PUSIT
JamesNoe · 30 chapters · 25,592 words
Chapter 1
Chapter 1
JET
“Subo mo na please! Bago ako umuwi” pangaakit ng hook up kong may nagmumurang abs.
Pangit si hookup pero panalo naman ang body kaya kahit hipon siya sinusulit ko kasi napakadalang maka kuha ng hookup gamit ang blank profile.
Hinimas ko ito hanggang mapakagat labi siya. Di ko alam ang name niya basta ang alam ko legal age na siya kahit mas bata siya sa akin. Curious daw siya sa chupa ng bakla. Isinubo ko ang kanyang kahabaan at maugat na burat. Halos mabilaukan ako ng isubsob niya ang ulo kong kanyang sinasabunutan para ibaon ito.
“Sige! Sagad natin. Yan naman ang gusto mo diba?” tanong ng gigil na gigil kong hipon.
“Teka lang! Pahinga lang saglit.” Pagmamaawa ko.
“Walang saglit saglit!” pangaasar nito sabay dura sa kanyang burat at muling sinalpak ang kanyang burat sa aking bibig.
Pilit kong tiniis ang pagkaanimal ni hipon dahil ramdam ko na malapit na siya. Di nga ako nagkamali, kasabay ng malalim niyang paghinga at pamimilipit ng binti ay binunot niya ang kanyang burat sa aking bibig at jinakol ito habang nakatutok sa aking mukha.Pinasirit niya ito sa aking mukha. Nagkalat sa aking buhok, pisngi, mata ang amoy chlorox niyang katas.
Di pa rin nanamlay ang kanyang burat kaya parang lapis na sinundot sundot niya ang aking bibig para akiting ibuka ito. Di ko naman binigo si hipon binuka ko ang aking bibig at marahang sinalubong ang kanyang kahabaan. Lumaki ang kanyang mata na siyang nagpalakas ng aking loob na iikot ang dila sa malaki nitong ulo.
Nginig na nginig na si hipon nang muli niyang hatakin ang aking buhok para ilayo ang aking mukha. Saglit itong napaupo sa sofa takip-takip ang hapo niyang mukha gamit ang kanyang makapal na palad.
“Grabe ang galing mo!” pahingal nitong nasambit.
Kinuha niya ang damit na tatlong beses yata naming ginamit na pamunas ng katas at nilinis ang kanyang burat. As if dun kumalat ang tamod.
Ito lang talaga di ko gusto sa hookup walang aftercare ni di man lang naalalang may tamod pa ko sa buhok pero okey lang magreklamo pa ba ako eh once or twice in a month lang to.
Isinuot ni hipon ang kanyang pantalon at damit. Lumapit ito sa akin at pinisil ang aking pwet.
“Salamat. Save mo number ko pag gusto mong magrelease ng stress tawag ka lang.” sambit nitong tila siya lang ang may titi sa mundo pero dahil nga bottom ako kinindatan ko siya at nginitian na tila Miss Universe.
“Okey lang. Sige! Ingat ka! Hatid pa ba kita?” tanong ko habang nililinis ko ang bakas ng aming pagkakasala sa aking buhok at pisngi.
“Wag na. Alam ko na, tsaka baka may makakita pa sa atin.” Mapangaasar na sagot nito.
Basag na linya ng mga feeling gwapo na kinaiisan ko na akala mo naman ay taga rito siya at siya ang masisira kung makita siya ng kapitbahay ko. Fuck talaga tong mga fuckboys na to pero dahil mabait akong bottom ngumiti na lang ako.
Umalis si hipon na nagpacute pa bago isara ang pintuan. Lalim ng paghinga ko ng isara niya ang pinto. Gusto ko sanang sumigaw ng PANGIT pero ayokong maging bastos. Pasalamat talaga ko kay Batman at natapos din ang hook up na ito.
“Batman naman, kahit isang matinong lalaki lang please!” panalangin ko habang nakaupo sa sofa at ninanamnam ang pag-iisa at pangungulila sa wala.
Hirap maging teacher talaga dito pinas dahil kasama ang personal choices mo sa isasacrifice mo para maturuan ang mga bata ng Subject-verb agreement lalo na sa public school dapat daw Good Examples ang mga teachers.
Pasalamat na rin ako at tinakwil ako ng tatay at nanay ko noong 13 pa lang ako kundi laking pressure na magkaroon ako ng anak ngayong 30 years old na ako.
Lecheng buhay to! Tanda na, Ulila na, Bakla pa! Ano ba yan? Nakabinggo na ako sa life tragedy game.
Chapter 2
Chapter 2
BOGS
Tatalon na ako. Tapusin ko na to. Wala ng kwenta ang buhay ko. Paaano ko i-explain sa magulang ko at boyfriend ko na may HIV ako? Lahat yan mawawala pamilya, sex life, career at maging kaibigan. Sino ka mang talaga nakahawa sa akin, MAMATAY KA NA!.
Ano ba to? Lecheng bareback na yan bakit naman kasi mas masarap kumantot ng walang condom. This is the end of me. Dasal dasal ko pa naman kanina sa simbahan habang naghihintay na sana mali ang hinala ko. Yung google naman kasi! Lahat ng checklist ng early symptom ng HIV na meet ko. BAkit naman sa dinami dami ng test sa mundo, ito pa talaga ang naipasa ko? Badtrip talaga. Sana sa pagtalon ko dito sa tulay. Patay agad. Sana doon ako tumama sa bato para di ko na maramdaman pa ang ibang sakit.
Tuloy tuloy ang pagluha ko habang patuloy kong hinahanapan ng positibong pananaw ang balita ng nurse na naputol ang pag ngiti ng mahawakan at mabasa ang resulta ng test. Alam ko na agad! Bakit napakadaling makita ang pakikiramay sa mga mata? Napakagaling magsalita ng nurse na parang alam na alam niya ang tumatakbo sa isip ko.
Gusto ko na magpacrimate.
Di maalis sa isip ko kung ilan pa sa mga mahal ko sa buhay ang lalayo at mabibigatan sa dinadala ko.
Kung mamatay ako ngayon for sure move on lang din ang mga mahal ko sa buhay katulad ng mga sasakyang patuloy ang pagdaan dito sa tulay. Naawa ako sa nanay ko na napakasupportive sa kabaklaan ko. Paano na ngayon na mismong kabaklaan ko ang kikitil sa buhay ng anak niyang ipinaglaban? Di siya magiging proud as a single mother dahil mas pinili niya ang anak niyang bakla kaysa sa asawa niyang homophobic. Kamalasan lang ba talaga ang dala ko sa buhay. Salot ba talaga ang bakla?
Marahil dito ko na dapat tapusin ang lahat. Hindi mahalaga kung pumangit ako sa loob ng kabaong dahil wala nang mas papangit pa ba sa baklang pinaglamayan dahil sa namatay sa AIDS kahit sinabi naman ng nurse na may mga support group na pwede niyang ipakilala sa akin wala naman support group na mas kailangan ko bukod sa nanay ko na napudpod ang kamay kakalaba nung bata ako para lang makabili ng lotion at perfume ko. Sorry Ma, sorry talaga!
Pinikit ko ang aking mga mata. Lord, sorry to disappoint you! Di ko kayang makitang maghirap pa ang mama ko, layuan ako ng mga kaibigan ko at magalit ang bf na posibleng nahawaan ko. Kasalanan ko to.
Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili sa aking pagtalon. Bigla namang narinig ko ang malungkot na kalembang ng simbahan. Bakit ganon ang kalembang ng simbahan? Sinong patay? Ano ba ito? Para sa akin na ba yan?
Nagitla ako ng biglang may tumabong plastic na lumilipad sa aking mukha kaya lalo akong napahawak sa tubo. Tinanggal ko ang plastik at bigla kong naramdaman ang lula nang muli akong mapatingin sa ibaba.
Bigla akong naguluhan. Iba’t ibang imagen ang pumasok sa aking isipan habang akoy nakapikit at nakayakap sa tubo.
Ang nanay ko na naluha sa ibabaw ng aking kabaong. Nagiisa, yakap yakap ang aking graduation picture na parang si Mirian Defensor Santiago nung namatay ang kanyang anak.
Ang bf kong naglalalaslas ng kamay dahil sa sobrang lungkot.
Mga pamangkin kong iyak nang iyak sa aking lamay.
Si Leo at Ana na tao ko sa shop na umiiyak dahil dipa nasahod.
Ayokong ito ang makita ng kaluluwa ko. Gusto kong bigyan ng chance ang sarili ko na makapagpaalam ng maayos. Huminga ako ng malalim at pinahid ang aking luha na tila isang batang paslit. Tumayo ako at lumayo sa bakal. Humanap ng mauupuan at pinakiramdaman ang aking paghinga. Paano? Paano ko sasabihin? Kanino? Kanino ko unang sasabihin? Kelan? Kelan ko dapat ituloy ito?
Chapter 3
Chapter 3
JET
Leche di ako makaihi. Paputol putol sirit ng ihi ko.
Sino ba tong nasa loob ng cubicle, nagjajakol o naiyak?
Pinikit ko ang aking mga mata at inimagine ang tunog ng tubig pero lalo namang lumakas ang hikbi ng nasa loob ng cubicle. Baka ano namang nangyayari sa bata. Kinatok ko ang pinto.
“Bata? Okey ka lang? Kailangan mo ba ng tulong?” tanong ko na may pag aalala.
“Okey lang ako pre!” sagot nito na ikinagitla ko dahil sa lalim ng boses niya. Sinipat ko ang butas sa ilalim at nakita kong malaki nga ang paa ng nasa loob. Malaki ang paa. Sobrang laki. Napangiti ako sa aking kababuyan at naghugas ng kamay.
Paglabas ko ng CR ay nakita ko ang guard na nakatitig sa akin na tila nagbabanta kaya wala akong nagawa kundi pumila sa counter para umorder ng pagkain kung sabagay wala rin naman akong gagawin. Ang init naman dito sa restaurant na to. Masarap naman ang food dito lalo na ang siopao nila kaya lang ang aircon naman parang hininga ng baby sa hina. Nagamit ko tuloy na pamaypay ang folder ko na may form sa loob na sana ay hindi magusot.
Dalawang tao na lang at ako na ang susunod kaya agad kong kinareer ang pagiisip kung ano ang oorderin ko. Iba talaga ang kaba pag nakapila ka sa restaurant tapos di ka pa nakakapili ng kakainin. Bigla naman akong napalingon sa may bandang CR dahil sa pagtunog ng pintuan nito. Lumabas ang lalaki na may rugged look. Animong figure of authority. Ang yummy ni guy na naglalakad patungo sa akin.
Hahalikan ba ako nito. Shit! Bakit mapula mga mata niya? Siya ba yung imiiyak sa cubicle? Napatingin ako sa sapatos. Hala siya nga! Bakit ka umiiyak baby?
“Sir? Sir? Ano pong order ninyo?” tanong ng cashier na tila pagod na kakatawag sa akin.
“Ay sorry! Combo Meal1 large mo na drinks and fries ha.” sagot kong pavirgin dahil sa sobrang concious ko kay hottie na nasa aking likuran.
“Sir? … Sir?” pageeksena ng cashier.
“Ano?” tanong kong medyo naiinis.
“Wala po kaming drinks and fries. Chowking to sir hindi Jollibee.” pambasag ng cashier na siyang nagpa ngiti kay Mr. Hottie at nagpatibok sa aking puso.
“Oh sige siopao na lang tsaka halo halo large mo na.“entry ko para mabawasan ang kahihiyan
“Siopao with large halo halo…Anything else? Meron po kaming…” memorisadong line ni cashier na di ko na iniintindi dahil mas ramdam ko ang presensiya ng lalaking hot sa likod ko. Naku! sana mahulog ang sukli. Tutuwad talaga ako.
“Ay sorry… Sir, pavoid?“sigaw ng cashier.
Iba rin talaga yung cashier kung kelan naman konti lang ang order dun pa talaga nagkamali. Lumipat tuloy si hottie sa kabilang pila. Pagkabayad ko ay iniabot ng cashier ang number na pagkalaki laki. Agad naman akong humanap ng mauupuan malapit sa isa pang aircon.
Kung anong hina ng buga ng aircon malapit sa counter ay siya namang lamig ng aircon dito sa area na kinauupuan ko pero di ko pa rin ramdam dahil sa init ng pakiramdam na namumuo habang tinititigan ko si Mr. Hottie na nagbabayad sa cashier. Ang snob ng look niya pero bakit parang ang lungkot lungkot niya. Pagkabayad niya ay agad ding humarap si Mr. Hottie sa aking direksyon para maghanap ng mauupuan. Kunwaring binuklat ko ang folder para itago ang mapanuri kong mata.
Pagkatangal ko ng aking folder ay muling bumungad ang mukha ni Mr. Hottie na nakaupo sa kabilang mesa na nasa harap ko at tila nananadya pa ang universe dahil literal na nakaharap siya sa akin. Face to face with two tables in between. Sana lang walang umupo sa iba pang mesa.
Maya maya pa ay lumapit ang crew bitbit ang kanyang order. Tingnan mo nga naman nauna pa siya sa akin. Iba talaga dito. Tsaka, bakit soup? Hello sa init ng panahon, wanton soup talaga. Pilit kong iniiwas ang aking tingin sa kanya pero di ko matanggal ang aking pagkakatitig lalo na nang takpan niya ang kanyang mga mata na tila nanalangin. Naawa ako ng dumaloy ang maraming luha sa kanyang pisngi. Di ko alam kung saan ko ibabaling ang aking tingin dahil wala nang mapaglagyan ang aking awa. Kinuha niya ang tissue at pinahid sa kanyang mukha. Wala na rin yatang mapaglagyan ang luha sa tissue kaya nabutas ito. Napatingin siya akin at ako ay nabigla. Napangiti ako na parang guilty at napalunok. Tumayo ako at iniwan ang folder sa aking mesa para humingi ng marami pang tissue sa crew at isang basong tubig na punong puno ng yelo. Binigyan naman ako.
Lumapit muli ako kay Mr. Hottie at inabot ang tissue at tubig.
“Thank you! Pasensiya ka na pre”paputol putol nitong wika.
“Ok lang yan. Pwede ba kitang samahan diyan?” tanong ko sa pamamarang di naglalandi.
“Oo Sige… baka matuluyan na akong masiraan ng bait.” sagot naman niyang tila di rin sigurado.
Kinuha ko ang folder ko sa mesa at lumipat sa mesa ni Mr. Hottie. Napakabilis na nawala ng paghanga ko sa kanya at napalitan ng awa.
“Kung kailangan mo ng kausap pwede akong makinig. Makikinig lang ako.” sambit ko.
“Pari ka ba?” seryosong tanong nito.
“Luh… Hindi… Magaan sa loob ang pagsasabi ng nararamdaman. I will not judge. Promise, makikinig lang ako.” seryosong pagtanggi ko.
“Talaga. You will not judge? Kahit malamang mong may HIV ako?” sagot naman nitong nagpalunok sa akin at nagpatindi ng aking awa. Napakapakielamero ko kasi.
Chapter 4
Chapter 4
BOGS
Tama nga siya. Magaan sa pakiramdam ang pagkukwento. Halos isang oras niya akong pinakinggan. Di ko maipaliwanag kung bakit di man lang ako nahiyang magkwento sa kanya kahit mukha siyang nabiktima ng marketing scam ng sabihing kong HIV positive ako. Marahil dahil di ko siya kilala at di na kami muling magkikita kaya ganun na lang ang buhos ko.
Naubos ang aking luha at napagod ang aking mga bibig na balikbalikan ang mga nangyayari kaya napag desisyonan ko nang umuwi ng bahay at ituloy ang aking pagluluksa.
“Ei, Di ka pa patay and you chose not to kasi mabuti kang anak, kaibigian, bf, at boss. Kailangan ka nila kaya wag kang bibitaw. OK? God is good. Ito ang number ko kung sakaling gusto mo nang kausap o kahit tagapakinig. Willing ako makinig sa kwento mo. OK? Anytime. I mean, Wag lang madaling araw. Mamumura kita.” pagpapatawa nito na siya namang saglit na nagpangiti sa akin.
Kinuha ko ang tissue kung saan niya sinulat ang kanyang number at name. Teacher Jet ang name niya kaya pala di siya nagsalita kasi teacher siya at pagod na siyang magsalita. Ibibigay ko rin sana ang aking numero pero wala akong papel.
“Text na lang kita mamaya. Low bat na rin ako. Salamat sa pakikinig. Bogart name ko pero pwede mo akong tawaging Bogs. May viber ka ba?“tanong ko.
“Wala pero tatry ko magdownload mamaya para sayo.” sagot niya nang may kasiguraduhan.
Nagpaalam ako sa kanya sa pamamagitan ng kaway pero nilapitan niya ako at niyakap.
“Kapit lang Bogart. Maraming nagmamahal sa’yo.” bulong nito.
Sa oras na iyon naramdaman kong tama ngang maraming nagmamahal sa akin at kung pwede iparamdam ng isang taong di ko naman kilala ang pag-unawa bakit hindi ng mga taong mahal ko at minahal ko.
Nilakad ko ang kahabaan ng kalsada imbis na sumakay ng jeep para bigyan ang sarili ko ng panahong makapagisip. Uunahin ko na ang boyfriend ko. Uunahin ko na siyang saktan, kung iiwan niya ako, Okey; kung hindi mas okey. Inaral ko ang dapat kong sabihin. Masasaktan ko ang bf ko lalo’t bago lang kaming mag jowa. Seven months palang kami at sa dami kong nakasex na bareback bago siya it will be unfair para sabihing siya ang root ng virus ko.
Hindi kagad ako tumuloy sa bahay kaya saglit na nagtambay ako sa kalapit na tindahan at bumili ng yosi. Hinithit ko ng pagkabilis bilis. I need to pull off the bandaid. Pumasok ako at nagulat ng nakitang nakahubad si Jason suot lang ang jockstrap na pula na binili ko sa kanya.
Napaupo ako sa sofa at agad na humagulgol. Mabilis na lumapit si Jason at niyakap ako.
“Hoy! Anong meron?” pagaalala nito.
Di ko masabi sa kanya kaya minarapat kong iabot sa kanya ang result ng aking test. Maya maya pa ay sabay na kaming humagulgol. Yakap niya ako at yakap ko rin siya. Hinalikan niya ang aking noo at ulo at dinala ako sa aming kama. Hindi ko na naramdaman ang mga susunod pang nang yari dahil dinuyan ako ng pagod, lungkot at pagaalala.
Yakap yakap lang ako ng mahigpit ni Jason. At least, di niya ako iiwan o pinandirihan.
Tama nga si Teacher Jet. Kailangan namin ni Jason ang isa’t isa. Lalo na ngayon.
Chapter 5
Chapter 5
JET
Sabado ngayon. Landian day. Usually, sa mga oras na ito ay nagsisimula na akong ng douche pero wala akong ganang makipagkantutan ngayon. Tatlong araw na nakakalipas mula ng nameet ko si Bogs pero di maalis sa isip ko ang pagaalala. Hindi siya nagtext sa akin mula noon. Marahil tinuloy niya ang kanyang pagpapakamatay. Nakakatakot pero ano magagawa ko. Bogs nasan ka man, please wag mo naman akong dalawin. Scared much ako.
Nagtirik ako ng kandila para sa kanya sa Altar ng mahal na virgen at taimtim na ipinalangin ang kaluluwa ni Bogs. Nalulungkot ako dahil akala ko ay mahahanap niya ang pag asang maayos niya ang lahat. Naisip ko tuloy kung ako ay magkakasakit ay tanging sarili ko lang ang madidisappoint ko dahil wala naman akong bf o pamilya. Di ko naman hinihingi na magkasakit pero kung sakali man parang wala namang apektado bukod sa akin.
Agad kong binuksan ang aking laptop at nagsimulang mag aral tungkol sa HIV. Aba, dami palang victims sa pinas. Tingnan mo nga naman at walang pinipiling edad o kasarian. Kawawa naman ang mga biktima.
Sinimulan ko muna sa early symptoms. Salamat naman kay batman at tanging extreme exhaustion lang ang napasa ko sa checklist pero normal naman yata yun. Ikaw ba naman magngangawa sa loob ng limang oras among 350 students pag hindi ka napagod.
Dito ko rin nalaman na may daily maintenance namang pwedeng inumin para maimprove ang status mo. Daming technical terms pero sabi pwede ka rin pala maging undetectable o di nakakahawa in no time kung devoted ka sa paginom ng pills. ARV is the miracle drug ng mga biktima.
Nagsearch din ako ng mga famous people na nagka aids. Ang dami pala nila pati pala si Freddie Mercury. Hindi na rin ganun kataas ang death rate nito pero ang spread rate nito ay napakataas kaya safe sex is highly recommended.
Tatlo lang daw ang paraan para maiwasan ito. Abstinence, Be loyal and condom. Isa lang ang pwede ako. CONDOM. I can never and will never be loyal. Struggle is real din sa abstinence. So kantot tayo pero with condom.
Marami ring foundation na natulong sa mga may saki katulad ng The library foundation at Love yourself foundation. Wala raw gamot pero may maintenane. In fact, kapag meron kang philhealth ay libre ang mga bote ng ARV. Natakot naman ako sa mga Grindr stories na nagsasabing karamihan ng gwapo na nasa Grindr daw ay puro positive. Kinabahan ako kaya ni-research ko kung nakakahawa kapag nilunok ang tamod. Meron daw slight chance. Takot Much. Dinagdagan ko na rin ng isa pang kandila ang tinirik ko sa Mahal na Virgin. Ini-advance ko na rin ang para sa akin.
Chapter 6
Chapter 6:
BOGS
Bogs,
Wag mo na kong hanapin, please.
Di ko kaya ito. Ibinibigay ko kalayaan mo.
Nasa mga magulang ko ako.
Jason
Ganun lang kabilis na tinuldukan din ang relasyong namin ni Jason dahil sa lecheng HIV na yan. Normally, nahihirapan ako sa break up pero this time rerespetuhin ko si Jason lalo na ngayong siguradong nasira ko na rin ang kanyang buhay. Ibibigay ko ang kalayaan niya para hanapin ang tunay niyang kaligayahan. One down. Gusto ko uling umiyak pero naubos na yata ang luha ko.
Inisa isa ko ring i-inform ang lahat ng mga nakasex ko tungkol sa sakit ko. Buti na lang at meron akong kontak nila. May nagmura sa akin, may namblock at meron ding naawa pero nagagalit. Mas nagaalala ako sa mga namblock na marahil ay siyang nakahawa sa akin.
Naisip kong ipagpaliban muna ang sunod sunod na dagok ng aking buhay kaya minarapat kong palampapasin ang buong linggo na nasa kwarto lamang at magmuni muni pero ngayong sabado kailangan ko si Mama. Kinuha ko ang phone.
“Ma? May lakad ka ba today?” tanong ko habang nakikinig sa kabilang linya.
“Wala naman Nak, O, bat parang malungkot ka? May nangyari ba?” tanong din ng aking ina.
Naiyak ako sa phone at ramdam na ramdam ko ang yakap ng aking ina kahit sa telepono.
“Ako na lang pupunta diyan anak. Magluluto tayo. Okey lang ba? “ pagaalala nitong patanong.
“Sige ma!” sagot ko.
Iba talaga ang mama. Wala pang isang oras ay nasa harapan na siya ng bahay bitbit ang plastik na naglalaman ng pagkain. Marahil ay masyadong nagmamadali si mama kaya baligtad ang kanyang damit.
Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap. Lumingon lingon sa paligid para hanapin si Jason.
“Wala na kami ni Jason ma?” agad kong tugon sa tingin niyang maraming tanong.
Kumunot ang noo ni Mama.
“Diba sabi ko naman sayo na dati pa na mukhang di kayo magtatagal.” pabulong na sambit ng aking ina habang nakayakap.
“Ma, wala namang nagloko.” sagot ko na paputol putol.
Litong lito na ang aking ina sa lalim ng aking iyak kaya iniupo niya ako para ibigay ang time na masabi ko ang gusto kong masabi pero di ako makapagsalita.
“Ano ba nak? Sabihin mo na problema mo. Natataranta na ako.” pamimilit nito.
“Wag kang magagalit, please.” pagpapaalala ko
“Bakit ako magagalit?” sambit ng nanay kong lalong naiinis “Ano nga?”
“May HIV ako” mahina kong sagot
“Oh, Eh ano naman? Ano ba yon, ets ay bi?” mabilis niyang tanong
Napangiti ako dahil sa ka innosentehan ni mama.
“Hala nabuang ka na anak! Ano nga?” pamimilit ni mama.
Sinimulan kong ipaliwanag kay mama ang aking kalagayan at sinubukang gawing light ito para di masyadong magalala si mama. Sa bawat paliwanag ay narealize ko rin sa sarili kong di naman pala ganun kabigat o ka big deal ang estado ko dahil sa daming ways para di lumala ang sakit ko. Kaya habang nakikinig si mama ay tila di rin siya masyadong nagaalala.
“May gamot ba yan para gumaling ka?” tanong nito.
“Di na to gagaling ma. Forever maintenance na ito. Kailangan kong uminom araw araw ng gamot.” tugon ko na medyo nahimasmasana na.
“Oh, anong kaibahan ng BELO Whitening Pill na araw araw mong iniinom para pumuti ka?” panundot na sagot ni mama.
May point. Huminga ako ng malalim dahil kumbinsido na akong pwede nga.
“Mahal ba gamot diyan?” tanong ulit niya na kala mo naman siya ang bibili ng gamot.
“Libre siya basta may Philhealth issuport ako ng Treatment Hub ng RITM”sagot ko na tila alam ko na ang susunod kong dapat gawin.
“O anong problema nak?“muling tanong ni mama.
“May sakit ako. Ma? Pwede kong ikamatay to” paglilinaw ko.
“Nak naman OA ka. Kahit sino naman pwedeng magkasakit o mamatay pero ilaban mo kasi isa lang buhay mo. After nito wala na. Bye bye kana talaga forever. Wag mong sabihing uunahan mo pa ako” pagpapaliwanag ni mama.
“Ma pag lumala ito magiging AIDS na to” tugon ko.
Napalaki nang mata ang nanay ko dahil mas naintindihan niya ang bigat ng AIDS. Dun na siya nagsimula humagulgol. Na OP naman ako sa nanay ko.
“Ano ba may AIDS ka ba nak? Yung totoo!” tanong ni mama na kala mo naman ay mamamatay na ako sa oras na ring yun.
“Hindi pa ma. Pag hindi ako nakainom ng gamot at napabayaan ko sarili ko dun pwede akong magka AIDS.” sagot ko sabay himas sa kanyang likod.
“Ano? dito na ba ako titira? Sinabi mo na ba sa ate mo?” sunod sunod nitong tanong.
“Di na kailangan dito ka pa ma tumira tsaka wag mo munang sabihin kay ate baka imbis awa ay galit ang isalubong sa akin nun.” sagot ko.
Lumapit ang aking mama at niyakap ako.
“O sige. Ikaw bahala pero nak wag ka muna mamatay please. Alagaan mo sarili mo.“paglalambing nito.
“Bakit ma nagmamadali ka?” pangaasar ko.
Hinampas ako ni mama sa batok na siya namang nagpakunot ng aking mukha. Agad naman niya hinimas ito at hinalikan.
“Nak. Andito lang ako.” pag suporta ng aking ina.
“Oo naman ma… Nasa tabi nga lang kita eh.” pamimilosopo ko
“How are you to find out?” pagpapatawa ng mama ko na di napunta sa wala. Hagikgikan kami sa kalokohan ni Ms. Everything.
Chapter 7
Chapter 7:
JET
Sabi ko na barbie! Di ako makatiis. Libog ko talaga at parang supportive naman ang universe dahil after kong magonline ng 30 minutes ay may Top agad ako. Mamayang hapon pa naman kaya mamaya na ako mag douche.
Judge me not! Hirap maging baklang ulila. May mga magulang nga ako di naman ako tanggap. Alam mo ba ang feeling ko na babangon ka dahil lang sa trabaho mo. Yung nagiisa lang ang role mo sa buhay. Jet ako sabado hanggang linggo tapos Lunes hanggang Biyernes, Teacher Jet naman ako. Lungkot kaya nun kaya kapag may baklang student na nakikita kong nag-iisa ay nilalapitan ko agad at sinasamahan. Hirap ipagsiksikan ang sarili sa mundong kinakahiya ka kaya kinakagat ko kahit panandaliang role bilang asawa, kabit o slave. Maiiba man lang ang routine.
Daming promises nang daddy-top ko tonight. Rim and finger daw basta deepthroat ko daw siya. Nagprepare na rin akong condom if in case gusto niyang pasukin ang kweba ko. Naggrocery na rin ako para naman magkalaman ang ref at nakakahiya naman sa bisita.
Nilinis ko talaga ng maigi ang banyo at bahay di naman mahirap kasi araw araw naman may area akong nililinis para di ako mahirapan tuwing sabado at lingo. Nagluto na rin ako ng sinigang kung sakaling gusto magbahay bahayan ng top ko.
Nakaidlip ako kaya napatalon ako nang makita ko na magalas 4 na nang hapon. Sinipat ko agad ang phone ko at nakita kong may three miscalls.
“Sorry, Daddy nakatulog ako.” pambungad ko.
“Okey lang! Papunta na ako.“sagot niya.
Binaba agad ni Daddy top ang call at agad akong pumunta ng banyo para maglinis. Sana lang talaga makantot ako today kasi minsan pagkatapos labasan ng mga hookup alis agad na akala mo naman ay magpropose ako ng kasal. Hirap kayang maglinis ng pwet.
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating si daddy.
“Pakain ka naman. Gutom si daddy!’ paglalambing nito.
“Opo, Daddy!” sagot ko na parang virgin.
Agad kong pinaghanda ang bisitang wawarak ng pwet ko. Feel na feel ko ang pagiging asawa niya. Lalo na nang ilapag ko ang ulam sa hapag kainan dahil hinimas himas at pinalo ni daddy ang pwet ko.
“Ei, pwede ba nakahubad ka habang nakain ako.” request nito.
Napalunok ako sa trip ni daddy. Gusto niya ng play. Oh, I will give you play.
Naghubad ako at tanging suot ko ang napasexy na jockstrap. Titig na titig si daddy sa akin habang nahigop ng sabaw.
“Babe, kuha mo nga si daddy ng patis” utos nito.
Agad naman akong kumuha ng patis. Nang ilalapag ko na ang patis ay hinatak ako ni daddy papalapit sa kanya. Inamoy amoy ang pusod ko at binting ahit na ahit.
“Babe, simunlan mo na. Nakakalibog ka. Dun sa ilalim ng lamesa. Chupain mo naman ako.Make daddy happy.” utos nito na may kagat at paghalik sa aking tiyan.
Ang bastos pero I like it. Kinilig ako at napatili sa sobrang sabik. Pumunta ako sa ilalim ng lamesa at inumpisahan ang panlalandi ng bukol. Madali kong nahimas at nakapa ang bukol dahil naka basketball shorts si daddy.
Sinubsob ko ang mukha ko para amuyin ang kahabaan na natatabunan ng brief. Medyo may amoy dahil naglaro siguro siya bago pumunta dito. Dinila dilaan ko ang ulong natatabunan ng brief. Kumikislot na tila lumalaban ang burat ni daddy kaya pinasok ko ang bibig ko para yakapin ang ulo ng kanyang burat.
“Ay, puta. Ang sarap.” nanginginig na wika ni daddy na napahinto sa paghigop ng sabaw.
Lalo akong ginanahan ng makita kong lumabas ang kaunting katas. Hinila ko ang burat mula sa ilalim ng brief para masilayan ang makinang nitong labi. Galit ang maugat at basang basa ang mahabang burat. Inikot ikot ko ang aking dila sa paligid nito.
“Isubo mo na yan!“sabik na paguutos nito.
Di ko pinansin ang sinabi ni daddy kaya patuloy kong nilalaro ang ibabaw at ilalim ng ulo gamit ang aking mahabang dila. Maya maya pa ay may sumabunot sa aking ulo.
“Ayaw mo! Sige ako magsasalpak. Tangna ka. Gigil mo si Daddy!“gigil na gigil nitong sambit.
Isinubsob ni daddy ang aking mukha sa kanyang burat. Buong tapang ko namang sinalubong ito lalo na nang ibaon ni daddy ang ulo dito. Lakas ng sigaw ni daddy lalo na nang pitikin ng dila ko ang titi niyang nasa loob. Ginawang puke ni daddy ang bibig ko. Hawak ang baba at ulo ko ay walang tigil na kinantot ni daddy ang bibig ko.
“Lalabasan na ko. Kainin mo to, Babe. Ayoko ng sayang!” paguutos nito.
Di ko naman siya binigo. Umagos sa lalamunan ko ang mainit niyang tamod. Nagtitigan kami habang hingal na hingal niya nilalabas ang burat niya sa bibig ko.
“Good boy ka naman! Halika nga dito.” pagod nitong paguutos.
Hinalikan ako ni daddy na parang asawa niya. Pisil pisil niya ang pwet ko habang sinasalo niya ang paghinga ng aking bibig.
“Tangna Babe, mamatay yata ako sa sarap! Sarap mo chumupa. Walang kaarte arte.” pamumuri nito na nagpalakas ng aking loob. Sa totoo lang mabaho ang burat ni Daddy pero nakadagdag ito sa libog ko. Ewan ko kung bakit. Kinagat ni daddy ang aking leeg.
“Mamaya videohan kita habang chinuchupa mo ko o kinakantot kita ha?” pilit nitong pagmumungkahi.
“Daddy pero tatakpan ko mukha ko ha.” pagpayag na may pagaalala ko.
“Oo susuot mo tong brief ko sa ulo mo babe.” panigurado ni daddy.
Kinagat ni daddy ang aking utong at iniupo ako sa silya na inilapit nia sa kanya.
“Babe, pagod titi ko pero hawakan mo lang habang nakain ako okey?” utos niyang tinanguan ko. Sarap ng feeling na hawak ko burat niya habang sinusubuan din niya ako ng pagkain para talaga akong baby kung ituring niya.
Malibog si daddy. Excited ako sa kung ano pang pwede naming gawin. Go na to. Sulitin ko to. Promise.
Chapter 8
Chapter 8:
BOGS
Ang aga gumising ni mama dapat pala siya na lang pinatulog ko dito sa sofa. Nagising agad ako nang maamoy at marining kong may nagsasangag. Sarap naman pag nandiyan si Mama.
“Mader, ang ingay. Ang aga aga.“pagbibiro ko.
“Wag OA Bogs, alas 8 na… Bangon na! Dami ko nang nagawa dito. Pumunta ka sa shop mo ngayon wag kang magmukmuk dito. Nakakadepressed bahay mo kasi masyadong tahimik.” pagmumungkahing sa tonong pautos ni mama.
“Okay sige. Ma, may kape na?” tanong ko na parang katulong ko si mama.
“Bumangon ka na. Tatamaan ka talaga sa akin. Ang tamad mo.” walang kamatayang linya ni mama.
Napangiti ako dahil muling nanumbalik ang pagiging high school student ko. Sa mata talaga ng nanay kahit anong edad o propesyon mo ikaw pa rin ang baby nila na kayang kaya nilang saktan ng walang gantihan.
Tumayo ako at binitbit ang unan at kumot na di ko naman nagamit dahil sa init. Agad akong tumungo sa kusina para kumain. Nilagang itlog at sinangag na kanin. Solve na solve.
May inabot si mama sa aking papel.
“Nak oh. Nakita ko sa pantalon mo. Buti di ko nalabhan yan.Sino si Teacher Jet?” malisyosong tanong ni mama.
“Ah. Kaibigan ko.” sagot kong walang ka latoy-latoy.
Kinuha ko ang papel at inilagay sa ilalim ng cp ko habang titig na titig si mama na tila may nagawa akong masamang bagay. Iba talaga mga taktika ng mga nanay. Yun tipong wala kang choice kundi sundan ang pagiging assuming nila dahil sa tahimik na pagkakatitig nito na ramdam mong hanggang buto.
“Hindi ko yan bf o hookup mader.” sundot ko.
“Bakit may sinabi ba ako?” sagot ni nanay na level Bea Alonzo.
Sinimangutan ko ang nanay kaya nakatikim ako ng deserving na batok.
“Ang landi mo kaya ka nagkakasakit.” pangaasar nito.
“Hayaan mo ma! Isa lang sinisigurado ko sayo. Matitigang na ako forever.” malungkot kong sagot.
Nagitla rin ako sa sinabi ko dahil narealize kong totoo nga. Mawawala ang sex life ko. Patay. Masusurvive ko nga ang sakit di ko naman masusurvie ang maging tigang. Di naman pwede puro kamay. Para akong nataranta sa napagtanto ko kaya ininom ko ang kape na parang tubig.
Napaso ako sa init kaya nagkandatalwak ang kape sa mesa.
“Nak! Bakit?… Bakit ang tanga mo?” tanong nang nanay kong tawa ng tawa.
Ito na lang siguro dapat kong gawin. Tawanan ang aking pinagdadaanan. Okey na naman kasi nasa side ko naman ang mader so ano pang hihilingin ko.
Nagpaalam ang nanay na uuwi dahil sa kailangan niyang kunin ang mga apo niya sa aking Ate. Si mader ang nagalalaga sa mga apo niya mula lunes hanggang biyernes kaya spoiled na spoiled ang mga bata.
“Nak pwede naman akong pumunta dito pag kailangan mo kasama ko lang mga bata.“pagmumungkahi niya.
“Naku ma wag na. Makukulitan lang ako dun.” sagot ko naman na may pagkabitter.
“Ikaw ang sama mong tito.“pangiinsulto ni mama.
“Joke lang. Ayokong mapagod ka. Ako na lang pupunta sa bahay.” sundot ko.
Inabutan ko si mader ng dalawang libo pang gala at panggastos. Walang mapaglagyan ang ngiti ni mama pag binibigyan ko siya ng pera. Napakadaling pasayahin ng nanay ko.
“Ito naman di naman ako nanghihingi.” nahihiya niyang sambit.
“Arte pamore. Akin na yan?” pang aasar ko kay mama.
“Walang bawian. Tanga.” sagot naman niyang mas nakakaasar.
Tawanan na naman kami sa pagiging cool ni mader.
Napagpasyahan kong pumunta sa computer shop at magparamdam sa aking mga katiwala.
“Leo, Asan si Ana?” bungad kong tanong.
“Hindi siya papasok. Nakipagdate siya dun sa bumbay para di na daw siya singilin sa kabayo ng plantsa.” sagot ni Leo na nagpatawa sa aming dalawa “Di nga siya sisingilin, kakabayuin naman siya.” dugtong nito na lalong nagpalakas sa aming tawa.
Naginventory kami ng stocks at tinulungan ko si Leo na magprint at magbind ng mga thesis at books. Magtatlong taon na itong negosyo ko na ito. Malakas ang kita lalo na nung nauso ang mga Computer Games pero nung ipagbawal ng gobyerno na papasukin ang mga student during class days medyo humina ang kita nito. Pero kapag sabado at lingo, palong palo naman kami sa kita. Di kami magkandaugaga ni Leo kakaprepare ng items for printing at pagpasok ng mga mababahong players.
Bawi bawi naman ang kinikita ko at nasasahuran ko naman ang dalawa kong college students na assistant. Mabait si Leo at Ana. Di kagwapuhan at kagandahan pero di matatawaran ang kanilang pagiging tapat. Never nila ako kinupitan. Nakadetalyado lahat ng kita at lagi nila itong inilalagay sa Gcash Account ko daily.
Masaya ako para sa kanila. Sana lang makahanap ako ng katulad nila kung sakaling magdesisyon silang umalis sa poder ko. Mabait naman akong boss, nagpapakain ako at nakikipagbonding sa kanila tuwing may time ako. Karamay ko rin sila sa problema na pinagdadaanan nila. HIndi naman nila inaabuso ang aking kabaitan bagkos ay sinusuklian nila ito ng katapatan.
Pinauwi ko na si Leo nang maaga matapos ko siyang ibili ng meryenda. Mga 11 na ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Napansin ko ulit ang papel na may numero ni Teacher Jet. Napagisip isip kong magparamdam kay Jet.
Tumawag ako. Matapos ang ika-anim na ring ay sinagot niya ang aking tawag pero nagulat ako.
“Sagad ko ba babe?“boses ng lalaking malalim ang boses.
“Oo, please!” sagot naman ni Jet na pabulong
Gusto kong patayin ang phone pero mas pinili kong magjakol kasabay ng mga malalaswang ungol at palitan ng mga malilibog na salita. Salamat naman at buhay pa titi ko. Sarap na sarap ako kaya halos sabay kaming nilabasan ng lalaking kumakantot sa kabilang linya.
SOP is life.
Chapter 9
Chapter 9:
JET
Hirap umupo. Ngayon pa talaga nagkaroon ng meeting. Lunes na lunes. Ganun pa man naenjoy ko ng bonggang bonga ang sunday hookup. Natuwa naman ako at gusto niya akong gawing official fuck buddy na siya namang sinangayunan ko pero sa isang kondisyon daw mag blood test daw kami ng sabay para kung negative sa sakit ay bareback na daw ang aming kantutan. Aba, agad naman akong sumangayon. Aarte pa ba ako. At least di na ako mahihirapang maghanap ng hookup at gumastos para sa mga condom at lube.
At least kahit sa kantot lang ay may isang role na nadagdag sa buhay ko. Wife. Yun oh. Excited ako kasi every other week ang aming set-up. For now, condom pa muna pero next next week papatest kami ng sabay.
Ang boring nang topic ni Principal kaya patago kong binuksan ang phone ko. Maglalaro na sana ako ng wordplay nang mapansin ko ang call icon sa taas. May tumawag kagabi.
SHIT di ko naman nereceive yung call bakit may twelve minutes duration. Hala siya. Namali yata swipe ko. Nakakahiya. Lecheng phone to.
Hindi lalo ako makaconcentrate sa sinasabi ng principal kaya minarapat kong mag text sa number.
Me: Hello! Sorry di ko nasagot ang call kagabi. Sino po ito?
Ito na yata ang pinakamabang Titigan competition na sinalihan ko. Hintay na hintay akong may sumagot sa text ko. Leche! Sana wrong number para di naman ako nagaalala kasi kinakantot ako ni daddy kagabi nung tumawag tong animal na to.
Natapos ang meeting na wala man lang akong nareceive na reply. Ito na yata ang pinakamagandang ghost story ko. At least safe ako.
Umuwi ako dala dala ang Quizzes ng isang section para magcheck at nang mabawasan ang imbak ng papel sa aking mesa. Nag oatmeal na lang din ako para di na ako mag luto. Kakain na sana ako ng may mag text.
0905****: Ang libog mo teacher. Hahahaha.
Namutla ako sa kaba. Joke siya pero kabado ako parang iba ang kutob ko.
Me: Sino po i2?
0905***: Secret. Hahahah!
Me: Bahala ka di na kita sasagutin
0905***: Hoy. Ito naman joke lang. Si Bogs to.
Medyo natuwa na nagaalala parin ako.
Me: Oi! Musta ka na!
0905***: Ito okey naman pero di kasing saya mo!
Me: Sorry kagabi di ko sinasadyang matrauma ka.
0905***: Ano ka ba? Feeling mo naman virgin ako. Salamat nga pala.
Me: Para saan ka nagpapasalamat?
0905***: Basta haahahahahah!
Me: Nu gawa mo?
0905***: Ito nakaupo ka text ka
Me: Obvious!
0905***: Joke. Naghahanda ng makakain.
Me: Okey ka na ba?
0905***: Medyo
Me: Nasabi mo na ba sa bf mo?
0905***: Oo, iniwan na nga ako eh!
Me: Ay sorry!
0905***: OK na ako. Available ka ba bukas?
Me: Mga 5PM may trabaho ako eh.
0905***: Invite sana kita mag milktea.
Me: Go sige, saan? text mo lang ako.
0905***: Sige Text kita bukas. Teka taga saan ka ba?
Me: Dito lang sa San Pedro. Sa Calendola
0905***: Malapit lang ako sayo katabing barangay
Me: D2 na tayo mag milk tea.
0905***: O sige. See you Sir!
Sana hindi kami awkward bukas. Nakakinis sana lang di pagusapan. Ibinaling ko ang buong gabi kaka check ng papel habang nakikinig ng mga kanta ni Ate Regine.
Ano kaya susuotin ko bukas? Teka, bat ako magpapacute ? May sakit kaya yun? Agad kong inalis sa isip ko ang mahahalay na bagay. Hindi ito tama. Ayokong mahawaan at mapabilang sa bilang ng mga HIV poz ng pinas. Erase! Erase! Erase!
Okey na ko kay Daddy. Hindi ako pokpokin (weh di nga?). Meron na naman akong boy toy so I think hindi ko na kailangan maghanap pa ng kantot o sakit. Tinodo ko ang volume ng “I don’t wanna miss a thing” ni Regine pero tila mas malakas parin ang bulong ng aking isip kaya minarapat kong ihinto ang aking pagche-check para manood ng porn.
Chapter 10
Chapter 10
BOGS
Bakit naman effort na effort akong mameet si Teacher Jet? Nagpabango at sinuot ko ang pinakamaganda kong damit. HOKAGE. Naexcite naman ako nang pumayag siyang makipagkita sa akin. Naging interesado ako sa kanya after kong marinig ang sexcapades niya last sunday. Ang libog eh. Wait. Di naman ako naasang makakantot ako, BAKA LANG. Napangiti ako sa naiisip ko. Mag te-ten minutes na akong naghihintay sa kanya. Normally, naiinis ako paglate ang date ko pero bakit ang bait bait ko ngayon. Ito ba ay epekto ng HIV.
Maya maya ay nakita ko siya naglalakad papunta sa shop mula sa puro salaming dingding na nakapalalibot. Di ko alam bakit sa dinami dami ng tugtog ng shop bakit naman ito?
Parang Neneng B ang kanyang katawan
Ang sarap mong titigan
Rosas ka ba?
Kasi sa spaceship isasakay kita!
Trap version pa kaya parang tumatalbog ang puso ko. Umikot ang paningin ni Jet hanggang magkasalubong kami. Kumaway siya, kinilig ako. Napangiti siguro siya ng aking namumulang pisngi kaya agad siyang naglakad papunta sa akin ng bigla siyang kumalabog.
POOOOOG!
Naumpog si Teacher salamin na akala niya ay open space dahil sa sobrang linis nito ay di mo talaga iisiping merong salamin. Agad na nilapitan si Teacher ng crew para icheck kung okey lang siya at pinagbuksan siya ng pinto.
Gusto kong mamatay sa kakatawa pero cute na cute ako sa mukha niyang hiyang hiya. Supportive din si Nik Makino
Uling ka ba?
Kasi kanina sa akin
Nagbabaga ka!
“Ano ba yan? Quota na ako sa kahihiyan Bogs.” pambungad na bati nito na pulang pula.
“Okey lang yan.” sagot ko na tila di siya naniniwala dahil halos itapat ng bata katabi ng mesa namin ang kanyang mukha sa mukha ni Teacher.
“Pwedeng lipat na lang tayo ng coffee shop. Nakakahiya na dito.“nahihiyang pagmumungkahi nito.
“Kanina pa ako dito. Ganto na lang, O-order na lang ako ng milk tea tapos sa lobby ng mall nalang natin ubusin.” suggestion ko.
“Sige. Pwede ba mauna na ako dun? Ito nga pala share ko!” sagot niya sabay abot ng 200.
“Ano ka ba ? Ako nagyaya so ako magbabayad. Next time ka na.” pamimilit ko.
“Sigurado ka ba? Sige una na ako baka makapatay pa ako ng bata dito.” tugon nito na napakalinaw para marinig ng bata.
Natawa ako sa reaksyon ng bata ng marinig niya sinabi ni Jet na agad bumalik sa mesa ng kanyang kasama. Nangingiti ako habang naorder ng tea at naghihintay.
Kinuha ko agad ang aking inorder at tumungo sa kinauupuang bench ni Jet na malapit sa entrance ng Gym. Ayos nakaharap kami sa mga hunk na nagbubuhat ng bakal.
“Okey ka lang?” tanong ko.
“May bukol ba?” tanong niya na tila alalang alala.
Hinawakan ko ang kanyang noo at dinampi ang mapulang bahagi. Parang mas madali makapa ang bukol ng prostate kaysa sa bukol sa noo. Ano ba yang pumapasok sa isip ko?
“Bakit ka natatawa?Meron ba?” tanong nito.
“Wala. Ikaw naman kasi ang tanga tanga mo.” pang aasar ko.
Nagalala ako kung paano niya iinterpret ang sinabi ko pero naibsan ang aking takot ng bigla itong tumawa.
“Alam mo hiyang hiya na ako sa’yo.” sundot nito.
“’No ka ba? Okey lang yan…At least napapatawa mo ang may sakit.” pagpapagaan ko ng loob niya.
“Bukol bukol naman ako” sagot niya.
Sabay kaming bumungisngis sa entry niyang joke. Sinumulan namin ang kwentuhan tungkol sa trabaho niya at business ko. I win a friend and client. Nasabi niyang meron siya minsang pinapaphotocopy sa mga bata kaya sa akin na lang daw niya ipapaxerox lahat ng English test at activities niya. Natuwa naman ako. Dami naming napagusapan tungkol sa aming personal life. Don’t take it in a wrong way pero feeling ko super blessed ako after kong marinig ang struggle niya lalo na nung tinakwil siya ng mama at papa niya. Naiiyak ako sa kwento niya kaya minarapat kong pagaanin ang nararamdaman niya.
“Tingnan mo naman ngayon. Isa ka nang independent successful professional Teacher!” sundot ko.
“Oo pero magisa…” sagot niyang nagpalumbay sa akin.
“Anong magisa? Nung Sunday mukhang hindi naman.” sundot ko sabay tawa.
“Ano ka ba? Kailangan ko rin naman magexercise no…” pabiro nitong sagot.
“So, Sunday lang kayo nagmeet ng boyfriend mo?” pangiisyoso ko.
“Oo.” sagot nito. Nanahimik kami na tila may angel na dumaan. Ewan ko ba kung bakit naman itong mall ay parang nagaasar talagang kumanta ang The Juans as in on cue.
Hindi tayo pwede
Pinagtagpo, pero di tinadhana
Di na posible
Ang mga puso’y wag nating pahirapan
Suko na sa laban, di tayo pwede!
Napakamusical naman ng araw na ito. Basag na basag ang moment para akong aso naghihintay ng buto. Ewan.
Chapter 11
Nagdaan ang dalawang Buwan…
Chapter 11
Jet
Tingnan mo nga naman talagang dininig ni Batman ang prayers ko. Binigyan niya ako ng Daddy na sagot sa mga sexual fantasy ko at isang friend na nakakabonding from time to time. Parang kapatid kung ituring ko si Bogs. Napakamaalaga sa kaibigan kahit na siya ang talagang may sakit sa aming dalawa.
Naging close kami ni Bogs. At least once a week kaming nagkikita. Puro kami tawanan at kwentuhan. Halos di kami nauubusan ng kwento. Naging official tambayan namin ang mall na malapit sa milk tea shop dahil narin sa malapit ito sa gym. Enjoy na enjoy namin ang hunk hunting lalo na pag Tuesday saksakan ng dami ng hottie around. Meron lalaking lalaki at meron din naman Jelly ace sa lambot pero ang katawan naman ay talagang HMMMMP.
Minsan nga naisip ko na parang walang sakit si Bogs. Malayong malayo siya sa mga naiimagine kong mga taong may HIV. We share everything kahit nga sa mismong baso nainom kami, kasi di naman natatransfer ang sakit sa laway. Hindi na rin ako nandidiri o nacoconcious siyang lapitan o kausapin tuwing may ubo o humahatsing siya dahil di rin naman ako mahahawa sa ganun lang.
Normal naman si Bogs kung titingnan kaya nga minsang nagpunta kami sa isang drug store at pumila siya sa Priority Lane ay sinita siya ng cashier at sinabihang pakicheck ang area niya. Nainis si Bogs kaya ibinalandra ang kanyang PWD Card. Di naman mukhang kumbinsido ang cashier dahil tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Lalo naman naiis si Bogs.
“May HIV ako pre, Ok na ba?” inis na sagot nito.
Basag na basag ang cashier kaya nagsorry na lang siya. Napatingin naman ang mga chismosang nakapila malapit sa kanya so nahiya naman si beshie kaya tinawag ako. Sumakay kami sa bago niyang motor. Nakahelmet kami pareho pero ramdam kong galit na galit si beshie. Durog naman ang puso para kay Bogs nung araw na iyon kaya promise ko sa sarili ko di ko siya ididiscriminate EVER. Kaya nung araw din iyon ay nagresearch ako tungkol sa myths about HIV. Nagulat ako nang malamang kong di naman pala basta basta nahahawa rito kahit nga makipag laplapan, maligo kayo ng sabay o magshare ng food kasi napapasa lang ito sa specific body fluids katulad ng dugo, tamod (kasama pala ang pre-cum), vaginal fluid, anal mucuous at gatas ng ina.
Di ko pa napapakilala si Bogs kay Daddy Manuel na kamakailan ko lang nalaman ang name dahil sa nahulog ang driver’s liscense nito. Nag 42 na si daddy at Birthday niya last Tuesday kaya gusto daw niya special ang gawin namin ngayon Saturday.
Kaya naman excited ako gumising today. Feeling ko mapupunit ang bibig ko kakangiti kasi iba si Manuel sa kama. Ramdam kong babae talaga ako sa kanya. Gustong gusto ko pag kinakain niya pwet tapos makikita kong bibig niyang punong puno ng laway- parang ang baboy pero ang sarap.
Ngayon daw gusto niya ay special. Di ko naman magets ang gusto niya ; basta walang dugo okey lang sa akin. Nagluto ako ng puchero at talagang sinarapan ko. Bumili rin ako ng mango cake from Contis medyo mahal pero okey narin isang beses lang naman mag bday si Daddy Manuel.
Naglilinis na ako ng pwet ko ng mga ala 6 ng gabi nang may marinig akong pumasok sa bahay. Saglit kong itinigil ang aking routine para tingnan kung sino ang pumasok kahit alam kong si Daddy Manuel lang yun.
Tama ako. Si Daddy Manuel nga pero may dalawa pa siyang kasama. Isang chubby at isang kalbo. May dala sila limang bote ng San Mig litro. Patay. Magiinuman pa yata sila. Lumapit si Manuel sa akin na nakita yata ang pagaalala ko. Niyakap ako ni daddy at talagang pinadama sa akin ni daddy ang sabik nitong burat. Hindi naman kakakitaan ng pagkailang ang dalawang bisita.
“Babe, wag kang magalala. Sila makakalaro natin today. Okey ba sa’yo?” tanong ni Daddy.
“Kayong tatlo?” sagot kong kabadong kabado.
“Wag kang magalala. Safe yan. Pwede bang pagkatapos mo diyan. Punta ka sa sala tagayan mo kami ng nakahubad ka?” pag uutos nito.
“Nakakahiya daddy.” nakapikit kong sagot.
“Gift mo na yan kay daddy. Tatlo kami. Tatlong titi busog na busog ka niyan. Ayaw mo ba?” pangaakit nito sabay yakap sa akin.
“Wag ka nang mahiya! Kami bahala sayo.” sagot ni daddy sabay himod, dila at halik sa aking leeg.
Di ko maintindihan ang nararamdaman kong takot at sabik sa mangyayari.
“Ok. Daddy pero sabihan mo magcondom ha.” paglilinaw ko.
“Oo naman basta ako pwedeng bareback ha?” paglilinaw niya.
Tumango ako at napaungol sa halik animal ni Manuel. Tumungo ako agad sa CR at naglinis nang aking pwet. Naglagay ng lotion at nagsuot ng jockstrap. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin. Gangbang is real. This is history baby.
Napangiti ako at kabadong lumabas sa aking kwarto. Kitang kita ko ang tinging demonyo ni kalbo at ni chubby. Tumatango naman si daddy na parang sinasabing “That’s my twink”. Kumuha ako ng yelo at pinagsilbihan ko ang aking alpha males. Panay ang hawak ni kalbo sa pwet ko. Kurot ng kurot naman si chubby sa utong ko. Napansin yata ni daddy na nababasa nang pre-cum ang jockstrap ko kaya tinawag niya ako at pinapuo sa hita niya.
“Ano ito?” pinisil ni daddy ang titi ko na nagpatalon sa akin sa sarap at sakit na naramdaman ko, “Hoy, san ka pupunta? Nilinis mo ba pwet mo?” dugtong nito.
Tumango ako at kinagat niya ang utong ko. Pinatayo niya ako at inikot sa harap ni chubby at kalbo na laway na laway na.
“Ano pre? Gusto niyo ba matikman gaano kasarap chumupa ang baby ko?” pambebenta nito.
Narinig ko ang ungol ni Kalbo kaya napangiti ako. Pinaharap ako ni daddy sa kanya at hinampas niya ang pwet ko sa harap ng bisita. Ibinuka ni Daddy ang pisngi ng aking pwet.
“Mga pre! Happy Birthday to me!” sigaw ni Daddy sabay halik sa akin. Naiiyak ako sa takot pero bahala na si Batman.
Chapter 12
Chapter 12
Bogs
Daming tao sa computer shop today kaya ang bilis ng oras. Pinag off ko pa si Leo at Ana today dahil mukhang nagkakadevelopan ang dalawa. Kagabi nakita ko sa mata ni Leo ang kinang ng dumaan si Ana at dumampi sa kanyang braso ang dibdib ni Ana. Napakagat labi si Leo. Natuwa ako dahil naging daan ang shop ko para magkaroon ng forever ang dalawa. Buti pa sila. Ako Waley.
Hindi ko alam paano ko sasabihan ang mga batang maligo bago pumunta sa shop para di mangamoy araw sa loob kaya habang nagbabayad ang bata ay sinabihan ko sila na bibigyan ko sila ng discount kapag pumasok sa shop na mabango. Mukha namang positive ang response ng mga bata dahil tinatanong ako kung sigurado daw ba yun kahit iba ang bantay.
Late na ako nakapagsara dahil may tournament ang mga bagets. Alas 11 na ako nakarating ng bahay at agad na naligo. Nakalimutan ko nang kumain sa sobrang pagod. Humilata ako ng nakahubad at naglaro ng Candy crush habang nagpapatuyo ng buhok. Sa kalagitnaan ng aking game ay bigla ko naman naalala si Jet. Si Jet na masarap landiin pero di pwede. Normally, hindi naman mga tipo ni Jet ang natripan ko mas feel ko mga athletic built hindi thin twink katulad niya pero siguro nga binulag ng HIV ang mata ko at tinuraan akong magfocus sa mas mahahalagang bagay. ANG KALOOBAN ng tao. Unfair lang kasi bakit kung kelan naman ako nagkasakit at nawala ang chance kong mahanap ang forever ko ay tsaka ko lang narealize na pwede pala talagang hangaan mo ang beauty inside ng isang tao.
Never niya akong kinaawaan at diniscriminate. Sa halos lingo lingo ko siyang kasama ramdam ko na isa lang akong normal na tao. Binabara niya ako at hinahambalos ng walang awa na parang kadugo ko siya. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit parang mas nangangailangan siya ng mas maraming atensyon gayong ako naman ang may limitadong timeframe sa buhay. He keeps me up in terms of my accomplishments and support system parang kinaiingitan niya ang mga narating ko at meron ako kaya natutunan kong maging grateful. Sana noon ko pa siya nakilala nung wala pa kong sakit.
Kinuha ko ang phone at tinawagan ko siya sa viber. Taking chances lang. Nakatatlong ring bago niya sagutin ng pabulong at nakavideo na tila naalimpungatan.
“Ano meron?” sagot nito.
Hindi ako nakaconcentrate dahil sumambulat sa background ang tatlong lalaking nakahubad sa likod niya at kitang kita ko rin ang mapulang mga tila kagat sa kanyang leeg at dibdib. Magulo ang kayang buhok at halatang namamaga ang kanyang mga labi. Inikot niya ang kanyang antok na antok mata at agad na narealize na nakavideo call siya kaya pinatay niya ang call.
Di ako nakakakilos. Really? Every fucking time na tatawagan ko siya dapat may makita o marinig ako. Ano ito? Joke?. Ipinikit ko ang aking mga mata para piliting palayasin ang mukha niyang talagang pasok sa collection ko ng porn nang bigla naman nag ring ang phone sa kantang cover ni Arvey. Joke ba talaga to?
May nakita ako isang lalaki
Di ko malimutan ang kanyang imahe
Ano ba ang iyong pangalan?
Noong nakita kita
Ako’y di mapakali
Ikaw na lang ang katabi buong gabi….
“Hello? Ano meron Bogs? May problema ba?” pambungad nito.
“Ay wala, nawrong press ko lang. Magtext lang sana ako.” sagot kong nakapikit dahil sa hiya.
“Kala ko naman kung ano.” tugon niya.
“Tatlo talaga Jet? Trot?” di ko mapigilang mangisyoso dahil narin ayaw maalis sa isip ko ang imagen.
“Ano ka ba? Safe naman.” napaka- normal nitong sagot.
“Okey ka lang ba?” muli kong tanong.
“Oo naman. Ikaw okey ka lang ba?” pangaasar niya ring tanong.
“Okey na okey. Birthday ni Daddy ngayon kaya nagdala ng kalaro. Akala ko nga hihimatayin ako dahil alam mo ba kanina ….” buong gana nitong pagkukuwento.
“TMI Jet. Okey na ako. Nangiinggit ka ba?” pagputol ko sa kanyang pagkukuwento.
“I don’t mean it Bogs. Sensiya na.” paumanhin nito.
“Nu kaba okey lang at least isa sa atin ang masaya. Basta be safe lagi Jet, Ok?” sagot ko.
“Oo naman. O siya sige baka magising pa yung tatlo. See you on Tuesday.” mahina niyang bulong.
“Sige… Ummmm… Jet?” paputol putol kong sambit.
“Ano yun Bogs?” tanong niyang mas humihina.
“Miss u. Good night.” mabilis pero malinaw kong sagot.
Hindi ko na hinintay sagot ni Jet at pinatay ko na lang yung phone nang nakapikit at nakakagat labi. Paulit ulit kong tinatanong kung bakit ko sinabing Miss you. Pag ako tinanong niya ano yung miss you sabihin ko na lang Miss Universe siya dahil nasa kanya na ang korona ng gangbang crown. Kainis talaga ako. Bobo me talaga.
Hindi talaga maalis sa isip ko ang imahen niyang magulong buhok, magang labi, mapulang balat at pagod na pagod na mata. Nakakalibog. Imaginin mo yan lagi mo makikita pagkagising mo sa umaga. Anong feeling? BOOM!
Chapter 13
Chapter 13
Jet
Patay. Hindi ko alam gagawin kong activity sa classroom ngayon. Hindi ako nakapaghanda buti pa pwet ko nahanda ko last Saturday pero yung lesson nganga kaya ngayong flag ceremony nalipad ang isip ko kung anong activity ko.
Lam ko na, Puzzle. Papagawa ako ng picto puzzle sa mga bata tapos galit galitan para lahat magtrabaho. Buti na lang first section ang first period ko madali lang magbigay ng instructions. Agad din nilang sinunod ang sinabi ko at gumawa agad ng activity. Effective ang serious look ko today with magang labi. Ilang tao narin ang nagtanong tungkol sa labi ko kaya naawa naman ako sa mga bubuyog na walang kamalay na ginamit kong dahilan.
Buti at hindi naman ako tinawanan ng mga student ko kundi talagang maiinis ako. Grabe naman kasi talaga ang effort ko last Saturday. Ni wala akong pahinga sa tatlong kumantot sa akin pero di ko makakalimutan yun dahil sa tatlong magkakaibang tira, diin at hagod. Bigla tuloy nagrewind sa isip ko.
Umupo si manuel at inutusan akong chupain ko siya. Libog na libog na siguro ang dalawang bisita kaya lumapit sila sa akin at kinuha ang makabila kong kamay para idampi sa kanilang mga naninigas na burat. Galing ko sigurong pornstar kasi sarap ng ungol ng tatlo.Kinuha ni manuel ang baso ng alak na nasa lamesita at ibinabad ang titi nito sabay pinasubo sa akin. Tawang demonyo ang dalawa nang makitang ganadong ganado kong chinupa si Manuel.
“Pre kami naman.” paalam ni Kalbo.
“Babe, wag mong pabayaan mga bisita natin” tugon ni Manuel na tumayo side by side ng dalawang bisita. Magkakaakbay sila at titig na titig sa akin. Habang palipat lipat ang bibig at kamay ko sa kanilang tatlo. Malupet si chubby may pagkahard talagang pag turn na niya ay binabaon niya ang mukha ko sa burat niya hanggang lumapat ang ilong ko sa bulbol. Si kalbo naman gusto niya hinahampas ang burat niya sa mukha ko tapos isasalpak niya sa isang pisngi sabay hugot para may tunog. Libog na libog ang tatlo sa akin kasi animong nagmamakaawa silang sila naman.
“Pre pahiram muna nang babe mo. Papachupa ko lang titi ko.” pagpapaalam ni Kalbo.
Sinungaban ni Kalbo ang aking kamay at hinila ako malapit sa puesto niya sa sofa. Umupo siya at kinindatan ako. Inabutan siya ni Manuel ng alak at nanood sila kung paano ko paungulin si Kalbo. Tindi ni Manuel pagnalilibugan nandudura punong puno na butas ng pwet ko ng dura.
“Nalunok ka ba? Gusto mo paputukin natin sa mukha mo?” tanong ni kalbo.
Animong robot na naghihintay ng sagot si Kalbo at Chuby.
“Sa mukha na lang po!” Mahinhin kong sagot
“Good boy naman pala talaga tong babe mo Manuel! Mamantsahan ko mukha nito!” demonyong wika ni Kalbo.
Maya maya ay natigilan ako sa pagchupa kay Kalbo dahil may naramdaman akong yelo na dumampi sa butas ng pwet ko.
“Nililinas ko lang. Kakain ako ng papaitan!” pangaakit ni Chuby.
Pinaghiwalay ni Chuby ang pwet ko para salubungin ang nanlalamig kong pwet. Dinalaan niya ang butas habang pinapalo ang pisngi ng aking pwet. Binuhusan ni Manuel ng beer ang butas para saluhin ni Chuby ang alak. Walang sinayang si chuby higop na higop niya ang alak na binuhos ni Manuel. Di na ako makaconcentrate kay kalbo kaya sinabunutan niya ako at pinabuka ang aking bibig.
“Wag kang tamad babe! Dapat busy yang bibig” pangaasar nito.
Agad niyang isinalpak ang kanyang burat at halos masuka ako. Ang diin ng pagkakahawak baon ni Kalbo sa aking mukha kaya walang hangin na napasok sa akin. Pumapalo na ang aking mga kamay pero di parin ako pinakawalan ni Kalbo.
“Kalma lang Kalbo.” pagaawat ni Manuel na naramdaman kong nagaalala. Agad naman nagsorry si kalbo at hinalikan ako sa labi.
“Putang ina Kalbo. Wag hahalik akin lang labi niyan.” muling pag-aawat ni Manuel.
Feel na feel ko ang pagmamayari sakin ni Daddy. Maya maya pa ay umupo silang tatlo sa sofa nang nakahubad. Si daddy sa gitna at ang dalawa sa magkabilang dulo. Pinadapa ako sa kanilang mga binti. Nakatutok ang mukha ko s a titi ni Chuby. Maliit pero mataba ang burat ni Chuby kaya medyo struggle ang pagsubo. Finifinger naman ako ni Kalbo habang jinajakol ko si daddy.
Sarap ng kwentuhan nilang tatlo tungkol sa kanilang trabaho. Truck driver pala silang tatlo ng mga gulay galing Ifugao. Galit sila sa boss nila dahil may pagka pakielamero daw. Maya maya ay pinapasok ako ni daddy sa kwarto para simulan na ang kantutan.
“Babe, pasok ka na dun. Maghanda ka na!Tuwad ka na agad ha?” utos nito.
Agad naman akong pumasok at hinintay ang tatlo. Maya maya pa ay pumasok ang tatlo. Tirik na tirik. Humiga sa harap ko si Manuel at hinarap ang titi nito sa mukha ko habang abala ang dalawa sa likod kakapahid ng lube sa pwet ko. Nagcondom na ang dalawa. Mabagal pero malalim na chupa ang gusto ni Manuel yung tipong binabaybay mo ang ugat ng kanyang burat. Ilang saglit pa ay nagsimula na akong kantutin ni Chuby. Umaalog ang aking katawan habang kinatantot ako. Salitan si Chuby at Kalbo. Ramdam kong may dumudura sa pwet ko para patuloy ang supply ng lube. Tatlong malalakas na ungol ang narinig ko. Mabagal ang kadyot ni Chuby at Mabilis naman ang kay Kalbo. Yakap na yakap ng pwet ko ang mataba at matigas na burat ni chubby samantalang tutok na tutok sa Pspot ko ang burat ni Kalbo.
“Pre malapit na kaming labasan. Ano ikaw naman kumantot?” pagpapaubaya ni kalbo
Tumango si Manuel. Agad namang kinuha ng mga bisita ang makabila kong binti at binukaka sa harap ni Manuel habang bitbit nila ako.
“Happy birthday pre! Ayan na alay namin sayo” pagbibiro ni Chuby.
Dinuraan ni Daddy ang kanyang daliri at ipinasok sa aking pwet na sumasabay sa aking paghinga.
Ngiting ngiti si Daddy. Mamaya maya pa ay niromasa ako sa magkabilang leeg ng 2 bisita. Sarap na sarap ako sa romansang asawa na pinaramdam nila sa akin. Hanggang sa isalpak ni Manuel ang kanyang burat. Kantot demonyo si Manuel. Hindi naman ako makagalaw dahil sa pigil na pigil na pagkakahawak sa akin ng dalawa. Pawis na pawis na si Manuel at ramdam ko sa tigas nang kanyang burat at sunod sunod na pagmumura ay malapit na siyang labasan.
Inihagis ako ng mga bisita sa kama nang sabihin ni Manuel na malapit na siya. Itinutok ng tatlo ang kanilang mga burat sa aking mukha at nagsimula silang magjakol. Gigil na gigil na rin ako kaya sinimulan ko na ang aking pagjajakol. Una akong sumabog at ramdam ko na para akong lantang gulay sa harap ng tatlong galit na galit na talong. Maya pa ay sumunod si Kalbo na nagpahid ng ulo sa aking labi matapos siyang labasan. Sabay na sumabog ang tamod ni Chuby at Manuel sa aking mukha. Amoy na amoy ko ang tamod. Pinikit ko ang aking mga mata dahil unti unting natutunaw ang mga tamod na malapit sa aking mata. Maya maya pa ay naramdaman ko na lang na binabaybay ng tatlong burat ang aking mukha para ikalat ang tamod. Gusto kong humalik pero walang bibig na pwede.
Nilinis ni Manuel ang aking mukha gamit ang kumot at inutusan akong matulog sa tabi niya habang nasa kabilang lado naman ang dalawa. Buti na lang talaga king size ang bed ko.
Anim na beses ako nagising sa kalaliman ng gabi na may kumakantot sa akin. Para akong laruan na pinagpasapasahan ng tatlo. Buti na lang at natutulog ang tatlo nung tumawag si Bogs pero nung bumalik ako sa kama ay nagparaos naman sa akin si Manuel.
Gamit na gamit ako pero di ako aangal. Hindi forever si Manuel dahil narinig ko sa kanilang paguusap kanina na uuwi na sa San Pedro ang magina ni Manuel at titira sa Bayan. Alam ko na na kailangan kong magparaya at ihanda ang sarili ko sa mabigat na pagpapaalam nito. Mas gusto ko pang i-ghost na lang niya ako kaysa magusap pa kami. Baka di ko pa kayanin.
Chapter 14
Chapter 14
Bogs
Excited much. Ang aga kong naligo at naglinis ng bahay. First time ko kasing dadalhin dito si Jet. Di na ako magluluto baka kasi isipin niya binaboy ko yung pagkain kaya umorder na lang ako ng Jollibee at favorite niyang milk tea. Netflix lang kami ngayon. Sana naman ay bigyan ako ng isang libong pagpipigil. Ayoko hawaan si Jet siya lang ang masasabing kong kaibigan kong tanggap ako.
Mag aalas 4 na nang hapon nang sunduin ko siya sa school. Halos magkanda bali ang ulo ng mga teacher at student nang makitang umangkas si Jet sa likod ng motor ko. Gusto ko sanang tanggalin ang helmet ko para ipagyabang kung gaano kagandang lalaki ako pero inisip ko na lang ang kapakanan ni Jet. First time yun ha.
Normally naka hawak si Jet sa bewang ko pero ngayon ay naka lagay ang kanyang mga kamay sa kanyang hita. Nahirapan akong magmanejo dahil sa dami ng batang lumalabas at mga sasakyang sumasabay rin sa paglabas. Saglit kaming napahinto sa pagtakbo dahil sa trafic at kung bakit naman natapat kami sa grupo ng mga batang kumakanta ng kanta ni Moira.
At ngayong nandyan ka na
Di mapaliwanag
Ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
Di pa aasahin. Di ka sasaktan…
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at ako…
Kilig na kilig ang betlog ko ang potah! Biglang namang pinukpok ni Jet ang helmet ko para sabihing gumalaw na ako. Napangiti ako sa sakit at agad kong pinatakbo ang motor. Di ko na marinig ang mga batang kumakanta pero patuloy na pinatutugtug ng isip ko ang kanta. Kahit sa kanta lang okey na yan.
Pagdating sa bahay ay agad kong iginarahe ang motor at pumasok sa loob.
“Bogs, magpalit ka ng shirt. Basang basa ka gago!” utos ni Jet na kala mo naman ay asawa kong pwede kong kantutin araw araw, gabi gabi sa kama, sa banyo at sa kusina.
Di na ko nagdalawang isip at hinubad ko ang aking damit pagdating sa sala para isambulat ang aking katawang may abs at upper chest tattoo. Humarap ako kay Jet at nagflex ng konti. May narinig akong mahinang tili at nakita ko talagang kinagat ni Jet ang paga niyang labi sa baba sabay talikod. Malas niya at may salamin na nakatutok sa kanya kaya kitang kita ko ang pananalangin ng kanyang mukha.
Maya maya pa ay pumasok ako sa kwarto at kumuha ng damit. Napangiti ako sa malanding mukha ni Jet. Pagbalik ko sala ay nakaupo na si Jet at binaba ang isang plastic na may mga papel.
“Ano yan?” panguusisa ko
“Mga Quizzes na checheck-an ko sana mamaya.” sagot niyang nakatingin sa TV kahit di naman nakabukas.
“Bakit mamaya pa? Tara tulungan kita?” mungkahi ko.
“Wag na nakakahiya.” sagot nito.
“Wow. Sa akin pa talaga nahiya.” pangaasar ko.
“Ano yun nakasulat dun birthday mo ba yun?” tanong niya.
Saglit akong napaisip kung ano ang tinutukoy niya hanggang sa maalala ko na ang tatoo ko sa upper left chest.
“Ah oo?” sagot ko na may pagtango.
“So Leo ka. July 25 ba yun o 24?” sundot nitong tanong.
“Ang bilis mo naman saglit lang akong nakahubad nakuha mo agad. Iba ka rin.” tunay kong pagpuri sa kanya.
“Hindi kasi nung pagkatanggal mo ng shirt…” pagpapaliwanag niya.
“Wag ka nang magpaliwanag pati kaibigan mo pinagnanasaan mo. Bastos!” pangaasar ko sabay tawa.
Namula si Jet na parang kamatis na nabubulok. Cute na cute ako sa kanya na parang gusto ko siyang halikan pero di pwede kaya kinurot ko na lang ang pisngi niya.
“Oo birthday ko yun July 24 1985 na naka roman numerals. In fairness, ang galing mo ha.” muli kong pagpuri sa kanya.
Napangiti ko si Jet. Ang saya sa pakiramdam.
“Kain na tayo tapos check natin yang papers mo.” mungkahi ko sabay tungo sa lamesa.
“Okey lang ba talaga?” paglilinaw nitong medyo nahihiya.
Inilapag ko sa harapan niya ang Jollibee na inorder ko at inilabas ko sa ref ang kanyang favorite milk tea na Wintermelon. Nakita kong kuminang ang mata ni Jet na parang nakareceive ng gift.
“Nagabala ka pa talaga. Nakakahiya naman Bogs?” papuri nito na kinagiliwan ko.
“Tira tira ko pa yan kahapon. Wag kang magalalala.” panunukso ko.
Naghagikgikan na naman kami na parang mga batang may ginawang kasalanan. Isa sa mga pinagtatakhan ko kay Jet ang pagkain niya nang walang proper sequence kayang kaya niyang pagsabayin ang tamis, anghang, alat sa bibig niya. Nakakagulat ngang minsan kumakain kami na sabay niyang nilalantakan ang fries na may ketchup at ice cream. Ngayon naman tea at chicken. San ka pa? Talented nga siguro ang bibig nito. Tumalon ang isip ko sa mga bagay bagay na pwede kong gawin sa kanyang bibig kaya naramdaman ko rin ang pagkislot ng aking burat. Huminga ako ng malalim.
“Bakit anong meron? Nahihilo ka?” tanong niya
Umiling ako at itinuloy ang aming pagkain at nagkunwaring sarap na sarap sa chicken. Matapos ang aming late dinner ay kinuha ko ang papel at inilapag sa lamesa.
“Yung section E ang checkan natin di mareklamo yan.” mungkahi niya.
“Ay ganun! kasi kala mo barubal ako magcheck, tama ba?” pangaasar ko.
“Hindi naman tayo makakaconcentrate kasi magkwentuhan tayo for sure.” pagpapaliwanag niya
“Tama nga naman. O siya sige. Alin ba dito ang section E?” tanong ko habang nakatitig sa aking si Jet na tila meron akong dungis sa mukha.
“Eh di yung may nakalagay na E. Tanga naman Bogs!” pangaasar nito.
Napatawa na naman ako sa pangaalipusta sa akin ni Jet kaya hinalukay ko ang papel at nakita ko nga ang Section E. Ganto na ba talaga kapangit ang sulat ng mga kabataan ngayon? Sabagay lahat naman kasi ay computerized.
Kinuha ni Jet ang kanyang answersheet at ibinigay sa akin ang kopya.
“Pano ka?” tanong ko.
Isinambulat niya sa akin ang kuha ng kanyang answersheet sa kanyang phone at siniwipe niya para ipakita pa ang ibang kuha. Ngalang,nasobrahan yata sa pagswipe dahil sumambulat din sa screen ang picture ng pwet niya. Agad akong tumingin sa ceiling para magkunwaring di ko nakita.
Naibagsak naman Jet sa taranta ang phone at BOOM nandun siya sa harapan ko. May dalawang kamay na humahawi sa pisngi ng pwet at sa baba nito ay may text nakasulat. WELCOME. Welcome daw. Eh di wow!
Chapter 15
Chapter 15
JET
Naku naman wala nang paglagyan ang kahihiyan ko. Naumpog sa salamin, Nag live call habang nagsesex, Nag video call na may katabing hubad na lalaki tapos ngayon naman pwet ko na binuka ko pa na siyang pinapadala ko sa mga inaakit ko sa hookup app.
Marahan kong dinampot ang phone sa harapan ni Bogs na nakatakip ang ilong para pigilan ang kanyang pagtawa. Bakit naman kasi di pa mukha ang tinakpan talagang ilong. Bahong baho ba sa PICTURE ng pwet ko?
“Sorry… I don’t mean to …” panimulang pagpapaumanhin ko.
“Hindi naman ako virgin no pero magingat ka sa phone mo. Imaginin mo student mo makakita niyan. Naku, nalintikan ka na? Bumili ka ng dalawang phone isang pangbahay at isang pangtrabaho.” mungkahi nito.
“Oo nga no. Salamat sa advice. Sige bibili ako sa Sabado.” pangasangayon ko.
“Samahan kita. Motorin natin. Gusto mo?” pagooffer niya.
“Eh diba magpupunta ka sa shop sa Sabado? Baka naman makaabala ako!” pagaalala niya sabay tingin sa aking may mga matang umaasa
“Sa hapon ako magduduty. Ako naman may ari so pwede ko i-adjust pagpunta ko.” mayabang niyang sagot.
“O sige samahan mo ko! Libre kita ng Lunch tsaka lagyan ko ng gas ang motor.” counter offer ko.
“Ako na sa gas ikaw na sa food. Deal?” counter offer niya.
“Whatever!” pagod kong pakikitalo kay Bogs.
Ito ang isa sa mga bagay na gusto ko kay Bogs. Madali naming na shift from awkward to normal ang mga bagay bagay (from pwet to cell phone). Ang bagal mag check ni Bogs kaya binibilisan ko ang pagchecheck dahil baka abutin kami hanggang hating gabi. Medyo nabibingi ako sa katahimikan kaya nagsabi ako kung pwede siyang magpatugtog gamit ang kanyang phone.
Tumayo siya at kinuha ang kanyang portable speaker at kinonek sa bluetooth ang kanyang phone. Favorite pala niya mga kanta ni Moira kaya pala kanina napahinto siya sa harapan ng mga batang kumakanta ng bago niyang awitin. Matatapos na kami ng pagchecheck nang saglit akong napalingon sa oras.
“Mag alas 9 na uminom ka na nang ARV mo.” utos ko
“Ay oo nga pala!” tugon niya
Napakunot ako ng noo dahil tila hindi ito ang unang pagkakataong nakalimutan niyang uminom ng gamot.
“Hoy Bogs! Wag mong kakalimutang uminom niyan kung hindi, di ka magiging undetectable at mabilis mo mapapasa ang sakit sa iba” panenermon ko.
“Hindi naman kaya active ang sex life ko so walang mahahawa tsaka nakaka-antok yan eh. Baka makatulog ako bigla.” palusot ni Bogs
“Okey lang kung antukin ka eh di matulog ka. Dito na lang din ako matutulog. Basta ihatid mo ko sa bahay mga five para may time pa akong magayos ng uniform ko.” sagot ko.
“Sigurado ka ba?” paninigurado niya.
“Oo naman. Meron naman akong dalang toothbrush diyan na lagi ko ring gamit sa school.” muli kong pagpapaliwanag.
“Sige. Pahiramin kita ng damit. Dun ka na sa kwarto matulog dito na ako sa sofa.” mungkahi niya.
“Ako bisita so ako matutulog sa sofa.” pamimilit ko.
“Hindi. Ikaw nga bisita kaya dapat comfortable ka. Dun ka sa kwarto!” pamimilit niya.
“Ganto na lang. Dun tayong dalawa sa kwarto matulog. Ok na?” huli kong offer sa tonong di dapat tanggihan.
Napalunok si Bogs sa sinabi ko. Ibubuka pa sana nito ang kanyang bibig nang iharang ko ang daliri ko dito.
“Hindi kita re-rape in promise!” panundot ko..
“Di ko naman sinabi yun na…” depensa niya.
Lalo ko pang idiniin ang daliri ko sa kanyang bibig.
“Wag ka nang magpaliwanag. Uminom ka na nang gamot tapos tapusin natin to, then tulog.OK?” pagtatapos ko.
Tumango si Bogs na parang bata at uminom nang gamot. Nakabisado na yata ni Bogs ang sagot kalaunan kaya napapabilis na rin ang kanyang pagchecheck kaya nung makita naming tatlong papel na lang ay lalo pa naming binilisan ang pagchecheck na tila nagpapaunahan. Ako ang may hawak ng huling papel kaya tuwang tuwa ako. Tumayo si Bogs at naghanda na para sa pagtulog.
Matapos maimis ang mga papel at maiayos ito ayon sa student number ay agad akong tumungo sa kwarto. Nasa loob na nang banyo si Bogs at nagtoothbrush habang naihi. Nakita ko ang shirt at short na nakatupi.
“Bogs ito ba dapat na papahiram mo sa akin?” tanong ko
Ngumawa si Bogs sa tonong positibo kaya agad ko itong kinuha. Magpapalit na sana ako nang maisip kong maaring biglang lumabas na naman si Bogs at makita akong nakahubad kaya minarapat ko na hintayin na lang siya. Habang naghihintay ay kinuha ko ang aking sipilyo at nilagyan na ito ng toothpaste. Kapuna puna ang malaking salamin sa pader na tila sadyang nilagay para masipat ang sarili during kantot session. Aba’y malandi talaga si Bogs. Napangiti ako sa aking naisip.
“Ikaw naman” singit ni Bogs na meron pang toothpaste sa kanang labi.
Pupunasan ko sana ito nang biglang hawiin ni Bogs ang aking kamay.
“Ano meron?” tanong nito.
“Bula ng toothpaste!” sagot ko.
Pinahintulutan naman ako ni bogs na tangalin ito. Tumuloy na rin ako sa banyo kahit ramdam ko ang mga mata ni Bogs na nakatingin sa akin pwet.
“First time mo makakita ng pwet, Bogs?“pangaasar ko.
“Luh!” sigaw niya.
Wala man lang salamin dito sa banyo kaya naman pala di napansin ni Bogs na may bula pa sa bibig niya. Naglinis agad ako ng aking bibig at mabilis na nagpalit ng damit sa takot ko na ring baka sumilip ang maniac kong kaibigan.
Paglabas ko ay nakahiga na si Bogs sa kabilang dulo habang nakuyakoy ang kanyang paa at naglalaro sa kanyang cp.
“Millenials ka ba?” pangaasar ko.
Tumawa lang ito at nagpatuloy sa kanyang paglalaro. Inihagis niya ang isang unan sa aking banda. Matapos kong isaksak ang phone ko sa charger ay agad din akong humiga.
“Bogs, Tama na yan tulog na tayo. Di ako makatulog ng may ilaw. Sige na!” pagmumungkahi ko.
Di naman nagreklamo si Bogs at pinatay ang kanyang phone. Tumayo rin ito at pinatay ang ilaw.
“Okey na ba yan?” tanong nito.
Umoo ako at pinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit tila ramdam kong nakatitig sa akin si Bogs kaya saglit kong minulat ang mga ito para siguraduhin. Nakapikit naman siya. Nilipat ko ang aking position para nakatalikod ako sa kanya. Huminga ako ng malalim at sa bawat paghinga ko ay nagbibilang ako. Unti unti akong dinalaw nang antok hangang sa ako ay makatulog ng mahimbing. Dito sa bahay ni Bogs. Katabi niya.
Chapter 16
Chapter 16
BOGS
Ang lakas ng alarm ni Jet. Unti unti kong minulat ang aking mga mata. Nagulat ako nang di ko makita si Jet sa kama. Inilibot ko ang mata kong medyo nakapikit sa paligid ng kwarto hanggang sa maramdaman ko na gumalaw ang kumot at may yumakap sa akin. Nasa bandang bewang ko si Jet. Nakayakap at nasa loob ng kumot ko ginaw na ginaw. Hala pano to? Maya maya pa ay muling tumunog ang phone ni Jet sa tunog ng Little Einstein Trap Version. Nagkunwaring tulog ako para maiwasan ang awkward moment.
Marahil ay nagulat din si Jet kaya agad itong humiwalay sa akin at unti unting gumulong patungo sa kanyang side. Ginising ako ni Jet at humarap sa akin ang magulo niyang buhok at hapong hapong mga mata. Ito pala ang feeling nun. Now I know.
Pumunta ako sa kusina para magpakulo ng mainit na tubig para sa aming kape. Sumunod naman si Jet at isinalin sa tasa ang korean coffee sachet na kulay yellow na niregalo ng aking ate kamakailan. Matapos kumulo ay agad kong isinalin ang mainit na tubig. Napansin kong suot pala ni Jet ang damit ni Jason kaya ng lumabas ito mula sa CR ay kinuhanan ko siya ng picture palihim. Bagay na bagay sa kanya ang green shirt na may nakaprint na “I’m a proud bot, baby!”
Mabilis na nagpalit si Jet nang pamasok at agad ko siyang inihatid sa kanilang bahay.
“Jet, kung kailangan mong katulong na magcheck na paper andito lang ako ha? Kabisado ko na answersheet mo kaya mabilis na lang yan.” mungkahi ko na may pangungumbinsi.
“Mamaya pwede ka?” kumbinsido niyang tanong
“Oo naman!” napakapositibo kong sagot na tila may halong sabik
“Sige text kita kung di ko matapos ngayon sa free time ko. Pupunta ka ba ng shop?” tanong nito
“Hindi. Pupunta ako kay mama ngayon.” sagot ko na may halong ngiti at
“Sige. Ingat ka. Ei, By the way!” pagpapaalam niyang may pahabol
“Ano?” napasaya kong pahabol
“Wag mo kalimutan ang gamot mo ha.” sagot niya sabay kindat
“Ah…. Ok po” sagot kong may konting kilig.
Nang makapasok si Jet sa kanyang bahay ay agad kong pinatakbo ang motor para magnakaw ng konti pang tulog. Nakita ko ang damit na sinuot ni Jet na nakatupi malapit sa ibabaw ng kama. Kinuha ko ito at inamoy amoy. Humiga ako. Binaba ko ang aking pants at nagjakol. Solve. Isang minuto pinaputok ako ni Jet. Grabe! Kahit sa imagination ko talented ang gago. Mabilis akong niyaya ng antok matapos kong magjakol.
Mag alas 9 na nang umaga ng magvibrate ang aking phone.
Jetlog: Naiwan ko toothbrush ko dyan sa bathroom.
Me: Teka check ko!
Jetlog: Wag na tago mo na yan para pag nagovernight ako dyan.
Me: O sige.
Jetlog: Ano oras ka pupunta kay mama?
Me: Mamaya pang hapon.
Jetlog: Ingat ka. Yung gamot mo wag mong kalimutan.
Me: Opo.
Kinilig ako sa “mama” na kala mo naman ay biyanan niya ang mama ko. Di na ako makatulog matapos kong makachat si Jet kaya minarapat ko na lang bungangon at magayos. Dumaan ako saglit sa shop para ibigay ang stocks for the month at agad dumerecho sa bahay.
Nagkagulo ang dalawa kong pamangkin nang makita ang kanilang favorite handsome tito na may dalang OISHI na favorite nila kaya lang nagagalit si ate pag junkfood ang kinakain nila. Favorite nila yung spicy flavor at dahil wala ang ate sa bahay ngayon ay dinalhan ko ang dalawa.
“Tig isa kayo kaya wag magaaway ha. Wag niyong sasabihin kay mommy kundi patay si tito. Ok ba?” panunuhol ko.
Sabay na nagtanguan ang dalawang bata sabay kiss sa magkabila kong pisngi. I feel the love ng aking mga pamangkin. Di ko namang namalayang kinukunan ako ng picture ng aking mama na pasaway. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang noo.
“Anong meron? Bakit mukhang masayang masaya ka nak?” tanong nito.
“Luh! Ano daw?” pagkukunwari ko
“Mukhang ang saya saya. Bakit may bago ka na naman?” patuloy na pang iisue ni mama.
“Luh! Wala. Natural nakita ko naman kayo kaya ako masaya.“pambobola ko
“Telege be” baklang baklang sagot ni mader na hinaluan ng hampas sa aking balikat.
Nagluto si mama nag sinigang sa bayabas ng buntot ng baka na pagkatagal tagal lutuin pero nang matapos naman ay para akong batang kumaripas sa pag upo na sa mesa.
“Ang lagay ako pa talaga maghahain. Hindi ka lumpo!” simpleng pangongonsensiya ni mama.
Napaismid na naman ako sa pambabasag ni mama pero agad naman akong naghain para sa aming apat. Napakasarap ng kain ko sa kaya naman tuwang tuwang si mama mag lagay ng maglagay ng kanin. Halos maubos ko yata ang limang gatang na kaning sinaing ni mama. Ako na dapat ang maghuhugas pero minarapat ko na lang na humilata sa bigat ng aking tiyan. Gustong gusto kong kutusan ang dalawa kong pamangkin na kung bakit kung kelan busog ay tsaka naman panay panay ang pakikipaglaro sa akin.
“Pumasok ka na sa kwarto nak. Dun ka na matulog at di ka titigilan ng mga pamangkin mo. Miss na miss ka nila. Ano magagawa mo?” mungkahi ni mama nang maramdamang naiinis na naman ako.
Nakonsensiya naman ako kaya nakipagharutan narin ako sa kanila. Panay ang kiliti ko sa dalawa hanggang sa sila na ang magmakawang tigilan ko sila. Naglaro na lang sila ng lego pagkatapos.
Sarap humilata ng nakadamit. Kelan ko huling nagawa to buti na lang at nagka HIV ako kasi ngayon at least naappreciate ko mga maliliit na bagay. Kanina nga pati mga batang mababaho sa shop naappreciate ko kasi kung wala sila, wala rin akong kita. First time ko ring matulog ng nakadamit at may katabi na di nakantot. Feel na feel ko na ang gratefulness nang bigla naman may text.
Jetlog: Punta ka sa bahay mamaya?
Me: Nagtatanong ka ba o nagiimbita?
Jetlog: Nagpapansin.
Me: Heheheh Cge.
Jetlog: Anong gusto mong kainin?
Me: Ikaw…
Jetlog: Ano! hindi sino! Tanga!
Me: Ikaw na bahala. Ano ba iniisip mo?
Jetlog: Wala. Wala. Erase. Erase. Erase.
Me: Jet, bawas bawas ng libog. Di yan healthy
Jetlog: Luh! Cge kita tayo sa bahay.
Me: Bye! Pakain ka ha
Jetlog: Ang bastos mo!
Me: O diba sagot mo nga dinner
Jetlog: Ay, sorry.
Di na ko nag text at baka lalo lang akong kiligin at ikamatay ko pa. Di ko namalayang nakatitig pala ang mama sa akin.
“Nak, manang mana ka sa tatay mo. Malandi!” pangiinsulto ni mama sabay bato ng apron na nakasabit sa kanyang leeg.
Chapter 17
CHAPTER 17
JET
Ang bilis naming natapos mag check ni Bogs last week. Halos tatlong araw siyang dumadaan sa bahay para tulungan niya akong matapos magcheck ng mga papers ko. Ang linis tuloy ng desk ko. Narecord ko na rin ang mga scores ng bata sa spreadsheet. Laking tulong ni Bogs. Sinamahan din niya ako kamakailan bumili ng phone sa mall. Para ko siyang boyfriend on call last week. Magaling si Bogs sa organizing skills at time management. Nakakabilib. Sana kahit yun lang makuha ko sa kanya.
Si Daddy Manuel naman ay di nagparamdam buong lingo buti na lang nandyan si Bogs na lagi akong ginagawang busy. This week parang masyadong busy lahat ng tao sa paligid ko kaya nagbusy busihan din ako. Umupo ako sa cubicle at naglaro ng wordplay. Naantala naman ito ng may estudyanteng tumawag nang aking atensyon.
“Sir Jet, pinapasabi po ng secretary kung pwede daw po kayong dumaan sa office bago mag out.“sabi nito.
Agad naman akong tumungo sa opisina para di na rin masayang ang oras ko. Kabado naman ako sa dahilan kung bakit ako kailangan pumunta duon. Naibsan naman ang aking takot nang tanungin ako kung ano ang contact ng friend kong pwede magprint ng mgas test papers. Binigay ko ang contact ni Bogs at pagkatapos nun ay naging busy ang buong araw ko sa pagtuturo.
Papalabas na ako ng gate ng school ay nasipat ko si Bogs na nakikipag usap sa isang teacher na gwapong gwapo kay Bogs. Nagpagupit kasi ang gago. Nang makita niya ako ay kumaway siya at pinalapit ako. Feeling ko ikakasal ako habang naglalakad dahil narin sa hampas ng hangin at tingin ni Bogs na tila groom na nakangiti sa akin.
“Bakit ka nandito?” pangiwi kong tanong.
“Dumaan ako kasi nagusap kami ng secretary ninyo tungkol sa protocol ng test papers printing.” sagot nito
“Ah. Akala ko naman…” nadidismaya kong sagot.
“Tsaka para sunduin ka na rin. Tara treat kita. Binigyan mo ko ng big client.” pang iimbita nito.
“Sira. Tulungan lang tayo.” nahihiya ko namang pagsang ayon.
Magkasabay kaming tumungo sa kanyang motor at sumampa agad ako sa likuran. Bigla ko namang naramdaman na namiss ko si Bogs. Gusto ko siyang yakapin kaya lang nahihiya ako sa mga student na naglalakad papalabas din ng school kaya pinigilan ko ang aking kalandian. Kapatid mo yan di mo yan boyfriend. Nangiinis na sinisigaw ng isip ko.
Umorder siya ng Wintermelon Milk Tea at namili kami ng pangspaghetti sa alfa mart. Sa bahay na lang daw niya kami magluto. Nagulat naman siya ng damputin ko ang maliit na condensed milk.
“Para saan yan?” tanong nito
“Secret.” paglilihim ko
Dumerecho na kami ng bahay ni Bogs at pinagpalit ko siya ng damit dahil pawis na pawis na naman ito. Napansin kong namumutla ang balat ni Bogs kaya minarapat kong pahigain siya sa sofa at nagprisinta na lang akong magluto ng spaghetti.
Sarap ng pagkakahiga ni Bogs. Mukhang hapong hapo siya. Hinawakan ko ang kanyang ulo para tingnan kung may lagnat siya mukhang wala naman. Tinuloy ko ang pagluluto at sinubukang wag magingay. Matapos ang ang aking pagluluto ay tulog pa rin si Bogs.
“Bogs, okey ka lang?” tanong ko na habang dinadampi ko ang kanyang ulo.
“Di ko alam Jet parang pagod na pagod ako.” malumanay nitong sagot.
“Tara kain tayo tapos pahinga ka na.” mungkahi ko
“Tinatamad din akong kumain.” pagod nitong sagod
“Tara na konti lang tapos ihiga kita sa kama.” sagot ko na nagpangiti kay Bogs.
Iminulat ni Bogs ang kanyang mata at dahan dahang umupo.
“Tapos ka na magluto?” tanong nito na mukhang di namalayan ang haba ng kanyang itinulog
“Opo sir. Nakahain na rin po.“sagot ko habang tinitigan siya at inoobserbahan
Tumayo siya at sinamahan niya ako sa hapag kainan. Nagulat si Bogs sa lasa ng spaghetti dahil medyo manamis namis ito dun niya naintindihan ang silbi ng condensed milk. Napadami ang kain niya hanggang sa maubos namin ang lahat ng pasta. Tuwang tuwa naman ako. Hinugasan ko ang plato at mga gamit pagkatapos naming kumain nang pinabalik ko na siya sa sofa.
Mag aalas 8 na nang gabi pero di parin siya gising kaya pinabangon ko siya at pinahiga sa kanyang kama. Para siyang lantang gulay na naglakad papuntang kama.
“Jet, saglit lang idlip lang ako tapos hatid na kita sa inyo.” sambit nito.
Marahil di niya alam na late na nang gabi kaya di narin ako nagsalita. Hinintay ko siyang makahiga pero napansin kong di niya tinanggal ang kanyang sapatos kaya ako na mismo ang nagtanggal nito.
“Jet, wag mo kong iwan. Ihahatid kita. Promise” pabulong nitong sagot.
Ipinuwesto ko siya sa kama at siniguradong may kumot na nakatakip sa kanyang katawan. Muli akong lumabas ng kwarto para ihanda ang aking mga gamit. Di ko na siya gigisingin at ako na lang magisa uuwi. Pagbalik ko sa kwarto para silipin si Bogs ay napansin ko nahulog ang kumot na nakayakap rito. Muli akong lumapit para ibalik ito.
“Jet, Dito kalang wag mo kong iwan. Ihahatid kita, promise.” pabulong muli nito na nakikiusap na samahan ko siya
Ewan ko ba bakit ang sarap sarap ng feeling na may nangangailangan sa akin. Sa loob ng 32 taon may nakilala akong taong gusto akong kasama na di kantot, pera o oportunidad ang kailangan sa akin. Naluha ako sa ideya na siguro nalulungkot si Bogs. Nagdesisyon akong samahan siya.
Nagpalit ako ng damit at nagtoothbrush. Napapangiti ako nung naisip ko na para akong personal nurse ni Bogs. Humiga ako sa tabi niya at naglaro ng wordplay. Naalala ko bigla na kailangan niya palang uminom ng gamot kaya agad akong tumungo sa kusina para kumuha ng ARV at isang baso ng tubig. Tamang tama at halos 9:10 na nang gabi kaya muli ko siyang ginising at pinainom ng pills. Hindi talaga siya aware sa paligid niya kaya hinayaan ko na lang.
Bumalik ako sa aking pwesto at muling naglaro. Ito gusto ko dito kila Bogs malakas ang wifi. Sa kalagitnaan ng tiktok views ay biglang umungol na tila may sinasabi si Bogs. Saglit akong napatitig dito. Patuloy ang kanyang pagsasalita kaya gumapang ako papalapit sa kanya. Naiyak si Bogs.
Hinaplos haplos ko ang kanyang malambot na buhok at nag shhhhhh. Humarap ito sa akin ng nakapikit at yumakap. Di ako makagalaw. Di rin ako masyado makahinga pero sarap na sarap ako sa yakap ng pangangailangan ni Bogs kaya inayos ko ang aming position at niyakap ko sya na nakapatong ang aking baba sa kanyang ulo.
“Hintayin mo ko Jet, hahatid kita. Promise” ulit nitong pangako na nagpangiti sa akin
“Shhhhhhhhh… Tulog na Bogs… Dito lang ako” sagot ko na medyo naluluha sa saya.
Palalim na nang palalim ang gabi at pasarap na pasarap ang aming pagkakayakap. Natulog ako sa pangalawang pagkakataon ng nakadamit kasama ang isang taong nagtaboy ng aming pangungulila.
Chapter 18
Chapter 18
Bogs
Talaga lang!
Nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Jet. Yakap yakap niya ako at nakadantay ang kanyang baba sa aking ulo. Gusto kong gumalaw pero baka magising ko siya. Hala di ko na siya naihatid. Nakakahiya may pasok pa siya mamaya. Anong oras na ba? Tumitilaok na manok. Marahil alas 4 na nang umaga.
Inuga ko si Jet.
“Hoy, Ano hatid na kita? May pasok ka pa.” tanong kong nakatakip ang bibig
Saglit na nagmulat ang kanyang mga mata.
“Tanga. Antok pa ko. Sabado ngayon. Tulog pa tayo.” pambabasag nito.
Over slept na nga ako kaya parang ayaw ko na pero sino ba naman ako para maginarte pa. Ito na ang pinakamalapit na pwede kong magawa bukod sa kantot. Safe walang hawaan puro feels lang. So lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.
“Aray, potah!” reklamo ni Jet.
“Malamig eh!” pangangatwiran ko.
Niyakap din ako ni Jet at ako’y kinilig. Wag kang titigas,please pero di talaga nakinig burat ko.Napakislot si Jet.
“Ano ba yan?… Potah!” natatawang reaksyon ni Jet.
“Normal yan. Umaga eh. Virgin ka ba Jet?” sabay ngiti ko.
Tinitigan ako ni Jet na tila naghahamon. Binasa ng kanyang mahabang dila ang kanyang labi. Inilagay niya sa ibabaw ng aking nagmumurang burat ang kanyang kamay.
“So, Tingin mo ba talaga Bogs, virgin pa ko?” sagot nito napatuloy ang paghimas sa akin burat na nakapikit na tila walang nangyayari.
Dinilat niya ang kanyang malalaking mga mata. Napalunok ako sa panunukso ni Jet at binigyan ng tingin si Jet na nagsasabing “Prove it!” Tila nabasa ni Jet ang nasa isip ko dahil hinimas niya ito ng pagkarahan rahan. Wag kang pupuputok leche nakakahiya! Paulit ulit kong binabanggit sa aking burat. Napapaungol na ako sa sarap at hapdi ng pagkakatigas ng aking burat sa loob ng aking brief ng biglang tanggalin ni Jet ang kanyang kamay rito. Nagputol putol ang aking paghinga sa bitin na ipinadama niya.
“Wala ka pala, Bogs. Ano puputukan mo na ko?” pangaasar nito.
Ipinasok niya sa loob ng aking tshirt ang kanyang kamay at kinapa ang aking utong. Paano niya nalaman na weakpoint ko ang kanan kong utong? Pinitik pitik, pisil pisil at kurot kurot ang nakalutang kong utong. Maya maya pa ay naramdaman kong iniikot ikot niya ang kanyang dila sa paligid nito. Para akong kandilang unti unting nalulusaw dahil sa sarap. Sinabayan niya ito ng marahang paglalakbay ng kanyang kamay patungo sa burat na galit na galit.
Sabay niyang jinakol ang aking burat at niromansa ang aking utong. Multi-tasking si Jet. First time kong majakol dahil normally pinapasubo ko ito o itinuturok ko sa pwet pero iba ang dating ng kay Jet. May panunukso at pananabik. Ilang sandali lang ay napasigaw ako sa sarap. Binitawan ni Jet ang pagkakahawak sa aking burat at tinitigan ang pagsirit at paglawa ng katas mula sa ulo ng aking burat. Gusto kong jakolin ang aking burat pero pinigil ako ni Jet. Parang alipin niyang tinitigan ang burat kong walang tigil sa pagpintig at paglalaway.
Nakakapanghina ang mapang-akit na tingin niya sa akin.
“Bogs, aso ka ba?” tanong ni Jet
“Bakit?” sagot kong tanong rin.
“Kasi ang behave mo pag hinihimas ka. BOOM”
Nawala ang aking hiya at napalitan ng saya. Tawa ako ng tawa sa havey na entry ni Jet.
“So pano yan quits na tayo sa kahihiyan?” sundot nito.
Chapter 19
Chapter 19
JET
Di ko talaga maintindihan kung bakit ko ginawa yun at kung pano naging smooth ang buong sabado kong kasama si Bogs na hindi naging big deal ang pagjajakol ko sa kanya. Hindi mawala sa pandinig ko ang ungol at putol putol niyang paghinga habang jinajakol ko siya. Napakabasic ng jakol for me pero parang first time majakol ni Bogs.
Dumaan kami sa Milktea shop para bumili ng take out na wintermelon bago ako inihatid ako ni Bogs sa bahay. Nagulat ako ng makitang bukas at ilaw. Nakita kong sumilip si Daddy Manuel sa likod ng kurtina ng bintana. Sa pagkakabagsak ng kurtina ay ramdam ko na This means war.
Pumasok ako na sinisisi ang sarili kung bakit ko binigyan ng kopya ng susi si Manuel.
“Kaya mo ba ngayon? O nagpakantot ka na dun?” tanong ni Manuel.
Napikon ako sa pagkakabagsak ng kanyang panimulang salita
“Kaibigan ko lang yun. Wag kang magselos! Tsaka di ko naman alam na darating ka ilang araw ka nang walang paramdam” pabalabag kong sagot.
“Ah kaya pala nagpakantot ka?” panghuhugsga nito.
“Hindi ako siraulo para pumatol sa may sakit!” sigaw ko sa sobrang inis kay Manuel sa di ko malamang dahilan.
Napasimangot si Manuel.
“Pag ako lang talaga nagkasakit Jet sinasabi ko sayo…” pagbabanta nito.
Hindi ko alam saan ako kumuha ng lakas ng loob na galitin lalo si Manuel.
“Pwede naman nating itigil ito kung ayaw mo at di ka nagtitiwala.” mungkahi ko na nagpapamukhang siya ang mawawalan
Lumapit si Manuel sa akin na tila asong uhaw na uhaw. Niyakap ako sa aking likuran.
“Akin ka lang Jet baby, diba?” pabulong nito sa aking tenga na may pagdila at pagkagat.
Hindi ako sumagot habang patuloy ang kanyang pangroromansa sa aking leeg.
“Wag ka nang magalit. Sorry na nagseselos lang ako ng konti. Ayoko kasi nagpapahiram ng laruan sa di ko naman kakilala.” sundot nito.
Wala akong narinig sa sinabi niya dahil namutawi ang libog sa aking katawan at nagsimula nang magtayuan ang aking balahibo lalo na nang kantutin ng kanyang dila ang butas ng aking tenga.
Sinabunutan ni Manuel ang aking buhok.
“Tuwad!” utos nito
Tumuwad naman ako na tila masunuring bata. Dura ng dura sa butas ng pwet ko si Manuel. Ramdam ko ang panggi-gigil nito nang sunod sunod niyang pinalo ang magkabilaang pisngi ng aking pwet. Napapatalon ako sa sarap at sakit na nararamdaman.
Ibinuka ni Manuel ang aking pisngi at nilaro ang ulo ng kanyang burat sa paligid ng aking butas. Animong sabik ako makapasok kaya pilit kong sinasalubong ang ulo ng burat para makapasok ito.
“Tangina, ang landi ng pwet mo.” gigil na gigil na sambit ni Manuel habang nakadakmang inaalog ang mga ito.
Hindi marahan kundi biglaan at malalim ang unang kadyot ni Manuel. Muli na naman akong napalayo dahil sa gulat.
“May lakad ka ba? Wag kang lalayo sa titi ko! Miss ka na niyan.” pange-enganyo nito para manatiling nakatuwad. “Namiss ko ito. Masikip. Masarap” wika nito sabay kadyot ng pautay utay.
May galit at pwersa ang mga sumunod na kantot ni Daddy kasabay ng walang awang pagsabunot nito sa akin. Nang malapit na siyang labasan ay sinunggaban niya ang aking mga hita at walang habas akong kinantot.
“Tangina! Akin lang to Jet!” sigaw niya na may libog.
Binunot ni daddy ang kanyang burat sa loob at naramdaman ko ang pagluwang ng aking butas. Pinasirit niya sa aking likod ang kanyang tamod. Init ang dumampi sa aking balat. Gusto kong magpalabas subalit pinalo di daddy ang aking pwet at dinaklot ang aking betlog.
“Mamaya ka na magpalabas pag nasa kama na tayo. Maghain ka na. Bumili ako ng dinner!”
Kinilig ako ng konti dahil siya ay bumili ng pagkain namin. Pumunta ako sa hapag kainan at inihanda ang plato habang siya ay tumungo sa banyo para umihi. Chicken na may gravy ang kanyang binili. Simple pero it’s the thought that counts.
“Babe, hubad ka na lang kumain, please!” wika nito paglabas ng CR.
Hubad uli akong kumain. Pinaupo niya ako sa kanyang harapan at sabay na kumain sa iisang plato. Hinihimay niya ang manok para sa akin. Tahimik kaming kumain hanggang binasag ni Manuel ang aming katahimikan.
“Jet, wag kang magagalit. Magiingat ka dun sa kasama mong may sakit para kang nagpakasal sa patay kapag naging kayo.” sundot nito.
“Dad, sabi ko naman sa’yo kaibigan lang yun.” mariin kong paglilinaw.
“Sinasabi ko lang. Alam mo namang hirap makakantot yung mga taong ganun kaya gagawin nila lahat para makatikim. Malilibog pa naman yang mga yan.” tugon nito “Lumalapit yan sa mga victim nila tapos papainan ng kabaitan at awa kasi hirap silang makahanap ng kantot kaya ingat lang”
“Opo. Daddy.” sagot ko.
“Pasensiya ka na di ako nakatawag umuwi si misis… kasama ko sa bahay.. kaya mababago ng konti ang schedule natin.” pagkambyo ni daddy
“Okey lang. Naiintindihan ko.” pagsisinungaling ko.
“Sana nga maintindihan mo. Ayaw kitang mawala, Jet. Ang sarap mo… Masarap ka pa sa asawa ko” pangungumpara nito na alam ko namang pambobola.
“Eh! Paano kung sawa ka na sa akin?” tanong ko.
“Imposible. Ito nga lang buong lingo paulit ulit akong kinukulit ng mga kumpare kong umulit pero ayaw ko na talagang ishare ka.” pagpapaliwanag nito na di naman sumagot sa aking tanong.
Saglit akong napapapikit. Okey na rin ito at least may taong nangangailangan sa akin kahit tipong kabit lang ako. Buong gabing pinuno ni Daddy ang pwet ko ng kanyang burat. Kantot dito, kantot dun. Gamit na gamit ang pwet ko. Pagang paga ang labi ko. Gulong gulo ang isip at puso ko.
Chapter 20
Chapter 20
BOGS
“Hindi ako siraulo para pumatol sa may sakit.” Paulit ulit na bumabalik sa aking isip ang narinig ko matapos kong sundan si Jet sa bahay nang nakalimutan niya ang milktea na isinukbit niya sa aking manibela.
Nahiya ako at nagalit sa aking sarili. Inilapag ko ang miltea sa harap ng pinto at mabilis na bumalik sa aking motor. Buong lingo ko pinatay ang phone ko dahil para akong magkakasakit sa sama ng loob ko kay Jet pero di ko siya masisisi, ang akin lang ba’t niya ako jinakol.
Tuwing binubuksan ko ang phone ko sa umaga at sa gabi ay sunod sunod na mensahe ang nareceive ko mula kay Jet pero mas pinili kong manahimik. Walang patutunguhan ang pakikipagkaibigan ko sa kanya kung sa likod nito ay nakikita kong lagi siyang nakatuwad at umungol sa aking mga panaginip at dahil hindi naman siya siraulo ay hindi nga naman siya papatol sa may sakit.
Buti naman at wala pang taong ngayong umaga sa shop kaya naglinis na muna ako pero tila nakikidalamhati sa akin si Ana dahil puro senti songs ang nasa playlist niya. Hindi ko kinaya ang the Juans.
… Sana sa una pa lamang
Di na umasa
Di naniwala
Di tayo pwede
PInagtagpo pero di tinadhana
Di na posible
Ang mga puso’y wag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede.
Lumuluha ako habang nagpupunas ng CPU buti na lang at abala si Ana sa pagstapler ng mga printed test papers. Maya maya pa ay nagsimula nang magdatingan ang aming regular players. Di na ganun kabaho ang shop ngayon mula ng bigyan namin ng discount ang mga batang bagong ligo.
Mabilis na tumakbo ang oras pero medyo dumidilim ang hapon na tila nagbabadya ng malakas na pagbuhos ng ulan. May ilang mga magulang na pumunta ng shop para sunduin ang kanilang anak kaya unti unti na ring naguwian ang aming mga players.
Mag alas 5 na nang hapon nang magdecide kaming magsara ng shop dahil wala rin naman costumer. Alas 7 na ako ng gabi nakauwi dahil sa tinapos ang pagbibilang ng mga test papers.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagmamaneho nang bumuhos ng malakas ang ulan. Nagulat pero dahil malapit na naman ay tinuloy ko ang maingat na pagmamaneho dahil madulas na rin ang kalsada.
Malapit na ako sa gate ng aking bahay ng makita ko si Jet na basang basang naghihintay sa may gate. Di maipinta ang mukha at lalong kumunot ang mukha ni Jet ng matanaw niya akong papalit. Kinabahan ako pero naramdaman ko ring tumalon ang aking puso. Inangat ko ang aking helmet.
“Hoy! Basang basa ka na. Tara na sa loob.” pagyayaya ko na tila walang malaking issue na namaamgitan sa amin.
“Hindi ako papasok hanggat di mo sinasabi sa akin kung anong problema Bogs.” direkta at naiinis nitong sagot.
“Tara na! Walang problema Jet.” sagot kong pasigaw dahil sa lakas ng ulan habang binubuksan ko ang gate.
“Hindi meron. Wag mo kong gaguhin Bogs! Ginoghost mo ko tapos iniiwasan.” pasigaw at galit nitong sagot.
“Teka. Relax. Busy lang talaga ako Jet!” sagot nang nakatitig sa kanya para iparamdam sa kanyang yun lang ang sagot na kaya kong ibato sa kanya.
Hindi gumagalaw si Jet sa kinatatayuan niya kahit basang basa na siya. Nilapitan ko siya matapos kong maipasok ang motor sa loob ng garahe.
“Anong problema?” tanong muli nitong galit at pasigaw.
Di ko na napigilan ang galit at awa na nararamdaman ko kaya tinanggal ko ang aking helmet. Hinatak siya papalapit sa akin at binigyan siya ng isang mainit na halik.
“Yan ang problema, Jet!” sigaw ko sabay kagay sa aking labi
Agad akong lumayo at tumuloy sa akin bahay. Sinundan naman ako ni Jet at tumuloy sa sala.
“Yan lang ba talaga ang reason mo?“tanong nito
“Wag mo na kong tanungin sabi mo nga kay Manuel hindi ka naman SIRAULO para pumatol sa may sakit… Meron ka pa bang ibang kailangan?” wika ko habang ako ay nagpapalit at nagpipiga ng damit.
“Oo. Yung kaibigan ko. Yun sana. Yun lang sana.” malungkot na sagot nito
Miss na miss ko na si Jet. Napamakabuluhan ng pagpikit ng kanyang mata nung hinalikan ko siya dahil ramdam ko ang pangungulila niya sa akin. Lumingon ako para kausapin siya pero wala na si Jet malapit sa pinto.
Tumakbo ako papalabas at nakita ko siyang tumatakbo habol habol ang tricycle. Hindi na siya nagpaalam kaya marahil ito na ang pinakamalapit sa closure na makukuha ko. At least, natuldukan ang dapat matuldukan. Wala ng aasa. Wala ng masasaktan.
Chapter 21
Chapter 21
JET
Sa lahat ng mga nakakahiyang nangyari na nagawa ko sa harap ni Bogs, ang narinig niya ang pinaka nakakahiya (Hindi naman ako siraulo na papatol sa may sakit). Tinalo ko pa si Hudas sa pagiging traydor.
Tatlong buwan na ang nakakalipas mula nang huli kaming nagkita. Humingi na ako ng tawad sa kanya at nanumbalik kami hindi bilang magkaibigan kundi magkakilala. Casual textmate ang level namin na nagsisimula sa Hi at nagtatapos sa Ingat ang aming usual convo.
Napapadalas naman ang pagbisita ni Daddy Manuel sa bahay dahil lagi daw siyang inaaway ng misis niya. Medyo naboboring narin ako sa daddy-twink play namin dahil malinaw na parausan lang talaga ako. Hindi na nagiging mutual ang pleasure dahil pagnatapos na siya ay tapos na ang laro.
Namimiss ko ang bonding namin ni Bogs pero tuwing inaaya ko siya ay lagi siyang abala sa maraming bagay lalo na ngayong dumami ang kanyang printing jobs dahil narin sa recommendation ng school na pinapasukan ko. Minsan ay nakita ko siyang may kasamang babae at isang lalaki na nagdala ng testpapers sa school na nakabox. Alam kong hinahanap niya ako pero di ako nagpakita dahil sa hiyang nadama ko.
Isang malaking bagay ang nawala sa akin. Isang kaibigan. Sana hindi ko na lang siya jinakol. Sana hindi na lang niya narinig ang pagtatalo namin ni Manuel. Sana andito pa siya sa tabi ko. Panahon na lang talaga ang makakapagsabi.
Hindi na naging kapanapanabik ang paguwi ko sa bahay dahil wala namang naghihintay. Maging ang pagdating ni Manuel ay naging pabigat na rin sa akin dahil sa hindi na rin nga ako nag eenjoy. Matutulog akong kasama ko si Daddy at gigising akong hubad, pagod at paga ng magisa. Kaya kahit nakareceive ako ng message galing kay daddy ay hindi na ako natuwa.
Daddy: Kita tau!
Me: Late na ko makakauwi
Daddy: Anong oras?
Me: mga 7 na. Alam mo naman diba?
Daddy: OK. Sige hintayin kita
Me: May susi ka naman tumuloy ka na
Di na sumagot si daddy kaya nag busy busihan na lang din ako sa loob ng classroom. Check ako ng check ng mga activity. Linis ako ng linis ng cubicle kahit makailang beses ko na ito ginawa.
Parang kinakaladkad ang paa kong tumungo sa bahay. Wala pa siguro si Manuel dahil patay pa ang ilaw sa bahay. Papalapit ako ng papalapit nang may nasipat akong taong nakasumbrero na nakatayo malapit sa aking gate. Napangiti ako pero nabalot ng takot at kaba ang aking puso dahil babae at hindi si Bogs ang naghihintay. Babaeng galit. Babaeng inagawan ng asawa.
“Hoy. Bakla. Ano pwet mo sisira sa pamilya ko?” panugod nitong salita.
“Ma’am. Di ko po kayo kilala. Wag po kayo ditong mag eskandalo” pagbabanta kong may halong takot.
“Wag ka nang magmaang maangan pa. Pag hindi mo tinantanan ang asawa ko. Sisikat kang bakla ka. Ipapa- Tulfo kita. Gago!” pagbabanta nitong galit na galit.
“Ma’am. Umuwi na po kayo. Tatawag ako ng barangay pag hindi po kay umalis.” pagbabanta ko rin.
Nang gagalaiti ang babae at bumunot ng kutsilyo. Natakot ako. Ayokong sumigaw dahil sa eskandalo kaya inihanda ko ang aking sarili para tumakbo pero walang makakapigil sa galit ng isang asawang naagawan. Hinabol niya ako at pinagsasaksak.
Sa bawat pagpupumiglas ko ay may tumatama sa aking bahagi ng kutsilyo sa aking balat. Nagsimulang kumalat ang dugo at nakita ko unti unting naglalabasan ang mga tao sa kalsada buti nalang at medyo madilim sa aking kinalalagyan. Maya maya pa sa aking duguan katawan at pakikipagbuno ay may tricycle na dumaan at sa mismong harapan ko ay may bumabang isang lalaki at batang nagsimulang yumakap sa babaeng galit na galit sa akin.
“Malou, tama na! Makakapatay ka. Makukulong ka. Gago.” sambit ni Manuel na mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ng kanyang asawa.
Iyak ng iyak ang bata na nasa tabi ng kanyang tatay. Pilit na ipinasok ni Manuel ang kanyang asawa sa loob ng tricycle kasama ang anak. Hindi ko na nalaman ang mga susunod na nangyari dahil unti unti akong niyakap ng dumidilim kong paningin. Tanging anino ng mga taong nagkumpulan at ni Manuel ang huling bagay na aking nakita.
Nagmulat ang aking mga mata sa puting puting kwarto. Mag-isa. Sugatan. Sa loob ng hospital.
Chapter 22
Chapter 22
BOGS
Alam ko namang hindi magpapakita si Jet sa akin. Ganun pa man minarapat ko paring mag ayos dahil maaring magkita kami ngayong magdedeliver ako ng printed modules sa school. Naging malago ang aking business kaya dinagdagan ko ang sahod ni Ana at Leo. Naging mas involve at loyal sila sa aking business. Inayos nila ang scheduling at work distribution. Ako ay naging full-time every Saturday at Sunday para makapagday off ang isa sa kanila.
Nagbibilang ako ng modules sa harap nila ng marinig ko ang secretary na kausap ang isang teacher.
“Ma’am. Pinapasabi po ng principal na kung pwede daw po ninyong i-cover ang class ni Sir Jet, ulit?” pagpapaalam nito habang patuloy sa pag-punch ng holes sa bulto bultong papel na nakasalansan.
“Ako na naman. Pang-apat na araw na to. Ano bang nangyari kay Sir Jet?” naiinis na sagot ng bruhang teacher.
“Under recovery pa po siya. Two weeks pa daw po siyang naka sick-leave.” sagot ng secretary na tila masayang bagay ang binabalita.
Napuno ang aking isip ng pag-aalala.
“Ano ba yan! Baka naman pwede sa iba mo na muna ipasa kasi dami kong chechekan. Please!” reklamo ng teacher.
“Sigo po. Ma’am. Check ko po kung may mahanap po ako.” malumanay namang sagot ng babae.
Hindi ko na napigilan pa ang aking duda.
“Miss, Si Sir. Jet ba yan na English Teacher?” tanong kong malinaw, malakas at mabagal.
“Opo, Sir. Siya yung teacher na nagrecommend sayo, diba?” sagot nitong nagtataka kung bakit di ko alam.
“Opo.” sagot ko.
“Di ko alam kung nasa hospital o nasa bahay siya pero four days na siyang absent.” dugtong ng babae.
“Ano po bang nangyari?” nalilito kong tanong.
“Di ko rin alam kung nasaksak o nabaril. Daming chismis.” nalilitong sagot ng babae.
“Ah, ganun po ba?” sagot ko sabay tawag kay Leo “ Ei, ikaw muna bahala dito may pupuntahan lang ako. Ito pera. Mag tricycle ka na lang pabalik. OK?“
Tumango si Leo na di na inintindi ang aking sinasabi dahil nasa kalagitnaan siya nang pagbibilang ng modules. Tumango ako sa secretary para magpaalam. Agad kong kinuha ang phone habang patungo ako sa aking motor. Ito na yata ang pinakamabilis kong pagpapatawad at paglimot.
“Jet, si Bogs to? Nadisgrasya ka daw?” agad kong tanong ng sagutin ni Jet ang tawag.
“Ok lang ako Bogs. Wag kang mag alala.” sagot nito.
“Nasan ka ba?” mabilis kong tanong sabay ng mabilis kong paglalakad.
“WAg mo na akong puntahan, please!” naawa sa sariling sagot ni Jet.
“Jet, Alam kong ikaw lang mag-isa ngayon. Wag nang maarte!” pangungulit ko.
Saglit na nabalot ng katahimikan ang aming paguusap hanggang sa narinig ko ang mahinang pag-iyak ni Jet.
“Bahay na ako Bogs.” pagod na sagot ni Jet.
“O sige. Papunta na ako. Gusto mo nang milktea?” tanong ko nang may paglalambing at awa.
Lalong lumakas ang pagiyak ni Jet.
“Yes, please!” sagot niya
“Wintermelon?“pagpapatawa ko.
“I miss you Bogs!” tugon nito sabay tawa na nagpangiti sa akin.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili bago sumampa sa motor. Ligtas kong binabay ang kalsada dahil sa alam kong may isang taong nangangailangan na buhay ako sa oras na iyon. Dumaan ako sa tea shop buti na lang at namukhaan ako ng crew.
“Same order ba Sir Bogs?” tanong nito.
“Oo. Dalawang Large.” mabilis kong sagot.
Napansin siguro nang crew ang aking pagmamadali kaya binilisan niya ang kanyang kilos. Matapos kong bayaran ay ligtas kong binaybay ang kalsada patungo sa bahay ni Jet. Di pa man ako nakakapasok ay tila nababalot ng lungkot ang paligid. Makikita ang mantsa ng dugo na malapit sa berdeng gate. Ano bang nangyari? Paulit ulit kong tanong sa aking sarili.
Pumasok na ako nang mapansin kong bukas na ang pinto.
“Jet? Andito na ako.” sigaw kong nakikiramdam kong buhay pa siya.
“Nandito ako sa kwarto.Tuloy ka na” sagot niya na nagpaibsan ng aking pagaalala.
Mabilis akong tumungo sa kwarto. Bumungad sa aking ang pagod na pagod na si Jet. Magulo at maduming kwarto.
“Hindi mo man lang ako tinawagan, Jet?“pangongonsensiya ko.
“Bogs, ayoko makipagtalo ngayon.” sagot niyang pagod na pagod
Nagpaumanhin ako gamit ang aking kamay at ngumiti.
“Kalma, I am here to help. Alila mo ako mula ngayong araw.” tugon ko.
Narinig ko ang mahinang “luh” sa kanyang bibig na nagpangiti sa akin. Dinampot ko ang mga kalat na nakapalibot sa kama. Doon palang ako nagkaroon ng pagkakataong makita ang kanyang kawawang kalagayan. Balot ang kanyang katawan ng sandamakmak na plaster dahil sa stabs and cuts.
Naawa naman ako. Hindi siya pwede hawakan o yakapin kaya ipaparamdam ko na lang ang aking concern sa paglilinis ng kanyang hihigaan. Di nagsasalita si Jet. Nakatitig lang siya sa akin habang nililinis ko ang paligid ng kama.
Nagpunta ako ng kusina at sinundan niya ako ng paika ika.
“Lutuin ko na tong Korean Noodles mo.” tanong ko.
“Kalahati lang ng powder ang ilagay mo masyadong maalat at maanghang yan.” dugtong ni Jet.
Tumango ako at niluto ang noodles. Naglagay ako ng konting gulay na nakita ko sa ref.
“Tara kain ka na.” pagiimbita ko.
Umupo si Jet sa hapag kainan at tila hirap na hirap hanapin ang comfortable position niya. Hirap din siyang isubo ang noodles kaya minarapat ko nang ako na ang magpakain sa kanya. Buti naman at hindi naman awkward ang nangyari. Hinihipan ko ang noodles bago ko isubo sa kanya. Natawa na lang ako ng biglang buksan ng kapitbahay nila ang kanilang radyo nang pagkalakas lakas.
“Bingi yata kapitbahay ninyo?” tanong ko.
“Oo, Lagi yan. Gusto ko na nang ireklamo sa barangay yan!” sagot niyang nakalabas ang dila dahil napaso yata ito.
Tumahimik na lang kami sa kwentuhan nang biglang patugutugin ang “Di na muli” ng kapitbahay. On point biyatch! Habang nakatitig ako sa dila ni Jet.
… Ang dami dami bagay na di naman kailangan
Kung pwede lang bawasan natin ang mga tampuhan
Di mo lang alam hindi mo pa nararanasan
Kahapon sana natin di mo pinahirapan
Patawad Muli
Di na muli
Chapter 23
Chapter 23
JET
Natouch naman ako sa pagdamay sa akin ni Bogs. Nung una nahihiya pa kunwari ako na parang DALAGANG FILIPINA YEAH pero kalaunan ay natanggap ko na rin na kailangan ko ng tulong niya.
Pinaliliguan niya ako. Pinapakain. Nililinis ang sugat ko. Nililinis ang bahay ko. Pinagluluto ako. Pinaglalaba. Dito na rin muna siya natutulog. Nagdala siya ng sandamakmak na damit para di na siya pabalik balik sa bahay niya.
Gusto ko humingi ng tawad sa kanya kasi feeling ko ang bigat sa pakiramdam na ganun ko lang kabilis siyang balewalain tapos ngayong wala na si Manuel na naging dahilan kung bakit ako sugatan at luhaan ay matiyaga naman akong sinamahan ni Bogs.
Maraming bagay ang naituro ng krimen na ito sa aking buhay. Ngayon kasi, Lalong hindi naging big deal sa akin ang sakit ni Bogs dahil naisip ko na mas NAUNA pa sana akong namatay sa kanya.
Hindi na rin ako nagaalala sa mga kahihiyan ng aking kabaklaan kasi in the end titigan lang din nila ako mamatay katulad ng mga kapitbahay kong nakatingin lang sa akin habang sinasaksak ako ng babae. I might just enjoy my journey in life. Ano pa ba itatago o proprotektahan ko?
Natutunan ko ring di big deal ang pagkawala ko sa mundo bukod kay Bogs. Sa loob ng walong araw, ni isang tawag na pangungumusta ang nareceive ko mula sa mga ka co-teachers o almost 250 students ko. Masama siguro akong tao o talaga lang busy sila.
Narealize ko rin na masarap pala talagang may katuwang. Naging sandalan ko si Bogs. Sarap sa feeling na bago ako matulog ay may nakatingin sa akin para icheck kung may masakit akong nararamdaman. Akala ko nun ready na akong mamatay mag-isa. Hindi pala.
Ngayon maagang umalis si Bogs para sunduin ang kanyang nanay at dalhin dito sa bahay para alagaan ako. Ayaw ko sana maabala pa pero walang silbi ang pakikipagtalo ko kay Bogs dahil tama naman siya. Hindi ko pa talaga kaya magkikilos.
Narinig kong bumukas ang pinto sa sala kaya sinipat ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Bumukas ang pinto sa kwarto at bumungad ang di ko inaasahan.
“Okey ka na ba?” tanong ni Manuel.
Nanlamig ang aking buong katawan at nagtayuan ang aking balahibo.
“Wag kang matakot. Di ako bumalik para makipagaway. Andito ako para humingi ng tawad sa nangyari. Hindi ako aasa ng kapatawaran pero please wag na nating palalain ito… Wag mo namang idemanda ang asawa ko…. Kawawa naman mga anak ko… “ sambit ni Manuel na halatang napaghandaan ang kanyang sasabihin pero nahihiya
Di ako nakapagsalita. Hindi ko alam saan ko kukunin ang aking lakas. Buti na lang at bumukas ulit ang pinto ng kwarto at pumasok si Bogs na biglang nanlisik ang mga mata.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong nito.
“Bogs wag, Hindi siya mangugulo.” pakiusap ko kay Bogs para pakalmahin siya. “Manuel, pareho tayong nagkamali… Di ako magdedemanda… pero… pero wag ka nang babalik dito.”
“Hindi na, Jet… Pangako yan… Salamat sa lahat…” tugon ni Manuel na may bigat at lungkot. Tumalikod ito para lumabas.
“Manuel? Gusto ko lang malaman mo na hindi siraulo ang papatol kay Bogs… Marangal at mabuti siyang tao…. Higit pa sa’yo o sakin… Higit pa sa mga lalaking nakilala ko.” sambit ko habang pinipigil kong tumulo ang namumuo kong luha .
Mukhang maluwag namang tinanggap ni Manuel ang pangiinsulto ko dahil tumingin siya kay Bogs at nagpaumanhin. Lumabas siya kasama ang sama ng loob, pangungulila at pagalala na dinala ko nang maraming taon.
Lumapit si Bogs. Hinawi ang buhok kong lumaylay malapit sa aking mata.
“Okay ka lang? Gusto mo na bang maligo?” pagaalala nito.
“Bogs. Sorry… Sorry talaga… Sorry na… Sana mabigyan mo “TAYO” ng pagkakataon.“ tanong ko na may pagpaparamdam.
“Jet, may sakit ako.” sagot niya na may naramdaman.
“Bogs dapat nga nauna pa ko namatay sayo! Wag kang magalala kasama yang sakit mo sa mamahalin ko Bogs. Sasamahan kita at sasamahan mo ko sa laban ng buhay. Magkasabay.” dugtong ko sabay haplos sa kanyang pisngi.
Handa na kong halikan si Bogs ng biglang may narinig akong umiiyak malapit sa pinto. Napalayo ang mukha ko ng konti mula sa kanya.
“Sino nandun?” tanong ko
“Ay… oo nga pala! Ma?” sundot ni Bogs ng maalala na kasama niya ang kanyang nanay na sumilip din sa pintuan na nagpapahid ng luha. Natawa si Bogs takip takip ang kanyang mukha.
“Nay, okey lang ba, mahalin ko anak mo?” tanong ko na may ngiti sa aking mga labi.
“Why not, chocnut, poknat!” sagot nang nanay niyang may kinang sa kanyang mga mata at ngiting nagpaparamdam ng pagsuporta at pagmamahal.
Namula si Bogs sa hiya kaya lalo akong ginanahang lumapit at halikan siya sa kanyang pisngi. Tinakpan ng nanay ni Bogs ang kanyang bibig at lumabas ng kwarto at nagsimulang magtitili na kala mo nakita si Piolo Pascual.
Saan ko kaya kinuha ang lakas ng loob ko.
Chapter 24
Chapter 24
BOGS
Para akong nasa alapaap habang nagbabantay sa computer shop. Hindi ako makapaghintay na matapos na ang duty ko dahil sa excited na akong makita si Jet. Di ko inaasahang na magkakaroon ako ng boyfriend ngayong araw na ito.
Bitin ako sa halik ni Jet. Ang sarap ng pinagsamang paghihintay at pagnanasa kung wala lang dun si nanay baka ano pa nangyari sa aming dalawa. Tatlong oras na lang at magsasara na ako ng shop kaya sinimulan ko na ang paglilinis at pagliligpit. Napansin kong tingin ako ng tingin sa orasan kaya minarapat ko na lang na magprint at magplan ng release and distribution schedule ng mga printing jobs namin.
Hindi ko naramdaman ang ganitong saya noong naging kami ni Jason o kahit sino pa mang lalaking naiuwi ko sa bahay. Marahil dahil na rin sa mas malalim na pagkakailanlan namin sa isa’t isa ni Jet.
Matapos ang matagal kong paghihintay ay naisara ko rin sa wakas ang shop. Agad akong nagmotor papunta sa bahay ni Jet para sunduin si nanay at ihatid sa bahay. Pinilit kong maglakbay ng mahinahon nang makauwing buhay sa piling ni Jet.
Nang ako ay makarating ay di ko na nasilayan ang nanay. Nabasa ko ang isang sulat sa ibabaw ng mesa.
Nak,
Umuna na ako.
Nag tricycle na lang ako.
Nagluto na ako.
Nanay.
Tumungo ako sa kwarto para icheck ang aking bagong bf. Nakahiga habang nanonood ng porn. Ang lupit din ng trip ni Jet. Edging. Hindi man lang niya iniwas ang phone nung lumapit ako sa kanya bagkos ay kumindat ito at ngumiti ng may panglalandi. Shit! Ilang araw na siyang di nakakapagjakol.
“Libog na libog ka na, Jet??” tanong ko ng buong landi
Hindi niya ako sinagot. Kinuha niya ang aking mga palad at hinalikan ito bago idampi sa kanyang napakatigas na burat. Hinimas ko ito ng marahan habang hinahalikan ang kanyang basang mga labi.
Napakalakas ng kanyang pagungol na nagbigay gana sa akin.
“May lube ka ba?” tanong ko.
Kinuha ni Jet ang lube na nasa kanyang ulunan na tila handang handa. Walang hiya yan may 400 ml. San kaya niya nabili ’to? Inangat nito ang sarili para abutin ang aking mga labi na hindi ko naman ipinagdamot. Halik na maingat pero may malikot na dila ang ibinigay ko sa kanya. Lalong nanigas ang kanyang burat.
“Shit. Tagal na niyang di nahihimas.” paglilinaw nito.
“Ganun ba? Patay ka sa akin ngayon.“nakangiti kong pagbabanta.
Sinakal ko ang kanyang kahabaan na nagpakislot sa kanyang katawan kasabay ng mahabang shhhhhh…. Patuloy ang aking paghalik sa kanya para saluhin ang kanyang paghinga. May gigil ang kagat niya.
“Jet, Blood is a big no. OK?” pagpapaalala ko.
Tumango naman si Jet sabay halik sa aking leeg habang ako ay nakatingin sa nasasakal na burat. Naglabasan ang ugat ni Jet sa paligid. Lumapit ako sa kanyang burat. Ibinuka ko ang aking bunganga at ipinasok ang ulo nito. Hiningahan ko ang ulo ng burat para palibutan ito ng mainit kong hininga.
SArap na sarap si Jet na nagsimula nang ihampas ang kangyang kamay sa paligid ng kama. Dakot dakot niya ang tela sa gigil. Lalo ko siya sinabik ng ilibot ko ang aking dila sa paligid ng kanyang ulo. Kiniliti ko ito habang sakal sakal ko parin ang kanyang kahabaan. Napa angat ang kanyang tiyan sa libog.
“Subo mo na Bogs, please!” pakiusap niya.
Hindi na ko nag-isip pa. Niyakap ng aking bibig ang kahabaan ng burat ni Jet. Iba ang chupa pag gusto mo. Hindi man kabangunhan ang titi ni Jet ay pinasabik naman ako ng pagkakatirik at pagtibok nito sa tuwing iginagalaw ko ang mukha ko pababa.
Hindi na rin napigilan ni Jet ang panggigil kaya sinabunutan niya ako at ibinaon ang aking mukha ayon sa bigat at bilis ng kanyang nais. Tiniis ko ang hagod nang kanyang ritmo.
“Lalalabas na Bogs.” sagot nitong kulang kulang sa hangin.
Hindi ako mapakali sa sinabi ni Jet. Natataranta ako. Buong pwersa kong inaalis ang aking mukha mula sa pagkakasalpak ng burat niya pero lalong binaon ni Jet ang aking mukha.
Sumurit sa aking ngala ngala ang tamod. Di na ko nagkaroon ng pagkakataong idura ito dahil agad na umagos sa aking lalamunan. Maalat alat. First time ko tong maramdaman. Nakaktaranta. Nakakatakot. Lumingon ako kay Jet ng may pagaalala.
“Ikaw ang may sakit hindi ako wag kang magaalala.” sagot nito sabay kindat.
Natawa ako sa aking narinig. Hawak ni Jet ang aking buhok kaya inangat niya ito papalit sa kanyang mukha.
“Ang sarap ng chupa mo. Patikim ng tamod ko.” paanyaya nitong pagkababoy baboy.
“Wala na nalunok ko na lahat.” pambabasag ko.
Nanlaki ang mata ni Jet at hinalikan ako. Hinalikan ako na kala mo ako ay isang professional pornstar.
“Damot mo, Bogs!” sambit niya sabay sampal sa aking pisngi.
Chapter 25
Chapter 25
JET
Makalipas ang ilang buwan ay gumaling din ako at nanumbalik ang aking lakas. Nakapagtrabaho muli ako at laking gulat ko na pinaghandaan ng mga ka co-teacher ko at mga present and former student ko ang aking pagbabalik.
Walang mapaglagyan ang mga cards, flowers and chocolates na nareceive ko mula sa kanila. Tama nga si youtube kapag umiibig ang isang tao ay mas magiging positibo ang pananaw mo sa mundo. Napadali ang aking paggaling dahil sa yakap at halik ni Bogs. Dinagdagan ni Bogs ang extended family ko dahil minsan ay dumadaan din ang kanyang nanay sa bahay para ipagluto kami ng makakain kaya lalong ramdam kong hindi lang isa nagmamahal sa akin.
Kabado ako ngayon kasi first time ko mameet ang kanyang ate. Ang kanyang naging kaaway at sandalan sa napakahabang panahon. Ang kanyang ate ay overprotective sa kanya dahil narin sa pinagdaanan nilang dalawa noong maghiwalay ang kanilang mga magulang.
Si Ate Virgie ang nagtaguyod ng kanilang pamilya sa mahabang panahon. Hindi nakapagtapos ito dahil narin sa responsibilidad na buong puso niyang sinalo matapos ang paghihiwalay ng kanyang ama at ina.
Pinatapos niya si Bogs ng Senior High School at pinagaral sa college pero nagloko si Bogs kaya dun nagsimula ang lamat nilang magkapatid.
Naiintindihan ko si Bogs pero mas minarapat kong tumayo sa panig ni Ate Virgie na walang hinangad kundi ang mapaayos ang buhay ni Bogs na kalaunan ay naunawaan naman niya. Nung gabing pinaliwanag ko kay Bogs ang mga nasayang na pera at panahon ng kanyang ate dahil sa pag-aalaga sa kanilang pamilya ay lubos na naintindihan ni Bogs ang pinaghuhugutan ng sama ng loob ng kanyang ate. Nun ding gabing yun ay lumuluhang tumawag si Bogs sa kanyang ate at nag-usap sila. Rinig na rinig ko ang paghingi ng tawad ni Bogs sa kanyang Ate.
Hindi ko na inalam ang kanilang napagusapan pero alam kong naging maganda ang epekto nito kay Bogs dahil gabi gabi niyang tine-text ang kanyang ate.
“Andito na ko sa Cabalen. Nasan na kayo?” tanong ko habang palingon lingon sa loob ng buffet restaurant sa loob ng mall.
“Ito nasa entrance na kami. Papunta na kami diyan!” sagot ni Bogs.
Muli akong nagpunta ng banyo at nag ayos suot ang school uniform. Nilinis ko ang aking mukha at inayos ko ang aking buhok. Nagulat ako ng muling bumukas ang pinto ng banyo at pumasok si Bogs.
“So, talagang SA BANYO tayo laging nagkikita babe!” Sinipat ni Bogs ang mga cubicles kung may tao bago niya ilock ang pinto ng banyo. “Ano gusto mo quickie?”
Kinabahan ako kaya umiling iling ako ng nakangiwi. Natawa si Bogs sa aking reaksyon. Niyakap ako at hinalikan na parang kami ay nasa kwarto lang.
“Ready ka na?” tanong nito.
Sumagot ako na may malalim na paghinga kaya sabay kaming lumabas ng banyo. MAGKAHAWAK KAMAY. Tila estudyante ko na may ginagawang kalokohan ang biglaang pagkilos ni Ate Virgie na nasa tabi ng kanyang ina.
Iniabot ko ang aking kamay pero mas minarapat niyang yakapin ako.
“Bilib ako sa’yo.” pambungad ng kanyang ate sabay halik sa aking pisngi. “Paano mo natiis kapatid ko na pagkatigas tigas ng ulo?” sundot nito. Totoo nga namang laging matigas ang ulo ni Bogs lalo na sa baba.
Napanganga naman si Bogs sa kanyang narinig.
“Ate? Excuse me! Andito lang ako”pangaasar nito.
“Naawa lang ako sa boyfriend mo.” sagot ng kanyang ate na sinabayan ng malakas na tawa ng kanyang ina.
Nagsimula ang mahabang kwentuhan habang kain kami ng kain. Lugi ang ibinayad namin buffet kay Ate Virgie dahil napakahina nitong kumain. Ang bilis niyang mabusog pero sinulit naman sa nanay ni Bogs ang food. Nakailang balik din kami sa buffet table.
Nang muling umalis si Bogs at nanay nito para kumuha ng food ay nabigyan kami ni Ate Virgie nang pagkakataon para makapagusap.
“Jet, Hindi ka ba natakot na may sakit kapatid ko?” lakas loob nitong tanong.
“Actually nung una, OO pero matapos ang hospitalization ko narealize kong life is a risk. Paunahan lang talaga sa iba’t ibang pamamaraan. May dahil sa sakit, may dahil sa murder, at may dahil sa accident. Pinili ko lang mamatay na may karamay.” sagot ko na malalim ang pinanghuhugutan
“Natuwa naman ako at binigyan mo ng chance ang kapatid ko. Sana magtagal kayo.” sundot nito.
“Oo. Yun din ang hiling ko. Mukha naman hindi na magga-gago si Bogs, diba?” pang iisyoso ko.
“Well, tingin ko mahal ka niya. Sa lahat ng naging ka bf niya ikaw palang pinakilala niya sa akin.” pagpapalakas loob sa akin ni Ate Virgie.
“HIndi nga ate?” tanong kong di makapaniwala.
“Oo. Akala ko nga nagloloko lang siya nang sabihin niyang ipakikilala ka niya sa akin. Akala ko pa nga si Jason ka kasi di ko parin yun nakikilala.” sagot nito sabay tawa na may pagkailang dahil nabanggit ang ex ni Bogs.
Naglalakad pabalik si Bogs sa aming mesa na nakasingkit ang mga mata na tila may masamang kutob sa aming paguusap.
“Baka binebenta mo na ako Jet!” paningit nito.
“Wow. Akala mo naman pagkamahal mahal mo pag binenta kita. Baka nga buy one take one ka pa.” pangaasar ko.
Muli na namang napuno ng tawanan ang aming mesa. Ito pala ang ibig sabihin ng pamilya.
Chapter 26
Chapter 26
BOGS
Anniversary ko ngayon sa pagkapositive sa AIDS kaya maaga palang ay tumungo na ako sa RITM Treatment Hub para sa aking ANNUAL TEST. Daming tao sa Hub. May bata, babae, lalaki, bakla at tomboy sa paligid ligid. Tila walang sakit ang mga baklang galing sa iba’t ibang sektor ng lipunan kung magtawanan. Sapat na makinig na lang ako at ngumiti mag-isa dahil di ko rin sila kilala.
Madami rin ang nagpaparefill ng kanilang ARV bottles. Drug dependent na kasi kaming mga pusit dahil itong ARV ang tumutulong para tumaas ang aming CD4 at masupress ang virus. Ito na ang daily maintenance namin.
Itong annual test na ito ay napakahalaga para sa akin. I mean para sa amin ni Jet dahil ito ang magsasabi kung ang virus ay di nakakahawa o untransmittable o UD . Magcocondom pa rin kami kung sakaling UD pero mababawasan na ang worry ko para kay Jet. Every three months lagi ko siyang dinadala sa municipal health center para mag pa check, so far negative naman lagi ang result and we try to keep it that way.
Pero naiisip kong madadagdag ang chupa sa list ng aming sexual exploration. Chuchupain na rin niya ako sa wakas. Naawa na kasi ako sa fleshlight pang limang bili ko na sa lazada at lahat ay di nagtatagal. Paano ba naman wag lang makita ni Jet na umumbok ang burat ko umaga man, gabi o madaling araw ay isasalpak niya agad ang fleshlight.
Naeexcite ako sa mga pwede naming gawin pag nagUD ako. Sana naman good news ang test. Siguro naman mag UD ako kasi di naman ako nagmimiss ng medication kasi mahigpit si nurse Jet na kahit tulog ako ay isasalpak sa bibig ko ang ARV basta mag 9 PM na.
Medyo matatagalan pa ang start ng test sa tingin ko dahil nagsesetup pa lang sa isang room ang mga Med Tech kaya minarapat kong magbasa muna ng M2M erotic novel ni James Noe. Kalibog naman ng novel na FUBU. Ang lupit ni James at Rick buti hindi sila nagpositive sa HIV sa sobra nilang lalandi. Napapangiti ako habang nagbabasa ako ng 3some adventure ng novel nang may biglang bumulong sa akin.
“Kumusta ka na?” tanong nito.
Napalingon ako para icheck kung talagang nasa RITM ako.
“Anong ginagawa mo dito Jason?” tanong kong alam ko rin naman ang sagot.
Matagal na hindi nakasagot si Jason. Umupo siya at huminga ng malalim.
“Magrefill ako ng ARV.” sagot nitong nakatitig sa sahig.
Ako naman ang napahinga ng malalim at nakonsensiya. Alam kong nahawaan ko si Jason kaya katulad ko ay drug dependent na rin siya sa ARV buti nga ngayon isang pills na lang kasi dati tatlong pills daw yan.
“Excuse me po! Asan si R13JMA, ?” malakas na tanong ng attendant.
Tumayo si Jason at tumango sa akin para magpaalam. Natawa ako sa JMA. Wait R13? So ibig sabihin 2013 pa siya merong HIV at dahil 2015 lang ako nagkaroon that means siya ang maaring nakahawa sa akin.
Siya lang ang kinantot ko during that time at kung meron mang iba ay threesome at may condom. I am very sure of that dahil during the three to six months window periods ay siya lang talaga ang kinantot ko. Nilapitan ko siya at sinubukang kumalma dahil di ko rin naman mababago ang nangyari.
“Jason, ba’t hinayaan mong isipin kong ako ang nakahawa sayo?” tanong kong medyo nakakainis.
“Idadag pa ba kita sa konsensiyang dala dala ko?“sagot nitong medyo nahihiya.
“Napakaselfish mo naman Jason! Sana sinabi mo.” pabulong pero galit kong pagkakabitaw.
“UD na ko nung naging tayo Bogs. Sinabi ko sayo na marami akong baggage pero mapilit ka nanligaw ka pa rin. Bakit Bogs mamahalin mo ba ko kung alam mong pusit ako?” tanong nito na nagbigay linaw sa lahat ng bagay.
“Tangina naman eh. Di sana sinabi mo na magkondom ako. Kahit yun lang, diba?“pasuko kong sagot.
“Sinabi ko naman ah! Ako pa nga ang bumibili, diba? Sobra kang mainit sa kama Bogs! hindi mo makontrol sarili mo. Ni hindi ka nga sigurado kung ako talaga ang nagdala sa’yo ng sakit.“panunumbat nito.
“Alam mong ikaw lang ang kinakantot ko sa loob ng six months, Jason bukod sa threesome nating pinagcondom mo ko.” pagpapaalala ko.
“Bogs, Di mababago to. Patawad kung ako man ang nagdala sa’yo niyan. Salamat kasi naramdaman kong minamahal mo rin ako. Sana lang dala ang sakit na to ay maalala mo rin na minahal din kita ng buong buo.” tugon niya na may namumuong luha sa kanyang mga mata.
“Eh, ba’t mo ko iniwan?” tanong ko na nagpaluha sa kanyang mga mata.
“Kasi akala ko kaya mo kong ipaglaban eh nung kinuwento mong magpapakamatay ka natakot ako. Natakot akong baka di kita mapigilan.” sagot niyang nagpalumbay sa aking kalooban.
Di ko na napigilan pumatak ang luha ko ng yakapin ako ni Jason.
“Willing akong itry natin uli Bogs. Ako at ikaw na parehong may pinagdadaanan. Parehong guerra at sandata. Pusit sa pusit.” bulong nito.
“Excuse me, Ready na po tayo for annual testing. Asan po si R15bto?” sigaw ng attendant na nakamask.
HInawi ko ang katawan ni Jason para lumayo. Tinaas ko ang aking kaliwang kamay habang pahid pahid ang aking mga mata ng kabilang kamay. Sa muli kong paglingon ay nakita kong naglalakad papalayo si Jason. Tumingin siya sa akin na tila naghihintay ng positibong sagot sa kanyang proposisyon.
Tumango at tumungo sa attendant para harapin ang bagong pagsubok.
Chapter 27
Chapter 27
JET
Weird ng araw na ito. Hindi man lang nagparamdam si Bogs ni sa text ni sa tawag. Patay baka malala ang result. Nakalimang tawag na ako pero di naman din niya sinasagot. Nagaalala naman ako.
Ginawa kong busy ang sarili ko buong maghapon para mabawasan ang labis na pagkamiss kay Bogs. Maging ang mga bata ay napansin ang aking pagaalala kaya mukhang di sila nagpasaway ngayon araw na ito.
Matapos ang klase ay agad kong tinungo ang gate para umuwi. Paglabas na paglabas ko ay agad na bumungad sa akin ang motor ni Bogs. Nandito lang siya sa paligid pero di ko siya matanaw. Maya maya pa ay nakita ko siyang lumabas mula sa kainan malapit sa gate. Napansin kong mukhang pilit ang kanyang mga ngiti at mukhang malalim ang kanyang iniisip. Ngumiti ako para itago ang aking pagaalala.
Bago ako umangkas ay isinuot ni Bogs sa akin ang aking helmet na kala mo ay first time kong magkabit.
“Gusto mo ba dumaan sa milktea shop?” tanong nito.
“Di na Bogs. Derecho na tayo. Magluluto ako. Pagod ka ba?” paglalambing ko.
Tumango at ngumiti si Bogs. Umalis kaming tahimik. Nakakamatay ang kalungkutang bumabalot sa amin ni Bogs. Parang nabibigatan ako para sa kanya. Tinapik ko ang balikat ni Bogs para bagalan ang takbo at makinig sa aking sasabihin.
“Bogs daan mo nga ako sa Pharmacy may bibilhin lang ako.” malumanay kong paguutos.
Kailangan kong pagaanin ang nararamdaman ni Bogs. Imamasage ko siya. Hindi pa niya natikman ang masahe ko pero sinisigurado kong marerelax siya at gagaan ang kanyang pakiramdam. Nang mabili ko ang oil ay agad na pinatakbo ni Bogs ang motor at tumungo sa bahay.
Pagkapasok na pagkapasok sa loob ng bahay ay agad kong ibinalot sa aking mga braso si Bogs.
“Babe. Tonight, Aalagaan kita. Stress na stress ka tingnan.” sambit ko sabay halik sa ulo, leeg, tenga at pisngi.
“Wala to babe. Pagod lang talaga ako.” sagot nito na nangingiti.
“Kaya nga. Hayaan mong ikaw naman ang alagaan ko.“Hinalikan ko ang kanyang noo at pisngi ng buong pagmamahal. “Maligo ka na tapos magbihis. Lulutuin ko ang favorite mong corn beef na may patatas. Okey ba yun?”
“Paano mo nalaman yun?” tanong nitong may ngiting di maipinta.
“Sabi ng biyanan ko yun daw favorite ng asawa ko na madaling lutuin. Pasensiya ka na matagal lutuin ang sinigang sa bayabas ng bundot ng baka.” sambit ko sabay pindot sa pwet at halik sa leeg.
Agad naman tumungo ng kwarto si Bogs para maligo. Narinig ko naman ang kanyang “One Republic Playlist”. Mukhang unti unti nang ginaganahan si Bogs dahil tila nagco-concert na ito sa loob ng CR.
Mabilis kong ginayat ang patatas at nagbukas ng cornbeef buti na lang talaga at nakapamili ako last week. Natapos na si Bogs maligo pero di parin ako tapos magluto kaya pinapahinga ko muna siya sa kama habang hinihintay na maluto ang cornbeef.
Makalipas ang thirty minutes ay natapos din ang aking niluluto. Tumungo ako sa kwarto para gisingin ang aking angel. Napakasarap niyang tingnang tulog kaya ginising ko siya ng may buong pagiingat at pagmamahal. Halik sa mata at pisngi. Nangingiting iminulat ni Bogs ang kanyang mga mata.
Iniabot ang kanyang mga kamay para hatakin ko siya patungo sa mesa. Iniayos ko ang kanyang upuan. Kumuha ng tubig at pinagsilbihan na tila kami ay mag-asawa. Kumain kami ng sabay at panay ang kanyang halik sa akin.
“Pagkatapos nito Bogs, maliligo ako. Ikaw naman maghugas ha?“utos ko
“Oo naman.” sagot nito.
“Tapos dumerecho ka na sa kama. Maghubad ka.” utos ko na may pagkindat.
Saglit na nahinto ang kanyang pagsubo.
“Jet, pwede wag muna ngayon gabi. Stress talaga ako babe.” maingat niyang pakikiusap.
“Hindi naman tayo magkakantutan basta maghubad ka. Ako bahala.” tugon ko naman na may ngiti para alisin ang sex sa option.
Di na nakipagtalo si Bogs sa akin. Tinapos namin ang pagkain at agad akong naligo at nagtoothbrush. Narinig kong bumukas ang kwarto at humilata si James sa kama kaya minarapat kong bilisan ang aking pagbabanlaw.
Kinuha ko ang oil at nagpahid ng konti sa aking kamay. Inamoy ko ito at ikiniskis para magbigay ng init. Babaguhin ko ang gabi mo Bogs.
Lumapit ako sa katawang nakadapa ni Bogs suot ang aking manipis na brief. Pinadaloy ang oil sa kanyang katawan.
“Babe, ano yan?” tanong nito sa tonong mababa at malandi.
“Relax. Ako bahala sayo tonight babe.” sagot ko namang medyo mapanukso.
Inupuan ko ang pwet ni Bogs at sinumulan hagurin ang kanyang likod. Walang patid ang kanyang pagungol lalo na nang hagurin ko ang kanyang balikat sa kanan. Namimilipit siya sa sarap.
“Babe first time mo ba magpamasahe?” tanong ko.
“Hindi naman babe pero kasi ang sarap ng hagod mo. Naku baka hanap hanapin ko yan.” sagot nitong may halong lungkot.
Saglit na nahinto ang aking pagmamasahe dahil sa malaman nitong binitawang salita.
“Bogs, Iiwana mo ba ako? Sabihin mo nang mas maaga para makapaghanda ako.” sagot ko habang pinagpapatuloy ko ang paghihilot sa kanya.
Hindi sumagot si Bogs bagkos ay gumalaw ito para umupo sa tabi ko. Hinawakan ang aking mga kamay. Hinalikan ito at inilapag sa kanyang dibdib. Namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.
“Mahal kita Jet pero natatakot akong mahawaan kita. Gusto kong maging patas ako sayo. Marami diyan na mas deserving sa pagmamahal mo nang walang sakit.” bitaw nito.
Di ako nagsalita. Niyakap ko siya at hinalikan ang kanyang mga labi. Pilit kong inintindi ang nararamdaman niya. TAKOT.
“BAbe, sino naman nagsabing hahawaan mo ako? Eh sobra nga pagiingat mo at pagiingat ko. Halos maubos natin ang condom sa Mercury Drugs.” sabay tawa kong sagot kay Bogs.
“Jet tingin ko si Jason ang nakahawa sa akin. Mahal na mahal din ako nun pero nagawa niyang itago sa akin ang sakit niya dahil natakot siyang mawala ako.” tugon nito
Isinalaysay ni Bogs ang buong kwento kung paano niya nalaman iyon. Awang awa ako kay Bogs dahil ayaw niyang gumising ako na may sakit sa piling niya. HIndi daw niya mapapatawad ang kanyang sarili kung isang araw magkikita kami na parehong may sakit.
Nakatitig lang si Bogs sa aking mga mata na tila nagpapaalam. Binalot ko muli si Bogs sa aking mga braso para iparamdam sa kanyang naiintindihan ko siya pero di ko siya bibitawan. HIndi. Hinding hindi.
Chapter 28
Chapter 28
BOGS
Parang sasabog ang puso ko sa sakit ngayong nasabi ko na kay Jet ang plano kong makipaghiwalay. Isa lang ang sigurado mahal na mahal ko si Jet at di ko kayang gawin sa kanya ang ginawa sa akin ni Jason. Hindi yun pagmamahal, isa yong kaduwagan. Mawala man sa akin ang taong pinakamamahal ko ay malinis naman ang konsensiya ko dahil di ko siya binigyan ng sakit na habang buhay niyang dadalhin dahil sa akin. Iyak lang ako ng iyak dahil sa bigat ng aking nararamdaman.
“Shhhh… Tahan na babe… Naiintindihan kita…” paulit ulit na sambit ni Jet.
Inihiga ako ni Jet at hinalik halikan ang aking ulo.
“Bogs, Mahal mo ba ako?” tanong niya na sinagot ko naman mabagal na pagtango. “Iiwan mo ba ko para di mo ko mahawaan?” sundot na tanong ni Jet na lalong nagpaluha sa akin.
“Gagawin mo ba lahat lahat para sa akin para di ako mahawaan?” muli niyang tanong na nagpakunot ng aking noo. “… like magcondom pag nagsesex, … mag take ng medicine araw-araw ng walang mintis… magpacheck up every three months… at higit sa lahat ang hindi makipagkantutan sa iba?”
“Jet alam mo naman gagawin ko lahat para sa’yo kaya lang sabi sakin ni Jason ay di daw talaga ako mapigilan minsan. Pano kung di ko mapigilan?” tanong ko na may pagaalala.
“Bogs. Problema ba yun, eh di sasapakin kita!” sagot niya sabay halik sa aking leeg na nagbigay kiliti.
“Jet naman eh! Seryoso nga nagaalala ako.” sagot ko sabay kurot sa kanyang pisngi.
“Bogs. Malayong malayo ka kay Jason. Eh nung hindi pa nga lang tayo magkakilala nasabi mo na agad ang totoo sa sakit mo. Naalala mo sa restaurant?” sundot nito
Tumango naman ako na may ngiti sa ala ala ng aking katangahan.
“Pangalawa, isang taon na tayong nagkakantutan at consistent naman ang testing ko at lagi akong negative. Hindi ba pwedeng ipagpatuloy ang ginagawa natin kasi di naman ako nagkakasakit?” dugtong niya.
Huminga ako nang malalim para namnamin ang katotohanan.
“Tsaka mag pe-PrEP ako. Meron nang available niyan sa market” dugtong nito habang hinihimas ang aking pisngi.
“Hindi naman yun guaranteed, eh?” pambabasag ko sabay kagat sa kanyang daliri.
Agad naman akong sinakal sa leeg ni Jet na may paglalambing at gigil
“Eh yung makahanap ako ng taong mamahalin ko at mamahalin ako,
Yung makahanap ako ng taong laging magdadala sa aking milktea wintermelon,
Yung makahanap ako ng taong tama lang ang lakas ng hilik para makatulog ako,
Yung makahanap ako ng taong aalagaan, papakainin, paliliguan pag may sakit ako,
Guaranteed bang makikita ko pa yun?“ pagpapamukha niya sa akin.
“Di ko alam Jet.” sagot kong walang kalatoy latoy.
“Then stay Bogs. You are more than your sickness. Ipupusta ko lahat para sayo. Gagawin ko lahat para di magkasakit sa piling mo dahil gusto ko buhay ako hanggang sa mga huling sandali mo.”
Pangungumbinsi nito.
“Baka mapagod ka?” sundot ko.
“Napagod ka ba nung halos tatlong lingo mo kong inalagaan?” tanong niyang agad ko namang inilingan
“Tatlong linggo lang yun eh pano kung isang buwan, o taon?” pagpapalawig ko.
“Wow Napredict mo agad. Bakit di mo napredict noon na magkakasakit ka kay Jason?” pamimilosopo niya.
“Kasi di ako careful non” sagot ko.
“So ngayon mas careful ka?” tanong niya
“Oo naman!” paglilinaw ko
“So anong problema nating dalawa kung CAREFUL ka? Itigil mo na yan drama mo at tanggapin mo nang handa ka ring pumusta para sa future natin. Okey ba yun?” tanong nito na nakatitig at nakangiti sa akin.
Tumango ako at pinahid ang aking mga luha. Sinalubong naman ako ng halik ng pag-unawa.
Niyakap ko si Jet. Paulit ulit kong sinabi sa aking sarili. Iingatan ko siya.
Chapter 29
Chapter 29
JET
Struggle ang journey namin para mabawasan ang anxiety ni Bogs sa relasyon namin. Tinigang ako halos isang buwan ni Bogs hanggat di namin natatapos ang seminar about PrEP dahil hindi naman ito basta basta pwedeng i-prescribe ng walang counseling. Tiniyaga ko ang fleshlight at porn para di na ako ganahan tuwing magkikita kami sa gabi. Ayokong pilitin siya dahil alam kong lalo lang siyang magaalala.
Pero nung nagsimula na akong mag PrEP sinugurado naman niyang sulit ang paghihintay. Kantot dito, Kantot doon. Para kaming mga koneho. Inaral ko rin kung paano magbigay ng oral nang may condom ang titi. Ang hirap nung una dahil sa flavor kaya simula non ay naglalaba ako ng condom para alisin ang amoy. Bareback is NEVER an option kahit UD na ang status niya. Minsan exagerrated masyado ang pagaalala ni Bogs na minsang siyang nasugatan ay di niya talaga ako tinabihan ng halos dalawang araw hanggat siguradong tuyo na ang sugat.
Wala rin kaming sex tuwing nagpapatest ako at ramdam kong hirap na hirap si Bogs na makatulog sa pagaalala kaya simula nun lagi ko siyang minamasahe para marelax siya tuwing nagpapatest ako.
Sa awa naman ni Lord ay negative pa rin ako hanggang ngayon for two years. So ngayong anniversary namin ay hinanda ko ang isang big celebration. Ininvite ko ang magsyotang si Leo at Ana, Ang nanay at ate ni Bogs kasama ang kanyang mga pamangkin para sa aming second year anniversary.
Naging mas malapit ako sa kanila dahil naging mas busy ang bf ko sa business niya kaya ako ang naging reminder ni Bogs to keep his support system. Kaunti lang kami sa buhay ni Bogs pero di namin siya iiwan. Kay Bogs ko natutunan ang pagmamahal ay MORE ON GIVE than take.
Naging mature kami maging sa aming pagaaway dahil di namin ito pinatatagal. Agad namin itong inuupuan at pinaguusapan. Natutunan ko na rin yakapin ang kanyang mga nakaka iritang habit like tumae nang pagkatagal tagal lalo na pag nag-iisip siya. Mas maganda daw ang nabubuo niyang desisyon kapag nasa banyo siya habang napapalibutan ng mabaho niyang tae. Ang weird no?
Natutunan na rin niyang palampasin at itolerate ang pagkain ko ng walang nguya. Naiinis siya dati sa akin dahil lunok lang daw ako ng lunok kaya isang beses nagstock siya ng powdered mash potato bilang kapalit ng kanin para di na daw ako ngumuya na siya namang ikinainis ko dahil sobra ang pagkamiss ko sa kanin. Ayun, nung nakita niya akong namayat pinamigay niya sa kapitbahay lahat ng mash potato at lagi na akong pinapakain ng kanin kahit gabi.
Hindi alam ni Bogs na nag leave ako sa school. Namili ako ng mga rekado at agad na tinawagan si Ate Virgie para tulungan akong magluto. Tanghali na nang dumating si Ate Virgie kasama si Nanay na agad namang nagutos sa amin ni Ate Virgie na mag gayat. Hindi namin ramdam ang oras ng paghahanda kaya mga alas 4 na ng hapon ng matapos kami sa pagluluto.
Sinigang sa bayabas ng buntot ng baka ang main dish. Ito daw ang favorite ni Bogs. Nagprito at nag-ihaw din kami ni Ate Virgie habang nagawa ng graham cake si nanay. Ang mga pamangkin naman niya ang gumawa ng HAPPY 2nd ANNIVERSARY na pinost sa wall. Natawa kami dahil hindi pantay pantay ang pagkakakulay ng mga titik.
Alas 7 na nang gabi ng dumating si Bogs kasama si Ana at Leo. Maaga silang nagsara ng shop para sa aming pagsasalo salo. Nagulat daw si Bogs ng sabihan nila Ana at Leo na magsasara sila ng maaga dahil pinagutos ko daw. Pitong beses sinubukang tumawag si Bogs sa akin para ako ay tanungin pero di ko sinagot ang tawag. Kalaunan ay nakumbinse rin ni Ana at Leo si Bogs na magsara ng maaga.
Halos magkasabay kong narinig ang motor at tricycle sa harap ng bahay. Binuksan ko ang pinto at nakita ko agad si Ana at Leo na may bitbit na cake. Nakakunot ang noo ni Bogs na tila di talaga alam kung anong meron.
“Bogs, Talaga lang di mo alam?” tanong kong medyo naiinis.
Hindi parin talaga ako magets ni Bogs kaya tumuloy na lang siya sa bahay. Nagulat siya nang makita sa dingding ang ginawa ng kanyang pamangkin na agad namang tumakbo, yumakap at humalik sa kanyang pisngi na tila nagpapaunahan.
Lumingon lingon si Bogs na tila hinahanap ako. Kinindatan niya ako at ibinaba ang kanyang mga pamangkin. Alam niya. Naalalala niya.
“Salamat sa ginawa niyo. Ang galing. Sino nag kulay?”
Sabay na nagtaas ng kamay ang dalawang bulinggit na tila proud na proud sa kanilang masterpiece. Napangiti naman ako dahil tila tatay nila kung titigan si Bogs.
Muli akong nilapitan ni Bogs. Kinuha ang aking kamay at hinatak ako malapit sa wall para magpa picture. Kinilig naman si Ate Virgie nang halikan ako ni Bogs sa aking pisngi. Diring diri naman ang kanyang mga pamangkin.
“Mama, bagay kami ni Jet diba?” sigaw na patanong ni Bogs.
“Naku bagay na bagay.” sagot ni mama na may pagapprove pa ang kamay.
Nagitla ako ng biglang lumuhod si Bogs at nilabas ang singsing na ginto. Walang bato ang singsing pero ang kinang nito ay sapat na para mabighani ako sa kanyang ganda.
“Babe, Sampu ng gamot na iniinom ko. Will you marry me?” tanong nito.
Pinipigil ko ang aking luha pero di ako nagwagi. Itinaas ko ang aking ulo at huminga ng malalamim.
“Yes, Bogs.” sagot kong pilit na itinatago ang tili.
Tumayo si Bogs at isinuot ito sa akin Hinalikan at niyakap ako ni Bogs. Di magkandamayaw ang tilian ng mga taong nakapaligid sa akin. Napuno ang bahay ng pagmamahalan. Yakap yakap ni Leo si Ana na tila kilig na kilig. Samantalang tili ng tili si Ate Virgie na nakayakap din sa kanyang nanay. Natawa naman ako sa panganay na anak ni Ate Virgie na tinakpan ang mukha ng bunso na pilit tinatanggal ang tabong kamay sa kanyang mukha kaya nang matangal nito ang kamay ng kanyang kuya at agad na tumakbo patungo kay Bogs at yumakap dito.
Nagsimula ang pagsasalo at pinuno ng tawanan, asarahan at kwentuhan ang maliit naming tahanan.
Doon ko napagtanto na bawing bawi ako sa regalo ng Panginoon. Di ko naramdamang mali ang mga bagay bagay dahil sa saya ng puso ko ay naipikit ko ang aking mga mata at saglit na nagdasal ng pasasalamat. Isang bagay na matagal ko nang hindi nagagawa.
Epilogue
Chapter 30
BOGS
Buti na lang at napaghandaan ko ang anniversary na to. Ilang buwan ko ring pinatago kay Ana ang singsing dahil baka mawala ko ito sa sobrang pagkaabala. Matapos ang aking maikling proposal ay pinagkaguluhan ng mga bisita ang singsing na binili ko kay Jet. Unique daw kasi ang style.
Touch na touch ako dahil pinagluto ako ni Mama ng sinigang sa bayabas. Ako lang ang kumain ng sabaw samantalang binanatan nila ang inihaw at prito. Masaya akong makitang naging sentro si Jet ng support system ko na para talaga siyang asawa ko kung makitungo sa aking kapatid, kaibigan, magulang at pamangkin.
Minsan nga mas madalas pa niyang nakakabonding si mama kaysa sa akin dahil pareho silang mahilig magluto. Si Jet din ang katuwang ni Ate Virgie sa online business nilang lotion at perfume na unti unti nang lumalago kaya pati si Ana ay nahihikayat na ring magsideline.
Sarap tingnan na nakapalibot lahat sila para makinig sa kwento ni Jet habang ako ay nakain. Maging ang aking mga pamangkin ay komportable na rin kay Jet. Sino ba naman di mapapaibig sa kanya? Ngiti pa lang BOOM na. Iba rin siya magisikaso sa akin. Maging si Leo ay ginagaya ang pananamit ko at si Ana ay lagi akong inaamoy dahil sa pabango na inispray ni Jet sa damit ko.
Dumami ang tentasyon sa paligid ko dahil naging mas confident at mas positibo ako pero di ko magawang magloko. Di ko kakayaning lokohin ang taong pumusta ng buhay, kalusugan at panahon niya sa akin.
JET is my EVERYTHING.
Matapos ang pagsasalo salo ay nagpaalam na ang aming pamilya. Naiwan ako sa bahay na nagiimis ng kalat nang dumating si Jet at tumulong sa akin matapos niyang ihatid ang nanay at ate. Alam ni Jet na hirap ako magpaalam kaya siya na lang ang naghatid sa aking pamilya. Iyak ng iyak ang dalawa kong pamangkin na nakikiusap na payagang silang makitulog sa bahay pero binasag sila ng aking nanay nang sabihing mag honeymoon daw kami Jet na siya namang naging sanhi ng malakas naming halakhakan.
Matapos kaming maglinis ay agad ding naligo si Jet. Hindi nagtatapis ng towel si Jet dahil komportable na kami sa isa’t isa kaya nang matapos siya ay ibinato niya sa akin ang towel para maligo, isang bagay na ayaw na ayaw ko pero ipinilit ni Jet.
Habang ako ay naliligo ay pinatugtog ni Jet ang kanta ni Moira. Kinilig ako. Kinilig ako ng sobra.
…Ang pagasang nahanap ko sayong mga mata
At ang takot kung sakali mang ika’y mawawala
At ngayon nandyan ka na
Di mapaliwanag. Ang nadarama
Handa ako sa walang hanggang
Di paaasahin. Di ka sasakatan
Mula noon, Hanggang ngayon. Ikaw at ako
Lumabas ako ng kwarto na nagpapatuyo sa aking buhok gamit ang towel. Nakahiga si Jet na nakataas at nakatapat ang kamay sa kanyang mga matang titig na titig sa kanyang singsing habang patuloy at on repeat ang kanta ni Ate Moira.
Nilapitan ko ang hubad na katawan ni Jet.
Hinalikan ang kanyang Noo. (Di ka na magiisa, sa hirap at ginawa ay iibigan ka)
Hinalikan ang kanyang pisngi. (Mula noon, Hanggang ngayon)
Hinalikan ang kanyang labi. (Ikaw at ako)
Niyakap niya ako. Binura ang lahat ng takot ko at pinagtibay ang mahabang bukas.
“Bogs, Ako lang ha!” sambit nito
“Ikaw lang Jet. Ikaw lang lagi.” malambing kong sagot.
“Sige. Uminom ka muna ng gamot bago tayo gumawa ng baby.” malambing niyang pambabasag.
“Babe, tuwad ka na!” sambit ko.
“Masusunod mahal na kamahalan…”
Kinuha ko ang condom at binigay ko sa kanya para isuto sa titi ko dahil iba ang sensasyong dulot
Natawa ako sa ENTRY ni Jet at hinalikan niya ako para saluhin ang nahihiya kong mukha. Yakap yakap namin ang isa’t isa sa ugoy ng kanta ni Moira na tila first wedding dance namin. Ito na talaga ang literal na simula ng SA HIRAP AT GINHAWA namin ni Jet. Handa na ako salubungin ang umaga kasama ang isang taong nagbigay pagasa sa akin. Sana lang lahat ng pusit sa mundo ay magkaroon ng second, third or fourth chance na makita ang kanilang forever kasi sabi nga ng asawa ko we are more than our sickness.

