loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Sana Dati • BxB

Sana Dati • BxB

sojuniverse · 8 chapters · 7,569 words

Sana Dati

Disclaimer

This book is a purely work of fiction. Therefore names, events, characters and place that has been stated in this story is all just products of author’s imagination or in fictitious manners. Any resemblance to the actual person, places nor events are just a purely coincidental.

All rights reserved ©2024_sojuniverse

Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Do not make soft copies!

Do not plagiarize!

Warning:

This story may contain explicit scenes, vulgar words, trigger warning that is not suitable for young readers. Read at your own risk. You all have been warned by the author.

Again, widen your reading comprehension because narrow-minded isn’t welcome to read this book.

Note:

Don’t mention any characters here from the other book or from the other author. Do respect me and my story. Thank you!

Important note:

If you don’t enjoy reading stories with a boy’s love theme, you should quit reading this story right away and choose something else.

Prologo

Ikaw. Oh, ikaw.

Nasa iyo ang buong pagmamahal ko.

Pipiliin kita palagi.

Gusto kong gugulin ang natitirang bahagi ng aking buhay na ikaw lamang.

Ngunit, aking sinta, paano naman ang salitang “tayo” kung wala ka na?

Unang kabanata

“Matagal na kitang nililigawan, kailan mo ba ako balak sagutin, Cali?”

Tanong ng gwapong manliligaw ni Cali. Kanina pa kinukulit ng binata si Cali, pero si Cali ay para lang siyang bingi habang kumakain ng pagkain niya.

“Magtiis ka,” pabiro na sagot ni Cali. Dapat lang na magtiis siya ’no, hindi ako basta-basta, ani Cali sa isip niya.

Sa ilang buwan na panliligaw ni Cris kay Cali ay tinuring niya itong isang prinsesa kahit na pareho silang prinsipe. Naging mabuti si Cris sa panliligaw niya kay Cali, hatid-sundo sa school, sabay silang kumakain ng lunch sa cafeteria at lahat-lahat nang mga ginagawa ng mga magkasintahan. Pakiramdam ni Cali ay dinaig pa niya ang babae sa mga pinapakita at ginagawa ni Cris para sa kaniya.

“Cali naman eh, ’yan lagi mo sinasabi sa ’kin ’pag napag-uusapan natin ang panliligaw ko sa ’yo. Matagal naman na kitang nililigawan tsaka suportado naman tayo ng parents at mga kaibigan natin. Ilang araw at buwan pa ako magtitiis mapasagot lang kita,” salaysay ni Cris at ngumuso pa siya sa nililigawan niya. Alam ni Cris na weakness ni Cali ’pag ngumunguso siya, alam na alam niya na kinikilig si Cali sa mga sandaling ito.

Putek na nguso ’yan, Cris! Alam na alam mo talaga ang kahinaan ko!

Kung tutuusin ay matagal na nanliligaw si Cris kay Cali, pero sadyang nagpapakipot lang itong si Cali dahil gusto pa niya talaga na mas makilala ang magiging kasintahan niya. Alam pareho ng mga magulang nila kung ano ang relasyon ng dalawa, pati na rin ang mga kaibigan nila. Suportado sila ng mga taong mga mahal nila sa buhay, as long as masaya sila sa isa’t isa-’yon naman ang mahalaga ’pag nasa isang relasyon ka; ang maging masaya.

Palaging iniisip ni Cali na bakit natitiis siyang ligawan ni Cris, marami namang bading diyan na mas better sa kaniya. Mayaman, matalino, may itsura… pero ang napili ni Cris ay si Cali na simple lang ang buhay at simpleng tao rin. Haba talaga ng hair ko.

“Oo na, Cris.”

Habang kumakain si Cris ay bigla na lang niyang nalunok ang kinakain dahilan para mabulunan siya, dali-dali niyang nilagok ang coke sa baso niya. Mahinang natawa si Cali, tinawanan lang niya ang manliligaw niya. Nang mahimasmasan ay nagbitaw ang binata ng tanong.

“A-Anong sinabi m-mo?” pinahiran niya ang labi niya.

“Sabi ko… oo na, tayo na. Gets?” napabuntong hininga pa si Cali na animo’y naiinis.

Agad na hinawakan ni Cris ang kamay ni Cali. “T-talaga? S-Sure na ba ’yan? ’Di ka n-nagbibiro?”

Kitang-kita ang galak sa mukha ni Cris dahil sa wakas ay boyfriend na niya si Cali. Nagbunga na rin ang ilang buwan niyang pinaghirapan. Hindi mapagsidlan ang kaligayahan niya sa mga sandaling ito; iniisip na ni Cris kung saan sila unang magdi-date bilang magboyfriend.

“Bakit, ayaw mo?” napa-smirk pa si Cali.

Ngumiti si Cris na para bang may binabalak na masama.

“Thank you, Cali. Mahal na mahal kita. Ipinapangako ko sa ’yo na aalagaan kita at hinding-hindi kita sasaktan at paluluhain. I’ll be the best boyfriend for you,” sabi niya at agad na tumabi si Cris kay Cali at niyakap niya ang kasintahan niya nang sobrang higpit.

“Mahal na mahal di-”

Napalundag sa higaan si Cali nang marinig niya ang ringtone ng alarm clock niya.

“Umaga na pala. Anak ng patola talaga oh! Panira ng panaginip ’tong alarm clock ko! Sinagot ko na si Cris sa panaginip ko eh,” aniya nang magising ang diwa niya dahil sa ringtone ng alarm clock niya. Napahilamos na lang siya ng mukha gamit ang palad niya.

Napaisip siya bigla na parang totoo ’yong panaginip niya ngayon. Weird.

Kinuha na niya ang alarm clock. “Walang hiya kang alarm clock ka!” pinatay na niya ang alarm clock.

Lagi na niyang napapanaginipan ang tao na ’yon, hindi niya rin alam kung bakit dahil matagal na panahon na niyang hindi ito nakikita. Kinalimutan na niya ang tao na ’yon pero may parte pa rin sa kaniya na nami-miss siya.

“Anyway, matutulog nalang ulit ako, maaga pa naman eh,” ani Cali, humiga ulit siya sa malambot niyang kama, “kumusta na kaya sina Mama at Papa sa Pilipinas, sana nasa maayos na kalagayan lang sila,” sabi niya, dahil sa trabaho niya ay kailangan niyang mawalay sa Mama at Papa niya. Kahit ayaw niyang lumayo ay tinuloy pa rin niya ang plano niya.

Pipikit na sana siya nang biglang tumunog ang sa side table and cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone niya at dali-dali na sinagot ang tawag.

“Hello?”

“Hello mo mukha mo! Hoy bakla! Asan ka na ba? Baka nakakalimutan mo may meeting tayo ngayon with Mr. Chancellor! Malapit na magsimula ang meeting bakla! Kaya bilisan mo na diyan at pumarito ka na!” Pasigaw na tugon ng kausap niya sa kabilang linya, buti na lang at nailayo niya kaagad sa tainga ang cellphone.

Ni-loudspeaker niya ang tawag. “Huh? Anong meeting? Ang aga-aga may meeting?”

Rinig na rinig sa kabilang linya ang buntong hininga. “Hay naku talaga. Kdrama pa more. Ayan tuloy nagiging makakalimutin ka na. Siguro puyat ka ’no?”

“Uy, grabe ka naman. ’Wag mo naman idamay kdrama, wala naman silang ginawang masama sa ’yo ah.”

“Whatever. Tignan mo na lang ang calendar mo baka may maalala ka. Ok? Bye. Labyu,” pinatay na ng nasa kabilang linya ang tawag.

Sinunod ni Cali ang sinabi ng kausap niya sa telepono, bumangon na siya at hinarap ang calendar na katabi ng bookshelf dito sa apartment niya.

March 15, 2023

Meeting with Mr. Chancellor @ 8:00 AM :)

“Shit! May meeting pala talaga kami kasama si Mr. Chancellor! Ano pang silbi nang paglagay ko ng reminder sa calendar ko. Aish!” Usal niya kaya tinignan niya ang wall clock. Malapit na mag alas otso ng umaga, may thirty minutes pa siya para makapaghanda pero ’pag naligo pa siya ay mali-late na siya. Inalis na lang niya sa isip ang pagligo, dali-dali na siyang nagsuot ng formal attire kahit wala nang ligo mabango naman na siya palagi.

Kumuha na lang siya ng dalawang piraso ng sliced bread sa fridge at kinain ito. Nagsuot na siya ng medyas pagkatapos ay sapatos. Nanalamin muna siya, nang masiguro niyang presentable na ang itsura ay mabilis na siyang umalis ng apartment para magtungo sa bus stop.

Sa kabutihang palad, nakasakay agad si bakla dahil naabutan niyang nakahinto ang bus para pasakayin ang ibang pasahero sa bus stop.

Mabilis na nakarating sa paroroonan ang sinasakyang bus ni Cali. Pagbaba niya sa bus ay hindi na siya nag-atubiling pumasok sa gate ng university, patakbo niyang tinahak ang hallway papunta sa meeting hall. Kabisado naman na niya ang mga pasikot-sikot dito sa university kaya sure na sure si Cali na hindi siya mawawala.

─•❉᯽❉•─

“This meeting is adjourned,” wika ni Mr. Chancellor pagkatapos ay agad na siyang lumabas ng hall.

Ang mga tao sa loob ng meeting hall ay inayos na ang mga gamit nila pati na rin si Cali. Napahinga na siya ng maluwag dahil tapos na ang meeting. Nang matapos niyang isilid sa bag lahat ng gamit niya ay nagsalita ang kaibigan niya.

“Buti na lang talaga at mas nauna ka pang nakarating kaysa ni Mr. Chancellor at kung nagkataon na siya ang nauna sa ’yo, naku… ewan ko na lang sa ’yo,” ani ng kaibigan ni Cali. Napabuntong hininga pa ito at pinagkrus ang braso.

Strikto at masyadong perfectionist ang chancellor sa university na ’to. Kaya naman gano’n nalang ang kaba niya pagdating niya rito sa meeting hall kanina. Alas otso trenta na dumating dito ang chancellor, late na sya ng thirty minutes. Siya na ang strikto at perfectionist.

“Kaya nga eh, buti na lang talaga. Pero hayaan mo na ’yon ang mahalaga ay makakapagturo na ulit tayo sa pasukan. Tsaka, thank you talaga at tinawagan mo ako kaninang umaga at dahil do’n na remind ako. Kaya… punta tayo mamaya sa Insadong, my treat,” punong-puno pa nang excitement si Cali.

“Sorry baks, pero may date rin kasi ako mamaya. Insadong rin ang punta namin, sama ka na lang sa ’min,” isa rin na malaking ngiti ang sumilay sa mukha ng kaibigan niya. Kilig na kilig siya dahil paborito kasi nilang pareho ng boyfriend nito ang Insadong na pasyalan.

Siya na may date. Siya na may boyfriend, maghihiwalay rin naman ang mga ’yan.

Si Joon ay kapitbahay ni Cali, naging magkaibigan sila no’ng nag-apply silang pareho sa university na ’to. Nagkakasundo silang pareho sa lahat ng bagay, especially pagdating sa lalaki. Mabait na tao, humble at masayahin si Joon kaya nagclick agad ang attitude ng dalawa.

Sumapit na ang gabi, excited na excited na si Cali na gumala dahil ilang weeks na lang ay magiging busy ma sila sa trabaho. Sabay na pumunta sa Insadong ang dalawa, pansin na ang dami tao ngayon dahil siguro first Sunday of the month. Naabutan ng dalawang bakla ang boyfriend ni Joon na nakatayo sa isang food stall. Binati nilang pareho ang Koreano ni Joon. Sana all talaga may boyfriend eh.

Naglibot-libot na ang tatlo, enjoy na enjoy sila sa mga binebenta na mga pagkain sa gilid. Habang naglilibot ang tatlo, ’di namalayan ni Cali na wala na ang magjowa sa tabi niya. Napailing na lang siya nang mapansin niyang wala na pala siyang kasama. Sanay naman na siya na bigla-bigla na lang mawawala ang dalawa.

Sa kadahilanang siya na lang mag-isa napagtanto ni Cali na pumunta sa isang souvenir shop. Pagpasok niya sa shop ay bumungad sa kaniya ang iba’t ibang klase ng souvenir items na pwedeng bilhin. Pumunta siya sa isang estante na puro mga keychain ang naka display.

“Ano kaya magandang design na pwedeng bilhin?” tanong niya sa sarili niya. Iniisip niya kung anong magandang bilhin na souvenir na ipapadala niya sa mga magulang niya sa Pilipinas. Matagal na siyang hindi nakakauwi sa Pilipinas kaya gano’n na lang ang pagka-miss niya sa mga ito.

“For sure matutuwa sina Mama at Papa ’pag ang regalo ko sa kanila ay apo,” aniya dahilan para mapatawa siya sa biro niya. Ngayon ay pinagtitinginan siya ng mga tao sa loob ng shop. Nagpeace sign siya, “sorry.” Napagkamalan pa siyang baliw dahil bigla na lang siya tumawa mag-isa.

Ikalawang kabanata

Alam ni Cris na kanina pa siya hinihintay ng mga kaibigan niya, alam niya rin na atat na rin na gumala  ang mga kaibigan niya kasi medyo matagal na rin kasi no’ng nagpunta sila sa Insadong.

Magandang pasyalan ang Insadong kapag gabi kasi maraming tao na dumadagsa rito, may mga locals at foreigners. Kailangan mo rin ng sandamakmak na pera kasi maraming pwedeng bilhing Korean crafts, gifts at souvenirs. Kung mahilig ka namang kumain, maraming pwedeng kainan sa lugar at marami rin ang pwedeng pasyalan lalong-lalo na mga historical attractions na makikita mo sa mga korean drama.

Hingal na hingal si Cris nang makarating siya kung saan nakatayo ang mga kaibigan niya para hintayin siya. “G-guys, I’m sorry I’m late, an e-emergency suddenly c-came up,” sabi niya sa mga kaibigan niyang Korean kahit na hinihingal pa rin.

Inakbayan kaagad siya ni Sooman, “It’s ok bruh. What’s important is we’ll be having fun tonight, and look around your surroundings there’s a lot of beautiful girls,” isang masamang tingin agad ang tinapon niya sa kaibigan niyang Koreano.

“Yah! I thought we came here at Insadong to eat streetfoods, you said earlier you’ve been craving streetfoods, Ahn Sooman!” Masama pa rin ang tingin niya kay Sooman, napatingin siya bigla sa isa pa niyang kaibigang Koreano na si Lee Teukmol.

“He’s just kidding, man. Let’s go, before it get’s more crowded,” ani Teukmol. Excited na rin kasing kumain itong si Teukmol lalong-lalo na si Sooman. Ganito ang bonding nila ’pag Sunday, gumagala sa kung saan-saan, sightseeing ng mga magagandang babae, minsan nga ay napapaaway ’tong mga kaibigan ni Cris dahil sa pagiging manyakol ng mga ito.

Sa kadahilanang may suki na tindahan ng streetfoods ang tatlo ay nakaka-discount pa ang mga kumag. Busog na busog ang tatlo sa mga kinain nila, naisipan ni Sooman na manood ng mga taong nagpo-perform. Hinding-hindi mawawala na may mga nagpo-perform ng mga kanta ng KPOP groups sa lugar, halos gabi-gabi pa nga eh. May ilan rin na kumakanta kasama ang gitara, syempre nakikisabay rin na kumanta ang mga nanonood.

Sa totoo lang, pabalik-balik na ng Seoul si Cris. Gustong-gusto na niya talaga na magmigrate sa nasabing bansa, pero aniya, sinasanay pa niya ang sarili niya dito lalong-lalo na sa season ng bansa. Hindi kagaya sa Pilipinas na dalawa lang ang season, dito sa Korea ay apat: spring, summer, autumn at winter. Hirap siyang mag-adjust noong una, pero ngayon medyo nakakasabay rin naman siya.

Nakakatawa lang isipin na instead maghanap ng trabaho after college, eto siya ine-enjoy ang bawat sandali ng buhay niya. Graduate siya ng Civil Engineering sa Rainbow University, masaya siya dahil nakatapos  at may degree siya pero pakiramdam niya ay may kulang talaga sa kaniya.

Nang matapos ang performance may naisip bigla si Cris bago gumala ulit.

“Guys, I want to go to the souvenir shop, want to come with me?” tinanong niya ang dalawa niyang kaibigan, kitang-kita sa mga mukha ng dalawa niyang kaibigan ang pag-aalinlangan.

“Nah. Just go with yourself, Cris,” ani Teukmol at napakamot pa siya ng ulo niya.

“Boring, I’d rather date beautiful girls,” wika naman ng isa pa niyang kaibigan na si Sooman. Isa pa to eh, napakababaero sarap sapakin eh.

Napaka-kj talaga ng mga Koreanong ’to! “Ok then, I’ll see you around, ok?” nagpaalam na si Cris sa dalawa pagkatapos ay naghiwalay na ang landas nila.

Tinungo niya kaagad ang souvenir shop na medyo malapit sa kinaroroonan niya, nang nasa labas na siya ng shop ay may natanaw siyang pamilyar na tao, sobrang pamilyar siya sa taong ito at hinding-hindi siya pwedeng magkamali ng hinala. Kahit glass wall lang ang pagitan ng dalawa, kilalang-kilala niya kung sino ang taong ’yon.

Wala pa rin siyang pinagbago, cute pa rin siya at for sure mas matangkad pa rin ako sa kaniya. ’Di ko pa rin talaga nalilimutan ang taong minahal ko ng patago noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo. I missed you so much, Cali.

Napansin niya na may dumaang batang lalaki sa harap niya, hindi siya nag-atubili na kalabitin ang braso ng bata. Napahinto sa paglalakad ang bata at napatulala ito sa binata, inosenteng mukha ang bumungad kay Cris.

“Hey kid, uhmm… can you approach that guy?” Tinuro niya si Cali na nasa loob pa rin ng shop na busy sa pagpili ng souvenir. Sana maintindihan niya ang sinasabi ko.

“Is he your boyfriend?” Tanong ng bata kay Cris, pakiramdam niya ay lumubog ang puso niya sa tanong ng bata. Gulat na gulat siya sa tanong nito, hindi niya inakala na gano’n ang tanong ng isang inosenteng bata, sa dinami-rami ng pwedeng itanong bakit ’yon pa? Pero sa kabutihang palad ay nakakaintindi ng English ’yong bata.

“No, baby. He’s my friend, my long lost friend,” awkward na usal niya sa bata dahilan para mapakamot na lang siya sa batok niya.

“Ok,” sagot naman ng bata, hindi rin nag-atubili ang bata na pumasok sa loob ng shop.

Lumapit sa kinatatayuan ni Cali ’yong bata na inutusan ni Cris. “Ahjusshi,” napansin kaagad ni Cali na may bata na kumalabit sa baywang niya. Pagtingin niya ay nanlaki agad ang mata niya dahil sa ka-cute-an ng bata. Omg, ang cute naman ng batang ’to!

“Ne agi-ya? (Yes baby?),”   ani Cali, pagkatapos ay may tinuro ang bata, sinundan ng tingin ni Cris kung saan nakaturo ang bata. Nagkatitigan ang dalawang binata tila ba ay binabasa nilang pareho ang ekspresyon ng mga mukha nila. Sa hindi malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ni Cali, hindi niya mawari kung bakit nang makita niya ang binata sa labas ng shop.

Sa mga sandaling ito ay rinig na rinig niya ang tibok ng puso niya habang nakapako pa rin ang tingin sa isang gwapong binata na nasa labas ng shop.

Si Cris, siya lang naman ang lalaki na lagi niyang napapanaginipan. Ang lalaking nagpatibok ng puso niya, ang lalaking hindi niya malimutan sa tagal na ng panahon ang lumipas.

Mula sa lakas ng tibok ng puso ay nararamdaman niya ang pag-iinit ng buong mukha niya.

Ano ba ’tong nangyayari sa ’kin? Ba’t siya nandito? Is this destiny? Ba’t parang nasusuka ako na ewan? Ang mga tanong na nasa isip ni Cali sa mga sandaling ito.

Lahat na nangyari sa nakaraan ay unti-unting nagflashback sa isip ni Cali, mga pangyayaring binaon na niya sa limot. Tila pinagsisisihan niya ang mga ginagawa niya noon ngayong nakita niya si Cris.

Ikatlong kabanata

Isa sa mga varsity players si Cris dati sa university nila. Hindi maipagkakaila na maraming humahanga sa binata, mapababae, lalaki man ’yan o mga bakla, syempre isa na si Cali do’n. Sino ba naman ang hindi mabibihag sa alindog ni Cris; mabait, gwapo at higit sa lahat ay mukha siyang parang Korean actor.

Kahit na hinahangaan ni Cali si Cris ay hindi niya ito sinasabi sa mga kaklase niya, kasi alam niya na wala siyang pag-asa sa lalaking pinapangarap ng marami. Minsan iniisip niya na what if maging jowa niya si Cris, panigurado ay maraming babae’t bading ang magtatangka sa buhay niya.

Ang ipinagtataka ngayon ni Cali ay kahit na marami ang nagco-confess kay Cris na mga magagandang babae ay nire-reject ito ng binata. Napaka-arogante, pasalamat nga siya ay may nagkakagusto sa kaniya, ’yan lagi ang pumapasok sa isip ni Cali ’pag may nababalitaan siya na may nireject na naman si Cris.

Pero kahit gano’n ang ugali na pinapakita niya, crush pa rin niya ang binata. Palagi lang siyang nakasubaybay sa malayo ’pag naglalaro sila ng basketball ng mga teammates niya. Napakagwapo talaga niya kahit saang anggulo siya tignan, para siyang anghel na bumaba sa langit.

Mas maayos na siguro ’to na ganito ang sitwasyon ko. Tamang sightseeing lang. Pero sa loob ko sobra na ang kilig na aking nadarama ’pag minsan ay napaptitig siya sa ’kin.

Lunch time. Mag-isa na namang kumain si Cali sa paborito niyang pagkain sa paborito niya ring pwesto dito sa cafeteria. Habang kumakain ay hindi niya maiwasan na marinig ang usapan ng dalawang babaeng  sa likuran niya.

“Naku girl, nabalitaan mo ba? May special someone na raw si Cris eh.”

“Yes naman girl, classmate niya raw eh.”

“Naku naman, ang swerte naman ni ate girl kung sino man siya. Nakuuu! Sasabunutin ko talaga ang buhok niya ’pag nalaman ko kung sino siya.”

Nagtawanan pa ang dalawang babae.

Sanay naman na siyang makarinig ng mga chismis patungkol kay Cris. Sawang-sawa na talaga siya dahil paulit-ulit na lang at walang bago. At dahil sa narinig niya, nawalan tuloy siya ng ganang kumain hanngang sa napagtanto niya na umalis na lang sa cafeteria.

Tama ang sinabi mo, napaka-swerte no’ng babae kung sino man siya. Nabingwit niya ang lalaking pinapangarap ng mga estudyante sa university na ’to, ani Cali sa isip niya habang papalayo siya sa cafeteria.

Sawa na siyang magkagusto kay Cris, dapat na talagang kalimutan niya ang binata para sa kaniyang kapakanan. Dahil alam niya sa sarili niya na kahit ano pa ang gawin niya, hinding-hindi nito maa-appreciate ang feelings niya para kay Cris. Napagtanto na ni Cali na kalimutan na lang ang feelings niya kay Cris, buo na ang desisyon niya.

Pumasok sa loob ng shop si Cris. Nalula si Cali dahil mas lalong gumwapo ang binata, malaki na ang pinagbago ni Cris kung ikukumpara dati.

Lumapit si binata sa kinaroroonan ni Cali, napatulala lang siya habang papalapit si Cris sa kaniya. Napako na sa kinatatayuan niya si Cali, ayaw gumalaw ng mga paa niya. Putahamnida! Can someone help me from this situation?!

“Hi,” isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Cris nang makalapit siya sa binata.

“H-hi,” nauutal na usal ni Cali.

“You still remember me?” Malamang oo ang sagot! Sino ba naman ang hindi makakalimot sa college crush niya, ’di ba? Tapos alam mo pa na wala ka talagang pag-asa sa kaniya.

“Y-yeah, you are Cris. We were… ahmmm… I mean, we’re on the same school way back on college,” pinilit ni Cali na ngumiti.

“Wow, good thing kilala mo pa ako.”

“Yeah, well… sikat ka kaya dati sa school natin. Tsaka, may subject tayo dati na classmate kita eh. Do you still remember?”

“Ay, oo nga pala! Ikaw yo’ng laging nasa unahan na upuan tapos lagi kang nasa malapit sa bintana,” nagtataka si Cali ay naalala pa niya ’yon. Ibig sabihin ay napapansin siya ni Cris dati?

“Are you ok? Ba’t ang pulang-pula ang mukha mo? May lagnat ka ba?”

Agad niyang nilapat ang palad sa mukha. Putahamnida! Nag-iinit ang mukha ko.

“A-ahh… E-ehh… Hindi… A-ano… A-ayos lang ako. ’Wag mo na lang akong alalahanin.”

Honestly, ito na ang pinakamahabang conversation ng dalawa, kung tutuusin hindi talaga sila nag-uusap.

“Teka, ikaw lang ba mag-isa?” tanong ni Cris.

“Actually, may kasama ako kanina pagpunta ko rito sa Insadong, iniwan na nila ako,” napakamot ng batok ang binata, “may date kasi silang dalawa eh kaya ’yon, ikaw ba?”

“Kasama ko rin mga kaibigan ko, balak ko kasing bumili ng souvenirs eh, tsaka ’di ko inasahan na makikita kita rito.”

“Ah, gano’n ba?”

“Yeah, by the way. Since wala ka namang kasamang iba, ok lang ba kung… magkape tayo? Kung ayos lang sa ’yo.”

“Sus, ’yan lang naman pala eh, ayos lang sakin ’no?”

“Ok then, but before that, pwede mo ba akong tulungan pumili ng souvenirs?” ngumiti ulit si Cris, dahil sa ngiti ni Cris ay pakiramdam ni Cali ay nanlalambot ang tuhod niya! Shit, hindi pwede ’to, Cali!

“S-Sure, why not?” ngumiti rin naman pabalik si Cali.

“Lezgo!”

Iba-ibang souvenirs ang binili ng dalawa; may keychain, T-Shirt, braceletes at kung anu-ano pa. Makalipas ang ilang minutong paglilibot sa shop, sinama ni Cris sa coffee shop si Cali, since wala naman silang kasamang iba at wala mga kaibigan nila. Sumama na lang si Cali since kailangan niyang mag-enjoy dahil next week ay magiging busy na siya. Start na kasi next week ang pasukan dito, expected na busy talaga ang mga teachers.

Parang kailan lang ay pinangarap ni Cali na makapagtrabaho abroad at eto na siya ngayon, unti-unti nang naabot at natutupad ang mga pangarap noong kabataan niya. Kapag nagsikap ka talaga at maniniwala ka sarili mo ay maabot at maabot mo talaga ang gusto mo. 

Inilapag na ng service crew ang in-order na iced coffee, “Enjoy your coffee, Sir.”

“Kamsahamnida (Thank You),” sagot ni Cris, habang si Cali ay ngumiti lang sa service crew.

Gabi na at na dumarami ang mga tao sa coffee shop, iba-ibang nationality ang makikita mo sa loob ng shop. Nakakarelax rin ang ganda ng interior ng shop, cozy ng dating.

Nabaling ang tingin ni Cali sa kaharap niyang lalaki, nagtataka siya kung bakit.

“M-may dumi ba sa mukha ko, Cris?”

“Wala naman. Gusto ko lang pagmasdan ang makinis at napaka-inosente mong mukha,” hindi makapaniwala si Cali sa narinig niya kay Cris. Is he flirting with me? O assuming lang ako?

Hindi pinahalata ni Cali na kinikilig siya kaya sumimsim na lang siya sa iced coffee niya. “Baliw ka talaga.” Dapat Maria Clara tayo dito, ’di magpapahalata na kinikilig.

“Kumusta kana pala?” tanong ni Cris pagkatapos ay sumimsim ito ng inomin.

Kanina pa napapansin ni Cali na iba kung tumitig itong si Cris, hindi niya mawari kung ano ang dahilan niya. Nakakapagtataka lang kasi ba’t ganito ang kinikilos niya? Ano ba nakain ng taong ’to?

“A-ayos naman, ikaw?”

“Heto maayos naman. Pabalik-balik sa Seoul, kulang na lang na dito ako tumira eh.”

Arogante pa rin ang kupal. Edi ikaw na. Ikaw na mayaman. Hindi na ako magtataka kung pabalik-balik siya dito eh may kaya sa buhay ang pamilya nila. Samantalang ako, working visa muna. Makakapag-migrate rin ako rito, soon.

Patuloy ang pag-catch up nila  isa’t isa, lovelife, trabaho, naging buhay after ng graduation sa college at kung anu-ano pa.

“Ok na Cris. Tama na ansakit na ng tiyan ko sa kakatawa,” mangiyak-iyak na wika ni Cris. Inalala kasi ni Cris ’yong mga kabaduyan na nagawa niya dati.

“Ok stop na,” agad na nagpunas si Cris ng mata niyang may luha dahil sa kakatawa.

Biglang naalala ni Cali na ngayon lang niya nakitang tumawa si Cris. Iba na si Cris ngayon sa Cris dati, hinding-hindi mo talaga siya makikitang tumawa o ngumiti man lang tapos ang cold pa ng aura niya. Siguro may pinagdadaanan lang siya noon. Ngayon ay kapansin-pansin ang sigla niya.

Napatingin sa wrist watch niya si Cali. “Alas otso na pala, kailangan ko na umuwi, Cris baka ’di ko maabutan ang bus ko. Thank you nga pala sa treat,” isang matamis na ngiti ang ipinakita niya kay Cris.

“You’re welcome, hatid na kaya kita.”

“Nah, it’s ok. Ayoko na makaabala pa,” tumayo na ang binata at binitbit ang goods na binili niya kanina sa souvenir shop, “hope to see you again.”

Kapansin-pansin ang lungkot sa mga mata ni Cris at ang biglaang pagkatamlay nito ng magbitaw si Cali sa huling salita niya.

“C-Cali, can I have your number?”

“Sure thing, give me your phone at ita-type ko na lang.”

Inabot naman ng binata ang cellphone kay Cali, kinuha ito ni Cali at nilagay na sa contacts ang numero niya at pagkatapos ay binalik rin naman kaagad ni Cali ang cellphone sa may ari.

“Thanks,” ani Cris, ngayon ay napalitan ng saya ang lungkot niya dahil may numero na siya ni Cali. Tumalikod na si Cali at humakbang na ito paalis ng coffee shop.

Ngayon ay madali nang mako-contact ni Cris si Cali, iniisip na niya kaagad kung saan sila sunod pupunta para makapagcatch-up ulit sa mga bagay-bagay.

Pero ang hindi alam ni Cris ay hindi na ulit sila magkikita.

Ikaapat na kabanata

Pagkatapos ng pagkikita nina Cris at Cali sa Insadong ay naging busy na sa trabaho si Cali. Kaliwa’t kanan ang orientation para sa mga new teachers, syempre pati ’yong mga dati nang nagtuturo ay kasali rin. Halos hindi na makakain ng pananghalian si Cali dahil sa sobrang busy ng school nila. Ganito rin ang naexperience niya last year nang nagsisimula pa lang siya magturo.

Ang ikinatuwa pa ni Cali ay may bagong hire ang university at mga Pinoy pa! May kababayan na siya dito na rin sa school magtuturo. Hindi maipagkakaila na Pinoy ang ni-hire ng university para magturo ng English na subject; matinik ang mga Pinoy sa english-an, tayo pa ba?

Kahit saang lupalop ng mundo ay may makikita ka talagang Pinoy, ang saya lang sa pakiramdam na makakita ng kababayan mo sa ibang bansa.

“Class dissmissed,” usal ni Cali sa mga estudyante niya, dali-dali nang nagtayuan at lumabas na sa silid ang mga estudyante niya.

Inayos rin naman agad ni Cali ang mga gamit niya pagkatapos ay lumabas na rin ng silid para pumunta sa faculty office. Kahit pagod ay pinipilit niya ang sarili niyang magtrabaho; nagtuturo sa umaga, nagsusulat ng lesson plan sa gabi. Minsan ay hindi na rin siya natutulog kasi kailangan paghandaan ang mga powerpoint presentation na gagamitin niya sa klase. Kailangang magsumikap para sa sarili, kung hindi wala siyang kakainin. Hindi siya makakagala, hindi rin niya mabibili ang gusto niya.

Si Joon ay maayos rin naman ang trabaho niya, nag-uusap lang ang dalawa kapag lunch break o pagkatapos ng eskwela kasi minsan ay sabay silang umuuwi. Maayos ang pagtatrabaho niya, going strong pa ang relationship ng boyfriend niya na teacher din.

Nagvi-video call sila minsan ng Mama at Papa niya, kinakamusta siya kung ayos lang ba ang pagtuturo niya, tinatanong kung kumakain ba siya ng maayos. Miss na miss na ni Cali ang mga magulang niya. Nagplano na si Cali na ’pag christmas break ay ipapasyal niya ang mga magulang niya sa Seoul para kahit papaano ay maexperience ng mga magulang niya ang lamig at snow sa Korea.

At si Cris, ayon, tao pa naman. Nagti-text pa rin siya kay Cali kagaya ng:

“Good morning, don’t skip your meal.”

“Ingat ka palagi.”

“’Wag ka magpapagutom.”

“Enjoy your day!”

Dahil sa pagiging marupok ni Cali, pakiramdam niya ay unti-unti na bumalik ang feelings niya kay Cris! Iniisip niya kung bakit? Paano? Pinakitaan lang ng magandang asal ay nainlove ulit siya, ganiyan siya karupok. Kung minsan kapag hindi nakapagtext si Cris ay hindi siya mapakali, kung minsan naiirita siya.

Gustong-gusto ko na talagang makita si Cris, miss ko na ang Cris ko.

Sa video call lang sila nag-uusap pero minsan lang. Minsan sa video call lang sila nag-uusap habang nagsusulat si Cali ng lesson plan, tinititigan lang ni Cris si Cali habang nagsusulat. Gusto niya raw makita kung paano si Cali magsulat ng lesson plan. Para silang timang.

Nasa hallway na si Cali papuntang faculty office ng biglang nagring ang phone niya. Nang makita niya ang pangalan sa screen ng cellphone niya biglang kumabog ang ng malakas ang puso niya. ’Yan palagi ang reaksyon ng katawan niya ’pag tumatawag si Cris.

Cris calling …

Hindi na siya nag-alangang sagutin ang tawag.

“Hello? Cris? Oh, anong sayo?” tanong niya with Korean accent.

“Nasa faculty office ako, puntahan mo ’ko rito.”

Labis-labis ang pagtataka ni Cali kaya dali-dali  na siyang nagtungo sa faculty office, naabutan niyang nakaupo sa swivel chair niya at tinititigan ni Cris ang mga picture frames sa ibabaw ng table. May ngiti pa ang binata sa labi dahil tuwang-tuwa siya sa picture na nakikita niya.

Nanggagalaiti na sa galit ang isa pang binata, pulang-pula ang mukha niyang humahakbang papunta sa lamesa na inuukupa ni Cris.

Gusto kong manuntok ng pakialamero!

Nang malapitan na niya ang binata ay nagbitaw na siya ng tanong.

“Yah! Micheuso?! (Hey! Are you out of your mind?!” pasigaw na tanong ng binata kaya si Cris ay agad na napatingin kung sino man ang nagsalita.

Isang inosenteng mukha ang pinakita ng binata at nagbitaw rin siya ng salita na hindi inakala ni Cali. “Hindi ako baliw, I’m just… crazy for you,” kinuha pa ni Cris ang mga gamit ni Cali pagkatapos ay nilagay ito sa mesa.

“Ang corny mo! Pa’no mo nalaman na dito ako nagtuturo? Sa pagkakalaam ko teacher lang ang sinabi ko sa ’yo!” ngayon ay tumaas na ang boses ni Cali, napansin niya na pinagtitinginan na siya ng ibang teacher sa loob ng opisina, gayunpaman, wala siyang pakielam sa kanila.

“Andami mong sinasabi, nagugutom na ako. Samahan mo na lang ako sa labas. For sure gutom ka na rin kasi kung anu-ano na pinagsasabi mo eh,” tumayo na ang binata at hinablot ang kanang pulsuhan ni Cali dahilan  para kaladkarin ni Cris ang binata palabas ng faculty office. Hindi nakapagsalita si Cali dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.

Habang hawak-hawak ni Cris ang pulsuhan ni Cali, pakiramdam ni Cali ay kinu-kuryente siya ng ilang libong voltahe. Parang nag-so-slow motion ang mga tao sa paligid nila, tila sila lang dalawa ang tao sa mundong ibabaw. Gustong-gusto niya ang pakiramdam na ito, ayaw niyang matapos ang moment na ’to.

Nababaliw na ata ako o dala lang ata ’to ng galit ko kay Cris o di kaya’y dahil sa gutom, ’pag gutom kasi ako hindi ako nakakapag-isip ng maayos.

“Kumain ka na, balita ko masarap daw black noodles nila rito.” ani Cris na may halong excitement ang mata at boses. Dahil sa excitement ay agad niyang sinunggaban ang pagkain niya matapos niyang ma-mix ang sauce sa noodles.

Sa kabilang upuan naman, si Cali ay walang gana kumain. Masama ang pagkakatingin niya kay Cris na sarap na sarap sa kinakain niyang black noodles. Wala siyang balak na kainin ang black noodles kasi naiinis pa talaga siya kay Cris. Mabulunan ka sana, pakshet ka!

Napansin ni Cris na hindi kumakain si Cali kaya napatingin siya sa binata, nilunok niya muna ang kinakain bago siya nagsalita. “Ah, alam ko na. Sorry nga pala kasi pinuntahan kita sa school na walang pasabi. Nag-hire ako ng private investigator para malaman ko ang mga informations tungkol sa ’yo at don’t worry, ’di ko naman ipagkakalat ang mga infos tungkol sa ’yo,” ngumiti pa ito na animo’y normal lang sa kaniya ang ginawa niya, “kaya ayon, medyo matagal-tagal na rin kasi kitang ’di nakikita sa personal, sa text at video call lang tayo nag-uusap, kaya naisipan ko na puntahan kita sa school at i-treat ka ng lunch,” pagpapaliwanag ng binata pagkatapos nag peace sign pa siya.

“Kaya pala. Alam mo ba na pwede kitang kasuhan dahil sa ginawa mo?! Pwede mo naman siguro akong tanungin eh, ’di ba? Gamitin mo rin kaya ang utak mo minsan! Naging option mo pa talaga ang mag-hire ng private investigator! Ibang klase ka talaga!” pasigaw na wika ni Cali dahil sumabog na siya sa galit nang malaman niya kung ano ang ginawa ni Cris. Sa pangalawang pagkakataon ay pinagtitinginan silang dalawa ng mga taong kumakain sa shop.

Aish! Kung hindi lang ako gutom ngayon, sinuntok ko na sa mukha ’tong lalaking to. Pasalamat ka, Cris!

“Sorry na, Cali. Di ko na uulitin ’yon. Sorry na, mapapatawad mo pa ba ako? Tsaka, ’wag ka sumigaw, nakakahiya sa mga tao.”

“Aish! Wag mo ko kausapin nagugutom ako!” Agad nang nilantakan ni Cali pagkain niya. Napangiti na lang ang isa pang binata nang makita niyang kumakain na si Cali.

“Uy, Cali. Sorry naaa. Jebaaaaaaal (Pleaseeee). Nagawa ko lang naman ’yon kasi busy ka, tsaka ’di ko magawang isingit sa pag-uusap natin kasi puro lesson plan lang ang topic natin ’pag nagvi-video call tayo eh,” walang buhay ang pagtitig ni Cali sa binata. Galit siya sa ginawa ni Cris at hindi niya matatanggap ang sorry niya. Bahala ka sa buhay mo!

“Uyyyyy Cal,” napatingin ulit si Cali sa kausap niya, kitang-kita sa mukha niya ang pagtataka.

Halos mangiyak na ang itsura ni Cris ngayon, may luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata nito, paraan ito ni Cris para patawarin siya sa nagawa niyang mali. At isa pa, ngayon lang nakita ni Cali ang side na ’to ni Cris, hindi siya makapaniwala na nakikita niyang ganito ang isang Cris.

“Eh kung tusukin ko kaya ’yang dibdib mo ng chopsticks, kung ’di ka pa titigil diyan,” pagbabanta niya kay Cris, dahil na rin sa parang pinipiga ang puso niya, “you’re forgiven,” dagdag pa ng binata.

Biglang umaliwalas ang mukha ni Cris dahil sa narinig niya mula kay Cali. “Sure ’yan ah?” paninigurado niya, tumango-tango nalang si Cali bilang sagot.

Bumalik na sa pag kain ang dalawang binata, nakaubos ng tatlong bowl ng black noodles si Cris habang si Cali naman ay pinipilit na ubusin ang isang bowl. Napaisip bigla si Cali kung bakit anlakas kumain ng kumag tapos fit na fit pa rin? For sure always present yan sa gym. May abs ba siya? V-line? Ay putek na utak to oh!

At dahil dalawang oras lang ang break ni Cali, napag-isip-isip ng dalawa na pumunta muna sa isang park. Wala masyadong tao sa park. Nakaupo lang ang dalawa sa bench, tinatanaw ang mga taong dumadaan.

“Cali, may gusto akong sabihin sa ’yo,” dahil curious rin si Cali sa kung ano man ang tanong ni Cris ay tumingin siya rito, seryoso ang ekspresyon ni Cris habang nakatingin kay Cali.

Biglang kinabahan si Cali dahil dito. “Oh, ang seryoso mo naman masyado. Tungkol ba ’yan saan?”

“Ano kasi… Ano… Ahh..”

“Umayos ka nga! Sipain kita diyan eh!”

“A-ano… May gusto ako sa’yo… dati pa,” pagkatapos sabihin ni Cris ang mga salitang iyon ay bigla namula ang mukha niya dahil sa haba ng panahon ay nasabi na niya rin kung ano ang gusto niyang sabihin.

Si Cali naman ay halos hindi makagalaw sa kinauupuan niya sa mga sandaling ito, hindi niya alam kung paano magreact sa sinabi ni Cris. Hindi niya rin alam kung ano ang isasagot niya, biglang gumulo ang utak niya.

“J-joke ba yan, C-Cris?”

“I’m not joking, Cali. I really liked you, I really do since we were on our college years. Marami na akong naging ex dati pero, there’s a feeling inside me na hindi ko maintindihan since the day you caught my attention,” pakiramdam ni Cali nabingi siya sa mga salitang binitiwan ni Cris, “plano ko na talaga sana dati pa na mag-confess ako sa ’yo. Kaso naging selfish ako, I was thinking na ’pag nag-confess ako sa ’yo i-judge lang nila ako kasi nainlove ako sa kapwa ko lalaki. Inisip ko kaagad kung ano ang sasabihin nila sa akin—sa atin. Kaya ngayon, naglakas loob akong sabihin sa ’yo ’tong nararamdaman ko para sa ’yo. Wala na akong pakielam kung ano ang sasabihin ng iba. Cali, gusto kita—hindi… mahal na kita. “

Kitang-kita ni Cali ang sinseridad sa mga mata ni Cris, nagsasabi ang binata ng totoo. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya, gusto siya ni Cris dati pa! Ayaw niyang paniwalaan ang mga sinabi ni Cris pero may parte sa kaniya na gustong maniwala.

Baka panaginip lang lahat ng ’to, gisingin niyo nga ako.

Ikalimang kabanata

Ang taong pinapangarap niya noon ay andito sa harap niya—nagconfess pa ito sa kaniya. Tila ba umurong ang dila ni Cali sa mga narinig niya mula kay Cris. Mahal niya ako, mahal ako ni Cris.

Alam naman niya sa sarili niya mahal niya rin ang binata mula noon—hanggang ngayon. Pilit man niyang kinalimutan pero tadhana na ang nagtakda ng lahat ng ito.

“Cris, gusto rin kita dati pa. Kaso hindi na ako nag-aksaya ng panahon na magconfess sa ’yo dahil marami ang nagkakagusto sa ’yo noon, naalala ko pa na sumusulat rin ako para sa ’yo eh kahit na alam ko naman na wala talaga akong pag-asa sa ’yo. Tapos nabalitaan ko na lang na may special someone ka na, iniisip ko na kailanman ay hindi ka magkakagusto sa kagaya ko,” napayuko na lang si Cali matapos niyang sabihin ang mga salita niya.

“Oo, totoo ang sinabi mo, may special someone na ako, para hindi na ako pagkaguluhan ng mga babae. At ang special someone na ’yon ay… ikaw, Cali.”

Gulat ang nangibabaw sa pagkatao ni Cali, unti-unti niyang inangat ang ulo niya. Kitang-kita sa mukha ng binata ang pagkagulat. Sa tagal ng panahon, inakala niya na ibang tao ang special someone ni Cris. Hindi niya matanggap ang mga narinig niya, biglang lumakas ang tibok ng puso niya sa mga sandaling ito.

Ngumiti lang si Cris dahil sa reaksyon ni Cali, alam ng binata na ganito ang magiging reaksyon ni Cali ’pag nalaman niya ang totoo.

Matagal nang curious si Cris kay Cali, simula no’ng naging magkaklase sila sa isang subject. Napapansin ni Cris si Cali na palagi sa upuan na malapit sa may bintana. Isa pa sa dahilan ay naku-cute-tan siya kay Cali noon, pero tinago niya ito dahil ayaw niyang may makaalam na may gusto siyang lalaki.

Kagaya rin ni Cali, pinilit niya ang sarili na kalimutan ang binata pero hindi niya magawa dahil palagi itong naglalagay ng letter sa locker niya, napapansin niya rin si Cali na nakatingin sa kaniya sa malayo. Hanggang sa dumating ang araw na hindi na nagpapadala ng letter si Cali, nagtaka ang binata dahil do’n pero hinayaan niya na lang ito. Hanggang sa makapagtapos sila ng pag-aaral ay binaon nilang pareho sa limot ang isa’t isa.

Ngayon na nagkita ulit ang dalawa ay napagtanto ni Cris na simulan ang naudlot na storya nilang dalawa.

Hindi nagpapigil ang dalawa sa nararamdam nila, unti-unting nilapit ni Cali ang mukha niya sa binata hanggang sa maglapat ang mga labi nila, naghalikan ang dalawa ng punong-puno ng pagmamahal at sinseridad.

Tinapos nila ang paghahalikan at hinagkan ni Cris si Cali na sobrang higpit.

“Saranghae, Cali.”

(I love you, Cali)

“Nado saranghae, Cris.”

(I love you too, Cris)

“Pwede ba nating simulan ang ating kwento?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Cris sa binata.

“Oo, pwedeng-pwede pa nating simulan,” mas lalong humigpit ang yakap ni Cris kay Cali.

Damang-dama nilang pareho ang pagmamahal sa isa’t isa, pagmamahal na naging dahilan para bumalik ang dati nilang pagtitinginan.

Napakurap si Cali sa pagbabalik tanaw sa nakaraan.

“Ang saya natin dati Cris, ’no? Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ’yon,” ani Cali na may ngiti sa labi habang nakahiga sa dibdib ni Cris. Inalala nilang pareho ang mga nangyari sa nakaraan, ang nakaraang hindi nila malilimutan kailanman.

“Oo nga, sobrang saya natin dati. ’Di ko nga lubos maisip na crush mo rin pala ako. Tsaka kung ’di kita nakita do’n sa souvenir shop, naku, wala ka sanang gwapong boyfriend ngayon,” pagmamayabang ni Cris sa sarili niya.

“Sus, crush mo rin ako dati eh dahil sobrang cute ko noon.”

“Luh, parang ’di ka rin naga-gwapohan sa ’kin.”

Nagtawanan ang dalawa dahil malinaw pa rin sa isip nilang pareho ang mga nangyari noong kabataan nila. Ganito palagi ang ginagawa nila ’pag nagpapahinga sa kwarto; dinodogshow ang isa’t isa.

Sa loob ng limang taon na pagmamahalan ay naging mabuti sila para sa isa’t isa. Marami man ang problema na dumating sa relasyon nila, pinili nilang pareho na magpakatatag para mas tumibay ang relasyon. Ayaw nila pakawalan ang isa’t isa dahil minsan na silang nagkalimutan ng mga nadarama.

“Ang yabang nito. Suntukin kita diyan eh,” pagbabanta ni Cali, tinawanan lang siya ng kasintahan niya. ’Pag inaasar siya ni Cris ay tatawanan lang niya ang binata.

Nabaling ang atensyon ng dalawa sa pintuan ng kwarto dahil may kumakatok mula sa labas.

“Pasok,” ani Cali.

Iniluwa ng pintuan ang Mama ni Cali, may ngiti siya sa labi nang pumasok siya sa kwarto ng anak.

Mula sa pagkakahiga ay umupo si Cali. “Ma, kakarating niyo lang ni Papa?” tanong niya sa Mama niya.

“Oo anak, kakarating lang namin. Anak, pwede ka ba naming makausap ng Papa mo saglit?”

“Sure po, aayusin ko lang ’tong higaan ko. Pagkatapos ko neto, bababa na ako,” aniya, ngumiti lang ang Mama niya at lumabas na agad ito sa kwarto ng anak.

“Ako na maglilinis ng kwarto mo Cali,” suhestiyon ni Cris.

“Sure ka? Ayos lang ba sa ’yo?” tanong niya sa kasintahan.

“Oo naman, parang ’di ka pa sanay,” agad na nagpakawala ng matamis na ngiti ang kasintahan niya, ngumiti rin si Cali pabalik.

Agad naman na bumaba si Cali papunta sa sala, naabutan niya ang Papa niya na may kausap sa telepono habang ang Mama naman niya ay nakatitig sa anak niya na may halong pag-aalala. Hindi niya mawari ang paligid dito sa sala, ramdam na ramdam niya ang bigat. May nangyari na naman ba na masama?

Umupo na si Cali sa tapat ng inuupuan ng Mama niya, nang mapansin ng Papa niya na umupo na ang anak ay binaba na niya ang telepono pagkatapos ay tumabi sa asawa nito.

“Anak, may gusto sanang sabihin ang Papa mo,” ani ng Mama niya kaya napatingin ang anak sa ama niya na may halong pagtataka.

“Anak alam namin na mahal na mahal mo si Cris pero, kailangan mo nang mag-let go sa kaniya kasi bahagi na lang siya ng iyong nakaraan,” ani ng ama niya na may halong pag-aalala ang boses.

Biglang gumulo ang isip ni Cali nang marinig niya ang sinabi ng Papa niya. “Ano po ang ibig mong sabihin sa ’kin, Pa?” nanunubig ang mga mata ng binata, “tungkol na naman kay Cris?! Ma, nasa kwarto ko nga siya eh. Lagi kaming magkasama, ’di niyo ba alam ’yon? ’Wag naman kayong ganiyan sa ’kin, Ma… Pa. Nagmamahalan kami ni Cris!” paliwanag ng anak sa mga magulang niya, hindi na rin nagpapigil ang luha ng binata, kusa na lang itong tumulo sa pisngi niya.

“Cali anak, si Cris ay patay na. Namatay siya dahil sa car accident tatlong taon na ang nakakalipas,” naluluhang pahayag ng ina ng binata.

“Ma… “ umiiyak na tawag niya sa ina niya.

“Anak, tatlong taon na ang nakalipas, pakiusap, kalimutan mo na ang kasintahan mo, iwan mo na ang nakaraan niyo ni Cris,” ani ng ama ni Cali.

Hindi nagdalawang isip na lumapit ang ina ng binata para yakapin niya ito, para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nadarama ng anak niya. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ng binata habang inaalala ang nakaraan nila ni Cris.

“Hindi! Hindi pa patay si Cris!” mas hinigpitan ng ina ang yakap niya sa anak habang humagulgol ito ng iyak habang ama naman niya ay hinahagod ang likod ng anak.

“Cali… wala naman na ako sa tabi mo, pero nasa puso mo ako habang buhay. Mahal kita palagi.”

Epilogo

To be in love is painful.

You don’t know what the future may bring to the table.

In the end unexpected things happens.

Not all stories end happily, because there isn’t always a happy ending… indeed.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.