RAINBOW SKIES (BxB)
thickhyungs · 3 chapters · 2,198 words
PROLOGUE
Third Person’s PoV
Taimtim na nag iisip si Jiefer para sa essay na ginagawa niya.
“Focus, focus, focus.”
Bulong niya sa kaniyang sarili.
Kanina pa siyang nakaupo at nag iisip, pero ni isang bagay ay walang pumapasok sa kaniyang utak.
“Arghhhh!”
Inis niyang pag ungol. Sa kaniyang inis ay napagpasyahan niya na lang magpahinga muna. Niligpit niya ang kaniyang mga gamit at kinuha ang kaniyang wallet at cellphone.
Agad siyang lumabas ng kanilang bahay pero napagtanto na lamang niya na hindi pala siya nakapagpaalam sa kaniyang magulang. Inisip niya na lang na babalik rin naman siya agad at hindi na lang siya papahalata pag nakauwi na.
Dahil malapit ang bahay nila sa mercado, dumiretso ang kaniyang mga paa sa isang milktea shop.
Pagpasok niya ay agad siyang nag order ng paborito niyang milktea flavor. Nagpadagdag pa siya ng boba pealrs dahil paborito niya ring nguyain ang mga ito.
Habang nag oorder si Jiefer ay siya namang pagpasok ng apat na kalalakihan.
Nang makapag order siya ay umupo muna siya para hinatyin ang kaniyang pagkain, balak niya kaseng sa bahay niya na lang kainin ang mga ito.
Agad na nagpantig ang kaniyang mga tenga nang marinig niya ang mga malalakas na tawanan sa kabilang lamesa.
“Tangina mo, Kiefer. Good shit na yun, pinakawalan mo pa.”
Malakas na bigkas ni Mark, isa sa mga apat na lalaki.
“Pre, kung makikita mo si Danah. For sure mas pipiliin mo pa siya kesa kay Kendra.”
Mayabang na sagot naman ni Keros.
“Wait lang, patingin nga. May picture ka?”
Curios na pag singit ni Carl sa usapan.
Agad namang nilabas ni Keros ang cellphone niya at pinakita ang babaeng sinasabi nito. Napatingin naman agad ang tatlo sa screen ng cellphone ni Keros. Namangha ang tatlo sa kanilang nakita at bilib na napatingin kay Keros.
“Gago, mas good shit nga.”
Di makapaniwalang sabi ni Mark.
“Pre, ito totoo lang tayo ha…”
Sabi ni Carl kay Keros sa seryoso niyang tono.
“Ano
?“ Walang emosyong sagot naman ni Keros.
Nagkatinginan ang tatlo sabay inilapit nila ang kanilang mga ulo kay Keros.
“Bago mo ba hiniwalayan si Danah. Na ano mo na? Alam mo na. Yung…”
Bulong na tanong ni Carl.
Napangisi na lang si Keros sa tanong ng kaibigan niya. Agad namang naghiyawan ang tatlo. Natigil na lang ang hiyawan nila ng may nagsalita.
“Hoy! Ang iingay niyo!”
Malakas at naiinis na pag saway ni Jiefer sa apat.
Pati ang cashier ay napatingin sa lakas ng boses ni Jiefer.
“Mabuti na lang at walang ibang customer”
sa isip-isip ng cashier.
“Kayo lang costumer? Kayo lang? Nasa basketball court ba kayo para humiyaw?”
Dagdag na sabi pa ni Jiefer.
Hindi na napigilan ni Keros ang sarili niya at agad siyang napatayo.
“Ano bang pake mo?! Init ng ulo mo ah! Tara suntukan oh!”
Paghahamong sagot niya.
Akmang lalapit na si Keros kay Jiefer ay agad siyang hinawakan at pinigilan ng tatlo niyang kasama.
“Pre, kalma lang.”
Pag aawat ni Mark kay Keros.
Dahil sa naipong inis ni Jiefer ay napatayo na rin siya. Dumagdag pa ang inis niya sa paggawa niya ng essay kanina ay talagang sumabog na siya.
“Aba, may gana ka pang manghamon, kayo na nga ’tong maingay!”
Panunumbat ni Jiefer kay Keros.
Dahil sa lakas ng sagutan nina Keros at Jiefer pati ang mga staff ay pumagitna na at pilit silang pinapakalma.
“Tara na, tara na. Hayaan mo na, Keros.”
Madiing sabi ni Carl habang hinihila nilang magkakaibigan si Keros palabas ng milktea-han.
Nagpumilit pa si Keros pero dahil sa mga kaibigan niya ay napilitan na lang rin siyang lumabas.
Napabuntong hininga na lang si Jiefer sa nangyari at agad na pinkinalma ang sarili. Nang makalabas ang apat ay siya namang paglapit ng staff kay Jiefer.
“Pasensya na po. Sorry po kung nakaabala ako. Sorry po, talaga.”
Sincere na pagpapaumanhin ni Jiefer sa mga staff.
Sinabihan naman siyang ok lang ito at naingayan din naman sila sa hiyawan ng mga magkakaibigan kanina.
Paulit-ulit na nag sorry si Jiefer sa mga staff hanggang sa dumating na ang order niya. Pagkakuha niya rito ay nagpaumanhin pa siya ulit saka lumabas.
Ang hindi niya inaasahan ay may nag aabang na isang lalaki sa kaniya. Nagulat na lang siya ng tawagin siya nito.
“Hey. Sorry sa kaibigan ko kanina.”
Mahinanong sabi ng lakaki. Namukhaan naman agad ni Jiefer ang lalaki at isa ito sa mga magkakaibigan.
“A-ah, ok lang.”
Nahihiyang sagot ni Jiefer dahil hindi niya ine expect ang lalaki.
“Pasensiya na sa ingay namin kanina. Pagsasabihan ko na lang sila.”
Sabay pilit na ngumiti ang lalaki.
“Sorry din. Bad mood din kase ako kanina.”
Napakamot naman sa ulo si Jiefer dahil hindi siya makatingin sa lalaki.
Nagkaron naman ng katahimikan sa kanilang dalawa, naghihintay na may unang magsalita bago sabihin ang nasa isip nila.
“Sige mau-”
,
“Sorry tal-”
Sabay na sabi ng dalawa. Nagkatinginan sila at sabay na natawa.
“I’m Lauffey.”
Pagpapakilala ng lalaki sa sarili niya.
“Jiefer.”
Sabay abot ni Jiefer ng kamay niya kay Luaffey.
Nag shake hands ang dalawa pero naging awkward na lang ng walang bumitaw. Unang bumitaw si Jiefer at agad na binawa ang kaniyang kamay.
“S-sige mauuna na ako.”
Paalam na sabi ni Jiefer.
“Ah, sige sige.”
Tumabi naman si Luaffey at pinaraan si Jiefer.
Agad na umalis si Jiafer at dali-daling naglakad. Hindi na siya lumingon pa at tuloy-tuloy lang sa kaniyang dinadaanan.
“Ingats!”
Pahabol namang sigaw ni Lauffey nang makalayo na si Jiefer.
Pinanood ni Lauffey na makalayo si Jiefer hanggang sa hindi niya ’to makita.
Nagulat na lang si Lauffey ng nagsisulputan sa likod niya ang kaniyang mga kaibigan.
“Congratulations pre. Success.”
Natutuwang sabi ni Mark kay Lauffey.
“Two months, yan pusta ko.”
Pag singit naman ni Keros.
“Sus, si Lauffey pa. One month lang yan.”
Agad namang dagdag ni Carl.
“Mga baliw!”
Natatawa namang sabi ni Lauffey sa tatlo.
Nagkantiyawan pa ang tatlo bago sila umalis at nag hiwa-hiwalay. Natawa na lang si Lauffey sa inasta ng mga kaibigan niya.
Nakangiting umuwi si Lauffey samantalang magulo ang utak at seryosong umuwi si Jiefer.
Para kay Jiefer, normal na araw lang ’to na may kakaibang pangyayari. Pero ang hindi niya alam ay dito magsisimula ang makulay niyang buhay.
To be Continued…
Chapter 1 - COINCIDENCE?
JIEFER’S
PoV
I can’t help but wonder. Coincidence pa ba talaga yung nangyayari sakin lately? Specifically, coincidence pa bang palagi kong nakikita si Lauffy?
Yes. Lauffy.
The guy I met nung muntik na akong napaaway dahil sa ingay nilang magbabarkada.
Turns out, dito rin pala sila nag aaral ng mga kaibigan niya. What a small world huh.
Every time I turn my head, palagi siyang andiyan.
Like right now, as in right now. Nakaupo ako ngayon sa isang bench dito sa school forest park. And guess what? Sa katapat kong bench ay nakaupo rin si Lauffy.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo ako papunta sa harap niya.
“Are you following me?”
Pranka kong tanong sa kaniya.
“Huh?”
Maang-maangan niya namang sagot.
“Don’t you even try to deny it.”
Mariin kong sabi.
“What are talking about? Ba’t naman kita susundan?”
He said na parang maling mali ako.
Napairap na lang ako at napabuntong hininga. I don’t have time for this. Hindi na ako natutuwa at na w-weirdohan na ako sa kaniya.
“Assuming na kung assuming, pero kung sinusundan mo ako. Please, just please. Tama na. It’s creeping me out.”
I said in my sincerest tone.
Akmang tatalikod at aalis na sana ako ay hinawakan niya ako. Agad ko namang inalis ang kamay niya at tumingin ako sa kaniya.
“Ano?”
Iritado kong tanong.
“Uhhh… sorry.”
Sagot niya sabay tumayo siya.
Napakunot na lang ako at hinintay kung may sasabihin pa ba siya.
“It’s just that…”
Ba’t ba hindi niya matuloy ang sinasabi niya at parang nag aalangan siya.
“What? You’re consuming my time.”
Seryoso akong tumingin sa kaniya.
“Can I… get your number?”
Para namang nabingi akosa sinabi niya at hindi ako nakasagot agad.
My what?! Did I heard it right?
“It’s true. Nahihiya lang talaga akong lumapit sayo uli kaya sinusundan lang kita.”
He said while scratching his head.
Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. He just stood there while waiting for my response.
“For what?”
Hindi ko makapaniwalang tanong.
“Well, I’m interested in you. So naisip ko, why not kunin ko yung number mo.”
Mas lalo pa akong natahimik sa sinabi niya. Parang hindi kayang i-processed ng utak ko yung mga naririnig ko.
“So, you’re gay?”
I asked curiously.
“Isn’t that obvious?”
He replied as if it’s the most obvious thing.
Napa isip naman ako kung ibibigay ko ba ang number ko. Honestly, this is a first. This is my first time being asked by someone for my number, and to think na lalaki pa.
Well… it’s not like I really have any romantic experience. Not even with a girl.
“I think my answer will be… no. I’m sorry.”
Agad ko naman siyang tinalikuran at naglakad na.
Nagulat na lang ako ng tumakbo siya papunta sa harapan ko.
“Promise. Hindi na kita susundan. Just give me your number.”
Sabay ngiti niyang sabi.
Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa. He’s handsome, like really really handsome. I think any girl would fall for this guy. Inisip ko naman kung anong meron ako.
Ano nga ba meron ako?
Simple lang naman akong tao. May pagka masungit at matapang pero mabait naman ako sa mga nakikita kong mababait rin.
“Fine. Just don’t bother me anymore.”
Sinadya kong ipahalata na napipilitan lang ako para sana makaramdam siya, pero wala. Ang tigas ng mokong at binigay niya pa ang cellphone niya sakin.
Dahil nga nasabi ko na, I was forced to give my number. Anyways, kahit naman mag text siya, hindi ako mag rereply.
Never, ever.
“Thank you.”
He said happily na para siyang batang binigyan ng candy.
Cute.
Huh? Cute?
Agad ko namang iniba ang iniisip ko at napaiwas ako ng tingin.
“Bye.”
Hindi ko na siya hinintay na makapag salita pa at naglakad na ako.
Narinig ko pa ang pahabol niyang “bye” pero hindi na ako lumingon pa.
Finally.
Subukan niya lang na sundan pa ako at talagang makikita niya ang hindi niya pa nakikita.
Dumiretso na ako sa next subject ko at agad na umupo sa tabi ng kaibigan ko. I focused my self listening to the professor. I removed any distraction in my mind.
Ganon lang ang ginawa ko sa mga sumunod ko pang subjects. Kailangan kong mag aral ng mabuti para makuha ko yung goal ko. And that is to be a Cum Laude.
It’s my dream and my parent’s dream. Hindi naman nila ako pine-pressure pero syempre binibigay ko talaga ang best ko.
Nang matapos ang school ko ay agad akong umuwi. Deritso agad sa kwarto at di ko na nabati pa sina mama at papa. Pagod akong nahiga at napapikit.
While I was resting, my phone suddenly vibrated. I quickly checked kung may email ba ako na related sa school pero ang nakita ko ay isang message. One message from an unfamiliar number.
Agad ko namang na realize kung kanino ito at napapikit na lang.
Is he really serious?
I was curious kung anong message niya kaya binuksan ko ito.
“Hello, Jie! Hope you got home safely.”
Sabi ni Lauffy sa chat with matching emoji pang nakangiti.
Although I was tempted to reply back, pinigilan ko ang sarili ko dahil nangako ako sa sarili ko.
I don’t have the time for romantic things. I don’t want to entertain someone, I don’t need to entertain someone, and I can’t entertain someone.
Time will come for that.
Well, I feel sorry for Lauffey but this is just how it is.
He said na interested lang siya sakin, he didn’t say he likes me. So hopefully, yung pag ignore ko sa kaniya, eh mawala yung pagka interesado niya sakin.
Like I said, he’s handsome. I’m sure there’s plenty of people out there na nagkakagusto rin sa kaniya.
Sa haba ng pag iisip ko ay nakaramdam uli ako ng pag vibrate ng phone ko.
“Hey, I have a pick up line for you.”
Sabi niya sa bago niyang message.
Siguro akala niya ay magrereply ako pero ilang minuto na ang lumipas at hinayaan ko lang ’to.
Akmang bababa na sana ako para mag dinner ay naramdaman ko uli pag pag vibrate ng phone ko.
“Awwe, plese don’t ignore me.”
He said habang may emoji na nagpapaawa.
“Anyways, ito pala pick up line ko. Gulay ka ba?”
Wala pang ilang segundo ay sinagot niya ang sarili niya.
“Bakit?”
Natawa naman ako at napangiti.
“Kase ang CUTE-CUMBER mo.”
He said with a wide smiling emoji.
“Oh, kinikilig ka ata?”
Rinig kong boses ni mama.
I quickly turn my gaze up. Hndi ko namamalayang nakangiti na pala akong nakatingin sa cellphone ko habang papunta sa kusina.
“Wala ma, natawa lang ako sa isang video online.”
Pagdadahilan ko at agad na umupo sa mesa.
What are you smiling for Jiefer?
It was funny. That’s it.
Pinatay ko na lang ang cellphone ko at masayang nakisalo kina mama at papa sa dinner namin.
Haisssst. Today was exhausting.
To be continued…
BREAK!!
Author’s Note:
I’ll continue this story when I have the time na, guys! (. ❛ ᴗ ❛.)

