loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Save The BEST For Last

Save The BEST For Last

ririayie · 11 chapters · 4,672 words

Chapter 1

Sorry. Ayoko na.

So ganun na lang un ha?!

I am so sorry Iris. Sorry kung naging mahina ako.

Ganun na lang un Nico?? 5 years !! 5 years Nico!!

Alam ko hindi mo ko mapapatawad sa gagawin kong to. We need this.

Stop it! Just stop it. Nagdedecide ka para sa sarili mo. Hindi para sating dalawa.

Sorry.

Nico please. Ayusin naman natin to.

Sorry Iris.

Nico naman.Wag naman ganito. Please naman

Hindi na ako masaya sayo.

Chapter 2

Iris’ point of view

5 YEARS..

Oo. Yung 5 years na pinagsamahan namin na tinapos niya sa limang salita.

“HINDI NA AKO MASAYA SAYO.”

Ang sakit isipin na simula bukas, mag isa ko na lang haharapin ung mga susunod na araw.

Yung mga pangarap na binuo ko para saming dalawa. Wala na. Naglaho na lang lahat bigla.

Ako na lang pala tong kumakapit para saming dalawa. Kaya pala ang bigat na kasi ako na lang pala ung humahawak ng mahigpit. Habang siya naman, unti unti na palang bumibitaw. Ako na lang pala ang nagdadala nag lahat.

Paulit ulit ko pa rin naririnig sa isip ko ung mga salitang binitawan niya.

Ang sakit!!

Sobrang sakit!!

Alam kong hindi to kaya ng basta pag iyak ko lang.

Natutulala na lang ako sa sobrang sakit. Paulit ulit ko iniisip.

Ano bang nagawa mo?

May mali ba kong nagawa??

Gusto kong bumalik sa umpisa. Para maayos ko kung ano man ung mga nagawa ko.

Kaso pano ko un gagawin?? Pano ko aayusin? Kung ako na lang pala ung umaasa na maaayos ko ung saming dalawa.

Mahirap naman umasa sa wala eh.

Kaso..

Mahal ko siya.

MAHAL NA MAHAL!!

Pero siya.

Hindi na.

Kasi..

Kung mahal niya talaga ko. Hindi niya maiisip na iwanan ako. Hinding hindi niya rin magagawa na iwanan niya ko.

Kaso..

Sumuko na siya..

Iniwan niya na ko.

Chapter 3

Kyle’s point of view

Hindi na naman nagpaparamdam ung babaeng un. May problema na naman siguro sila.

CELLPHONE RINGING….

Asan na ba ung phone ko,??

Ringing..

Ringing..

Ringing..

Ringing..

Ringing..

Asan na ba kasi un??

1 missed call

Iris

Sabi na eh. May problema nga to.

Kabisado ko na mga kilos nitong si Iris eh. Sa tagal ba naman naming magkaibigan?? Hindi ko pa makakabisado bawat detalye tungkol sa kanya??

Lagot ako sigurado mamaya. Hindi ko nasagot ung tawag nya. Maitxt na nga lang.

Typing..

Sorry kung hindi ko nasagot ung call. May problema …..

Eh hindi ko na natapos itype ung message ko. Kasi nagtext na siya.

1 messaged received

Kinakabahan ako pag ganito siya eh. Alam kong may problema to kaya to nagkakaganito. Hindi ako tatawagan nito kung hindi mahalaga ung sasabihin niya. Hanggang text lang lagi to sakin eh. Dun lang siya kay Nico magsasayang ng load para tumawag.

Kyle :’(

See?? Tama ako. Text pa lang niya alam ko na ibig sabihin.

Ano na naman kaya ginawa sa kanya ng Nico na un??

Nakakailan na siya sakin ehn Kung hindi lang talaga siya mahal ni Iris, nabanatan ko na un eh.

1 message received

Tara inom tayo!

Lagot na. Bakit to nag aaya uminom?? Eh hindi naman to umiinom eh. Break na siguro tong dalawa.

Tsk tsk..

1 message received

Busy ka ba? Sige. Ako na lang pupunta dyan. Wag ka aalis dyn. Subukan mong umalis. Lagot ka sakin.

Galing niya no? Sya na humihingi ng pabor tapos sya pa ganyan.

Makapag ayos na nga dito sa bahay. Maya maya andito na un. Hindi ko na siya rereplyan. Kahit naman anong sabihin ko dun eh. Hindi un makikinig. Ngayon pa? Eh mukhang broken hearted pa.

Hahahahahaha SA WAKAS!! Wala na sila! :-) Wahahahahahahaha **evil laugh

Chapter 4

Iris’ point of view

Kyle! Answer the phone please. Kelangan kita ngayon.

Ano ba naman tong lalakeng to. Kung kelan ko siya kelangan tsaka naman hindi mahagilap. Ano na naman kaya pinagkakaabalahan nito??

I need you Kyle. Please naman. Answer the phone. Feeling ko sasabog na ko dahil sa nararamdaman ko.

Kapal ng mukha ng Nico na un. Ako na nga tong nagpakababa ng pride. Ako na ung unang gumawa ng move para ayusin ung samin eh. Tapos siya pa tong nagmamatigas?? Siya pa tong nagalit at nang away?

Hindi maalis sa isip ko ung sinabi niya.

“Iris. Tama na. Wag na natin ipilit ung mga bagay na hindi para satin.”

Yan mismo ung mga salitang binitiwan niya. Grabe siya di ba?? As in!! Sobra siya!

Ang lakas nya para sabihin un sakin. Nagawa niya un sabihin sakin ng ganun ganun lang??

O baka naman may iba na siyang pinaghuhugutan ng lakas niyang un.

Ok na siya na tapusin na lang talaga lahat??

Nang ganun ganun na lang??

Na parang wala kaming pinagsamahan na limang taon?

Sige lang Kyle! Wag mo sagutin tong tawag ko. Lagot ka sakin.pag dating ko dyan.

Typing message…

Busy ka ba? Sige. Ako na lang pupunta dyan. Wag ka aalis dyn. Subukan mong umalis. Lagot ka sakin.

Oo Kyle.

Lagot ka talaga sakin pag dating ko dyan..

Chapter 5

Kyle’s point of view

Tagal dumating ni Iris ah. Kanina pa un tumawag eh. Hanggang ngayon wala pa. Ano na kaya nangyari dun? Hindi man.lang magtxt. Alam naman.niyang ayaw na ayaw ko ung pinag aalala ako eh. Sa labas ko na nga lang hihintayin un.

Matawagan na nga din.

Calling Iris…

Iri s: Ano??

Kyle : Asan ka na ba?? Sabi mo pupunta ka?? Kanina pa ko naghihintay sayo eh.

Tapos hindi siya agad sumagot sa tanong.

Kyle: Ui Iris.

Iris: Andito sa harap mo oh. Ang bulag mo naman.

Sabay hampas sa braso ko.

Sinundan ko sya papasok sabay baba ng phone ko.

Ayun. Dirediretso papasok ng bahay. Kala mo pag mamay ari nya ung bahay eh noh?? Ganyan talaga yang babae na yan. Masyadong feel at home eh.

Ang sakit nun ah!

-k

Ang sensitive mo.

-I

Ikaw kaya hampasin ko ng ganun.

-k

Ah ganun? So gaganti ka?

-I

Sabay titig nya sakin ng masama? Grabe pa naman makatingin to lalo na pag galit.

Nakakatakot eh!

Talagang nakakatakot!!

Sobrang sungit pa.

Ewan ko ba kung anong nagustuhan ni Nico dito eh.

Ang taray taray kaya nito. Ako lang nakakapagtiyaga dito eh.

May sinabi ba ko?? Takot ko lang sayo.

-k

Good

-I

Ok ka lang ba??

-k

Oo naman.

-I

Sabay upo niya sa sofa.

Okay. Sabi mo eh.

-k

Ewan ko sayo.

-I

Sige. Wait lang. Kuha kong food. Mukhang kelangan mo eh.

-k

Wag na. Maupo ka na lang dito.

-I

Wait ka lang dyan. Saglit lang ako.

-k

Kyle…

-I

Hindi ko pinansin ung pag tawag niya sakin. Dirediretso ako papuntang kitchen ng bigla akong may naramdaman.

Bigla niya kong niyakap.

BACKHUGS…

Niyakap niya ko ng mahigpit.

Sabay sabing…

Hindi ako ok Kyle..Hindi. Iniwan niya na ko.

Mas lalong humigpit ung pagkakayakap niya sakin. Naramdaman kong unti unting nababasa ung likod ko.

Umiiyak siya.

Humihikbi.

Aalisin ko sana ung pagkakayakap niya para icomfort siya. Pero mas lalo niyang hinihigpitan ung pagkakayakap niya sakin.

Ang hirap ko ba talaga mahalin para iwanan nila ko ng ganun ganun na lang?? Ano bang problema sakin?

-i

Iyak pa din siya ng iyak.

Maya maya pa naramdaman kong unti unti na syang bumibitaw sa pagkakayakap niya sakin.

Hinarap ko siya.

Sabay sabing.

Walang problema sayo Iris. Wala.

-k

Eh bakit iniwan na ko ni Nico? Di ba mahal niya ko?

-I

Hindi ka niya mahal. Kung mahal ka niya talaga. Eh di sana. Siya ang kasama mo ngayon. At hindi ako.

k

Chapter 6

Kyle’s point of view

Mababanatan ko na talaga ung Nico na un eh. Hindi niya ba alam na hindi maganda sa lalake ang nagpapaiyak ng babae. Si Iris pa talaga ang pinaiiyak niya.

Eto naman kasi tong babae na to.  Binalaan ko na dati tungkol sa Nico na un. Hindi naman kasi nakikinig.  Nabulag masyado sa pagmamahal niya sa Nico na un.

Ayan tuloy.

Anong ginawa sa kanya? Anong nangyayari ngayon sa kanya?

Iniwan siya.

Umiiyak siya ngayon.

Gusto ko sermonan tong Iris na to.

Kaso..

Hindi na lang.

Naaawa naman ako syempre.

Alam kong mas kelangan niya ako ang pagiging kaibigan ko sa kanya ngayon.

Para nga siyang bata oh. Iyak ng iyak.

Ayun. 

Nakaupo pa rin siya sa sofa.  Pinagmamasdan ko siya habang nag aayos ako dito sa kitchen ng food namin.

Bwisit na Nico na un!

Ang tagal mo naman. Ano bang ginagawa mo diyan ha??

-i

Grabe. Napakasungit niya di ba?? Pasalamat talaga siya na ano….

Ah ewan..

Kyle!!

-i

Wait po boss ha.  Nag aayos kasi ako ng food eh.

-k

Bilisan mo kaya

-i

Opo boss

-k

Napakademanding pa.  Siguro nagsawa na un si Nico sa ganyan niyang ugali.

Tsk tsk tsk..

Kyle, ano ba??

-i

Eto na po.

-k

Hindi na siya umiiyak nung binalikan ko siya.  Busy na siya kakanood sa TV.

Alam mo pinapanood??

Romantic movie pa. Abnormal talaga tong babae na to eh. Broken hearted na nga,  ganung movie pa mga pinapanood.

Nilapag ko ung mga dala kong food sa mesa sabay kuha nung remote.  Nilipat ko agad sa ibang channel ung tv.

Bakit mo nilipat??

-i

Baliw ka na talaga noh?  Umayos ka nga.

-k

Sabay upo ko sa tabi niya.

Akin na nga ung remote!

-i

Ayan ang panoorin mo.  Wag ung kanina.

-k

Horror?? Wala ko sa mood manood ng ganyan. Please naman

-i

Hindi ko siya pinansin.  Kumakaen lang ako habang nanonood.

Ilipat mo na kasi. Sige na.

-i

No Iris.

-k

Bakit ba kasi?

-i

Ang kulit nitong babae na to.  Tinutulungan na nga siyang hindi maging malungkot eh. Ayaw pa sumunod.

Tama ba naman un?

Broken hearted ka na nga.

Manonood ka pa ng romantic movie?

Ganito ba talaga ka abnormal mga babae?

Hahahahaha

Sorry for the word.

Ang hirap lang kasi nila talaga intindihin.

Kumaen ka na lang. Alam ko gutom ka na.  Nakakagutom talaga pag tapos umiyak.

-k

Ayoko kumaen.

-i

Ayaw pa kumaen ha.  Sinubuan ko nga.

Maya maya pa inaagaw niya na ung pagkaen sakin.

Ayaw pala ha.  Hahahaha

-k

Anong nakakatawa??

-i

Alam mo ba?  Ayon sa recent studies. Pag broken hearted daw ang isang tao. Hindi ka matatakot kapag horror movies ang papanoorin mo.

-k

San mo nalaman yan ha.  Dami mong alam.

Kelan ka pa naging expert?

-i

Totoo. Try it.

-k

Ewan ko sayo kyle.

-i

Dapat iniiwasan mo ung mga romantic movies na yan for now.  Hindi un nakakatulong sayo ngayon.

-k

Oo na.

-i

Hindi mo ba napapansin.  Kanina pa may nakakatakot na scenes. Ni hindi ka man lang nagtatakip ng mga mata mo. Ni hindi mo nga ko kinukurot.

-k

Ha??

-i

Hindi ka naman ganyan pag nanonood tayo eh.

-k

Hindi na siya sumagot sa mga sinabi ko. Iniwas niya na ung tingin niya sakin sabay tutok na ulit sa tv.

Pinagmamasdan ko lang siya. Ang lungkot ng mga mata niya. Hindi ako sanay ng ganito siya. Ano ba pwede kong gawin para bumalik siya sa dati.

Maya maya pa.

Napansin kong..

Umiiyak na siya ulit.

Unti unti na naman tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Hindi ko talaga kayang nakikita siya ng ganito.

Umusog ako sa tabi para maabot ko siya.  Sabay punas ko ng luha sa pisngi niya.

Agad niyang iniwas ung mukha niya sa kamay ko sabay tayo niya.

CR lang ako.

-i

Okay. Sige.

-k

Nagmadali siya pumunta sa CR.

Nang biglang..

May nagtxt sa phone niya.

I was so curious kaya tinignan ko kung sino ung nagtxt.

And..

Hindi ko gusto ung mga nababasa ko.

She’s asking Nico to fix their relationship.

She’s begging Nico to come back.

Bakit Iris??

Bakit kelangan mo tong gawin sa sarili mo.

Binasa ko ung text ni Nico.

Sorry Iris.  Wala na talaga. Please stop doing this.

-Nico

Nakaramdam ako ng galit sa nabasa kong txt. Nakaramdam ako ng init dahil sa nararamdaman kong galit.

Narinig kong palabas na ng CR si Iris.

Agad kong binura ung last txt ni Nico.

Hindi mo na kelangan mabasa to Iris.

Then I pressed delete.

Agad kong binalik ung phone kung san ko kinuha kanina. Nanood na ko ulit ng tv na para bang wala kong ginawa.

Alam ko hindi niya magugustuhan tong ginawa ko.

Pero ginagawa ko lang to para sayo.

Umupo na siya sa tabi ko sabay kaen ulit.

Pinagmasdan ko ulit siya.

Halatang umiyak eh.

Umiyak ka noh??

-k

Hindi ah.

-i

Hindi daw. Halata sa mata mo eh.

-k

Pang aasar ko sa kanya sabay kiliti ko sa kanya.

Sa wakas..

Ngumiti din siya.  ^^,

Kahit na saglit lang.

Manood na tayo.

-i

Sabi niya sabay tutok ulit sa movie na pinapanood namin.

Habang siya busy sa kakanood.

Ako naman.

Busy kakatitig sa kanya.

You don’t deserve him Iris.

You deserve someone better..

Stop hurting yourself..

Kasi..

Nasasaktan din ako.

Chapter 7

The day before Iris and Nico’s breakup

Text conversation:

Sunduin kita later. Kita tayo.

San? Puntahan mo ko dito sa work? What time??

Hindi. Kita na lang tayo sa mall. Text kita.

Eh akala ko ba susunduin mo ko. Tapos magkikita sa mall. Ang gulo mo naman.

Basta txt kita. Okay. Kita na lang tayo sa mall.

Okay sige. See you

Himala…

Anong nakaen nun at susunduin pa ko. Tagal na niyang hindi un ginagawa eh.

Ay nako..

Bahala na mamaya..

Magwowork muna ko.. I’ll just txt him later.

.. .. .. .. .. ..

After Iris’work

Matawagan na nga si Nico.

Calling Nico..

..

..

..

..

..

..

..

..

..

..

..

Ha?? Bakit di niya sinasagot? Ano kayang ginagawa niya.

Tatawagan ko na sana ulit siya ng bigla na siyang nagtxt.

Andito na sa mall. Punta ka na dito.

Bakit di ka sumasagot?

Malolobat ung phone ko.

Eh di sana nag charge ka ng phone kanina.

Pumunta ka na dito.

Okay.

Then nagmadali na kong puntahan siya sa mall.

Para siyang wala sa mood makipagkita sakin.

Eh di sana hindi na lang siya nakipagkita sakin kung ganito sya di ba?

Grabe naman siya. Pagod na nga ko sa work eh. Tapos ganito pa sya. Wala sa mood?

Ano un? Pagod siya? Eh Rest day naman niya today.

.. .. .. .. ..

Sa mall.

Andito ko sa labas ng mall. Sa may entrance.

Okay. Eto na. Naglalakad na.

Nililingon ko ang bawat taong makakasalubong ko. Baka kasi si Nico na un. Baka naglalakad na din siya papalapit sakin.

Kaso..

Wala..

Hindi ko nakita ang mukha ni Nico sa bawat taong nakakasalubong ko..

Hanggang sa natanaw ko na siya. Nakatayo…

Sa tapat ng mall entrance..

Nakatulala..

Naghihintay..

Bago ko lumapit. Tinext ko siya. Sabi ko malapit na ko.

Pero..

Hindi niya chineck ung phone niya.

Nakatingin pa din siya sa kawalan. Na para bang ang lalim ng iniisip niya.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

Tinapik ko siya sa balikat.

Nico.

Mahina kong tawag sa kanya.

Dahan dahan lang niya kong nilingon.

Binigyan niya ko ng blankong tingin. .

. .. .. .. ..

Nginitian naman niya ako. .. .. .. Pero bakit?

Wala kong maramdaman??

Parang ang bigat..

Hindi ko alam kung bakit.

Maya maya. May inabot siyang paper bag.

Agad kong tinignan kung anong laman.

.. .. .. .. .. Chocolates.. Ung favorite ko.

Niyakap ko siya sabay sabi ng thank you.

Pero..

Hindi niya ko niyakap pabalik.

Parang wala lang sa kanya na niyakap ko siya.

Aayain ko na sana siya pumasok sa mall ng bigla siyang nagsimulang maglakad papasok na ng mall.

Tara na.

-n

Bakit ka ba ganyn?

-i

Ha?

-n

Parang may iba sayo. Kanina ka pa eh.

-i

Ano ba sinasabi mo?

-n

Susunduin mo ko tapos ganyan ka. Eh di sana hindi mo na ko sinundo.

-i

Tara na.

-n

Pagod ka ba ha? Eh di sana nag stay ka na lang sa bahay niyo.

-i

Nilingon lang niya ko.

Makikipagkita ka sakin tapos ganyan ka. Pagod ka? Sana di ka na umalis.

-i

Bigla siyang tumigil sa paglalakad sabay tingin sakin. .. .. .. .. .. .. ..

Oo. Pagod ako. Wag mo na lang muna ko pansinin.

.

. .. .. .. .. ..

Ayoko mag overthink.

Baka pagod lang talaga siya.

Pero.. .. .. .. ..

Parang may mali talagang nangyayari ngayon.

Iniiwasan ko mag isip ng kung ano ano.

Pero alam ko sa sarili ko. .. .. .. .. .. May mali..

Chapter 8

Iris’ point of view

Nakakahiya..

Bakit ba kasi dito pa ko kela Kyle pumunta??

Nakikita niya tuloy akong ganito.

Nakakahiya talaga.

Baka kung ano isipin nito sakin eh.

Nako talaga IRIS!!

Mga kalokohan mo kasi.. Wag ka na nga umiyak. Tignan mo ung sarili mo sa salamin. Mukha ka ng kawawa kakaiyak.

Wala naman nangyayari sa kakaiyak mo di ba??

Wala!! Kaya tumigil ka na. Okay?? Pinapahirapan mo lang ung sarili mong mag move on kay Nico.

Hindi nakakatulong tong ginagawa mo.

Kaya ka nga pumunta dito di ba? Para makalimot. Para maging masaya. Para matigil na tong pagiging malungkot mo.

Pero..

Bakit??

Sa tuwing sinisimulan ko ng hindi siya isipin..

Lalo lang siya pumapasok sa isip ko..

Lalo ko lang siyang naiisip..

Ano ba yan Iris!!

Tigilan mo na kakaisip sa lalaking un.

He’s not worth it.

He dumped you.

Yes!!

He dumped you!!

Di ba?!

Hindi nga siya nanghinayang na itapon ung 5 years relationship niyo??

Hindi ka na niya mahal Iris!

Hindi na!!

Wake up!!

Move on!!

Wag mo ng pahirapan ang sarili mo.

Sarili mo lang din ang pinahihirapan mo eh.

Umayaw na siya.

Tama na!!

Isipin mo nga.

Kung may balak siyang balikan ka..

Sana ginawa nya na.

Kaso..

Hindi eh..

Ilang araw na lumipas eh..

Pero ano??

Anong nangyari??

Binalikan ka ba??

Nagtry ba siya na kausapin ka??

Hindi di ba??

Hindi!!

Kaya wag ka na umasa!

Ikaw pa nga gumawa ng first move para mag usap kayo.

Di ba??

Kaya tama na..

Please Iris…

Maawa ka sa sarili mo..

Magtira ka naman ng konting pride.

Masyado ka ng nagpakababa eh

Tama na.

Please naman.

You deserve better than this…

Ikaw din may kasi may kasalanan eh.

Yan kasi..

Lahat binigay mo sa kanya.

Pati ung pagmamahal na dapat sa sarili mo inilaan..

Binigay mo pa din sa kanya.

Kaya ano??

Anong nangyari sayo??

Naubos ka di ba??

Ubos na ubos ka..

Wala kang tinira sa sarili mo..

Kaya ngayon.

Hindi mo alam kung paano ka ulit mag uumpisa..

Chapter 9

Iris’

point of view

Bakit ka ba nakakatitig diyan?? -I

Hindi niya sinagot ung tanong ko. Ngumiti lang siya sabay alis na ng tingin sakin.

Nababaliw na ata tong kaibigan ko na to eh. Tititig tapos ngingiti ng ganun.

Abnormal ka talaga no? -I

Pero hindi kasing abnormal mo. -K

Ah! Ganun talaga?? -I

Kinuha ko ung pillow sa tabi sabay hampas nito sa kanya.

Kelangan nananakit ka?? -K

Sino bang nag uumpisa? Ikaw di ba?? -I

Sabay tawa nya ng malakas.

HAHAHAHAHAHAHA :p -K

Ano naman nakakatawa sa sinabi ko??

Parang wala naman di ba??

Saya saya nya o..

HAHAHAHAHAHA :p -K

Kung makatawa eh. Parang wala ng bukas.

Easy ka lang sa pagtawa. May bukas pa. -I

Tumigil siya sa pagtawa. Sabay titig ulit sakin.

Ano?? -I

.. .. .. .. .. .. .. .. ..

Wala. -K

Tapos tumawa na naman siya.

HAHAHAHAHAHAHA :p -K

O di ba? Baliw na nga.

Okay ka lang? Para kang nababaliw na eh. Makatawa siya naman talaga. -I

HAHAHAHAHAHAHA :p -K

Kinuha ko ulit ung unan sabay hampas ulit sa kanya.

Tumigil ka na nga. -I

Oo na. Eto na naman. Napakasungit mo talaga. Pinasasaya ka lang eh. -K

Oo tama. Napapasaya mo ko sa ginagawa mong yan. -I

Ang seryoso mo kasi lagi eh. Chill ka lang. -K

Ewan ko sayo. -I

O. Ayan ka na naman eh. Nagsisimula ka na naman eh. -K

I just gave him the sungit look.

Don’t worry. Hindi ako natatakot dyan sa sungit look mo. -K

Ah ganun? -I

Oh yes. Si Nico lang naman hindi nakakaappreciate ng sungit look mo eh. -K

Ha?? Ano na naman pinagsasabi mo dyan. -I

Naguguluhan na ko sa pinagsasabi ng lalaking to. -I

So hindi ka nakakatakot?? -I

Nope. -K

And why?? -I

Basta. -K

Bakit nga?? -I

Wag na nga eh. Kumaen ka na dyan. -K

Teka nga. Di sabi ko inom tayo?? -I

Hindi siya sumagot sa tanong. Tumayo siya sabay alis.

Walk out??

Ui! -I

Wait lang. -K

Tapos bumalik siya ng may dalang dalawang beer.

Pinatong nya ung beer sa mesa sabay upo ulit sa tabi ko.

Ayan na pala eh. -I

Aabutin ko na sana ung beer na nasa harap niya.

Maya maya pa.

Bigla niyang hinawakan ko ung kamay. Pinigilan niya akong kunin ung beer.

Bakit? -I

Tinignan niya ko ng masama.

Bakit nga?? -I

Nagkakatitigan kami.

.. .. .. .. .. .. .. ..

Tingin mo hahayaan kitang uminom?? -K

Ngayon lang naman eh. -I

Hindi. -K

Eh bakit dalawa yang kinuha mo? -I

Tingin mo hahayaan kitang uminom para sa walang kwentang lalaking un ha?? -K

Bigla siyang naging seryoso.

Ung tingin niya.

Ung boses niya.

Nakakatakot.

Bigla kong natakot sa kanya.

Bigla akong kinabahan.

Hindi ko alam kung bakit.

Hindi na tuloy ako nakaimik. .. .. .. .. .. .. .. Ako ang iinom para sayo. -K

Chapter 10

Iris’ point of view

Ha?? -I

Bingi ka na din? Akala ko ba broken hearted ka lang. -K

Ah ganun? (sabay hampas ko sa kanya) -I

Uulitin ko pa ba?? -K

Bahala ka. -I

Tinabig ko ung kamay nya tapos inabot ko ung beer.

Sabi ng.. -K

Bakit ba kasi ayaw mo? -I

Ako ang iinom para sating dalawa. Okay? -K

Unfair.. -I

Alam mo kung anong unfair?? -K

Ano?! -I

Tapos tumitig na naman siya ng nakakatakot. .. .. .. .. .. .. .. Ano nga?? -I

Ung ginagawa mo sa sarili mo. Un ang unfair. Stop it Iris. Okay. -K

Di ako agad nakaimik dun sa sinabi niya.

Napaisip tuloy ako bigla. .. .. .. .. .. .. Tama siya eh.

May point siya.

Bakit ko ginagawa to sa sarili ko??

Nagiging unfair nga ko sa sarili ko.

I should stop doing this nonsense stuff to myself.

Pero.. .. .. .. .. .. .. Paano??

Anong gagawin ko??

Maya maya pa .. Ininom nya na ung beer.

Straight niyang ininom.

Napatulala na lang ako habang iniinom nya.

Ok ka lang?? -I

Tapos tinitigan ko lang siya.

Oo. Ako okay lang. Eh ikaw?? -K

Napaisip ako sa tanong niya sakin. .. .. .. .. .. .. .. .. Ok lang ba talaga ako??

Umayos ka nga. (sabay kurot nya sa pisngi ko) -K

Aray ko ha!? -I

Hahahahahahahah -K

At talagang tumawa ka pa ha? -I

Gumanti ako sa kanya. Kinurot ko din siya sa pisngi.

Eh napadiin ung kurot ko. Napasigaw sya sa sakit.

Araaaaaaay!!! Iris naman!! -K

Natawa na lang ako sa reaction niya.

HAHAHAHAHAHAHAHA… -I

Ah ganun!? -K

Maya maya pa. Lumapit siya sabay kiliti na niya sakin.

Tawa ka pa ha?? (tuloy pa din siya sa pagkiliti niya sakin) -K

Tama na kasi! Hahahahahahaha -I

Ah. Di ka pa tumitigil ha. -K

Ano ba kasi! Hahahahahaha -I

Hahahahahahahahahaha

Hahahahahahahahahaha

Hahahahahahahahahaha

Tawa pa rin kami ng tawa..

Hanggang sa tumigil kami kakatawa.

Napagod kami kakatawa.

Eh di napagod ka din?? (pang aasar ko sa kanya) -I .. .. .. .. .. .. .. .. .. Ok lang mapagod. Nakita ko naman ulit ung ngiti mo. .. .. .. .. .. .. ..

?????????????????????? Ano daw?!

Ano ba nangyayari sa lalaki na to??

Kung ano ano sinasabi eh.

Nakakahalata na ko.

Ano bang meron??

Chapter 11

Flashback

Iris&Nico

Nico calling….

Hi.. -I

Busy ka?? -N

Hindi naman. Why? -I

Madami ka pang ginagawa? Lunchbreak na ah. -N

Nico. Alam mo namang pag sa hospital nagwowork. Madalas, hindi uso ang lunchbreak di ba?? -I

Ang sabihin mo. Masyado ka kasing masipag. -N

Eh di ako na masipag. Hahahahaha -I

Oo. Napakasipag mo eh. -N

Ikaw? Kumaen ka na ba?? -I

Hindi pa. -N

Bakit hindi pa? Kaen na po. -I

Maya. -N

Bakit mamaya pa? Ngayon na. -I

Kasi.. -N

Kasi?? Ano?? -I

Gusto kita kasabay. -N

Ha? -I

Sabi ko gusto kita kasabay. -N

Bakit? Asan ka ba? -I

Hulaan mo. Hahahaha -N

Nico naman. Seryoso na kasi. Asan ka ba kasi? -I

Oo na. Dito sa labas. -N

Labas ng?? -I

Eh asan ka ba ngayon? -N

Dito sa hospital. You mean?? -I

Oo. Andito ko sa may entrance ng hospital nyo. -N

Ha? Kanina ka pa andyan? Bakit ngayon mo lang sinabi? -I

So ano? Busy ka ba? Tara labas ka na. Kaen tayo. Saglit lang.

Hindi ako pwede lumabas eh. Sana sinabi mo agad kanina. Para nakapagsabi ako agad dito. -I

Eh san ka kakaen? -N

Dito lang sa loob. Sa may pantry. Medyo toxic kasi eh. Kaya di ako makakalabas. -I

Pano ung food mo? -N

Mamaya. Aakyat ako sa cafeteria. Baka dun na lang ako bumili. -I

Pero kakaen ka na? -N

Maya maya. After 3o minutes. Ui Nico. Andito ko sa CR. Tumakas lang ako eh. Baka hinahanap na ko dun sa harap. -I

30 minutes? -N

Oo after 3o minutes ako kakaen. -I

Okay. Sige -N

Ikaw. Kumaen ka na. Sabay na tayo uwi maya. Hintayin mo na lang ako. -I

Then the line went off.

Nico?? Hello?? -I

Bakit naputol? Binaba niya ba??

Hala.

Baka nagalit..

Kasi naman.

Hindi agad nagsabi na pupunta siya.

Nako naman. .. .. .. .. ..

Texting Nico..

Gakit ka ba?? Sorry na. Busy lang talaga eh.

Please. Reply ka naman.

.. .. .. .. .. Tapos bumalik na ko agad sa working area ko.

Wala pa ring reply.

Parang almost every second ko tinitignan ung cp ko para sa reply niya.

Ang hirap naman mag concentrate sa work nito.

Wah!!

Nico naman!

Magreply ka na.

Kahit isa lang.

Kahit galit ung reply mo.

Basta magreply ka lang.

Please…

Nico..

.. .. .. .. .. .. .. .. .. After 30 minutes..

Nico.. Asan ka na ba?? Magreply ka nga. (bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa cp ko)

I decided to text Nico bago ako kumaen.

I was about text him.

Naglalakad na ko papuntang pantry bigla siyang tumawag.

Dali dali kong sinagot ung tawag niya.

Nico?? -I

Asan ka?? -N

Papunta na ng pantry. -I

Where are you ba? 30 minutes? Walang ni isang text or tawag? -N

May pinuntahan lang. -N

Bigla kang nag hang up sakin eh. -I

Wag ka ng magalit. -N

Paano akong hindi magagalit? Sabihin mo nga. -I

Wag na magsungit. Hindi bagay sayo. Kumukunot na naman yang noo mo oh. -N

Ha?? -I

Iaangat mo kasi ung tingin mo. -N

Dahan dahan ko ngang inangat ung tingin ko.

Busy kasi ako kakatingin sa CP ko.

Di ko namalayan. Naglalakad na pala siya papalapit sakin.

Natulala lang ako habang nasa tenga ko pa din ung cp ko.

Bakit andito ka? -I

Tapos ngumiti lang siya.

Di ba sabi mo? Bawal ka lumabas? -N

Oo nga. Bawal nga. -I

Eh gusto kita kasabay eh. -N

So? -I

Kaya dinala ko ung lunch natin dito. Bawal ka sa lumabas di ba? So dito na lang tayo. -N

Kinuha ko ung inaabot niyang foods. Tinignan ko ung binili niya. .. .. .. .. .. 😍😍😍😍😍😍😍

He never fails to make me happy.

KFC.. 1 piece.. Leg part.. With EXTRA gravy!! Large ROOTBEER!! :)

Ang sweet sweet niya talaga!!

Nawala ung inis ko bigla.

So ano? Tititigan mo lang yang food?? Gutom na kaya ako. -N

Oo na. -I

Sabay ngiti ko sakanya.

Hinatak ko siya para pumunta sa cafeteria.

San tayo kakaen? Akala ko sa pantry ka kakaen. -N

Wag na. Sa cafeteria na lang. -I

Okay. -N

Para may dessert. May ice cream dun eh. -I

Ay. Ang takaw. Hahahahaha -N

Bawi mo to noh. Pasalamat ka nawala ung inis ko. -I

Alam ko namang hindi mo ko matitiis eh. -N

Oo na. -I

Alam ko namang mahal na mahal mo ko eh. Kaya hindi mo talaga ako matitiis…. -N

.. .. .. .. .. .. Oo Nico.. Hindi talaga kita matiis eh. Mahal na mahal kasi kita.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.