Puutang Einamo : Ang Palamurang Siga [ One Shot ]
MajorSin · 1 chapter · 506 words
Put Tank In a
Oh, binabasa-basa mo jan?!
Akala mo ba Gangster story ’to? Ha? Tadjakan kita eh. Puro nalang kayo Gangster! Puro nalang kayo Mafia! Puro nalang Bampira! Puro nalang kayo Heiress-heiress na yan! Put tank in a. Nakakasawa na!
Hindi niyo man lang ginagawan ng storya kaming mga Siga. Bakit? Ha? Porket ba hindi namin kayang maging Ideal guy niyo ha? Ha?! Porke’t ba hindi namin mabibili yung mga gusto niyo?! Ha?! Napaka anpir nun! Mabuti nga ’tong nagsulat nito ginawan pa ako ng storya eh. Salamat sa’yo ha? Tank in a mo. Gagawan mo nanga lang ako ng storya, ang sama pa ng title! At hindi lang yun, palagi pa akong nababasted sa storya na ’to! Tank in a mo talagang otor ka! Eh paano ba naman kasi, sa tuwing pinapakilala ko sarili ko sa mga nililigawan ko, minumurahan nila ako tas sasampalin! Tank in a. Nasan ang hustiya dun, ha? Nagpapakilala lang tapos sasampalin agad? Tas mumurahin pa?! mapapamura ka nalang din talaga eh. Tank in a.
So, sa mga nagbabasa jan, wag kayong maglipat ng ibang storya ha? Hm?! Makakatikim kayo sa’kin!
So ako nga pala si….ah wag na, baka mumurahin niyo rin akong mga hayop kayo.
Sasabihin ko nalang kung na’san ako ngayon. Andito ako sa isang puno na nakatayo dito sa skwelahan kung saan ako nag aaral. Alam mo kung bakit ako nandito? Syempre hindi diba? Hindi pa diba? Ha?….. Teka ba’t ang sama mong makatingin?! Ha?! Pasalamat ka maganda ka, kundi…ewan nalang.
So balik tayo, nandito ako ngayon dahil may hinihintay akong chicks, and me will asking her a det on tomorow. Oh english yun ah! Kala mo mga Gangster at Mafia Boss lang magaling sa english? Kami ring mga Siga no! We are a good speaker in english two! Ha anu ka?! Siguro nainlab kana sa’kin no’ ? Sorry girls, but I am founding the lady i’m dreaming in the night.
At yun ay walang iba kundi si Jesicacacaramel. Ang sweet ng pangalan diba?
Nung matanaw ko na ang aking sweetypie na papalabas ng gate ay mabilis ko na agad siyang pinuntahan. Tatlong buwan rin akong nanahimik. Sa tingin ko ay oras na para magpakilala na ako sakanya.
Nung makalapit ako sakanya ay agad ko siyang kinulbit dahilan para mapatingin siya sa’kin. Shet, i’m nervous system. Hoh! kalma lang.
“ U-uhm..Hi Jesica-ca-ca-ca-caramel.“ Shet I’m startering. Nabubulol ako.
Pero nung makita ko siyang ngumiti, parang nawala bigla lahat ng kaba ko. Napakaganda talaga niya.
“ Pwede ba kitang ayaing lumabas bukas? “ Nakangiting tanong ko. Ngumiti rin naman siya. “ Sure.“
“ T-talaga? “
“ Yup. So what’s your name nga pala? “
Agad naman akong ngumisi at naglahad ng kamay. “ Puutang Einamo.“ Masayang sagot ko–mabilis rin naman nagbago ang expresyon niya.
“ Tang*na mo rin! “ PAK!
Awts.
Okay lang sana kung sasampalin lang eh, kahit di ko alam yung rason. Pero ba’t may kasama pa talagang mura? T________T
Put tank in a naman eh T___T
Nakahithit lang ng milktea, pagpasensyahan niyo na hahahaha
Vote / Comment /
Sin
![Cover of Puutang Einamo : Ang Palamurang Siga [ One Shot ]](/story-covers/puutang-einamo-ang-palamurang-siga-one-shot_41147855.webp)
