loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Same Days, Same Nights [M2M, SPG] (Danmax Shorts)

Same Days, Same Nights [M2M, SPG] (Danmax Shorts)

Danmax Orange · 12 chapters · 9,666 words

Same Days, Same Nights

Short Story

Warning: SPG Contents Ahead

Isang matibay na kasaysayan ang pinanghahawakan ni Rowan para patunayan ang tibay ng pagmamahalan nila ni Bryan. Dalawang taon silang nawalay sa kanilang mga pamilyang hindi sila tanggap at namuhay sila sa iisang bahay na puno ng kaligayahan at kaluwalhatian sa damdamin.

Same days, same nights, magkasama sila sa iisang tahanang naging saksi ng kanilang pag-iisang dibdib at umaalab na pag-iibigan.

Mapaglaro ang tadhana. Kaya nitong bumaliktad sa hindi magandang paraan.

Sapat na ba ang lahat ng masasayang kaganapan para makalimutan na ni Bryan ang sinisikreto niyang pagmamahal na hindi talaga para kay Rowan?

Hi! This is a brand new story na mabilis lang basahin. It took me three days to make it.

I admit, the concept is so much alike to Aidan and Yoseff’s, but this is different.

Anyway, consider voting and sharing your thoughts by leaving a comment or more. I would gladly appreciate them all. Sorry nga pala kung hindi ako makapag-response ng mabilis to thank your compliments, binubuksan ko lang kasi yung wattpad ko kapag magpapublish ako ng chapter from my notes. Busy rin ako madalas sa school.

I hope you will like this story, even though it is super short. Thanks for reading!

I

Sa makulimlim na dapithapon, hawak ko ang isang baso ng kape at aklat sa kabila. Umuusok ang halimuyak ng inumin sa aking sistema, gumigising sa aking diwa upang maintidihan ang bawat letra, salita at pangungusap na makikita sa bawat pahina ng librong aking binabasa.

Nasa dulo na ako ng nobela. Binasa ko ang huling talata ng tahimik at dinama ang mga nakalimbag na salita.

After a year, the guy proposed to his girl to marry him, then solemnly, she said yes. After a year, they were at the altar and exchanged ‘I do’s’. After a year, they were at the same home, living the same days and same nights without fearing all of the things that were about to come.

May ligaya na bumukadkad sa aking puso na para bang binasa ko ito sa talulot ng isang rosas. Simple ngunit may kakaibang ganda. Maiksi ngunit may kakaibang tama.

Nasiyahan, sinarado ko na ang aklat at binalik ito sa salansanan.

Pagkatapos nakarinig ako ng katok mula sa pinto.

Masigla akong tumungo upang pagbuksan ito. Tumambad ang sa aking harapan si Bryan na hapo mula sa kaniyang trabaho, pawisan ngunit presko pa ring tingnan.

Dinaluhan ko siya ng isang mahigpit na yakap ngunit hindi niya ito binalik. Maaaring wala na siyang natitirang lakas upang subukin pa.

Kinalas ko ang aking kamay upang makapasok na siya sa loob. Mabilis siyang tumungo sa sala upang umupo sa kutyon.

“Na-late ka yatang umuwi ngayon. Nagproblema nanaman ba sa opisina?” ani ko at nagtungo sa kusina upang paghandaan siya ng miryenda. Malapit lang ito sa sala kaya nagkakarinigan kami.

“Medyo,” sagot niya na may hingal sa pagitan ng salita. “Ayaw pa kaming pauwiin ni Boss. May mga nawawala kasing importanteng dokumento sa office namin kaya hinanap namin sa buong lugar.”

“Oh, tapos?” tanong ko na wari ay interesante sa kaniyang ikukwento.

“Ayon, galit na galit pa siya sa’min, e siya nga yung may hawak nu’n. Hindi niya lang maalala kung saan niya nailagay yung mga papel na ’yun.”

Natawa ako sa tono ng kaniyang pananalita.

“E, ngayon, nahanap niyo na ba?”

“Hindi pa nga, e,” aniya at napakamot sa kaniyang batok. “M-Maaga niya akong pinauwi. Reward daw niya dahil ako raw yung pinakapaborito niyang employee.”

Nabigla ako at namilog ang aking mata habang nagpapahid ako ng margarine sa tinapay. Pagkatapos ay nilagay ko na ito sa toaster.

“Aba, mabuti naman. ’Di ba isang buwan ka palang doon na nagtatrabaho? Maganda siguro yung perfomance mo kaya nabilib sa’yo yung boss mo.”

Narinig ko na napaubo siya sa sinabi ko.

“Maaari nga.”

Ngumiti ako sa balita niya.

Hindi man kami kasal ni Bryan ngunit mag-asawa na ang turingan namin sa isa’t isa. Maaga kaming nawalay sa mga magulang namin na hindi kami tanggap dahil sa kasarian. Ilang buwan kaming nangupahan, at kalauna’t nakabili ng bahay sa pag-iipon mula sa propesyunal naming trabaho.

Doon ay napagpasyahan namin na huminto ako sa pagiging guro upang mabantayan at mapangalagaan ko ang aming tahanan. Samantalang nagpatuloy lang si Bryan at nagpalipat lipat ng kumpanya dahil ilang beses na siyang pina-resign dahil sa hindi magandang performance.

Kaya masaya na ko ngayon na nakakapagtrabaho na siya ng maganda sa bago niyang pinapasukang kumpanya.

Maliit lang ang aming bahay ngunit maganda, maayos at sapat na para sa aming dalawa.

At dahil kasama ko siya, wala na akong maihihiling pa.

Matapos kong ihanda ang mga tostadong tinapay sa platito at kape bilang kaniyang miryenda sa hapon, dinala ko na ito sa sala upang ihain sa kaniya.

Nilapag ko ito sa mini table, at sa sandaling iyon ay nakaramdam ako ng yakap mula sa aking likuran at hinila ako.

Napakandong ako sa kaniya.

“Ang bango mo,” ani Bryan habang inaamoy ang aking leeg. Bigla akong namula habang pilit na kumakalas mula sa kaniya.

“Tumigil ka nga. Wala ako sa mood ngayon,” sabi ko sa kaniya.

Nag-atungal siya at binaon ang kaniyang mukha sa aking likod.

“Pwede ba nating gawin ngayon?”

“Hindi.”

Mas lalo niya lang hinigpitan ang kaniyang pagkakayakap.

“Aray! Ano ba, Bryan, nasasaktan na ’ko,” ani ko at niluwagan ng kaunti ang kaniyang braso, ngunit hindi pa rin niya ako pinakakawalan.

“Sige na kasi, kahit isang beses lang.”

Sa nakakatuwa niyang pagmamakaawa, hindi ko alam kung matatanggihan ko pa siya.

“Hindi mo pa nga nakakain yung miryenda mo, paano ka makakahugot ng lakas niyan.”

Natahimik siya ng ilang segundo.

“So ibig sabihin, pwede nating gawin ngayon?”

“Oo na, basta kainin mo lang yung miryenda mo,” ani niya at kakalasin na sana ang kaniyang pagkakayakap ngunit nabigla ako ng mapaglaro niyang kinagat ang aking balikat. Kinurot ko siya sa tagiliran at napa-aray naman siya.

“Sorry, akala ko kasi ikaw yung miryenda ko,” aniya at humagikhik gamit ang malalim niyang boses.

Sobrang pula na ng aking mukha sa kahihiyan at gusto ko nang itago ang sarili mula sa kaniya. Binitawan niya rin naman ako pagkatapos.

Tumayo na ako at tumungo sa pinto ng aming kwarto.

Tanaw ko ang kaniyang ngiti. Aliw na aliw sa ginawa niya.

“Pagkatapos mo diyan, maligo ka muna. Hihitayin kita sa kwarto,” sabi ko.

“Sure, Hon’,” aniya at kumindat bago ko buksan ang pinto at pumasok sa loob ng aming bedroom.

II

Ilang minuto akong nakahiga sa aming kama, nakatulala habang hinihintay ang kaniyang pagdating. Tumingin ako sa orasan at napagtantong alas siyete y media na ng gabi.

Kay bilis lumipas ng oras, hindi ko man lang namalayan na matagal na pala akong nakahiga at nalulunod sa mga senryong naglalaro sa aking isipan.

Naririnig ko mula sa banyo ang tunog ng rumaragasang tubig sa shower. Naliligo pa rin si Bryan.

Tumanaw ako sa bukas na bintana at pinanood ang pagkutitap ng mga butuin sa madilim na kalangitan. Malakas na hangin ang humahampas sa manipis na puting kurtina na nakahawi sa gilid.

Ang sarap nilang pagmasdan. Parang mga parol sa kalangitan.

Pumuhit ako padapa sa higaan upang ibaon ang mukha sa malambot na kama. Pinaghalong amoy ng aming mga pabango ang nalanghap ko. Para akong baliw na napangiti kahit nakabaon pa ang labi.

“Nakahanda ka na pala,” ani Bryan na nakapasok na pala sa kwarto.

Pinihit ko ang aking ulo at nanatili pa ring nakadapa. Nakita ko ang katawan ni Bryan na nakatapis ng twalya. Nakaguhit ang ngisi sa kaniyang labi.

“Ang tagal mo naman kasi,” wala sa sarili kong sambit.

“Heto na, heto na,” aniya at tumawa saglit. Pagkatapos pinagmasdan ko kung paano niya tanggalin ng dahan-dahan ang kaniyang tapis. Biglang nagpakita ang kaniyang tigas na tigas na pagkalalaki na nakaturo pa sa aking direksyon.

Pinaghalong sabik at kaba ang naglalaro sa aking dibdib nang sinimulan niya itong hawakan at binati ng dahan-dahan. Sinabayan pa niya ito ng kagat sa labi na nagpalaswa pa lalo ng eksena.

Ang tanging tanglaw ay ang liwanag na tumatagos sa bintana mula sa buwan.

Nag-init ang aking katawan at hindi nag-atubiling bumangon at lumapit sa kaniyang direkyon. Pinusisyon ko ang aking sarili sa pagitan ng kaniyang hita. Tinapat ang ilong sa dulo ng kaniyang tarugo na nagluluwa ng malinaw na likido.

Dinilaan ko ito habang patuloy lang siya sa pag-atras abante sa kaniyang pagkalalaki.

“Isubo mo na,” utos niya na may pagmamakaawa.

Umiling ako.

Tinaasan ko ang aking ulo at dinilaan ang kaniyang basang kalamnan. Dinilaan ko ang bawat umbok at bako ng kaniyang abs habang nakatusok sa aking collarbone ang ulo ng kaniyang tarugo.

Umuungol siya sa bawat pasada. Bawat punas ng aking dila sa bawat patak na tumutulo sa kaniyang makinis na balat.

“Isubo mo na,” pagmamakaawa niya ulit sa akin. At sa sandaling iyon ay hindi na ako tumanggi. Tumigil na ako sa pambibitin at mabilis na ginawa ang kaniyang ipinag-uutos.

Hawak ko ang dulo ng kaniyang pagkalalaki habang ginagabayan ang aking bibig sa pagkilos. Kasabay ng kaniyang malalim na paghinga ay ang tunog ng aking laway na dumudulas sa aking bibig.

Bumabaon ang aking ilong sa makapal niyang balahibo na tumutubo paangat sa kaniyang pusod. Umaalon ang kaniyang natipunong katawan sa bawat indak ng aking ulo.

Naramdaman ko ang kamay ni Bryan sa magkabila kong pisngi at bigla niyang hinugot ang kaniyang tarugo mula sa aking bibig.

Pinunasan ko ang mga tumulong laway sa aking baba gamit ang likod ng aking kamay. Tumingala ako sa kaniya.

“Humiga ka na. Ako’ng bahala sa’yo,” aniya.

Binagsak ko ang aking katawan sa kutson at hindi na muling gumalaw. Sinundan ako ni Bryan at pumatong siya sa akin, habang nakatukod sa magkabilang banda ang kaniyang mga kamay.

Tinanggal niya ang aking pang-itaas na damit at binigyan ako ng isang malalim na halik bago tumungo pababa. Tinanggal niya ang aking short hanggang sa pinakahuli kong suot, ang brief.

Hinayaan ko siyang libutin at hawakan ang aking kabuuan ng walang saplot.

Magkasabay na amoy ng pawis at sabon ang humalimuyak sa paligid habang naglalaban kami sa paghalik.

Hindi nagtagal ay kinuha na niya ang lubricant sa side table at bumuhos ng kaunti sa kaniyang kamay. Agad niya itong pinahid sa aking bukana at pinasok ang daliri ng walang kahirap-hirap.

“B-Bryan!” sigaw ko sa pangalan niya habang nililibot niya ang aking lagusan. Madulas at mabilis. “Handa na ako.”

Naging hudyat niya iyon upang iposisyon ang kaniyang sarili sa pagitan ng aking hita na nakaangat at nakasampa sa kaniyang balikat. Muli niyang binuka at aking ibaba at dahan-dahang pinasok ang kaniyang kahabaan.

Mahapdi sa una, ngunit sanay na ako sa ganitong bungad. Hindi rin nagtagal ay nakadama ako ng sunod-sunod na guhit ng sensasyon. Para akong nasa kanlungan ng langit at dinadama ang ligaya sa malambot na ulap.

Patuloy lang siya sa pagkilos, hanggang sa nadama namin ang rurok ng kaligayan. Tumalsik ito sa aking kalamnan. Tumalsik ito sa aking kaloob-looban.

Sa tindi ng kaganapan at init na patuloy pa ring nag-aalab ay agad siyang napahiga sa tabi ko.

“May nakaligtaan ka ba?” tanong ko sa kaniya.

“Huh? Bakit?”

“Wala lang. Akala ko natatandaan mo pa na hindi pa tayo naghahapunan.”

Bigla siyang napabangon.

“Ay ganun ba? Magluluto na ba tayo?”

“Napagod ako Bryan, e. Kung gusto mong maghapunan, ikaw nalang ang magluto. Hindi naman ako gutom, e.”

“Hindi ka pwedeng magpalipas ng hapunan. Gusto mo, lutuan nalang kita para sabay tayong kumain?”

Bigla kong naalala na hindi siya marunong magluto.

“Wag na. Ikaw nalang.”

Napakamot siya sa kaniyang ulo at humiga muli sa tabi ko.

“Ayoko na ring kumain ng hapunan. Napagod din ako,” aniya at lumingon sa akin. “Sabay nalang tayong matulog.”

Natawa ako ng bahagya.

Hinihingal pa rin kami na para bang kakatapos lang naming tumakbo ng kilo-kilometro, ngunit may mga salita na nais kong sambitin sa huling sandali bago kami matulog.

“Mahal na mahal kita, Bryan,” sabi ko bago pa niya ipikit ang kaniyang mga mata.

Ngunit wala siyang sinambit pabalik.

III

Hindi naging madali ang pagsubok na pinagdaanan namin ni Bryan bago namin napagpasyahang manirahan sa iisang tahanan. Nagkakilala kami sa isang tagong bar sa isang syudad.

Nagkayayaan kami ng mga tatlo kong kaibigan kong kapwa ko bisexuals na tumambay doon upang i-celebrate ang aming pagpasa sa licensure examination. Hindi pa ako umiinom ng mga inuming may alkohol kaya pinili kong utusan ang kaibigan kong i-order ako ng milkshake, yung pinakadisente nilang available na drinks dito sa bar.

“Oh, sige. Hindi ka na namin pipilitin na uminom, pero kailangan mo kaming iuwi kung sakaling malasing kami ng todo, ha?” sabi ni Martin bago umalis kasabay sina Jasper at Lucius na kapwa madalas dito sa bar. Patungo sila sa counter.

“Ewan ko sa inyo!” sigaw ko at narinig ko silang nagtawanan sa ’di kalayuan.

Ilang saglit lang ay biglang tumugtog ang isang malaswang kanta at dumilim ang ilaw sa paligid. Isa-isang lumabas ang mga macho dancers sa stage at gumiling-giling sa pole, kasabay ng malalakas na sipol at hiyawan ng mga tao na pinapanood sila.

“Ba’t may mga lalaking sumasayaw sa harapan?” tanong ng isang lalaki na may bakas ng pandidiri sa kaniyang pananalita.

Agad akong napalingon upang kausapin kung sino man ’yon.

“Psst! Hoy!” tawag ko doon sa lalaki at napalingon naman siya sa’kin habang umiinom ng beer.

“Bakit, pre? Anong problema mo?” masungit na tanong nito.

“Hindi ka ba aware na nasa gay bar ka?”

Nangunot ang kaniyang ulo sandali at biglang nagulat ng pumasok sa kaniya ang reyalisasyon kung nasaan siya.

Malaswang paligid na punong puno ng mga hubad na lalaki. Hindi pa ba obvious?

“Pasensya na. Wala ako sa tamang pag-iisip ngayon. Gusto ko lang naman uminom. Hindi ko namalayan kung anong klaseng bar ako napadpad.”

Sobra akong naghihinala sa sinabi niya. Sobrang tago ng bar na ’to, paano niya matutunton ito ng aksidente lang?

“Anong ibig mong sabihin?”

“Kakabreak ko lang kasi sa girlfriend ko ngayon. Five years kami bago nagtapos,” aniya at uminom ulit mula sa bote ng beer. “Hey, pwede mo ba akong samahan dito. Natatakot kasi ako, baka lapitan ako ng isang manyak na bading. Mukha ka namang katiwa-tiwala,” aniya.

“Hindi por que bading, manyak na. Homophobic ka ba?” offended kong tanong.

“May sinabi ba ako?” aniya. “Hindi ako kontra sa kanila, ayoko lang manyakin ako dito kasi gay bar ’to, ’di ba? Yun lang.”

Feeling habulin naman ang isang ’to.

Pinagmasdan ko siya. Totoo namang may gwapo siya, maarte nga lang.

“Sige, magpapaalam lang ako sa mga kaibigan ko.”

Nang makalapit na sina Martin, Jasper at Lucius ay doon na ako nagpaalam sa kanila upang samahan ang estranghero. Ewan ko ba kung bakit ko gagawin ’to.

“Go, Rowan! Dalhin mo na rin ’tong milkshake mo,” sabi sa’kin ni Jasper sabay abot ng aking inumin. “Goodluck sa’yo, ayiee!”

Binigyan nila ako ng makahulugang tingin ngunit inirapan ko sila.

“Bryan Rodriguez nga pala,” aniya at nilahad ang kaniyang kamay pagpunta ko sa table niya.

“I’m Rowan. Ang pormal naman ng handshake,” sabi ko at tinanggihan lang ang kaniyang kamay. Binaba niya lang ito.

“Whoah, sorry for that,” aniya at inalok sa’kin ang isang baso ng beer. “Gusto mo ng drinks?”

Tumango ako at tinggap ito mula sa kaniya. For the first time, uminom ako ng alcoholic beverage kahit lagpas na ko sa legal age.

“Hindi ko maintindihan. Bakit gustong-gusto niyong uminom nito, e ang pangit ng lasa,” sabi ko at nanginig sa tindi ng aking pagkasuya. Pero nagbuhos muli ako sa baso upang tikman ulit. “Hindi talaga masarap. Isa pa nga.”

Akma na sana akong magbubuhos ulit ngunit pinigilan na ako ni Bryan.

“Akala ko ba hindi masarap, ba’t paulit-ulit ka sa pag-inom?” tanong niya.

“E, hinahanap ko nga kung saan banda yung sarap. Parang wala naman.”

Napasinghal siya.

“Inumin mo nalang yung milkshake mo, tutal hanggang diyan lang naman ang kaya mo,” mapanukso niyang sabi at tumawa ng saglit.

Dahil sa pangmamaliit niya ay inagaw ko na ang bote sa kaniya at nagbuhos ulit.

“Hindi. Kaya ko pa ’to,” mapanghamon kong sambit at nilagok ito ng mabilis. “See?”

Napailing siya habang nakangiti.

Nagkwentuhan kami ng mga personal na bagay, hanggang sa dumating sa punto na nilahad niya ang dahilan ng kaniyang paglalasing sa araw na ’to.

“Bading ka ba?” out of nowhere niyang tanong.

“Mabibigla ka ba kapag sinabi kong ‘oo’?”

“Oo nga pala. Nandito ka kasi bading ka,” aniya. Natawa ako imbes na ma-offend.

“E, nandito ka rin, so bading ka rin ba?” bawi ko.

“Hindi ah!” mabilis niyang pagtatanggi. “Aksidente nga akong napadpad dito.”

“Kahina-hinala ka, Bryan,” sabi ko at tumawa kami pareho.

“Kakasabi ko lang sa’yo na mayroon akong girlfriend, ’di ba?” sabi naman niya at umayos sa pagkakaupo. “Anyway, curious lang ako. Mas madali bang magmahal bilang isang tunay na lalaki o bilang isang bading? Sa perspektibo ko kasi, madalas ako ang gumagawa ng kilos para ma-please yung babae. Ako palagi yung nanunuyo. Ako palagi yung gumagawa ng paraan. So…”

Napakurap ako.

“Ewan ko. Hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend ever since,” sagot ko. “Pero sa tingin ko, mas madaling magmahal kapag isa kang tunay na lalaki, dahil maipagmamalaki mo yung minamahal mo ng walang takot na huhusgahan ka ng ibang tao. Nasasabi at napaparamdam mo na mahal mo siya kahit saan, ’di tulad namin na kailangan pang itago.”

“Oh, I see,” aniya. Lumagok pa siya ng isa pang baso. “Do you mind going elsewhere?”

“Bakit?”

“For fun,” simple niyang sagot. “Nagustuhan ko ang company mo, to be honest. Maybe, we can actually have fun privately, alam mo na?”

“Hindi ako makapaniwala. Akala ko ba straight ka?”

“I’m an experimental person. Gusto kong sumubok ng bago, baka sakaling makalimutan ko yung sakit na ’to,” aniya.

Medyo naawa ako pero nangibabaw ang pangamba at the same time.

Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na sasamahan ko si Bryan kung saan niya ako dadalhin. Tuwang-tuwa naman silang um-‘oo’.

Napadpad kami sa kaniyang apartment.

Sa kalasingan, may nangyari sa’min nung gabing iyon, pero hindi pa rin kami nag-iwanan matapos ang tagpo.

Bagkus ay kinilala pa namin ang isa’t isa.

Tatlong buwan bago siya nagsimulang ligawan ako. Tatlong buwan bago kami nagkaroon ng relasyon. Tatlong buwan bago namin inamin ang lahat sa aming mga magulang ngunit hindi kami tinanggap. Wala kaming nagawa kun’di mamuhay sa iisang bubong, malayo sa aming mga pamilya. Malayo sa mga mapanghusgang mga mata.

Pero ’di ako nagsisi, sapagkat sigurado ako sa kaniya.

IV

Birthday ni Bryan ngayong araw at plano ko siyang surpresahin sa kaniyang pag-uwi. Umalis siya kanina ng bahay ng hindi man lang sinasambit ang tungkol sa kaniyang kaarawan, malamang ay nakalimutan niya ito kahit pa isa ito sa mga importanteng araw ng kaniyang buhay.

Umaga palang ay mabilis akong naghanda at nagtungo sa supermarket upang bumili ng mga ingredients sa gagawin kong cake. Yung ipon ko ang ginamit kong pambayad sa mga gagastusin.

Mahilig si Bryan sa strawberry flavoured na mga pagkain, kaya naisip kong kumuha ng preskong prutas na strawberry at pati na rin ang artificial flavourings upang mas lalong dumagdag ang lasa. Sinamahan ko na rin pink na food color para bagay kahit alam ko kung gaano niya hindi kagusto ang kulay na ito.

Babawi nalang ako sa ganda ng disenyo ng frostings na gagawin ko.

Bumili na rin ako ng banners, balloons at confetti upang pabonggahin ang aking surpresa.

“Wow, mukhang may espesyal na ganap ka ngayon, ah!” ani Klyde na cashier, habang nagii-scan ng mga pinamili ko. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang bawat isa.

Naging malapit na kami dahil madalas akong bumibili ng mga kagamitan dito sa mismong supermarket na ito, at lagi akong pumipila sa lane niya.

“Medyo kinakabahan nga ako, e. May alam ka pa bang ibang pakulo bukod sa gasgas na cake, balloons at confetti sa birthday surprise?”

Napahinto siya saglit at napaisip siya ng malalim.

“Pranks!”

“Pranks?”

“Yun ’yung makabagong surprise, ngayon. May twist ’tsaka tricks. Alam mo na? Yung palaging trending sa youtube?”

“Oo, aware ako kung ano ’yon pero wala akong maisip na prank.”

“Tanong ko lang, para kay Bryan ba ’yan?”

Kilala ni Klyde si Bryan dahil minsan ko na siyang naikwento sa kaniya, pero hindi pa niya ito nakikita. Alam din niya na magkasama kami sa iisang bahay at may relasyon kami sa isa’t isa.

“Yup. May naiisip ka ba?”

“Aba’y siyempre. Lagi akong nanunuod ng mga pranks-pranks na ’yan. May naisip akong maganda para sa’yo,” aniya at tumawa ng mababa at malademonyo.

“Hoy, bakit ka ganiyan makatawa? Nagbibiro ka ba?”

“Hindi! Sasabihin ko na nga yung prank na naisip ko,” aniya at biglang naging seryoso ang kaniyang mukha. “Alam mo ba yung Robust Capsule?”

“Huh? Ano ’yun? Drugs?”

“Oo, drugs pero hindi naman siya illegal.”

“Ahh… O tapos?”

“Ipainom mo sa kaniya yung gamot. Siyempre, ’di ba prank ’yon? Pasikreto mong ihalo sa inumin niya para di niya malaman na ininom niya ’yon,” aniya.

“Anong mangyayari sa kaniya kapag ininom niya ’yon?” tanong ko sa kaniya.

“Mamumula ’yung pisngi niya ng sobra-sobra,” sagot niya.

“Talaga? Yun lang?”

Napahinto siya at nagpipigil ng kaniyang tawa. Nangunot ang aking noo sa ekspresyon niya.

“Oo, yun lang,” sagot niya ulit hanggang sa hindi na niya napigilang pakawalan ang kaniyang mababaw na kaligayahan.

“Ano namang espesyal dun, e yun lang naman pala yung epekto? Anong klaseng prank ’yan at mukha namang walang kwenta.”

“Hindi! Nakakatawa ’to, pramis! Agad na mapapansin ’yon ni Bryan kapag napatingin siya sa salamin at bigla siyang mapapraning.”

“Ewan ko sa’yo, pero hindi ako natutuwa. Baka pati ako, mabahala kapag nakita ko siyang nangamatis ang mukha.”

Tumawa siya ulit.

“I-try mo kasi. Wala naman siyang side effects, e. Proven and tested. Kusa naman siyang mawawala pagkatapos ng ilang oras. Ginawa talaga yung gamot na ’yun para iprank yung mga tao.”

“Totoo ba?” mapanigurado kong tanong at tumango lang siya. “Sige, saan ba nakakabili niyan?”

“Meron ako dito, bigyan kita ng isang tablet?”

“Magkano naman?”

“Libre nalang, kaibigan naman kita,” aniya.

“Hala, magkaibigan pala tayo,” sabi ko, kunwari hindi ako makapaniwala. Binigyan niya ako ng matalas na tingin. “Joke lang. Para mo ’kong papatayin sa tingin mong ’yan.”

Nilabas niya mula sa kaniyang bulsa ang lalagyan ng capsule, tsaka kumuha siya ng isa at nilagay sa maliit na supot. Pagkatapos ay binigay niya ito sa akin na agad kong binulsa.

“Ihahalo mo ’yan sa tubig bago pa mauhaw si Bryan at magpasyang uminom,” paalala niya at akin itong tinandaan.

“Okay, thank you sa palibre mong prankster capsule, ha?” sarkastiko kong sabi, at nagbiro. “Tandaan mo, kapag pumalpak ’to, papupulahin ko naman yung mukha mo, manu-mano.”

“Ako na nga ’tong nagmagandang loob. Ang lakas din ng tama mo,” aniya.

Bigla kaming tumawa ng sabay.

“Ang swerte siguro sa’yo ni Bryan, ano? Napaka-sweet mong boyfriend,” puri niya sa’kin at nagpatuloy sa pag-i-scan.

“Siguro nga,” yun nalang ang nasabi ko. Gusto ko talagang bigyan ng effort si Bryan, pambawi sa pagiging breadwinner sa pagitan naming dalawa.

“Sayang. Kung single ka lang, matagal na sana kitang niligawan,” aniya at mahinang bumuntong hininga habang sinisimulan nang ilagay sa package ang bawat pinamili ko.

“Pinagsasabi mo?” sabi ko na may bakas ng pagkabigla.

“E, kasi, ikaw yung tipo ko,” aniya.

“Huli ka na.”

“Yun nga, e. Kaya nakakapanghinayang,” aniya at tumingin sa’kin saglit upang suriin ang aking hitsura. Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa kaniyang trabaho. “Balitaan mo ’ko kapag hiwalay na kayong dalawa, handang-handa akong saluhin ka.”

“Ewan ko sa’yo.”

Mabuti nalang talaga at kaunti palang ang mga namimili ngayon sa mga oras na ’to at wala pa namang nakapila masunod sa akin sa lane na kinatatayuan ko, kaya walang naistorbo sa pag-uusap namin ni Klyde.

Umalis na ako pauwi sa aming bahay upang masimulan ko na ang preparasyon. Nilapag ko ang aking mga pinamili sa sala at nilabas mula sa aking bulsa ang Robust Capsule.

Ito muna yung ihahanda ko, bago yung ibang gawain.

V

Inabot ng ilang oras ang aking paghahanda, sapagkat ako lang mag-isa ang kumikilos para sa lahat ng mga gawain. Muntik ko pang makaligtaan yung cake sa oven, kaunting minuto nalang at masusunog na. Mabuti nalang at nalaglag ako kanina habang nakatungtong sa upuan upang idikit ang banner sa pader. Napakaripas ako ng takbo nung naalala ko yung binibake ko.

Sa wakas, nakapuwesto na ang lahat sa tamang lugar.

Hawak ko ang strawberry cake na naisipan ko pang gawing inspired by Harry Potter, kaya sinulatan ko ito ng kulay green ng icing na ‘Happee Birthdae Bryan’ upang itugma. Nung nakaraang weekend kasi, nag-marathon kami ng Harry Potter series kaya sigurado akong malalaman niya kung saan galing ang disenyong ito.

May katok sa pinto na biglang nagpakaba sa aking dibdib. Mahigpit kong hinawakan ang isang cylinder ng confetti. Sinuri ko muna ang paligid bago ko pinagbuksan si Bryan ng pinto.

“Happy Birthday, Hon’! I love you!” sabi ko bilang pagdalo at pinaputok ko sa harap niya ang confetti. Pagkatapos ay binigyan ko siya ng isang halik sa pisngi. “Surprise!”

Napatingin siya sa paligid at namilog ang kaniyang mga mata. Ngumiti siya habang may mga dala siyang isang malaking kahon ng regalo na may kasamang isang pumpon ng rosas.

“Salamat, Hon’. Hindi ko in-expect na gagawin mo ’to. Akala ko nakalimutan mo na yung kaarawan ko,” namamangha niyang sambit at nilapag ang kaniyang mga bitbit sa mesa, tabi lang ng cake na ginawa ko para sa kaniya.

Pakiramdam ko tuloy, kulang pa yung binigay ko sa kaniya. Sa laki kasi ng kahon, parang marami iyong laman na surpresa.

“Hindi ko makakalimutan ang bawat espesyal na araw mo, Bryan. Lagi silang nakalista sa memo ko para mapaghandaan ko palagi.”

“Pero hindi ko hinihiling na bigyan mo ko ng ganito. Sapat na sa’kin na batiin mo lang ako,” aniya.

“Ako ang nagdecide nito para gawin ang lahat ng ito, so don’t worry.”

“Thank you ulit, Rowan. Sobra akong natuwa.”

Ngumiti lang ako habang pinapanood ko siyang pagmasdan ang banner na may nakalagay na ‘Happy Birthday’ at mga lobo na nakatali sa bawat bintana.

“Ikaw yung nagbake nito? Bakit parang ang gulo ng design?” tanong niya sa cake na ginawa ko at tumawa ng bahagya.

Natawa rin ako sa naging reaksyon niya.

“Hindi mo ba naalala? Yan yung design ng cake na binigay ni Hagrid kay Harry Potter nung birthday niya. ’Di ba, nanuod tayo ng movie n’un noong nakaraang linggo?”

Napakamot siya sa kaniyang sentido.

“Hala, hindi ko talaga maalala. Sobrang busy ko kasi sa trabaho kaya nakakalimutan ko na yung mga bagay na ’yun,” aniya.

“Wala ’yon, at least naipaliwanag ko sa’yo ng mabuti. Hindi talaga ako magulo gumawa ng cake, tugmang tugma talaga ’yan sa naging reference ko, pero di na ’yon mahalaga. Birthday mo ngayon kaya dapat tayong mag-celebrate.”

Kinuha ko ang lighter at sinindihan na ang mga kandila

Kumanta ako ng pambati sa kaniyang kaarawan, dalawang beses, bago niya hipan ang mga kandila. Kumuha ako ng kulsilyo sa kusina. Nagdala rin ako ng mga kutsara’t platito para sa aming dalawa, tig-isa.

Hinati ko na ang cake sa tamang laki, yung kasya lang sa aming lalagyan. Inabot ko ang isa sa kaniya at nagsimula na kaming kumain.

Tinanggal na niya ang kaniyang suot na necktie tinanggal ang itaas na butones ng kaniyang polo bago lumantak.

“Ayaw mo bang magpalit muna ng damit? Baka hindi ka komportable sa suot mo?”

“Hindi na. Okay lang ’to,” aniya pagkatapos ay sumumpak ng malaking bahagi ng cake. Doon ay nabulunan siya. “T-tubig!”

Agad naman akong pumunta sa kusina upang kuhanin ang tubig na nilagyan ko ng Robust capsule. Handa na akong iprank siya sa sandaling ito.

Binigay ko ito sa kaniya at mabilis naman niya itong ininom hanggang sa huling patak. Dala na rin siguro ng uhaw.

Na-excite ako sa mangyayari.

Napatingin ako muli sa regalo na dala niya sa pag-uwi. Hindi ko napigilan ang pagiging kuryoso rito.

“Sino nga pala ang nagbigay nito sa’yo?” tanong ko sa kaniya.

“Ah, wala lang ’yan,” aniya at sumubo ulit ng cake. Nagsalita siya sa gitna ng kaniyang pag-nguya. “Binigay sa’kin ’yan ng boss ko, nasabi ko kasi na espesyal na araw ko ngayon kaya niregaluhan niya ako.”

“Bilib talaga sa’yo yung amo mo, ano? Best employee ka talaga,” puti sa kaniya.

“Siyempre, bumabawi na ‘ko ngayon, Hon’. Pagod na akong magpalipat-lipat ng trabaho kaya pinag-iigihan ko na ngayon. Madalas na akong nagpapakitang-gilas sa opisina.”

“Mabuti naman kung gano’n,” sabi ko at hinaplos ang kaniyang buhok at sinuklay ito gamit ang aking mga daliri.

Natapos na namin kainin ang kalahati ng cake at nabusog na kami. Plano naming hindi na mghapunan dahil sapat na ang naisaluksok namin sa aming kalamnan.

Habang nagpapahinga kami ay hinihintay ko na tumalab yung prank ngunit hindi pa rin namumula ang mukha ni Bryan, nakalipas na ang ilang minuto. Kunwari sana na magpa-panic ako para mag-panic din siya sa naging resulta ng kaniyang mukha, ngunit hindi pa rin ito nangangamatis hanggang ngayon.

“Ang init,” sabi niya at tumakbo palapit sa air conditioner.

Sa pag-aakalang tumatalab na ang gamot ay bigla ko siyang nilapitan, ngunit hindi pa rin pala.

“Okay ka lang?”

“Anong nangyayari sa’kin?” paimpit niyang tanong sa sarili habang nakakuyom ang mga kamay.

“Sige na nga, aamin na ’ko,” sabi ko sa kaniya. “Nilagyan ko ng Robust capsule yung inumin mo para i-prank kita, pero mukha namang hindi tumatalab sa’yo, e.”

Sabi ni Klyde walang side effects yung gamot, pero bakit siya nag-iinit?

“Bakit? Alam mo ba talaga yung epekto nito?” paimpit pa rin niyang sambit.

“Oo, sabi ng kaibigan ko mamumula raw yung mukha mo hanggang sa mapraning ka sa takot,” sagot ko sa kaniya.

“Mali ka!” bwelta niya sa’kin. “Gusto mo bang malaman kung ano ang ginagawa ng gamot sa akin?”

“S-sige,” simple kong sagot. Medyo kinakabahan na ako sa sitwasyon niya.

“Akin na ’yun kamay mo,” utos niya na ginawa ko naman. Mabilis niya itong hinila at dinikit sa kaniyang harapan at nadama ko ang nagngangalit niyang ari sa loob ng kaniyang pantalon.

Niloko ako ni Klyde tungkol sa epekto ng gamot. Lagot na.

Mariin niya akong inutusan.

“Pumunta ka sa sala at tumuwad sa sofa, ngayon na!”

VI

Hindi na ako nagreklamo at nagtungo agad sa sofa, ngunit hindi ko pinunsisyon ang aking sarili patuwad. Buong puso kong tatanggapin ang parusa sa ginawa kong hindi ko inaasahang mangyari.

Sa huli, hindi lang si Bryan ang na-prank ko, kun’di pati na rin si Klyde ay na-prank ako. Sobrang tanga para mapaniwala, kahit dama kong parang may mali sa pinapagawa niya. Humanda talaga sa’kin yung mokong na ’yun ’pag nagkita ulit kami. Dapat pala nag-background check muna ako bago ko ito subukan kay Bryan.

Pinanood ko ang paglapit ni Bryan sa aking harapan, habang nakaupo ako sa sofa. Nagbubutil ang pawis sa kaniyang noo.

“Bakit hindi ka pa tumutuwad?” ma-otoridad niyang tanong. Umiling lang ako dahil ayaw ko talagang gawin yung pinapagawa niya.

Upang hubarin ang kaniyang suot na pang-itaas ay malakas niyang binuka ang hiwa sa gitna ng kaniyang polo hanggang sa tumurit lahat ng butones sa paligid. Nabigla ako sa pagsira niya sa kaniyang kasuotan.

Lumitaw ang hulmado niyang katawan na kahit kailan ay hindi ko pagsasawaang titigan. Paano ba naman kasi, bihira ka nalang makakahanap ng lalaking may abs sa panahon ngayon.

“Sa totoo lang, hindi ako natuwa sa prank na ginawa mo, kaya gagawa ako ng paraan para maging tunay na masaya ’to,” aniya.

Mabilis na kinalas ang kaniyang pantalon na muntik nang mapunit sa tindi ng kaniyang pwersa. Hinubad niya rin ang kaniyang boxers.

May apoy sa kaniyang paningin na sumusunog sa aking kaluluwa. Nadarama ko ang init na kaniyang binubuga, dumadaloy pailalim sa aking balat.

“Hindi mo na kailangan nito,” aniya at dumako ang kaniyang kamay sa garter ng aking boxer shorts na tanging suot sa pang-ibaba, at hinila niya ito patanggal. Siya na rin ang naghubad sa aking kulay gray na tank top.

Bigla niyang dinakma ang aking harapan at marahas itong binati. Napahawak ako sa kaniyang balikat upang alalayan ang aking sarili na umupo ng maayos.

Walang patid ang pagtaas baba ng kamay niya sa pagpapaligaya sa’kin hanggang sa naramdaman ko na ang pinakadulo ng langit. Isang malakas na ungol ang aking pinakawalan na umalingawngaw sa buong bahay.

Tumalsik ang aking likido sa kaniyang kamay at sa tiyan ko. Sobrang dami na para bang ilang linggo akong nabakante.

“An’dami nito, Rowan. Sobra pa sa sapat,” aniya habang iniipon sa kamay ang aking inilabas upang gawing pampadulas sa king bukana.

Sinilid niya ang kaniyang daliri upang ihanda ang nalalapit niyang pagpasok. Batid ko ang kaniyang kalakihan kaya masasaktan ulit ako sa muli niyang pag-anib.

Walang sabi-sabi pa ay sinimulan na niya ang pag-abante ng kaniyang tarugo sa akin.

“Ang sikip,” alma niya habang pinipiga ng aking lagusan ang kahabaan niya.

Mahigpit niyang hinawakan ang magkabila kong baywang upang alalayan ang kaniyang sarili sa pagtira. Nagsimula na siyang umindak sa kaloob-looban ko na nagdala sa’kin sa langit ng pangalawang beses.

Umungol ako nung nagtapuan ng dulo ng kaniyang tarugo ang pinakasensitibong parte ng aking loob. Pagkatapos ay mas lalo pa niyang binilisan ang pag-indayog hanggang sa naging mamuti ang aking mata.

Napahawak ako sa kaniyang braso at binaon ang aking kuko ng malalim sa kaniyang balat, ngunit hindi siya dumaing sa sakit. Nagpatuloy lang siya sa pagbira hanggang sa naramdaman ko ang biglang paglaki ng kaniyang pagkalalaki.

“Malapit na ’ko,” aniya.

“Ako rin.”

Sinimulan ko nang batihin ang aking sarili, kasabay ng ritmong kaniyang iginagawad. Naghahalo ang aming mga amoy sa paligid, nakadadagdag sa init ng sandali.

“Eto na!” sigaw niya bago uminit ang aking lagusan dahil sa pagbulusok ng kaniyang likido.

Malakas na kuryente ang gumuhit sa aking sistema bago ko naramdaman ang aking pangalawang pagpapalabas. Pareho kaming napatirik ang mata at humihingal.

“Okay ka na?” tanong ko sa kaniya sa pagitan ng mabigat na daloy ng hangin.

Hindi pa rin niya tinatanggal ang kaniyang sarili mula sa akin hanggang sa napansin ko ang bigla niyang pag-usad muli sa aking kaloob-looban.

“Bryan!” angal ko ngunit bigla niya akong inatake ng isang nakalalasong halik. Nakalalason sapagkat pinatay nito ang aking pangamba sa mga darating na kirot ng muli naming pag-iisang-katawan.

“Hindi pa ako tapos sa’yo,” nanggagalaiti niyang sambit habang sinisimulan niya ulit na rumitmo sa akin. Nag-umpisa ito sa banayad, hanggang sa para na siyang nangangarera sa pangangabayo.

Gusto ko siyang utusan na dahan-dahanin lang niya ang kaniyang pagkilos, ngunit nung nasarapan na ’ko sa bilis na kaniyang ginagawa ay tinikom ko nalang ang aking bibig.

“Tanggapin mo ’to!” sigaw niya sa’kin bago niya palabasin ang kaniyang katas sa aking loob. Pakiramdam ko ay sobrang dami nang nakaimbak nito sa akin, at talagang nanlalagkit na ako sa sarili ko.

Hinalikan niya ang aking leeg at nag-iwan siya ng marka na parang isang uri ng pang-aangkin.

“Bryan, tapos ka na ba?”

Hindi niya sinagot ang tanong ko, bagkus ay binuhat niya ako gamit ang malalaki niyang bisig habang hindi pa rin niya inaalis ang tarugo niyang buhay na buhay pa rin sa aking lagusan.

“Doon tayo sa kwarto magpatuloy,” aniya at nagsimula na siyang maglakad patungo doon.

VII

Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa aking paggising. Malakas na sinag ng araw ang tumagos sa bintana at tumatama sa aking mukha. Nagliliwanag ang maputi kong balat.

Malamya akong bumangon at nag-unat ng aking mga braso’t binti. Tumayo ako at sinubukan ilakad ang aking binti palabas ng kwarto upang tumungo sa dining area kung saan nakaupo si Bryan.

Natanaw ko siyang inaayos ang pumpon ng mga rosas sa plorerang naka-display sa mesa. Tinititigan niya ito na waring nabibighani sa bawat matingkad na kulay pulang mga talulot.

Nakasuot na siya ng kaniyang unipormeng pamasok sa trabaho. Kulay abong polo at itim na slacks. Sa tabi ng plorera ay may bahagi ng cake na nakalagay sa platito at isang baso ng kape, at mukhang ito na ang almusal niya.

Isang malamunay na pagbati ng ‘maganda umaga’ gamit ang kaniyang malalim na boses at isang halik sa pisngi ang kaniyang dinalo sa akin paglapit ko sa direksyon niya.

Napakaganda ng eksena. Ito ang sandaling nakalimutan ko na may lugar pa pala sa labas, sapagkat nandito na ang buong mundo ko sa loob ng aming tahanan.

“Ang aga mong gumising, ah,” ani ko sa kaniya.

“Hindi na kita gustong gisingin kanina para paglutuan ako ng almusal. Alam kong napagod ka kahapon sa hindi ko pagkontrol sa sarili ko, kaya okay lang sa’kin na yung natirang cake nalang ang gawin kong almusal,” aniya.

“Pero gising na ’ko ngayon,” sabi ko, pagkatapos ay humikab at kinusot ang aking mga mata. “Gusto mo bang paglutuan pa kita ng iba pang makakain?”

Hinila niya ako paupo sa tabing-bangkuan niya. Ngumiti siya at hinalikan ako ulit, ngunit sa pagkakataong ito ay sa noo naman.

“Hindi na, mabubusog na ’ko dito sa cake mong sinobrahan mo ’yung effort,” aniya at sinubo ang huling bahagi ng cake. Uminom siya ng tubig sa baso na nasa tabi lang din ng plato.

Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya pabalik.

Kung magsasama kami ng ganito habang buhay ay wala na akong maihihiling pa. Lahat na ng bagay na gusto ko ay nakamit ko na simula nung nakamit ko na si Bryan. Pakiramdam ko, lahat ay nasa akin na, at kailangan nalang naming magtagal hanggang kami’y maging alabok.

“Ngunit may gusto pa akong gawin ngayong umaga, pagkatapos kong mag-almusal,” aniya at tumingin sa ibaba ko.

Doon ko napagtanto na wala pa pala akong suot pang-ibaba. Kanina pa pala ako lumabas ng wala man lang saplot sa katawan na parang tanga.

Lumuhod siya bigla sa aking harapan upang pantayan ang aking nakalantad na pagkalalaki at pinagmasdan niya itong unti-unting nabubuhay. Sumandal ako sa upuan nung sinimulan na niya itong isubo at tuluyan na itong tumigas.

Padaskol ang kaniyang madulas na pag-angat baba, damang dama ko ang init at sikip ng kaniyang bibig. Nakakapit siya sa aking hita at ginawa ang kaniyang pangroromansa na may matinding kasanayan.

“Bryan, malapit na ’ko,” paalala ko sa kaniya.

Panandalian niyang niluwa ang aking tarugo upang magsalita.

“Sabayan mo ako,” aniya. Hindi ko pala namalayan na binuksan niya ang kaniyang zipper at nilabas ang kaniyang ari upang isabay ang pagpapaligaya niya sa kaniyang sarili. “Ilabas mo sa bibig ko.”

Muli nanaman niyang isinubo ang aking kahabaan at nagpatuloy sa pag-atras-abante. Kakaibang sensasyon ang gumugumit sa akin, mas matindi pa sa pagpapagising sa halimuyak at lasa ng kape.

Hindi nagtagal ay bigla akong sumabog sa tindi ng aking nadarama, at sinabayan din ng kay Bryan. Walang pag-aalinlangan niyang nilagok lahat ng aking nilabas hanggang wala na akong maibibigay pa.

Doon ay nanumbalik ang aking kamalayan at napadilat ng sobra. Napadila ako sa aking at napaayos sa aking kinauupuan.

Tinanggal na rin ni Bryan ang kaniyang bibig mula sa akin at pinahid ng kaniyang hinlalaki ang mga tumulong katas na lumagpas sa kaniyang bibig. Pinasok niya ito sa loob ng kaniyang bunganga at nilasahan.

Mukhang ’di ko na kailangan ng kape sa tindi ng kabog ng aking puso. Gising na gising na ako. Sobra.

Tumayo na siya at tumingin sa orasan habang sinasarado ang kaniyang zipper.

“Mag-aalas otso na pala,” aniya at inayos ang gusot sa kaniyang polo’t pantalon. “Paano ba ’yan, kailangan ko na palang pumasok ngayon. Baka ma-late pa ako. Aalis na ’ko.”

Napabangon ako bigla at nagtungo sa kwarto upang kuhanin ang kaniyang attache case at ibigay ito sa kaniya.

“Masuot ka ng damit, baka lamigin ka,” aniya nung inabot ko na sa kaniya yung case. “Bye.”

Na pinto na siya at aambang umalis.

“I love you,” sambit ko at ngumiti lang siya sa’kin bago siya tuluyang umalis.

VIII

“Please, Rowan, tulungan mo naman ako. Ikaw lang ang tanging alam ko na maaari kong lapitan. Please!” pagmamakaawa ni Klyde sa’kin sa phone.

Napakamot ako sa aking batok.

“Wala naman akong alam kung ano ba yung pwede kong gawin para matulungan kita. Wala naman akong alam na apartment sa paligid malapit sa bahay ko. Hindi naman kasi ako madalas lumalabas ng bahay, e.”

“E, paano ’yan? Bukas na kasi yung araw na papalayasin ako dito. Please, ayaw kong matulog sa kalsada bukas.”

“Ano ba kasing ginawa mo at bakit pinapaalis ka na diyan ng landlady mo?”

“Tatlong buwan na kasi akong hindi nagbabayad ng renta, e. Paano matumal ngayon ang kita sa supermarket kaya mababa lang yung natatanggap kong sweldo. Kakatanggal ko pa sa trabaho, e, paano nagbawas na ng mga tauhan yung may-ari. Tipid na nga ako ngayon sa pagkain para ipunin yung pambayad sa utang ko, pero hindi pa rin sapat para bayaran yung kabuuan.”

Naaawa ako sa kalagayan niya, sa totoo lang, pero kahit gustong-gusto ko pa siyang tulungan ay wala akong magawa.

“Paano kung sa inyo muna ako tumira?”

“Huh?! Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?”

“Eh, yun nalang yung naiisip kong paraan. Wala naman akong kamag-anak dito sa siyudad na maaari kong lapitan para matuluyan. Ikaw lang yung kilala ko. Ano, okay lang sa’yo?”

Napahilot ako sa aking noo.

“Sige, sige. Susubukan kong kausapin si Bryan tungkol diyan, mamaya. Hindi ako sigurado kung papayag siya, pero kung ako ang tatanungin, okay lang naman sa akin.”

“Hay, salamat talaga, Rowan! Hayaan mo, babawi talaga ako sa’yo kapag nakahanap na ako ng trabaho. Ililibre kita sa plaza, isama mo pa si Bryan,” aniya.

“Bahala ka, pero hindi naman ako humihingi ng kapalit.”

“Basta! Hindi mo ’ko mapipigilan na bumawi sa’yo. Kanina pa kaya ako balisa rito, alam mo ba? Hindi ko alam kung saan ako pupunta para manghingi ng tulong. Mabuti nalang at nahingi ko nga pala yung phone number mo. Jusko, Lord!”

Pinutol na namin ang tawag.

Sumapit na ang hapon at hinihintay ko ang pag-uwi ni Bryan. Muli nanaman akong nagbabasa ng panibagong nobela habang nakadungaw sa bintana kung saan matatanaw ang magandang kahel na sunset.

It is possible to break a diamond, despite of being the hardest of the hardests. Everything breaks in such ways.

Bigla kong sinarado ang hawak kong aklat nung narinig ko ang sunod-sunod na katok ni Bryan sa pinto. Masigla akong tumungo roon at pinagbuksan siya tulad ng madalas kong ginagawa sa kaniyang pag-uwi.

Akma ko siyang dadaluhan ng isang halik ngunit napansin ko ang pinaghalong pangamba at inis sa kaniyang mukha. Mukhang hindi maganda ang mood niya sa sandaling ito.

“Anong problema, Hon’?” tanong ko sa kaniyan na iniwasan niya lang. Walang-kibo niya akong nilagpasan at nagmamadaling umupo sa sala.

Sumunod ako sa kaniya at tumabi na rin sa sofa.

“Bakit? May nangyari bang masama?” nag-aalala kong tanong. Makikita ang pagkapraning sa kaniyang mukha. Pawis na pawis siya at hindi mawari ang kaniyang ekspresyon. Huminga ako ng malalim sinubukan kong haplusin ang kaniyang likod upang pagaanin ang loob niya.

Ngunit napalundag ako sa aking kinauupuan nang sumigaw siya sa hindi ko inaasahan.

“Huwag mo kong kausapin!”

Bigla akong napatayo at napaatras palayo. Natakot sa biglaan niyang panggagalaiti. Nang makita niya ang aking reaksyon ay bigla niyang sinubukang pakalmahin ang kaniyang sarili.

“Sorry… sorry. Hindi ko sinasadya,” bigo niyang sabi. Napasabunot siya sa kaniyang sarili.

Ngumiti lang ako ng mapait.

“Okay lang. Naiintindihan ko naman,” sabi ko at huminga ng malalim. “Timplahan kita ng kape?”

Yun lang ang tangi kong paraan para mahimasmasan siya.

“Sige,” malungkot niyang tugon.

Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng isang mariing halik sa pisngi bago tumungo sa kusina.

Nang natapos na akong magtimpla ay binigay ko na ito sa kaniya. Maligamgam lang ang tubig na ginamit ko para madali niya itong inumin.

“Hindi kita pipilitin na sabihin sa akin yung problema mo kung ayaw mo talagang sabihin,” sabi ko sa kaniya at tumabi sa kaniya ulit. “Pero kung naghahanap ka talaga ng pwede mong masabihan niyan, andito ako. Palagi akong makikinig.”

Nag-ipon siya ng hangin bago tumugon.

“Hindi na ako ulit papasok sa trabaho, Hon’,” aniya.

Kahit hindi madali sa’kin na tanggapin ang balitang ’yon, buong puso ko pa ring tatanggapin. Kung ito talaga ang gusto niya, ayos lang, basta dapat ay maghahanap pa rin kami ng income sa araw-araw.

Ngunit nakapagtataka lang. Akala ko ba maganda ang sitwasyon niya sa kaniyang trabaho? Ano kayang nangyari at naisipan niyang huminto?

Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

“Sige, magpahinga ka na muna. Baka sakaling kumalma ka,” ani ko at pinahiga siya sa sofa. Binuksan ko ang air conditioner para lumamig ang paligid at mawala ang init sa ulo ni Bryan.

Gusto ko sanang sabihin ang tungkol kay Klyde, pero mukhang hindi pa ’to ang tamang oras.

Lumipas ang gabi ng walang kumikibo sa pagitan namin. Kahit sa hapunan ay hindi pa rin niya sinasabi sa akin ang naging dahilan ng kaniyang galit at pangamba. Mukhang wala siyang balak na ibahagi sa’kin.

IX

Kinabukasan ay nanatili lang kami ni Bryan dito sa bahay. Sabay kaming nagluto ng aming almusal, pati na ang paghuhugas ng plato. Nasa sala kami ngayon at naglalaro ng chess game. Ito ang nagsilbing libangan namin sa nakalipas na tatlumpung minuto.

Nakasuot siya ng sandong puti at jersey shorts. Samantalang naka-loose shirt ako na umaabot sa aking hita, natatakpan ang kalahati ng suot kong jersey shorts din.

“Checkmate,” aniya sa pinakahuli niyang tira.

Sinura ko ang posisyon ng aking mga piyesa at wala na akong ibang galaw upang iligtas yung hari. Natapos na ang laban at talo ako.

“Kainis. Pangatlong beses ka nang nananalo. Wala ka bang balak na magparaya?”

Tumawa siya.

“Wala, e. Nasanay kasi akong maglaro nito dahil ito yung palagi naming libangan ni Papa dati,” aniya at muling binabalik ang mga piyesa sa dati nitong ayos. Pinapanood ko siya sa habang nililipat-lipat niya ang mga ito.

“Close pala kayo ng Papa mo,” malungkot kong sabi sa kaniya. “Ako kasi, minsan ko lang siya makausap. May mga araw pa nga na hindi. Nung bata palang kasi ako, alam kong nase-sense na niya na iba ako.”

“Hindi ka iba, Rowan. Kung kasarian yung pag-uusapan, normal ka at pangkaraniwan. Ang nagbubukod lang sa’yo mula sa iba ay ang katangian mo. Hindi ang kasarian.”

Napakaganda ng sinabi niya.

“Saan mo napulot ’yan?” sabi ko ng nakangiti.

“Wala. Basta nalang siyang lumabas sa bibig ko. Gano’n talaga kapag totoo ka sa mga sinasabi mo, minsan hindi mo alam kung saan nanggagaling yung mga pansariling reyalisasyon kasi mabilis mo silang nahulma ng hindi pa nakikinig sa opinyon ng iba.”

“Kaya mahal na mahal kita, e,” sabi ko. “Napapabilib mo ’ko.”

Ngumit lang siya.

Kakaiba.

Dahil hindi ko nadama ang saya sa ngiting ’yon.

“Anyway, may sasabihin nga pala ako. Last time, tumawag sa’kin si Klyde, kaibigan ko. Wala raw siyang matutuluyan, ngayon. Okay lang ba na patirahin ko muna siya rito kahit mga ilang araw lang?”

“Sure. Ikaw bahala,” aniya.

“Talaga?”

“Wala namang kaso sa’kin ’yun, basta’t kaibigan mo siya at pinagkakatiwalaan mo naman, ayos lang na patuluyin natin siya rito.”

“Okay, sige. Itetext ko lang siya. Mamayang hapon daw siya darating.”

Tumango lang siya.

Tumayo ako mula sa sofa at nagtungo sa kuwarto upang matunton ang aking cellphone. Mabilis akong nagtipa ng mensahe para kay Klyde.

To: Klyde

Good morning! Pumayag na si Bryan na tumira ka dito. Pwede ka nang pumunta mamayang hapon.

Pagkatapos ay binaba ko na ang phone ko at nagtungo na sa sala upang makipaglaro ulit kay Bryan ng chess.

Hindi pa ako nakakaupo nung nabulabog kami ng mga malalakas na katok sa pinto. Agad akong napatingin doon at lumapit.

“’W-wag,” ani Bryan sa mahinang boses. Lumingon ako sa kaniya, ngunit kailangan kong pagbuksan kung sino man ang taong ito.

Kumatok muli ito sa pangalawang beses, ngunit naging mahina na ang tunog nito. Hindi ako nag-alinlangan ba puntahan at makita kung sino ito.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa’kin ang isang magandang babae na nakabihis ng corporate attire. Tumingin siya sa’kin na may pag-aalala sa mga mata.

“Sino po sila?”

“Hi, ako nga pala si Jayne. Nandiyan ba si Bryan?” aniya habang nanginginig ang kaniyang boses.

“Ah, oo nandi–”

“Umalis ka na, Jayne!” sigaw ni Bryan at padabog na pumunta sa paroroonan namin.

Nagulat ako ng bigla niyang itulak palayo ang babae at aambang pagsaraduhan siya ng pinto ngunit napigilan ko agad siya bago pa niya nagawa.

“Anong nangyayari dito, Bryan?” nalilito kong tanong sa kaniya.

“Hon’, wala lang ’to. Pumasok na tayo sa loob–”

“Bryan, huwag mo naman akong pabayaan!” sigaw ng babae na pumutol sa pagsasalita niya. “Panagutan mo naman ako.”

Dumaloy ang kaba sa aking dibdib at malakas na tumatambol ang aking puso. Hindi ko matanto ang ibig sabihin ng babae ngunit parang kailangan ko itong malaman.

“A-ano?” tanong ko sa babae habang nakakunot ang aking noo.

Inayos niya ang kaniyang mga takas na buhok at tumikhim ng malalim. Nakatingin siya kay Bryan na may takot sa kaniyang mga mata.

Sa kabilang banda ay naramdaman ko ang magkabilang kamay ni Bryan sa baywang at mahigpit itong hinawakan. Napalingon ako sa kaniya at nakita kung gaano katalas ang kaniyang tingin doon sa babae.

“B-buntis ako,” mapait na sinabi ng babae at umiyak sa harap ko. Nanghina siya at napaluhod.

Nagimbal ang mundo ko na para bang pinagsakluban ng langit at lupa. Sa sandaling naproseso ang rebelasyon ng babae ay parang nabingi ang aking tainga.

Napatulala ako sa kawalan habang naramdaman ko yung hawak ni Bryan na humihigpit at ayaw akong pakawalan.

Naramdaman ko ang kaniyang paghinga sa aking leeg, at siya’y bumulong.

“Huwag kang maniwala sa kaniya.”

Mariin iyon kaya sapat para marinig ng babae.

“Bryan, alam kong ayaw mo na akong makasama pero nandito na ’to,” mahinang sambit ng babae habang pinapahid ang mga luha sa kaniyang pisngi. “Naglakas-loob akong pumarito para paalalahanan ka tungkol sa balitang ’to. Hindi pwedeng hindi mo ’to malaman, at ng kinakasama mo ngayon. Kung ayaw mo talaga akong panagutan ay wala na akong magagawa.”

Tumayo ang babae at inayos ang kaniyang sarili.

“Ngunit kung may balak ka pang makasama ang magiging anak mo, bukas na bukas ang bahay ko para sa’yo. Tatanggapin kita kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan. Hindi ako magsasawa na intidihin yung mga reaksyon mo sapagkat napakabilis nga naman ng mga pangyayari, ’di ba?” anito.

Pumihit na siya patalikod at sumakay sa kaniyang magarang kotse bago umalis. Wala sa’ming dalawa ang nagpaalam sa kaniya.

“R-Rowan.”

Hindi muna ako kumibo at sinarado ko na yung pinto.

X

“Sino siya?!”

Hindi siya kumibo.

“Magsalita ka naman. Pakiramdam ko para na akong tanga dito… Sino siya?” pag-uulit ko sa tanong.

Tumikhim siya habang pinipigilan ang sarili na umiyak. Paraan saan ang mga luha niya? Para sa’kin o para doon sa babaeng bigla nalang pumasok sa buhay namin?

“E-Ex-girlfriend ko, Rowan. Siya yung nang-iwan sa’kin after five years, bago ako naglasing noon sa bar at nakilala kita.”

May gumuhit na kirot sa aking dibdib. Ayaw ko mang pag-usapan ito, ngunit kailangan ko pa rin ng kapaliwanagan.

“Nagkita kayo ulit?”

“O-Oo. Nagkataon na siya pala yung boss ko sa bago kong trabaho.”

Tadhana nga naman.

“Kailan pa may nangyari sa inyo?” diretso kong tanong. “Alam mo naman siguro yung ibig kong sabihin.”

Muli, hindi siya nagsalita.

“Ano? Isesekreto mo pa rin ba yung tungkol diyan, e bistado ka na? Wala ka nang dapat na itago sa’kin ngayon, Bryan.”

“K-Kumalma ka lang.”

“Hindi ako kakalma kung wala akong alam sa mga nangyayari!” sigaw ko. “Sagot,” mariin kong utos.

“Two weeks ago pa ’yun. May celebration sa office namin. Mid-day, tinawag niya ’ko sa opisina niya at uminom kami ng wine…”

Hindi niya kinayang ituloy ang pagsasalaysay.

“Nalasing kayo tapos nakaramdam kayo ng init? Tapos—”

“Tama na!”

“Bakit? Masakit bang pakinggan?” mariin kong tanong sa kaniya. “Ako rin, nasasaktan… Kwits lang tayo.”

Yumuko siya at hinayaan ang mabibigat niyang mata na bumuhos ang mga luhang nagtitimpi. Sa pag-agos nito’y hindi ko hindi ko maiwasang maramdaman na para ako pa yung masamang tao kahit wala naman akong ginagawang mali.

“Hindi ko sinasadya.”

“Sinadya man o hindi, nangyari na, Bryan.”

“Hindi ko siya mahal.”

“Pero ex mo siya, Bryan. May nakaraan kayo. Hindi ko maiwasang magduda na mahal mo pa siya. Kasi kung hindi na talaga, iiwas ka.”

“H-hindi sa gano’n…” iyon lang ang mga salitang tumakas mula sa kaniyang bibig.

“Hindi mo na mababago yung nasa isip ko. Para sa’kin, mahal mo pa siya… Ginawa mo lang akong pangkalimot sa mga sakit na ginawa niya sa’yo.”

Napahawak ako sa dibdib ko. Mabigat para sa’kin ang mga sinabi sapagkat yun talaga ang reyalidad. Masakit na reyalidad.

“Pinaglaban kita, Bryan. Sumama ako sa’yo kahit batid kong delikado,” mariin kong sinasabi ang salita. Nais kong tumusok ito sa kaniyang puso at magdulot ng kirot. Nais ko siyang sak’tan tulad ng ginagawa niya sa’kin, ngayon. “Pero nagkamali ako. Pinatunayan mo sa’kin kung gaano katama yung mga sinabi sa atin ng mga pamilya nating hindi tayo kayang tanggapin… na hindi tayo pwede… na hindi ’to matatawag na pagmamahal… na kasuklam-suklam yung sitwasyon natin.”

“Minahal kita, Rowan. Maniwala ka sa’kin,” aniya.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Niyapos-yapos niya ito na para bang isang pinaka-iingatang bagay na pag-aari niya. Hinaplos-haplos na parang rosaryong kaniyang dinadasalan.

“Hindi mo nga nasabi sa’kin kahit isang beses na mahal mo ’ko. Paano pa kaya ako maniniwala?”

“Mahal kita,” pagpupumilit niya.

“Huli na,” buwelta ko. Napatahimik siya at napayuko. “Wala nang paliwanag na makakakumbinsi sa’kin. ’Tsaka ano pa bang saysay ng pagmamahal mo? Wala na tayong patutunguhan.”

“Hindi kita iiwan.”

“Dapat mo na ’kong iwan.”

“Hindi.”

“Oo!” mariin kong sambit sa kaniya. “Kung mature kang mag-isip, alam mo kung gaano kahalaga na iwan ako.”

Umiling siya ng bigo.

“Bukas ang loob ko na sumama ka sa kaniya, pero huwag mong asahan na hinding-hindi ako magtatanim ng sama ng loob.”

“Hon’, ayaw kong sumama sa kaniya.”

“Naririnig mo ba ’yung sinasabi mo?!” sigaw ko sa kaniya. “May anak ka na, Bryan. Tatay ka na! Dugo’t laman mo ’yon, dapat mo siyang palakihin kasama si Jayne… At ako, kasaysayan lang ako sa buhay mo. Magiging bahagi lang ako ng nakaraan.”

Sa sandaling iyon ay lumuhod siya sa harapan ko. Hawak pa rin niya ang aking kamay at hinalik-halikan. Hinila ko ito palayo sapagkat labis lang akong nasusuklam.

“Patawarin mo ’ko, Rowan. Hindi ko ginustong mangyari ’to.”

“Pero nangyari na, Bryan. Wala ka nang ibang dapat gawin kun’di pangatawanan kung ano ang dapat pangatawanan. Lalaking mag-isa yung anak mo kapag pinili mo ’ko.”

Wala akong kamalay-malay na tumutulo na pala ang mga luha ko. Nagbibigay sa’kin ng ginhawa ang init na taglay nito. Sa bawat patak ay bawat hinagpis na kumakawala.

“Mahal kita, Rowan.”

“Huli na,” ulit kong tugon.

Nakahiga ako sa aming kama, habang nakatalikod kay Bryan na nag-iimpake na ng mga gamit niya.

“Ipagkakatiwala ko na sa’yo yung bahay,” aniya ngunit hindi ako tumugon. Sandali, nakaramdam ako ng guilt. Parehas naming binuo ang tahanang ’to, at hindi ko maitatanggi na kasama siya sa may karapatan at pag-aari dito.

Mag-iiwan siya ng isang malaking bagay, at parang kay dali lang niya itong bitiwan.

Ilang oras ang inabot bago niya naiayos ang lahat ng gamit niya. Gusto ko siyang tulungan sa paglabas ng mga ito, ngunit ayaw ko pa ring makita ang pagmumukha niya kahit ito na ang pinakawakas.

Bago siya nagpa-aalam ay binigyan niya ako ng isang halik sa ulo.

“Mag-iingat ka palagi. Mahal kita. Aalis man ako, pero dadalhin pa rin kita sa puso ko.”

Sa paglipas ng panahon ay mapapalitan din ako sa puso niya kaya malabo nang mangyari ’yon.

Pinakinggan ko lang ang mga huli niyang yabag sa sahig ng aming tahanan.

Wakas

Hindi na siya uuwi.

Ilang beses ko na itong pinaalala sa aking sarili ngunit umaasa pa rin ako na sana ay isa lang ’tong malaking kalokohan. Hinahangad ko na iba ang katotoohanan sa lahat ng aking nasaksihan. Hinahangad ko na sana ay isa lang ’tong prank bilang pambawi sa ginawa ko sa kaniya tungkol sa Robust capsule.

Tatlong araw na ang nakakaraan ngunit umiiyak pa rin ako sa aking silid.

Hindi ko matanggap.

Binasag ko kagabi ang lahat ng pictures namin na nakaframe sa sala. Mga basag na alaala na hindi ulit mabubuo.

Napuno ng sugat ang aking mga kamay ngunit wala akong naramdaman.

Namamanhid ang aking buong katawan.

Mabuti nalang at kasama ko si Klyde nung panahong iyon at siya ang naglagay ng bandages sa mga sugat ko.

“Umuwi ka na,” bulong ko sa bintana at umaasang makakarating sa kaniya.

Hindi ko na kaya. Parang lahat ng bagay na siyang magiging dahilan ng aking saya ay dinala na niya paalis kasama niya.

“Nag-eemote ka nanaman,” ani Klyde pagpasok niya sa aking silid upang suriin ako kung maayos na ang aking kalagayan. Lumapit siya sa tabi ko habang nakaupo rin siya sa kama at pinapanood ang mga tala na kumikislap.

Hindi ako kumibo.

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa paligid hanggang sa lumingon siya sa’kin upang tignan ang mga bandages na binalot niya sa’kin.

“Magaling na ba ’yan?”

“Ewan ko. Hindi ko maramdaman kung nasasaktan pa ko,” sagot ko habang nakatingin pa rin sa kalangitan.

“Paano, ibang sakit yung pinatutuunan mo ng pansin. Ibang sugat yung nais mong pagalingin.”

Natawa ako ng maiksi at napayuko. Tama siya. Paano niya nahulaan?

“Ayos lang ’yan, Rowan. Natural lang na maramdaman ’yan,” aniya at hinawakan ang aking kamay. “I-che-check ko lang kung magaling na para hindi mo na ’ko dramahan.”

Sa pangalawang pagkakataon ay natawa ako ngunit hindi ako tumugon sa sinabi niya.

Isa-isa niya itong tinggal.

“Naghilom na,” aniya.

“Mabuti naman.”

Inakbayan niya ako ng marahan gamit ang malaki niyang braso.

“Nandito lang ako, Rowan. Bilang pambawi sa kabaitan mo, siyempre tutulungan kita na hilumin ang kahit anong sugat na mayroon ka. Kahit hindi pa natin ’yan makita. Tutulungan kita.”

Kumapit ako sa braso niya sinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat. Pinikit ko ang aking mga mata at naglarawan sa aking isipan na ako’y dinuduyan sa madilim na dalampasigan.

“Gusto mo bang pumunta sa plaza ngayon? Libre kita.”

Ngumiti ako at pumayag sa alok niya.

Same days, same nights…

…kasama ko si Bryan. Nabuo ang mga bagay na nagpabuhay sa’ming dalawa. Nabuo ang tiwala ko na siya lang ang sumira.

Same days, same nights…

…mga alaalang iniiyakan ko sa tuwing pumapasada sa aking isipan.

Kay bilis ng panahon. Dati, ayaw ko pang mawaglit ang kahit anong detalye ng kagandahang mayroon sa bawat eksenang magkasama kami, ngunit ngayon ay nais ko na silang kalimutan lahat.

Same days, same nights…

…sa iisang bahay. Nagsimula at nagwakas.

Ngunit gagawa ako ng panibagong umaga at panibagong gabi nang hindi siya kasama.

Mga alaalang hindi ko na nanaisin pang kalimutan.

Wakas.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.