Sana Ngayon: Book 1 & 2 (A West Side Series 2)
CengCrdva · 18 chapters · 15,754 words
NOTE
I suggest that you read HOW TO WIN THE BACHELOR’S HEART, HOW TO BE THE BACHELOR’S WIFE AND SANA BUKAS before reading this book so you could fully understand their story. Thank you!
–
A West Side Series 1: Sana Bukas.
A West Side Series 2: Sana Ngayon
A West Side Series 3: Noon, Ngayon At Bukas
Sana Ngayon
A WEST SIDE STORY II
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.
This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author’s imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.
It also contains strong language, sexual scenes and references from the outset and throughout.
(R-18) Read at your own risk!
—
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page: Ceng Crdva
Facebook Group: CengCrdva Official Group
Instagram: Cengcordova
Tiktok:
Cengcordova
2019 ©
CengCrdva
All rights reserved
DEDICATION
To the hurt and lost, May you find the courage to heal and be found even if it scares you. ;
FOREWORD
“Sometimes the one who left you broken returns. And sometimes they are different and sometimes they show you how much they’ve changed. And that alone might be one of the greatest things in the world… to have someone you once cared about go through the trouble of finding you, just to tell you how much they still care.”
— R.M Drake
PROLOGUE
Prologue
I don’t like guys who have vices. I promised myself not to be linked romantically with someone who’s not five years older than me. I swear to God that I will not love someone more than myself. Bukod doon, isang simpleng buhay lang rin ang gusto ko. Iyong tahimik, walang gulo at kahit simple ay masaya.
But life did not agree with my plans. He sent a man that will ruined it all.
Ramiel Del Rio, maraming bisyo. Hindi limang taon ang agwat sa akin, basagulero at magulo ang buhay pero iyon pa ang pinili ng puso kong mahalin higit pa sa pagmamahal ko sa aking sarili.
May tiyansa pa nga kayang magbago ang mga gago? O ako lang ang magpapakagago hanggang ngayon at sa dulo?
This story is booklat exclusive. You know the drill. See you there!
Booklat : CengCrdva
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 1
Chapter One
Azalea Franciere Inigues Almera
I never really liked to be linked romantically with guys who are not five years older than me. Sabi ko noon sa sarili ko, hindi ako kailanman magkakagusto sa lalaking kasing edad ko o hanggang apat na taon lang ang tanda sa akin. I preferred guys who are mature. Hindi lang sa tindig, sa pag-iisip kung hindi sa lahat.
Mayroon akong sariling standard na dapat, kung isang araw magkakaroon ako ng taong mamahalin ay limang taon o higit ang magiging tanda sa akin. I don't know. Siguro dahil maagang namulat ang bata kong puso sa nag-iisang anak ng mag-asawang Deontelle na higit limang taon ang tanda sa akin... O baka kay Papa na walong taon ang tanda kay Mama.
Kung sabagay, sino ba naman gustong magmahal ng taong immature? At sino ba namang babaeng tatanggi sa isang Deontelle?
Si Jaycint Ace... Ang lalaking naging batayan ko't sukatan pagdating sa mga lalaki simula ng magkaro'n ako ng isip.
Though my mother was not allowing me yet to have a boyfriend, alam kong handa na rin naman siya kapag nagkataon. Hindi lang dahil sa maraming nanliligaw sa akin simula ng tumuntong ako noon sa high school kung hindi dahil doon rin naman pupunta ang lahat.
I will eventually have a boyfriend. Gayunpaman, hindi ko iyon itatago sa kanya kapag naging totoo na.
My mother and I shared an unbreakable bond even if Papa was still alive. Bukod sa best friend kong si Mari, siya pa rin ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko sa lahat. We promised ourselves that there will be no secrets between us. Kahit ano pa at maging ano pa man.
"Izzi! Izzi!" napapitlag ako ng makita ang pagsugod ni Mari palapit sa akin.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang istorbohin niya ako! Humahangos ito nang maupo sa aking harapan at agad na hinawakan ang aking kamay.
"Izzi, may gulo! May gulo na naman!"
Naningkit ang aking mga mata pero hindi niya pa man sinasabi kung ano, bakit at sino ang may gawa ng bagong gulo ay alam ko na ang lahat ng detalye.
"Tara na! Pigilan natin!" mabilis niyang hinila ang kamay ko pero agad ko iyong nabawi bago pa man umangat ang pwet ko sa aking kinauupuan.
"Mari, hayaan na natin 'yon. Wala naman tayong magagawa kung magkagulo at isa pa–"
"Si Ezekiel, Izzi! Siya ang puntirya ng grupong 'yon ngayon!" aniyang nagpatayo sa akin lalo na ng marinig ang pangalan ng nakababatang pinsan ko!
"Anong ginagawa ni Eze rito?!" tanong ko habang nauuna nang maglakad sa kanya palabas ng aming silid.
"Hindi ko alam! Baka magtatanong na rin tungkol sa susunod na taong pag-aaral ng kolehiyo."
Halos takbuhin ko simula sa aming silid hanggang sa pinangyayarihan ng krimen! Malayo palang ay nakikita ko na ang bunbunan ng lalaking simula ng mapunta rito sa amin ay nagulo na ang lahat. That guy who acted superior among us! The nerve! The asshole! The moron!
"Hindi ko naman sinasadya! Hindi na po mauulit!" nagpintig ang tenga ko ng marinig ang malakas na pagmamakaawa ng pinsan ko sa nanginginig na boses!
Parang mas lalong tumaas ang inis sa aking kabuuan ng marinig ang tawanan nila't kantiyawan para mas lalo itong takutin.
"Bata, kung pupunta ka rito alamin mo muna kung sino ang mga hindi mo dapat binabangga para hindi ka nagkakamali. Eh ngayon pa lang sablay ka na!"
"Sorry na po! Parang awa niyo na!"
"Sapakin na 'yan! Sapakin na!" kantiyawan ng lahat dahilan para mas bumilis ang mga hakbang ko hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa kumpulan.
Nanlaki kaagad ang mga mata ko ng makita ang pag-amba ni Ramiel ng suntok sa aking pinsan dahilan para kumawala ang malakas kong sigaw.
"Ramiel Del Rio!" umaalingawngaw kong sigaw para lang mapigilan ito!
Parang gusto kong magpasalamat sa Diyos dahil naging matuwid ang malakas na pagsambit ko ng kanyang pangalan at hindi man lang pumiyok kahit na alam kong delubyo ang kakaharapin ko ngayon!
Dahan-dahang luminga ang kanyang mukha para hanapin ang sumigaw pero dahil sa madaliang paghawi ng mga estudyanteng nakapalibot sa kanila't nakaharang sa akin ay madaling nagtama ang aming mga mata. Para akong naubusan ng hangin sa baga ng makita ang sarkastikong pag-arko ng isang gilid ng kanyang labi.
Shit!
"Bitiwan mo si–"
"It's you again, Almera," bahagya niyang ibinaba ang kapit sa kwelyo ng kawawa kong pinsan kaya bumalik ang paglapat ng mga paa nito sa damuhan pero hindi pa rin tinanggal ang mahigpit na kapit rito. "Talaga bang hobby mo ang makialam?"
Nagtawanan ang lahat maging ang mga babaeng nasa gilid ng lalaki na akala mo'y mga palamuti nito. Sa kabila ng kapit sa akin ni Mari ay matapang akong kumawala at humakbang para ilapit ang sarili sa mata ng panganib.
"Hindi tama ang ginagawa mo! Hindi ka ba nagsasawang mam-bully ng mga walang kalaban-labang estudyante rito?! Pati bagong salta pinagti-tripan mo!" singhal ko pero nanatili ang ngisi ng walang hiya!
"Nagpapapansin lang 'yan Ramiel palibhasa hindi mo pinapansin sa farm niyo!" anang lalaking hindi ko alam ang pangalan, isa sa mga alalay niya!
Inismiran ko ito at handa na sanang bulyawan rin pero marami pang nagsalita.
"Oo nga pala! Pansinin mo naman kasi Ramiel! Aba araw-araw raw 'yang nasa farm niyo at nag-gagatas ng mga baka! Baka kaya nagpapapansin ngayon dahil hindi mo napapansin doon!"
"Papansin ka girl! Umalis ka na nga!" hiyaw naman ng mga malalanding hitad sa paligid.
Marami pang nagsasalita pero nang itaas ni Ramiel ang kanyang kamay sa ere ay natigil ang lahat. Gusto kong manliit pero determinado akong mas makialam sa pagkakataong ito dahil sa pinsan kong mahihimatay na yata habang hawak niya!
"Tell me something I don't know."
Naningkit lalo ang mga mata ko at hindi na napigilan ang sariling hawakan ang kamay niya't marahas na hawiin sa pagkakahawak sa kwelyo ni Ezekiel!
"Tumigil ka na sa pagiging bully!" agad kong hinila ang pinsan ko patungo sa aking likuran.
Lumakas lalo ang hiyawan ng lahat kaya ang ngisi ng lalaki ay nawalan ng kinang hindi gaya ng suot niyang hikaw sa magkabilang tenga! Mas lalong tumindi ang tensiyon ng makita ko ang unti-unting pag-igting ng kanyang mga panga.
"Alam mong mali ang ginagawa mo! At isa pa, para sa kaalaman niyong lahat, hindi ako kailanman nagpapansin sa lalaking ito!" ibinaling ko ang tingin ko sa mga babaeng nanggagalaiti na rin sa akin.
"Hindi gaya niyo!" singhal ko. "Wala akong pakialam sa'yo at hindi magkakaro'n kahit kailan. Never in my wild imagination that I wished to get an attention from assholes! Never!" galit na galit at madiin kong singhal pero bago pa kami makaalis doon ay agad niyang nahuli ang aking kamay.
Pakiramdam ko'y nangatal ang aking mga tuhod ng maramdaman ang init ng kanyang palad sa aking palapulsuhan. Para iyong bakal na nakapulupot sa akin at imposibleng maalis ng basta nalang!
"Bitiwan mo ako–"
His sarcastic laugh cut me off. Lalo pa ng humigpit ang kanyang kapit sa akin na parang gustong durugin ang mga buto ko doon.
"May nakakalimutan ka," aniyang dahilan ng pagdikit ng aking mga kilay.
"Bitiwan mo ako kung ayaw mong isumbong kita sa presidente–"
"Hindi kita pipigilan. Kung gusto mo, sasamahan pa kita, Almera."
"Let me go–"
"Hindi ka ba magsisisi bago umalis?"
"Ano?!" para akong mababaliw sa mga narinig.
Lumuwag ang hawak niya sa akin pero hindi pa rin ako pinakawalan. Hindi ko naman magawang hawiin ang kamay ko dahil parang naubos na ang lakas ko sa mga sinabi kanina.
Ang lahat naman ng mga nakapalibot sa aming nanunuod ay alam kong gusto na rin akong ibaon six feet under the ground dahil sa kapangahasan ko!
"Ngayon pa lang binibigyan na kita ng pagkakataong magsisi–"
Ako naman ang natawa ng malakas dahil sa narinig. Doon ko na naigalaw ang mga kamay ko paalis sa kanya.
"Hinding hindi, Ramiel." akmang aalis na ako pero nagawa kaming harangan ng alagad niyang may pinaka-malaking katawan sa lahat.
"Ano ba Raymundo! Tumabi ka nga!" seryoso itong umiling habang nakatingin sa lalaking nasa aking likuran.
Napalingon ulit ako sa leader ng mga bibeng may dalang kasamaan!
"What now? Sasaktan mo na rin ako gaya ng mga pananakit mo sa mga estudyanteng walang kamalay-malay rito?!"
Matalim ang titig nito sa akin habang ngumingisi. Nanliit ako ng muli siyang lumapit sa akin. Kainis, kung bakit kinulang ako sa height at napaka-tangkad naman ng isang ito! Hindi ko tuloy siya masindak! I swallowed hard when his lips opened again.
"That would be easy Almera and I wouldn't make it easy for you," aniya sabay tango sa taong humaharang sa amin ni Ezekiel.
Nang maramdaman ko 'yon ay hinawi ko ito kaagad at mabilis na hinila ang aking pinsan pero bago pa kami makalayo ay hindi nakaligtas sa aking pandinig ang mga huling salita nitong pagbabanta sa akin.
"Remember that I gave you a chance to take back what you said. Remember this day, Almera." anitong imbes na intindihin ko ay mas binilisan ko nalang ang aking mga hakbang para makalayo kaagad sa mga 'yon!
Pare-pareho kaming hinihingal nila Mari ng mahinto sa likurang building ng college of hospitality. Nanghihina kong binitiwan ang kamay ng pinsan ko at pagod na napaupo.
"Ate, dapat hindi mo na ginawa 'yon. Hindi naman nila tototohaning sasaktan ako kanina–"
"Ezekiel, hindi mo kilala ang mga 'yon," si Mari. "Lahat ng sinasabi nila, lalo na ang Ramiel na 'yon ay talagang ginagawa niya. Ano ba kasing ginagawa mo rito at hindi ka man lang nag-text muna bago pumunta?"
Napabuntong hinga nalang ako habang pinakikinggan ang kanilang pag-uusap. Hindi matanggal sa utak ko ang mga nangyari at kahit na alam kong kakayanin ko lahat ng mga pagbabanta ng lalaking 'yon at posibleng pagganti dahil sa ginawa ko kanina ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan.
What Ramiel wants, Ramiel gets. Siya na ngayon ang depinisyon ng batas sa paaralang ito!
"Bakit pala tayo nandito? Akala ko ba isusumbong natin siya sa Presidente, Ate?"
Napapikit ako ng bahagya at napalingon kay Mari. Umiling ito. Isa pa ang bagay na 'yon. One year ago, simula ng lumipat ang magkakapatid na Del Rio at nag-aral sa San Martin De Dios ay hindi na natahimik ang lahat.
Hindi ko alam kung paanong na-kontrol ng pangalawang kapatid ni Ate Skyrene ang buong university pero iyon ang nangyari. Kahit na hindi ito parte ng student council o kahit anong organisasyon ay hawak niya sa leeg ang mga nagpapatakbo nito... At marami pang iba maging ang presidente ng unibersidad.
Wala sa sariling napahilot na lang ako sa aking sintido bago nagkaroon ng lakas na tumayo.
"Ayos ka lang? Hindi ka ba nasaktan?"
Umiling ito.
"Ano bang gagawin mo?"
"Ga-graduate na ako next year at ang sabi ni Mama ay maghanda na raw ako at pumunta rito para mag-inquire."
"Dapat tinawagan mo muna ako."
"Sandali lang naman sana ako kaso iyon nga, nabangga ko iyong lalaki kanina kaya nagkaroon ng problema."
Sa kada salitang lumalabas sa bibig ni Ezekiel ay hindi ko mapigilang mapabuntong hinga.
Hindi na ako naka-attend sa klase ko ng mga oras na 'yon dahil sinamahan ko siya sa kailangang gawin. Mabuti na lang at naintindihan iyon ng professor ko na kahit nalaman ang ginawa ni Ramiel ay wala ring magawa.
"Sigurado ka bang gusto mo pa ring mag-aral rito?" nag-aalala kong tanong nang ihatid siya sa gate.
Hindi ko na kasama si Mari dahil bumalik na ito sa kanyang klase. Nagkibit ito ng balikat.
"Wala nang mas malapit na university rito, Ate. Isa pa, dito rin nagtapos si Mama at Papa kaya baka dito pa rin talaga ang bagsak ko."
Tumango tango ako.
"Marami tayong pag-uusapan pero huwag mo nalang sanang banggitin kay Tiya ang nangyari ngayon, maliwanag ba?"
He nodded slowly. Hindi na ako nagtagal dahil kailangan ko pa ring tapusin ang araw na ito. Matapos magpaalam ay bumalik na ako sa loob ng unibersidad.
I've never been conscious all my life pero sa bawat hakbang ko pabalik doon ay parang gusto ko nang magtakip ng mukha. Parang mas lalong kailangan kong maghanda dahil malayo palang ay nakikita ko na ang mga mapanuring tingin ng mga estudyanteng tiyak na ako na rin ang nasa utak. Kailan nga ba natapos ang mga issue tungkol sa mga taong si Ramiel at ang grupo niya ang nakabangga? Wala at ngayon ay isa na rin ako doon!
Kung noon ay akala ko sa palabas lang nangyayari ang ganito, ngayon ay malinaw na malinaw na sa aking hindi. Siguradong nakalista na ako sa mahabang listahan ng mga paparusahan ni Ramiel.
Humigpit ang kapit ko sa aking librong hawak. Kung sana hindi pa nakatapos ng pag-aaral si Ate Skyrene... Kung sana ngayon ay pwede ko siyang puntahan sa klase para isumbong ang balahura niyang kapatid pero wala na. Bukod kay Rigel na wala rin namang magagawa sa kasamaan ng kapatid ay wala na akong pwede pang pagsumbungan.
Muli akong napabuntong hinga habang naglalakad sa gitna ng mga estudyanteng nagbubulungan habang dumaraan ako.
"Siguro masaya na ang loka dahil napansin na."
"True! Mabuti nga at hindi siya sinabunutan ni Clare! The nerve na sagot-sagutin si Ramiel sa harapan ng lahat!"
"May araw rin 'yan at 'yun ang aabangan natin!"
"Girl, I'm excited!"
Binilisan ko ang mga hakbang ko at pinilit na huwag nalang makinig. I still have three years in this university at dalawa naman sa lalaking 'yon kaya bahala na si batman.
Siguro naman sa haba ng listahan niya, may mga tao pa rin siyang malalagpasan, 'di ba? All I need is to wish that he'll forget about me... Or sana magbago nalang siya para matahimik na ang lahat ng tao rito dahil kung hindi ay baka maraming hindi makapagtapos dahil sa kanya.
"Almera!" pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ang baritonong pagtawag na 'yon sa aking pangalan!
Marahas na huminto ang aking mga paa at tuluyan nang hindi nakagalaw ng maalala ang lahat at maisip kung ano na ngayon ang gagawin niya! Isa lang ang alam ko, patay ako. Patay na patay na!
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 2
Chapter Two
Favor
“Almera!” ilang beses pang umulit ang mga salitang ’yon sa mahina kong utak hanggang sa mapapikit nalang ako.
Bigla akong natakot na baka sa pagharap ko ay buhusan niya ako ng asido sa mukha, saksakin sa dibdib o barilin sa sintido!
Oh my God, nandito ako para mag-aral at hindi para maging biktima ng Ramiel na ’yon! Wala sa sariling napausal nalang ako ng isang dasal pero natigil ako ng marinig ang mga hakbang nito palapit sa akin at maya maya’y pagtawa ng malakas! I know that laugh!
Marahas akong pumihit paharap doon at nakita ang ibang Del Rio sa aking harapan!
“Rigel!” umalon pa ang boses ko sa matinding kasiyahan ng makita ang kanyang kabuuan!
Kung hindi nga lang siguro maraming mga matatalim na titig ang nakapukol sa akin ay nayakap ko na siya!
“Why do you look so surprised?” nakangiti niyang tanong sabay ng lahad ng kamay para kunin ang librong hawak ko. Binigay ko naman ’yon sa kanya bago sinabayan ang kanyang paglalakad.
Kung kanina ay pagmamakaawa ang mga dasal ko, ngayon naman ay purong pasasalamat na ang mga iyon!
Pakiramdam ko ay ang mga paghinga ko ngayong kasama siya ang pinaka-maluwag na paghingang nagawa ko ngayong taon. I’m just thankful that he’s walking beside me, bukod sa feeling ko safe ako ay alam kong hindi rin ako pwedeng pag-usapan ng kahit na sino. I mean, this is Rigel Del Rio. Bukod sa kapatid niyang maangas at tinik sa lalamunan ng lahat ng narito ay gumagawa rin ito ng sariling ingay sa kabuuan ng San Martin de Dios sa larangan ng sports.
“Wala naman…”
“You sure? Hindi ba dahil kay Ramiel?”
Napanguso ako. Of course, he knew. Malaki man ang eskwelahang ito pero mabilis pa sa virus kung kumalat ang balita.
“Huwag mo nalang pansinin ’yon. Hayaan mo’t kakausapin ko mamaya–”
“No! Hinding hindi mo ’yon dapat gawin!” pigil kong nagpabagal sa kanyang paglalakad.
“And why is that?”
Nahihiya akong napangiwi bago nagkibit ng balikat.
“Baka mas lalo akong pag-initan ng kapatid mo.”
Muli siyang natawa. Me and Rigel became close weeks after Ate Skyrene and I became friends. Bukod sa kasing bait rin ito ng kapatid ay hindi rin mahirap pakisamahan. Actually, lahat naman ng Del Rio ay masasabi kong mabait maliban sa nag-iisang black sheep nila. Zuben and Cassy are obedient, matatalino at may respeto rin ang mga ito. At kahit na si Ate Skyrene lang ang nagpalaki ay masasabi kong maayos niyang nagampanan ang papel na maagang ibinigay sa kanya… Well, sumablay lang talaga sa lalaking maihahalintulad sa nag-iisang porsyento ng germs na hindi natatanggal kahit anong gawin.
Oo nga’t hindi naman lingid sa akin ang kasamaan ng Ramiel na ’yon simula nang umpisa ko itong makita sa bakuran ng mansion ay hindi ko akalaing maghahasik pa ito ng lagim sa kabuuan ng bayan namin. Napapailing nalang ako sa tuwing naalala ang mga ginawang kalokohan nito.
Isang buwan simula ng pumasok ito sa San Martin ay ilang beses na itong nasangkot sa gulo. Ilang beses na pinatawag ang mag-asawang Deontelle dahil sa pagiging basagulero ni Ramiel. Sa pangalawang buwan ay nahuli naman itong nagbebenta ng sigarilyo sa loob ng campus. Sa pangatlo ay pati alak na ang binibenta at sa pang apat ay nagtayo na ito ng pasugalan sa likod ng engineering building na hanggang ngayon ay bukas pa rin at wala na yatang makakapagpasara.
Ilang beses kong nakitang namroblema si Ate Skyrene sa tigas ng ulo nito pero hindi naman nakontrol. Ramiel is different from all of his siblings pero nakuha nito kay Ate Skyrene ang dedikasyon at diskarte sa buhay. Ani Rigel, ginagawa lang ’yon ng kanyang kapatid dahil gusto nitong kumita ng pera at makatulong sa pag-iipon nila at paghahanda sa buhay nilang magkakapatid… Bukod syempre sa pagiging matigas lang talaga ang ulo.
“Uy…”
“H-Ha?” bumalik ako sa kasalukuyan ng maramdaman ang marahang pagsiko niya sa akin.
Doon ko lang napansing nasa harapan na pala ako ng silid ko ngayong araw at wala nang natandaan sa mga sinabi niya. He chuckled and gave me my books.
“Nothing. Masyado kang maraming iniisip and that’s not healthy. Kung ako sa’yo, kalimutan mo na ’yon. Ramiel will not harm you, kahit gago ’yon hindi ’yon papatol sa babae.”
“Chesca? Si Brigette? Si Aleah?” litanya ko sa mga babaeng pinatulan nito noong nakaraang buwan lang!
Napadiin ang mga labi ni Rigel sa isa’t-isa at ngumiti ng hilaw.
“Well, let’s just say that you’re an exemption. Hindi ka gagalawin no’n, akong bahala sa ’yo.”
Hindi ko alam kung dapat kong ikapanatag ’yon o mas lalo kong katakutan. Sa huli ay isang tango na lang ang ginawa ko bago nagpasalamat sa kanya’t nagpaalam. Habang nasa klase ay alerto ako. Naghahanda sa posibleng ganti nito pero natapos at nakauwi ako ng buo.
“Tell me what he did this time?” napayuko ako para sana itago kay Ate Skyrene ang kailangan kong sabihin sa kanya ngayon sa pagpunta ko sa mansion pero huli na ang lahat. Alam na niyang magsisinungaling ako.
“Izzi?”
Napatuwid ako ng upo pero hindi ko magawang diretsahin siya. She waited for my answer.
“W-wala naman, ate–”
“Liar,” sabay kaming napalingon nang lumitaw si Rigel sa patio habang nakapamulsa.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ate Skyrene sa aking harapan at bago pa makapagsalita ay nauna na ang bagong dating.
“May nangyari kanina and as usual, sangkot na naman ang kapatid mo.” Rigel said, now walking towards me. Napaurong ako sa pang-dalawahang couch para makaupo siya sa tabi ko.
“What happened?” Ate Skyrene asked.
“It’s your cousin right?” tanong naman ni Rigel.
Tipid akong tumango at wala ng nagawa kung hindi ang magsabi ng totoo rito.
Hindi ko yata nakitang kumurap si Ate Skyrene habang isinasalaysay ko sa kanya ang lahat. Kahit na gaano pa kasama ang ginawa ng kapatid niya hindi lang sa pinsan ko ay nagawa kong idagdag sa dulo na hayaan nalang ito. Hindi dahil ayaw kong mapagalitan ito kung hindi ayaw kong mas uminit ang mga mata nito sa akin.
“Call him.”
“Ate Sky–”
“Rigel! Call him!”
Bahagya akong umiling nang tignan ako ni Rigel pero dahil utos ng kapatid ay pareho kaming walang nagawa. Umayos ito ng tabi sa akin nang nasa kabilang linya na ang lalaking kapatid. Hindi ko mapigilang mapapikit habang pinapakinggan si Ate Skyrene na pinapagalitan ito sa telepono habang hawak ni Rigel ang kanyang cell phone at naka-loudspeaker.
“Umuwi ka! Ano na namang ginagawa mo diyan sa pahingahan?! Ano?! Ramiel, hindi mo pwedeng gawing pasugalan o motel ’yang pahingahan ng mga trabahador! Umuwi ka rito ngayon din!”
Siniko ko si Rigel nang matawa ito habang pinapakinggan ang dalawa lalo na’t kinuha na rin ni Ate Skyrene ang kanyang cell phone, nanggagalaiti kay Ramiel.
“Kasalanan mo ’to. Kapag binugbog ako ng kapatid mo bukas bubugbugin rin kita.” bulong ko sapat para marinig niya. Kung hindi lang ito uminom ay baka humagalpak na ito ng tawa.
Nang matapos ang pag-uusap ng kanyang Ate ay tumayo na ito ay ginulo ang buhok kong nagpanguso sa akin bago kunin ang kanyang telepono sa kapatid.
“Oh, ikaw saan ka naman pupunta, aber?!”
“May practice kami ng basketball. I’ll be back before dinner. “
Bumuntong-hininga si Ate Skyrene pero hindi na rin napigilan ang huli. Bagsak ang mga balikat niyang bumalik sa tabi ko. Ako naman ay nagpatuloy lang sa pagbabasa sa mga librong hiniram ko sa kanilang library.
“Izzi, pasensiya ka na sa kapatid ko. Hayaan mo’t pagsasabihan ko.”
“Ate wala ’yon. Okay lang ’yon. Hindi naman nila nasaktan si Ezekiel.”
She heave another heavy sigh. Napatuwid ako ng upo ng pumihit siya paharap sa akin.
“Can I ask you a favor?”
Napakurap-kurap ako. “P-Po?”
“This maybe a little tricky but please, can you help me?”
Lumakas ang kalampag ng puso ko habang nakatitig sa kanyang mga mata pero ng hawakan niya ang aking kamay ay hindi na ako nakatanggi.
“Alam naman nating matigas talaga ang ulo ni Ramiel. Hindi lang rin naman siya. Rigel can also be a pain in the ass sometimes pero alam mo naman ang pinagdaanan ko kay Ramiel. Ngayong wala na ako sa university, nag-aalala ako lalo na’t bago pa makarating sa akin ang mga kalokohan nito ay nahaharang na. Wala na akong tenga sa San Martin. Lahat na ay kontrolado ni Ramiel at takot ang mga itong magsumbong sa mga pinaggagagawa niya. Si Rigel naman ay walang pakialam sa ginagawa ng kapatid at wala ring balak na magsumbong sa akin sa bawat kasalanan nito…”
Hindi ako huminga sa haba ng litanya niya at mas lalo lang kinabahan sa kanyang pagpapatuloy.
“P-Pero Ate–”
“Please, Izzi? Hindi niya malalaman na ikaw ang nagsasabi ng mga ginagawa niyang kagaguhan. I just want to know kung ano ang mga nangyayari sa kanya maging sa iba ko pang mga kapatid. I want you to be my eyes and ears inside the university. I have so much on my plate right now pero kailangan ko pa ring unahin ang mga kapatid ko sa kahit na anong bagay. Please help me?” pinisil niya ang kamay ko nang siguro’y matanto ang aking pagtanggi. “Please, Azalea?”
Wala sa sariling nakagat ko nalang ang aking pang-ibabang labi ng makita ang pagmamakaawa sa maamo niyang mukha dahilan para dahan-dahan akong tumango at pumayag sa lahat ng mga hiling niya. Naputol ang aking paghinga ng maramdaman ang pagyakap niya matapos ang pagpayag ko.
“Thank you!” ilang segundo pang humigpit iyon bago ako pakawalan. “From now on you’ll tell me everything, alright?”
“M-May choice pa ba akong iba, Ate?”
“Wala,” tumawa siya saka binalingan ang meryendang nasa harapan naming lamesa. “You’re free to use the library anytime. Twenty four hour privilege, Izzi. I can give you allowance too. Tawagan mo lang ako at ako nang bahala sa’yo.”
Tipid akong ngumiti at umiling.
“Tama na sa akin ang library, Ate.”
Kumalat ang tuwa sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko. Kahit paano ay umalwan na rin ang pakiramdam ko. Malaking tulong na ang library para sa mga research ko at lalo na ang kanyang laptop na ipinapahiram sa akin. Siguro nga kung wala ’yon ay hindi ko mairaraos ng gano’n kadali ang unang taon ko sa San Martin de Dios. Naramdaman ko ang pag-uumapaw ng tuwa sa aking puso ng makita ang saya hindi lang sa kanyang mga labi kung hindi pati sa mga matang ngayon ay nagniningning.
Parang may kung anong humaplos sa aking puso ng makita ’yon. Halos dalawang taon bago ang araw na ito ay ni minsan hindi ko siya nakitaan ng gaan sa lahat. She was reserved and afraid to open up to someone. Naintindihan ko naman dahil una palang nang dumating ang magkakapatid sa aming lugar ay sinabi na ni Mama ang tungkol rito. Aniya’y malayo ang loob ng mga ito sa sariling kadugo at estranghero ang turing sa mga ito. Magaspang rin daw ang pakikitungo ni Ate Skyrene sa mag-asawa at hindi kailanman gustong humingi ng tulong sa kahit na anong paraan kaya noon ay hindi ko na rin inasahang makakasundo ko sila. But things change when she started visiting the farm.
Nasorpresa ako nang mabilis kaming nagkasundo. Sa mga unang buwan ng pagiging close namin ay naging maayos naman siya sa akin at mabait kaya mas lalong nagulo ang utak ko’t hindi na malaman ang dahilan kung bakit iba siya pagdating sa mga Deontelle.
Nang sumapit ang pasukan ay bahagya kong naintindihan ang lahat lalo na ng magkaroon ng sagot ang mga tanong sa utak ko kung bakit napaka-pamilyar ng kanyang mukha sa akin. She was the girl who joined the TV series and was about to get married to the billionaire Eros Ziege Vergara. Kung ano ang dahilan bakit hindi natuloy ay hindi nasagot pero malinaw na isa ang pangyayaring iyon sa maraming bagay na nagpapalungkot sa kanya.
I never really like to watch TV series but I binged on the show when I heard it. Maging ako ay nalungkot ng hindi matuloy ang kanilang kasal at narito siya ngayon samantalang si Eros naman ay wala na ring balita.
“What?” tumatawa niyang tanong ng mahuli akong nakatitig sa kanyang masayang mukha.
Magiliw akong umiling at pilit na ibinalik nalang ang mga mata sa harapan ng librong binabasa. I’m happy to see her happy. Hindi lang ’yon, masaya rin akong tanggap na niya ang kanyang sitwasyon ngayon at natututo nang magtiwala kahit paunti-unti. Actually, it’s awkward to see her talk to Jaycint without yelling or even trying to kill the guy. Gano’n ang relasyon nila noon pero ibang iba na ngayon.
Hindi nawala ang ngiti ko ng maisip na nakakagaling nga ang oras… Everything really takes time. Iyon ang napatunayan ko sa pagsaksi sa halos dalawang taong kasama ko siya. May lungkot pa mang natitira sa kanyang mga mata ngunit hiling kong isang araw ay mapawi iyon lahat dahil tama si Rigel… Ate Skyrene deserves every good things in life. Hindi lang dahil sa pag-ako nito sa lahat ng responsibilidad at pagbuhay sa kanila kung hindi dahil mabuti itong tao at hindi makasarili.
Hindi nawala ang init sa aking puso dahil sa mga naiisip habang nagpapatuloy sa ginagawang research. Nang bumaba ang araw at lumiwanag ang kabuuan ng patio sa mga maliliit na ilaw sa buong paligid ay nagpasya na kaming bumalik sa loob at kumain ng hapunan bago ako umuwi.
I was smiling while listening to her habang patungo kami sa dining area pero ang lahat ng ngiti sa aking mga labi ay bahagyang napawi ng masagi ng mga mata ko ang isang bultong nahinto rin sa paglalakad ng matapat sa amin.
Wala sa sariling napayakap ako sa mga librong ipinahiram sa akin ni Ate Skyrene lalo pa nang umibis kaagad sa akin ang matatalim na kahel na matang iyon na napapalibutan ng mahahabang pilik. Ang kilay niya ay bahagya ring nagdikit habang sinusuri ang kabuuan ko. Wala sa sariling napalunok nalang ako ng malaglag ang mga mata ko sa kanyang nakatangis na panga pero tuluyan ng naputol ang aking paghinga ng marinig ang mga salitang lumabas sa kanyang mapupulang labi.
“What the hell are you doing here?”
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 3
Chapter Three
Mission
Dama ko ang panghihina ng aking mga tuhod dahilan para mapasiksik ako sa gilid ni Ate Skyrene habang ang mga mata naman nito ay patuloy na nakasunod sa akin.
"Oh please, Ramiel! Hindi pa tayo tapos. Marami tayong pag-uusapan at bisita ko si Izzi kaya huwag kang magsalita ng ganyan sa kanya." pigil at suway ni Ate Skyrene rito.
Kung sa ibang pagkakataon ay nag-belat na ako sa kanya dahil may tagapagtanggol ako pero hindi ko 'yon pwedeng gawin dahil dito lang ako safe, sa tabi lang ng kanyang kapatid at pagkatapos ay wala na. Tamad niyang inilipat ang tingin sa kapatid.
"What should we talk about? I'm tired and–"
"Dining area, now."
"I'm not hungry."
"Hindi ko tinatanong kung gutom ka o hindi. Dito magdi-dinner sila Tita Arlene kaya saluhan mo kami."
A sarcastic laugh came out of his mouth.
"Since when did I joined a proper dinner? Skyrene, hindi ako gutom at pagod ako ngayong araw kaya magpapahinga na ako."
"At saan ka naman napagod? Sa pambu-bully sa walang kamalay-malay na tao?"
Napaawang ang aking bibig sa narinig pero hindi ako gumawa ni isang ingay o kahit paghingang may tyansang mapansin niya!
Mas lalong nalukot ang kanyang noo at sinubukan akong tignan muli pero agad na nagpatuloy si Ate Skyrene kaya naudlot ito.
"Rigel told me. Hindi nagsumbong sa akin si Izzi at ayaw niyang sabihin 'yon kahit na dapat. What have you done this time, Ramiel? Really? Pinatulan mo 'yung bata?"
Imbes na matakot sa galit ng kapatid ay ngumisi lang ito at umiling.
"I didn't touch the kid, Skyrene. Hindi ba nasabi sa'yo?"
"That's not the point. Ang punto ay hindi ka pa rin natigil sa pambu-bully sa San Martin at alam kong marami ka pang ginagawang katarantaduhan! Now tell me, do you want to talk about it now or we'll save it after dinner?"
Napahugot ito ng isang malalim na paghinga at nakipagtitigan sa galit na kapatid pero imbes na sagutin pa ay muli itong sumulyap sa akin bago tamad kaming nilagpasan at nauna na patungo sa hapag kainan.
The Deontelle's were happy to see everyone in the table. Buo ang magkakapatid ay naroon pa ako. Maayos naman ang lahat pero ang pwet ko ay hindi napakali ng dumating na si Jaycint kasama ang kaibigan nitong si Prescott.
Kung gaano ako kamangha noong una ko itong makita maliit pa lamang ako ay doble ang naramdaman ko ngayon lalo pa't nasa harapan ko mismo ito nakaupo. Tipid ang aking mga pag nguya at ayaw mapansin pero bigo pa rin ako.
"How's your Mom, Izzi? I didn't see her last week. May sakit raw?"
"Oo nga pala, Izzi? Okay na ba ang Mama mo?" tanong naman ni Tita Arlene.
Inubos ko ang pagkaing nasa aking bibig bago siya sagutin.
"Okay na po. Wala na pong trangkaso at babalik na raw po bukas."
"That's good! Kumusta ang pag-aaral?" si Tito Jeoff.
"O-Okay lang po."
"You're in college now, right?" singit ulit ni Jaycint.
Pinigilan kong kagatin ang aking labi ng marinig ang tanong niya pero hindi ko naiwasan ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang pagtaas ng ngisi ni Rigel nang siguro'y mapansin 'yon. Napayuko ako.
"O-Oo... College na ako."
"Naku, dalagang dalaga na talaga ang anak ni Winny at Sheldon! Parang kailan lang ay naglalaro lang ito sa putikan." humahagikhik na pahayag ni Tita Arlene na mas lalong nagpaalab sa aking mukha lalo pa't narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jaycint.
Oh, what a tune!
"Right. I remember that!"
Tumawa ang lahat maliban sa lalaking nasa tabi nito na kanina pa gustong hulihin ang kahinaan ko. Simula ng maupo kami kanina pagkatapos ng komprontasyon nilang magkapatid ay trumiple na ang talim ng titig niya sa akin kaya ingat na ingat akong huwag 'yong matitigan!
"Sa susunod ay ikakasal nalang ito. Kay bilis nga naman ng panahon."
"Any boyfriends?" segunda ulit ni Jaycint habang kinukuha ang water goblet na nasa kanyang harapan.
Parang may sumakal sa akin dahilan para mabulunan ako't wala sa sariling mapabaling sa lalaking kanina pa tahimik.
Shit!
"W-Wala!" nagmamadali kong sagot. "I-Ikaw? M-Meron?" wala sa sarili kong tanong pero huli na ng maisip ko kung ano 'yon.
Sa pagkakataong ito ay gusto ko nalang mawala sa akin ang usapan kaya hindi ko na napag-isipan ang lahat ng sinabi! Jaycint chuckled and talk to his friend in Spanish. Ipinilig ko nalang ang ulo ko.
Nababaliw kana Izzi!
"Nothing I know," he gladly answered later on which made me look into his eyes.
Nakangiti pa rin ito na parang wala lang. Masaya lang sa takbo ng usapan habang ako, masayang masaya habang nag-iilusyon na naman... Kung wala siyang girlfriend, ilang porsyento doon ang pag-asa kong managinip pa ng gising na isang araw ay ako ang maging girlfriend niya?
Agad akong napayuko ng marinig ang pagtikhim ni Rigel sa aking tabi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang ilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga.
"You're blushing too much, Izzi." bulong niyang nagpatayo sa lahat ng mga balahibo ko sa katawan!
Mabuti nalang at nabago na ang pag-uusap sa hapag kaya hindi na napansin ang pinag-uusapan namin maging ang pamumula ko.
"No, I'm not!"
"Sus, I know that look. Alam kong crush mo si Kuya Jaycint."
"Rigel, hindi!"
Tumawa siya kaya nakuha nito ang atensiyon ni Ate Skyrene.
"Ano 'yon?"
Bumukas ang kanyang bibig para sabihin rito ang topic namin pero hindi niya naituloy ng tapakan ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa.
"Izzi likes–fuck!"
"Rigel, watch your mouth."
Nagmamadali akong yumuko ng marinig ang baritonong boses ni Jaycint at pag-iling naman ni Ramiel sa tabi nito. Nang maramdaman ko ang pagtayo ng huli ay muli akong napatingala. Hindi man ito nakatingin sa akin pero pakiramdam ko ay naupos pa rin ang lakas ko dahil sa kanyang presensiya!
"Hihintayin kita sa patio pagkatapos mo," anito sa kapatid. "I'm done." tanging nasabi niya bago magpaalam sa lahat maliban sa akin at walang lingon nang umalis.
Pinilit kong maging pormal hanggang sa matapos ang hapunan. Rigel accompanied me home. Dahil gabi na rin ay hindi na ako tumanggi ng mag-offer ito sa aking ihatid ako. He continued teasing me about his cousin pero hindi ako umamin.
"Salamat! Umuwi ka na at itulog mo nalang 'yan!"
Humalakhak siya at kumaway.
"Alright, good night!"
I smiled and wave back at him. Nang mawala na siya sa paningin ko ay saka lang ako napakamot sa aking ulo. Am I that obvious? Really? Namula talaga ako ng sobra kanina sa harapan ni Jaycint? Gano'n ko talaga siya ka-gusto? I heave a sigh nang mapunta naman ang utak ko sa isa pang pinaka-malaking problema ko... Ang pagpayag sa lahat ng mga plano ni Ate Skyrene at pagiging involve pa lalo sa lalaking 'yon.
Buong gabi akong nagsulat sa aking planner kung paano 'yon sisimulan. Kung paano ako makikibalita sa mga pinag-gagagawa niyang masama sa loob ng university. Kagat ang ulo ng aking ball pen nang mapangisi ako matapos maisip si Mari.
My friend knows everything. Si Mari iyong pinaka-social butterfly sa lahat ng taong nakilala ko. I'm sure she can help me with my plan. Hindi rin naman 'yon mahirap dahil lahat ng kibot ng lalaki ay madaling kumakalat sa buong campus. Ipinasya kong ipagpabukas nalang ang lahat. Sabi nga, tomorrow is another day!
"Any news?" nakangisi kong tanong kay Mari ng makasalubong ko ito matapos utusang alamin kung ano ang kaguluhang nangyari kanina bago ang unang klase ngayong araw.
Umiling ito. "Walang tungkol kay Ramiel. May selosan lang sa block A pero walang koneksiyon sa grupo nila."
Kinuha ko ang aking binder at binasa ang mga naisulat kong misyon kagabi. Ang mga dating atraso niya sa eskwelahang hindi malabong maulit ng marami pang beses.
"Eh 'yung pasugalan bukas pa ba?"
Umiling siya.
"For sure. Pero hindi na natin malalaman kung kailan na sila nag-o-operate," umupo siya sa tabi ko. "Alam mo bang may membership na 'yon? Parang totoong casino na. Mas patok na nga 'yon kaysa sa sabong rito sa San Martin. Isa pa, bakit ba gusto mong malaman? Balak mo ring magpa-member?"
"Hindi!" giit ko.
Tumango siya.
"Kung sabagay, kahit naman gustuhin mo, hindi mo na afford 'yon!"
Kunot noo ko siyang pinakatitigan.
"Sabi ni Harold, twenty thousand na ang membership sa pasugalan ni Ramiel."
"Ano?!" parang nalula ako sa laki ng perang pinag-uusapan.
"Oo, eh 'di ba, marami nang laro noong last na nahuli natin sila. Hindi nalang basta kara-krus 'yon! Ang balita may bago na silang lugar at doon na pumupunta ang lahat pagkatapos ng klase. May mga poker tables raw doon, blackjack..."
Ikinumpas ko ang kanang kamay ko habang isinusulat sa kaliwa ang mga sinasabi niya para hindi ko makalimutan. I knew Mari would be such a big help pero kahit anong dami ng impormasyong dala niya kung wala naman akong pruweba ay hindi ko 'yon pwedeng i-report kay Ate Skyrene. Ayaw ko rin namang magbigay ng kulang na impormasyon.
Kinagat ko ang takip ng aking ball pen habang nakikinig sa propesor na nasa harapan at nakikipagtalo sa aking utak. Iniisip kung saan posibleng lumipat ang kuta ng kumag na 'yon... Saan nga kaya?
Matapos marinig ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase ay nagmamadali akong lumabas ng silid, hindi na inintindi ang pagtawag sa akin ni Mari na kalaunan ay nalunod nalang sa hallway na puno ng mga estudyante.
Hinihingal akong huminto habang pagod na napakapit sa likod na dingding ng hospitality building. Dito noon ang unang beses naming nakita ang transaksiyon ni Ramiel kasama ang mga alipores niya at ngayon ay nagbabaka-sakali akong makita ulit sila habang ginagawa ang kanilang masamang agenda.
Napatuwid ako ng tayo ng makarinig ng kaluskos at usapan sa likod kaya dahan-dahan akong lumapit doon. Pigil ang aking paghinga habang maingat na idinudungaw ang mukha sa pinanggagalingan ng ingay pero bigo ako. Bukod sa mga babaeng nagpa-practice ng sayaw sa P.E ay wala ni hibla ng buhok ni Ramiel ang naroon. Napabuntong hinga ako at patakbong lumipat naman sa engineering building. May tao man doon gaya sa nauna pero wala rin ang lalaki rito. Wala ring ilegal na nangyayari.
Lumibot pa ako sa likod ng gymnasium at college of nursing pero wala. Pagod kong pinunasan ang mga butil ng pawis sa aking noo habang bagsak ang balikat na naglalakad pabalik sa sunod kong klase matapos ang halos isang oras na pag-iikot. Patuloy kong kinumbinsi ang sarili kong may araw rin 'yon at hindi naman siguro siya araw-araw fully-booked sa kasamaan pero nang mapadaan ako sa likod ng college of education ay parang hinila ang lahat ng katinuan ko sa nakita.
Nagmamadali akong nagtago sa likod ng malaking puno habang pigil ang paghinga!
"Fuck, Ramiel... Shit–Ah! Sige pa!"
Tuloy-tuloy ang naging paglunok ko habang sapo ng dalawang palad ang aking bibig. Napapikit ako ng marinig ang mas paglakas pa ng ungol ng boses na 'yon.
"Oh, Ramiel! Oh yes, fuck me! Oh! Right there, baby!"
Kung gaano hinahapo ang babae ay triple ang naging paghabol ko sa aking paghinga. Pakiramdam ko ay hihikain ako ng wala sa oras! Oh my God! What are they doing?! Oo nga't alam ko naman na ang bagay na 'yon dahil napag-aralan ko na pero seryoso?! Dito nila ginagawa?!
Marahas kong idinilat ang aking mga mata at maingat na binalikan ang karumal-dumal na krimeng nangyayari sa aking harapan. I wanted to take some pictures to show Ate Skyrene pero alam kong mali ang sitwasyon at ang gagawin. Bukod sa privacy nila 'yon ay...
Shit!
Muli kong nasapo ang aking bibig at nawala na ang moralidad sa sarili ng makita si Clare, ang babaeng usapang girlfriend ni Ramiel na naka-bend habang ito naman ay patuloy sa paggalaw sa likuran nito!
"Ang sarap Ramiel! Sige pa! Fuck me!" mas malakas niyang hiyaw dahilan para ilakad ng lalaki ang palad sa kanyang bibig at takpan ito.
Nalunod ang mga sunod na sigaw ng babae sa kamay nito. Maya maya ay parang lumuwa na ang mga mata ko nang yumakap ang isang kamay ni Ramiel sa katawan nito, hindi para yakapin kung hindi para buksan ang mga butones ng suot na dress. Wala pang kalahating minuto ay iniluwa na ng damit nito ang malulusog na dibdib na agad minasahe ng lalaki.
Hindi ako makagalaw. Nanatili ang mga mata ko't pagkabaliw habang pinapanuod silang nagsi-sex sa aking harapan! Gusto kong tumakbo, gusto kong mag-eskandalo para mabuwal sila gaya ng mga aso sa kalsadang hindi na napigilan ang init sa katawan pero wala akong magawa kung hindi ang manuod!
Mas lalong tumagaktak ang pawis sa aking noo dahil bukod sa tirik ang araw ay bumaba na rin ang talipandas kong mga mata sa bewang ng lalaki na kasalukuyan pa ring bumabayo at dahilan ng pagkabaliw ni Clare.
Nakita ko kung paano manghina si Clare at mapakapit sa mga halamang nasa harapan nang mas lumakas at bumilis ang ginagawa ng lalaki sa kanyang likuran.
"Oh! Oh! Ramiel!" naging malinaw muli ang kanyang mga halinghing ng kumapit na ito sa kanyang balakang para mas pag-igihin ang ginagawa.
I continued watching them. Hindi dahil curious ako o ano pero talagang hindi ako makagalaw! I'm stuck at kahit na anong gawin ko, hindi na ako makakatakas sa sitwasyong ito. Tiyak, pati ang paglimot rito ay hinding hindi na rin posible lalo na't... Sandali akong pumikit ng mariin ng hugutin ni Ramiel ang kanyang kalakihan sa loob ni Clare. The sight of his proud member flashed repeatedly in my head!
Nang marinig ko ang muling pag-ungol nito ay dumilat na ulit ako dahil nakikita ko pa rin 'yon!
Oh Lord forgive me for I have sinned!
Kulang nalang ay yakapin ko ang punong nasa tabi ko makakuha lang ng sapat na lakas para manatiling nakatayo! Humigpit ang kapit ko doon ng makitang karga na nito si Clare ngayon at nakalikod na sa akin habang si Ramiel naman ay nakaharap ngunit nakapikit ang mga mata at pawisan na rin ang mukha pababa sa leeg. Napalunok pa ako ng makita ang pagtagaktak ng pawis sa dibdib nito dahil sa nakabukas na button-down shirt.
Nag-ipon ako ng lakas at pilit na hinatak pabalik ang katinuan. I should go. Dapat kanina ko pa ginawa pero paano?!
Sinubukan kong umatras. Nakahinga ako ng malalim ng magawa ko at nasundan pa ng ilan nang hindi nila ako napapansin. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nakaya kong makalayo ng ilang dipa sa kanila pero bago pa ako tuluyang makatakbo palayo ay saka naman hinigop ang lahat ng aking lakas ng marinig ang pagtindi ng hiyaw ni Clare kasabay ng pagdilat ng mga mata ni Ramiel at pagdapo ng mga ito sa akin!
I gasped when I realized that he's really looking at me. Ang mga mabilog nitong matang mukhang alam nang kanina pa ako naroon at nanunuod!
He continued fucking Clare while gazing intensely into my eyes. Nakaigting ang kanyang panga at walang kasing talim ang hindi maputol na titig sa akin na kung papel lang ako ay kanina pa ako napira-piraso! Oh my God! He's staring at me! He is still damn staring at me!
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva / Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 4
Chapter Four
Virginity
“Izzi! Saan ka ba nagpunta?!” sinalubong ko ang naguguluhang mukha ni Mari habang palapit sa akin pero imbes na hilahin ko siya sa sunod naming silid ay sa restroom ko siya hinila.
“Anong nangyari? Bakit hingal na hingal ka diyan at parang nakakita ka ng multo?! Uy!” nagpatuloy ako sa pagtitig sa aking repleksiyon sa nasa harapang salamin habang pinupunasan ang mga pawis sa aking mukha, leeg at likuran.
Pakiramdam ko’y mas lalo akong nanlagkit sa bawat ulit nang utak ko sa paraan ng pagtitig ni Ramiel sa akin kaninang nahuli akong pinapanuod ang ginagawa nila ng girlfriend niya. Shit! Kung bakit ba kasi hindi man lang sila humanap nang tagong lugar para gawin ’yon? This is not a motel and clearly, malawak ang lupaing tinutuntungan niyang nagsasabing bawal gawin ang bagay na ’yon!
Napapikit ako’t pilit na iwinaglit ang kung anong nasa utak. I just couldn’t believe what I’ve witnessed pero mas lalong hindi ko mapaniwalaan ang sarili kong pinanuod talaga ’yon! My mind cursed again pero nagising ako ng maramdaman ang pagyugyog ni Mari sa akin.
“Ano ba kasing nangyari, ha?”
“J-Jogging! Oo! Nag-jogging ako!” pagsisinungaling kong sinegundahan ko pa dahil alam kong hindi siya maniniwala. “Hindi ko naman talaga balak pero naisip ko lang kasi makulimlim kanina. Akala ko rin uulan kaya napatakbo ako pabalik.”
Nagsalubong ang mga kilay niya, pinapakiramdaman ang sarili kung paniniwalaan ako o hindi. Nagtaas siya ng isang kilay.
“Eh saan ka nga galing?”
Gumilid ang mga eyeballs ko at muling nagsinungaling.
“S-Sa gym.” sagot ko bago naghilamos para hindi na siya magtanong pa.
Pinilit kong lunurin ang lahat ng mga katanungan niya para na rin maiwasan kong isipin ’yon habang nasa klase pero bigo ako. Hanggang sa pag-uwi ay naging tahimik ako. Maging sa hapag-kainan ay wala akong mai-kwento kay Mama.
“Ano, Izzi? Wala kang iku-kwento sa buong araw mo sa eskwela?”
Nalunok ko ng wala sa oras ang pagkaing nasa aking bibig dahil sa tanong nito. Sinubukan ko siyang titigan pero ng makita ko ang kaseryosohan sa kanyang mga mata ay agad akong nag-iwas ng tingin dahil alam kong kahit kailan ay hindi ko magagawang magsinungaling doon at kapag naging totoo naman ako, baka masakal niya ako ng wala sa oras.
“Okay lang naman po, Ma. Medyo napagod ako kanina pero kayang kaya naman.”
“Hmm…”
“Ang sarap ng luto niyo ngayon Ma, ha!” pilit kong pagbabago ng topic dahil anong topic ba naman ang gustong marinig ng isang ina kung hindi ang komento tungkol sa luto nila?
Nagpatuloy ako sa pambobola hanggang sa mawala nalang sa kanya ang tanong kung anong ginawa ko buong araw. Kung alam niya lang ang totoo ay baka pinabuhusan na niya ng holy water ang mga mata ko! I mean, may isip na ako tama, pero ang makakita ng live action? It’s still inappropriate! Gano’n ba talaga sa Manila? Gano’n ba sila ka-liberated at walang pakialam? Palibhasa iyong Clare na ’yon ay galing rin sa ibang bansa kaya walang pakialam. Bagay nga sila. Masamang ugali at malandi.
Pagkatapos kumain ay inatupag ko ang pagbabasa. Halos matapos ko na ang isang nobelang kanina ko lang sinimulan pero hindi pa rin ako nilubayan ng mga nasaksihan ko. Kung bakit ba kasi nakita ko pa ’yon! Kung bakit hinanap ko pa ang mokong na ’yon at kung bakit pumayag pa ako kay Ate Skyrene! Ngayon tuloy ay hindi na ako makapag-focus sa pag-aaral ko!
Pabagsak kong inihiga ang aking katawan pabalik sa kama pero maya maya lang ay tumunog na ang aking telepono. Mabilis akong napaahon ng makita ang pangalan ni Ate Skyrene sa screen. Gustuhin ko mang patayin ’yon pero ayaw kong maging bastos. Sa huli, wala na rin akong nagawa kung hindi ang sagutin.
“Hello, Ate?”
“Izzi! Ang tagal mo namang sagutin! Busy ka ba? Wala kang research? Homework? O kailangang gawin para bisitahin mo ako ngayon?”
“Wala!” mabilis pa sa alas-kwatro kong sagot. “I-I mean, tapos ko na pong gawin lahat Ate at medyo busy rin ako ngayon pati sa mga susunod na linggo dahil malapit na ang exam kaya–”
“Oh, tamang tamang bumisita ka para makapag-review ka. Tutulungan kita.”
“Ate Sky, sorry pero si Mari po kasi ang kasama ko.
“Oh, eh ’di isama mo na rin si Mari.” giit niya.
Hindi ko na napigilang maiparinig sa kanya ang malalim kong pagbuntong-hinga.
“What? Is there something wrong?”
“Wala, Ate… Medyo pagod lang ako ngayon sa school pero okay naman po ako.”
“It’s good to hear that. Anyway, any news? Naghasik ba ng lagim ang magaling kong kapatid ngayon?”
Hindi lang lagim Ate Sky… Gusto kong sabihin pero hindi ko magawa.
“Tahimik po ngayon, Ate. Sige na po. Kailangan ko nang ibaba dahil tinatawag na ako ni Mama! Tatawagan ko po kayo kapag may nabalitaan akong ginawang masama ni Ramiel. Bye Ate!”
“Izzi–”
Pinatay ko na ang tawag at hindi na siya pinagsalita dahil baka kapag tumagal pa ’yon ay masabi ko na sa kanya ang lahat ng nasaksihan ko. Muli akong bumalik sa pagkakahiga at pilit na ipinikit ang mga mata, nagdasal na hindi ko makita ang mga imahe ng nangyari sa pagitan nito at nang girlfriend pero hanggang sa panaginip ko ay sinundan ako no’n!
Nagising akong pawis na pawis at habol ang paghinga. Sa panaginip ko kasi ay hindi lang ako tinitigan ni Ramiel ng masama kung hindi hinabol pa at gustong patayin! Nagkukumahog akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
Sabado ngayon at wala akong klase. Sa mga ganitong araw ay nasa mansion ako at nag-aaral pero dahil iyon ang pinaka-masamang gawin ngayon ay pipilitin kong manahimik nalang muna rito sa bahay. I don’t know when will I set foot in that place again. Baka kapag nagka-amnesia ako or nabulag si Ramiel. Iyon lang.
Pagkatapos uminom ay nagwalis ako sa bakuran habang hinihintay si Mari. Wala pang isang oras ay dumating na ito pero ang plano kong pagtatapat sa kanya kung ano talaga ang dahilan ng paghapo ko kahapon ay hindi ko na naituloy dahil sa dala niyang tsismis.
“T-Totoo ba ’yon?” gulat kong tanong.
Tumango-tango ito habang abala sa pag-ngasab ng nilagang mais na dala.
“Oo nga! Bakit ayaw mong maniwala?”
“May girlfriend na si Ramiel. Si Clare.”
Agad siyang umiling.
“Hindi niya girlfriend ’yon. Ever heard of the word fling? ’Yon lang ang relasyong mayroon sila. Hindi totoo ang balita. Kaya nga ’di ba, iyong magandang nursing raw ay na-virginan nito ilang buwan noong simula palang ang klase ngayong taon.”
I’ve heard the news but I never really listened to it. Akala ko purong tsismis lang dahil natural na ’yon lalo na sa pamilyang bagong salta pero simula ngayon ay dapat ko na yatang paniwalaan ang lahat dahil ako na mismo ang nakasaksi ro’n.
“Kung girlfriend niya si Clare, I don’t think he will fool around…” bumagal ang kanyang pag-nguya. “O baka nag-cheat lang siya. Pwede rin. It’s not that hard to believe knowing his status on the university…”
“Saan mo ba nakuha ang mga balitang ’yan?” pinili kong mag-concentrate sa pagkaing hawak ko kahit na nagkakabuhol-buhol na ang aking utak.
“Sinabi nga ni Vanessa. Hindi ka talaga nakikinig! Uulitin ko, kwento ng ate niya, noong isang linggo lang raw iyon nangyari! At naku te, maloloka ka dahil ang sabi ay daku daw si Ramiel!”
Nahinto ako’t napatitig sa kanya.
“D-Daku?”
Tumango tango ang nakangisi niyang mukha!
“Big, thick, long, hard, massive, sizable, hefty, malaki…” nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag and then the image of his Ramiel’s manhood flashed in my head again!
Mabilis kong ipinilig ang aking ulo.
“Huwag ka ngang maniniwala doon! Tsismis lang ’yon!”
“Tsismis na malaki ang titi niya?”
“Mari!” nanlalaki ang mga mata kong hiyaw dahil sa narinig!
What the hell! Gosh, what is wrong with her!
Humagalpak ito ng tawa na hinawakan pa ang tiyan dahil hindi na mapigilan ang sobrang katuwaan dahil sa nasabi.
“Sorry! Eh bakit, normal lang namang salita ’yon! It’s part of a human’s body–”
“Pero ang sagwang pakinggan!”
“Ano pala? Dick? Penis? Titi?!”
“Neither!” nagsisitayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa pasmado niyang bibig! “Kailan pa tayo nag-usap tungkol sa… sa…”
“Ti–”
“Mari! Ano ba!”
Tumayo na ako pero mas lalo lang nanakit sa tiyan ng kakatawa ang kaibigan kong tuwang tuwa sa salitang ’yon! She’s crazy!
“Kung ano-anong nasasagap mong balita! Nakakadiri ka!”
“Excuse me! Information ’yon! Oh at least alam na nating daku ang thing niya down there! Kaya nga tuwang tuwa iyong kapatid ni Vanessa. Solve daw siya! God, I can’t imagine how lucky she was!”
“Lucky?! Mari, naririnig mo ba ang sarili mo?!”
Tinigilan niya ang pagkain at tumatawa pa ring humarap sa akin. Hinawakan pa ang kamay ko.
“Izzi, alam mo hindi na tayo bata para sa mga gano’ng bagay. Ako, kung isang araw magkakaro’n ako ng experience gusto kong–”
Mabilis kong tinakpan ang aking magkabilang tenga dahil hindi ko na talaga kinakaya ang lahat ng mga naririnig sa kanyang bibig! Marami pa siyang sinabi habang humahalakhak na kinukuha ang mga kamay ko sa pagkakatakip pero hindi ko na talaga siya pinakinggan. Bumalik lang ang wisyo ko sa kanya nang magsalita na siya ng ibang bagay at malayo kay Ramiel.
I can’t deal with her and that topic. Kahit na isa na ako pwedeng magpatunay na totoo ang tsismis ay hindi ko sasabihin sa kanya. I just can’t tell anyone that I watched him have sex in front of me! Bukod sa moralidad ko ang nakataya ay napaka-bastos no’n!
“Si Rigel kaya? Tingin mo may experience na siya?” kuryosong tanong nito ilang oras matapos matabunan ang gano’ng usapan.
Hindi ko siya maintindihan ngayon at bakit ganito ang trip niyang topic pero dahil wala na rin yata kaming mai-tsismis sa isa’t-isa ay napasagot na ako.
“Siguro. Galing sa Manila ang mga ’yon. Doon, hindi na masyadong mahalaga ang virginity kumpara rito na mas marami pa rin ang mga sumusunod sa nakasanayan noong mga panahon ng kastila.”
Napakurap-kurap siya, mukhang hindi makapaniwala sa mga narinig.
“Kung sabagay… tayong dalawa kasama ang halos kalahati ng klase ay intact pa rin ang virginity.”
I nodded at her.
“Izzi, weird ba kung sasabihin kong bago mag-graduation gusto kong mawala na ’to?”
Ako naman ang natawa.
“Parang sakit lang na gusto mong mawala?”
Napanguso siya.
“Pagkatapos kong mag-aral ay susunod ako kay Tiya Selya sa Manila para magtrabaho. Sabi, doon raw ay loser ang mga virgin kaya gusto ko bago ako grumaduate ay hindi na ako virgin.”
Natigil ako sa pagbabasa sa hawak na libro ng makita ang kaseryosohan sa kanyang mukha.
“Seryoso ka?”
Pinagdiin niya ang kanyang mga labi at pagkatapos ay marahang tumango. Yep. She’s serious!
“Importante na hindi loser ang tingin sa’yo ng ibang tao kaysa sa virginity mo? Hindi ba dapat baliktad? Hindi ba dapat ika-proud mo ’yon dahil naiiba ka sa ibang mga nasa Manila? That’s a gem–”
“Masyadong makaluma ang gano’n, Izzi. Hindi na uso ’yong sa mapapangasawa mo lang ’yon dapat ibibigay. Kung talagang mahal ka ng magiging asawa mo, dapat matatanggap ka niya virgin man o hindi.”
Hindi ako nakapagsalita. I get her point. Tama naman ’yon pero hindi ba mas maganda pa rin ang makalumang kaugalian? Hindi ba iyon pa rin naman ang pinaka-magandang regalong maibibigay mo sa mapapangasawa mo?
“So kailangan mong magka-boyfriend bago tayo magtapos para mawala ’yan?” tanging naitanong ko imbes na ang sandamakmak na katanungan sa aking utak.
Muli siyang natawa bago nagkibit ng balikat. “It doesn’t matter. Kahit hindi dahil kung magkaka-boyfriend rin naman ako, iiwan ko rin pagkatapos. Hindi kami mabubuhay rito sa probinsiya. Hindi gaya sa Manila na malaki ang kikitain ko at makakapagpadala pa ng malaki-laking pera kina Mama…” she continued telling me her plans.
Ngayon ko lang narinig ang lahat ng ’yon kaya buong atensiyon ko ang nakatutok sa kanya. Nakalimutan ko na ang mga pangyayaring pilit kong kinakalimutan dahil sa mga paniniwala ni Mari. Oo nga’t kaibigan ko siya pero alam kong kahit naman anong sabihin ko ay ang gusto niya pa ring mangyari sa buhay niya ang kanyang gagawin. In the end, I just promised that I’ll support her in any decisions that she will make.
Naging bukas ako sa lahat dahil hindi naman porket iba ang paniniwala niya kaysa sa akin ay mali na ’yon at hindi rin porket iba ang akin ay mali ako. We deal with things differently at para sa akin, hangga’t wala ka namang nasasaktan tao ay gawin mo lang kung ano ang mga bagay na gusto mo’t magpapasaya sa’yo. Kung ’yon ang paniniwala niya ay wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang intindihin at suportahan siya. Maybe that’s the beauty of friendship, you may disagree with one’s opinions and even beliefs but you’ll still end up supporting each other.
Buong puso akong ngumiti nang matapos siya.
“So anong gusto mong role ko kapag nangyari ’yon? Scorer, referee or audience?” pagbibiro ko nalang upang kumbinsihin na rin ang aking sarili na may mga opinyon kaming magkaiba at pwedeng wala sa amin ang mali… At pwedeng wala ring tama.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva
/
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 5
Chapter Five
Answers
"Izzi!"
"Palakang kaka!" muntik kong mahampas sa mukha ni Rigel ang librong ipinangtatakip ko sa aking mukha ng sumulpot siya sa aking harapan sa gitna ng pagtatago ko sa nag-iisang lalaking hiniling kong magka-amnesia nalang o mabulag para hindi na ako makita.
Umalingawngaw ang halakhak niya sa hallway kaya agad ko siyang hinila sa gilid at pinatahimik.
"What are you doing?" kunot noo niyang tanong pero nang muling umawang ang kanyang bibig ay agad ko iyong binusalan gamit ang aking palad lalo na ng mahagip ng gilid ng aking mga mata ang grupo ng kanyang kapatid na palapit sa aming gawi!
Huli na ako para magsinungaling dahil agad niyang natanto ang dahilan kaya kinuha niya ang kamay ko.
"Relax–"
"Tara na!" mabilis kong ipinagpalit ang mga kamay namin at hinila siya para sana umalis na pero imbes na magpatianod sa akin ay mahigpit niya akong pinigilan.
Pakiramdam ko'y guguho na ang mundo lalo na't ilang dipa na lang ang lalaking 'yon kasama ang sandamakmak niyang alipores at mga hindot na palamuti!
"Rigel!" sigaw ni Ramiel at kuha ng atensiyon ng kapatid.
Ngumisi siya at tumayo ng tuwid bago kinuha ang libro sa kamay ko.
"I said relax..." halos pabulong niya nang sabi bago makalapit sa amin ang mga iniiwasan ko.
Pumihit ako paharap kay Rigel at ibinigay ang buong tiwala't buhay sa mangyayari. Inisip kong nag-o-overthink lang ako. Baka daraan lang ang mga ito at wala naman talagang pakialam sa amin pero ng marinig ko ang paghintuan ng yapak ng lahat sa aking likuran ay tuluyan nang naputol ang aking paghinga!
Oh my God!
Nakita ko ang pagtango ni Rigel sa kung sino kaya humigpit ang kapit ko sa kanya. Dama ko ang paninigas ng aking katawan. Hindi lang katawan, puso utak at buong kaluluwa na!
"You and Almera are a thing now, Rigel?" malanding boses ng babae ang narinig ko.
Marahan akong hinila ni Rigel sa kanyang tabi. Ayaw ko pa sanang harapin ang delubyong nasa likuran ko pero nang marinig ko ang sunod niyang sinabi ay awtomatiko akong napapihit habang nakaawang ang bibig.
"What if we are, Ana? May problema?" aniya pagkatapos ay pinisil ang kamay ko, tila sinasabing magtiwala lang ako sa kanya.
"Alam mo ba kung anong ginawa niyan sa kapatid mo?!" she spat, nalasahan ko pa ang pait no'n na parang siya ang nagawan ko ng masama!
I heard Rigel groaned at that. May sinabi siya, narinig ko pero hindi ko na naintindihan dahil sa paglihis ng mga mata ko patungo sa lalaking tila magnet ang mga titig at pinipilit hilahin ang aking mga mata. Nanuyo ang aking lalamunan ng matitigan iyon...
Shit! Ang mga matang 'yon!
"Wala siyang karapatang pigilan si Ramiel sa gusto niyang gawin! Bakit mo ba ipinagtatanggol?!" patuloy nilang pag-aaway na ginatungan pa ng ilan maging ang mga lalaki.
Nang makita ko ang pagkapit ng kamay ni Clare sa braso ni Ramiel ay agad na nalaglag ang mga mata ko doon. Pakiramdam ko'y may sariling sinehan sa loob ng utak ko't ni-replay na naman ang ginawa nilang dalawa ilang araw ang lumipas!
"Ramiel, do you believe this? Ipinagtatanggol ng kapatid mo ang babaeng 'yan!"
Ipinilig ko ang ulo ko para ibalik kay Rigel. The guy is still smiling, walang pakialam sa mga taong kaharap lalo na sa impluwensiya ng kapatid. Nang makita ko ang ngisi nito ay bumalik ang nababaliw kong titig sa kapatid niya.
"We have no business here," ani Ramiel at pagkatapos ay may kinuha sa bulsa't inabot sa kapatid.
Nakita ko ang isang pakete ng sigarilyo pero mukhang hindi sigarilyo ang laman! Is it weed? Drugs? Shit! May mare-report na ba ako kay Ate Sky?!
Natahimik ang lahat dahil sa pagkapahiya sa sinabi ni Ramiel. Mukhang hindi inasahan na wala itong pakialam kung anong gusto ng kapatid pero nang muling magdikit ang mga mata namin matapos iwan ang sa kapatid ay hindi ko na napigilang mapasinghap.
"Sumunod ka mamaya sa warehouse at huwag mong hayaang pakalat-kalat 'tong chicks mo para hindi kung ano-ano ang nakikita."
"Anong nakita?" inosenteng tanong ni Rigel gaya rin ng mga taong nakapalibot sa amin.
Sinubukan kong hilahin ang kamay niya para takbuhan ang lahat pero madaling naubos ang lakas ko ng makita ang pag-ngisi ng lalaki sa aking harapan!
"Ano nga bang nakita mo, Almera? Can you tell us?" mapaglaro niyang tanong pero wala akong nagawa kung hindi ang paulit-ulit na pisilin ang kamay ni Rigel!
"Izzi?"
"W-Wala–"
Ramiel's sarcastic laugh echoed in the hallway!
"Really, huh?"
"Ramiel, what is going on?" nalilito na ring tanong ni Clare pero hindi niya sinagot, mukhang gusto talagang ako ang magsabi at kahit naman sabihin ko, wala siyang pakialam na malaman ng lahat! The nerve!
"I don't know. I'm curious too," nanghihina akong napaatras ng humakbang siya ng isang beses palapit sa akin. Nalaglag ang mga kamay ni Clare rito pero wala siyang pakialam. Nanatili ang matalim at nanunuya niyang titig sa akin bago muling nagsalita. "Gusto ko ring malaman kung anong nakita mo, Almera?"
Gusto kong lamukusin ang mapang-asar niyang mukha na proud na proud pa sa nagawa pero hindi ko maisakatuparan! Shit! Kung pwede ko lang talagang isumbong kay Ate Skyrene ay ginawa ko na! Aba dapat siyang magpasalamat sa akin at hindi ganito! Ang kapal!
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Ramiel," marahas kong pinutol ang pakikipag-titigan sa kanya at ibinaling iyon kay Rigel na magkadikit na ang makakapal na kilay. "Tara na kasi, Rigel... Please?"
Sa pagtango niya ay nakahinga ako ng maluwag. Tinanguan niya nalang rin ang kapatid at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Hinila ko na siya palayo sa mga nagtatanungang alagad ng ugat ng kasamaan!
Hindi ako nakaligtas sa mga tanong ni Rigel pero dahil naroon na ang professor ko sa silid na pinaghatiran niya sa akin ay hindi ko na nasabi sa kanya. Nagpasya nalang kaming magkita at sabay mananghalian kaya hinanda ko ang sarili ko.
Habang tumatagal ang pag-ikot ng oras ay mas lalo akong naiirita sa Ramiel 'yon. Ang kapal ng mukha niyang itanong sa akin ang bagay na 'yon. Paano kung sinabi ko? Ano nalang ang mararamdaman ni Clare kapag nalaman ng mga kaibigan niyang nakikipag-sex siya rito sa loob mismo ng campus? Will she be proud or embarrassed?
My class ended well. Pagkatapos ng dalawa ay naghanda na ako sa muling pagkikita namin ni Rigel. Marami namang kaibigan si Rigel sa school pero dahil nakasanayan na namin ang isa't-isa ay komportable na siyang ganito kami lalo na kapag wala si Mari. Minsan kasi ay inamin niya sa aking naiilang siya rito dahil masyadong bokal ang kaibigan kong 'yon sa pagsasabi ng mga bagay na gustong sabihin. Halimbawa nalang noong nakaraan na ilang beses niyang sinabihang gwapo si Rigel kahit sa gitna ng dagat ng mga estudyante sa loob ng canteen. Sanay naman na si Rigel sa gano'n dahil marami rin siyang admirers pero pinipili nitong huwag masyadong gawing big deal ang lahat. He's just humble and that makes him more attractive, 'yon nga lang, magkasing-edad lang kami at hindi kami bagay. I just don't like someone who's not way older than me, iyon pa rin ang hindi nawawala sa akin.
"So? Ano? Nililigawan mo na si Lana?" nakangisi kong bungad sa kanya na agad niyang inilingan.
"Don't dare change the topic, Izzi. Hindi 'yon ang pag-uusapan natin."
Napanguso ako sa narinig. Sabay kaming pumasok sa canteen at um-order ng pagkain. Nang makaupo na ay hinanda ko ang sarili ko. I never really believe in the goodness of the odds, pero ng marinig ang sinabi niya ay tila may bumbilyang umilaw sa utak ko.
"Go on, tell me now. Pagkatapos nito pupuntahan ko pa si Ramiel may kailangan akong ibalik."
"Wait, anong ibabalik mo?"
"Money."
"Para saan?"
"Para sa laro niya mamaya sa warehouse–"
"Warehouse? Doon na ba ang venue ng pasugalan niya? Saan 'yon?"
Sandali siyang natigil at napatitig sa akin. Nang matanto kong alam na niya ang sinusubukan kong gawin ay matamis akong ngumiti upang magpa-cute at maging inosente.
"Nagtatanong lang naman ako. Isa pa, kahit naman malaman ko hindi ako makakapasok do'n. Ang sabi ni Mari kailangan munang maging member. Bukod sa wala akong pera para sa membership ay hindi rin naman ako marunong magsugal. Gusto ko lang malaman."
Mas lalong dumiin ang titig niya sa akin. Rigel has dark eyes unlike his brother's almonds. Parehong makakapal ang kanilang kilay, may matangos na ilong at mapupulang labi pero ang mukha niya ay hindi intimidating gaya ng kapatid. He looks like Ate Skyrene, maamo ang mukha at parang baby na gusto mo nalang i-hele at patulugin. Iyong isa, parang gusto ka laging kainin sa tindi ng titig.
"Why? Bakit curious ka?"
"Curious lang talaga. Masama bang malaman?"
Umiling siya.
"Not really. It's just weird for a girl to ask where the warehouse is lalo na't hindi naman nagsusugal."
"Gusto ko lang malaman kung paanong nag-expand 'yon at mukhang successful na, eh noon kara-krus lang naman 'yon, 'di ba?"
Natatawa itong kumagat sa kanyang burger.
"Malapit sa palayan 'yon. 'Yung dating distribution center ng isang patahian na medyo tago sa kabihasnan. Luma na pero dahil sa tagong pwesto ay binili pa rin ni Ramiel para ipagpatuloy doon 'yung trip niya."
"But it's illegal."
"We all know that."
"Paano kung mahuli?" kumain na rin ako habang nagtatanong, pinipilit maging kaswal ang lahat para hindi siya makahalatang kailangan ko talaga ng impormasyon.
Nangingiti ang utak ko sa ginagawa. I felt like a secret agent or something. Wala namang bayad pero hindi na rin masama kung 'yon ang makakapagpalagay ng loob ni Ate Skyrene... Or not.
"Kaya nga pribado 'yon at walang pwedeng makaalam. Kung meron man, madali na ring lusutan lalo na't ang mga naglalaro do'n ay mga anak ng pulis. Sila Sandeval, Ercanta at marami pang iba. Balita ko nga pati iyong anak ni General Matias ay member na rin. Hindi pa naglalaro pero nasa listahan na."
Bumagal lalo ang pag-nguya ko. So it's really a thing! Totoong mayroon pa rin at buhay na buhay ang pasugalang iyon!
"Doon ka pupunta?"
He nodded quietly. Uminom siya at nagpatuloy sa pagkain habang ako naman ay nag-iisip kung ano ang dapat gawin. Nang maisip kong sa bawat gagawin ko ay kailangan ko ng pruweba ay hindi na ako nagdalawang-isip na sabihin ang plano ko.
"Can I come then?"
"What? Why?"
"I told you many times. I'm curious. Hindi ka naman siguro magtatagal doon, 'di ba? Isa pa, pagkatapos doon ay pupunta rin ako sa mansion kaya sabay na tayo." inalis ko ang tingin sa kanya para magmukhang malinis ang konsensiya ko.
"You sure?"
"Sandali lang naman tayo, 'di ba?" ulit ko dahil hindi ko rin naman kayang magtagal sa iisang lugar habang nasa paligid si Ramiel. Isang picture lang ng ibidensiya ay tama na.
"Yeah. I'm just gonna give him his money."
Napalunok ako ng maisip ang posibleng pinanggalingan ng perang 'yon.
"'Y-Yung pera... Galing ba 'yon sa ibinigay niya sa'yo kanina? Is that..."
Napaangat ang tingin niya sa akin at pagkatapos ay lumingon sa paligid. Nang makitang wala namang mga estudyanteng malapit sa amin ay saka lang siya nagpatuloy.
"Promise me you'll never tell anyone."
"I-Is it drugs?" kinakabahan ko nang tanong dahil hindi ko yata alam kung paano sasabihin 'yon kay Ate Sky.
Rumehistro ang pagkabaliw sa tuwa sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko.
"Gago 'yong kapatid ko pero hindi adik."
Napanguso ako.
"Promise me, Izzi."
Tumango nalang ako. "I promise."
"It's weed and yes, galing doon ang pera."
Napalunok ako. Hindi ba drugs rin 'yon? Kung tutuusin ay hindi na dapat ako magulat dahil may issue naman nang gano'n noon pero hindi pa rin ako makapaniwalang totoo lalo na't involve pala si Ramiel sa illegal na gawain ng kapatid nito.
"I know what you're thinking, Azalea," pinunasan niya ang bibig saka nagpatuloy. "We're not smoking weed... Well... I mean, hindi na ngayon at iyong kanina ay special order lang. It's for Mr. Aranjuez."
"S-Si Dean?!"
"Shh!" pigil niya sa akin na inilagay pa ang hintuturo sa gitna ng bibig.
"S-Si Dean?" mahinang mahina kong ulit dahil nababaliwan na ako sa mga sinasabi niya.
Tumango siya at muling uminom at lumingon sa paligid.
"Hindi na yata tinatayuan kaya kailangan si Mary Jane."
"Mary Jane?"
Nasapo niya ang noo, natantong wala akong alam sa mga short cut and terms niyang gano'n.
"Weed, tsongke, cannabis, you know the drill but I swear, matagal nang tapos ang transaksiyon ng pagbebenta no'n rito sa university. Simula ng mabili ni Ramiel iyong warehouse tumigil na siya."
"A-Alam ni Ate Sky?"
"No and she doesn't need to know, promise me."
Matagal akong napatitig sa kanya at walang naisagot. Kung hindi niya pa hinawakan ang kamay ko ay hindi ako magigising sa aking kahibangan.
"Izzi?"
"I-I promise."
"Good."
"Pero bakit ikaw ang inutusan niya? Kasali ka rin ba sa ganito kahit noon pa?"
"No. I just made him a favor dahil bukod sa may kailangan ako kay Dean ay ayaw ring mag-iwan ng kahit anong trace no'n. It was his secret medicine to his failing sex life. Ramiel is just happy to help."
"Pero saan niya kinukuha ang mga 'yon?"
Doon na siya natawa. Nabaliw na rin sa sarili dahil sa patuloy na pagsagot sa mga katanungan ko't pagbibigay ng impormasyon.
"You're really that too curious, huh?"
Tumango ako. "I'm kind of into illegal things now."
"Sira ulo ka."
"Bakit? Ikaw rin naman. Alam mo bang no bail ang marijuana kapag nahuli ka?"
"Of course."
"Pero bakit niyo ginagawa?"
"Just say that we have needs. Isa pa, we're not beginners when it comes to selling mj and doing illegal stuff."
Ipinilig ko ang ulo ko. I guess I still have a lot to learn in him... Sa buong pinagmulan nila.
"Saan niya kinuha iyong ibinigay mo kay Dean na cash on delivery pa?"
Natatawa siyang umiling at muling uminom ng soft drinks.
"Sa sariling farm ni Ramiel."
"F-Farm?"
"I'm giving you too much information. Gusto mo bang maging pulis o accomplice sa illegal na 'to?"
Marahas akong umiling!
"No way! Gusto mong multuhin ako ni Papa!"
Humalakhak na ito. "Then stop asking questions," sinaid niya ang laman ng iniinom bago muling nagsalita. "My turn, ano 'yong sinabi ni Ramiel na nakita mo?"
"H-Ha?"
"Come on, Izzi. Ang dami kong isinagot sa'yo. It's your turn to answer me back with full honesty. Anong nakita mo?"
Parang muli kong naramdaman ang mga butil ng pawis sa aking noo noong araw na mangyari iyon.
"Izzi–"
"I saw your brother having sex with Clare sa likod ng education building!" tuloy tuloy ko nang pag-amin dahilan para umawang ang kanyang bibig.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva
/
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 6
THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. HEAD OVER TO THE APP TO READ IT FOR FREE.
SEE YOU!
CHAPTER 7
THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. DOWNLOAD THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.
SEE YOU!
EPILOGUE
Ramiel’s full POV and season 1 epilogue is only available on Patreon and WILL NEVER be posted here unless it will be under paid story. Click the link on my bio for Patreon related questions/tutorial or message me for direct pledge.
Again, thank you all so much to everyone who expressed their love and support for this story. You guys are the best! See you on the next installment of this series! :)
Sana Ngayon Season 2
Hi,
This is not over yet. Thank you for all the support and love for Ramiel and Azalea. Here’s the season 2 (Book 2) of their story.
❤️
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# SEASON 2: BLURB
Blurb
God gave us five basic senses. Touch, to enable us to feel pressure, temperature, pain and other sensations. Sight, to be able to perceive images and see visible elements. Smell, to help us detect scents and chemicals in the air. Hearing, to detect sound. And lastly, taste, to distinguish palatable and disgusting substances.
Sabi nila magkaka-konekta ang mga 'yon. Bukod sa totoo ay napatunayan ko rin mismo iyon sa pinakamalalim pang paraan.
I feel pain when his warmth touches me. I perceive hurtful images when I try to look into his eyes. I smell lies in him. I hear my heart scream so loud when he told me that he loves me, and I taste disgust for responding with the same words.
May hangganan nga kaya ang wagas na pagmamahal? O habang buhay na lang akong hihiling na sana ngayon ay maubos na ito at ang lahat ng sakit?
Season 2 of this book
is
now
exclusive
o
n Patreon. Click the link on my bio to subscribe or slide me a message.
Thank you!
SEASON 2 : CHAPTER 1
Chapter One
Play With Fire
“Does it feel good, baby?” Ramiel asked while he’s in between my legs, gently flicking his tongue on my button.
Bilang sagot ay isang sabunot ang ginawa ko sa kanya. How can I respond to that when all I could do is grip his wet hair so that I won’t explode in his mouth again!
“Uh-hmm…”
“Say it,” he urges as he licks me slow.
“M-Masarap, Ramiel… Ang sarap-sarap… Oh!” I screamed when he suck the tip of my feminism.
He continued pleasuring me, kissing and sucking me until his tongue slid inside my pulsing flesh. He teases my walls and pulls away just to continuously lick my button. Marahang umangat ang mga kamay niya galing sa maghigpit na pagkakakapit sa aking magkabilang hita pabalik sa aking nagtatayuang dibdib.
I screamed louder when he massages its peak.
“Oh, Ram!”
“Fuck…” his voice vibrated inside me and it sent me into orbit!
Nagpatuloy siya sa pagpapabaliw sa akin, it’s our third time making love today and I’ve lost count on how many times he offered heaven to me, oh God another one!
“Ramiel, I’m coming! Baby…” hinihingal kong hiyaw ngunit hindi siya umalis, mas pinag-igi niya ang ginagawang pagdila sa akin.
Oh, damn it! He’s so fucking good!
Muling nanginig ang katawan ko habang mas humihigpit ang hawak niya sa aking magkabilang hita para ipirmi ang aking balakang. He didn’t stopped until I stopped quivering!
Mariin ang pagpikit ko habang hinihingal at hinihintay na matapos ang sarap ng rurok na aking muling natikman dahil lang sa kanyang paghalik. Nang matapos ay umangat ang halik paangat sa aking puson, tiyan hanggang sa maabot ang aking dibdib. Muli niyang pinaliguan ng halik ang mga ’yon partikular ang tuktok ng mga ito. He showered it with kisses while massaging it, giving each other’s enough attention. Maya-maya ay lumakad pa ang mapangahas niyang halik hanggang sa aking mga labi.
“Aren’t you tired, my love?” I bit his lower lip saka umiling.
“I’ll never be tired if it’s because of this… of you.”
“Good,” he smirked and pulls his body away, just enough to position his massive bulge on my entrance. “Because I’ll do it slower this time, baby. Nice and fucking slow…” aniya sa nakakangilong tonong nagpanginig sa kalamnan ko.
The thought of being fucked slow excites me. Not that we didn’t do it yet but I like it more when he’s slow. Mas ramdam ko ang kanyang kalakihan… The way his enormous member stretches me. Bahagya akong napangiwi ng gumalaw na siya.
Oh, God! Ramiel is thick, long and always hard! He’s so satisfying and he never failed to make me cum so many times in a day!
“Oh! Hmm… Baby…” napakapit ako sa kanya nang dahan-dahan niyang ipasok ang kanyang kalakihan sa aking naglalawang pagkababae.
He’s staring at me, watching my expression while making his way inside me.
“Does it hurt? Are you sore?”
Kagat labi akong umiling.
“I like it… I like it so much, Ram…” dumiin ang labi ko nang dumalas ng mabilis ang kalakihan niyang hindi na napigil.
Napaawang ang bibig ko dahil sa nakakabaliw na sensasyong dulot ng paggalaw niya. Kahit na maraming beses na namin itong ginawa ay hindi pa rin ako makapag-adjust sa laki niya. That every time we made love, iba’t-ibang langit ang nararating ko. Fuck, he makes me so addicted to it!
Idinikit niya ang pawis na katawan sa aking kahubaran at pagkatapos ay hinawi ang buhok na nakaharang sa aking mukha.
“Do you really like me inside you, huh?”
Mas lalong nag-init ang aking pisngi sa tanong niya.
“Gustong-gusto ko…” I answered while he’s pushing himself to the edge. “Ahh…” Isang mahabang ungol ang kumawala sa aking bibig.
“You’re so fucking wet, baby…” napayuko siya’t hibang na hinalikan ang aking leeg.
He planted feathery kisses on my neck but when he pulled and pushed himself again inside me, mas dumiin ang halik niya, leaving a mark even when I didn’t see it yet.
My flesh and nipples were on fire sending lusty thoughts to my brain as he started fucking me nice and slow. He moves like his body hungers for me, and kisses me like he craves the taste of my whole being.
I close my eyes and let him do just as he wishes. Shutting down all my sense of sight, I allow my inner being to absorb all my feelings for him. His breath hovers over my ear, my neck down to my collar bone. Finally, the fire he has burned upon my skin is rewarded with a cool tongue, flicking across my right nipple.
“Uhm!” my voice hisses under him.
My walls are filled with passion as his hard member pumped a little bit faster this time.
“I love making love to you, Azalea…” he whispers. “These are all mine, you are just mine, baby.” Though his words are only a whisper, they roar in my ears as if he shouted so loud just for his words marked in every part of me.
“I am yours,” I answered gladly. “Only yours, Ramiel…” dagdag ko habang kumakapit na sa kanya dahil sa kanyang pagbilis.
“Ang sarap, love… Putang ina, nababaliw ako sa sarap mo.” he added while he is now pounding on my sex.
Nawala na ang mga salitang nice and slow dahil talagang nakakaliyo ang lahat ng ito! I responded by kissing him hard. Hinayaan kong mag-isa ang katawan namin sa paraang ikababaliw ko rin until both of us were moaning as the passionate waves of pleasure rush over us. The tremor of our body are like the tides of the sea, it rises and falls with each pump of his hips and each throb of my sex.
All I could hear is his words of love when our lips tore apart. I remember saying the same thing but my world is spinning so fast as the convulsion of my body began because of another orgasm.
“Oh my god!” I call out as the orgasm continues to spiral around me.
He kisses me deeply this time and my groaned roared inside his mouth. Halos umikot ang mata ko nang mas tumindi ang kanyang pagbayo. Moments later, he is releasing his seeds deep in my fiery sex. He unloaded all of his liquid inside me.
“Oh God that was so good!” I purr languidly in his ear.
“You’re incredible, baby…” he answered as he lifts his head enough to smile sweetly down at me and kissed my swollen lips.
Ilang minuto pa kaming naghalikan bago siya tuluyang umalis sa aking ibabaw. I watched him get me a towel. Muling nag-init ang pisngi ko ng makita ang pagbalik ng kahubaran niyang nakatayo pa rin hanggang ngayon. Like it’s a soldier who’s always ready for a battle.
“Clean up, we’re having dinner tonight at the warehouse and I don’t want us to be late.” umahon ako at tinanggap ang tuwalyang ibinigay niya ngunit hindi naalis ang tingin ko sa kanyang kalakihan.
How did that thing still stood proudly even after countless of sex? Am I still undersestimating him?
“What? Huwag mong sabihing gusto mo pa?” doon lang ako napaiwas ng tingin at inangat ang mga mata pabalik sa mapang-asar niyang mukha.
“Baka ikaw ang gusto pa,” I teased while glancing back at his sex. “N-Nakatayo pa rin.”
Natatawa niya akong tinabihan at hinapit upang halikan ng tatlong beses sa labi.
“Gustong gusto ko pa kung alam mo lang at hinding hindi ako magsasawa dito,” my lips parted when his hand make its way to my still soaking flesh. Napabuka ako ng wala sa oras lalo pa nang maramdaman ko ang gitnang daliring niyang dumadamping muli doon, tracing my slit down to its entrance. “Baby, I will glorify this any time of the day… God…”
“R-Ram…”
Napakapit ako sa kanyang balikat at nanghihiyang napaliyad nang ipasok niya ang daliri sa akin. The juices he buried inside me overflows in my entrance. He smirked at my reaction.
“I will never get tired making love to you so don’t question my erection. Masanay ka nang tatayo talaga ’to kapag kasama ka.”
Nakagat ko nalang ng mariin ang aking labi dahil sa sinabi niya. Hindi ko napigilang mapaungol nang dahan-dahan niyang hugutin ang mahabang daliring ipinasok sa aking pumipintig na kaselanan. He kissed me again on the lips at inangat pa iyon para naman bigyan ang aking noo.
“Tell me if you want to go or you just want just stay here and make love all night. Walang kaso sa akin.”
“N-No…” napalunok ako dahil sa boses kong hindi malaman kung pagtutol o pagmamakaawa sa kanyang ipagpatuloy ang ginagawa sa aking katawan. “I-I want to go…”
Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na niyang inalis ang kamay doon at ipinagapang iyon paitaas sa aking katawan. He gently cupped my face and kissed my lips one more time.
“Mauna ka nang maligo, I’ll wait outside. Just lock the door, alright?”
Nababaliw akong napangisi.
“Oo na para hindi na tayo ma-late.”
He chuckled at that. Mukhang natuwa sa pagkakabuko ko kung bakit gusto niyang ipa-lock ang pinto.
“Do you still have pills? I will get you some.”
“I still have enough.” I answered him. Doon na tuluyang natapos ang usapan namin.
Habang nasa loob ng banyo at inaayos ang sarili ay hindi mawala ang ngisi ko. I’m using pills for over one year now. Hindi dahil kailangan ko sa ginagawa namin ni Ramiel kung hindi dahil iyon ang advice ng OB-GYN. Hanggang ngayon kasi sa edad kong bente anyos ay malala pa rin ang pagsumpong ng dysmennorhea ko. The doctor advice me to take it religiously at iyon ang ginawa ko hindi lang dahil sa kalusugan ko kung hindi dahil na rin sa mga aktibidad namin ni Ramiel.
We’re almost celebrating our eleventh monthsary. Hanggang ngayon nga ay lutang pa rin ako dahil hindi ko akalaing magtatagal kami ng ganito. Not that I don’t want this to last but I didn’t expect it to be this smooth.
Simula nang ipagtapat niya ang totoong nararamdaman para sa akin ay totoong naging maayos ang lahat hindi lang ang relasyon namin kung hindi pati na rin ang relasyon namin sa mga taong nakapalibot sa amin.
Everyone seems so happy with our relationship. Lalo na si Mama na spoiled kay Ramiel. My Mom doesn’t really like material things pero si Ramiel ang nagpupumilit at alam naman ng lahat na walang makakapigil rito kay sa huli ay nasanay na rin siya.
Kung hindi nga lang talaga umaandar ang pagiging matatag ng moralidad niya ay pumayag na itong lumipat kami sa mas malaki at magarbong bahay na gusto ni Ramiel para sa amin, to live there comfortably. Nang hindi sang-ayunan ni Mama ang gusto niya ay ako na ang nagpaliwanag kaya ibinigay niya nalang iyon sa isang taga-pangalaga ng kanyang canabis farm.
Hanggang ngayon, isang taon mahigit ang lumipas ay wala pa ring alam si Ate Skyrene sa lahat ng ilegal na gawain ng kapatid samantalang ako naman ay mas na-involved. While he’s studying, nag-aaral rin siya kung paano ang negosyo ng mga Deontelle. Nagtayo sila ni Jaycint ng sariling restaurant malapit sa university at iyon ang dahilan niyang pinagkukunan ng lahat ng luho.
Simula naman ng maging kami ay halos ayaw na ako nitong iwan ng mag-isa. Kapag wala akong oras at busy sa pag-aaral ay siya ang nag-a-adjust para makasama ako at kapag siya naman ang abala ay ako ang sumasama sa kanya.
He fulfilled his promise making me his queen. Ang mga alagad niya nga ay halos hindi na makatingin ngayon ng diretso sa akin dahil katumbas ko si Ramiel. Kung ano ang ayaw at gusto ko ay gano’n rin ang sa lalaki. Kung hindi ko nga lang naging kaibigan sila Raymundo ay talagang ituturing nila akong amo.
“Is my dress okay?” tanong ko habang nasa biyahe na kami patungong El Grande.
Ngayon kasi, isang taon mahigit ang nakalipas ay ilang tagong casino na ang ino-operate nila sa buong lalawigan ng Palawan. Ramiel is very famous lalo na sa underground at ilegal na gawin. Noong una ay gusto kong malula ng makita ang mga bank account niyang gusto niyang ipalipat sa pangalan ko. It’s more than what I need my entire life! Hindi ko inakalang gano’n siya kayaman na kahit sino ay kaya na niyang bilhin.
Mali man ang paraan niya sa mata ng batas pero wala akong nakitang masama sa pamamalakad niya’t mga negosyo.
He’s sponsoring all the needs of San Martin. Hindi lang ang university kung hindi pati ang mga maliliit na negosyo sa lugar. Siya rin ang nagsusustento anonymously sa shelter at mga katabing hospital ng aming lalawigan na hindi alam ng nakatatandang kapatid. Isa rin siya sa mga tumutulong sa mga trabahador ng mga Deotelle sa farm. Kulang na nga lang ay tumakbo siyang Gobernador para magkaroon ng hustisya ang lahat ng ginagawa niyang kabutihan. He said he’s not really making it for himself but for everyone who needed it the most… And that is where I knew I found the right man for me.
“Yeah,” tinawid niya ang maliit na espasyo namin para ayusin ang slit ng suot kong dress. “Pwede ka namang magpalit kung ayaw mo niyan. You have a lot of clothes at the warehouse.”
Oh I almost forgot about that. Mapa-kubo, Deontelle’s mansion at hanggang sa warehouse ay mayroon na nga pala akong gamit. Hindi lang iyon, siya mismo ang namimili ng mga damit kong susuotin. He’s good at it. Hindi ko alam kung dahil ba sa dami ng mga babaeng nakasama niya kaya alam na niya ang maganda o hindi o talagang gusto niya lang akong bihisan para mas maging bagay kami. Gayunpaman, masaya ako sa lahat ng mga ginagawa niya para sa akin ngayon… Para sa aming dalawa.
“I’m asking you, para sa’yo pwede na ba talaga ’to?” napatuwid ako ng upo nang ipirmi niya ang mainit na palad sa aking hita, sa loob ng slit ko.
“It’s okay for me but if you have something in mind, it’s no big deal. You look stunning in every dress anyway..”
That made me bit my lip but the playful smile accross his lips made one of my eyebrow ascend a little bit.
“What was that smirk for?”
His smile widened as he licks his lips and turn to me.
“Kahit anong isuot mo, I still like you without any clothes on, baby.”
“Ramiel!” nahihiya kong natakpan ang mukha ko dahil alam kong para na naman akong namumulang kamatis!
“What? You know how honest I am to you at totoo ang sinasabi ko ngayon.”
“Stop teasing me!”
“Oh, I am teasing you?” mas lalong naging mapaglaro ang ngisi niya.
Sinapak ko siya sa braso at natatarantang tinanggal ang kamay niyang ngayon ay humihimas na sa aking hita.
“You pervert!” natatawa kong birong inilingan niya.
“Sa’yo lang ako ganito, Azalea. Remember that.”
“Fine. Just drive and stop talking Mister!”
Nakita ko ang paghigpit ng kapit niya sa manibela dahil sa huling salitang sinabi ko.
“What did you say?”
Ako naman ang napangisi ng malawak lalo pa’t napalunok ito. Now, it’s my turn to tease him! Gosh! See how horny I become because of him?
“Why? Do you like me calling you another name? How about I call you Daddy, huh? Will that make you continue what you’re doing?”
He licks his bottom lip once more. Ilang beses pa siyang napailing.
“Stop playing fire with me, baka hindi mo ako kayanin.”
“Oh, yeah? What will you do, Daddy?” malanding sabi ko.
“Stop.” he commanded now, seryoso na.
Doon na ako napahalakhak! Nanunukso akong lumapit sa kanyang leeg. Nagpakawala ako ng hangin sa ilalim ng kanyang tenga bago muling nagsalita.
“That’s why you don’t play fire with fire, Daddy… Baka ako ang hindi mo kayanin ngayon.”
“Stop, Azalea!”
I didn’t. Instead of listening to him, mas minabuti kong halikan siya ng dahan-dahan sa leeg. Parang nagbunyi ang lahat ng anghel sa pagkatao ko nang wala pang limang segundo ay naramdaman ko nang inihinto niya ang sasakyan at agad akong sinunggaban ng naglalagablab na halik!
It’s too late to back out. Mabuti nalang at madilim na’t wala nang masyadong dumaraang sasakyan sa daang tinatahak namin kaya malaya naming napagbigyang muli ang isa’t-isa.
We made love in his car. Hindi ito ang unang beses na ginawa namin ito rito pero mas masarap at nakakabaliw ang ginawa niyang pag-angkin sa akin sa pagkakataong ito.
I screamed so loud when he came inside me for the fourth time this day. Hingal na hingal kaming pareho habang pinapahupa ang rurok na muli naming naabot. Napapikit ako ng mariin nang sa huling pagkakataon ay idiniin niya ang sarili sa akin.
“God damn it, Azalea… I love you… I love you so fucking much but don’t fucking play me that way because you knew I’d lose. Baby, talong-talo ako sa ganito and I will always be a loser when it comes to you… Only you, my love…” he whispered in a husky voice while still making slow thrust inside me.
This will be my last update for this story here in wattpad. You can read the full version on Patreon or VIP group.
M
essage
our FB page Ceng Crdva with 140k followers
for details.
✨
# NOTES
Hi Cenglots and all readers!
Again, I want to thank you for still supporting and loving my stories. It has been a rough year for all of us but I do hope that you all are safe and doing well. I hope my stories help you in some way especially in times like this. Sana nawala ko kahit paano ang boredom ninyo. I don't know when can I finish another story because I'm currently having a writer's block but I'll still try to write as much as I can so please bear with me with my slow updates.
Anyway, please stay safe and healthy for now. You guys are awesome! I love you.
— 𝓒𝓮𝓷𝓰
💞
To God Be All The Glory!
Happy Sunday!
💞
"Hatred stirs up conflict, but love covers over all wrongs."
—
Proverbs 10:12
# BOOK VERSION SALE TODAY!
4.4 Mega sale is now happening on PSICOM's shopee account! Get 40% discount when you buy Sana Ngayon Book today for only ₱165 instead of ₱275! ✨
Check my latest post for the link where you can buy it.


Ramiel and Azalea is finally here!
Sana Ngayon book 1 is already published under PSICOM Publishing Inc., SRP is ₱275 only with 480 pages, Ramiel's full POV, and book exclusive special chapter.
You can now buy it on PSICOM's Shopee and Lazada account. Watch out for sale price up to ₱50 off during their live selling everyday from 7pm-9pm.
Thank you for all your support in this story and the whole series. May God bless us all always!
—Ceng 💚

