Prince Cazim (HIATUS)
knightmystery · 3 chapters · 2,545 words
Start
Plagiarism is a crime gagawa ako ng kwento ko gumawa ka ng sayo kung ayaw mo halika kay Tulfo.
This is a reverse harem or polyamory it means intimate relationships with more than one person at the same time. Bxb story din po ito at Book 2 ng Reincarnated as a villain kung hindi niyo pa nababasa ang Book 1 ay mas magandang basahin niyo muna bago kayo magtungo dito sa Book 2 para iwas kalituhan at alam niyo ang mga ganap sa Book 1.
Kung ayaw niyo sa mga ganitong kwento maaari kayong maghanap ng babagay sa inyong panlasa, natagalan ang ating Author sa paglabas ng Book 2 dahil busy at hindi mahinto ang utak ko at laging sinasabi na gumawa ako ng bagong story mwehehehehe.
Expect wrong grammar, typo at mabagal na update.
Mamayang gabi ko na ilalapag yung Chapter 1, hintay hintay lang po.
KNIGHTMYSTERY.
Chapter 1
Sa pagbaba ko sa karwahe lahat ng mata ay nasa akin, lahat ng ulo ay humaba at lahat ng mga bibig ay inilapit sa kanilang mga kasama, dala dala ang aking bag ay umakyat ako sa hagdan at hindi pinansin ang mga nadadaanang estudyante, parang napapaligiran ako ng mga langaw at bubuyog kung magbubulungan sila sana ay hindi maririnig ng taong topic nila at sana naman ay huwag silang magpahalata. Naglakad ako sa hallways at nang madaanan ko ang transparent cabinet na nakadikit sa wall puno ng mga naglalakihang mga trophies ay napatigil dahil nakita ko ang aking repleksyon sa makinis na gintong tropheyo, napahawak ako sa aking buhok at sa aking mukha lalo na sa aking pananamit.
Tandaan mo Cazimiya—Cazim hindi ka na isang prinsesa, hindi mo na kailangan itago ang totoong ikaw, maipapakita mo na ang totoong ikaw. Hindi ka na magsusuot ng mabibigat na mga bistida, hindi na kukulayan ang iyong mukha at tatalian ang mahabang buhok, tapos na ang mga araw ng pagsisinungaling sa mga taong nakapaligid sayo, heto na ang unang araw na haharap ka sa kanilang isang prinsipe.
Komportable na ang kasuotan ko hindi na ako mahihirapang kumilos
“Sinungaling”
“Katulad siya ng kaniyang ama na sinungaling”
“Hindi na dapat siya lumabas ng kanilang palasyo”
Ilan lamang sa mga masasakit na salitang naririnig ko habang papalapit ako sa classroom, gusto ko silang sagutin ngunit wala ako sa posisyon para gawin iyon dahil tama naman sila…nagsinungaling ako, ngunit hindi ko naman ginusto iyon.
Sa pagtapak ko sa loob ng classroom natahimik ang lahat at pinasadahan ako ng tingin, hindi ko na magawa pang bumati katulad ng ginagawa ko noon dahil iba ang uri ng tingin na ibinabato nila sakin ngayon
Lumapit si Victoria sakin at kinuha ang isa kong kamay at iginaya ako sa aking upuan
“Ang tagal mong hindi nagpakita” paninimula niya
“Ipagpaumanhin mo Victoria na hindi ako nagpapasok ng mga tao sa palasyo dahil—”
“Alam ko naman ang dahilan kung bakit, huwag kang mag alala hindi ako nagtanim ng tampo o galit sayo ang mahalaga ay nakapasok ka”
Umupo ito sa harapan ko
“Napaka ganda mong prinsipe” napangiti ako at napayuko
“Huwag mo nga akong bolahin”
“Totoo ang aking sinabi”
Umayos na kami ng upo dahil pumasok na ang guro, nagtama ang mata naming dalawa…
“Maaari ka bang pumunta dito sa harapan?” tinuro niya ako gamit ang stick na hawak
Muling nagbulungan, hinawakan ni Victoria ang kamay ko, binigyan ko siya ng matamis na ngiti bago tumayo at pumunta sa harapan.
“Magpakilala ka” tinapik nito ang likod ko “gusto kong magpakilala ka sa tunay na ikaw”
Tumingin ako sa lahat, hinihintay nila ang sasabihin ko…..
Wala na akong magagawa pa kung hindi nila ako magustuhan, may mga tao pa naman akong malalapitan at alam kong hindi ako tatalikuran
“Ako si Prinsipe Cazim Cadrica kinagagalak ko muli kayong makilala” yumuko ako
“Walang kasalanan si Prinsipe Cazim sa nangyari, kaya itigil niyo ang mga bulungan” sabi ng guro at pinaupo na ako
Natapos ang klase, katulad ng ginagawa namin ni Victoria ay nagtungo kami sa cafeteria, kumuha kami ng makakain bago naghanap ng bakanteng lamesa nang may mahagilap ay nagpaunahan pa kaming magtungo doon.
Ilang minuto pa ang lumipas ay sumali si Mary at napuno ako ng katanungan sa kaniya na buong loob ko namang sinagot, nagkwentuhan lang kami habang kumakain hindi pinapansin ang mga nasa paligid.
Nang pumasok ang tatlong prinsipe, iniyuko ko ang sarili at kinagatan ang sandwich, kaninang umaga ako nagdadasal na sana ay hindi nila ako lapitan sa pagbabalik eskwela ko, humaba na ang nguso ko at kinunot ang aking noo nang nasa harapan na namin sila, wala na akong nagawa kundi mag angat ng mukha, napataas ang isa nilang kilay tila hindi naniniwala sa nakikita, nagulat siguro sila dahil hindi na mahaba ang buhok ko at hindi na palda ang suot ko, magkapareho na kami ng suot.
“Pwede bang makisali sa inyo?” tanong ni Albert hindi naaalis ang tingin sakin
Umupo silang tatlo sa harapan habang si Mary at Victoria naman ay nasa magkabilaan ko
“Nakakapanibago” ani ni Edward
“Kamusta ka Prinsesa—”
“Prinsipe Cazim” pagtatama ko kay Albert
“Napaka sungit ng prinsipe natin” nagsisimula nanaman si Raefon, iinit nanaman ang ulo ko dahil sa kaniya
Natawa ng mahina si Albert “kamusta ka, Prinsipe Cazim?”
“Maayos na ako, maraming nagmamahal sa akin sa loob ng palasyo kaya hindi ako nakaramdam ng kalungkutan” sagot ko
“Kung ganon ay wala na kaming ipagaalala” Albert
Tipid na ngiti na lamang ang ibinigay ko sa kaniya, sinamaan ko ng tingin si Raefon nang magtangka itong hawakan ang aking buhok, sinaway naman siya ni Edward
“Magbabanyo lamang ako” tumayo si Victoria
“Ako din” segunda naman ni Mary
Sasama din sana ako pero naalala kong bawal na pala akong pumasok sa pambabaeng banyo, aishhh maiiwan ako sa tatlong ito!
Tumayo si Raefon at tinabihan ako, tinukod niya ang siko sa lamesa
“Napakaganda” mahina niyang sabi sakto lang para marinig ko
“Masiyado kang malapit Raefon” umusog ako ngunit nasa kabilang side ko na pala si Edward “ano ba?” irita kong tanong
“Hindi naman pwedeng talikuran mo nalang ang lahat, Cazim” seryosong sabi ni Albert na nasa harapan
Ngumisi silang tatlo
“Nasa amin na ang basbas ng iyong ama kaya hindi na pwede pang ihinto ang lahat” dagdag niya
“Ang salita mo ay hindi na namin papakinggan” humaplos ang palad ni Raefon sa aking likod habang si Edward ay nakatitig sa akin “sa ayaw at sa gusto mo ikakasal ka sa aming tatlo”
“Hindi pwede alam na nang lahat na isa akong prinsipe, kasalanan ang pagpapakasal sa kapwa lalaki. Maaari kayong maalis sa pwesto bilang prinsipe, alam kong alam niyo ang sinasabi ko—hmp bastos” dumapo ang palad ko sa pisngi ni Raefon ng bigla nalang niya akong halikan
Tatayo na ako pero pinulupot ni Edward ang braso sa aking bewang ay pinaupo sa kaniyang hita, bakit ang tagal nila Victoria? ano ba ang ginagawa nila sa banyo? gusto ko nang makatakas sa kanilang tatlo!
“Huwag kang mag alala, hindi naman natin ipapaalam sa lahat ang kasal na magaganap, kagaya mo ay magaling din kaming magtago ng sikreto..sabay sabay tayong magsinungaling sa lahat” bulong sakin ni Edward
“This is going to be fun” dinilaan ni Raefon ang ibabang labi
Mas namuo ang galit sa akin nang ilapag nilang tatlo sa lamesa ang singsing
“Halika na” naunang tumayo si Albert at sumunod naman ang dalawa
Bumalik na din si Victoria at Mary, tinatanong kung nasaan na ang tatlong prinsipe.
“Hindi ko alam”
Nakauwi na ako at kasalukuyang kumakain sa hapag, nasa gilid ko si Rosie binabantayan ang pagkain ko habang ang ilang mga katulong ay nakahilera sa di kalayuan hinihintay ang aking ipag uutos. Sinabihan ko silang sabayan ako sa pagkain ngunit tumanggi sila, hindi na ako nangulit pa dahil baka mawalan ako ng gana, mas naging malungkot ang paligid….maraming nagbago, parang ang daming kulang.
“Gusto mo pa bang lagyan ko ang inyong plato ng—” umiling ako kay Rosie
Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang malambot na tela bago tumayo at umalis na sa hapag, nang humarang si Andrey sa aking harapan
“Ipagpaumanhin sa pagharang sa inyong daraanan Prinsipe Cazim, nasa labas ng palasyo ang tatlong prinsipe at nais kayong makita may dala silang kahon na may lamang mga talulot ng rosas” wika nito
Napahilot ako sa sintido
“Papasukin sila” utos ko
“Prinsesa—Prinsipe Cazim, guguluhin ka lamang ng tatlong prinsipe” sabi ni Rosie na nasa tabi ko na
“Ipinipilit pa din nilang ituloy ang kasal dahil may basbas na sila ni ama, kahit ayaw ko ay wala akong kapangyarihang tanggihan sila” hinawakan ko ang kamay ni Rosie “anong laban ko sa tatlo?”
“T…tutulungan kita prinsipe Cazim, lahat kaming nandito sa palasyo ay tutulungan ka”
Napangiti ako sa narinig
“Alam ko Rosie”
(Chapter 1 is out, vote and share you thoughts po)
Chapter 2
Magkakalahating oras na akong nakaupo sa pabilog na sofa nakapwesto ako ngayon sa pinaka dulo ng silid aklatan upang malayo sa mga estudyanteng hindi ko alam kung nag aaral ba o busy makipag chismisan sa mga kasama tungkol sa akin, kaya nga pinili kong tumambay dito dahil sa pag kakaalam ko tahimik at hindi binibisita ngunit nagkamali ako…napaikot ako ng mata at tinaas ang dalawang paa, hindi pumasok si Victoria dahil kaarawan ng kaniyang lolo kaya wala akong kasama ngayon habang si Mary naman ay hindi ko mapuntahan busy kasi sa pag aaral, hindi ko na din kayang makipag usap sa mga prinsesa dahil naiilang ako waahhhh
Napahilamos ako sa mukha at kinagat ang kuko sa hinlalaki, dahan dahan kong inihiga ang sarili sa sofa at tumitig sa kisame
Nanatili ang tatlong prinsipe kagabi sa palasyo doon na sila natulog sa katabi ng aking kwarto dahil kahit anong pilit kong pagtataboy sa kanila ay ayaw nilang umuwi, sinisigurado ko talaang hindi nila mabubuksan pinto ng kwarto ko, tinulak ko kaya yung malaking cabinet pangharang sa pinto, mas mabuti nang ganun kaysa naman magising akong nasa tabi ko na silang tatlo. Makulit pa naman ang mga kamay ni Raefon at two-faced naman si Albert at Edward akala mo ay walang gagawing masama pero sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala.
Ngayon na unti unti na nilang pinakikita ang kanilang totoong kulay kailangan ko nang mas maging alerto, wala man akong laban sa kanilang tatlo pananatilihin kong matapang ang aking kalooban, hindi ko ipapakitang mahina ako at hindi ko hahayaang kinakaya kaya nila ako.
Magsisisi sila na ako ang taong pakakasalan nila!
Tumunog ang aking tiyan kaya napaungol ako at binaon ang mukha sa sofa, hindi na ako kumain sa palasyo ng pang umagahan kasi balak kong dito nalang sa cafeteria ng eskwelahan kumain ngunit nakita ko naman ang tatlong prinsipeng nakapwesto sa isa sa mga lamesa sa cafeteria kaya hindi na ako tumuloy.
Natigil ako sa ginagawa ng makita ang isang estudyanteng papalapit sa akin
“Prinsipe Cazim”
“Ano ang iyong kailangan?” umayos ako ng upo at inayos ang unipormeng nagusot
“Hinahanap kayo ng tatlong prinsipe—”
Tumayo ako at hinila ang kaniyang kamay, mabilis kaming nagtago sa ilalim ng lamesa nang makarinig ng ilang mga yabag
“Prinsipe—”
“Shhh” tinakpan ko ang bibig nito at sinilip kung sino ang papalapit
“Saan na si Cazim? kanina pa tayo naglilibot ah?” ani ni Edward
“Baka umuwi na?” nakabusangot na tanong ni Raefon
“Nasa classroom pa ang kaniyang bag” Albert “baka nasa rooftop”
“Nag check na po kami sa rooftop” may dumating na dalawang pulang estudyante, sigurado akong inutusan silang hanapin ako kabilang na din tong katabi ko
“Maraming nakakita na nandito sa silid aklatan ang Prinsipe” dagdag ng pulang estudyante
Mas isiniksik ko ang sarili sa ilalim ng lamesa at pinanlakihan ng mata ang kasama, kabilang siya sa mga pulang estudyante, kulot ang kaniyang buhok at may suot suot na salamin kaya nakikita ko ang repleksyon ko doon, tumaas ang isa kong kilay….pamilyar siya––god siya yung kasama ni Mary nang uwian kahapon! siya din yung sinabi sakin ni Victoria na nanliligaw kay Mary!
Average guy
Nang makaalis na sila ay pagod akong bumalik sa pagkakaupo
“Ikaw ang nanliligaw sa kaibigan ko, tama?” yumuko ito at binati ako ng magandang umaga “tinakot ba kayo ng tatlong prinsipe?”
Mabilis itong umiling at pinagsalikop ang dalawang palad
“Huwag kang mag alala, hindi ko hahayaang saktan ka nila”
“H..hindi po nila kami tinakot, Prinsipe Cazim. Ngunit…..” may kinuha ito sa bulsa at pinakita sa akin ang dalawang ginto
“Inalukan kayo ng ginto para hanapin ako?”
Tumango ito
“Dadagdagan ko yan kapag hindi mo sinabi na nakita mo ako—”
Nagtaka ako ng ilapag niya sa harapan ko ang dalawang ginto, ibibigay niya sakin?
“Prinsipe Cazim, maaari bang ibigay mo ang dalawang ginto kay Mary? narinig ko kasing tumaas ang presyo ng mga bilihin sa bayan, isa akong hangal na utusan ang isang prinsipe kaya tatanggapin ko ang parusang ibigay niyo sa akin”
Tumawa ako
“Ano ka ba” kinuha ko ang dalawang ginto “bakit kita paparusahan kung ang kagustuhan mo lamang ay tulungan ang aking kaibigan?”
Tinapik ko ang balikat nito, wow….kaya pala nakangiti si Victoria habang kinukwento ang lalaking ito sa akin dahil mabait naman pala. Hindi naman kasi ako papayag kapag hindi mabait ang mapunta kay Mary, deserve ni Mary na makahanap ng taong mamahalin siya katulad ng pagmamahal na ibinibigay namin sa kaniya. Nagpaalam na ito at lumabas na din ako ng silid aklatan…nag ala ninja moves ako dahil baka makita ako ng mga humahanap sakin.
Naghintay ako sa bahay ni Mary hanggang uwian, nang makitang papunta na siya dito ay binuksan ko na ang pinto ng kaniyang bahay at sinalubong siya ng yakap
Kinuha ko ang isa niyang kamay at nilapag sa kaniyang palad ang dalawang ginto, kumunot ang noo nito at nagtatangkang ibalik sa akin pero pumasok na muli ako sa loob at umupo
“Cazim, ipapatago mo ba sa akin?” umupo ito sa aking harapan at sinimulang alisin ang sapin sa paa at pinalitan ng mas sapin pambahay, pinatong din niya ang bag sa ibabaw ng lamesa, umiling ako
“Pinabibigay yan ni….” pinatunog ko ang palasingsingan at itinagilid ang ulo, nakalimutan kong itanong sa manliligaw ni Mary kung ipapaalam ko bang siya ang nagbigay o hindi…pero baka nakalimutan lamang din niyang sabihin “ko…..pinabibigay ko sayo yan hehehe” peke akong umubo
“Cazim hindi ko matatanggap ito…alam mo yan”
“Kaibigan kita tsaka diba nasa pangangalaga mo ang tatlong kuting? yan na ang ambag ko, tanggapin mo na…..kung ayaw mo ay magpapadala ako dito ng malaking kahon mas malaki pa sa bahay na ito na may lamang mga pagkain”
Ngumiwi ito at tinanggap nalang ang dalawang ginto
“Salamat ng marami”
“Walang anuman” tinukod ko ang siko sa hita na magka cross at pinanliitan siya ng mata “tungkol sa nanliligaw sayo, may balak ka bang sagutin siya?”
Namula ang kaniyang mukha kaya napangisi ako
“H…hindi ko alam, gusto kong tapusin ang pag aaral kong walang kasintahan. Nakakaistorbo sa pag aaral—”
Pag aaral bago paglalandi ang motto ng babaeng ito, pero sa pamumula ng kaniyang mukha at hindi niya pagtitig sakin ay signs na gusto din niya yung manliligaw niya ….ayaw pang aminin eh, nadating din naman kasi tayo diyan yung deny natin yung feelings natin.
“Ayun, kaya siguro hindi muna”
“Huh?” hindi ko narinig ang ibang sinabi niya sakin dahil nalipad ang isipan ko
“Hinahanap ka pala sakin ng tatlong prinsipe”
“Ano itsura nila?” ngumuso ako
“Nakangiti naman sila eh”
Akala mo lang, pero alam ko na naiinis na mga yun dahil hindi nila ako mahagilap.

