loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
SARAP MO PA RIN, TOL

SARAP MO PA RIN, TOL

xzql25 · 11 chapters · 16,896 words

Episode 1: Ang Kuya Ni Kyle

Hindi na mabilang ang nahumaling kay Kyle. Subalit sa bawat relasyon, pinalalampas lang niya ang bawat pagkakataong lubos na ibigay ang kanyang sarili.

“Kyle, kailan uli?” Tanong ni Chezka.

“Basta magkita na lang tayo pag may pagkakataon. Di ko alam. Basta.”

Malamig. Walang emosyon. Walang gana.

Ganyan si Kyle sa bawat karelasyon.

Babae. Lalaki. Bakla. Tomboy. Pareho ang kinahihinatnan. Walang linaw. Walang direksyon.

Oo. Matamlay ang pintig ng puso ni Kyle sa bawat karelasyon. Sa totoo lang, wala talagang relasyong matatatawag. Fling, oo. Paraos, ganun lang.

Bakit nga ba?

Si Kyle, disiotso, guapo, may tamang tangkad. Pinagpala. May karisma.

Pero hanggang tikim lang sila’ng lahat.

Maraming nagkakagusto sa binata. Maraming nahuhulog sa kanya.

Sino nga ba ang hindi?

Mapagbigay naman. Madaling ayain. Pero hanggang doon lang.

Talagang lahat ay mahuhulog at mahuhumaling. Dahil langit ang naaabot ng bawat makasiping.

Magaling kasi talaga. Bihasa sa lahat ng anggulo.

Masarap kaniig.

Pero huwag kang umasa. Dahil matapos nyong maabot ang langit, bumabalik siya sa lupa.

Ikaw na ang bahala kung trip mong manatili sa alapaap.

Pero hanggang imahinasyon mo na lang ang naganap. Malamang sa malamang, di na siya uulit sa iyo.

Bakit?

Ganoon lang ang gusto ni Kyle. Walang commitment. Walang emosyon. Para tahimik ang buhay.

Limang taon na ang nakalipas nang mangako ang kanyang kuya na ito ang magpapaaral sa kanya sa college. Subalit hindi na niya ito muling nakita.

Trese anyos siya noon at bago lang tumutuntong ng high school at maging sa pagbibinata.

Bunso si Kyle sa apat na magkakapatid. Babae ang panganay. Sumunod ay ang kuya niyang nawala na lang. Tapos ay babae uli, bago si Kyle.

Hindi naman talaga nawala ang kanyang kuya.

Matapos ang mahigit isang buwang paghahanap ng kanyang ina, natagpuan nila itong patay. Sa lumang sementeryo. Di na makilala dahil ayon sa pagsusuri ay binuhusan daw ng asido ang katawan nito.

Isang buwang balisa ang kanyang ina. Hanggang waring nagparamdam ang kanyang kuya sa panaginip nito. Hindi nagdalawang isip si Aling Dina na puntahan ang lugar sa kanyang panaginip.

At dito nga ay nakita ang bangkay ng binatang kuya ni Kyle.

Nakilala lamang ng kanilang ama na ito nga ang kuya ni Kyle dahil sa tattoo nito. Sa hita. Na noon ay unti-unti nang naaagnas.

Balot na at selyado ang bangkay nang iburol ito.

Mula noon ay hindi na nagpapakita ng emosyon si Kyle. Parang pinatay na niya ang kanyang damdamin.

O maaaring selected lang ang pagpapakita niya ng emosyon. Isa na rito ay ang emosyon niya sa pagkawala ng kanyang kuya.

Na paglao’y nauwi sa kawalang emosyon sa kanyang mga karelasyon.

Ano nga ba ang puno’t-dulo? Ano nga ba ang tumatakbo sa isip at damdamin ni Kyle?

“Itay, papasukin nyo ako. Itay!” Tinig na nagsusumamo ng kuya ni Kyle ayon sa kuwento ng mga nakarinig. Alas dos ng madaling araw iyon. “Itay!” Ang huling sigaw.

Ayon sa narinig na kuwento ni Kyle galing sa dilang makakati sa kapitbahay, hindi pinapasok ng kanilang lasing na ama ang kuya ni Kyle nang tangka itong umuwi sa kanilang bahay noong mga panahong nagsusumamo itong patuluyin.

Isang simpleng di pagpapatuloy ng ama sa lalaking anak na waring itinakwil.

Iyon na pala ang huling tinig ng pagsusumamo. Ng pagmamakaawa.

Lumabas sa resulta ng imbestigasyon sa kaso na malibang binuhusan ito ng asido at itinapon sa isang lumang sementeryo sa Calabarzon, hinahabol na pala ng mga pulis ang kuya ni Kyle noong panahong nagmamakaawa itong papasukin sa kanilang bahay.

Magdidisinuebe pa lang sana ang binata at planong makaisang-dibdib ang kasintahan nito.

Subalit malupit ang mundong kinalakihan ni Kyle at ng kuya nito.

Lima hanggang anim na taon ang agwat ng kanilang edad kaya halos wala pang muwang si Kyle nang nagbinata ang kanyang kuya.

Habang nakaburol ito ay narinig niya sa mga kuwento na sa mata ng kanyang ama, lumaking suwail ito.

Laging laman ng gulo. O puede ring sabihing lapitin ng gulo.

Kunsabagay, magulo naman talaga ang lugar na kinalakihan nina Kyle. Slum. Maraming tambay. Nagkalat ang mga nag-iinom ng alak sa kalye. At maraming addict.

Depende sa kung sino ang nagbabahagi ng kuwento tungkol sa kanyang kuya, may nagsasabing natuto lamang itong ipagtanggol ang sarili laban sa mga kumukursunada sa kanya.

Sa pagkatanda ni Kyle, may malaking buckle ang sinturong gamit ng kanyang kuya. Ito ang ipinanghahampas nito at ginagamit na kalasag kapag may gustong kumursunada dito. Na madalas mangyari sa lugar na iyon.

Matapang. Walang sinisino. Hindi nagpapaapi.

Marami na raw nakatikim sa buckle ng sinturon nito na madalas ay umuuwing gulpi sarado ng kanyang kuya. May shock effect kasi ang sakit ng tama ng bakal ng sinturon.

Kaya naman naging bahagi na ito ng istilo sa pakikipag-away ng kuya ni Kyle.

Maging mga estudyante ng karate sa kabilang barangay ay takot sa kuya ni Kyle kahit kasing-edad lang sila nito.

May kuwento pa nga ang panganay na ate nina Kyle na nung grade 3 ang kuya niya, may nakaaway itong grade 6 na lubhang mataas kumpara sa kuya ni Kyle. Subalit hindi ito umatras sa laban. Patalon itong sumusuntok sa mataas na mukha ng kaaway. Ni hindi nakaisang suntok ang kalaban ng kuya ni Kyle.

Laging maraming reklamo na umaabot sa mga magulang ni Kyle tungkol sa kanyang kuya. Hanggang sa bihira na lang ito magpakita sa kanilang bahay.

Ito ay dahil napipilitan itong tumalon mula sa bintana ng ikalawang palapag ng kanilang bahay sa tuwing hahabulin ng lasing nilang tatay.

Minsan ay nabalitaan ni Kyle na ipinakulong ito ng magulang ng isa sa mga nakaaway nito. May kaya ang nakaaway.

Doon na sa kulungan nagka-tattoo ang kanyang kuya. Sa hita. Na siyang napagkilanlan ng kanilang ama nang makita ito bago tuluyang iselyado ang bangkay.

Sa isang kuwento ayon sa resulta ng imbestigasyon, kinaladkad daw ang sariwang katawan nito ng patrol car ng mga pulis.

Nakulong naman daw ang isa sa mga pulis. Ngunit kinabukasan ay nakita ng ina ni Kyle na pagala-gala ang pulis na ito, samakatwid, drama lang diumano ang pagkakakulong ng pulis na sangkot.

Walang emosyon si Kyle sa lahat ng mga kuwentong ito. Manhid na yata siya.

May mga pinsan siyang kasing-edad ng kuya ni Kyle. Mga pamangkin ng kanyang ama. Kasama kasi nila ito sa trabaho.

Ang totoo ay dating may furniture shop ang pamilya nila Kyle. Sa di kalayuang barangay kung saan sila napatira. Malaki ang shop na pag-aari ng kanyang ama. Dito natuto sa trabahong ito ang kuya ni Kyle at ilan nilang pinsang lalaki sa paggawa ng furniture.

Nang bumagsak ang shop dahil sa labis na pag-iinom ng kanilang ama ay nalipat sila sa magulong lugar.

Anim na taon si Kyle noong una niya naranasan ang lupit ng kanilang kapaligiran. Mga lasing na nagbabatuhan ng bote. Mga maiinit ang ulo ng kapitbahay na ang solusyon pag nagkainitan ay magsaksakan. Kaya naman sunud-sunod ang lamay.

Malakas ang negosyong punerarya at sugal na kung tawagin ay sakla. Ang mga batang uhugin ay nasa Kara y Cruz. Bingo ang libangan ng mga babae kasama na ang chismis.

Kaya naman culture shock ang unang reaksyon ni Kyle paglipat nila sa lugar na iyon. Subalit wala siyang magawa kundi lumaki sa gitna ng magulong lugar kung saan sila napadpad.

Sa kuwento naman ng kanyang mga pinsan ay malakas kumita ang kuya ni Kyle. Magaling sa trabaho sa furniture. At mabilis.

Kaya maagang napabarkada dahil sa madali sa kanya ang pera. Subalit dahil walang gabay, malamang sa bisyo nauuwi ang kita.

Kaya siguro malakas ang loob nitong mangako kay Kyle na ito ang magpapaaral sa kanya sa kolehiyo. Malakas kumita ang kanyang kuya.

Si Kyle naman ay lumaking matalino at laging nangunguna sa kanilang klase kahit sa elementarya pa lamang.

First year sa high school si Kyle nang mawala ang kanyang kuya.

At ayon sa kanyang mga nakatatandang pinsan, ilang araw mula nang di na nila nakita ito ay may kakaibang pangyayari sa kanilang quarters.

Unti-unting nalalaglag ang mga letra ng pangalan ng kuya ni Kyle sa dingding kung saan may letter cutting ng mga pangalan nila. Hanggang sa tuluyang nang nalaglag at nabura ang pangalang Edson. Mula sa mga letrang idinikit sa dingding ng kanyang kuya at mga pinsang kasama sa trabaho.

Dingding ito sa gilid ng kanilang higaan sa kanilang trabaho.

Iba’t-ibang kuwento. May maganda, may pangit.

Ganoon din naman sa alaala ni Kyle sa kanyang kuya. May maganda. May masakit.

Masarap isipin na may plano itong suportahan siya sa kanyang pag-aaral. Gusto kasi ni Kyle kumuha ng Engineering sa kolehiyo.

Lagi rin siyang kinakantiyawan nito na supot bilang paglalambing kay Kyle. Kaya napasabay siyang magpatuli sa mga kababata sa lugar noong summer bago pumasok ng high school.

Subalit masakit ding isipin na ang gaan ng kamay ng kanyang kuya sa mga kaaway ay ganoon din kadalasan sa kanya.

Sa tuwing kasama niya itong maglakad, hindi nawawala ang masasakit na batok, sipa at suntok na inaabot ng kanyang murang katawan. Siya yata ang napagbubuntunan nito ng galit sa mundo.

Ayaw kasi nito sa medyo malamyang kilos ni Kyle. At ito marahil ang dahilan ng kalupitang inabot ni Kyle mula sa kanyang kuya.

Pero sa totoo lang, hindi naman talaga malamya ang kilos ni Kyle. Disente lang dahil na rin sa resulta ng edukasyon. Sa turo at paghuhubog ng mga guro sa paaralang pinapasukan ni Kyle.

Mas angkop ang deskripsiyon na “gentle o suwabe” kumilos kung si Kyle ang pag-uusapan.

Kaya siguro malamya ang tingin sa kanya ng kanyang kuya ay dahil nasanay ito sa mga bruskong galawan ng mga siga at ex-convicts sa kanilang lugar.

Yun bang pag lalaki ka, expected na bastos ka, maangas, at di puwedeng api-apihin. Siga at basagulero ang galawan.

Diyan malaki ang pagkakaiba ni Kyle sa kanyang kuya.

Maliban diyan ay may ilan pang kuwento tungkol kay Kyle na parang ikinabit na sa kanyang pagkatao. Wala siyang alam. Pero may tiyo siya na mahilig bihisan ng damit pambabae si Kyle nung baby pa ito.

Gusto kasi sana ng kanilang ina na babae ang magiging anak nito pero si Kyle ang lumabas.

Ayun, nang malaman ng tito ni Kyle ang gusto ng nakatatandang kapatid ay madalas na itong paglaruan at bihisan ng damit pambabae bilang bata. May ribbon at lipstick pa.

Ang masakit para kay Kyle ay ang tawaging bakla ng lahat kahit wala pa siyang muwang.

At dahil nakikita niya sa paglaki ang itsura at ginagawa ng mga transgender sa kanilang lugar, lumalim ang galit niya.

Ayaw niya ng ganun. Ayaw niya maging katatawanan. Pero nakasanayan na lang ng lahat na tawagin siya’ng bakla.

May mental at psychological effect ito sa paglaki ni Kyle. Galit siya. Pero kanino?

Episode 2: Pinagpala

Hindi mahirap mahalin si Kyle. Ang mahirap ay ang kalimutan ang naganap matapos nilang matikman ang pakikipagtalik sa binata.

Sa isang lugar na tila isinumpa ng tadhana, paanong may isang Kyle na parang anghel na nanaog sa lupa?

“Aahh. Ang sarap mo Kyle. Akin ka na lang!” Sambit ni Chezka. Isa sa mga labis na nabighani sa binata.

“Ano pa ba naman ang kulang, Kyle? Mahal na mahal kita. Kahit ako na ang bumuhay sa iyo, I am very willing. Sabihin mo lang.”

Wika ni Chezka habang pinagmamasdan ang hubad na katotohanang nakatambad sa kanyang harapan. Perpekto ang pisikal na anyo ng binata. Wala pa siyang nakasiping na ganito kaperpekto ang katawan. Na ganito ka-guwapo.

Mas matanda si Chezka ng limang taon kay Kyle. Halos kasing edad ng yumaong kuya nito.

Maganda rin naman ito at maganda ang trabaho sa isang kilalang kumpanya.

Siya nga lang sa lahat ang nakaulit kay Kyle. Kahit ayaw naman ng binata dito.

“Bakit di mo na lang itigil ang negosyong pagtitinda mo sa palengke. Gigising ka ng madaling araw. Tapos sa tanghali ay papasok ka pa sa kolehiyo. Ayaw mo bang ako na lang ang sumuporta sa iyo?”

Pagpipilit ni Chezka habang nagbibihis si Kyle.

“Wala pa sa isip ko ang mga bagay na yan. Sige na, magbihis ka na at kailangan ko pang magpahinga. Napagbigyan na kita. Alam mo’ng hanggang doon lang ako.”

At nagmamaktol na umalis si Chezka matapos mag-iwan ng limang libong piso sa higaan.

Wala lang kay Kyle ang mga ganito. Sanay na siya. May gusto siyang marating. At ayaw niyang may hahadlang sa dinaraanan niya.

Kahit pa paghirapan niya ang pag-aaral ay sisikapin niyang makatapos.

May malalim rin siyang prinsipyo na magtatagumpay siya nang walang tinatapakang tao.

“Huwag kang mag-iwan ng pera. Hindi ako bayaran. Pinagbigyan ko lang ang gusto mo.” Pahabol ni Kyle.

Subalit di na sumagot si Chezka. Malaki ang tampo nito dahil hulog na hulog siya sa binata. Ang problema ay tila walang damdamin itong si Kyle.

Mahirap nga’ng mag expect sa ganitong binata.

Maraming issue sa isip ni Kyle. Magulo sa loob. Pero kalmado sa labas na anyo.

Unang dahilan ay ang magulong paligid na kinalakihan. Kaya naman nagsisikap si Kyle na bumuo ng pangarap na makalayo at makatakas sa lugar na ito.

Nakikita niya ang paglisan sa lugar na kinalakhan.

“Isang araw. Darating din ang pagkakataong iyon.” Desidido ang isip ni Kyle.

Para sa kanya ay pansamantala lang ang lahat. Ang paglagi sa lugar na kinalakhan. At ang pagpaparaya sa mga nahuhumaling sa kanya.

Pangalawang dahilan ay ang masakit na karanasan sa pamilya.

Masakit maalala kung paanong apihin ang kanyang mga magulang dahil kapos sila. Salat sa lahat ng bagay, mula nang mapadpad sila sa lugar na ito.

Subalit kahit sa lugar na ito ay maraming nagmamagaling at feeling mayaman. Sa slum nakatira, pero mapagmataas.

Ito ang isa sa mga isinusumpa ni Kyle na ugali ng mga kapitbahay.

Maging ang kanyang mga pinsan sa ina na walang alam sa dating maganda nilang buhay sa furniture shop ay masakit magsalita sa kanya.

Ilang ulit na bang inaasar at binubulyawan ng mga ito si Kyle kahit saang lugar. Pag nakikita siya ng mga ito kahit sa public elementary school kung saan pare-pareho silang nag-aaral ay hinihiya nila si Kyle.

Minsan nga ay kasama pa ito ng kanyang guro pero kinakantiyawan nila si Kyle na nanghihingi lang daw ito ng pagkain sa kanila.

Bully ang mga pinsan niya sa ina. Kalapit-bahay lang nila ito sa magulong lugar.

Pero may mga kamag-anak ang mga ito sa father side na nasa Amerika. Tuwing Disyembre ay may package ang mga ito galing sa States. At laging pinagyayabangan ng mga ito si Kyle. Mga bagong damit, sapatos, at kung anu-ano pa.

Ugali ng mga ito na kunyari’y tatawagin siya para bigyan ng regalong pamasko pagbukas ng balikbayan box. Pero ang totoo ay para inggitin lang siya. At wala namang ibibigay kahit maliit na candy man lang.

Subalit ang pinakamasakit ay ang panunukso ng mga ito na bakla si Kyle. Kahit walang dahilan. Kahit saan. Kahit sa eskuwela kung saan kilala si Kyle bilang top student.

Malupit ang mundong kinalakhan ni Kyle.

Malaki sana ang pag-asa niya sa pangako ng kanyang kuya na pag-aaralin siya nito. Ngunit wala na.

Kaya naman sa paglipas ng panahon ay lumaki si Kyle na nagtitimpi sa kanyang damdamin. Magulo ang isip pero kalmado kumilos.

Natuto siyang sarilinin ang lahat ng sakit na nararamdaman. Natuto siyang hindi umiyak sa kahit pinakamasakit na mga karanasan.

“Para saan ba ang luha? Wala namang mababago kung iiyak Ako.” Ito ang laging isinasaisip ni Kyle.

Lumaki siya sa nag-iisa at sarili niyang mundo. Kinimkim ang galit sa dibdib. Pero hindi nagpapakita ng emosyon.

“Mahirap. Pero kailangan kong tibayan ang loob ko.” Laging usal ni Kyle sa sarili.

Pero sa dami ng sakit, hindi niya namamalayang marami rin siyang natanggap na biyaya sa kanyang pagbibinata.

Matalino. Guapo. At sinisikap makaahon sa kahirapang kinalakhan.

Nakatapos siya ng high school. Isang public school malapit sa bamboo organ. Kung saan nakilala siya sa galing sa pagsasalita at pagsusulat.

Nabigyan siya ng scholarship sa engineering. Subalit may nakitang oportunidad si Kyle.

Sa halip na idirecho sa 5-year Engineering course ay kumuha siya ng dalawang taong vocational course. Ito ay para madaling mag-Saudi kung papalarin. Sa mas lalong madaling panahon.

Kaya lang…

Nang makatapos si Kyle sa vocational course ay nanghinayang ang mga instructors nito dahil sa angking talino ng binata.

Masyadong matataas ang marka nito sa lahat ng subjects at nagpasya silang hikayatin si Kyle na ituloy na sa Engineering ang pag-aaral ng binata.

Binigyan siya ng isa pang scholarship kung saan may monthly allowance siya. Kaya naman itinigil na niya ang negosyo sa palengke. Pati na ang pakikipagkita kay Chezka na sa tingin niya ay binibili siya.

Lumipat na rin siya sa boarding house sa Manila.

Kaya naman naiba na nang husto ang buhay ni Kyle.

“Puede na rin. Wala na ako sa magulong lugar.” Sa isip-isip ni Kyle.

Kaya naman itinutok niya ang lahat ng oras sa pag-aaral.

At higit sa lahat, unti-unting nagkakaroon ng kapayapaan ng isip si Kyle.

Sa isang boarding house sa Manila malapit sa San Sebastian Church napatira ang binata.

May kalumaan ang bahay na tila bahay ng Kastila sa una. May mga kasama siyang puro lalaking istudyante sa kuwarto. Dalawang double deck. Bali apat sila.

“Okey na sa ‘kin ‘to. Ang importante ay makapag-aaral ako nang maayos dahil may tinutuluyan ako. Hindi na rin ako mag-aalala sa panggastos dahil may allowance ako. Mabuti na ito. Tahimik.”

Ito ang tumatakbo sa isip ng binata habang nakahiga siya sa ilalim ng isang double deck.

Tulog na yata ang mga kasama niya.

Subalit di mawala sa isip ni Kyle ang mga sexcapades sa pinanggalingang lugar na nilisan na niya.

Sa katahimikan ng gabi, di maiwasang hawakan ni Kyle ang sarili.

“Parang may masarap gawin.” Sa isip isip ni Kyle.

At maya-maya pa’y…

“Hala! Ano yan?”

Pabirong tanong ni Rico na biglang nagbukas ng ilaw. Galing pala sa labas si Rico. At di namalayan ni Kyle ang pagdating ng kasama niya sa double deck.

“Pinagpala ka pala. Sanaol.” Kantiyaw nito habang nagbibihis ng damit pambahay.

“Sorry. Akala ko kasi tulog ka na.” Sagot naman ni Kyle habang inililigpit ang alaga.

“Sorry saan? Pare-pareho tayong mga lalaki dito, tol. Okey lang yan. Huwag ka mag-alala, minsan ako naman ang mahuhuli mo.”

Pilyong paninigurado nito kay Kyle.

“Rico nga pala, tol. Engineering sa T.I.P.” Pakilala nito.

“Hala, schoolmate pala tayo.” Sagot naman ni Kyle.

“Eh di masaya. May bagong barkada na ko.” Wika ni Rico.

“Sige, tapusin mo na yan. Pasensiya naistorbo ka. O gusto mo, sabay tayo?”
Patuloy ni Rico.

Hindi malaman ni Kyle kung nagbibiro ito.

“Sige, dito ka.” Sabay senyas ni Kyle na pumuwesto ito sa tabi nya.

Walang hiya hiya si Rico. Kaglit naghubad at brief lang ang itinirang saplot.

Maya-maya pa’y naghahalinhinan na sila ng paghawak sa isa’t-isa.

At tuluyan nang halos magiba sa pag-uyog ang double deck.

Hindi na nakalipat sa ibabaw ng deck si Rico. Yumakap na lang ito sa noo’y nakatulog nang si Kyle.

At lumipas ang gabi na mapayapa ang tulog ng bagong magkaibigan.

Si Kyle ay lubhang napagod subalit dahil sa bagong kapayapaan ng isip malayo sa magulong lugar na kanyang kinalakhan, masaya siyang nanaginip nang gabing iyon. Ngunit ang nagsimulang masayang panaginip ay tila naging bangungot.

“Nasaan ako?” Tanong ni Kyle sa sarili.

“Kuya? Ikaw ba yan?” Tanong ni Kyle sa lalaking nakaputi sa bandang lugar na may liwanag na nakatutok dito.

“Kuya… Kuya! Sigaw ni Kyle sa panaginip.

“Gising… Kyle.”

Wika ni Rico.

“Binabangungot ka yata.”

“Umaga na pala?” Tanong ni Kyle sa nakangiting kaibigan.

“Oo. Bangon na. May klase ka pa.” Wika ni Rico na noo’y nagsimula nang magbihis dahil ayaw ma-late sa school.

Third year first semester si Rico. Si Kyle naman ay irregular second year kahit na-credit lahat ng units niya sa vocational course. Isang summer lang at kaya niyang maging kapareho sa semester ang kaibigan.

Malamang may mga subjects na maging magkaklase na sila.

Baka nga maging block section classmates na sila sa maraming subjects sa susunod na taon.

Excited si Kyle na bumangon.

Masarap sa pakiramdam ang pangako ng isang bagong umaga. At higit sa lahat, masaya siya sa bagong kaibigan.

Episode 3: Duda

Madaling nakahabol si Kyle kay Rico matapos gugulin ang summer sa mga pre-requisite subjects. Mahigit isang taon na rin naman siya sa boarding house sa Manila.

Dahil na rin sa may angking galing ang binata sa pagsasalita ay di maiwasang maipanlaban ito ng Electrical Engineering department sa mga inter-department speech contest.

Siya na rin ang nagsusulat ng mga speech na ginagamit niya sa mga oratorical contest.

“Galing mo Kyle, ah.” Wika ni Rico.

Civil Engineering si Rico subalit di maiwasang mabasa niya sa school newsletter ang mga panalo sa inter-department speech ni Kyle.

“Hindi naman. Wala lang magawa.”
Wika naman ni Kyle.

“Sanay kasi ako dati na nagtatrabaho habang nag-aaral. Ngayon ay mas madali na para sa akin ang sumali sa mga extra-curricular activities, dahil di ko na kailangang magtrabaho.” Dugtong pa ni Kyle.

“Balita ko ay ikaw rin ang naihalal na pangulo ng department nyo?” Usisa ni Rico.

“Oo. At may project agad. Sa akin ipinahawak ang paggawa ng yearbook namin, Rico. Medyo kinakabahan din ako. Kasi naman, may involve na budget.” Sagot naman ni Kyle.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” Tanong ni Rico.

“Mahirap kasi pag may perang involved. Maraming posibilidad.” Paliwanag ni Kyle.

Nagkibit-balikat si Rico.

“Sayang at major subjects na tayo kaya hindi na tayo magkaklase. Magkaiba na rin ang building natin sa university.” Wika ni Rico.

“Pero isa lang ang concern ko Kyle. Nag-aalala ako para sa iyo.” Si Rico pa rin.

“Bakit naman?” Nagtatakang tanong ni Kyle.

“Hindi sa ano pa man. Alam kong achiever ka. Pero sana, bigyan mo rin ng panahon ang sarili mo. Baka magtampo na yan.” Paalala ni Rico.

“Nasanay na kasi ako. Mula pagkabata, grabe na ang pagsisikap na kinamulatan ko.” Wika ni Kyle.

“Naiintindihan ko naman. Nga pala, ano’ng plano mo sa sem break?” Tanong ni Rico.

“Wala pa eh.” Sagot ni Kyle.

“Gusto mo sumama sa Baguio? Plano kase naming tatlo. Di ka pa namin nasasabihan dahil lagi kang busy.” Paanyaya ni Rico.

“Wala akong budget sa mga ganyan eh.” Atubiling sagot ni Kyle.

“Huwag ka mag-alala, may bahay kami doon. At napag-usapan na naming tatlo na kami na bahala sa iyo.” Paniniguro ni Rico.

“Hindi ba nakakahiya?” Waring nag-aalalang sagot ni Kyle.

“Basta, dalhin mo lang ang sarili mo. Wala ka nang aalalahanin.” Sagot ni Rico.

“Wow naman. Talaga ba? First time ko na makapasyal sa Baguio pag nagkataon.” Masayang wika ni Kyle.

“Sa tingin ko, kailangan mo rin ang bakasyon, tol. Masyado kang hard-working. Baka kung mapaano ka na niyan.” Paalala ng kaibigan.

Kaya naman pagsapit ng sem break, sa unang gabi pa lang ay nag impake na ang mga ito.

Ang dalawa pang kasama nina Kyle sa boarding house na sina Leo at Cris ay mga business management students sa PSBA malapit din sa tinitirhan nila.

Mga may kaya ang mga pamilya ng mga ito pero minabuti na ring tumira ng mga ito malapit sa school. Mas gusto rin ng mga ito na mas malaya sa mga magulang para matuto sa buhay.

Dahil dito ay madalas na naisasalo rin nila sa pagkain si Kyle kapag sa boarding house kumakain.

Halos magkakasing-edad lang sila. Disinuebe na si Kyle, Rico at Leo habang si Cris ay 20.

“Ready na Kyle?” Tanong ni Leo.

“Aba, oo. Ako pa ba. Excited na nga ako makarating ng Baguio eh.” Sagot ni Kyle.

Habang nasa biyahe ay malalim ang tinatakbo ng isip ng apat.

KYLE…

“Grabe, ang bilis ng mga pangyayari. Dalawang taon na lang ay ga-graduate na ako sa Engineering.”

“Ano kaya kung tumuloy akong nag-apply pa-Saudi nung naka-graduate ako sa Electrical Technology? Baka nakaalis na ako.”

“Yun sana ang original na plano ko. Tapos sa Engineering din pala ako tutuloy. Humaba pa tuloy ng isang summer.”

“Pero mabuti na rin ito. Kasi naman ay nabalitaan ko ang nangyari sa isang kapatid ng tatay ko na umuwi galing Middle East. May sakit sa balat ngayon. Nakuha daw sa trabaho yun.”

“Pero ano kayang sakit ang nakuha ni Tito Ranulfo?”

“Hindi ko kasi naintindihan ang buong kuwento. Nagkahiwalay ba talaga sila ni Tita? At totoo kayang nakulong si Tito kaya nagkasakit?

“Bakit kaya siya nakulong? Ano ba naman to? Mukhang ilan na sa kamag-anak ko ang nakukulong. Ayoko maging ganon. Ang hirap kaya makulong.”

“Kaya nga ayoko sa nakuha kong posisyon na presidente ng Electrical Engineering Student Council. May mga project kasi na money-involved. Mahirap mapagbintangan. Parang gusto ko na tuloy mag-backout.”

“Kaya lang, ang saya kaya nung huling birthday ko. Kasi, natapat yung bilangan sa department student council election. At pulling away ang lamang ko sa mga kalaban. Nakakatuwa lang.”

“Pero paano kung may di magandang mangyari? Kung may nakawang mangyari o dayaan kaya sa budget ng mga project. Nakakatakot ma-involve.”

“Sinusundan ko nga sa balita yung mga nakawang nangyari sa flood control projects. Aba, malala ang nakawan basta may posisyon at koneksyon ka sa gobyerno. Ang gulo ng politika. May huli pero di kulong at may kulong pero mga nasa laylayan lang ng lipunan.”

“Parang politika yata ito’ng napasok ko. Kasi may posisyon ako.”

“Pag naaalala ko nga sina kuya at Tito, kawawa. Kulong. Si kuya, walang laban. Si Tito, hindi naman gagawa nang di maganda yun kung di naagrabyado. Balita ko kasi, ang nakaaway ay ang amo nila ni Tita. Totoo kaya na niligawan ng amo nila si Tita? Kung ganon, naapi siguro si Tito kaya nakulong. Baka may ginawa.”

“Tapos pag gabing natutulog ang lahat sa kanilang bahay, pag-uwi ni Tito sa Pilipinas, bigla na lang daw itong sumisigaw na parang binabangungot. At puro galit ang isinisigaw. Parang masama talaga ang nangyari kay uncle Ranulfo.”

“Nakakatakot.”

“Kaya okey na muna sa akin na magtuloy ng Engineering. Tapos hindi ako hirap sa budget.”

“Maraming salamat talaga sa mga instructors ko sa Electrical Technology.”

“Kung alam lang nila, masyadong malaki ang nagawa nilang tulong. Nakaalis ako sa magulong lugar namin na isa sa mga pangarap ko.”

“Mas naipapahinga ko na ang katawan at isipan ko ngayon. Nakapag-aaral ako nang maayos.”

“At masuwerte rin ako sa mga kasama. Isipin mo, wala akong gastos ngayon pero makararating ako sa Baguio?”

“Ambait talaga ni Leo at Cris. Lalo na si Rico.”

“Napapalapit na talaga ang loob ko kay Rico. Para tuloy may something na sa amin. Ewan, pero gusto ko siyang kasama.”

“Hindi ko talaga makalimutan yung gabi na akala ko tulog na siya. Akala ko nagbibiro lang siya nung sabihin niya sa akin na sabay na lang kami magpalabas. Biniro ko tuloy na humiga sa tabi ko. At aba, humiga naman. Ayun, nakilala namin ang tigas ng isa’t-isa. Hahaha.”

“Ansarap talaga matulog nang may kayakap?”

“Mga ilang oras na lang siguro at makakarating na kami. Paakyat na eh.”

RICO…

“Gusto ko talagang laging kasama si Kyle. Ewan ko ba, napakagaan ng loob ko sa kanya. At iba ang pintig ng puso ko pag nakikita ko siya.”

“Mahal ko na ba si Kyle? Pero lalaki ako. Ano ba itong nararamdaman ko?”

“Pero buti na lang sumama si Kyle. Nag-aalala talaga ako sa kanya. Parang bawat oras at kahit saan ay kailangang may patunayan. Hindi ba siya napapagod?”

“Okey naman ang maraming achievement. Pero sana, huwag niyang pabayaan ang sarili niya.”

“Makakatapos din naman siya. Pero ako ang napapagod sa dami ng ginagawa niya sa school.”

“Minsan, halos di na natutulog. Sobrang daming activity.”

“Buti, kami ni Leo at Cris ang kasama niya. At least, kaya namin siya ilibre paminsan-minsan. May kaya kasi ang dalawang ito. Ako rin naman ay maginhawa sa pag-aaral dahil marami akong kapatid na sumusuporta.”

“Gusto ko talagang makitang nagrerelax si Kyle. Deserve niya naman siguro paminsan-minsan.”

“Basta ako na bahala pagdating namin sa bahay sa Baguio. Sisiguraduhin ko’ng mag-eenjoy si Kyle.”

LEO…

“Masarap talaga ito’ng sem break na ito. Makakapag-enjoy kaming apat. Gusto ko rin talaga silang makilala pa nang husto. Lalo na si Kyle.”

“Nagtataka lang ako kung may something sa kanila ni Rico. Pero bahala na sila. Ang importante ay maayos ang samahan naming apat.”

“Pero mas chill talaga kung matututong mag-relax si Kyle. Lagi kasing busy. Parang laging may hinahabol.”

“Siguro kung makakapag-bonding na kami sa Baguio, mas matutulungan naming maintindihan ang isa’t-isa. Mas magiging open kami sa advice. Yung walang ilangan.”

“Mabuti na lang talaga at sabay kami ng sem break. May pagkakataon talagang mag-bonding.”

“Pero naiintriga talaga ako sa dalawang to. Kasi naman, minsan sa boarding house, nagkunwari akong tulog na. Hindi talaga ako gumagalaw pero nakatagilid ako paharap sa double deck nila.”

“At aba, muntik ako matukso na sabayan sila magpalabas. Kasi naman, talagang pinagpala si Kyle. At si Rico, aba, parang humahalik yata kay Kyle. At talaga namang gigil na gigil si Rico.”

“Halos ayaw nitong bumitaw sa alaga ni Kyle kahit tapos na.”

“Hmm. Mukhang may something talaga. Pero naghawakan lang sila at di naman gumawa ng lampas pa doon. Akala ko nga mag-aadd at subtract sila eh. Yun bang 60+10-1. Hehehe. Pero wala namang ganon.”

“Oobserbahan ko nga. Exciting eh. Hahaha.”

CRIS…

“Hay makakapagrelax na rin. Sarap talaga pag bakasyon. Excited na ko mas makasama sa chillax moments tong mga kulugong ito. Hehehe.”

“Lalo na itong si Kyle. Mukhang sikat sa university nila.”

“Pero napuna ko lang minsan na magkatabi sila’ng matulog ni Rico. At magkayakap pa. May something?”

“O baka madumi lang ang isip ko. Anyway, buhay nila yan.”

“For as long as di nila ako ginagambala, I’ll be fine.”

“Basta ang importante, good vibes kaming apat. And we may be a lot closer after ng bonding sa Baguio.”

“So here we go…”

Gabi na nang makarating ang apat sa Baguio. Nagtaxi na lang sila mula istasyon ng bus papunta sa bahay nina Rico.

At talaga namang malamig ang gabing iyon. Excited ang apat sa mga puwedeng maganap.

Episode 4: Threesome

Sa buong biyahe paakyat ng Baguio ay napakamaalalahanin ni Rico sa mga kasama.

Lalo na kay Kyle. Sinisigurado nito na ang kanilang bakasyon ay sulit at magiging masayang alaala pagbalik nila sa Manila.

Bakit ba di niya maiwasang tapunan ng mga nakaw na sulyap si Kyle. May ibang aura kasi ito. Lalo kapag masayang-masaya sila sa kanilang pamamasyal.

“Kyle, napuna ko lang. Mas guapo ka pala pag hindi busy.” Birong bati ni Leo.

“Of course, he doesn’t look haggard at all.” Singit naman ng ingliserong si Cris.

“Ganon ba?” Nagtataka’ng tanong ni Kyle.

“Oo pre. Mas bagay sa ‘yo ang walang stress sa mukha. Mas lumalabas ang kaguwapuhan mo. Hehehe.” Sabat naman ni Rico.

“Siyempre, mababait kasi mga roommates ko. Pinagpala talaga ako. Hahaha.” Biro naman ni Kyle.

“Hala, naol, pinagpala.” Wika ni Leo.

“Hoy, baka ibang pinagpala iniisip nyo ah?” Tanong ni Kyle.

“Hey, it’s true. You’re so blessed. Eh ano naman kung pinagpala ka sa lahat halos ng bagay. Talaga namang blessed ka sa bagay na yon, di ba?” Sabat ni Cris.

“Hindi naman masyado.” Angal ni Kyle.

“Ano’ng hindi eh ayan ang patunay oh.” Sabat ni Leo na nakaturo sa maselang bahagi ni Kyle habang sabay-sabay naliligo ang apat sa malaking banyo nina Rico.

Malamig nga kasi at para di ginawin at mapagkasya ang iniipong tubig sa drum ay nagsabay-sabay maligo ang apat. Mahina kasi ang agas ng gripo pag maraming tao sa Baguio.

Hindi maiwasan ni Rico ang kakaibang pakiramdam habang panakaw na sinusulyapan ang kahubdan ni Kyle.

“May pagnanasa ba ako?” Bulong niya sa sarili.

Subalit isinantabi niya ang iniisip. Alam niyang straight siya. Pero mula nang mangyari ang pagpaparaos nila ni Kyle ay parang gusto niya uli’ng mangyari ito.

Ewan. Pero may kung anong excitement siya’ng nararamdaman.

Pero sa lamig ng tubig, walang tumayong sandata sa kanilang apat. Pero iba talaga si Kyle, kahit hindi galit, pinagpala pa rin.

“Parang gusto kong sumugal kay Kyle. Gusto ko yatang may ganap mamaya. Hay, masubukan nga’ng umisa. Hehehe.” Sa isip ni Rico.

“Gagi. Ano ba’ng iniisip ko. Straight ako pero bakit ganito ang pakiramdam ko?” Sa isip pa rin ni Rico.

“Bahala na. Basta mamaya.” Bulong ni Rico sa sarili.

Napagod sila sa pamamasyal nu’ng araw na iyon. Lahat yata ng pasyalan sa Baguio ay naikot nila.

Kaya naman matapos maghapunan at maligo ang apat ay natulog na sila sa guest room.

Dalawa ang kama at malapad ang mga ito kaya magkatabi sina Kyle at Rico. Sa kabilang kama naman sina Cris at Leo.

Kuwentuhan. At nang nakakatulog na ang tatlo ay pinatay na ni Rico ang ilaw.

Sa dilim ay di niya maiwasang yakapin si Kyle. Namamaluktot kasi ito sa lamig. Kaya kahit nararamdaman ni Kyle ang mainit na katawan ni Rico na nakayakap sa kanya ay nagkunwari lang siyang natutulog.

Gusto niya rin naman na niyayakap siya at nasanay na siguro siya. Hindi lang kay Rico kundi maging sa mga nakasiping niya noon sa magulong lugar kung saan siya galing.

Yakap kasi ang nagpapakalma sa kanya sa mga masasakit na karanasang inabot niya noon.

Iba pag may kayakap. Mapayapa ang damdamin.

At ito ang isa sa mga gusto ni Kyle noon sa kanilang magkakapatid. Laging may nakayakap sa kanya. Sa kanyang pagtulog. Bunso nga kasi si Kyle.

Maya-maya’y di napigilan ni Rico na humalik sa pisngi ni Kyle. Para kasi itong batang natutulog. Subalit ang lahat ay alam ni Kyle dahil mukha lang siyang tulog sa pagkakapikit.
Alam niya ang mga nakaw na halik ni Rico.

Alam naman niya na hanggang doon lang si Rico. Ilang beses na bang ginawa ni Rico ito sa boarding house kapag natutulog si Kyle.

Pero napuna niyang parang hindi mapakali si Rico.

Kaya naman humarap si Kyle sa pagkakahiga dito at bumulong, “Hoy, Rico. Ok ka lang ba?”

“Oo, okey lang ako. Pero parang may masarap gawin.” Pabulong na sagot din nito.

“Ano yon? Magsabi ka lang.” Mahinang sagot ni Kyle.

“Talaga ba?” Nagtatakang tanong ni Kyle.

“Oo. Kiss ba? Sabay palabas ba? Ano? Sabihin mo.”

“Ewan ko kung kaya ko pero parang gusto ko’ng mapasubo, hehe.”

Parang nahihiwatigan ni Kyle ang gustong mangyari ni Rico. Kaya naman itinulak niya ang ulo nito dahan dahan pababa.

Wala sila’ng alam na si Leo ay nagkukunwaring tulog pero nakaharap ito sa kama nina Kyle at Rico na nakapikit kunwari. Pero may bahagi sa kanyang paningin na nakikita niya ang nagaganap.

Usyosero talaga si Leo. Kaya naman di lingid sa kanya ang ginagawa ni Rico na halos nabubulunan.

“Anlaki.” Bulong ni Rico kay Kyle.

“Sige lang. Kaya mo yan.” Bulong naman ni Kyle.

Maya-maya pa’y umunat na ang mga paa ni Kyle na halatang mag-eenjoy sa ginagawa ni Rico.

Habang si Cris ay tulog na tulog na, hindi maiwasan ni Leo na hawakan ang alaga. May kakaiba siya’ng nararamdaman. May gustong magpakawala.

Hindi sinasadyang napatingin si Kyle sa gumagalaw na kamay ni Leo sa dilim. Sa tagal sa dilim ng mga mata niya ay parang lumiliwanag na sa loob ng silid. Tagos din kasi sa bintana ang liwanag ng buwan mula sa labas.

At nakikita na ni Kyle ang mukha ni Leo na tila sarap na sarap sa ginagawa. Hinintay niyang tumingin ito sa kanya kung maliwanag na rin ang paningin ni Leo. At di siya nagkamali.

Sinenyasan niya si Leo na lumipat ng kama. At dahan-dahan naman itong tumalima. Nagulat naman si Rico nang dalawang tubo na ang ipinalilinis sa kanya. Kaya naman hinawakan niya si Leo sa nag-uumigting na alaga nito.

Hinawakan naman ni Leo ang nabakanteng tubo ni Kyle.

“Ah. Ansarap hawakan. Pinagpala talaga si Kyle.” Bulong ni Leo.

Kahit unang karanasan ito ni Leo dahil curious siya ay di siya nagdalawang-isip pasayahin ang alaga ni Kyle. Hanggang sabay na pumulandit ang mga katas ni Kyle at Leo.

Si Rico naman ay waring natauhan pero pumuwesto ito sa gitna ng pagkakahiga ng dalawa. At kinuha niya ang kamay ni Leo para siya naman ang pasayahin. Habang humahalik naman sa kanya si Kyle.

“Grabe ang sarap pala ng ganito?” Bulong ni Leo.

“Oo. Kahit ako first time ko ito sa threesome. Masarap pala?” Mahinang bulong ni Rico.

“Basta sikreto lang to mga tol. Mahirap kasi na may ibang makaalam.” Pabulong na sabat ni Kyle.

“Oo naman.”

Sabat ng dalawa na dahilan yata kung bakit gumalaw si Cris at tumihaya. Kanina ay nakatalikod ito sa kanila.

Kinabahan sila na baka nagising si Cris. Ito kasi ang pinakamatanda sa kanila. Isang taon na lang at ga-graduate na ito sa business course na kinukuha.

Halos isang taon lang naman ang tanda ni Cris sa kanilang tatlo. O hindi siguro aabot ng isang taon.

Pero kadalasa’y medyo naiilang sila dito dahil bukod sa inglisero ay parang may sarili ring mundo.

Napalapit na lang talaga si Leo Kay Cris. Dahil na rin sa schoolmate sila at pareho ng kurso.

Pero mukha namang himbing na sa pagtulog si Cris.

“Ulitin natin to ha? Sana hindi ito ang last. Lipat muna ako ng kama.” Bulong ni Leo sa dalawa.

At dahan-dahan nga’ng bumalik si Leo paghiga sa tabi ni Cris.

Mga nakaw na sandali. Habang si Cris ay mahimbing na natutulog, threesome naman ang naganap sa kabilang kama.

Isang karanasang di nila basta malilimutan.

Pero bago nakatulog ay may bumabagabag kay Rico, “Bakla ba ako? Bakit na-enjoy ko?” Usal ni Rico sa sarili.

Subalit pagod na rin siya.

At sa lamig at katahimikan ng gabi ay mahimbing na nakatulog ang apat.

Isang masayang araw na naman ang lumipas. Na nasundan ng isang gabing threesome encounter.

“Baguio. Mahirap kang kalimutan.” Ito ang huling sumagi sa isip ni Kyle bago siya nahimbing sa malalim na pagtulog.

Subalit di maiwasang di managinip si Kyle nang gabing iyon.

Malinaw sa kanyang panaginip Ang dating pangyayari noong bata pa siya.

Galing siya noon sa school at pauwi na mga alas kuwatro ng hapon.

Kailangan niyang dumaan sa isang masikip na eskinita dahil ito ang pinakamalapit na daanan pauwi sa kanila galing sa elementary school. Grade 6 siya noon at buhay pa noong mga panahong ito ang kanyang kuya Edson.

May nasalubong siya na isang mama na tumatakbo pasalubong sa kanya galing sa kanilang lugar. Nasa bahagi siya ng eskinita na kung may makakasalubong ka ay tatagilid kayo pareho upang makausad kayo.

“Hala namang mama ito.” Bulong ni Kyle sa sarili.

“Tumatakbo pa talaga eh ang kitid nga ng daanan.” Angal ni Kyle sa sarili.

At nagsalubong na nga sila.

Subalit sa pag-abot niya malapit sa kanilang bahay at pagkakita sa kanya ng kanyang nanay ay nagsisigaw ito.

“Ano’ng nangyari sa anak ko?”

At pinagkaguluhan na siya ng mga tao sa paligid.

“Bakit andaming dugo ni Kyle?”

Ito ang mga tanong ng mga tao habang si Kyle ay natulala sa kanilang mga reaksyon. Lalo sa takot na takot na mukha ng kanyang ina.

Mabilis nitong hinubad ang duguang puting uniporme ni Kyle. At nakahinga ito nang maluwag nang makitang wala namang ni katiting na sugat sa katawan si Kyle.

Doon lang niya napagtanto ni Kyle na ang mamang kasalubong niya kanina ay duguan. Malamang ay nasaksak ito dahil talamak talaga ang away at saksakan sa magulo nilang lugar.

Subalit di niya kilala ang mamang iyon. Ibig sabihin ay dayo ito at malamang ay napaaway.

Masyadong malinaw ang panaginip ni Kyle. Dahil din siguro sa nangyari naman talaga ito noon.

Sa puntong ito ay nagising si Kyle.

“Umaga na pala.” Wika niya sa sarili.

Subalit tulog pa ang tatlo.

Malalim na inisip ni Kyle kung bakit bumalik ang ganong alaala ng nakaraan sa kanyang panaginip.

Subalit paglipas ng mga sandali nang araw na iyon ay nawala rin sa kanyang isip ang panaginip na ito.

Episode 5: Pulis

May mga pagkakataon sa ating buhay na akala natin ay wala nang nagmamalasakit sa ating kapakanan. Subalit maraming pagkakataon na may mga anghel pa rin sa ating paligid.

Kahit ang tingin natin ay wala na tayong pag-asa sa ating kinasadlakan, nariyan sila upang tayo ay gabayan at bigyan ng pag-asa sa ating laban sa buhay.

Sa kalapit barangay na kinalakihan ni Kyle ay may nakatirang isang pulis.

Kung tawagin siya sa lugar ay Ilao.

Mabuting pulis si Ilao. Hindi ito katulad ng mga naglipanang pulis noon na abusado.

Matulungin ito sa kapitbahay. Lalo na sa mga bata. Waring siya ang naging proteksyon ng mga bata sa mga nasasakupang barangay.

Hindi lingid kay Ilao ang mga nangyayari noon sa pamilya nina Kyle. Sa kanyang kuya at maging sa relasyon nito sa kanilang tatay.

Minsan nang nakabili ng furniture si Ilao sa shop noon nina Kyle. At nabigyan pa ito ng malaking discount ng tatay ni Kyle.

Alam ni Ilao na hindi talaga masamang tao si Edson. Alam din nito na waring minalas lang sa negosyo ang tatay ni Kyle.

Sa obserbasyon ni Ilao ay nagkataon lamang na labis na napag-iinitan ng mga mapagmataas na kapitbahay nina Kyle si Edson.

Sumabay pa ang pagkaaburido ng kanilang ama sa maraming sumbong tungkol sa kalokohan ng kuya ni Kyle habang ito ay labis na nalulungkot sa pagkalugi ng kanilang negosyo.

Nang makulong si Edson ay sinigurado ni Ilao na walang masamang mangyayari sa kanya sa oblo.

Kausap ang mga tagapagbantay na nataong mga schoolmates ni Ilao sa academy noon, ipinagbilin niyang huwag pabayaan ang binata.

Kaya naman maliban sa tattoo sa hita ay walang anumang nangyari na hindi maganda kay Edson.

Subalit dumating ang pagkakataon na gusto nang ipatumba ng mga mapagmataas na kapitbahay si Edson. Kinausap at binayaran ng mga ito ang mga ganid na pulis na kilala ng mga ito.

At doon na nga napabalita ang masakit na sinapit ni Edson sa kamay ng mga pulis na ito. Pati na ang balitang hindi pagpapatuloy dito ng tatay ni Kyle.

Sa gulo at sakit ng mga pangyayari, hindi kataka-takang mag-ambisyon si Kyle na makaalpas sa lugar na kinasadlakan.

Pagbalik galing bakasyon sa Baguio ay muli na namang naging busy si Kyle.

KYLE…

“Hay, sarap talaga ng bakasyon namin. Pero back to reality.”

“Dami kong naiwang trabaho sa school. At kailangan na ring matapos ang yearbook.”

“Pero teka, bakit parang hindi na nag-enroll ang treasurer namin?”

“May hawak pa naman ito’ng sponsorship at solicitation money na di pa nare-remit. Huling balita sa kanya ay nagreport daw ito sa police station na na-holdup. Totoo kaya yon?”

“Naku, eto na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayaw kong ma-involve sa mga ganitong projects. May money matters. Gusto ko na nga sana mag resign sa posisyon ko bilang presidente ng council, pero baka wrong timing. Lalo akong mapagbibintangan.”

“Paano kung makulong ako? Ano na’ng gagawin ko ngayon?”

“Hoy Kyle, someone’s looking for you sa labas.” Sigaw ni Cris.

“Hala Cris, wag ka magbibiro ng ganyan.”

“But I’m not kidding you. Go ahead and check it out.” Wika ni Cris.

“Ano ba ito. Kinakabahan talaga ako. Sino ba yon?” Bulong ni Kyle.

At lalong natakot si Kyle nang makita niya ang nasa labas. Naalala tuloy niya ang kuwento sa mga dumukot na pulis sa kanyang kuya.

Sa driver’s seat ng nakaparadang police patrol car ay nakaupo ang isang bata pang pulis. Mukhang nasa edad 24 o 25 pa lang ito.

Subalit napawi ang agam-agam ni Kyle nang sa tabi nito ay kumaway si Empoy. Ang vice president niya sa department student council. Kaya lumapit si Kyle.

“Bro, sakay ka muna. Kakausapin lang tayo ni kuya.”

Sumakay naman si Kyle. At ipinakilala ni Empoy si Kyle sa kuya nitong pulis na unti-unti namang pinaandar ang police patrol car.

“Nga pala Kyle, nabalitaan mo na ba ang nangyari?” Tanong ni Empoy.

“Ha? Tungkol saan Em?” Sagot naman ni Kyle.

“Ano pa, eh di sa treasurer natin. Di na daw nag-enroll. At mukhang malaking pera ang natangay sa project natin.”

“Ha? Ganon ba? E paano na yan? Madadamay ba tayo Em?” Tuloy-tuloy na tanong ni Kyle.

“Malamang. Pero kaya nga nagpapatulong ako kay kuya. Kasi di ko rin alam kung ano’ng mangyayari. Natatakot din ako.” Sagot naman ni Empoy.

“Huwag muna kayong matakot.” Singit ng pulis na kuya ni Empoy, “Madali lang iyan.”

“Paano po’ng madali?” Naguguluhang tanong ni Kyle.

“May schoolmate ako sa police academy na alam na ang address ng treasurer niyo. Nagpatulong na ako at natunton na niya ang location.”

“Ano po’ng gagawin ninyo. Hala baka may gawin po kayo’ng kakaiba kay treasurer.” Usisa ni Kyle.

“Ano’ng kakaiba?” Tanong ng pulis.

Naalala kasi ni Kyle ang pagdukot sa kanyang kuya. Nag-aalala rin siyang baka dukutin at parusahan ang treasurer nila.

“Ah eh. Wala po. Ano po ba’ng plano niyo kay treasurer?” Paiwas na tanong ni Kyle.

“May pinapunta na ako na pipick-up sa kanya para lang tanungin. Mabait naman si Natividad. Schoolmate ko yun sa academy pero mas senior lang ako kumpara sa kanya.

Magaling dumiskarte si Natividad sa mga ganitong sitwasyon.” Paliwanag ng kuya ni Empoy.

“Bro, mabuti nang maresolba natin ito bago pa tayo lumabas sa mga chismis sa school.” Paliwanag naman ni Empoy.

Sumang-ayon naman si Kyle. Subalit may gumugulo pa rin sa isip ni Kyle.

“Kuya, Natividad ba ang apelyido ng schoolmate mo’ng pulis?” Usisa ni Kyle.

“Oo.” Sagot naman nito.

“At napuna ko lang, may hawig sa iyo. Kulot lang ang buhok niya at sa iyo naman ay tuwid. Pero halos magkaedad lang kami kahit mas senior ako sa kanya. Sabi kasi niya ay mga ilang taon din siya’ng natigil sa pag-aaral. Mahabang kuwento daw.” Sagot ng pulis na kuya ni Empoy.

“Huwag ka mag-alala. Magkikita din kayo.” Pahabol ng pulis.

“Ah. Ok po. Kaapelyido ko kasi. Pero wala namang mahilig magpulis sa mga kamag-anak ko.”

“Ganon ba? O sige, babalitaan ko na lang kayo bukas. Magkita uli tayo sa parehong oras. Susunduin ka namin.” Paalam ng pulis.

“Kita tayo uli bukas Kyle. Buti Linggo bukas at wala pang pasok. Mas mabuting maayos natin ito bago tayo bumalik sa eskuwela.” Wika naman ni Empoy.

“Sige Em. Salamat din sa yo kuya. Hintayin ko kayo bukas.”

At bumaba na sa patrol car si Kyle sa di kalayuan sa boarding house.

“Kung buhay lang sana si kuya Edson, kasing-edad din niya ang kuya ni Empoy. At hawig daw kami, tapos kulot. Eh sobrang kulot din kaya ng buhok ni kuya.” Bulong ni Kyle.

“O, pagod na pagod ka yata?” Usisa ni Rico kay Kyle habang gumagawa ito ng homework.

“Oo eh. Relax na nga sana ako sa bakasyon natin. Tapos hinahabol na naman ako ng problema.” Malungkot na sagot ni Kyle.

“Bakit? Ano’ng problema?” Usisa ni Rico.

“Naalala mo yung nabanggit ko sa iyo na money matters sa project namin sa yearbook?” Tanong ni Kyle.

“Ah, oo. Yung nabanggit mo na naatasan ka na humawak noon dahil presidente ka ng council?” Pagliliwanag ni Rico.

“Oo yun nga. At nangyari na nga ang kinatatakutan ko.” Wika ni Kyle sa malungkot na tinig.

“Paano?” Usisa ni Rico.

“Ayun. Yung treasurer namin, nawawala. Di na nag-enroll. May dalang malaking halaga ng sponsorship at solicitation.” Sagot ni Kyle.

“Eh ano’ng problema mo? Hindi naman pala ikaw ang may kasalanan.” Wika ni Rico.

“Pero malamang, madamay ako sa imbestigasyon. Ang hirap.”

Hindi na kumibo si Rico.

Sa gabing patulog na sila ay ramdam ni Rico na balisa si Kyle. Kaya naman umupo siya sa higaan ng kaibigan.

“Kyle, andito lang ako. Anuman yan, malalampasan mo rin yan. Marami ka nang nalampasan. At alam ko, isa ito sa pagtatagumpayan mo.” Wika ni Rico.

At marahan nitong niyakap at dinampian ng halik sa pisngi si Kyle, na hindi naman nagreklamo.

Sapat na iyon upang makapahinga nang mapayapa ang isip ni Kyle.

At nanaginip na naman ang binata nang may ngiti sa mga labi.

Paano naman ay magkasama sila ng kanyang kuya sa panaginip. Noon daw ay nasa malaking bahay sila na kanila ring furniture shop.

Ito ang mga panahong napakalambing pa ng kanyang kuya at lagi siyang yakap-yakap nito. Hindi pa nito nakukuha ang malupit na ugali na natutunan sa magulong lugar.

Mga panahon na napakabait pa ng kuya ni Kyle sa kanya at sa kamay nito ay wala ni anino ng dahas. Puro pagmamahal at yakap ang ibinibigay nito kay Kyle.

Subalit sa panaginip ay malaki na si Kyle at ang anyo ng kanyang kuya naman ay iyong itsura nito noong binata na. Mga panahong sa totoong kaganapan ay wala na sila sa malaking bahay at marangyang pamumuhay.

Subalit bakit ganito? Bakit napakalambing ng kuya ni Kyle sa kanyang panaginip?

Bago pa nagising si Kyle ay sinabihan siya ng kanyang kuya na hinding-hindi niya ito pababayaan. Na lagi lang siyang nagbabantay kay Kyle.

Subalit sa panaginip na ito ay nagpapaalam ang kanyang kuya na aalis muna ito at may pupuntahang malayong lugar.

Hindi napigilan ni Kyle ang pagluha sa paglisan ng kanyang kuya.

At nagising si Kyle na may luha sa kanyang mga mata.

Episode 6: Dukot

May naulinigan nang sasakyan si Kyle sa labas ng boarding house. At di siya nagkamali.

“Ayun na ang patrol car ng kuya ni Empoy.” Sigaw ni Kyle kay Rico. At nagpaalam na ito.

Patakbong excited na lumapit si Kyle sa patrol car habang naiwang nakatanaw si Rico na nasa gate ng boarding house.

Maya-maya pa’y nakita ni Rico na isinakay na ng isang pulis si Kyle.

“Pero teka, bakit parang nagpupumiglas si Kyle?” Bulong ni Rico sa sarili.

“Ah baka namamalikmata lang ako.”
At mabilis niyang kinunan ng picture ang sasakyang nagdala kay Kyle.

“Bata, balita namin ay malaki daw ang collection niyo ni Empoy? Wika ng isang pulis kay Kyle.

“Sino po kayo? Wala po akong alam sa mga koleksiyon. At bakit po kilala niyo si Empoy?” Sunud-sunod na tanong ni Kyle.

“Huwag ka nang maraming tanong. Inaalam lang talaga namin kung may pera nga sa project niyo dahil yun ang nakuha naming impormasyon.” Wika ng pulis na katabi ni Kyle sa likod na siya ring nagpasakay sa kanya kanina.

“Wala po talaga akong alam sa mga koleksiyon. Ni hindi nga po ako humingi ng kahit maliit na budget at gusto ko na nga’ng mag backout bilang presidente ng council.” Sagot ni Kyle.

“Malalaman din namin yan bata. Pero mas magandang manggaling sa iyo ang totoo. Dahil pag nalaman naming nagsisinungaling ka, huling araw mo na ito.” Wika ng pulis na nagda-drive.

“Wala po talaga akong alam. Narinig din lang po namin ang balita tungkol sa treasurer pero hindi na naman po namin siya nakita dahil di siya naka-enroll ngayon. Baka po mag-imbestiga na rin ang university.” Wika naman ni Kyle.

“Ganon ba bata? Eh bakit nagreport na na-holdup daw siya at malaki ang halagang nakasaad sa blotter?” Sagot ng pulis na nagda-drive.

“Mayroon po kasi siyang hawak na sponsorship at solicitation letters kaya sa pagkakaalam ko, may kailangan siyang i-remit sa school.” Nanginginig na paliwanag ni Kyle.

“Ganon ba bata?” Sagot ng pulis sa likod ng manibela.

Sa di malamang pagkakataon kung kailan nakita na ni Kyle o na-meet sa kung saan ay pamilyar ang mukha ng pulis na ito na nakikita niya sa salamin na gamit na rear view mirror ng pulis.

“Sino nga ba ito at saan ko siya nakita? Pamilyar talaga sa akin ang mukha niya. Nakita ko na siya.” Bulong ni Kyle sa sarili.

Mukhang nakahalata ang pulis sa tutok na titig ni Kyle kaya naman…

“O, siya, lagyan na ng piring yan para maturuan ng leksyon.” Utos nito sa katabing pulis ni Kyle.

“Huwag po. Saan nyo ko dadalhin? Wala po talaga akong kasalanan.” Pagmamakaawa ni Kyle.

“Masyadong maingay. Lagyan nga ng tape ang bibig niyan dahil baka matahi ko pa yan.” Pahabol ng pulis sa unahan.

At wala nang nagawa si Kyle kundi ang umiyak. Magulo ang kanyang isip. At takot talaga siya sa ganitong tagpo.

Noon ay ang kuya niya. Bakit ngayon, pati siya?

Halos panawan ng ulirat si Kyle sa sobrang takot at pagod. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasapitin sa dalawang pulis na ito na sa buong akala niya ay si Empoy at ang kuya nito.

“Bakit ba kasi ako sumali-sali pa sa politika sa university? Papatayin ba nila ako?” Tanong ni Kyle sa sarili.

“At alam ko, nakita ko na ang pulis na ito. Hindi ko lang maaalala kung saan.” Bulong ni Kyle sa sarili.

Sa sobrang takot at pagod ay nawalan na ng malay si Kyle.

Isa na namang masamang panaginip ang parang totoong nangyayari sa kanya sa kanyang malalim na pagtulog.

Sa kanyang panaginip ay papasok siya sa pamilyar na iskinita. Mga alas kuwatro ng hapon iyon pagkagaling niya sa eskuwela.

At nakita na naman niya ang lalaking papatakbong sumasalubong sa daraanan niya. Duguan ito. Subalit sa pagkakataong ito ay malinaw na nakita niya ang mukha ng lalaki.

Ito ang pulis na tinititigan niya sa salamin kanina. Ang pulis na nag-drive sa patrol car.

At patuloy pa rin ang panaginip ni Kyle.

Matapos daw niyang makasalubong ang mamang duguan ay maraming kapitbahay ang natulala pagkakita sa duguang puting uniform na suot ni Kyle.

At sa di kalayuan ay kitang-kita niya ang kanyang ina na yakap-yakap ang buhay niyang kuya na napasigaw, “Nay, si Kyle.”

At ang malakas na sigaw ng kanyang kuya ang gumising kay Kyle sa pagkakahimbing, “Kyle, kapatid ko!”

Nang magising ay umiiyak siya habang tinatawag ang kanyang kuya Edson sa isip, “Kuya, kuya!”

Subalit nakatakip pa rin ang bibig ni Kyle nang muli siyang magkamalay.

Tahimik.

Wala siyang alam sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

Gusto niyang sumigaw subalit may duct tape ang kanyang bibig. At mahigpit ang pagkakagapos ng kanyang paa’t kamay sa kahoy na silyang kanyang kinauupuan. Wala rin siyang makita dahil sa piring sa kanyang mga mata.

“Nasaan na ako? Katapusan ko na ba ito?” Usal niya sa isip.

RICO…

“Bakit kaya parang may mali kay Kyle kanina? Nagpupumiglas siya pero hindi rin ako sigurado. Baka namamalikmata lang ako.”

“Pero nakunan ko naman agad ng picture ang patrol car na iyon. Buti, malinaw ang plate number.”

Maya-maya’y may isa pang patrol car na dumating. Hinahanap ng pulis na driver si Kyle. At sa tabi nito ay isang pamilyar na mukha sa kanilang university.

“Si Empoy ito ah.” Wika ni Rico.

Kilala ni Rico si Empoy dahil nababasa niya ito sa newsletter ng university. Alam niyang vice president ito ng council nina Kyle. Kaya hindi siya nag-atubiling sabihin dito ang nangyari.

“Empoy, ikaw ba ‘yan? Ako si Rico. Schoolmate tayo. At kasama ko sa boarding house si Kyle.” Wika ni Rico.

“Andiyan ba si Kyle? Pakitawag naman o. Pakisabing andito na kami ni kuya. Nga pala, kuya ko.” Pakilala ni Empoy sa pulis na nagda-drive ng patrol car.

“Naku, wala eh. Akala ko nga kayo ang nasa sumundong patrol car kani-kanina lang. Kaya pala parang ayaw niyang sumama kasi hindi pala kayo iyon. Pero eto, nakuhanan ko ng picture ang patrol car.” Nag-aalalang sumbong ni Rico.

“Sumakay ka na kaya.” Wika naman ni Empoy.

At sumakay na nga si Rico sa patrol car habang ipinapakita nito sa kuya ni Empoy ang phone na may plate number ng patrol car na nagdala kay Kyle.

May tinawagan ang kuya ni Empoy. At doon ay nalaman nila na mga police na natanggal na sa tungkulin ang may dala kay Kyle.

Ayon sa nakausap nito ay patungong Northern Luzon ang patrol car. Pinasahan nila ng locator map ng patrol car ang kausap ng kuya ni Empoy.

Si Natividad ang kausap sa kabilang linya. At nagkasundo ang police schoolmates sa academy na pareho nilang tutuntunin ang location.

KYLE…

“Ano’ng nangyayari? Bakit may putukan sa labas. Katapusan ko na nga yata?” Bulong ni Kyle.

Nanginginig si Kyle sa takot subalit wala siyang magawa kundi magdasal na lang na sana ay makaligtas siya.

Maya-maya ay naramdaman niyang bumukas ang pinto ng silid kung nasaan siya. At narinig niya ang tinig ni Rico.

“Kyle!” Sigaw nito.

Natanggal na sa pagkakagapos si Kyle at tinanggal na rin ni Rico ang blindfold at duct tape.

Humagulgol si Kyle sa balikat ni Rico na nakayakap sa kanya.

“Em, mabuti’t nailigtas niyo ako. Ano ba’ng nangyari? Tanong ni Kyle pagkakita kay Empoy sa kuwartong iyon.

Kuwarto sa isang lumang bahay na nasa medyo liblib na lugar.

“Nakuhanan ni Rico ang sasakyang dumukot sa iyo kanina. Kaya nalaman namin ni kuya kung saan ka dinala.” Paliwanag ni Empoy.

“Nadukot na pala ako? Naguguluhang tanong ni Kyle.

“Oo, mga police scalawags yon na natanggal na sa serbisyo.” Sagot ni Empoy.

“Tingnan natin sila sa labas, dali.” Dugtong pa ni Empoy.

At paglabas ay nakita ni Kyle na nakaposas ang dalawang “pulis” na dumukot sa kanya.

Naroon din ang kuya ni Empoy at mga kasama nitong mga alagad ng batas.

Subalit waring lumukso ang puso ni Kyle nang makita ang isang pulis.

“Kuya?” Pabulong na nag-aalangang wika ni Kyle.

Subalit pinigil niya ang sarili dahil alam niyang patay na ang kanyang kuya Edson.

Noon ay abala ang mga pulis sa mabilisang pangyayari.

At lumabas na rin sa patrol car nina Natividad ang treasurer nina Kyle na noon ay gulat na gulat sa mga pangyayari.

Lumapit sa kanila si Darryl, ang treasurer. At nalaman nilang di ito naka-enroll dahil sa sitwasyon ng pamilya.

Sinabi rin ni Darryl ang totoong pangyayaring pag-holdup sa kanya.

Galing daw siya sa isang donor noon at palakad na siya malapit sa Electrical Engineering building ng kanilang university.

Dala niya ang lahat ng sobre ng donors noon at wala namang peligro siyang nakikita sa daraanan niya habang tanaw na niya sa di kalayuan ang gate ng university.

Ilang metro sa kanyang unahan ay may lalaki siyang makakasalubong. Sa kabilang gilid naman ng kalsada kalinya ng university gate ay may isa ring naglalakad na lalaki sa bandang likuran na halos pareho ang layo kung ikukumpara sa taong makakasalubong niya. Maliban sa kanilang tatlo ay tahimik at malinis ang kalsada, tipong walang ibang tao.

“Nagulat na lang ako na sa isang iglap ay sama-sama na kaming tatlo sa isang bahagi ng kalsadang iyon. Masikip ang pagkakasakal sa akin ng isa habang hinihila nila ako sa gilid kung saan may madilim at lumang building.” Kuwento ni Darryl.

“Ang akala ko talaga ay may classmate o schoolmate lang tayo na nagbibiro lang sa akin. Doon ko napagtanto na tantiyado pala nila ang kanilang mga hakbang para sa isang spot ng kalsadang iyon nila ako hihilahin. Ipinuwesto ako sa walang makakakita sa amin kung may iba pang daraan sa kalsadang iyon.” Pagpapatuloy ni Darryl.

“May naramdaman din ako’ng matalas na itinutok sa aking tagiliran. Akala ko nga katapusan ko na.” Nanginginig na kuwento nito.

“Ang isa naman ay nakuha na ang bag ko kung saan nakalagay ang mga sobre na may lamang cash. Malaking halaga iyon.” Dugtong pa ni Darryl.

“Takot na takot ako. Nang makuha na nila ang bag ko at mahalungkat ang mga bulsa ng pantalon ko kung saan kinuha rin nila ang wallet ko ay doon lang lumuwag ang pagkakasakal sa akin. Sinabihan nila ako na wag silang sundan at maghintay ng sampung minuto bago ako umalis sa lugar na iyon.” Kuwento pa rin ni Darryl.

“Kaya naman, nang tantiya ko ay wala na sila, dumiretso na ako sa pinakamalapit na presinto para magsumbong.” Patapos na kuwento nito.

Episode 7: Hustisya

DARRYL…

“Bakit kaya nila ako pinagbibintangan? Hindi nga ako nakapag-enroll dahil kapos talaga kami ngayon sa pamilya. Nasaan ang hustisya?” Hinagpis ni Darryl.

Masama talaga ang loob niya sa mga nasagap niyang balita tungkol sa kanya. Na pinag-interesan niya ang perang galing sa mga donors ng kanilang department project.

“Oo mahirap kami. Pero hinding-hindi ko magagawang makinabang sa hindi ko pinaghirapan. O ang mang-umit ng hindi sa akin.” Usal niya.

At ang duda niya ay may kinalaman ang isa sa mga classmate o ka-department nila dahil parang may tip.

Aba eh tukoy na tukoy ng mga holdaper ang oras ng pagdaan niya sa lugar na iyon. Maging ang mga lamang sobre sa bag niya ay tukoy na tukoy ng mga masasamang loob kung saan hahalungkatin.

Mukhang may nagbigay talaga ng impormasyon.

“Makikiramdam ako. Pero hindi ko sasabihin ang obserbasyon ko. Alam ko, may matutuklasan ako sa mga darating na araw.” Sa isip ni Darryl.

Nataon pa naman na na-stroke ang kanyang tatay na siyang nagtatrabaho para sa pamilya.

Kaya ngayon ay hirap sila. Talo pa nila ang isang kahig, isang tuka.

Napilitang magtrabaho si Darryl bilang crew sa isang kilalang fastfood. At hindi muna siya nag-enroll sa college.

“Two years to go na lang sana at ga-graduate na ako. Pagkakataon nga naman. Ang importante ay maalalayan ko ang pagpapagaling ni Papa.” Bulong ni Darryl sa sarili.

Kalalabas lang ni Darryl sa trabaho nang may isang batang pulis na kumausap sa kanya.

“Ikaw ba si Darryl?” Tanong nito sa kanya.

“Ba… kit po?” Kinakabahang tanong ni Darryl.

“Gusto ka lang naming tulungan tungkol sa blotter report mo.” Sagot ng pulis.

“May development kasi.” Dugtong pa nito.

“Ano po’ng development?” Usisa ni Darryl.

“Kilala mo ba si Kyle? Kyle Natividad.” Tanong ng pulis.

“Opo. Presidente po siya ng student council namin. Bakit po?” Muling usisa ni Darryl.

“Bukas ay kukuhanan siya ng pahayag tungkol sa blotter mo. Kasama rin yung vice president nyo. Si Empoy ba yun? Emilio Sanchez.” Tanong ng pulis.

“Ganon po ba?” Tanong ni Darryl.

“Oo. At mukhang ikaw ang ituturo nilang may hawak ng malaking halaga. Gusto mo ba’ng magbigay din ng pahayag tungkol sa nangyari para patas?” Wika ng pulis.

“Aba, opo. Mahirap lang kami pero wala po akong interes sa hindi sa akin. Sige po.” Sagot ni Darryl.

“Kung ganon, sunduin ka namin bukas sa parehong oras, dito rin. Okey ba ‘yon sa iyo? Tanong uli ng pulis.

“Ah, sige po.” Wika naman ni Darryl.

Kinabukasan ay kinausap ni Darryl ang kaibigan sa trabaho.

Para sa kanyang kaligtasan na rin ay pinakiusapan niya ito na pasimpleng kuhanan sila ng picture sakaling sunduin siya ng pulis.

Maya-maya nga ay sinundo na si Darryl ng patrol car. Pasimple namang kinuhanan ng picture ng kaibigan ni Darryl ang pagsundo sa kanya.

Sa loob ng sasakyan ay ipinakilala ng batang pulis si Darryl kay Natividad na siyang nagda-drive.

Maya-maya pa ay may natanggap na tawag si Natividad. At napuna ni Darryl na medyo malayo na ang tinatahak ng patrol car.

Kaya naman kinabahan na siya at nagtanong.

“Saan po tayo pupunta?” Usisa ni Darryl.

“Relax ka lang bata. Papunta tayo kay Kyle.” Sagot ni Natividad.

“May number ka ba ni Empoy?” Tanong ng mas nakababatang pulis.

“Opo. Bakit po?” Tanong naman ni Darryl.

“Papunta rin kasi sila kay Kyle. Nasa kabilang patrol car sila. Yung kasunod natin.” Sagot ng batang pulis.

“Basta pagdating natin sa lugar ay huwag ka munang bababa. Ganun din ang direksyon kay Empoy sa kabilang patrol car. Mauuna lang muna kaming mga pulis bumaba. Maliwanag ba?” Bilin nito kay Darryl.

Nagtataka man ay tumango na lang si Darryl. Ang importante ay alam niyang kasama niya si Empoy sa kabilang patrol car.

Gumagabi na at medyo liblib ang lugar. Bumaba na ng patrol car ang mga pulis.

Di pa masyadong kalayuan ang mga ito nang may marinig na putok ng baril si Darryl. Isa. Dalawa. At pagkatapos ay katahimikan.

Maya-maya pa ay may nakita si Darryl na dalawang “pulis” na inaresto nina Natividad.

Nagtataka si Darryl. Grabe ang kaba kaya hindi siya lumalabas ng patrol car ayon sa bilin sa kanya.

Nasa mas malayong puwesto ang pagkakaparada nila mula sa nangyaring putukan samantalang ang sinasakyan naman ni Empoy ay mas malapit. At may pangatlo pang patrol car siyang napansin. Nag-aalala rin si Darryl para kay Empoy.

Hindi niya napuna ang pagbaba nina Empoy sa kabilang patrol car dahil medyo natatago ito sa isa pang patrol car sa gitna nila.

Subalit ilang sandali pa ay nakita na niya si Empoy, Kyle at isa pang schoolmate nila na namumukhaan lang niya pero di talaga niya kilala. Galing sa isang lumang bahay ang mga ito.

Nang mahinuhang ligtas nang bumaba ng patrol car ay lumapit na siya kina Kyle.

“Ano’ng nangyari?” Tanong ni Darryl.

At doon ay nalaman ni Darryl ang naganap na pagdukot kay Kyle.

Dahil dito ay nawala ang tampo niya sa mga ito dahil sa mga naririnig niyang paratang sa kanyang pagkatao.

Mas naintindihan ni Darryl na maging sina Kyle ay nalagay sa peligro. At di lang siya ang nag-iisang sumasabak sa hamon ng buhay sa mga pagkakataong ito.

“Okey ka na ba bro?” Tanong ni Darryl kay Kyle.

At nalaman din nina Kyle ang holdap na nangyari kay Darryl at ang peligrong hinarap nito sa mga holdaper.

KYLE…

“Marami talaga akong tanong. Ewan kung magkakaroon pa ng kasagutan.”

“Paanong nangyaring pulis pala dati ang sa panaginip ko ay ang lalaking nasaksak noong bata pa ako?”

“At ang isang pulis sa kabilang patrol car, bakit Natividad rin ang apelyido? Bakit kamukhang-kamukha siya ni kuya Edson? At kung buhay sana si kuya, magkasing-edad rin sila. Pero imposible.”

“Bakit buhay na buhay si kuya sa panaginip ko, matapos ko’ng masalubong ang duguang pulis? Bakit yakap-yakap siya ni nanay? Bakit parang totoong-totoo?”

“Paanong hindi totoo na patay na si kuya? May tattoo sa hita ang bangkay na nakita ni tatay sa morgue. Si nanay naman ay natunton si kuya dahil sa panaginip.”

“Paanong mabubuhay pa ang taong kinaladkad ng tumatakbong sasakyan, na binuhusan pa ng asido ang bangkay?”

“Diyos ko. Ano po ba ang totoo?”

Ilang sandali pa ay umalis na ang dalawang patrol car.

Ang una ay sakay si Empoy, ang kuya nito at ang dalawang hinuling scalawags.

Ang ikalawa ay sakay si Darryl kasama ang batang pulis.

Naiwan ang isang patrol car ni Natividad, pati na si Kyle at Rico.

“Kyle, naiwan na tayo!” Wika ni Rico.

“Huwag kang mag-alala, andiyan pa ang isang patrol car.” Sagot naman ni Kyle na hindi na binanggit ang pangalan ng pulis dahil baka magtanong pa ito kung bakit pareho sila ng apelyido.

“Pero nasaan na yun? Nasaan na ang pulis para makasabay na tayo?” Pag-aalalang tanong ni Kyle kay Rico.

“Ayun!” Sigaw ni Rico habang itinuturo ang pulis na nasa di kalayuan.

“Sandali at tatawagin ko.” Wika ni Kyle.

Paglapit ni Kyle ay nakatalikod si kuyang pulis.

Tinawag siya ni Kyle, “Kuya!…”

Idurugtong pa sana ni Kyle ang tanong na, “Aalis na ba tayo?”

Subalit napuna ni Kyle na tumulo ang luha nito pagtawag niya ng, “Kuya.”

Lumapit naman sa kanila si Rico na nakitang napaupo sa ugat ng malaking puno ang pulis.

Nakita ni Rico na tumayo ang pulis, subalit tumalikod ito nang malapit na siya. Humarap ito sa malaking puno, itinukod ang isang kamay na parang nanghihina habang humahagulgol ito.

Bago pa nakalapit si Rico ay kitang-kita niyang humarap muli ang pulis kay Kyle at mahigpit na niyakap ito.

Takang-taka si Rico sa mga nangyayari. Si Kyle naman ay di pa rin maunawaan kung bakit ganito ang ikinikilos ng pulis.

Subalit may kabog ang dibdib ni Kyle. May parang lukso ng dugo na di niya maipaliwanag kaya’t gumanti rin siya ng yakap sa pulis.

Hinaplos ni Natividad ang buhok ni Kyle at itinuro nito ang kanyang name tag.

SPO1 Edson D. Natividad

Natigilan si Kyle. Ibig bang sabihin ay totoong kuya niya ang kaharap niya ngayon?

Ibig ba’ng sabihin ay buhay ang kuya Edson niya at ngayon ay nakatayo ito sa kanyang harapan?

“Paanong nangyari ang mga bagay na ito?” Tanong ni Kyle sa sarili.

Subalit di siya maaaring magkamali. Ito nga ang kanyang kuya. Ang taas at tindig. Ang kulot na buhok na sobrang pino ng pagkakulot. Ang boses.

At higit sa lahat ay ang lukso ng dugo.

“Kuya. Ikaw ba yan?” Lumuluhang tanong ni Kyle.

“Ako nga ito bunso, kapatid ko.”

“Kapatid ko”. Parehong mga salita na narinig ni Kyle sa kanyang huling panaginip. Ganitong-ganito ang tinig at pagkakasabi nito sa kanyang huling panaginip - “Kapatid ko!”

Pinisil ni Kyle ang sarili kung siya ba ay nananaginip. At yumakap nang mahigpit sa kanyang nawalay na kuya.

Matagal na humagulgol si Kyle sa balikat ng kanyang kuya. Ngayon ay di na siya maaaring magkamali.

Totoo nga ito at hindi lang isang panaginip.

Episode 8: Muling Pagkikita

Hindi na rin nag-aksaya ng panahon si Edson at Kyle. Mabilis silang umalis sa lugar gamit ang patrol car. Kasama rin nila si Rico na ipinakilala ni Kyle kay Edson. Naupo ito sa likuran habang sa unahan naupo si Kyle. Katabi ng pulis niyang kuya.

“Kuya, na-miss kita.” Malambing na wika ni Kyle.

“Na-miss din kita bunso. At binatang-binata na ang kapatid ko.” Sagot naman ni Edson habang iniunat nito ang kanang kamay upang hawakan ang buhok ni Kyle.

“Alam ko bunso, marami kang tanong. Pero lahat yan ay maliliwanagan mo pagdating natin sa ating pupuntahan ngayon.” Wika ni Edson.

“Saan ba tayo pupunta, kuya?” Usisa ni Kyle.

“Naaalala mo pa si Ilao?” Tanong ni Edson.

“Yung pulis na kulot?” Mabilis na usisa ni Kyle.

“Oo. Yung nakatira sa dulo ng barangay natin.” Sagot ni Edson.

“Pero matagal nang nawala yun kuya. Mga anim na taon na. Basta hindi ko na siya nakita.” Wika ni Kyle.

“Tama ka. Nalipat kasi siya ng assignment. At hindi mo ba napuna na halos magkasabay kaming nawala sa lugar natin?” Wika ni Edson.

“Oo nga kuya. Ano ba ang nangyari sa kanya? At siyempre… sa iyo?” Tanong ni Kyle.

“Sasabihin namin sa iyo mamaya kung ano’ng nangyari. Pero ipangako mo na wala kang pagsasabihang ibang tao tungkol sa mga nangyari. Delikado kasi.” Wika ni Edson.

Bago pa nakasagot si SPO1 Natividad ay bumusina na ito sa isang mataas na gate ng isang napakalaking bahay. Madilim na nang makarating sila sa lugar.

Maya-maya ay bumukas ang gate. At pumasok na sila sa loob.

May guwardiya ang gate ng bahay. At mukhang mayaman ang may-ari.

“Dito ba nakatira si Ilao kuya?” Tanong ni Kyle katabi si Rico habang pinaupo sila ni Edson sa mahabang sofa.

“Oo. At dito rin ako nakatira.” Sagot naman ni Edson.

Ilang saglit pa ay humarap na si Ilao sa kanila. Matikas pa rin ito sa kabila ng edad. Bumabagay ang kulot na buhok nito sa may pagka-maamong mukha. Nagmano si Edson.

“Good evening Pa!” Sambit ni Edson.

Nagtataka man ay di na muna kumibo si Kyle. Marami siyang gustong malaman. Ito na marahil ang tamang pagkakataon.

Lalo na nang tawagin ni Edson na “Pa” si Ilao. Ibig ba’ng sabihin noon ay Papa? Si Ilao ba ang kumalinga kay Edson noong nawala ito? At si Ilao ang tumayong ama ng kanyang kuya?

“Good evening son. Ginabi ka na? At sino ito’ng mga kasama mo? Teka, namumukhaan ko siya.” Wika ni Ilao.

Lalong nagtaka si Kyle. Tama ba ang narinig niya? Son as in “anak” o Son as in Edson?

“Opo. Siya na po si bunso. Si Kyle.” Sagot ni Edson.

At nagmano si Kyle kay Ilao.

“Ito nga po pala si Rico. Boardmate ko.” Pakilala ni Kyle.

Binulungan ni Edson ang kapatid kung safe ba na naroon sa usapan si Rico. At sinigurado naman ni Kyle sa kanyang kuya na parang kapatid na rin ang turingan nila ni Rico.

“Okey ka lang, tol?” Tanong ni Kyle kay Rico para siguruhing okey lang ang kaibigan.

Nahinuha naman ni Rico ang nangyayari at tahimik lang siyang nakiramdam habang nag-uusap ang tatlo. “Okey lang ako, tol!” Sagot ni Rico kay Kyle.

“Ah, o siya, maghapunan muna tayo at alam ko’ng marami tayong dapat pag-usapan.” Wika ni Ilao.

At habang naghahapunan ay nagsimula nang magkuwento si Ilao.

“Alam ko, marami ka’ng tanong iho.” Wika ni Ilao kay Kyle.

“Hayaan mong linawin namin sa iyo ang mga nangyari.” Bigkas pa nito.

“Subalit pakatandaan niyo. Dapat manatiling sikreto ang lahat lalo na sa lugar niyo Kyle, iho.”

Tumango lang si Kyle habang nakikinig din si Rico.

“Maselan ang nangyari sa kuya Edson mo kaya dapat, walang ibang makaalam ng pag-uusapan natin ngayong gabi. Ito na siguro ang tamang panahon para malaman niyo ang totoo.” Pagsisimula ni Ilao.

SINO NGA BA SI EDSON? …

Si Edson ay bunga ng pagmamahalan ni Ilao at ng nanay ni Kyle.

Bago pa man isinilang ang panganay na ate nila ay may ugnayan na si Dina at Ilao.

Subalit dahil sa na-assign sa malayong lugar si Ilao ay dumalang na ang pagkikita ni Ilao at Dina. Hanggang sa wala nang balita si Dina tungkol sa binatang si Ilao.

Dito na nagsimula ang relasyon ni Dina at ng tatay ni Kyle.

Maganda ang negosyo ng tatay ni Kyle. At madali naman itong tinanggap ni Dina bilang asawa.

Isang taon ang lumipas at isinilang ang babaeng panganay nila. Ang ate ni Edson at Kyle.

Subalit muling nagbalik si Ilao. Hinikayat nitong magsama sila ni Dina ngunit tumanggi ang huli.

Nang mga panahong iyon ay nagsisimula namang humina ang negosyo ng tatay ni Kyle. Nabaon ito sa maraming utang.

At dahil na rin sa pressure sa negosyo ay bumalik ito sa dating bisyo. Lalong nalulong ito sa pag-inom. Halos napabayaan na nito ang kanyang mag-iina.

Dumating ang panahon na nagkasakit ang ate nina Edson at Kyle dahil na rin sa kakulangan ng suporta ng tatay ni Kyle na siya ring nakilalang ama ni Edson.

Walang ibang tumulong kay Dina sa oras ng kagipitan kundi si Ilao.

Dahil dito ay nailigtas sa malubhang karamdaman ang ate nina Kyle.

At dahil na rin sa sobrang paglalasing ng tatay ni Kyle ay nahulog ang kanyang ina kay Ilao. Dito na isinilang si Edson.

Subalit hindi lubusang makapagsama sina Ilao at Dina dahil kasal ang huli sa tatay ni Kyle. Kaya minabuti ni Dina na manatili sa tatay ni Kyle at wala namang nagawa ang pagpipilit ni Ilao.

Nanatili si Edson sa paglingap ni Dina. Dahil dito ay walang nagawa si Ilao kundi magbigay ng sustento kay Dina nang palihim.

Subalit ang sustento para kay Edson ay napupunta sa ngayon ay apat nang anak ni Dina habang ang tatay nina Kyle ay lulong sa bisyo.

Tumatakbo pa naman ang naghihingalong negosyo nito pero dahil na rin sa kalabisan sa paglalasing ay bihira na itong mabilhan ng produkto.

Bago nga tuluyang bumagsak ang negosyong furniture ay bumili pa si Ilao upang kahit paano ay madagdagan ang kanilang panggastos.

Ito ay bilang tulong na rin kay Dina para sa pag-aaral ni Edson sa Bamboo Organ Secondary School, na noon ay nagsisimula nang matuto ng paggawa ng furniture kasama ang ilang pinsan ni Kyle sa ama.

Subalit umabot sa panahong tuluyang nalugmok ang negosyo. At walang ibang matirhan kundi ang masalimuot na lugar kung saan lumaki si Kyle.

Labis na nag-alala si Ilao para kay Dina at sa kanilang anak na si Edson. Subalit hindi na humiwalay si Dina sa tatay ni Kyle dahil na rin sa apat na ang anak ni Dina.

Walang alam ang iba sa tunay na pagkatao ni Edson.

Pero habang lumalaki ay namana ni Edson hindi lang ang kulot na buhok, kundi ang katapangan ni Ilao. Hanggang sa magulong lugar ay wala itong takot sa away.

Dahil dito ay maraming galit kay Edson lalo na ang mga matapobreng magulang ng mga nakakaaway nito.

Namana rin ni Edson ang pagkamatulungin sa nangangailangan. Lalo na nang makita niyang matalino ang kanyang kapatid na si Kyle. Kaya nangako siya na pag-aaralin niya ito sa kolehiyo.

Subalit dahil may katapangan ay lapitin ng gulo si Edson. Kahit hindi siya ang nagsisimula ay siya ang laging pinagbibintangang may kasalanan ng mga mapagmataas na magulang ng mga nakakaaway niya.

Ito ay dahil minamaliit nila ang alam nilang mga magulang ni Edson. Alam nilang walang kaya ang mga ito sa kanila.

Kaya naman natutong ipagtanggol ni Edson ang kanyang sarili laban sa mga anak ng mga mapagmataas na kapitbahay at kalapit-barangay.

Ito rin ang dahilan kung bakit naiinis siya noon kay Kyle dahil masyado itong malamya sa tingin niya. Eh Hindi nga naman puwedeng iiyak na lang si Kyle at hindi natututong lumaban.

Ang mga ito ay hindi lingid kay Ilao. Bagama’t di ito nagpapakilala na ama ni Edson ay sinisigurado nitong ligtas ang anak. Lalo na ng makulong ito.

Walang nagawa si Ilao kundi ang kausapin ang mga kilala niyang nagbabantay sa kulungan. Okey na kay Ilao ang tattoo. Pero huwag lang sasaktan si Edson.

Sinigurado niyang naintindihan ng mga bantay ang kanyang bilin.

At nakalaya naman si Edson.

Subalit nang umabot na sa puntong may gustong magpa-salvage kay Edson ay doon na umaksiyon si Ilao.

Hindi niya pababayaang may masamang mangyari sa anak. At lahat ay kanyang gagawin para dito.

Kinausap niya ang kilalang dalawang pulis na kunwari ay hahabol kay Edson para kumalat ang balita dala ng makakating dila. Alam ni Ilao na kung ito ang maririnig na balita ng mga nagpapapatay kay Edson ay iisipin na totoong pinatay nga si Edson.

Binayaran din ni Ilao ng mas malaking halaga ang mga ganid na pulis na binayaran ng mga magulang ng kaaway ni Edson. Walang gagawin ang mga pulis na ito kundi mag-drive ng patrol car na kunwa’y may hinihilang lalaki at magpanggap na nakulong.

Ang kilalang dalawang pulis na kinausap ni Ilao na humabol kunwari kay Edson ay inatasan din niya na kumuha ng binatang kunwa’y hihilahin ng patrol car sa madaling araw pagkatapos habulin si Edson. At ganon nga ang lumabas na balita.

Hindi alam ni Edson na iniutos ni Ilao ang paghabol sa kanya mga alas dos ng madaling araw kaya ang unang sumagi sa isip nito ay tumakbo patungo sa kanilang bahay. Subalit hindi siya pinapasok o nakapasok.

Ang lahat ng ito ay sinusubaybayan ni Ilao kasama ng dalawa pang kaibigang pulis.

Hinintay nilang makalabas sa lugar si Edson at sa di kalayuan na walang nakakakita ay pinik-ap na nila ito.

Doon din sa parehong lugar kunwa’y hinila ng isa pang patrol car na sakay ang dalawa pang pulis na kinausap para palabasin sa balita na si Edson ang hila-hila ng patrol car.

Isang kasing-edad, kasing-katawan, kulot ang buhok at may parehong kulay ng damit ni Edson ang hila ng patrol car. Pero parang sa action movie, may proteksyon ito sa loob ng damit para hindi magalusan.

Ang lahat ng ito ay alam ni Dina. Sinabi na ni Ilao ang plano nang humingi ng tulong si Dina sa narinig na ipapapatay ang kanilang anak.

At mabilis namang kumilos si Ilao.

Ito rin ang pinalabas na kuwento nang matagpuan ang isang bangkay sa lumang sementeryo sa Calabarzon. Pinalabas ni Dina sa kuwento na nanaginip siya sa kinaroroonan ng “bangkay” ni Edson.

Subalit ang lahat ay planado.

Ang nakuhang bangkay na nabalitang binuhusan ng asido ay totoong nakita ng tatay ni Kyle na may tattoo sa hita. Wala kasing alam sa plano ang tatay ni Kyle. Hindi ito isinama sa plano dahil sa laging lasing. Baka nga naman masira pa ang plano.

Kinausap na rin ni Ilao ang in charge sa morgue na ang ipakita sa tatay ni Kyle ay ang tattoo para isipin nito na si Edson nga ang namatay. Pare-pareho kasi ang lugar ng tattoo ng miyembro ng pangkat na ito sa kulungan - sa hita.

At siyempre, may tono ng pagkumbinse ang in-charge na si Edson nga ang bangkay. Na madali namang sinang-ayunan ng tatay ni Kyle.

Madalas kasi ang away ng dalawang pangkat sa kulungan. At madalas na may namamatay dahil sa rumble.

Nang nabalitaan ni Ilao na may kasing-katawan at tangkad si Edson sa namatay sa kulungan at natagpuan sa sementeryo ay agad niyang tinimbrehan si Dina para isama ang tatay ni Kyle sa morgue.

Subalit inabot pa ito ng mahigit isang buwang paghihintay.

Hindi man nila gustong may mangyari sa mga preso, pero ang rumble ng mga ito sa kulungan ay madalas mangyari. At alam ito ni Ilao.

Kaya naman nang iburol ang bangkay na selyado ay walang alam ang lahat ng kapitbahay na hindi ito si Edson.

Maliban kay Ilao at Dina. Kahit ang mga pulis na tumulong kay Ilao ay walang alam.

Episode 9: Ilaw

Napapanganga si Kyle at Rico habang nakikinig sila sa kuwento.

Hindi pa rin kasi makapaniwala si Kyle na buhay ang kanyang kuya.

At dahil sa mga narinig ay gusto ring makausap ni Kyle nang pasikreto ang ina. Subalit hindi pa ngayon.

Marami pa siyang gustong marinig sa kanyang kuya.

Ano nga ba ang nangyari dito mula nang mawala ito? Paano ito’ng naging pulis?

KUWENTO NI EDSON…

Walang alam si Edson sa totoong relasyon niya kay Ilao.

Pero nagtataka siya minsang nakita niya ito noong siya ay nakulong.

Ang ipinagtataka niya ay ang tila espesyal na trato sa kanya sa oblo. Waring may proteksyon siya.

Muli na naman silang nagkita ni Ilao noong akala niya ay katapusan na niya. Kasi naman ay hinabol siya ng dalawang pulis kaya naisipan niyang tumakbo sa kanilang bahay.

Galing siya sa trabaho noon at nakipag-inuman sa mga pinsang lalaki na kasama niya sa paggawa ng furniture.

Madaling araw na nang maisipan niyang silipin sana ang kalagayan ng ina at mga kapatid subalit napuna niyang may sunud nang sunod sa kanyang dalawang lalaki.

Armado ng baril ang mga sumusunod kay Edson. Mga pulis. At dahil sa takot at napatakbo siya.

Humahabol pa rin ang dalawang pulis kaya naisipan niyang kumatok sa kanilang bahay sa pag-asang makakaligtas siya. May ilang kapitbahay na nakakita sa mga pangyayari.

Subalit ang masakit ay hindi siya pinagbuksan. Alam niyang naririnig siya ng kanyang tatay subalit waring bingi ito.

Kaya naman bago pa siya makatakbo palabas ng lugar nila ay naabutan na siya ng dalawang pulis at naisakay na sa patrol car na naghihintay.

Nagulat si Edson nang makita si Ilao na nagmamaneho ng sasakyan. Ang isang pulis na humabol sa kanya ay isinakay siya sa backseat samantalang tumabi kay Ilao sa unahan ang isa pa.

At ang mas nakakagulat ay ang nakita ni Edson na isa pang patrol car na may hila-hilang lalaki na may lubid sa kamay at kinakaladkad ng patrol car na iyon.

Bagama’t labis ang kanyang takot ay hindi nakawala sa kanyang obserbasyon na ang suot ng kinakaladkad na lalaki ay pareho sa kanya.

Sinadya ng patrol car na ipakita sa mga tao ang pagkaladkad sa lalaking may suot na kapareho ng damit ni Edson. Subalit ang totoo, parang shooting lang sa pelikula ang nagaganap.

Magaling ang pagkakaparada ng dalawang patrol car sa isang bakanteng lote na matataas ang talahib. Nasa pagitan ito ng dalawang barangay.

Hindi mo aakalaing dalawa ang patrol car. Kung tumitingin ka sa labas ay parang isa lang ang pumik-up kay Edson at ang kumakaladkad sa lalaking animo’y si Edson.

Nalaman lang ito ng binata nang magsalita na si Ilao. Sinabi nitong huwag siyang mag-alala dahil ligtas na siya.

Kilala naman ni Edson si Ilao dahil may ilang pagkakataon na niyang nakikita ito noon. Bumili pa nga ito noon sa kanilang furniture. At tuwing masasangkot siya sa gulo ay waring nasa paligid si Ilao.

Ipinaliwanag ni Ilao na iniligtas nila si Edson sa masamang tangka sa kanya ng mga kapitbahay. Na may gustong magpa-salvage dito.

Hindi naman makapaniwala si Edson na may gustong magpatumba sa kanya subalit nakinig siya sa suggestion ni Ilao na lumayo muna sa lugar na iyon. Sumang-ayon naman ang binata.

Maya-maya ay nagpaalam na kay Ilao ang dalawang pulis. Nanatili si Edson sa backseat habang kinakausap siya ni Ilao na doon muna siya tumuloy sa bahay nito.

Nanibago si Edson sa lalagian niya ngayon. Masyadong malaki ang bahay.

Magliliwanag na nang makarating sila sa lugar kaya naman nakatulog siya agad sa sobrang pagod dahil sa mga naganap.

Pagsapit ng tanghali ay may gumising sa kanya sa pagkakahiga sa mahabang sofa. Si Dina. Ang kanyang ina.

Lumuluhang niyakap nito ang anak na noon ay nabigla.

Paanong mapupunta rito ang kanyang ina? Ano nga ba ang nangyayari?

At doon nga ay ipinakilala ni Dina sa anak ang tunay nitong ama. Ipinasundo ni Ilao si Dina noong araw na iyon upang magkausap silang tatlo.

Sa una ay di pa rin makapaniwala si Edson. Hindi naging madali sa kanya ang pagtanggap sa katotohanan.

Subalit nahikayat siya ng kanyang amang si Ilao na bumalik sa pag-aaral.

Tatlong taon na rin pala mula nang siya ay grumadweyt sa high school. Tatlong taong may kabuhayan nga si Edson, subalit masyadong naging masalimuot ang buhay niya sa loob ng tatlong taong iyon.

Akala niya ay wala nang katapusan ang hirap ng buhay niya sa panahong iyon. Ang laging paghahamon ng mga anak ng mapagmataas na mga kapitbahay. Ang bintang na siya lagi ang nauna, ang may kasalanan. Wala siyang choice kundi ipagtanggol ang sarili.

At ang pinakamasakit ay ang naging trato sa kanya ng kinilala niyang tatay.

Sa lahat ng mga pangyayaring ito, sa kanyang pinanggalingang masasakit na karanasan na halos ikamatay niya, sino ba naman siya para tumanggi sa alok ng noon ay kilala niyang pulis na si Ilao. Na tunay pala niyang ama.

Pang-ilang buhay niya na nga na ito? Ang lahat ay dahil sa proteksyon at malasakit ni Ilao.

Wari nga’ng si Ilao ang naging totoong gabay at ilaw niya sa magulong buhay na nakasadlakan noon sa lugar na magulo.

Hindi nagtagal ay napalapit na rin siya sa tunay na ama na tinawag niyang Papa.

Kumuha siya ng kurso sa pagiging pulis.

Ang kanyang nanay naman ay bumalik sa lugar kung nasaan ang kanyang mga kapatid.

Nabalitaan rin niya nang makapag-asawa na ang dalawa niyang kapatid na babae at nilisan na ng mga ito ang lugar nila.

Si Kyle naman ay naiwan sa kanyang ina habang nag-aaral ng Electrical Technology. Dalawang taong kurso.

Subalit nagtuloy ito sa kursong Engineering at lumipat na sa boarding house sa Manila.

Ang naiwan sa magulong lugar ay ang kanyang ina at kinilalang tatay ni Edson.

Gusto sanang mabisita ni Edson ang mga kinilalang magulang ngunit mahigpit ang bilin ng kanyang Papa. Naunawaan naman niya na maaaring ikapahamak niya ito.

Ganon din ang idinadahilan ni Ilao kapag gustong dalawin ni Edson si Kyle.

Kaya naman lumipas ang panahon na ang akala ng lahat ay patay na nga si Edson.

Sa pagdating ng panahon ng kagipitang nasadlakan ni Kyle, lalo na ang pagdukot dito ay hindi nag-aksaya ng panahon si Edson.

Waring tadhana na ang nagdesisyon. Ito na ang itinakdang pagkikita ng magkapatid.

Ang orihinal na plano lang sana ng kuya ni Empoy at ni Edson ay pagharapin sina Kyle, Empoy at Darryl upang malaman ang totoong nangyari sa holdapan. At para na rin matulungan ang mga estudyante na malinis ang kanilang mga pangalan sa iisang paaralang pinapasukan.

Lahat kasi silang tatlo ay madadamay kung sakaling lumaki ang usapin sa kanilang department project.

At plano na sana noon ni Edson na kung magkaayos na ang tatlo ay isasama nya na si Kyle sa kanyang Papa upang magpakilala na siya.

Sa tingin kasi ni Edson ay hindi naman na umuuwi si Kyle sa magulong lugar kaya safe na at oras na na magpakilala siya dito. Isa pa ay malayo na ring makilala siya ng sinumang kapitbahay nila dahil ibang-iba na ang anyo niya ngayon bilang pulis kumpara sa mukhang sanggano noon.

Ayaw na rin kasing palampasin ni Edson ang pagkakataong maalalayan si Kyle sa mga panahong matindi ang pinagdaraanan nito lalo’t alam niyang nag-iisa lang ang bunsong kapatid sa Manila.

Nagkataong si Edson at ang kuya ni Empoy ang ilan sa mga tao sa presinto sa pagdulog ni Darryl.

Ayon sa salaysay nito ay maaaring mapagbintangan siya ng kanilang student department president na may interes siya sa hawak niyang donor envelopes. Ito ay dahil sa nataon namang naholdap siya at mukhang plinano ng mga holdaper ang hold-up na posibleng kasama ang isa o ilan sa kanilang schoolmate.

Nang tanungin si Darryl tungkol sa pangalan ng presidente nila sa council ay halos maibuga ni Edson ang kapeng iniinom.

Hindi siya maaaring magkamali. Si Kyle, ang kanyang kapatid, ang tinutukoy ni Darryl.

Kaya naman napagkasunduan nilang si Empoy at ang kuya nitong pulis ang pipik-ap Kay Kyle at si Edson naman ang pipik-ap kay Darryl.

Isinama ni Edson ang ka-batchmate niya sa academy na mas bata sa kanya ng tatlong taon.

Subalit may iba talagang plano ang tadhana. At nadukot nga ng mga scalawags si Kyle. At hindi papayag si Edson na mapahamak ang kapatid.

Doon na nga nagkita si Edson at Kyle nang mailigtas na ang huli. Hindi mapigilan ni Edson ang damdamin sa kapatid, una ay dahil nalagay ito sa peligro at kung may masamang mangyari ay magiging huli na ang lahat.

Subalit nakialam na rin marahil ang tadhana. O dininig ang panalangin ni Edson na hindi mapahamak ang kapatid.

Ikalawa ay dahil sa tindi ng mga pinagdaraanan ni Edson bago ang muling pagtatagpo nilang magkapatid. Ang bilin sa kanya na iwasang makita ng sinumang nakakakilala sa kanya lalo sa magulong lugar.

Dahil dito ay miss na miss na niya ang bunsong kapatid na siya sana ang magpapaaral.

Mas naging exciting tuloy ang kanilang pagkikitang magkapatid dahil nailigtas ng grupo ni Edson mula sa kapahamakan si Kyle.

At bonus pa na nagkaayos sina Kyle, Empoy at Darryl.

Subalit paano niyang ipaliliwanag kay Kyle na magkaiba ang kanilang ama?

Anuman ang mangyari ay ipinangako ni Edson sa sarili na gagawin ang lahat upang maging malinaw sa bunsong kapatid ang mga pinagdaanan nila sa buhay. At sisiguraduhin niyang magiging maayos ang lahat…

Matapos mailahad ni Edson ang mga pangyayari ay muli niyang niyakap si Kyle.

“O siya, mga iho. Pakatandaan lang na buhay ni Edson ang nakataya dito kaya ipinakikiusap kong muli na walang ibang dapat makaalam sa mga napag-usapan nating ito. Maaasahan ko ba yan mga iho?”

At tumango naman ang tatlo bilang pagsang-ayon sa bilin ni Ilao.

Episode 10: Dina

Masayang nagpaalam sina Kyle at Rico kay Ilao. Dahil humahating-gabi na ay inihatid naman sila ni Edson sa boarding house dahil may klase na kinabukasan.

Gusto sana ni Edson na sa mansiyon na patulugin ang dalawa subalit nag-aalala ang mga ito na maaga ang klase bukas.

Sa lahat ng iyon ay nasa tabi lang ni Kyle si Rico. Sumusuporta. Nagmamahal. Aminin man ni Rico o hindi, napapamahal na siya kay Kyle. Lalo ngayong nakikilala na niya nang husto ang kanyang kaibigan.

“Hay. Kailan pa kaya ga-graduate sa friendship zone?” Tanong ni Rico sa sarili.

Bumalik sila sa boarding house na may ngiti sa mga labi at bagong pag-asa.

Alam nila na maaayos ang lahat sa department project nina Kyle.

Napag-usapan din nila ang kalagayan ni Darryl at kung paano nila ito matutulungan. Naniniwala sila sa mga pahayag ni Darryl dahil matagal na rin itong nakasama nina Kyle at Empoy sa council.

Dahil self-supporting student si Darryl ay talagang grabe ang hirap nito na pagkasyahin ang oras sa pag-aaral at trabaho.

Subalit ngayon ay trabaho at pagtulong sa na-stroke na tatay nito ang kailangang bunuin ni Darryl. Wala siyang budget at panahon para mag-enroll.

Masakit ding isipin na dahil sa financial situation ni Darryl ay may kaunti tuloy takot o duda sina Kyle at Empoy rito noong nalaman nilang hindi ito nag-enroll. Nataon nga kasi na may kailangan siyang i-remit sa council at maaaring madamay o panagutin si Kyle at Empoy dito.

Mabuti na lang at naipaliwanag ito nang maayos ni Darryl sa kanila. Malaking tulong din ang nagawa ng mga kuya ni Kyle at Empoy bilang mabuting mga alagad ng batas. At bilang mga mapagmahal na kuya.

Dahil nga sa kagustuhan ni Darryl na malaman kung sino ang mga nag-tip sa holdaper, na ayon sa kanya ay mga schoolmate o posibleng classmate pa nila, ay nag-obserba na rin sina Kyle at Rico pagbalik sa university.

Subalit may mga katanungan pa rin sa isip ni Kyle tungkol sa kanyang kuya. Mga katanungang ang kanyang ina lang ang makasasagot.

“Bibisitahin ko si nanay ngayong weekend.” Plano niya isip.

Maraming gawain kaya mabilis namang tumakbo ang araw sa university.

Nag-imbestiga ang pamahalaan ng school at napag-alaman ngang may mga lokong estudyante na sangkot sa mga holdaper.

Nag-enroll ang mga ito sa iilang units sa Engineering course bilang modus operandi. Kasapakat pala ang mga ito ng mga naglipanang holdaper sa paligid ng university.

Isa itong malaking sindikato na nambibiktima ng mga estudyante sa university belt. At may protector na mga police scalawags ang mga ito.

Sa kabutihang palad ay nalampasan nina Kyle, Empoy at Darryl ang kinaharap nilang pagsubok sa council.

Ngayon ay mas mapagtutuunan na ni Kyle ang pagtuklas sa mga katotohanan tungkol sa kanyang kuya galing na nga sa kanilang ina - si Dina.

At nagkita na nga si Kyle at ang kanyang ina. Sa fastfood sa di kalayuan sa kanilang barangay nagkita ang mag-nanay.

Matapos maka-order ng burger at drinks ay nakakita ng magandang lugar si Kyle upang makapag-usap sila nang maayos ng kanyang ina.

Humingi muna ng tawad si Dina sa mga sinapit ng anak na si Kyle. At sa di pagpapatuloy ng tatay ni Kyle sa kanyang kuya Edson noong panahong hinahabol ito ng mga pulis.

Nilinaw rin nito ang relasyon kay Ilao sa kabila ng pagiging kasal nito sa tatay ni Kyle.

Idinugtong pa ni Dina na muntik na noong mamatay sa sakit ang pinakamatandang ate ni Kyle. Subalit naroon si Ilao upang tumulong kaya nailigtas ang buhay ng kanyang ate.

At dahil na rin sa pagmamahal sa anak ay di nito pinabayaan na mangyari ang gusto ng mga mayayabang na kapitbahay na ipa-salvage si Edson.

KUWENTO NI DINA…

Alam ni Dina ang pagbabantay ni Ilao sa mga nangyayari kay Edson. Mabuting pulis ito. At masasabi ring mabuting ama.

“Anak, napakabuti sa inyong lahat na magkakapatid ni Ilao. Dahil sa suporta niya para sana kay Edson ay natulungan tayo sa mga pangangailangan nating lahat. Samantalang ang tatay mo ay lulong noon sa bisyo ng pag-inom dahil na rin sa pagkalugi ng negosyo natin.” Paliwanag ni Dina.

“Hindi naman kaya nagseselos si Tatay kay Ilao? Kaya ito naglalasing?” Tanong naman ni Kyle.

“Wala namang ganoon anak. Hindi pa man kami ng tatay mo ay hiniwalayan na ito ng kanyang kasintahan noon dahil sa labis na pag-inom.” Wika ni Dina bilang hindi pagsang-ayon sa haka-haka ni Kyle.

“Wala namang alam ang tatay mo. Hindi ko siya hiniwalayan at iniwan kahit noong mga panahong napabayaan na niya ang pamilya.” Pagsalag ni Dina.

“At kung ipaalam ko man, sa tingin mo, sa kalagayan ng tatay mo ay may mauunawaan siya? Baka lalo kayong nagutom at malamang ay tuluyang napatay ng mga masasamang loob ang kuya mo. Sino na lang ang tutulong sa atin kung wala si Ilao?” Paliwanag pa ng nanay ni Kyle.

Dahil dito ay hindi na inungkat ni Kyle ang tungkol sa love triangle na kinasangkutan ng kanyang ina.

Mas mahalaga sa kanya na masagot ang mga tanong tungkol sa nangyari sa kanyang kuya.

Ayon kay Dina ay wala na sana silang plano na dugtungan pa ang kuwento ng pagdukot at pagkaladkad, sa pinaniniwalaan ng mga kapitbahay nila, na si Edson.

Subalit may mga naiwang tanong ang ilan kung nasaan ang bangkay? Kung ano na ang balita sa katawan nito dahil wala namang mga lumabas sa diyaryo o report galing sa mga kinauukulan?

Mga mausisang tanong na nagmumula sa mga nagbayad sa mga ganid na pulis para ipa-salvage si Edson.

Ang mas delikado pa ay kung babalikan ng mga ito ang binayarang mga pulis.

Subalit mas mabilis si Ilao.

Inareglo na kaagad ang dalawang pulis na ito - binayaran nang mas malaki, at siniguradong may isasagot ang mga ito kung sakali.

Kaya naman para mas kapani-paniwala ay sinunggaban nina Ilao at Dina ang pagkakataon nang may itinapon na patay na lalaki sa lumang sementeryo.

Makapanindig-balahibo man para kay Dina ay kailangan siyang umayon sa naging plano ni Ilao. Ito ay dahil mahigit isang buwan na ang nakararaan noon mula nang dukutin si Edson.

Sa napag-alaman kasi ni Ilao, isa itong miyembro ng gang sa oblo (loob ng kulungan). Nataon din na ang tattoo ng mga ito ay nasa hita, kapareho ng mayroon si Edson.

At ayon sa mga taong gala sa sementeryong iyon ay medyo naaagnas na ang bangkay. At ito daw ay binuhusan na ng asido sa di malamang dahilan. Gawa ng mga di kakilalang tao.

Dahil nga nakausap na rin ni Ilao ang in-charge sa morgue ay nakumbinsi ang tatay ni Kyle na ito nga si Edson.

Ang pinaka-basehan ng paniniwalang iyon ay ang tattoo sa hita ng bangkay. Iyon ang ipinakita ng in charge at iyon nga rin ang lumabas sa mga balita.

Selyado na ang bangkay nang kunin nina Dina upang iburol sa kanilang bahay. Mabuti na iyon para hindi masyadong maamoy. Tatlong gabi rin lang pinaglamayan ang patay.

At para wala na ring mag-usisa sa itsura ng bangkay na wala namang kamag-anak na nagtangkang kunin ito noon sa sementeryo, sinigurado ng morgue na balot na balot ito.

Dahil dito ay natahimik na ang mga tanong at pangungulit ng mga mapagmataas na kapitbahay na gustong makita si Edson na isa nang bangkay.

“Eh, ibig bang sabihin, Nay, kuwento lang yung panaginip mo kung nasaan si Kuya noon?” Usisa ni Kyle.

“Oo anak, patawarin mo ako. Pero kailangan’g may kumalat na balita na maririnig ng mga mapag-mataas nating kapitbahay na init na init sa kuya mo. Eh sa totoo lang, kasalanan naman nila ang pagkunsiti sa mga anak nilang wala nang ginawa kundi i-bully si Edson. Ang liit at ampayat kaya ng kuya mo kumpara sa mga umaaway sa kanya.” Paliwanag ni Dina.

“Ginawa ko lang naman iyon para na rin sa kaligtasan ni Edson.” Dugtong pa ni Dina.

“Ah. Kaya pala may buckle sa sinturon si Kuya na ginagamit niyang panlaban sa mga kaaway niya. Saan naman nakuha yon ni kuya, Nay?” Tanong ni Kyle.

“Bigay yon sa kanya ni Ilao. Bagama’t di ito nagpapakilala na tatay siya ni Edson dahil iyon ang kabilin-bilinan ko sa kanya, lagi niyang binabantayan ang kuya mo. Laging nasa paligid lang si Ilao kapag nakikialam na ang mga magulang ng mga kaaway ni Edson.” Ayon kay Dina.

“Kaya nga nang makulong si Edson, special treatment yon sa loob. Pumayag lang si Ilao noon para walang masabi ang mga kapitbahay. Pero bantay-sarado si Ilao sa kuya mo.” Dugtong pa ni Dina.

“Eh yung kuwento naman ng mga pinsan namin tungkol sa mga letra ng pangalan ni Kuya?” Usisa ni Kyle.

“Alam mo anak, kahit hirap na ang katawan ko noon na magtrabaho ay pinilit kong mamasukan para manahi sa pinagtatrabahuan nila. Natutunan ko kasing manahi noong may furniture business pa ang tatay mo.” Paliwanag ni Dina sa anak.

“Pero iyon ay nang nawawala na ang kuya mo, na alam ko namang kinuha ni Ilao para itago mula sa mga kapitbahay natin.” Wika ni Dina.

“Ako ang unti-unting nagtatanggal ng mga letra ng pangalan ni Edson habang wala sa silid pahingahan ang mga pinsan mo, habang busy sila sa paggawa ng furniture.” Dugtong pa ng nanay ni Kyle.

“Sa ganitong paraan ay makukumbinsi rin ang mga pinsan mo na wala na si Edson.” Ani Dina.

“Hindi ko rin kasi puwedeng ipaalam kahit sa mga pinsan mo ang totoong nangyari sa kuya mo, na ligtas ito. Mahirap na.” Wika ni Dina.

“Isang araw lang naman sa isang linggo ang trabaho, para lang may pandagdag sa gastos natin.” Si Dina pa rin.

Tumango-tango lang si Kyle bilang pagsang-ayon. Ngayon ay mas nalilinawan na niya kung ano ang totoong nangyari.

“Tapos, Nay, paano nalaman ni Kuya na tatay niya si Ilao?” Tanong ni Kyle bagama’t medyo narinig na niya pahapyaw ang kuwento.

“Sinigurado ko na paggising noon ng kuya mo sa unang pagkakataon na isinama siya ni Ilao ay naroon ako. Ito ay para siguradong manatili siya sa kalinga ng kanyang ama.” Sagot ni Dina.

Natawa naman si Kyle sa sinabi ng ina, “Magtataka pa ba siya eh pareho sila ng buhok. Wala namang kulot sa atin.”

“Delikado rin kasi na may makaalam sa pagkakaligtas sa kanya. Baka balikan siya ng mga gustong makita siyang patay na. Malupit talaga ang mundo sa atin noon, anak!” Pahikbing dugtong pa nito.

“Huwag ka nang malungkot, Nay. Ligtas na si Kuya.” Wika ni Kyle.

“Oo anak. At masaya rin ako sa nangyari sa iyo. Alam kong matalino ka noon pang bata ka pa. Kaya hindi na ako mag-aalala sa inyong mga anak ko.” Wika ni Dina.

“Hayaan mo, Nay. Pag nakatapos ako ay babalikan ko kayo ni Tatay.” Ani Kyle.

“Naku, anak. Ang mahalaga ay kayo. Huwag mo na kaming alalahanin ng tatay mo. Makakaraos din kami.” Ayon naman kay Dina.

“Pero anak, dapat ay wala talagang makaalam ng mga bagay tungkol sa kuya mo. Mahirap na.” Bilin ng ina.

At nagyakap ang mag-ina bago naghiwalay.

Episode 11: Walang Pahinga

Minsan, kahit ano’ng busy natin ay di talaga maiwasan na sumasabay ang mga malalalang pagsubok. Nakakapagod.

Sa ayaw man natin at sa gusto, hihingin talaga ng isip at katawan natin ang pahinga. Ang mapayapang isip.

“Okey ka lang ‘tol?” Tanong ni Rico kay Kyle.

“Medyo magulo lang ang isip ko, ‘tol,” Sagot naman ni Kyle.

“Dahil ba sa mga nangyari? Di ba dapat masaya ka na na buhay si Kuya Edson?” Usisa ni Rico.

“Pahiga nga sa tabi mo. Miss ko na talaga mga ganap natin noon.” Dugtong pa nito.

“Sige…”, pagsang-ayon naman ni Kyle.

“Miss na rin kita, Tol.” Malambing na bulong ni Kyle habang si Rico naman ay pinagmamasdang mabuti ang maamong mukha ni Kyle.

At naglapat ang kanilang mga labi. Sa pagkakataong ito, ipinaramdam ni Rico kay Kyle ang lubos niyang pagmamahal.

Hindi na papayag si Rico na hindi niya mapasaya si Kyle sa pagkakataong ito.

“Tol, ang sarap mo pa rin,” pabulong na singhap ni Kyle.

“Mas masarap ka, tol. Namnamin mo lang… paliligayahin kita…” Sagot naman ni Rico. 

“Teka, teka lang, tol. Ok lang ba na lubus-lubusin na natin?” Tanong ni Kyle.

“Anong ibig mong sabihin, tol?” Sagot ni Rico.

“Kaya mo ba ang laki nito?” Tanong ni Kyle.

“Paano natin malalaman kung di susubukan? Hayaan mong ibigay ko sa iyo ang lahat, lahat. Mahal na mahal kita, Kyle. At lahat ay gagawin ko para sa ikaliligaya mo.” Paniniguro ni Rico.

At hindi nga nabigo si Kyle. Sa tanang buhay niya, ito na nga ang pinakamasaya at pinakamasarap sa lahat ng gabing dumaan sa kanyang buhay.

Nakailang ulit sila nang gabing iyon. At sa paglipas ng magdamag ay sinulit ng dalawa ang panahong payapa ang kanilang isip dahil sa pagmamahal nila sa isa’t-isa.

Magulo man ang mundo. Subalit kung sadyang mahal mo ang iyong kaniig ay sadyang walang paglagyan ang sarap at saya.

At sa buong magdamag, magkayakap lang ang dalawa.

Wala nang masamang panaginip na bumabagabag Kay Kyle. Ang lahat ay nagkaroon na ng kasagutan.

Pati na ang hangad ng kanyang puso na matagpuan ang magmamahal sa kanya. Na kanya rin namang mamahalin habang buhay.

Paalam sa lahat ng masamang alaala. Hanggang dito na lang ang kuwento ni Kyle.

Isang mapayapa, masarap at masayang pagtulog sa inyong lahat.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.50.274
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.