loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Red Tape (Book Two of Red Ribbon)

Red Tape (Book Two of Red Ribbon)

misterdisguise · 37 chapters · 51,715 words

DISCLAIMER

Ang Red Tape ay Book Two ng Red Ribbon. May ilang karakter na may kaugnayan sa kwento kaya’t kailangan munang basahin ang nauna upang hindi maguluhan. Maraming salamat!

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Red Tape (PROLOGUE)

PROLOGUE

        MAG-ISA lamang nang mga oras na iyon si Rick. Kasalukuyan pa rin kasi siyang naka-hospital arrest dahil na nga rin sa kanyang natamong mga sugat nang nakaraang araw. Hindi pa rin kasi lubos na maayos ang kanyang pangangatawan. Gayunpaman ay unti-unti na rin siyang nakaririnig dahil sa hearing aid mula nang pagtangkaan niyang sirain ang kanyang pandinig.

        Hindi niya mawari kung papaanong umabot siya sa ganito. Isang pulis na ngayon ay arestado dahil sa sobrang pagkalulong sa pag-ibig ang naging kanya ngayo'y deskripsyon sa sarili.

        "Kumain na po kayo," alok ng nars na nasa kanyang likuran, bitbit ang isang tray ng pagkain.

        Hindi umimik si Rick at ipinagsawalang-bahala ang presensya ng nars sa tabi. Nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang labas mula sa bintana. Hindi rin siya gaanong nagsasalita. Tanging katahimikan lamang ang kanyang magiging tugon sa sinumang kumausap sa kanya.

        "Kumain ka na, Rick," pagpupumilit pa ng nars na may diin sa pagbigkas.

        Imbes na pansinin ang nars, nangunot ang noo ni Rick nang mapansin ang isang sasakyan mula sa labas. Parang pamilyar sa kanya ang sasakyan na iyon. Pilit niyang inaalala kung sino ang nagmamay-ari ng naturang sasakyan.

        Ilang saglit lang, naramdaman niyang may biglang lumapit sa kanyang mukha dahil sa hiningang tumatama mula sa kanyang batok.

        "Nagulat ka ba sa sasakyan na nasa labas?" 

        Nanlaki bigla ang mga mata ni Rick nang makilala ang boses. Nakaramdam siya ng panlalamig at takot. Pilit bumabalik sa kanya ang mga alaala na kanyang kinatatakutan – ang dahilan bakit siya nandirito.

        Naramdaman niya bigla ang paghigpit ng hawak nito sa kanyang balikat. Agad siyang humarap upang mapagmasdan ang mukha ng inaakala niyang nars.

        "P-paanong?" naguguluhan niyang tanong.

        "Anong paano? Dapat yata'y bakit. Bakit ako naririto? Bakit ako nasa tabi mo?" Huminga ito nang malalim bago nagsalita. "Simple lang. Gaganti ako sa ginawa mo! Mamamatay ka! Kung akala mo ay ligtas ka na, d'yan ka nagkakamali," galit na sigaw nito sa kanya habang mariin siyang tinititigan.

        Nanigas ang buong katawan ni Rick dahil sa sobrang pagkabigla. Hindi niya inakala na maghihiganti ito kapalit ng kanyang ginawa.

        "P-Patawarin mo ako," pagmamakaawa ni Rick. 

        Kitang-kita niya ang matulis na patalim na hawak nito na maaaring ikapunit ng kanyang laman. Hindi man niya gaanong marinig ang sinasabi nito dahil sa pagkabasag ng kanyang eardrum, ramdam niya ang galit at poot sa bawat salitang binibigkas nito.

        "Huli na! Magpaalam ka na!" bulyaw nito.

        Dali-dali nitong iwinasiwas ang hawak na patalim sa mukha ni Rick dahilan upang kumalat mula roon ang napakaraming dugo. Nangangatog na hinawakan ni Rick ang duguang mukha na halos makita na ang mga buto. Nanlalaki ang mga mata niya habang tinititigan ang kamay na may bahid ng kanyang dugo.

        Lalo pang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang muling pagwasiwas nito sa patalim. Tinamaan sa katawan si Rick at agad siyang bumagsak sa sahig. Nanghihina ang buo niyang katawan dahil sa mga sugat na natamo. Ginamit niya ang kanyang buong lakas upang makagapang papalayo.

        "T-tulong..." nasambit niyang pagsusumamo sa kabila ng kanyang pagsisikap.

        "Saan ka naman pupunta? Hindi pa tayo tapos," pagbabanta nito. Dahan-dahang lumalapit ito kay Rick. Umupo ito mula sa kanyang likuran at saka hinawakan ang kanyang buhok. "Hindi ka na naawa nang ginawa mo 'to, 'di ba? 'Di ba?! Kamatayan ang nababagay sa mga kagaya mo!"

        "Maawa ka..." Hindi na makakilos pa si Rick. Iniangat nito ang hawak na patalim at inilapat sa leeg ni Rick. Isang mabilis at marahas na paghiwa ang ginawa nito sa leeg ni Rick na halos maghiwalay sa kanyang ulo at katawan. Inampatan niya ng kanyang mga kamay ang dumudugong leeg upang hindi makawala ang dugo.

        Nakaramdam siya na tila ba'y nauubusan na siya ng hangin. Lalo pa siyang nanghina nang biglang may tumatarak na patalim sa kanyang likuran. Ramdam niya sa kanyang likod ang pag-angat at pagbaon ng patalim.

        "Tama na..." pagmamakaawa niya.

        "Hindi 'to matatapos hangga't hindi ka pa namamatay!" bulyaw nito. Mistulang magagandang tinig ang paghingi ng awa at palahaw na sigaw ni Rick para sa kanya. "Sige pa! Mamamatay ka na!" Walang humpay ang unday nito sa patalim na hawak at mariing ibinabaon sa kahit saang parte ng katawan ni Rick.

        Nagsimula ng maglabo ang paningin ni Rick ngunit ramdam niya pa rin ang mga saksak. Tumingala na lamang siya upang matanaw ang liwanag ng paligid kahit sa huling pagkakataon.

        "S-sa..."

RED TAPE 1

CHAPTER ONE

Lights, Camera, Action!

MAKALIPAS ANG ISANG TAON…

Kasalukuyang nasa isang programa sa telebisyon si Alex Farr upang bigyang linaw ang mga tsismis na naging kakambal niya matapos maging isang sikat na aktres. Mag-iisang taon palang siya sa nasabing industriya ngunit mistulang isang bomba na sumabog ang karera ni Alex at tuloy-tuloy ang naging swerte niya sa naturang larangan.

Marami ang nagbago sa kanyang karera bilang aktres noon sa teatro hanggang sa maging isa sa mga pinakasikat na artista ng kanyang henerasyon. Kung noon ay tanging mga manunuod lang ng teatro ang nakakakilala sa kanyang talento, ngayon, ang buong mundo ay hinahangaan na siya.

Ganon naging kabilis ang swerteng dumapo sa kanya. Ngunit hindi niya alintana ang magiging kaakibat nitong konsekwensya. Hindi pa sa ngayon…

“Maraming salamat sa iyong paunlak sa aming panayam, Ms. Alex Farr,” taos-pusong pasasalamat ng host sa dalaga at saka ngumiti dahil na rin sa tuwa bago matapos ang programa.

Ginantihan naman ni Alex ang host ng ngiti kahit alam ng mga taong lubos na nakakakilala sa kanya na peke ang mga iyon. “Walang anuman po. Lagi naman po akong bukas para sa inyong programa,” pagkukunwari niya.

“Salamat muli, Ms. Farr,” pasasalamat muli nito at humarap na sa camera upang magpaalam.“At d’yan na nagtatapos ang isang oras nating pagsasama. Muli ay abangan niyo ang maaanghang na pag-amin ng inyong mga paboritong artista dito sa… Showbizness Lang !”

Kumaway pa si Alex sa nakaharap na camera bilang tanda ng pagpapaalam bago niya hinubad ang kanina pa niyang pekeng ngiti – na karaniwan na sa industriyang kanyang kinabibilangan. Kailangan maging isang magandang imahe ka sa publiko na tila walang kapintasan. Isang magandang modelo na dapat nilang tularan.

Tumayo na siya sa pagkakaupo at lumapit sa kanyang make-up artist na nag-aabang lang sa kanya mula sa backstage.

“Ayusan mo ako. May meeting pa ako kasama si Mr. Chua,” maawtoridad niyang utos sa kanyang make-up artist na si Leslie. Mistulang isang aso naman na napasunod sa isang iglap ang ginang na nasa edad talompu’t anim.

Agad na itong lumapit sa nagmamadaling si Alex na patungo naman sa kanyang dressing room. Naupo si Alex at tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin.

“Ma’am, maayos pa naman po ang make-up niyo, e. Konting retouch na lang po ang gagawin ko,” anito habang kinukuha ang mga nakalatag na make-up sa ibabaw ng mesa na may malaking salamin na naliligiran ng bombilya.

Nakataas-kilay na minata ni Alex si Leslie na may halong pagkainis. “Bakit ba kailangan mo pang sabihin sa akin? Sino ba sa atin ang make-up artist? Hindi ba’t ikaw? Ayusin mo na lang!” iritableng sabi niya. Ang ayaw niya kasi sa lahat ay ang mga taong aanga-anga na kailangan pang ipamukha na tanga sila.

Sinunod na lamang ni Leslie ang kagustuhan ng amo at inilapat na sa mukha ang blush on na hawak. Kahit sa loob-loob ay halos sumabog na ang galit sa dibdib ni Leslie, minabuti na lang nitong magtimpi para hindi matanggal sa trabaho.

Maya-maya’y biglang tumunog ang cellphone ni Alex. Tiningnan niya kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa kanyang cellphone, si Tristan Simpson. Napangiti naman siya at agad na sinagot ang tawag.

“Hello, Mr. Simpson,” saad niya sa malanding tono habang iniikot sa kamay ang buhok. Napatigil naman sa paglalagay ng blush on si Leslie dahil sa nakaharang na kamay ni Alex.

“Hi, Ms. Beautiful,” saad naman sa kabilang linya. “Do you have a free time today? Wanna have a date tonight?”

“I’ll check my schedule first,” wika niya at nagkunwari na may tinitingnan na schedule. “I’m free tonight.”

“That’s great. So, 7 o’clock, same place?”

“Sure. Same place. See ’yah there. Bye,” aniya at saka kinagat ang mapupulang labi. Binaba na niya ang tawag at muling itinuon ang atensyon kay Leslie. “Tsismosa,” mariin niyang sabi sa make-up artist.

“Hindi po. Hindi ko nga po kilala kung sino ’yong katawagan niyo,” depensa naman ng kawawang si Leslie.

“Good. By the way, bakit hindi mo pa tinatapos ang ginagawa mo? Anong hinihintay mo? Pasko?!” sumbat niya muli rito.

Hindi na nagsalita pa si Leslie dahil baka saan na naman mapunta ang kanilang usapan kung saan ay lagi naman siyang talo. Kung hindi lang talaga nito kailangan ng trabaho ay hindi nito pagtya-tyagaan ang nakakasukang ugali ni Alex na daig pa ang kampon ni Satanas sa sobrang kasuklam-suklam.

“Ang sarap mo patayin,” nasambit ni Leslie sa hangin dahil sa sobrang pagkainis.

Minsan ay iniisip nito kung sa paanong paraan maaaring mamatay ang amo nang hindi man lang napagbibintangan. Pakiramdam kasi nito ay hindi na tatagal ang kanyang pasensya sa paulit-ulit na pangmamaliit ni Alex at sa pagkakataong iyon ay baka tuluyan na nitong mapatay ang dalaga.

“Aaaaww!” reklamo ni Alex dahil sa madiin na paglalagay ni Leslie ng blush on sa kanyang mukha. Sinapo niya ang masakit na parte ng mukha at sinulyapan ang itsura sa salamin. Namumula ang kaliwang parte ng kanyang pisngi dahil sa sobra-sobrang paglalagay ng make up at dahil din sa pagkakadiin ng blush on sa kanyang mukha.

“Patawarin niyo po ako,” doon lamang bumalik sa ulirat si Leslie.

“Wala ka talagang kwenta! Boba!” pangmamaliit niya rito at saka hinablot ang buhok ng ginang. Hindi naman magawang makaganti ni Leslie dahil sa takot kaya hinayaan na lang nitong sabunutan siya.

Natigilan naman si Alex sa kanyang ginagawa nang biglang sumilip sa dressing room ang kanyang manager na Ms. Stella Mercado, isang mid-40’s na ginang. Kilala siya sa paghawak ng magagaling na artista. Maswerte si Alex dahil kinuha siya ni Ms. Mercado bilang ‘alaga’ kaya’t narating niya ang tugatog ng katanyagan.

Bakas sa mukha nito ang pagtataka dahil sa nadatnan na senaryo at sa namumulang mukha ni Alex. “Anong nangyayari dito? At bakit nagkaganyan ang mukha mo Alex?” nagugulumihanang tanong ng manager.

Umarte naman na aping-api si Alex at pinadaloy pa ang mga luha sa kanyang mukha para makuha ang simpatya ng manager. Madalas niya itong gawin upang hindi makita ang kanyang mga kamalian. “Si Ms. Leslie po, sinaktan niya ako,” naluluha niyang sabi at saka lumapit sa manager.

“Wala po akong kina –” Hindi na nito nagawang pang ituloy ang kanyang sasabihin dahil biglang sumingit ang nagpapaawang si Alex.

“Aray! Ang sakit po talaga,” paawa pa niya at sapo-sapo ang kunyari’y nananakit na pisngi.

Mariin namang tiningnan ng manager ang make-up artist. “Hindi ko na gustong maulit pa ang bagay na ito, Leslie. Ayusin mo na lang ang make-up ni Alex dahil maya-maya ay pupunta na kami kay Mr. Chua. Hindi ko gustong ganyan ang itsura niya kapag nakipag-meeting kami. Nagkakaintindihan ba tayo?”

“Opo,” maikling tugon ni Leslie. Wala na naman itong naging panama sa paawa ni Alex na lagi namang nakakakuha ng simpatya ng lahat. Sinunod na lamang nito ang naging utos sa kanya at mariing niyukom ang nagpupumiglas na mga kamay na kanina pa gustong lumapat sa mukha ni Alex.

“Maraming salamat, Leslie,” pang-aasar ng dalaga sa make-up artist na kanina pa nagpipigil. Lumabas na si Alex kasama ang kanyang manager at dumiretso sa opisina ni Mr. Chua.

Si Mr. Brian Chua ang kasalukuyang C.E.O ng ARR Films kung saan nagtatrabaho si Alex. Medyo bata pa ito na nasa edad kwarenta pa lamang. Isa sa mga inaalagaan niyang talents si Alex dahil matapos mamatay ni Celine sa isang insidente ay siya namang biglang pag-unlad ng karera ng dalaga.

Binuksan nila ang pinto ng opisina at bumungad sa kanila ang nag-aabang na ginoo. “Welcome, Ms. Farr and Ms. Mercado. Have a seat,” paanyaya nito sa mga bakanteng upuan na nasa tapat ng kanyang mesa.

“Good afternoon, Mr. Chua,” bati ng dalaga.

Nginitian naman siya ni Mr. Chua bilang ganti. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want to offer you the next project of ARR Films. Ikaw kasi ang pinaka-fit sa magiging role. As a matter of fact, ikaw pa ang maaaring pumili ng magiging katambal mo sa nasabing pelikula,” panghihikayat ng ginoo.

“Well, as long as the price is right, wala tayong magiging problema,” tugon naman kaagad ni Ms. Mercado at saka nginitian si Alex bilang senyas na um-oo siya sa offer ni Mr. Chua.

“Wala naman tayong magiging problema d’yan, Ms. Mercado. Sa tingin ko naman ay parehas na kayong sang-ayon sa naging offer ko.” Inilabas nito ang isang folder na naglalaman ng kontrata sa gagawin na pelikula. “Maaari niyo ng pirmahan ang kontrata,” saad ni Mr. Chua.

Walang anu-ano’y bigla na lang pumirma ang manager sa nakapatong na papel at saka ibinigay kay Alex upang siya naman ang pumirma. Wala na rin naman siyang magagawa dahil sunod-sunuran lang siya sa kanyang manager kahit alam niyang ginagawa lang siya nitong gatasang-baka.

Mabilis natapos ang meeting na iyon at agad na lumabas ang dalawa sa opisina.

“Ngumiti ka naman, Alex kahit na kaunti lang. Para namang sinasabi mo na napilitan ka lang sa pagpirma,” wika ng kanyang manager.

Ngumiti na lamang si Alex at sinunod ang pinag-uutos sa kanya. “Sige, aalis na ako,” walang kaemo-emosyon niyang sabi at saka tumalikod para umalis.

Bigla naman siyang hinawakan ng kanyang manager sa braso dahilan upang mapaharap siya rito. “Huwag mo akong sasagutin ng ganyan! Kung hindi dahil sa’kin, hindi ka sisikat kaya magpasalamat ka. Kayang-kaya kita pabagsakin anumang oras. Tandaan mo ’yan!” mariing pagbabanta nito. Mistulang pinagduduldulan nito na utang ni Alex ang kanyang buhay sa manager.

Hindi na nakapagsalita pa si Alex dahil sa takot na mawala ang kanyang matagal na inasam na katanyagan. Hindi na niya gusto pang bumalik sa teatro kung saan ay walang nakakapansin sa kanya. Gagawin niya ang lahat upang manatili sa kanyang posisyon.

“Mahalin mo na kung paano kita itrato ngayon dahil mabilis akong magsawa,” babala nito sabay binitawan na ang braso ni Alex. Naglakad na ito palayo at naiwan namang tahimik lang si Alex at hinahanap ang ulirat.

“Magtitiis pa ako,” wika niya sa sarili kasabay ang pagtulo ng kanyang luha na dala ng takot.


“ARE you sure with her? Baka naman baliktarin tayo ng babaeng ’yan. Nagkamali ’ata tayo sa pagkuha sa kanya,” aniya habang hawak ang isang basong wine at nakade-quatrong upo sa isang sofa.

Humarap sa kanya ang kausap at binigyan siya ng tingin ng pagkadismaya. “Sayang naman. Akala ko pa naman ay kailangan na kailangan niya ng pera kaya siya ang pinili ko. Kumbaga madaling utuin. Sino ba naman kasi ang ayaw ng pera, ’di ba?” anito at saka nagsalok ng wine sa hawak nitong wine glass.

“You know, I’m a bit dismay with her. Masyado siyang mabagal. We’ve already given her one week to do the job, pero wala pa rin. So, are we now going to kill her?”

“Her time is up! Kung tutuusin, kaya ko namang gawin ang ipinag-uutos ko sa kanya, pero ayaw ko lang dungisan ang sarili kong mga kamay. Saka gusto kong makitang nagmamakaawa si Alex. Gustong-gusto ko ’yon makita.”

“Gusto mo talaga siyang makitang naghihirap, no’?” nangingisi niyang sabi.

“Of course, not! Ang bait ko kaya,” sarkastiko nitong sabi at pinaikot-ikot ang susi sa kanyang hintuturo. “Bakit? Ayaw mo ba siyang nakikitang naghihirap?”

“Hindi naman ako kasing plastic mo. She made my life miserable. Dapat parehas lang kami,” nakatiim-bagang niyang saad at mabilis na nilagok ang wine.

“Okay. I gotta go! Baka mahuli pa ako. Tingnan mo na lang sa newspaper ang magiging headline,” pabiro nitong sabi at pumanaog na palabas.

“Wait!” pigil niyang tawag.

“What?!”

“H’wag kang tanga. Ayokong masira ang plano, okay?”

Ngumiti na lamang ito bilang tugon at saka itinaas ang kaliwang kilay. Nag-iwan din ito ng nakalolokong ngiti bago naglaho sa kanyang paningin.

RED TAPE 2

CHAPTER TWO

Put Some Additives

        INIAYOS na ni Leslie ang kanyang mga gamit para makauwi at makapaghinga na rin. Ayaw na niya kasing maabutan pa si Alex at baka magtagpo na naman ang kanyang mga kilay na laging rumerehistro sa kanyang mukha sa tuwing makikita ang dalaga. Isinalansan na niya ang mga make-up tools at isinilid sa kit na kanyang bitbit.

        Binuksan niya ang pinto ng dressing room upang makalabas nang biglang bumunggo ang kanyang katawan sa taong nakaharang sa pinto. Nabitawan niya ang bitbit na bag sa pagkabigla. Mabuti na lang ay nakasara ang bag kaya hindi kumalat ang laman nitong mga make-up.

        "Araayy!" reklamo ng taong kanyang nabangga. Doon lamang niya napagtanto na si Joel Abalos, isa sa mga cameraman, ang kanyang tinamaan. Nakaupo ito sa sahig habang hawak-hawak ang nananakit na ulo. "Ang sakit no'n, ah!"

        "Dapat nga ako ang magreklamo, e. Bakit ka ba kasi nasa pintuan? Wala dito si Alex kung siya man ang hinahanap mo," dire-diresto niyang sabi habang sinasalat pa ang nananakit na sentido. Lingid sa kanyang kaalaman na may matagal ng pagtangi ang cameraman kay Alex na hindi niya lubos maisip kung paano nito nagugustuhan ang ugaling mayroon ang dalaga.

        "Sa bagay, wala naman kasing nakakaalam ng tunay na ugali ng anak ni Satanas," naibulong niya.

        Gumuhit naman ang lungkot sa labi nito dahil sa pagkadismaya. Matagal na kasi siyang nagpapapansin sa dalaga ngunit hindi man lang siya nito magawang pansinin. Kaya madalas ay sa sulyap at pagtitig na lang nito binabawi ang umaapaw na paghanga sa aktres.

        "Sige, aalis na lang ako," malungkot nitong sabi at humakbang patalikod.

        Agad namang pinigilan ni Leslie si Joel sa paglalakad. "Hawakan mo 'to," aniya at saka iniabot ang isang puting panyo na may nakaburdang pangalan ni Alex. "Naiwan niya 'yan kanina. Sa'yo na lang 'yan. Panigurado namang hindi na niya 'yan hahanapin pa."

        Mabilis namang kinuha ni Joel ang panyo at saka inamoy-amoy pa. Pakiramdam nito ay malaya na nitong nahahagkan ang aktres nang mahigpit. 

        Halos mangunot naman ang noo ni Leslie sa paraan ng pagkahumaling ni Joel sa dalaga. Tila isa itong aso na gagawin ang lahat para sa lamang ninanais. Napailing na lang siya.

        "Maraming salamat dito," saad nito at saka ngumiti kay Leslie.

        "Ewan ko ba sa'yo at bakit gustong-gusto mo si Alex samantalang mala-demonyo naman ang ugali ng babaeng 'yon. Kampon 'ata ni Satanas 'yon na sinuka na rin ng impyerno," pagsasalarawan ni Leslie.

        Matalas na tiningnan ni Joel si Leslie na animo'y isang kutsilyo na maaaring humiwa sa kanya. Marahas nitong hinawakan si Leslie sa kanang braso habang hindi pa rin inaalis ang masamang tingin. "Wala kang karapatan para siraan ang taong mahal ko! Papatayin kita kapag inulit mo pa ang mga salitang 'yan," mariin nitong sabi.

        Nangangatog na nagpupumiglas mula sa pagkakakapit sa kanya si Leslie. Nakaramdam siya ng takot sa mga salitang binitiwan ni Joel. "B-bitawan mo ko!" kinakabahan niyang sabi.

        Nang makalaya sa mahigpit na pagkakahawak ay agad niyang dinampot ang kanyang bag at nagsimula ng maglakad papalayo. Pasulyap niyang tinitingnan si Joel mula sa posisyon nito at naroroon pa rin ang nakakatakot nitong tingin sa kanya kaya mas binilisan pa niya ang paglalakad hanggang sa makalabas ng gusali.

        Nakahinga siya nang maluwag nang marating na niya ang main gate. Hinawakan niya ang kanyang dibdib na magsahanggang ngayon ay malakas pa rin ang kabog.

        "Kinabahan ako ro'n, ah," nakayuko niyang sabi.

        Hindi niya namalayan ang oras. Napansin na lamang niyang madilim na ang labas at kakaunti na lang ang mga sasakyang dumaraan. 

        Naramdaman niya ang biglang paghawak ng isang kamay sa kanyang balikat. Madiin iyon na tila sinasadya ang bigat upang bumigay ang kanyang balikat.

        "Bakit ka nagmamadali?" Napalingon siya at namilog ang mga mata. Si Joel! Nanginginig siyang napaiwas. Maswerte naman siya nang biglang may dumaan na taxi at agad niya iyong pinara. Natataranta siyang sumakay at sinara ang pinto ng taxi.

        "Sa Pasay po," saad niya sa drayber. Nilingon niya si Joel sa huling pagkakataon at nakitang nakatingin pa rin ito sa kanyang direksyon. Nang makalayo-layo ang sinasakyan, isinandal niya ang kanyang ulo sa upuan at tinanaw ang binabagtas na daan. Bumalik sa kanyang alaala ang nakakatakot na itsura ni Joel kanina. Halos patayin na siya nito sa titig pa lamang.

        "Baliw 'yong lalaking 'yon. Papatayin 'ata ako," wika niya sa kanyang sarili. Itinaas niya ang manggas ng kanyang damit upang tingnan ang marka ng pagkakahawak sa kanya ni Joel. Halos magkulay ube naman iyon dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak.

        "Lagot talaga sa akin 'yon bukas," pagbabanta niya.

        Habang nasa biyahe, napansin niya ang makailang sulyap ng drayber sa kanya mula sa rearview mirror ng sasakyan. Hindi naman niya gaanong makita ang mukha nito pero parang pamilyar sa kanya ang mga mata nito.

        "P-Parang kilala ko kayo," marahan niyang sabi sa drayber.

        Napansin naman niyang ngumiti ito dahil sa mga naningkit nitong mata. "Kilala rin naman kita," saad nito. Doon na lamang napagtanto ni Leslie kung sino ang drayber nang makupirma niya ang boses nito.

        "A-anong g-ginagawa mo?" kinakabahan niyang tanong. Huminto ang sasakyan sa isang kalsadang madilim at walang gaanong tao.  "N-nasaan t-tayo?"

        Humarap sa kanya ito na mayroong nakakalokong ngiti. "Nasa impyerno na tayo," anito at saka humalakhak nang napakalakas. Agad na hinawakan ni Leslie ang pinto ng sasakyan upang makatakas ngunit mabilis nitong nahablot ang kanyang buhok. "At saan mo naman balak pumunta?"

        "Bitawan mo ko!" reklamo niya habang inaalis ang mahigpit na pagkakakapit sa kanyang buhok. Halos maghiwalay ang mga hibla ng kanyang buhok mula sa anit dahil sa pagkakahila. Namumula na ang kanyang mukha dahil sa sobrang sakit na nadarama.

        "Sinabi ko na kasi sa 'yong walang atrasan pero anong ginawa mo? tinalikuran mo kami! Wala kang kwenta! Babayaran ka naman namin ng tama kapag nasaayos na ang plano!" bwelta nito habang hindi pa rin pinakawawalan si Leslie.

        Nangingiwi na ang kanyang mukha dahil sa sakit. Sinubukan niyang ibaon ang kanyang mga kuko upang makawala pero tila iniinda lang nito ang sakit.

        "Ayoko na! Ayoko na! Hindi ako mamamatay-tao! Sa inyo na ang pera niyo!" Mabilis na kinuha ni Leslie ang kanyang bag at malakas na inihampas sa katawan nito. Lumuwag naman ang pagkakahawak nito sa kanyang buhok kaya mabilis na nakatakbo papalayo si Leslie. 

        "Wala kang matatakbuhan!" sigaw nito.

        Nagpatuloy lang sa pagtakbo si Leslie sa kahabaan ng daan. Wala siyang pakialam kung gaano kalayo ang kailangan niyang takbuhin, makaligtas lamang sa taong iyon. Naluluha na rin siya para sa kanyang sarili na maaaring kunin na ni Kamatayan kung sakaling siya'y mahabol.

        Napansin na lamang niya ang humahaba niyang anino paharap dahil sa headlight ng taxi. Nanlalaki-mata niyang sinulyapan ang kanyang likod dahil sa takot na siya ay mabangga.

        "Gusto mo ng habulan, pwes! Pagbibigyan ka ng sasakyan na 'to! Humanda ka ng tumilapon!" Mabilis na pinaharurot ng taong iyon ang taxi na kanyang lulan at binundol ang tumatakbong si Leslie.

        Halos maglasug-lasog ang katawan niya na tumilapon sa kabilang parte ng kalsada dahil sa malakas na impact ng sasakyan. Dahan-dahan niyang idinidilat ang kanyang mga mata kasabay ang pagsapo sa nagdurugo niyang ulo. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili, hindi niya gaanong magalaw ang ilang parte ng kanyang katawan.

        Bumaba ito sa kanyang sasakyan at lumapit sa duguang si Leslie. Nangingisi nitong tiningnan ang kalunos-lunos na kalagayan ng ginang.

        "Masakit ba? Kawawa ka naman," sarkastiko nitong sabi. "Sinabi ko naman sa'yo na kapag um-oo ka na, wala ng bawian."

        Hindi na maigalaw ni Leslie ang kanyang katawan dahil sa sobrang sakit. Sa bawat kilos niya, pakiramdam niya ay siya namang tunog ng kanyang bawat buto sa katawan na animo'y sangang naputol mula sa puno.

        "Maawa ka," pagsusumamo niya rito.

        Isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito na umalingawngaw sa tahimik na kalsada. "Maawa? Hindi na dapat. Kapag binuhay pa kita, baka mas lalo lang 

kami mapahamak. Minsan mo na kami tinraydor, baka maging pangalawang beses na ’to. Mas maganda nang mag-ingat.“

        "Nagmamakaawa ako. Bigyan niyo pa ako ng isa pang pagkakataon. Gagawin ko na ang ipinag-uutos niyo basta'y bubuhayin niyo ako," mangiyak-ngiyak niyang sabi.

        Kaunting salita na lang ang lumalabas sa kanyang bibig dahil sa kirot na nadarama. Umaapaw na rin ang napakaraming sariwang dugo mula sa kanyang bibig.

        "Hindi na. Ano pang silbi mo kung nagkaganyan ka na? Kung sinunod mo lang sana 

kami , hindi sana tayo hahantong sa ganito. Kung sinunod mo lang sana kami , may matitira pa sana akong awa para sa iyo,“ nakangising sabi nito. Nalulungkot ito dahil kailangan pa nitong pumatay para lang maitago ang kanilang lihim. Walang sinuman ang dapat na makaalam no’n. Maliban sa kanila .

        "Hindi mo kasi kinayang tiisin si Alex."

$qS#

RED TAPE 3

CHAPTER 3

Let’s Be Colorful

        HINANG-HINA na nang mga oras na iyon si Leslie na halos hindi na niya kaya pang tumakbo upang iligtas ang kanyang sarili. Nagkandabali-bali na rin ang kanyang buto sa katawan kaya kahit ano pang lakas ang ibigay niya ay hindi na niya magagawa pang makatayo.

        "Dito na magtatapos ang lahat, Leslie. Kung naging mabuti ka lang sana. Kung tumupad ka lang sana sa usapan. Hindi sana mangyayari sa 'yo 'to. Iyan tuloy ang napala mo," saad nito saka dinuraan ang kaawa-awang katawan ni Leslie.

        Hindi na niya maimulat nag maayos ang kanyang mga mata at tanging kadiliman lang naman ang kanyang nakikita. Pilit ni Leslie inaabot ang damit nito upang makakapit at magsilbing haligi niya upang makatayo. Ngunit agad namang sinipa nito ang mga kamay ni Leslie na dumadampi sa kanyang pantalon na suot. 

        "Balak mo pa 'ata dumihan ang suot ko!" bulyaw nito kay Leslie. Sinipa nito nang napakalakas sa tiyan si Leslie nang paulit-ulit dahilan para magsilabasan ang mas maraming dugo mula sa kanyang bibig. 

        Nagmamanhid na ang katawan ni Leslie dahil sa pananakit na natatanggap. Pakiramdam niya ay papanawan na siya ng ulirat mayamaya lang. Mistulang baboy na pinapahirapan muna si Leslie bago katayin. Hinahampas nang paulit-ulit hanggang sa mismong ang katawan na nito ang sumuko. Gano'n ang sitwasyon niya ngayon. Isang baboy.

        Ibinuka ni Leslie ang kanyang bibig upang makapagsalita habang patuloy lang sa pagdaloy ang dugo mula sa kanya. Inilapit naman nito ang kanyang ulo upang mas mapakinggan nang mabuti ang sasabihin ng ginang.

        "M-magbabayad k-ka..." mahina niyang sabi at saka bumulwak ang naipong dugo sa kanyang bibig.

        Iritable naman nitong ipinahid ang kanyang palad sa mukha dahil sa malansang dugo ni Leslie. Malakas nitong sinipa sa tiyan si Leslie na halos bumali sa mga buto niya sa katawan.  Nanginginig naman na tumilapon ang ginang dahil sa natanggap na sipa.

        "Naaaksaya ang oras ko sa 'yo! Mas maigi pa 'atang patayin na kita." Kinuha ng lalaki ang bag na naglalaman ng make-up ni Leslie. Binuksan nito ang bag at ikinalat sa tabi ni Leslie ang nagkalat na make-up. "Hindi naman maganda kung ang isang katulad mong make-up artist ay pangit kapag namatay, 'di ba?"

        Ibinuhos nito sa mukha ni Leslie ang isang boteng Avon Powder dahilan upang maghalo ang dugo niya sa pulbo. Nagmistulan namang strawberry jam ang naghalong dugo at pulbo dahil sa lapot nito. Halos maubusan naman siya ng hininga dahil sa kakaubo.

        "Ang ganda pala ng effect. Ayusin pa natin," at saka natatawa dahil sa obra.

        Isinunod naman nito ang concealer at piniga sa nakabukang bibig ni Leslie.  Hindi niya magawang pigilan ang ginagawa nito dahil sa nanghihina na niyang mga kamay. Patuloy lang sa pag-agos ang kanyang mga luha sa mata dahil sa awa sa sarili.

        Halos mangislap naman ang mga mata nito nang makakita ng isang lapis na eyeliner. Mariin nitong tinitigan ang matulis na dulo ng lapis habang nakangisi.

        "Masubukan nga 'to," saad nito sa sarili. Inilapat naman nito ang lapis sa mga talukap ni Leslie at sinumulan na ang pagguguhit. "Huwag kang malikot, ah. Baka tumusok 'to sa mata mo." Pero mistulang sinasadya ng lalaki nang bigla nitong matusok ang kaliwang mata ni Leslie. Doon lamang ulit siya nakakilos dahil sa reaksyon ng kanyang katawan sa sakit na nararamdaman.

        "Aaaaaaahhhh!" sigaw niya dahil sa sakit. Umaapaw mula sa kanyang mata ang napakaraming dugo. Hindi niya magawang maalis ang lapis sa kanyang mata dahil sa pagkakabaon nito at sa sakit na maaaring idulot nito. 

        Sa pag-aakalang matitigil ang pagdaloy ng dugo, dahan-dahan niya iyong hinuhugot hanggang sa sumama na ang buo niyang eyeballs na nakatusok pa rin sa lapis. Kitang-kita pa niya ang ugat na kumukonekta sa kanyang mata.

        "Ooops! Sorry," pang-aasar pa nito. Nagpatuloy pa ang palahaw na pagsigaw ni Leslie.

        "Huwag ka ngang sumigaw! Nakakarindi ka!" Dahil sa pagkainis, mabilis nitong inagaw ang lapis at mariin na isinaksak sa kabila namang mata ni Leslie. Naghuhumiyaw na sa sakit ang ginang habang sinasapo ang dumudugong mga mata. Patuloy lang siya sa pagsigaw na dumadagundong sa buong kalsada.

        "Aaaaaahh! Ang mata ko!" Imbes na tubig ang kanyang iluha ay dugong malalapot at masangsang ang lumalabas sa kanyang mata na animo'y gripo sa sobrang dami.

        "Hindi ka ba titigil?!" iritable nitong tanong. Tumayo ito at binuhat ang bag ni Leslie. Iniangat nito ang bag at malakas na inihampas sa mukha ng ginang.

        Nangingisay namang napatumba sa kalsada si Leslie dahil sa pagkakabaon ng lapis sa kanyang kaliwang mata hanggang sa utak. Nagsitalsikan ang dugo niya sa bawat parte ng kalsada.  Unti-unti na rin siyang nawawalan ng ulirat dahil sa sobrang panghihina.

        Ilang saglit lang ay tumigil na siya sa pangingisay. Sinubukang tapakan ng lalaki ang tiyan niya upang malaman kung nahinga pa siya.

        "Oh, well. Tapos na ang role mo sa palabas na ito. Magaling ang naging pag-arte mo," saad nito sa nakahandusay na katawan ni Leslie.

        Bigla namang tumunog ang kanyang cellphone. Napangisi ito nang makita ang pangalang nakarehistro.

        "Papunta na ako," sagot nito sa kabilang linya at saka binaba na rin ang kanyang cellphone. Tiningnan nitong muli ang katawan ni Leslie. Nakakasiguro itong pagpipyestahan na naman 'to ng media.

        "Bukas, mainstream ka na," pang-aasar nito.

        Bumalik na ito sa sasakyan na lulan bago tapusin ang kanyang ginagawa. Matulin nitong pinaharurot ang sasakyan upang makarating kaagad sa pupuntahan.

        "Showbiz nga naman. Dapat talagang wala kang pagkatiwalaan," anito at pumalatak.

        NAUNANG nakapunta si Alex sa venue kung saan sila magdi-date ni Tristan Simpson. Tatlong buwan palang niya nakikilala si Tristan pero pakiramdam niya ay tuluyan na siyang nahulog sa binata. Maraming artistang babae ang nagkakandarapa rito pero tanging siya lang ang nagagawa nitong ayain para sa isang date.

        "Nasaan na kaya siya? Sabi niya papunta na siya," nakasimangot na sabi ni Alex habang patuloy lang sa pagtitig sa kandilang natutunaw sa kanyang harapan.

        Tiningnan niya ang kanyang cellphone, nagbabaka-sakaling nag-text o tumatawag si Tristan. Ilang minuto na rin kasi siya naghihintay. Mabuti na lang ay walang gaanong tao rito kaya paniguradong ligtas siya sa mga tsismis.

        Muli niyang tiningnan ang kanyang gintong relo at sa pag-angat niya ng ulo, bumungad sa kanya ang isang matipunong lalaki, may magandang mukha at malakas ang tindig.

        "Tristan," nakangiti niyang sabi. Napatayo naman siya bigla nang makita ito at nakibeso.

        "Patawad kung natagalan ako. Traffic kasi, e," paliwanag nito at saka naupo sa tapat ni Alex.

        "Ayos lang 'yon," saad niya habang hindi pa rin inaalis ang ngiti. Bigla na lamang nangunot ang kanyang noo nang mapansin ang pulang mantsa sa damit na suot ni Tristan. "Ano 'yan? May dumi ka 'ata." Akma na sana niyang hahawakan ang parte ng damit nito na may mantsa ng dugo ngunit bigla naman itong umatras upang hindi niya maabot.

        "A-ah. W-wala i-ito. Dumi lang siguro. Oo, tama. Dumi lang siguro," kinakabahan nitong sabi.

        Hindi gaano nakumbinse si Alex sa naging sagot nito. Pakiramdam niya ay may inililihim ito sa kanya—isang lihim na maaaring hindi ipagsabi kahit kanino man.

        "Kumain ka na ba?" pag-iiba na lang niya ng topic upang malihis ang paghihinala. 

        "Hindi pa. Ano bang gusto mo? My treat," nakangiti nitong sabi sa kanya. Bigla namang napawi ang kanyang pangamba dahil sa nakakahumaling na itsura ng binata. Siguro ay tama lang na itigil niya ang kanyang panghihinala dahil sa paniniwalang hindi magagawa ng isang taong may maamong mukha ang gumawa ng masama.

        "Kung ano sa'yo, 'yon na rin sa akin," sagot niya.

        Ngumiti ito sa kanya at saka tinawag ang waiter. Ibinigay ng waiter ang menu kay Tristan. Matapos makuha ang order ay siya ring paglisan nito.

        "Hmmmm. So bakit mo ako inaya ngayon?" tanong ni Alex.

        Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito na dahilan kung bakit marami ang nahuhumaling sa binata. Ito marahil ang dahilan kung bakit isa si Tristan sa mga pinakasikat na artista sa showbiz. Sa kanilang henerasyon, basta may itsura ay papatok kaagad sa sambayanan.

        "Wala naman. I just want to see you. I guess, wala ka namang problema doon," anito at inabot ang kamay ni Alex na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

        Hindi lingid sa kaalaman ni Alex ang tunay na pakay ng binata, ang tunay na kulay nito sa likod ng maamong mukha. Nangingiti na lang siya sa ipanakikita nitong pagtrato sa kanya. Basta't hindi siya sinasaktan nito ay wala siyang magiging problema...

        ... sa ngayon.

:

RED TAPE 4

CHAPTER 4

Let Bygones be Bygones

        "ATE ALEXANDRA, ano'ng ginawa mo kina daddy at mommy?" tanong ng isang batang babae sa kanyang nakatatandang kapatid habang yapos-yapos ang paborito niyang manika na si Princess. Nadatnan niya ang nakahigang mga magulang habang naliligo sa parehong dugo. Dahil dito, halos maging kulay pula ang dating puting punda ng kama habang nangangalingasaw ang masangsang na amoy ng sariwang dugo.

        Musmos man ang kanyang isip, alam niya kung ano ang nangyayari – patay na ang kanyang mga magulang! Napatingin naman siya sa kanyang kapatid na may hawak-hawak na kutsilyo at tumutulo pa mula roon ang dugo ng kanyang mga magulang.

        Inilapat nito ang kanyang hintuturo sa bibig bago nagsalita. "Huwag kang maingay, Sophia. Natutulog lang sila. Bumalik ka na sa kwarto mo at matulog," maawatoridad na sabi sa kanya ng kanyang kapatid na ngayo'y may ngiti sa labi.

        "P-pero bakit may dugo?" pangungulit pa niya sa kapatid na tila hindi kumbinsido. Nangingilid na rin ang mga luha sa kanyang mga mata na anumang oras ay maaari nang tumulo.

        "'Di ba sabi ko sa 'yo, gusto kong mag-aartista? Umaarte lang sila papa at mama. Nagpa-practice lang kami kasi gusto kong mag-audition," pagkukumbinsi nito sa kapatid na sinabayan ng mahihinang hagikhik.

        "P-Pero..."

        "Walang pero, pero! Hindi ka talaga nakikinig sa akin! Ano bang mahirapan intindihin sa nag-eensayo?!" anito habang nanlilisik ang parehong mga mata.

        Natigilan naman sila nang biglang makarinig nang mahinang boses na parang nanghihina. Mula iyon sa kanilang Papa na pilit bumabangon sa kabila ng mga saksak na natamo! 

        "S-sophia, t-tumakbo k-ka n-na..." anito sa kabila nang paghihirap na nararanasan.

        Napalingon naman si Alexandra sa kanyang ama at napamura. Mahigpit na hinawakan ni Alexandra ang kutsilyo at mabilis na nilapitan ang naghihingalong ama. Iniangat nito ang hawak na kutsilyo at paulit-ulit na inundayan ng saksak hanggang sa malagutan ng hininga.

        "Mga wala kayong kwentang magulang! Mabuti pa ay mamatay na lang kayo pareho. Mas masahol pa kayo sa hayop!" sigaw ng batang babae. Walang humpay sa pagbaon ng saksak si Alexandra sa dibdib ng ama. Panay tilamsik ang malapot na dugo ng kanyang ama sa kanyang bestidang suot. 

        Unti-unting bumubuka ang dibdib nito at nagbabadyang bumulaga ang mapulang puso nito.

        "T-Tama na, ate!" awat ni Sophia sa kapatid. Naninigas lang ang kanyang mga paa dahil sa takot na siya ang mapagbuntungan naman ng galit. Mahigpit na lang niyang hinagkan si Princess at doon ibinuhos ang lahat ng kanyang emosyon.

        Napansin niyang tumigil ang kapatid pansamantala. Habol-hininga itong nakasampa sa ama na tuluyan ng nalagutan ng hininga.

        "A-Ate..." kinakabahan niyang sabi.

        Dahan-dahang lumilingon sa kanyang posisyon ang kapatid. Mas nakakatakot na ang titig nito na animo'y isang mabangis na hayop. "Anong sinabi ko sa 'yo, Sophia? 'Di ba sabi ni Mommy, sumunod lagi kay Ate?"

        "P-pero..."

        "Umakyat ka na sa taas at matulog!" sigaw nito. Naibagsak ni Sophia ang hawak na manika at halos madapa dahil sa pagkataranta habang inaakyat ang hagdan. Sobrang takot ang ngayo'y kanyang nararamdaman. Hindi maipaliwanag na emosyon ang naghahalo-halo sa kanyang dibdib.

        Isinara niya ang pinto ng kanyang kwarto at mahigpit na hinawakan ang hinihingal na dibdib. Nang mahimasmasan, naiyukom na lamang niya ang kanyang mga palad at nasandal sa madilim na sulok ng kwarto. Puno ng galit ang kanyang mga mata na mistulang naglalagablab na apoy.

        "Maghihiganti ako..." mariin niyang sabi sa kawalan.

        "SOPHIA!" bulalas ni Alex nang magising mula sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya habang nasa klinika ni Dra. David. Napansin niya kaagad ang nag-aalalang mukha ng doktora habang lumalapit sa kanya bitbit ang isang basong tubig.

        "Ayos ka lang ba?" tanong nito sa kanya at iniabot ang baso. Umupo ito sa kanyang tabi at hinawakan ang kanyang likod.

        "Ilang oras akong nakatulog?" sagot niya na isa pang tanong.

        Tumingin sa kanyang relo si Dra. David at saka nagsalita. "Mga tatlong oras din iyon matapos ang session. Mukha 'atang pagod na pagod ka."

        "Wala po ito. Siguro ay stress lang," sagot niya at hinilot ang ulo. Inihilamos niya ang kanyang dalawang kamay sa mukha at humugot nang malalim na hininga.

        "Bumabalik na naman ba ang sakit mo?" untag sa kanya ng doktora.  Hindi na siya nag-abala pang sumagot bagkus ay hinagilap niya ang kanyang bag para makaalis na.

        "Aalis na ako," saad niya at saka sinukbit ang bag sa kanyang balikat.

        "Hindi makakatulong sa 'yo ang pagtalikod sa iyong nakaraan, Alex. Babalik at babalik ang sakit mo kung hindi mo tutulungan ang iyong sarili."

        "Ano bang alam mo?!" iritable niyang sabi habang pinipigilan ang kanina pang takot sa kanyang dibdib dahil sa napanaginipan.

        "Isa akong psychologist at matutulungan kita." 

        Natigilan siya sa sinabi ng doktora. Totoong kailangan niya ng tulong ng isang propesyonal ngunit mas kailangan siya ng kanyang sarili. Sa palagay niya, sarili niya lang ang makapagsasalba sa kanya mula sa kumunoy na humugot sa kanya pailalim. Hindi niya kayang makawala sa kanyang nakaraan kaya't hindi pa niya kayang yakapin ang kasalukuyan.

        "Babalik na lang ako sa susunod na lingo... o sa susunod na buwan. Kung kailan siguro handa na ako," saad niya at saka nagtungo palabas ng klinika.

        Pangatlong beses pa lang siya nakikipagkita kay Dra. Cassandra David pero sa tatlong beses na pagkikitang iyon ay walang matinong nangyayari. Hindi nawawala ang kanyang sakit. Marahil ay dahil din sa kanya kung bakit patuloy pa rin itong nangyayari. Sa tuwing kakausapin niya kasi si Dra. David ay pinangungunahan siya ng takot – takot marahil na may maaaring makaalam sa kanyang kondisyon. Hindi niya naman gustong mangyari 'yon dahil nagsisimula palang siyang mahalin ang kanyang nakamtan ngayon.

        Sumakay na siya sa kanyang sasakyan. Napagdesisyunan niyang tapusin ang isa sa mga dahilan ng kanyang sakit.

        "Kay Tiya..." nasaad niya sa sarili.

        Habang nagmamaneho, hindi niya pa rin maiwaksi ang napanaginipan. Laging gumugulo ang panaginip na iyon sa kanyang pagtulog. Hindi niya makilala kung sino ang mga tauhan sa panaginip pero nakasisiguro siyang naging parte iyon ng kanyang nakaraan lalo na ang mga pangalan na "Sophia" at "Alexandra".

        May pakiramdam siya na siya ang tinutukoy na 'Alexandra' ng batang nagngangalang 'Sophia'. Pero bakit hindi niya maalala? 'Yan ang laging nagiging tanong niya sa sarili. Maging ang senaryo lagi sa kanyang panaginip ay tila isang alaala na iginuhit sa umaagos na tubig.

        Sandaling nawala ang kanyang konsentrasyon dahil sa pagtitig sa kanyang palad. Totoo kayang kaya niyang pumatay? Kaya niya kayang dungisan ang sariling mga kamay? Tumawa siya sa naisip na tanong.

        "Syempre naman. Kaya kong pumatay dahil nagawa ko na. Nagawa ko na..." aniya.

        Hindi rin nagtagal, mabilis niyang natunton ang bahay ng kanyang Tiya at nakangiti niya itong pinagmasdan. Pero sa kabila ng kanyang nakangiting labi ay may pangangamba sa kanyang dibdib – pangangamba marahil kung magagawa pa siyang tanggapin ng tahanang minsan siyang naging laman. 

        "T-Tiya Jennifer," kinakabahang tawag niya nang makita ang babaeng kumupkop at nag-aruga sa kanya. Isang ginang na nakapusod na may ilan-ilang puting buhok, nasa edad na kwarenta at may ilang linya na rin sa mukha ang lumingon sa kanya. Nakangiti itong lumapit sa kanya at saka siya hinagkan nang mahigpit. Pakiramdam niya ay nakabalik na siya sa kanyang tunay na tahanan.

        "Matagal-tagal ka ring hindi dumalaw dito. Na-miss tuloy kita nang sobra. Halika, pumasok ka muna para makapagkwentuhan naman tayo," nakangiti nitong sabi.

        Pumasok siya sa bahay at napansing wala pa ring nagbabago rito. Ganoon na ganoon pa rin ang itsura nito mula nang siya ay umalis. Siguro ay may kakaunting nagbago dahil nadagdagan ang mga larawan na nasa dingding.

        "Hindi ka kasi nadalaw dito para bigyan ako ng mga bago mong larawan kaya sa internet ko na lang kinukuha ang mga larawan na nasa dingding," matapat na sabi ng kanyang Tiya Jennifer.

        Hindi niya maialis ang ngiti sa kanyang labi. Ito kasi ang lugar kung saan napapakita niya kung sino siya. Malaya siya sa mga mata ng taong mapanghusga. Masaya siya dahil nakabalik na siya matapos ang limang taon.

        "Kumusta ka na pala? Masaya ako sa nakamtan mo. Labis kitang pinagmamalaki, Alex," anito.

        Biglang bumagsak ang luha sa kanyang mga mata. Matagal siyang nangulila dahil na rin sa kanyang kagagawan. Nahihiya siyang bumalik pa kaya nagkubli siya nang limang taon at pinaghusayan ang sarili upang may mukhang maipagmamalaki pagbalik.

        "Patawad po," paghingi niya ng paumanhin habang humahagulgol ng pag-iyak.

        Hinaplos ni Tiya Jennifer ang kanyang likod upang gumaan ang kanyang pakiramdam. "Wala iyon, Alex. Napatawad na kita. Hindi mo kasalanan ang pagkamatay ng iyong Tiyo."

        "Patawad po talaga," paulit-ulit niyang bigkas.

        Bago niya kasi lisanin ang lugar ay namatay ang kanyang Tiyo dahil sa mismong kanyang kagagawan. Muntikan na kasi siyang gahasin ng kanyang Tiyo sa kanyang murang edad. Mapalad siya dahil bago pa man mangyari ang pambababoy na iyon ay naipagtanggol niya ang sarili na naging dahilan naman para mamatay ang kanyang Tiyo. Sinaksak niya kasi ang kanyang Tiyo sa leeg gamit ang ballpen na nakuha niya sa mesa.

        Hindi naman siya nakulong dahil doon. Napatunayan kasing self-defense ang nangyari. Ngunit gayunpaman, nahihiya siyang ipakita ang mukha sa kanyang Tiya dahil siya ang pumatay sa pinakamamahal nitong asawa.

        "Siguro ay iba-iba talaga ang tao. Hindi mo alam kung sino ang may mabuti o masamang idudulot sa 'yo. Kailangan mo lang talagang kilatisin kung sino ang totoo at sino ang nagbabalat-kayo," makahulugan nitong sabi.

        Kumalas na siya mula sa pagkakayakap ng kanyang Tiya. Muli niyang ibinalik ang kanyang ngiti. Pinahid niya ang mga luhang nasayang dahil sa kanyang pag-iyak.

        "Napagod ka siguro masyado. Magpahinga ka na muna d'yan. Ipaghahanda lang kita ng makakakain," saad nito.

        Pero bago ito tumalikod, napansin ni Alex ang kakaibang ngiti ng kanyang Tiya Jennifer. Hindi niya malaman kung anong kilabot ang dumaloy sa kanya dahil sa nakita.

        "Parang may mali," paanas niyang sabi.

p

AUTHOR’S NOTE 1

Hello friends, :)

Ilang announcements lang para sa story ko. Every weekends na lang ang update ng Red Tape, either Saturday or Sunday. But if hindi hectic ang sched ko sa school, pwedeng twice a week ako mag-update ng story. Another, I need three names na isasama ko sa story. THREE COMPLETE NAMES lang. Kukunin ko iyon sa mga reader ng Red Tape. Comment your name sa gustong sumali.

Gusto ko rin i-plug ang Red Ribbon which is the Book One. Available na siya sa mga leading bookstores for only Php 175.00. Grab your copy. :) Pahingi ako ng selfies niyo with the book, ah.

RED TAPE 5

CHAPTER FIVE

When your Dreams become Worst Nightmares

        MAY ibang nararamdaman si Alex sa kanyang pagbabalik. Kahit isaksak niya sa kanyang utak na natanggap na siyang muli ng kanyang Tiya Jennifer, may parte ng kanyang utak na ayaw paniwalaan ito. Siguro ay dahil na rin sa kakaiba niyang nakita kanina lang.

        Ano bang mayroon sa ngiting iyon na ayaw niyang paniwalaan?

        Naging mabilis ang proseso ng pagtanggap sa tingin niya. Hindi pangkaraniwan sa isang tao ang magpatawad agad depende sa naging kasalanan nito. Pero ang pagpatay? Ano nga ba ang katumbas na kapatawaran nito?

        Bumalik mula sa kusina ang kanyang Tiya bitbit ang isang tray ng pagkain. Nakangiti itong lumapit sa kanya at saka binaba ang bitbit. Naupo sila sa mahabang sofa habang parehong hindi nakatingin sa mga mata ng isa't-isa.

        Lumunok muna siya upang ayusin ang kanyang nanunuyot na lalamunan dahil sa kaba. "Tiya Jennifer, kumusta na po pala kayo dito?" tanong niya para mabawasan naman ang kanyang panghihinala.

        "Maayos naman, Alex. Minsan ay nalulungkot dahil ako na lang mag-isa dito sa bahay. Pero ganoon talaga siguro ang buhay. May pagkakataon na kailangan mong mapag-isa," saad nito.

        Imbes na mapanatag, nakaramdam pa tuloy siya ng bigat sa dibdib. Sa tingin ni Alex ay nagkamali siya sa pagtatanong sa kalagayan ng Tiya.

        "Ganoon po ba?" maikli niyang tugon. Tumikim siya sa pagkaing dala ng Tiya. "Ang sarap naman po nito!" papuri niya para maiba kaagad ang atmospera. Ginantihan kaagad siya ng ngiti nito at nagpasalamat. "Hindi pa rin talaga kumukupas ang galing niyo sa pagluluto."

        "Ikaw talagang bata ka. Hindi na naubos ang pambobola mo. Kahit noon pa ay mambobola ka na." Napatigil si Alex dahil sa sinabi nito. Para kasing may kakaibang kahulugan ang binitiwan nitong mga salita, parang patudtsada sa kanya. "May nasabi ba akong mali?" tanong nito nang mapansing tumahimik  siya pansamantala.

        "W-Wala po ito, Tiya."

        Hindi naman mabasagang-pinggan ang mga sumunod na sandali. Magkakatinginan sila saglit pagkatapos ay mabilis ding mag-iiwasan. Pinagmasdan na lamang muli ni Alex ang kabuuan ng bahay, ang bawat sulok na noon ay kanyang tinataguan, ang bawat butas na kanyang sinisilip. Lahat 'yon ay biglang nanumbalik sa kanya.

        "Hindi pa rin po nagbabago ang bahay na ito. Ito pa rin ang bahay na kinalakhan ko simula nang..."

        "Huwag mong isiping ampon ka namin. Tunay ka naming anak, Alex. Hindi ka na naiba sa amin... sa akin," anito. "Sa tingin ko ay kailangan mong magpahinga. Pagod ka pa 'ata. Doon ka na muna sa kwarto ko. Hindi ko pa kasi nalilinis ang kwarto mo simula nang umalis ka," suhestyon nito.

        "Siguro nga po. Sige, magpapahinga na muna po ako." 

        "Mayamaya ay ako naman ang dapat mong kwentuhan tungkol sa 'yo," untag nito.

        Dumiretso na sa kwarto ng kanyang Tiya si Alex at pabagsak na humiga sa kama. Tiningnan niya ang maagiw na kisame at nag-isip nang malalim. Kahit pa sabihin na nakabalik na siya sa kanyang 'tunay' na tahanan, hindi niya pa rin maramdaman ang bagay na hinahanap niya.

        "Bakit parang may kulang? Hindi na ito ang dating bahay ko. Parang may ibang nakatira. Parang may ibang buhay," saad niya sa sarili.

        Binalikan niya ang mga alaala na nagpapasaya sa kanya. Gusto niyang balikan ang panahong iyon kung kailan totoo siya at hindi ang kilala ng nakararami na 'Alex Farr'. Pero unti-unti na siyang hinahagkan ng kasakiman ng kasikatan at hindi na niya kayang kumawala pa. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Unti-unti na niya itong nagugustuhan pero unti-unti rin siya nitong binabago.

        "Gusto ko na ulit ng normal na buhay," aniya. Narinig niyang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi isang kilalang numero ang nakarehistro. Binuksan niya ang mensahe at binasang mabuti.

Naïve. Naive. Naïve.

Bring back what you’ve received,

Spill out the fame you swallow,

Before the killings are soon to follow.

I am maybe a friend or an obsess fan,

Or a monster like a bogeyman.

Look at your back and be aware,

Once your dream becomes your worst nightmare.

        Nanginig kaagad ang kanyang mga kamay at hindi sinasadyang naibagsak ang kanyang cellphone. Nanlalaki ang mga mata niya habang tinititigan ang bumagsak na cellphone.

        "S-sino k-kaya s-siya?!" tanong niya sa sarili habang hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib. Agad siyang lumabas ng kwarto at hinanap ang kanyang Tiya. Ngunit sa kanyang paglabas ay hindi matagpuan ng kanyang mata mata ang kanyang Tiya. Isa-isa niyang pinasok ang mga kwarto. Nagpapaalam naman kasi ito kung aalis para pumunta sa bayan.

        "Tiya! Tiya!" paulit-ulit niyang sigaw.

        Isang kwarto na lang ang hindi pa niya nabubuksan. Kinakabahan siyang pinihit ang doorknob nito, para kasing may hindi maganda siyang makikita. Sa pagbukas niya ay nakita niya ang larawan niyang nasa lapag.

        "Tiyaaaa!" sigaw niya nang makitang sa ibabaw ng larawan ay ang Tiya niyang nakabigti. Lawit ang dila nito na animo'y nilabanan pa ang humihigpit na tali sa leeg. Mabilis niya itong nilapitan upang maisalba.

        "Tiya! Hindi ka pwedeng mamatay!" naiiyak niyang sabi habang pilit na binubuhat ang katawan ng Tiya upang hindi masakal. Pero huli na ang lahat, naubusan na ng hininga ang kanyang Tiya at tuluyan ng pinanawan.

        "S-sinong may gawa nito?" naluluha niyang sabi. Patuloy lang siya sa pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman. Napansin niyang nakabukas ang bintana dahil sa nililipad na kurtina. Lumapit siya roon at napansing may bakas ng dumi sa bintana na halatang pinagpatungan ng sapatos.

        "Hayop ka! Sino ka?! Bakit mo dinamay ang Tiya ko?!" sigaw niya pang muli. Gusto niyang maghiganti. Ngayon lang ulit sila nagkasama ng kanyang Tiya at ganito pa ang kinalabasan. Iniisip niya na kasalanan niya kung bakit namatay ang kanyang Tiya.

        Bumalik siya sa kanyang kwarto upang kunin ang kanyang cellphone. Nang matagpuan ay napansin niyang may mensahe na naman mula sa kaninang numero.

        'Uunti-untiin kita.'

        Napamura siya nang malakas dahil doon. Napahagulgol na siya ng iyak. Nawala ang mga taong mahal niya dahil sa kanyang kagagawan. Parang bumabalik na naman ang dati. Akala niya ay tapos na ang lahat. Kailangan na niya sigurong pagbayaran ang kanyang kasalanan.

        "Kung si Celine man ang taong ito, papatayin ko ulit siya!" gigil niyang sabi.

        Bumalik sa kanyang alaala ang gabi kung kailan namatay si Celine, sa mismong kaarawan nito. Naroon siya sa Palarma's Theatre and Art Museum nang gabing iyon. Balak niya kasing patayin si Celine bilang isang regalo at para na rin maangkin niya ang trono nito pero nabigla siya nang may gumawa na nito para sa kanya.

        Kitang-kita niya kung gaano kabrutal na pinatay si Celine. Naroon lamang siya nagtatago sa isang sulok at masayang pinapanuod ang paglapat ng bawat kutsilyo sa katawan nito. Sa tingin niya ay parehas sila ng galit na mayroon para kay Celine.

        Isang obra maestra ang ginawa nito na sinundan pa ng ilang nakakapanindig-balahibong obra. Musika sa kanyang tainga ang mga palahaw na pagsigaw at pagmamakaawa ni Celine.

        Matapos patayin ng taong 'yon si Celine ay oras naman niya para gawin ang kanyang obra. Dahan-dahan siyang lumapit sa bangkay at sinigurong nakaalis na ang killer bago magsimula. Itinali niya ang mga paa ni Celine gamit ang lubid na ginagamit sa pagbukas ng mga kurtina sa stage. Isinulat niya sa isang papel ang salitang 'Shame' at inilagay sa katawan ni Celine bago niya hinila pataas ang katawan nito.

        Tuwang-tuwa siya nang mga sandaling iyon. Kamatayan ni Celine para sa katanyagang hinahangad niya ang magiging dulot nito. Pero sana ay hindi na lang nangyari dahil sa kanyang kasakiman, unti-unti na rin siya nitong pinapatay.

        Minabuti niyang tawagan ang numero ngunit huli na siya dahil 'cannot be reached' na ang numero. Binalikan na lamang niya ang katawan ng kanyang Tiya at doon iisip ng paraan kung paanong hindi madadawit ang kanyang pangalan sa nangyari.

        Magiging malaking balita ito na ikasisira ng kanyang pangalan.

        "Nasaan na si Tiya Jennifer?" takang tanong niya nang makitang wala roon ang katawan ng kanyang Tiya. Sumilip siya sa bintana pero walang taong mamamataan sa labas.

        "Ibalik mo ang Tiya ko!" sigaw niya mula sa bintana. "Ibalik mo siya! Hayop ka!"

        Sa kabilang banda, magiging kapaki-pakinabang ang pagkawala ng katawan ng kanyang Tiya Jennifer. Walang balitang maididikit sa kanyang pangalan... sa ngayon.

        Napaupo na lamang siya dahil sa panghihina. Hindi na niya alam ang dapat na gawin. Kailangan na muna niya siguro bumalik sa kanyang mundo at doon na lamang hahanapin ang salarin. Pero nakatitiyak siya na sa susunod na mga gabi ay hindi magiging isang magandang gabi.

nse+an}#qT

RED TAPE 6

CHAPTER SIX

The Bad News

        "DAD, I got a perfect score," masayang turan ni Alexandra sa kararating pa lamang niyang Daddy habang hawak-hawak ang isang test paper na may perfect score. Imbes na kausapin ang anak ay nilagpasan lang nito si Alexandra na tila isang hangin.

        Dumiretso ito kay Sophia. Sinundan na lamang niya ng tingin ang kanyang Daddy at napayuko dahil sa hiya.

        "How's your day, my princess?" tanong ng kanyang daddy sa nakababata niyang kapatid. 

        "Okay lang po, Daddy. Nagdo-draw po ako ngayon," saad nito habang patuloy sa pagkukulay gamit ang mga crayola-ng nakakalat sa mesa.

        Nakaramdam naman bigla ng inggit nang mga sandaling iyon si Alexandra. Pakiramdam niya ay walang paki sa kanya ang kanyang Daddy dahil nakatuon lagi ang atensyon nito kay Sophia. Masakit para sa kanya na makitang hindi siya napagtutuunan ng pansin ng kanyang Daddy.

        Dahil sa sobrang inis ay nilukot niya ang papel na hawak. Iniisip niya na sinasakal niya ang kanyang Daddy nang mga oras na iyon. Pinipigilan niya ang maluha dahil ayaw niyang ipakita na mahina siya.

        "Ate, look oh. I also draw you," nakangiting sabi sa kanya ni Sophia nang makita siya.

        Pinilit niyang gumuhit ng ngiti kahit na sa loob-loob niya ay gusto niyang magwala. Napansin naman niya ang walang emosyon na mata ng kanyang Daddy sa kanya na lalo pa niyang ikinainis.

        "Nandito ka na pala, Hon," sabi ng kanyang Mommy na may hawak na isang tray ng cookies. Hinalikan nito sa labi ang asawa at saka inilapag ang tray. "Ang ganda naman ng drawing mo, Sophia," papuri nito sa anak.

        Lalong nakaramdam ng kirot sa dibdib si Alexandra. Nagagalit siya sa kanyang mga magulang dahil kahit anong gawin niya ay hindi man lang siya nakatatanggap ng papuri samantalang ang nakakabata niyang kapatid, kahit na maliit na bagay ay puring-puri.

        Wala naman siyang nararamdaman na galit sa kanyang kapatid kahit na nakukuha nito ang atensyon na dapat ay sa kanilang dalawa. Sa tingin niya ay hindi naman kasalanan ng kanyang kapatid kung bakit ganoon ang turing sa kanya ng kanyang mga magulang.

        Siguro ay dahil anak siya mula sa naunang asawa ng kanyang Mommy kaya walang amor sa kanya ang Daddy. Galit din kasi ang Mommy niya sa tunay niyang ama dahil iniwan sila nito nang siya ay nasa tiyan pa lamang. Kaya imbes na sa kanyang tunay na ama magalit ang kanyang Mommy ay sa kanya naibunton ang galit nito.

        Nanginginig siya habang kagat-kagat ang ibabang labi. Pinipilit niyang saktan ang sarili upang hindi makapandamay ng iba.

        "Ate, do you want some cookies?" pag-aalok sa kanya ni Sophia.

        Natagpuan naman niyang nakatingin sa kanya nang masama ang mga magulang niya. Animo'y tinutunaw siya ng mga ito sa titig.

        Umiling na lang siya at gumuhit ulit ng pekeng ngiti. "Salamat na lang, Sophia. Sige, aakyat na muna ako sa kwarto ko," aniya bago pa bumuhos ang kanyang mga luha na kanina pa nagbabadyang bumuhos.

        Patakbo siyang umakyat sa kanyang kwarto at padabog na isinara ang pinto. Bata palang siya pero ramdam na niya kaagad ang sakit na mayroon ang mundo. Hindi niya napigilan ang sumigaw nang sumigaw habang inginungudngod ang mukha sa kama upang hindi ganoon kalakas ang ingay.

        Halos masira naman ang punda ng kanyang kama dahil sa kanyang galit – galit na namuo dahil sa pagkamuhi sa kanyang mga magulang, poot na dahil sa pagturing ng kanyang pamilya na iisa lang ang maaaring maging anak at hindi siya 'yon.

        "Sobrang sakit..." naiiyak niyang sabi. Musmos siya ngunit may pakiramdam. Hindi siya tanga upang hindi maintindihan ang malamig na pagtrato ng mga magulang.

        Napansin niya ang isang gunting na nakapatong sa side table. Pakiramdam niya ay nang-aakit ang gunting na iyon at gusto nitong lumapat sa kanyang murang balat. Hindi naman siya nagdalawang-isip at agad na kinuha ang gunting.

        Patuloy lang sa pagbagsak ang kanyang mga luha habang unti-unti ay lumalapat sa kanyang balat ang matalas na dulo ng gunting. Unti-unti niyang ibinaon 'yon sa bandang pulso. Napapangiwi siya sa sakit habang tila pinupunit ang kanyang laman.

        Walang-wala ang sakit na iyon sa kanyang nararamdaman ngayon. Tila kagat lang ng langgam ang sugat na nilikha ng gunting. Katiting lang na hapdi kumpara sa imyernong buhay na mayroon siya ngayon.

        Sobrang dami ng dugo ang umaagos ngayon mula sa kanyang pulso. Matapos ang pagbaon ay isang mabilis na wasiwas ng gunting ang ginawa niya. Halos maghiwalay ang kanyang kamay mula sa braso dahil sa laki ng hiwa. Nanginginig siyang napaupo at agad na nabitawan ang gunting.

        Pero nakaramdam siya ng kakaiba. Hindi niya maramdaman ang sakit, bagkus mas nagustuhan niya pa ito. Naaaliw siya habang nakikita ang napakaraming dugo na umaagos. May parte ng kanyang utak na gusto pang makakita ng dugo. Tila nasasabik siyang makakita ng dugo kasabay ang palahaw na pagsigaw ng mga nasasaktan.

        "MOMMY!" bulalas ni Stef pagkauwi niya mula sa school. Nakangiti naman siyang sinalubong ng kanyang mommy na abala sa pagluluto ng merienda. "Mommy, may star ulit ako," saad ni Stef habang ipinapakita ang marka ng bituin na nakatatak sa kanyang kamay.

        "Ang galing talaga ng baby ko," saad nito at saka hinalikan ang anak sa pisngi. Ginulo pa ni Jess ang buhok ng anak sa sobrang tuwa. "Oh, magbihis ka na muna para makapag-merienda ka na. Masarap itong niluto ko," utos ni Jess sa anak.

        Tumango naman si Stef dahil sa tuwa. 

        "Yes, mommy!" Mabilis na pumanaog pataas si Stef habang ipinagpatuloy naman ni Jess ang naudlot na pagluluto. Kasabay ng pag-akyat ni Stef ay ang pagpasok ng kanyang Daddy na si Luke.

        "Nakauwi na ako," bungad ni Luke. Lumapit naman ito sa asawa at binigyan ng halik. "Hon, wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Luke sa abalang asawa.

        Umiling naman si Jess. "Hindi 'ata ako kailangan ni Direk doon ngayon. Saka nagsabi na rin naman ako na hindi ako papasok ngayon," paliwanag niya.

        "Ganoon ba?" anito at saka inilapag ang bag sa sofa. "Oo nga pala. Sino pala 'yong gaganap sa isinulat mo? Usap-usapan kasi 'yan ngayon sa showbiz."

        Humarap si Jess sa asawa bago sinagot ang tanong. "Sa pagkakaalam ko si Alex Farr. In demand kasi siya ngayon kaya siya ang napili. Saka magaling din kasi ang pagganap niya sa Red Tape 1 kaya siya talaga ang inaasahan na gaganap ulit sa Red Tape 2," kwento niya.

        Lumapit si Luke sa asawa. "Pero siya 'yong pumalit kay Celine, 'di ba?"

        Natigilan si Jess nang mga oras na iyon. Sa tuwing mababanggit kasi ang sinuman sa kanyang mga kaibigan ay parang bumabalik din ang bangungot niya, mahigit isang taon na ang nakararaan matapos mamatay nina Sam at Celine. Malaking sugat kasi ang naiwan ng kanyang nakaraan na ngayon ay pilit pa rin niyang ginagamot.

        Nangunot naman ng noo si Luke dahil sa pagtataka. "May problema ba?"

        "W-wala," pagsisinungaling niya at saka iniiwas ang mata. "Tapos na pala itong niluluto ko. Magbihis ka na muna para makakain." 

        "Sige. Gutom na rin ako, e." Sumunod naman si Luke at kinuha ang bag para dalhin sa kanilang kwarto.

        Habang inaayos ang hapag, narinig ni Jess na tumunog ang kanyang cellphone. Mula ang tawag na iyon kay Cassie. Nagtaka naman siya kung bakit tumatawag sa kanya ang kaibigan. Agad niyang kinuha ang cellphone at saka sinagot.

        "Hello, Cassie," bungad niya. Ramdam niya ang panginginig ng boses ni Cassie mula sa kabilang linya. Naramdaman niyang may hindi magandang sasabihin ang kaibigan. "A-anong mayroon?"

        

“J-jess, p-pinatay s-si R-Rick. Patay na siya,” nanginginig nitong turan.

        Naiyukom ni Jess ang kanyang mga kamay at pilit binubuka ang bibig para makapagsalita. Maging siya kasi ay nagulat sa natanggap na balita. "S-sigurado ka ba?"

        

“Oo. Nalaman ko sa balita,” sagot nito.

        Panandaliang tumahimik ang kanilang pag-uusap. Kapwa sila nakikipagramdaman. Wala ni isa sa kanila ang gustong sabihin ang nasa isip nila.

        Si Cassie na ang bumasag ng katahimikang iyon nang biglang magsalita. 

“Sa tingin mo ba, walang kinalaman ’to sa nakaraan natin?” tanong nito. Hindi pa rin maitatanggi ang takot na kanilang nararamdaman. Parang bumabalik na naman ang nakaraan.

        "H-hindi ko alam. Baka nagkataon lang. S-saka isang taon na ang nakalilipas. Paniguradong iba ang dahilan kung bakit pinatay si Rick," pagpupumilit ni Jess na paniwalain ang sarili. Kahit na gusto niyang paniwalaan na nagkataon lang ang lahat, hindi pa rin maalis sa kanyang isipan na si Rick 'yon na naging parte ng kanilang nakaraan.

        Hindi niya namalayang naluha na pala siya dahil sa takot. 

“Pero kailangan pa rin nating mag-ingat. Hindi pa rin natin masasabi kahit na alam nating patay na si Sarah,” babala ni Cassie sa kaibigan.

        Tila nawasak ang masasayang araw ni Jess. Ang akala niya na ligtas na siya ay hindi pa pala. Kailangan niya muling mag-ingat dahil maaaring bukas ay siya ring huling araw niya.

        "Mag-iingat ka rin, Cassie." Matapos 'yon ay ibinaba na niya ang cellphone. Natulala siya nang ilang saglit at minabuting isipin ang magiging mga hakbang.

        "Hindi pa namin alam kung may kinalaman kami roon. Hindi pa dapat ako magpaapekto," saad niya sa sarili.

        Pinilit niyang gumuhit ng ngiti sa labi at isinaayos ang sarili upang hindi mapansin ng kanyang asawa't anak. Kailangan niyang maging matatag sa mga ganitong sitwasyon. Sa tingin niya, nakaya niya noon kaya makakaya niya ulit sa pagkakataong ito.

)#q�6T�

RED TAPE 7

CHAPTER SEVEN

Meeting with the Prey

        ABALA ng araw na iyon si Jess dahil sa biglaang pagpapatawag ng pulong ng kanilang direktor kasama ang lead stars na gaganap sa pelikula. Nagkukumahog siyang pumanaog papunta sa pagdadausan ng nasabing pulong. 

        Tinignan niya ang kanyang relo at halos pumatak na ito nang ala-una ng hapon. Hindi rin ganoon kaganda ang daloy ng trapiko na tila salungat pa sa kanya.

        "Bilis! Umusad naman kayo. Kung minamalas ka nga naman, oh," hindi-mapakali niyang sabi kasabay ang makailang beses na sulyap sa suot na relo.

        Habang abala sa pagtitig sa usad pagong na trapiko, nagitla siya nang biglang may kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan. Mula sa labas ay kita niya ang isang matandang namamalimos. Magulo ang maputi na nitong buhok at marumi na ang dating kulay puting damit.

        Agad na humaplos ang awa sa kanyang puso nang mga sandaling iyon kaya't ibinaba niya ang bintana. Tinugon siya ng matamis na ngiti ng matanda na lalo pang nagpalambot ng kanyang puso.

        "Magandang araw po. Kumain na po ba kayo?" tanong niya rito.

        Umiling naman ang matanda bilang sagot. Mabuti na lang at dumaan muna siya sa fast food bago bum'yahe. Iniabot niya ang katabing supot na naglalaman ng pagkain at saka ibinigay sa kawawang matanda.

        "Sa inyo na po ito," magalang niyang sabi.

        "Maraming salamat sa iyo, Hija," nakangiti nitong tugon. 

        "Walang anuman po. Mag-iingat po kayo sa kalsada. Masyado pong delikado lalo na't matanda na kayo," turan niya sa matanda.

        "Ikaw ang dapat na mas mag-ingat. Mag-iingat ka sana sa magdadaang-araw mo dahil hindi maganda ang nakikita kong magiging kapalaran mo," paanas nitong sabi sa huling pangungusap.

        Mariing tinitigan lamang ni Jess ang matanda hanggang sa ito ay makaalis. Hindi na niya nagawa pang magsalita dahil sa pagtataka. 

        Bumalot ang takot at kaba sa kanyang dibdib na agad na nagpahina ng kanyang mga tuhod. Hindi niya mawari kung isang babala na dapat sundin o isang hula na dapat ay baguhin ang sinabi ng matanda.

        Napailing na lang siya at iwinaksi sa alaala ang sinabi ng matanda. Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan nang bumalik siya sa kanyang ulirat. Makailang minuto lang ay narating na rin niya ang kanyang destinasyon. 

        Itinabi niya sa gilid ang kanyang sasakyan. Nakaramdam naman siya na tila ba'y may nasagasaan siyang bagay dahil sa biglaang pag-angat ng gulong ng kanyang sasakyan. Agad siyang bumaba at tiningnan ang bagay na iyon.

        Halos bumaliktad ang kanyang sikmura nang makita ang isang pusang duguan. Bumulwak mula sa tiyan nito ang kanyang lamang-loob na pinagpipyestahan ng mga malalaking langaw. Nagkalat din ang mga dugo nito sa buong kalsada na nagdulot ng nakasusulasok na amoy.

        "Nakakadiri," turan niya at itinakip ang mga kamay sa bibig.

        Kumuha siya ng plastic sa compartment ng kanyang sasakyan at saka inilatag sa katawan ng kaawa-awang pusa. Nakakatakot lang isiping hindi nagiging maingat ang mga tao ngayon na kahit hayop ay wala silang pakundangan at hindi natututong mag-ingat.

        Iniwan na lamang niya roon ang pusa. Huminga siya nang malalim at tiningnan ang gusali. Inalis niya muna ang kabang nararamdaman. Matapos 'yon ay agad siyang pumanaog sa nasabing gusali. Mapalad siya at may tatlong minuto pa siya bago mahuli sa nasabing oras. 

        Pagpihit niya ng seradura ay bumungad sa kanya sina Alex Farr, Tristan Simpson at ang direktor na si Direk Anne Avillanoza na pare-parehong abala sa pag-uusap. Agad na ibinaling ng tatlo ang kanilang atensyon nang pumasok siya.

        "Here she is. Maupo ka, Jessica," alok ni Direk. May kaunting hiya man ay naupo si Jess sa tabi ng direk habang kaharap naman ang dalawang artista. Para siyang maiihi sa kaba! "I guess you know them," saad ni Direk kay Jess patungkol sa dalawang artista.

        Tumango si Jess bilang tugon. Hindi ito ang unang beses na makakakita si Jess ng artista sa mismong harapan niya. Ang kaba marahil na kanyang nararamdaman ay dulot ng takot nab aka ay mapahiya sa harap ng mga ito. 

        "By the way guys, this is Jessica Stone, the writer for Red Tape 2," pakilala ni Direk Anne. Inabot naman ni Jessica ang kanyang kamay para makipagkamay sa dalawang artista. 

        "Alam kong alam na ito ni Alex but Red Tape is a movie about real-life monsters. And Jessica had a unique experience of that thing," ani Direk. "Jessica will help me about the scenarios and heavy dramas needed for the movie."

        Tumatango naman bilang tugon ang dalawang artista. Samantala, mariing nakikinig lamang si Jess at tahimik na nakaupo. Hindi mapakali ang kanyang mga mata na parehong nagpapalit-palit ang tingin sa dalawang artista.

Inabot sila ng kalahating-oras sa pag-uusap tungkol sa ilang bagay na kailangang ikonsidera bago simulan ang taping ng pelikula. Masaya si Jess sa kadahilanang wala siyang nararamdamang magiging problema sa shooting.

        "So that's all for now," ani Direk matapos ang halos isang oras na pag-uusap.

        Muli ay nakipagkamay si Jess sa dalawang artista at kay Direk bilang pasasalamat.

        "Thank you. I hope we would create a very well job," nakangiti niyang turan.

        Ngumiti naman sa kanya si Alex. "Yes for sure. You were a friend of Celine before. I guess magiging maganda nga ang samahan natin."

        Nakaramdam ng kakaiba si Jess – parang may mali. Base sa tono ng pananalita ni Alex, hindi mo malalaman kung isang paunlak o pagbabanta ang pahayag nito. Pinilit na lang niya ang ngumiti upang hindi mapansin ang pagtataka.

        Nagpaalam na sa kanya ang mga kasama kanina dahil may mga importante pa itong pupuntahan. Bumalik na siya sa kanyang sasakyan ngunit nakapagtatakang wala na ang nakahandusay na pusa. Naiwan na lamang roon ang natuyong dugo nito na ebidensya ng kanyang pagkamatay.

        Naisipan na lang niya na marahil ay kinuha na ng mga janitor ang kawawang pusa at itinapon sa basurahan. Napailing na lang siya at sumakay na sa sasakyan.

        Bago sumakay ay naramdaman niya ang panginginig ng kanyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa bulsa. Pagbukas niya ay isang hindi rehistradong numero ang nagpadala sa kanya ng mensahe.

        "Mag-iingat ka," basa niya sa nakuhang mensahe.

        "AND this will be a great project," ani Tristan habang nagmamaneho. Sa pangalawang pagkakataon kasi ay magkakasama muli ang dalawa sa iisang proyekto. Ang una nilang palabas ay talaga namang naging pinilahang-tabing na siyang naging dahilan din upang sila ay sumikat.

        Natigilan ito nang mapansing tila wala sa kanyang tabi si Alex – lumilipad ang utak sa alapaap sa kung saan man ito dalhin. "Hey, are you listening to me?" nakakunot-noo nitong tanong.

        Bumalik naman sa kanyang ulirat si Alex at umaktong nakikinig sa kanina pang nagkwe-kwentong si Tristan. "Y-yes! Yes. Where are we?"

        "Like what I've said, this will surely be a great hit. We will be the greatest loveteam of all time. Isn't great? Maganda 'to para sa career natin pareho" ani ng binata.

        Tumango naman si Alex. "Yes. Yes..." maikling tugon niya at saka binaling ang tingin sa labas ng bintana. Tila nasa alapaap pa rin ang kanyang isipan, sumasabay sa agos ng mga tubig sa ilog at tinatangay ng mainit-init na hangin mula sa himpapawid. Wala ang sarili niya sa realidad.

        Nag-aagaw kasi ang saya at takot sa kanyang dibdib, saya dahil sa bagong proyektong pagbibidahan ngunit takot dahil sa nakaraang pangyayari kung saan nawala ang bangkay ng kanyang Tiya Jennifer. Isama pa ang mga bantang nakukuha niya.

        Malaking eskandalo ang mangyayari kung matutuklasan ng mga pulis ang pagkawala ng kanyang Tiya at tiyak na sa kanya mabubunton ang sisi. Hindi lang 'yon ang kanyang ikinakabahala. Marahil ay maugnay din siya sa pagkamatay noon ni Celine na sa totoo naman ay may kinalaman siya.

        Dahil sa kasakiman. Dahil sa paghahangad ng mataas. Ang puno't dulo ng kasamaan ni Alex ay sagad na sagad na.

        Isinandal niya ang kanyang ulo sa bintana ng sasakyan, pinapakiramdaman ang sarili kung nasa sariling katinuan pa. Bakit nga ba siya umabot sa ganito? Ah! Alam niya pala ang sagot. Ang tamang tanong ay kung bakit hindi pa rin siya makawala sa masalimuot na mundong ito?

        Dahil hinagkan na siya? Dahil ginugusto na niya? Dahil ito na ang buhay niya.

        "Here we are," ani Tristan.

        Sa tagal nilang bumabiyahe ay wala siyang kaalam-alam sa kanilang pupuntahan. Nagulat na lang siya na nasa kanilang harapan ang isang hotel. Nakaramdam siya na may hindi magandang mangyayari.

        "B-Bakit tayo nandito?" tanong niya.

        Inilapat ni Tristan ang kanyang kanang kamay sa makinis na hita ni Alex. Hinihimas nito na punong-puno ng pagnanasa ang malambot na parte ng katawan ng dalaga. "Let's just say, quality time," saad nito sa nakalolokong tono.

        Napalunok si Alex, kasabay ang pag-iinit ng kanyang katawan na parang naglalagablab na apoy. "I-I'm not ready," kinakabahan niyang sabi.

        "Pang-apat na beses na natin itong sinubukan at 'yan na lang lagi ang sinasabi mo. Hindi na ako makapaghintay," anito at saka sinunggaban ng halik ang leeg ni Alex habang hindi inaalis ang malikot na kamay sa hita ng dalaga. Napasandal naman sa bintana si Alex dahil sa sensasyong nararamdaman.

        Gusto mang pigilan ni Alex ang makamundong pagnanasa, para pa siyang tinutulak ng nauuhaw niyang katawan na subukan ang makalangit na sarap, sarap na hahanap-hanapin nang sinuman. Napapaiktad siya sa tuwing makikiliti ang kanyang leeg sa mapusok na paghalik ni Tristan.

        Nakapanghihina na tila umaagaw ng lakas. Gusto na niyang makawala. Gusto na niyang itigil. Pero paano? Kung pati ang kanyang mga kamay ay siya ring humihila upang lumapit si Tristan sa nauuhaw niyang katawan?

        "L-Let's stop this..." nanghihina niyang sabi.

        Humarap sa kanya si Tristan at saka ngumisi. "Is that what you really want? Tila iba 'ata ang gusto ng katawan mo?" at saka ngumiti nang nakakaloko.

        "Hindi naman tayo, e. Hindi ako isang bayarang babaeng pwede mong kantihin anumang oras," may diin na sabi ni Alex ngunit hindi matitigan sa mata si Tristan. Huminga siya nang malalim at sinubukan ianalisa ang lahat. Hindi niya pwedeng gawin ito dahil pwedeng isa ito sa ikasira ng kanyang pangalan.

        "Bababa na lang ako. Maghahanap ako ng taxi," aniya at saka hinawakan ang pinto ng sasakyan.

        Bago pa man makalabas ay hinawakan siya ni Tristan. "Hindi pa tayo tapos," at saka bumitaw din pagkatapos.

        Sinulyapan na lamang ni Alex ang nakangising si Tristan habang papalayo.

RED TAPE 8

CHAPTER EIGHT

Keep my Dirty Little Secret

        PINANUOD na lamang ni Tristan ang papaalis na si Alex habang nasa loob ng kanyang sasakyan. Mabilis naman nakahanap ang dalaga ng sasakyan na gagamitin pauwi.

        Mahigpit niyang hinawakan ang manibela na tila gigil na gigil sa naudlot na romansa. Napapailing siya sa tuwing maiisip na hindi niya pa rin maisagawa ang plano.

        Apat na beses na niyang tinangka ang pakikipagromansa sa dalaga, panglima na ito, pero sa tuwing gagawin naman niya iyon ay saka naman mauudlot dahil sa pagpigil ni Alex. Kahit man lamang mahawakan ang maseselang parte nito ay hindi niya pa rin magawa. Sadyang nauunahan lang siya ng pagpigil ng dalaga.

        Kinuha niya ang spy cam na nakatago sa maliit na compartment. Galit niyang ibinalibag iyon paibaba sa kaul at nangangaskas ng mga ngipin dahil sa hindi maitagong pagkadismaya.

        Balak niya sanang kumuha ng sex video kasama si Alex. Ipapakalat niya ito sa media na tiyak na ikasisira ng karera ng dalaga. Kasama ito sa plano nila ng kanyang lihim na kasintahan, upang ibagsak at iludmok sa putikan mula sa ginto ang ngayong nanginginang na pangalan ni Alex.

        "Masyadong mahirap hulihin si Alex. Maingat siya sa bawat kilos, kalkulado niya ang paraan ng kanyang pag-angat at pagbaba," at saka nagngingiti nang nakakaloko. "Bibigay ka rin... Bibigay ka rin," saad niya sa sarili.

        Natigilan siya sa pag-iisip nang marinig ang tunog ng kanyang cellphone. Rumehistro naman kaagad sa kanyang mukha ang pagkadismaya nang sagutin ang tawag.

        "Hindi ko pa rin nagagawa. Same old story. Pinigilan na naman ni Alex ang pangyayari," aniya sa kabilang linya.

        Pumalatak ito. 

“Matalino si Alex. Kagaya ng mga baguhan pa lang kami, pinapabilib niya pa rin ako,” saad ng babaeng nasa kabilang linya. Malambing ang boses nito na tila isang mahinhing babae na hindi kakikitaan ng kapintasan. “Sa ibang paraan na lang natin gagawin. We still have back-up plans. I’ll bring her to where she really belongs.”

        "Hindi ba ako mapapahamak sa ginagawa natin?" kinakabahang tanong Tristan sa kausap. May parte kasi ng kanyang utak ang gustong tumigil na dahil tulad ni Alex, maaari niya ring ikabagsak anumang maling kilos niya.

        "I'm on your back. Hindi kita pababayaan. Ako ang bahala sa 'yo. Mahal mo ako, right? You will do anything I want,"

paliwanag nito.

        Huminga nang malalim si Tristan bago sumagot. "Okay. Pagkatapos nito, pwede na nating sabihin sa publiko ang mayroon tayo, 'di ba?"

        "Oo naman. Like what I've promised. Hindi ko naman sinisira ang kasunduan natin,"

saad nito sa malanding tono.

        Mabilis namang nakumbinse si Tristan dahil sa lubos na pagmamahal niya sa kasintahan. Anumang ipag-utos nito ay mabilis pa sa alas quarto niyang sinusunod tulad ng asong masunurin sa kanyang amo. Lahat ay ibibigay niya, huwag lang mawalay sa minamahal.

        "I love you," aniya.

        "I love you too,"

sagot naman nito.

        Matapos 'yon ay ibinaba na nito ang tawag. May kaunting kaba pa rin si Tristan sa maaaring mangyari sa kanyang career na iniingatan. Ilang katanungan ang gumugulo sa kanyang isipan at tiyak na wala pa ring kasagutan. 

        Paano kung madamay siya sa issue-ng magiging kaugnay kay Alex? Paano kung hindi tuparin ng kanyang lihim na kasintahan ang kanilang kasunduan? Paano na ang magiging buhay niya pagkatapos nito?

        Ano pa mang mangyari ay kailangan niyang maging handa. Minsan, kahit ang isang halimaw, nagbabalat-kayo rin bilang iyong kasintahan, aatakihin ka kapag hindi ka na kailangan.

        Pinaandar na niya ang kanyang sasakyan at pumanaog pabalik sa kanyang condo. Pero bago iyon ay sinuri niya munang mabuti ang paligid, tinitiyak na walang nakakakilala sa kanya o kahit nakakita man lang.

        ILANG segundo rin natigilan si Jess matapos mabasa ang mensahe. Biglang bumalik sa kanyang isipan ang nagdaang mga pangyayari na sariwa pa rin sa kanyang alaala hanggang ngayon. Tila isang sugat na hindi pa rin naghihilom ang trahedyang kinasangkutan.

        Naroroon pa rin ang takot na pinipilit niyang iwaksi sa mga nagdaang panahon, panahon na sa tingin niya ay hindi pa rin sapat para gamutin ang kanyang sugat. Hindi na niya kaya pang mabuhay muli sa takot. Hindi na niya gustong maranasan pa ang minsang hilakbot na bukas makalawa ay patay na siya o dili kaya ang isa sa mga miyembro ng kanyang pamilya. 

        Ayaw na niyang mabuhay muli sa bangungot kung saan lagi siyang pinangungunahan ng kaba. Ang mga taong naging kaugnay ng kanyang bangungot – sina Sam, Celine, Cassie at Sarah – tila nabubuhay muli sila at nagbabalik.

        Idagdag pa sa kanyang ikinakabahala ay ang nalamang impormasyon mula kay Cassie ukol kay Rick. Hindi man sila sigurado na may kinalaman ang krimen sa kanilang nakaraan ay kailangan pa rin nila ng dobleng pag-iingat.

        Nang mahanap niya ang kanyang pakiramdam, inisip niya kung ano ang pinakamainam na gawin – ang tawagan ang numerong nagpadala ng mensahe. Sinubukan niyang i-dial ang nasabing numero ngunit walang nasagot, panay lang ito sa pagtunog.

        Sa pangatlong pagtangkang pagtawag, matagumpay na may sumagot. Pinangunahan na niya ang magiging pag-uusap.

        "Hello?" aniya.

        Naghintay siya ng ilang segundo ngunit mga nag-uusap na tao ang kanyang naririnig sa kabilang linya. Hindi niya gaanong maunawaan ang mga sinasabi ng mga ito dahil sa sabay-sabay ang bawat pagbigkas.

        "Hello?" muling subok niya kung may makakausap ngunit ganoon pa rin ang kinahinatnan. Kung uunawain, parang tatlo hanggang limang tao ang nag-uusap ng sabay-sabay, magulo ang paligid na tila may kung ano-anong binubutingting.

        Napapangunot noo na lamang siya sa tuwing uunawain ang mga bawat bigkas ng bibig ng nasa kabilang linya. Kung titingnan, tila hindi sadya ang pagkakapindot ng 'answer button' ng cellphone dahil sa malayo ang distansya ng mga boses sa mismong gamit.

        Nang wala pa ring sumasagot ay ibinaba na niya ang tawag. Hindi naman siya nakaramdam ng kakaiba. Marahil ay isang kakilala lang ang nagpadala ng mensahe at nakigamit ng cellphone sa ibang tao.

        Masyado niyang pinag-aalala ang sarili sa mga bagay na hindi naman kailangan ng masyadong atensyon. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag kasabay ang pagbagsak ng balikat dahil sa tensyon. Ang mabuti pa ay bumalik na muna siya sa kanilang bahay para na rin makapagpahinga.

        Bago pa man siya makasakay ay napansin niya ang isang pulang sasakyan na huminto, limang kotse ang pagitan mula sa kaharap niyang kotse pakanan ang bilang. Pinagmasdan niya iyon dahil sa pagkamangha sa ganda ng kotse na sa tingin niya ay mamahalin.

        Dahil sa hindi tinted ang harapan nito, nakilala niya agad ang may-ari ng kotse – si Lyra Sanchez, isa sa mga sikat ding aktres sa kasalukuyan. Kasabayan sa pagsikat ni Alex Farr ang dalagang ito, masasabing parehas silang nag-aagawan sa trono sa kasalukuyang henerasyon ng mga artista.

        Sa ilang saglit niyang pagmamasid ay hindi niya pa rin nakikitang bumababa ng kanyang sasakyan si Lyra na tila may hinihintay. Pumasok na siya sa kanyang sasakyan, kasabay no'n ay ang isang lalaki na sa tingin niya ay kaedaran lang niya ang lumapit sa sasakyan ni Lyra.

        Dahil nga nasa loob na si Jess ay hindi niya magawang marinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Pinagtaka niya ang sumunod na nangyari nang biglang mag-abot ng makapal na sobre si Lyra sa lalaki. Palinga-linga pa ito bago inabot ang bagay na iyon na tila hindi pa rin natutuklasan na pinapanuod sila ni Jess.

        Napakunot noo na lang si Jess sa dala ng pagtataka sa kung ano mang mayroon sa bagay na iyon. Matapos ang pag-uusap ay umalis na ang lalaki at inilagay sa maliit na bag ang sobre. Ilang saglit lang ay sumunod na si Lyra sa paglisan.

        Naghintay pa si Jess ng ilang minuto bago umalis at tiniyak na wala na sa paligid ang dalawa. Nang makasiguro, pinaandar na niya ang sasakyan upang makauwi.

        Sa kanyang pagmamaneho, bitbit niya ang pagtataka at hiwaga. Hindi man niya narinig ang naging pag-uusap ay nakaramdam siya ng kakaiba sa pagitan ni Lyra at ng lalaki.

        May bitbit talagang kanya-kanyang lihim ang bawat isa na magpapatunay, na hindi lahat ng taong may maamong mukha ay mabuti at hindi lahat ng taong may mabangis na katauhan ay masama. Maaaring nasa husay sa pagbabalatkayo na lang magtatalo ang dalawa sa kung sino ang mas magaling sa pagtatago at sino'ng mas halata.

RED TAPE 9

CHAPTER NINE

New Member, New Suspect?

        KINABUKASAN, isang meeting ulit ang idinaos para sa buong produksyon ng Red Tape 2. Naroroon na ang lahat ng taong bubuo sa nasabing proyekto – ang producer at director, ang mga artista na gaganap sa mga karakter sa pelikula, ang scriptwriter, ang cameramen, ang make-up artists, at ang ilang pang mga tao sa likod ng kamera.

        Tahimik silang nakikikinig sa direktor habang napag-uusapan ang workshop na gagawin sa mga artista upang maging komportable sa isa't-isa, ang tagpuan ng magiging proyekto, at ang mismong hangarin nila upang mabuo ito. Nais nilang manguna ulit ito sa takilya tulad na lang sa nauna na hindi maitatangging pinalahang-tabing sa dami ng taong dumagsa upang mapanuod ang palabas.

        Mula sa sulok sa bandang kaliwa, wala sa sariling nakikinig si Alex. Wala sa isip niya ang mga sinasabi ng director, pasok sa tainga – labas sa kabila ang lahat. Mistulang wala sa sariling katinuan ang dalaga. Sa mga nagdaang araw, ganito na lang palagi ang kanyang senaryo, mag-iisip nang malalim at hindi mo alam kung gaano kalayo na ang narating.

        Halo-halo ang nasa kanyang isipan na kung susumahin, lagpas pa sa problema ng presidente ang dami. Maraming katanungang wala pa ring sagot, mga pagtatakang napapalitan ng pagkabalisa. Ilang bagay na patunay lamang kung gaano na kamiserable ang buhay niya dahil sa larangang napili.

        "Ms. Alex? Ms. Alex?" rinig niyang tawag sa kanyang pangalan.

        Napabalikwas siya ng bangon dahil sa pagkabigla. Natagpuan niya ang sarili habang tinitingnan ng lahat na may pagtataka sa mga mata. Mula sa harapan, nakatayo ang ilang co-stars niya na siya ring mga gaganap sa mga karakter sa Red Tape 2, rehistro sa mga mukha ang pagtataka.

        "Are you with us? Kanina ko pa tinatawag ang pangalan mo pero wala ka sa sarili. May problema ba?" tanong ni Direk Anne na may halong pag-aalala.

        Umiling si Alex at saka inayos ang sarili, nag-iisip ng pupwedeng maging palusot. "I just had insomnia last night. I wasn't able to sleep well. Sorry," pagdadahilan na lamang niya.

        Mabilis namang napaniwala ang ilan sa kanyang naging dahilan tulad na lamang ng kanyang pag-arte na mabilis na napapaniwala ang sinoman sa tuwing itatago niya ang kanyang tunay na katauhan. 

        Inanyayahan na lamang ni Direk Anne ang dalaga na lumapit sa harapan at daluhan ang ilan pang mga artistang makakasama. Pinili niyang lumayo muna sa pwesto ni Tristan, tatlong tao ang pagitan, dahil sa ilang pa rin sa naganap kahapon.

        "Sila ang mga artistang bubuo sa panibagong produksyon ng Red Tape 2. This will really be exciting. I hope that this project will give break to everyone," saad ni Direk Anne at saka nagpalakpakan ang lahat. Masayang-masaya ang lahat para sa proyektong ito, maliban sa isa – si Alex.

        Sana nga ay maging masaya. Sana ay walang mamatay. Dahil sa araw na magsimula ang proyektong ito ay magsusunod-sunod na rin ang pagbabawas ng buhay. Tulad ng naplano. Tulad ng napag-usapan. Para sa kanya-kanyang mithiin na hinahangad, kamatayan ang siyang bubungad.

        Nang matapos ang meeting, nagtungo si Alex sa kanyang dressing room at nakitang wala roon si Leslie maliban sa isang babae na halos kaedaran niya lamang, nakasuot ng T-shirt at jeans at nakapusod ang sa malamang ay lagpas balikat na buhok. Awtomatikong nagtaas ang kanyang kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa ang nasabing dalaga.

        Ang balak sanang pagbati ng dalaga kay Alex ay naunsyame dahil sa nakapanlilibak na tingin ng artista na animo'y hinuhusgahan ito bilang isang mababang tao. Na pangkaraniwang ugali na ni Alex sa lahat ng taong sa tingin niya ay hindi niya ka-level.

        "Bakit ka nandito? At nasaan si Leslie? Kanina pa siya dapat nandito. May importanteng lugar pa naman akong pupuntahan. Tss," tanong niya at saka naupo sa harap ng salamin, tiningnan ang sariling repleksyon at kinuha ang cellphone na nasa maliit na bag.

        "A-Ako na po ang bago niyong make-up artist. Pa – Patay na po kasi si Leslie," sagot nito na may halos magpigil sa huling pangungusap dahil sa hindi alam kung paano sasabihin ang nangyari.

        Natigilan si Alex sa narinig. May halong pagkatakot at pagkabiglang nadama ang dalaga sa maagang pagkamatay ng dating make-up artist. Nakakatwang isipin na wala man lang siyang kaalam-alam sa nangyari. Ganoon nga talaga siya. Makasarili. Walang paki sa mga taong hindi niya kailangan.

        "Isang linggo na rin po'ng nakalilipas. Hindi niyo po ba alam?" tanong nito kay Alex.

        Nagtaas ng kilay si Alex bago hinarap ang kausap. "Ano bang pakialam ko? Ikasisikat ko ba 'yan? Yayaman ba ako d'yan? Hindi naman, 'di ba? Kaya wala akong paki. Sino ka ba?!"

        "Ako po si Wilma Santiago," magalang nitong sabi habang nakayuko.

Nagpalabas ng nakalolokong tawa si Alex na sinundan ng mapangmataas na tingin. “Pilosopo,” aniya at saka muling tinapunan ng nakapanliliit na tingin ang dalaga. “Bilang bago kong make-up artist, you just have to follow my errands. That’s all. Simple as that. Kapag nagawa mo ’yon, wala tayong magiging problema,” saad niya at saka bumaling muli sa salamin.

        "Masusunod po," mahinang tugon ni Wilma.

        "Another thing. Ayokong pinapakialaman ako. Okay?" utos niya na tango lamang ang naging sagot ng bagong make-up artist.

        Hindi lingid sa kaalaman ni Alex ang inis na gustong kumawala mula sa dibdib ng dalaga. Isang bulkan na naghuhudyat na sumabog anumang oras na hindi makapagpigil. Ngunit tulad ni Leslie, nais nito ang trabaho kung kaya't kasama sa pagsisipag ang pagtitiis.

        "NANDITO na ako," ani Lance na galing mula sa kanyang duty. Naabutan niya si Cassie na nagpapalipas ng oras na nakababad sa panunuod sa telebisyon. Tumayo agad ito nang marinig ang boses ng kasintahan.

        "Mabuti't nandito ka na," masayang turan ni Cassie at saka lumapit upang halikan sa labi si Lance. 

        Matapos ang naging trahedya na kinasangkutan nila ni Jess, naging malapit ang loob ng dalawa na humantong sa pagiging magkasintahan. Naging magaan kasi ang loob ni Cassie sa pulis dahil sa pagiging maaalalahanin nito sa panahon na kailangan niya ng seguridad.

        "Kumain ka na ba?" tanong ni Lance kay Cassie na kasalukuyang nakayakap sa kanya at nakatingin sa kanyang mukha.

        Umiling ito bilang tugon at saka nangiti habang pinagmamasdan siya.

        "Gusto mo bang magluto na lang ako?" suhestyon niya.

        Mabilis na kumawala sa pagkakayakap si Cassie kasabay ang paglagay ng mga kamay sa magkabilang baywang. "No way!" mariing pagtutol nito. Naalala ni Cassie nang minsang magluto ang kasintahan. Halos hindi na makain ang mga pagkain dahil sa palpak na pagluluto kaya't nang araw ding iyon, hindi na nito pinahintulutang magluto pa ulit si Lance.

        "Ang overreacting mo naman. Parang magluluto lang, e," nakanguso niyang sabi at natatawa sa itsura ni Cassie. "What do you want me to do? Magpagutom?"

        Umismid ito. "Don''t worry. Nakapagluto na ako," nakangiti nitong sabi at saka hinila siya papunta sa kusina.

        Inuna niya munang makaupo si Cassie, hinila ang upuan at saka ibinalik sa kaninang posisyon nang makaupo ang kasintahan. Naupo naman siya sa tabi nito habang takam-takam sa mga nakahain.

        "Kumusta ang araw mo?" tanong ni Lance habang nilalagyan ng kanin ang plato ni Cassie. Sumenyas ito gamit ang kamay bilang tanda na tama na sa paglalagay.

        "Ayos naman. The usual, mga patient na naka-sched lang nang araw na iyon ang may session ako," sagot nito. Tango lang ang naging tugon ni Lance. "By the way, patient ko rin pala si Alex Farr. You know her, right?"

        "Oo naman. Siya 'yong co-star dati ni Celine," sagot niya.

        Bigla namang natahimik si Cassie nang marinig ang pangalan ng dating kaibigan. Hindi pa rin kasi ganoon kagaling ang sugat na naiwan ng trahedyang iyon. Naroroon pa rin ang bakas nito at tila sariwa pa rin sa mga nagdaang panahon.

        "Sorry," paumanhin ni Lance.

        Ngumiti muna si Cassie bago nagsalita. "Ayos lang. Hindi pa lang talaga siguro ako nakaka-recover. It was too tragic for me, many lives had been taken away dahil lang sa pagbibiro naming. Nandoon pa rin kasi ang guilt. Kung hindi lang sana talaga naming ginawa iyon..." saad nito habang pababa nang pababa ang tono hanggang sa huling salita.

        "Kung hindi niya ginawa iyon, hindi sana tayo magkakakilala. Always look for the positive things. Ikaw ang nagturo n'yan sa akin. Cheer up. Nagkapatawaran na rin naman, 'di ba? Ayos na rin naman ang lahat. It's been a year."

        "Too ironic. Pyschologist ako pero ako 'tong hindi mapagaling ang sarili ko," mapait nitong sabi. Naiyukom nito ang kanyang mga kamay sa pagpipigil na tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha.

        "Tulad nga ng sabi nila, magaling magpayo sa iba pero sa mismong sarili, laging palpak. Don't be sad," saad niya at saka hinawakan sa kamay si Cassie. "Huwag ka ng malungkot sa kung ano ang nawala, maging masaya ka na lang kung ano pang mayroon ka."

        Kaunti ay nabawasan ang bigat sa dibdib ni Cassie na kanyang bitbit. Tama si Lance, nar'yan pa ang ilang malalapit sa kanya na nagpapalakas ng kanyang loob, nagpapatuloy ng kanilang buhay para rin sa mga taong mahal nila. Dapat siya rin, kailangan niyang maging matapang.

        "Thank you. You never fail to make me smile," saad nito at saka hinalikan sa labi si Lance.

        "I love you."

        "I love you too."

RED TAPE 10

CHAPTER TEN

A Real Friend or Not?

        PAGLABAS ni Alex ng kanyang dressing room ay sakto ring pagdating ng isang pamilyar na mukha sa kanya – si Sammie Bruno, isa sa mga itinuturing niyang kaibigan sa industriya at katrabaho. 

        Hindi gaya ni Alex, si Sammie ay maituturing bilang isang supporting actress, mga artista na hindi gaanong nabibigyan ng tyansa sa spotlight. Sila 'yong tipong, kaibigan lang ng mga bida sa mga palabas o dili kaya, hindi nabibigyan ng sariling eksena na may mahahabang exposure o dialogue.

        Naging sobrang magkalapit nila sa isa't-isa nang magkasama sila sa isang proyekto. Nakitaan kasi ni Alex ang kaibigan ng katangian na kanino man ay hindi niya nahanap.

        Hindi siya kaagad nakapagsalita dahil sa pinaghalong pagkabigla at tuwa na ngayon lang ulit niya naramdaman. Nanatili siyang nakatayo habang papalapit ang kaibigan. Nakagalaw lamang siya nang yakapin siya nito nang mahigpit, ramdam ang sobrang pagka-miss dahil sa matagal-tagal na hindi pagkikita. 

        "How are you? Ang tagal din nating hindi nagkita," sinserong tanong nito matapos kumawala sa pagkakayakap.

        Gumuhit ng pilit na ngiti si Alex dahil na rin sa hindi niya alam kung ano ang inisyal na reaksyon matapos ang sunod-sunod na problema. "S-stress because of hectic schedules. You know naman sa showbiz. Minsan nga, hindi ko alam kung humihinga pa ako," pagbibiro niya na sinabayan rin nito.

        Pinagmasdan niya ang kaibigan dahil sa iilang pagbabago sa pisikal na anyo nito. "Long time no see. How's your US trip? You've been gone for a month," aniya.

        Huminga nang malalim si Sammie bago nagsalita. "Quite busy rin. Bumalik lang ako para sa taping ng  Red Tape. I was asked by Direk Anne if I could play one of the roles in the said production. Ang laki ng utang na loob ko kay Direk kaya mabilis pa sa alas quatrong tinanggap ko."

        "Really?! Mabuti naman! Makakasama pala kita," masayang turan ni Alex at hindi napigilang yakapin muli ang kaibigan.

        "I'm going to surprise you about this kaya hindi ko kaagad sinabi. I wasn't able to attend the meeting kanina so napurnada ang surprise na dapat ay gagawin ko kaya dumiretso ako sa dressing room mo," nangingiting sabi nito.

        Nakaramdam ng kaunting saya si Alex dahil narito na ang kanyang kaibigan. Ilang araw din kasi siyang nalugmok sa kalungkutan kaya't naghahanap siya ngayon kung sino ang maaaring magpabawas nito kahit pansamantala. Laking pasasalamat niya dahil hindi pa rin siya nabigo.

        "Are you busy today?" tanong ni Sammie na naghihintay na sana ay 'Oo' ang maging sagot dahil na rin sa tagal ng huling pagkikita nila upang ma-solo nito ang kaibigan.

        Tumingin muna si Alex sa kanyang cellphone, tinitingnan kung may naka-schedule siyang guesting or meeting ngayon. Mapalad siya na wala, wala rin siyang mensahe na natatanggap mula sa kanyang manager.

        "I guess wala naman. I haven't received a message from Ms. Stella. Let's go?" aya niya at saka pumanaog.

        Pumunta sila sa isang restaurant sa Cubao na hindi gaanong pinupuntahan ng mga tao upang doon mag-usap. Umiiwas din kasi sila na masundan ng media dahil sa paniguradong bilang ang bawat kilos nila na kahit mismong paghinga ay dapat silang maging maingat. Naupo sila malayo sa mga okupadong upuan para makaiwas na rin na may makarinig sa kanilang magiging pag-uusap.

        Pagkaupo nila, dumating kaagad ang waiter upang kunin ang kanilang order, bitbit ang dalawang menu list at isang maliit na notebook bilang listahan. Unang nagbigay ng kanyang order si Sammie bago si Alex nang makapili sa huli. Matapos 'yon ay pumanaog na sa kusina ang waiter at iniwan ang dalawa.

        "Hindi ka nagpaparamdam habang nasa US. I thought you've forgotten already our friendship," nakasimangot na sabi ni Alex.

        "I'm too busy lately that's why I don't have time to make chitchat with you. You know naman, beside of being a friend, I'm also a fan of TristAlex," natatawa nitong sabi at binigyang diin ang huling salitang binitawan.

        Bahagya namang natawa si Alex sa tawag ni Sammie sa loveteam nila ni Tristan. Hindi pa rin nawawala ang pagiging joker ng kaibigan na lubos niyang nami-miss.

        "So what's the real score between you and Tristan, ha?" pang-iintriga nito.

        Umiwas naman ng tingin si Alex nang maalala ang nangyari kahapon. Pakiramdam niya ay siya pa itong may nagawang mali dahil sa pagpigil niya sa pakikipagromansa. Sa katunayan n'yan ay takot pa rin siya sa ganoon dahil sa nangyari sa pagitan nila ng kanyang Tiyo na siyang naging dahilan upang magkaroon ng gap sa kanila ng kanyang Tiya Jeniffer.

        

“Tiya Jennifer,” naibulong niya sa akin. Wala pa rin kasi siyang balita tungkol sa nawawalang katawan nito. Marahil ay hindi pa natutuklasan ng pulisya ang pagkawala nito. Sa pag-iisip na ’yon ay nakahihinga siya nang maluwag. Wala pa siyang dapat ikatakot hangga’t hindi pa nahahanap ang katawan.

        "Did I say something wrong?" pagtataka ni Sammie.

        Napailing na lang siya at nagpumilit na ngumiti. "Bakit mo ba ako masyadong iniintriga kay Tristan? Alam mo namang hanggang loveteam lang ang mayroon kami," pagtanggi niya.

        "Oh, really? I assumed he likes you so much. Bigyan mo lang ng motibo, bibigay din 'yan kaagad sa 'yo," anito at saka natatawa sa sinabi.

        Kung alam lang ni Sammie ang tunay na dahilan

, sa loob-loob ni Alex. Gusto na lang muna niya sarilihin ang nangyari para na rin sa kapakanan nilang dalawa nang sa gayon ay walang mangyari sa kanilang proyekto na pagsasamahan.

        "Loko ka talaga," at saka natawa. "Ikaw? Someone special? I bet you have. With that blooming face, sinong magsasabing wala kang boyfriend?"

        Naitungkod ni Sammie ang kanyang palad sa ulo bilang alalay at saka tiningnan sa mata si Alex. "You're such a bolera. Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Of course, I have," pagmamalaki nito.

        Ginaya rin ni Alex ang posisyon ni Sammie, itinukod ang kamay bilang suporta sa ulo. "And who's the lucky guy?"

        Ngumiti ito. "Secret. Sooner or later, makikilala mo din siya," at saka tumawa nang nakaloloko.

        Naudlot ang kanilang pag-uusap nang biglang dumating ang waiter bitbit ang kanilang order. Isa-isa nitong inilapag ang plato ng pagkain sa mesa habang kapansin-pansin ang kaba dahil sa panginginig. Marahil ay dahil sa takot na magkamali sa harapan ng dalawang artista.

        "Enjoy your meal," anito matapos ilapag ang mga pagkain.

        Ngumiti ang dalawa bilang tugon. "We are customers. Huwag mong isiping artista kami, okay?" saad ni Sammie sa malambing na tono.

        Isa ito sa ikinamamangha ni Alex sa kaibigan na malayong-malayo sa kanyang ugali. Kapuri-puri ang ugali nito sa labas at loob, walang halong panlilibak, walang halong pagbabalatkayo, puro at totoo. Isa ito sa mga kinaiinggitan niya, ang maging tunay na mabuti.

        "Let's eat," aya nito kay Alex at saka nangiti.

        "Like an angel," nasaad na lamang ni Alex sa kanyang sarili nang ilarawan ang isang tulad ni Sammie na walang kapintasan.

        "What're your future plans after Red Tape 2? Are you going back to US para doon na tumira permanently?" tanong niya habang iniikot ang Vietnamese pasta gamit ang tinidor.

        Tumigil sa pagkain si Sammie at nag-isip, hinahanap ang maaaring isagot sa tanong ng kaibigan. "You know I've been planning to stay there to finish my studies. Pero to live there forever, siguro hindi. Philippines is my motherland and living in your motherland is happiness," sagot nito.

        "I'm glad na magsasama pa rin pala tayo," masayang turan ni Alex.

        "Me too," matipid nitong tugon at saka sumubo. "Mayroon din kasi akong planong gawin dito."

        "Ano 'yon?"

        "You'll see it in a few weeks."

        Mayamaya lang ay tumunog ang cellphone ni Sammie na nakapatong sa mesa. Nakuha naman nito ang atensyon ni Alex kaya't agad napadako ang kanyang mga mata roon at binasa ang nakarehistrong pangalan ng taong tumatawag.

        "Wait," ani Sammie at mabilis na tinakpan gamit ang kaliwang kamay ang screen ng cellphone. "I'll just answer this call," saad nito at saka tumayo sa hapag.

        Napakunot noo naman si Alex nang makilala ang nakalagay na pangalan. Hindi siya pwedeng magkamali sa nabasa. Kilala niya ang taong iyon. Nakapagtataka lang kung bakit itinatago sa kanya ng kaibigan ang tungkol dito, na nakapag-uusap pala sila.

        Sinundan na lamang niya ng tingin ang kaibigan. Bakas sa mukha nito ang pagkabahala na lubos namang pinaghinalaan ni Alex. Nakakabuo ng teorya si Alex na may itinatago sa kanya ang kaibigan at ang taong iyon.

        Sa kabilang banda, wala naman dapat siyang ikabahala dahil hindi pa naman siya nakasisiguro na iisa ang taong 'yon at ang kakilala niya. Marahil ay maghihintay na lamang siya na aminin ng kaibigan ang totoo upang makabawas na rin sa kanyang kalituhan.

t

RED TAPE 11

CHAPTER ELEVEN

A Clandestine Terror

        "THANK you for the treat. You made my day special. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayong araw," ani Alex at saka niyakap nang mahigpit ang kaibigan dahil sa kagalakan.

“Maliit na bagay. At isa pa, na-miss din kasi kita nang sobra. This can be the least thing I can do for you since I left Philippines for a month,” saad ni Sammie matapos kumawala sa pagkakayakap.

        Tuluyan ng sumilay ang buwan at mga bituin sa kalangitan, hudyat upang sila ay magpaalam sa isa't-isa dahil kinabukasan ay magiging abala ang dalawa. Pumunta sila sa parking lot bago sinabi ang huling pamamaalam.

        "Mag-iingat ka," ani Alex sa kaibigang kabubukas pa lang ng pinto ng kanyang kotse.

        "Ikaw rin," saad nito at tuluyang pumasok sa kanyang kotse.

        Unang nakaalis ang kotse ni Sammie na sinundan na lamang ng tingin ni Alex hanggang sa ang kotse ay mawala na sa kanyang paningin. Bumalik na naman sa malalim na pag-iisip ang dalaga, inaalam ang ilang kasagutan sa mga katanungang gumugulo sa kanyang isipan.

        Hindi niya alam kung saan siya ngayon pupunta. Gusto niyang pumunta sa bahay ng kanyang Tiya, nagbabaka-sakaling bigla na lamang ibalik ng killer ang katawan nito. Ngunit may parte ng kanyang utak ang sinasabing mag-iingat siya dahil sa pagkakataong may makakita sa kanya ay uugong agad ang balita tungkol sa nawawala niyang Tiya.

        "Stress," aniya habang hinahawakan ng magkabilang kamay ang nananakit na ulo.

        Marahil ay kailangan niya munang makapagpahinga para na rin makalimot siya pansamantala. Nagmaneho na siya pabalik ng kanyang condo. Dahil sa malapit lang naman sa Cubao ang kanyang tinitirhan, wala pang kalahating-oras niyang binaybay ang kabahaan ng kalsada.

        Pumasok na siya sa gusali para makapaghinga nang maibsan man lang ang sakit ng kanyang ulo dahil sa halo-halong pag-iisip. Pinagmamasdan niya lamang ang pababang button ng elevator, nakatulala lang roon at wala sa sariling nagninilay.

        Dahil sa pagkatulala at nang bumukas ang pinto ng elevator, hindi na niya nagawa pang tumabi at nabangga ng isang lalaking nakasumbrero. Bumalik siya sa ulirat nang sandaling iyon at tiningnan ang taong nakabangga.

        Kahit nakasumbrero ito, kilala niya ang hugis at hulma ng mukha nito. Tanging mata lang kasi ang natatakpan nito dahil sa pagkakayuko.

        "J-Joel?" bulalas niya sa sarili. Napakunot siya ng noo dahil sa pagtataka. Hindi niya mawari kung bakit naririto ang kanilang cameraman samantalang wala naman itong unit sa gusali. Wala rin naman siyang nabalitaang may kakilala na lumipat sa kaparehong condo niya mismo.

        Nagkibit-balikat na lang siya at naglakad papasok sa elevator bago pa ito sumara. Sa huling pagkakataon, napansin niya ang muling paglingon ni Joel, inaabangan marahil ang pagsara ng elevator.

        Minsan na siyang natakot sa naturang cameraman dahil sa minsanan niyang nahuhuli itong nasulyap sa kanyang direksyon. Kadalasan pa nga ay matatagpuan niya itong nakatambay sa labas ng kanyang dressing room kahit na walang hinihintay. Sa ganoong maliliit na bagay, hindi niya maiwasan ang kutuban sa marahil ay lihim na intensyon nito sa kanya.

        Naalala niya pa ang ilang usapan dati ng mga sikat na artista. May mga obsess fan daw sila na handang pumatay makuha lamang sila. Ang mga kagustuhan nila ay mabilis pa sa alas quartong nasusunod kapalit ng kanilang mga sarili.

        Napailing na lamang si Alex dahil sa pag-iisip. Nang bumukas ang pinto ng elevator, naglakad siya papunta sa pinto ng kanyang unit. Sa ibaba nito, napansin niya ang isang puting sobre. Dinampot niya iyon bago pumasok sa unit at sinara ang pinto.

        "Ano kaya ito?" tanong niya sa sarili. Walang makikitang kahit ano sa labas nito na nagsasabi kung kanino galing o ano ang laman nito. Sinalat-salat niya mula sa labas ang sobre at napansing wala namang kakaiba.

        Dahan-dahan niya iyong binuksan at nakitang isang pirasong papel lang ang laman nito. Binuklat niya iyon at binasa ang nakasulat. 

Itigil na ang iyong pagninilay,

Dahil sa matatapos na ang paghihintay

Ialay mo ang iyong buhay

Para sa ’yong hinihiling na bangkay.

        Nagitla siya matapos mabasa ang nakasulat na mga salita gamit ang kulay pulang panulat, tila nagpapahiwatig ng panaganib o dili kaya, ang malala ay kamatayan. Inintindi niyang mabuti ang mga nakasulat at pilit inuunawa kung ano ang ibig sabihin nito. Hindi niya alam kung para saan ang sulat at bakit siya nakatanggap nito.

        Ilang saglit lang ay napagtanto rin niya ang ibig sabihin...

        Buhay niya para sa kanyang Tiya.

        Bumalot ang takot sa kanyang buong katawan, inaalisa ang bawat pangyayari sa kanyang buhay. Hindi siya pwedeng magkamali na isa itong pagbabanta sa kanyang buhay. Nanginginig siya nang mabitawan ang papel.

        "Sino ba siya? Bakit gusto niya akong sirain? Ano ba ang kailangan niya?" nahihintakutan niyang tanong sa sarili.

        Marahil ay binabantayan ng taong iyon ang kanyang bawat kilos, tyume-tyempo sa mga pagkakataon na maaaring makasira sa kanya. Napasabunot siya sa kanyang sarili. Ito na marahil ang katapusan ng kanyang pangarap. Hindi niya gustong dito lang matapos ang lahat, kailangan niyang lumaban.

        Pero paano, kung para siyang bulag na nakikipagdigma sa taong hindi niya naman nakikita?

        Kagat-kagat niya ang ibabang labi habang iniisip ang maaaring maging hakbang. Kontrolado ng taong iyon ang sitwasyon. Hawak siya nito sa leeg kaya't ano mang maging kanyang hakbang ay maaaring gamitin laban sa kanya.

        Huminga siya nang maluwag upang maibsan ang pagkabahala. Hindi siya pwedeng magpadaig nang gano'n-gano'n na lang. Aalamin niya kung sino ang nagkukubling taong iyon. Kung masisira siya, idadamay niya ang taong nasa likod nito.

        Pansamantala ay kailangan na muna niyang umarte na tila walang nangyari. Magiging normal lang ang magdadaang mga araw hanggang sa matuklasan niya ang taong iyon at saka siya maingat na susugod.

        "Gusto mong maglaro? Pagbibigyan kita sa hiling mo," aniya sa sarili at nangingiti nang nakaloloko.

        NANG gabing iyon, magkasama sa sala sina Jess at Luke habang nanunuod ng telebisyon. Ganitong oras ay tulog na rin si Stef dahil sa may pasok pa siya kinabukasan. Nakahiga sa sofa ang buong katawan ni Jess habang nakahilig ang ulo sa kandungan ni Luke.

        "Sa susunod na linggo, baka wala na ako sa bahay. Magsisimula na rin kasi ang shooting para sa produksyon ng Red Tape 2," nag-aalalang sabi ni Jess sa abalang asawa sa panunuod.

        "Ayos lang. Tumawag ka lang palagi kung may free time ka para hindi ka ma-miss ng bata. Alam mo namang nagiging malungkutin si Stef kapag hindi ka nakikita," saad nito at saka ngumiti. Hinaplos nito ang buhok ni Jess upang tanda na huwag siyang mag-alala sa maaaring mangyari.

        "Gagawin ko. Basta kapag hindi na ako tumawag, doon ka na mag-alala," aniya at ibinaling ang mga mata sa telebisyon.  "Hindi ko pa alam kung hanggang kailan ang shooting. Pero as soon as we finish the project, uuwi din ako kaagad. Para na rin hindi mo ako ma-miss," pagbibiro niya.  Narinig niyang tumawa ang asawa. 

        "Bakit ka tumawa? Para namang hindi mo ako mami-miss. Nagtatampo ako," pagmamaktol niya na may halong pagkukunyari.

        "Fine. Mami-miss din kita. Okay na ba?" anito na tinugon lamang ni Jess ng pagtungo. "Oh, kulang pa ba? Edi, sobra-sobra kitang mami-miss."

        "Parang pilit naman, e. Hindi kapani-paniwala. Labas 'ata sa ilong," pambubuska niya at saka pareho silang natawa sa biruan.

        Panandaliang napunan ng katahimikan ang pagitan nila. Walang umiimik hanggang sa muling magsalita si Luke.

        "Last time, narinig ko kayong nag-uusap ni Cassie. Is there anything wrong?" pag-uusig nito.

        Umiwas kaagad ng tingin si Jess at nag-isip ng tamang mga salita na maaaring makapagpabuti sa kanyang sasabihin. "Do you remember Rick? 'Yong pulis na kaibigan ni Lance?" tanong niya upang hindi mabigla sa sasabihin ang asawa.

        "Yes. Naaalala ko pa siya. I remembered na naka-hospital arrest siya. Why?" pagtataka nito.

        Humugot nang malalim na paghinga si Jess bago nagsalita. "He was murdered recently," at saka napalunok ng laway. "H-hindi pa kilala ang pumatay sa kanya and..." Natigilan siya.

        "And what?" saad nito na nag-aabang.

        "Natatakot kami ni Cassie na may kinalaman ito... sa nakaraan namin," nasambit niya ngunit sa pababang tono. Wala sana siyang balak na ipaalam kay Luke ang tungkol dito dahil labas naman siya sa isyu, ngunit dahil sa pag-uusig ng asawa ay wala na rin siyang nagawa. Karapatan din nito marahil ang malaman ang totoo.

        "Don't be. Nandito ako sa tabi mo. Hindi naman kita pababayaan. Minsan ka ng muntikang mawala sa akin, I won't let that happen ever again. I promised that I would take good care of you," saad nito at saka mahigpit na hinawakan ang kamay ni Jess tanda ng pangako.

        Pilit siyang ngumiti kahit na sa loob-loob ay gusto niyang umiyak. "Alam kong patay na si Sarah pero natatakot pa rin ako. Baka may ibang tao ang gustong maghiganti para sa kanya," nasaad niya nang biglang bumalot ang takot sa kanyang pagkatao.

        Napansin niya ang pagkabahala sa mukha ni Luke tulad ng inaasahan niyang magiging inisyal na reaksyon nito. Hindi kasi maitatanggi na may posibilidad na mangyari ang sinabi ng kanyang asawa lalo na't kumalat na ang balita. Hindi na lihim ang tungkol dito kaya't kung may taong gustong gumawa ng paraan upang makapaghiganti ay magiging madali na lang para sa kanya.

        "Kung dumating din ang panahong iyon, hindi kita iiwan. Nasa tabi mo lang ako palagi, asahan mo ako," matatag na sabi ni Luke na nagpagaan sa loob ni Jess.

        Masaya siya dahil naririto si Luke sa kanyang tabi. Kung dati ay halos isumpa niya ang asawa dahil sa nagawa nito, ngayon ay hindi na niya kakayanin kung magkakawalay pa silang dalawa. Iisa na sila at hindi na maglalayo kailan pa man.

        "Salamat," nasabi niya at saka hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Luke. "Magiging matatag ako para sa 'yo."

        "Basta umuwi ka nang ligtas. Gusto ka naming makasama ni Stef nang mas matagal. Ipangako mo na kahit wala ako roon ay kaya mong ipagtanggol ang sarili mo kapag may panganib. Alam kong malakas ka. Naniniwala ako sa 'yo," anito na may halong pangamba.

        "Makakaasa ka. Kakayanin ko," mariinniyang sabi.e

RED TAPE 12

CHAPTER TWELVE

Idioms and Irony

        TILA patay na oras ang mga nagdaang sandali ni Cassie, walang pagbabago sa kanyang araw maliban sa mga pasyenteng paroon at parito upang magpakonsulta. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair, kaunting nakatingala ang ulo at pinagmamasdan ang puting kisame.

        Isang bagay ang gumugulo sa kanyang isipan, isang hindi pangkaraniwang bagay na ngayon pa lamang niya maeengkwentro. Gawa ng kuryosidad kaya't gusto niyang tuklasin ang bagay na ito.

        Naupo siya nang maayos at saka kinuha ang isang folder sa isa sa mga drawer sa kanyang mesa. Binulatlat niya iyon at inalisa nang mabuti ang nilalaman. Isa-isa niyang pinagtatagpi ang mga nakitang sintomas sa pasyenteng nagmamay-ari ng folder, pilit iniintindi ang maaaring maging resulta.

        Nang makuntento ay agad din naman niyang isinara at naitukod ang kamay sa mabigat na ulo upang mag-isip. Hindi siya pwedeng magkamali sa nakuhang impormasyon, iisa ang sinasabi nitong resulta at iyon ay...

        "Alex Farr..." nasaad niya sa sarili.

        Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tawagan si Alex para sa susunod nitong session sa kanya. Nakailang pagtunog ang cellphone ngunit wala pa ring sumasagot. Minabuti na lamang niya ang mag-iwan ng voicemail kung saka-sakaling matanggap ni Alex ang kanyang mensahe.

        Matapos 'yon, naupo siya nang maayos at binuksan ang laptop na nasa kanyang kanang tabi. Balak niya pag-aralan ang anumang sakit na kanyang nakita kay Alex upang makasiguro. Marahil ay makakita rin siya rito ng mga taong may kaparehas na kondisyon at kung paano nila nalabanan ang ganitong sitwasyon.

        Sa kanyang pagbukas, isang mensahe ang kanyang natanggap sa e-mail. Gawa ng pagtataka ay agad niya iyong binuksan at nang mabasa ang nilalaman nito. Mula sa hindi pamilyar na tao ang mensahe pero gayon pa man ay binuksan niya pa rin ito.

        "Alex Farr's real condition?"

        Tanging ang apat na salitang iyon lamang na nagtatanong ang nilalaman ng mensahe. Hindi alam ni Cassie kung paanong nalaman ng taong pinanggalingan ng mensahe ang tungkol sa pagpunta ni Alex sa psychologist. Nakiusap kasi ang dalaga na kung maaari ay maging lihim ang tungkol dito hanggang sa siya ay gumaling. Ayaw kasi nitong maging putahe ang kanyang kondisyon na pagpipyestahan ng mga taga-media. Pumayag naman sa kondisyong iyon si Cassie para na rin sa kaligtasan ng dalaga.

        Ngayon ay namamangha na siya sa media kung gaano ito mga kagaling sa pangangalap ng impormasyon na kanilang kakailanganin upang may mailathala. Sa kabilang banda ay may pakiramdam siya na nabigo niya si Alex sa kanilang naging kondisyon.

        Mayamaya lang ay hindi niya namalayan ang mga kamay na pumipindot-pindot na sa keyboard ng kanyang laptop. Mabilis niyang tinitipa ang mensaheng gusto niyang sabihin.

        "Paano mo nalaman ang tungkol dito? At sino ka? Ano ang kinalaman mo kay Alex?" Mga simpleng tanong niya na marahil ay sapat na para malaman niya ang kasagutan na gumugulo sa kanyang isipan.

        Natapos na ang limang minuto ngunit wala pa rin siyang natatanggap na tugon mula sa taong nagpadala ng mensahe. Napahiga siya sa kanyang upuan at bahagyang nagpapaikot-ikot habang hinihintay ang pabalik na mensahe. Ngunit tila bigo pa rin siya dahil lumipas na ang ilang minuto.

        Sakto rin nang patayin niya ang kanyang laptop ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Alex na nagsasabing pumapayag ulit ito sa isa pang session. Nakahinga naman nang maluwag si Cassie at tumugon ng salamat sa nakuhang mensahe.

        Iba sa mga psychologist na ang pangunahing hangarin ay ang kumita, si Cassie ay isang espesyalista na ang pangunahing hangarin ay tulungan ang sa kanya'y nangangailangan. Gustong-gusto niyang matulungan si Alex matapos malaman ang tunay nitong kondisyon.

        Biglang sumagi sa kanyang isipan si Sarah. Kung natulungan lamang niya sana ang kaibigan ay hindi sana humantong sa ganito ang lahat. Wala sanang buhay na nawala. Wala sanang nagbuwis ng kanilang buhay. Hindi sana sila nakakulong pa rin sa bangungot na sa bukas makalawa ay maaaring patay na sila at tuluyan ng nilisan ang mundong ibabaw.

        Isa siyang psychologist ngunit ang hangarin niyang makatulong ay hindi man lang niya nagawa sa kanya mismong matalik na kaibigan. 'Yon ang mga bagay na nagpapalungkot sa kanya at sa propesyong napili.

        Mula sa kaliwang bahagi ng kanyang mesa, nakita niya ang litrato niya kasama si Sarah na nagbago bilang si Lexie. Masayang-masaya silang magkasama sa litrato habang magkayakap. Naaalala niyang naganap iyon nang kanyang kaarawan, unang taon palang ni Lexie sa kanyang trabaho bilang kaagapay.

        Hindi niya napigilan ang maluha dahil sa sakit pa rin ng nakaraan. Isang nasayang na masayang alaala dahil sa kanilang kapabayaan na humantong sa pagbabawas ng buhay.

        Naipunas niya ang likod ng kamay sa matang lumuluha. Ganoon pa man, kahit naaalala niya ang nakaraan, wala na siyang nararamdamang pangangamba. Mas maigi.

        "Patawad Sarah sa nagawa namin. Alam kong walang katumbas na kabayaran ang ginawa namin sa 'yo. Pero ito ang pakatatandaan mo kahit nasaan ka man, mahal na mahal ka namin bilang kaibigan," aniya sa sarili at saka nangingiti sa larawan.

        MULA sa opisina ni Mr. Brian Chua, pribado siyang nakikipag-usap sa manager ni Alex na si Ms. Stella Mercado. Ilang bagay tungkol sa pera ang kadalasang nagiging paksa ng kanilang pag-uusap, ang tungkol sa kita, gastos, sweldo at ilan pang nabibilang at natitimbang.

        Isang katamtamang haba ng mesa ang pumapagitan sa dalawa habang panay sa pagtawa, marahil ay dahil sa inaasahan nilang kikitain sa gagawing proyekto. Hindi sila makapaghintay na mahawakan ang magiging katumbas ng pagod ng mga taong bumubuo sa produksyon samantalang sila ay nag-aabang lang.

        Ganito nila isipin ang mga artista. Mga taong pupwedeng gamitin upang pagkakitaan. Ang kanilang kasikatan ay may kaakibat na kayamanan. Ginto ang sa tingin nila ay sikat samantalang basura naman kapag napaglipasan na.

        "Maiba ako, kung magiging pinilahang-tabing ba ang pelikulang ito, maaari mo bang taasan ang magiging talent fee ni Alex?" untag ng manager sa C.E.O. na nakapaling ang upuan sa kanya.

        Mula sa kinauupuang swivel chair, pumihit siya pakaliwa, umayos ng pagkakaupo at inabot ang wine na nasa kanyang kanan. Nilagyan niya ng laman ang dalawang wine glass at nang mapunan ay saka iniabot ang isa kay Ms. Stella.

        "Uminom ka," alok niya na pinaunlakan naman nito.

        Walang anu-ano'y iniabot nito ang baso, pinaikot-ikot ang laman na wine sa baso at ngumiti sa mabuting pakikitungo ni Mr. Chua.

        "Maraming salamat," nagagalak nitong sabi.

        Tumungga ito ng kapiraso sa iniinom na wine nang marinig nitong magsalita si Mr. Chua. Kapansin-pansin ang nakaloloko niyang ngiti na tila may laman sa bawat paglabas ng kanyang pantay at puting ngipin.

        "Sa tingin ko, mabilis kang magtiwala sa mga taong iyong maaasahan," makahulugan niyang sabi.

        Napakunot naman ng noo si Ms. Stella dala ng pagtataka sa naging pahayag ni Mr. Chua. Nailapag nito ang hawak na baso at saka nagtanong. "A-Ano'ng ibig mong sabihin?" nagugulumihanan nitong tanong.

        Muli ay ngumiti siya nang nakaloloko. "Paano na lang ay kung nilagyan ko ng lason ang iyong inumin? Paano nga kaya?" aniya at ibinaba ang hawak na wine glass at itinukod ang likod ng palad sa baba.

        Namilog ang mga mata ni Ms. Stella dahil sa pagkabigla. Tila huminto ang kanyang mundo at pinakiramdaman ang gumuguhit na tama ng wine sa kanyang lalamunan. Matalim nitong tinitigan si Mr. Chua at natagpuang natatawa lamang.

        "N-Niloloko mo ba ako? Tama! Niloloko mo lang ako, 'di ba?" anito at pinipilit ang gumuhit ng ngiti sa kabila ng pangamba na hinaluan nga ni Mr. Chua ng lason ang kanyang inumin.

        "Huwag kang mabahala, hindi ko naman talaga nilagyan ng lason ang inumin mo," at saka natatawa pa rin sa nakitang reaksyon ni Ms. Stella.

Maging ang manager ay natawa na rin sa kanyang naging inisyal na reaksyon, gayunpaman hindi pa rin nito naiwasan ang matakot para sa kanyang sarili.

        "Sa susunod ay huwag ka kaagad na magtitiwala. Ganyan ang tao, nagpapatayan para sa kanilang hinahangad. Mamamatay ang kung sinoman ay higit na mahina samantala, mananaig naman ang higit na mas malakas," makahulugan niyang sabi habang tinititigan ang wine.

        Napalunok ng laway si Ms. Stella. "Hindi ko na kayo naiintindihan. Kung tungkol na lang kaya sa mga artista ang pag-usapan natin? Higit na mas makabuluhan siguro iyon dahil makakaisip pa tayo ng paraan upang kumita, hindi ba?"

        "Ang paghahangad ng mas mataas ay paghahangad na rin ng kalaban. Ang sinomang nasa taas ay binabato hanggang sa ito ay bumagsak at mamatay," isa na namang makahulugang sabi niya. 

        Tila sumisikip ang dibdib ni Ms. Stella, parang may mabigat na kung anong bagay. Hindi nito magawang makahinga nang maayos, para itong kakapusin. Habol-hininga ito habang inaalalayan ang sarili gamit ang isang kamay na nakakapit sa upuan upang huwag matumba.

        "Pera ang ugat ng lahat ng kasamaan. Bumubuo ito ng demonyo sa sinomang mahumaling. Kontrolado nito ang pag-iisip ng demonyong iyon. At kapag ang demonyo ay naulol, ang iyo ay magiging kanya. Hanggang ang kanyang kasakiman ang magdulot sa kanya ng kamatayan," aniya na tila hindi alintana ang paghihirap ni Stella.

        Hindi na nagiging malinaw ang pandinig ni Ms. Stella na maging ang kanyang paningin ay nagiging malabo na rin. Sinubukan nitong ibukas-sara ang kanyang mga mata, nagbabaka-sakaling maging malinaw ang rehistro ng mga bagay sa kanyang paningin.

        "Matulog ka na muna," narinig nitong huling sinabi ni Mr. Chua.

        "B-Bakit?" huling nasambit nito bago ang malabo-labo pa niyang paningin ay tuluyan ng binalot ng kadiliman. Muli nitong narinig sa huling pagkakataon ang bungisngis ni Mr. Chua na umalingawngaw sa apat na dingding ng kwarto.

m

RED TAPE 13

CHAPTER THIRTEEN

Shooting with a Camera or Shooting with a Gun?

        PAGKAPASOK ni Alex sa gusali upang makipag-usap kay Direk Anne, nagitla siya nang biglang sumulpot sa kanyang kanan si Gem Marasigan, isa sa mga batikan sa larangan ng pag-uulat. Kahit na nasa edad na late 20's, masasabing isa na ito sa mga tinitingalang mang-uulat – kaliwa't kanang mga parangal ang makapagsasabi sa kasikatan ni Gem. 

        Dahil nga sa katanyagan, pinahihintulutan itong kumuha ng panayam sa ilang artista na nabibilang sa ARR Films at kasama na roon si Alex.

        "Magandang umaga, Alex," bati nito sa nagmamadaling artista upang makaiwas sa kanyang pang-uusisa.

        "Magandang umaga," ganti niya at saka nagpakita ng kanyang pekeng ngiti. Kapansin-pansin ang palagiang pagtingin ni Alex sa kanyang relo upang makita ng reporter na ayaw niya magpaabala.

        "Magiging mabilis lang 'tong tanong ko. Alam niyo po ba ang tungkol sa pagkakaospital ng inyong talent manager na si Ms. Stella Mercado?" walang pasintabing tanong nito habang nakatutok ang recorder sa bibig ng dalaga.

        Nahinto naman sa paglalakad si Alex at mabilis na ibinaling ang tingin sa reporter. "H-Hindi ko alam ang tungkol d'yan," aniya at gulantang pa rin dahil sa nabalitaan. Napaiwas siya ng tingin at medyo nabahala.

        Kahit alam niya na tanging pera lang ang habol ni Ms. Stella sa kanya, may parte pa rin ng kanyang utak ang nag-aalala, hindi dahil sa kondisyon ng manager kung hindi dahil sa maaaring kahinatnan ng kanyang kasikatan.

        "Ayon sa sabi-sabi ay dala ng alta-presyon ang naganap na pagkakaospital. May kinalaman ka ba doon?" pag-uusig pa nito.

        Mariing umiling si Alex at bahagyang natawa. "W-Wala akong kinalaman d'yan," matapat niyang sagot. Nang isang araw pa nang huli silang mag-usap ng kanyang manager kaya't malabo na may kinalaman siya. Isa pa ay abala ang kanyang manager sa personal nitong pangangailangan.

        "Kung gayon, may alam ka ba na maaaring magdulot sa kanya no'n?" muling pangungulit nito.

        Hindi na napigilan ni Alex ang biglang pag-akyat ng kanyang dugo sa ulo na nagpatiim ng kanyang bagang. "Sinasabi mo bang may alam ako?!" sigaw niya dahil sa hindi mapigilang emosyon.

        Bahagya namang nagulat si Gem sa inasal ni Alex, nanlaki ang mga mata nito at pansamantalang natigilan. Maging si Alex ay nabigla sa kanyang inasal kaya't mabilis niyang binawi ang sinabi.

        "P-Patawad. Dala lang ng stress. Ipagpaumanhin mo ang naging asal ko," hinging patawad niya.

        Tumango naman si Gem bilang pagtanggap nito. Huminga muna ito nang malalim, tinantiya kung pwede nitong itanong ang huling katanungan, bago nagsalita. "Huling katanungan, may namamagitan na ba sa inyo ni Tristan Simpson? Madalas ay namamataan daw kayong dalawang magkasama," tanong ni Gem sa malunay na paraan.

        Ngumiti si Alex upang gumaan ang atmospera sa kanilang pagitan. "Wala... Wala pa as of now," mariin niyang pagtutol.

        Matapos ang panayam ay nagpaalam na si Gem kay Alex. Nang makaalis, hindi niya maikubli sa sarili ang nagawang katangahan kanina nang masagot niya nang pabalang ang reporter. Isang malaking kamalian ang makabangga ang isang reporter dahil sila ang nagbibigay ng mga balita na pagpipyestahan ng taong bayan.

        Napapailing na lamang siya habang naglalakad gawa ng pagkadismaya. Sa susunod ay mas magiging maingat na siya sa kanyang mga kilos. Hindi dapat siya gumawa ng mga hakbang na maaaring ikasira niya.

        Habang naglalakad at mataimtim na nag-iisip, biglang sumagi sa kanyang isipan ang sitwasyon ni Ms. Stella. Nasa ospital ito ngayon at wala pang nakakaalam ng tunay na dahilan sa pangyayari. Ang tanging alam lang niya ay ang teorya na dahil sa alta-presyon ang naging sanhi.

        Sa kabilang banda, napaisip siya kung wala nga ba itong kinalaman sa kanya. Naalala niya ang naging pagbabanta sa pagkasira ng kanyang pangalan bilang artista. Hindi kaya may kinalaman ito upang unti-unti ay mawasak siya?

        Napatingala siya gawa ng maraming iniisip. Halo-halo na sa kanyang isipan ang lahat ng kanyang problema. Hindi niya alam kung may katapusan ba ang lahat ng mga ito.

        Sa kabilang banda pa rin, maaaring wala siyang kinalaman sa nangyari at tanging sa natural na paraan siya nagkasakit. Masyado niya lang marahil pinag-iisip ang sarili.

        Dahil sa matinding pag-iisip, hindi niya namalayan na nasa harap na pala siya ng pinto kung saan naroroon si Direk Anne. Pagbukas niya ng pinto ay unang namataan ng kanyang mata si Sammie habang katabi si Tristan sa kaliwang bahagi ng pumapagitnang mahabang mesa. Samantala, katabi naman ni Direk Anne si Lyra na katabi rin ni Luz Castillo, ang scriptwriter ng naturang produksyon, sa kabilang bahagi. Ang ilan pang naroroon ay hindi na niya kilala dahil bago lamang sa kanyang paningin.

        Nakangiti siya nang pumasok. "Maupo ka," ani Sammie na nakangiti rin sa kanya, inaalok ang katabi nitong upuan.

Ang lahat ay seryosong nakatingin sa kanya maliban kay Sammie na nanatiling nakangiti. Nagpapalit-palit ang kanyang tingin sa bawat pares ng mata na nakatingin sa kanya. Hindi niya mapigilan ang sarili na mangamba dahil sa pagkakaalala niya ay wala naman siyang nagawang masama.

        Wala nga ba?

        Napayuko siya nang hawakan ni Sammie ang kanyang kamay at saka pinisil.

        "Nabalitaan namin ang nangyari kay Ms. Stella. I know kung bakit ka malungkot. She will be safe, okay?" narinig niyang sabi ni Sammie.

        Medyo nakahinga siya nang maluwag nang mapag-alamanang iyon lamang pala ang dahilan kung bakit ganoon na lamang sila makatingin. Ang pangamba sa kanyang dibdib ay unti-unting nabawasan.

        "T-Thank you," matipid niyang sabi at nagpatuloy na lang sa kanyang pagpapakitang-tao.

        "Okay. Dahil nandito na rin si Alex at kumpleto na tayo, we can now start the meeting," saad ni Direk Anne.

        Karaniwan na sa ARR Films na magkaroon ng palagiang meeting para sa mga produksyong kanilang ginagawa. Ganito sila kahanda sa mga bagay-bagay upang maabot ang kanilang hangarin. Lahat ay dapat plantsado bago magsimula upang hanggang sa huli ay walang maging aberya kahit na katiting. Ganoon sila, organisado.

        Bago magsimula ay nagpakilala muna ang bawat isa upang maging pamilyar sila sa isa't-isa. Matapos ay napag-usapan nila ang tungkol sa gaganaping workshop bukas. Tatlong araw iyon bago tuluyang sumabak sa kanilang taping. Gusto nilang magkapalagayan muna ng loob ang lahat bago magsimula upang maiwasan ang ilangan sa mga eksenang gagawin. Maigi na rin 'yon upang may pagkakataon siyang makilala ang bawat isa. Naisip niya kasing marahil isa sa kanila ang taong nagbabanta sa kanyang buhay.

        "Wala man sa Manila ang lugar ng taping, for sure ay mag-eenjoy kayo. Maganda ang lugar na napili ng produksyon. Isipin niyo na bakasyon na rin ito," ani Direk Anne.

        Natuwa naman ang halos lahat dahil sa nalaman. Sakto ito upang makahinga-hinga sila nang maluwag at makalanghap ng sariwang hangin.

        "Maayos na ang lahat. Do you have any questions?" tanong ni Direk Anne na iginagala ang mga mata sa madla. Nang makitang walang nagbigay ng kanilang reaksyon, bumaling siya kay Luz at kinuha ang tumpok ng mga papel na nakalagay sa mga folder na sa palagay ni Alex ay mga skrip.

        "Ito nga pala ang inyong mga skrip. Ibinigay ko na nang mas maaga para na rin mapaghandaan niyo. Iyan na rin ang gagamitin natin sa gagawing workshop upang mapagpraktisan. Ayos na ba tayo?" muling tanong ni Direk Anne na tinugon naman ng katahimikan ng bawat isa na nagpapahiwatig ng pagsang-ayon.

        Binuksan ni Alex ang folder at kunyaring binabasa ang nilalaman nito na sa totoo naman ay upang maiwasan lang ang mabugnot sa ilang oras nang pagkakaupo. Kung hindi lang mahalaga, na sa tingin niya ay hindi naman, ang meeting na ito ay hindi na siya sisipot.

        "I guess we don't have any problems. We may go now in our respective businesses. Good luck and God bless," ani Direk na naghuhudyat na sila ay maaaring makauwi na.

        Mabigat ang mga paa ni Alex nang tumayo, hindi alam saan na naman maaaring pumunta. Naisipan na lamang niyang ayain si Sammie na lumabas. Pagkapihit niya ng tingin sa kaibigan, napansin niya ang kakakalas lang na kamay nina Tristan at Sammie. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mga mata bago pa man siya mapansing nakatingin.

        Pagkatapos nang marahil ay ilang segundo ay bumaling ulit siya ng tingin. Wala na si Tristan, samantala, nag-aayos naman ng kanyang gamit si Sammie na noon ay handa nang umuwi.

        "M-May gagawin ka ba ngayon?" tanong niya sa kaibigan. "Gusto ko sanang umalis tayo kung pwede."

        Mariing nailing si Sammie kasabay ang malungkot na mukha. "Sorry. I have already commitments today. Next time na lang ulit," dismayado nitong sabi at hinawakan sa magkabilang balikat ang kaibigan.

        "A-Ayos lang. Mag-iingat ka na lang," aniya at saka pilit na ngumiti.

        "Sige. I have to go. Bye," paalam nito at saka umalis.

        Matapos lumiban ni Sammie sa silid, sumagi sa isipan ni Alex ang nakitang paghahawak ng kamay ni Trsitan at ng kaibigan. Nakumpirma niya na si Tristan nga ang tumawag sa cellphone ni Sammie nang gabing nagkayayaan silang kumain sa labas. Pakiramdam niya ay mabilis na nasagot ang isa sa mga tanong sa kanyang isipan. Tila isang tinik ang hinugot mula sa kanyang utak na nagpagaan ng kanyang pakiramdam.

        Ang tanong na natitira na lang marahil sa kanyang isipan kaugnay sa dalawa ay kung bakit sila ganoon magkalapit. Wala naman siyang nabalitaang nagkaroon ng tyansang magsama ang dalawa.

        Mas maigi na sigurong hintayin na ang mga kasagutan ang kusang lumapit sa kanya.

        "TULOY ba ang plano?" tanong ng isa sa kasama niya na abala sa pagkakatitig sa folder na hawak na naglalaman ng skrip. Lumapit siya rito upang tingnan ang pinagkakaabalahan nito.

        Iniisa-isa nito ang mga taong nabibilang sa magiging produksyon, kinikilatis nito ang bawat isa. Binubukod ang mga taong may malalaking kaugnayan kay Alex.

        Ngumisi ito nang puno ng kagalakan bago sumagot. "Oo naman! Wala ng bawian. Malapit na rin ang pagbagsak ni Alex, ang inaasam mo at inaasam ko. Ang dahilan kung bakit natin ginagawa ang mga ito," anito sa kasamahan.

        Biglang sumariwa sa kanilang mga alaala ang mapait na sinapit ni Leslie sa kamay ng isa sa kanila. Kung sumunod lamang si Leslie sa kanilang kagustuhan ay hindi sana sa kanya mangyayari ang bagay na iyon. Buhay pa sana siya kung hindi dahil sa kanyang pagtanggi sa kanilang kagustuhan.

        "Kailan ba natin sisimulan?" tanong niya na tila naiinip na makuha ang isang bagay.

        "Malapit na malapit na. Sa ganap na magsimula ang taping saka tayo susunggab sa kanyang likuran. Magiging magandang palabas ang mangyayari. Dadaigin nito ang anumang pinilihang-tabing na pelikula," nangingisi nitong sabi sa tuwing maaalala kung paanong ang mga pekeng ngiti ni Alex ay mababahiran ng tunay na pananaghoy.

        "Wala bang madadamay sa gagawin natin?" tanong pa niya.

        "The more the bloodier," at saka natatawa na parang isang baliw. "Lahat sila ay magiging karakter sa ating palabas. Sila ang bubuo sa tunay na produksyon. Ang pag-arte ay mapapalitan ng totoo."

        "Ikaw at ako ba ang magiging bida?"

        "Oo naman. Ito na ang kasikatang inaasam ko. Nararamdaman ko na siya sa mga palad ko," anito na takam sa kasikatan.

        Hindi na sila makapaghintay sa araw na nakatakda kung kailan ibabalik sa putikan si Alex at aagawin ang kanyang trono.

RED TAPE 14

CHAPTER FOURTEEN

Prepare Yourself to See Death

        PATAPOS na ang tatlong araw na workshop at mas nakikilala na ni Alex ang mga magiging kasama. Sa ngayon, wala pa siyang nagiging problema maliban na lang kay Lyra na sa tingin niya ay hindi niya talaga makakasundo dahil sa pagkakapareha ng kanilang ugali.

        Paminsan-minsan ay nagkakangitian sila ngunit alam nila sa kanilang loob na mga pekeng ngiti lamang ang mga iyon upang ipakita sa mga taong ayos sila. Minsan ay naririnig niya kung paanong ipagmalaki ng kasamahan ang kanyang abilidad na may halong pagmamataas. Napapataas na lamang ng kilay si Alex. Hindi niya nais ang gumawa ng gulo kaya't hindi na siya nagtatangkang mangialam.

        Sa ngayon, ayaw na niya munang makipagkumpetensya. Nasa taas pa rin naman siya higit sa lahat. Walang makakatalo sa tugatog ng kanyang katanyagan.

        "Walang panama ang lahat sa akin. Pero sa ngayon, pag-iingat lang ang maaari kong gawin," aniya sa sarili nang maalala ang mga nakaraang natatanggap na pagbabanta sa buhay.

        Bandang alas singko na nang hapon nang matapos ang workshop. Halata sa kanyang mga kasamahan ang pagod dahil sa bagsak nitong mga katawan. Kumpara kasi sa mga naunang workshop, ito ang pinakamatagal kaya't uubusin talaga ang iyong lakas.

        "Bukas nang alas sais ay aalis na tayo. Walang mali-late. Alam niyo namang ayokong may late. Strikto ako pagdating sa oras dahil may hinahabol tayong deadline. Nagkakaintindihan ba tayo?" ani Direk Anne na tinanguan ng lahat bilang pagsang-ayon.

        Rinig ni Alex ang ilang usapan ng mga tao dahil sa magiging proyekto. Halata sa kanila ang kagalakan.

        "Excited na ako para bukas. Ibang-iba ito sa mga pelikulang ginawa ko. Medyo nakakakaba na masaya sa pakiramdam," anito na nakilala ni Alex bilang si Christian De Leon, sa kanyang kausap. Kilala ang binata na may halong Kastila dahil sa kaputian at hulma ng ilong, sa mga pinagbidahang indie film. 

        Abala ito sa pag-aayos ng gamit upang makauwi habang kausap ang isa pang artista na si Jacob Dela Cruz, isa ring baguhan at nakilala sa isang TV commercial dahil sa mala-Tsinong hitsura nito. Parehas silang ekstra sa magiging pelikula kaya't ganoon na lamang ang pagwawalang-bahala ni Alex sa dalawa.

        "Kahit ako. First time ko 'to," sagot ng isa.

        Napailing na lang si Alex at sinamahan ng nakalolokong ngiti. Mababa talaga ang tingin niya sa mga ito. Ang hindi ka-level ay hindi dapat pinagtutuusan pa ng pansin.

        Mayamaya lang ay umalis na rin ang dalawa. Doon lamang niya napansin na siya na lang pala ang natitira sa studio. Wala naman siyang pakialam kung iwan siya ng lahat. Mas maigi nga ito dahil makapagpapahinga siya nang maayos nang walang nakikialam.

        Umupo siya sa isa sa mga upuang nakahilera malapit sa pinto at isinandal ang ulo sa pader. Mariin siyang pumikit at huminga nang malalim. Ilang saglit lang ay nakaramdam siya na tila may ibang tao maliban sa kanya.

        Nagmulat siya ng mga mata at agad na binalot ng takot sa buong katawan. Halos panawan siya ng ulirat nang makita ang katawan ng kanyang Tiya Jennifer sa kanyang harapan! Nanigas ang kanyang buong katawan, hindi niya magawang  mahanap ang kanyang pakiramdam. Para na siyang lalamunin ng buhay ng takot!

        Buka ang kanyang bibig habang titig na titig sa kanyang Tiya Jennifer. Ang mga mata nito ay nanlilisik at tila nanlilibak. Kung nakamamatay lamang ang pagtitig, paniguradong pinanawan na siya ng ulirat. Galit ang mukha nito habang nanggigil ang mga ngipin na nagdulot upang umapaw ang dugo mula sa bibig.

        "Bakit mo ako hinayaang mamatay?! Bakit?! Pinatay mo na ang asawa ko, pati ako pinatay mo rin! Dapat kang mamatay!" anito na puno ng pangigigil.

        Nag-angat ito ng mga kamay at inilapat ang mga iyon sa leeg ni Alex. Sa pagkakataong iyon, tuluyan ng nakagalaw si Alex dahil sa humihigpit na pagkakahawak sa kanyang leeg. Hindi siya makahinga! Para siyang kakapusin dahil sa pag-ipit sa daluyan ng hangin.

        Pilit siyang kumakawala pero higit na mas malakas ang kanyang Tiya Jennifer. Buong pwersa siya nito isinasandal sa pader.

        "T-Tama na po! H-Hindi ko po kasalanan ang pagkamatay niyo! P-Patawarin niyo po ako!" pagmamakaawa niya. Pero tila yata'y bingi ang kanyang Tiya Jennifer, patuloy lang ito sa ginagawa, humigpit nang humihigpit hanggang sa mamula na ang buong mukha ni Alex.

        Alam ni Alex na anumang oras ay papanawan na siya ng ulirat. Hindi na niya kaya pang huminga. Ramdam niya ang mga kuko ng kanyang Tiya na dumaragdag pa sa kanyang pasakit. Bumabaon ang mga iyon upang magdugo ang parte ng kanyang leeg.

        "T-Tama na po!" pagsusumamo niya. Napapapikit na siya dahil sa panghihina. Unti-unti na ring lumalabo ang rehistro ng paligid sa kanyang paningin.

        Bago pa man siya mawalan ng malay, isang pamilyar na boses ang narinig niya. Pilit nitong tinatawag ang kanyang pangalan hanggang sa...

        "Alex! Alex!" sigaw ng isang boses sa kanyang harapan. Nagmulat siya ng mga mata. "Alex! Alex! Thank God! Gumigising na siya!" buong galak nitong sabi.

        Pinilit ni Alex tanawin ng mas malinaw ang paligid. Mula sa kanyang harapan, dalawang lalaki ang nakatayo – sina Christian at Jacob. Bakas sa mukha ng dalawa ang pag-aalala. Mabilis na inabot ni Jacob ang hawak niyang bote ng tubig sa habol hiningang si Alex.

        Lumagok siya ng tubig upang mahimasmasan. Ilang sandali lang, naramdaman niyang umaayos na ang pagdaloy ng kanyang paghinga.

        "Ayos ka lang ba?" tanong ni Christian.

        Sinapo ni Alex ang nananakit niyang ulo. Pinakiramdaman niya ang kanyang leeg. Wala naman siyang maramdamang lumapat na kamay sa bahaging iyon. Iginala niya ang kanyang paningin at natagpuang wala roon ang kanyang Tiya.

        Bangungot? Marahil bangungot nga ang lahat dahil sa kanyang madalas na pag-iisip sa tunay na nangyari sa kanyang Tiya. Kaya maging sa panaginip ay sinunsundan siya nito.

        "Uuwi na ako," aniya kahit na halos matuyot ang kanyang lalamunan. Bago lumabas ay binalikan niya ng tingin ang dalawa. "S-Salamat," saad niya.

        Nginitian na lamang siya ng dalawa hanggang sa makalabas. Hindi pa rin siya makapaniwala dahil sa nangyari. Parang totoo! Halos bawian siya ng buhay matapos ang bangungot na iyon. Huminga siya nang malalim at pinipilit na i-relaks ang buong katawan dahil sa tensyon.

        Malamig ang mga palad niyang lumabas ng gusali at nagtungo sa kanyang sasakyan. Nang magawa niyang ikondisyon ang sarili, kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag.

        Mula roon ay nabasa niya ang isang mensahe na nagsasabing...

        "Surprise! It's showtime!"

        NAG-IIMPAKE ng kanyang mga gamit si Jess na kakailanganin sa isang linggong shooting nang pumasok sa kwarto ang kanyang asawa mula sa trabaho. Tulad sa mga nakaraang pag-uwi, bitbit nito sa kanang kamay ang bag samantalang sa kabila ay ang pasalubong para sa mag-ina. Lumapit ito kay Jess at nag-iwan ng isang masuyong halik sa labi.

        "May dala nga pala ako sa inyo. Iniwan ko na lang sa mesa. Bukas na ba ang alis niyo?" tanong nito habang tinatanggal ang kurbata mula sa pagkakabuhol.

        "Oo, e. Alas sais ay lululan na kami," tugon niya nang hindi man lang inaalis ang tingin sa ginagawang pag-aayos.

        Huminga nang malalim si Luke at tila dismayado dahil sa bigat ng pagbuga nito. "Isang Linggo ka rin pala mawawala," malungkot nitong sabi nang tuluyang matanggal ang pang-itaas na damit at nailahad ang magandang hubog ng katawan.

        "Isang Linggo lang naman 'yon," pag-uulit ni Jess.

        "Lang?"

        "Isang Linggo lang," pagdidiin niya sa huling salita. Gusto niyang makitang kaya ng kanyang asawa na mawalay siya kahit sa maikling panahon. Mula kasi nang muntikan na silang magkawalay ay walang ni araw at gabi silang hindi nagkikita. 

        "Kakayanin mo 'yon. Alam ko namang nagsasawa ka na rin minsan makita ang mukha ko. Hindi ganyan ang Lucas na kilala ko," nakangiti niyang sabi at saka tumayo para lumapit sa asawa na nakatalikod sa kanya.

        "Pero isang Linggo 'yon. Sa tuwing papasok nga lang ako sa trabaho, nag-aalala na ako para sa kalagayan mo, paano pa 'yong isang Linggo? Isang Linggo na malayo ka sa akin," anito kasabay ang pagsapo sa ulo.

        "Magiging maayos naman ako doon. Wala kang dapat ipag-alala. Mag-iingat naman ako roon at kung may pagkakataon, tatawag ako. Hindi ko naman hahayaang hindi ko alam ang nagyayari sa inyo. Pati rin naman ako nag-aalala para sa inyo," saad niya at saka yumakap mula sa likuran ni Luke.

        Isinandal niya ang kanyang ulo sa likod nito at saka lalong hinigpitan ang pagkakayakap. Hinawakan naman ni Luke ang nakapulupot na kamay ng asawa at masuyong hinimas.

        "Alam ko ang nararamdaman mo. Natatakot ka. Kahit ako, ganoon din ang nararamdaman," ani Jess.

        Kinalas ni Luke ang kamay ni Jess at hinarap ang asawa. Ngumiti ito at hinaplos ang mukha ni Jess. "Oo... Natatakot ako na baka mawala ka sa akin. Natatakot ako na maiwan mo. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa 'yo. Pero higit akong natatakot na baka hindi ka na bumalik sa akin. Ikaw at si Stef lang ang kayamanan ko, kaya gusto kong lagi kayong nasa tabi ko," nag-aalala nitong sabi habang patuloy na hinahaplos ang mukha ng asawa.

        "Babalik ako. Ano ka ba? Wala ng magpapakain kay Stef kapag nagkataon. Ayoko namang puro fastfood na lang kayo ni Stef," natatawa niyang sabi. Natawa na rin si Luke sa wakas. "Mas maigi 'yang tumatawa ka. Huwag kang maging masyadong seryoso, hindi bagay sa gwapo mong mukha," at saka hinaplos rin ang mukha ng asawa.

        Sandali silang nagkatitigan sa mga mata. "Ang gwapo ko no'? Naiin-love ka na naman sa akin," saad nito na may halong pagmamayabang.

        Nahampas ni Jess sa balikat si Luke dahil sa kalokohan. Napawi ang kanilang mga pag-aalala sa isa't-isa. Unti-unti itong naibsan ng tawanan na sana ay wala ng katapusan.

        "Gwapo ka naman talaga, mayabang ka nga lang," pambawi ni Jess na tinaasan naman ng kilay ni Luke. Nagkunwari pa siyang lamig na lamig dahil sa kahambogan ng asawa.

        "Sino'ng mayabang?" saad nito at inilapit ang mukha sa asawa. Napaatras naman si Jess ng ulo dahil sa pagkabigla. Kahit mag-asawa na sila, hindi pa rin niya maiwasang mataranta sa tuwing gagawin ito ni Luke.

        "A-Ano ba? Lumayo ka nga. Hindi na tayo binata't dalaga," aniya saka iniwas ang tingin. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Luke sa baywang at inilapit ang katawan sa kanya. Ramdam niya ang init mula sa hanging nanggagaling sa ilong ni Luke.

        "Hindi na nga tayo binata't dalaga kaya pwede nating gawin 'to," mapanuksong sabi ni Luke na sinabayan ng taas-babang kilay.

        Alam ni Jess ang turan ng asawa sa tuwing ganito ang Ikinikilos. Napailing na lang siya. "Masyado pang maaga," aniya.

        Hindi na pinansin ni Luke ang sinabi ni Jess nang mariin nitong halikan sa labi ang asawa. Hindi na siya pumalag imbes ay sumabay na lang din siya sa tagpong iyon kung saan ang kanilang mga labi na ang nagsasabi kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Ang isang bagay na nagbuklod sa kanila nang ipakilala nila ang isa't-isa sa harap ng altar.

        Matapos ang mainit na tagpong iyon ay habol-hininga silang humiwalay. Nagkangitian sila at saka sinilid ni Jess ang kanyang ulo sa dibdib ng asawa.

        "Mahal na mahal kita," aniya habang ninanamnam ang masarap na pakiramdam.

        "Mahal na mahal din kita," sagot naman nito at niyakap nang mahigpit ang asawa.

RED TAPE 15

CHAPTER FIFTEEN

Perfect Setting for A Killing Spree

        SEPTEMBER 5, 2015, SABADO. 12:42 PM.

        Ang alinsangang nanggagaling mula sa araw ay dumadampi sa bawat isa na nagdudulot ng mainit-init na pakiramdam. Ngunit dahil sa matatayog na puno sa paligid at malalago nitong dahon sa kakahuyan, ang dapat ay maalinsangang pakiramdam ay napalitan ng presko at malamig na hangin.

        Kapansin-pansin din ang nakakarelaks na huni ng mga ibon na parito't paroon sa himpapawid. Tila nga isang lugar kung saan mahahanap ang kapayapaan.

        Probinsya.

        Iyan kaagad ang pumasok sa kanilang sentido matapos pagmasdan ang buong paligid. Lubak ang daang kanilang binagtas makarating lamang sa tagpuan kung saan nila gagawin ang nasabing pelikula. Lulan sila ng apat na malalaking van na inookupa ang isa ng mga artista at ang ilan ay para sa mga staff at kagamitan.

        Pagbaba ni Alex ng van ay kinutuban na siya kaagad nang masama. May kung anong bagay ang biglang nagpabilis ng kanyang puso na nagdahilan upang mangatal ang kanyang labi dahil sa kaba. Pinagmasdan niya ang lahat at nang matitigan niya ay halos manginig ang kanyang kalamnan!

        Walang ulo ang lahat!

        Nangusot siya ng mga mata upang matiyak kung may katotohanan ang kanyang nakikita ngunit sa kanyang muling pagdilat ay naroroon pa rin ang mga ulo nito, malayong-malayo sa aparisyong nakita niya kani-kanina lang.

        Suminghot siya ng sariwang hangin upang padaanin sa halos polusyong nilalaman ng kanyang baga.  Hindi niya matandaan kung kailan naging ganito kapayapa ang kanyang pakiramdam malipas ang ilang taong pagiging buhay miserable – na sa tingin ng lahat ay perpekto at walang maikukutya.

        Ang buong produksyon na naroroon sa kanilang lugar ay humigit kumulang tatlumpung katao, binubuo ng dierktor, scriptwriter, mga artista, cameramen, make-up artist, P.A., at ang ilang natira ay bilang suporta na lamang.

        Ipinatawag ni Direk Anne ang lahat upang mapag-usapan ang mga gagawing hakbang. Pumalibot ang lahat sa kanya matapos iyon.

        "Naririto na tayo sa lugar kung saan tayo magsu-shooting. Kung makikita niyo, walang halos signal ang inyong mga cellphone," aniya nang matapos ay tumingin ang lahat sa kani-kanilang cellphone. Ang ilan ay bahagya pang itinaas ang kanilang mga cellphone at napapamura. "Pero kung tamang posisyon ang gagawin niyo, maaari kayong makasagap kahit na katiting na signal," dagdag pa niya.

        Narinig ni Alex ang ilang pagmamaktol ng kasamahan at napansin ang hindi maipintang mga mukha nito. Napangisi tuloy siya dahil sa itsura ng mga ito. 

        Walang makakahingi ng tulong at kung mayroon man ay hindi magiging ganoon kadali para sa kanila. Napaisip tuloy siya kung patayin niya kaya ang lahat ng naririto at walang itirang buhay, paniguradong maaabswelto siya dahil bago pa man makarating ang mga awtoridad ay nalinis na niya ang krimen na makapagtuturong biktima rin siya.

        Natawa tuloy siya sa naisip. Para tuloy bumabalik ang katakaman niyang pumatay ng tao.

        "Kung nakikita niyo sa bandang kaliwa ko, isang resort ang panunuluyan natin. Kumpleto ang lahat d'yan maliban na nga lang sa telebisyon at wifi na alam kong hinahanap niyo. Like what I have said, there is no signal here. Hindi naman tayo magtatagal dito. Isang linggo lang naman at matapos 'yon ay sa ibang lugar na tayo. May pagkain na rin tayo na sasapat ng isang linggo. Masyado tayong malayo sa kabihasnan kaya't sinugurado ko na ang lahat ng inyong kakailanganin."

        Imbes na isiping isang kulungang walang wifi, telebisyon at cellphone ang isang linggo nila, mas nirapat na lang nilang isipin na isang linggo rin itong malayo sa siyudad. Isang bakasyon kung maituturing kumbaga.

        "May katanungan pa ba kayo?" ani Direk Anne.

        Katahimikan lang ang naging tugon ng lahat. Matapos ang pagpupulong, nagtungo na ang lahat sa loob ng resort bitbit ang kani-kanilang mga gamit. Naiwan si Alex na pinagmamasdan ang buong paligid. 

        Ang sarap ng hanging nagmumula sa malawak na asul na dagat. Ibinuka niya ang kanyang mga kamay at kinakamkam ang masarap na pakiramdam na hiling niya na wala na sanang katapusan.

        "Ang ganda no'?" untag mula sa kanyang likuran.

        Mabilis niyang binawi pabalik ang mga kamay na nakabuka at lumingon sa kanyang likod. Natagpuan niya si Jess na kapareho niya ang ginagawa – nakabuka ang mga kamay at tinatanggap ang simoy ng hangin.

        "M-Miss Jessica," gulat niyang sabi.

        "Jess na lang," mapagkumbabang sabi nito.

        Napangiti naman siya sa naging turan ni Jess. Isa na namang mabait na nilalang na nabiyayaan ng busilak na kalooban, sa tingin niya. "Okay... Jess," pagsunod naman niya.

        "Ang ganda ng lugar na ito. Kung maaari lang, gusto ko na ritong tumira. Tahimik, payapa, malayo sa polusyon. Malayong-malayo sa siyudad na kinalakhan ko," saad nito na tinatanguan lamang ni Alex.

        "Tama ka. Dito mo makikita ang tunay mong sarili. Dito mahahanap ang minsan ay nawalang kaluluwa ng iyong sarili. Ang sarili ko na nawawala pa rin hanggang ngayon," tugon naman niya habang pababa nang pababa ang tono.

        "Sana lang ay kasama ko ang asawa at anak ko. Tiyak! Magugustuhan nila ang lugar na ito. Gustong-gusto pa naman nila na magkaroon kami ng bakasyon paminsan-minsan," anito.

        "May pamilya ka pala... Masaya ba ang magkapamilya?"

        "Oo naman. Sobrang saya. Sila 'yong kasama mo sa panahong lugmok na lugmok ka na. Sila rin 'yong unang ngingiti bago mo pa man malaman ang magandang balita. Sila ang sandigan mo. Sila ang kayamanan mo..." nakangiti nitong sabi kay Alex. "Tulad ng lugar na ito... Maganda."

        Nagkangitian ang dalawa nang mapagtantong parehas lang ang nagiging kanilang depinisyon sa lugar – isang payapang lugar kung saan iibsan ang bigat ng iyong pakiramdam tulad ng isang pamilya. 

        Matapos ang pagmumuni-muni ay nakidalo na rin sila sa loob ng resort kasama pa ang iba. Pagkapasok nila, namangha sila sa lawak nito, tila isang mansyon sa gilid ng dalampasigan. 

        Ang interior ay tila sadyang pinag-isipan ng sampung utak dahil sa sobrang ganda. Gawa sa marmol ang sahig na binagayan ng stained glass na bintana. Kung iisipin, angkop ang disenyo sa kalikasan dahil ang ilang parte ay gawa sa mamahaling kahoy. Ang mga kagamitan ay tinernuhan din ang kagandahan ng disenyo ng resort na mapaghahalataang mamahalin dahil sa mga sikat na mang-uukit. 

        Dalawang palapag ang buong resort na may sampung kwarto sa taas at dalawang maliliit na kwarto sa ibaba na marahil ay para sa kasambahay. Malawak ang buong reception area na sumasakop ng ilang metro.

        Napagdesisyunan na dalawang tao ang magsasalo kada kwarto at ang ilan ay maaaring magtayo ng tent sa labas kung nanaisin. Unang binigyan ng importansya ang mga artista at director saka naghati-hati ang natira.

        Kasama ni Alex sa kanyang kwarto si Sammie dahil ito ang sa tingin niya ay makakapalagayan niya ng loob. Bitbit nila parehas ang kanilang mga gamit nang pumasok sa kanilang kwarto. King size ang kama na sasapat talaga para sa kanilang dalawa.

        "Swimming tayo," paanyaya ni Sammie habang nilalabas ang susuoting bikini.

        Umiling si Alex. "Mamayang gabi na lang siguro. May taping kasi tayo kinabukasan kaya baka mapapano ang balat ko," aniya. Hindi kasi tulad ng balat ni Sammie na kulay porselana, ang sa kanya ay nasa pagitan ng mestizo at kayumanggi.

        "O sige, kung iyan ang gusto mo. Alam ko namang maiinggit ka sa akin at sasamahan mo akong lumangoy mayamaya," pagbibiro nito saka kumindat. "Sa CR na muna ako. Magpapalit na ako para makaligo," at saka tumalilis palabas.

        Naiwang naglilipit ng kanyang gamit si Alex nang bigla siyang makarinig ng dalawang boses na nag-uusap. Hindi kasi naisara nang maayos ni Sammie ang pintuan kaya higit na mas malakas ang ingay sa labas kumpara kung ito ay nakasara.

        Natigilan siya nang marinig ang kanyang pangalan sa dalawang nag-uusap. Pinakinggan niya nang mabuti ang pag-uusap habang nakaupo at taimtim na nakatutok ang dalawang tainga.

        "Sorpresa sa kanya ang mangyayari bukas. Hindi ko mapigilan ang matawa sa t'wing maiisip ang magiging itsura niya," rinig niyang sabi ng isa sa kausap.

        "Nakakatawa nga panigurado. Baka himatayin pa nga," saad ng isa habang natatawa na rin.

        Nangunot naman ang kanyang noo. Hindi niya maintindihan kung ano'ng ibig turan ng dalawa. Dahil sa kulob ang parte kung saan ang dalawa ay nag-uusap, hindi makilala ni Alex kung kanino ang dalawang boses na iyon. 

        Mayamaya lang ay nawala na rin ang nag-uusap at naiwang palaisipan kay Alex ang paksa ng pag-uusap na iyon. Ano kayang sorpresa iyon at para kanino? Nakakatawa lang isipin na pati siya ay hindi mapakali dahil sa narinig kahit wala siyang kasiguraduhan kung para kanino ang sorpresang iyon. Wala rin naman kasi siyang nabalitaan na may magaganap na isang sorpresa para sa isa sa mga kasamahan.

        Maraming katanungan ang gumugulo sa kanyang isipan. Hindi pa nga nasasagutan ang iba, nadagdagan na naman. Mabuti na lang ay maganda ang lugar na ito, paniguradong maipapahinga ang kanyang utak nang maayos.

n8“q��S?

RED TAPE 16

CHAPTER SIXTEEN

Live Your Life to the Fullest

        KINAGABIHAN, nagkaroon ng munting kasiyahan ang buong produksyon bago sumabak sa shooting bukas. Para na rin makapag-unwind ang ilan dahil sa abalang mga gawain na nagpapasakit diumano ng kanilang ulo kamakailan. Gumawa sila ng bonfire sa tabi ng dalampasigan at doon nagtipon-tipon.

        Nakapamilog sila sa apoy habang nakaupo ang ilan sa pinong-pino buhangin at ang ilan ay sa torso na sinadyang gawing upuan.

        Ang liwanag mula sa bilog na buwan na tumatama sa malawak na dagat ang nagdaragdag sa malamlam na liwanag mula sa apoy. Ang hangin naman mula roon ang nagdaragdag sa preskong pakiramdam ng bawat isa.

        "Wala ba tayong inuman d'yan?" tanong ni Ian Dela Cruz, ang tagapangasiwa para sa prosthetics at props, na hayok na hayok nang makainom.

        Ngumuso naman si Luz kay Direk Anne bilang tugon kay Ian kasabay ang pagtaas-baba ng kilay. "Tanungin mo kay Direk," paanas nitong sabi. Nang mapagtanto ay agad na binawi ni Ian ang sinabi at pinipilit na si Luz na lamang ang magsabi. Panay sa turuan ang dalawa hanggang sa mapansin na ni Direk Anne ang kanilang mga kilos.

        "Alam niyo, kung gusto niyong mag-inom, pumunta lang kayo sa storage room, marami doon," ibig ipabatid ng director. "Pero," pagpigil nito, "... huwag niyo namang ubusin, ha? Ayokong may mga hangover kayo bukas. Nagkakaintindihan ba tayo?"

        Mabilis naman silang tumango bilang pagsang-ayon. Nagngisihan naman ang dalawa, sina Luz at Ian, at sabay na nagtungo sa storage room. 

        Ang ilan sa kanila ay kumuha ng gitara at tumugtog upang bigyang ingay ang gabi. Samantala, ang iba naman ay naghanda ng maaaring maging pulutan nila. Karamihan sa kanila ay nagsasaya, maliban sa ibang taong napiling mapag-isa upang makapag-isip-isip.

        Saktong pagbalik nina Luz at Ian, ang pagdalo nina Jess, Alex, Tristan, Sammie at Lyra sa kasiyahan.

        "Kumpleto na ba ang lahat?" tanong ni Direk Anne saka inilibot ang tingin sa lahat. "Nandito na ang alak at pulutan at ang tugtugan. Wala na tayong kulang. Simulan na ang kasiyahan!" hudyat nito.

        Hindi alintana ng lahat ang pagngiting aso ng isa o dalawa sa kanilang kasamahan habang sila ay nagkakasiyahan – pinagmamasdan lamang ang kanilang huling halakhak dahil sa kagalakan ng bawat isa bago ang kanilang paghuhukom.

        Matalim nilang tinititigan ang iba habang ngingiting iniisip kung sa paanong paraan nila papatayin ang mga ito. Ang mga inosente at kaawa-awa nilang kasamahan ay madadamay dahil sa kanilang paghihiganti sa isang tao – si Alex.

        HABANG nagkakasiyahan, naisipan ni Joel, ang cameraman, na maglaro. Ipinaliwanag niya ang magiging proseso nito sa pamamagitan ng aktwal na demonstrasyon. Ang isa sa kanila ay may hawak na baso. Papaikutin iyon sabay sa saliw ng kanta at pagpapasa-pasahan. Kung sinoman ang may hawak ng baso sa tuwing titigil ang kanta, ang siyang iinom ng alak at sasalang sa 'Truth or Dare'.

        Unang humawak ng baso si Joel at nang magsimula ang kanta ay ipinasa niya ito sa kanilang lahat. Nakakatawang pagmasdan ang ilan dahil sa mabilis nilang pagpasa, makaiwas lang sa pag-inom.

        Nang tumigil ang kanta, unang napunta ang konsikuwensya kay Lyra. Naitakip niya ang isang kamay sa kanyang bibig sabay sabi ng, "Oh my gee!"

        Medyo nagtaas ng kilay si Alex dahil sa kaartehang ipinakita ng kasamahan. Umismid na lang siya at in-enjoy ang gabi.

        Kalahating basong alak ang inilagay bilang parusa at dahil sa kasama sa parusa ang 'Truth or Dare', pinili ni Lyra ang Truth.

        Ngumisi si Joel bago sabihin ang tanong. "Nagkaroon ka na ba ng ka-sex na co-actor at sino iyon?" tanong ni Joel na siyang unang may hawak ng baso.

        Nagtaas ng kilay si Lyra at saka natawa. "Seriously?"

        Natawa si Joel at ang ilan. "Kung ayaw mo, ibang tanong –," sabay bawi ni Joel.

        "Yes!" nakangisi niyang sabi. "... with Tristan."

        Natigilan naman ang lahat at saka sabay-sabay na napalingon sa direksyon ni Tristan. Maging ang aktor ay natigilan dahil sa halo-halong emosyon at sa dami ng mga matang nakatingin sa kanya na tila inaalam kung totoo ang sinabi ni Lyra.

        "Joke lang! Kayo talaga, hindi na kayo mabiro. Of course, I never did. Wala pa as of now, maybe later," at saka mapanuksong tiningnan si Tristan na halatang pinagpawisan.

        Sa birong iyon, naramdam ni Alex ang kaunting kirot sa kanyang dibdib. Ang buong akala niya, may pagtingin sa kanya si Trsitan ngunit sa ganoong biro lamang, hindi maikakaila na gusto nito ang naging ideya ni Lyra. Isa pa sa kanyang napansin ay ang mukha ng pagkadismaya ni Sammie na hindi niya lubos maintindihan kung bakit.

        

May namamagitan ba sa kanila ni Tristan? Sa isip-isip niya.

        Hindi malayong mangyari ang bagay na iyon dahil sa mga nakita niya kamakailan – ang tawag mula kay Tristan at nahuli niyang paghahawak ng mga kamay ng dalawa. Sa kabilang banda ay ayaw niya pa ring maniwala dahil sa tingin niya, mas mananaig ang pagkakaibigan nila ni Sammie kumpara sa nararamdaman nito sa binata.

        Umulit sila sa paglalaro at sinimulang muli ang pagpapaikot sa baso. Nakailang daan sa mga kamay ni Alex ang baso hanggang sa tumigil ito sa mga kamay ni Sammie na halatang naging kabado.

        Tulad ng nauna, sinalukan ang hawak na baso ng kalahating alak at pinapili ng 'Truth or Dare'. Pinili ni Sammie ang 'Dare' at saka nilagok ng diretso ang alak. Dahil si Lyra ang huling may hawak ng baso, sa kanya nakasalalay ang magiging utos.

        Saglit na nag-isip si Lyra at saka ngumisi nang nakaloloko. "Halikan mo si Tristan," walang pasintabing utos ni Lyra na kinamulatan ng mga mata ni Sammie. Kita mula sa kilos nito ang pagkataranta. Napalunok ito dahil sa utos at pinalitan na lamang ng 'Truth' ang parusa.

        "Kill joy. Tss," paanas na sabi ni Lyra. Sandaling nag-isip si Lyra ng maaaring maging tanong. Tiningnan muna nito sa mga mata si Alex at inilihis kay Sammie bago sabihin ang katanungan. "Ito na lang, have you been jealous to someone's career and to whom?"

        Napalunok muli si Sammie na tila may malaking bagay ang bumabara sa kanyang lalamunan. "Y-yes," marahan nitong sabi.

        "And to whom?"

        "T-To Alex," anito at saka napatingin sa kaibigan.

        Hindi inaasahan ni Alex ang magiging sagot ni Sammie. Ang buong akala niya ay kuntento na si Sammie sa kung anong mayroon ito dahil sa posturang kanyang ipinapakita. Sa tingin niya ay naging baliktad pa ang sitwasyon kung saan siya dapat ang naiinggit sa estado ni Sammie.

        Tulad din ni Alex, halatang gulat din ang iba dahil sa nalaman. Sino nga bang mag-aakala na tulad ni Sammie ang magkakaroon ng inggit? Wala. Dahil sa tingin ng lahat, perpekto na siya. Kuntento na.

        "I smell a cold war later," pang-aasar ni Lyra at saka tinapunan ng nakalolokong tingin ang dalawa.

        Pilit na ngumiti si Alex upang ipakita na hindi siya apektado sa nalaman sa kaibigan. Hindi man komportable ay ngumiti na lang din si Sammie bilang tugon.

        Muling ipinaikot ang baso at sinimulan ang tugtog. Nakailang ikot sila hanggang sa maubos ang dalawang boteng alak. Ang ilan sa kanila ay medyo tinatamaan na dahil sa mababa ang alcohol tolerance kaya minabuti na lamang na dalhin na sila sa loob ng resort upang makapagpahinga.

        Matapos ihatid ang iba, nangibabaw ang katahimikan sa kanila. Labing-apat na lamang silang natira doon at dahil sa wala ng may gustong uminom ay napagdesisyonan na lang nilang magkwento. Nawala na rin ang tugtog na nag-iingay sa gabi dahil maging ito ay tinamaan na ng ispirito ng alak.

        "Gem, kumusta pala ang showbiz, may chika ka bang dala?" pangungulit ni Luz sa reporter upang bumalik ulit ang sigla ng gabi. 

        Si Gem ang na-assign na kumuha ng scoop para sa gagawing 'Behind The Scenes' sa pagbuo ng Red Tape 2. Kasama na kasi ito sa istratehiya ng ARR Films upang pakaabangan ng madla ang pelikula.

        "'Yon at 'yon pa rin ang laman ng balita. Wala pa ring bago maliban sa mga artistang nali-link sa isa't-isa. Alam mo naman ang showbiz, maraming lihim na itinatago. Malay mo nga ang isa sa kanila, mamamatay-tao," natatawa nitong sabi na sinabayan din ng iba.

        "Malay mo nga mamamatay-tao ang iba sa kanila. Hindi nga natin alam ang mga nakaraan nila. May kanya-kanyang baho ang bawat isa na pinilit pinapabango kahit nangangalingasaw," makahulugang sabi ni Lyra at saka ngumisi muli tulad ng madalas nitong gawin.

        "Kahit na ang taong pinagkakatiwalaan mo, may pangil din pala. Kakagatin ka kung kailan ka hindi handa. Sasakmalin ka hanggang sa mamatay ka, makita lamang na naghihirap ka," turan naman ni Jess na nagdahilan upang mapatingin ang iba. "Sorry. May nasabi ba akong mali?"

        "Wala naman. By the way, bago ka palang sa industriya, 'di ba? Paano ka napadpad dito?" usisa ni Gem.

        Nakisabat na si Direk Anne upang sagutin ang tanong ng reporter. "Pamangkin ko siya. May alam na rin siya sa ganito dahil minsan na siyang naging director sa teatro sa kanilang pamantasan."

        Napatango na lamang si Gem sa natuklasan. Ngumiti si Jess sa reporter at ibinalik ang tingin sa halos papatay ng apoy. Sandaling nanaig ang katahimikan sa kanilang pagitan hanggang sa magsalita si Direk Anne.

        "Tatatak ang produksyong ito sa inyong mga isipan hanggang sa kamatayan," nasaad nito at saka tumingin sa malawak na kalangitan na ngayon ay natatakpan na ng makakapal na ulap.

        Nagsingitian na lang ang bawat isa at inaasahang magiging matagumpay sana ang panibago nilang handa para sa mga manunuod.

        Pero tila yata'y isa o dalawa sa kanila ay sumasang-ayon na babaunin ng bawat isa ang karanasang ito hanggang kanilang hukay. Dahil ang produksyong ito, ang siya ring magdadala sa kanila sa kanilang huling hantungan.

RED TAPE 17

CHAPTER SEVENTEEN

First Warning, First Victim

        SEPTEMBER 6, 2015, LINGGO. 8:30 AM.

        Kinaumagahan, naging abala ang lahat dahil sa magiging eksena sa loob ng kagubatan na malapit sa resort. Ang parteng iyon ng resort ay hindi pa nagagalaw ng komersyalismo kaya't nananatili pa rin itong natatamnan ng matataas na puno at damo. Tamang-tama ito para sa gagawing eksena nila.

        Malamig sa pakiramdam nang mga sandaling iyon dahil sa hamog na lumiligid sa kagubatan. Halos balutin kasi sila nang tila mabababang ulap na naghahatid ng nakakaginaw na pakiramdam.

        Bukod sa mga staff at crew, si Alex palang ang naroroon. Habang abala ang iba, tutok ang atensyon ni Alex sa pagkakabisa ng mga linyang bibitawan. Ninanamnam niya ang bawat salitang bibigkasin upang sa sandaling magsimula ang eksena ay maibubuhos niya ang kanyang buong galing. Malayo-layo rin ang pwesto niya, ilang metro sa mga kasamahan, upang hindi maabala.

        "Charles, hindi na dapat tayo nagpunta rito. Malubhang delikado sa parteng ito. Sa tingin ko, pinamumugaran ang kagubatang ito ng mga mababangis na hayop," basa niya mula sa skrip na hawak.

        Natigilan siya nang makarinig ng mahihinang kaluskos papalapit sa kanyang pwesto. Hinawakan niya nang mahigpit ang skrip at dahan-dahang lumingon upang makita ang pinanggagalingan ng kaluskos.

        Halos mapabalikwas siya nang eksaktong pagharap niya ay ang mukha ni Tristan ang sumambulat. "Jusko naman!" nasaad niya habang sapo-sapo ang dibdib na animo'y may nagkakarerang kabayo.

        Bahagyang natawa si Tristan sa itsura ni Alex. "Nakakatawa ka. Bakit parang kabadong-kabado ka? Kung matanda ka lang, inatake ka na sa puso," pagtataka nito.

        Napailing na lang si Alex at nagkibit-balikat. "None of your business," at saka bumalik sa naudlot na pagbabasa ng skrip.

        Tinakpan ni Tristan ng kanyang kanang kamay ang skrip  na kanyang hawak na nagdahilan upang mag-angat muli ng ulo si Alex at mapaharap sa kanya. 

        "Are you still mad at me?" tanong nito. "Dahil ba sa nangyari? Okay... Sorry sa kung ano'ng ginawa ko. Pinagsisisihan ko na ang bagay na 'yon. Bukal sa loob ko ang paghingi ng sorry."

        "W-Wala sa akin 'yon. Ayo slang ako. P-Pwede ka ng umalis dahil abala ako," aniya at saka nag-iwas ng tingin.

        "Talaga ba? Bakit hindi ka makatingin sa akin nang diretso? Iyan ba ang taong ayos lang?" pangungulit nito. Hinawakan nito ang balikat ni Alex upang maramdaman niya ang sinseridad nito. "Sorry, okay? Hindi ko na uulitin. Gusto ko lang maibalik ang mayroon tayo. Alam kong mali ang ginawa ko kaya buong puso akong humihingi ng tawad sa 'yo."

        Mayroon? Halos hindi makapaniwala si Alex sa narinig. Ano nga ba ang mayroon sila? Hindi ba't wala? Ang mas maiging tanong ay kung ano'ng mayroon sa kanila ni Sammie. Pero tila nalunok niya ang kanyang dila kaya kahit anong salita ay walang lumalabas sa kanyang bibig.

        "Alex, please forgive me," pagsusumamo nito.

        Ramdam ni Alex ang halos mabasag na boses ni Tristan habang binibigkas ang mga salitang iyon. Wala namang dapat ikahingi ng tawad si Tristan. Sadyang umiiwas lang siya.

        Pero bakit ganoon? Parang hindi nito buong makuha ang loob ni Alex. Dahil ba'y parehas silang artista at madali lang paniwalain sa kanila ang sinuman? Pero paano kung totoo ang sinasabi ni Tristan? Masasayang ang naipundar niya sa relasyong mayroon sila ng binata.

        "Tristan, wala kang kasalanan. Naging busy lang ako kamakailan. Wala kang dapat ikahingi ng sorry," aniya at saka ngumiti upang gumaan-gaan ang atmospera sa pagitan nila.

        Gumuhit din ng ngiti si Tristan bago nagsalita. "Sure? Are we okay now?"

        Tumango si Alex bilang tugon. Matapos 'yon ay hindi na niya napigilan ang biglang pagyakap sa kanya ni Tristan. Mahigpit ang yakap na iyon na animo'y walang katapusan. Langit sa pakiramdam kung kanyang ilalarawan. Bago pa man niya gantihan ng yakap si Tristan, napadako ang kanyang tingin kay Sammie na kasalukuyang nakatingin din sa kanilang posisyon.

        Bakas sa mukha nito ang hindi maipaliwanag na inis o galit, alinman sa dalawa. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, bigla ring nag-iwas si Sammie at umalis.

        "May problema ba?" tanong ni Tristan nang humiwalay mula sa pagkakayakap.

        "W-Wala, wala," tugon niya at saka ngumiti siya.

        Mayamaya lang ay bumalik na sila sa set. Sakto lang din ang kanilang dating dahil handa na ang ilang kagamitan.

        Nang matapos ang pag-aayos ng mga gamit, ipinatawag na ni Direk ang mga kakailanganing artista sa unang eksena. Ang eksenang iyon ay ang paglilibot ng mga barkada sa bagong kwento ng Red Tape sa masukal na kagubatan upang tumuklas ng bago.

        Naroroon na ang ilan maliban sa isa – si Jacob.

        "Christian, nakita mo ba si Jacob? Kanina pa siya dapat nandito," iritableng sabi ni Direk Anne at saka napakamot ng kanyang ulo.

        "H-Hindi ko po siya nakita kanina. Huling kita ko sa kanya ay kagabi pa," matapat nitong sabi kahit na nauutal dahil sa kaba na mapagbuntunan ng galit ng direktor.

        Napailing na lamang si Direk Anne at pinautos na hanapin si Jacob. Mabilis namang kumilos ang lahat para hanapin si Jacob. Naghati-hati ang lahat sa bawat direksyon upang mas maging madali ang paghahanap.

        Walang kaalam-alam ang lahat sa kung ano na ang nangyari sa kasamahan. Pero nakatitiyak ang isa sa kanila sa tunay na kinalalagyan nito, at tanging siya lamang ang makaaalam.

        Halos isang oras silang naghanap matapos makabalik sa kagubatan. Habol-hininga ang lahat at pare-parehong dismayado. "Wala po siya sa buong resort. Hindi po namin siya makita. Nilibot na rin namin hanggang sa kalsada, pero wala talaga."

        "Oh fvck! Paano natin 'to ngayon sisimulan? Great! Masyadong paimportante!" singhal nito habang nakapamaywang. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Iinom-inom pero hindi pala kakayanin. Sinubukan niyo na bang tawagan?"

        "Ginawa na rin po namin kaso wala talaga kaming makuhang signal," tugon ng isa.

        "Ano pa nga bang magagawa natin? Hintayin na lang natin siya hanggang mamaya! Mga letse!" iritableng sabi ni Direk Anne at nilisan ang masukal na kagubatan habang padabog na naglalakad. Walang imik ang lahat hanggang sa makaalis si Direk Anne. Lahat sila ay nagpapakiramdaman sa kung ano ang pwedeng gawin.

        "Hindi na nga sikat, problema pa!" nakakibit-balikat na sabi ni Lyra at mataray kung makatingin. Halos lahat ay apektado sa hindi pagpapakita ni Jacob. Maaaring ito pa ang makasira sa proyektong pinakahihintay ng lahat.

        "Wala ba talagang nakakita sa kanya? Sino bang nakasama niya kagabi? Sinubukan niyo bang hanapin din sa kagubatan?" singit na ni Jess na kita ang pag-aalala sa mukha.

        Umiling ang ilan. "Kahit saan namin hanapin, hindi namin makita. Wala na ring nakakita sa kanya mula pa kagabi. Mag-isa ka siyang umalis mula sa dalampasigan," dismayadong sagot ng isa pa.

        Naglakad sa gitna si Lyra na nagdahilan upang mapatingin sa kanya ang lahat. "Huwag hanapin ang ayaw magpahanap," saad nito at lumisan na rin.

        "Bastos talaga," naibulong ni Alex sa kanyang sarili. Marahil ay napalakas ang pagkakasabi niya no'n kung hindi siya nakapagtimpi. Hindi na rin niya matantiya kung gaano kalaki ang inis niya sa katrabahong si Lyra. Kung wala lang siyang iniingatang pangalan ay malamang, nagpang-abot na sila.

        "Ganito na lang, hanapin na lang ulit natin siya. Walang mangyayari kung tutunganga tayo dito. May hinahabol din tayong deadline," ani Jess. Matapos 'yon ay inutusan niya ang ilan na hanapin sa iba't-ibang direksyon si Jacob habang ang ilan ay kokontakin siya kung maaari.

        Mag-isang naghanap si Alex. Sinubukan niyang libutin ang masukal na kagubatan. May palagay siya na maaaring dito nagpunta si Jacob. Wala rin namang mawawala kung susubukan niya. Tanging mga huni ng ibon at hampas ng sanga sa bawat isa dahil sa hangin ang maririnig sa buong paligid.

        Nakailang hakbang na si Alex nang mapansing malayo-layo na rin pala ang kanyang nalakad. Hindi na matanaw ng kanyang mga mata ang mga kasamahan. Sa mga sandaling iyon, isa lang ang nasa isip niya.

        Naliligaw na siya.

        Sinubukan niyang balikan ang kanyang mga nilakaran at pilit inaaninag mula sa malayo ang resort pero bigo siya. Wala ni anino siyang nakikita. Naglakad-lakad pa siya hanggang sa makarinig ng mahihinang ungol.

        Nagpalinga-linga siya sa paligid. Pinakinggan niyang mabuti ang pinanggagalingan ng ingay. Huminto siya saglit at mariing hinahanap ang tunog na iyon.

        Sa taas!

        Nagtaas siya ng ulo at natagpuang patiwarik na nakatali si Jacob mula sa sanga ng puno! Pulang-pula na ang mukha nito dahil sa pagbaba ng dugo mula talampakan. Halos mapatid na rin ang ugat nito sa ulo na nanginginog sa taba. May busal ang bibig nito at nakatali ang mga kamay.

        "Jacob! Jacob!" natataranta niyang sabi. Wala siyang maisip na paraan maliban ang putulin ang tali mula sa paanan ni Jacob. Pero paano kung nasa taas ng puno?

        Hanapin ang kabilang dulo ng tali!

        Dali-dali niyang hinanap iyon at nakita mula sa isang puno nakadugtong ang tali. Lumapit siya roon at sinubukang kalagin ang tali ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali kaya't aabutin siya ng siyam-siyam.

        Pero bago pa man niya matanggal mula sa pagkakabuhol ang tali ay isang putok ng bala ang umalingawngaw.

        Awtomatiko siyang napaupo at nanlalaki matang iginala ang mga mata. Halos mabingi siya sa sobrang lakas ng putok. Nang mahanap ang pakiramdam ay sinubukan niya ulit hanapin ang pinanggalingan ng putok.

        Nang mapadako ang kanyang mga mata kay Jacob, halos manlumo siya. Napako ang kanyang nahihintakutang mga mata.

        Tumutulo ang maraming sariwang dugo mula sa basag na bungo nito! Napaupo siya dahil sa pagkasindak at tanging sigaw niya ang umalingawngaw sa buong paligid. Nanginginig ang kanyang buong kalamnan sa kalunos-lunos na sinapit ng kasamahan.

        September 6, 2015. Linggo. 10:00 AM.

RED TAPE 18

CHAPTER EIGHTEEN

Who Did It?

        NANGINGINIG ang mga malalamig na kamay. Tikom ang bibig. Balisa ang buong katawan. Tulala ang mga mata. Ganyan kung ilarawan ng kanyang mga kasamahan si Alex nang maihatid sa resort. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala matapos makita ang kalunos-lunos na itsura ni Jacob. Tila binabangungot siya nito kahit na gising.

        "Uminom ka na muna ng tubig," alok ni Jess bitbit ang isang basong tubig sa nanginginig na si Alex.

        Mariin niyang tiningnan ang basong hawak ni Jess at saka sinagi dahilan upang bumagsak ito sa sahig. Hindi niya kailangan ng tubig o ng kung ano pa mang maaaring magpakalma sa kanya. Isa lang ang nasa isip niya. 

        "Gusto ko ng umuwi," aniya sa kabila ng nangangatal na bibig dahil sa takot. Sumenyas naman si Jess na kumuha muli ng tubig upang tuluyang kumalma si Alex. Hinihimas nito ang likod ng dalaga nang sa gayon ay tumigil na sa panginginig.

        Tahimik ang buong resort. Nagkakatinginan naman ang lahat na tila nagtuturuan. Hindi nila alam kung papaano sasabihin kay Direk Anne ang tungkol sa pagkamatay ni Jacob. Hanggang ngayon, wala pa rin kasing alam and direktor sa nangyari matapos ang padabog na pag-alis kanina. May tyansang madagdagan lang ang inis nito kung malalaman ang tungkol sa nangyari.

        "Uuwi rin tayo. Huwag kang mag-alala. Sa ngayon ay kailangan mo munang kumalma. Inumin mo na itong tubig," pangungumbinse ni Jess na sa huli ay inabot na ni Alex. 

        Huminga nang malalim si Alex upang pagaanin ang sarili. Hindi naman ito ang unang beses niyang nakakita ng patay – si Celine at ang kanyang Tiya Jennifer – pero ibang tensyon ang naging dulot ni Jacob sa kanyang kalamnan. Parang gustong bumigay ng kanyang sistema sa katawan.

        "Ayos ka na ba?" tanong ni Jess habang hinihimas ang kanyang likod. Marahang ngumiti si Alex dahil sa pag-aalala nito. Pakiramdam niya ay may natitirang tao pa rin ang nagpapahalaga sa kanya. "Mabuti naman. Susubukan naming makatawag sa mga pulis para masaklolohan tayo dito. Kakausapin ko na rin si Direk Anne para itigil na muna ang shooting," paliwanag nito.

        Tumango naman si Alex. Matapos 'yon ay nagpaiwan muna siya sa kanyang kwarto para mapag-isa at para makapagpahinga na rin. Nang makaalis ang lahat, humiga siya sa kama upang ihilig pansamantala ang kanyang nananakit na ulo.

        Napatulala siya sa kisame at doon naisipang magmuni-muni. Kinuha niya mula sa bulsa ng kanyang bag ang kanyang cellphone. Susubukan niya kung may makukuha siyang signal.

        Mula sa screen ng kanyang cellphone, isang mensahe ang kanyang natanggap. Kanina pang alas otso ang mensaheng iyon at marahil ay sumakto kung kailan may nakuhang signal. Sa ngayon kasi ay bigo na naman siyang makakuha nang matinong signal. Binuksan niya iyon pero pagkatakot lang ang sumambulat sa kanya.

        "Be ready. A dead body at exactly 10:00 AM."

        Halos manigas ang buo niyang katawan. Umakyat hanggang kanyang batok ang milyong kilabot. Tanging patak ng mga luha ang naging tugon niya na sinabayan ng takot para sa sariling kaligtasan. Nakasisiguro na siyang may kinalaman siya sa nangyari kay Jacob. Ito na ba ang sinasabi ng killer na paghuhukom?

        Tumayo siya mula sa pagkakahiga at pinagmasdan mula sa bintana ang labas ng resort. Naroroon ang ilan niyang mga kasamahan na abala dahil sa mga pangyayari – ang pagkamatay ni Jacob, ang pagkaudlot ng shooting at iba pa. Inisa-isa niya ang mga mukha ng mga taong sa tingin niya ay may kinalaman sa lahat ng ito.

        Marahil ay isa sa kanila ang may kagagawan nito. Hindi siya pwedeng magkamali. May balak ang taong iyon na isa-isahin sila hanggang siya na lamang ang matira.

        Nagyukom ng kanyang mga kamay si Alex dahil sa galit. Pakiramdam niya ay sasabog siya anumang oras. Sumasakit lalo ang kanyang ulo dahil sa halo-halong bagay na kanyang iniisip. Wala ng paglagyan ang lahat sa kanyang utak. Para siyang pinipiga at pinipilipit ng todo!

        Hindi niya namalayan na inuuntog na pala niya ang kanyang ulo sa pader upang maibsan ang sakit. Sabu-sabunot niya ang kanyang buhok habang pinipigilan ang sakit na umaakyat sa kanyang utak. Parang tinutusok ng milyong karayom sa hapdi!

        "Aaaaaaahhhhh!" panaghoy niya.

        Sobrang sakit. Ang sakit-sakit. 'Yon lamang ang tanging alam niya habang nilalamon siya ng sakit na iyon. Nakapanghihina. Ang huling natatandaan na lang niya ay ang paglabo ng kanyang paligid at isang pares ng mga paa matapos bumukas ang pinto.

        "Bakit nandito ang batang iyan?!" rinig na sabi ni Alexandra mula sa isang lalaking kakakitaan ng karangyaan dahil sa postura pagpasok nila ng kanyang Mommy sa isang magarang bahay. "Ilabas mo 'yan! Ayoko ng basura!" dagdag pa nito patungkol sa kanya. Musmos man ay nakaramdam ng pangmamaliit si Alexandra sa kanyang inaakalang Daddy.

        Lumapit si Alexandra upang sana ay yakapin ang kanyang ama. "D-Daddy..." ani Alexandra na pinamulatan ng mata ng kanyang tinawag na Daddy.

        Tumawa nang nakaloloko ang kanyang Daddy at tinapunan siya ng nakapanlilibak na tingin. "Daddy?! Anak ka sa labas ng makati mong Ina! Huwag mo akong matawag-tawag na Daddy dahil hindi kita anak! Sampid ka lang! Isa kang makasalanang bata!"

        Pigil ang mga luha ni Alexandra dahil sa mga nakaririnding bulyaw sa kanya. Ayaw niyang ipakita na mahina siya. Hindi niya kasalanang maging anak siya sa ibang lalaki ng kanyang ina. Ang sa kanya lang naman ay ang makatanggap ng kahit na katiting na pagmamahal mula sa mga taong inaakala niyang tunay na magmamahal sa kanya.

        "Dito siya titira," pagmamatigas ng kanyang Mommy at saka hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay.

        Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa buong kabahayan. Halos mapaupo ang kanyang Mommy dahil sa pwersang natanggap mula sa pagkakasampal. Hawak-hawak nito ang ngayo'y namumulang kaliwang pisngi.

        "Sige. Patitirahin ko dito ang batang iyan. Pero huwag kang aasa na bibigyan ko ng kahit kaunting pagmamahal ang batang iyan dahil kahit kailan ituturing kong kasalanan ang batang iyan," kompromiso nito at padabog na umalis sa kanilang harapan.

        Agad namang lumapit si Alexandra sa kanyang Mommy na nasadlak sa sahig. Puno ng luha ang mga mata nito dahil marahil sa pagbubuhat ng kamay ng asawa.

        "Mommy," tawag niya dito at saka niyakap nang mahigpit. "Ayos lang po ba kayo? Nasaktan po ba kayo?"

        Mabilis namang kinalag ng kanyang Mommy ang kanyang yakap at saka nagpunas ng luha. "Tama na ang arte. Tinanggap ka na sa bahay na ito. Umayos ka na lang para hindi ka palayasin," saad nito sa malamig na tono.

        Hindi akalain ni Alexandra na pati ang kanyang Mommy ay hindi siya matatanggap. Ganoon ba talaga kalaki ang kasalanang maging anak sa labas? Ang kasalanan ba ng mga magulang ang siyang aakuin ng magiging anak? Ganoon ba ang sistema ng pagiging anak sa labas?

        Tila naninikip ang kanyang dibdib dahil sa mga naiisip. Ang tulad niyang anak sa labas ay hindi kailanman magiging katanggap-tanggap sa mata ng marami.

        "M-Mommy..." marahan niyang sabi.

        "Hindi ako kailanman magiging Ina mo. Ikaw ang nagpapaalala sa akin ng aking kataksilan. Sana, una palang ay ipinalaglag na kita. Hindi ka na dapat nabuhay pa sa mundong ito," marahas nitong sabi at saka tumayo. "Magiging hangin ka lang sa bahay na ito. Kung gusto mong magtagal, umayos ka," pagbabanta nito at lumisan.

        Pinagmasdan na lamang ni Alexandra ang papaalis niyang Mommy. Hindi pala tahanang maituturing ang lugar na ito kundi isang impyerno. Mas maigi pa sa impyerno dahil may init kang nararamdaman samantalang dito, isang hangin, malamig lang sa pakiramdam.

        Nagulat siya nang bigla ay may tumawag sa kanyang pangalan mula sa likuran. Napalingon siya at nakita ang isang batang may bitbit na manika. Nakangiti ang inosente nitong mukha. Napangiti rin siya dahil sa awra na mayroon ito.

        "Gusto mo bang maglaro tayo?" tanong nito sa kanya. Sumang-ayon naman siya na puno ng kagalakan. "Ako nga pala si Sophia," anito at saka inalok ang kanyang kamay. "Ikaw? Ano'ng pangalan mo?"

        "Alexandra," tugon naman niya at saka inabot ang kamay nito.

        "Ikaw na ang magiging ate ko. Dito ka na rin kasi nakatira. Magkapatid na tayo simula ngayon."

        Mula sa sinabing iyon ni Sophia, binawi na ni Alexandra ang kanyang sinabi. May katiting pa rin kasing tahanang maituturing ang bahay na ito dahil kay Sophia.

RED TAPE 19

CHAPTER NINETEEN

Lost and Haven’t Found

        "NAKITA niyo na ba si Direk Anne?" tanong ni Jess sa mga kasamahan na abala kung paano makokontak ang mga pulis. Wala pa ring nagalaw ng katawan ni Jacob upang hindi masira ang gagawing imbestigasyon sa naturang katawan. 

        Ang lahat ay balisa at takot. Hindi nila inaasahan na ang simpleng shooting ay mauuwi sa madugong senaryo. Wala pa rin silang ideya kung sino ang may pakana ng lahat. Pero ang lahat ay naging mas alerto para na rin sa kanilang sariling kapakanan.

        "Hindi ko pa nga rin siya nakikita mula kanina," sagot ni Joel na nakasandal lang sa pader at nagsisigarilyo. Napadako ang tingin ni Jess sa kaliwang kamay nito na walang hawak na sigarilyo. Kapansin-pansin ang nanginginig nitong kamay dahil siguro sa tensyon. Nang mapansing nakatingin doon si Jess, mabilis na itinago ni Joel ang kanyang kamay sa bulsa. "B-Baka nandoon sa parteng iyon," nauutal nitong sabi sabay turo sa direksyong tinutukoy.

        Tumango na lamang si Jess at hindi na inusisa pa ang nakita. "Sige, titingnan ko na lang doon," aniya at saka lumisan.

        Nang makaalis, naging palaisipan sa kanya ang naging kilos ni Joel. Hindi niya tuloy maiwasan ang paghinalaan ito lalo na't wala pang nakatutukoy sa kung sino ang pumatay kay Jacob. Sa isang iglap, bumalik sa kanyang alaala ang trahedyang kinasangkutan niya noon. Naalala niya kung paanong isa-isang nawala ang kanyang mga kaibigan dahil din sa pagtitiwala. Kung sino pa ang malapit sa kanila, ang siya rin palang magdadala sa kanila sa huling hantungan.

        "Trust no one," aniya sa sarili.

        Habang naglalakad, nakita niya sina Tristan at Sammie na tila may pinagtatalunan. Tumigil na muna siya sa paglalakad upang hindi makaabala. Nagtago siya sa pinakamalapit na puno. Kita niya kung paano sinasaktan ni Sammie si Tristan. Nakatatanggap ang binata ng ilang palo at masasakit na salita mula sa dalaga. Nakaharang naman ang mga kamay ni Tristan sa kanyang katawan upang maprotektahan ang sarili sa higit na pinsala.

        "Akala ko ba tatapusin niyo na ang lahat sa inyo?! Pero ano 'yong nakita ko?! Ano?!" sigaw ni Sammie na sinabayan ng malalakas na hampas.

        Naging mas lalong nakapagtataka para kay Jess ang taong tinutukoy nila sa pag-aaway. Pinilit niya pang makinig hanggang sa malaman ang buong detalye sa pagtatalo.

        "Enough!" sigaw naman ni Tristan na nagdahilan upang tumigil si Sammie. Hinawakan nito ang balikat ng dalaga at tiningnan sa mga mata. "Nakikipag-usap lang ako sa kanya, okay? Wala kang dapat na ikabahala," mariin nitong sabi.

        Ngumisi naman si Sammie. "Nakikipag-usap na may halong landian? Ganoon ba? Gano'n pala ang tamang pakikipag-usap. Tss."

        "Ano'ng pinagsasabi mo?!" pagtataka ng binata kasabay ang pagkunot ng noo.

        "Nakita kita habang niyayakap mo siya! Tuwang-tuwa ka pa nga habang magkayakap kayo ni Alex!" galit nitong sabi at nagpaulan ulit ng mga hampas.

        Halos hindi naman makapaniwala si Jess sa narinig. Ang buong akala niya ay magkaibigan ang turingan nina Alex at Sammie. Alam din kasi sa industriya na magkasundo ang dalawa sa ibanag bagay kaya't hindi niya mawari kung bakit dahil lang sa lalaki ay mag-aagawan sila. Alam na niya kung gaano kakomplikado ang industriyang mayroon sina Alex at Sammie. Malayo sila sa mga mukhang ipinapakita nila sa telebisyon.

        Mismong paa na ni Jess ang humakbang papalayo. Ayaw na niyang may marinig pang iba. Tama na siguro iyon. Wala na rin naman siyang kinalaman sa pagtatalo ng dalawa. Ang mahalaga sa ngayon ay ang mahanap niya si Direk Anne.

        "Nasaan na nga ba 'yon?" natanong niya sa sarili.

        Dahil nga sa hindi niya mahanap sa direksyong iyon si Direk Anne ay napagpasyahan na lamang niyang bumalik sa resort at doon makikibalita. Mula sa kanyang posisyon, kita niya ang nagkakatipon-tipon niyang mga kasamahan. Nakaramdam naman siya ng kaba nang mga oras na iyon at binilisan lalo ang paglalakad.

        "Ano'ng nangyari?" tanong niya nang makitang walang malay si Direk Anne habang nakahiga sa bench sa labas ng resort at pinupunasan ng bimpo ang buong mukha.

        "Nawalan siya ng malay. Nakita na lang siyang nakabulagta malapit sa dalampasigan. Mabuti na nga lang at nakita kaagad at baka kung mapapano pa," sagot ni Wilma at saka nag-abot ng pamaypay sa pinakamalapit kay Direk Anne.

        "Dyusko. Ano bang mga trahedya ang nangyayari dito?" nasaad niya bitbit ang pagkabahala. Pansin niya mula sa damit ni Direk Anne ang mantsang kulay pula. "Ano 'to?" pagtutukoy niya sa parte ng damit na iyon.

        "Dugo ito, ah," saad ni Gem nang malapitan ang tinutukoy ni Jess. Doon lamang nila napansin na may dugo ang ulo ni Direk Anne. Marahil ay hindi kaagad iyon napansin ng bumuhat sa direktor dahil kapiraso lang naman. Tila dugo na likha lamang ng maliit na sugat.

        "Sino naman ang makagagawa nito kay Direk Anne? Hindi pa nga natin alam kung sino ang pumatay kay Jacob, may isa na namang misteryo," bagsak ang balikat na sabi ni Ian.

        "Ang mabuti pa ay dalhin na natin siya sa pinakamalapit na ospital," suhestyon ni Jess na sinundan naman ng pag-iling ng lahat.

        "Sinubukan na rin naming gawin 'yan pero may bumutas ng mga gulong ng sasakyan. Kahit ang mga reserba ay hindi rin pinaligtas," nahihintakutang sabi ni Wilma.

        Bumalot ang takot kay Jess nang mga oras na iyon. Hindi lang ito simpleng aksidente. May gustong pumatay sa kanila at tila umaayon ang lahat sa plano ng taong iyon. Planado ang lahat dahil alam nito kung papaano siya dapat kumilos. Ang anumang solusyon upang sila ay maligtas ay ginawan na ng paraan ng killer.

        Hindi pa man sila nakarerekober sa nangyari ay nakarinig na naman sila ng sigaw mula sa loob ng resort. Napatingin ang lahat sa gawi ni Luz na kasalukuyang papalabas. Habol-hininga ito nang humarap sa kanila.

        "B-Bakit? Ano'ng mayroon?" tanong ni Jess na bigla namang nabahala. Isa na namang hindi magandang balita sa tingin ng lahat.

        "S-Si Alex! Nakabulagta sa kwarto niya! Walang malay!" bulalas ni Luz. Halos hindi naman makapaniwala ang lahat. Mabilis na pinuntahan ng iba si Alex sa kanyang kwarto upang tingnan ang kondisyon. 

        Inutusan na lamang na ipasok sa loob si Direk Anne at ihiga sa kama upang makapagpahinga. Inutusan na rin ang ilan na gamutin ang sugat ng direktor upang maampatan ang dumadaloy na dugo at hindi magsanhi ng mas malalang sakit.

        Inihiga sa magkahiwalay na kwarto ang dalawa at nag-iwan ng tig-isang bantay upang matutukan. Ang natirang mga tao ay nagpulong sa ibaba upang makagawa ng aksyon. Kapansin-pansin naman na wala roon sina Tristan, Sammie at Lyra.

        "Nasaan na ang iba?" tanong ni Jess sa lahat.

        Si Joel ang sumagot. "Lumayas kanina si Lyra habang nasa set. Hindi namin alam kung saan nagpunta. Tapos sina Sammie at Tristan, magkasamang umalis. Hindi rin namin alam kung saan pumunta."

        Tanging si Lyra na lamang ang hinahanap ni Jess dahil nakita naman niya kaninang magkasama sina Tristan at Sammie. Hindi pa man nagtatagal ang paghihintay ay pumasok sa loob si Lyra. Tumingin sa dalaga ang lahat na may halong pagtatanong.

        Umirap ito sa lahat at naglakad sa gitna na parang wala lang. "Bakit kayo nakatingin sa akin ng ganyan?" tanong nito na hindi pa rin maalis ang mataray na tingin.

        "Saan ka nanggaling?" tanong ni Jess na may halong panghuhusga.

        Ngumisi ito na madalas niyang gawin. "Ano namang pakialam mo?" sabad nito.

        "Sagutin mo na lang tanong ko! Saan ka nanggaling?" mariin niyang tanong. Hindi na napigilan ni Jess ang magtaas ng boses dahil sa mga nangyayari. Naguguluhan na rin kasi siya kung sino ang gumawa ng lahat ng ito at ang may pinakamalaking tyansa upang masagawa ang mga ito ay si Lyra.

        "Bakit ganyan ka ba makatanong? Sino ka ba?!" tanong nito at tiningnan mula ulo hanggang paa si Jess.

        "Patay na si Jacob! May pumalo sa ulo ni Direk Anne! Si Alex – "

        "Why? What happened to Alex?" sarkastikong tanong nito.

        Pinigilan ni Jess na magalit. Walang maidudulot na maganda kung magpapadala siya sa bugso ng kanyang damdamin. Sa ngayon ay kailangan na muna niyang maayos ang lahat para na rin sa kaligtasan ng lahat kung sakaling may tao ngang nagtatangka sa kanilang mga buhay.

        "Nahimatay siya," sagot niya nang maikalma ang sarili.

        Pagkadismaya naman ang rumehistro sa mukha ni Lyra. "Sayang. Hindi pa siya namatay," paanas nitong sabi.

        Sa sandaling iyon, isang malakas na sampal ang narinig ng lahat. Gulat ang mga mata ni Lyra na bumagsak sa sahig, sapo-sapo ang namamagang pisngi dahil sa natamo. Sa kanyang paanan ay si Joel na may galit ang mukha. Nanginginig ang kamay nito na ginamit panampal.

        "How could you?!" sigaw nito dala ng galit.

        "Isa pang pagtatangka mo sa buhay ni Alex, baka hindi na ako makapagpigil at ikaw ang mapatay ko!" pagbabanta nito.

        Pumagitna naman si Ian sa nagtatalo habang tinutulungan naman ni Christian na makatayo si Lyra na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Nag-ayos ng sarili si Lyra at nag-angat ng mukha. Pinipigilan nito ang nagbabadyang galit sa dibdib na gustong kumawala.

        Huminga nang malalim si Lyra bago nagsalita. "Mapalad ka Joel dahil kaya ko pang magtimpi. Kung mahal mo pa ang trabaho mo, tingnan mo kung anong level ang mayroon ka," pagbabanta rin nito. "Hindi pa tayo tapos," at saka tinapunan ng tingin ang lahat.

        Tahimik ang lahat matapos ang mainit na pagtatagpo. Wala munang gusto umimik. Ang lahat ay tensyonado. Sa ngayon, kailangan munang pakalmahin ang lahat at umisip ng paraan kung paano makaaalis dito.

RED TAPE 20

CHAPTER TWENTY

You are One with Us

        MADILIM. 

        Tanging kadiliman lamang ang makikita sa buong paligid. Hindi magawang maaninag ni Alex kung ano ang nagtatago sa walang-hanggang kadilimang ito. Pakiramdam niya ay kakapusin siya ng hininga dahil sa pananakal ng kadilimang hindi niya mawari kung saan patungo.

        "H-Hello? M-May tao ba d'yan?" marahan niyang sabi na tila umugong lang sa lugar kung nasaan siya.

        Sinubukan niyang maglakad. Naramdaman niyang malamig ang sahig dahil sa walang saplot ang kanyang mga paa. Nakaiilang hakbang na siya pero pakiramdam niya ay hindi pa rin siya umuusad – nananatili pa rin siya sa lugar kung saan niya iminulat ang kanyang mga mata.

        "Walang katapusang paglalakad," aniya sa sarili.

        Panay ang lingon niya sa paligid, naghahanap ng maaaring puntahan upang makaalis. Pero ganoon pa rin, kadiliman lang ang kanyang nakikita. Saan nga ba siya patungo? Nasaan nga ba siya? Nasaan na ang kanyang mga kasamahan?

        Pakiramdam niya ay nakakulong siya sa kanyang sarili. Isang taong nakulong sa pighati at galit na walang pagkakakilanlan. Hindi niya lubos na kilala ang sarili mula pagkabata. Basta ang alam niya, isang miserableng buhay ang mayroon siya.

        "Sophia..." rinig niyang sabi sa 'di kalayuan. Pero tulad din ng kanyang pagtawag, umuugong lang ito. Hindi niya mahanap kung saang direksyon ito nanggagaling.

        "Sophia..." rinig niya muling tawag sa pangalang hindi naman niya alam kung kanino.

        Paulit-ulit ang pangalang iyon hanggang sa nakaririndi na dahil kasabay ang pag-uulit ay ang paglakas nito. Takip-takip niya ang kanyang tainga gamit ang mga kamay dahil sa ingay. Nagkakaskasan ang kanyang mga ngipin dahil sa nakakangili nitong sensasyon sa kanyang tainga.

        "Tama na! Tama naaaa!" pagsusumamo niya hanggang sa mapaupo na siya dahil sa panghihina.

        Ilang saglit lang ay biglang humina ang mga pagtawag. Nakaririndi na namang katahimikan ang nanaig sa buong paligid. Sinubukan niyang mag-angat ng ulo at natagpuan ng kanyang mga mata ang isang bata sa kanyang harapan.

        Bitbit ng musmos na bata ang isang manika. Kung titingnan, nasa pagitan ng tatlo hanggang limang taon na ang bata. Inosenteng-inosente kung titingnan ang bata dahil sa awrang mayroon ito. Nakangiti ito sa kanya. Ngumiti rin siya bilang ganti.

        "Ikaw ba si Sophia?" tanong niya.

        Dahan-dahang tumango ang bata.

        "Kanina pa may naghahanap sa 'yo. Baka nag-aalala na sila sa 'yo," aniya ngunit nanatiling nakatayo ang bata at pinagmamasdan siya.

        Niyakap nito ang hawak na manika at saka marahang yumuko. "Dito na ako nakatira. Nakalimutan mo na ako. Ako si Sophia," saad nito na nagwalis sa kanyang mga ngiti.

        "H-Hindi kita kilala. W-Wala akong kilalang Sophia," giit niya.

        Umiling si Sophia at tila nagbabadya ang paparating na luha sa mga mata. "Ako si Sophia... Ako si Sophia! Ako si Sophia!" paulit-ulit nitong sabi habang humahakbang papalapit.

        Naroroon na naman ang malalakas na sigaw at sinasabi ang mga salitang, "Ako si Sophia." Nakapanghihina ng tuhod ang ingay na iyon. Tila pinupunit nito ang kanyang tainga hanggang sa humiwalay sa kanyang ulo. Kahit anong gawin niyang pagtakip ay hindi naiibsan ang ingay. Umaalingawngaw ito hanggang sa kaibuturan ng kanyang kalamnan.

        "Tumigil ka naaaa!" pagmamakaawa niya.

        Tumigil lamang ang batang si Sophia nang makalapit ito sa kanya. Hinawakan nito ang laylayan ng kanyang damit at pilit siyang pinahaharap. Tiningnan sa mga mata ni Alex ang bata.

        "Ako si Sophia..." malumanay nitong sabi.

        Hahawakan na sana ni Alex ang mga kamay ni Sophia na nakahawak sa laylayan ng kanyang damit nang biglang magbago ang itsura nito. Nangitim ang maliliit nitong mga mata habang lumuluha ng dugo.

        "Ikaw ang pumatay sa akin! Ako naman ang dapat na mabuhay!" pasigaw nitong sabi.

        Sa sandaling iyon, pabalikwas na bumangon mula sa kanyang higaan si Alex, pawis ang buong mukha at dilat na dilat ang mga mata na tila takot. Pinagmasdan niya ang buong kwarto. Wala na si Sophia.

        "Bangungot... Bangungot na naman," saad niya habang mariing hinahawakan ang dibdib na ngayon ay parang may nagkakarerang kabayo.

        Hindi siya makapaniwala sa napanaginipan. Parang totoo ang mga iyon na tila mga kikitil ng kanyang  buhay. Ang lubos lang niyang ipinagtataka ay kung sino si Sophia at kung bakit siya ginugulo nito sa kanyang panaginip.

        Huminga siya nang malalim at nagbuga ng hangin. Alas tres na pala ng hapon nang mapansin niya ang orasan sa gilid ng kama. Doon lamang niya naalala na hinimatay pala siya kanina dahil sa pananakit ng kanyang ulo. Doon lang din niya napansin na may kasamahan siyang natutulog sa gilid ng kama. Ramdam niya pa rin ang nangingirot na ulo. Marahil ay iinuman na lang niya ito mayamaya ng gamot upang kahit papaano ay maibsan ang pananakit.

        Tumayo siya mula sa kama at dumiretso sa sala. Naabutan niya roon ang ilang kasamahan na halatang mga problemado.

        "Ano bang nangyari?" tanong niya sa sarili.

        Sinubukan niyang alalahanin ang mga naganap kanina bago siya hinimatay. Halos mangilabot siya nang maalala na patay na nga pala si Jacob at nakita iyon mismo ng kanyang mga mata. Sa pagkakataong iyon ay nanigas ang kanyang mga paa. Pakiramdam niya ay hindi na siya ligtas sa lugar na ito.

        "Alex?" tawag ni Ian nang makita siya. Doon niya lamang nahanap ang kanyang pakiramdam. "Bakit nand'yan ka? Ayos ka na ba?" tanong nito at hinawakan ang kanyang balikat nang makalapit.

        "Oo," aniya sabay tango. Tila pilit ang naging pagsagot ni Alex. Natatakot siyang daluhan ang mga kasamahan na nasa sala. May palagay siya na isa sa mga ito ang nagtatangka sa kanyang buhay. Pero kailangan niyang umakto ng normal upang hindi makitang apektado siya sa tunay na nangyari. May posibilidad pa rin kasing taga-labas ang may kagagawan ng lahat.

        Sumama siya kay Ian papunta sa sala. Nagtinginan naman sa kanya ang mga kasamahan nang makarating.

        "Mabuti na lang ay ayos ka na," maligayang sabi ni Jess at bumalik muli ang mukha sa pagkaproblemado.

        "Bakit gano'n? Kanina pa ako naghahanap ng signal pero wala pa rin. Nasaan bang lupalop tayo ng bansa?" dismayadong sabi ni Wilma nang makapasok sa resort. Kasunod niyang pumasok sina Tristan at Sammie na wala pa ring kaalam-alam sa nangyari.

        "Kayo ba? Nakakuha na ba kayo ng signal? Nagawa niyo na bang makontak ang mga pulis?" tanong ni Jess sa iba pero tanging pag-iling lang ang mga naging sagot nito.

        "Bakit parang problemado kayo?" tanong ni Tristan na wala pa ring kaalam-alam at nagtataka dahil sa mga itsurang nakikita sa mga kasamahan. Kasabay nitong pumasok papunta sa sala si Sammie na tiyak na wala ring alam sa tunay na nangyayari.

        "We're dead," sagot ni Wilma at nagkalumbaba.

        Nagtaas ng kilay si Tristan na hindi pa rin maunawaan ang nangyayari. "What do you mean? Nasaan na ba si Direk Anne? Nahanap niyo na ba si Jacob?"

        "Saan ba kasi kayo galing at hindi niyo alam ang mga nangyari?" tanong ni Christian sa dalawa. Nagkatinginan naman sina Sammie at Tristan na tila nagpipilitan kung sino ang pwedeng sumagot sa tanong. 

        "Tss. Patay na si Jacob. May pumalo naman sa ulo ni Direk Anne. And now, we're dead. Walang means para makaligtas. Our cellphones don't have signals. May bumutas rin ng mga gulong at mga reserba. We have still one week here para mapatay ng motherfuckin' killer na 'yon!" inis na sabi ni Christian. Lumapit sa kanya si Luz upang himasin ang kanyang likod nang mahimasmasan.

        "Oh ghadd!" bulalas ni Sammie. Maging si Alex ay nagitla sa nalaman. Hindi niya kasi alam ang tungkol sa nangyari kay Direk Anne. Buo na ang loob niya na iisa-isahin nga sila ng kung sinumang nagtatangka sa kanyang buhay.

        "Kaya sa ngayon, dobleng ingat ang kailangan natin. Walang aalis sa resort upang walang mapahamak. Hindi natin alam kung nasa labas ang killer at inaabangan lang tayo na maghiwa-hiwalay," ani Jess na sinang-ayunan ng lahat.

        "O isa sa atin ang killer. Malay niyo nga katabi niyo na siya," dagdag ni Lyra na nagdahilan upang mapatingin sa kanya ang lahat. Nakangisi ito ng nakaloloko nang dumiretso sa kusina.

        Tila naging palaisipan sa lahat ang sinabi ni Lyra. Nagpakiramdaman sila hanggang sa makita nilang lumabas na mula sa kusina si Lyra bitbit ang ilang pagkain.

        Huminto muna ito saglit dahil sa mga pares ng matang nakatingin sa kanya. "Bakit? Tama naman ang sinabi ko, 'di ba? Alam ko na kahit kayo, iniisip na isa sa atin ang killer. Huwag na nga kayong magmaang-maangan. Hindi bagay sa inyo. Kung ako sa inyo, kukuha na ako ng sandata ko," saad nito at ipinakita ang hawak na kutsilyo na nakuha mula sa kusina. "Sige. Babalik na ako sa taas. Sabihin niyo na lang kung buhay pa kayo. Ciao!"

        Halos tamaan naman ng kidlat ang lahat. Hindi nga malayong mangyari ang sinabi ni Lyra. Alam ng taong iyon ang kanilang mga kilos kaya't malamang, isa nga sa kanila ang salarin. Ngunit positibo pa rin sila na wala sana sa kanila ang tunay na may pangil.

c

RED TAPE 21

CHAPTER TWENTY-ONE

Is it between Lyra and Anne?

        ILANG oras na ang nasasayang ngunit tila mabagal itong tumatakbo. Balisa ang utak ni Jess nang mga sandaling iyon. Kahit na katiting na solusyon ay wala siyang maisip upang maligtas sa kamay ng salarin. Ang tanging alam lang niya ay habang magkakasama sila, ligtas sila. 

        Ngunit ganoon ba talaga? Paano kung dahil nga sa magkakasama sila ay mas mapapadali lang ang pagpatay? Mas mapapadali sa salarin na ubusin sila? 

        Pero kung tunay na mapaglaro ang salarin, hindi magiging kasiya-siya para sa kanya kung malalagas kaagad ang kanyang mga kalaro. Anuman sa dalawa ay pag-iingat pa rin ang dapat nilang gawin.

        "Trust no one," nasaad niyang muli sa sarili nang maalalang may posibilidad na isa sa kanila ang salarin.

        Katulad lang din ito ng nangyari sa kanila ng kanyang mga kaibigan. Halos paglaruan siya ng tadhana dahil kung sino pa ang akala nilang mapagkakatiwalaan at inosente ay siya pang kikitil sa kanilang mga buhay. 'Looks can be deceiving,' ika nga. Parang umuulit lang muli ang mga nangyari sa simula. Isa na namang bangungot ang kanyang kahaharapin. isang misteryo na kailangan na naman niyang tuklasin at hulaan. Kakayanin pa kaya niya ang trahedyang ito hanggang huli?

        Kasabay ng kanilang takot ay ang pagbuhos ng ulan sa labas. Ang kaninang maaraw na kalangitan ay nabalot ng maiitim na ulap na nagdahilan upang kumulimlim sa loob. Dumagdag lang ito sa takot na kanilang nararamdaman. Tila sumasabay ang buhos ng ulan sa kanilang pighati.

        Tahimik ang buong resort na ni walang mauulinagang ingay. Walang gustong magsalita. Tanging mga yabag lang ng mga paa ni Joel na parito't-paroon ang naririnig. Bakas sa mukha nito ang labis na takot. Naroroon pa rin kasi ang nanginginig nitong mga kamay na hindi mapalagay kung saan itatago.

        Tumayo si Jess mula sa pagkakaupo at lumapit kay Joel. Pinamulatan naman ng huli si Jess na tila nagulat sa biglang paglapit. Sunod-sunod ang nagiging paglunok ni Joel nang hawakan sa balikat ni Jess.

        "Ayos ka lang ba talaga? Mas balisa ka pa sa akin," nag-aalala niyang tanong.

        Malilikot ang mga mata ni Joel na naglalagi sa kaliwa't kanan, pinagmamasdan ang lahat kung nakatingin din sa kanya.

        "Kanina ka pa nanginginig. Ano bang problema? Sabihin mo sa akin," pagpupumilit pa niya.

        Itinulak siya ni Joel sa distansyang malayo sa ibang kasamahan. May pakiramdam siya na ayaw iparinig nito ang anumang gustong sabihin.

        "I-Isa siya sa atin," naibulong nito at iginala ang mga mata sa paligid. "H-Hindi ko pwedeng sabihin kung sino siya dahil papatayin niya rin ako. Papatayin niya ako..."

        "Pwede mong sabihin sa akin. Kayang-kaya natin siya. Marami tayo. Huwag kang matakot," paanas niyang sabi upang hindi makahalata ang iba sa kanilang pinag-uusapan.

        Umiling naman si Joel. "H-Hindi pwede. Papatayin niya ako. Alam niya ang mga kilos natin. Wala tayong ligtas sa kanya. Papatayin niya ako..." may diin niyang sabi sa huling salita. "Isa lang ang kailangan niya sa ating lahat. S-Si Alex. Si Alex lang ang gusto niyang patayin."

        "B-Bakit si Alex? Ano'ng kailangan niya? Bakit niya kailangang mandamay ng iba?" nagtatakang tanong niya.

        "H-Hindi ko alam," nangangatal nitong sabi. "P-Pero tulungan niyo sana si Alex p-para sa akin," bilin nito at bumalik sa kaninang ginagawa na parang walang nangyari.

        Bagsak ang balikat ni Jess sa nalaman. Wala siyang mahihita kay Joel. Buo ang desisyon nito na maging tikom sa lahat ng kanyang nalalaman. Naiintindihan naman niya kung bakit ganoon na lamang si Joel dahil iniingatan din nito ang kanyang buhay.

        Sa isang iglap, pumasok sa isip ni Jess sina Luke at Stef, ang kanyang buong pamilya na hinuhugutan niya ng lakas upang mabuhay. Ipinangako niya sa mga ito na magiging ligtas siya at uuwi ng buhay. Naluluha siya sa tuwing maiisip na maaaring iyon na rin ang huling pagkakataon na makakasama niya ang kanyang pamilya.

        Nabigyan na siya ng isa pang buhay matapos ang nangyari kay Sarah. Hiling pa niya na sana ngayon ay pagkalooban ulit siya at makayanan ang insidenteng ito.

        Ilang saglit lang ay nakarinig sila nang malakas na kalabog mula sa itaas. Nagkatinginan ang lahat nang may halong takot ang mga mata. Naalala nilang maliban sa kanilang nasa ibaba ay may apat silang kasamahan na naroroon kasama na sina Lyra at Direk Anne.

        Habang binabagtas ang hagdan, humarang mula sa dulong itaas ng hagdan ang isa nilang kasamahan, sapo-sapo ang laslas na leeg. Umaapaw ang napakaraming dugo mula sa parteng iyon na halos gawing pula ang suot nitong damit. Sabay-sabay naman ang tili ng mga kababaihan dahil sa nadatnan. Agad namang lumapit si Ian para saklolohan ang kasamahang nag-aagaw buhay.

        "T-Tulooonnggg..." sumamo nito kahit na nahihirapan.

        "Sino'ng may gawa sa 'yo nito? Sina Direk Anne at Lyra?" tanong ni Ian habang akay-akay paibaba ang kasamahan.

        Umiling na lang ang kasamahan. Bago pa man makababa ng hagdan ay tuluyan ng nalagutan ng hininga ang kasamahan, dilat ang mga mata at sapo-sapo pa rin ang nagdurugong leeg.

        "Puntahan niyo ang iba. Tingnan niyo kung okay lang sila," utos ni Ian habang inilalapag ang katawan ng pumanaw na kasamahan.

        Samantala, umakyat naman sina Jess, Alex at Christian upang tingnan ang kondisyon ng mga naiwan sa itaas. Ang ilan ay hindi na sumama sa taas dahil baka hindi na kayanin ng kanilang sikmura ang makikita.

        Pagpanaog ng tatlo sa itaas ay naghiwa-hiwalay sila upang mapadali ang pagtingin. Unang kinatok ni Jess ay ang kwarto ni Lyra. Nakarinig siya ng boses mula sa loob na sa tingin niya ay mula sa dalaga. Pinagbuksan siya nito ng pinto at kita sa mga mata ang pagkairitable.

        "Bakit?" nakataas-kilay nitong tanong.

        Huminga nang malalim si Jess. "May isa na naman tayong kasamahang namatay. Tinitingnan ko lang kung ayos ka," aniya at pasikretong tiningnan ang buong kwarto nito.

        Bahagyang ngumisi si Lyra sa nalaman. Tila isang demonyo na tuwang-tuwa sa panibagong kaluluwang makasalanan.

        "Good. Unti-unti na pala tayong nababawasan. Mga weakling lang naman sila kaya hindi na nakabibigla," anito.

        Nagyukom ng mga kamay si Jess. Pilit niyang inaalo ang sarili upang hindi makagawa ng bagay na pagsisisihan sa huli. Maimpluwensyang tao si Lyra dahil sa kinalakhang pamilya nito. Nabalita na rin ang pamilya nito dahil sa mga masamang gawain ngunit naaabswelto pa rin sa huli.

        Natigilan sila nang marinig ang malakas na tili ni Alex. Mabilis na naglakad palapit sa kwartong kinaroroonan ni Alex si Jess. Tulad ng nauna, natagpuan niyang laslas ang leeg ng kasamahang nagbabantay kay Direk Anne. Puno ng dugo ang damit nito dahil sa umaapaw na dugo. Paniguradong tiniyak ng killer na hindi magagawang makapagsalita ng dalawa.

        "Si Direk Anne?" tanong ni Christian nang makapasok din.

        Hinagilap ng kanilang mga mata ang katawan ni Direk Anne ngunit wala silang makita. Ang tanging nakita lang nila ay nakabukas na bintana na marahil ay dinaanan ng killer bitbit ang katawan ni Direk Anne.

        O dili kaya, si Direk Anne na tumakas matapos gawin ang krimen.

        "Three down. Kung ako sa inyo, kumuha na kayo ng magagamit niyong pananggalang. Hindi rin kasi magtatagal, kayo na ang magiging sunod na target," saad ni Lyra at saka bumalik na sa kanyang kwarto. Mula sa tono nito, parang alam na alam nito ang kilos ng sinumang killer.

        Nagkatinginan naman ang tatlo. Tila iisa ang kanilang naiisip. Isa kina Lyra at Direk Anne ang 

salarin .

        "Pero ano'ng motibo nila?" tanong ni Jess na pinagkatakahan naman ng dalawa.

        "Kung titingnan natin, parehas silang nawala nang mamatay si Jacob. Sila ang may oras para isagawa ang pagpatay. Pati na rin ang nangyari sa dalawa nating kasamahan, sila lang ang naiwan sa itaas," paliwanag ni Christian.

        Hindi lubos maisip ni Jess kung bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat. Bakit kailangan niyang/nilang pumatay? Ganoon ba kalaki ang dahilan nila para buhay ang maging kapalit?

        "Idagdag pa na magaling umarte si Lyra. Baka nagkukunyari lang siya pero ang totoo, siya pala ang pumapatay. Kung si Direk Anne, pwedeng tumakas siya para iligtas ang sarili niya mula sa sisi," dagdag pa nito.

        "Hindi ba magmumukhang obvious 'yong kay Direk Anne? You see, kung ikaw ang killer, ipapahamak mo ba ang sarili mo para ikaw ang paghinalaan?" sabat naman ni Alex.

        "Reverse psychology. At isa pa, pwede siyang bumalik dito at ituro na taga-labas ang pumapatay," paliwanag muli ni Christian.

        Sa kabilang banda, may mga punto ang teorya ni Christian. Ang kulang na lang ay ebidensyang makapagtuturo sa dalawa. Kaya sa ngayon, kailangan muna nilang matyagan ang kilos ni Lyra o ang pagbabalik ni Direk Anne kung buhay pa ito.

RED TAPE 22

CHAPTER TWENTY-TWO

The Game Plan

        HALOS lamunin na ng kadiliman ang buong paligid dahil sa masamang panahon at papalubog na araw. Malamig-lamig sa pakiramdam ang hanging minsan ay dumaraan sa mga bukas na bintana. 

        Tulad kanina, hindi pa rin makapante ang bawat isa sa takot na sila ang sunod na atakihin ng killer. Lahat sila ay pinangangambahan ang kanilang personal na kaligtasan.

        Ang kagabing puno ng saya ay napalitan ng paghihinagpis. Tatlo na sa kanilang kasamahan ang patay at isa ang nawawala. Hindi nila alam kung sino pa ang susunod sa kanila sa hukay. Hindi maglalaon, kung hindi nila makikila ang tunay na salarin, ang resort na ito ay malulunod sa kanilang mga dugo.

        "May pag-asa pa kayang maligtas ako? Kung malalaman ko lang kung sino ang killer, paniguradong maisasalba ko ang ilan pang buhay. Ako ang nagdala sa kanila sa sitwasyong ito. Ako lang ang pakay niya," ani Alex sa kanyang sarili habang nakalumbabang tinitingnan ang mga kasamahan.

        Dumating sa sala mula sa kusina si Wilma. Katatapos lang nitong magluto ng maaari nilang kainin ngayong gabi. Dahil din sa pagiging abala kaya't nakalimutan nila ang gutom na iniinda kanina pang tanghali.

        "Kumain muna tayo. Nakahain na sa hapag ang mga pagkain. Kailangan natin ng lakas. Wala pa tayong kain mula pa kaninang tanghali," nakangiti nitong sabi upang anyayahan ang iba.

        Sumunod ang ilang nagugutom nang biglang magsalita si Christian. "Teka lang. Sino'ng kasama mong magluto?" seryosong tanong ng aktor.

        Rumehistro sa mukha ng dalaga ang pagtataka. "B-Bakit mo naitanong?"

        "Bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong ko?" tanong niya pabalik at saka tumayo mula sa kinauupuan. Nagtinginan na ang ilang kasamahan nila dahil sa pangunguwestyong nagaganap. "Sino'ng kasama mong magluto?"

        "A-Ako lang. B-Bakit? May problema ba?" nauutal nitong sabi. Ngumisi si Christian. "Ano bang gusto mong paratingin?" ani Wilma.

        "Gusto ko lang namang mag-ingat. Alam kong isa sa atin ang maaaring killer. Malay mo, paraan mo na pala ang pagluluto para patayin kami. Nilagyan mo ng lason ang pagkain nang sa gayon, hindi ka na mahirapan," aniya at ginalugad ng tingin ang lahat na tila tinuturo ang bawat isa bilang suspek sa pagpatay. 

        "Ano namang motibo ko para patayin kayo?"

        "Hindi ko alam pero tayo-tayo lang ang nandito. Wala ng iba. Kaya sino pa ba ang pumapatay? 'Di ba tayo rin?"

        Nag-iwas ng tingin ang iba na parang ayaw makisali sa sinasabi ni Christian. Ang ilan naman ay nag-aabang ng maaari pang isiwalat niya sa makapagtuturo sa tunay na katauhan ng killer.

        "Stop it!" pagpigil ni Tristan. Tiningnan ito ng lahat nang magsalita.

        "Bakit? Dahil maaaring ikaw ang killer?" nakalolokong tanong niya nang tapunan niya ng tingin si Tristan.

        "What did you just say?" nagtitimping sabi naman ni Tristan na halos sumabog na. Pakiramdam nito ay siya ang itinuturing na salarin sa lahat ng nangyari.

        "Nawala kayo kanina nang mamatay si Jacob. Wala rin kayo nang may pumalo sa ulo ni Direk Anne. You," tigil niya sa pagsasalita at tinapunan ng tingin si Sammie, "have time to do that. Lalo na kung may kasama ka."

        Isang malakas na suntok ang sumapo sa mukha ni Christian at agad ding nagpatumba sa kanya. Duguan ang kanyang bibig nang hawakan niya iyon. Lasap ng kanyang dila ang sariwang dugo na kasalukuyang umaagos paibaba sa kanyang baba.

        Tumayo na mula sa pagkakaupo si Alex upang makiawat sa mainit na tensyon ng dalawang kalalakihan. Wala siyang dapat na kampihan. Hindi niya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo sa dalawa.

        "Wala kang ebidensya para pagbintangan kami o kahit ako! Lahat tayo ay biktima rito! Siguro ikaw ang killer at itinuturo mo lang sa amin ang pagbibintang nang sa gayon ay maabswelto ka, 'di ba?" nanggagalaiti nitong sabi. Pinanlisikan naman ito ng mga mata ni Christian.

        "Marahil nga. Pero paano? Kasama ko sila?" ani Tristan.

        Hindi na sumagot pa si Tristan, bagkus ay dire-diretso siyang pumanaog pataas – padabog na inilalapat ang mga paa sa sahig. Sinundan naman si Tristan nina Wilma at Luz upang kung sakaling umatake ang killer ay marami sila.

        Pinagmasdan na lamang ni Alex si Christian na tila inaalisa ang mga nasabi nito na maaaring makatulong sa kanya upang matukoy ang katauhan ng salarin.

        Samantala, lahat ay lalong naging kabado dahil sa tensyong naganap kanina. Tinulungan na lamang ni Ian na makatayo si Christian mula sa pagkakabagsak. Pinagpagpagan ng huli ang kanyang suot na damit at saka inayos.

        Huminga nang malalim si Ian upang sabihin ang kanina pa nitong gustong sabihin. "Masyado ka lang sigurong..." hindi maituloy na sabi ni Ian.

        "Natatakot?" pagpapatuloy ni Alex na tila hindi sigurado. "Lahat tayo natatakot. It's just how we control it. Fear is evitable if only we can get out from its cage."

        Nagpagpag ng kanyang damit si Christian bago tiningnan ang mga kasamahan. "Hindi ako natatakot. Sadyang gusto ko lang mabuhay," saad niya.

        "Natatakot kang mamatay dahil gusto mo pang mabuhay. Sa madaling salita, natatakot ka pa rin," singit ni Jess.

        Napailing na lamang si Christian. "Whatever," aniya.  Tulad ni Tristan, umakyat na lang din sa itaas si Christian na sinamahan nila Gem at Ian.

        Ang ilang naiwan ay pumunta na lamang sa kusina upang lagyan ng pagkain ang kumakalam na sikmura. Ngunit di tulad nila, may isang bagay ang gumugulo kay Jess.

        BAGO kumain ay inanyayahan muna ni Jess si Alex sa gilid upang makapag-usap sila ng pribado. Nais balaan ni Jess ang dalaga sa maaaring kapahamakan na danasin nito kung totoo man ang sinabi ni Joel sa kanya kanina.

        "Ano'ng gusto mong pag-usapan natin?" hindi mapakaling tanong ni Alex nang mapansing seryoso ang mukha ni Jess habang kaharap siya.

        Hinawakan niya sa balikat ang dalaga at marahang pinisil iyon. "Kailangan mong mag-ingat. Ikaw ang pakay ng killer," aniya at nagpalinga-linga sa likod.

        Kahit alam ni Alex ang tungkol dito ay umarte na lang ito na tila inosente sa patayang nagaganap. Hindi nito maaaring sabihin ang kanyang nalalaman lalo na't wala itong kasiguruhan na inosente si Jess. "K-Kanino mo naman nalaman 'yan? Ano bang motibo niya para pagtangkaan niya ang buhay ko?" nagtataka nitong tanong.

        Tiningnan niya sa mga mata si Alex. "Kay Joel. Binalaan niya ako para sa kaligtasan mo. Wala siyang sinabi sa akin kung ano ang pakay ng killer sa iyo o kung sinoman siya. Pero kung ikaw ang kanyang pakay, maaaring ikaw rin ang makapagliligtas sa amin," saad niya.

        "Makapagliligtas? Paano? Iiwan niyo ako dito para makatakas, ganoon ba? Ako ang gagawin niyong pain para mahuli ang killer?" medyo ngarag nitong sabi dahil sa papausbong na luha sa mata.

        "Hindi sa ganoon, Alex. Iba ang iniisip mo. Alam mo namang kaligtasan ng lahat ang nakasalalay dito," paglilinaw niya.

        Inalis ni Alex ang nakahawak na mga kamay ni Jess sa kanyang braso. Mabigat ang kanyang pakiramdam dahil sa nangyayari. "Wala ka rin palang pinagkaiba sa killer. Gusto mo akong ibigay sa kanya para matuloy ang kanyang balak. Gusto mo lang din akong patayin," saad nito habang yukom ang mga kamay. Iniiwas nito ang kanyang tingin upang hindi makita ni Jess ang kanyang nangingilid na luha.

        "Hindi mo ako naiintindihan. Alex, tutulungan kita – namin. You just have to trust me. Mali kasi ang iniisip mo. Hangga't nandito ka, aaligid ang killer sa malapit. Sa ngayon, hindi ka dapat humiwalay sa amin hangga't wala tayong naiisip na pwedeng gawin," paliwanag ni Jess.

        "Hindi ba't mas delikado para sa inyo dahil kasama niyo ako? Ako ang magdadala sa inyo kay Kamatayan."

        "Maaaring maging tyansa na rin namin ito para mahuli ang killer. Ikaw ang pakay niya. Lalapit siya para mahawakan ka," salaysay niya na nakapagkumbinse sa dalaga.

        Unti-unti ay nahimasmasan si Alex. Ang buong akala nito ay tinalikuran na siya ng kanyang mga kasamahan upang sa kanilang pansariling kapakanan. Tulad nila, gusto rin ni Alex ang mabuhay. Gusto nitong itama ang lahat ng kanyang pagkakamaling nagawa.

        "Nakikipaglaro ng tagu-taguan ang killer sa atin. Sa ngayon, tayo ang taya. Kaya gagawa tayo ng paraan para naman siya ang maging taya. Magpapahabol tayo hanggang sa mahuli natin siya sa kanyang kuta," makahulugang sabi ni Jess at pinagmasdan ang natitira pang mga kasamahan.

        Hindi lingid sa kaalaman ni Jess ang tinatagong sikreto ni Alex. Magpapatuloy ang trahedyang nababalot hangga't hindi pa naisasagawa ang mga plano – ang makita ang panaghoy ni Alex mula sa kanilang mga kamay.

RED TAPE 23

CHAPTER TWENTY-THREE

Ocean of Blood

        MULA sa terasa ng kwartong kasalukuyang tinutulugan ni Lyra, isang pamilyar na mukha ang dumaan doon bitbit ang dalawang baril sa magkabilang kamay. Ang taong iyon ay naglakbay sa bawat terasa ng kwarto kaya't nakarating din sa kwarto ni Lyra. Mula roon ay bababa siya sa unang palapag kung nasaan ang ilan pang staff.

        Bago bumaba ay tiningnan niya muna ang loob ng kwarto at natagpuang imprenteng nakahiga roon si Lyra, nakasalo ang isang palad sa ulo at ang isa ay bitbit ang isang libro.

        "Nandito ka pala Lyra," bungad ng taong 'yon habang nakangiti na tila nangangamusta sa matagal na kaibigan.

        "I knew it was you. Kumusta? Sino na palang isusunod mo?" tanong ni Lyra na walang paki sa bitbit na baril ng killer na maaaring kumitil sa kanyang buhay.

        "Gusto mo bang ikaw na ang isunod ko?" nagbibiro niyang sabi na sinamahan ng maikling tawa.

        Sumaludo naman ang hinlalato ni Lyra sa killer at nangingisi. "Don't you dare. Alam mong ikaw ang mauunang mamamatay sa atin," at saka nagtaas ng kilay.

        "I have two guns and yours?" pambabara niya at pinagmamalaking itinaas ang dalawang baril na hawak.

        Hindi naman nasindak si Lyra sa hawak ng killer. Inilabas nito mula sa ilalim ng kanyang unan ang isa ring baril. "Kung sasabak ka sa giyera, talo ka kung hindi ka handa."

        "You never fail to amaze me. Matalino ka talaga. Pero hindi pa rin natin alam kung sino'ng mabubuhay sa atin pagkatapos nito. Sige, magpapaalam na muna ako. See you in your funeral," aniya at saka lumisan. Nakita naman niyang kumakaway ang hinlalato ni Lyra bago bumaba.

        Dumaan siya sa fire exit upang doon ay bumaba. Saktong pagbaba niya ay naabutan niyang kumakain ang ilang staffs sa sala. Hindi kasi magiging katuwa-tuwa kung iisa-isahin pa niya ang mga tao. Baka abutin siya ng siyam-siyam maihuli lang patayin si Alex.

        Mula sa bintana, pinaulanan niya ng bala ang lahat ng taong abalang nakain. Humigit kumulang tatlumpung tao ang kasalukuyang kumakain doon at napaulanan ng bala. Huli na nang makatakas ang ilan dahil sa sunod-sunod na putok ng bala na umaalingawngaw sa paligid.

        Hindi mabilang ang putok, basta isa-isang bumabagsak ang lahat. Mula sa kusina, bumabaha ang napakaraming dugo. Kung saan-saang parte ng katawan tinamaan ang ilan na mabilis ding kumikitil ng kanilang mga buhay.

        Ang hapag ay napalitan ng dugo ng mga tao at ilang bangkay. Walang patid ang pagpapaulan ng bala hangga't hindi tumutumba ang lahat. Tuwang-tuwa naman ang killer sa nakikitang paghihinagpis ng lahat. Isang magiliw na sayaw para sa kanya ang palahaw na sigaw ng mga nagmamakaawang inosente.

        Ilang saglit lang ay tumigil siya sa pagpapaputok. Saglit siyang sumulyap sa mga taong nabaril. Wala roon ang katawan ni Alex na kanyang ikinatuwa.

        "Buti naman. Always save the best for last," nasaad niya. Balak niya talaga ihuli si Alex bilang ang dalaga naman talaga ang kanyang pakay.

        "Ilan na lang kaya ang natitira? Pito? Walo? Napasobra 'ata ako sa dami ng napatay. Dalawang araw palang sila dito," aniya at saka itinago ang mga baril na hawak. "Maghintay ka lang Alex. Malalasap mo na rin ang sorpresa ko."

        Naglakad na siya palayo upang ihanda ang gagawing hakbang bukas. Hindi na siya makapaghintay sa magiging reaksyon ni Alex kapag nakita siya nito.

        Tumingala siya sa langit. Katatapos lang nang pagbuhos ng ulan. Unti-unti ng umaaliwalas ang kalangitan at nagpapakita ang mga bituin, hudyat na tapos na ang pagpatay ngayong araw. Tulad ng mga bituin kanina ay magtatago muna siya sa kadiliman upang ibuhos muli ang masaganang ulan – ulan ng dugo – bukas.

        Naninigas ang buong mga katawan nina Alex at Jess nang makarinig nang sunod-sunod na putok ng baril. Napaupo sila sa gilid at doon ay takip-takip ang kanilang magkabilang tainga. Nanlalamig ang kanilang mga palad at naninigas ang kanilang mga tuhod.

        Isa lang ang nasa isip nilang dalawa – maraming namatay sa kanilang mga kasamahan. Nakapangingilabot na kasabay ng mga pagputok ay ang naghuhumiyaw sa sakit nilang mga kasamahan. Tila dinudurog nito ang kanilang mga puso dahil sa habag.

        Ilang saglit lang ay natapos na ang mga pagputok pero naroroon pa rin ang kanilang takot. Namimilog ang kanilang mga mata nang libutin ng tingin ang buong paligid.

        Umamba ng tayo si Jess pero mabilis din siyang pinigilan ni Alex. "Saan ka pupunta? Delikado pa. Baka nand'yan pa ang killer at mapapano ka."

        "Ako na ang bahala. Dito ka muna. Ako na ang titingin," buong tapang na sabi ni Jess. Tumango lamang si Alex at nanatili sa kanyang posisyon na may halong pag-aalala.

        Dahan-dahang tumatayo si Jess upang pakiramdaman ang buong paligid. Sa tingin niya ay pansamantalang ligtas na sila. Sunod-sunod ang kanyang paglunok habang inihahakbang ang isang paa papalapit sa hapag.

        Hindi naman siya nabigo sa kanyang nakita. Sumambulat sa kanya ang napakaraming dugo mula sa mga namatay na kasamahan. Naitakip niya ang kanyang mga kamay sa bibig upang iwasan ang makalikha nang malakas na ingay. Mula sa kanyang nakikita, walang natirang buhay sa kanyang mga kasamahan. Tila isang senaryo sa mga horror movie ang kanyang nasasaksihan.

        Iginala pa niya ang kanyang mga mata at napansin ang isang taong nakatagilid sa labas. Pamilyar sa kanya ang mukhang iyon. Hindi siya pwede magkamali.

        Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso nang makilala ang taong nasa labas. Tila bumalik sa kanya ang lahat ng kanyang alaala sa nagdaang sampung taon.

        Natigilan siya sa pag-iisip nang biglang may humawak sa kanyang kaliwang paa. Hindi niya napigilan ang mapasigaw. Dahilan naman iyon upang biglang umalis ang taong nasa labas.

        "T-Tulungan mo ako," nagmamakaawang sabi nito.

        "J-Joel? Oh my ghadd! Joel! Tulungan niyo ako!" sigaw niya upang makahingi ng tulong. Agad namang lumapit sa kanya si Alex na sinundan ng iba pa. Inalalayan nila ang naghihingalong si Joel. May dalawang tama ito ng bala – isa sa braso at isa sa tagiliran. Mapalad si Joel dahil hindi ito ganoong napuruhan, 'di tulad ng iba.

        "Dalhin niyo muna siya sa taas para roon gamutin. Hindi rin biro ang parteng tinamaan sa kanya," utos ni Jess. "At siguraduhin niyong hindi siya nag-iisa."

        Sumunod naman sina Ian at Tristan at nagtulong na binuhat paakyat si Joel upang doon gamutin. Sumunod naman sina Wilma at Luz na may dalang first aid kit.

        "Oh my ghadd. What happened here?" nahihintakutang sabi ni Sammie nang makita ang mga patay na katawan ng kasamahan. Nagtinginan naman sa dalaga ang lahat na may halong pagtataka.

        "Saan ka galing?" naunang tanong ni Christian bago pa man tanungin ni Jess. Ang lahat ay biglang nagduda sa biglang pagkawala ni Sammie.

        "A-Ano naman sa inyo?" kinakabahang tanong ni Sammie at saka ipinakita ang kanyang maamong itsura.

        "Wala ka rito nang mangyari ang pamamaril. Kung ayaw mong paghinalaan, sagutin mo na lang ang tanong namin," ani Jess na naghihintay sa magiging paliwanag ng nasasakdal.

        Humugot nang malalim na paghinga si Sammie bago nagsalita. "Nasa labas ako para humanap ng signal. Then, nakarinig ako ng mga pagputok kaya pumasok ako kaagad. Hindi ko alam na ganito pala ang maaabutan ko."

        Narinig nilang pumalatak si Christian na tila hindi kumbinsido sa paliwanag ni Sammie. "Naghahanap ka ng signal habang ang lahat ay isa-isang namamatay? Ano bang klaseng kwentong barbero 'yan? Gasgas na ang ganyang mga paliwanag!"

        "Sinasabi mo bang ako ang pumatay sa kanila?!" Nagtaas ng boses sa unang beses si Sammie dahil sa bugso ng kanyang damdamin. "Okay fine! Ako nga ang pumatay sa kanila at kayo ang isusunod ko! Ayos na ba 'yon?!" nanggagalaiti nitong sabi at tuluyang bumuhos ang mga luha na kanina pa tinitiis.

        May parte ng utak ni Jess ang gustong paniwalaan ang sinasabi ni Sammie pero matapos makita ang nangyari kanina, hinuhugot siya ng paniniwalang may kinalaman ang dalaga sa pagpatay. Tila lahat para sa kanya ay mga suspek sa pagpatay. Walang sinuman ang pwedeng kanyang pagkatiwalaan.

        "Tumigil na kayo!" panggigitna ni Alex sa dalawang nag-aalitan. "Alam kong lahat tayo pinaghihinalaan ang bawat isa pero magkakaibigan tayo. Hindi tayo dapat nagkakaganito. Sa ganitong mga sitwasyon, dapat mas pinapakita natin ang pagtutulungan."

        "S-Sorry... Hindi ko na naman nakontrol," paghingi ng paumanhin ni Christian at naupo sa sofa upang pigain ang nananakit na ulo.

        "Huminahon ka na rin muna, Sammie. Masyado lang tayong nadadala ng takot," ani Jess at inalalayan si Sammie na makaupo sa tabing sofa ng kay Christian.

        "Marami na ang nawala sa atin. Labing-isa pa tayong natitira. Kayang-kaya natin siya kung lahat tayo magtutulungan," suhestyon ni Jess. Sumang-ayon naman ang ilan niyang kasama.

        "Sana. Sana nga ay kayanin namin," naibulong ni Jess sa hangin matapos tingnan ang natitira pang mga kasamahan.

+++�#q$ SX

RED TAPE 24

CHAPTER TWENTY-FOUR

Another Mystery, Another Misery

        HALOS maghingalo na si Joel dahil sa napakaraming dugong dumadaloy palabas mula sa kanyang katawan. Hindi na niya gaanong maigalaw ang kanyang buong sistema dahil sa matinding panghihina. Para siya inuming tuluyang inuubos hanggang sa mawalan ng laman.

        Nanginginig ang mga kamay ni Joel habang pinagmamasdan ang kisame. Ang buong akala niya ay makaliligtas siya sa mga pagpatay pero nagkamali siya. Kahit tumahimik siya sa tunay na katauhan ng killer, wala pa rin pala siyang ligtas. Lilinisin at lilinisin nito ang sinumang maaaring humadlang sa kanyang mga plano.

        "Aaaahhhh!" sigaw niya sa gitna nang pag-inda sa tuwing lalapatan ng alcohol ang kanyang mga sugat. Kagat niya ang kanyang ibabang labi upang mapigilan ang mas malakas na pagsigaw. Mabilis ang bawat kanyang paghinga na animo'y malalagutan na ng hininga.

        "Sorry. Sorry. Sorry," paghingi ng paumanhin ni Wilma. Nag-aalala nitong tiningnan ang mga kasamahan na nasa kwarto. "Kailangan nating kunin ang mga bala sa kanyang katawan. Hindi na natin siya magagawang dalhin kaagad sa ospital."

        Umiling si Luz na tila may iba pang iniisip. "I guess, hindi lang iyon ang problema natin, guys," nahihintakutang sabi ni Luz. 

        Iniangat nito ang suot na T-shirt ni Joel at ipinakita ang nagdurugong tiyan ng cameraman. Mula rito, mas maraming dugo ang lumalabas na maaari na niyang ikamatay kung hindi pa tuluyang maaagapan.

        Napailing naman si Ian sa nakikitang sitwasyon ng cameraman. "Bakit kasi hindi na lang natin siya hayaang mamatay?" iritable nitong sabi at saka sinamaan ng tingin ng lahat. "What? Magiging pabigat lang siya sa atin. Sooner or later, ikamamatay din niya ang pagkaubos ng kanyang dugo so what's the point of saving his life?"

        Mabilis na kwinelyuhan ni Tristan si Ian na nasa kanyang tabi lang. Nagkakaskasan ang mga ngipin nito dahil sa panggagalaiti.

        "Kung ikaw kaya ang ilagay ko sa sitwasyon niya, ha? I bet you'll be fucking begging for help. Baka gusto mong ibuhos ko sa'yo ang lahat ng galit ko?" galit na sabi ni Tristan habang hindi ibinababa mula sa pagkakakwelyo ang mga kamay.

        "Don't you see? Pointless na ang pagligtas sa kanya. I know na kahit si Joel alam na ikamamatay niya 'yan," ani Ian at sinagi ang mga kamay ni Tristan na nasa kanyang kwelyo.

        "Tumigil na kayo. Tama siya, tama si Ian. Pabayaan niyo na lang ako," saad niya sa gitna ng kanyang paghihirap. Hinawakan niya ang kanyang tiyan nang biglang sumakit ang parteng iyon na tila may tinutunaw sa kanyang loob. Hindi na niya napigilan ang mapasigaw nang malakas dahil sa sakit. Mas dumoble pa kasi ang sakit na kanyang nararamdaman kumpara kanina.

        "Kailangan na nating tumawag ng ambulansya ngay– Stupid idea!" nasaad ni Luz nang mapagtantong walang makatutulong sa kanila sa ngayon para ihatid si Joel sa pinakamalapit na ospital. "Mas lalong mapapaaga ang kanyang pagkamatay sa nangyayari."

        "We fucking know. Sht!" Hindi na napigilan ni Tristan ang sunod-sunod na pagmumura habang naririnig ang palakas na palakas na sigaw ni Joel. Sabu-sabunot nito ang kanyang buhok na parito't paroon ng tig-isang hakbang ang mga paa.

        Halos mamaluktot sa sakit si Joel. Namamanhid na ang kanyang buong katawan dahil sa unti-unti na rin itong bumibigay. Nauubos na ang natitira pa niyang lakas. Anumang oras, nakatitiyak na siyang kamatayan ang kanyang kahihinatnan.

        Napag-isip-isip niya ang dapat na bagay na nasabi niya kay Jess. Dapat una palang ay sinabi na niya ang kanyang nalalaman sa tunay na katauhan ng salarin. Marahil ngayon ay buhay pa siya kapag nagkataon. Matinding pagsisisi tuloy ang kanyang nararamdaman imbis na pananakit. 

        Mayamaya lang ay hindi na niya maramdaman ang kanyang buong katawan. Kalaunan ay parang wala na siyang nararamdaman. Parang nasasanay na ang kanyang katawan sa sakit. Ganito ba kapag malapit ka nang mamatay?

        Tiningnan niya ang apat na kasamahan na nasa loob ng kwarto. Humugot siya nang malalim na paghinga sa huling pagkakataon. Sinubukan niyang ibuka ang kanyang bibig para magsalita pero bago pa man 'yon ay nakita niya ang nakakunot na noo ni Tristan.

        Biglang nawala ang kanyang lakas ng loob. Ayaw niyang pagpikit niya ay kasama niyang mawawala ang iba pa niyang kasamahan.

        Ilang sandali lang ay sumuka siya ng napakaraming dugo. Nawalan na siya ng pagkakataon para makapagsalita. Unti-unti nang lumalabo ang kanyang paningin. Hindi na niya gaanong maaninag ang mga mukha ng taong nasa kanyang harapan.

        Bago pa man malagutan ng hininga, nasambit niya ang pangalan ni Tristan.

        Nakapako ang tingin ni Jess sa kanyang sapatos na tila iyon na ang pinakainteresanteng bagay na nakita niya ngayong araw. Sa tuwing dadako kasi ang mga mata siya sa mga taong kasama sa sala, bigla na lang bumabalot ang pagkadismaya sa kanya. Imbes kasi na nagtutulungan sila ay sila pa 'tong tila nagpapatayan at tinuturo ang bawat isa sa bagay na hindi malayong mangyari.

        "Sino nga ba ang killer?" tanong niya sa kanyang sarili. 

        Kanina pa binabagabag si Jess ng tanong na iyon. Lahat ay may motibo upang patayin ang mga kasamahan. Sino na lang sa kanila ang may kakayahang gawin ang bagay na iyon?

        Napailing na lang siya. Kung sinabi lang sa kanya ni Joel ang tungkol sa katauhan ng killer ay hindi siya mahihirapan ng ganito. 

        Napatingin siya sa hagdan nang biglang bumaba mula rito sina Luz, Wilma, Ian at Tristan. Umiiyak ang dalawang babae habang ang huli ay nakaiwas ang tingin at nakayukom ang mga kamay na tila may pinipigilang emosyon.

        "What happened?" bungad ni Gem sa tatlo.

        Maging si Jess ay hindi na napigilan ang takot. May palagay siya na hindi maganda ang malalaman sa tatlo, ang bagay na kinatatakutan niya.

        "P-Patay na si Joel. Hindi na namin siya nagawang buhayin," naiiyak na sabi ni Wilma na mabilis naman nilang inalo.

        "Wala kang kasalanan sa nangyari," ani Luz na kayakap ang dalaga.

        Napalunok si Jess. Huli na ang lahat. Wala ng paraan para masabi pa sa kanya ni Joel ang katauhan ng killer. Bagsak ang balikat niyang napaupo at hinihimas ang ulo. Hindi magiging madali para sa kanila ang mga nangyayari. Bago pa nila malaman ang katauhan ng killer, baka isa-isa na rin silang patay – kasama siya.

        Ang pamilya niya, sina Stef at Luke. Kailangan pa niyang umuwi ng buhay. Ipinangako niya sa mga ito na magiging maayos siya. Sila na lang ang tanging hinihugutan niya ng lakas sa mga sandaling ito. Pero pakiramdam niya ay unti-unti na ring gumuguho ang kanyang natitirang pag-asa, tanging si Alex na lang ang makakatulong sa kanila.

        "Pero bago siya mamatay, nabanggit niya ang pangalan ni Tristan," seryosong sabi ni Luz na nagdahilan para mapatingin ang lahat kay Tristan.

        Nag-angat ng ulo si Jess para tingnan din si Tristan. Nakaiwas ang tingin nito sa lahat at naroroon pa rin ang nakayukom na mga kamay. Naghihintay lamang si Jess ng magiging paliwanag ni Tristan kung bakit ito nabanggit ni Joel bago pumanaw.

        Nagulat ang lahat sa sumunod na nangyari. Isang malakas na suntok ang lumapat sa mukha ni Tristan na nagpadugo ng kanyang bibig. Huling nadatnan na lang nila ay nagpapang-abot na sa sahig sina Christian at Tristan.

        "Awatin niyo sila!" sigaw ni Alex.

        Mabilis namang pinigilan ni Ian ang dalawa. "Ano ba kayo?! Magtigil nga kayo! Kailangan nating huminahon!" suway nito na nakapagitna na.

        "Umamin ka na kasi. Ikaw ang totoong killer, 'di ba?! Ha?! Gusto mo kaming pataying lahat! Hindi pa ba sapat ang kasikatan mo para isa-isahin mo kami? You're fucking famewhore!" sigaw ni Christian na ayaw magpaawat.

        Gusto pa sana ring makisali ni Ian sa gulo pero sa tingin niya ay tama na ang naging pagtatalo nila ni Tristan kanina lang.

        Tulala ang iba. Hindi sila makapaniwala sa sumunod na nangyari. Natagpuan na lamang nila na naglalakad palabas ng resort si Tristan na tila tinatanggap ang mga bintang ni Christian sa kanya. Lahat ay nagulat.

Nang kumalma si Christian at maging ang atmospera sa buong resort, doon lamang sila bumalik sa kanilang dating gawi.

        May parte ng utak ni Jess na ayaw paniwalaan ang nakita kanina. Hindi ganoon sa tingin niya ang ugali ng killer. Hindi ito agad papayag na isipin na siya talaga ang tunay na salarin. Pero tila nagkamali 'ata siya. Marahil ay kasama ito sa plano ng killer o ni Tristan upang linlangin sila. Naalala niya bigla si Alex. May malaking kaugnayan ito sa lalaki. Isang puntos iyon para lalong lumaki ang paghihinala niya.

        Marahil ay may hindi pa siya nalalaman kay Alex. Kailangan niyang paaminin ang dalaga sa natitira pa nitong alam dahil maaaring ito na ang makapagsalba ng kanilang buhay.

RED TAPE 25

CHAPTER TWENTY-FIVE

The Angel of Death

        SEPTEMBER 7, 2015

        Kinabukasan, tila masakit ang ulo ng bawat isa. Para silang niyuyugyog hanggang sa umalog ang kanilang mga utak. Pakiramdam tuloy nila ay naging masama ang kanilang gising. Umiikot ang kanilang paligid habang humahakbang pababa ng hagdan.

        Tiningnan ni Jess ang buong paligid pero tila yumayanig ang bawat makita niya. Hindi mairehistro nang maayos ng kanyang mga mata ang buong imahe ng lugar.

        "Ang sakit ng ulo ko," reklamo ni Wilma nang makaupo sa sofa sa sala. Maging ang iba ay naupo na rin sa tabi ng dalaga habang  sinasalat ang nagmumura sa sakit na ulo.

        "Magluluto na lang muna siguro ako," sabi ni Luz at dumiretso sa kusina. Hindi pa man ito nagtatagal ay isang malakas na sigaw ang nagmula rito. Naalerto naman ang lahat at sama-samang pumunta sa kusina.

        "Ano'ng nangyayari?" Si Christian ang nagtanong na nagtatakang pinagmamasdan si Luz. Hawak-hawak nito ang isang bagay mula sa kanyang kanang kamay habang ang mga mata ay gulat na gulat sa kung anomang nakita.

        "Ano ba 'yan?" tanong ni Gem at saka kinuha ang kanina pang tinitingnan ni Luz.

        Nagsimula ng balutin ng takot ang ilan nang makitang mula sa larawan ay ang nakagapos na si Direk Anne. Nakaupo ito sa isang silya at nakabusal ang bibig. Maging ang mga mata nito ay may piring.

        "Oh my ghadd!" bulalas ni Wilma. "Sinong nakakaalam ng lugar na 'yan?"

        Umiling ang lahat. Napaisip si Jess. Nasa gitna sila ng kagubatan. Hindi malayong sa ibang bahagi nito ay may kubo kung saan nananatili ang salarin. Pero saan nga ba 'yon? Kailangan nilang galugarin ang buong kagubatan hanggang sa mahanap ang lugar na iyon.

        Napansin naman ni Jess na tila may dinampot na kung anong bagay si Alex sa sahig. Mabilis nitong itinago ang natagpuang bagay at isinilid sa kanyang bulsa. Nangunot naman ng noo si Jess dahil sa pagtataka.

        "Hindi pa 'ata bumababa sina Sammie at Tristan," biglang sabi ni Ian nang mapansing hindi sila kumpleto maliban kay Lyra na magdamag nagkulong sa kanyang kwarto.

        "Oo nga no'. Galugarin natin ang buong resort," utos ni Christian.

        Naghiwa-hiwalay sila upang mahanap ang dalawa. Samantala, pumunta naman si Jess sa kwarto ni Lyra upang siguraduhing ligtas ito. Pagbukas niya ng pinto ay mahimbing itong natutulog, hindi alintana ang kapahamakang nasa paligid.

        Isinara na niya ang pinto at bumalik sa ibaba. Naroroon na ang ilan. Hindi nila nakita ang dalawa pero alam nila kung ano'ng nangyari sa mga ito. Iniabot nila kay Jess ang dalawang larawan, kung saan tulad kay Direk Anne, nakagapos din ang dalawa sa silya, nakapiring at nakabusal ang mga bibig.

        Napamura siya. Unti-unti na silang nalalagas. Hindi ito pwede. Habang tumatagal, kumakaunti na rin ang pag-asang mailigtas niya ang lahat. Napatingin siya kay Alex ngunit nag-iwas kaagad ito ng tingin. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi dahil sa matinding pag-aalala.

        "Ito pa ang nakita ko," saad ni Ian at ipinakita sa iba ang kanyang hawak na tila isang botelya. 

        "Ano ang bagay na 'yan?" tanong ni Wilma gawa ng kuryosidad.

        "Isa itong knockout gas. Marahil dahil dito kaya nananakit ang mga ulo natin. Siguro kaya hindi rin natin namalayan ang pagdakip kina Sammie at Tristan. Planado talaga ng killer ang lahat," ani Ian. Napapatango naman ang ilan dahil sa bagong nadiskubre.

        "Kaya pala hindi natin napansin ang pagkawala nila," saad ni Luz.

        "Kaya rin siguro masakit ang mga ulo natin pagkagising. Side effect siguro ng sinasabi ni Ian na knockout gas," ani naman Wilma.

        "Kailangan na natin silang hanapin," suhestyon ni Jess. "May palagay akong nasa paligid lang sila. Maaaring nananalagi ang salarin sa malapit – sa gitna ng kagubatan."

        "Ano pang ginagawa natin? Halika na!" aya ni Ian.

        Naging by-pair ang paghahanap upang kung sakaling may mangyari sa isa ay agad na makakahingi ng tulong ang kasama nito. Iyon na lang ang sa tingin nila ang magiging solusyon para hindi sila malagas. Bago maghiwa-hiwalay, siniguro muna nilang armado sila sakaling sumalakay ang salarin.

        TAHIMIK sina Jess at Alex habang naghahanap ng lugar na maaaring pagdalhan ng killer sa mga katawan nina Sammie, Tristan at Direk Anne. Minsan ay magkakatinginan sila sa mga mata, magngingitian saka iiwas din bigla. Walang may balak na magsimula ng kanilang pag-uusapan.

        Natigilan sila nang makarinig ng mahihinang kaluskos. Naging alerto sila at hinawakan ang mga armas na dala. Pinagmasdan nila ang buong paligid at minabuting pakinggan ang pinanggagalingan ng kaluskos.

        Ibon.

        Nakahinga sila nang maluwag nang mapagtanto na ibon lang pala iyon. Natawa tuloy sila sa pagiging masyadong nerbyoso.

        "Alex," mahinang tawag ni Jess. Buo na ang loob niyang kausapin ang dalaga. 

        "B-Bakit?"

        "Alam kong may alam ka sa nangyayari. Kitang-kita ko sa mga mata mo na may itinatago ka. Please, para sa kaligtasan naming lahat – natin, sabihin mo sa amin," pangungumbinse niya.

        "Kung sasabihin ko ba sa'yo, hindi mo ba sasabihin sa iba?" tanong nito. Tumango siya bilang tugon.

        Huminga ito nang malalim. "A-Ako nga ang hanap ng killer. Matagal na niya akong pinadadalhan ng mga threats." Inilabas ni Alex ang isang bagay mula sa kanyang bulsa.

        "A-Ano 'yan?"

        "Isang tarot card. Death ang simbolo nito. Ako ang Angel of Death. Ako ang nagdadala ng sumpa – ng kamatayan sa mga kasamahan natin. Ang sinumang may kaugnayan sa akin ay mamamatay," malumanay nitong wika. "Maging ang T–" may pag-aalinlangan nitong sabi sa huli.

        "Ano? Maging sino?" Nakaabang si Jess sa sasabihin pa ni Alex. Ramdam niya ang kaba sa bawat salitang bibitawan nito na animo'y ngayon lamang mailalabas dahil sa matagal na nagkukubling takot. 

        Ganito rin siya noon, ganito siya kung paano niya itinago ang nangyari kay Sarah. Para siyang isang bata na ayaw umamin sa kanyang kasalanan dahil may tyansang mapagalitan siya. Isang bagay na maaaring ikasira ng kanyang hinaharap.

        "M-Maging ang Tiya ko... nadamay. Unang hinala ko noon ay si Joel dahil sa madalas ko siyang makitang sinusundan ako pero nagkamali ako nang aminin mo sa akin na may alam si Joel. Minsan ko siyang nakita sa condo ko at nang araw ding iyon ay may natanggap akong isang mensahe mula sa killer. Pero patay na siya. Ngayon, hindi na ako sigurado sa kung sino ang nagtatangka sa buhay ko," pagsisiwalat nito.

        Nabuntong hininga si Jess. "Wala ka bang kilala na pwedeng may lihim na galit sa'yo?"

        "W-wala," saad nito kasabay ang pag-iling. "Hindi ko lang alam kay Sammie at Lyra."

        Naalala niya ang nagyari noong isang gabi kung saan sila nagkaroon ng Truth or Dare. Malayong si Sammie ang killer dahil kasalukuyan itong hawak ng killer. Samantalang si Lyra naman, may kalahating porsyento na maaaring maging killer dahil hindi nila ito nakakasama. Parehas silang may alibi pero maaaring isa pa rin sa kanila.

        "Sa ngayon, wala pa tayong ideya kung sino ba talaga ang killer. Pag-iingat lang talaga ang pwede nating gawin sa ngayon," ani Jess at saka hinawakan sa braso si Alex upang makaramdam ito ng kapanatagan.

        "Maraming salamat, Jess. Mabuti na lang at nand'yan ka."

        Hindi pa man sila nakakalayo ay nakarinig sila ng sunod-sunod na sigaw. Mula ang boses na iyon kay Wilma! 

        Agad silang tumakbo upang puntahan ang kasamahan. Tanging mga paa nila na tumatama sa mga tuyong dahon at hingal na paghinga ang kanilang naririnig maliban sa sigaw ni Wilma. Medyo natagalan sila sa pagpunta dahil maputik ang daan gawa ng pag-ulan kahapon.

        May pakiramdam sila na isa na naman sa kanilang kasamahan ang napahamak. Yukom ang mga kamay ni Jess habang papalapit nang papalapit. Siya ang nakaisip ng ideya na maghiwa-hiwalay sila upang matunton ang mga kasamahan. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung may masamang mangyayari na naman.

        Nang makarating, natagpuan nila si Wilma na nakaupo sa lapag, umiiyak at nagsisinigaw habang may pinagmamasdan. Sinundan nila ng tingin ang kanina pang tinitingnan ng make-up artist at nakitang nakahandusay si Ian. Nakatarak sa katawan nito ang ilang palaso – mga apat. Tumama ang iba sa kanyang binti, tiyan at braso. Ang nagpatigil talaga sa paghinga nito ay ang nakatarak sa kanyang dibdib.

        "Oh my ghadd," bulalas ni Jess at nangangatal ang labi dahil sa papausbong luha.

        "Ano'ng nangyari?"

        "N-Naglalakad lang kami tapos, may parang anong bagay siyang natapakan kaya nagsitalsikan 'yong mga palaso sa kanya," nahihintakutang sabi ni Wilma sa pagitan ng kanyang mga luha.

        Napaluhod si Jess sa sobrang pagkadismaya at agad na bumuhos ang kanyang mga luha. Isa na naman ang nawala. Isang buhay na naman ang kinuha. Hindi na niya napigilan pa ang sarili na sisihin.

        Mayamaya lang ay sumunod na rin ang iba. Hindi na napigilan ng iba ang panghinaan ng loob. Hindi rin kasi magtatagal, maaaring ganyan din ang kanilang kahinatnan.

RED TAPE 26

A/N: Konting announcement lang. Pinost ko ang edited version ng previous chapters. Nabawasan ang typos at nadagdagan ng scenes. Overall, hindi naman maaapektuhan ang takbo ng istorya. But I advise you na magbackread kung sakali. Thank you! Enjoy reading!

CHAPTER TWENTY-SIX

The Lost Pieces of Puzzle

        KAKAUNTI na lang silang natitirang buhay. Patunay lang ito na higit na mas malakas sa kanila ang killer. Mahigit kalahati na sa kanila ang namatay, at hindi na nila nanaising masundan pa iyon. Taliwas sa kaninang plano, nagsama-sama sila upang hindi na muling malagasan pa.

        Patunay ito na hindi sukatan ang dami nila upang pataubin mula sa lungga nito ang killer. Higit na mas matalino sa kanila ito dahil sa planado nitong mga pagpatay.

        Ilang metro na rin ang nalalakad nila nang makakita ng usok sa 'di kalayuan. Nagkatinginan sila na tila iisa ang kanilang mga iniisip. Mabilis nilang tinungo ang pinanggagalingan nito na may dobleng pag-iingat. May palagay sila na roon nananahan ang killer at doon nakatago ang kanilang mga kasamahan.

        Nang makalapit sila, nakumpirma nilang mula sa isang kubo ang usok. Hindi nga sila nagkamali.

        "Ito na marahil 'yong pinagtataguan ng killer," mahinang sabi ni Gem.

        "Hindi niya dapat malamang nandito tayo. Dahan-dahan tayong pumasok," saad naman ni Luz.

        Pinangunahan ni Christian ang paglalakad hanggang sa makarating sa pinto. "Ready?" tanong nito sa mga kasamahan at saka nagbilang nang hanggang tatlo bago binuksan ang pinto.

        Walang tao.

        Hindi ito tulad ng kanilang inaasahan kung saan makikita nilang nakagapos ang mga kasamahan. Isang abandonadong kubo lang iyon – wala ng iba. Ang nakakuha ng kanilang atensyon ay ang mga nakalatag sa mesa – mga larawan, kalendaryo, pulang panulat at isang sulat.

        "Oh my ghadd! Mga larawan natin ito, ah?" bulalas ni Wilma nang makita ang mga larawang nasa ibabaw ng mesa.

        Kinuha ni Jess ang mga bagay na iyon. Mula sa mga larawang kanyang hawak, may markang ekis ang ilang mga mukha gamit ang pulang panulat.

        "Mga patay na nating kasamahan ang may mga pulang marka," mahinang sabi ni Alex na nakatingin rin pala sa mga larawan.

        "Tingnan niyo 'to, guys," saad ni Christian habang bitbit ang kalendaryo. May mga bilog ang ilang araw sa Agosto at Setyembre. 

        Alam ni Alex ang mga araw na iyon. Iyon ang mga araw kung kailan nakakuha siya ng mga threat. Sa kanya patungkol ang mga araw na nasa kalendaryo – mga araw kung kailan nagsimula mamuo ang takot sa kanyang dibdib. 

        Nag-aalangan siyang sabihin sa mga kasamahan ang kanyang nalalaman. Mas pinili na lang niyang maging tikom ang bibig.

        "Wala rin pala tayong mapapala dito. Bumalik na lang tayo sa resort," suhestyon ni Gem. Pero bago sila lumabas, isa na namang kaluskos ang kanilang narinig. Sigurado silang mga yabag iyon dahil sa bigat ng bawat paghakbang na sasayad sa damuhan.

        Napapalunok sila habang inaabangan ang susunod na mangyayari. Malikot ang mga mata ni Alex habang ginagalugad ng tingin ang kubo. Mula sa isang siwang, nakakita siya ng isang metal. Kasabay no'n ay ang pagdaan ng isang silweta ng tao.

        "Yumuko kayo!" utos ni Alex.

        Saktong pagkasabi niya no'n ay ang sunod-sunod na pagputok ng baril. Hawak-hawak niya ang kanyang tenga habang taimtim na dinarasal na hindi siya tamaan ng bala. Kasabay ng bawat putok ay ang pagtigil ng kanyang paghinga.

        Ilang sandali lang ay nakakita siya ng isang bata sa kanyang harapan. Kamukha nito 'yong batang lagi niyang nakikita sa kanyang panaginip. Ang batang laging may hawak na laruang manika. Nakaunat ang mga kamay nito sa kanya at nakangiti.

        "Tapos na. Tumayo ka na," bulong ng bata na tama lang upang marinig niya.

        Nagpikit siya ng mga mata pero nawala na rin ang bata sa muli niyang pagdilat. Natagpuan na lamang niya sa kanyang harapan si Jess habang nakaunat ang kamay.

        "Tapos na," saad nito at inalalayan siyang makatayo.

        Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita. Parang totoo 'yong batang si Sophia. Huminga siya nang malalim at binalikan ang mga kaibigan. Ipinagsawalang-bahala na lamang niya pansamantala ang aparisyon kanina. 

        Natagpuan niyang dalawa sa kanyang mga kasamahan, sina Luz at Gem, ay kapwa nakahandusay sa lapag. Sa kasawiang-palad, sa delikadong parte ng katawan tinamaan si Gem kaya  binawian na rin ito ng buhay.

        Nangingilid ang luha nina Jess at Wilma habang pinagmamasdan ang mga kasamahan. Samantala, si Christian naman ay nakatalikod at sabu-sabunot ang buhok.

        Kumuha si Alex ng telang pupwedeng ipangtakip sa bangkay ni Gem. Maging siya ay hindi na napigilan ang maging emosyonal sa mga nangyayari. Hindi maitatanggi na kasalanan niya ang mga kasawiang ito. Sa mga nakikita niyang mukha ng natitirang mga kasamahan, hindi malayong kamuhian siya ng mga ito kapag inamin niya ang totoo.

        "Kaya mo pa bang tumayo?" tanong ni Christian kay Luz upang alalayan. Tumango ang huli ang buong lakas na kumapit sa braso ni Christian.

        Bago umalis, binalikan nila ng tingin ang kubo at ang naiwang kasamahan. Tatlong araw na sila rito pero wala silang nakikitang ni katiting na pag-asa upang mabuhay pa. 

        Nakasalampak sa monitor ng kanyang computer si Cassie nang mga oras na iyon. Abala siya sa ginagawa niyang research tungkol  Alex. 

        May palagay kasi siyang may selective amnesia ang dalaga kung saan, pili lang sa kanyang mga alaala ang nawala. Marahil ay dahil ito sa matinding mga trauma na kanyang naranasan noong pagkabata o dili kaya ay suicide attempts na dumaragdag sa paglaho ng kanyang memorya. Mula kasi sa mga ipinapakita ni Alex, positibo ang mga ito sa simptomas ng nasabing sakit.

        Naalala niya na minsan ay may nabanggit ang dalaga na pangalang Sophia.

        "Sophia ano nga ulit 'yon?" tanong niya sa sarili. Pinilit niya alalahanin ang pangalang iyon.

        "Sophia A-A-A?" Nang hindi maalala ang buong pangalan ay sinubukan niyang hanapin sa Google ang pangalang iyon. Tinipa niya ang tanging naaalala niyang Sophia A sa search box.

        Marami ang lumabas mula sa keyword na kanyang tinipa ngunit isang larawan ang pumukaw sa kanya. Isang larawan iyon ng batang babae kasama ang kanyang mga magulang habang bitbit ang isang manika.

        Hindi niya maalis ang kanyang mga mata sa monitor. Pinindot niya ang larawang iyon.

        "Sophia Andrews," basa niya mula sa nakasulat na pangalan.

        Ang mga mata, ang ilong, ang ngiti, ang hugis ng mukha kahit na bata pa. Hindi siya maaaring magkamali sa kanyang nakikita. Kilala niya ang batang iyon!

        "A-Alex?" bulalas niya. "Paanong?"

        Tiningnan niyang mabuti muli ang larawan upang kumpirmahin kung si Alex ba talaga ang nasa larawan.

        "Hindi ako pwedeng magkamali. Si Alex nga ito," aniya. Mapalad siya sa nakuhang impormasyon dahil ito ang maaaring makatulong sa kanyang pagsasaliksik. Mabuti na lang ay mula sa sikat na pamilya si Alex o Sophia kaya't madaling makikita sa Google.

        Natigilan siya nang makarinig ng mahihinang katok. Kasabay no'n ay ang pagluwa sa pinto ni Luke.

        "Oh, Luke! Napadaan ka 'ata. May problema ba?" pambungad niya. Kapansin-pansin ang nag-aalalang mukha ni Luke. Hindi niya tuloy mawari kung bakit ito nagkakaganito. May nangyari kayang masama?

        "Si Jess..."

        Napalunok siya. "Bakit? Anong mayroon kay Jess? May masama nangyari sa kanya?"

        "H-Hindi pa kasi siya natawag simula nang isang araw. Nangako kasi siyang tatawag siya sa akin habang nasa shooting kapag may pagkakataon. Nagbabaka-sakali sana akong tumawag siya sa iyo," saad nito sa malungkot na tono.

        "Hindi siya tumatawag sa akin. Wala pa rin naman akong nakukuhang mensahe mula sa kanya," matapat niyang sabi.

        "May pakiramdam kasi ako na – huwag naman sana – m-may hindi magandang nangyari sa kanya. Kilala mo siya, Cassie. Gagawa at gagawa siya ng paraan para lang makausap kami ni Stef."

        Nag-alangan siyang sagutin ang sinabi ni Luke. Tama si Luke. Hindi ganito ang pagkakakilala niya kay Jess. Lagi itong gumagawa ng paraan para makausap si Stef kahit nasaan siya. Nagsimula na siyang kutuban nang masama.

        "Nasaan ba siya?" tanong niya. "Baka nagkaroon lang ng problema kaya hindi niya magawang makatawag."

        "Nasa shooting siya. Kinuha siya ng Tiya niya para tumulong sa bagong proyekto ni Alex Farr. Pero tatlong araw na kasi ang nakalilipas. Hindi na normal 'yon."

        "Wait. Si Alex?" pagtataka niya.

        "Oo. Si Alex. Alam mo ba kung saan sila nag-shooting?" tanong nito.

        "Hanapin ko lang 'yong message niya."

        Agad na sinabi ni Cassie ang lugar. Matapos 'yon ay umalis din si Luke at nagpasalamat. Hanggang sa makaalis si Luke, hindi nawawala ang kaba ni Cassie. 

        "Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may mali?"

        Naaalala niya bigla ang natanggap niyang mensahe tungkol kay Alex mula sa hindi kilalang tao. Nakatulala sa kawalan si Cassie. Hindi niya gustong isipin na may masamang nangyayari kina Alex at Jess pero pinipilit siya ng kanyang hindi matahimik na kutob.

        Tulad ng masamang panahon, tila isang delubyo rin ang paparating, sisirain ang bawat makita nito. Susubukin kung gaano ka katibay upang sumuong sa malakas na delubyo.

‘“q�(T’

RED TAPE 27

CHAPTER TWENTY-SEVEN

A Friend from the Past

        PAGBALIK nila ng resort, kapansin-pansin na tila dinaanan ng bagyo ang bawat kagamitan. Nakabalandra sa sala ang ilang mga mamahaling gamit, nakatumba at basag ang ilan. Hindi tuloy nila mawari kung nilooban ba ang bahay dahil sa sobrang daming nagkalat.

        "Si Lyra... Si Lyra!" bulalas ni Jess nang maalala na naiwang mag-isa sa resort si Lyra. Maingat siyang naglakad paakyat ng hagdan dahil sa nagkalat na  mga bubog. Nang matunton ang pinto ng kwarto, habol-hinga niyang binuksan iyon.

        Hindi na siya nabigla nang mabuksan niya ang pinto. Ganoon pa rin, tulog pa rin ito na tila walang kapahamakang mangyayari sa kanya at ligtas sa kamay ng killer. 

        Naisipan niyang lumapit sa dalaga. Napansin niya mula sa higaan nito ang mantsa ng dugo sa puting kobre kama. Kinuha niya ang nakatakip na kumot kay Lyra at tumambad sa kanya ang tunay na kalagayan ng dalaga.

        Puno ng dugo ang higaan nito. Isang kutsilyo rin ang nakatarak mula sa likuran nito na marahil bumawi sa buhay nito. Naiiyak siyang napaluhod. Isa na namang buhay ang kinuha. Hindi na niya kinakaya ang nangyayari. 

        Isang buhay para sa buhay ng lahat? Isang malaking kahibangan!

        Nanghihina siyang lumabas ng kwarto. Ipinagkaloob ng Diyos ang buhay sa bawat isa – isang biyaya kung maituturing. Ngunit bakit may ibang nais angkinin ang biyayang iyon mula sa kanila?

        "What happened?" Nakaabang si Wilma sa magiging sagot ni Jess, kunot ang noo.

        Malungkot siyang humarap sa lahat at hindi na naman napigilan ang maiyak. Humahagulgol na siya. Pinilit siyang patahanin ng mga kasamahan upang kumalma.

        "P-Patay na siya..." aniya sa pagitan ng kanyang mga luha. 'Di tulad ng iba, walang naging reaksyon si Alex. Nanatili itong tahimik.

        "Oh my ghadd. Hanggang kailan pa ba 'to? Hindi ko na kaya," gulantang na saad ni Wilma.

        Napailing sila. Walang makapagsasabi kung kailan titigil ang mga pagpatay hanggang si Alex na lang ang matira na lihim pa rin sa iba maliban kay Jess.

        Malalayo ang kanilang mga tanaw. Pare-parehas na may pinagkakaabalahan ang kanilang mga mata na tila naghahanap sa bawat sulok ng kasagutan upang makaligtas sa tyansang pagkamatay.

        "Ilan na lang ba tayo? Kakayanin pa ba natin siya? Kung nagawa niya tayong patayin nang marami tayo, paano pa kayang bibilang na lang tayo ng daliri?" halos naiiyak na ring tanong ni Wilma.

        Kaya pa nga kaya nila? Mahigit dalawampu sa kanilang kasamahan ay agad na namatay nang wala pang limang minuto. Nanghihina na ang kanilang mga tuhod. Tila kahit tumakbo sila ay matutunton pa rin sila. Kapiranggot na lang ang natitirang pag-asa nila para mabuhay.

        Natigilan sila nang biglang bumagsak si Luz mula sa kinahihigaan nito, sapo-sapo ang parte ng katawan na tinamaan ng bala. Agad din itong hinimatay matapos bumagsak.

        "Luz!" sigaw nila. Mabilis namang lumapit si Jess upang alalayan ang kasamahan. Pinagmasdan niya ang parte ng katawang nakatamo ng bala ng baril. Napakaraming dugo ang dumadaloy mula roon.

        "Ikamamatay niya kung hindi pa siya malulunasan!" hesterikal na wika ni Jess.

        Napailing naman ang iba na tila dismayado, nakatayo lamang at hindi nagbibigay ng kahit kaunting interes. Nangunot ng noo si Jess dahil sa pagtataka.

        "B-Bakit kayo ganyan? Hindi niyo ba ako tutulungan? Wala ba kayong gagawin para mailigtas siya? Bakit parang wala na kayong paki?" tiim-bagang niyang sabi.

        "Magagaya rin siya sa iba. Hindi na natin siya maililigtas. Wala ng paraan para mailigtas pa natin siya. Aminin na natin sa mga sarili natin na kamatayan din ang kahahantungan niya," seryosong sabi ni Christian ngunit hindi direktang nakatingin sa mga mata ni Jess.

        "Maililigtas pa natin siya!" tutol niya.

        "Paano?! Paano Jess?! Sa paanong paraan mo siya maililigtas?! Sabihin mo! Wala tayong matinong komunikasyon. Kahit ang pang-transportasyon, wala rin. Ano pa bang paraan para mailigtas siya?"

        Tila nagpanting naman ang tainga ni Jess sa mga sinabi ni Christian. Ano pa nga ba ang paraan? Sinasaksak na siya ng realisasyon na isa na naman ang mawawala. Sa ngayon ay dapat hindi na siya ganito mag-react sa dami ng kasamahang namatay.

        "P-Patawarin mo ako Jess. Hindi ko nais na–" Naputol ang sasabihin nito nang sumingit si Jess.

        "Ayos lang. Ayos lang. Ang mas dapat kong intindihin ay kung sino pa ang natitirang buhay. Dahil maaaring buhay niyo, ang pwedeng makapagligtas din sa akin. Sa ngayon, dapat na natin hanapin ang killer habang apat pa tayong natitira. Magiging mahirap para sa atin kung malalagasan pa tayo," aniya.

        Nagtanguan naman ang kanyang mga kasamahan. Desidido na silang harapin ang killer. Wala ng atrasan ito kung buhay man ang maging kapalit. Kasabay no'n ay tuluyan ding binawian ng buhay si ;uz dahil sa pagkaubos ng dugo nito.

        Kinagabihan, wala ni isa sa kanila ang dinadalaw ng antok. Pare-parehas mulat ang kanilang mga mata sa kailaliman ng gabi. Antok man ay pinipigilan nila ang makatulog sa takot na paggising nila ay ibang paligid na ang kanilang makita.

        "Matulog na muna ang iba habang ang dalawa ay nagbabantay para sa seguridad. Kailangan nating mag-ipon ng lakas," saad ni Jess.

        Pinatulog na muna niya sina Wilma at Alex kaya't nanatili silang gising ni Christian bilang mga bantay. Kapansin-pansin ang malalim na iniisip ni Christian dahil sa malayo ang mga tingin nito.

        "Ano'ng iniisip mo?" tanong niya pero hindi direktang nakatingin.

        "Marami."

        "Ano?"

        "Kung sino ang killer, kung isa ba sa atin ang pumapatay, ano'ng motibo niya, sino ba ang kailangan niya, ligtas pa kaya 'yong iba. Karaniwang tumatakbong mga katanungan sa utak mo kapag nasa kagipitan ka tulad nito," aniya at saka huminga nang malalim. "Ikaw, ano'ng nasa isip mo?"

        Bumuntong-hininga siya. "Ang pamilya ko. Ang anak at asawa ko na naiwan ko. Nangako ako sa kanila na uuwing buhay. Pero parang malabo na yata. Mahal na mahal ko sila higit pa sa buhay ko. Sila na nagsisilbing buhay at kaluluwa ko. Kung wala sila, magkukulang ako."

        "Buti ka pa. Kung makikilala lang natin kung sino ang killer, mas magiging maganda. May ideya ka ba kung sino siya?" tanong nito sa huli.

        May pag-aalinlangan siyang sumagot. "W-Wala... May naiisip ka ba?"

        "Akala ko noong una ay si Lyra kaso nawala ang panghihinala ko nang mamatay siya. Ang panghihinala ko bigla ay napunta sa tatlo – sina Sammie, Tristan at Direk Anne. Kung titingnan kasi, madali lang naman kumuha ng litrato ng sarili niyo habang nakagapos. Kaya malaking misteryo para sa akin kung sino sa kanilang tatlo."

        Nagulat naman si Jess sa pag-aanalisa ni Christian sa mga pangyayari. May punto ang binata kahit saan mo tingnan.

        "Si Direk Anne, nawala na lang siya bigla habang pinapatay ang mga kasamahan natin. Maaaring nagpanggap lang siya na biktima rin para maitago ang pagpatay niya. Si Sammie at Tristan, matagal ko na silang pinaghihinalaan pero may kakaiba kasi sa kanila. Hindi ko lang masabi kung ano. May something ba sa kanila ni Alex?"

        Napamulat ng mata si Jess. Nangako siya kay Alex na hindi niya ipagsasabi ang mga nalalaman niya. "W-Wala akong ideya."

        "Pwede rin naman ang salarin ay ikaw, ako, si Alex o si Wilma. Magdedepende na lang talaga sa motibo. Pwedeng ako at itinuturo ko lang ang iba para maghinalaan niyo. O ikaw, maaaring ang pagpapakita mo ng kabaitan ay pagbabalatkayo lamang. Hindi natin masasabi," anito.

        Napapatango na lang siya. Matalino si Christian. Pero sapat na kaya ang kaalaman nito para maligtas siya?

        "Si Celine," bigla niyang naibulalas. "Muntikan ko ng makalimutan. Si Celine. Si Celine. Si Celine."

        "Sinong Celine? Si Celine Rodriguez? 'Yong namatay na artista ng ARR Films?"

        "Oo. Nakita ko siya kahapon. Hindi ako pwedeng magkamali. Nakalimutan ko lang dahil sa mga nangyari," gulat niyang sabi.

        "Paanong nakita mo siya kung gayong patay na siya? Baka naman nakakita ka lang ng multo?"

        "Siya talaga 'yong nakita ko. Maniwala ka! Siya at wala ng iba! Hindi ko lang alam kung paano nangyari 'yon pero-"

        Isang bagay ang biglang tumapon sa kanilang harapan. Naglabas iyon ng usok na wari nila ay alam nila kung ano.

        "Knockout gas!" saad ni Christian. Hindi na nila nagawa pang makapalag dahil mabilis na kumalat ang usok. Dumaan ito sa kanilang baga hanggang sumabay na ito sa kanilang sistema. Nagsimula ng umikot ang kanilang mga paningin na tila gumagalaw ang anumang makita nila.

        Nanlalabo na ang kanilang mga mata na bibigay na anumang oras. Bago sila mawalan ng malay, isang babae ang nasa kanilang tapat. Pinagmasdan ni Jess ang mukha ng babae. Nakangiti ito sa kanya na parang kailan lang nang muli silang magkita. Nanariwa sa kanyang alaala ang lahat.

        "Long time no see, Jess."

        "Celine..." huling nasaad niya bago siya hinimatay.

A/N: Kaunting-kaunti na lang, guys. Mare-reveal na ang identity ng killer! Huwag bibitiw sa mga mangyayari. Send me your thoughts through comments or following my accounts.

IG: @misterdisguise

Twitter: @misterdisguise7

Ask.Fm: @MisterdisguiseWattpad

RED TAPE 28

CHAPTER TWENTY-EIGHT

Twisted Fate

        SEPTEMBER 8, 2015, 8:05 AM.

        Nagising si Jess mula sa liwanag na tumatama sa kanyang mukha. Papungay-pungay siya ng mga mata nang sa gayon ay maulinagan nang mas mabuti ang paligid. Nakakaramdam siya ng lamig dahil sa kinasadlakang sahig.

        Umaga na. Ang agad na sumagi sa kanyang utak. Isang bagong araw. Tumatagos ang liwanag mula sa labas sa mga bukas na bintana.

        "N-Nasaan ako?" natanong niya ang sarili ilang saglit lang. Pinilit niyang alalahanin ang huling bagay bago siya nawalan ng malay at habang nakikipag-usap siya kay Christian sa tungkol na katauhan ng killer.

        Napabalikwas siya ng bangon nang maging klaro sa kanya ang lahat. Ang knockout gas, si Celine! Si Celine! Nasaan nga ba siya?

        Iginala niya ang kanyang mga mata. Nasa resort pa rin siya. Naroroon pa rin siya sa kanyang posisyon kung kailan niya huling iminulat ang kanyang mga mata bago mawalan ng malay. 

        Agad siyang nagtaka nang walang nangyaring masama sa kanya. Sinunod niyang tingnan ang mga kasamahan. Imbes na tatlong katao ang makita niya, si Alex na lang ang naroroon, nananatili pa ring tulog. Marahil ay dahil sa epekto pa rin ng knockout gas at matinding pagod.

        "Nasaan ang iba?" muling tanong niya sa sarili.

        Ilang saglit lang ay nagising din si Alex, papungay-pungay ng mga mata at tila masama ang pagkakagising dahil sa nananakit na ulo. Halata sa dalaga ang kainosentehan sa nangyari kagabi.

        "Mabuti naman at gising ka na," nag-aalala niyang sabi at tinabihan ito.

        "Nasaan ang iba? Nasaan sina Christian at Wilma?" nagtataka nitong tanong nang igala ang mga mata.

        Bagsak ang kanyang mga balikat nang sagutin ang tanong ni Alex. "Wala akong ideya kung nasaan sila. Pagkagising ko, tayong dalawa na lang ang nandito," matapat naman niyang sagot. Ngunit may parte ng kanyang utak ang nagsasabing marahil sa knockout gas kagabi kaya't nawawala ang dalawa. Pero ipinagtataka niya kung bakit itinira sila – isang palaisipan.

        Sinubukang tumayo ni Alex pero kamuntik na rin itong bumagsak dahil sa nahihilong mga paningin. Mariin itong pumikit at muling pinagmasdan ang paligid na sa tingin nito ay naging mas klaro.

        "Ayos ka lang ba?" tanong ni Jess. Marahang tumango si Alex bilang tugon. "Epekto siguro 'yan ng knockout gas kagabi."

        "Knock out gas?" nangungunot noo nitong sabi.

        "Kagabi, may naghagis ng knockout gas. Siguro kaya rin nawawala sina Christian at Wilma pero 'di ko mawari kung bakit tinira tayo. Bakit tayong dalawa?" nasaad niya.

        "Nakapagtataka nga," anito at saka bumuntong-hininga.

        Tumayo si Jess at inayos ang sarili. "Saka nakita ko rin si Celine..." mahina niyang sabi na tila may pag-aalinlangan.

        "S-Si C-Celine?" Naging sunod-sunod ang paglunok nito ng laway na napansin ni Jess.

        "May problema ba?" tanong niya. Nag-iwas ng tingin si Alex na ipinagtaka ng huli. "Mayroon ka pa bang inililihim sa akin? May hindi pa ba ako alam?"

        Bumigat ang paghinga nito kasabay ang pagtaas ng kilay. "Jess, alam kong mabuti kang tao pero hindi naman yata tama na pagbintangan mo na ako sa lahat. Biktima rin naman ako sa mga nangyayari. Ni wala nga akong alam sa tunay na motibo ng killer," singhal nitong sabi upang makaiwas sa komprontasyon.

        "Pero paano kita paniniwalaan kung kabaliktaran naman ang ipinapakita mo?"

        "Paano rin kita paniniwalaan kung pilit mong binubuhay ang taong patay na? Nahihibang ka na ba? Patay na si Celine! Sige nga! Paano mo siya makikita? Nabuhay tulad ng mga zombie?" anito at sinabayan ng nang-aasar na tawa.

        Napailing si Jess at hinayaan na lang ang pang-aasar. "Totoo ang nakita ko! Nakita rin 'yon ni-" Natigilan siya nang mapansing wala si Christian para suportahan siya. "Maniwala ka man o hindi, nakita mismo ng dalawa kong mga mata!"

        "Jess," at hinawakan nito ang kanyang balikat. Nakaramdam siya ng kakaiba. Nanginginig ang kamay nito. "Alam kong mahirap pero sana pagkatiwalaan mo ako."

        Tumango na lang siya upang hindi na humaba pa ang pag-uusap. Pero alam niya ang itinatago pang sikreto ng dalaga. May bagay na nag-uugnay sa kanila ni Celine at 'yon ang dapat niyang alamin. Ano pa ba ang malalaman niya sa dalaga na maaaring ikagulat ng lahat?

        Ilang oras na rin ang nakalilipas nang maggising sila. Wala pa rin silang makitang ebidensya na makapagtuturo sa nawawala nilang mga kasamahan.

        Habang abala sa paghahanap sa iba pang kasamahan, nakarinig sila ng kalabog mula sa taas. Nagkatinginan sila at nag-uunahang makaakyat mula sa hagdan. Mula ang kalabog sa dulong kwarto sa kanan ng ikalawang palapag.

        Hinawakan ni Jess ang knob ng pinto pabukas nang bigla silang makarinig ng dalawang malalakas na putok ng baril. Nakabibingi. Halos mapayuko tuloy silang dalawa sa takot na nagpaulan na naman ng bala ng baril ang killer. Ngunit iba ang kanilang natunghayan. Nabigla sila sa kanilang nakita nang isa sa kanilang kasamahan ay may tama ng baril sa dibdib.

        "Wilma! Christian!" parehas nilang sigaw.

        Napuno ng dugo ang sahig dahil sa tama ng baril sa dibdib ni Wilma na agad din namang bumawi ng kanyang buhay. Samantala, nakatumba naman ang silyang kinagagapusan ni Christian na marahil ang dahilan kung bakit nakarinig sila ng kalabog. Mapalad ito na nakaiwas sa tama ng baril.

        "Oh ghadd! Patawarin mo kami Wilma. Hindi namin sinasadya," ani Alex na napatakip ng bibig.

        Napansin nila na sa kanilang paghila ng pinto ay siya ring saktong pagputok ng baril. May nylon na nag-uugnay sa doorknob at gatilyo ng baril na kapag hinila palabas ang pinto ay siya namang pagputok ng baril.

        "Wilma..." naiiyak na sambit ni Jess nang lumapit siya sa kalunos-lunos na sinapit ng kasamahan. Tinamaan sa utak si Wilma, sargong-sargo na bumasag ng kanyang utak upang mawakasan na ng tuluyan.

        Matapos kalagan si Christian, umakap si Alex kay Jess upang aluin. "Buhay pa tayo. Huwag kang panghinaan ng loob. Kakayanin natin 'to. Hindi natin sinasadya ang nangyari kay Wilma," nangangarag na ang boses nito na tila maiiyak na rin.

        "Papatayin ko siya kapag nakita ko siya! Ipararanas ko sa kanya kung paano ang magmakaawa!" nakatiim bagang na anunsyo ni Christian.

        "Tayo naman ang gagawa ng paraan para pabagsakin siya. Siya naman ang huhulihin natin. Siya naman ang paglalaruan natin," saad ni Jess.

        Tinakpan nila ng puting tela ang duguang katawan ni Wilma bago nilisan ang kwartong iyon. Sa tingin nila, bawat kwarto sa resort na ito ay nadungisan na ng mantsa ng dugo. Bawat kwarto ay may kwentong hindi nila nanaising marinig. Lahat ng kwarto ay saksi ng isang krimen na walang habas at awang pagpatay sa nagiging biktima.

        "Saan ka pupunta?" tanong ni Alex nang hindi dumiretso si Jess pababa ng hagdan upang sabayan sila.

        "May kukunin lang ako," aniya. "Mauna na kayong bumaba."

        Nang makaalis ang natitira pang kasamahan, pumasok siya sa kwarto ni Lyra. Natigilan siya nang may mapansing kakaiba. Ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon at kinuha ang kakailanganin sa kwarto ni Lyra. Matapos 'yon ay bumaba na siya para daluhan sina Christian at Alex sa baba.

        Nagpalinga-linga siya upang hanapin ang dalawa.

        "Alex? Christian?" marahan niyang tawag sa dalawa. Maiigsi ang kanyang mga hakbang. Nakararamdam siya ng panganib sa paligid.

        Mula sa nakikita niya sa dulo ng kanyang mga mata, dalawang bagay ang kumikilos papalapit sa kanya. Nang mapadako ang kanyang mga mata sa direksyong iyon, natagpuan niya sina Alex at Christian na kapwa matatalim ang mga matang nakatingin sa kanya.

        "Huli ka!" sambit ni Christian.

        "A-Anong ginagawa niyo sa akin?" protesta ni Jess nang bigla siyang puluputan ng tali ni Alex.

        "Let's just say. We won this time," anunsyo ni Alex at inilapat sa ilong ni Jess ang isang panyo.

        Hindi niya inaasahang may kemikal pala ang panyong iyon na agad ding nagpatumba ng kanyang malay. Huling nakita na lang niya ang kapwang nakangisi na sina Alex at Christian.

A/N: Sino’ng may hula kay Christian at Alex? Taas kamay! Hahahaha. May nawindang ba? LOL. Kaunti na lang. Kapit lang, guys. Parang pagkapit natin sa taong hindi naman tayo mahal. Dejk. Thank you sa pagbabasa! Don’t forget to leave comments. :)

RED TAPE 29

CHAPTER TWENTY-NINE Beckoning the Prey

NAGISING si Jess mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pagkamulat ng kanyang mga mata, napansin niya ang mahigpit na pagkakagapos ng kanyang mga kamay sa de-kahoy na silya. Hilo niyang pinagmasdan ang paligid.

"Bakit ako nakagapos dito? Nasaan ako?" agad na pumasok na tanong sa kanya.

Naalala niya bigla sina Alex at Christian at ang matatalim nitong mga titig bago niya natagpuan ang sarili sa ganoong posisyon. Ano ba ang nasa isip nila at nagawa nila ito kay Jess? 

Isa lang ang sumagi sa kanyang utak.

"Sila ang killer..." Nasambit niya sa hangin. Napailing siya at napapalunok ng laway.

Pinagmasdan niya ang buong paligid. Walang bakas ng dalawa - sina Christian at Alex. Tyansa niya na rin ito upang makatakas. Sinubukan niyang kalagin ang tali pero masyado itong mahigpit. Nakararamdam lang siya ng sakit dahil sa pagpupumilit na makawala. Kumakaskas kasi ang magaspang na lubid sa kanyang balat na nagdudulot ng mainit-init na sensasyon.

"Kailangan kong makaalis dito. Arghh," aniya.

Hindi pa man siya nakakaalis ay nakarinig siya ng mga papalapit na yabag mula sa kanyang likuran. Lumingon siya ngunit hindi niya abot-tanaw ang tao sa kanyang likod. Papalapit na ito sa kanyang pwesto.

Sandaling huminto sa paglalakad ang taong nasa kanyang likod. Napunan ng katahimikan ang mga sumunod na segundo hanggang sa maramdaman niya ang hininga nito sa kanyang leeg.

"Hello, Jess," rinig niyang sabi mula sa taong nasa kanyang likuran. Mula sa isang babae ang boses ngunit hindi pamilyar sa kanya.

Dahan-dahan itong humahakbang paharap sa kanya. Napapalunok siya. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa maaari niyang kahantungan. Ito na ba marahil ang kanyang katapusan, sa kanyang isip-isip. Hindi niya gustong matapos ang lahat sa ganito. 

Tila isang mabilis naman na recording sa kanyang utak ang biglang rumehistro. Mukha 'yon ng mga tao na bumuo ng kanyang pagkatao. Ang naging dahilan kung bakit siya ngayon nabubuhay. Mula sa kanyang kapanakan, ang namatay niyang kuya't ina, ang kanyang ama at ang kanyang step-mom, at ang kanyang mga kaibigan. Huling rumehistro naman ay ang masayang pagsasama nila ni Luke kasama si Stef. 

Isang pamilya na masasabing hindi man perpekto pero masaya. Isang pamilya na may pagkukulang pero pinupunan ng pagmamahal at pang-unawa. Isang pamilya na pinaglayo noon pero binuklod ng Panginoon. Sa ngayon, masaya na siya. Higit pa ito sa hiniling niya.

Bago matapos ang tila recording sa kanyang utak, naalala niya ang sinabi ng kanyang anak. "Ingat ka po, Ma."

Mayamaya lang ay tuluyan na siyang nakabalik sa realidad ngunit hindi niya inaasahan ang tatambad na katauhan ng killer sa kanyang harapan.

"S-Si Celine? T-Totoo nga... Totoong buhay ka nga!www" bulalas niya.

"Long time no see, Jess. It's been a while," nakangisi nitong sabi.

Naguguluhan na siya sa nangyayari. Bakit biglang si Celine ang makikita niya sa kanyang harapan? Ang akala niya ay sina Alex at Christian? Magkakasabwat kaya sila?

"P-Paanong buhay ka pa?" naitanong niya kaagad sa kabila ng takot at gulat.

"Hindi ba pwedeng mabuhay ang patay na? Tulad ng takot na akala mo ay naibaon mo na?" pagtutukoy nito sa nakaraan ni Jess.

"Naguguluhan na ako. Akala ko..." hindi niya naituloy na sabi.

"Akala mo ay sina Alex at Christian ang killer? Hindi ko rin alam ang motibo ng dalawa sa pagdukot sa 'yo. Siguro sila ang dumakip kina Tristan, Sammie at Direk Anne. Akalain mo nga naman ang pagkakataon, nagkasabay pa ang plano nila sa amin," natatawa nitong sabi na tila isang baliw.

"Plano ninyo? May kasabwat ka rin?" natanong niya.

Humagikhik ito hudyat na nagsasabing mayroon nga.

"Baliw ka na! Ano bang mapapala mo sa pagpatay?! Hindi ka na naawa. Isa kang demonyo at ang kasama mo!"

"Oo, demonyo ako. Baliw ako! Baliw ako! Baliw ako! At isusunod na kita sa kanila nang magsama-sama na kayo sa impyerno!" Iniangat nito ang kutsilyong hawak at walang habas na itatarak kay Jess.

"Not so easy," Sinipa ni Jess sa tiyan si Celine. Tumumba naman ito at nabitawan ang hawak na kutsilyo. Kasabay no'n ay ang paglapit nina Alex at Christian sa magkabilang gilid ni Celine. Hinawakan ng dalawa ang magkabilang kamay nito upang hindi makawala.

"Paanong?" nagtataka nitong sabi.

"It's a trap. Ngayon ay nahuli ka na namin. Wala ka ng kawala," saad ni Alex sa maligayang tono na animo'y nakabingwit ng isda sa unang pagkakataon.

"Mga artista nga kayo," natatawang sabi ni Celine sa kabila ng kanyang posisyon.

"Gumawa kami ng eksena para mas mapadali namin ang paghuli sa 'yo at hindi nga kami nabigo. Naging masyado ka nga lang kasing easy dahil siguro kaunti na lang kami. Alam kong ako ang hanap mo kaya ginawa naming pain si Jess. Hindi mo kasi kami kaagad papatayin ni Christian. Alam ko kasing ihuhuli mo ako. Isa pa, naging pabaya ka na. Nakikita ka na naming sumusulyap," paliwanag ni Alex.

"Ngayong nahuli niyo na ako, patayin niyo na ako. Marami pa kayong sinasabi," paghahamon nito na tila hindi natatakot.

Tumayo si Jess mula sa pagkakaupo at tinanggal ang kunyaring nakataling mga lubid sa kanya. "Hindi pa namin gagawin 'yon. Ihatid mo kami sa isa mo pang kasamahan," utos niya.

Tumawa lang ito na tila nang-aasar.

"Teka nga. A-Ano 'tong nasa mukha mo?" takang tanong ni Christian.

Si Jess na ang lumapit upang hindi mabitawan ng dalawa si Celine. Napansin niya ang kulay brown na tila balat sa mukha nito. Sinubukan niyang hilain 'yon na parang nagbabalat lang ng saging.

"Prosthetics?" nangungunot-noo niyang sabi.

Tinanggal niya ang kabuuan ng tila balat na bagay na iyon hanggang sa tumambad ang tunay na katauhan ng killer. Imbes na siya ang higit na magulat, napansin niya ang pagkakaluwa ng mga mata ni Alex na halos mabitawan pa ang hindi pala si Celine.

"Tiya Jennifer? B-Bakit?" naluluhang bulalas ni Alex.

Parehas gulat ang dalawa ng tawagin ni Alex na Tiya Jennifer ang salarin. Hindi magawang unawain ni Jess kung bakit ang mismong Tiya ni Alex ang mismong gustong kumitil sa buhay ng dalaga? Isa na namang misteryo ang mabubuksan sa tingin niya.

"Paano mo nagawa sa akin ito? Akala ko ba patay ka na?" ani Alex.

Bumingisngis ang babaeng tinawag nitong Tiya Jennifer bago nagsalita. "Tulad ng ginawa niyo, isa ring malaking palabas ang pagkakamatay ko. Hindi mo napansin ang harness na nakakabit sa akin dahil masyado kang nadala ng emosyon mo. Mabuti na nga lang tantyado kita dahil hindi ka tumawag ng mga pulis. Paniguradong mahihirapan ako sa plano kapag nakatunog ang mga pulis."

"Pero bakit? Bakit mo nagawa sa akin ito?" natanong nito at tuluyang nakabitaw.

Ramdam ni Jess ang galit sa puso ni Alex. Ganito rin siya noon kay Sarah. Nagtataka siya kung bakit humantong sa pagpatay ang lahat. Kung bakit hinayaan nitong ang kanyang mga kamay mismo ang magpataw ng kaparusahan sa mga taong sa isip-isip niya ay nagnakaw ng kanyang buhay.

"Sinira mo ang buhay ko, Alex! Pinatay mo ang asawa ko... at ang anak ko," nanggagalaiti nitong sabi.

"A-Anak? Paanong may anak ka?" Maging sina Jess at Christian ay naguguluhan na.

"Nang pinatay mo ang asawa ko, nagdadalangtao ako noon, Alex. Hindi ko kinaya ang depresyon kaya't namatay ang batang nasa sinapupunan ko. Ikaw mismo ang pumatay sa pamilya ko. Ikaw ng tunay na mamamatay-tao!" bulyaw nito sa dalaga.

Gulat naman si Jess sa nalaman. Wala siyang kaalam-alam sa nakaraan ni Alex kaya't gayon na lamang ang nagiging kanyang reaksyon. Sa ngayon, alam na niya ang pinanggagalingan ng galit ni Jennifer. Galit sa tanging bagay na nagpapasaya sa kanya ngunit nawalang bigla.

"P-Patawarin niyo ako Tiya. P-Patawarin niyo ako..." Humahagulgol na si Alex nang mga sandaling iyon, nakaluhod sa paanan ng kanyang Tiya at nagmamakaawa.

"Hindi na, Alex. Huli na para huminga pa ng tawad. Mabuti pa ay patayin niyo na ako. Mas maigi pa iyon dahil hindi ko na makikita ang mukha mo, ang mukha ng taong pumatay sa pamilya ko! Kinamumuhian kita! Sa tuwing makikita ko ang mukha mo sa telebisyon, gusto kong magwala. Gusto kitang patayin!" Halos sasabog na ito sa galit.

Hindi na napigilan din ni Jess ang maluha. "Patawarin niyo na po siya. Matagal na rin naman siguro iyon. Magiging panatag po kayo kung magkakapatawaran kayo. Hindi man madali, subukan niyo pa rin po. Alam kong hindi magugustuhan ng iyong anak at asawa kung gaganti ka pa."

"Sira na ang buhay ko. Sira na ang natitira kong pag-asa. Para saan pa at magpapatawad ako? Maibabalik niya ba ang nawala? Maibabalik niya ba ang pagkukulang sa pagkatao ko? Winasak niya ang natitirang kaligayahan ko. Winasak niya ang kabuuan ko bilang masayang ilaw ng tahanan," nasambit ni Jennifer sa kabila ng kanyang paghungos ng luha.

May punto si Jennifer sa palagay ni Jess. Marahil ay ganito rin ang kanyang gagawin kung may taong nanakaw ng buhay sa kanyang pamilya. Hindi siya purong tao para hindi magalit at magtanim ng poot sa dibdib. Hindi siya ang Diyos pero kaya niyang gawing kamay ng Diyos ang kanyang mga kamay.

Pagpapatawad. 

Madaling sabihin pero mahirap gawin. Isang bagay na hindi agad maibibigay ng taong may mabigat na dinadamdam. Pagpapatawad kapalit ng pagpatay? Hindi balanse. Kaya't ang ilan, ang pagpatay ay magiging katumbas lang ng pagpapatawad kung papatay.

"Patawarin mo na ako Tiya..." Si Alex, pilit humihingi ng kapatawaran sa kanyang nagawa.

"Kung hindi niyo ako papatayin, kayo na lang ang papatayin ko!" Mabilis itong kumawala at agad na tinungo ang kinalalagyan ng patalim na hawak kanina.

"Huwag mo ng tangkain na kunin pa 'yan," saad ni Jess at itinutok ang isang baril. Nakuha niya iyon mula sa kwarto ni Lyra. Alam niya kasing mayroong bitbit na baril ang dalaga sa kwarto nito. "Ayaw ka naming saktan Jennifer. Sumuko ka na lang at ituro sa amin ang kasamahan mo."

Tumawa muli ito at dahan-dahang tumayo mula sa kaninang pwestong pagkuha ng patalim. "Ang tagal mo naman 'ata," nasaad nito bigla.

Nangungot ang noo ang tatlo.

"Sorry. Hinanap ko pa kasi 'yong baril ko na kinuha pala ni Jess," saad ng babaeng nasa likuran ng tatlo.

RED TAPE 30

CHAPTER THIRTY The Whole Scheme is Revealed

WALANG anu-ano'y napatingin bigla ang tatlo sa kanilang likuran na animo'y isang sorpresa ang nag-aabang na matuklasan nila. Hindi nga sila nagkamali. Isang sorpresa. Pero hindi si Jess. Kilala na niya ang kasabwat ng Tiya Jennifer ni Alex.

"Lyra..." mahinang sabi ni Jess. Kaunting pagkabigla na lamang ang pinakita niya marahil ay dahil sa armado ang dalaga. Hindi na siya nag-atubili na itutok ang hawak na baril sa direksyon ni Lyra. Hindi naman nagpatinag ang huli at nagawa pang ngumisi.

"Oh, Jess. Ikaw lang 'ata ang hindi nagulat," ani Lyra na kapwa nakatutok ang baril sa isa't-isa.

"May hinala na kasi akong kasabwat ka. Nawawala kasi ang katawan mo sa kwarto mo nang kunin ko ang baril mo," paliwanag ni Jess. Pinamulatan naman siya ng mata ng dalawa pang kasama. Hindi na niya kasi nasabi ang tungkol dito nang isagawa nila bigla ang plano.

"Sabagay. Hindi ko naman kasi aakalain na pupunta ka sa kwarto ko. Hindi rin naman magtatagal ay makikilala niyo rin ako. Ang sama ko naman kung hindi ako magpapakilala sa inyo, 'di ba? Mamamatay na kayo lahat-lahat, ni wala pa kayong ideya kung sino ang pumatay sa inyo," natatawa nitong sabi.

"Bilib na ako sa inyo. Nagawa niyo kaming patayin nang kayong dalawa lang. Dapat kino-congratulate kita Lyra sa galing mong umarte. Saang workshop ka ba at nang gumaling ako kagaya mo?" sarkastikong sabi ni Christian at marahang pumalakpak.

"Bilib din ako sa tapang mo. Nagtataka nga ako, e. Paanong nabubuhay ka pa samantalang extra ka lang naman? Ni hindi ka nga kaibigan ng bida," pambubuska nito pabalik.

"Big stars won't stand out without little stars. Dapat ka ring magpasalamat sa akin at sa mga taong bumuo para magawa mo ang lahat ng ito." Pansin ni Jess ang nagtatapang-tapangang awra ni Christian. Mapapansin iyon sa panginginig ng mga kamay nito.

"Sa tingin ko nga. Salamat kay Ian para sa pagtulong sa akin. Siya ang tumulong sa akin para sa prosthetics," anito. Naalala bigla ni Jess nang minsan ay makita niya si Lyra sa parking lot. Si Ian 'yong taong nakita niyang kausap nito. Marahil ay dahil sa prosthetics ang bagay na pinag-uusapan ng dalawa. "Thank you din kay Joel na inilihim ang sikretong ito at sa katangahan niya. Masyado kasi siyang matatakutin."

Tumigil ito sandali na tila may iniisip. "Ano nga ulit pangalan no'n? Hmmm... Leslie? Tama, Leslie! Thank you din kay Leslie. 'Yong make-up artist mo, right? I bet you missed her."

"Fuck you!" nanggagalaiting sigaw ni Alex, nagbabadya ang mga matang lumuha, nanginginig ang mga kamay at mabilis ang bawat paghinga.

"Thank you... Fuck you too!" bawi nito. "Pero they have all in common."

"A-Ano?"

"They were all dead now. Hahaha. At bilang malaking utang na loob, ito ang para sa 'yo!" Kinabig nito ang gatilyo ng hawak na baril at ipinaputok kay Christian. Tinamaan ito at umagos mula roon ang napakaraming dugo. Bumulagta ito sa sahig nang walang malay.

Hindi na nagawang manlaban ni Jess dahil sa sobrang pagkabigla. Mabilis na nasipa ni Lyra ang kanyang kamay upang mabitawan niya ang hawak na baril. Ngayon ay wala na silang laban. Natagpuan na lamang niya si Alex na humahangos ng luha sa wala ng malay na katawan ni Christian.

Napapakagat-labi naman si Jess sa tuwing maaalala na wala na silang laban. Ano pang laban nila sa patalim at baril? Tamang direksyon lang nito sa kanilang mga katawan, agad na matatapos ang kanilang buhay.

"Aww. Ang dali naman niyang tumumba. Puro naman siya dada, kalalaking tao. Pwe!" pang-aasar nito.

Pinanghihinaan na ng loob si Jess. Ang kakarampot na pag-asa niya para mabuhay ay unti-unti ng naglalaho kasama ng mga namatay niyang kasamahan. 

Madaya ang buhay sa tingin niya. Dumadanas ito ng pagdurusa na kailan man ay hindi sumagi na mangyayari sa kanya. Patuloy siyang umaahon sa kumunoy ng buhay, ngunit tulad ng isang kumunoy, magpapatuloy kang lulubog kung kailan ka lumalaban.

"So, kumpleto na pala tayo. Nandito na ang pakay natin. Walang iba kundi si... Alex! Palakpakan naman natin siya," utos nito na sinunod naman ni Jennifer.

Matatalim ang titig ni Jess kay Lyra. Ngayon ay patas na sila. Dalawa laban sa dalawa. Mas nakalalamang nga lang ang isa dahil sa armado ang mga ito.

"Alex, I mean Sophia, kumusta ka na?" natanong ni Lyra kay Alex.

Nangunot naman ng noo si Alex. Sophia? Bakit ibang ngalan ang tawag nito sa dalaga? Isa na naman ba itong misteryo na nahubaran na ng katotohanan? Nag-aabang lang ng susunod na sasabihin si Jess. Ngayon na niya maririnig ang bagay na umuugnay sa lahat ng kanilang hinala.

"Sophia? Tinawag mo akong Sophia? H-Hindi ako si Sophia," marahang sabi ni Alex pero tila may pag-aalinlangan.

"Kapatid, hindi mo na ba ako naaalala? Ako 'to, si Alexandra. Ang tunay na Alex," nakangisi nitong sabi saka iwinasiwas ang hawak na baril.

"H-Hindi ko na naiintindihan," nagugulumihanang sabi ni Alex.

"Ikaw at ako ay magkapatid sa ina. Nakakatuwang isipin na papatayin kita kahit na kapatid kita, 'di ba?" anito at nagtatawa ng nakaloloko. Napansin ni Jess ang pag-agos ng luha sa mga mata ni Alex, bumagsak ang mga tuhod nito at humagulgol habang kapwa tinatakpan ang mga mata.

Gusto mang aluin ni Jess ang kasamahan, hindi niya magawa. Nauubusan na siya ng panahon para mag-isip ng iba pang paraan. Paano pa ba sila mabubuhay?

HINDI makapaniwala sa narinig si Alex. Kapatid niya si Lyra? Paanong nangyari ang bagay na iyon? Pinilit niya alalahanin ang kanyang kabataan ngunit wala siyang mahugot na kahit katiting na memorya. Tila sinadyang burahin ang kanyang alaala ng kabataan upang ipamukha sa kanya ngayon ang katotohanan.

"Hindi mo ba yayakapin ang kapatid mo? Didn't you miss me, my little sister?" pang-aasar ni Lyra habang nakabuka ang mga kamay.

"Paano? Gusto kong maniwala pero nahihirapan ako," Humarap siya sa kanyang Tiya Jennifer. "Magkasabwat ba kayo para itago ang lihim sa akin?"

"Apparently, yes. Si Jennifer ay hindi mo Tiya. Nagkapalit lang tayo ng identity kaya't tinatawag mo siyang Tiya. Nang patayin ko ang mga magulang mo, considering na hindi naman sila naging magulang sa akin, isinagawa ko na ang plano," paliwanag ni Lyra.

Naninigas ang mga kamay ni Alex dahil sa natuklasan. Naiintindihan na niya ang lahat kung bakit hindi siya isang ganap na tao dahil may kulang, dahil isa siyang kasinungalingan. Isa siyang lihim na itinago sa matagal na panahon.

Tuluyan na siyang nakawala sa hawla ng kasinungalingan. Mapait man ang pagkilala niya sa kanyang sarili, alam niyang ito lang ang tanging bubuo sa kanyang pagkatao.

"Pinainom kita ng mga drugs at hindi ko akalain na makakalimutan mo ang sarili mo. Idagdag pa 'yang mga trauma mo. Hindi naman naging mahirap para sa akin ang maging Sophia Andrews, walang gaanong nakakakilala sa nag-iisang anak ng pamilya Andrews. Kaya ipinamukha ko sa kanila na ako nga si Sophia. Ibinigay kita kay Jennifer na aking tunay na Tiya para masamsam ko ang lahat ng kayamanan niyo. Mabuti nga at hindi kita pinatay dahil mahal kita," tigil nitong sabi. "... kapatid."

Isang malaking rebelasyon sa tingin ni Alex ang kanyang nalaman. Tuluyan na siyang naliwanagan. Nakita na niyang tuluyan ang kanyang sarili. Ngunit masakit dahil ito na rin ang magiging huli na makikilala niya ang kanyang sarili bilang Sophia Andrews.

"'Yan ba ang dahilan kung bakit gusto mo siyang patayin?" tanong ni Jess.

"Syempre hindi. Kuntento na ako sa buhay ko pero nagpakita pa ulit 'yang si Alex!" nanggagalaiting sabi ni Lyra at nagawa pang sampalin sa mukha ang nakaluhod na dalaga.

Hindi na nanlaban pa si Alex. Hindi na kailangan pa. Saan pa ang kanyang paglaban kung mamamatay din naman siya? Magsasayang lang siya ng lakas. Maging ang pag-iyak ay itinigil na niya. Nagiging manhid na siya sa mga nangyayari.

"Inagaw niya sa akin ang kasikatan at si Tristan. Nagwagi ka na noon sa pagkuha ng pagmamahal ng mga magulang natin, pati ba naman 'to? Akalain mo nga naman, magkakompetensya tayo sa lahat," nakatiim bagang nitong sabi.

"Hindi ko kasalanan na mahalin ako ng mga magulang natin at hindi ko kasalanan na napasaakin ang inaasam mong kasikatan. At lalong hindi ko kasalanan na hindi mo makuha ang pagmamahal ni Tristan. Pinipilit mo masyado ang sarili mo sa bagay na hindi naman talaga para sa 'yo kaya nahihirapan silang mahalin ka. Isinusuka ka nila!" matalim niyang sabi.

Ngumisi si Lyra at saka inundayan ng isang sipa sa tyan si Alex. "Aba! Tarantada ka, ah! May natitira ka pa palang tapang."

"Patayin mo na ako... Patayin mo na ako!" aniya habang dumadaloy ang dugo mula sa bibig.

"H'wag kang atat. May uunahin na muna ako," saad nito at itinutok kay Jennifer ang baril.

"B-Bakit mo ako papatayin? Magkasabwat tayo, hindi ba?" kinakabahang sabi ni Jennifer.

"I don't need you anymore. Tapos na rin naman ang role mo sa palabas na 'to. Tulad ng mga horror movies, nagpapatayan din ang magkakakampi," at saka walang anu-anong kinalabit ang gatilyo ng baril. Tumama ito sa noo ni Jennifer na agad na nagpahalik sa kanya sa sahig.

"Shit!" pagmumura ni Jess dahil sa pagkabigla.

One versus two na ang laban. Pero para silang nakikipaglaban sa malaking tao, walang paraan para matalo ang kalaban.

"It's your turn now." Itinutok ni Lyra ang baril kay Jess.

Nang kakabigin na nito ang gatilyo ay mabilis itong sinugod ni Alex. Sakto rin na nakabig nito ang gatilyo kaya't tinamaan ng bala ng baril si Jess na agad ding nagpatumba rito. Nagpanlaban sina Alex at Lyra at agad na sumalampak sa sahig.

Kapwa sila nag-aagawan sa baril. Itututok kay Alex, itututok kay Lyra. Paulit-ulit sila. Walang gustong magpatalo. Masyadong malakas si Lyra kaya't nagawa nitong pumaibabaw at makuha ang baril. Tumayo ito at ipinakita ang nakalolokong ngiti.

"You'll die now, bitch." Itinutok nito sa huling pagkakataon ang baril na hawak kay Alex.

"No! You'll die now, bitch," at saka kinalabit ni Christian ang hawak na baril. Tinamaan sa katawan si Lyra at tumumba. "Sino ngayon ang extra sa atin? One rule, don't mess up with extras." Tinulungan nito si Alex na makatayo.

"Oh my ghadd! Si Jess!" Mabilis silang lumapit. Mapalad sila na hindi naging malala ang tama ni Jess sa braso.

"Hindi pa tayo tapos!" nanggagalaiting sabi ni Lyra at iniangat muli ang hawak na baril.

"Look out!" babala ni Jess nang makita nitong tumayo muli si Lyra hawak-hawak ang kanyang baril. Hindi na nag-atubili pang paputukang muli ni Christian si Lyra nang ilang beses hanggang sa maubos ang bala ng hawak na baril.

"Thank God at ayos kayo," nasambit ni Alex.

"Mabuti na nga lang at hindi masyadong napuruhan ang katawan ko," saad ni Christian at ipinakita ang duguang tagiliran.

"Hanapin na natin ang iba," nasaad ni Jess.

Tumango ang dalawa at saka nagsimula ng hanapin ang iba pang kasamahan. Sinubukan nilang halughugin ang buong resort para makahanap ng lead kung nasaan ngayon sina Sammie, Tristan at Direk Anne.

Hindi pa man nagtatagal ang kanilang paghahanap nang may matuklasan si Christian. Isang lihim na kwarto sa ibaba ng resort - sa sala.

"Paano mo natuklasan 'to?" tanong ni Jess.

“Siguro dahil sa masyadong magulo na ang resort kaya nakita ko ’to. Natatakpan kasi ng carpet nang una ’to kaya hindi kapansin-pansin,” paliwanag ni Christian.

Binuksan nila ang pinto na iyon papunta sa basement. Wala kaagad nakapansin niyon dahil natatakpan ng makapal na carpet. Ito na marahil ang makapagtuturo sa iba pa nilang mga kasamahan.

RED TAPE 31

CHAPTER THIRTY-ONE The Fallen Angel

Madilim ang hagdan paibaba nang pasukin nila ang basement. Wala sila gaanong maaninag kaya’t marahan silang naglakad. Nagpalinga-linga sila at mariing tiningnan ang kadiliman ng lugar. Ilang saglit lang ay nakasanayan na nilang tingnan ang lugar kahit madilim, nailalarawan na nila ang mga bagay sa kanilang paligid.

May napansin sila sa ‘di kalayuan. Parang tao. Para mga tao.

Sinubukan nilang hanapin ang switch at hindi naman sila nabigo. Nang mahanap ay binuksan nila iyon. Sa paglawak ng liwanag, dalawang tao ang nakita nila, kapwa nakasako ang mga ulo at magkatalikurang nakagapos ang mga kamay.

Dahan-dahan silang lumapit. Tinanggal nila ang mga sakong tumatakip sa mga ulo nito. Nagitla silang makita sina Sammie at Tristan pero wala si Direk Anne. Nasaan kaya siya?

May busal din ang mga bibig ng dalawa kaya’t hindi makapagsalita ang mga ito. Sa tingin nila, marahil hinang-hina ang dalawa dahil sa nangyari, idagdag pa ang kakapusan ng kanilang hininga.

Nagising si Sammie at agad na umagos ang mga luha. Takot na takot ang dalaga dahil sa trauma na naranasan. Sinubukan naman itong aluin ni Jess upang kumalma. Ramdam niya ang panginginig ng buo nitong katawan. Hinaplos-haplos niya ang likod nito para na rin mahimasmasan.

“Ayos ka lang ba Tristan?” tanong ni Alex nang makitang hindi makatayo ang binata. Lalanta-lanta ang buo nitong katawan kaya mabilis ding bumibigay. Sinubukan na lang muna nilang paupuin si Tristan upang makabawi-bawi ng lakas.

“Nasaan si Direk Anne? Bakit wala siya dito? Akala ko ba dito natin sila makikita?” sunod-sunod na tanong ni Alex na sinundan ng palinga-lingang ulo sa paligid.

Wala silang makitang bakas ni Direk Anne. Maliwanag na ang dalawa lang ang naririto. Ayaw man hinuhain ni Jess ang tunay pagkawala ni Direk Anne, wala naman siyang maisip na ibang dahilan.

Isa lang ang kanyang naiisip. Kasabwat si Direk Anne.

Nagkatinginan sila ni Christian na tila iyon din ang iniisip. Lumunok siya ng laway. Hindi pa pala talaga sila ligtas. Nagpapagala-gala pa rin ang isa sa mga killer. Pero ano naman ngayon ang motibo niya? Kung may kaugnay ito kay Alex, ano naman kaya iyon? Maliban sa pagiging artista ni Alex at pagiging director ni Anne, ano pang bagay ang nagbubuklod sa kanila?

Tumayo na sila upang makaalis. Inalalayan nina Alex at Christian si Tristan na makatayo samantala nasa kapwang gilid naman sina Sammie at Alex. Naglakad na sila palabas ng basement nang makarinig sila ng mahihinang yabag papunta sa kanilang direksyon.

Pigil ang kanilang mga hininga na naghihintay sa taong paparating. Malalakas ang kabog ng kanilang mga dibdib na tila hindi magkandaugaga sa pagtibok.

“Nand’yan pala kayo!” bulalas ni Direk Anne nang makita sila.

Nagkatinginan naman ang lahat. Pare-pareho silang nagtataka sa kung paanong paraan magsalita si Direk Anne. Tila inosente ito sa lahat ng itinuturo ng kanilang panghihinala. Lumapit ito sa kanila kaya’t isang hakbang silang napaatras.

“Bakit kayo lumalayo?” tanong ni Direk Anne na may pagtataka.

“Killer ka,” walang pag-aatubiling sabi ni Sammie.

Natawa naman si Direk Anne na parang isang malaking biro ang sinabi ni Sammie. “Dahil ba dito?” Ipinakita nito ang kanyang kamay na may bahid ng dugo. “Tiningnan ko kasi kung may buhay pa sa mga kasamahan natin kaya may dugo ang mga kamay ko. Wala ito,” paliwanag nito.

Gustong paniwalaan ni Jess ang kanyang Tiya pero bakit parang may mali. Hindi siya mapakali sa kanyang iniisip. Nakasisigurado siyang may hindi tama rito.

“Maniwala kayo. Inosente ako,” pagmamakaawa ni Direk Anne at saka lumapit pa nang kaunti.

“Lalapit ka ba o papaputukan kita?” banta ni Christian at tinutok ang hawak na baril kay Direk Anne. Natulala naman ang huli kaya’t hindi na nagawa pang magsalita. “Kung ako sa ’yo, papakawalan mo na lang kami. Tama na ang mga pagpatay! Tama na! Pagod na kami!”

“P-Pero hindi ako ang killer. M-Maniwala kayo,” nangingilid luha nitong sabi.

“Ngayon pa ba tayo maglolokohan? Huling-huli ka na. Wala ka ng kawala kaya umamin ka na rin. Ano bang motibo mo sa pagpatay? Si Alex na naman ba? O dapat ko bang sabihin na Sophia Andrews para sumaksak d’yan sa sentido mo?” ani Christian na tila punong-puno na dahil sa mga pangyayari.

Lumuluhang napaluhod na si Direk Anne. Walang nais makinig sa pagsusumamo nito, pero hindi si Jess.

“Naniniwala ako sa kanya. Inosente siya. Mali lang marahil ang pagkilala natin sa kanya. Baka nga inosente siya. Baka tapos na ang lahat,” saad ni Jess.

“Ngayon ka pa ba maniniwala sa kanya Jess matapos nilang patayin ang mga kasamahan natin?! Kitang-kita naman na kasabwat siya, hindi ba?” ani Christian na hindi pa rin ibinababa ang baril.

“Kilala ko ang Tiya ko. Hindi niya magagawa ang binibintang niyo sa kanya,” protesta ni Jess.

Nakapaling naman ang mga tingin ng iba. Ayaw na nilang makialam pa.

“Magagaling sila umarte tulad nila Lyra at Jennifer. Ang lahat na nasa industriyang ito ay magaling magbalatkayo. Huwag kang magpapalinlang sa kanila,” saad ni Sammie upang kumbinsihin si Jess.

Tila nalihis ang kanyang paniniwala. Marahil nga ay nagkamali siya sa pagkilala sa kanyang Tiya. Mali nga siguro ang magtiwala sa ibang tao dahil kahit gaano mo sila kalubos kakilala, may katiting pa rin sa kanila ang lihim nilang itinatago.

“Sige. Patayin mo na siya,” utos ni Jess.

Kinalabit naman ni Christian ang kanyang hawak na baril. Napapapikit naman mula sa pagkakaluhod si Direk Anne, inaabangan ang bala ng baril na tatama sa kanya.

Isang malakas na putok.

Isang palahaw na sigaw!

Nagdilat ng mga mata si Direk Anne. Wala itong sugat o kahit na ano pa man. Tiningnan nito ang iba pang kasamahan.

“Putangina!” sigaw ni Sammie dahil sa tama ng baril sa kanyang tadyang. Napahiga ito dahil sa pamimilipit sa sakit. Kagat-kagat nito ang kanyang labi habang dinidiinan ang sugat gawa ng tama ng baril.

“Bakit ako ang pinatamaan mo?” nanggagalaiting tanong ni Sammie.

“Sayang ang pag-arte mo dahil sa maling sinabi mo. Nahuhuli talaga ang isda sa sarili nitong bibig,” ani Jess.

Matalim silang tiningnan ni Sammie na parang nagtataka. Ni hindi nito alam kung paanong nalaman ang kanyang sikreto.

“Nagtaka lang kasi kami kung paano mo nakilalang sina Lyra at Jennifer ang mga killer kung nakatali ka roon sa basement. Isa lang ang maaaring dahilan, killer ka rin,” paliwanang ni Christian at nangingisi.

“Ang tanga-tanga ko. Punyeta! Sayang ang mga pinlano ko. Sabagay, matagal ng sira ang plano nang hindi magawang patayin nina Lyra at Jennifer si Alex,” saad nito at nagawa pang tumawa.

“Ako na naman pala ang dahilan,” ani Alex.

“Oo naman. Kung sa akin lang napunta ang kasikatan mo, edi hindi sana ganito.”

“Kasikatan na naman ba?! Bakit ba kayo atat na atat sa kasikatan?”

“Dahil gusto kong hangaan ako ng maraming tao. Gusto kong tinitingala nila ako. Gusto kong pinupuri nila ako. Gusto kong ako ang bida at hindi simpleng kaibigan lang ng mga bida. Gusto kong manalo ng Best Actress at hindi simpleng Best Supporting Actress. Napakaganda tingnan, hindi ba? Kaya nagawa ko ring utuin si Tristan. Napakahusay ko talaga.”

“Nagkamali nga ako ng pagkilala sa’yo. Ako ‘tong dating inggit na inggit sa’yo. Gustong-gusto ka ng marami dahil ang akala namin, isa kang anghel. Nagkabaliktad pa tuloy tayo ng sitwasyon. Isang anghel ka na ngayon na isinuka ng langit,” saad ni Alex at tinalikuran ang kaibigan.

“Akala mo ba matatapos ‘to? Hindi ‘to matatapos hangga’t hindi mo ako pinapatay! Magpapatuloy ang pagdurusa mo hanggang sa mamatay ako!” natatawa nitong sabi.

“Tama na!” sigaw ni Jess at sinampal nang malakas si Sammie upang bumalik sa katinuan. Pinandidilatan siyang tiningnan ng dalaga. “Tama na! Marami na ang namatay! marami na ang nagbuwis ng buhay! Tama na!” naiiyak na sabi  ni Jess.

Tumahimik ang ilan na tila tumagos sa kanilang mga puso ang naging pangungusap ni Jess. Kay daming mabubuting bagay ang maibibigay sa ‘yo ng katanyagan. Pero sa kabila nito, kapag nagpadaig at tuluyang nagpalamon, itong katanyagan din ang papatay sa ‘yo.

Kasabay noon ay ang maingay na mga sasakyan ng pulis sa labas. Unti-unti silang nabuhayan ng loob. Pumasok ang isang pamilyar na mukha sa loob ng resort at agad na inakap si Jess.

“Mabuti naman at buhay ka,” nasaad ni Luke at hinalikan ang asawa sa noo.

Kasunod nito ay pumasok ang mga pulis sa crime scene. Binitbit nila ang sugatan na si Sammie upang madala at madiretso sa ospital. Samantala, ang ilan pang sugatan na sina Christian at Jess ay binigyan ng mga paunang lunas.

“Akala ko, mawawala ka na sa akin. Hindi ko kakayanin kapag nangyari ‘yon,” naiiyak na sabi ni Luke sa kanyang asawa habang haplos-haplos sa likod.

“Hindi mangyayari ‘yon,” paninigurado niya. Dahan-dahang naglapat ang kanilang mga noo.  “Paano mo nalaman na nasa panganib ako?”

“Sinabi mo sa aking tatawag ka pero ilang araw na ang nakalilipas ay wala ni isang tawag o text akong natanggap. Kaya sobra na akong nag-alala. Tinanong ko kay Cassie ang lokasyon ng shooting. Mabuti na lang ay alam niya dahil pasyente niya si Alex,” paliwanag nito.

“Maraming salamat,” ani Jess at hinalikan sa labi si Luke na tila iyon ang tanging bagay na pwedeng makapagpagaan ng kanyang loob. Sa kabila ng lahat ng kanyang naranasan, may isang bagay pa rin ang hahanap-hanapin ng kanyang katawan upang lubusang gumaling.

Natigilan sila nang marinig nila ang malalakas na sigaw ni Sammie habang isinasakay sa ambulansya kasama ang ilang pulis.

“Papatayin ko kayo! Wala akong ititira sa inyo! Babalikan kita Alex! Babalikan kita!” palahaw na sigaw ni Sammie.

Sa palagay ni Jess, tuluyan ng tinakasan ng katinuan si Sammie. Wala na ito sa sarili kaya’t nagawa nito ang mga ganitong bagay. Mapalad siya at nabigyan siya nang pangalawang buhay matapos ang nangyari noon kay Sarah.

“Umuwi na tayo. Tapos na rin naman ang lahat,” aniya at inaya si Luke na umuwi.

Bago lumisan ay nagpaalam siya kina Christian, Alex at Direk Anne. Isang hindi makakalimutang pangyayari ito sa kanyang buhay. Ganito siguro ang umiiral na kalakaran sa industriyang kanyang kinabilangan. Tunay na mapagbalatkayo ang ilan. Hubaran lang ng kaunti ay sisingaw na ang baho.

Isang bagay ang kanyang natutunan. 

Huwag maniniwala sa isang artista.

A/N: Nalulungkot ako dahil 2 chapters na lang. Huhuhu. Mami-miss ko kayo. Btw, may nakakaalala ba kay Rick? Hindi ba kayo nagtataka? Hahaha. Pwede bang REDers na lang itawag ko sa inyo? 😁 Wag pala kalimutan ang magkomento!

RED TAPE 32

CHAPTER THIRTY-TWO It’s Not Yet the End

ABALA ang isang ginang sa paglilinis ng puntod ng kanyang anak sa sementeryo. Inilapag niya sa gilid ng lapida ang bitbit na bungkos ng bulaklak ng rosas na nabili niya sa labas. Sinindihan niya rin ang kulay asul na kandila at itinirik sa ibabaw ng puntod.

"Anak, naipaghiganti na rin kita. Naipaghiganti na kita sa taong pumatay sa 'yo. Siguro ay hindi mo na gagambalain sa panaginip si Mommy, 'di ba? Ayaw mo kasi akong patulugin kaya pinatay ko na siya," wika ng ginang sa katapat na puntod.

Bagamat hindi nagsasalita ang taong nahihimlay doon ay patuloy pa rin sa pagsasalita ang naturang ginang. Pakiramdam niya ay katabi niya lang kasi ang kanyang anak at nakikinig sa kanya mga hinaing.

"Masaya ka na ba anak? Masaya ka na bang kasama mo Siya?" tanong niya at hinimas ang malamig na lapida.

Nagsimula ng bumuhos ang kanyang luha. Luha dahil sa pighati sa pagkawalay sa nag-iisang anak. Hindi nga maitatanggi ang sakit na nararamdaman ng isang ina sa pagkamatay ng kanyang anak. Imbes kasi na ito ang maghahatid sa kanyang huling hantungan ay naunahan pa siya nito. Ang dugo't laman na dapat ay kasama niya ngayon ay wala na sapagkat nahihimlay na ito sa malamig na kabaong.

"Samantha, patawarin mo si Mommy kung napatay ko si Rick. Para rin naman sa 'yo 'yon. Hindi ba't iyon ang gusto mo? Masama ba si Mommy? Hindi naman, 'di ba? Ipinagtanggol lang kita sa taong pumatay sa 'yo," wika niya sa pagitan ng kanyang mga luha.

Nahiga siya sa gilid ng lapida at humimlay - ipinatong ang ulo sa ibabaw ng lapida habang ang katawan ay nasa damuhan.

"Iniwan niyo kaagad ako ng Daddy mo. Nakakalungkot tuloy. Sayang. Isang buong pamilya pa sana tayo kung hindi nagloko ang Daddy mo," aniya.

Nangingiti siya na parang baliw na pinapakinggan ang lapida, nag-aabang na sasagot ang kanyang anak.

"Huwag kang maingay. Sikreto lang natin 'yon. Si Daddy mo kasi, babaero. Pinutol ko tuloy ang sandata niya," at saka natatatawa. "Sigaw siya nang sigaw. Nakakairita 'yon kaya pinalo ko ang ulo niya. Halos humiwalay ang ulo ng Daddy mo, e."

Nakinig ulit siya sa lapida. Mas matagal kaysa nauna.

"Hindi ah! Iba ang ginawa ko kay Rick. Hindi naman siya nambabae kaya bakit ko gagawin 'yon? Sinaksak ko lang naman siya sa likod nang paulit-ulit. Tas ark!" Nagkunwari pa na naubusan ng hininga ang ginang upang ipakita kung paano ang itsura ni Rick nang mamatay. "Nakakatawa siya. Nabanggit niya pa nga ang pangalan mo. Mahal ka nga 'ata no'n. Sayang lang at napasobra."

Tumayo na siya at pinagpagan ang suot na damit. "Pakibati na lang ako kay Daddy mo at kay Rick, ha? May gusto ka pa bang ipagawa sa anak? May gusto ka pa bang ipapatay?"

Sandaling tumahimik ang buong paligid. Huling namataan na lang ay ang nakakalokong ngiti ni Mrs. Walker.

"Oh, sige. Uuwi na ako. Paalam na," aniya at saka pumanaog matapos ang isang maikling dasal.

MATAPOS ang malagim na nangyari kay Alex, naging laman siya ng mga dyaryo, telebisyon at maging sa internet. Tila isang palabas sa sinehan ang kinasangkutan ng dalaga kung saan marami ang namatay at siya ang naging bida. 

Tatlong araw na rin ang nakalilipas nang makaligtas sila sa kamay nina Lyra, Jennifer at Sammie. Tatlong araw na ring nasa ospital si Sammie at patuloy na ginagamot. Ang huling balita niya ay tuluyan na itong nasiraan ng ulo dahil sa kapahamakang idinulot. Napag-alaman na dinukot nito sina Tristan at Direk Anne upang ipakita na isa rin itong biktima at para ang mapagbintangan ay si Direk Anne. Isiniwalat ni Direk Anne na resort pala iyon ng pamilya ni Sammie kaya't may alam ito tungkol sa pasikot-sikot.

Samantala, maging si Tristan ay nagpapagamot. May kung anong pinagbabawal na gamot tulad ng opyo at marijuana ang pinagamit ni Sammie sa binata kaya't nanghihina ang buong sistema nito.

Sa kabilang banda, ang ilang nakaligtas pa na sina Direk Anne, Jess at Christian ay nasa mabuti ng lagay. Si Direk Anne ay nagdadalamhati pa dahil sa mga nasawing mga staff at aktor. Habang si Christian naman, ito ang sumasagot sa ilang mga katanungan ng media. Sa tingin ni Alex, paraan din ito ng binata upang makilala sa industriya.

Mapalad pa rin si Alex dahil walang nagtatangkang magtanong kung bakit ginamit ang katauhan ni Celine nang mga panahong pinagtatangkaan ang kanyang buhay. Ligtas ang kanyang karera bilang artista.

"Si Jess kaya? Wala pa akong balita sa kanya," bulong niya sa sarili habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada.

Napansin niya ang isang batang naglalako ng dyaryo. Napatingin naman ito sa kanya na tila walang ideya sa sikat na aktres na kaharap.

"Dyaryo po?" pag-aalok ng bata.

Ngumiti siya. Natutuwa siyang titigan ang bata. Inosenteng-inosente ito kung titingnan sa mundong kanyang kinabibilangan. Isang mundo na puno ng maskara. Isang mundo kung saan higit na mas marami ang hayop kaysa puro.

"Isa nga," aniya at iniabot ang isang daang piso.

"Wala po akong panukli," magalang na turan nito.

Mas ngumiti siya nang malapad. "Sa 'yo na ang sukli," aniya at umalis.

Pinagmasdan niya ang headline. Naroroon ang kanyang pangalan at sa ibaba nito ay ang isang artikulo patungkol sa kanyang manager na si Ms. Stella. Nangunot ang kanyang noo. Inilipat niya ang pahina papunta sa artikulong nakakuha ng kanyang atensyon.

Binasa niya ang nilalaman nito at nabigla sa nalaman. Halos hindi siya makapaniwala na patay na ito. Wala siyang kaalam-alam sa nangyari. Matapos kasi ang trahedya ay nagtago muna siya sa media upang makaiwas sa ilang mga tanong.

Nabigla pa siya nang malamang ang itinuturong salarin ay si Mr. Chua.

"Ano ba naman 'to?" nasambit niya. Mula sa artikulong binabasa ni Alex, sinasabing dahil sa pagiging mukhang pera ng manager ay nagawang patayin ni Mr. Chua ito. Nag-demand daw kasi ang manager ng mas malaking talent fee para sa kanyang mga talent.

Napapailing na lamang si Alex. Kakaiba nga ang mundong kanyang kinabibilangan.

Bumabalik ang kanyang nakaraan habang papalapit siya nang papalapit sa lugar kung saan siya nagsimula. Ang lugar kung saan hinagkan siya bilang isang anak. Ang naging kanyang tapakan upang abutin ang mayroon siya ngayon.

"Nandito na ako," saad niya sa sarili at tiningnan ang kaharap na gusali - ang Palarma's Theatre and Art Museum.

Pumasok siya sa loob. Pinapayagan naman siyang maglabas-pasok doon dahil dati naman siyang nagpe-perform sa naturang gusali. Sa kanyang pagpasok, tila may pagbabago sa unang bungad pa lamang. Marahil ay dahil patay na ang dating may-ari nito kaya't iba na ang atmospera sa loob. 

Dumako siya sa theatre kung saan naroroon ang kanyang dating buhay. May iilang tao roon na sa palagay niya ay nag-eensayo para sa gaganaping play. Mga bago ring mukha ang nakikita niya sa stage. Wala na roon ang mga dati niyang kasamahan. Siguro ay nagsawa na rin mag-abang na palarin tulad niya.

Umupo siya sa pinakataas at pinagmasdan ang kabuuan ng theatre. Nagsimula na mangilid ang kanyang mga luha. Ang buhay niya. Nasaan na nga ba ang buhay niya? Ngayong kilala na niya ang kanyang tunay na pagkatao, paano siya magsisimula?

Wala na ang kanyang mga magulang. Nawala na rin ang itinuturing niyang mga kamag-anak. Kahit na ang kanyang itinuturing na kapatid noon ay wala na at nagawa pa siyang patayin. Wala na rin ang kanyang dating kaibigan na minsan ay naging kanyang katuwang sa lahat.

Mag-isa na siya. Siya lang. Wala ng iba pa.

Wala na rin siyang pinagkaiba sa pulubi. Dapat na rin niya marahil kaawaan ang kanyang sarili. Malinis siya ngunit marungis ang pagkatao.

Napansin niya na biglang sumara ang kurtina sa stage.

"Tapos na ba sila?" natanong niya sa sarili.

Mayamaya lang, unti-unting bumubukas ang kurtina. Napapalunok siya ng laway.

De javu.

Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makitang isang pamilyar na babae ang lumitaw roon habang nakatali mula sa taas.

"It can't be. C-Celine..." nahihintakutan niyang sabi.

Hindi siya pwedeng magkamali. Si Celine nga ang nakikita niyang nakatali roon! Lumapit siya sa stage nang walang pag-aalinlangan.

"P-Patay ka na... P-Patay ka na... H-Hindi maaari ito," bulalas niya habang hindi makapaniwalang tinititigan ang nakataling katawan ni Celine.

Nagulat siya nang biglang mag-angat ito ng ulo at matalim siyang tiningnan habang duguan ang buong katawan.

"You cannot get away with this! Mamamatay ka rin tulad ko kasama ng kasikatan mo!" bulyaw nito at tumawa nang napakalakas na umalingawngaw sa pasilyo.

Mabilis siyang napapailing habang napapaatras. "Hindi ito totoo! Hindi ito totoo!" sigaw niya. Sa kanyang pag-atras, nakaramdam siya na tila may natapakan siya. Lumingon siya rito at nakita ang napakaraming patay na katawan. Katawan iyon ng mga kasamahan niya!

Nanginginig siya sa takot. Tila nilalamon siya ng kanyang takot.

Nabigla siya nang tumayo isa-isa ang mga bangkay at tila may sari-sarili pa ring mga buhay. Marahang lumapit ang mga ito kay Alex. Dahil sa kaaatras ay hindi na niya nagawa pang balansehin ang sarili. Sumalampak siya sa sahig at tuluyang napalibutan ng lahat.

Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ng kanyang mga kasamahan habang pinaiikutan siya. Patuloy ang mga ito sa pagsigaw nang, "Mamamatay ka!"

A/N: Epilogue na po ang sunod mga REDer. Salamat! Add niyo ako sa fb, guys. :)

EPILOGUE

EPILOGUE

“Aaaaaaaahhhh!” Napabalikwas ng bangon si Alex mula sa kanyang higaan. May mga namumuong butil-butil na pawis sa kanyang mukha na marahil ay dulot ng matinding takot dahil sa napanaginipan. Nanginginig ang kanyang namumutlang labi habang habol-hinininga na tila kakapusin anumang oras.

Ihinilamos na lamang ni Alex ang kanyang dalawang kamay sa mukha at iniayos ang sarili, humugot ng malalim na hininga at saka bumuga.

“Bangungot... Oo, bangungot na naman. Paulit-ulit na bangungot,” paanas niyang sabi sa sarili. 

Tiningnan niya ang orasan sa gilid ng kanyang kama. Alas siete na nang gabi. Marahil ay nakatulog siya dahil sa nakakapagod na araw. Hindi pa rin kasi siya tuluyang nakakabawi ng pahinga simula nang mag-artista siya. Ritwal na niya marahil ang ganito, ang makatulog anumang libreng oras.

Kinuha niya ang isang basong tubig sa gilid ng kama at nilagok ng tuloy-tuloy. Pagkatapos, bumalik siya sa pagkakahiga at mariing tinitigan ang blangkong kisame ng kwarto. Sa mga ganitong pagkakataon, dito niya naiisipang magmuni-muni.

Mahigit tatlong buwan na rin palang nakalilipas simula nang mangyari ang lahat. Ang pagtangka sa kanyang buhay, ang pagkilala niya sa kanyang tunay na katauhan, at ang pagkamatay ng kanyang nag-iisang kapatid.

Sa mahigit tatlong buwang ding iyon, patuloy pa rin siyang hinahabol ng mga alaala na bumabagabag sa kanyang mga panaginip. Mga panaginip na hindi niya maatim na muli pang maranasan. Mga panaginip na tila nagpaparamdam kung gaanong nakasusuka ang kanyang tinahak na landas.

Hindi niya akalain na makababawi pa siya pagkatapos ng lahat. Maswerte siya at hindi pa rin nalalaman ng media ang buong katotohanan, ang tungkol kay Celine at sa kanyang pagkatao.

Nananatili pa rin siyang Alex Farr sa harap ng maraming tao at patuloy sa pagkubli ng katauhan ni Sophia Andrews. Kasabay no’n ay ang paghahanap niya sa iba pa niyang kamag-anak. Nalulungkot lang siya sa tuwing maaalala na hindi man lang niya maalala ang hitsura ng kanyang mga magulang.

“Masaya siguro ako kung buhay pa ang mga magulang ko. Hindi sana ako si Alex Farr na maaaring kasuklaman ng iba. Masaya siguro ako kasama ang Ate ko. Pero masaya nga ba? Kung masaya, bakit hindi ko maaalala?” Huminto siya sandali sa pag-iisip.

Wala siya sa sariling ulirat, nakatulala sa kawalan, hinahanap ang ilang butas sa garapong naglalaman ng kanyang katanungan.

“Ganoon nga siguro. Mas naaalala natin ang mga bagay na nagdulot ng ating pagkamuhi, pagluha, at pagkalungkot sa mundo,” aniya sa kanyang isip.

Ilang saglit lang ay natigilan siya. Nakarinig siya na tila may kumakanta mula sa labas ng kanyang bagong tinitirhan. Tumayo siya mula sa kamang hinihigaan at pinuntahan ang pinanggagalingan ng boses.

Nang makalapit, doon niya lamang napagtanto na boses ng mga nagsisiawitang bata ang nasa labas. Kumakanta ng kantang pamasko. Nakahinga siya nang maluwag nang mga sandaling ‘yon.

Pinagbuksan niya ng pinto ang mga bata ngunit hindi niya inaasahan ang kanyang makikita. Mula sa nakahilerang mga bata sa kanyang harapan, nasa likod ng mga ito si Tristan, bitbit ang mga bulaklak at isang kahon ng regalo.

“Merry Christmas,” nakangiti nitong bati.

Hindi naman naikubli ni Alex ang saya nang makita si Tristan. Tila may mga paru-paro sa kanyang tiyan na patuloy sa paglipad. Hindi na niya napigilan ang mamula dahil sa pagkabigla.

Pero…

“Merry Christmas din,” bati niya pabalik. 

“Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko?” tanong ni Tristan at saka iniabot ang mga bitbit sa dalaga.

Marahan siyang tumango bilang pagsang-ayon. “Oo naman. Maraming salamat dito at nag-abala ka pa talaga. Nagbitbit ka pa ng mga batang pwedeng utuin,” natatawa niyang sabi.

“Inuto talaga?! Hindi ko naman matanggap ‘yan,” anito at natawa rin. “Pwede ba akong pumasok?”

“Pag-iisipan ko pa.”

Napakamot ng ulo ang binata at kunyaring nadidismaya. “Uuwi na nga lang ako. Makiki-celebrate na lang ako ng Pasko kasama ang mga batang ‘to. Buti pa sila, mahal ako. Hindi kagaya ng iba d’yan,” nagmamaktol nitong sabi.

Lalong natawa si Alex dahil sa pagiging isip–bata nito. “Nagtampo naman kaagad. Parang bagay sa kanya. Inuto mo lang naman ‘yang mga bata. Hindi ka rin mahal ng mga ‘yan,” pagbibiro niya. Ngumuso naman si Tristan na tila nagtatampong bata. “Tigilan mo nga ako sa kaka-pout mo. Sige na nga. Pumasok ka na,” aniya at inilahad ang kamay papasok ng bahay.

Bago pumasok, kinausap muna ni Tristan ang mga bata. “Oh eto. Maghati-hati na lang kayo d’yan, ah,” anito at ibinigay ang suhol na pera.

Sa mga nagdaang buwan, naging pursigido na si Tristan na seryosohin na ang panliligaw kay Alex. Matapos kasi ang nangyari kay Sammie, naliwanagan ang binata sa kung sino talaga ang dapat na paglaanan nito ng kanyang pagmamahal. Lubos itong nahumaling sa ipinakita noong pagmamahal ni Sammie kaya’t nagagawa nito ang anumang ipag-utos ng dalaga.

Mapalad si Tristan dahil muli itong tinanggap ni Alex kahit na nagkamalat ang kanilang naging nakaraan.

Pero…

“Bakit ka pala nandito? Hindi ka ba magse-celebrate kasama ang pamilya mo?” tanong ni Alex.

“Nasa States sila and you know, may project ako kaya hindi kaagad ako makakalipad. But next week, pupuntahan ko naman sila to celebrate naman ang New Year,” nakangiti nitong sabi.

“Oo nga pala. Sobrang busy pala natin ngayon,” aniya sa mahinang tono.

“Yeah,” matipid nitong sagot. Huminto ito sandali upang pagmasdan kung may kasamang ibang tao si Alex. “How about you? Hindi ka ba magse-celebrate with your relatives?”

Hindi sumagot si Alex na tila nahihiya sa magiging sagot kay Tristan. Wala siyang kamag-anak. Wala na rin siyang kaibigan. Wala na siyang natitirang tao na sa tingin niya ay maaari niyang makasama ngayong bisperas ng Pasko.

“Gusto mo bang magluto tayo?” paglilihis ng usapan ni Tristan nang makitang iba ang naging reaksyon ni Alex. “O gusto mong lumabas na lang tayo para hindi hassle? Maki-celebrate tayo kasama ang ibang tao. Tiyak magiging masaya ‘yon. Maingay. Puro kantahan. Sayawan. Gusto mo ba?”

Hinawakan ni Alex ang braso ni Tristan at marahang pinisil iyon. Hindi na niya napigilang umagos ang kanyang mga luha.

“Are you okay? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ni Tristan at hinawakan sa magkabilang pisngi si Alex. Kunot ang noo ng binata na naghihintay sa sagot ng dalaga.

“Your presence is more than enough. You’re one of the greatest gifts I ever had,” aniya sa pagitan ng kanyang nangangatal na labi dahil sa pag-iyak.

“Mali man ang naging simula natin, gusto ko namang tapusin ito ng tama. Gusto kong makita mo kung gaano kita kamahal at kung gaano ako nagpapasalamat na may isang Alex Farr ang tumanggap muli sa akin anuman ang naging nakaraan namin. Itutuon ko na sa ‘yo ang pagmamahal na minsan ng nasayang sa maling tao. Hindi na kita pakakawalan pa anuman ang mangyari. Ikaw na ang pangarap ko na nais kong matupad,” seryoso nitong sabi.

Nakatitig sila sa mga mata ng isa’t-isa. Mararamdaman mo ang koneksyon na nag-uugnay sa kanilang dalawa. Ang isang bagay na ngayong unti-unting bumubuhay kay Alex sa kabila ng lahat ng pasakit.

Pero…

“Maraming salamat,” nakangiti niyang sabi.

“Walang anuman,” anito at mahigpit na niyakap ang dalawa.

Mainit sa pakiramdam ang mahigpit na yakap na iyon. Tila yakap na ayaw na siyang pakawalan pa, yakap na ramdam niya ang seguridad sa magkabilang bisig. 

Pero yakap na dapat ay matapos…

Isinilid ni Alex ang kanyang ulo sa dibdib ni Tristan. Hinaplos-haplos naman ng binata ang buhok ng dalaga na para bang isang kayamanang pinakaingat-ingatan niya.

“Tristan...” aniya at tumingin sa mga mata nito.

Nangunot naman ng noo ang binata dahil sa pagtataka. “B-Bakit?”

“Huwag mo ng ituloy ang balak mo,” saad ni Alex at mabilis na kumawala mula sa pagkakasilid sa dibdib ng binata. Halata naman ang pagkabigla sa mga mata nito sa naging salaysay ni Alex.

Mula sa distansyang isang dipa dahil sa pagkakakalas, kita ni Alex ang hawak-hawak na punyal ni Tristan sa kabilang kamay, nagbabadyang saksakin siya mula sa likuran.

“Alam ko ang plano mo kaya’t huwag mo ng ituloy. Pareho tayong artista kaya’t alam ko ang ginagawa mo. Kabisado ko na ang pag-arte mo. Ang pinagkaiba ng iyong katauhan sa harap ng camera at hindi,” saad niya na tila nakabingwit ng isang kriminal na huli sa akto.

Naging mabilis ang pagbabago ng sitwasyon. Kung kani-kanina lang ay tila matatamis ng asukal ang dalawa, ngayon ay tila isang maalat na asing na hindi nanaising papakin. Ngumisi naman si Tristan at tiningnan siya nang nakaloloko. Iniangat nito ang hawak ng punyal at nagmamalaking ipinakita kay Alex.

“Magaling ka rin talaga. Akala ko ay ayos na ang pagpapanggap ko nang tatlong buwan, hindi pa rin pala. Matalino ka nga. Magaling ka ring umarte. Napabilib mo ako. Hindi nga maitatanggi na nanalo ka ng ilang awards,” natatawa nitong sabi at marahang pumalakpak.

“Alam kong plano niyo pa rin ni Sammie na patayin ako. Saka bago mamatay si Joel ay binalaan na rin niya ako tungkol sa ‘yo. Nakatanggap ako ng e-mail mula sa kanya. Sorry ka na lang. Mas magaling ako sa inyo. Mas magaling akong umarte sa inyo,” aniya at sinabayan ng pagngisi si Tristan. “By the way, maraming salamat sa tatlong buwan. Nag-enjoy ako. Sana lang ay naging totoo,” saad niya na may pait sa dulo.

“Hindi na rin pala masama ang pag-arte ko,” pagmamalaki nito.

“Pero pangit pa rin dahil nalaman ko.”

“Ano naman kung nalaman mo? Papatayin pa rin naman kita. Wala kang laban. May kutsilyo akong hawak,” anito at saka dinilaan ang hawak na punyal.

“Anong wala? ‘Eto, oh,” saad niya at ipinakita ang nakatagong baril sa tagiliran. “Iyang punyal ang huli mong matitikman.”

Hindi na binigyan ni Alex ng pagkakataon na makapagsalita si Tristan. Mabilis pa sa alas quarto niyang kinalabit ang hawak na baril at itinutok sa noo ng binata. Tulala nang tinamaan sa katawan si Tristan.

Isang malakas na alingawngaw. Dugong kumalat sa sementadong sahig. Ganyan inilarawan ni Alex ang bisperas ng kanyang Pasko. Bulagta ang walang malay na katawan ni Tristan sa malamig na sahig.

Kasabay nito ay ang pagbagsak muli ng kanyang mga luha. Tapos na rin lahat. Dito na nagtatapos ang kanyang kasinungalingan at ang mga taong nagiging dahilan no’n. Ngayon ay unti-unti na siyang napapanatag. Nakakaya na niyang muli ang mabuhay.

Sa wakas. Dito na rin nagtatapos...

AUTHOR’S NOTE

Maraming-maraming salamat dahil umabot ang pagsasamahan natin hanggang dito. Maraming salamat dahil sinuportahan niyo ako. Hug! Isa ka ngang ganap na REDer! ❤ Sino nga bang mag-aakala na aabot tayo rito? Btw, sino ang mga nakahula nang tama? Hahaha

Salamat sa mga taong nagpahiram ng kanilang pangalan. SamanthaBruno

xxnameless_

YuriMaeChan

AnneAvillanoza

cutey_kyungsoo

Ang Red Tape ay inspired sa movie na Scream. Nagbasa rin ako ng ilang novels like Scavenger, Predator at iba pa upang humugot ng idea.

Ngayon, abangan naman natin ang book 3. Abangan kung mabubuhay pa si Jess. ❤


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.