loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Prison Flower: Periwinkle

Prison Flower: Periwinkle

Warka Pashnea · 3 chapters · 3,320 words

00

Sabi ni mama na especial daw ang pangalan ko dahil hango daw ito sa isang bulaklak gaya nang sakanya. 

It is a serene blue-purple flower called Periwinkle which symbolizes serenity, sentimentality and everlasting love. 

Ngunit taliwas ang estado ko sa buhay- sa symbolismo ng pangalan ko na Kapayapaan at Katahimikan. 

“Putangina mo! Walang kang kwenta! Hindi ka manlang maasahang bakla ka!” Sigaw ni Papa habang kinekwelyohan ako. 

Pakkkkk! 

Bumagsak ako sa sahig nang sampalin niya ako nang malakas. 

Boooogsh!“ 

“Arhhh!” Tumilapon ako sa may upuan na yari sa kahoy nang tadyakan niya akom 

“Papa! No! No! Papa!” Kaagad na sigaw ng kapatid ko na si Daffodil atsaka lumapit saakin.

“Isa ka pa na abnormal ka!” Sigaw niya sa kapatid ko na may down syndrome. Kahit trese anyos na siya ay bata parin ang pag-iisip niya. 

Sasampalin na sana niya si Dapdap ngunit kaagad akong tumayo upang isangga ko ang katawan ko kaya ako ang tinamaan. 

“Arhhhh!” Dahil sa sobrang lakas ay natumba ako at nauntog sa nakatumbang kahoy.

“Kelkel! ulo dugo!” Sigaw ni Dapdap kaya kinapa ko ang ulo ko gamit ang kaliwang kamay ko at pagtingin ay totoo nga. “Shit!” Dumugo ang ulo ko dahil sa lakas nang pagkakabagok!

“Tsk! Mga walang kwenta!” Sinipa pa niya ang iba pang mga upuan kaya nagsitumbahan ito bago siya umalis. 

Pupunta nanaman yun sa mga katropa niyang mga adik. Dati pa man ay kilala na talagang nagdrodroga ang Papa ko.

Kaya naisipan ni Mama na magabroad nalang bilang kasambahay dahil walang mangyayari saamin kung kay Papa kami aasa. Since 18 na ako that time kaya pwedeng-pwede na ako nalang ang kumuha sa padala ni Mama. 

Noong unang taon ni Mama sa Saudi ay naging consistent ang pagpapadala niya kaya tuwang-tuwa si Papa dahil may pambili nanaman siya ng Droga.

Utos ni Mama na bigyan si Papa ng kahit konti, kahit na tutol ako kasi wala namanng patutunguhang mabuti ang pinaghirapan niyang pera, ngunit wala din akong nagawa kasi yun ang gusto ni Mama. 

Hanggang sa isang araw, bigla nalang hindi nagparamdam si Mama. Yung araw naging buwan. Yung buwan naging taon. 

Hanggang sa ngayon  21 na ako ay wala parin kaming balita sa kanya. Sabi ni Papa baka sumama na sa ibang lalake at iniwan kami ngunit hindi ako naniniwala na magagawa saamin yun ni Mama. Ang hiling ko lang ay sana. Sana ay nasa mabuting kalagayan siya. 

Simula noon ay lagi nang mapanakit siya saakin at sa nakababata kong kapatid na lalaki na si Daffodil. 

“Kelkel gutom ako.” Wika niya habang patuloy parin ang pag-agos ng kanyang mga luha. 

“Wag kang mag-alala at gagawa nang paraan si Kuya, okay?” Saad ko sakanya at tumango lang siya.

“Diyan kalang ha.” At tumango ulit siya. Kahit may kapansanan si Dapdap ay masasabi ko na napakamasunurin niya. 

Kaagad akong lumabas at sinarado ang pinto. Heto nanaman ako at kakapit sa patalim. Sa dalawang taon na walang paramdam si Mama ay marami akong natutunan para lang mabuhay kami ni Dapdap at isa na doon ang pagnanakaw. 

Kaagad kong tinungo ang convenience store na madalas kong pagnakawan. Pagkapasok ko ay kaagad akong yumuko at tinago ang mukha ko sa hoodie ko. 

Kaagad kong kinuha ang isang balot ng slice bread, gatas at mga delata at sinuksok iyon sa loob ng jacket. 

“Hoy! Anong ginagawa mo diyan!” Napapintig ako sa gulat dahil nakita ako ng guard kaya kaagad akong kumaripas ng takbo palabas. 

“Sir! Ayun sir! Hulihin niyo yan! Matagal nang nagnanakaw saamin yan!” Sigaw ng guard sa may nakaparadang police car sa may di kalayuan.

“Shit! Putcha may police!” Mura ko dahil sa kaba. Mukhang kanina pa nila ako inaabangan. Mukhang gusto talaga nila akong hulihin sa akto kanina. 

Kaagad akong kumaripas ng takbo at sumuhot ako sa isang makipot na daan kung saan di kasya ang patrol car ngunit hindi iyon naging hadlang, dahil bumaba dalawang pulis at hinabol ako. 

Takbo…

Yan lang ang tanging nasa isip ko sa mga oras na ito sapagkat hindi ako pwedeng mahuli at walang maiiwan kay Dapdap.

“Hayss salamat!” Pasalamat ko nang paglingon ko ay wala na ang humahabol saakin at napabutong hininga ako dahil sa pagod. 

“Dapdap, Asan ka?” Sigaw ko sa labas nang pinto. 

“Arhhh! Wahhhh!” Pagkabukas ko ng pinto ay rinig ko kaagad sa mga daing at sigaw kaya kaagad kong hinanap kung saan nanggagaling iyon.

“Papa, wag! Papa, tama na! Papa, maawa ka please!” Sigaw ko at pinilit na pinipigil si Papa sa pag-kastigo kay Dapdap. Ngunit hindi ko siya maawat dahil subrang laki ng katawan ni Papa at mataas pa. 

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla akong tumakbo sa kusina at kinuha ang kutsilyo. 

“Arhhhh!” Daing ni Papa nang saksakin ko ang leeg niya gamit ang kusilyo. 

Kaagad siyang napahiga sa gilid habang hinahawakan ang kutsilyo sa may leeg niya. Ngunit hindi ko siya pinansin at kaagad na tinignan si Dapdap.

“Dapdap!” Sigaw ko at kaagad na lumuhod para tignan siya ngunit mas lalo lang ako nanlumo nang makita ko ang duguan at wasak niyang mukha.

“Dapdap, gising! Dapdap wag mo akong iiwan! Dapdap!” Sigaw ko at niyoyogyog siya uopng gumising ngunit wala itong reaksiyon.

Kagad kong binuhat si Dapdap para dalhin sa hospital ngunit pagbukas ko ay nasa labas pala ang dalawang pulis na humahabol sa akin kanina. 

“Tulong! Tulongan niyo po ako!” Sigaw ko at kaagad silang naalerto. Tinulungan nila akong buhatin si Dapdap habang ang isa ay pinosasan kaagad ako. Ngunit hindi ko na iyon napansin at kaagad na sumunod sa kanila. 

Sumakay kami sa patrol car papunta sa Hospital. 

“Tulong! Tulong!” Sigaw ko at hindi alintana ang itsura ko na nakaposas. 

“Please tulongan niyo po ang kapatid ko!” Pagmamakaawa ko. 

Sumunod kami hanggang sa ipinasok ang kapatid ko sa loob ng emergency room. 

“Please panginoon kung meron man. Tulingan niyo po ang kapatid ko!” Napaupo ako sa sahig habang tumatangis at nagmamakaawa sa diyos na dinggin ang panalangin ko.

“Oh.” Wika ng Pulis na nasa tabi ko habang nakaabot saakin ang panyo niya ngunit hindi ko iyon tinanggap at pinansin. 

Mayamaya pa ay lumabas ang doctor.

“Sir paumanhin po at ginawa na namin ang lahat nang makakaya namin ngunit bigo po kaming maisalba ang kapatid mo.” Wika ng doctor na nagpaestatwa sa katawan ko. Pakiramdam ko ay umalis sa katawan ko ang kaluluwa ko dahil sa masamang balita na dala ng doctor.

“Huh? Hindi maari Doc! Dapdap! Dapdap!” Nagsisigaw ako habang tumatangis dahil sa sakit ng nararamdaman. Kaagad kong nilagpasan ang doctor at pumasok kung nasaan si Dapdap. 

“Dapdap! Hindi! Hindi ito totoo! Dapdap!” Sigaw ko ulit nang makita ko ang nakahiga at walang buhay na kapatid ko. 


01

“Sino yan?” Tanong ng lalakeng tadtad ng tattoo sa katawan sa isang lalake na nagmamasahe sa kanya.

“Bagong salta, Boss Boston.” Sagot kaagad ng lalake. 

“Anong kaso niyan?” Tanong uli ni Boston at ipinagpatuloy ang pagkain. Nasa canteen kasi sila ngayon sa loob ng presohan. 

“Homicide at Theft daw, Boss!” Sagot ulit ng lalake.

“Sa liit niyang yan? At base sa katawan niya mukhang di nga yan ata kayang makapatay ng daga.” Gulat na wika ni Boston. 


“Hi, Boston pala.” Wika ng isang maskuladong lalake na puno ng tatoo. Umupo siya sa tabi ko kung saan ako kumakain ng panghapunan ko. 

Kadarating ko lamg dito kaninang mga alas-dos kaya hindi ko pa masyadong gamay ang vibes dito at isa pa natatakot ako sa mga tinginan saakin ng mga preso na para bang gusto nila akong kainin. 

Hindi ko siya sinagot kasi ayaw kong ma associate sa kahit sino dito, lalo na itong lalakeng katabi ko dahil kanina nakita ko siyang may binubogbog na preso. Mukhang lider-lider ito dito sa loob. 

“Hindi mo lang ba ako papansinin.” Wika niyang muli at nilapit pa ang ulo niya ngunit hindi ako lumingon ngunit nakikita ko siya sa peripheral view ko. 

“Putcha! Ngayon lang ako hindi pinansin ng mga binabati ko!” Dahil sa mura niya ay napa pintig ako sa gulat. Grabe ang tibok ng puso ko sa kaba. 

“Ano? Hindi kapa rin ba iimik!” At hinampas niya ang lamesa kaya mas lalo akong kinabahan. Tumayo siya at hinawakan ang damit ko sa likod atsaka niya ako binuhat gamit ng isa lang na kamay. 

“Arhhh!” Daing ko. At nilapag niya ako upang makatayo. Nagkatitigan kami. Shuta ang gwapo naman nito para maging isang preso. Papasa na to bilang modelo ah. May lahi ba siya? 

“Ano hindi mo talaga ako papansinin?” Pasigaw niyang sabi at sabay hawak sa kwelyo ko. Kita ko pa ang pag-igting ng kanyang mga panga. 

“P-periwinkle ang pangalan k-ko.” Nauutal kong sagot at saka ginamit ang buong lakas para tanggalin ang kamay niya sa pagkakawelyo saakin.

“Damn! What a lovely name.” Mura niya pa. Anong lovely? I know that my name is unique pero bakit siya napamura. 

“Pero parang pang babae naman yang pangalan mo. HAHAHAHA.”  Luh? Ano kayang nakakatawa? Gago ba siya? 

Inirapan ko nalang siya at bumalik sa pagkain ko. 

“Saang selda ka?” Tanong niya sabay akbay saakin. Amoy na amoy ko tuloy ang manly scent niya. Dagdag mo pa na wala siyang pang-itaas ngayon. 

Buti nalang at hindi siya mabaho kasi sayang naman ang gwapo niyang mukha kung may amoy siya. 

“Blk 4-Cell 24” sagot ko sakanya sabay tanggal sa braso niyang naka-akbay saakin. 

“Shit! Malas naman oh.” Mahina niyang sabi ngunit rinig ko naman. Pati boses niya bagay na bagay sakanya. 

Ayon sa pagkakalam ko ay may four blocks ang presohang ito. 1 represents the northern part, 2 the east, 3 the west and 4 the south. 

Ibig sabihin ay nasa southern part ako ng presohang ito. At kada block ay may 30 cells at sa isang cell ay may anim na presong magkakaroomate. 

Parang pa cross ang design ng presohang ito at sa gitna ang canteen, shower at laundry area at kung nasaan din nakapwesto ang mga warden. 

“Gusto mo bang lumipat sa selda ko?” Tanong niya at napakamot pa sa ulo niya kaya kitang-kita ko ang pag flex ng biceps niya at ang malalago niyang buhok sa kilikili. 

“Bakit ko naman gagawin iyon?” Bobo ba siya? Pano ako lilipat doon eh may naka assign na sa akin na selda. At isa pa pwede ba yun? 

“Damn!” Mura niya. “Segi kumain kana at baka ano pa ang magawa ko sayo.” Hindi ko na narinig pa ang huli nyang sinabi at tinoon nalang ang pag-ubos sa pagkain ko. Masarap pa naman ang pagkain. 

“Mukhang gutom na gutom ka ah.” Napalingon ako at nakita kong pinagmamasdan niya akong kumain. “Oh sayo na to.” Tapos binigay niya saakin ang friend chicken niya. 

“Pwe-wee?” Wika ko habang punong-puno ang bibig ko.

“Hahahaha.” Luh anong nakakatawa? Hindi ko nalang siya pinansin ulit at pinagpatuloy nalang ang pagkain kasi minsan lang ako makakain ng ganito. Lalo na ng fried chicken. 


Sa kabilang dako ay may isang lalake ang pinagmamasdan sina Periwinkle at Boston.

“Ano Boss Rosco,  hahayaan mo nalang ba na unahan ka ni Boston?” Tanong ng isa lalake habang minamasahe ang balikat ni Rosco. 

Bagamat hindi full body ang tattoo ni Rosco ay masasabi mong marami parin siyang tattoo dahil sa full arm sleeve tattoo niya sa dalawa niyang arm. 

Umigting ang panga ni Rosco sa narinig niya. Walang ibang pwedeng umagaw sakanya sa mga gusto niya.

At isa pa taga block niya si Periwinkle kung saan siya namumuno kaya tama lang sabihin na belong sakanya si Periwinkle. 

Kaagad siyang tumayo at dinala ang pagkain niya at saka umupo sa kabilang side ni Periwinkle.


“Oy ikaw pala iyan, Rosco.” Bati niya nang may umupong maskuladong lalake sa tabi niya. Nakilala kasi niya ito kanina nang dumating siya sa Selda niya. 

“Gusto mo rin ba ito?” Tanong ni Rosco at turo sa fried chicken na hindi pa nagagalaw.

“Hala talaga ba? Segi akin nalang.” At kaagad na ibinigay ni Rosco sakanya ang manok nito. 

Maya-maya pa ay parang nakaramdam siya ng kakaibang aura mula sa dalawang lalake sa magkabilang side niya. Na para bang isa silang bulkan na kahit anong oras ay sasabog nalang bigla. 

Bang! 

Hinampas ni Boston ang lamesa kaya nagulat ako.

“Anong problema mo, Soriano???” Sigaw ni Boston at kaagad na tumayo. 

Tumayo din si Rosco at nagtitigan sila ng napakatalim na para bang pinapatay nila ang isat-isa sa mga tingin nila. Nakita ko pa ang pag-igting ng nga panga nila hudyat na pareho silang galit.

“Baka ikaw ang may problema, Ferrer???” Wika naman ni Rosco

Mag-kaaway ba sila? 

Kaagad akong tumayo at pumagitna sa kanila. Doon ko lang na realize kung gaano sila kataas saakin. Sabi noong nag check ng profile ko na 5’3 daw ang height ko. Namangha pa nga ako dahil kung hindi pa ako makukulong hindi ko pa malalaman ang height ko.

Grabe hanggang dibdib lang nila ang taas ko tapos idagdag mo pa na malalaking lalake sila dahil sa mga muscles nila kumpara sa balingkinitan kong katawan siguro dahil wala kaming makain kaya ganon. 

“Hoy! Tumigil kayo please! Hindi pa nauubos ang pagkain ko, hindi kayo pwedeng mag-away! Ngayon lang ako nakakakain ng ganyan kadami niyan.” Wika ko sabay turo ko sa dalawa pang friend chicken. 

“Alam mong galing siya sa block ko kaya saakin siya, Ferrer” Wika ni Rosco ngunit mas lalo lang nagalit si Boston. 

Hindi sila natinag  sa mga sinabi ko at mas lalong nadagdagan ang pressure dahil nagsidatingan ang mga preso na para bang kahit anong oras ay magkakaroon ng digmaan sa pagitan nina Rosco at Boston. 

“Bahala nga kayo sa buhay niyo!” At kinuha ko ang plato ko at lumipat doon sa pwesto ng ibang preso na hindi nakisali sa gulo.

“Arhhhh!” Daung ko nang madapa ako dahil nay pumatid saakin. 

“Buti nga sayo bakla, hindi ka pumunta dito para maging prinsesa. Hindi para pag-agawan ng mga hari ng selda.” Saad ng isang lalake na pumatid saakin at pinagtawan ako ng mga tao. Medyo may kaputian siya, maganda ang mukha. Mukha siyang mayaman. 

Hindi ko siya pinansin at pinulot ang nahulog na mga fried chicken dahil sayang. 

“Anong ginawa mo, Eris?” Sigaw ni Boston. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala sina Boston at Rosco. Eh, kanina lang parang gusto nila magdigmaan ah. 

Tinulungan ako ni Rosco na makatayo. At dinala pabalik sa kung saan kami naka pwedto kanina. Habang si Boston ay naiwan at nakipag-usap doon sa tinawag niyang Eris.

“Oh, dito ka nalang kumain.” Wika ni Rosco at inabot ang plato niya na may kanin pa at nilipat doon ang mga friend chicken na pinulot ko kanina.

“S-salamat.” Alam kong nakakahiya ang ginawa kong pagpulot doon sa mga pagkain na nahulog kaya gusto ko nalang maiyak ngunit nilakasan ko ang loob ko dahil hindi ako pwedeng magpaka-mahina dito at sigurado akong tatargetin ako dito. 


02

Enggkk! Enggkk! Enggkk!

Tumunog ang pito hudyat na tapos na ang dinner time namin at kailangan na namin bumalik sa kanya-kanya naming mga selda.

“Sabay na tayo.” Wika ni Rosco sa tabi ko kaya tumango nalang ako. 

“Saang selda ka nga pala?” Tanong ko at hindi ko pa kasi alam. 

“Ah malapit lang, sa Cell 30 ako.” Sagot niya naman sabay akbay saakin.

“Ano ba!” Tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko. 

“Grabe ka naman ayaw mo ba saakin?” Tanong niya na parang asong inabandona. 

“Hindi sa ganon. Hindi lang ako sanay.” Wika ko at isa pa ayaw ko din masyadong malapit sakanya dahil pareho lang sila ni Boston. 

Maglakad nalang kami ni Rosco ng tahimik hanggang sa marating namin ang selda ko. 

“Oh dito nalang ako. Salamat sa paghatid.” Tapos nginitian ko siya pero bigla nalang siyang bumaling sa kaliwa ang tingin. 

“Segi, una na ako.” Parang nahihiya niyang wika habang napapakamot pa sa ulo. Nagflex tuloy ang biceps niya at na reveal ang buhok niya sa kilikili. Ang cute at ang gwapo niya tuloy tingnan. 

Pumasok ako sa loob, ngunit nagulat ako sa taong nasa loob ng selda namin. Ang lalakeng pumatid saakin kanina. Sapagkakaalam ko ay tinawag siya ni Boston na Eris. Ewan, hindi ko kasi siya nakita kanina nang dumating ako dito sa kulongan. 

“Mukhang nandito na ang prinsesa! Ang bagong laruan ni Rosco!” Tapos pumalakpak pa siya. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig-sabihin niya sa laruan. Eh, malalaki na kaya kami para maglaro, at isa pa hindi naman kami ganon ka close para maglaro kami.

“Huwag mo siyang sasaktan, binabalaan kita, Eris!” Wika naman ni Kuya Kris. Siya ang pinakamatanda dito sa selda namin at nasa 45 na ang edad. Ngunit, makikita mo pa rin ang gandang lalake niya kahit na may katandaan na siya. 

“Ano bang espesyal dito, at siya ang nakita ni Rosco?” Dagdag pa niya at lumapit siya at nagpalibot-libot saakin na animoy sinusuri ang buong pagkatao ko.

“Eh, sa tingin ko hindi nga ito tatagal ng isang round sa halimaw na iyon.” Dagdag pa niya. Anong round? Mag-lalaban din ba kami ni Rosco? Siguradong talo kaagad ako kung ganoon. At halimaw? Nagiging halimaw ba si Rosco? 

“Hindi ko alam kung bobo kaba o sadyang tanga kalang talaga. Kitang-kita diyan sa pagmumukha mo na wala kang alam sa kalakaran dito sa loob ng kulongan.” Dagdag pa niya habang sinasampal-sampal niya ang mga pisngi ko. Kahit na mahina lang pero nakakainsulto ang ginagawa niya saakin. Ano bang problema niya? 

Pak!

Hindi ako nakatiis at sinampal ko din siya. Medyo napalakas kaya may tunog. At kitang-kita mo ang paglingon ng mukha niya dahil sa lakas.

“Anong….Anong ginawa mo!” Galit niyang sigaw.

Pak! 

Gumanti din siya kaya randam ko ang paglapat ng kamay niya sa pisnge ko dahil sa sakit. 

“Ano bang problema mo!” Sigaw ko sakanya at umambang gaganti ulit ngunit pinigilan ako ni Renz, at si Eris ay pinigilan naman ni Maky. 

“Hindi bat sabi ko sa’yo na huwag mong sasaktan ang isang yan!” Pinagalitan ni Kuya Kris si Eris ngunit imbis na magalit ito pabalik ay tumawa ito na parang isang baliw.

“Bwahahahaa. Ipagtatanggol mo talaga yan? Eh, magiging puta rin lang din yan katulad natin ah!” Natatawa niyang sabi. 

“Hayss, salamat at hindi nagasgasan ang maganda mong mukha, iho.” Mukhang nabunotan ng tinik si Kuya Kris nang masiguro niya na walang pasa sa pagsampal ni Eris. Hindi ko man siya maintindihan pero nagpapasalamat parin ako at may pakialam siya saakin.

“Tara na doon sa higaan mo.” At inalalayan ako ni Renz papunta sa higaan ko.

“Dito ka sa baba at dito naman ako sa itaas.” Tumango lang ako sakanya at humiga na. 

“Ah, Pambihirang buhay ito!” Sigaw ulit ni Eris kaya napalingon ako. Pagtingin ko ay nakatingin din pala siya saakin ng masama, pagkatapos ay padabog siyang pumunta sa higaan niya. 

Ting! Ting! Ting! 

Nagulat ako dahil sa mga hampas ng batuta mula sa pinto ng kulongan namin. 

“Lino, tawag ka sa Cell 30!” Sigaw ng isang Police sa labas.

Bigla nalang napabangon ang kaninang nakahiga na si Lino. 

“Huh? Ayoko po!” Sigaw niya. Binuksan ng Police ang pinto at pumasok ito. 

“Huwag ka nang magpakipot pa!” Sigaw ulit ng Police nang makalapit siya kay Lino.

“Huwag po! Huwag po! Ayaw ko po!” Sigaw ni Lino at nagpupumiglas sa pagkakahawak ng police sa palapulsohan niya. Ngunit mas likas na mas malakas ang police kaya hindi siya makatakas. Base sa tinding niya ay magkasing taas lang kami ni Lino. Tapos yung police ay malaking tao, medyo mataba, malaki ang tiyan at medyo maykatandaan na. 

“Tulong! Tulong! Please, ayaw ko po!” Tatayo na sana ako upang tulongan si Lino ngunit pinigilan ako ni Renz

“Kahit anong mangyari huwag na huwag kang makikialam, kung ayaw mong mapahamak.” Wika ni Renz sa taas na bed.

“P-pero a-ano ang gagawin nila kay Lino?” Natatakot kong tanong. Para kasing iihawin si Lino. Kumakain ba ng tao sina Rosco kaya halimaw ang tawag ni Eris sakanila? 

“Umpisa palang yan at marami pang ganyan kaya masasanay ka din. At kung ano man ang gagawin nila kay Lino, ay malalaman mo din yan.” Dadag pa niya kaya bumalik nalang ako sa paghiga. 

Ano kaya ang gagawin nila kay Lino?



Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.