SA TORE NG MGA LEON (MxM)
hoizned · 33 chapters · 44,217 words
Chapter 1 Ang Manlalakbay
Lulan ng isang taxi si Roman patungo ng Maynila. Pitong na taon na rin siyang nawala sa pilipinas ng mangibang bansa at makipagsapalaran sa America.
Pitong taon siyang lumayo upang makalimot sa kaniyang kasintahang si Mia Rosa na nagtaksil sa kaniya at ipagpalit sa isang mayamang binata.
Isang Monleon ang umagaw sa kaniyang pangarap na magkaroon ng isang tahimik at masayang buhay sa piling ng kaniyang mahal na nobya.
Kasabay ng pagtulo ng kaniyang pawis ang luhang pumatak sa kaniyang mga mata kasabay ng mga alaalang pinagsamahan nila noon ni Mia.
” Pangako hindi tayo magkakahiwalay.”
Isang sumpaan nilang dalawa noon at nagplano ng isang payak na kasal.
Yumuko siya at tinakpan ng kaniyang mga kamay ang mga mata upang ikubli ang sakit na nararamdamang pagsisinungaling at pagtataksil ni Mia Rosa.
Para na rin siyang pinatay sa ginawang paglayo ng walang paalam ng babae.
Hanggang ngayon ay naroon pa rin ang galit at kirot sa puso sa ginawang kataksilan ng babae.
Kung pwede lang kalimutan ang nakaraan ay matagal na niyang nagawa. Ngunit ang multuhin siya ng nakaraan nila ni Mia Rosa ang bumuhay para bumangon at lumaban.
Pitong taon siyang nagtrabaho bilang balasador ng baraha sa mga casino ng Las Vegas sa Amerika at pinalad na maging Manager doon dahil sa sipag,katalinuhan at “diskarte”.
Kung naghintay lamang si Mia Rosa, naibigay na sana niya ang pangarap ng isang magandang buhay.
Ngunit binigo siya ng kaniyang pag-ibig at tinalikuran na lang ng basta basta.
Ulila si Roman sa magulang at tanging tiyuhing pari ang naging suporta niya para mabuhay. Lumaking mahirap ngunit mayaman sa pangarap na makaahon sa kinagisnang buhay.
Dahil sa pangarap na iyon ay iniwan niya ang siyudad ng Tagbilaran at pansamantalang lumayo sa kasintahan upang mag-aral sa isa sa pinaka sikat na paaralan ng Cebu. Matalino si Roman kayat nakapagtapos siya ng Business management bilang scholar.
Sa kaniyang pagtatapos, akala niya ay ito na ang unang hakbang para sa katuparan ng kaniyang mga plano para sa sarili at para sa babaeng naghihintay sa kaniya.
Kabaligtaran ng siya ay bumalik.
Iniwan na siya ng kaniyang nobya at sumama pamaynila ng alukin itong maging isang sekretarya.
Nasilaw si Mia Rosa ng mapanghalinang kwento ng buhay Maynila at yaman ng lalaking nakilala.
Ilang linggo na pala siyang niloloko nito kahit noong nakakapagbakasyon siya sa piling ng kasintahan.
Balita niya ay pinakasalan ng isang lalaking umagaw sa kaniyang mahal na kasintahan.
Sa kanilang baryo ay may kaya ang pamilya ni Mia Rosa na nagmamay-ari ng isang maliit resort sa Isla ng Panglao.
Dahil isang ulila at mahirap ay tutol sa kaniya ang mga magulang ng babae kayat nagsumikap siya,nagtapos ng kolehiyo upang patunayang kaya niyang buhayin at bumuo ng pamilya.
Ngunit huli na pala ang lahat.
Wala na si Mia Rosa.
” Isang buwan ng buntis si Mia ng umalis siya dito.Roman sa iyo ang batang dinadala niya.”
Lihim na kwento sa kaniya ng pinakamalapit na kaibigan ni Mia Rosa.
Dalawang linggo lang nagkakilala sina Mia Rosa at ng lalaki.Binilang niya ang araw ng huling nagsiping sila at napagtanto niyang kaniya nga ang dinadala nito.
Nagbalak siyang bawiin si Mia Rosa subalit kahit anong impormasyon kung saan siya nagtungo ay ipinagkait sa kaniya ng mga magulang ni Mia. Ang tanging alam niya ay mayaman ang umagaw sa babaeng pinakamamahal. Walang laban ang diploma laban sa isang Monleon na nagmamay-ari ng Monleon Tower Hotel sa Makati.
Isa lamang siyang alikabok sa kanilang paningin para pag-aksayahan ng panahon. Nalaman din niya na ang dalawa ay ikinisal sa Paris at doon nanirahan.
Dahil sa pagkabigo, lumayo siya upang makalimot. Iniwan siya ng kasintahan dala ang lihim na sa kaniya ang anak sa sinupupunan nito. Gusto niyang magsimula muli at iwan ang lugar na sinilangan at kabiguan.Tinulungan siya ni Father Robert na kaniyang tiyo upang makapagsimula at sa amerika siya nakipagsapalaran.
Inilabas niya ang kaniya leather wallet at kinuha ang isang tarheta.
Naalala niya ang isang insidente na nag-udyok sa kaniya na muling bumalik ng pilipinas.
” Salamat sa pagtulong iho, balang araw matutulungan kita dahil sa ginawa mong kabutihan sa akin.”
Isang calling card ang inabot sa kaniya noong may isang matandang lalaki na nawalan ng malay dahil sa diabetes na kaniyang tinulungan.
Monleon Tower Hotel ang nakasulat sa business card.
Pitong taon ang nakalipas, akala niya ay nakalimot na siya ngunit sinundan siya ng kahapon upang isakatuparan ang paghihiganti.
Nagplano siyang umuwi upang bawiin ang nararapat sa kaniya.
Nais niyang bawiin ang kaniyang anak.
Nagtungo siya sa maliit na parokya na kaibigang pari ng kaniyang tiyo Robert.
Dito siya mamalagi pansamantala.
Mag-iipon ng impormasyon. Magbabantay,magmamatyag at maghahanda.
Nagkalap ng mga bagay tungkol sa pamilya Mon Leon.
Don Juancho Benitez Monleon Jr .-65, ang patriarkal ng pamilya,mayaman,isa sa may ari ng hotel
Donya Demetria \- deceased, Asawa ni Don Juancho
Michael Angelo Monleon \- 25,anak, car racer,golf player,surfer,at pilantropo,tagapagmana ng maiiwang yaman ng ama.
Mia Rosa Monleon \- 23, asawa ni Michael
_Juancho Monleon III _ -6,anak ng mag-asawang Michael Angelo at Mia Rosa.
Ilan lamang sa mga impormasyon na kaniyang nakalap.
” lalaki ang anak ko…”
Lumuluha ang mga mata na makita niya ang larawan ng anak sa isang magazine. Dapat ay pangalan niya ang dala ng batang ito. Isang junior na kaniyang palalakihin sana ngunit inilayo ng kaniyang ina para sa kayamanang alok ng mga Monleon.
Isang linggo palang siyang namalagi sa tinutuluyang parokya ng isang balita ang kumalat.
Bumagsak ang pribadong eroplanong sinasakayan ng dating kasintahan kasama ang asawa nito. Isang balitang bumago ng kaniyang paghihiganti. Naulila ang bata sa kaniyang ina at hindi alam ng bata na narito lamang ang kaniyang tunay na ama.
Ilang araw na laman ng balita ang pagkamatay nila subalit hindi nagpaunlak ang pamilya sa mga interview.
Patay na ang sanhi ng kaniyang paghihiganti at tanging pagbawi na lang sa anak ang kailangan niyang gawin.
Isang pagpaplano ang kaniyang gagawin upang mapalapit sa kaniyang anak. Nagpalipas siya ng Tatlong buwan upang humupa ang balita ng kanilang pagkamatay.
Sapat na ang panahong iyon upang simulan na ang kaniyang paghihiganti.
Nakabili siya ng condo na malapit sa Monleon tower upang maisagawa ang kaniyang plano.Pinaayos niya ng ayon sa kaniyang kagustuhan at plano kayat hindi pa maaring lipatan. Doon muna sa Monleon Tower siya mamalagi na tatlong araw.
Tatlong araw para makakuha ng pagkakataong masimulan ang kaniyang mga balak.
Sa lungga mismo ng mga leon siya magsisimula.
Authors note*
Isang bagong likha para po sa nagrerequest ng mahabang estorya. I will give notification kung anong araw ko ipapublish ang susunod na chapter. Kung sisipagin baka maaga pa sa inaasahan.
Thanks sa inyo na gumawa ako ng mahabang chapters. Nachallenge ako bigla.
To:
sizlingfire
Ayan na po ang simula ng request nyo!salamat po uli sa mha comments!
Chapter 2 Ang Prinsipe
**Roman **
Tatlong buwan ang lumipas ng mamatay si Mia Rosa at Michael Angelo. Mahaba na ang panahon na iyon para simulan ko ang aking plano.
Hindi ko pa maaring lipatan ang condo unit na nabili ko dahil sa renovation na aking ipinagawa kayat sa Monleon Tower Hotel muna ako magpapalipas ng ilang araw. Adyain sana ng langit na makita ko ang aking anak.
Nagtungo ako sa reception area at kumuha ng isang silid. Magalang at maayos ang mga tauhan ng hotel. Maging ang pasilidad nito ay world class na pwedeng makipagsabayan sa mga hotel ng Las Vegas sa america.
Nakakalula ang karangyaang sumalubong sa akin ng pumasok ako.
Parang ibang demensyon na inilayo sa polusyon ng kamaynilaan. Malamig at hindi mo marinig ang ingay sa labas. Parang wala ka sa Pilipinas dahil karamihan na nakikita ko ay mga foreigner na guest maliban sa mga local na empleyado.
Abala ang mga tauhan kahit maraming guest ay tahimik at organisado ang sistema ng pag-eestima sa mga bisita.
Kaswal akong nakakuha ng silid na aking titigilan pansamantala, sinamahan ako ng bellboy kung saan ang silid na para sa akin. Marangya ang silid na kinuha ko kayat may kamahalan ngunit kailangan kong gawin ito.
Inayos ko ang aking panamitan, naligo at nagpahinga. Nang magutom ay nagtungo ako sa restaurant ng hotel upang kumain ng pananghalian.
May patakaran pala ang restaurant na kailangang casual o formal attire lang ang maaring kumain sa loob ng restaurant. Naunawaan ko ang patakaran at di ako tumuloy sa loob dahil sa suot kong formal short,simpleng sneakers,at polo shirt na pang itaas.
Isang mapag-imbot na house rule ang nasa isip ko.
Nagtungo ako kung saan naroroon ang pool area, naupo sa isang garden chair at sa isang waiter na nakatalaga doon ako umorder ng aking makakain.
Matapos kumain ay nagbasa ako ng pahayagang kasama sa kapritsong libre ng hotel para sa mga guest.
Wala na talaga ang mga headlines patungkol sa eroplanong bumagsak. Patay na ang balita sa pagyao ng tagapagmana ng hotel na ito.
Nag-abang ako ng dalawang oras para sa aking plano at nagbabakasakaling makakita ako ng pagkakataong magagamit ko. Ngunit bigo ako,sa ngayon.
Napagpasiyahan kong bumalik sa aking silid. Kinuha ang aking sports bag, naglagay ng ilang gamit na pampaligo. Nais kong lumangoy sa malawak na infinity pool ng hotel.
Sumakay ako ng elevator pababa at nagtungo changing area ng shower room. Nakapagpalit na ako ng swimming trunks at lumabas. May ilang guest na rin palang naliligo di gaya kanina ng kumain ako.
Papalapit ako sa shower area ng pool upang magkondisyong ng temperatura ng katawan bago lumangoy. Napansin ko rin na may ilang mga mata na nakatingin sa akin.
Noon pa may takaw pansin na ako.Kahit noong nasa amerika pa ay may mga indecent proposal na akong natatanggap at pinagbigyan mula sa aking mga kliyenteng nagsusugal. Mapababae o mapalalake ay naofferan na akong pagbigyan sila ng isang gabi sa kama. Mayroon pang handa akong suportahan at pakasalan. Lahat iyon ay ginawa ko makadagdag lang sa mga iniipon kong pera. Nagpapasalamat din ako dahil nabiyayaan ako ng kakisigang nagagamit ko para mabuhay.
Hindi rin naman kaataasan ang sweldo ko bilang balasador.Lakasan lang ng loob ang magbenta ng katawan sa mga gustong magbayad. Nagkaron lang ng pag-asenso ng magkagusto sa akin ang kapatid ng CEO ng casino at gawin akong manager.
Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba kung ano man ang mga ginawa ko. Ang lahat ng pagbabago sa akin ay dulot ng sakit ng ginawa ni Mia at ng Monleon na iyon. Manhid na ako sa pag-ibig at pagmamahal at ang tanging hangad ko lang ay mabawi ang dapat na para sa akin.
Lahat ay kaya ko ng gawin kahit lumakad pa ako ng nakahubad ay wala na akong pakialam.
Wala rin akong inhibisyon kahit nakasuot ng swimming trunks at bumakat pa ang aking pagkalalaki dahil nasanay na rin akong ganito sa amerika.
Matapos magbasa ng katawan ay nagtungo ako sa gilid ng pool at tumayo sa diving board. Tumalon ako at lumangoy patungo sa dulo.
Sa aking pagsisid ay kasabay ng aking pag-iisip sa kung ano ang aking kakaharapin.Nakarating ako sa dulo at suminghap ng hangin at muling lumangoy pabalik kung saan ako nagmula.
Dere-deretso kong nilangoy ang dulo ng hindi nahinga. Nais kong talunin ang haba ng pool. Nais kong kayaning maabot ang dulo sa abot kaya ng aking lakas.
Tagumpay ako!
Hinihingal ako sa aking ginawa kaya sa gilid ako nagpahinga upang makabawi ng hangin sa aking baga.
Lalangoy muli ako ng matanawan ko ang isang lalaki nakaswimming trunks din na kilala ko. Natantandaan ko siya.
Kinabahan ako sa aking nakita dahil papalapit siya sa aking kung saan ako naroroon.
**“Buhay si Michael Angelo?!” **
Ang tanong ko sa aking sarili ng may pagkalito.
Nakaramdam ako galit at tiim bagang akong nakamasid sa kaniya. Ni hindi ko maramdaman ang lamig ng tubig dahil sa galit na nararamdaman ko.Bakit laman ng balita na patay ka na Michael Angelo at si Mia Rosa?
Anong kalokohan ito?
Isang palabas lang ba ang ginawa nila?
Bakit?
Gusto ko siyang patayin,lunurin dahil sa panloloko nila sa akin.
Gusto ko na siyang lapitan, komprontahin at tanungin kung bakit buhay siya at nasaan si Mia Rosa.
” _Uncle Arch! Ang daya mo! Sabi mo sabay tayo magsu-swim!” _
Nanalaki ang aking mga mata ng makita ko kung sino ang sumigaw.
Isang bata na tumatakbo palapit sa kaniya.
” Ang anak ko!”
Nagsikip ang aking dibdib.
Tumulo ang aking luha ng makita kong kinarga ng tinawag niyang uncle Arch ang bata.
” Ang bagal mo kasi sa changing room e. Ayan naiwan ka tuloy.”
Masaya ang dalawa na tumalon sa pool. Masakit ang aking mata at ilong dahil sa pagpigil at paglaban ang damdaming maiyak. Lukso ng dugo ang nararamdaman ko sa bata. Di mapagkakaila na sa akin siya nagmula dahil hawig ko siya noong bata pa ako.
Tumalikod ako sa kanila upang kalmahin ang aking nararamdaman. Biglang nanuyo ang aking lalamunan sa kaba. Nanginig ang aking mga kamay.
Ngayon ako nakadama ng lamig ng tubig.
Nais kong sumigaw at magwala.
Kailangan kong gawin ang aking mga plano.
Patay malisya akong muling humarap sa kanila upang tanawin ang dalawa.
Para silang mag-ama kung magdikit. Nakapasan pa ang bata sa tinawag niyang uncle Arch.
Kung gayon hindi siya si Michael Angelo?
Tingnan mo nga naman ang pagkakataon at sila pa ang lumapit sa akin.
Kailangan malaman ko ang misteryong nalantad sa akin.
Sa ngayon kasama ko ang aking anak sa iisang lugar kayat kailangan kong mag-ingat at paglabanan ang galit na aking nararamdaman sa Monleon na ito.
May ilang lumalangoy sa pool kayat di nila ako mapapansing nakamasid sa kanila. Naging matalas din ang aking paningin sakaling may mga bodyguard na nagbabantay.
Mahusay ang anak kong lumangoy kahit na anim na taon pa lang. Marahil ay naturuan siya noon o naipasok sa isang swimming clinic kaya ganito siya kahusay lumangoy ng mag-isa.
Hindi ko kaya,panay ang hilamos ko dahil patuloy ang pagluha ko,ilang metro lang ay pwede ko na siyang yakapin at magpakilalang ako ang tatay niya.
Kahit gustuhin ko ay hindi pa panahon na malaman niya kung sino ako. Kailangan ko ng malakas na ebidensya laban sa kanila.Isang legal at malinis na laban ang gagawin ko para mabawi ko ang aking anak.
Walang nakakakilala sa akin…iyon ang lamang ko sa laban na ito. Isang alikabok lang ako na di mapapansin na didikit sa kanila.
Manakanaka akong sumusulyap sa Arch Angelo na iyon at minsang nagtatama ang aming paningin.
Kakaiba ang tingin na iyon.
Mga tatlong beses kaming nagkasulyapan habang pinapanood ko lang sila sa paglalaro sa tubig at ako ay nagbababad lang na nakamasid sa kanila.
Nagpatuloy ako sa paglangoy kahit may kabigatan ang aking kalooban na makita ang aking anak sa piling ng iba. Maya maya ay tinawag ang Arch na iyon ng isang attendant.
” Sir Arch Angelo,a phone call from Don Juancho.”
Agad umahon ang tinawag at nagpaalam sa bata. Tumamlay ang mukha ng anak ko ng iwan siya.
Mag-isang naglangoy ang bata kahit wala na ang ang kaniyang uncle Arch.
” Uncle Arch Angelo?”
Kung gayo’y maaaring kambal ni Michael Angelo ang taong ito. Bakit walang publicity ang kambal ni Michael. Hindi siya sikat sa mga magazine o balita. Bakit ngayon lang siya nagpakita?
Nagulat na lang ako ng may lumutang sa harapan kong napayakap sa akin.
Ang anak ko, si Juancho…
Nahirapan akong kumilos kahit nasa 4 talampakan lang na lalim ang pwesto ko.
Nanginginig ang aking mga bisig na napayakap sa bata.
” Sorry po.Did i scare you?
Ang lalim na po kasi sa gitna e.”
Nakakatuwa ang walang muwang niyang paghingi ng paumanhin sa akin. Marahil ay naturuan siya ng kaniyang ina na maging magalang.
” I-it’s okay, ang galing mong lumangoy. Sino nagturo sa iyo magswim?”
Isang panimula kahit nanginginig ako sa nerbiyos kaharap ang sarili kong anak sa pananabik.
” Wala po nagturo sa akin. Ako lang.”
lumipat siya sa aking likuran at pumasan.
Anak ko nga siya. Mana sa aking kalikasan na laking dagat. Dahil ako man ay natutong lumangoy ng hindi tinuruan.
” Arent you afraid talking to a stranger?”
Nanunuyo ang aking lalamunan ng tanungin ko siya.
” You look a nice person, sabi ni uncle Arch Angelo only nice person swims on this pool.”
Bibo niyang sagot sa akin habang nasampa at tumayo sa aking balikat gaya ng ginawa nila ng tinatawag niyang uncle Arch.
Tumalon siya palayo sa akin.
Muli akong naghilamos ng tubig upang di niya mapansin ang aking pagluha.
Lumangoy siya muli papalipat at yumakap.
” Sir,whats your name?
Are you staying here in the hotel?
My lolo owns this hotel.”
Pagyayabang niya.
Garalgal ang boses kong sumagot.
” You can call me uncle Roman and yes im staying here for a few days.
Halos madurog ang puso ko ng pagmasdan pa ang kaniyang mga masiyahang mata.
” Anak,ako ito, ako ang tatay mo!”
Gusto kong ipagtapat sa kaniya ngunit di ko magawa.
Niyakap niya ako sa leeg at hinalikan sa pisngi.
” Yey! I have a new uncle!”
Abot langit ang ngiti ko sa ginawa niyang paghalik. Ito ang unang pagkakataon na makasama ko ang aking anak ng hindi niya nalalaman.
” Sir Thirdy, your uncle wants you back in your room. Magbihis na raw po kayo at parating na ang inyong Lolo.”
Ang attendant kanina na tumawag ng pansin sa anak ko.
“Uncle, i have to go, tawag na ako ng uncle Arch. Have to finish my homework,padating na kasi si lolo for our dinner .”
Pabulong niya sa aking taenga na nagpaalam sa akin.
” Su-sure, galingan mo sa homework mo ha.”
Halos mabilaukan ako ng lumapit ko sa kaniyang taenga at bulungan din siya.
” See you around uncle Roman!
After my tutorial study lagi ako nandito sa hotel!”
Sigaw niya ng umahon sa pool habang nilalagyan siya ng attendant ng tuwalya sa balikat.
Tinanaw ko siya palayo hanggang makapasok sa changing area, naiwan aking lumuluha sa kasabikan at sa kalungkutan sa aking anak na makita siya muli.
Nakita ko na ang aking anak…hinalikan niya ako sa pisngi…niyakap…
Ngayon ko naramdaman na ganito pala ang isang yakap ng isang anak sa ama. Ulila ako sa magulang at hindi ko alam kung ano ang pakiramdaman. Ganito pala iyon…ang mayakap at mahalikan ng isang musmos na nagmula sa akin.
” Akin ang batang iyon.
Laman at dugo ko ang nananalaytay sa kaniya na dapat ako ang nagbubuhos ng pagmamahal bilang ama.”
Walang dahilan para hindi ko siya bawiin sa kanila.
“Akin lamang ang anak ko.”
Babawiin kita sa kanila anak. Babawiin kita…
*Abangan bukas ang susunod na tagpo.
Chapter 3 Ang Hari
Don Juancho
Walong staff ang nag-aabang sa lobby ng hotel sa pagdating ni Don Juancho. Lahat sila ay kabado sa maaring mood swings ng matanda ngayong hapon. Narito ang kaniyang kaisa-isang apo para sa kanilang hapunan. Ngunit nandito rin ang rebeldeng anak, si Arch Angelo ang kakambal ng pumanaw na si Michael Angelo.
Sa harapang entrada dumaan ang matanda kasabay ng dalawa niyang alalay at isang sekretarya..
Huminto panandalian upang sipatin ang mga staff na naghihintay. Dinaanan ang mga tauhan isa isa.
” Hindi pantay ang neck tie.”
Bulong niya sa Assistant Manager na nakatayo. Tumalikod ang sinita at inayos ng necktie at muling humarap sa matanda. Hindi nakunteto sa pagkakayos ng necktie ang Don at siya na mismo ang nag-ayos nito.
Para silang nasa isang military camp sa tuwing darating at bibisita ang matanda sa hotel. Takot silang sa isang kumpas o bulong nito ay maaring mawalan sila ng trabaho.
Sikat ang hotel na ito sa mga celebrities ,politiko,at mayayamang parokyanong dito nanunuluyan ng ilang araw kaya ganun kaistrikto ang pamamalakad sa mga tauhan ng hotel.
Parang mina ng langis ang Monleon Hotels na nagkalat sa ibat-ibang bahagi ng pilipinas at ibang bansa gaya ng Singapore,Japan,Korea,Hongkong, Dubai at Canada.
Ka-tie up pa sa negosyo ang ilang agency ng turismo at airlines kayat ganoon na lang kasikat ang kanilang negosyo ng hotel at dito sa Pilipinas ang sentro ng kanilang kaharian.
Dumiretso ang matanda sa kanyang private elevator papunta kung saan naroroon ang kaniyang apo.
Mula ng isilang si Thirdy ay ito na ang direksyon ng kaniyang buhay lalo pa at naulila ito sa paborito niyang anak na si Michael Angelo.
Naiwan ang dalawang staff para sa ilang mga papeles na aasikasuhin at tanging ang personal na sekretarya ang kasama sa loob ng pribadong elevator.
Sa pinakamataas na palapag dinala ang matanda kung saan naroroon ang tinutuluyan ng kaniyang apo. Iyon ang presidential suite ni Arch Angelo.
Gaya kanina sa lobby ng hotel ay hinihintay din siya ng dalawang yaya at kusinerang nakatalaga doon para bantayan si Thirdy.
Parang wala siyang nakitang bumati sa kaniya at dirediretsong nagtungo sa silid ng kaniyang apo.
Walang kamalaymalay- ang bata na nasa loob na pala ang matanda na pinapanood siya sa kaniyang ginagawa.
“Ehem!”
Isang simpleng pang-agaw ng atensyon ng matanda.
“Lolo! ”
Patakbong sinalubong ng bata ang kaniyang lolo. Tumayo muna sa harap ng matuwid. Ininspekyon ng matanda ang bata sa kaniyang pagkakatayo at saka sumenyas na pwede na siyang lumapit.
Yumakap ng mahigpit at humalik sa magkabilang pisngi ng matanda. Giliw na giliw ang Don sa kaniyang apo. Nawala ang kaniyang pagiging istrikto sa tuwing kaharap at kasama ang bata.
” Sobra kang busy kaya di mo na napansin na pumasok ako iho.”
” E kasi gusto ko na matapos yung assigntment ko.”
Kumalas ang bata sa pagkakayakap at hinila ang kamay ng matanda sa kaniyang study table. Nakita ng matanda ang ginagawa ng bata.
Isang drawing ng isang pamilya.
” Ito si Mommy,si Daddy,si Uncle Arch,si Lola, then ikaw ito lolo. Ako yung nakaupo sa balikat mo.”
Mahusay na inilarawan ng bata ang kaniyang pamilya gamit ang mga krayola at illustration board. Ito pala ang assingment ng bata na ginagawa.
Tiningnan ng matanda ang iginuhit,niyakap niya ang bata at hinalikan sa noo.
” I am so proud of you apo.”
Masaya niyang pinagmasdan ang inosenteng bata pabalik sa kaniyang study table at nagdadagdag pa ng mga kulay sa ginuhit.
Kasabay ng pagtalikod ng bata ang pagkairita dahil wala ang kaniyang anak na rebelde. Si Arch Angelo.
Magkabilang dulo ang pagtingin nila sa isat isa. Malayo ang pagtingin ng matanda sa anak na laging sumasalungat sa kaniyang kagustuhan. Kambal man ang kaniyang anak ay pinaburan niya ang namatay na kambal kaysa sa isa.
Dahil sa pagkamatay ng paboritong anak ay tinanggap niyang muli ang isa para sa apong naulila sa kaniyang mga magulang.
” Wala talagang pag-asa ang anak mo Demetria. Walang pang tatlong buwang bumalik siya mula ng layasan tayo ay di na nagbago ang paborito mo.”
Bulong ng matanda sa sarili habang hinuhubad ang amerikanang suot.
Agad namang inalalayan ni yaya Soli ang matanda sa kaniyang damit at iningatang huwag magusot ito.
” Sir, excuse me po,may 30 minutes pa po kayo before your dinner. We can still wait for sir Arch Angelo.”
Paalala ni Ms. Anna. Ang personal assistant ng matanda.
” Sabihan mo ang guest cheff na pababa na kami, ayaw kong magutom ang apo ko.”
“Sir paano po si sir Arch?”
Tumalikod ang matanda na parang walang narinig at muling bumalik sa kaniyang apo na abala pa rin sa pagkukulay.
” Thirdy apo, go get dressed for our dinner.”
Kahit malumanay ang salita ay authoritative ang dating ng tono.
Nilingon ng bata ang lolo at inayos ang kaniyang mga gamit. Isinilid sa back pack mga gamit pang-eskwela. Lumapit ang isang yaya, inalalayan ang bata upang bihisan.
Walong minuto at lumabas sa walk in closet na nakapustura.
Lutang na anak mayaman ang bata dahil sa suot na signitured white polo at black slacks, Mamahaling sapatos.Makintab ang buhok na maayos na pinadaan sa suklay.
Magiliw na lumapit ang bata sa kaniyang lolo at yumakap dito, senyales na handa na siyang samahan ang matanda sa hapunan.
Sinipat na muli ng matanda ang bata kung ayos ang pananamit nito. Bagay ang napili ng batang suutin para sa kanyang edad. Ayaw ng matanda na may masabi sa kanila kaya ganun na lang siya ka estrikto maging sa makakakita sa kanila.
Isang Royal family ang Monleon sa siyudad ng Makati. Hindi maiiwasang sinusundan din sila ng mga paparazzi dahil sa kanilang karangyaan at popularidad sa buhay.
Bukod sa yaman, kilala din silang pilantropo na tumutulong sa mga bahay ampunan na pinasimulan ni Doña Demetria,ang nasirang asawa ni Don Juancho. Sumunod pa ang kasikatan ni Michael Angelo na isang sikat na race car enthuasiast at modelo ng sariling sports publication.
Marami ring mga normal na tao ang intersado malaman ang nangyayari sa kanilang pamilya ngunit marami din ang bigong makuhanan sila ng mga interview dahil mayroon din silang sariling publikasyon ng Magazine.
Bago pa man ma-ambush ng ibang reporter ay nahaharang na agad ng mga body guard kayat limitado ang nakakaalam sa pamilya Monleon lalo na sa anak niyang Arch Angelo.
Sa maluwag na restaurant ng hotel kumain ang mag-abuelo. Firm and proper ang bata sa harap ng matanda habang naghihintay ng kanilang kakainin. Sa malayong lamesa naman ang sekretarya na abala sa kausap sa cellphone habang nakatingin sa maglolo.
Kasabay ng paghahain ng tatlong waiter sa hapunan ay dumating ang isa pang anak ng Don.
Si Arch Angelo.
” Did i kept you waiting.”
Magiliw ang bata na inakay ang kaniyang tiyo at pinaupo ito. Tahimik lang matanda habang pinagsisilbihan ng waiter sa kaniyang kakainin. Tanging ang magtiyo lang ang madalas mag-usap. Kahit sino pa ang makakita sa kanila, halata mo agad na may tensyong namamagitan sa mag-amang Monleon.
” Uncle Arch uuwi ka ba sa mansion with us?
Tanong ng bata sa kaniyang tiyo.
Agad na sumabat ang matanda.
” No iho, matanda na siya para makitulog pa sa mansion ko .”
Sarkastikong tono ng matanda ng hindi man lang tumitingin sa pinariringgan.
” Pero Lolo gusto ko sana sama-sama tayo kasi…”
Naalala ng bata ang kaniyang mga magulang na namatay.
Kakambal ni Michael Angelo si Arch Angelo kaya gayun na lang kagiliw ang bata sa kaniyang tiyuhin.
” You can stay with him dito sa hotel. But in my mansion,no! I have to leave.Nawalan na ako ng gana.”
Tumayo ang matanda ng hindi tinatapos ang kaniyang kinakain.
Hangos ang sekretarya sa pagsunod sa matanda at naiwan ang magtiyong hinahabol ng tingin ang umalis na patriarkal ng pamilya.
Natahimik at napayuko ang bata sa ginawang pag-alis ng matanda.
“Kumain ka na,don’t mind your Lolo ganun lang talaga siya.”
Patuloy lang sa pagsubo ang binata na parang walang nagyari.
Para muling ganahan ang bata ay tumabi pa siya dito at aktong susubuan.
” Uncle! Malaki na ako!”
“Namiss kasi kita. Ikaw kaya ang paborito kong pamangkin. Kaya kain na.”
Napaisip ang bata sa sinabi ng kaniyang tiyo na naghihintay sa kaniyang isusubo kutsara may pagkain na nakatapat sa kaniyang bibig.
” Uncle, Im your only nephew!”
“Kaya nga paborito kita kasi nag-iisa ka lang Thirdy. Sige na kumain ka na. Di rin naman ako pwede sa mansion ng Papa,isa pa malungkot dun. Dito sa hotel makakapaglaro tayo.”
Muling bumalik ang sigla ng bata at isinubo ang nakaabang na kutsara sa kaniyang bibig mula sa kaniyang tiyuhin. Naalala niyang mahigpit nga pala ang matanda pagdating sa laro at ingay sa mansion. Masya siyang kasama ang tiyuhin kesa sa lolo.
Dahil sa kakambal ni Michael Angelo na si Arch Angelo, hindi naging mahirap ang pagluluksa ng bata na maaga siyang naulila sa magulang.
Sa katauhan ni Arch Angelo muling sumigla ang bata. Sa kabila noon ay ang nararamdamang galit ni Arch sa ama dahil sa kaniyang lihim kung bakit siya pinabalik ng Don bilang kahalili ng yumaong pabiritong anak.
” Hanggang ngayon isa pa rin akong tautauhan ninyo Papa. Mas nauna pa akong namatay sa kapatid ko dahil sa ginawa mo sa akin at ngayon, muli mo na naman akong papatayin?”
Sa isip ni Arch Angelo na naawang nakatingin sa kaniyang pamangkin.
Lingid sa kaalaman ng magtiyong kumakain, ilang mesa ang layo mula sa kanilang pwesto ay pinapanood pala sila ni Roman.
” Umaayon ang pagkakataon…
Aalamin ko ang kahinaan ninyo mga Monleon…”
Ano ang dahilan ng muling pagbabalik ni Arch Angelo sa kaniyang pamilya?
Bakit ganoon na lang kamuhi ang kaniyang ama sa kaniya?
Abangan!!!
*3 days for my next chapter. Kailangang kumita muna.
Salamat po.
Chapter 4 Alibughang Anak
Arch Angelo
Himbing na natutulog si Thirdy habang pinagmamasadan ko ang maamo niyang mukha.
Tahimik at ingat akong binabantayan ang aking pamangkin.
Tatlong buwan na rin ang nakakaraan ng muli akong bumalik at magpakita. Kung hindi pa namatay ang aking kakambal ay tuluyan na sigurong binura na ng papa ang pagiging Monleon ko.
” Ikaw lang ang binalikan ko Thirdy…
Ikaw lang ang pakay ko na mailayo sa Papa. Bata ka pa at ayaw kong pati ikaw ay paikutin niya sa kaniyang palad.”
Bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasadan ko ang musmos niyang mukha habang himbing sa pagtulog.
Ganitong edad rin na magsimulang makita ko ang tunay na anyo ng Papa.
Isang estrikto at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Manipulador ng damdamin at siya lang ang tama sa lahat. Batas sa Papa ang lahat ng kaniyang naisin,sabihin, sa pamilya o negosyo. Isang manhid na halimaw kung ilalarawan.
Di man pisikal na saktan ako noon ay nakadama naman ako ng kakaibang takot dito.
Mula noon ay kay mama ako napalapit,di gaya ng kapatid ko na sunod-sunuran sa aming Papa.
Matigas lang talaga ang ulo ko kaya ayaw niya sa akin.
Kanlungan ko ang mama sa tuwing pagagalitan ako ng papa sa tuwing hindi ako sumusunod sa kaniyang mga gusto.
Masakit sa akin ang mga parinig na kakaiba ako sa aking kakambal.
Si Michael Angelo na mabait at masunurin.
Na ang kabaitan ng isang bata ay nakikita sa pagsunod sa gusto ng ama.
” Tumayo ka ng maayos,magasalita ka ng maayos,kumilos ka ng maayos.magbasa ka ng maayos,mag-aral ng maayos.”
Mga salitang pwede kong tanggapin noon kung walang karugtong na pagkukumpara sa kapatid.
Sa loob ng tatlong buwan mula ng ako ay bumalik, apat na beses pa lang kaming nagkita at nagkaharap. Kaswal sa harapan ng bata. Ngunit alam kong kapwa lang kami napipilitan na magkita dahil kay Thirdy.
Kung wala siguro si Thirdy paniguradong nabingi na naman ako sa paghahambing sa aking kapatid.
” Nawala na ang anak ko …”
Mga salitang narinig ko kay Papa bago ilibing ang aking kakambal.
” Nauna pa pala ako namatay sa iyo Michael…at ang Papa ang pumatay sa akin.”
Ito ang bulong ko sa aking sarili habang nagluluksa noon.
Iyln ang araw na mabatid ko na talagang matayog na pader ang nakaharang sa pagitan naming mag-ama.
Wala na akong balak na sirain ito para magkalapit kami sa isat-isa
Wala na akong amor sa matandang yun.
Namatay na ang dalawang tangi kong kakampi.
Namatay ang Mama sa kalungkutan at ang kapatid ko naman sa insidente. Ang tanging rason ko na lang sa pagbabalik ay gabayan ang pamangkin ko.
Ilalayo ko sa mahigpit na hawak ng Papa.
Oo at isinilang kaming mayaman ngunit ang lahat ay kailangan pang paghirapan kung may kailangan.
7 taon pa lang ay nagbabasa na ako ng editorial ng isang pahayagan araw- araw upang sauluhin at ibalita sa harap ng papa bago kumain ng agahan.
Walang memoryadong balita, walang agahan kakainin.
Bawal ang maglaro sa sala,sa kusina,sa kwarto.
Ang playground na kinalakhian ko ay nagmistulang palamuti lang sa labas ng mansion.
Bawal ang maingay,bawal sumipol,bawal ang malikot,bawal ang ganito,bawal ang ganyan.
Lahat ay bawal.
Kulang na lang ay suutan kami ng straight jacket at pagkamalan kaming baliw sa kasalanang kami ay naging bata.
Ang lahat ay nakaschedule.
Nakadikta ang lahat ng gagawin.
Tumayo ka na isang Monleon!
Umupo ka na isang Monleon!
Kumain ka na isang Monleon!
Mag-aral,magbasa at lumaking isang Monleon!
Ano ba meron sa Apelyido ko?
“Sumunod na lang tayo sa Papa mo.”
Yun ang lagi kong naririnig sa tuwing tatanungin ko ang Mama kung bakit ganoon na lang kahigpit ang Papa.
Bagamat kambal at magkamukha kaming dalawa ng kapatid ko ay magkaiba kami sa paningin ng papa. Magkalayo ang distansya sa pananaw at pagmamahal.
” Maigi pa kung saktan mo na lang ako ng pisikal, maiintindihan ko pa kung bakit malayo ang dadamin ko sa iyo. Mas malalim ag sugat ng salita… ”
Hinanakit noon na kinimkim at tinago noong bata pa ako.
Hindi patas ang paghahati ng pansin sa amin.
Kung pabor ka sa lahat ng kagustuhan ng matanda ikaw ang kaniyang unico ijo .
Sa katayuan ko, itinatak ko sa aking utak na ako ay isang rebelde, ang black sheep at kahihiyan ng pamilya. Monleon.
” Ngayon pababalikin mo ako at gamitin ang pamangkin ko at para paikutin mo na naman sa mga kagustuhan mo. Talagang baliw ka Papa. Hindi na maaring maulit pa ang ginawa mo sa amin noon.”
Di na bago ang ganitong paraan ng papa sa mga ganitong sitwasyon. Minsan na rin kasing ginamit niya ang sakit ng mama para sa mga pansarling kagustuhan at mapasunod kami.
Ang tanging alam kong paglaban ay ang lumayo at hanapin ang tunay na kalayaan ko.
\- Ang hindi magkrus ang aming landas.
Hindi ko alam kung paano nakumbinsi ni Michael Angelo na mapapayag ang Papa para makasal noon sa isang karaniwang babae.
Hula ko na pumasok ang kuya sa isang kasunduang pabor sa matanda.
Siguro nga.
Nagkalayo man kaming magkapatid ay patuloy pa rin ang aming komunikasyon. Puso lang talaga ang hindi kayang hawakan sa amin ng papa.
Di rin madali na tinanggap si Mia Rosa ng matanda. Nabago lang ito ng magbuntis lalo pa ng magkaanak ng lalake. Pati pagpapangalan sa bata ay kaniyang pinakialaman.
Namatay sila at naiwan ang bata sa pangangalaga ng papa at ako ayon sa kasunduan naming magkapatid kung sakaling siya ay mawawala ay ako ang hahalili.
Parang laruan ang pamangkin ko na hinihiram ng kaniyang lolo.
Nagbalik ako sa isang pangako para sa aking kakambal.
Kaming dalawang magkapatid ang nag-mana ng naiwang salapi at lupain ng nasira naming ina.
Ngayong patay na rin ang aking kapatid sa akin naman pinagkatiwalang magbantay sa bata at sa yamang naiwan na mamanahin sa kapatid ko hanggang sa sumapit na sa ika 18 edad ayon sa isang kasulatan at sumpaan namin Michael Angelo.
Hindi na ako papayag na maulit sa aking pamangkin ang naranasan ko noon sa piling ng papa.
Ulila na ang bata at ako ang tatayong ama.
Palalakihin ko ang aking pamangkin ng malayo sa aking naranasan.
” Lumaki ka Thirdy malayo sa anino ng Papa. Gagabayan kita,ihahanda kita sa buhay na dapat mong tahakin. ”
Tahimik na inayos ni Arch Angelo ang kumot ng bata at saka ito tumayo.
Plano niyang palakahin ang bata sa nais niya.
Isang balakin na gantihan ang ama sa ginawang pagpapahirap at pagtatwa sa kaniya bilang anak.
Maaga pa para matulog.
Sa kagaya ni Arch Angelo ang gabi ang buhay niya mula ng maging malaya sa poder ng ama. Kanlungan niya ang kasiyahan sa labas noong lisanin niya ang ama at magpakalayo.
Hinabilin niya sa yaya ang pagbabantay.
Naligo at nagbihis.
Plano niyang maglibang at magtungo sa kalapit na casino ng hotel.
Doon siya maglilibang.
Isang prebilehiyong nakasanayan na niya ng lumayo sa poder ng ama.
“I feel lucky tonight…”
Paawit na sambit ni Arch Angelo patungo sa kaniyang destinasyon.
Chapter 5 Pasugalan
Roman
Di alam ni Arch Angelo na sa kaniyang pagpasok ng casino ay may nakatiktik na sa kaniyang mga mata. Hatid ng mga ilang mga babaeng staff ng hotel ang balitang lalabas ang anak ng Don at magtutungo sa casino. Isang pagkakataong hindi sinasadyang narinig ni Roman at nagdesisiyong magmatyag sa binata.
” Inaadya ng langit talaga ang lahat ng bagay para sa akin.”
Sasamantalahin na niya ang pagkakataon para makakuha ng karagdagang impormasyon kung paano niya ito magagamit sa kaniyang mga plano.
Sa Bar ng Casino siya unang tumambay. Maghihintay ng pagdating ng kaniyang unang biktima, ang maobserbahana ang kakambal ng kaniyang namatay na karibal.
Sa isang madilim na sulok siya naupo upang matanaw ang mga kilos ng mga taong maglalaro sa loob. Naniguradong di siya pansinin sa kaniyang pwesto.
Kahit maliit ang casino ay high end ang mga parokyanong naglilibang at nag-uubos ng salapi dito. Karamihan ay sa internet casino nakaupo ang ilan, may mga nakahelerang slot machine na okupado ng ilang mga matatandang nagpapalipas oras, isang poker table,black jack table at baccarat, may lounge para sa mga gustong makinig ng mga live performance sa pagkanta at may grandmaster piano din para sa sino mang gustong tumugtog.
Napakislot siya ng bumukas ang pinto at iluwa ang isang makisig na lalake.
Si Arch Angelo.
Lutang na lutang ang pagkakaiba niya sa mga naroon sa loob. Asikaso agad ng isang manager ang kaniyang pagdating. Halatang kilala talaga siya at espeyal ang trato.
Pumasok sila sa loob ng isang opisina, ilang minuto ay lumabas at escorted muli ng manager.
Patungo kung saan nakaupo si Roman malapit sa bar.
Umupo si Arch Angelo at hinabilin sa isang staff na asikasuhin ang kanilang bisita.
“Iba talaga ang mayaman dahil madaling makakuha ng respeto. Respeto na sinamantala nila para manlamang ng kapwa. Mga mapag-ibot talaga kayo!”
Galit na bulong ni Roman habang nakatingin sa bagong dating.
Magkatapat ang kanilang pwesto. Nasa dalawang lamesa ang kanilang pagitan.
Ilang sandali pa ay may dalawang lalakeng lumapit sa kaniyang binabantayan. Ang isa ay nasa edad 26 at ang isa ay pihong nasa 19 ang edad. Mukhang mayayaman din subalit kakaiba ang mga kilos nito. Parehong makikisig din, nga lang ay magkahawak ng kamay.
Isa lang ang ibig sabihin na ang dumating sa kabilang mesa ay may kakaibang relasyon.
Nakipagkamay ang dalawa kay Arch Angelo at kilala niya ang mga nakiupo sa kaniyang pwesto.
Tama ang kaniyang hinala na ang dalawang lalaking ito ay may relasyon.
Hindi sa minamasama niya ang kilos ng bagong dating subalit napakalayo sa imahe ni Arch Angelo na magkaroon ng ganitong mga kaibigan.
Napakalayo talaga.
Nilapitan sila ng isang waiter,umorder ng maiinom at nagkwentuhan.
Kahit di niya gaanong naririnig ang mga kwentuhan dahil sa kumakantang lounge singer ng Bossanova ay nakikita niya na maligaya ang tatlo sa usapan. Malalakas ang loob ng mga dumating na kahit may mga ibang taong nagsasaya ay nakikitaan sila ng extra sweetness na napupunta sa ilang paghalik sa pisngi na parang walang nararamdamang ilang kay Arch Angelo.
Mayamaya ay nag-paalam ang dalawa.
Naiwan si Arch Angelo at tinapos ang kaniyang iniinom at saka nagtungo sa poker table upang maglaro.
” He to na, nagbukas ng pinto para alamin ko kung sino ka Arch Angelo Monleon…”
Naghintay siya ng ilang sandali.
Mga tatlong set ng laban ng maupo si Arch Angelo bago siya lumapit at umupo ng lisanin ng isang manlalaro ang mesa at okupahan niya ang silyang katapat na binata.
Ngayon ay kaharap niya ang isang Monleon ng malapitan. Isang inosente at walang alam sa kaniyang binabalak na paghihiganti.
Hindi bago sa kaniya ang laro na ito dahil dati niyang trabaho ang maging dealer ng baraha ng poker sa Las Vegas.
Kaswal siyang tumaya at nakipagtapatan ng taya gamit ang mga chips na pinapalitan.dalawang magkasunod siyang nanalo at dalawang beses namang talo si Arch Angelo.
Nagkatitigan sila sa kanilang pagkakaupo. Mata sa mata. Nagkakangitian, nagkikindatan.
Bluffing ang laban ng laro dahil silang dalawa na lang ang magkalaban sa pustahan kayat unti unting nadaragdagan ang halaga ng mga nakatayang chips.
Wala siyang kaba dahil alam niyang panalo ang barahang nasa kaniyang kamay.
Muli silang nagkatitigan…
Suko na si Arch Angelo dahil malaki na ang talo niya at malaki na rin ang huli niyang taya. Sapalaran niyang inilahad ang kaniyang baraha.
Nangiti si Roman sa nakita, inilahad niya ang kaniyang baraha at mataas ito laban sa kay Arch Angelo.
Royal flush laban sa straight card
Umaayon nga talaga ang lahat sa gabing ito kay Roman at salungat sa inaasahan ni Arch Angelo na nakaramdam ng swerte bago umalis ng hotel.
Nag-paalam ang talunang binata upang magpaalis ng malas at bumalik sa bar. Naupo sa kaniyang dating pwesto at muling uminom.
Wala na sa lamesa ng sugal si Arch Angelo kayat umalis na rin si Roman upang samantalahin na ang pagkakataon na makilala ang binata.
Papalapit siya sa binatang tahimik na nakaupo. Nagkatitigan muli sila at nagkangitian. Subalit hindi siya tumuloy papalapit kay Arch Angelo kundi sa bakanteng silya ng Grand piano.
Alam niyang habol tingin si Arch Angelo dahil pansinin ang lugar kung saan lagi nakapwesto ang mga umaawit dito. Magaling naman ang obeserbasyon ng mga humahawak sa pailaw ng maliit na stage dahil naiba ang mga liwanag nito at sumentro sa tutugtog,kay Roman.
Nakakaakit ang rehistro ni Roman na parang isang romantikong manunugtog dahil sa puting polo niya na nakatiklop ang mga manggas hanggang siko. Lalaking lalake at mapanghalina ang magnetismo ng kaniyang kagwapuhan.
Marunong siyang tumugtog ng piano dahil ito ang instrumentong natutunan niya sa pagtira kasama ng tiyong pari sa simbahan.
Di na siya namili ng mga piyesa.
Isang malungkot ang kaniyang pinatugtog na memoryado niya noon pa.
Some Where in Time na tugtugin ang nangibabaw sa paligid ng lounge. Natahimik ang ilang mga naroroon na umiinom at nagsasaya.
Nakinig sa kaniyang tugtugin.
Nais lumuha ni Roman dahil ang tugtuging ito ang paborito niya para sa nasirang kasintahan noong di pa siya nito iniiwan. Tugtugin na akala niya ay di na niya muling maririnig.
Ibinuhos niya ang galing niya sa pagtipa ng mga tiklado ng piano ngunit kabaligtaran ang nararamdamang sama loob na kung bakit nangyaring iwan siya ng kasintahan. Pumikit siya upang labanan nag kaniyang nararamdaman upang huwag tumulo ang kaniyang mga luha.
Natapos ang kaniyang tugtugin at nagpalakpakan ang ilang nakikinig.
Iminulat niya ang kaniyang mga mata at ngumiti sa mga nagpalakpakan.
Tatayo na sana siya ng maramdaman niyang may tao pala sa kaniyang likuran.
” Hindi mo ba alam na favorite kong movie yang pinatugtog mo?”
Si Arch Angelo..
Nagitla si Roman dahil hindi niya sukat akalain ng lingunin niya ang nagsalita ay halos naglapit ang kanilang mukha dahil nakayuko na pala ito sa kaniya.
May lihim si Roman na madidiskubre na maari niyang gamitin upang mapasok ang palasyo ng mga Monleon.
Abangan mamaya!!!
Salamat po sa mga readers na patuloy na nagcocomment at nagvovote sa mga previous stories na nagawa ko who keeps me inspired na pagbutihan ang pagsusulat at sa isang author na na laging nagpapaalala. As of my social status, may problema lang po hinahandle, pero unti unti ng nakakarecover. Babalik na po ang sipag ko sa pagsusulat!
Chapter 6 Ang Lihim
Roman
Di niya sukat akalain na ganito kalapit ang lalaki sa kaniyang mukha ng siya ay lumingon.
Ang carbon copy ng lalaking nanlamang sa kanya sa pag-ibig. Amoy mayaman talaga dahil nanunuot sa kaniyang ilong ang mamahaling pabango nito.
Ang mapungay na mga mata at maamong mukha. Walang kapintasan, perpekto na animo isang roman god na nabuhay. Magkaiba sila sa hitsura. Si Arch Angelo ay may dugong espanyol at ang isa ay pinoy na pinoy.
Gayun pa man ay hindi pahuhuli sa kagwapuhan si roman dahil nakakaangat din siya kung pagbabatayan ang panlabas na anyo.
” Favorite movie theme song ko yang tinugtog mo. Ang ganda.”
Papuri ni Arch Angelo.
” T-thanks, paborito ko rin yun kaso di ko pa napapanood yung movie e.”
Hindi siya kinakabahan sa pagsagot kahit ito ang unang pagkakataon na makausap niya ang pakay.
Nakahanda ang kalooban niya.
” Magaling ka na sa baraha magaling ka pa sa piano.”
” Umm hilig ko lang to.”
Kunwang naghanap siya ng piyesa upang pagtakpan ang kaba. Nawala siya sa plano dahil di niya sukat akalain na si Arch Angelo pala ang lalapit sa kaniya ng ganito kadali ng hindi inaasahan.
” Baka may request ka na gusto mo. Last song ko na bago ako umuwi.”
Naglakas na siya ng loob na siluin ang kausap.
” Ha ha ha,baka di mo kaya yung favorite ko e. Actually favorite namin ng kapatid ko.”
Nakaramdam ng pagkainis si Roman sa narinig. Hindi sa minaliit siya sa kaniyang kakayanan sa pagtugtog kundi ang binanggit na paboritong musika ng kaniyang itinuturing na kaaway.
Isang hamon sa kaniyang kagalingan sa piano.
“Try me !”
Sagot niya sa mayamang binata.
Umupo si Arch Angelo sa tabi ni Roman na nakangiti na para isang bata. Sabik na marinig ang kaniyang gustong tugtugin. Inilapit niya ang kaniyang labi sa tenga nito at binulungan.
Natawa ng di sadya si Roman sa narinig mula sa katabi. Alam niyang wala ang piyesa na naroon kaya inisip muna niya ang mga notang ititipa.
Pagkatapos ay pangiti niyang tinugtog ito, di niya sukat akalain na ito ang nerequest at paborito pa ni Arch Angelo.
Nabigla ang lahat at nagtawanan kasabay pa ng palakpakan ng ilan dahil alam ng naroon ang kaniyang intro.
Napatawa na rin siya kasabay ng maaliwalas na ngiti ng katabing pinapanood siya sa kaniyang masayang pagtugtog.
Ang theme song ng Voltes V …
Intro pa lang alam mo na makakarelate lahat ng nabaliw dito mapamayaman o mahirap.
Nagkataon ba na alam din niyang tugtugin. Di estranghero sa kaniya ang piyesa dahil ito ay pangkondisyon sa kaniyang mga daliri noong nagsisimula pa lang siya sa pag-aaral tumugtog ng piano. Kung ang kasabayan niya noon ay bahay kubo o twinkle twinkle little star. Siya ay nagsimula sa voltes v.
Dahil di angkop ang tugtugin sa casino ay lalapitan sana sila ng manager upang pahintuin subalit sa isang kumpas lang ng kamay ni Arch Angelo na hayaang makatapos si Roman na tugtugin ang piyesa. Umatras ang Manager at pinabayaan na sila.
Kitang-kita ni Roman ang kasiyahan ng mga naroon at talagang nasiyahan sa ganda ng themesong o sa galing niya tumugtog.
Matapos noon ay nilapitan siya ng ilang natuwa at kinamayan pa siya.
“It s so nice to hear my childhood memories again! Salamat ha ha ha !”
Isang lalaking tuwang tuwa na nagpasalamat kay Roman na niyakap pa siya at kinamayan.
Maging ang manager at ilang tauhan ay natuwa sa kaniyang tinugtog. Hindi maitatanggi at halatang laking Voltes V din ang mga naroon.
Sa kabila ng kasiyahan ng ilan ay napansin naman ni Roman ang pananahimik ng katabi. Nakangiti ito subalit nangingilid ang kaniyang mga luha sa mata.
” Ano nangyari sa iyo?”
Tanong ni Roman sa nakaupo pa ring katabi na nagpupunas sa gilid ng mga mata.
” Naalala ko lang ang kapatid.”
Ito ang madalas nilang pagtalunan ng kanilang ama noong bata pa siya. Isa ito sa mga pinagbawal sa kanilang panoorin noon hanggat hindi nila nakakabisa ang isang artcle sa pahayagan. Na tanging kuya lang niya ang nakakasaulo ng mabilis.
Si Michael Angelo ang nagtutulak sa kaniya noon na makapagsaulo ng mabilis para makapanood sila ng palabas na ito.
Naalala pa niya na sa tuwing magsisismula ang palabas ay sinasabayan pa nila ng talunan at kantahan ang simpleng panoonod nila noon.
Ganito siya magpahalaga sa naiwang alaala ng kaniyang kakambal.
” I’m sorry…”
Pakikiramay ni Roman.
Bagamat galit ng bahagya,alam niya na hindi si Arch Angelo ang sumira sa kaniyang pangarap kundi ang kakamabal nito.
” Its okay, nakaraan na yun…salamat uli ha.”
Taos pusong nagpasalamat si Arch Angelo.
” Sorry nga pala, I’m Arch Angelo .”
Pormal siyang pakikipagkilala na nakalahad ang kamay.
Nakipagpakamay naman si Roman.
” Im Roman i think nagkita na tayo…”
Isang pagpapanggap…
Napaisip si Arch Angelo…
” Oo nga parang nakita na kita kanina. Sa pool right? Sa Monleon tower ka ba nagstay ngayon?”
Hindi niya kayang ipagkaila ang pagkakataong iyon dahil nagkatitigan na din sila noong hapong naligo sila pool kasabay si Thirdy.
” Its my second night, baka bukas kasi tapos na yung renovation ng condo ko.”
” Good to hear na pareho pala tayo ng uuwian. Baka gusto mo sumabay na?”
” Sure, di na ako mahihiya sumabay.”
Lumabas sila ng Casino patungo sa Monleon Tower Hotel. Lulan sila ng magarang kotse ngunit tahimik lamang sila sa isat isa. Walang imikan, nagkakapaan ng maaring pagkwentuhan.
” Bakit ka nga pala naiyak sa sa tinugtog ko?”
Panimula ni Roman upang hindi maging awkward sa nagmamaneho.
” Wala yun, naalala ko lang talaga yung kakambal ko. Yun ang bonding time namin noong maliit pa kami. Salamat uli ha at di ko alam na magaling ka talaga tumugtog ng piano.”
” Nagkataon nga lang siguro na alam ko. Isa pa paborito ko rin talaga yun.”
“Napahanga mo ako ng dalawang beses sa isang gabi ha.”
“Napahanga?”
” Yung straight mong panalo against me and then yung pagtugtog mo sa piano. Napahanga mo ako dun. Bihira yun sa isang gabi ko ha ha ha! Kahit talo masaya pa rin akong uuwi!”
Nagkatawanan sila habang papasok na sa hotel. Bumaba sila sa parking area sa may basement nito at sabay silang nagtungo sa tatlong elevator na magkakatabi.
Alam ni Roman ang gitnang elevator dahil pribado ito para sa mga espesyal na guest kaya doon siya sa bandang kaliwa tumayo upang maghintay. Pumasok naman sa gitna si Arch Angelo, subalit pinigil niyang magsara ang pinto at sinilip ang bagong kaibigan.
” Tara!sama ka na, kwentuhan muna tayo.”
Paanyaya ni Arch Angelo.
Kamapanteng pumasok si Roman sa loob kasama si Arch Angelo.
Kung ano man ang dahilan ng paanyaya nito ay pagbibigyan niya mapalapit lang siya sa anak.
Nagsara ang pinto ng elevator.
Sa loob ng bahagi ng nagsarang pinto nito ay salamin kung saan sila nagkakatinginan at nagkakangitian.
Hanggang sa kabigin na ni Arch Angelo ang kaniyang likod paharap sa kaniya at halikan siya sa labi. Sa casino pa lang ay alam na niya ang kulay ni Arch Angelo.
Nagulat lang siya dahil di niya akalain na ganito pala niya kabilis maakit ang kaniyang biktima.
Tama ang kaniyang hinala…
” _Lalake ang gusto ni Arch Angelo.” _
Sa pagkakataong ito, paiibigin niya ang isa sa mga susi ng kaniyang pagbawi sa kaniyang anak.
Ang Story na ito ay exclusive na pong mababasa sa Dreame apps.
Just click the link and follow me po.
https://m.dreame.com/user/concern?authorId=oVzlDcEHF6qE6uA6ARyc4Q%3D%3D
Be safe everyone!!!
Chapter 7 Bisig ng Isang Leon
Arch Angelo
” Hindi ko alam kung bakit ko nagawa ito. Bigla akong naakit sa kaniya.
Kay lambot ng kaniyang mga labi. Mainit ang kaniyang halik. Nararamdaman ko na gusto niya ang ginagawa namin.
Kakaiba ang kaniyang personalidad.
Tama ang hinala ko kaninang hapon sa pool ng magtama ang aming mga mata. Di ako nagkamali na kahit maganda siyang lalake ay pagbibigyan niya ako sa gusto kong mangyari…
Pagkakataon nga naman at muli tayong magkita sa casino at makilala kita Roman.
Hindi ko alam anong karisma meron ka at naakit ako sa iyo.
Kanina sa isang sulok alam ko na panay ang tingin mo sa akin ng kausap ko si Alexis kasama ang kaniyang boyfriend.
Alam ko dahil panakaw din akong tumitingin sa iyo.
Tama nga ako ng umalis kanina na ’ I **** _felt lucky’ _ dahil nakilala kita.
Wala sa akin ang halagang natalo dahil para na rin akong nanalo ng samahan mo ako dito sa loob ng elevator .”
Malikot ang kanilang kamay sa isat isa habang patuloy sila sa paghahalikan. Agresibo si Arch Angelong isa-isang tininggal ang butones ng polo ng kasamang binata.
Nagpaubaya si Roman dahil di niya akalain na mas maganda pa pala ang kinahinatnan ng kaniyang mga plano. Mapapadali sa kaniya na makuha ang kaniyang anak kung sasakyan niya ang kabaliwan ng lalakeng sumasamba sa kaniya ngayon.
Dila at lamas ang ginagawa sa kaniyang matipunong dibdib ni Arch Angelo. Isang nakakatawang eksena sa kaniyang isipan na ang mayamang Monleon na ito ay isang tagong binabae pala.
Di na bago ito kay Roman dahil ilang amerikano na rin ba ang pinaligaya niya. Nasanay na rin siya sa ilang taong pakikipagrelasyon niya sa mayamang kamag-anak ng may ari ng casinong dati niyang pinagtrabahuhan. Naiangat niya ang kaniyang estado dahil sa ganitong kalakaran. Gagawin niya ang lahat upang makalaban lang siya sa mga taong nanakit sa kaniya ng walang pag-aalinlangan dahil may sapat siyang salapi na ihaharap sa mga ito.
At ngayon, isang Monleon ang nagpapakaligaya sa kaniyang katawan.
Dila dito, halik doon ang ginawa ni Arch Angelo sa buong dibdib at leeg ni Roman. Di nagpabaya si Roman dahil alam niya ang paraan ng panunukso sa init ng katawan at talagang nadarang ang isang Monleon. Lumaban siya ng mapusok sa halik ni Arch Angelo. Magaling humalik ang mayamang binata na parang hinahamon siyang makipagsabayan.
Mabilis na tinigasan si Roman.
Ang kaninang pagpapanggap ay napalitan ng init ng libidong binabalot ni Arch Angelo sa kaniyang ulirat.
Nahawa siya sa sarap ng ginagawa sa kaniya kayat maging siya ay nagbigay ng mainit na pagsalubong sa mapulang labing humahalik sa kaniya. Maging ang labi niya ay kinagat kagat pa. Dila sa dilang nag-eeskrimahan na parang mga espada. Palitan ng laway.
Mapusok si Angelo. Ilang buwan din ba niyang hindi nagagawa ito. Ang magkaroon ng kasalo sa gabi. Isang napakagandang lalake na kaniyang pinapaliguan ng halik. Sabik na sabik siya sa presensya nito kahit nasa loob sila ng pribadong elevator.
Tanging Monleon at mga opisyales lang ang makakagamit nito kayat di siya nag-aalala na maaring magbukas ito para sa iba.isang espeayal na buton ang kaniyang pinindot na deredercho lang sa kaniyang silid ng di maaabala kung may nais sumakay.
Nakatayo si Roman habang nagpapakasasa si Arch Angelo. Di na nakatiis at mismong si Roman na ang nagbukas ng kaniyang patalon kasabay ng kaniyang panloob. Sumungaw ang kaniyang walong pulgadang alaga. Isa sa mga ipagmamalaki niyang katangian na kinabaliwan ng ilang babae at lalakeng pinaligaya niya para magkapera.
” _Wow…” _
Bulong ni Arch Angelo sa sarili ng makita ang nakatayong abot pusod na ari ni Roman.
Di nakapaghintay si Arch Angelo at sa harap ni Roman siya lumuhod na tila panatikong nagdasal sa nakatayong santo.
Sabik na isinubo ito ni Arch Angelo ng walang hiya-hiya at pagtitimpi ang nakatayong pagkalalaki ni Roman. Maririnig sa loob ng elevator ang kaniyang bibig na lumalaro sa kabuuan ng bawat pulgadang ari nito. Panay ungol naman ang pinapaligaya, nakangiti ang nakatayong binata habang pinapanood ang aring nawawala sa kaniyang paningin habang naglalamas masok sa bibig ng nakaluhod na mayamang binata.
” Oooohhhh…uhhhhh…”
Ungol ni Roman kasabay ng mahinang musika ng Girl from Ipanima na maririnig sa speaker ng elevator.
Di rin palalamang si Arch Angelo dahil sa nakakalibog niyang ingay sa pagsupsop sa matigas na ari ni Roman.
Di pa siya nasiyahan at ibinaba na niya ng tuluyan ang pantalon. Pinatalikod at pinatuwad si Roman. Hinawi ang maputing likurang pang-upo at dinilaan ang butas nito.
Ito ang paborito ni Roman.
Ang rimming.
Ilang beses na niyang naranasan sa ilang mga parokyano na pasadahan ng dila ang kaniyang butas.
Nagkataong ito rin ang paborito ni Arch Angelo. Gusto niyang nababaliw ang taong kaniyang dinidilaan ang sensitibong bahagi na ito.
” Ohhhhhhhhh…sige pa…’
Hudyat ni Roman kay Arch Angelo kaya pinagbuti pa nito ang pagdila. Halos idiin pa ni Arch Angelo ang kaniyang mukha sa gitnang puwitan ni Roman.
Kung si Arch ay sarap na sarap sa pagdila mas triple naman ang kay Roman na dinidilaan.
Ilang minuto at hindi nakatiis si Roman. Tumayo siya at hinubaran ng pang ibaba ang mayamang binata.
Wala siyang ibang alam para ilabas ang nararamdamang sarap kundi pasukin ang Monleon na ito.
Wala lang kay Arch Angelo ang ginawa ni Roman ng hubaran siya ng tuluyan. Maging siya ay matigas na rin ang ari. Patayo siyang papapasukin nito. Handa siya sa gagawin ni Roman at nagpaubaya siya.
Walang lubricant at tanging laway lang niya ang pampadulas ang ipinalibot sa ari. Pinatuwad niya si Arch Angelo, sinipat ang butas at dinuraan ito ng ilang beses.
Ganito niya nais ipadama sa isang Monleon ang kaniyang galit. Ang duraan sila. Ngunit iba pala ang magiging gamit ng pagdura niyang ito.
Ipinahid niya ang ulo ng kaniyang ari sa mga durang bumasa sa butas at itinutok don. Napakislot ng bahagya si Arch Angelo ng ipasok ng unti unti ni Roman ang kanyang pagkalalaki. Dahandahan, dalawang beses lang niyang ipinasok sa loob at pagdakay nasanay na sa nararamdamang kirot si Arch Angelo.
Lalong naging mainit ang ekaena waring gumagawa sila ng isang x-rated movie. Sarap na sarap si Roman sa pagpasok sa masikip na pwerta ni Arch Angelo.
Parang hinihigop ang ari Roman sa tuwing papasok at lalabas ang ari niya. Sarap na sarap siya sa muscle control ni Arch Angelo.
” Ohhhh…faster…faster…”
Utos ni Arch na halatang nasasarapan sa ginagawa sa kaniya ng lalaking nasa likuran.
Para namang hinete si Roman na kumadyot ng marami at mabilis dahil malapit na rin siya sa sukdulan. Hinawakan niya ang ari ni Arch Angelo. Malaki rin ang ari nito ngunit nakapaling sa kaliwa ang pagkakatigas. Di gaya sa kaniya na tuwid at bilog na bilog. Binayo niya ang kabuuan ng ari ni Arch Angelo habang abala siya sa pag-ayuda ng pagpasok ng kaniyang ari.
Malapit na siya…
” _Im cumming…im cumming _ …”
Bigla niya itong hinugot sa pagpagkakapasok at pinagpatuloy ng kaniyang kamay ang pagpapalabas.
Si Arch naman ay muling lumuhod at isinubo ang ari ni Roman. Bibig na ang nagpatuloy na katasin ang ari nito habang abala rin ang kaniyang kamay sa pagpapaligaya sa sarili.
” **Ahhhh…shiiit!!!” **
Sumabog na ang katas…
Lahat iyon ay sa bibig ni Arch tumama. Nalasahan niya ang semilyang nagmula kay Roman.
Iniluwa niya ito sa kaniyang palad at ipinahid sa kaniyang ari.
Tumayo siya at hinalikan sa labi ang lalaking unang nakaraos na pinagbigyan naman ni Roman.
Napilitan siyang makipagpalitan ng kaniyang inilabas dahil nalasahan din niya ang sariling semilya. Kakaiba ang lasa.manamisnamis at kumakapit sa dila.
Si Arch Angelo namay libog na libog sa madulas na ipinahid sa ari na lalong nagbigay sa kaniya ng kakaibang sensasyon. Lalong bumilis ang kaniyang pagbayo.
Nanginig ang kaniyang mga balakang at tuhod. Halos tumirik ang kaniyang mata sa sarap habang nakikipaghalikan kay Roman.
Ilang sandali ay nilabasan na rin siya.
Madami,malapot,mga anim na tilamsik dahil sa daming naipon nito.
Tahimik silang dalawa sa nangyari at patuloy lang sila sa kanilang halikan.
Nagkatawanan pa sila nag magbihis at kapawa ayusin ang kanilang mga sarili na parang walang nangyari.
Muli silang naghalikan sa labi bago bumukas ang pinto ng elevator at sabay silang pumasok sa napakalaking pribadong silid ni Arch Angelo Monleon.
” This is my place!!!”
Masaya si Arch Angelo sa bago niyang nakilala.
Walang kaalam alam na pinapasok na niya ang taong gugulo sa kaniyang pamilya at kukuha sa inaakala niyang pinakamamahal na pamangkin.
Ngunit sa loob ng private elevator…
Lingid sa dalawang nagtalik doon ay may mga matang nakatuon sa kanila kanina sa likod ng isang hidden camera…
Sino kaya ang kaya ang taong nakasaksi sa dalawa?
Maging hadlang kaya ito sa mga plano ni Roman o magi susi pa ito sa kaniyang paghihiganti?
Siempre, abangan na lang mga beh!
*o ayan ha, nakatatlo ako ha ha ha.sinipag na uli!!!!wait lang at may meeting pa.update ako mamayang gabi. Salamat posa comments at votes! Lalo na sa taong nag iinspire sa akin!!!
Chapter 8 Ang Kordero
Thirdy
Naalimpungatan ang bata ng makarinig siya ng ingay mula sa labas ng silid. Bahagyang nakabukas ang pinto ng kaniyang kwarto at sa recieving area maririnig ang mga pag-uusap. Nakilala niya ang boses ng isa. Si Arch Angelo.
“May guest si uncle?”
Sa kalapit na sofa ay naroon ang kaniyang yaya na himbing na natutulog ng kaniyang makita. Pupungas ang batang tumayo upang puntahan ang tiyuhing nasa labas.
Parang nagsleep walk ang bata na nakapikit pa ng bahagya ang mga mata patungo sa malaking recieving area kung saan naroon ang naririnig niyang mga boses na nag-uusap.
Ayaw niyang idilat ang mga mata dahil sa antok at tanging gabay niya liwanag ng maliit na hallway.
Alam niyang di siya pagagalitan ng tiyuhin sa pagbangon dahil ito lang naman ang may kakaibang malasakit sa kaniya bukod sa mga namatay na magulang.
Kung ginawa niya ito sa harap ng kaniyang lolo ay pihadong pagagalitan siya.
Sa sala ay naaninag niya ang kaniyang tiyo at kasama nito. Kilala niya ang lalaking nakaupong katabi ni Angelo.
Para siyang multong dahandahan na lumapit at biglang natahimik ang dalawang binata sa pagkukuwentuhan.
Parang hinila si Thirdy ng presensya ng kilalang taong iyon at doon siya lumapit. Kumandong at yumakap, saka bumalik sa pagtulog.
Natahimik si Roman sa ginawang pagkandong at pagyakap sa kaniya ng bata. May kung anong bagay na bumara sa kaniyang lalamunan dahil sa nangyari at hindi siya makakilos. Pinigilan niyang maiyak dahil sa pagkabigla. Pinaglabanan niya nag naramdaman at nginitian siya ni Arch Angelo na natuwa sa pangyayari.
“Nanaginip pa ata ang pamangkin ko ha ha ha.”
Kahit bahagyang nakainom ang dalawa at sa nangyari kanina sa elevator ay nawala ang pagod ni Roman na muling makita ang kaniyang anak lalo pa sa ganitong pagkakataon.
Di na sila muling nakapagkwentuhan.
Tumayo si Arch Angelo upang kunin ang bata upang ibalik sa kaniyang silid subalit kumapait pa lalo ang bata kay Roman ng makaramdam na aalisin sa kaniyang pagkakayakap.
“Only papa…”
Isang bulong mula sa bata at isang mahigpit na yakap sa leeg kay Roman. Tanda na ayaw niyang maalis sa pagkakayakap dito.
“Ak ala niya siguro ikaw ang papa niya…”
Ngiti ni Arch Angelo na nakatingin sa dalawa.
Wala siyang kaalam alam na magkayakap na pala ang tunay na magkadugo.
“H-hayaan mo na lang. N-nakakaawa naman ang bata kung magigising pa.”
Tama nga naman si Roman kaya di na nagtangka si Arch Angelo na ilipat pa ang bata. Minabuti niyang magtungo sa silid upang kumuha ng kumot at unan para sa kanila.
Sa pag-alis ni Arch Angelo ay nakuha niyang halikan ang bata sa noo ng madiin. Humugot siya ng malalim na hininga upang kontrolin ang pananabik. Ayaw niyang magkaroon ng butas ang kaniyang plano dahil sa nararamdamang pananabik sa nawalay anak. Hinimas niya ang buhok nito. Sinulit ang pagkakataong sandali niyang masolo at mayakap ang bata.
Bumalik si Arch Angelo na may dalang comforter at ilang unan. Nilatag sa malapad na sofa ang kalahati. Naunawan ito ni Roman at inilipat ang bata subalit di ito bumitaw sa pagkakayakap sa kaniyang leeg kayat maging siya ay napasama na sa pagkakahiga ng bata sa sofa.
Di siya makakilos dahil natangay na siya sa pagkakayakap sa tabi ng himbing na bata. Ayaw niya itong magising kayat naghintay pa siya ng ilang sandali upang maialis ang pagkakayakap.
Muli humigpit ang pagkakayakap ni Thirdy kay Roman.
” Papa…”
Parang sasabog na ang dibdib ni Roman sa kaligayahan dahil sa pagkakataong ito, narinig na naman niya ang salitang papa na matagal na niyang gustong itawag sa kaniya ng bata.
” Kahit hindi ako…kahit hindi ako..”
Sa isip ni Roman kahit hindi siya ang pinatutukuyan ng anak ay masaya siyang magkasama sila at magkatabi.
” Akala nga niya katabi niya ang papa niya. Hayaan mo na lang siyang nakayakap sa iyo. Mamaya-maya makakatakas ka rin ha ha ha.”
Bulong na biro ni Arch habang inaayos ang laylayan ng mahabang comforter na inilatag sa sahig.
Nang maiayos ay naghubad ng sapatos at doon nahiga.
” Dito na ba ako matutulog?”
Silip ni Roman sa nakahigang Monleon.
” Dito ka na muna matulog. Di ka naman mukhang masamang tao. Isa pa ayaw ko ring magising ang pamangkin ko. Okay lang ako dito sa sahig. You dont even know na may worst pa sa sahig na ito ang mga natulugan ko.”
Natahimik na lang si Roman sa sinabi ni Arch Angelo kaya di na siya nakipagtalo.
Masaya ang gabing ito ng higit sa kaniyang inaakala dahil nabitag na niya ang isang kaaway at kasama pa niya sa pagtulog ang kaniyang anak.
Tahimik siyang nakiramdam kung tulog na nga ang kasama. Sinilip niya ang nasa sahig at tulog na nga ito.
Kahit straight siya ay may kakaibang siyang naramdaman sa nakatalik kanina. Maamo ang mukhang ito na kahit sa pagtulog ay napakalakas ng karisma ng di sinasadya.
Kung identical twin sila ni Michael Angelo ay di na siya magtataka kung bakit nahulog at napaibig si Mia Rosa sa kakambal. Mayaman na at gwapo pa…
Napalitan ng inis ang alaalang iyon at nasentro kay Arch Angelo. Nakikita niya ang lalaking sumira sa kaniyang pangarap at umagaw ng dapat ay kaniya. Kamukha niya ang lalaking umagaw sa kaniyang kasintahan at anak.
Muli siyang tumingin kay Thirdy.
Huminahon ang kaniyang nararamdaman at napalitan ng kasiyahan. Tumulo na ng tuluyan ang kaniyang luha at ikinubli sa pisngi ng nakayakap na anak. Ingat siyang makagawa ng ingay sa kaniyang pigil na pag-iyak.
” Ang anak ko…ang anak ko…”
Nanabik siya sa bata at hinalikan ang ang nakatapat na pisngi.
Nilabanan niya ang pananabik at kasiyahan.
Nagfiesta na lang ang kaniyang mata sa patitig sa anak. Ang mga matang nakapikit, ang mahaba nitong pilikmata, ang labi na namana sa ina, ang tenga na namana sa kaniya,ang nunal sa gilid ng labi.
Pareho sila ng nunal ng anak sa gilid ng labi. Isang pagkakakilanlan na dugo niya ito dahil maging ang tiyong pari ay may ganoong palantandaan ng lahi nila.
Di na siya nakatulog.
Paano pa siya makakatulog sa ganitong pagkakataong nasa bisig niya ang kaniyang nawalay na anak.
Higit sa ano pa man. Gagawa na siya ng hakbang para makuha ito sa lalong madaling panahon. Mahirap man pero alam na niya ang maari niyang gawin kung sakasakali.
Natutulog lang sa sahig ang taong gagamitin niya para makuha ang nais niyang pangarap.
” Ikaw Arch Angelo ang gagamitin ko…”
Lingid sa kaalaman ni Roman, may isang tao sa dilim ang nanonood na sa nangyari sa kanila ni Arch Angelo sa elevator…
*****
Sino ang taong iyon na nakaalam ng ginawa nila? Abangan ang bagong character. Kalaban kaya ito o isang kakampi. Abangan…
*salamat po muli sa votes mga beh.
Sa kabuuang story,mababasa po ito siya sa dreame.com.
Chapter 9 Espiya
Roman
Di na nakatulog si Roman mula ng makatabi niya ang bata sa pribadong silid na ito. Magdagmag niyang pinagmasadan ang anak kahit pagod at puyat at kahit isang pagkilos ay di niya ginawa huwag lang magising ang batang tulog sa pagkakayakap sa kanya.
Nakailang beses niyang ginawaran ng halik ang bata. Hindi na niya mabilang sa dami. Mga halik na pinagdamot sa kaniya ng pamilyang Monleon na dapat ay malaya niyang nagagawa noon pa.
Said na rin ang kaniyang mga luha sa kasiyahan dahil nakikita na niya na ang mga planong unti-unti ng nagbubunga. Ilang araw pa at parating na ang panahon ng pag-aani para sa kaniya at sa kaniyang anak at maiiwang talunan ang mga itinuturing niyang mga kaaway.
Gumalaw ang bata, nag-inat ito, yumakap muli sa leeg ng katabi at naghikab pa.
Inilapit niya ang kaniyang ilong upang maamoy ang paghinga nito.
Bakit hindi?
Dahil maging ang paghinga ng bata ay pinagkait sa kaniya ng ilang taon ng di niya nalalaman.
Unti-unting nagmulat ng mata si Thirdy at nakita niya kung sino kayakap. Bahagyang nanlaki ang kaniyang mata sa kayakap.
Nagkatitigan sila.
Ngumiti si Roman sa bata dahil ito lamang ang tanging alam niyang reaksyon sa bagong gising na bata.
Gumanti ng ngiti si Thirdy na parang normal lang sa kaniya at matagal ng kilala ang tao na kaniyang katabi at kayakap.
Kinabahan si Roman dahil akala niya ay matatakot ang bata ngunit nagulat pa siya ng nanatiling nakayakap lang ang bata sa kaniya.
Ang lalo pang nagpakabog ng kaniyang dibdib ay ang halikan pa siya sa pisngi ng bata.
” Uncle Roman ikaw ang katabi ko kagabi?
Wheres Uncle Angelo?”
Itinuro ni Roman si Arch Angelo kung saan ito natutulog. Napangiti naman ang bata at nagsenyales pa na huwag silang maingay. Di umalis ang bata sa pagkakatabi kay Roman.
Sinilip ni Roman ang oras sa kaniyang relo.
Alas sinco na pa la ng umaga ng hindi niya namamalayan. Parang napakabilis ng sandali na binantayan niya sa pagtulog ang anak.
Niyakap niya muli ang bata dahil di na niya alam kung mauulit pa ang ganitong pagkakataon. Naisip niyang ito na nga pala ang huling araw ng pagtigil niya sa Monleon Tower dahil tapos na ang condo na kaniyang nabili at pinarenovate.
Hinalikan niya ang bata sa pisngi na pinahintulatan naman ng bata.
Sabik ang bata sa ganitong kalinga dahil sa namatayan ito ng nakagisnang magulang kaya hinahanap niya ang pagmamahal sa mga nakapaligid sa kaniya.
Gising na ang bata kaya nagsimula na itong magkuwento ng kung anu-ano na pinakinggan na lang ni Roman.
Nais niyang kahit sa huling sandali malaman niya ang background nito.
Matalino ang bata kahit house tutorial sa pag-aaral at may pagkakataong nagtatanong sa mga bagay na bakit lagi siyang naroon sa mansion o hotel.
Naawa si Roman sa bata dahil hindi normal ang pagpapalaki dito. Tiim-bagang siyang nakinig sa mga sumbong ng bata na wala pa siyang karanasang maglaro sa labas o kahit isang kalaro na bata ay di pa nito narasan.
Pasko o birthday lang ito nagkakaroon ng pagkakataon na makihalubilo sa mga kaedarin niya.
Nadagdahan ang galit ni Roman sa mga nalaman. Kailangan na talaga niyang kumilos sa lalong madaling panahon dahil ginagawang robot ang kaniyang anak.
” You know what, si Uncle Angelo lang ang kakampi ko. Kasi siya, he let me play. Kahit hide and seek dito sa loob ng room niya naglalaro kami. Even with yaya Soli and yaya Menchu nasali si Uncle Angelo. Kaya love ko si uncle.”
Napaisip si Roman, iba pala sa inaakala niya si Arch Angelo na sa pagkakakilala ng bata. Nawala bahagya ang galit niya sa natutulog sa sahig.
Lihim siyang nagpasalamat dahil inaalagaan pala ni Arch Angelo ang anak niya ng nararapat.
Natuwa siya kahit papaano.
Bagamat kaaway ay tiwala siyang di mapapabayaan ang kaniyang anak hanggat di pa niya ito nababawi.
” Ikaw thirdy?do you like me as your new uncle?
Tanong ni Roman.
Tumingin ang bata sa kaniyang mata at ngumiti.
Hindi sumagot ang bata sa tanong ngunit humalik lang ito at yumakap.
Isang kompirmasyon na gusto siya ng bata na bagong tiyuhin.
Pigil ang luha na namang niyakap din niya ang bata dahil ngayon niya nadama ang malaking pagkakataon na madali niyang mukukuha ang kalooban nito sakaling mabawi na niya ang anak.
Ito na nga siguro ang lukso ng dugo na maging ang bata ay kusang naipararamdam sa tunay na ama ng hindi namamalayan.
” Uncle i need to pee…”
Napabalikwas si Roman dahil naiihi na ang bata. Tumayo siya at kinarga ito. Tuwang tuwa si Thirdy at agad na itinuro ang kalapit na palikuran.
Pinapaasok ang bata sa loob at hinintay pa niya ito sa labas upang bigyan ng privacy ang magbabawas. Pagkatapos noo’y siya naman ang sumunod at si Thirdy naman ang naghintay sa labas. Naghilamos siya matapos umihi at saka lumabas ng palikuran.
Napangiti siya dahil nakaupo pa sa sahig ang bata na naghihintay. Itinaas ng bata ang kaniyang mga bisig upang muling magpapakarga pabalik sa pinaghigaan.masaya niya itong pinasan sa kaniyang likod at bumalik sa recieving area.
Gising na si Arch ngunit nakahiga pa rin sa sahig. Nagising dahil sa ginawa nilang ingay kanina ng sila ay nagtungo sa banyo.
“Di ninyo ako ginising ha.”
Parang isang batang nagtatampo pa si Angelo sa kaniyang pamangkin. Bumaba ang bata sa pagkakapasan at tinalon ang nakahigang tiyuhin at umupo sa tiyan nito.
” Why did’nt you wake me up!
Nandito pala si Uncle Roman!’
Sigaw nito sa kaniyang tiyuhin.
” Nagsleep walk ka kaya kagabi. Kaya nga katabi mo si Roman, akala mo siya ang papa mo ha ha ha!’
Tukso ni Arch Angelo sa pamangkin.
Sa hiya ng bata ay kiniliti ni Thirdy ang tiyuhin sa leeg. Nagwrestling ang dalawa sa sahig.
Nagharutan sila dahil ito ang madalas nilang gawin sa umaga.
Nanood lang ang nakaupong bisita at tuwang tuwa sa ginagawa ng dalawa sa sahig.
Nakahulagpos si thirdy sa tiyuhin at sa likod ni Roman ito nagtago. Inilahad ni Thirdy ang palad.
” _Uncle Roman!Tag! Tag me! Hurry _ !”
Tinapik ni Roman ang palad ng bata.
Hudyat pala iyon na siya ang papalit sa laro ng magtiyo. Di niya inaasahan ang larong bata na iyon at si Arch Angelo mismo humila sa kaniya para makipagwtestling. Sa pagkakataon ito sila naman ang nagpambuno sa sahig. Siyang-siya ang bata sa maagang laro nila kayat siya ay tumalon na rin sa gitna ng dalawang kinikila niyang mga uncle.
Masayang sila sa paggising at napuno ng biruan,sigawan at halakhakan ang dating tahimik na bahagi ng hotel na ito.
_Lalaki sa Dilim _
” Isa ka talagang kabiguan sa pamilya Angelo…”
Pangungusap ng lalaki sa harap ng isang monitor kung saan pinapanood niya ang nagyaring pagtatalik ni Arch Angelo at Roman. Wala siyang pinalagpas na tagpo kahit asiwa siya sa ginagawa nila.
” Ang buong pag-aakala ko noong una kaya ka nagrebelde ay dahil sa nasasakal ka sa klase ng buhay mo. Nagkamali ako dahil pala ito sa iyong tunay na pagkatao. Napakahusay ng iyong pagpapanggap at madami kang naloko.”
Bulong ng isang lalake habang nanonood sa dilim.
Nakazoom out ang pinapanood na video. Pinapanood niya ang mga mata ni Arch Angelo kung paano siya nasisiyahan sa kaniyang ginagawang pagpapakaligaya kay Roman.
Naroong i-forward, i-rewind, at i-pause ang mukha ni Arch Angelo sarap na sarap sa pagsubo sa ari ng kinatagpong lalaki sa elevator.
” Malapit na ang araw ng aking paghihiganti Juancho. Malapit ka ng bumagsak sa matayog mong paglipad dahil kukunin ko na ang lahat ng nararapat sa akin.”
Pinatay na ng lalaki ang computer at unti unting kinain ng kadilaman ang silid.
Sino nga kaya ang lalaking nakasaksi sa tunay na pagkatao ni Arch Angelo? Ano ang maitim na balak niya sa pamilya Monleon?
*bukas ng tanghali ang up date mga beh!
Chapter 10 Ang Alas ng Manlalakbay
” Good bye Thirdy, sad to say but i have to leave for now.”
Nakaluhod siya sa batang umiiyak.
Inabot na sila ng tanghali kakalaro matapos kumain ng agahan. Ayaw man ni Roman subalit kailangan na muna niyang umalis upang asikasuhin ang kaniyang lilipatang Condo.
” Why can’t you stay here? I can give you my bed at night! Dito ka na lang Uncle.”
Pagmamakaawa ni Thirdy.
Kunyapit ito sa braso sa nakaluhod na bagong tiyuhin.
Inaawat naman siya ng kaniyang Yaya Soli sa pagkakapit subalit ayaw ng bata na bumitiw.
“Babalik pa naman si Uncle Roman,ijo. He can sleep here pag gusto niya. There are some errands he have to do first so just let go of your uncle Roman. After niya masettle yung work niya he can visit us or tayo ang bibisita sa kaniya.”
Si Arch Angelo na ang kumausap sa bata.
Natahimik ito. Inisip ang sinabi ng tiyuhin. Nagkatitigan naman si Arch Angelo at Roman sa isinanguni sa batang suhestiyon.
Para kay Roman ay pabor ito dahil makakasama niyang muli ang anak sa ibang pagkakataon sa mismong terotiryo niya.
Home court advantage kung sakaling bistahin siya ng anak at lalo pa silang magkakalapit.
Sa panig ni Arch Angelo ay nais niyang mapalapit pa sa bagong kilala dahil sa nangyari sa kanila kagabi sa elevator.
Nais pa niyang makilala ng lubusan si Roman. Nais niyang huwag matapos sa one night stand ang nangyari sa kanila kundi higit pa roon.
“Your uncle Angelo is right. After ng work ko,I will call you to visit me. Okay ba yun?”
Huling hirit niya sa bata upang payagan na siyang makaalis.
Tahimik ang bata at unti unting bumitiw kay Roman. Tumakbo ito sa silid at agad bumalik. May inabot kay Roman na isang calling card.
” This is my number uncle
Please call me pag okay na to pay you some visiting ha?”
Nagulat pa si Roman ng basahin ang inabot na calling card. Pangalan ni Thirdy ang naroon at ang numero.
‘Juancho Escobar Monleon III’
” Pinagawan ko siya noong isang araw. Nagrequest sa akin kasi bakit daw wala siyang calling card. Kids?…Alam mo na? That number is mine too .”
Paliwanag ni Arch Angelo sa pagtataka ni Roman. Nangiti siya sa pagmamalasakit ni Angelo na maging tarheta ay ipinagkaloob niya sa munting kahilingan ng anak.
Isinilid niya ito sa kaniyang wallet at tumayo. Payag na ang bata na makaalis siya. Hinatid pa siya sa harap ng private elevator.
Muli humalik ang bata sa papaalis na bagong uncle.
” I’ll wait for your call …”
Bulong ng bata at saka muling humalik.
” Yes i will call you agad.”
Ganting bulong ni Roman pero nakatingin ito kay Arch Angelo.
Si Arch Angelo namay may maliyosonh ngiti na nakatingin kay Roman.
Bumukas ang pinto ng elevator at pumasok siya sa loob at kumaway sa dalawa hanggang sa magsara ang pinto.
Masaya niyang muling hinugot sa sa pitaka ang calling card ng anak. Tinandaan ang mga numero sa isip dahil ito ang unang personal niyang dokumento ng anak.
Hinalikan niya ito at naiyak.
Namiss agad niya ang anak kahit kakahiwalay lang nila.
Napakalaking bagay ang nangyari sa kaniya mula pa kagabi dahil ang lahat ng pagkakataon ay umaayon sa kaniyang mga kagustuhan.
Muli niyang itinago ang calling card ng anak bago lumapag sa unang palapag ng hotel. Lumabas siya at sumakay sa kabilang elevator patungo sa palapag kung saan siya pansamantalang nanuluyan.
Sa loob ng kaniyang silid doon siya nahiga. Kulang ang kaniyang tulog sa pagbabantay sa kaniyang anak kagabi at ngayon lang siya nakadama ng pagod.
Naisip niyang tawagan ang numerong natanggap. Gamit ang kaniyang cellphone tinawagan niya ang numero.
” Hello uncle?”
Boses ni Thirdy angnnarinig niya sa kabilang linya.
” How did you know its me?”
Nangiti si Roman. Hindi niya inaasahan na ang anak agad niya sasagot sa kaniyang tawag.
“I just know na tatawag ka uncle.”
Natawa si Roman sa sinabi ng bata. Matalino talaga ito gaya niya. Bibo at palabiro.
” Wow! Really? Sige nga ano ginagawa ko ngayon?
Pabiro niya sa kausap na bata.
” Umm your on your bed right now?.. Your sleepy? …And… your crying uncle…Why?”
Naupo bigla si Roman sa sinabi ng anak dahil lahat iyon ay totoo lahat iyon ay tugma.
Nagkataon lang siguro ang sinabi ng anak kaya binalewala niya ang narinig.
” Im not crying iho. May sipon siguro ako kaya ganito ako magsalita .”
Nahalata siguro ng bata na umiiyak siya dahil sa boses niyang pagaralgal.
“Uncle Roman kailan ka uli pupunta dito?”
“Di ba sabi ko after ng errands ko, bibisitahin kita.”
“Sabi ni Uncle Arch Angelo if you can join us for a dinner later at 7 po. Can you come?”
“Ano sa tingin mo iho?Should i come?
“Opo. Kasi you love me and you love uncle Arch Ange-”
Naputol ang pagsasalita ng bata at boses na ni Arch Angelo ang pumalit.
” Sorry Roman masyadong madaldal ang bata e.”
Natawa sila pareho dahil parang may alam ang bata sa kanilang dalawa.
“Ano Roman,dinner at 7 magkita tayo sa lobby ?”
Sino ba ang tatanggi sa isa pang pagkakataon na ito. Huling araw na niya sa hotel kayat susulitin niya na makasama muli ang anak.
” Sige,see you at 7 sa lobby!”
Magaan ang loob niyang pumayag sa alok na dinner mamaya. Narinig pa niyang sumigaw ang bata. Halatang alam na nito ang pagpayag niya.
” Sige Roman see you mamaya…”
“Okay Angelo cant wait to see you both…”
“Bye”
“Bye ”
Paalam nila sa isa’t isa.
Muling nahiga si Roman dala sa isip ang kaligayahang naranasan niya kanina sa anak.
Muli niyang binalikan ang
kanilang kwentuhan,ang harutan,ang tawanan,ang amoy nito,ang mukha nito.
” Mamaya magkikita muli tayo anak. Nasasabik na akong mayakap ka.”
Sa kabila ng kaniyang nasabi ay biglang pumasok sa kaniyang alaala ang mukha ni Arch Angelo.
Ang eksenang nagtatalik silang dalawa.
” Fuck! Bakit bigla kitang naisip Arch Angelo!”
Sa malaking pintuan sa lobby ng hotel isang matandang lalake ang pumasok. Hindi ito ang may ari ng Monleon Tower subalit binigyan siya ng kapareho ng paggalang ng mga tauhan doon ng kagaya kay Don Juancho.
Sinalubong ito ng hotel manager at binati.
” Magandang umaga po Don Iñego. Mag-iikot po ba kayo uli sa Hotel?”
Tumango ang matanda at iniwan na ito ng tagapamahala.
Iginala ng matanda ang kaniyang paningin sa bawat sulok ng lobby at saka naglakad patungo kung saan man niti gustong maglibot.
Sino si Don Iñego sa buhay ng mga Monleon?Ano ang kaugnayan nito sa hotel. Isa na naman kaya itong banta sa mga plano ni Roman?
ABANGAN !!!
*ay sinipag ako ha ha ha. Basta salamat po sa inspiration at umaapaw na likes at comment.
*Bro pagamit ng name mo!bagay na Don e!
Chapter 11 Matandang Ermitanyo
Don Iñego
Nilisan ng matanda ang reception area matapos makipagkamustahan sa mga kakilalang nakapwestong staff doon.
Minsan sa isang buwan kung dumalaw ang matanda dito upang maglakad-lakad sa mga pasilyo,sumakay ng elevator o pumunta sa mga inaalok na amenities ng mga silid ng hotel.
Sa gym,sa pool side,sa garden, sa restaurant maging sa helipad na pinakamataas na bahagi ng hotel ay nararating niya.
Ehersisyo na lang ang bagay na kaniyang ginagawa ngayon sa pagbisita sa hotel.
Papunta siya ngayon sa Laundry room. Naroon ang ilang kaibigan na gusto niyang bisitahin.
Tuwang tuwa ang mataas na taong nakaposiyon ng makita ang matanda maging ang mga kasamang naroroon ay kilala siya.
Siya ang binansagang lagalag na ermitanyo ng hotel na laging nadalaw sa kanila.
Ermitanyo dahil sa maputi at mahaba nitong buhok at balbas. Simple lang manamit at di mo aakalain na isa pala itong ‘Don’ kung tatawagin.
Sandali lang siya nakipagusap at umalis. Nakadama ng gutom kayat sa restaurant siya kakain. Siya lang ang nakakabali ng house rule sa restaurant na ito.
Wala sa kaniya ang formal attires only rules dito.
Malaya siyang nakakapasok at nakakakain. Dalawang waiter pa ang umaasikaso sa kaniya at maging ang italyanong chef ng kusina ay tumatakbo pa sa kaniya upang alamin ang gustong iluto nito.
Sabik ang mga tauhan ng hotel sa matandang dumating. Mahal nila ang matanda dahil sa kabutihang ginawa nito sa kanila.
Naligayahan ang matanda sa hinaing pagkain at nagpaalam. Ni hindi na siya pinagbayad kahit na sa halagang dalawang libo ang kinaing pananghalian.
Tanging tapik na lang sa balikat ang ginawad niya sa mga taong nag-asikaso sa kaniya.
May lugar pa siyang gustong puntahan.
Ang silid kung saan may mga batang naglalaro sa indoor playroom.
Nagtungo siya sa isang silid at sinilip sa nakaharang na salamin ang mga bata. May apat na batang nagkakasiyahan sa paglalaro na binabantayan ng kanikanilang mga yaya. Naroon din ang kilalang tagabantay ng pasilidad.
Nakita ang matada sa kabilang panig ng salamin at kumaway ito.
Gumanti ng ngiti ang matanda.
Ilang minuto lang siya doon at umalis na muli.
Plano na niyang umuwi ngunit malayo ang lobby kung saan siya pumasok. Tinawagan ang personal driver at sa likod ng hotel na lang sila magkita. Malapit sa infinity pool ang kanilang tagpuan.
Tahimik niyang dinaanan ang hallway patungo sa pool. May kaunting kahabaan ito papunta sa exit.
Mag-isa lang siyang naglalakad. Sa gitna ng mahabang hallway ay natanaw niya ang isang batang napatigil sa paglalakad na waring natatakot sa kanilang pagsasalubong.
Papalapit siya sa bata na natigilan. Nagkatitigan sila sa mata.
Magkatapat silang nakatayo sa gitna. Naghihintay ang bawat isa kung sino ang unang magbibigay ng daan.
Sumuko ang batang nakatingin sa matanda na namumutla sa takot dahil sa hitsura ng matandang nakaharap na binigyan ng daan.
Lumakad ang matanda. Tatlong hakbang at nilingon niya ang bata ng sa pakiramdam niya ay di pa rin umaalis sa pagkakatayo.
Muli silang nagkatitigan at nagsukatan kung sino ang aatras.
Napatakbo ang bata sa takot.
” Vampireeeeeee !!!!!”
Sigaw ng bata na palayong tumakbo sa kabilang bahagi ng pasilyo.
Pinanood na lang ng matanda ang batang ubod tuling tumakbo palabas ng hallway.
” Manang-mana ka talaga sa lolo mong sira ulo…”
Natatawa niyang bulong dahil kilala niya ang batang tumalilis. Si Thirdy ang apo ng kaniyang dating matalik na kaibigan.
Dating matalik na kaibigan…
Si Don Iñego ang kasosyo ni Don Juancho.
Sila ang nagpasimula ng pinakasikat na hotel na ito. Ito ang bunga ng kanilang pagkakaibigan at mabuting pagsasamahan. Nagbago ang lahat ng maging masasakitin si Don Iñego. Sinamantala ang kaniyang kahinahan. Nagawan ng paraan ni Don Juancho na mabawasan ang shares niya sa kita ng hotel.
Mula sa 50 porsiyento ay nahati pa ito sa kalahati. Nakuha ng matalik na kaibigan ang halos 75 percent na pag-aari ng kanilang itinayong negosyo.
Ayaw niyang ibenta ang kaniyang karapatan sa negosyo dahil ito ay kaniyang pinaghirapan at para lamang sa mga gusto niyang tulungan.
Araw at buwan ang kanilang pagitan sa pakikisama sa kapwa. Kung isa ay kinatatakutan ang isa ay kinagigiliwan.
Isang kamay na bakal laban sa nakabukas na bisig sa pagtanggap ng mga taong nasailalim ng kanilang mataas na estado.
Tanging ang hotel na ito ang nagsisilbi niyang hugutan ng lakas dahil ito talaga ang bumago ng kaniyang buhay. Wala siyang pamilya na pamamanahan dahil ang buhay at lakas niya ay ibinuhos niya dito na inagaw pa ng kaisa-isang pinagtiwalaang kaibigan.
Mismong si Don Juancho ang nagbansag sa kaniya na ermitanyo, at ngayon nama’y ang apo naman ang tumawag na bampira…
Nakangiti ang matanda sa kabila ng pagtawag sa kaniya ng bampira.
“Salbaheng bata ha ha ha!”
Tatawa-tawa ang matanda sa nangyari habang hinihintay ang papalapit na sasakyang sundo.
Huminto ito at sumakay ang matanda. Iikot pa ito papalabas sa exit ng hotel.
Kampante at komportable sa pagkakaupo ng makalayo na sila doon ng makita niya sa daan ang isang lalaking matagal na niyang kilala.
” Frederico,ihinto mo ang sasakyan !”
Inihinto ng may edad na driver ang kotseng minamaneho at napatapat sa isang lalake nakilala niya noon sa America.
Agad niyang ibinaba ang salaming bintana at sinilip sa tapat ang nakitang lalake.
” Nakikilala mo pa ba ako?”
Tanong ng matanda na tuwang tuwa sa lalaking nakatayo.
“Sir! S-sir Iñego!!!”
” Ako nga ito Roman! Sa wakas nagkita muli tayo.”
Pinagbuksan ng matanda si Roman at pinasakay ng kotse. Sa loob ay nagkamustahan ang dalawa na parang dati na silang magkakilala.
Umusad ang kotse patungo sa bahay ni Don Iñego.
*****
Ano ang ugnayan ng dalawa sa isat isa? Isa isa ng naglalabasan ang mga tauhang gugulo sa buhay ng mga Monleon.
May kampihan na magaganap sa susunod na tagpo.
**Abangan ** !!!
Chapter 12 Ang Diwata
Margott
Bumukas ang pinto ng sasakayan sa tapat ng mansion ng mga Monleon.
Bumaba mula sa driver seats ang isang napakagandang modelo.
Nagbukas ang pinto at sinalubong siya ng isa sa mga maid ng masion. Binati siya ng kasambahay ngunit ni hindi niya pinag-aksayahang tingnan ang o gantihan ng pagbati ang katulong at derederecho itong nagtungo sa loob ng 3 story mansion.
Alam niya ang pasikot-sikot dito. Inakyat niya ang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Ilang pinto ang dinaanan niya hanggang sa makarating sa dulo.
Ito ang library/office ng mansion.
Dito nagaganap ang lahat ng transaction ni Don Juancho.
Ngunit hindi ang matandang Don ang pakay ni Margott kundi ang kaniyang papa. Si Atty. Simeon Olivarez.
Ang kanang kamay at abugado ng pamilya Monleon.
” Papa…”
Parang batang musmos kung bumati si Margott sa amang abala sa pagbabasa ng ilang papeles.
Agad namang huminto ang matandang binati, itinigil ang mga ginagawa. Parang prinsesa kung ituring ni Atty. Simeon ang anak na tumawag.
Humalik ang dalaga sa magkabilang pisngi ng amang lumapit.
Nakasimangot pa ito ng pinaupo ng kaniyang papa.
” Ija, hindi bat sabi ko sa iyo na busy ang papa.”
“E kasi naman papa, nakakabore na dito sa pilipinas. Ang saya-saya ko na sa new york bakit mo pa ko pinauwi dito kung lagi lang ako sa bahay. Nakakainis ka naman e.”
Maktol ng ng babae sa ama na sinabayan pa ng pagpadyak ng paa sa pagkakaupo.
Tumayo muli ang ama, umupo sa tapat na silyang kinauupuan ng dalaga at inamo ang kaniyang anak.
“Naku ang prinsesa ko. Kaya nga kita pinauwi kasi gusto kitang makita. Natatakot ako na baka kung ano na ang nangyayari sa iyo sa Amerika. Dito mababantayan kita at madali ko maibibigay ang mga gusto mo.”
“Papa naman e! Boring na dito sa pilipinas! Ano naman gagawin ko dito! Most of my friends nandoon na sa new york. Wala na ako kilala dito. Theres nothing new here! Nakakasawa!”
Ganito ka-spoiled si Margott kaya ganito ang kilos nito pagkaharap ang ama lalo na kung sa ganitong pagkakataon na sila lang dalawa ang magkaharap. Kabaligtaran kungbkaharap ay ibang tao na akala mo isang binibini.
” Ngayon magiging busy ka na. Alam mo ba na bumalik na ang kakambal ni Michael Angelo?”
Nanlaki ang mata ng dalaga sa narinig na balita. Kilala niya ang kambal ngunit di pa niya ito lubusang kilala dahil nasa amerika siya noon.
Tanging sa larawan lang at pahayagan niya nababalitaan si Michael Angelo na sikat na race car driver. Sa namayapang Monleon una siyang nagkagusto.
Binalak pa nga nilang mag-ama na i-set up siya noon sa isang blind date ngunit napurnada naman dahil pinakaslan agad ang babaing nabuntis nito.
Sa inis ng dalaga sa kaniyang lihim na pag-ibig ay nagtungo ito sa amerika upang ipagpatuloy ang pagmomodelo.
Kilala rin niya si Arch Angelo sa kwento ng ama. Mas nagkaroon siya ng interes dito dahil sa pagiging black sheep sa pamilya.
“I like him, nakakachallenge …”
Naala pa niya ang sinabi niya ng minsang ikuwento ng papa niya kung paano ito magwala sa isang bar sa kalasingan at kung paano ito lumaban sa ama ng sigawan.
” Natahimik ka na?”
“Of course not Papa! Nabigla lang ako na bumalik na ang black sheep ng mansion.”
Muling bumalik sa pinagkakaupuang pwesto ang attorney. Nakangiti ito dahil alam niyang ikatutuwa ng anak niya ang pagbabalik ni Arch Angelo.
” No, my princess. Sa hotel siya nakatira ngayon. Matapos siyang maglayas at ng mamatay ang kaniyang kakambal ay pinagbawalan na siyang tumuntong dito. He’s lucky because of Doña Demetria’s fortune kaya siya nakakasurvive.”
“You mean di ko rin pala siya makikita.”
Yamot na naglagay pa ng lipstick ito at nagretouch ng mukha gamit ang isang mamahaling pocket make up.
“You will see him soon my princess. Three days from now wala kang gagawin kundi magpaganda. Dahil aattend tayo ng masquerade ball.”
Isang marangyang VIP invitation card ang inabot sa anak.
Natuwa ang dalaga ng mabasa niya ang invitation dahil ganito ang social life niya sa amerika. Ang umattend ng party. Makihalubilo sa mga alta sa ciudad kung saan siya nabibilang.
Ang purihin siya sa kaniyang kagandahan at kasikatan sa pagmomodelo.
” Papa!!!I love you so much!!!Ano gagawin ko?! I have no new dress?! I have no Idea kung anong theme ang susuutin ko! Oh my god!!! Naiistress ako papa!!!”
Kinikilig na parang batang highschool ang 23 anyo na anak ng abugado.
Pinakalma niya ito. Alam niya ang kahinaan ng dalaga sa mga ganitong tantrums ng paborito at nag-iisang kasama sa buhay.Inabot niya ang gold visa card upang ipanggastos sa anumang kailangang bilhin ng nagmamanyang prinsesa.
Tuwang tuwa naman ang dalaga ng tanggapin ito. Para ng baliw na nagpaalam sa ama at nagtungo palabas ng silid.
Sa hallway ng kaniyang pinagmulan napansin niya ang isang malaking larawan na nakasabit doon. Larawan ni Arch Michael kasama ang asawa at anak nito. Tumayo ito sa harapan at kinausap ang larawan.
“Sorry huh?kasi ikaw pinagpalit mo ako agad sa panget na yan. Kaya ayaw ko na sa iyo. Isa pa your already dead…buti na lang you have a twin brother kaya sorry talaga huh! Pagpapalit na kita kay Arch Angelo.”
Lumingin pa ang dalaga kung may tao sa paligid. Nang makasiguro ay hinalikan niya ang mukha ni Arch Michael sa larawan at saka muling lumingon sa paligid. Inayos ang sarili ay lumakad palayo na parang walang nangyari patungo sa kaniyang sasakyan.
Muli nandoon ang maid na sumalubong sa kaniya kanina upang pagbuksan siya papalabas ng masion. Gaya kanina ay parang wala siyang nakita at deredrechong sumakay ng kotse.
Masaya ang dalagang umalis dahil makikita na niya ang kakambal ni Michael Angelo tatlong araw mula ngayon.Ang rebeldeng Monleon ng pamilya na nababagay para sa kanyang kagandahan…
*Lulan ng sasakyan, di pa rin makapaniwala si Roman na kasama niya ngayon si Don Iñego. Ang matandang lalaking tinulungan niya noon na nawalan ng malay.
Ang lalaking nagbigay sa kaniya ng tarheta ng Monleon Tower Hotel.
Sa di sinasadyang pagkakataon ay nagkita muli ang dalawa.
” Hindi ko akalain na muli tayong magkikita Roman. Malaki angbutang na loob ko sa iyo.”
” Wag ho kayong magpasalamat Don Iñego, ginawa ko lang po ang nararapat bilang isang kapwa tao.”
“Malaking bagay ang ginawa mong pagsasalba sa buhay ko… Roman bilang pagtanaw na utang na loob. Nais kong sa akin ka na maglingkod… tulungan mo akong muli…tulungan mo akong muli na isalba ang buhay ko…kung papayag?
Natahimik si Roman sa sinabing alok ng matanda.
Kumpleto na ang mga tauhan!!!
Abangan!!!!
Coming soon
Maiba naman ng forte…
Chapter 13 Kalasag
Roman
Hindi ko akalaing muli kaming magtatagpo ni Don Iñego. Tadhana ang naghatid sa akin na makita ko siyang nakahandusay at walang malay noon sa CR ng casino. Ngayon tadhana na naman na magkita kami muli.
Isang napakalaking pagkakataon ang inalok niya sa akin.
” Ang nais koy ikaw ang kumatawan sa sa lahat ng aking karapatan. Ang lahat ng gagawin at sasabihin mo ay batas ko. Ipapaubaya ko sa iyo ang lahat ng nasa akin.
Matanda na ako, wala akong pamilya. May sakit ako Roman at wala akong mapagkakatiwalaang taong hahalili sa akin at gusto kong bago ako mawala ay may magpatuloy ng mga nasimulan ko.
Ikaw Roman ang gusto kong gumawa noon sa akin.”
Kinabahan talaga ako ng sabihin niya ito sa aking harapan. Nahabag ako sa kaniyang mga naranasan. Napakasama talaga ng mga Monleon at mismong kaibigan ay trinaydor nila dahil sa pera.
Sa tatlong oras naming pag-uusap ay naikwento nya ang kaniyang dinanas na hirap at tagumpay. Maging ang nakakayamot na ugali ng Don Juancho na iyon. Lahi talaga sila ni Hudas!
Hindi ako nakasagot sa pagkabigla dahil sa kaniyang alok sa akin. Malaking obligasyon ang kaniyang ipapamahala sa isang hamak na kagaya ko.
Ang mga lupain,paupahan,negosyo, at mga tauhan sa akin niya ipinagkatiwala.
Nakakalula ang yaman niya.
Sayang at walang mapag-iiwanang pamilya kung siya ay mawawala. Sayang ang kanyang pinaghirapan.
“Ano naman ho ang kapalit kung sakaling papayag ako sa kagustuhan ninyo?”
Iyon lang ang naisagot ko.
Wala akong pagkakataong tumanggi dahil ginto na ang lumalapit sa akin.
” Ikaw ang mga kamay na magtatanggol sa akin.
Paa ko na lalakad sa pinaglalaban ko. Gagawin mong kalasag ang yaman ko Roman.
Ang nais ko lang ay katarungan sa ginawa sa akin ni Juancho. Kalahati ng karapatan sa Hotel ay kinuha niya, ng dahil kaniyang kagahaman. Kahit mayaman ako, nais ko siyang turuan ng leksyon.
Anong kapalit?
Ang lubos na tiwala ko sa iyo. Yun lang maibibigay ko sa itutulong mo sa akin.”
Namangha ako sa prinsipyo ng matandang iyon. Bale wala sa kanya ang pera. Di niya inisip kung baka lokohin ko siya. Nagtiwala siya sa akin ng ganoon kadali. Bihira na sa tao ngayon ang magtiwala.
Biktima din ako ng salitang pagtitiwala para sa aking minahal…
Pareho pala kami ni Don Iñego na nagtiwala na ang lahat ay nasa mabuti at sasaksakin ka pagtalikod.
” Papayag ako sa gusto ninyo Don Iñego subalit may patakaran ako sa ating kasunduan.”
Tumahimik siya sa aking sinabi kanina. Para akong nakipagkasundo sa demonyo na huwag malagay sa kapahamakan ang aking kalukuwa.
” Nais kong huwag ninyong pakikialaman ang mga pansarili kong desisyon. Ang lahat ng kakayanan at lakas ko lang ang maibibigay ko sa inyo.”
Ngumiti ang matanda sa akin na parang dahong nasikatan ng araw mula sa hamaps ng bagyo.
” Salamat Roman! Di ako nagkamali sa pagpili ko sa iyo!”
Nagkamayan kami bilang tanda ng aming kasunduan. Lalaki sa lalaking nangako na magiging magkasangga. Lingid sa kaniyang kaalaman na ako man ay may balak na pansariling pakay laban sa mga Monleon.
” Anak, malapit na kitang makuha..”
Naiiyak ako sa kagalakan dahil isa isa ng nagbubunga ang paghihirap ko. Malapit na ang panahon na mababwi ko na ang aking anak..
Hawak ko ang isang imbitasyong binigay sa akin ni Don Iñego.
“Sa araw na ito tayo magsisimula. Ipapakilala kita sa kanila na aking anak-anakan. Kung dadalo ka sa pagtitipon na iyan ay nangnghulugan na handa ka na sa ating kasunduan. Kung hindi ay tatanggapin ko ang aking pagkabigo sa iyo kung magbago man ang iyong isip.”
Isang Masquerade Ball na gaganapin sa Monleon Tower ang nakasulat sa imbitasyon…tingnan mo nga naman at dito pala ang round one.
” Señorito Roman narito na po tayo.”
Natauhan ako sa aking iniisip ng tawagin ako ni Mang Federico.
Siya ang personal driver ng aking bagong ama-amahan at magiging kasama ko sa pagpapanggap.
Maging siya ang kasabwat namin sa aming palabas.
Sumilip ako sa aming pinaghintuan. Akala ko ay sa mall kami pupunta upang bumili ng susuutin sa ball kundi sa isang malaking bahay sa gitna ng isang malawak na bakuran.
Pumasok ang kotseng sinasakyan ko sa bakuran iyon. Kabado akong bumaba ng may isang taong naghihintay sa akin sa harap ng pinto ng bahay.
Nakilala ko ang lalakeng nakatayo. Isang sikat na pinakabatang Filipino couturier sa buong mundo ang masayang nagbeso sa akin.
” Welcome Roman! Halika at pumasok ka.”
Magiliw akong inistima ng couterier. Sikat man siya ay naroon ang kababaan ng loob. Naitawag na pala ako sa kanya ni Don Eñigo kayat alam na niya ang gagawin sa akin.
Napag-alaman ko na si Don Iñego ang nagpaaral sa kaniya mula ng elementarya hanggang kolehiyo kaya ng mabalitaan niya ang pagdating ko ay ganun na lang ang kaniyang pag-aasikaso sa akin.
Kinuha niya sukat ng aking katawan. Leeg,braso,dibdib,beywang,hita at balakang. Nakaharap ako sa salamin habang pinag-aaralan niya ang pisikal kong anyo.
” Napakakisig mo Roman at bagay na bagay sa iyo ang tux na isusuot mo. May sukat ako sa mula sa aking collection para sa maganda mong physique.”
Masaya niyang iniwan ako sandali.
Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin at pinag-aralan ang aking hitsura. Tinitigan ko ang reflection ko ng mata sa mata.
” Kaya ko ng lumaban ng ngipin sa ngipin…ang dating alikabok na binalewala noon ay pader na.”
Bulong ng isip ko dahil malapit na akong magsimula sa para sa aking karapatan.
Dumating ang Couturier at kasama ang isa niyang katulong tangan ang dalawang puting kahon.
Ang aking damit at sapatos.
” Ito ang isusuot mo sa ball,Roman. Espesyal ito dahil anak ka ni Don Iñego kaya espesyal ang susuutin mo. Ang mask na gagamitin mo ay sa mismong araw ng ball mo pa makukuha at ako mismo ang magdadala niyon sa iyo.”
Namangha ako sa aking naranasan ngayon ng ako ay umalis.
Ganito pala tratuhin ang isang mayaman.
Napakasarap sa pakiramdam.
Di ko maintindiahn kung bakit ang iba ay nasisilaw pa sa kayaman at nagiging gahaman.
Nawawala ang pagkatao sa panlalamang.
” Buo na sa kalooban ko na tulungan ka Don Iñego. Para sa iyo at para sa katarungang kukunin natin. Humanda kayo mga Monleon.
Hindi ninyo namamalayan na iisa-isahin kong tatangalin ang inyong mga pangil…”
Next Chapter
Ang simula ng pagpanggap
Abangan!!!
Chapter 14 Bitag
Arch Angelo
” _Uncle Arch, let’s go na! Uncle Roman is waiting!’ _
Talaga naman ang batang ito at di makapaghintay. Nakakatuwa at kahit kanina sa paggising lang niya nakasama si Roman ay nakagiliwan niya ito ng sobra.
Nagmamadali tuloy akong magbihis at nasa lobby na pala si Roman na naghihintay
.
Excited na excited ang pamangkin ko ng hinawakan pa ang kamay ko at hilahin patungo sa harap ng elevator upang makasakay at makababa sa lobby.
” _Uncle Arch nagugutom na si Uncle Roman!” _
Tatawa-tawa ako ng bumukas ang pinto at hilahing muli sa pagmamadali.
Sa loob ay sinigurado ko pa kung ayos ang aking pananamit.
Sinipat kung maayos ang buhok maging ang aking mga ngipin. Napatingin ako kay Thirdy na pinapanood pala ako sa aking ginagawang pagche-check sa sarili.
” Yes?”
Tanong ko kay Thirdy.
” Uncle Arch, gwapo ka na so don’t be concious.”
Para akong napahiyang napatawa sa sinabi ng pamangkin ko.
Hindi naman ako ganito kung maexcite dati.
Hindi ako sensitive sa kung ano ba ang makikita sa akin.
Hindi ko alam at sa isiping may naghihintay sa ibaba ng hotel ay nais kong presentable ako at walang kapintasan sa mga mata ni Roman.
Ewan ko ba sa sarili ko.
Akala ko ay one night stand lang ang mangyayari at tapos na.
Pero ng makita ko kung gaano siya nilapitan at niyakap ni Thirdy ay nag-iba ang pagtingin ko sa kaniya.
Malambing ang pamangkin ko.
Bindi siya nahihiyang ipakita ang kaniyang pagmamahal sa amin.
Pero di gaya ng ginagawa niya kay Roman.
Nandoon agad ang pagtitiwala at pagkagiliw niya.
Ngayon ko lang nakita sa mga mata Thirdy ang kasiyahan na dapat ay naroroon noon pa bilang isang bata.
Kakaiba ka Roman at ang pamangkin ko ay naakit ng iyong presensya.
Ang personalidad mo ay parang batubalaning nakakahila ng damdamin.
Parang ang daling umibig sa iyo…
Umiibig na nga ata ako sa iyo..
Kaba ng pananabik ang aking nararamdaman ng nakalapag na kami sa lobby at bumukas ang pinto ng elevator.
Kakaiba ang bigat ng aking dibdib.
Kaligayahan ang aking nadarama ng makita ko siyang prenteng nakaupo sa waiting lounge.
Isang imahe na angat sa iba.
Ang nakakahawa niyang ngiti ng makita niya kami.
Ang kaba ko ay lalong bumilis.
Shit naman!
Ano ba Arch, bakit ka ba nagkakaganyan?
Bulong ko sa aking sarili.
” Uncle!!!”
Sigaw ni Thirdy ng makita niya si Roman.
Talagang kakaiba ka Roman at patakbo pang lumapit sa iyo ang bata. .
Maging ang pagbati niya ng halik sa iyong mga labi ay nagagawa niya na hindi ko naranasan sa pamangkin ko noong nagka-isip siya.
Ano nga ba meron ka at naiinlove kaming magtiyo sa iyo?
” Naghintay ka ba ng matagal?”
Pagtatakip ko sa aking nararamdaman.
Tumayo siya sa kaniyang pagkakaluhod mula sa pagkakayakap sa bata at nakipagkamay sa akin.
Napakadisente talaga niya na kahit may nangyari sa amin kagabi ay di siya nagpahalata sa mga nakakakita sa amin ngayon.
Baka ako lang ang nag-iisip ng ganito. Siguro, kung walang tao sa paligid,maging ako ay tinakbo siya at hinalikan din ang mapupula niyang labi.
” Sakto lang naman ang paghihintay ko. So, shall we go and eat?
Kakain na kami!!!
Tuwang tuwang pa si Roman ng itaas niya ang mga kamay ni Thirdy.
Parang kay tagal na nilang magkakilala.
Ako ang naa-out of place sa dalawa…para sa pamangkin ko, makita mo lang na masaya siya ay hahayaan ko si Roman mapalapit sa bata…upang mapalapit pa ako sa kanya…
” Am I using my nephew para mapalapit pa sa iyo Roman?!”
Pumasok kami sa restaurant ng hotel at pumuwesto sa lagi naming kinakainan ng pamilya.
Noong kumpleto pa kaming pamilya.
Ngayon kaming tatlo ang kakain dito. Magkaharap kami ni Roman at katabi ko si Thirdy.
Pumili kami ng aming makakain. Araw-araw ay nag-iiba ang menu ng restaurant kaya isang beses ko lang natitikman ang mga hinahain dito araw araw, maliban sa mga sweets at chocolate cake na isa sa ipinagmamalaki ng Hotel na wala sa iba.
Italian ang menu ngayong gabi. Tonight is pasta night kayat pasta it is.
Lumapit sa amin ang Chef.
Si Chef Mario Batali na isang italiano.
Kada buwan ay nagpapalit-palit kami ng tagapagluto at tagapaghanda ng menu upang hindi manawa ang guest sa kanilang kakainin.
Umorder ako ng para sa akin at para sa pamangkin ko ng aming gusto at pagkatapos ay si Roman naman ang umorder ng sa kaniya.
” Posso avere il cacio e pepe, asparagi avvolti in prosciutto, pollo alla cacciatora e ricotte per dessert.”
Nagulat ako ng kausapin niya ang Chef sa wikang italiano.
” Ottima scelta il mio amico. Qualcos’altro che vuoi farmi preparare?’
Nakangiti si Chef Mario at natuwa sa order ni Roman.
” Grazie, ma che saranno tutti.’
Natapos ang kanilang usapan sa pagpapasalamat ni Roman at nagmamadali pa ang Chef na bumalik sa kaniyang kusinang masayang-masaya.
Nagugulat ako sa mga nadidiscover ko sa lalaking ito.
Bumabalong ang paghanga ko sa kanya.
Normal sa akin makakita ng mga taong multi lengual ang alam na salita. Subalit kay Roman lang ako napanganga sa husay niyang magbigkas mg italian.
Nabigla ako sa kaniyang talino.
Sa kabila ng paghanga ko ay dinaan na lang namin sa mga kwetuhan ang paghihintay sa aming kakainim.
Naiinip ang bata sa paghihintay kaya kumandong ito kay Roman na hindi niya tinanggihan.
Pinanood ko sila kanilang mga bulungan.
Ayaw nilang iparinig sa akin ang kanilang pinag-uusapan at parang tinutukso nila akong alamin ito.
Bubulong si Thirdy habang nakatingin sa akin si Roman.
Bubulong si Roman habang nakatingin si Thirdy sa akin.
Ilang ulit nilang ginagawa iyon at natatapos sa mahinang hagikgikan.
Curious akong malaman kaya para akong bata na naiinis dahil ayaw nila isama sa kanilang usapan.
Sumimangot ako kunwari ng sulyapan ako ni Roman at may binulong muli kay Thirdy.
Agad na tumayo ang pamangkin ko at ako naman ang binulungan.
” Uncle Roman said na he likes this person last night…i dunno who she is but Uncle Roman wants to know this person more.”
Namula ako sa bulong ni Thirdy.
Para akong matutunaw ng nakatingin pa si Roman sa akin. Di alam na ni Thirdy na ang ibinulong sa kaniya ay isang lalake.
Shit! Ako yun !
Binulungan ko si Thirdy.
“Tell Uncle Roman that the person he wants to know more,want that also.”
Bumalik si Thirdy at binulong kay Roman ang sinabi ko.
Nagkangitian kami dahil alam namin ang gusto namin sa isa’t isa. Isang sikretong kami lang ang nakakaalam.
Bubulong pa sana si Roman subalit dumating na una naming order na kakainin kayat natigil na kami sa aming munting laro.
Ngayon lang ako kinilig ng ganito.
Kumain kami na masaya at nakikita ko na mas lalalim pa ang pagkakailala ko sa yo Roman.
Aaminin ko…may narardaman na talaga ako sa iyo.
Roman
**” ** Sige lang Arch Angelo Monleon, sumakay ka lang…”
Saloobin ni Roman sa kaniyang pagpapanggap habang kasalo ang kaaway.
Nahuhulog na si Arch Angelo sa nararamdaman niya para kay Roman.
Sa susunod na chapter.
Magkita-kita tayo sa Monleon Tower Hotel Masquarade Ball!
Chapter 15 Maskara
Margott
Kakaiba sa inaasahan kong party na akala ko ay sayawan at kasiyahan ang mangyayari ngayon.
Business meeting pala ito.
Pinagkaiba lang ay mga nakapustura ang mga dumalong suot ang mga maskara.
Kung alam ko lang na ganito pala ang dadaluhan namin ng papa,sana ay nagpaiwan na lang ako sa bahay.
Kung di ko lang alam na dadalo rin si Arch Angelo hindi ako mag-aaksayang paghandaan ang party na ito.
I have to admit na hindi rin pala boring ang mangyayari.
Sayang naman ang mamahaling gown na binili ko…
” _Oh my ghadd…” _
Walang dudang si Arch Angelo na ang dumating! Kahit nakamaskara ay siyang-siya dahil sa jaw line na kapareho ng kapatid niya.
” _Siya na nga yun!’ _
” Halata na agad dahil ni hindi siya kinibo ni Don Juancho at ang batang kasama nito ang binati. Iyon marahil ang anak ni Michael Angelo. Ano nga ba name nun? Ahh forget it, i dont care.”
Hinanap ko si papa upang ipakilala na ako kay Arch Angelo subalit di ko siya makita. Kahit maganda ako ay kailangan ko ng third party para ipakilala ako ng pormal. Ayaw kong magmukhang cheap sa paningin ng pinakagwapong lalake na narito sa party.
Lutang lutang ang kaniyang tindig at tikas ng pangangatawan sa suot na tuxedo na kahit nakamaskara ay masasabi mong napakagwapo.
” _Oh my ghadddd!!” _
Maging sa pag-inom ng champagne ay nakaka-inlove.
Sana ako na lang ang wine glass na dinampian ng kaniyang mapupulang labi. Grabehhhhh!!!!
Di ako makatiis, at baka maunahan pa ako ng ibang mga kababaihan na narito at nagsimulang palibutan si Arch. Di ko na mahihintay ang papa. Bahala na ang pride!
Lalapit na sana ako ng bumukas sa gilid ko ang dalawang nakapinid na malaking pinto ng bulwagan at lumakad sa harapan ang dalawang magkasunod na lalake. May edad yung nauna dahil sa lakad nito at ang kasunod niya ay…
Napanganga ako …
” **Oh my Guhh…” **
Sino naman ito?
Isang napakakisig na lalake ang dumaan sa aking harapan.
Parang slow motion ang sandali ng panoorin ko ang kaniyang paglakad.
Akala ko ay si Arch na ang pinakamakisig sa party na ito. Nagkamali ako at parade of greek gods pala ang maglalaban ngayong gabi.
” Hayyy anu ba yan! Nakakainis naman at dalawa na sila!”
Oh my, kilala ko ang rin ang kasunod nilang maliit na lalake!
Si Arwen Santillan na sikat na fashion designer!
Sinasabi ko na!
Nakita ko na suot na maskara ng lalaking iyon.
Gawa ni Arwen ang maskara na nafeature sa Vogue Italia dahil sa mga diamonds na nakalagay dito. Nakalimutan ko na kung magkano ang halaga ng mask na iyon, basta milyon at dollars ang usapan.
Kailangan ko silang makilala.
Sorry Arch Angelo, career muna bago love life.
Sa wakas nakita ko na si Papa.
Aba at naunahan pa akong kausapin ang bagong dating. Si Don Eñigo at lalaking iyon ang kausap niya. Mahusay ka talaga Papa, sana mahalata mo na bagay din sa akin lalaking bagong dating ha ha ha!
Lumapit ang papa sa akin matapos ang kanilang usapan.
“Anak pala ng Don Eñigo ang kasama niya. Si Roman. Anak niya from America at ngayon ko lang nalaman. May tinatago din palang kalokohan ang matandang ermitanyo ha ha ha!”
Sinaway ko ang papa at baka may makarinig sa kaniya.
Di nga ako nagkamali at anak mayaman din ang lalaking iyon.
“So his name is Roman…very manly.”
Bulong ko sa aking sarili. Kakaiba ang hatak niya. Bagamat gwapo si Arch Angelo ay kakaiba din at palaban ang karisma ng isa.
” Princess halika ipapakilala kita kay Arch Angelo.”
Naexcite ako ng hilahin ni Papa patungo sa kinauupuan ni Arch Angelo.
Katabi niya ang kaniyang pamangkin.
I still can’t remember the name of that twit.
Gosh mahina talaga ako sa mga names!
” Arch Angelo this is my daughter, my little princess Margott.”
“Papa nakakahiya naman calling me princess in front of Arch Angelo.”
Nakakahiya talaga ang ginawa ng papa sa pagpapakilala sa akin.
“No, your dad was right, mukha ka namang princess e.”
Kahit nakasuot ako ng maskara ay halata kong namula ang aking mga pisngi sa compliment ni Arch.
Pinaupo ako ni papa sa kanilang pwesto. Akala ko ay makakakuha na akong pagkakataon masolo ko ang gwapong ito. Hindi rin pala dahil sa kalikutan ng batang kasama.
Ni hindi niya masagot ng maayos ang mga tanong ko kung bakit ngayon lang siya nagbalik. Bakit kasi nasa gitna pa namin ang pamangkin niya. Mali ka naman Papa ng pagpwesto sa akin.
What can i do kundi ang panoorin na lang ang magtiyo na ito na maglaro at magkilitian.
Wala bang yayang kasama ito?
Ano bang klaseng party itong napuntahan ko.
” Umm Arch Angelo are you hungry, gusto mo ikuha ko kayo ng makakin ng cute mong nephew?”
Kailangan kong magpalapad ng papel makuha ko lang atensyon niya.
“Oh thanks, kahit isang plate na lang at susubuan ko na lang si Thirdy.”
Grabeh ang jaw line, ang maputi niyang ngipin, ang ilong niyahh…kung pwede lang kitang itake out Arch Angelo.
Tuwang tuwa akong tumayo dahil iyon ang unang conversation namin at mapapaimpress ko pa siya na maaasikaaso akong tao.
Nagpunta ako sa buffet table upang kumuha ng makakain.
Tingnan mo nga naman ang pagkakataon at naroon din ang anak ni Don Eñigo.
Base two ako, bahala na lang kung sino makakascore sa akin.
Wala naman tulak kabigin sa dalawa nila ni Arch Angelo dahil pareho silang anak mayaman at guwapo.
” Anything you want baka nahihirapan kang pumili ng kakainin. Hi I’m Margott Olivarez.”
Nagpakilala na talaga ako dahil chance ko na makilala siya ng mabilisan bago ako mamatay sa pagkabagot sa party na ito.
Nakipagkamay siya sa akin at ngumiti. Bagay sa kaniya ang suot na maskarang napapalibutan ng mga brilyante. Kagaya ko na isang prinsesa ay kaharap ko ang isa pang prinsipe.
” I’m Roman .”
Pakilala niya sa akin, magsasalita pa sana ako ng lapitan siya ng isang cheff. Lumayo ako bahagya at wala akong maintindihan dahil italian ang kanilang usapan. Patay malisya akong kumuha ng pagkain at baka naghihintay na ang isa ko pang prinsipe.
**“Uncle Roman ** !”
Nagulat ako sa sigaw ng pamangkin ni Arch na nasa likod ko pala at natapon sa dibdib ko ang pagkain inilalagay ko sa plato.
Pesteng bata…
Parang di nila ako napansin sa nagyari at tanging mga food server lang ang nakakita.
Peste talaga at kailangan kong magpunta nga powder room para alisin ang natapon sa gown ko.
” Nakakabwisit na bata talaga yun!!!”
*****
Nakapasok na sa bungad ng tore si Roman sa tulong ni Don Eñigo. Ano kaya ang mangyayari sa pagkakatong nagkita muli ang mag-ama at tsansang magkita rin sila ni Arch Angelo sa ginaganap na masquerade ball.
ABANGAN
( mamaya )
Chapter 16 Alipin
Roman
Natuwa ako ng bigla na lang akong yakapin ni Thirdy. Expected ko na magkikita kami dito dahil party ito ng matandang Juancho. Lumuhod ako upang maayos ko siyang mayakap.
Kahit nakamaskara ay nakilala niya ako agad. Sa pagpasok ay nakita ko na ang pwesto kung saan sila nakaupo ni Arch Angelo kasama ang babaeng kumausap sa akin kanina.
Matalas na ang mata ko dahil sila talaga ang aking pakay sa pag-attend ng party.
Lalo na ang anak ko.
“I missed you Thirdy!”
Niyakap ko siya ng mahigpit. Di ko maipakota ang pananabik ko sa kaniya at pinagtinginan na kami ng ilang bisita ng sumigaw at humalik sa akin si Thirdy
Napakahigpit din ng yakap niya sa akin.
Sana ay laging ganito kami ng anak ko.
“Come with me, Uncle Arch is waiting for us! ”
Hila niya ako sa kamay kaya’t napilitan akong sumama. Nagkatinginan kami ni Don Iñego habang may kausap siyang mga ilang foreigner. Tumango lang siya sa akin, hudyat na okay lang sa kanya na ako ay makihalubilo sa party.
Sa lamesa ni Arch Angelo ako dinala ni Thirdy. Tumayo siya ng kami ay makalapit.
” Look who i caught! It’s Uncle Roman!”
Pagyayabang ni Thirdy dahil nakilala niya ako sa dami ng mga bisita.
Nagkamayan kami ni Arch Angelo.
Naupo ako at si Thirdy naman ay kumandong sa akin.
“Thirdy, maraming tao. Nakakahiya kumandong sa bisita.”
Saway ni Arch ngunit pinigilan ko siya at hayaan na lang ang bata na kumandong sa akin. Kung alam lang niya kung sino ako sa buhay ni Thirdy ay baka siya ang mapahiya.
” Di mo sinabing Papa mo pala si Don Iñego?”
Nakahanda na ako sa mga ganitong mga katanungan. Sa loob ng dalawang araw ay nakamarka na ang mga posible naming isasagot ni Don Eñigo.
“Di naman kailangan ipakilala ko ang matandang yun. Lumaki nga akong di niya nabisita noon. Aksidente lang niyang nabuntis ang nanay ko. Sa financial support lang siya magaling. Ngayon lang siya nabawi dahil wala na ang Mama ko.”
Summary ng peke kong talambuhay.
Para maiba ang usapan ay kiniliti ko si Thirdy upang mapalitan ang atensyon niya sa pagtatanong kayat pinanood na lang kami ni Arch.
Ako lang yata ang pinakamasayang tao dito sa party dahil kapiling ko muli ang aking anak.
Tinawag ni Arch ang isang waiter. Inutusang kumuha ng pagkain sa buffet. Bumalik ito na may dalang tray ng pagkain at inihain sa aming lamesa.
Muli kaming nagsalong tatlo. Wala kaming pakialam kung kami lang yata ang may tambak na pagkain sa lamesa dahil sa inutos ito ni Arch Angelo.
Nabusog kami sa aming mga kinain kayat nagkasiya na lang kami sa pag-upo at panonood ng mga matatandang nagbo-ballroom dancing sa dance floor.
Ilang sandali ay inihinto ang sayawan para sa isang auction game na gagawin.
Bawat lamesa ay binigyan ng mga maliit na placard na may numero. Maging si Arch Angelo ay binigyan din.
Slave for a day ang auction.
Pataasan ng bid para sa isang araw na alipin at ang malilikom na salapi ay mapupunta sa kawanggawa.
Bahala na kung susunod ang mabibiling alipin. Ang hindi sumunod ay magmumulta ng limang ulit na halaga na ibinayad ng nakabili sa kaniya. Mas tataas nga naman ang donasyon na malilikom, kung nais mong magbigay ng limang ulit na presyo kung aatras sa kasunduan.
Surpresang hinihila pala mula sa kani-kaniyang pwesto ang mga bisita bilang alipin na i-o-auction.
Hiyawan ng dinala ang isang dalaga. Pinatayo ito sa dance floor at nagbagsakan na ng presyo ang mga gustong gawin siyang alipin sa isang araw.
Nakuha ang babae sa halagang 50 libo. Halatang magulang din ang bumili sa babae dahil bumalik lang siya sa dati niyang kinauupuan.
Tatlo pa ang ang sumunod na ibinenta na gagawing alipin. Ang saya dahil malaki na ang naiipon nila mula sa mga auctioneer.
Masaya talaga ng bigla na lang ako ang lapitan ng host at dalhin sa gitna para ibenta. Namula ako sa hiya dahil hindi ko sukat akalain na kasama pala ako sa bentahan ng hindi ko nalalaman.
Nakamaskara pa rin ako ng lumapit dahil iyon pala ang purpose noon. Ang hindi ka makilala sa bentahan.
Wala akong magagawa sa kanilang laro kundi ang sumuko sa kanilang programa. Bahala na kung sino ang bibili dahil para sa kawang-gawa naman donasyon na malilikom.
Hinubad ko ang aking maskara.
Isa-isa ng naghihiyawan ang gustong bumili sa akin. Karamihan ay mga babaeng may mga edad na. Di na makasabay ang ilang mga dalaga sa pagbi-bid dahil mataas na yata para sa kanila ang presyo ko na 100 libo.
Pataas ng pataas ang bid ko. Kabi-kabila na ang gustong kunin aking serbisyo bilang isang araw na alipin. Maging babaeng nakilalala ko sa buffet na si Margott ay gusto akong bilhin.
Nakakalula na ang presyong naririnig ko dahil nasa kalahating milyon na ang naririnig kong bidding.
Isang matandang lalake ang nakita kong huling nagpresyo.
Naghihiyawan ang kasama ng matandang lalake na kinikilig. Halata sa kaniyang kilos na hindi karaniwang alipin ang gagawin niya sa akin sa isang araw kung sakaling mapunta ako sa kaniya.
Mukhang magkakautang pa yata ako ng di ko sinasadya na huwag lang mapunta sa matandang yun.
Siyang-siya naman si Don Iñego ng magtama ang aming mata dahil isang pagkakataon ito para lalo akong maalala ng mga narito sa party.
1 MILLION!!!
Isang maliit at matinis na sigaw ang aking narinig at nabigla ang lahat kung saan ito nagmula.
Natahimik ang lahat.
Lahat kami ay napalingon sa sigaw na iyon.
Si Thirdy ang sumigaw na nakataas pa ang kaniyang placard.
Nagpalakpakan ang mga tao at si Arch Angelo nama’y tawa lang ng tawa sa kaniyang pwesto habang si Thirdy ay talon ng talon sa kasiyahan na kumakaway pa sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala ng nagtangkang bumili sa akin dahil sa huling presyong binitiwan.
” Sold to table 4!”
Sigaw ng host at inihatid akong muli sa aking pwesto sa tabi ng nakabili sa akin. Tuwang tuwa naman si Thirdy sa kaniyang ginawa.
” You bought me for a million! I will be your slave for a day!”
Pinanggigilan ko siya sa katuwaan dahil hindi na ako mapupunta sa matandang lalake na yun.
“Hey it’s my money kaya dalawa kaming master mo.”
Nakiusap pala ang bata na bilhin ako dahil ayaw niya akong mapunta sa iba. Nais niyang walang bumili sa akin maliban sa kaniya.
Ang nakakatawa pa nito ay nangutang pa si Thirdy sa kaniyang kinikilalang tiyuhin para mabili ako.
” Uncle can I borrow a million for my Uncle Roman? I can share him with you!”
Nakakatawa talaga dahil ito ang sinabi ng anak ko.
Kaya pala ganun na lang ang halakhak ni Arch Angelo sa kagustuhan na mabili ako ng aking anak.
Ilang auction pa ang naganap ngunit di na namin tinapos ang party.
Inantok na si Thirdy at nakatulog na sa bisig ko. Gaya ng dati ay di na siya makuha sa akin kaya ako na ang kasamang maghahatid sa taas ng hotel. Nagkatinginan na naman kaming muli ni Don Eñigo at alam na niya ang ibig kong sabihin.
Tango lang ang ginawa sagot niya sa pagpapaalam ko ng lihim.
Pumirma sa isang check book si Arch Angelo patunay na binili niya ako bilang alipin para lisanin na ang party.
Karga ko ang aking anak kasabay si Arch Angelo at lulan muli ng private elevator na ito. Gaya noong unang gabi, kahit suot pa ng maskara ay pansin kong nakatitig siya sa reflection ko pintong salamin.
Nagkatitigan kaming muli sa mata gaya noong unang gabi.
Ewan at kumabog ang aking dibdib ng maalala ko ang ginawa namin dito.
Ang posiyon kung paano kami nagpaligaya sa isa’t isa.
Ang ginawa niya sa akin, ang ginawa ko sa kaniya.
Sumikip ang suot kong panloob dahil sa tumigas ng bahagya ang aking pagkalalake.
Sabay kaming lumingon sa isa’t isa.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na ilapit ang aking mukha sa kaniya at halikan siya sa labi.
Gumanti siya ng halik hanggang makarating kami sa kaniyang silid.
Walang pagbabago sa kaniyang halik gaya ng unang gabi namin. Nasarapan ako…ewan ko kung bakit?
Wala na ito sa plano ko…
kung bakit ko ito nagawa ay hindi ko alam…
Isang maiinit na tagpo ang mauulit kaya sa dalawa?
ABANGAN
(kung walang topak ang smart signal)
Chapter 17 Alinlangan
Arch Angelo
Inihatid ng dalawa ang bata sa sarili nitong silid. Hindi nahirapan si Roman na ibaba at ihiga si Thirdy. Malalim ang tulog ng bata dahil sa pagod.
Hinalikan niya ang bata sa noo. Wala siyang pakialam kung makita siya ni Arch Angelo sa kaniyang ginawa. Maging si Arch Angelo ay humalik din sa bata. Matapos noo’u pinatay ang ilaw at lumabas sila ng silid ng nakaiwang ang pinto.
Tinawagan ni Arch Angelo ang yaya ng bata sa intercon upang bantayan ito sa pagtulog.
Silang dalawa nama’y nagtuloy sa loob ng silid ni Arch Angelo.
Hindi pa gaanong naisasara ang pinto ng muling ipagpatuloy nila ang halikang nangyari sa elevator.
Muling nagtagpo ang kanilang mga labi. Sabik silang sabay na naghubad ng kanilang saplot. Nagmamadali na parang walang bukas. Kung saan saan na nakarating ang kanilang mga saplot sa pagmamadaling tanggalin ang mga sagabal sa katawan.
Sa kama silang magkayakap na magkasabay natumba. Inihiga ni Arch Angelo si Roman at pumatong dito. Hinalikan sa labi ng ilang minuto habang yakap siya ni Roman.
Iba ngayon ang init ng pagtatalik nila. Mas maalab na hindi gaya ng ginawa nila sa elevator. Parang iisa at nagtatagpo ang kanilang damdamin.
Ang bawat haplos at himas ni Roman ang nagdadagdag sa nararamdaman ni Arch Angelo.
May kapilyuhang kinuha ni Arch ang maskara at isinuot ito kay Roman at muli siyang pumatong dito.
” You’re my slave now…”
Nakangiti si Arch Angelo ng sabihin niya ito.
” Yes my master…”
Sagot ni Roman at kinabig muli ang mukha ni Arch upang mahalikan sa labi.
Magkalapat ang mainit nilang katawan sa kama. Ang kanilang ari na pinagkiskisan sa bawat galaw ng kanilang mga balakang.
Bumaba ang halik ni Arch Angelo.
Nakaprograma sa kaniya kung paano niya mahahatid sa pinto ng sarsp si Roman.
Ang leeg,balikat,dibdib,maging ang maputing kilikili ni Roman ay kaniyang hinalikan at dinilaan.
Ganito niya sinasamba si Roman.
Sa napakaikling panahon ng pagkakakilala niya dito ay nahulog siya sa katuhan ng bagong kakilala.
Napaibig siya ng ganoong kabilis dahil sa malagayuma nitong kakisigan,katalinuhan at kabaitan.
Na kahit ang pamangkin niya ay napapaibig nito.
” Kakaiba ka talaga Roman sa lahat ng nakilala ko. Hindi ko akalain na iisang bubong lang pala ang ating pinagmulan. Magkaaway ang ating mga Papa. Pareho nila tayong iniwan. Nagtagpo tayo at kasama kita ngayon…sana ay magkatulad din tayo ng nadarama.”
Sa isip ni Arch Angelo habang papalapit na siya sa nakatayong ari ni Roman.
Naramdaman niya ang kamay ng nakahiga na humawak sa kaniyang ulo at iginiya patungo sa matigas na ari.
Amoy na amoy ni Arch Angelo ang pagkalalake ni Roman, mabango ang trimmed na pubic hair na nasa puson niyo gaya ng uns nilang pagtatalik.
Habol ang kaniyang hininga sa kaba sa pananabik na muli niyang maisubo ang matigas na laman ng binata.
Hawak ng kaliwang kamay ang katigasan ni Roman, isinubo ito habanang kanang kamay naman niya ay abala sa pagpapatigas pa ng sariling pagkalalaki.
Siniguradong bawat kahabaan niyon ay kanyang nadilaan. Parang nadoble sa pakiramdam niya ang laki ng at katigasan ni Roman. Naglalabasan ang mga maliit na ugat na galit na galit sa sarap sa kaniyang pagsupsop dito.
” Hindi ako magsasawang gawin ko ito sa iyo Roman dahil ikaw lang ang nakilala kong pumukaw ng aking damdamin.”
Taas baba ang ulo,babagal at bibilis. Kahit ngawit ang bagang at minsang nabibilaukan ay hindi huminto si Arch Angelo. Sarap na sarap naman si Roman dahil kasabay ng kaniyang ungol ang pagindayog ng puwitan sa pagpasok sa bibig ni Arch.
Iginala ni Arch Angelo ang dila papunta kung saan siya bihasa. Alam na ni Roman ang gagawin kaya’t nagbigay siya ng puwang upang maabot ang butas na iyon.
Maging doon ay mabango si Roman kayat sarap na sarap di Arch Angelo.
Di na malaman ni Roman kung ano ang sasabihin dahil sa hatid na kakaibang kaliti ang pumapasok sa kaniya na nagpapatirik pa ng kaniyang kargada.
Binayo niya ang kaniyang ari habang dinidilaan ang kaniyang lagusan sa likuran.
.
Maingay na si Roman kasabay ng ingay ng pagdila ni Arch Angelo.
Baka labasan na si Roman kayat pumuwesto na si Arch Angelo sa ibabaw. Inupuan niya ang tigas na tigas na kaselanan nito at itinapat sa kaniyang butas. Gaya ng dati ay di na sila gumamit ng ano mang pampadulas. Medyo natagalan pa siya ng ipasok.
Dalawang madiing upo at dahan-dahan ding singhap niyang naipasok ito at nagsimula na siyang magtaas baba habang hawak siya ni Roman sa balakang.
Mapanukso ang indayog ni Arch Angelo na parang nambibitin pa kayat si Roman na ang kumilos sa pagpasok at paglabas sa lagusan ng lalakeng kasiping.
Banaag sa mukha na sarap na sarap si Roman kahit pa ito ay nakamaskara sa paglabas-masok kay Arch Angelo. Nais niyang sabay sila sa pagpapalabas kayat sinapo niya ang ari ng lalaking Monleon at pinagtaas baba ang kamay dito.
Mababaliw na rin si Arch Angelo sa nangyayari sa kanila. Ang hapdi sa kaniyang butas na pinapasok at ang sarap ng kamay na nakahawak sa kaniyang ari.
” **Ahhh..ahhhh..ahhh.ahhhhh…” **
Anas ni Arch Angelo dahil malapit na siya sa sukdulan. Pinaspasan naman ni Roman ang pagkadyot upang mahabol niya ang nangyayari kay Arch Angelo.
” Malapit na ako…”
Ipit na salita ni Roman at idiniin ang kaniyang pagkakabaon kay Arch Angelo tanda na ipinutok niya sa loob ang lahat niyang naipong semilya.
Maging si Arch Angelo ay nilabasan na rin. Tumalsik ang maputing likido inilabas. Ilan ay napunta sa labi, sa tiyan at karamihan ay sa puson ni Roman.
Pata ang katawang dumapa si Arch Angelo sa ibabaw ng katawan ni Roman ng matapos sila.
Inalis na ni Angelo ang maskarang nakatakip sa kagandahang lalake ng nakahiga at hinalikan muli sa labi. Payapa ang halik nila sa isat-isa na tila kapwa nagpapasalamat sa naganap na pag-iisang katawan.
Ngayo’y payapa silang magkatabi at magkayakap. Manaka-naka ang mga halikan.
Tahimik na nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita sa dalawa kung ano ba ang estado ng kanilang pagkakaibigan.
” Pwede ka bang mahalin Roman?”
Usal ni Arch Angelo habang nakasandig ang kaniyang ulo sa dibdib ni Roman.
Naghintay siya ng sagot ngunit wala siyang narinig mula dito.
Bahagyang nalungkot si Arch Angelo dahil sa hindi pagsagot ng lalake. Akmang tatayo na siya upang maligo ngunit hinila siya pabalik sa pagkakayakap at ikinulong siya bisig ni Roman at hinalikan sa mga labi.
Sumagot si Roman.
“You can make me your slave for as long as you want…”
Nagkangitian sila at sabik na nagpalitan ng mainit na halik sa labi.
Masaya si Arch Angelo sa pagsang-ayon ni Roman sa bago nilang relasyon at hinintay nilang kapwa sila maidlip na magkasama.
ROMAN
Pinagmamasdan niya ang lalaking nanatutulog sa kaniyang tabi.
Sa ikalawang pagkakataon ay naulit muli ang inaasahan niya kay Arch Angelo.
Napalitan ng sama ng loob ang mga ngiti niya kanina. Gaya ng isang maskarang suot ay nakakubli ang kaniyang galit sa pamilya Monleon.
” Slave for as long as you want..pwe…magpakasawa ka Arch Angelo Monleon. Makuha ko lang ang aking anak, masaya na akong makita kayong lumuluha at magmamakaawa sa akin.”
Sa kabila ng mga saloobin ni Roman ay kabaligtaran sa kaniyang nararamdaman.
May halong pagdududa ang kaniyang galit kay Arch Angelo na isang Monleon.
Malalim ang sugat na ginawa ng isang Monleon kay Roman kaya ganoon na lang galit niya na makaganti. Saan kaya hahantong ang plano niyang pag-papaibig kay Arch Angelo.
- pasensya na kung lagi naaupdate ang mga chapters. Wala kasi nagchecheck ng mga spelling at sentences kaya pinapasadahan ko. Salamat po sa unawa!
Chapter 18 Imahe
Don Iñego
Kumilos na ang galamay ko sa aking mga plano. Tanging tango na lang ang nagawa ko upang malaman ni Roman na pabor ako sa kung ano man ang kaniyang gustong gawin.
Alam kong hindi niya ako ipapahamak.
Mahusay ka talaga Roman…
Hindi ko alam kung anong vertud o gayuma meron ka at maging ang batang iyon ay napaamo mo at bilhin ang serbisyo mo ng isang araw sa halagang isang milyon.
Pagkakataon mo na ito upang mapatunayan sa akin ang iyong katapatan.
Nakakapagod ang party na ito at nakakabagot kausap ang mga taong naririto. Tanggalin man nila ang kanilang mga maskara ay nandoon pa rin ang pangit nilang balatkayo.
Mga mapagkunwari.
Kailan lang ay halos kulang na lang ay dilaan nila ang kamay ko na parang aso noong di pa nakalalamang si Juancho sa asosasyon. Noong pantay ang estado namin sa pamamalakad ng hotel na ito.
Para silang mga buwitre na pinagtulungan akong inagawan ng karapatan sa ipinundar kong hirap.
Hindi importante ang pera sa akin. Isinilang akong hubad at hindi ko madadala sa hukay ang lahat ng yaman ko.
Ang nais ko ay katarungan sa ginawa nilang panlalamangan sa akin at sa mga taong minahal ko dito sa hotel.
Ginawa ninyo akong inutil sa mga patakaran na nooy maayos kong pinapatupad. Binago ninyo ang lahat ng mga iyon at sa aking pagsalungat,ito ang ginawa ninyo sa akin. Ang hamakin ang kakayanan ko dahil sa aking karamdaman at ibaba ang bahagi ko sa hotel.
Ngayong may kasama na akong tutulong sa akin. Ako naman ang magpapaikot sa inyong kapalaran.
“Don Iñego kamusta !”
Ang attorney ni Juancho na naman.
Mukhang may gusto na namang malaman sa akin.
” Inilabas nyo na pala publiko ang anak mo sa ibang babae?
Hindi ba masyadong huli na para kupkupin pa ang anak mong iyon?”
“Magdahandahan ka ng pananalita. Anak ko ang pinatuturingan.”
“Dispensa Don Iñego, concern lang ako na baka iba ang lumabas na balita. Alam mo na…fiesta sa media pag-anak sa pagkakasala ang usapan.”
“Ibabalik ko sa iyo ang tanong Attorney, sigurado ka bang anak mo rin si Margott?
Hindi kayo magkamukha at lalo hindi siya kamukha ng nasira mong asawa?”
Natigilan siya sa tanong ko.
Ang sarap mang-irita lalo na sa mga nagmamarunong na kagaya ng taong ito.
” Ano ang ibig nyong palabasin?”
Ha ha ha galit na siya!
” Alam mo naman ang media kung ano-ano ang pinagpi-fiestahan pagdating sa anak sa labas.”
Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong ibuka pa ang kaniyang bibig at lumakad na ako palayo.
Ayaw ko ng mga unsolicited remarks mula sa taong ito.
Nakakabwisit ang mga aso mo Juancho…
Makauwi na at tapos na ang misyon kong ipakilala si Roman na anak ko. Bukas ko na lang aalamin ang ginawa mo Roman. Kung nasaan ka man. Tiwala ako na isang magandang balita ang ihahatid mo sa akin.
Don Juancho
Umalis na rin sa wakas ang Ermitanyo yun!
Pihadong pinahiya na naman siya ni Simeon.
Iika-ika ka ng magalakad, nakuha mo pang umattend ng party ko.
Nakakaawang nilalang…
Kasing laki na lang ng mustasa ang shares mo sa asosasyon kung bakit ayaw mo pang ibenta nag parte mo.
Nakakahiya at kung kailan ka nawawalan ng pangalan ay saka mo ilalabas ang anak mo sa kung sinong babae.
Maigi pa ako na kahit sa edad na 40 noon ay nagkaanak pa ng kambal. Hindi gaya mo na anak sa pagkabinata. Pihadong nilasing ka lang ng babae mo kaya ka nag-kaanak.
Speaking of anak. Kanina lang ay narito siya. Hindi ko napansin kung saan dako sila umupo ng apo ko…
Naging abala ako sa pakikipag-usap sa mga share holders ng negosyo at hindi ko napansin kung nasaan na sila.
Maigi kung bumalik na nga sila sa kanilang kwarto. Nakakairita rin ang makita ko si Arch Angelo.
Kung naging kagaya mo sana ang kapatid mong si Michael ay ipinagmalaki na rin kitang papalit sa akin.
Mahaba pa ang buhay ko kaya mahihintay ko pa ang apo ko na papalit. Dahil ni isang kusing ay wala kang makukuha Arch.
Dahil sa pagsuway mo sa akin.
Dahil sa isa kang…
Nakakapanikip ka ng dibdib dahil isa kang kabiguan sa lahi ng Monleon!
Demetria, ano ang pagkukulang ko sa iyo at binigyan mo ako ng isang inutil na anak. Dala niya ang pangalan ko ngunit ang dangal na aking iniingatan ay sinira niya.
Dahil sa kasunduan ninyong magkapatid para sa apo kaya ka nakabalik. Dahil sa ayaw ko ring nalulungkot si Thirdy kaya maluwag kang nakakakilos sa harap ko.
Dumating lang ang araw na handa na ang apo ako ay wala na akong pakialam na lisanin mo akong muli dahil hindi kita kailangan.
Ilang oras pa ba bago matapos ang kasiyahang ito, inaantok na ako at gusto ko ng umuwi at matulog…
Att. Simeon
Pesteng Ermitanyong yun!
Ang kapal ng mukhang ipahiya ako.
Ano masama sa tanong ko tungkol sa anak niya?
Gusto ko lang alamin kung ano plano nilang mag-ama.
Kung ibebenta na ba niya ang huling shares sa asosayon at aalis na siya? Delay ka lang sa plano,ubaning matanda ka…
Laging nakakontra sa mga suhestiyon pagdating sa pamamalakad kaya hindi kami makagalaw ng gusto namin sa negosyo.
Parang hindi negosyante at inuuna pa ang karapatang pantao ng mga manggagawa ng hotel.
Kung tutuusin ito lang naman ang hotel kung saan siya may bahagi.Malas niya at unti-unting lumiit ang bahagi na para sa kaniya kaya underdog siya ng mga bigtime holder na kasama niya.
Kahit maliit bahagi iyon ay malaking kabigatan pa rin kung bibilhin dahil daang milyon ang usapan kung ibebenta niya.
Nakausap ko na rin naman si Don Juancho tungkol dito. Bakit ayaw pa niyang bilhin ang shares ng dati niyang kaibigan.
Masyado kasing mapride ang Don Juancho na to. Sabagay, kung ang anak niyang si Arch Angelo natiis niya, ang Ermitanyo pa kaya?
Dumating na ako na ganun sila kagulong mag-ama. Ilang beses ko na bang ipinagtanggol ang black sheep na yun dahil sa mga reklamo ng mga nakaaway at ginulo niya sa mga bar.
Maigi at tumino siya ng bumalik.
Akal ako ay wala ng pag-asa ang taong yun.
Mabuti na lang at hindi lumala ang pagkaspoiled niya sa kaniyang ina. Mukhang nagbago na nga ang binatang iyon kaya bagay na bagay siya sa anak. Kung magkakataon bukod sa modelo na ang prinsesa ay bilyonaria pa. Ha ha ha!
Kailangan ko na palang makipagsabayan sa auction at pinilit ko talaga ang host na ipanghuli ang anak ko bilang highlights ng gabi. Ayaw kong mapahiya ang anak kong nakatayo sa dance floor kaya kailangan naming mahigitan pa ang isang milyong naipasok ng anak ng Ermitanyo.
Sana ay may malaking magbid sa iyo prinsesa ko…
Margot
” Papa naman eh! Iuwi mo na nga ako!!! Nakakasinis ka! Bakit di mo ko binili sa matandang panget na yun! Tingnan mo tuloy!!!
Anong mukha ang hihirap ko sa press! Ang magandang mong prinsesa naging slave for a day sa halagang 20 thousand! Papa naman e! Ayaw ko dun! Basta bukas na bukas bilhin mo ako sa Dirty Old Man yun! Papa naman eh!!!”
Sa susunod na kabanata
May mamalaking pagbabago…
Abangan bukas.
(Kung maayos ang data ng smart)
*mga readers at followers salamat mo sa magandang feed back na pinaabot ninyo. Kung lagi po naaupdate ang ilang chapters is due to some words na dumadaan sa spelling. Umiiwas lang po ako sa mga nanalo ng spelling bee contest. Salamat po sa unawa and keep safe
Chapter 19 Alipin 2
Roman
Hindi namalayan ni Arch Angelo ang aking paggising. Malalim ang kaniyang tulog kaya madali akong nakabangon sa pagkakahiga. Isinuot ko ang aking panloob. Nagtungo sa banyo at isang bathrobe ang pansamantalang isinuot upang takpan ang aking kahubaran.
Matapos magbawas sa banyo ay nagtungo ako sa labas ng silid upang kumuha ng maiinom na tubig.
Hindi aakalaing nasa hotel ako dahil parang malaking bahay lang ang loob ng dilid.
May kusina, sala, veranda,entertainment room, at maliit na play room. Hindi na ako magtataka kung may silid din ang tatlong katulong dito.
Nakaamoy ako ng nilulutong bacon.
Tama ang aking hinala at ang kusinera ay nasa maliit na kusina na nagluluto kasama ang isang yaya ni Thirdy.
” Good morning sir, baka gusto nyo na pong kumain.”
Paanyaya nila sa akin ng makita akong papalapit sa kanila.
Gumanti ako ng bati at humingi ng maiinom.
Nakahain sa food counter ang mga bacon at french toast na bagong luto. Nakiusap ako na ipaghanda ang bata ng agahan kung maari at ihahatid ko sa kaniyang kwarto. Tumalima naman ang yaya at madali niyang nailagay sa tray ang agahan para sa anak ko.
Tulog pa si Thirdy ng silipin ko sa nakaiwang na pinto.
Dahan dahan akong pumasok at inilapag sa side table ang pagkain.
Dahan dahan akong umupo sa kaniyang tabi.
Tahimik kong pinagmasdan muli mukha ng aking pinakamamahal na anak habang natutulog.
Madami akong gustong itanong at malaman tungkol sa kaniya.
“Ano gusto mo paglaki? ’
” Marunong ka na bang magbike?"
"Ano ang paborito mong pagkain?"
"Nalulungkot ka bang wala na ang Mama mo?"
"Madalas ka bang pinagagalitan dito?”
Madali lang sa kaniyang masasagot ang mgat tanong.
Ngunit hirap akong itanong ang mga ito dahil maiingit lang ako sa mga unang nakasaksi ng isilang ka..
Hindi ko na napigilan ang aking sarili,hinawakan ko ang kaniyang kamay at haplusin ang kaniyang manipis na palad,ang mala porselanang mga na daliri, ang mga kuko, dinama ko ang dugong pumipintig sa kaniyang pulso.
” Nabuhay ka dahil sa pagmamahal ko sa Nanay mo. Dalawang beses naman akong pinatay ng inagaw kayo sa akin…”
Nagising ang anak ko.
Tahimik na nag-inat pa ng mga kamay at paa kasabay ng isang nakakatuwang hikab. Nakabawi na siya ng pagod kagabi. Napakaganda mo talagang pagmasadan anak ko.
Dumilat siya, nakita niya ako na nakatitig sa kaniya. Sinusuma ang kapaligiran kung sikat na ang bagong araw. Muli siyang tumingin sa akin at ngumiti.
Gusto kong umiyak at yakapin siya.
” Good morning Uncle Roman!”
Hindi ako nakakilos dahil sa inilapit niya ang kaniyang kamay na hawak ko sa kaniyang pisngi at inipit sa hinihigaang unan.
Gusto pa niyang matulog marahil…
Sa tuwa ko ay hinalikan ko siya sa pisngi.
” Bangon na po kayo señorito. Pinagdalhan ko po kayo ng agahan.”
Bulong ko sa kaniyang tainga.
Dumilat siya na parang nag-iisip pa kung babangon o hindi.
Muli ko siyang hinalikan sa pisngi dahil sa panggigil. Nawala na ang kaniyang antok at pinagbigyan na ako sa aking pangungulit na siya ay bumangon na.
Inilapiy ko ang tray ng pagkain sa kama upang siya ay subuan.
Pinigilan niya ako sa aking balak.
” Uncle Roman, malaki na po ako. There’s no need to feed me.”
“Hey, you bought me for a million, kaya dapat gawin ko sa iyo ito .”
Naalala niya ang nangyari kagabi at napahagikgik siya sa tuwa ng malaman niyang ako ay kaniyang “slave for a day”.
Pinabayaan niya akong subuan siya ng kaniyang agahan. Bacon,french toast,fresh milk,cereal at sariwang prutas.
Enjoy na enjoy naman si Thirdy sa aking ginagawa habang nagkukuwento ng kung anu ano.
Di ko namalayan na nasa pintuan na pala si Arch Angelo na pinapanood kami.
” Twice nyo na akong inuunahan ng gising ha.”
Lumapit siya sa amin at umupo sa tabi ng anak ko.
” Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising. Nakanganga ka pa nga e ha ha ha!”
” Liar! Hindi ako nanganga kung natutulog. Baka ikaw!”
” Paano mo malalaman e may panis na laway ka pa nga o.”
Tinuro ko pa kung saan ang tinutukoy ko kayat na concious siya at pinunasan ko agad ang pisngi, ako nama’y nangiti sa sitwasyon namin.
Pinapanood lang ako ni Arch Angelo habang sinusubuan ang batang katabi niya. Di pa pala siya nakain kaya sa awa ko ay itinapat ko ang kutsara sa kaniyang bibig at para siyang bata na pinapapanganga ko at sinubuan.
Ngayon ay parang dalawanh bata na ang sa harap ko ay nakanganga at nagjihintay ng akinh isusubo.
Natawa si Thirdy sa aking ginawa, di na siya nagdalawang isip at nakipag-unahan pa kay Arch Angelo ng subo ng pagkain mula sa akin.
Madaling naubos ang pagkain dahil para sa bata lang ang naipasok ko. Pinaghintay ko sila sandali at nagtungo muli sa kusina upang kumuha pa ng makakain.
Nakakatawa ang eksena ng dalawa ng bumalik ako. Para silang dolphin na naghihintay na susubuan.
” Im a slave for a day kaya sulitin nyo na to ha ha ha!”
Nag-usisa si Thirdy sa akin.
“Uncle vampire ka rin ba?”
Medyo nagulat ako sa tanong niya habang nanguya.
“Kasi sabi nila sa party your Mr. De la Vega’s son. Kay vampire ka rin.”
Agad na tinakpan ni Arch Angelo ang bibig ni Thirdy. Pinigilan niya nag kadaldalan ng anak ko.
Pinatutukuyan niya si Don Iñego na bampira. Ito marahil ang mga naririnig niya sa mga taong nakapaligid sa matanda.
“Pasensya ka na ha. Nacurious lang ang bata sa narinig nya.”
Di nagpapigil talaga si Thirdy at inulit pa ang tanong.
Sinagot ko si Thirdy at pinaliwanagan na hindi vampire si don Iñego kundi isang maginoo at mabait na tatay ko.
” Kaya lang ganoon ang hitsura niya dahil matagal akong nawala sa piling niya. Ngayon nagbalik na ako at babalik na rin siya sa dati.”
Nangiti si Arch sa paliwanag ko.
Marami pa kaming sinagot na tanong ng bata habang pinapakain ko sila.
Matapos kumain ay para na namang wrestling match ang tagpo naming tatlo. Napagod at nagpalano kung ano ang gagawin ko sa maghapon bilang alipin nila.
Napagkasunduan ng mga “masters” ko na samahan na lang sila maghapon dito sa hotel. Kung ano man ang kanilang ipagagawa sa akin ay hindi ko pa alam.
Unang task na pinagawa sa akin ni Thirdy ay magsuot ng pyjama. Ito daw ang aking uniporme dahil hindi daw pwede sa akin ang uniform ng kaniyang yaya. Tutol si Arch Angelo subalit napapayag ko siya dahil obligasyon ko iyon bilang alipin.
Kaya pala iyon ang pinasuot sa akin ng anak ko ay upang hindi ako makatakas dahil nakakahiyang lumabas ng hotel nakapantulog lang.
Napakatalino talaga!
Wala akong ginawa sa maghapon kundi makipagharutan,kulitan at tawanan.
Nagkaroon muli ako ng pagkakataon subuan at pakainin siya.
Maging sa pagpapaligo ay magkasama kami ni Thirdy sa bathtub.
Nainggit pa si Arch Angelo at nakisiksik sa amin para maligo.
Naging third party tuloy siya sa eksena dahil ang atensyon ko ay nakatutok sa bata. Ngunit hindi rin ako nagpabaya at baka mahalata niya ang espesyal kong pagtingin sa anak ko. Napilitan na rin akong iscrub siya ng luffa sponge sa likod o masahihin at pag daka ay mga lihim akong kalabit sa kaniyang likuran para hindi niya isiping binabalewala na siya.
Sa ginagawa kong pag-aasikaso sa aking anak ay nakakadama ako ng awa sa kay Arch Angelo,kaya pampalubag loob ko na lang ang mga patagong nakaw na halik sa kaniya kung nakakakita ng tiyempo.
Nagkaroon lang ng pagkakataong ipasubo ko muli ang ari ko sa kanya ng nakatulog ang bata. Ayaw ko siyang bigyan ng pagkakataon na magtanong sa akin kung bakit ako ganito kay Thirdy.
Sa lahat yata ng alipin ay ako na ang pinakamalungkot na lumaya dahil tapos na ang araw ng aking paglilingkod sa kanila.
Nagampanan ko na ang tungkulin bilang Slave for a day.
Ayaw ko pang umuwi.
Ayaw ko pang iwan ang anak ko.
Gusto ko pa silang makasama.
Sila…
Bakit nalulungkot ako habang papauwi?
Hindi pa ako nakakalabas ng hotel ay bumibigat na ang mga paa ko na sana ay di na lang dumilim.
Bakit ganito ang nagyayari sa akin?
Natural na mamiss ko ang anak ko…
Bakit pati si Arch Angelo?
Bakit pati siya?
Nasa punto ako ng kalituhan ng pag-iisip tungkol kay Arch Angelo ng mag ring ang aking cellphone.
Isang tawag mula kay Don Iñego.
” Kailangan kitang makausap ngayon. Bukas ay pormal ko ng ipamamahala sa iyo ang shares sa Monleon Tower.”
Nasa labas na ako ng hotel.
Yun lang ang sinabi niya sa akin at naputol na ang kabilang linya.
Huminto ako sa paglalakad, humarap sa napakataas na gusali ng Monleon Tower.
Inangkin ng utak ko na ang lahat ng nasa loob nito ay paiiyakin ko balang araw.
” Napabilis ang paglapit ko sa trono ng Monleon. Makakaharap ko na ang haring hahadlang sa akin na makuha ang anak ko.”
Sa tapat ko ay huminto ang sasakyang sundo ko patungo sa aking ama-amahan.
Wala ng makakapigil sa plano ni Roman. Handa na siyang suungin ang mga kalaban para sa kaniyang anak.
ABANGAN
* napabagal po ang update, may lagnat po kasi ang author.
Salamat po muli sa mga nagvote sa story ko and sa mga bagong followers. Keep safe ebriwan!
Chapter 20 Dugong Bughaw
Don Iñego
” _Sundin mo lang ang lahat ng bilin ko sa iyo at maging matapang. Huwag mo silang bigyan ng pagkakataon na sindakin ka nila. Tandaan mo nakasama mo ako at pangalan ko ang dadalhin _ _mo sa kanila. Iyon lang at lahat ay papabor sa iyo.” _
Tahimik lang si Roman sa tabi habang pinag-aaralan ang mga dokumentong ibinigay ko kagabi.
Halatang puyat pa siya sa mga detalyeng dapat tandaan tungkol sa mga kasosyo at patakaran ng hotel. Kulang na sa panahon kaya’t kailangan ng madalian ang mga gusto kong mangyari. Naipakilala ko na siya na siya ay anak ko sa pagkabinata noong masquarde ball. Di na kailangan ng paliwanag at wala naman talaga silang alam sa mga private affairs ng buhay ko.
Kumpleto ang mga dokumento na kailangan namin. Maging ang mga inaasahang aattend ng meeting ay pinaalam ko na sa kanya. Kung ano ang kanilang mga posisyon, personal background, ugali, kadikit at kumpare,sino oportinista,leader at follower, kung sino at gaano sila katakaw sa oportunidad na umangat. Kasama na rin ang mga larawan nila upang madali niyang makilala ang mga iyon.
Na kay Roman na lang kung paano siya didiskarte. Pero kampante ako sa kaniyang kakayahan. Nalaman ko na ito ng iligtas niya ako. Kung duwag siya ay di niya ako matutulungan noon sa bingit ng kamatayan.
Maging sa party ay malakas ang hatak niya sa mga tao. Naobserbahan ko ang karisma niyang magpaamo ng damdamin. Marahil sa kanyang husay sa pananalita o sa kaniyang kakasigan ay napapasunod niya ang sino man.
Isang milyon sa isang gabi ang naipasok niya sa auction? Wala pang nakakagawa noon sa pagkakaalam ko. Siya pa lang.
Kakaiba talaga siya at maging ako ay napapayag niyangg gupitin ang aking mahabang buhok at psg-ahitin mg bigote at balbas bago dumalo sa pagpupulong. Nais niyang magmukha akong kagalang-galang sa pagharap ko sa pagpupulong.
Nakalimutan ko na ang dati kong hitsura. Sinadya kong pahabain ang aking buhok at balbas upang iwasan nila.
Ganoon ba ang hitsura ng isang bampira o ermitanyo?
Natawa ako dahil narinig ko na naman ang salitang vampire. Parang kailan lang ay may batang makulit na tumawag sa akin niyon sa isang hallway.
Pinapasama talaga nila ang imahe ko. Mula sa ermitanyong gala ,ngayon nama’y bampira .
” Maghanda ka na at narito na tayo .”
Utos ko kay Roman at inayos na niya ang kaniyang suot na kurbata.
Sa magkabilaang pinto kami bumaba ng sasakyan ng huminto ito sa tapat ng entrada ng hotel.
Derederecho kami sa private elevator na nag-aabang upang ihatid kami sa pribadong palapag na para sa mga kasosyo ng hotel.
Bente minutos na pala kaming huli sa oras kaya’t ako na lang pala ang hinihintay nila.
Ako ang unang pumasok ng confference room at si Roman ay pinatayo ko muna sa may labas ng pintuan.
Naroon na silang lahat maliban lang sa isa.
Wala si Juancho.
Ang nakaupo sa pinaka ulong mesa ay ang kaniyang abugado na kakatawan sa kaniya.
Natahimik sila sa aking pagdating at sa aking hitsura.
Maganda ito…
Alam kong nagulat sa sila sa ayos ko.
Maikli ang buhok at walang ng balbas.Mismong si Roman pa ang gumupit ng buhok ko. Isang kaalaman na pinagsanayan niya noon bilang side line sa ibang bansa.
Umupo ako at lahat sila ay nakatingin sa akin.
Tama si Roman na kailangan baguhin ko ang aking image na dati nilang kinasanayan.
Magsisimula na ang pagpupulong dahil ako lang naman ang kanilang hinihintay. Halatang yamot ang abogado ni Juancho at sasabihing ako na naman ang cause of delay ng importante nilang oras.
Nagpasimula ang proxing abugado sa mga bilin ng amo niya. Hiningi sa mga dumalo ang ilang papeles at pinag-ulat na akala mo ay nasa isang paaralan kami. Tax report,security issues,investment status,regulations, financial administration,advertisement,at mga agency na gustong makisosyo. Wala pa kami sa kalahati ay pinahinto ko sila sa meeting.
Inaasahan ko talaga ang pagkayamot ng ilan sa akin. Sinasadya ko talagang asarin sila.
Cause of delay…
” Don Iñego baka gusto mo ng umuwi?”
“Sino nagsabi sa iyong uuwi ako Attorney? I need some fresh air at inaantok ako. Kung walang tutol sa inyo, ang representative ko na lang ang papalit sa akin.”
“Don Iñego nasa gitna na tayo ng pagpupulong.”
“Matanda na ako Attorney, dispensa ngunit ang representative ko na ang bahala sa pwesto ko.”
Sinenyasan ko ang sekretarya na nakabantay sa pinto upang papasukin
ang hahalili sa akin.
Gaya kanina ng pagpasok ko ay natahimik sila ng dumating si Roman.
” This is my son, nakilala nyo na siya sa party, ipinagkakatiwala ko siya sa inyo. Kung ano man ang outcome ng pagpupulong na ito ay irereport na lang niya sa akin. Gaya mo attorney, he will be my representative.Ikamusta mo na lang ako kay Juancho pag ikaw naman ang magrereport sa kaniya.”
Tumayo ako sa aking kinauupuan at si Roman ang pumalit sa aking pwesto. Lumabas ako ng confference room at isinara ang pinto. Bago umalis ay nakinig muna ako ng ilang minuto.
Gaya ng inaasahan ko, magsisimula na naman sila para bagong dating.
” Bahala ka na Roman sa lahat. Dalangin ko na makayanan mong labanan ang buwitreng kasama mo ngayon.”
Roman
Tama nga ang mga sinabi ni Don Iñego sa mga kwento niya.
Mga buwitre nga ang mga taong ito. Labing isa lang kami sa loob at isa lang ang nasusunod. Ang nakaupo sa dulo ng lamesa. Ang Attorney ng matandang Juancho.
Nireview nila para sa akin ang naunang tinalakay. Mabuti at madali para sa akin dahil business management ang natapos ko kaya madali ko silang mahabol sa mga report.
Puro pera na lang ang usapan mga gastos at kikitain ang laging paksa. Wala akong narinig na para sa mga tauhang naghihirap na mapatakbo ang kanilang negosyo.
Para akong umattend ng united nation confference dahil iba dito ay mga banyaga.
” Roman, what can you say about our advertising confference? Can we hear any suggestion from you”
Si Mr. Jeriker ang nagtanong sa akin na isang amerikano. Natatandaan ko siya sa listahan at larawang ibinigay sa akin ni Don Iñego.
Kahilera niya sa gawing kanan si Mr. Maruboy na isang ring pilipino, Mr. Lumiere Ponce , Mr. Abmez Marquez . Sa aking bahagi ay Mr. Axe Ballatan , ang koreanong si Mr. Seokan ,si mr. Thomas Wagner ,Mr. Brixander at ang intsik na si Mr. C heng Lim.
Lahat sila ay nagahihintay sa aking isasagot.
**“I’m sorry pero di siya pwede magsuggest para sa ating confference.” **
Nayamot ako sa pagsaway ng abugado.
” I’m sorry to say Attorney Olivarez na ibinigay sa akin ang karapatan ng Papa na umupo dito. Gaya mo na isang representante, kinatawan ko din ako ng aking Papa. Kung ano man ang sasabihin ko ay may pahintulot niya. Ako ang mananagot sa papa ko.
Kung ano man ang sinasabi mong hindi ako pwede magsuhestiyon, parang sinabi mo na rin na hindi ka pwedeng umupo sa harap namin.
This is also my dads confference team and I’m my dads team member kayat may karapatan din ako na magsalita.
If you want, pwede tayo magbotohan. Hindi ba ganoon naman dito.
Pagtaas ng kamay ang deciding factor.”
Hindi ko talaga bibigyan ng pagkakataon ang tuta ni Don Juancho at halatang minamanipula niya ang pagpupulong na ito.
Nakarinig ako ng pagsang-ayon sa mga nakaupo na idaan sa botohan kung pwede ako magsalita. Nagtinginan sila sa isa’t isa na parang lagi na nilang ginagawa ang ganitong estilo ng pagdedesisyon.
” Okay! Those who are in favor raise you hand! Matapos lang to!
Gusto kong tumawa dahil namumula sa pamamahiya ko ang attorney. May tatlong unang nagtaas ng kamay at dalawa ang dahan dahan pa na nagaalangan ngunit itinaas din pabor sa akin. Para mabwiset pa ang mayabang na abogado maging ako ay nagtaas din ng kamay.
Ako ang nanalo sa botohan kaya akin ang karapatan na makinig sila sa suhestiyon ko para sa planong advertising confference na magaganap.
Para akong bangkero nakasakay sila sa akin.
Dati akong manager sa casino sa amerika kaya may background na ako sa mga ganito. Inihatag ko ang mga naiisip at hiningian sila ng kanikanilang mga ideas. Nakabuo kami ng gagawin bilang isang team kayat natuwa sila sa akin. Natapos ang pagpupulong ay kinamayan nila ako.
” Good job Roman! Di mapapahiya ang ama mo sa iyo!”
Papuri sa akin ng ilan, tanda na ako ay nakapasok na sa inner circle ng asosasyon.
Nakapalagayan ko na sila ng loob maliban sa abogadong nagmamadaling umalis ng hindi man lang nagpapalam.
” Magandang balita ang iuuwi kong pasalubong sa iyo Don Iñego. Nakafirst base na tayo. Maghintay ka lang at ilalagay ko sa paanan mo ang mga nawala sa iyo at pagnangyari yun. Mapapadali na para sa aking mabawi ang anak ko …”
Abangan
May love triangle na mangyayari!
- ha ha ha!magreact na ang gustong magreact lalo na sa mga associates ng Monleon Tower!!!!
Chapter 21 Padiosa
Don Iñego
Nakangiti ang matanda habang hinihitay makarating ang private elevator pababa.
Natutuwa siya sa mga nagaganap.
Kampante niyang iniwan si Roman sa meeting dahil tiwala siyang magaganapanan nito ang kaniyang mga habilin.
Likas na matalino ang binata na parang isang master computer ang utak na madaling makapagproseso ng data. Isa lang ito sa kaniyang napansing katangian ng binatang katiwala.
Tumapat ang ilaw sa numero ng elevator kung saang palapag naroin ang VIP room ng anak ng kaniyang kaaway.
Naghiwalay ang magkadikit na pinto.
Naalala niyang bukod sa mga executives ng hotel at special guest, ay ang pamilyang Monleon din ang nakakagamit nito dahil nasa floor na pansamanyalang nakatira si Arch Angelo kasama si Thirdy na pumasok ng elevator na bitbit ang isang sports bag.
Gaya ng mga associates ng meeting ay nagukat si Arch sa hitsura ng matandang kasabay sa nila.
Nagkatinginan sila at tango lang ang ginawang pagbati ni Arch. Labing siyam na palapag pa ang dadaanan bago ang makarating sa lobby ng hotel.
Tahimik lang silang naghihintay sa loob habang pababa ang elevator. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.
” Kamusta na po kayo”
Si Arch Angelo ang sumuko.
Tiningnan ng matanda ang nagtanong sa reflection ng salamin na nakatingin din sa kaniya.
“I’ m good Arch Angelo. I’m good as ever dahil bumalik na ang anak ko .”
Sagot ng matanda ng hindi nililingon ang katabi. Nakatingin lang siya sa salamin. Napansin din niyang maging ang bata ay patagong sumisilip sa tagiliran ng kaniyang tiyuhin.
” It’s not polite staring at some people.”
Puna ng matanda at tiningnan ang batang nakatingin din sa kanya.
” Im sorry po . I’m just curious about your voice.”
Gumana na naman ang kakulitan ng bata.
” What do you mean?”
Tanong ng matanda.
” Kasi may kaboses po kayong Vampire..”
Muntik ng mapatawa si Arch Angelo sa sinabi ng bata dahil hindi niya nakilala ang matanda na bagong gupit,ahit na balbas at trimmed na bigote kayat tinakpan niya ang bibig nito.
Napa-ehem ng lalamunan ang matanda, napatawa bahagya at bumawi ng postura, yumuko ito sa bata upang magpantay ang kanilang mga mata sa pag-uusap.
” Hindi mo na makikita ang vampire na iyon at iho. Umalis na siya ng hotel.”
Na-puzzle ang bata sa narinig. Hindi nga niya nakilala ang matanda sa ayos nito.
” E sino naman po kayo lolo?”
Nangiti ang matanda sa bibong tanong ni Thirdy.
” Ako? ako si Santa Clause.”
Biro ng matanda at tumingin kay Arch Angelo.
” Your Wrong. Sabi ng Lolo ko wala pong Santa Clause.Hindi po totoo yun.”
Nauwi sa debate ang usapan ng dalawa.
” Hindi rin naman totoo ang vampire .”
Napaisip bigla si Thirdy. Kung bakit nga ba siya naniniwala sa bampira.
Tinitigan niya ang matanda at nakilala na niya ito. Ang matandang kasama ni Roman sa party ay si Don Iñego. Ang Papa ng kaniyang Uncle Roman.
Isang malinis na imahe at kagalang-galang na mukha pala na natatakapan lang ng mahabang balbas at buhok noon.
Walang pangil o nanlilisik na mata na dapat katakutan ang taong kasama nila sa loob ng elevator.
Ang vampire ng hotel na nakikita niyang naglalakad sa mga hall way na labis niyang kinatatakutan ay iba na ngayon.
Wala na ang vampire.
Ngumiti siya sa matanda, inilahad ang kanang kamay. Naunawaan ni Don Iñego gusto ng bata.
Ang makipagbati at magkakilala ng pormal. Natuwa si Arch sa gesture ng kaniyang pamangkin dahil sa pakikipagkamay sa matandang ilang taon din niyang hindi nakita mula ng umalis siya sa poder ng kaniyang ama.
” Kaibigan mo nga pala si Roman, baka magalit pa lalo sa iyo ang Papa mo?”
Tanong ng matanda kay Arch Angelo matapos makipagkamay sa bata.
Ngayon ay si Angelo naman ang hindi tumingin sa matanda na sumagot dito.
” Kaibigan ko si Roman and i keep my issues alone from my Dad, Don Iñego, kasama ko ang pamangkin ko.”
Isang babala ang nabatid ni Don Iñego dahil iba ang tono ni Arch Angelo. Nahalata niyang ayaw niyang buksan ang sigalot nilang mag-ama sa harap ng bata kaya kapwa sila humarap sa pinto ng elevator.
” If your may Uncle Roman’s Papa, e di your my lolo too?”
Pambasag na katahimikan ang tanong ni Thirdy.
Lumingon muli ang matanda sa bata at ngumiti.
” If you want to call me Lolo so be it. You can call me lolo Iñego. ”
Lumaki ang mata ni Thirdy at niyakap ang matanda.
Nabigla ang matanda sa ginawa ni Thirdy.
Ang totoo, ngayon lang siya nakaranas na yakapin. Isang mahigpit na yakap at mula pa sa apo ng kaniyang kagalit na kabigan. Natuwa ang matanda at hinaplos ang ulo nito, bumukas ang pinto at sabay sabay silang lumabas ng elevator.
Nagpalaman sila sa isa’isa at naghiwaly ng landas. Ang isa ay pauwi at ang mag-tiyo sa isang hall pagungo ng swimming pool area upang maligo.
Nakaabang na sa entrada ang sasakyan ni Don Eñigo. Bago sumakay ay tinanaw niya sa salaming pintuan ng entrada ang masayang magkahawak kamay na nakausap kanina.
” Kung alam mo lang na mapalad ka pa sa akin Juancho dahil meron ka pang isang anak at apo na kasama. Nabulag ka lang ng salapi mo kaya nagulo ang iyong pagkatao. Sana hindi pa huli ang lahat para magbago ka. At kung ayaw mo, ako na ang gagawa para malaman mong may hihigit pa sa salapi ang nakapaligid lang sa iyo.”
Buntung-hininga na lang ang ginawa ni Don Inego at sumakay na sa kotse papauwi sa kaniyang Mansion.
Margott
Tama nga si papa sa sinabi niya sa akin na ganitong oras ay napunta sa pool area si Arch Angelo para samahan ang pamangkin niyang maligo.
Gosh! bakit ba ako nag pa-perm ng buhok, sanay nakasabay ako sa kanilang magswimming.
Any way, well prepared naman ako dahil dala ko ang aking camera.
A good reason para makalapit ako sa kaniya. Props kung baga!
_“Hi Arch Angelo!” _
Bati ko sa kaniya.
Nakita niya ako.
Masyado atang busy sa paglalaro with his nephew kaya di na niya napansing nakaupo lang ako malapit sa pool.
Kinuha ko ang aking DSLR camera na minsan ko lang magamit. Pinabili ko ito kay Papa. Laking pagsisi ko kung bakit ito pa ang pinabili ko gayung kasing presyo pala nito ay isang bag ng Hermes Crocodile Lydie Bag.
Any way…
I have to make my move na makilala pa siya lalo.
“A ng cute nyo naman panoorin, kunan ko lang kayo ng pictures ha.”
Pinagbigyan naman nila ako na kunan sila. Para silang mag-ama at si Arch Angelo ay kamukha talaga ni Arch Michael.
No wonder na hindi nga mamimis ng bata ang tunay niyang Daddy.
Poor Boy!
Para siyang nagmamahal sa isang clone.
Kinunan ko pa sila ng ilang larawan. Ang gwapo talaga ni Arch ng pinagpose ko pa…
Pagkatapos ay nakipagkwentuhan sandali habang naliligo sila.
Maayos naman kausap si Arch Angelo pero iba nag vibe ko sa kaniya.
Oo gwapo siya kung gwapo, pero ng makilala ko si Roman, ohhh my gahhhd!
Mas malakas ang appeal ni Roman!
Pangalan pa lang pangROMANsa na, ay hi hi hi hi!
Pinood ko silang naglalaro at lumalangoy sa tubig.
Napag-isip kong kung sakaling makasal ako kay Arch, paano ang pamangkin niya?
No way na kasama siya sa package!
Hindi ko pinangarap na maging yaya. I have to break my rules sa dream kong maging isang Monleon.
Malabo nga ata magkatuluyan tayo dahil nakakita na ako ng kapalit ni Michael Angelo.
Dahil parang mas bagay kami ni Roman…
ABANGAN!!!
Hmmmm…Magkakalaman na ng damdamin sa susunod.
- Kung sisipagin baka dalawang Chapters magawa ko dahil okay na ang pakiramdam ng inyong lingkod!
Salamat din po sa mga feedback at nakakainspire po at pati ako excited ng malamn nyo ang ending!
Chapter 22 Dalahin ng Katiwala
Roman
Tatlong linggo mula ng ipakilala ako ng aking ” Papa ” sa mga executives ng asosasyon. Napadali ang pagkakataon ko na mailagay sa posisyon. Nakuha ko ang loob ng mga share holders at pabor sa kanila na ilagay ako bilang operations manager ng hotel. Ito ang ikaanim sa pinakamataas na posiyon na ibinigay sa akin.
Malaking factor ang naimbag ko sa nakaraang meeting dahil sa mga idea na ibinigay ko sa kanila para sa darating Ad confference na pangungunahan ko.
Napakabilis ng tatlong Linggo at mapapadali para sa akin na makuha ko ang hiling ni Don Iñego.
Kahit tapat kong ginagampanan ang aking tungkulin ay nakamatyag pa rin ako sa mga maaaring sumira ng aking mga plano.
Nariyan si Atty. Simeon at alam ko na siya ang mata ni Don Juancho na nag-eespiya sa bawat kilos ko.
Ito ang unang araw ko bilang Operations Manager. Naipakilala na ako sa mga tauhan ng hotel at magiliw nila akong tinanggap lalo pa ng malaman nila na ” ama ” ko si Don Iñego.
May sarili akong opisina at isang sekreterya. Gaya ng aking posisyon ng nasa amerika pa ako ay bunga ito ng taong gumagamit sa akin. Ang pagkakaiba lang ay ay ginamit ko ang aking katawan noon para umangat at ngayon naman ay ang aking layuning mabawi ang dapat sa akin.
Kung gaano kabilis ang mga araw na dumaan ay napakabagal naman para sa akin sa tuwing naalala ko ang aking anak na si Thirdy. Kay tagal ko na siyang hindi nakikita at nakakausap. Masyado akong abala at okupado ng mga trabahong pinapagawa sa akin ni Don Iñego.
Napakarami niyang pag-aari na kailangan puntahan ng personal. Mga tauhan na kailangang makilala. Mga politiko na kailangan kausapin at mga proyektong pangungunahan. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas noong wala pa ako.
Nakakaramdam ako ng pagod sa mga naiisip ko kung gaano siya kaabala ng mag-isa. Kasama pa nito ang hinanakit niya kay Don Juancho.
Pareho nga kami ng dinaranas ngayon.
Nais niyang ibalik ang pagkatao ng nakaraang kaibigan, at ako para sa kinabukasang makasama ang anak.
” Titiisin kong di muna kita makita anak ko dahil kailangan.”
Ilang palapag lang ang pagitan natin ngayon at parang langit at lupa ang nararamdaman ko. Ayaw tayong bigyan ng pagkakataon na magkasabay sa elevator o masilip ka man lang kasama si Arch Angelo.
Sa dami ng mga papeles na nakuha ko para pag-aralan ay hindi ko na nakuhang magtanghalian. Sa una akala ko maayos ang mga data na nabasa ko. Iba sa mga papeles ni Don Iñego sa mga nakuha ko dito.Marami akong nadiskubre discrepancy sa dalawang mga kopya at hindi tugma ang mga datos.
Hindi ako mapakali kayat ang mga nakilala kong share holders ay aking tinawagan at hiningian ng kopya ng kanilang corporation capital stock income. Ipinadala nila sa aking e-mail at binasa ko isa-isa.
May panlalamang na nangyayari sa asosasyon ang nadiskubre ko.
Para makasiguro ay kumuha ako ng nakaraang kopya sa accounting department ng mga nakaraang record ni Don Juancho.
Maging ang dokumento na natatanggap ng ulo ng korporasyon ay mali-mali din ang data.
Ilang taon na palang binabawasan ang kani-kanilang mga shares. Hindi ako mapakali. Masusi kong pinag-aralan ang lahat at maging ang ibang mga holders ay binabawasan din. Napakaraming pagtatakip na sa mga nababawas na hindi tugma sa ilang mga papeles.
Inabot na ako ng gabi sa aking mga nadiskubre at pagtutugma ngunit malimali ang lumalabas sa mga dokumento. Kulang sa supporting documents ang mga donasyon ibinibigay nila sa kawanggawa.
Ang salaping lumabas ay walang dokumento ng pagtanggap at kung saan ito napupunta.
Para akong nakadiskubre ng mina ng langis dahil magagamit ko ang impormasyon na ito kaya kailangan ko pang makalakap ng ebidensya. Nais kong alamin ang may kagagawan ng panlolokong ito.
Alas 10 na ng gabi at hindi pa ako tapos sa aking mga gawain ng makatanggap ako ng tawag kay Arch Angelo.
” Roman nasaan ka?
Pwede ka bang pumunta ng hotel. May lagnat kasi si Thirdy e. Pasensya na pero hinahanap ka kasi ng bata.”
“Ha! Sige pupunta ako agad diyan!”
Para akong tumakas sa isang kwartong nasusunog ng malaman kong may sakit ang anak ko. Agad kong tinungo ang president suite ni Arch.
Nagulat pa siya ng ang bilis kong nakarating dahil hindi niya alam na ilang palapag lang ang pagitan namin.
” Halika at nasa kwarto ko si Thirdy. ”
Kinakabahan ako sa pananabik dahil makikita ko na muli ang anak ko, ang masakit ay may malagnat pa ito at ngayon ko lang nalaman. Simpleng sakit lang ito pero sa kagaya kong ama ay malaking pag-aalala.
” _Uncle Roman!” _
Sigaw ni Thirdy ng pumasok kami ni Arch sa silid.
Tatlong linggo ko siyang hindi nakita kayat sa paningin ko ay parang nangayayat yata ang anak ko.
Lumapit ako at umupo sa gilid ng kaniyang kama. Hinipo ang kaniyang noo at leeg,mainit ito dahil sa lagnat.
Agad siyang bumangaon at niyakap ako.
” Stay here uncle Roman. Please stay…”
Natahimik ako at niyakap siya. Nadama ko ang init ng kaniyang mga bisig at ang kaniyang paghinga na tumama sa aking leeg.
“I will never leave you Thirdy…i will stay. Sasamahan kita.”
Iniharap ko siya sa akin at pinagalitan kunwari.
” Gabing gabi na hindi ka pa natutulog. Ikaw talagang bata ka, paano ka gagaling?”
Muli ko na namang nasilayan ang inosente niyang mukha. Nakahinga ako ng maluwag kahit may sakit ay naroon pa rin ang kasiyahang makita ako.
” Your here na uncle Roman. Gagaling na po ako.”
Ilang minuto kami sa ganoong posisyon.
Natauhan na lang ako ng maalala kong nasa silid din pala Arch.
” Pwede ba uli akong matulog dito.”
Paalam ko kay Arch Angelo.
Napangiti lang siya sa akin,senyales na payag siyang samahan ko ang bata.
Walang rason para tumanggi ako sa ganitong pagkakataon dahil sa anak kong nilalagnat.
” Magbibihis muna ang uncle Roman,Thirdy ha. You just wait here.”
Humalik sa aking pisngi ang anak ko at kumalas sa pagkakayakap. Nagtungo ako sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay sa walk in closet at naabutan ko si Arch na naghahanda ng aking masusuot na pantulog. Tshirt,pyjama, isang bagong underwear ang inihanda niya para sa akin.
Sa harap niya ako nagbihis.
Wala na sa akin ang makita niyang ang kahubaran ko dahil dalawang beses na niyang nakita ito. Pinanood lang niya ako habang nagbibihis. Pagkatapos ay hinalikan ko siya sa labi bilang pasasalamat. Parang natuwa ako…parang hinanap ko rin ang pagkakataong ganito.
Nasisiyahan ako na makita siya, makamusta,madikitan,mahalikan at ngayon makakatabi muli sa pagtulog.
Iba ngayon ang nararamdaman ko.
Pandalian kong nakakalimutan ang galit ko sa pamilya niya. Ang hinanakit ko sa aking dating kasintahan at sa kaniyang kakambal. Naisasantabi ko ang alalalahanin ko sa mga misyong pinagagawa sa akin ni Don Iñego laban kay Don Juancho.
Parang ibang tao ako pagkasama ko sila.
I feel complete…
Naramdaman ko ito noon…noong nabubuhay at kasama ko pa si Mia Rosa. Parang ibang pangarap ang pumapasok na sa isipan ko na matapos.
Nagkangitian kami,di ako nakatiis at muli ko na naman siyang hinalikan sa labi.
” I missed you…”
Isang pag-amin na totoo.
Na hinahanaphanap ko na rin siya.
Ilang Linggo ko rin hindi siya nakita at sa loob ng mga araw na iyon ay kasama siya sa pananabik ko na makasama rin.
Lumabas kami at muling bumalik sa aming pasyente.
Bago matulog ay humiling akong makakain dahil ngayon na ako nakadama ng kalam ng sikmura.
Nagbalitaan kung ano na ang mga nangyari sa aking di pagbisita at sa kung ano ang pinag-kaabalahan niya.
Ako ay sa trabaho kung paano ako naging operations manager at siya naman ang pagtatayo ng family oriented magazine.
Isang magazine para sa mga single parent, adoption,family planning,gay rights at mga isyung may kaugnayan sa pamilya.
Nagustuhan ko ang konsepto ng itatayo niya dahil maraming makakarelate sa ilalabas niyang magazine.
Kabaligtaran sa mga nangyayari sa loob ng pamilya Monleon.
Naikwento rin niya na kagagaling lang ng kaniyang ama para bisitahin ang apo.
Sa loob ko ay nagpasalamat pa rin ako dahil mahalaga sa kaniya si Thirdy at pinaglaanan niya ng pansin para makita ito.
Natapos kami sa maikling kwentuhan at bumalik sa kwarto upang samahan ang bata sa kaniyang pagtulog.
Pinagitnaan namin siya sa paghiga hangang sa makatulog. Tanging tinginan at nginitian lang ang ginawa namin ni Arch Angelo.
Kahit…kahit na nanabik ako sa kanya…
Ewan ko…basta i missed him.
Masaya ako na kasama ang anak ko… na kasama si Arch Angelo…
Na katabi sila sa pagtulog.
Dalawang araw akong hindi pumasok upang samahan ang anak ko sa paggaling. Ayaw niya akong paalisin at ayaw ko ring umalis subalit kailangan. Nanigurado muna akong magaling na siya bago kami maghiwalay.
Dalawang araw akong hindi pumasok para samahan si Arch Angelo na alagaan ang anak ko at dalawang araw akong hinahanap sa opisina dahil sa aking pagliban ng walang paalam. Hindi nila alam na narito lang ako sa hotel sa piling ng anak ko…at ni Arch Angelo.
Higit pa ang kalinga ng isang magulang kesa pag-aalaga ng iba ang nais kong ipadama sa anak ko. Ito muli ang unang pagkakataon ko na maalagaan siya sa sakit. Ang hirap pala…mahirap pa sa trabahong iniwan ko.
Magaling na si Thirdy kaya kailangan ko ng ipagpatuloy ang mga naiwang gawain sa trabaho. Nakaligtaan kong iulat ito kay Don Iñego.
Napapayag ko si Thirdy na babalik ako sa tulong ni Arch dahil ayaw talaga niya akonh pauwiin.
Sinabi ko sa kaniya na dito na ako sa hotel nagtatrabaho at magiging madalas na ang aming pagkikita.
Ikinatuwa niya ito dahil mabibisita niya ako sa aking opisina kahit anong oras.
Umuwi ako sa aking condo unit. Nabigla ako dahil naroon sa tapat ng pinto si Don Iñego na naghihitay sa akin.
Walang imikan ng buksan ko ang pinto. Inasikaso ko ang aking bihisan sa pagpasok sa opisina. Naupo si Don Iñego sa silya ng aking study table.
Nakakabingi ang katahimikan ng silid.
” **Saan ka nagpunta sa loob ng dalawang araw?” **
Natakot ako sa binitiwan niyang salita. Mahinahon ito pero parang interogasyon ng isang hukom sa isang kriminal.
” **May usapan tayo Don Eñigo na huwag ninyong pakikialaman ang mga sarili kong interes!” **
Galit na sagot ko para pagtakpan ko ang dalawang araw kong pagliban ng hindi niya nalalaman.
” **May kasunduan tayo Roman! Wala akong pakialam sa kung ano mong gustong gawin! **
**Mas mahalaga sa akin ang tungkulin mo, ang obligasyon mo sa usapan natin!” **
Sinigawan niya ako.
Lumaban ako sa galit niya sa narinig ko.
” **Wala ka talagang pakialam dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko! **
May sakit si Thirdy! **
May sakit ang anak ** _ko! _
Sa galit ko sa kaniyang sinabi ay nailabas ko ang aking lihim.
Nagulat ang matanda sa kaniyang narinig sa akin.
” _Anak mo si…Thirdy?” _
*****
Lumabas na ang lihim ni Roman sa matanda!!!!
**ABANGAN **
_***** _ muli salamat po sa nga nakabasa at sa mga feedback sa story. Nakakainspire at nakakatuwa kasi masyado affecting yung nagawa ko atang story na pati ako gusto na matapos ha ha ha. Salamat po muli at keep safe. Baka mamaya gabi na yung kasunod at ginagawa ko na po.
Chapter 23 Dugo at Laman
Don Iñego
” Anak mo si…Thirdy?”
Nabigla ako sa kaniyang sinabi.
Tama ang aking pagkakadinig na anak niya si Thirdy.
Napatigil siya sa kaniyang ginagawa.
Ibang Roman ang nakikita ko sa aking harapan. Para siyang kandilang nauupos ng umupo sa gilid ng kama.
“Anak ko si Thirdy Don Iñego! Anak ko siya! Anak ko siya!”
Sigaw niya kasabay ng pagluha at pagtatakip ng kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha.
Maging akoy natigilan dahil sa kaniyang inasta. Akala moy batang inagawan ng laruan si Roman.
” _Wala kayong alam sa pinagdaanan ko! Hindi nyo alam ang hirap ko matunton ko lang ang anak ko ng inilayo sa akin! Hanggang ngayon kahit kasama ko na ang anak ko ay pinapatay pa rin ako ng lungkot dahil hindi ko masabi sa kaniya na ako ang tatay niya! _
_Na ako ang tunay na tatay nya! _
_Hindi nyo ako maiintindihan dahil wala kayong anak na ninakaw!” _
Nainis ako sa kaniyang sinabi.
**” ** **Si ** nvergüenz a!
Wag mo akong sinisigawan!
Patuloy siya sa pag-iyak. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa sa kaniya.
Nagiging mahina si Roman at ang bata ang dahilan ng kaniyang pagsuko sa mga plano ko. Hindi maaring magpatalo siya sa damdamin.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa aking nalaman.
Nawala ang galit ko tungkol sa kaniyang pagkawala ng dalawang araw ng walang paalam.
Pinakinggan ko ang kaniyang pag-iyak at mga sumbat sa kaniyang nakaraan. Sisinisi niya ang kaniyang kahirapan, ang kaniyang pagkaulila sa mga magulang, ang pagbebenta ng katawan noon sa america,ang tungkol kay Michael at kay Mia Rosa.
Galit na galit siya sa kay Mia Rosa…
Kay Arch Michael…
Sa kanyang kahirapan..
Sa mundo …
Nagtatanong kung bakit niya dinanas ang ganitong kapalaran.
” **Wala ba akong karapatan lumigaya!!!” **
Naawa ako sa kaniya…
Hinintay ko siyang kumalma upang makausap ng maayos.
” Magpaliwanag ka sa akin Roman…ano ang koneksyon mo sa mga Monleon.”
Sinabi niya sa akin ang kaniyang nakaraan. Ang lahat tungkol sa kay Mia Rosa at ang pagpapakasal nito kay Michael Angelo.
Ang tungkol sa bata na si Thirdy.
Hindi ko alam kung langit nga ang nag-adya na makilala ko siya noon sa amerika at ang muli naming pagkikita.
Kaya pala ganoon na lang kadali sa kaniya na mapapayag ko sa aking kagustuhan na tulungan niya ako laban kay Juancho dahil sa personal niyang mga balak.
Naawa ako kay Roman sa kaniyang kalagayan.
Kaya pala ganoon siya kagiliw sa bata ng makita kong karga niya si thirdy sa party…
Kailangan naming makasiguro kung anak nga niya si Thirdy.
” Ayusin mo ang sarili mo.
Hindi sapat ang lukso ng dugo kung pagbabatayan natin ang mga nalaman mo. Hindi pwede ang nararamdaman lang Roman.
Patay na si Mia Rosa at wala kang katibayan sa mga sinasabi mong anak mo nga si Thirdy.”
Natigilan siya at tumingin sa akin.
Kalituhan sa kaniya ang aking sinabi dahil tama ako. Hindi laruan na inagaw ang bata sa kaniya.
” Tutulungan kita kung legal ang iyong gagawin.”
Naging interesante ang rehistro ng kaniyang mukha.
” Ano ho ang dapat kong gawin .”
” Matalino ka Roman.
Gamitin mo ang utak mo kung papaano.
You have the resources!
Hindi na galing probinsya ang Roman na nakaupo at umiiyak sa harap ko.
Alamin mo kung paano.”
Isa itong hamon sa kaniyang kakayanan.
” Hindi kita papakialaman sa mga sinabi mo sa akin. Ngunit sa oras na mapatunayan mo sa akin na anak mo nga si Thirdy. Maaasahan mo pa rin ang ating kasunduan.”
Natahimik siya sa kaniyang pagkakaupo at nag-isip.
Tumayo ako upang umalis.
” Don Eñigo…salamat po.”
Hindi ko na siya nilingon.
” Masanay ka ng tawagin akong **Papa ** Roman dahil iyon ay ating kasunduan. Gawin mo ang nararapat ngunit huwag kang magpapatalo sa nararamdaman mo.”
At nagpatuloy akong lumabas at iniwan ko na siya upang mag-isip.
Roman
Tama si Don Iñego…
Nagkamali ako sa aking plano.
Naduwag ako sa aking pag-aalala.
Kailangan ko nga talagang paghandaan ang mga kritkal na aspeto para makuha ko si Thirdy. Kailangan ko nang katibayan na hindi nila kayang bawiin sa akin ang anak ko.
Nakaisip ako ng paraan kung papano.
Sa ngayon ay kailangan ko munang pumasok ng trabaho at pag-ukulan ng panahon ang mga naiwang dokumento.
Gaya ng araw na pag-susuma ng mga bilang na data ay napatunayan ko na mali lahat ng report.
Pinagtataka ko kung bakit dumaan ito sa finance ng hindi nabubusisi ng maayos.
May mga tauhan sa kompanya na nagsasabwatan sa pagnanakaw at kailangan ko silang pigilan.
Inalam ko ang nakapirma sa mga dokumento. Papalit palit lang ang taong nakapirma at nadedestino sa ibat ibang field. Paikot ikot lang sila ng palitan ng posisyon pero sila-sila lang din. Iisa lang ang nagpasok sa kanila…at kilala ko na kung sino.
Hindi pa sapat ang mga dokumento na ito kaya huhulihin ko siya ng hindi makakatangi sa ibibintang ko. Ikatutuwa ni Don Iñego ang mga nalaman ko.
Matapos sa aking mga ginawa ay napagapasyahan kong muling dalawin si Arch Angelo at ang anak ko.
Parang kanina lang kami nagkahiwalay ay nasabik ako na makita agad sila.
Sila talaga…
Ang anak ko…at si Arch Angelo.
Unti unti ko na siyang natutunang mahalin. Dahil sa mahal siya ng anak ko at ayaw kong masaktan din si Thirdy sa mga gagawin ko.
Maging si Arch Angelo…
Inosonte siya sa mga ginawa sa akin ni Mia at Michael Angelo. Nadamay lang siya sa kasalan nila. Patawarin sana niya ako kung sakaling dumating na ang araw na malaman niya na akin ang talaga si Thirdy.
Masaya silang dalawa ng dumating ako. Parang kaming isang pamilya na masayang kumakain ng hapunan.
Nagkukuwentuhan at si Thirdy na palipat-pilapat ng pagkandong sa amin.
Masigla na muli ang anak ko na parang di nilagnat ng ilang araw.
Sa kabila ng mga naiisip ko kung paano kukuha ng katibayan para sa aking anak ay ang papalapit na kalooban ko kay Arch Angelo.
Ako na ngayon gumagawa ng paraan para ipadama sa kaniya kung ano siya sa akin. Nakakatawa dahil siya naman ang gumagawa ng paraan na sa kabilang silid matulog ang bata para magkaroon kami ng oras sa isat isa.
Ngunit ayaw ni Thirdy ha ha ha.
Gusto niyang tatlo kaming magkakatabi sa pagtulog.
Nakakakuha na lang kami ng tiempo kung nakaidlip na siya at sa banyo na lang kami nagtitiyaga sa aming pag-iisa.
Doon naipapahayag ko na mas malalim ang nais ko.
Na mahal ko siya…
Na mahal ko nga siya…
” Mahal na mahal kita Arch Angelo .”
Matapos ang aming pagtatalik sa banyo at makapaligo ay muli kaming tumabi sa pagtulog kay thirdy.
Ito na ang pagkakataon para makakuha ng ebidensyang magagamit ko.
Hinintay kong makatulog si Arch ng ilang sandali.
Sinilip ko si Thirdy na nakayakap sa akin.
” Pasensya ka na anak kailangan ko lang gawin ito.”
Bumunot ako ng ilang buhok sa ulo ni Thirdy at inilagay sa isang tissue saka itinago sa aking pitaka.
Ito lang paraan na alam ko para mapatunayang akin nga si Thirdy.
Malalaman ko sa kaniyang DNA …
ABANGAN!!!
May magagalit, may magagalit at may magagalit sa susunod na kabanata. Sino sino sila? Secret!!!
*Muli maraming salamat po sa mga followers na nagcomment at nagvote. Sa idol ko salamat sa payo at encouragement. Idol thanks po ng marami!
Chapter 24 Banta ng Kabiguan
Margott
So excited na makasama kay papa sa opisina ng Monleon Tower. Bihira ako makapasok sa palapag na ito. Actually hindi naman talaga ako sumama sa papa para samahan siya kundi sa totoong pakay ko.
Who else…kundi si Roman.
Narinig ko kasing nabanggit ang pangalan niya sa usapan nila ng papa at Don Juancho. Ang galing naman ni Roman at nakuha niya ang majority votes para sa operations manager position.
Bukod sa anak mayaman/gwapo na, matalino pa.
Malayo talaga kay Arch Angelo.
Di ako nagkamali ng magugustuhan.
Ewan ko ba sa papa kung bakit ayaw na ayaw niya kay Roman professionally.
Kung kaya naman niya gampanan ang trabaho sa asosasyon bakit hindi?
Bakit kailangang idamay pa ang anak sa problema nila sa ama.
Nahawa na rin si Papa kay Don Juancho na galit kay kay Don Eñigo at pati si Roman nadadamay na.
Ako tuloy ang naiipit…hi hi hi!
Busy ang papa sa opisina ng matandang Monleon sa mga papeles kaya pupuntahan ko na lang ang talagang pakay ko.
To know Roman.
I went to his office.
Sa gilid noon ay may isang secretary na may katabaan.
Lumapit ako sa pinto and to my shock, ang panget ng make up ng chubby girl na to huh!
“Good morning Ma’am Margott may kailangan po kayo kay Sir De la Vega?”
Ngumiti lang ako sa tanong niya.
Sino siya to ask me kung may kailangan ako kay Roman?
Kaya nga ako nagpunta sa office niya kasi may kailangan di ba? Estoopidah…
Ha ha ha di siya makaangal ng basta na lang ako pumasok sa loob.
He was surprised to see me ng buksan ko ang pinto ng kaniyang opisina.
Maging ako ay nasorpresa din dahil sa nakakaawa niyang kalagayan.
Napakarami niyang mga papeles na nakatambak sa kaniyang lamesa.
Ganito ba talaga ang trabaho ng isang Manager.
” Hi Roman!”
Ang masayang bati ko sa kaniya.
” Sorry sir kasi…
Kasunod ko pala ang chubby sectetary.
” Its okay miss, no need to explain, kaibigan ako ni Roman.”
Pangungunahan pa ako ng babaeng ito.
Mabait talaga si Roman at okay lang sa kaniya ang pagpunta ko sa kaniyang opisina.
” What can i do for you Margott, nakakatuwa at napadalaw ka. Binibisita mo ba ang iyong Papa?”
Very gentleman man talaga at kinuha pa niya ako ng mauupuan.
” Actually…ikaw ang sinadya ko Roman. I was looking forward to meet you sana,kaso sobra ka busy. So ako na ang nag-initiate na magkakilala tayo. Besides para na rin tayong pamilya dito.”
I tried to be composed while talking to him. Sabihin niya atat ako na makipagkilala.
” How sweet of you Margott! Nakakahiya naman at ikaw pa ang dumalaw sa akin.”
“Dont be! Ako nga dapat mahiya kasi ilang weeks ka ng nagtatrabaho at di man lang tayo nagkakilala formaly. Okay lang yun!”
” Paano ba? Umm.. if you want i can treat you for a lunch?”
Gahhhd! Eto na nga ang hinihintay ko…lunch date!
” Kaso maiiwan mo ba ang mga ginagawa mo ngayon? Tambak ka pa ng mga papeles e.”
” This? its just a review ng mga past record kaya. Kumukuha lang ako kung paano gawin. Alam mo na baguhan lang ako sa ganito. Kung maari nga lang magpaturo sa papa mo kung paano kaso alam mo na about the Monleon and my family.”
” Yun nga din ang hindi ko maintindihan sa kanila e. Kaya nga naawa na ako sa papa ko kasi siya yung laging nauutusan ni Don Juancho sa mga papeles din.”
Nakatitigan kami at di ko na alam ang maari kong sabihin. Isa pa wala namang interesado kung pag-uusapan pa ang sigalot ng dalawang matanda.
” So shall we?”
Aya ko kay Roman para kumain.
Isinuot niya ang kaniyang amerikana.
Nakakaproud ng lumabas kami ng opisina dahil pinagtitinginan kami ng ilang naroroon.
Iba talaga pag isa ka sa boss ng hotel. Malayang nakakagalaw ng walang nagtatanong. I know kaya sila nakatingin, curious silang malaman why i’m here with Roman.
Gumawa man sila ng tsismis about us why not. Isa pa bagay naman kami.
Nakababa kami ng hotel at nagtungo sa restaurant nito. Though nakaakasawa na ang ambiance pwede na rin kahit hindi kami lumayo.
Sya na ang umorder ng makakakin namin. Talagang napapahanga niya ako dahil bihira lumabas ang cheff para kausapin lang ang mga kakain dito. Nakakagulat pa ang galing pala ni Roman magsalita ng Italian.
_“O my ghaddd! Nakakakilig talaga!” _
Ang saya niyang kausap.
Ang dami niyang point of views na matutunan.
Gaya kanina sa opisina kami ang napapansin dito sa restaurant. Kaya extra sweet pa ako na punasan ang labi niya ng table napkin.
Hi hi hi ang sarap siguro niya alagaan.
” Umm Roman sana this wont be the last na kumain tayo.”
Palambing ko sa kaniya.
’” Sure! This wont be the last. Isa pa ang sarap mo kaya kausap. Nawala pagod ko.I enjoy talking to you, your a nice person and beautiful! Tanga na lang ako kung tatanggi na samahan ka.”
Is this for real! Nagpapalipad hangin na siya.
Intersado rin siya sa akin!
Nagkaayos kami na muling magkita. Nagpalitan ng numero.
Ilang minutong kwentuhan.
Gusto ko pa sana siya samahan kaya lang sa dami ng gagawin niya ay hindi na ako humirit na sumama at balikan si papa.
Naghiwalay kami, pero bago yun ay natuwa naman ako at pumayag siyang makahalik sa kaniyang pisngi.
Hayy…nakaka-inis naman at ang ikli lang ng break time niya.
Pero okay na rin at nagkakilala na kami ng maayos. Malaking bagay na ang lunch date namin na masusundan pa ng isang gabi.
Hi hi hi hi!
Arch Angelo
Exicited akong pinuntahan si Roman sa kaniyang opisina. Dahil nagpaluto ako sa cook ko ng pananghalian. Isa pa surprise thank you gift sa kaniya ito ni Thirdy dahil sa pagtulong ng pagbabantay ng dalawang araw.
Isa pa gusto ng bata talaga na siya ay laging kasama.
Ewan ko ba kung ano ang pinakin mo kay Thirdy at ganun na lang siya kalapit ang loob niya sa iyo Roman.
I asked his secretary subalit kakaalis lang kayat nagmadali akong bumuwelta palabas. Nakakahiya at hindi ko na natapos yung sasabihin ng secretary niya sa akin.
Nagmadali ako sa elevator, naghintay ng ilang sandali bago makasakay pababa.
Paniguradong sa restaurant siya kakain.
Nagmamadali ako at baka magalit pa sa akin ang pamangkin ko kung nakakain na si Roman.
Nakalabas ako ng elevator at nagtungo sa pasilyong papunta ng restaurant.
Hindi pa ako nakakapasok ng makita ko si Roman sa pintuang salamin.
Hindi na ako tumuloy dahil sa may kasama siya.
Si Margott…
Bakit magkasama silang dalawa?
Wala akong nararamdamang selos pero ang makita ko ang mga kilos niya ang pinagdududahan ko.
Ang paghawak niya sa kamay, ang haplos sa pisngi at ang mga ngitian nila.
Hindi na ako magtatago dahil di na niya ako mapapansin sa sobra nilang sweet sa isa’t isa.
Gusto ko silang puntahan at makigulo sa kanilang mga usapan.
Bilang kaibigan.
Ngunit hindi usapan ng magkaibigan ang nakikita ko sa kanila…
Nasasaktan ako…
I felt cheated…
Umatras ako ng mabigat ang kalooban bumalik sa aking suite.
Bigo ako na maisama si Roman para sa isang pananghalian.
Masama ang loob ko dahil kumain na siya.
Dahil kasama niya si Margott.
May love triangle na nabuo sa loob ng hotel. Paano na kaya ang mangyayari kay Roman at Arch Angelo?
ABANGAN
(Mamayang gabi na!)
- Sa mga friendly friends,salamat pobsa comments at nakakatuwa po kasi may discussion ako nababasa sa inyo.salamat po sa votes at sa paghihintay ng mga chapters. Kung pwede lang ng isang upuan na tapusin kaso may mga gawin pa po kasi na dapat asikasuhan. Thank you and keep safe.
Chapter 25 Ang Bitag
Roman
Hindi ko alam kung bakit biglang umalis si Arch Angelo sa hotel ng walang paalam. Maging ang mga tawag ko ay di niya sinasagot.
Limang araw ko na silang hindi nakikita.
Blessing in disguise din ba ang pag-alis ni Arch Angelo at kaya nakakailos ako ng maayos para sa aking plano?
Pero ang sa akin lang ay hindi man lang ipinaalam na aalis pala sila ng anak ko.
Hinahanap hanap ko sila.
Ang anak ko at si Arch Angelo.
Kasalanan ko nga marahil dahil sobra akong abala sa aking mga ginagawa. Nariyan pa si Margott na nakadagdag sa mga plano ko.
Kailangan ko munang isakripisyo ang nararamdaman ko para maiayos ko ng tama ang mga pinagagawa sa akin ni Don Iñego.
Marami na akong nakalap na impormasyon sa panlolokong nangyayari dito sa hotel at iisa lang ang pinupuntong master mind.
Si Atty. Simeon Olivarez.
Ngunit kulang pa ako ng ebidensya na siya nga ang gumagawa ng pandaraya at sabwatan.
Sa loob ng dalawang araw ay nakita ko na kung sino-sino ang kaniyang mga galamay.
Nakilala ko ang dalawa at inimbitahan sa aking dormitoryo sa pag-aakalang kakausapin ko sila para lihim na promotion.
Ngunit isang iterogasyon ang nangyari.
Hindi nila maipaliwanag ang mga dokumento na halata namanh minanipula nila.
Binanggit ko ang pangalan ng abogado at iisa ang kanilang reaksyon.
Iisang tao ang master mind at si Atty. Simeon na nga ang may kagagawan.
Hindi na ako mgatataka kung bakit mainit ang mata niya sa akin.
May mga testigo ako ngunit kulang pa sa ebidensya…at si Margott ang susi.
Mula ng malaman ko na ang kaniyang ama ang ahas sa asosyon ay pinagbalakan ko na siyang gamitin.
Walang kahirap hirap na mapaamo siya kaya madali na sa akin na paikutin siya sa palad ko.
Alam ko na may pagtatangi siya sa akin kaya sasamantalahin ko ang kahinaan niya.
Wala ang kaniyang Papa para sa isang business trip na hindi kayang daluhan ni Don Juancho.
Isang pagkakataon ito para sa akin.
Tinawagan ko siya at hiningian ng pabor.
Hiniling ko na magkita kami at dalhin niya ang monthly report na ibinigay ko sa papa niya noong isang araw. Dahil si Atty. Simeon ang tumatayong Chief Financial Officer.
Nabanggit na sa akin ni Margott na ” she play as his dad’s secretary” sa kaniyang papa at pihadong alam niya ang mga sinasabi kong papeles.
Hindi ako nagkamali dahil alam niya kung saan ito nakatago. Ibinigay ko ang mga impormasyon ng mga papeles at masaya siyang makatulong sa akin.
Mas lalo siyang natuwa ng sabihin ko na sa condo na lang kami magkita upang makapagsarilinan.
Bulag siya sa kapusukan at di iniisip ang mga mangyayari kaya napadali ang trabaho kong malantad ang kaniyang ama.
Alas siete ng gabi…
Isang katok mula sa aking pinto at si Margott nga ang dumating.
Planong kong kumain kami sa labas. Bago umalis ay ibinigay niya sa akin ang mga papeles.
Tatlong folder iyon.
“Nahirapan pa ako sa pagkuha niyan grabeh! Nakalimutan ko kasi yung pin code ng cabinet ni papa. Actually marami pa yung nakatago dun. Eh yang mga date record lang naman ang sinabi kaya yan lang dinala ko.”
Natuwa ako sa kaniyang binanggit.
Binasa ko ito at ito ang original na financial statistics ng hotel.
Nagpasalamat ako sa kaniya at itinago ang mga papeles.
Sa muling pagharap ay niyakap niya ako.
Pinaglabanan ko ang tukso ng maglapat ang aming katawan ngunit hinalikan niya ako sa labi.
Maganda si Margott.
Lalake ako.
Bumigay ako sa kaniyang halik.
Subalit wala akong nararamdaman sa kaniya kaya umiwas ako.
Umatras ako ng bahagya at napahiga sa sofa…at siya ay napaibabaw sa sa akin.
Patuloy niya akong hinalikan.
Nadarang ako sa halik niya.
Ewan ko at hinanap ng katawan ko ang ganito.
Oo lalake ako…kasalanan ko ba kung palay na ang lumalapit sa manok?
Manok lang ako para tumuka…
Mapusok si Margott at ilang araw na rin akong hindi nakakapagpalabas. Tanging si Arch lang ang huli kong nakasex at hindi na sundan iyon dahil sa mga gawain ko at ngayong umalis pa sila.
Si Arch…
Nawala ang pagnanasa ko sa ginagawa namin ni Margott ng maalala ko si Arch Angelo.
Parang mali…parang niloloko ko ang sarili ko..na niloloko ko si Arch Angelo.
At ayaw ko siyang masaktan.
” Margott di ba parang ang bilis naman natin sa ganitong sitwasyon?”
Napatigil ko siya sa kaniyang ginagawa ngunit ngumiti lang siya sa akin. Tinanggal niya ang butones ng aking polo at hinalikan ang aking dibdib.
Lalake ako para hindi ko magustuhan ang kaniyang ginagawa na kahit labanan ko ay parang lalo pa akong nahuhulog sa init ng kaniyang pagdila sa aking dibdib.
Ang bilis niyang natanggal ang aking sinturon at maibaba ang aking pantalon.
Nakapikit akong hinihintay ang kaniyang gagawin.
” Ummm..Roman maski pala dito gwapo ka.”
Ang matigas kong ari ang pinatutukuyan niya.
Tuluyan akong bumigay ng maramdaman ko ang init ng kaniyang bibig na bumalot sa aking katigasan.
Bibigay na ako dahil sa galing niya dumila at pagsubo sa pribado kong bahagi.
Nangg biglang may kumatok sa aking pinto.
Natauhan ako at nabigla sa aking narinig. Napatayo ako dahil bihira lang ang taong dumarating sa aking tinitirhan ng hindi iniimbita.
Kinabahan ako na baka si Don Eñigo ang dumating.
Pinag-ayos ko ng sarili si Margott baka ang “Papa” ko ang dumating.
Sa pagmamadali ay di ko na naiayos ang pantalon ko.
Bahagya kong binuksan ang pinto at sinilip kung sino.
Fuck! Bakit ngayon ka pa nagpakita!
Si Arch Angelo!
“Hi, di na ako nakatawag sa yo, kakarating lang namin from hongkong pero dito sa dorm mo kami gusto ni Thirdy dumiretso.’
Matabang ang kaniyang pagkakasabi sa akin na parang galit sa akin.
**” Uncle Roman ** !”
Kasama pala niya si Thirdy at itinulak ang pinto kaya nabuksan na ng tuluyan ito. Tinalon ako ng anak ko. Sa kasabikan ay kinarga ko siya dahil ngayon ko lang muli siyang nakita.
Nakalimutan ko na naroon pala si Margott. Kinabahan ako sa reaction ni Arch Angelo.
Si Margott na kasama ko at sa ayos ng pananamit ko. Halata sa akin na may ginawa kaming milagro dahil hindi ko man lang naitaas ang zipper ng aking pantalon.
” Oh sorry nakaistorbo pala kami sa inyo.”
Napahiya ako sa sinabi ni Arch.
” Thirdy we have to go, may guest pala si Roman. Sorry kung bigla kaming pumasok.”
Pinababa niya si Thirdy sa aking bisig. Napipi ako at wala akong masabi sa kaniyang naabutan. Hindi ko kayang ipaliwanag ang nangyayari at baka masira ang plano ko.
“No its okay, paalis na rin naman ako.”
Tumayo si Margott habang inaayos ang kaniyang mahabang buhok. Halatang nairita dahil sa pagkabitin sa dapat mangyari sa amin.
Humalik pa siya sa labi ko bago umalis.
” Bye sweetie, i have to go. Call me huh. Di ko alam na napunta pala kayo dito ng nephew mo Arch. Dont worry di ko sasabihin kay Don Juancho.”
Umalis si Margott at isinara ang pinto.
Naiwan kaming tatlo sa loob.
Tahimik kaming dalawa sa isat isa. Maigi at nandoon si Thirdy na pumapatay sa katahimikan.
“Uncle Roman is she your girlfriend?”
Tanong sa akin ng anak ko habang muli ko siyang kinarga.
” No, anak she is not my girlfriend, bumista lang siya sa akin.”
Inagaw ni Arch Angelo ang bata sa pagkakarga sa akin.
” Don’t call him your son! Hindi mo siya anak! Lets go Thirdy, pagod ka na sa biyahe at kailangan na nating umuwi.”
Nabigla ako sa inasal ni Arch sa kaniyang sinabi. Galit siya hindi dahil pagkakatawag ko sa bata ng anak kundi sa naabutan niyang kasama ko.
Umiyak ang bata dahil sa pagsigaw ng kaniyang Uncle. Nabigla din si Arch sa kaniyang pagkakasigaw kayat kinanlo niya ang bata.
” Im sorry, sorry, hindi ko sinasadya na sumigaw. Sorry Thirdy. ”
Umiiyak si Arch habang pinapatahan ang bata ngunit patuloy na umiyak ang anak ko dahil sa takot.
Sa takot ng bata sa pagkakasigaw ni Arch ay inilahad niya ang kaniyang maliit na braso sa akin. Gusto niyang sa akin sumama. Binawi ko si Thirdy at sa balikat ko ito umiyak.
Malakas pa ang iyak ni Arch sa paghingi niya ng paumanhin sa bata.
Puro sorry ang narinig ko mula sa kaniya.
“I hate you! Ayaw ko na sa iyo! Your just like lolo! Lagi nyo ko sinisigawan!”
Nagulat ako sa sumbong ng bata.
Maging si Arch ay lalo pa yatang lumakas pag-iyak.
“Calm your self Arch Angelo natatakot na ang bata sa yo.”
Ipinasok ko ang anak ko sa aking silid at iniwan namin si Arch sa kaniyang pag-iyak.
Humiga ako na kayakap si Thirdy at naiyak na rin ako sa dinaranas ng anak ko.
Akala ko ay maayos at mabait ang trato sa kaniya ni Don Juancho. Maging ang walang muwang na anak ko pala ay nakakatikim din ng sigaw sa kaniya.
Nagngingit ako sa galit sa matandang yun at awa sa anak ko.
Pinatahan ko si Thirdy sa aking bisig hanggang sa siya ay makatulog.
Hindi na siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Gaya noong una ko siyang nakatabi.
Tahimik na rin sa labas at hindi ko naririnig si Arch sa pag-iyak.
Nararamdaman ko na bumukas ang pinto. Naaninag ko sa dilim ang pagpasok niya.
Ayaw ko ng magpaliwanag at magtanong.
Ayaw kong gumawa ng ingay.
Ayaw kong magising ang anak ko.
Tahimik niyang isinara ang pinto.
Naramdaman ko na nahiga siya sa tabi ko. At ako ang pinagitnaan nila ng anak ko.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay ng mahigpit.
Hindi ako nakatiis at pabulong sinabi ito sa kaniya.
“I will explain to you everything Arch Angelo. Huwag kang magalit sa akin sa mga nakita mo. Trust me at malalaman mo rin kung bakit. Dahil mahal kita…”
*****
ABANGAN
May dalawang lihim na madidiskubre next Chapter!!!!
*woohhooo! Gusto ko na siya matapos talaga!!!!
Chapter 26 Ang katotohanan
Atty. Simeon
” Hindi ko alam kung bakit kailangan magkaroon ng emergency meeting. Ang nakakabuwisit pa nito ay si Roman pa ang nagpatawag sa akin.
Kabago-bago lang niyang nailagay sa posisyon at talagang nagpapalapad ng papel.”
Sinadya kong bagalan ang patungo sa conference room. Kung kaya niyang mang-abala, pwes kaya ko rin.
Iritado akong nakarating doon sa harap ng pinto at pumasok ako. Nabigla ako dahil nandoon ang mga lahat ng Officer ng asosasyon. Maging ang Chief Executive Officer ay nakupo sa kabisera ng lamesa ng pagpupulong.
Si Don Juancho.
” Senior Juancho ano ho ginagawa ninyo dito?”
Ang pagtataka ko dahil hindi naman pupunta ang matanda sa mga ganitong emergency kung ako ang pinatawag.
“Yan din ang gusto ko malaman at bakit mo ako pinatawag Simeon?”
Ako ang nagpatawag ng meeting na ito? Naguguluhan ako.
“Don Juancho nagkakamali kayo. hindi ho ako ang nagpatawag sa pagpupulong na ito.”
Nagsimulang magbulungan ang mga nakaupong executives at maging sila ay inakalang ako ang nagpatawag.
Magpapaliwanag ako ng biglang bumukas ang pinto sa likuran ko.
Nilingon ko ang dumating at si Roman pala iyon kasama ang kaniyang sekretarya.
“Ipagpaumanhin ninyo ang huli kong pagdating, Don Juancho ako po ang nagpatawag ng emergency meeting na ito.”
Namula ako sa galit dahil sa kapangahasan ng anak ni Don Iñego.
Ngunit si Don Juancho na ang kumastigo sa kaniya.
” Puñeta! Sino ka para ipatawag ako !”
Natahimik kami dahil oras na magmura ang matanda ay paniguradong may matatanggal sa trabaho. Sa pagkakataong ito si Roman na ang inaasahan kong matatanggal.
” Muli ang aking paghingi ng paumanhin. Ginagawa ko lamang ang trabaho ko.”
Ang kapal talaga ng apog mo Roman. Ni hindi ka man lang nakadama ng takot sa kaharap mo.
“At kasama ba sa trabaho mo ang panloloko mo na si Simeon ang nagpatawag ng meeting na ito.”
Hah! Huli ka na! Pati ako ay gagamitin mo pa sa kalokohan mo.
” Pasensya muli Don Juancho. Maliit na bagay lang po ang pagsisinungaling ko kumpara sa tauhan nyo na matagal na kayong niloloko.”
Ano ibig sibihin nito?
Anong panloloko?
Kinabahan ako sa kaniyang sinasabi.
” Señor ang abogado mo ay matagal ng ninanakawan ang inyong negosyo!
Sira ulong baguhan at ginagawan ako ng tsismis.
” _Mag-ingat ka Roman sa mga pinaparatang mo baka edemanda kita. Hindi mo ako kilala. Isa akong Olivarez!” _
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang namatay ang ilaw at gumana ang projector na pinaandar ng kasama niyang sekretarya.
Isang usapan ang pinalabas. Sa isang kwarto at naroon ang ilang mga tauhan ko sa finance office.
Narinig ko ang diskusyon nila.
” Matagal ng dinadaya ni Atty. Simeon ang mga finance statement ng hotel sir Roman. Dagdag-bawas ang kalimitang pinagagawa niya. Yung ibang pinapasok niyang benificiary ng donation natin noong nakaraang bagyo, bogus yun sir. Hinokus-pokus niya lang yun at pinasa sa amin ang report para pirmahan. Yung pera na nakukuha niya, sa katulong nilang account nakadeposito. Pero ang totoo kay attorney yun.’
Di ako makapaniwala na hinudas ako ng taong pinagkatiwalaan ko.
“Ang mga report na pinapasa kay Don Juancho, retokado na yun sir. Pineke na po iyon. Dagdag bawas na ang nababasa ng matanda. Walang kaalam alam na ninanakawan pala ang kompanya. Yung mga tinanggal na tao ni attorney mga walang kasalan yun. May nakadiskubre ng pinaggagawa niya kaya tinanggal niya. Siya din ang nagmanipula sa buong asosyon na humihina ang kita ng hotel kaya nagtaasan ang shares ng mga holders at tanging si Don Eñigo lang ang hindi naniwala at pinanatili niyang mababa ang kaniyang share hold kaya nabawasan ang karapatan ni Don Eñigo. ”
Isa na namang kilala ko ang inienterview na pinalabas sa projector.
” _Kasinungalingan lahat yan! Walang katotohanan yan! Paano kami maniniwala sa mga pinagsasabi ng nasa video na yan?! Scripted ang mga pinagsasabi ng mga iyan para siraan ako!” _
Abogado ako kaya mahina ang ebidensya ni Roman. Mapapahiya siya sa akin at mapapaalis ng mabilisan.
” Pinapunta ninyo ako sa isang palabas?”
Galit na si Don Juancho. Sa lahat pa ng gagalitin ang matandang ito pa ang pinili mo.
Akala ko ay tapos na ang pinapakita sa projector…ng bigla nakita ko ang aking anak sa parehong silid. Gaya ng nauna. Ano ang ginagawa ng
Prinsesa ko at kasama niya si Roman?
” Ito pala yung papeles ng papa na hiningi mo sa akin Roman. Nakalimutan ko pa yung pin number ng cabinet nya kaya natagalan ako…pero yan lang kinuha sa date na sinabi mo. Ang dami pa kaya doon…”
Hindi ako makapaniwalang ginamit niya ang anak.
Sinugod ko siya upang sakalin dahil sa ginawa niyang kasangkapan ang anak ko.
” Tumigil ka Simeon! Layuan mo si Roman!”
Natahimik ako sa takot sa matanda.
Leeg ko na ang nakasalang sa bitayan.
Hindi ako makapagsalita sa nangyayari. Nalantad ang sikreto ko.
Lahat sila ay galit na nakatingin sa akin.
” _Punyeta ka Simeon! Pinagkatiwalaan kita! ” _
Tatakas sana ako ngunit nahila na ako ng isa. Puro mura at oananakit ang ginawa nila sa akin.
” **Ipaaresto nyo ang gagong yan! Ipaaresto nyo yan!” **
_“Demonyo ka! Ilang taon mo kaming niloko!” _
_“Magnanakaw!” _
Madaming masasakit na salita at sampal ang binitawan nila sa akin.
” Kasalanan mo ito Roman!”
Roman
Sa wakas ay nagawa ko na rin ang tungkulin ko sa iyo Don Iñego dahil nahuli na ang traydor ng asosyon.
Paano ko nagawa ang iset up sila?
Bago ko lipatan ang condo unit ko ay pinarenovate ko iyon at pinalagyan ng mga hidden camera. Nagamit ko ang natutunan ko sa america sa mga pandarayang nagaganap sa casino. Malaking tulong talaga ang survielance camera.
Pumasok sila sa lungga ko ng hindi nila nalalaman na sisilain ko sila…
Hindi ko na kasalan kung sila pala ang unang sasalang sa mga palabas ko ng ganoon kadali.
Iniwan ko na sila sa confference room na nagkakagulo. Kung mapatay man nila si Atty. Simeon ay wala na akong pakialam. Ginawa ko lang ang trabaho ko ayon sa aking konsensya.
Nagtungo ako sa aking opisina upang magpahinga sandali. Nais kong matulog dahil ngayon ko naramdaman ang ilang araw na puyat sa paghahanap ng katibayan laban sa abogadong iyon.
Ang sarap talaga sa pakiramdam na nakatulong. Gaya noong tulungan ko si Don Eñigo sa unang pagkakataon sa Amerika at ngayon ay muli ko na namang naisalba ang buhay niya. Nakaramdam ako ng kapaguran.
Gusto ko man matulog ay kailangan ko pang tapusin ang ilang mga trabaho.
Pumasok ang sekretarya ko at may inabot sa aking sulat. Liham mula sa isang ospital. Sa ospital kung saan ko pinasuri ang buhok na nakuha ko kay Thirdy at kasabay ng aking DNA sample na pagbabatayan.
Kinabahan ako ng buksan ko ito.
Naiyak ako sa aking nabasa.
Anak ko si Thirdy.
ANAK KO SI THIRDY!!!
99 Percent na magkapareho kami ng DNA test!
Akin ang batang kinuha nila!
Akin si Thirdy!
Pigil ang aking paghiyaw sa saya dahil isang tagumpay ang dumating sa akin.
Ito ang sinasabi sa akin ni Don Iñego na katibayan na hanapin ko.
Makukuha ko na ang anak ko!
Nag-ring ang aking telepono.
Si Don Iñego ang nakarehistrong pangalan. Sabik akong ibalita sa kaniya ang dalawang kaganapang paniguradong ikatutuwa niya.
Ngunit hindi si Don Iñego ang tumawag kundi si Mang Frederico.
” Señorito, ikinalulungkot ko po na sabihin sa inyo na nandito ako sa ospital…patay na po ang papa ninyo .”
Nabitawan ko ang cellphone na hawak ko. Nanginig ang aking kamay sa balitang patay na si Don Iñego…
Patay na ang tanging sandigan ni Roman. Ano na kaya mangyayari sa kanya?
ABANGAN!
Chapter 27 Pagluluksa
Isang masamang balita ang natanggap ni Roman na namatay na ang matandang Eñigo.
Sa kabila ng tagumpay niyang maisiwalat ang katotohan sa loob ng asosasyon ay kapalit nito ang pagkawala ng isang tapat at mabuting kaibigan.
Walang mag-anak ang Don kaya noong nabubuhay pa ito ay nakaplano na ang lahat sa kaniyang burol sa isang sikat na funeral home na para sa mayayaman.
Nais niyang masaya ang mga maiiwang niyang mga kaibigan.
Tatlong araw lang ang kahilingan ng matanda para sa kaniyang lamay.
Isang araw ang kahilingan ng matanda sa kaniyang lamay para sa mga tauhan. Isang araw para sa malalapit na kaibigan at kasosyo at huli para lang kay Roman lamang.
Hiling ng namatay na ayaw niyang may iyakan sa kaniyang pagkawala. Nais niyang para itong gaya lang ng isang family reunion.
Naroon ang Chef ng hotel na nagluluto para sa catering ng mga makikiramay. Isa rin ito sa kahilingan ng matanda.
Gaya ng mga kahilingan ng matanda ay kailangan tuparin ito ni Roman kaya mahigpit niyang ipinatupad ang pagdating ng mga bibisita.
Ang unang araw ay para sa mga tauhan sa sariling negosyo.
Mga tauhan sa planta ng kape, ng hacienda, ng mga paupahan, mga ibat ibang ahensyang tinayo, at scholars na tinulungan.
Humanga si Roman sa mga taong nagmamahal sa matanda dahil hindi niya sukat akalaing ganito pala siya kalihim sa mga kabutihang ginawa.
Hindi siya nakaramdam ng pagod sa pag-aasikaso sa mga dumating dahil sa mabubuting ibinahaging kabutihan ni Don Eñigo.
Ang sumunod na araw ay para sa mga tauhan ng hotel.
Ito ay para sa pagbibigay nila ng huling respeto para sa matandang ermitanyo. Ang mga desk clerk, ang mga guest officer,ang mga attendant, ang mga chamber maids,bellboy, ang tauhan laudry, sa playroom,acivity room,mga waiters,security guard,mula sa pinakamataas na empleyado hanggang janitor ay naroon.
Ganito siya kamahal ng mga taong nagsisilbi sa hotel. Kahit nabawasan siya ng karapatan ay hindi siya iniwan ng mga taong ito dahil sa respeto.
Marami silang kwento ng kagandahang loob ng namatay.
Ang pagpapa-ospital sa isang ina, pagbibigay ng salapi bilang panimula sa isang negosyo, pabibigay ng trabaho, at marami pang nakakatuwang kwento ng pagtulong at lahat ng iyon ay walang kasunod ng pagbabayad.
Ikalawang araw ito para sa mga tauhan ng hotel at naroon din ang ilang mga matataas na kasapi ng asosyon na nagbigay respeto sa matanda.
Kabilang na ang pamilya Monleon.
Hindi niya kayang hadlangan ang pagkakataong kahit sa huling sandali ay maiisip ni Don Juancho ang kaniyang pagkakamali.
Sumilip ang matanda sa nakahimlay na dating kaibigan.
Saksi si Roman sa kaganapang ito.
Ngunit ni isang bahid ng pagsisi ay wala siyang nakita. Kahit isang usal ng paghingi ng paumanhin sa isang patay ay hindi niya narinig.
Matigas talaga ang matanda at talagang kahit kailan ay hindi umaalis sa kaniyang pedestal na katayuan.
Na ang isang Monleon ay di kailangan umiyak o magluksa.
“Wala ka talagang pag-asa…”
Bulong ni Roman habang tahimik siyang nakamasid kay Don Juancho.
Matapos noon ay umalis ito ng hindi nagpapaalam kasama ang kaniyang business entourage.
Nawala ang kaniyang pagkainis ng dumating si Arch Angelo.
Aminin man niya o hindi ay nasabik siyang makita ang lalake.
Sumilip ang bagong dating sa labi ngbilang minuto at mag-alay ng dasal at tahimik na lumapit ka Roman. Nakipagkamay at tumabi sa kinuupuan.
Tahimik at nagpapardaman.
” Hindi ko na isinama si Thirdy at ayaw kong maalala niya ang pagkawala ng kaniyang mga magulang. Alam ko na gusto mo rin siyang makita at maging siya ay ganun din. Sana maunawan mo kung bakit hindi muna sa ganitong pagkakataon.”
Naunawan ni Roman ang dahilan ng hindi pagsama sa bata dahil kailan lang ito naulila. Lalo siyang nangulila dahil muli na naman niyang nais makita ito. Gayun pa man,kasiyahan na rin na nandito si Arch Angelo sa tabi niya.
Lihim na hinawakan ni Roman ang kamay ni Arch Angelo subalit umiwas ito na mahawakan.
Nakayuko lang si Arch Angelo at nangangapa si Roman sa pagtanggi sa kaniyang paghawak.
Nagpaalam si Arch na uuwi na at nag-iwan ito ng isang liham para sa kanya.
Batid niyang hindi ito ang oras ng paliwanagan kung ano man ang kanilang hindi pagkakaunawaan noong nakaraan magpang-abot sila sa condo kasama si Margott.
Hindi sila nabigyan ng pagkakataon makapag-usap dahil kapwa sila tahimik na maghiwalay kinabukasan.
At muli ay wala na namang pagkakataon na magkapagusap ng sarilinan. Umalis na si Arch Angelo.
Nagtungo naman si Roman sa nakalaang pahingahan na para sa kaniya at madali niyang binasa ang liham ng binata.
Pinakamamahal ko,
Aaminin kong nasaktan din ako sa naabutan ko ng gabing magkasama kayong dalawa.
Ang aktong kung ano man ang inyong ginagawa.
Pero kahit anong pagtatakip at paliwanag mo ay nasasaktan ako lalo pa at sa ganoong sitwasyon.
Tao lang ako para hindi magalit. O magselos…
Ang pagkakamali ko lang ay ang madamay ang pamangkin ko.
Ang pagkakamali ko lang ay ang makilala kita Roman. Ang magkagusto sa iyo…ang mahulog at tuluyang umibig.
Umiibig ako sa iyo Roman dahil tao lang ako. At tao lang na nasasaktan dahil ang nais ko ay akin ka lang.
Ginamit mo lang si Margott.
Paano kung ginagamit mo din pala ako Roman?
Paano kung isang palabas din ang ginagawa mo sa harap ko?
Paano kung higit pa doon ang kaya mong gawin makuha lang ang gusto lahat ng gusto mo? Natatakot ako .
Oo at kailangan mong gawin ang mga bagay na iyon para malaman ang katotohanan sa likod ng mga panloloko ni Attorney. Paano kung niloloko mo lang kaming lahat?
Ayaw kong isipin na isang kasinungalinan ka lang Roman dahil paniguradong masasakatan mo ako. Masasaktan mo si Thirdy.
Noong una ay lumayo ako at nagpunta ng hongkong dahil wala kang paalam sa amin kung ano ang iyong pinagkakaabalahan. Naglihim ka na sa Monleon Tower ka na pala namamasukan. Kung naglihim ka bakit hindi ako maglilihim kung saan ako pupunta.
Sa Hongkong ako nagtungo upang makapag-isip at maliwanagan kung ano ba talaga tayo. Ang sabi mo ay mahal mo ako kaya kampante ako sa aking nararamdaman na mahal na nga kita.
Paano mo masasabing mahal mo ako kung madidikubre kong pati puri at kaluluwa mo ay ipinapain mo para sa karangalan. Ganun ka ba kadepesperado?
Mataas ang pagtingin ko sa iyo Roman at huwag mong hayaang bumaba ito. Lalo tuloy ako natakot sa maari mo pang gawin dahil kung masasaktan ka ay baka masaktan din ako.
Nangagapa ako sa dilim kung ano ka ba talaga?
Kung sino ka?
Kung sino ako sa iyo…
Minsan lang ako magmahal at sa iyo ko lang nadama ito. Naging malaya ako sa tunay kong pagkatao dahil inamin ko kung ano ako.
Inilihim ko ang aking kasarian sa takot na ako ay isumpa. Hindi ko natiis at kailangan kong lumaya. Tanging ang kapatid ko at ang Mama lang ang tumanggap sa akin.
Isa akong Monleon at wala akong karapatan na dungisan ang magandang imahe ng aming pangalan.
Nakakatawang pagpapahalaga yan
Kung alam lang nila ang hirap ko ng isilang na dala ang pangalan ng Papa.
Kabiguan ako sa lahi namin dahil hindi ko magagampanan ang nais nila sa akin.
Kasalanan ko bang mabuhay na hindi marunong umibig sa isang babae. Kasalanan ko bang sa lalake ako magkagusto. Ang umibig sa isang Roman na anak pa ng kaaway ng Papa.
Huli tayong nagkasama ng matulog kami sa iyong condo. Hindi na ako nagtanong ng sabihan mo ako na mahal mo ako. Magtitiwala ako sa iyong sinabi.
Ngunit nais ko hanapin sa sarili ko na magtiwala sa iyo. Nangangamba ako na balang araw na umabot sa pagsisi kung magkamali ako sa desisyon ko na maniwala sa mga sinabi mo sa aking mahal mo ako.
I’m trying to find who you are inside me. And there is no doubt about that. Gusto ko lang manigurado dahil ayaw kong umasa. Dahil ayaw kong masaktan at higit na ayaw kong masaktan si Thirdy.
Hindi lang ako ang nagmamahal sa iyo.
Batid kong mahal mo rin ang bata.
No question about that. Nakita ko kung paano mo pahalagahan ang pamangkin ko ng higit pa sa tunay na ama.
Ewan ko kung bakit tila kayong dalawa lang ang nagkakakintindihan pag magkasama na kayo.
Nakakatuwa kayong panoorin.
Pero minsan magtatanong na ako kung pinahalagahan mo rin ba ako gaya ng pinapakita mo kay Thirdy o ginagamit mo di siya para mapalapit sa akin?
Gamit na gamit na ako noong pagkabata ko gaya ng isang robot na pinaiikot ng Papa at ayaw ko ng maramdan iyon muli higit pa na ikaw ang gagawa.
Lalayo muli ako upang magawa mo ang iyong dapat gawin kung nakikita mong isa akong hadlang. Tapusin mo muna ang lahat ang mga nakaatang na obligasyon sa iyo.
Huwag kang mag-alala at tatanggapin kung ano mang desisyon mo …
At kung handa ka na hihintayin kita sa lugar kung saan una tayong nagkakilala…
Arch Angelo
Kahit hindi siya nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag ay may nakita siyang pag-asa sa liham na basa. Tama si Arch na kailanagn muna niyang tapusin ang kailangang tapusin at harapin ang dapat harapin.
Noon ang pakay niya ang kaniyang anak lang ang nais niyang mabawi. Hindi niya mapaghihiwalay ang anak sa nakilalang tiyuhin.
Walang siyang balak na ilayo ang bata kay Arch Angelo at wala rin siyang balak lumayo sa binata.
Ngunit papaano pa siya makakalaban kung wala na ang sandigan na tumutulong sa kaniya.
Masyadong makapangyarihan pa rin si Don Juancho para banggain at ayaw niyang maipit ang mahal na anak na si Thirdy…at si Arch Angelo.
*****
ABANGAN
(Mamaya)
May rebelasyong malalantad na ikagugulat ni Roman.
* whew ngayon lang nakapag-update mga friendly friends. Busy lang po sa tabaho kasi.
Chapter 28 Ang Pagsilang sa Isang Dragon
Huling araw ng pagluluksa sa labi ng isang mabuting kaibigan.
Tahimik na nakaupo sa isang pribadong silid si Roman kung saan nakahimlay ang labi ni Don Iñego. Tanging kasama niya sa kaniyang likuran ang ilang mga nakaupong piling tao rin upang samahan siya sa huling araw at paglilibing sa matanda.
Naroroon ang matapat na driver na si mang Federico,ang sikat na couturier na si Arwen Santillan, ang head officer ng isang security agency, at si Mr. Jeriker na isang share holder ng Monleon tower. Bukod sa kanila ay ang abogado ni Don Iñego na roon din para sa mga huling kahilingan ng namatay.
Tahimik silang lahat sa paghihintay ng oras ng paghahatid sa huling hantungan ng matanda.
Tumayo ang abugado sa gilid ng bahaging paanan ng kabaong at nagsalita.
” Isang pakikiramay ang nais kong ipaabot sa mga naiwan ni Don Iñego lalo na sa iyo Roman. Ayon sa kahilingan ng matanda ipinaabot niya ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng ginawa mo noong nabubuhay pa siya.”
Nakadama ng pangungulila si Roman dahil sa isang kaibigan niya ang kaniyang ililibing. Sa maikling panahon ng kanilang pagkakailala ay maituturing na niyang ama si Don Iñego.
“Señor Roman nais kong mapanood mo ang isang video documentation na iniwan ni Don Iñego para sa inyo.”
Pagpapatuloy ng abogado.
Awtomatikong bumaba ang isang projector screen sa ibabaw ng kabaong at isa isang namatay ang mga ilaw. Kinabahan si Roman dahil hindi niya inaakala na may ganito palang programa na mangyayari sa huling araw ng pagluluksa.
Tahimik ang lahat ng magtagpo ang liwanag na lumabas mula sa projector na tumama sa screen at makita nila ang matanda. Kuha ito bago pa ito mamatay.
Kamakailan lang ito kinunan dahil sa maaliwalas at malakas tingnan ang matanda sa bago nitong gupit na buhok at ahit na balbas. Lumabas talaga ang pagka-hispanic look nito at halatang hindi purong pilipino ang nasirang De la Vega.
Nagsimula ang video.
Sa simula ay natawa pa ang mga saksi dahil halata sa matanda na hindi sanay humarap sa camera at panay ang ayos nito sa sarili at tanong sa abogadong nasa likod ng video camera.
Natahimik sila ng magsimulang magsalita ang matanda.
” Kung mapapanood ninyo ito ay paniguradong patay na ako…
Sa mga matapat kong kaibigan ay ipagpaumanhin ninyo at hanggang dito lang ang hangganan ng aking buhay. Masaya ako dahil sa nagampanan ko na ang misyon ko sa mundong ito ng walang halong pagsisisi dahil kailangan at nararapat.
Huwag kayong malungkot kung ako ay wala na dahil lahat tayo ay darating sa kamatayan. Huwag kayong iiyak dahil ayaw ko at nais kong lahat kayo ay masaya sa aking paglisan dahil kung dumating ang araw na ako ay kunin na ng maykapal ay nagampanan ko na ang misyon ko.
Narito ang aking huling habilin.
Sa iyo Roman, nangako ako sa iyo na ang tanging maibibigay ko lamang ay ang aking pagtitiwala.
Pasensya na…
Ngunit ang pagtitiwalang iiwan ko sa iyo ay ang lahat ng aking mga ari-arian kasama dito ang mga lupain, mansion, mga negosyo at salapi na maaiiwan ko.
Huwag kang matakot.
Ang lahat ng ito ay nakapangalan na sa iyo.
Ang mga taong kasama mo ngayon ay kasama sa mga ipagkakatiwala ko para tulungan ka.
Wala na ako bilang iyong kalasag.
Wala na ako subalit iiwan ko sila para maging pakpak mo sa mga gusto mong gawin. Bahala ka na kung ano iyon. Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin sa aking iiwan. Wala na akong pakialam. Hindi ko hawak ang takbo ng iyong isip. Kung kabaligtaran sa aking inaakala ang pagkakakilala ko sa iyo. Hindi pa rin ako nagsisisi dahil ang tanging pinanghawakan ko upang gawin ang lahat ng ito ay ang makita ko iyong paninidigan. Mabait kang bata Roman at huwag kang makakalimot sa iyong pagkatao dahil kabiguan sa akin kung magkakagayon.
Sa mga piling bisita ko na narito…
Siya si Roman Dela Vega…
Tulungan ninyo siya gaya ng pagtulong ninyo sa akin.
Huwag ninyong itrato siyang iba dahil siya ang kakatawan sa inyong lahat.
Ipinagkakatiwala ko sa inyo ang pangangalaga sa kaniya at kayo ay ipinakakatiwala ko rin sa kaniya.
Salamat sa inyong lahat at kayo ang naging kalakasan ko. Sa abugadong nasa harapan ninyo ang bahalang kumausap sa inyo ayon sa aking kahilingan pagkatapos ninyo akong ilibing. Iiwan ko sa inyo ang mga mensaheng iyon dahil lahat kayo ay malapit sa aking puso. Muli ang lubos na pasasalamat…”
At namatay ang projector at binalot muli ng kalungkutan ang buong paligid.
May pagluha at pagsinghot na maririnig mula sa mga taong nakasaksi sa iniwang mensahe ng matanda.
Nagpaliwanag ang abogado sa kanilang pinanood.
” Ito ang last will documentation ni Don Iñego. Lahat ng sinabi niya dito ay ibibigay na sa kaniyang pinamanahan ayon sa kaniyang kahilingan at ayon sa batas. Muli kong pinaaabot sa inyo ang aking pakikiramay.”
Pigil si Roman sa kaniyang nadaramang damdamin hindi dahil sa kayamanang iniwan sa kaniya kundi sa pagmamalasakit ng isang kaibigan. Itinuring na niyang ama si Don Iñego at siya ay itinuring ding anak ng matanda.
Isang tahimik na paglilibing ang sumunod na pangyayari. Naiwan si Roman mag-isa na saksihan ang huling lupang tumabon sa katawan nh isang taong naging kakampi niya sa laban.
Lutang ang isip niya sa kung ano ang susunod niyang gagawin. Hindi niya alam kung saan at kung paano muli siyang magsisimula.
Pasakay na siya ng kaniyang sasakyan kasama si Mang Federico na kaniyang bagong personal at alalay. Isa mga habilin ng matanda ito na ang lahat ng mga taong nagsisilbi sa kaniya ay malilipat na kay Roman.
” Señorito, bago ho mamamatay si Don Iñego. Nais ho niyang ito naman ang inyong makita. Bilin po niya na kayo lang po ang dapat makaalam nito. Bago ho siya namatay ang may ilang linggo na hong hinabilin sa akin ang kahon na ito na kailangan nyong matanggap.”
Isang maliit na kahon ang iniabot ng matandang driver. Binuksan niya ito at sa loob nito nakapaloob ang isang flash disk at isang liham ng matanda.
Para sa iyo Roman,
Kung kasalanan man ay patawarin mo ako.
Ang iyong kaibigan,
Don Iñego.
Isang pagtataka kung bakit ganito ang liham na kaniyang nabasa.
Umuwi siya sa kaniyang Condo upang magpahinga at paghandaan ang bagong obligasyong iniwan sa kaniya.
Sa kabila ng pagod at kalungkutan ay binuksan niya ang files gamit ang ka kaniyang laptop at tingnan ang nakapaloob sa flash disk.
Maraming files siyang nakita.
Mga larawan ng ilang titulo ng lupa, ng mga password at karapatan sa ilang bank account, numero ng telepono ng mga connection ni Don Iñego at maraming pang kasulatan na ipinagkatiwala sa kaniya.
May ilan ding video na kasama dito na malaya niya itong pinanood.
Video 1
Isang mensahe para kay Roman mula Kay Don Iñego. Parang kaputol lang ito ng naunang video kanina na napanuod niya dahil ganoon pa rin ang suot na matanda.
” Roman, huwag kang matakot na tumayo gamit ang pangalan ko. Dahil mula ngayon ay isa ka ng De la Vega. Hindi ko inuutusang kalimutan mo ang iyong pinagmulan kundi ito na iyong bagong simula bilang bagong dugo na iiwan ko. Naasikaso ko na ang legality ng pag-aampon sa iyo bilang surpresa at upang magkaroon ka ng karapatan sa lahat ng ipamamana ko sa iyo. Salamat at nakilala kita at alam kong ikaw ang magpapatuloy sa lahat ng naiwan ko. Hinahabilin ko rin ang mga mga kasulatan na nakapaloob sa disk na ito para iyong pag-aralan dahil ito ay sa iyo na.
Kung ito ang una mong video na napanood nais kong lawakan mo ang iyong pang-unawa para sa akin at huwag kang magtanim ng sama ng loob dahil hindi ko rin sinasadya ang mga pangyayari sa buhay mo. Muli ang aking paghingi ng iyong kapatawaran.”
Naka-auto play ang video kayat sumunod na ipinalabas ang ikalawang video.
Nagulat siya dahil alam niya ang ang tagpong iyon.
Video 2
Ang eksena sa elevator kung saan sila ni Arch Angelo na nagtatalik. Ang tagpo kung saan at paano siya nakipaghalikan,ang pagluhod at pagsubo sa kaniyang ari, maging ang pagpasok niya kay Arch Angelo.
Nakadama siya ng galit sa matanda kung bakit at paanong nagkaroon ng ganitong video sa likod niya ang matanda.
Hindi na niya tinapos ito at pinanood niya ang huling video na nakasama sa files.
Video 3
Karugtong muli ng naunang video ng huling habilin ni Don Iñego.
” Dispensa Roman kung insidente kong napangahasan ang nagyari sa inyo ni Arch Angelo. Wala akong karapatan kung ano man ang tunay mong pagkatao o layunin mo noong una ko itong mapanood. Hindi ako magtatanong dahil buhay mo iyan. Hindi rin kita huhusgahan dahil ayaw kong maging dalahin mo ang pag-aalala sa akin. Bakit ako may kopya nito ay dahil sa tauhan ko ang nasa loob ng hotel ang naglagay camera sa elevator bilang paghahanda sa maaring kong magamit laban kay Juancho.
Hindi ko sinasadya na makasama ka sa planong iyon. Huwag kang mag-alala at ako lang ang ang nakakaalam ng pangyayaring ito at tanging hawak mo na ang nag-iisang kopya. Nais kong burahin mo ito para sa iyong kaligtasan,para sa kaligtasan ni Arch Angelo at para sa kaligtasan ng anak mo. Ito lang ang tanging kasalanan ko na nagawa sa iyo. At nais kong patawarin mo ako…at ang pang huli na isa kong ipagkatiwala sa iyo.
Nais kong harapin mo si Juancho. Pagkakataon mo na ipamukha sa kaniya ang matagal ko ng gusto dahil naihanda na kita sa pagkakataong ito.
Huwag kang matakot at may aalalay sa iyo sa oras ng inyong paghaharap.
Kung handa ka na. Tawagan mo ang abogado na ibinigay ko sa iyo upang samahan ka. Ito na lang ang maaring kong sabihin sa iyo. Gaya ng huli nating pagkikita. Kahit hindi tayo magkadugo ay ariin mo na ang pagtawag sa akin ng Papa… Kahit wala na ako, buhay pa rin ako sa mga naiwan ko na magiging kasama mo dahil ikaw Roman ay itinuturing ko na ring anak ko. Salamat at inagatan mo ang iyong sarili.
At natapos ang huling mensahe.
Tumulo ang luha ni Roman sa mga nalaman niya. Hindi siya tiniraydor ng matanda kundi iningatan pa siya nito ng higit sa kaniyang inaakala.
Kasabay ng kaniyang pagluha na tingnan ang huling larawan ng matanda na kasama ng files na ibinigay sa kaniya.
” Salamat Don Iñego…salamat sa kabutihan mo. Maraming salamat sa iyo… Papa.”
*****
Malapit na ang simula na maisakatuparan ni Roman ang kaniyang plano. Ano kaya ang kahihinatnan ng paghaharap nila ni Don Juancho.
ABANGAN!!!!
(mamaya?)
*grabe ang bilis ng read counts ng book na to. Nasa 3k lang ito ng isang araw ako nawala ngayon 4k na agad! AMEYSING! Salamat po sa mga naghihintay ng mga updates,nagvotes at mga comments! Salamat po uli and keep safe!
Chapter 29 Ang Paghaharap
Dumating na ang araw sa verification at paglilipat ng karapatan para kay Roman ng kaniyang bahagi sa naiwan ng nasirang Don Iñego.
Sapat na sa kaniya ang limang araw na paghahanda mula ng malibing ang matanda. Ngayon ay ang araw na siya na talaga ang tatayo bilang kinatawan na De la Vega sa asosasyon ng Monleon Tower Hotel.
Wala ng atrasan dahil isa ito sa mga inilatag niyang plano para sa isang pangako na hindi niya nagawa. Nalantad niya ang kagagwan ng kanang kamay ni Don Juancho ngunit di niya nagawang paluhurin ito. Natanggalan nya lang ito ng magnanakaw ngunit ang mismong hari ay di niya natalo.
Sa kaniyang muling pagbalik ay baon niya ang planong magpapatiklop sa tuhod nito at luluhod sa kaniyang harapan…
Roman De La Vega
” Parang kailan lang…noon ay nagbabakasakali ako sa mga pagkakataon na magkaroon ng kaganapan ang mga plano ko. Ang dami kong hirap na dinanas at sinakripisyo para makapasok lang sa hotel na ito. Kung wala ka Don Iñego ay di ko alam kung saan at paano ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon.”
“Ito na ang kaganapan ng pinangako ko sa iyo. Kahit hindi mo man makita, alam ko na mag-iiwan ito ng aral sa iyong kaibigan na matagal mo ng gustong mangyari. Isa ring malaking pagkakataon na mapadali para sa akin na makuha ang anak ko.”
“Masmainit akong sinalubong ng ilang tauhan ng hotel mula ng malaman nila na ako ay anak mo. Isang kasinungaling handa kong panindigan ng habang buhay hindi lang dahil sa iyong kagustuhan kundi wala rin akong nakilalang tunay na ama.”
“Kung sana noon pa tayo pinagtagpo ay mas malaki pang bagay ang maitutulong ko sa iyo.”
“Nakakapanibago ang lakas ng loob na nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako ang dating Roman na may agam-agam pa ng gaya ng dati. Ngayon ay handa ko nang harapin ang at tanggalan ng pangil ang matandang Monleon.”
Sa ikalawang pagkakataon ay pumasok si Roman ng conference room kasama ng mga share holder ng asosasyon.
Dahil sa kaniyang nagawa ay nakuha niya ang respeto ng lahat ng kasapi. Tanging katanungan na lang ay kay Don Juancho.
Bakas pa rin sa kaniya ang katigasan ng loob na parang walang anumang nangyaring panloloko sa kanila. Kasama ang bagong attorney na ng matanda ang nagpapaliwanag sa kaso. Sa kasamaang palad, ang perang nakuha sa kanila ay matatagalan pa na maibabalik dahil sa patong patong na kaso ang kanilang isinampa.
Marami ang nagalit sa kapabayaan na nangyari at sinisi nila ito sa klase ng pamamalakad ng matanda.
Isang kasiraan sa kanilang reputasyon na sila ay manakawan ng ganoon na lang sa isa sa mga kilalang negosyo sa asia.
Natatakot na ang karamihan sa kanila kung kayat nais na nilang bawiin ang kanilang pagiging kasapi ng asosasyon.
Isang malaking kawalan sa kumpanya ang pag-bawi sa shares ng mga kasosyo ang kanilang gagawin.
Pagkakataon na ito ni Roman…
” Gentlemen, i have a proposal .”
Natahimik silang lahat ng magsalita na ang bagitong kasapi.
” Kung mamarapatin ninyo ay huwag na ninyong bawiin ang inyong binahagi sa asosyon na ito. Let’s face it. Maging ako ay ayaw ko na rin sanang ipagpatuloy pa ang nasimulan dito ng aking “Papa”. Lets make a win-win situation here.”
Kampanteng nakaupo si Roman na sinabi niya ito habang isa-isa niyang tinitigan sa mga mata ang mga nakaupo.
” What is your suggestion Mr. De la Vega?”
Tanong nila sa nakangiting Roman dahil ito na nga ang sinasabi niyang pagkakataon.
Isang plano na bigla niyang naisip dahil alam niyang dadagain na ang mga kasapi sa negosyo na magtiwala pa sa pamamalakad ni Don Monleon.
” i want to buy all your shares…ililipat nyo sa pangalan ko ang inyong karapatan sa asosasyon at babayaran ko kayo ng doble. Malinis,mabilis, at walang abala…”
Nagkatinginan ang lahat sa mungkahi ni Roman. Napag-isip nila na maganda at walang talo ang kung gagawin nilang ibenta ang kanilang mga bahagi sa presyong doble ng kanilang ipinuhanan kesa magtiwala pa sa kompanyang nagnakaw sa kanila ng ilang taon.
Isa-isang pumayag ang lahat sa alok ni Roman. Handa rin siya sa bagay na ito dahil kasama niya ang abogado ng kaniyang “ama” na naglilingkod na sa kaniya ngayon.
Nagkapirmahan at nagkabayaran sa mismong araw na iyon.
” Congratuation Mr. Roman De la Vega. With the combined amount shares you bought for this company,you own the 80 percent shares in total. With that holding ikaw na ang bagong CEO ng Monleon Tower Hotel!”
Papuri sa kaniya ng ilang ng matapos mailipat sa pangalan niya ang kaniyang mga biniling shares.
” Akin ang kompanyang ito! Pangalan ko ang kompanyang ito! Ano ang karapatan mo para agawin ito sa akin!”
Galit na galit si Don Juancho dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataon na bumili din ng shares ng kaniyang mga kasosyo. Nawala na ang tiwala sa kaniya kaya kay Roman nila ito ibinenta.
” Negosyo ito Don Juancho,negosyo. Huwag mong personalin ang ginagawa ko sa iyo gaya ng pagtrato mo sa kaibigan mo noon ginagawa ko lang din sa iyo ngayon. Masisi mo ba ako kung madali kang malinlang ng mga pinagkatiwalaan mo. Dispensa Don Juancho, pero parang ako pa rin ang nahsasalba sa maganda mong pangalan mo.”
Natahimik ang matanda.
Tama nga naman si Roman sa kaniyang sinabi. Nailigtas pa ang reputasyon niya dahil sa masamang pangyayari sa ilalim ng kaniyang pamamahala.
Natahimik siya sa kaniyang pagkakaupo. Isa isang nag-alisan ang mga naroroon at naiwan sa magkabilang dulo ng mesa si Roman at ang matanda.
” Masaya na siguro ang papa mo at naipamukha na niya sa akin ang na kaya niyang kunin ang lahat.”
Tumayo si Roman at inayos ang kaniyang sarili.
” No, Don Juancho. Dati ng masaya ang papa kahit na niloko mo siya bilang kasosyo. Hindi mo lang siguro siya nakita noong panahong nasisilaw ka pa sa karangyaan.”
Papalabas na si Roman kasama ng kaniyang abogado at muling nilingon ang matanda.
” Hindi pa huli ang lahat. Pwede pa po kayong magsimula muli kung akala nyong wala na kayong kakampi. Nariyan pa ang anak ninyo na naghihintay sa inyo”
Bago siya umalis ay nakita ni Roman ang lungkot sa mga mata ng matanda. Hindi niya alam kung ikinasisiya niya ang mga nagawa niyang tagumpay laban sa Monleon na ito.
Hindi…
Nakaramdam siya ng awa at pagsisi.
Naangkin na niya ang kaharian ng Monleon, madali na ang pagbawi kay Thirdy, at ano ang kasunod? Paano si Arch Angelo?
Nais na niyang lumaya sa galit at sama ng loob na nagkulong sa kaniya ng mahabang panahon.
Nais na niyang magtapat kay Arch Angelo at ipagtapat ang lahat.
Tinawagan niya ito at magkita sila sa lugar kung saan una silang nagkakilala.
Handa na siyang umamin kay Arch na mahal niya ito…amin din na anak niya si Thirdy.
Sa music lounge ng casino siya nagtungo. Doon sa kung saan siya tumugtog ng piano at lapitan siya ni Ach Angelo. Kung saan una niyang nasilayan ng malapitan ang mukha nito. Dito nais niyang magtapat ng kaniyang tunay na nararamdaman.
Ilang sandali at dumating ang kaniyang pinakahihintay. Nakita niya na pumasok ang lalaking may mukha ng kaniyang paghihirap.
Ngunit ibang mukha na ang kaniyang nakikita dito. Mukha ng pananabik na mahalin din dahil kagaya niya ay nakulong din ito sa kabiguan.
Nagtagpo sila sa hindi inaasahang pagkakataon at puso lang nila ang nagdikta na sila na nga para sa isat isa.
Lalo siyang naligayahan dahil kasama ni Arch Angelo si Thirdy.
Walang paglagyan ng kaligayahan ang bata ng makita kung sino ang nakatayo sa gilid ng piano.
**“Uncle Roman ** !”
Sigaw ng bata sa pananabik at tumakbo papalapit sa hindi nakikilalang ama.
Tumalon ang bata sa bisig ni Roman at muli silang nagkayakap ng magmuli.
Nang isang malakas na putok sa likod ni Arch Angelo ang umalingaw-ngaw.
Bang!!!
Isang putok ng baril…
Nagtakbuhan ang ilang mga naroroon sa casino sa takot na baka may nakapasok na terorista gaya ng sa balita noong nakaraang buwan sa ibang casino rin.
Subalit ang sanhi ng pagpapautok na iyon ay hindi terorista kundi mula sa baril ni Margott.
Uulitin pa sana ni Margott ang pagpapaputok subalit agad siyang napigilan ni Arch Angelo sa tulong ng mga security guard na naroroon.
” **Papatayin ko siya! Papatayin kita Roman! Ikaw ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang papa ko sa kulungan! Papatayin kita!” **
Sigaw ni Margott habang pinipigilan siya sa kaniyang pagwawala.
Nilingon ni Arch Angelo si Roman sa takot na ito ay tinamaan ng bala. Kinabahan siya ng makita niyang nakaluhod na ngayon sa sahig ang lalaki at lumuluhang yakap yakap si Thirdy.
Tinakbo niya ang dalawa.
” Ang anak ko!!!!”
Narinig niya ang ubod lakas na sigaw ni Roman na bumalot sa loob ng music lounge.
Sa bisig niya ang walang malay na si Thirdy na basa ng dugo ang likuran nito…
(ABANGAN)
Chapter 30 Ang Nabawing Anak
Lulan ng mabilis na kotse si Roman yakap ang kaniyang duguang anak patungo sa pinakamalapit na ospital. Pitong taon siyang nagtiis upang magkaraoon ng salapi para makaharap ang taong namantala sa kaniyang kahirapan.
Pitong na taon siyang lumayo upang maihanda at maipaghiganti ang kaniyang sarili sa mga sugat na ibinigay sa kaniya.
Namatay na ang dahilan ng kaniyang kapighatian na si Mia Rosa at ang asawa nito.
Naiwan ang kaniyang anak na tangi niyang plano na bawiin.
Isang Monleon ang dahilan ng kaniyang kabiguan at ngayon ay Isang Monleon na naman ang dahilan ng kaniyang takot.
Ang pangarap niyang habambuhay na kayakap ang anak ay mapupunta na yata sa bula. Walang malay si Thirdy dahil sa dugong patuloy na umaagos sa kaniyang likod mula sa tama ng bala ng baril na dapat sana ay kay Roman.
” Kasalanan ko ito! **
_Ito ang kabayaran sa paghihiganti ko sa nanay mo. Kung kamatayan mo lang kapalit para mabawi kita sana hindi na ako nagpakita pa!** _
_Diyos ko! _
_Ang kaawa-awa kong anak! _
_Bakit siya pa! _
**Ako na lang! **
**Ako na lang!” **
Hinanakit ni Roman sa sarili.
Kalmado sa pagmamaneho si Arch Angelo kahit inaabot na ng nerbiyos. Alam niya ang mabilis na daan patungo sa ospital.
Mabait ang lansangan at walang abala sa kanilang patutunguhan.
Hindi na siya magtataka kung bakit pinagtangkaang patayin ni Margott si Roman.
Ang tanong ay kung ano ang mga ibig sabihin ni Roman na anak niya si Thirdy?
Madali silang nakapunta sa hospital. Sa pagsalubong ng mga nurses agad nila iyong itinakbo sa emergency room.
Kabi-kabila ang mga reporter na nagdatingan mula ng kumalat ang balitang may binaril sa casino at biktima ay ang batang Monleon.
Agad pala itong itinawag ni Arch Angelo sa security ng ospital kayat nabigyan agad sila ng karapatang huwag maabala ninuman.
Hangos ding dumating ang matandang Monleon sa ospital na labis ang pag-aalala. Naabutan niya si Roman at Arch Angelo na nakupo sa waiting area sa labas ng emergency room.
Isinalaysay ni Arch Angelo sa ama ang buong pangyayari.
Tahimik silang tatlo na naupo.
Dito ay pantay pantay sila ng katayuan.
Walang CEO,walang Don,walang mayaman.
Iisa ang takbo ng kanilang isip…ng isang dalangin. Ang mabuhay ang bata.
Lumabas ang doktor upang ibalita ang kalagayan ni Thirdy.
“Naalis namin ang balang tumama sa likod ng inyong apo Don Monleon.Ngunit nasa kritikal na kalagayan pa rin ang buhay niya. Madaming dugo ang nawala sa pasyente at nangangailan agad na masalinan. The problem is wala kaming blood type na kapareho ng sa apo ninyo dito sa ospital.”
Nagalit ang matanda sa kaniyang narinig.
” **Anong klaseng ospital ito?! **
**Para sa isasaling dugo wala kayo?!” **
Inawat ni Arch Angelo ang ama upang hindi makagawa ng eskandalo.
Muling nagpaliwanag ang doktor.
“Pasensya Don Juancho. Ngunit mahirap po talagang mahanap ang klase ng dugo ng apo ninyo. Very rare ang type ng dugo niya na **AB(-). ** Limang porsiento lang sa population ng mundo ang mayroong ganitong klase ng dugo at wala pa kaming ganitong blood type na naeencounter sa tagal kong pagiging doktor sa ospital na ito.”
Magkaparehong B(+) blood type ang mag-amang Arch Angelo at Don Juancho. Kakaiba sa inaakala katulad ng dugo nila si Thirdy. Walang maitutulong ito lahit isang drum pa ang isalin nila.
” _AB(-) ang dugo ko duktor! Sa akin nyo kunin ang dugo para sa anak ko.” _
Nagulat ang mag-ama maging ang doktor sa narinig nila kay Roman dahil pareho silang rare blood type ng bata.
Wala ng salitaan at agad ipinasuri ang dugo ni Roman.
Tugma ang pagkakapareho nila at angkop bilang donor sa pasyente.
Pinahiga si Roman sa isang pribadong silid at doon kinuhanan ng dugo.
” Diyos ko…kung buhay ng anak ko ang kapalit para sa aking kagustuhang makuha siya…ay ayaw ko na. Isusuko ko na ang karapatan ko bilang ama. Wag mo lang siyang kunin…”
Taimtim na dalangin ni Roman habang nakatitig sa puting kisame.
Narinig niyang bumukas ang pinto.
Si Arch Angelo ang pumasok at lumapit sa kaniya.
Napaiyak si Roman na maramdaman niyang humawak sa kamay niya si Arch Angelo.
“Patawarin mo ako Arch. Patawarin mo ako dahil hindi ako naging tapat sa iyo.”
Tahimik na nakinig lamang si Arch Angelo sa mga sinabi ni Roman. Pinakinggan niya ang buong kwento kung sino siya at kung ano ang koneksyon niya sa pamilya Monleon habang nanatiling nakatitig si Roman sa kawalan..
Si Mia Rosa, si Michael at si Thirdy.
Sino talaga si Roman noong una,ang makilala si Don Iñego hanggang sa makuha niya ang posisyon sa Monleon Tower Hotel. Lahat iyon ay kaniyang pinakinggan.
” Kung kasinungalingan man ang pagkakakilala mo sa akin Arch Angelo patawarin mo ako. Hindi ko rin gustong saktan ka. Ang katotohanang aaminin sa iyo ay isa lang akong ama na naghahanap sa isang anak..at ang katotohanang…minahal din kita. Noong gabing nakita mo akong kasama si Margott alam kong nasakatan ka…at nasaktan din ako ng makita mo ako sa ganoong sitwasyon dahil ayaw kitang lokohin. Ayaw kitang pasakitan. Mahal ka ng anak ko at ayaw kitang mahiwalay sa kanya. Kung buhay ng anak ko ang kabayaran sa mga ginawa ko ayaw ko ng magpatuloy. Hindi ko na kaya…ibibigay ko na ang karapatan ko bilang ama ni Thirdy dahil ayaw ko ng maulit pa ito. Hindi tayo matatapos kung paulit-ulit ang agawan ng minamahal. Patawarin ninyo ako.”
Kasabay ng pagluha ni Roman ang mga ngiti ni Arch Angelo. Pinunasan ng kaniyang kamay ang pisngi ni Roman na basa ng mga luha.
Kahit hindi nakatingin si Roman ay batid niya na katotohanan ang lahat ngbkaniyang narinig.
” Nauunawaan ko na Roman ang lahat…wala kang kasalanan.Ama ka lang na inalisan ng karapatan at wala kaming kailangang idahilan para maghabol. Patawarin mo ang kapatid ko, ang pamilya ko na nasaktan ka ng labis. Ang mahalaga ay ang anak mo ngayon dahil kailangan niyang mabuhay para sa iyo.”
Mahigpit ang hawak ni Roman sa kamay ni Arch Angelo na nasa kaniyang pisngi at hinalikan ito ng mariin.
” Salamat Arch…salamat…”
At katahimikan ang namayani sa loob ng pribadong silid na iyon dahil dalawang puso na ang nag-uusap.
Lingid sa kanilang kaalaman ay nakikinig sa siwang ng pinto si Don Juancho.
Hindi siya nagalit sa kaniyang nalaman. Nasaktan man sa katotohanang hindi niya kadugo ang bata ay alam niyang magiging maayos din ang lahat.
At muling bumalik sa waiting area ang matanda upang magbantay sa resulta ng operasyong gagawin kay thirdy.
May magandang mangyayari sa susunod…
ABANGAN!!!
Chapter 31 Tatay
Isa…
Dalawa…
Tatlo…
Apat…
Parang walang hanggan ang apat na oras ng kanilang paghihintay sa kalagayan ni Thirdy habang sinasalinan siya ng dugong nawala sa kaniya.
Matapos nooy nakabantay na si Don Juancho kasama ang doktor na nag-oobserba sa bata.
” His condition is getting stable. Vital signs are getting stable. Heart rate,pulse rate,blood preasure are all in good measures. Hintayin na lang natin na magkamalay siya and until he wakes up, some numbness ang mararamdaman sa shoulder blade na natamaan kaya the kid will feel some discomfort. Wag kayong mag-alala at wala namang organs na napinsala. It’s a miracle balikat lang ang tinamaan.Pero maayos na ang lahat.”
Paliwanag ng doktor sa matanda na lubos nitong ipinagpasalamat.
Naiwan mag-isa si Don Juancho na nakaupo sa isang silya malapit sa kama ng pasyente.
” Mabuhay ka Thirdy…para sa mga nagmamahal sa iyo.”
Nangingilid ang luha ng Don sa awa sa sinapit ng kaniyang apo.
Sa ikatlong pagkakataon ay nakadama siya ng pangungulila. Pangungulila na higit sa naranasan niya ng mawala si Donya Demetria at anak na si Michael.
Manakang pinunasan niya ang kaniyang mga mata ng marinig niyang bumukas ang pinto.
Naramdaman niyang isang kamay sa kaniyang balikat.
Si Arch Angelo.
Huminga ng malalim ang matanda.
Wala siyang naramdamang galit o sama ng loob sa nangyari. Nakakapanibago dahil wala siyang sinisi kundi ang kaniyang sarili. Na pasimula ay kapabayaan mismo at pagtitiwala niya sa abogadong ang interes lang pala ay ang kaniyang salapi.
” Patawarin mo ako Arch Angelo ”
Nabigla si Arch sa kaniyang narinig.
Hindi niya sukat akalain ang ganitong sitwasyon at mula sa bibig mismo ng kaniyang ama ay hihingi ito ng pagpapatawad.
” Isa akong palalo at mapagmataas. Naging sakim ako sa aking mga kagustuhan na mapaayos ka. Nang hindi iniisip na masasaktan ka. Patawarin mo ako.”
Nais paglabanan ng Don ang kaniyang nararamdaman subalit bumigay na ang mga luha at patuloy na itong umagos sa kaniyangga mata.
” Patawarin mo rin ako Papa sa aking mga nagawa sa iyo…”
Di pa natatapos si Arch Angelo at nagpatuloy ang ama sa pagsasalita.
” Akala ko ay kasama ka na sa mawawala sa akin ng mabalitaan ko na may binaril na Monleon sa casino. Natakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa inyo. Para sa iyo. Patawarin mo ako sa labis kong kayabangan at pagmamataas anak. Patawarin mo ako sa mga ginawa ko sa iyo.”
Tumulo na rin ang luha ni Arch Angelo dahil sa narinig sa ama.
Lalo siyang naantig ng hawakan pa nito ang kaniyang kamay.
Tumayo ang matanda at niyakap niya ang anak. Maging si Arch Angelo ay niyakap ang ama.
Ngayon niya naramdaman ang yakap ng isang ama. Nawala ang manhind sa kaniyang puso sa pagtingin sa malupit na ama at napalitan ito ng pagtanggap at pagpapatawad.
Nakalimutan na ni Arch ang nakaraan kung paano siya tratuhin ng ama.
” Magsimula tayong muli, Papa.”
“Oo anak. Magsimula tayong muli..”
Isang halik sa pisngi ang ibinalik ni Arch Angelo sa matanda bilang pagpapatawad. Maging ang ama nito ay humalik din sa magkabilang pisngi.
” Nasaan si Roman? ”
Tanong ng matanda habang kapwa sila nagpupunas ng kanilang mga luha.
” Nasa labas Papa…may nais sana akong sabihin sa inyo …”
Hindi na nakapagpatuloy sa pagsasalita si Arch Angelo dahil madali itong lumabas ng silid at naiwan si Arch sa pasyente.
Sa labas ng silid ay naroon nga si Roman na nakaupo at hilo pa sa dugong nabawas sa kaniya.
Nagkatinginan silang dalawa.
Bumigay si Roman,yumuko siya upang iiwas ang kaniyang mata sa matanda.
Dahandahang lumapit ang matanda at tumabi sa kaniya.
Nakiramdam ang matanda sa katahimikan ni Roman.
Ipinatong ni Don Juancho ang kaniyang kamay sa hita ni Roman.
” Maayos na ang anak mo Roman.”
Para siyang nakuryente sa hawak ng matanda.
Biglang naiyak si Roman sa narinig. Hindi dahil sa alam na ng matanda na anak niya si Thirdy kundi sa balitang mabubuhay si Thirdy.
Hinayaan ng matanda na umiyak si Roman sa kasiyahan ng matanggap ang isang magandang balita.
” Patawarin mo ang pamilya ko alang-alang sa anak mo Roman. Nais ko lumaki si Thirdy ng walang galit sa kaniyang puso upang huwag siyang matulad sa akin. Alam ko na ang lahat ng magtapat ka kay Arch Angelo. Narinig ko kanina ng mag-usap kayo. Hindi lingid sa akin ang kasarian ni Arch Angelo.Ang ugnayan mo kay Mia Rosa, kay thirdy…at ang pag-amin mo kay Arch na…na mahal mo siya.”
Itinaas ni Roman ang kaniyang pagtingin sa matanda at nagkaharap sila.
” Don Juancho, ang sinabi ko po kay Arch Angelo ay ang katotohanang mahal ko rin siya. Patawarin ninyo ako.”
” Kami ang may atraso sa iyo Roman kaya patawarin mo kami. Ang mahihiling ko lang sa iyo ay huwag mong ilayo sa akin ang anak mo…ang apo ko…dahil kahit iniligtas mo ang aking pangalan sa kahihiyan. Si Thirdy at Arch na lang ang natitira sa akin. Hindi ko pakikialaman ang nararamdaman mo kay Arch Angelo dahil mahal ka niya. Ngayon ko lang naunawaan ang kapangyarihan ng pag-ibig. Naiinggit ako dahil marami ang nagmamahal sa iyo. Roman, sana kung kayo na nga ng anak ko…ni Arch Angelo…posible ka ng maging…maging anak ko na rin. ”
Ngumiti ang matanda at inilahad ang kaniyang kamay kay Roman. Nangiti ito at nakipagkamay siya sa matanda.
” Salamat po Don Juancho. Maraming salamat sa pang-unawa ninyo…”
Mahigpit na pagkakamay ng dalawang nagbanggang bato noon na ngayo’y may malinaw na uganayan na sa pamilya.
Pareho silang nakangiti na parang walang masamang nakaraan sa kanilang dalawa.
Bumukas ang pinto at tinawag sila ni Arch Angelo.
” Roman, Papa, gising na si Thirdy!”
Magkasunod ang dalawang tinawag na pumasok sa loob ng silid.
Nakita nila si Thirdy na parang bagong gising lang at hindi nanggaling sa bingit ng kamatayan.
Kinakabahang lumapit si Roman sa tabi ng bata ng makita niya itong nakatingin sa kaniya. Tanging kaliwang kamay lamang ang naitaas ng bata ng makita si Roman. Dahil sa hindi pa nito maigalaw ang kanang bahagi napinsala.
Maliksing lumuhod si Roman at inilapit nito ang kaniyang mukha sa anak.
Hinaplos ni Thirdy ang mukha ni Roman
At tuluyang umagos muli ang luha niya ng makita ang masiyahing mukha ng bata.
” May masakit pa ba sa iyo anak?
Ano may masakit pa ba?”
Pagaralgal na paninigurado ni Roman sa pakiramdam ng anak.
Ngumiti si Thirdy tanda na nasisiyahan siya sa pag-aalala ni Roman.
“I missed you uncle Roman.”
Naiyak pa lalo si Roman ng marinig niya ang bulong bata. Inilapit pa niya ang mukha upang hindi mahirapan ito at idinikit sa bata ang kaniyang mukha. Ingat siyang huwag masaling ang balikat na may pinsala.
” I missed you too Thirdy…”
“Dont cry uncle…please dont cry…”
“Hindi na iiyak ang uncle Roman mo apo.”
Napatingin si Thirdy sa kaniyang Abuelo. Maging si Arch ay napatingin din sa narinig sa kaniyang ama.
” Para hindi siya umiyak huwag mo na siyang tawaging Uncle Roman.”
Napatingala si Roman sa narinig at nilingon ang matanda sa kaniyang likuran.
Muling nagsalita nag matanda.
” Thirdy, from now on…call your uncle Roman…tatay.”
Maayos na ang lahat,ligtas na ang bata at tinanggap na si Roman at Arch sa kanilang relasyon.
Isang magandang balita ang susunod
ABANGAN !!!
Chapter 32 Ang Kapayapaan sa Tore (Final Chapter)
Nailabas na si Thirdy ng hospital. Nalagpasan na ng bata ang bingit ng kamatayan. Bagamat di pa gaanong hilom ang tahi ng kaniyang sugat ay maari na siyang iuwi kasama ng kaniyang pamilya.
Sa hotel ay naroon ang ilang mga staff na masayang pumila gaya ng dati na sumalubong sa pagdating ni Don Juancho Monleon. Kasunod niya si Arch Angelo at Roman na inaasistihan si Thirdy na nakupo sa isang wheel chair.
Makulay ang lobby dahil sa mga palamuting lobo, nag-gagandahang bulaklak,mga banderitas at mga regalo. Naroon din ang ilang mga bata mula sa isang bahay ampunan ang nakikipaglaro sa mga clown, mascott at magician na mula pa sa isang sikat na themed park.
Siyang siya ding nakihalubilo ang ilang guest sa panonood at pakikiisa sa activity ng hotel.
Espesyal na araw ito dahil kasabay ng paggaling ni Thirdy ay ang ikawalong taon niyang kaarawan.
Hindi lang si Thirdy ang nagulat sa kaniyang pagpasok sa hotel maging si Roman ay nabigla din.
Hindi niya akalain na ito pala ang unang pagkakataong makasama niya sa kaarawan ang kaniyang anak.
Labis na naligayahan ang bata at walang paglagyan ang pasasalamat sa kaniyang lolo.
Unang pagkakataon na nagkaroon siya ng ganito kasayang selebrasyon.
Ang buksan ang hotel para sa kawanggawa ang naisip ni Don Juancho.
Tawanan, sigawan,biruan, at masasayang damdamin ang umaapaw sa lobby ng hotel dahil sa mga patawa ng mga payasong naroroon.
Maya-maya ay kumuha ng silya si Don Juancho at tumayo roon upang makita siya ng lahat.
Natahimik sila ng magsimula ang Don na magsalita.
” Para sa isang bagong buhay ng aking apo… Bagamat may hindi magandang pangyayari kamakailan sa buhay namin…sa aming dalawa ng anak ko…sa negosyo…sa hotel…kay Iñego at kay Thirdy ay pinapaabot ko ang aking lubos na pasasalamat sa lahat ng mga tauhang tapat na nagsisilbi sa Monleon Tower. Batid ninyong lahat ang pagbabagong magaganap sa susunod na mga araw. Alam ko ang iba sa inyo ay makakahinga na ng maluwag dahil may papalit na sa aking posisyon bilang CEO ng asosasyon. Pero huwag kayong makasiguro dahil mas magaling at mahigpit ang papalit sa akin…kung ako ay nakaya niyang pababain sa posiyon, kayo pa kaya? Ha ha ha!
**Ipinapakilala ko sa inyo ang bagong CEO ng Monleon Tower Hotel, Señor Roman dela Vega ** !”
Nagpalakpakan ang lahat ng naroroon at bumaba si Don Juancho sa silyang kinatayuan. Hinila niya si Roman upang doon siya pinatayo.
Nahihiyang napipilitan si Roman sa matanda dahil ibinigay na sa kaniya ang approval na tinatanggap na ng matanda ang kaniyang pagkatalo bilang CEO.
Tiningnan muna ni Roman ang lahat. Sinuyod ng kaniyang paningin ang mga mukha ng naroroon. Panghuli ang kaniyang anak na tuwang tuwa sa kaniya at si Arch Angelo na abot ang ngiting nakaakbay sa ama.
Nagsalita si Roman.
Kahit mahina ay dinig ng lahat ang malumanay niyang boses na madaling magpasunod sa sinong mangkakapakinig.
Isa ito sa mga katangian ni Roman na nagustuhan ni Arch Angelo.
” Nais kong ipaabot sa inyo ang lubos na pasasalamat sa mabuting pagtanggap ninyong lahat sa akin noong unang araw ko dito bilang guest, at bilang bagong kaibigan.
Ayaw kong idikit ang pangalan ko sa pagiging CEO o boss ninyo dahil titulo lang iyon ng aking posisyon. Maraming bagay akong natutunan mula sa isang ermitanyo.”
Nagtawanan ang lahat dahil alam nila kung sino ang pinatitikuyan ni Roman.
” May kasabihan… It is much easier to earn a lot of money than to find a bosom friend.”
“Tama ang ermitanyo sa kaniyang sinabi. Madali nga naman ang magkapera kesa magkaroon ng tunay na kaibigan. Friendship is not just expirience but relationship. Lahat tayo doon magsimula, sa isang mabuting pakikipagrelasyon…at para sa araw na ito,lets us start to have a good relationship with our future CEO of “Monleon de la Vegas hotel and Casino” na itatayo ko para sa kanya. Our very own Juancho Monleon dela Vega III!”
Nagpalakpakan ang lahat ng mga nakarinig sa binitiwang salita ni Roman.
Si Thirdy naman ngayon ang hinilingan ng lahat na magsalita. Inilapit siya sa gitna ng mga naroroon at napalibutan siya ng mga nakikisaya sa kaniyang kaarawan at masaya niyang binati ang lahat ng naroroon.
” I am so blessed to be a Monleon. My name speaks for it self that I am a brave kid. Pero minsan natatakot din ako. Wala na ang Mama at Papa ko… I thought sa orphanage na ako pupunta.”
Namana ni Thirdy sa ama ang katangian ng pagpapakumbaba. May kapangyarihan ang tinig ng musmos na mapukaw ang pansin ng sino mang makakita sa kaniya.
Nagtawanan ang mga tao sa sense of humor ni Thirdy.
” Then Uncle Arch Angelo took care of me. Now… Nakilala ko naman ang bago kong tatay who I adore so much because he so good to me. Kahit wala na akong parents meron naman ako lolo…at dalawang tatay na mag-aalaga sa akin…at paglaki ko. Ako naman ang magtatayo ng maraming hotel na maraming playground para maraming guest na bata ang maglalaro kasama ko.”
Muling nagpalakpakan ang mga tao. Masaya ang mga tauhan ng hotel sa nasaksihan nilang kaligayahan ng bata. Mas higit na nasiyahan ang magkatabing Arch Angelo at Roman na magkaakbay.
Nilapitan nila si Thirdy at magkabilaang pisngi nila itong binati sa kaniyang kaarawan.
Sa restaurant ng hotel sila tumuloy upang doon ipagpatuloy ang kanilang marangyang salo-salo kasama ng mga batang ulila na tinutulungan ng pamilya Monleon noong nabubuhay pa si Donya Demetria. Nakakatuwa na ang warning sign na ” Formal Wear Only ” ay pinalitan na ng _“For Happy People Only” _ sign.
Nagsilbing mga Yaya ang mga waiters sa pag-aasikaso sa mga espesyal na bisita ni Thirdy. Di man siya makasali sa mga palaro ay siya naman ang taga bigay sa mga regalong ipinamamahagi sa kanila.
Ang ikatlong bahagi ay ang paliligo sa pool. Maging sa mga ilang staff at security ay kasamang naligo.
Walang paglagyan ang kasiyahan ng maghapong iyon para sa lahat dahil isang kahapon ang nalagpasan ng bawat isa.
Si Thirdy sa kamatayan.
Si Arch Angelo para sa kapatawaran sa ama.
Si Roman, sa kaganapan na makasama ang anak…sa kaniyang oagpapatawad …at sa kaniyang bagong pag-ibig.
Isang dating pag-ibig na binaon noon ng galit at poot ngunit inihatid siya sa pagbabago at pagpapatawad.
Bulag nga ang pag-ibig ngunit kaya nitong saklawan ang sino man at dinala siya sa hindi niya inaasahang tunay na kaligayahan.
Habang nagkakasiyahan ang lahat ay hinawakan ni Roman ang kamay ni Arch Angelo. Hinila niya ang katipan at nagtungo sila sa presidential suite.
” Hindi ka na talaga makapaghintay?”
“Hindi na ha ha ha!”
Nagyakapan ang dalawa sa kasabikan dahil ilang araw ding naudlot ang talagang pakay ni Roman noon bago ang insidenteng nangyari kay Thirdy.
At ngayon ay malaya na siyang ipahayag ang tunay niyang saloobin kay Arch Angelo.
Nagtagpo ang kanilang mga labi.
Pagdaka’y may kinuha si Roman sa kaniyang bulsa. Isang singsing at isinuot sa palasingsingang daliri ni Arch Angelo.
” Pakakasalan kita Arch Angelo Monleon.”
“Ang gara mo namang magpropose Mr. Roman De la Vega. Wala man lang ka-thrill-thrill.”
Pilit binawi ni Roman ang kaniyang isinuot na singsing kay Arch Angelo na natatawa.
” Ayaw mo ata eh, akin na,akin na!”
“Binigay mo na e! Makakatanggi pa aba ako?!”
Napatayo si Roman at tinitigan sa mata lalaking inalok niya ng kasal. Nakangiti silang pareho ng magtama muli ang kanilang mga mata.
“I love you Arch Angelo. Masaya ako dahil kasama ka sa pangarap na bubuuin ko para kay Thirdy.”
Hinaplos niya ang mukha ni Arch Angelo.
” I love you too Roman. Yes, I will marry you at dalawa tayo ang bubuo ng pamilyang pinapangarap mo.’
Nagyakap silang dalawa sa kaligayahan dahil muling nagtugma ang saloobin ng kanilang puso at pinaglapat ang kanilang mga labi sa labis na pagmamahal sa isat-isa.
Sa araw na ito magsisimula na ang bagong buhay ni Roman para sa isang pamilya.
Payapa na ang kalooban ni Roman dahil sa ikalawang pagkakataon ay nakatagpo muli siya ng pag-asa at wagas na kaligayahan sa katauhan ni Arch Angelo para sa masayang kinabukasan ng kaniyang anak.
Ang buhay ay may kani-kaniyang panahon. Huwag matakot kung nakakaranas ng kabiguan dahil may panahin din ng tagumpay na darating.
Nawa ang kasaysayan ng buhay ni Roman ay maging inspirasyon ng lahat sa paglaban sa kabiguan, ang tumayo upang muling harapin ang hamon ng buhay,magpatawad upang buksan ang puso na muling umibig.
Sa pagtatapos ng yugtong ito…
Para sa lahat, may kalayaan tayong makatagpo sa ano man nais nating mangyari na magpapaligaya sa atin dahil isa lang ang buhay na kaloob ng nasa itaas.Mabuhay tayo sa tama upang wala tayong pagsisihan sa dulo.
Ano man ang mangyari, gawin nating kalakasan ang lahat ng bagay upang makamit ang tunay na kapayapaan at wagas na kaligayahan kasama ang iyong tunay na minamahal sa buhay.
Salamat Roman sa buhay mo at sa hindi masukat na pagmamahal mo sa iyong anak…salamat Roman…maraming maraming salamat sa isang magandang pakikibaka sa buhay na ipinaranas mo sa amin…
Wakas
Abangan!!!!
Ito po ang sequel.
Bonus Chapter
May unawaan na ang dalawa at ganap ng engage si Roman at Arch Angelo. Tahimik lang silang magkayakap sa silid. May gusto pa sana silang gawin subalit kaarawan ni Thirdy kayat kailangan na nilang bumaba ng lobby upang doon ipagpatuloy ang kanilang kaligayahan kasama si Thirdy.
Silang dalawa ang punong abala sa pag-aasikaso ng mga batang bisita ni Thirdy.
Kahit nagpapagaling pa sugat ang bata ay hindi man lang ito nakadama ng pagod at kahit na gaputok na reklamo ay di naringgan.
Halata kay Thirdy ang kasabikan na makipaglaro kayat nakabantay talaga ang ama upang alalayan ito sa pagkilos. Maging si Don Juancho ay masiyang nakipanood na lang sa isang tabi.
Matapos noon ay nagtungo ang tatlo sa condo ni Roman upang doon makapagpahinga.
Sa ikalawang pagkakataon. Muli silang dito matutulog ng magkakasama.
” Did you liked your birthday party Thirdy?”
Ang masayang tanong ni Arch Angelo kay Thirdy habang tulak niya ito sa kinauupuang wheelchair
” Yes uncle Arch. Kaso di ako gaano nakapaglaro. But I enjoyed it sana lagi ko na lang birthday.”
“Mahirap naman yata yun everyday is your birthday isa pa ayaw ko pang lumaki ka agad.”
Naunang pumasok ang dalawa na kasunod naman si Roman at ang dalawang yaya na bitbit ang mga regalong natanggap ng bata.
Matapos pabalikin sa hotel ang mga yaya ay sa kwarto sila naupo upang isa-isang buksan ang mga regalong natanggap.
Tuwang-tuwa naman si Thirdy habang isa isang binubuksan ang mga ito. Busy naman sa pagkuha ng litrato si Arch sa sandaling iyon.
_“Ang dami kong regalo!” _
Sigaw ni Thirdy.
” Pahinge naman ako nito!”
Kinuha ni Roman ang laruang kotse at itinago sa kaniyang likuran.
” Ahhh ang tatay! Ang laki laki na! Nangunguha pa ng toy!”
Nabigla si Roman sa kaniyang narinig ng tawagin siyang tatay ng anak.
” What did you call me?”
Nais muli niyang marinig ang sinabi ng bata.
“I said ang laki laki mo po nangunguha ka pa ng toy.”
“No before that…”
“I said tatay .”
Halos mapatalon sa katuwaan si Roman ng marinig niya ang tinawag sa kaniya. Kuhang-kuha naman sa lente ng camera ni Arch ang pangyayari.
“Tatay why are you crying?”
Nakangiti si Roman habang natulo ang kaniyang mga luha.
” I’m just happy kasi tinawag mo na akong tatay.”
Niyakap niya ang bata at hinalikan sa ulo. Maging si Thirdy ay yumakap rin sa kaniya. Di na rin napigilan ni Arch Angelo na madala sa nangyayari at maging siya ay naiyak na rin.
” Lolo said that your my tatay. I dunno…basta I’m so happy kasi kahit wala na sina mama at papa ko. Basta kasama kita,kasama si uncle Arch parang kasama ko na rin sila.”
Patuloy sa pagluha si Roman dahil ganap na siyang kinilalang ama ni Thirdy.
” Someday you will undestand why anak. Someday malalaman mo rin ang katotohanan.”
Sa isip ni Roman dahil hindi pa panahon na ipaliwanag sa bata ang katotohanang nag-uugnay sa kanila. Sapat na muna sa ngayon na kapiling niya ang kaniyang anak.
” Sana tatay wag ka na mag-asawa.”
Napatingin naman ang ama sa bata at nangiti.
” Bakit,ayaw mo ba ako mag-asawa ?’
” Satisfied na ako na kayo ni uncle Arch ang bago ko parents.”
Muling yumakap si Thirdy sa ama at binulungan ito.
” Why not marry uncle Arch. Para dalawa na kayo daddy ko?”
Gumanti ng bulong si Roman sa anak na nangingiti sa naiisip na suhestiyon.
Kahit naiilang nasabihin sa bata ang kanilang relasyon ay ito lang ang kaniyang maamin.
“Dont worry, i will mary your uncle he he he .”
Nanlaki ang mata ng bata sa narinig at tumingin sa kaniyang uncle Arch.
Si Arch Angelo namay nakakunot ang noo dahil wala siyang alam sa bulungan ng dalawa.
Pinalapit ng bata ang kaniyang tiyuhin at ibinulong ang kaniyang nalaman.
Tumango si Arch, isang kompirmasyon na totoo ang sinabi ni Roman. Sa tuwa ng bata ay hinalikan niya ang tiyo sa pisngi.
” Yey! Magiging dalawa na ang tatay ko!”
Pinigilan naman ni Roman ang bata sa kalikutan.
” Easy,easy, sige ka yung sugat mo.”
Walang pagsidlan ang kasiyahan ng bata,maya’t maya ang yakap niya sa dalawa. Para di na maghirapan ay silang tatlo na ang nagyakapan.
” This is the best present na nakuha ko tatay.”
” Teka di ko pa naibibigay sa iyo ang gift ko.”
Kumalas siya sa pagkakayakap. Tumayo ito at may kinuha sa kaniyang bulsa. Isang singsing din na gaya kay Arch Angelo at isinuot ito sa daliri ng bata.
Inabot ni Roman ang kamay ni Arch Angelo at pinagpatong ang tatlo nilang mga kamay at makikita na parepareho pala sila ng singsing na suot.
” This will be our promise ring. For you Thirdy, I promise you na di na tayo maghihiwalay…sasamahan kita..aalagaan kita…poprotektahan kita…Dahil mahal na mahal kita anak.”
Di na napigilan pang muling maiyak ni Roman sa mga nabitiwang pangako sa kaniyang anak. Kinalma niya ang kaniyang sarili at tumingin naman siya kay Arch na patuloy na rin sa pagluha sa kasiyahan sa kaniyang naririnig.
” At para naman sa ikalawang lalake na mahal ko… I know na you have doubted me before…but i will tell you this. I never doubted my feelings because you complete me…kulang ang pagmamahal ko sa anak ko kung wala ka sa tabi ko. Pangako ko na walang bagay o sino man ang makapaghihiwalay sa atin dahil dalawa kami ni Thirdy ang masasaktan. I need you in my life…because I love you.”
Sa tuwa ni Arch Angelo ay niyakap niya si Roman at hinalikan sa labi. Kinilig naman si Thirdy sa nasaksihang pagmamahalan ng dalawa.
Natauhan ang dalawa dahil sa hagikgik ni Thirdy habang pinapanood sila sa kanilang ginawa. Napahiya sila sa bata kaya pumormal ang dalawa. Nagkangitian sila sa nangyari. Hinalikan na lang ni Roman ang kamay ng kaniyang anak at ang kamay ni Arch Angelo bilang pagpapatunay at pagsasara sa kaniyang sinserong pangako.
” Magiging pamilya na tayo! Isang masayang pamilya!”
Natapos sila sa pagbubukas ng mga regalo. Sa kapaguran ay nahiga silang tatlo sa kama at sa pagitan nila ang bata na nakahiga.
” Good night tatay! Good night Papa!”
Humalik ang bata sa mga pisngi ng kaniyang katabi.
” Aweee! Papa na ang tawag mo sa akin Thirdy?”
Masayang masaya si Arch sa narinig dahil siya na ang ikalawang tatayong ama ng bata.
” Dapat lang na Papa ang tawag sa iyo. Kasi ako ang tatay at ikaw ang Papa.”
Nakapikit si Roman na nakangiti na parang wala sa kaniya. Ngunit masaya ang kalooban niya sa narinig sa bata.
” Meron na akong Tatay, meron na akong Papa…isa na lang ang kulang…”
Napatingin ang dalawang ama sa bata dahil sa narinig at sabay silang napatanong.
” Ano pang kulang?”
Ngumiti ang bata.
” Can you give me a baby brother?”
Nagkatinginan sina Roman at Arch Angelo sa kanilang narinig dahil alam nila na imposible ang isa pang kahilingin ni Thirdy.
This is a short intro para sa kwento ni Thirdy. New plot,new character,new twist and turn of events. Kapit lang po mga beh.
ABANGAN!!!
- Chapter 1 Ang Manlalakbay
- Chapter 2 Ang Prinsipe
- Chapter 3 Ang Hari
- Chapter 4 Alibughang Anak
- Chapter 5 Pasugalan
- Chapter 6 Ang Lihim
- Chapter 7 Bisig ng Isang Leon
- Chapter 8 Ang Kordero
- Chapter 9 Espiya
- Chapter 10 Ang Alas ng Manlalakbay
- Chapter 11 Matandang Ermitanyo
- Chapter 12 Ang Diwata
- Chapter 13 Kalasag
- Chapter 14 Bitag
- Chapter 15 Maskara
- Chapter 16 Alipin
- Chapter 17 Alinlangan
- Chapter 18 Imahe
- Chapter 19 Alipin 2
- Chapter 20 Dugong Bughaw
- Chapter 21 Padiosa
- Chapter 22 Dalahin ng Katiwala
- Chapter 23 Dugo at Laman
- Chapter 24 Banta ng Kabiguan
- Chapter 25 Ang Bitag
- Chapter 26 Ang katotohanan
- Chapter 27 Pagluluksa
- Chapter 28 Ang Pagsilang sa Isang Dragon
- Chapter 29 Ang Paghaharap
- Chapter 30 Ang Nabawing Anak
- Chapter 31 Tatay
- Chapter 32 Ang Kapayapaan sa Tore (Final Chapter)
- Bonus Chapter
