Safe with my Monster
Der3ck7 · 1 chapter · 216 words
Teaser
“Tang-ina! Nasaan na ang binatang iyon?!” inis na baling ng lider ng sindikato sa mga tauhan.
“Hindi na namin alam boss, bigla na lang siyang naglaho.” kabang sagot ng isa, sa kinatatakutan nilang boss.
“Mga bugok?! Ano pang tinatayo n’yo dito, hanapin n’yo ulit at ’wag kayong titigil hanggang sa hindi ninyo naidadala ang binatang iyon sa harapan ko.” bulyaw ng lider sa mga alagad nito.
Sa takot nga ng mga tauhan ng lider ng sindikatong iyon, mabilis na naghihiwa-hiwalay ang mga ito, para hanapin ang bagong target ng kanilang boss.
Ilang metro sa kinatatayuan ng lider ng sindikatong iyon, pigil ni Theo ang makagawa ng anumang ingay na sobrang kaba na rin sa maaaring mangyari, kapag natagpuan muli siya ng mga dumukot sa kanya.
At lalong ikinakaba ng sikat na binata ang sumunod na nangyari, nang maramdaman nito ang pagtakip ng isang kamay sa kanyang bibig, na umakbay rin sa kanya pagkatapos.
“Huwag kang sisigaw, kung ayaw mong pareho tayong malalagot.” sa narinig na bulong sa kanya, doon napagtanto ni Theo na isa pa lang lalaki ang kasama niya ngayon, ganunman kinakabahan parin ang binata, sapagkat hindi nito alam kung ligtas na ba talaga siya sa mga oras na iyon sa piling ng lalaking hindi nito maaninag ang mukha.
Author’s Note:
Coming Out in 2021

