi talaga niya ito mapipilit pero susubukan pa rin niya. “This is good for your bones, Boss,” ulit niya. “Saka makakatulong to kasi nagha-hiking tayo.”
“Nope.” Hindi maipinta ang mukha nito. “Ubusin mo ’yan. Mas kailangan mo ’yan kaysa sa ’kin.”
Napasimangot siya. “Ewan ko sa ’yo, Boss.” Inubos niya ang laman ng thermos bottle, saka tumayo na. “Let’s go, Boss. Akyatin na natin yang pesteng bundok na ’yan na nanahimik naman pero ayaw nating patahimikin.” Itinuro pa niya ang bundok para mas dramatic tingnan. “Halika na.”
Napailing-iling na lang si Lysander, saka naglakad na sa tabi niya. Hindi pareho kanina na mas nauuna ito sa kanya, ngayon, hinihintay siya nito kahit anong bagal pa niyang maglakad. May mga pagkakataong hawak nito ang kamay niya habang umaakyat sila, pero agad naman siyang umiiwas.
Pero mukhang hindi na papayag ang lalaki sa pagkakataong iyon dahil ayaw nitong bitawan ang kamay niyang pilit niyang inaagaw mula rito.
“Let me hold your hand, baby,” sabi nito nang ikatlong beses niyang subukang agawin ang kamay niya. “Pantanggal ng pagod.”
Kumunot ang noo ni Jergen. “Ano ako, pain reliever?”
He just smiled at her and continue walking. Hanggang sa makarating sila sa tuktok ng bundok.
“Ulap.” Napailing-iling si Jergen habang nakatingin sa nasa harap niya. “Ito ang bayad sa lahat ng pagod ko makaakyat lang sa bundok na ’to. Ulap.” Puno ng sarkasmo ang boses niya.
Nangingiting inakbayan siya ni Lysander. “It’s not every day you see a scenery like this.”
Pilit niyang pinapakalma ang puso na mabilis ang tibok dahil sa pag-akbay sa kanya ng lalaki. Damn it.
“Puwede ka namang makakita ng ulap kapag nakasakay ka sa eroplano, ah,” pilosopo niyang sabi. “Mas madali pa iyon kaysa sa pag-akyat ng bundok.”
“Baby…” Humigpit ang pagkakaakbay nito sa kanya. “Hiking is like being part of the nature. It always feels good to climb a mountain and reach the peak to see the clouds, rather than ride a plane to see it.”
Umingos siya. “I hate hiking.”
“Pero nandito ka.”
“Kasi binayaran mo ako.”
Tumawa lang ito, saka inilabas ang cell phone mula sa backpack at binuksan ang camera niyon. “Picture?”
Napasimangot siya. “Ang pangit ko na kaya.”
Nangingiting sinuklay nito ang kulay-rainbow niyang buhok. “You’re pretty to me, Jergen.”
Her heart skipped a beat. Shit! Pero itinago niya iyon sa pamamagitan ng pag-irap. “Tigilan mo ako, Boss.”
Inakbayan siya uli ni Lysander at ipinosisyon ang cell phone nito na nakabukas ang camera paharap sa kanila. “Say sex, baby,” nakangiting sabi nito.
Pinukol niya ito ng masamang tingin kasabay ng pagtunog ng shutter ng camera.
Nang tingnan ni Lysander ang picture nila, napailing-iling ito. “Come on, baby, work with me here.”
Inirapan niya ito, saka inagaw ang cell phone na hawak nito. Hinanap niya ang app na gusto niyang gamitin para kumuha ng picture. Nang hindi niya mahanap, ang cell phone niya ang kinuha niya sa backpack, saka binuksan ang Snapchat app.
“This is it.” Ipinosisyon niya ang camera sa harap nila, saka ngumiti nang makita ang ilong nila na parang ilong ng aso. “Say cheese, Boss.”
“Sex.” Lysander grinned then she pressed the capture button.
Mahinang natawa si Jergen nang makita niya ang picture nila ni Lysander. Nakakatawa ang hitsura nilang dalawa dahil sa mga ilong nilang parang aso.
“Look at our faces,” sabi niya habang itinuturo niya ang ilong nila. “Ang cute mo rito.”
“Cute lang? Ang guwapo ko kaya.”
Binalingan niya ang lalaki. “Here comes the ipuipo of boastfulness again.”
Lysander rolled his eyes. “You’re insulting me again, baby.”
Tumawa siya, saka pinanggigilan niya ang pisngi nito. “Ang cute mo talaga, Boss. Ang sarap mong itulak pababa sa bundok na ’to.”
Lysander shook his head in disbelief. “Alam mo ikaw, may balak ka talagang masama sa ’kin, eh.”
Tinawanan niya lang ang sinabi nito, saka binuksan ang camera ng cell phone at kumuha ng picture ng ulap. “Hayan, remembrance mo, Boss. Nakakahiya naman kasi. Umakyat ka pa rito wala ka man lang remembrance.”
Puno ng sarkasmong tumingin sa kanya si Lysander. “Alam mo, I get the feeling na siyang-siya kang iniinsulto ako.”
Ngiting aso lang ang isinagot niya, saka dumistansiya para kunan ito ng picture. Kapagkuwan ay nag-selfie uli sila. Naka-ilang picture din sila bago nila napagdesisyunang bumaba na ng bundok.
“May clearing sa ibaba,” sabi ni Lysander habang pababa sila. “Bago magdilim nakarating na tayo roon.”
“Okay,” ang tanging nasabi niya kasi nagko-concentrate siya sa bawat hakbang. Baka matapilok siya bigla dahil nananakit na ang mga binti at talampakan.
Pareho silang walang imik ni Lysander habang pababa sa bundok. Hanggang sa makarating sila sa clearing na sinasabi nito. Pareho silang naging abala agad habang nagtutulong na i-set up ang tent. Mayamaya, umalis sandali si Lysander para kumuha ng mga panggatong o pakalat-kalat na tuyong kahoy para gawin nitong siga pagsapit ng dilim.
Nang maayos ni Jergen ang loob ng tent at nailagay na ang sleeping bags, lumabas siya ng tent. Tamang-tama naman na kababalik lang ni Lysander mula sa pagkalap ng mga panggatong.
“Boss, okay na sa loob ng tent,” imporma niya.
Bumaling sa kanya si Lysander. “May pagkain diyan sa bag. Kunin mo na at kumain ka baka nagugutom ka na.”
Lihim siyang napangiti. Nagdala ito ng pagkain para sa kanya kahit hindi sila bati kagabi at kanina.
“Anong pagkain ang dala mo, Boss?” tanong niya habang binubuksan ang bag nito. “Fried chicken ba o kaya pizza?”
“No. Just an energy bar.”
Napangiwi si Jergen. “ Eww . Ayoko niyan. Hindi na lang ako kakain.“ Tumayo siya, saka ininat-inat ang likod na nananakit. Kapagkuwan ay tinitigan niya ang boss niya na pinagpapatong-patong ang mga panggatong.
He looks fresh.
Kumunot ang noo niya. “Naligo ka?” Parang medyo basa pa kasi ang buhok nito.
“Yeah.” Pinagpag nito ang kamay, saka humarap sa kanya. “May maliit na falls ilang metro mula rito. Malapit lang naman, hindi ka mawawala. Gusto mong samahan kita?”
“Huwag na.” Kinuha niya ang bag na nasa gilid ng tent. “Ako na lang. Maliwanag pa naman.”
“Sige. Balik ka agad, ha?”
Sinaluduhan niya si Lysander. “Yes, Boss.”
Lysander rolled his eyes. “Just follow the trail to the north. Nandoon ’yong maliit na falls. Malapit lang iyan dito. Kapag nagtagal ka, pupuntahan kita.”
Tumango si Jergen, saka nagmamadaling nagtungo sa falls na sinasabi nito. Malapit nga lang iyon sa clearing kung saan sila naglagay ng tent.
Nang makarating sa falls, wala siyang sinayang na segundo. Agad siyang naligo at nagsabon. Yes. Girl’s scout siya. Handa ang sabon at shampoo niya. Ayaw niyang mangamoy, lalo na’t katabi niya ang boss niya mamaya.
Noon, marami silang natutulog sa isang tent, ngayon, silang dalawa na lang. Goodness! Dapat makatulog agad siya mamaya.
Mabilis siyang nagpalit ng damit pagkatapos maligo, saka bumalik sa tent bago pa siya sundan ni Lysander. Pagabi na pa naman. Padilim na ang paligid.
“Boss, I’m back,” anunsiyo niya habang gumagawa ng siga si Lysander.
“Good.” May iniabot ito sa kanyang energy bar. “Eat then sleep. Maaga pa tayo bukas.”
“Okay.” Napipilitan siyang kumain ng energy bar, saka pumasok na sa tent at nahiga.
Hindi pa nag-iinit ang hinihigaan niya nang pumasok na rin sa tent si Lysander at humiga sa tabi niya. Napalunok siya nang maramdaman ang hininga nito sa batok niya. Halos magsitaasan ang lahat ng balahibo niya.
“Boss—”
“It’s Lysander, Jergen.” Yumakap ang isang braso nito sa baywang niya. “Gaano ba kahirap sabihin ang pangalan ko?”
Kinagat ni Jergen ang pang-ibabang labi nang maramdamang lumapat ang mga labi nito sa batok niya at pinaglandas nito ang dila roon patungo sa balikat niya.
Oh! Shit!
Simple contact yet her body burned.
“Lysander,” daing niya sa pangalan ng lalaki habang mariing nakapikit ang mga mata.
Pinipigilan niya ang makaramdam ng kahit ano pero nadadarang siya. Her body was reacting and it was burning with desire.
Parang nanginginig ang mga labi ni Jergen nang pumasok ang kamay ni Lysander sa loob ng pang-itaas niyang damit.
Holy mother of God! Why am I burning and wet down there?
“Lysander, please,” habol ang hininga niyang sabi.
Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid. All she care about was Lysander’s lips on her nape and his hand on her belly traveling down to the center of her womanhood.
Shit!
Bigla siyang itinihaya ni Lysander at wala siyang ginawa nang kubabawan siya nito at halikan sa mga labi. All she could do was accept the kiss and kiss him back with desire that had been building inside her since their first kiss.
“Lysander…” bulong niya nang bahagyang maghiwalay ang mga labi nilang dalawa at bumaba ang halik nito sa leeg niya.
Umawang ang mga labi niya at nahigit niya ang hininga nang kagatin nito ang gilid ng tainga niya at bumulong. “You won’t get away this time, baby.” He licked her earlobe. “You’re mine tonight.”
CECELIB | C.C.
CHAPTER 6
CHAPTER 6
WALA na sa tamang pag-iisip si Jergen habang nakapikit at ninanamnam ang sarap na dulot ng ginagawa ni Lysander sa katawan niya. Hindi nga niya namalayan na wala na pala siyang saplot ni isa, ganoon din ang lalaki.
The only thoughts in her mind was Lysander’s kisses and his touch that were making her body burned and making her forget everything. Ni hindi na niya naisip ang self-preservation, hindi na niya naisip na dapat protektahan niya ang sarili. When Lysander started pleasuring her by kissing and touching her, her defenses melted like an ice under fire.
Parang napupugto ang hininga niya sa bawat paglapat ng mga labi nito mula sa dibdib niya pababa sa puson niya. Napapaigtad siya sa bawat halik, napapadaing sa bawat haplos at mahigpit na nakakuyom ang kamay sa bawat paglandas na dila ng lalaki sa balat niya.
His touch was scorching. His kisses are breathtaking. And his tongue was wicked, making her whimper in pleasure… making her moan in pure bliss.
Umawang ang mga labi niya at malakas siyang napasinghap nang ibuka ni Lysander ang mga hita niya at halikan siya sa gilid ng singit.
Shit! “Lysander…” Nag-iinit ang katawan niya na lalong nagpapawala sa kanya sa tamang huwisyo. “Lysander…”
Mariing nakapikit ang mga mata ni Jergen. Nakaguhit sa mukha niya ang pagnanasang nararamdaman habang kagat ang pang-ibabang labi. Halos mapugto ang hininga niya nang lumapat ang isang daliri ng lalaki sa hiyas niya at hinagod ’yon.
“Oh!” Napaliyad siya. “Lysander!” Naisigaw niya ang pangalan nito nang dahan-dahan nitong hagurin ang loob ng biyak niya, bahagyang pinipisil-pisil iyon. “Shit!”
Habol niya ang hininga habang hinihintay ang sunod na gagawin ni Lysander.
She could feel her clitoris throbbing, wanting attention. Parang sensitibo ang lahat ng parte ng katawan niya dahil sa bawat haplos ni Lysander ay lalong nadadagdagan ang init sa kanyang kaibuturan.
Bumuga ng hininga si Lysander at tumama iyon sa basa niyang pagkababae dahilan para mapaigtad siya sa kiliting naramdaman. “Lysander!”
“God, you’re so wet, baby,” bulong nito habang hinahalik-halikan ang pisngi ng pagkababae niya at hinahagod ng dila ang biyak niya. “Hmm… you taste better that I imagine.”
Malakas siyang napaungol nang ipasok ni Lysander ang dila sa biyak niya at sinundot-sundot ang clitoris niyang naninigas at pumipintig.
Mas palakas nang palakas ang ungol ni Jergen habang dinidilaan at sinisipsip ng lalaki ang clitoris niya. Nakabuka ang mga hita niya habang sinasamba nito ang pagkababae niyang basang-basa.
Umaangat ang puwit niya sa bawat paggalaw ng dila ni Lysander sa pagkababae niya. Halos sumigaw na siya sa sobrang sarap ng sensasyong nararamdaman. Napasabunot siya sa sariling buhok, napakagat sa pang-ibabang labi at pabiling-biling siya sa higaan.
“Oh! Lysander, oh!” She was moaning loudly, writhing in pleasure. “Oh, Lysander… Lysander… Lysander.” Her toes curled as she deliriously chanted his name over and over and again and again. Habol niya ang hininga at para siyang nababaliw sa sobrang sarap.
This delicious feeling was new to her. So new and strange. Hindi niya kayang kontrolin ang sarap na lumulukob sa buo niyang pagkatao at sa kaibuturan ng pagkababae niya. Ni minsan sa buhay niya, hindi niya ginustong hawakan ang sariling pagkababae. Pero sa pagkakataong ’yon, dumako ang kamay niya sa basa niyang kaselanan at diniinan ’yon kasabay ng mahaba niyang pag-ungol.
“Shit, Lysander,” hinihingal niyang ungol. “Ano’ng ginagawa mo sa ’kin—oh! H-hindi ko na kaya.” Napaliyad ang katawan niya sa sobrang sarap. “Lysander, please—ohh! Please, h-hindi ko na kaya.”
Nagmamakaawa na siya sa lalaki. Pilit niyang iniiwas ang paglababae sa bibig nitong sumasamba dito habang panay ang halinghing niya sa sarap ng nakakakiliting sensasyon.
“Tama na, Lysander… I can’t…” She was panting. Her breathing was ragged. “I—I can’t… please… oh, God. Ang sarap niyan.” Napahawak siya sa ulo nito, saka pinagduldulan dito ang pagkababae niya. “Do that again, Lysander…” He sucked her clitoris and licked it up and down, faster and harder, making her scream and orgasm.
Ramdam ni Jergen ang medyo mainit na katas na dumaloy palabas sa pagkababae niya habang nakapikit ang mga mata. Habol niya ang hininga at nanunuyo ang lalamunan niya.
Her legs were shaking because of the aftermath of her orgasm. Nanginginig ang mga hita niya pero hindi iyon sapat kay Lysander, hinahalikan pa rin nito ang pagkababae niya. Sumasamba paitaas ang mga labi nito mula sa hiyas niya patungo sa puson niya, sa mayayaman niyang dibdib, sa nipples niya hanggang dumako ang mga labi nito sa leeg.
Then Lysander whispered on her ear. “You taste so good, baby.” He bit her earlobe. “I want to taste you again.”
Jergen was still in dazed. She was still savoring the delicious taste of her orgasm. It was mind-blowing. Never in her life did she experience that kind of heavenly like taste in her entire life.
Napaawang na naman ang mga labi niya nang maramdamang nandoon sa pagkababae niya ang mga daliri ng lalaki.
“Lysander…” Her voice came out as a moan. “Please, hindi ko na kaya.”
“You’ll like this,” bulong ni Lysander sa mga labi niya, saka hinalikan siya.
Napaungol na lang siya nang dahan-dahang pumasok ang isang daliri ni Lysander sa loob niya. She felt a small pang of pain but it instantly disappeared. Masyadong madulas ang daliri nito sa loob niya at napaungol na lang siya nang ipinasok nito ang ikalawang daliri.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi ni Lysander kasabay ng ungol. “God, ang sarap ng ginagawa mo sa ’kin.”
“Hmm-mm,” Lysander hummed as he kissed her deeply and hungrily.
Yumakap ang mga braso niya sa leeg ng lalaki at ginaya ang paggalaw ng mga labi nito sa mga labi niya. Napadaing siya nang mas naging mapusok ang halikan nila. Naramdaman din niyang naglalabas-masok sa pagkababae niya ang dalawang daliri nito na nagpapabaliw na naman sa kanya.
She felt that sensation again… like she was about to orgasm. It felt so good, she was addicted to that feeling.
“Bilisan mo pa,” daing niya nang bahagyang maghiwalay ang mga labi nila.
Mas naging mapusok ang halikan nilang dalawa. Para silang mga uhaw at tanging ang mga labi lang ng isa’t isa ang nakakapawi sa uhaw na ’yon. Nagkakagatan sila ng mga labi at nagsisipsipan ng dila. Bumaon na rin ang kuko niya sa likod ni Lysander at kumikiwal ang katawan niya sa sarap.
“Fuck,” Lysander hissed as his other hand trailed down from her waist to her inner thigh. “God, Jergen…” Lalong naging mapusok ang paghalik nito sa kanya.
“Ohh!” daing niya sa loob ng bibig ni Lysander habang walang patid na naghahalikan pa rin at naglalabas-masok ang mga daliri nito sa loob ng pagkababae niya. “Oh! God! Lysander!”
Jergen was moaning, writhing and kissing Lysander hungrily like her life depended on it. Wala na sa isip niya na nasa loob sila ng tent at nasa gitna ng kagubatan. Ang tanging laman lang ng isip niya ay ang naglalabas-masok nitong daliri sa loob niya na gusto niyang mas bumilis pa.
Siya ang kumawala sa mapusok nilang halikan ni Lysander at pinaglandas niya ang mga labi sa leeg at balikat ng lalaki “Faster, Lysander,” nagdedeliryo niyang sambit habang hinahalikan ang leeg nito at balikat. “Faster… oh… I want it fast. Faster, baby, faster, please…” She was begging.
Lalo namang binilisan ni Lysander ang daliri nito sa loob niya na lalong nagpabaliw sa kanya at nagpabaling-baling sa higaan.
“Oh! God!” Lust was in her voice. “Lysander, faster.” Naniniksik na ang mata niya sa sarap. “Faster…” Nararamdaman na niya ang naramdaman niya kanina nang labasan siya. Para siyang mababaliw sa sarap. Palakas nang palakas ang ungol niya habang sa maramdaman niya ang pagsabog sa kaibuturan niya.
“Oh! Lysander!” sigaw niya, saka kinagat ang balikat nito.
Jergen then tilted her neck when Lysander started kissing and licking her chin down to the length of her neck.
“Oh…” Napadaing na naman siya dahil sa kiliting dulot ng ginagawa nito sa leeg niya. “Lysander…” Pakiramdam niya ay wala na siyang lakas. “Ano ba’ng ginagawa mo sa ’kin?”
Umalis sa pagkakakubabaw sa kanya si Lysander, saka lumuhod ito sa harap niya, sa pagitan ng nakabuka niyang mga hita. Ibinaba nito ang zipper ng suot na pantalon.
Jergen gulped.
Lysander pulled down his pants, together with his boxer and all she could do was stare at his length. Umawang ang mga labi niya. Namilog ang mga mata niya. Nanuyo ang lalamunan niya. Halos hindi siya kumurap habang nakatingin sa kabahaan nito.
“Oh…” She knew he had a double extra-large condom size but she could never imagine that his manhood was this big and long, “God.”
Hinawakan iyon ni Lysander, saka hinamas-himas habang matiim na nakatingin sa kanya. “I want you, Jergen,” he said. “I wanna screw you so hard and I can’t stop myself anymore.”
Binasa niya ng dila ang nanunuyo niyang labi, titig na titig pa rin siya sa kabahaan nito. “T-That’s… b-big.”
“Yeah.” Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “I know.”
Napakurap-kurap siya nang may iniabot ito na nasa gilid niya. Namilog ang mga mata niya nang makitang ang lubricant ’yon na binili niya.
That was for her? Kaya pala masyadong madulas ang diliri nito kanina. Dahil ’yon sa lubricant na hindi niya napansing ginamit nito.
Ganoon ba talaga siya kawala sa sarili para hindi niya iyon mapansin?
Nakagat ni Jergen ang pang-ibabang labi nang dumukwang palapit sa kanya si Lysander at ipinasok sa loob ng bibig nito ang naninigas niyang nipples.
Damn! That feels good. She moaned again.
Ang sarap ng pakiramdam na nilalaro ng dila nito ang nipple niya. Nag-iinit na naman ang katawan niya dahil sa kiliting hatid niyon sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa katawan niya dahil sa ginagawa ni Lysander sa kanya. Was this because she had been suppressing this kind of feeling? Was this because of self-preservation that she wanted? Was this because she really liked her boss and this was what she wanted from him since the first time she saw him?
Napaigtad siya at napasinghap nang igiya ni Lysander ang kamay niya na hawakan ang pagkalalaki nitong nag-uumigting.
“Lysander—”
Inilapit nito ang mga labi sa mga labi niya at bumulong. “Feel me, baby.” He licked her lower lips with his tongue. “Feel my cock in your hand. It’s yours.”
Napalunok siya. “I-I d-don’t think I can…”
“Trust me, you can.” He kissed her lips. “Akong bahala.”
Wala na siya na sa tamang pag-iisip. Masyado nang puno ng libog at pagnanasa ang namamayani sa buo niyang pagkatao.
“Okay.” Siya na ang humalik sa mga labi nito. “I trust you.”
He smiled against her lips. “Good. Because you’re mine tonight. Mine, Baby. Mine.” Possessiveness coated his voice. “You’re mine.”
Nakipag-espadahan siya ng dila habang naghahalikan sila. Mas palalalimin sana niya ang halik na pinagsasaluhan nang pakawalan nito ang mga labi niya, saka inilagay sa kamay niya ang lubricant na nakita niya kanina.
“Apply it around my cock, baby.” He said with his sexy baritone voice. “Then I’m all yours.”
Kinagat ni Jergen ang pang-ibabang labi, saka ginawa ang sinabi nito. Naglagay siya ng lubricant sa kamay at dahan-dahan niyong nilagyan ang kahabaan ni Lysander na nag-uumigting.
Panay ang lunok niya habang nilalagyan ng lubricant ang pagkalalaki nito. For five years, she have been imagining what her boss’ cock looked like. And now she was seeing it in flesh and up close. She was even touching and feeling it!
It was huge and she would bet her life that it would taste good also. After the pain of course.
“Fuck.” Lysander moaned when her hand reached his balls. “Baby, don’t… tease me like that.”
Lihim siyang nasiyahan sa naging reaksiyon nito. So, she have an affect on him.
“Lay on the bed,” utos ni Lysander sa kanya.
Agad naman siyang nahiga, saka ibinuka ang mga hita niya. “Go on.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi na parang nang-aakit. “I’m ready.”
“You are?”
Jergen gulped. “Yes.”
Pinaglandas nito ang mga daliri sa pagkababae niya bago itinutok ang dulo ng kahabaan sa bukana niyon.
Napadaing siya. “Lysander…”
Ipinasok nito ang isang pulgada ng pagkalalaki sa loob niya. Dulo pa lang ’yon at napangiwi na siya sa sakit.
Lysander claimed her lips as he slowly thrust every inch of him. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang hindi maipaliwanag na sakit at kirot na lumukob sa buo niyang pagkatao.
Her ears became deaf, her eyes squeezed shut, her knuckles fisted and tears streamed down her eyes as she gritted her teeth in so much pain.
Pakiramdam ni Jergen ay hinahati ang buo niyang katawan sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi niya napigilan ang mapahikbi.
At nang maramdaman niyang sagad na sagad na ang pagkababae niya ng kahabaan nito, hindi niya napigilang kagatin ang balat sa leeg ni Lysander para doon ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman.
The pain… it was too much. She felt like someone was stabbing her womanhood again and again.
“Baby,” bulong ni Lysander sa tainga niya. “Ayos ka lang?”
Pinakawalan niya ang balat nito sa leeg na kinagat niya, saka umiling. “I think I just died.”
Lysander chuckled.
Malakas niyang kinurot ang lalaki sa tagiliran. “Huwag kang tumawa, gumagalaw ka sa loob ko. Masakit pa rin. So kung ayaw mong masipa kita, huwag ka munang gagalaw diyan dahil mapapatay talaga kita.”
He looked at her, still smiling from ear to ear. “You took all of me.” He seemed amaze. “I actually fit in your virgin hol—”
“Shut up.” Sinampal niya ito na ikinagulat nito. “That’s for the pain.” Then she slapped her again. “And that’s for being that big.”
May nanunudyong kislap sa mga mata ng lalaki. “You’ll enjoy it.”
Pinukol niya ito ng masamang tingin at itinuro ang ilang butil ng luha na dumaloy dahil sa sobrang sakit na naramdaman. “Do I look like I’m enjoying it?” Mas tumalim pa ang mga mata niya. “If you don’t fucking move, Boss, I will really kick you. For real.”
Kumislap ang pag-aalala sa mga mata nito. “You’re not ready—”
“Says who?” Tinaasan niya ito ng kilay. “Now, move and let’s get over with this.”
Tumiim ang mga bagang nito. “I don’t want to hurt you, baby.”
Sarkasmo siyang ngumiti. “Oh?”
He sighed. “Okay, okay, so bossy. Baby, I’m moving.” Hinawakan nito ang magkabila niyang kamay, saka ipininid iyon sa uluhan niya, pagkatapos ay dahan-dahan itong gumalaw sa loob niya.
Tiniis niya ang hapdi at sakit na nararamdaman sa bawat ulos ni Lysander. Gusto na niyang sumigaw sa sobrang sakit pero unti-unti iyong napalitan ng kakaibang kiliti sa kaibuturan niya.
She wasn’t feeling pain anymore… she was feeling pleasure. A blissful pleasure that she haven’t felt before.
This… is… heaven.
“Oh.” Nag-umpisa na siyang umungol sa sarap habang humihigpit ang pagkakasalikop ng kamay nila. “Ohh, ohh…”
“Fuck! You feel good, baby.” Pinakawalan ni Lysander ang kamay niya, saka sinakop ng mapusok na halik ang mga labi niya. “Fuck, baby… fuck!”
Dumako sa balakang niya ang mga kamay nito at hinawakan siya roon habang pabilis nang pabilis ang bawat ulos na pinapakawalan nito. Siya naman ay iniyakap ang mga braso niya sa katawan nito, saka bumaon doon ang kuko niya.
Panay ang ungol ni Jergen. Palakas nang palakas sa bawat pag-iisa ng mga kaselanan nila ng lalaki. Wala na ang sakit, tanging ang sarap na lang ang namamayani sa buong katawan niya.
She had forgotten everything. Her self-preservation, the consequences of this deed and all of the thoughts in her head. Wala iyon sa isip niya maliban sa malaki at mahabang kahabaan ni Lysander na nagpapabaliw at nagpapasigaw sa kanya sa gitna ng kagubatang ’yon.
“Oh! Oh! Lysander!” She was panting. “Lysander, oh… sige pa, ibaon mo pa. Hayan na ako.”
Lalong bumaon ang kuko niya sa likod ni Lysander nang mas bilisan pa nito ang pagbayo. Namamaos na siya sa kakaungol at kakasigaw hanggang sa maramdaman niyang may sumabog sa kaibuturan niya kasabay ng pagpuno ni Lysander sa sinapupunan niya ng mainit nitong katas.
“God…” Lysander kissed her lips. “You’re amazing.”
That put a smile on her lips. “Yes, I am.”
Bumagsak ang mga kamay ni Jergen sa higaan, saka hinihingal na napatingin siya sa bubong ng tent. At siguro sa pagod ng ginawa nila ni Lysander, namigat ang talukap ng mga mata niya. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya nang hindi man lang nakakausap ang boss niya tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa. Kahit pa nga naririnig niya ang boses nito na tinatawag ang pangalan niya.
NAGISING si Lysander sa pakiramdam na parang may nanginginig sa tabi niya. Napabalikwas siya, saka binalingan ang katabi na tinulugan siya bigla kagabi. Kinailangan niyang damitan ito dahil ang himbing ng tulog nito at hindi magising-gising.
Napatitig siya kay Jergen, saka mabilis na sinapo ang noo niya nang makitang nangangatal ang mga ngipin nito. “Fuck.” Napakainit nito.
Mabilis niyang hinila palapit sa kanya ang backpack, saka kinuha roon ang cell phone niya. Nakahinga siya nang maluwang nang makitang may signal.
Agad niyang tinawagan si Khairro na sinagot naman nito pagkalipas ng ilang ring.
Ang inaantok pang boses nito ang bumungad sa kanya. “Whoever the fuck you are, I’m going to skin you alive for waking me up,” he said grudgingly.
“It’s me. Lysander.” sabi niya habang panay ang sulyap kay Jergen at panay ang salat sa noo nito.
“Hi, Lysander. Good-bye.”
Mahina siyang napamura. “911 here. For real.”
Nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. Nang magsalita ito uli, wala na ang antok sa boses. “What happened to you, bud? May kumidnap ba sa ’yo at ginawa kang sex slave?”
Nahilot niya ang sentido sa huling sinabi ng kaibigan. “I’m serious here.”
“I am too.” Khairro’s voice was dead serious.
Napabuntong-hininga siya. “Puntahan mo si Shun. Ipa-triangulate mo sa kanya ang GPS ng cell phone ko—”
“Bakit hindi mo na lang sabihin sa ’kin kung nasaan ka?” May sarkasmo sa boses nito.
Malakas siyang napabuntong-hininga. “I’m in the middle of a fucking forest, you lunatic. At saka dalhin mo rito si Alligator mo.”
Alligator ang pangalan ng helicopter nito.
“And why would I bring my Alligator to you?”
“Because my secretary is burning with fever!” galit niyang sagot. “And I’m fucking worried!”
“Si Jergen?”
“Yes!” His mood darkened even more. “And don’t you call her by her first name. Only I get to call her that, Sanford.”
“Whatever, lunatic. I’m on my way.”
Nang mawala ang nasa kabilang linya, agad niyang hinaplos ang mukha ni Jergen, saka sinalat ang noo. “I’m here, baby.” Mahina siyang napamura. “Fuck. Bakit ba kasi may sakit ka? Aasarin pa kita, eh.”
Jergen shivered and her lips trembled.
“Fuck!” Nasaan na ba kasi ang Khairro na ’yon?
Iyon na siguro ang pinakamahabang paghihintay na ginawa ni Lysander sa tanang buhay niya. Ang maghintay na dumating si Khairro. Kaya nang marinig niya ang tunog ng papalapit na helicopter, sunod-sunod siyang napamura, saka pinangko niya si Jergen palabas ng tent.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 7
CHAPTER 7
NAGISING si Jergen na parang binugbog ang balakang niya, pababa sa mga hita niya, lalo na ang pagkababae niya. Nang subukan niyang igalaw ’yon, napaigik siya sa sakit na lumukob sa kaibuturan niya.
Ano’ng nangyari?
Inilibot niya ang tingin sa kuwartong kinaroroonan. White walls. Smelled like medicine. IV Fluid.
Nasa ospital ako? Bakit?
Slowly, the memory of what happened to her and Lysander entered her mind. In the tent. In the forest. The lubricant. His very large and long length.
Umawang ang mga labi niya at nasapo ang bibig. They did it! She let him penetrate her!
Oh, my God, oh, my God. Wala na… isinuko ko na ang Bataan ko. Oh. My. God!
Ano ang mukhang ihaharap niya sa boss niya? May papigil-pigil pa siya rito nang halikan siya nito, may paiwas-iwas pa siya, pero bibigay rin naman pala siya.
Gusto niyang sampalin ang sarili. Bakit ba siya bumigay kagabi? Bakit nagpadarang siya sa init ng katawan niya?
Good God.
Nakakahiya ’to. Nakakahiya!
Ano ang nangyari sa tapang niya sa loob ng limang taong pagtatrabaho niya rito? She was supposed to be hard as rock. She was supposed to be used to his charm by now but it only took Lysander a minute or so to seduce her to sleep with him.
Did he even seduce her in the first place? Kasi sa pagkakaalala niya, kusa siyang pumayag, kusa niyang binuka ang mga hita niya para dito.
“Shit,” mahina niyang mura, saka sinapo ng sariling kamay ang mukha. “Bakit isinuko ko ang Bataan?”
Nang marinig na bumukas ang pinto, agad na ipinikit ni Jergen ang mga mata at nagtulog-tulugan. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa boss niya kapag nagkausap sila kaya mas makabubuti munang makita siya nitong tulog.
Then she heard footsteps.
“Magiging maayos lang naman siya, ’di ba, Czarina?” Boses iyon ni Lysander at halata roon ang pag-aalala. “It’s just a simple cut, right? Hindi naman iyan malala, ’di ba? I mean, doktor ka. I’m sure may gamot ka para diyan.”
“Lysander,” sabi ng boses ng babae. “Paprangkahin na kita hangga’t wala pa rito ang mga tsismoso mong kaibigan. Hindi iyon isang simpleng hiwa lang tulad ng sinasabi ko kanina. Don’t deny it, okay? I know you two had sex. Kasi nang i-examine ko siya kanina at tiningnan ko ang pagkababae niya, I found traces of semen. The laceration on her labia doesn’t end there. It goes way deeper to her vagina walls. May mga cut din doon na maliliit pero siguradong masakit ’yon. And the outside of her vagina is red and swollen. Her walls was stretched too much, as in too much and her walls couldn’t take it especially because she’s a virgin and I’m sure you’re too big for her.” Ilang segundong tumigil ang nagsasalita bago nagsalita uli. “Well, hindi naman siya malala, actually, puwede mo na siyang ilabas ngayon pagkagising niya. Pero kailangan mo lang siyang alagaan. Huwag mo munang paglakarin masyado, ’tapos iyong inireseta kong gamot, three times a day ’yon, okay? And please, no sex. Kapag ibalik mo pa siya rito na ganyan din ang lagay niya, puputulan kita ng ari. Maliwanag?”
“Clear,” sabi ni Lysander.
Nang makarinig siya ng papalayong yabag ng mga paa, doon lang niya pinakawalan ang pinipigil na hininga.
Laceration? Good God! Kaya pala masakit ang pagkababae niya.
Ito ang kapalit ng sarap kagabi, sakit. Buwisit! Kasalanan ’to ng boss niya! Ag laki-laki naman kasi nito, hindi kinaya ng Bataan niya!
“I know you’re awake, Jergen.” Boses iyon ni Lysander. “I can see your eyelids moving.”
Lihim na napamura si Jergen, saka dahan-dahang iminulat ang mga mata at nagtama ang paningin nila ng lalaki.
Agad siyang nagbawi ng tingin. Hindi siya makatingin dito nang deretso. Nahihiya siya. God! This man saw her nakedness last night! Sapat na ’yon para makaramdam siya ng hiya.
“You heard the doctor?” Kapagkuwan ay tanong ni Lysander.
Tumango siya, hindi pa rin makatingin dito. “Y-yes.” Nag-iinit ang pisngi niya at siguradong namamaga rin ’yon. “Mukhang aabsent ako nito, ’tapos bawas sahod.” Napasimangot siya. “Kasalanan mo ’to, eh,” paninisi niya.
“Kasalanan ko?”
Pinukol niya ang lalaki ng masamang tingin. “Oo! Ang laki-laki mo naman kasi, eh!” namumula ang pisnging sabi niya. “Tingnan mo ang nangyari sa ’kin, makakalakad pa ba ako?”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito na parang natatawa sa huling tanong niya. “Oo naman, makakalakad ka pa.”
Mas tumalim ang mga mata niya. “Pinagtatawanan mo ako?” Pinandilatan niya ito. “Eh, ikaw ang may gawa sa ’kin nito. Kasalanan ko ba kung makipot ’yong, ’yong…” This was awkward. “’Yong, basta, ’yong ano ko!”
Kinagat nito ang pang-ibabang labi, halatang pinipigilan ang matawa sa kanya.
“Sige tumawa ka, Boss.” Dinuro niya ito. “Talagang mababasag ang isa sa dalawang mong itlog kapag nakita kong tumawa ka.”
Amusement danced in his eyes. “You like my balls?”
Umawang ang mga labi niya, saka inirapan ito. “Ang bastos mo, Boss.” Sinubukan niya itong suntukin pero hindi umabot ang kamao niya rito. “Lumapit ka nga rito.”
Ang loko, lumapit nga sa kanya, kaya naman malakas niya itong nasuntok sa tagiliran.
“I hate you, Boss,” inis pa rin niyang sabi. “Hiniwa mo ang Bataan ko. Ang sakit-sakit.”
Mahinang natawa si Lysander, saka hinaplos ang buhok niya. “Sorry na. Hindi ko naman alam na mangyayari sa ’yo ’to.”
Tiningnan na naman niya ito nang masama. “Hindi mo alam na mangyayari?” Puno ng sarkasmo ang boses niya. “Boss, sa ’ting dalawa ako ang virgin. Kaya sigurado akong may alam ka sa nangyari sa ’kin.”
Tumaas ang isa nitong kamay na parang nanunumpa. “I swear, I didn’t know. Hindi pa naman kasi ’to nangyayari sa mga babaeng nakatalik ko—” Napatigil ito sa pagsasalita, saka kinagat ang pang-ibabang labi at tumikhim. “I mean, this is new.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “So lahat ng babaeng naka-sex mo, maluluwang na kaya hindi sila nagkaroon ng laceration?”
Napakamot ito sa batok. “Parang ganoon na nga siguro.”
Jergen rolled her eyes. “I feel so special, Boss,” she said in so much sarcasm and then looked at him with genuine curiosity. “May tanong ako.”
Sinalubong ni Lysander ang tingin niya. “Sure. What is it?”
“Nasarapan ka ba?”
Lysander’s lips parted in shock and his eyes widened. Mukhang nagulat ito sa tanong niya.
Well, she had to ask. Kahit pa nga buong mukha at tainga niya ay nag-iinit na sa sobrang hiya. Kailangan niyang malaman kung worth it ba itong pesteng laceration na nangyari sa kanya.
“Well?” lakas-loob niyang tanong uli. “Masarap ba ako?” Darn, this is embarrassing. “Sagutin mo nga ako, Boss.” Nakakahiya!
Lysander blinked enumerable times before speaking in daze. “Y-yeah. You are.” His eyes held desire as he looked down on her lips. “Very delicious, more delicious and salivating than I imagined.”
Tinampal-tampal ni Jergen ang pisngi niyang namamaga at nag-iinit sa hiya. “Well, at least masarap naman pala ako.” Bumulong siya. “Cause of death; laceration.”
Mahinang natawa si Lysander, saka napailing-iling. Kapagkuwan ay hinalikan siya sa noo. “Magpagaling ka. Pinag-alala mo ako.”
Parang may humaplos na kamay sa puso niya sa sinabi nito. “Okay lang ako, Boss.”
He smiled at her. “That’s good.”
Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. At nasisiguro niya na hahalikan siya nito. Gusto niyang umiwas dahil baka magka-laceration din siya sa bibig sa kahahalik nito sa kanya. ’Buti na lang nagsidatingan ang mga kaibigan nito.
“My man, pinasuyo sa ’min ni Doc. Czarina itong wheelchair. Gamitin mo raw kay Miss Secretary.” Boses iyon ni Khairro. “And your car is in the parking lot.”
Tumayo nang tuwid si Lysander sa tabi ng kama niya, saka hinarap ang mga kaibigan nitong sina Khairro, Thorn, Andrius, Cali at Terron. Kilala niya ang mga iyon dahil palaging nasa barn ni Lysander kapag pinupuntahan niya roon ang lalaki para magpapirma ng mga papeles.
“Kumusta ka, Miss Secretary?” tanong ni Andrius sa kanya, sabay abot ng susi kay Lysander.
Inirapan niya ito. “Nakikita mo nang nakaratay ako rito sa ospital, magtatanong ka pa kung okay ako. Malamang hindi.”
Andrius just chuckled. “Just trying to be polite here.”
Napailing-iling naman si Terron. “Ano ba kasi ang nangyari sa ’yo, Miss Secretary?”
“Miss Secretary” ang tawag sa kanya ng mga kaibigan ni Lysander. Bawal daw siyang tawagan ng mga ito sa pangalan niya kasi ayaw ni Lysander sa hindi niya malamang kadahilanan.
“Panay kasi ang sama mo ng hiking dito sa kaibigan namin, eh,” sabi ni Cali. “Hayan tuloy, nasugatan ka.”
Nginitian niya sina Terron at Cali. “Ayos lang ako. Sayang din naman kung hindi ako sasama, may extra pay ’yon, eh. Lamang tiyan na rin ’yon.”
“Ang sipag-sipag mo,” sabi ni Andrius. “Pero itong boss mo, ang tamad-tamad naman.”
Pinukol ng masamang tingin ni Lysander si Andrius. “You’re my friend, you’re supposed to be on my side.”
Mabilis na lumapit si Andrius kay Lysander at tumayo sa tabi niya. “I’m on your side now.”
Lysander murmured. “Lunatic.”
Natigilan si Jergen nang mapansin ang nanunuring mga mata ni Khairro na nakatingin sa leeg ni Lysander.
And Khairro, being Khairro, he asked. “Ano’ng nangyari sa leeg mo, bud? Sino’ng kumagat sa ’yo?”
Pareho silang natigilan ni Lysander at namula ang pisngi niya. She bit him last night as she climaxed.
“It’s nothing,” Lysander answered seconds later.
Nanunudyo ang mga mata ni Khairro. “Those are teeth marks.” Bumaling ito sa kanya. “Did you bite him?”
Her cheeks burned. “N-no!”
Khairro rolled his eyes. “Lies, lies, lies.” Napailing-iling ito, saka nginitian siya. “Would you like to go out with me, baby?”
“Khairro, out!” biglang sigaw ni Lysander na ikinagulat nilang lahat. Maliban na lang mismo kay Khairro na tumawa lang, saka sumaludo pa kay Lysander bago lumabas ng kuwarto.
Terron, then, tapped Lysander’s shoulder. “He’s messing with you, Callahan. You know Sanford is good at that.”
Tumiim ang mga bagang ni Lysander at tumalim ang mga mata. “It’s okay if he mess around with me, but if he mess around with my property, I’ll skin him alive. I don’t like it when someone messes around with what’s mine.”
Nagulat siya sa galit na nakikita sa mukha ni Lysander. Why was he mad? Minsan niya lang itong makitang galit kaya nagtataka siya kasi wala namang nakakagalit sa sinabi ni Khairro.
Ano’ng ikinagagalit nito?
Tumikhim si Cali. “We better get going, para makapagpahinga na rin si Miss Secretary.”
“Yeah, we should,” sabi ni Terron.
“And, buddy…” Si Andrius. “Inasikaso na naman ang bills n’yo rito. Babayaran mo ’yon ng maraming beer at pulutan.”
Napangiti siya sa sinabi ni Andrius. Naturingang mayayaman ang mga kaibigan ni Lysander, pero mga kuripot masyado at parang may mga sayad kapag mga kakilala nito ang kausap.
“Hey.” Inabot niya ang kamay ni Lysander, saka pinisil iyon nang hindi ito bumaling sa kanya. “Okay ka lang ba, Boss?”
Huminga ito nang malalim pero hindi pa rin tumingin sa kanya. “Yes. I’m fine.” Kumawala ito sa pagkakahawak niya. “Pupunta lang ako sa nurse station para matanggal na ’yang IV sa pupulusuhan mo.”
Napatitig si Jergen sa boss niyang naglalakad palabas ng kuwarto.
Ano ba ang nangyari doon? Inaatake na naman yata ng ka-weird-ohan. Iyon kasi ang sakit ng boss niya. Weird na, tamad pa. What a perfect combination.
Note the sarcasm, please.
WALANG IMIK si Lysander habang nakaupo si Jergen sa wheelchair at itinutulak ’yon palabas ng ospital. Nagtataka talaga siya sa boss niya. Bakit kaya ito galit? At hindi pa nawawala ang galit nito kasi panay pa rin ang tagis ng mga bagang.
Someone’s grumpy.
Nang makarating sa parking lot, maingat siyang pinangko ni Lysander, saka inilipat sa passenger seat ng kotse nito.
“Who says that sex can’t put you in a wheelchair?” mahina niyang tanong sa sarili.
Bumaling sa kanya si Lysander habang inaayos ang seat belt niya. “Again, I’m sorry. I should have known that I’m too big for you.”
Hindi niya ipinahalatang nag-iinit ang pisngi niya sa usapan nilang ’yon. “Kasalanan mo talaga ’to, Boss. Paano ako nito makakagalaw sa condo? Ano, magwi-wheelchair din ako ro’n? Ano ’yon, naimbalido dahil sa sex ang drama ko?”
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Lysander. “Sa bahay ko na muna kita iuuwi.” Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa gilid ng pisngi niya. “Kapag magaling ka na, saka ka na umuwi sa condo mo.”
Sa bahay nito? Goodness! Anong klaseng tentasyon na naman ang mararanasan kaya niya? Lysander was a tease; she knew it now. So if she stayed in his house, it would be cause of death; too much temptation.
Napabuntong-hininga na lang si Jergen. “Okay.” May iba ba siyang pagpipilian? Ayaw niyang maglakad kasi masakit pa talaga ang pagkababae niya. “Tutal ikaw naman ang may gawa sa ’kin nito, puwes alagaan mo ako.” sabi niya habas nakataas ang noo.
Lysander chuckled. “Yes, Boss.”
Pinakawalan niya ang ngiti na kanina pa sinusupil nang isara ng lalaki ang pinto ng passenger seat.
He actually said, “Yes, Boss.” Ang lalaking ’yon talaga.
“Paano sa opisina?” tanong ni Jergen kapagkuwan nang makasakay si Lysander sa kotse at nasa daan na sila.
“I’ll, ahm…” Mukhang nag-iisip ito sa ilang segundong pagtahimik. “I’ll ask Terron if he can manage my company for a week.”
“Terron Dashwood?”
“Yes.”
Napatango-tango siya. “Mukhang may bagong pagnanasaan na naman ang mga empleyado ng Callahan Real Estate.”
“Bago?” Sumulyap sa kanya si Lysander. “Bakit? May iba pa silang pinagnanasaan?”
“Ikaw,” mabilis niyang sagot.
“Oh.” He smirked. “Eh, ikaw, pinagnanasaan mo ba ako?”
Bigla siyang nawalan ng imik sa tanong nito. Sa halip na sagutin, humalukipkip siya at itinuon niya ang buong atensiyon sa dinadaanan nila.
“Baby, I’m asking you a question,” narinig niyang sabi ni Lysander nang hindi siya sumagot.
Humugot siya ng malalim na hininga. “That is a harmful question, Boss.”
“And why is that?”
“Basta!”
Mahinang natawa ang lalaki. “Pinagnanasaan mo ako noon pa, ’no?”
Taas-noo siyang sumagot. “I choose not to answer.”
“That’s okay. Matagal na rin naman kitang pinagnanasaan. I think we’re even.”
Sunod-sunod na napaubo si Jergen dahil nabilaukan siya ng sariling laway dahil sa sinabi ni Lysander.
Nasapo niya ang dibdib nang matapos umubo, saka ang matalim niyang mga mata ay tumuon sa lalaki. “Puwede ba, Boss, huwag ka diyang magsalita ng kung ano-ano. Nabulunan ako sa sarili kong laway. Ikaw ang magiging cause of death ko nito, eh.”
Mahinang tumawa lang si Lysander, saka inabot ang kamay niya at pinisil ’yon.
Jergen could feel her heart beating so loud and fast just because Lysander was holding her hand. Ganito rin ba ang naramdaman ng mga babae nito pagkatapos makipag-sex dito? Did they feel that their heart was about to explode inside the ribcage in so much emotion that she couldn’t name?
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Kaya idinadaan na lang niya sa biro ang lahat. Kasi kapag biro, madali lang sakyan at intindihin. Kaysa naman seryosohin niya ang lahat. Baka mabaliw siya dahil hindi niya alam ang gagawin.
Ganito ba talaga pagkatapos makipag-sex? Nagiging komplikado ang lahat?
CECELIB | C.C.
CHAPTER 8
CHAPTER 8
TALO pa ni Jergen ang isang imbalido sa loob ng limang araw na nasa bahay siya ni Lysander. Overacting na ito sa pag-aalaga sa kanya pero hindi naman siya makapalag. Pasalamat na lang siya dahil hindi siya nito sinasamahan sa banyo para maligo o kaya naman maglinis sa sarili.
Thank God for that.
Maingat siyang bumangon mula sa pagkakahiga, saka tiningnan ang orasan na nasa bedside table.
Nine AM.
Ininat niya ang mga braso, saka umalis sa kama at dahan-dahang humakbang patungo sa banyo para ayusin ang sarili niya.
Napangiti si Jergen nang kaunting sakit na lang ang nararamdaman niya sa pagkababae niya. Noong mga unang araw pagkatapos nilang lumabas sa ospital ang pinakamalala sa lahat. Halos mawalan siya ng malay sa sobrang sakit kapag umiihi siya. The pain was excruciating that she had been killing Lysander in her mind over and over again as she peed.
Pagkatapos niyang mag-toothbrush, naghilamos siya sa may lababo, saka dahan-dahan uli na naglakad pabalik sa kama. Tamang-tama naman na bumukas ang pinto at pumasok ang boss niya na nalukot ang mukha nang makitang nakatayo siya.
“Bakit ka naglalakad?” usisa nito.
Natigilan siya sa paglalakad, saka tuwid na tumayo at inosenteng ngumiti. “Ayos lang ako, Boss. Kaya ko na ang sarili ko.”
“No.” Pinukol siya ni Lysander ng matalim na tingin. “Dra. Czarina said one week. So, go back to bed right now and rest.”
Napasimangot siya. “Ayoko. Bagot na bagot na ako,” reklamo niya. “Gusto ko nang lumabas sa silid na ’to. Gusto ko nang pumasok sa opisina—”
“No.” May finality sa boses nito. “You will rest.”
Lalong humaba ang nguso niya nang lumapit sa kanya si Lysander, pinangko siya saka maingat siyang ihiniga sa malambot na kama.
“There,” sabi nito. “Stop being so stubborn, Jergen. You’re making me worry.”
Inirapan niya ito. “Buwisit ka, Boss.”
“I know. You said that every day.”
Umayos siya ng higa. “Naiinis talaga ako sa ’yo. Bakit mo kasi ginawa sa ’kin ’to?” Pinandilatan niya ito. “I hate you.”
“You don’t mean that,” sabi nito sa walang emosyong boses. “Anyway, tumawag pala si Terron. Tinatanong niya kung nasaan daw iyong folder ng account ni Mr. Zaragoza. Hindi raw kasi niya mahanap.”
Inungusan niya ito. “Ikaw ang boss, dapat alam mo ’yan.”
“That’s what Terron said but as you know, I’m lazy. So, where is it?”
She rolled her eyes. “In my desk. Sa ilalim ng limang house designs na hindi ko naibigay sa ’yo. Nasa loob siya ng isang brown envelope.”
“Copy that.” Bigla na lang siya nitong hinalikan sa mga labi, saka nagpaalam. “Tatawagan ko lang si Terron. Huwag kang gagalaw, magpahinga ka lang.”
Inirapan na naman niya ang lalaki pero hindi nawala sa isip niya ang bigla na lang nitong paghalik sa kanya bago umalis.
That was the first intimate contact they had for five days now. Nang makarating sila sa bahay nito three days ago, inilagay siya nito sa guest room na malayo sa kuwarto nito. Halata namang iniiwasan siya ni Lysander kahit pa nga nag-aalala ito sa kanya. At tumigil na rin ito sa pagtawag sa kanya ng baby. Hindi naman siya bobo at malakas talaga ang kutob niya na umiiwas ito. At sabi pa nga ng matatanda, malakas ang kutob ng mga babae.
Kaya naman nagulat siya sa paghalik nito sa kanya ngayon. What happened?
At dahil matigas ang ulo niya, bumangon na naman siya sa pagkakahiga, saka lumabas ng kuwarto. Dapat niyang isiksik sa utak ng boss niya na maayos na siya, na hindi na masyadong masakit.
Nakita ni Jergen si Lysander sa sala. May kausap ito sa cell phone kaya naman umiwas siya at nagtungo sa kusina para kumuha ng makakain sa ref.
Nasa kalagitnaan siya ng pagkagat ng isang slice ng pandan cake nang marinig niya ang boses ng lalaki.
“Ang tigas talaga ng ulo mo, ’no?”
Natigilan siya, saka nakangiwing ngumiti na humarap dito. “Hey, Boss.” Ipinakita niya ang cake na hawak. “I’m craving for sweets so, ahm…”
Malakas itong napabuntong-hininga, saka lumapit sa kanya at walang pasabing bigla na lang siya binuhat, saka pinaupo sa island counter na gawa sa marble. “Baby—”
“So balik na tayo sa baby ngayon?”
Natigilan si Lysander, saka napatitig sa kanya. Mukhang nagulat ito sa pagputol niya sa sasabihin nito.
“Akala mo hindi ko nararamdaman?” Umingos siya. “Lysander, alam kong iniiwasan mo ako. I felt that these past few days. But you don’t have to worry a thing. Alam ko na hindi ka sanay sa ganito.”
Tumaas ang isang kilay nito. “Sanay sa ano?”
“This.” Bahagya niyang idinipa ang mga braso. “I know that you dispose your women after sex, but here I am so… yeah.”
Kumunot ang noo nito at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. “Sa tingin mo iyan ang rason kaya umiiwas ako? Because I dispose women after sex?”
Mabilis siyang tumango. “Yes.” She was one hundred percent sure of that. “Bakit, may iba pa ba?”
Napailing-iling si Lysander at hinilot ang sentido. “Umiiwas ako kasi ayokong matuksong angkinin ka uli.” His deep brown eyes looked into hers. “I want you again, Jergen, and I can’t have you because you’re still sick. Hindi mo alam kung anong klaseng pagtitimpi ang ginagawa ko araw-araw. You don’t know how much I want you so don’t judge me so harshly.” Tumiim ang mga bagang nito. “You’re in my house, not in your condo, so your judgement is not welcome here.”
Napatitig na lang si Jergen sa papalayong likod ng lalaki na nag-walk out pagkatapos siyang pagsalitaan.
So, he still wanted her even after they had sex? Kumunot ang noo niya. Possible pala ’yon? Alam niya kung gaano kababaero ang boss niya. After sex, dispose agad kung sino man ang babaeng ’yon kaya ano ang pinagkaiba niya sa mga naging babae nito?
She was just Jergen Carbonell Camince. Wala namang espesyal sa kanya.
Inubos niya ang cake na hawak, saka bumaba sa island counter at lumabas ng kusina. Hinanap niya si Lysander. Pagkalipas ng ilang minutong paghahanap, natagpuan niya itong nakatayo sa may gilid ng malaking swimming pool na nasa right side ng bahay at umiinom ng beer.
Walang ingay siyang lumapit at tumayo sa tabi nito. “Pasensiya na, hinusgahan kita.” sabi niya sa malumanay na boses.
Uminom ito ng beer mula sa bote na hawak. “Palagi mong ginagawa ’yan. Hindi por que limang taon ka nang nagtatrabaho para sa ’kin, kilala mo na ako. There are thing you don’t know about me, Jergen. A lot of things. Kaya huwag kang umaktong kilala mo na ako mula ulo hanggang paa kung makahusga ka.”
Nagbaba si Jergen ng tingin. Nagi-guilty siya. Tama naman kasi ito pero may punto rin naman siya. “Boss, hindi mo naman ako masisisi sa panghuhusga sa ’yo. Siguro nga marami pa akong hindi alam tungkol sa ’yo. Pero iyong mga alam ko tungkol sa ’yo, lahat ’yon negatibo kaya madali sa aking husgahan ka nang ganoon kasi may pruweba ako.” Humugot siya ng malalim na hininga. “I saw how you treat women, Boss. And it’s scary.”
Binalingan siya nito. “Am I that bad?”
Umiling siya. “Hindi ko alam.”
“Fuck.” Mahina nitong mura. “Bakit hindi mo alam?”
“Sa hindi ko malamang kadahilanan, mabait ka sa ’kin kaya hindi ko masabi-sabi na masama ka.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi, saka sinalubong ang tingin nito. “Nang mag-apply ako bilang sekretarya mo, alam kong tinanggap mo ako kasi naawa ka sa ’kin. You let me insult you and boss you around even if I’m just your secretary. At hinahayaan mong kotongan kita sa pamamagitan ng extra payment bukod sa sahod ko samantalang hindi naman iyon kailangan minsan.” Nagtatanong ang emosyon ng mga mata niya habang nakatingin sa lalaki. “Bakit, Boss? Bakit mabait ka sa ’kin?”
“Contrary to your belief, Miss Secretary, I hired you because you’re true to yourself. Nang araw na ’yon, ikaw lang ang hindi nagsinungaling sa ’kin.” He smiled. “And I like it when you boss me around. It makes me feel normal, not some billionaire bachelor. At iyong extra payment, I know you need it. Bakit ako mabait sa ’yo? Because you’re one of the people I trust. Kasi sa limang taon na pagtatrabaho mo sa ’kin, mabibilang lang ang araw na pumapasok ako. You have all the time in the world to steal money from the company or do something bad with it, but you didn’t. You stay loyal to me and that, baby, is what money can’t buy. Loyalty.”
Napuno ng kasiyahan ang puso ni Jergen. He trust her. That mean so much to her.
“Thank you,” sabi niya na nakangiti. Kapagkuwan ay kumunot ang noo niya nang may pumasok na tanong sa isip niya. “Teka, parte ba ng loyalty na iyan iyong paghalik mo sa ’kin?”
Nagsalubong ang mga kilay nito. “Saan mo na naman ’yan nakuha?” Hindi ito makapaniwalang napailing-iling, saka walang sabi-sabing inangkin ang mga labi niya. Kapagkuwan ay pinakawalan din. “I kiss you because I want to. Plain ang simple.”
Kumabog nang mabilis ang puso niya sa sinabi nito. “Ganoon ba?” ’Yon lang ang nasabi niya.
“Yes. Now, get inside and rest,” utos na naman nito. “Akala mo nakalimutan ko nang dapat nagpapahinga ka?”
Napasimangot si Jergen. “Ayoko nga. Nababagot na ako ro’n sa kuwarto.”
Kumislap ang kapilyuhan sa mga mata nito. “Kung ganoon doon ka sa kuwarto ko, tiyak hindi ka mababagot do’n.”
Inirapan niya ang lalaki. “Gusto mong masipa?” Inungusan niya ito. “Umiika pa nga ako kasi medyo masakit pa, ’tapos hayan ka na naman? Talagang masasapak na kita, Lysander.”
Mahina lang itong tumawa, saka hinalikan na naman siya sa mga labi at bumulong. “Maybe you can suck me?”
Umawang ang mga labi niya at namula ang buong pisngi. “Bastos!” Tinalikuran niya ito.
Habang naglalakad papasok sa kabahayan, narinig niya ang mahinang pagtawa ni Lysander na iba na naman ang epekto sa puso niya.
Bakit ba niya nararamdaman ’yon? Dapat hindi niya nararamdaman iyon para kay Lysander kasi alam naman niya sa sarili na walang patutunguhan iyon. And she knew better than to feel like this towards her boss. Judgemental na kung judgemental pero hindi talaga niya hahayaang maging katulad siya ng mga babaeng iniwan nito pagkatapos pagsawaan.
Ngayon, oo, hindi pa siya nito iniiwan. Kasi nga kung sa menu, isa siyang bagong putahe na natikman nito. Pero paano kung magsawa ito? Saan siya pupulutin?
Siya ang kawawa kapag nagsawa si Lysander sa kanya na tiyak niyang mangyayari sa loob lang ng isang buwan. Kilala niya ang boss niya, madali itong nagsawa sa mga babae nito noon. Kaya habang mas maaga, dapat burahin na niya kung ano man itong nararamdaman niya kasi masasaktan lang siya.
This emotion wouldn’t do her any good. It would only lead to two things… heartbreak and pain.
PAGSAPIT ng hapunan, sabay kumain si Jergen at si Lysander. Pasulyap-sulyap si Jergen sa boss niya. Kanina pa ito walang imik habang kumakain at parang ang lalim ng iniisip.
“Boss?” kuha niya sa atensiyon nito.
No reaction.
“Boss?”
Still, no reaction.
Napabuntong-hinga siya, saka niyugyog ang balikat nito. “Boss?”
Napakurap-kurap ito, saka bumaling sa kanya. “What?”
Kinunutan niya ito ng noo. “Ano’ng nangyayari sa ’yo?”
Umiling si Lysander. “Nothing.” Bumuntong-hininga ito. “Anyway, may kailangan ka?”
“Ahm, Sabado na kasi bukas,” umpisa niya. “Kailangan kong umuwi sa probinsya namin. Birthday kasi ng kapatid ko.”
Tinapos nito ang pagkain. “Ihahatid na lang kita bukas.”
Agad na umayaw ang isip niya. “Pero, Boss—”
“Walang pero-pero. Ihahatid kita and that’s final,” wika nito, saka inilagay ang pinagkainan sa lababo. “Anyway, ililipat ko ’yong mga gamit mo sa kuwarto ko. Doon ka na matutulog mula ngayong gabi.”
Napanganga si Jergen at napakurap-kurap. “Ano? Bakit?” Tumayo siya at humarap dito. “Okay na naman ako, ah. Puwede na ako sa condo tumira. Nakakalakad na ako nang tuwid. Bakit inilipat mo pa ang mga gamit ko sa kuwarto mo, eh, uuwi na naman ako sa condo ko.”
Walang emosyon ang mukhang tumingin sa kanya si Lysander. “Sino’ng may sabing pauuwiin pa kita?” tanong nito, saka umalis sa kusina.
Napanganga siya sa nilabasan nitong pinto. Ano raw? Nagbibiro na naman siguro ito, ’di ba? Hindi naman nito totohanin ang sinabi, ’di ba?
Why the hell would he wanted to keep her here in his house?
Mabilis niyang sinundan ang lalaki sa kuwarto nito at naabutan niyang pahiga sa malapad nitong kama. Tumuon ang mga mata niya sa bag niya na nasa gilid ng kuwarto nito. Nasa loob niyon ang mga damit niya na kinuha nito sa condo niya pagkatapos siya nitong ilabas sa ospital.
“Boss—”
“Good night, baby.” Kinindatan siya ni Lysander bago ipinikit ang mga mata.
Napaawang na lang ang mga labi ni Jergen. Kapagkuwan ay napabuntong-hininga siya, saka malalaki ang hakbang na lumabas ng silid nito at tinungo ang guest room na inookupa niya.
Pero ganoon na lang ang gulat niya nang pihitin niya ang doorknob at naka-lock ’yon.
“What the hell?”
Sinubukan niyang buksan ang iba pang kuwarto na nasa second floor pero lahat talaga naka-lock maliban sa kuwarto ni Lysander.
Ano ba ang nasa isip ng lalaking ’yon?
Puwede naman siyang matulog sa sala. Pero sa kalagayan ng kaselanan niya, hindi puwede. Baka sa halip na maging maayos ’yon ay mabinat pa.
Bagsak ang mga balikat na bumalik si Jergen sa kusina, saka inubos ang pagkain sa plato at hinugasan ang pinagkainan nila ni Lysander. Pagkatapos ay umakyat siya sa hagdan patungong second floor at pumasok sa kuwarto ni Lysander kung saan amoy na amoy ang panlalaking pabango nito na nanunuot sa ilong niya.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga habang nakatitig sa kama ni Lysander. Wala siyang ibang pagpipilian. Sa tabi talaga siya ng lalaki matutulog.
Paano kong akitin siya nito at isuko na naman niya ang wasak na niyang Bataan?
Hindi! Hindi mangyayari ’yon! Kailangan lang niyang maging matatatag at hindi maging marupok sa tentasyon. Ayaw niyang iyon ang maging cause of death niya.
Jergen , pagkausap niya sa sarili. Kumapit ka lang. Huwag mong iisiping may nangyari na sa inyo ng lalaking katabi mo, na may abs na nakapaglalaway, may katawang nakakawala sa tamang huwisyo at may mahaba at malaking pagkalalaki na literal na winasak ang pagkababae mo.
Huminga siya nang malalim. Easier said than done.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 9
CHAPTER 9
HINDI NA HUMIHINGA si Jergen habang katabi niya sa kama si Lysander. Ilang minuto na siyang parang robot na nakahiga, hindi gumagalaw at parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang kabang nararamdaman.
Shit! Makakatulog ba siya nito? Baka maging panda na siya bukas dahil sa laki ng eye bags niya.
Lalo siyang nanigas sa kinahihigaan nang yumakap sa baywang niya si Lysander at hinapit siya palapit sa katawan nito.
Gising ba ito o tulog na?
Abot-abot ang kabang nararamdaman na bumaling siya sa katabi. Ganoon na lang ang lakas ng pintig ng puso niya nang makitang gising ang lalaki at matiim itong nakatitig sa kanya.
“Lysander…” mahina niyang sambit sa pangalan nito habang nagkakatitigan sila.
“Hey,” Lysander whispered as he rubbed his thumb around her navel, tickling her. “Matulog ka na.”
She gave him the are-you-kidding-me look. “Katabi kita. Sa tingin ko, hindi ako makakatulog nang mahimbing.”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Really now?”
“Yes.”
“At bakit?”
“Kasi hindi ako sanay na katabi ka,” sabi niya na kinakabahang tumagilid ng higa paharap dito. “Saka baka akitin mo ako. Kailangan kong maging handa.”
Mahina itong natawa. “Hindi kita aakitin, pangako ’yan.”
Inungusan niya ito. “Hindi ako naniniwala sa ’yo, Boss. Ikaw pa, salisi gang ka.”
“Maniwala ka.” Umangat ang kamay ni Lysander, saka marahang hinaplos ang pisngi niya. “Hindi ko ’yon gagawin sa ’yo.”
Umiling siya. “I don’t believe you.”
“You should.” He gave her a soft smile sending her heart into frenzy. “Alam ko naman masakit pa iyong nasa pagitan ng mga hita mo kaya hindi ko gagalawin ’yan hangga’t hindi iyan tuluyang gumagaling.”
Namilog ang mga mata ni Jergen. So kapag magaling na siya, magiging salisi gang na naman ito at aakitin na naman siya? O kailangan pa ba siyang akitin? Napapansin kasi niyang pagdating sa lalaki, nagiging marupok siya.
Napalunok siya. “K-kapag magaling na ako,” nauutal niyang sabi. “Ahm, ano… gagalawin mo na ako?”
Amusement danced in his eyes as he guided her arm to wrapped around his waist. “Only if you let me, baby.” Ginawaran siya nito ng halik sa tungki ng ilong. “Now, sleep, you need to rest. Mahaba ang biyahe natin bukas.”
Umiling uli siya. “Hindi nga ako makakatulog nang mahimbing dahil katabi kita.” Humaba ang nguso niya. “Do you even know how awkward is this? You and me? In the same bed? Facing each other and cuddling?”
“I don’t know…” A panty-dropping smile stretched his lips. “But I kinda like this cuddling… with you.”
Her heart was hammering inside her chest. “But still, I can’t sleep.”
Sinuklay nito ang buhok niya. “Let me.”
Kumunot ang noo ni Jergen nang bumangon si Lysander at umalis sa kama. Pumasok ito sa walk-in closet. Nang makalabas na ay may dala itong gitara, saka sumampa uli sa kama. Pero sa pagkakataong iyon, nakaupo lang ito habang ang likod ay nakasandal sa headboard.
“Kakantahan kita para makatulog ka,” sabi nito habang kinakalabit ang gitara.
Lihim siyang napangiti. Alam niyang maganda ang boses ng lalaki. He played his guitar and sang whenever he was bored and she had the privilege to listen to him before.
“Okay,” sabi niya, saka umayos ng higa, nakaharap pa rin siya rito. “Sing me to sleep, Boss.”
Huminga muna si Lysander nang malalim bago masuyong kumanta ng ‘I Hate Love’ sa mababang boses na tanging silang dalawa lang ang makakarinig.
Titig na titig si Jergen sa guwapong mukha ni Lysander habang nakapikit ang mga matang kumakanta ito. Nararamdaman niyang ramdam na ramdam nito ang kinakanta at sa hindi malamang kadahilanan, tumatagos ’yon sa puso niya.
Iminulat nito ang mga mata, saka nagbaba ng tingin sa kanya at sinalubong ang mga mata niya habang kumakanta pa rin.
Nagpatuloy sa pagkanta si Lysander habang nakikipagtitigan pa rin sa kanya. Hanggang sa naramdaman na lang niya na namimigat na ang talukap ng mga mata niya at inaantok na siya.
At bago siya tuluyan lamunin ng antok, narinig niya ang huling liriko ng kantang kinakanta nito.
‘I wish I didn’t need you this much, but I love how it feels when we touch.’
Then she fell asleep, and everything vanished.
MAAGANG NAGISING si Jergen kinabukasan, pero wala na si Lysander sa tabi niya. Agad siyang bumangon at pumasok sa banyo na dala ang tuwalya at isang pares ng damit. Pagkatapos maligo at mag-toothbrush, lumabas siya ng kuwarto, saka bumaba sa unang palapag ng bahay habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang tuwalyang dala.
“Matatapilok ka sa ginagawa mo.” Boses iyon ni Lysander.
Agad siyang nag-angat ng tingin at tumigil sa pagtuyo ng basa niyang buhok. “Boss, ang aga mong magising,” komento niya kasi wala siyang ibang masabi habang nakatingin sa maaliwalas nitong mukha sa umaga.
He looked so fresh and handsome in his black cotton sweatshirt with white stripe design and simple rugged jeans.
“Yeah, maaga akong nagising,” sabi ni Lysander, saka naglakad palapit sa kanya. “Naghanap kasi ako ng cake shop na bukas na ng ganitong oras at may nakita naman ako. I believe you promise your sister a cake, right?”
Namilog ang mga mata niya. “Paano mo nalaman?”
“Narinig kita noong kausap mo ang kapatid mo bago ako umalis sa condo mo.”
The night when he walked out? Nakikinig pala ’to?
“Oh.” Napatango-tango siya, saka nginitian ito. “Thank you. Nakalimutan kong um-order dahil sa nangyari sa ’kin.”
“That’s why I ordered for you.” Inagaw ni Lysander ang tuwalyang hawak niya, saka ito na ang tumuyo sa buhok niyang tumutulo pa sa pagkabasa. “Dapat hindi mo tinutuyo ang buhok mo habang naglalakad ka, lalo na kung pababa ka sa hagdan. Paano kung natapilok ka, ha? Eh, di mag-aalala na naman ako sa ’yo. Hindi na naman ako makakatulog sa kakaisip kung okay ka lang ba o hindi.”
Lihim siyang napangiti sa pangaral nito sa kanya habang tinutuyo ang buhok niya. He really care that much?
At sino ang mag-aakala na tutuyuin ng boss niya ang buhok niya? Akala niya ay tamad ito. May alam din pala itong gawin maliban sa mag- chillax .
“Hayan.” Pinalibot nito sa leeg niya ang tuwalya matapos tuyuin ang buhok niya. “Magsuklay ka na. Iwan mo sa ’taas ang bag mo na dadalhin mo pauwi, ako na ang kukuha n’on. Bawal kang magbuhat ng kung ano-ano. Maliwanag?”
Tumango si Jergen. “Yes, Boss.”
“Good. Pagkatapos ay kumain ka na ng agahan, naghain na ako sa mesa. Take out lang ’yan.” Tinalikuran na siya nito. “I also bought you milk, nasa cupboard. Mag-agahan ka na. Magpapa-gas lang ako. Pagbalik ko, aalis na tayo.”
“Eh, ikaw?” pahabol niyang sabi habang naglalakad ito palabas ng bahay. “Nag-agahan ka na ba, Boss?”
“I’m done, baby,” sagot nito bago makalabas ng pinto.
Sinapo ni Jergen ang dibdib kung nasaan ang puso niya, saka tinapik-tapik ’yon na parang pinapakalma. “Easy, heart. Huwag kang masyadong magpahalata,” bulong niya, saka nagmamadaling nagtungo sa kusina para mag-agahan.
Tamang-tama naman na nang makabalik si Lysander, tapos na siyang kumain at nahugasan na niya ang pinagkainan.
“Doon mo na ako sa sasakyan hintayin,” wika nito nang magkasalubong sila sa sala. “Kukunin ko lang ang bag mo.”
Tumango siya, saka walang imik na lumabas ng bahay. Kapagkuwan ay natigilan nang makitang ang pinakaluma nitong sasakyan at ang pinakamura din ang gagamitin nila.
“Sakay na,” narinig niyang sabi ni Lysander sa likuran niya.
Humarap siya rito at natigilan nang makitang dalawa ang bag na dala nito. Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano’ng mayroon sa isang bag?”
“In case of emergency.” ’Yon lang ang sagot nito, saka inilagay sa back compartment ng sasakyan ang mga bag.
Siya naman ay sumakay na sa passenger seat at hinintay itong makasakay.
Nang nasa kalsada na sila at tinatahak ang daan palabas ng Bachelor’s Village, tinanong niya kay Lysander ang kanina pa gumugulo sa isip niya.
“Bakit ito ang sasakyang ginamit mo?” Ang alam niya ay lumang sasakyan iyon ng ama nito noong naroon pa ang matandang lalaki sa Pilipinas. “I’m sure hindi ’to kabilisan kumpara sa Lamborghini mo.”
“It’ll survive.” Inayos ni Lysander ang rearview mirror. “And I don’t want to intimidate your family. Ito ang unang beses na makikita nila ako at ayokong isipin nila na nagmamayabang ako.”
Lihim siyang napangiti. Lysander was really full of surprises sometimes.
“Anyway,” sabi nito nang hindi siya umimik. “Kumusta ang tulog mo?”
“Mahimbing,” sagot niya, saka ibinaba niya ang bintana sa passenger seat side. “Ikaw? Nakatulog ka ba agad?”
“Nope.”
Bumaling siya rito. “Bakit naman?”
He smirked. “I was staring at you while you sleep.”
Napangiwi siya. “That’s creepy, Boss.”
Mahina itong tumawa. “I was actually horny last night so I was having a hard time falling asleep.”
Namula ang mga pisngi niya kaya umiwas siya ng tingin. “Bastos ka na naman, Boss. Baka masipa talaga kita nang totohanan dito.”
Tumawa ang lalaki, saka pasulyap-sulyap ito sa kanya habang nagmamaneho. “I actually tried masturbating but failed.”
“Boss!” nahuhumindik niyang sigaw.
Ang lakas ng tawa nito habang nagmamaneho. “I’m just teasing you.”
Inirapan niya ito. “I hate you, Boss.”
“And you, baby, don’t mean that.” Kinindatan siya nito, saka nagpatuloy sa pagmamaneho.
Siya naman ay paminsan-minsang iniirapan ito tuwing nagtatama ang mga mata nila at nababasa niya ang kapilyuhan do’n.
Lysander was really a tease. She just praying that he wouldn’t tease her in front of her family. Masyado pa namang old fashioned ang mga magulang niya, lalo na ang ama niya na palaging may hawak na itak.
God bless me.
ININAT NI Jergen ang mga braso at paa habang nakaupo pa rin sa passenger seat ng sasakyan ni Lysander. Halos tatlong na oras na silang nasa biyahe at dahil nakabukas naman ang bintana sa tabi niya kaya ayos lang siya. Hindi siya nakaramdam ng pagkahilo.
Bumaling siya kay Lysander na abalang nagmamaneho. Kanina pa ito walang imik, basta nakatuon lang ang mga mata sa daan habang ang kamay ay nakatakip sa ilong at bibig.
Kumunot ang noo niya nang mapansing namumutla ito. “Ayos ka lang ba, Boss?”
“Hmm-mm.” ’Yon lang ang sagot sa kanya ng lalaki.
No, he was not okay. Something was wrong with him, she was sure of that. Akala niya kanina ay nagko-concentrate lang ito sa pagmamaneho pero ngayong napansin niyang namumutla ito, baka may sakit ito at hindi lang nagsasabi sa kanya.
Humarap siya kay Lysander, saka sinalat niya ang noo nito. Ang lamig nito at pinagpapawisan. What the hell?
“Boss, itigil mo ang sasakyan,” utos niya. “Boss!” sigaw niya nang hindi ito nakinig sa kanya.
“I’m fine, baby,” sabi nito at nagpatuloy sa pagmamaneho.
“Pero, Boss—” Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang bumagal ang takbo ng sasakyan. Ngingiti sana siya dahil nakinig ito sa kanya nang mapansin niya ang usok na nanggagaling sa unahan ng sasakyan. “Oh, Shit.”
Nang tumigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada, mabilis na lumabas si Lysander, saka binuksan ang hood ng sasakyan. Lalo pang dumami ang usok na lumalabas do’n. At mula sa passenger seat, naririnig niya ang mahina nitong pagmumura kaya lumabas na rin siya ng sasakyan.
“Ano’ng nangyari?” tanong niya.
Bumuntong-hininga si Lysander. “Tumirik yata.” Napailing-iling ito. “Ilang taon na kasi itong nakaburo sa garahe, sasakyan pa ito ni Daddy noon, eh.” Inis na sinipa nito ang gulong ng sasakyan. “Buwisit.”
Bumagsak ang mga balikat niya. “So, what now?”
Kinuha nito ang cell phone sa bulsa, saka may tinawagan. “Hey, Storm, tumirik ang sasakyan ko. Can you come here and fix it?” Kumunot ang noo nito habang nakikinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya. “Fuck. I’m three hours away from the city, man. I can’t.” Lalong kumunot ang noo nito sa ilang segundong pakikinig nito sa sinasabi ng nasa kabilang linya. “Fine. Mukhang wala naman akong ibang choice. Iiwan ko na lang dito sa gilid ng kalsada ang sasakyan, ipa-tow mo na lang.” Pinatay nito ang tawag, saka bumaling sa kanya. “We’re taking the bus.”
Ang noo naman ni Jergen ang kumunot. “Wala ka bang ibang matatawagan na puwede nating hiramin ang sasakyan? I mean, you have powerful friends…” Bigla niyang naalala si Khairro. “’Di ba may helicopter si Khairro—”
Dumilim ang mukha nito. “Don’t mention him.”
Napakurap-kurap siya sa galit nitong mukha. “Nag-away kayo?”
“Just don’t mention him,” sabi nito, saka nagtungo sa back compartment ng sasakyan at binuksan iyon. Inilabas nito roon ang dalawang bag, saka ang kahon na lalagyan ng cake. “Ito lang naman ang dala natin. Hindi natin siya kailangan.”
Nahihiwagaan talaga siya sa kung bakit galit ito kay Khairro. Pero wala naman siyang maisip kaya naman nanahimik na lang siya baka mas magalit pa ito kapag binanggit niya uli ang pangalan ng lalaki.
So here they were, at the side of the road, waiting for a bus.
“Hindi mo na ako kailangang samahan, tutal bus naman,” basag niya sa katahimikan sa pagitan nila ni Lysander.
“No. You need me with the bags and the cake.”
Sinulyapan niya ito, madilim pa rin ang mukha. “Kaya ko na ’yan.”
“No argument, baby. I’m still pissed.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Jergen. “Bakit ka naman galit? Ano na naman ba ang problema mo?”
Hindi ito umimik at nanatiling tikom ang bibig. Napailing-iling na lang siya. Mukhang inaatake na naman sa ka-weird-ohan si Lysander. This happened sometimes.
Tumingin siya sa kalsadang pinanggalingan nila at para siyang nakahinga nang maluwang nang makitang may paparating na bus. Akmang itataas niya ang kamay para pumara pero pinigilan siya ni Lysander.
“That’s not the right one,” sabi nito.
“Eh, papunta ’yan sa ’min, eh,” sabi niya.
“It’s airconditioned.”
Realization dawn on her. “Oh…” Napatitig siya kay Lysander. This man’s attitude and personality really surprised her sometimes.
“That’s the right one,” sabi nito na gumising sa nag-iisip niyang diwa.
Mabilis na itinaas ni Jergen ang kamay, saka pinara ang paparating na bus. Nang tumigil ’yon sa harap nila, agad siyang sumakay at naghanap ng bakanteng upuan.
Nakahinga siya nang maluwang nang makitang may dalawang bakanteng upuan na magkatabi. Doon siya agad umupo malapit sa nakabukas na bintana habang si Lysander ay abala sa paglalagay ng bag nila sa itaas na compartment ng bus at ang cake naman ay wala silang choice kundi sa may paanan ilagay. Selyado naman ang kahon na pinaglagyan ng cake, siguradong walang alikabok na makakapasok.
Nang makaupo si Lysander sa tabi niya, hinawakan nito ang kamay niya, saka pinisil. “Pasensiya na, tumirik ang sasakyan.”
“Okay lang.” Parang napakagaan sa dibdib na humilig sa balikat ng lalaki kaya humilig siya rito. “Hindi mo naman ’yon kasalanan.”
Pareho silang natahimik nang umusad na ang bus. Nasa mga dalawampung minuto na silang nakasakay nang bigla na lang ibinaon ni Lysander ang mukha sa leeg niya.
Nagtatakang binalingan niya ito. “Boss, ayos ka lang?”
“Nahihilo ako, Jergen,” bulong nito pero sapat na para marinig niya. “Nasusuka yata ako.”
Namilog ang mga mata niya. Shit! Parang alam na niya kung bakit malamig ang noo nito kanina at pinagpapawisan.
Mabilis siyang tumayo, saka luminga-linga. Panay ang dasal niya na sana may pasahero na nagtitinda ng kung ano-ano at may plastic na dala. Nadinig naman ang panalangin niya kasi may nakita siya.
“Manong, puwede po bang manghingi o kaya makabili?” tanong niya sa lalaki, sabay turo sa plastic na nakasabit sa daliri nito. “Please, Manong? Itong kasama ko kasi, nahihilo, baka biglang sumuka.”
Nang marinig ng lalaki ang salitang sumuka, agad siya nitong binigyan ng plastic. “Heto, Miss, libre na lang yan,” sabi nito. “Basta huwag mong papasukahin ’yang kasama mo sa sahig.”
“Oho.” Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ni Lysander, saka binigyan ito ng isang plastic. “If you felt like vomiting, vomit here not—”
Bigla itong sumuka. Napangiwi siya nang maamoy ang hindi kaaya-aya niyong amoy. ’Buti na lang na-shoot ’yon sa plastic at walang lumabas.
“Shit, Boss.” Bahagya siyang dumistansiya sa lalaki. Ayaw niyang maamoy ang suka nito nito baka pati siya masuka. “Ano ba’ng nangyayari sa ’yo? Hindi ka naman nahihilo sa biyahe, ’di ba?”
“I…” He vomited again. “I can’t stand cars without aircon or open window buses.” He vomited once more. “I… hate… the smell.”
Napakurap-kurap siya. Lysander couldn’t stand cars without aircon, kung ganoon bakit hinahayaan nitong buksan niya ang bintana ng kotse nito? Bakit ang ordinary bus ang pinara nila at hindi ’yong bus na may aircon na unang dumaan?
Parang may humaplos sa puso niya nang maintindihan kung bakit nito ginawa iyon. He did it for her. Alam nitong ayaw niya sa may aircon na sasakyan. Mas gugustuhin pa nitong ito ang mahilo kaysa sa kanya.
Hinaplos niya ang likod. Ito na ang may hawak sa plastic kaya may laya siyang tumayo para buksan ang bulsa ng bag niya at kunin do’n ang face wipes, saka ilang pirasong kendi. Kinuha niya rin sa bag niya ang sarong niya na iniregalo nito sa kanya noong pumunta ito ng Egypt.
Pinalibot niya ang sarong kay Lysander. At nang tumigil ito sa pagsusuka, inutusan niya itong pagbuhulin ang dulo ng plastic, saka ipinalagay ’yon sa isa pang plastic. Pagkatapos ay siya na ang umalis sa upuan para ilagay ang plastic sa basurahan na nasa may pinto palabas ng bus.
Nang bumalik siya, kinuha niya sa bag ang sanitizer, saka bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Lysander. Nilagyan niya ang kamay nito ng sanitizer para iwas-virus at amoy.
“Humarap ka sa ’kin,” sabi niya na agad naman nitong sinunod. Kumuha siya ng isang face wipe, saka pinunasan ang paligid ng mga labi nito. Inilagay niya ang pinagpunasan sa isa pang plastic na naka-ready na sa sunod na pagsuka nito. Pagkatapos ay binalatan niya ang kendi at isinubo rito. “Here. Makakatulong ’yan para hindi ka masuka.”
Pinakiramdaman niya si Lysander at pinakatitigan ang mukha nito. Halatang nanghihina ito at nag-aalala na siya. Naawa siya sa lalaki na mas pinili ang maging komportable siya kaysa ang sarili.
“Baby…” Lysander whispered.
Hinaplos niya ang mukha nito. “I’m here,” pabulong niyang sabi. “Halika nga rito.” Niyakap niya ito sa baywang. “Bakit ka pa kasi sumama, eh.”
Ibinaon nito ang mukha sa leeg niya. “Sorry, I’m a mess,” pabulong nitong sabi. “I didn’t mean to… I thought I got it under control.”
Gusto niya itong pagalitan pero hindi naman niya magawa kasi nag-aalala siya rito. “Matulog ka para hindi ka sumuka na naman. Mahaba-haba pa ang biyahe natin.”
Yumakap ang braso nito sa baywang niya at pabulong na naman itong nagsalita. “Hindi ko na kaya, Jergen.” Mas humigpit ang yakap nito sa baywang niya. “Kung hahayaan kitang umuwi nang mag-isa na hindi ako kasama, mami-miss kita kaya sumama na lang ako sa ’yo.”
Lalo pang bumilis ang pintig ng puso niya. “Lysander, magpahinga ka na.”
He kissed her neck. “Nanghihina ako,” pabulong nitong sabi.
“Nandito lang ako,” sabi niya saka niyakap ang braso nitong nanlalamig na nakayakap sa kanya. “Hindi kita iiwan—”
“That’s a promise?”
“Yes, it is.”
“That’s good…” Parang hinang-hina ang boses nito. “Five years, baby. I’d been waiting for five years… hindi ko hahayaang umabot ’yon ng anim na taon… no fucking way…”
Nakakunot ang noong sinulyapan niya ito. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Ang malalim na paghinga ni Lysander ang sumagot sa tanong niya tanda na tulog na ito dahil siguro nanghihina na pagkatapos sumuka nang sumuka.
Napailing-iling na lang si Jergen. May nalaman na naman siya tungkol kay Lysander ngayong araw. At nararamdaman niya sa puso niya na gusto pa niya itong mas makilala pa nang lubusan.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 10
CHAPTER 10
IBINIGAY ni Jergen kay Lysander ang isang bote ng Gatorade nang makarating sila sa terminal at makababa ng bus. Hinayaan niya muna itong umupo at pinagbantay niya ng mga dala nila. Umalis kasi siya at bumili ng makakain at maiinom na makakapagpabalik sa lakas nito kahit paano.
“Inumin mo ’yan,” wika niya. “Makakatulong iyang maibalik ang tubig na nawala sa ’yo.” Sunod niyang iniabot ay isang pack ng chocolate. “At ito, kainin mo ’to. Makakatulong iyan para maibalik kahit paano ang enerhiya mo.”
Pagkatapos uminom ng Gatorade ni Lysander, tiningala siya nito at pinakatitigan. “Thank you for taking care of me back there.”
Nginitian niya ang lalaki. “Inalagaan mo rin naman ako nitong mga nakaraang araw. At baka akala mo libre ’yan, may bayad ’yan,” pagbibiro niya.
Nanunudyo ang mga mata ni Lysander. “Halik gusto mo?”
Nawala ang ngiti ni Jergen. “Binabawi ko na. Libre na ang pag-alaga ko sa ’yo. Solohin mo ’yang halik mo.”
Malakas na natawa si Lysander, saka kinain ang chocolate na bigay niya. “So, what now? Saan na tayo pupunta? Malapit lang ba rito ang bahay n’yo?”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi, saka inilibot ang tingin bago sinagot si Lysander. “Nandito na tayo pero malayo pa ang bahay namin dito. Nasa liblib ’yon, eh. Pero dito ako nag-college. Nagbo-boarding house lang ako no’n tulad ng kapatid ko ngayon kasi malayo nga ang bahay namin.”
Napatango-tango si Lysander. “So paano tayo makakapunta sa bahay n’yo?”
Ngumisi siya. “Sasakay tayo sa tricycle na walang aircon.”
“Oh, fuck.” Bumagsak ang mga balikat ni Lysander. “Matagal ba?”
“Kung magdyi-jeep tayo, nasa mga forty minutes lang.” sabi niya. “Kaya lang ayokong mag-jeep. Mag-special na lang tayo ng tricycle kasi bugbog-sarado na ’yong cake.”
“Ilang minuto kapag sa tricycle?”
“One hour.”
Huminga ito nang malalim. “One hour? I can do that.”
“Good.” Nginitian niya ang lalaki. “Halika na.”
Tumayo si Lysander, saka ito na ang nagbuhat ng dalawang bag na dala nila at siya naman ang nagbuhat ng cake. Iginiya niya ang lalaki patungo sa mga tricycle na puwedeng special patungo sa kanila. Nang makasakay at nasa biyahe na sila, nakabaon lang ang mukha ni Lysander sa leeg niya na nagpapabuhol-buhol naman ng tibok ng puso niya.
“Baby?”
“Hmm?” agad niyang sagot. Nasasanay na siyang tinatawag siyang baby ni Lysander.
“You smell good.” He kissed her neck. “God, I’m horny.”
Tinampal niya ito sa balikat. “Magtigil ka, Boss. Huwag kang ganyan, lalo na sa bahay. Tatagain ka ni Tatay.”
Bahagya itong nag-angat ng tingin sa kanya. “Talaga bang tatagain niya ako kapag ginawa ko ’to sa ’yo?” Kinagat nito ang balat sa leeg niya dahilan para mapadaing siya. “Because I will always do this to you, baby.”
Kinurot niya ito sa tagiliran. “Magtigil ka, Boss. Seryoso ako.”
“Seryoso rin naman ako.” Lumapat ang kamay nito sa isa niyang dibdib. “Sa tingin mo nagbibiro ako?”
Pinigilan ni Jergen ang sarili na makaramdam ng kiliti sa pagkababae niyang hindi pa nga magaling dahil sa kahalayang ginawa nila ni Lysander.
“Stop it, Lysander,” saway niya, saka inalis ang kamay nito sa dibdib niya. “Seryoso ako. Hindi ako nakikipagbiruan sa ’yo. Hindi mo kilala ang tatay ko, baka may mangyaring pagsisihan mo habang-buhay kapag ipinagpatuloy mo ’tong pagbibiro mo.”
Ibinalik ni Lysander ang mukha sa pagkakasubsob sa leeg niya. “I like touching you, I don’t think I can stop.”
“Basta pigilan mo ‘yan pagiging mahalay mo.” Huminga siya nang malalim. “I’m begging you, Lysander, not in my parents’ house. Masyadong old fashioned ang mga paniniwala ng mga ’yon. Mapapahamak tayong dalawa.”
He kissed her neck again. “I won’t promise.”
Napabuntong-hininga siya, saka hinayaan na lang si Lysander. Sana lang talaga ay makinig ito sa kanya, dahil talagang lagot siya sa tatay niya. Bakit naman kasi sumama pa ito sa kanya? Nararamdaman na niyang mapapahamak siya dahil sa lalaki.
Ang kabang nararamdaman ni Jergen ay mas nadagdagan nang makarating sila sa labas ng bahay nila.
“Nandito na tayo, Boss,” imporma niya. “Umayos ka na.”
Agad namang tumuwid ng upo si Lysander, saka huminga nang malalim. “Do I look okay?” tanong nito.
Inirapan niya ang lalaki. “Boss, kahit yata mamutla ka sa sobrang pagsusuka, guwapo ka pa rin.”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “You, baby, is always boosting my confidence.”
She rolled her eyes. “Boastful.”
Ngumisi lang ito, saka nauna nang lumabas ng tricycle at kinuha ang mga dala nilang bag sa likod ng tricycle.
Nang makalabas siya, itinuro niya si Manong Driver. “Boss, bayaran mo na,” sabi niya.
Agad namang binitawan ni Lysander ang bag na hawak, saka kumuha ng pera sa pitaka nito na nasa bulsa.
Nalukot ang mukha niya nang maglabas ito ng isanlibo. “Ano ’yan?” kunot-noong tanong niya.
Tumingin ang lalaki sa kanya na para bang dapat alam na niya kung para saan ang pera. “Pambayad sa driver.”
Pinandilatan niya ito. “Nababaliw ka na ba? Two hundred lang kapag special ng tricycle, ’tapos babayaran mo siya ng isanlibo?”
He looked at her, clueless. “Baby, alam mo ba kung gaano nakakapagod mag-drive ng tricycle?”
Napapantastikuhang napatingin siya sa lalaki. “Malamang hindi. Limang taon mo na akong inaalila sa opisina mo.”
“Kaya nga,” sabi nito na dapat bang maintindihan niya ang lahat. “Hindi ko rin alam kaya magtanong tayo kay Manong.”
Hindi makapaniwalang napailing-iling si Jergen nang lumapit si Lysander kay Manong Driver na walang imik na naghihintay na magbayad sila.
“Manong,” kuha ni Lysander sa atensiyon ng driver. “Sa tingin mo, dapat magkano ang ibayad namin sa ’yo?”
Nakita niyang nag-alangan ang driver bago sumagot. “F-for hundred ho, Sir. Bako-bako kasi ang daan papunta rito.”
Nalukot ang mukha niya. “Hoy, Kuya, sobra naman kayo.” Namaywang siya. “Ako pa talaga niloloko mo? Dito ako lumaki sa probinsya kaya huwag mo akong utuin. Mahal na nga ang two hundred, eh,” pagtataray niya.
“Pity.” Lysander sighed. “Sana mas minahalan mo pa. Isanlibo sana ang ibibigay ko sa ’yo, eh.” Napailing-iling ito, saka kumuha ng apat na piraso ng isandaan sa pitaka nito at ibinigay sa driver. “Heto, Manong. Ingat sa pagda-drive pabalik.”
Ngumiti ang driver. “Salamat, Bossing.”
Nang makaalis ang driver, pinandilatan niya si Lysander nang tumingin sa kanya. “Ano sa tingin mo ang ginawa mo?”
“Binayaran si Manong Driver.” Ibinalik nito sa bulsa ang pitaka at lumapit sa kanya. “Look, baby, he must have been tired driving around just to feed his family. I could have given him more. Saka ilang daan lang ’yan, hindi ako mamunulubi dahil do’n.”
Hindi na siya nagkomento. Kahit naman hindi halata, alam niyang may malambot na puso at kalooban si Lysander para sa mga mahihirap.
Huminga siya nang malalim, saka nginitian ito. “Fine. Pero sa susunod huwag mo nang gagawin ’yon. Kapag nalaman ng mga taong nakapaligid sa ’yo na mabait ka at marami kang pera, baka i-take advantage ka nila.”
Amusement danced in his deep brown eyes. “Like how you took advantage of me?”
Inirapan niya ito. “Actually, kulang pa ang sahod ko at extra payment sa pang-aalila mo sa ’kin sa kompanya mo.”
Mahinang natawa si Lysander, saka wala sa sariling napatingin sa bahay na nasa harap nila. Kitang-kita niya ang pamimilog ng mga mata nito habang nakatingin sa bahay. Halata ang gulat at pagtataka sa mukha.
“Bahay n’yo?” Nakaawang pa rin ang mga labi nito.
Kagat ang labing tumango si Jergen. “Oo.”
Hindi makapaniwalang bumaling ito sa kanya. “And here I thought you’re poor.”
Huminga siya nang malalim, saka tumingin din sa bahay nila na dalawang palapag. Hindi man iyon kasinrangya ng bahay ni Lysander sa Bachelor’s Village pero masasabi naman niyang maganda ang bahay nila.
“Well…” She smiled softly while looking at their house. “Five years ago, hindi ganito ang bahay namin. Gawa lang ’yon sa coco lumber.” Mahina siyang natawa. “’Tapos natanggap ako sa kompanya mo. Masyadong malaki ang sahod ko na salamat sa ’yo kasi masyado mo akong spoiled plus iyong extra payment na ibinabayad mo sa ’kin tuwing may ipapagawa ka o magpapasama ka sa kung saan-saan. Malaki rin ’yon, baka akala mo. Nakapag-ipon ako para bilhan sina Tatay at Nanay ng sakahan at palayan. Naalala mo iyong hiningi ko ang tulong mo para tanggapin ng isang lending company ang proposal ko para makautang? Iyong nautang ko ro’n ay idinagdag ko sa ipon ko at iyon ang pinambili ko. A year ago, nakabayad na ako sa kanila.” Nakaramdam siya ng kasiyahan. “This year, nagpapadala ako ng pera para sa mga kapatid kong nag-aaral pero hindi ko na problema iyong pagkain nila at kung ano pa kasi nagamit nang tama ng mga magulang ko ang sakahan at palayan na binili ko. At itong bahay ang pruweba n’on.”
Puno ng paghanga ang mga mata ni Lysander na nakatingin sa kanya. “Wow. Kaya pala masyado kang matipid at tuso pagdating sa pera, may pinaggagamitan ka pala.”
Masaya siyang ngumiti. “Syempre, hindi ko naman magagawa ’to kung hindi dahil sa ’yo, Boss. I was lucky because you’re my boss.”
He smiled softly at her. “I’m glad something like this happen to you because of me. Masaya akong may naabot ka nang dahil sa pagtatrabaho mo para sa ’kin.”
Pumintig nang mabilis ang puso niya dahilan para mag-iwas siya ng tingin. “Halika na, pasok na tayo.”
Tumango ang lalaki. “Sige. Kung welcome ako.”
Inirapan niya ito. “Ewan ko sa ’yo, Boss. Narito ka na nga, ’di ba? Pasok na.”
Nakangiting naglakad si Lysander sa likuran niya, dala nito ang dalawang bag at siya naman ang may dala ng cake. At bago pa siya makakatok sa pinto ng bahay, bumukas na ’yon at bumungad sa kanya ang masayang mukha ng kapatid niyang may birthday.
“Ate!” tili ni Jenny, saka niyakap siya mula sa tagiliran at lumingon sa loob ng bahay. “’Nay! ’Tay! Si Ate, nandito na!”
“Ate!” Naglakad palapit sa kanya si Jennica, ang pumapangalawa naman sa kanilang magkakapatid. Siya kasi ang panganay. Anim na taon ang pagitan nilang dalawa. Fourth year college na ito sa kursong Education Major in English. “Welcome home, Ate.” Kinuha nito ang cake na dala niya. “Pasok ka na, Ate. Kanina ka pa namin hinihintay.”
Nakangiting pumasok si Jergen at sumunod na pumasok ay si Lysander dahilan para mawala ang ngiti sa mga labi ng dalawang kapatid at mapatitig sa kasama niya.
“Jenny, Jennica.” Iminuwestra niya ang kamay kay Lysander. “Siya ang boss ko. Si Lysander Callahan. Sumama siya sa ’kin dahil gusto niyang makita ang probinsya natin,” pagsisinungaling niya. Ni hindi nga niya alam kung bakit ito sumama pero kailangang may sabihin siya.
Bumalik ang ngiti sa mga labi ni Jennica, saka inilahad nito ang kamay kay Lysander. “Hi po Boss. I’m Jennica.”
Agad namang binitawan ni Lysander ang bag na dala, saka nakipagkamay sa kapatid niya. “Hi. Just call me Kuya Lysander,” nakangiting sabi nito, saka sinulyapan siya. “Only bab—” Tumikhim ito. “I mean, only Jergen calls me that.”
Nanunudyo ang ngiti sa mga labi ni Jennica nang bumaling ito sa kanya. “Boss ba talaga?”
Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Tumigil ka nga diyan. Ilagay mo muna iyan sa ref.”
Bumungisngis lang si Jennica, saka umalis. Si Jenny naman ay kanina pa nakatitig kay Lysander.
“Hey,” Lysander said to Jenny.
Tipid na ngumiti si Jenny. “Hello po. Kayo po pala ang boss ni ate. Ako po si Jenny.” Inilahad nito ang kamay. “Nice to meet you po.”
Agad namang tinanggap ni Lysander ang pakikipagkamay ni Jenny. “Nice to meet you din.”
“Mas guwapo ka po sa personal, Kuya Lysander.”
Natigilan siya nang marinig ang pagtawag ni Jenny kay Lysander ng “Kuya.” Bago iyon sa pandinig niya pero parang napakagaan at napakasarap sa pakiramdam. At mukhang nasiyahan din si Lysander dahil ang lapad ng ngiti nito.
“Guwapo talaga ako,” pagmamayabang ng ipuipo.
Pinaikot niya ang mga mata. Hayan na naman ang ipuipo.
Mahinang tumawa si Jenny. “Bagay kayo ng ate ko.”
Nakataas ang sulok ng mga labi ni Lysander na bumaling sa kanya. “Your sister is very honest. Bagay nga tayo.”
Sumikdo ang puso niya pero itinago niya iyon sa pamamagitan ng pag-irap dito. “Tigilan mo ako, Boss. Baka masapak kita nang wala sa oras.”
Tinawanan lang siya ni Lysander, saka bumaling ito sa kapatid niya. “Bagay kami, ’di ba? Ayaw lang maniwala ng ate mo, eh.”
Tumawa si Jenny, saka ngumiti sa kanya. “Sobrang bagay po, Ate.”
Pinandilatan niya ito. “Magtigil ka, Jenny.”
Nginitian lang siya ng kapatid, saka nagpaalam na aalis sa sala para puntahan ang mga magulang nilang nasa kusina raw at abala.
“Upo ka,” sabi ni Jergen kay Lysander na inililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay.
Tumigil ang mga mata nito sa graduation picture niyang noong college. “Hmm… you look actually sexy in black hair.”
Inungusan niya ito. “Sige, mambola ka pa.”
Nakangiting lumapit ito sa kanya, saka yumakap sa baywang niya. “Hindi kita binobola. Hindi lang kasi ako sanay na makita kang walang kulay ang buhok. But you do look sexy in black hair.”
Sinupil niya ang ngiting gustong kumawala sa mga labi niya at inirapan ito. “Tigilan mo ako, Boss—”
“Jergen, anak?”
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang marinig ang boses ng ama, saka malakas na itinulak si Lysander paupo sa sofa. Kinakabahang humarap siya sa pinanggalingan ng boses. “Tatay,” sabi niya, saka kinakabahang ngumiti. “K-kumusta ho kayo?”
“Ayos lang naman, anak,” sagot ng ama niyang si Ernesto pero wala naman ang tingin sa kanya kundi na kay Lysander. “Nandito raw ang boss mo sabi ni Jennica, sumama raw.” Matiim ang tingin nito sa lalaki. “Ikaw pala ’yon.”
Mabilis namang tumayo si Lysander at ngumiti sa ama niya. “Hi po. Ako po si Lysander Callahan. Ikinagagalak ko po kayong makilala.”
Hindi pinansin ng ama niya ang pagpapakilala ni Lysander, sa halip ay bumaling ito sa kanya. “Bakit siya sumama sa ’yo? Kailan siya uuwi?”
“’Tay!” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng ama. “Boss ko ho siya.”
“O, eh, ano naman ngayon?” sikmat nito. “Ang pagiging boss niya ay natapos pagkalabas mo sa kompanya niya. At bakit siya sumama sa ’yo? Mamamanhikan ba siya?”
“’Tay!” Pinandilatan niya ang ama, hindi niya napigilan ang sarili. “Ano ka ba naman, ’Tay. Gusto lang niyang mamasyal dito sa ’tin.”
Umingos ito. “Mamasyal?” Tumingin ito kay Lysander. “Mamamasyal ka rito?”
Sumulyap muna sa kanya si Lysander bago sumagot. “Ahm… o-opo… mamamasyal po ako.”
Halata sa ama niyang hindi ito naniniwala kay Lysander kaya naman nagsalita siya.
“’Tay.” Nilapitan niya ang ama, saka niyakap sa braso. “Please po, maging mabait naman kayo sa boss ko,” bulong niya. “Mabait iyan sa ’kin, eh.”
Bumuntong-hininga ito. “O, siya.” Tumingin ito kay Lysander. “Dahil mabait ako, pakakainin kita pero pagpasensiyahan mo na dahil simple lang ang mga pagkain namin dito.” May sarkasmo sa boses ng kanyang ama. “At doon ka matutulog sa kuwarto ni Justine, ang bunso namin na nasa high school. Malayo ang kuwarto nitong si Jergen kay Justine kaya huwag kang magkakamali na pumunta roon dahil nakahanda ang itak ko. At kapag nakita kitang malapit sa anak ko katulad ng nakita ko ngayon-ngayon lang, kabahan ka na.” Peke nitong nginitian si Lysander. “Sige, kain na tayo. Lalamig na ang pagkain.”
Nang makaalis ang ama niya humarap siya kay Lysander. “Pasensiya na. Ayaw talaga ni Tatay sa mga lalaki na hindi niya kilala, ’tapos nakita pa niya tayo na ganoon ka-close.”
Lysander just smiled. “I finally find someone who dislikes me,” biro nito, saka lumapit sa kanya at inakbayan siya.
“Boss?”
“Hmm?”
“Gusto mo bang manatili na nakakonekta ang braso mo sa balikat mo?” tanong niya.
Napapantastikuhang napatingin sa kanya si Lysander. “Oo naman. Bakit mo natanong?”
“Kasi maghihiwalay ang braso at balikat mo kapag nakita ni Tatay na nakaakbay ka sa ’kin.”
“Fuck.” Mabilis na inalis ni Lysander ang braso sa balikat niya. “This is torture.”
Mahina siyang natawa. “Binalaan na kita kaya makinig ka sa ’kin.”
Tumango lang si Lysander pero nakikita niya sa mukha nito na parang hindi nito siniseryoso ang sinabi niya. Napailing-iling siya. Ayaw niyang dumating sa punto na gamitin ng tatay niya ang itak nito. Nasisiguro niyang hindi maganda ang kalalabasan niyon.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 11
CHAPTER 11
TAHIMIK na kumain ang pamilya ni Jergen habang kasalo nila si Lysander na walang imik din habang kumakain ng cake na binili nila. Nakikiramdam naman si Jergen sa mga magulang niya na panay ang sulyap kay Lysander, lalo na ang kanyang ina na parang sinusuri si Lysander kung makatingin.
Ang katamihikang namamayani ay binasag ng bunso nilang kapatid, si Justine.
“Kuya Lysander, alam mo ba ’yong Xbox?”
Agad na sumagot si Lysander habang nakangiti. “Oo. Mayroon nga ako n’on sa bahay.”
Nagningning ang mga mata ni Justine. “Talaga? Ginagamit mo ba, Kuya? Maganda ba?”
“Oo. Maganda. Pero hindi ko naman palaging ginagamit.”
“Wow.” Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ni Justine. “Dinala mo ba?”
“Justine!” saway ng ama nila sa bunso nilang kapatid. “Kumain ka na diyan.”
Napasimangot si Justine pero hindi na nagsalita. Napabuntong-hinga siya nang tumingin sa kanya si Justine na parang humihingi ng tulong. Umiling naman siya para iparating sa bunsong kapatid na makinig na lang sa ama nila.
“Anak,” sabi ng kanyang ina. “Kailan ka babalik sa lungsod?”
“Sa makalawa po, ’Nay,” sagot niya. “Bakit ho?”
“Nagbabaka-sakali lang, anak, na baka puwedeng mag-extend ka?” Nginitian siya ng ina. “Mag-leave ka muna, anak. Miss ka na namin, eh.”
“Naku…” Bumagsak ang mga balikat niya. “Naka-leave ako this week, ’Nay. Ayoko nang mag-leave na naman. Marami pa akong trabaho sa opisina.” Bumaling siya kay Lysander. “’Di ba, Boss?”
“Nope.” Sa halip na tumingin sa kanya si Lysander, bumaling ito sa kanyang ina. “Puwede naman siyang mag-leave uli.”
“But—”
“I’m your boss, baby. You listen to me,” sabi ni Lysander sa may diing boses pero hindi iyon ang ikinalaki ng mga mata niya.
Please, please… sana hindi nila napansin… please…
“Baby?” tanong ng ama niya. “Tinawag mo ang anak kong baby?”
Napabungisngis si Jenny. “Bagay naman sila, ’Tay.”
“Tinawag mo ang anak kong baby?” Tumayo na ang ama niya at masama ang tingin kay Lysander na mukhang nagulat din sa pagkakadulas nito. “Ano ba talaga ang namamagitan sa inyo ng anak ko, ha? Boss ka lang ba talaga niya? Kanina pa ako nagtitimpi.” Kinuha nito ang itak na nasa may lababo. “Sagutin mo ako nang maayos—”
“’Tay!” sigaw niya.
“Ernesto!” galit na sigaw ng kanyang ina, saka tumayo at hinawakan ang kamay ng ama niyang may hawak na itak. Bumaling ito sa kanya. “Jergen, ilabas mo muna ang bisita mo. Pakakalmahin ko lang ’tong tatay mo.”
Tumango siya, saka mabilis na tumayo at hinawakan sa kamay si Lysander. Hinila niya ito palabas ng komedor.
“Boss, naman, eh!” Pinandilatan niya ito nang nasa sala na sila. “Sinabi ko na sa ’yong mag-iingat ka sa pananalita mo.”
Kinagat nito ang pang-ibabang labi. “Sorry, baby. I slipped.”
Inirapan niya ito. “Kasi naman, eh.”
“Sorry na.” Yumakap si Lysander sa baywang niya, saka hinalik-halikan siya sa pisngi patungo sa mga labi niya. “Sorry na, baby, please? Forgive me?”
Napapikit na lang si Jergen nang angkinin ni Lysander ang mga labi niya. Nawala sa isip niya na nasa sala pala sila ng bahay nila. Kaya nang marinig niya ang boses ng kanyang ina na tinatawag ang pangalan niya, mabilis niyang itinulak si Lysander nang malakas at namumula ang pisngi na humarap sa ina.
“’Nay…” Abot-abot ang kabang nararamdaman niya.
Ang kanyang ina naman ay mataman lang siyang tinitigan. Kapagkuwan ay lumipat ang tingin nito kay Lysander na nanatiling nakatayo sa tabi niya, saka napailing-iling “Malawak ang pag-unawa ko, anak,” sabi nito. “Pero kapag ang tatay mo ang nakakita ng nakita ko…” Tumuon ang tingin nito kay Lysander. “Baka maputulan ka ng kaligayahan ora-mismo.”
“Ma’am, let me explain—”
Itinaas ng ina niya ang kamay dahilan para tumigil sa pagsasalita si Lysander. “Respetuhin mo ang anak ko, ’yon lang ang hinihingi ko.”
Mabilis namang tumango si Lysander. “Malaki ang respeto ko kay Jergen, Ma’am.”
“Mabuti naman.” Kapagkuwan ay tumuon ang tingin nito sa kanya. “Anak, malaki ka na. Alam mo naman kung ano’ng paniniwalaan namin ng tatay mo tungkol sa mga ganitong bagay. Palalampasin ko to ngayon, pero sa susunod, tatamaan ka rin sa ’kin. Matanda ka na. Alam mo na ang tama sa mali.”
Nahihiya siyang tumango siya. “Oho, ’Nay.”
“Mabuti. Siya nga pala, ipinadala ko na ang bag mo sa kuwarto mo.” Pagkasabi niyon ay umalis na ang kanyang ina sa sala.
Natigilan siya nang may yumakap sa kanya mula sa tagiliran.
“I’m sorry, baby.” He kissed her temple. “I’m sorry.”
Huminga si Jergen nang malalim. “Kasalanan ko naman,” sabi niya, saka humarap sa lalaki. “Dito ka lang. Aayusin ko lang ang tutulugan mo.”
Tumango si Lysander, saka umupo sa sofa. “Yes, Boss.”
Lihim siyang napangiti, saka binuhat ang bag nito at iniwan ito sa sala. Nagtungo siya sa kuwarto ni Justine para ayusin ang hihigaan ni Lysander. Nang matapos, bumalik siya sa sala kung saan naabutan niya ang kanyang ama na kinakausap ang lalaki.
“Patay ka sa ’kin, hindi ako nagbibiro.” Iyon lang ang naabutan niyang sinabi ng kanyang ama.
“’Tay!” Nagsalubong ang mga kilay niya. “Tigilan n’yo nga si Lysander. Wala namang ginagawa ’yong tao, eh.”
Nakangiting bumaling sa kanya ang ama. “Wala talaga siyang gagawin, dahil patay siya sa ’kin.”
Napabuntong-hininga siya. “’Tay, naman, eh.”
“Ako ang ama mo at anak kita, Jergen, ’tapos babae ka pa.” Hinaplos nito ang buhok niya. “Aalagaan kita sa abot ng makakaya ko. Aalagaan kita sa mga manlolokong…” Tiningnan nito nang masama si Lysander. “… tao sa mundo.”
Napailing-iling siya. “Oo na, ’Tay. Salamat sa pagpoprotekta.”
“Nakahanda ang itak ko, anak.”
Napangiwi siya. “Salamat, ’Tay.”
Nginitian siya ng ama, saka umalis na sa sala at bumalik sa kusina.
Siya naman ay bumaling kay Lysander. “Ano’ng sinabi sa ’yo ni Tatay?”
Gumuhit ang mapalad na ngiti sa mga labi nito at kinindatan siya. “Sekreto ’yon.”
Tiningnan niya ito anng masama. “Boss.”
Lysander just smiled, got up, kissed her lips then whispered. “I’m very naughty, baby, and I’m not gonna change.”
Inirapan niya ito, saka dumistansiya para wala nang masabi ang mga magulang niya. “Ano ba’ng pinag-usapan n’yo ni Tatay?”
Sa halip na sagutin siya, iniba nito ang usapan. “Ang daming lumang bagay dito sa bahay n’yo.”
“Hilig iyan ni Nanay. Noong bata pa ako, hilig niyang mangolekta ng mga lumang bagay na itinatapon na ng mga kapitbahay namin,” sabi niya. “Naging hilig ko rin ’yon. Tumutulong pa nga ako kay Nanay noon. There’s something about old things that fascinates me.”
“Hmm…” Lysander smiled and took out something from his front jeans pocket. “Something like this?”
Namilog ang mga mata ni Jergen nang makita ang isang bracelet na hawak nito. It really looked old. The carvings on the gold band and the stones looked antique. Parang galing pa ’yon sa medieval era.
“Saan naman iyan galing?” tanong niya. “Nasa bulsa mo lang talaga ’yan mula pa pa kanina?”
Tumango si Lysander. “Nasa ’kin na to nang ibigay ko sa ’yo iyong kuwintas,” paliwanag nito habang isinusuot sa kanya ang bracelet. “Sabi n’ong antique shop na pinagbilhan ko nito, this bracelet is more than a hundred years old. This was given by an Egyptian wealthy merchant to his wife before their marriage.”
Namilog ang mga mata niya. “Talaga?” Wow. She had been dreaming to have this kind of antique bracelet!
“Yes. Nang makita ko ’to, ikaw agad ang unang pumasok sa isip ko. Nagiging habit ko nang kapag nasa ibang bansa ako, naghahanap ako palagi ng antique shop para pampasalubong sa ’yo.” Hinawakan nito ang kamay niya, saka pinisil ’yon. “The antique shop owner said that this bracelet symbolize the merchant’s feelings for his wife.”
“Feelings?”
“Yes.”
“What kind of feelings?”
Sasagot sana si Lysander nang marinig niya ang boses ng kanyang ama. “Huwag mong hahawakan ang kamay ng anak ko!”
Mabilis na binitiwan ni Lysander ang kamay niya, saka nakangiting bumaling sa kanyang ama. “Wala akong ginagawang masama, Sir.”
Pinukol nito ng masamang tingin si Lysander, saka tumuon ang tingin sa kanya. “Doon ka na sa kuwarto mo.”
“Pero, ’Tay—”
“Ngayon na, Jergen!”
Napaigtad siya sa paglakas ng boses nito. “Opo, ’Tay.”
Sinulyapan muna niya si Lander bago umalis at pumunta sa kuwarto niya kapag umuuwi siya.
Hindi niya maiwasang mag-alala kay Lysander. Baka kung ano ang gawin ng ama niya rito. Ayaw naman niyang mapahamak ang lalaki nang dahil sa kanya. Her boss maybe a tease, but she cared for him. A lot.
Nahiga siya sa kama, saka tumitig sa kisame. Pagabi pa lang kaya tiyak mahihirapan siyang makatulog kakaisip kay Lysander. Nag-aalala siya rito. Ano kaya ang ginagawa nito ngayon?
HINDI NAMALAYAN ni Jergen na nakatulog pala siya habang nakatitig sa kisame. Nang magising ay gusto niyang lumabas sa kuwarto pero tuwing bubuksan niya ang pinto, naiisip niya ang kanyang ama at si Lysander. Mas makakabuti sigurong nandoon lang siya sa loob ng kuwarto. Ayaw niyang may gawin na naman si Lysander, ’tapos makita sila ng kahit sino sa bahay nila.
Tiningnan niya ang relong pambisig. Ten PM na. Matagal-tagal din pala siyang nakatulog.
Bumuntong-hininga siya, saka kinuha ang cell phone sa dala niyang bag. Binuksan niya iyon. Pinatay niya ang power niyon kanina habang nasa biyahe sila.
Napakurap-kurap siya nang sunod-sunod na magsipasukan ang mga mensahe sa cell phone niya.
“What the…” Binuksan niya ang inbox. Lahat ng text galing kay Lysander. Napailing-iling siya. “Ano naman kaya ang kailangan ni Boss?”
Binuksan niya ang mga mensahe nito at binasa. Nasa mga sampu ’yon. Napangiti siya nang mabasa ang huling mensahe nito.
Baby… I’m bored. Text back please. Kanina pa ako kinukulit ng kapatid mo tungkol sa Xbox. ’Buti nakatulog na. Napagod siguro.
“Ang lalaking ’yon talaga.” Napailing-iling si Jergen at nangingiting nag-reply.
Matulog ka na para hindi ka ma-bored, Boss. Fan na fan talaga si Justine ng Xbox na ’yan, hindi ko lang binibilhan kasi hindi naman importante ’yon. Mas may importante pa akong dapat paglaanan ng pera sa ngayon.
Nang mai-send niya ang text, ilang segundo lang ang lumipas, nag-reply agad si Lysander.
Gising pa pala ang loko. Akala niya bukas pa ito magre-reply dahil tulog na.
Hooray! Nag-reply ka. Kagigising mo lang ba, baby?
Agad siyang nag-reply. Yes. Hindi ko nga napansing nakatulog pala ako.
Can I come over?
Nagsalubong ang mga kilay ni Jergen habang nagre-reply. Ha? What do you mean?
Parang tulog na naman ang mga tao rito sa bahay n’yo, puwede ba akong pumunta diyan sa kuwarto mo?
Napanganga siya. Goodness! This man was incorrigible. Paano kung makita ito ng kanyang ama? Tiyak talagang maiitak ito nang wala sa oras.
Akmang magre-reply siya at pipigilan ito nang may masuyong kumatok sa pinto ng kuwarto.
Kunot ang noong napatitig si Jergen sa pinto. Was that Lysander? Dali-dali siyang umalis sa kama, saka maingat na binuksan ang pinto.
Napaawang na lang ang mga labi niya nang makitang si Lysander nga ang nasa labas ng pinto.
“Boss!” pabulong siyang sumigaw at pinandilatan ito. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? At paano mo nalamang ito ang kuwarto ko?”
“I asked Justine earlier after dinner.” Ngumiti ito, saka pumasok sa loob ng kuwarto niya at ito na ang nagsara ng pinto, saka nag-lock niyon.
Napaawang ang mga labi niya. “Boss!” pabulong niyang sigaw uli. “Get out of my room. Now.”
Pero nuncang makinig sa kanya si Lysander. Sa halip ay lumapit ito sa kanya at niyakap siya sa baywang. “I miss you,” bulong nito, sabay halik sa pisngi niya pababa sa mga labi niya. “Ang sama ng tingin sa ’kin ng tatay mo kaninang hapunan.”
Napailing-iling siya, saka kumawala sa pagkakayakap nito. “Boss, bumalik ka na sa kuwarto mo.”
“No, baby—”
“Boss, I’m serious.”
“And I’m dead serious too.”
Ang tigas talaga ng ulo nito.
“Pero, Boss, kapag nakita ka ni Tatay—”
“Hindi niya ako makikita.” Sinapo nito ang mukha niya, saka hinalikan siya sa mga labi. “Hindi ako sumama sa ’yo rito pauwi para lang matakot sa tatay mo. I respect them and all that, but I really wanna see you, baby. I wanna talk to you. I wanna be with you.”
Lumambot naman agad ang puso ni Jergen para sa lalaki. Ewan ba niya, pagdating dito, ang dali niyang bumigay.
“Lysander—”
“There’s my name.” He kissed her cheeks, chin and the corner of her lips. “I don’t like it every time you call me boss.”
Napapikit siya nang lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. “Bakit naman?”
Sa halip na sagutin siya, mapusok siya nitong hinalikan, habang ang mga kamay ay naglalakbay sa kanyang katawan, dumadama at pumipisil sa mga maseselang bahagi.
“Lysander…” ungol niya sa pangalan nito nang pahigaiin siya nito sa kama at bumaba ang halik sa leeg niya.
Napakagat-labi siya nang itinaas nito ang pang-itaas niyang damit para makita ang mayayaman niyang dibdib. Napadaing na lang siya nang ipasok nito sa mainit na bibig ang nipples niya na naninigas dahil naaapektuhan na siya ng ginagawa nito sa kanyang katawan.
Ang sarap ng bawat haplos ng kamay nito, nakakawala sa tamang huwisyo. Pero nang dumako ang kamay nito sa pagkababae niya, pinigilan niya ito.
“Don’t.”
Natigilan si Lysander, saka tumingin sa kanya. “Does it still hurt?” pabulong nitong tanong.
Umiling siya.
“Then why?” pabulong na naman nitong tanong.
Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin. “Hindi pa ako naliligo mula kanina nang makarating tayo.” Nag-init ang pisngi niya. “Kaya huwag mo akong hawakan diyan.”
“Take a shower then.”
Bumalik ang tingin niya sa lalaki. “Nasa may kusina ang banyo namin.”
“So? Go.” Umalis ito sa pagkakadagan sa kanya at tumayo sa gilid ng kama. “Take a shower. I’ll wait.”
Lalong nag-init ang pisngi niya habang paalis sa kama. “Alam mo, Lysander, bumalik ka na lang do’n sa kuwarto ni Justine.”
Yumakap ito mula sa likuran niya, saka hinalikan siya sa batok at bumulong. “You have two choices, baby, either you take a bath or not.” He kissed her neck sending tingling sensation down her belly. “Maligo ka man sa hindi, wala akong pakialam. Basta ngayong gabi, akin ka.”
Napalunok siya, nag-iinit ang katawan niya sa mga sinasabi nito. “Lysander, naman, eh.”
“What?” He chuckled as he kissed his earlobe. “I want you, baby. Please, pagbigyan mo na ako. Isang linggo na akong nagtitiis. Hindi ko na kaya.”
Napakagat-labi siya habang nag-iinit ang pisngi. Alam niya sa sarili niya kung saan patungo itong usapan nila ni Lysander. Patungo iyon sa pagpayag niyang maangkin siya nito ngayong gabi.
And if she was being honest to herself, she wanted that too. She wanted Lysander tonight, on her bed and making love to her.
“Fine.” Kumawala siya sa pagkakayakap nito, saka nagmamadaling kinuha ang dalang tuwalya sa bag at humarap dito. “Huwag kang lalabas at hintayin mo ako rito. Lock the door too. I’ll knock only once for you to know that it’s me.”
Lysander grinned mischievously. “Darn, I love this sneaking around.”
Inirapan niya ito pero ang totoo, nae-excite din siya sa gagawin nila sa hindi niya malamang kadahilanan. Who would know that doing naughty things with Lysander in her parents’ house could be this exciting? Ni minsan, wala pa siyang ginawang ganito sa tanang buhay niya. Ngayon lang.
Lysander was definitely a bad influence on her. A bad influence that she would gladly accept in her bed. Anyday and anytime.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 12
CHAPTER 12
NANG MAKAPASOK si Jergen sa kuwarto niya, hindi pa siya nakakapagbihis ay inangkin na ni Lysander ang mga labi niya. Pinasandal siya nito sa pinto na nakasara, saka ito na ang naghubad sa nakapulupot na tuwalya sa katawan niya.
Matiim na tinitigan ni Lysander ang hubad niyang katawan, puno ng pagnanasa ang mga mata. “Damn, baby…” Agad na bumaba ang halik nito sa mayayaman niyang dibdib. He sucked her nipples inside her mouth and flicked it with his tongue.
Pinigilan niya ang sarili na mapaungol dahil katabi ng kuwarto niya ang kuwarto ng mga nakababata niyang kapatid. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang mga daing na gustong lumabas sa mga labi niya.
His mouth on her nipples felt so good but she couldn’t moan to show how pleasurable it felt for her. She had to contain her moan. Baka may marinig sa kanya.
Napasabunot siya sa buhok ni Lysander nang pinagsalit-salit nito ang pagsipsip sa nipples niya na lalong nagpabaliw sa diwa niya.
This is heaven…
Umawang ang mga labi ni Jergen at napatingala siya sa kisame habang abala ang mga labi ng lalaki sa dibdib niya. At nang salatin ng daliri nito ang hiyas ng pagkababae niya na nag-uumpisa nang Mabasa, lalo siyang nahibang sa sarap.
“Lysander…” Hindi niya mapigilan ang sarili, pabulong niyang inungol ang pangalan nito. “Oh, baby…”
Napaigtad siya at nahigit ang hininga nang dahan-dahang ipasok ni Lysander ang isang daliri sa loob niya. Gusto niyang sumigaw sa sobrang sarap pero hindi niya magawa. Mariin na lang niyang ipinikit ang mga mata at inindayog ang balakang kasabay ng bawat paglalabas-masok ng daliri nito sa pagkababae niya.
Pigil niya ang mapaungol kahit gusto niyang sumigaw na sa sarap. She couldn’t believe that this would feel good after the laceration. Wala na ang sakit, sarap na lang ang nararamdaman niya.
May kumawala na ungol sa mga labi niya nang hugutin ni Lysander ang daliri sa loob niya. At nang pangkuin siya nito at ihiniga sa kama, hindi na naman niya napigilang mapadaing nang ipasok uli nito sa loob ng pagkababae niya ang dalawang daliring hinugot nito.
Lust filled her. She wanted to scream in pleasure. She wanted to moan to let go of the sensation, but she couldn’t. Tinakpan niya na lang ang bibig gamit ang kamay, lalo na nang maramdamang lalabasan na siya.
The sensation… the pleasure… the tingling sensation on her belly… his fingers inside her… it was too much. Hindi na niya kayang pigilan ’yon, kaya bumaon na lang ang ngipin niya sa kanyang mga labi nang maramdaman niyang nilabasan na siya.
Hinihingal na bumagsak ang balakang niya sa kama. Agad siyang kinubabawan ni Lysander at hinalikan sa mga labi pababa sa leeg niya.
Nag-uumpisa na naman niyang maramdaman ang kakaibang kiliti sa kaibuturan nang biglang tumigil si Lysander sa ginagawang paghalik sa leeg niya, saka tumingin sa kanya.
“I can’t do this.”
Tumaas ang kilay niya. “Ha?”
“I can’t do this.” Ibinagsak nito ang katawan sa katawan niya, saka ibinaon ang mukha sa leeg niya. “Hindi ko kayang gawin ’to.”
Kumunot ang noo niya. “Ano ba’ng nangyayari sa ’yo?”
Bumuntong-hininga ito, saka umalis sa pagkakakubabaw sa kanya at nahiga sa tabi niya. “Hindi ko kayang gawin ’to.” Bumuga ito ng marahas na hininga, saka patagilid na humarap sa kanya. “I mean, maayos akong tinanggap ng pamilya mo rito sa bahay n’yo. Pinakain nila ako at hinayaan pa akong matulog dito. And this is how I repay them? By being unrespectful.” He looked really bothered. “Ang gusto lang naman ng nanay mo ay respetuhin kita, at ang tatay mo naman ay huwag kang hawakan. Well, kaya ko iyong irespeto ka pero iyong hindi ka hawakan?”
Habang nagsasalita si Lysander ay nakatagilid din siya paharap rito, saka mataman itong tinititigan. “So, ano na ngayon?”
Hinagod siya nito ng puno ng pagnanasang tingin, saka marahas na umiling. “Dress up, baby.”
Pigil niya ang mapangiti. “Talaga? iyon ang gusto mo? Magdamit ako?”
“Yes, no, I mean yes.” Ipinikit nito ang mga mata. “Magbihis ka na. Hindi ako titingin para hindi ako maakit na hawakan at angkinin ka.”
Nangingiting umalis si Jergen sa kama at mabilis na nagbihis ng simpleng sweatpants, saka spaghetti strap na sleeveless. Nang bumalik siya sa kama, saka lang nagmulat ng mga mata si Lysander na ikinatawa niya.
“Really?” Amusement danced in her eyes as she looked at him.
“What?” Dumukwang ito palapit sa kanya, saka hinalikan siya sa mga labi. “I respect your parents, baby, that’s why I’m trying to reign myself from seducing you. At siyempre, may respeto naman ako sa bahay n’yo. Hindi ko kayang angkinin ka habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko iyong mukha ng nanay at tatay mo. Nakokonsiyensiya ako. They trusted me to respect you and your house, so that’s what I’m doing.”
Parang may humaplos na kamay sa puso ni Jergem. Hindi niya akalain na may ganito palang side ang boss niyang tamad na nga, mahalay pa. Akala niya puro lang kahalayan ang laman ng isip nito, mayroon din pala itong konsiyensiya at respeto para sa iba.
She was thankful that he stopped though. Alam niya sa sarili na hindi niya kayang tanggihan ang lalaki kapag nag-umpisa na itong halikan siya pababa sa leeg niya. Nagiging marupok siya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang epekto nito kanya na kahit anong laban niya, nauuwi pa rin sa pagpayag niya ang lahat.
His lips had some kind of magic and she was under his spell every time he kissed her.
“Matulog na tayo,” wika ni Lysander na pumukaw sa kanya.
Napakurap-kurap siya, saka tumuon ang tingin dito. “Matulog? Sige, bumalik ka na ro’n sa kuwarto ni Justine.”
“Nope.” Umayos ito ng higa, saka niyakap siya sa baywang at hinapit palapit. “Ang sabi ko hindi kita aangkinin ngayon gabi, pero hindi ko sinabing aalis ako sa kuwarto mo. Gusto kitang makatabing matulog, bahala na bukas kung ano’ng mangyayari.”
Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Paano kung itakin ka ni Tatay?”
“O, eh, di itakin niya.” Hinalikan siya nito sa balikat, saka mas humigpit pa ang yakap sa kanya. “Kung ang itak ang kapalit para makatabi kang matulog, ayos lang, nakahanda ako.”
Inirapan niya ito para itago ang kilig na nararamdaman. “Baka kapag nakita mo ang itak ni Tatay tumakbo ka.”
Mahina itong natawa. “We’ll see about that, baby. We’ll see…”
Napailing-iling na lang si Jergen, saka ipinagsiksikan ang sarili kay Lysander. Iniyakap niya ang mga braso sa braso nitong nakayakap sa baywang niya. “Good night, Boss,” bulong niya ng ipikit ang mga mata.
Lysander kissed her bare shoulder. “Good night, baby. Dream of me.”
She smiled. “I won’t.”
Lysander chuckled. “You will.”
Hindi na nakasagot pa si Jergen kay Lysander dahil nilamon na siya ng antok.
NAGISING KINAUMAGAHAN si Jergen na nakayakap pa rin sa baywang niya si Lysander at ang hita nito ay nakapulupot sa hita niya. Namula ang pisngi niya sa posisyon nilang dalawa.
Marahan niyang niyugyog ang balikat ni Lysander para gisingin ito. “Boss… Boss, gising na. Umaga na.”
Umungol lang ito, saka lalong humigpit ang yakap sa kanya.
“Boss, ano ba…” Niyugyog niya uli si Lysander para magising na ito. “Boss gising na, please. Baka gising na si Tatay, ano ka ba.”
Lysander just groaned and tightened his embraced on her.
Naiinis na pilit niyang inaalis ang braso nito sa baywang niya. “Boss, ano ba, gumising ka na.”
Ayaw talagang matinag ng lalaki. Kahit pa nga panay ang yugyog niya sa balikat nito. Nakakainis, ayaw talagang magising.
“Boss!”
No reaction.
“Lysander!”
He groaned. “What, baby?”
“Gising na—” Naputol ang iba niyang sasabihin nang marinig na may kumatok sa pinto ng kuwarto niya.
Naramdaman niyang natigilan si Lysander, saka bigla itong bumangon at tumingin sa pinto bago bumaba ang tingin sa kanya. “Sino ’yon?” pabulong nitong tanong.
Nagkibit-balikat siya, saka bumangon na rin. “Malay ko.” Pinandilatan niya ito. “Ikaw kasi, eh, sinabi nang gumising ka na!”
Umalis ito sa kama, saka naglakad patungo sa pinto.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” pabulong niyang sigaw. “Bumalik ka rito, Boss.”
Tumigil sa paglalakad si Lysander, saka nilingon siya. “What?”
“Huwag mong bubuksan ’yan.” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Tatamaan ka sa ’kin, Boss.”
Sasagutin sana siya ni Lysander nang biglang magsalita ang kanyang ama sa labas ng pinto.
“Jergen, buksan mo ’to!” pagalit na sigaw ng kanyang ama. “Alam kong nandiyan ang lalaking ’yan. Buksan mo ’to!”
Inatake ng kaba ang dibdib niya. Oh, my God. Patay sila ni Lysander!
“Jergen! Buksan mo ’to!” sigaw na naman ng ama niya habang pinagsususuntok ang pinto ng kuwarto niya. “Buksan mo ’to!”
Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang dibdib niyang kinakain na ng kaba. Kapagkuwan ay umalis siya sa kama at naglakad patungo sa pinto.
Bago niya iyon buksan, bumaling siya kay Lysander. “Tumabi ka, Boss. At humanda ka na rin. Kakatayin tayo ni Tatay.”
Namutla si Lysander. “Are you sure?”
“Yes.”
Huminga ito nang malalim, saka hinawakan ang kamay niya. “Wala tayong ginawang masama. Let’s face him together.”
Tumango si Jergen, saka kinakabahang dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Napalunok siya nang makita ang ama niya na nasa labas ng pinto at may hawak na itak. Katabi nito ang kanyang ina na hawak ito sa kamay na parang pinipigilan.
“Oh, God,” mahina niyang sambit, saka sinalubong ang tingin ng ama niya. “’Tay, wala kaming ginagawang masama ni Lysander. Natulog lang kami—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil itinulak ng ama niya ang pinto dahilan para mapaatras siya.
“Binalaan na kita!” sigaw nito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Lysander. “Sinabihan kitang iwasan mo ang anak ko!”
“Sir—”
“Huwag mo akong ma-sir-sir na hayup ka!” Bigla na lang tinaga ng ama niya si Lysander, ’buti na lang ay mabilis na nakaiwas ang lalaki
“Jergen! Alisin mo rito ang bisita mo!” sigaw ng kanyang ina na pinipigilan naman ang ama niya.
“Hayup ka! Ano’ng ginawa mo sa anak ko, ha?!” Panay ang taga ng ama niya pero mas mabilis na umiiwas si Lysander.
“Boss! Run!” natatakot niyang sigaw baka matamaan ito ng ama niya.
“No!” Lysander hissed. “I’m staying.”
Umangat ang kamay ng ama niyang may hawak na itak, saka tinaga si Lysander. Sa pagkakataong iyon, hindi naging mabilis si Lysander para makailag ito. Mabuti na lang at kontrolado ng ama niya ang hawak nitong itak. Tumigil iyon nang gahibla na lang ang pagitan ng leeg ni Lysander at ang matalim na bahagi ng itak.
Para siyang tinakasan ng lakas. That was so close. Oh, God.
“’Tay, bitawan n’yo na ’yang itak n’yo!” sabi niya nang makita ang pamumutla ng mukha ni Lysander pero nanatili itong nakatayo, hindi ito tumakbo tulad ng sinabi niya.
“Ernesto, tama na ’yan,” sabad ng kanyang ina. “Mukhang wala naman silang ginagawa—”
“Hindi ako tanga, Julita!” galit na sigaw ng ama niya na nagpaigtad sa kanilang lahat. Naroon din ang mga kapatid niya sa labas na mukhang natakot din sa galit na pagsigaw ng ama nila. “Lalaki rin ako, Julita! Lalaki ako at alam ko ang likaw ng mga bituka namin.” Ipinagduldulan nito ang matalas ng parte ng itak sa leeg ni Lysander. “Hindi ako makakapayag na basta mo na lang ganunin ang anak ko. Hindi por que nasa probinsya kami ay mauuto mo na ako! Hindi ako papayag. Hindi ko hahayaan na gaguhin mo ang panganay kong anak! Hindi maaari!”
Nanatiling tahimik si Lysander at nakatingin lang sa ama niya.
“Justine!” sigaw ng ama niya.
“Po?” mabilis na sagot ng bunso nila.
“Puntahan mo si Pareng George. Sabihin mong kailangan natin ang tulong niya,” utos ng kanyang ama.
Namilog ang mga mata ni Jergen. “’Tay! Hindi natin siya kailangan!” Hindi niya mapigilang ang mapasigaw sa pagkabahala. “Pag-usapan natin ’to, hindi iyon ang solusyon!” Hindi puwede! Alam niya kung ano ang iniisip ng ama niya nang utusan nito si Justine. Hindi maaari! Ayaw niyang mangyari iyon sa kanila ni Lysander. “Tatay, pag-usapan naman natin ’to. Hindi naman natin kailangan si Tito George.”
Ang matalim na mga mata ng ama niya ay tumuon sa kanya. “Tumahimik ka, Jergen. Hindi kita pinalaking malandi! Talagang pinatulog mo pa ang lalaking ’to sa kuwarto mo! Hindi ka ba nag-iisip? Babae ka! Iyan ba ang natutunan mo sa Maynila, kalandian?!”
Para siyang sinampal sa sinabi ng kanyang ama. Nagbaba siya ng tingin para itago ang pamamasa ng mga mata. Ayaw niyang makita ng pamilya niya at ni Lysander ang luha niya.
Masakit sa dibdib dahil hindi niya akalain na maririnig niya iyon mula sa bibig ng ama niya na mahal na mahal niya. Mas masakit pala kapag kapamilya mo at mahal sa buhay ang magsabi ng masasakit na salita sa ’yo.
“Wala kayong karapatang pagsabihan nang ganoon si Jergen.”
Napamulagat ang mga matang nag-angat siya ng tingin kay Lysander nang marinig itong nagsalita. “Boss…”
“Alam kong ama ka niya at nirerespeto ko kayo, pero wala naman kayong karapatang sabihan nang ganoon si Jergen.” Nakatuon ang mga mata ng lalaki sa ama niya. “Hindi n’yo alam ang hirap na pinagdadanan ng anak n’yo sa opisina araw-araw para lang mabigyan kayo ng maayos na buhay. Wala siyang ginawa sa Maynila kundi magtrabaho, kumayod at maghanap ng pera para sa inyo. Alam ko ang hirap at pagod niya kaya hindi ko matatanggap ’yang sinabi n’yo. Bawiin n’yo ’yon. Hindi malandi si Jergen. Hindi siya ganoong klaseng babae at dapat alam n’yo iyon kasi anak n’yo siya. Wala kaming ginagawang masama ng anak n’yo. Natulog lang kaming magkatabi. At oo, hindi lang basta boss at empleyado ang relasyon naming dalawa pero hindi iyon sapat para tawagin n’yo siyang malandi. Jergen is an amazing woman, Sir.”
May kung anong emosyon ang dumaan sa mukha ng ama niya bago ito nagsalita. “Wala ka ring karapatang pagsalitaan ako nang ganyan kasi bisita ka lang sa pamamahay namin. At mahal ko ang anak ko kaya ginagawa ko ’to.” Ibinaba ng nito ang itak pero nanatili pa rin ang mga mata kay Lysander. “Maghanda ka na. Hindi ko hahayaang makawala ka sa ginawa mo sa anak ko. Hindi ako makakapayag na umalis ka rito sa pamamahay ko na hindi kayo ikinakasal ng anak ko!”
Pareho silang napanganga ni Lysander nang marinig ang huling sinabi ng ama.
Ikinakasal? Ano ’to? Akala niya balak kasuhan ng ama niya si Lysander kaya nito ipinatawag si Ninong George na isang judge?
“’Tay!” Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. “Ano ba naman ’to?”
Hindi siya pinakinggan ng ama, sa halip ay dinuro si Lysander. “Pakakasalan mo ang anak ko sa ayaw mo o sa gusto,” sabi nito. “Hindi ako tanga. Hindi ako papayag na gaguhin mo ang anak ko.” Pagkasabi n’on ay umalis na ito kasama ang kanyang ina at tatlong kapatid.
Naiwan sila ni Lysander na nakatanga sa kawalan.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 13
CHAPTER 13
“AYOKO NGA SABI, EH!” galit na sigaw ni Jergen nang pilitin siya ng kanyang Ninong George na pirmahan ang papeles na nasa center table, sa harap nila. “Hindi ko pipirmahan ’yan, ’Tay.” Bumaling siya sa ama niyang hawak pa rin ang itak nito. “Pag-usapan natin ’to. Hindi ito ang sulosyon sa—”
“Pumirma ka na, Jergen,” sabi ng ama niya na minamasahe ang dibdib kung saan naroon ang puso nito.
Agad siyang nag-alala. “’Tay, ayos ka lang ba?” May sakit itong hypertension kaya hindi niya maiwasang mag-alala kahit naiinis siya rito.
“Ernesto?” Agad na lumapit ang kanyang ina, saka hinagod ang dibdib ng ama niya. “Ayos ka lang ba? Huwag ka kasing masyadong mag-iisip.”
Pinukol siya ng masamang tingin ng kanyang ama. “Nararamdaman kong tumataas ang presyon ko dahil sa ’yo. Kaya kung ayaw mong ma-stroke ako ngayon dito, pipirmahan mo iyan para mapanatag ang loob ko,” pananakot nito.
Umiling si Jergen. Hindi siya madadala sa pananakot nito. “Hindi, ’Tay. Ayokong makasal kay Lysander.” Ayaw niyang sapilitan silang ikasal. Hindi iyon patas para sa lalaki na sumama lang naman sa kanya dahil nag-aalala ito. “Intindihin n’yo naman ’yon, ’Tay.”
“Pumirma ka na.” Para itong nahihirapang huminga habang hinahagod ang dibdib. “Ginagawa ko ’to para sa ’yo. Kung hindi ka pipirma, mas makabubuting lumayas ka na lang sa bahay na ’to at huwag ka nang babalik pa.” Para itong kinakapos ng hininga habang nagsasalita. “Hindi ako makakapayag na gaguhin ka ng lalaking ’to kaya ako na ang gagawa ng paraan.”
Marahas siyang umiling. Nag-aalala siya rito pero hindi niya hahayaang diktahan sila nito ni Lysander. At ayaw niyang matali sa kanya si Lysander nang dahil lang sa kagustuhan ng kanyang ama. “’Tay, ayoko nga! Ayoko. Hindi ko kakayaning magpakasal kay Lysander—” Napatigil siya sa pagsasalita nang bigla na lang pinulot ni Lysander ang ball pen na nasa ibabaw ng mesa, saka pinirmahan ang ibabaw ng pangalan nitong nakasulat sa papeles.
“Done. End of discussion,” sabi ni Lysander, saka tumayo at walang emosyong umalis ng sala.
Sinundan niya ng tingin ang papalayong bulto ni Lysander. He looked pissed. Sino ba naman ang hindi magagalit sa nangyari? Lysander was a bachelor, and if she signed these papers, then she was tying him to her. Ending his freedom to be with other women publicly. Pero kung hindi naman niya pipirmahan, baka may mangyaring masama sa ama niyang masyadong old fashioned kung mag-isip.
“Anak, Jergen, pumirma ka na,” sabi ng kanyang ina na nagmamakaawa ang mga mata na nakatingin sa kanya. “Pumirma na si Lysander.”
Umiling siya. “’Nay, hindi ko gagawin ’to kay Lysander. Wala akong pakialam kung habang-buhay n’yong sabihing malandi akong babae, wala akong pakialam kung ’yon ang tingin n’yo sa ’kin. Oo na, malandi na ako kasi hinayaan ko si Lysander na matulog katabi ko. Oo na, hindi ako isang mabuting anak kasi hindi ko susundin ang utos n’yo. Hindi ko siya itatali dahil lang sa kagustuhan ni Tatay at—”
“Aray,” pabulong na igik ng ama niya pero sapat para marinig niya.
“’Tay?” Puno ng pag-aalalang tumayo siya, saka nilapitan ito. “’Tay, ayos ka lang ba?”
Sinapo ng ama niya ang dibdib nito, saka bigla na lang itong bumagsak sa sahig.
“’Tay!” Napasigaw siya sa sobrang pag-aalala. “’Tay!”
“Kumpare!” Nag-aalalang dumalo agad ang Ninong George niya sa kanyang ama at sinusubukan nitong buhatin. “Jergen! Tulungan mo akong dalhin ang ama mo sa kotse ko. Pupunta tayo ng ospital.”
Akmang tutulong siya nang pigilan siya ng kanyang ama.
“’Tay—”
“P-pirmahan mo n-na,” sabi nito na hinang-hina habang sapo ang dibdib. “H-hindi ko hahayaang l-lokohin ka ng l-lalaking ’yon. Hindi ako maka… kapayag. M-mahal na m-mahal k-kita, a-anak.”
Parang may sumakal sa puso niya habang nakatingin sa amang nagmamakaawa sa kanyang pumirma. Umiling siya. “’Tay, intindihin n’yo naman ako.”
Mas humigpit lalo ang pagkakasapo sa dibdib nito.
“Justine!” sigaw ng kanyang ina. “Tulungan mo kami rito!”
Pero sa halip na si Justine, si Lysander ang dumating sa sala, saka tinulungan ang ninong niya na buhatin ang kanyang ama. Bago umalis, bumaling muna ito sa kanya.
“Sign it, Jergen,” sabi nito, saka tinanguan siya at umalis kasama ang ninong niya.
Siya naman ay napatitig sa papeles na nasa ibabaw ng center table. Kung pipirma siya, tulad ng ginawa ni Lysander, magiging maayos na ba ang lagay ng ama niya?
“Anak.” Hinawakan siya sa braso ng ina, saka hinaplos ang buhok niya. “Ang gusto lang namin ay maging maayos ang lagay mo. Ginagawa ’to ng ama mo para sa ’yo, intindihin mo sana siya. At kung mahal mo kami, pipirmahan mo iyan para mapanatag ang loob namin na hindi ka gagaguhin ng lalaking ’yon.”
Mapakla siyang natawa. “’Nay, kung mahal n’yo ako, hindi n’yo gagawin sa ’kin ’to.” Pinulot niya ang ball pen, saka mabilis na pinirmahan ang papeles. “Pero dahil mahal ko kayo, sige, pinirmahan ko na. Sana masaya na kayo.”
Iniwan niya ang ball pen at ang pinirmahan sa center table, saka lumabas ng bahay. Nagulat siya nang makasalubong niya si Lysander.
“Si Tatay?”
Sa halip na sagutin siya, pumasok ito sa kabahayan. Mabilis niya itong sinundan at naabutan niyang kinakausap ang kanyang ina.
“Hinihintay ho kayo sa labas,” sabi ni Lysander, saka pinulot ang papel sa ibabaw ng center table at ibinigay sa kanyang ina. “Dalhin n’yo raw ’to.”
Mabilis na tumango ang kanyang ina, tinanggap ang papel, saka mabilis na lumabas ng bahay.
Naiwan silang dalawa ni Lysander sa sala. Pareho silang walang imik hanggang humarap sa kanya si Lysander, saka binasag ang katahimikan.
“In your room. Now,” sabi nito.
Tumango si Jergen, saka nagtungo sa kuwarto niya. Nasa likuran niya si Lysander, nakasunod sa kanya. Nang makapasok na sa kuwarto, humarap siya kay Lysander para kausapin ito pero nahigit niya ang hininga dahil ilang dangkal na lang ang layo ng mukha nilang dalawa.
“Boss…” Humakbang siya paatras.
He looked annoyed.
Humakbang siya uli paatras. “Boss… mag-usap tayo.”
“I don’t want to talk,” he said in a cold tone. “I want to fuck.”
Namilog ang mga mata ni Jergen. “Boss, ano ba ’yang pinagsasasabi mo? Puwede ba, huwag kang ganyan.”
Napakalamig ng ngiting gumuhit sa mga labi nito. “Why? You’re my wife now, Jergen. I think I have the right to fuck you when I want to, even when we’re in your parent’s house.” Hinapit siya nito sa baywang, saka bumulong. “Fuck respect.”
Napalunok siya. Abot-abot ang kabang nararamdaman niya. He was really mad. Nararamdaman niya ’yon. Galit ito sa ginawa ng ama niya. Sino ang hindi magagalit?
“Lysander, pag-usapan natin ’to,” pabulong niyang sabi. Nag-iiba na naman ang isip niya dahil napakalapit lang ng mga labi nitong natatakam siyang tikman. “Please, Boss, let’s talk.” Umatras siya pero humakbang naman ito palapit. “Kung ayaw mo sa nangyari, ako rin naman, ah. Ayoko rin. Pero kailangan kong pirmahan para mapanatag si Tatay. Pero ’di ba, hindi naman nila malalaman kung ipa-annul natin iyong kasal? Iyon na lang ang gawin natin. Ayoko rin namang pilitin ka—” Napatigil siya sa pagsasalita at napahiyaw nang bigla na lang siya nitong itinulak pahiga sa kama. “Boss!” Pinanlakihan niya ito ng mga mata.
“What?” Hinubad nito ang suot na pang-itaas.
“Boss! Itigil mo nga yan!” Bumangon siya sa pagkakahiga sa kama, saka lumuhod nang nakaharap dito. “Itigil mo ’yan. Nasa labas ang mga kapatid ko.”
“The door is locked.”
“But, Lysander—”
“Let’s fuck.” Tinanggal nito ang pagkakabutones ng pantalong suot, saka ibinaba iyon kasabay ng boxer bago matiim na tumitig sa kanya. “Shall we?”
“Lysander—”
Hindi na siya pinatapos ng pagsasalita ni Lysander, dumukwang ito palapit sa kanya, saka inangkin ang mga labi niya.
Sa halip na itulak palayo, napadaing na lang si Jergen nang maglapat ang mga labi nila. Lysander’s kisses really made her weak and irrational. Nawawala siya sa tamang pag-iisip.
Namalayan na lang niya na naging mapusok na ang halikan nila. Napapadaing siya tuwing gumagapang ang kamay ng lalaki sa kaselanan niya, lalo na nang masahehin nito ang mayayaman niyang dibdib. Napahalinghing siya sa sarap ng nakakakikiting sensasyon.
Tumigil sa paghalik sa kanya si Lysander, saka itinaas ang pang-itaas niyang damit at tinanggal ang pagkaka-hook ng bra niya. Nang maging malaya ang dibdib niya, agad na nilaro ng dila nito ang naninigas niyang nipple na lalong nagpadagdag sa pagnanasang nararamdaman niya.
She could feel her core tingling, her clitoris pulsing, making her wet and needy. This was what Lysander did to her. This unexplainable pleasure that she craved every time they kissed.
Parang may sariling isip ang mga kamay ni Jergen na hinubad ang pang-itaas niyang damit, pagkatapos ay yumakap siya sa leeg ng lalaki na lalong pinag-iigihan ang pagdila sa nipple niya. Para siyang mahihibang sa nakakakiliting sarap. Nararamdaman niya ang lalo pang pagkabasa ng pagkababae niya.
Then he was back on kissing her lips again, licking and sucking her lips and making her moan softly but lustfully while expertly massaging her breast and pinching her nipples.
Pareho silang napadaing nang maglaban ang mga dila nila—nag-eespadahan, sumisipsip at tumutudyo sa bibig niya. Para siyang nababaliw sa sarap ng halik nito.
Napasabunot siya sa buhok ni Lysander habang mainit silang naghahalikan. Ang mga kamay naman nito ay abala sa pagdama ng kaselanan niyang basang-basa na.
“Lysander…” ungol niya sa pangalan nito hanang hinahagod nito ang hiwa ng pagkababae niya at ipinasok sa loob niya ang daliri. “Oh, Lysander…” Napatingala siya sa kisame habang ninanamnam ang sarap. “Oh, Lysander… ang sarap niyan.” Para siyang nahihibang na iginagalaw ang balakang para salubungin ang paggalaw ng daliri ni Lysander. “Oh, oh, Lysander… Oh, God…”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang maramdamang may sumabog sa kaibuturan niya. Para siyang hinatid sa langit. Sa sobrang sarap, nakapikit lang siya habang nakaawang ang mga labi at panay ang daing.
“Lysander…” ungol niya sa pangalan nito.
Lysander bit her lower lip. “My turn, baby.”
Napasinghap siya nang itulak siya pahiga ni Lysander. Napatitig siya sa lalaki. Puno ng pagnanasa ang mga mata nito habang hinuhubad ang pang-ibaba niyang suot.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang tuluyan na nitong mahubad ang sweatpants niya. “Lysander…”
Matiim siya nitong tinitigan habang ibinubuka ang mga hita niya.
“Lysander.”
“Open wide, baby,” sabi nito, saka hinagod ang pagkababae niyang basa pa.
Hindi niya napigilan ang mapadaing sa ginawa nito. Naroon pa rin ang kiliti ng huli niyang orgasmo.
Dahan-dahan siyang kinubabawan ni Lysander, saka hinalik-halikan sa pisngi patungo sa nakaawang niyang mga labi. Nararamdaman niya ang dulo ng pagkalalaki nitong tumutusok sa bukana ng pagkababae niya.
Lalong bumaon ang ngipin niya sa pang-ibaba niyang labi nang pumasok ang dalawang pulgada ng pagkalalaki nito sa pagkababae niya. Hindi pa naibabaon nang sagad ang kahabaan nito sa loob niya pero napapasigaw na siya sa sarap na dulot niyon. Hindi lang siya makaungol dahil baka may makarinig sa kanya.
Lysander thrust another inch and her eyes rolled back in pleasure. She wanted to moan, but couldn’t. Then he thrust another inch of his length, then inch by inch, he filled her.
Yumakap siya sa katawan nito nang maisagad ng kahabaan nito ang loob niya.
“Baby…” Lysander moaned and kissed her lips. “You feel good. Darn.”
Nanggigigil na kinagat niya ang pang-ibaba nitong labi, saka kinakapos ang hiningang bumulong. “You feel good too, Lysander. Really good.”
He smiled against her lips. “Really?” He moved inside her. In and out. Slowly. But every thrust made her wanted to scream in pleasure. “You like that?”
Nakaawang lang ang mga labi sa sarap na tumango si Jergen. Nanunuyo na ang lalamunan niya pero hindi niya maitikom ang bibig dahil doon siya kumukuha ng hangin para makahinga. Para siyang kinakapos ng hininga sa sobrang sarap ng bawat ulos ni Lysander sa loob niya.
Hindi na niya napigilan ang ungol na kumawala sa bibig niya nang isagad ni Lysander ang kahabaan sa loob niya. “Oh!” she moaned.
“Fuck!” Lysander groaned. “Darn, baby,” he moaned. “Hindi ako magsasawang angkinin ka nang paulit-ulit, araw-araw.”
Namula ang pisngi niya sa sinabi nito. “Boss.” Tinampal niya ito sa balikat.
“What?” He stared at her. “You’re my wife now, baby. Puwede ko nang gawin ’yon.” He thrust in and out, making her whimper in pleasure.
Mahigpit siyang napayakap kay Lysander nang mas binilisan pa nito ang paglalabas-masok sa loob niya. Punong-puno ng kahabaan nito ang pagkababae niya. Sa sobrang sarap ng bawat ulos nito ay hindi na niya napigilan ang mapaungol nang malakas—na agad ding nilamon ng katahimikan nang mapusok siyang hinalikan ng lalaki sa mga labi na agad naman niyang tinugon nang buong puso.
Habang mapusok silang naghahalikan, walang humpay ang pagbayo ni Lysander sa pagkababae niya. Siya naman ay iniyakap ang mga binti sa baywang nito at iginalaw ang balakang para salubungin ang bawat pag-ulos nito.
“Oh, Lysander.” Napapaliyad siya sa sobrang sarap. “Sige pa, bilisan mo pa… Oh, ganyan nga.” Naniniksik ang mga mata niya sa sobrang sensasyong nararamdaman. “Oh! Lysander! Oh! Oh!” She couldn’t help herself but to moan. Hindi na niya iyon kayang pigilan kahit anong pigil ang gawin niya.
“Fuck, baby…” He nipped her lips. “Fuck…” Lalo pang bumilis ang bawat galaw nito. “You’re amazing, baby…” he moaned. “I won’t every get tired of doing this with you.”
Jergen tightened her muscles on her vagina walls around Lysander’s length.
Pareho silang napaungol habang naghahalikan at nag-iisa ang katawan nila. Pareho silang nahihibang sa sarap na dulot ng pag-iisa nila. Sabay silang umungol at magkayakap na inabot ang sukdulan ng kanilang kaligayahan.
PAREHONG habol ang hininga nina Jergen at Lysander nang bumagsak ang katawan ni Lysander sa kama, sa tabi niya. Nararamdaman pa rin ni Jergen ang mainit nitong katas sa pumuno sa pagkababae niya ilang segundo pa lang ang nakakalipas.
Darn. Lysander’s length inside her felt so good. Nakakahiya mang aminin pero parang gusto pa niyang maramdaman iyon uli na naglalabas-masok sa pagkababae niya.
Nag-init ang pisngi niya sa naiisip. God! Kailangan pa siya nahilig sa sex? Hindi naman siya ganito noon. Talagang bad influence si Lysander sa kanya.
Habol pa rin ang hiningang bumaling si Jergen sa katabi. Parang ang lalim ng iniisip nito habang nakatingin sa kisame ng kuwarto niya.
Was he thinking about their force marriage?
“I’m sorry,” basag niya sa katahimikan.
Napakurap-kurap ito, saka bumaling sa kanya. “Sorry saan?”
“Sa ginawa ni Tatay.” Bumangon siya mula sa pagkakahiga, saka paluhod na umupo sa kama, paharap sa nakahigang lalaki. “Alam kong galit ka at naiitindihan ko ang galit mo. Sino ba naman ang hindi? Single kang pumunta rito pero married kang uuwi. So I’m sorry for getting you in this situation. Pangako, gagawin ko ang lahat mapa-annul lang ang kasal na ’to pagkauwi natin. O kaya naman kakausapin ko si Ninong George na huwag ipasa sa city hall ang marriage contract na ’yon para wala tayong problema. Kapag hindi naman siya pumayag, magpatulong tayo kay Atty. Yilmaz. ’Di ba kaibigan mo ’yon, tiyak matutulungan niya tayo—”
“Do you want to get rid of me that much?”
Natigilan siya sa tanong ni Lysander. “Ano?” Kumunot ang noo niya, naguguluhan. “Ano ba’ng pinagsasasabi mo?”
He looked deep into her eyes. “Would it be so bad to be my wife?”
She stilled, her heart hammering inside her chest. “What?”
Nanatili ang matiim nitong titig sa kanya. “Am I a bad person?” Gumuhit ang iritasyon sa mukha nito. “Yes, Jergen, I can make all this go away. I can change back my status from marriage to single in just a phone call. But I’m not gonna do that.”
Bumadha ang kaguluhan sa mukha niya. “Bakit? Hindi ba ’yon ang gusto mo? I mean, sino ang magkakagustong ikasal nang ganoon-ganoon lang? I know you, Boss, you’re a player. You won’t survive being married to someone.”
“Back to judging me so harshly again, I see.” Bumangon ito, saka umalis ng kama, pagkatapos ay nagdamit.
“Boss,” tawag niya nang humakbang ito patungo sa pinto. “Boss, ano ba, kausapin mo nga ako!”
Nilingon siya nito. “No, baby, I don’t want to talk to you.”
“But, Lysander!” Naiinis na siya sa inaakto ng lalaki. Ito na nga ang iniisip niya, ’tapos siya pa ngayon ang masama? “Bakit ba ayaw mo, ha? Dahil ba kina Tatay at Nanay? Dahil nirerespeto mo sila?”
O dahil sa ’kin? Gusto niyang itanong ang huling katanungan ng isip niya pero hindi niya magawa. She knew that her boss was just playing around. As always.
“Baby, if I change back my status now…” A sexy smirk made its way to his lips. “Where’s the fun in that?” Kinindatan siya nito bago binuksan ang pinto, saka lumabas ng kuwarto niya.
Napatitig na lang si Jergen sa nilabasang pinto ng Lysander. Hindi talaga niya mabasa ang laman ng utak ng boss niya. Ano naman kaya ang nasa isip nito? Balak ba talaga nitong paglaruan siya? Pero bakit? He could do that without the title of husband and wife.
Was it because he liked her?
Marahas siyang umiling. No. No assuming. What she needed was words, not action and assumptions.
Huminga siya nang malalim, saka mariing ipinikit ang mga mata. “I can’t believe I just married my playboy boss.”
CECELIB | C.C.
CHAPTER 14
CHAPTER 14
“JUSTINE, BAKIT nagre-relax ka diyan?” usisa ni Jergen sa bunsong kapatid na nanonood ng TV. “’Di ba dapat nasa likod-bahay ka at nagbibilad ng palay?” Tinaasan niya ito ng kilay. “Lalabas na mamaya ng ospital si Tatay. Kapag nalaman niyang humihilata ka lang diyan, baka magalit na naman ’yon at magka-hypertension.”
Hininaan ni Justine ang volume ng TV, saka bumaling sa kanya. “Ate, nandoon na si Kuya Ly.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Si Lysander?” Nagbibilad ng palay si Lysander?
“Oo. Si Kuya Ly.” Ngumisi ito. “Siya ang nag-volunteer, eh.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Kuya Ly talaga? Close kayo?”
Lalong lumapad ang ngisi nito. “Bakit hindi ko siya puwedeng tagawing Kuya Ly? Eh, asawa mo na siya, ’di ba?”
Inirapan niya ang kapatid, saka naglakad palabas ng bahay at nagtungo sa likod-bahay.
Napatigil sa paglalakad si Jergen nang makita si Lysander na nagbibilad nga ng palay. Nakahubad-baro ang lalaki at tumutulo ang pawis mula noo pababa sa mukha nito, pababa sa leeg hanggang sa nakakatakam nitong abs.
Goodness! Temptation!
Ano ba naman ’tong lalaking ’to?! Hindi ba nito alam na nagiging makasalanan ang mga mata ng kung sino man ang makakakita sa hubad nitong katawan?
“Lysander, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” nakapamaywang niyang usisa sa lalaki na pinaghihiwalay ang mga palay para mas mabilad.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Hey, baby.” Nginitian siya nito. “Ano’ng ginagawa mo rito? Bumalik ka ro’n sa bahay, mainit dito.”
“Speak for yourself.” Inirapan niya ito. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”
“Nagbibilad ng palay,” nakangiting sabi nito na para bang napakanormal lang ng ginagawa nito. “This is fun.”
Napailing-iling si Jergen. “Pumasok ka na sa bahay,” sabi niya na nakataas ang kilay. “Ang init, ’tapos nakabilad ka diyan. Baka magkasakit ka, hindi ka pa naman sanay sa ganito.”
“I’m fine, baby,” sabi nito na nakangiti pa rin. “Ikaw ang bumalik sa loob. Babalik na rin ako mayamaya lang. May ibibilad pa ako, eh.”
Napabuntong-hininga siya. “Fine.”
Umalis siya sa likod-bahay. Nang makapasok sa kabahayan, nagulat siya nang makita si Carlos sa may sala, kausap ni Justine.
“Carlos?” Hindi siya makapaniwalang makikita niya ito sa bahay nila pagkalipas ng mahabang panahon.
Bumaling sa kanya si Carlos at agad na ngumiti nang magtama ang mga mata nila. “Hi, Jergen.”
Pinatay ni Justine ang TV. “Sa likod-bahay lang ako, Ate,” paalam nito bago sila iniwan sa sala.
Pinagsalikop niya ang kamay, saka huminga nang malalim. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
Mas lumapad ang ngiti ni Carlos. “Kumusta ka na?”
Nagtataka man sa presensiya ng lalaki, sinagot niya ang tanong nito. “Ayos lang naman. Ikaw?”
“Ayos lang din.” Malambot ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Na-miss kita, Jergen. Matagal-tagal na rin mula nang maghiwalay tayo noong pumunta ka sa Maynila.”
Nag-iwas siya ng tingin. Kailangan ba talaga nitong sabihin ’yon? Matagal na ’yon. Halos anim na taon na ang nakakaraan. “Oo nga. Matagal na rin.”
“Luluwas ako ng Maynila sa makalawa,” imporma ni Carlos sa kanya. “Gusto mo sabay na tayo?”
Ibinuka niya ang bibig para sumagot pero naunahan siya ng baritonong boses ni Lysander.
“Hindi sasama sa ’yo ang asawa ko,” sabi nito habang naglalakad palapit sa kanya, nakahubad-baro pa rin.
“Lysander,” mahina niyang sambit habang nakatingin dito na naglalakad palapit sa kanya. “Akala ko ba magbibilad ka pa ng palay?”
Nakita niyang tumiim-bagang ito. “Bakit? Gusto mong masolo ang bisita mo?” May iritasyon sa boses nito. “I’ll be damned, baby.”
Napabuntong-hininga siya. “Lysander, maligo ka na muna at magpahinga.”
Syempre, hindi ito nakinig sa kanya. Sa halip ay inakbayan siya at humarap kay Carlos. “May kailangan ka ba sa asawa ko? Kung wala na, makakaalis ka na.”
“Lysander!” Pinandilatan niya ito. That was rude. “Nangungumusta lang si Carlos.” Bumaling siya kay Carlos. “’Di ba, Carlos?”
Pilit na ngumiti si Carlos. Naging kasintahan niya ito noon kaya alam niyang pilit lang ang ngiting nasa mga labi nito. “Oo. Kinukumusta ko lang ang dati kong kasintahan.” Tumayo na si Carlos, saka naglakad patungo sa pinto. Pero bago lumabas, tumingin ito sa kanya at nagsalita, “Kung gusto mo, puwede kitang ipasyal dito sa ’tin. Marami nang mga bagong tourist spot dito mula noong umalis ka.” Pagkasabi n’on ay lumabas na ito na naiwan siyang nakakunot ang noo.
Nang sila na lang ni Lysander sa sala, inalis nito ang pagkakaakbay sa kanya. “New tourist spot, huh?” He sounded pissed and annoyed. “Sasama ka?”
Humarap siya sa lalaki. “Bakit mo tinatanong?”
Gumalaw ang panga nito. “Ex-boyfriend mo pala siya.” Mapakla itong tumawa. “What? Reminiscing the old times? Did you two kiss before? Wait, did he touch you in any way before?”
Sa halip sa sagutin, inirapan niya ito, saka nagtungo sa kuwarto niya.
“Hey! Baby! Answer me!” sigaw ni Lysander habang nakasunod sa kanya.
Hindi niya ito pinansin, saka pumasok sa kuwarto. Segundo lang ang binilang, ito naman ang pumasok.
“Hindi naman mahirap sagutin ang tanong ko, ’di ba?” tanong ni Lysander na nakapamaywang at madilim ang mukha. “O baka naman may something ka pa sa kanya.”
Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Ano ba ang problema mo?” Naiinis na talaga siya sa pang-uusisa nito. “Ano naman ngayon sa ’yo kung imbitahan ako ni Carlos? Wala namang masama do’n, ah! At saka bakit mo ba tinatanong kung hinalikan niya ako noon? Hindi ba sapat na ikaw ang nakauna sa ’kin? At sino ka ba para magtanong sa ’kin nang ganoon? That was out of the line, Lysander.”
Tumalim ang mga mata nito at nagtagis ang mga bagang. “Sino ako? Ako lang naman ang asawa mo.” Tinalikuran siya nito, saka lumabas ng kuwarto at malakas na isinara ang pinto.
Napaigtad si Jergen sa lakas ng pagkakasara n’on. Umirap siya sa hangin. Ano ba ang problema ng lalaking ’yon? Wala naman siyang ginagawang masama. At saka hindi naman niya ini-intertain si Carlos at wala siyang balak na sumama rito sa mga letseng tourist spot na ’yon.
Naiinis na lumabas siya ng kuwarto at hinanap si Lysander. Hindi niya alam kung bakit mabigat ang dibdib niya dahil sa simpleng sagutan nilang ’yon. Kailangan niyang makausap ang lalaki para maliwanagan silang dalawa. Ayaw niya ng ganoong pakiramdam, mabigat sa dibdib.
Kaya naman nagtanong na siya kay Justine na siyang tanging ibang tao sa bahay. Sina Jennica at Jenny kasi ay nasa ospital, tinutulungan ang kanyang ina para makauwi na ang ama niya.
“Justine, nakita mo si Lysander?” tanong niya sa bunsong kapatid na abala sa paglalaro sa cell phone ni Lysander.
“Opo.” Hindi nito tinatanggal ang tingin sa cell phone. “Nasa banyo, Ate.”
Iniwan niya ang kapatid sa sala, saka nagtungo sa banyo. Nang pihitin niya ang doorknob, hindi ’yon naka-lock kaya naman binuksan ’yon.
“Lysander, we need to talk—” Napatigil siya sa pagsasalita at napatitig sa hubad na katawan ni Lysander na napapalibutan ng bula. “Shit…” pabulong niyang usal habang ang mga mata ay naglalakbay sa matipuno nitong katawan. “Shit…”
Nakakatakam talaga ang katawan ng lalaking ’to.
“Hey, baby,” sabi ni Lysander na naghimalos ng mukha para mawala ang bula, saka ngumiti sa kanya. “Ano’ng pag-uusapan natin?”
Napakurap-kurap si Jergen, saka ipinilig ang ulo para mawala ang kahalayan sa utak niya. “H-hintayin kita sa kuwarto.” Namumula ang pisngi niya. “M-mag lock ka nga ng pinto.”
Pilyong ngumiti ang lalaki. “Come on, you lock the door and join me here.”
Napaawang ang mga labi niya. “Ano?”
Binanlawan nito ang katawan dahilan para mawala ang bulang nakapalibot do’n. Sa pagkalalaki nito agad na tumuon ang mga mata niya.
It was alive and ready. It was long and big. Goodness. She wanted to taste him, she was salivating for goodness’ sake!
“Baby…” Lumapit ito sa kanya, saka hinawakan siya sa baywang. Wala itong saplot ni isa at nag-iiba na naman ang takbo ng isip niya dahil sa kahubdan nito. Temptation at its finest! “Lock the door and join me.”
Tumikhim siya para mawala ang isip niya ang kahalayan. “Hindi. Nandito ako para mag-usap tayo.”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “’Yon lang?” Gumapang ang kamay nito patungo sa dibdib niya. “Kakausapin mo lang ako?”
Napalunok si Jergen dahil sa lapit ng katawan nila ni Lysander. Sa hindi niya malamang kadahilanan, nag-iinit ang katawan niya. Goodness! Bakit ba ganoon ang reaksiyon ng katawan niya kay Lysander?
“Baby.” Inilapit nito ang mga labi sa mga labi niya. Ramdam niya ang hininga nito sa mga labi niya. “Would you like to taste me?”
Napalunok ulit siya. Shit! “A-ahm…” Nanatiling nakaawang ang mga labi niya, lalo na nang bumaba ang mga mata niya sa pagkalalaki nitong nag-uimigting at buhay na buhay. “Ahm… ahm, ano… ahm…”
Lysander brushed his lips against hers. “I want you to suck me, baby,” he whispered sexily over her lips. “Can you do that for me?” The way he asked her, he sounded seductive. “Can you do that here, baby?” Gumapang ang mga labi nito sa pisngi niya, patungo sa tainga niya at pinaglandas ang dila sa gilid niyon. “Please, baby? I really want your mouth on my shaft.”
Nanunuyo ang lalamunan niya sa pang-aakit ni Lysander sa kanya. Nararamdaman niya ang reaksiyon ng katawan niya, at alam niyang oo ang sagot sa gusto nito.
When it came to Lysander, it seemed that she couldn’t say no.
Yumakap ang mga braso ni Lysander sa baywang niya, kapagkuwan ay narinig niya ang tunog ng pag-lock ng pinto ng banyo.
“There. Locked,” Lysander whispered over her ear. “Kneel on the mat para hindi masaktan ang tuhod mo.”
Parang may sariling isip na lumuhod si Jergen sa harap ng lalaki at pinakatitigan ang mahaba at malaki nitong pagkalalaki. She wasn’t thinking straight anymore. Her body was moving like it had a mind of its own.
“Come on, baby…” Lysander whispered as he looked down at her. “Suck me.”
Napalunok siya, saka dahan-dahang hinawakan ang mahabang pagkalalaki ni Lysander. Binasa niya ang nanunuyong labi nang mapatitig siya sa dulo ng kahabaan nitong pulang-pula at makintab.
Good heavens. This was it. She would taste him now.
She gulped and slowly brought out her tongue… Then, she licked the tip of his length making Lysander moan softly.
Bahagyang humigpit ang hawak niya sa kahabaan nito, saka dahan-dahang ipinasok ang pagkalalaki nito sa loob ng bibig niya. Ingat na ingat siyang hindi sumagi ang ngipin niya baka masaktan ito.
Nang masagad ng kahabaan nito ang bibig niya, abot ’yon hanggang lalamunan niya. Para siyang mabibilaukan pero pinigilan niya ang maduwal. Her mouth was so full, she felt like it was about to be ripped open from the sides. He was so big and her mouth was so stretched. Masakit sa gilid ng bibig pero ayaw niyang iluwa ang kahabaan ni Lysander.
Naririnig niya ang mahinang halinghing ni Lysander. Ayaw niyang ma-disappoint ito sa kanya kaya gusto niyang pag-igihan ang ginagawa.
“Move your mouth, baby.” Lysander moaned softly. “Swirl your tongue and suck me good.”
Jergen nodded as she moved her mouth, up and down on his length. Lysander was groaning in pleasure.
Tuwing pinapaikot niya ang dila sa dulo ng pagkalalaki nito, sunod-sunod na napapamura si Lysander at napapaaungol nang mahina na lalong nagpapagana sa kanya. Mas binilisan pa niya lalo ang paggalaw ng bibig at pinakiwal ang dila paikot sa nag-uumigting nitong pagkalalaki.
Nang isagad niya ang kahabaan nito hanggang sa lalamunan niya, napasabunot si Lysander sa buhok niya at mahinang napaungol. “Fuck, baby…” he groaned.
Her hands dropped to his balls and massaged it lightly as she moved her mouth, in and out in fast pace. Her mouth was full as she sucked him fast. Hindi niya pinansin ang pagkaduwal na nararamdaman. Basta inilabas-masok niya ang kahabaan ni Lysander sa bibig niya nang mabilis habang pinapaikot ang dila sa dulo.
“Fuck…” Lysander groaned. “Faster, baby…” Mas humigpit ang pagkakasabunot nito sa buhok niya. “I’m coming, baby, oh, fuck!”
Gumagalaw na ang balakang nito para salubungin ang bibig niya. Sagad na sagad ang kahabaan nito hanggang sa lalamunan niya. Napapaungol na lang siya kapag nasasagad ang lalamunan niya, kapag ipinapaikot niya ang dila sa dulo ng kahabaan nito at sinusundot-sundot ang maliit na hiwa sa dulo ng pagkalalaki nito na lalong nagpapahibang kay Lysander.
“Fuck… yes, oh, baby…” Parang pinipigilan nito ang mapaungol pero hindi yata nito kaya dahil may kumakawala pa rin. “Fuck! I’m coming! Fuck!” Nanigas ito sa kinatatayuan, kapagkuwan ay mabilis na hinugot ang pagkalalaki sa bibig niya, saka sa may paliguan inilabas ang katas.
Siya naman ay tumayo, saka humarap sa lababo para magmumog. Pagkatapos magmumog, naramdaman niyang yumakap sa likuran niya si Lysander, saka hinalikan siya sa likod ng tainga.
“Thank you,” bulong nito, saka hinalikan siya sa leeg. “That was good.”
Lihim siyang napangiti. “So, nakapasa ako?”
Mula sa salaming nakaharap sa kanya, nakita niyang kumunot ang noo ni Lysander. “Nakapasa saan?”
Nag-init ang pisngi ni Jergen. “You know… you said I was good. So I think I passed the blow job test.”
He chuckled. “I wasn’t testing you, baby.” Humigpit ang yakap nito sa kanya. “Gusto ko lang talagang gawin mo ’yon sa ’kin. It was good. Very good. Felt like heaven.”
Lihim siyang napangiti sa sinabi nito. So, she was good? Pakiramdam niya ay nadagdagan ang confidence niya pagdating sa sexual relationship nila.
Huminga siya nang malalim, saka sinalubong ang tingin ni Lysander sa salamin. Kapagkuwan ay biglang pumasok sa isip niya ang dahilan kung bakit naroon siya sa loob ng banyo.
Mabilis siyang humarap sa lalaki, saka tumingin sa mga mata nito. “Galit ka ba sa ’kin?” tanong niya. “I mean, iyong tungkol kay Carlos. Hindi ko alam kung bakit naiinis ka o kaya naman nagagalit—”
“Hindi na ako galit.” Hinalikan nito ang tungki ng ilong niya. “Ayoko lang na maglalapit ka sa Carlos na ’yon. Kumukulo ang dugo ko.”
Tumaas ang kilay ni Jergen. “At bakit naman nagagalit ka?”
“Because you’re mine, baby,” he said as he stared at her intently. “And I don’t intend to give you to someone. Akin ka at hindi ako makakapayag na agawin ka sa ’kin ng Carlos na ’yon. I don’t like it when people try to steal what’s important to me.”
Bahagyang umawang ang labi niya sa huling sinabi nito. Halos mabingi rin siya sa lakas ng tibok ng puso niya.
“I’m…” Natatakot siyang magtanong pero kailangan niyang maliwanagan, ayaw niyang mag-assume. “I’m… i-important to you?”
“Yes,” pabulong nitong sagot habang hinahaplos ang pisngi niya. “You’re important to me, Jergen. You’re more important than my money, than my assets, than my company and more than the very air I breathe. Masyado kang mahalaga sa ’kin at wala akong balak na pakawalan ka. Kaya kung iniisip mo na may gagawin ako para ma-annul ang kasal natin, nagkakamali ka. Wala akong balak na pakawalan ang babaeng mahalaga sa ’kin. At ikaw ’yon.”
Bumuka ang bibig niya para magtanong uli nang marinig ang boses ni Justine.
“Ate? Kuya Ly? Sina Nanay at Tatay, nandito na,” sigaw ni Justine.
Napamulagat siya, saka umalis sa pagkakayakap ni Lysander at nagmamadaling lumabas ng banyo. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Lysander na ikinairap niya.
Ang lalaking ’yon talaga.
“Bakit ka nagmamadali?”
Napaigtad si Jergen nang marinig ang boses ni Lysander sa likuran niya. Nang lingunin niya ito, napamulagat siya nang makitang nakatapi lang ito ng tuwalya mula baywang pababa.
“Boss!” Pinandilatan niya ito. “Magbihis ka nga!”
Natatawang inakbayan siya ni Lysander. “What’s the fuss? Mag-asawa na tayo. Hindi na ako iitakin ni Tatay.”
Umawang ang mga labi niya. “Tatay?”
“Yeah.” Ngumisi ito. “Kasal na tayo kaya tatay ko na siya. Bakit? May masama ba sa tinawag ko sa kanya?”
Napapantastikuhang umiling siya. “Nababaliw ka na. Tiyak na magagalit na naman sa ’yo si Tatay.”
Ngumiti lang ito, saka hinalikan siya sa mga labi. “Magbibihis lang ako,” paalam nito, saka umalis na.
Napatitig na lang siya kay Lysander na naglalakad palayo na nakatapi lang ng tuwalya. Napailing-iling siya. Ang weird talaga ng lalaking ’yon kahit kailan.
“Wala akong balak na pakawalan ang babaeng mahalaga sa ’kin. At ikaw ’yon.”
Bumilis ang tibok ng puso niya nang pumasok sa isip niya ang sinabi nito kanina. Importante siya rito. Ganoon din naman siya rito, importante rin ito sa kanya.
So what does that mean?
Sapat na ba ’yon para mag-survive itong pagiging mag-asawa nila kuno?
Napailing-iling si Jergen. Complicated na nga ang lahat pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Lysander, mas naging complicated pa ngayong ora-orada silang ikinasal na wala naman ni isa sa kanila ang may gusto kundi ang ama lang niya.
Sapat na ba ang limang taong pinagsamahan nila ni Lysander para mabago ang relasyon nila mula boss at empleyado sa husband and wife? Kasi kung siya ang tatanungin, hindi sapat ’yon. Kilala niya ang boss niya, babaero ’yon. Sa limang taon na nagtatrabaho siya sa lalaki, alam niyang babaero ito.
But there was no harm in giving him the benefit of the doubt, right? No harm. No harm at all.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 15
CHAPTER 15
“WELCOME home, ’Tay,” nakangiting sabi ni Lysander sa ama niya na ikinatingin ni Jergen sa lalaki na parang naputulan ito ng ulo. “Kumusta ang pakiramdam n’yo?” nakangiti pa rin nitong tanong.
Inungusan ito ng kanyang ama. “Puwede ba, Lysander, kung makatatay ka sa ’kin parang close tayo. Itakin kita diyan, eh.”
“Ernesto!” Pinandilatan ng kanyang ina ang kanyang ama. “Maging mabait ka sa manugang mo.”
Ngingisi-ngisi naman si Lysander. “Narinig mo ’yon, ’Tay? Sabi ni Nanay maging mabait ka sa ’kin.”
Pinukol ng masamang tingin ng kanyang ama si Lysander. “Huwag mo akong inising bata ka, baka atakehin na naman ako, talagang maiitak kita kapag nagkataon.”
Ngumiti lang si Lysander, saka inakbayan siya. “Tara, baby, mag-honeymoon na tayo sa kuwarto.”
Agad na sumama ang mukha ng kanyang ama na ikinangiti niya. Oo nga at mag-asawa na “kuno” sila ni Lysander pero mukhang against pa rin ang kanyang ama sa kanila.
“Ikaw talagang bata ka.” Dinuro ng ama niya si Lysander. “Huwag mo akong inisin, iitakin talaga kita. Hindi ako nagbibiro.”
Lysander grinned at her father. “Opo, ’Tay.”
Napailing-iling na lang si Jergen nang sumama na naman ang mukha ng ama niya.
Wala na talagang pag-asa ang dalawang ’to.
“Huwag mo nang dagdagan pa ang problema kong bata ka,” sabi ng ama niya, saka umayos ng upo sa mahabang sofa. Napailing-iling ito na parang may mabigat itong dinadalang problema. “Mukhang babalik na naman ako nito sa ospital.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Bakit, ’Tay? Ano’ng problema?”
“Wala ’to.” Huminga ito nang malalim. “Pinuntahan lang ako ng pesteng Carlito na ’yon. Dinagdagan na naman ang problema ko. Hindi por que lumampas na ako sa pinag-usapan naming buwan ng pagtubos ay puwede na niyang gawin ’yon. At talagang tinaasan pa ang presyo ng pantubos.”
Lalong lumalim ang kunot ng noo niya. “Si Manong Carlito? Iyong ama ni Carlos?”
Nang mabanggit niya ang pangalan ni Carlos, naramdaman niyang nanigas sa kinatatayuan si Lysander at humigpit ang pagkakaakbay nito sa kanya.
Napabaling siya sa lalaki. “Okay ka lang?”
Madilim ang mukha nito. “I’m fine.”
Hindi siya naniniwala na okay ito. Nagpapanggap na naman itong okay. Halata naman sa mukha nito na parang may hindi magandang iniisip.
“Naku, anak, huwag mo nang isipin ’yon,” sabi ng kanyang ina.
“Hindi,” sabi ng ama niya, saka tumingin sa kanya. “Dapat mo itong pag-isipan, anak.” Huminga ito nang malalim. “Nagpunta si Carlito sa ospital. Sabi niya galing daw si Carlos dito sa bahay kaya nalaman nilang nasa ospital ako dahil nasabi raw ni Justine. Pinuntahan niya ako para sabihin ang gusto niyang kapalit sa lupa na isinangla natin nang magkasakit ako noon. ’Di ba may due date iyon kung hanggang kailan lang dapat tubusin?” Napailing-iling ito. “Pumalpak ako, anak. Hindi kumasya ang pera natin para matubos iyong palayan na isinangla kay Carlito noon kaya ngayon, iba na ang gusto niya. Kaya dapat mo ’tong pag-isipan kasi ikaw naman ang may-ari ng palayang ’yon, pera mo ang ipinambili no’n.”
“Ano naman ang gusto ng Carlito na ’yon?” Si Lysander ang nagtanong.
Huminga nang malalim ang ama niya. “Hindi niya sinabi lahat, iyong tataasan lang ang presyo sa pagtubos ang sinabi niya. Pupunta raw sila rito ng anak niyang si Carlos mamaya para kausapin tayo tungkol sa dagdag pa niyang kagustuhan.”
Lalong lumalim ang gatla sa noo niya. “Ano ba talaga ang kailangan nila?”
“Kung ano man ’yon, dapat nakahanda tayo,” sabi ni Lysander.
“Tayo?” Pinukol ng masamang tingin ng ama niya si Lysander. “Kasama ka rito?”
“Oo naman.” Ngumiti si Lysander. “Manugang n’yo ako, kasama na ako sa pamilya.”
Nalukot ang mukha ng ama niya. “Ilayo mo nga sa ’kin itong asawa mo, Jergen. Baka maitak ko na naman.”
Napapailing na hinawakan ni Jergen sa kamay si Lysander, saka hinila ito patungo sa kuwarto. Baka tumaas na naman ang dugo ng ama niya dahil dito.
“KAILAN KAYA TAYO makakauwi sa Maynila?” tanong ni Jergen habang nakahiga sa kama. Samantalang si Lysander naman ay nakaunan sa may tiyan niya. Parang nakakrus ang posisyon nilang dalawa. “Parang ang daming nangyari dito sa probinsya mula nang dumating tayo.”
“Yeah…” Lysander closed his eyes. “A lot of things happen here. Good things.”
Napatitig siya sa mukha ni Lysander. “Good things? Ano naman ang mabuting nangyari rito?” Parang wala naman siyang maalala.
Nagmulat ito ng mga mata, saka bumangon at sa isang kisapmata, nakakubabaw na ito sa kanya.
“Lysander…” Ang bilis na naman ng tibok ng puso niya.
Matiim nitong tinitigan ang mukha niya, saka ngumiti. Iyong uri ng ngiti na nagkakapagpabuhol-buhol sa tibok ng puso niya. “May magandang nangyari naman dito, ah.” Bumaba ang tingin nito sa nakaawang niyang mga labi. “I met your parents, your sisters and brother. Natuto akong magbilad ng palay. Natuto akong umiwas sa matalas na itak ng tatay mo. And above of it all, we got married.” He grinned, his eyes shining in delight. “See? Walang masamang nangyari.”
Inirapan niya ito. “Good thing ba iyong pagkakasal sa ’tin, eh, sapilitan lang naman ’yon?” Napailing siya. “I don’t think it is a good thing. I mean, nakatali ka na ngayon sa ’kin, ibig sabihin n’on hinay-hinay sa pambababae. Unless may balak kang i-annul itong kasal natin na sabi mo naman ay hindi mo gagawin.”
Kumunot ang noo ni Lysander. “Pambababae? Baby, I already stop my womanizing ways a year ago.”
Nagulat siya sa impormasyong ’yon. “Really?”
“Yeah.” He looked so honest.
“Bakit?” nagtataka niyang tanong. Alam niya kung gaano kababaero ang boss niya.
“Because….” He caressed her face as he looked at her intently. “I’m sick of standing on the sidelines and just looking.” He kissed her. “I realize, those women could never change what I felt for years. I tried, baby, I tried stopping it, but failed. Natakot ako na baka makasakit ako ng taong mahalaga sa ’kin. But I’m done always reigning what I feel. I’m done controlling myself not to feel. Hindi ko na kaya.” His eyes were vulnerable. “When I found myself slipping in some occasions, I know, I can’t hide it anymore.”
Jergen’s heart was hammering inside her chest. Ano ba itong pinagsasasabi ni Lysander? Sino ba ang tinutukoy nito? Siya ba? Ayaw niyang mag-assume. Ayaw niyang pangunahan ang lalaki. Hinihintay lang niya na banggitin nito ang pangalan niya pero hanggang sa lumipas ang mahabang segudo, wala itong sinabi.
Her heart saddened. Assuming was the worst thing she could ever do to herself. Kapag nag-assume siya at mali ang assumption niya, masasaktan lang siya. Hindi naman niya idini-deny na may nararamdaman siya para kay Lysander pero ayaw lang talaga niyang ipakita rito. Natatakot siya. Nababahala siya na baka kung kailan mahal na mahal na niya ito at sinabi niya rito ang nararamdaman niya, saka siya nito iwan at saktan.
Trusting someone like her boss was a different matter. Because she knew that Lysander was like an untamable animal. Marami na ang babaeng ginusto itong patinuin noon. Ano ang pinagkaiba niya sa mga ito kung susubukan niyang patinuin ito ngayon?
Nakakatakot na pagkatiwalaan ang isang Lysander Callahan, lalo na’t kilala niya ang likaw ng bituka nito pagdating sa mga kabaro niya.
“Baby?” pukaw nito sa naglalakbay niyang diwa.
Napakurap-kurap si Jergen, saka napatitig sa lalaki. “May sinasabi ka?”
Nawala ang liwanag sa mukha ni Lysander. “Hindi mo ako narinig?”
Umiling siya. “Ano’ng sinabi mo?”
Umalis sa pagkakakubabaw sa kanya si Lysander, saka nahiga sa tabi niya.
“Lysander…” Tumagilid siya ng higa, paharap dito. “Tell me, ano ba’ng sinabi mo?”
“Nothing.” He smiled. “Wala ’yon. Just the naughty me again.”
Inirapan niya ito, saka kinurot sa tagiliran. “Ikaw talaga, ’yang kahalayan mo, walang pinipiling oras at lugar.”
Mahina itong tumawa. “That’s why you like me.”
Inirapan niya ang lalaki pero hindi naman niya napigilan ang sarili na mapangiti. “Gusto naman kita kahit hindi ka mahalay. Pero ’yon talaga ang nakakuha sa atensiyon ko, ang kahalayan mo.” Gumalaw siya para ito naman ang kubabawan niya. “Speaking of kahalayan…” Sinapo niya ang mukha nito. “Masakit ang panga ko dahil sa ginawa natin sa banyo.”
Malakas na natawa si Lysander, saka hinaplos ang panga niya. “Masakit ba masyado?”
Mahaba ang ngusong tumango siya. “Ang laki mo naman kasi, Boss. Masakit sa panga at sa bibig. Feeling ko may sugat sa gilid ng labi ko. Nakakangawit na hindi ko maintindihan.”
The expression on his face softened. “Thank you for doing what you did to me.” Hinaplos nito ang mga labi niya gamit ang daliri. “Ikaw lang ang nakagawang isagad ang pagkalalaki ko sa bibig.”
Namula ang pisngi niya pero nakaramdam din siya ng pagtaas ng confidence. “Ako lang talaga?”
“Yep.” He smiled. “No other.”
Why did that feel good? Bakit sumaya siya sa sinabing iyon ng lalaki? “’Buti naman.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Dahil kapag may gumawa sa ’yo ng ginawa ko, ako mismo ang puputol…” sinapo niya ang pagkalalaki nito,“… nitong alaga mo.”
Pilyong ngumiti si Lysander, saka dumukwang ang hinalikan siya sa mga labi. “Darn, you’re an amazing woman. You’re making me horny again.”
Napangiti si Jergen. “Amazing naman talaga ako, eh. Saka palagi ka namang horny kaya magtigil ka diyan, Boss.”
Lysander rolled his eyes. “Back to calling me boss again. You’re hurting me, baby,” pag-i-emo nito na ikinatawa niya.
“Ikaw talagang lalaki ka, ang drama mo.” Umayos si Jergen sa pagkakakubabaw rito, saka sinapo ang mukha nito. Pinugpog niya ng halik sa buong mukha nito, kapagkuwan ay matiim niya itong tinitigan na parang nang-aakit. “You’re amazing too, baby.”
“Y-you…” Umawang ang mga labi ni Lysander. Napakurap-kurap ito na para bang hindi nag-sink in sa isip nito. “Y-you, b-baby…” Parang napakahirap para rito na magsalita. Kapagkuwan ay sunod-sunod itong napamura. “Fuck, baby, don’t do that to me.”
His face was red and she couldn’t help but to smile at his blushing face.
“Aw, are you blushing, baby?” tudyo niya habang tinutusok-tusok ang pisngi nito. “Aw… my baby is blushing.”
Pinukol siya nito ng masamang tingin, ang pisngi ay namumula pa rin. “Stop teasing me, baby. It’s not funny.”
Mahina siyang natawa, saka hinalikan ito sa mga labi. “Oo na, baby, titigil na po.”
Iniyakap ni Lysnader ang mga braso sa katawan niya, saka sinakop ang mga labi niya. Kinagat nito ang pang-ibabang labi niya na parang nanggigigil. “Darn, baby, ang sarap mo talaga.”
Kinurot niya ito sa braso. “Tumigil ka nga. Hayan na naman ang kahalayan mo, eh.”
He chuckled and kissed her on the lips again. “Ang ganda mo.”
Malapad siyang ngumiti. “Yan, iyan dapat ang sinasabi mo.”
“Sino’ng ipuipo ngayon?”
“Ikaw,” mabilis niyang sabi.
Natawa si Lysander, saka akmang hahalikan na naman siya nang marinig niya ang boses ng ina sa labas ng pinto ng kuwarto.
“Anak, nandito na sina Carlito at Carlos.”
Napatingin si Jergen sa pinto, saka mabilis na umalis sa pagkakakubabaw kay Lysander na ikinatawa ng huli.
“Bakit ka ba natatakot na makita nila tayo sa ganong posisyon?” Umupo si Lysander, saka yumakap mula sa likuran niya at hinalikan siya sa leeg. “Mag-asawa naman tayo, ah.”
Siniko niya ito sa dibdib, saka umalis ng kama. “Lalabas na po kami, ’Nay,” sigaw niya mula sa loob.
Nang marinig niya ang papalayong mga yabag ng ina, inayos niya ang bahagyang nakusot na damit, saka humarap kay Lysander. “Come on, Boss,” sabi niya, saka humugot ng malalim na hininga.
Umalis sa kama si Lysander, saka pinagsalikop ang kamay niya at hinila siya palabas ng kuwarto. Pareho silang walang imik habang naglalakad patungong sala. Nang makarating do’n, agad niyang nakita ang mag-ama. Nginitian siya ni Carlos nang magtama ang mga mata nila pero hindi niya ibinalik ang ngiting ’yon. Nanatiling walang emosyon ang mukha niya.
“Kumusta ka na, Jergen?” tanong ni Carlito sa kanya.
Pilit siyang ngumiti. “Ayos lang ako.” Umupo siya sa sofa, samantalang si Lysander naman ay nakatayo lang sa gilid ng sofa, sa tabi niya.
Ngumiti si Carlito, saka isa-isa silang tiningnan bago nagsalita. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” simula nito habang nakangiti. “Nandito ako para sabihing lampas na ng limang buwan ang usapan namin ng ama mo kung kailan n’yo tutubusin ang palayan n’yo. At ayon sa pinirmahang papeles ng ama mo, dodoble ang presyo ng palayan kung hindi niya iyon matubos agad.” Pinagsiklop nito ang kamay. “Sa akin naman, ayos lang na tubusin n’yo iyon sa kaparehang presyo ng pagkakasangla n’yo pero syempre, may pakiusap din ako. Gusto ko sana na…” tumingin ito sa kanya, “… pakasalan mo ang anak ko.”
Nanigas si Jergen sa kinauupuan, kapagkuwan ay malakas na natawa. “Pakasalan talaga?” Lalo siyang natawa. “Mang Carlito, nagpapatawa ba kayo?”
Umiling si Carlito. “Hindi. Pakakasalan mo ba ang anak ko o dodoblehin ko ang presyo ng palayan?” May pananakot sa boses nito. “Alam kong isa ang palayan sa pinagkukunan n’yo ng hanapbuhay, at ipinundar mo sa pamilya mo. Alam din naman natin na kung wala ang palayan, baka bumalik na naman kayo sa dati, lalo na’t may pinapaaral ka pang mga kapatid.”
Gusto niyang suntukin ang matandang kaharap. Nagtatagis ang mga bagang niya habang nakikinig sa gusto nito. Ang walanghiya! Akala siguro nito na basta-basta na lang siyang papayag!
“Carlito…” Ang ama niya iyon. “Kasal na si Jergen.”
Malapad na ngumiti si Carlito na para bang ayos lang ang lahat. “Alam ko kaya kinusap ko si Pareng George. Nalaman ko mula kay Carlos na naikuwento naman ni Justine na si George ang nagkasal kay Jergen at sa lalaking narito sa bahay n’yo. Nang makausap ko si Pareng George kanina, naipasa na niya sa city hall ang marriage contract pero may ilang araw pa naman para maiproseso ’yon. Puwede pa raw niyang kunin ’yon at ibasura. Si Jergen talaga ang gusto kong maging asawa nitong anak ko kasi bagay silang dalawa. May pinag-aralan ang anak mo, Ernesto. Nababagay siya sa pamilya namin at umamin din itong panganay ko na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang anak mo.”
“Carlito, wala akong balak na ipabasura ang kasal ng anak ko kay Lysander,” sabi ng ama niya na nagtatagis ang mga bagang. “Kung iyan ang ipinunta mo rito, makakaalis ka na.”
Napailing-iling si Carlito. “Kapag pinalampas n’yo itong offer ko, baka bumalik na naman kayo sa paghihirap, Ernesto. Nag-aalala lang naman ako sa iba mo pang mga anak. At dahil kami naman ang may kaya rito sa bayan natin, nagbibigay na ako ng pabor sa inyo. Ano ba naman ang ipakasal mo ang anak mo sa anak ko?”
Kumuyom ang kamay niya at pinukol ng masamang tingin si Carlos na nakangiti sa kanya. “Hindi ako magpapakasal sa ’yo. Kung ano man ang naging relasyon natin noon, wala na ’yon, tapos na ’yon. At may asawa na ako ngayon.” Tiningala niya si Lysander na walang emosyon ang mukha at kanina pa hindi umiimik. Pero gumagalaw naman ang panga nito tanda na galit ito.
“Jergen, maging praktikal ka, hija,” sabi ni Carlito. “Ano naman ang makukuha mo sa lalaking ’yan? Kami, sa amin, ibabalik namin sa inyo ang palayan n’yo at magpapatuloy ang maganda n’yong buhay. Nasisiguro kong aabutin ka uli ng limang taon sa pagtatrabaho bago ka makabili uli ng palayan.”
Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamay niya. “Sinabi nang ayoko.”
“Jergen, hija, mag-isip kang mabuti. Pag-isipan mo, babalik kami bukas—”
“No need.” Sa unang pagkakataon mula nang mag-umpisa ang pag-uusap na ’yon, nagsalita si Lysander. May diin ang boses nito at halatang galit. “Huwag ka nang babalik dito bukas.”
Tumuon ang matalim na mata ni Carlito kay Lysander. “Hindi ka kasama sa usapan dito—”
“Ako ang asawa ni Jergen, kaya kasama na ako sa usapan.” Namulsa si Lysander, ang malamig nitong mga mata ay nakatuon kay Carlito. “Huwag ka nang bumalik, hindi na kailangan. Just tell me how much the land is worth, and I’ll give it to you.”
Tumawa na parang nanunuya si Carlito. “Ikaw ang magbabayad? Huwag mo kaming biruin, hijo.”
Lysander smirked. “Sir, I think you’re insulting me financially, so let me introduce myself to you.” He looked pissed and irritated. “My name is Lysander Callahan, the owner of Callahan Real Estate Company with eight branches all over the world, other than that, I also owned ten construction companies all over Asia. One in Dubai, one in Hong Kong, in Singapore, in Thailand, in Japan and the rest are here in the country.” His smirk widened. “Now, Sir, name your price. I think I can even double that.” Kapagkuwan ay naging madilim ang mukha ni Lysander at tumalim ang mga mata nito. “But don’t think of fooling me, Sir. Alam ko ang presyo ng lupa ngayon at ipapaalala ko lang sa ’yo na mayaman ako. Kaya kong kumuha ng abogadong titiris sa’yo kapag niloko mo ako sa presyo ng lupa.”
Palaki nang palaki ang pamimilog ng mga mata ni Carlito habang nagsasalita si Lysander.
Hindi naman maitago ni Jergen ang ngiti sa mga labi niya. That was her boss. That was her Lysander.
“Mr. Callahan—”
Pinutol ni Lysander ang iba pang sasabihin ni Carlito. “My attorney will contact you about the land. Siya ang kausapin mo, hindi kami.” Iminuwestra nito ang kamay sa pinto ng bahay nila. “Makaalis na kayo ng anak mo. Hindi kayo kailangan dito. At kapag sinubukan n’yong agawin ang asawa ko sa ’kin, hindi kita sasantuhin. Baka mapatay kita, kasama na ’yang anak mo.”
Namumutla ang mukha ni Carlito na tumayo, saka tinapik ang balikat ni Carlos. “Halika na.”
“Pero, ’Tay, nangako ka sa ’kin—”
“Tumigil ka, Carlos. Halika na!”
Walang nagawa si Carlos kundi sumunod paalis sa ama nitong malalaki ang hakbang.
Siya naman ay parang nakahinga nang maluwang, saka tumingin kay Lysander at hinawakan ang kamay nito. “Salamat,” sabi niya nang magtama ang mga mata nila. “Pero hindi mo naman kailangang gawin ’yon.”
“They’re trying to steal you away from me, Jergen,” he said, his eyes dilating in anger. “I won’t let them. You’re mine, baby. No one will have you but me. Ako lang.” May diin ang bawat salitang binibitawan nito habang nagtatagis ang mga bagang. “Sa akin ka lang, Jergen. Sa akin lang.”
Parang sasabog ang puso niya sa halo-halong emosyong nararamdaman. Lysander saying those words, making her heart beat like crazy, she was starting to think that maybe, just maybe, he really was telling the truth.
But trust wasn’t always easily given. They have to be hardly earned. And Lysander was starting to earn her trust.
“’Nay, ’Tay!” Boses iyon ni Jenny na pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. “May tao po sa labas, mukhang mga big time.”
Napabaling si Jergen sa kapatid na hinihingal pa dahil siguro sa pagtakbo mula sa labas papasok sa kabahayan.
“Sino raw?” Nakakunot ang noong tanong ng kanyang ina.
Tumingin muna si Jenny kay Lysander bago sumagot. “Mr. And Mrs. Lesandro Callahan daw po.”
Nakaawang ang mga labi na bumaling siya kay Lysander na mukhang hindi naman nagulat sa narinig. “Mga magulang mo?”
“Yes.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano’ng ginagawa nila rito?”
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Lysander. “Nandito sila para opisyal na mamanhikan.”
Halos malaglag ang panga niya. “Ano?”
Mas lumapad ang ngiti sa labi ni Lysander. “Mamanhikan kami, baby. Tingnan lang natin kung may sumubok pang umagaw sa ’yo.”
Walang masabi si Jergen, basta umawang lang ang mga labi niya habang nakatitig sa nakangiting mukha ng asawa niya.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 16
CHAPTER 16
HINDI ALAM ni Jergen kung paano pakikitunguhan ang mga magulang ni Lysander. Sa limang taong pagtatrabaho niya kasi sa boss niya, isang beses palang niyang nakita ang mga magulang nito. Pasko noon at binisita ng mga ito si Lysander. Noong mga panahong ’yon, pormal ang usapan nila dahil siya ang sekretarya ni Lysander. Pero ngayon, iba na ang relasyon nila ng boss niya.
She wasn’t just his secretary anymore. She was his wife for goodness’ sake!
Ang dami niyang katanungan sa isip. Tatanggapin ba siya ng mga ito? Aayawan ba dahil sa estado nila sa buhay? Mamaliitin ba siya? Irerespeto ba ng mga ito ang mga magulang niya?
Kanina nang dumating ang mga ito, tumakbo siya patungo sa kuwarto para mag-ayos ng sarili. At mula noon ay hindi pa siya lumalabas kasi kinakabahan siya, kaya nga sinundo na siya ni Lysander.
Humugot siya ng malalim na hininga, saka natigilan nang maramdamang may humawak sa kamay niya at pinisil ’yon.
“Baby, relax,” sabi ni Lysander na nakaupo sa gilid ng kama, sa tabi niya. “They’ll love you.”
Humaplos ang isang kamay nito sa hita niya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaibang kiliti na bumiyahe patungo sa pagkababae niya. Pinilit niya ang sarili na walang maramdaman dahil sa pasimpleng paghaplos ng kamay ni Lysander.
“Paano kung ayaw nila sa ’kin?” kapagkuwan ay tanong niya. “Ipapa-annul mo na ba itong kasal natin?”
Inilapit nito ang mukha sa mukha niya, saka masuyo siyang hinalikan sa mga labi bago sumagot. “They will love you and if they don’t, who cares?” He kissed her chin. “Ako naman ang makakasama mo, hindi naman sila. So no, I won’t annul our marriage.” He kissed her neck, sending tingles down her belly. “I’m still having fun, baby.”
Napalunok si Jergen dahil sa kiliting nararamdaman ng katawan niya. Simpleng paggapang lang ng kamay iyon at halik ni Lysander pero nararamdaman niyang parang nababasa ang pagkababae niya.
Huminga siya nang malalim, saka tumayo. Baka kapag nagtagal sila roon ay kung saan mauwi ang mga paghawak at paghalik nito. Kilala niya ang sarili, tiyak na bibigay na naman siya. Hindi naman niya yata kayang humindi kay Lysander pagdating sa bagay na ’yon.
“Halika na,” yaya niya.
Pinagsalikop ni Lysander ang kamay nila, saka hinalilan siya sa mga labi. “You look beautiful.”
Inirapan niya ito para itago ang pamumula ng pisngi. “Sige, mambola ka pa.”
Nginitian lang siya ni Lysander, saka hinila siya palabas ng kuwarto. Pareho silang walang imik habang naglalakad patungo sa sala. Nang makarating do’n parang sasabog sa sobrang kaba ang dibdib niya.
Jergen didn’t know why but she wanted Lysander’s parents to like her. Kahit wala namang kasiguruhan kung magtatagal itong pagiging mag-asawa nila ni Lysander.
“Hello po, Ma’am, Sir,” bati niya sa mga magulang ni Lysander na nakaupo sa sofa habang nakangiti.
“Hi, Jergen,” sabi ng ama ni Lysander, saka tipid siyang nginitian. “Kumusta ka na?”
“Maayos naman po,” magalang siyang sagot. “Kayo po? Kumusta po ang Seattle?”
“Ayos lang din,” nakangiting sagot ng ama ni Lysander. “Hayun, Seattle pa rin. Gusto nga namin na mag-migrate na itong si Lysander at sumama sa ’ming manirahan sa Seattle pero ayaw talaga niya.” Nanunudyo ang ngiti nito. “Now I know why.”
Hindi niya ipinakita ang gulat sa mukha niya. Ayaw ni Lysander at siya ang dahilan? O baka nag-a-assume lang naman siya?
Sa isiping baka nag-a-assume lang siya, ngumiti siya. “Siguradong tinamad lang ang anak n’yo, Sir.”
Mahinang natawa si Lesandro. “Tamad nga ’yang anak ko. Kaya nakapagtatakang pinatulan mo, hija.”
“Dad!” Sumama ang mukha ni Lysander.
Mahina namang natawa si Jergen. “Eh, sa tamad ka naman talaga kaya huwag kang magreklamo diyan.”
Lalong sumama ang mukha ni Lysander. “Asawa kita, dapat panig ka sa ’kin.”
Ngiting aso lang ang tinugon niya kay Lysander, saka bumaling sa ama nito. “Tamad po talaga yang anak n’yo, Sir—”
“Don’t ‘sir’ me, hija,” putol ni Lesandro sa iba pa niyang sasabihin. “It’s ‘Dad’ now. Asawa ka na nang anak ko kaya ‘Dad’ na dapat ang tawag mo sa ’kin.”
Naiilang na tumango siya. “S-sige po, D-Dad.”
It was weird calling someone “Dad,” lalo na’t sanay siya sa simpleng “Tatay” na pagtawag. Mula bata pa siya, nakaukilkil na sa isip niya na kapag “Dad” o “Daddy” ang tawag ay mayaman. Kaya ngayon nakakailang kasi hindi naman siya sanay.
Napabaling siya sa ina ni Lysander na si Leah nang tumayo ito, saka nakangiting sinugod siya nito ng yakap na ikinagulat niya.
“Oh, Jergen.” Lysander’s mother sounded so delighted to see her. “It’s nice to see you again, hija. And it’s ‘Mommy,’ not ‘Ma’am,’” pagtatama nito sa kanya, saka pinakawalan siya sa pagkakayakap at sinapo ang mukha niya. “Look how you grown! So beautiful.” Sinuklay nito ang buhok niya gamit ang kamay. “And your hair! Still colorful, I see.” Mas lumapad ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya, saka bumaling sa asawa nitong si Lesandro. “Kita mo, mahal, sabi nang itong dalawang ’to ang magkakatuluyan, eh. I just knew it!”
Tumikhim si Lysander. “Mom, she still doesn’t know.”
Sabay silang napabaling kay Lysander. Nagtatanong ang mga mata niya samantalang nakataas naman ang kilay ng ina nito.
“Ano ang hindi ko alam?” tanong niya kay Lysander.
Tumikhim si Lysander, saka nag-iwas ng tingin. “It’s nothing important.” Tumingin ito sa ina. “Anyway, Mom, Dad, thanks for coming in short notice.”
“No worries, son,” sabi ni Lesandro.
Ngumiti naman si Leah. “Oo naman. Matagal ko nang hinihintay ’to.” Pinisil nito ang kamay niya, saka bumalik sa pagkakaupo sa sofa, katabi ng asawa nito. Bumaling ito sa mga magulang niyang nakaupo sa magkatabing pang-isahang sofa. “Balae, iyong tungkol pala sa pinag-uusapan nating simpleng salusalo sana. Ayos lang ba na dito ganapin sa bahay n’yo? Para kasing hassle masyado kung sa Maynila pa, eh, nandito lang din naman kami.”
Agad na tumango ang ina niyang nakangiti. “Oo naman, balae. Ayos lang. Tutulong din ako sa pagluluto para mapadali ang lahat. Ayoko kasi nang bumibili sa labas kung kaya ko namang lutuin.”
“Ay, gusto ko ’yan.” Nagliwanag ang mukha ng ina niya Lysander. “Halika na, balae, magluto na tayo. Na-miss ko na rin ang magluto.” Pumalakpak pa ito, halatang excited. “Na-excite ako bigla.”
Ngumiti ang kanyang ina. Halata ang kasiyahan sa mukha nito habang iginigiya ang ina ni Lysander patungo sa kusina. Ang ama naman niya ay inaya ang ama ni Lysander patungo sa labas ng bahay para daw mamasyal at makasagap ng sariwang hangin.
Nang maiwan sila ni Lysander sa sala, nagkatinginan sila.
“See?” He smiled. “They love you.”
When will you love me? Nag-iwas siya ng tingin nang pumasok sa isip niya ang katanungang iyon na dapat hindi niya iniisip.
They do love me, but what about you? Gusto niyang itanong iyon pero hindi niya magawa. Nawawala ang tapang niya kung ang bagay na ’yon ang pag-uusapan.
Kaya naman ay huminga na lang siya nang malalim at iniba ang usapan. “Paano pala nalaman ng mga magulang mo na ikinasal tayo? Alam ba nilang sapilitan ’yon?”
“I called them,” sagot ni Lysander, saka mas inilapit pa ang katawan sa kanya. “Why are you asking?”
“Wala naman.” Simple siyang napalunok nang magdikit ang katawan nila at maramdaman niya ang pagkalalaki nito na buhay na buhay. “N-nagtataka lang ako.” Hindi niya mapigilang mautal. Ang bilis kasi ng tibok ng puso niya.
Iniyakap ni Lysander ang mga braso sa baywang niya, saka masuyong idinampi ang mga labi sa pisngi niya patungo sa tainga niya dahilan para maramdaman niya ang pamilyar na kiliti na bumiyahe pababa sa kanyang puson.
God! This man is really a temptation at its finest!
“Lysander.” Bahagya niya itong itinulak. “Nasa sala tayo.”
“So?” He bit her earlobe. “We can go to your room.”
Nagsimula nang mag-init ang katawan niya. “Lysander, magtigil ka.”
He licked the edge of her ear then his lips traveled down to her neck. “Come on, baby, just a quickie.”
Namula ang pisngi niya. Quickie? Ano ’yon, madalian? Ayaw niya ng quickie.
Handa na siyang tanggihan ito at itulak kahit pa nga nadadarang na rin siya nang bigla na lang may pumasok na limang kalalakihan sa loob ng bahay nila, saka sabay-sabay na sumigaw.
“Welcome to Tyron’s Gang, lunatic!”
Parang napasong bigla siyang humiwalay kay Lysander, saka napatingin sa mga lalaki. Kumunot ang noo niya nang makilala ang mga kaibigang ’yon ni Lysander, maliban sa isang kasama ng mga ito ngayon.
“Ano’ng ginagawa n’yo rito?” halos sabay nilang tanong ni Lysander.
It was Khairro who answered. “I miss my baby.” Kinindatan siya nito. “Jergen, hi, babe.”
Agad na nagdilim ang mukha ni Lysander. “Try calling my wife babe again, I’ll beat the shit out of you, Sanford.”
A smug smirk crept into Khairro’s lips. “Callahan, may I remind you that I’m a military man?”
Bago pa makasagot si Lysander, namagitan na si Andrius. “Don’t answer, Ly,” sabi nito at pinandilatan si Khairro. “Ikaw naman, huwag kang epal. Ako ang sasapak sa ’yo.”
Nanatili ang ngisi sa mga labi ni Khairro. “Come on, Dri. Huwag mong sabihing hindi masarap asarin ngayon si Callahan?”
Bumaling sa kanilang dalawa si Andrius, kapagkuwan ay nanunudyong ngumiti. “Yeah, mukhang masarap silang asarin ngayon.”
Napailing-iling na lang si Lysander. “Ano ba ang ginagawa n’yo rito?”
“Hinanap ka namin.” Si Thorn, the chef ang sumagot. “Naka-lock kasi ang barn, ’tapos hihiramin sana namin ang susi. Naka-lock naman ang bahay mo. Kaya naman nagpauto kami kay Shun. Pinagbayad lang naman niya kami nang malaki mahanap ka lang.”
“Eh, bakit kayo nagpauto?” tanong ni Lysander na hindi pa rin maipinta ang mukha.
“Eh, kasi hihiramin nga namin ang susi sa barn mo,” sagot ng lalaking hindi pamilyar sa kanya. Nakasuot ito ng dark sunglasses, ang buhok ay naka-top knot, nakasuot ng leather jacket at maangas ang dating. Kulang na lang sigarilyo para matawag itong bad boy.
“Wow.” Lysander looked amazed as he looked at the man with a top knot hair. “Nasunog ba ang bahay mo sa Baguio kaya ka narito?”
“Nope. I’m just bored,” sagot naman ng lalaki.
“Come on, Phoenix. You love Baguio so much.” Namulsa si Lysander habang ini-interrogate ang lalaking nagngangalang Phoenix. “Bakit nasa Maynila ka? At sa barn ko pa?”
Phoenix rolled his eyes then sighed in defeat. “I need a place to stay. Wala sa port ang yacht ni Titu. At dahil kaibigan naman kita, napagdesisyunan kong sa barn mo na lang matulog.”
Napapantastikuhang napatitig si Lysander kay Phoenix. “Bud, maraming hotel sa Manila.”
“I hate hotels.”
“Sabihin mo, kuripot ka lang talaga,” sabad ni Thorn sa usapan ng dalawa.
“Yeah.” Phoenix took off his dark sunglasses showing his tantalizing gray eyes. “That too.”
Lysander shook his head. “You are unbelievable, Phoenix.”
“Yes, I can make unbelievable things happen.” Phoenix said in a smug voice. “Now, can we eat?”
Kumunot ang noo ni Lysander. “Bakit?”
“Actually…” It was Khairro. “We came here to ask for the key to your barn, pero nakasalubong namin sa labas ang daddy mo at siyempre kasi nga hindi naman kami mga tsismoso, nagtanong kami at nalaman nga naming kasal na pala kayo.” Gumihit ang malapad na ngiti sa labi nito. “So saan ang kainan? Nandito na lang din kami, eh.”
Pinukol ni Lysander ng masamang tingin ang mga kaibigan. “Magsilayas nga kayo.” Lumapit sa kanya ang asawa, saka ipinulupot ang braso sa baywang niya. “Iniistorbo n’yo kami ng asawa ko.”
Nanunudyo ang ngiti sa mga labi ng kaibigan ni Lysander at mukhang alam na niya ang iniisip ng mga ito.
“You know…” Khairro grinned. “I always knew that Lysander, our buddy here.” Iminuwestra nito ang kamay sa asawa niya. “Has hots for his secretary. Hindi lang niya maamin.”
Sabay na tumango sina Thorn at Andrius. “Yeah.”
Tumibok nang mabilis ang puso ni Jergen. Lysander had hots for her? Was that true?
“Shut up.” Lysander hissed at Khairro.
And Khairro just grinned. “Dapat tumawag ka na kay Tyron, Callahan.” He gave Lysander a knowing look. “Humingi ka ng advice. Kasi nasisiguro kong hindi mo iyan kaya pang pigilan.” Tumaas ang sulok ng labi nito. “And I bet my delectable ass that you’d been slipping.”
“Yes, he is,” sabad ni Terron na kanina pa tahimik.
Phoenix tsked. “Hindi ko alam ang pinag-uusapan n’yo pero may narinig akong kasabihang ihi lang daw ang napipigilan. Kaya kung ano man ’yan, Callahan, ilabas mo na ’yan.”
Naguguluhan si Jergen sa pinag-uusapan ng magkakaibigan. Ano ba ang pinipigilan ni Lysander? May kinalaman ba ’yon sa kanya?
“Dude…” Terron grimaced at Phoenix. “Really? Ihi talaga?”
“Yeah.” Phoenix shrugged. “What’s wrong with my saying? It is true, well, sort of.”
Napailing-iling si Andrius. “Phoenix, for an engineer with a lot of patents under your name, you are not that genius sometimes.”
Phoenix just shrugged. “The fact still remain that I have many to mention patents under my name.” He smirked. “And that makes me a genius, Salazar.”
“Whatever,” Andrius murmured. “Smug face.”
Lysander sighed heavily. “Magsilayas nga kayo. Ipapaitak ko kayo kay Tatay,” pananakot nito sa mga kaibigan. “Naitak ako n’on kaya maiitak din kayo. Ayaw n’on sa mga pangit. Nuknukan pa naman kayo ng pangit kaya magsilayas na kayo.”
Hindi mapigilan ni Jergen ang mahinang matawa sa sinabi ni Lysander. Ang lalaking ’to talaga, baliw rin, eh.
Akmang sasagot si Khairro nang pumasok sa kabahayan si Justine.
“Kuya Ly, puwedeng patulong uling magbilad ng palay?”
Sa halip na si Lysander ang sumagot, naunahan ito ni Terron. “Magbilad ng palay? Puwede kaming tumulong?”
Napatanga si Justine sa limang kalalakihng nasa harap nito. Isang tingin pa lang masasabi nang mayayaman ito pero gustong tumulong magbilad ng palay? Sino ang hindi mapapatanga?
“Come on, kid.” Inililis ni Khairro ang polo hanggang sa siko. “Let us help. Hayaan mo muna ’yang Kuya Ly mo, bagong kasal, eh. Mga kaibigan niya kami.”
Nag-aalangan man ang kapatid niya, tumango rin ito. “S-sige. Kung ’yan po ang gusto n’yo.”
Isa-isang nagsilabasan ang mga kaibigan ni Lysander. Mukhang excited ang mga ito.
Napailing-iling si Jergen. Sino ang mag-aakala na magboboluntaryong magtanim ng palay ang mayayaman at kilalang businessmen sa buong bansa?
“They’re all lunatics,” sabi ni Lysander ng silang dalawa na lang sa sala.
“Yeah.”
“At least they left.”
Natigilan siya. “So?”
He moved to face her and claimed her lips softly, then he whispered. “So we can have some alone time together.”
Napalunok si Jergen at hindi niya mapigilang kagatin ang pang-ibabang labi. Darn this man. Akala niya ay napatay na niya ang init ng katawan kanina nang dumating ang mga kaibigan nito.
But it only took one kiss from Lysander to bring all the heat back. Damn. Was that even normal? Kasi pakiramdam niya nagiging abnormal na ang reaksiyon ng katawan niya simula noong una siyang halikan ni Lysander na gustong-gusto naman niya.
Maybe this is just hormones. Yup. Just hormones.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 17
CHAPTER 17
NADARANG na naman si Jergen. Nang hilahin siya ni Lysander patungo sa kuwarto niya, nagpatianod siya. Hinayaan niya itong pahigain siya sa kama at kubabawan, saka siniil ng mapusok na halik ang mga labi na agad naman niyang tinugon.
Ipinikit na lang niya ang mga mata nang hubaran siya ng asawa at dahan-dahang ipinasok ang kahabaan sa loob niya.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para hindi mapaungol sa sarap nang isagad ni Lysander ang pagkalalaki sa loob ng pagkababae niya. Damn it felt good. Kahit siguro ulit-ulitin nila iyon ni Lysander, hinding-hindi siya magsasawa.
“Oh!” Hindi niya mapigilang ungol nang lalo pang isagad nito ang kahabaan sa loob niya sa bawat ulos sa pinapakawalan nito. “Oh, Lysander…”
Kumiwal ang katawan ni Jergen at napaliyad siya habang nakaawang ang mga labi nang mas binilisan pa ang pagbayo ni Lysander sa kaselanan niya habang ang bibig nito ay nasa nipple niya at inilalayo iyon.
She couldn’t help but to moan, she couldn’t stop herself. It felt so good. Every thrust and every lick of his tongue around her nipples felt like heaven.
“Oh!” Mariing nakapikit ang mata niya habang nakahawak siya sa headboard ng kama. “Lysander…” ungol niya sa pangalan ng asawa. “Oh, Lysander… Oh! That feels good.”
Lysander sucked her nipple the same time he thrust deeper and harder making her moan quietly. Pilit niyang pinipigil ang mga ungol na gustong kumawala sa bibig niya. Someone might hear them. Pero paminsan-minsan ay nakakatakas iyon sa maingat niyang pagpipigil.
Napapaungol siya nang malakas, lalo na kapag isinasagad ni Lysander ang kahabaan nito sa loob niya.
“Lysander. Lysander.” She was chanting his name as he thrust in and out of her. “Lysander. Oh! Lysander!” Pabulong siyang umuungol dahil hindi na niya kayang pigilan ’yon.
She wanted to scream in pleasure, but she couldn’t. Damn it.
Jergen’s toes curled when Lysander started pumping in and out of her, fast and hard. Para siyang nababaliw na pabiling-biling sa kinahihigaan.
Napayakap siya sa asawa nang gumapang ang mga labi nito patungo sa mga labi niya at siniil iyon ng halik na mainit at mapusok habang walang patid pa rin ang pag-angkin sa kanya.
“Baby…” Lysander moaned as he kissed her lips deeply. “You feel so good, Jergen.”
“Lysander…” Umiindayog ang katawan niya kasabay ng paggalaw ng katawan ni Lysander. “Oh, Lysander. Sige pa… Bilisan mo pa…”
Mahigpit siyang napayakap sa lalaki habang binabayo nito ang kaselanan niya. Halos bumaon ang kuko niya sa likod nito sa sobrang pagpipigil na hindi mapasigaw sa sarap na ipinapalasap sa kanya ni Lysander.
“Lysander…” pabulong niyang ungol. “Oh, God, Lysander…” She could feel her body reaching its climax. “Malapit na ako.” Habol niya ang hininga habang sinasalubong ng balakang niya ang mga ulos ni Lysander. “I’m coming, Lysander.” Para siyang nababaliw sa sarap. “Lysander…” She was about to burst into climax.
“Jergen… Baby…” Lysander moaned as he thrust deeper, harder and with strength to shake her body with every thrust.
“Oh! Lysander!” Hindi na niya napigilan ang sarili. Mahigpit siyang yumakap kay Lysander at kinagat ang balat nito sa leeg kasabay ng pagsabog ng orgasmo sa kaibuturan niya para mapigilan ang malakas na ungol na gustong kumawala sa mga labi niya.
Ilang ulos pa ang pinakawalan ni Lysander bago nito malakas na isinagad ang kahabaan sa loob niya at pinuno ng mainit nitong katas ang pagkababae niya.
A moan of satisfaction escape her lips. Damn. That felt good. It always felt good.
Napapikit siya nang hugutin ni Lysander ang kahabaan sa loob niya at hinihingal na nahiga ito sa tabi niya. She could still feel her womanhood tingling in pleasure. Siguro resulta iyon ng napakasarap na orgasmong naranasan niya.
“It feels good,” sambit ni Lysander, saka yumakap sa baywang niya at ibinaon ang mukha sa gilid ng mayayaman niyang dibdib. “I won’t get tired of doing this with you.”
Sumikdo nang mabilis ang puso niya. Was that a sign that he wouldn’t get tired of her? Or was it just him saying things again.
Palihim siyang napailing-iling. This assuming and guessing was really making her head spin. Pero wala naman siyang lakas ng loob na tanungin ito kung ano ba talaga ang plano nito sa kanya, kung may nararamdaman ba ito para sa kanya o kung tumitibok ba nang mabilis ang puso nito tulad ng mabilis na pagtibok ng puso niya.
“Kumusta na kaya ang mga kaibigan mo?” tanong niya para maiba ang usapan. “Nagbibilad pa kaya sila ng palay?”
“Don’t change the topic, baby,” sabi ni Lysander, saka iniangat ang ulo at tumingin sa kanya. “What’s your answer?”
Kumunot ang noo ni Jergen. “Sagot sa?”
“’Yong sinabi ko na hindi ako magsasawang gawin ’to sa ’yo.” Nagtatanong ang mga mata nito. “Wala ka man lang bang sagot do’n?”
Her heart beat frantically. “Ahm…” Tumikhim siya. “I guess… me too.”
Nagsalubong ang mga kilay nito. “You guess? Hindi ka sigurado?”
Binasa ni Jergen ang nanunuyong labi gamit ang dila. “Boss, naman, wala nga ring kasiguruhan itong kasal natin kaya huwag ka ring mag-demand ng siguradong sagot mula sa ’kin.” Nag-iwas siya ng tingin dahil ayaw niyang makita ang pagguhit ng iritasyon sa mukha nito. “At saka hindi ko alam ang isasagot ko.”
Mapakla itong tumawa. “Ang simple naman ng tanong ko, ’tapos hindi mo alam ang sagot? Ano pa kaya kung mahirap na tanong na ang itanong ko sa ’yo, masasagot mo kaya?”
Ibinalik niya ang tingin dito. “Anong klaseng mahirap na tanong naman ’yon?”
“Tulad ng kung ma—”
Biglan may kumatok sa pinto dahilan para ilipad ng hangin ang iba pang sasabihin ni Lysander.
“Jergen, Lysander?” Ang kanyang ina ’yon. “Nandiyan ba kayo? Lumabas na kayo diyan. Handa na ang hapagkainan. Kakain na tayo.”
“Nandiyan na po, ’Nay,” sagot niya, saka umalis sa kama at mabilis na nagbihis. Bumaling siya kay Lysander. “Boss, masyadong magulo para sa ’kin itong sitwasyon natin—”
His face darkened. “Don’t call me boss.” Nagtagis ang mga bagang nito, saka matalim ang mga matang nakatingin sa kanya. “Stop calling me boss, Jergen. Hindi mo na ako boss, asawa mo na ako kaya tawagin mo ako sa pangalan ko.”
Naguguluhang sinalubong niya ang tingin ng lalaki. “Ano ba ang problema mo? Hindi ka naman ganito dati—”
“Anong problema ko?” he cut her off, his face darkening even more. “Ikaw ang problema ko Jergen. Ang manhid-manhid mo kasi!”
Napaawang ang mga labi niya. Hindi siya makapaniwalang sinigawan siya nito. “Huwag mo akong sigawan, Lysander.” Dinuro niya ito. “Nasa pamamahay kita! At huwag mo akong matawag-tawag na mahid kasi hindi mo ako kilala. Hindi mo alam ang iniisip ko at lalong hindi mo alam kung ano’ng laman nito!” Itinuro niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya.
Lysander got off from the bed and took a threatening step closer to her. Naked in all his glory. “Bakit?” Nanunuri ang kislap ng mga mata nito. “Ano ba ang laman niyan, ha? Sino ba ang laman niyan? Si Carlos ba? Si Khairro? O baka naman may ibang lalaki ka pa sa buhay mo na hindi ko alam.”
Hindi makapaniwalang napatitig si Jergen sa lalaki. “Ano ba talagang punto mo, ha?” She couldn’t read him! Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. “Ano ba’ng problema mo? Bakit mo ako sinisigawan? Hindi ka naman ganito noon, ah. The Lysander I know is always relax and chilling in every situation. Palagi kang cool sa lahat ng bagay at walang pakialam sa paligid mo. Bakit ka ba nagkakaganito? Is this because of this freaking force marriage? Ito ba ang rason ng iritasyon mo at bigla-bigla mo na lang pagsabog ng galit? Dahil ba pinilit ka ni Tatay?” Napailing-iling siya. “Lysander, naman. Binigyan na kita ng options kung paano ipapawalang bisa ang kasal, ’tapos ako pa ngayon ang manhid, eh, ikaw na nga itong iniisip ko.”
“You think that’s the reason of my irritation?” Hindi ito makapaniwalang napailing, saka sinapo ang mukha niya. “Baby, there a lot of men in this world that would be attracted to you and two of them are here, so near. Paano kung magkagusto ka sa kanila? Paano kung magustuhan mo si Khairro? He’s a good man and you two looks good together. And then there’s Carlos… Paano kung piliin mo siya kaysa sa ’kin kung magkikita kayo uli? Paano kung agawin ka nila sa ’kin?” May kislap ng takot sa mga mata nito na mas nagpabilis sa tibok ng puso niya. “Paano ko iyon mapipigilan kung ang simpleng tanong ko sa ’yo ay hindi mo masagot nang sigurado? Paano kung magkagusto ka sa kanila, paano kung ma-realize mo na mahal mo pa pala si Carlos… Iiwan mo ba ako kahit kasal na tayo?”
Kumunot ang noo niya. “Lysander, bakit ba natin pinag-uusapan ang ganitong bagay, ha?” Napailing-iling siya, saka mapaklang natawa. “Eh, naikasal lang naman tayo kasi pinilit tayo ni Tatay. So what’s the big deal about this marriage? Darating ang panahon na magsasawa ka rin, na hindi ka na magiging masaya o kaya mawawala na ang fun na rason kung bakit gusto mo ang kasal na ’to. At kapag dumating ang panahong iyon, ipapa-annul mo na itong kasal natin. Kaya itong issue mo na hindi ko maintindiham kung bakit ini-issue mo, walang silbi ’to. Kasi nasisiguro kong ikaw ang unang magkakagusto sa iba, hindi ako!”
Bago pa ito makasagot at magpatuloy ang away nila, tinalikuran na niya ito, saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto niya.
Mabilis ang tibok ng puso niya. Umaasa siya na baka nga may katugon ang nararamdaman niya para kay Lysander dahil sa mga ipinapakita nito sa kanya at mga sinasabi. Pero ni minsan hindi nito binanggit ang salitang hinihintay niyang sabihin nito. Tatlong kataga lang naman ang hinihintay niya mula rito pero hindi nito masabi iyon. Kaya hindi na siya magtataka kung bigla itong mag- sayonara kapag nagsawa na ito sa kanya at wala na ang “fun” sa pagiging kasal kuno nila.
O baka naman nag-a-assume lang siya? Maraming pa-fall na mga lalaki ngayon, nagkalat sila at palaging silang mga babae ang biktima.
Isa ba si Lysander sa mga pa-fall na lalaki? Kasi hindi na niya kaya pang i-deny pa. Nahulog na ang loob niya kay Lysander. Hulog na hulog na.
At para sa kanya wala namang sense ang pinag-aawayan nila. Pero bakit parang ito pa galit na galit sa kanya? Ano ba ang ginawa niya?
HABANG kumakain, walang imikan sina Jergen at Lysander. Naka-buffet style ang munting salusalo na ’yon kaya hiwa-hiwalay sila ng mga upuan. Ang ibang naroon na kasalo nila ay panay ang kuwentuhan at tawanan pero hindi talaga makuhang makitawa ni Jergen, lalo na’t kapag nagtatagpo ang mga mata nila ni Lysander—na nakaupong mag-isa sa mahabang sofa—ay may nababasa siyang iritayon do’n.
At nasisiguro niyang sa kanya ito naiirita.
Hindi rin niya maiwasang mairita. The Lysander she knew always have a happy or naughty smile on his face, now he looked mad.
“Nag-away kayo? Don’t deny it, I can see it.”
Napaigtad si Jergen sa gulat nang may bumulong sa tainga niya. Nang balingan niya kung sino ’yon, naalala niya bigla ang sagutan nila ni Lysander. Idinawit nito si Khairro sa kanya. Napailing-iling na lang siya. Naririnig ba nito ang mga pinagsasasabi nito kanina?
“Alam mo, Khairro, kung ako sa ’yo dumistansiya ka sa ’kin,” sabi niya sa lalaking umupo sa tabi niya. “Baka kung ano na naman ang sabihin niyang kaibigan mo tungkol sa ’yo, nabubuwisit na ako.”
Tumaas ang dalawang kilay ni Khairro, nagtatanong ang mga mata. “What happened? You two look annoyed at… each other actually.”
Sumubo siya ng pagkain bago sumagot. “Sabi niya may gusto ka raw sa ’kin.” Umingos siya. “Ang sarap niyang sakalin.” Nanggigigil siya sa inis. “Napakawalang kuwenta ng pinag-awayan namin. As in walang sense.” Hindi niya mapigilang magkuwento kay Khairro dahil sa inis na nararamdaman niya. “’Tapos siya pa itong may ganang magalit sa ’kin?”
Mahinang natawa si Khairro. “He’s just jealous.”
Mabilis siyang napabaling sa katabi, puno ng kaguluhan ang mga mata. “Nagseselos siya?” Bumilis ang pintig ng puso niya at umasa na naman. “Bakit naman?”
Khairro gave her an are-you-kidding-me look. “Hindi mo talaga alam kung bakit?” Napailing-iling ito. “Don’t play dumb with me, Jergen. I know you know.”
Lalo siyang naguluhan. “Ano nga ang ibig mong sabihin?”
“Lysander likes you for fuck’s sake.” Khairro rolled his eyes. “Kaya nadamay ang pangalan ko sa away n’yo kasi nagseselos iyan sa ’kin. Kung para sa ’yo nonsense ang pinag-awayan n’yo, para sa kanya puno iyon ng sense. And hey…” He winked and grinned. “That’s married life. Arguing over nonsense things.”
Nakaawang pa rin ang mga labi ni Jergen at hindi makapaniwala sa narinig. “He… He likes me?”
“Yep.” Khairro wagged his eyebrows. “Now go, kiss and make up with your man. Baka kapag nanatili tayong magkausap, mamatay ako dahil sa sama ng tingin sa ’kin.” He tsked. “If looks could kill… I’ll be in my graveyard right now with filthy worms all over me.”
Tumingin siya kay Lysander at nahuli nga niya itong nakatigin nang masama sa kanila ni Khairro.
Is he really jealous?
Umalis si Jergen sa kinauupuan, saka nilapitan ang asawa. Tumabi siya ng upo rito, saka mahina ang boses na nagtanong. Iyong sapat na para marinig nito at hindi marinig ng iba.
“Galit ka?” May paglalambing sa boses niya.
“Why are you here?” Lysander asked in a cold voice. “Dapat nandoon ka kay Khairro. Mukhang nag-e-enjoy ka namang kausap siya.”
“Lysander, naman—”
“Do you like him?” madilim ang mukhang tanong nito sa kanya.
Napakurap-kurap siya. “What?”
“Gusto mo ba si Khairro?” Tumalim ang mga mata nito. “Kaya ba ayaw mo sa kasal na ’to dahil may ibang lalaki kang gusto? ’Yon ba ’yon?”
Napatitig si Jergen sa guwapong mukha ni Lysander. He really was jealous! Bahala na kung nag-a-assume siya. Lysander being jealous actually made her heart smile.
Ipinalibot niya ang braso sa braso nito, saka tumingin dito. “Huwag ka nang magalit. Please?”
Lysander just grunted.
Nginitian niya ito nang matamis nang bumaling sa kanya. “Huwag ka nang magalit. Malay ko bang nagseselos ka pala.”
Naramdaman niyang natigilan ito, saka napatitig sa kanya. “Ano?”
“Wala naman akong gusto kay Khairro.” Nilakasan na niya ang loob. “Nagseselos ka ba sa kanya?”
May dumaang emosyon sa mga mata nito bago sumagot. “Kung nagseselos ako, ano naman ang gagawin mo?”
Napatitig siya sa asawa. “You’re really jealous?”
He blew a loud and irritated breath. “Yes, baby, I’m jealous.” Gumalaw ang panga nito tanda ng tinitimping galit habang ang mga mata ay matiim na nakatitig sa mga maya niya. “You’re mine, Jergen. Akin ka. Walang puwedeng magmay-ari sa ’yo, ako lang kasi ako ang asawa mo.”
Parang sasabog ang puso niya sa iba’t ibang emosyong nararamdaman. “Lysander…”
Hinawakan siya nito sa kamay, saka pinisil iyon. “I don’t like seeing you with other men, baby. I don’t like seeing you talking to other men but me, except if he’s a member of your family. And I don’t like us arguing about this. Yes, I’m jealous, baby, I’m fucking jealous and it’s driving me nuts!”
Nakatitig lang si Jergen kay Lysander habang nagsasalita ito. Parang sasabog ang dibdib niya sa lakas ng tibok ng puso niya. Hindi niya alam ang sasabihin, ni hindi nga niya maibuka ang bibig para makapagsalita.
Lysander caressed her face. “Baby?”
“Hmm?” All she could do was hummed.
His eyes hold her gaze. “I hate feeling like this. I hate arguing with you. So please, stop driving me nuts. Pakiramdam ko mababaliw na ako dahil sa ’yo.”
All Jergen could do was gaped at Lysander.
“Baby, please, magsalita ka naman.”
Napakurap-kurap siya. “What?”
“I’m going crazy over you, baby,” he said. “So please tell me you’re mine.”
Her heart insanely beat faster, her breathing ragged. “I-I’m y-yours,” nauutal niyang sabi.
A sexy smile appeared on Lysander’s lips. “As am I.”
Her heart nearly exploded inside her ribcage. God. I love this man.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 18
CHAPTER 18
“ANAK, HINDI ka na ba namin mapipigilan?” tanong ng kanyang ina habang palabas sila ni Lysander ng bahay. “Kailangan n’yo na ba talagang bumalik sa Maynila?”
Bakas ang lungkot sa mukha nito kaya naman niyakap niya ito nang mahigpit. “Bibisita uli ako, ’Nay,” sabi niya, saka pinakawalan sa pagkakayakap at hinalikan ito sa pisngi. “Mami-miss kita.”
Hinaplos nito ang pisngi niya. “Ako rin. Balik ka, ha?”
Ngumiti siya. “Opo.”
“Ikaw na bata ka, kapag hindi mo iningatan ang anak ko, iyong itak ko mababalot iyon ng dugo mo.”
Mabilis na napabaling si Jergen sa ama niya nang marinig ang boses nito. Napailing-iling na lang siya nang makitang tinatakot na naman nito si Lysander. It never got old. Ang itak nito palagi ang panakot na tinatawanan lang ni Lysander.
“Alagaan mo ang anak ko.” Dinuro ng ama niya si Lysander na panay ang tango. “Kapag ’yang anak ko ay umiyak nang dahil sa ’yo, ako ang papatay sa ’yong hinayupak ka. Hindi ka sasantuhin ng itak ko.”
Ngingiti-ngiting sumaludo si Lysander sa ama niya. “Yes, Sir.”
Pinukol ito ng masamang tingin ng ama. “Kapag sinaktan mo ang anak ko, patay ka sa ’kin.”
“Yes, Sir.”
Napailing na lang ang ama niya, saka lumapit sa kanya at niyakap siya bago bumulong. “Gusto ko si Lysander para sa ’yo, anak. Sana magustuhan mo rin siya. Sana mapatawad mo ako sa ginawa kong pamimilit sa inyo.” Pagkasabi niyon ay pinakawalan siya nito sa pagkakayakap. “Pero huwag mong sabihin ’yon sa kanya, ha? Lalaki ang ulo niyang hinayupak na ’yan.”
Natawa na lang siya, saka napailing-iling. “Sige, ’Tay, aalis na kami.”
“Sige. Ingat kayo.”
Lumapit sa kanya si Lysander, saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. “Let’s go, baby.”
Tumango si Jergen at kumaway sa mga magulang at kapatid niya. Sabay silang sumakay ni Lysander sa inarkila nilang tricycle na maghahatid sa kanila sa malawak na lupain na pag-aari ng mayor ng bayang iyon kung saan naroon ang helicopter ni Khairro at hinihintay sila. Hindi niya alam kung bakit naroon ang helicopter nito, baka kaibigan ito ng pamilya.
Hindi na bago kay Jergen ang mabilis na pagtibok ng puso niya nang isubsob ni Lysander ang mukha sa leeg niya.
“Nahihilo ka ba?” tanong niya.
He groaned. “A little.”
“Ayos ka lang ba?” tanong niya uli.
He slightly shook his head. “Hindi ako okay.” Yumakap ito sa baywang niya. “I like your family, Jergen.”
Napangiti siya sa sinabi nito. “Talaga? Kahit palagi kang tinatakot ni Tatay?”
He chuckled softly. “I like your father, baby.” Mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya. “He’s a good man.”
Parang may humaplos sa puso niya sa sinabi nito tungkol sa ama niya. “Kahit initak ka niya at pinilit na magpakasal, mabuting tao pa rin siya?”
“Yes. He is a good man, Jergen.” Hinalikan siya nito sa leeg. “And he’s also a good father.”
Masuyo siyang ngumiti. “Salamat. Alam kong mabuting tao ang ama ko kaya lang minsan, OA na siya. Tulad na lang ng nangyari sa ’tin na kagagawan niya.”
“Hayaan mo na. Tapos na ’yon.”
Hindi na lang siya umimik. Ayaw niyang magkasagutan na naman sila ni Lysander dahil sa issue ng kasal nila.
Hanggang sa makarating sila sa kung saan nakatigil ang helicopter, walang imik sila pareho ni Lysander. Basta nakayakap lang ito sa kanya at paminsan ay hinahalikan siya sa leeg o kaya naman sa balikat.
“Come on, you two. Faster!” sigaw ni Andrius na nakasilip sa nakabukas na pinto ng helicopter.
Mabilis silang lumabas ni Lysander sa tricycle. Pinauna na siya nito sa pagsakay sa helicopter dahil inasikaso pa nito ang mga bag na dala nila.
Nang makapasok si Jergen sa helicopter at nakaupo na, bigla niyang sinapo ang bibig nang makaramdam ng pagsusuka.
“Shit!” mahina niyang mura, saka mabilis na lumabas ng helicopter at sa labas sumuka.
“Baby!” Lysander sounded worried. “Ano’ng nangyari sa ’yo? Ayos ka lang ba?” Agad nitong hinagod ang likod niya. “Ano ba ang nangyayari sa ’yo? Nahihilo ka ba?”
Sinapo niya ang tiyan, saka sumuka uli. “Shit!” Nakayuko lang siya habang sumusuka. Umiikot ang paningin niya. “Shit!”
“Baby…” Patuloy nitong hinagod ang likod niya. “Gusto mo ng tubig?”
Umiling siya.
“Is she okay?” Boses iyon ni Terron.
Tumuwid si Jergen ng tayo nang maging medyo maayos na ang pakiramdam niya, saka humarap kay Lysander. “I’m fine.” Nasapo niya ang bibig nang makaramdam ng pagkasuka. “Shit. Ayoko talaga sa amoy na ’yon.”
Niyapos ni Lysander ang baywang niya, saka hinaplos ang buhok niya. “She hates airconditioned cars and now… helicopters.” Mukhang kinakausap nito si Terron, saka sumilip sa mukha niya. “Are you okay, baby?”
Tumango siya, saka huminga nang malalim. “Let’s go. Ayos lang ako.”
Pinilit niyang hindi masuka nang sumakay uli sa helicopter. Pero hindi talaga niya napigilan, umaangat pa lang ang helicopter, parang hinahalukay na naman ang tiyan niya. ’Buti na lang nakahanda ang plastic na bigay ni Khairro. Doon siya sumuka nang sumuka hanggang sa sumakit na ang tiyan niya.
Nang makarating sila sa Bachelor’s Village, nanghihina na siya. Hindi na nga niya namalayan na nakasakay na pala siya sa kotse ni Lysander at bumibiyahe na iyon patungo sa bahay nito.
“Lysander…” mahinang tawag niya sa pangalan ng asawa.
“Baby…” Naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya, saka pinisil. “Malapit na tayo sa bahay. Na-contact ko na rin iyong doktor na kilala ko, hinihintay niya na tayo. Hindi na normal ’yang pagsusuka mo.”
Umungol lang siya at tuluyang nawalan ng malay dahil hindi na niya kaya.
NAGISING si Jergen sa loob ng pamilyar na kuwarto ni Lysander. Nalukot ang mukha niya nang maramdamang parang hinang-hina siya. Nagtatanong ang isip niya kung bakit nang pumasok sa isip niya ang nangyari sa kanya sa helicopter.
Nasapo niya ang noo, saka nakangiwing bumangon sa kama.
“Are you feeling okay?” sabi ng babaeng boses na ikinatigil niya sa pagbangon.
Mabilis siyang napabaling sa nagsalita, dahilan para umikot na naman ang paningin niya. “Shit.” Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Kapagkuwan ay iminulat ’yon at nakakunot ang noong tumingin sa babaeng nakaupo sa sofa malapit sa kama.
The woman smiled. “Hi.”
Nagtatanong ang mga mata niya. “Sorry, pero sino ka?”
Ngumiti ang babae. “I’m Dra. Krisz Romero-Wolkzbin,” pagpapakilala nito. “At ako ang tumingin sa ’yo dahil masyadong nag-panic ang asawa mo.”
Asawa ko? Si Lysander?
Kailan kaya siya masasanay na tinatawag si Lysander na asawa niya?
Umayos siya ng upo sa gilid ng kama, paharap sa doktora. “Normal na sa ’kin ’yon, Doc.” Huminga siya nang malalim. “Nagsusuka talaga ako kapag may aircon.”
Tumango-tango ito, ang ngiti sa mga labi ay hindi nawala. “Well, Mrs. Callahan…” Pinagsalikop nito ang kamay habang nagpapaliwanag. “Kinunan kita ng dugo kanina habang wala kang malay para i-check kung may sakit ka. It turns out, wala kang sakit.”
Ngumiti siya. “Wala talaga akong sakit, Doc.”
“Wala nga.” Lumapad ang ngiti nito. “Hindi naman kasi sakit ang pagbubuntis.”
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jergen kasabay ng paglaki ng mga mata niya at pag-awang ng mga labi. “W-what?”
Nagningning sa kasiyahan ang mata ng doktora. “Blessing talaga ang bata para sa mga bagong mag-asawa.” Pumalakpak pa ito at mukhang masayang-masaya. “Congratulations!”
Umiling siya, puno ng pangamba ang mukha. “No…” Hindi siya naniniwala. “Mali ka, Doc. Baka may glitch sa test. Baka may mali…” She was panicking. “Puwede mo bang ulitin? I mean, I will pay for it. Just test me again. Please. I beg you. Baka kasi mali. Baka nagkapalit ang dugo ko sa isang buntis. Baka hindi sa ’kin ang dugo. I can’t be pregnant!”
“It’s your blood. Hindi magkakamali ang test kasi ako mismo ang gumawa n’on.” mahinahong putol ng doktora sa iba pa niyang sasabihin. Bumuntong-hininga ito, saka lumapit sa kanya at paharap na umupo sa tabi niya. “Bakit ba mukhang nag-aalala ka? May asawa ka naman.”
Nag-iwas siya ng tingin, nanlalamig ang kamay niya. “Huwag mo muna ’tong sabihin kay Lysander, please…” Hindi ngayon na magulo pa ang sitwasyon nilang dalawa.
Tinitigan siya nito nang matiim na parang binabasa ang laman ng isip niya. “Ayokong makisawsaw sa buhay n’yong mag-asawa pero kailangan mo akong bigyan ng dahilan para hindi ko sabihin kay Lysander na buntis ka.”
Ibinalik niya ang tingin dito. “He doesn’t… love me.”
Tumaas ang kilay ng doktora. “Eh, bakit kayo kasal?”
Mapait siyang ngumiti.“ Napilitan lang siya dahil sa tatay ko.“ Napabuntong-hininga siya. “Magulo pa ang sitwasyon namin ngayon, ayokong madagdagan ’yon.”
“Oh.” Understanding dawn on the doctor’s face. “Well, if that is so…” Huminga ito nang malalim. “I understand that. I’d been in your shoes too so I know how it feels to be confused all the time.”
Kumunot ang noong nagtatanong ang mga mata niya. “You understand?”
Tumango ito. “Marriage of convenience lang din kami noon ng asawa ko, si Train. Magulo din noon ang isip ko, lalo na nang mapamahal na sa ’kin ang asawa ko, ’tapos akala ko hindi niya ako mahal. Pero destined to be yata kami kasi mahal din naman pala niya ako, hindi lang niya masabi.”
Napangiti siya sa love story nito at ng asawa nito. “You’re very lucky then.”
Dra. Krisz smiled. “Yes. I am. My husband loves me as much as I love him. Kung hindi pa siya noon natakot na baka mawala ako sa kanya, hindi pa siya aamin na mahal niya ako.” Napailing-iling ito na parang naaalala ang nakaraan habang may munting ngiti sa mga labi. “Ganoon na siguro ang mga lalaki, hanggang hindi sila natatakot at hanggang nasa tabi ka nila, hindi nila sasabihin sa ’yong mahal ka nila. Pero kapag nakaramdam sila ng takot na may aagaw sa ’yo, o mawawala ka na nang tuluyan, kung mahal ka, aamin ’yan.”
“Hindi rin,” sabi niya, saka niyakap ang sarili. “Mga pa-fall lang din ang iba. Kapag umalis ka, magiging masaya pa sila kasi mapapalitan ka nila ng bago.”
Mataman siyang tinitigan ng doktora. “Ganoon ba si Lysander?” kunot-noo nitong tanong. “Parang hindi naman siya ganoon.”
“Because you don’t know him like I do,” sabi niya, saka mapait na ngumiti. “I’m his secretary for five years, Doc. Alam ko ang likaw ng bituka niya pagdating sa mga babae. Alam ko ang lahat tungkol sa kanya at kasama na ro’n ang mga negatibong bagay tungkol sa kanya. Kaya mahirap na magtiwala sa mga sinasabi niya kasi kilala ko siya.”
Napabuntong-hininga ito. “’Yan nga siguro ang mahirap kapag kilala mo na, mahirap magtiwala. Trust is a big thing for us women. Trust is the foundation of a relationship, especially in marriage. But you don’t have to stick with what you know about him now. Men maybe the worst species in this planet but they are capable of changing, Mrs. Callahan. Just like a playboy capable of loving one woman only and changing for her. You just have to give him a chance.”
Napatitig si Jergen sa kawalan, saka pinakiramdaman ang puso niya. Mahal niya si Lysander. Hindi niya alam kung paanong nangyari ’yon pero iyon ang sinasabi ng puso niya, ’yon ang isinisigaw niyon. Kaya nasasaktan siya kasi hindi pareho ang nararamdaman nilang dalawa.
“But the question is…” Dra. Krisz drawl, pulling her out from her reverie. “Kaya mo ba siyang bigyan ng chance?”
Humugot siya ng malalim na hininga, saka maingat iyong pinakawalan. “Kaya ko.”
“Then give him a chance.” Tinapik nito ang braso niya at nagpaalam na sa kanya. “Sige, maiwan na kita. Magpahinga kang mabuti. Bawal sa buntis ang ma-stress at huwag masyadong magtatrabaho baka mapaano si baby. First three months mo ngayon sa pagbubuntis kaya kailangan healthy foods para ma-develop ang brain ni baby. You’ll experience morning sickness, dizziness, maybe mood swings, pag-iiba ng panlasa ng pagkain at mataas ang hormones mo. Kaya huwag kang magtaka kung mas maging emosyonal ka pa ngayon. Basta alagaan mo ang sarili mo, lalo na’t hindi alam ng asawa mo.”
Nagpapasalamat siyang ngumiti sa doktora. “Thank you.”
“Tell him soon, Mrs. Callahan. He deserve to know that he’s going to be a father soon,” bilin nito bago lumabas ng kuwarto at iniwan siyang mag-isa.
Bumaba ang tingin niya sa kanyang tiyan at masuyo iyong hinaplos. “A baby…” Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya. “My baby…” Nagpakawala siya ng malalim na hininga, saka tumingala sa kisame ng kuwarto. “Paano ko ’to sasabihin kay Lysander, eh, magulo nga ang sitwasyon namin, lalo na ang relasyon naming dalawa?”
The doctor said that stress was not good for her, but here she was, stressing herself out.
“Baby?”
Napaigtad si Jergen nang marinig ang baritonong boses ni Lysander. Agad siyang bumaling sa asawa na naglalakad palapit sa kanya.
“Are you feeling okay?” tanong nito nang makaupo sa tabi niya at hinaplos ang pisngi niya. Puno ng pag-aalala ang mukha nito. “Nag-alala ako sa ’yo.”
Hindi siya makatingin nang deretso rito. “Ayos lang ako. Kailangan ko lang daw magpahinga.”
He kissed her temple. “Then rest. Ayoko nang makita kang nakalupaypay sa sobrang pagsusuka. You scared the shit out of me, baby.”
Natakot ito? Aasa na ba siya? Hahayaan na ba niya ang sariling umasa? Would she risk her heart?
Ibinalik niya ang tingin kay Lysander at matiim itong tinitigan. “Yes,” sagot niya sa sariling tanong sa isip niya.
Kumunot ang noo ni Lysander. “Anong yes?”
Umiling siya, saka ngumiti. “Wala.”
“You sure?”
“Oo.” Umalis siya sa pagkakaupo sa kama, saka masiglang tumayo sa harap nito. “Halika, kumain tayo, nagugutom na ako, eh.”
Hinawakan ni Lysander ang kamay niya, saka hinalikan ang likod niyon. “Ayos ka na ba talaga? I could bring you to the hospital.”
“I’m fine.” Ngumiti si Jergen, saka bahagya niyang hinila ang kamay nito. “Kain na tayo.”
“Fine.” He smiled, got up and kissed her on the lips. “Ipinaghanda kita ng makakain.”
Malapad siyang ngumiti. “Yehey. Halika na.”
Inakbayan siya ni Lysander, saka sabay silang lumabas ng kuwarto. Habang naglalakad sila patungong komedor, nakangiti lang si Jergen. Masaya siya. Masaya siyang kasama si Lysander.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 19
CHAPTER 19
HABANG kumakain si Jergen, nagtitimpla naman ng gatas niya si Lysander. Magana siyang kumain ng tocino at kanin. Nakakailang balik na siya sa rice cooker dahil sarap na sarap siya sa ulam niya. It was weird though. Hindi naman niya paborito ang tocino.
“Inumin mo na.” Inilapag nito ang isang basong gatas sa tabi ng pinggan niya. “Gusto mo pa ng kanin?”
Umiling siya. “Okay na ako. Busog na ako.” Kinuha niya ang baso, saka inilapit iyon sa bibig niya.
Hindi niya maiwasang mapangiwi nang maamoy ang amoy ng gatas na nanuot sa ilong niya. Mabilis niya iyong idinistansiya sa mukha niya.
“Yuck!” Hindi maipinta ang mukha ni Jergen, saka inilapag ang baso sa mesa. “Ano bang gatas ’yan?” kunot ang noong tanong niya kay Lysander na nagtatakang nakatingin sa kanya. “Iba ba ang gatas na tinimpla mo?”
Nakakunot na umiling si Lysander. “No. The same milk brand.”
Agad siyang nag-iwas ng tingin nang pumasok sa isip niya ang mga sinabi ni Doc. Krisz. Mag-iiba ang panlasa niya.
Siguro ito ang sinasabi ni Dra. Krisz na pag-iiba ng panlasa sa pagkain. Shit!
Isinandal niya ang katawan sa likod ng upuan, saka napatitig sa pinggan. Ganito ba talaga kapag buntis? Tiyak na mapapansin ni Lysander ang pagbabago ng panlasa niya. If she knew Lysander too well, he knew her too well too. Limang taon na silang magkasama bilang boss at sekretarya kaya kilala na nila ang isa’t isa.
“Hey!” Nakarinig siya ng pagpitik ng daliri. “Earth to my baby. Are you okay?”
Napakurap-kurap si Jergen at napatingin kay Lysander na nakakunot ang noong nakatingin sa kanya. “Ano’ng sabi mo?”
Lalong lumalim ang gatla sa noo nito. “Ayos ka lang ba? Dapat na ba akong mag-alala?”
Mabilis siyang umiling. “Ayos lang ako.” Pilit siyang ngumiti. “I just need to go back to my condo.”
“Go back to your condo?” gagad ni Lysander at nagdilim ang mukha. “Bakit?”
“Kasi doon naman talaga ako nakatira,” sabi niya, saka uminom ng tubig at tumingin kay Lysander. “Boss, don’t you think it’s weird na dito ako nakatira sa ’yo—”
“Asawa kita. Walang weird do’n.” He was gritting his teeth.
Bumuga siya ng marahas na hangin. “Lysander, hindi mababago ng kasal natin ang relasyon nating dalawa.” Itinuro niya ang sarili. “Ako ang sekretarya mo at ikaw ang boss ko. Nakatira ako sa condo, ikaw naman dito. Oo nga at kasal na tayo pero wala namang patunay, ’di ba? Sa mata ng pamilya ko, oo, kasal tayo pero sa mata ng ibang tao, hindi. Kaya pauwiin mo na lang ako. Saka hindi ka na makakadala ng ibang babae dito kapag dito ako nanatili sa bahay mo.” Parang may kumurot sa puso niya sa huli niyang sinabi.
Nawala ang lahat ng emosyon sa mukha ni Lysander pagkatapos niyang magsalita. “So you want to go back to the way we were?”
Parang may pumiga sa puso ni Jergen sa isiping babalik sila sa dati ni Lysander pero tumango siya. Hangga’t hindi naayos ang relasyon nilang dalawa, mas makakabuting sa condo niya siya tumira. Hangga’t hindi nito sinasabing mahal siya nito, hindi siya titira sa bahay nito kahit pa nga gusto rin niya.
Living in with Lysander would just make everything more complicated than before. And having his baby? More complicated than ever.
“Lysander, intindihin mo naman ako. Wala namang magbabago. Doon lang ako titira sa condo ko—”
“Fine,” putol nito sa iba pa niyang sasabihin, saka walang emosyong ang mga matang tumingin sa kanya. “Gusto mong doon tumira sa condo mo, okay lang sa ’kin, basta maghanap ka na rin ng bago mong trabaho.”
Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata niya. “Lysander! You’re being unfair!” Hindi niya napigilang sigawan ito.
And Lysander just shrugged. “You want to stay as my secretary, you stay here in my house. Kung gusto mo namang umalis sa bahay ko, umalis ka rin bilang sekretarya ko.”
Hindi siya makapaniwalang napatitig kay Lysander. He couldn’t do this to her! But she knew that he could! He owned the freaking company! At nasisiguro niyang mahihirapan siyang maghanap ng trabaho na kasinlaki ang sahod ng sahod niya ngayon. It was a battle out there, applying for a job. And it would be very hard to win that battle.
Napaupo siya sa iniwang upuan, saka nagbaba ng tingin sa pinggan.
“Jergen—”
“Why?” Nag-angat siya rito ng tingin. “Bakit mo ba sa ’kin ginagawa to? Why are you blackmailing me like this? Ano ba ang mapapala mo kung mananatili ako rito sa bahay mo?”
“Because you’re my wife, Jergen! May diin ang bawat salitang binibitawan nito. “And this is now your house so you’re staying.” He looked deep into her eyes. “You’re mine, and I always takes care of what’s mine.”
Tumalim ang mga mata niya. “Palagi ka na lang mine nang mine, eh, mas ginugulo n’on ang isip ko!” Hindi niya mapigilan ang sariling mapasigaw. “Alam mo, Lysander, gulong-gulong na ako sa kaka-mine mo kasi palagi akong nagiging assuming.” Nanghahamon na tumingin siya sa mga mata nito. “Sige nga, Lysander, sabihin mo ngayon sa ’kin kung ano mo ba talaga ako? Sekretarya ba, asawa, isang bagay na puwedeng angkinin o parausan? Mamili ka sa apat na ’yon kasi kapag hindi ka pa nagsalita diyan, talagang itong tinidor na ’to, itatarak ko ’to sa lalamunan mo—”
“You’re my wife, Jergen.” His face softened. “Please, stay…”
Parang may humaplos sa puso niya habang nakatitig dito dahilan para mapatango siya. “O-Okay… I’ll stay.”
Tumango si Lysander, saka iniwan siya sa kusina. Siya naman ay napabuga ng marahas na hininga at napailing-iling.
Ano na ang gagawin niya ngayon. Mananatili siya rito bilang asawa ni Lysander.
Napasabunot siya sa sariling buhok.
Bakit naman kasi ang komplikado ng lahat?
MASAMA ang mood ni Jergen. Hanggang kasi sa sumapit ang oras para matulog, hindi siya kinibo ni Lysander. Nanatili itong tahimik habang inaayos ang kamang tutulugan nila. At nang maayos na, padapa itong nahiga sa kanang bahagi ng kama at hindi siya pinansin.
Napabuntong-hininga na lang siya habang nakatitig sa lalaki.
Mukhang nagtatampo ang loko.
Napailing-iling siya, saka naglakad palapit sa study table nito. Umupo siya roon at binuksan ang laptop nito. At dahil alam niya ang password niyon, madali niya iyong nabuksan at binuksan ang emails nito. Gawain na niya iyon dahil tamad talaga si Lysander na magbukas at magbasa ng emails.
Nang mabuksan lahat ng unread emails, ginawa niya ang ibang reports na hinihingi sa emails galing sa isang sister company ng Callahan Real Estate na isang construction firm. Alam naman niya ang mga data na hinihingi kaya madali lang para sa kanya na gawin ’yon.
Hindi namalayan ang oras nang matapos siyang gumawa ng reports. Nang mag-angat siya sa relong pambisig, mahina siyang napamura nang makitang maghahatinggabi na.
Si baby ! impit niyang sigaw sa isip. Bawal yata sa buntis ang nagpupuyat. Shit naman, o!
Nagmamadali siyang nahiga sa kama at nagkumot hanggang baywang. Ipinikit niya ang mga mata at akmang pipilitin ang sarili na makatulog nang marinig niya ang boses ni Lysander.
“Does your back hurt?”
Natigilan siya at mabilis na nagmulat ng tingin, saka binalingan ang katabi. “Gising ka pa?”
Sa halip na sumagot, bumangon ito at umupo sa kama, saka kinuha ang kamay niya at minasahe iyon. “You’re always working, baby. Hindi ako makakatulog knowing na nagtatrabaho ka kaya hinintay na lang kitang matapos bago kausapin kaysa istorbuhin kita. Alam ko namang hindi ka titigil hangga’t hindi ka pa natatapos sa ginagawa mo.”
Parang may humaplos sa puso niya at kinilig ’yon. “Ayos lang ako, Lysander.”
Binitawan nito ang kamay niya, saka dumako naman ang kamay sa balikat niya at masuyo siyang minasahe ro’n.
Hindi mapigilan ni Jergen na mahinang mapadaing habang minamasahe siya ni Lysander sa balikat pataas sa may leeg. Pero natigilan siya nang may lumapat na malambot na bagay sa mga labi niya. Mabilis niyang iminulat ang mga mata at nagtama ang tingin nila ni Lysander.
“Lysander…” pabulong niyang sambit sa pangalan nito.
Ginawaran siya uli nito ng halik sa mga labi, saka bumulong. “Bati na tayo,” ungot nito, saka ipinagdikit ang ilong nilang dalawa at hinalikan siya uli sa mga labi. “Hindi ako makatulog kasi magkagalit tayo, eh.”
Kinunotan niya ito ng noo. “Hindi naman ako galit, ikaw itong hindi namamansin. Hindi mo nga ako kinakausap, ’di ba?”
“I’m sorry.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Forgive me? I was just irritated. At ayokong kausapin ka kapag galit ako baka ano pa’ng masabi mo at masaktan kita.”
Sumikdo ang puso niya. “Ayaw mo akong masaktan?”
Tumango ito. “I can’t bear to see you hurt because of me.” Masuyo itong ngumiti habang hinahaplos ang pisngi niya. “At hindi rin ako mapakali kapag nagkakasagutan tayo.”
Masuyo siyang ngumiti, saka sinapo ang mukha nito. Hinaplos niya ang pisngi nito habang titig na titig siya rito. “Lysander, normal lang naman na magsagutan, eh. At saka hindi mo naman maiiwasang hindi ako saktan. Hindi mo hawak ’yon.”
“Hanggang kaya ko, iiwasan ko. Ayokong masaktan ka nang dahil sa ’kin.” Napabuntong-hininga ito. “Marami na akong babaeng nasaktan, baby, at ayokong maging isa ka sa kanila. Hindi kita sasaktan kasi hindi ko kaya, alam ko kasing mas doble ang sakit na mararamdaman ko kapag sinaktan kita. I don’t want to see you cry, baby, and I don’t want to see you in pain. So I’m really sorry if I had hurt you in some ways that I didn’t know about. Masyado kang mahalaga ka sa ’kin para saktan ko.”
Nilukob ng kasiyahan ang puso ni Jergen. “Salamat.” Nginitian niya ito. “Mahalaga ka rin sa ’kin, Lysander. Kaya ayokong nag-aaway tayo, hindi ako mapakali. ’Buti na lang kinausap mo na ako ngayon.”
“Ikaw pa, eh, malakas ka sa ’kin.”
Sumikdo nang mabilis ang puso niya. “Malakas ka rin naman sa ’kin, eh. Kaya patas lang tayo.”
Lysander chuckled then kissed her forehead. “Sige, magpahinga ka na.” He kissed her lips. “Good night, baby… Sleep well.”
Nakangiting tumango si Jergen. “I will.” Dumukwang siya para gawaran ito ng halik sa mga labi. “Good night, boss, sleep well too.”
Nahiga na sa tabi niya si Lysander. Siya naman ay ipinikit na ang mga mata. Akala niya ay nakatulog na ang katabi nang marinig niya itong magsalita.
“I actually hate at the same time like it when you call me boss, baby,” pabulong nitong sabi. “Because I know I’m the only boss you have. Just me. No other. Only me.”
Napangiti siya habang nakapikit ang mga mata. “And I won’t have any other boss but you.” Kapagkuwan ay dinagdagan niya iyon. “Saan pa ako makakahanap ng boss na tamad na weird pa. Ikaw lang.”
Mahina itong natawa, saka yumakap sa baywang niya at pinagsiksikan ang katawan sa katawan niya. “Good night, baby.”
She answered back. “Good night, boss.”
“Hmm… boss… I like it.”
“I like you calling me baby too, Boss.”
Nahigit ni Jergen ang hininga nang ipinasok ni Lysander sa pang-itaas niyang damit ang kamay nito, saka sinapo ang isa niyang dibdib kapagkuwan ay bumulong.
“Good night…” he whispered, his hand still on her breast.
Napailing na lang siya, saka hinayaan ito. Umayos siya ng higa at inayos ang kumot sa katawan, saka hinayaan ang antok na lamunin siya.
MAAGANG nagising si Jergen kinabukasan. Gumalaw siya na parang tulad lang noon, naligo siya at naghanda para sa pagpasok sa opisina. Pagkatapos ay pumunta siya sa kusina at nagluto ng agahan.
Nasa kalagitnaan siya ng paglagay ng bawang para sa lulutuin niyang fried rice nang maamoy niya ang mabaho niyong amoy.
Nabitawan niya ang platito na may lamang bawang. Sinapo niya ang bibig at mabilis na tumakbo sa pinakamalapit na lababo, saka doon sumuka. Napahawak pa siya sa gilid ng lababo habang nagduduwal siya nang nagduduwal.
Inis niyang pinikit ang mga mata nang patuloy siyang nagduduwal sa lababo. Natigilan lang siya nang maramdamang may humagod sa likod niya.
She knew it was Lysander.
Mabilis siyang nagmumog, saka tumayo nang tuwid at parang hinihingal na humarap kay Lysander. “Hey… morning.”
Kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. “Baby, ano ba ang nangyayari sa ’yo? Ayos ka lang ba?”
Bumuka ang bibig ni Jergen para sumagot pero nagsalita uli si Lysander.
“And don’t lie to me,” dagdag nito.
Itinikom niya ang bibig, huminga nang malalim, saka nagsalita. “Ayos lang ako, wala akong sakit.”
Lysander narrowed his eyes on her. “Don’t lie to me, Jergen.”
Nagbaba siya ng tingin. “Hindi naman ako nagsisinungaling—”
“You’re lying to me, baby, and I wanna know why.”
Napabuntong-hininga siya, saka bumuga ng marahas na hininga. “Lysander, please, kailangan ko nang pumasok sa opisina. Tiyak marami akong tatrabahuhin do’n.”
Akmang lalampasan niya ang lalaki nang pinigilan siya nito sa braso, saka niyakap siya sa baywang at hinapit palapit.
“Lysander—”
“Don’t lie to me, baby,” sabi ni Lysander, ang mga labi nila ay ilang dangkal lang ang layo. “Huwag mo akong gawing tanga. Oo nga at tamad ako pero hindi naman ako bobo.”
Nag-iwas siya ng tingin. “Lysander, naman—”
“Tell me the truth.” May diin ang boses nito. “Huwag kang magsisinungaling sa ’kin, Jergen.”
Hindi siya makatingin nang deretso rito. “Wala akong sakit, Lysander.” Pilit siyang kumawala sa pagkakayakap nito pero hindi siya nito hinahayaan. “Lysander, ano ba!”
Hinawakan nito ang baba niya, saka pilit na pinatingin siya sa mukha nito para magtama ang mga mata nila. “Yes or no, Jergen. Buntis ka ba?”
Namilog ang mga mata niya kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya. “A-ano bang…” Hindi niya matapos ang sasabihin dahil sa kabang nararamdaman. “A-ano b-ba ang… A-ano ba ’yang pinagsasasabi mo?”
Napabuntong-hininga si Lysander, saka napailing-iling. “Krisz didn’t told me, his husband, Train, did.” Tumiim ang mga bagang nito. “Nakatanggap ako ng tawag mula kay Train ngayon lang at kino-congratulate niya ako.” Malamig itong ngumiti. “Buntis daw kasi ang asawa ko at dapat akong magpainom.” Mapakla itong tumawa. “Imagine my surprise.”
Nagbaba si Jergen ng tingin. Kinakain ng konsiyensiya ang puso niya. “I’m sorry, Lysander.”
“Not accepted.” Pagkasabi niyon ay iniwan siya nito sa kusina.
Gustong kutusan ni Jergen ang sarili. Galit si Lysander at kasalanan niya kasi nagsinungaling siya rito.
Ang gaga kasi niya. Bakit ba kasi niya itinago.
Tinampal niya ang noo. “Ang gaga mo kasi!” sabi niya sa sarili, saka napaupo sa upuan ng hapagkainan. “Shit ka talaga, Jergen! Shit ka! Ang gaga mo! Nagsinungaling ka pa kasi, eh. Buwisit ka! Ang arte mo kasi! Argh!”
Pagkatapos tampalin ang sariling noo ng ilang beses, umalis siya ng kusina, saka napagdesisyunang pumasok na lang sa opisina kahit hindi pa nag-aagahan. Pero dadaan muna siya sa salon para mawala ang inis na nararamdaman niya para sa sarili.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 20
CHAPTER 20
HINDI alam ni Jergen kung ano ang uunahin niyang gawin sa mga nakatambak na trabaho para sa kanya. Parang bigla niyang gustong magbakasyon sa probinsya nila uli, doon walang stress. At nakakadagdag sa stress niya si Lysander na nauna pa sa kanyang pumasok ng opisina.
Shit!
Huminga siya nang malalim at inumpisahan ang trabaho niya. Hindi pa siya nangangalahati, dumating na si Edna ang sekretarya ng marketing head.
“Jergen,” tawag nito sa pansin niya. “Pakibigay naman ’to kay Boss.”
Itinigil niya ang ginagawa at humarap sa babae, saka tinanggap ang folder na ibinibigay nito. “Ako na ang bahala rito,” sabi niya.
Sa halip na umalis, tinitigan siya ni Edna. “Ano’ng nangyari sa buhok mo?”
Sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri. “Nagpagupit ako. Pangit ba?”
Umiling ang babae. “No. Ang ganda nga, eh, lalo kang gumanda.” Kumunot ang noo nito. saka mas itinutok pa ang mga mata sa kanya. “Ano’ng nilalagay mo sa mukha mo? You look radiant today.”
Radiant? Siya? Stress nga siya, eh. Baka epekto iyon ng pagbubuntis. “Naku, wala ’to. Hindi lang ako na-stress for a week kaya siguro glowing ako ngayon,” nakangiting sabi niya.
“Sabi mo, eh,” sabi ni Edna, saka umalis na.
Ilang minuto lang ang binilang ni Jergen, bumukas na naman ang elevator at lumabas do’n ang isang magandang babae. Napakasopistikada nitong tingnan sa suot nitong mamahaling damit. Paano niya nalamang mamahalin? Fan na fan kasi siya ng mga branded na damit pero hindi naman siya nakakabili minsan dahil na rin sa may pinaglalaanan siya ng pera niya.
“Good morning, Ma’am,” bati niya sa babae. “How may I help you?”
Nginitian siya nito. “I’m Red Montero,” pagpapakilala ng babae sa kanya. “And I’m here for Lysander.”
Nanatili ang ngiti sa mga labi niya kahit pa nga medyo nakaramdam siya ng panibugho. Nang banggitin kasi nito ang pangalan ni Lysander ay parang close na close ang dalawa. Nakaramdam ng kirot ang puso niya.
“Ahm.” She composed herself. “May appointment po ba kayo, Ma’am?”
The woman chuckled lightly. “Naku, hindi ko na kailangan ’yan. I’m here for personal reason and Lysander knew that I’m coming. So, can I come in now or you want to call your boss first?”
Pilit ang ngiting ininuwestra niya ang kamay sa pinto ng opisina ni Lysander. “Pasok po kayo, Ma’am.”
The woman smiled broadly at her. “Thank you, Miss. I’m excited to see him, God, it’s been a long time.”
Nang mawala ang babae sa harap niya, nawala rin ang pekeng ngiti sa mga labi niya at masama ang tingin sa pintong pinasukan nito.
She missed Lysander? So, may relasyon ang dalawa noon at ngayon nagbabalik si babae at agad namang tinanggap ni lalaki?
Kumuyom ang kamay ni Jergen. “Subukan mo lang, Lysander, ako mismo ang iitak sa ’yo,” sabi niya na nagtatagis ang mga bagang.
Ilang segundo pa niyang tinitigan nang matalim ang pinto bago umupo at bumalik sa ginagawa. Ang nakakainis, hindi siya makapag-concentrate dahil palaging pumapasok sa isip niya kung ano ang ginagawa ng babaeng iyon at si Lysander, lalo pa at ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa lumalabas ang babae.
Argh! Mababaliw siya sa kakaisip kaya naman umalis siya sa kinauupuan at nilapitan ang pinto, saka pinihit iyon pabukas. Ganoon na lang ang gulat niya nang makitang naka-lock ’yon.
Nagtagis ang mga bagang niya. How dare he lock the door?!“
Inis na sumakay siya sa elevator at nagpahatid sa ibaba. Pupunta sana siya sa pinakamalapit na café para bumili ng malamig at matamis na maiinom nang may mahagip ang mga mata niya.
Kunot ang noong tumuon ang mga mata niya sa lalaking nasa information desk at nakikipag-usap sa mga staff do’n.
Anong ginagawa ng lalaking ’to dito?
“Carlos?” sabi niya nang makalapit sa lalaki.
Bumaling sa kanya ang lalaki at ngumiti nang magtama ang mga mata nila. “Jergen…”
Lalong kumunot ang noo niya. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
“Hinahanap ka,” sabi nito. “Gusto sana kasi kitang makausap.”
“Oh.” Nagkibit-balikat siya. “Sige, pero sandali lang, ha? Kailangan kong bumalik agad sa trabaho. Bibili rin naman ako ng maiinom. Doon na tayo sa café malapit dito.”
“Salamat, Jergen,” sabi nito na nakangiti.
Tumango si Jergen, saka sabay na silang naglakad palabas ng gusali at nagtungo sa malapit na café. Nang maka-order siya ng frappe at si Carlos naman ay kape, umupo sila sa isang bakanteng upuan.
“So?” Siya na ang bumasag sa katahimikan. “Bakit mo ako gustong makausap?”
Humingi nang malalim si Carlos. “Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa inakto ko at ni Papa sa bahay n’yo.” Napakamot ito sa batok na parang nahihiya. “Pasensiya na talaga, ha? Hindi kasi nawala ang pagkagusto ko sa ’yo kahit naghiwalay na tayo. Akala ko puwede pa kung mag-e-effort lang ako pero mali pala ako.”
Sumipsip siya ng frappe. “Nakakainis ang tatay mo, alam mo ba ’yon?” Tumaas ang kilay niya. “Hindi por que may pera kayo ay gaganunin n’yo na kami. Sarap n’yong pag-untuging dalawa. Nakakabuwisit kayo.”
Hinawakan ni Carlos ang kamay niya at kahit anong agaw niya ay hindi siya makawala.
“Carlos! Bitawan mo nga ako!” asik niya.
“Patawarin mo na ako, Jergen.” Nagsusumamo ito. “Lumuwas ako sa Maynila para lang dito kasi hindi ako katahimik. At sana, kapag iniwan ka na ng lalaking yon, bumalik ka sa ’kin.”
Tumalim ang mga mata niya. “Ano ba ang gusto mong palabasin? Na iiwan ako ng asawa ko?”
“Jergen, magkaiba kayo ng estado sa buhay. Normal lang na maghanap siya ng ibang kapantay niya. At kapag nangyari ’yon, nandito lang ako.”
Malakas na inagaw niya ang kamay rito, saka mabilis iyong dumapo sa pisngi nito. “Go to hell, Carlos. Maayos kitang kinausap pero ito pala ang sasabihin mo.” Tinaasan niya ito ng kilay, saka pinukol ng masamang tingin. “Hindi kita patatawarin, bahala kang makonsiyensiya kung may konsiyensiya ka nga.” Tumayo siya. “At kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo, hindi na kita papatulan uli,” pagtataray niya, saka iniwan ang lalaki sa loob ng café.
Inis siyang bumalik sa Callahan Building at sumakay sa elevator. Nang makarating siya sa floor kung saan naroon ang opisina niya, naabutan niya si Lysander na nakahilig sa gilid ng oval-shaped niyang mesa at mukhang hinihintay siya. At mukhang wala na rin ang babae nitong bisita sa opisina nito.
“Where have you been?” he asked, irritated.
Well, she was irritated too. “Sa ’baba, sa may café,” sagot niya.
Napailing ito at mapaklang tumawa. “Napakasimple ng tanong ko pero nagsisinungaling ka pa rin. Why is that, Jergen? Do you like lying to me?”
Nagsalubong ang kilay niya. “Ano ba ang pinagsasasabi mo riyan?”
“I saw you. With Carlos.” Tumiim ang mga bagang nito. “Kasama mo siya sa café. Bumaba ako kasi hinahanap kita at sinabi ng information desk na narinig nilang pupunta ka sa café kaya sinundan kita. And imagine my shock when I saw you and Carlos.” Nagdilim ang mukha nito. “And he’s holding your hand. Why, Jergen, getting back together?” nang-uuyam nitong tanong.
Inirapan niya ito, saka umupo sa upuan niya at ipinagpatuloy ang ginagawa nang hindi umiimik.
“Nagkabalikan na ba kayo?” tanong ni Lysander na may sarkasmo ang boses.
Ang matalim niyang mata ay tumingin dito. “Eh, ikaw, huwag mong sabihing nag-jack-en-poy kayo ni Miss Red Montero sa loob ng opisina mo?”
Natigilan ito at kumunot ang noo. “Ano naman ang ibig mong sabihin ’don?”
Lalong tumalim ang mga mata niya. “Puwede ba, Lysander, huwag ako ang lokohin mo. Masarap ba si Miss Montero?”
Irritation filled his face. “Ano ba’ng pinagsasasabi mo diyan?” Halata ang iritasyon sa boses nito. “Eh, wala namang nangyari sa ’min. She just brought me something from Ream and that’s it—”
“Heh!” singhal niya rito dahil sa hindi mapigilang inis na nararamdaman. “Buwisit ka!”
Inis na tumayo siya, saka pumasok sa pribadong restroom na para lang sa kanya na ipinagawa no’n ni Lysander. Panay kasi ang reklamo niyang kailangan pa niyang mangibang floor o kaya pumasok sa opisina nito para magbanyo.
“Jergen! Bumalik ka nga rito! Hindi pa tayo tapos mag-usap!” galit na sigaw ni Lysander nang pumasok siya sa restroom.
Umirap lang siya, saka pumasok sa nag-iisang cubicle doon at ini-lock ang pinto, saka umihi.
Natigilan siya nang bumukas ang pinto ng restroom at nakarinig siya ng mga yabag.
“Jergen, huwag mo nga akong talikuran kapag nag-uusap tayo!” inis na sabi ni Lysander na nasa loob ng ng restroom.
Ipinaikot niya ang mga mata sa inis pero hindi siya nagsalita. Bahala ito sa buhay nito.
“Sa tingin mo natutuwa akong makita kang may kasamang ibang lalaki, ha?! I want to kill that man and I would if I saw him again holding you fucking hand like that. At ikaw naman parang okay lang sa ’yo na hinahawakan ka niya. Bakit, Jergen, gusto mo ba siya? Baka nakakalimutan mong may asawa kang tao at ako ’yon! Ako! At magkakaanak na tayo kaya wala ka nang karapatang tumingin sa iba. Akin ka lang. Akin! At kapag nakita pa kitang may kasamang ibang lalaki—”
“Shut up, Boss!” Hindi na niya mapigilang mapasigaw sa sobrang inis na nararamdaman dahil sa mga maling paratang nito. “Kapag nagsalita ka pa diyan habang umiihi ako, iyang ulo mo ang ipa-flash ko rito sa bowl! Buwisit ka!” singhal niya.
Nakahinga si Jergen nang maluwang nang natahimik ang buong restroom. Salamat naman at tumigil na si Lysander. Inis na inis talaga siya. Hindi naman siya madaling mabuwisit noon pero ngayon, parang high blood agad siya.
Dahil ba iyon sa pagbubuntis niya?
Napailing-iling siya, saka lumabas ng cubicle at natigilan nang makitang nakahilig si Lysander sa lababo. Nakapamulsa ito at matiim ang titig sa kanya.
“What?” paasik niyang tanong.
Hindi mapakaniwalang napatitig ito sa kanya. “Wow naman.” May sarkasmo ang boses nito. “Ikaw na nga ang may kasalanan, ikaw pa ang may ganang magalit sa ’kin.” Sarkastiko itong tumawa. “That’s epic, Jergen. Very epic.”
Pinukol niya ito ng masamang tingin, saka malakas na itinulak ito paalis sa pagkakahilig sa lababo. “Tumabi ka nga! Nakaharang ka.”
He looked at her in disbelief. “Jergen, ipapaalala ko lang, boss mo ako kaya wala kang karapatang sigawan ako.”
Naghugas muna siya ng kamay, saka nakapamaywang na humarap sa lalaki. “Ipapaalala ko lang din sa ’yo, Lysander, asawa mo ako kaya may karapatan akong sigawan ka.”
Natigilan ito, saka nanatiling tahimik.
Nang-uuyam siyang ngumisi, at inirapan ito. “Boss nga kita, asawa mo naman ako. Sige nga, sino’ng mas makapangyarihan sa ’ting dalawa?”
Masama ang tingin sa kanya ni Lysander. “Ikaw, pero wala kang karapatang lokohin ako at makipaghawak-kamay sa ibang lalaki.”
Naiinis na dinuro niya ito. “At wala ka ring karapatang mambabae!”
“Eh, hindi naman ako nambababae, ah!” Giit nito na mas ikinainis niya.
“Eh, ano’ng ginawa n’yo ng Red Montero na ’yon? Nagtitigan?” Mas dinuro niya ito dahil sa sobrang selos na nararamdaman. “Huwag mo nga akong pinaglololoko, Lysander. Personal ang pakay niya sa ’yo at wala nang mas pepersonal pa sa ginawa n’yo sa loob ng opisina mo. At naka-lock pa talaga! Argh ! Buwisit ka!”
Tatampalin niya sana ito sa pisngi pero napigilan nito ang kamay niya.
“Ako nga ang dapat magalit, eh. Nakikipaghawak-kamay ka sa ibang lalaki—”
“Buwisit ka!”
“At wala kang karapatang tawagin akong buwisit.” Nagtatagis ang mga bagang nito. “Ikaw ang nanloko sa ’kin, ’tapos ako ngayon ang pagbibintangan mo? Now that’s just plain bullshit!”
Sisigawan niya uli sana si Lysander katugon ng pagsigaw nito sa kanya nang biglang may sumigid na kirot na gilid ng tiyan niya.
Napangiwi siya at napaigik. “Aray…” Sinapo niya ang gilid ng tiyan, saka hindi maipinta ang mukhang napatingin siya kay Lysander na gumuhit ang pag-aalala sa mukha. “Boss… ang sakit…”
“Fuck!” pagmumura ni Lysander, saka mabilis siyang pinangko. Lumabas sila ng restroom na buhat-buhat siya nito.
“Kasalanan mo ’to, Boss,” paninisi niya sa lalaki habang nakasakay sila sa elevator. Panay ang igik niya dahil sa sakit na sumisigid sa gilid ng tiyan niya. “Kasalanan mo ’to. Ini-stress mo kasi ako!”
“Oo na, kasalanan ko na,” sabi ni Lysander, saka lumabas ng elevator.
Pinagtitinginan sila ng mga tao at mga empleyado na nasa lobby pero pareho silang walang pakialam. Mabilis itong lumabas ng gusali, saka mabilis din siyang naisakay sa kotse nito at pinaharurot ’yon patungo sa kung saan.
“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya kay Lysander habang sapo pa rin ang gilid ng tiyan.
“Sa ospital ni Krisz,” sabi nito habang ekspertong nagmamaneho. “Mga high tech ang kagamitan nila roon. Masusuri ka at si baby nang mabuti.”
Nalukot ang mukha ni Jergen nang may sumigid ulit na kirot. Ngayon ay sa tagiliran naman niya. “Shit!” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling magreklamo sa sobrang sakit. “Araaaayyy! Lysaaaander! Masakit!”
“Malapit na tayo, baby,” malambing nitong sabi.
Pinukol na naman niya ito ng tingin. “So what? Baby mo na naman ako? Hindi ka na first name basis tulad kanina?” Napaigik na naman siya. “So balik tayo sa endearment, ganoon?”
Napabuntong-hininga ito, saka sinulyapan siya. “Galit lang naman ako kanina pero dalawa lang naman ang baby ko, eh,” sabi nito, saka huminga nang malalim. “Ikaw at ang baby sa sinapupunan mo.”
Parang tumalon ang puso niya pero para itago ang kilig na nararamdaman, inirapan niya ito. “Buwisit ka, Boss.”
“I know,” sabi nito, kapagkuwan ay ipinarada ang kotse sa harap ng Romero’s Hospital Main Branch. “Were here.”
Tulad kanina, pinangko na naman siya ni Lysander papasok sa emergency room at nagpa-panic na kinausap ang nurse na sumalubong sa kanila. “Where’s the fucking doctor? I have an emergency here!”
Agad silang iginiya ng nurse patungo sa bakanteng higaan. “Tatawagin ko lang ang doktor, Sir, Ma’am,” paalam nito.
At nang bumalik ang nurse, may kasama na itong lalaking doktor. Akmang hahawakan siya ng doktor nang pigilan ito ni Lysander sa pupulsuhan habang madilim ang mukha.
“Don’t you dare touch my wife if you don’t want to be a patient, Doc.”
“Sir, I am the resident doctor here—”
“I don’t care. Call Dra. Krisz Wolkzbin or any female doctor that you have,” sabi ni Lysander. “My wife is pregnant.”
Dahil siguro sa dilim ng mukha ni Lysander at sa talim ng mga mata nito, umatras ang doktor at tumango. “Tatawagin ko na si Dra. Stroam.”
Akmang sisinghalan niya si Lysander dahil pinapairal na naman nito ang ka-weird-ohan nang sumakit na naman ang tiyan niya.
“Shit!” mura niya.
Akmang mumurahin niya si Lysander kasi pinaalis nito ang doktor na dapat titingin sa kanya nang may dumating na babae.
“Hey, Lysander,” sabi ng doktora na mukhang kilala ang asawa niya, saka bumaling sa kanya. Pamilyar ang boses nito sa kanya pero hindi niya matukoy kung saan niya narinig. “Ilang buwan ka nang buntis, Misis?”
Natigilan si Jergen at nahihiyang nag-iwas ng tingin. “Hindi ko pa alam. Nalaman ko palang noong isang araw—”
“At itinago niya sa ’kin,” pagtatapos ni Lysander sa iba pa niyang sasabihin.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Huwag ka ngang sumabad diyan!”
Mahinang natawa ang doktora. “Hay naku, buntis ka nga. Katulad na katulad mo ako kapag buntis, palagi akong inis sa asawa ko. Napakadali kong mabuwisit.” Napailing-iling ito. “Anyway, we have to run some test to make sure.”
Sabay silang tumango ni Lysander.
“Do it, Doc,” sabi ni Lysander.
Nginitian siya ng doktora, saka dinala sa isang kuwarto na puno ng high tech na kagamitan. Doon isinagawa ang mga test. Pagkatapos ng ilang test, natapos din ’yon at kinausap sila ng doktora.
“Wala namang masyadong nakakabahala sa test results,” panimula nito. “Medyo bawas lang sa stress at sa pagtatrabaho. You need to rest, Misis. Kaya sumakit ang tiyan mo dahil sa sobrang stress. Nakakasama kay baby ang stress kaya iwasan mo ’yon. Lalo na’t hindi masyadong malakas ang kapit ni baby. Hindi ko naman isina-suggest na mag-ala imbalido ka sa bahay n’yo, basta huwag lang too much na paggalaw. At kung may trabaho ka ngayon, I suggest you take a vacation, a very long vacation from work. Because if you don’t, si baby ang magsa-suffer.”
Bumaba ang tingin niya sa kanyang tiyan, saka hinaplos iyon. “Okay lang ba siya, Doc?”
“For now, yes,” sagot ng doktora. “But if you continue working and stressing yourself out, the baby will not be okay.” May iniabot itong reseta sa kanya. “Those are vitamins for you and for the baby. May gamot din diyan para mas kumapit pa si baby sa ’yo.” Ngumiti ito. “Ingatan mo si baby, okay? And after two weeks, pumunta ka sa clinic ko.” Nagbigay ito ng business card sa kanya. “Itse-check natin after two weeks ang lagay ni baby.”
Tumango si Jergen, saka ngumiti. “Salamat, Doc.”
Ngumiti rin ito. “Sige, ingat kayo. And it’s nice to see you walking straight. Akala ko ilang buwan kang maiimbalido dahil sa lacerations mo.”
Namilog ang mga mata niya kasabay ng pamumula ng pisngi. “Doc?”
Dra. Stroam grinned. “I was the one who check up on you that day… So, ahm, don’t mind me.”
Nag-init ang buo niyang mukha. “Ahm, ahm, ano kasi…” Hindi niya alam ang sasabihin.
Kinindatan siya ng doktora. “Don’t be embarrassed. You should be proud. I am,” sabi nito na nagmamalaki. “I’m proud to say that my husband is big and long.” Mahina itong tumawa. “See yah after two weeks, Mr. And Mrs. Callahan.”
Namumula pa rin ang pisngi ni Jergen hanggang sa lumabas sila ni Lysander ng ospital. Nang makasakay sila sa kotse, humarap sa kanya ang asawa.
“That’s it,” sabi nito. “You’re taking a leave from work.”
Hindi na siya umangal at tumango na lang. “Sige. Para kay baby.”
Tumango ito. “Ako muna ang bahala sa opisina.”
Umingos siya. “Kaya mo kaya, eh, tamad ka.”
“For you and for our baby, I’ll try to be as hardworking as you.” He gave her a small smile. “Okay?”
Matiim niya itong tinitigan, saka tumango. “Okay. But an answer me first.”
Kumunot ang noo nito. “What?”
“Isa ito sa dahilan ng stress ko. Palagi itong laman ng isip ko at gulong-gulo na ako. Pero ayoko namang mag-assume at wala akong tapang na itanong ito sa ’yo pero kasi nadadamay na si baby. Okay lang noon kasi ako lang iyong nai-stress pero iba na ngayon. Dalawa na kami at kailangan ko siyang alagaan nang mabuti. Kaya ayoko nang makipaghulaan sa ’yo, ayoko nang makipaglaro ng Madam Auring sa ’yo. Ayoko nang mag-isip ng kung ano-ano tuwing may ginagawa kang nakakapagpatibok nang mabilis sa puso ko. At ayoko na ring palagi akong nag-a-assume. Kaya ngayon, sagutin mo ako.”
Sinalubong ni Lysander ang matiim niyang tingin. “Ask me, Jergen.”
Huminga siya nang malalim. “Yes or no, Lysander. Mahal mo ba ako?”
CECELIB | C.C.
CHAPTER 21
CHAPTER 21
“ HUWAG natin iyang pag-usapan dito ,“ iyan ang sinagot ni Lysander sa tanong ni Jergen kung mahal ba siya ng lalaki. Mahina na lang siyang natawa at napailing-iling. Nakakahiya ang katapangan niya pero gulong-gulo na siya. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin, lalo na’t may ipinapahiwatig ang mga kilos nito.
Pero ayaw niyang mag-assume. Ayaw niyang pangunahan si Lysander. At nang maglakas-loob naman siyang tanungin ito, walang kuwenta naman ang isinagot sa kanya.
Gusto niyang sabunutan ang sariling buhok sa sobrang frustration na nararamdaman.
“Shit ka talaga si Lysander!” inis niyang sigaw.
Nagpapadyak siya. Nasa loob siya ngayon ng kuwarto ni Lysander at kanina pa niya gustong sumigaw sa sobrang sama ng loob. Pero iniisip niya ang baby niya. Mas ito ang dapat niyang isipin kaysa sa ama nitong walang kuwenta na nakakabuwisit.
Inis na nahiga si Jergen sa kama, saka matalim ang matang tumitig siya sa kisame. Buwisit ang lalaking ’yon! Pagkatapos kong kapalan ang mukha ko, ganoon pa ang isasagot niya sa ’kin. Sana sinabi na lang niya na hindi niya ako mahal para naman mag-move on ako kahit hindi naman naging kami. Kaysa naman ganoon na lalo lang siyang naguluhan.
Inis na bumangon siya, saka lumabas ng kuwarto. Nasaan na ang lalaking ’yon? Pagkatapos siyang ihatid sa bahay ay basta na lang umalis dahil babalik daw sa opisina. Para ano? Para balikan si Miss Montero? Naroon pa ba ang babaeng ’yon?
Hindi niya mapigilang mapahikbi. Ang buwisit na lalaking ’yon. Nagsawa na ba ito sa kanya? Dumating na ba ang expiration date niya? Ayaw na ba nito sa kanya?
Napahikbi na naman siya.
Buwisit!
Huminga siya nang malalim.
Huwag kang iiyak, Jergen. Matapang ka!
pagkausap niya sa sarili.
Maging matatag ka at matapang para sa anak mo. Kung hindi ka mahal ng letseng lalaking ’yon, eh, di mag-move on ka!
Inis siyang nagtungo sa kusina, saka pinakialaman ang laman ng cup board. Napalunok siya at natakam nang makakita ng maraming palaman sa loob niyon.
Nutella, my favorite . Cheese spread, puwede na . Peanut butter… Nanubig ang mga bagang niya. Hmm, masubukan nga itong peanut butter.
Mabilis niyang inilabas ’yon sa cupboard, saka binuksan ang ref at naghanap ng sliced bread. Nang makahanap, mabilis siyang nagtungo sa mesa at nilagyan ng peanut butter ang sliced bread at mabilis na kinain ’yon.
Napapikit na lang si Jergen nang malasahan ang peanut butter sa bibig niya. Ang sarap. Parang dinala siya ng masarap niyong lasa sa langit. Sa mga oras na ’yon, walang makakatalo sa peanut butter para sa kanya kahit pa ang Nutella.
Maybe this is a pregnant thing.
“Hmm… this tastes good,” pabulong niyang sabi, saka naglagay na naman ng palaman sa isa pang sliced bread.
Hanggang sa naubos niya ang sliced bread na kinuha niya sa ref. Tinatamad na yumupyop siya sa mesa at pinagkrus ang braso sa gilid at ginawa iyong unan.
Bigla siyang nakaramdam ng antok kaya naman ipinikit muna niya ang mga mata para ipahinga ’yon. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Nagising na lang siya nang maramdamang parang may dumadampi sa balikat niya.
Napadaing si Jergen at unti-unting iminulat ang mga mata. Kapagkuwan ay napahalinghing na naman nang makaramdam ng kiliti sa leeg niya. Ang sarap ng sensasyong ’yon. Bumaling siya sa pangahas na gumagawa n’on at hindi na siya nagulat nang makitang si Lysander ’yon.
Mabilis siyang tumayo at umiwas dito, saka pinukol ito ng masamang tingin. “Don’t come near me!” asik niya dahil sa inis na nararamdaman para dito.
Pero hindi nakinig si Lysander, inisang hakbang nito ang distansiya nila, saka niyapos ang baywang niya. Inilapit ang bibig nito sa tainga niya at parang nang-aakit na bumulong. “I want you, baby…”
Marahas siyang umiling. “Wala kang karapatang sabihin ’yon…” Itinutulak niya ito palayo sa kanya pero para itong pader na ayaw magpatibag sa kinatatayuan. “Please… Lysander… Napapagod na siyang itulak ito palayo. “Kung wala naman akong halaga sa ’yo, huwag mo namang gawin sa ’kin ’to. Kung hindi mo ako mahal, ayos lang ’yon. Pero itigil mo ’tong ginagawa mo kasi lalo akong maguguluhan at nai-stress nang dahil sa ’yo.”
Lysander softly cupped her cheeks, and then looked at her in the eyes. “Who said that I don’t love you?”
Confusion filled her eyes then she glared at him. “Puwede ba, Lysander, huwag mo akong paglaruan. Tinanong kita! Dapat sumagot ka! Alam mo ba na kinapalan ko na ang mukha ko para lang tanungin ka? ’Tapos ngayon guguluhin mo na naman ang isip ko? Ano ka sinusuwerte?”
Hinaplos nito ang pisngi niya, saka nginitian siya at inangkin ang mga labi niya. Bumaba ang halik nito sa leeg niya habang umiikot ito patungo sa likuran niya. He was kissing and licking her neck passionately and she didn’t know why she tilted her neck and moaned at the delicious sensation. She should push him away but she didn’t have the strength.
Nawala ang galit niya dahil nadadarang na siya sa ginagawa nitong paghalik sa leeg niya. Nag-iinit na ang katawan niya.
“Lysander—”
Masuyo nitong sinapo ang bibig niya para siguro hindi siya makapagsalita at pinaglandas ang dulo ng dila sa leeg niya dahilan para mapadaing siya.
Dapat galit siya rito. Pero natatalo ng masarap na sensasyon na dulot ng paghalik nito sa leeg niya ang galit at inis na nararamdaman. She liked what Lysander was doing. It was making her wet. This maybe hormones talking but she liked it. Very much.
Kinagat ni Jergen ang pang-ibabang labi nang marinig niya ang mahinang pagbulong ni Lysander sa pangalan niya habang hinahalikan siya nito sa leeg. Mahigpit siyang napakapit sa gilid ng mesa habang umiikot ang ulo niya dahil halos lahat ng parte ng leeg niya, hanggang sa batok patungong tainga ay sinasamba ng mga labi nito.
“Oh…” halinghing niya nang sapuin nito ang dibdib niya, saka iginiya siya paharap dito.
Nang makaharap siya, agad na inangkin ni Lysander ang mga labi niya. Mapusok ang mga halik nito at napapahalinghing siya tuwing sinisipsip nito ang dila niya. Napapaungol siya, lalo na nang isandal siya nito sa gilid ng mesa, saka dahan-dahang bumababa ang halik sa leeg niya habang masuyo siyang itinutulak pahiga sa mesa.
She was already lost. She had forgotten her anger… Her confusion. All she wanted now was to Lysander to continue whatever he was doing to her body.
“Lysander…” pabulong niyang ungol nang itaas nito ang pang-itaas niyang damit para makita ang mayayaman niyang dibdib.
Her moan filled the kitchen when his tongue started playing with her nipples. Nakaawang lang ang labi niya habang umuungol siya at dumadaing pero naputol iyon nang may masagi siya. Malakas ang tunog ang nilikha niyon nang mahulog sa sahig.
Pareho silang natigilan ni Lysander. Napatigil ang lalaki sa ginagawa sa katawan niya. Kapagkuwan ay umuklo ito para pulutin siguro ang nahulog.
Jergen was panting as she laid on the table. Hindi pa bumabalik sa dating temperatura ang kanyang katawan. Nararamdaman pa rin niya ang init niyon dahil sa ginawa sa kanya ni Lysander.
Kapagkuwan ay umayos ng tayo si Lysander, nasa kamay nito ang nahulog sa sahig.
“My peanut butter…” sambit niya nang makitang hawak nito ’yon.
His eyes settled on hers. “You ate this?”
“Yeah.”
“Baby, you don’t like peanut butter,” he said in a matter-of-fact voice. “Ako ang may gusto sa peanut butter. Bumibili lang ako ng Nutella dahil iyon ang gusto mo para tuwing pumupunta ka rito noon ay may makakain ka.”
Nag-iwas siya ng tingin nang maalala ang hayok niyang pagkain ng sliced bread na may peanut butter kanina. “It’s a pregnant thing. You wouldn’t understand.”
“Really?” Binuksan nito ang takip ng peanut butter, then he dipped one finger inside, took a finger full peanut butter and rub it around her nipples.
Napamulagat siya sa ginawa nito. “Lysander!”
He smiled innocently at her. “What?”
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”
“Hmm…” Lysander just hummed, leaned into her nipples and licked the peanut butter off.
Nakagat ni Jergen ang pang-ibabang labi nang makaramdam ng kakaibang nakakakiliting sensasyon dahil sa ginawa nito. “Oh…” Her toes curled. “Lysander…”
Lysander dipped his fingers into the peanut butter again, took two fingers full then he rubbed it from the valley of her breast down to her abdomen.
Napalunok siya nang tumingin muna sa kanya si Lysander bago ito dumukwang at pinaglandas ang dila sa balat niya na pinahiran nito ng peanut butter.
Napasabunot siya sa buhok ng asawa nang makarating ang dila nito sa may puson niya at narinig niyang napaungol ito sa sariling ginagawa.
“Oh! Lysander!” Napaliyad siya at malakas na napaungol. “Oh!”
Jergen was panting as Lysander looked into her eyes after licking off the peanut butter on her skin.
“Darn, the peanut butter tastes better on you than in a bread.”
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. “I-it’s dirty.”
Lysander smirked. “Dirty is good sometimes.” Hinawakan nito ang sweatpants na suot niya, saka ibinaba iyon kasabay ang panty niya. Nang mahubad iyon sa kanya ay pinaapak nito ang paa niya sa gilid ng mesa.
Napaawang ang mga labi niya nang maramdaman ang lamig na humalik sa balat niya. Pero agad ding nawala ang pakiramdam na iyon ng pumosisyon si Lysander sa gitna ng nakabuka niyang hita at hinalikan nito ang pagkababae niya.
Simpleng paglapat lang iyon ng mga labi nito sa kaselanan niya pero napadaing siya sa sarap. “Lysander…” ungol niya sa pangalan ng asawa.
Lysander nipped the skin on her labia and then she felt his finger rubbing something around her clitoris. Nang tingnan niya kung ano ’yon, tanging ang dulo lang ng dila ni Lysander sa sumasamba sa pagkababae niya ang nakikita at nababalot ang iyon ng peanut butter.
“Damn, you taste good, baby,” pabulong na sabi ni Lysander, saka bumalik na naman ito sa pagsamba sa pagkababae niya.
Napagat-labi na lang si Jergen habang hinihimod ng dila nito ang pagkababae niya. Napapadaing siya, umaarko ang katawan niya, napapasigaw siya sa sobrang sarap ng ginagawa nito.
“Oh! Lysander! Lysander!” She was panting, screaming his name. “Oh! Lysander!” Napasabunot siya sa buhok nito habang inaangkin ng dila nito ang pagkababae niya. Para siyang nahihibang na pabaling-baling habang nakahiga sa mesa.
From time to time as he licked her clitoris, he was rubbing peanut butter on her womanhood and then he would lick it off making her whimper, moan louder and her hips were moving. Sumasabay ang balakang niya sa paggalaw ng dila nito sa pagkababae niya. Mahigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok ng asawa at namamaos na siya sa kakaungol nang malakas.
“Oh! Oh!” Nakaawang ang mga labi niya habang umuungol at nakapikit ang mga mata. “Oh… Lysander…” Nararamdaman niyang malapit na siyang labasan. “Oh! Lysander! I’m coming…” Umaangat ang puwitan niya sa sobrang sarap ng nararamdaman. “Oh! Oh! Oh! Lysander!”
Ipinagduduldulan niya ang pagkababae sa mga labi nito. Lalo namang bumibilis ang paggalaw ng dila nito na lalong nagpapaungol sa kanya nang malakas.
“Lysander!” Napasigaw siya nang maramdamang may sumabog sa kaibuturan na sinabayan naman ng asawa niya sa pagpasok ng kahabaan nito sa pagkababae niya. “Lysander!”
Jergen screamed in pleasure when she felt her vagina walls stretched to accommodate her husband’s size and length. Ang mesa ay kasintaas ng balakang ni Lysander kaya napakadali para dito na pag-isahin ang katawan nilang dalawa.
“Oh! You feel good,” sambit ni Lysander habang nakahawak sa tuhod niya at dahan-dahang inilalabas-masok ang kahabaan sa loob niya. “Oh, baby, fuck.” Mas bumilis ang pag-ulos nito na ikinatirik ng mga mata niya.
“Oh! Oh!” malakas niyang ungol habang umiindayog ang katawan at sumasabay sa paggalaw ng katawan ni Lysander.
Umuuga ang mayayaman niyang dibdib sa bawat malakas na ulos na pinapakawalan ni Lysander. Habol niya ang hininga, wala na sa tamang huwisyo ang isip niya, tumitirik ang mga mata niya sa sarap at halos mapasigaw siya sa pag-ungol, lalo na nang maramdaman niya ang pagsabog ng orgasmo.
“Oh! Lysander!” Isang mahabang ungol ang kumawala sa mga labi niya na sinundan ng pag-ungol siya sa pangalan ng asawa.
Nakailang ulos pa si Lysander sa loob ng basang-basa niyang pagkababae. Kapagkuwan ay naramdaman niya ang pagpuno ng mainit nitong katas sa kanya. Napapikit na lang siya at mahinang napahalinghing sa kiliting hatid niyon.
“Uhm…” Nakapikit pa rin ang mga mata niya nang hugutin ni Lysander ang kahabaan nito sa loob niya.
Naramdaman niyang lumapat ang mga labi nito sa puson niya habang hinihila pataas ang ibinaba nitong sweatpants at panty niya. Ang mga labi nito ay naglalakbay pataas sa tiyan niya, patungo sa mayayaman niyang dibdib, pataas sa leeg hanggang sa naglapat ang mga labi nilang dalawa. Naisuot naman nito ang hinubad nito sa kanya.
Nalalasahan pa niya ang peanut butter sa dila nito pero may halo iyong kakaibang lasa. Was that her cum?
Iminulat ni Jergen ang mga mata nang pakawalan ni Lysander ang mga labi niya, saka matiim siyang tinitigan.
“What now?” tanong niya na may mapait na ngiti sa mga labi. Pagkatapos niyon, ano na? “Sex lang ba talaga ang kailangan mo sa ’kin, Lysander?” Hindi niya napigilan magtanong. “Is that all that you want from me? Sex? Is this what I’m good at for you?”
Ayaw na niyang masaktan pero hindi naman yata ’yon maiiwasan. Hanggang nagmamahal siya, masasaktan na masasaktan siya. Kasi ganoon naman ang pagmamahal, hindi lang puro saya ang dala niyon, may dulot din iyong pait at sakit. Kaya marami ang mga babaeng ayaw magmahal, kasi palagi na lang silang nasasaktan. Katulad na lang niya ngayon, hindi naman niya gustong mahalin ang boss niya. Hindi naman niya gustong mahalin si Lysander Callahan pero itong puso niya, talagang ito ang piniling mahalin.
She fell in love with her boss, she didn’t know how and she didn’t know when. Ang alam lang niya ay nagising na lang siya na mahal na niya ito. Period. No question ask. No reason. She just loved him. That was it.
“Lysander, please.” Her eyes were begging as she looked at him. “Just answer me, okay? Ayokong ganito na nangangapa ako. Kasi gulong-gulo na ako. Sex lang ba talaga ang habol mo sa ’kin? Ayoko na kasi ng ganito. Kung ayaw mo sa ’kin, uuwi na lang ako sa ’min. Doon na lang ako. This situation we have is confusing the hell out of me and I want to be alone and get away from you as far as I can because I’m hurting—”
“I love you, Jergen.”
Unti-unting namilog ang mata niya sa gulat nang mag-sink in sa isip niya ang sinabi nito. “What?”
CECELIB | C.C.
CHAPTER 22
CHAPTER 22
TUMUWID ng tayo si Lysander kaya naman bumangon si Jergen sa pagkakahiga sa mesa at naupo sa gilid niyon. Samantalang si Lysander ay umupo sa upuan na nakaharap sa kanya, nakapalibot ang matitipuno nitong braso sa baywang niya na para bang aalis siya at ayaw siya nitong paalisin.
Hindi pa rin makapaniwalang nakatitig si Jergen sa asawa na matiim na nakatitig sa kanya. Puno ng samu’t saring emosyon ang mga mata nito at sa unang pagkakataon, nababasa niya ang nilalaman niyon.
She could see love in his eyes. At para sa kanya ang pagmamahal na ’yon. He did say that he loved her, right? Hindi niya iyon guni-guni lang.
“P-pakiulit nga ng sinabi mo…” nauutal niyang sabi habang hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa asawa.
“I love you.” Puno ng sensiredad ang boses nito habang matiim na nakatitig sa kanya. “So darn much, my baby.”
An unexplainable happiness filled her heart. “Y-you do?”
Tumango si Lysander. “Matagal na.” Humaplos ang kamay nito sa baywang niya at tumigil iyon sa mga hita niya. “Hindi ko lang masabi sa ’yo.”
Lalong umawang ang labi niya. “T-totoo talaga ’yan?”
“Yeah.” He smiled softly at her while he looked lovingly at her. “Five years, baby. I’d been loving you for five years now.”
Parang sasabog ang puso ni Jergen sa sobrang bilis ng tibok niyon. “F-five years? Ganoon na katagal?”
He nodded. “Yeah. Ganoon na katagal. Ganoon na kita katagal kamahal, Jergen.” Mahina itong tumawa, saka napailing-iling na para bang hindi makapaniwalang limang taon na nga siya nitong minamahal. “You got me with ‘I’m really, really starving to death.’” Natawa na naman ito habang nakatingin sa kanya at hawak ang kamay niya. “You got me with your answer. You caught my attention with your hair color. And you made me fall irrevocably with your feisty attitude. Kapag pinapagalitan mo na ako, hindi ako naiinis, natutuwa ako kasi napapansin mo ako. Hindi ako pumapasok kasi may tiwala ako sa ’yo na hindi mo ipapahamak ang kompanya ko, at natutuwa ako kapag pinupuntahan mo ako sa barn o kaya dito sa bahay para lang pagalitan ako o magpapirma. I felt so special because of that.” Tumawa na naman ito at napailing-iling na parang may naaalala. “Hinahayaan nga kitang insultuhin ako at kotongan samahan mo lang akong mag-hiking. Kasi parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita. Kaya naman sinamahan kita nang umuwi ka sa inyo, kasi hindi ko kaya, eh. Alam ko sa sarili ko na hahanap-hanapin kita at maiinis ka na naman sa ’kin kapag tinext kita nang tinext at tinawagan.”
Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa kilig na nararamdaman. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “Kaya pala sumama ka sa ’kin…” Napailing siya. “’Tapos ang dami mo pang rason, gusto mo lang naman pala akong makasama.”
He chuckled. “Yeah… I just don’t know what to say to you that time.”
Inirapan niya ito. “Alam mo ba kung anong klaseng kaguluhan ang ginawa mo sa puso’t isip ko?”
“Same with me, baby.” Lysander kissed her hand then he looked intently at her eyes. “At first, I tried so hard to erase what I felt for you. I, ahm…” Parang nahihiya itong ngumiti at napakamot ng ulo. “I tried going out with a lot of women, hence your judgement that I am a playboy. Gusto kong pigilan ang nararamdaman ko, ako kasi iyong tipo ng lalaki na hindi naniniwala sa bagay na ’yan. Hindi ko matanggap sa sarili ko na nababaliw ako sa sekretarya ko. Hindi ko matanggap na ’yong kaligayan ko, nasa mga kamay mo, na ngitian mo lang ako, tingnan nang matagal, masaya na ako, kumpleto na ako. Hindi ko matanggap na baliw na baliw ako sa ’yo pero ikaw, wala lang. Ni hindi mo nga yata ako napapansin noon. At higit sa lahat, hindi ko matanggap na kahit ano’ng gawin ko, kahit saang bansa ako magpunta para makatakas sa presensiya mo… wala, eh, bumabalik pa rin ako rito sa Pilipinas para makita ka.
“I tried to settle down in Seattle like my parents, but hell, after a week of not seeing you, I went nuts, baby.” Masuyo nitong sinapo ang mukha niya habang puno ng emosyon ang mga matang nakatingin sa kanya. “I just can’t survive without you because you literally complete me and to hell with everyone and everything, I’m really, really okay with that. I don’t know how I fell in love with you, baby, I just did. I am madly, irrevocably, unconditionally in love with you. Hindi ko masabi sa ’yo noon kasi natatakot ako, nakikita ko kasi na parang wala namang epekto ang kakisigan ko sa ’yo, eh. You look at me and you see your lazy boss, not me, Lysander Callahan who’s loving you so darn much.
“But my pent-up feelings for five years had been slipping. Hindi ko na ’yon mapigilan. That’s why I’d been kissing you and touching you whenever I get the chance. I just can’t stop it. And when I tasted those lips…” Hinaplos nito ang mga labi niya habang doon nakatitig. “I got so addictive with your lips and to you. I can’t go back to the way we were.” Marahas itong umiling. “Akin ka dapat. Akin lang. Minahal kita nang limang taon, dapat sa ’kin ka.” Tumalim ang mga mata nito. “Hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba, lalo na’t natikman ko na ang pakiramdam na kasama ka. You’re mine. No one else will have you but me. You. Are. Mine. Jergen.”
Tumayo si Lysander, saka mapusok na inangkin ang mga labi niya. Ipinikit na lang niya ang mga mata habang ninanamnam ang halik. His kiss felt so good because she could feel his love for her in every move of his lips against hers. This was it. This was what she wanted to hear and feel.
“Baby?” Hinaplos nito ang pisngi niya nang pakawalan ang mga labi niya. “Look at me.”
She opened her eyes and looked into Lysander’s. “Hmm?”
“I love you.” Matiim itong tumingin sa kanya. “And I want to hear you say that you love me too. Because if you don’t, I still won’t let you go. You’re stuck with me. Wala ka nang kawala, kasal na tayo. So yes or no, mahal mo ba ako?”
Mabilis siyang tumango. “Mahal.” Pinanggigilan niya ang pisngi ng asawa. “Ilang taon na kitang pinagnanasaan, Boss, baka akala mo.” Mahina siyang natawa, saka pinisil ang tungki ng ilong nito. “Nakakainis ka alam mo ’yon? Palagi kang nagpaparamdam pero wala namang sinasabi. Akala mo nakakatuwa ’yon?” Inirapan niya ito. “Para sa babaeng mahal ka, hindi sapat ang puro paramdam lang. Dapat magsalita ka rin para hindi ako lumabas na assuming.”
Lysander just smiled. “I love you, you love me, still thinking of leaving me? Because I won’t let you leave me, baby. You’re mine and I love you. So I’m keeping you.” Tumaas ang sulok ng labi nito. “At hindi ko hahayaang mapunta lang sa wala ang pakikipagkuntsabahan ko sa tatay mo na ipakasal tayo.”
Halos malaglag ang panga niya at lumuwa ang mga mata sa rebelasyong nalaman. “You did what?!”
Lysander’s face hardened. “You heard me, baby. Akin ka lang. Hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba. And I would do anything and everything in my power to have you. Lalo na’t hindi pa ako sigurado n’on kung mahal mo rin ako kaya ginawa ko ’yon.”
Hindi pa rin makapaniwala si Jergen habang nakatitig kay Lysander. “You… you… did… that?”
“Yeah.” He looked so smug. “Do you think I would let your father marry us if I don’t love you?”
Nakaawang pa rin ang labi ni Jergen. “You… what?”
“I love you, Jergen Carbonell Camince,” madamdamin nitong sabi. “At saka wala namang masama sa ginawa ko. I just secured my relationship with you. From single to married.” He grinned. “How’s that, baby?”
Nakaawang pa rin ang labi niya. “And here I thought you were force to marry me…” Napailing-iling siya. “Guilty na guilty ako sa ginawa ng tatay ko sa ’tin, ’tapos ikaw pala may pasimuno niyon?” Pinukol niya ito ng masamang tingin. “You are very cunning, boss. Ano ba ang sinabi mo sa tatay ko para mapapayag siya sa kabaliwan mo?”
Malapad na ngumisi si Lysander. “Oh, nothing much. Sinabi ko lang sa kanya na may nangyari na sa ’tin at handa kitang panagutan. Ang problema ang anak niya.” Iminuwestra nito ang kamay sa kanya. “Na hindi makaramdam na mahal ko siya kahit panay naman ang paramdam ko. Ang manhid-manhid mo, baby.”
She glared at Lysander. “So ako pa ngayon ang mali. Sino kaya iyong panay ang paramdam pero wala namang sinasabi?” Namaywang siya at inirapan ito. “Boss, hindi ako manhid, sadyang torpe ka lang talaga.”
Mahina itong natawa, saka masuyo siyang hinalikan sa mga labi. “Oo na, torpe na ako, ang importante mahal kita nang sobra at ’yon ang totoo.”
Sinundot niya ang tagiliran nito. “Ikaw talaga, Boss, ’yang mga pakilig moves mo, saka salita, ’yan, ’yan ang dahilan kaya nahulog ako sa ’yo.”
“Handa naman akong saluhin ka,” sabi nito habang titig na titig sa mga mata niya. “I’m just here, baby. And I’m not gonna leave you. Ever. Ngayon pa ba na kasal na tayo—” Bigla itong napatigil sa pagsasalita. “Wait here, baby, may kukunin lang ako sa kotse ko.”
Kunot ang noong napatitig na lang si Jergen sa papalayong bulto ni Lysander na palabas ng kusina. Ilang minuto lang ang lumipas, bumalik agad ito, may dala na itong brown envelope.
“Ano ’yan?” kunot ang noong tanong niya sa hawak nitong envelope.
Nakangiting bumalik si Lysander sa harap, niya saka inilabas ang laman ng envelope na hawak at ipinakita sa kanya. “Here’s the proof that you’re all mine, baby. Mine and mine alone.”
Kunot pa rin ang noong tinanggap niya ang papeles na hawak nito, saka binasa ang laman niyon.
Marriage certificate
Nakaawang ang mga labi niyang binasa ang lahat ng nakasulat sa marriage certificate na hawak. Lahat ng impormasyong nakasulat doon ay tama at hindi lang ’yon, nakarehistro na ’yon. Ibig sabihin ay legal talaga silang mag-asawa ni Lysander.
Nag-angat siya ng tingin sa lalaki. “Saan mo nakuha ’to?”
“Naalala mo nang ipadala ko sa nanay mo ’yong pinirmahan natin noong mospital ang tatay mo?”
Tumango siya. “Oo, naalala ko.”
“At ’di ba lumabas ako?”
“Oo.”
“Sinabihan ko iyong kumpare ng tatay mo na ideretso ’yon sa city hall para wala ka nang kawala na sinang-ayunan naman ng tatay mo. ’Tapos ibinigay ko ang address ko ang sinabing padalhan ako ng kopya.” Ngumisi ito. “Okay ba, baby? Ang galing ko, ’no?”
Pabiro niya itong kinurot sa dibdib, saka napailing-iling. “You are really cunning, Boss. Kaya naman pala galit na galit ka nang pumunta sina Carlos sa bahay.”
“Of course.” Nagdilim ang mukha nito. “Akin ka, eh, ’tapos darating siya at aagawin ang babaeng mahal ko? Ano siya, sinusuwerte?”
Hindi niya mapigilan ang mapangiti. “Selos ka, ’no?”
His eyes darkened. “Don’t remind me, baby. I might just go back to your province and throttle that bastard for looking at you with desire. Only I get to do that,” may diin nitong sabi.
Mahina siyang natawa, saka dumukwang ang hinalikan ito sa mga labi at nagtanong. “At si Khairro?”
“He was trying to steal my baby away.” Tumalim uli ang mga mata nito. “Hindi ako papayag. Akin ka mula nang mag-apply ka sa kompanya ko.”
Parang tatalon at lalabas ang puso ni Jergen sa kanyang dibdib dahil sa kilig na nararamdaman. At nang hindi siya magsalita at nanatiling nakatitig lang dito, ito ang bumasag sa katahimikan na bumalot sa kanila.
“I, ahm…” May kinuha ito mula sa bulsa sa likod ng pantalon. Ang kamay nito na nakakuyom ay ihinarap sa kanya at ngumiti ito. “I…” Parang hindi nito alam ang sasabihin, saka para itong nahihiya.
“What is it, Lysander?” usisa niya. “Spill it. Now.”
Huminga si Lysander nang malalim na para bang humuhugot ito ng lakas ng loob, saka nagsalita. “I pestered Ream Oliveros for this. Pagkatapos ng nangyari sa ’tin noong nag-hiking tayo, hindi ako nagdalawang-isip na magpahanap nito kay Ream. It took him a while to have this and he just gave it to me through Red Montero, the woman who came to my office who happened to be a close friend of mine way back then. Pareho kasi kaming mahilig mag-hiking kaya naging magkaibigan kami.” Huminga ito nang malalim. “Anyway, I want to ask you to be…” Ibinuka nito ang nakakuyom na palad. “… officially mine.”
Napatitig si Jergen sa singsing na nasa gitna nang nakabuka nitong palad. Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang maramdamang para siyang naluluha sa halo-halong emosyong nararamdaman. Ikinurap-kurap niya ang mga mata, saka lalong tinitigan ang singsing.
It looked ancient… antique… May maliliit na brilyante iyon sa gilid at pinapalibutan niyon ang isang bato na may kakaibang kulay na tanging noong mga sinaunang panahon lang mayroon. And it also have carvings on the gold band. Makaluma na rin ang disenyo niyon, kapareho ng disenyo ng ibinigay nitong bracelet sa kanya noong nasa probinsya sila.
Masuyong hawakan ni Lysander ang kamay niya, saka isinuot nito ang singsing sa daliri niya. Mabigat ’yon sa daliri pero napakaganda naman.
“Salamat,” madamdamin niyang sabi kay Lysander na puno ng pagmamahal na nakatingin sa kanya. “Ang ganda…” Gumaralgal ang boses niya. “Sobra-sobra na ’to, Lysander. Sapat naman na sa ’kin na mahal mo rin ako, eh.”
Hinalikan nito ang daliri niya kung saan nakasuot ang singsing habang hindi nito inaalis sa kanya ang tingin. “Nang bilhin ko ang bracelet na ’to…” Hinaplos nito ang antique na bracelet na ibinigay sa kanya. “Sabi ng shop owner may kapareha raw ’yong singsing pero nabili na ng isang collector ng antique rings kaya ang bracelet na lang ang kinuha ko. He said that this bracelet symbolizes the merchant’s feelings for his wife… And that is love. The merchant loves his wife so much. Kaya ibinigay ko ’yan sa ’yo, kasi katulad ng merchant, sobra din kitang mahal, Jergen. Kaya naman kinulit ko si Ream na hanapin ang kapareha n’ong singsing, magbabayad ako kahit magkano.”
“Bakit?” nagtataka niyang tanong. “Ayos lang naman sa ’kin kahit anong singsing basta galing sa ’yo.”
Lysander smiled. “I won’t settle just for any ring, baby. Dahil espesyal ka sa ’kin, kaya dapat espesyal din ang singsing ang para sa ’yo.” He kissed the ring on her finger. “If the bracelet symbolizes love, the ring symbolizes eternity for couple. Ang totoo, hindi naman ako naniniwala sa mga symbol-symbol na ’yan, eh. Pero kahit ano, paniniwalaan ko kung ang kapalit n’on ay makasama ka habang nabubuhay ako.”
A tear escaped her eyes. Lysander’s words were making her heart swelled in so much happiness causing her to cry in joy. “Lysander…”
Puno ng pagmamahal na hinaplos nito ang pisngi niya, saka masuyo siyang hinalikan sa mga labi. “I love you, Jergen,” bulong nito sa mga labi niya. “Marry me again, this time, sa simbahan na ang kasal natin, hindi sa sala ng bahay n’yo.”
Mahina siyang natawa habang naiiyak pa rin. “Kainis ka, pinapaiyak mo ako.”
Tinuyo nito ang mga luha niya. “Huwag kang umiyak. Baka mapaano si baby kasi stress ka na naman.”
Umiling siya. “Hindi ako stress.” Malapad siyang ngumiti. “Masaya ako, Lysander. Masayang-masaya!” Mahigpit niyang niyakap ang asawa. “Mahal na mahal kita, Boss,” madamdamin niyang sabi. “Kahit tamad ka, kahit nakakainis ka minsan, kahit ini-stress mo ako, kahit mas malaki ang sahod mo sa ’kin samantalang ako naman ang gumagawa ng lahat, kahit pa pinagtulungan n’yo ako ni Tatay at higit sa lahat kahit na torpe ka, mahal pa rin kita.”
Lysander hugged her back. “I love you too, baby. Kahit kulay-rainbow ang buhok mo na masakit na sa mata minsan, kahit pa nga baliw ka minsan, kahit iniinsulto mo ako palagi, kahit kinokotongan mo ako palagi, at higit sa lahat, kahit isa kang manhid, mahal pa rin kita. At mas pipiliin kong makasama ang isang katulad mo habang-buhay kaysa naman sa matino nga hindi ko naman mahal.”
Kinilig na naman ang puso ni Jergen kaya mas hinigpitan pa niya ang yakap sa asawa. Kapagkuwan ay pinakawalan niya ito at tumingin sa mga mata nito. “Kailan ang kasal natin, Boss? Gusto ko bongga, ha? Gusto ko enggrande, gusto ko iyong hinihila ang damit ko, nasa altar na ako pero iyong dulo ng damit ko nasa may pinto pa ng simbahan. ’Tapos gusto ko iyong reception natin ay sa isang pribadong isla, ’tapos iyong mga pagkain, bongga rin. At iyong wedding cake, gusto ko sobrang laki, as in life-size, ’tapos iyong design niya parang iyong Callahan’s Building. ’Tapos nasa tuktok ako at nakaupo sa swivel chair, ikaw naman sa likuran ko lang at nakatayo kasi nga tamad ka naman talaga at ako ang namahala sa kompanya mo ng limang taon kaya may karapatan akong mag-demand ng ganoon. And last but not the least, gusto kong mag-honeymoon tayo sa Caribbean. O, ’di ba, bongga? Dapat ngayon na tayo magpakasal para sa honeymoon natin hindi pa ako mukhang bilasang butete. Gusto ko maganda ako sa kasal natin. Iyong kagandahan ko, parang dyosa ang dating.”
Malakas na natawa si Lysander, saka pinugpog siya ng halik sa mga labi. “Anything you want baby, anything at all. I’ll gladly do it.”
Mataman niyang tinitigan ang asawa, saka buong pagmamahal na nginitian. “I love you, Lysander.”
He smiled back. His eyes gleamed in so much love and happiness. “I love you more, baby. More than anything in this world.”
She kissed her husband’s lips and smiled. “I know.”
“Good.” Then he grinned mischievously. “Now, let’s have our honeymoon first. Again.”
Natawa na lang siya nang pangkuin siya nito patungo sa kuwarto nito na kuwarto na nila ngayon.
Five years ago, Jergen would never think that her handsome boss would fall for her. But look at them now, happy, contented and they loved each. Wala na silang mahihiling pa. Dahil para sa kanilang dalawa, ang importante ay mahal nila ang isa’t isa.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 23
CHAPTER 23
“SIR, the Architectural Department called. Hinihingi nila ang mga approved designs mo para sa bahay na itatayo sa isang luxurious subdivision. Handa na po ba?” tanong ni Eliza, ang sekretarya ni Calyx na ipinahiram muna ng lalaki kay Lysander dahil naghahanap pa si Lysander ng bagong sekretarya na papalit sa asawa niya.
Lysander didn’t like the idea of his wife working her beautiful ass off, lalo na’t buntis ito ngayon. Kaya mas mabuting nasa bahay na lang ito at nagpapahinga.
“Sir?” pukaw ni Eliza sa kanya.
Napakurap-kurap siya, saka iniabot ang folder dito na nasa kanan niya. “Here. Pakibigay na lang sa kanila.”
Tinanggal ni Eliza ang folder, saka tiningnan ang laman niyon. Kapagkuwan ay nakangiting ibinalik nito sa kanya. “Sir, parang ito iyong monthly report na ipinadala ng Accounting Department.”
“What?” Kunot-noong tiningnan niya ang laman ng folder at sunod-sunod siyang napamura nang makitang tama si Eliza. “Fuck. Fuck. Fuck.” Inilibot niya ang tingin sa mesa niya at nang makita ang tamang folder, ibinigay niya iyon sa sekretarya. “Here. That’s the one.”
Tiningnan uli ni Eliza ang laman, saka tumango. “Ito nga po ’yon, Sir.” Akmang aalis na ito nang humarap uli sa kanya na parang may naalala. “Siya nga pala, Sir, na-contact ko na pala si Miss Tessmarie De Leon. She’s not a wedding organizer but she’s the best in organizing parties, events and such. And she’s highly recommended by her previous clients. Pumayag na po siyang i-organize ang kasal n’yo. Nagtatanong po siya kung kailan kayo puwedeng makausap kasama ang bride?”
“Ahm…” Kailan nga ba siya free? “Maybe tomorrow? I want this wedding this month. So, we have to move fast.”
“Maybe the day after tomorrow na lang, Sir,” suhestiyon ni Eliza. “Bukas kasi naka-schedule ang food tasting n’yo para sa mga pagkain na ihahain sa reception.”
“Oh.” Kumunot ang noo niya. “Bukas na pala ’yon?”
“Yes po, Sir.” Ngumiti si Eliza. “At ipapaalala ko lang, this eleven o’clock ang meeting mo with the cake maker.”
Napamura siya bigla. “Ngayon na ’yon?”
“Yes, Sir.” Eliza smiled again. “And tomorrow after the food tasting, naka-appointment po kayo for fitting, and then may board meeting po pagkatapos. Sa makalawa naman po, meeting n’yo with your wedding organizer, then your visit to the three subdivision projects. And then, kasama n’yo pong uuwi ang gagawa ng damit ng bride para i-fitting siya. Kasi ’di ba, ayaw mo siyang maglalabas ng bahay kasi baka ma-stress siya at mapaano si baby?”
“Yes.” Tumango si Lysander.
“At na-inform ko na rin ho ang gagawa ng wedding gown tungkol sa disenyo ng damit na gusto n’yo. Ruth Pascua, a very famous wedding gown designer, said it and it could be done. She just need two weeks. At nag-confirm na rin ho si Mrs. Faith Gabriel-Yilmaz na tinatanggap niya ang kumanta sa kasal n’yo.”
“And then after that?” Parang ang busy niya, ah.
“After that, Sir, bibisitahin po natin iyong private island ni Mr. Shun Kim, kasama natin ang wedding and reception decorator para po makita niya ang lugar at ma-estimate ang expenses.”
Tumango siya. “Pagkatapos?”
“Pagkatapos ay kailangan nating bumalik agad kasi may meeting ka sa mga head engineer ng construction firm n’yo ho.”
Malakas siyang napabuntong-hininga. “And?”
“And after that, we will visit the church where you want to get wed, of course, kasama natin ang decorator at organizer.”
Napatango-tango si Lysander. “’Tapos mayroon pa?”
Nakangiting tumango si Eliza. “Marami ka pang gagawin, Sir. I suggest you brace yourself for busy weeks to come.” Pagkasabi nito n’on ay lumabas na ito ng opisina niya.
Mahina na lang siyang napamura. “Fuck. I’m fucking tired already.” Pero kasal naman nila ’yon ng baby niya kaya ayos lang.
Napasandal siya sa likod ng swivel chair, saka nalukot ang mukha nang makarinig ng mahihinang tawa.
Pinukol niya ng masasamang tingin ang mga kaibigan niyang hindi niya alam kung bakit nasa opisina niya. “Magsilayas nga kayo rito,” pagtataboy niya kina Khairro, Andrius, Thorn, Terron at Phoenix.
Tumawa lang si Khairro. “May text pala si Tyron para sa ’yo, bud.” Kapagkuwan ay may binasa ito sa cell phone. “Tell Lysander that he is welcome in our club anytime. Expecting the wedding invitation.”
Umikot ang mga mata niya. “Lumayas nga kayo. Mga istorbo kayo, eh.”
Siyempre, hindi siya pinakinggan ng mga ito.
“So… Kaya pa?”
Pinukol niya ng masamang tingin si Terron. “Ikaw kaya ang mag-organize ng kasal nang mag-isa kasi gusto mong sorpresahin ang mahal mong asawa, ’tapos may kompanya pa akong dapat asikasuhin.”
Tumawa si Terron. “That’s very hard, my man. But here’s one thing though, wala akong asawa kaya hindi kita maramdaman.”
“Ako ba ang best man mo, bud?” tanong ni Khairro na nakangisi pa rin.
He showed him his middle finger. “How about this for my best man?” He glared at him. “At bakit naman ikaw ang pipiliin kong maging best man? Best ka ba?”
“Yes, of course!” buong pagmamalaking sabi ni Khairro. “Ako yata ang pinaka-the best sa ating magkakaibigan. Ako ang pinakamayaman, pinakaguwapo, pinakasariwa at higit sa lahat ako ang pinakahabulin ng mga babae.”
“Sige, mangarap ka pa, Sanford,” sabi ni Thorn, saka napailing-iling.
“What?” Khairro asked in so much innocence. “Hindi iyan pangarap, Thorn, my man. Natupad na ang mga ’yan.”
Puno ng pagmamalaki ang boses ni Phoenix nang ito ang sumabad sa usapan. “Sa pinakamayaman, ako ’yon, sa pinakaguwapo, ako rin ’yon, sa pinakasariwa naman, ako rin iyon kasi para akong bagong pitas na bulaklak sa hardin. At sa habulin ng babae, sorry to burst your bubble, Sanford, but women pile up just to see my handsome face.”
Napailing-iling na lang si Lysander nang sagutin na naman ni Khairro si Phoenix. Nagpayaman pa ang dalawa at nagpaguwapuhan. Sasabad sana siya nang makita niyang nag-vibrate ang cell phone na nasa harap lang niya.
Inabot niya iyon ay binuksan para tingnan kun bakit nag-vibrate ’yon.
Twenty messages in Viber.
Kumunot ang noo niya, saka binuksan ang Viber app. Napailing-iling na lang siya nang makita ang isinend ni Phoenix sa group message nilang magkakaibigan na nasa ilalim ng group name na “Hotdogs.”
Phoenix: To be Callahan’s best man, you have to explain why you should be his best man and why you are the best man. MMK answers wins. Meaning kung sino ang mahaba ang sagot, siya ang magiging best man kasi hindi naman iyan babasahin ni Callahan kasi tamad siya, iisipin lang niya na ang galing-galing mo. And in English please, para naman maganda ang dating.
Hinilot niya ang sentido. His friends were really lunatics. Asahan ba naman ang isinend ni Phoenix. At talagang mahahaba ang mga sagot ng mga ito at palaging may, “I’m the best because I’m handsome and rich.”
“Get out of my office. Now,” sabi niya sa may diing boses.
Natigilan ang mga kaibigan niya at napatingin sa kanya.
“Why?” Terron asked.
“I’m busy. Now, leave,” sabi niya.
“Pero hindi mo pa sinasabi sino ang best man mo.” Si Khairro ’yon at hindi maipinta ang mukha.
“Ako na ang best man niya,” sabad ni Andrius sa usapan, saka tumaas ang sulok ng mga labi. “’Di ba, Callahan?”
Tumango siya para wala nang gulo. “Yes. Now get out.”
“Hindi ko ’to matatanggap.” Masama ang mukha ni Khairro na lumabas ng opisina niya.
Ang iba naman niya ay napapailing na nagsilabasan. Siya naman ay nakahinga nang maluwang dahil wala na ang mga baliw niyang kaibigan. At tamang-tama naman dahil dumating si Nate, ang cake maker na ka-appointment niya.
“Hi.” Nakangiting nakipagkamay siya sa dating kaklase noong high school na ngayon ay isa nang sikat na cake maker. “Nice to see you again, Nate.”
Nate smiled. “Nice to see you too, Lysander.” Umupo ito sa visitor’s chair. “So, may naisip ka na bang disenyo para sa cake o may ginawa ka bang layout para magaya ko?”
Huminga muna siya nang malalim bago sumagot. “Actually, wala pa akong layout. Pero sa tingin ko hindi na kailangan ’yon. May sample na ako actually.”
“That’s good.” Nate smiled. He looked relieved. “Can I see this sample?”
“Yeah. You just did.”
Kumunot ang noo ni Nate. “Saan?”
This was going to be weird. “When you enter my building.” He smiled. “That’s the sample. And it’s life-size. Maybe same height as me?”
Lalong kumunot ang noo ni Nate, kapagkuwan ay hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. “You got to be kidding me, right?”
“Nope.” Umiling siya. “Request ni Misis, eh. I really can’t say no to her.”
Nanunudyo ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Nate. “Ni minsan, hindi pumasok sa isip ko na tatawag ka sa ’kin para magpagawa ng wedding cake. ’Tapos ngayon, mukhang sapul na sapul ka ni Kupido.”
Mahina siyang natawa. “Well, that’s what happened when you find the one.”
“Hmm…” Napailing-iling ito. “Well, I don’t want to find this the one for me. Okay na ako sa many to mention.”
Napailing si Lysander habang tumatawa nang mahina. “Well? Can you do it?”
“Yeah, sure…” Tumango-tango ito. “A building cake. Never heard that before but what the heck, I’ll make one for you, bud.”
“Thanks.” He smiled.
“Kailan pala ang kasal?” tanong ni Nate habang patayo ito mula sa pagkakaupo.
“Twenty-seventh of this month,” sagot niya saka may idinagdag pa. “And one more thing, gusto ni Misis na iyong disenyo sa tuktok ng cake, nakaupo siya sa swivel chair, ’tapos nakatayo ako sa likuran niya.”
Nate grinned then shook his head. “Noted, Callahan.”
“Thanks, man.”
Nagkamay silang dalawa, saka umalis na ito pagkatapos. Tatawagan na lang daw siya nito kapag handa na ang cake para i-transfer sa reception.
Siya naman ay tumango lang at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho para sa kinabukasan nila ni Jergen kasama na ang anak nila. Kailangan niyang kumayod para sa pamilya niya. Hindi na puwede ang tatamad-tamad siya tulad noon. Kailangan maging masipag na siya ngayon.
Hindi namalayan ni Lysander ang oras habang nagtatrabaho. Nang tumingin siya sa orasan. Malapit na palang mag-uwian kaya naman nang magpaalam sa kanya ang pansamantala niyang sekretarya na uuwi na, sumunod na rin siyang umuwi rito.
Pagkapasok niya sa pinto ng bahay, agad niyang hinanap ang asawa niya. “I’m home, baby,” sigaw niya para marinig siya nito kung nasa ’taas man ito. “Where are you?”
Walang sumagot sa kanya kaya naman hinanap na lang niya ang asawa na natagpuan niya sa sala na natutulog sa mahabang sofa habang hawak ang remote at nakabukas ang TV.
Napangiti siya nang marinig ang mahina nitong paghilik.
Napapailing na lumapit siya kay Jergen, saka lumuhod sa tabi ng mahabang sofa. Hinalikan niya ang tiyan nito na natatakpan ng T-shirt na gawa sa cotton, saka ang mga labi naman nito ang sunod niyang hinalikan.
Jergen stirred on her sleep. Then her tantalizing eyes started opening. She stared at him. “Hey,” pabulong nitong sabi, saka nginitian siya. “Nandito ka na pala.” Umangat ang kamay nito para haplusin ang pisngi niya. “How’s work, Boss?”
Nagkibit-balikat siya. “Work is tiring and boring as always but for you and baby, I’m trying to work hard.” Nginitian niya ito, saka hinalikan uli sa mga labi. “Anyway, how’s your day, baby? Been watching TV all day?” May panunudyo ang boses niya sa huling tanong.
Mahinang tumawa si Jergen, saka iniyakap ang mga braso sa leeg niya at hinapit siya palapit dito. Pinugpog nito ng halik ang mga labi niya. “Na-miss kita, Boss.” Kinagat nito ang pang-ibaba niyang labi. “I love you.”
His heart actually skipped a beat when he heard his wife say those three magic words. “I love you too, baby…” Hinalikan niya ito sa noo, sa tungki ng ilong, saka sa mga labi. “So much.”
Ngumiti si Jergen, saka bumangon mula sa pagkakahiga. Siya naman ay tumayo na at hinubad ang Italian black shoes na suot. Akmang huhubarin niya ang jacket ng suit niya nang maunahan siya ng asawa. Ito ang naghubad sa kanya habang nanunudyo ang mga labi nitong humahalik sa leeg niya.
Lysander couldn’t help himself but to groan when Jergen licked his neck. “Damn, baby.” Yumapos ang kamay niya sa balakang nito. “You’re making me horny.”
Tumawa lang si Jergen, saka binigyang distansiya ang katawan nila. Kapagkuwan ay nagkuwento na para bang walang nangyari. “Tinawagan ko pala sina Tatay kanina. Pinapapunta ko sila rito sa kasal natin, ’tapos siyempre, sinabi ko rin kay Tatay na ang galing-galing niyang um-acting. Pang-Oscar’s siya. Hayun, tumawa lang.”
Yumakap siya sa baywang nito, saka hinalikan ito sa leeg. “’Tapos, ano’ng sabi?”
“Na bagay raw tayong dalawa.”
He chuckled then nipped the skin on her neck. “Really, now?”
“Yeah… Lysander…”
Lihim na napangiti si Lysander nang marinig ang mahinang halinghing ng asawa niya.
He was turning her on. That was good.
Pero bago pa niya maipasok ang kamay sa loob ng damit nito, dumistansiya uli sa kanya si Jergen. “Before anything else,” sabi nito na nakaharang pa ang kamay sa harap nito. “Kumusta na pala ang preparation sa kasal natin?” Ngumiti ito nang malapad. “Naumpisahan mo na ba?”
“Yep.”
Nagningning ang mga mata nito. “Lahat talaga ng request ko, gagawin mo?”
“Kung kaya ko, why not?”
Jergen grinned from ear to ear then she hugged him, kissed him and touched him. At hindi na siya nito pinigilan nang dalhin niya ito sa silid nila para doon tuluyang angkinin.
CECELIB | C.C.
CHAPTER 24
CHAPTER 24
HINDI MAPAKALI si Lysander nang sabihin ng organizer sa kanya na dumating na si Jergen habang nakatayo siya sa ibaba ng altar. Pero lampas sampung minuto na ang nagdaan sa nakatakdang oras ng pagsisimula dapat ng kasal nila pero wala pa rin ang asawa.
“Where the heck are you, baby?” he murmured in nervousness. “Don’t you dare ditch me.”
Mahinang tumawa ang katabi niya—ang best man ng kasal niya. “You are sweating bullets, my man,” sabi ni Andrius.
Humugot siya ng malalim na hininga, saka bumaling dito. “Sino ang hindi pagpapawisan?” masama ang mukha niyang tanong. “Wala pa ang asawa ko. Baka kung napaano na ’yon, o baka naman nagbago na ang isip niya at ayaw na niyang magpakasal sa ’kin. Darn! These past few days, she won’t even talk to me! Inisip kong baka naglilihi lang siya. Pero paano kung iba pala, paano kung hindi na pala niya ako mahal?”
Napailing-iling si Andrius, saka tinapik ang balikat niya. “She’ll come.”
“How would you know that? She’s now fifteen minutes late!” he hissed in frustration.
Napabuntong-hininga si Andrius, saka inginuso ang mga labi sa direksiyon ng mga kaibigan nilang may mga asawa na. “I’m single, man. Wala akong alam sa nararamdaman mo. But maybe they can chill you, those married lunatics already experienced what you are experiencing right now.”
Tama ito. Huminga si Lysander nang malalim, saka tumango. Akmang maglalakad siya para lapitan ang may mga asawa niyang kaibigan nang may pumigil sa kanya. Nilingon niya kung sino ’yon at nagulat nang makita ang organizer na si Tessmarie.
“Huwag kang gagalaw sa puwesto mo.” Pinandilatan siya nito. “Nasa labas na ang bride.”
Nagliwanag ang buong mukha niya. “Nasa labas na ang baby ko?”
Tumango ito na may munting ngiti sa mga labi. “Yes. Nasa labas na at naghahanda sa pagpasok kaya huwag kang gagalaw.”
Mabilis siyang tumango, saka tumayo nang matuwid habang pasulyap-sulyap sa nakasarang pinto ng simbahan.
“Look at you, man,” sabi ni Andrius. “Sino’ng mag-aakaala na magseseryoso ka sa isang babae at pakakasalan pa.”
Lysander smiled. “You never know, Salazar, baka ikaw na ang sumunod na magpakasal.”
Andrius snorted. “Me? Next in line? Nah .” Mahina itong tumawa. “It seems that I’m having trouble finding my ‘the one.’ Unlike you na nasa harap mo lang at walang kahirap-hirap mong nakita agad.”
Nanunudyo ang matang binalingan niya si Andrius. “So, you’ve been looking?”
Nag-iwas ito ng tingin. “I’m looking for that sign that Tyron told me.”
Kumunot ang noo niya. “What sign?”
“’Yong isang babae lang iyong nasa isip ko.” Napabuntong-hininga ito at napailing-iling. “When that happens, I’ll marry her in no time.”
Napangiti siya. “Good luck with that, my man.”
“Yeah,” Andrius grunted. “Fuck.”
Mahina siyang natawa na agad din namang nawala nang makitang bumukas ang pinto ng simbahan at sinalubong ng mga mata niya ang napakaganda niyang asawa.
His face softened as he lovingly look at his beautiful Jergen, his wife. His . Finally.
After five years or reigning his feeling, after five fucking years of suppressing his emotions for her, finally, he got her. Finally, she knew that he loved her and that was all that matters to him.
The very core foundation of his life was now walking towards him. God, he loved Jergen so much… so much that it scared him sometimes. Natatakot siya kung ano ang mangyayari sa kanya kapag hindi na siya mahal ng asawa niya, natatakot siyang may umagaw rito, natatakot siyang iwan nito at natatakot siyang hindi ito maging masaya sa piling niya.
Pero ang takot na ’yon ay unti-unting nawawala habang dahan-dahang naglalakad si Jergen papasok sa simbahan at hindi naghiwalay ang mga mata nilang dalawa. Habang nakatingin siya sa asawa, nararamdaman niyang worth it lahat ang pagod niya sa mag-isang pag-aasikaso ng kasal nila para makapagpahinga ito at hindi ma-stress. Lahat ng pagod, puyat at sakit sa katawan ay nawala nang makita niya ang masayang mukha ng asawa.
This was love, truly. He was really in love with Jergen. No doubt on that one. And he would remain in love with her forever. He was sure of that because he could feel it in his heart. Wala na siyang ibang babaeng mamahaling iba kundi si Jergen lang. Ang babaeng bumaliw sa kanya.
Nang makarating si Jergen sa harap niya, nginitian niya ito. At sa likod ng suot nitong belo, gumuhit rin ang isang matamis na ngiti sa mga labi nito.
“Hey, baby,” he said as he looked at her intently. “Finally, you’re here.”
“Hey, Boss,” she replied with a sweet smile on her lips. “Sorry, na-late ako. Iyong damit ko kasi, nahirapan silang ayusin.”
“It’s okay,” sabi niya habang titig na titig dito.
“Alagaan mo ang anak ko, Lysander,” sabi ng ama ni Jergen nang ibigay sa kanya ang kamay ng asawa niya. “Alam mo naman siguro. Itak ko ang puputol-putol sa katawan mo kapag sinaktan mo ang anak ko.”
Nakangiting tumango siya, saka iginiya si Jergen paharap sa altar.
“Thank you, Boss,” bulong ni Jergen sa kanya na ikinagulat niya
“For what?” he whispered back.
Pinisil nito ang kamay niya. “Look back and see my very long dress.”
Mahina siyang natawa, saka inilapit ang kamay nito na hawak niya sa kanyang bibig at hinalikan ’yon. “’Di ba sabi ko naman sa ’yo, kapag kaya ko, ibibigay ko sa ’yo?” Pasimple niyang binalingan ang damit nitong hanggang sa pinto nga ng simbahan ang haba. “You look beautiful in your dress, baby.”
“Thank you.” She beamed at him.
Tuluyan na silang humarap sa altar, paharap sa pari na magkakasal sa kanila. Pagkatapos ay nag-umpisa na ang seremonya ng kanilang kasal.
Pagkatapos nilang mag-I do sa tanong ng pari, ibinigay na sa kanila ang singsing.
Siya ang unang kumuha ng singsing sa lalagyan, saka isinuot iyon sa daliri ni Jergen habang matiim na nakatingin dito. “I have so many vows in my head while preparing our wedding,” panimula niya habang hawak ang kamay ng asawa at matiim na nakatitig dito para makita nito ang senseridad sa mga mata niya. “I also have many worries because I know my shortcomings. And now, as I stood in front of you, I realize that I don’t need to promise anything to you. I’ll just do it. Kasi ’di ba kapag nangako, may expectation, at kapag may expectation, palaging nandiyan ang disappointment at ayokong ma-disappoint ka sa ’kin, baby. I want you to be happy with me.” He smiled. “I love you so much, Jergen. So kung ano man ’yong mga pangako na sasabihin ko sana ngayon sa harap mo, akin na lang ’yon. I won’t promise a thing to you, because I might end up breaking them. But… there is one promise that I’m sure I won’t break, kaya malakas ang loob kong ipangako ’yon. And that is to love you and to stay with you for as long as God lets me because God knows how much it would hurt me to be apart from you. You’re my life, Jergen. Ikaw ang babaeng mahal ko, ikaw ang babaeng kumokumpleto sa ’kin, kaya hindi ko kakayanin kong mawawala ka sa ’kin. Kaya huwag na huwag mo akong iiwan kasi hindi kita hahayaan. Kung kailangan kitang itali sa baywang ko, gagawin ko, manatili ka lang.”
Mahinang natawa si Jergen, saka isinuot ang singsing sa daliri niya. “Lysander, kahit itali mo ako sa baywang mo, ayos lang sa ’kin, kasi wala rin naman akong balak na iwan ka. At huwag kang mag-alala, mahal na mahal din kita kaya hindi ko rin kayang mawalay sa ’yo. And of course, I love you the same way you love me. So I vow to stay by your side, always and forever, Lysander. Hindi ako aalis, hindi kita iiwan, hindi ako lalayo sa ’yo. Hindi ko alam kung paano nangyari basta na realize ko na lang na ikaw na rin ang buhay ko kaya huwag kang maglololoko, ipapaitak kita kay Tatay.”
Nagtawanan ang mga bisita nila sa huling sinabi ni Jergen pero hindi niya pinansin ang mga ito. Nang sinabi ng pari na puwede na niyang halikan ang asawa, agad niyang itinaas ang belo nito at mapusok itong hinalikan sa mga labi.
Naghiyawan na at nagpalakpakan ang mga bisita nila. Walang pakialam si Lysander, basta hahalikan niya ang asawa niya. Hanggang sa paghiwalayin sila ng mga kaibigan niya para magpa-picture.
“Tama na ’yan.” Boses iyon ni Khairro. “Nang-iinggit kayo ng single, eh.”
Nagtawanan ang mga kaibigan niya at nakitawa na rin siya, saka napailing-iling. Wala na talagang pag-asa ang mga ito.
Awtomatikong ngumiti si Lysander nang marinig ang sigaw ng photographer na. “Say, cheese.”
Natigilan siya at napabaling sa katabi nang maramdamang may umakbay sa kanya.
“Hey, man.” It was Tyron. “Welcome to the club of under standing men.”
He rolled his eyes. “Whatever, Ty.”
Tumawa si Tyron. “Sa tingin mo, sino’ng susunod sa ’yo?”
Lysander shrugged. “Who knows? Ni hindi ko nga alam na ako na pala ang susunod kay Evren na magpapakasal.”
Tyron chuckled then grinned. “Beware, lunatics,” sabi nito na alam niyang ang mga kaibigan nilang single ang kinakausap. “Isa sa inyo ang sunod na papanain ni Kupido, kaya maghanda kayo. Malapit na kayong gumapang sa lusak dahil sa pag-ibig. Malapit na kayong mabasbasan ng pari. Malapit na kayong maging banal.”
Sa sinabing ’yon ni Tyron, nagsitakbuhan ang mga kaibigan nilang single at naiwan ang mga kasal na.
Nagtawanan na lang silang mga naiwan, saka nagpatuloy ang picture taking kasama ang pamilya niya at pamilya ni Jergen.
Ilang minuto ring tumagal ang picture taking bago natapos at napagdesisyunang pumunta na sa reception. Sila na ang huling pupunta dahil habang nagpi-picture taking kanina ay hinatid na ang ibang mga guest gamit ang helicopter nina Khairro at Evren na naghihintay at nakaparada lang sa malaking plaza katabi ng simbahan. Ang iba naman na hindi um-attend sa kasal nila at sa reception lang makakapunta ay hinatid gamit ang cruise ship ni Cali.
“So tayo ang huling darating doon?” tanong ni Jergen sa kanya nang nasa helicopter na sila.
Nauna na sa kanila ang mga magulang nila. “Yep.” Pinalibot niya ang mga braso sa baywang ng asawa. “Why? Ayaw mo?”
“Hindi naman.” Humaba ang nguso nito. “Kaso mas mauuna nilang makita ang cake natin.”
That made him laugh. “Alam kong sasabihin mo ’yan, baby. Kaya naman sinabi ko kay Nate na itago muna ang cake hangga’t hindi pa tayo dumarating.”
Nagliwanag ang mukha nito. “Really? You did that for me?”
“Of course.” He kissed her temple. “For you, baby, anything.”
Naglalambing na yumakap ito sa kanya. “Thank you, Boss.”
“You’re welcome, baby.” Nang wala sa sariling napabaling siya sa labas ng helicopter, agad niyang pinaayos ng upo ang asawa. “Look below, baby…”
Mabilis na tumingin sa labas si Jergen at masayang pumalakpak. “My dream reception.” Bumaling ito sa kanya, saka malapad ang ngiting mahigpit siyang niyakap. “Thank you so much, Lysander!”
Lysander felt like his heart was about to explode. Seeing his wife happy just because he did what she requested for their wedding. Napakababaw talaga ng kasiyahan ni Jergen. At hinding-hindi siya magsasawang pasayahin ito araw-araw habang nabubuhay sila.
Ayos lang maging under standing siya. Wala siyang pakialam. Ang importante sa kanya ay masaya ang asawa niya, sapat na ’yon sa kanya.
Nang makababa ang helicopter, inalalayan niya pababa si Jergen. Nahirapan sila pareho dahil sa haba ng damit nito.
Natawa na lang si Lysander nang makitang nakasimangot si Jergen habang nahihirapang bumaba ng helicopter. “O, huwag magreklamo, ginusto mo ’yang damit na ’yan.”
Inirapan siya nito. “Ewan ko sa ’yo. Huwag kang magsasalita diyan, Boss. Tatamaan ka sa ’kin.”
Pinigilan niya ang matawa pero alam niyang nakikita ni Jergen na natatawa siya.
“Boss! Magtigil ka!”
Hindi na niya napigilan ang matawa. “Hindi naman, ah.”
Inungusan siya nito, saka pilit na bumaba ng helicopter. At dahil sa haba ng damit nito, muntik na itong matapilok. ’Buti na lang ay mabilis niyang nasalo ang asawa para hindi ito mapasubsob.
“That’s what you get—”
“Don’t!” pigil nito sa iba pa niyang sasabihin habang pinandidilatan siya. “Kasal natin ngayon at kung ayaw mong-outside de kulambo mamaya, manahimik ka, Boss. Ini-stress mo ako.”
Natatawang napailing na lang siya, saka pinangko ang asawa. Naglakad siya patungo sa malaking pavilion na ipinagawa niya talaga para sa reception ng kasal nila ni Jergen. Napailing-iling na lang siya uli nang makitang nakarating na sila sa pavilion pero iyong dulo ng damit ni Jergen ay nasa may dalampasigan pa.
“Your dress is too long, baby,” komento niya.
Ngumiti lang si Jergen, saka hinalikan siya sa mga labi. “And that’s thanks to you, Lysander.”
Tumaas ang isa niyang kilay. “So now we’re back to calling me by my name? Hindi na boss?”
Ngumiti ito habang nagpapaliwanag. “Kasi, Boss, ang haba ng pangalan mo. ’Tapos ayoko namang tawagin kang boss habang-buhay kasi ako na ngayon ang boss mo. Kasi nga ’di ba, asawa mo na ako?” Ngumisi ito na parang siyang-siya na boss na niya ito. “Tama ba ako, Lysander? Ako na ang boss mo, ’di ba?”
Natawang napailing na lang siya. “Yes, Boss. Now, walk.”
Nangingiting naglakad si Jergen patungo sa uupuan nila sa pavilion. Habang siya ay nakagiya sa baywang nito at inaayos ang dulo ng damit nito para hindi ito masyadong mabigatan.
Kawawa naman ang baby niya kung mabibigatan ito sa sariling dream wedding gown.
“Mr. Callahan, kami na po,” sabi ng babae na inaagaw sa kanya ang pag-aayos ng damit ng asawa.
“No,” sabi niya. “Ako na. She’s my wife. This is part of my responsibility.”
Nang makaupo si Jergen, naayos niya rin sa wakas ang pag-aayos sa damit nito. Umupo siya sa tabi ng asawa at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa.
Bumaling ito sa kanya. “What?” Bumaba ang tingin nito sa kamay nila. “May kailangan ka? Bakit hawak mo ang kamay ko?”
Umiling siya. “I just like holding your hand,” sabi niya.
Lumalam ang mga mata ni Jergen, saka hinalikan siya sa mga labi. “Ang sweet talaga ng asawa ko.”
His heart thumped rapidly. Darn. Jergen’s effect on his heart was unexplainable.
“Welcome Mr. And Mrs. Callahan,” sabi ng emcee na pumukaw sa pag-iisip niya. “And welcome, guests.” The emcee smiled. “We are gathered here today to celebrate the matrimony of Mr. And Mrs. Callahan. And to start the celebration, let’s make way for their very special cake!”
Pumalakpak si Jergen habang maliwag pa sa sikat ng araw ang mukha at nakaguhit doon ang sobrang kasiyahan at excitement. “Yehey! My cake!” tili nito.
Mahina siyang natawa, saka niyakap sa baywang ang asawa. “It’s for you, baby, so enjoy it.”
Nakangiting tumango si Jergen, saka hinalikan siya sa mga labi. Pero nang marinig ang emcee na ini-announce na naroon na ang cake, agad itong tumigil sa paghalik sa kanya, saka tumingin sa cake na nasa harap na nila ngayon.
Jergen was shocked as she looked at the cake, even he was shocked. Kung tatayo siya, talagang ka-height niya ’yon at talagang lahat ng ni-request niya ay nagawa ni Nate. Mula sa disenyo ng cake hanggang sa disenyo n’on sa pinakatuktok.
Manghang napailing-iling siya, saka nginitian si Nate na nakatayo sa tabi ng napakalaki nilang wedding cake ni Jergen. “Thanks, man,” sabi niya.
Iminuwestra ni Nate ang kamay sa cake, saka nagsalita. “For the newlyweds.” Malapad itong ngumiti. “I had a hard time transferring that here so enjoy it.”
Bumaling siya kay Jergen para sabihing para dito ang cake na nasa harap nila pero ganoon na lang ang gulat niya nang makitang umiiyak ang asawa niya. “Baby…” Agad siyang tumayo, saka masuyong sinapo ang mukha nito at tinuyo ang mga luha ro’n. “Why the heck are you crying?”
Suminghot-singhot ito. “Hindi lang ako nakapaniwala na ginawa mo ang lahat ng gusto para sa kasal natin.” Humikbi ito. “Mula sa gown ko, sa reception, sa mga pagkaing nakahain at sa cake.” Naglalambing na yumakap ito sa kanya. “You’re pampering me too much, Lysander. Baka masanay ako, sige ka.”
Natatawang hinagod niya ang likod ng asawa. “Ayos lang kung masasanay ka. I don’t mind. And I like pampering you, baby. It makes me happy.”
Kumawala ito sa pagkakayakap sa kanya, saka matiim siyang tinitigan.
“What?” tanong niya nang hindi ito nagsalita at nakatitig lang sa kanya.
Slowly, a smile appeared on her lips. “Nothing.” Umiling ito habang nakangiti. “I just felt so lucky to have you, Lysander. So darn lucky.”
Hinawakan niya ang kamay ni Jergen at dinala iyon sa mga labi niya para halikan. “I’m the lucky one, baby, kasi minahal mo ako.” Nginitian niya ito, saka iminuwestra ang kamay sa cake nila. “Well? What are you waiting for? Let’s slice it.”
Jergen’s whole face brightened, her eyes twinkled in delight and Lysander felt like he was in heaven. Seeing his wife made him happy.
Nakamasid lang si Lysander sa asawa niya habang masaya itong nag-i-slice ng cake. Inilipat nito ang ini-slice sa cake sa platito, kumuha ng tinidor, saka humarap sa kanya at sinubuan siya ng cake.
“Eat up, Lysander,” sabi ni Jergen na masayang nakangiti.
Ibinuka niya ang bibig para tanggapin ang cake. It was sweet and it tasted good. Kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na ibuka ang bibig nang subuan siya uli ng asawa. Kapagkuwan ay siya naman ang nag-slice ng cake, saka sinubuan si Jergen.
“Ang sarap…” komento ni Jergen habang nginunguya ang cake.
Nangingiting sinubuan niya uli ito, kapagkuwan ay ginawaran ito ng halik sa mga labi. “I love you,” bulong niya sa labi ng asawa habang titig na titig sa mga mata nito.
Jergen actually blushed, then she smiled. “I love you too.”
Pareho silang nakangiting tinapos ang pagkain ng cake, saka uminom ng wine na magkalingkis ang mga braso. Pagkatapos ay iginiya sila ng organizer patungo sa gitna ng pavilion at pumailanlang ang magandang boses ni Faith Gabriel-Yilmaz, ang asawa ng kanyang kaibigang si Evren, hudyat na dapat na silang mag-umpisang sumayaw.
Pinalibot niya sa baywang ni Jergen ang mga braso niya kasabay ng pagyakap ng nga braso nito sa leeg niya. Nang magtama ang mga mata nila, pareho silang napangiti.
“Thank you,” bulong ni Jergen sa kanya.
“For what?” he asked, slightly frowning.
Ihinilig nito ang ulo sa dibdib niya. “For making my dream wedding came true.”
Hinaplos niya ang likod nito. “For you, baby, anything.”
Humigpit ang yakap ni Jergen sa kanya. “This is it, Lysander. The start of our new life together.” Kumalas sa pagkakayakap sa kanya ang isa nitong braso, saka humaplos ang kamay sa dibdib niya habang nakahilig pa rin. “Bubuo na tayo ng sarili nating pamilya. Magkaka-baby na tayo. Wala nang bawian ’to. Akin ka na talaga.”
He smiled. “As if I would take everything back.” Hinalikan niya sa pisngi ang asawa. “This is it, baby, you’re really mine. Wala ka nang kawala.”
Mahina itong natawa, saka bumaba ang mga braso at sa baywang na niya yumakap. “Mahal na mahal kita, Lysander.”
Napapikit si Lysander nang marinig ang sinabi ng asawa. He could feel his heart beating fast, loving every second he spend with his wife. “Mahal na mahal din kita, Jergen,” bulong niya sa may noo nito, saka hinalikan ito roon. “Mahal na mahal.”
Tiningala siya ng asawa, saka buong pagmamahal na nginitian. “Ni sa panaginip ko, hindi ko inakala na maririnig ko iyan mula sa ’yo,” sabi nito habang matamang nakatitig sa kanya. “And hearing you say that now, it makes my heart so happy, Lysander. Very happy. Sana hindi magbago ang pagmamahal mo sa ’kin kasi alam ko sa sarili ko na hindi magbabago ang pagmamahal ko sa ’yo.”
Umangat ang kamay niya para haplusin ang pisngi nito nang masuyo. “Walang magbabago sa ’ting dalawa, baby. Our hairs may turn gray, our skin may wrinkle, our bones may give up on us and our body may die, but my love for you will never perish. Magbago na ang lahat sa ’tin pero hindi ang pagmamahal na mayroon ako para sa ’yo.”
She smiled lovingly at him. “’Yon lang ang gusto kong marinig mula sa ’yo, panatag na ako.”
“I’ll be with you, always,” bulong niya, saka masuyong hinalikan ito sa mga labi. “Hindi kita iiwan, Jergen, kaya huwag mo rin akong iiwan.”
Itinaas ni Jergen ang kamay na parang nanunumpa. “Promise. I’ll stay with you too.”
Hinalikan niya ang nanunumpa nitong kamay, saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. “I’ll hold on to that, baby.”
Lysander smiled and he felt like everything is falling into place. Everything was perfect. Perfect in a sense that they might have imperfections along the way of their marriage, but still, they were okay, they were perfect. Perfectly happy with each other.
CECELIB | C.C.
EPILOGUE
A/N:
I dedicate this to Jergen Camince. Hey girl. Hope you like it. This is for you, girl. Enjoy reading!
EPILOGUE
“DAD,” Alexander, Lysander’s fifteen years old son whined. “I already told you, it’s a no! Ayokong umuwi sa Pilipinas. Ayokong manirahan do’n. Ayokong tumira do’n. At lalong ayokong mag-aral do’n. I already have a life here in Seattle, I have friends here, I don’t want to leave, darn it.”
Tiningnan ni Lysander nang masama ang panganay niyang anak. “Don’t darn it me, Alex, I’ll ground you.”
Humaba ang nguso ni Alex. “Dad, naman kasi, eh.” Pabagsak itong naupo sa mahabang sofa, saka tumingala sa kanya na nakatayo sa harap nito. “Ayokong umuwi sa Pilipinas.” Pinagkrus nito ang braso sa harap ng dibdib. “Ayoko,” pagmamatigas nito.
Lysander sighed. “Son, alam mong pinagbigyan lang tayo ng mommy mo na manirahan dito sa Seattle dahil nanganib ang buhay niya habang nasa last month siya ng pagbubuntis sa ’yo.” Umupo siya sa tabi ng anak, saka tinapik ang balikat nito. “At nang nanganak naman siya, kailangang i-under observation ka at siya kaya naman tumagal tayo rito. Pagkatapos ay hindi na namin naisip na umuwi kasi nasanay tayong manirahan dito at naisip namin na mas maganda ang magiging kinabukasan n’yo rito. Pero ngayon, kailangan ng lolo mo ng mag-aalaga sa kanya kasi may sakit na ang lola mo na siyang nag-aalaga sa kanya noon.”
Nanatiling mahaba ang nguso ni Alex. “May ibang kapatid naman si Mommy, ’di ba? Bakit hindi na lang sila?”
“Because your mom loves your grandparents, that’s why.” Ginulo niya ang buhok ni Alex. “Understand her please, Alex. Palagi na lang si Mommy mo ang umiintindi sa ’tin mula pa noon. Dapat ngayon tayo naman kasi kailangan niya tayo. If you love your mom, you’ll return back home to the Philippines with us.” Bumuntong-hininga siya. “Doon mo tatapusin ang secondary education mo. Kapag nag-college ka na, you’ll return here to study.”
Alex sighed, his shoulder slumped in defeat. “Fine. I’ll go with you.” He looked away. “For Mom.”
Lihim na napangiti si Lysander. Alex always have a soft spot for his mom. “Good. I’ll tell your mom then.”
Tumango si Alex, saka nanatiling tahimik ng ilang segundo bago nagsalita. “So saan tayo titira do’n, Dad?”
That question made him smile. “Doon tayo titira sa bahay ko. Sa Bachelor’s Village. It has a very friendly neighborhood. I’m sure hindi ka mabo-bored do’n.”
“What’s with that creepy smile in your face, Dad?” tanong ng anak niya na hindi niya namalayang nakatitig pala sa kanya.
Mas lumapad ang ngiti niya. “Umuuwi ako sa Pilipinas para magbakasyon pero tig-isang linggo lang ’yon kasi hindi ko kasama ang mommy mo.” Mahina siyang natawa. “And now, I’ll be back for good. I miss my friends.”
“Hmm…” Ihinilig ni Alex ang katawan sa likod ng sofa. “Close ba kayo ng mga kaibigan mo, Dad?”
“Yeah. You could say that.” Napailing-iling siya nang maalala ang mga kabaliwan nilang magkakaibigan noon. “We cussed each other. We teased and made fun of each other, the we will laugh after, and that was okay kasi magkakaibigan naman kami. Kapag nag-aaway-away kami, nagbabati din agad. Kapag may nangangailangan ng tulong, full force kami palagi. We always support each other, even when it is a very crazy deed or something wicked. We’re like family in our village.” Napabuntong-hininga siya. “Fuck, I miss those lunatics.”
“Then why did you leave the village?” kapagkuwan ay tanong ng anak niya.
Humugot si Lysander nang malalim na hininga, saka napatitig siya sa kawalan. “Because I love you and your mom, so much.” Ngumiti siya. “And leaving the village was the best solution we had that time. Kung hindi kami umalis at nagpunta rito, baka nawala ka na sa ’kin at ang mommy mo. And I would never be the same if that happens. Your mom is my life, you see. I can’t live without her so I chose to leave the village for her.”
“At ngayon, babalik ka na,” sabi ni Alex. “Good for you, Dad.”
Mahina siyang tumawa. He was actually happy that he was going to see his lunatic friends. “Yeah.” Binalingan niya ang anak, saka ginulo ang buhok nito. “So, we’re good? Sasama ka na sa ’min?”
Nangingiting tumango ito. “Yeah. Sure. For you and Mom.”
“Good.”
Pareho silang mahinang natawa ni Alex, saka isinandal ang katawan sa likod ng sofa. Nasa ganoong posisyon sila nang pumasok si Jergen at ang bunso nilang anak na lalaki rin at apat na taong gulang na.
“Daddy!” Nakangiting tumakbo sa kanya si Lexander, saka agad na naglambitin sa leeg niya at naupo sa hita niya paharap sa kanya. “Daddy! Daddy! Daddy!” Malapad itong nakangiting bumaling kay Alex. “Kuya! Kuya! Kuya! Kuya!”
Alex rolled his eyes as Lex transferred to his lap. “Bakit ba kasi binigyan n’yo pa ako ng kapatid kung kailan matanda na ako,” inis nitong sabi.
Ginulo ni Jergen ang buhok ni Alex nang makalapit ito sa kanila, saka umupo sa tabi ng panganay nila. Habang nakaupo naman si Lex sa mga hita ni Alex. Napapagitnaan nila ang dalawang anak.
“Kung makamatanda ka naman.” Pinanggigilan ni Jergen ang dalawang pisngi ni Alex. “Ipapaalala ko lang sa ’yo, anak, ha, fifteen years old ka pa lang. At ipinagbuntis ko ang kapatid mo noong ten years old ka. May gatas ka pa sa labi baka akala mo.”
Bumungisngis si Lex, saka pinahid ang maliliit at matataba nitong kamay sa bibig ni Alex. “Datas! Datas! Datas!”
Mahinang natawa si Lysander nang marinig ang boses ni Lexander. Hindi nito mai-pronounce nang mabuti ang gatas.
“Tigilan mo nga ako,” naiinis na sabi ni Alex, saka hinuli ang malikot na kamay ni Lex at pinandilatan ito. “Stop pestering me you twerp—”
“Language!” sabay nilang malakas na sabi ni Jergen.
Napakagat-labi si Alex, saka pinaikot ang mga mata. “You two cussed all the time,” paghihimutok nito. “’Tapos bakit ako hindi? Eh, matanda naman na ako—”
Piningot ni Jergen ang tainga ni Alex dahilan para mapangiwi ito at mapagtigil sa pagsasalita.
“Mommy!”
Jergen smirked at their son. “Huwag kang magreklamo, tatamaan ka sa ’kin. Kung kay daddy mo ayos lang, sa ’kin, hindi. Hindi lang kita iga-ground, papaluhurin din kita.”
Napasimangot si Alex. “Mommy, naman, eh.”
Pinakawalan ni Jergen ang tainga ni Alex, kapagkuwan ay pinanlakihan ito ng mga mata. “Kilala mo ako, Alexander. I don’t bluff. Now go to your room and pack your things. Bukas na ang alis natin. Huwag matigas ang ulo kasi mas matigas ang ulo ko sa ’yo. Tatamaan ka talaga sa ’kin.”
Mahaba ang ngusong tumayo si Alex.
Pinaupo ni Jergen sa hita si Lex na nilalaro ang kulay-dark blue na buhok ni Jergen. “’Yang anak mong ’yan, Lysander, ang tigas ng ulo.”
Natatawang umusod siya palapit sa asawa niyang bagong kulay ang buhok. “I already talk to Alex. He’s good. Sasama na siya sa ’tin nang bukal sa loob.” Hinaplos niya ang buhok nito. “Hmm… Nice hair.”
Nginitian siya ni Jergen. “Yeah? You like it?”
“Of course, baby.” He kissed her temple. “You look beautiful.”
“I am the baby,” Lex suddenly whined. “Don’t call my mommy baby because I am the baby.”
Natatawang niyakap ni Lysander ang anak, saka pinugpog ng halik ang pisngi nito. “Yes, you’re the baby. Our very cute baby, now go to your brother’s room and annoy him even more.”
Bumungisngis si Lex, saka mabilis na umalis sa pagkakaupo sa hita ni Jergen at nagtungo sa hagdan para umakyat. Mabilis naman siyang tumayo para alalayan ito na hindi mahulog. Nang nasa ’taas na si Lex, sumigaw siya.
“Alex! Nasa ’taas si Lex! Bantayan mo!” sabi niya sa malakas na boses.
“Yes, Dad!” malakas ang boses ding sigaw ni Alex mula sa loob ng kuwarto nito.
Nakangiting bumalik siya sa sala at umupo sa tabi ng asawa. Inakbayan niya si Jergen, saka humilig naman ito sa dibdib niya.
“Fifteen years, Lysander.”
Kunot ang noong bumaba ang tingin niya sa asawa. “Huh?”
Tiningala siya nito. “Fifteen years na pala tayong mag-asawa.” Mahina itong natawa. “Na-realize ko lang kanina nang sabihin ni Alex kung ilang taon na siya.”
Natawang nailing si Lysander. “So, I was the only one who’s counting?” He tsked. “Baby, I’m wounded.”
Pabirong kinurot siya nito sa tagiliran. “Ang arte na naman ng asawa ko.” Hinalik-halikan siya nito sa leeg at sa pisngi, kapagkuwan ay pinanggigilan ang tungki ng ilong niya. “Naisip ko lang naman iyon kanina. Anyway, uuwi na tayo.” Nagliwanag ang mukha nito. “Excited na ako, Lysander.”
“Me too, baby.” He grinned at his wife. “Can’t wait to see my lunatic friends.” Nagtawanan sila, saka niyakap niya ang asawa. “I love you, baby.” Bulong niya.
Jergen smiled lovingly at him. “I know and I love you too, Lysander. Always. You know that.”
He smiled at his wife. “I know.”
Hinalikan niya sa leeg ang asawa at marahang sinapo ang dibdib nito at minasahe. Akmang maglalapat ang mga labi nilang dalawa nang marinig nila ang mga yabag na bumababa ng hagdan.
“Mommy! Daddy!” Boses iyon ni Lex.
Agad na naghiwalay sila ni Jergen at umayos ng upo. Ito na ang buhay nila bilang mag-asawa. Tuwing nandiyan ang mga anak nila, kailangang magtiis. Ayaw nilang nakikita silang ganoon ng mga anak nila baka gayahin sila at maaga ang mga itong makabuntis. Mga lalaki pa naman ang anak nila.
“Hey, baby,” sabi niya nang makita si Lex.
“Daddy! Mommy!” Sumampa ito sa hita niya, saka itinuro si Alex. “May nakita kami ni Kuya.”
He frowned at Alex. “What is it?”
May itinaas na larawan si Alex na hawak nito at ipinakita sa kanya. “This one.”
Realization dawned on him. “Oh.”
“Anak ’yan ni Evren, ’di ba? Si Fairen?” tanong ni Jergen habang nakatingin sa picture.
“Yeah. Hiningi ko iyan kay Evren kasi gusto kong makita ang inaanak ko para alam ko ang ibibigay na pasalubong sa kanya,” sabi niya. “Bakit mo hawak ’yan?” tanong niya kay Alex.
Alex shrugged nonchalantly. “She’s kinda pretty.”
Mahinang natawa si Lysander. “Yes. Fairen is pretty and also a brat like you.”
Alex rolled his eyes. “I’m not a brat.”
“Yes, you are,” sabi ni Jergen.
“I’m not,” nakabusangot na sabi ni Alex.
Lex grinned. “Kuya likes Ren-ren,” tudyo ng bunso nila. “Likes Ren-ren… Likes Ren-ren.”
Pinandilatan ni Alex si Lex. “Shut up, twerp!”
Tumayo si Jergen, saka piningot sa tainga si Alex. “Sabi nang huwag kang magsasalita nang ganyan, eh.”
“Ouch! Mommy!”
Panay ang bungisngis ni Lexander habang pumapalakpak pa. “Bad mouth, Kuya. Bad mouth.”
Napaupo si Alex habang nakangiwi pa rin at sapo ang tainga. “That hurts, Mom,” reklamo nito.
Matamis namang ngumiti si Jergen. “That’s what you get for bad mouthing your brother. Doon ka nga sa ’taas, mag-empake ka na.”
Alex sighed. “Tapos na. Handa na ang mga damit ko.”
“Good boy.” Hinaplos ni Jergen ang pisngi ni Alex habang matamis pa ring nakangiti. “Now pack your brother’s clothes.”
“Mom!”
Pinandilatan ni Jergen si Alex. “Go. Dalhin mo ro’n si Lex para ituro sa ’yo ang mga damit na gusto niyang dalhin. Wala tayong katulong kaya bilisan n’yo.”
Sinadya talaga nila ni Jergen na hindi kumuha ng katulong dahil namimihasa ang anak nila. Ayaw nang magtrabaho at masyado nang tamad. Natakot sila na baka magaya sa kanya si Alex na tamad kaya naman pinauwi na nila ang katulong nila.
“Move, Alex,” sabi niya sa matigas na boses. “Go. Remember our talk.”
Nakasimangot na umalis sa sofa si Alex, saka binuhat si Lex at dinala sa ’taas. Si Jergen naman ay bumalik sa pagkakaupo sa tabi niya at humilig sa balikat niya.
“Ang tigas ng ulo ng anak mo,” komento ni Jergen.
“Anak mo rin ’yon,” sabi niya, saka inakbayan ang asawa. “I can’t wait to go home, baby.”
“Me too. Miss ko na sina Nanay at Tatay.”
Mahina siyang natawa nang maalala ang tatay ni Jergen. “Sa tanda ni Tatay ngayon, kaya pa kaya niya akong itakin?”
Natawa si Jergen sa tanong niya. “Subukan natin pag-uwi? Ipapaitak kita kay Tatay.”
Natatawang niyakap niya ang asawa. “Sa makalawa, nasa Pilipinas na tayo.” Excited na siya.
Jergen just hummed and remained silent.
Siya naman ay nanatiling nakayakap sa asawa.
Fifteen years later, they were still perfectly happy with each other and now, with their kids. Who said life was not perfect? Because his life was.
“WELCOME HOME, lunatic!” sigaw ng mga kaibigan ni Lysander nang makalabas sila sa waiting area. May dala pa ang mga itong napakalaking tarpaulin at may combo na trumpeta na talagang tumutunog.
Napailing-iling na lang si Jergen. Lysander’s friends were indeed lunatics.
“Mommy? Sino sila?” tanong ng bunso niyang anak na buhat niya. “Ang iingay nila, Mommy.”
Natawa siya, saka hinalikan sa pisngi si Lex. “Mga kaibigan iyan ni Daddy mo. Mga baliw talaga ang mga ’yan at saka maiingay.”
Pinagkrus ni Alex ang mga braso sa harapan ng dibdib. “Ang init naman dito, Mommy.”
“Oo nga po, Mommy,” pakikigaya ni Lex at umaktong may tinutuyong pawis sa noo nito kahit wala naman.
Jergen rolled her eyes. “Masanay na kayo.”
Alex heaved a very deep sigh. “Why did I even say yes?”
Ginulo niya ang buhok ng panganay na anak. “Kasi mahal mo ako.”
Alex grunted. “Mom! Don’t mess with my hair. I had a hard time making it look like that.”
Pinisil niya ang pisngi nito. “Guwapo ka na kahit hindi mo ayusin ang buhok mo.”
Alex smirked. “I know, right?”
Jergen rolled her eyes. “Boastful just like his dad.”
“I heard that, baby,” sabi ni Lysander na malapit pala sa kanila, saka hinalikan siya sa mga labi.
Sumimangot naman agad si Lex. “I am the baby so don’t call Mommy baby!” His chubby cheeks were turning red. “I’m the baby!”
Tumawa lang si Lysander, saka kinuha sa kanya si Lex. Ito na ang bumuhat sa bunso nila at ipinakilala sa nga kaibigan nito. “This is my youngest, Lexander.” Kapagkuwan ay inakbayan nito si Alex. “And my eldest, Alexander.”
“Hey, kiddo,” sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan ni Lysander, saka nag-group hug kasama si Alex na nakangiwi.
“You’ll meet our sons later,” sabi ni Valerian. “You’ll be great buddies.”
“Yeah, agree,” sabi ng ibang kaibigan ni Lysander.
“But you’ll meet my daughter now,” sabi ni Evren, saka itinuro ang kotse nitong nakaparada sa parking lot. “My daughter is behind the wheels,” may pagmamalaking dagdag nito. “She’s a drifter and a license racer at young age. And I’m a proud dad.”
“Cool,” sabad ni Alex. “I drift too.”
“Great.” Inakbayan ni Evren si Alex. “Go and meet my daughter. Just play naughty, because Fairen is one hell of the devil.”
Ngumiti ang anak niya, saka napakamot ng batok. Nagkatinginan naman sila ni Lysander sa ginawi ng anak nila.
I smell something fishy…
“Mabuti naman naisipan n’yo nang umuwi,” sabi ni Cali, saka tinapik-tapik ang balikat ni Lysander.
“Yeah,” sabi ni Lysander. “We’ll stay here for good.”
“Good,” sabi naman ni Thorn. “Let’s party?”
“Are we even allowed to party?” tanong ni Tyron na pinipisil-pisil ang matabang pisngi ni Lex. “I mean, some of us are already near fifties.”
“Age is just a number, my man,” sabi ni Khairro, saka itinaas ang gitnang daliri. “Fuck that. Let’s party. Matagal-tagal na rin. Nakaka-miss ang samahan nating lahat.”
Napabaling sa kanya si Lysander, kapagkuwan ay umiling. “Maybe next time. Kailangan ko pang asikasuhin ang mga gamit namin.”
“Bud, nasa kotse na ang lahat ng bagahe n’yo,” sabi ni Terron.
“Ahm…” Lysander kept on glancing at her. “I can’t… my kids…”
“May mga anak din naman kami, ah,” angal ni Khairro. “Ngayon lang naman ’to.”
Lysander glanced at her again and she already knew what was on his mind. Hindi lang ito makapagsabi at makapagpaalam sa kanya.
Napailing na lang si Jergen. Lysander had always been like this since they got married. Lahat ng desisyon nito at lahat ng pupuntahan dapat may go signal niya.
That was her husband… So sweet, caring and very understanding.
She kissed her husband on the cheek. “Go. Mag-party na kayo, mag-clubbing kayo o kahit ano pa ang gusto n’yo. This is your night with friends.” Nginitian niya ito, saka kinuha si Lex na karga-karga nito. “I know you miss them.”
“All right!” Nag-fist bump pa si Khairro. “Let’s get wasted.”
Pumalibot ang braso ni Lysander sa baywang niya. “Okay lang talaga, baby?”
“Of course.” She winked at him. “But tomorrow, you’re mine. Now go and have some fun. Ako na ang bahala sa mga bata. At saka hindi pa naman ako nakakalimot sa pasikot-sikot dito sa Manila so kaya kong magmaneho. At huwag kang mag-alala at may GPS naman, hindi kami mawawala. Nasa akin rin naman ang susi ng gate at bahay kaya okay lang kami. So, go.”
Naghiyawan ang mga kaibigan nito, saka sabay-sabay na naglabasan sa exit. Napangiti naman si Jergen habang nakatingin sa masayang mukha ng asawa niya.
Alam niyang masaya si Lysander sa piling niya. Pero iba pa rin ang saya kapag kasama ang mga kaibigan nito kaya naman hinayaan na niya. Ngayon lang naman. At malaki ang tiwala niya sa asawa.
Lysander had proven her again and again how loyal he was to her while they were in Seattle. Alam niyang mahal siya ng asawa at sapat na ’yon para maging loyal ito sa kanya.
Natigilan si Jergen sa pag-iisip nang marinig niyang tumunog ang notification ng Viber niya. Inilapag muna niya si Lex, saka kinuha ang cell phone sa sling bag na dala at binuksan ang notification.
Napangiti na lang siya nang makita kung ano ’yon.
It was a message from Lysander.
I love you, baby. See you later. Take care. Tell the kids that I love them.
Hindi na niya ni-reply-an ang asawa, saka ibinalik ang cell phone sa bag. Hinawakan niya sa kamay si Lex at inakbayan naman si Alex.
“Mommy, saan pupunta si Daddy?” tanong ni Lex.
“Saan na tayo pupunta, Mommy?” tanong naman ni Alex.
Ngumiti siya. “Let’s go home.”
Home. Kung saan una silang nag-umpisang mangarap ni Lysander at kung saan sila unang sumubok bumuo ng pamilya. Nang magkaproblema ang pagbubuntis niya kay Alexander, agad siyang dinala ni Lysander sa Seattle. Hindi naman sila nahirapan kasi may dual citizenship pala si Lysander at dahil kasal naman sila ay madali silang nakapag-settle doon para mas ma-obserbahan siya at ang anak niya.
For fifteen years, they stayed there. Naroon na kasi ang pamumuhay nila at maayos naman ang buhay nila roon kaya hindi nila naisip na umuwi. Para na rin sa mga bata, para mabigyan ang mga ito ng magandang buhay. Pero na-realize nila ni Lysander, maganda rin naman ang buhay nila kung sa Pilipinas sila maninirahan. At nagkataon namang kailangan siya ng mga magulang niyang may sakit kaya umuwi sila.
Finally, home at last.
CECELIB | C.C.
The End
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER
“ALEX, saan ka pupunta?” kunot-noong tanong ni Lysander sa anak na malalaki ang hakbang na naglalakad palabas ng bahay. “Bakit nagmamadali ka?”
Inayos nito ang pagkakasukbit ng backpack sa likod, saka bumaling sa kanya. “I’m meeting with Pharexter, Phaxton, Levin, Tanner, Light, Saito and Trek,” sabi nito. “Pupunta kami sa racetrack ni Tito Lander.” Nagmamadaling isinuot nito ang sapatos. “I’ll be home before dinner, Dad.”
Napangiti siya habang pinagmamasdan ang panganay na anak. Naaalala pa niya noong ayaw nitong umuwi sa Pilipinas, pero ngayon mukhang masaya naman ito sa bago nitong mga kaibigan. Just like him when he was a teenager. It was always fun hanging out with his lunatic friends.
“You need cash?” tanong niya kay Alex na pinagbubuhol ang sintas ng sapatos.
“Thanks, Dad, but no thanks,” sagot nito. “May pera pa naman akong natira sa sinahod ko sa part-time job ko sa café ni Tita SM.”
That made him smile. Good. Looked like his son was growing up. “Sigurado ka bang hindi mo na kailangan ng extra cash? Baka may paggamitan ka,” pamimilit niya. Gusto niyang malaman kung bibigay ang anak niya sa tentasyon ng pera.
Alex shook his head. “ Nah . I’m good, Dad.“
Lysander felt like a proud dad. “Tumawag ka na lang kung may kailangan ka, okay?”
“Yeah, sure.” Alex gave him a small smile. “Stop worrying, Dad. Ayos lang ako.”
“Okay.” Pinagkrus niya ang braso sa harap ng dibdib. “Anyway, kailangan mo bang ihatid? I could lend you our helicopter—”
“Dad, seriously,” natatawang pigil ni Alex sa iba pa niyang sasabihin. “I don’t need a ride. Saka ihahatid naman kami nina Kuya Seth at Kuya Timber sa racetrack kaya ayos lang kami. Geez, Dad, I’m not a baby. I’m fifteen years old.”
“Still a baby to me,” sabad ni Jergen na hindi niya namalayang nakababa na pala ng hagdan mula sa ikalawang palapag. “Mag-ingat ka ro’n. Tatamaan ka sa ’kin kapag may nakita akong kahit kaunting gasgas lang.”
Napangiwi si Alex. “Mommy, naman, eh.”
Jergen smiled sweetly. “Sige na, umalis ka na. Bukas sasama ka sa ’kin, magpapa-enroll na tayo. Dalawang buwan ka nang nagpapahinga mula nang makabalik tayo rito, tapos na ang free time.”
“Sure, Mom. Bye!” Nagmamadaling lumabas si Alex.
Nagkatinginan sila ni Jergen, pagkatapos ay pareho silang napangiti.
“He’s growing up, baby,” sabi ni Lysander, saka nilapitan ang asawa at naglalambing na niyakap ito sa baywang habang nakatayo ito sa unang baitang ng hagdan. “Ayoko siyang lumaki.”
Pabirong sinabunutan siya ng asawa. “Baliw. Lalaki talaga ang mga anak natin, wala tayong magagawa diyan. Pero kahit rin ako, ayoko pa silang lumaki.” Nalulungkot itong yumakap sa leeg niya. “Alex is really growing up. It makes my heart sad.”
Hinawakan niya ang magkabilang baywang nito, saka binuhat ito pababa sa hagdan. At nang magpantay na ang mukha nila, hinalikan niya ito sa mga labi. pagkatapos ay hinalikan niya ang tungki ng ilong nito. “Don’t be sad, baby. Nandito pa naman ako, magkasama pa naman tayo. Nandiyan pa si Lex.”
As if on cue, narinig niya ang boses ng bunso nila.
“Mommy, can I swim in the pool?”
Sabay silang nag-angat ng tingin ni Jergen sa tuktok ng hagdan kung saan naroon ang bunso nila at nakaupo. Wala itong damit ni isa at kitang-kita ang matataba nitong braso, hita, paa at tiyan.
“Baby.” Pinakawalan niya sa pagkakayakap ang asawa, saka humarap kay Lex. “Bakit wala kang damit?”
“Lex, magdamit ka,” sabi ni Jergen na nasa likuran niya at nakayakap sa baywang niya. “Baka malamigan ka na naman, ’tapos sasakit ang tiyan mo. Remember the last time your tummy aches?”
Lex pouted; it made his cheeks chubbier. “Yes, Mom. I remember.” Bumungisngis ito. “I farted.”
Lysander sighed. “Go, baby, put your clothes on.”
“But it’s so hot!” Lex whined. “Kailan na mag-i-snow, Mommy?”
Pareho silang natawa ni Jergen.
Napailing siya. “Kiddo, walang snow rito sa Pilipinas,” wika niya. “Umuulan lang dito, pero walang snow.”
“Why?” Lex whined and pouted. “I want snow. I want it cold. It’s so hot here, Mommy. So hot!”
Napapailing na umakyat si Lysander sa hagdan, saka binuhat ang anak bago bumaba uli. “Ihaharap na lang kita sa aircon, baby,” pagkausap niya rito. “Wala talagang snow rito, eh.”
Lex’s small chubby hands squeezed his own chubby cheeks then rolled his eyes. “So hot, Daddy.”
Mahina siyang natawa. “You are so cute, baby.”
A cute smile stretched on Lex’s face. “I know, right?”
Pinanggigilan ni Jergen ang pisngi ni Lex. “Ikaw talagang bata ka.” Pagkatapos ay pinugpog ito ng halik sa pisngi. “Anyway, puwede bang iwan ka muna namin kina Ninong Evren mo?”
Napasimangot na naman si Lex. “Saan na naman kayo pupunta, Mommy?”
“Sa ospital, baby.” Si Lysander na ang sumagot dahil nakita niya ang lungkot sa mukha ng asawa. “Nandoon kasi si Lolo. Kailangan niya kami.”
“Then take me with you,” sabi ng bunso nila na mahaba ang nguso.
“Hindi puwede ang bata ro’n,” sabi niya. “Saka ’di ba maraming pagkain kina Tita Faith mo? ’Di ba you like Tita Faith? And Ninong Evren is spoiling you, right?”
Mahaba ang ngusong tumango si Lex. “Marami ngang foods kina Tita Faith kaya lang mami-miss ko kayo, eh.”
“Babalik din naman kami agad, anak,” sabi ni Jergen na hinahaplos ang pisngi ni Lex. “Promise. And then kapag na-transfer na si Lolo mo sa isang private room, isasama ka na namin. Ngayon kasi nasa-ICU pa siya, eh.”
“Okay.” Naglalambing itong yumakap kay Jergen, saka sa kanya. “But I’m staying naked, Mommy.”
Napailing na lang sila ni Jergen, kapagkuwan ay tumango. Kakausapin na lang nila si Faith mamaya na damitan itong anak nilang makulit.
Mabuti na lang at malapit lang ang bahay ni Evren sa bahay nila kaya agad silang nakarating doon. Si Faith ang nagbukas ng pinto at nagpapasok sa kanila. Pero agad din nitong inagaw si Lex na karga niya at ito na ang nagkarga.
“You’re so cute, baby.” Pinanggigilan ni Faith ang mga pisngi ni Lex. “What a cute baby. You want a cake?”
Nagningning naman agad ang mga mata ni Lex. “Cakes! Want cakes!”
Nagkatinginan na lang sila ni Jergen nang dalhin sa kusina ni Faith ang bunso nila. At tamang-tama naman na pababa ng hagdan si Evren.
“Hey, man,” sabi niya nang makita ito. “Iwan muna natin si Lex dito sa inyo. Bibisitahin lang namin si Tatay.”
“Sure.” Evren smiled then went to the sofa to sit. Pero bago pa makaupo, kinuha nito ang pakalat-kalat na paper bag, saka inilabas ang laman niyon, kapagkuwan ay napailing-iling. “Fairen, your dress is here!”
Nakarinig sila ng mabilis na mga yabag at nakita nila ang nag-iisang anak ni Evren na pababa ng hagdan. May headphone ito sa tainga at bahagyang itinatango ang ulo habang nakikinig ng musika.
“Fairen.” Tinanggal ni Evren ang headphone sa tainga ng anak nang makalapit ito. “Your dress is here.”
Ngumiwi lang si Fairen habang nakatingin sa damit na hawak ni Evren. “Yuck, Dad. That’s pink.”
“Yes.” Evren smiled sweetly. “It’s pink and it’s yours.”
Lalong hindi naipinta ang mukha ni Fairen. “No way in hell I that would wear that.”
Pinukol ito ng masamang tingin ni Evren. “Don’t use that tone on me, young lady. I’ll ground you.”
Napasimangot si Fairen, saka tumingin sa relong pambisig. Kapagkuwan ay matamis na ngumiti at naglalambing na yumakap kay Evren. “Daddy, ang guwapo mo ngayon. Hindi halatang matanda ka na.”
Evren give Faith a deadpan look. “May kailangan ka, ’no? Saka alam kong guwapo ako hanggang ngayon kaya huwag mo akong inuutong bata ka.”
Faith grinned. “Guwapo ka naman talaga, Daddy.” Hinaplos-haplos pa nito ang buhok ni Evren. “Anyway, can I use Spartan, your helicopter?” Ang tamis-tamis ng ngiti nito. “Please, Daddy? I hate traffic and it bores me. And you know what happened when it’s bored.”
Evren sighed in defeat. “Fine. You can use Spartan.”
“Yes!” Napasuntok pa sa hangin si Faith. saka nagmamadaling lumabas ng bahay.
Napailing-iling na lang si Evren at iminuwestra ang kamay sa sofa. “Upo kayo.”
Sabay silang naupo ni Jergen, kapagkuwan ay nagsalita siya. “Having a hard time with your daughter?”
Evren sighed heavily. “You have no idea. She’s untamable. Faith and I tried pero makulit at matigas talaga ang ulo niya. Minsan lang kung makinig ang batang ’yon.” Napailing-iling ito. “Kaya nga natakot na kaming sundan si Fairen, baka mas malala pa ang sumunod.”
Lysander chuckled. “Mas malala pala ang sa ’yo kaysa sa ’kin.”
Napailing-iling si Evren. “Ang matino lang yata sa anak ko ay ang katalinuhan niya. She’s smart, like high IQ smart.”
Lysander was impressed. “That’s good, right?”
Umiling si Evren. “Hindi ’yon maganda. People with high IQ tends to have low EQ.” Napabuntong-hininga na naman ito. “I don’t want to see her struggle because of her low EQ.”
“Mukha naman siyang normal na teenager,” wika ni Jergen.
“Not really.” Si Faith ’yon, karga pa rin si Lex na abalang kumakain ng cupcake. “Okay naman si Fairen kung kakausapin mo lang, pagsasabihan, pero hindi iyan makikinig. Tatango lang ’yan at iyon ang mas nakakatakot sa kanya kapag hindi ka niya sinagot-sagot para ilabas ang saloobin niya. Kapag tumango lang ’yan, may iniisip ’yang kakaiba. Yes, she’s very smart and that’s scary. Lalo na’t nakikita namin ang epekto ng katalinuhan niya sa kanya. Madali siyang ma-bored sa mga bagay-bagay na ginagawa niya. Madali siyang matuto ng isang bagay at madali rin siyang magsawa. Katulad na lang nang magustuhan niya ang car racing. Madali siyang natutong magmaneho at makipagkarera, pero pagkalipas ng dalawang linggo, nawala na ang interes niya at bago na naman ang gusto niya at tiyak na mabobo-bored na naman siya ro’n. It’s like a cycle for her and it’s scaring us. Ayaw naming ganoon siya. Paano na lang kung dumating sa punto na nalaman na niya lahat ng gusto niyang malaman, ’tapos ma-bored na siya sa buhay niya?”
Evren’s face fell and Lysander could feel his friend’s hopelessness. Magulang din siya kaya alam niyang mahirap ang pinagdadanan nina Faith at Evren. Mahirap naman talagang magpalaki ng anak, at lalong mahirap ang palakihin ito nang mabuti at masaya. Hindi por que may pera ang mga magulang ay sapat na ’yon para lumaking mabuti ang anak nila.
“Siguro magbabago pa naman ’yon,” sabi ni Jergen na mukhang pinapagaan ang pakiramdam ng mag-asawang Yilmaz. “Bata pa si Fairen.”
Ngumiti si Faith. “Sana nga.” Kiniliti nito ang pisngi ni Lex na bumungisngis lang. “Ang cute mo talaga.”
Lex’s chubby cheeks reddened. “Thank you, Tita Faith.”
Pinanggigilan ni Faith ang pisngi ni Lex, saka bumaling sa kanilang mag-asawa. “Sa ’min na muna itong si Lex. Mukhang kailangan kayo sa ospital, eh.”
Tumango si Jergen. “Oo. Salamat, Faith, ha?”
“Sure. No prob,” nakangiting sabi ni Faith na sinang-ayunan naman ni Evren.
“Nakaka-miss rin minsan ang bata,” sabi ni Evren.
“Sige, alis na kami,” paalam nila sa mag-asawang Yilmaz. “We’ll be back before five PM.”
“Sige. Ingat,” sabi ni Evren.
Ngumiti sila ni Jergen at nagpasalamat, saka sabay na umalis sa bahay ni Evren. Tumuloy sila sa ospital kung saan naroon ang ama ni Jergen. Kulang pa ang alagaan ito para mabayaran niya ang utang-na-loob niya rito dahil sa pagpayag nito noon sa plano niyang maikasal sila ng mahal niyang asawa.
Nang makarating sa ospital, nakipagpalitan sila kay Justine sa pagbabantay. Kailangan din kasi nitong umuwi dahil buntis ang asawa nito.
“Sige, Kuya Ly, mauna na ako,” wika ni Justine.
“Sige.” Tinapik niya ang balikat nito. “Tumawag ka na lang kapag nanganak na ang asawa mo, baka makatulong ako.”
Malapad na ngumiti si Justine. “Maraming salamat, Kuya.”
Nang makaalis si Justine, bumaling si Lysander sa pasyenteng nakaratay sa hospital bed. Nasa tabi ng higaan si Jergen na tahimik habang hawak ang kamay ng ama. Halata na sa mukha ng ama ng asawa niya ang katandaan. Puro puti na ang mga buhok nito at kulubot na ang balat.
A soft smile appeared on his lips. “Get well soon, ’Tay,” sabi niya, saka hinaplos ang maputi nitong buhok. “Pagaling ka, iinisin pa kita, eh.”
Natigilan si Lysander nang marinig ang pagsinghot ni Jergen. Parang may sumakal sa puso niya nang makitang walang imik itong umiiyak.
“Baby…” Agad siyang lumapit sa asawa, saka niyakap ito sa baywang mula sa likuran. “Don’t cry. Kapag nakita iyan ni Tatay, iitakin ka rin n’on.”
Mahinang natawa si Jergen habang umiiyak. “Ikaw talaga. Kaya inis sa ’yo si Tatay, eh.”
Pinaikot niya ito paharap sa kanya, saka tinuyo ang mga luha nito sa pisngi. “He’ll be okay. Si Tatay pa, eh, ang katawan niyan parang kalabaw. Tigasin.”
Mahinang natawa si Jergen, saka yumakap sa kanya. “Naawa lang ako kay Tatay at ang daming gastusin dito sa ospital. Hindi naman makakaambag iyong iba kong kapatid kasi kailangan din nila ng pera. Iyong ipon ko naman, hindi pa yata sapat kasi ooperahan din si Nanay sa ovary ’tapos—”
“Sshh…” Hinalikan niya ito sa noo at pinatahan habang hinahagod ang likod nito. “Huwag mo nang isipin ’yon. Ano naman ang gamit ko bilang asawa mo? Baby, asawa mo ako, ang mga magulang mo, mga magulang ko rin ’yan. Ako na ang bahala sa iniisip mong gastusin. Huwag ka nang mag-alala.”
Tiningala siya ni Jergen at tumingin sa mga mata niya. “Pero, Lysander, masyado nang marami ang naitulong mo sa pamilya ko—”
“So what?” Lysander asked, frowning. “Ang pamilya mo, pamilya ko rin kaya hindi na sila iba sa ’kin.”
Masayang ngumiti si Jergen, saka mahigpit siyang niyakap. “I love you, Lysander.”
He smiled and kissed her forehead. “I love you too, baby. Now smile. Ayaw ni Tatay na malungkot ka at umiiyak.”
Mabilis na tumango ito, saka malapad na ngumiti sa kanya. “Thank you, Lysander.”
Sinuklian niya ang ngiti nito. “Anything for you, baby.”
Yumakap uli si Jergen sa kanya. “Basta. Thank you.”
Hinaplos niya ang kulay-blue nitong buhok. “Anything for you, baby. Now smile and be happy.”
Nginitian niya nito, saka ipinakita ang masayang mukha sa kanya.
Nginitian din siya nito.
“That’s good.” He kissed her lips.
Jergen smiled. “Pasensiya ka na talaga, ha? Tinutulungan mo na nga ang kapatid ko, pati pa mga magulang ko.”
Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. “Ayos lang ’yon. Pera lang ’yon, baby. Anong halaga ng pera kung hindi naman ’yon magagamit para makatulong at mapasaya ang mga mahal natin sa buhay?”
Buong pagmamahal na hinaplos ni Jergen ang mukha niya, saka pinugpog siya ng halik sa mga labi. “Kaya mahal na mahal kita, eh.”
Mahina siyang tumawa, saka hinalikan ito sa mga labi. “And I love you too.”
Mahigpit silang nagyakapan ng asawa, saka naghiwalay nang pumasok ang nurse kasama ang dockor na susuri sa pasyente nila.
HAPON NA NANG dumating si Jennica sa ospital para palitan sila ni Lysander sa pagbabantay. Nang makauwi sila sa bahay, napangiti si Jergen nang makitang nasa sala ang dalawa niyang anak at nanunood ng Madagascar— ang paboritong pelikula ni Lex at ang pinakaayaw na palabas naman ni Alex kaya panay ang bangayan ng dalawa.
“Patayin mo nga yan,” inis na sabi ni Alex habang nakahiga sa mahabang sofa. Si Lex ay nakaupo naman sa nga hita nito.
“Ayaw!” nakasimangot na sabi ni Lex na nakadamit na ngayon at mas nilakasan pa ang volume.
Alex just groaned in annoyance.
Napailing naman sila ni Lysander, saka nilapitan ang mga anak. Nang makita sila ni Lex, agad itong umalis sa pagkakaupo at tumakbo palapit sa kanila.
“Mommy! Daddy!”
Sinalubong naman ni Lysander si Lex, saka binuhat. “Hey, baby.”
Lex grinned happily. “Dinner time! Nandito na sina Mommy at Daddy.”
Alex grunted and got up from lying on the sofa. “Ano’ng ulam?”
“Magluluto pa si Mommy,” sabi niya, saka ginulo ang buhok ng mga anak bago nagtungo sa kusina at nagluto.
One hour later, nagsasalo-salo na sila sa isang simpleng hapunan. Sinigang na hipon. Maganang-maganang kumakain sina Alex at Lex na nagpabalat pa ng hipon sa daddy nito.
“So kumusta ang racetrack?” kapagkuwan ay basag ni Lysander sa katahimikan.
Alex smiled, he seemed happy. “It was fun,” tumatango-tangong sabi nito. “I might actually enjoy my stay here.”
“That’s good.” Lysander smiler, then glanced at Lex. “How about you baby? Nag-enjoy ka kina Tita Faith mo?”
“Opo.” Ang lapad ng ngiti ni Lex. “Nagpunta po kami sa isang bahay, ’tapos pinakain ako ng maraming saging ni Tita Pretty Cza.”
Mahina silang nagtawananan, saka nagkanya-kanya kuwento sa mga nangyari sa kanila ng araw na ’yon.
Jergen could’t keep herself from smiling happily. Her family might not be perfect but they were happy and that was what mattered to her most. Alam niyang kahit na ano ang mangyari, basta kasama niya ang pamilya, basta nasa tabi niya ang asawa at kapag nanalangin siya sa Panginoon, makakaya niya lahat na darating na unos sa buhay niya… Sa buhay nilang mag-asawa at sa buong pamilya niya.
CECELIB | C.C.
THE END
FINALE: Lysander Callahan’s Sexily Ever After
The final part of Lysander Callahan’s story has been published in THE POSSESSIVE SERIES ANTHOLOGY: Nostalgia, now updating weekly on Saturday & Sundays! The Possessive 26’s sweet and tender married lives will be revealed in this nostalgic conclusion of the Possessive series.
Remember—a story is not complete without a Sexily Ever After.
Click here to read!

