loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Preso (M2M)

Preso (M2M)

KingBL14 · 8 chapters · 7,571 words

Blurb

Blurb:

Maagang naulila si Kyle Santillan. Limang taong gulang kasi siya noong pinasok ang bahay nila ng mga armadong lalaki, ninakawan, at walang awang pinatay ang kanyang mga magulang. Kamuntikan na rin siyang namatay noong mga  panahong iyon, mabuti na lang at nakaligtas siya.

Mula noon, ang kanyang tita Rhea, na nakatatandang kapatid ng mama niya ang nag-alaga sa kanya, maging ang asawa nitong si Isagani. Walang anak ang mag-asawa dahil baog ang kanyang tita, kaya siya ang itinuring na anak ng mga ito.

Maayos naman sana ang lahat… pero pagkatapos ng 18th birthday niya, ay nagsimula nang magpakita ng motibo sa kanya ang kanyang tito Isagani. Wala sana siyang balak na pansinin ito kasi ay mahal niya ang kanyang tita, at ayaw niyang masira ang tanging pamilyang natitira sa kanya.

Ang kaso, madalas ay mas malakas ang hatak ng tawag ng laman. Kaya naman nakagawa siya ng  pagkakamali at naisuko ang lahat sa kanyang tito Isagani. Hindi lang isang pagkakamali… paulit-ulit itong naganap. At aminado siya na nahulog na ang loob niya sa asawa ng kanyang tiyahin.

Pero may hangganan ang lahat. Isang gabi kasi, habang nasa kalagitnaan sila ng mainit na tagpo ay nahuli sila ng kanyang tita Rhea. Dala ng takot sa eskandalo, ay pinatay ng tito Isagani niya ang sariling asawa. Takot na takot si Kyle sa nangyari, pero mahal na niya ang kanyang tiyuhin kaya nakumbinsi siya nito na akuin ang kasalanang hindi niya ginawa. Nangako naman ang kanyang tito Isagani na tutulungan siya nitong makalaya at hindi pababayaan.

Inosente siya… ang tanging kasalanan lang ay nagpabulag sa maling pagmamahal.

Dahil dito ay nakulong si Kyle. Sa kulungan niya nakilala ang magkakapatid na Policarpio, sina Adam, Noah at Isaac. Mga pamilyadong lalaki na anak ng dating senador, at nakakulong ng panghabang buhay dahil sa patong-patong na kaso.

Kilala at kinatatakutan ang magkakapatid sa kulungan… at para sa isang bata pa na gaya ni Kyle, na hulog ng langit para sa mga presong hayok sa laman, ay kailangan niya ng proteksiyon. At nakahanda siyang gawin ang lahat para protektahan ang sarili… kahit pa maging parausan ng tatlong magkakapatid.

Habang nasa kulungan, nalaman ni Kyle na planado pala ng kanyang tito Isagani ang lahat ng nangyari, ultimo ang pagpatay sa sariling asawa at pagkumbinsi sa kanya na akuin ang kasalanan. Iyon ay para ma-solo nito ang naipong pera ng kanyang tita Rhea at para makasama na rin ang kabit nito. Bukod pa doon, wala itong balak na tuparin ang pangakong tutulungan siya. Bagkos ay balak na nitong hayaan siyang mabulok sa bilangguan.

Dito na pumasok sa isip ni Kyle ang maghiganti. Pero paano niya magagawa iyon, gayong nasa kulungan na siya’t isang preso?

Note:

wrtten by

KingBL14

Copyright © KingBL14

All Rights Reserved


This is a work of fiction.

Names, characters, business, events, places and even incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously.

And any resemblance to actual events, or locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental.


No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without a prior permission from the author.

Chapter One

“Happy Birthday!” malawak ang ngiting bati ni tita Rhea sa akin, isang umaga pagkalabas ko mula sa kuwarto nang datnan ko sila ng asawa niyang si tito Isagani na nasa hapag na.

Normal na umaga lang iyon, nakaligo na ako at nakabihis suot ang uniporme sa unibersidad na pinapasukan ko. Ako nga pala su Kyle Santillan, 18 years old na ako ngayong araw dahil nga birthday ko, at nag-aaral sa isang public university sa kursong Political Science.

Bata pa lang ako ay gusto ko nang maging abogado. Hindi dahil nakakayaman daw... kung hindi dahil bata pa lang ako ay kamuntikan ko nang masilayan ang kamatayan.

Reyna Castro ang pangalan ni mama, at Karlo Santillan  naman ang pangalan ni papa. Sa totoo lang ay parang halos wala na akong matandaang memorya kasama sila, kasi ay masyado pa akong bata noong mawala sila. Basta ang alam ko lang ay mapagmahal at maalaga sila sa akin noon kahit pa bata ako.

Housewife si mama, samantalang isa namang manager si papa ng isang factory company. Hindi kami mayaman, pero hindi rin naman nahihirapan kasi ay magaling mag-ipon at humawak ng pera ang mga magulang ko.

Limang taong gulang ako noon pinasok ng mga armadong lalaki ang bahay namin. Sa takot ng mga magulang ko na may mangyaring hindi maganda sa amin, ay ibinigay nila ang lahat ng hiningi ng mga ito. Pero parang hindi pa rin sapat ang mga nakuha nilang alahas at pera, siguro kasi ay sadyang may mga tao talaga na ganid at halang ang kaluluwa.

Bata man ako noon, ay nakita ko kung paano binaril nung isang lalaki si papa sa ulo. Pagkatapos nang mamatay ito ay pinagsamantalahan nila si mama, nang nagsawa sila ay saka rin nila ito binaril. Tapos ako... binaril din nila ako sa may dibdib, pero nabuhay ako. Ganun pa man, dala ko hanggang ngayon ang peklat dahil sa mga nangyari. Hindi lang dahil sa peklat na nasa dibdib ko na dulot ng bala ng baril, pero dahil na rin alam ko sa sarili ko na hindi na mawawala ang trahedyang iyon sa puso at isip ko. Habang buhay na ako nitong susundan sa ayaw at sa gusto ko man.

Sa pagkakatanda ko ay ilang linggo din daw ako sa ospital noon kasi ay ilang beses akong naghingalo. At nang ma-discharge na ako sa wakas, ang nakatatandang kapatid at nag-iisang pamilya ni mama ang kumupkop sa akin. Si Tita Rhea nga. At iyon ang dahilan kung bakit sa murang edad ay pinangarap ko nang maging abogado.

Hindi kasi nabigyan ng hustisya ang nangyari sa amin, at ang pagkawala ng mga magulang ko. Ni wala silang suspek na nahanap. Kaya kung may magagawa ako para mabawasan ang mga kriminal sa mundo... gagawin.

Bakit hindi ka na lang magpulis? Iyan ang tanong ni tita sa akin noong nabanggit ko sa kanya ang rason kung bakit gusto kong mag-abogado. Simple lang, wala akong tiwala sa mga pulis. At isa pa, parang masyado akong malambot para maging pulis. Oo, aminado ako sa sarili ko na iba ako sa ibang mga lalaki... literal na malambot ang kilos, mahinhin, o malamya kung tawagin ng iba... at malambot din ang puso. Pero hindi naman ako iyong tipo na gustong nagbibihis pambabae, o maingay sa kalsada. In fact, medyo may pagkamahiyain nga ako at hindi kikibo kung hindi kakausapin, unless ay may importante akong dapat sabihin.

42 years old na si tita Rhea ngayon, asawa niya si tito Isagani na 45  years old naman. Wala silang anak kasi ay baog si tita Rhea. Ganun pa man, sa nakikita ko ay hindi naman naging problema sa kanila iyon lalo na noong nasa puder na nila ako. Sila na kasi ang tumayong mga magulang ko, at ako na ang parang naging anak nila.

Isang residential glazier at aluminum fabricator si tito Isagani. Meaning, gumagawa sila ng mga aluminum na pinto, bintana at kung ano-ano pa, at sila na rin ang nag-iinstall nun. Contractor, kaya hindi lagi ay may trabaho siyang ginagawa. Kumbaga, kapag naka-secure siya ng kontrata ay saka lang siya nagtatrabaho. Kung wala naman, normally ay nasa bahay lang siya. Pero magandang pera naman ang pinag-uusapan sa ganung klase ng trabaho lalo na kapag masipag maghanap ng kliyente, kaya alam kong hindi sila nahihirapan.

Bukod doon ay may maliit na puwesto si tita Rhea sa downton ng probinsiya namin, malapit sa mismong plaza. Nagtitinda siya ng mga streetfoods doon at mabenta talaga kasi ay masarap magluto si tita, kaya naman masarap din ang timpla ng mga streetfoods, ultimo suka at sauce. Kaya binabalikan talaga siya.

Alas tres ng madaling araw ay gising na sina tito Isagani at tita Rhea, para mamalenge nga ng mga ititinda ni tita. Pagkauwi nila ng alas singko o alas sais ng umaga, ay maghahanda naman siya ng agahan at ihahanda na rin ang mga iyon. Kapag natapos na ang lahat ay matutulog at magpapahinga muna ulit siya.

Bago naman mag-alas singko ng hapon ay ihahatid na siya ni tito Isagani sa puwesto, kasama ang boy na binabayaran at pinapasweldo nila para mag-ihaw. Kapag sinuwerte si tita, wala pang alas dose ng hating gabi ay nauubos na ang tinda niya, kaya nakakauwi at nakakapagpahinga na siya. Kung hindi naman, mga alas does na siyang makakauwi, magpapahinga lang saglit tapos ay didiretso na sila sa pamamalengke.

Palaging ganun ang cycle ni tita, at every Sunday lang siya nagpapahinga, minsan nga kahit Sunday ay nagtitinda pa rin siya. Kaya naman nakasanayan ko na, na sa tuwing walang pasok ay sumasama ako sa kanya sa puwesto at tumutulong din sa kanila. Kung hindi naman, kapag maaga akong natapos sa pag-aaral at wala nang gagawin, o kung hindi naman ako pagod ay sa puwesto niya ako didiretso para makatulong kahit na papaano. Kahit pa kasi sabihin na hindi naman na ako iba sa kanila, ay nahihiya pa rin ako lalo na't alam ko sa sarili ko na dagdag ako sa mga gastusin nila.

"Salamat po, tita..." nakangiting sagot ko naman sa pagbati sa akin ni tita.

"Maupo ka na dito at kakain na tayo ng agahan," wika pa niya nang mailagay na sa hapag ang iniluto niyang bacon, itlog, tuyo at fried rice. Nakangiti naman akong humakbang palapit, tapos ay umupo na sa tabi ni tito Isagani.

Bilog kasi ang mesa namin at apat lang ang silya. Puwede na iyon sa amin kasi ay tatlo lang naman kami. Minsan ay sakto, lalo na kapag sa bahay kumakain ang katulong nila sa pagtitinda na si kuya Leo. Kapag may iba pang mga bisita, may mga mono block chairs naman kami.

Habang nakaupo sa hapag ay sabay-sabay kaming napalingon sa nakabukas na TV sa sala nang 

marinig ang isang balita.

"Inaresto at ikinulong ang magkakapatid na sina Adam, Isaac, at Noah Policarpio, na mga anak ng dating gobernador ng probinsiyang San Valentino at dati ring senador ng bansa na si Samuel Policarpio. Patong patong na kaso ang kinasangkutan ng magkakapatid, gaya ng paggamit at pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot, human trafficking, pagpatay at iba pang mabibigat na krimen..."

"Ayon sa mga awtoridad, matagal nang mino-monitor ang magkakapatid. Nakumpiska rin ang malaking halaga ng shabu at iba pang ilegal na droga mula sa kanilang hideout, at itinuturing na may malawak na network sa loob at labas ng bansa..."

"Sa kasalukuyan, pinaratangan sila ng mga kasong rape, murder, illegal drug distribution, at human trafficking, at may posibilidad na makulong ng habambuhay. Sa kabila ng kanilang prominenteng pamilya, tiniyak ng pulisya at korte na walang sinuman ang nakatataas sa batas..."

"Ayon sa korte, ang magkakapatid ay ikukulong ng habambuhay matapos mapatunayang may sala sa lahat ng pangunahing kaso laban sa kanila. Binanggit din hukuman na ang kanilang mga krimen ay 'malubhang paglabag sa batas at karapatang pantao' at nagdulot ng maraming takot at pinsala sa maraming pamilya sa bansa..."

"Samantala, tumangging magbigay ng pahayag ang pamilyang Policarpio sa media, na nagdagdag ng misteryo at tensiyon sa kaso. Ayon sa ilang source, mas pinili nilang manahimik at hindi makialam sa proseso ng korte, na mas lalo pang nagpatindi sa interes ng publiko sa buong kaso..."

"Ang mga kasong ito ay itinuturing na isa sa pinakamalaking operasyon laban sa pamilya ng dating politiko, na nagpapakita ng determinasyon ng gobyerno na labanan ang kriminalidad kahit na sino pa ang nasasangkot..."

Iyon ang mahabang sinabi ng news reporter, at tahimik kaming tatlo nina tito at tita habang titig na titig sa TV na tila ba interesado at invested sa narinig, lalo na at iyon ang probinsiya namin. Ang napakalaking probinsiya ng San Valentino, at kilala namin ang mga nabanggit... I mean, kilala sa pangalan. Lalo na't si Samuel Policarpio ay matagal nanungkulan dito sa amin bilang gobernador bago ito naging senador.

Sa totoo lang, kilala si Samuel bilang mabuting tao. Gumanda ang probinsiya namin dahil sa kanya at marami siyang natulungan. Pero noon pa man ay marami nang usap-usapan na sakit sa ulo ang mga anak niya na puro nga mga lalaki.

"Pustahan, makakalaya rin agad ang mga iyan," napapa-iling na saad ni tito.

"Sa tingin ko naman ay hindi, lalo na't napakaseryoso ng mga kaso. At saka mabuting tao si Gov, tiyak na hindi niya kukunsintihin ang mga anak niya," wika ni tita.

"Sana nga," napapa-iling na wika ni tito. "Tangi inang mga iyan, ang yaman at dami nang pera kung ano-anong kalokohan pa ang naiisip na gawin," dagdag pa nito.

"Bibig mo, umagang-umaga nagmumura ka," ani tita, kaya nagkatinginan kami ni tito at parehong natawa. Tapos ay nagsimula naman na kami sa pagkain.

Chapter Two

“Anong oras kang uuwi mamaya? Gusto mo ba magluto tayo bilang konting selebrasyon lang? Imbitahan mo ang mga kaibigan mo!” nakangiting wika ni tita sa akin mayamaya pa habang kumakain kami.

"Hindi na po, tita. Dagdag gawain at gastos lang po iyon, eh!" sagot ko.

"Eh, ano naman ngayon? Isang beses sa isang taon ka lang mag-birthday!" aniya, ginagamit ang kaparehong linya taon-taon kapag gusto niya akong ipagluto sa tuwing birthday ko.

"Oo nga naman, at saka 18 ka na hindi ba? Debut mo na pala, kaya dapat kahit na papaano may selebrasyon tayo," napapangiting wika naman ni tito Isagani, kaya napangiwi ako.

"18 po ang debut ng babae, 21 naman po ang mga lalaki..." medyo nahihiyang sagot ko, kaya mahina siyang natawa.

"Eh, saan ka ba sa dalawa?" biro naman niya.

"Pa, umagang-umaga inaasar mo na naman si Kyle!" saad ni tita. 'Ma' ang tawag ni tito Isagani kay tita Rhea, at 'Pa' naman ang tawag ni tita kay tito. Normal na tawagan madalas ng mag-asawa.

"Nagbibiro lang ako! Alam naman ni Kyle iyon, hindi ba Kyle?" nakangiting saad ni tito sa akin, kaya marahan akong tumango at ngumiti.

Mapagbiro talaga si tito Isagani. Sa totoo lang... sobra akong naguwa-guwapuhan sa kanya. Kamukha niya ang kilalang sexy star noon na si Carlos Morales. Mula sa tangkad, kulay, at ganda ng katawan. Si Calos Morales talaga ang nakikita ko sa kanya.

"Tita, anong oras po kayo aalis mamaya?" tanong ko.

"Alas kuwatro ulit, para mai-ready agad iyong mga ititinda sa puwesto. Bakit mo naitanong?" aniya.

"Mga bandang alas singko o alas sais po, puwede po ba kayong umalis saglit sa puwesto? Sa tingin niyo po ba, kaya ni kuya Leo doon na mag-isa ng kahit ilang oras lang?" tanong ko.

"Puwede naman, pero bakit?" tanong ni tita.

"Ah, balak ko po kasi sana kayong ilibre ng dinner ni tito sa labas. Iyong tayong tatlo lang po," wika ko, kaya nagkatinginan ang dalawa at parehong napangiti.

"Puwede naman, pero teka, may pera ka ba?" tanong ni tita.

"Meron po, tita. Hindi naman po ako magastos eh, kaya medyo nakakaipon po ako mula sa mga allowance na binibigay niyo sa akin ni tito," sagot ko.

"Hindi mo ba isasama iyong matalik mong kaibigan? Si Eliza?" tanong naman ni tito.

"Hindi na po, tito. Sa uni ko na po siya ililibre mamaya. Gusto ko po kasi sana para sa ating tatlo lang ang dinner. Tapos ipag-takeout na lang po natin si kuya Leo para may makain din siya, para hindi na po kayo magluto pa ng hapunan natin. May alam po akong masarap na steakhouse!" nakangiting wika ko, kaya tumango sila.

"Siya sige, kung iyan ang gusto mo," nakangiting wika naman ni tita, tapos ay nakita kong naglabas siya ng isang sobre mula sa bag niya at inabot iyon sa akin. "Tanggapin mo ito, konting pa-birthday namin sa 'yo ng tito mo," wika niya.

"Tita, hindi naman na po kailangan..." mababa ang boses at medyo nahihiyang saad ko.

"Tanggapin mo na! Ikaw talaga napakamahiyain mo kahit na kailan," aniya, aya bahagya akong napalingon kay tito Isagani na tipid ngumiti sa akin at marahang tumango.

"Kunin mo na, para may maidagdag ka sa ipon mo. Maganda iyong may sarili kang pera lalo na't binata ka," ani tito Isagani, kaya marahan akong tumango at nahihiya man ay tinanggap ko pa rin iyon.

"Salamat po, tita at tito," wika ko pa.

Nagpatuloy naman na kami sa pagkain ng agahan, tapos ay nagpahinga lang saglit at ako na ang naglinis ng mga pinagkainan dahil maaga pa naman ay may oras pa ako. Alas siete pa naman kasi ang simula ng klase ko.

Nung 6:30 na ay saka ako nagpaalam na sa kanila na aalis na. Wala namang espesyal na nangyari nang araw na iyon. As usual ay kami ni Eliza, ang bestfriend ko ang magkasama maghapon. Mula 3rd year high school ay matalik na magkaibigan na kami ni Eliza, parehong kurso ang kinuha ngayon college at magkaklase pa rin.

Pagkarating ng lunch ay nilibre ko si Eliza at kumain kami sa labas. Habang kumakain nga ay saka ko lang binuksan ang sobre na bigay nina tito at tita, at napansin na 5,000 pesos pala iyon. Malaking halaga iyon para sa akin, lalo na't hindi naman kami mayaman.

"Hindi ka ba talaga magsi-celebrate ng birthday mo? I mean, birthday party ganun! Walang inuman?" tanong ni Eliza sa akin pagkarating ng alas kuwatro ng hapon, nang matapos ang klase namin.

"Hindi, wala talaga eh. Pagod at gastos lang kasi iyon, kaya nga inilibre na lang kita ng lunch kanina," sagot ko. "Tapos sina tito at tita, ililibre ko naman ng dinner mamaya. Bata pa kasi ako noong huli kaming kumain sa labas na kaming tatlo lang ang magkakasama," dagdag ko pa kaya napatango siya.

"Kung sabagay," aniya. "Siya sige na! Paano? Mauuna na ako ha?" paalam pa niya tapos ay kumaway sa akin, tumango naman ako sa kanya bago siya sumakay ng keep.

Tapos ay lumipat naman na ako ng daan para makasakay na rin. Magkabilang daan kasi ang inuuwian namin. Pagkarating sa bahay ay nadatnan ko si tito Isagani na nakaupo sa terasa, umiinom ng juice at naninigarilyo, habang naglalaro ng kilalang mobile game.

"Oh, nakauwi ka na pala," aniya sa akin tapos ay ngumiti pa, pero hindi naman inaalis ang tingin sa phone.

"Si tita po ba  nakaalis na?" tanong ko, alas kuwatro pasado na kasi iyon.

"Oo, hinatid ko na sa bayan kani-kanina lang," aniya kaya tumango ako.

"Magbibihis lang po ako tito, tapos okay lang po ba kung punta na tayo kay tita?" tanong ko.

"Oo naman, kanina pa nga kita hinihintay dito eh," aniya.

Kaya naman naglakad na ako papasok sa loob, tapos ay nagbihis ng pang-alis. Naging mabilis lang naman iyon, nang matapos ay binalikan ko na sa terasa si tito at napansing tapos na rin siya sa nilalaro.

"Ano, tara na ba?" tanong niya kaya tumango ako. "Buksan mo na iyong gate," utos pa niya, na siya namang agad kong ginawa.

Sumakay na siya sa luma niyang sedan at inilabas na iyon. Tapos ay sinigurado ko naman na naka-lock ang mga pinto ng bahay maging ang gate mismo, bago ako sumakay sa shotgun ng sasakyan at nagmaneho na nga si tito paalis.

Chapter Three

Tahimik lang kami ni tito sa mga naunang minuto na nasa biyahe kami. Pero mayamaya pa ay bahagya siyang sumulyap sa akin at ngumiti, at siya na rin ang unang bumasag ng katahimikan.

"Nasa tamang edad ka na..." napapangiting paninimula niya. "May girlfriend o boyfriend ka na ba?" tanong pa niya.

"Uhm, wala pa po kasi sa isip ko ang ganyang mga bagay tito, eh. Mas focus ko po ang pag-aaral," sagot ko.

"Puwede mo namang pagsabayin ang pag-aaral at pagkakaroon ng kasintahan. Hindi naman por que nagkaroon ka ng kasintahan ay mapapabayaan na ang pag-aaral mo," aniya, kaya napatango ako.

"Alam ko naman po iyon, tito. Pero sadyang wala pa po ang ganyang bagay sa isip ko," sagot ko.

"Ibig sabihin pala virgin ka pa?" aniya kaya bigla akong naubo. Natawa naman siya sa naging reaksiyon ko. "Oh, bakit ganyang kang makapag-react? Normal na tanong lang naman iyon, at normal na usapin lang din," wika niya. "Ano, virgin ka pa ba?" pag-uulit niya, kaya nahihiya man ay marahan akong tumango.

"O-Opo..." sagot ko.

"Kahit ba halik man lang, wala ka pa ring karanasan?" natatawa na tanong pa niya, kaya tumango ulit ako. "Alam mo noong ako ang nasa edad mo, hindi ko na mabilang kung ilang babae na ang nabiyak ko!" kuwento niya.

"T-Tito talaga..." wika ko na lang kunware, kahit pa ang totoo, pakiramdam ko ay nag-init ang buong pagkatao ko sa kuwento niya.

"Totoo nga! Ang dami kong winasak na virgin noong kabataan ko! Sa laki ba naman nito, wala na silang magawa kung hindi ang umiyak eh. Kahit iyang tita mo, ako ang nakauna sa kanya," kuwento pa niya na para bang normal na topic ang sex.

I mean, normal ba ito? Siguro para sa iba. Pero para sa akin... ewan ko. Naiilang kasi ako. Hindi ako sanay sa ganitong usapan.

"Kaya ikaw habang bata ka pa, mag-enjoy ka! Minsan ka lang bata, kaya wasakin mo lahat ng gusto mong wasakin," natatawa pa rin na wika niya, tapos ay bahagyang sumulyap sa akin at ngumisi. "Iyon ay kung ikaw nga ang wawasak, eh baka naman gusto mo ikaw ang winawasak?" aniya, sunod sunod na paglunok ng laway ang ginawa ko dahil doon.

"Si tito talaga puro biro..." wika ko na lang, hindi sigurado sa kung ano ba ang dapat isagot at sabihin sa kanya.

"Basta, kung kailan mo na payo tungkol sa ganitong mga bagay, sa akin ka lumapit at magtanong..." aniya tapos ay ngumisi na naman. "Tutulungan kita..." napapangiting dagdag pa niya gamit ang napapaos na boses.

Hindi ko alam kung parang napapaos ba talaga ang boses niya o ako lang ang nag-iisip nun. Pakiramdam ko rin may ibang kahulugan ang huli niyang sinabi. O baka ako lang ulit ang nag-iisip ng hindi maganda?

Ewan ko! Pero ramdam na ramdam ko ang mabilis at malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa mga sinasabi niya, at ramdam na ramdam ko rin ang labis na init ng buong pagkatao ko.

Hindi na ako nakasagot kasi ay nakarating na kami sa downtown. Agad namang humanap ng puwesto si tito sa parking ng plaza, tapos ay doon niya inihinto ang sasakyan at pinatay ang makina nito. Tapos ay sabay na kaming bumaba, at naglakad na papunta sa puwesto ni tita. Sakto namang nadatnan namin siya kumakausap ng mga customer at kumukuha ng orders, habang si kuya Leo, ang boy nga nila ay pinapaypayan ang mga iniihaw at binabantayan ang mga ito.

"Oh, nandito na pala kayo! Bakit ang aga  niyo ata? Aalis na ba tayo?" nakangiting tanong ni tita nang makita kami ni tito na naglalakad palapit.

"Mamayang konti po siguro, tita. Maaga pa po kasi ang alas singko para sa dinner. Mga alas sais po siguro," sagot ko, kaya tumango siya.

"Maupo muna kayo kung ganun," aniya na agad namang ginawa ni tito, pero ako ay nanatiling nakatayo.

"Tutulungan ko na lang po muna kayo habang hindi pa po tayo umaalis," saad ko.

"Naku hindi na! Mangangamoy usok ka niyan eh! Ang bango at guwapo mo pa namang tignan sa suot mo," nakangiting wika niya.

"Happy birthday nga pala, Kyle," nakangiting bati naman sa akin ni kuya Leo, kaya ngumiti rin ako agad sa kanya.

"Salamat kuya Leo! Pasensiya na kung hihiramin muna namin si tita ha? Pero huwag kang mag-alala, ipagte-take out ka namin," wika ko naman.

"Ayos lang iyon! Salamat!" aniya.

Ka-barangay namin si kuya Leo. Kung hindi ako nagkakamali ay 30 years old pa lang siya. May ka-live in partner, pero walang anak. Hindi nakatapos ng elementary, kaya medyo hirap sa paghahanap ng trabaho. Bukod doon ay nalulong din noon sa ipinagbabawal na gamot.

Pero nagbago na siya, kaya nga noong nakiusap siya kina tito at tita na magtrabaho nga  sa ihawan kahit sa magkanong sahod lang daw, ay pinagbigyan siya ng mga ito para matulungan na rin nila ito. Lalo na at kaibigan din siya ni tito kahit pa 45 na si tito. Kaibigan in a way na madalas nakakasama sa mga inuman.

Sa totoo lang, hindi guwapo si kuya Leo. Pero malakas ang dating niya. Dahil dating nakikipag-construction, ay batak at maganda ang hulma ng katawan. Kung tatanungin niyo ako kung sino ang kamukha niyang artista... sasabihin kong si Josh Ivan Morales noong medyo kabataan pa nito at... alam niyo na, noong gumagawa pa ito ng porn videos.

I mean, hindi naman niya kamukha talaga. Pero kahawig niya sa katawan, tindig, kulay at shape ng mukha. Hindi talaga guwapo si kuya Leo para sa akin, pero sobrang lakas talaga ng appeal niya. At hindi ba mas okay naman na malakas ang appeal kesa sa basta na lang guwapo pero wala namang appeal?

Habang nandoon ay tinulungan ko sila sa pagtitinda. Kumuha ako ng mga orders, bayad, at pinapalitan si kuya Leo kung minsan sa pag-iihaw.

Nang mag-aalas sais na ay inaya na kami ni tito Isagani na umalis, kaya naman nagpaalam na kami kay kuya Leo at umalis na nga. May tiwala naman kasi kami kay kuya Leo, dahil kahit pa nalulong ito sa bisyo noon at sa ipinagbabawal an gamot ay hindi maipagkakaila na mabait siyang tao.

Hindi naman na malayo sa bayan ang steak house na sinasabi ko kina tito at tita, kaya pagkaraan lang ng ilang minuto ay nakarating din kami agad, at ako na rin ang um-order para sa kanila, para makakain na rin kami dahil alam kong kailangan ding bumalik agad ni tita sa puweto, kasi ay baka ma-overwhelm masyado si kuya Leo na siya ang gumagawa ng lahat, lalo na at marami talaga silang customer araw-araw.

Chapter Four

“Okay nga dito, ah? Ang sarap ng pagkakaluto ng steak!” wika ni tito Isagani nang kumakain na kami.

“Sabi ko po sa inyo, eh! Dito po kami madalas kumain ni Eliza kapag may extra na allowance. Masarap po talaga dito, kaso medyo mahal,” sagot ko naman.

“Mukha nga! Eh ang ganda rin ng lugar,” nakangiting wika naman ni tita. “Salamat ulit, Kyle, ha? Pero hindi naman ba mauubos ang pera mo niyan? Ang daming murang restaurant pero dito mo pa talaga kami dinala ng tito mo,” saad pa niya.

“Hindi naman po tita, at saka ang laki rin po kasi ng binigay niyong pa-birthday sa akin. Salamat po ulit,” sagot ko kaya nakangiti siyang tumango.

Tumagal kami sa steak house ng mahigit isang oras. Ang dami kasi naming mga pinagkukuwentuhan habang kumakain. Na kahit nga tapos na kaming kumain ay nanatili pa kami doon, nagkukuwentuhan pa rin habang nagpapahinga.

Bago kami umalis, siyempre ay pinang-take out ko rin si kuya Leo, kasi nga ay libre lagi ang dinner niya dahil sa pagtatrabaho kina tito at tita. Kaso ngayon ay hindi nagluto dahil nga dito kami sa labas kumain.

“Didiretso na ba kayo ng uwi niyan?” tanong ni tita Rhea sa amin nang nasa biyahe na kami pabalik sa puwesto.

“Oo ma, wala naman na kaming gagawin sa puwesto,” ani tito na diretso ang tingin sa kalsada. “Oo nga pala, bibinyagan ko na itong si Kyle ha?” nakangiting saad pa niya, kaya mahina akong napasinghap.

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa bibinyagan na niya ako. Pero iba ang dating nun sa akin.

“Anong bibinyagan?” nakakunot ang noo na tanong ni tita na halatang nalito rin sa tinutukoy ni tito.

“Bibinyagan sa alak! Nasa edad naman na siya! Hindi na kasi tayo nakapaghanda para mai-celebrate ang birthday niya, kaya iinom na lang kami sa bahay bilang selebrasyon,” paliwanag ni tito, kaya napatango si tita.

“Walang kaso sa akin, basta sa bahay lang kayo at huwag nang lalabas, ha? Alam mo naman na okay lang sa aking umiinom ka, basta sa bahay lang. Lalo na delikado ang panahon ngayon. Mahirap iyong nalalasing na nasa ibang lugar,” ani tita tapos ay ngumiti pa sa akin. “Ikaw din, kapag gusto mong uminom dapat sa bahay lang, kung sa labas naman kayo ng mga kaibigan mo, siguraduhin mo na nagtitira ka ng pang-uwi mo,” paalala niya kaya marahan akong tumango.

“Opo, tita. Pero hindi ko nga po alam kung gusto kong uminom eh. Hindi ba pangit ang lasa ng alak?” tugon ko, kaya sabay silang natawa ni tito.

“Tama iyan! Mas mabuti iyong hindi mo na lang magustuhan ang lasa ng alak,” ani tita.

“Sa simula lang mapait ang alak, kapag napapasarap na sa kuwentuhan… tumatamis na ang lasa. Pustahan tayo, darating ang araw na magugustuhan mo rin ang lasa ng alak. Lalo na kapag problemado ka? O broken hearted, o gusto lang magsaya… kahit na alin sa mga iyon, alak ang masarap na karamay!” nakangiting saad naman ni tito.

“Ewan ko sa ’yo, Isagani! Kaka-disi-otso lang ng bata tinuturuan mo na agad magbisyo,” napapa-iling na wika naman ni tita.

“Marami pa akong puwedeng ituro sa anak natin, ma!” natatawa na saad naman ni tito, tapos ay bahagya pang sumulyap sa akin gamit ang salamin sa harap ng sasakyan.

Anak… sa totoo lang ay nasanay na ako na madalas ay anak ang tawag nila sa akin. Kasi nga ay parang anak na talaga nila ako. At iyon lang dapat ang maging relasyon namin ni tito at wala nang iba. Pero ewan ko ba, buhat nang pag-uusap namin kanina… may mga ilan siyang sinasabi na pakiramdam ko ay may ibang kahulugan.

Na para bang meron siyang ipinaparamdam sa akin. At aminado ako na medyo nakakaramdam talaga ako ng init sa mga bagay na naglalaro sa isip ko. Bagay na hindi ko naman nararamdaman dati. Pero baka ako lang talaga ang nag-iisip ng hindi maganda? Ewan ko. Nalilito na talaga ako.

Pagkarating sa puwesto ay bumaba ako ng sasakyan para iabot iyong take out namin para kay kuya Leo. Tapos ay lumipat na ako sa shotgun seat na kanina lang ay inuupuan ni tita.

“Mag-iingat kayo pauwi!” nakangiting wika pa ni tita na kumakaway sa amin, bago pinaandar ni tito ang sasakyan paalis.

Akala ko nga ay diretso uwi na kami agad. Pero hindi. Dumaan muna kasi kami sa isang convenience store at bumili ng dalawang litro ng brandy si tito. Bukod doon ay bumili rin siya ng mga sitsirya, at dumaan pa kami sa nagtitinda ng letsong manok. Bumili rin siya ng isa, at saka ng sisig na rin.

“Ang dami niyo naman pong binili, tito…” wika ko nang nasa biyahe na kami pauwi.

“Mukhang marami lang, pero sakto lang iyan! Isipin mo na lang na ito ang handa mo ngayong birthday mo,” sagot niya.

“Edi dapat po pala ako dapat ang nagbayad? Kasi birthday ko, at iinom tayo bilang selebrasyon, hindi po ba dapat lang na ako ang gumastos?” wika ko kaya mahina siyang natawa.

“Hayaan mo na’t madalang lang,” aniya. “Oo nga pala, wala ka bang gustong imbitahin? Iyong mga kaklase o kaibigan mo?” dagdag pa niya kaya marahan akong umiling.

“Wala po, tito. At saka si Eliza lang naman po ang pinakamalapit kong kaibigan, eh,” sagot ko.

“Oh, eh bakit hindi mo siya ayain? Malay mo pumayag,” aniya.

“Ite-text ko po siya mamayang pagkauwi tito,” sagot ko na lang.

Sobrang close namin ni Eliza, at sa totoo lang ay gusto ko talaga siyang imbitahan lalo na at nagtanong siya kanina. Ang kaso, iniisip ko kasi na paano kapag uuwi siya mamaya? Hassle pa kung ihahatid ko siya. Hindi ko naman siya puwedeng pabayaan na umuwing mag-isa lalo na at babae siya. At alam ko na umiinom si Eliza kahit pa noong hindi pa siya 18.

Mayamaya pa ay nakauwi na rin kami. Agad na inayos ni tito ang mesa sa terasa ng bahay, inilapag niya doon ang mga pinamili naming alak at pulutan, tapos ay kumuha na rin siya ng mga gagamitin sa pag-inom gaya ng baso, kutsara at lalagyan ng mga pulutan.

“Oo nga pala, Kyle, ayos lang ba kung aayain ko iyong iba nating mga kapitbahay? Sina pareng Tonyo at pareng Pedring lang naman,” aniya, na ang tinutukoy ay ang dalawa pa naming kapitbahay na madalas niyang makainuman bukod kay kuya Leo.

“Opo tito, okay lang,” sagot ko naman. “Sige po tito, magpapalit lang po ako saglit ng damit sa loob tapos ite-text ko na rin si Eliza,” dagdag ko pa, kaya marahan siyang tumango.

Chapter Five

Pagkatapos kong maghilamos at magbihis ay lumabas na ako ulit. Sakto namang nadatnan ko sina tito Isagani, kasama ang dalawa naming kapit bahay na malalaki ang tiyan dahil sa pag-inom, na nagsisimula na.

Medyo napanguso nga ako kasi ay nagtataka ako kung bakit si tito, kahit pa madalas siyang uminom ay hindi naman malaki ang tiyan niya. Hindi ko rin naman siya nakikitang mag-gym.

“Maupo ka na dito,” nakangiting pag-anyaya sa akin ni tito nang makita ako, kaya agad akong umupo sa bakanteng silya sa tabi niya, at agad na inabutan ng baso na nilagyan din niya agad ng alak.

“Happy birthday, Kyle!” bati sa akin nina Mang Tonyo at mang Pedring!

“Salamat po,” sagot ko naman sa kanila.

“At dahil birthday mo, bottoms up!” nakangiting wika ni tito sa akin, napangiwi naman ako bago kinuha iyong bigay niyang baso na may alak at nakipag-cheers sa kanila.

Pinanuod ko silang inumin iyong sa kanila na hindi nagche-chaser, nang ako ang uminom ay napangiwi na naman ako at halos maduwal pa sa lasa. Lalo na nang gumuhit ang pait nun sa lalamunan ko.

Napahalakhak naman si tito Isagani bago niya ako inabutan ng isang baso ng tubig na nagmamadali kong tinanggap at ininom. Pagkatapos nun ay nagpatuloy na kami sa inuman habang nagkukuwentuhan silang tatlo. Pakonti-konti lang ang iniinom ko at miukhang hindi naman nila napapansin iyon.

“Kyle!” tawag ng isang boses sa akin mayamaya pa, kaya agad akong napalingon sa gate at nakitang nakatayo doon si Eliza.

Nag-text ako sa kanya kanina at inaya ko siya. Hindi siya nag-reply kaya hindi ko inisip na pupunta siya. Ganun pa man ay mabilis akong tumayo para pagbuksan siya ng gate.

“Akala ko hindi ka pupunta,” saad ko.

“Nag-reply ako sa ’yo, hindi mo ba nabasa?” nakangiting sagot naman niya. “Happy birthday ulit!” bati pa niya tapos ay inabot sa akin ang dala niyang cake na nasa kahon.

“Uy, salamat! Nag-abala ka pa,” sagot ko.

“Maupo na kayo dito,” nakangiting pagtawag naman ni tito sa amin, kaya iyon ang ginawa namin.

Pinaupo ko si Eliza sa inuupuan ko kanina, iyong sa tabi ni tito. Tapos ay umupo ako sa tabi niya. Bale ako ang katabi ni mang Tonyo. Mahirap naman kasi kung siya ang patatabihin ko kay mang Tonyo eh hindi naman sila magkakilala. Pero sila ni tito ay magkakilala naman kasi ilang beses na siyang nagpunta rito sa bahay.

“Mabuti at may dala kang cake! Ipagkanda muna natin si Kyle nang mas maramdaman niyang birthday talaga niya,” wika ni tito tapos ay agad na binuksan ang kahon para masindihan ang kandila ng cake.

Sobra akong nahiya lalo na nang kumanta silang lahat. Pero ngumiti lang ako, at nang matapos ay hinipan ko na rin agad ang kandila, at nagpatuloy na kami sa inuman. Feeling ko nga ay mas lalaki pa sa akin si Eliza, kasi ay nagagawa niyang makipagsabayan sa tagay kina tito na hindi nagche-chaser.

Ang dali rin niyang naka-vibes sina mang Tonyo at mang Pedring, dahil nga marunong din naman siyang makisama.

Lumipas pa ang mga oras, at medyo nahihilo na ako kahit pa pakonti-konti lang ang iniinom ko. Nang mapatingin ako sa cellphone ko ay alas diez na pala ng gabi.

“Kyle, kailangan ko na ring umuwi! Medyo late na pala,” paalam ni Eliza sa akin mayamaya pa, kaya tumango ako.

“Ihahatid na kita,” sagot ko.

“Teka lang, sure ka ba? Eh halata naman na may tama ka na ng alak, hindi ka pa naman sanay umiinom,” aniya. “Alam mo, huwag na! Ang mabuti pa, dito ka na lang. Kaya ko na ang sarili ko,” dagdag pa niya.

“Ako na ang maghahatid sa kaibigan mo, Kyle. Tama siya, dito ka na lang at magpahinga. Tignan mo pulang-pula na ang mukha mo, oh? Gagamitin ko na iyong kotse para mabilis,” wika ni tito Isagani.

“Sasama na lang po ako,” sagot ko.

“Oh, eh sinong maiiwan dito kina pareng Pedring at pareng Tonyo? Dito ka na lang, mabilis lang naman ako!” ani tito, kaya marahan na lang akong tumango sa huli at hinayaan na sila.

Tumayo naman na sina tito at Eliza, tapos ay umalis na nga gamit ang sedan ni tito. Nang naiwan kaming tatlo nina mang Tonyo at mang Pedring doon, ay tahimik na lang akong nakinig sa kwentuhan ng dalawa kasi ay hindi naman ako maka-relate sa mga pinag-uusapan nila. Madalas kasi ay tungkol sa sabong o kung ano pang sugal.

Nahihilo na talaga ako, na hindi ko na alam kung gaaano katagal nawala si tito. Pero nang tinignan ko ang oras ay napansin kong alas onse na ng gabi.

“Kyle, mauuna na rin kami ha? Ikaw na ang maghintay sa tito mo,” wika ni mang Tonyo mayamaya pa.

“Kaso mukang mamaya pa ang balik nun,” wika naman ni mang Pedring, tapos ay nagkatinginan sila ni mang Tonyo at sabay pang natawa nang mahina.

Medyo nalito ako sa tinutukoy nila, pero dala marahil ng hilo ay hindi ko na lang pinansin pa. Saktong pagkatayo naman nila ay nakita kong dumating na ang sasakyan ni tito Isagani, ipinarada na niya iyon sa garahe ng bahay, pinatay ang makina at bumaba na doon.

“Oh, aalis na kayo?” tanong pa ni tito.

“Oo, eh. Medyo tinamaan na rin kasi,” sagot ni mang Tonyo. “Bakit ang bilis mo ata? Binilisan niyo lang ba?” tanong pa nito, kaya mahinang natawa si tito.

“Baliw! Baka kung anong isipin ni Kyle niyan,” ani tito. “Sige na mga pare, salamat!” saad pa niya at nakipagkamay sa dalawa, bago nga naglakad paalis ng bahay ang mga ito. “Ikaw, Kyle, okay ka pa ba?” tanong ni tito kaya marahan akong tumango.

“Bakit ang tagal niyo po?” tanong ko pa.

“Medyo traffic papasok sa barangay nina Eliza, may aksidente ata,” aniya kaya napatango ako. “Kalahati pa pala ang natitirang alak. Tulungan mo akong ubusin ito, ha?” wika pa niya.

Sa totoo lang ay nahihilo na talaga ako, pero tumango pa rin naman ako sa sinabi ni tito bilang pagsang-ayon.

“Halika, lipat na tayo sa loob. Sa sala na lang tayo,” pag-anyaya pa niya, kaya naman tumayo na kami at inilipat nga sa lamesita sa sala ang natitira pang alak at mga pulutan.

Chapter Six

Pagkalipat namin sa sala, noong mga naunang minuto ay tahimik kami ni tito Isagani. Walang nagsasalita sa amin, kasi ay nahihilo na talaga ako.

“Okay ka lang ba?” tanong ni tito mayamaya pa, siguro ay napansin niya ang pagiging tahimik ko. Kaya naman marahan akong tumango.

“Opo, tito. Medyo nahihilo lang po talaga. Alam niyo naman po na first time ko ito, hindi ba?” sagot ko, kaya ngumisi siya.

“Normal iyan, pasasaan at masasanay ka rin. Lahat naman ng first time hindi kaaya-aya sa una… pero kalaunan, sumasarap din…” nakangising sagot niya habang nakatingin ng diretso sa akin.

“P-Po?” may halong kaba na tanong ko naman.

Kahit pa nahihilo ako, dahil sa sinabi niya, bigla na namang bumalik iyong init na kanina ay nararamdaman ko dahil sa kanya, habang nasa sasakyan kami.

“Alak ang tinutukoy ko, sa una parang hindi talaga masarap… pero habang tumatagal, sumasarap na,” natatawa na sagot niya. “Bakit, ano bang iniisip mo?” napapangiting tanong pa niya.

“H-Hindi po, tito. Wala po…” agad na sagot ko naman.

“Sigurado ka bang wala? Eh parang… may iba kang iniisip sa sinabi ko eh,” nakangising wika niya.

“W-Wa;a po talaga tito…” may halong kaba na sagot ko, kaya mahina na lang ulit siyang natawa.

“Okay, sabi mo eh…” aniya taps ay tumayo siya. “Gagamit lang ako ng banyo saglit,” paalam pa niya, kaya marahan na lang akong tumanngo.

Tapos ay pinanuod ko siya na maglakad papunta sa banyo na nasa may kusina. Nang makapasok na siya doon ay agad kong inabot ang isang baso ng tubig, tapos ay uminom ako agad. Pakiramdam ko ay nauuhaw ako na hindi mo maipaliwanag, umaasa na mapupukaw ng malamig na tubig ang init na nararamdaman ko sa loob ko.

Mayamaya pa ay bumalik naman na si tito, pero sa puntong iyon ay hindi na siya umupo sa puwestong inuupuan na niya. I mean, sa kaparehong sofa pa rin, pero tumabi siya mismo sa akin. At para akong napaso nang maramdamang nagdikit ang mga braso namin.

“Ang init ng panahon ngayon, ano?” nakangiting tanong pa niya habang nakatingin sa akin, tapos ay hinubad niya ang suot na damit. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin nang makita ang magandang hulma ng katawan niya.

May abs si tito, hindi six packs pero bagay na bagay pa rin naman sa kanya. Iyong tipong parang ang sarap yakapin? Parang ganun! Mabilis akong napa-iling sa naisip ko.

“Tumigil ka, Kyle! Tito mo iyan! Asawa ng tita mo! Sila ang mga ta na kumupkop sa ’yo noong naulila ka! Sila na lang ang natitirang pamilya mo, at tumatayong mga magulang mo! Kaya tigilan mo ang kaiisip ng hindi maganda dahil ikasisira iyan ng pamilya mo!” singhal ng kaliwang bahagi ng isip ko sa akin.

“O, bakit ka napapa-iling?” natatawa na tanong ni tito.

“H-Hindi po, tito. May naalala lang na… school works na kailangan ko pong tapusin bukas,” sagot ko.

“Eh, bakit parang sobrang pula na ata ng mukha mo? Dahil pa rin ba sa alak?” tanong pa niya, kaya peke akong umubo at marahan na lang na tumango. “Baka naman kasi nahihiya ka sa akin? Dahil ba nag-alis ako ng suot na damit? Ano ka ba naman, ang tagal na nating magkakilala at mula bata ka magkasama na tayo dito sa bahay,” nakangiting wika pa niya, at mas lalo akong nagulat nang bigla niya akong inakbayan, as iyon iyong akbay na parang headlock, kaya naman agad na dumikit sa bandang batok ko ang mabuhok niyang kilikili na sobrang nakakakiliti sa pakiramdam.

“Binata ka na talaga, dati hindi ka naman nahihiya kahit makita akong walang suot o kapag inaakbayan kita. Naaalala mo noon, palakad lakad pa nga ako dito sa bahay na naka-briefs lang pero wala naman sa ’yo? Ngayon parang may malisya na sa ’yo…” aniya na kinagulat ko.

“Naku, tito. Hindi po talaga! Medyo nahihilo lang po talaga ako dahil sa alak…” dahilan ko, at wala na talagang ibang pumapasok na dahilan sa isip ko kung hindi iyon lang.

“Talaga? Hindi ka nahihiya sa akin?” tanong niya kaya tumango ako. “Kung ganun, hawakan mo nga ito…” natatawang bulong niya tapos gamit ang isa pang kamay ay hinawakan niya ang kamay ko at mabilis na dinala at ipinatong sa bukol na nasa loob ng suot niyang maluwang na shorts.

Sobra na naman akong nagulat sa nangyari at napatingin sa nakangisi niyang mukha, lalo na nang maramdaman na sobrang laki at tigas nun. Medyo nagtagal ang kamay ko doon ng ilang segundo lang, at nang mapagtanto kung ano ang nangyayari ay saka ko mabilis na iniwas ang kamay ko.

“Si tito talaga, lasing na rin po kayo ano? May pagkaloko-loko po kayo kapag lasing eh!” wika ko kunware, na idinaan pa sa pagtawa ang lahat. Kahit pa ang totoo, pakiramdam ko ay nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa nangyari.

“Ang cute mo talaga,” nakangiting sagot naman niya sa akin at marahan pang kinurot kunware ang pisngi ko, ewan ko pero sobra akong kinilig sa narinig na iyon. “Iyong totoo, Kyle, usapang seryoso tayo… usapang mag-tito at parang mag-ama na rin. Wala ka pa ba talagang karanasan?” tanong niya sa akin mayamaya pa, tapos ay inalis na niya ang pagkaka-akbay sa akin para maka-inom ng alak at maharap ako ng maayos.

“Karanasan po?” tanong ko.

“Sa sex,” aniya pagkatapos uminom.

“Wala pa po talaga, tito…” sagot ko naman.

“Kahit halik wala pa?” tanong niya, kaya umiling ako ulit. “Gusto mo turuan kita?” tanong niya, kaya napasinghap ako.

“P-Po?” puno ng kaba na tanong ko.

“Ipapaliwanag ko lang sa ’yo, para may idea ka. Para kung sakaling dumating ang araw na… may hahalikan ka, alam mo na kung ano ang gagawin mo,” aniya at ngumisi pa. “Una, magsisimula iyan siyempre sa pagdikit ng mga labi… tapos marahan mong buksan ang bibig mo, at makiramdam ka… kapag binuksan na rin ng kapareha mo ang bibig niya, gamitin mong oportunidad iyon para ipasok ang dila mo sa bibig niya. Huwag mo lang bastang ipasok… paglaruan mo ang bibig nila gamit ang dila… iyon ang totoo at masarap na halik, Kyle. Kapag ginawa mo iyon, sigurado na lahat ng nahahalikan mo ay mababaliw sa sarap…” nakangising saad pa niya nang walang natanggap na sagot mula sa akin.

“Tatandaan ko po iyan, tito…” sagot ko na lang.

“Halika, subukan natin…” nakangisi pa rin na wika niya.

“P-Po?” gulat na tanong ko na naman.

“Walang malisya… pareho naman tayong lalaki,” aniya, na akala mo ay hindi niya alam ang pagiging malambot ko. “Isipin mo na lang, isa akong ama na tinuturuan ang sariling anak para matuto…” aniya, at bago pa ako makasagot ay marahan na niyang hinawakan ang pisngi ko.

Hindi ako makagalaw, para akong nag-ugat sa kinauupuan ko lalo na nang dahan-dahang lumapit ang mukha ni tito Isagani sa akin.

Note

Hanggang dito na lang po tayo, and this is to protect the story from being reported. Sample chapters lang po talaga ang ipo-post namin.

Kung na-hook po kayo sa story, at gustong mabasa ng buo, binebenta po namin ang soft copy in .pdf file. Kung interesado po kayong mag-avail, email niyo lang po kami:

blstories02@gmail.com

Mahaba po ang story, tapos mura pa kaya sobrang sulit. May discount din po kung 2 or more stories ang ia-avail. Kaya sana ay makabili na po kayo bilang suporta sa amin!

Iyon lamang, salamat po!

xx,

King


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.