loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Reincarnated As The Mafia Boss Slave (Woke Up Like This Series 1) (BXB)

Reincarnated As The Mafia Boss Slave (Woke Up Like This Series 1) (BXB)

Lake-GAD · 2 chapters · 476 words

Reincarnated As The Mafia Boss Slave

Woke Up Like This Series One.

Synopsis:

AKALA ni Shawn ay nananaginip lang siya nang mapunta siya sa katawan ng bida ng binabasa niya na libro.

Hindi bilang si Cinderella, Snow White, Jasmine o kung sino man na prinsesa.

But he woke up to the body of the  queer slave, Shiro Rodriguez. Ang pinakatanga na bida na nabasa ni Shawn.

Pero hindi doon nagtatapos ang kalbaryo ni ate gurl ninyo. Dahil siya rin ang target ng pinaka-red flag at psychotic na main lead na nabasa ni Shawn. Bryle Chua .

How he will be able to escape, if he is inside of the most crappiest book that his best friend ever written of.

PROLOGUE

PROLOGUE

“PANAGINIP lang ’to, ’di ba?” hindi makapaniwala na tanong ko sa aking sarili. Jusko! Sa dami naman ng magagandang nobela, bakit sa libro pa na ’to ako napunta?

Sinong hindi aatakihin sa puso, kung isang araw, pagmulat na lang ng mata ko- ay nasa loob na ako ng pinaka-red flag na novel na nabasa ko!

‘Mafia’s Obsession’

Title pa lang ng libro nabibwisit na ako. Maliban sa ang tanga na nga ng bida, masyado pang sadista, baliw, sira ulo ang main male lead!

At mas sumasakit pa ang ulo ko, dahil nasa katawan ako ngayon ng pinaka-tanga na karakter sa lahat ng libro na nabasa ko. Real quick, I am inside the body of the one and only Shiro Rodriguez.

“You’re awake,” saad ng baritono na boses. Nandito na siya, ang pinakabaliw sa lahat ng baliw.

Pero kahit ganoon pa man ay napapatulala pa rin ako sa taglay na kagwapuhan niya. Para siyang bida sa isang sikat na C-Drama. Maputi, matangos ang ilong, mapula ang labi, naka sando na suot kaya kita ang hulma ng katawan niya.

“Bryle Chua, pakawalan mo ako. Hindi ako si Shiro!” Sana panaginip lang talaga ito!

“That’s the weirdest alibi that I heard since I owned you.”

“Abducted,” pagtatama ko sa kanya.

“Whatever you call it, love.”

Teh, kung normal na bakla lang ako, at hindi ko nabasa ang plot ng libro na ito. Baka kikiligin na talaga ako. Alam niyo naman, minsan may pagka-color blind tayo. Mahilig sa red flag.

Pero hindi… si Bryle, iba siya base sa character description niya. He is a sadistic devil disguise on that angelic face.

Hindi siya maga-atubili na pumatay, at manira ng buhay ng iba, just for him to get what he wanted.

“Jusko naman kasi, Shiro! Ang tanga mo, bakit mo ba kasi niligtas ang lalaki na ito.”

“Hm, mukhang nagsasalita ka na ng mag-isa, Love. Maybe you are hungry? Gusto mo bang kumain na tayo?”

“Alisin mo muna ako sa pagkakatali! Hindi mo ako aso!”

“You are getting fierce now, huh? I like the change.”

“Hindi nga ako si Shiro! Bingi ka ba? Shuta! Magigising din ako sa panaginip na ito.”

“Nope, you’ll be here forever.”

Shuta!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.