Sana Bukas (West Side Series 1)
CengCrdva · 15 chapters · 14,694 words
NOTE
I suggest that you read HOW TO WIN THE BACHELOR’S HEART AND HOW TO BE THE BACHELOR’S WIFE before reading this one so you could fully understand their story.
Thank you!
~~
A West Side Series 1: Sana Bukas
A West Side Series 2: Sana Ngayon
A West Side Series 3: Noon, Ngayon at Bukas
Sana Bukas
A WEST SIDE STORY I
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.
This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author’s imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.
It also contains strong language, sexual scenes and references from the outset and throughout.
(R-18) Read at your own risk
2019 ©
CengCrdva
All rights reserved
DEDICATION
Para sa mga taong nagkamali, nasaktan, nalugmok at isinumpang hindi na magmamahal, hiling ko na sana bukas ay matutunan mong sumubok at tumaya ulit.
This one is for you.
;
FOREWORD
There is no sense in punishing your future for the mistakes of your past. Forgive yourself, grow from it, and then let it go.
- Melanie Koulouris
BLURB
Blurb
Life is like traveling to a place that you’ve never been before and fate is one fucked up tour guide that holds your itinerary… And what’s in it is inevitable.
May mga bagay sa buhay na hindi natin kontrolado. Maraming nangyayari na hindi natin kailanman maiiwasan at may mga sirkumstansiyang huhulma sa atin para tayo’y maging matatag at matibay sa hinaharap.
Iyon ang ibinigay sa isang Valerie Cross. Problema at katatagan simula pa lamang sa umpisa. She believes that loving someone isn’t necessary. Ang ibuhos ang pagmamahal sa isang tao ay kalokohan lang. Oo nga nakakaramdam naman siya ng pagmamahal pero hindi iyon para sa tao kung hindi sa pera. Iyon ang mas mahalaga para sa kanya at iyon ang dapat mas mahalin.
She doesn’t need love and she will do anything just to avoid it because she believes that loving someone complicates everything.
Nabuhay na rin siyang mag-isa at kakayanin niyang harapin ang bukas ng mag-isa kung iyon ang iginuhit ng tadhana para sa kanya pero paano kung isang bukas ay magbago nalang bigla ang lahat?
Paano kung matagpuan niya ang isang destinasyong puno ng pagmamahal?
Makakaya nga kayang tabunan ng bukas ang kanyang masalimuot na nakaraan o habang buhay nalang siyang hihiling ng isa pang bukas upang baguhin ang kasalukuyan?
CHAPTER 1
CHAPTER ONE
One Shot, One Night
Drink they said.
It’s fun, they said.
Naniniwala naman akong masarap at masayang uminom dahil lumaki naman akong puno ng alak ang buong sistema ko pero hindi ko akalaing ang isang gabing iyon ang gabing sasampal sa akin sa lahat ng katangahang nagawa ko sa buong buhay ko… And it all started with just one shot.
“Valerie! Bigyan mo naman kami ng isa diyan!” Natatawang sabi ni Kuya Billy habang lumalapit sa lamesang kinaroroonan ko hawak ang isang shot ng alak.
Imbes na salubungin siya ay inikot ng paningin ko ang kabuuan ng lugar. I’m searching for the newlyweds but I can’t find them. Parang gusto ko tuloy tawagan si Skyrene at mag-inarte dahil iniwan niya ako ngayon ng hindi man lang nagpapaalam pero mas nanaig sa akin ang isiping kasama niya ngayon ang lalaking sumalba sa kanya sa lahat.
Hindi man ako kasama sa pag-ahon niya pero masayang masaya pa rin akong tuluyan na siyang nakaalpas sa hirap ng buhay.
She is now happy with Eros at ang araw na ito ang pinaka-magandang araw na nasaksihan ko sa tanang buhay ko. I’ve just witnessed how great love is. Hindi man iyon para sa sarili ko pero masayang masaya akong natagpuan iyon ni Skyrene. Isa pa, sino pa nga bang tatanggi sa isang Eros Ziege Vergara? Baka ako pa mismo ang babatok sa kanya kapag nagkataon!
Tumayo ako ng makalapit na si Kuya Billy sa gawi ko kasama ang mga babaeng bisitang ka-table ko simula ng mapunta sa reception ng kasal ng dalawa.
“Kuya Billy naman! Mukhang lasing ka na ha? Hindi pa tuluyang lumulubog ang araw!” Kinuha ko sa kamay niya ang alak at walang sabi iyong tinungga.
Lumawak ang ngisi niya’t madali akong inakbayan.
“Sus, kahit ilang bote ang laklakin ko hindi naman ako nalalasing!”
Pasimple ko siyang siniko at hinayaan siyang dalhin ako sa lamesa ng mga lalaking dumalo ngayon sa kasal.
Panigurado akong mapayapa ang West Side ngayon dahil narito sa Palawan ang lahat ng mga barumbadong hari ng lugar na ’yon.
Inabutan ako ng isa pang shot ng alak ni Kuya Tanding.
“Bagay na bagay Kuya ah! Parang pipikit ka nalang lalarga na!” Pagbibiro kong sinabayan niya ng pagpikit kaya tuluyan ng naghalakhakan ang lahat ng mga lalaking katabi ko.
Hindi nawala ang pag-uumapaw ng tuwa sa puso ko dahil ngayon ko lang sila nakitang nakasuot ng ganito ka-pormal. Para silang pipila sa harapan ni kamatayan at isa-isang hahampasin ng hawak nito dahil sa mga suot nilang barong.
“Puro ka talaga kagaguhan Valeria! Uminom ka na nga lang!”
Sinapak ko sa braso ni Kuya Andoy na ikinatawa niya lang. Inabutan niya ulit ako ng isang shot na agad ko ring ininom.
“Susubukan niyo na naman akong lasingin ano?”
“Hindi ka naman tinatablan.” Si Kuya Andoy.
“Aba’y kanino pa ba magmamana ’yan?! Eh ganyang ganyan rin noon si Karidad at si Jose! Matibay at hindi sumusuko!”
Naging marahas ang paglunok ko ng marinig ang pangalan ni Mama at ang step father kong si Jose.
Itinaas ni Kuya Tanding ang kamay niya para patahimikin ang lahat ng may maalala.
“Bilib talaga ako sa nanay mong ’yon, Val. Hamakin mong tumba na kaming lahat pero siya ay tuloy pa rin sa pag-inom!”
“Isa pa iyong si Jose! Laging gustong maglasing kahit palagi namang maoy!” Humalakhak si Kuya Tanding.
Imbes na seryosohin ang usapan ay tumango nalang ako’t tinago ang totoong pagpait ng sikmura ko dahil sa naging takbo ng aming usapan.
“Oh, ngayon alam niyo na kung kanino ako nagmana?” Sinakyan ko nalang ang usapan nila at agad na binalingan si Charles. “Kaya kung may balak kang lasingin ako at tyansingan ulit, ngayon palang sinasabi ko na sa’yong kalimutan mo na, okay?! Ikaskas mo ’yang kakatihan mo ha!”
Namutla siya na agad hinawakan ang katabing lalaki para makakuha ng simpatya pero tinawanan lang siya nito.
“Paano ba ’yan Charles? Wala ka na ngang pag-asa kay Skyrene pati ba naman kay Valerie!” Nagtawanan ang lahat.
Gustohin ko man silang punahin dahil sa lahat ng lamesang nakalagak sa malawak na bakuran ng mga Deontelle ay tanging ang lamesa lang namin ang pinaka-maingay pero hindi ko naman magawa dahil may kanya-kanya namang agenda ang lahat at hindi naman kami pinapagalitan.
Ang lahat nga ng tao rito ay mainit kaming tinanggap. Ang mga babaeng nagta-trabaho sa pamilya ni Skyrene ay mababait rin at kung ituring ako’y walang pinagkaiba sa kaibigan ko.
Pangalawang beses ko ng nakarating sa lugar na ito pero hindi gaya noong unang ilang pa ako, ngayon naman ay parang ito na ang maituturing kong pangalawang tahanan. Sayang nga lang at hindi naman dito titira ang mag-asawa. Hindi ko rin alam kung makakabalik pa ako rito. Ayaw ko mang mainggit pero ramdam ko iyon habang nilulunok ang sunod na baso ng alak.
I want this life too. Ang lugar na ito. Ang mga kasiyahang ganito. Ang mapalibutan ng mga taong walang ibang gusto kung hindi ang respetuhin ka at pagsilbihan. This wedding is a breath of fresh air for me. Mabuti nalang at pinayagan ako ni Nixon kahit na wala ito ngayon sa bansa.
Nagpatuloy ang kantiyawan nilang lahat kay Charles na ngayon ay tingin ko’y nauuna na sa pila ni kamatayan. Kahit na mukha naman siyang maayos ngayon ay parang naaamoy ko pa rin ang totoong baho niyang isang beses lang kung maligo sa isang linggo, kung minsan ay kinatatamaran pa.
Nagpatuloy kami sa ginagawa hanggang sa makalimutan ko nalang ang pagtataksil ni Skyrene at hindi pagpapaalam nito sa akin. Lumalim na rin ang gabi ngunit ang malakas na tugtugin sa kabuuan ng lugar ay walang naging palya.
Nakisayaw na rin ako kila Ramiel sa gitna at nakailang balik na sa loob ng bahay para magbawas ng likido sa katawan pero hindi pa rin ako natinag.
It’s true, mataas ang tolerance ko sa alcohol kaya nga nagtagal ako sa Las Deux.
Ako na ang pinaka-tumagal doon hindi dahil kaibigan ko si Nixon kung hindi dahil magaling akong makisama sa mga kliyente at madali ring makauto ng mga taong may pera.
Magaling rin akong sumayaw at kung minsan ay mas malaki pa ang kinikita ko sa tip ng mga customers sa club kaysa sa sahod ko. Hindi dahil sa pagsasayaw kung hindi dahil sa talento ng bibig at utak ko sa pakikisama.
My co-workers say that I can easily make someone fall for my words. Marami na ring nagsabi sa akin maging sa labas ng club at kung gugustohin ko lang ay matagal na akong lumagay sa tahimik at mayaman na rin ako ngayon kasama ang isang lalaki sa buhay pero kahit kailan ay hindi ko pinangarap na maging kabit.
I’ve already received tons of indecent proposal since I started working in the club. Some of them were politicians but all of them were married. Wala ni isa ang single o tingin ko’y matinong lalaki. Iyong lalaki bang papanindigan ka talaga dahil gusto ka niyang ibahay at gawing asawa. Lahat ng mga lalaki na nakasalamuha ko sa club ay tanging sex lang ang habol. Mga lalaking gagawin ka lang parausan dahil sawa na mga asawa nila. Iyong mga lalaking kailangan ng reserba o pang tanggal umay sa buhay may asawa pero hindi na lalagpas doon. Kabit ka habang buhay at magiging kabit ka lang hanggang sa huli.
Iyon ang ayaw ko. I know better. Kahit na malaki ang mga gusto nilang ibigay sa akin at ipangako ay pilit ko pa ring tinatanggihan ang lahat dahil kahit na pera lang ang gusto ko sa lalaki, pangarap ko rin ang katahimikan sa buhay.
Iginalaw ko ang aking balakang akma sa saliw ng tugtuging malikot at sinasayaw ng lahat ng mga tao sa gitna ng malawak na bakuran. Itinaas ko ang aking kamay at walang humpay na sinayawan ang kung sino mang humahatak sa akin.
I’m a good dancer. Before Nixon accepted me in the club and before becoming a manager of Las Deux, marami na rin akong napagdaanang trabaho.
Kung ang ibang mga teenager na walang wala sa buhay ay fast food ang unang naging takbuhan, ako naman ay iba. Dahil magaling akong sumayaw ay iyon ang ginawa kong pundasyon para kumita ng pera.
I decided to enter the world of stripping. Hindi naman ako nagsisi dahil di hamak na mas malaki ang kita kaysa sa pagsi-serve at pagngiti sa mga customer na nakabusangot na dahil sa gutom at bagal ng pila sa counter ng isang fast food chain.
Nag-aaral ako sa umaga at nagsasayaw naman sa gabi. People say that I’m a rebel. Gano’n na rin ang tingin ni Mama sa akin maging ang step-father kong si Jose at ang lahat ng mga taong kilala ako sa West Side pero walang nakapigil sa akin. Pagkatapos ng klase sa umaga ay diretso ako sa club. Though I’m under age, madali namang natakpan ng panlabas kong anyo ang aking edad. I’m my mother’s first born and only child. Ang sabi niya ay nabuntis siya noong nagta-trabaho siya sa club bilang waiter ng isang Amerikano. May nakagisnan naman akong ama kaya hindi na rin ako nagtanong pa sa kung ano ang pagkakakilanlan ng ama ko kahit na minsan ay siya na mismo ang nagsasabi. Siguro ay dapat nalang akong magpasalamat dahil biniyayaan niya ako ng gandang naging puhunan ko sa buhay.
Sa gitna ng pagkalabog ng puso ko dahil sa malakas at makulit na beat ng tugtog ay napangisi ako sa naisip. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang doon ako nagsimula pero wala akong ni isang pinagsisihan. Siguro nga tama ang sinabi nilang kung saan ka nanggaling ay iyon din ang magiging kapalaran mo. Si Mama na galing sa club na sinundan ko rin kahit na walang nakaalam noon maliban kay Skyrene.
Ewan ko ba. Noon naman ay hindi naman nila ako pinagta-trabaho pero dahil hirap akong mahirap ang buhay namin ay pinili ko ang gano’n… I became a stripper. A fucking stripper at sixteen.
My body stiffened when someone hugs me from behind. Bumilis ang pagkawala ng hangin sa aking labi ng maramdaman ko ang paghila niya sa akin palapit sa katigasan ng kanyang katawan, partikular sa gitna ng hita nito na agad kong naramdaman.
“You’re Skyrene’s friend, right? Best friend?” Bulong ng lalaki sa aking tenga na ngayon ay sinasabayan ang bawat paggalaw ko sa malanding tugtugin.
Idinikit ko ang katawan ko sa kanya at pagkatapos ay idiin ang aking pang upo sa kanyang katigasan. I heard him heave a sigh because of that. Wala sa sariling napangisi ako.
Marahan akong bumaling sa kanyang gawi, hindi inalis ang malanding ngisi ko. Sumalubong sa akin ang isang lalaking hindi ko man kilala pero nakita ko na kanina. I’m sure he’s one of Eros’s friend or something. Wala naman akong alam na kaibigan ni Skyrene na ganito. He smells good too, rich. Amoy pera…
Bago ko siya sagutin ay inikot ko ang sarili para harapin siya. Lumawak ang ngisi niya pero ang kapusukan sa kanyang mga mata ay namumutawi kasabay ng paglalaro ng kapilyuhan sa gilid ng kanyang mga labi.
“Valerie. Call me Valerie.”
“Hanzo, I’m a friend of Jace.”
Kumunot ang noo ko sandali pero nawala rin iyon ng maalala si Jaycint, ang pinsan ni Skyrene. Kaibigan siya nito.
“Nice to meet you.” I said.
Imbes na sagutin ako ay ikinulong niya ako gamit ang kanyang mga kamay. He’s not that bad too. Mabango nga at siya at akma sa bango niya ang kanyang hitsura. He doesn’t look like he’s from here. Gaya ng pormahan ng pinsan ni Skyrene ay siguro’y taga Manila ito o taga ibang bansa.
“Do you wanna come with me?” The grin on his face remained.
Ang sagot niyang iyon ang naging sagot sa tanong ng utak ko. Hindi nga siya rito at sigurado akong kung saan man siya nagpunta ay madaling makuha ang mga babae roon. Pinigilan kong mapapikit ng maramdaman ang pagbaba ng kanyang kamay patungo sa aking pang upo pero imbes na punahin siya at hindi ako kumibo. I let him touch me there.
“Where are we going?” Malambing kong tanong sabay ayos ng aking mga kamay sa kanyang leeg, pahaplos sa kanyang panga at labing kanina pa ako gustong sunggaban ng halik.
Binasa niya ang kanyang labi at agad na ngumising akala mo’y may sumang ayon na ako sa gusto niya. Nang maramdaman ko ang pagpisil niya sa aking pang upo ay muli akong umikot at sumayaw nalang ulit para mawala ang mga pasimpleng panglalandi niya. Imbes na sayawan ako gaya kanina ay ay hinapit niya ang katawan ko at inilapat ang mukha sa aking leeg.
“I don’t know… Are you staying in the hotel too?” He whispered playfully.
“Yeah…” Bale-walang sabi ko at pagkatapos ay marahang lumayo dahil sa pananayo ng mga balahibo ko sa katawan gawa ng paghinga niya sa aking leeg.
“Do you want to continue the party in my room? Mas pasasayahin kita doon.”
Marahan akong umikot paharap sa kanya habang sumasayaw pa rin. Mabuti na nga lang at abala ang mga bisita sa pagsayaw at hindi naman kami pinapakialaman. Tingin ko kasi kapag nakita ako ng mga babaeng ka-table ko kaninang nagpapa-manyak sa lalaking ito ay mandidiri sila sa akin. Women here are conservative. Naiintindihan ko naman dahil ganito naman talaga sa probinsiya.
Imbes na ma-offend ay nginitian ko lang siya.
“Do you have money?”
Nakita ko ang pagsasalubong ng kanyang kilay maging ang paglukot ng kanyang mukha. He doesn’t look offended but his eyes were so confused.
“No, let me rephrase that…” Lumapit ako’t muling ikinawit ang kamay sa kanyang leeg. Pinaglaruan ko ang kanyang buhok. “Do you have a lot of money? A place like this? May kompanya ka rin ba gaya ni Eros? O tagapagmana ng maraming kayamanan?”
My questions made him swallowed the bile in his throat. Hindi ko na siya hinayaang makasagot, madali na akong lumayo sa kanya.
“Nice to meet you Hanzo but I’m sorry, mayayaman lang ang dini-date ko,” Nakangisi kong hinaplos ang aking bewang paangat sa aking dibdib hanggang sa mapunta iyon sa aking leeg. “Mayayaman lang ang…” Itinaas ko ang gilid ng aking labi bago tuluyang lumayo sa kanya kasabay ng isang malandi at makahulugan kong ngisi.
Sa pag-ikot ko ay mabilis akong napairap. Gusto ko na sanang bumalik sa lamesa para ipagpatuloy nalang ang pag-inom para makalimutan ang lalaking ’yon pero ng marinig ko ang pagtawag niya sa akin ay wala na akong nagawa kung hindi ang bilisan ang paghawi ko sa mga taong sumasayaw.
“Valerie.”
Nalulunod ang sumusunod niyang boses pero rinig na rinig ko pa rin iyon! He is still following me kaya naman nang makita ko ng mga mata ko ang pinsan ni Skyrene na masayang nagsasayaw habang hawak ang isang bote ng alak ay kusang naglakad ang mga paa ko patungo sa kanya. Una dahil kailangan ko ng alak at pangalawa ay kailangan ko ng lalaking makakapitan ngayon para lubayan ako ng kanyang kaibigan.
Pasimple akong sumingit sa mga babaeng kasayaw nito. Ang isa ay itinulak ko pa para lang mapalitan ang pwesto nito kaya sa pagharap ni Jaycint sa gawi ng babae na tinulak ko ay ako na ang nakaharap niya. Nilawakan ko ang ngisi ko.
“Hi!” Masaya kong bati.
Sa una ay inaalala niya pa ako pero lumiwanag na rin ang mukha ng maalala na ako.
“Hey! Ikaw. I know you!” He said.
Sinabayan ko ang pagsayaw niya. Namumula na ang kanyang pisngi dahil sa hawak na alak pero mukhang matino pa naman.
“Kilala rin kita,” Sinulyapan ko ang hawak niyang alak. “Can I?”
Sinulyapan niya iyon ngunit ng marinig ko ang muling pagtawag ni Hanzo sa akin ay mabilis ko nang kinuha ang alak na hawak ni Jaycint at mabilis iyong tinungga sabay kapit sa balikat niya. Narinig ko ang pagtawa niya dahil sa kapangahasan ko pero hindi naman ako pinigilan.
“Damn, girl!” Hiyaw niya ng tuloy tuloy kong nilagok ang mamahaling alak na hindi ko dapat tinutungga ng ganito kung gusto kong pang makipag-inuman hanggang umaga!
Nang maramdaman ko ang pag-iinit ng aking tiyan dahil sa alak ay saka ko lang ibinaba at ibinalik sa kanya ang alak. Sakto naman ang pagsulpot ni Hanzo sa gilid namin. Kinuha ni Jaycint ang bote pero ang kamay niya ay hindi na inalis sa aking bewang, sinusuportahan ako.
Imbes na umalis sa harapan niya ay iginapang ko lang ang aking mga kamay payapos sa kanyang leeg at idiniin ang aking katawan sa kanya para ipamukha kay Hanzo na ganito ang mga gusto kong lalaki. Mayaman at may ibubuga!
“Bro!” Aniya pero hindi naman ako binitiwan.
Nakita ko ang paglaglag ng panga ni Hanzo ng ngumisi ako ng makahulugan sabay tingin ng makahulugan kay Jaycint na walang kamalay-malay sa nangyari ilang minuto lang ang nakalipas. Tinungga na rin ni Jaycint ang hawak niya at hindi na inintindi ang kaibigan. Gano’n nalang rin ang ginawa ko. Ipinagpatuloy ko nalang ang pakikipagsayaw rito hanggang sa tantanan nalang ako ni Hanzo.
Marami mang mga babae ang nagtangkang palitan ang pwesto ko pero hindi ako nagpatalo. Jaycint is a good dancer. Ramdam ko iyon dahil para kaming nag-iisa sa kada beat ng tugtog. Our bodies were in sync. Dahil sa kanya ay nakalimutan ko na rin ang nangyari. Nalibang ako sa hawak naming alak at sa pagsasayaw sa gitna ng lahat na hindi ko na alam kung paano nangyari…
Kung paanong nangyaring ang pagsasayaw sa kanilang malawak na bakuran ay nauwi sa kanyang kwarto.
Kung paanong nangyaring sa bawat haplos niya sa aking katawan at sa pag giya niya sa akin pahiga sa kanyang kama ay wala akong ginawang pagtutol.
Kung paanong ang isang shot ng alak ay nauwi sa ganitong gabi.
“Jaycint… Ahh…”
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 2
CHAPTER TWO
Inside Me
"Jaycint..." Hibang kong sambit ngunit ang mga salita ko ay madaling nalunod sa kanyang bibig nang muling umangat iyon patungo sa aking mga labi.
I can taste the bitterness of the alcohol inside his mouth, pero ang mga haplos niya ang mas nakakalasing ngayon!
I know... Alam kong hindi ako madaling malasing pero nakakahibang ang mga halik niya't bawat paggalaw sa aking ibabaw.
Ginantihan ko ang kanyang mga halik at hinayaan siyang hubaran ako. My hands were shaking but I still managed to unzip his fly and pull out his aching, engorged member.
Napalunok ako ng marahas nang mahawakan 'yon. Jaycint's shaft was so thick that I could barely wrap my hands around it. Mabuti na lang ay hindi natigil ang paghalik niya sa akin kaya naman nawala ang isip ko tungkol do'n.
Things were spinning and we were moving too fast. Fast enough that before I could even prepare for it, he already thrusted inside me... Mabilis na kumawala ang malakas na ungol sa aking bibig dahil sa kanyang ginawa!
Napahigpit ang yakap ko sa kanyang katawan kasabay ng pagkagat ko ng mariin sa aking pang-ibabang labi upang matigil ako!
I know I am dripping wet. Alam kong bago pa lang kami pumasok sa kwarto niya ay ramdam ko na iyon pero kahit na gano'n ay hindi ko pa rin naiwasang masaktan dahil sa kalakihan niya. He is big! I mean big enough to make me scream every time he moves inside me.
Sa umiikot kong mundo ay malinaw pa rin sa utak ko ang ginagawa naming hindi ko na mapigilan.
I let him touch, caress and licks every part of my body. Sa hibang kong isip ay nagawa ko pa ring sundan at gantihan ang bawat paggalaw niya. One moment I was on top of him, the next he was devouring me.
"Oh!" I cried when he thrusted into my wetness with more insistence. He drive into me further, faster and harder, driving us both wild!
It didn't take long for me to feel my orgasm building, but I want him to join me in the blissful peak of pure lust.
Pinigilan ko ang kanyang balakang sa paggalaw ng mabilis kaya umangat ang kanyang mga labi sa paghalik sa aking leeg patungo sa aking tenga. I can hear him catching his own breath.
"Fuck... this feels so good..." He groaned sexily, tila uhaw na uhaw sa aking katawan.
"Take me slow, Jaycint... I want you to come with me..." Namamaos kong sambit." Sabayan mo ako." Ang mga huling salita ay lumabas sa aking bibig na tunog pagmamakaawa kaya naman pinagbigyan niya ako.
Nakipagtitigan ako sa namumungay at puno ng kamunduhan niyang mga mata habang dahan-dahan na niya akong inaangkin.
I couldn't help myself, but to admire him. I know I am not into looks at wala rin akong pakialam sa ganda ng katawan dahil pera lang ang importante sa akin pero habang dama ko ang pagpasok at paglabas sa akin ni Jaycint ng dahan-dahan kasabay ng pagtigas ng kanyang braso't mga muscles sa buong katawan ay nagpatuloy sa pagpupuri ang utak ko.
He is too hot... Like literally hot. Inside me... This has been the great sex I've ever had my entire life! Sa bawat galaw niya ay mas lalo akong nababasa at gusto nang labasan! Fuck!
"Jaycint! Fuck—Ah!" Kusang kumawala ang mga ungol ko ng muli kong maramdaman ang pagbilis ng kanyang paggalaw, mukhang hindi na rin kaya pang pigilan ang gustong maabot na rurok.
Dumiin ang katawan niya sa akin kaya naman napayakap akong muli sa kanya. We're both gasping. I felt his control slipping, until he gasped.
"I am almost there..."
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata para sabayan siya. Hindi ko na kailangan pang isipin kung paano dahil nang muli siyang magsalita ay naramdaman ko nang malapit na rin ako sa sukdulan!
"Almost there, baby..." He said in his husky voice.
Napasinghap ako ng lumakad ang boses niyang iyon sa aking pisngi patungo sa loob ng aking tenga hanggang sa pagtagos nito sa kaibuturan ng aking pagkatao.
"Oh! Jaycint!" Hiyaw ko ng maramdaman ko na ang sagad ng pinagsasaluhan naming dalawa.
Ang sarap! Putang ina!
I pulled his head to kiss him deeply until he grunted against my mouth. Ramdam ko ang pagkalunod ng kanyang mga ungol sa loob ng aking bibig at gano'n din ako sa kanya.
I felt the tingling sensation deep inside me as he fills me in. A wave of pleasure rush through me. My whole body was buzzing, my legs were shaking and even my vision had gone blurry at that.
Pumikit ako ng mariin para kalmahin ang sarili sa sukdulang narating pero hindi ko alam kung paano iyon sisimulan gayong kahit na ramdam ko ang pag-agos ng katas niya sa aking kaselanan ay patuloy pa rin ang kanyang marahang paggalaw sa loob ko.
"Jay-"
"You are amazing... So fucking amazing, Valerie." Aniya sa mas relax na tono pagkatapos ay tuluyan nang inihinto ang ginagawa at nanatili na lang sa aking ibabaw.
Walang humpay ang mabilis na naging pagbaba at pagtaas ng aking dibdib pagkatapos ng nangyari. Gano'n rin siya pero hindi rin iyon nagtagal. Ilang minuto lang ay bumagal na ang kanyang paghinga kasabay ng marahan niyang pag-alis sa aking ibabaw at paghiga sa aking tabi.
Dahil sa pagod ay hindi ko na nagawa pang idilat ang aking mga mata. Gustohin ko man pero alam kong mas lalo lang akong mahihilo kapag nakita ko ang mabilis na pag-ikot ng aking mundo.
It happened. I just had sex.
We
just had a drunken sex.
Hindi pa man ito hang over pero ramdam ko na ang pagsakit ng ulo ng maisip ang koneksiyon ng lalaking nasa tabi ko sa babaeng itinuring kong kapatid.
Oh God! I just had sex with Skyrene's cousin! Mabuti na lang at natalo ako ng alak. Mabuti na lang at mabilis akong hinila ng pagod at antok kaya ako nakatulog.
Kinabukasan ay parang may mabigat na simentong nakapatong sa aking ulo. Marahas kong idinilat ang aking mga mata pero mabilis ko rin iyong pinagsisihan dahil sa pagsalakay sa akin ng liwanag.
Agad kong nasapo ang aking sintido.
Fucking hang over!
Tumihaya ako at inisip kung paano mawawala iyon pero bago pa ako makapag-isip ng matino ay muling bumalik sa akin ang lahat ng mga nangyari kagabi ng maramdaman ko ang kamay na nakayakap sa aking bewang!
Pigil ang paghinga kong sinulyapan ang lalaking nasa tabi ko.
Shit.
Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng impit na mura sa aking bibig ng makita ang pinsan ni Skyrene na mahimbing na natutulog habang nakayakap pa sa akin. I can feel his hot breath against my skin.
Ang kaninang payapa kong utak ay madaling napuno ng mga pagalit at mura dahil sa nagawa kong kabaliwan!
Hindi ko na nabilang kung ilang beses akong nabingi sa mga murang iyon! Kung hindi pa gumalaw si Jaycint ay hindi pa sana ako tatayo pero dahil sa mga boses na patuloy akong pinapagalitan ay nagmamadali na akong tumayo at tinungo ang banyong naroon upang magbihis.
Inayos ko ang sarili at nagmamadali nang lumabas sa loob ng kanyang kwarto! I've never been this nervous!
Pakiramdam ko ay sa bawat hakbang ko magugunaw na ang mundo ko at magigising siya pero hindi ako tumigil! Hindi ko na rin alintana ang mga nagawa kong ingay dahil ang kailangan ko lang talagang gawin ngayon ay maglaho na parang bula! Hindi lang dito kung hindi pati na rin sa mundo!
What the hell have I done?!
Huminga ako ng malalim at agad na tinungo ang pintuan bago nagmamadali itong binuksan. Agad akong lumabas sa kagustuhang makalayo kaagad, pero ang paggunaw ng sarili kong mundo ay mas lalong luminaw dahil sa pagbungad sa akin ng mag-asawang Vergara!
Putang ina kapag sini-swerte ka nga naman talaga!
Dumiin ang paghugot ko ng hangin sa aking baga ng makita ko ang paglaglag ng panga ni Skyrene ng magkatitigan kami.
Awtomatikong natigil ang mga kamay ko sa pag-aayos ng matitigan ang matinding kalituhan sa kanyang mga mata.
"S-Sky... E-Eros..." Kinakabahan kong sambit pagkatapos ng ilang ulit na paglunok, pero imbes na batiin ako ni Skyrene ay awtomatikong lumipad lang ang tingin niya sa kwartong nilabasan ko.
Shit! Shit! Shit!
"V-Val... You–"
"No, Sky!" Sinubukan kong humakbang palapit pero dahil sa hiya dulot ng presensiya ni Eros ay napahinto ako kaagad. "This is not what you think-"
"Oh, trust me. I know exactly what to think, Val."
Nagmamadali akong lumapit kay Skyrene at agad siyang pinanlakihan ng mga mata.
Okay. This is a mess! Hindi dapat ako nagpadala't nagpa-traydor sa alak at libido ko pero huli na! Nakapag-sex na kami ng napakasarap at tindi at wala na akong magagawa pa para baguhin iyon!
"You... a-and Jace... Oh my God!" Agad kong tinakpan ang bibig ni Skyrene dahil sa ibinulalas nito.
"Shut up! Shut up!" Natataranta at gigil kong hiyaw dahil alam kong nakakahiya na nga ito tapos narito pa si Eros!
Pakiramdam ko ay nilalamon na ako ng sahig dahil sa kahihiyang nananalaytay ngayon sa buo kong pagkatao. Kung sana pwede nga lang magpalamon nalang talaga maiwasan ko lang ang kahihiyang ito!
"Can you believe this?!" Hiyaw niya rin pabalik na parang nakasaksi ng malaking pasabog!
Binalingan niya ang asawa na tatango na sana pero dahil sa panlalaki ng mga mata ko ay madali iyong naudlot. Nagkibit nalang si Eros ng balikat kahit pa alam kong tuwang tuwa rin siya ngayon gaya nalang ng asawa!
"Wow! Just wow!"
Her wife exclaimed.
"Skyrene!"
Hindi ko na napigilan ang sarili kong hilahin siya palayo ka Eros para mas makausap ko siya ng matino dahil kahit ako ay litong lito na rin at nababaliw sa nangyari!
"How did you end up in his room?!"
Napangiwi ako't inilagay ang aking hintuturo sa gitna ng aking bibig.
"Can you just tone down your voice? Masakit na ang ulo ko." Nilingon ko't pilit na nginitian ang mga kasambahay na bumati sa akin sa pagbaba namin sa grand staircase.
Sa pagbalik ng tingin ko kay Skyrene ay nanatili ang pag ngisi niya kaya agad ko siyang siniko!
"Skyrene!"
"What?! Wala naman akong sinasabi!"
"'Yun na nga!" Napayuko ako ng muling may dumaang kasambahay.
Ilang kasambahay ba ang kailangan nila at parang napakarami naman yata?!
Hinila ko siya at dinala sa library. Mabuti nalang at nakapunta na ako rito noon kaya alam ko na ang ilang kwartong pwede naming gamitin para makapag-usap ng walang makakarinig. Agad kong isinara ang pinto at muli siyang hinila patungo sa isang upuang naroon.
Natatawa siyang naupo sa kabila ng mga pagalit ko.
"Skyrene! This is not funny! Walang nakakatawa sa sitwasyon! Tulungan mo kaya ako?!"
Umiling-iling siya.
"Did you really had sex with my cousin, Val?" Lutang pa rin niyang tanong sa nakakalokong tono na hindi ko na natiis.
Umupo ako sa tabi niya at niyugyog ang magkabila niyang balikat.
"Skyrene naman? Help me! Anong gagawin ko ngayon? Bukas pa ang flight namin pabalik sa Manila 'di ba? Pwede na ba akong mauna sa kanila-"
Umiling siya kaagad at pinutol ako sa pagsasalita.
"No! Teka nga, bakit ba natataranta ka? Hindi ko ba nasabi sa 'yong single si Jaycint at-"
Marahas akong napatayo at napahilamos sa aking mukha. Nagpatuloy ang paglakad ko palayo at pabalik sa kanya.
"Val, he is single. Narinig mo?"
Hindi ko siya inintindi. Hindi natapos ang pagkataranta ko kahit na ano pang sabihin niya. Para ngang mas kailangan kong mataranta sa mga pinagsasasabi niyang posibilidad.
"What if ikaw na ang magpapatibok-"
"Oh God!" Lumakas ang boses ko ng maisip ang ngayo'y gusto niyang puntohin.
Nalukot ang mukha niya at tumayo na rin para kalmahin ako. Nahinto ako ng harangan niya ang daan ko at bago pa ako makabalik sa kabilang banda ng library ay nahawakan na niya ang kamay ko.
"Val, can you just calm down? Tell me what exactly happened. Gusto kong maintindihan."
Napakurap-kurap ako ng makita ang pagkatunaw ng ngisi niya at pagpalit ng purong kaseryosohan doon.
"Please?" Hinila niya ako pabalik sa upuan.
Huminga ako ng malalim at ginawa ang mga sinabi niya. Sinimulan kong ikwento ang mga nangyari kagabi. Simula sa kaibigan nitong si Hanzo hanggang sa huling natatandaan ko sa kabila ng kalasingan... Jaycint's last thrust inside my soaking femininity... Fuck! Of course I didn't tell her that!
"And?"
"And this is not good, Skyrene! I slept with your cousin and look at you! You're making a big deal out of it. Iniisip mo na ang mga imposibleng mangyari-"
"I'm just saying that you both are single at wala namang masama sa ginawa niyo."
Napayuko ako. I can't deal with her right now at hindi ko na rin alam kung paano pa tatanggalin sa isip niya ang mga naiisip na posibilidad. Alam ko naman na masaya lang si Skyrene at nakalimutan na siguro niya ang pananaw ko sa buhay lalo na sa pag-ibig pero hindi ko naman siya masisisi.
"I just want to go home." Sa huli ay sinabi ko nalang imbes na palawakin pa ang pag-uusap namin.
"Val-"
"Please? I need to go home." Umangat ang tingin ko sa kanya.
It's her turn to sigh heavily. She knows everything. Alam niya kung ano ang mga nangyari sa akin. Lahat lahat ng nakaraan ko. Siguro nga nakalimutan niya lang dahil masaya siya. Nakalimutan na ni Skyrene dahil positibo na siya ngayon sa buhay. Nakalimutan na niyang hindi ko gustong magmahal at ayaw ko ang bagay na iyon. Hindi ngayon kahit pa sa pinsan niya at hindi kailanman sa kahit na sino.
Love is not for me because I don't think that I'm capable of loving someone. Money. Iyon lang ang kaya kong mahalin. Iyon lang ang dapat kong isipin at wala ng iba.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 3
CHAPTER THREE
Unforgettable Night
“Hep hep!” Nagmamadali akong hinarang ni Kuya Tanding ng makasalubong ko sila sa lobby ng hotel.
Kapag sinuswerte ka nga naman talaga! Nakumbinsi ko man si Skyrene na ipahatid ako sa driver nila ngayon pero hindi ko naman pwedeng ipagpilitang umuwi ngayon pabalik sa Manila. Unang una ay wala akong karapatang mag-inarte dahil libre ng mag-asawa ang lahat ng gastos sa trip na ito at ayaw ko rin namang gumastos ng sarili kong pera dahil marami pa akong kailangang paglaanan ng pera.
“Hooray!” Nakangiwi kong sagot kasabay ng pilit kong pagtawa at pagtaas ng kamay para lang hindi nila mapansin na hindi nga ako natulog kagabi rito.
Kumunot ang noo ni Kuya Billy habang sinisipat ako.
“Bakit hindi ka umuwi kagabi? Saan ka natulog?” Aniya kasabay ng pagsipat sa ayos kong parehong damit pa rin ang suot!
Tumawa ako ng payak para pilit na itago ang kahihiyan. Tumayo rin ako ng tuwid para baliktarin nalang ang sitwasyon at hindi na nila ako masyadong usisain pa.
“Kila Skyrene ako nakitulog.” Pagsisinungaling ko.
Parang gusto kong batukan ang sarili ko ng makita silang sabay sabay na naghalukipkip sa aking harapan.
“Nagsisinungaling ka ba?” Si Kuya Andoy.
Sinapak ko siya sa braso.
“Bakit naman ako magsisinungaling, aber?” Isa isa ko silang sinamaan ng tingin. “Tsaka, bakit ba? Bakit ba ang aga aga niyong mang usisa sa buhay ko?”
Umiling-iling si Kuya Tanding at mas diniinan ang pagtitig sa akin.
“Ang sabi nitong si Charles ang huli mong kasama ay iyong pinsan ni Skyrene.” Singit ni Kuya Karyo.
“Si Jaycint kuya.” Singit ni Charles dahilan para tuluyan ko nang marinig ang malakas na pagkalabog ng puso ko.
Sandali kong kinagat ang gilid ng aking pisngi habang nag-iisip ng pwedeng idahilan pero para yatang wala na akong maisip lalo na at para na silang mga buwayang hinihintay lang akong magkamali.
Sa hitsura nila ay para nila akong binabalatan ng buhay dahil may nagawa akong masama kahit na wala naman! Damn! Okay, pero hindi naman iyon mortal na kasalanan at kung may dapat man akong hingan ng kapatawaran ay ang sarili ko lang iyon!
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay ipinilig ang aking ulo.
“Oh, e ano naman kung kasama ko si Jaycint? Masama ba ’yon?” Nilagpasan ko silang lahat. “Uminom kami pero hindi ako natulog sa mansion. Pinuntahan ko si Skyrene, okay?”
Mas lalong nalukot ang mga mukha nila pero hindi ako nagpapigil. Umatras ako palayo sa kanila patungo sa elevator.
“Weh? Nasa honeymoon ’yon eh!” Si Charles.
“Oo nga! Naging referee at scorer nga nila ako kagabi! Happy na?!” Nagmadali akong naglakad at agad na pinindot ang elevator.
Nanatili naman silang nakatayo sa kinalalagyan.
“Sige na, humayo na kayo kung saan man kayo pupunta!” Ngumiti ako pero dahil sa tagal ng elevator ay hindi ako kaagad nakaalis.
Kumunot ang noo ni Kuya Billy.
“Hindi ka sasama?”
“Saan?”
“’Di ba aalis tayo ngayon? Maglilibot bago umuwi bukas?”
Shit! I forgot about that! So kaya sila nasa lobby ngayon ay talagang hinihintay nila ako dahil ako naman ang nagpasimuno ng galang ito? Shit talaga!
“Nakalimutan mo?!”
Sandali akong napapikit ng mariin.
“M-Medyo? Pwede bang kayo nalang muna? Nalasing talaga ako kagabi tsaka…” Mabilis kong hinawakan ang aking tiyan at nagkunwaring namimilipit sa sakit. “Bigla pala akong natatae!”
Hindi ko na kailangan pang magpaliwanag ng napakahaba dahil nakisama na sa plano kong pag-iwas ang elevator. Sa pagbukas no’n ay agad na akong sumakay.
“Valerie!”
“Taeng tae na ako! As in!” Sigaw ko pabalik kasabay ng mabilis at ilang ulit na pagpindot para isara ang kinalalagyan ko!
Hindi ko na alintana ang mga taong nasa lobby na napalingon sa aking gawi. Huminga ako ng malalim at pumikit saka sumiksik sa gilid ng elevator. Goddamn it!
“Alak pa, Val. Alak pa. Ang tanga… Ang tanga tanga talaga.” Mahina kong bulong.
Inangat ko ang kamay ko at magaang binatukan ang sarili baka sakaling makalimutan ang sarili sa nagawang kabaliwan.
“Hay! Baliw! Baliw talaga!” Hiyaw ko ngunit bago ko pa nadagdagan ang pagpapagalit sa aking sarili ay napadilat na ako ng may marinig akong tumikhim!
Marahas akong napadilat at nag-angat ng tingin para lingunin ang ingay pero ang bibig kong mariin ko nang itinikom ay kusang nalaglag ng makita si Hanzo na ngayon ay kasalukuyan akong pinapanuod!
“H-Hi!” Nakangiwi kong bati at agad siyang tinalikuran pero dahil sa makintab na dingding ng elevator na mistulang salamin sa harapan ko ay hindi ko siya tuluyang naiwasan.
“Kanina ka pa ba?” Hindi ko na siya napansin dahil sa pagmamadali kong pag-iwas sa mga lalaki kanina.
“You alright?” He asked instead of answering my question.
Tumango ako. “Yeah, Ayos lang.”
Pasimple kong pinindot ang floor kung saan ang kwarto ko. Ganito ba talaga kabagal ang bagay na ’to?!
“Rough night?” He asked.
Sinulyapan ko siya gamit ang dingding ng elevator pagkatapos ay ngumiti. Oh man, wala kang alam kung gaano ka rough ang gabi ko! Napalunok ako sa naisip.
Seriously Valerie? Naisip mo pa talaga ’yon? Wala sa sariling napahawak ako sa aking magkabilang pisngi nang mag-init ito dahil sa naalala.
“N-Not really. May hang over lang.”
“I see.”
“Ikaw? Ayos ka lang?” Tanong ko nalang pabalik para mawala sa akin ang usapan.
“Yeah. The party was lit and I had fun.”
“Good for you.”
Hindi na siya nagsalita. Nang maisip ko ang naging takbo ng usapan namin kagabi ay kinain naman ako ng pagka-guilty kahit na alam kong kasalanan niya rin naman kung bakit gano’n ang naging sagutan ko sa kanya. Naging bastos siya kagabi pero siguro’y dala lang iyon ng kalasingan… O di kaya naman ay nang alindog ko, gayunpaman ay gusto ko pa ring klaruhin sa kanya ang nangyari.
“About what happened-”
“I’m sorry.” He interject.
Pinagdiin ko ang aking mga labi bago siya payak na ngitian.
“I was rude. I’m sorry.” Dagdag niya.
“Apology accepted.”
Nakahinga ako ng mas maluwag ng tumunog na at huminto ang elevator sa palapag kung nasaan ang aking kwarto.
Nagmamadali na akong lumabas pero bago ko pa siya tuluyang matakasan ay pinigilan niya ang pinto sa pagsara.
“Hey…”
Nilingon ko siya ulit. “Hmm?”
“I… I was just thinking about what I did. Pwede ba akong bumawi over a nice dinner of something?”
Umatras ako pero hindi naman siya lumabas sa elevator.
“O-Okay lang ’yon, Hanzo. Huwag mo nang isipin.” Muli akong humakbang palayo.
Bigo siyang tumango at hindi na rin nagsalita kaya kinawayan ko nalang siya bago ako nagmamadaling maglaho sa kanyang harapan.
Pagpasok ko ng kwarto ay agad kong tinungo ang banyo upang ayusin ang sarili. Pagkatapos no’n ay saka ko lang hinagilap ang aking telepono.
Bumigat ang aking paghinga ng makita ang ilang mensaheng naroon. Ilang beses rin ang naging paglunok ko ng makita ang isang partikular na text.
Enrique:
I miss you. Kailan ka uuwi sa bahay natin?
Nagtipa ako kaagad ng sagot sa kanya.
Ako:
I miss you too. Malapit na.
Ibababa ko na sana ang cellphone ko dahil hindi ko naman inaasahang magre-reply siya pero natigil ako sa muling pagtunog nito.
Enrique:
Good! I can’t wait to see you again.
Ako:
Ako rin.
Ibinaba ko na ang cellphone ko sa gilid ng hindi na siya mag reply. Isinantabi ko nalang ang pagbigat ng dibdib ko dahil kay Enrique. I miss him… I miss him too but I should not think about him. Hindi muna sa ngayon dahil kailangan kong mag-focus sa trabaho at perang kikitain…
Ipinilig ko nalang ang aking ulo at iwinala sa utak ang lalaki bago buksan ang iba pang text na galing naman kay Kuya Tanding na hinihintay pa rin pala ako sa ibaba.
Tands:
Val nagpaiwan ako rito sa ibaba. Hintayin kita.
Nag-reply ako kaagad. Kilala ko na si Kuya Tanding at alam kong hindi niya ako tatantanan ngayong araw dahil kasado na namin ang planong ito. Isa pa, ako ang nagyaya at nakakahiya naman kung ako pa ang hindi sumama sa kanila.
Ako:
Bakit hindi ka pa sumama sa kanila kuya?
Tands:
Sumama ka. Wait kita here.
Naiiling akong natawa sa nabasa. Para kasing kahit na nabasa ko lang iyon ay naririnig ko na rin ang conyo niyang boses.
Ako:
Sige na nga. Mag commute nalang tayo. Nasaan na ba sila?
Tands:
Ewan. Sa crocodile farm daw muna sabi ni Billy. Gustong bisitahin mga kamukha niya.
Imbes na palipasin ang oras kaka-text sa kanya ay nag-ayos nalang rin ako. Kahit na masakit ang ulo ko dahil sa hang over ay alam ko namang hindi na rin ako makakatulog pa ngayon dahil sa kakaisip sa nangyari kagabi. Mas mabuti pa ngang sumama nalang ako sa kanila para naman malibang ako’t hindi maalala si Jaycint at ang… Marahas na akong napatayo dahil sa muling pagpasok ng kamunduhan sa aking utak.
Nagbihis lang ako saglit at hindi na nag-abala pang mag make-up dahil hindi naman talaga ako sanay na lagyan ng kung ano ano ang mukha ko. Naglalagay lamang ako no’n sa tuwing nasa trabaho pero kapag mga ganitong okasyon ay pinagpapahinga ko naman ang mukha ko. Isa pa, I don’t think that I need it.
Masaya na sana ako.
Handa ko na sanang kalimutan ang lahat maging ang kabuuan ng pinsan ni Skyrene pero paano ko naman iyon gagawin kung sa pagbukas ng elevator ay ang bulto ni Jaycint ang bumungad sa akin habang nakikipagtawanan kay Kuya Tanding sa lobby ng hotel ng mga Delaney!
Pakiramdam ko ay mabilis na tinabunan ng simento ang aking mga paa sa aking kinatatayuan at hindi na ako nakapihit pabalik sa gawi ng elevator dahil mabilis akong nahagip ng tingin ni Kuya Tanding!
“Ayan na pala! Tara na Va!” Hiyaw niyang medyo umalingawngaw pa sa kalakihan ng lugar.
Naputol ang aking paghinga ng makitang parang nag-slow motion ang pagpihit ni Jaycint para lingunin ang gawi ko. Ipinagpapasalamat ko nalang talaga’t agad akong nakaiwas ng tingin pero kahit na anong gawin ko ngayon ay dinig ko na ang mabilis na pagwawala ng bagay sa aking dibdib maging ang agarang pag-iinit ng buong mukha ko!
Lumapit sa akin si Kuya Tanding ng hindi na ako gumalaw.
“Tara na, ano?” Pasimple ko siyang siniko at hinatak patalikod kay Jaycint.
“Anong ginagawa niyan dito?!”
Nagsalubong ang mga kilay niya’t lito akong tinitigan.
“Bakit? ’Di ba kasama naman siya sa lakad. Late na nga ring nagising mabuti at nagpaiwan pala ako.”
“What?! Anong kasama? Sinong nagyaya?!”
Ang kalituhan sa kanyang mukha at trumiple habang kumukurap-kurap sa aking harapan.
“Ikaw. Kagabi. Niyaya mo ’di ba? Hindi mo na naalala? Sinabi mo pa ngang siya ang driver natin ngayon! Buti talaga naghintay ako-”
“Ano?!”
Ako naman ang napakurap-kurap para alalahanin ang mga nangyari kagabi dahil kahit na yata anong gawin ko ay burado na iyon sa utak ko!
I admit it, natamaan talaga ako kagabi. Hindi lang sa alak kung hindi pati na rin sa presensiya ni Jaycint at parang malalasing na naman ako ngayon habang naririnig ang mga yapak ng paglapit niya at..
Sabay kaming napalingon ni Kuya Tanding pabalik sa gawi ni Jaycint na ngayon ay malapit na sa amin. Oh my God!
Napatuwid ako ng tayo ng makita ang nakapamulsang lalaking nakasuot ng puting t-shirt at khaki shorts na huminto sa aming harapan.
Fuck! He looks so freaking fresh today! Parang wala man lang bakas na nalasing ito kagabi at…
“Let’s get going. Mainit na mamaya.” Pormal niyang sabi sabay sulyap sa akin.
Lutang akong napalunok at nahihiyang napakapit kay Kuya Tanding sabay iwas ng tingin! Pakiramdam ko ay malalaglag ang lahat ng katinuan ko ngayon dahil sa pagtitig ng mga matang iyon! Oo nga at wala pa naman siyang nababanggit tungkol sa nangyari kagabi o ano pa man pero ngayon palang, sa pagtitig palang niyang iyon ay muli ko na namang nararamdaman ang pag-iinit ng buong pagkatao ko!
What the hell is happening with me!
Hinawi ni Kuya Tanding ang kamay ko at pagkatapos at tinanguan na si Jaycint.
“Tara na Valerie! Baka magbago pa ang isip ni Jaycint at hindi pa tayo samahan ngayon!” Iritado na niyang sabi.
“S-Sasama talaga?”
Sinubukan kong sulyapan ang lalaki pero agad ko iyong pinagsisihan dahil tingin ko’y simula nang sulyapan niya ako kanina ay hindi na nawala sa akin ang seryosong titig niyang iyon! Kumislot ang isang kilay niya at mas diniinan ang pagtitig sa akin na parang gusto akong kwestiyunin sa napakaraming bagay kaya imbes na makipag-diskusyon ay sumuko nalang ako.
Huminga ako ng malalim at ipinirmi ang titig sa kanya.
“Sasama ka talaga?” Buong tapang ko nang sagot.
“Mauna na ako. Saan ba ang kotse mo?” Singit ni Kuya Tanding kaya nakahinga pa ako kahit papaano.
Tinuro ni Jaycint ang isang SUV na naghihintay sa bukana ng hotel bago ako muling balingan.
“Ayaw mo ba?” He asked like he’s offended by my question.
“H-Hindi naman-”
“Niyaya mo ako kagabi tapos nagtatanong ka ngayon?” That made me swallowed hard.
Pinigilan ko ang mga kamay kong batukang muli ang sarili! Hindi ko talaga maalala! Inihakbang ko ang aking mga paa para pantayan siya. Nagsimula na rin siyang maglakad.
“H-Hindi ko lang naalala na niyaya kita kagabi.” Pag-amin ko bago umibis palabas ng hotel.
“Ano pang nakalimutan mo?” Bumagal ang mga hakbang ko.
Oo nga at hindi naman kasali sa tanong ang tungkol sa nangyari sa amin kaya hindi ko na muna inisip. Mas ginalugad ko sa aking utak kung may nasabi pa ba ako sa kanyang hindi ko na rin maalala.
“M-May sinabi ba ako sa’yo kagabi? Kung meron man akong nasabi na hindi maganda, sorry… Nalasing ako…”
Sinubukan ko siyang sulyapan ulit pero mabilis lang iyon dahil sa kada segundong lumilipas na katabi ko siya ay para nang sasabog ang puso ko sa bilis ng kalampag nito!
This is really awkward! We had sex at wala pang bente kwatro oras ang nakakalipas matapos iyon! Kung iisipin ko nga ay baka madama ko pa siya sa loob ko… Damn it!
Nagkibit siya ng balikat. Nakahinga naman ako ng maluwag ngunit bago niya pa namin marating ang kanyang sasakyan ay tuluyan nang naghuramentado ang buo kong pagkatao ng maramdaman ang pagpulupot ng kanyang mainit na kamay sa aking palapulsuhan at ang marahan niyang paghila sa akin palapit sa kanya.
Mabilis na nagwala ang pagkatao ko dahil sa kanyang ginawa! Nakita ko ang pagdiin ng kanyang seryosong mga mata sa akin.
“Alam kong lasing ka and we…” Nag-igting ang kanyang panga at hindi kaagad naituloy ang sasabihin.
Kung sa ibang pagkakataon ay agad ko siyang sasagutin. Kung sa ibang pagkakataon ay iiwasan ko siya. Kung sa ibang pagkakataon ay baka hindi na ako magpakita sa kanya pero iba ang sitwasyon at pagkakataon ngayon. I just can’t escape him! At hindi ko na rin alam kung paano pa siya maiiwasan ngayon lalong lalo na ang mga matang sa mga oras na ito ay gusto na akong pigain para lang sabihin sa kanya ang opinyon ko nangyari sa pagitan naming dalawa ilang oras ang nakalipas!
“W-We?” Kinakabahan kong tanong kahit na alam ko na kung saan patungo ang mga sunod na lalabas sa kanyang labi.
“We had sex, Valerie.”
Hinawi ko kaagad ang kamay niyang nakahawak sa akin pero mas lalo lang humigpit iyon sa aking palapulsuhan.
His dark eyes bore into mine and that just made my heart fucking pounded inside my chest!
“You can’t tell me that you forgot about that too dahil alam kong iyon ang hindi mo pwedeng makalimutan sa lahat. Hinding hindi.” Mariin niyang sabi na hindi ko na alam kung paano sasagutin dahil sa mabilis na pagkabuhol-buhol ng aking utak.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 4
CHAPTER FOUR
Hindi Lahat Ng Lalaki
Nagmamadali kong hinawi ang kamay niya at agad na tinungo ang kanyang sasakyan! Hindi ko na siya nilingon. Binuksan ko na ang pinto at walang sabing naupo sa tabi ni Kuya Tanding na nagugulat dahil sa pagmamadali ko!
"Anong nangyari sa'yo?"
Hindi ko rin siya nilingon. Nanahimik lang ako lalo na at sumakay na rin si Jaycint sa driver's side. Nagbaba ako ng tingin ng sulyapan niya kami gamit ang rear view mirror.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking palapulsuhan. Kahit na hindi na niya ako hawak ay parang naiwan naman doon ang init ng kanyang kamay.
"Oo nga pala, sabi mo doon ka natulog kay Skyrene. Anong oras ang alis nila ngayon, Val?"
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa tanong ni Kuya Tanding na ngayon ay humarap pa talaga sa gawi ko. Napasulyap ako sa harapan. Narinig ko kaagad ang pagmumura ng aking utak nang magkasalubong ang mga mata namin ni Jaycint!
Kabado kong hinarap si Kuya Tanding. Gustohin ko mang sabihing huwag nalang naming pag-usapan lalo na't narito si Jaycint pero ang babaw kapag iyon ang isinagot ko. It's just a question. Simple lang.
Simple lang naman talaga kung hindi nangyari ang mga nangyari.
"P-Paalis na." Madali kong sagot.
Tumango tango naman si Kuya Tanding.
"Really, huh?"
Napaawang ang aking labi ng marinig ang pagsasalita ng driver namin! Hinawakan ko kaagad ang kamay ni Kuya Tanding para kausapin siya pero ang atensiyon nito ay mabilis nang napunta kay Jaycint sa kabila ng paghigpit ng kapit ko sa kanyang kamay.
"Bakit, Jace? Hindi pa ba aalis? Ngayon ang alis ng mag-asawa hindi ba?"
"Yeah." Sagot niya at pagkatapos ay nagpalipat-lipat ang sulyap sa amin at sa daan pero sa bawat lapat ng kanyang mga mata sa akin ay kitang kita ko ang paglalaro ng kung ano sa mga iyon!
Bwisit!
"A-Ah, Kuya–"
"Teka nga Valerie," Nalukot ang mukha niyang parang may naisip na kung anong nagawa ko. "Hindi ba at sa hotel rin naman natulog si Skyrene at Eros? Sabi mo doon ka natulog sa kwarto nila pero galing ka naman sa labas kanina?"
Oh shit!
Natataranta akong napabitiw sa pagkakahawak sa kanya at agad siyang iniwasan ng tingin. Ang kaninang malamig na pakiramdam ko ay trumiple dahil sa napagtanto ni Kuya Tanding!
Shit shit shit shit and shit! Oh my God!
"Huy!"
Balak ko na sanang magpanggap na bingi o kahit tanga nalang sa pagkakataong ito dahil alam kong wala na akong maisip kung paano pa lulusutan ang pinasok kong kasinungalingan!
Napapitlag ako ng marinig ang mahina ngunit nakakalokong tawa ni Jaycint na ngayon ay nakikisali na sa usapan namin!
Inis kong ikinuyom ang aking mga kamao. Sa pagkakataong ito ay parang gusto kong balikan ang mga taong may atraso sa akin at sa kanila ibuhos ang lahat ng kabang nararamdaman ko ngayon sa pamamagitan ng pagbasag ng mga mukha nila!
"'Yung totoo nga? Saan ka natulog ha?" Pagbasag ulit ni Kuya Tanding na hindi ko na alam kung paano pa sagutin lalo na't ang demonyong lalaking nasa harapan ay kitang kita ko kung paano ngumisi.
Napalunok ako ng magtamang muli ang mga mata namin.
"Answer it, Valerie. Saan ka ba talaga natulog kagabi?" Tanong nito sa nakakalokong tono.
"Shut up! Hindi ka kasali sa usapan, Jaycint!" Hindi ko na napigilang itaas ang paa ko't sipain ang likuran ng kinauupuan niya dahil sa nag halong hiya, inis at pagkairita sa kabuuan ko ngayon!
I swear to God! Gusto ko nang magwala ngayon! Uulitin ko pa sana ang ginawa pero mabilis akong naawat ni Kuya Tanding.
"Valerie, magtigil ka nga!" Suway niya habang hawak ang paa ko.
Marahas kong hinawi ang kamay niya.
"I'm just asking." Panunuya ng bwisit na driver na wala na nga yatang balak na tumigil.
Parang pati si Kuya Tanding ay gusto ko nalang sapakin sa gitna ng mukha dahil sa dahan-dahan niyang pagtingin sa akin at pagkatapos ay kay Jaycint na parang may nireresolbang malaki at magulong puzzle!
"Hindi ka kasali sa usapan Jaycint-"
"Hmm, I see." Pagpuputol niya sa akin sa parehas na nakakalokong tono.
Sinamaan ko ng tingin ang lalaking katabi ko nang itaas niya ang kanyang kamay na tila may nabuo na sa isip at pagkatapos ay umawang na rin ang kanyang bibig.
"Valerie?! Sa mansion ka-"
"Hindi!" Maagap kong sagot at pagsisinungaling.
Gusto ko pa sanang segundahan ang mga sasabihin ko pero dahil sa pagharurot ng sasakyan gawa ni Jaycint ay parehas kaming natigil ni Kuya Tanding at napaayos na lang ng upo.
Mabuti nalang at hindi huminto ang sasakyan at hindi rin bumagal kaya si ang katabi ko ay hindi na nakapagsalita hanggang sa marating namin ang kinaroroonan ng lahat.
"We're here."
Binalingan ako ni Kuya Tanding pero dahil sa pagdating ng mga lalaking naghihintay sa amin ay hindi na niya nagawa pang ungkatin ang totoong napagtanto!
Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas na siya ng sasakyan. Lalabas na rin sana ako pero nang maalala ko ang mga sinabi ni Jaycint ay muli kong sinipa ang upuan niya.
"I hate you! You can't just tell everyone that I slept with you, Jaycint!"
He chuckled and removes his seat belt before giving me his full attention.
Umayos ako ng upo ng makita ang pagpawi ng kanyang mga ngiti kapalit ng isang seryoso at nakakanginig kalamnan na titig.
"Oh, now you remember that we had sex?"
Mabilis na dumaloy ang aking dugo sa buong katawan ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan at bakit kailangan talaga naming pag-usapan iyon ngayong malinaw naman na pagkakamali lang ang lahat at parehas pa kaming lasing! It's just sex for damn's sake!
Marahas akong huminga at pagkatapos ay naghalukipkip sa kanyang harapan.
"Ano bang problema mo? Gusto mo talagang pag-usapan 'yon ha?!"
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagtitig sa akin. Sa kabila ng inis at pagkairita dahil sa ginagawa niya ngayon ay hindi ko maiwasang pigilan ang pagwawala ng bagay sa aking dibdib at ang pag-arangkada ng kabaliwan sa aking utak nang mapukol ang aking tingin sa kanyang mapupulang labi.
Ang mga labing iyon na halos hindi ko tantanan kagabi!
Nang makita ko ang pag-arko ng isang gilid nito ay doon lang ako natauhan.
"Tell me what you're thinking right now, Valerie." Mapaglaro niyang sambit ng mahuling natulala na naman ako sa kanya.
He licks his bottom lip and grins at me.
Nilunok ko ang lahat ng bumara sa aking lalamunan at pagkatapos ay ipinilig ang aking ulo bago muling salubungin ng mariin ang kanyang mga mata.
"W-Wala!"
Muli siyang natawa na parang isang malaking joke talaga ako ngayon!
"Really? Do you remember how you beg me to kiss you last night?"
My mind cursed at that!
"Do you remember how you-"
"Shut it Jaycint! Look, it's just sex, okay?! It happens every time especially when alcohol is involved and I'm sure you already knew that! Wala 'yon at hindi na kailangan pang pag-usapan so please? Stop bugging me about it!" Iritado kong sabi na pumawi sa kanyang ngisi.
Nakita ko ang pagtigas ng kanyang panga pero dahil sa pagtalikod niya ay hindi ko na iyon nasulyapan.
"Alright, then." Sabi niya't pagkatapos ay agad nang binuksan ang pintuan sa kanyang gawi bago tuluyang lumabas doon at iwan ako.
Bumagsak ang aking balikat pero imbes na makahinga ako ng maluwag dahil sa pagkawala niya't tuluyang pagsuko sa usapang ito ay parang mas lalo lang bumigat ang dibdib ko. I don't want to be this hard on him pero kasi wala namang point kung pag-uusapan pa.
Sex lang 'yon! Sex lang! Tangina naman!
Kung hindi pa ako kinatok ni Charles ay baka hindi na ako bumaba sa sasakyan.
Sa mga sunod na minuto ay wala akong ginawa kung hindi ang sumunod sa kanilang lahat at umiwas naman kay Kuya Tanding. Si Jaycint ay naging tahimik na rin at gaya ko'y nanatili ang distansiya.
Imbes na mag-isip ay inabala ko nalang ang sarili ko sa lugar. Huminga ako ng malalim. I supposed to enjoy this. Dapat maging masaya ako at maglibang lang pero paano ko naman 'yon magagawa gayong dalawang tao ang dapat kong iwasan ngayon?
"Lapit pa Valerie, para ka namang tuod diyan!" Si Kuya Karyo habang imini-mwestrang dumikit pa ako kay Jaycint para sa litratong kukunin niya.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang paglitaw ng ulo ni Kuya Tanding kahit na nasa kabilang dulo ito para lang sulyapan ako.
Nilingon ko si Jaycint pero gaya kanina, simula nang matapos ang usapan namin sa sasakyan ay hindi na niya ako kinibo. Alam kong tama lang naman na huwag na kaming mag-usap pero hindi ko naman gusto na ganito kami ka-awkward sa isa't-isa.
"Val!"
Napapitlag ako sa pagsasalita ni Kuya Karyo ngunit bago pa ako makatabi kay Jaycint ay ito na mismo ang gumalaw, hindi para dikitan ako kung hindi para lumipat sa kabilang banda't iwasan ako.
Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya. Kung kanina ay isang ulo lang ang lumingon sa akin, ngayon ay lahat na sila'y nakatuon sa akin.
"A-Ano?" Tanong ko ngunit imbes na sagutin ay sabay sabay na lumipat ang tingin nila Kay Jaycint.
"Take the picture already." Masungit niyang sambit kaya kahit na wala nang maayos na pwesto at mga ngiti sa mga labi namin ay ginawa na kaagad ni Kuya Karyo ang utos nito.
Pagkatapos na pagkatapos no'n ay si Jaycint ang agad na kumawala sa aming grupo. Bago pa nila ako mausisa ay umalis na rin ako at lumiko sa kabilang banda nang daan na pinasukan ni Jaycint patungo sa mga ibong pinangangalagaan sa lugar.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko na sila nilingon pa. Hindi ako huminto dahil sa ngayon ay gusto ko lang talagang lumayo sa kanila. Lalo na sa lalaking 'yon!
I can't believe that he is acting like this. Hindi ko naman siya lubusang kilala at maliban sa nangyari kagabi ay wala naman nang iba pang namagitan sa amin kaya naguguluhan lang talaga ako ngayon!
Bumagal ang paglalakad ko ng maisip ko si Skyrene.
Hindi kaya gaya ko ay kung ano-ano rin ang sinabi niya sa kanyang pinsan? Oh God! Masasakal ko talaga siya! Pasalamat nalang siya't matagal-tagal bago kami magkita ulit dahil kung hindi ay baka sa kanya ko naibuhos ang inis ko!
Napalingon ako ng marinig ang ilang kaluskos pero wala namang tao roon. Actually, wala ngang tao! Nilingon ko ang paligid ng wildlife park pero maliban sa mga huni ng ibon ay wala namang ibang ingay. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa dulo habang sinisipat ang mga ibong maayos sa kanilang mga kulungan.
Kahit na wala namang tao sa paligid ay hindi naman nakakatakot dahil kalat naman ang mapa at tiyak kong iisa lang rin ang labasan nito.
Nahinto ako sa Palawan Bearcat pagkatapos ay sa mga Hornbills ngunit ang payapang pagsipat ko ay natigil ng malingunan ko ang lalaking ngayon ay patungo na sa aking gawi. Nang magtama ang mga mata namin ay nahinto siya sa paglalakad.
Napatuwid ako ng tayo ng makita ang masungit niyang aura na hindi na nawala simula nang iwan niya ako kanina.
Tumabi ako ng muli siyang maglakad pagkatapos iwasan ang tingin ko. Naputol ang aking paghinga nang magtapat kami pero hindi siya huminto sa paglalakad.
I know better ngunit ang talipandas kong mga paa ay agad na pumihit patungo sa kanyang gawi kasabay ng pagtawag ng walang hiya kong bibig sa kanyang pangalan.
"Jaycint!"
Hindi pa rin siya humihinto kaya sinundan ko na siya.
"Jaycint!" Tawag ko ulit.
Hiningal ako sa pagsunod dahil sa laki ng kanyang mga hakbang. Sa paghinto niya't paglingon ay parang gusto kong magsisi dahil ngayon ay mukhang iritado na ito. Ilang beses akong napalunok.
"What?"
Umiling ako. Hindi ko rin naman alam ang dapat kong sabihin. Pinagtaasan niya ako ng kilay pero wala nang gusto pang lumabas sa aking bibig. Umiling si Jaycint at tinalikuran na ulit ako't iniwan.
Now that was stupid!
Nasapo ko ang aking noo nang mawala na siya. Ano ba kasing nangyayari? Mali ba ako? May nasabi ba akong hindi maganda kaya gano'n nalang ang naging epekto sa kanya?
Nagpakatotoo lang naman ako. Ang ibang lalaki ay matutuwa pa kapag gano'n hindi ba? Gano'n nga ang habol nang karamihan, iyong tanging sex lang talaga ang mangyayari at wala nang iba pero bakit siya?
Sumakit lalo ang ulo ko dahil sa paglalim ng aking mga naiisip habang nagpapatuloy kami sa paglilibot sa mga tourist attractions sa kabuuan ng Puerto Prinsesa.
Hindi nawala ang pag-iwas sa akin ni Jaycint na dapat ko namang ikatuwa pero mas lalo lang ikinabigat ng dibdib ko 'yon!
Hindi ba pwedeng maging civil nalang kami at kalimutan ang nangyari?
God! Kung bakit ba kasi hindi pa ako pinayagang umuwi ni Skyrene! Sana pala si Eros nalang ang pinakiusapan ko! Sigurado akong mas maiintindihan pa ako no'n kaysa sa asawa niyang gusto na yatang planuhin ang kasal ko sa pinsan nito.
Napabuga ako ng malalim na paghinga ng maisip na uuwi na rin naman kami bukas.
Pasimple kong sinulyapan si Jaycint na abala sa pagmamaneho at hindi gaya kanina na mukhang masaya pa sa buhay.
Mabuti nalang at hindi ko na kailangan pang mamroblema dahil alam kong ito na ang huli naming pagkikita. Huling huli na at tapos na dahil umpisa palang ay wala naman talaga.
Ang huling destinasyon namin ay sa mansion. Tinawagan ako ni Skyrene ng sabihin niyang paalis na sila ni Eros sa bansa. Marami kaming napag-usapan pero hindi ko na inungkat ang tagpong ito.
Pagkatapos naming kumain ay nagyaya naman ang mga lalaki na mag-inom. Kasama na namin si Rigel at Ramiel na walang ideya sa lahat at patuloy ang pagsasalita tungkol sa aming dalawa ni Jaycint.
"Hindi ba Kuya? Single ka ngayon?"
Para kaming baliw na sabay napakuha ng bote ng alak sa lamesa at sabay ring napainom. Tumawa si Rigel.
"Si Ate Val rin naman." Udyok niya.
Hindi ko ininda ang lamig ng beer na dumadaloy sa aking lalamunan dahil sa topic nilang pakialaman ang buhay naming dalawa.
Hindi sumagot si Jaycint matapos niyang ibaba ang hawak na alak kaya nalunod nalang ang topic.
Nag-usap ang mga lalaki kung paanong ayaw pa nilang umalis sa Palawan at kung pupwede pang mag-extend. Ilang beses ko silang kinontra kaya ilang beses rin akong kinontra ng magkapatid. Sa huli ay wala naman nang magagawa dahil kahit na magpaiwan sila ay mauuna pa rin akong umuwi, magkamatayan na.
Malalim na ang gabi ngunit ang kwentuhan ay nauwi na sa sayawan sa budots na tugtog at trip ngayon ni Ramiel.
Hinawi ko ang aking buhok nang mapadpad sa aking mukha ang ilang hibla matapos umihip ang hangin. Sa init ng pakiramdam ko dahil sa alak ay parang gusto ko nalang tumalon ngayon sa malawak na swimming pool.
Napangiti ako ng magsasasayaw na ang ilan pero nang tumayo ang huling nasa tabi kong si Rigel para samahan ang mga lalaki ay doon na ako naalarma. He can't just leave me here with Jaycint pero ayaw ko rin namang makisayaw sa kanila!
"Sayaw tayo, Ate Val?"
Lumihis ang tingin ko kay Jaycint na umiinom pa rin habang hawak ang kanyang telepono.
"Hindi na. Dito na lang ako. Uuwi na rin naman kami maya maya." Sabi ko nalang.
Umayos ako ng upo ng iwan na kami ni Rigel. Tinapik niya ang pinsan pero umiling lang ito at ngumiti sa kanya pagkatapos ay ibinalik na rin ang atensiyon sa hawak.
Sinubukan kong tumikhim nang mapag-isa na kami pero hindi siya natinag.
"Hindi mo na talaga ako kakausapin?" Bulalas ko pagkatapos ay uminom ulit para kumuha ng panibagong lakas ng loob.
Sa paglayo ng tingin niya sa telepono at paglipat nito sa aking mga mata ay naramdaman ko ulit ang pagtatakbuhan ng kung ano sa aking dibdib.
"Wala naman tayong dapat pag-usapan, 'di ba?"
"Jaycint, I'm sorry if I offended you. Nagsasabi lang naman ako ng totoo na wala 'yon, 'di ba? Hindi ba dapat maging masaya ka kasi ayaw ko nang pag-usapan ang nangyari? That's how men should deal with one night stand, they move forward and just forget about it."
Sa pag-ayos niya ng upo at paglapag ng telepono sa lamesa ay doon ko na naisip na sumobra na naman ang lakas ng loob ko't mga salita!
He leans forward, inilagay niya ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang hita at ipinagsalikop ang mga palad sa harap ng kanyang bibig.
"Do you really think that I want to talk about it, huh? Do you think that I want to fuck my cousin's best friend and just forget about it? Hindi lahat ng lalaki gaya ng akala mo, Valerie. Hindi lahat." Madiin niyang sambit na nagpatuyo sa aking lalamunan.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 5
CHAPTER FIVE
Malaki Ako, Malaki ’To
Napakurap-kurap ako matapos manatili sa aking tenga ang kanyang mga sinabi. Binuwal niya ang kanyang mga kamay sa kanyang harapan.
“Jaycint-”
Natigil ako sa pagsasalita nang tumayo siya at kinuha ang telepono sa lamesa at ang alak. Pinilit kong lumunok kahit na wala na akong maramdamang bara sa aking lalamunan. His eyes were laced with anger and disappointment. Ramdam kong nahihimasmasan ako habang pinagmamasdan ang mga iyon.
Para akong hinila ng aking konsensiya patayo sa aking kinauupuan para pantayan siya ngunit bago pa ako muling makapagrason ay nagsalita na siya ulit.
“Wala na tayong dapat pang pag-usapan. Mukhang sanay ka na rin naman sa one night stand at sa mga lalaking hindi na gusto pang pag-usapan ang ganito kaya hindi na big deal sa’yo. You’re right, hindi ko dapat ungkatin lahat, now if you’ll excuse me.” Mapait niyang sambit at agad akong tinalikuran gaya ng paulit-ulit na niyang ginawa sa buong araw na ito.
Pakiramdam ko’y unti-unti akong kinakain ng lupa dahil sa bigat ng mga sinabi niya. He is mad. Iyon ang malinaw ngayon at malinaw ring para akong sinampal ng paulit-ulit dahil sa mga salita niya.
How did things escalated so quickly? Bigo akong napabalik sa aking kinauupuan nang mawala na si Jaycint sa paningin ko. I can’t believe that I didn’t react on that! Kung siguro’y iba ang sitwasyon ay baka nasaktan ko na siya pero hindi ko nagawa.
Para akong nababaliw na natatawa para sa sarili ko. Seriously? I let someone’s judgement slips like that? Alam kong ininsulto niya ako at masyadong mababa ang pagtingin niya sa akin ngayon pero wala akong ginawa! Si Valerie Cross walang ginawa?! Am I drunk again? Lasing na naman ba ako at bakit hindi ko na naman kontrolado ang sarili ko?
Pagod kong inangat ang beer na hawak pero wala na iyong laman. Napasinghap ako sa muling pag-uulit ng boses niyang iyon sa aking utak.
Pakiramdam ko ay ipinalasap niya sa akin ang sarili kong pagtingin sa nangyari. I just can’t believe it!
Wow… Hindi ko siya nasapak sa pang mamaliit niya sa akin? What the fuck is wrong with me then?!
“Val!” Napapitlag ako ng makita ang nakangising mukha ni Ramiel habang palapit sa akin.
Tumuwid ako ng upo ng makita ang babaeng kasama niya. This is not the girl that I know he’s with. I’ve seen the girl so many times, sa mga posts ni Skyrene at sa mismong website ng charity dahil active volunteer iyon pero ang babaeng ngayon ay tipid ang kilos at nahihiyang lumapit sa aking gawi ay ibang babae at ngayon ko lang ito nakita.
Tumayo na ako ng makalapit sila sa akin.
“Bago?” Hindi ko na napigilang sabihin.
Dumiin ang titig sa akin ng kapatid ni Skyrene kasabay ng paghawak niya sa kamay ng babae at paghigit patungo sa kanyang tabi.
“Si Ryleigh,” Nakangiti niyang binalingan ang babaeng matamis akong nginitian.
Kumunot ang noo ko nang imbes na sabihin ni Ramiel ang pangalan ko pabalik rito ay muli niya akong binalingan.
“Magpapaalam na sana ako ngayon. Ihahatid ko kasi si Ry kaya hindi na ako makakasama bukas sa paghatid sainyo.”
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
“Bago?” Muli kong sambit na inilingan ni Ramiel at pagkatapos ay binitiwan muna ang babae para bigyan ako ng yakap na hudyat ng kanyang pamamaalam.
“We’ll get going Ate, Val.” Aniya nang lumayo sa akin. “Bibisita ako sa Manila. Mag-iingat kayo bukas.” Pormal niyang sabi at hindi na ako binigyan ng pagkakataong magsalita.
Kinuha niya ulit ang kamay ni Ryleigh at iginiya paalis sa aking harapan. Nilingon ako ng babae at nginitian bago kawayan. Dahil sa pagka-weirdo ko sa lahat ng mga nangyayari maging sa sarili ko ay kumaway nalang rin ako para itodo ang lahat ngayong araw.
Ilang minuto lang nang mawala sila ay binalikan na ako ni Rigel. Ang mga lalaki ay nagsawa na rin sa kasasayaw kaya nagyaya na akong umuwi.
Habang nag-aayos ay muli kong naalala si Jaycint. Ilang beses akong napalingon sa pinasukan nito kanina pero tahimik na ang buong bahay at kami nalang ang maingay. Pinatay ni Charles ang tugtog at saka inalalayan ang iba.
“Hindi na ako makakasama sa paghatid bukas Ate Val, ha? May kailangan kasi akong puntahan bukas e.” Si Rigel habang tinutulungan ang kasambahay na ligpitin ang mga bote ng alak.
Tumango ako.
“Okay lang. May maghahatid ba sa amin bukas?”
Tinulungan ko nalang rin siya dahil baka kapag pinanuod ko siya ay may lumabas sa bibig kong hindi pwede.
“Oo. Ako na ang bahalang kumausap sa driver bukas.”
Napalunok ako’t muling napatitig sa pintuan papasok ng mansion. So ibig sabihin kapag hindi na magpakita ngayon si Jaycint para magpaalam man lang sa mga lalaki ay hindi ko na siya makikita at ang pangmamaliit niya sa akin ang huling magiging usapan namin?
Napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang mahinang pagtawa ni Rigel.
“Hindi na lalabas ’yon. Baka tulog na.”
Mabilis kong ipinilig ang aking ulo kasabay ng tipid at kabadong pagkawala ng tawa sa aking bibig.
“Hindi ko naman hinahanap.” Kinuha ko ang boteng hawak ko at pagkatapos ay ibinigay sa kasambahay.
Tumawa si Rigel na parang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko kaya inirapan ko na siya.
“Utak mo ha!”
“Wala naman akong sinasabi, Ate Val. Ikaw ’tong guilty diyan e!” Depensa niyang muling nagpaikot ng mga mata ko.
Imbes na makipagtalo sa kanya ay inabala ko nalang ang sarili ko sa pagliligpit kahit na ilang beses na akong pinigilan ng mga babaeng nakasuot ng uniporme.
“Gusto mo bang sabihin ko bukas na siya nalang ang driver niyo?” Nang-aasar niyang sabi.
Marahas akong napabalik ng tingin sa kanya.
“Anong pinagsasasabi mo, Rigel? Baliw ka?”
“Sus! Alam ko…” Makahulugan niyang pambibitin na nagpaawang sa aking bibig!
What?! Narinig ko kaagad ang pagsusumigaw ng aking utak! Alam niya ang nangyari kagabi?! Katabi ba ng kwarto niya ang kwarto ni Jaycint?! Narinig niya kami? Alam niya?!
Humalakhak si Rigel ng makita ang pagkawala ng kulay sa aking mukha at ang kabang bumalot sa aking pagkatao.
Iniwan na niya ang trabaho sa mga kasambahay at agad akong nilapitan para tapikin sa balikat.
“Okay lang ’yon, Ate Val. Malalaki na naman kayo tsaka may sarili naman na kayong pag-iisip-”
Naaalarma akong lumayo sa kanya.
“A-Alam mo?”
Marahan siyang tumango at ngumisi.
“Yep!”
Nasapo ko ang aking noo dahil sa napagtanto! Ang akala kong masalimuot na nagawa ko sa tanang buhay ko ay may ilalala pa pala!
Nagmamadali kong hinigit si Rigel palayo sa mga nakararami.
“Rigel, please don’t tell them about what you know, okay?! Hindi mo pwedeng sabihin sa lahat at hindi sa kahit kanino!” Pinisil ko ang kamay niya. “Simula ngayon ibabaon mo na ’yon sa utak mo at hindi na huhukayin hanggang sa huling hininga mo sa mundong ito maliwanag ba?!”
Kumunot ang kanyang noo at lito akong tinignan, hindi siguro naintindihan ang ibig kong sabihin.
“Rigel, please? Huwag mo nang uungkatin ’yon lalong lalo na sa Ate mo, okay? Kakalimutan na natin ang lahat!” Hiningal ako sa mabilis kong pagsasalita pero ang kanyang ekspresyon ay lalong nagkabuhol-buhol.
“But why? It’s just normal, I think… It happens.”
Ang mga kilay ko naman ang nagsalubong! Really? Tinatanong niya pa ngayon kung bakit hindi pwede? Kahit kailan ay hindi maganda ang maging kiss and tell! Oo nga at hindi naman siya ang gumawa pero mali pa rin! Tsismis iyon at paninirang puri! Having sex with someone shouldn’t be broadcast pwera nalang kung si Brad Pitt ang naka-sex ko or si Channing Tatum!
Muli ko siyang hinila sa kabilang banda.
“Because,” Mariin kong sagot. “Pwede kitang ipakulong! Nakukulong na ang mga tsismosa’t tsismoso ngayon!”
Natatawa niyang hinawi ang kamay ko.
“You’re overreacting, Ate Val! Ano namang masama kung sabihin ko sa kanila na gwapong gwapo ka kay Kuya Jaycint? Wala namang masama do’n! Isa pa, crush is paghanga sometimes nawawala!”
Para akong nabingi sa sinabi niya’t mabilis na natauhan. Lutang akong napakurap-kurap lalo na ng ngisihan niya akong parang inaasar na ngayon sa pinsan at malayong malayo sa akala kong alam niya.
Wait…
“W-What did you just say?” Lito ko nang tanong.
Tinapik niya ulit ang aking balikat.
“Okay lang ’yon! Natatawa nalang ako sa inyong dalawa kagabi. Ang cute niyo. Ang sarap pagtitirisin!”
Akmang tatalikod na siya pero maagap kong nahawakang muli ang kanyang kamay.
“Rigel… Anong sabi mo? Iyon ang alam mo?” Paniniguro ko.
He nodded.
“Natamaan ka nga kagabi at hindi mo na naalalang inamin mo mismo sa harapan ni Kuya Jace na ang gwapo niya. Hindi… Sobrang gwapo na parang ang sarap sarap halikan.”
Natutop ko ang aking bibig sa narinig. Tumawa si Rigel at umiling iling.
“Ako lang naman ang nakarinig at oo na. Hindi ko naman ipagkakalat. Ayaw ko ngang makulong!”
Ramdam ko ang muling pagdaloy ng walang hanggang kahihiyan sa aking buong sistema dahil sa nalaman.
Bakit hindi ko na ’yon maalala?! Bakit sa lahat ay puro actions lang ang naaalala ko at hindi ang mga sinabi kong kabaliwan bago mangyari iyon?!
Tinalikuran na ako ni Rigel.
“Your secrets are safe with me. Ako na rin ang bahala bukas sa driver niyo!” Aniya habang nagpapatuloy sa paglayo sa akin.
Hindi ko na nagawa pang kontrahin ang mga gusto niyang ipahiwatig dahil mas lalo na akong natuliro ngayon. Pakiramdam ko ay dapat hindi na talaga ako ipinanganak sa mundong ito!
Ano bang itong nagawa ko?!
Pagbalik namin sa hotel ay madilim pa at imbes na nagpapahinga na ako dahil sa pag-uwi namin pabalik sa Manila bukas ay narito pa rin ako… Gising, tuliro at patuloy na nakatitig sa kisame habang iniisip ang lahat ng nangyari noong gabing ’yon.
“Did I really say that?” Mahina kong bulong at wala sa sariling niyakap ang unan na kanina pa nakapatong sa aking tiyan. “Baka nasa tabi-tabi si Hanzo kaya ko nasabi?”
Pero mali pa rin! Sigaw ng utak ko.
“Anong magagawa ko? Isa pa, totoo rin naman na gwapo siya tsaka lasing ako. Nalasing ako… Sa kanya…”
Inis kong itinakip ang unan sa aking mukha at hindi na ’yon tinanggal. Hapon pa naman ang uwi namin kaya kahit na abutin ako ng tanghali sa kaiisip ay makakahabol pa rin naman siguro ako sa flight namin pabalik.
Nagpatuloy ang aking utak sa paninisi hanggang sa hindi ko nalang kinaya ang paglaban sa antok.
Nagising ako ng marinig ang ilang ulit na pagtunog ng aking telepono dahil sa mga tawag. Tamad ko iyong kinapa at nang makuha ay agad na sinagot.
“Hello?”
“Ano na Val? Tanghali na. Naghahanda na para sa pagkain. Gumising ka na kung gusto mo pang umuwi.” Si Kuya Billy.
Nag-inat ako ng katawan at saka dumilat.
“Saan kayo?”
“Papunta sa restaurant. Tara na hintayin ka namin.”
“Ge.”
Ibinaba ko na ang tawag at hinagis nalang kung saan ang telepono pagkatapos ay parang zombie na naglakad patungo sa banyo para maligo na’t mahimasmasan.
“This day is going to be a good day. This day is going to be a good day.” Paulit-ulit kong sambit simula nang matapos akong magbihis at mag-ayos ng aking mga gamit.
“This day is going to be a good day.” Huminga ako ng malalim nang maisara ko na ang aking maleta.
Tumayo ako at tinungo ang vanity mirror. Inayos ko ang aking buhok at pagkatapos ay naglagay ng kaunting pahid ng chapstick sa aking labi. Inangat ko ang aking kamay at tinuro ang aking sariling repleksiyon sa salamin.
“Do not think about it, Valerie. You’re going back to Manila kaya hindi mo na kailangang pang isipin ang nangyari sa inyong dalawa. Hindi mo na kailangan pang ulit-ulitin sa utak mo ang mga pagkakamali mo kung ayaw mong mabaliw, okay?”
Ngumiti ako at tumango tango.
“This day is going to be a good day.” Muli kong pag-uulit bago tuluyang lumabas ng aking kwarto at puntahan ang mga lalaki.
Ang lahat ay maayos na. Pagkatapos naming kumain ay hindi na kami umalis. Ang natitirang oras ay ginugol nalang nila sa paliligo sa pool habang ako naman ay bumalik na sa kwarto at nanuod nalang sa TV habang naghihintay ng oras.
Madali kong kinuha ang aking telepono nang mag-ring iyon. Napangiti kaagad ako ng makitang tumatawag si Skyrene.
“Hey!” Binuksan ko ang video para makita niya rin ako.
She’s blooming! Kahit na hindi pa siya nagsasalita ay alam ko nang nasa labas sila ngayon ng asawa dahil sa background nitong parang nasa isang cabana. She’s wearing a beach hat. Litaw rin ang pang itaas ng kanyang two piece na natatakpan lamang ng puti at manipis na kimono.
“Val! Ngayon na ang alis ninyo ’di ba? Thank God naabutan pa kita!”
Ngumiti ako at tumango.
“Naghihintay nalang ng oras.” I answered.
Lumawak ang aking ngiti ng lumitaw si Eros sa screen para batiin ako. Napuno ng tuwa ang aking puso ng makita ang pagyakap nito sa asawa galing sa likuran at ang pagsiksik nito sa kanyang leeg.
“How’s Palawan?” Makahulugan niyang tanong na nagpanguso sa akin.
“Ayos lang. Naglibot kami kahapon.”
“Yeah, I know.” Lumayo siya kay Skyrene pero bago umalis ay siniil niya muna ng halik ang labi nito. “May kukunin lang ako,” Paalam niya sa asawa at pagkatapos ay muli akong hinarap. “I gotta go, Val! Mag-iingat kayo pauwi.”
“Thanks, Eros! Mag-iingat rin kayo diyan.” Kumaway ako sa screen.
Tumayo si Skyrene kaya sandali siyang nawala.
Kung ibang tao lang ang kausap ko ay baka nasuka na ako ng marinig ang paghahalikan nilang dalawang sabik na sabik pa rin sa isa’t-isa but this is Skyrene… She is finally happy at wala akong ibang maramdaman kung hindi purong kasiyahan lang rin para sa kanya.
“Sorry!” Namumula ang kanyang magkabilang pisngi ng balikan ako.
“Apology accepted, Mrs. Vergara!” Umayos ako ng higa sa kama para mas maharap siya. “How’s your honeymoon, Sky? May nabuo na ba?”
Humagikhik siya at mas lalong namula ang kanyang pisngi. Kinagat niya ang kanyang pang ibabang labi.
“Siguro.”
“Good! Hindi na kaya ako makapaghintay na makita ang mga pamangkin ko galing sa inyong dalawa!”
Kumikinang ang mga mata ni Skyrene at kahit na magkalayo kami ay ramdam na ramdam ko pa rin ang kasiyahan at pagmamahal sa kanyang puso.
Nag-usap pa kami tungkol sa lugar na nalibot na nilang mag asawa. Doon naubos ang aking oras at kung hindi pa ako tinawagan ni Kuya Tanding ay baka nalibang nalang ako.
“I gotta go, Sky! Aalis na raw kami.”
Tumango tango siya.
“Sige. Tatawag ako kapag may oras ako ha?”
I smiled and nodded at her too.
“Oo naman! See you soon! Mag-iingat kayo!”
“Kayo rin!” She blows a kiss through the camera, ginawa ko rin ang kanyang ginawa pagkatapos ay tuluyan nang nagpaalam.
Hindi ko na kailangan pang magpasundo sa mga lalaki dahil inutusan na siguro nila ang isang staff ng hotel para sunduin ako’t tulungan sa aking mga gamit. Pagbaba namin ay sinalubong na nila ako.
“Wala ka ng naiwan?” Tanong ni Kuya Billy.
Tinignan ko silang lahat matapos tanguan si Kuya Billy.
“Val, hindi mo kinuha ’yung tsinelas?” Inangat ni Charles ang kanyang paa na suot ang tsinelas ng hotel.
Hindi ko naiwasang mapailing ng makitang lahat sila ay pare-parehas ng suot!
“Tsaka ’yung mga shampoo at conditioner.” Si Kuya Andoy.
Mabilis akong umiling.
“Hindi na.”
Nagkamot ng ulo si Charles.
“Sayang ’yon! Libre daw ’yun, e. Dapat kinuha mo.”
Sinamaan ko siya ng tingin.
“Hindi ko kailangan no’n Charles! Isa pa, ang lakas ng loob mong kumuha ng mga toiletries eh hindi ka naman naliligo! Sayang lang!”
Naghalakhakan ang lahat. Si Charles naman ay nginusuan ako. Inismiran ko siya pabalik.
“Oh tara na, tara na! Naghihintay na ’yung driver tsaka si Jaycint!”
Naudlot ang ambang paghakbang ko dahil sa narinig!
“Oo nga pala! Tara na!” Inakbayan ako ni Kuya Billy kaya wala akong nagawa kung hindi ang magpatianod sa kanya.
“N-Nandiyan si Jaycint?” Kinakabahan kong tanong.
“Oo. Sumama e. May pupuntahan rin kasi kaya sumabay nalang daw.” Sagot niya.
Nanahimik nalang ako. Inulit ko nalang sa aking utak ang mga paulit-ulit kong salita kanina matapos akong maligo.
He is seated beside his driver. Kaming lahat ay nasa likuran at simula ng makasakay kami sa sasakyan at makipagbatian siya sa mga lalaki ay wala nang lumabas sa kanyang labi. Ni hindi niya rin ako tinapunan ni isang tingin.
Okay, sa pagkakaalam ko ay siya ang may atraso sa akin, ah?! Hindi ba minaliit niya ako kagabi at sinabihan na sanay sa one night stand?!
Habang paliko ang sasakyan sa departure area ay namumuo na ang galit sa puso ko.
No. This day is far from becoming a good day because of him! Ngayong nahimasmasan na ako kahit paano ay hindi ko mapapalampas ang mga sinabi niya sa akin kagabi. Tutal ito naman na ang huli naming pagkikita ay wala na akong pakialam kung ano pa ang sasabihin niya sa akin.
Ako ang naunang bumaba sa lahat pero sila ang naunang naglakad patungo sa loob ng airport. Iwas ang mga tingin sa akin ni Jaycint habang nagpapaalam sa mga kalalakihan. Hindi niya pa rin ako pinansin.
Inis kong naikumo ang aking mga kamao, hindi dahil sa hindi niya pagpansin sa akin kung hindi dahil sa mga sinabi niya kagabi!
Huminga ako ng malalim ng maramdaman ang pagtalikod niya kasabay ng pagpasok ng lahat sa loob ngunit imbes na sumunod ako sa kanila ay mabilis kong pinihit ang aking mga paa para komprontahin ang lalaking iyon!
“Hoy!” Inis kong hiyaw.
Mabuti nalang at nakapasok na ang mga lalaki at ang driver naman nito ay nauuna rin sa kanyang maglakad kaya kami nalang ngayon ang magtutuos!
Napahinto ako sa pagsunod sa kanya ng tamad siyang pumihit paharap sa akin. Tumaas ang kanyang isang kilay ng magsalubong ang aming mga mata. Buong tapang akong lumapit sa kanya kahit na nagwawala na ang puso ko sa loob ng aking dibdib!
Sa sobrang inis ko dahil sa mga sinabi niya kagabi ay hindi ko na napigilan ang sarili kong sapakin ang kanyang dibdib pero hindi man lang siya natinag!
Ambang bubukas na ang kanyang bibig pero inunahan ko siyang magsalita.
“Hindi ko ugaling makipag-sex sa iba’t-ibang lalaki! Hindi ko ugaling magpagalaw sa kahit na sino kahit lasing ako kaya wala kang karapatang maliitin ako porket malaki ka!” Gigil kong hiyaw sa mukha niyang wala nang makakatalo sa sungit pagkatapos ay nagmamadaling tumalikod para itigil na ang lahat ng kabaliwang ito!
Hindi man ako kumbinsido sa mga sinabi ko dahil pakiramdam ko ay kulang pero ayaw ko nang pahabain pa ang usapan namin.
Binilisan ko ang aking mga hakbang pero bago pa ako makalapit sa bukana ng departure area ay narinig ko na ang malakas na pagsigaw ni Jaycint na agad kumuha sa atensiyon ng lahat nang mga taong naroon.
“Alam kong malaki ako, Valerie! Malaki ’to! Que loca!” Aniyang ikinaupos ng lahat ng katatagang naipon ko sa tanang buhay ko!
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 6
THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. HEAD OVER TO THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.
SEE YOU!
# JAAD 1
Jaycint's full POV Part 1-5 is only available on Patreon/VIP
and paperback. It WILL NEVER be posted here unless it will be under paid story. Click the link on my bio for patreon related questions/tutorial or message me for direct VIP pledge.
Again, thank you all so much to
everyone
who expressed their love and
support
for this story. You guys are the best! See you on the next installment of this series! :)
# EPILOGUE
Epilogue
Sana Bukas
This chapter
and
Jaycint
's full POV (1-5) is only available on Patreon (
TIER 3
) and physical book (now available on shopee/lazada and precious pages corp.) This chapter WILL NEVER be posted here unless it will be under paid story. Click the link on my bio for patreon related questions/tutorial or message me for direct VIP pledge.
Again, thank you all so much to
everyone
who expressed their love and
support
for this story. You guys are the best! See you on the next installment of this series! :)
# NOTES
Thank you all so much for your endless support and for making VaJay possible! Alam niyo namang wala talaga sila sa plano but here we are! Nakatapos na naman tayo at sobrang nakaka-proud kayo dahil hindi kayo bumitiw at yung iba ay sinundan pa sila hanggang sa booklat. I hope you enjoy reading their story as much as I enjoyed writing it.
To God Be The Glory! 🙏🏼
💞
"There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love."
~ 1 John 4:18
# SANA BUKAS LIMITED SIGNED COPIES!

Limited signed copies with dedication is now posted and available on our shopee account. Just search Cordova & Co. to get your copy. 💚
BLURB
Sa lahat ng bagay sa mundo, isa lang ang mahalaga sa akin-pera. Because money makes the world go round, 'di ba? Kailangan kong kumita ng pera-maraming-maraming pera. I need to focus on my job and I need to set my priorities wisely.
And falling in love is not a part of my plan. Never.
Again. Loving someone just complicates everything.
Kaya nang dumating si Jaycint sa buhay ko, alam kong dadaan lang siya sandali at aalis din. Yes, we're sexually compatible, but despite the good and intense sex that we share, hindi siya mananatiling sa akin at hindi siya dapat
manatili.
Because I'm a woman who has nothing to offer him but my body. Kagaya kung paano ko rin ito inialok noon para lang makaahon sa kahirapan.
And even though he keeps on letting me see the light, I still can't give him my heart. Matagal ko nang naiwala iyon sa kadiliman at hindi ko na mahahanap pang muli.

