loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
RED EYES (Book Three of Red Ribbon)

RED EYES (Book Three of Red Ribbon)

misterdisguise · 2 chapters · 605 words

DISCLAIMER

RED EYES contains some scenes that are not suitable for young readers. Parental guidance is advised. This might contain foul words, gore scenes, harassment and such. Do not read this if you haven’t read RED RIBBON.

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PROLOGO

Suot ng isang magarang damit, umupo sa isang bakanteng upuan sa harap ni Sammie si Alex na pinagigitnaan ng mahabang mesa. Pulang-pula ang labi niya na binagay sa kanyang mataray na awra – nagpapakita ng kanyang tapang at postura. Matatalim na tumitig si Sammie sa kanya na animo’y gusto siyang sakalin anumang oras na iiwas niya ang kanyang tingin.

            "Kumusta ka na Sammie? Kumusta na ang matalik kong kaibigan? Masaya ba sa mental hospital?" aniya at saka ngumisi na may halong pang-aasar.

            "Masaya. Sobrang saya nga talaga rito. Sana matagal na pala akong tumira rito. Alam mo bang may mas sasaya pa rito?" tanong nito. Kagat-kagat nito ang ibabang labi habang malilikot ang mga matang inililibot sa bawat sulok ng puting kwarto. Tumutulo pa ang malagkit na laway nito na animo'y asong ulol na maaaring mangagat sa taong nananapak sa kanyang teritoryo.

            "Ano?"

            "Masaya kung kasama kita rito..." pabulong na sagot nito at tumawa nang malakas.

            Humalukipkip si Alex at mariing tinitigan ang kaibigan. Tuluyan na nga itong tinakasan ng katinuan. Malayong-malayo ito sa taong dati niyang hinangaan. Isa na itong imahe ng taong naging desperado maangkin lang ang inaasam na katanyagan. Tuluyan na itong nilamon ng kasikaman ng industriyang may dalawang mukha.

            "Naaalala mo ba si Tristan?" tanong niya na nagpatigil sa pagtawa ni Sammie.

            Huminto ito pansamantala at marahang ipinihit ang ulo patutok sa kanya. Lumabas ang naninilaw na nitong ngipin dahil sa abot-taingang ngiti.

            "Si Tristan? Si Tristan? Si Tristan?!" sunod-sunod nitong wika hanggang sa tuluyan na itong magwala.

            Agad namang lumapit ang mga nurse upang awatin si Sammie. Pero higit itong malakas kaya't madali ring nakakawala. Mabilis itong lumapit kay Alex na halos ikatumba ng huli. Mariin ang mga hawak nito sa kanyang balikat na animo'y babaon ang mga kuko hanggang sa kanyang laman.

            "Ano'ng ginawa mo kay Tristan?!" bulyaw ni Sammie.

            Halos maglapit ang kanilang mga mukha. Kung ang isa ay may halong takot sa mga mata, ang isa naman ay puno ng galit na sumidhi dahil sa pagkamuhi at paghihiganti.

            Tiim bagang na sumagot si Alex. "Pinatay ko na siya..." halos pabulong niyang sabi.

            Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Sammie sa kanyang balikat.

            "Hawakan niyo siya," utos ng isang nurse sa mga kasamahan nito at agad na lumapit sa nasaktan na si Alex. "Paumanhin po pero kailangan niyo na pong umalis. Magpapatuloy kasi sa pagwawala si Sammie kung makikita niya pa kayo rito."

            "Oh sige. Paalis na rin naman talaga ako," magalang niyang sabi.

            Bago lumisan, pinagmasdan niya pa ang nagwawalang kaibigan. Galit na galit ito na patuloy sa pagpupumiglas. Nagkalat ang mga upuan at tumumba ang lamesa dahil sa pagwawala nito.

            "Papatayin kita, Alex! Papatayin kita, Alex! Tandaan mo 'yan! Babalikan kita hanggang sa hukay! Pagbabayaran mo ang lahat ng ito!" pagbabanta ni Sammie.

            Nilisan na ni Alex ang kwarto bitbit ang takot sa mga naging pahayag ni Sammie. Hindi niya maiwaksi ang kabang naramdaman ng mga oras na iyon.

            Paano nga kaya kung magbalik si Sammie upang patayin siya? Hindi niya maatim titigan ang sarili habang natakbo muli mula kay Kamatayan. Sisiguraduhin niya na sa pagkakataong ito na siya na mismo ang hahabol at papatay sa sugo ni Kamatayan.

Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.