loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Puti at Itim

Puti at Itim

Der3ck7 · 39 chapters · 67,084 words

Teaser ( Puti at Itim )

Abala si Joshua sa paghahanda sa mga gagamitin ni Father Cruz para sa misa maya-maya, nang makarinig ito ng ingay dito sa loob ng kapilya.

Pagtingin ni Joshua ay gulat na gulat ito ng makita ang duguang binata, na pinagmulan ng ingay na narinig nito.

“A-ayos ka lang kuya?” tanong ni Joshua sa lalaki.

“Father itago mo ako.” sagot ng lalaki kay Joshua.

“Hi-hindi po ako pari, kuya, atsaka hindi ba dapat sa ospital ka pumunta, para magamot ang sugat mo?” pagtatama ni Joshua sa lalaki.

“Hindi ako maaring pumunta dun father, hindi mo ba ako tutulungan man lang.” saad ng lalaki, na tinawag parin ng father ang binatang may maamong mukha.

Kaagad namang dinuluguan ni Joshua ang sugatan pero makulit na lalaki, na pilit na tinatawag siyang father, kahit pa matapos niyang sabihin na hindi nga siya pari.

“A-anong gagawin ko kuya? Wala akong alam sa panggagamot.” tanong ni Joshua sa lalaki, na nakaakbay na sa kanya ngayon, habang patungo sila sa maliit na kwarto sa loob ng kapilya.

“Huwag kang mag-alala father, ikuha mo lang ako ng alkohol at bulak, ako ng bahala sa mga sugat ko.” sagot ng lalaki.

Ilang sandali pa nga ay nakarating na ang dalawa sa loob ng maliit na kuwarto sa kapilya.

At habang nakahiga na sa kama ang duguang lalaki, abala naman si Joshua sa paghahanap ng mga kakailanganin ng lalaki para sa mga sugat nito.

Habang nakahiga si Rafael sa kama, ramdam na nito ang hapdi at kirot sa mga sugat at bugbog nito sa katawan na kanyang natamo, matapos ang isa na namang rambol na kinasangkutan niya. At habang isa-isang tinitignan nito ang bugbug at sugat na natamo niya, sunod na napatingin ang binata sa nakatalikod na sakristan, na abala sa pagbubukas ng mga lalagyan sa loob ng kuwarto. Kita tuloy ni Rafael ang matambok na puwet ng binata at dahil sa nakita, unti-unting nabuhay ang malaking laman ng pilyong binata sa pagitan ng kanyang mga hita.

‘Forgive me father, for i have sin.’ saad sa isip ni Rafael at napangisi pa ito sa oras na iyon.

Matapos ang pag-isa-isang paghahanap sa mga drawer, nakahanap na rin sa wakas ng alkohol at bulak si Joshua, kaya naman…

“Heto na kuya-” saad ng natigilang si Joshua at nanlalaking mata ito sa nakitang ayos ngayon ng lalaki.

Hubot-hubad habang nakangisi si Rafael ng tumingin sa kanya ang binatang sakristan.

Author’s Note:

Coming this April.

I

Katatapos lang ng misa at matapos isa-isang nagsiuwian ang mga taong nagsimba sa kapilya sa baryo Masilong. Naiwan naman si Joshua, kasama ng ilan sa mga kapwa nito sakristan at ngayon ay abala sila sa paglilinis ng kapilya.

“Brother Josh, nabalitaan mo ba iyong rambol na nangyari kahapon?” tanong ni Luis na isa sa kasamahang sakristan ni Joshua.

“Ah oo brother Luis, nalaman ko lang kay Tita Edna, kasi ’yung anak niyang binatilyo kasali sa rambol na ’yon.” sagot ni Joshua. Brother ang tawagan nilang magkakasamang sakristan sa kanilang simbahan.

“Mga kabataan nga ngayon, mas gusto pa nilang sumali sa mga rambol, kesa sa pagbutihin ang kanilang pag-aaral.” sali sa usapan ni Wilson.

“Ewan ko nga ba sa kanila brother Wilson, hindi sila gumaya sa atin na nagsisilbi sa simbahan, at mabubuting anak pa sa mga magulang.” sang-ayon naman ni Francis.

“Tama ka brother Francis, pero wala naman tayong magagawa at hindi natin sila mapipilit na magpakabuti, kung gusto nilang magbago ay dapat sa sarili nila mismo magsimula iyon.” dagdag naman ni Marlon.

“Tama na ang usapan sa kanila, tapusin na natin ang nililinis para makauwi na rin tayo.” saad naman ni July.

“Tama si brother July, tama na muna ang kuwentuhan para matapos na tayo.” sang-ayon ni Joshua.

At nagpatuloy na sa pagliligpit at paglilinis ang mga sakristan sa mga ginamit ni Father Cruz, sa katatapos lang na misa.

“Hay natapos rin, paano mauna na ako mga brother.” paalam ni July sa mga kasama.

“Sandali lang, sabay na tayo brother July.” tawag naman ni Marlon sa kasamahan na kapitbahay rin nito.

“May pupuntahan pa ako brother Marlon, ayos lang ba?” tanong ni July kay Marlon.

“Ayos lang brother, nakamotor ka naman hindi ba?” sagot at tanong naman ni Marlon.

“Oo, sige ikaw ang bahala.” pagpayag ni July.

“Sige mauna na kami ni brother July.” paalam ni Marlon sa mga kasama.

“Sige brother, ingat kayo.” paalala ni Joshua sa dalawa.

“Gaya ng dati mga brothers, sabay na rin kaming aalis ni brother Francis.” sumunod na nagpaalam si Wilson.

“Sige ingat kayo.” paalala ni Luis sa dalawa.

“Dating gawi brother Josh, dalawa na naman tayong naiwan.” baling ni Luis sa kasamang si Joshua.

“Tama ka brother Luis, pero baka may lakad ka, mauna ka na.” sang-ayon ni Joshua at pahintulot nitong mauna na si Luis.

“Wala naman brother Josh, hihintayin na kita para sabay na tayo, delikado at baka may rambol na naman at mag-isa ka lang.” saad naman ni Luis.

“Salamat kung ganun, sandali at ichi-check ko lang kung nailock ko na ang mga pintuan ng simbahan.” saad ni Joshua at iniwanan muna ang kasamahang sakristan at tinungo ang mga pinto sa simbahan.

Pagkakita ni Luis sa pagbalik ni Joshua sa kinaroroonan niya.

“Sarado na ba ang lahat?” tanong ni Luis kay Joshua.

“Oo brother, halika na.” sagot ni Joshua at inaya ng lumabas si Luis.

Matapos ilock ni Joshua ang bukanang pintuan ng simbahan ay sinimulan na nila ni Luis ang paglalakad pauwi sa kani-kanilang bahay.

“Buti brother, nilalakad mo lang ang pauwi sa inyo?” tanong ni Luis sa kasama.

“Nakasanayan ko na brother, eh ikaw hindi ba ay nakamotor ka dati?” balik ni Joshua sa tanong na iyon ni Luis.

“Ah oo, kaya lang naengganyo ako sa’yo, dahil madalas kitang makitang naglalakad lang pauwi sa inyo.” sagot ni Luis.

“Pero hindi ba, medyo may kalayuan rin ang bahay n’yo sa simbahan.” takang tanong ni Joshua kay Luis.

“Medyo malayo nga brother, pero hindi ko naman ramdam na malayo, dahil magkasabay tayo hanggang sa kanto ninyo.” sagot naman ni Luis.

“Kunsabagay tama ka brother, isa pa kayang-kaya mo ’yon, dahil ’di hamak na mas malaki ang katawan mo at matangkad ka sa akin.” saad ni Joshua.

“Tama ka, ikaw kasi ayaw mong samahan ako sa pagdyi-gym.” biro ni Luis.

“Sobra ka naman brother, mataba na ba ako sa tingin mo.” depensa ni Joshua, na tinignan pa ang sariling pangangatawan.

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin brother, ang sexy mo nga eh, pero mas maganda kung magkamasel ka naman kahit konti lang.” ngiting sagot ni Luis na napangiti dahil sa reaksyon na iyon ni Joshua.

“Hayaan mo sa isang araw ay sasamahan kita, nang hindi mo na ipagmalaki sa akin na maganda ang katawan mo.” nangingiting biro ni Joshua.

“Hahaha, ikaw talaga brother, hindi ko naman ipinagmamalaki ang katawan ko ah, pero maiba ako brother, may balak ka bang magpari balang araw.” seryosong tanong ni Luis kay Joshua matapos ang biruan nila.

Hindi ito ang unang beses na maitanong sa kanya ng iba ang tungkol dun, dala na rin siguro na pamangkin siya ni Father Cruz, madalas ang akala ng iba ay magpapari rin si Joshua balang araw.

“Wala brother, gusto ko kasing magkapamilya kaya malabong maging pari ako.” tapat na sagot ni Joshua sa kasamahang sakristan, na itinuturing na rin nitong mga tunay na kapatid, isang dahilan dahil nag-iisa lang siyang anak.

“Ah kunsabagay tama ka, gaya mo hindi ko rin nakikita ang sarili ko na magiging pari, at nabanggit mo na rin ang tungkol sa pagkakaroon ng pamilya, wala ka pa bang nagugustuhan?” saad at tanong ni Luis kay Joshua.

“Sa ngayon wala pa eh, bukod sa hindi ko pa iniisip ang bagay na ’yan, wala rin akong oras, alam mo naman na sa bahay, sa school at sa simbahan lang umiikot ang buhay ko.” sagot ni Joshua.

“Ang boring naman nun brother, baka ’pag ipinagpatuloy mo iyan, hindi matupad ang gusto mo na makabuo ng pamilya.” biro ni Luis.

“Hindi naman siguro brother, ayoko lang na pumasok sa isang relasyon, dahil malamang na maghihiwalay rin kami, kapag wala akong oras para sa kanya.” depensa naman ni Joshua.

“Tama ka naman.” sang-ayon ni Luis.

“Teka nga lang, bakit napunta sa akin ang usapan, ikaw brother baka may nagugustuhan ka na.” biro ni Joshua.

“Ako? Eh paano nga kung meron.” ngiting sagot ni Luis.

“Sabi ko na eh, ikaw ah, sino siya? Kilala ko ba?” ngiting tanong ni Joshua.

“Gusto mong malaman kung sino?” pasabik na saad ni Luis.

“Syempre naman, sino siya brother?” sagot at muling tanong ni Joshua, na hindi na makapaghintay sa sagot ni Luis.

“Lapit ka at ibubulong ko sa’yo.” kondisyon ni Luis.

At sumunod naman si Joshua at lumapit nga ito kay Luis na lihim na ikinangiti ng huli.

“Si ano, si secret.” bulong sa tenga ni Joshua, ni Luis.

“Ikaw talaga brother puro ka kalokohan, sige kita nalang tayo sa susunod ng linggo sa simbahan.” naiiling na saad ni Joshua at humiwalay na kay Luis, dahil nasa kanto na ito patungo sa kanilang bahay.

“Sige brother, ’wag kang mag-alala sasabihin ko rin sa’yo kung sino iyon, pagdating ng araw.” sigaw na sagot ni Luis.

Dahil sa pagkukuwentuhan nila ni Luis habang naglalakad pauwi sa kanila, medyo madilim na habang nilalakad ni Joshua ang kanto sa kanilang lugar.

At ang sumunod na nangyari ang ikinakaba ng dibdib ni Joshua.

“Boss Raffy!” sigaw ni Onyok na ikinatigil ni Rafael sa ginagawang pagtatattoo sa isang parokyano.

“Oh Onyok, bakit ka sumisigaw?” badtrip na baling ni Rafael sa miyembro.

“Pasensya na boss.” nakayukong saad ni Onyok na natakot na magalit ang kanyang boss.

“Sandali pre, kakausapin ko lang ’to.” baling ni Rafael sa parokyano.

“Sige boss.” sagot ng parokyano.

“Oh anong meron?” tanong ni Rafael kay Onyok.

“Si Paniki boss, naghahamon ng resbak, kasalukuyan na ngayong padating malapit sa basketball court.” sumbong ni Onyok.

“Mukhang naghahanap muli siya ng sakit ng katawan, tawagan mo sila Kulot, sabihin mo pagbibigyan natin si Paniki.” ngising utos ni Rafael kay Onyok.

“Masusunod boss!” kaagad na sagot ni Onyok at mabilis rin na sumunod sa utos na iyon ng kanyang boss.

“Pare balik ka na lang bukas, may gustong mabalian na naman.” baling ni Rafael sa parokyano.

“Sige boss, wala talagang kadala-dala no boss.” saad ng parokyano na kilala ang magaling na tattoo artist sa kanilang lugar, na lider rin ng isang gang.

“Ganun talaga boss, kailangang pagbigyan, bilang kapalit ng paghihintay sa tattoo mo, libre na iyon.” saad ni Rafael.

“Hindi ko tatanggihan iyan boss, the best ka talaga.” tuwang saad ng parokyano at umalis na rin ito.

Sa pag-alis ng parokyano, isinara na rin ni Rafael ang tattoo shop na pag-aari nito.

At nagtungo na ito sa basketball court para sa isa na namang rambol.

“Ano Paniki? Namiss mo yata ang ospital!” asar ni Rafael sa lider ng gang na mortal nilang kaaway.

“Ulol! Nakatiyamba ka lang sa akin, Leon!” ’di papatalong sagot ni Paniki.

“Kung ganun, papatunayan ko na hindi lang tsamba ang ginawa ko sa mukha mo kahapon.” ngising sagot ni Leon, na kita pa ang mga pasang ibinigay nito kay Paniki kahapon.

Matapos nga ang palitan ng mga salita ng dalawang lider ng magkalabang gang. Nag-umpisa na naman ang rambol sa pagitan nila, kasama ng mga miyembrong pinamumunuan nila.

Sa narinig na ingay ni Joshua malapit sa nilalakaran niya, sunod na nakita ng binatang sakristan, ang pagpapalitan ng mga suntok at paluan ng dos-por-dos ng magkakalaban, na naroon mismo sa basketball court, na kailangan niyang daanan bago tuluyang makarating sa kanilang bahay.

Bukod dun ay nahintakutan lalo si Joshua ng makita rin nito, ang paluan ng mga bote ng mga nagrarambol.

“Diyos ko tulungan mo po ako.” dasal sa isip ni Joshua sa oras na iyon.

At matapos ang dasal na iyon ni Joshua, ilang minuto lang ay may humintong nakamotor malapit sa kinatatayuan niya.

“Sakay na brother Josh.” tawag ni Luis na siyang nagmamaneho ng motor.

Pagkakita ni Joshua sa mukha ng nakahelmet na driver na nakamotor. Kaagad namang sumakay si Joshua matapos maisuot ang ibinigay na extrang helmet ni Luis.

“Kapit ka sa akin, mabuti na lang at naabutan kita.” saad ni Luis. Nang mabalitaan kasi nito na may rambol na naman na mangyayari, kaagad na naisip nito ang kasabay na si Joshua at dala ng pag-aalala sa kasamahang sakristan, mabilis na pinaharurot nga ni Luis ang kanyang motor papunta kay Joshua.

“Salamat brother, hindi ko nga alam ang gagawin ko kanina.” pasalamat ni Joshua at amin nito sa kabang naramdaman kanina.

“Walang anuman brother Josh, kumapit ka sa akin at aalis na tayo, panigurado nag-aalala na si tita sa’yo.” saad ni Luis.

At mabilis naman na sinunod ni Joshua, ang sinabing iyon ni Luis at mahigpit itong kumapit sa katawan ng huli.

Matapos maramdaman ang paghawak na ’yon ni Joshua ng mahigpit sa kanya, pinaharurot na ni Luis ang motor nito, para maihatid na sa bahay ang una.

Nakatawag ng pansin kay Leon ang ingay na narinig nito sa motor, at kaagad nitong napansin na galing iyon sa pamilyar na motor sa kanya.

At dahil sa nawala sa kalaban ang pokus niya sa sandaling iyon, hindi nito napansin, ang paghampas ng bote ni Paniki papunta sa kanya.

Sa ginawang iyon sa kanya ni Paniki ay lalo namang ginanahan si Leon sa laban nila ng una. At nagpatuloy pa nga ang kanilang rambol. Hanggang sa natapos ito, na gaya ng dati ay bugbog sarado na naman, ang gang na pinamumunuan ni Paniki.

“Pweh! Langya ka Paniki, ang lakas ng loob mong hamunin ulit ako. Sa susunod, kung maghahamon ka, siguraduhin mo na kaya mo na ako.” pagyayabang ni Leon na nakaapak pa ang paa sa mukha ni Paniki.

“Pero boss anong nagyari kanina, at nagawa ni Paniki na mapalo ka ng bote sa ulo.” nagtatakang saad ni Kulot.

“Oo nga boss.” dagdag ni Onyok.

“Wala ‘yon, sinadya ko’ yon para makatikim naman siya ng ganti sa akin, kahit isang beses lang.” pagsisinungaling ni Rafael.

“Tama si boss, naawa siguro sa desperadong makaganting si Paniki.” sang-ayon ni Kokoy.

“Mabuti pa ay iwanan natin ang mga iyan, Onyok heto ang limandaan, bumili ka ng mga alak at pulutan, mag-inuman na lang tayo.” saad at utos pa ni Rafael kay Onyok.

“Yes boss! Mag-inuman na nga lang tayo.” sunod ni Onyok sa utos ng kanilang boss at sang-ayon nito sa libre na namang inuman.

At kasama ng ilan sa mga miyembro na kanyang pinamumunuang gang, umuwi na sa kanilang tambayan si Rafael, pero hindi nito nakalimutan ang nakita niya kanina.

“Sino kaya ang kasama ng ungas na ’yon?” saad sa isip ni Rafael.

II

Pagdating ni Joshua sa kanila, sa tulong ni Luis na inihatid siya.

“Pasok ka muna brother.” anyaya ni Joshua kay Luis.

“Salamat brother, pero kailangan ko na rin umalis.” tanggi ni Luis.

“Sige ingat ka pagdadrive brother, at ako nga ang dapat na magpasalamat, naabala pa tuloy kita.” nahihiyang saad ni Joshua.

“Walang kaso iyon brother, sige kita na lang tayo sa linggo.”

“Sige, salamat ulit brother.” saad ni Joshua.

Kinabukasan ay maagang nagising si Joshua, para muling pumasok sa paaralan. Kasalukuyang grade 12 siya sa pampublikong paaralan, at isang sakay ng tricycle at isang sakay pa ng jeep, ang araw-araw nitong ginagawa para marating iyon.

Ang tatay niya ay nagtatrabaho bilang driver ng isang pulitiko sa kanilang lugar at mananahi naman ang kanyang nanay. Isang beses lang sa isang buwan kung umuwi ang kanyang tatay, pero madalas naman na nakakausap nila ito ng kanyang nanay sa cellphone.

At gaya ng dati, sanay na ang binatang sakristan sa mga gawaing bahay, dahil na rin sa ayaw na nitong dumagdag pa sa nanay nitong pagod sa maghapong pananahi.

Pagkatatapos makaluto ng almusal nilang mag-ina, pinuntahan na ni Joshua ang kanyang nanay sa kuwarto, para gisingin ito.

“Nay, bangon na, nakahanda na ang almusal.” gising ni Joshua sa ina.

“Hay ang bait talaga na anak ko, sige mauna ka na, lalabas na rin ako.” sagot ni Wilma sa anak.

“Sige po.” sagot ni Joshua at lumabas na ito.

Habang kumakain ang mag-ina.

“Anak, nabalitaan ko kay Mareng Matet na may rambol na naman daw kagabi sa basketball court.” kwento ng ginang sa anak.

Sa narinig na iyon ni Joshua, kinakabahan man sa magiging reasyon na ’yon ng kanyang ina, ipinagtapat ng binatang sakristan ang pangyayaring nakita mismo ng kanyang dalawang mata.

“Alam ko po ’yon nay, kagabi ng pauwi ako galing ng simbahan, nasa malapit na ako sa basketball court at nakita ko mismo ang rambol na iyon ng mga kalalakihan.” kuwento ng binatang sakristan, na sa tanang buhay ay hindi pa nagawa ang magsinungaling kahit na isang beses lang.

“Susmaryosep anak! Mabuti at walang nangyaring masama sa iyo!” gulat at alalang bulalas ng ginang.

“Nay, dumating naman si brother Luis at siyang naghatid sa akin dito sa atin.” paliwanag ni Joshua.

“Eh paano anak kung hindi siya dumating para maihatid ka, iyan na nga ba ang sinasabi ko, hindi naman sa gusto kong tumigil ka na sa pagsasakristan, pero anak masyado ng delikado ngayon, magkokolehiyo ka na rin sa susunod na pasukan, ayaw mo bang iwanan na ang pagsasakristan at magpokus ka na lang sa pag-aaral.” nag-aalalang suhestiyon ng ginang sa nag-iisang anak.

“Nay naman, alam ho ninyo ang sagot ko sa bagay na ’yan hindi ba? At malakas ang pananalig ko sa Diyos na hindi naman niya ako papabayaan.” saad ni Joshua at pilit nito sa pagsisilbi sa simbahan.

“Hay! Ano pa nga bang magagawa ko, nagmana ka talaga sa tito mong pari, pero anak, sigurado ka bang ayaw mong magpari?” saad at muling tanong ng ginang sa anak.

“Opo, sapat na po siguro ang pagiging sakristan ko, para mapaglingkuran ang Diyos. Isa pa nay, gusto kong mabigyan ko kayo ng apo ni tatay.” sagot ni Joshua at pagtitiyak nito sa ina, na nag-aalalang magpapari siya at hindi nito mararanasan ang pagiging lola.

“Salamat kung ganun anak, hindi sa ayaw kong magpari ka, pero sapat na siguro na pari ang tito mo.” depensa naman ng ginang.

Matapos ang pagkain nila ng almusal ng kanyang ina, nagtungo na sa banyo si Joshua para maligo at para makapasok na rin ito sa eskwelahan.

Nang makapagbihis at dala na ang bag at mga kailangan nito sa pagpasok, nilakad na ni Joshua ang malapit lang na pila ng mga tricycle, para maihatid siya sa kanto papunta sa sakayan ng jeep.

Paggising ni Rafael ay mabilisan itong naligo, matapos magbihis ay lumabas na rin ito sa tinutuluyang aparment.

Kaagad nitong napansin si Onyok na nasa tapat lang ng kanyang apartment na inuupahan at nakapila sa toda, dahil isa rin itong tricycle driver.

“Onyok!” sigaw ni Rafael para tawagin ang pinakapinagkakatiwalaan nitong miyembro ng kanyang gang.

Kaagad naman narinig ni Onyok, ang pagtawag sa kanya ng lider nila at mabilis na lumapit ito sa kanyang boss.

“Bakit boss?” tanong ni Onyok pagkalapit nito.

“Ibili mo nga ako ng almusal kila Aleng Fe.” utos na sagot ni Rafael.

“Sige boss, kaya lang puwede bang bantayan mo muna ’yung trike ko boss, baka kasi iflat na naman iyon ng mga alagad ni Paniki.” takot man ay pakiusap ni Onyok sa kanyang boss.

“Inuutusan mo ba ako Onyok?” matalim na tinging ipinukol ni Rafael sa tao nito.

“Hi-hindi boss, pero kasi wala na tayong budget sa pambili ng gulong eh.” yukong sagot ni Onyok at napakamot na lang ito sa ulo.

“Siya sige! Bilisan mo na lang ang pagbili at gutom na ako.” taboy at sang-ayon ni Rafael sa pakiusap ni Onyok.

At gaya ng pakiusap sa kanya ni Onyok, tinungo ng sigang lider ng gang, ang nakaparadang tricycle na iyon ng isa sa mga tao nito.

“B-boss abante ka na at nakapagsakay na ang nauna sa atin.” kabang pakiusap ng isa sa mga tricycle driver, sa kinangingilagan at kinatatakutang lider ng gang sa kanilang lugar.

“Mauna ka na, pinababantayan lang sa akin-” ’di na natapos pang saad ni Rafael, dahil sa may sumakay ng tao sa trike na ’yon ni Onyok.

“Kuya, sa kanto lang po ng sakayan ng jeep.” saad ng isang may malamyos na boses.

Sa narinig na boses, nakita na lamang ng sigang lider, ang pagtakip nito ng isang damit sa kanyang mukha, bilang panangga sa init ng araw at alikabok. At sunod na namalayan na lamang ni Rafael ay ang pagpapatakbo nito sa tricycle, para ihatid ang pasaherong may malamyos na boses, na sa isang iglap lang ay nagpasunod sa kanya.

Ilang minuto pang pagmamaneho ni Rafael ay narating na nito ang kanto sa sakayan ng mga jeep, kaya naman huminto na ito sa pagmamaneho.

“Salamat po kuya, heto po ang bayad.” saad muli ng malamyos na boses, na para kay Rafael ay musika sa pandinig nito.

At inilahad ng sigang lider ang kanyang kamay, para abutin ang bayad na iyon ng may malamyos na boses. Sumunod ay ang pagtatagpo ng kanilang kamay ng nagmamay-ari ng boses at nadama ni Rafael ang pinakamalambot na kamay na kanyang nahawakan, kaya naman hindi na namalayan ng sigang binata, na ayaw na nitong bitawan ang kamay na iyon.

“Ku-kuya iyong kamay ko po.” saad ni Joshua at nagtataka sa tricycle driver, na ayaw bitawan ang kanyang kamay.

Nang mahimasmasan ay pinakawalan na ni Rafael ang malambot na kamay na iyon.

Kaagad namang bumaba si Joshua at mabilis itong sumakay sa tumigil na jeep at hindi na nito tinapunan man lang ng tingin, ang para sa kanya ay wirdong tricycle driver.

Sinundan naman ng tingin ni Rafael ang pasaherong iyon na inihatid niya, na hindi malaman ng sigang binata kung bakit iba ang naging epekto nito sa kanya.

‘Parang nakita ko na siya dati.’ saad sa isip ni Rafael, at ng tuluyan ng nawala sa kanyang paningin ang lalaki, na buong akala niya kanina ay isang babae, doon pa lamang umalis ang sigang binata.

“Bo-boss saan ka galing?” kinakabahang tanong ni Onyok sa boss, na hindi makapaniwala ng sabihin ng mga kasamahan nito sa toda, na naghatid ng pasahero ang kanyang lider.

“Hindi ba ang sabi mo bantayan ko ang trike mo, hayun hinatid ko ang pasahero mo. Yung almusal ko nasa’n?” sagot at tanong ni Rafael.

“Ah, he-heto boss.” sagot ni Onyok, sabay abot nito sa pancit na nabili nitong almusal ng amo.

“Sige alis na’ko at kanina pa ako gutom.” saad ni Rafael at paalis na sana.

“Te-teka boss, iyong bayad nung pasahero?” kabang hanap ni Onyok sa perang natanggap ng amo.

“Mamaya ibibigay ko sa’yo, naipambili ko ng samalamig.” pagsisinungaling ni Rafael.

Sa sagot na iyon ng sigang lider ay napakamot na lang sa ulo si Onyok.

Habang kumakain ng almusal, hindi maalis sa isipan ng sigang binata, ang nangyari sa kanya, na dulot ng binatang pasahero nito kanina. Nasa harapan rin nito ngayon, ang baryang dalawampung piso na ibinayad sa kanya ng pasahero.

‘Sino ka man, sinisigurado kong magkikita pa muli tayo.’ pangako sa sarili ni Rafael.

III

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon ay araw na ng linggo. Kaya naman alas tres palang ng hapon ay nakahanda na sa pagpunta ng simbahan si Joshua. At para marating niya kaagad ang simbahan, minabuti ng binatang sakristan na sumakay ng tricycle papunta doon.

Habang papunta sa sakayan ng tricycle, naalala na naman ni Joshua ang wirdong driver ng sinakyan nitong tricycle noong Lunes. Halos kilala niya sa mukha ang mga driver sa todang iyon, pero kahit hindi nito nakita ang mukha ng lalaking iyon, nakasisiguro si Joshua na iyon ang una at huling beses na naihatid siya ng wirdong tricycle driver, dahil na rin sa nakita nitong tattoo sa braso ng lalaki, pagkaabot niya rito ng bayad.

Pagdating ni Joshua sa mga nakapilang tricycle, sumakay na ito sa nasa unahang pila at kaagad rin nitong ipinaalam kung saan siya ihahatid. Ilang minuto palang sa pagtakbo ang tricycle na sinasakyan nito, naalala ni Joshua na ito mismo ang minamanehong tricycle nung wirdong driver noong Lunes. Kaya naman, dala ng kuryosidad ng binatang sakristan, kaagad nitong tinignan ang braso ng nagmamaneho. Pagkatingin nga ni Joshua sa brasong iyon ng driver, mayroon nga itong tattoo, pero iba ito sa naalala niyang tattoo na nakita niya sa wirdong driver.

‘Bakit ko ba siya naiisip.’ saad sa sarili ni Joshua at napailing na lamang ito.

Ilang minuto pa nga ay nakarating na ito sa simbahan.

“Salamat kuya, heto po ang bayad.” saad ni Joshua at abot nito ng bayad sa driver.

“Salamat din.” sagot naman ng driver na si Onyok.

Pagkababa ni Joshua sa tricycle ay tinignan niya sa mukha ang lalaking driver, at gaya nga ng nasa isip ng binatang sakristan, pamilyar nga ito sa kanya at hindi iyon ang wirdong driver.

Minabuti na lamang ni Joshua na pumasok na ng simbahan at ng maihanda na ang mga gagamitin ni Father Cruz sa misa mamayang alas-kuwatro ng hapon.

Abala na nga si Joshua sa paghahanda para sa misa maya-maya, nang makarinig ito ng ingay dito sa loob ng kapilya.

Pagtingin ni Joshua ay gulat na gulat ito ng makita ang duguang binata, na pinagmulan ng ingay na narinig nito.

“A-ayos ka lang kuya?” tanong ni Joshua sa lalaki.

“Father itago mo ako.” sagot ni Rafael sa pamilyar na malamyos na boses.

“Hi-hindi po ako pari, kuya, atsaka hindi ba dapat sa ospital ka pumunta, para magamot ang mga sugat mo?” pagtatama ni Joshua sa lalaki.

“Hindi ako maaring pumunta dun father, hindi mo ba ako tutulungan man lang.” saad ni Rafael at hindi ito makapaniwala na dito niya matatagpuan, ang lalaking naihatid niya noong Lunes at ngayon ay nakikita na niya ang maamong mukha na meron ito.

Kaagad namang dinuluguan ni Joshua ang sugatan pero makulit na lalaki, na pilit na tinatawag siyang father, kahit pa matapos niyang sabihin na hindi nga siya pari.

“A-anong gagawin ko kuya? Wala akong alam sa panggagamot.” tanong ni Joshua sa lalaki, na nakaakbay na sa kanya ngayon, habang patungo sila sa maliit na kwarto sa loob ng kapilya.

“Huwag kang mag-alala father, ikuha mo lang ako ng alkohol at bulak, ako ng bahala sa mga sugat ko.” sagot ni Rafael at labis na nagugustuhan ang mabangong amoy ng lalaki, at para sa kanya ay may mukhang tulad ng sa isang anghel.

Ilang sandali pa nga ay nakarating na ang dalawa sa loob ng maliit na kuwarto sa kapilya.

At habang nakahiga na sa kama ang duguang lalaki, abala naman si Joshua sa paghahanap ng mga kakailanganin ng lalaki para sa mga sugat nito.

Habang nakahiga si Rafael sa kama, ramdam na nito ang hapdi at kirot sa mga sugat at bugbog nito sa katawan na kanyang natamo, matapos ang isa na namang rambol na kinasangkutan niya. At habang isa-isang tinitignan nito ang bugbog at sugat na natamo niya, sunod na napatingin si Rafael sa nakatalikod na lalaki, na abala sa pagbubukas ng mga lalagyan sa loob ng kuwarto. Sa nakita ni Rafael na matambok na puwet ng binatang may maamong mukha, unti-unting nabuhay ang malaking laman sa pagitang ng kanyang mga hita.

‘Forgive me father, for I have sin.’ saad sa isip ni Rafael at napangisi pa ito sa oras na iyon. Kasunod nun ay naisipan ng sigang binata na hubarin ang lahat ng suot na mga damit, para magulat ang lalaking tumulong sa kanya.

Matapos ang pag-isa-isang paghahanap sa mga drawer, nakahanap na rin sa wakas ng alkohol at bulak si Joshua, kaya naman…

“Heto na kuya-” saad ng natigilang si Joshua at nanlalaking mata ito sa nakitang ayos ngayon ng lalaki.

Isang ngisi ang isinukli ni Rafael na hubo’t hubad sa mga oras na iyon, sa gulat na gulat na lalaking tumulong sa kanya.

Nakita rin ni Rafael ang sumunod na ginawa ng lalaking mukhang anghel, na kaagad tumalikod sa kanya.

“Hahahaha, huwag ka ng mahiya Father, para naman ngayon ka pa lang nakakita ng taong nakahubad.” natatawang biro ni Rafael sa reaksyon na iyon ng lalaki.

Inaamin ni Joshua na tama ang sinabing iyon ng tinulungan niyang lalaki, dahil ito ang unang pagkakataon na makakita ito ng hubo’t hubad na katawan ng iba.

“Ku-kuya ba-bakit ka nakahubo’t hubad?” kabang tanong ni Joshua sa lalaki, na ayaw muli nitong tignan, dahil panigurado ay wala parin itong suot kahit na isang saplot.

“Father naman, paano ko magagamot ang mga sugat ko, kung hindi ko tatanggalin ang mga suot ko, amin na ang bulak at alcohol para magamot ko na ang mga sugat ko.” depensa naman ni Rafael sa nakatalikod parin na lalaki.

“Ang kulit mo kuya, sinabi ng hindi po ako pari, at magbihis ka muna bago ko ibigay ang mga gagamitin mo sa paggamot sa mga sugat mo.” saad ni Joshua at muling giit nitong hindi siya pari at kondisyon rin nito sa lalaki, bago ibigay ang alkohol at bulak.

“O siya sige, hindi na kita tatawaging pari, pero ayokong magsuot ng mga damit, kung gusto mong magbihis ako, ikaw ang magdamit sa akin.” pilyong sagot ni Rafael.

“Kuya hindi po ako nakikipagbiruan sa’yo, bilis na magbihis ka na, ilang minuto mula ngayon darating na ang mga kasamahan kong sakristan at baka makita ka pa nila dito.” pakiusap ni Joshua, sa matigas ang ulo na lalaki.

“Kung gayun pala mas dapat na sundin mo ang sinabi ko kanina na bihisan mo ako, gaya nga ng sabi mo, parating na ang mga kasamahan mo.” saad ni Rafael.

“Kuya sige na, baka anong isipin ng mga kasama ko, kapag nakita ka nila dito.” pakiusap muli ni Joshua sa lalaki.

Batid ni Rafael na kinakabahan na nga ang kasama nito sa kuwarto, kaya naman pagbibigyan nito ang pakiusap na ’yon ng mukhang anghel na lalaki, pero sasamantalahin na rin niya ang pagkakataong ito, para magkalapit silang dalawa.

“Sige, magbibihis na ako, pero kailangan tulungan mo ako sa paggamot sa mga sugat ko.” hinging kapalit ni Rafael.

“Si-sige kuya tutulungan kita.” maagap na sagot ni Joshua.

Napangiti naman ang sigang si Rafael sa naging sagot na iyon ng mukhang anghel na lalaki, at bilang kasunduan nila ay kaagad na itong nagbihis ng pang-ibabang suot.

“Oh may suot na akong pang-ibaba, maaari ka ng tumingin, oo nga pala anong pangalan mo, para matawag kita sa pangalan mo.” saad ni Rafael.

“Ako si Joshua, kuya, sigurado kang may suot ka na ha?” pakilala at pagtitiyak ni Joshua sa lalaki.

“Oo nga may suot na akong pang-ibaba, pero kapag hindi ka pa lumapit sa akin ay maghuhubad muli ako.” banta ni Rafael.

Sa narinig ay mabilis na humarap si Joshua at totoo nga na may suot ng pang-ibaba ang lalaki at may ngisi pa sa mukha ng magtama ang paningin nila.

“Dali na Josh, nang magamot na natin ang mga sugat ko.” saad ni Rafael.

Mabilis namang lumapit si Joshua sa lalaki. At tama nga ang lalaki, marami nga itong bugbog at sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan. Pagkalapit sa kinaroronan ng lalaki, sandaling natigilan si Joshua pagkakita nito sa pamilyar na tattoo na nasa braso ng tinulungan niyang lalaki.

Kita naman ni Rafael, ang pagtitig na iyon ni Joshua sa kanya.

“May problema ba?” tanong ni Rafael sa natigilang si Joshua.

“Wa-wala kuya.” sagot ni Joshua, na ’di nito alam kung ang sagot na iyon ay maituturing na bang isang pagsisinungaling, totoong wala naman itong problema, pero hindi naman niya ipinagtapat ang totoong dahilan kung bakit ito natigilan.

“Kung ganun, mabuti pa ay simulan na natin ang panggagamot sa mga sugat ko.” saad ni Rafael.

“Si-sige kuya, bakit ang dami mo palang sugat sa katawan?” tanong ni Joshua sa lalaki, habang sinisimulan na niyang gamutin ang mga sugat sa likod ng lalaki.

“Gamutin mo na lang ang mga sugat ko sa likod, huwag ka ng magtanong.” sagot lang ni Rafael.

Natakot naman si Joshua, lalo na sa paraan ng pagkakasabing iyon ng lalaki. Pero natakot man, hindi maiwasang mamangha ni Joshua, sa tattoo na nakikita nito sa likod ng lalaki.

“Ang ganda ng tattoo mo sa likod, kuya.” ’di na napigilang saad ni Joshua.

“Salamat, ikaw gusto mo bang magkaroon?” sagot at tanong ni Rafael kay Joshua.

“Gusto ko sana, pero natatakot ako kasi masakit daw ang magpatattoo.” sagot ni Joshua.

“Para iyon lang natatakot ka na, para naman hindi ka lalaki.” saad at biro ni Rafael, at habang kausap niya ang mukhang anghel na lalaki, may dulot itong kakaiba na nagpagaan sa kanyang nararamdaman.

“Basehan ba kuya ng pagkalalaki ang hindi pagkakaroon ng takot? Ako kasi naniniwala, na ang lalaking may kinatatakutan ay mas tunay na lalaki, lalo na kung ang takot na iyon ay dahil sa mga mahal niya sa buhay.” saad ni Joshua sa saloobin at pinaniniwalaan nito.

Sa narinig na sinabing iyon ni Joshua, inaaamin ni Rafael na medyo tinamaan siya.

“Sigurado kang hindi ka pari, eh parang daig mo pa ang pari sa parang sermon na sinabi mo.” biro ni Rafael.

“Hindi nga kuya, ang kulit mo rin ano. Paano, tapos na ako sa paggamot sa likod mo, maiwan na muna kita, para maihanda ko na ang gagamitin ni father mamaya sa misa.” saad ni Joshua.

“Sige, salamat Josh.” saad ni Rafael na unang beses nagpasalamat sa buong buhay niya.

“Walang anuman kuya, kung anuman ang dahilan sa pagkakaroon mo ng mga sugat, sana sa susunod ay mag-iingat ka.” ngiting saad ni Joshua at lumabas na para iwanan ang lalaki.

Hindi namalayan ni Rafael na nangingiti rin siya, dahil sa pagngiting iyon ni Joshua.

‘Joshua pala ang pangalan niya.’ saad sa isip ni Rafael.

IV

Hanggang sa natapos ang misa sa hapong iyon, hindi na nakita pa ni Joshua ang sugatang lalaki.

“May problema ba brother Josh?” tanong ni Luis na magmula pa kaninang nagmimisa si father, pansin na ang parang may hinahanap na si Joshua.

“Bakit mo naman nasabi brother Luis?” balik na tanong ni Joshua.

“Kanina ko pa kasi napapansin, panay ang tingin mo sa kuwarto ng kapilya.” amin ni Luis sa nakita nitong ginagawa ni Joshua.

“Hindi naman sa may problema ako, brother Luis, kasi kanina may pumasok na lalaki dito sa simbahan na puno ng mga pasa at sugat, tapos nakiusap na magtago ito at humingi ng panggamot sa mga natamo nito sa katawan, kaya hayun tinulungan ko at dinala sa kuwarto ng kapilya.” paliwanag ni Joshua.

“Sinabi ba sa’yo brother Josh, kung anong pangalan niya?” interesadong tanong ni Luis.

“Hindi eh, nakalimutan ko rin itanong, gawa ng matapos kong tulungan siya sa paggamot sa mga sugat niya, sinimulan ko na rin ang paghahanda sa gagamitin ni father.” sagot ni Joshua.

“Pero hindi ba delikado ang ginawa mo brother Josh, baka may masamang gawain iyong lalaki, kaya puno ito ng mga bugbog at sugat sa katawan.” alalang tanong ni Luis.

“Hindi naman siguro brother Luis, mukhang mabait naman iyong lalaki, isa pa nasa bahay siya ng Diyos, siguro naman magdadalawang isip itong gumawa ng masama.” sagot ni Joshua.

“Sa susunod na mangyari iyon brother Josh, sabihan mo kaagad ako, mabuti ng makasiguro tayo, iba na ang panahon ngayon, wala ng lugar na pinipili ang mga masasamang loob.” saad ni Luis.

“Sige sasabihan kita kaagad brother Luis.” saad ni Joshua at batid nitong tama naman ang sinabi ng kapwa sakristan nito.

Gaya ng dati, kasabay muli ni Joshua si Luis, habang naglalakad pauwi sa kanila.

“Brother Josh, baka huminto na ako sa pagiging sakristan ko.” basag ni Luis sa katahimikan nila ni Joshua.

“Oh bakit brother Luis?!” gulat na bumaling si Joshua sa kasama.

“Pasensya na, hindi ko muna masasagot ang tanong mo, pero isang dahilan ay dahil sa magkokolehiyo na tayo sa susunod na pasukan.”

“Naiintindihan ko, pero kung saan ka masaya ay susuportahan kita, ako nga rin gusto ng patigilin ni nanay, para raw lalo akong makapokus kapag nagkolehiyo na ako.” kwento ni Joshua.

“Oh anong sagot mo kay tita?” tanong ni Luis.

“Gaya ng lagi kong sinasabi brother, na hanggang sa kaya ko ay maglilingkod ako sa simbahan, nag-aalala kasi si nanay na baka mapano ako, lalo na at madalas ang mga rambol sa lugar natin.” sagot ni Luis.

“Hindi mo naman masisisi si tita, brother, pero alam mo naman na bukod sa pagiging sakristan, may iba pang paraan hindi ba para makapagsilbi sa Diyos at sa simbahan.” saad ni Luis.

Isang tango naman ang naging sagot ni Joshua sa narinig nito sa kapwa sakristan. At sa sinabing iyon ni Luis, napaisip rin si Joshua na tama ang kasama, pero sa ngayon, hindi pa nito kayang talikuran ang pagiging sakristan.

“Paano brother, kita muli tayo sa linggo.” saad ni Joshua ng marating na nila ni Luis, ang kanto na maghihiwalay sa kanilang uuwian.

“Sige brother, pero ayos lang ba na mag-isa ka lang pauwi sa inyo.” alalang tanong ni Luis.

“Okay lang ako brother, medyo maaga pa naman, madalas, gabi kung magrambol ang grupo ng mga gang na iyon.” sagot ni Joshua.

“Sigurado ka brother? Eh kung ihatid na lang kaya kita sa inyo.” suhestiyon ni Luis.

“Hindi na brother, eh baka ikaw naman ang gabihin at maipit kapag nagrambol ang mga gang na ’yon.” tanggi ni Joshua.

“O sige, pero mag-iingat ka ha at tawagan mo ako kung magkaproblema.” saad ni Luis.

“Oo brother salamat, ikaw rin ingat sa pag-uwi.” saad ni Joshua.

At nagpatuloy na sa paglalakad pauwi sa kanilang bahay si Joshua. Hindi nga gaya nung nakaraang linggo, maliwanag pa sa sandaling iyon, hanggang sa nakauwi nga ng ligtas sa kanila ang binatang sakristan.

Lunes na naman at gaya ng dati, maaga muling nagising si Joshua, para maghanda sa kanyang pagpasok sa eskwelahan.

“Anak, tumawag kagabi ang tatay mo at uuwi siya mamayang gabi.” kuwento ni Wilma sa anak, habang kumakain sila ng almusal.

“Talaga nay! Mabuti po at makakauwi siya kaagad?” masayang reaksyon ni Joshua at tanong rin nito sa ina.

“Malalaman mo mamaya anak kung bakit, kaya kung wala ka ng gagawin mamaya paglabas mo ng school, diretso ka kaagad dito.” sagot ng ginang.

“Opo nay.” sagot ni Joshua at excited na ito sa pagdating ng ama.

Papunta na muli si Joshua sa mga nakapilang tricycle, na maghahatid sa kanya hanggang sa kanto para makasakay ng jeep.

Paggising ni Rafael at nakita nitong alas-sais na ng umaga, mabilis na bumangon na ang sigang binata. Matapos maligo, muli nitong tinawag si Onyok, na gaya ng kanyang inaasahan ay nakapila na sa toda ng mga tricycle.

“Bakit boss?” tanong ni Onyok sa boss pagkalapit nito.

“Ibili mo ako ng almusal at bumili ka na rin ng sa’yo, libre ko.” utos na sagot ni Rafael.

“Sige boss, hindi ako tatanggi sa libre, salamat.” masayang saad ni Onyok, kahit pa nagtataka na sa ikinikilos ng sigang amo, mula pa kahapon.

Nang tumalikod si Onyok at hindi nito ipinakiusap sa kanya ang tungkol sa trike.

“Sandali Onyok, paano ’yung trike mo?” tanong ni Rafael.

“Anong tungkol sa trike boss? Hindi ba inutusan mo akong bumili, kaya heto at gagamitin ko para kaagad akong makabili.” nalilitong sagot ni Onyok.

“Maglakad ka na lang, akin na ang susi.” saad ni Rafael at lahad nito sa kanyang kamay kay Onyok.

“Pero boss, kaya nga may motor ako, para mapadali ang pagbili ko.” reklamo ni Onyok.

“Maglalakad ka o gusto mong gumapang para makabili.” banta ni Rafael at masamang tingin ang ipinukol sa kawawang si Onyok.

“Sabi ko nga boss, maglalakad ako.” napakamot sa ulong sagot ni Onyok at iniabot sa sigang amo ang susi ng kanyang trike.

“Iaabot mo rin pala, sinayang mo pa ang oras ko, sige na lumayas ka na.” taboy ni Rafael kay Onyok. At nangingiting pinuntahan ng sigang binata ang trike na iyon ni Onyok.

Matiyagang naghintay si Rafael, para maisakay muli ang taong pakay niya sa umagang iyon. At ilang sandali pa ay natanaw na nito ang paparating na binata na mukhang anghel. Pero hindi tulad nung nakaraang Lunes, na nasa unahan ng pila ang trike ni Onyok, pangatlo ngayon ang trike na binabantayan niya.

At hindi hahayaan ng sigang binata, na hindi nito maihahatid ang pakay niya sa sandaling iyon, kaya naman wala itong takot na inilagay sa unahan ng pila ang trike na iyon ni Onyok.

Nakita naman ng nasa unahang pila ang ginawang pagsingit na iyon ng kapwa nito driver, kaya naman.

“Hoy! Maghintay ka ng pila mo!” galit na sigaw ng driver na si Totoy.

Bumaling naman ng tingin si Rafael sa taong sinigawan siya.

“Eh gusto kong mauna, may problema ka?” nagpipigil na galit na sagot ni Rafael at sinamaan ng tingin ang driver na si Totoy.

Halos maihi naman sa takot si Totoy, nang malaman na ang sigang si Leon pala ang sinigawan nito.

“Wa-wala b-boss, s-sige ma-mauna ka na, pa-pasensya na.” nanginginig sa takot na saad ni totoy.

Lihim naman na napangiti si Rafael sa sandaling iyon at sunod na nakita nito ang pagsakay ng binatang pakay niya.

“Kuya sa kanto po ng sakayan ng jeep.” saad ng boses at muli ay parang musika iyon sa tenga ng sigang binata.

“Masusunod father.” birong saad ni Rafael.

Napatingin naman si Joshua sa gawi ng driver, sa pamilyar na boses na narinig nito.

“Kuya, ikaw pala iyan, ang kulit mo talaga, sabi ng hindi nga ako pari.” naiiling na saad ni Joshua, na nakilala kaagad ang wirdong driver at sugatang lalaki kahapon.

“Binibiro lang kita, salamat pala kahapon.” saad ni Rafael.

“Wala iyon kuya, pero baka puwede mo na akong ihatid, baka kasi ma-late ako sa school.” saad ni Joshua.

“Oo nga pala, sige Josh.” sagot ni Rafael at pinaandar na nito ang tricycle.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na sa sakayan ng jeep ang minamanehong motor ni Rafael.

“Salamat kuya, heto po ang bayad.” saad ni Joshua at abot nito sa bayad.

Kaagad naman inilahad ni Rafael ang kanyang kamay, kaya naman muli nitong nadama ang malambot na kamay ni Joshua. At gaya ng dati, ayaw ng bitawan pa ng sigang binata, ang malambot na kamay na iyon.

“Kuya, iyong kamay ko po.” saad ni Joshua ng hindi pa pinapakawalan ng lalaki ang kanyang kamay.

“Sorry Josh, bilang pasensya heto at libre na lang ang pagsakay mo.” saad ni Rafael at muling ibinalik ang bayad ni Joshua.

“Salamat, pero hindi ko matatanggap kuya, paano ang pamamasada mo?” tanggi ni Joshua at muling ibinalik sa lalaki ang mga barya at bumaba na ito sa tricycle.

Wala ng nagawa pa si Rafael kungdi ang tanggapin ang bayad ni Joshua, at gaya ng dati ay sinundan muli nito ng tingin ang binatang mukhang anghel, habang papunta ito sa humintong jeep, ang kaibahan lang ngayon, muli itong tumingin sa kanya at nginitian pa siya nito bago ito tuluyang sumakay sa jeep.

Kaya naman nangingiti rin si Rafael pagkatapos nun. At sa isip ng sigang binata, gagawin nito ang lahat para lalong makilala ang mukhang anghel na si Joshua.

V

Gaya nga na sabi ng nanay niya kanina, nadatnan ni Joshua pag-uwi sa kanilang bahay ang kanyang tatay.

“Tay!” masayang saad ni Joshua at mabilis na yumakap sa ama.

“Hahaha, ikaw talaga anak, nung isang linggo palang ang uwi ko, namiss mo naman ako ng sobra.” natatawang saad ni Martin sa anak.

“Miss ko talaga kayo tay, buti po nakauwi kayo kaagad?” amin ni Joshua at tanong nito sa ama.

“Mamaya na ang tungkol dun, mabuti pa samahan na nating ang nanay mo, sigurado akong malapit ng matapos ang niluluto nun.” saad ni Martin at ginulo pa ang buhok ng anak.

“Sige tay.” masayang sang-ayon ni Joshua.

Matapos ang masayang hapunan kasama ang mga magulang, nagpresinta si Joshua na siya na lang ang maghugas sa mga pinagkainan nila.

At habang abala ito sa paghuhugas ng plato, naalala nito ang nangyari kaninang umaga.

‘Bakit kaya tuwing Lunes lang siya namamasada.’ saad sa isip ni Joshua at napangiti pa ito, dahil sa naalalang pagtawag muli sa kanya ng father ng lalaki.

‘Oo nga pala, bakit hindi ko naitanong ang pangalan niya, samantalang alam na niya ang pangalan ko.’ saad sa isip ni Joshua.

At matapos ang pag-iisip sa lalaki, muling ipinagpatuloy ni Joshua, ang paghuhugas ng mga plato.

Ngayon ay nasa sala sila ng kanyang mga magulang, dahil may importante daw na sasabihin ang mga ito sa kanya.

“Anak hindi ba magkokolehiyo ka na sa susunod na pasukan?” simula ni Martin.

“Opo tay, bakit po?”

“Hindi ba ang amo ko ay isang pulitiko? At bilang tulong niya sa akin, binigyan ka niya ng full scholarship sa kolehiyo anak.” lahad ni Martin sa magandang balita sa anak.

“Talaga tay! Puwede po ba isang araw ay sumama ako sa inyo, para makapagpasalamat rin ako sa kanya.” sobrang sayang reaksyon at pakiusap ni Joshua sa ama.

“Oo naman anak, basta pangako mo sa amin ng mama mo ay pagbutihan mo ang pag-aaral.” saad ni Martin na natutuwa sa mabuting anak nilang mag-asawa.

“Pangako, tay, nay, pagbubutihan ko po.” maagap na sagot ni Joshua.

Martes ng umaga’y, isang bagong tricycle ang pumila sa todang kinabibilangan ni Onyok.

“Pare, naligaw ka yata, miyembro lang ng toda namin ang maaring pumila dito.” saad ni Onyok sa lalaking malakas ang loob na pumila at nauna pa sa pilahan nilang magkakatoda.

“May sinasabi ka Onyok?” kunot-noong saad ni Rafael na tinaggal na ang takip na damit sa mukha.

“B-boss! A-anong ginagawa mo dito?!” takot at gulat na gulat na bulalas ni Onyok.

“Ano bang ginagawa ng mga pumipila sa toda, malamang mamasada.” walang ganang sagot ni Rafael.

“Pero bakit boss?” ’di na napigilang tanong ni Onyok, na gusto ng batukin ang sarili dahil sa matabil nitong dila.

“Manahimik ka na lang Onyok, at ’wag mong sirain ang araw ko.” sagot ni Rafael, na abala na sa pagtanaw sa tanging pasaherong gusto nitong ihatid.

At dahil sa nauuna nga sa pilahan ng mga tricycle drivers ang sigang binata, kaagad na may umakupang pasahero sa trike nito.

“Pogi sa bayan ako.” saad ng isang baklang parlorista, na kinikilig sa guwapong driver na ngayon lang nito nakitang nakapila sa todahang iyon.

“Dun ka sa pangalawa sumakay.” sagot ni Rafael na nasa kalsada parin ang tingin.

“Pero bakit pogi, ikaw ang nasa unahan, atsaka sawa na’kong sumakay sa mga kasamahang mong mga pangit na driver.” takang tanong ni Mina, na ang tunay na pangalan ay Dominador.

“Bababa ka d’yan o gusto mo munang sipain kita palabas?” seryosong banta ni Rafael sa bakla.

Nahintakutan naman si Mina sa sinabing iyon ng guwapong driver, kaya naman mabilis itong bumaba sa tricycle.

Nasaksihan naman ng mga magkakatoda ang nangyaring iyon, kaya naman nagtawanan ang mga ito.

“Naku Mina, magtiis ka na lang sa aming mga pangit, dahil hindi ka naman kagandahan.” natatawang saad ni Yamyam.

“Tse! Pero mabuti naman at alam n’yong ang papangit ninyo, mabuti pa ihatid n’yo na’ko sa parlor ko sa bayan.” saad ni Mina, na walang nagawa kungdi ang sumakay sa ikalawang tricycle.

Si Onyok naman na kahit pa natawa sa nangyari, interesado itong malaman kung bakit tinanggihan ng boss ang pasahero, gayung ang sabi nito sa kanya kanina ay mamasada ito, kaya nga kasama nila ito ngayon sa kanilang toda.

At may sumunod pang sampung pasahero na muling tinanggihan ni Rafael, dahil hindi pa dumarating ang nais nitong isakay.

“Boss may pasahero ka bang hinihintay?” ’di na napigilan pang tanong ni Onyok, matapos makita nitong tinanggihan ng kanyang boss ang ilan pang pasahero.

Hindi naman sinagot ni Rafael ang tanong na iyon ni Onyok. At nanatiling nakatingin ito sa daan para kaagad nitong makita ang lalaking anghel para sa kanya.

Hindi na nagtanong pa muli si Onyok ng wala itong marinig na sagot sa amo, kilala kasi nito ang sigang boss, na isa sa makulit ang pinaka-ayaw nito sa isang tao.

Hangggang sa sumapit na ang alas-onse ng umaga at limang oras ng naghihintay si Rafael, pero ni anino ni Joshua ay hindi man lang nito nakita.

Nakailang hatid at sundo na rin ang mga kasamahan nitong tricycle driver, na nagtataka rin sa sigang binata, pero walang naglakas ng loob na usisain kung ano ba talaga ang trip nito.

Pagbalik ni Onyok sa kanilang toda matapos makapaghatid, minabuti nitong bigyan ng nabiling pagkain ang boss, na alam nitong gutom na rin at nanatiling nasa daan ang tingin na wari mo’y may inaabangang dumating.

“Boss, heto’t binili na rin kita ng meryenda.” saad ni Onyok sabay abot nito ng banana cue at softdrinks kay Rafael.

’Di naman tinanggihan ni Rafael ang bigay na meryenda ni Onyok, dahil gutom na ito, dala ng pagkatapos nitong maligo ay dumiretso na sa toda ng mga tricycle.

Habang kinakain ng amo ang bigay na miryenda, muling inusisa ni Onyok ang dahilan ng sigang boss sa pagsama nito sa kanila.

“Babae ba boss ang hinihintay mo? Baka naman kasi wala siyang lakad ngayon.” tanong ni Onyok at opinyon nito.

Hindi naman sinagot ni Rafael ang tanong na iyon ni Onyok, pero sa narinig na opinyon ng huli, napaisip ang sigang binata, na posible ngang walang pasok ngayon ang pasaherong dahilan ng pagbili niya ng tricycle.

Kaya naman matapos nitong kainin ang meryendang bigay ni Onyok, minabuti na ni Rafael na bumalik na sa tinutuluyang apartment, para mabuksan na muna ang tattoo shop na pag-aari nito.

Nanatili lang si Joshua sa kanilang bahay dahil sa wala itong pasok ngayong araw, bumalik na rin kaninang umaga ang kanyang tatay sa trabaho nito, sumaglit lang ng uwi ang kanyang ama para sabihin sa kanya ang magandang balita para sa pag-aaral nito ng kolehiyo.

Kaya naman, gawa ng wala naman itong pagkakaabalahan, minabuti nitong tulungan ang ina na abala ngayon sa pananahi.

“Anong masasabi mo sa mga bago kong gawang mga sultana, anak?” hinging opinyon ni Wilma sa anak.

“Magaganda nay, sigurado akong magugustuhan ng mga bagong kabataang sakristan ang mga ito.” natutuwang saad ni Joshua. Bukod sa mga kasuotang isinusuot nilang mga sakristan, ang nanay rin ni Joshua ang gumagawa sa mga suot na abito ng kanyang tito na pari.

“Nay, mamaya palang hapon, magpapaalam po akong umalis at pupunta ako kila brother Francis para sa birthday niya.” paalam ni Joshua sa ina.

“Sige anak, pero uwi kaagad ng maaga o kung gabihin ka man, magpasama ka, alam mo naman madalas na may rambol sa lugar natin.” pagpayag pero may kondisyong sagot ni Wilma sa anak.

“Opo ma.”

Alas tres na ng hapon ng pansamantalang iwanan ni Rafael ang tattoo shop, para bumili ng yosi sa tindahan, nang mahagip ng mga mata nito ang pamilyar na mukha, na sakay ng tricycle na minamaneho ni Onyok.

‘Wala nga siyang pasok.’ saad sa isip ni Rafael at mamaya ay tatanungin nito si Onyok, tungkol sa pinuntahan ni Joshua.

Pagdating ni Joshua sa bahay nila Francis, halos lahat ng mga bisita nito ay mga kapwa nila sakristan.

Kaya naman, dala ang cake na regalo nito sa birthday boy, pumasok na si Joshua sa loob ng bahay ni Francis.

“Brother, happy birthday.” bati ni Joshua kay Francis.

“Salamat brother, nag-abala ka pa.” sagot ni Francis.

“Wala ’yan brother, sa birthday ko dapat may regalo rin ako.” birong saad ni Joshua.

“Sure brother, pero sa kaarawan ni Wilson, kahit wala tayong ibigay pupuwede.” saad at biro ni Francis.

Ikinatawa naman ng lahat, ang birong iyon ng birthday boy na si Francis.

“Pasalamat ka brother at kaarawan mo ngayon.” naiiling sa saad ni Wilson sa kapwa sakristan at kababata rin nito.

“Paano kumpleto na tayong magkakabrother, simulan na natin ang sabay-sabay na pagbati ng happy birthday para kay brother Francis.” saad ni Luis na lumapit sa kinaroroonan ni Joshua at inakbayan pa ang huli.

Isang ngiti naman ang isinukli ni Joshua sa ginawang iyon ni Luis.

“Tama si brother Luis, kaya naman sabay-sabay na tayo.” sang-ayon ni Wilson.

“Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday brother Francis, happy birthday to you.” sabay-sabay na awit ng mga bisita ni Francis.

Sobra ang saya at pasasalamat ni Francis sa mga bisita nito sa oras na iyon, kaya naman sa sobrang kaligayahan ay ’di na naiwasan pa ng binata ang mangilid ang luha sa sandaling iyon.

“Salamat sa inyong lahat.” saad ni Francis, sumunod ay pumikit ito at isang hiling ang ipinagdasal nito, at inihipan na ang kandila sa mga cake na naroon.

“Anong hiniling mo, birthday boy?” tanong ni Wilson na umakbay sa kababatang si Francis.

“Secret iyon brother, para matupad.” nangingiting sagot ni Francis sa kababata.

“Kung anuman iyon brother, sigurado akong tutuparin ng Diyos iyon.” saad ni Wilson at ibinigay na nito ang maliit na box, na kanina pa niya itinatago sa kababata.

“Akala ko ba, wala kang regalo sa akin.” saad ni Francis na natutuwa sa ragalong iyon ng kababata.

“Maaari ba ’yon, pero huwag mo munang buksan at mamaya na lang pag-uwi ko.” seryosong saad ni Wilson.

“Sige, salamat brother.” sagot ni Francis at’ di na nito napigil ang sarili at niyakap nito ang kababata.

Natigilan man sa ginawa ng kababata, sinuklian naman ni Wilson ng mahigpit rin na yakap si Francis.

“Brother sali kami d’yan.” saad ni July na kaakbay naman si Marlon.

“Oo nga, group hug tayo mga brother.” sang-ayon ni Luis na hindi naman iniwan ang akbay rin na si Joshua.

At nag-group hug nga ang mga magkakaibigang sakristan.

Sumunod ang pagsasalo-salo ng lahat, sa mga pagkaing handa sa kaarawan ni Francis. At gaya ng nakagawian ng mga sakristan, humiwalay ang anim at nagtungo sa iisang mesa, para doon magsama-sama at magkuwentuhan.

“Totoo ba brother Luis na titigil ka na sa pagsasakristan?” tanong ni Marlon at simula nito sa usapan nila.

“Oo brother, baka kasi mawalan na ako ng oras lalo na magkokolehiyo na tayo.” sagot ni Luis.

“Hindi lang si brother Luis, pati ako kailangan ko na rin tumigil.” saad ni Wilson.

“Bakit brother?!” gulat na saad ni Francis at napatingin ito sa katabing kababata.

“Gaya ni brother Luis, tungkol din sa pag-aaral sa college, pero may mas mabigat pang dahilan kaya ako nagdesisyong tumigil na.” sagot ni Wilson.

“Paano ba ’yan, mukhang ito na ang huling beses na magkakasama tayo, ako rin ay titigil na dahil kailangan kong pumunta sa US para kay lolo.” saad ni July.

“Kailan ang alis mo brother?” tanong ni Marlon na nalungkot sa nalaman.

“Sa susunod na buwan na.” sagot ni July.

“Hindi pa ito ang huling magkakasama tayo, tutal malapit na ang bakasyon, gusto kong anyayahan kayong lahat na magbakasyon sa resort namin.” saad ni Luis.

“May resort kayo?!” gulat na reaksyon ni Wilson at hindi lang ito ang nagulat maging ang apat pang kasama nito.

“Oo mga brothers, pasensya na at ngayon ko lang nasabi ang tungkol dito, ang totoo niyan hindi talaga ako nakatira malapit dito, tumutuloy lang ako sa naging yaya ko noong bata pa ako, mula pa noong grade 9 tayo kung kailan nagkakilala tayong lahat.” mahabang paliwanag ni Luis.

“Hanep brother! Hindi parin ako makapaniwala na may kaibigan kaming bigtime pala.” gulat parin na saad ni Wilson.

Gaya ng mga kasama, gulat rin si Joshua sa mga nalaman, na ang tanging reaksyon ay mapatingin kay Luis.

“Sorry ulit mga brothers.” saad ni Luis at isa-isang tinignan ang mga kasama at tumigil ito sa katabing si Joshua na mataman naman na nakatingin rin sa kanya.

“Sorry brother Josh.” mahinang saad ni Luis, sapat na para marinig ng katabi.

“At dahil sinimulan mo na ang pagkukuwento sa buhay mo brother Luis, puwede bang magtanong ako?” hinging permiso ni Marlon.

“Okay lang brother.” pagpayag ni Luis.

“Dati akala ko ay ka-alpeyido mo lang siya, tatay mo ba si Senador Montero?” tanong ni Marlon.

Sa tanong na iyon ni Marlon kay Luis, kaagad din naisip ng apat pang kasamang sakristan, na magkapareho nga ng apelyido ang senador at ang kasamahan nilang sakristan. Kaya naman napatingin na ang lahat sa direksiyon ni Luis.

“Oo brother, daddy ko si Senador Montero.” sagot ni Luis.

“Sabi ko na nga ba, kaya pala parang pamilyar ka sa akin nung una palang tayong magkita.” saad ni Marlon.

“Gaya nga ng sabi ko kanina, pasensya na at ngayon ko lang ipinagtapat ang tungkol sa pagkatao ko. Pero sana ay pumayag kayo sa bakasyon na hinihingi ko, para magkasama-sama tayo bago ang paghihiwa-hiwalay natin.” saad ni Luis.

“Oo naman, kami ni Brother Francis ay sang-ayon sa gusto mo brother.” sagot ni Wilson.

“Sasama rin kami ni brother July.” sagot rin ni Marlon.

Kaya naman napatingin na ang lima sa gawi ni Joshua, na tanging hindi pa pumapayag sa sandaling iyon.

“Syempre naman, papayag din ako mga brothers, pero brother Luis, kailangan nasa VIP kaming mga kabrother mo, kahit kapalit lang ng paglilihim mo sa amin.” sagot naman Joshua at biro nito kay Luis.

Ikinatawa naman ng lahat ang sinabing iyon ni Joshua, na kaagad din sinang-ayunan ng lahat.

At walang sawang kuwentuhan, biruan at tawanan pa ang nangyari sa mga nakalipas na oras, ang ginawa ng magkakaibigang sakristan.

“Paano mauna na kami ni Brother Richboy Luis.” paalam ni Joshua sa apat na kasama.

“Sige, ingat kayo.” sagot ni Francis.

“Aalis na rin kami ni brother July.” sunod na nagpaalam si Marlon.

“Sige, ingat rin kayo.” sagot naman ni Wilson, na sinamahan ang kababata sa pagliligpit ng mga kalat.

Habang naglalakad sila palabas ng bahay ni Francis, tahimik lang sina Joshua at Luis, hanggang sa makarating na ang dalawa sa motor ng huli.

“Salamat brother Josh at naiintidihan mo rin ako, kung bakit ko nagawang ilihim sa inyo ang tungkol sa akin.” saad ni Luis.

“Wala ’yon brother, gaya nila ay sobrang nagulat rin ako, pero hindi naman mahalaga kung sino ka, ang mahalaga ay kung sino at anong pakikisama ang ibinahagi mo sa amin.” sagot ni Joshua.

“Kaya mahal kita eh, brother Josh.” ’di na napigilan pang saad ni Luis.

“At mahal din kita brother Luis, pati na ang apat pang kaibigan nating mga sakristan.” nakangiting saad rin ni Joshua.

Medyo nalungkot naman si Luis sa narinig nito kay Joshua, akala ng binatang sakristan ay pareho sila ng nararamdaman ng lihim nitong minamahal, gayunman gagawin ni Luis ang lahat, para dumating ang araw na masuklian ni Joshua ang kanyang pag-ibig.

Matapos malaman ni Rafael kay Onyok, ang eksaktong bahay na pinuntahan ni Joshua, kaagad na tinungo rin ng sigang binata ang bahay na iyon.

Halos isang oras din na naghintay si Rafael, bago nito makita ang mukha ng anghel na pakay niya. Pero ang akalang mag-isang lalabas na si Joshua, may kasama pala ito. At sa nakitang kasamang lalaki ng binatang sakristan, nagsimula ng makaramdam ng pagkainis si Rafael, lalo na ng makita nitong nagyakapan pa ang dalawa at pagkatapos ay sumakay pa ang pakay niya, sa motor ng lalaki.

‘Panalo ka ngayon Luis, pero sa akin mapupunta ang anghel ko sa huli.’ saad sa isip ni Rafael.

VI

Handa na muling pumasok si Joshua sa eskwelahan, at muli ay papunta na ito sa pila ng mga tricycle driver na malapit sa kanila. Habang papunta na nga ang binatang sakristan sa pila ng mga namamasada, kaagad nakatawag ng pansin kay Joshua ang bagong tricycle na nasa unahang pila at nakilala rin nito ang driver ng nasabing trike.

“Josh, sakay ka na.” saad ni Rafael ng makita ang lalaking anghel, na ilang metro na lang ang layo sa kanya.

“Sige kuya.” sagot naman ni Joshua at sumakay nga ito.

“Hindi kita nakita kahapon, wala ka bang pasok.” tanong ni Rafael, kahit pa alam na nito ang totoo at ang nais lang ay magkausap sila ni Joshua.

“Ah oo kuya, ikaw kuya, buti at namasada ka ngayon, kasi nung dalawang beses akong nakasakay sa’yo ay parehong Lunes iyon.” saad ni Joshua. Lihim sa kaalaman ng binatang sakristan, iba ang dating ng pagkakasabi niyang iyon para kay Rafael. At dahil sa iba nga ang dating  nito kay Rafael, naramdaman na lang ng sigang binata ang pagsikip ng kanyang patalon.

“’Di bale Josh, limang beses mo na akong sasakyan.” ngising sagot ni Rafael na natawa pa sa sandaling iyon.

“Ibig sabihin araw-araw ka ng mamasada kuya? Mukhang bago rin itong trike mo ah.” tanong at pansin pa ni Joshua, na walang kaide-ideya sa sagot kanina ni Rafael.

“Oo bago nga, pero hulugan lang iyan, kaya dapat lagi mo akong sakyan, para may panghulog ako.” sagot ni Rafael, na lalo namang tumigas ang malaking laman sa pagitan ng mga hita nito.

“Hahaha maari ba iyon, paano naman kung sa iba ako sumakay bukas, hindi naman siguro posible na laging ikaw ang masasakyan ko hindi ba? Oo nga pala paandarin mo na kuya at medyo napahaba na ang kuwentuhan natin.” saad ni Joshua.

“Tama ka Josh, mahaba na nga at matigas pa.” sagot ng pilyong si Rafael.

“Ha? Anong matigas?” takang tanong ni Joshua.

“Ah itong preno medyo matigas pa, kasi bago pa lang.” palusot na sagot ni Rafael at pinaandar na nito ang tricycle.

“Salamat kuya, heto ang bayad.” saad ni Joshua, pagkahinto ng motor sa sakayan ng jeep.

“Salamat din Josh, oo nga pala, anong oras ang uwi mo para maisakay rin kita pauwi sa inyo?” tanong ni Rafael.

“Alas-singko ng hapon kuya at ano pala ang pangalan mo? Kasi ako kilala mo na ako.” sagot at tanong ni Joshua na nakangiti pa sa sandaling iyon.

“Oo nga, ako pala si Rafael.” ngiting sagot ni Rafael.

“Sige mauna nako, kuya Rafael.” paalam ni Joshua at masaya itong nalaman ang pangalan ng tinawag nitong minsan, na wirdong driver.

“Sige ingat ka Josh.” sigaw na sagot ni Rafael.

Pagkaalis ni Joshua, sandaling inayos ni Rafael ang malaking kargada na dulot lang ng pag-uusap nila ng una.

‘Tang-ina! Anong ginawa mo sa akin Josh.’ saad sa isip ni Rafael.

Sa sumunod pang mga araw ay laging si Rafael ang naghahatid-sundo kay Joshua, papunta sa kanto ng sakayan ng jeep at pauwi sa kanilang bahay.

Nagkapalagayan na rin ng loob ang dalawa ng dahil dun. Si Joshua na masaya sa bagong kakilala, na kahit mukhang barumbado sa unang tingin para sa kanya, inaamin ng binatang sakristan na parang kuya na ang tingin niya kay Rafael, kahit pa minsan ay madalas na biruin siya nito, lalo na ng ipinagtapat nito sa bagong kakilala na hindi pa siya nagkakaroon ng nobya. Sa panig naman ni Rafael, hindi kumpleto ang araw niya sa tuwing hindi niya masisilayan ang kanyang anghel, iba ang naging epekto ni Joshua sa buhay niya, dahil sa lumipas na isang buwan mula ng ihatid-sundo niya ito, hindi na muli siya nakipag-basag ulo, kaya naman wala nang rambol pa ang nangyari sa kanilang lugar.

Napansin ng mga miyembro ng gang na pinamumunuan ni Rafael, ang pagiging malapit nito sa binatang sakristan. At bilang isa si Onyok sa nag-aalala sa maaring gawin ng kalaban nilang gang, sa malapit ngayon sa kanilang lider. Minabuti na ni Onyok na kausapin ang lider nilang si Rafael.

“Boss, hindi sa nakikialam kami sa’yo, pansin namin nila Kulot ang pagiging malapit mo sa sakristan na si Joshua, paano boss kapag nalaman ni Paniki ang tungkol dun, sigurado akong gagamitin niya si Joshua laban sa’yo.” saad ni Onyok.

Natigilan naman si Rafael sa sinabing iyon ni Onyok. Tama ang kasamahan niya sa gang, hindi malabong gawin iyon ni Paniki, kaya naman sa tanang buhay ng sigang binata, sa unang pagkakataon ay nakaramdam ito ng pagkabahala.

“Tawagin mo sila Kulot, may mahalaga akong sasabihin sa inyo.” utos ni Rafael kay Onyok. At sa oras na iyon, isang desisyon ang gagawin ng sigang binata, para mailayo sa kapahamakan si Joshua.

Tama nga ang sabi sa kanya ng tauhang si Daga, hawak ngayon ni Paniki ang larawan ng magkasamang si Leon at ng binatang sakristan.

“Makakaganti na rin ako sa’yo, hindi ko akalain na sa isang lalaki ka mahuhumaling, malas lang ng sakristan na ito at siya ang gagawin kong pain, para mabitag ko ang isang Leon.” ngising saad ni Paniki.

Habang sakay ng jeep pauwi galing ng eskwelahan, kanina pa napapansin ni Joshua ang madalas na pagsulyap sa kanya ng lalaking kapwa niya pasahero. At ng sila na lamang dalawa ng lalaki ang naiwang sakay ng jeep, sumunod na nakita na lamang ni Joshua ang pagtabi sa kanya ng lalaki.

“Kung gusto mong ’wag masaktan, sumunod ka sa mga sasabihin ko.” bulong ni Daga sa binatang sakristan, sabay labas nito ng icepick at tutok nito sa tagiliran ni Joshua.

“Ku-kuya, hi-hindi ako manlalaban, kung gu-gusto mo ng pera, he-heto ang wallet ko.” labis na kabang saad ni Joshua sa nangyayari sa kanya ngayon.

“Hindi mo ba ako narinig, sumunod ka sa mga sasabihin ko at hindi ang pera mo ang habol ko sa’yo. Ngayon, pumara ka at may pupuntahan tayo.” mahinang saad at utos ni Daga sa takot na takot ng si Joshua.

“Ku-kuya parang awa mo na pakawalan mo na ako at pa-pangako hi-hindi ako magsusumbong.” bulong na pakiusap ni Joshua sa lalaki.

“Huwag mong hintayin na isaksak ko sa’yo ito, ano papara ka o ibabaon ko sa bituka mo ito.” bantang sagot ni Daga.

Takot man sa maaring mangyari sa kanya, sinunod ni Joshua ang utos na iyon ng lalaki.

‘Panginoong Diyos, kayo na pong bahala sa akin.’ saad sa isip ni Joshua.

“Pa-para po manong.”

Matapos ang ginawang pagpara sa driver, huminto na nga ang sinasakyang jeep ni Joshua. Naunang bumaba si Daga at kaagad nitong inakbayan ang binatang sakristan pagkababa nito, na sobra na ang takot sa mga sandaling iyon.

“Good boy, hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit patay na patay sa’yo si Leon.” bulong ni Daga sa binatang sakristan.

Hindi naman pinansin ni Joshua ang sinabing iyon ng lalaki, gawa ng tanging takot ang namayani sa kanyang isip at nanalangin na lang na maging ligtas siya sa kinakaharap na sitwasyon.

Hindi na mapakali si Rafael, gawa ng alas-singko y mediya na ay wala pa ang hinihintay nitong si Joshua.

‘Nasa’n ka na Josh.’ saad si isip ni Rafael, na halos isang oras ng nag-aabang, sa mga bumababang sakay ng mga humintong jeep sa kantong iyon.

Hanggang sa dumating na ang alas-sais ng gabi, hindi parin dumarating si Joshua. Ilang beses na rin na tinawagan ni Rafael ang cellphone number ni Joshua, pero hindi man lang ito nagriring.

At ilang minuto matapos ang huling pagkontak nito kay Joshua, nagring ang cellphone na hawak ni Rafael.

Sa nakitang numero lang ang tumatawag, minabuti ng sagutin iyon ni Rafael.

“Hello?”

“Kamusta Leon, hindi pa ba dumarating si Josh? Hahaha.” bungad ni Paniki sa kabilang linya.

“Paniki? Anong ginawa mo kay Josh?!” nagpipigil sa galit na saad ni Rafael.

“Sa ngayon wala pa, pero baka kapag hindi mo binilisan, maisip kong may gawin sa maputi at mabangong katawan ng sakristan.” sagot ni Paniki.

“Putangina! Magtago ka na Paniki, kapag ginalaw mo kahit buhok lang ni Joshua!” galit na banta ni Rafael.

“Ulol! Huwag mo kong pagbantaan, dahil sa ating dalawa ako ang dapat na masunod, dahil sinisiguro kong hindi mo na makikita kahit buhok lang ng kinababaliwan mong sakristan.” sigaw pabalik ni Paniki.

Sa narinig na sinabi ni Paniki, lubos ngayong sinisisi ni Rafael ang sarili, nang dahil sa gulong pinasukan niya, nadamay pa tuloy si Joshua.

“Sige susunod ako sa mga iuutos mo Paniki, sabihin mo, anong gusto mong gawin ko?” sukong tanong ni Rafael.

“Hahahaha! Tignan mo nga naman, ang Leon bigla na lamang naging maamong tupa. Pwes! Makinig ka sa mga sasabihin ko Leon, pumunta ka sa talyer dito sa baryo Maalon, dalhin mo ang bagong trike na binili mo, at ’wag na ’wag kang magsasama kahit isa lang sa mga miyembro mo, dahil ako mismo ang tatapos sa buhay ng sakristan na ito, kapag nakita ko ang isa lang sa kanila na kasama mo.”

“Sige, pupunta ako ng mag-isa.” sunod ni Rafael kay Paniki.

VII

Gaya nga ng utos ni Paniki, mag-isang dumating si Rafael sa talyer na ’yon sa baryo Maalon.

Kaagad naman nakita ni Daga ang pagdating na iyon ni Leon.

“Sumunod ka sa akin Leon, nasa loob ang sakristan.” utos na saad ni Daga.

Sumunod naman si Leon sa tumalikod ng si Daga, papasok sa parang isang bodega.

Hindi alam ni Joshua kung nasaan siya pagmulat ng kanyang mga mata, huling naalala ng binatang sakristan ay kasama niya ang isang lalaki na akbay-akbay siya, at sumunod ay ang pagtakip ng panyo sa kanyang ilong ng nasabing lalaki, na ikinawala ng kanyang malay. Pansin rin ngayon ni Joshua ang kapwa nakaposas ng mga kamay niya, sa magkabilang gilid ng kama, habang nakatali rin ng magkahiwalay ang kanyang mga paa. At sa naisip na posibleng gawin sa kanya ng dumukot sa kanya, nagsimula ng maglandas ang mga masaganang luha sa mga mata ng binatang sakristan.

‘Panginoong Diyos, kayo na pong bahala sa akin.’ saad sa isip ni Joshua.

Ilang minuto rin na sinundan ni Rafael si Daga, at huminto sila ng makarating sa kinaroroonan ng prenteng-prenteng nakaupong si Paniki sa isang sofa.

“Kita mo ito, Leon?” simula ni Paniki sa mga plano nito para lubusang makaganti kay Leon.

Hindi sumagot si Rafael at nanatili lang na tumingin ng diretso sa mukha ni Paniki.

“Huwag kang mag-aalala, hindi ko ipapalo ang mga pamalong ito sa’yo, dahil higit na pareho nating magugustuhan ang mga susunod na ipapagawa ko sa’yo.” nakangising saad ni Paniki.

Bago niya makausap si Rafael, ang unang plano ni Paniki ay ang bugbugin hanggang sa mawalan ng malay ang mortal na kalaban niyang si Leon. Pero mas may magandang plano si Paniki at ito’y patayin ang puso ng lalaking sakristan at alam nitong sa gagawing iyon, parang pinatay na rin niya si Leon.

“Paniki kung anuman ang binabalak mo kay Josh, nakikiusap akong ’wag mo ng siyang idamay sa away natin, labas siya sa gulong meron tayo, kaya sa akin ka gumanti dahil sa akin ka galit.” napaluhod ng pakiusap ni Rafael.

“Hahahaha, nakikita niyo ba mga kasama, ang isang Leon, nakikiusap at nakaluhod pa sa harapan ko.” saad ng natatawang si Paniki na nasisiyahan sa nakikita niya ngayon.

“Hahahaha!” sagot naman ng mga kasamahan ni Paniki sa gang.

“Malas niya Leon at naging bahagi siya ng magulong mundo mo. Kaya wala akong magagawa kungdi ang gamitin siya.” saad pa ng nakangising si Paniki.

“Anong ibig mong sabihin, Paniki?” kabang tanong ni Rafael sa nakangising mortal na kaaaway.

“Heto at tignan mo.” sagot ni Paniki at sabay pakita nito sa video ni Joshua, na kasalukuyang nakahiga sa kama sa isang kuwarto, habang nakaposas ang magkabilang mga kamay at nakatali naman ang mga paa.

“Paniki anong gagawin mo sa kanya?!” gulat na saad ni Rafael. Sa sandaling iyon, nasa isip ni Rafael na may gagawing masama si Paniki sa katawan ng lalaking mahalaga sa kanya.

“Hahahaha! Ano takot ka bang magpakasasa ako sa mabango at maputing katawan ng kinababaliwan mong sakristan?” tanong ni Paniki.

“Paniki, parang awa mo na, ’wag si Josh, kung gusto mong patayin ako sige gawin mo na, pero nakikiusap ako sa’yo, maawa ka sa kanya, wala siyang alam sa mga ginagawa ko.” pagmamakaawang pakiusap ni Rafael.

“Huwag kang mag-alala Leon, kahit pa parang sa isang babae ang mukha at kutis ng kinababaliwan mong sakristan, wala akong interes sa isang lalaki.” saad ni Paniki.

Hindi man lubos na pinapaniwalan ni Rafael ang sinabing iyon ni Paniki, medyo nakahinga naman ng kaunti ang una.

“Gaya nga ng sabi ko sayo, wala akong interes sa binatang sakristan, pero dahil alam kong alam nating pareho na may balak ka sa kanya, heto na ang pagkakataong hinihintay mo.” ngising siwalat ni Paniki sa kanyang plano.

“A-anong ibig mong sabihin?!” kabang tanong ni Rafael.

“Simple lang Leon, gahasain mo ang sakristan na kinababaliwan mo, kapalit hindi ko pasasabugin ang ulo niya.” ngising lahad ni Paniki.

Sa narinig ni Rafael, parang tinakasan siya ng kaluluwa, totoong gusto niyang may mangyari sa kanila ni Joshua, pero hindi sa ganitong paraan.

“At huwag na huwag mong sasabihin sa kanya ang totoo Leon, hindi ako magdadalawang isip na gawin ang sinabi kong pasasabugin ko ang ulo niya.” dagdag pang kondisyon ni Paniki.

“Paniki, hindi ko kaya ang pinapagawa mo, kahit anong gusto mong ipagawa sa akin gagawin ko, huwag lang ang bagay na iyon.” pakiusap ni Rafael na desperado na sa sandaling iyon.

“Huwag ka ng tumanggi Leon, alam ko naman na gusto mo rin ang ipapagawa ko. Ano?! Gusto mo bang si Daga ang makauna sa sakristan mo, sigurado akong hindi iyon magdadalawang isip, dahil kanina pa siya naglalaway na matikman ang sakristan na dinukot niya kanina.” babala ni Paniki.

Sa narinig ni Rafael, alam nitong maaaring ipagawa iyon ni Paniki. Kaya ayaw man nitong sundin ang utos ng walanghiyang si Paniki, wala ng nagawa pa si Rafael, kung hindi ang sumunod sa agos ng mga ipagagawa ng mortal niyang kaaway.

‘Sana imposible man, mapatawad mo ako Josh sa mga gagawin ko sa’yo.’ saad sa isip ni Rafael at sa sandaling iyon bumalik ang mga napag-usapan nila ni Joshua noon sa simbahan.

“Basehan ba kuya ng pagkalalaki ang hindi pagkakaroon ng takot? Ako kasi naniniwala, na ang lalaking may kinatatakutan ay mas tunay na lalaki, lalo na kung ang takot na iyon ay dahil sa mga mahal niya sa buhay.”

Tama nga ang sinabi ng mahal na niyang sakristan, ngayon sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, alam ni Rafael sa gagawin niya, dumating na ang pinakakinakatakutan niya at ito’y ang mawala sa buhay niya si Joshua.

“Payag na ako Paniki, susundin ko ang ipinapagawa mo.” tanggap ni Rafael sa utos ni Paniki.

“Mabuti naman Leon, Daga, umpisahan na natin ang palabas.” saad ni Paniki.

Abala sa tangkang pag-alis sa mga nakaposas na mga kamay niya, tumigil sa ginagawa si Joshua ng marinig ang mga yabag na papunta sa kinaroroonan niya.

Pagbukas ng pinto ay nabuhayan ng loob si Joshua, pagkakita nito sa dumating na si Rafael.

“Kuya Rafael, salamat at nahanap mo ako.” saad ni Joshua.

Sa nakitang nabuhayan ng mukhang si Joshua, pigil ni Rafael ang emosyon sa sandaling iyon. Dahil alam ng huli, matapos ang mga gagawin niya, kasusuklaman na siya ng binatang sakristan.

“Gaya ng sabi ni boss, sumunod ka, kung ayaw mong mawala sa’yo habang buhay ang sakristan na ’yan.” bulong ni Daga na nasa likod ni Rafael.

Ang nabuhayang mukha ni Joshua ay napalitan ng pagkalito, nang sunod na makita nito ang mukha ng lalaking dumukot sa kanya.

“Ku-kuya bakit kasama mo siya?”

“Paano boss, heto na ang pagkakataon mo, para makuha mo na ang pakipot na sakristan na ito.” ngising saad ni Daga.

“Boss?” naguguluhang tanong ni Joshua.

“Oo nga pala, siya si boss Leon ang nagpadukot sa’yo, eh hindi na makapaghintay si boss na maangkin ka, kaya heto, gagawin na niya ang mga gusto niyang gawin sa makinis at mabango mong katawan.” ngising sagot ni Daga.

“Ku-kuya? Nagsisinungaling siya hindi ba? Hindi mo naman gagawin sa akin ang mga sinabi niya, hindi ba?” tanong ng nagsisimula ng maiyak muli na si Joshua.

“Tanga ka ba? Paanong hindi gagawin ni boss iyon, lahat ng magustuhan ni boss mapapasakanya, magpasalamat ka na lang at natipuhan ka ni boss.” saad ni Daga.

Gustong-gusto ng ihampas ni Rafael ang nakangising mukhang iyon ni Daga at pagkatapos ay ikulong sa mga bisig niya ang naluluha ng si Joshua, pero alam ng una, na imposible ito sa kinalalagyan nila ngayon. Sa halip, ang ikakamatay ng puso ni Joshua, ang susunod na gagawin ni Rafael.

“Tama si Daga puta ka?! Akala mo ba gusto kong makipagkaibigan sa’yo? Pagkakita ko palang sa’yo sa simbahan, hindi ba naghubad na ako para angkinin ka, pero hindi natuloy dahil masyado kang pakipot, kaya kinaibigan muna kita ng sa ganun ay bumigay ka, pero dahil hindi na ako makapaghintay na maging parausan ka, pinadukot na kita kay daga.” ngising saad ni Rafael, kahit pa sa bawat salitang binibitawan nito ay parang katumbas ng karayom na bumabaon sa kanyang puso, na ngayon lang niya napagtanto na mayroon pala siya.

“Ku-kuya, ’wag mong ituloy please, pa-pangako hi-hindi ako magsusumbong ka-kahit kanino, ba-basta pakawalan mo lang a-ako.” lumuluhang pakiusap ni Joshua.

Saglit na napatingin si Rafael kay Daga at sa tingin iyon ay nakikiusap siya sa huli.

“Sundin mo na lang si boss, para matapos na.” saad ni Daga na kahit papaano’y naawa sa itsura ngayon ng sakristan.

‘Diyos ko, ngayon lang ako tatawag sa’yo, mapatawad mo sana ako at mapatawad rin sana ako ni Joshua, kahit pa alam kong walang kapatawaran ang mga gagawin ko.’ saad sa isip ni Rafael.

Kasunod nga noon, naghubad na ng mga saplot si Rafael at lumapit na sa walang-tigil sa pagluhang si Joshua.

VIII

WARNING!!! RATED SPG CONTAIN RAPE SCENES!!!

Habang palapit na ang hubo’t-hubad ng si Rafael, sa walang tigil sa pag-iyak na sakristan. Kapwa nakadama ng labis na pagsisisi ang dalawa. Si Joshua na ang buong akala’y nakahanap na ng parang kuya sa pagkatao ni Rafael, ngayon ay labis na pinagsisihan ang ugaling mayroon siya, at ito’y ang basta-basta na lang na pagtitiwala sa isang tao. Samantalang si Rafael naman ay lubos ang pagsisisi sa napasukang magulong mundo, na isinisisi nito dati sa Diyos, dahil sa biglaang pagkuha nito sa mga magulang niya, at kung kailan handa na sana itong ituwid ang mga pagkakamali niya, para hindi madamay ang unang taong pinahalagaan niya makalipas ang maraming taon, tsaka naman siya sisingilin sa mga pagkakamali niya.

Alam ni Joshua sa sandaling iyon, na wala na siyang magagawa kahit pa manlaban siya, ano nga ba ang laban niya, gayung bukod sa nakaposas at nakatali siya ay higit na mas malaking tao pa ang may balak ng masama sa kanya, ang higit pa niyang pinagsisisihan, itinuring na niyang mahalaga sa kanya ang taong gagawa pa ng ikasisira ng buong pagkatao niya.

Nang tuluyang makalapit si Rafael, sa nakahigang si Joshua, narinig na nito ang simulang utos ni Paniki.

“Its showtime! Hahahaha! Ngayon Leon, hubarin mo lahat ang mga suot ng sakristan, pero hindi sa banayad na paraan, gusto kong makumbinsi mo siyang gagahasahin mo talaga siya, kaya naman punitin mo ang mga suot niyang uniporme.” saad ni Paniki at rinig iyon ni Leon sa maliit na earpiece na inilagay sa kanyang tenga.

Gaya nga ng utos ni Paniki, gamit ang dalawang kamay ni Rafael, puwersahan nitong pinunit ang damit na suot ni Joshua.

Sa ginawa ni Rafael sa kanyang suot na damit, alam ni Joshua na simula na ito ng kanyang bangungot, sa piling ng lalaking akala niya’y magiging mabuti sa buhay niya.

Sunod na sinira ni Rafael, ang suot na pantalon ni Joshua at pati na rin ang tanging puting brief na natira pang suot ng binatang sakristan.

Patuloy lang sa pagluha si Joshua, habang patuloy na hinuhubaran siya ni Rafael, hanggang sa nagtagumpay na nga ang huli na mahubad ang lahat ng mga suot niya.

“Ngayon Leon, magpakasasa ka na sa katawan ng sakristan mo, alam kong ito na ang una’t huling beses na magagawa mo sa kanya iyan, hahahaha!” utos at humalakhak pa si Paniki, dahil alam nitong sukdulan ang naging ganti nito kay Leon.

Sinumulan na nga ni Rafael ang pag-angkin nito sa luhaang si Joshua. At dahil pareho nilang hindi gusto ang nangyayari ngayon, minabuti na lang ni Rafael na simulan ang paghalik sa leeg ng binatang sakristan.

Walang tigil sa pag-iyak si Joshua, hindi niya inaasahan na ang pinaka-iingatan niyang katawan, na iaalay lang niya sa taong mamahalin, ngayon ay sinisimulan ng dungisan na iba, bukod pa dun, wala na siyang mukhang ihaharap pagkatapos nito. Sa isang iglap lang, nawala ang kanyang maayos at tahimik na buhay, at sinira ito ng lalaking akala niya’y magiging mabuti sa kanya.

Pigil ni Rafael ang nararamdaman nitong galit kay Paniki, at galit para sa kanyang sarili, hindi niya akalain na ang ligayang nakamtan niya sa piling ni Joshua sa mga nakalipas na araw ay magiging dahilan, para kamuhian siya ng huli.

Gaya ng utos ni Paniki, salitang sinuso ni Leon ang magkabilang utong ni Joshua. At hindi pa doon natapos ang kawalang-hiyaan ni Paniki, gusto rin nitong sabihan ni Rafael ng masasamang salita si Joshua.

“Ang sarap mong puta ka, virgin na virgin ka pa nga, ’wag kang mag-aalala, ikaw mismo ang mag-aaya sa’kin pagkatapos mong maligayahan sa mga gagawin ko sa’yo.” saad ni Rafael.

Muling kumawala ang mga masaganang luha sa mga mata ni Joshua. At nagsimula na rin itong manlaban, kahit pa magalit ang lalaking bumababoy sa kanya.

“Puta ka ’wag kang magulo, kung ayaw mong isunod kong gawin ito sa nanay mo.” banta ni Rafael.

“Ang sama mo! Ano bang kasalanan ko sa’yo! Bakit mo ginagawa sa akin ’to!” galit na galit na sigaw ni Joshua na wala parin tigil sa pag-iyak.

“Meron kang kasalanan, dahil binibitin mo akong puta ka! Ano! Titigil ka o gusto mong ipadukot ko rin ang makati mong ina!” banta ni Rafael.

“Hindi ka tao! Demonyo ka!” muling sigaw ni Joshua.

“Oo Demonyo talaga ako at nadedemonyo ako sa katawan mong puta ka!” saad ni Rafael at muling sumunod ito sa mga utos ni Paniki at muli nitong sinuso ang magkabilang utong ni Joshua.

“Puta ka Leon ang galing mo talagang sumunod, kahit na pareho kayong lalaki ay tinitigasan na ako, galingan mo pa sa ginagawa mo, ’wag kang mag-aalala at may isa akong salita, matapos mong makantot ang putang sakristan na ’yan, iiwanan namin kayo. Pero sa ngayon, ituloy muna ang pagpapakasasa sa putang iyan hahahaha!” natatawang saad ni Paniki.

Gamit ang isang daliri, inumpisahan na ni Rafael, ang pagpapaluwag sa birheng butas ni Joshua.

Ang panlalaban ni Joshua kanina ay hindi na nasundan pa, lalo na ng ipakita sa kanya ni Rafael ang larawan ng kanyang nanay. Kaya naman ang tanging nagawa na lamang ng binatang sakristan ay ang magdasal, na matapos na sana ang masamang bangungot na ngayon ay nararanasan niya.

Habang naglalabas-masok ang tatlo na niyang daliri sa butas ni Joshua, ang ihanda nalang ang binatang sakristan para hindi gaano itong masaktan sa kanyang pag-angkin, ang tanging tulong na magagawa na lang ni Rafael ngayon.

‘Diyos ko patawarin mo ako at sana’y ikaw na ang bahala sa anghel ko.’ saad sa isip ni Rafael at matapos ang gagawing kawalang-hiyaan kay Joshua at masigurong magiging ligtas na ito, sa isip ni Rafael, handa na itong magpakamatay.

Nang sa tingin ni Rafael ay handa na ang birheng butas ni Joshua, sinimulan na niyang ibaon ang malaking sandata nito sa loob ng birheng butas ng binatang sakristan.

Ramdam ni Joshua ang hapdi at sakit sa pagpasok na iyon ng kahabaan ni Rafael sa likuran niya, kaya naman lalo pang naglandas ang masasaganang luha sa kanyang mga mata.

‘Sorry Josh.’ paulit-ulit na saad sa isip ni Rafael, habang nagpapatuloy ito sa pagbayo sa likuran ni Joshua.

“Ano ba ’yan Leon, parang nakakawalang ganang manood sa ginagawa ninyo, gusto kong marinig na nasasarapan ka sa pagkantot sa putang sakristan na iyan.” utos muli ni Paniki.

“Ahh ang sikip ng birheng butas mong puta ka, sakal na sakal ang malaki kong burat ahhh.” saad ni Rafael na wala na namang nagawa kungdi ang sumunod sa kawalang-hiyaan ni Paniki.

Sa narinig ni Joshua sa nagpapakasasa sa pangbababoy sa katawan niya, nakaramdam ng pagkaawa sa sarili ang binatang sakristan, bukod pa dun, parang sa isang iglap, nawala na ang pananaw nito na may likas na kabutihan ang mga tao.

“Good boy Leon, ipagpatuloy mo lang iyan hahaha.” natatawang saad ni Paniki.

“Ahhh ang sarap mong kantutin puta ka, ang sikip ng butas mo at ang swerte ko na ako ang nakauna sa’yo, sisiguraduhin kong hahanaphanapin mo ang pagkantot ko sa’yo puta ka! Aahhhh!” patuloy ni Rafael sa utos ni Paniki.

“Ahh ang sarap mo talagang puta, paluluwagin ko ang butas mo, para sa susunod ikaw mismo ang magmakaawa sa aking kantuntin ulit kita ahhh.”

Matapos ang ilan pang paghugot-baon ni Rafael sa kanyang malaking laman sa birheng butas ni Joshua, ramdam na ng una na malapit na itong labasan.

“Walang hiya ka Leon, umaayaw ka pa kanina, pero ngayon tirik na tirik ang mata mo sa sarap sa pagkantot sa putang iyan. Gusto kong iputok mo ang tamod mo sa loob ng butas ng putang sakristan na iyan, nang sa ganun ay hindi na maisip pa ng nagmamalinis na sakristan na iyan na isa siyang mabuti at disenteng tao, sa halip maaalala niya ang gabing para siyang putang kinakantot ng isang lalaki.” saad ni Paniki.

Sa isip ni Rafael sa oras na iyon, hindi na muna siya magpapakamatay, bago iyon, isasama niya sa impyerno ang hudas na si Paniki.

Ilang pagbayo pa nga ang ginawa ni Rafael sa butas ni Joshua. At kasabay ng pagpapakawala ni Rafael ng masagana nitong punla sa loob ng butas ng binatang sakristan, kasabay rin nito ang nag-umpisa na naman na gulo sa miyembro ng gang ni Paniki, laban sa dumating na rin na gang ni Leon.

Sa narinig na ingay sa labas ni Rafael na rinig nito dahil sa ipinasuot na earpice ni Paniki, batid na ng sigang binata na dumating na ang kanyang mga alagad. Kaya naman matapos ang ginawa nitong pag-angkin sa binatang sakristan, pinulot ni Rafael ang kanyang hinubad na damit at lumapit ito para itakip sa walang saplot at luhaang si Joshua.

Pagkalapit ni Rafael kay Joshua, halata ng una ang takot na iyon ng huli sa kanya.

“Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko sa’yo Josh, kaya anuman ang gawin mo sa akin ay nakahanda akong tanggapin, patawad kung nadamay ka pa sa magulong mundong meron ako, pero maniwala ka na hindi ko rin ginusto ang ginawa ko sa’yo.” saad ni Rafael at itinakip na nito ang kanyang damit sa ibabang bahagi ng katawan ni Joshua.

Sandaling iniwanan ni Rafael si Joshua. Para pagbayarin si Paniki sa mga kawalanghiyaan nito.

IX

Pagkalabas ni Rafael sa kuwarto, kaagad hinanap ng mga mata nito ang walanghiyang si Paniki. At pagkakita nito kay Paniki, mabilis na naharang ni Rafael ang papaalis ng mortal na kaaway.

“Ano Leon nasarapan ka hindi ba? Dapat nga ay magpasalamat ka dahil sa wakas nakant-” hindi na pinatapos pa ni Rafael ang bastos na bibig na iyon ni Paniki.

Sapul sa mukha si Paniki sa pinakawalang suntok na iyon ni Leon. At ilang minuto pa ang lumipas sa rambol na iyon ng magkalabang gang, sa huli, halos malagutan na ng hininga si Paniki kasama ang lahat ng mga alagad nito. Hawak na rin ngayon ni Leon ang susi sa mga posas ni Joshua.

Habang nanatili parin na tulala si Joshua sa lahat ng mga nangyari, sunod na narinig ng binatang sakristan ang pagbukas ng pinto at bumungad sa kanya ang dalawang taong bugbog sarado at nasa likod ng mga ito ang lalaking bumaboy sa kanya.

“Alam ko Josh na hindi mabubura ng mga nagawa ko sa’yo ang mga sasabihin nila, pero gusto kong malaman mo ang totoo, bago mo ako singilin sa pangbababoy ko sa’yo.” saad ni Rafael.

At nalilito man si Joshua sa mga oras na iyon, kung bakit bugbog sarado ang lalaking dumukot sa kanya na tauhan ni Rafael, nanatili lamang na tahimik ang binatang sakristan.

“Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin!” sigaw na utos ni Rafael.

“Hi-hindi si Leon ang nagpadukot sa’yo, kungdi itong katabi ko na si Paniki at totoong boss ko.” saad ni Daga.

Isang sipa naman ang pinakawalan ni Rafael sa likod ni Paniki, para ang huli naman ang magpaliwanag.

Ikinasubsob ng bugbog saradong si Paniki, ang ginawang pagsipa na iyon ni Leon sa kanya. At dahil takot rin itong mamatay, wala ng nagawa pa si Paniki, kungdi ang magsalita na rin.

“Ta-tama si Daga, ako ang totoong boss niya at ako ang nag-utos na dukutin ka niya dahil alam kong malapit ka kay Leon. Ako rin ang dahilan at nag-utos kay Leon para gahasahin ka niya, kapalit ay hindi ko pasasabugin ang ulo mo. Nandoon sa cellphone ko, ang lahat ng sagot na totoong ako ang may pakana ng lahat.” pagtatapat ni Paniki.

Matapos ang pag-amin nila Daga at Paniki sa kanilang nagawa, pinakuha na ni Leon ang dalawa sa mga alagad nito, kaya ngayon silang dalawa na lamang ni Joshua ang naiwan sa kuwarto.

Dahan-dahang lumapit si Rafael sa kinaroroonan ni Joshua. Hindi alam ng sigang binata sa sandaling iyon, kung ano ang kanyang gagawin para lang hindi matakot si Joshua sa kanya.

Nang tuluyang makalapit, sinimulan na ni Rafael ang pagtanggal sa mga nakataling mga paa ni Joshua. Sunod, gamit ang susi na nakuha nito sa bulsa ni paniki, isa-isa rin nitong tinanggal ang pagkakaposas na mga kamay ng binatang sakristan.

Nang tuluyang makawala sa pagkakaposas ang kanyang mga kamay, kaagad na nagpakawala ng malakas na sampal ang kanang kamay ni Joshua sa pisngi ni Rafael.

Hindi naman umiwas si Rafael sa ginawang iyon ni Joshua, alam ng sigang binata na wala iyon kumpara sa malaking kasalanan na kanyang nagawa sa sakristan. Matapos ang isang sampal, sumunod ang pangalawa, pangatlo, hanggang sa hindi na nabilang pa ni Rafael, ang mga sampal na iyon na pinakawalan ng naluluha na rin sa oras na iyon na si Joshua.

Halo-halo ang emosyon na nadarama ngayon ni Joshua, kanina matapos ang pangbababoy sa kanya ni Rafael, ibayong galit ang naramdaman nito sa huli. At matapos nitong malaman ang katotohanan sa likod ng pangbababoy sa kanya ng itinuring na niyang kuya, ang galit na iyon ay nabawasan ng kahit kaunti lang, pero alam ng binatang sakristan na hindi ito hahantong sa bangungot na naranasan niya ilang oras pa lang ang nakararaan, kung hindi rin dahil sa lalaking kasama niya ngayon, kaya para kahit papaano’y maiparamdam niya kay Rafael ang labis na galit na nararamdaman, walang sawang pinagsasampal niya ito.

Matapos ang maraming sampal na ibinigay sa kanya ni Joshua, nakahanda na rin si Rafael na mamatay na sa oras na iyon, at dahil alam nitong walang kapatawaran, ang kanyang hindi naman kagustuhang pagsamantalahan ang binatang sakristan. Sunod na kumuha ng patalim si Rafael at inilagay niya ito sa palad ni Joshua.

“Alam kong hindi mo kailanman makakalimutan ang nagawa ko sa’yo, gusto kong patayin mo na ako Josh, para hindi mo na ako makita pa kahit kailan.” saad ni Rafael at sa unang pagkakataon ay kumawala ang masaganang luha sa mga nito.

Nanatili lang na hawak ni Joshua ang nasabing patalim, sa sandaling iyon kahit galit na galit parin ito kay Rafael, ni hindi sumagi sa isip ng binatang sakristan na pagbigyan ang nais na iyon ng kasama.

Sa nakita ni Rafael na walang balak na saksakin siya ni Joshua, hinawakan na nito ang kamay ng huli na may hawak na patalim at ito na ang tumutok papunta sa kanyang dibdib.

“Please Josh, patayin mo na lang ako.” pakiusap ni Rafael.

Alam ni Joshua na seryoso sa sandaling iyon si Rafael, pero inilayo ng binatang sakristan ang kamay nitong may hawak na patalim, sa halip…

“Kahit mamatay ka sa oras na ito ay hindi rin kita papatawarin, kaya ’wag mong sayangin ang buhay mo sa walang katuturang bagay, gusto kong mabuhay ka ng sa ganun ay habang-buhay kang maging miserable, gaya ng ginawa mo sa akin, at ito na ang huling beses na makikita pa kita.” saad ni Joshua at tumayo na ito, kahit pa tanging damit lang ni Rafael ang tumatakip sa kanyang kaselanan.

Sa mga narinig kay Joshua, alam ni Rafael na mas masakit pa iyon kesa sa hinihiling nitong saksakin siya ng una, pero mahirap man ay nakahanda ang binata na tuparin ang hiling na iyon ng binatang sakristan, kahit pa alam ni Rafael na kailanman ay hindi na niya makakapiling pa ang kanyang anghel.

Sa pagtayong iyon ni Joshua ay nakakailang hakbang pa lamang ito ng maramdaman nito ang pagkahilo, at kasunod noon ay ang dahan-dahan nitong pagkatumba.

Nag-aalalang sinundan naman ng tingin ni Rafael ang pagtayong iyon ni Joshua, kaya naman bago pa tuluyang bumagsak ang binatang sakristan ay maagap na nasalo niya ito.

At sa reyalisasyon na iyon, na tanging isang tao lamang ang makakatulong sa kanya sa sandaling iyon, sa unang beses ay humingi ng pabor si Rafael sa kaisa-isa nitong kapatid.

“Kailangan kita ngayon, kuya.” bungad ni Rafael, pagkasagot ng kanyang kuya sa kanyang tawag.

X

Pagkagising ni Joshua, bumungad ang puti at maliwanag na paligid sa kanya. Ilang baling pa ng kanyang tingin, napagtanto ng binatang sakristan na nasa ospital pala siya.

Naalimpungatan naman si Wilma ng maramdaman ang paggalaw ng kama, at bumungad nga sa kanya ang nagkamalay ng anak na si Joshua.

“A-anak! Salamat sa Diyos at nagising ka na. Ano? May masakit ba sa’yo?” sunud-sunod na tanong ng sobrang nag-alalang ginang sa kanyang anak. Kagabi, nakatanggap ng tawag ang ginang at ng ipaalam ng tumawag ang nangyari sa kanyang anak, kaagad nitong tinungo ang ospital na pinagdalhan sa anak.

“N-nay ayos lang po ako.” sagot ni Joshua at hindi na ito nagdalawang-isip na magsinungaling, na dati ay hindi nito ginagawa.

“Sa-salamat naman anak, pinag-alala mo si nanay, oo nga pala iiwan muna kita saglit para tawagin si dok, pero bago iyon, pinabibigay pala sa’yo ito ng lalaking tumawag sa akin at nagdala sa’yo dito sa ospital.” mahabang saad ng ginang, sabay abot nito ng isang sobre kay Joshua.

Kaagad naman tinanggap ni Joshua ang sobre at paglabas ng kanyang ina, minabuti na ng binatang sakristan na buksan ito, para malaman kung kanino ito galing. Pagkabukas ni Joshua sa sobre, bumungad sa kanya ang isang sulat, kaya naman binasa na rin niya ito.

Josh

Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko sa’yo, ganunman kakapalan ko muli ang mukha ko at hihingi muli ako ng patawad. Alam mo ba na pagkakita ko palang sa’yo, ninais ko kaagad na maging kaibigan kita, sa tagal ng panahon, sa tuwing magkasama tayo ay doon ko lang muli naramdaman ang maging masaya, kaya ipinagpapasalamat ko na natupad iyon at naging malapit tayo sa isa’t-isa. Pero dahil dun, naging bahagi ka ng magulong mundo ko, ginamit ka ng mortal kong kaaway para makaganti siya sa akin. Maniwala ka Josh, hindi ko kailanman gagawin ang nagawa kong pambababoy sa’yo, pero natakot ako na kapag hindi ko sinunod ang ipinapagawa ng kaaway ko ay patayin ka niya. Ganunman, alam kong hindi ko na maibabalik ang nadungisan kong pagkatao mo, kaya nga gusto ko na lang na patayin mo ako, pero hiniling mo na mabuhay ako para habambuhay kong pagbayaran ang mga kasalanan ko sayo. Tutuparin ko ang kagustuhan mo, na mabuhay ako at hindi na kailanman pa magpapakita sa’yo, pero kung gusto mo na ipakulong ako, nakahanda rin ako para doon. Hangad ko na sana maging maayos na ang buhay mo, ngayong aalis na ako.

Rafael

Matapos mabasa ang sulat na galing kay Rafael, hindi namalayan ni Joshua ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Inaamin ng binatang sakristan, naging masaya rin siya sa maikling panahon na nakasama niya si Rafael. Pero hindi sapat ang kasiyahang iyon, sa kapalit na sobrang sakit na idinulot rin sa kanya nito. Sa nabasa niya na handa rin makulong si Rafael, mas pinili na lang ng binatang sakristan ang hindi gawin iyon, para na rin matago nito ang totoong nangyari sa kanyang mga magulang.

“Anong balak mo ngayon?” tanong ni Jaime sa kapatid na si Rafael.

“Kung ipakukulong niya ako kuya, handa kong isuko ang sarili ko.” sagot ni Rafael.

Napailing na lang si Jaime sa narinig nito sa kapatid.

“Kahit pa ipakulong ka niya, sa tingin mo hindi ka makakalaya? Mabigat ang ebidensya natin na pareho lang kayong biktima, kaya mapapawalang sala ka rin.” saad ni Jaime na isa ring abogado.

“Hindi mo naiintindihan, ginahasa ko siya kuya at sinira ko ang tahimik na buhay na meron siya!” sigaw ni Rafael.

“At ano?! Sisirain mo rin ang buhay mo? Hindi ka pa ba natuto sa ginawa mong pakikibasag-ulo sa mga nakalipas na taon?” pangaral ni Jaime.

“Pero magkaiba iyon sa nagawa ko kay Josh, nang dahil sa akin nasira ko ang magandang buhay na dapat ay nararanasan niya.” saad ni Rafael na naluluha na sa sandaling iyon.

Kilala niyang matapang ang bunsong kapatid, at ito ang unang beses na makita ni Jaime na nagkakaganito si Rafael.

“Tapatin mo nga ako, may gusto ka ba sa lalaking iyon?” seryosong tanong ni Jaime.

Isang tango lang ang naging sagot ni Rafael, wala naman siyang kailangan na itago pa, dahil hindi na siya magkakaroon ng pagkakataon, na masabi pa ang bagay na iyon kay Joshua.

“Sige kung gusto mong makulong kapag nagsampa siya ng kaso, pagbibigyan kita. Pero alam kong mas magagawa mong makahingi ng tawad sa kanya, kapag malaya ka at nagawa mong maging karapat-dapat para sa kanya. Base na rin sa kuwento mo, mabuti siyang tao, at alam kong kailangan lang niya ng panahon para mapatawad ka niya.” saad at pagbibigay ng payo ni Jaime sa kapatid.

Sa narinig ni Rafael, napatunayan nito na mahalaga rin siya sa kuya niya. At kung hindi nga siya ipapakulong ni Joshua, panghahawakan ng binata ang naging payo ng kapatid.

Ikalawang araw ng pananatili nito sa ospital, dumating ang mga kaibigan at kasamahang sakristan ni Joshua, para bisitahin siya ng mga ito.

“Kamusta ka na brother Josh?” alalang tanong ni Luis, habang nasa likod nito ang apat pang mga kasama.

“Okay na ako brother Luis, salamat sa pagdalaw.” ngiting sagot ni Joshua.

“Mabuti naman kung ganun, nabalitaan lang namin kay father Cruz ang nangyari sa’yo, at kaagad nagpasya kaming lima na puntahan ka kaagad.” kuwento ni Luis, na labis ang pag-alala matapos malaman ang nangyari kay Joshua.

“Si tito talaga, dumalaw nga siya kahapon, at pinakiusapan ko siya na ’wag ng ikwento sa inyo dahil lalabas na rin naman ako bukas.” saad ni Joshua.

“Bakit naman brother, syempre alam ni father na kaibigan ka namin, kaya alam niyang mag-aalala kami sa’yo.” saad ni Francis at lumapit na rin ito kay Joshua.

“Iyon nga ang ayaw kong mangyari, ang mag-alala pa kayo, sabi ni dok nalipasan lang ako ng gutom kaya ako nawalan ng malay.” saad ni Joshua, na maging ito man ay nagtataka kung bakit iyon din ang sinabi ng doktor sa kanyang mga magulang.

“Ang tigas kasi ng ulo mo brother Josh, sa susunod ’wag kang magpapalipas ng gutom.” pangaral ni Marlon at sumunod na lumapit kay Joshua.

“Promise hindi na, paano tuloy pa ba ang bakasyon natin sa resort ni richboy?” pangako ni Joshua at pag-iiba nito ng usapan.

“Oo naman, kaya kaagad na magpalakas ka.” saad ni July at lumapit ito kay Joshua para tapikin ang balikat ng huli.

“Oo brother July.”

“Heto ang mga dala naming prutas, mabuti pa simulan mo ng lantakan ang mga ito.” saad ni Wilson.

“Grabe ka naman brother Wilson, mauubos ko ba ang mga iyan.” reklamo ni Joshua at natawa pa ang binatang sakristan. Natawa na rin ang mga kasamahang sakristan at kaibigan ni Joshua pagkatapos. At sumunod ang asaran at biruan nilang magkakaibigan, na ipinagpapasalamat ni Joshua at nagkaroon ito ng mga mabubuting kaibigan.

Ilang oras din na nagtagal ang mga kaibigang sakristan, at nagpaalam na rin ang apat, kaya naman tanging si Luis na lang ang kasama ni Joshua.

“Ikaw brother, tama na ang pagtawag mo ng richboy sa akin.” reklamo ni Luis, habang nagbabalat ito ng ubas para ibigay kay Joshua.

“Hahaha ikaw kasi brother, ganti ko lang iyon sa paglilihim mo sa akin, isa pa, totoo naman na richboy ka eh.” depensa naman ni Joshua.

“Ikaw talaga, dali buksan mo ang bibig mo.” saad at utos ni Luis.

Sumunod naman si Joshua at ibinuka nito ang kanyang bibig.

Kaagad naman ipinasubo ni Luis, ang isang piraso ng ubas na tapos na nitong balatan.

“Brother, ginawa mo naman akong bata niyan eh.” reklamo ni Joshua.

“Bakit bata ka pa naman ah, isip bata.” asar ni Luis.

“Brother! Akin na nga, ako na lang ang magbabalat ng mga iyan.” abot ni Joshua sa mga prutas na nasa kandungan ni Luis.

“Ako na lang, hindi ba sabi ni dok magpahinga ka lang, kaya dali na baby, say ahh!” biro ni Luis sa asar ng si Joshua.

“Brother naman eh, puro ka kalokohan.” naiiling na saad ni Joshua, pero sumunod naman ito at muli ay ibinuka nito ang kanyang bibig, sunod ay natawa pa ito dahil sa kalokohan nila ni Luis.

Kinabukasan ay nakalabas na nga ng ospital si Joshua, nandoon rin si Luis na kaagad nagpresinta na gamitin ang kanilang van para sa pag-uwi ng kaibigan.

Pagdating sa bahay ni Joshua ay nadatnan nito ang apat pang mga kaibigan na mga sakristan. Kaya naman mistulang isang selebrasyon ang nangyari sa gabing iyon sa bahay ng mga Santos.

“Hindi pa ba kayo hinahanap sa inyo?” tanong ni Joshua sa limang mga kaibigan na kasama nito ngayon sa sala, habang nanood sila ng basketball sa TV.

“Pinapalayas mo na ba kami, brother? baling ni Luis kay Joshua na katabi nito sa sofa.

“Hindi naman brother, alas-siete na kasi, baka nag-aalala na ang mga magulang ninyo sa inyo.” sagot naman ni Joshua.

“Huwag ka ng mag-alala tungkol diyan brother Josh, alam nila ang pagpunta namin sa bahay mo.” sagot ni Wilson ng marinig nito ang kaibigan.

“Tama si brother Wilson, atsaka ihahatid kami ni richboy mamaya.” ngising asar ni Francis, sabay baling sa direksyon ni Luis.

“Hahaha.” natawa naman si Joshua sa narinig kay Francis.

“Tingnan mo na, kasalanan mo ito eh.” bulong ni Luis kay Joshua, pero masaya ang una na kahit papaano ay napasaya niya ang huli.

Napangiti naman si Joshua matapos nun, at pansamantala nitong nakalimutan ang masamang nangyari sa kanya, sa nakalipas na mga araw.

XI

“Nakalabas na siya ng ospital at gaya ng pangako ko, hindi ipinaalam ni dok ang tungkol sa totoong nangyari kay Joshua sa kanyang mga magulang.” saad ni Jaime, pagkaupo ng kapatid para samahan siya sa almusal.

“Mabuti naman kung ganun, at sa tingin ko, hindi na rin niya ako ipapakulong.” mahinang saad ni Rafael.

“At nagpapasalamat ako ng dahil dun, isa pa, siguradong gusto ng binata na kalimutan na lamang ang nangyari sa kanya.” saad at opinyon ng matalinong abogado.

Tama ang kanyang kuya, kaya isang desisyon ang nabuo sa isip ni Rafael, pero bago iyon, gusto ng binata na kahit patago ay masilayan muli nito si Joshua, bago ito umalis.

“Pahiram ng sasakyan kuya.” saad ni Rafael, habang patuloy silang kumakain ng almusal.

“Bakit ka pa nagpapaalam, sa’yo naman ang mga iyon, nasa garahe ang mga susi.” sagot ni Jaime sa kapatid.

At sa narinig, mabilis ng tinapos ni Rafael ang pagkain, para makaligo na rin ng sa ganun ay magawa na nito ang kanyang pakay.

“Hindi ko na kailangan na paalalahanan pa kita, siguro naman natuto ka na.” saad ni Jaime ng makita nito ang nagmamadaling kilos ng kapatid.

“Promise kuya, may ibibigay lang ako sa anghel ko.” sagot ni Rafael.

Habang isa-isang tinitignan ni Rafael ang mga ibinebentang aso sa kilalang petshop na iyon, abala naman ang babaeng nagtatrabaho doon, sa pagtingin sa makisig at guwapong lalaki na kasalukuyang tumitingin sa mga asong ibinebenta nila.

“Miss magkano itong Shih Tzu na ito?” tanong ni Rafael.

“Para sayo pogi, 7k na lang at 4 months old na ang Shih Tzu na napili mo.” sagot ng babae.

“Sige at kukunin ko, isama mo na rin ang mga dogfood na pupuwede sa kanya, pati na rin ang kulungan at leash para maipasyal siya ng anghel ko.” saad ni Rafael.

“Ang korni mo pala pogi, anong tawag naman ng girlfriend mo sa’yo?” saad ng babae na lihim na kinikilig at naiinggit sa kasintahan ng guwapong kausap.

“Paano mo naman nasabi miss, na para sa girlfriend ko ang Shih Tzu na bibilhin ko?” interesadong tanong ni Rafael.

“Hay naku pogi, sa tagal ko na dito sa trabaho ko, kadalasan kapag lalaki ang bumibili ng mga asong gaya ng Shih Tzu, sigurado akong para sa asawa, o nobya o ’pag minsan para sa kabit nila, at sigurado ako sa itsura mo, hindi ikaw ang klase ng tao na mag-aalaga ng mga cute na asong tulad ng binibili mo, no offence.” mahabang paliwanag ni Wendy sa lalaki.

Natuwa naman si Rafael sa matalinong babae.

“Tama ka miss, para nga ito sa mahal ko, kaya lang galit na galit siya ngayon sa akin.” saad ni Rafael.

“Well goodluck na lang sa’yo at sana mapatawad ka niya sa peace offerring mo.” saad ni Wendy.

“Sana nga miss, magkano nga lahat?”

“₱9350 lahat pogi.” sagot ng babae.

Nagbayad naman ng ₱10000 si Rafael at hindi na nito tinanggap ang sukli.

“Ay! Salamat sa sukli pogi, hayaan mo ipagdarasal ko na mapatawad ka ng anghel mo.” sigaw ni Wendy para marinig siya ng guwapo na at galante pang lalaki.

Araw ng sabado at mag-isa lang sa bahay si Joshua, nang makarinig ito ng ingay na nagmumula sa kanilang bakal na maliit na gate. Sa narinig ay kaagad na lumabas si Joshua, para malaman kung sino ang may gawa ng ingay na ’yon.

“Sir, dito ba nakatira si Joshua Santos?” tanong ng delivery boy, pagkakita nito sa lalaking lumabas sa bahay ng eksaktong address na nakalagay, sa kailangan niyang pagdalhan sa isang aso.

“Ako si Joshua Santos kuya, bakit po?” takang sagot at tanong ni Joshua sa delivery boy.

“May ipinadeliver sa inyo sir, maari bang pumasok ako?” sagot at hinging permiso ng lalaki.

“Ano iyon kuya? Wala kasi akong alam na tatanggapin kong padala kahit kanino.” tanong ni Joshua at piniling magduda at baka may balak sa kanya ng masama ang lalaki.

“Isang Shih Tzu na aso sir, kasama na ang kulungan at tali, pati na ang mga pagkain para rito.” sagot ng lalaki.

“Shih Tzu? Para sa akin? Naku kuya baka nagkakamali ka at kapangalan ko lang ang taong dapat na pagdalhan mo sa asong iyan.” ’di parin naniniwalang saad ni Joshua.

“Pero sir, sa mismong address ninyo nakalagay ang lugar ng pagdadalhan ko nito, kailangan na ninyong tanggapin ito, dahil mawawalan ako ng trabaho kapag hindi nakarating sa inyo ang asong ito.” paliwanag ng lalaki, na kailangang-kailangan ng tanggapin ng kausap ang asong dala, dahil malaki ang matatanggap niyang  bayad kapalit ng iniuutos sa kanya ng lalaki.

Sandali naman nakunsyensya si Joshua, pagkarinig nito sa tinuran ng delivery boy. Kaya wala na itong nagawa, kungdi ang pagbuksan ang lalaki.

“Heto sir, kailangan na lang ng pirma n’yo at kailangan ko na rin umalis.” saad ng delivery boy.

Kaagad naman pinirmahan ni Joshua ang kailangan niyang lagdaan, at pagkapirma nito sa papel.

“Heto sir, pakihawak na ang aso, at kailangan ko rin ipasok ang mga pagkain niya.” saad ng lalaki at abot nito sa asong nasa isang kulungan.

“Arf! Arf! Arf!” tahol ng aso pagkakuha ni Joshua rito.

Sandaling nakalimutan ni Joshua ang lalaking abala ngayon sa pagpasok ng mga pagkain ng aso, dahil nasa cute na Shih Tzu na ang tingin nito.

“Paano sir, aalis na rin ako, salamat at ingatan n’yo raw ang aso n’yo.” saad ng delivery boy at umalis na rin ito.

At hindi na naitanong pa ni Joshua sa delivery boy, ang tungkol sa kung sino ang nagpadala ng aso sa kanya.

Ganunman, minabuti na lang ni Joshua na ilabas ang Shih Tzu sa kulungan, para makita nito kung gaano ka-cute ang aso, na wala siyang kaide-ideya kung kanino galing.

“Ang cute mo naman, ikaw baby, kilala mo ba kung sino ang nagpadala sa’yo sa akin?” kausap ni Joshua sa munting aso.

“Arf! Arf!” tahol ng aso at napailing na lamang si Joshua.

“Hehe oo nga pala, hindi nga tayo magkakaintindihan, ano kayang itatawag ko sa’yo?” kausap muli ni Joshua sa aso, at saglit na nag-isip ang binatang sakristan.

“Dahil may kulay abo naman ang balahibo mo, tatawagin na lang kitang Ash, gusto mo ba iyon?” kausap muli ni Joshua sa aso.

“Arf! Arf!”

“Okay Ash na lang, mukhang nagustuhan mo naman ang pangalan mo.” nakangiting saad ni Joshua.

Sakay ng nakaparadang sasakyan malapit sa bahay ni Joshua, masayang pinagmamasdan ni Rafael ang kanyang anghel.

“Paalam anghel ko, at sana isang araw magkita muli tayo.” saad ni Rafael at pumatak ang luha sa mga mata nito, matapos pahiran ang mga luha gamit ang isang kamay, tuluyan ng pinaandar ni Rafael ang sasakyan palayo sa unang taong minahal nito.

XII

Mabilis na lumipas ang dalawang linggo, matapos ang masamang naranasan nito. Ngayon ang araw na pupunta sila sa resort na pagmamay-ari nila Luis, para sa huling pagsasama-sama nilang magkakaibigan. Hindi na rin ipinagpatuloy ni Joshua ang pagiging sakristan nito, na lubos na ipinagtaka ng mga taong nakapalibot sa kanya. Para kay Joshua, matapos ang nangyaring panggagahasa sa kanya ni Rafael, hindi na siya karapat-dapat para pagsilbihan ang simbahan. Natuto na rin itong magsinungaling, para sa ikabubuti lalo na ng kanyang mga magulang. Nagtataka man nung una ang mga magulang sa biglaan nitong pagtigil bilang sakristan, idinahilan na lamang ni Joshua ang tungkol sa pag-aaral nito sa kolehiyo. At dahil ito rin ang gusto, lalo na ng kanyang nanay na nag-aalala sa kanya, mabilis na natanggap ng kanyang mga magulang ang pagtigil ni Joshua bilang isang sakristan.

Matapos mailagay sa isang bag ang mga damit at gagamitin niya sa dalawang araw nila sa resort. Dala ang bag ay lumabas na ng kuwarto si Joshua.

“Anak mag-iingat kayo ah, at huwag masyadong magpakalasing lalo na kung maliligo kayo sa dagat.” bilin ni Wilma sa anak ng makitang dala na nito ang kanyang bag, para sa magiging bakasyon kasama ang mga kaibigan.

“Opo nay. Kayo na muna ang bahala kay ash.”

“Beep! Beep!” maingay na narinig ni Joshua na galing sa busina ng sasakyan.

“Sige nay, alis na kami, para hindi kami gabihin sa biyahe.” paalam ni Joshua sabay halik nito sa ina.

“Bye nak, huwag kang mag-alala sa cute na aso mo, at sabihin mo sa driver ninyo, mag-ingat sa pagmamaneho.” huling bilin ng ginang.

“Opo nay.”

Paglabas nga ni Joshua, ang van na pag-aari ng pamilya ni Luis ang bumungad sa kanya at sakay na nito ang limang mga kaibigan.

“Sakay na Josh, tabi tayo.” sigaw ni Luis na nasa ikalawang bahaging upuan ng van.

Sumunod naman si Joshua at umupo ito katabi ni Luis.

“Excited na ako.” saad ni Joshua pagkasakay nito.

“Kami rin Josh, oo nga pala, napag-usapan namin kanina na dalawa ang magtatabi sa isang kuwarto, at ako na lang ang wala pang kasama, payag ka bang magsama na lang tayo?” tanong ni Luis.

“Syempre naman Luis, sino-sino ang magkakatabi sa inyo?” sagot ni Joshua at baling nito sa mga kasama pa nila na nasa likurang bahagi ng van.

“Kami syempre ng kababata ko.” sagot ni Wilson na akbay si Francis.

“At kami nitong amboy na ito.” sagot naman ni Marlon na akbay si July.

“Gaya lang ng dati Josh.” saad ni Luis na umakbay na rin kay Joshua.

“Oo nga, mamimiss ko itong samahan natin.” saad ni Joshua.

“Mamaya na ang drama Josh, magsaya na muna tayo!” sigaw ni Wilson na narinig ang kaibigang si Joshua.

At habang patungo sila sa resort nila Luis sa Boracay, sabay-sabay na kumanta ang magkakaibigan.

Pagdating nila sa resort, parang batang nag-unahan ang apat sa magkakaibigan papasok sa loob, naiiling naman si Joshua at Luis sa kalokohan ng mga kasama nila.

“Tara na Josh, sundan natin sila at hindi alam ng mga iyon ang mga magiging kuwarto nila.” yakag ni Luis sa kasama.

“Tama ka Luis, sigurado akong hinihintay na tayo ng mga iyon.” sang-ayon ni Joshua, habang abala ito sa paghanga sa ganda ng resort hotel na pag-aari ng kaibigan.

“Heto ang sa inyo, Wilson, Francis.” saad ni Luis at abot nito kay Wilson ng dalawang susi na may nakalagay na numerong 55.

“Heto naman ang sa inyo, Marlon, July.” abot rin ng dalawang susi ni Luis kay Marlon na may numerong 56.

“At heto ang sa atin Josh.” abot ni Luis ng susi kay Josh na may numerong 57.

“Paano, ilagay na muna natin ang mga gamit natin sa kuwarto, at magkita-kita tayo sa resto na nasa ibaba.” huling saad ni Luis na sinang-ayunan naman ng lahat.

“Ang ganda ng resort n’yo Luis, buti na lang at pumayag ang dad mo.” saad ni Joshua na abala sa paglalagay ng mga gamit sa isang kabinet.

“Siya nga ang nag-suggest na isama ko kayo dito, lalo na ng sabihin ko na maghihiwa-hiwalay na tayo.” sagot ni Luis.

“Ang bait pala ng dad mo no, pero kapag napapanood ko siya sa balita, mukha siyang masungit dahil madalang ko lang siyang makitang nakangiti kapag kinakapanayam siya.” kuwento ni Joshua.

“Hahaha isusumbong kita kay dad, Josh, pero tama ka, pagdating sa trabaho niya sa senado talagang seryoso siya.”

“Paano mo naman ako isusumbong, makakasama ba natin siya.” asar pabalik ni Joshua.

“Oo, makakasama natin siya mamaya.” ngising sagot ni Luis.

“Seryoso ka?” kabang tanong ni Joshua.

“Hahahaha sana nakita mo kung anong itsura mo kanina.” natatawang saad ni Luis, sa nakita nitong nanlalaking matang si Joshua dahil sa gulat.

“Loko ka talaga Luis, akala ko totoo na, kinabahan ako dun.” amin ni Joshua na natawa na rin sa sandaling iyon.

Gaya ng napagkasunduan ng anim, sama-sama at sabay na kumain ng hapunan ang mga ito, at dahil gabi na, minabuti ng magkakaibigan na bukas na lang magswimming sa dagat.

“Maiba ako mga tol, saan kayo magkokolehiyo? “ paglilihis sa usapan ni Luis, dahil panay kasi ang gagawin nila bukas dito sa resort ang pinag-uusapan nila kanina. Tol na rin ang bagong tawagan ng anim, dahil tatlo na lamang ang kasalukuyang sakristan parin sa kanila.

“Kami ni Francis tol, sa parehong state university ng probinsya natin.” sagot ni Wilson.

“Ako sa isang university sa US.” sagot naman ni July.

“Ako sa UP kapag nakapasa, pero kung hindi, isa sa mga university sa Maynila, dahil nandun si ate at nagtatrabaho.” sagot ni Marlon.

Bumaling naman ang lahat sa hindi pa sumagot sa tanong na iyon ni Luis.

“Ako hindi ko pa alam, malalaman ko palang pag-uwi ni tatay sa linggo, tinulungan kasi kami ng boss ni tatay para sa pag-aaral ko ng college.” sagot at paliwanag ni Joshua.

Matapos kumain at magpahinga ng kaunti, ipinakita ni Luis ang ilan pang mga puwedeng gawin sa kanilang hotel. Una nilang pinuntahan ang gym, sunod ang para sa mga gustong magpamasahe at kung anu-ano pang puwedeng i-enjoy habang nandirito sila sa hotel. At huling pinuntahan nila ay ang isang bar na naroroon din sa hotel.

Pagpasok nga ng anim, pinakita lang nila ang kanilang mga VIP cards at kahit na anong orderin nilang drinks at snacks ay kaagad na iseserve sa kanila.

“Mga tol ’wag masyadong papakalasing, para maaga tayong makapag-beach bukas.” paalala ni Luis.

“Tama si Luis, tikim-tikim lang.” sang-ayon ni Francis.

At gaya nga ng napagkasunduan ng lahat, minabuting beer na lang ang kanilang itatagay. Liban kay Joshua na tumanggi dahil hindi talaga ito palainom ng alak, kaya naman juice na lang ang ibinigay sa kanya ni Luis.

“Para sa matibay na pagkakaibigan natin.” saad ni Wilson sabay taas ng hawak nitong beer.

“Para sa pagkakaibigan.” sagot ng lahat at nagtoast ang mga ito sa mga hawak nilang inumin.

Naging masaya ang sumunod na dalawang araw ng anim na magkakaibigan dito sa Boracay. Walang katapusang swimming at iba’t-ibang klaseng sea adventure ang ginawa nila.

At ngayong gabi ay muling napagkasunduan ng lahat ang uminom, liban lang kay Joshua.

At dahil huling gabi na ng kanilang pagbabakasyon sa Boracay, sinulit na ng lima ang pag-inom, kaya naman lasing na lasing ang lima pagkatapos. At dahil alam ni Joshua na mangyayari iyon, sa tulong ng ilang tauhan ng daddy ni Luis, nagpatulong ito para ihatid sa kani-kanyang kuwarto ang apat. Samantala, minabuti ni Joshua na siya na lamang ang umakay sa kasama nito sa kuwarto na si Luis.

Pagkadating sa kuwarto ay maingat na inalalayan ni Joshua si Luis. Matapos maihiga ang lasing na kasama, naisipan ni Joshua na maligo na muna.

Habang nagpupunas ng basang buhok matapos maligo, nagulat na lamang si Joshua ng maramdaman ang mga brasong pumalupot sa kanyang bewang, na dulot ng pagyakap ng taong nasa likuran niya.

“Lu-luis.” saad ni Joshua dahil alam nito na ang kaibigang si Luis lang ang kanyang kasama sa kuwarto.

“Gusto kita Josh.” amin ni Luis sa nararamdaman nito.

Gulat naman ang reaksyon ni Joshua sa nalaman, at hindi nito alam ang susunod na gagawin.

“Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero ayokong maghiwalay tayo na hindi ko nasasabi sa’yo ang matagal ko ng nararamdaman.” saad muli ni Luis, nang wala itong marinig na sagot sa yakap parin na si Joshua ay nagsimula na rin ito sa paghalik sa batok ng huli.

Doon na nahimasmasan si Joshua at mabilis na humiwalay sa mga brasong yakap-yakap siya.

“Mahalaga ka rin sa akin Luis.” simula ni Joshua na humarap na sa kaibigan. “Pero hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo.” dagdag pa ni Joshua.

“Please bigyan mo muna ako ng pagkakataon, ayokong sumuko kaagad at hindi rin kita inuubliga na suklian ang nararamdaman ko, pero sana hayaan mong iparamdam ko sayo na gusto kita.” pakiusap ni Luis.

Hindi alam ni Joshua ang isasagot sa sandaling iyon, pero ng maisip ang pinagsamahan nila ng kaibigan at ang mga mabuting nagawa sa kanya ni Luis, nakapagdesisyon na rin ito.

“Sige hahayaan kita, pero wala akong maipapangako na masusuklian ko ang nararamdaman mo.” sagot ni Joshua.

“Salamat Josh.” tuwang saad ni Luis at muling niyakap si Joshua.

XIII

Sa ikatlong linggo matapos ang masamang nangyari kay Joshua. Ginising siya ng pagsakit ng kanyang tiyan, kaya naman mabilis itong bumangon at tinungo ang banyo dahil parang masusuka rin ito.

“Uhk! Uhuh uhkk uhuh.” ingay na dulot ng pagsusuka ni Joshua.

‘Ano bang nakain ko?’ kausap sa sarili ni Joshua matapos ang pagsusuka, kahit wala namang lumabas sa mga kinain niya kagabi. Sinubukan rin nitong magbawas, subalit wala rin naman itong idinumi. Nang medyo umayos na ang kanyang pakiramdam, naisip na lang ng binata na maligo na.

Matapos maligo at ngayon ay kasalukuyan na siyang nagbibihis, sunod na naamoy ni Joshua ang para sa kanya’y hindi maatim ng kanyang pang-amoy, kaya naman mabilis itong bumaba para alamin ang niluluto ngayon ng kanyang ina.

“Nay ang baho, ano bang niluluto mo?” tanong ni Joshua sa ina.

“Anak naman, kailan ka pa nabahuan sa panggigisa ko, mabuti pa ay gisingin mo na ang tatay mo, para sabay-sabay tayong kuma-” hindi na natapos pang lintanya ng ginang, dahil mabilis na nagtungo muli ng banyo si Joshua ng maramdaman muli ng binata na maduduwal na naman siya.

“Anong nangyari sa batang iyon?” takang tanong ni Wilma ng makita nito ang mabilis na pagbalik ng anak sa kuwarto.

“Uhk! Uhk uhk!” ingay ng muling naduduwal na si Joshua.

Matapos magmumog ay bumalik na muli ng kusina si Joshua.

“Anak anong nangyari at nagsuka ka yata?” tanong ni Wilma na rinig ang pagsusuka ng anak.

“Ewan ko ba nay, dalawang beses na niyan akong nagsuka, pero wala naman akong nilalabas.” sagot ni Joshua.

“Mabuti pa kumain ka na, ako na lang ang gigising sa tatay mo at uminom ka na rin ng gamot pagkatapos baka hindi ka lang natunawan.” saad ng ginang.

“Kakain na lang ako nay, alam niyo naman na ayokong umiinom ng gamot, tsaka nawala na rin ang pagsakit ng tiyan ko.” sagot ni Joshua.

“Sige ikaw ang bahala.” sagot ni Wilma sa anak at pinuntahan na ang asawa para gisingin ito.

Pag-alis ng nanay niya, sinumulan na ni Joshua ang pagkain ng almusal na ginisang gulay. Pero pagkaamoy pa lang ni Joshua sa pagkain, mabilis nitong tinakpan ang nasabing pagkain sapagkat hindi nito matiis ang mabaho nitong amoy. At dala ng ayaw nito ng kanilang almusal ngayon, naisipan na lang ni Joshua na bumili ng almusal kila aling Fe.

Sakay ng motor na minamaneho ni Onyok, bumili ng almusal na champorado si Joshua at ng mahagip ng mga mata ng binata ang tinda rin na bayabas ni aling Fe, halos mangalahati ang binili ng binata sa tindera.

“Naku Josh hindi ko alam na paborito mo pala ang bayabas, heto idagdag mo pa ang mga ito.” tuwang saad ni Fe sa kinagigiliwang mabait na binata, sabay lagay ng ilan pang piraso ng bayabas sa plastik.

“Salamat po at ewan ko nga po aling Fe at parang gusto kong kumain ng mga ito.” sagot ni Joshua.

“Naku kung gusto mo pa kapag naubos mo iyan, balik ka dito bukas dahil marami akong tanim ng mga bayabas.” tuwang saad ng matanda.

“Sige po at hihingi rin ho ako ng dagdag ah.” nakangiting saad ni Joshua.

“Oo naman, basta para sa’yo.” sagot ng matanda.

“Pasensya na kuya at nagkuwentuhan pa kami ni aling Fe.” paumanhin ni Joshua sa driver na naghihintay sa kanya.

“Wala ’yon Josh.” nakangiting sagot ni Onyok, sa hinabilin sa kanya ng boss na si Rafael.

Pagbalik ni Joshua sa bahay, nagtatakang pinagmamasdan ng mag-asawang Martin at Wilma ang ikinikilos ng anak na kasalukuyan ng kumakain ng champorado.

“Anak, ayos ka lang?” ’di na napigilang pang tanong ni Wilma sa anak.

“Oo naman nay, bakit po?” sagot at tanong pabalik ni Joshua sa ina.

“Eh ngayon mo lang tinanggihan ang luto kong ginisang gulay, tapos kaninang naggigisa ako, sinabihan mo pang mabaho ang niluluto ko.” paliwanag ni Wilma.

“Eh mabaho naman kasi nay.” depensa ni Joshua.

“Naku baka nagsawa na ang anak natin sa luto mo, mahal.” komento naman ni Martin sa asawa.

“Ewan ko sa inyong magtatay, pinagtutulungan n’yo na naman ako.” naiiling na saad ni Wilma.

Hindi na pinansin pa ni Joshua ang mga magulang, at ngayon ay sinimulan na nitong kainin ang mga bayabas na kanina pa siya takam na takam na kainin.

Kung kanina ay nagtataka sila sa anak, ngayon ay nag-aalala na ang mag-asawa sa kinikilos ng anak na abala sa pagkain ng mga bayabas. Ngayon lang kasi nakita ng mga ito na kumain ng nasabing prutas ang anak, dahil dati-rati ay ayaw na ayaw nito ang bayabas.

“Mahal hindi kaya nanuno ang anak natin?” alalang saad ni Wilma sa mister.

“Mahal naman, baka trip lang ni Josh ang kumain ng bayabas, isa pa masustansiya naman ang prutas na iyan.” sagot ni Martin sa misis.

“Josh, baka gusto mong bigyan mo rin kami ng nanay mo.” parinig ni Martin sa anak.

Sa narinig sa ama, napatingin si Joshua sa mga bayabas na natira pa, at medyo nagulat pa ang binata na halos kalahati na ng higit sa sampung nabili niya ang tapos na nitong lantakan.

“Tay kaunti na lang ito, ibibili ko na lang kayo mamaya.” tanggi ni Joshua sa ama.

Nagkatinginan muli ang mag-asawa dahil sa sagot na iyon ng kanilang anak.

Sa gabi ng hapunan, habang abala ang mag-anak na Santos sa kanilang pagkain. Naramdaman na naman ni Joshua na parang masusuka na naman ito, kaya naman mabilis itong tumayo at sa lababo na lang na malapit ito nagtungo.

“Uhk uhk uhk!”

Sa narinig ng mag-asawa sa kanilang anak, tumayo na si Wilma para hagurin ang likod ni Joshua na kasalukuyang naduduwal parin.

“Anak magbihis ka pagkatapos mong magsuka, pupunta na tayo ng ospital at baka napano ka na.” alalang saad ni Martin.

“Sige po tay.” sang-ayon ni Joshua matapos nitong magmumog at maghilamos.

Naghihintay sa labas ng kuwarto ng ospital ang mag-asawang Santos, habang ilang oras na rin na nasa loob ang kanilang anak na si Joshua at kanina pa tinitignan ng doktor.

Habang abala si Dr. Alcantara sa pagtingin sa pasyente, naisip kaagad ng doktor na imposible ang maaaring kalagayan ngayon ng lalaking pasyente, base na rin sa sintomas na narinig nito mismo sa pasyente. At kahit pa imposible, minabuti ng doktor na kumuha ng sample ng ihi ng lalaking pasyente, para icheck sa pamamagitan ng pregnancy test kit. At ilang minuto lang ang lumipas, nanlalaking mata si Dr. Alcantara na naging positive ang naging resulta ng ginawang test sa lalaking pasyente.

“Mr and Mrs Santos, sundan ninyo ako sa opisina ko.” saad ni Dr. Alcantara sa mga magulang ng lalaking pasyente.

Kinakabahan naman ang mga magulang ni Joshua sa tinuran na iyon ng doktor, pero kaagad naman sumunod ang mga ito sa gusto ng doktor.

“Hindi ko alam kung paano nangyari, pero walang sakit ang anak ninyo, sa katunayan ay nagdadalang-tao ito.” lahad ng doktor sa tunay na kalagayan ni Joshua.

“Dok paano nangyari iyon?!” gulat na bulalas ni Wilma.

Gulat na gulat at hindi rin makapaniwala si Martin sa lagay ngayong ng kanilang anak na lalaki.

“Dok posible ba iyon eh lalaki ang anak namin.” saad ni Martin.

“Maniwala kayo Mr and Mrs Santos, ako man ay nagulat, pero iyon ang lumabas sa pregnancy tests, na apat na beses kong isinagawa sa anak ninyo.” saad ng doktor at ipinakita nito ang mga pregnancy tests kits na nakalagay sa malinaw na plastik.

Nanghihinang napaupo na lamang ang mag-asawang Santos sa lagay ngayon na kanilang anak.

“Alam kong mahirap paniwalaan, pero hindi ito ang unang kaso na may lalaking nakapagbuntis dahil may naitala na rin sa ibang bansa, pero aaminin ko na ito ang unang beses na may maitala dito sa atin sa Pilipinas, at para hindi kayo mag-aalala, sinisiguro ko na walang ibang makakaalam sa kaso ng anak ninyo, at dahil special ang case ng anak ninyo, kung papayag kayo na dito siya manganganak, wala na kayong gagastusin para rito.” mahabang saad ni Dr. Alcantara.

Matapos makausap ang doktor, hindi alam ngayong ng mag-asawa kung papaano ipapaliwanag sa anak ang totoong sitwasyon nito. Dahil rin sa nalaman na buntis nga ang anak na si Joshua, naunawaan na ni Wilma kung bakit naduduwal ang anak at labis ang pagkagusto sa dating hindi naman nito gusto na bayabas, siya ay naranasan rin nito ang mga ganoong bagay ng ipinagbubuntis niya si Joshua. Isa pang gumugulo ngayon sa mag-asawa kung sino ang ama ng pinagbubuntis ng anak, gayung bukod sa mga kaibigan ni Joshua na kapwa dati nito sakristan, wala na silang kilala na naging malapit pa sa anak.

“Mahal paano kapag hindi natanggap ng anak natin ang sitwasyon niya?” alalang tanong ni Wilma sa kabiyak, habang abala rin ang ginang sa paghaplos sa buhok ng nakatulog ng anak.

“Hindi ko rin alam mahal, pero higit na kailangan tayo ng anak natin sa ngayon.” sagot ni Martin sa nag-aalalang asawa.

Pansin ni Joshua ang hindi mapakali at tahimik lang na mga magulang, habang abala naman ito sa pagkain ng almusal dito sa loob ng kuwarto ng ospital.

“Tay, nay, anong sabi ni dok sa lagay ko?” tanong ni Joshua sa mga magulang, pagkatapos nitong kumain.

“Anak makinig ka sasabihin ni tatay.” simula ni Martin at hinawakan na ang dalawang kamay ng anak sa sandaling iyon. Medyo kinabahan naman si Joshua sa paraan ng seryosong pagsasalita ng ama. “Josh anak, anumang mangyari nandito lagi kami ng nanay mo, buntis ka anak.” lahad ni Martin sa katotohanan.

“Pa-paano tay?!” gulat na saad ni Joshua, kasunod noon ay kumawala ang mga luha sa mga mata ng binata.

“Hindi rin namin alam ng nanay mo anak, pero sabi ni dok hindi daw imposible ang kalagayan mo, dahil may mga kasong kagaya ng iyo sa ibang bansa anak.” pagbibigay lakas ng loob ni Martin sa anak.

“Tama ang tatay mo anak, huwag kang mag-alala at walang ibang makakaalam sa kalagayan mo, wala rin tayong gagastusin kapag nakapanganak ka na sabi ni dok.” dagdag pa ni Wilma sa anak.

“Pe-pero papano ang pag-aaral ko sa kolehiyo nay?” tanong ni Joshua.

“Kailangan mo munang huminto anak, para hindi rin malaman ng iba, lalo na kapag lumaki na ang tiyan mo. Isa pa anak, sino ang tatay ng ipinagbubuntis mo?” sagot at tanong ni Wilma sa anak

Sandaling natigilan si Joshua ng marinig ang tanong na iyon ng kanyang ina, at sa puntong iyon, bumalik rin sa ala-ala ni Joshua ang ginawa sa kanya ni Rafael na pilit na niyang kinakalimutan, pero ngayon na nagkaroon ng bunga ang nangyari sa kanila, alam ng binata na imposible pa na makalimutan niya ang bangungot na iyon. Atsaka naisip ni Joshua ang tungkol sa pagpapalaglag sa bata, pero kung paano mabilis na sumagi sa isip niya ang bagay na iyon, mabilis rin na kinalimutan ng binata ang hindi kaya ng konsensya niya, mali man ang nangyari sa kanila ni Rafael, alam ni Joshua na hindi niya kayang putulin ang nagsisimula palang na mabuhay sa kanyang tiyan.

“Hindi pa po ako handang ikwento sa inyo ang tungkol sa tatay niya, pero handa po akong ituloy ang pagbubuntis ko sa magiging apo ninyo, basta po samahan ninyo ako hanggang sa ipanganak ko po siya.” saad ng naluluhang si Joshua.

“Oo naman anak, at hahayaan ka namin ng mama mo, kung ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa tatay ng magiging apo namin.” maagap na sagot ni Martin at paggalang nito sa kagustuhan ng anak.

“Salamat po tay, nay.” sagot ni Joshua, at alam ng binata na kakayanin nito ang lahat, dahil may mga magulang na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

XIV

AUTHOR’S NOTE:

Mpreg (short for male pregnancy) is a plot device in which men become pregnant.

In these fanworks, the man who gets pregnant is usually human and cisgender. There is often no explanation for the phenomenon, although it may be explained by magic, medical experimentation, or simply the existence of an alternate universe where men are commonly pregnant.

Gaya nga ng nasa itaas, mpreg ang genre ng story na ito at sa ganitong story, posibleng mabuntis at manganak ang lalaking karakter. Sa hindi kumportable sa ganitong story, anytime puwedeng ’wag mo ng basahin ito, at sana naman na explain na nito kung bakit nabuntis at nanganak si Joshua.

Sa pagbubuntis ni Joshua, tanging si Dr. Alcantara lamang ang may alam sa lagay na iyon ng binata. Kaya naman lubos itong pinagpasalamat ni Joshua, pati na ng kanyang mga magulang. Sinabihan rin ni Joshua na bumalik na sa pagtatrabaho ang kanyang ama, na nagpumilit pa nung una na samahan sila ng kanyang nanay hanggang sa makapanganak siya.

At mabilis na lumipas ang ilang buwan at nalaman na rin nila na lalaki ang kasarian ng magiging baby niya. Matapos nun, ipinaliwanag na rin kay Joshua ni Dr. Alcantara na sa kanyang panganganak ay sasailalim siya sa cesarean operation. Naiintindihan naman ito ni Joshua at ang tanging gusto ay maipanganak ng malusog ang kanyang magiging baby.

Dumating na ang takdang araw ng magiging cesarean operation ni Joshua, para maipangananak na nito ang anak na lalaki.

Hindi naman mapakali ang mag-asawang Santos, na kinakabahan sa panganganak ng kanilang anak na si Joshua.

“Unga! Unga!” huling natandaan ni Joshua at nawalan na ito ng malay habang inoopera siya ng mga doktor.

Rinig ng mag-asawang Santos ang iyak na iyon ng sanggol at alam ng mag-asawa na galing ito sa anak ng kanilang anak na si Joshua. Kasunod nga nun ay nakangiting lumabas si Dr. Alcantara sa operating room.

“Congratulations Mr and Mrs Santos, malusog ang apo ninyong lalaki at ligtas rin ang inyong anak, pero nakatulog ito. Mamaya ay maaari na ninyong puntahan sa nursery ang apo ninyo.” nakangiting balita ni Dr. Alcantara sa mag-asawa.

“Salamat sa Diyos, at maraming salamat rin sa’yo dok.” masayang saad ni Wilma.

“Diyos ko salamat po, salamat rin po dok.” saad rin ni Martin.

Pagkaroon muli ng malay ni Joshua, kaagad nitong nakita ang ina na hawak-hawak ang sanggol.

Napansin rin ni Wilma ang paggising na ng kanyang anak, kaya naman lumapit na ito kay Joshua para itabi ang baby ng huli.

Pagkakita ni Joshua sa anak, sa isang iglap lang kumawala ang mga luha nito sa mga mata sa labis na kaligayahan.

“Baby, ako si papa.” kausap ni Joshua sa anak.

“Ganyan din ang pakiramdam ko anak, nang ibigay ka ng Diyos sa amin ng tatay mo.” naluhang saad ni Wilma sa anak.

“At sobrang saya namin ng nanay mo, na nadagdagan ng bagong miyembro ang pamilya natin anak, anong ipapangalan mo sa kanya Josh.” saad ni Martin at hinalikan ang ulo ng anak.

“Kristoff, ang pangalan niya tay.” sagot ni Joshua.

“Ang gandang pangalan anak, bagay sa guwapong anak mo at apo namin.” saad ni Wilma.

“Sigurado ako, magseselos niyan si Ash.” nakangiting saad ni Martin.

“Oo nga po tay, nasaan po pala ang cute na iyon?” tanong ni Joshua.

“Nasa tito Jonathan mo anak, alam na rin niya ang tungkol sa iyo. At nagkasundo kami ng tito mong pari at nanay mo, na uuwi muna tayo sa probinsya nila, para makaiwas tayo sa mga kapit-bahay natin na siguradong magtataka kapag nakita nila si baby Kristoff.”

“Tama po kayo tay, pakikuha na lang po kay tito, si Ash, kapag uuwi na tayo sa probinsya nila nanay.” sang-ayon at pakiusap ni Joshua sa ama.

“Sige anak, tignan mo, nakatulog na si baby dahil nakatabi mo na siya.” saad ni Martin.

“Kuya kamusta na si Josh?” bungad ni Rafael pagkasagot ng kuya nito sa kanyang tawag.

“Hello din Rafael, wala parin akong balita sa kanya, isang taon na rin silang umalis sa tinitirhan nila, at walang may alam kung saan sila nagpunta, dahil maging ang mga kapit-bahay nila ay nagtaka sa biglaan nilang pag-alis.” sagot ni Jaime sa kapatid.

“Paano kuya kung may masamang nangyari sa kanya, pakiusap, gawan mo ng paraan para makakuha ng impormasyon sa kanila, lalo na kay Josh.”

“Maniwala ka Rafael, ginagawa ko ang lahat para makabalita sa kanila, ’wag kang mag-alala dahil tatawagan kita kaagad kapag may nalaman na ako, sa ngayon ay ipagpatuloy mo ang pag-aaral diyan sa Amerika.” pagsisinungaling ni Jaime.

6 years later

“Papa wake up na, start na ng pasok ko sa school.” yugyog ng batang si Kristoff sa papa nito, at nagising na rin ang asong si Ash sa sandaling iyon na katabi rin ng mag-ama sa kanilang pagtulog.

“Baby, maaga pa, tulog muna tayo.” sagot ng inaantok pang si Joshua sa anak.

“Dali na papa, isusumbong kita kay Grandma.” sagot ng bata na talagang excited ng pumasok sa school.

“Kristoff, that’s bad.” saway ni Joshua sa anak.

“Sorry papa, but I’m excited na to go to school.” tampong sabi ng bata habang nakanguso pa ito.

Lihim naman na napangiti si Joshua sa itsura ng cute nitong anak, kaya naman bumangon na rin ito.

“Okay, but papa need a kiss first, before we go to your school.” saad ni Joshua.

At kaagad naman siyang hinalikan sa magkabilang pisngi ng anak, kaya naman pinaliguan na rin ni Joshua ang anak.

Pagbaba ng mag-amang Joshua at Kristoff, kasama ang asong si Ash, nadatnan ng mga ito na handa na ang kanilang almusal, kasalukuyan na rin kumakain ang mga magulang ni Joshua.

“Apo excited ka na ba sa school?” tanong ni Martin sa apo.

“Yes po grandpa.” bibong sagot ni Kristoff sa kanyang lolo.

“Ikaw ba ang maghahatid sa kanya, anak?” tanong ni Wilma kay Joshua, sabay kuha nito sa alagang aso ng anak.

“Opo nay, kailangan ko rin makausap ang magiging teacher niya, tungkol sa magiging klase ni Kristoff, pero sa susunod pong mga araw ay si tatay na muna ang kasama niya.” sagot ni Joshua.

“Tama ang anak mo, mahal, baka hindi na magawa iyon ni Joshua dahil sa kakapromote palang sa kanya sa trabaho.” saad ni Martin.

“At salamat tay, pasensya na rin at napapabayaan ko ang anak ko.” sagot ni Joshua.

“Wala ’yon anak, at hindi mo napapabayaan si Kristoff, tignan mo nga, lumaking magalang at matalino ang apo namin gaya mo anak.” saad at kontra ni Martin sa sinabi ng anak.

“Salamat po sa inyo ni nanay, tay, dahil palagi po kayong nandito sa amin ng apo ninyo.” saad ni Joshua.

Nakapagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management si Joshua. At kasalukuyan itong Manager sa isang five star Hotel and Resort sa Batangas. Dito na rin sila sa Batangas nakatira ng kanyang mga magulang. Sa tulong ng mga magulang, nakabili sila ng isang two storey house sa isang subdivision. May grocery store naman ang kanyang ina at tumatanggap parin ito paminsan-minsan ng mga nagpapatahi. Ang tatay naman nito ay naibili na rin niya ng secondhand pero maayos parin na sasakyan, na ginagamit nito bilang taxi. Samantala, kakakuha lang niya ng car loan kaya may nagagamit na rin siya papasok sa kanyang trabaho.

“Kristoff say your goodbyes to grandpa and grandma.” saad ni Joshua sa anak.

“Bye grandma, bye grandpa.” sunod ng bata sa papa nito at humalik pa sa lolo’t lola nito.

“Ash alis na kami ni Kristoff, be a good boy okay?” saad ni Joshua na pinuntahan ang seven years old na niyang alagang aso.

“Arf! Arf!” tahol ng asong si Ash.

Pagdating sa school na papasukan ni Kristoff, naglakad na ang mag-ama patungo sa silid ng magiging teacher ng bata.

“Goodmorning sir, sige po pasok kayo.” nakangiting bati ni teacher Olive Punzalan kay Joshua.

“Goodmorning din ma’am, kayo na po ang bahala sa anak ko.” bati rin ni Joshua sa teacher, na batid ng una na baka kaedad o mas bata pa sa kanya ang guro.

“Makakaasa po kayo sir.” saad ng guro at sinamahan na ang batang si Kristoff papunta sa isang upuan na nasa harapan.

Hinintay naman ni Joshua ang pagbalik ng teacher para makapag-usap sila.

Ilan minuto rin silang nag-usap ng guro, nakasiguro rin si Joshua na magiging maayos ang pag-aaral ng anak, sa mga nalaman nitong polisiya at istriktong seguridad na meron ang school na nalaman niya sa kausap na teacher.

“Salamat sa oras teacher Punzalan.” saad ni Joshua at nakipagkamay ito sa dalaga pa palang guro.

“Masyado namang pormal ang teacher Punzalan, sir, okay na ang teacher Olive at mukhang hindi naman nalalayo ang edad natin.” pigil sa kilig na saad ni Olive na naguwapuhan sa papa ng cute rin niyang estudyante.

“Sige teacher Olive, ako pala si Joshua, but you can call me Josh at heto ang calling card ko, incase na kailangan ako ng anak ko.” saad at pakilala ni Joshua sa teacher ng anak.

“Sige sir Josh, at gaya ng sabi ko kanina, nasa mabuting pangangalaga ng school ang mga estudyante namin.”

“At iyan ang aasahan namin na mga magulang nila, sige aalis na rin ako teacher Olive.”

“Sige sir Josh.” nakangiting saad ni Olive.

Kalalapag palang ng eroplanong sakay si Rafael. At ngayon matapos ang pitong taon, nagbabalik siya sa Pilipinas. Iba sa dating barumbado at sigang binata. Ngayon ay isa na siya sa pinaka-kilalang negosyante at ang yaman na mayroon ito noon ay hindi lang triple kungdi sampung beses pang lumaki at aabot na sa kalahating trillion ang networth na mayroon ito. Ngunit sa dami man ng kanyang yaman na mayroon siya, nanatiling malungkot ang bilyonaryong bachelor. At iisang tao parin ang dahilan ng pag-uwi nito ng Pilipinas. At kung noon ay tinupad nito ang pangako niya sa lalaking mahal, ngayon ay babaliin na niya ito dahil sinisiguro niya na iibigin rin siya pabalik ng lalaking tanging laman ng kanyang puso at isipan sa nakalipas na mga taon.

XV

“Sir Josh nabalitaan mo na ba ang tungkol sa bagong may-ari ng hotel na pinagtatrabahuhan natin?” bungad ni Rica sa amo nito.

“Ang aga-aga Rica, tsismis ang isasalubong mo sa akin.” saad ni Joshua habang papunta ito sa upuan ng kanyang opisina.

“Kilala mo ako sir, pero seryoso kilala mo na ba siya?” giit pa ng sekretarya sa amo.

“Ano munang schedules ko ngayong araw? Bago ko sagutin iyon.” tanong ni Joshua sa sekretarya.

“9 AM sir sa bagong supplier ng mga pagkain. 10 AM may meeting ka with Mr. Montero tapos-” naputol na pagsasalita ni Rica ng sumabat si Joshua.

“Shit! Ire-sched mo ang 9 AM at isingit mo bukas, kailangan ko mismong tignan ang tutuluyan ni Mr. Montero.” at mabilis ngang lumabas ng opisina si Joshua, para ito mismo ang makakita sa VIP room na tutuluyan mamaya ng kaibigang si Luis.

“Palitan ninyo ng puti ang lahat ng nandito sa kama.” utos ni Joshua sa mga empleyado. Sunod ay tinignan ni Joshua ang banyo at ng makuntento na malinis ito, pinasadahan nito ng tingin ang buong sulok ng kuwarto na iyon.

Pigil naman ang hininga ng mga empleyado at takot na may makitang pagkakamali ang istriktong manager. Nang makasiguro na maayos ang lahat, nakahinga na ng maluwag si Joshua.

“Good job to all of you, asahan ninyo na kakausapin ko ang bagong may-ari, para sa dagdag na suweldo ninyo.” saad ni Joshua.

Labis naman na ikinatuwa ng lahat ang narinig, kaya kahit pa may pagkaistrikto ang bagong manager, masaya sila na ito ang kasama nila sa trabaho.

“Kamusta ka na?” nakangiting tanong ni Luis sa kaibigan na sobra niyang namiss.

“Heto stress dahil sa pagdating mo.” biro ni Joshua.

“Hahaha hindi ka parin nagbabago, masaya ako na nagkita muli tayo, kahit pa bigla ka na lang naglaho sa aming lima.” saad ni Luis.

“Alam mo na ang tungkol diyan tol, pasensya na rin at hindi ko napabigyan ang tungkol sa hinihingi mo, eh biglaan rin naman ang nangyari na nakabuntis pala ako.” saad ni Joshua at pagsisinungaling muli nito. Hanggang sa ngayon, wala ng ibang nakaalam ng tungkol sa panganganak niya, pinanindigan din niya ang nabuo nilang kuwento ng mga magulang, na nakabuntis siya ng babae at namatay naman ito sa panganganak.

“Oo nga, akala ko nung binibiro mo lang ako, pero pagkakita ko sa larawan ninyo ng anak mo, hindi maikakaila na anak mo nga siya at magkamukhang-magkamukha kayo.” saad ni Luis.

“At hindi ko nakalimutan ang gulat sa mukha mo pagkatapos.”

“Masisisi mo ba ako, maiba ako, nabalitaan mo na ba ang tungkol sa apat pang kaibigan natin?” saad ni Luis.

Isang tango ang naging sagot ni Joshua at hindi parin ito makapaniwala ng malaman nito ang tungkol sa apat, ilang buwan palang ang nakakaraan. Gumawa kasi sa kauna-unahang pagkakataon ng isang social media account si Joshua, bilang marketing strategy para sa pinagtatrabahuhan nitong Hotel and Resort. At dahil kilala siya ng mga dating kaibigan, kaagad na nakausap niya ang mga ito online. Kaya naman marami itong nalaman sa mga ito at ganun din ang apat sa kanya, na gulat na gulat ng ipaalam ni Joshua ang pagkakaroon na nito ng anak. Pero hindi lang sila ang nagulat, dahil nalaman rin ni Joshua na may relasyon sina Francis at Wilson, pero mas nagulat ito sa nalaman na isang taon ng kasal si July at Marlon na naninirahan na pareho sa California.

“Hindi nga parin ako makapaniwala.” saad ni Joshua matapos muling pag-usapan nila ni Luis ang tungkol sa apat nilang kaibigan.

“Paano ang manhid mo, ako matagal ko ng nahahalata ang tungkol sa kanila.” amin naman ni Luis.

“Eh malay ko ba na may iba na palang ibig sabihin ang pag-akbay mo sa akin, tsinatsansingan mo na pala ako noon pa hahaha.” natatawang biro ni Joshua.

“Ang yabang mo ah, ’di bale tutal wala ka namang asawa, baka naman pagbigyan mo ako mamayang gabi.” ganting biro ni Luis at isang kindat pa ang ibinigay nito kay Joshua.

“Loko, tama na ang magkaibigan tayo, hindi ba sikat ka ng modelo ngayon, kung lalaki lang ang hanap mo, sigurado akong marami ang magkakandarapa maikama mo lang sila.” naiiling na saad ni Luis.

“Hindi nga Josh, ayaw mo bang subukan man lang?” asar muli ni Luis.

“Hindi, isa pa, sapat na ang anak ko na meron ako.” tanggi ni Joshua.

“Sige na nga, hindi na kita pipilitin, pero hindi nakalock ang pinto ko mamayang gabi, puwede mo akong puntahan kapag nagbago ang isip mo.”

“Sira, mabuti pa kumain na lang tayo.” naiiling na sagot ni Joshua.

Gamit ang sasakyan, binaybay na ni Rafael ang daan papunta sa probinsya ng Batangas, dito niya sisimulan ang muling pagtatagpo ng landas nila ni Joshua.

“Sorry Josh, pero hindi ako susuko hanggang sa masuklian mo ang pagmamahal ko sa’yo.” saad ni Rafael habang patuloy ito sa pagmamaneho.

Nang masamahan ni Joshua ang kaibigang si Luis patungo sa kuwarto ng huli. Sinimulan ng magtanong ni Joshua sa kaibigan.

“Tol buti at binili pa ng daddy mo ang hotel na ito?”

Nagtataka naman na napatingin si Luis sa kaibigan.

“Si dad bibilhin ito? Saan mo naman nabalitaan ang tungkol diyan?” tanong pabalik ni Luis sa kaibigan.

“Sa boss ko, well sa dating boss na simula bukas, kasi ipinagbili na niya sa iba itong hotel na pag-aari niya. At ang sabi niya sa akin, isang Montero ang pinagbentahan niya, tapos dumating ka ngayon dito, kaya akala ko ay ang dad mo ang tinutukoy ni boss.” mahabang paliwanag ni Joshua.

Saglit na napaisip si Luis, at ng maisip nito na ang taong iyon marahil ang nakabili ay napailing na lang ito.

“Well sorry to disappoint you Josh, hindi si daddy ang taong ’yon, huwag kang mag-aalala malalaman mo rin bukas kung sino ang taong iyon.”

“Kunsabagay tama ka, o sige babalik na ako sa opisina ko, enjoy your stay at kita tayo bukas.” ngiting paalam ni Joshua at iniwan na nito ang kaibigan.

“Good Afternoon Mr. Montero.” bati ng Presidente at may-ari na isang exclusive private school dito sa Batangas, sa kilalang lalaking dumalaw sa kanilang school.

“Good Afternoon also Mr. Dizon, on behalf of my brother Senator Montero, nandirito ako ngayon para personal na iabot sa inyo ang kaunting tulong na galing sa pamilya namin.” saad ni Rafael at iniabot nito ang check, na nagkakahalaga ng sampung milyong piso.

“Thank you Mr. Montero, asahan ng pamilya Montero na maibibigay sa mga estudyante namin, ang dekalidad at maayos na edukasyon sa kanila.” saad ni Mr. Dizon at muling kinamayan ang maimpluwensyang lalaki.

“Walang anuman Mr. Dizon, sige hindi na rin ako magtatagal.” saad ni Rafael at matapos makamayan ang ilan pang staff ng may-ari ng eskwelahang iyon, inihatid na rin siya palabas ng Presidente.

“Habang naglalakad si Rafael kasama si Mr. Dizon, sandaling natigilan ang una ng may batang bumangga sa kanyang mga binti at napaupo pa ang bata ng dahil dun.

“Oh sorry young man, are you alright?” alalang tanong ni Rafael na umupo na sa sandaling iyon at pagkakita nito sa itsura ng bata ay may ibang naramdaman ang binata.

“My butt hurts a little, but I’m okay, are you okay too?” tanong ng bibong bata sa lalaki.

“Yeah I’m okay, but why are you running?” tanong muli ni Rafael sa cute at bibong bata.

“One of my classmate is chasing me-.” hindi na natuloy pang sagot ng bata ng mahanap na siya ng kanyang teacher.

“Kristoff, let us back to our room okay.” saad ni Teacher Punzalan at hinawakan na ang kamay ng bata. “Sorry po sir, sir Dizon.” baling ni Teacher Punzalan sa ’di kilalang lalaki pati na sa Presidente ng school nila.

“No it’s okay.” sagot ni Rafael na sinundan ng tingin ang bata na may pangalang Kristoff.

“Sige Teacher Punzalan you may go back to your class.” sagot naman ni Mr. Dizon na medyo nahiya sa bisita nila.

“Pasensya na sir sa nangyari kanina.” hinging paumanhin ni Mr. Dizon sa maimpluwensiyang lalaki.

“Wala ’yon sir. Nakakatuwa nga ang bata, sige mauna na ako.” paalam ni Rafael at sumakay na ito sa sasakyan. At habang nagmamaneho papunta sa susunod na lugar na pakay niya sa Batangas, muling naalala ni Rafael ang batang si Kristoff.

‘Kamukha siya ni Joshua.’ saad sa isip ng binata.

XVI

Habang pauwi sila ng anak sa kanilang bahay, tahimik lang ang mag-ama. Si Joshua na hindi makapaniwala sa ginawa ng anak, at ang batang si Kristoff na natatakot na mapagalitan ng kanyang papa.

Pagkahinto ni Joshua sa sasakyan, pinagbuksan na nito ang anak, at mabilis naman bumaba si Kristoff, para puntahan ang kanyang grandma, nang sa ganun ay magkaroon ito ng kakampi dahil alam nitong papagalitan siya ng kanyang papa.

“May ginawa ka na naman siguro kaya galit ang papa mo.” kausap ni Wilma sa apo na ngayon ay nasa kandungan niya.

“Kristoff!” tawag ni Joshua sa anak.

“Grandma please help me, papa is mad at me.” saad ni Kristoff na sumiksik pa lalo sa lola niya.

“Anak nandito siya kasama ko!” sigaw ni Wilma para marinig siya ng anak.

Gaya ng naisip ni Joshua, humanap nga kaagad ng kakampi ang matalino niyang anak.

“Kristoff, totoo bang lumabas ka kanina ng school habang nagtuturo si teacher?” tanong ni Joshua.

“Anak naman, hinaan mo naman ang boses mo, tinatanong mo palang ang bata, parang pinapagalitan mo na.” saway ni Wilma sa anak.

Napabuntong hininga na lamang si Joshua at muli ay kinausap nito ang anak.

“Kristoff, papa is not mad okay, but tell me the truth, lumabas ka ba ng classroom kanina habang nagtuturo si teacher?”

“Yes papa, but my classmate chased me, kaya tumakbo ako and then nakalabas na pala ako ng classroom.” sagot ni Kristoff.

“Okay naniniwala si papa, pero ayokong mangyari ulit na lumabas ka ng classroom ’pag nagtuturo pa si teacher.”

“Yes papa, that won’t happen again promise.” sagot ni Kristoff sabay taas pa nito ng kanang kamay.

“Sige na, lapit ka na kay papa.” saad ni Joshua.

Lumapit naman kaagad si Kristoff at yumakap ito sa papa niya.

“Ang baho mo na baby, tara na sa taas para makapaghilamos ka.” saad ni Joshua at kinarga na nito ang anak.

Masayang naghahapunan ang pamilya Santos sa gabing iyon, ikinuwento ni Joshua sa mga magulang ang tungkol sa pagdating bukas ng bagong CEO at may-ari ng hotel and resort na pinagtatrabahuhan.

“Hindi ba anak marami naman ang mga turistang tumutuloy sa inyo, buti naisipan ng may-ari na ibenta ang hotel niya.” komento ni Martin.

“Kami nga rin tay nagulat ng sabihin kahapon ni boss ang tungkol sa bagong may-ari, at tanging apelyido lang na Montero ang ibinigay niya sa amin sa taong ipinagbentahan niya.” sagot ni Joshua.

“At buti anak hindi kayo nadamay na mga empleyado.” sali ni Wilma sa usapan ng mag-ama niya.

“Because dad is very good.” sali rin ni Kristoff sa usapan ng mga matatanda.

Napatingin naman ang tatlo sa sinabing iyon ng bata, at natawa pa ang mga ito pagkatapos.

“Kristoff, anong sabi ni papa, hindi ba bawal sumabat ang bata sa usapan ng mga matatanda?” pangaral ni Joshua sa anak.

“Grandpa and grandma they both old but papa you’re not old.” katwiran ni Kristoff sa papa nito.

Sa narinig sa anak, naalala ni Joshua ang isang tao na hindi mauubusan ng palusot. Kaya naman napailing na lamang si Joshua.

“Sige na panalo ka na baby, just finish your food okay?”

“Yes papa.” sagot ng bibong si Kristoff.

Matapos nilang kumain lahat, sinamahan ni Joshua ang ina sa pagliligpit.

“Ako na anak, samahan mo na lang ang maglolo dun sa sala.” saway ni Wilma sa anak.

“Okay lang nay, papakainin ko rin pagkatapos si Ash.” sagot ni Joshua.

“Ash come here.” tawag ni Joshua at kaagad naman lumapit ang matalinong aso.

“Good boy, go eat your food.” kausap muli ni Joshua sa pitong gulang na nitong alagang aso.

Matapos lagyan ng pagkain si Ash, muling tinulungan ni Joshua ang nanay sa paghuhugas ng mga plato.

“Ang tagal mo na rin na alaga si Ash, at ang talino ng cute na asong iyon.” saad ni Wilma at muling tinignan ang asong abala sa pagkain.

“Oo nga nay, hanggang ngayon nga hindi ko alam kanino siya galing, pero kung sinuman ’yon ay nagpapasalamat ako at dumating sa’kin si Ash, nakakatuwa nga parang kapatid rin ang turing sa kanya ng anak ko.” nakangiting saad ni Joshua at naalala pa nito kung paano kasa-kasama ng nagsisimula ng gumapang noon na si Kristoff ang cute na aso.

“Tama ka anak.” sang-ayon ni Wilma sa anak.

Nang makita ni Joshua ang oras na alas-ocho na ng gabi, kaagad na nitong inawat ang anak na abala sa panonood ng cartoons.

“Kristoff tulog na tayo ni papa.”

“Ok po papa, tabi po ba kami ni Ash?”

“Of course baby, tignan mo nakabuntot na siya sa atin.” sagot ni Joshua habang buhat-buhat na ang anak.

Pagdating sa kuwarto nila ng anak ibinaba na ni Joshua si Kristoff.

“Kristoff punta na kayo ng bed ni Ash, may gagawin lang saglit si papa.”

“Okay po papa.”

Pagkakita nito sa anak na nakahiga na sa kanilang kama, bumalik na ng sala si Joshua para mamalantsa naman ng mga isusuot bukas ng anak sa eskwela.

“Anak naman, bakit ikaw pa ang gumagawa niyan, akin na at magpahinga ka na rin.” saway ni Wilma ng makita nito ang anak.

“Ako na lang nay, samahan n’yo na lang po si tatay sa panonood ng TV, mabilis ko lang din naman matatapos ’to.” tanggi ni Joshua sa tulong ng ina.

“O siya ikaw ang bahala.” talong sagot ng ginang na napabuntong hininga na lamang.

Matapos mamalantsa ng mga uniporme ng anak, isinabit na ni Joshua ang mga damit sa sabitan na nasa kuwarto nila ng anak. At nang samahan nito sa kama ang anak, kita ni Joshua ang maamong mukha ng natutulog ng cute na si Kristoff, katabi ng cute rin na alagang asong si Ash.

“Salamat Diyos ko at ibinigay mo si Kristoff sa akin, pati na rin si Ash.” mahinang saad ni Joshua at matapos halikan ang noo ng anak, may ngiting natulog na rin ito.

Sa gabi rin na iyon, sa bagong pag-aaring hotel naman tumuloy ang bilyonaryong si Rafael. Abala ito sa pagtingin sa kanyang laptop ng mga larawan ni Joshua sa isang social media account, sa account rin na iyon natunton ng binata ang pitong taon niyang ninais na muling makita. Kaya naman ng makita nito ang kinaroroonan ng kanyang anghel, hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang bilyonaryong binata at mabilis na nakagawa ng hakbang, para maumpisahan ang mga plano para magkalapit muli sila ni Joshua.

“Magkikita na tayo bukas, anghel ko.” kausap ni Rafael sa larawan ng mahal niyang si Joshua.

Kinabukasan sabay papaalis ang mag-amang si Joshua at Kristoff sa bahay.

“Baby, be a good boy to grandpa okay?” paalala ni Joshua sa anak.

“Opo papa.”

“Sige na anak, pumasok ka na sa trabaho, ako ng bahala sa apo ko.” saad ni Martin.

“Sige po tay, ingat po sa pagmamaneho.” sagot ni Joshua at pinuntahan na nito ang sasakyan.

“Oo anak, ikaw rin ingat ka.” sagot ni Martin at paalala rin nito sa anak.

Pagdating ni Joshua sa hotel, gaya ng kanyang inaasahan ay bumungad sa kanya ang engradeng pawelcome party ng dating boss, para sa bago nilang boss at may-ari rin ng hotel.

At bilang sunod, para sa pagsalubong nila ng mga empleyado sa magiging bagong boss, kaagad na pinuntahan ni Joshua ang kanyang upuan, kasama ng mga katrabaho na kapwa rin niya manager.

“Alam n’yo ba, bukod sa bilyonaryo ang bago nating boss, guwapo at hot din daw na bachelor ito.” rinig ni Joshua sa medyo malapit lang sa kanya na babae at kasamahan sa trabaho.

“Saan mo naman narinig iyan Loida, sabi naman ng iba si Senador Montero daw ang nakabili.” sagot naman ng katabi ng babae, at rinig rin iyon ng interesadong si Joshua.

“Hay naku Gladys, kilala mo ako at madalang lang pumalpak ang source ko ng tsismax, but anyway makikilala rin naman natin siya maya-maya lang, at teh kapag hot iyon sisiguraduhin kong magpapapansin talaga ako.” sagot ng babaeng nagngangalang Loida.

Napailing na lamang si Joshua sa narinig na iyon sa babae.

“Ay teh hindi lang ikaw, hindi rin ako papatalo.” sang-ayon naman ng baabeng nagngangalang Gladys.

Naputol ang pakikinig ni Joshua sa pakikinig sa dalawang babae, nang maramdaman nito ang pag-akbay sa kanya ng isang tao. Pagtingin ni Joshua ay galing pala ito sa lalaki na kaibigan niya.

“Luis, te-teka lang anong ginagawa mo rito?” takang tanong ni Joshua.

“Mamaya malalaman mo babe, pero sa ngayon makinig muna tayo.” biro ni Luis at ngumuso ito sa stage na nasa kanilang harapan.

Kita naman ng mga kasama sa trabaho ni Joshua, ang pagtabi na iyon sa kanya ng kaisa-isang anak ni Senador Jaime Montero at kilala rin na sikat na modelo. Kaya naman, may iba’t-ibang nasa isip ang mga ito, lalo na at mukhang close ang dalawa.

“Tigilan mo nga ako Luis, tignan mo at pinagtitinginan na tayo.” saway ni Joshua sa pilyong kaibigan na ayaw tanggaling ang braso sa kanyang balikat.

“Inggit lang ang mga iyan, ikaw kasi bakit hindi mo pa ako hayaan na ligawan ka.” bulong ni Luis.

“Umayos ka nga Luis, mabuti pa makinig na lang tayo.” balewala ni Joshua sa sinabi ng katabi at minabuti na lang nito ang tumingin sa stage.

Sa stage, naroon na sandaling iyon ang dating boss ni Joshua at mag-uumpisa na sa inaabangan nilang anunsyo nito.

“Ladies and Gentlemen, alam kong nabigla kayo sa inanunsyo ko ilang araw pa lang ang nakararaan, gaya nga ng ibinalita ko sa inyo, may bago ng nagmamay-ari ng Star Hotel and Resort. At hayaan n’yong ipakilala ko sa inyo ang bagong CEO and Owner, kaya naman give him a round of a plause, Mr. Rafael De Leon Montero.” saad ni Mr. Yap at pakilala nito sa bagong may-ari ng Hotel and Resort na iyon.

Parang bombang ang narinig na iyon ni Joshua sa sandaling iyon, nanlalaking mata at hindi ito makapaniwala sa mga nalaman.

“Hello everyone, gaya nga sabi ni Mr. Yap, I’m Rafael De Leon Montero the new owner of this Hotel and Resort, and as a new CEO, I would like to change the name of this building, from now on, let us call it Angel’s Hotel and Resort.” baritonong saad ng bilyonaryong binata, na mula pa kanina ay mataman lang nakatingin sa direksyon ni Joshua.

XVII

Hanggang sa nakababa na si Rafael sa stage at isa-isang kinamayan ang mga taong naroroon. Samantalang napako sa kinauupuan si Joshua na hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari. Naputol ang pagkatulala ni Joshua ng maramdaman nito ang paghawak sa kanyang braso ni Luis.

“Halika na Josh, ipapakilala kita kay Uncle Rafael.” saad ni Luis at hila nito patayo kay Joshua. Wala ng nagawa si Joshua kungdi ang magpatianod sa kaibigan na hila-hila siya. Ilang sandali pa nga ay nakalapit na ang dalawa sa kinaroroonan ni Rafael.

“Uncle welcome back, oo nga pala ito si Joshua soon to be boyfriend ko.” pakilala ni Luis sa kasama nito sa kanyang uncle.

Nanatili naman na tahimik si Joshua at hindi nito alam ang gagawin.

Hindi naman nagustuhan ni Rafael ang narinig nito sa pamangkin, pansin rin nito ang pananahimik ni Joshua na mula pa kanina ay hindi man lang magawa ang tignan siya.

“Mukhang gulat na gulat pa ang kasama mo Luis.” saad ni Rafael na ang tingin ay nasa nakayukong si Joshua.

“Josh, heto na si uncle, hindi ba kahapon tinatanong mo ang tungkol sa kanya.” saad ni Luis at tapik nito sa balikat kay Joshua.

“Ah uhm, nice to meet you sir.” saad ni Joshua at wala ng nagawa kungdi ang ilahad ang kanyang kamay, sa lalaking hindi niya akalain na muling magpapakita sa kanya.

“Nice meeting you too, Josh.” saad ni Rafael at kaagad na kinamayan ang namiss nitong si Joshua.

Pagkatagpo ng kanilang mga kamay, ramdam ni Joshua ang marahang pagpisil ni Rafael sa kanyang kamay, kaya naman kaagad na binawi ng una ang sariling kamay.

Nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdid si Rafael sa naging reaksyon ni Joshua. Alam ng bilyonaryong bachelor na hindi basta-basta na muling makukuha niya ang loob ni Joshua, ganunman handa itong maghintay kahit gaano pa ito katagal, ang importante ngayon, hindi na niya muling hahayaan na mawala pa sa kanyang paningin ang tanging lalaking nagpagulo sa buong pagkatao niya.

Wala namang kaide-ideya si Luis sa nararamdaman ngayon ng dalawang kasama.

“Nga pala uncle, isa si Josh sa mga manager nitong hotel mo, at hindi sa pagiging bias ko sa kanya, isa siya sa mga dahilan kung bakit marami ang nagpupunta dito sa hotel na ito.” pagmamalaki ni Luis sa kaibigan sa kanyang uncle.

“Siya nga? Salamat kung ganoon Josh, at sana maging ganoon ka rin sa akin, I mean, ngayong ako na ang may-ari ng hotel.” nadulas ng sabi ni Rafael.

Pigil naman ni Joshua ang sarili na sagutin ng pabalang, ang malakas ang loob na lalaki na gumawa ng kawalanghiyaan sa kanya noon.

“Of course sir, gagawin ko ang lahat para gampanan ko ng mabuti ang trabaho ko, kaya mawalang galang na po, babalik na ako sa trabaho ko.” sagot ni Joshua at matapang na tumingin sa mga mata ni Rafael.

Ramdam ni Rafael ang galit sa matang iyon ni Joshua at naiintindihan niya ito. Ganunman, hindi nito ipinahalata iyon sa kaharap.

“Hindi mo na kailangan pa na magtrabaho ngayong araw, bilang bagong boss mo, i-enjoy mo na muna ang araw na ito para sa pagdating ko, mapagbibigyan mo ba ako Josh?” hiling ni Rafael at gustong-gusto nitong makita ang susunod na magiging reaksyon ni Joshua.

Gaya kanina, pigil ni Joshua ang sarili na mabastos ang bagong boss, hindi niya hahayaan na isipin ng iba na wala siyang respeto, kahit pa hindi naman karespe-respeto ang taong nakikiusap sa kanya.

“Sige boss.” sagot ni Joshua.

“Mabuti kung ganun, samahan mo kami ni Luis sa isang mesa.” masayang anyaya ni Rafael, kahit pa alam ng binata na napilitan lang ang namiss niyang si Joshua.

“Oo naman sasamahan niya tayo uncle, tara na Josh.” masayang saad ni Luis na muling umakbay kay Joshua.

Nanatili lamang na tahimik si Joshua sa mesa, habang ang mga kasama niya ay abala sa pag-uusap, na ’di rin niya sukat akalain na magtito pala.

“Nga pala uncle, may anak na lalaki si Joshua at kamukhang kamukha niya ito.” kuwento ni Luis sa tito nito matapos ang kamustahan nila.

Parehong gulat ang reaksyon nila Rafael at Joshua sa sinabing iyon ni Luis. Si Rafael na ’di makapaniwala sa nalaman sa pamangkin at ngayon ay maraming mga tanong ang nasa isipan nito. At si Joshua na gustong-gusto ng batukan ang kaibigan na may pagkamatabil ang dila, sa sandali din ’yon ay kinabahan na rin ito, kahit pa imposibleng maisip ni Rafael na nagbunga ang ginawa nitong panggagahasa sa kanya noon.

“Oh may anak ka na pala Josh, ilang taon na siya at saan mo nakilala ang mama niya?” ’di na napigil na tanong Rafael, na labis na nasaktan na may ibang tao ng mahal ang lalaking tanging laman ng kanyang puso.

“Mawalang galang na po sir, ayoko pong pag-usapan ang tungkol sa pribado kong buhay.” sagot ni Joshua sa bagong amo. “At Luis, sana naman hindi mo basta-basta ikinukwento sa ibang tao ang tungkol sa buhay ko.” baling naman nito sa kaibigan.

“I’m sorry Josh.” hiyang saad ni Luis.

“Hayaan mong ako naman ang magkuwento ng pribado kong buhay Mr Santos, tungkol ito sa naging malapit na tao sa akin noon, at ngayong nakita ko na ulit siya, gagawin ko ang lahat para lang mapatawad niya ako sa ’di ko naman kagustuhang nagawa sa kanya noon.” saad ni Rafael sa saloobin nito at seryosong nakatingin sa mukha ni Joshua.

At iyon ang naging hudyat kay Joshua para tumayo na at iwanan na ang dalawa.

“Excuse me.” saad ni Joshua at umalis na nga ito.

Naiwan naman na naguguluhan si Luis sa ikinilos ng kaibigan, habang pinagmamasdan nito ang papaalis na anyo ni Joshua, sunod ay tumingin ito sa seryosong mukha ng kanyang uncle.

“Anong meron sa inyo ni Joshua, uncle?” usisa ni Luis.

“Maiwan na muna kita Luis, may importante pa kaming pag-uusapan ni Mr. Yap.” iwas ni Rafael sa tanong ng pamangkin.

Sa banyo ay ’di malaman ni Joshua kung bakit naiiyak ito ngayon.

‘Sinisiguro kong hindi mo malalaman ang tungkol sa anak ko, dahil wala kang karapatan sa kanya.’ saad sa isipan ni Joshua habang nakatingin ito sa repleksyon ng kanyang mukha sa salamin.

Matapos kausapin si Mr. Yap, kaagad tinawagan ni Rafael ang imbestigador na inirekomenda sa kanya ng una.

“Hello Mr. Florez, alam kong inaasahan mo na ang tawag ko, at gaya nga ng sabi ni Mr Yap, handa akong magbayad ng triple basta alamin mo lang ang mga nangyari sa taong ipaiimbestiga ko sayo.” bungad ni Rafael ng sagutin ng imbestigador ang kanyang tawag.

“Understood boss, sino ang importanteng taong ito boss?”

“Alamin mo ang lahat ng nangyari kay Joshua Cruz Santos, sa nakalipas na pitong taon.” sagot ni Rafael sa imbestigador.

XVIII

Habang sabay-sabay na nag-aagahan ang pamilya Santos. Abala si Joshua sa pagtingin sa anak na maganang kumakain.

Pansin naman ni Wilma ang parang kakaibang ikinikilos ng anak mula pa kahapon, kaya naman…

“May problema ka ba anak?” tanong ng ginang.

Napatingin na rin sa sandaling iyon si Martin sa kanyang mag-ina.

“Wa-wala po nay, may naisip lang ako.” sagot ni Joshua at bumalik ito sa pagkain para hindi na mag-usisa pa ang ina. Napatunayan ni Joshua na kilala talaga siya ng nanay niya at nahalata nito ang gumugulo ngayon sa isip niya. Sa nalaman kasi ni Joshua sa totoong pagkatao ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan, kinakabahan ngayon ang binata sa maaari mangyari kapag nalaman ni Rafael ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak, sa isiping pa lang na kukuhanin nito sa kanya si Kristoff ay maiiyak na siya.

“Tay ako na muna ang maghahatid sa anak ko.” saad ni Joshua ng matapos silang mag-almusal.

“Sige anak, ikaw ang bahala.” sunod ni Martin sa kagustuhan ni Joshua, at hindi na ito nagtanong pa, kahit pa maging siya ay pansin na may gumugulo sa isipan ng anak.

Habang nagmamaneho si Joshua papunta sa school ng anak. Pilit nitong sinisiksik sa isipan na imposibleng malaman ni Rafael ang tungkol kay Kristoff, at kahit papaano’y nabawasan ang kanyang pangamba na mawawala sa kanya ang anak.

“Good morning teacher Olive.” bati ni Joshua sa guro ng anak ng nakarating na sila ni Kristoff sa classroom ng huli.

“Goodmorning Sir Josh.” bati pabalik ni Teacher Olive, na pigil ang kilig dahil muling nakita nito ang guwapong papa ng cute na si Kristoff na wala pa palang asawa, at nalaman nito ang bagay na iyon, dahil tinanong nito isa-isa ang mga bata kahapon sa mga trabaho ng kani-kanilang mga magulang.

Habang magkausap ang papa at ang teacher niya, pumunta na si Kristoff sa kanyang upuan na nasa harapan.

“Hi Kris.” bati sa kanya ng katabing si Rio.

“Its Kristoff, not Kris.” sungit na sagot ni Kristoff.

“Okay, hi Kristoff.” ngiting bati muli ni Rio.

Hindi naman pinansin pa ni Kristoff ang katabi at tumingin ito sa kanyang papa na kausap parin ang teacher niya.

“Sige aalis na rin ako teacher Olive.” paalam ni Joshua sa kausap na guro ng anak.

“Okay sir Josh.” sagot ni Olive at masaya ito na nakakuwentuhan muli si Joshua.

Pagpasok ni Joshua sa kanyang opisina, kaaagad na napansin nito ang kanyang sekretarya na may hawak hawak na mga bulaklak at halata rin nito ang kilig sa mga oras na iyon.

“Mukhang may nabitikma ka ah Rica.” asar ni Joshua sa sekretarya nito.

“Ihhhh! Sir, sana nga ay sa akin ang mga ito, pero ibinigay lang sa akin ng guard sa entrance ng lobby itong mga bulalak, at ibigay ko raw ang mga ito sa’yo. Ihhhhh! Sir ikaw ah sino ang manliligaw mo?” usisa ng parang maiihi sa kilig na si Rica.

Nanlalaking mata at hindi naman makapaniwala si Joshua sa narinig nito sa sekretarya.

“Naku Rica ’wag mo akong pinagloloko, mabuti pa itabi mo na ang mga bulaklak mo, at sabihin mo na sa akin ang mga schedules ko ngayong araw.” saad ni Joshua ng makabawi ito.

“Ihhh sir, para nga sayo ang mga ito, heto at tignan mo at may card pa na nakalagay ang pangalan mo.” sagot naman ni Rica at lumapit na sa amo dala ang mga bulaklak.

Sandaling pinagmasdan ni Joshua ang mga puting mga rosas, at hindi nga maipagkakaila na para sa kanya ang mga bulaklak dahil sa pangalan na nakalagay roon. Pagkakuha sa card ay binasa ni Joshua kung may mensahe bang nakalagay doon.

“Good morning Angel, I’ll hope to see today.”

“Ihhhh! Kyaaahh! ang sweet naman ng manliligaw mo sir!” tili ni Rica na ikinabingi ni Joshua.

“My God! Rica, halos mabasag ang eardrum ko sa’yo.” inis na baling ni Joshua sa sekretarya.

“Pasensya na sir, eh kese nemen kenekeleg eke!” sagot lang ni Rica.

Hindi naman alam ni Joshua kung kanino galing ang mga bulaklak, pero aaminin ng binata na natuwa siya at ito ang unang beses na nakatanggap siya ng mga bulaklak.

“Ihh sir aminin, kinikilig ka rin, so sir sino nga ang manliligaw mo? Si Papa Luis ba?” kumpirma ni Rica sa hinala nito.

Sandaling napaisip si Joshua, pero kaagad rin itong nakasiguro na hindi galing ang mga bulaklak sa kaibigan, dahil malinaw na kay Luis na hanggang sa magkaibigan lang silang dalawa. Pero para tumigil na ang loka-loka niyang sekretarya, pinili na lamang ni Joshua ang magsinungaling.

“Oo Rica galing nga ang mga ito kay Luis, kaya sabihin mo na ang mga schedules ko.” saad ni Joshua.

“Ihhh sabi ko na sir eh, nakakainggit ka sir, habulin ka ng mga lalaki at babae, pati yata tibo at bading magkakagusto sa’yo.” eksaheradang saad ni Rica.

“Ewan ko sa’yo Rica ang dami mong alam.” sagot lang ni Joshua sa kanyang sekretarya. Matapos nun ay ipinaalam na sa kanya ni Rica ang mga dadaluhan niyang meetings at appointments ngayong araw, pero sa lahat ng iyon, isa ang nakabura sa ngiting kanina lang ay nasa kanyang mukha

“11 am sir ay meeting with our CEO Rafael De Leon Montero.”

Pagkagising ni Rafael ay hindi na makapaghintay ang binata para sa muling pagkikita nila ni Joshua. At gaya ng plano niya mula ng makauwi ito ng Pilipinas, uumpisahan na ng bilyonaryong bachelor ang panliligaw sa anghel niya. Matapos maligo ay inuna muna ni Rafael ang pagtawag sa kilalang flowers shop, at pinili nito ang mga puting rosas na ipadala para sa kanyang anghel.

Pagdating sa hotel, gamit ang elevator, kaagad na umakyat sa pinakamataas na floor ng building ang bilyonaryong bachelor, ang nasabing palapag ay ang malawak rin na opisina ni Rafael. At bilang may-ari, isa-isa nitong iniutos sa kanyang sekretarya na imeet siya ng mga managers ng kanyang pag-aaring hotel. At sumilay ang ngiti sa mga labi ni Rafael, lalo na at masosolo niya mamaya ang tanging manager na dulot ng ipinatawag niyang meeting ngayong araw.

‘Hindi na ako makapaghintay na masolo kita Josh.’ saad sa sarili ni Rafael na tutok na tutok sa laptop at pinagmamasdan ang larawan ni Joshua.

Hindi alam sa sandaling iyon ni Joshua, kung anong mangyayari ilang minuto mula ngayon sa pagkikita nila ni Rafael. Alam ng binata na hindi niya maiiwasan ang lalaking nagbigay ng malalim na sugat sa kanyang puso, lalo na at ito ang may-ari ng kanyang pinagtatrabahuhan. At wala na rin siyang magagawa, kungdi ang pakitunguhan ito ng maayos, kahit pa alam nito na mahirap para sa kanya ang bagay na iyon.

Ilang minuto rin ang lumipas at dumating na sa pinakatuktok ng gusali ang sinakyan niyang elevator, kaya naman kinakabahan man sa mangyayari, lumabas na si Joshua.

Sa dalawang taon niyang pagtatrabaho sa hotel, ito ang ikalawang beses na magpupunta siya rito, ang una ay nang kausapin siya ng dating boss para ipromote siya at ngayon ay para kausapin naman siya ng bagong may-ari na ayaw na ayaw niyang makasama. Ilang minuto pa ng paglalakad, habang abala rin siya sa pagtingin sa ilang napansin niyang pagbabago sa paligid ng pinakahuling palapag ng gusali, narating na rin sa wakas ni Joshua ang para kanya ay opisina ng demonyo. Isang pagkatok ang ginawa ni Joshua sa pinto ng opisina, bilang paggalang nito sa taong gustong kumausap sa kanya.

“Come in.” rinig ni Joshua at alam nito na galing iyon kay Rafael.

Matapos ipihit ni Joshua ang hawakan ng pinto, bumungad sa kanya ang kabuuan ng opisina ni Rafael, kaagad rin nitong nakita ang kasalukuyang nakaupong CEO at aaminin ni Joshua na mukhang kagalang-galang ang lalaking nasa harapan niya ngayon, malayo sa barumbado at sigang lalaki noon na minsan rin niyang tinawag na wirdong driver.

“Maupo ka Mr. Santos.” saad ni Rafael at labis ang pagpipigil ng binata na mayakap ang anghel na dumating.

Sumunod naman si Joshua sa utos na iyon ng boss at kaagad itong umupo sa upuang nasa harapan ni Rafael.

“Gaya ng ibang managers, kinausap ko rin sila tungkol sa bagay na ito, ano sa tingin mo Mr. Santos, dapat bang dagdagan ko ang sahod ng mga empleyadong nasa mas mababang posisyon?” simula ni Rafael sa pag-uusap nila ni Joshua.

Kaagad naman napatingin si Joshua sa narinig nito sa amo. Isa ang tungkol sa bagay na iyon ang gusto sanang ipakiusap ni Joshua sa bagong may-ari ng hotel, pero hindi na niya nagawa ng malaman nito na si Rafael ang bago nilang boss. At ngayong sa CEO na mismo nanggaling ang usaping iyon, hindi na nagdalawang isip pa si Joshua na ibigay ang kanyang opinyon.

“Sa tingin ko sir, nararapat lang iyon, hindi ko man mismo naranasan ang maging janitor o bellboy at ilan pang mas mababa pa sa naging trabaho ko ng magsimula ako sa pagtatrabaho dito sa hotel, alam kong matiyaga at masipag sila sa trabahong kanilang ginagampanan, ako mismo ang nakakita sa dedikasyon nila sa tuwing iniinspeksyon ko ang bawat sulok ng mga kuwarto nitong hotel.” mahabang hayag ni Joshua.

Natuwa naman si Rafael sa narinig nito kay Joshua, alam ng una na kahit pa may nagawa itong masama sa huli, pansing ng bilyonaryong bachelor ang mabuting ugaling mayroon parin ang anghel niya, sa kung paano nito ipaglaban ang mga empleyadong nakakababa sa kanila.

“Kung ganun Mr. Santos, handa akong doblehin ang mga magiging suweldo nila, pero nakadepende iyon kung papayag ka sa kapalit na hihingin ko sa’yo.” saad ni Rafael at sinamantala na nito ang pagkakataong iyon para magkalapit muli sila ni Joshua.

“A-ano po iyon sir?” tanong ni Joshua at hindi nito alam kung bakit kinabahan rin siya sa oras na iyon.

“Pumayag kang makipagdate sa akin.” ngiting sagot ni Rafael.

XIX

Hindi alam ni Joshua kung anong isasagot sa binatawang kapalit ng kanyang boss, para doblehin nito ang magiging suweldo ng ilang mga empleyado, kita rin ng binata na matapos ang pagngiti sa kanya ni Rafael, ngayon ay seryoso na itong hinihintay ang kanyang magiging sagot.

“Excuse me sir, pero bakit naman nakadepende sa akin? Hindi ba dapat lang na walang kapalit, kung gusto mo talagang doblehin ang mga suweldo ng mga empleyado mo.” iwas ni Joshua sa sinabi ng boss at rason pa nito.

“You see Mr. Santos, siguro naman alam mong negosyante ako, at alam ko rin na alam mo, na hindi ko naabot kung nasaan man ako, kung lahat na lang ng bagay ay ibibigay ko ng libre, kung tutuusin, ano ba naman ang pumayag kang makipagdate sa akin at kapalit nito, maraming tao ang makikinabang. At para pag-isipan mo ang tungkol sa hinihingi kong date.” bitin ni Rafael at sandaling tumingin ito sa kanyang suot na relo. “Oh 11:30 AM na ngayon, ibig sabihin may higit limang oras ka pa, para makapagdesisyon.” pagtatapos ni Rafael.

Napatingin na lamang si Joshua sa matangkad niyang boss na ngayon ay nakatayo na, kaya naman pansin rin nito ang tikas at kisig na meron si Rafael. Nang makabawi ay mabilis na inalis ni Joshua, ang pagtingin sa katawan ng inaamin niyang lalong gumwapong Demonyo.

Gaya ng pagtitig ni Joshua sa kanya, hindi na inalis pa ni Rafael ang kanyang paningin sa kanyang anghel, na para sa kanya ay lalo pang umamo ang mukhang meron ito, kahit pa kanina ay napakunot ito, matapos niyang sabihin ang kapalit na date na hinihingi niya.

“Kung wala ka ng sasabihin Mr. Santos, maari ka ng lumabas, heto nga pala ang cellphone number ko at anuman ang maging pasya mo ay tawagan o itext mo na lang ako.” muling saad ni Rafael ng wala itong marinig na sagot kay Joshua.

Ang daming gustong sabihin ni Joshua, gusto niyang isumbat sa kaharap kung bakit nagpakita pa ito sa kanya, gusto niya itong pagsalitahan ng masasama sa mga nagawa nito sa kanya noon, pero nanatiling tikom ang kanyang bibig, una, ay dahil alam rin niya sa sarili na hindi rin kagustuhan ni Rafael ang nagawa nito sa kanya, ikalawa, baka isipin ng boss na niya ngayon, na hindi pa siya nakakamove-on sa ilang taon ng lumipas, pero aaminin ni Joshua na sa tuwing maalala niya iyon ay napapaiyak pa rin siya, ikatlo, iba na ang sitwasyon nila ngayon, dahil kung kakalabanin niya ang maimpluwensyang lalaki na kaharap niya ay parang nagpakamatay na rin siya, at ikaapat, naiinis siya sa sarili na sa nakalipas na mga taon, ilang beses rin sumagi sa kanyang isip ang tungkol sa lagay ngayon ni Rafael. At pagkakita nito kahapon sa lalaking naging bahagi ng kanyang nakaraan, natakot man na malaman ni Rafael ang pagkakaroon nila ng anak, na posibleng maging dahilan para kunin nito sa kanya si Kristoff, ayaw man aminin ni Joshua ay masaya ito na muli niyang nakita ang lalaking kasama niya ngayon.

“Si-sige sir, lalabas na ako.” saad ni Joshua at kinuha nito ang papel kung saan nakalagay ang cellphone number ng kanyang boss. At tumayo na rin ito para lumabas na sa opisina ng amo.

“Masaya akong nagkita muli tayo, Josh.” saad ni Rafael bago tuluyang makalabas ng opisina si Joshua.

Sandali naman natigilan sa pagbukas ng pinto si Joshua, nang matauhan ay lumabas na rin ito at piniling ’wag ng tignan pa si Rafael.

“May itatanong ako Rica.” saad ni Joshua na matapos ang pag-uusap nila ni Rafael, hindi na maalis sa kanyang isip ang tungkol sa hinihinging date ng huli.

“Ay sir, matagal ko ng alam na maganda ako, kung tungkol lang sa gandang meron ako ang itatanong mo.” saad ni Rica na abala sa kanyang laptop.

Dali-dali naman kumuha ng ballpen si Joshua at ibinato sa loka-loka nitong sekretarya.

“Aray sir! Sumosobra ka na ah, idedemanda kita ng violence against women and their children.” saad ni Rica matapos tumama sa kanyang tagiliran ang ibinatong ballpen ng amo.

“Eh paano kinakausap ka ng maayos, isa pang kalokohang isagot mo sa akin, itong stapler ang isusunod ko.” banta ni Joshua.

“Si sir naman hindi mabiro, oh anong tanong mo?” saad ni Rica na natakot na baka tamaan ng stapler.

“Seryosong sagot ah Rica.” simula ni Joshua at nakita nito ang pagtango ng kanyang sekretarya. “Kasi may kaibigan ako, ang sabi niya kanina ng makausap ko siya, may humihingi sa kanya na makipagdate, pero galit ang kaibigan ko sa taong gustong makipagdate sa kanya, dahil may nagawang masama sa kanya noon ang taong iyon.” paliwanag ni Joshua. Kita naman ni Joshua na nag-isip nga ang kanyang sekretarya.

“Ang tanong ko sir, babae ba ang kaibigan mo, at kung babae, sigurado akong lalaki ang gustong makipagdate hindi ba?” balik na tanong ni Rica kay Joshua.

“Ah o-oo babae siya at lalaki ang gustong makipagdate.” pagsisinungaling ni Joshua.

“Anong itsura ng lalaki sir? Guwapo ba?” excited na tanong ni Rica.

“Oo sobrang guwapo.” maagap na sagot ni Joshua. “Hi-hindi pala, may itsura naman.” bawi ni Joshua sa unang sinabi at nagkunwaring may hinahanap.

Pinaningkitan naman ni Rica ng tingin ang amo, na nahahalata nitong may hindi sinasabi sa kanya.

“Oh ba-bakit ganyan ka makatingin sa akin, Rica? “ kabang tanong ni Joshua.

“Ewan ko sir ah, mukhang ine-echos mo lang ako, hindi kaya ikaw ang tinutukoy mong may gustong makipagdate.” panghuhuli ni Rica sa kanyang boss.

“Si-sira paanong ako ’yon, sige nga, may kilala ka bang may gusto sa akin?”

“Ako, gusto kita.”

Sabay naman napatingin sila Joshua at Rica sa pinanggalingan ng boses, at bumungad sa dalawa si Luis na kararating lang para bisitahin si Joshua.

“Ihhh sir ayan na si sir Luis, umoo ka na sa date ninyo, at binigyan ka pa naman niya kanina ng mga bulaklak.” kinikilig na sabi ni Rica.

Gustong-gusto ng busalan ni Joshua, ang bibig ng kanyang madaldal na sekretarya.

Napakunot-noo naman si Luis sa mga narinig nito sa sekretarya ni Joshua.

“May pinayagan kang iba na manligaw sa’yo?” ’di na napigilang tanong ni Luis.

“Oh my God!” tili ni Rica sa kanyang narinig, at kaagad naisip ng babae na may iba pa palang nanliligaw sa kanyang amo.

“Rica, iwan mo muna kami ni Luis.” utos ni Joshua sa sekretarya.

Mabilis namang tumalima si Rica at pigil nito ang sarili at baka mapatili na naman ito sa sobrang kilig.

“Buti nandito ka Luis?” tanong ni Joshua at lihis nito sa tanong ng kaibigan.

“Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina, sino ang manliligaw mo?”

“Hindi ko alam, at wala akong balak na alamin. Te-teka nga lang, at kung meron man nanliligaw sa akin, bakit kailangan ko pang ipaalam sa’yo?”

Nasaktan naman si Luis sa sagot na iyon ni Joshua, pero tama naman ang huli, wala naman silang relasyon para kwestiyonin nito ang tungkol dun.

“Oo nga pala, sorry ah Joshua, hindi parin tumatatak sa isip ko na kaibigan lang ang turing mo sa akin, ewan ko ba at bakit pinagpipilitan ko pa ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin.” sagot ni Luis na pumatak na ang luha sa mga mata sa sandaling iyon.

Nakonsyensya naman si Joshua sa mga nasabi nito sa kaibigan, lalo ng makita nito ang mukha ng naiyak nang si Luis.

“Luis.” saad ni Joshua at akmang tatayo na ito para lapitan si Luis.

“Huwag Josh, baka bigyan ko pa ng maling kahulugan ang gagawin mo, pasensya na sa mga nasabi ko, at hangad kong maging masaya ka sa kung sinumang magpapasaya sa’yo.” saad ni Luis, bago pa tuluyang makalapit sa kanya si Joshua at matapos nun ay iniwan na rin niya ang taong ilang taon na rin niyang minamahal.

Matapos ang nangyari sa kanila ni Luis ay nakalimutan na ni Joshua ang tungkol sa napag-usapan nila ni Rafael. Pansin rin nito ang pananahimik ng kanyang sekretarya, na kaibahan sa maingay at puno ng enerhiya mula pa ng magkapalagayan sila ng loob.

“Rica hindi ako sanay na hindi ka maingay, anong gusto mong sabihin?” basag ni Joshua sa katahimikan.

“Pasensya na sir ah, napansin ko kasi na umiiyak si sir Luis paglabas niya kanina, binasted mo ba siya sir?”

“Hindi naman sa binasted ko Rica, magkakilala na kami noon pa ni Luis, at matagal na niyang ipinagtapat na gusto niya ako, pero wala eh, kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya, tapos lumipas ang ilang taon ay nagkita muli kami, at nalaman niya na kahit may anak na ako ay wala pa akong asawa, hayun muli niya akong inasar na manliligaw ulit siya, akala ko nagbibiro lang siya, kaya kanina may nasabi akong hindi niya nagustuhan.” mahabang paliwanag ni Joshua.

“Okay na rin siguro iyon sir, kesa naman sa paasahin mo siya sa wala.” lahad ng opinyon ni Rica. “Pero sir, paano ’yung manliligaw mo na humihingi sa’yo ng date?” dagdag pa ni Rica.

Sa narinig ay muling naalala ni Joshua ang tungkol sa date na hinihingi sa kanya ni Rafael, naisip rin nito na posibleng ang huli rin ang nagpadala sa kanya ng mga bulaklak kanina.

“Tama ka Rica, na ako nga ang tinutukoy ko kanina, ano sa tingin mo ang gagawin ko?” amin ni Joshua at tanong nito sa sekretarya.

“Ihhh ikaw na talaga sir, bakit hindi mo siya pagbigyan sir, at hindi ba sir galing na rin sa’yo kanina, na matagal na ang nangyari at siguro naman kahit papaano ay nabawasan na ang galit mo dun sa tao, ayaw mo bang bigyan siya ng pagkakataon.” sagot ni Rica.

Napaisip naman si Joshua matapos ang mga narinig nito kay Rica, hindi man sigurado sa magiging desisyon, naisip ni Joshua na mas maraming tao ang makikinabang, kaya naman buo na ang pasya nito.

“Sige, makikipagdate ako sa’yo.”

XX

“Sige, makikipagdate ako sa’yo.”

Sa nabasang text na kanyang natanggap, batid ni Rafael na galing iyon kay Joshua.

“Yes!” masayang saad ni Rafael at napasuntok pa sa hangin dala ng labis na kaligayahan. Kasunod noon ay kaagad itong tumawag sa isang kilalang resto, para makapagpareserved sa magiging date nila ni Joshua.

“Salamat sa pagpayag, hintayin mo na lang ako sa opisina mo, para sabay na tayong pumunta sa pupuntahan natin.”

ipinadalang text ni Rafael sa kanyang anghel.

“Salamat sa pagpayag, hintayin mo na lang ako sa opisina mo, para sabay na tayong pumunta sa pupuntahan natin.” natanggap na text ni Joshua sa pinangalanan nitong Devil.

“Sige Rica, maaari ka ng umuwi at wala na rin tayong gagawin.” saad ni Joshua.

“Sige sir, goodluck sa magiging date mo.” saad ni Rica at umalis na nga ito.

Pagkaalis ng kanyang sekretarya ay mabilis na naligo si Joshua sa shower ng kanyang opisina, at mabuti na lang na may palagi itong dalang extrang mga damit at hindi na kailangan pang umuwi ito para may maisuot sa magiging date nila ni Rafael.

Matapos makaligo, isang itim na polo ang napiling isuot ni Joshua, itim rin ang pantalon at muli nitong isinuot ang itim na leather na sapatos. Saglit rin nitong inayos ang kanyang buhok, at ng makutento ay minabuti nitong bumalik sa kanyang upuan ng kanyang opisina, para hintayin ang taong nag-aya sa kanya ng date.

Matapos makaligo ni Rafael, hindi alam ng mayamang bachelor kung anong isusuot para sa kanilang kauna-unahang paglabas ni Joshua. Sa huli ay nagdesisyon itong black and white na polo na lang ang isuot nitong pang-itaas, itim na pantalon at itim rin na sapatos ang pang-ibaba, nagsuot rin ito ng isang simple lang na relo na hindi mahahalata na daang libo ang halaga ng nasabing aksesorya. At matapos ayusin pataas ang kanyang maikling buhok, tsaka ito nagpabango ng paborito nitong cologne.

Isang text ang natanggap ni Joshua at pagtingin nga nito sa text ay galing ito sa nagngangalang Devil, sa text, nakasaad na nasa labas na ng kanyang opisina si Rafael. Kaya naman tumayo na si Joshua, para kaagad ng magsimula ang kanilang magiging date ni Rafael, nang sa ganun ay kaagad na rin itong matapos at makauwi na siya sa kanyang anak.

Pagbukas nga ng pinto, parehong natigilan ang dalawa.

Si Rafael, na muling natigilan sa itsura ngayon ng kanyang anghel, na lalong lumitaw ang maputing kutis nito at ang maamong mukha ni Joshua na hinding-hindi niya pagsasawaan pagmasdan. Si Joshua naman ay parang nahiya sa sarili, dahil sa itsura ngayon ng lalaking kasama niyang lalabas, inaaamin ni Joshua na tama nga ang narinig nito kahapon sa mga katrabaho nito, isang hot bachelor nga ang bago nilang boss, na kahit sino sigurong makakita sa lalaki ay mapapatulala sa taglay nitong kakisigan at kaguwapuhan.

“Tara na?” ngiting yakag ni Rafael sa natigilang si Joshua.

“Si-sige.” utal na sagot ni Joshua ng makabawi sa pagkatulala sa inaamin niyang hot na Devil.

Sa magkasabay na paglalakad ng CEO ng hotel na iyon, at ng kilala ng ilang empleyado na manager rin sa nasabing gusali, sinundan ng tingin ng lahat ng naroroon ang dalawa. Hindi lingid sa kaalaman ni Joshua ang mga matang nakatingin sa kanila ni Rafael, at ngayon palang ay nagsisisi na ito kung bakit pumayag pa ito na makipagdate sa katabi niyang Demonyo.

“Don’t mind them.” saad ni Rafael ng mapansin nito ang balisang si Joshua.

“Madali para sayong sabihin iyan sir. Dahil hindi ikaw ang magiging laman ng tsismis sa susunod na araw.” masungit na sagot ni Joshua na pinagdiinan ang salitang sir at binilisan ang paglalakad para mabilis na makawala sa malisyosong mga tingin ng mga tao.

Napabuntong hininga na lamang si Rafael ng dahil dun, dahil alam ng Bilyonaryong Bachelor, na hindi magiging madali ang pagkuha niya sa puso ng kanyang anghel.

Matapos ang ilang minutong pagmamaneho ni Rafael, nakarating na rin sila ni Joshua sa restaurant. At matapos ang sabay na pagbaba nila ng sasakyan, sinamantala na ni Rafael ang pagkakataon at mabilis nitong kinuha ang isang kamay ni Joshua.

“Halika na.” ngiting yakag ni Rafael at lalong lumawak ang ngiti sa kanyang mukha ng hindi alisin ni Joshua ang magkahawak nilang mga kamay.

Kaagad na pinagbuksan ng pinto ng guard ang dalawa, at pagkapasok nga nila sa loob ng resto, may waiter na mabilis ding lumapit sa kanila.

“Any reservation sirs?

“Montero please.” maikling sagot ni Rafael.

At kaagad ng sinamahan ng waiter ang dalawa sa kanilang mesa.

Matapos makaupo ay kaagad na isinakaso sila ng waiter. At matapos nilang makaorder, saglit na iniwanan sila ng waiter, kaya naiwan ang dalawa na mula pa kanina ay kapwa tahimik lang.

“Kamusta ka na?” basag ni Rafael sa katahimikan sa pagitan nila ni Joshua.

“Okay naman.” maikling sagot ni Joshua at kahit hindi ito tumingin sa kaharap, halata ng binata na nasa kanya ang tingin ni Rafael.

“Dito na kayo sa Batangas nakatira?” muling tanong ni Rafael, kahit pa alam na nito ang tungkol sa bagay na iyon.

Isang tango naman ang naging sagot ni Joshua at piniling ’wag ng magsalita, dahil inaamin niya na ilang na ilang ito sa presensya ni Rafael.

“Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa’yo Josh, at kahit pa alam nating pareho na hindi ko sinasadya iyon, hindi kita masisi kung kinasusuklaman mo pa rin ako hanggang sa ngayon, pasenya na rin at hindi ko natupad ang pangako kong hindi na muling magpakita pa sa’yo, maniwala ka Josh, sinisisi ko parin ang sarili ko at nadamay kita sa mga maling nagawa ko noon.” labas ng saloobin ni Rafael.

Nanatili parin na tahimik lang si Joshua, pero aaminin nito na dama niya ang sinseridad sa mga binitawang salita ni Rafael.

“Ang totoong dahilan kaya kita inayang lumabas tayo ay dahil gusto kong magkausap tayong dalawa, isa pa, kahit gustuhin ko man na masundan pa ang paglabas natin ngayong gabi, baka magalit ang asawa mo sa akin.” saad pa ni Rafael at gusto nitong malaman ang magiging reaksyon ng kaharap, para may makuha itong impormasyon sa buhay ngayon ni Joshua.

“Wala pa akong asawa.” sagot ni Joshua at hindi alam ng binata kung bakit pa niya itinama ang maling akala ni Rafael na mayroon na siyang asawa.

Sa narinig na sagot ni Joshua ay lihim na napangiti si Rafael, at minabuti na rin nitong usisain pa ang tungkol sa buhay ngayon ng kanyang anghel.

“Bakit, hiwalay na ba kayo ng nanay ng anak mo?”

“O-oo, pasenya na at hanggang doon na lang ang maaring kong sabihin.” saad ni Joshua at pinili muli nito ang magsinungaling.

“Naiintindihan ko.” saad ni Rafael at muli ay namayani ang katahimikan sa kanila ni Joshua. Dumating na rin ang waiter matapos nun, at dala na ang mga pagkain na inorder nila.

Habang kumakain ang dalawa ay parehong may gumugulo ngayon sa kanilang isipan. Si Rafael na bagamat may nalaman ng impormasyon sa buhay ngayon ni Joshua, alam ng bilyonaryong binata na marami pa siyang dapat malaman sa ilang taong wala siyang naging balita sa kanyang anghel, at alam nito ilang araw mula ngayon ay malalaman niya rin ang mga iyon sa kanyang tauhang imbestigador. Samantala naguguluhan si Joshua sa kanyang naging sagot kay Rafael, nagsisi ito bakit pa nito inamin na wala pa siyang asawa, sigurado kasi ngayon lalo pang naging interesado sa kanyang buhay ang kaharap, at natatakot si Joshua na baka malaman ni Rafael ang pinakatatago nitong sikreto.

“Ah Josh, kung gayun wala ka pang asawa, maari bang bigyan mo ako ng pagkakataon na ligawan ka?” muling basag sa katahimikan ni Rafael.

Nanlalaking mata at hindi naman makapaniwala sa kanyang narinig si Joshua, at napatingin na rin sa mukha ni Rafael sa sandaling iyon.

“Ano?!” medyo may kalakasang sagot ni Joshua pagkatapos.

“Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa Josh, ngayong alam ko na wala akong masasaktan na ibang tao, gagawin ko na ang dapat ay noon ko pa sana ginawa, liligawan kita Josh.” sagot ni Rafael at mabilis nitong nahawakan ang dalawang kamay ni Joshua na nakapatong sa mesa.

Kaagad namang binawi ni Joshua ang kanyang mga kamay na hawak ni Rafael.

“Pasenya na Mr. Montero, pero tinatanggihan ko ang panliligaw mo, masaya na ako sa buhay ko kasama ang anak ko.” seryosong sagot ni Joshua.

“Dahil ba sa nagawa ko sa’yo noon? Ano bang gusto mong gawin ko Josh, para mapatawad mo lang ako.” desperadong saad ni Rafael.

Kita ng dalawang mga mata ni Joshua, ang sakit sa mga mata ni Rafael sa sandaling iyon, at aaminin ng binata na kahit papaano ay naawa siya sa itsura ngayon ng kaharap.

“Wala kang dapat na gawin Rafael, pinatawad na kita, pero hindi ibig sabihin nun ay nakalimutan ko na ang masamang naranasan ko noon.” sagot ni Joshua at hindi nito namalayan na muli ay pumatak na naman ang kanyang mga luha.

Sa nakitang lumuluhang mukha ng kanyang anghel, sumikip ang dibdib ni Rafael, dahil alam nitong hindi man sadya ay siya mismo ang dahilan ng mga luha ngayon ni Joshua.

“I’m sorry.” saad ni Rafael na napayuko na sa sandaling iyon.

“I’m sorry too, kailangan ko ng umalis.” saad pabalik ni Joshua at mabilis na itong tumayo, para iwanan ang lalaking dahilan ng saya at lungkot na sabay niyang nararamdaman.

XXI

Sa sumunod na mga araw sa kanyang trabaho, palaging mayroong bulaklak na madadatnan si Joshua na nakapangalan sa kanya, at laging hawak-hawak ng kanyang sekretarya na nagpipigil ng kilig. Ilang minuto rin matapos niyang makapasok sa opisina, isang mensahe ang muling natanggap niya galing sa taong nagpadala sa kanya ng mga bulaklak na walang iba kungdi si Rafael. Pero kaibahan sa palaging pagbati ni Rafael sa kanya ng goodmorning, iba ang natanggap niyang text ngayong umaga.

“May dapat tayong pag-usapan mamaya, meet me at 12:00 PM in my office.

Sa natanggap ngang text ni Joshua, bigla itong nakaramdam ng kaba sa ’di nito maipaliwanag na dahilan.

Isang tawag ang natanggap ni Rafael matapos nitong muling magpadeliver ng bulaklak para kay Joshua. At pagkakita nito sa taong tumatawag ay kaagad ng sinagot ito ng binata.

“Magandang umaga.” sagot ni Rafael sa imbestigador.

“Sa tingin ko boss, mas maganda pa sa umaga ang mga ipapaalam ko sa’yo, tungkol sa taong ipinaimbestiga mo sa akin.” sagot ng imbestigador sa kabilang linya.

“Diretsahin mo na ako, anong mga nalaman mo kay Joshua?” walang paligo-ligoy na tanong ni Rafael sa kausap sa telepono.

“Marami boss, pero mas magandang magkita tayo ng personal, dahil kailangang makita ng dalawang mata mo ang mga nangyari kay Mr Santos.” sagot ng imbestigador.

Lalo namang napukaw ang interes ni Rafael at kaagad itong sumang-ayon sa suhestiyon ng kausap.

Sa isang cafe na malapit sa resthouse na tinutuluyan ni Rafael, ang napagkasunduan nilang lugar ng imbestigador sa kanilang pagkikita.

At pagdating nga doon ng bilyonaryong bachelor, kaagad nitong nakita ang lalaking nakabaseball cap na itim, at base sa deskripsyon ng ipinadala sa kanya sa text ng imbestigador, alam na sa sandaling iyon ni Rafael na marahil ang kikitain niyang imbestigador na ang taong iyon. Kaya naman lumapit na rin si Rafael sa puwestong iyon ng nakasumbrerong lalaki.

“Maupo ka boss.” saad ng imbestigador ng makita ang presensya ni Rafael.

“Gaya nga ng sabi mo sa akin, anong kailangang makita ng dalawang mata ko?” tanong kaagad ni Rafael pagkaupo nito.

“Ihanda mo ang sarili mo boss, dahil alam kong magugulat ka rin, gaya ng pagkagulat ko sa mga nalaman ko sa taong ipinaimbestiga mo.” sagot ng imbestigador, sabay abot nito ng isang folder kay Rafael.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Rafael at binuksan na nito ang laman ng nasabing folder. At tama nga ang kaharap, ibayong gulat ang reaksyon ng binata sa mga nakikita nito.

“Pa-papaanong?!” bulalas ng gulat paring si Rafael.

“Inaamin ko boss, na nung una ay nahirapan ako sa paghahanap ng mga impormasyon na iyan, at hindi kaagad ako naniwala na nangyari nga kay Mr Santos ang bagay na iyan.

Abala parin si Rafael sa pagtingin sa mga larawan, at hindi parin ito makapaniwala sa nakikita niya ngayon, ang kanyang anghel ay nagdalang-tao at nakapanganak ng sanggol na lalaki. At base sa mga larawan at dokumentong naririto ngayon sa harapan niya, nakasisiguro rin ang mayamang bachelor na siya ang ama ng ipinagbuntis ni Joshua anim na taon na ang lumipas.

“Good job Mr Florez, heto ang check at may dagdag pa iyan dahil sa mabilis mong nalaman ang tungkol kay Joshua.” saad ni Rafael at abot nito ng tseke sa imbestigador.

“Salamat boss, at ’wag kang mag-alala, wala ng ibang makakaalam ng tungkol sa mga nalaman natin.” pangako ng imbestigador at umalis na rin ito.

Naiwan si Rafael sa cafe na iyon, at sa nalamang nagkaroon sila ng anak ni Joshua, lalo pa itong nagbigay sa kanya ng dahilan para makuha ang pag-ibig ng kanyang anghel.

‘Kaya pala pagkakita ko sa batang iyon noon, magaan na kaagad ang loob ko sa kanya.’ saad sa isip ni Rafael, na muling naalala ang nakitang bata sa school ilang araw pa lang ang nakalipas. At sa mga nalaman nga ng bilyonaryong bachelor, isang text ang sumunod na ipinadala nito kay Joshua.

’Pasensya na anghel ko, pero kung hindi kita makukuha sa panliligaw ko, magalit ka man muli sa akin, gagawin ko ang lahat para mabuo tayo ng anak natin.“ pangako sa sarili ni Rafael.

Sa oras na alas-dose ng tanghali, eksaktong nakarating si Joshua sa labas ng opisina ng kanilang CEO at kinakabahan man, minabuti na nitong kumatok, nang sa ganun ay makapag-usap na sila ni Rafael.

Hindi gaya ng inaasahan ni Joshua, na ang boses ni Rafael ang sasagot para papasukin siya, ang seryosong mukha ng guwapong CEO mismo ang nagbukas ng pinto sa kanya.

Wala man sinabing pumasok na siya, alam ni Joshua na pagbukas ni Rafael sa pinto ay iyon ang nais ng huli na gawin niya. At bilang respeto nito sa amo, hinintay ni Joshua na makabalik sa upuan si Rafael, bago ito sumunod at umupo rin sa bakanteng upuan paharap sa amo.

“A-anong gusto mong pag-usapan natin sir?” utal na tanong ni Joshua at hindi rin alam nito, kung bakit lalo pa itong kinabahan sa sandaling iyon.

“Bakit hindi natin simulan Mr Santos, anim na taon na ang nakararaan.” sagot ni Rafael at pagbibigay nito ng ideya sa kausap sa mga nais nitong pag-usapan nila.

Ang kabang nararamdaman ni Joshua ay lalo pang nadagdagan sa mga narinig nito kay Rafael, ganunman ay hindi ito nagpahalata sa kaharap.

“Ano bang pinagsasabi mo sir? Kung may gusto kang pag-usapan, gusto kong sabihin mo na ito ng diretso.” saad ni Joshua at matapang na nakipagtitigan ito sa mukha ng kaharap.

Isang ngisi naman ang isinukli ni Rafael, alam niyang nagtatapangan lang si Joshua sa mga oras na iyon. At alam rin ng bilyonaryong bachelor na hindi tanga ang kausap, na alam na rin nito na may alam na siya sa mga itinatago nito sa kanya.

“Masusunod Josh, tungkol ito sa anak kong si Kristoff.” ngising saad ni Rafael.

Sa narinig nito kay Rafael, kaagad nawala ang matapang na mukhang mayroon si Joshua, hindi ito makapaniwala na wala pang dalawang linggo mula ng muli silang magkita ni Rafael, ngayon ay alam na nito ang tungkol sa kanilang anak. Pero nalaman man ni Rafael ang tungkol sa anak nila, desidido si Joshua na ipaglaban ang kanyang anak, kaya naman kaagad din itong nakabawi at muling tumingin sa kaharap.

“Nagkakamali ka yata Mr Montero, anak ko si Kristoff at sa loob ng anim na taon, mag-isang ko siyang inalagaan at binuhay, kaya wala kang karapatan na tawagin mo siyang anak.” saad ni Joshua.

“Tama ka naman Mr Santos, pero alam mong marami akong puwedeng gawin at kilala mo ako na magagawa ko ang kahit na anong gustuhin ko, kaya pasensyahan na tayo dahil sa ayaw o gusto mo, kikilalanin akong tatay ng anak kong si Kristoff.” seryosong saad ni Rafael.

Pigil ni Joshua ang galit na nararamdaman nito, matapos marinig ang mga binitawang salita ni Rafael.

“Iyon lang ang dahilan kaya gusto kong mag-usap tayo, kung wala ka ng sasabihin, makakalabas ka na.” muling saad ni Rafael ng wala na itong marinig sa kausap.

Nanlalambot naman na tumayo si Joshua at gustuhin man nitong lumaban ay alam nitong imposible iyon sa maimpluwensyang lalaking kasama niya ngayon, pero bago ito tuluyang umalis, muli itong tumingin sa tatay rin ng kanyang anak.

“Sana masaya ka na.” galit na sumbat ni Joshua at lumabas na rin ito sa opisina ni Rafael pagkatapos.

Naiwan naman na napabuntong hininga na lamang si Rafael.

“Hindi pa anghel ko, pero pangako, hindi ako susuko hanggang sa mapatawad mo rin ako.” saad ni Rafael na hindi na narinig pa ng galit na si Joshua.

XXII

Pagkagising ni Joshua sa umaga, ibayong kaba kaagad ang naramdaman niya ng wala na sa tabi niya ang kanyang anak, kaya naman matapos mag-ayos ng sarili, mabilis itong bumaba para hanapin si Kristoff.

“Kristoff anak!” tawag ni Joshua ng makalabas ito ng kuwarto.

“Anak, nasa labas kasama ang lolo niya.” sagot ni Wilma ng marinig nito ang pagtawag na iyon ng anak.

Narinig man nito ang sagot na iyon ng kanyang ina, sunod na tinawagan ni Joshua ang kanyang ama.

“Tay, nasaan po kayo ng anak ko?” kabang bungad ni Joshua pagkasagot ng ama sa kanyang tawag.

“Anak, nandito kami sa playground ng subdivision natin.” sagot ni Martin sa kabilang linya.

“Ganun po ba, sige tay pakibantayan po ng mabuti ang apo n’yo, susunod po ako d’yan sa inyo.”

“Sige anak, ’wag kang mag-alala hindi ko papabayaan si Kristoff.”

Samantala, rinig ni Wilma ang anak na batid nitong kausap ang kanyang ama, kaya naman matapos ang pag-uusap ng dalawa, minabuti na ng ginang na kausapin ang anak na ilang araw na niyang nahahalata na hindi mapakali.

“Anak, ilang araw ko ng napapansin na hindi ka mapakali, lalo na kapag hindi mo kasama si Kristoff, tapatin mo nga ako Joshua, may dapat ba kaming malaman ng tatay mo?”

“Tama po kayo nay, panahon na siguro para malaman ninyo ni tatay… tungkol po ito sa ama ni Kristoff, pero mabuti po siguro ’pag nandito na si tatay tsaka ko na lang ikwento sa inyo ang lahat.” sagot ni Joshua.

“Naiintindihan ko anak.” sang-ayon ni Wilma.

Matapos ang maikling pag-uusap nila ng kanyang ina, mabilis na naligo na si Joshua, para masundan ang maglolo sa playground.

Maagang nagising si Rafael sa araw na iyon ng Sabado. Habang naliligo, muling bumalik sa kanyang isipan ang nangyaring pag-uusap nila ni Joshua sa kanyang opisina, hindi niya gustong iparamdam sa huli na kukuhanin niya ang anak nilang si Kristoff. Pero alam ni Rafael na iyon ang pagkakaintindi ni Joshua, kaya ganun na lang ang galit ng huli sa kanya, bago ito tuluyang lumabas ng opisina.

‘Bahala na, pero gusto ko na rin na makitang muli ang anak natin.’ saad sa isip ni Rafael at gaya nga ng kanyang plano, ngayon araw ay pupunta ito sa bahay ng mga Santos.

Habang nagmamaneho ng sasakyan at tinutungo nito ang papunta sa subdivision, kung saan nakatira nga ang pamilya Santos. Hindi na makapaghintay si Rafael, sa magiging reaksyon ng kanyang cute na anak, kapag naibigay na nito ang maraming laruan na naririto ngayon sa kanyang sasakyan.

Nang tuluyang makapasok sa subdivision na iyon, sunod na nakita ni Rafael ang pamilyar na mukha ng kanyang anak. Saglit na inihinto ni Rafael ang kanyang sasakyan malapit sa palaruang iyon, at ng makasiguro ito na ang anak niyang si Kristoff nga ang batang nakita nito, hindi na nagdalawang isip pa ang binata at tinungo na ang kinaroroonan ni Kristoff.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Joshua, sa nadatnang kasama ngayon ng kanyang anak at ng kanyang tatay.

Kaya naman ng makabawi, may galit na bumaba ito ng sasakyan, at tinungo na nito ang kinaroroonan ng kanyang anak.

“Kristoff!” tawag ni Joshua sa anak.

Napatingin naman si Rafael, si Martin at ang batang si Kristoff, sa papalapit sa kanilang si Joshua.

“Papa! Look oh, ang daming ibinigay na laruan ni tito Rafael.” natutuwang saad ni Kristoff na kasalukuyang kalong ni Rafael.

“Oo nga anak, pati ang mga kaibigan ng anak mo ay nabigyan rin ng mga laruan, hindi mo naman ikinuwento sa amin na kilala mo pala ang bago mong boss.” saad ni Martin na masaya rin sa oras na iyon, habang abala ito sa pamimigay ng mga laruan sa mga batang naroroon.

Ang galit na nararamdaman ni Joshua kanina ay pansamantala na muna nitong kinalimutan, gayunman, hindi nito papalampasin ang ginawang paglapit ni Rafael sa kanyang anak.

“Baby, makipaglaro ka muna sa mga friends mo okay, may pag-uusapan lang kami ni tito.” lambing na kausap ni Joshua sa kanyang anak.

“Okay po papa.” sunod ng batang si Kristoff at bumaba na sa pagkakakandong kay Rafael.

“Sumunod ka sa akin.” masungit na baling ni Joshua kay Rafael.

“Yes boss!” nakangiting sagot ni Rafael, na bagamat sinungitan ni Joshua ay lalo pang nagustuhan ang mukhang meron ngayon ang huli.

“Anong ibig sabihin nun?” tanong ni Joshua ng makalayo sila ni Rafael sa mga bata.

“Pagbibigay ng mga laruan sa anak ko at sa mga kaibigan niya.” sagot ni Rafael.

“Huwag ka ngang pilosopo, alam mo ang tinutukoy ko.” inis ng saad ni Joshua.

“Hindi ba nag-usap na tayo nung isang araw na gusto kong makilala rin ako ng anak natin, heto sinisimulan ko na iyon.” seryosong sagot ni Rafael.

“Wala kang karapatan sa anak ko, at bilang papa niya, pinagbabawalan kita na muling makipagkita sa anak ko.”

“Alam kong galit ka parin sa akin Josh, pero pati ba naman sa anak natin pagbabawalan mo rin ako, aba ibang usapan na iyon, at alam mong hindi ako papayag sa gusto mo.”

“Pwes, wala akong pakialam kung payag ka o hindi, hindi mo na kailanman man makikita ang anak ko.” giit na saad ni Joshua.

“Alam mong imposible ang bagay na iyan, at payag ka man o hindi, kikilalanin ako ng anak natin.” ngising sagot ni Rafael na gustong asarin pa si Joshua.

“Subukan mong lumapit pa sa anak ko at idedemanda kita.” banta ni Joshua kay Rafael.

“Alam mo Josh, may isa ka pang puwedeng idemanda sa akin?” ngising suhestiyon ni Rafael.

Nakunot-noong tumingin naman si Joshua, dahil sa narinig nitong tinuran ni Rafael.

At para masagot na ng pilyong si Rafael ang naguguluhang mukha ng kanyang anghel. Sa isang kisapmata lang, ipinagtapo ni Rafael ang mga labi nila ni Joshua.

XXIII

Sa ginawang paghalik ni Rafael kay Joshua, batid ng una ang gulat na reaksyon ng huli dahil sa parang naestatwa ito. At sinamantala na ng bilyonaryong binata ang pagkakataon iyon, gamit ang dalawang niyang kamay ay lalo pa nitong diniinan ang pagtatagpo ng mga labi nila ni Joshua.

Sa panig ni Joshua, tila tumigil ng panandalian ang nasa kanyang paligid, hindi rin nito alam ang gagawin sa ’di nito inaasahang paghalik sa kanya ni Rafael, kaya naman nanatili lang ito at hinayaan ang ginagawang paghalik sa kanyang mga labi ng kani-kanilang ay kinaiinisan nito.

Hindi alam ni Rafael kung anong tumatakbo sa isipan ngayon ni Joshua, pero sa panig ng binata ay higit pa pala ang sarap na dulot ng mga labi ng kanyang anghel na ngayon ay natitikman na niya, kumpara sa naiisip nito noon at palagi rin nitong napapanaginipan, kaya naman hindi niya hahayaan na hindi kaagad muling matikman ang masarap ng mga lambing ito ni Joshua.

Hindi maipaliwanag ni Joshua ang sarap na nararamdaman, na dulot ng mga labi nila ni Rafael na patuloy sa paghahalikan. At ng maisip na ng binata ang kasalukuyang nangyayari sa pagitan nila ni Rafael, mabilis na naitulak nito ang pangahas na unang umangkin sa kanyang birhen pang mga labi.

Ang masarap na sandaling ayaw ng matapos pa ni Rafael, na dulot ng magkatagpong mga labi nila ni Joshua ay pinutol ng huli sa ginawa nitong pagtulak sa kanya. Sunod ay ang namumulang mukha at namamagang mga labi ni Joshua ang bumungad kay Rafael.

“Binabawi ko na ang sinabi kong idemanda mo ako sa ginawa ko ngayon, mukhang gustong-gusto mo rin pala.” ngising saad ni Rafael na muli ay gusto nitong makita ang inis na mukha ng kanyang anghel.

“Gusto mo mukha mo! ’Di hamak na mas magaling humalik sa’yo ang pamangkin mo.” ’di papatalong balik ni Joshua at muli ay nagsinungaling na naman ito.

“Anong sabi mo?!” saad ni Rafael na ibayong selos at pagkapahiya ang naramdaman nito.

“Hindi ko alam na bingi ka na rin pala ngayon Mr Montero. Siguro naman maliwanag na sa’yo na wala akong interes sa iyo, at lubayan mo na kami ng anak ko.” ngiting sagot ni Joshua at alam ng binata na nanalo ito sa bangayan nila ni Rafael.

“Nagkakamali ka yata Mr Santos, wala na akong pakialam kung wala kang interes sa akin, pero inuulit ko, kikilalanin ako ng anak ko tapos ang usapan.” saad ni Rafael na bagamat nagsinungaling ito, dahil umaasa parin itong mamahalin rin siya ni Joshua.

“Kung ganun goodluck na lang sa’yo, dahil alam kong mas papaniwalaan ako ni Kristoff.” ngising sagot ni Joshua at iniwanan na nito si Rafael.

Napabuntong hininga na lamang si Rafael na tumingin sa papalayong si Joshua.

‘Nagalit man, ang importante ay natikman ko na rin sa wakas ang mga labi ng anghel ko.’ saad sa isip ni Rafael at napailing na lang ito pagkatapos.

Sakay ng minamanehong sasakyan ni Joshua ay magkasama silang bumalik ni Kristoff sa kanilang bahay. Nakasunod naman ang kanyang tatay na minamaneho ang pinampapasadang taxi. Pero ang ikinanoot-noo ni Joshua ay ang isa pang sasakyan na sumusunod parin sa kanila, ito’y ang sasakyan na minamaneho ni Rafael.

“Nakakainis talaga ang lalaking iyon.” saad ni Joshua.

“Papa, sino pong nakakainis?” tanong ni Kristoff sa papa niya, na kasalukuyang hindi maipinta ang itsura at abala sa pagmamaneho.

“Ah wala baby, may naisip lang si papa.” sagot ni Joshua.

At ilang sandali pa nga ay nakarating na sila sa kanilang bahay.

“Kristoff pasok ka na sa loob okay, may kakausapin lang saglit si papa.” baling ni Joshua kay Kristoff matapos nitong pagbuksan ng sasakyan ang anak.

“Okay po papa, si tito Rafael po ba iyon, ang bait po niya no, kasi he gave us toys po.” saad ni Kristoff bago ito tuluyang bumaba sa sasakyan.

“Yeah baby si tito Rafael nga ang kakausapin ni papa. Sige na pasok kana sa loob.” sagot ni Joshua at sinamahan na munang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang anak.

“Sige anak, pagkatapos niyong mag-usap ng boss mo ay ayain mo siyang mananghalian sa atin.” saad ni Martin na narinig ang sinabi ng anak.

“Ah hehe, sige po tay.” ilang na sagot ni Joshua, at pigil nito ang inis, dahil sa maikling panahon ay nagawa ng kuhanin ni Rafael ang loob ng dalawang lalaking mahalaga sa kanya.

“Ang sweet mo naman Josh, hinintay mo pa talaga ako.” ngiting saad ni Rafael pagkababa nito sa sasakyan.

“Ang sweet ko no, hayaan mo papakainin kita palagi ng matatamis para magkadiabetes ka.” inis na balik ni Joshua sa nakangiti at aaminin niyang guwapong mukha ng kaharap.

“’Di na kailangang ng iba pa, mga labi mo palang sapat na para magkadiabetes ako.” ngising sagot ng hindi papatalong si Rafael.

Pinamulahan naman ng mukha si Joshua sa narinig nito kay Rafael, at tsaka mabilis na bumalik sa kanya ang unang halik na ipinadama kanina ng huli.

“Hahaha hayan ah tumawa na ako, nakakatawa kasi ang joke mo.” inis na saad ni Joshua.

“Sus kunwari ka pa, kung nakita mo lang ang mukha mo kanina habang sarap na sarap ka sa ginawa ko, gusto mo ulitin natin.” suhestiyon ni Rafael na hindi parin mawala ang ngisi sa mukha.

“Subukan mo at ingungod ko ang mukha mo sa pader, mas gugustuhin ko ng halikan si Ash kesa ang mahalikan muli kita.”

“Ang bayolente mo talaga pagdating sa akin, mas gusto mo pang halikan ang asong bigay ko sa’yo kesa ang halikan muli ako?” ’di makapaniwalang saad ni Rafael na nadulas na sa sandaling iyon.

“A-anong sabi mo?” tanong ni Joshua na ’di nakaligtas ang narinig nito kay Rafael, tungkol sa alaga niyang aso.

“Ano bang sabi ko?” kunwaring tanong ni Rafael na nagsisisi, at nabanggit nito ang tungkol sa asong bigay niya kay Joshua noon.

“Sa’yo ga-galing si Ash?” kumpirma ni Joshua at alam nitong posible ang bagay na iyon, dahil noong panahong masaya pa silang magkasama ni Rafael, nabanggit nito sa bagong kaibigan ang tungkol sa kagustuhan nitong magkaroon ng alagang aso.

Isang tango lang ang naging sagot ni Rafael, alam ng binata na wala ng dahilan pa para itanggi nito ang tungkol sa bagay na iyon, dahil alam nitong matalino ang anghel na kaharap niya.

“Salamat Rafael.” nakangiting saad ni Joshua.

Hindi naman makapaniwala si Rafael sa nakikitang nakangiting mukha ngayon ng kanyang anghel, akala ng binata ay ikagagalit ni Joshua kapag nalaman nito ang katotohanan.

“Walang anuman anghel ko.” nakangiting sagot ni Rafael at lumapit pa ito lalo kay Joshua.

Kita ni Joshua ang paglapit sa kanya ni Rafael, at kasunod nga noon ay ang dahan-dahang paglalapit rin ng kanilang mukha. At bilang sagot ni Joshua sa mga mata ng kaharap na wari mo’y humihingi ng permiso sa kanya, isang ngiti ang naging sagot ni Joshua at pumikit na rin sa sandaling iyon, kasunod nito ay ang muling pagtatagpo ng mga labi nila ni Rafael.

XXIV

Matapos ang halikan nila, na alam ni Joshua na ilan ring minuto iyon, hindi alam ng binata kung paano ngayon pakikitunguhan si Rafael.

“Ah uhm pasok na tayo?” ilang na yakag ni Joshua kay Rafael, na may malapad na ngiti sa mukha sa sandaling iyon.

“Sige anghel ko.” ngiting sang-ayon ni Rafael at kaagad na umakbay kay Joshua.

Hindi naman maipaliwanag ni Joshua ang nararamdaman, sa muling pagtawag ng anghel sa kanya ni Rafael. At inaamin nitong masaya rin siya sa nangyayari sa kanila ni Rafael ngayon.

“May bisita ka pala anak.” bungad ni Wilma kay Joshua, nang mapansin ng ginang ang pamilyar na lalaking kasama ng anak.

“Ah opo nay, si Rafael po, boss ko.” pakilala ni Joshua kay Rafael, sa kanyang ina.

“Rafael pala ang pangalan mo, lalo kapang gumwapo hijo, ang tagal na nung una at huling nagkita tayo, natatandaan mo pa ba ako?” saad at tanong ni Wilma sa lalaking bisita ng anak.

Kapwa naman napatingin sa isa’t-isa sina Joshua at Rafael. Si Joshua na nagtatanong paanong magkakilala ang kanyang ina at si Rafael. At si Rafael na kinakabahan sa maaaring maramdaman ni Joshua, kapag sinagot nito ang tanong na iyon ng ina ng huli.

“Hindi mo na siguro matandaan iyon hijo, kunsabagay matagal na rin iyon.” baling ni Wilma kay Rafael. “Kasi Josh anak, si Rafael ang lalaking tumawag sa akin noong nawalan ka ng malay at siya rin ang nagsugod sa’yo sa ospital.” kwento ng ginang sa pangyayari noon.

Sa narinig, naalala na ni Joshua ang tungkol sa bagay na iyon, may iniwan pa ngang sulat si Rafael sa kanya, na hanggang ngayon ay pinakatatago niya.

“Ah oo nga po, ako nga iyon.” amin ni Rafael na hindi parin mapakali, at kinakabahan na muling magalit na naman si Joshua sa kanya.

“Natatandaan ko na nay, salamat pala sir.” baling ni Joshua kay Rafael.

Isang pilit na ngiti naman ang isinukli ni Rafael, sa seryosong si Joshua.

“Mahal, mabuti pa ay ihanda muna ang tanghalian natin, at dito rin kakain sa atin si Rafael.” saad ni Martin, para iwanan na ng asawa ang dalawa.

“Oo nga pala, sige anak ikaw na ang bahala kay Rafael.” saad ng ginang at iniwanan na sina Joshua at Rafael.

“Josh, puwede bang samahan ko ang anak natin.” hinging permiso ni Rafael na sapat na para marinig ni Joshua.

“Si-sige, samahan mo na siya sa sala, may gagawin lang ako sa kuwarto.” sagot ni Joshua, na piniling iwanan na muna si Rafael.

Hindi parin makapaniwala si Rafael na kasama niya ngayon ang kanyang anak, abala sila sa paglalaro sa mga laruang regalo nito kay Kristoff.

“Kristoff, can tito ask you a question?”

“Yes po tito, ano po iyon?” sagot ng batang si Kristoff na tumingin pa sa direksyon ni Rafael.

Ibayong pagpipigil naman ang ginawa ni Rafael na mayakap at mahalikan ang cute na anak nila ni Joshua, kaya naman sa isip ng binata, gagawin nito ang lahat para mabuo silang pamilya sa lalong madaling panahon.

“May palagi bang bumibisita dito sa inyo?”

Kita naman ni Rafael na sandaling natahimik ang cute nitong anak, na wari mo’y nag-iisip sa isasagot.

“Mayroon pong kasama si papa tuwing minsan, si tito Luis po, ang bait po niya kasi palagi rin po akong may pasalubong kapag dumarating po siya.” sagot ni Kristoff.

Nakaramadam naman ng selos at inggit si Rafael sa nalaman nito sa anak, nauna pa palang nagkakilala ang magpinsan, at ngayong kasama naman na niya ang anak, hindi naman maaaring biglain niya ito at sabihin na tatay rin siya ng bata.

“Ganun ba, eh pag ako, payag ka bang palagi akong dumalaw dito sa bahay ninyo?” tanong muli ni Rafael sa anak.

“Okay lang po, mukha naman po kayong mabait, atsaka binigyan ninyo po ako ng mga laruan pati po ang mga friends ko.” ngiting sagot ni Kristoff.

Nahawa naman sa nakangiting anak, si Rafael, na napangiti na rin sa sandaling iyon, at dahil dun, hindi na nito napigilan ang kanyang sarili at niyakap nito ang anak.

Kita ni Martin ang ginawang pagyakap na iyon ng boss ni Joshua sa kanyang apo, at sa nakitang itsura ng dalawa, sumagi sa isipan ng matanda na parang mag-ama ang mga ito.

Sa ginawa nitong pagyakap sa kanyang anak, kaagad na tumulo ang mga luha sa mga mata ni Rafael. Hindi niya inaasahan na sa unang pagkakataong susubukan niyang makasama ang anak, at ang galit parin sa kanya na si Joshua, ito ang susunod na mangyayari. Alam ni Rafael at naiintindihan nito ang nararamdaman paring galit ni Joshua, kaya naman ibayong pasasalamat sa Diyos ang nasa isip ngayon ni Rafael, at natupad na ang ilang taon rin niyang ipinagdasal na mapatawad siya ng kanyang anghel. At ngayon may binigay pa sa kanyang malaking bonus, ito’y ang anak nila ni Joshua.

“Tito, are you crying po?” tanong ng inosenteng si Kristoff, habang yakap parin siya ng hindi pa nito kilala na tatay rin niya.

“Oo anak, masaya lang si daddy.” otomatikong sagot ni Rafael sa anak, na nakalimutan na nitong hindi pa alam ni Kristoff ang katotohanan.

“Ano po?” takang tanong ni Kristoff.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Rafael pagkatapos, kaya naman humiwalay na ito sa yakapan nila ng anak.

“Ah ang sabi ko masaya lang si tito, sige pupuntahan ko muna ang papa mo.” ngiting sagot ni Rafael na mabilis namang napunasan ang mga luha sa mga mata.

“Okay po tito.” sagot ni Kristoff at nagpatuloy ito sa paglalaro ng mag-isa.

Sa kuwarto ay hindi mapakali si Joshua, hindi nito alam kung paano pakikitunguhan ngayon si Rafael. Naiinis siya sa sarili, gayung kanina ay ibayong takot ang naramdaman niya na baka kuhanin sa kanya ni Rafael ang anak nila. Kaya nga galit na galit ito ng magkausap sila ng tatay rin ng kanyang anak. Pero matapos malaman na galing kay Rafael ang asong si Ash, sa isang iglap lang, nakalimutan ni Joshua ang sakit na idinulot sa kanya ng una, na humantong pa sa paghahalikan nilang ng ikalawang beses ngayong araw pa lang na ito.

“Tok! Tok! Tok!” rinig ni Joshua na nanggagaling sa pinto, na nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Sa ikalawang pagkatok ay minabuti na ni Joshua na pagbuksan nito ang nasa pinto.

“Puwede ba tayong mag-usap sandali.” bungad ni Rafael pagkabukas ng pinto ni Joshua.

Hindi naman napaghandaan ni Joshua ang pakiusap na iyon ni Rafael, ganunman…

“Si-sige, pasok ka.” pagpayag ni Joshua at minabuti nitong sa kuwarto na lang sila mag-usap ni Rafael.

“Anong gusto mong pag-usapan natin?” simula ni Joshua ng makapasok sila ni Rafael sa kuwarto. Si Joshua na nakaupo sa gilid ng kama, at si Rafael na pinili nitong umupo sa silya paharap sa una.

“Tungkol sa anak natin.” sagot ni Rafael at pinili nitong hawakan ang dalawang kamay ng kanyang anghel.

“Anong tungkol kay Kristoff?” tanong ni Joshua na wala ng kabang nararamdaman, at hinayaan lang din nito ang mga kamay niyang hawak parin ni Rafael.

“Ayokong biglain si Kristoff, kaya gusto kong ikaw ang masunod, kapag handa ka ng ipagtapat sa bata ang tungkol sa akin.” sagot ni Rafael na titig na titig sa maamong mukha ng kanyang anghel.

Hindi naman makapaniwala si Joshua sa narinig nito, pero nagpapasalamat ito na hinayaan siya ni Rafael sa bagay na iyon. Ganunman, nakakaramdam parin ito ng pagkailang, lalo na at parang pati kaluluwa niya ay binabasa ni Rafael sa paraan ng patigtig nito sa kanya.

“Sa-salamat Rafael, pero may gusto akong ipaalam sa’yo.” simula ni Joshua na nais rin nitong pag-usapan nila ni Rafael.

“Ano ’yon, anghel ko.” maagap na tanong ni Rafael at lumapit pa lalo kay Joshua.

Ramdam ni Joshua ang pamumula ng kanyang mukha, dahil sa pagtawag muli ni Rafael sa kanya ng anghel, pati na sa ilang dangkal na lang na layo ng magkalapit nilang mukha ng huli.

“Gusto ko ng ipagtapat kila tatay na ikaw ang daddy ni Kristoff.” sagot ni Joshua.

“Iyon lang ba hmm?” lambing na tanong ni Rafael at gamit ang isang kamay ay hinaplos nito ang kaliwang pisngi ni Joshua.

Napapikit naman si Joshua at napatango na lang ito bilang sagot kay Rafael.

Sa pagpikit ni Joshua, alam ni Rafael na muli siyang pinahihintulutan ng una, sa nais nitong gawin niya, kaya naman, sa ikatlong pagkakataon ay muling nagtagpo ang mga labi nila.

Nang kapwa mauubusan na sila ng hanging ay doon palang humiwalay sa halikan ang dalawa.

“Salamat Josh, sa ibinigay mong pagkakataon sa akin, pangako ko, babawi ako sa inyo ng anak natin.” sinserong saad ni Rafael at muling hinawakan ang mga kamay ni Joshua.

“At panghahawakan ko iyan Rafael, pero sa ngayon, bumaba na tayo para makakain.” nakangiting saad ni Joshua.

“Sige.” ngiting sang-ayon ni Rafael.

Sa ilang taong mag-isa siya sa tuwing kumakain, ipinagpapasalamat ni Rafael ang makasalo sa pagkain ang pamilya ng kanyang anghel. Kita ng binata ang masayang samahan ng pamilya Santos, na lalo pang binigyang kulay ng cute na si Kristoff, na anak nila ni Joshua.

Matapos kumain ay nagpresinta si Rafael na maghugas ng mga pinagkaninan nila. Noong una ay ibayong pagtanggi ang naging sagot ng mag-inang si Joshua at Wilma, pero sa tulong ni Martin na nagbiro na hayaan na ang boss ng anak at baka mawalan ng trabaho si Joshua. Sa huli ay pumayag na rin si Wilma, ganunman ay sinamahan naman ni Joshua si Rafael.

At ngayon nga ay kasalukuyan ng naghuhugas ng mga pinagkainan ang dalawa.

“Sigurado ka bang handa ka ng sabihin sa mga magulang mo ang tungkol sa akin.” pagtitiyak ni Rafael.

“Oo, sa totoo niyan, pag-uwi sana ni tatay kanina ay sasabihin ko na kaagad ang tungkol dun, pero dahil dumating ka, minabuti ko nalang na gawin pagkatapos nating makakain.” sagot ni Joshua.

“At pagkatapos mong sabihin ang tungkol sa akin, gusto kong ipagtapat ang totoong dahilan kaya may nangyari sa atin.” saad ni Rafael.

Napatingin naman si Joshua sa katabi, at nabahala ito sa narinig kay Rafael.

“Huwag na Rafael, hayaan na natin ang bagay na iyon.” pakiusap ni Joshua.

“Gusto kitang pagbigyan Josh, pero nakahanda ako sa anumang maging reaksyon ng mga magulang mo sa ipagtatapat ko sa kanila, ayokong sa iba pa nila malaman ang masamang nagawa ko sa’yo noon.” seryosong saad ni Rafael.

“Si-sigurado ka?”

“Oo anghel ko, dahil gusto kong maging totoo sa magulang mo, bukod dun, gusto kong magsimula tayo ng anak natin kapag naging maayos na ang lahat.” maagap na sagot ni Rafael.

“Sige, pero anumang mangyari, kasama mo na ako.” pangako ni Joshua at isang halik sa pisngi ang iginawad nito kay Rafael.

“Ang sarap naman nun.” nangingiting saad ni Rafael.

“I-enjoy mo na iyan, dahil alam kong suntok ang susunod na dadapo sa mukha mo mamaya.” asar ni Joshua na namumula ang mukha, dahil hindi ito makapaniwala sa nagawa.

“Okay lang anghel ko, ang importante ay kasama ko na kayo ngayon ng anak natin.” ngiting sagot lang ni Rafael at mabilis itong humalik rin sa namumulang mukha parin ni Joshua.

XXV

Hindi alam ni Joshua kung papaano sisimulan ang pagtatapat nito sa mga magulang, sa katotohang ang kasama nila ngayong si Rafael, ang taong nakabuntis sa kanya anim na taon na ang nakararaan.

“Josh, may sasabihin ka raw sa amin ng nanay mo?” tanong ni Martin sa anak, at iyon lang ang hinihintay ni Joshua, na matapos patulugin ang anak sa kanilang kuwarto, heto ngayon at nasa sala sila ng mga magulang kasama ni Rafael.

Si Wilma ay nagtataka naman sa sandaling iyon, kung bakit kasama nila si Rafael, may ideya na ang ginang sa nais sabihin sa kanila ng anak, at ito’y ang tungkol sa ama rin ni Kristoff. Atsaka bumalik ang nangyari noon kay Wilma, ang pagdala sa ospital ni Rafael kay Joshua, eksaktong anim na taon na ang nakakalipas at anim na taon gulang na rin ang apong si Kristoff. Ganunman at may duda na itong posibleng si Rafael nga ang isa pang ama ni Kristoff, pinili ng ginang na ’wag pangunahan ang anak, kaya naman hinintay na nito ang pagtatapat ni Joshua.

“Tay, nay.” simula ni Joshua at salitan itong tumingin sa mga magulang na kaharap nila ni Rafael.

Bilang pagpapalakas ng loob sa alam nitong kinakabahang katabi, hinawakan ni Rafael ang isang kamay ni Joshua na nasa hita ng huli.

At ang simpleng ginawa nga ni Rafael ay nagbigay ng lakas ng loob kay Joshua, para ipagpatuloy na nito ang sasabihin.

“Si Rafael po ang daddy ni Kristoff.” pagtatapat ni Joshua sa katotohanan sa mga magulang.

Inaamin ni Martin na labis nitong ikinagulat ang narinig nito sa anak.

“Ang ibig mong sabihin, ang boss mo ang nakabuntis sa’yo?!” gulat parin na tanong ni Martin.

Samantala kahit pa may ideya na si Wilma, kahit papaano ay nagulat parin ito.

“Opo tay.” sagot ni Joshua sa ama.

“Pero anak, bakit ngayon mo lang ito ipinagtapat sa amin, at ngayong kasama pa natin si Rafael, ang ibig bang sabihin nito ay may relasyon na kayo?” tanong ni Wilma sa anak.

“Wala kaming relasyon ni Rafael, nay.” maagap na sagot ni Joshua sa ina.

“Kung gayong wala kayong relasyon ni Rafael, anong dahilan bakit pinili mong ipagtapat na ngayon sa amin ng nanay mo ang katotohanan?” seryosong tanong ni Martin, habang isa-isang tinignan ang anak, at ang katabing si Rafael.

Sa paraan ng pagtingin sa kanya ng tatay ni Joshua, kahit papaano’y nakaramdam ng takot si Rafael, pero desidido na rin itong ipagtapat sa mga magulang ng kanyang anghel, ang isa pang kailangang malaman ng mga ito.

“Ka-kasi tay, natakot ako ng magpakita muli sa akin si Rafael, kasi kahit pa hindi nito alam ang pagkakaroon namin ng anak, alam kong may kakayahan siyang malaman ang mga nangyari noon, at natakot rin ako na baka ilayo niya sa akin si Kristoff.” aming sagot ni Joshua sa ama.

“At ngayong alam na nating lahat, na alam mo na Rafael ang tungkol sa pagkakaroon ninyo ng anak ng anak namin, sabihin mo sa amin ang totoo, may balak ka bang kuhanin sa amin ang apo ko?” baling ni Martin kay Rafael.

“Wala po sir, ang tanging balak ko lang ay makita ang anak namin ni Joshua, at bumawi sa ilang taong wala po akong alam na may anak na pala ako, umaasa rin po ako na kilalanin rin ako ng anak namin.” maagap na sagot ni Rafael sa tatay ni Joshua.

“Mabuti kung ganun, dahil kahit alam namin na maimpluwensya ka, magkakamatayan muna tayo bago mo makuha sa amin ang apo namin.” seryosong saad ni Martin.

“Alam ko po ’yon sir, at sobra po ang pasasalamat ko sa inyo sa pag-alaga ninyo sa mag-ama ko. Maniwala po kayo, kung alam ko lang na nagkaroon kami ni Josh ng anak, hinding-hindi ko makakaya na lumipas ang maraming taon na hindi sila makasama.” amin ni Rafael sa saloobin nito.

“Hindi mo na kailangan na magpasalamat, dahil tungkulin namin iyon sa anak at apo namin. At tungkol naman sa gusto mong makasama si Kristoff, ayos lang sa amin ng lola niya, pero na kay Joshua ang huling desisyon sa bagay na iyon.” saad ni Martin.

“Naiintidihan ko po sir, pero may kailangan rin akong ipagtapat sa inyo ni ma’am.” sagot at simula ni Rafael sa nais rin nitong sabihin.

“Rafael.” saad ni Joshua na kinakabahan na sa maaring mangyari, matapos ang gagawing pagtatapat ni Rafael.

“Kailangan nilang malaman Josh.” sagot ni Rafael sa kanyang anghel, at isang ngiti ang ibinigay nito ng magtama ang kanilang paningin ni Joshua, bilang pagtitiyak sa katabi na handa ito sa anumang mangyari.

“Anong kailangan naming malaman?” seryosong tanong ni Martin kay Rafael.

“Josh, puwede bang iwanan mo muna kami.” pakiusap ni Rafael kay Joshua, ayaw kasi ng binata na maipaalala pa ang masamang nagawa niya noon sa kanyang anghel.

“Si-sige.” sang-ayon ni Joshua, na bagamat ayaw nitong iwanan si Rafael, naiintindihan nito ang gustong mangyari ng huli.

“Tarantado ka!” galit na galit na saad ni Martin, sabay sugod at suntok kay Rafael. Ibayo ngang galit ang nadarama ngayon ni Martin, ngayon malinaw na sa kanya ang lahat, kung bakit ilang beses rin nitong nakita ang anak noon, na tila tulala at kasunod nga noon ay ang pagluha ni Joshua. Sa isip noon ng matanda ay dahil iyon sa kalagayan ng anak, pero ngayong alam na nito ang totoo, bukod sa galit ngayon kay Rafael, ibayong pagkaawa rin ang nadarama ni Martin sa pinagdaanan ng kanyang mabait na anak.

“Diyos ko! Tama na mahal!” alalang saad ni Wilma at awat nito sa asawang muling susuntukin si Rafael. Gaya ng nadarama ng asawa, galit rin si Wilma sa lalaking gumawa ng masama sa kanilang anak, pero ayaw naman nitong makapatay ang kabiyak.

Dali-dali namang lumapit na si Joshua sa sandaling iyon, matapos marinig ang sigaw na iyon ng kanyang ina. At tumambad nga sa kanya ang duguang ilong at may pasang mukha ni Rafael ng tuluyang makalapit ito.

Alam ni Rafael na nararapat lang ang galit at suntok na ibinigay sa kanya ng ama ni Joshua, kung tutuusin balewala pa iyon sa laki ng kasalanan niya sa kanyang anghel.

Kita naman ni Martin, ang pagdulog ng anak sa napahigang si Rafael, matapos ang malakas na suntok na ibinigay nito sa huli.

“Hayaan mo siya Joshua, tarantadong iyan! Ang lakas ng loob mong magpakita pa rito sa pamamahay namin!” saway ni Martin sa anak at galit na baling nito kay Rafael.

“Nay, pumasok na po kayo ni tatay sa loob, ako na pong bahala kay Rafael.” pakiusap ni Joshua sa kanyang ina.

“Hindi! Kayo ng nanay mo ang pumasok, hindi pa ako tapos sa gagong iyan!” galit na saad ni Martin.

“Tay, sige na po, sasamahan ko lang palabas si Rafael.” pakiusap ni Joshua sa ama.

“Mahal, hayaan na natin ang gusto ng anak natin.” pakiusap na rin ni Wilma sa kabiyak.

“Sige, pero ’wag na ’wag kong muling makikita sa pamamahay natin ang tarantadong iyan, at baka mapatay ko na ang gagong iyan sa susunod!” galit paring saad ni Martin at duro pa nito kay Rafael.

Sa pagpasok sa loob ng kanyang mga magulang. Naiwan si Joshua kasama ang may pasa sa mukhang si Rafael.

“Sana hindi mo na inawat ang tatay mo.” saad ni Rafael, sa ngayon ay gumagamot sa kanyang mukha na si Joshua.

“Pagpasenyahan mo na muna si tatay.” saad ni Joshua at balewala nito sa narinig kay Rafael.

“Hindi mo kailangan pang hinging iyon, ako nga ang dapat na humingi ng pasensya sa inyo, tama naman ang tatay mo na gago at tarantado ako, kaya nga labis akong nahihiya sa’yo, pero kinakapalan ko lang ang mukha ko, dahil gusto kong mabuo tayo ng anak natin.” napayukong saad ni Rafael.

“At masaya ako sa gusto mong mangyari, aaminin ko kahit pa napatawad na kita, kapag naaalala ko ang nangyari noon, kahit papaano ay naiiyak parin ako, pero alam ko na ngayon na hindi lang ako ang nasasaktan, pati na rin ikaw.” saad ni Joshua, habang patuloy rin ito sa paggamot sa mukha ni Rafael.

“Salamat anghel ko, salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon, pangako ko, gagawin ko ang lahat para mapatawad ako ng mga magulang mo.” saad ni Rafael at kinuha ang isang kamay ni Joshua sabay hagkan nito rito.

“Wala ’yon Rafael, napatunayan mo sa akin na karapat-dapat kang bigyan nun, at asahan mo rin, kakausapin ko sila tatay at ipapaliwanag ko sa kanila na hindi mo rin kagustuhan ang nangyari noon.”

“Salamat, salamat anghel ko.” masayang saad ni Rafael at niyakap si Joshua. At pursigido ang bilyonaryong binata, na tanggapin kahit gaano pa karaming suntok ang ibigay sa kanya ng tatay ng kanyang anghel, kung iyon ang kapalit para mapatawad siya ng mga ito.

“Halika na, samahan na kita sa sasakyan mo, baka lumabas muli si tatay, sayang naman ang guwapo mong mukha.” saad ni Joshua na nadulas rin sa sandaling iyon.

Hindi naman nakaligtas kay Rafael ang sinabing iyon ng kanyang anghel.

“Ang ibig mo bang sabihin, guwapo ako?” ngising saad ni Rafael.

“Mali yata ang dinig mo, ang sabi ko lumabas na tayo, bago pa tayo abutan ni tatay.” iwas ni Joshua sa nakangising kausap.

“Sige na anghel ko, ulitin mo nga.” asar pa ni Rafael.

“Tara na nga Rafael, puro ka naman kalokohan eh.” iwas muli ni Joshua na namumula na rin ang mukha.

“Ang cute talaga ng anghel ko, kaya nga mahal kita eh.” amin ni Rafael sa nararamdaman at muli ay inilapit ang mukha sa mukha ni Joshua.

“Rafael.” mahinang saad ni Joshua.

“Totoo ang narinig mo, noon pa man mahal na kita, at sana ’wag mong isipin na dahil lang ito sa anak natin.” saad ni Rafael habang abala rin ito sa pagtitig sa maamong mukha ng kanyang anghel.

Inaamin ni Joshua na bagamat hindi ito makapaniwala sa mga narinig, alam at dama nito ang sinseridad ng mga binitawang salita ng lalaking ilang pulgada lang ang layo ng mukha sa kanyang mukha.

“Uhm Rafael halika na, baka biglang lumabas na si tatay.” ilang na saad ni Joshua.

“Sigurado ka bang iyon ang gusto mong gawin natin?” seryosong tanong ni Rafael, na ngayon ay sa mapulang mga labi ni Joshua nakatingin.

“Uhm ikaw, anong gusto mong gawin?” kabang tanong ni Joshua na tila nahiptonismo at hindi makagalaw, at nanatili lang na magkalapit ang mga mukha nila ni Rafael.

“Ikaw, ikaw ang gusto ko, at gusto ko muling matikman ang matatamis na mga labi ng anghel ko.” mahinang usal ni Rafael, sapat na para marinig ni Joshua.

“Gusto ko rin iyon Rafael.” amin ni Joshua.

At sa narinig nga ni Rafael, mabilis pa sa kisap-matang inangkin muli nito ang mga labi ng kanyang anghel.

Ilang minuto rin ang halikan ng dalawa, at ng kapusan pareho na hangin ay doon lang humiwalay ang mga ito sa isa’t-isa.

“Samahan mo na ako sa labas anghel ko, at baka ikulong na kita sa kuwarto.” saad ni Rafael na ibayong pag-iinit ang naging epekto sa kanya, sa tuwing mahahalikan ang mga labi ni Joshua.

“Si-sige.” kabang sagot ni Joshua, dahil alam nitong maaring humantong nga sa tinurang iyon ni Rafael, kapag hindi pa umalis ang huli.

Pagdating sa labas ng dalawa.

“Salamat Josh, at kita tayo bukas sa hotel.” saad ni Rafael bago tuluyang pumasok ito sa sasakyan.

“Sige Rafael, at lagyan mo kaagad ng icepack ang pasa mo pagkauwi mo.” saad at bilin ni Joshua.

“Oo naman, ngayon pang alam kong naguguwapuhan sa mukha kong ’to ang anghel ko.” maagap na sagot ni Rafael at asar pa nito kay Joshua.

“Ewan ko sa’yo, umuwi ka na nga!” taboy ng nagpipigil na mangiting si Joshua.

“Sandali may nakalimutan ako.” saad ni Rafael na muling lumapit kay Joshua.

Nagtatanong naman ang mukhang napatingin si Joshua kay Rafael.

At sinamantala ni Rafael ang natigilang reaksyon na iyon ni Joshua, kaya naman mabilis nitong hinalikan muli ang mga labi ng kanyang anghel.

“Iyan ang nakalimutan ko.” ngising saad ni Rafael sa namumulang mukhang si Joshua.

Naiiling naman si Joshua, habang pinagmamasdan ang mabilis na pagbalik ni Rafael sa sasakyan.

XXVI

Hindi gaya ng nakalipas na mga araw na pagpapadaleliver nito ng mga bulaklak kay Joshua tuwing umaga. Hawak ang isang bouquet ng mga puting rosas ng dumating si Rafael sa pag-aaring hotel.

Ang presensya na may hawak na mga bulaklak, na pagdating ng CEO at owner ng Hotel na iyon ay nakatawag ng pansin sa lahat ng mga empleyadong naroroon.

Ang mga babae at may mga pusong babaeng empleyado ay ibayo ang kilig, at nangangarap na sila ang pagbibigyan ng tila ba perpektong lalaking dumating. Samantala ang mga kalalakihan naman ay nakararamdam ng selos sa atensyong ibinibigay ng mga babaeng gusto nila, sa lalaking boss.

’Di lingid sa kaalaman ni Rafael ang mga paghangang iyon ng marami sa kanya. Ngunit balewala sa binata ang lahat ng iyon, dahil sa iisang tao lamang niya nais na makita ang ganoong atensyon, at ito’y walang-iba kungdi sa kanyang anghel.

Abala si Rica sa pagtatype sa kanyang laptop ng marinig ng mga matatalas niyang mga tenga, ang bulung-bulungan ng ilang mga empleyadong malapit sa kanya. At pagtingin nga ng babae sa dahilan ng narinig nito, nanlalaking matang napatulala ito sa nakita.

At sa nakita pa ni Rica na papunta sa kanya ang matangkad, guwapo, makisig, at bilyonaryong CEO ng hotel na pinagtatrabahuhan. Tila ba mahihimatay na ito sa naisip na siya ang pakay ng boss na may hawak rin na mga bulaklak.

Panghihinayang naman ang naramdaman ng mga empleyadong nilampasan ng kanilang CEO. At inggit pagkatapos, sa babaeng akala nilang lahat ay sadya talaga nito.

“Miss, pakibukas ng office ni Mr Santos.” saad na pakiusap ni Rafael sa alam nitong sekretarya ni Joshua.

“Bakit sa loob pa sir, hindi ba puwedeng dito muna sa labas ibigay sa akin ang mga bulaklak?” pigil sa kilig na sagot ni Rica, at ayos pa nito sa mahabang buhok sa likod ng kanyang tenga.

Matamis na ngiti lang ang isinukli ni Rafael sa babaeng kaharap.

‘Ito na ang katuparan ng mga pangarap ko, kaya naman siguradong inggit na inggit sa akin ngayon ang babae at binabaeng nasa labas.’ ibayong pagpipigil ng kilig at kausap pa sa sarili ni Rica na napapikit pa sa sandaling iyon.

“Miss, papasukin mo na ba ako?” tawag ng pansin ni Rafael sa nakapikit paring babae.

Sa narinig na baritonong boses ay doon palang muling dumilat ang mga mata ni Rica.

“Sige sir, papasukin na kita kahit saan mo pa gusto.” harot na sagot ni Rica at mabilis na pumunta sa pinto ng opisina ng among si Joshua, sabay bukas nito para makapasok na sa loob ang guwapong CEO.

“Salamat.” maikling saad ni Rafael pagkapasok nila ng babae sa opisina ni Joshua.

Sa pagpasok nga ni Rafael sa opisina ng kanyang anghel, nilibot ng mga mata nito ang paligid. At nang mapunta sa mesang naroon ang kanyang paningin, kaagad na nakatawag ng pansin sa binata ang isang picture frame na naroon. Sa nakita’y kaagad na lumapit ito, para makita ang larawan na nakapaloob doon. At gaya nga ng kanyang inaasahan, larawan ng mag-ama niya ang nandoon. Kaya naman habang hawak parin ang picture frame na iyon, isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Rafael.

Kung gaano kasaya si Rica kanina sa pag-aakalang siya ang pakay ng kasama niyang lalaki ngayon, na alam nitong pantasya ng lahat ng mga empleyadong katulad niya. Ibayong lungkot ang sunod na naramdaman nito, at pagkainggit na naman sa among si Joshua na batid nitong tunay na pakay pala ng kasama.

‘Nyetang ipokritang baklang iyon, ano bang meron siya na wala ako.’ saad sa sarili ni Rica na nagngingit rin sa inis. At dahil nga sa inis at inggit ng babae sa amo niya, kaagad itong nakaisip ng paraan para masiraan si Joshua.

“Sir, para kay sir Joshua ba iyan?” tanong ni Rica sa lalaking pinapangarap niya, at umpisa nito sa kanyang plano.

“Oo miss, para nga kay Josh ang mga ito.” nakangiting sagot ni Rafael sa babae.

Lihim namang napangiti si Rica, at ipinagpatuloy na nito ang naisip kanina.

“Wow! Ang swerte naman ni sir kay Papa Luis, at napapayag ka niya sir na ikaw pa ang magdala sa mga bulaklak. Naku sir, halos bukambibig ni sir Josh ang pangalan ni Papa Luis, at kapag dumarating dito sa opisina ni sir ang pamangkin mo sir, madalas ay pinapalabas kaagad ako ni sir Josh, kunsabagay ’di ko naman masisi si sir Josh na hindi makatiis sa pamangkin mo sir.” masayang pagkukuwento ni Rica at ginalingan talaga nito ang pag-arte, para maniwala ang kasama na totoo ang mga sinabi niya.

At gaya nga ng plano ng babae, nakita na lamang ni Rica ang pagkuyom ng isang kamay ng lalaking kasama, pansin rin nito ang pagdilim ng mukha ng CEO, kabaligtaran ng masayang mukhang meron ito kanina, at kasunod nga nito ang pagtapon ng alam niyang galit na ngayong lalaki, sa mga bulaklak sa basurahang nasa loob ng opisina ni Joshua.

Isang ngiting tagumpay naman ang gumuhit sa mukha ni Rica, pagkaalis ng galit na si Rafael.

‘Sorry ka na lang bakla, dahil hindi mapapasayo ang Rafael ko.’ nangingiting saad sa sarili ni Rica. At umpisa palang iyon, dahil sa isip ng babae, gagawin nito ang lahat para magkasira ang dalawa.

Pigil ni Rafael ang magwala sa mga nalaman nito patungkol kay Joshua at Luis. Kaya naman ng makaakyat ito sa pinakataas na palapag ng pag-aaring hotel.

“Bianca, ikansel mo lahat ng appointments at meetings ko ngayong araw, pagkatapos ay umuwi ka na.” utos ni Rafael sa kanyang secretary.

“Right away sir.” maagap na sunod ni Bianca na kinabahan rin sa seryosong mukha ngayon ng amo.

Pagkapasok sa kanyang opisina, isa-isang pinagsisipa at pinagbabato ni Rafael ang mga gamit na makita nito, at lahat ng iyon ay para mailabas ang galit at sama ng loob nito sa mga nalaman.

‘Tang-ina! Oo nga naman at wala namang namamagitan sa amin.’ saad sa sarili ni Rafael at pagak pa itong natawa.

‘Pero bakit niya ako hinalikan kahapon? At bakit niya sinuklian ang mga halik ko rin sa kanya?’ mga tanong pa sa sarili ni Rafael.

Sa mga naisip ay unti-unting huminahon si Rafael, at dahil alam nitong tanging si Joshua lamang ang makakasagot sa mga tanong na iyon. Inayos ni Rafael ang sarili at minabuti nitong sadyain si Joshua at alamin nito sa huli ang katotohanan.

Pansin ni Rica ang masayang mukha ng among si Joshua pagdating nito. Kaya naman bilang pagkukunwari ay inasar pa nito ang amo, habang ginagampanan parin niya ang pagiging mabuting sekretarya.

‘Last mo na ang ngiting iyan, dahil sa susunod kong gagawin, tignan na lang natin kung makangiti ka pa.’ saad sa isip ni Rica. At sa sandaling iyon ay isang masamang balak ang nais nitong isakatuparan, para tuluyan ng magkasira ang among si Joshua at ang lalaking pagkakita palang niya ay ninais na nitong mapasakanya.

“Nasaan si Mr Santos?” bungad na tanong ni Rafael kay Rica pagdating nito sa opisina ni Joshua.

“May inasikaso lang sir, mukhang importante yata dahil nagmamadali siya nung umalis eh.” sagot ni Rica sa guwapong lalaki, na gaya nga ng kanyang inaasahan ay babalik para kay Joshua.

“Sinabi ba sa’yo kung saan siya nagpunta?” tanong muli ni Rafael sa sakretarya ni Joshua.

“Sorry sir, baka kasi magalit si sir Joshua kapag ipinaalam ko sa inyo.” kunwaring ayaw ni Rica na sagutin ang tanong ng guwapong CEO.

“Sabihin mo sa akin kung saan siya nagpunta, o baka kailangan ko pang ipaalala sa’yo kung sino ako?” utos ni Rafael sa babae.

“Hi-hindi na sir, sandali lang po, diyan pumunta si sir Joshua.” sagot ni Rica at kaagad itong nagsulat sa isang papel, sabay agad rin nitong abot kay Rafael pagkatapos, at gaya kanina talagang pinagbutihan ng babae ang pag-arte, at kunwari ay natakot ito sa banta ng CEO na kasama niya ngayon.

Sa nabasa sa papel na bigay ng babae, sa lugar na pinuntahan ni Joshua ay napakunot-noo na lamang si Rafael, ganunman ay pinili nitong umalis na at tinungo ang kinaroroonan ngayon ng kanyang anghel.

Pag-alis ni Rafael ay mabilis na tinawagan ni Rica ang kakuntsaba nito sa magiging plano.

“Gaya ng napag-usapan natin kanina, kapag naging matagumpay ang plano natin, magkita tayo sa apartment ko.” bungad ni Rica sa kausap.

“Wala kang dapat alalahanin babe, basta para sa’yo lahat gagawin ko, at mamayang gabi gaya ng napagkasunduan, ang katawan mo ang hihingin kong kabayaran.”

“Oo naman at kung gusto mong makaulit pa, galingan mo sa mga susunod pang ipapagawa ko.” sagot ni Rica at ibinababa na nito ang tawag.

‘Hindi na’ko makapaghintay sa pag-iyak mo mamaya, ipokritang malanding bakla.’ nangingiting kausap sa sarili ni Rica.

Matapos ipaalam sa kanya ng sekretarya, mabilis na pinuntahan ni Joshua ang isang kuwarto ng pinagtatrabahuhan niyang hotel, na siyang tinutuluyan naman ni Luis.

Kaya naman pagdating nito sa lugar, kaagad nitong binuksan ang kuwarto ng kaibigan, gamit ang spare key na ibinigay rin mismo sa kanya ni Luis.

Pero bago pa tuluyang makapasok si Joshua, isang tao ang naramdaman nito sa kanyang likod at bago pa niya makita ang mukha ng taong iyon, sunod na naramdaman ng binata ang pagtakip ng isang panyo sa kanyang ilong. At bago pa siya magpumiglas, hindi na alam ni Joshua ang sumunod na nangyari sa dahilang nawalan na ito ng malay.

Pagkakita sa numero ng kuwarto na pinuntahan ni Joshua, na nalaman naman niya sa sekretarya ng kanyang anghel. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Rafael at kumatok na ito sa pinto. Nakailang pagkatok rin ang binata, pero walang sumasagot para pagbuksan siya. Kaya naman sa pagbabakasakaling hindi nakalock ang pinto, naisipan ni Rafael na ipihit na nito ang hawakan ng nasabing pinto.

At matagumpay naman nitong nabuksan iyon, sunod ay tuluyan ng pumasok sa unit na iyon si Rafael. Walang taong bumungad sa binata pagkapasok nito, at lalabas na sana ito, pero sa nakitang nakauwang na pinto, na sa isip ni Rafael ay malamang ay papunta sa kuwarto ng unit na iyon, namalayan na lamang ng binata ang pagtungo nito sa nakauwang na pinto.

Alam ni Rafael na mali ang ginagawa niya sa sandaling iyon, pero may nagsasabi sa kanyang isip na kailangan nitong gawin ang bagay na iyon, kaya naman paglapit nito sa nakauwang na pinto, minabuti na ng binata ang tuluyang buksan ito. At ang sumunod na nasaksihan ni Rafael ang dumurog sa kanyang puso. Ito’y ang magkatabi at hubo’t-hubad na katawan ng kanyang anghel, habang nakayakap pa ito kay Luis.

XXVII

Sa nasaksihan nga ay ibayong sakit ang naramdaman ni Rafael, at kasunod noon ay ang lungkot na pinaglaruan lang pala siya ni Joshua kahapon.

’Ang sakit anghel ko, ito ba ang ganti mo sa ‘di ko rin namang kagustuhang nagawa ko sa iyo noon?’ saad sa sarili ni Rafael, na naluluha rin sa mga sandaling iyon. At habang nalulungkot parin at nasasaktan sa nakita at nalaman, pinili na ng binata ang lumabas sa lugar na iyon.

At sa isang iglap lang, natabunan na ng sakit at galit, ang dati’y pagmamahal na nararamdaman ni Rafael kay Joshua. Ngayon isang bagay na lamang ang nasa isip ng bilyonaryong bachelor, at ito’y ang kuhanin kay Joshua ang kanilang anak.

Sa isip ng lasing na lasing parin na si Luis ay magandang panaginip ang kasalukuyang nangyayari, habang katabi niya sa iisang kama ang minamahal niyang si Joshua. Kaya naman sa isiping iyon, sinamantala ng binata ang hagkan sa kauna-unahang pagkakataon ang mga labi ni Joshua, at wala man itong nakuhang pagtugon sa hinahalikan, ramdam ni Luis na tila ba totoo at hindi lang panaginip ang tinatamasa niya ngayon. Sunod ang leeg ni Joshua ang kanyang pinuntiryang halikan, at sa ginawa ngang mariing paghalik sa leeg na iyon, naramdaman ni Luis ang tila ba pag-ungol ng una dulot ng kanyang mga halik. At doon ay lalong ginanahan si Luis, kaya naman pinupog pa nito ng halik ang leeg ni Joshua at sinigurado nitong may maiiwang marka sa maputing balat ng kanyang minamahal.

Samantala, habang patuloy sa ginagawang paghalik sa kanyang leeg si Luis, unti-unti ay nagkakaroon na ng malay si Joshua. At ng tuluyan na itong magkamalay, nanlalaking mata ito sa gulat sa kasalukuyang nangyayari sa kanya ngayon. Kaya naman, mabilis rin nitong naitulak ang katawan ng kaibigan niyang si Luis na hindi nito akalaing gagawan siya ng kahalayan.

Sa naramdaman pagtulak sa kanya ni Joshua, parang binuhusan ng malamig na tubig si Luis, at sa isang iglap lang ay nawala ang kalasingan nito.

“Jo-Josh magpapaliwanag ako.” natatarantang paliwanag ni Luis.

“’Wag kang lalapit sa akin!” galit na saad ni Joshua, at kasunod noon ay ang pagtulo ng mga luha nito sa mga mata.

“Josh, please pakinggan mo naman ako oh.” muling pakiusap ni Luis.

Hindi na pinansin pa ni Joshua ang sinabing iyon ni Luis, bagkus ay patuloy lamang ito sa pagluha, lalo na ng makita nito na wala siyang kahit na anong suot ngayon. Kaya naman para kaagad na makaalis na rin ito sa lugar na iyon, hinanap ng mga mata nito ang suot niyang mga damit, at pagkakita nito na nagkalat ang mga iyon sa sahig ng kuwarto, gamit ang kumot ay tinakpan nito ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, at mabilis na nitong pinulot ang kanyang mga damit.

Matapos magbihis sa banyo ng unit na iyon ni Luis, lumabas na ang bihis ng si Joshua.

“Josh wala akong alam sa mga nangyari.” paliwanag ni Luis paglabas ni Joshua sa banyo.

Wala ng pakialam pa si Joshua sa narinig nito sa kaibigan.

“Huling beses ko lang sasabihin ito, ’wag ka ng magpapakita sa akin kahit kailan.” seryosong saad ng nagpipigil sa galit na si Joshua.

“Josh please, maniwala ka, wala talaga akong alam sa mga nangyari.” giit pang pakiusap at paliwanag ni Luis.

Sa muling narinig nito kay Luis, hindi na napigil pa ni Joshua ang sarili, at isang malakas na sampal ang iginawad nito sa pisngi ng una.

“Iyan! Baka sakaling maalala mo na!” galit na saad ni Joshua at minabuti na nitong iwanan, ang para sa kanya ay dati na lamang nitong kaibigan.

Gaya nga ng kanyang inaasahan, halata ni Rica ang mga mugtong mata ni Joshua na alam nitong galing sa pag-iyak.

“Sir, okay ka lang ba?” alalang tanong ni Rica, ngunit sa isip nito’y masaya siya sa nakikita niya ngayon.

“O-okay lang ako.” sagot ni Joshua na pinili na lamang ’wag ikuwento sa iba ang nangyari.

“Basta nandito lang ako sir, kapag kailangan mo ng makakausap.” ngiting saad ni Rica.

“Salamat Rica, hayaan mo at kapag handa na ako’y ikukwento ko rin sa’yo.” sagot ni Joshua at pilit itong ngumiti sa kanyang sekretarya.

“By the way sir, mamayang 3:00 PM, lahat kayong mga managers ay makikipagmeeting sa ating CEO.” paalala ni Rica sa kanyang amo, sa tanging appointment nito mamayang hapon.

“Okay salamat Rica, maaari ka na ring umalis at kaya ko namang mag-isa mamaya.” saad ni Joshua, na kahit papaano’y pansamanta nitong nakalimutan ang nangyari kanina, at excited ito na muling makita ang mukha ng alam nitong mahal na rin niyang si Rafael.

‘Ngiti pa bakla, dahil sigurado akong iiyak ka naman mamaya.’ saad sa sarili ni Rica, at hindi nito itinago ang ngiting meron siya ngayon.

“Mukhang may date ka ah Rica, sige na maaari ka ng umalis.” nakangiting saad ni Joshua, matapos mapansin ang nakangiting sekretarya.

“Oo sir, sobrang saya ko, goodluck na lang pareho sa atin mamaya.” nakangiting sagot ni Rica at iniwan na nito si Joshua.

Bago pa makaalis ang kanyang sekretarya, pinili na lamang na ipagpatuloy ni Rafael ang kanyang trabaho. Kaya naman siya na mismo ang tumawag sa mga kikitaing mga tao, sabay hingi nito ng pasensya at paliwanag nito sa nangyari.

Naging abala nga ang bilyonaryong bachelor, na minabuti nitong may ginagawa para makalimutan nito ang nasaksihan kanina. Hanggang sa dumating sa oras ng lingguhang pagpapatawag nito, sa mga managers ng kanyang pag-aaring hotel.

Bukod sa nararamdaman nitong pagmamahal kay Rafael, humahanga naman si Joshua sa galing na ipinapakita ngayon ng kanyang mahal. Kasalukuyan na isa-isa silang mga managers na nakikipagpalitan ng opinyon, reaksyon at suhestiyon sa kanilang CEO.

“Ikaw Mr Santos, kindly share with us, kung bakit ang lawak ng ngiting meron ka ngayon?” seryosong baling ni Rafael kay Joshua, na pigil rin ang galit na nadarama, lalo na sa nakita nitong mga namumulang marka sa leeg ng huli na tila ba ipinagmamalaki pa nito.

Sandali namang natigilan si Joshua, at inaamin nitong medyo napahiya siya, na hindi pala nito naitago ang sayang dulot sa kanya ngayon ni Rafael.

“Sorry sir, hindi ko lang napigilan ang sarili ko sa paghanga sa mga sinabi at suhestiyon ninyo sa amin.” hinging paumanhin at amin ni Joshua sa nararamdaman.

“Oh ganun ba Mr Santos, but sorry to disappoint you, hindi ako pumapatol sa lalaki kaya hindi ko kailangan ang paghanga mo.” ngising sagot ni Rafael kay Joshua. At ang sinabing iyon ng CEO ng hotel na iyon ay naging dahilan ng pagtawa ng halos lahat ng mga taong naroroon.

Kung kanina ay nahiya si Joshua dulot ng ’di nito napigil ang sarili, balewala lang sa kanya iyon, pero ngayon sa ginawang pagtawa ng mga kasama na dulot ng pagpapahiya sa kanya ni Rafael, magkahalong sakit at kahihiyan sa sarili ang naramdaman ng binata.

At nagpatuloy nga ang meeting na iyon, kasama ng mga kapwa niya managers at ng kanilang CEO. Ganunman, halata ni Joshua ang tila ba tingin na may kasamang pang-aasar sa kanya ng ilan.

Pagkatapos pa ng ilang minuto ay natapos na rin ang meeting na iyon, na sa isip ni Joshua ay isa na sa pinakamahabang meeting na dinaluhan niya.

Sa loob ng opisinang iyon ay naiwan si Rafael at si Joshua.

“Bakit mo ginawa iyon sa akin kanina, Rafael?” nalilitong tanong ni Joshua sa kaharap.

“Oh close na pala tayo ngayon Mr Santos, at hindi na boss o sir ang tawag mo sa akin.” ngising saad ni Rafael at balewala nito sa tanong ni Joshua.

Nagtataka man sa tila ba bagong Rafael na ngayon ang kanyang kasama, pinili ni Joshua ang muli’y kausapin ang una.

“Sorry sir, bakit nga po ninyo ginawa ang pagpapahiya sa akin sa mga kasama ko kanina?” muling tanong ni Joshua sa kanilang CEO.

“It isn’t clear already? Sige, uulitin ko para lalong maintindihan mo Mr Santos, hindi ako pumapatol sa lalaki.” sagot ng seryosong si Rafael.

Inaamin ni Joshua na nasaktan ito sa sagot na iyon ni Rafael, kaya naman dala ng kasalukuyang nararamdaman, hindi na nito napigil ang sarili.

“Kung ganun? Wa-wala na ba ang mga pangako mo kahapon sa amin ng anak natin?” tanong ng nagpipigil ng emosyon na si Joshua.

Gustong matawa ni Rafael sa nakikita nitong malungkot na mukha ngayon ni Joshua, ngunit alam ng binata na kasinungalingan at pagkukunwari lamang ang nakikita niya ngayon sa kaharap.

“Iyong sa’yo, wala naman talaga iyon simula pa nung una, pero ang tungkol sa anak ko ay seryoso ako na babawi ako sa kanya. At asahan mo Mr Santos, sa lalong madaling panahon ay papatunayan ko iyon sa’yo. Kaya kung wala ka ng sasabihin, maaari ka na ring umalis at may date pa kami ng girlfriend ko.” mahabang paliwanag ni Rafael at nakangisi pa itong bumaling kay Joshua sa huling mga salitang binitawan nito.

Buong akala ni Joshua ay wala ng sasakit pa sa ginawa sa kanya ng matalik na kaibigan ngayong araw, pero ngayon sa ginawa ni Rafael, ibayong pagkaawa sa sarili at sakit sa kanyang puso ang idinulot nun sa kanya. Hindi niya inaasahan, na matapos ang abot langit na kaligayahang ipinadama sa kanya kahapon ng lalaking pinapasok muli niya sa kanyang nasugatang puso, sa ikalawang pagkakataon ay ito rin pala ang wawasak sa kanya ng todo. Kaya naman, nanghihinang naglakad na lamang papalabas ng opisina si Joshua, at ilang saglit matapos nitong maisara ang pinto ng opisinang iyon, hinayaan ng binata ang mga masaganang luha na dulot ng sakit, na muling ipinadama sa kanya ni Rafael.

XXVIII

Sa ilang pagkakataong nagkrus ang landas nila ni Joshua, inaamin ni Russell na ninais nitong muling masilayan ang maamong mukha ng lalaking nagdulot sa kanya ng saya sa unang pagkakita palang nito.

At nang malaman nito ang pangalan ng lalaking may mukhang tulad ng isang anghel, kaagad na gumawa ng paraan ang binata para lalong magkalapit sila ni Joshua. Ngunit sa ilang pagkakataong susubukan nitong makipagkilala kay Joshua, pinangungunahan ng kaba at hiya ang binata, kaya naman nagawa man nitong makasama sa iisang hotel ang ninais nitong makilala ng lubusan, nakuntento na lamang si Russell sa pagtingin sa mukha ng itinuturing niyang anghel, kahit pa nasa malayo ito.

Kaya naman kanina, habang kasama niya si Joshua at ng ilan pang kapwa nila managers, pati na ang kanilang CEO. Pigil ni Russell ang sarili na ipagtanggol si Joshua, laban sa pagpapahiyang ginawa sa kanya ng kanilang boss. Ninais rin nitong tabihan si Joshua na batid nitong nasaktan pagkatapos, pero gaya ng dati ay wala itong lakas ng loob para gawin ang bagay na iyon.

Sa pagtatapos ng kanilang meeting kasama ng CEO ng hotel na pinagtatrabahuhan, ilang minuto pang naghintay si Russell para makita ang paglabas ni Joshua. Pero lumipas na ang halos dalawampung minuto, hindi parin nito makita kahit anino lang ni Joshua. Akmang aalis na sana ito sa lugar, nang sunod na makita nito ang pagbukas ng pinto ng opisina ng kanilang CEO at bumungad nga sa kanya ang kanina pa niyang hinihintay na si Joshua. Naging masaya man na makita nito ang mukha ng kanyang anghel, kaagad na napalitan ito ng pag-aalala ng makita rin nito ang mga luhang naglandas sa mukha ni Joshua. At dala na rin siguro ng ’di na nito napigil na damdamin, nakita na lamang ni Russell ang paglapit nito kay Joshua, sabay abot nito ng panyo sa huli bilang tulong.

Habang abala parin ito sa pag-iyak, isang panyo ang napansin ni Joshua sa gilid ng kanyang mga mata. Pero hinayaan lang ng binata ang panyo at dala rin ng hiya na may nakakita sa kanyang pagluha, minabuti na rin nitong ’wag tignan ang itsura ng taong katabi niya sa sandaling iyon.

“Tanggapin mo na, promise hindi ako tsismoso at tayong dalawa lamang ang may alam na may uhog ka sa tuwing umiiyak ka.” saad ni Russell at biro pa nito kay Joshua.

Batid ni Joshua na biro lamang ang narinig niyang iyon, na nahimigan nito sa tila ba natatawang pagkakasabi ng lalaki.

Kaya naman, kahit papaano’y sandaling nakalimutan ni Joshua ang sakit na dulot ni Rafael. At dahil nanatili lang ang panyong iniaabot sa kanya ng ’di parin nito matignan na lalaki, minabuti na ni Joshua na tanggapin ang nasabing panyo.

Sa simpleng pag-abot ni Joshua sa kanyang panyo, ibayong saya kaagad ang hatid nun kay Russell.

“Hindi ko man alam ang dahilan ng pag-iyak mo, sigurado at naniniwala akong may dahilan ang lahat, at ang pinakasigurado ako, hindi ang kagaya mo ang dapat na pinapaiyak.” ’di na napigilang komento ni Russell.

“Sa-salamat.” maikling sagot ni Joshua at bumaling na ito sa lalaki.

Pigil naman ni Russell ang hindi mahiya ng magtama ang mga mata nila ni Joshua. Ni sa hinagap ay ’di nito aakalain na makakaya niyang makasama ng malapitan ang huli.

“Wala ’yon, ako nga pala si Russell, gaya mo ay manager rin ako sa hotel na ito.” saad at pakilala na rin ni Russell sa lalaking halos araw-araw nitong tinatanaw sa malayo.

“Nice to meet you Russell, ako naman si Joshua, at sorry nakita mo ako sa ganoong sitwasyon.”

“No worries, mas nakakahiya kapag ako ang nakita mong umiyak, nakarinig ka na ba ng umiiyak na kalabaw? Ganun ako kapag umiiyak.” sagot at biro ni Russell sa kaharap.

“Hahaha mabuti na lang pala at sinabi mo iyan sa akin, alam ko na ang gagawin ko kapag nangyari iyon.” natatawang sagot at biro rin ni Joshua sa katabi na kasabay na nitong palabas sa gusali.

“Ang harsh mo naman sa akin, Josh, ako nga pinahiram kita ng panyo ko.” saad ni Russell na kunwaring nalungkot ito, at masaya rin na napatawa nito ang kanina lang ay umiiyak na anghel.

“Hindi bagay sa’yo ang ganyang itsura Russ, hayan tinawag na kita sa palayaw, gaya ng pagtawag mo sa palayaw ko.” ngiting sagot ni Joshua.

“Hehehe hindi ba bagay, ’di bale malay mo maaring tayo ang bagay?” ngising balik ni Russell na kaagad naging kumportable sa piling ni Joshua.

Natahimik naman si Joshua sa narinig nito sa bagong kakilala.

Napansin naman ni Russell ang reakyon na iyon ni Joshua.

“Huy Josh biro lang iyon ah, sorry kung hindi mo nagustuhan ang mga sinabi ko.” maagap na saad ni Russell na nais ring batukan ang sarili.

“Okay lang, sige mauna na’ko at ’yung tungkol sa panyong pinahiram mo sa akin, puwede bang isauli ko na lang bukas matapos kong labhan?”

“Sige ikaw ang bahala, pero sana hindi kita natakot dahil sa sinabi ko kanina, at kung hindi kalabisan, maaari bang maging magkaibigan tayo?” sagot ni Russel at kuha na rin nito ng pagkakataon, para magkalapit sila ng anghel na kaharap niya.

“Ayos lang sa akin ang maging kaibigan ka at ’yung kanina, naiintindihan ko na biro lang iyon gaya ng sabi mo rin kanina.”

“Oo naman biro lang ’yon, pero salamat at pumayag kang maging magkaibigan tayo, sige kita nalang tayo bukas at ingat ka sa pagmamaneho.” saad ni Russell na pinili na lang na panindigan na isang biro lamang ang nasabi nito kanina, kahit pa alam nito sa sarili na higit pa sa magkaibigan ang gusto niyang mangyari sa kanila ni Joshua.

“Wala ’yon, ikaw rin ingat sa pagmamaneho.” sagot ni Joshua bago ito tuluyang sumakay sa kanyang sasakyan.

Sa pag-alis ni Joshua ay sumunod na ring nagtungo si Russell sa kanyang sasakyan, na malapad ang ngiti sa mukha dulot ng sa wakas ay nagkakilala na sila ni Joshua.

‘Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, para mapasagot kita anghel ko.’ pangako sa sarili ni Russell.

Sa paglabas ni Joshua sa opisina, naiwan namang mag-isa si Rafael na muling naalala ang nakita nito kaninang umaga.

‘Pasensyahan tayo Josh, alam ko sa gagawin ko, ikaw naman ang masasaktan gaya ng nararamdaman ko ngayon.’ saad sa isip ni Rafael at hindi na rin ito nag-aksaya pa ng panahon.

“Hello Atty. Mendoza, I need your help.” bungad ni Rafael pagkasagot ng abogado at kaibigan rin nito.

“Bro naman, tawagin mo na lang ako sa pangalan ko, anong tulong ang kailangan mo Rafael?”

“It’s about my son, Steven.”

“Wait? What?! May anak ka na?!”

“Oo at para mas maipaliwanag ko sa’yo ng maayos, bukas, puntahan mo ako dito sa hotel ko sa Batangas.”

“Sure bro, hindi ka talaga muubusan ng sorpresa, at siguro naman wala ng mas nakakagulat akong malalaman bukas.”

“Trust me, mas higit na magugulat ka sa malalaman mo pa bukas.”

“O siya sige kita na lang tayo bukas, at tignan natin kung magugulat nga ako.”

Pag-uwi nito kahapon sa kanilang bahay, piniling kalimutan ni Joshua ang mga masamang nangyari sa kanya sa maghapon. Pero ngayong muling umapak siya sa hotel na pinagtatrabahuhan, muling bumalik sa kanya ang mga nangyari.

At ngayong nakapasok na ito sa kanyang opisina, alam na ni Joshua ang dahilan kung bakit wala rin itong natanggap na bulaklak kahapon kay Rafael, na nasagot naman sa kanya ng huli matapos ipamukha ng boss na hindi ito papatol sa lalaki.

’Kaya mo ‘to Josh.’ saad sa isip ni Joshua at piniling ’wag ipahalata ang sakit parin na nararamdaman habang nasa trabaho.

Batid ni Rica ang tila ba wala sa hulog na kilos ng kanyang among si Joshua, at para malaman nito ang dahilan kahit pa may ideya na ito, sinimulan na naman niya ang pagkukunwari na mabuting kaibigan at sekretarya.

“Sir, ano na palang nangyari sa manliligaw mo?”

Sandali namang natigilan si Joshua sa tanong na iyon ng kanyang sekretarya.

“Ah.. Ano…wala, hindi na nasundan pa ang paglabas namin.” sagot ni Joshua na sa simpleng tanong lang na iyon ni Rica ay hirap na niyang sagutin.

“Oh bakit naman sir? Hindi ba gusto ka nung tao kaya nga humingi siya sa’yo ng date? Hindi mo ba siya gusto?” usisa pa ni Rica at lihim na nasisiyahan ito sa itsura ngayon ni Joshua.

“Huwag na nating pag-usapan ang tungkol dun, mabuti pa ikaw naman ang magkuwento tungkol sa date mo kahapon.” iwas ni Joshua at iba nito ng usapan nila ng kanyang sekretarya.

“Wala namang bago sir, kumain lang kami sa apartment ko pagkatapos naming mamasyal.” pagsisinungaling na sagot ni Rica.

“Iyon naman pala, ang importante ay masaya kayo ng nobyo mo, kung ako, darating man ang taong mamahalin ako at mamahalin ko, simpleng lang ang gusto ko, basta kasama ko siya sa kahit na ano pang gawin namin, masaya na ako.”

“Ang corny mo naman sir.” birong sagot ni Rica sa amo. ‘Hanggang pangarap ka na lang bakla, dahil hindi na mapapasayo ang Rafael ko.’ saad rin sa isip ni Rica pagkatapos.

“Lalaki ang nabuntis mo?! Papaano nangyari ’yon?!” sunod-sunod na tanong ni Steven sa kaibigang si Rafael, matapos ikwento sa kanya ng huli ang tungkol sa pagkakaroon na nito ng anak.

“Paano, base sa reaksyon mo nagulat ka nga.” ngising sagot lang ni Rafael.

“Bro naman, kahit sino magugulat sa isiping puwedeng mabuntis ang lalaki. Tapos ngayon nalaman ko pang may anak ka na, dahil sa lalaking nabuntis mo? Paano mo pala nalaman na nagkaroon kayo ng anak?” depensa naman ni Steven at tanong muli nito sa kaibigan.

“Mabuti pa ay tignan mo na lang ang mga ito.” sagot ni Rafael at abot nito sa isang folder sa kaibigan.

At habang tinitignan ng kaibigang abogado ang nasabing folder, na kita ni Rafael na nanlalaking mata sa mga sandaling iyon.

“Nakilala ko siya noong panahong walang direksyon ang buhay ko, tapos nagkahiwalay kami dahil sa nagawa kong kawalanghiyaan sa kanya. Pero bago pa ang pagbalik ko sa Pilipinas ay gumawa na ako ng paraan para magkita kaming muli, at sa tulong ng isang private investigator, nalaman ko ang lahat ng iyan at ang pagkakaroon nga namin ng anak.” mahabang kuwento ni Rafael sa namagitan sa kanila ni Joshua noon.

“Oh iyon naman pala, bakit ngayon mo lang naisipang kuhanin sa kanya ang anak ninyo?” tanong ni Steven sa kaibigan, matapos makabawi sa pagkagulat sa mga nalaman.

“Eh paano, akala ko kasi pareho kami ng nararamdaman. Naalala mo ang ikinuwento ko sa’yo noon na unang taong nagustuhan ko? Si Joshua iyon.” sagot at paliwanag ni Rafael.

“Ah nakuha ko na! May iba siyang gusto? At dahil dun, gusto mong gumanti sa kanya?” naiiling na konklusyon ni Steven.

“Oo kasama iyon, pero gusto ko ring ipaalam sa kanya na hindi siya basta-basta makakawala sa akin.” ngising sagot ni Rafael.

“So anong plano mo, pagkatapos mong makuha ang anak mo kay Joshua?” tanong ni Steven.

“Simple lang, ang mabuo ang pamilya namin, kahit pa sa ayaw o gusto ng anghel ko.” nangingiting saad ni Rafael.

“Ngayon, naniniwala na akong siraulo ka talaga.” naiiling na saad ni Steven.

XXIX

Alas-dose ng tanghali at oras na ng lunch ng lumabas ng kanyang opisina si Joshua, para kumain. At pagkabukas nito sa pinto, bukod sa kumakain ng sekretaraya nito ay bumungad rin sa kanya ang nakangiting si Russell.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Joshua sa nakangiti paring si Russell.

“Naisip ko na baka hindi ka pa kumakain, at nagbabasakali akong sumabay na rin sa’yo, iyon ay kung okay lang sa’yo.” sagot ni Russell at amin rin sa totoong sadya nito.

“Syempre naman okay lang.” sagot ni Joshua kay Russell. “Ikaw Rica, ayaw mong sumama sa amin?” baling naman nito sa kanyang sekretarya.

“Thanks na lang sir, at baka makaistorbo pa ako sa date ninyo ni sir Russell.” sagot at biro ni Rica sa amo.

“Loka-loka ka talaga Rica, magkaibigan lang kami ni Russell.” sagot ni Joshua. “Russ, ’wag mong pansinin ang sinabi ni Rica.” baling naman nito sa bagong kaibigan.

“Don’t worry Josh, so tara na?” ngiting yakag ni Russell na namumula rin ang mukha, dahil sa narinig nito sa babaeng nagngangalang Rica.

“Sige.” sagot ni Joshua at magkasabay na nga silang umalis ni Russell.

‘Mukhang mapapadali ang mga plano ko dahil sa Russell na iyon.’ saad ng nangingiting si Rica pag-alis ng dalawa.

Sa isang resto napili ni Joshua at Russell na kumain. Medyo kakaunti pa lang ang tao sa lugar, kaya naman kaagad na nakahanap ng table ang dalawa.

At ngayon nga ay kasalukuyan na silang kumakain na mga inorder nilang mga pagkain.

“Nga pala Russ, heto ang panyong ipinahiram mo sa akin, salamat ulit.” saad ni Joshua at sauli nito sa panyo ng kaharap.

“You’re welcome Josh. At bilang kakakilala pa lang natin kahapon, do you mind kung magtanong ako sa’yo ng mga bagay-bagay?”

“Hindi, ayos lang.” ngiting sagot ni Joshua.

At ang nakangiting mukha ng anghel na kaharap ay nagbigay rin ng ngiti kay Russell sa mga sandaling iyon.

“May girlfriend ka na ba?” simulang tanong ni Russell.

“Bago ko sagutin iyon, siguro naman patas lang kung tanungin rin kita pagkatapos?” saad at tanong pabalik ni Joshua.

“Oo naman Josh, so sa una kong tanong, meron na ba?”

“Wala, pero may anak na ako.” sagot at kuwento rin ni Joshua.

Inaamin ni Russell na nagulat ito sa nalaman, ganunman nakadama ito ng tuwa sa pagkukuwento ng kaharap sa isang personal na bagay sa kanya.

“Salamat sa pagsagot Josh at salamat na kahit kakakilala palang natin, ipinaalam mo kaagad sa akin ang tungkol dun.”

“Wala ’yon Russ, alam ko kasing mabuti kang tao, kaya ikinuwento ko ang tungkol sa anak ko. At dahil nasagot ko na ang una mong tanong, ako naman ang magtatanong sa’yo.”

At sa ilang minutong lumipas habang patuloy rin sila sa pagkain, nalaman ng dalawang bagong magkaibigan ang ilang bagay tungkol sa buhay ng isat-isa.

Sa resto rin na iyon, kadarating naman ng dalawang tao. Ang lalaki ay isang makisig at guwapong bilyonaryong bachelor na pag-aari rin ang lugar, at ang maganda at seksing babaeng naman na nakaangkla ang isang kamay sa braso ng bachelor ay kilala naman ng lahat, dahil ito ay isa sa pinakasikat na modelo at artista ngayon.

Ang presensya nga ng dalawang kilalang taong iyon ay kaagad nakakuha ng atensyon ng mga kasalukuyang nasa lugar.

Kasama na sila Joshua at Russell na naputol ang pagkukuwentuhan, dulot ng mga taong nagsimula ng magkagulo at kaagad na kinuhanan ng mga litrato ang dalawang taong dumating sa resto.

Habang tinutungo nila ng kasamang babae ang kanilang table, saglit na tinignan ni Rafael ang paligid ng resto, at tumigil ang kanyang mga mata sa direksyon ni Joshua, na tanging dahilan kung bakit naririto rin sila ngayon ng kasama.

Gawa ng mga maingay ng mga kasama nila sa lugar, napatingin na rin sila Joshua at Russell sa dahilan ng pagkakagulo ng mga tao.

Kasama ang pagkagulat sa nakilalang lalaki na ngayon ay nakikipagtitigan rin sa kanya, may halong sakit rin ang dulot nun kay Joshua sa magandang babaeng kasama ngayon ni Rafael, kilala rin niya ang sikat na babae na palaging napapanood niya sa telebisyon at palagi ring bida sa mga pelikula. Kaya naman, para hindi na lalong masaktan pa sa nakikita ay minabuti ng binata na ibalik na lang ang tingin sa kanyang pagkain.

“Kaya pala ganun na lamang ang pagkakagulo ng mga tao.”

Rinig ni Joshua na saad ni Russell.

“Oo nga, ba-bagay sila hindi ba?” sagot at tanong ni Joshua, kahit pa ang sakit ng idinulot sa kanya ng salitang lumabas mismo sa bibig niya.

“Kung pagbabasehan ang yaman at kasikatang meron sila, oo. Pero kung kagaya ng babae ang sama ng ugaling meron si boss, mas bagay nga sila.” sagot ni Russell at natatawa pa ito sa huling mga sinabi.

“Hehe oo nga.” napipilitang sang-ayon ni Joshua. Sa isip kasi ng binata, kahit pa nasaktan siya ng sobra ni Rafael, batid nitong mabuting tao rin ang nakilala niya noon.

Sa kinaroroonan naman ni Rafael kasama si Chloe.

“Siya ba ’yon?” tanong ni Chloe sa kaibigan.

“Oo.” maikling sagot ni Rafael, na kanina pa nakatingin sa nakatagilid sa kanyang si Joshua.

“Infairness kung magwig lang ang kinalolokohan mo, baka mapantayan niya ang kagandahan ko.” natatawang saad ni Chloe.

“Sus, ang layo, mas maganda sigurado ang anghel ko.” maagap na sagot ni Rafael na ’di parin naaalis ang tingin kay Joshua.

“Ang corny mo Rafael, tigil-tigilan mo na nga ang pagtingin kay Joshua, nakakahala na ang kadate niya.” saad at asar pa ng babae sa kaibigan.

“Hindi iyon date, baka sabay lang silang kumain.” mariing saad ni Rafael, dahil ayaw nitong paniwalaan na magkadate ang dalawa.

“My God Rafael, kilala ko ang klase ng pagtitig ng lalaking iyon sa anghel mo, kung sa tingin mo walang gusto ni Joshua sa kasama niya, maniwala ka sa akin na may gusto sa kanya ang lalaking kasabay niyang kumakain. At alam ko rin na para sa Russell na iyan ay isang date na ang pagsabay sa kanyang kumain ni Joshua.” saad at opinyon ni Chloe sa nakikita, na umandar na naman ang pagiging psychologist rin nito.

“Pagpalagay na nating may gusto sa anghel ko ang mokong na iyan, alam kong hindi magagawa ni Joshua ang lokohin ang pamangkin ko.”

“Yeah right, at paano ka naman nakakasigurong magkaralesyon ang pamangkin mo at si Joshua? At kung magnobyo nga sila, bakit pumayag siyang makipaghalikan sa’yo?” mga tanong ni Chloe sa kaibigan.

“Sa huli mong tanong, dahil siguro gumanti lang siya sa nagawa ko noon sa kanya. At sa una naman, ano bang paliwanag sa pagtatabi ng dalawang taong hubot-hubad sa iisang kama. Pati na ang mga markang nakita ko sa leeg niya, na alam kong gawa sa kanya ng pamangkin ko.” sagot ni Rafael at ibayong sakit muli sa puso ang nadarama na pigil rin ang maiyak sa sandaling iyon.

Kilala ni Chloe na matapang ang kababata at kaibigan, at ngayong nakikita niya na nagpipigil ng emosyon si Rafael, batid ng babae na mahal na mahal nga ng kasama si Joshua.

“Si Joshua at Luis lang ang makakasagot sa’yo kung totoong may relasyon nga silang dalawa. At bilang pagbibigay ko ng pag-asa sa’yo kahit papaano, nakita ko ang sakit sa mga mata ng anghel mo ng makita niya tayong dalawa.” saad ni Chloe at bigay nito ng ideya sa dapat gawin ng kababata.

Medyo nagulat naman si Rafael sa narinig nito sa kababata, at sa isiping apektado si Joshua, sa kanila ngayon ni Chloe, umaasa ang binata na sana ay hindi totoo ang naisip niyang niloko lang siya ng kanyang anghel.

“Tama ka Chloe, salama-” ’di na natuloy pang saad ni Rafael, nang sunod na maramdaman ng binata sa kanyang labi ang mga labi ng kababata.

Sandaling napako ang mga paa ni Joshua na papunta sana ng banyo, sa nakitang paghahalikan ni Rafael at ng magandang babae.

Sa isip ng nagpipigil na maiyak na si Joshua, kailangan pa bang ipamukha sa kanya ng paulit-ulit ni Rafael na wala siyang gusto sa kanya.

Kita ni Chloe ang nangingilid at malapit ng bumagsak na luha ng lalaking mahal ng kanyang kababata, at sa nakita, tama nga ang hinala niya na mahal rin ng malapit ng maiyak na si Joshua, ang hinahalikan naman niya sa labi sa sandaling iyon.

At ng hindi na makayanan ang sakit na muli ay dulot na naman ni Rafael, patakbong umalis na lamang sa lugar na iyon si Joshua.

“Bakit mo’ko hinalikan?!” inis na saad ni Rafael, na kita rin ang nangingiting mukhang meron ang kababata.

“Habulin mo na ang anghel mo, nakita niya ang paghahalikan natin.” ngising sagot ni Chloe.

“Shit! Bakit ko pa kasi naisipang hingin ang tulong mo.” iling na saad ni Rafael, at gaya nga ng payo ng kanyang kababata, tumayo na ito para habulin ang kaaalis lang na anghel niya.

Ilang minuto ng pagtakbo niya sa labas na restong iyon na nasa loob rin ng hotel. Tumigil sa isang parkeng malapit lang sa lugar na iyon ang binata. At sa nakita nitong duyan na naroon din sa lugar, doon naisipang ilabas ni Joshua sa pamamagitan ng pag-iyak ang sakit na nararamdaman.

Sa ginawang pagtakbo nga ni Joshua, dalawang lalaki ang parehong kasalukuyang naghahanap na kanya, na pareho ring nais na samahan siya.

Ilang saglit pa nga ang lumipas…

“Josh.”

“Anghel ko.”

Magkasabay na narinig ni Joshua na galing sa dalawang lalaki.

XXX

Parehong nagkatitigan ang dalawang lalaking ilang metro na lang ang layo kay Joshua, at parehong matatalim na tingin rin ang pinupukol nila sa isa’t-isa.

Batid ni Russell na kagagawan ni Rafael ang ginawang pag-alis ni Joshua kanina sa resto, at ngayon sa nakikita nitong basang mga mata ng huli na alam rin nitong dulot ng pag-iyak. Hindi tanga si Russell na kaagad rin naisip na si Rafael rin ang dahilan ng pag-iyak ni Joshua kahapon.

Samantala, kaagad na lumapit si Rafael sa kanyang anghel na nakaupo ngayon sa isang duyan.

“Anghel ko-” simula ni Rafael na kaagad rin naputol ng magsalita si Joshua.

“Maliwanag na sa akin Rafael, hindi mo na kailangan pang ipamukha sa akin ng paulit-ulit.”

“Hindi anghel ko, walang ibig sabihin ang nakita mo kanina.” maagap na paliwanag ni Rafael, na umupo na, para magtapat ang mga mukha nila ni Joshua.

“Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag Rafael, gaya ng sabi mo kahapon sa akin, wala kang interes sa katulad ko at wala rin ibig sabihin ang mga nangyari sa atin.”

“Hi-hindi… nagsinungaling lang ako sa mga nasabi ko sa’yo kahapon-” subok muling paliwanag ni Rafael, na pigil ang sariling hawakan ang mukha ng nasasaktan niyang anghel.

“Tama na Rafael! Kung nandito ka lang para makita mo kung gaano ako nasasaktan. Oo! Nasasaktan ako ng sobra! Sapat na ba ’yon para makuntento ka na?!” sumbat ng napatayo ng si Joshua na muli ay naiiyak na naman.

Sa sandaling iyon, parehong nasasaktan rin ang dalawang binatang kasama rin ni Joshua.

At bilang pagdamay ni Russell sa bagong kaibigan, mabilis na itong lumapit sa kinaroroonan ni Joshua, sabay yakap rin nito sa lumuluha at nasasaktang anghel.

“Tama na Rafael, siguro naman kuntento ka na sa nakikita mo ngayon kay Josh.” baling ng nagpipigil sa galit na si Russell kay Rafael.

“Huwag kang makialam dito! At bitawan mo nga ang anghel ko!” sagot ng tumayong muling si Rafael, na galit at nagseselos sa mga sandaling iyon sa lalaking kasalukuyang nakayakap sa kanyang anghel.

“Anghel mo? Wala kang karapatan kay Joshua dahil hindi mo siya pag-aari.” galit ring sagot pabalik ni Russell.

“Tangina! Tatanggalin mo ang pagkakayakap mo sa anghel ko o gusto mong basagin ko ang pagmumukha mo?!” galit na galit ng banta ni Rafael na ibayong selos na ang nararamdaman, matapos makita rin nito ang pagyakap ni Joshua sa lalaki.

Sa narinig ni Joshua sa galit na galit ngayong si Rafael, kahit papaano ay natakot ito, hindi para sa kanyang sarili, kungdi sa maaaring gawin ng kilala niyang mainitin ang ulong lalaki, sa bagong kaibigan. Kaya naman siya na lang ang humiwalay sa yakapan nila ni Russell.

“Sa-salamat Russ, ’wag mo ng patulan ang taong iyan.” saad at payo ni Joshua sa kaibigan.

“Tama ang anghel ko, sigurado naman na wala kang laban sa akin.” ngising pagyayabang pa ni Rafael sa lalaki.

“Puwede ba Rafael tumigil ka na, at lalong tigilan mo ang pagtawag sa akin ng anghel.” inis na baling ni Joshua sa mayabang na lalaki. “Mabuti pa umalis na tayo Russ.” baling naman nito sa kaibigan.

“Sa-sandali anghel ko.” saad ni Rafael bago pa umalis si Joshua kasama ang lalaki.

Isang masamang tingin naman ang naging sagot ni Joshua, sa muling pagtawag sa kanya ng anghel ni Rafael.

“Kung marami kang oras para sayangin lang sa mga walang kwentang bagay, Rafael, ibahin mo kami ni Russell, dahil kailangan na naming bumalik sa trabaho, na siyang nagbibigay naman ng suweldo sa amin para sa pang-araw-araw naming gastusin.” saad ni Joshua para tumigil na si Rafael.

At nagtagumpay naman ang binata sa nakita nitong natigilan si Rafael, kaya naman mabilis na rin silang umalis sa parkeng iyon ni Russell.

Hindi man sila nagkaliwanagan ng kanyang anghel, sapat ng nalaman ni Rafael na apektado si Joshua, sa nakitang paghahalikan nila ng kanyang kababatang si Chloe.

“Steven, may pagbabago sa plano natin.” bungad ni Rafael pagkasagot ng kaibigang abogado sa kanyang tawag.

“Okay bro, anong bago nating plano?”

“Samahan mo ako mamaya sa bahay ng mag-ama ko.”

“Sure Rafael.”

Matapos ang nangyari sa kanila ni Joshua, hindi na napalagay pa si Luis. Kaya naman kaagad na nitong pinuntahan ang taong maaari niyang hingan ng tulong, para maniwala sa kanya si Joshua na wala rin siyang alam, sa kung paano nangyari na magkasama silang dalawa at hubot-hubad sa kanyang kuwarto.

Hindi inaasahan ni Rafael ang narinig nito sa kanyang sekretarya, sa taong gusto siyang makausap ngayon.

“Sige, hayaan mo siya Bianca.” sagot ni Rafael sa sekretarya.

Ilang minuto lang nga, sunod ay narinig ni Rafael ang pagkatok ng taong gusto siyang makausap.

“Come in!” malakas na saad ni Rafael para marinig siya ng taong kumatok.

Pagkarinig sa boses ng kanyang tito, pumasok na si Luis sa opisinang iyon.

“Uncle, kailangan ko ang tulong mo.” bungad ni Luis sa kanyang tito.

Napatingin naman si Rafael kay Luis, pagkarinig nito sa sinabing iyon ng pamangkin. Bahagya pa itong natigilan ng makita ang mukhang meron ngayon si Luis, na tila ba wala itong maayos na tulog.

“Anong nangyari sa’yo Luis?” tanong ni Rafael, na kahit papaano’y nag-aalala rin sa ayos ngayon ng kanyang pamangkin.

“Si Joshua, uncle.” maikling sagot ni Luis.

“Anong tungkol kay Joshua?” naguguluhang tanong pabalik ni Rafael.

“May kasalanan ako sa kanya uncle, pero pangako, hindi ko rin naman sinasadya ang nagawa ko.” paliwanag ni Luis.

Ang pag-aalala sa kanyang pamangkin ay mabilis na napalitan ng galit, sa sunod na narinig ni Rafael kay Luis.

“Tarantado ka Luis, anong ginawa mo kay Josh?!” galit na tanong ni Rafael at mabilis ring kinuwelyuhan ang pamangkin.

“U-uncle hi-hindi ako makahi-hinga.” hirap na hirap na sagot ni Luis, na sinusubukan ring tanggalin ang mga kamao ng tito niya na mahigpit ang hawak sa kuwelyo ng kanyang suot na damit.

Sa nakita at narinig na daing ng kanyang pamangkin ay binatawan na ni Rafael si Luis.

Habol naman ni Luis ang kanyang hininga, matapos pakawalan siya ng kanyang tito.

“Fuck! Ano bang problema mo uncle?!” inis na baling ni Luis sa kanyang tito ng maging maayos na ang pakiramdam nito.

“Tarantado ka! Anong ginawa mo sa anghel ko?!” balewala ni Rafael sa pamangkin at muling tanong niya rito.

“Anghel? Ibig sabihin, si Joshua ang taong mahal mo?” tanong pabalik ni Luis, na ’di makapaniwala na si Joshua ang tinutukoy ng kanyang tito na taong dahilan ng pagbalik nito sa Pilipinas.

“Oo si Joshua nga ang taong ’yon, kaya sagutin mo ang tanong ko, anong ginawa mo sa kanya?”

‘Fuck! Papatayin ako ni uncle sigurado.’ saad sa isip ni Luis.

“Te-teka lang uncle puwede bang uminahon ka muna.” pakiusap ni Luis, dahil inaamin nitong mas takot pa siya sa kanyang tito kesa sa sariling ama.

“Tarantado ka, paano ako hihinahon gayung ang sabi mo kanina ay may ginawa kang kasalanan sa anghel ko?!” galit paring saad ni Rafael.

“Uncle, relaks ka muna puwede, kaya nga nandito ako para hingin ang tulong mo, pero mangako ka munang hindi mo ako papatayin pagkatapos kong ikwento sa’yo ang lahat.” kabang saad at kondisyon ni Luis sa kanyang tito, na matalim paring nakatingin sa kanya.

“Depende sa nagawa mo sa anghel ko, pero sige, susubukan kong hindi makapatay ng pamangkin.” seryosong sagot ni Rafael.

Napalunok naman si Luis sa narinig nito sa kanyang tito, ganunman sinimulan na nitong ikuwento ang mga alam niya sa mga nangyari sa kanila ni Joshua kahapon.

Matapos marinig ni Rafael ang kuwento ng kanyang pamangkin, ibayong pagsisi ngayon ang nadarama ng binata. At dahil sa mga nalaman, sisiguraduhin ni Rafael na mananagot ang taong nasa likod ng nangyari sa kanyang anghel, na nagdulot para masaktan rin nila ni Joshua ang isa’t-isa.

“Ako ng bahala magpaliwanag kay Joshua, Luis. Sa ngayon magpahinga ka muna, at ngayong alam mo ng mahal namin ni Joshua ang isa’t-isa, mas mabuti pamangkin kung tanggapin mo nang hindi ka kayang mahalin ni Joshua.” saad at payo ni Rafael kay Luis.

“Tanggap ko naman na noon pa uncle, kaya lang mahal ko talaga siya eh, pero tama ka, kahit mahirap, sisimulan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko kay Joshua.” saad ni Luis na naluha na rin sa sandaling iyon.

“’Di bale, simula ngayon ay susuyuin kong muli si Joshua para sa ating dalawa, at alam kong kapag naipaliwanag ko na sa kanya ang lahat, siya mismo ang kakausap sa’yo.” pangako ni Rafael at niyakap nito ang naiiyak na pamangkin.

“Aasahan ko iyan uncle.” saad ni Luis pagkahiwalay nito sa yakapan nila ng kanyang tito.

“Isa pa pala Luis, anak namin ni Joshua si Kristoff.” paalam ni Rafael sa katotohanan sa kanyang pamangkin, at gaya nga ng kanyang inaasahan ay ibayong pagkagulat ang nakita niyang reaksyon ni Luis.

Kaya naman ipinakita rin nito sa pamangkin ang mga larawan ni Joshua noong nagdadalang-tao ito, at ikinuwento na rin niya ang mga nangyari noon sa kanila ni Joshua.

Halos magkasabay lang silang dumating ni Steven sa bahay ng pamilya Santos. Kaya naman pagkababa ni Rafael sa kanyang sasakyan ay hinintay nito ang pagbaba ng kaibigan, para sabay na silang magtungo sa pintuan ng bahay nila Joshua.

“Handa ka na Rafael?” tanong ni Steven sa kaibigan.

“Handang-handa na.” seryosong sagot ni Rafael.

Kasalukuyang naghahanda ng hapunan nila si Wilma. Nanonood naman ng balita sa telebisyon ang kanyang kabiyak, samantalang magkakasamang naglalaro ang anak na si Joshua ang apong si Kristoff at ang asong si Ash sa sala.

Panandaliang naputol ang kasalukuyang ginagawa ng pamilya Santos, matapos marinig ng lahat ang pagkatok na nanggagaling sa pinto ng kanilang bahay.

“Ako na lang ang magbubukas.” prisinta ni Martin sa mga kasama sa bahay.

Rinig ng magkaibigan, ang mga yapak ng taong palapit sa pinto para pagbuksan sila.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ng nagpipigil sa galit na si Martin, pagkakita nito kay Rafael.

“Mawalang galang na po, Mr Santos, nandito po kami ng kliyente ko para makipag-usap ng maayos.” saad ni Steven na minabuti ng sumagot, bago pa suntukin ng kaharap ang kaibigan.

Napatingin naman si Martin sa nagsalitang lalaki na kasama ni Rafael.

“Kliyente?” litong tanong ni Martin sa ’di pa niya kilalang lalaki.

“Forgive me sir, ako nga pala si Atty. Steven Mendoza, abogado ni Mr Montero.” pakilala ni Steven at lahad nito ng isang kamay sa matandang lalaki.

Sa narinig palang ni Martin na abogado ang kasama ngayon ni Rafael. Hindi man nakapagtapos ng college, hindi tanga ang matanda na kaagap naisip na tungkol sa kanilang apong si Kristoff ang tinutukoy ngayon ng abogado ni Rafael, na nais ng mga ito na pag-usapan nila.

Kaya naman pansamatala na muna nitong kinalimutan ang galit para kay Rafael, at nakipagkamay na rin ito sa abogado.

“Sige, pasok kayo.” saad ni Martin.

Magtatanong pa lamang sana si Joshua sa kanyang ama, kung sino ang taong nasa labas, ngunit nasagot na kaagad ang itatanong palang sana nito, pagkakita niya kay Rafael na kasama pa ang isang lalaki na ngayon lang niya nakita.

“Good evening Mr Joshua Santos, right? Ako si Atty. Steven Mendoza, abogado ni Mr Montero.” pakilala ni Steven sa kinababaliwan ng kaibigan.

Kita ni Rafael ang gulat sa mukha ng kanyang anghel, matapos magpakilala ni Steven.

“Rafael, anong ibig sabihin nito?” kabang tanong ni Joshua at tumingin na rin ito sa guwapong mukha ng ama rin ni Kristoff.

“Sige Mr Montero, Mr Santos, maiwan ko muna kayo.” saad ni Steven na minabuti na munang iwanan ang dalawa. “Mr Santos, maaari bang samahan po muna ninyo ako sa misis ninyo.” pakiusap naman nito sa matandang Santos.

Naintindihan naman ni Martin ang gustong mangyari ng abogado, kaya naman sinamahan niya ito papunta sa kanyang asawang si Wilma.

“Sorry Josh, gusto ko na rin ang makasama ang anak natin.” sagot ni Rafael ng maiwan silang dalawa ni Joshua.

“Pero Rafael, paano natin maipapaliwanag kay Kristoff na dalawa ang papa niya.” rason ni Joshua sa kausap.

“’Di sabihin natin na ako ang daddy niya at ikaw ang mommy niya.” ngising sagot ni Rafael at lalo pang lumawak ang ngisi meron ito ng makita ang pamumula ng mukha ng kanyang anghel.

“Puro ka naman kalokohan Rafael eh. Ano bang gusto mong gawin ko para ’wag na muna nating sabihin kay Kristoff ang totoo.” sagot ni Joshua, at pagbabakasakali nitong magbago pa ang isip ng guwapong lalaki na nakangisi parin sa oras na iyon.

“Kahit ano gagawin mo?” tanong ng nangingiting si Rafael.

Sa nakitang nakangiting mukha ng lalaking kaharap, hindi man sigurado si Joshua ay sinagot na rin niya ang tanong na iyon ni Rafael.

“Oo na! Anong gusto mong gawin ko?”

“Pakasalan mo ako.” ngising sagot ni Rafael.

“Sinasabi ko nga ba, puro ka talaga kalokohan.” naiiling na saad ni Joshua na namumula rin ang mukha dahil sa narinig nito.

“O siya sa susunod na lang iyon, kapag napasagot na kita.”

“Ewan ko sa’yo Rafael. Hindi ka ba talaga titigil na paglaruan ako?! Ano pa bang gusto mo?!” medyo inis ng tanong ni Joshua, batid naman nitong niloloko lang siya ni Rafael, kaya nga naiinis rin siya sa sarili, dahil inaamin niya na kinikilig rin siya sa mga hirit ng guwapong lalaking kaharap.

“Ikaw ang gusto ko, hindi, mahal na mahal nga eh, pero kahit na seryoso na ako, ang hirap sa’yo anghel ko, ayaw mo parin akong paniwalaan.” seryosong sagot na ni Rafael.

“Paano ako maniniwala, gayung iba ang pinaramdam mo sa akin sa lumipas ng dalawang araw.” depensa naman ni Joshua at pigil nito ang maiyak, dahil sawa na siyang ipakita kay Rafael na mahina siya.

“Sorry, anghel ko. Sige ngayon, papatunayan ko ulit sa’yo na ikaw lang ang pinakamamahal ko.” saad ni Rafael at bago pa makapagsalita muli si Joshua. Walang takot na hinagkan ng binata ang matamis ng mga labi ng kanyang anghel.

XXXI

Piniling ’wag tugunan ni Joshua ang ginagawang paghalik ng mga bihasang labi ni Rafael, kahit pa alam niya sa sarili na gusto rin nito ang ginagawang pag-ankin ng guwapo at matipunong lalaki sa kanyang mga labi.

At gaya nga ng kanyang inaasahan, huwilay na ang mukha ni Rafael ng wala itong makuhang pagtugon sa kanya. Sa paghihiwalay nga ng kanilang mukha, sunod ay isang sampal rin ang ibinigay ni Joshua sa pangahas na lalaki.

Naiintindihan ni Rafael ang hindi pagtugon ni Joshua sa pangahas na mga halik niya. At pagkahiwalay nga ng kanyang mukha sa anghel na nasaktan niya na naman, inaasahan na rin niya ang malakas na sampal na iginawad sa kanya ng mahal.

“Hindi ko alam kung anong laro ang gusto mo Rafael, pero utang na loob, tama ng ako na lang at ’wag na ’wag mong idadamay si Kristoff.” saad ng nagpipigil ng emosyon na si Joshua.

“Anghel ko, hinding-hindi ko gagawin iyon sa anak natin, at sorry kung iyon ang naiparamdam ko sa’yo sa nakalipas na araw. Kaya nga nandito ako, para ipaliwanag sa’yo, kung bakit nagawa ko ang masaktan na naman kita.”

“Sige pagbibigyan kita at pagkatapos mong magpalinawag, sabihin mo na rin sa akin kung bakit may kasama kang abogado.”

“Salamat anghel ko.” sagot ni Rafael at inumpisahan na nito ang pagkukuwento sa lahat ng kanyang mga nalaman, kasama na ang pagpapaliwanag nito kung bakit nito nagawang masaktan muli si Joshua.

Sa mga nalaman ni Joshua ay naliwanagan na ito kahit papaano. At isang bagay ang gumugulo ngayon sa kanyang isip, ito ay kung sino ang taong nasa likod para magkasira sila ni Rafael.

“Paano anghel ko, galit ka parin ba sa akin?” kabang tanong ni Rafael pagkatapos nitong magkwento at magpaliwanag.

“Anong sa tingin mo?” masungit na sagot ni Joshua.

“Ang sabi ko nga galit ka parin.” sagot ni Rafael sa sariling tanong at napakamot na lang ito sa batok.

Kita naman ni Joshua ang pagflex ng malaking braso ng guwapo at makisig na lalaki, na parang mabait na tupa ngayon at hinihingi ang kapatawaran niya. Nang maisip ang ginagawa ay mabilis ng inalis ni Joshua ang kanyang paningin sa malaking brasong iyon ni Rafael.

“Hindi mo pa sinasagot ang dahilan ng pagpunta mo rito kasama ng abogado mo. Single pa ba ang guwapong iyon?” saad ni Joshua at ganti nito sa selosong si Rafael.

“Tungkol sa pagpunta namin ng abogado ko, a-anong sabi mo?!” sagot ni Rafael at inis na tanong nito kay Joshua, dahil hindi nito nagustuhan na interesado ang kanyang anghel kay Steven.

“Napapadalas ang pagkabingi mo Mr Montero, mabuti pa ay ipatingin mo na iyan sa espesyalista at baka malala na ’yan. At huwag mo ng sagutin ang tanong ko, mas maganda siguro kung ako na lang mismo ang magtatanong kay Attorney sa bagay na iyon.” sagot ni Joshua at napangisi pa sa huling binitawan nito.

“Subukan mong gawin iyon at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” banta ni Rafael na pigil rin ang selos na nararamdaman.

“Pinagbabantaan mo ba ako Rafael? At ano namang masama kung itanong ko iyon kay Steven, sa pagkakaalala ko, wala naman akong karelasyon.” tanong ni Joshua at muli’y asar nito sa nakatiim bagang ngayong si Rafael.

“Hindi mo pa ako sinasagot, pero hindi ibig sabihin nun ay maaari ka ng tumingin sa iba, hindi ako makakapayag.” seryosong saad ni Rafael.

“Huwag mo ’kong didiktahan sa gagawin ko, dahil wala kang karapatan sa’kin. At kahit pa halikan ko si Steven sa harapan mo, wala kang magagawa.” inis pa ni Joshua sa alam nitong sasabog na sa selos na lalaki.

“Putang-ina! Akin ka lang Joshua!” galit na saad ni Rafael na sumabog na nga sa ibayong selos na nararamdaman. At sa isang iglap lang, mabilis na kinaladkad nito si Joshua papunta sa isang kuwarto. Pagbukas ni Rafael sa kuwarto, mabilis nitong naihiga sa kama si Joshua.

Alam ni Joshua na seloso si Rafael, at sa nakikita niyang galit na galit ngayong lalaki na gawa ng ibayong selos na siya mismo ang nagpalabas. Kahit papaano’y nakararamdam ng pagkabahala si Joshua.

“Ngayon, ipapakita ko sa’yo kung sino ang nagmamay-ari sa’yo.” saad ng galit paring si Rafael.

“Rafael a-anong gagawin mo?!” kabang tanong ni Joshua.

Bilang sagot ni Rafael sa tanong na iyon ni Joshua, mariing mga halik ang iginawad nito sa mga labi ng huli.

“Rafhhmmm.” tanging lumabas sa bibig ni Joshua na sinusubukang manlaban sa ginagawa ni Rafael.

Bingi na si Rafael sa panlalabang iyong ni Joshua, at ipinagpatuloy lang ang paghalik sa mga matatamis na labing iyon na tanging siya lamang ang maaaring umangkin.

Ang panlalaban niya kanina ay kinalimutan na nito, dahil sa sarap na hatid ng mga bihasang labi ng lalaking mariing umaangkin sa kanyang mga labi. Kaya naman tinugon na rin ni Joshua ang mga halik na iyon ni Rafael.

Nang kapusan ng hanging ang dalawa ay saglit na humiwalay ang mga labi nila.

“Ano anghel ko, alam mo na ba kung sino ang nagmamay-ari sa’yo?” ngising tanong ni Rafael sa mahal niyang si Joshua, na namumula ang mukha at maga ang mga labi dulot ng pag-ankin niya rito.

Isang tango lang ang naging sagot ni Joshua, sa tanging lalaking hahayaan rin niyang umangkin sa kanya.

Lalo namang lumawak ang ngisi sa mukha ni Rafael, sa tugon na iyon ng kanyang anghel. At muli ay hinagkan na naman nito ang matatamis na mga labi ni Joshua.

“Rafael, baka magtaka na sila tatay.” saad ni Joshua na pigil ang mapaungol sa ginagawang paghalik ni Rafael sa kanyang leeg.

“Hayaan mo sila anghel ko, nagsisimula palang ako sa pag-angkin ko sa’yo, isa pa kailangan na nating sundan si Kristoff kaagad.” sagot lang ni Rafael at ipinagpatuloy ang ginagawang paghalik sa maputing leeg ni Joshua.

Sa narinig ni Joshua ay isang hampas ang ibinigay nito kay Rafael, at inayos na rin nito ang sarili.

“Anghel naman, nagsisimula palang tumigas si junior binitin mo naman.” saad ni Rafael na daig pa ang nalugi ang mukhang meron ito ngayon.

“’Di magsalsal ka, o kaya’y maghanap ka ng iba.” ngising sagot ni Joshua na nasisiyahan sa nakikitang nabitin si Rafael.

“Sus kapag ginawa ko naman iyon, iiyak-iyak ka.” asar pabalik ni Rafael.

Pinamulahan naman ng mukha si Joshua sa narinig, dahil aminado ito na hanggang salita lamang siya at tama ang sinabing iyon ni Rafael.

“’Di bale anghel ko, sa’yo lang ako noon pa man, at handa rin akong maghintay kahit gaano pa katagal.” saad ni Rafael at niyakap nito ang mahal.

Ginantihan naman ni Joshua ang yakap na iyon ni Rafael, at masaya rin ito na nagkaayos na sila ng mahal.

Pagbaba muli ng dalawa sa sala, kaagad na napunta ang tingin ng lahat sa kanila.

Gaya nga ng nalaman ng mag-asawang Santos sa kasama nilang abogado. Kita ng mag-asawa na totoo nga na mahal ng kanilang anak si Rafael. Sa matagal na panahon, ngayon lang nila muling nakita ang saya sa mga mata ng kanilang anak.

“May dapat ba kaming malaman ng nanay mo Joshua?” seryosong tanong ni Martin sa anak.

“Ano pong ibig niyong sabihin?” tanong pabalik sa ama ng naguguluhang si Joshua.

“Anak, hindi mo kailangang itago sa amin, maiintidihan namin ng tatay mo.” sali sa usapan ni Wilma.

“Ano po ba iyon nay, hindi ko po kayo maintindihan.” naguguluhang paring tanong ni Joshua.

Pigil naman ni Rafael at Steven ang matawa sa nalilito paring si Joshua. Kaya naman gumawa na ng paraan si Rafael, para bigyan na ng ideya ang kahawak-kamay niyang anghel.

“Tinatanong nila tatay at nanay kung tayo na ba, kasi hindi mo parin binibitawan ang kamay ko.” bulong ni Rafael sa tenga ng kanyang mahal.

Sa narinig ni Joshua ay nanlalaking mata ito, at ninais rin nito na kainin na siya ng lupa dahil sa kahihiyan.

“Hindi pa po kami ni Joshua, tay, nay. pero alam kong malapit na rin akong sagutin ng anghel ko.” baling ni Rafael sa mga magulang ni Joshua.

“Rafael!” saway ni Joshua sa kahawak-kamay parin nito, dahil lalo pa itong nahiya sa sandaling iyon.

Samantala, matapos ipaliwanag sa kanila noong isang araw ni Joshua, na hindi rin sadya ni Rafael ang nangyari sa kanilang dalawa. Pati na ang nalaman nila sa abogado at kaibigan ni Rafael. At ngayon nga ang kita ng kanilang dalawang mga mata na pagmamahalan ni Rafael at Joshua. Isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Wilma, bilang pagpapahatid na masaya ito sa anumang relasyong meron ang dalawa. Nanatili namang seryoso si Martin, bagamat hindi naman ito tutol sa dalawa, kahit papaano’y nag-aalala parin ito sa kanyang anak at apo.

“Maupo na kayong dalawa, para pag-usapan na natin ang mga dapat pa nating pag-usapan.” baling ni Martin kina Joshua at Rafael.

“Tungkol po sa ipununta namin ni Steven, gusto ko pong gamitin na ng anak ko ang apelyido ko.” simula ni Rafael, na kaagad namang ikinatingin ng mag-anak na Santos sa kanya.

“Naiintindihan ko ang gusto mong mangyari Rafael, kung anong sagot ni Joshua ay iyon rin ang sagot namin ng nanay niya.” saad ni Martin.

“Josh?” baling ni Rafael sa kanyang anghel.

“Uhm sige payag ako sa gusto mo.” ngiting sagot ni Joshua.

“Salamat anghel ko.” masayang saad ni Rafael at hinalikan nito sa labi si Joshua.

“Ehem!” tikhim ni Martin.

Humiwalay naman ang dalawa pagkatapos, si Rafael na nangingiti lang, samantalang si Joshua ay namumula ang mukha sa kahihiyan.

“Iyon lang ba Rafael?” seryosong tanong ni Martin sa lalaking kita ng kanyang dalawang mata na mahal ang kanyang anak, gaya ng nararamdaman rin ng anak.

“Isa pang bagay pa po tay, gusto kong makasama ang anak namin ni Joshua tuwing Sabado at Linggo.” sagot ni Rafael sa ama at lolo ng mag-ama niya.

“Gaya kanina, kung anong maging desisyon ni Joshua ay iyon rin ang sagot naming mag-asawa.” saad ni Martin.

“Josh?” baling muli ni Rafael kay Joshua at naghihintay sa magiging sagot ng kanyang anghel.

“Hi-hindi ko alam Rafael, siguradong magtataka ang anak natin kapag sumama siya sa’yo.” sagot ni Joshua at paliwanag nito sa maaaring mangyari.

“Alam kong iyan ang isasagot mo Josh, pero madali lang naman solusyunan ang bagay iyan, at iyon ay ang samahan mo kami ng anak natin.” saad at suhestiyon ni Rafael.

“Tama si Rafael anak, sa ganoong paraan ay paunti-unting masasanay ang anak mo sa daddy niya.” sang-ayon ni Wilma.

“Kayo tay, payag po kayo?” kabang tanong ni Joshua sa kanina pa seryosong ama.

“Kung anong maging desisyon mo anak, iyon na rin ang sagot ko.” saad ni Martin.

“Ano na anghel ko?” tanong muli ni Rafael.

“Si-sige payag na ako.” sagot ni Joshua.

“Salamat anghel ko.” saad ni Rafael at mabilis nitong niyakap si Joshua.

“Ang saya-saya ko, salamat anghel ko.” bulong ni Rafael sa tenga ni Joshua.

“Masaya rin ako Rafael, pero bitawan mo na ako, baka magbago pa ang isip ni tatay.” bulong pabalik ni Joshua.

Humiwalay naman kaagad si Rafael sa yakapan nila ni Joshua.

“Salamat rin po sa pagpagyag tay, nay, pangako ko po, iingatan ko ang anak at apo ninyo.” baling ni Rafael sa mga magulang ni Joshua.

“Aasahan namin iyan Rafael, kung ayaw mong suntukin muli kita.” sagot ni Martin at banta rin nito.

“Opo tay, salamat po muli sa pagpagyag ninyo ni nanay.” saad ni Rafael at lumapit na sa mga magulang ni Joshua para makipagkamay.

“Ano ba naman iyan Rafael, ngayon ka pa nahiya sa amin, samantalang kanina wala kang takot ng halikan mo sa harapan namin si Joshua.” tuwang saad ni Wilma na niyakap na si Rafael.

“Baka po kasi magalit sa akin si tatay.” bulong ni Rafael sa tenga ng nanay ni Joshua.

“Ganun lang talaga si Martin, pagdating sa mga taong mahalaga sa kanya.” bulong pabalik ni Wilma sa mahal ng kanyang anak.

“Tay.” hinging permiso ni Rafael para yakapin ang tatay ni Joshua.

Isang tango naman ang naging sagot ni Martin kay Rafael, at pagyakap ng huli sa kanya ay tinatapik-tapik nito ang likod ng binata.

“Ingatan mo sila.” saad ni Martin na sapat na para marinig ni Rafael.

“Opo tay.” nakangiting sagot ni Rafael, pagkahiwalay nito sa yakapan nila ng tatay ni Joshua.

“Anak, puntahan mo na ang anak mo sa kuwarto namin ng tatay mo, para makakain na tayo.” baling ni Wilma kay Joshua. “Rafael, Steven samahan n’yo na kaming maghapunan.” baling ng matanda sa magkaibigan.

“Hindi ko tatanggihan iyan Mrs Santos, kanina pa nga ako natatakam sa niluluto ho ninyo kanina.” nakangiting sagot ni Steven.

“Tama si Steven nay, namiss ko rin po ang luto niyo.” sagot naman ni Rafael.

“Naku, magkaibigan nga kayong dalawa, at pareho kayong bolero.” nangingiti at naiiling na saad ni Wilma.

At sa gabing iyon, naging masaya at maingay ang hapunan sa bahay ng mga Santos. Pero mas higit ang saya ng dalawang taong muling nagkaayos at nagmamahalan. At hindi na rin makapaghintay ang dalawa sa darating na Sabado, na kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sila buong araw kasama ang kanilang anak.

XXXII

Sa mga lumipas na mga araw, pinili ni Joshua at Rafael ang maging lihim ang relasyong mayroon sila. Sunod ito sa kagustuhan ng una, dahil hindi pa ito handa na malaman ng mga kasama nila sa hotel ang bagay na iyon.

Naiintindihan naman ni Rafael ang kagustuhang iyon ng kanyang anghel, at matapos nga ang hapunan sa bahay ng mga Santos noong isang gabi. Napag-usapan rin nila ang tungkol sa taong nagnanais na magkasira sila. At isang tao kaagad ang naisip ni Rafael na posibleng may kagagawan sa bagay na iyon, at ito’y ang sekretarya ni Joshua.

Sa panig naman ni Joshua ay hindi ito makapaniwala na magagawa iyon sa kanya ni Rica. Ganunman, naisip nitong posibleng tama ang narinig nito kay Rafael, sapagkat ang sekretarya ang nagsabi sa kanya na gusto siyang makausap ng kaibigang si Luis, na naging dahilan nga ng hindi pagkakaunawaan nila ng kanyang mahal.

Kaya naman sa pagpasok ni Joshua sa mga sumunod na mga araw sa trabaho, pinili nitong mag-ingat sa mga sasabihin at mga gagawin, habang kasama niya ang kanyang sekretarya, na hindi parin niya lubos maisip na sasaksakin siya patalikod.

Sa mga lumipas rin na mga araw, naging madalas rin ang pagsabay sa kanyang kumain ng bagong kaibigang si Russell. Ganunman, kaagad na nagpapaalam muna si Joshua sa kanyang selosong nobyo, tungkol sa pagsama sa kanya ni Russell.

At ngayon nga, dumating na ang araw ng Sabado na pinakahihintay ng magkasintahan.

“Kristoff, wake up na at may pupuntahan tayo ni papa.” gising ni Joshua sa kanyang anak.

“Really papa?” pupungas-pungas na sagot ng bibong bata.

“Yes baby, kaya bangon na dali para makaligo ka na.” sagot ni Joshua at halik nito sa magkabilang pisngi ng cute nilang anak ni Rafael.

Sa kusina sa baba, nandoon na ang bihis na bihis na si Rafael at hinihintay ang kanyang mag-ama.

“Excited ka na ba anak?” nakangiting tanong ni Wilma kay Rafael at abot nito sa kape sa nobyo ng anak.

“Opo nay, pero sa susunod kailangang sumama rin po kayo ni tatay.”

“Sige kukunbisihin ko si Martin sa susunod, pero tama na munang kayong tatlo ang mag-bonding, tsaka na kami makikigulo ng tatay ninyo.”

“Sige po nay, salamat po ulit at binigyan ninyo ako ni tatay ng pagkakataon na makabawi sa mag-ama ko.” sinserong pasalamat ni Rafael sa matanda.

“Nararapat lang iyon anak, at isa pa, kung napatawad ka ng anak namin, sigurado kaming dahil iyon sa lubos na pagkakakilala niya sa pagkataong meron ka.” sagot lang ni Wilma.

Sa binitawang salitang iyon ng nanay ni Joshua, pigil ni Rafael ang kanyang emosyon. Sa isip ng binata, tunay ngang napakasuwerte niya at dumating sa kanyang buhay ang mabuti at maunawain niyang anghel.

Ilang minuto pa nga ang lumipas at nakita na niya, ang pagbaba ng dalawang taong pinakamahalaga sa kanyang buhay.

“Okay na ba ang lahat?” nakangiting tanong ni Rafael sa kanyang anghel.

“Oo Rafael.” sagot ni Joshua na pigil ang sarili na muling titigan ang makisig at guwapong lalaki na kaharap niya ngayon.

“Akin na ang mga bag, at mamaya malaya mo akong titigan kahit gaano pa katagal.” saad ni Rafael at bulong nito sa kanyang anghel ng makalapit na ito, para kuhanin ang mga gamit na bitbit ni Joshua.

Pinamulahan naman ng mukha si Joshua, dahil nahalata pala ni Rafael ang ginawa niya kanina.

“Papa, kasama po natin aalis si tito Rafael?” tanong ni Kristoff sa papa niya.

“Ah oo baby, okay lang ba?”

“Okay lang po, nice naman po si tito eh.” sagot ng bata na nakangiti rin sa sandaling iyon.

“You’re right baby, nice si tito Rafael, and later he has a surprise for you.” nakahingang sagot ni Joshua sa narinig na pagpayag ng anak.

“Really papa? I’m excited na ’cause I really like surprises.” saad ng bata na napatalon pa sa sobrang saya.

“Oh careful Kristoff, tara na at sundan na natin ang daddy mo.” nakangiting saad ni Joshua na nadulas na sandaling iyon.

“Who’s daddy, papa?” takang tanong ng bata.

“Ah I mean ang tito Rafael mo, tara na baby.” kabang sagot ni Joshua sa anak.

“Nadulas ako kanina, nasabi ko sa anak natin na sundan na namin ang daddy niya.” kwento ni Joshua kay Rafael, pagkatapos nilang isakay sa likod ng sasakyan ang kanilang anak.

“Don’t worry, makakalimutan rin kaagad ng anak natin ang narinig niya.” saad ni Rafael at pinili nitong haplusin ang pisngi ng kanyang anghel, para uminahon ito.

“Hindi Rafael, gusto ko ng sabihin sa anak natin ang totoo, na ikaw ang daddy niya, kaya lang ang hirap, ayoko namang maguluhan ang anak natin sa mura niyang edad.” lahad ni Joshua sa gusto nitong mangyari, at sa puntong iyon ay nagsisimula na rin na maiyak.

“Sshhh tahan na anghel ko, okay lang sa’kin na tito muna ang pagkakakilala sa akin ng anak natin, hayaan mo muna ang tungkol sa bagay na iyon.” alo ni Rafael kay Joshua at mabilis nitong ikinulong sa kanyang bisig ang naiiyak na anghel niya.

“Sorry Rafael.”

“Hindi anghel ko, wala kang kasalanan, tahan na please.” saad ni Rafael at naramdaman nitong humiwalay na sa kanyang bisig ang kanyang anghel na tumahan na rin pagkatapos.

“Mabuti pa ay umalis na nga tayo, baka mainip na ang anak natin.” ngiting saad ni Joshua.

“Ikaw kasi anghel ko, masyado ka kasing mahilig manood ng mga drama.” asar ni Rafael na nakangisi pang bumaling kay Joshua.

“Ewan ko sa’yo Rafael.” inis na sagot ni Joshua na nauna ng pumasok sa harapang bahagi ng sasakyan.

“Papa bakit ang tagal ninyo ni tito?” tanong ni Kristoff pagpasok ng kanyang papa sa sasakyan.

“May pinag-usapan lang kami baby.” sagot ni Joshua sa anak.

“Excited ka na ba Kristoff?” tanong ni Rafael na kapapasok lang sa driver seat ng sasakyan.

“Opo tito, papa told me you have a surprise for me.”

“Yeah, that’s right young man, pero mamaya na muna iyon, mauuna muna ang surpresa ko sa inyo ng papa mo.” ngiting sagot ni Rafael at pagkatapos nun ay pinaandar na nito ang sasakyan.

Parehong nanlalaki ang mata ng mag-amang Joshua at Kristoff ng makita ng mga ito, kung nasaan sila ngayon.

“Papa, tito, dito sa Ocean Park po tayo mamamasyal?!” excited na tanong ni Kristoff sa dalawa.

“Rafael, sobra naman yata ito.” mahinang saad ni Joshua.

“Hindi anghel ko, wala pa ito sa dapat ay noon ko pa ginawa at ibinigay sa inyo ng anak natin.” maagap na sagot ni Rafael, na pigil ang sarili na halikan ang kanyang anghel at baka makita sila ng kanilang anak. “Yes young man, dito ang unang pupuntahan natin ngayong araw.” baling naman nito sa kanilang anak ni Joshua.

“Yippy!” tuwang reaksyon ni Kristoff sa narinig.

Ilan minuto matapos ang pagpasok nila sa loob ng Ocean Park, kita ni Rafael ang tuwa at saya sa mukha ng mag-ama niya. Kaya naman, kaagad nitong kinuhanan ng mga larawan ang dalawa, na abala ngayon sa pagtingin sa ibat-ibang mga isda at mga lamang-dagat.

“Wow papa, look oh ang lalaki ng mga sharks!” natutuwang saad ni Kristoff, at nilapit pa ng bata ang kanyang kamay sa malaking salaming aquarium.

“Oo nga baby, mamaya pupuntahan naman natin ang mga jellyfish.” saad ni Joshua, na gaya ng kanyang anak ay natutuwa rin sa sandaling iyon.

“Nagustuhan mo ba anghel ko?” bulong ni Rafael na humawak kaagad ang isang kamay sa bewang ni Joshua  ng makalapit ito, matapos ang pagkuha nito ng mga larawan ng dalawa.

“Sobra Rafael, tignan mo ang anak natin, kulang na lang ay pumasok siya sa loob para mas makita niya ng malapitan ang mga isda.” ngiting sagot ni Rafael.

“Oo nga, rinig ko nga kanina na halos lahat ng mga nakikita niyang lamang-dagat ay alam na nito ang mga pangalan.” saad ni Rafael at komento nito sa katalinuhan ng kanilang anak ni Joshua.

“Syempre, kanino pa magmamana kungdi sa papa niya.” yabang na sagot ni Joshua.

“Sa’yo ba o sa daddy niya.” kontra kaagad ni Rafael.

“Sa akin, hindi sa’yo, tignan mo nga! Pati sa mukha sa akin niya namana.”

“Oo na, suko na ako, sa’yo nga nagmana ang anak natin, sa akin wala ba siyang namana?”

Saglit naman nag-isip si Joshua, pagkarinig nito sa tanong na iyon ni Rafael.

“Ah meron, hindi nauubusan ng palusot iyang si Kristoff, iyon ang namana niya sa’yo.” sagot ni Joshua.

“Ako? Hindi ko ugali iyon.” tanggi ni Rafael sa sinabi ng kanyang anghel.

“Kita muna, ngayon palang nagpapalusot kana, ’di bale isa iyon sa nagustuhan ko sa’yo noon pa, at kapag nagpapalusot ang anak natin, iyon din ang nagpapaalala sa akin sa’yo, bago muli tayo magkita.” saad at kuwento ni Joshua, na napapangiti pa sa mga naalala.

Malawak na ngiti naman ang mayroon ngayon si Rafael, na napatunayan nito, na gaya niya ay hindi rin siya nakalimutan ng kanyang anghel.

“So ibig sabihin, noon pa man ay patay na patay kana sa akin?” biro ni Rafael sa kanyang anghel.

“Ang sabi ko kanina, gusto kita, hindi mahal, magkaiba iyon Mr Montero.” maagap na sagot ni Joshua, bagamat namumula naman ang kanyang mukha.

“Sus ikaw naman ngayon ang nagpapalusot, akala ko ba ay ako lang ang may ugaling ganyan? Baka nga noon pa man ay pinagnanasahan mo na ako.” saad at biro muli ni Rafael.

“Ang kapal mo Rafael! Dun ka na nga!” inis na saad ni Joshua na napikon na sandaling iyon, at kaagad umalis sa pagkakahawak ni Rafael.

‘Nasobrahan yata.’ saad sa isip ni Rafael.

Kaagad rin namang lumapit si Rafael sa kanyang napikon na anghel.

“Sorry na anghel ko, nagbibiro lang naman ako eh.” mahinang saad ni Rafael ng makalapit ito kay Joshua.

Wala namang naging tugon dun si Joshua, pero inaamin niya na gustong-gusto niya kapag sinusuyo siya ni Rafael.

“Anghel ko, sorry na please, ’wag ka ng magalit.” muling suyo ni Rafael.

Pigil naman ni Joshua ang mapangiti, dahil gaya nga ng kanyang inaasahan ay hindi talaga titigil si Rafael, hanggang sa hindi niya ito pinapatawad.

“Anghel ko, kapag hindi mo pa ako kinibo, hahalikan kita sa labi dito mismo.”

“Tumigil ka nga Mr Montero, gusto mo bang magtaka ang anak natin.” inis na saad ni Joshua at ng bumaling nga ito kay Rafael, kita niya ang ngisi sa mukha ng huli.

“Galit ka pa yata eh, sige ka baka kapag hindi ko napigil ang sarili ko, hahalikan talaga kita.” ngising saad ni Rafael.

“Ako galit? Hindi ah.” sagot ni Joshua at muling inilagay ang isang kamay ni Rafael sa kanyang bewang.

“Good, pero mamaya sa bahay natin, aangkinin ko ang mga labi mo anghel ko, at ang buong katawan mo na sa akin lang mula pa noon.” bulong ni Rafael sa tenga ni Joshua.

Sa narinig nga ni Joshua ay kinilabutan ito, at magkahalong kaba at antisipasyon rin ang namayani sa kanya.

XXXIII

Matapos ang ilang oras na pamamasyal sa Ocean Park, at kumain sa restong malapit sa lugar. Ngayon ay sakay na ng sasakyan ang nagmamanehong si Rafael, kasama ang kanyang mag-ama, at tinatahak na nila ang daan pauwi sa resthouse sa Batangas.

“Napagod ang anak natin.” saad ni Joshua na pinagmamasdan ang natutulog nilang anak, na nakahiga sa kanyang hita at kasama niya ngayon sa likurang bahagi ng sasakyan.

“Oo nga, naubos ang energy niya sa kakatakbo sa lugar.” sang-ayon ni Rafael, na tumingin naman sandali sa salaming nasa harapan ng sasakyan, para makita ang ayos ng kanyang mag-ama.

“Salamat, Rafael.” saad ni Joshua na abala rin sa paghaplos sa buhok ng natutulog na anak.

“Hindi anghel ko, salamat sa inyo ng anak natin.” ngiting sagot ni Rafael na muling tumingin sa salamin, para magtagpo ang mukha nila ni Joshua.

Pagkahinto ng sasakyan na minamaneho ni Rafael, ibayong pagkamangha ang naging reaksyon ni Joshua sa magandang bahay na bumungad sa kanya.

“Ang ganda.” mahinang saad ni Joshua na ’di na napigil ang sarili.

“Mabuti naman ang nagustuhan mo, heto ang susi, ikaw na ang magbukas at kakargahin ko ang anak natin.” saad ni Rafael at abot nito ng mga susi kay Joshua.

Pagkaabot ni Joshua sa mga susi, mabilis nitong nabuksan ang gate, sunod ay tinungo na nito ang pinto ng magandang bahay para buksan rin ito.

Karga ang natutulog na anak, sinundan ni Rafael ang kanyang anghel na mabilis na nabuksan ang gate, at ngayon ay nasa pintuan na ng nakabukas na bahay.

“Pasok na tayo.” ngiting yakag ni Rafael at isang tango naman ang naging sagot sa kanya ni Joshua.

Pigil parin ni Joshua ang sarili na mamangha, habang abala ang kanyang mga mata sa pagtingin sa paligid ng bahay ni Rafael.

“Samahan mo kami sa taas ng anak natin, nandoon ang kuwarto ni Kristoff at syempre ang kuwarto natin.” ngiting baling ni Rafael, sa anghel niya na abala parin sa pagtingin sa kabuuan ng bahay nila.

“Ang mahal siguro ng bili mo dito Rafael.” ’di na napigilang komento ni Joshua, na nasa likod ngayon at sinusundan ang pag-akyat ng kanyang mag-ama sa ikalawang palapag ng bahay.

“Hindi ko ito binili, minana ko ito kay mom at dad.” sagot ni Rafael at sandali itong tumigil ng makarating na ito sa pintuan ng kuwarto ng kanilang anak.

“Ako ng magbubukas.” saad ni Joshua ng makita nitong akmang bubuksan ni Rafael ang pinto.

“Salamat anghel ko, sana magustuhan ni Kristoff ang kuwarto niya.” saad ni Rafael, matapos mailagay sa kama ang natutulog parin nilang anak.

“Hindi lang gusto, gustong-gusto, tignan mo nga ang dami ng mga ito Rafael!” ’di makapaniwalang bulalas ni Joshua, na ngayon ay nakatingin sa maraming iba’t-ibang laruan na narito sa kuwarto.

“Marami na ba ’yan? Dadagdagan ko pa sana bukas pagpunta natin sa mall.” saad ni Rafael na mabilis na pumunta sa likod ni Joshua, at kaagad rin kinulong ang huli sa kanyang mga braso.

“Tama na ang mga ito, hindi sobra-sobra na nga Rafael.” sagot ni Joshua at humarap na sa mahal.

“Hayaan mo na akong i-spoil ang anak natin, at syempre ikaw rin.” saad ni Rafael. At dahil magkaharap na sila ngayon ni Joshua, dahan-dahang yumuko at nilapit ng binata ang kanyang mukha sa kanyang anghel.

Alam ni Joshua ang gustong mangyari ni Rafael sa oras na iyon, at wala siyang pagtutol sa bagay na iyon. Dahil maging siya ay hinahanap-hanap ang masarap na halik ng lalaking minamahal.

Sa pagtatagpo ng mga labi nila ni Joshua, muli ay ibayong sarap ang dulot nun kay Rafael. Kaya naman lalo pang naging mariin ang ginagawa nitong pag-angkin sa matamis at ’di niya pagsasawaang mga labi ng kanyang anghel.

Habang patuloy parin sa kanilang paghahalikan, naramdaman ni Rafael ang pagtigil sandali ni Joshua.

“Ba-baka magising ang anak natin, at makita tayo.” paliwanag kaagad ni Joshua, sa nakita nitong nagtatanong na guwapong mukha ni Rafael.

“No problem, tara sa kuwarto natin.” ngising sagot ni Rafael, na sa isang iglap ay nabuhat ang maliit at magaang katawan ng kanyang anghel.

Kaagad namang pinamulahan ng mukha si Joshua, sa ayos nila ngayon ni Rafael, na tila ba bago silang kasal habang buhat siya ng huli.

“Don’t worry anghel ko, mauuna man ang honeymoon natin, pangako ko sa’yo, pakakasalan kita.” nakangiting saad ni Rafael na para bang nabasa ang laman ng isipan ni Joshua. At ngayon ay lalo pang nanggigil sa nakita nitong namumulang mukha ng huli.

Inaamin ni Joshua na ibayong kilig ang hatid sa kanya ng binitawang salita ni Rafael, at magkahalong takot, kaba at antisipasyon man na ilang sandali mula ngayon ay may mangyayari sa kanila ng huli, nakahanda na ito.

Mabilis ngang narating ni Rafael ang kuwarto nila ni Joshua at para madaling mabuksan nito ang pinto ng kuwartong iyon. Inayos nito ang katawan ng buhat parin niyang anghel, kaya ngayon ay nakakapit sa kanyang leeg ang mga kamay ni Joshua, habang ang dalawang binti naman ng kanyang anghel ay nakakapit sa kanyang bewang.

Sa bagong puwesto ng katawan niyang nakakapit ngayon kay Rafael, amoy ni Joshua ang mabangong katawan ng lalaking ilang sandali mula ngayon ay muling aangkin sa kanya, kaya naman sa isiping iyon, nagsimula na ring mag-init ang katawan ng binata.

At sa nararamdaman nga, hindi na nakuntento si Joshua sa pag-amoy lang sa dibdib ni Rafael na may suot pang damit. Kaya naman habang abala ang huli sa pagbukas sa pinto, gamit ang isang kamay, binuksan ni Joshua ang ilang butones ng polong suot ni Rafael. Pagkabukas nga ni Joshua ng dalawang botones sa polong iyon ni Rafael, lumantad sa kanya ang ilang bahagi ng malapad na dibdib ng huli.

’Di lingid sa kaalaman ni Rafael ang matapang na hakbang na iyon ng kanyang anghel, at ibayong pagnanasa, pananabik at init ang dulot nito sa kanyang katawan.

Sa nakita nga ni Joshua, walang pagdadalawang isip nitong hinalikan ang bahagi ng dibdib ni Rafael na lumantad sa kanya.

“Uhmm.” ungol ni Rafael sa naramdaman sensasyon dulot ng paghalik na ginagawa ngayon ni Joshua.

Ipinagpatuloy ni Joshua ang paghalik sa lantad na bahaging iyon ng dibdib ni Rafael. Habang ang huli naman ay dahan-dahan ng tinungo ang kinaroroonan ng malaking kama sa kuwartong iyon, na alam rin ng barakong binata na magiging saksi sa pag-angkin niya mamaya sa katawan ng kanyang anghel.

Nang malapit na sila sa kama, maingat at dahan-dahang inilagay ni Rafael ang buhat parin niyang katawan ni Joshua.

“Ngayon anghel ko, ikaw naman ang paliligayahin ko.” ngising saad ni Rafael ng tuluyang humiwalay sa kanya ang katawan ni Joshua.

Kasunod nga noon, ang pagtanggal ni Rafael sa suot na mga damit ni Joshua.

Bilang pagpapaubaya sa pareho nilang kagustuhan ni Rafael, kaagad tinulungan ni Joshua ang ginagawang paghubad sa kanya ng una. At ganoon rin ang kanyang ginawa, pagkakita niya sa paghuhubad naman ni Rafael sa sariling mga damit.

Ilang saglit pa nga at lumantad na kay Joshua ang lalo pang naging makisig na katawan ni Rafael. At ng mapunta ang kanyang paningin sa sandata ni Rafael, kaagad na napalunok si Joshua sa nakitang malaki, mataba at nakasaludong lamang iyon.

“Anghel ko, handa ka na ba?” ngising tanong ni Rafael, na ’di nakaligtas sa kanya ang reaksyon na iyon ni Joshua.

“Rafael, dahan-dahan lang, alam mong ikaw ang nakauna noon sa akin, at wala ng iba pa bukod sa’yo.” kabang sagot at pakiusap ni Joshua.

“Alam ko anghel ko at salamat na hindi mo ibinigay sa iba ang nadungisan kong katawan mo noon, pangako, dadahan-dahanin ko ang gagawin natin.” saad at pangako ni Rafael.

WARNING!!! RATED SPG

Tila magandang panaginip parin ang nakikita ngayon ni Rafael, saglit pa nitong pinagmasdan ang maputi at makinis na hubad na katawan ng kanyang anghel na nakahiga sa malaking kama. Matapos nun, maingat na pumatong na rin ito, sabay muling halik sa mapula, maga at masarap na labi ni Joshua.

Naglandas na papunta sa tenga ni Joshua ang mga halik na iyon ni Rafael, pababa sa maputing leeg ng una. At maririing halik na may kasamang mahinang pagkagat gawa ng panggigigil, ang iginawad ni Rafael sa bahaging iyon ng leeg ni Joshua.

Kaibahan sa pagkuha sa kanyang katawan noon ni Rafael, sarap at kiliti lamang ang tinatamasa ngayon ni Joshua. Inaamin niya kanina na bukod sa kaba, may takot rin ito na baka maalala nito ang ginawa sa kanya noon ni Rafael, pero nangibabaw ang tiwala at pagmamahal na nararamdaman niya sa huli.

Tila adik na lulong naman si Rafael sa pag-amoy, paghalik at marahang pagkagat sa mabango at maputing leeg na iyon ni Joshua, na sinigurado rin siyang namumula at maraming marka na ang naiwan niya sa mga sandaling iyon. Nang makuntento na sa pagpapak sa leeg ng kanyang anghel, at sa tingin nito ay sapat na ang mga markang naiwan niya sa bahaging iyon, naglandas na pababa pa ang mga halik ni Rafael sa katawan ni Joshua. At ilang sandali pa nga, sunod na pinagtuunan ng pansin ng barakong binata ang pinkish na mga dibdib ni Joshua. Dala nga ng pananabik ni Rafael, parang sanggol nitong salitang sinuso ang mga dibdib na iyon ni Joshua.

“Ahhh Rafael ahh ahhhh!” ungol ni Joshua, na ’di maipaliwanag ang sobrang sarap at sensasyong dulot ng basa at mainit na bibig ni Rafael na kasalukuyang nagpapakasasa at salitang sinususo ang kanyang mga dibdib.

Nagpatuloy si Rafael sa salitang pagsuso sa dibdib ng kanyang anghel, na wari mo’y sa paraan ng mariing pagsuso nito sa mga iyon ay may gatas itong matitikman.

“Rafaellll ahhhh.” muling ungol ni Joshua sa sarap dulot ng patuloy na ginagawang pagsuso ni Rafael.

Musika sa mga tenga ni Rafael ang mga ungol ng napapaligaya niyang anghel, at dahil nanabik na rin ang barakong binata na mag-isa na ang kanilang katawan ni Joshua. Habang patuloy parin siya sa pagsuso sa mga dibdib ni Joshua, gamit ang isa niyang kamay, ipinasubo niya ang tatlong daliri sa kanyang anghel, na siya ring gagamitin niya para umpisahan ng paluwagin ang alam niyang masikip at makipot pang butas ni Joshua.

Kaagad namang tinanggap ni Joshua ang mga daliring iyon ni Rafael, at parang lollipop na isunubo at iniluwa niya ang mga ito. Paulit-ulit ang ginawa niya at ng basang-basang na ang mga dalaring iyon, doon palang ito tuluyang tinanggal ni Rafael na huminto na rin sa ginagawang pagsuso sa kanya.

“Relax anghel ko, sisimulan ko ng paluwagin ang butas mo.” saad ni Rafael at lalo pang nag-init ang binata sa nakitang namumula at nagnanasang itsura ngayon ng kanyang anghel. Kaya naman, gamit ang mga daliri na basa na ngayon ng laway ni Joshua, isa-isang ipinasok ni Rafael ang mga iyon sa lagusan ng una.

“Ahhh ahhh.” ungol ni Joshua ng maramdaman na nito ang pagpasok ng unang daliri ni Rafael sa kanyang butas. Nang maramdaman na nito ang hapdi at kirot sa kanyang lagusan, batid ni Joshua na hindi na lang isang daliri ang naglalabas-masok sa kanya, ganunman ay tiniis niya ito, sapagkat alam niyang higit na mas malaki ang papasok at pupunit mamaya sa kanyang makipot pang lagusan.

Alam ni Rafael na tinitiis ng kanyang anghel ang sakit, ngayong tatlong daliri na niya ang nagpapaluwag sa masikip na lagusan na iyon. At nang sa tingin nito ay nasanay na ang butas na iyon ni Joshua, gamit ang sariling laway ay binasa na rin niya ang kanyang  malaking burat, na ilang sandali mula ngayon ay ipapasok na niya sa makipot at masikip na lagusan ng kanyang anghel.

“Anghel ko, ipapasok ko na ah.” paalam ni Rafael sa gagawin nito.

“Si-sige Rafael.” sagot ni Joshua na bagamat kinakabahan parin ay handa na ito sa susunod na mangyayari.

Sa narinig nito sa kanyang anghel, sinimulan ng itutok ni Rafael ang kanyang malaking burat sa lagusang iyon ni Joshua. Hawak ng isa niyang kamay, minabuti muna niyang isundot-sundot ang malaking burat niyang iyon sa bukana ng lagusang ni Joshua. At sa nakita ni Rafael na halos ayaw tanggapin ng masikip na lagusan ni Joshua ang ulo ng malaki niyang burat, lalong tumindi ang naramdaman nitong pananabik na ipasok na ang malaking laman na iyon. Sa ikatlong subok ay doon pa lamang naipasok ni Rafael ang ulo ng kanyang malaking burat.

“Ahhh!! Rafaellll ang sakit!!” naiyak ng tugon ni Joshua sa biglaang pagpasok na iyon ng burat ni Rafael.

“So-sorry anghel ko.” kabang alo ni Rafael sa naiiyak niyang anghel. “Shit! A-anong gagawin ko? Tatanggalin ko na ba?” mga tanong pa nito dahil alam niyang lalo pang masasaktan si Joshua, kapag naipasok na niya ng tuluyan ang malaki niyang burat.

“Hi-hindi, pero dahan-dahan lang please, sobrang sakit Rafael.” sagot ni Joshua.

“Oo anghel ko, sorry ulit, ayaw kasing pumasok kanina, kaya nabigla ko ng ipasok ko ang ulo.”

“Ba-bakit kasi ang laki.” ’di na napigil na saad ni Joshua.

“Wala na tayong magagawa anghel ko, ’di bale ngayon lang ang sakit, mamaya sabay tayong makakarating ng langit.” ngising sagot ni Rafael.

“Loko ka talaga Rafael, nagawa mo pang magbiro.” iling na saad ni Joshua na kahit papaano’y nakalimutan ang sakit na nararamdaman.

At para kahit papaano ay mawala ang atensyon ng kanyang anghel, sa gagawin niyang pag-ulos sa natititang bahagi ng kanyang malaking burat, sabay sa dahan-dahan niyang pagpasok sa kabuuan ng kanyang sandata sa makipot na butas na iyon ay ang muling pag-angkin niya sa matamis na mga labi ni Joshua.

“Shit! Pumasok na lahat at sakal na sakal na ang malaki kong burat anghel ko.” bulong ni Rafael sa tenga ni Joshua.

“Ang bastos mo Rafael, kailangan mo pa talagang sabihin iyon, sa tingin mo ba hindi ko pa ramdam, tiyak hindi ako makakalakad na maayos nito.”

“Hehe ganun talaga anghel ko, malaki ang burat ko eh, pero sigurado ako na masasanay ka rin kapag inaraw-araw natin.” ngising sagot ni Rafael.

“Sige ngisi pa, asahan mo last na itong gagawin natin.” saad ni Joshua na ibayong hapdi at kirot ang nadarama sa mga sandaling iyon.

“Anghel ko naman, paano tayo makakabuo na isang dosena kung ngayon palang umaayaw ka na.” biro ng nakangisi pang si Rafael.

“Rafael! Anong tingin mo sa’kin inahing baboy?! ’di makapaniwalang bulalas ni Joshua, na kaagad hinampas ang malapad na dibdib ng barakong umaangkin ngayon sa kanya.

“Hehehe nagbabakasakali lang naman, baka makalusot.” natatawang sagot ni Rafael at mabilis na muling hinagkan ang mga labi ni Joshua. “Paano? Uumpisahan ko na ba ang pagbayo sa’yo anghel ko?” bulong pa ng binata sa tenga ng kanyang anghel.

“Si-sige, pero dahan-dahan muna Rafael.”

Sinunod naman ni Rafael ang pakiusap na iyon ni Joshua, at marahan na nga nitong inurung-sulong ang malaking niyang burat, na sakal na sakal sa masikip na lagusan ng huli.

“Fuck ahhh ang sikip mo parin anghel ko ahhhh.”

“Ngyahh ahhh Rafael ahhh.” sagot na ungol ni Joshua, na bumaon na ang mga kuko sa likuran ng barakong naglalabas-masok ngayon sa kanyang butas.

“Ganyan nga anghel ko, iungol mo ang pangalan ko. Shit! Ang sarap at ang sikip na butas mo ahhh.”

“Rafaellll ahhh sige paaaa aahhh!”

“Ahhh shit ahh, bibilisan ko na ang pagkantot sa’yo anghel ko ahhhh, at isasagad ko na ahhhh! “

“Ahhhh Rafael bilisan mo paaaa ang sarap naaa aahhhhh!” ungol sa sarap ni Joshua at sa isip nito, tama nga si Rafael na parang langit ngayon ang nadarama niya, dahil sa tuwing isasagad ng barakong naglalabas-masok ngayon, ang bawat pagbayo nito sa kanyang likuran, ibayong kiliti at sensayon ang hatid nun sa katawan niya, na tila may tinatamaan sa kaloob-looban niya.

“Ahhh sige ungol lang anghel ko ahhh! Fuck tinatamaan ko ang g-spot mo, at mamaya sisiguraduhin kong pupunuuin ko ang loob mo ng tamod ko.”

“Gusto ko ’yon Rafael ahhh, sige pa fuck me hard ahhh.”

“Yes my angel, I will fuck you hard.” ngising sagot ni Rafael na’ di makapaniwalang maririnig sa mga labi ng kanyang anghel ang bastos na salitang ‘fuck’.

“Ahhhh Rafael ganyan nga fuck me ahhh.”

“Shit! Ang wild ng anghel ko, sige pa anghel ko moan for me.”

“Ahhh! fuck me hard Rafael ahhh!”

“Yes my angel, heto na ang burat ko paluluwagin ko ang makipot mong butas ahhhhh.”

“Rafael malapit na akong labasan ahhh! Sige pa isagad mo pa ahhh!”

Gaya nga narinig niyang pakiusap ni Joshua, mabilis at sunud-sunod na naglabas-masok ang malaking burat ni Rafael sa mainit, masikit ang masarap na butas na iyon ng kanyang anghel.

“Ahhhh lalabasan na ako Rafaellll ahhhhh.” ungol ni Joshua at kasunod nga noon ay nilabasan na siya, kahit pa hindi nito hinawakan ang sariling alaga at dulot lang ng masarap na pagkantot sa kanya ni Rafael.

“Ang hot mo anghel ko. Shit malapit na rin akong labasan ahhh.” saad at ungol ni Rafael na patuloy parin sa pagbayo sa butas ni Joshua.

“Rafael sige lang, fuck me hard Rafael ahhhh.”

“I will my angel ahhh. At ipuputok ko sa loob mo ahhh.”

“Oo Rafael gusto ko iyon ahhh.”

“Ahhhh anghel koooo malapit na ahhh.” ungol ni Rafael na sobrang sarap ang patuloy na tinatamasa, dulot ng makipot at mainit na lagusan na sumasakal at pumipiga sa kanyang malaking burat.

“Ahhhh ang sarap mong kantutin anghel ko ahhh! Heto na ahhh! Ipuputok ko na ang mga masagana kong tamod sa butas mooo ahhhh!” ungol muli ng barakong si Rafael na malapit ng labasan.

“Ahhh Rafaellll!! Sige lang iputok mo lahat ahhh!”

“Ahhh ayan naaaa ahhhh anghel kooo! Bubuntisin muli kita ahhh ahhh ahhhhhh!” mahabang ungol ni Rafael, at kasunod nga nun ang masaganang tamod nito na pumulandit at pumuno sa kaloob-looban ni Joshua.

“Fuck ang sarap mo anghel ko. Siguradong masusundan na natin si Kristoff.” saad ni Rafael na pagod na dumapa sa katawan ni Joshua.

“Oo nga Rafael, masakit man kanina pero masarap naman pala kapag nawala na ang sakit.” sagot ni Joshua.

“Tama anghel ko, pero ginulat mo’ko kanina ng sabihin mong i-fuck kita.” ngising saad ni Rafael na bahagyang nag-angat ng katawan, para magtapat ang mga mukha nila ni Joshua. Kaya naman kita ng binata ang namumulang mukha ng kanyang anghel pagkatapos.

“Sinabi ko ba ’yon?” kunwaring tanong ni Joshua na namumula parin ang mukha.

“Oo anghel ko, kaya nga lalo akong nanggigil sa’yo. Paano? Ready for round two? Baka sakaling makagawa tayo ng kambal.” ngising saad ni Rafael.

“Ang libog mo Rafael at ang dami mong alam. Saan mo naman nalaman ang bagay na iyon?” iling na sagot ni Joshua at muli, hampas ang iginawad nito sa dibdib ng matipunong lalaking muling umangkin sa kanya.

“Ako lang nakaisip nun ang anghel ko, kaya nga susubukan natin at baka epektib.”

“Ano pa bang magagawa ko, sigurado namang hindi ka titigil hangga’t hindi kita pinagbibigyan.” iling na sagot ni Joshua.

“Hehehe buti alam mo, tutal pitong taon akong naghintay bago muling maangkin ka, puwede na siguro kahit pitong rounds lang.” ngising sagot ni Rafael, na kaagad nabuhat ang katawan ni Joshua.

“Ano?!” nanlalaking matang reaksyon ng gulat na si Joshua.

“Tama ang narinig mo anghel ko, maaga pa naman kaya simulan na natin kaagad.” ngising sagot ni Rafael at inayos ang pagkakabuhat kay Joshua, para madali nitong muling masuso ang mga dibdib ng kanyang anghel.

“Ahhh Rafaellll!” ungol ni Joshua sa biglaang pagsuso muli ni Rafael sa kanyang dibdib.

XXXIV

Matapos maligo, muling sinamahan ni Rafael sa kama ang natutulog niyang anghel, na batid nitong napagod niya ng husto sa tatlong beses na pagniniig nila. Habang pinagmamasdan niya ang payapang mukha ng natutulog niyang anghel, ibayong pasasalamat sa Diyos ang nasa isip ngayon ng binata, at wala na siyang mahihiling pa sa sandaling iyon, dahil natupad na ang muling dasal niya noon sa maykapal, matapos siyang matapawad ng kanyang anghel, at ito’y ang makasama si Joshua at makabuo sila ng pamilya na magkasama.

“Goodnight my angel.” saad ni Rafael at hagkan nito sa noo ng natutulog na mahal, sunod ay humiga na rin ito sa kama at inilagay sa kanyang dibdib ang ulo ng kanyang anghel.

Gaya nga ng inaasahan ni Joshua, ibayong sakit sa katawan ang bumungad sa kanya pagkagising, pansin rin nito na mag-isa na lang siya sa kuwarto at wala na si Rafael. Kaagad rin bumalik sa kanya ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi, kaya naman nanakit man ang katawan, lalo na ang medyo makirot parin niyang pang-upo, dulot nga ng ilang beses na may nangyari sa kanila ni Rafael, aaminin ng binata na masaya ito at wala siyang pinagsisisihan.

Ganunman ng makita nitong alas-ocho na ng umaga, minabuti na nitong bumangon para makapaghanda na ng almusal. Pero ang tangka nitong pagbangon ay hindi na natuloy, dahil naramdaman nito na lalo pang sumakit ang kanyang katawan, lalo na ang pang-upo nito.

“Ouch!” daing ni Joshua sa sakit at kirot na nararamdaman.

Halos sabay ng pagdaing na iyon ni Joshua, ang pagbukas naman ng pinto sa kuwartong iyon, na dulot ni Rafael na may dala-dalang tray na puno ng mga pagkain.

“Magpahinga ka na muna anghel ko.” alalang saad ni Rafael sa nakitang nakangiwing mukha ni Joshua, pagkapasok niya sa kuwarto.

“Rafael ang sakit ng ano ko.” reklamo ni Joshua.

“Kaya nga diyan ka muna sa kama anghel ko, heto may dala akong pagkain at may kasama rin na gamot, mamaya inumin mo ang painkiller na ito.” saad ni Rafael, na kahit papaano’y nakaramdam ng pagsisisi, dahil nasasaktan ngayon ang kanyang anghel.

“Salamat Rafael, ano ka ba wala kang kasalanan.” saad ni Joshua at pagtitiyak nito sa kaharap na magiging okay rin siya.

“Hindi anghel ko, alam kong kasalanan ko, mamaya tatawagin ko ang kakilala kong doktor para matignan ka.” maagap na sagot ni Rafael, habang pinagmamasdan ang nagsisimula ng kumain na si Joshua.

“Rafael hindi na kailangan, magiging okay rin ako sigurado pagkatapos kong inumin itong gamot, ang anak pala natin, gising na ba siya at nakakain na?” tanggi ni Joshua sa nais ni Rafael at tanong nito patungkol sa kanilang anak, na paraan rin nito para ilihis ang usapan nila ng nag-aalalang kaharap.

“Oo, gising na siya at sabay kaming kumain, pero bago kami naghanda ng almusal, sinamahan ko siya kanina para makita ka niya.” sagot ni Rafael at kwento rin nito.

Sa narinig ay napangiti si Joshua.

“Ibig mong sabihin kasama mo siyang naghanda ng mga ito?” tanong ni Joshua na hindi maalis ang ngiti sa mukha.

“Oo anghel ko, kung nakita mo lang ang sobrang tuwa niya ng sabihin kong maaari niya akong samahan sa pagluluto.” sagot ni Rafael at masayang kuwento pa nito sa ginawa nila kanina ng anak nila ni Joshua.

“Ganun talaga ang batang iyon, lahat yata ng bagay ay gusto niyang matutunan, pero kilala mo ang lola niya, sa sobrang pagkaprotective ayaw nitong mapaso o matalsikan ng mantika si Kristoff, at ngayon sa nalaman ko, naiimagine ko na ang malapad na ngiti ng anak natin at sa wakas ay nagawa na rin niyang makapagluto.” masayang kwento naman ni Joshua.

“’Di bale, makikita mo rin ang saya sa mukha ng anak natin sa susunod, at tama ka anghel ko, namana nga sa’kin ng anak natin ang pagpapalusot.” saad ni Rafael.

“Kita mo na, ’di naniwala ka rin, oo nga pala Rafael, nasaan ang anak natin?” sagot ni Joshua at alalang tanong nito ng maisip na walang kasama ngayon ang kanilang anak.

“Relax anghel ko, kasama niya si yaya Chedeng sa baba, mamaya ipapakilala ko kayo sa isa’t-isa.” maagap na sagot ni Rafael.

“Si-sige Rafael, akala ko kasi mag-isa lang ang anak natin.” saad ni Joshua at ipinagpatuloy na nito ang pagkain.

Nanatili lamang si Joshua sa kuwarto nila ni Rafael, sunod na rin ito sa utos ng huli sa kanya. Pagdating ng tanghalian ay sinamahan siyang kumain ni Rafael at ng anak nila sa loob ng kuwarto. Matapos ang masaya nilang tanghaliang tatlo, sandaling iniwanan sila ni Rafael.

“Papa are you feeling well na?” alalang tanong ng batang si Kristoff sa kanyang papa.

“Yes baby, sorry ah at hindi natuloy ang pagpunta sana natin ng mall ni tito Rafael.” sagot ni Joshua at paumanhin nito sa anak.

“It’s okay papa, ang importante po ay you’re feeling well na.” nakangiting sagot lang ng bata at mabilis na yumakap sa kanyang papa.

“Ang sweet talaga ng baby ko, kaya ang suwerte ni papa sa’yo.” masayang saad ni Joshua at mabilis na hinalikan ang pisngi ng anak.

“Ang sweet naman ng mag-ama mo hijo.” mahinang saad ng matandang si Chedeng, na kasama ni Rafael na kapapasok lang sa silid na iyon.

“Oo nga po ya.” sang-ayon ni Rafael sa matanda.

“Magandang tanghali po.” bati ni Joshua ng mapansin ang presenya ng matanda na kasama ngayon ni Rafael.

“Magandang tanghali rin hijo, hindi na ako magtataka na sobrang cute ni Kristoff, namana niya pala sa’yo hijo.” bati pabalik ni Chedeng at nakangiting sabi pa ng matanda.

“Sa-salamat po.” sagot ni Joshua sa matanda, na sa tingin nito ay ang yayang tinutukoy marahil kanina ni Rafael.

“Nga pala yaya Chedeng, si Joshua, Joshua, si Yaya Chedeng, siya rin ang yaya noon ng pasaway na si Luis.” pakilala sa isa’t-isa ni Rafael sa dalawa.

“Gaya ng pakilala ni Rafael hijo ako si Chedeng, at nabanggit rin niya sa akin na kilala mo rin pala ang alaga kong si Luis.” pakilala ni Chedeng kay Joshua at kwento rin nito.

“Ako nga po si Joshua at opo yaya Chedeng, kaibigan ko po si Luis at kapwa ko po siya sakristan noon, pero ’wag niyo pong paniwalaan si Rafael na pasaway ang alaga ninyo, mabait po ang kaibigan kong iyon at nagpapasalamat po akong hindi iyon nagmana sa pasaway niyang tito.” pakilala ni Joshua sa matanda at kuwento rin nito, sabay asar rin kay Rafael.

“Naku alam ko rin iyon hijo, sa katunayan sa akin tumira ng matagal ang batang iyon noong panahong sakristan pa siya. At bukambibig ni Luis ang tungkol sa kanyang mga kaibigan na kapwa rin niya sakristan, lalo na ang tungkol sa’yo hijo, kaya masaya ako na sa wakas ay nakilala na rin kita.” sagot at kuwento ng matanda kay Joshua.

“Kayo po pala iyon? Masaya rin po ako na nakilala ko kayo, salamat rin po sa pagbabantay sa anak ko.”

“Wala ’yon hijo, malapit lang dito sa subdivision ang bahay namin ngayon. Katunayan ang asawa ko ang caretaker sa bahay na ito ni Rafael noong nasa abroad pa siya.” saad at kuwento ng matanda.

Nanatili lang na pinapanood ni Rafael ang usapan ng dalawa. At ganun rin ang anak niyang si Kristoff na titig na titig sa kanyang papa, habang kausap ang lumapit ng matanda sa kanila.

“Naku sa susunod na lang muli tayo magkuwentuhan Josh, ang sabi sa’kin ni Rafael na tuwing Sabado at Linggo ay kasama niya kayo ni Kristoff dito sa bahay niya.” dagdag pa ng matanda.

“Sige po yaya Chedeng, salamat po ulit sa pagbabantay kay Kristoff.” saad ni Joshua.

“Walang anuman Josh, sige mauna na ako, ba-bye rin sa’yo Kris.” sagot at paaalam na ng matandang si Chedeng.

“Bye-bye po lola Chedeng.” magiliw na paaalam ni Kristoff at yumakap pa sa matanda.

“Naku ang sweet talaga ng anak mo Josh, sige mauna na ako at magkuwentuhan muli tayo pagbalik ninyo ng cute na si Kris.” masayang baling ng matanda kay Joshua at isang pisil sa pisngi ang ginawad nito sa batang kayakap niya.

“Josh samahan ko lang si yaya sa baba.” paaalam ni Rafael para maihatid sa labas ang matanda.

“Sige Rafael, kita po tayo sa susunod yaya.” sagot ni Joshua kay Rafael at baling nito sa matanda.

Pagbalik ni Rafael sa kuwarto nila ni Joshua, minabuti nitong manood na lamang sila ng movies kasama ang kanilang anak.

Habang nanonood, sabay na nagkatinginan ang dalawang magkasintahan, at kapwa may ngiting gumuhit sa kanilang mukha pagkatapos. Dahil sa kahit simpleng ginagawa nilang panonood sa kuwartong iyon, sapat na basta kasama nila ang kanilang anak.

Sa sunod na umaga ay maagang nagising si Joshua, at pagmulat nga ng kanyang mga mata, ang bumungad na mukha ng kanyang mag-ama na kasama niyang natulog kagabi ay kaagad nagbigay sa kanya ng labis na kaligayahan.

Matapos niyang halikan sa noo ang dalawang himbing pa sa pagtulog, minabuti na nitong lumabas sa kuwarto at simulan na ang paghahanda para sa kanilang almusal.

Halos sabay silang gumising sa umagang iyon, at ng mapansin nilang pareho na wala na ang isa pang kasama nila sa kuwarto, sabay na tinungo ng mag-amang Rafael at Kristoff ang pinto para kaagad hanapin si Joshua.

“Josh!” “Papa!” sabay rin na tawag ng dalawa kay Joshua.

Napatingin sa isa’t-isa ang dalawa matapos ang kanilang ginawa at kapwa napangiti ang mga ito pagkatapos.

“Anong meron at sabay pa ninyo akong tinawag?” takang tanong ni Joshua sa kanyang mag-ama na kinabahan na sa sandaling iyon, matapos marinig ang pagtawag sa kanyang ng dalawa.

“Akala ko kasi.”

“Akala ko po kasi.” sabay muling sagot nila Rafael at Kristoff.

“Aba daig niyo pa sina B1 at B2 ah! Mag-ama nga kayo.” komento ni Joshua at bulong nito sa huling mga sinabi.

“Ikaw na sumagot sa papa mo Kristoff.” nakangiting baling ni Rafael sa anak na kaagad rin nito binuhat, habang pababa sila sa hagdanan.

“Akala po kasi namin ni tito, papa, umalis na kayo at iniwan niyo na po kami.” sagot ni Kristoff sa papa nito.

“Ah at bakit ko naman kayo iniwanan? Nagluto lang ako ng almusal natin, mabuti pa bumalik muna kayo ng tito mo sa banyo at maghilamos muna kayo para sabay-sabay na tayong kumain.” saad ni Joshua at utos nito sa dalawa, nang mapansin nitong mukhang hindi pa nakapaghilamos ang dalawa.

“Hehehe tama ang papa mo, Kristoff, maghilamos na muna tayo.” napakamot sa ulong saad ni Rafael ng matantong tama ang narinig nito sa kanyang anghel.

Naiiling pero napapangiting pinagmasdan naman ni Joshua, ang pagbalik sa taas ng mag-ama niya, at bumalik naman siya sa kusina para ipagpatuloy ang paghahanda sa kanilang almusal.

Pansin ni Joshua ang maganang pagkain ng almusal ng mag-ama niya, kaya naman napapangiti nitong pinagmamasdan ang dalawa habang patuloy rin siya sa pagkain.

“Papa, ihahatid po ba ninyo ako sa school ko?” tanong ni Kristoff sa kanyang papa pagkatapos nitong kumain.

“Oo baby, kaming dalawa ni tito Rafael ang maghahatid sa iyo.” sagot ni Joshua sa anak.

“Okay lang ba na sumama ako sa inyo na papa mo, Kristoff?” tanong ni Rafael sa anak.

“Okay lang po tito.” maagap na sagot ni Kristoff na nakangiti pa sa sandaling iyon.

“Ah papa, can I ask you a question po?” baling ni Kristoff sa kanyang papa.

“Oo naman baby, ano iyon?”

“Are you and tito Rafael… I mean pareho po kasi kayong tumitingin ng matagal sa isa’t-isa, mag-boyfriend po ba kayong dalawa?” tanong ng matalinong bata sa kanyang papa.

Kapwa natigilan at napatingin sa isa’t-isa sina Joshua at Rafael, matapos ang hindi nila inaasahang maririnig sa kanilang matalinong anak. Nang medyo matauhan ang dalawa, isang tango ang naging senyas ni Rafael kay Joshua, upang ito na ang bahalang sumagot sa tanong na iyon ng kanilang anak.

“Baby, saan mo ba nakuha ang ganung bagay, na kapag nagtitigan ang dalawang tao ay ibig sabihin nito ay magkarelasyo na sila.” saad ni Joshua at iwas nito sa tanong ng kanyang anak.

“Kasi papa ganoon rin po kayo titigan ni Teacher Olive, at palagi pa pong tinatanong ni teacher kung may girlfriend na po kayo, kasi po ang sabi ni teacher ay may crush po siya sa inyo, pero alam ko po na hindi mo po crush si teacher, dahil hindi mo po siya tinitignan ng matagal, gaya ng pagtitig mo po ng matagal kay tito Rafael.” mahabang paliwanag ng matalinong si Kristoff.

Gaya kanina, muling napatingin sa isa’t-isa sina Rafael at Joshua.

Si Rafael na napangiti na lamang pagkatapos, at si Joshua na hindi parin makapaniwala sa mga sandaling iyon.

“Paano kong sabihin ko Kristoff na boyfriend ko na ang papa, okay lang ba sa’yo?” saad ni Rafael na minabuti ng simulan ang pagtatapat sa matalino nilang anak ni Joshua.

“Okay lang po tito, ibig po bang sabihin ay dalawa na ang papa ko?” sagot ni Kristoff at masayang tanong pa nito sa itunuturing niyang tito.

“Oo naman Kristoff, pero para hindi kami malito ng papa mo, puwede bang daddy ang itawag mo sa akin?” maagap sagot ni Rafael at suhestiyon nito sa itawag sa kanya ng anak.

“Okay po daddy. Yippy! Dalawa na ang dad ko!” pagpayag ni Kristoff at masayang reaksyon nito pagkatapos.

Pigil naman ni Joshua ang hindi maluha sa labis na saya sa mga oras na iyon, pinili nitong ’wag makisali sa usapan ng kanyang mag-ama kanina. At ngayon na payag ang kanilang anak sa relasyong meron sila ni Rafael, ibayong pasasalamat sa Diyos ang nasa isipan ni Joshua at biniyayaan sila ng matalino at mabait na anak.

“Halika na anak, yakapin na natin ang papa mo, at naiiyak na siya dahil sa sobrang saya.” yakag ni Rafael sa anak.

“Opo daddy.” sang-ayon ni Kristoff sa kanyang daddy.

Mabilis na nabuhat ni Rafael ang anak, at sabay silang lumapit kay Joshua na bigo ng pigilan ang masaganang nitong luha ng labis na kaligayahan.

“Tahan na papa, I love you.” saad ni Kristoff na kumandong at mabilis na yumakap sa kanyang papa.

“Tama ang anak natin anghel ko, tahan na at mahal na mahal ka namin.” saad ni Rafael na parehong niyakap ang anak at si Joshua.

“Mahal ko rin kayo.” sagot ni Joshua sa kanyang mag-ama at ginantihan rin nito ng yakap ang dalawa.

XXXV

Gaya nga ng plano ng magkasintahan, dalawa silang naghatid sa kanilang anak sa school.

“Goodmorning sir Josh.” ngiting bati ni Teacher Olive kay Joshua, na ilang linggo rin nitong namiss. Dahil madalas ang kasama ni Kristoff tuwing papasok ito ay ang kanyang lolo.

“Morning too Teacher Olive, may sadya rin kami ng daddy ni Kristoff kaya kasama namin ngayon ang anak namin.” bati pabalik ni Joshua at paalam nito sa guro sa pakay nila ngayon ni Rafael.

“Daddy?” naguguluhang tanong ni Teacher Olive, sunod ay tsaka nito nakita ang pamilyar na mukha ng lalaking nasa likod ni Joshua.

“Teacher Olive, ako nga pala si Rafael Montero ang daddy ni Kristoff, at gaya ng sabi ni Joshua may importante kaming sadya tungkol sa anak namin.” pakilala ni Rafael sa guro ng anak, na gaya nga ng nalaman niya kay Kristoff, batid niyang may pagtingin nga ang teacher sa kanyang anghel.

“I-ibig sabihin sir Josh and sir Rafael magkarelasyon po kayo?” kumpirma ni Teacher Olive na gulat parin sa mga sandaling iyon.

“Youre right Teacher Olive, magkasintahan kami ni Rafael, paano maaari na ba nating pag-usapan ang sadya namin?” maagap na sagot ni Joshua at hingi nito ng permiso sa guro para makapag-usap na sila.

Pigil naman ni Rafael ang hindi matawa sa gulat parin na reaksyon ni Teacher Olive, at ibayong proud rin na ipinakilala ng anghel niya ang relasyong meron sila.

“Of course sir Joshua, sir Rafael, maupo po kayo.” magalang na sagot ni Teacher Olive ng makabawi ito.

Matapos makausap ang guro ng kanilang anak, inihatid muna ni Rafael si Joshua sa bahay nila.

“Ayaw mo bang sabay na tayong pumasok sa trabaho, anghel ko?” muling tanong ni Rafael kay Joshua ng tumigil na sila sa bahay ng huli.

“Rafael, hindi ba nag-usap na tayo tungkol diyan, alam mo naman na ayoko ko pang ipaalam sa mga kasama natin sa hotel ang relasyong meron tayo.”

“Naiintindihan ko Josh, kaya lang hanggang kailan? Ayokong pigilan ang sarili ko na ipadama sa’yo na mahal kita, lalo na at ilang oras rin tayong nasa hotel.” tanong at katwiran ni Rafael.

“Ako rin naman Rafael, kaya lang, ayoko namang pag-isipan ako ng masama ng mga tao, kapag nalaman nilang nobyo ko ang may-ari ng pinagtatrabahuhan kong hotel, tapos hindi pa tayo nakatitiyak kung sino ang taong may gustong magkasira tayo.” saad ni Joshua at paliwanag nito sa panig niya.

“Mahalaga pa ba ang iisipin nila? Hindi ba mas mahalaga ay kung anong meron tayo?” giit ni Rafael.

“Rafael, puwede bang sa ngayon pagbigyan mo na muna ang kagustuhan ko?” pakiusap muli ni Joshua.

“Fine! Pero sa isang kondisyon.” talong sagot ni Rafael.

“Sige kahit ano.” maagap na sagot ni Joshua na napangiti na rin.

“Talagang wala naman ako panalo sa’yo.” iling sa saad ni Rafael na nahawa na rin sa nakangiting mukha ng kanyang anghel. “Ang kondisyon ko ay makikitulog ako sa inyo mamaya anghel ko.” dagdag pa nito.

“Sure iyon lang pala, paano kita na lang tayo mamaya sa hotel?” maagap na sagot ni Joshua at bababa na sana sa sasakyan.

Bago pa makababa si Joshua, mabilis na naiharap ni Rafael ang katawan ng una at kaagad rin nitong hinagkan ang masarap na mga labing iyon ng kanyang anghel.

“Uhmm.” ungol ni Joshua sa pagitan ng halikan nila ni Rafael.

Ang ungol na iyon ni Joshua ang naging hudyat kay Rafael, para humiwalay na ito sa kanilang halikan.

“Sige na anghel ko, at baka pareho tayong hindi makapasok sa trabaho, ’di bale, ituloy na lang natin mamaya sa opisina ko ang naudlot dito sa sasakyan.” ngising saad ni Rafael at ibayong pagpipigil ang ginawa nito sa sandaling iyon.

“Tinted naman itong sasakyan, ayaw mo bang ituloy na natin ngayon dito?” ’di papatalong saad ni Joshua, na mabilis rin nailagay ang dalawang kamay sa butones ng suot na polo ni Rafael.

At ang hakbang na iyon ni Joshua ay kaagad na kinagat ng nananabik na si Rafael, na mabilis rin natanggal ang suot na polo.

“Bye Rafael, isuot mo ang polo mo baka lamigin ka hahaha.” natatawang saad ni Joshua na mabilis na nakababa na ng sasakyan, at hinayaan nitong nakabukas parin ang pintong iyon, para makita ang reaksyon ng nabitin niyang si Rafael.

“Fuck!” mura ni Rafael na hindi makapaniwalang naisahan siya ng pilyo rin palang anghel niya.

“Hahaha, sige bye Rafael!” lalo pang natawang reaksyon ni Joshua ng marinig ang ginawang pagmura ni Rafael.

Napailing na lang si Rafael, nabitin man ito ay masaya naman na makita ang natatawang mukha ngayon ng kanyang anghel.

“Bye! Mamaya babawi ako sa’yo anghel ko!” sigaw ni Rafael matapos maisara ang pinto ng sasakyan at bago nito tuluyang lisanin ang bahay nila Joshua.

Pagdating ni Joshua sa hotel, pilit parin nitong pinakisamahan katulad ng dati ang sekretarya nitong si Rica.

Hanggang sa dumating sa oras ng tanghalian, at kagaya ng mga nakalipas na mga araw ay kasabay parin nitong kumain si Russell.

“Anong ng nangyari sa inyo ni sir Rafael? Nagkabalikan na ba kayo?” mga tanong ni Russell sa kasamang si Joshua, habang nasa kalagitnaan sila sa pagkain ng lunch.

Sandaling natigilan sa pagkain si Joshua, sunod ay tapat nitong sinagot ang tanong na iyon ng kasama.

“Oo Russell, kami na ulit ni Rafael.”

Gaya nga ng kanyang inaasahan, wala na talaga siyang pag-asa pa na maging sila ng kanyang anghel, ganunman, masakit parin kay Russell na malaman ang katotohanan kay Joshua.

“Ma-masaya ako para sa inyo ni sir, kita ko naman na mahal ninyo ang isa’t-isa.” pilit na ngiting saad ni Russell, na pigil rin ang sakit na nararamdaman sa mga oras na iyon.

“Salamat Russell, masaya ako na malaman na suportado mo kami ni Rafael.” ngiting saad ni Joshua.

Ang lingguhang pagpapatawag nito sa mga managers ay hindi niya nagawa kahapon, kaya naman, inutusan ni Rafael ang kanyang sekretarya na ipatawag mamayang alas-tres ng hapon ang lahat ng kanyang mga managers.

‘Mamaya, malalaman ko na ang totoo.’ saad sa isip ni Rafael.

Pagbalik ni Joshua sa opisina, kaagad na may sinabi sa kanya si Rica.

“Sir may isiningit ang CEO at may urgent meeting daw ang lahat ng mga managers, mamayang 3:00 PM.”

“Okay Rica, at samahan mo rin ako mamaya baka kailanganin ko ang tulong mo.” maagap na sagot ni Joshua.

“Sige sir.” magalang na sagot ni Rica.

Dumating ang takdang oras ng ipinatawag na meeting ni Rafael, kaya naman ng kumpleto na ang lahat ng mga managers, sinimulan na nito ang dahilan ng pagpatawag niya sa mga ito.

“Dalawang linggo na ang nakalipas ng may nasabi ako kay Mr Santos hindi ba?”

Sa sinabing iyon ng kanilang CEO, kaagad nabatid ng mga managers ang tungkol sa bagay na iyon. At ang ilan ay kaagad na tumingin pa sa direksyon ni Joshua.

Samantala, gaya ng mga kasama, tandang-tanda ni Joshua ang nangyari sa hapong iyon, at sa naisip na posibleng gawin ni Rafael, nababahalang napatingin ito sa huli.

Gaya ng inaasahan ni Rafael, batid nitong alam lahat ng mga naririto sa opisina ang kanyang tinutukoy, inaasahan rin niya na titingin sa kanya si Joshua, kaya naman isang ngiti ang isinukli nito sa kanyang anghel.

“Mr Torres, puwede mo bang ipaalala muli sa akin, kung ano ang tinutukoy ko?” baling ni Rafael sa isang manager.

Kaagad namang tumayo si Mr Torres, sunod ay sinagot nito ang tanong na iyon ng kanilang CEO.

“Ang tinutukoy mo sir ay ang paghanga sa inyo ni Mr Santos, na kaagad mo rin sinagot na hindi mo kailangan, dahil hindi ka pumapatol sa kapwa mo lalaki sir.”

Sa mga sandaling iyon, hindi itinago ni Rica ang sayang nararamdaman, bukod sa masaya itong hindi papatulan ng pangarap niyang lalaki si Joshua, natutuwa rin ito na napahiya pala ang boss niya noon at ngayon ay muli na naman itong ipinahiya ni Rafael.

Gaya ng natatawang si Mr Torres, ilan pa sa natawa noon kay Joshua ang kasaluyan natatawa rin ngayon.

“Ang saya hindi ba hahaha.” natatawang saad ni Rafael, ngunit ang totoo ay gustong-gusto na nitong pagsusuntukin sa mukha ang mga tumatawa ngayon. “Sige lahat ng natuwa noon sa sinabi ko kay Mr Santos, pati na ang mga natatawa ngayon ay tumayo kayong lahat.” dagdag pa nito.

At gaya ng inaasahan ni Rafael, mabilis na sumunod ang lahat sa kanya at tumayo nga ang mga ito. Bukod dun, nakita rin niya ang masayang mukha ni Rica na isa sa pakay niya kung bakit nagpatawag siya ng meeting. Kaya naman lalo pa niyang napatunayan na ang sekretarya nga ni Joshua ang may kagagawan sa muntikan ng paghihiwalay nila ng tuluyan ng huli.

“Sa mga hindi tumayo, oh dalawa lang pala kayo, Mr Agustin at Ms Aquino, tanggapin ninyo ang ibibigay kong two weeks vacation for two sa kahit na anong bansang nais ninyong puntahan, with free accommodations and allowances syempre, kayo rin ang bahala kung kailan ninyo gustong magbakasyon, bukod dun mananatili ang suweldo ninyo habang nagbabakasyon kayo.” muling saad ni Rafael.

Kapwa hindi makapaniwala ang lahat sa sunod na narinig ng mga ito sa kanilang CEO.

Samantala napailing na lamang si Joshua sa sandaling iyon.

“Salamat sir.” halos sabay na pasalamat nila Russell Agustin at Angie Aquino na parehong tumayo na rin, sa ’di nila inaasahang ibibigay sa kanila ng boss.

“Alam kong nagtataka lahat kayo dahil sa ibinigay ko sa dalawang kasama ninyo, kung ganun hayaan ninyong ipaliwanag ko sa inyo ang lahat.” simula ni Rafael. “Anghel ko, samahan mo na ako dito.” baling ni Rafael kay Joshua.

Kaninang umaga, ayaw pa talaga niyang ipaalam sa iba ang relasyon nila ni Rafael, pero sa ginawa ngayon ng mahal, nawala na ang takot ni Joshua sa kahit na anong isipin pa ng iba sa kanya. Ang importante ay ang masayang mukha ngayon ni Rafael na handang ipagsigawan kahit pa kanino ang kanilang pagmamahalan, gaya ng sobrang saya rin na nararamdaman niya.

Sa pagsama nga ni Joshua sa puwesto ni Rafael, nanlalaking mata at hindi makapaniwala ang lahat, liban kay Russell na kahit pa nasasaktan ay may ideya na mula pa kanina sa susunod na gagawin ng kanilang CEO.

“Nagsinungaling ako noong sinabi ko sa inyo na hindi ako pumapatol sa lalaki, sa katunayan ang lalaking katabi ko na si Mr Joshua Santos ang lalaking kinababaliwan ko at pinakamamahal ko.” malapad na ngiting pagtatapat ni Rafael sa lahat.

Kung gaano kasaya ang nararamdaman ni Rica kanina, doble ang inis at galit ang namayani ngayon sa kanya.

‘Punyeta kang malandi ka, hindi ako makakapayag na sa’yo mapupunta ang Rafael ko.’ pangako sa sarili ng nanggagalaiti sa galit na si Rica.

“Congrats Mr Santos at sir Montero, masaya ako para sa inyong dalawa.” nakangiting bati ni Angie na nakipagkamay pa sa dalawa.

“Salamat Ms Aquino.” sabay na sagot nila Rafael at Joshua.

“Gaya ni Ms Aquino, congrats sir, masaya rin ako para sa inyo ni Josh.” bati ni Russell na nakipagkamay rin kay Rafael.

“Salamat Mr Agustin, sana gaya ng pagkakaibigan ninyo ni Joshua ay maging magkaibigan rin tayo.” sagot ni Rafael at tanggap nito sa pakikipagkamay ni Russell.

“Alam ko marami sa inyo ay hindi parin tanggap ang relasyong meron ang may magkaparehong kasarian, well hindi ko kayo mapipilit na tanggapin ang relasyong meron kami ni Joshua, pero ’wag na ’wag kong malalaman o maririnig na may masama kayong sasabihin kay Joshua, dahil hindi ko mapapalampas iyon. Alam ko na sobra-sobra kong nasaktan si Joshua dahil pinahiya ko siya at tinawanan pa ninyo, kaya nga ibayong pagsisi ang naramdaman ko pagkatapos at humingi rin ako sa kanya ng kapatawaran, at dahil mabuti siyang tao ay pinatawad niya ako. Kaya umaasa ako na gaya ng paggalang ninyo sa akin bilang boss, igalang ninyo bilang kapwa tao si Mr Santos, iyon lang at maaari na kayong lumabas.” mahabang saad at pagtatapos ni Rafael sa meeting na iyon.

Bukod kina Rafael at Joshua, naiwan rin si Rica sa opisinang iyon kasama ng dalawa.

“Rica puwede ka ng umuwi.” ngiting saad ni Joshua sa sekretarya.

“Okay po sir.” sagot kaagad ni Rica.

Pagkaiwan ng dalawa…

“Napansin mo rin ba kanina?” tanong ni Rafael kay Joshua.

“Oo Rafael, tama ka, si Rica nga ang taong iyon.” maagap na sagot ni Joshua, na malungkot rin at napatunayan na ang kanyang sekretarya nga ang may kagagawan sa pagkakasira nila ng mahal, ilang araw pa lang ang nakararaan.

“Sorry, alam kong mahirap para sa’yo, ano ngayon ang plano mo?” saad at tanong ni Rafael na minabuti ring yakapin ang malungkot niyang anghel.

“Hindi ko rin alam Rafael.” tapat na sagot ni Joshua.

“Russell may kailangan tayong pag-usapan.” saad ni Rica ng makapasok ito sa opisina ng manager, na alam niyang may gusto kay Joshua.

“Ikaw pala Rica, anong gusto mong pag-usapan natin?” saad at tanong pabalik ni Russell, sa kilala niyang sekretarya ng anghel niya.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, gusto kong mapasaakin si Rafael at alam kong gusto mo rin na mapasayo si Joshua, kaya magtulungan tayo para mapasaatin ang mga taong mahal natin.” maagap na sagot at paliwanag ni Rica.

Isang ngisi naman ang lumabas sa mukha ni Russell.

“Sige Rica, anong magiging plano natin?”

XXXVI

Isang linggo matapos mapagplanuhan nila ni Russell ang mga gagawin, para paghiwalayin sina Rafael at Joshua, hindi na makapaghintay si Rica sa mangyayari mamaya.

‘Sorry ka na lang bakla, dahil sa gagawin namin ni Russell mamaya, sigurado akong pandidirihan ka na ni Rafael.’ nangingiting saad sa isip ni Rica na kasalukuyang nakatingin kay Joshua.

Gaya ng plano nila ni Rica, mamaya ay makikipagkita siya sa anghel niya, at hindi na makapaghintay si Russell sa susunod na mangyayari mamaya.

‘Gagawin ko ang lahat para sa’yo anghel ko.’ saad sa isip ni Russell.

Gaya ng palagi nilang ginagawa ng kanyang anghel, pinuntahan na ni Rafael ang opisina ni Joshua.

“Rica nasaan si Joshua?” tanong ni Rafael sa sekretarya ng kanyang anghel.

“Sir may pinuntahan si sir Joshua.” sagot ni Rica at lihim itong natutuwa dahil umpisa ng kanilang plano ni Russell.

“Sinabi ba sa’yo kung saan siya nagpunta?” seryosong tanong muli ni Rafael sa babae.

“Hindi sinabi sir, pero nabanggit ni sir Josh na makikipagkita siya kay Mr Agustin.” pagsisinungaling na sagot ni Rica.

At gaya nga ng inaasahan ng babae, kita nito ang pagdilim ng mukha ng guwapo at pangarap niyang CEO.

“Tapatin mo nga ako Rica, madalas bang nagkikita si Joshua at si Russell?!” medyo may kalakasang tanong ni Rafael at hindi nito itinago ang inis na nararamdaman.

’Sige ganyan nga Rafael ko, magalit ka, at sigurado akong mamaya ay isusumpa mo na ang malanding baklang ‘yon.’ saad sa isip ni Rica bago nito sagutin ang tanong na iyon ng CEO.

“Hindi lang madalas magkita si sir Josh at Mr Agustin, sir, palagi rin sabay kumain ang dalawa, at hindi sa nakikialam ako ha sir, hindi kaya ipinagsasabay kayong dalawa ni sir Joshua.”

“Anong sabi mo Rica?! Hindi magagawa sa akin ni Joshua iyon!” galit na saad ni Rafael.

“Relax sir, hindi ako ang kaaway mo, may ideya ako para malaman natin ang totoo, bakit hindi mo tanungin ang sekretarya ni Mr Agustin, dahil sigurado akong alam nun kung nasaan ngayon ang boss niya.” saad at suhestiyon ni Rica, na gaya nga ng kanyang inaasahan ay unti-unti ng natutupad ang mga plano nila ni Russell.

“Tama ka, baka nga alam nun kung nasaan ang amo niya, sige pupuntahan ko na siya.” sagot ni Rafael.

“Sa-sandali sir, sasamahan na kita, kung hindi ako nagkakamali ay ’di mo alam kung nasaan ang opisina ni Mr Agustin, hindi ba?” habol ni Rica sa lalaking pinapangarap niya.

Sandali namang natigilan si Rafael at humarap ito sa babae.

“Tama ka Rica, salamat.”

Isang text ang natanggap ni Joshua kay Russell at sa nabasang nais siyang makausap ng kaibigan at may importante raw itong sasabihin sa kanya ng personal, mabilis itong nagreply at pinaunlakan ang nais na iyon ng huli. At sunod nga ay pinaldahan siya ng address ni Russell, sa lugar kung saan sila magkikita.

“Parating na si Joshua.”

Sa nabasang text ni Rica habang kasalukuyan ng kausap ni Rafael ang sadya nilang sekretarya ni Russell, hindi na makapaghitay ito sa mangyayari mamaya. Kaya naman, kaagad rin itong nagpadala ng text sa kakuntsaba nito.

“Parating na kami ni Rafael, gaya ng plano natin, magiging sa’yo na si Joshua at mapapasaakin na si Rafael.”

Sa nabasang text ni Russell na galing kay Rica, hindi na rin makapaghintay ang binata sa kalalabasan ng plano nila.

‘Sorry anghel ko, pero para sa’yo rin ang lahat ng gagawin ko.’

Pagkarating ni Joshua sa bahay ni Russell na pinili ng huli sa lugar na pagkikitaan nila, kaagad namang lumabas ang kaibigan para papasukin siya.

“Sorry medyo na-late ako, anong importanteng pag-uusapan natin?” ngiting bungad ni Joshua ng pagbuksan siya ng pinto ni Russell.

“Maupo ka muna, maghahanda lang ako ng meryenda natin.” sagot ni Russell at matapos samahan sa sala ang kanyang anghel, sunod na nagpunta ito sa kusina.

Kaagad kumuha ng fresh orange juice sa ref si Russell, at gaya ng plano, isang tableta ng slepping pill ang inilagay nito sa baso na para kay Joshua.

Pagkabalik sa sala, kaagad nitong iniabot kay Joshua ang inumin na may halong gamot.

“Uminom muna tayo, mukhang napagod pa kita dahil sa bahay ko pa pinili na magkausap tayo.” saad ni Russell at sabay taas sa hawak na sariling baso, para makipagtoast kay Joshua.

“Wala ’yon Russ, masaya nga ako at nakita ko na ang bahay mo, sa susunod ikaw naman ang pumasyal sa bahay namin.” sagot at suhestiyon ni Joshua, habang nakikipagtoast sa kaibigan.

Gaya ng inaasahan ni Russell, matapos nilang magtoast ni Joshua, sabay rin nilang ininom ang lamang juice ng sari-sariling baso.

Kasunod nga noon ang matamang pagtitig ni Russell sa mukha ng kaharap, at gaya ng inaasahan, pansin ng binata ang mabilis na pag-epekto ng inuming may halong gamot na ininom ni Joshua.

“Russ, a-anong ginawa-” ’di na natapos pang saad ni Joshua, na kaagad nawalan na ng malay.

Maagap namang nasalo ni Russell ang katawan ni Joshua, bago pa tuluyang mahulog sa sahig ang katawan ng huli.

“Tulog na anghel ko, mamaya magiging masaya ka na.” saad ni Russell sa tulog na si Joshua, at kaagad na nitong binuhat ang walang malay na anghel papunta sa isang kuwarto.

Pagkahiga ni Russell sa katawan ng walang malay na si Joshua, sunod na nagpadala ng mensahe ang binata sa katuwang nito.

“Ready na ang lahat, malapit na ba kayo?”

Sa nabasang text ni Rica na galing kay Russell, mabilis rin itong sumagot sa mensaheng iyon ng huli.

“Oo, at asahan mo, pagkatapos ng plano natin, pareho tayong magiging masaya.”

Matapos ipadala ni Rica ang text na iyon kay Russell, hindi na makapaghintay ang tusong babae na makita ang gagawin ni Rafael, na kasama niya ngayong papunta sa kinaroroonan nila Joshua at Russell.

‘Malas mo bakla, dahil pinili mong kuhanin ang lalaking dapat ay sa akin lang.’ saad sa isip ni Rica.

Pagkahinto ng minamanehong sasakyan ni Rafael, sa address na ibinigay sa kanila ng sekretarya ni Russell, mabilis na bumaba na ng sasakyan ang binata.

Sa mabilis na pagbaba ni Rafael, kaagad ring sumunod si Rica.

“Sir, kung anumang makita mo kay sir Josh at kay Russell, sana ay uminahon po muna kayo.” kunwaring alalang saad ni Rica, pero sa isip nito ay nagagalak na siya sa susunod na mangyayari.

“Hindi Rica! Kapag tama ang sinabi mo na tinatarando ako ni Joshua, silang dalawa ni Russell ang mananagot sa akin!” galit na saad ni Rafael at balewala nito sa sinabi ng babae.

Sa reaksyon iyon ng kasama, lalo pang natuwa si Rica. Sumunod ay nakita ng babae ang nagmamadaling hakbang ni Rafael sa bahay na nasa harapan nila. Kita rin ni Rica ang tila nagwawalang kilos ng alam niyang galit na galit na ngayong lalaki, na kaagad nasira ang nakalock na pinto ng bahay na iyon.

“Sandali Rafael, baka mali ang hinala natin.” kunwari ay pigil ni Rica sa galit na kasama, sabay hawak nito sa isang braso ng lalaki.

“Bitawan mo’ko Rica, kailangan kong malaman ang totoo!” sagot ni Rafael na mabilis na natanggal ang kamay ng kasamang babae.

“Sige po sir, basta nandito lang ako sa likod mo.” saad ni Rica na muling sinundan si Rafael, na isa-isa ng tinitignan ang bawat kuwarto ng nasabing bahay.

Hanggang sa dumating na nga sila sa huling kuwarto sa bahay na iyon. At sa ginawang pagbukas ni Rafael sa pinto, pigil ni Rica ang hininga sa alam nitong magandang palabas na ilang sandali mula ngayon ay masasaksihan niya.

“Bakit anghel ko.” saad ng natigilang si Rafael, na napaluhod na sa sandaling iyon.

“Sige sir, ilabas n’yo lang, nandito lang ako, hindi deserve ni Josh ang pagmamahal mo.” kaagad na alo ni Rica sa lalaking mahal.

“Bakit Rica, sa tingin mo kung ikaw ang mamahalin ko ay hindi mo ako sasaktan?” saad ni Rafael na kaagad hinawakan ang mukha ni Rica, para magtapat ang mga mukha nila.

“Oo Rafael, pangako ko hindi kita lolokohin gaya ng ginawa ni Joshua.” maagap na sagot ni Rica at hahalikan na sana ang labi ng kaharap.

“Sorry na lang Rica, pero kahit kailan hindi ko ipagpapalit kahit kanino ang anghel ko.” ngising sagot ni Rafael na kaagad rin humiwalay kay Rica, bago pa siya mahalikan ng babae.

“Hindi ko maintindihan Rafael, niloko ka na nga ng baklang iyon, mahal mo parin siya!” ’di makapaniwalang saad ni Rica, na ibayong inis ang nararamdaman sa pagtanggi ng lalaki sa halik at pag-ibig na alay niya.

“At paano mo naman nasabing niloko ako ng anghel ko? Tsk tsk tsk, mukhang ikaw yata ang naloko sa pagkakataong ito.” ngising saad ni Rafael sa tusong babae, na naisahan niya sa pagkakataong iyon.

“Sandali, hindi ba magkasiping sila ni Russell?!” saad ng naguguluhang si Rica na kaagad ng tumingin sa kama sa kuwartong iyon sa kauna-unahang pagkakataon, pero ang inaasahan niyang hubot-hubad na mga katawan nila Joshua at Russell, ang tanging natutulog na si Joshua lang ang naroon habang may kayakap na malaking teddy bear ang bumungad sa kanya.

“Hi-hindi! Pa-paanong nangyari ito?!” ’di parin makapaniwalang bulalas ni Rica.

“Tama na Rica! Dito na natatapos ang ginagawa mong kawalanghiyaan! Pasalamat ka at babae ka, kung hindi kanina ko pa binasag ang pagmumukha mo, sige na sir posasan mo na ang babaeng ’yan.” sagot ni Rafael kay Rica at pigil nito ang nararamdamang galit sa babae at baling rin nito sa isang pulis na kanina pa naghihintay sa go signal niya.

“Hindi! Wala akong kasalanan Rafael, maniwala ka inutusan lang ako ni Russell!” saad ng nagwawalang si Rica at pakiusap nito kay Rafael.

“Sorry not sorry Rica, pero hawak ko ang lahat ng ebidensya na kinuntsaba mo ako, para gawan ng masama ang kaibigan ko.” ngising saad ni Russell na lumabas na sa sandaling iyon, para makita ang itsura ng desperada at baliw na babae.

“Walang hiya ka Russell! Walang hiya kayong lahat!!!” nagwawalang saad ng nakaposas ng si Rica at inilalabas na ng pulis.

“Ganyan talaga Rica, karma iyan sa kabaliwan mo! Isa pa, nahuli na rin namin ang lalaki mo!” sigaw ni Rafael sa baliw na babae.

“Salamat tol.” saad ni Rafael sa kaibigan at kakuntsaba nito, para mahuli sa akto si Rica.

“Wala ’yon tol, ginawa ko ’yon para sa kaibigan ko, at sapat na sa akin na makita siyang masaya sa piling mo.” maagap na sagot ni Russell. “Sige na, samahan mo na ang anghel mo sa kuwarto.” dagdag pa ng binata.

“Sige tol, at hangad ko na mahanap mo na rin ang anghel na magmamahal sa’yo.” saad ni Rafael at matapos tapikin sa balikat ang kaibigan nila ni Joshua, sinamahan na nga nito sa kuwarto ang himbing parin niyang anghel.

XXXVII

Nang magkamalay muli si Joshua, isang malakas na sampal ang iginawad nito sa lalaking nakayakap sa kanya.

“Ouch, anghel ko naman, bakit mo’ko sinampal?” tanong ni Rafael na nagising sa lakas ng sampal na iginawad sa kanya ni Joshua.

“Ra-rafael! Anong ginagawa mo dito? Hindi, anong ginagawa natin pareho dito?” gulat na reaksyon ni Joshua ng mapagtanto na si Rafael ang sinampal niya, at tanong rin nito sa huli.

Alam ni Rafael sa sandaling iyon na naguguluhan ang kanyang anghel, kaya naman habang hawak parin nito ang nasaktang pisngi na dulot ng pagsampal sa kanya ni Joshua, sinimulan na nito ang pagkukuwento sa mga nangyari sa pinakamamahal.

Sa mga nalaman niya kay Rafael, naging malinaw na ang lahat kay Joshua. Ganunman, hindi nito maiwasan na makaramdam ng lungkot sa mga nagawa sa kanya ni Rica. Batid man ni Joshua na hindi tama ang mga nagawa ng kanyang sekretarya sa kanila ni Rafael, may bahagi sa kanyang puso ang nalulungkot sa nangyari sa itinuring nitong kaibigan, kaya naman para masagot niya ang mga tanong sa kanyang isipan, isang hiling ang hiningi nito kay Rafael.

“Gusto ko siyang dalawin, Rafael.”

“Ano?! Bakit pa anghel ko?” ’di makapaniwalang tanong ni Rafael kay Joshua.

“May gusto lang akong malaman Rafael, bukod dun kahit pa malaki ang kasalanan na nagawa niya sa atin, ramdam ko na naging mabuti rin sa akin si Rica.” aming sagot ni Joshua.

Sa narinig ay napailing na lamang si Rafael, alam niyang mabuting tao ang kanyang anghel, pero ang gawin ni Joshua na bisitahin pa si Rica, para sa kanya ay hindi na tama iyon.

“Anghel ko naman, para saan pa? Hindi pa ba malinaw sa’yo na loka-loka ang babaeng iyon, na handa niyang saktan ang sinuman para lang sa pansarili niyang kagustuhan? Pasalamat siya at babae siya, kungdi baka ano nang nagawa ko sa kanya.” saad ni Rafael at muling nakadama ng inis sa naisip na ginawa sa kanila ni Rica.

“Anong gagawin mo? Papatayin mo siya ganun?!” tanong ni Joshua at pagtatapos nito sa sinabi ni Rafael.

“Oo, bakit hindi? Te-teka nga lang? Bakit parang galit ka sa akin?” maagap na sagot ni Rafael at tanong rin nito kay Joshua.

“Bakit hindi ang sarili mo ang tanungin mo? Kapag alam mo na ang sagot, tsaka na lang ulit tayo mag-usap Rafael.” saad ni Joshua at pinili nitong tumayo na at iwanan ang kasama.

Sa nakitang pagtayo at paglabas ni Joshua sa kuwarto, hinayaan na lang ni Rafael ang ginawang iyon ng una. Sa isip ng binata ay parang siya pa ang masama, matapos niyang ipakulong si Rica.

Pagbaba ni Joshua ay nadatnan nitong nagkakape sa sala si Russell.

“Nagising ka na pala, gusto mo ba ng kape o kahit na anong maiinom?” saad ni Russell nang makita ang presensya ni Joshua.

“Oo Russ, pero ako na lang ang magtitimpla at ipagpatuloy mo na lang ang pinapanood mo.” sagot ni Joshua, ngunit tanggi nito sa alam nitong gagawin ni Russell.

“Hindi ayos lang, ako na lang ang magtitimpla, promise wala na ’tong pampatulog.” saad ni Russell at biro pa nito.

“Ano ka ba Russ, ako na lang, ’wag ka ng makipagtalo rin sa akin.” sagot ni Joshua na nadulas na rin sa sandaling iyon.

Natigilan naman si Russell sa narinig nito sa kaibigan, kaya naman hinayaan na lamang nito ang kagustuhan ni Joshua.

“Sige Josh, pero kung gusto mo ng makakausap, nandito lang ako sa sala.”

Ilang minuto matapos iwanan siya ni Joshua, minabuti ni Rafael na lumabas na rin sa kuwartong iyon. Pagkalabas nga niya sa kuwarto, natigilan ito ng marinig ang pag-uusap nila Joshua at Russell.

“Ano, handa mo na bang ikuwento sa akin, kung bakit kayo nagtalo ni Rafael?” baling ni Russell ng samahan siya ni Joshua sa sala.

Isang tango ang naging sagot ni Joshua sa kaibigan, at sinimulan na nitong ikuwento kay Russell ang pinagtalunan nila ni Rafael.

“Ito’y sa akin lang naman Josh, sa tingin ko pareho naman kayong may punto. Ikaw na gustong masagot ang mga tanong mo, kung bakit nagawa sa’yo ng itinuring mong kaibigan ang mga bagay na iyon. At sa panig naman ni Rafael, nag-aalala lang siya sa’yo at baka masaktan ka lang muli kapag dinalaw mo si Rica.” lahad ni Russell sa opinyon nito.

“Tama ka Russell, pero hindi ko lang nagustuhan ang narinig ko kay Rafael na handa siyang pumatay ng tao para sa akin, bukod sa natatakot ako sa mangyayari sa kanya, natatakot rin ako dahil ayokong magmahal ng isang tao na puno ng galit ang nasa puso, paano na lang kung kasal na kami at kasama na namin si Kristoff? Ang pinakakinatatakutan ko ay ang madamay ang anak namin.” paliwanag ni Joshua sa saloobin nito.

“Sa ating dalawa Josh, ikaw ang mas nakakakilala kay Rafael, sa tingin mo ba kaya niyang pumatay para sa’yo?” saad at tanong ni Russell sa kaibigan.

“Ang totoo niyan Russ, hindi ko na rin alam kung talagang kilalang-kilala ko na si Rafael.” aming sagot ni Joshua.

Sa mga narinig nga ni Rafael kay Joshua, kahit papaano ay nabatid nito kung saan nanggagaling ang kanyang anghel. At para malinawagan na sila ng mahal, minabuti na nitong ipaalam ang presensya niya sa magkaibigan.

“Tol puwede bang iwanan mo muna kami ni Josh?” baling ni Rafael kay Russell.

Kaagad naman napatingin sila Joshua at Russell sa direksyon ni Rafael. Nang dumako nga ang paningin ni Russell sa bagong kaibigan at amo rin nito sa pinagtatrabahuhan, isang tango ang naging sagot nito.

“Sige Josh, maiwan ko muna kayo ni Rafael.”

Sa pag-alis ni Russell, namayani ang katahimikan sa dalawa.

“I’m sorry.” basag ni Rafael sa katahimikan. Nang wala itong marinig sa kanyang anghel, minabuti nito na samahan na sa sofa si Joshua.

“Narinig ko ang pag-uusap ninyo ni Russell, at dahil dun naliwanagan ako sa mga maling nasabi ko. I’m sorry anghel ko.” muling saad ni Rafael at bilang subok nito sa magiging reaksyon ni Joshua, hinawakan nito ang mga kamay ng minamahal.

Hinayaan ni Joshua na hawakan ni Rafael ang kanyang mga kamay, batid man ng una na sinsero ang mga sinabi ng huli, pinili nito na ipagpatuloy na nila ng mahal ang mga napag-usapan nila kanina sa kuwarto.

“Gusto kong aminin mo sa’kin ang totoo Rafael, seryoso ka ba kanina na handa kang pumatay ng tao?” seryosong tanong ni Joshua sa mahal.

“Kung ang dating ako noon ang sasagot sa tanong mo Josh, siguro. Pero nangako ako sa Diyos mula noong nakilala kita, na hindi ko gagawin ang bagay na ’yon, dahil ayokong mawala sa’kin ang anghel na ibinigay niya, kaya hindi anghel ko, hindi ko kailanman magagawa ang pumatay ng tao. At para maniwala kang totoo ang mga sinasabi ko, sige, matapos nating madalaw si Rica, may isang lugar pa tayong pupuntahan.” tapat na sagot ni Rafael

Natigilan naman si Joshua sa mga narinig, dahil hindi ito makapaniwala na payag na si Rafael na madalaw nila si Rica.

“Sorry rin Rafael, sorry dahil inisip ko na magagawa mo ang pumatay ng tao. Gaya nga ng narinig mo, ayokong magmahal ng tao na puno ng galit ang puso, kasi, baka hindi maging sapat ang pagmamahal na kaya kong ibigay para maging masaya kami. Kasi Rafael mahal na mahal kita at ayaw kong ng dahil sa akin ay makalimutan mo ang pagiging mabuting tao, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari ’yon.” mahabang saad ni Joshua na naluha na rin sa mga sandaling ’yon.

“Sshhh tahan na anghel ko, kung alam mo lang kung gaano mo ako binago ng dahil lang sa dumating ka sa buhay ko. At ngayon sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin, kasama ng anak natin, kung kailangang araw-araw ay ipakita ko at ipadama sa’yo kung gaano ako nagpapasalamat na pinili mo ang isang tarantadong kagaya ko ay gagawin ko.” alo ni Rafael kay Joshua, at lahad nito kung gaano kahalaga sa kanya ang huli.

Alam ni Joshua na tunay ang bawat salitang binitawan ni Rafael, kaya naman mabilis itong yumakap sa mahal.

“Salamat rin Rafael at dumating ka sa buhay ko.” saad ni Joshua.

Gaya nga ng kagustuhan ni Joshua, kasama niya ngayon si Rafael at papasok na sila sa kulungan, kung saan pansamantalang naka-detain si Rica.

“Basta nandito lang ako sa labas at hihintayin kita anghel ko, kung hindi mo na kayang makipag-usap kay Rica, lumabas ka kaagad okay?” saad ni Rafael at payo nito kay Joshua.

“Oo Rafael, salamat mahal.” sagot ni Joshua at yumakap ito ng mahigpit sa lalaking mahal. At ang yakap na iyon ang nagbigay lakas ng loob kay Joshua, para harapin ang anumang mangyayari sa pag-uusap nila ni Rica.

Sa ilang oras na pananatili niya sa kulungan, bahagya pang nagulat si Rica ng sabihin sa kanya ng pulis na may bisita siya ngayong umaga. At pagkakita niya sa taong bumisita sa kanya, halo-halong emosyon ang namayani sa kanya.

“Tignan mo nga naman, siguro nandito ka para ipamukha sa akin na nanalo ka, hindi ba?” saad ni Rica at pinanatili nitong matapang ang ihaharap na mukha sa kaharap.

“Hindi Rica, nandito ako para sa isang tanong, bakit Rica?” sagot ni Joshua at pinababatid nito sa kausap ang lungkot na nararamdaman.

“Anong bakit? Tanga ka ba?! Hindi pa ba obvious na gusto ko si Rafael at naiinis ako sa’yong bakla ka, dahil mas pinili pa niya ang kagaya mo, kesa ang babaeng katulad ko?” galit na galit na saad ni Rica.

“Hindi, alam kong hindi totoo ang sinasabi mo. Dahil ba sa tiyuhin mo?” saad ni Joshua at tanong nito sa posibleng dahilan ni Rica, kung bakit nito nagawa ang masaktan siya.

Nanlalaking mata si Rica pagkarinig nito sa sinabing iyon ni Joshua.

“A-anong pinagsasabi mo?! Hindi ko alam ang tinutukoy mo!” sigaw ni Rica.

“Alam kong alam mo ang tinutukoy ko Rica, bakit hindi mo sinabi sa akin? Akala ko ba ay magkaibigan tayo.” saad ni Joshua at nalulungkot ito sa mga nalaman sa itinuring nitong kaibigan.

“Hindi kita kaibigan! Wala akong kaibigan! Dahil pare-pareho lang kayo! Mga manloloko!” sigaw ni Rica at nagsimula na itong magwala.

Sa nakitang pagwawala ni Rica ay mabilis naman siyang kinuha ng mga pulis, bago pa nito magawang saktan si Joshua.

Sa nakikitang lagay ngayon ni Rica, lubos ang pagkaawa ni Joshua sa itinuring nitong kaibigan, at hindi nito namalayan na naluluha na pala siya.

‘I’m sorry Rica, sana kaagad kong nalaman.’ mahinang saad ng naluluhang si Joshua, habang pinagmamasdan nito ang pagbabalik sa kulungan kay Rica ng mga pulis.

“Anong nangyari anghel ko, may ginawa ba si Rica sa’yo?” alalang tanong ni Rafael pagkakakita nito kay Joshua, na halata nitong galing sa pag-iyak.

“Ayos lang ako Rafael, mabuti pa ay umalis na tayo.” sagot ni Joshua.

Dalawang linggo ang lumipas, at matapos mapatunayan ni Joshua sa tulong ng isang psychiatrist na mentally unstable si Rica. Kaagad na nailipat sa isang mental hospital ang dati niyang sekretarya.

Sa panahon kasi na pinagdududahan nilang si Rica ang may kagagawan sa pagkakasira nila ni Rafael, pasikretong kumuha ng imbestigador si Joshua, para alamin ang mga bagay-bagay sa kanyang sekretarya. At sa eksaktong araw nang mahuli ni Rafael at Russell si Rica, sa umaga namang iyon ay nalaman ni Joshua ang pang-aabusong sinasapit ng kanyang sekretarya sa kamay ng sarili nitong tiyuhin.

Ang ikinalungkot lang ni Joshua ay matapos niyang maipakulong ang tiyuhin ni Rica, at siya rin naman pagkakulong ng huli. Ganunman kahit pa may maling nagawa sa kanya si Rica, namayani kay Joshua ang matulungan parin ang dating sekretarya at itinuring na rin nitong kaibigan.

Ngayon nga ay magkasama sila ni Rafael, para dalawin sa ospital si Rica.

“Sana lahat ng tao ay kagaya mo anghel ko, ang swerte ko at ikaw ang ibinigay sa akin ng Diyos.” saad ni Rafael habang naglalakad silang magkahawak kamay ni Joshua, papunta sa garden kung saan nakaupo si Rica.

“Ako rin naman Rafael, buong akala ko noon ay tinuluyan mo na si Paniki, pati na ang mga kasamahan niya sa gang, kaya masaya ako ng dalawin natin sila sa kulungan.” saad ni Joshua, at muling naalala nito ang pagpunta nila ng mahal sa kulungan, kung saan nakakulong nga si Paniki, kasama ng mga miyembro rin nito noon sa gang. Napatunayan niya kasi na totoong hindi nga nadungisan ang kamay ni Rafael, sa halip nalaman rin ni Joshua na dahil sa mahal ay nagbago na rin ng tuluyan sina Paniki, at ilang taon mula ngayon ay makakalaya na rin ang mga ito.

“Gaya nga ng sabi ko anghel ko, hulog ka ng langit sa akin, pati na sa mga taong nakapaligid sa’yo.” saad ni Rafael at isang halik ang iginawad nito sa mahal ng ’di na nito napigil ang sarili.

“Rafael! Tara na nga, ikaw talaga wala kang pinipiling lugar.” saway ni Joshua sa katabi at hinila na nito ang kamay, para makalapit na sila kay Rica.

Pagkalapit ng dalawa kay Rica, bumungad sa kanila ang nakaupo sa wheelchair na babae at nanatili lang na nakatulala.

“Rica, pagaling ka ah, promise ’pag naging okay ka na, ikaw parin ang magiging sekretarya ko.” kausap ng nakaupong si Joshua paharap kay Rica, habang hawak rin nito ang isang kamay ng huli.

Gaya nga ng inaasahan ni Joshua, wala itong nakuhang reaksyon sa nanatiling nakatulala lang na si Rica.

Ramdam ni Rafael na napamahal na ang kanyang anghel kay Rica, at sa nakikita nitong malungkot na mukha ni Joshua, ang tanging nagawa na lamang nito ay ang palakasin ang loob ng mahal.

“Anghel ko, hindi man makasagot ngayon sa’yo si Rica, alam ko na naririnig ka n’ya at balang-araw gagaling siya at mangyayari ang sinabi mo na babalik siya bilang kaibigan at sekretarya mo.”

“Tama ka Rafael, babalik siya dahil magiging ninang pa siya sa pangalawang anak natin.” sang-ayon ni Joshua at nakangiti itong bumaling kay Rafael.

Nanlalaking mata naman si Rafael pagkarinig nito sa binitawang salita ni Joshua.

“Bu-buntis ka!”

Isang tango ang naging tugon ni Joshua na may malawak rin na ngiti sa mga sandaling iyon, dulot ng gulat-gulat na mukha ni Rafael.

“Yes! Yes! Magiging daddy ulit ako yohooo!” ibayong sayang sigaw ni Rafael na nakalimutan na nandito parin sila ni Joshua sa ospital.

“Rafael!” saway ni Joshua na tumayo na para awatin ang masayang reaksyon ng mahal.

“Ang saya-saya ko anghel ko, alam mo na ba kung lalaki o babae ang magiging kapatid ni Krisoff?” saad at tanong ni Rafael na mabilis rin niyakap si Joshua.

“Hindi pa Rafael, tatlong linggo palang akong buntis, ilang buwan pa mula ngayon bago natin malaman sa gagawing ultrasound sa akin.” maagap na sagot ni Joshua.

“’Di bale kahit ano pa ang kasarian ng magiging baby natin ay masaya parin ako, salamat anghel ko.” saad ni Rafael at isang halik sa labi ang sunod na iginawad nito sa mahal.

“Salamat rin Rafael, te-teka tama na muna ang halik, at magpaalam na tayo kay Rica.” saad ni Joshua at awat nito kay Rafael na muling hahalik na naman sa kanya.

“Pagaling ka Rica, bibisita ako muli sa’yo sa susunod na linggo.” kausap ni Joshua sa tulala parin na babae, at matapos nitong halikan sa noo ang kaibigan, magkahawak kamay muli sila ni Rafael na umalis na sa lugar.

Sa pag-alis ng dalawa, habang nanatili paring tulala si Rica, sumunod ay ang kumawalang mga masaganang luha sa mga mata nito.

Author’s Note:

Ang susunod na part ay ang pagwawakas na ng Puti at Itim. Next Sunday ko na ipopost dito sa wattpad. Pero sa Dreame ay maaari ng mabasa ito. Pakifollow na lang din ako sa Dreame, maraming salamat.

XXXVIII (WAKAS)

Hindi mapakali ang kinakabahang si Rafael na kanina pa naglalakad ng pabalik-balik sa labas ng operating room sa isang Ospital. Sa loob kasi ng kuwartong iyon, ang asawa nitong si Joshua na higit isang oras ng inooperahan ng mga doktor, para sa panganganak nito sa ikalawa at ikatlo nilang anak.

“Diyos ko, iligtas mo po ang anghel ko at ang kambal namin.” paulit-ulit na usal na dasal ni Rafael na patuloy parin sa ginagawang paglalakad.

Gaya ng asawa ng kanilang anak, naroon rin at kinakabahan ang mag-asawang Santos.

“Grandma, is papa and my little brother and sister are going to be alright?” tanong ni Kristoff sa lola na kalong-kalong siya.

“Oo naman apo, basta pag-pray natin sila.” sagot ni Wilma sa apo.

“Uncle, magiging okay lang silang lahat.” pagpapalakas ng loob ni Luis sa tito nito.

“Tama ka Luis.” sang-ayon ni Rafael sa pamangkin, dahil hindi nito alam ang gagawin niya, kapag may nangyaring masama isa man sa kanyang anghel o sa kanilang mga anak.

“Uminahon ka Rafael, makakaya ni Joshua iyan, kaya umayos ka.” seryosong saad ni Jaime sa kapatid.

“Oo kuya.” sagot ni Rafael at matapos nitong uminahon, sunod na narinig nila ang mga ingay na dulot ng bagong silang na mga sanggol.

“Ang mga anak ko.” saad ni Rafael na nabuhayan ng loob sa narinig, at naluha na rin sa sandaling iyon dala ng labis na kaligayahan.

Gaya ni Rafael, masaya rin ang mga kasama nito. Kaya naman sa pagbukas ng pinto, mataman silang naghintay sa sasabihin ng lumabas na rin na doktor.

“Congratulations, parehong ligtas at malulusog ang dalawang sanggol, pati na si Joshua, pero dala ng gamot na nasa katawan ng pasyente ay pansamantalang nakatulog ito, ilan sandali lang at maaari na ninyong makita ang mga sanggol sa nursery.” nakangiting saad ni Dr. Alcatara na doktor rin noon ni Joshua sa una nitong panganganak.

“Salamat po dok.” saad ni Rafael at nakipagkamay ito sa doktor.

Matapos isa-isang magpasalamat ang mag-anak na Santos at Montero sa doktor ni Joshua. Naghihiwa-hiwalay na ang mga ito, si Rafael na kaagad sinamahan ang bagong panganak na asawa kasama ng panganay na si Kristoff, ang mga magulang naman ni Joshua at ang mag-amang Jaime at Luis ay sa nursery nagpunta para makita ang kambal.

“Salamat sa Diyos at okay kayo ng kambal natin, anghel ko.” kausap ni Rafael sa natutulog parin na asawa, sabay hagkan nito sa ulo ni Joshua.

“Daddy, excited na po akong makita ang mga kapatid ko.” saad ni Kristoff.

“Pareho tayo Kris, kaya be a good kuya to them okay.” sagot ni Rafael at pangaral nito sa panganay na anak.

“Opo daddy, I’ll be the best kuya!” maagap na sagot ni Kristoff.

Natuwa naman si Rafael sa sagot na iyon ng anak, at sabay silang nagbantay ni Kristoff hanggang sa magising na si Joshua.

Sa pagkakaroon ng malay ni Joshua, kaagad bumungad sa kanya ang asawang si Rafael na kalong sa magkabilang braso ang kanilang kambal.

“Anghel ko, ang sarap pala sa pakiramdam na hawak-hawak ang mga munting anghel natin.” saad ni Rafael na piniligilan ang maluha, habang nakatingin sa nagising ng asawa.

“Tama ka Rafael, ganyan na ganyan ang pakiramdam ko noong isilang ko si Kristoff, paano bilang bawi mo sa akin, mukhang mapapasabak ka sa pagpapalit ng mga lampin at pagpadede ng mga gatas nila.” sagot at biro ni Joshua sa asawa.

“Ayos lang sa’kin ’yon anghel ko, mukha namang mababait ang mga munti nating anghel.” maagap na sagot ni Rafael at inilapit na ang kalong-kalong na kambal, para itabi ito sa asawa. “Anong ipapangalan natin sa kambal anghel ko.” tanong nito sa asawa.

“Ikaw Rafael, ikaw ang magpangalan sa kanila.” sagot ni Joshua at pahintulot nito sa asawa sa nais nitong ipangalan sa kambal.

“Talaga anghel ko?!” ’di makapaniwalang saad ni Rafael. At sa nakita nitong pagtango ni Joshua, kaagad na itong nag-isip ng magandang ipapangalan sa kambal nila ng asawa.

“Sa baby boy natin, ang ipapangalan ko sa kanya ay Joel, pinagsamang pangalan natin, at sa baby girl naman natin ay Isabel, galing sa pangalan ni mommy.” saad ni Rafael, habang hawak ang isang kamay ni Joshua at mataman itong nakatingin sa mukha ng huli.

“Ang gagandang pangalan Rafael, baby Joel at baby Isabel.” saad ni Joshua at nakangiti nitong sinuklian ang pagtitig na ginagawa ng asawa. “Ang panganay natin, nasaan siya?” tanong nito ng mapansin na hindi nila kasama si Kristoff.

“Sumama ng umuwi kila nanay at tatay sa bahay natin, tutulong daw siya sa pag-aayos ng kuwarto ng kambal.” sagot ni Rafael.

“Excited na ang panganay natin sa pagiging kuya.” komento ni Joshua.

“Tama ka anghel ko, gaya ng excited na rin akong maging daddy sa kambal.” sang-ayon at saad ni Rafael. “Kaya hindi ako magsasawang magpasalamat sa’yo anghel ko, salamat sa magandang pamilya na ibinigay mo sa akin.” dagdag pa nito sabay hagkan nito sa isang kamay ni Joshua.

“Salamat din Rafael, hindi iyon magiging posible kung wala ka, mahal na mahal kita at ang mga anak natin.” maagap na saad ni Joshua.

“At sobra-sobrang mahal ko rin kayo ng mga anak natin, anghel ko.” sagot ni Rafael at mabilis nitong hinagkan ang mga labi ng anghel na hulog sa kanya ng langit.

“Ang tagal mo naman babe, baka nandoon na ang lahat sa simbahan.” inis ng saad ni Russell sa nobyo.

“Tulungan mo na kaya akong magbihis babe, ikaw kasi, sobra akong nanggigil sa’yo kaya napuyat tayo kagabi.” sagot ni Luis at asar pa nito sa nobyo.

Sa narinig ay mabilis namang tumayo sa kama si Russell at lumapit na ito sa nag-aayos na ng suot na damit na nobyo.

“Ako pa talaga ang may kasalanan?!” ’di makapaniwalang saad ni Russell, habang kagat-labi itong abala sa pagbutones sa suot na polo ng nobyo.

“Huwag mo akong tinutukso ng ganyan, baka hindi ko na pakawalan ang mga labing ’yan.” banta ni Luis.

“Tumigil ka nga Luis, kapag nahuli tayo hindi ka tatabi sa akin mamayang gabi.” saway ni Russell at matapos maisara ang suot na polo ng pilyong nobyo, kumuha kaagad ito ng kurbata para ipasuot rin kay Luis.

“Hindi tayo mahuhuli babe, pero mahuli man tayo, alam ko na hindi mo naman matitis ang modelo mong nobyo.” pagtitiyak ni Luis sa nobyo at pagyayabang pa nito.

“Sus kaya ko! Dali na umalis na tayo.” maagap na sagot ni Russell.

“Yes babe, pero mamaya ’wag kang magselos sa mga babaeng lalapit sa akin.” saad ni Luis at isang kindat ang pinakawalan nito sa nobyo, bago ito nauna ng lumabas sa kuwarto.

“Ang yabang talaga.” iling na saad ni Russell. ‘Kunsabagay may ipagyayabang naman.’ saad sa isip ng binata, tsaka nito muling naalala ang maganda at maskuladong katawan ng modelong nobyo na umangkin sa kanya ng ilang beses kagabi.

“Akala ko ba nagmamadali ka kanina, ba’t ang tagal mo?” takang tanong ni Luis ng samahan na siya ng nobyo sa sasakyan.

“Ah a-ano… Nakalimutan ko lang ang wallet ko.” kabang sagot ni Russell.

Sa nakikitang hindi makatingin sa kanya ng diretso ang nobyo, pati na sa namumulang mukha rin ni Russell, lihim na napangiti na lamang si Luis.

“’Di bale babe, mamayang gabi malaya kang muling pagnasahan ako.” asar ni Luis sa nobyo bago nito paandarin ang sasakyan.

Isang hampas naman ang naging sagot ni Russell kay Luis, na naging dahilan naman sa pagtawa ng huli habang patuloy ito sa pagmamaneho.

Pagdating ng mag-asawang Rafael at Joshua sa simbahan, tig-isa sila sa paghawak sa limang buwan na nilang kambal. Nandoon na rin ang mga magulang ni Joshua, na mabilis namang pinuntahan ng kasama nilang bumaba ng sasakyan na si Kristoff. Nadatnan na rin nilang naghihintay ang mga magiging ninong at ninang ng kambal.

Kaagad na ngang lumapit ang mag-asawa sa pari, para maumpisahan na ang binyag ng kambal.

Matapos ang seremonya ng binyag ay isa-isa ng pinakarga ni Joshua at Rafael ang kambal sa mga ninong at ninang.

“Ang cute ng mga inaanak natin babe, tayo kaya kailan magkakaroon ng anak.” saad ni Luis na karga ang pinsan at inaanak na si baby Joel.

“Maging responsable ka muna Luis bago iyon.” maagap na sagot ni Russell na karga naman ang inaanak na si baby Isabel.

Sa narinig sa nobyo ay lumawak ang ngiti sa mukha ni Luis.

“Ibig mong sabihin ’pag naging responsable na ako, handa ka na rin na bumuo ng pamilya kasama ko?” ngiting tanong ni Luis, at gaya ng kanyang inaasahan ay namumula ang mukha ng nobyong si Russell ng tumingin siya rito.

“Wala akong sinabing ganun, ayusin mo ang paghawak kay baby Joel, bago ka pa masuntok ng tito mo.” namumulang kontra ni Russell at lihis nito sa usapan.

“Iniba mo naman ang usapan babe, ang ayos kaya ng pagkarga ko kay baby Joel, pero mamayang gabi mas maayos ang gagawin kong pagbuhat sa’yo.” maagap na sagot ni Luis at nagawa pang idagdag ang pang-aasar sa nobyo.

“Luis, tumigil ka nga, nandito tayo sa simbahan.” bulong na saway ni Russell sa pilyong nobyo.

“Oo na sige, lapit kayo dito sa amin ni baby Joel, para apat tayong magpapakuha ng mga litrato.” sukong saad ni Luis at pakiusap nito sa alam nitong inis ng nobyo.

Naasar man kay Luis, kaagad namang pinagbigyan ni Russell ang una at nagpakuha nga sila ng mga litrato, habang hawak nila ang kambal.

“O siya tama na ’yan, kami namang mga pretty ninang ang kumarga sa kambal at magpakuha ng mga litrato.” saad ni Rica at kasama nito si Bianca.

“Ninang lang, walang pretty.” asar ni Luis sa  dalawang babae, matapos nilang ipakarga ng nobyo sa mga ito ang mga pamangkin niya at inaanak.

“Tse! Palibhasa hindi ka mahilig sa magaganda, kaya hindi mo maappreciate ang ganda namin.” asar pabalik ni Rica.

“Sus, mas maganda ang babe ko sa inyo, hindi ba babe.” sagot naman ni Luis at hinging tulong nito sa akbay na nobyo.

“Ewan ko sa’yo Luis puro ka kalokohan, Rica, Bianca ang gaganda ninyo lalo.” balewala ni Russell sa sinabi ng katabi, sa halip ay binola pa nito ang dalawang babae.

“Kita mo na galing na sa nobyo mo magaganda kami, pasalamat ka talaga Luis at lalake rin ang hanap ni Russell, kungdi baka ako na mismo ang nanligaw sa kanya.” saad ni Bianca.

“Sorry ka na lang Bianca sa akin lang ang babe ko, tara na nga babe, iwanan na natin ang mga pangit na iyan.” saad ni Luis at mabilis nitong hinila palayo ang nobyo, baka maabutan pa sila ng inasar nitong mga babae.

“Sira ka talaga Luis.” naiiling na saad ni Russell ng huminto sila ng nobyo.

“Mahal mo naman.” ngising saad ni Luis.

“Oo naman, wala na akong choice eh.” sagot at asar naman ni Russell.

“Ah ganun, no choice pala ah.” saad ni Luis at mabilis nitong hinalikan sa labi ang nobyo.

“Luhmmhpp.” saad ni Russell habang pinipigilan nito ang mga labi ng nobyo.

Hindi naman pinakinggan ni Luis ang panlalabang iyon ni Russell, bagkus ay mariin nitong inangkin ang mga labing iyon ng huli. At lalo pang naging mapusok ang halikan nila ng nobyo na tugunan iyon ni Russell.

“Luis, Russell, baka naman gusto n’yo na lang iyan ituloy sa labas ng simbahan.” putol ni Rafael sa halikan ng dalawa.

“Inggit ka lang uncle, kasi alam mong magagalit sa’yo si Josh.” asar ni Luis sa tito, pagkahiwalay nila sa halikan ng nobyo.

“Sira ka talaga Luis, oo na inggit na inggit ako, pero tama na muna iyang halikan ninyo ni Russell, diretso na kayo sa hotel para sa salu-salo sa binyag ng kambal.” aming sagot ni Rafael at iniwanan na ang dalawa.

Naging masaya ang lahat ng mga empleyado, at mga bisita sa binyag ng kambal, sa malaking hotel na iyon ng mag-asawang Rafael at Joshua.

At sa pag-uwi ng mag-anak na Montero sa kanilang bahay, halata ang pagod sa mukha ng mag-asawa.

“Mabuti na lang at mahimbing na ang tulog ng mga anak natin, anghel ko.” pagod na saad ni Rafael na matapos ilagay sa mga kuna ang kambal, mabilis nitong naibagsak ang pagal na katawan sa sofa.

“Oo nga Rafael, pero bumangon ka muna diyan, at ikaw na ang mag-akyat sa panganay natin.” sang-ayon ni Joshua na mabilis namang inilipat ang buhat niyang si Kristoff sa asawa.

“Anghel ko, hindi ko na kayang humabang pa, dito na lang kami sa sofa ni Kris matutulog.” sagot ni Rafael.

“Sige ikaw ang bahala, puwede pa naman nating gawin ’yon habang tulog na ang mga anak natin.” saad ni Joshua, at para mapasunod nito ang alam nitong mahilig na asawa, gamit ang isa niyang kamay ay inilagay niya ito sa harapan ng pantalon ni Rafael.

“Anghel ko, walang sisihan kapag nasundan kaagad ang kambal.” ngising saad ni Rafael na sa isang iglap ay nawala ang pagod sa katawan.

Naiiling na lamang na pinagmasdan ni Joshua si Rafael, habang buhat ng huli ang panganay nila para ihatid ito sa sariling kuwarto.

“Ikaw baby Joel, nakikita ko ng ikaw ang magmamana sa daddy mo.” kausap ni Joshua sa lalaking anak na kamukhang-kamukha ni Rafael. “At ikaw naman baby Isabel, kawawa ang mga magiging nobyo mo sa mga kuya mo.” kausap naman nito sa babaeng anak.

“Hindi lang sa mga kuya niya anghel ko, lalo na sa akin, kung puwede nga lang paglaki ni Isabel ay magmadre na lang siya o kaya’y ’wag na lang mag-asawa.” dagdag ni Rafael na mabilis na yumakap sa likuran ng asawa.

“Kung iyon ang kagustuhan niya ay okay lang sa akin, pero kapag nakita kong may nagustuhan siyang lalaki at karapat-dapat naman ang manliligaw niya, ako ang magiging kakampi ng binatang iyon laban sa inyong tatlong lalaki.” sagot ni Joshua.

“Eh kung iyon ang mangyari at kakampi ka sa manliligaw ni Isabel, syempre anghel ko tiklop kaming tatlo ng anak mo sa’yo, pero sa ngayon gawin na natin ang dapat gawin.” saad ni Rafael at kaagad idinikit ang naninigas ng alaga sa puwet ng asawa.

“Akala ko ba pagod ka na Rafael.” asar ni Joshua na humarap na sa asawa.

“Pagdating sa bagay na ’yon, kailanman ay hindi ako mapapagod.” maagap na sagot ni Rafael. At sa isang iglap ay nabuhat nito ang katawan ng asawa at naihiga sa malapit na sofa.

“Ra-rafael doon tayo sa kuwarto.”

“Hindi anghel ko, dito na lang tayo para maiba naman.” ngising sagot ni Rafael at dumagan na sa katawan ng asawa.

At nagsimulang na ang mainit na halikan sa pagitan ng mag-asawa sa sofang iyon, na nasundan ng ilang beses na pagpapadama ng walang kapagurang pagmamahal sa isa’t-isa sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang bahay.

“Ang sarap mo talaga anghel ko.” hingal na saad ni Rafael sa tenga ng asawa, matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila.

“At ang hilig mo naman Rafael, tiyak hindi na naman ako makakalakad ng maayos bukas.” sagot ni Joshua at isang hampas ang iginawad nito sa dibdib ng asawa, habang nakadapa sa katawan nito.

“Hahaha ’di bale anghel ko, bukas sa kuwarto ka lang at akong bahala sa mga anak natin.” natatawang saad ni Rafael at muli’y hinagkan ang matamis na mga labi ng asawa.

“Sa-sandali lang Rafael, sa susunod na araw na lang ulit.” pakiusap ni Joshua at humiwalay ito sa halikan nila ng asawa.

“Isang beses na lang anghel ko, gusto pa ni junior oh.” maagap na sagot ni Rafael.

’Di naman makapaniwalang napatingin si Joshua kay Rafael, pero ng madama nito sa kanyang tiyan ang matigas parin na malaking laman ng asawa ay napailing na lang ito.

“Sige na, last na lang pero bukas ikaw ang bahala sa mga anak natin.” talong saad ni Joshua.

“Oo naman anghel ko, I love you.” ngiting saad ni Rafael

“I love you too Rafael.” ngiting tugon ni Joshua.

“Baby Joel tumahan ka na please.” pakiusap ni Rafael sa kanina pa iyak ng iyak na anak na karga rin nito.

“Daddy ’yung niluluto mo.” tawag ni Kristoff sa ama.

“Shit!.” mahinang usal ni Rafael, kaya naman panandalian muna nitong inilagay sa kuna ang hindi parin tumitigil sa pag-iyak na anak.

Matapos patayin ang sunog ng nilulutong almusal ay muling binalikan ni Rafael ang ayaw paring tumahan na si baby Joel.

At hindi paman tumatahan ang karga niya muling si baby Joel, sunod na narinig ni Rafael ang nagsisimula namang umiyak na si baby Isabel.

“Daddy gutom na ako.” dagdag pa ni Kristoff.

“Sandali Kris, umiiyak parin ang mga kapatid mo.”

“Pero daddy, papasok pa ako ng school.”

Sa narinig na sagot ng anak, napabuntong hininga na lamang si Rafael.

Kahit pa nananakit ang buong katawan, sinikap ni Joshua na bumangon na at lumabas na sa kuwarto, at gaya ng kanyang inaasahan matapos siyang puntahan ni Kristoff sa kuwarto, pagod na mukha ng asawa ang bumungad sa kanya.

“Anghel ko.” nabuhayang saad ni Rafael.

“Ako ng bahala sa kambal, ihatid mo na si Kris.” saad ni Joshua at mabilis itong lumapit sa asawa.

“Salamat anghel ko, at sorry dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa’yo na ako munang bahala ngayon sa mga anak natin.” hiyang saad ni Rafael.

“Okay lang Rafael, sige na maligo ka na, ako ng bahala dito.” maagap na sagot ni Joshua at hinalikan nito sa pisngi ang asawa.

“Sige, anghel ko.” ngiting saad ni Rafael.

“Halika ka na Kris.” tawag ni Rafael sa anak pagkatapos nitong maligo at magbihis.

“Saan tayo pupunta daddy?” tanong ni Kristoff sa ama.

“Hindi ba papasok ka pa?” litong tanong pabalik ni Rafael.

Pero imbes na ang sagot ng anak ang marinig, ang natatawang reaksyon ni Joshua at Kristoff ang sunod na nasaksihan ni Rafael.

“Tama ka papa, nakalimutan nga ni daddy na araw ng linggo ngayon.” saad ni Kristoff.

Sa narinig sa anak ay tsaka pa lamang naisip ni Rafael na tama si Kris na linggo nga ngayon.

“Pinagkaisahan ninyo akong magpapa ah.” naiiling pero nangingiting saad ni Rafael, habang palapit ito sa kinaroronan ng asawa at ng mga anak.

“Hehehe ganti ko sa’yo iyon Rafael, ang lakas kasi ng loob mong sabihin na ikaw na muna ang bahala sa mga anak natin eh.” sagot ni Joshua.

“Akala ko kasi anghel ko ay madali lang, pero ngayon alam ko ng mahirap pala.” saad ni Rafael at pagtabi nito kay Joshua ay hinalikan nito sa pisngi ang asawa. “Kaya salamat anghel ko sa pagiging mabuting asawa at sa pag-aalaga sa mga anak natin.” dagdag pa nito.

“Obligasyon ko ’yon Rafael kaya hindi mo kailangang magpasalamat, pero mamayang hapon ipasyal mo kami ng mga anak natin.” sagot ni Joshua at paalala nito sa pangako ng asawa.

“Oo naman anghel ko, hindi ko kailan man makakalimutan iyon, mahal na mahal ko kayong pamilya ko.” maagap na sagot ni Rafael, at isa-isa nitong hinalikan ang mga anak at pinakahuli ang hulog ng langit sa kanya, ang anghel niyang si Joshua.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.