Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]
itsKuyaTopher · 30 chapters · 72,974 words
Saving Seb
Something’s wrong with Seb.
Bilang best-friend-turned-boyfriend, kilalang-kilala na talaga ni Clyde si Sebastian, kaya naman nang mapansin ang unti-unting pagbabago nito, tulad ng pagiging ilang, laging may kachat na iba, hindi na sumasama sa galaan ng tropa, at laging pagod sa tuwing makikita nya, hindi nya maiwasang mag-alala sa kung anong pinagdadaanan ng kasintahan.
Bukod sa kagustuhang maibalik sa dati ang lahat, hindi rin maiwasan ni Clyde na magtanong kung ano nga ba ang dahilan ng pagiging malayo sa kanya ni Seb. Ayaw na kaya nito sa kanya? Sawa na kaya ito sa relasyon nilang dalawa? Nasa puso pa kaya sya ni Seb? O may bago nang laman ang puso nito?
Sa kagustuhang malaman ang katotohanan, unti-unting mabibigyang linaw ang mga sikretong nagkukubli sa dilim, naghihintay na malaman at mapansin. Saka lamang marerealize ni Clyde, na may mga sikreto palang dapat ay hinahayaan na lang sa dilim.
Kaya he needs to save Seb, bago pa mahuli ang lahat.
SAVING SEB
© 2020 by ItsKuyaTopher
All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any manner whatsoever without written permission from the author.
This book is a work of fiction. Similarities in names, places, events, and circumstances are entirely coincidental.
Comments, criticisms and suggestions are valued and openly accepted by the author. Kindly please message him or comment down below.
Photo credits: Pinterest.com
Part I: Something’s Wrong With Seb
Wicked tongues swordfighting each other Spitting lies as thick as leather Where love cannot anymore foster Two lovers caught in a fender
Emotions mixed up in a blender Marionnetes in a single handler Secrets in a web light as feather Intricate like those of a spider
Something’s wrong? I dont know either You always say you’ll kiss me later Will the two of us ever recover? Perhaps the answer is never.
Chapter 1: Now
“Thanks, buti naman sinagot mo rin yung tawag ko.”
Narinig kong bumuntong hininga sa kabilang linya si Seb, “ Sorry, marami lang ginagawa.“
“Maraming ginagawa? Eh katatapos lang ng academic year?
“Uhm, ano kasi, yung sa ano, sa bahay kasi.”
“Ganun ba,” bigla akong naguilty, baka naman gumagawa talaga sya ng gawaing bahay tas eto akong tawag ng tawag sa kanya. Kaso may usapan kami, late nga kami eh, ang usapan ng tropa alas-siete, eh anong oras na? 15 minutes late na kami.
“Ready ka na ba? Should I pick you up? O magmomotor ka?”
“Teka bakit? Anong meron?”
Huh? Ano na bang nangyayari sa boyfriend ko? “Gummybear, may walwal ang tropa diba? To celebrate yung end ng school year,” napatingin ako sa wallclock sa kwarto ko, “Inaantay na tayo nila Allison.”
“Wait, teka, ngayon ba yun?”
“Yan, kasi naman, mag-seen din kasi sa GC pag may time.”
“Sorry, di ako nakakapag-online eh.”
Tss. Di daw nakakapag-online pero laging Active Now.
But hey! Give him the benefit of the doubt Clyde. Baka naman busy kang talaga sya this past few days.
“Don’t tell me hindi ka pupunta.”
“I’m sorry Gummybear.”
“Gummybear naman, sige na! Celebrate naman natin yung pag-survive natin sa first year ng college! For sure nyan pag nagbakasyon kanya-kanya na ng buhay ang tropa, di na tayo makakawalwal nyan madalas.”
Silence. Of course, he’s contemplating kung sasama ba sya o hindi. Ako naman, contemplating kung anong meron at ganito umasta ang boyfriend ko ngayon.
“Sige, magbibihis na ko.”
“Susunduin ba kita? Punta na ko dyan.”
“Hindi, hindi, wag na, magmomotor na lang ako.”
“Ganun ba, ok sige,” that was weird. Never pa nyang tinanggihan ang mga alok ko na sunduin sya, “Ingat ka Gummybear, see you later.”
“Thanks Gummybear. Ingat ka rin.”
“Love you.”
“Bye.”
Now I’m convinced. There’s really something wrong with Seb.
But again, the benefit of the doubt. Malay mo naman he just got a lot of things to do at he’s physically and mentally exhausted. Malay mo naman he’s a little pissed off kaya hindi sya nag “Love you too” ikaw ba naman pilitin na pumunta sa gathering na di mo naman gusto.
Pero bakit naman aayaw syang pumunta? Eh isa nga sya nagplano sa walwal namin ngayon. Una nga naming plano mag Sasamgyupsal kami, kaso isa sya sa gumatong kay Troy na gusto daw nilang subukan yung bagong Japanese restaurant sa may highway.
Hay nako. Clyde, gawin mo na lang yung lagi mong ginagawa kapag nagtatalo kayo ni Seb. Lagay mo na lang ulit yung sarili mo sa shoes ni Clyde. Alam mo naman yang boyfriend mo, masyadong goal-oriented, likes to accomplish things all at once.
At alam mo namang ang weird ng pamilya nya, parang members ng kulto or something. Okay, that was a bad in-law joke, pero si Seb na rin nagsabi nun, noting his parent’s manipulative tendencies.
Kaso, ang akin lang, at least, bilang boyfriend nya, alam ko kung ano yung ginagawa nya? Like, update me from time to time ganun. Hindi yung bigla na lang nya ako sasabihan ng “I’m busy. Sorry.”
Pero oo nga pala. Ayoko nga pala maging tulad ng mga jejeng 14 year olds na gustong sa kanila na umiikot ang mundo ng mga jowa nila,na mi ultimo mga kapatid at pinsan pinagseselosan, tas magpapakamatay daw o makikipagbreak pag nakitang nakipag-usap sa ibang babae o lalaki. Eww. Gross.
Paglabas ko ng kwarto, nakasalubong ko si Ate Carla na papababa rin ng hagdan.
“Aalis ka?”
“Yep. May pupuntahan lang ako with Seb.”
“Wow, di ba kakadate nyo lang last week?”
Yung milktea date namin na mostly ako lang yung nagsalita dahil nag-umpisa na syang nagbago unti-unti? Yep. Di ko makakalimutan yun.“
“Baliw hindi, kasama naman yung tropa, kakain kami dun sa bagong Japanese restaurant. Cecelebrate namin yung end ng school year.”
Sinundan ko sya papunta sa kusina, naabutan namin si Ate Charity, yung panganay naming kapatid na may kinakalitkot sa laptop nya sa may kitchen counter.
“Wow, sana all tapos na sa finals nila diba?” reklamo ni Ate Carla sabay bukas ng ref. Kinuha nya yung pipinong nangangalahati na lang.
“Lalagay mo nanaman nyan sa mukha mo?” tanong ni Ate Charity.
Di sya pinansin ni Ate Carla, kumuha lang ito ng chopping board at kutsilyo at naghiwa ng ilang piraso ng cucumber.
“Well, hindi marereduce ng pipino ang eyebags mo. Try mong matulog ng maaga para naman gumanda ka.”
“Wow. Nagsalita yung nagpupuyat para lang mag Tinder! May maganda ngang trabaho pero wala namang jowa. Eww.”
For a second nawala yung cares ko about Seb. I can’t help but laugh, nagbangayan nanaman ang mga kapatid ko.
“Luh? Kala mo sya may jowa.”
“Oo nga sis eh, daig pa tayo ni bunso! Sana all may boyfriend diba!”
“Hoy nananahimik ako ah!” kinuha ko yung pitsel ng tubig sa ref at nagsalin sa baso.
“Hay nako, wag mo nga yang payagan Ate! Makikipagdate nanaman kay Sebastian.”
“Wews. Inggit ka lang kasi ako may date, ikaw, yung thesis mo lang kasama mo buong gabi.”
Pinigil ni Ate Charity yung tawa nya, “Oops. Burn.”
Dinuro ako ni Ate Carla ng kutsilyo, “Hoy bunso yang bibig mo ha! Papasakan ko ng pipino yan!”
“No need Car, pipino na ni Sebastian ang papasok dyan.”
Muntik ko nang mabuga yung iniinom ko sa sinabi ni Ate Carla, “Ewww!”
“Ewww ka dyan! Totoo naman!”
Kinuha ni Ate Carla yung pitsel sa akin at naglagay sa tumbler nya na may mga hiniwa nang pipino sa loob, “Eto nanaman sya, sasabihin nyang ’Ako yung top! I wear the pants in the relationship!”
“For all I know, nagpapalit kayo ng positions,” sabi ni Ate Charity sabay apir kay Ate Carla.
Ano to? Kanina sila yung nagbabangayan tas ngayon besties na sila at ako tong pagtitripan nila?
“You know what, I give up,” I raised my both hands in surrender, “Ate Cha, alis lang ako, sa labas na ko magdidinner,” I excused myself at nagpunta ng sala para kunin yung car keys sa sabitan nito malapit sa pinto.
“Clyde! Don’t forget the condoms! Better safe than sorry!” sigaw ni Ate Carla.
Bumalik ako sa kusina to roll eyes at them, “Sinabing its not a date. We’re with the squad!”
“Whatever, yun rin naman ang gagawin nyo eventually,” sabi ni Ate Cha, “Bye bunso! Have fun! Kami na bahalang magpalusot kay Mom and Dad kapag tumawag sila.”
Dumugtong si Ate Carla, “Sasabihin namin inuubos mo sa boylet mo yung allowance na pinapadala nila sayo!”
“As if namang maniniwala sila!”
Our parents are both heart surgeons, and sa Italy na sila nakatira ngayon, for quite some time now, kasi andun yung hospital na they co-own together with their doctor friends. Nung nasa Medical School pa lang sila, nag-plano sila na someday magtatayo sila ng sarili nilang privaye hospital.
Its quite a bummer, na lagi silang wala. Umuuwi lang sila sa Pinas kapag may special occassions, birthday, graduations, reunions, ganun. When I was a lot younger, I used to be angry with them, alam nyo na, teen angst, wala kasi sila most of my life, unlike Ate Cha at Ate Car na sila Mama ang nagpalaki sa kanila.
But now I come in terms with the situation na. Hindi ako pwedeng magalit na lang sa kanila forever. Besides, they’re the coolest parents in the whole world, they’re funny pa kaya its hard to stay mad at them.
Nagpunta ako sa garage to get my car. Despite having parents trabahong million ang sinusweldo, hindi naman ganun karangya yung pamumuhay namin. Its our parents also support both their parents, and yung mga kapatid pa nila. That made them a lot cooler.
Pag may nakakaalam ng trabaho nila Mama at Papa, una agad nilang tanong kung ilan ang kotse namin. Dalawa lang actually, mine and Ate Cha’s. Walang car si Ate Car, ang ironic ’no given her nickname, sya na rin nagsabi na ‘boba’ sya sa kalsada and she’s the most likely to die in a car crash sa aming magkakapatid. So yun car na dapat sa kanya, ay napunta sa kin. Astig diba?
But hindi kasing astig nung motor ni Seb! Shet, sobrang cool nung motor nya, not a surprise since yung tatlo nyang kuya ay lahat motocross racers, and sabi nya he’s actually interested in racing din daw.
I literally begged my parents na bilhan ako ng motor. Kaso as surgeons, they highly discouraged the idea.
Habang nagdidrive, biglang tumawag sa kin si Allison.
“Hoy! Alas-siete diba? Kingina nyo talagang magjowa! Kayo na lang wala dito.”
“Sorry na! Andyan na ba kayo?”
“Gago, kakasabi ko lang diba? Myghad, ang bobo.”
“Eto na! Eto na! I’m driving! No need for the angry lesbian energy.”
“At anong kinalaman ng pagiging lesbyana ko rito? Inaano ko ba baklaan nyo? At least mga tomboy on time! Asan si Seb?”
“Yun nga eh, kaya ako nalate kasi hindi nya sinasagot yung mga tawag ko.”
“Magkasama na ba kayo ngayon?”
“Hindi pa, I offered na sunduin sya kaso sabi nya magmomotor na lang sya.”
“Ang weird. Akala ko ba he preferred car rides with you?”
“I know right! He’s been acting so weird lately.”
“Hayaan mo na, baka may pinagdadaanan lang si bakla.”
“Sabagay. Salamat sa advice tibo!”
“Fuck you. Bilisan mo na! Gutom na gutom na kami rito!”
“Oo na! Eto na!”
The call ended. Nakita ko yung lockscreen ko, picture namin ni Seb habang nasa school garden. It was a stolen shot na kinuhaan ni Audrey, jowa nung isa pa naming tropa, si Alexis.
Actually, same kami ng lockscreen ni Seb.
Its been months na ata, pero wala pa rin akong balak palitan sya.
Saktong pagkababa ng tawag, natanaw ko na yung building kung nasaan ang Japanese restaurant kung nasaan sila. Nag-mini celebration ako nung makita kong walang masyadong nakapark. Yown!
Nang makapag-park na ko, naisip kong tawagan ulit si Seb kaso naalala ko nakamotor nga pala sya at baka on the way na rin sya.
Papasok na kaya ako? Di muna, hintayin ko na lang sya rito sa parking lot.
Bumaba ako sa sasakyan at naupo sa hood. Maya-maya lang, mula sa malayo, kitang-kita ko na yung motor ni Seb at yung helmet nyang meron ding reflective stickers tulad ng exterior ng motor nya.
Kumaway ako sa kanya pagpasok nya sa parking lot. Tumango naman sya to acknowledge my presence, di nga naman sya makakakaway pabalik. Nag-park sya sa tabi ng sasakyan ko.
“Hi Gummybear,” niyakap ko sya pagbaba nya sa motor, ang sarap nya talaga yakapin, lalo na at suot nya yung denim jacket na gustong-gusto ko pag suot nya. Bukod sa bagay sa kanya, ang lambot lambot nung tela nya despite sa pagiging denim.
“Hi Gummybear,” niyakap nya rin ako. And just like that, lahat ng cares ko, nawala na ng tuluyan, “I missed you,” sabi nya sabay kiss sa noo ko.
Weird. Parang kanina lang halatang halata yung discreet hostility nya towards me, tas ngayon biglang ang sweet nya ulit. Weird talaga.
“Andyan na ba sila?”
“Actually kanina pa daw.”
“Oops.”
“Gutom na raw sila, tara na!” umakbay ako sa kanya at sabay kaming pumasok sa loob.
Pagpasok namin, bumungad ang sobrang bangong amoy ng Japanese food, unang amoy pa lang, kumulo na yung tyan ko, no wonder kung bakit minamadali na kami nila Allison.
“Sa wakas andyan na yung lovebirds!”
Kumpleto na nga yung squad, nakakahiya. Madalas sa mga gala namin kami ni Seb ang laging late eh.
“Sorry guys,” sabi ni Seb, pinaupo ko muna sya sa bangko katabi ni Allison bago ako umupo sa tabi nya, “Late nanaman kami.”
“O dahil dyan, sagot mo na yung kalahati ng bill!” sabi ni Troy.
“Ba’t yung kalahati pa? Sya na sa lahat!” gatong ni Alexis. Saka ko lang napansin na andun din pala yung girlfriend nyang si Audrey, na simula nung naging sila, naging honarary member na ring squad namin.
“Bakit si Seb lang yung kinukulit nyo? Etong si Clyde oh late din naman!” sabi ni Allison na kahit kelan talaga kampi kay Seb.
“Eh wala,” sagot ni Troy, “Kuripot naman yang si Clyde.”
“Hoy! Anong kuripot?”
“Sige nga, kung hindi ka kuripot sagutin mo nga lahat!”
“Luh, inuuto nyo lang ako eh,” kinuha ko yung menu na nakalapag lang sa gitna ng mesa, “Di ba sabi nyo magwawalwal tayo rito? May alak ba sila dito?”
“Wala baks, Sake lang meron sila, tsaka Koshu,” sagot ni Allison.
“Sake?” tanong ni Seb.
“Japanese wine yun,” sabi ni Alexis.
“Wow! Ayos pre ah, mukhang may natututunan tayo sa anime!”
“Syempre naman,” sabi naman ni Audrey, “ Kung hindi dahil sa anime, di naman kami magkakakilala.“
“Sana all diba,” sabi ni Troy. Silang dalawa na lang ni Allison ang single sa ming tropa, kaso si Allison ayos lang sa kanya yun, she’s a strong independent woman daw.
“Edi manood ka rin ng anime,” sabi ko.
Gumatong naman sa sinabi ko si Alexis, “Yan! Puro kasi Hentai.”
“Huy gago! Wag nyo naman reveal secret ko!” kinuha ni Troy yung menu mula sa akin at akmang ihahampas ito kay Alexis, “Hampas ko sayo to eh!”
“Hoy baka magkakalimutan tayo, sagot nung dalawang late yung bill.”
“Luh, bahala kayo dyan, oorder ako ng sarili ko,” nagtaas ako ng kamay at tinawag yung isa sa mga waiter, “Tsaka para pala sa mahal ko.”
“Sana all talaga,” sabi ni Troy.
“Gago, ayan naman kasi si Allison! Hanap ka pa ng hanap sa iba,”
“Ewww! No, no, no, no.”
“Luh? Kala mo naman papatulan ka talaga?” sabi ko, “Ganda ka?”
“Tangina mo talaga bakla! Manahimik ka nga!”
Tumingin ako kay Seb. He’s unusually quiet. Sa mga gantong kulitan namin hindi sya nagpapahuli eh. Nakatingin lang sya sa phone nya, sa messenger account nya to be exact, na parang naghihintay ng message. Nang makita nyang nakatingin ako sa phone nya, sinara nya ito bigla.
“Guumybear, ayos ka lang?”
“Pucha, yan nanaman tayo sa Gummybear na yan,” sabi ni Alexis. Actually, sa tropa, sya yung hulimg nakatanggap sa min nung umamin kami na may feelings kami ni Seb para sa isa’t-isa.
Tinapik sya sa braso ni Audrey, “Pero hoy, ang cute kaya ng tawagan nila. At mas cute yung reason behind it.”
“Nako tama ka dyan gurl,” sabi ni Allison, “Sana all diba?”
Tumawa na lang ako at binalik yung atensyon ko kay Seb. Nakatingin na lang sya sa labas ngayon, pinapanood yung mga sasakyan na dumadaan sa katapat na highway.
“Uy, Gummybear, ok ka lang?” bulong ko sa kanya. Kinakabahan ako, baka naman nagtatampo to kasi pinilit ko syang sumama rito. Kaso tumungo lang sya.
“Hello po! Ano pong order nila?”
Tinapik ko lang sya sa balikat. Kinausap ko muna yung waiter tungkol sa mga order namin, “Isang order ng California Maki tsaka Tempura,” humarap ulit ako kay Seb, “Sayo Gummybear ano?”
“Uhm, yung tulad na lang sayo.”
“Ay Kuya, gawin mo na palang dalawang Maki at dalawang Tempura,” sabi ko, tinanong ko naman yung squad, “Kayo guys?”
Nagkanya-kanya naman na sila ng order. Sinama na rin nila yung Sake, na honestly hindi ko pa talaga natitikman, nakikita ko lang sya sa mga Japanese films.
Pag-alis ng waiter, bumalik nanaman ang tropa sa kulitan, sa kung gaano kabaliw yung naging finals namin at kung gano kagulat si Allison na pumasa pa si Troy na puro tulog lang naman ang ginawa nung gumagawa kami ng documentary para sa final requirements.
Hinayaan ko na lang sila magkulitan, gusto ko talagang malaman kung anong meron kay Seb ngayon.
Naalala ko nanaman yung milktea date namin last week, kung san ko unang napansin ang mga pagbabago kay Seb. Naisip ko nun baka naburn out lang sya sa recently concluded naming finals, lalo na’t isa sya sa Dean’s Lister sa batch namin.
Kaso, isang linggo na yung nakakalipas. I believe in no way, na dahil pa rin sa finals ang dahilan ng visible uneasiness sa kanya.
Sinubukan kong ibahin yung approach sa kanya, “So. kamusta naman araw mo?”
“Ayos lang naman,” sumagot din sya finally. Inalis nya na yung tingin sa labas at sumandal na sa bangko nya. Hindi pa rin nya binababa yung phone nya.
“Anong ginawa mo? Ako nagmovie-marathon lang ako. Kanina pinanood ko yung Final Destination 1 hanggang 3. Diba yun yung favorite mo? Bukas na ulit yung last two.”
“Share nyo naman yung topic nyo!” sabi sa kin bigla ni Allison.
“De wala, kinakamusta ko lang araw ni Seb. Ako kasi nag-movie marathon lang maghapon.”
“Hoy! Same pare!” sabi ni Troy, “Ano pinanood mo?”
“Final Destination 1 hanggang 3.”
“Uy ang solid non!” sabi ni Alexis, “Di ko na nagustuhan yung 4 and 5.”
“Same,” sang-ayon ni Troy, ’Ako pinanood ko Buried!“
“Huy that’s dope!” Isa yun sa mga favorite kong films actually, hindi sya horror, pero sobrang nakakatakot yung premise nya!“
“Teka, yun ba yung nilibing sya ng buhay?” tanong ni Audrey.
“Oo yun nga babe,” sagot ni Alexis.
“Shems, o tapos, anong nangyari?” tanong naman ni Allison.
“Luh? Walang magsasabi! Hayaan nyo syang manuod,” sabi ko.
“Eh! Ayoko nga! Di ko ata keri mga ses. Ang creepy non no, yung malibing ka ng buhay!”
“Actually, totoo naman, ang creepy nga non,” sabi ni Troy, “Mas bet ko yung mga ganung thrillers kesa sa mga paranormal ganun.”
“Totoo,” sang-ayon ko, “Yung mga paranormal kasi may assurance na they’re not real, well, in some occassions, pero yung mga psychological horror kasi hindi eh, pati yung mga may serial killers. It happens in real life!”
“Naalala ko tuloy yung Texas Chainsaw massacre. Diba inspired yun sa true events? Na merong serial killer talaga na ginagawang furniture yung bangkay ng mga victims nya?”
“Yuck. Mawalang galang na nga po ano, pero we’re about to eat raw meat and seafood here. Not the best place to talk about that stuff,” sabi ni Allison.
Hinihintay kong magsalita si Seb. Alam kong fan sya ng horror movies, pero hindi sya nagsasalita. Nakatingin lang sya sa min, sa kung sino yung nagsasalita.
“Ay guys, napanood nyo na yung Midsommar?” tanong ni Troy.
“Oo boi! Gagi, ang lupit nun! Diba yung direktor nun yung gumawa din ng Hereditary?” tanong ko.
“Oo. Si Ari Aster, grabe, isa sya sa favorite directors ko. Grabe yung ginawa nya sa Midsommar!”
“I agree,” sabi ni Allison, “Cults in general really creeps me out.”
“Pero seryosong tanong guys, bakit kaya may mga ganun no? May mga kulto saka bakit andami pa ring sumasali sa kanila?”
Sumagot ako sa tanong ni Alexis, “Feeling ko, una, most probably hindi alam ng mga tao na kulto yung sinalihan nila. And pangalawa, I think it has to do with their leaders.”
“Na mina-mind control sila? Ganun?”
“Siguro. But hey, mind-control is a real thing.”
“Alam nyo yung Jonestown massacre?” biglang tanong ni Troy, “Bale its a christian church where yung leader nila, yung parang head pastor nila, ganun, inutusan yung halos 900 members nung church na yun na uminom ng poisoned Kool-Aid. After investigations, tsaka lang nalaman na kulto pala yung church.”
“Yow, that’s creepy.”
“Kawawa naman yung mga hindi alam na kulto pala yung nasalihan nila,” sabi ko, “They’re just looking for a place to worship diba.”
“Its just a proof na mind-control is really fucking true. Wala man akong idea kung paano nagagawa yun, pero I believe na posibleng macontrol ang tao.”
“Sa tingin nyo ba meron pa ring mga kulto ngayon?” tanong ni Audrey.
“Oo meron!” sabi ni Troy, “Sa school, yung mga prof natin!”
Kinuha ni Allison yung menu at hinampas ito sa mukha ni Troy.
“Gago,” tawang-tawa dun si Alexis, “Naiimagine ko sila Maam Torres, Sir Santiago, saka yung iba pa nating mga prof na nakarobe tas meron pa silang pentagram sa ilalim ng carpet sa faculty room!”
“That’s messes up. Tas sinusumpa nila lahat ng estudyanteng mambabadtrip sa kanila. Lol.”
“Gagi, kaya siguro walang nagkakagusto kay Troy!”
“Tangina mo Clyde.”
Ilang sandali lang dumating na rin yung mga inorder namin. Lalo akong nagutom sa amoy nung mga sushi habang isa-isang nilapag nung waiter yung mga order namin. Kasunod namang sinerve yung Sake na nasa pitcher na mukhang vase pero sabi ni Troy ganun daw yung itsura ng traditional Japanese pitcher, may kasama rin itong mga maliliit na baso na gawa sa bamboo. Gagi, sobrang cute, they really kept things so authentic dito.
“Oh guys, galit galit na muna ha, mukhang masarap eh,” sabi ni Allison habang nagpapakahirap na paghiwalayin yung chopsticks na kinuha nya.
“Wow,” asar ni Alexis, “Pero nung una ayaw nya pa rito, mas masarap raw Samgyupsal.”
“Andito na tayo diba? Kayo na nanalo diba? Ano pa pinuputok ng butsi nyo? Nasasarapan na nga diba!?
Umawat na ko bago pa magbangayan si Alexis at Allison, “O sya, tama na, tama na! Baka bigla pumutok si Allison!”
Akmang sasaksakin ako ni Allison, “Kingina mo bakla, isa ka pa!”
“Awat na boi,” nagsalin ako ng Sake sa anim na baso, “Mag-cheers na tayo!”
Kumuha sila ng kanya-kanyang baso.
“To our first summer as college students!” inangat ni Allison yung baso nya, “Omg guys, I cant believe nasurvive natin yung first year! I can’t believe it!”
“Hindi rin naman alam kung bakit na survive mo,” hirit nanaman ni Alexis, nahampas tuloy sya ni Audrey.
“Mahal, tama na naman na, cheers na oh.”
We all raised our glasses.
“Cheers to the summer!”
“Cheers!”
After mag-cheers, pagkababa ng mga baso, kanya-kanya na kami ng sunggab sa mga pagkain namin. Tama nga si Allison, galit-galit nga muna, as in wala talagang nagsasalita sa min.
At dahil Japanese food ang kinain namin, kahit sa tingin namin ang onti nung serving, sobrang bigat nya talaga sa tiyan, lalo na yung mga sushi.
“You good?” tanong ko kay Seb.
“Yep. Grabe, ang sarap.”
Umakbay ako sa kanya while taking a bite of my last tempura. Naramdaman kong nagvibrate yung phone nya na nasa loob ng bulsa nya. Naramdaman ko sa hita ko yung vibration.
I looked away. Ayokong isipin nya na iniinvade ko yung privacy nya. Tsaka wala naman akong dapat ipag-selos hindi ba?
Tinignan lang ni Seb yung phone nya saglit tas bigla syang tumayo, “Guys, need ko nang umuwi.”
“Bro what? Agad agad?” sabi ni Troy.
“Dude, ni hindi pa nga tayo nakakapagwalwal oh,” binuhat pa ni Alexis yung lalagyan ng Sake to emphasize his point.
“Uhm, sorry guys, I need to go na eh. Hinahanap na ko sa bahay,” sabi nya, pero mostly for me.
“Ah ganun ba, sige,” sabi ko, I have no choice naman diba? Pinapauwi na pala sya eh, “Halika Gummybear, hatid na kita.” Tumayo na rin ako.
“Bye Seb!” bati ng tropa pag-alis namin. Kumaway naman sa kanila si Seb.
Pagdating sa parking lot, halos wala nang tao sa parking lot. We walked in silence hanggang sa makarating kami sa mga sasakyan namin, pero pagdating namin don, while unlocking yung motor nya, di na ko naghesitate tanungin sya.
“May problema ka ba Gummybear?” tanong ko, sumandal ako sa kotse ko habang pinapanood syang inunlock naman yung helmet nya mula sa pinaglolockan nito, “You know you can tell me anything.”
“Problem? Wala akong problema Gummybear,” sabi nya.
Pero I know bullshit when I smell one.
“Ganun ba,” well, its his choice, kung ayaw nyang sabihin yung problema, may magagawa pa ba ako? “Ingat ka sa pag-uwi Gummybear.”
“Yeah you too.”
Isusuot na sana nya yung helmet kaso natigil sya. Bigla nyang nilapag muna sa motor nya yung helmet. Lumapit sya sa kin at hinawakan ako sa tagiliran ko and pressed his body on mine.
“Di pa pala kita nakikiss,” sabi nya sabay mabilis na smack sa mga labi ko.
Teka what? After nyang maging weird bigla syang magiging flirty.
“Bye Gummybear,” kinurot nya ko sa pisngi after, “Ingat kayo. Sorry, maaga akong umuwi.”
“Its ok. Ingat ka,” sabi ko, still dumbfounded as fuck.
Kumaway sya sa kin for the last time. Hawak nya pa yung phone nya that time at bigla itong nabuksan.
Medyo nagulat lang ako.
Hindi na picture namin yung wallpaper nya. Picture nya na lang.
Poging Author’s Note:
So I want to talk about two things.
First, simula ngayon, gusto ko nang magkaron ng regular posting schedule. Pansin ko nga na ang boring at sobrang nakakabitin kapag paisa-isa yung update.
soooo, updates will be EVERY FRIDAY morning 8AM!
Bale yung number ng chapters ay depende sa kung ilan ang magagawa ko throughout the week hanggang mag-friday.
Ayos ba yun mi amores?
Second, may official Twitter account na po ako! Sa mga nagtatanong kung bakit wala silang nakikita, meron po kasing laging nagrereport sa account ko kinginang yan.
So ayun, follow me @itsKuyaTopher
and syempre ifofollow back ko kayo!
Pwede nyo kong kausapin don, makipagkulitan, share stories, pwede ko rin kayong bigyan ng tips sa pagsusulat. And kung gusto nyong magbigay ng story suggestions na pang one-shot, welcome na welcome kayong kausapin ako don!
Enjoy sa new story mi amores!
Chapter 2: Then
“Do I really have to attend this Ate Carla? Can’t I just stay at home?”
“Wag nang mag-inarte bunso, halika ka,” nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Ate palabas ng bahay papunta sa garahe.
“Teka, teka Ate!” binawa ko yung braso mula sa pagkakalingkis nya, “Ayoko. A-yo-ko!” tumakbo ako pabalik sa loob ng bahay, at bago pa ko mahabol ni Ate Carla, nasara ko na yung pinto at nilock ito.
“Hoy John Clyde Buenaventura, gigilitan talaga kita kapag nakapasok ako dyan!”
“Sige nga, try mo!”
Natigil ang pagkalampag ni Ate sa pinto. Akala ko for a split second umalis na sya, kaso nakarinig ako ng mga kaluskos ng halaman sa may garden sa front porch, then narinig ko yung mga paso dun na gumagalaw.
Fudge. May spare key nga pala sa isa sa mga paso. Badtrip.
“Clyde, sa ayaw o sa gusto mo, pupunta ka sa Acquaitance Party for Freshmen! Para nga sa inyong freshmen to eh! Napakakill-joy mo talaga!”
Lumapit nanaman sya sa kin. Paghakbang nya, kumuha ako ng plastic na halaman na mahaba sa isang malaking vase na katabi ng sofa, kailangan ko ng pang-self defense. Nung lumapit sya sa kin, hinataw ko sya nung plastic na halaman,
“Wow, very mature Clyde. Very mature,” she said sarcastically.
“Kasi naman! Ba’t mo ba kong kinukulit na sumama dyan sa Acquaintance Party na yan! Saturday Nights na nga lang ang meron ako para sa sarili ko sa dami ng kailangan kong gawin!” sabi ko, nakaready pa rin yung halaman kung sakaling hihilahin nya nanaman ako palabas, “Sige, give me a good reason kung bakit kailangan kong sumama!”
“Well, una, party for Freshmen yun. Freshmen ka, makes sense diba?”
“No shit sherlock!”
“Pangalawa, wala akong sasakyan, walang magdadrive sa kin. I need you to drive me there, and might as well, mag-enjoy ka na rin dun!”
“Well, mag-Grab ka or Angkas, or whatever! Tsaka Freshman party yun diba? Ba’t kailangan mong pumunta?”
Tumayo sya sa harap ko, umikot at tinuro yung suot nya.
Suot nya pala yung uniform nila sa Student Council. “Student Council ako diba? And it sucks for me na isa ako sa mga nag-organize nun pero yung kapatid ko, hindi man lang naappreciate ang mga efforts ko at eto, nag-iinarte!”
“Di naman sa hindi ka sinusuportahan,” ang OA talaga amwola.
“Ganun na rin yun!”
“Ate, wala pa kong friends sa University! Ang awkward nun kung mag-isa lang akong magpaparty don!”
“Kita mo tong bobong to,” sagot nya sa akin, na may pacross-arm pa sa chest, “That’s exactly my point! Magdadalawang linggo ka na sa University pero wala ka pa ring kahit isang kaibigan, bunso may amoy ka ba?”
“Grabe! Body odor agad? Di ba pwedeng introvert lang talaga?”
“Introvert my ass,” inirapan nya ako, grr, sarap tusukin ng alambre nung fake plant, “Sino kaya yung linggo-linggong lasing nung Senior High?!”
“Ay so ganyanan tayo? Labasan ng baho?”
“Clyde, my point, ayoko lang na mastuck ka sa University na walang ibang ginawa kundi mag-aral. I want you to have fun! Enjoy college! Get laid!”
“I do believe getting laid is my business, Ate.”
“Oo, at kung totoong business ang sexlife mo, matagal ka nang bankrupt!”
“Whoa, no need for the attack.”
“Bahala ka na nga dyan!” sinukbit nya na ulit sa likod ang backpack nya at nag-ayos ulit ng buhok nya sa salamin, “Sayang, I have some pretty cute girls sa Music Club, I’ll introduce you to one of them pa naman.”
Wow. Ok, ginamit na nga ni Ate Carla ang ipinagbabawal na technique, ang gamiting bait ang magaganda nyang mga kaibigan para lang sumama ako. And as a college student, of course may pangangailangan din ako and it includes some decent amount of babe time araw-araw.
Eh kaso wala pa kong babe.
“Hanggang anong oras ba yan? Di ba yan lalagpas sa curfew?”
“Wow. Kung kelan ka naging college tsaka ka lang naging concern sa curfew mo?”
“I have so many things to do pa kasi.”
“Mga 10 sige umuwi na tayo.”
“Deal.”
“Wow! Talaga Clyde? Payag ka na?”
“Ayaw mo ba? Aakyat na lang ulit ako sa taas?”
“Clyde naman, please sumama ka na kasi! Pabebe nanaman ampopo!”
“Sige! Sige! Eto na!” I rolled my eyes at kinuha yung car keys ko sa sabitan nito, “Buti na lang nakaligo na ko kaninang tanghali.”
On the car ride papunta sa school, walang tigil si Ate Carla sa kakadaldal about sa flow of events. As in pati preparations ng student council, and of course yung mga away kapag may mga school events, nai-chika nya na rin sakin.
To be honest, sa mga kinukwento ni Ate, parang ang interesting sumali sa Student Council. Kaso naalala ko, as a Comm student, masyado na kong maraming ginagawa. Plus, ayoko ng maraming responsibilidad. Academic responsibilities nga di ko mabalance ng maayos dahil sa kakaprocrastinate ko eh, dadagdagan ko pa ng Extra-Curricular work?
No thanks.
“Matanong nga kita Clyde,” biglang segway ni Ate Carla matapos ikwento yung dalawang Second Year representatives na nagsabunutan sa may water fountain sa gym, “Ba’t kung kelan ka naging college tsaka ka naging monghe.”
“Monghe!? The fuck?”
“Oo, monghe. Like, hindi ka na madalas nagwawalwal, hindi ka na gumagala, you dont date excessively.”
Nagcringe ako sa ‘date excessively’, bigla kong naalala yung mga kajejehan ko nung high school, lalo na yung pangtitimer ko. Once I dated four girls at once. Gago, kinikilabutan ako, ang asshole ko non shit.
“Ayaw mo nun Ate? Character development. You and Ate Cha told me to mature diba? O eto na ko,” sagot ko, “And besides, I realized that college is not like High School na eh, its were real shit goes down.”
“Well, you have a point. Naninibago lang ako.”
Pagdating sa school, hindi pa man kami nakakapasok ng parking lot, dinig na dinig ko na yung music na nagmumula sa open lot kung san malamang ginaganap yung party.
“Thanks bunso,” sabi ni Ate pagka-park namin, “Wag kang uuwi ng wala ako ha.”
“Oo, basta wag ka lang gagabihin ng uwi.”
“Noted,” nagulat ako ng biglang sumulpot sa bintana sa side nya yung mga kasama nya sa student council. Paglabas ni Ate, nagbatian ang mga amiga.
Wow, sana all may friends diba.
Bumababa ako ng kotse. Lalong lumakas pa yung sound na mula sa party.
What am I supposed to do now?
Pagpasok ko sa school, sobrang daming tao, as in sobra. Kahit gabi na, ang liwanag pa rin ng lahat dahil sa sobrang daming ilaw na meron sa bawat sulok, iba’t ibang klase pa, may fairy lights, strobe lights, christmas lights, spotlights, ang liwanag. Tas halos lahat ng classroom may mga ganap, may kanya-kanyang patugtog.
Naingayan ako so nagpunta ako sa open field. Andun yung main party tsaka yung parang mini fair, alam kong mas maingay at mas maraming tao kaso feeling ko mas okay tumambay dun kesa sa main building na ang gulo-gulo.
May random band na tumutugtog sa malaking make-shift stage na nakatayo sa gitna ng open field. Nakabilog naman sa kanila yung mga nanunuod. Well, actually, they’re pretty good.
“Kuya! Kuya! Halika rito! Try mo yung rollercoaster ng College of Engineering!” Nagulat ako, unang pumasok sa isip ko kung normal bang may bigla bigla na lang humihila sa braso mo, tas pangalawa ba’t may rollercoaster yung mga taga Engineering?
“Kuya? May kasama ka?”
“Uhm,” obvious ba, “Wala eh.”
“Ok sige,” biglang naglabas ng isang tumpok ng papel na nakabind with a rubber band yung lalaking bigla na lang humila sa kin, “Eto ticket mo!”
Binigyan nya ko ng ticket.
“Kuya try mo ah! Enjoy!” sabi nya sabay alis at naghanap naman ng ibang mahihila.
Tumingin ako sa Rollercoaster na nasa kabilang dulo ng field. I seized it, well, mukha naman syang matibay, kahit medyo maikli lang sya as in bilog lang tas taas baba lang, mukha naman syang masaya. Mas better pa sya actually sa mga rollercoaster na nasa mga perya, kaya I highly doubt na yung mga Engineering students ang gumawa nito. They rented it for sure.
Pumila ako sa para sa rollercoaster. Napansin kong puro magjojowa yung nakapila, o kung hindi naman, mga magkakaibigan na walang tigil sa tawanan.
Fudge, lalo kong nafeel na out of place ako. Pero bayaan mo na, gusto ko rin naman matry yung rollercoaster.
Inoobserbahan ko yung rollercoaster, in fairness, medyo matagal yung ride, sulit yung paghihintay ng matagal sa mahaba na pila. Mukha rin namang nag-eenjoy yung mga sumasakay dito.
Unti-unting gumalaw yung pila, hanggang ako na yung kukuhaan ng ticket nung operator
“Wait lang boss,” sabi nya, bigla nyang hinarang yung braso na sakin, “Puno na ata. Hey!! May empty seat pa ba dyan!” tanong nya dun sa nag-uusher.
“Oo, meron pa isa!”
“Sige boss, sakay ka na.”
Tinuro ako nung usher sa isang empty seat na katabi ng isang babae.
Napatingin sa kin yung babae, unang nakacaught ng atensyon ko yung mga mata nya pati yung mahahaba nyang pilikmata. Weird, pero napansin ko yun.
Habang umuupo ako, tinitignan ko sya sa peripheral vision ko. Maganda sya ha, kaso boy-cut yung gupit nya. Not that its a bad thing ha, parang it gives a strong aura lang sa kanya. Tas nakafurcoat sya, ako yung naiinitan para sa kanya. And much weirder, nakatingin lang sya sa kin.
“Wait, diba kaklase kita?”
Napatingin ako sa kanya, I got a good look on her face. Oo nga, kaklase ko nga sya.
“I remember you, kaso nakalimutan ko yung pangalan mo,” sabi nya, “Teka, may John yun diba?”
“John Clyde,” I smiled politely.
“Yun!” inabot nya yung kamay sa akin, “Hi, I’m Allison.”
“Hi Allison,” I shook her hands. Pagtapos nung awkward silence na.
Teka, wait, did I make my first friend na ba?
“Please dont hit on me, lesbian ako.”
“Oh. Okay.” Di ko naman tinatanong pero thanks sa information I guess.
Umandar na yung rollercoaster. Medyo nagulat ako kasi mas mabilis pala sya sa inaakala ko. Tas pabilis sya ng pabilis everytime na dumadaan sya sa kung saan nag-umpisa.
“Omg!! Wahh! Ayoko na! Putangina ang bilis!! Gago!” sigaw ni Allison. I looked at her weirdly, hindi naman ganun kabilis yung rollercoaster, she’s exaggerating.
Nakita nya siguro akong nakatingin sa kanya, “Well, sarcastic kasi,” sabi nya, “Mas mabilis pa dito yung pagtira sa kin ng ex ko.”
Nanlaki yung mata ko sa narinig, teka lang ha, di ako inform na rated spg po pala tayo rito.
Pero mukhang hindi lang ako yung nagulat. Napatingin sa min yung dalawang lalaki na nasa nakaupo sa min. I recognize them as people from our class din.
“Whoa, ang laughtrip gago!” sabi nung isa kay Allison, sumang-ayon sa kanya yung kasama nya.
“Well, totoo naman,” sabi ni Allison.
Tumingin sa kin yung dalawa, “Pre, ikaw ba jowa nyan?” tanong nung isa, “Lagot ka, mukhang magaling si ex!”
“Ay, hindi,” natawa rin ako sa sinabi nila.
“Ay sorry. Pero ate ang lupit mo!”
After makababa ng rollercoaster, lumapit ulit sa kin si Allison, “Uy Clyde! Saglit! May kasama ka ba?” tanong nya.
“Wala eh. Bakit?”
“Wala rin akong kasama eh, halika laboy tayo?”
Yey! I think I just got a new friend! “Sure!”
“Uy teka! Teka!” tinawag kami nung dalawang lalaki na nakaupo sa harap namin kanina, “Lalaboy kayo?”
“Yep,” sagot ni Allison, “Sama kayo?”
“Sige! Ako nga pala si Alexis,” pakilala nung isa, “Eto si Troy, kaklase ko nung high school.”
“Hi,” bati nung Troy, “Comm students din kayo diba?”
“Yep,” sagot ko.
“Hi classmates!!”
Akalain mo yun kaklase rin pala namin sila. But unlike Allison, di ko na sila naalala. Partly because sa girls lang ako nagpapay ng attention nung nagpapakilala na.
“San kayo pupunta?” tanong ni Troy.
“Di ko pa alam eh,” sabi ko.
Maya-maya lang narinig namin sa speakers yung bandang kumakanta kanina.
“Guys, ang last song namin for the night is Where Did The Party Go by Fall Out Boy!”
“Uy gago! Fall Out Boy!” sigaw ko, I’m a huge Fall Out Boy fan!
“Pre, fan ka rin ng FOB?” tanong ni Alexis sa kin.
“Oo pre!!”
“Nice one!” nag-apir kaming dalawa. Gagi, its real, may friends na ko!
“Ako, casual listener lang, I like their songs,” sabi ni Allison.
“Same,” sabi ni Troy.
“Halika! Panuorin muna natin sila bago tayo gumala!”
Tumakbo kami papunta sa kabilang side ng open field at humalo sa audience.
“I’m not gonna come home alone!!” Nakisabay kami ni Alexis sa pagkanta.
Maya-maya lang narinig ko si Allison na tumili, kaya napatingin ako sa kanya.
“Omg! Sebastian!”
May lumapit sa min na lalaki at bigla syang niyakap ni Allison.
“Omg, nung nalaman kong tutugtog sila ng Fall Out Boy, ikaw agad ang naalala ko!”
Tinignan ko si Sebastian, kausap nya si Allison habang nakaturo sa tshirt nya. Sa loob ng jacket nya, may suot syang black tshirt na may logo ng Fall Out Boy.
Uy shit, I have the very same shirts sa bahay! Nabili ko sya sa last concert ng Fall Out Boy dito sa Pinas!
“Sya nga pala, Seb, this is Troy, Alexis, and Clyde. Kaklase natin sila sa Comm, and guess what? Fan din sila ng Fall Out Boy!”
“That’s nice!” nakipagkamay sya kay Troy at Alexis.
Then sa kin.
“Uy dude, I got the same shirt sa bahay, nabili ko sa concert ng FOB,” sabi ko sa kanya habang nakikipagkamay.
“Really? Andun ka rin? Dun ko rin nabili to!” sabi nya in full excitement, “Grabe, sa wakas nakakita rin ako ng FOB stans!”
“Same! Nung high school walang nakakarelate sa kin eh, ni hindi nila kilala yung Fall Out Boy!”
“Well, that’s a bummer.”
“Wala silang taste.”
We enjoyed the rest of the song. Maya-maya lang may new group na na tumugtog ng corny emglish ballad na ginawan nila ng sariling rock version.
“Guys, gusto nyong pumunta sa booth ng Culinary Arts?” yaya ni Sebastian sa min habang nagpupunas ng pawis. Actually halos lahat kami pawis na pawis, talon lang kami ng talon habang tumutugtog yung Where Did The Party Go.
“Anong meron pre?” tanong ni Troy.
“Meron daw eating contest dun sabi ng pinsan ko, paramihan daw ng makakakain na gummybear sa loob ng isang minuto.”
“The fuck? Gummybears?” tanong ni Allison.
“Huy, ang bigat kaya sa tyan ng gummybears,” sagot ni Seb, “Pero guys, may cash prize daw!”
“Talaga? Tara, inom tayo pagtapos!” sabi ni Troy.
“Uy bet ko yan!” sabi ni Allison, hinila na nya paalis si Seb, “Halika na! Dali sumama tayo!”
Pagdating namin sa Culinary Arts booth, walang gaanong tao. Pero may decent amount ng mga tao ang nakabilog rito at nagchecheer.
“Ano! Wala na bang sasali?” sabi nung lalaking nakamic na may hawak isang pack ng gummy bears, “Isa na lang kailangan namin dito!” Nakita kong may nine na individuals ang nakahilera sa isang mahabang mesa at may mga tray ng sobrang daming gummybears sa harap nila.
“Ano mga tsong? Sasali ba tayo?”
“Sige na guys! Sali na kayo! Para may pang-inom tayo later!” sabi ni Troy.
Tinulak sya ni Alexis, “Ba’t di ikaw! Sige na! Malakas ka naman kumain eh!”
“Sige guys ako na.”
Di ko alam kung bakit ako pumayag. Para bang may tumulak lang sakin bigla na mag volunteer.
“Nice,” sabi ni Seb na bigla umakbay sa akin, sumigaw sya at tinawag yung host, “Boss! Sasali raw tropa ko!!”
Sinamahan nya ko papunta sa mahabang table. Medyo na conscious ako kasi nakatingin sila sa amin.
“Galingan mo kuys ha,” pinisil-pisil ni Seb yung balikat ko bago sya bumalik sa mga nanonood.
“O ayan! Kumpleto na ang ating 10 contestants!” Nagpalakpakan at hiyawan naman yung audience. Narinig kong chini-cheer ako numg mga bago kong tropa.
“Here are the rules. So sa tray na nasa harap nyo, ay may 100 gummy bears. Ang goal is paramihan ng makakakaing gummybears sa loob lang ng isang minuto.”
Wow, that was easy I guess.
“Kaso amg twist, isa-isa lang dapat ang kain ng gummybear. Bawal dumalawa ng kuha, tatlo, apat, bawal rin ang dumakot.”
Oh. Okay, mas mahirap pala kesa sa inaakala ko.
Hindi ko nga alam kung bakit bigla akong nagvolunteer. Well, siguro dahil gusto ko rin magpasikat sa mga bago kong tropa.
“Go Clyde!!” sigaw ni Sebastian mula sa audience. Napangiti ako.
“To ensure na walang mangyayaring dayaan, may mga representatives ng Culinary Arts department ang titingin at magbabantay sa bawat contestant. And once na nahuli ang contestant na dumalawa ng kuha sa gummy bear, automatic disqualification. Maliwanag?”
“Yes po,” sumagot ako at yung iba pang mga contestant.
“The timer will start pagkapito ko, and once the timer stopped, pipito ulit ako ng matagal, okay?”
“Okay!!”
Shit, ngayon pa lang ako dinapuan ang kaba. Kailangan kong manalo rito, need kong nagpasikat sa mga bago kong kaibigan. Lalo na kay Sebastian, alam kong may tiwala sya sa kin na kaya ko to.
“Kapag naubos nyo ang gummy bears sa tray nyo, taas nyo lang kamay nyo, at yung pinakauna, sya na ang panalo.”
“Okay!!”
“Ready na!? 3… 2… 1… Go!”
Kasabay ng pagpito nung host yung hiyawan ng mga audience, kasama na rito ang pangalan ko na sinisigaw ng tropa ko. Di ko muna sila at pinansin at nagconcentrate sa ginagawa ko, careful na hindi madoble yung kuha ko sa gummybears.
Ang strategy ko, iniipon ko muna sa bibig ko yung mga gummybears pero di ko ito pinupuno, yung sakto lang para manguya ko yung mga gummybears, mahirap kasi kapag niretso lunok, may ilan na nga akong narinig na nabulunan umpisa pa lang, malamang nyan nilunok nila ng buo yung gummybear.
Natapos yung isang minuto, anim na lang kaming natira, apat na yung nabulunan. Lol.
Tinignan ko yung tray ng mga kalaban ko, wala nakang nakaubos ng laman ng tray nila, lahat kami may tira. Napansin ko agad na ako yung may pinakaonting-natira, pero di pa rin ako dapat magpakasigurado, malay mo, mukha lang madami yung isa dahil sa anggulo, o kaya sa lalagyan, ganun.
Yung nasa kabilang dulo yung unang binilangan, binilang yung natira at saka sinubtract sa 100. Nakakain sya ng 37 gummies. Yung katabi naman nya 31. Yung oagtling binilangan, yun yung inaabangan ko, mukhang onti lang yung kanya eh. Pagkabilang, nakakain sya ng 61 gummies. Yung pang-apat naman, 45, at yung sumunod sa kanya 59.
Wala na, talo na ko nito, mukhang may onti talaga yung tira nung pangatlo. Bukod sa sobrang bigat ng tyan ko at sobrang tuyo ng bibig ko, di ko syempre maiwasang makaramdam ng disappointment.
“65!! We have a winner!”
Nagulat ako ng itaaa bigla nung host yung kamay ko.
Uy gago, panalo ako!
Pinalaklakan naman ako ng audience, pero ang pinakamaingay sa kanila, syempre yung mga kasama ko na nagsumiksik para lang makapunta sa harapan na wala la ring tigil sa paghiyaw.
“May pangwalwal na kami!”
Inabutan ako ng host ng sobre, andun yung cash price. Kinapa ko, wow, medyo makapal ha, nice one!
Nag-picture taking lang saglit for documentation daw, tas nagprepare na sila para sa susunod nilang game. May ilan ding nagpapicture sakin, uhm, di ko alam kung bakit, pero sumakay na lang ako hanggang sa hilahin ako ni Allison palayo sa kanila.
“Oy! Congrats! Patingin nga ng premyo!” kinuha nya sa kin yung sobre, “Hoy, ang kapal ha infairness!”
“Talaga? Magkano?” tanong ni Tony.
“Pre, congrats, galing mo ah! Akalain mo yun!” bati sa kin ni Alexis.
“ Salamat,“ sabi ko, “oh ano? Punta na ba tayo ng 7 eleven?”
“San naman tayo iinom?”
“Edi sa kotse ko,” sagot ko.
“Wow! May kotse ka?” halos sabay na tanong ni Allison at Tony.
“Yep.”
Lumapit sa kin si Seb at tinapik ako sa braso.
“Naks, congrats par,” sabi nya, tas nakipagshake hands sya sa kin, “Ang lupit mo, simula ngayon ang tawag ko na sayo, Boy Gummybear!”
Natawa ako, pero hindi sya stupid actually.
Its pretty cute.
Chapter 3: Now
“Ano? Pili na ba tayo ng susunod nating panunuorin?” tanong ko kay Allison at Troy.
“Wait! Teka lang! Awat muna, gutom na ko eh,” sagot ni Allison, “Tsaka shooketh pa rin ako sa huli nating pinanood, di ako makaget-over.”
Actually, maski ako di rin ako makaget-over sa huling movie na pinanood namin. Its “Goodnight Mommy” released some time around 2015 ata? I’m not really sure, pero may mga nakikita akong list ng The Best Horror Movies of the 2010’s na kasama yung movie na to kaya we decided to watch it sa bahay.
“Gutom ka nanaman? Andami mo kayang kinain kanina na sushi,” asar ni Troy.
After namin kumain at magwalwal, nagyaya ng overnight sa bahay si Allison. Silang dalawa lang naman ni Troy, si Audrey at Alexis may iba daw plano, at kung ano man yun, isang malaking sana all. Kung di lang sana umuwi si Seb edi sana…
Anyways, naglatag kami ng sleeping bags rito sa sala para mag-movie marathon. Alas-dos na ng madaling araw, tulog na sila Ate, at nasa pangalawang movie na kami ng gabi. At wala pa atang may balak matulog sa ming tatlo.
Una naming pinanood yung “Eli” which I can say, isa sa mga cheap horror films na nagcacapitalize sa cheap demonology twist. Kaya ang refreshing nung pinanood namin yung “Goodnight Mommy” kasi ang ganda talaga, cinematography, the story, the script kahit parang French yung language or some European shit, kaya nagtiyaga kami sa subtitles.
“Bayaan mo na, baka buntis, naglilihi,” sabi ko sabay labas sa sleeping bag ko, “Lika, hanap tayo ng makakain sa kusina.”
Yung “Goodnight Mommy” ay tungkol sa dalawang magkapatid na yung nanay ay naaksidente of some sort then nadisfigure yung mukha nya. So one day, umuwi yung nanay na nakabenda yung face and all that, then somehow, yung magkapatid nagkaron sila ng theory na baka hindi yun ang totoo nilang nanay at nagpapanggap lang.
“So anong gusto nyong kainin?” binuksan ko yung ilaw sa kusina, medyo Nag-flinch ako sa biglang liwanag ng paligid. Dumiretso ako sa ref at pasimpleng nagdasal na sana may leftovers na lang yung mga ate ko rito na pwede naming i-microwave para naman hindi na ako magluto, nakakatamad eh.“
Sumilip rin sa loob ng ref si Troy at Allison, “Ayun Clyde, ano yun?” turo ni Troy sa isang tupperware na parang may kung anong kulay pula sa loob.
“Wait, tignan natin,” kinuha ko yung tupperware at sinilip yung nasa loob, “Lasagna. Okay na ba to sa inyo?”
“Oo okay na yan,” sabi ni Allison, “Akin na, ako na maglalagay sa microwave.”
“Wow may hiya ka rin naman pala. Akala ko bahay ko na nga, ako pa paglulutuin nyo.”
“Gago.”
Umupo kami ni Troy sa stools at nangalumbaba sa kitchen counter habang pinapanood si Allison na magmicrowave.
“Ang weird nung Goodnight Mommy no, and sobrang distrubing,” sabi ni Troy.
“Totoo, and to think na pwedeng mangyari yung ganun sa totoong buhay,” sabi ko.
“Weh? Totoo yun? Yung parang bigla na lang feeling mo may isang impostor na yung pumalit sa someone ma mahal mo?”
Sumandal sa kitchen counter si Allison, “Oo naman, may tawag sa mental disorder na yun eh teka lang,” nilabas nya yung phone mula sa pajamas na pinahiram ni Ate Carla sa kanya.
“Wow, that’s messed up.”
“I know right!” konting kalikot pa sa phone ni Allison, “Eto na! Nakita ko na, its Capgras Delusion!”
Oh, interesting, “Ano nakalagay dyan?”
“Teka, basahin ko yung Wikipedia article, Capgras Delusion is a psychiatric disorder in which a person holds a delusion that a friend, spouse, parent, or other close family member or pet has been replaced by an identical imposter.”
“I can’t understand, pero just by hearing yung definition parang it sucks na magkaron nun,” sabi ni Troy.
“Kaya nga eh,” sang-ayon ko, “And it doesnt really end up well for the Mom.”
“Pero ang hindi ko maintindihan-”
“Hoy Allison! Kanina pa tapos yung minamicrowave mo!” Tsaka ko lang naalala yung lasagna ng bigla umamoy ito sa buong kusina.
Habang kinukuha yung lasagna, kumuha naman ako ng plates and forks para sa ming tatlo, tsaka kutsilyo na rin pang-hiwa.
“So ayun na nga,” dali dali nyang binuksan ang tupperwear na umuusok pa sa init, “Ang hindi ko ma-gets ay kung paano nagkaron ng delusion yung magkapatid na impostor yung nanay nila.”
“Hmmm,” napa-isip din ako dun, “Siguro kasi biglang nagbago yung nanay out of nowhere?”
Nung nabanggit ko yung salitang nagbago, si Seb agad yung pumasok sa isip ko.
“Speaking of nagbago, may napansin ba kayo kay Seb kanina?”
Napatingin sa kin si Troy tas si Allison naman natigilan sa pagseserve nung lasagna, “Ano? May Capras Delusion ka rin dzai?”
“Hindi naman sa ganun. Tsaka for sure di lang ako yung nakapansin nun, for sure kayo rin.”
“So may Capras Delusion tayong lahat?” sabi ni Troy.
Nag-roll ako ng eyes, “Seryoso guys, nag-aalala ako kay Seb.”
“Actually Clyde,” sabi ni Allison, “Nung hinatid mo si Seb palabas nung resto, pinag-usapan namin kayo. Sobrang halata ng tension sa inyong dalawa kaya akala namin nag-away kayk or something.”
“Hindi, hindi kami nag-away.”
“Eh what happened?”
“I have no idea sa totoo lang. It all started last week, nung finals natin. One night, magkavideocall pa kami habang gumagawa ng reports, hindi kami nag-uusap pero kita kong he’s in he’s usual self, ngumingiti sya, bigla-biglang kakanta, magfeflex ng muscles, yung normal na Seb,” kwento ko, “Eh kinabukasan, after nung last class, nagyaya ako dun sa Milktea shop na tinatambayan natin, then ayun, bigla na lang syang naging tahimik.”
“Wow, that’s weird,” sabi ni Allison, and its a huge thing na galing yun sa kanya since sya ang mas nakakakilala talaga kay Seb, magkaibigan na sila since high school, “There must be a reasom for the sudden change, hindi basta basta ganun si Seb. At madaldal si Seb.”
“Sobra.”
“Napansin ko rin na hindi na nag-iingay sa gc ng squad si Seb. Tas kanina hindi sya nakipagkulitan sa tin. Tinanong mo na ba dude kung may problema ba?” tanong ni Troy.
“Oo naman dude,” sagot ko, “Nung una dinadahilan nya yung finals, which is pretty understandable. Si Seb yun, sya ata ang pinaka grade-conscious sa ating anim no. So inisip ko, baka stressed out lang talaga sya.”
“Baka nga.”
“Eh kaso, isang linggo nang tapos yung klase. Pasado na tayong lahat, nasa Dean’s list pa nga sya, kaso ba’t hindi pa rin sya bumabalik sa dati.”
“Patingin ng convo nyo,” nilahad ni Allison yung kamay nya sa kin habang sumusubo ng lasagna.
“Luh? Bakit?”
“Gago, di ko titignan yung shared photos,” sagot nya, “Besides alam kong sa Snapchat kayo nagsesend ng nudes.”
“The fuck? Baka ikaw yun, wala nga akong Snapchat eh.”
“Akin na kasi! Pabasa ng convo nyo kahit yung this week lang!”
Reluctantly, binuksan ko yung messenger ko at pinabasa kay Allison yung convo namin.
“Well,” tatango-tango si tibo habang binabasa yung convo namin, “Tsong, ang daming red flags ng convo nyo tsong.”
Inabot nya ulit sa kin yung phone ko, “Red flags?”
“Oo. Cold replies. Monosyllabricated replies. Maikling haha. Ikaw ang palaging unang nagchachat. Ang bagal nya magreply, laki ng intervals ng messages nyo. At higit sa lahat, walang I Love You Too. Kabahan ka na bakla, red flags lahat yan.”
“Teka, what? Red flags?”
Tinapik nk Troy yung balikat ko, “Pre, lahat yan, sign na may problema nga kayo. Ewan ko ha, pero ang typical na rason kung bakit nagiging ganyan yung mga convo kasi na-fa-fall out of love na yung isa o nagkakasawaan na, or may iba na yung isa.”
“I know Seb. Hindi nya magagawang mang-cheat,” sabi ni Allison defensively, “He’s been cheated so many times. He knows the feeling. He won’t do it.”
“Pero di ba nga Alli, may kasabihan na ‘hurt people hurt people’, so may chance pa rin talaga magkaron ng iba si Seb.”
I shook my head, “Guys di kayo nakakatulong.” I’ve been trying so hard na hindi isipin na may bago si Seb or hindi na nya ko mahal. But right now binalik nila yung darkest thoughts I could ever imagine.
Seb is my life. He’s my all. Di ko afford na mawala sya sa kin.
“Yan, kasi, kingina mo talaga Troy,” hinampas ni Allison si Troy sa braso.
“Aray! Kailangan manakit? Ikaw, type mo talaga ako! Lagi mo na lang ako sinasaktan!”
“Oy gago may taste ako. And besides, red flags sa kin yung hindi naliligo.”
“Hoy! Kahapon lang yun! Naligo ako kanina!”
“Pero kung wala tayong lakad alam kong hindi ka maliligo!”
“Inamo,” binato ni Troy si Allison nung pack ng tissue na nasa mesa, “But anyways, sorry Clyde. Hindi nakatulong yung sinabi ko.”
“No its okay. Its not impossible din naman kasi.”
“Clyde, listen. Ako na mismo yung nagsasabi sayo, hindi magagawa ni Seb na saktan ka. Mahal na mahal ka nun. I’m sure there’s other reasons kung bakit sya nag-aact ng weird lately. I hope masabi nya na sayo soon kung ano yun,” sabi ni Allison.
“Sam sentiment here bro,” sabi naman ni Troy.
“Alam mo, halika na, dalhin na lang natin tong lasagna sa sala, dun na tayo kumain, let’s look for good movies to watch. Ay may suggestion ako!”
“Ano?”
“Alam mo yung The Miseducation of Cameron Post?”
“Ano yun?”
“Tungkol yung sa lesbian na pinadala sa isang conversion camp para mabago yung sexuality nya.”
“Wow, may bed scene?” tanong agad ni Troy.
Binatukan sya ni Allison, “Ba’t kayong mga straight na lalaki libog na libog sa girl to girl action pero diring-diri sa boy to boy?”
“Oy! Grabe, di naman ako diring-diri! Support nga ako kay Seb at Clyde eh!”
“Eh ba’t nung nanood tayo ng Call Me By Your Name nakapikit ka most of the time!”
“Yiee, so tinitignan mo pala ako palihim ha.”
“Grr!” hinila na ko ni Allison palabas ng kusina dala yung mga plato namin, “Halika na nga Clyde, for sure you’ll like this movie. Bayaan mo na yang si Troy dyan. Sya maghuhugas ng pinggan.”
“What!?” Napakamot na lang ng ulo si Troy.
“Bala ka dyan! Manunuod kami ni Clyde ng The Miseducation of Cameron Post!”
Chapter 4: Then
“Guys, guess kung sino yung may date na for the Freshmen Ball?”
Napatingin kaming lahat kay Alexis.
“Dude? Nayaya mo na si Audrey!?” tanong ko.
“Yes sir!”
“Yow!! Congrats!” tumayo sa kinauupuan nya si Troy at inakbayan si Alexis, “Ang lupit mo pre! Sana all pumayag yung crush.”
“Bakit? Di pumayag yung crush mo?” tumabi sa kin si Alexis at umupo naman ulit si Troy.
“Di pre eh, di daw sya pupunta ng Ball.”
“Sabi ko sayo pre kay Allison ka na lang. Choosy pa kasi,” sabi ko.
“Lol. Ikaw ba Clyde may partner ka na?”
“Gago,” binatukan ng libro ni Alexis si Troy, “Tinatanong pa ba yan? Eh may Yohanna na yang si Clyde. Automatic na yun. Di ba pre?”
“Weh? Di nga? Ba’t di ka nagsasalita?”
“Syempre gusto ko lowkey lang eh.”
“Taena, ako na lang pala yung walang date,” sabi ni Troy, “Ay teka, si Seb kaya meron?”
“Lumabas na ba si Seb at Allison?” tanong ni Alexis.
This term kasi nagkahiwa-hiwalay na kami ng mga klase sa iba’t-ibang klase. Ang pareho ko ng sched ay si Troy, si Allison at Seb naman yung pareho samantalang iba naman saming lahat si Alexis.
Buti na nga lang pare-pareho kami ng oras ng lunch. Nakakakain pa rin kami ng sabay-sabay.
“Ayun na si Seb!” turo ni Troy sa entrance ng cafeteria, andun nga si Seb na papunta na sa table namin.
“Hi guys,” nakipagfist bump sya paglapit sa min, “Hi Boy Gummybear.”
Kainis, second term na pero Boy Gummybear pa rin yung tawag nya sa kin, “Gago, ba’t yun pa rin tawag mo sa kin?”
“Ang cute kaya,” sabi ni Troy, “Para kayong magjowa.”
Natatawang umupo sa tabi ko si Seb.
“Sige, simula ngayon Boy Gummybear na lang din tawag ko sayo,” sabi ko.
“Bakit may Boy pa? Tanggalin mo na yun, Gummybear na lang,” sabi ni Seb.
“Ayie, tangina nyo, ang sweet nyo,” sabi ni Alexis, “Teka, si Allison nga pala?”
“Sabi nya may dadaanan daw sya sa Library eh,” sagot ni Seb, “Pero sabi nya mauna na raw tayo kumain, susunod rin yun hayaan nyo yun, malaki na sya.”
Kanya-kanya naman kami ng labas ng pagkain mula sa kanya-kanyang bag.
“So ayun na nga,” sabi ni Troy habang binubuksan ang paperbag ng Mcdo mula sa bag nya, “May date ka na ba sa Ball Seb?”
“Bakit? Yayayain mo ba ko.”
“Yieeee!” asar namin ni Alexis sa dalawa.
“Gago,” sagot ni Troy, “Eh kasi naman, ako na lang yung walang partner kinginang yan.”
Napatingin sa aming dalawa ni Alexis si Seb, “May partner na kayong dalawa!?”
“Oo meron na,” sagot ni Alexis, “Um-oo na sakin si Audrey!”
“Gago, sana all,” bulong ni Seb na halos rinig pa rin namin, “Eh ikaw Clyde?”
Sumabat si Troy, “Syempre, sino pa, edi si Yohanna.”
“Tangina! Edi ba parang last week lang kayo naging M.U?” tanong sakin ni Seb.
Nilunok ko kuna yung ningunguya ko bago sumagot, “Oo.”
“Wow. Sana all.”
“Yun nga sinasabi ko kanina pa eh! Sana all may partner na!” sabi ni Troy.
“Ba’t di ka kay Allison?”
Akmang kukutusan ni Troy si Seb kaso nakaiwas ito, “Gago, isa ka pa eh. Yan din sabi ni Clyde sa kin.”
“Choosy pa kasi amputa,” sabi ko, “Maganda naman si Allison.”
“Sige Gummybear, sabihin mo yan sa kanya, matatadyakan ka nun.”
Ay oo nga pala. The last time na sinabihan namin ng maganda si Allison, ginupit nya sa harap namin yung buhok nya na medyo mahaba na nun. Ayun, balik sa boy-cut si tibo.
“Eh ikaw Gummybear? May date ka na ba?”
“Wala pa,” kumagat sya sa burger nya, “Magyayaya pa lang.”
“Sino ba yan? Sabihin mo na dali, tulungan ka namin,” sabi ko, tumingin ako sa kanya pagkasubo ko nung food ko.
“Talaga? Tutulungan nyo ko?”
“Oo naman!” Halos sabay-sabay naming tatlo, “Kami bahala sayo,” tinapik-tapik ko sa balikat si Seb, “Sino ba gusto mong yayain?”
“Uhm, si Farrah.”
“Farrah? Farrah Sentinel? Yung muse ng varsity!?”
“Diba? Parang ang taas nya masyado? Famous pa. Kaya nag-aalangan akong yayain kasi siguradong hindi ako papansinin nun.”
“Di yan. Kami bahala sayo,” sabi ni Alexis, “Anomg course ba nun?”
“Uy! Sya ba yun!” sa sobrang famous ni Farrah sa buong campus, kilala na sya ng lahat. Ikaw ba naman ang maging poster girl for the university, sinong hindi makakalimot sa mukha at pangalan mo?
“Asan?”
“Ayun!” tinuro ko si Farrah na nakapila sa may counter ng cafeteria kasama ang mga kaibigan nya.
“Oo sya nga yun.”
Tinakpan ko yung pagkain ko bago tumayo, “Ako na bahala Gummybear, saglit lang.”
“Uy teka!” tumayo rin si Seb para sundan ako kaso pinigilan sya nung dalawa.
“Oy! Dito ka lang! Bayaan mo si Clyde! Kaya nya yan!”
“Teka! Wait, di pa ko ready!”
“Kelan ka magiging ready eh sa sabado na yung Ball?”
“Huy! Clyde! Gummybear wait! Saglit lang! Teka!”
I ignored yung mga tawag nya sa akin at nagpunta sa counter ng cafeteria at lumapit kay Farrah at sa mga kaibigan nya. Paglapit ko sa kanila, naamoy ko agad yung pabango nila, unang amoy alam mong mamahalin, I remember may ganun si Ate Carla nung high school pa lang sya, yung zesty, fruity pero parang prinsesa yung amoy. Bagay sa ganda ni Farrah.
Nagagandahan naman kasi talaga ako kay Farrah, kaso hindi sya yung tipo ko. Ayos na ko sa mga tahimik tulad ni Yohanna. Mukhang high-maintenance kasi si Farrah, yung tipong kung hindi ka kagwapuhan mahihiya ka talagang i-date.
Kaso alam ko namang may laban yung tropa ko, kung babae nga lang ako siguro may crush na rin ako kay Seb.
“Uhm, excuse me?”
Lumingon sa akin si Farrah, pero not just a simple turn ha, yung tipong larang nasa shampoo commercial na lahat ng shiny nyang buhok kasamang humampas sa other side ng face nya.
“Oh yes?”
“Sorry to bother you pero I’m asking for a friend,” sabi ko, “Meron ka na bang date for the Ball?”
Alam kong nakatingin na sa min yung kalahati ng mga tao sa cafeteria. Normally kakabahan ako, I’m not a big fan of fame at ayaw kong makilala ng iba bilang ang lalaking naglakas ng loob to ask Farrah Sentinel out.
Pero Im keeping in mind na para kay Seb to. Anything for my bros.
“Sa Freshman Ball ba?”
“Yep.”
Binigyan nya ko ng isang ‘a friend o ikaw?’ kind of look. That made me feel uneasy tl be honest, “Sinong friend?”
Tinuro ko yung table namin. Nakatingin sa amin yung tatlo, si Alexis at Troy nakaturo kay Seb. Si Seb naman nag-smile sheepishly at nag-small wave sa kanya, “Ayun, yung nakagray.”
“Okay. What’s his name?”
“Sebastian Laurel.”
“Hmm I see,” tumungo-tungo sya, “Tell him its a yes, wala pa kong partner for the ball.”
“Talaga?” Gagi, im so excited for Seb!
“Yep, tell him to DM me on instagram na lang.”
“Sure. Thank you!”
Nagthumbs-up ako sa mga tropa ko. Mabilis akong tumakbo pabalik sa table namin kung san nagcecelebrate na si Troy at Alexis samantalang nakatungo naman si Seb.
“Congrats Gummybear! Pumayag si Farrah.”
“Gago mga dude, di ako makapaniwala,” sabi nya, nung inangat nya yung ulo nya, nakita naming pulang-pula si Seb sa kakablush.
“Grabe, sana all talaga! Ako naman tulungan nyong maghanap ng partner!” sabi ni Troy.
“De wala, ship namin kayo ni Allison! Si Allison yayain mo!”
Biglang sumulpot sa tabi namin si Allison, “Hoy! Anong meron! At bakit narinig ko pangalan ko?”
“Gusto ka daw kasi yayain ni Troy sa Ball,” sabi ni Alexis.
“Hoy! Gago!” sabay na sabi ni Allison at Troy.
“Yieeee! Sabay sila!”
Habang nagbabangayan yung tatlo, kinalabit ako ni Seb.
“Salamat Gummybear. Sobrang thank you.”
“Welcome Gummybear.”
Chapter 5: Now
“Hoy bunso! Baba ka! Tumatawag sila Mom at Dad!”
Nang marinig kong binanggit ni Ate Cha si Mama at Papa, binitawan ko agad yung librong binabasa ko at mabilis na bumaba mula sa kwarto ko. Inisip kong palitan yung sleeveless tee na suot ko, kaso wag na, magtatagal lang ako, pagagalitan lang ako ng mga ate ko.
Isang linggo na ata ang nakalipas simula nang huli kaming tawagan nila Mama. Nung huli silang tumawag kinailangan ko pang magpaalam agad kasi sobrang dami ko pang kailangang tapusin for the finals. Pero ngayon, I’ve got to spend quality time with them!
“Wait lang po Ma, pababa na si bunso,” narinig kong sabi ni Ate Carla.
Pagbaba ko, nakita ko sa sala yung dalawa kong kapatid, nakaupo sa sofa habang nakapatong sa coffee table yung laptop ni Ate Cha. Dali-dali akong lumapit sa kanila at naupo sa gitna nilang dalawa.
“Excuse me! Usog-usog!”
“Kasi naman, ba’t di ka pa umupo!” reklamo ni Ate Carla.
“Eh gusto ko ako yung nasa gitna, tsaka ako yung boy, ako dapat yung nasa gitna!”
“E diba hindi ka na boy?”
Sasagot sana ako,.inggit lang yun kasi ako may jowa, sya wala, kaso pumagitna na samin si Ate Cha, “Talaga ba? Talagang sa harap nila Mom and Dad kayo mag-aaway?”
“Oo nga! Magbati muna kayo! Wala kayong pasalubong sa susunod namin uwi sige kayo!” sabi ni Dad na nagpatawa sa ming lahat. Nung nga bata kasi kami yun ang laging kondisyon nila sa min, ang mag-aaway, walang pasalubong. Kaya rin siguro lumaki kaming tatlo na malapit sa isa’t-isa, kahit madalas peste rin kami sa buhay ng isa’t-isa.
“Guys, gawin na natin yung intro!” utos ni Ate Cha.
“Ay oo!” Umayos kami ng upo, yung dalawa nag-ayos ng buhok.
Bumilang si Ate Cha, “One… Two… Three!”
“Hi Mom! Hi Dad! Kamusta naman kayo! Kami, we’re good!” sabay-sabay naming sabi, may kasama pang kaway sa kaliwa, kaway sa kanan, at two thumbs-up.
Medyo cringy I know, pero naging tradisyon na naming tatlo yun simula pa nung mga bata kami. Si Ate Carla yung naka-isip nun eh, sabi nya dapat daw meron kaming intro sa tuwing mag-vivideocall sila Mom.
“Yehey! Very good! Each of you will have 5 stars!” sabi ni Mom, also laughing on how childish we are.
“Thank you po!” sabi ni Ate Cha, “Kamusta po kayo dyan?”
“Ayos na kami! Etong Daddy nyo, nagdecide bumili ng puppy, para naman may pagkaabalahan habang walang pasok.”
Lumabas saglit sa frame si Dad, at pagkabalik nya, meron na syang hawak na white na fluffy na tuta. Habang binubuhat sya ni Dad, pumipiglas pa sya, pero nang yakapin na sya ni Daddy, kumalma na rin ito at tumingin pa sa webcam.
“OMG! He’s so cute!” sabi ni Ate Carla, “Hala, ang cute! Ano pong lahi?”
“Anong nga bang lahi nya Daddy?” tinanong ni Mom si Dad, “Ay, Labrador pala.”
“Ang cute!” sabi ni Ate Cha, maya-maya, tinapat nya yung camera ng phone nya sa screen, “Mom pose kayo with the tuta dali! Post ko lang sa IG story ko!”
Nag-pose naman si Mom and Dad together with the pup.
“Ano pong name nya?” tanong ko.
“Parker!”
“Hi Parker!!” kanya-kanya kaming tatlo ng tawag kay Parker, na tahimik lang na karga-karga ni Daddy.
“Anyways, kamusta kayo dyan?” tanong ni Mommy, “Charity, nababayaran ba ang bills?”
“Yes Mom!”
“Baka pag-uwi namin dyan wala na tayong kuryente ha!” natawa ako, kahit kelan talaga ang oberthinker ni Mommy, “Eh yung mga allowance nyo? Tipid tipid ha!”
“Si Clyde mo Mom, inuubos yung allowance nya sa boyfriend nya!”
Tinulak ko si Ate Carla, “Luh! Dun ka nga! Fake news ka!”
Tumawa naman si Mom and Dad sa kabilang linya.
“Kamusta kayo ni Sebastian, anak?”
Kahit alam ko namang tanggap ng mga magulang ko ang relasyon namin ni Seb, di ko pa rin maiwasang mahiya sa tuwing pag-uusapan namin sya, “Ok naman po Mom.”
“Pag-uwi nyo rito Mom, buntis na po si Clyde!”
Hinila ko ng marahan yung buhok ni Ate Cha, “Isa ka pa eh. Pinagtutulungan nyo nanaman ako!”
“Nako bunso, inggit lang sayo ang mga ate kase ikaw daw may boyfriend sila wala!” sabi ni Daddy.
“Oo nga Dad!”
“Hoy excuse me,” may pag-hawi pa ng buhok si Ate Carla, “At least pretty, ok na yung single!”
“May pasok pa ba kayo?”
“Ako po Mom wala na,” sabi ko, “Si Ate Carla meron pa.”
“Pero last week na po namin ngayon,” dugtong ni Ate Carla.
“Nako, bakasyon na pala.”
“Kaya nga Mom, uwi na kayo, swimming tayo!”
“Kung kaya ng schedule why not?”
“Yehey!!”
“O sya, sige na, matutulog na kami ng Daddy nyo,” tas biglang sumigaw si Daddy sa background, “Kasama si Parker!”
“Sige Mommy, goodnight po!”
“Ay teka! Teka! Kakausapin ko pa pala si Clyde!”
“Ako Mom?”
“May anak pa ba akong Clyde dyan?”
Napakamot ako sa ulo kung gaano ka stupid yung tanong ko.
“Sige na Car at Cha, iwan nyo muna kami ni Clyde.”
“Sige po, bye Mommy!” Nagflying kiss muna sa screen si Ate Carla at Ate Cha, bago lumabas ng sala at nagpunta sa kusina.
Paglabas ng mga ate ko, kinuha ko sa sofa yung earphones ni Ate Cha, plinug ito sa laptop para mas marinig ko sila Mommy. Medyo kinakabahan ako na ewan sa kung anong kailangang sabihin nila Mom sa kin.
“Ano po yun Mom?”
Di sya nagsasalita, nakatingin lang sya sa kin. Pati si Daddy na nilapag na sa sahig si Parker.
“Mom?”
“Gusto lang namin sabihin na proud na proud kami sayo,” sabi ni Mommy.
Huh? Bakit? Eh sa aming magkakapatid nga ako yung may pinakaless ang achievement. Di ako kasing talino ni Ate Cha, di rin naman ako kasing skillful ni Ate Carla. Kahit nga si Seb mas matalino sa kin. Average lang naman akong student, and I’m fine with it. Medyo naguguluhan lang ako sa sinabi ng nanay ko.
“Laging mag-iingat anak ha,” sabi ni Daddy, “Uuwi rin kami soon.”
“Yes Dad, kayo rin po dyan, ingat po kayo.”
“Love you bunso.”
“Love you rin po.”
After nun, tinitigan lang nila akong dalawa sa screen. Nang matagal. Wala lang, nakatitig lang sila sa kin. Kahit magulang ko sila, ang awkward talaga para sa kin ng mga long stares. Di ko sure kung dapat ba kong magsalita o ano.
After mga ilan pang sandali ng pagtitig lang sa kin, binaba na rin nila yung tawag.
Weird.
Pagkababa ng tawag, sinara ko yung laptop ni Ate Cha at dinala ito sa kusina kasama nung earphones nya. Naabutan ko silang kumakain ng salad sa may kitchen counter.
“Wow, healthy living tayo ah,” sabi ko, placing yung laptop ni Ate Cha sa may mesa, nakita kong may nakabukas rin na malaking pack ng chicharon, “Bakit may chicharon?”
“Masarap eh, paki mo ba,” sabi ni Ate Cha na dumakot ng ilang chicharon tas nilagay sa salad nya.
“Edi parang wala rin yang salad nyo, may cholesterol din yang chicharon.”
“Naks, alam nya yung cholesterol,” sabi ni Ate Carla.
I rolled my eyes bago pumunta sa ref para maghanap ng makakain. Nakakita ako ng Greek Yogurt sa may freezer.
“Anong sabi sayo ni Mom and Dad?” tanong ni Ate Cha nung umupo ako sa stool sa tabi nila.
“Wala, kinamusta lang nila ako.”
“Ah okay, akala ko something important.”
“Feeling ko tuloy ako yung paboritong anak kasi ako lang yung may solo na videocall with them.”
“Gaga, assuming, bago ka namin timawag, naka-usap na namin ng solo si Mom amd Dad!” sabi ni Ate Carla, “Tulak kita dyan eh!”
“Wag Car, baka sugurin tayo rito ni Sebastian kapag nasaktan yan!”
Hay nako, nabanggit nanaman si Seb.
Napa “Oh” si Ate Cha, “Anong meron bunso? May problema kayo?”
Bumuntong hininga ako. Napatigil sa pagkain yung dalawa kong ate at napatingin lang sa kin.
“Huy Clyde, anong problema?”
“Di ko nga rin alam eh.”
“Bakit, ano bang nangyari?”
“Ang cold na sa kin ni Seb. Di ko alam kung bakit.”
“Ahh, kaya pala hindi sya kasama nung nagovernight yung mga kaibigan mo rito nung isang gabi! Expected ko pa naman sya nun,” sabi ni Ate Carla, “Bakit? Chika mo kasi ng buo!”
“Pano ichichika ni Clyde ng buo eh sabat ka na sabat dyan!” sabi ni Ate Cha.
“Okay, sige, shh na ko.”
“Ganito kasi,” sinimulan ko na yung pagkwento. Sa kung paano biglang nagbago si Seb last week. Isang gabi lang saya pa naming nagkwekwentuhan tas kinabukasan nung niyaya ko sya mag milktea bigla na lang sya tumahimik. Tas hanggang sa natapos yung finals, nagbakasyon na at lahat, pero ganun pa rin yung pakikitungo nya sa kin.
“Baka naman busy?”
“Gets ko naman yun, kaso hindi naman nya sinasabi sa kin yung pinagkakaabalahan. Puro lang sya, sorry I’m busy ganun, pero di naman sinasabi kung ano, sabi nya lang, sa family kasi.”
“Oh, eh baka may problema sya sa family nya.”
“Siguro nga, eh kaso, kung may problema sila, ako yung pinakaunang nakakaalam. Nagkukuwento sya sa kin lagi eh.”
“Oh, eh anong sabi ng mga tropa nyo?”
“Ayun, may theory sila na baka,” napalunok ako, parang ang weird na manggagaling ito sa bibig ko, “Baka daw may iba.”
“Well, hindi nga naman impossible,” sabi ni Ate Cha, “Kung wala syang maibigay na concrete excuse para sa attitude nya these past few days, most probably may iba na nga sya.”
Hinampas sya sa braso ni Ate Carla, “Gaga ka Ate, paiyak na nga si bunso oh. Di ka nakakatulong.”
“Baliw, ok lang ako.”
“Nako, narinig ko na yan!” sabi ni Ate Carla, “Alam mo, kung ako sayo, nag-uumpisa na kong mag-imbestiga.”
“Imbestiga? Eh para namang wala akong tiwala kay Seb nun.”
“Eh ano gusto mong mangyari? Eh ayaw nga sabihin ng jowa mo yung problema nya. Paano mo malalaman yung totoo kung hindi ka gagawa ng paraan para malaman ito? Ano? Akala mo ba kusang lalapit yung totoo sayo? Ganern?”
Well, may point naman si Ate Carla, kaso ayoko naman mag-come across as walang trust kay Seb. Ayokong magmukhang yung mga jowa sa mga pelikula sa sobrang obsessed sa mga partners nila, hindi ako ganun, alam kong may buhay si Seb, at alam kong hindi lang sa kin umiikot ang buhay nya.
“Clyde, alam ko namang ayaw mong panghimasukan ang privacy ni Seb, kaso its affecting you na eh, you need to do something. Besides, he’s hurting you by his sudden coldness, hindi dapat ganun, wala dapat sakitan,” sabi ni Ate Cha.
Sinubo ko na yung huling laman ng yogurt, “Sige, sabihin nating nag-investigate ako, then nalaman ko yung problema nya, what should I do next?”
“Sabihin mo yung nararamdaman mo! Tell him na you somehow felt hurt dahil nagsikreto sya, ganun.”
“Eh paano kung hindi ko nalaman, nag-investigate ako pero it failed?”
“Then sabihin mo pa rin yung nararamdaman mo!” Ate Carla said exasperatedly, “Alam mo Clyde, sa relasyon kasi hindi lang dapat puro understanding! Dapat may communication din kayo! Com-mu-ni-ca-tion! Number one dapat yan! Boyfriend mo si Seb! May relasyon kayo, wala dapat yung, ‘omg, ayaw ko syang saktan so isesekreto ko na lang to’ o kaya yung ‘Ayoko nang dumagdag sa problema nya so isesekreto ko na lang to’ wala dapat ganun! You’re supposed to be each other’s safe haven!”
“Grabe bunso ah, kami Car ang naiistress sa inyo ni Seb,” sabi ni Ate Cha, “Ayusin nyo yan, kung ano man yang problema nyo.”
“Yes ate,” sabi ko, “Thanks.”
Bumalik na ko sa taas, sa kwarto ko, pondering lahat ng mga sinabi ng mga ate ko sa kin. Tama nga naman, communication ang wala sa min ni Seb, hindi na nga nya sinasabi sa kin yung problema nya, hindi ko pa sinasabi kung gaano ako kabothered sa mga kinikilos nya lately.
Tama na tagu-taguan.
Chinat ko si Seb, sabi ko “Can we talk?” sa araw na ito hindi pa kami nagkaka-usap, bukod sa pagbati namin ng Good Morning sa isa’t-isa. Yung akin may sunrise emoji pa, yung kanya, normal lang na good morning, na maski keyboard smash wala.
Nakailang message pa ako after that, kinakamusta yung araw nya kahapon, kung nagbreakfast na ba sya, kung nakapag work out na ba sya, kung kamusta yung mga aso nya, kaso wala, inboxed-zoned lang ako.
I waited. Di ko sure kung online sya. Di nga nakalagay yung oras na huli syang naging online, alam kong naka-off yung active status nya.
Binuksan ko yung gc ng tropa, dun ko sana sya imemessage, susubukan ko syang imention, kaso nakita ko, last week pa huling nagseen sa gc si Seb. Oo nga pala, nakalimutan nya nga rin yung walwal namin nung isa dahil sa hindi nya pag-check sa gc, so yeah, not a good idea.
Fuck, the silence is killing me. Kapag ganito, na walang ginagawa, minsan tatawagan nya ko, magpapaalam kung pwede bang tumambay dito sa bahay, manunuod lang kami ng movies sa Netflix o kaya manunuod ng mga random meme videos sa youtube.
O minsan, kung hindi sya makakapunta rito, tatawag lang sya sa kin, videocall, and for hours we’ll just stare at each other. Kahit ganun na lang ulit.
Sa bawat araw na lumilipas na hindi na kami tulad ng dati, parang nadudurog yung puso ko.
Kailangan kong malaman yung totoo.
I pulled out Allison’s number mula sa phonebook at tinawagan sya.
“Yes Clyde? What’s up?”
“Allie, I need your help.”
Narinig kong nagshift yung covers ng matress nya, feeling ko napabalikwas sya sa pagkakahiga, “Bakit? What happened? Ayos ka lang ba?”
“Oo, ayos lang ako baliw,” natawa ako ng slight, kahit kelan talaga ang praning ni Allison, “I really need your help on doing something.”
“Sure, whatever it is, I’m down,” sabi nya, “Pero di naman siguro tayo makikilagbugbugan sa mga gangster no?”
“Gago, hindi,” huminga ako ng malalim, “Alam kong sa ating lahat ikaw ang closest kay Seb. And alam ko namang nasa kanya yung loyalty mo-”
“Gaga, pantay lang yung loyalty ko sa inyong dalawa, sadyang mas trip ko lang kumampi sa kanya pag-inaasar ka.”
I rolled my eyes, “So ayun na nga. Di nung isang gabi pinag-usapan natin yung sudden change of behavior ni Seb hanggang ngayon-”
“Gaga, ok na si Seb. Di pa rin ba kayo ok? Nagvideocall nga kami kagabi eh.”
Wait what? Sabi nya after dinner matutulog sya ng maaga? “Wow, sana all nakakausap nya pa via videocall. Kamusta sya.”
“Teka, teka, teka, Clyde, you mean hindi pa rin kayo nag-uusap ng tulad ng dati?”
“Hindi pa nga, he still keeps on ignoring my messages!”
“Pero last night, I saw and I heard, bumalik na sya sa dati.”
Gago ha, nafufrustrate na ko, “What do you mean?”
“He cracks jokes again, malakas na sya tumawa, sobrang daldal nya pa tungkol sa mga bagong indie artists na nadiscover nya sa spotify. He’s very apologetic sa nangyari nung isang gabi, sabi nya next time labas daw tayo ulit.”
“May nabanggit ba sya tungkol sa kin?”
“Wala, pero nabanggit kita sa kanya. Akala ko naman kaya ang lively at ang cheerful na nya ulit, is because nagkabati na kayong dalawa! I asked kung nakapag-usap na kayo.”
“Anong sabi nya?”
“Sabi nya, actually, magka-usap daw kayo in the moment.”
“No. Hindi kami nagkachat kagabi. Nag-chat sya after dinner, sabi nya matutulog daw sya ng maaga.”
“Boii, hindi sya natulog ng maaga, alas-tres na nga kami natigil sa kwentuhan.”
Pero ako yun eh, ako yung kapuyatan nya dati.
“Clyde, now I’m conviced na something’s wromg with Seb. May mga hindi sya sinasabi sa atin.”
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Allison. “Actually, that’s why I called. Gusto kong malaman kung anong nangyayari kay Seb.”
“Sige boi, what shall I do? I’m listening.”
“Can you please make a fake hangout dyan sa bahay mo? Papuntahin mo si Troy, si Alexis, si Audrey, silang lahat, pwera lang sa kin. Then papuntahin mo sya, dont forget to mention na hindi ako makakasama,” sabi ko, “Gusto kong malaman kung iniiwasan nya ba ako.”
“Noted.”
“Then pupunta ako sa kalagitnaan ng hangout nyo. Kapag he started acting weird again, then dun ko na sya icoconfront sa kung anong problema.”
“Noted Clyde,” sagot ni Allison, “Kailan mo to gustong gawin?”
“Bukas.”
Chapter 6: Then
“Hello? Yohanna? Andito na ko sa event’s place. Malapit na magsimula yung ball.”
Narinig ko syang bumuntong hininga sa kabilang linya, no, no, no, don’t say it please, don’t say it please,
“Uhm, Clyde, I’m very sorry.”
Aww, here jt comes, the last thing I want to hear this night.
“Clyde, nagbago yung desisyon ni Mama the last minute eh. Ayaw nya na kong pumayag pumunta dyan.”
“Ganun ba,” I sighed. I wont mask the fact na I’m sl disappointed. Matagal kong hinintay tong gabing ito para sa min dalawa. Akala ko ba naman magiging magical and unforgattable itong gabing ito.
“And one thing pa Clyde,”
narinig kong may pumasok sa loob ng kwarto kung nasan man sya, then narinig ko yung boses ng nanay nya.
“Sino yan? Yan ba yung Clyde?”
narinig kong inagaw ng nanay ni Yohanna yung phone nya mula sa kanya,
“Hello!?”
“He-hello po. Good eveni-”
“Makinig ka, kung ano man ang meron kayo ng anak ko, tigil nyo na. Layuan mo na ang anak ko.”
“Pero hindi pa naman po kami eh.”
“Wala akong pakialam! Ayokong may dumidikit na lalaki sa anak ko!”
I really thought na yung pagsigaw nya ay highly unnecessary, now I know kung bakit ayaw ni Yohanna na lagyan ng label yung relationship namin, ni ayaw nya ngang gawing public ang relasyon namin. Well, kung ganito ba naman kabaliw yung magulang mo ano pa nga ba magagawa mo?
“Naiintindihan mo ba ko!?”
“Opo.”
“Ililipat ko na ng university ang anak ko! Malayo sa mga manyak na tulad mo, alam ko kung ano lang ang gusto mo sa anak ko!”
Now this lady already crossed the line. Parang yung affection na meron ako sa anak bigla nalang napalitan ng inis para sa nanay nya.
“Wag mo na ulit ichachat ang anak ko! Kapag nakita kong kausap mo pa ulit ang anak ko sa kahit anong paraan, ipapakulong talaga kita! Pulis ang asawa ko wag mo kong hinahamon! Subukan nyo lang magkaron ng sikretong relasyon, sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan! Kaya komg gumawa ng kwento para-”
Binaba ko na yung tawag bago pa ko may masabing hindi maganda.
Badtrip yan. Ang ganda-ganda pa naman ng gabi ko. Nangati bigla yung ulo ko, ang sarap kamutin kaso sayang yung ayos ng buhok ko, ilang minuto ko rin inayos yan sa bahay.
I sighed. What a waste of a wonderful night.
Naglakad na ko pabalik sa event’s place kung san ginaganap yung Freshman Ball. Magpaparty na lang ako kasama ang tropa kesa isipin yung nanay ni Yohanna.
Pagpasok ko sa loob, halos puno na yung banquet hall, halos lahat na ng mga ilaw nakabukas, lalo na yung sa may stage na meron pang LED screen na nagpe-play ng lahat ng mga naging activities namin throughout the sem. Everyone is chatting with their friends, with their dates, having a great time.
Nice, sana all.
“Oh? Asan si Yohanna?” tanong ni Allison pagkabalik ko sa table namin na nasa pinakadulo ng banquet hall. Pinili namin sa dulo pumwesto para hindi mapansin yung dala naming gin na inisponsor ni Seb.
Umupo ako sa upuan ko, hinila ko palapit sa kin yung upuan na para sana kay Yohanna at pinatong yung paa ko rito. Damn, I’m pissed, sa sobrang pagka-pissed off ko, nararamdaman ko yung ulo ko na nagto-throb sa inis.
Natigil sa pagkwekwentuhan yung tropa, napatingin lang sila sa kin, “Anong problema pre?” tanong ni Troy.
“Tumawag sa kin si Yohanna,” shit, lalong sumasakit yung ulo kapag inaalala yung naging usapan namin kanina, “Nagbago yung isip ng nanay nya, biglang hindi na sya pinayagan.”
“Ow shit,” sabi ni Alexis.
“Pero di pa yung ang pinaka nakakabadtrip na part mga dude pare tsong ha,” binuksan ko yng pinakataas ng button nung polo kasi pinagpapawisan na ko sa inis, “Habang magkatawagan kami, sumingit yung nanay nya, sabi, wag ko na raw lapitan si Yohanna, ayaw nya raw na may mga “manyak” na umaaligid sa anak nya!“
“What the fuck?”
“I know right? Ni hindi ko nga pinagjajakulan yun eh,” di ko napansin na may mga babae pala kaming kasama, “Sorry, sorry, very ungentleman of me,” sabi ko kay Audrey at Allison.
“No worries,” sabi ni Audrey, “Pero sobrang messed up ha.”
“Nako, sinabi mo pa, pinagbantaan pa nga ako eh! Sabi, kapag nagkaron daw kami ng sikretong relasyon ipapakulong nya raw ako sa asawa nyang pulis!” sabi ko, “Kingina, akala nya hindi ko alam na Electrician yung tatay ni Yohanna.”
“Nakakabadtrip yung mga ganyang magulang,” sabi ni Troy habang tinatapik ako sa likod, “Eh pano na kayo ni Yohanna nyan?”
“Sabi ng nanay nya ililipat na raw nya ng university yung anak nya. Well, mukhang yun na yung katapusan ng relasyon namin,” relasyon na alam ko na kung bakit hindi makapagsimula.
“Hindi mo na hahabulin si Yohanna?”
“Hindi na, all of the affection na meron ako sa kanya parang napalitan ng galit sa nanay nya,” sagot ko sa tanong ni Troy, “Besides, ayokong makulong. Kahit sabihin nating OA lang yung nanay ni Yohanna, pag ganun kabaliw for sure makukuha nun gusto nun.”
“Bayaan mo na yung bess,” sabi ni Allison, “Basta, i-enjoy mo na lang yung gabi.”
“Oo nga! Meron naman tayo nito oh!” Nilabas ni Troy mula sa bag nya yung isang bote ng gin na mabilis binalik ni Allison sa bag.
“Bobo ka ba? Tanga, baka may makakita nyan!” may kasama pa tong hampas sa braso nya.
“Pre, baka gusto mo si Allison na lang partner mo, yoko na rito, nananakit eh.”
“Utot mo pre, mahal ng binayad namin kay Allison para lang pumayag na maging partner mo eh.”
“Gago! Bakit may bayaran pang nangyari?”
Binato sya ng tissue ni Allison, “Bobo naman, uto-uto.”
Tinapik ako sa likod ni Alexis, “Basta pre, mag-enjoy ka na lang. Wala ka mang partner ngayon, kaming bahala sayo.”
Tama si Alexis, dapat mag-enjoy ako ngayong gabi.
Saka ko lang napansin na wala sa table namin si Seb.
“Guys, asan nga pala si Seb?”
“Yung gummybear mo? Nasa may entrance rin, hinihintay si Farrah. Hindi pa kayo nagkita?”
“Hindi pa eh. Baka sa kabilang entrance sya nag-iintay.
“Pakitawag na nga Clyde,” sabi ni Allison, “Sabihin mo punta na tayo sa photobooth, baka humaba na yung pila mamaya eh.”
“Sige.”
Tumayo ako and I made way palabas ng banquet hall. Dahil hindi ko naman sya nakita sa entrance kung san ako naghihintay kanina, try kong sumilip sa kabilang entrance. Sa hallway na papunta sa isa pang entrance, nakita ko agad si Seb. Sabi nya kasi kahapon yung blue coat nya yung gagamitin nya eh.
Nakasandal sya sa poste sa may entrance, sa may hagdan, iniisa-isa yung mga kotseng dumadating sa parking lot.
“Gummybear,” nilagay ko sa balikat nya yung kamay ko at umakbay sa kanya, “Maya ka na maghintay, magpapicture daw muna tayo sa loob.”
“Wait lang Gummybear, nakita ko yung IG story ni Farrah, nasa sasakyan na sya papunta.”
“Ba’t hindi mo i-chat? O kaya text, diba may number naman sya sayo?”
“Yung nga eh. Di naman sya nagtetext sa kin. Kinausap nya lang ako sa messenger once para itanong kung taga san ako at kung pwede ko daw ba syang sunduin.”
“Ano sabi mo?”
“Sabi ko kaya naman, kaso motor lang ang meron ako,” bumuntong-hininga sya, “Kaso sabi nya baka magulo raw yung buhok nya sa helmet.”
“Ah ganun ba, uhm, sige, sabihin ko kanila Allison na mamaya na lang tayo magpapicture sa photobooth,” tinapik ko sya balikat at saka naglakad papasok sa loob.
“Teka, Gummybear, saglit.”
Napalingon ako sa kanya.
“Wag ka muna pumasok. Samahan mo muna ako rito,” sabi nya, “Ay kaso baka naghihintay na yung date mo sa loob, sige oks lang,” humarap na ulit sya sa parking lot.
Tumabi ulit ako sa kanya, “Uhm, actually, hindi na pupunta yung partner ko eh,” nilagay ko sa bulsa ng slacks ko yung mga kamay ko at nilibot rin ng tingin ang parking lot na halos mapupuno na.
Napatingin sya sa kin, “Huh? Di na pupunta si Yohanna?”
Napakamot ako sa ulo nang maalala ko nanaman yung nanay nya. Naupo ako sa gilid ng hagdan, para hindi makaharang sa mga papunta sa loob. Tumabi naman sa kin si Seb.
Kinuwento ko sa kanya yung naging tawag namin ni Yohanna, kung pano ako kinausap ng nanay nya, at kung paano nya ko pinagbantaan na ipapakulong raw ako kapag hindi ko pa nilayuan si Yohanna simula sa gabing ito.
“Ang messed up naman nun,” sabi nya while giving a wtf look.
“Gago, yan din sabi nila sa kin sa loob.”
“Sa pano ka na nyan?”
“Edi magpaparty na lang ako ng walang partner. Hashtag single,” pinag-x ko yung index at middle finger ng dalawa kong kamay para makabuo ng hashtag.
Natawabng slight dun si Seb, “I mean, pano na kayo ni Yohanna? Diba M.U. kayo?”
“Hmm. Since lilipat na sya ng school, o baka seminaryo di natin alam ayaw ng nanay nya sa mga manyak eh, wala na ring sense kung ipagpapatuloy namin yung meron kami. Besides, wala naman kaming label eh.”
“What about love? Di mo ba ipaglalaban yung pagmamahalan nyo?”
“To be honest hindi ko alam, yamot na yamot pa rin ako sa nanay nya eh,” sabi ko. Kumakati nanaman yung ulo ko sa inis, I cant believe na 2020 na meron pa ring mga magulang na ganun ka-entitled at paranoid.
Natahimik na kami after that. Sabay naming pinagmasdan yung mga sasakyan na pumapasok sa parking lot at pilit naghahanap ng space para magparking. Tumingala ako sa taas, walang kaulap-ulap yung langit, just the moon, and mga di mabilang na bituin.
Ang romantic. Mas maeenjoy ko to kung may kasama.
“Alam mo Gummybear. Sa totoo lang hindi na ko nag-eexpect si Farrah na makipagpartner sa kin.”
“Huh?”
“I mean, di na ko magugulat kung pupunta sya rito na may ibang ka-date. Feeling ko hindi nya talaga sineryoso yung pagyaya ko sa kanya.”
Umakbay ulit ako sa kanya at hinila sya palapit sa kin, “Wag ka ngang nega Gummybear, malay mo, hindi alam ni Farrah kung paano ka kakausapin kasi hindi naman talaga kayo close? O kaya baka nahihiya lang sayo?”
Wala atang nagawa yung sinabi ko sa nararamdaman nya, “I doubt it. Feeling ko, no, its not a feeling, I’m very certain ns ayaw nya talaga akong kapartner. Sana pala di ko na lang sya niyaya,” sabi nya sabay tingin sa baba.
“Sorry, sana pala di na lang namin pinilit na yayain sa Farrah,” somehow naguguilty ako. Hindi magiging ganito kalungkot ngayong gabi si Seb kung hindi ako nagbida-bida na yayain si Farrah para sa kanya. Edi sana nakapaghanap pa si Seb ng ibang ka-date, hindi yung masyado syang invested kay Farrah, “Sorry.”
Nasa huli nga naman talaga yung pagsisisi.
“No, dont be sorry. Grabe, sobrang grateful ako na niyaya mo si Farrah for me. Sobrang naappreciate ko yung Gummybear. Thank you.”
“Walang anuman Gummybear.”
Never pang naging ganito kalapit yung mukha namin sa isa’t-iss, pero hindi ko alam kung bakit hindi kami naiilang, na parang normal lang na maging ganito yung mukha namin sa isa’t-isa. Nakatingin lang kami sa mata ng isa’t-isa.
“Wait, silipin ko lang yung IG story ni Farrah,” it was Seb who broke the stare, sumilip sya sa phone nya, nagbukas ng Instagram at nakita kong si Farrah yung unang-una sa hilera ng mgs may bagong IG story.
I looked away. Gusto ko namang bigyan ng privacy si Seb.
“Gummybear, tignan mo.”
Tumingin ako sa phone nya. Picture ng isang varsity player na nasa driver’s seat ng isang kotse.
“Si ano yan ah,” nakita ko na yung guy na to nung sumilip ako once sa laban ng varisty namim laban sa kabilang university, “Nakalimutan ko yung pangalan.”
“Tignan mo yung caption.”
Binasa ko yung caption, “Ang pogi naman ng partner ko #FreshmanBall2020”
Binalik ni Seb yung phone nya sa bulsa ng coat nya, “Well, pano ba yan Seb, napaasa ka nanaman,” bulong nya sa sarili.
Nabalot nsnaman kami sa katahimikan.
Bigla kaming nakarinig ng palakpakan sa loob ng event’s place na sinundan ng malakas na music. Nagsisimula na yung party sa loob. We’re supposed to have fun, kaso eto kami, sa labas, walang mga partner.
“Looks like hindi umaayon sa tin yung universe ngayong gabi Gummybear,” sabi ko.
Bigla akong nagka-idea.
“I know this is weird, pero since pareho tayong walang partner ngayon, would like to be my partner?”
Napatingin sya sa kin.
Bigla akong nahiya sa sinabi ko, “Uhm, wala. lang, baka lang gusto mo. K-kasi naman, ano eh, uhm, ayoko naman kasing masira yung gabing ito para sa ting dalawa kaya ayun.”
Nakatingin lang sya sa kin, pero yung kind ng tingin na hindi mo alam kung anong ibig sabihin
For a split second akala ko friendship over na kami, kaso bigla syang tumawa.
“Yayain mo naman ako formally,” sabi nya sabay smirk.
Tumayo ako, humarap sa kanya, at lumuhod sa hagdan, “Gummybear, will you be my partner for tonight?”
“Oo naman Gummybear!”
Suddenly, biglang gumaan yung loob ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pag-ngiti.
“Halika na, pasok na tayo,” sabi ni Seb ssbay tayo, “Tama na yung paghihintay sa mga taong hindi worth hintayin.”
Pagpasok namin sa loob, nagulat kami kasi nasa hallway lahat ng tao, nakapila sila at by partner pumapasok sa banquet hall para magpapicture sa photobooth, tas parang may red carpet entrance pa. Agad naming hinanap sila Allison na nakita namin sa may dulo pa ng pila.
“So anuna? Ano na nangyari sa inyong dalawa?” tinarayan agad kami ni Allison paglapit pa lang namin sa kanila, “Sige ha, kapag tayo talaga nasaraduhan ng photobooth mamaya tignan nyo, pagbubuhulin namin kayo mamaya.”
“Teka pre,” sabi ni Troy kay Seb, “Asan si Farrah?”
Nag-grin lang si Seb, “Ayun, pinaasa ako.”
“Awit naman yun Sir!” sabi ni Alexis.
“Forget Farrah,” biglang hinawakan ni Seb yung kamay ko at itinaas ang magkahawak naming mga kamay, “Andito naman si Clyde. Sya na lang partner. Di ba Gummybear?”
“Yieeee! Gummybear forever!”
Napatingin sa min yung iba pang mga nasa pila. Bigla akong naconscious. Kaso nung pinisil-pisil ni Seb yung kamay ko, nawalan na ko ng paki sa kanila. Wala namang nakasulat na bawal ang lalaki sa lalaki na mag-partner eh, tsaka, wala namang malisya to eh, we’re bros.
Nagkasundo ang tropa na hinding-hindi namin pag-uusapan ngayon gabi yung nanay ni Yohanna at si Farrah. Andito kami ngayon to have the best night of our freshman year, and we’re going to make the most out of it!
“Teka, teka,” sabi nung photogpraher nung kami na ni Seb yung nasa photobooth, “Kayo yung magkapartner?”
“Yep,” sabay naming sabi ni Seb.
“Ok,” narealize siguro nung photographer na wala syang pakialam, and that we’re bros, and bros support each other when they’re down.
Pagtapos ng pagkahaba-habang entourage, nakapagsettle down na rin kami sa table namin. Nag-umpisa na yung program, opening prayer, opening message, mga special number, kaso hindi na namin yung pinansin, busy na kami sa kwentuhan at sa pasimpleng shot ng gin na dala ni Troy.
“So Freshmen, the dance floor is now open! You can now bring your partner to dance!” sabi bigla nung host.
“Halika Gummybear, sayaw tayo,” sabi ni Seb na medyo tipsy na.
Medyo malakas ang alcohol tolerance ko kaya di ko pa nararamdaman yung epekto ng mga ininom ko, “Ha? Eh di naman ako sumasayaw eh.”
Pagtingin ko sa dance floor, halos lahat na ng students andun, bilang na lang sa daliri yung mga naka-upo sa mga tables nila.
“Halika guys! Sayaw tayo!” Tumayo na sila Alexis at Audrey, pati si Allison at Troy, hinila pa ko patayo ni Allison, “Pabebe amputa, tumayo ka dyan!”
“I don’t dance!”
Naiwan na lang kaming dalawa ni Seb sa table.
Maya-maya lang, tumugtog ang Centuries by Fall Out Boy.
“Yow! Tara! Sayaw tayo, its a Fall Out Boy song!” tumayo si Seb at pilit akong hinila patayo.
“Pero-”
“Clyde, you don’t have to dance, you just have to move!”
Hinayaan ko na lang yung sarili ko na hilahin nya papunta sa dance floor.
“Students! Since everyone is in the dance floor na, magkakaron tayo ng surprise dance showdown!” sabi ni Host na sinundan ng cheers from the students. Bumilog kami at nag-iwan ng malaking space sa gitna para sa mga gustong magsayaw.
“Seb! Sayaw!” tinulak ni Allison si Seb papasok sa bilog, kaso biglang bumalik si Seb.
“Gago, di ako prepared!”
“Tanga ka ba? Freestyle yan, kailangan ba prepared ka sa freestyle!?”
“Sige na nga,” humarap sya sa kin, “Sayaw lang ako gummybear.”
“Galingan mo gummybear!”
Pagtapos nung huling nagsasayaw, pumasok sya sa gitna ng bilog at nag-umpisang magsayaw.
Suddenly everything changed.
Alam nyo yung sa mga movies, yung bigla na lang magso-slow motion ang lahat. Yun ang naramdaman ko nung nag-umpisa nang sumayaw si Seb. Parang lahat ng mga ilaw nakatapat sa kanya, yung ingay ng paligid biglang naging muffled, at wala na kong ibang naririnig kundi yung music at yung pangalan nyang sinisigaw ng mga kaklase namin.
Wala na bang mas imamagical ang gabing ito?
Chapter 7: Now
“Guys, maraming-maraming salamat talaga sa pagtulong nyo sa kin ngayon.”
“Walang anuman Clyde, basta palaro kami ng XBox mamaya ah,” sabi ni Troy na hawak na agad yung xbox controllers. Siniko sya ni Allison.
“Oo naman. Maglalaro tayo after.”
“Yown!” Nag-apir si Alexis at Troy.
Inawat sila ni Allison sa pagcecelebrate, “So ano na yung plano natin Clyde?”
“Ganito,” kinuha ko yung malaking beanbag mula sa sulok at nilagay ito sa gitna ng sala para nakaharap ako sa kanila habang kinakausap sila.
Napakamot sa ulo si Troy, “Teka, teka, para san nga pala ulit ito?”
“Manahimik na!” angil ni Allison, “Ayan na oh, magpapaliwanag na si Clyde!” sabi nya sabay hampas ng throwpillow kay Troy.
“Aray! Kailangan manakit!”
“Shh!!”
Tinitigan ko sila isa-isa, si Allison, Troy, Alexis, at Audrey, nakalimutan kong kay Allison ko pa lang pala nasasabi kung bakit ko sila kailangan at kung bakit ko sila pinapunta sa bahay.
“Ganito kasi guys, uhm, di ba nung sabado, kumaim tayo dun sa Japanese Restaurant. May napansin ba kayong kakaiba kay Seb?”
“Tahimik sya,” sabi ni Alexis, “Tas hindi nakikipaglokohan sa tin. Akala nga namin nag-away kayo bago kayo pumunta kaya di na lang namin pinansin.”
“Yun nga din sabi sa kin ni Allison. Kaso guys, hindi kami nag-away nun, and maski ako, I have no idea kung bakit ang tahimik ni Seb nun.”
“Kelan pa sya naging ganun? Nung araw lang ba na yun?” tanong ni Audrey.
“Hindi eh,” inulit ko yung kinuwento ko kay Allison, na nagsimula ito nung finals, na one night masaya pa kaming magkatawagan, sabay na naghahapit ng requirements, then kinabukasan, bigla na lang syang naging matamlay at tahimik, na akala ko dala lang ng stress at pressure.
“Pero isang linggo na after matapos yung classes, bakit ganun pa rin sya?” tanong ulit ni Audrey.
“Yun nga, and the weirder thing is,” nagsalita na si Allison, “Nung isang-isang gabi, magkavideocall kami ni Seb. Kaming dalawa lang, and mukha namang walang mali sa kanya, maingay, tawa ng tawa, yung normal na si Seb.”
“Tinanong mo ba sa kanya kung bakit ang cold nya nung sabado?” tanong ni Troy kay Allison.
“Not exactly. Of course sasabihin ni Seb okay lang sya, alam nyo naman yun. Di ba akala natin nung sabado may problema sila? Tinanong ko si Seb kung okay na ba sila ni Clyde. Ang sabi nya, oo daw, and actually, magkausap sila ni Clyde at the moment, pero-”
Ako na yung tumapos sa sasabihin ni Allison, “Pero that night, ang tanging message nya lang sakin ay goodnight, at kailangan na nyang matulog after dinner.”
“Pero hanggang alas-tres kami nung magkatawagan ni Seb.”
“Ang weird nga,” sabi ni Alexis, “Bakit nya sinabi yun kay Allie kung hindi pa pala kayo bati?”
“Exactly! Ba’t kailangan nyang magsinungaling kay Clyde!” sabi ni Allison.
“Kaya ko kayo pinapunta rito ngayon, magpapatulong akong mag-investigate. Gusto kong malaman kung anong meron sa kanya, kung ano ang nangyari sa dating Seb na kilala natin.”
“Wait, siguro naman pre wala kang Capgras Delusion no?” tanong ni Troy, “Just kidding bro.”
Naalala ko yung nag-overnight sila dito ni Allison, nung nanood kami ng Goodnight Mommy at nung pinag-usapan namin ang Capgras Delusion.
Pero impossible naman yun, di lang naman ako yung nakakaexperience ng pagbabago kay Seb ah, pati sila rin nakita nila yung difference.
Baka may Capgras Delusion kaming lahat?
“Anyways,” I dont want to dwell on the thought, kaya nga kami nandito is because we want to investigate, “Eto yung plano.”
“Pupunta kayo sa bahay ni Allison, and kunyari may biglaang pagtambay. Tawagan nyo si Seb, yayain nyo, then sabihin nyo, hindi ako makakasama kasi may inaasikaso ako. In that way, malalaman natin kung iniiwasan ba ako ni Seb.”
“So paano pagpumunta si Seb?”
“Chill lang kayo dun for a couple of minutes, kain kayo, nood kayo ng movie, kahit ano, pero make sure na itetext nyo ko na andun na si Seb. Then pupunta ako. Kapag nagbago nanaman si Seb, it truly means may problema sya sa kin.”
“Ok, ok, noted.”
“Pero paano pag hindi pumunta si Seb?”
“Edi balik kayo rito, maglalaro tayo ng XBox.”
“Yoown!!”
“Pero guys, linawin ko lang ha, ginagawa ko to hindi dahil sa nagpapaka-selfish ako, alam ko namang hindi lang sa kin umiikot yung mundo ni Seb, pero malakas kasi ang pakiramdam ko na may problema syang hindi sinasabi sa tin. Gusto ko sya ng tulungan kung ano man yun.”
“We understand,” sabi ni Allison, “Gusto rin naming bumalik na kayo ni Seb sa dati, diba?”
“Yep,” sabi nung iba.
“So sino yung pwede kong kausapin para bigyan ako ng updates?”
“Ako na,” sabi ni Audrey.
“Hindi babe, ako na,” alok ni Alexis.
“Hind, ako na babe, kayo ni Troy ang bahala dumaldal kay Seb, si Allison sa accommodation, ako na bahala sa communication with Clyde.”
“Perfect,” sabi ko, “Maraming maraming salamat talaga guys.”
“Walang anuman, Clyde.”
After naming mag-usap, nag book na sila ng Grab papunta sa bahay nila Allison. Pag-alis nila, I tried checking Seb’s messenger kung online na ba sya. As always, inboxed zoned lang yung messages ko sa kanya.
Sinubukan ko syang tawagan. He picked up makailan ang ilang ring.
“Gummybear?”
“Yes?”
“Tinawagan ako nila Allison, nagyayaya sa bahay nila tumambay.”
“Ganun ba? Sorry, busy kasi ako ngayon eh.”
“Hala, ineexpect ka pa naman nila Allison, sabi mo daw sa kanya babawi ka.”
“Pakisabi na lang di ako makakasama.”
“Di rin ako makakasama actually, magpupuntahan kami nila Ate Cha. Ok lang naman siguro na wala tayo.”
“Hindi ka makakapunta?”
“Hindi eh, naka-oo na ko kay Ate Cha nasasamahan ko sya.”
“Ganun ba, sige, ingat ka.”
“Ingat ka rin Gummybear, miss you.”
“Miss you too. “
“I love you, bye!”
“Bye.”
Mukhang dapat masanay na ko na walang “I love you too” back.
Pagkababa ng tawag, tinawagan ko naman si Allison, sinabi kong tinawagan ko na si Seb, niyaya ko sya and sinabi kong hindi ako makakapunta. Oras na para sya naman ang tumawag at magyaya kay Seb.
Habang hinihintay ang magiging response ni Seb, naupo lang ako sa may sala, overthinking all the possible outcomes ng gagawin namin ngayon. What if hindi pumunta si Seb? Kailangan ko pang mag-isip ng iba pang paraan para lang malaman kung anong problema nya. Hindi ko alam kung hanggang kelan pa sya magiging ganyan pero nasasaktan na ko eh sa biglang pagbabago nya.
Eh pano naman kung dumating sya? Di ko lang alam kung mapipigilan ko yung sarili kong i-confront sya sa kung ano ba talaga yung nangyayari. Mag-aaway kaya kami mamaya? Aamin kaya sya? May iba na kaya sya? Di na nya ba ko mahal? Naghahanap na lang ba sya ng paraan para maghiwalay kami?
Brace yourself for the worst na lang siguro Clyde.
Dumating na yung hinihintaybkong phone call mula kay Allison.
“Hello?”
“Clyde, pupunta daw si Seb. “
Chapter 8: Then
“Oh ano? San tayo pagtapos nito?” tanong ko sa mga kaibigan ko habang nagsasalita yung Dean namin para sa closing remarks.
“Gago, lakas mo magyaya eh di ka naman pwedeng uminom ng marami,” sabi ni Allison habang hinahalo sa juice nya yung natitirang gin sa ilalim ng mesa.
“Edi iba na lang mag-drive,” kinuha ko yung car keys sa bulsa ng coat ko at pinakita sa kanila, “Sino gusto mag-drive?”
Grabe, nangangati na kasi talaga yung lalamunan ko, hindi sapat sa kin yung pa-onti-onting gin eh, nasa mood akong magpakawasak ngayon eh, “Kingina guys, alak na alak na ko.”
“Gago wag na nga sabi! Kulit nito!” angil ni Allison, “Pano kung mabangga tayo! Baka kami pa sisihin ng mga magulang mong heart surgeons!”
“Luh? Anong kinalaman ng mgs magulang ko rito?”
Tinapik ako sa balikat ng pupungay-pungay na na si Troy, “Pre, concerned lang naman kami sa kotse mo, di ka ba nanghihinayang, Cadillac pa yung tatak, gago mahal yan dito!”
“Edi sa bahay na lang tayo uminom! Magpapaalam na ko kanila Ate,” binalik ko yung car keys at yung phone ko naman yung nilabas ko, “Sino game?”
Tumingin ako kay Troy, buddies kami nito sa inuman eh, “Pre, ano?”
“Sorry pre, gusto ko sana kaso may pasok ako bukas dun sa pinag-papart-time ko eh.”
“Wow sipag naman, sige next time na lang,” tumingin ako sa iba, “Kayo guys?”
Tumingin ako bagong mag-jowa, kay Alexis at Audrey. Gagi, sobrang nakakakilig sila kanina tangina, nung last dance, tinanong ni Alexis si Audrey kung pwede bang maging sila, tas um-oo si Audrey. Di na ko magugulat kung may plano tong dalawang to, “Kayo?”
“Pass muna Pre, kailangan kong i-uwi si Audrey eh.”
“Wews, baka mamaya sa inyo mo iuwi yan ah!”
“Hoy grabe! 1 kasi yung curfew ko eh,” sabi ni Audrey.
“Hala ako rin pala Clyde,” sabat ni Allison.
“May hahatid ka rin?”
“Tanga! May curfew din ako, ala-una!”
“Luh? Maniwala? Ikaw may curfew? Eh kung kani-kanino ka na nga nakiki-overnight!”
“Eh di ko alam sa mga magulang ko eh, akala ata nila nasa Amerika tayo nagpagtapos ng prom may kangkangang nagaganap! Pinapauwi nila ako ng ala-una.”
“Edi magpaalam ka na mag-oovernight, duh?”
“Duh!? Edi ba nagalit nga yung mudra ko nung natulog ako kanila Seb! Pinaulit-ulit ko pang sinabi na kayo kasama ko myghad!”
“So after nito uuwi na kayong lahat?” si Seb pa pala di ko natatanong, “Ikaw Seb- ay, Gummybear pala.”
“Sige G ako. Wala naman akong gagawin bukas eh.”
“Belat! Magwawalwal kami ni Seb! Di kayo kasama!”
“Gago Clyde ha, baka kayo may gawin ni Seb nyan,” asar ni Alexis.
Binato sya ni Clyde ng mani, “Gago.”
“Para kasing mga tanga, nang-iiwan eh.”
“Tanga, edi sana maaga pa lang nagplano na kung san ba tayo pupunta after,” sabi ni Allison, yan kasi puro partner ang iniisip!“
“Maganda kasi yung biglaan, the best kapag hindi pinag-uusapan,” sabi ni Seb na syang umubos nung juice ni Allison na may halong gin, “Para walang drawing.”
Inirapan sya ni Allison, “Walang drawing? Eh kita mo ngayon wala namang pwede.”
“Edi kami na nga lang ni Clyde.”
Natawa bigla si Troy, gagi, tipsy na tipsy na sya, “Gagi, Clyde, baka mabuntis ka ni Seb nyan ah.”
“Baliw, ako bubuntis dyan,” tumingin ako kay Seb sabay kindat, natawa naman sya. Napansin kong namumula na yung pisngi nys tsaka mapungay na yung mga mata, may tama na rin ang gago.
Sa wakas natapos na rin yung program. Buti na lang talaga nasa dulo kami, kaya kami yung mga naunang nakalabas.
“So, sino unang bahay na dadaanan natin?”
“Sa akin pre,” sagot ni Troy.
Hinampas sya sa braso ni Allison, “Hoy, umayos ka nga, baka makita ka ng mga prof natin, baka mapansing lasing ka!”
Biglang umayos ng paglalakad si Troy, pero halatanh nahihilo-hilo na sya.
“Pagtapos ni Troy sino na?”
“Si Audrey,” sabi ni Alexis, “Tas kabilang street lang yung akin.”
“Ok, tapos si Allison, then si Seb, ok.”
Pagdating namin sa parking lot, buti naman walang mga random na motor na nakapark sa kotse ko. Pet peeve ko talaga yun, yung kailangan ko pang hintayin yung mga may ari ng motor bago pa ko makaalis. Buti naman this time wala.
“Clyde! Clyde! dun na lang ako sa compartment!” sabi ni Troy.
“Sigurado ka?” tsaka ko lang napansin na anim na nga pala kami, eh five-seater lang yung kotse ko, “Ay okay sige, baka magsiksikan kayo nyan sa backseat.” Pumunta ako sa likod at binuksan yung compartment para kay Troy.
Pinagbuksan ko ng passenger seat si Allison, dun kasi pwesto nya lagi tuwing gumagala kami, “Sakay na Allie.”
“Sa backseat na ko, si Seb na dyan, sya partner mo diba?”
“Baliw, tapos na yung ball.”
Binuksan na nya yung backseat at sumakay na, “Bahala ka dyan, pinakilig nyo ko tonight, panindigan nyo yan.”
Tinawanan lang namin sya ni Seb.
Tumabi sa backseat kay Allison si Alexis at Audrey, at sa passenger seat nga umupo si Seb, “Gago, Troy, ayos ka lang dyan!?”
“Oo! Ayos lang ako!” Medyo maluwag naman sa compartment kaya hindi nyang masisiksik si Troy, “Clyde ba’t may condom rito!?”
“Tangina mo, di pa ko gumagamit ng condom.”
“Gusto nya daw kasi bare!” sabi bigla ni Alexis na nagpatawa saming lahat, “Oh ayan Seb, alam mo na yung gusto ni Clyde.”
“Hoy, gago kayo, safe sex dapat,” pinagtutulungan nanaman ako ng mga gago.
Nung natahimik kami kakatawa, biglang nagsalita si Seb, “Sige sagot ko na yung condom.”
“Alam nyo, maging kayo na nga lang!” sabi ni Allison
“Oo sis,” sang-ayon ni Audrey, “Cute nila together.”
“True ka dyan sis! Isasantabi ko talaga pagiging tibo ko pag naging si Clyde at Seb.”
“Hoy! Sabi mo yan ah,” tumingin ako kay Seb, “Halika Seb, tayo na lang.”
“Arat, gusto kong makita si Allison na nakadress.”
“Hoy! As if naman no! Tignan mo nga ngayon oh, hindi talaga ako napilit ng parents ko mag-gown!” sagot ni Allison, “Alam nyo, tara na, quarter to one na!”
Una naming nadaanan yung bahay ni Troy. Nagpark kami sa tapat nung apartment complex na tinutuluyan ni Troy. Sa pagkakaalam ko sa tita nya to eh, pinapatira sya isa sa mga kwarto ng libre para di na nya kailangan mag-commute pa. Masaya tumambay rito kaso bawal lang mag-inom kasi strikto yung tita nya.
“Troy? Andito na tayo,” sabi ko. Sinilip ko yung mga nasa likod, tulog na agad silang lahat.
“Tulog na ata,” sabi ni Seb.
“Tara gisingin natin.”
Bumaba kami at binuksan yung compartment.
“Pre, pre,” inalog-alog namin sya hanggang sa magising, “Andito na tayo sa inyo.” Tinulungan namin syang tumayo at lumabas ng compartment.
“Ay oo nga. Salamat Clyde.”
“Walang anuman. Next time ha!”
“Oo sige, next time! Ingat kayo!”
Sunod naman naming hinatid si Audrey at Alexis. Muntik pa nga kaming maligaw sa kakahanap ng bahay ni Audrey, ayaw na kasi namin gisingin pa sya eh, pero buti na lang naalala ni Seb yung directions na galing kay Alexis.
Pagdating naman namin sa bahay nila Alexis, nakita namin yung mga magulang nya na nag-aabang sa labas ng bahay nila.
“Gago, ano ka pre dalaga?” sabi ko.
“Shut up. At least ako may magulang,” tinapik nya ko sa balikat, “Thanks pre, ingat kayo. Bye Seb.”
“Bye Alex.”
Huli naming hinatid si Allison. Kinailangan pa namin syang ihatid hanggang sa pinto nila, bilang patunay na kami yung kasama nya, since kami yung magic word sa tuwing may ipapaalam sya.
“So ano? San tayo?” tanong ko habang palabas sa village nila Allison.
“Actually, nagugutom ako eh,” sagot ni Seb.
“Ako rin, nakakabitin yung pagkain kanina badtrip. San mo gusto kumain?”
“Nagke-crave ako sa inihaw eh.”
“Ay! May alam akong restobar sa may bundok! Gagi, sobrang sarap nung inihaw nila don, tas yung view grabe, sobrang ganda, kita mo hanggang Manila!”
“Sige dun tayo. Sayang di pwede yung tropa no?”
“Kaya nga eh, mas masaya sana kung kumpleto tayo.”
“Malayo ba yun?”
“Medyo,” sabi ko, “Bakit? May curfew ka rin ba?”
“Hindi naman, concerned lang ako, baka mahirapan ka nyan mag-drive pauwi eh.”
“Hindi naman ako iinom masyado eh, ikaw ba? Gusto mo ba yung pangmalakasan? Bili na lang tayo sa 7 eleven sa tas sa bahay tayo, dun ka na lang din matulog.”
“Di sige ok lang, gusto kong matry dun sa sinasabi mong kainan eh.”
“The best tañaga dun Gummybear. Actually, last week ko nga lang din nadiscover yung kainan na yun, kumain kami dun kasama ng mga ate ko.”
We spent the rest of the drive in silence. Medyo binagalan ko na yung takbo ko, since pataas yung daan, tas medyo nakainom pa ko, mabuti na yung maingat.
Pagdating sa restobar na sinasabi ko, medyo natuwa ako kasi wala masyadong tao, hindi mahirap humanap ng pwesto, unlike nung una kaming pumunta nila ate rito. Nakahanap agad ako ng parking space sa ilalim ng malaking puno na sobrang daming nakasabit na lightbulbs.
“Gummybear, andito na tayo,” pinatay ko na yung engine, nanalamin sa rearview mirror at inayos yung buhok ko, “Lika na.”
Pagtingin ko sa kanya, tulog na pala sya. Gigisingin ko na sana sya kaso napatitig ako sa mukha nya. Ang amo talaga ng mukha nya, mas lalo pang umamo kapag natutulog sya. Kung wala nga lang yung peklat sa may kilay nya na mula sa skateboarding accident, iisipin mong napaka-inosente nitong si Seb.
Siguro kung naging babae ako, baka naging crush ko na tong si Seb.
Gagi ka Clyde, lasing ka na nga, kung ano-ano na naiisip mo.
“Gummybear,” inalog-ako ko sya, “Andito na tayo,” hinubad ko yung coat ko, magpo-polo na lang ako, baka mamaya mausukan eh, mag-amoy barbeque.
Pagising nya, nasilaw sya sa brightness ng mga ilaw, “Bilis naman natin.”
“Nakatulog ka kaya.”
“Kaya nga eh,” kinusot-kusot nya yung mga mata nya, “Sakit naman sa mata nung mga ilaw.”
“Tignan mo paglabas natin sobrang ganda nyan, lahat ng mga puno rito may mga lightbulb na nakasabit, sobrang aesthetic.”
Sumilip sya sa may bintana, “Oo nga, mukha nga.”
“Ang romantic no?” tumingin ako sa kanya.
We locked eyes. Di ko alam kung bakit pero dahan-dahang bumababa yung tingin ko mula sa mga mata nya pababa sa mga labi nya.
“H-halika na, nagugutom na ko.” Binuksan ko agad yung pinto at bumaba bago pa nya mapansin na namumula ako.
Nanalamin muna ko sa side mirror para tignan kung namumula pa ba ako, inalog ako ko yung ulo ko at nag-isip ng ibang bagay, like, uhm, yung mga reading assignments na hindi ko pa nagagawa kakaprepare para sa Ball.
Act normal Clyde, baka mweirduhan sayo si Seb.
“Clyde! Clyde! Picturan mo naman ako!”
Nang makitang di na ko namumula, lumapit ako sa kanya. Naabutan ko syang pinipicturan yung puno kung saan kami nakapark.
“Gagi, tagal ko nang di nakakapag-upload sa IG ko,” nanalamin din sya sa side mirror ko at nag-ayos ng buhok. Kung ano man yung nangyari sa sasakyan kanina, mukhang wala naman yun sa kanya.
Kapag nabanggit man nya sa kin yun sa future, siguro idadahilan ko na lang sa alak. Oo! Ganun na nga, iblame mo na lang sa alak.
Kinuha ko sa kanya yung phone nya, at pumuwesto naman sya sa may harap ng pasukan nung restobar na may arko tas meron ding nga lightbulbs sa ilalim. Magkano kaya bill nila sa kuryente nito kada buwan?
Pinicturan ko sya ng ilang shots bago ko binalik sa kanya yung phone nya.
“Ikaw? Di ka magpapapicture?”
“Di na, lowbat na ko eh.”
“De sige, ako na magpipicture sayo, pumwesto ka dun!”
Sa totoo lang di talaga ako mahilig ss pagpipicture, kaso nung pumuwesto na si Seb, nag-pose na lang din ako.
“Ayan, mapapalitan mo na rin yung profile picture mong sobrang tagal na!”
“Hoy grabe, hindi naman yun matagal, mga six months pa lang ata yun.”
“Baliw! Matagal na yun! Dapat buwan-buwan ka nagpapalit ng dp.”
“Sus, bayaan mo na, at least may facebook!”
“Teka, teka, teka, selfie naman tayo,” tumakbo sya palapit sa kin. Nag-selfie kami sa ilalim nung mga lightbulb, pati na rin sa ilalim nung arko na may pangalan ng restobar.
“Yan, send ko sa gc para mainggit yung mga gago.”
Pagpasok namin, umorder na kami agad, isang bucket ng San Mig Light tsaka sampung barbeque. Ganun kami kagutom ngayon. After naming umorder, tinanong kami nung cashier kung saan kami kakain kung mag-rerent kami ng kubo sa gilid ng bundok o sa dining patio kami sa may 180 degree view sa city. Syempre pinili namin yung patio, bukod sa walang extra charge, di naman talaga namin exactly kailangan ng kubo.
Dala yung order number namin, umakyat kami sa may dining Patio. Walang katao-tao. Kaming dalawa lang. Halos lahat ata ng customers nila ngayon nasa baba, sa mga kubo.
Pero shit, ang ganda. Bukod sa city lights sa di kalayuan, ang ganda ring view nung langit na puro stars.
“San tayo uupo?” tanong ko sa kanya.
“Dun tayo! Sa pinaka dulo!” tinuro nya yung table na nasa pinaka dulo nung patio, na as in katabi na nung railings.
“Oh shit, ang lamig,” nanginig yung laman ko nung biglang umihip ng malakas na hingin.
“Ba’t ka kasi nagtanggal ng coat?” tanong ni Seb habang paupo dun sa table na tinuro nya, naupo naman ako ss tapat nya.
“Baka kasi mausukan eh, baka bumaho.”
Bigla nyang hinubad yung coat nya.
“Uy gago wag na.”
“Tanga, nilalamig ka kaya.”
“Gago, edi ikaw naman yung nilamig.”
“Ok lang ako, mataas resistance ko sa lamig.”
“Wow sana all.”
Hinubad na nya ng tuluyan yung coat nya at nilapag ito sa mesa. I relunctantly grabbed it at sinuot ito.
Wag kang mag-blush Clyde. Wag kang mag-blush tangina mo.
“Uhm, Clyde?”
“Bakit?”
“Uhm,” humarap sya sa overlooking, “Salamat nga pala kanina ha.”
“Welcome. Kahit mukha tayong tanga kanina nung sayawan tas slow songs na,” nagsayaw din kami nun sa dance floor, kami nga lang yung lalaki sa lalaki dun eh, kaso I’m sure everyone just sees two bros having a good time.
“Uy gagi, ang cute kaya natin, may picture tayo kay Allison.”
“Ay weh?”
“Oo. Bagay nga daw tayo,” he laughed softly. Tangina ang cute pakinggan.
Di ko alam yung sasabihin don. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin sa sya city lights.
“What if, try kaya natin?” bigla syang tumingin sa kin, tumingin ako agad sa malayo para di nya mapansin na tinititigan ko sya.
“Huh? Ano yun? Sorry, I’m not paying attention.”
“What if subukan natin,” humarap sya sakin, “Try kitang ligawan. For real.”
Pakiramdam ko parang hinigop lahat ng hangin sa baga ko, tas biglang nagtayuan lahat ng balahibo ko, tas bumilis ang tibok ng puso ko. I can feel my face heating up.
“Uhm, ano, uhm-”
He kissed me. He suddenly kissed me.
I kissed him back.
After ng ilang sandali, bumitaw na kami, pero nakatingin pa rin kami sa mata ng isa’t-isa.
I just kissed him back, parang confirmation na rin yun payag ako sa gusto nyang mangyari.
“I- uhm- I never felt that before,” sabi nya, still not breaking the eye contact.
I felt my voice shaking ang my lips quivering, “Ako rin.”
Teka, totoo ba to? Eto yung part ng mga movies na biglang may fireworks na puputok sa kalangitan, o di kaya may mga random characters na bigla na lang kakanta. This night is like a movie.
This really feels like a fucking movie.
“S-sorry, di ako sanay humalik.”
“Ako rin,” parang biglang wala na kong ibang alam sabihin kundi ‘ako rin’.
Biglang uminit yung paligid. Feeling ko pinagpapawisan na yung dibdib ko, parang gusto ko nang hubarin yung coat ni Seb. Kaso yung mere fact lang na kay Seb ang coat na suot ko ngayon makes me want to wear it kahit kailan.
Maya-maya lang dumating na yung order namin. Nagbukas kami ng tig-isang San Mig Light at sinabayan ito ng pagkain ng barbeque.
“So ano Gummybear?”
Busy pa ko sa pag-nguya nung makunat na part ng barbeque, “Ano Gummybear.”
“Gusto mo bang itry?” Nagblu-blush sya! Gago nagbublush si Seb! “Gusto ko lang ma-experience how it feels to be with a guy.”
Hindi ko talaga maintindihan, parang kanina lang kausap namin yung isa’t-isa, tina-trashtalk yung mga kapartner dapat namin sa Ball. Tas ngayon…
Sa totoo lang, the idea excites me, di ko alam kung bakit. Never ko pang nakita si Sebastian bilang someone as more than friends, we’re not even the closest sa tropa, mas close sya kay Allison, mas close ako kay Alexis at Troy. Pero ngayon, after all that happened, being partners kanina sa ball, nung sumali sya sa showdown at nag-slow motion lahat nung sumayaw na sya, tas yung last dance, I’ll be honest, may sparks.
“Paano yung sasabihin nila?”
“Sinong sila? Sila Allison ba? Yung tropa?”
“Oo.”
“I’m sure they’ll be cool with it. They ship us nga diba?”
Wala naman siguro mamawala sayo Clyde. Di naman siguro magbabago yung friendship nyo, actually mas magbabago nga ang lahat kapag tumanggi ka eh. Just try being with a guy.
“Sige, payag na ko,” sabi ko, and all of a sudden, di ko na mabura sa mukha ko yung ngiti kong abot tenga.
“Talaga!? Payag ka!?”
“Oo nga,” panigurado mukha akong tanga nito kakangiti.
“I-I though-”
“Curious din ako what it feels to date a guy.”
He buried his face sa mga palad nya, “I can’t believe this is happening.”
“Ako rin eh. Damn. Kinikilig ako.”
We continued eating and drinking habang nagkukuwentuhan ng kung ano-ano, kung ano kaya yung magiging reaction ng tropa kapag nalaman nilang we’re dating na talaga.
“Now we need to think about paano natin to sasabihin sa tropa.”
Chapter 9: Now
“Hello? Audrey, kakapasok ko lang sa gate ng village, andyan na ba si Seb?”
“Yep. Nasa kusina sila ngayon ni Allison.”
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang tinatahak ang kalsada papunta sa street nila Allison. Pakiramdam ko anytime lalabas sa bibig ko yung puso ko na parang nastuck na ata sa lalamunan ko.
“Is he acting weird? Tahimik ba sya or what?”
“Hindi naman. He looks happy, yung normal na sya.”
Parang na-drain lahat ng energy sa katawan ko, realizing na masaya sya pag wala ako. San ba ko nagkulang? Ba’t hindi na sya masaya sa kin? Sawa na ba sya? Kaya ba sya cold kasi naghihintay na lang sya na makipagbreak ako sa kanya para makawala na sya sa kin? Bakit hindi na lang nya sabihin agad? Takot ba syang masisi?
Sobrang daning tanong na sumusulpot sa isip ko. Pero yung pinakamalaki talagang question marks, ay kung bakit nag-iba si Seb?
“Nasa sala na sila ngayon. Manunuod kami ng movie.”
“Malapit na ko. Just make sure na nasa sala sya pag dumating ako.”
“Sure, kami bahala,” sabi ni Audrey, “Bye na, baka makahalata na sya eh.”
“Sige. Malapit naman na ko.”
Nagpapawis na yung mga kamay ko. Yung sikmura ko parang binubuhol ng paulit-ulit, tas parang tulad ng puso ko, nastuck rin sya sa lalamunan ko.
Handa ba ko sa kung ano man ang mangyayari mamaya?
Pano kung sabihin nya na ayaw na nya sa kin? Na isang malaking pagkakamali na sinubukan pa naming maging kami? Na hindi pala talaga sya attracted sa lalaki? Na all this time hinihintay nyang ako na yung makaramdam para ako yung makipagbreak?
Pano kung meron na pala syang iba? Pano kung may nakilala sya somewhere? Tas narealize nyang mas mahal na nya pala yung taong yung kesa sa kin?
Pano kung napalitan na pala si Seb ng hindi namin namamalayan? Pano kung impostor lang sya mula sa kung saan tas yung Seb na minahal ko ay nakakulong somewhere at malayo sa kin?
Sobrang daming tanong talaga, and before I knew it. nasa tapat na ko ng bahay nila Allison.
Nakapark sa tapat ng gate nila yung motor ni Seb, nakakadena sa grill ng gate yung gulong nito. Tahimik akong nag-park sa bakanteng lotse na nasa tabi ng bahay nila Allison.
I shook my head, took a deep breath and mentally prepared myself sa mga mangyayari. Kung meron man.
Bumaba ako ng sasakyan at naglakad patungo sa gate nila Allison. Kakatok na sana ako ng narinig ko yung boses ni Seb.
“Wag pre! Corny nyan pambata eh! Dito tayo! Resident Evil!” hanggang sa labas rinig na rinig ko yung kulitan nila. Somehow, bigla akong nagselos, gusto ko ulit makakulitan si Seb ng ganun. Ayoko sa cold na Seb, hindi sya nakakatuwa.
Nagdoorbell ako. Sumilip mula sa bintana ng sala si Audrey. Kumaway ako.
“Sandali lang!” sigaw ni Allison mula sa loob. Ilang sandali lang, pinagbuksan nya na ko ng pinto.
“Kamusta si Seb?” tanong ko, kahit alam ko naman yung sagot, kakarinig ko lang ng boses nyang nakikipagkulitan kanila Troy. Alam kong ayos na sya, bumalik na sya sa dati.
“Mukhang iniiwasan ka talaga nya baks.”
“Huh? Bakit naman?” tanong ko. Pumasok kami sa loob, pero nanatili kami sa garahe, malayo sa mga bintana sa sala, in case na baka biglang sumilip si Seb mula sa loob.
“Ikaw agad yung una nyang binaggit sa kin,” sabi ni Allison, “Tinanong nya ko kung hindi daw ba talaga ako makakapunta ngayon.”
“Anong sabi mo?”
“Syempre yung sinabi mong sabihin ko. Na umalis kayo ni Ate Cha.”
“Anong sabi nya?”
“Wala naman. Sinubukan ko nga syang kausapin nung nasa kusina kami eh. Tinanong ko sya kung ano ba talagang problema sa inyong dalawa.”
Nararamdaman ko yung puso ko na lalabas na sa lalamunan ko anytime, “Anong sabi nya?”
“Wala. He keeps denying na wala kayong problema.”
“Ganun ba.”
“Anong plano mo?”
I shrugged, “Gusto ko na syang iconfront. Nasasaktan na kasi ako eh. He’s out there, pretending na walang problema sa aming dalawa, samantalang naiwan ako rito, wondering kung ano bang problema sa kin at bigla na lang syang naging cold.”
“So kakausapin mo na sya today? As in heart to heart talk?”
“Oo,” sagot ko, “Kung ano man ng mangyari, I guess I have no choice but to accept it.”
Nauna na kong pumasok sa loob, very rude, pero gusto ko na makita yung reaction ni Seb kapag nakita nyang andito ako.
“Hi guys!!”
“Yow! Clyde!” sabay na sigaw ni Troy at Alexis na halatanh scripted. Lumapit ako sa kanila at nakipag fist bump.
Biglang namutla naman si Seb. Mukha syang nakakita ng multo nung nakita ako.
“A-akala ko hindi ka makakapunta?”
Sumingit ako sa pagitan nya at ni Troy sa sofa. Naupo ako sa gitna nila at umakbay sa kanya, “Hindi kami natuloy eh. Kamusta ka na Gummybear?”
“A-ayos lang naman,” mukha pa rin syang nakakita ng multo.
“Anong ginagawa nyo?”
“Magmomovie marathon kami,” sabi ni Alexis, “Namimili pa kami kung The Little Prince o Resident Evil.”
“I like The Little Prince. Napanood na natin to dati ah,” sabi ko kay Seb, completely oblivious sa uneasiness na bakas na sa mukha nya.
“Oo. Kaya sabi ko Resident Evil na lang. Napanood ko na yan eh.”
“E diba sabi mo sa kin dati, gusto mong panuorin ulit to?”
“Uhm,” he stammered, “Sila kasi iniisip ko, baka mabored sila.”
“Ganun ba. Edi magbotohan na lang tayo. Sino may gusto sa The Little Prince?”
Nagtaas ng kamay si Allison at Audrey. So it means apat kaming boys na boto sa Resident Evil.
“So Resident Evil it is,” tumayo ako, kinuha ang remote mula kay Seb at sinimulang itype ang title sa seach bar sa tv.
“Bat di ka tumawag na pupunta ka?” bulong sa kin ni Seb.
“Bakit? May problema ba na pumunta ako?”
“H-hindi naman, sabi mo lang kasi sa akin, ano, kasi diba, sabi mo di ka pupunta. Sana nag-chat ka man lang.”
Bakit ang big deal sa kanya na nandito ako ngayon na kasama sya? “Ba’t pa kita ichachat? Eh alam ko namang iseseen mo lang ako.”
Mula sa reflection ng TV nakikita ko yung reaction ng mga kaibigan namin, pare-parehong gulat, yung tipong parang nagsasabi ng “oh shit.” Umalis sa tabi namin si Alexis at Troy at tumabi kay Allison at Audrey, tahimik lang na naghihintay sa kung anong susunod na mangyayari.
“Sorry about that. Busy lang kasi talaga ako.”
“Don’t worry, I completely understand,” plinay ko yung movie, at binalik sa kanya yung remote, “Wala naman tayong problema ano?”
“W-wala. Wala naman.”
“Good.”
Pinatong ko yung kamay ko sa tuhod nya. Kaso bigla syang napatayo at lumayo sa kin, na para bang napaso sya sa sobrang init ng palad ko.
“Bakit?” kita ko yung takot sa mga mata ni Seb, bumilis rin yung paghinga nya, walang tigil sa pagtaas-baba ang mga balikat nya, “Hey, Gummybear, ayos ka lang?”
Lumapit ako at hinawakan yung kamay nya.
“Please, dont,” umatras sya at iniwas ang kamay nya mula sa kin.
Napatingin ako sa mga kaibigan namin. Anong nangyayari? Anong meron kay Seb? Ano prank ba to or something? Kaso kita rin sa mukha nila yung confusion sa mga nangyayari, they are as confused as I am.
“Sorry guys, p-pero kailangan ko nang umuwi,” mabilis na kinuha ni Seb yung susi ng motor nya sa coffee table at dali-daling lumabas ng sala.
What the fuck? Ano yun?
“Seb!” sinundan ko sya palabas, “Seb! Teka sandali!”
Naabutan ko sya sa may pinto, nagsusuot ng sapatos nya.
“What the fuck was that all about?”
Hindi nya ko pinansin patuloy lang sya sa pagsisintas ng sapatos nya.
“What the-”
“Wag mo kong mumurahin,” tumayo sya at lumabas na papunta sa garehe nila Allison.
Ano? Wag syang mumurahin? Eh walang ibang salita sa isip ko kundi fuck. Tangina, bakit ba sya ganito?
“Seb, I’m sorry. Seb, mag-usap tayo,” bago sya lumabas ng gate, hinawakan ko yung balikat nya, kaso bigla nanaman syang umiwas, na parang nakakapaso talaga yung bawat hawak ko sa balat nya.
“Clyde, gusto ko nang umuwi please.”
“No!” that came out louder than I expected it to be, “Anong problema mo Seb!? Anong problema mo sa kin?”
Hindi nanaman nya sinagot yung tanong ko, nagmamadali nyang inalis sa pagkakakadena sa gate nila Allison yung motor nya. Ipapasok na nya sa compartment yung kadena, kaso bago pa man nya maipasok sa keyhole yung susi nya, inagaw ko ito mula sa kanya.
“Fuck, Clyde naman,” he sounds tired. He looks tired to. Kung ano man yung pinagkakaabalahan nya ngayon, halatang hindi biro, kaso ang gusto ko lang naman mañaman kung ano yon. Mahirap ba yun?
“Akin na yung susi ko!”
“Not until sabihin mo sa kin kung anong problema mo sa kin!”
Pumagitna na sa min si Alexis at Troy. Pilit nilalayo nila sa kin si Clyde kaso sinusubukan pa rin nitong kunin ang susi nya. Later on, sumama na si Allison sa pag-awat sa min.
“Guys, please, stop it. Dun tayo sa loob mag-usap.”
“No, you dont understand. Kailangan ko nang umuwi,” sabi ni Clyde, pilit pa ring lumalapit sa kin, “Give me the fucking key!” sigaw nya sa kin.
Sinubukan din itong kunin sa kin ni Allison, kaso mabilis ko itong nailagay sa bulsa ko, “Clyde, bigay mo na. Please, para wala nang gulo.”
“What the fuck? So ano to? Ba’t biglang ako yung naging antagonist sa story?” sabi ko, “Seb. Isa lang naman ang gusto kong malaman, may problema ba tayo!? May problema ka ba sa kin!?”
“Guys, please, dun tayo sa loob,” sabi ni Allison. Dumadami na rin yung mga kapitbahay nilang lumalabas sa mga bahay nila para makiusyoso sa min, kaya naman pumasok na ako sa loob. Sumunod din sa loob si Seb, wala syang choice, nasa akin susi nya eh.
“Seb, anong problema mo sa kin?” tanong ko agad pagkapasok nya. Pagharap ko sa kanya, nag-iba yung kulay nya, bigla syang namutla, at yung mga mata nya, mukhang anytime iiyak na lang sya bigla.
“W-wala, wala akong problema sayo, just give me the damn key, please.”
“Wala!? Eh Seb bakit ginaganito mo ko!” yung isang linggong frustration at confusion unti-unti ko nang nagagawang ilabas, “Bakit hindi ka na tulad ng dati!? Bakit ang cold mo na sa kin ngayon!? Bakit hindi mo na ko kinakausap!?”
“Sorry talaga Clyde, I’m very sorry, b-busy lang kasi.”
“I get! O completely fucking get it! Alam kong you want to achieve a lot of things! I know youre working on a lot of things! Gusto ko lang naman malaman kung ano yung ginagawa mo, kung anong pinagkakaabalahan mo, hindi dahil sa possesive ako o kung ano man, ayaw ko lang na bigla ka na lang magbabago, then maiiwan ako on my own, wondering kung bakit bigla ka na lang nagbago!” sa sobrang gigil ko, nararamdaman ko na yung mga kuko ko na bumabaon sa mga palad ko.
I just keep on thinking na si Seb ang kausap ko para hindi ko sya masapak.
“Seb, kilala kita. You always have time for me. At kilala mo ko, hindi ako nanghihimasok sa priorities mo. Pero this time, iba na eh, iba na nararamdaman ko, may hindi tama, may problema sa ating dalawa!”
Umiling-iling sya habang nakatingin sa sahig na parang bata na pinagalitan. I suddenly hate myself for making Seb like this.
“Anong problema Seb?” I calmly asked this time, I slowly coming back to my senses. Boyfriend ko tong kausap ko, yung taong pinakamamahal ko.
Imbes na sagutin yung tanong ko, pumunta sa sa may gate, “Please, gusto ko nang umuwi,” he begged Allison na hawak ang bukasan ng gate.
“Sebastian, ayusin nyo ni Clyde yan.”
“Guys, you dont understand, please, let me go.”
“Edi ipaintindi mo sa amin!” sabi ko. As much as how I love him, ayoko sa mga ginagawa nya sa kin in this past few days.
“Clyde, pramis, wala talaga akong problema sayo.”
“Eh bakit bigla kang uuwi ngayon? Kaninang wala pa ko mukhang ang saya-saya mo?”
“Clyde-” nakatalikod pa rin sya sakin.
“Just fucking tell me kung may iba ka! Just fucking tell me kung hindi mo na ko mahal! Then tell me why! Dont leave me here wonderong kung anong mali sa kin!”
He kept begging Allison to open the gate. Sa paningin ko bigla syang naging bata. Para syang bata na binubully ng mga college students. Bigla syang naging helpless sa mga mata ko. He really changed. Yung Seb na kilala ko can wrestle me para lang makuha yung susi nya, and shove Allison para tuluyang makalabas. Pero he just seems so helpless right now.
I calmed myself first bago magsalita, “Seb, I tried understand you. Alam kong the Finals got you all shook up, pero ngayon, wala namang kaso sa kin kung may iba kong gustong paglaanan ng oras mo, kaso gusto ko lang malaman kung ano. Kasi alam mo ba, yung isang buong araw na hindi ka makausap, sa tawag man o chat, sobrang sakit na sa kin non!”
Pinunasan ko yung mga luha ko gamit ang kwelyo ng tshirt ko, “Pero iba yung sakit na pinaramdam mo sa kin ngayon Seb. Its very clear kanina na hindi ka talaga pupunta rito kung nandito ako. Iniiwasan mo ba ko?”
“Its not like that.”
“But that’s what I felt! Kung hindi mo ko iniiwasan, bakit ka uuwi!? Bakit kanina nung tumawag ako, sabi mo hindi ka pupunta, tas ngayon andito ka nung nalaman mong hindi ako pupunta? Bakit nung pagdating ko rito, rinig na rinig ko yung boses mo, nakikipagbiruan ka kanila Troy, nung pumasok ako bigla kang natahimik?”
Humarap na sya sa kin, at nakita ko yung namumula nyang mga mata, “Kapag ba sinabi ko sayo bibigay mo yung susi ko?”
“Oo.”
Eto na.
“Hindi na kita mahal Clyde. Tapusin na natin to.”
Thats it. Narinig ko na yung last thing na gusto kong marinig sa bibig nya. Nakita ko yung surprised reaction mula sa mga kaibigan namin, clearly they did not expect na hahantong ang lahat sa ganto.Maski ako rin naman.
“Finally! Sa wakas, lumabas na rin yung totoo!” nilabas ko sa bulsa yung susi nya, “Thanks for your honesty!”
Binigay ko yung susi nya, and I expect him na dali-daling lumabas, kaso nakatayo lang sya, nakatingin sa mga susi nya na para bang ang tagal nitong nawala sa kanya.
“Sorry Clyde.”
“No its okay. May magagawa pa ba ako?” sabi ko, “Kahit gano pa kita kamahal, I really have no choice diba?” I really expect the heavy tears to flow in this moment, kaso wala akong nararamdaman sa ngayon. Walang galit, walang lungkot, walang sakit. Wala.
Nakahinga lang ako ng mas muluwag.
“Sorry it all comes down to this,” sabi nya, ni hindi na nya ko kayang matignan sa mata.
“No prob. I dont really mind. Ang mahalaga you’ve been honest.”
“Sorry Clyde. I’m very very sorry. Sorry talaga.”
“Sige na,” sabi ko, “You can go, wala nang pumipigil sayo.”
“Teka,” bigla nyang hinubad yung hoodie na suot nya, “Take this,” binigay nya ito sa kin.
Sinukbit ko sa balikat ko yung hoodie nya. Bigla kong naamoy yung pabango nya. Yung pabango nyang may sobrang dami nang kalakip na memories sa isip ko. Too bad nakasama ang moment sa ito sa mga hindi ko malilimutan tuwing maamoy ko ito.
“Bye guys,” sabi nya at saka lumabas na ng gate.
Nakatayo lang kaming lahat sa garahe, habang pinapaandar ni Seb yung motor nya. I still dont know what to feel. Wala akong ibang nararamdaman kundi yung tingin ng mga gulat na gulat naming mga kaibigan. And when Seb drove off, saka lang namin ulit natuklasan na kaya pa pala naming magsalita.
“Clyde,” lumapit sa kin si Allison, huhug nya sana ako kaso umatras ako at binato sa sahig yung hoodie ni Seb.
Lumabas ako. Sumakay ako sa sasakyan ko and drove off, thankfully, no one bothered to stop me. I need to sort my thoughts out, and it might be the best to sort it out with myself first.
I’m dumbfounded. Alam mo yung feeling na nanakawan ka, yung may konting sandali pa bago mo marealize na wala na pala yung mahahalaga mong mga gamit. Andami ko pa ring mga tanomg though. Gusto kong malaman kung bakit hindi na ko mahal ni Seb. Wala namang syang sinabing explanation, hindi naman nya sinabi kung may nakilala na ba syang iba, or sadyang nag-fade out na lang bigla yung feelings nya para sakin? Or siguro he’s not really inlove as much as I do.
Whatever the reason is, ang mahalaga, the truth is out there, finally in the open.
Now, I just dont know what to do with that truth.
Chapter 10: Then
“Sigurado ka na ba dito Gummybear?”
Tahimik lang si Seb, paikot-ikot lang sya sa swivel chair sa gitna ng kwarto ko at halata sa mukha nya yung kaba, na parang anytime bigla syang pagrerecite-in sa harapan ng kung ano man na hindi nya naaral. Sa bawat ikot nya, parang unti-unting nawawala yung kulay sa mukha nya, paputla sya ng paputla sa tuwing haharap sa kin.
Hinawakan ko yung sandalan ng swivel chair para pigilan ito sa pag-ikot pa, “Baka mahilo ka nyan Gummybear,” sabi ko.
Tinignan nya ko saglit then tumingin sa labas ng bintana ng kwarto ko, “Yes. Sigurado naman ako, pero, kinakabahan lang talaga ako ng sobra. As in sobra.”
“Same,” hinawakan ko yung kamay na parang iniwan sa freezer ng ilang oras sa sobrang lamig, pinisil-pisil ko ito habang tine-trace gamit ng hinlalaki ko yung mga ugat nya sa kamay.
“Ano kaya sa tingin mo yung magiging reaksyon nila?” He then shook his head, “Shit, pang-ilang beses ko na ba natanong yan?”
Natawa ako, “Yun nga din sasabihin ko eh, ilang beses mo na ba tinanong yan?”
“P-parang di pa ata ako handa Gummybear,” sabi nya, “I dont like this feeling.”
“Pero kaya nga gagawin natin ngayon diba? Para wala na tayong burden pa?”
Mag-iisang linggo na naming tinatago sa tropa na we are secretly dating. Wala namang halos naging pagbabago sa pakikitungo namin sa isa’t isa, mas madalas na nga lang kami mag-usap sa labas ng gc ng tropa, mas madalas na naming ka-chat at katawagan ang isa’t-isa. Mas napapadalas na rin ang punta nya sa bahay namin para dito gumawa ng kung ano mang homework ang meron kami para sa kinabukasan.
Kaso alam nyo yung bigat ng pakiramdam na may tinatago kayo? Palagi naming napag-uusapan yun, ayaw naman kasi naming magmukhang walang tiwala sa mga kaibigan namin, kaso natatakot lang talaga kami sa kung anong pwedeng maging reaksyon nila.
“Tsaka, pag pinatagal pa natin to, baka magtampo na sila sa tin.”
Tumango si Seb at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko bago ito binitawan para ayusin ang buhok nya, “You’re right. You’re right.”
Dating Seb is a rollercoaster ride, naalala ko tuloy yung rollercoaster ng Engineering Department nung Acquaintance Party, its not as thrilling as it looks like, but it was really something. Parang nanliligaw lang naman ako, na nagawa ko na ilang beses nung high school, the difference nga lang this time, lalaki kami pareho at nagte-take turns kami sa panliligaw sa isa’t-isa, which is kinda fun, nasanay kasi ako na ako yung nag-eeffort.
But the best thing about dating Seb, is that bigla akong nagkaron ng brother na I never had. I grew up with two older sisters, buong buhay ko, sobrang curious ako sa kung anong pakiramdam ng may kapatid na lalaki, and that’s what I got with Seb.
“Anong ningingiti-ngiti mo dyan?”
Napatingin ako sa kanya, para akong hinihigop ng mga mata nya bigla, “W-wala. Iniimagine ko lang yung magiging reaksyon nila.”
“For sure si Allison at Audrey magcecelebrate.”
“Shit, oo, sila nagpa-uso ng Syde eh.”
“Syde? Ah oo, yung couple name natin.”
“Kaso si Troy at Alexis talaga yung iniisip ko eh.”
“They’ll be cool about it,” sabi nya, suddenly nabaliktad yung lahat, ako na yung nag-ooverthink, sya naman yung nagcocomfort sa kin.
Pinaikot nya ulit yung swivel chair na inuupuan nya, pero mas mabagal naman this time, nililibot nya lang ng tingin ang kwarto ko. Nakita nya yung volleyball na nakatambak lang sa sulok ng kwarto ko, kinuha nya ito gamit ang paa at ito naman ang pinaikot sa daliri nya, tulad ng kung pano nya paikutin yung mga basketball ni Alexis. Pero di nya magawa kasi medyo may curves yung volleyball.
Humiga ako sa kama ko at nag-inat ng onti. Eto na siguro yung perfect time para sabihin yung kanina ko pa gustong sabihin sa kanya, “Uhm, Gummybear?”
“Yes, Gummybear?”
Nakatingin lang ako sa kisame, fighting na urge na tumingin sa kanya, ayoko kasing makita nya yung disappointment sa kin pag di sya pumayag sa sasabihin ko.
“May ipapakiusap sana ako.”
“Ano yun?” tinigil nya yung pagpspaikot sa volleyball and placed it on his lap.
“Pwede bang isama natin yung mga Ate ko mamaya? Sabihin na rin natin sa kanila.”
“S-sa mga ate mo?” Bumangon na ko at humarap sa kanya. Bakas sa mukha nya yung tense, “Sigurado ka?”
“Yep,” sagot ko, “Pero kung ayos lang sayo. Ayos lang din naman kung ayaw mo. Gusto ko lang na malaman din nila kasi sila talaga yung closest friends ko bukod sa inyo. Ayoko lang magtago din sa kanila.”
“Pero pano kung sabihin nila sa parents mo?”
“Honestly, wala akong paki. I know my family, they won’t make a big deal out of this.”
“Sana all,” sagot nya, yung boses nya biglang naging malungkot, “Just tell them na wag sasabihin sa parents o sa mga kuya ko.”
Oo nga pala, very conservative at very religious ang pamilya nya, magiging big deal ito sa kanila kapag nalaman nilang lalaki yung nililigawan ng bunso nila ngayon.
“You’re reslly close sa mga Ate mo no? That’s nice.”
“Yep. We’re pretty tight. Nung mga bata pa kasi kami laging pinupush ng mga magulang namin na magkasundo kaming tatlo.”
“Sana all talaga,” sabi nya, then I remembered hindi pala nya gaano ka close yung mga kuya nya dahil sa malaking age gap nila mula sa kanya. “Well, bukod sa age gap, its kinda like, tanggap na namin na hindi kami magiging close, alam mo yun, wala nang effort to know each other, respeto na lang sa isa’t-isa ganun,” dalawa nga pala sa mga kuya nya ang may pamilya na samantalang yung isa naman ikakasal na this year.
“Don’t worry Gummybear, sasabihin ko sa kanila na wag sabihin kahit kanino. Dont worry, they’re trustworthy.”
He smiled, yung ngiting may relief pero alam mong may hint of uncertainty pa rin.
Yung mga parents nya, parehong nagtatrabaho sa isang television company na pagmamay-ari ng isang International Church, at dahil dun, its puts their family sa mataas na posisyon sa simbahan nila. Kahit hindi na active sa simbahan nila si Seb, alam kong hindi pa rin magiging maganda kapag nalaman nilang may relasyon kaming dalawa.
“Anong iniisip mo?” tanong ko sa kanya, mukhang malalim ang iniisip nya habang nakatitig sa labas.
“Mabilis ba tayo?” tanong nya pabalik, “I mean, nabibilisan ka ba?”
“Nabibilisan? Eh hindi pa nga kita sinasagot.”
“Ay hindi pa ba? Sorry, di ako nainform, sa isip ko kasi boyfriend na kita.”
Sinundot ko yung tagiliran nya para kilitiin sya.
“Hoy! Stop! Walang kilitan hoy!”
Hindi ako nagpaawat, nahulog na sya mula sa swivel chair, nasa lapag na kaming dalawa pero tuloy pa rin ako ng pagkiliti sa kanya.
“Clyde! Tama na dude! Kinikilig ka lang eh!”
“Ang cute mo kasi,” pinisil-pisil ko yung tagiliran nya.
“Tama na! Dude, nadudumihan damit ko!”
“Gago, di madumi sahig ko!”
Out of nowhere, para bigla ko syang gustong halikan.
Kaya ginawa ko. I kissed him.
We never kissed before. Ilang beses na naming sinubukan, pero laging awkward eh. Ewan ko kung bakit ko sya biglang gustong halikan, and hindi ko rin alam kung bakit hindi pa rin ako bumibitaw.
After ilang seconds, bumitaw na rin ako.
“Bakit?” tanong ni Seb, “Ba’t ka bumitaw?”
Tumayo ako at nag-isip ng pwedeng distraction, “Uhm, baka kasi dumating na sila Allison maya-maya,” nakita ko yung phone ko sa kama kaya sumampa ako sa kama at kinuha yung phone ko, chineck ko kung may update na sa gc namin.
Humiga sa tabi ko si Seb, “Huy, nabitin ako.”
“Nabitin san?”
“Dito,” hinalikan nya ko sabay patong sa ibabaw ko.
Maya-maya, nagvibrate yung phone ko. Sinilip ko ito at nakita yung caller ID ni Allison, “Teka lang Gummybear, tumatawag na sila Allison!” sinagot ko yung tawag all the while nakapatong pa rin sa katawan ko si Seb.
“Hello guys? Asan na kayo?”
Ngumisi sa kin si Seb, lumapit sya sa tenga ko at bumulong, “Uungol ako.”
Nilayo ko yung phone ko mula sa kanya, “Gago wag,” bulong ko pabalik.
“Ugh shit,” naggrind sya sa kin at naramdaman ko yung alagang nyang unti-unting tunitigas sa bawat grind nya sa bukol kong sing-tigas na ng bato, “Ugh, fuck, ang taba naman nyan Gummybear.”
“Fuck, mamaya na, baka marinig ka nila Allison,” bulong ko. Kung di pa rin sya titigil, ieend call ko talaga yung tawag.
“Sige di na po ako maiingay,” he winked, gagi parang nagsommersault yung puso ko.
Tumigil na sya sa paggrind pero di pa rin sya umalis sa ibabaw ko. Nahiga lang sya sa chest ko, papakinggan nya daw yung heartbeat ko.
“Andyan na si Seb?”
“Uhm, oo, andun ayun sa may desk ko, naglalaro ng solitaire sa laptop,” nagvibrate bigla si Seb, nagpipigil pala ng tawa. Akala nya di ko sya nakikitang naglalaro ng solitaire tuwing pumupunta sila rito para maggawa ng reports.
“
Bilis naman. Sabihin mo ang kapal naman ng pagmumukha nyang iseen yung mga chat ko, sabi nya kanina sabay kaming pupunta dyan. Wag syang magpapakita sa kin hinayupak yan!“
Nilakasan ko yung boses ko para kunyari andun nga sa may desk ko si Seb, “Gummybear! Hinayupak ka daw sabi ni Allie!”
Kinuha sa kin ni Seb yung phone, “Sorry bessy! Nauna lang ako kasi, uhm, boring sa bahay eh, tsaka ang tinutulungan ko talaga si Clyde ss suprise nya sa inyo.”
“Kingina nyong dalawa, kapag pinagtitripan nyo lang kaming dalawa, umayos kayo.”
“Baliw! Hindi namin kayo pinagtitripan!” sabi ko, “Asan na ba kayo?”
“Dadaanan pa lang namin si Troy wag kayong atat! Teka lang po sir ha! Ba’t di mo na lang kasi sabihin sa group chat. Yun nga silbi ng group chat eh, para di na kami gumastos ng mahigit dalawang daan pang-Grab papunta dyan.”
“Sino ba kasing nagsabing mag Grab kayo? Nag-jeep na lang sana kayo tas tricycle!”
“Kingina mo bitch, eto na kami oh, kasama ko na si Audrey, tas ngayon nyo pa sasabihin sa kim ya n,” narinig naming nag-hi si Audrey sa min.
“Hi Auds!” sabi ni Seb then binalik na nya sa kin yung phone ko sabay balik ulit sa paghiga sa chest ko.
“Bilisan nyo na! Ingat kayo!”
Nung binaba na ni Allison yung tawag, hinagis ko papunta sa bean bag ko yung phone ko at saka niyakap ng mahigpit si Seb at gumulong para ako naman yung nasa ibabaw nyan.
“Anong gagawin mo Gummybear?” Tinataas ko yung tshirt nya pero pinipigilan nya ko.
“Wag mo kong pigilan, sige ka kikilitiin kita sige!”
Nung nagrelax na sya, mabilis kong inangat yung tshirt nya tas sinubo ko agad yung kaliwa nyang nipples, nilaro-laro ko ito tulad kung pano ko nilaro yung nipples ng mga naging girlfriend ko dati. Kinailangan ko pang takpan ng kamay ko yung bibig nya dahil walang tigil sya sa kakaungol at kakabalikwas sa kama.
Somehow, natanggal nya yung kamay ko, “Clyde, please tama na, fuck this shit, tama na.”
Bibitaw na sana ako kaso yung way nya ng pagkakasabi non, na parang hinahabol yung hininga habang nilalabasan at the same time, lalo akong nalibugan.
“Shit, tama na, nakikiliti na ko,” pinalo nya yung noo ko, dun lang ako bumitiw sa pagdila sa nipples nya.
“Grabe naman Gummybear, ang sakit.”
Niyakap nya ko at kiniss yung noo ko, “Sorry gummybear, ang kulit mo kasi eh. Yan tuloy.”
“Sorry na, ang sarap mo eh.”
“Napaghahalataang marami ka nang experience ah,” sabi nya sabay pitik naman sa ilong ko.
“Aray, ang sakit nun ah, bat ang hilig mong manakit? Gusto mo ba saktan din kita?”
“Depende sa kung paanong pananakit,” sabi nya, then kindat.
“Ikaw ah!” hinawakan ko sya sa tagiliran para sana kilitiin ulit sya kaso hinawakan nya ko sa magkabilang balikat. Napatingin ako sa kanya at dun ko lang napansin na nagbago ang expression nya, namumutla nanaman sya, bumalik nanaman yung anxiety at kaba.
“Gummybear, pano kung hindi maging positive yung reaction ng mga kaibigan natin tsaka ng mga ate mo?”
I sighed. Umayos ako at humiga sa tabi nya, hinawakan ko yung kamay nya at pinatong ang baba ko sa balikat nya, “Sabi ko naman diba, kanila Ate wala tayong problema, I’m sure they wont mind.”
“Eh sila Troy? Si Alexis? This would be weird, never pa tayong nagdisclose ng kahit ano tungkol sa sexuality natin.”
Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama ko, inangat ko yung ulo ni Seb at pinatong ito sa hita ko, “Does it matter? Big deal ba yun? We clearly have feelings for each other. That’s what truly matters. Kung hindi nila matatanggap yun. then we’ll just respect it. Pero hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit sino.”
“Aww that’s sweet,” kinuha nya yung kamay ko at pinatong ito sa ulo nya, gustong-gusto nya kapag pinaglalaruan ko yung buhok nya, “Sorry Gummybear, I’m really anxious about this. But I clearly have no other choice but to do this now, papunta na yung tropa.”
“Dont worry gummybear, sasabihin natin sa kanila na it would just be a secret sa pagitan natin. Tayo-tayo lang ang makakaalam,” I assired him, “Pero siguro naman dahil kilala na nila yung family mo, magiging common sense na lang yun sa kanila na sana hindi to makarating sa family mo.”
“Kaya nga eh.”
“Chill ka lang, we all be alright,” may konting doubts ako sa nga sinabi ko to be honest, wala namang nakakaalam kung anong naghihintay sa min sa future eh, pero ang alam ko, as long as we got each other, yun yung definition ng alright for me.
“Natatakot lang kasi ako kanila Papa. Alam kong hindi lang nila ko pagagalitan.”
“Look, kapag dinisown ka nila, pwedeng-pwede kang tumira dito. Kaming bahala sayo. Aampunin ka namin.”
“Luh? Pano yun? Kapag inampon nyo ko edi magiging magkapatid tayo. Magiging kuya mo ko.”
“Ugh, shit Kuya, fuck me, ugh tangina.”
“Hoy! Tigilan mo nga!” bumangon sya at binato ako ng unan, “Sige ka, baka totohanin ko yan!”
“Sige nga.”
“Eh, baka mamaya maabutan pa tayo nila Allison!” Tumayo sya, humarap sa salamin at inayos ang itsura nya, “Tara, baba na tayo. Diba sabi mo magmomovie marathon tayo after? Luto tayo ng popcorn?”
Pagbaba namin sa kusina, nandun si Ate Cha na may ginagawa nanamang something sa laptop nya, at si Ate Carla na gumagawa ng plates nya sa dining table.
“Uy bunso, may bisita ka pala,” sabi ni Ate Cha na hindi man lang naalis ang tingin mula sa laptop nya.
“Hello po,” magalang na bati ni Seb, “Good afternoon po.”
“Hi,” bati ng mga ate ko.
Hinanap ko sa mga cupboard yung stock namin ng popcorn na ang alam ko may natira pa nung huli naming movie marathon dito, “Actually, pinapunta ko yung tropa, nauna lang si Seb.”
Sinilip ko si Seb, nakangiti nyang pinapanood si Ate Carla na nagdadrawing habang nakaupo sa isa sa mga stool sa kitchen counter. Bigla kong naisip, what if ngayon na naming sabihin sa mga ate ko yung namamagitan sa ming dalawa?
Di ko pa nakikita yung popcorn pero sinara ko na yung mga cupboard, “Uhm, meron nga pala kaming sasabihin sa inyo ni Seb.”
Biglang nanlaki yung mga mata ni Seb, nanigas sya sa kinauupuan at kitang-kita ko kung pano nag-drain yung kulay mula sa mukha nya. Bigla akong nakaramdam ng kaba kaya naman lumapit ako sa kanya at umupo rin sa tabi nya.
“Ano yun?” tanong ni Ate Cha na hindi pa rin inaalis ang tingin sa laptop nya, si Ate Carla naman patuloy lang sa pagdadrawing.
Under the counter, kinuha ko yung kamay ni Seb at hinawakan ito ng mahigpit.
“We’re dating.”
Halos sabay na napatingin si Ate Carla at Ate Cha sa min.
“Ano nanamang trip nyo?”
Inangat ko yung mga kamay naming magkahawak at pinakita ito sa mga ate ko. Napangaga si Ate Carla. Tahimik lang silang nakatitig sa min, the more na tumatagal yung katahimikan, the more na nag-aalala ako sa kung anong magiging reaksyon nilang dalawa.
“Sana all may jowa,” bulong ni Ate Carla pero rinig pa rin naming lahat. At that moment, alam ko nang wala na kong dapat ipag-alala pa.
“Hindi pa kami te, dating pa lang.”
“Hoy Seb!” sabi ni Ate Cha, “Di ko alam kung ano ang trip nyo ni Clyde ha, pero wag mong sasaktan ang kapatid ko ha!”
Nakita kong nagliwanag yung mukha ni Seb, bumalik na yung kulay nya. Tumingin sya sa kin bago ngumiti at tumingin kay Ate Cha, “Noted po.”
“Uhm, actually kaya pupunta rito yung tropa, kasi balak na naming sabihin sa kanila.”
“That’s nice,” sabi ni Ate Carla, “Pero seriously though, kelan mo pa narealize na you’re into guys? Sabi mo dati you’re straight.”
Napatingin ako kay Seb, “Actually, di ko rin alam. I just know it.” sabi nga nila, you’ll know it when you know it. Di ko naman akalain na maiintindihan ko yun nung Seb and I shared that moment sa Resto Bar after ng prom.
Bumalik na si Ate Cha sa ginagawa nya, “May balak ka bang sabihin to kanila Dad, ha Clyde?”
“Uhm, yes ate, siguro sa next na tawag nila,” naramdaman kong natense ulit sa tabi ko si Seb, “Ay oo nga pala mga sis, uhm, pwede bang, uhm, secret lang muna natin to, kasi, uhm, di pa kasi alam ng parents ni Seb na, uhm, alam nyo na.”
“Dont worry bunso,.your secret is safe with us, diba Carla?”
“Yes! Pero dahil dyan hanapan nyo rin ako ng jowa, charot!”
I laughed, pero deep inside, I’m really happy. As I expected, everything went well sa mga ate ko, and that made me more grateful na sila ang mga naging kapatid ko.
Biglang nag ring yung doorbell. Fudge, andito na yung tropa pero wala pa yung mga popcorn!
“Sila Allie na ata yon, Gummybear papasukin mo na sila, magluluto na ko ng Popcorn.”
“Wow, may call sign na sila,” sabat ni Ate Carla.
Nagtinginan kami ni Seb then we laughed, “Baliw, dati pa namin tawagan yun.”
“Hayst sana all talaga.”
Lumabas na ng kusina si Seb para papasukin na yung tropa. Hinanap ko naman sa mga cupboard yung tira pa naming popcorn na ang alam ko andito lang somewhere eh. Ayun, nasa lagayan lang pala ng bigas, so kumuha ako ng bowl, nilagay ang natitirang popcorn, at nilagay ito sa microwave.
“Hoy Clyde! Ano na! Iaannounce nyo na ba yung kasal nyong dalawa?” Bati ni Allison paglabas ko ng kusina, di pa nga sya nakakaupo at may dala pang pizza.
“Tsaka sinong best man? Ako diba?” sabi naman ni Troy na nakipag fist bump sa min ni Seb pagkapasok.
Hinintay muna namin silang makapagsettle sa sala, nilapag namin sa coffee table yung mga dala nilang softdrinks and pizzas. Kinuha ko yung beanbag na malaki at umupo kami ni Seb sa harap nila.
“So yun nga guys ano, uhm.”
“Dali na! Sabihin nyo na! Buntis na ba si Seb? Kelan due date?” singit ni Allison.
“Eto na! Eto na!” I cleared my throat, medyo kinakabahan ako, oero yung positive reaction sa mga kapatid ko gave some kind of encouragement, di naman kasi ñwedeng maglihim kami ni Seb sa kanila habangbuhay, and mas maganda nang sabihin namin sa kanila kesa sa malaman pa nila dahil sa ibang bagay.
Hinawakan ko yung kamay ni Seb ulit, “Guys, we’re dating.”
“Oo, alam namin. So kailan ang kasal?” di ko alam kung nagbibiro ba si Allison o ano.
“Hindi seryoso,” sabi ni Seb, “W-we’re dating.”
Sabay-sabay na nanlaki yung mga mata nilang apat.
“Seryoso ba?” tanong ni Audrey, “Like, hindi kayo nagbibiro?”
“Hindi, we’re dating na talaga.”
Nagtinginan silang apat. Then tumingin sila sa min at saka sabay-sabay na sumigaw.
“OMG!”
Chapter 11: Now
“Clyde? Clyde! What the fuck! Anong ginagawa mo dyan?”
Sa lahat ba naman ng pwedeng gumising sa kin ba’t yung nakakabwiset na boses ni Ate Carla pa?
“Hoy! Tumayo ka nga dyan! Ano ba!” hinila nya yung braso ko para patayuin ako, dun ko naramdaman yung sakit ng ulo na mula sa hangover, shit, feeling ko binibiyak sa gitna yung ulo ko.
“Umayos ka! Ate Cha! Ate Cha!” literal na nararamdaman ko yung mga eardrums ko na umaalog sa loob ng tenga ko, bukod sa sobrang lakas at tinis na talaga ng boses ni Ate Carla, mas lumakas pa to dahil nasa garahe kami.
Pilit nya pa rin akong pinapatayo kaso sa bawat hila nya sa kin patayo naaalog yung ulo ko na sobrang sakit talaga, as in shit, this might be my worst hangover ever.
“Gago, tigilan mo nga ko! Umagang-umaga ang ingay-ingay!” I’m quite surprised nagawa ko pang bawiin ang braso ko at makapagsalita, sa sobrang sakit ng ulo ko ni hindi ko maibulat ang mga mata ko.
“Don’t tell me dito sa garahe natulog? San ka galing kagabi!?”
I finally found the strength para maibulat ang mga mata ko, but as soon as I opened it, napapikit agad ako, the fuck, feeling ko mabubulag ako sa sobrang liwanag, mukhang mataas na ang araw.
“Hoy! Sumagot ka! Dito ka ba natulog!? San ka galing kagabi!?”
Di ko sya pinansin, unti-unti kong sinanay yung mga mata ko sa liwanag at hinanap ang kotse ko. Gago, sa sobrang fucked up ko, muntik ko nang mabunggo yung kotse ni Ate Cha, gago as in inches na lang yung layo ng front bumper sa pinto ng driver’s seat ng kotse ni Ate.
“Ate, please, shut the fuck up,” sinubukan kong tumayo kaso sadyang umiikot pa talaga yung paligid kaya nahiga ulit ako sa sahig.
“Ayaw mong magsalita ha, Ate Cha! Ate Cha!” pamasok sya sa loob, tawag pa rin ng tawag kay Ate Cha. Lagot nanaman ako nito. Kaso bago ko muna problemahin yung kotse nyang muntik ko nang mabangga, kailangan ko munang gawan ng paraan tong hangover na to.
Tanginang Tequila yan. Di na ko uulit puta.
Sinubukan ko ulit tumayo, pero parang hinihigop ako ng semento para humiga ulit, parang may mabigat na humihila sa ulo ko pababa. Nagka-hangover na ko dati, kaso hindi ganito ka fucked up na sa garahe na ko nagising, ni hindi ako nakarating sa loob ng bahay.
Maya-maya lang, naririnig ko yung pamilyar na tunog ng heels na mabilis na bumaba sa hagdan namin.
“Seryoso ba to Clyde!?” Nakabihis na para sa trabaho nya si Ate, ready na umalis anytime. Siguro dapat grateful na kong si Ate Carla yung nakakita sa kin rito at hindi si Ate Cha, or else baka binuhusan na ko ng tubig nito.
Too late, pagmulat ng mga mata ko, nakatutok na sa mukha ko yung garden hose.
“What the fuck!!” Tangina, ang sakit sa ilong nung tubig! Sobrang daming pumasok sa ilong ko, tas feeling ko sa lakas ng pressure nung tubig feeling ko magkakapasa ako nito sa mukha ko. Pero at least nakatayo ako, basang-basang nga lang, “Oh fuck! Shit! Ang sakit,” clearly hindi nakakatulong sa sakit ng ulo ko yung tubig na pumasok sa ilong ko, at least nagising naman na diwa ko.
“Ba’t dito ka sa garahe natulog!? Naglasing ka nanaman ba!? San ka galing kagabi!?” sunod sunod nyang tanong na para bang yung mga housewife sa mga soap opera na parang armalite kung tumalak.
“Obvious ba?” sagot ko.
“Ako talaga ginagalit mo!” tinapat nya ulit sa mukha ko yung hose at saka binasa ako, this time, buong katawan ko na, nabasa na pati yung jeans at sapatos ko.
“Gago! Tama na masakit!”
“Masakit!! Wala pa yan! Ano to Clyde!? Paki-explain naman sa min! Kung kelan ka tumanda tsaka ka naging ganyan!? Tumatanda ka ba ng paurong!? Hinahayaan ka naman namin uminom kaso abusado ka na! Wag naman ganito Clyde!” I swear may tama pa talaga ako, nakikita ko yung make-up ni Ate Cha na nalulusaw.
“Anong tinatawa-tawa mo dyan!? Naglolokohan ba tayo dito Clyde!? Ano? Balik teenager? Bente ka na gago! This is so irresponsible! Pano kung naibangga mo tong kotse mo!” tinuro nya yung kotse ko, then napatingin sya sa kotse nya, “What the fuck! Muntik mo nang madali yung kotse ko!” Napatakbo sya sa sasakyan nya to inspect any damage.
“Sorry Ate, sorry, sorry na, sorry,” ilang sorry pa ba gusto nyang marinig? Gusto ko nang matulog sa kama ko.
“What’s your problem!?” inisprayan nanaman nya ko ng tubig sa ulo, this time karamihan naman ng tubig sa tenga ko pumasok.
“Tangina Mo! Tama na! Nasasaktan na ko puta!”
“Anong sinabi mo? Puta nanay natin?” pinaghahampas nya ko sa braso gamit yung dulo ng garden hose, “Clyde! What’s your fucking problem!” pilit akong umiiwas sa mga hataw nya, sobrang sakit eh, bakal kaya yun.
“Aray! Tama na Ate!”
“Ano ba kasing problema mo!”
“Nagbreak na kami ni Seb!!”
Saying it out loud made me realize the finality of the situation. Hindi na sya ‘Baka magbreak kami’ o di kaya ‘Magbebreak na ata kami’, I said the word, yung past tense ng break. Broke. Past tense ng break-up, broke-up.
“Wala na kami ni Seb!” I lost my balance, napasandal ko sa kotse ko at napaupo sa gilid nito. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ko, lumalabas na lahat ng lungkot, galit, frustrations, na inipon ko kahapon at pilit na kinalimutan sa pamamagitan ng alak.
But I guess yung pag-iinom ko kagabi only made things worse.
“Pumasok ka na sa loob. Mag-shower ka,” sabi ni Ate Cha, mas kalmado na this time, at tinulungan nya kong makatayo, “Car, alalayan mo to papunta sa banyo. Maglilinis lang ako rito.”
Inalalayan ako ni Ate Carla papasok sa loob. Hinubad ko sa pinto yung basang-basa kong mga sapatos pati mga medyas ko. I feel so bad na inaway ko si Ate Cha, actually, I feel so bad for all of this, tama nga na wag gagawa ng desisyon kung galit o malungkot ka.
Dinala ako ni Ate Carla sa banyo sa baba, mas gusto ko sana sa banyo sa taas para diretso na sa kwarto ko, kaso nagdadalawa pa rin yung paningin ko at nahihilo-hilo pa rin ako, hindi pa magandang ideya ang umakyat sa taas.
“Maligo ka na dyan, ikukuha kita ng damit sa taas.”
Pag-alis ni Ate Csrla, nagshower agad ako. Medyo mga ilang minuto na rin akong nakababad saka ko lang narealize na may mga damit pa pala ako. Isa-isa kong hinubad yung mga damit ko, trying my best ma wag ma-out of balance at mabagok sa kung san man.
Seb, look what you nade me do. Hindi na ulit talaga ako nagpapaka wasak ng ganito.
Habang nagbababad sa ilalim ng shower, pilit kong inaalala yung mga ginawa ko kagabi, after kong umalis sa bahay nila Allison. Ang naalala ko lang, nagpa-full tank ako, at nagdrive lang ako paikot-ikot lang, nagpunta ako sa mga kabilang bayan, then balik ulit, then balik ulit, pabalik-balik lang.
Nung magdilim na, nagpunta ako sa resto bar na pinuntahan namin ni Seb after nung Ball. Naupo ako dun sa exact same table kung san namin naisip na subukang i-date ang isa’t-isa, tas umorder ako ng hard drinks, Tequila to be specific, naalala ko pa rin yung init nito sa lalamunan habang nilulunok.
“Clyde, andito sa labas yung towel tsaka mga damit mo. Bilisan mo dyan mag-almusal ka na,” rinig kong sabi ni Ate Carla mula sa kabilang side ng pinto.
The fuck Seb, ano ba tong ginawa mo sa kin?
Nang makapagsabon at makapagshampoo na ko, mabilis akong nagbanlaw. Then sumilip ako sa labas ng banyo, andun si Ate Carla, na may dalang towel at mga damit ko. Habang kinukuha ito sa kanya. Napadaan si Ate Cha na papunta sa kusina.
“Bilisan mo dyan Clyde, mag-uusap tayo,” nakapagpalit na sya ng damit na pambahay, mukhang hindi na ata sya papasok.
Nagbihis ako, still trying na hindi ma-out balance o madulas. Di na ganun kasakit yung ulo ko pero nahihilo-hilo pa rin ako. Gusto ko nang umakyat at matulog sa kwarto ko, I swear, tinatawag na ng kama ko yung katawan ko, kaso alam kong kaya akong kaladkarin ni Ate Cha pababa kapag hindi ako nagpakita sa kanila sa kusina.
Pagpunta ko sa kusina, amoy kape yung paligid, instictively, kumuha ako ng mug at lumapit sa coffee maker para kumuha ng kape ko, kaso inawat ako ni Ate Cha.
“Bawal ka nyan, may hangover ka.”
“Legit?”
“Oo. Kaya lumayo ka dyan, eto mag juice ka,” inangat nya at pinakita sa kin yung karton ng Orange Juice sa mesa, “Halika, mag-uusap tayo.” Kung nakakasugat ang mga tingin siguro duguan na ko ngayon, ang sama ng tingin ni Ate Cha sa kin, kaso I dont blame her, I’m obviously screwed up. Umupo ako sa usual kong upuan sa mesa namin, right across from her, katabi naman nya si Ate Carla na nagtitimpla ng creamer sa kape nya. Shit, bigla akong nainggit.
“Uminom ka na muna nito nang magising ka,” inilapit nya sa kin yung orange juice at isang basong walang laman.
Nung una, ayoko pang uminom, kaso ayaw talaga mawala sa bibig ko nung after taste ng panis na laway at tequila sa bibig ko kahit anong gawin kong mumog kanila sa banyo, kaya naman nagsalin ako ng orange juice sa baso at uminom.
“San ka galing kagabi?”
“Nag-inom.”
“Bobo, alam ko, obvious nga eh. San ka nag-inom.”
“Dun sa restobar na kinainan natin dati?”
“What!? Dun sa may bundok!?” tanong ni Ate Carla, “Buti nakababa ka pa ng buo dito!”
Maski ako rin naman nagulat na nakauwi pa ko ngayon eh. Di ko nga ineexpect na makakapag drive pa ko. Teka.
Wala akong naalalang nagdrive ako kagabi. Ang naalala ko, nasa passenger’s seat lang ako nung pauwi.
May naghatid sa kin dito.
“I’m so disappointed to you Clyde. Alam mo, kapag nalaman to ni Mom and Dad for sure babawiin nila ang kotse mo,” sabi ni Ate Cha na ngayon nagbubura ng make-up gamit ang wipes, “This is so irresponsible of you.”
Yeah, yeah, I know. Hindi ko na masyadong inisip pa yung posibilidad na bawian ako ng kotse, I’m too occupied, pilit kong inaalala kung sino ang nag-drive sa kin pauwi kagabi. Wait, baka naman sabog lang ako. Kaso hindi eh, ang alam ko talaga may kasama akong umalis ng bar kagabi. Fuck what happened!
“Hoy! Nakikinig ka ba!”
“Yes Ate.”
“Sana hindi na to maulit. Hindi na muna namin to sasabihin kanila Mom and Dad, pero promise us na you wont get wasted like this again.”
I sighed, “Yes, I promise.”
“I completely understand kung anong nangyayari sayo, pero please, inaalala lang namin yung safety mo.”
Biglang sumingit si Ate Carla, “With that being said, anong nangyari sa inyo ni Seb? Bakit kayo naghiwalay?”
Bumuntong-hininga nanaman ako bago nagsalin ulit ng juice sa baso kong wala nang laman.
“Samahan ko ng saging yan,” pumitas ng ilang saging si Ate Cha sa isang piling ng saging sa fruit basket sa gitna ng mesa at inihagis papunta sa kin. Kumuha ako at. nagbalat ng isa.
“Clyde, what happened?” tanong ulit ni Ate Carla, “Bakit kayo nagbreak?”
“Sabi nya ayaw nya na sa kin,” I looked down, tinitigan ko yung mga paa ko sa transparent sa glass table, buong sa hiyang hiya ako sa mga ate ko, ayokong makita nila yung pamumuo nanaman ng mga luha sa mata ko.
“Teka, yung phone ko nga pala!” shit, di ko na maalala kung san ko naiwan phone ko.
“Eto,” nilabas ni Ate Cha yung phone ko mula sa bulsa ng shorts nya, “Nakita ko yan sa loob ng kotse mo.
“Salamat,” sabi ko, “Ano pa nakita mo dun?”
Napataas yung kilay ni Ate Cha, “Bakit, meron ba kong hindi dapat makita don?”
Wala naman siguro. Baka lang may clues kung sino yung naghatid sa kin kagabi. O baka nandun pa yung naghatid sa kin. Kaso kung may makikita man sa loob si Ate edi sana sinabi na nya sa kin ngayon.
“Wala naman, y-yung wallet ko lang kasi,” napakamot ako ng ulo, nakita ko kanina sa bulsa ng basa kong pantalon yung wallet ko kanina, kaso nakalimutan ko lang kunin.
“Hindi ko nakita don. Baka nasa bulsa mo?” tanong ni Ate na busy pa rin sa pagbura ng make-up.
“Baka nga,” sabi ko, “Hindi ka papasok sa trabaho?”
“Hoy Clyde! Tinatanong kita!” bigla akong binato ni Ate Carla ng balat ng saging, “Anong nangyari sa inyo ni Seb!?”
“Sinagot naman kita ah!” babato ko sana pabalik sa ianya yung balat ng saging kaso wala na talaga akong energy, “Sabi nya ayaw nya daw sa kin!”
“Yun lang? Hindi nya sinabi kung bakit?”
“Hindi. Sinabi nya lang ayaw nya na sa kin.”
“Hindi mo na tinatanong kung bakit?”
“Tss. Ano pang sense? Madali naman akong kausap eh. Ayaw nya na sa kin, di ko na pagpipilitan pa sarili ko sa kanya.”
“Hindi mo na sya ipaglalaban?”
“Ano pa ngang sense. Ayaw nya na daw eh. Alam kong wala na kong magagawa don.”
“Ano yun? As in sinabi nya lang na wala na, ayaw nya na sayo? O may third party? Pano kayo nag-usap? Kinonfront mo ba sya or nahuli mo lang basta?”
“Ewan. Di ko na nga tinanong.”
Inunlock ko yung phone ko. Kaso drained na yung battery.
“Akyat na ko,” sabi ko kay Ate Cha, “Magpapahinga na ko.”
“Sige. I hope you learned something from this.”
“Yes Ate,” pagtayo ko, bigla kong naalala yung mga basang damit ko sa banyo, “Shit, yung mga damit ko pa pala.”
“Sige, ako na,” sabi ni Ate Carla, “Maglalaba ako today, sabay ko na lang.”
“Salamat te,” mas lalo tuloy akong naguilty sa ginawa ko.
Pag-akyat ko sa taas, agad kong hinanap yung charger ko at chinarge yung phone ko. Nang magkapower na, binuksan ko yung phone ko at chineck yung messenger ko. Dun ko lang napansin yung oras. Quarter to 8 na pala.
As expected. Walang bagong message sa gc ng tropa. Pero may kanya-kanyang PM sila sa kin. Si Troy tinatanong kung asan ako, si Audrey, kinakamusta ako, si Alexis naman pinababalik ako sa bahay nila Allison. Nung chat head ni Allison yung tinignan ko, nagulat ako ng makita mong may 52 unread messages ako mula sa kanya.
Clyde asan ka?
Clyde pumunta ka rito.
Please bumalik ka rito.
Clyde nasaan ka? Please sumagot ka naman.
Di ko pa tapos basahin yung mga message nya sa kin nang bigla syang nagrequest for videocall. Inayos ko lang saglit yung buhok ko bago ko sinagot yung tawag. I swear, kung tungkol to sa mga nangyari kahapon, babaan ko to ng phone at matutulog na ko.
“Sa wakas! Buti naman sumagot ka na rin!’
“Ganda naman ng good morning mo.”
“Gago, anong nangyari sayo? Anong itsura yan? Nag-inom ka kagabi no?”
“Oo.”
“Wasak na wasak ka boy. Sabi na nga nag-inom ka kagabi kaya di ka kita macontact.”
“Anong kailangan mo?” that came out harsher than I expected to kaso talagang pilit nang pumipikit ang mga mata ko sa sobrang bigat.
“Pumunta ka rito please. Its an emergency.” Agad kong napansin yung uneasiness at panic sa mukha nya.
“Anong meron? Anong nangyari?”
“Actually hindi ko rin alam. Basta andito si Seb ngay-”
“Tss. Baka umalis lang ulit nyan pag dumating ako so ano pang sense ng pagpunta ko dyan?”
“Clyde, makinig ka, its not what you think it is!” hininaan nya yung boses nya bigla pero rinig na rinig ko yung gigil, “Bitch, kaninang madaling araw, pumunta rito si Seb. Puro pasa yung mukha nya, duguan yung ilong nya.”
What? In an instant, biglang nawala yung hangover ko, yung sakit ng ulo, yung pagkahilo, yung pagod, yung antok, lahat nawala.
“Bakit? Ano raw nangyari?”
“Ayaw nyang magsalita. Kaya nga I need you here.”
Sa mga nangyari sa min kahapon, I highly doubt na sasabihin sa kin Seb kung ano man ang nangyari sa kanya.
“Asan sya ngayon?”
“Nasa kwarto ko, natutulog. Please Clyde, k
ung ano man issue nyong dalawa, please, isantabi mo muna at sobrang nag-aalala ako para kay Seb. Pumunta ka rito please.“ Halos maiyak iyak na si Allison sa pakikiusap.
“Sige. Papunta na.”
Nagpalit agad ako ng damit, at tumakbo palabas ng kwarto. Nakasalubong ko si Ate Cha na paakyat ng hagdan.
“Oh, san ka pupunta?” tinignan nya ko na parang nagsasabing hindi nya ko hahayaang umalis. Alam ko namang hindi nya ko papayagan.
“Ate, kailangan kong pumunta kanila Allison. Emergency lang. Si Seb daw nandun, may mga pasa at mga sugat, please Ate, payagan mo kong umalis please,” the more iniisip ko yung description ni Allison kay Seb, mas lalo akong nag-aalala.
“Ano daw nangyari?”
“Yun nga eh, kanina pa pala nya ko kinocontact, hindi daw kasi sumasagot sa kanya si Seb. Kaya baka sa kin sabihin nya kung ano man yung nangyari sa kanya.”
“Sige. Pero dont take the car.”
“What?”
“Grounded ka sa sasakyan for a month. Mag-commute ka,” sabi nya sa kin sabay punta pataas sa kwarto nya.
Bumalik ulit ako sa kwarto ko, chinarge yung phone kong 2% pa lang yung battery at dali-daling nag-book ng Grab papunta sa bahay nila Allison.
Shit naman, ano kayang nangyari kay Seb?
Chapter 12: Then
“Family Reunions are really not my thing.”
“Bakit naman? Ang bait bait ng family mo kaya! Sana nga ganun din yung family namin eh, sa min isang dekada na ata simula nung huli kong nakita yung mga pinsan at mga tito tita ko. Never nilang nakasundo yung mga magulang ko.”
Tumingin ako kay Seb, nakasilip sya sa labas ng kotse ko, nakatingin sa bahay ng Lola ko na sobrang ingay at puno ng mga pailaw na kung ano-ano, may strobe lights, may lazers, may mga lightbulbs sa mga puno, ang extra talaga ng mga tita ko mag-organize ng mga reunion kainis.
Binalik kl yung tingin kay Seb, nakita ko yung inggit. Napaka insensitive ko talaga, hindi ko na pala dapat sinabi yun. Dapat grateful nga naman ako na magkakasundo at sonrang solid ng family ko kung icocompare sa iba, I’m blessed for that.
“San ko kaya ipapark to?” I looked around Lola’s house, kaso yung mga bakanteng lote sa paligid puno na ng mga sasakyan, pati yung kalsada, ang haba na ng pila ng mga nakapark sa gilid, “Mukhang sa malayo pa ata tayo makakapagpark.”
At dun na nga ako nag park sa dulo ng pila ng mga sasakyan na nakapark, mga limang lote ang layo kanila Lola.
“Uy Gummybear, wag mo kong iiwanan ah,” sabi ni Seb nang makababa na kami sa kotse.
“Baliw, oo naman, di kita hahayaang pupugin ng mga tita ko,” sabi ko habang sinisiguradong nakalock ang lahat ng pinto, “Tsaka sabi ko naman sayo diba, iiwas tayo sa kanila as much as possible.” Malamang kasi nyan yung mga babies ng mga pinsan ko ang magiging spotlight ng gabi. Babies eh.
Hinawakan ko yung kamay nya habang naglalakad papunta sa bahay ni Lola.
“Thanks ulit ha,” sabi ko. Tumingin ako sa kanya, at bigla akong namesmarize, mukha syang kumikinang under the moonlight. “Salamat sa pagpayag na sumama rito.” Alam ko naman yung risk, na baka may nakakakilala sa parents nya sa mga kamag-anak ko at bigla syang i-out, pero he took the risk para lang pasayahin ako. If thats not the best thing a boyfriend can do for you.
“Walang anuman Gummybear. Basta ikaw.”
Gusto ko syang halikan kaso malapit na kami kanila Lola, kaya kiniss ko na lang sya ng mabilis sa pisngi at saka lumapit sa gate para mag doorbell.
“Hi Lola!” nagulat ako nung si Lola yung nagbukas ng gate for me, pero I’m happier na nakita sya ulit.
“Clyde! Buti nakarating ka!” niyakap ako ni Lola at saka nakipagbeso-beso sa kin.
Nang binitawan na nya ko, tinuro ko si Seb.
“Lola, uhm, boyfriend ko po,” medyo di pa ko sure kung anong sasabihin since hindi pa talaga officially kami, pero ang weird naman kung iintroduce ko sya ang “fling ko po.” Tumingin ako kay Seb para tignan yung reaction nya kaso ngumiti lang sya na parang sinasabing dun rin naman kami mapupunta.
“Kay gwapo namang bata ah, boyfriend mo!?” di makapaniwalang sabi ni Lola. Biglang namula si Seb na napakamot na lang sa batok.
Tumango ako, knowing Lola, I have no doubts na hindi nya ako tatanggapin after this, “Opo La.”
“Teka, ibig sabihin, ano ka?”
“Bisexual po la. Nagkakagusto po ako sa both lalaki at babae.”
“Ganun ba, anong pangalan mo iho?”
“Sebastian po. Seb po for short.”
“Nice to meet you Seb,” makikipagkamay sana si Seb kaso niyakap sya ni Lola, which made me heart swell with happiness.
“Napakilala mo na ba sya sa parents mo?”
“Opo, kasama ko po sya nung huling tumawag sila Mama,” and they liked him. Nung una they can’t believe it, they always know na I like girls, pero being the super cool and the best parents in the world that they are, they welcomed Seb na to the family kahit na hindi pa officially na kami. Sila nga yung nag-encourage sa kanya na sumama dito sa family reunion namin.
“Halina kayo sa loob! Mauubos na ng mga pinsan mo yung pagkain don! Nako, dali, baka maubusan kayo!”
Pagpasok sa loob, yung mga Ate ko agad yung una kong nakita na nasa garden, buhat buhat yung mga babies ng mga pinsan ko, kasama yung mga pinsan ko at ang mga asawa nila. Kumaway ako sa kanila, at tinawag naman nila ako para lumapit, kaso hinila ako ni Lola.
“Hay nako! Mamaya na ang kwentuhan! Baka maubusan ka ng paborito mong morcon!”
“Ay weh!? May morcon Lola! Alam mo pa rin yung paborito ko Lola ah.”
“Syempre! Kaya kumain ka na bago pa maubos!”
Pagpasok sa bahay ni Lola, andun yung mga tito at tita ko, mga nakapalibot sa videoke at nagkakantahan. Nagmano naman ako sa kanila isa-isa.
“Uhm, si Seb po pala, boyfriend ko.”
Nagmano din sa kanila si Seb. Wala silang sinabi, binati lang din nila ng Good Evening si Seb. Napansin ko yung iba sa kanila nagulat sa announcement, pero I’m very glad na they took the news positively, and kung may hindi man sang-ayon, they’re just respectful enough to keep their opinions to themselves.
Pagdating sa kusina, nasa dining table lahat ng nga pagkain, unang nilandingan ng mga mata ko ang hilera ng mga morcon na nasa isang tray. Una ko munang pinaupo sa isang silya si Seb, saka ako tumabi sa kanya.
“Iwan ko na muna kayo dyan ha, kumain lang kayo ng kumain,” sabi ni Lola.
“Sige lang po la,” sabi ko, “Salamat po.”
Paglabas ni Lola ng kusina, tinulungan ko si Seb na magsandok ng kanin at mamili ng ulam.
“Every year ba kayong ganito?” tanong nya habang ako naman yung nagsasandok ng kakainin ko.
“Yep. Actually maraming beses kami sa isang taon nagkikita-kita, pag may birthday, pag may kasal, pag may special occassions. Tsaka pag summer, nag-a-outing kami, swimming swimming ganun. Tsaka eto, Christmas Party-slash-Family Reunion.”
“Edi sobrang close na ng family nyo nyan?”
“Oo. Close kami in a way na hindi man kami affectionate sa isa’t-isa, we know, and its a common knowledge na we all got each other’s back.”
“That’s nice. I wish ganito rin yung family ko.”
Mula rito sa kusina naririnig namin yung tawanan ng mga tito at tita ko sala. Pinapakanta nila si Lola. Knowing lola, di naman nya ganun kagusto maging center of attraction, pero dahil its a very special moment, na yung mga anak nya, kasama nya pati na rin ang mga asawa nila, for sure its a happy feeling for her. And before we know it, she’s belting Aretha Franklin na sa videoke.
“I wish magkabati-bati na rin si Dad at yung mga kapatid nya.”
Nakwento na ni Seb sa kin dati yung dahilan kung bati hindi close ang mga kapatid ng Daddy nya sa kanila. Nung nagsisimula pa lang yung church na itinayo ng tatay nya, pilit nyang sinali rito yung mga kapatid nya. Sumali naman sila, pero tumiwalag rin sila, well, siguro hindi yun ang gusto niñang way of life? Labis itong ikinagalit ni Tito Rolando, kaya he cut off his communication sa mga kapatid nya.
Yung mommy naman ni Seb, si Tita Larissa, only child. Kaya hindi talaga naexperience ni Seb ang magkaron ng extended family.
Habang kumakain, nakikinig lang kami sa mga tito at tita kong kumakanta, tas kinukwento ko rin yung memories ko sa kanila, like kung paano ako tinuruan ni Tito Jesse mag-swimming, or kung paano ako tinakas ni Tita Reese mula kay Mommy nung bata pa ko at nagpunta kami ng Star City.
“Do you want to go outside?” tanong ko pagtapos naming kumain.
“Saan?”
“Dun lang sa backyard, patunaw lang tayo, lakad-lakad ganun.”
Niligpit ko yung mga pinagkainan namin, tinakpan yung mga ulam na walang mga takip at binalik sa ref ang mga pitchel ng tubig bago pa ito magbasa sa mesa.
“Sa tingin mo okay lang sa mga tito at tita pati na rin sa mga pinsan mo na, alam mo na, uhm, boyfriend ang dala mo sa family reunion nyo?”
I looked at him and smiled. Inakbayan ko sya at dinala sya palabas ng backdoor sa kusina, papunta sa backyard kung saan naroroon ang pool, ang dessert bar, pati na rin yung mga anak ng mga pinsan ko, si Sophie at Fiona. Nako, for sure pagnakita sila nila Lola, lagot ang mga pinsan ko nito, we’re not supposed to leave the kids sa backyard ng walang bantay na matanda, baka mahulog sila sa pool wala pa kaming kamalay-malay. Buti na lang pala pumunta kami ni Seb rito sa likod.
“We’re pretty open minded. Im sure they dont mind,” sabi ko, but I completely understand yung squimishness nya, hindi ganun ka open-minded sa mga bagay ang household kung saan sya lumaki.
“Tito Clyde!” sigaw ng mga pamangkin ko sa pinsan nung nakita nila ako, iniwan nila yung mga sweets nila na nasa paper plates sa dessert bar at tumakbo papalapit sakin, para mag-bless.
“Hi Sophie! Hi Fiona!” Bati ko sa kanilang dalawa. Bumitaw muna ako sa pagkakaakbay kay Seb para yakapin sila, “Merry Christmas!”
“Merry Christmas rin po!” nakipagfist bump sila sa pinaka cool nilang tito.
“Anong meron sa dessert bar?”
“Ay Tito tara! Tikman mo po yung brownies ni Lola Agnes! Sobrang sarap po!” Hinila ako ni Sophie papunta sa gilid ng pool, palapit sa dessert bar, careful na hindi madulas at baka mag-dive ako sa pool ng hindi oras.
Sinilip ko yung mga sweets na nasa mahabang table. Bukod sa brownies ni Tita Agnes, meron ding mga chocolate bars, mga Kisses, meron ding bowls of nuts na may halong M&M’s. At nakita ko nanaman ang Chocolate Fountain ni Tito Charlie, at sa tabi nito may packs ng marshmallows, crackers, at bowls ng strawberries at saging.
“Tara, kain po tayo Tito!” yaya sakin ni Fiona, kinuha ulit nila yung mga paper plates nila at bumalik sa pagkain.
Kumuha ako ng dalawang paper plates at binigay yung isa kay Seb, “Thanks Gummybear,” kinindatan ko sya as a reply.
Habang kumukuha ako ng marshmallows na idi-dip ko sa chocolate fountain, naramdaman kong hinihila ni Fiona yung polo ko.
“Tito, sino po sya?” bulong nya, sa kin habang tinuturo si Seb na busy sa pamimili ng brownies.
“Uhm,” napakamot ako sa batok, “Gummybear, halika.”
Nagtatakang lumapit sa kin si Seb. Paglapit nya, inakbayan ko sya, “Girls, this is Tito Seb. And he’s my boyfriend.”
Andun nanaman tayo sa boyfriend thingy. Pangatlong beses ko na ata sya na-introduce as boyfriend ko, baka ma-jinx kami nyan.
“Boyfriend po?” nagtatakang tanong ni Sophie, na mas nakakatanda sa dalawa, I think 7 na ata sya, “I thought boys are for girls lang po.”
“Yun did akala ko baby girl eh,” pinakawalan ko na sa hawak ko si Seb at hinayaan ko na syang mamili ng brownies in piece. “But I guess everyone is for everyone. Pag love mo yung isang tao, it won’t matter kung boy or girl sya.”
“Edi it means po girls are for girls too?”
“Yes its possible, as long as your heart tells you to,” I tucked some stray hairs sa likod ng tenga ni Sophie, “You’ll understand more when you grow up. For now, welcome Tito Seb sa family ha.”
“Yes po, Tito. Just like Tita Rachel ba?” I nodded, for a second nakalimutan ko kung sino yun, pero yun nga pala yung fiance nung isa kong pinsan.
“Well, actually, we’re not together yet,” napakamot nanaman ako sa ulo, hindi ko kasi alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.
“Kelan pa po kayo magiging together?”
“Uhm, kasi-”
Medyo nagulat ako ng biglang umakbay sa kin si Seb.
“Now. We’re together now.”
Tumingin ako sa kanya. Tumingin sya sa kin. He smiled, then winked.
Chapter 13: Now
“Asan si Seb?”
“Andun sa kwarto ko, natutulog,” sabi ni Allison habang pinagbubuksan ako ng gate, “Oh, di mo dala kotse mo?”
“Nagcommute lang ako. Di ako pinayagan ni Ate Cha magkotse ngayon, long story. Kamusta si Seb?” Pagbukas ng gate, dire-diretso agad akong pumasok sa loob ng bahay nila kaso hinila ako ni Allison pabalik sa garahe.
“Teka, teka, teka, wag ka muna pumasok, magpapaliwanag muna ako sayo. Baka kasi marinig ka ni Seb, nagpromise ako sa kanya na hindi kita papupuntahin rito.”
Figures. Mukhang hindi naman nya ko kailangan eh. Kaso syempre, kahit naman hindi sabihin ni Allison na may masamang nangyari sa kanya, basta malaman ko lang na may nangyari sa kanya, pupuntahan ko sya kahit asan man sya. Ganun ko sya kamahal.
“Ano ba kasing nangyari?” sabi ko, medyo nayayamot na kasi nakailang beses na kong tanong ng kung anong nangyari kaso hindi ako sinasagot ni Allison.
“Kanina, mga bandang alas singko, ginising ako ni Mama. Sabi nya naririnig daw nila yung boses ni Seb na tinatawag ako sa labas. Nagulat ako, akala ko nga panaginip kasi, hey, sino ba sa inyo ang kumatok sa bahay ko ng ganun oras?” nagpatuloy sya sa pagkukwento, “So bumaba ako, then ayun, naririnig ko nga yung boses nya mula sa labas, so nagmamadali akong lumabas, thinking na its an emergency kasi its not normal na may kumatok ng ganung oras. Pagbukas ko ng gate, dun ko nakita.”
“Ano? Anong meron?”
“Ayun nga, namamaga yung dalawang mata nya, putok yung kaliwang pisngi tsaka nagdudugo yung ilong nya. He’s in the same clothes as yesterday, pero boii, grabe yung dugo sa damit nya.”
Lalo akong kinakabahan sa kwento ni Allison. I kept reminding myself na andun na sya sa kwarto ni Allison, nagpapahinga, malayo sa kung sino o ano man yung dahilan kung bakita sya naging ganon.
“Pagbukas ko ng gate, pumasok sya agad, na parang may tinataguan sya. Then pagkasara nya nung gate, dun na nya ko niyakap tas walang syang tigil sa pag-iyak.”
“Bakit? Bakit sya umiiyak.”
“To be honest, akala ko nung una ikaw yung bumugbog sa kanya. So tinanong ko agad sya kung ikaw ba yung gumawa non. Sabi nya hindi. I kept on asking him kung hindi ikaw, hindi daw. Pero yun lang ang tanging tanong ko na sinagot nya. Pinapasok ko sya sa loob, I kept asking him, pati nga si Mama at Papa tinatanong na rin sya kaso hindi talaga sya sumasagot, iyak lang sya ng iyak habang ginagamot yung mga sugat nya.”
Shit. Kung hindi lang ako nagpakawasak kagabi, edi sana nakapunta ako rito ng maaga at nacomfort ko yung gummybear ko.
“Tinawagan mo ba parents nya? O yung mga kuya nya?”
“Wala syang phone. Actually wala syang dala nung pumunta sya rito. Pawis na pawis nga sya tas hingal na hingal pa, for sure tinakbo nya lang papunta rito mula sa kung san man sya nanggaling. Mukha ngang hindi umuwi eh.”
I feel so fucking guilty. Yung mga oras pala na nagwawalwal ako, na hindi pa ko sigurado kung mag-isa lang ba ko o may kasama ako, nabugbog na pala ng kung sino si Sebastian ko. Naiiyak ako fuck.
“You better promise me Clyde na wala ka talagang kinalaman dito, I swear, ako mismo bubugbog sayo.”
“I swear. Wala talaga akong alam.”
“Siguraduhin mo lang,” sabi ni Allison at saka nya ko pinapasok sa loob.
Pagpasok namin sa loob, sobrang tahimik ng paligid. Sa sobrang tahimik, napipicture out ko sa isip ko yung mga nangyari dito kahapon, simula nung dumating ako, hanggang habulin ko sa labas si Seb, hanggang sa mgahiwalay na kaming dalawa. Para akong nanunuod ng shooting ng kung ano man ang nangyari kahapon.
Pagdating sa kwarto ni Allison, sumenyas si Allison na dun lang sya sa baba, na tawagin ko sya kung sakaling may kailangan. Tumango naman ako bago kumatok sa pinto.
After mga tatlong katok, binuksan ko yung pinto at dahan-dahang pumasok sa loob.
Andun si Seb. Kaso hindi sya tulog. Nakaupo sya sa gilid ng kama, nakaharap sa bintana, nakatalikod sa kin.
“Seb?”
Dahan-dahan syang humarap sa kin. Dahil sa ilaw na mula sa bintana at mula sa kwarto ni Allison, mas nakita kong mabuti yung mga pasa at sugat sa mukha na sinasabi ni Allison. He just stared at me, and it broke my heart.
“Anong nangyari?” Sinara ko ulit yung pinto at dali-daling lumapit sa kanya kaso bigla syang tumayo at nagsumiksik sa sulok ng closet ni Allison.
“Seb? Anong nangyari?” pakiramdam ko anytime hahagulgol rin ako ng iyak.
He started crying habang nakatingin lang sa kin. I started to feel na baka ako nga yung may gawa nito sa kanya.
Bigla akong kinabahan. Wala akong maalala sa mga nangyari kagabi, at alam kong may kasama ako na naghatid pa sa kin sa bahay. At hindi magiging ganito ka takot sa kin si Seb kung wala akong ginawang masama sa kanya.
“Seb, sinong may gawa sayo nyan?”
Hindi sya sumagot.
“Ako ba?”
Umiling sya. Naupo sya sa sahig habang yakap-yakap ang sarili.
“Alam mo Seb, mahal na mahal kita,” sabi ko, “Sobrang sakit na nakikita kang ganyan. Gusto kitang tulungan. Anong nangyari sayo? Sino gumawa sayo nyan?”
Wala pa ring sagot.
“Sorry sa mga inasal ko kahapon. Sobrang naipon lang yung frustrations sa loob ko simula nung naging cold ka na sakin,” sa labas na ko ng bintana tumingin, hindi ko kayang tumingin pa sa kanya ng hindi lumuluha, “Seb, bakit ka nagbago? May nagawa ba kong mali? May nasabi ba ko sayo? Sabihin mo please para mabago ko.”
May humarang na makapal na ulap sa araw, dahilan para medyo dumilim ang paligid.
“Naiintindihan kong hindi pa tayo ganun katagal, pero bakit naman bigla kang makikipaghiwalay sa kin. Anong problema sa kin, please pakisabi naman.”
Finally, narinig ko na rin boses nya sa wakas.
“Wala Clyde. Walang mali sayo.”
“Eh bakit ka nakipaghiwalay sa kin? Ba’t mo nasabing wala ka nang pagmamahal sa kin?”
I swear, pinipigilan kong tumingin sa kanya, kaso hindi ko kaya, sobra ko syang namiss, and given yung kondisyon nya ngayon, mas gusto ko syang yakapin at alagan hanggang sa gumaling ang mga pasa nya sa mukha at matuyo ang mga luha sa mga mata nya.
“Hindi dapat ako nakikipag-usap sayo,” sabi nya na lubos kong kinagulat, “Please Clyde, umalis ka na.”
“Hindi ako aalis rito hangga’t hindi ko nalalaman yung nangyari sayo.”
“Please, nagmamakaawa ako sayo Clyde. Umalis ka na please. Malalaman mo rin ang lahat someday.”
“Bakit hindi ko pwedeng malaman ngayon?”
Kalahati ng utak ko, ipinagsisigawan na na mukhang hindi tulad ng pagmamahal ko sa kanya yung pagmamahal nya sa kin. Yung kalahati naman, nalilito at labis na nag-alala sa kung ano bang totong nangyari.
“Ayos na ko. I already called my parents. susunduin na nila ako any minute.”
Huh? Eh sabi ni Allison wala syang dalang kahit ano, maski yung phone nya wala.
“Can you please at least tell me what happened?”
Bigla na syang nasisisigaw, “Labas! Umalis ka na! Alis!!”
Dali-daling pumasok sa loob ng kwarto nya si Allison, “Anong nangyayari!?” tumingin sya kay Seb, then sa kin, “Anong nangyayari!?”
“Hindi ko alam!”
“Please Clyde! Umalis ka na! Allie, you promised na hindi mo papupuntahin dito si Clyde!”
“Seb, I’m sorry, gusto ko lang na magkaayos lang kayong dalawa.”
“Hindi!! Please I’m begging you,” bigla syang lumuhod at nagmakaawa kay Allie, na agad naman syang nilapitan at pinatayo. Di tulad ko, hindi sya iniwasan ni Seb na parang may nakakahawang sakit.
“Clyde, labas ka na muna please,” sabi ni Allie na pilit pinapakalma si Seb, “Please. Ako na bahala kay Seb.”
Madali naman akong kausap. Lumabas ako at bumaba sa sala nila at dun tumambay para hintayin si Allison. Pumunta ako rito para masagot yung mga tanong na gusto kong masagot, pero mas lalo lang nadagdagan ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko.
Bakit ganun si Seb?
Anong nangyari kay Seb?
Bakit nabugbug si Seb?
Anong problema nya sa kin?
Ilang sandali lang, nakita ko na si Allison na pababa ng hagdan.
“Clyde, yung totoo, wala ka ba talagang ginawa kay Seb?”
“Promise!” tinaas ko yung dalawa kong kamay, “Wala talaga pramis.”
“Kung wala kang ginagawa eh bakit halos maglupasay na sya kanina, nagmamakaawang paalisin kita!?”
“I dont have a fucking idea! Tinatanong ko lang sya sa kung anong nangyari kaso bigla na lang sya naging hysterical! Wala akong ginagawa sa kanya!”
“Gosh! Hindi ko na alam! I’m so confused.”
“Maski ako rin. Sobrang nag-aalala ako.”
“Alam mo, kung ano man yung nangyari, siguro tama nga na hindi muna siguro kita dapat pinapunta rito. Hayaan muna nating kumalma si Seb.”
“I agree. Yun na muna siguro yung dapat nating gawin.”
“Salamat Clyde. And siguraduhin mo lang talaga na wala kang kinalaman dito ha.”
“I promise. Wala akong kinalaman dito, I’m equally worried as you are,” I admit na medyo naiinis na ko dahil sa patuloy na paghihinala sa kin ni Allison, parang wala syang tiwala sa kin, pero hindi ko naman sya masisisi, I still got a portion of what happened last night na hindi ko maalala, and I cant even trust my own memory.
Besides, ako lang naman ata ang may motibo sa pagbubugbog kay Seb since nag-away kami kahapon. I can’t blame her. She’s just reallt concerned, parang ako.
“I’ll get going na,” sabi ko, “Can you please book a grab for me? Lowbat na ko eh.”
Nakicharge ako ng phone habang hinihintay yung Grab. I am so tempted na ikwento kay Allison yung mga nangyari kagabi, usually sa kanya ako palaging nag-oopen lalo na nung mga panahong cold sa kin si Seb. Pero buti na lang, napigilan ko yung sarili ko, pag sinabi kong wala akong naalala sa mga sa nangyari kagabi, I might become suspicious.
Nung dumating na yung Grab, I took one last look sa kwarto ni Allison, hoping na baka lumabas don si Seb at finally ikwento na rin kung ano man ang nangyari kagabi. Kaso wala. I guess hindi pa ito yung tamang oras para sagutin yung mga tanong sa utak ko na imbes nababawasan, lalo pang nadaragdagan.
“Ingat,” sabi sa kin ni Allison pagkalabas namin, andun na sa labas yung Grab na naghihintay sa kin.
“Please, balitaan mo ko palagi,” sabi ko, “Tawagan mo ko kapag nagkwento na sya.”
“I will,” she looks unsure, nakita ko yung reaksyon nya nung tinanong sya ni Seb kung bakit andun ako kahit nagmakaawa sya na wag akong papuntahin, “Bye Clyde.”
“Bye. Salamat.”
Habang pauwi, bumalik nanaman yung hilo at sakit ng ulo na dulot ng hangover. Kailangan ko na talaga matulog. Pinikit ko yung mga mata ko at pilit na iniwasan ang mga tanong na walang humpay sa pagsulpot sa isip ko. Lintek na isip yan, hindi na nawalan ng tanong.
Magpahinga ka na muna Clyde.
Nagulat ako ng pagmulat ko, nasa loob na ko ng village namin, ilang street na lang papunta sa bahay namin. Instantly, nakaramdam ako na parang tinatawag na ko ng kama ko. Higang-higa na ko I swear, nagsisimula nanamang umikot yung paligid ko.
Pagliko sa street namin, biglang nag-vibrate yung phone ko. Tumatawag si Allison. Biglang nawala yung antok ko, pati na rin yung bigat sa ulo ko.
“Hello?”
“Clyde! Bumalik ka rito please!”
“Bakit?” nang marinig ko yung panic sa boses nya, parang natransfer sa kin na ewan yung panic na meron sya, “Anong meron?”
“Dumating yung parents ni Seb.” narealize kong bumubulong lang pala si Allison, na parang ayaw nyang marinig sya na tinatawagan ako.
Maya-maya lang, nakarinig ako ng malakas na kalabog, tas sobrang daming footsteps, na nasundan ng something na nabasag.
“Allison! Anong nangyayari dyan!” halos mapatayo ako sa kinauupuan, halos hubarin ko na yung seatbelt at tumakbo palabas pabalik kanila Allison sa biglang buhos ng adrenaline dahil sa mga narinig ko. “Kuya! Pakibalik naman kung san tayo nanggaling please!” sabi ko sa driver.
“Hello! Allison!” hindi sya sumasagot, pero rinig ko ang bawat paghinga nya, that’s how I know na andun pa rin sya, “Anong nangyayari dyan!?”
Nakarinig ako ulit ng something na nabasag, malakas, sa sobrang lakas, narinig rin ng driver ng Grab na biglang binilisan ang takbo palabas ng village, after realizing na this is an emergency.
There was a long silence after that. Nakarinig ako ng mga taong nagsisigawan pero hindi ko marinig kung ano yung sinisigaw nila. Naririnig ko pa rin ang bawat paghinga ni Allison, I kept on asking kung anong nangyayari kaso hindi pa rin sya sumasagot.
Then narinig ko yung boses ni Seb na nagmamakaawa.
Chapter 14: Then
“Ngayon, alam ko na feeling mo tuwing pinapapunta kita sa family event namin.”
Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko, sa sobrang kaba ko nanghihina yung mga tuhod ko at parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko dahilan para medyo mahirapan akong huminga. Yung tipikal na nararamdaman mo pag kinakabahan ka, pero mga times 4.
“Chill ka lang Gummybear, mahahalata tayo nyan eh. Tsaka malay mo wala pa si Mama at Papa sa bahay.”
Binagalan ko yung takbo ng kotse ko, “Kasi naman gummybear, naaalala mo naman yung last time na tumambay kami sa inyo.”
Napagalitan kami ni Tito Rolando, Daddy ni Seb, dahil naabutan nya kaming nanunuod ng horror movie sa sala. What happened next is almost an hour of preaching, kung bakit sobrang makasalanan ang manuod ng mga horror movie, kung paano ito ginagamit ng mga demonyo para sirain ang ispiritualidad ng tao, you got the picture. He gets mad over mundane things and napakadali sa kanyang hanapan ito ng connection sa religion and stuff.
“Nagchat na ba sila Troy?” tanong ko, I’m really praying na sana sila yung mauna, para naman hindi ako maabutan ni Tito Rolando dun na mag-isa lang.
“Uhm, about that…”
“Gummybear, dont tell me…”
“I’m sorry gummybear!”
Ugh! Hindi totoong kasama sa dinner na to sila Troy! Ako lang ang sasama sa pamilya nilang magdinner!
“Gummybear why!” hinampas ko yung manibela, kunyari galit ako. Pero I regreted it instantly ng biglang magbago yung reaction ni Seb, mula sa apologetic, ngayo puro takot at lungkot.
“Uy joke lang, di ako galit,” I smiled at natawa ako ng onti nung nakita ko yung facial muscles ni Seb na magrelax, “Pero seryoso Gummybear, bakit? Alam mo namang I’m scared shitless sa daddy mo! No offense ha.”
“None taken.”
“Bakit sabi mo lahat kami invited sa dinner nyo? Ako lang pala?” Di naman ako galit na nagsinungaling sya sa kin, actually, I dont think kaya kong magalit sa kanya. Pero natatakot kasi talaga ako kay Tito Rolando eh.
“Sorry gummybear, feeling ko kasi hindi ka papayag na sumama kapag sinabi kong ikaw lang yung ininvite ko sa family dinner namin.”
I smiled at hinawakan yung isa nyang kamay, “Wala namang problem sa kin yun gummybear, kaso anong sabi mo kanila Tito?”
“Actually, sabi ko sa kanila, iinvite ko kayong lahat, pero ikaw lang talaga yung sinabihan ko.”
“Hoy bad! Baka mabalitaan to nila Allison lagot tayo dun! Sasabihan nanaman tayong mang-iiwan nyan!”
“Kasi gusto ko lang makita kung anong magiging feeling nila sayo, ganun. Preparation para sa pag coconfess natin sa kanila ganun.”
“Eh pano kung mahuli nila tayo?”
“Bakit? Magpapahuli ka ba? Syempre chill lang dapat! Alam naman nila na we’re pretty close. Lagi kitang nababanggit sa kanila eh.”
I cant help but smile. Pero sa likod ng ngiti ko, may nagtatagong pag-aalala. Alam kong ginagawa itong lahat ni Seb dahil gusto nyang maging normal na relasyon ang relasyon naming dalawa, yung tipong walang tinataguan, walang dapat kino-consider kundi ang puso naming dalawa. Kaso di ko mapigilang mag-alala, once na nalaman ng mga magulang nya ang meron sa aming dalawa, at kung ano ang totoong katauhan ng bunso nilang anak, alam kong hindi yung magiging maganda para sa aming dalawa.
Lalo na kay Seb.
Pagliko sa street nila Seb, nakita namin yung sasakyab ng parents ni Seb na papasok pa lang ng gate.
“Sila na ba yun?”
“Oo,” sagot ni Seb, “Ang aga naman nila.”
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng magpark kami sa tapat ng bahay nila. Nakabukas pa rin ang gate at pababa pa lang ng sasakyan si Tito Rolando at Tita Larissa. Bumaba na kami ni Seb para batiin sila.
“Hi Ma, Hi Pa!” Bati ni Seb sa mga magulang nya, pero yung nanay nya lang yung tumingin, yung tatay nya, dire-diretso lang sa loob kausap ang parang secretary nyang kamukha ni Mr. Clean dahil kalbo. Seb looks not bothered though, siguro ganyan talaga yung tatay nya.
“Hello!” nagbeso sila ng mama nya, “Where are your friends?” then tumingin sya sa kin, “Hello!”
“Hello po Tita.”
“You’re Clyde right?”
I nodded and offered my hands, kaso tinignan nya lang ito. Binalin ko na lang yung kamay ko sa pockets ng jacket ko.
“Ikaw lang? Where are your other friend Seb?”
“Uhm, di sila available Ma, si Clyde lang yung nay maluwag na sched,” nakita nya siguro yung failed handshake kaya lumapit sya sa kin at inakbayan ako. Yung akbay na pang-bro.
“I see, halina kayo, the table is set na inside, let’s go.”
Pagpasok namin sa loob, nakapwesto na sa hapag-kainan yung tatay ni Seb at pinagsasandukan ito ng mga kasambahay. Umupo sa tabi nya yung nanay ni Seb samantalang naiwan kami na nakatayo lang sa tabi ng tatay nya. Maya-maya, siniko nya ko bigla.
“Ay, uhm, good evening po,” I held my hand din para makipagkamay kay Tito Rolando. But unlike Tita Larissa, nakipagshake hands naman sya sa kin without even saying a word.
“Sebby, kumain na kayo, dali, baka lumamig yung pagkain,” sabi nung isa sa mga kasambahay na humawak sa balikat namin at pinapunta na kami sa mga upuan namin, “Sya lang ba bisita mo ngayon Seb?”
“Yes Ate Minda, di available yung iba kong tropa ngayon.”
“Ah ganun ba,” tas bigla syang tumingin sa kin, “Anong gusto mo dyan iho? Sasandukan na kita,” sabay turo sa mga pagkain na nasa hapag na akala mo may oiyesta sa sobrang dami. Siguro nagexpect sila na maraming kami na kasama ni Seb ngayon.
“Sige ok lang po,” I smiled politely, “Ako na po.”
Sobrang awkward talaga. Sobrsng awkward pag kumakain ka kasama ng pamilya ng secret boyfriend mo na possibly homophobic at walang nagsasalita kahit isa sa inyo. Ang scary. Kaya naman I took my time sa pagsasandok ng mga food na nasa harap ko, although mukhang masarap yung Paella na nasa kabilang dulo ng mesa, nakakahiya naman kung sa nanay ni Seb ko pa papaabot kaya nagsettle na lang ako sa lasagna na nasa harap ko.
“So Dad, how’s work?” sa itsura ni Seb, mukhang hindi nya typically kinakamusta yung araw ng tatay nya, the look on his father’s face tells the same. He’s doing it for the sake of conversation, siguro nasesense nya yung uneasiness ko.
“Ayos naman. May ilang members tayo na may konting problema lang kaya binisita namin sila.”
Hindi ako religious so hindi ako familiar on how churches work, pero it seems like kung ano man yung duty nya sa simbahang tinayo nya, mukhang very into it si Tito Rolando. He’s very passionate about it.
Inamin sa kin ni Seb dati na kahit sya, hindi sya sigurado sa trabaho ng mga magulang nya. Tinuruan silang magkakapatid in a very young age na as long as they are being provided, hindi na nila dapat questionin kung paano nila ito kinikita. Ang alam lang ni Seb, psychologist ang nanay nya, at may ari ng church nila ang kanyang tatay.
Pero kung ano man yung trabaho nila, its good. I mean, it pays really well.
Tahimik lang kaming kumain. Ang tanging ingay lang ay galing sa mga utensils namin. Very awkward. Sa sobrang kapal ng katahimikan, nagulat ako ng mag-ring yung phone ni Tito Rolando. Sinagot nya ito with a “Hello?” kaso halos mabitawan ko na yung basong iniinuman ko ng bigla syang sumigaw ng “What!?”
He excused himself at lumabas papunta sa sala. Nag-aalala namang nakatingin sa kanya si Tita Larissa.
Bigla akong nakaramdam ng need na Mag-C.R.
“Gum-” shit, muntik ko nang matawag na gummybear si Seb, “Seb, san yung banyo nyo?”
“Dun sa may tabi ng lababo,” sinilip ko yung lababo nila, kaso pagtingin ko, may pinto sa magkabilang tabi nito, hindi ko alam kung saan dun. Tatanungin ko na sana kaso nahiya na ko, pwede ko namang i-check na lang for myself.
Tumayo ako at pinuntahan yung pinto na pinakamalapit.
“Teka! Teka! Teka!” yung mga sigaw ni Tita Larissa almost gave me a heart attack, “San ka pupunta?!”
Fuck, shit, anong ginawa ko? I looked at Seb na parang nanghihingi ng tulong. Thankfully, tumayo sya, inakbayan ako and gently led me papunta sa totoong C.R. na nasa kabilang pinto.
“I-I’m sorry, d-di ko naman alam eh, uhm, sorry talaga Seb.”
“Shh,” pinisil-pisil nya yung daliri ko, “Sorry, Mom’s just being silly.”
“I’m sorry talaga Seb.”
“Don’t be. Dont mind her. Actually hindi mo rin mabubuksan yun, pinto yon papunta sa basement pero laging nakalock. Sorry ulit.”
Pinagpapawisan ako ng malamig, ang pinaka ayaw kong feeling sa lahat ay yung pinapagalitan, lalo na yung sinisigawan. Partly because lumaki ako ng walang sigawan sa bahay, kaya kapag sinisigawan ako, lalo na ng ibang tao na hindi ko gaano kilala, it makes me feel stupid, I dont know why.
But then again, its Tita Larissa, Mommy ni Seb. I’ll let it slide.
“Its okay. Baka ayaw nya lang na ginagalaw yung mga gamit sa kusina nya, ganun naman madalas ng mga nanay,” tinawanan ko lang yung discomfort na nararamdaman ko. Something’s off, hindi nya ko sisigawan ng ganun kung hindi much of a big deal ang pagpasok ko sa pintong yun.
“Kakausapin ko si Mama. Dont worry,” tinapik nya ko sa braso bago nya ko pinapasok sa banyo.
That was weird.
I took my time habang umiihi. Tinagalan ko nga rin pati yung paghuhugas ko ng kamay, hoping na sana lumabas rin ng kusina si Tita Larissa, sumagot ng tawag o kung ano, basta sana talaga paglabas ko wala na sya. Lalong dumoble yung takot ko sa mga magulang ni Seb.
Paglabas ko, sumilip muna ako sa may dining area, una kong nakita si yung likod ni Seb, at mukjang tumatawa sya. May kausap sya. Yung kasambahay na kumausap sa kin kanina, si Ate Minda. Rinig ko pa rin yung boses ni Tito Rolando na nasa sala at may kausap, samantalang wala na sa hapag si Tita Larissa, kahit yung mga pinagkaininan nya, nakaligpit na rin, ang nakaupo na sa pwesto nya ay si Ate Minda.
Bakit kaya umalis si Tita Larissa?
May sasabihin dapat si Ate Minda, kaso nung nakita nya ko, napatahimik sya, napatingin naman sa kin si Seb. I shurgged it off, baka family matters.
Tinapik ko sa balikat si Seb bago bumalik sa sa kinauupuan ko. Susubo na sana ako ng lasagna ng biglang magsalita si Ate Minda.
“Nako, iho, alagaan mo tong alaga ko ha!”
Nanlaki yung mga mata ko. Napatingin agad ako kay Seb, gulat na gulat rin sya sa sinabi ni Ate Minda. I initially thought sinabi nya yung tungkol samin sa kanya habang nasa banyo ako, kaya nagtatawanan sila kanina, kaso mukhang gulat na gulat din si Seb as much as I do.
“Uhm, Ate Minda, ano po-”
“Ay nako, wag na kayong magdeny. At wag kayong mag-alala, shh lang ako, safe sa kin ang secret nyo.”
Nagtinginan kami ni Seb. Kahit kulay yellow ang ilaw na mula sa chandelier na nasa taas namin, kitang-kita pa rin yung pamunula ng mukha ni Seb. I don’t know what to say actually, ni hindi ko nga alam what to make off sa information na alam na ng isa sa mga kasambahay ni Seb yung sikreto namin.
“P-pano nyo po nalaman?” tanong ko.
Tinignan ako ni Seb na parang hindi makapaniwala. Tsaka ko lang narealize yung kabobohang ginawa ko. Sa pagtatanong ko, para ko na ring kinonfirm kay Ate Minda yung sikreto naming dalawa.
“A-ate Minda, please, wag po sanang makakalabas sa kahit kanino.”
“Wag kayong mag-alala, safe ang sikreto nyo sa aming dalawa.”
Seb looked relieved, “Pero pano nyo po nalaman?”
“Syempre, ako kaya ang nagpalaki sayo! Kilalang kilala na kita, at nakita ko kung paano mo tignan tong si… Ano nga pala pangalan mo iho?”
“Clyde po.”
“Etong si Clyde,” hinawakan nya si braso si Seb, “Pero Sebastian, mag-iingat kayo ha.”
Tumingin sa kin si Seb, then sa kanya.
“Sino ba naman ako para questionin ang relasyon nyong dalawa, pero sana mag-iingat kayong dalawa,” sinilip-silip nya si Tito Rolando na nasa sala, “Sebastian, kilala mo ang Papa at Mama mo. Lagi kayong mag-iingat.”
Di ko alam kung anong mararamdaman sa warning ni Ate Minda. Gustong kong ma-comfort dahil at least wala syang balak na isumbong kami sa parents ni Seb, pero I was reminded ng mga pwedeng mangyari kapag once na nalaman nila yung relasyon naming dalawa.
“Y-yes Ate Minda. Salamat po.”
Maya-maya lang, pumasok na ulit sa dining room si Tito Rolando, dahilan para mapatayo sa kinauupuan si Ate Minda. Tahimik syang bumalik sa pagkain. Di man lang tumitingin sa min, di man lang tinatanong kung nasan ang asawa nya.
“Anong gusto nyong dessert?” tanong sa min ni Ate Minda.
“Ice cream na lang po,” sabi ni Seb, “Salamat.
Nagtinginan kami ni Seb. I feel bad dahil hindi ako sigurado kung kaya nga bang itago ni Ate Minda yung sikreto namin. Na-sense nya siguro yung pag-aalala ko kaya pasimple nyang hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa at pinisil-pisil ito tulad ng lagi nyang ginagawa.
Instantly, I felt safe.
Chapter 15: Now
“Allison, what happened?”
Allison’s house is a mess. Bukas ang gate at yung front door ay may malaking butas sa gitna at sira ang doorknob na para bang sinipa ito para buksan. Pagpasok ko sa loob, una agad pumukaw sa atensyon ko ay ang mga patak ng dugo sa puting tiles, hindi ganun karami para ikatakot, pero sapat na para mag-alala.
“Allison! Allison!”
“Clyde,” Narinig ko yung boses ng kaibigan ko mula sa kusina, “Clyde, andito ako.”
Tumakbo ako patungo sa kusina, nakita ko sa Allison na naka upo sa sulok ng kusina, yakap yakap ang mga binti at walang tigil sa pag-iyak.
“Allie, anong nangyari? Nasaktan ka ba? Asan si Seb?”
Fuck, ano ba tong nangyayari sa min?
“Clyde, dumating yung mga magulang ni Seb. Kinuha nila si Seb.”
“Bakit may mga dugo sa sala!? Bakit sira yung pinto nyo?”
“Yun na nga eh,” nag-umpisa syang manginig dahil sa kakaiyak, hinawakan ko sya sa magkabilang braso para pakalmahin sya, “Pwersahan silang pumasok rito. Kasama nila yung mga tauhan nila, sila yung sumira sa pinto, tapos pinuntahan nila sa taas si Seb, pwersahan nilang kinaladkad palabas ng kwarto ko si Seb.”
Ano ibig sabihin nun? Di kaya may kinalaman ang mga magulang ni Seb sa pagbubugbog sa kanya?
“Clyde, grabe yung mga sigaw ni Seb. Literal na kinaladkad sya pababa ng hagdan nung nga tauhan ng tatay nya, tas pagbaba nila sa sala dun nila binugbog si Seb para manahimik, binubog nila si Seb hanggang sa maging unconscious sya!”
“Bakit di mo sya tinulungan! Bakit di ka humingin ng tulong! Natawagan mo ko, might as well tumawag ka na rin ng pulis!” di ko na nacontrol yung mga lumabas sa bibig ko, na-guilty ako bigla, mukhang sinisisi ko sya sa nga nangyari pero halata naman kay Allison na hindi nya ginusto yung mga nakita nya.
“I tried! I tried helping him kaso tinulak ako palayo nung mga tauhan ng tatay nya, that’s when I called you, kaso, kaso, tinutukan nila ako ng baril Clyde! Tinutukan nila ako ng baril! Sabi nila sa kin, wala rin daw magagawa ang pagtawag ko sa pulis!” Kaya pala bigla na lang syang natahimik kanina.
“I’m sorry, I’m sorry,” umiiyak na rin ako, mostly because of the confusion sa mga nangyayari, “Hindi na pala dapat akong umalis.”
Niyakap ko sya, at dun ko lang nakita ang isang bugkos ng isang libo na nasa tabi nya, “Ano to?”
“After nilang mailabas si Seb, pinuntahan ako ng tatay nya,” sagot ni Allison, “Sabi ng tatay nya, wag na wag daw nyang mababalitaan na may pagsasabihan ako ng mga nangyari dito kundi malalagot daw ako. Kapalit daw yan ng katahimikan ko, pero Clyde, hindi ko kinaya yung mga nakita ko kanina, gusto kong iligtas si Seb, gusto kong tumawag sa mga pulis kaso natatakot ako para sa sarili ko tsaka sa pamilya ko! Kung ang sarili nya ngang anak kaya nyang ipabugbog sa mga tauhan nya, kami pa kaya!?”
Nasagot na yung isa sa mga tanong na kanina pa bumabagabag sa kin. May kinalaman ang tatay ni Seb sa pagbugbog sa kanya. Ang tanong, bakit?
“San daw nila dadalhin si Seb?”
“Wala. Wala silang sinabi.”
“Shit,” unti-unti ko nang napagtatagpi ang lahat, halatang may hindi magandang ginagawa ang mga magulang ni Seb sa kanya, at siguro, yun ang dahilan sa likod ng bigla nyang pagbabago nitong nakaraang linggo.
Kaso ang tanong, bakit? Bakit nila binugbog si Seb? Ano pa kaya ang ginawa nila kay Seb? Bakit may magulang na kayang gawin yun sa sarili nilang anak?
“Kailangan may gawin tayo,” tumayo ako and walked back and forth habang nag-iisip ng paraan kung paano ko matutulungan si Seb.
“Anong plano mo?”
“Save Seb of course.”
“Pero Clyde, may mga tauhan yung tatay nya! You wouldn’t stand against them!”
“Eh hindi naman ako pwedeng tumunganga na lang dito habang pinahihirapan nila yung mahal ko!”
“So anong gagawin mo? Ni hindi nga natin alam kung san nila dinala si Seb!”
“Wala ka bang narinig na kahit anong lugar, o pangalan ng lugar habang nandito yung mga parents ni Seb?”
Hinayaan ko si Allison na mag-isip, alalahanin kung meron nga ba syang clue na maaring narinig kanina.
“Wala silang nabanggit na lugar, kaso yung nanay nya may binanggit tungkol sa isang camp.”
“Camp?”
“Narinig kong sinabi nya sa tatay ni Seb na tumawag na sya sa camp-counselor, papunta na daw sila.”
“So ibig sabihin non? Wala sila sa bahay nila ngayon?” tumakbo ako palabas ng kusina nila Allison. Tumatakbo ang oras, kailangan kong matulungan si Seb. Dalawang beses na kong nalate sa pagliligtas sa kanya, hindi ako pwedeng mahuli this time.
“Teka Seb!” hinabol ako ni Allison sa garahe, “Anong plano mo? San ka pupunta?”
“Sa bahay nila Seb.”
“Nababaliw ka na ba! Edi malalaman nilang may pinagsabihan na ko ng nga nangyari ngayon!” biglang bumalik ang takot sa mga mata nya, “Please Seb! Natatakot ako sa kung anong pwedeng gawin nila sa min!”
“Hindi, ako bahala,” sabi ko, lalabas na sana ako kaso hinila ulit ako papasok ni Allison sa loob, “Promise Allison, pupunta lang ako dun, sasabihin ko kinakamusta ko lang si Seb.”
“Oh tapos?”
“Basta, I’ll get him out of there, hindi ko pa alam kung paano, pero iaalis ko sya dun. Hindi sya pwedeng manatili sa bahay nila.”
“Clyde, wag kang padalos-dalos. Alam kong gusto mong mailigtas si Seb as soon as possible, ako rin naman eh, pero sana naiintindihan mo yung banta sa kin ng tatay ni Seb!”
“Hindi, hindi kita ipapahamak, promise.”
Chineck ko yung pera ko. Hindi na to sapat pang Grab. Kainis, mukhang inubos ko kagabi lahat ng pera ko. Tumawag ako ng tricycle at nagpahatid sa village nila Seb.
I need to have a plan. Hindi ako pwedeng basta na lang sumugod dun.
Pagtinanong kung bakit ako andun, sasabihin ko lang na kailangan kong kausapin si Seb tungkol sa, uhm, summer job something na inapplyan namin. Sounds reasonable naman kung bakit ako napapunta dun hindi ba?
Pero nabanggit nga pala ni Allison na narinig nya sa nanay ni Seb na meron silang pupuntahan na Camp. Paano kung wala sila sa bahay nila ngayon? O paano kung walang humarap sa kin kundi mga kasambahay lang? Paano ko malalaman yung totoo?
Bahala na. Hindi ako aalis dun hangga’t wala akong nakukuhabg sagot.
Pagliko ng tricycle sa street nila Seb, napansin ko agad si Ate Minda na nagwawalis sa tapat ng bahay nila Seb. Pinahinto ko yung tricycle, nagbayad na ako, at saka bumaba sabay tawag kay Ate Minda.
“Ate Minda!” I jogged papalapit sa kanya pero napatigil ako ng makita yung reaction nya. Bigla syang namutla, napatingin sa paligid, binitawan ang hawak na walis at dustpan at saka mabilis na tumakbo papunta sa kin.
“Dyan ka lang!” Babala nya sa kin na pabulong. What the fuck? Clearly, something’s really wrong.
“B-bakit po?”
“Hindi ka pwedeng makita ng mga camera sa gate,” nilagpasan nya ako hanggang sa makarating sya sa harap ng katabing bahay. Sumunod naman ako sa kanya.
“Bakit ka nandito?”
Hindi ako sure kung pano sasagutin si Ate Minda. Sa tono ng pananalita nya halatang may alam sya na hindi ko alam, at yung presence ko sa bahay nila ay hindi na welcome. So hindi ko sigurado kung didiretsuhin ko na ba sya, tatanungin kung anong nangyayari, o magstistick ako sa plano kong kakamustahin ko lang si Seb.
“Clyde, bakit ka nandito!” tanong ulit ni Ate Minda, bulong lang pero rinig ko yung frustration at gigil.
“Uhm, kakamustahin ko lang po sana si Seb.”
Napahawak sa noo si Ate Minda, “Wala, wala na si Seb dito. Pasensya ka na Clyde, hindi na babalik si Seb rito.”
Something inside me broke. Yun ang huling bagay na gusto kong mangyari ngayon, yung hindi ko na muling makita pa si Seb.
“Please Clyde, umalis ka na,” lumakad na pabalik sa bahay sI Ate Minda, “Hindi ka pwedeng makita nila Sir Rolando. Pare-pareho tayong malilintikan nyan,” napahikbi sya, nakita ko syang nagpunas ng mga mata nya.
Knowing kung gaano sila kaclose ni Seb, alam kong kung ano man ang nangyayari ngayon, it breaks her heart as much as I do.
“Ate Minda, please, sandali lang po.” Susundan ko sana sya kaso naalala ko yung babala nya na huwag magpapakita sa cameras na nasa gate.
Dinampot nya yung binitawang walis at dustpan at saka tumingin sa kin.
“Ano pong nangyayari? Please sabihin nyo po sa kin lahat.”
There. I lost it. Lumukot ang mukha ko at tuloy-tuloy na yung pag-agos ng mga luha sa mata ko. Desperado na ko, desperado na talaga akong malaman ang totoo. Kung hindi ko makukuha ang sagot ngayon kay Ate Minda, baka never ko nang makuha ang sagot na kailangan ko.
Pasimpleng tumingin sa camera sa Ate Minda. pasimple syang nagwalis papalapit sakin, para siguro hindi marinig kung ano man ang sasabihin nya.
“Anong gusto mong malaman?” That confirms my fears, something is really going on.
“Lahat. Bakit bugbog sarado si Seb? Sinong bumugbog sa kanya? San sya dadalhin ng mga magulang nya? Bakit hindi ko na sya makikita pang muli?”
Napatingin sa kin si Ate Minda. Yung tingin na para bang nagsasabing may alam na ko sa mga nangyayari.
“Clyde, gusto kitang tulungan, pero wala na tayong magagawa pa,” she sounds so helpless, hopeless.
Pinigilan ko yung sarili kong mahawa sa hopelessness nya, “Hindi Ate Minda, maililigtas pa natin si Seb. Sabihin nyo lang po sa kin ang lahat.”
“Hindi, hindi, hindi. Bata ka lang Clyde, si Sir Rolando at si Ms. Larissa ang kalaban natin dito.”
Natahimik ako. Tama sya. Mag-isa lang ako. Hindi ko pwedeng idawit ang mga kaibigan ko rito, lalo na’t pinagbantaan na rin nya ang buhay ni Allison at ang pamilya nya. Alam kong ako na lang mag-isa rito.
“Pero Ate Minda,” pinigilan ko yung hopelessness na makarating sa puso ko, “Wala naman po siguro hindi kayang gawin ang pag-ibig?”
Napatingin sa kin si Ate Minda. Alam nya. Alam nyang totoo ang sinabi ko. Na walang kahit ano ang hindi kayang gawin ng pag-ibig.
“Gusto mo bang malaman ang lahat?”
Biglang bumalik lahat ng pag-asa sa sistema ko. I can feel yung adrenaline na dumadaloy sa mga dugo ko, “Opo. Gusto ko pong malaman lahat.”
Tumingin sya ng maiigi sa paligid, “Halika, sumunod ka sa kin. Dun tayo sa likod dadaan.”
Sumunod ako sa kanya. Dumaan kami sa maliit na eskinita na nasa pagitan ng bahay ni Seb at ng katabi nito. Sa sobrang laki ng bahay nila Seb, paglabas ng eskinita, nasa kabilang street na kami.
Tinignan ko yung maliit na bahay na nasa likod mismo ng bahay nila Seb, nakita kong ang bakuran nito at ang bakuran nila Seb ay magka-kabit.
“Dito kami tumutuloy kasama ng ibang kasambahay,” paliwanag ni Ate Minda habang binubuksan ang lock ng gate.
“Hindi po kayo sa bahay nila Seb?”
“Hindi. Hindi kami pwedeng pumasok sa loob ng bahay nila Sir Seb ng hindi oras ng shift namin,” sabi nya, binuksan nya yung gate at halos itulak na ko papasok sa loob ng bahay.
“Bakit po?” nakakapagtaka naman, kadalasan sa mga kasambahay, meron silang mga kwarto sa basement ng mga bahay, or meron silang quarters sa may kusina.
“Malalaman mo rin.”
Dumaan kami sa gilid ng bahay, papunta sa bakuran nito, papunta sa bakuran nila Seb.
“May tao po ba dyan?”
“Si Sir Steve,” sagot ni Ate Minda habang dahan-dahang binuksan ang back door na papunta sa kusina nila Seb.
Bigla ko nanamang naalala ang super creepy at super awkward na dinner kasama ng pamilya ni Seb.
“Pero aalis rin si Sir Steve,” bulong ni Ate Minda, sumilip sya sa sala, “Susunod sya sa Camp?”
Narinig ko nanaman yung camp na yun, “Sa Camp?”
“Shhh,” binuksan nya yung pinto na nasa pinakasulok ng kusina, yung dating napagkamalan kong banyo, “Halika, bilisan mo.”
Agad akong sumunod sa kanya. Nauna akong pumasok. Kumuha sya ng walis at pasimpleng nagwalis-walis papasok sa loob ng madilim na kwarto.
Pagkasara ni Ate Minda ng pinto, nagdilim ang lahat. Wala akong makitang kahit ano.
“Mag-ingat ka dyan, may hagdan dyan, baka mahulog ka,” bulong ni Ate Minda, kaya naman nanatili na lang ako sa kinatatayuan ko sa likod ng pinto, “Hinahanap ko lang yung switch ng ilaw.”
Ilang sandali pa, nagliwanag ang kwartong pinasukan namin. Actually hindi sya kwarto. Hagdan ito na papunta sa ilalim ng bahay. May sobrang habang hagdan na papunta sa ilalim.
“S-san po to papunta?” may something talaga sa mga sobrang habang hagdan na talagang nakakatakot. Mahaba sila for a reason, and for sure meron itong pupuntahan.
“Sa private clinic ni Ms. Larissa,” dali-dali syang bumaba sa hagdan na agad ko namang sinundan.
Alam kong psychologist ang nanay ni Seb, of course kailangan nyang magkaron ng clinic, ng office. Kaso bakit kailangan dito pa sa pinaka kailaliman ng bahay nila?
Habang pababa, natatanaw ko na ng mas mabuti yung nasa dulo ng staircase na to. Isang kulay blue na pinto na nakakandado.
“Ate Minda?” palakas ng palakas ang kaba ko habang pababa kami ng pababa. Normally sa mga horror movies lang na may ganitong secret room sa mga malalaking bahay, “Ano pong nandyan?”
“Yung mga sagot sa mga tanong mo.”
Nakarating na kami sa pinakababa ng hagdan. Kaharap na namin ang nakakandadong blue na pinto. Mula sa bunch ng keys na hawak ni Ate Minda, may kinuha syang isang mahabang susi at binuksan ang kandado.
Alam nya ang susi. Hindi ito ang first time na nakapunta sya rito.
Binuksan nya ang pinto, pero wala akong maaninag sa loob nito kundi kadiliman.
“Pasok ka na.”
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong natakot, hindi dahil sa kung ano ang posibleng nasa loob ng kwartong iyon, kundi para sa kaligtasan ko.
Tumingin ako kay Ate Minda, and for a second, nagkaron ako ng doubt kung kakampi ko nga ba sya dito.
Na-sense nya siguro yung takot sa mga mata ko kaya sya na yung naunang pumasok sa loob, “Bubuksan ko lang yung mga ilaw.”
Pagbukas ng mga ilaw, nag-expect ako ng torture room na tulad ng mga nasa movies, yung may iba’t-ibang weapons sa dingding at punong-puno ng dugo ang lapag. Pero isang simpleng kwarto lang na medyo may kalakihan ang nakita ko.
Ang mga dingding ay sementado pero walang pintura. Ganun din ang lapag. Sobrang lamig sa loob, yung tipo ng lamig na tanging malamig na semento lang ang nakakagawa. Ang unang nakatawag ng pansin sa akin, ay isang clipboard na nasa ibaba ng isang maliit na mesa na may nakasabit na ilaw sa gitna, parang yung mga eksena sa movies na pinapaamin yung kriminal.
Tinignan ko yung nakasulat sa clipboard.
Nakasulat sa taas ang pangalan ni Seb. Sabastian Laurel.
At yung nasa baba nito, nakalagay, “Procedures”. Binasa ko isa-isa yung mga procedures na nakasulat. Bigla akong nanghina sa mga nabasa ko. Hindi ko kailangan maging experto para maintindihan yung mga nakasulat rito.
Electroshock Therapy, Water Therapy, Hormonal Medication, Pain Tolerance Test, at marami pang iba. At nakalagay sa results, lahat Failed.
Binasa ko yung remarks na nasa pinakaibaba ng papel na nasa clipboard.
“Unresponsive, send to the nearest Gay Conversion Camp immediately.”
Napatingin ako sa paligid ng kwarto. Nakita ko ang samut-saring aparatus, mga hospital beds, isang malaking rectangular bathtub, isang mahabang metal na mesa na may mga straps, at ang mas malalala, upuan na mukhang silya electrica.
Parang unti-unting hinihigop mula sa lungs ko yung hangin habang napagtatagpi-tagpi ko na ang lahat. Para akong nalulunod, at hindi pa nakakatulong na sobrang claustrophobic ng kwartong ito. Para akong sinasakal, na inuupuan yung dibdib ko, ewan, basta parang nawawalan ako ng hininga na something.
Tinototure nila si Seb dahil sa kin.
“Clyde,” tinawag ako ni Ate Minda na nasa kabilang dulo ng kwarto. Muntik ko nang hindi sya makita dahil sobrang blurred na ng paningin ko dahil sa mga luha na namumuo sa mata ko, “Halika.”
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, habang isa-isang tinignan yung mga aparatong nadadaan ko. Hindi pa sila malinis, at yung iba may tulo pa ng dugo sa ibang bahagi. Isa-isa ko silang tinignan, hindi nakapaniwalang naghirap dito yung mahal ko.
Pero hindi ko magawang tignan yung silya electirca. Hindi ko talaga kaya.
May inabot sa kin si Ate Minda. Mga pictures na lukot-lukot at punit-punit. Tinignan ko ito isa-isa. Pictures namin to ni Seb. Mga selfie, mga picture na kuha ng mga kaibigan namin, mga pictures sa iba’t ibang event sa school. Lahat sila its either punit, or nilamukos.
Never pa kong umiyak ng ganito sa buhay ko. Never pa kong umiyak ng ganito.
“Eto pa pala,” may isa pang inabot sa kin si Ate Minda.
Picture ulit namin ni Seb. Picture namin nung Freshman Ball. Picture namin na mula sa photobooth. Pero di tulad ng iba, hindi ito punit, hindi rin ito lukot.
Pero nang makaramdam ako ng something rough sa likod nito, tinignan ko yung likod.
Puro fingerprints na gawa sa dugo.
“A-ano pong g-ginawa nila kay Seb?” tinrace ko gamit ng hinalalaki ko yung fingerprints ng dugo na alam ko mula kay Seb.
Saglit na nagpunas ng mga luha si Ate Minda, “Simula ng nalaman ni Sir Rolando at Ms. Larissa ang tungkol sa relasyon nyo ni Seb, nilagay nila si Seb sa conversion therapy, nagbabakasakaling bumalik ulit sya sa dati.”
“Pano po nila nalaman?” yung lungkot ko biglang napalitan ng galit. Ang alam ko, sya lang ang nakakaalam ng relasyon namin ni Seb.
May inabot sya sa king makapal na folder. Pagbukas ko, puno ito ng mga screenshots ng mga convo namin na nakaprint sa bond paper.
“Hindi ko alam. Hindi ko alam kung pano nila nakuha yan. Naalala ko nung nalaman ni Sir Rolando ang tungkol sa inyong dalawa,” kinuha nya mula sa akin yung folder at binalik ito sa isang maliit na shelf sa sulok, “Nasa kusina ako nun, naghuhugas ako ng mga plato, bigla na lang silang nagsigawan sa taas, yung boses ni Sir Rolando ang pinakamalakas. Ang sunod ko na lang nakita, hila-hila nya sa buhok si Seb, at literal na kinaladkad nya papunta rito.”
“P-pero bakit nay ganito yung Mommy ni Seb?”
“Eto talaga ang trabaho ni Ms. Larissa. Conversion therapy. Yung mga tao sa kanilang simbahan na may mga anak na hindi akma ang sexualidad, dinadala nila kay Ms. Larissa para i-convert.”
“So eto yung way nila para i-convert yung mga bata? Torture?”
Kagat-labing tumango si Ate Minda.
“Bakit nyo po to hinahayaang mangyari! Hindi tama to! Violation to human right to Ate Minda!”
Napaiyak sa sinabi ko si Ate Minda. Bigla kong narealize, hindi porket hindi sya nagsasalita, hinahayaan nya lang na mangyari ang mga bagay na to, posibleng gusto nya lang protektahan ang sarili.
“Hindi pwede Clyde. Hindi lang kami basta kasambahay dito. Empleyado kami. May kontrata kaming pinirmahan sa kanila at kabilang sa kontratang iyon ang huwag kailanman sasabihin sa kahit sinong taong labas ang nangyayari rito. Kapag nagsumbong kami sa kahit sino, pwede nila kaming kasuhan sa paglabag sa kontrata, magagaling ang mga abugado nila, kaya nila kaming ipakulong at kaya nilang pahirapan ang mga kamag-anak namin.”
Pinunasan nya ang mga luha gamit ang apron na suot nya, “Napakasakit sa kin na panuorin yung mga ginawa nila kay Seb. Ako yung nagpalaki sa batang yun. Ang sakit-sakit na wala man lang akong magawa.”
Napatingin ako sa mga aparatong nasa kwarto. Naiimgaine ko si Seb na nakatali sa bawat isa sa mga ito. Nanghina ang mga tuhod ko.
“Kaso, mas masakit na makita na parang walang pakialama ng mga magulang nya sa ginagawa nila sa kanya. Mas mahalaga sa kanila ang reputasyon ng pamilya nila at ang simbahan nila. Magiging malaking issue nga naman kapag nalaman nilang may karelasyon si Seb na lalaki.”
Ako. Ako pala dapat ang sisihin sa lahat ng mga nangyari. Kung hindi dahil sa kin, hindi matotorture si Clyde ng ganito.
Tinignan ko ulit ang picture namin ni Seb mula sa ball. Kaya pala sya naging cold. Kaya pala sya umiiwas sa kin. Kaya pala nawala yung dating Seb na kilala ko.
“Magkasama ba kayo kahapon ni Seb?”
“Opo. Nakanila Allison kami.”
“Kaya pala,” bulong ni Ate Minda.
“Ano pong kaya pala?”
“Tumakas si Seb kahapon. Nabanggit nya na pupunta nga daw sya kanila Allison. Tinanong ko kung andun ka, sabi naman nya sa kin wala. Kaso ang hindi alam ni Seb, may tracking device something na nasa phone nya, sa hindi ko ulit malaman na dahilan, nalaman nila Sir Rolando na magkasama kayo don. Sobrang galit na galit sya kay Seb kaya pinabugbog nya ito sa mga tauhan nya.”
Fuck. Fuck. Fuck. Kung hindi ko pala ginawa lahat ng kalokohan ko kahapon hindi ito mangyayari. Kung hindi ko lang sya tinest, kung hinayaan ko lang syang umalis, hindi mangyayari ang lahat ng ito.
“San po nila dinala si Seb?”
May kinuha si Ate Minda sa maliit na shelf, isang pamphlet, “Dito.”
Children of the New Day Correctional Camp.
END OF PART I
Part II: Saving Seb
The woods are where the secrets are kept The place were all the demons slept Where everything was in a sweet pine smell Your hearts will burst and your minds will swell
The woods are where things are not known, Where ones who loved will be left alone. Be careful of fake preachers who’re always wroth Or else you’ll be buried by the overgrowth.
The woods are where loud mouths are sushed, Hopes were killed and dreams are crushed. Grab your lamps and we’ll explore The cruelty, the bliss, the suffering, and more.
Chapter 16
Children of rhe New Day Conversion Camp.
Halos dalawang araw na kong nag-reresearch tungkol sa kahit anong information ang meron sa Camp na ito. Pero nakaabot na ko sa pang 200 na google search page, wala pa rin akong makita valuable information tungkol dito. Naghahanap ako ng mga articles, ng mga documentary, o kahit mga statement, kahit ano na pwedeng makapagpaliwanag kung ano at saan matatagpuan ang camp na ito. Kaso wala, wala akong makitang kahit anong tungkol dito.
Ang nakita ko lang, ay kung ano ang Conversion Camp in general.
By now, alam ko na kung ano ang nangyari kay Seb. Somehow, somewhat, nalaman nila Tito Rolando ang relasyon namin ni Seb, at tulad nga ng inaasahan namin, hindi naging maganda ang reaction nila. Kaso akala ko, pagsasabihan lang nila kami, ready na nga akong makarinig ng magkakasunod na Bible Verses tungkol kung paano hindi pinahihintulutan ng Panginoon ang relasyon ng parehong kasarian at kung paano kami masusunog sa impyerno kung hindi kami magsisisi.
Hindi ko naman aakalaing literal na impyerno ang mararanasan namin dito pa lang sa lupa sa mga kamay nila. Lalong lalo na si Seb.
Fuck.
Hinubad ko yung reading glasses ko at pinunasan ang mga luhang nagpapablurred sa paningin ko. Hindi ko mabasa tong article na tungkol sa Conversion Therapy na halos pang limang beses ko nang binabasa simula kahapon.
Hindi deserve ni Seb lahat ng ginawa sa kanya ng mga magulang nya. Wala naman syang ginawang masama. Nagmahal lang sya. Sinunod lang nya ang sinasabi ng puso nya.
Kaso bakit kailangang magdusa ni Seb? Bakit kailangan nyang pagdaanan ang halos isang linggong torture? Bakit nya kailangan syang saktan ng mismong nga magulang nya, for the sake ng paniniwala nila?
Ako. Nagmahal lang din ako. Bakit ko kailangang pagdusahan ang posibilidad na yung binisita ko sya sa bahay nila Allison might be the last time na magkikita kaming dalawa. Bakit ko kailangang magdusa, thinking na lahat ng ito ay kasalanan ko.
Kung hinayaan ko na lang sana si Seb na lumayo sa kin, hindi na sana mangyayari ang lahat ng ito.
Ilang beses ko nang sinusubukang tawagan si Allison. Kung andito lang sya, o kaya kahit katawagan ko lang sya, i-aassure nya sa kin na wala akong naging kasalanan. At alam kong maniniwala ako sa kanya. Bukod kay Seb, sya lang talaga ang nakakapagpakalma sa kin. Pero ngayon hindi na nya sinasagot ang mga tawag ko. Pati ang mga chat ko.
Naiintindihan ko. Ayaw na nyang madamay sa lahat ng ito. Lalo na’t may threat na iniwan sa kanya si Tito Rolando.
I just wished meron akong mapagkwekwentuhan ng lahat ng nararamdaman ko ngayon. Feeling ko sa sobrang dami kong dinadala, parang sasabog na ata yung dibdib ko. Sana meron akong mapagkwentuhan ng mga thoughts na walang tigil sa pagtakbo sa isipan ko, regret, frustration, anger, sadness, anxiety, lahat.
Pero the best sana kung si Seb ang naririto at kinocomfort ako. Namimiss ko na yung magic sa tuwing hahawakan nya yung kamay ko at pipisil-pisilin ito na parang stressball. Biglang kakalma yung sistema ko, I will feel safe.
Kaso wala. Hindi ko alam kung saang lupalop ng bansa matatagpuan ang Camp na pinagdalhan sa kanya. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya sa mga sandaling ito. Kung magkikita pa kaya kami, or tuluyang babaguhin ng camp ang takbo ng isip at puso nya at tuluyan syang mawala ng feelings para sa kin.
Pero mas pipiliin ko yun, yung tuluyan syang ma-convert sa camp na yon. At least buhay sya.
Binalikan ko ulit yung binabasa kong article tungkol sa Conversion Therapy. Hindi bago sa pandinig ko yung paniniwala nung araw na yung homosexuality is a disease na bigla na lang makukuha ng isang tao. Minsan nga itong kinonsider ng American Psychological Association na isang mental disorder?
Kailan pa naging sakit ang pagmamahal sa isang tao?
During the whole 20th century, tinuring ang mga homosexual bilang mga sakit ng lipunan. Kinukulong sila at pinahihirapan, walang takas ang sinumang mapatunayang nakikipagrelasyon sa parehong kasarian, mahirap, mayaman, sikat, o kahit normal na mamamayan.
Ang tingin ng lipunan sa kanila, mga banta sa lipunan, mga banta sa pag-unlad ng bayan. Sinisisi nila sa mga homosexual ang mga giyerang kabibila sa kanilang panahon, mga pandemya, mga natural calamities dahil naniniwala silang dahil sa kanila, pinarurusahan ng Diyos ang kanilang lipunan.
Nabasa ko rin sa article ang iba’t ibang method kung paano sinusubukang baguhan ang sexualidad ng isang tao.
Halos lahat sa mga ito nakita ko sa clinic ni Tita Larissa.
Pero ang pinaka hindi ko makakalikumutan, yung upuag ginagamit sa electroshock therapy. Dahil dito, nahuhirapan akong makatulog sa gabi.
Sa tuwing ipipikit ko kasi ang mga mata ko, nakikita ko si Seb na nakaupo sa silyang iyon. Nakagapos ang kanyang mga kamay at mga paa gamit ang mga strap na sya ring kukuryente ss kanya. At sa isang pindot lang sa control, mangingisay sya na para bang-
Putangina. This is too much, way too fucking much!
Sinara ko yung laptop, at tumayo palayo rito, palayo sa kama. Naninikip ang dibdib ko, nahihirapan akong makahinga. Bakit kailangang maging sobrang vivid sa isipan ko yung mga torture na kailangang pagdaanan ng mahal ko?
This is too much. I need to calm myself.
Lumabas ako ng kwarto, tumakbo sa madilim na pasilyo, pababa sa hagdan naming may konting streaks ng moonlight.
“Clyde?” Saka ko lang napansin si Ate Cha sa may sala, at may pinaoanood sa laptop nya, inalis nya ang mga suot na earpods, “Ayos ka lang?”
“Yes,” sagot ko, maingat na hindi iparinig yung panginginig sa boses ko, “Uhm, kukuha lang sana ako ng tubig.”
Tumingin sa wall clock si Ate Cha, “Maghahating-gabi na ah, di ka pa ba matutulog? O baka ngayon ka lang nagising? Maghapon ka atang nasa loob ng kwsrto mo?”
“Hindi kasi ako makatulog.”
“Nako, ayus-ayusin mo yang body clock mo. Di porket bakasyon magpapakapuyat ka gabi-gabi,” sabi nya habang nililigpit ang mga gamit nya nasa coffee table.
“Yes Ate.”
“Saka nga pala,” may kinuha sya mula sa bulsa ng hoodieng suot nya, “Pwede ka na ulit mag-drive.
Binato nya sa kin yung susi ko na muntik ko nang hindi masalo dahil sa dilim, “Thanks Ate.”
Tumayo sya at ginather lahat ng gamit nya at lumakad palapit sa kin, “Ayus-ayusin mo buhay mo ha. Ako babangga sayo once na nagpakawasak ka naman. Sisiguraduhin kong wala kang mapapakinabanggan dyan sa kotse mo.”
“Yes Ate,” sabi ko, pero to be honest, parang gusto kong mag-inom ngayon.
Hinintay ko munang makaakyat sa taas si Ate Cha bago ako nagpunta ng kusina. Naghanap ako sa ref ng pwedeng makain. Chicken Sandwich lang yung hapunan ko kanina, wrong choice, di ko naman aakalaing magiging mahaba pala ang gabi ko. Kumuha ako ng isang balot ng hopia at orange juice.
Ano kayang kinakain ni Seb ngayon? O kung kumakain pa kaya sya? Tulog ba sya ngayon? O baka naman kasama sa mga bagong torture na ginagawa sa kanya dun ang hindi pagpapatulog sa kanya?
Hangga’t hindi ako nakakakita ng impormasyon tungkol sa Children of the New Day Conversion Camp na yan, hindi ko pa malalaman ang mga sagot sa mga tanong ko.
Nakakatulog pa kaya yung mga magulang ni Seb? Sana hindi. Tuluyan na kong nawalan ng respeto sa kanila. Pilit kong inaalala na sila ang magulang ng taong pinakamamahal ko, kaso sa tuwing naalala kong sila ang nasa likod ng paghihirap ni Seb, wala akong ibang nararamdaman sa kanila kundi galit.
Ano kaya ang tumatakbo isip ni Tita Larissa habang kinukuryente si Seb? Anong nasa isip ni Tito Rolando habang pinapanood ang anak na binubugbog ng mga tauhan nila at pinahihirapan sa iba’t-ibang paraan?
Pano nagagawa ni Tito Rolando na mag-manage ng isang simbahan, at isang napakalaking Religous TV Channel samantalang-
Teka.
Religious TV Channel.
Tumakbo ako palabas ng kusina, I didnt even bothered dalhin yung mga kinakain ko. Agad kong binuksan yung TV, at hininaan ito ng sobra bago pa nito magising si Ate Cha at Ate Car na malamang mahimbing nang natutulog ngayon.
Anong channel number ng channel nila? Fuck.
Isa-isa akong nag-scroll sa mga listahan ng local networks na nasa cable namin. Alam meron kami nun somewhere, nadaanan namin yun minsan nung nagsleepover ang tropa rito, habang naghahanap ng channel na may magandang palabas. Naalala ko nakita namin yung channel na yun may isang program na parang sumsagot sila ng tanong sa mga tumatawag sa hotline nila or something like that.
Kung kailangan ko ng impormasyon tungkol sa Comversion Camp na malamang ay may kinalaman din sa simbahan ito, dito ko makukuha yon. Nakakapagtaka naman kasi, first time to na wala akong nakuhang impormasyon sa internet tungkol sa isang bagay.
Kung wala nito sa internet, malamang tinatago nila ito.
Gotcha. Channel 76. The Northern Herald Evangelical Church Channel. Eto na nga yun.
Kasalukuyang palabas is the very same show na nakita ko nung naming nakita yung channel na to. Yung show na sumasagot sila sa tanong ng mga tumatawag sa hotline nila.
I sat down. I will be patient. Hindi ako matutulog hanggat hindi ako nakakuha ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng Conversion Camp na yan.
This will be a long night.
Kasalukyan nilang nilulutas ang problema ng isang caller na hindi na masaya sa piling ng asawa nya. Gusto na nyang makipaghiwalay, pero ayaw nyang mapunta sa puder nya ang mga anak nila dahil gusto nyang maging binata ulit, at maghanap ng napapangasawa, this time, yung compatible na daw sa personality nya.
Its disgusting na isipin na may mga taong ganito. I totally get it kung hindi nya makasundo ang asawa nya, nakakaburyong nga naman kung hindi kasama mo maghapon ang taong pinakakinaiinisan mo, kaso bakit hindi man lang sya concerned sa mga anak nila. Ayaw nyang maging connected sa mga anak nya dahil gusto nyang maging binata ulit? Para san? Para makapangligaw ulit ng dalagang di hamak na mas bata sa kanya, tas bubuntisin at kapag sawa na sya, hihiwalayan para maging binata ulit?
Pero ang sagot ng pastor sa TV ang mas kinagulat ko.
“Tama lang ang iyong desisyon kapatid,” sabi nung matandang lalaki na nagsasalita sa harap ng parang flag na may logo at pangalan ng church nila at may nakalagay na Bro. Anton sa lower left corner ng screen.
“Kung hindi na nakukuha ng isang lalaki ang mga pangangailangan at mga kagustuhan nya sa kanyang kabiyak, maaari na nya itong hiwalayan at humanap ng bago.”
I can point out several points na problematic sa pandinig ko.
“Ang mga babae ay ginawa upang pagsilbihan ang mga kalalakihan at magpadami. Kung nais mong palawigin pa ang iyong posteridad, maaari kang maghanap ng bagong babaeng iyong aanakan.”
Dude, seriously, these people are really messed up. Lalo na nung nagpakit sila ng “bible verses” na nagjujustify sa pambababae at kung bakit superior ang kalalakihan sa kababaihan.
Sa sobrang gulat ko sa advice na binigay nung pastor, hindi ko na napansin na ibang caller na ang kausap nya ngayon.
Ano naman kaya ang iaadvice nya sa susunod na caller this time.
“Hello po? Bro. Anton?”
“Hello! Hello! Magandang gabi! Ano pong pangalan nila?”
“Magandang gabi rin po, uhm, ako po si Rona,” sabi nung caller na ang tantya ko ay isang babaeng nasa mid-forties.
“Kamusta Rona! Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?”
“Kasi ho Bro. Anton kailangan ko ho ng tulong sa panganay kong anak.”
“Bakit? Anong nangyari? Tsaka ano ba itong panganay mo, lalaki ba?”
“Opo lalaki ho,” may onting panginginig yung boses nya, parang nasa verge na sya ng pag-iyak, “Kinausap nya po kami ng tatay nya, sinabi ho nya sa amin na bakla raw ho sya.”
Nagbago yung timpla ng mukha nung matandang lalaki sa screen.
Nag-umpisa nang umiyak ang babae, “Bro. Anton tulungan nyo ho kami, masyado ho syang naimpluwensyahan ng mga makamundo nyang kaklase sa high school. Ayaw nya na rin daw pong magsimba. Natatakot ho akong mapariwa at mawalan ng silbi ang anak.”
Bakit? Kapag ba naging bakla ka mapapariwa at mawawalan ka na ng silbi sa lipunang ito?
Isinantabi ko muna yung mga iniisip ko about this bullshit. Kailangan kong pakinggan kung anong tulong ang ibibigay sa kanya ni Bro. Anton.
“Rona, talaga namang lubos na nakakabahala ang pinagdadaanan ng iyong anak. Masasabi kong tuluyan na syang hawak ng demonyo sa leeg.”
What the fuck? They cant be serious.
“Ano pong dapat naming gawin?”
Tumingin straight to the camera si Bro. Anton bago nagsalita, “Kailangan nating protektahan ang kalinisang puri ng ating mga kabataan. Sila ang mga susunod na lider ng ating simbahan. Kung hahayaan natin silang malinlang ni Satanas at hayaan silang mahumaling sa nakakakarima-rimarim na homosexualidad, hindi lang sila, pati tayong mga mahal nila sa buhay ang paparusahan ng kalawakan.”
Biglang may nag-flash na phone number sa screen.
“Para sa yo Rona at sa ating mga viewers na may kaparehong pinagdadaanan sa mga anak, o kayo mismo, ay nakakaramdam ng homosexualidad, tawagnan lang ang hotline na nasa inyong mga screen.
Sa ilalim ng numbers, nakita ko rin ang pangalang hinahanap ko. Children of the New Day Conversion Camp.
“Hayaan nyo kaming tulungan kayo na itama ang inyong mga anak. Sa Children of the New Day Conversion Camp, katuwang ang pinakamahuhusay na Clinical Psychiatrists and Psychologists sa buong bansa, sinisigurado namin sa inyo ang napakalaking pagbabago sa inyong mga anak.”
Naghanap ako ng ballpen, marker, o kahit ano na pwedeng ipang sulat. Nang wala akong makita, pilit ko na lang kinabisado ang mga numerong nasa screen. Hindi ako ganun kagaling sa pagkakabisado, ngunit wala na kong ibang choice, baka tuluyan na tong mawala kaoag naghanap pa ko ng panulat.
“Tayo, sa ating simbahan, ay naniniwalang ang homosexualidad ang nangungunang problema ng sang-katauhan. Wag na natin silang padamihin pa. Wag natin silang hayaang maging dahilan ng pagkawasak ng ating lipunan! Puksain natin ang mga baboy sa-”
Pinatay ko na yung TV. All I need is the number. Hindi ko na kailangan marinig kung paano ako ikumpara sa isang baboy kung ang tanging ginawa ko lang ay magmahal.
Tumakbo ako pataas, papunta sa kwarto ko. Hinanap ko agad yung phone ko, at sinave sa phonebook yung number ng conversion camp. Sana talaga I got it right.
I’m not a religious person, and its not my intention to offend any religious institution, pero they’re clearly out of their minds! Kung sino man ang nag-iindoctrinate sa kanila nung mga pinagsasasabi nung Bro. Anton sa TV kanina, he or she is clearly up to something.
Religious organization pero nang ooppress ng selected members kasi homosexual?
Lalo lang tumindi yung galit ko sa kanila.
I press dial.
“ Hello? “ someone picked up after ilang rings.
“Hello, uhm, is this the Children of the New Day Conversion Camp?”
“ Yes, yes, and this is our hotline. How can I help you? “
I was actually quite surprised. Hatinggabi na pero their hotline still works.
“Uhm, I was thinking kung pwede nyo kong tulungan about something.”
This is it Clyde. Once you said it there’s no going back.
“ Ano po yun sir?“
“Gaano katagal ba yung program nyo dyan?”
“Sir, I can guarantee, within 4 weeks into our program your homosexual attraction will disappear in no time!” sabi nung hotline operator na para bang naniniwala syang kaya pa rin ma-cure ang homosexuality.
Pero teka, 4 weeks? Hindi ako pwedeng magtagal ng ganun. Di bale na, as soon as makita ko lang si Seb, paplanuhin ko na yung pagtakas namin. Plus, I cant put myself in danger, mag papanic sila Ate pag bigla akong nawala.
“Talaga?” I said, acting surprised, “Sige, uhm, pano ba mag sign-up? Tsaka magkano babayaran?”
“Wala po kayong kailangang bayaran Sir. This is program is under the sponsorship of The Northern Herald Evangelical Church.”
I know.
“To sign in po, can I please have your email address? We will send you the Contract, the Terms and Agreement, and the address of the camp.”
I almost gave my real address pero buti na lang napigilan ko yung sarili ko, hindi nila pwedeng malaman ang identity ko. Hindi pwedeng malaman nila Tito Rolando na andun ako. I gave them one of my throwaway emails.
“Thank you po sir. Pwede ko po bang malaman ng pangalan nila?”
“Uhm,” ano bang magandang pangalan? “Carl. Carl Buenafe.”
“Can I also ask Mr. Buenafe kung sino ang gusto ninyong ienroll sa program, anak nyo po ba?”
“Nope. Myself.”
“Oh, I see,” for the first time narinig ko syang nagtype something, “Kailan po ang date of availability nyo? Kailan po kayo pwedeng pumunta rito?”
I cant wait to save Seb any longer. I cant afford to be late this time.
“Bukas.”
Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko.
“I mean, mamaya. Mamayang umaga.”
Chapter 17
“Hello? Ate?”
“Clyde? Asan ka? Bakit ang aga mo umalis?”
“Uhm…” Ano nga ba sasabihin ko? Shit. Hindi ko pa pala naiisip yung magiging palusot ko.
“Teka, nagda-drive ka ba? Mag-park ka muna!” Naririnig nya siguro yung hangin.
I rolled my eyes. Itinabi ko sa kalsada yung kotse ko.
“What!?” That came out harsher than I wanted it to be, kaso I still dont get why we’re having this conversation in the first place. Hindi ba ko pwedeng umalis ng hindi nagpapaalam sa kanila?
“Bakit aga-aga mong umalis?” tanong ni Ate Cha.
“Bakit? Bawal ba?”
“Kinakausap kita ng maayos Clyde wag mo kong pilosopohin.”
“Sumasagot naman ako ng maayos ah!” I scoffed, “Bakit ba kasi? Bakit ba you’re making a big deal out of this!”
“Aba, nagtatanong lang naman kung nasaan ka! Pwede ka naman sumagot ng pangalan ng lugar diba bat andami pang dada!”
“I’m almost fucking 21. Di ba pwedeng umalis ako ng bahay ng hindi nagpapaalam? Ano balik teenager ulit ba ako!?”
“Calm the fuck down! No one’s attacking you!”
Shit. Di ko napigilan yung sarili kong magsnap. Ilang araw na kong walang tulog, plus sobrang kinakabahan pa ko dito sa ginagawa ko, baka mamaya, imbes na mailigtas si Seb pareho pa kaming malagay nito sa kapahamakan.
“Im just asking kung nasan ka,” kalmado nyang tanong this time, “This might sound stupid pero nagising ako na sobrang nag-aalala sayo.”
“Well, that was sweet Ate. Pero naghahanap lang naman ako ng makakainan, kakatapos ko lang magjogging sa park.”
“Basta mag-ingat ka.”
“Yes Ate. Salamat.”
Ilang araw lang naman akong mawawala Ate Charity. I know I’ve done so many crzay things before, but I successfully pulled myself out from all the bullshit na madalas kong kasangkutan. I promise, babalik rin ako ng buong-buo.
At kasama si Seb.
I end the call. Put my phone on airplane mode. At hunarurot sa maluwag na highway na papunta sa kabilang probinsya.
Ayon sa mapa na kasama sa email na sinend sa kin nung parang camp secretary na nakausap ko kagabi, ang camp nasa gitna ng isang Forest Park na nasa gitna naman ng Sierra Madre Mountain Range sa may Tanay. Chineck ko sya sa Google Maps, wala yung mismong establishment doon, pero base sa directions, ang camp ay nasa pagitan ng tatlong matataas na bundok na puno ng mayayabong na puno.
Malamang sa malamang bago lang ang camp na to, wala pa sya sa Google Maps eh.
Or baka sadyang tinatago lang nila talaga to?
Kasama ng mapa sa email, ang Non-Disclosure Agreement na pipirmahan ko once na nakapunta na ko dun. Sabi dun, bawal akong kumuha ng kahit anong recording, picture, o kahit ano na about sa existence ng Camp, which supported my theory na sikreto lang nila sa simbahan nila ang about sa camp, at kaya wala akong nakikitang impormasyon tungkol dito sa Intenet. Sabi rin dun, once na naenroll ako sa program, hindi ko pwedeng ikwento kahit kanino ang mga procedure, projects, and activities na ginawa ko during my 4 week stay.
So far, sa mga nabasa ko, wala naman silang sinabi about sa mga campers na tumatakas. Actually its pretty weird na campers ang tawag nila sa mga batang nasa ilalim ng program nila, it makes them sound like a fun camp, puro kantahan, sayawan, hiking, at nature loving, lahat ng opposite ng alam kong tiyak na makikita ko don.
Wala naman akong nabasang anything na tungkol sa pagtakas. Mukhang confident sila na walang magtatangkang umalis sa kanilang camp.
Let’s see about that.
Ang mga bahayan at mga tindahan ay unti-unti nang napapalitan ng mga bukirin at mayayabong na mga puno. Namiss ko to. Matagal-tagal na rin simula nung huli akong makapag out of town trip. Actually this is the first time na babyahe ako ng malayo nang mag-isa,.madalas kasama ko yung tropa, magswiswimming kami sa Batanggas, o kaya surfirng sa Aurora, sila Ate na mahilig pumunta sa mga museum at mga lumang simbahan, o di kaya si Seb, na kuntento nang kasama ako, kaya wala nang pakialam kung san kami pumunta.
Pinatay ko yung aircon at binuksan ng tuluyan yung bintana na nakabukas lang ng kaunti kanina. Ang sarap ng simoy ng hangin, lalo na ng mga ganitong oras na kasisikat pa lang ng araw. Halos lahat ng nasa paligid ko, yung mga puno, mga bukirin, mga maliliit na kubo, pati na rin mga kalabaw at mga kambing, lahat sila kulay gold dahil sa napakagandang morning sunlight. Nako, kung kasama ko lang si Seb, siguradong papahintuin ako nun para lang magphotoshoot sa tabing bukid.
I wish I could share this moment with Seb again. Namimiss ko na yung favorite person ko.
To be honest, kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa kin sa camp na yun. Natatakot ako na baka matagalan ako sa pagliligtas kay Seb. Natatakot ako na baka pumalpak yung mga planong naiisip ko. Natatakot ako na baka huli na ang lahat at-
Fuck naman Clyde, umayos ka nga. The last thing you need is discouragement. Hundi ko dapat iniisip yung mga negative.
Maililigtas ko si Seb. Makakatakas kaming dalawa sa camp, at titira na sya sa min. Tatapusin namin ang college, at bubuo ng pamilya, mag-aampon kami ng mga tatlo, tatlo daw gusto nyang maging anak, pero syempre gabi-gabi kaming gagawa ng baby.
Yan. Think of the possibilities. Baka bukas o sa kamakalawa tinatahak ko na ulit yung daan na ito, kasama si Seb, at pauwi naman sa Maynila.
Mga halos isang oras ang lumipas, ang mga bukid at mga kubo at unti-unting napalitan ng mayayabong na mga puno at mga bangin na may view ng buong probinsya at ng Laguna De Bay.
Malapit na ko.
Nang masigurong nasa Tanay na nga ako, binagalan ko ang takbo ko at maingat na tumingin sa bawat dadaanan ko. Kailangan kong makita ang karatula ng camp, andito lang yun somewhere eh.
And yep, there it is.
Children of the New Day Conversion Camp.
Nakasulat sa mga ito in black letters at all caps, sa isang piraso ng bakal at nakasabit sa isang puno. Sa tabi ng pangalan nito ay ang logo ng simbahan nila Seb, at sa ilalim, isang malaking red na arrow na tumuturo sa isang madilim na daan na nababalot ng mga puno, sa sobrang yabong ng mga puno rito, hindi na nakakaabot sa daan ang sinag ng araw kaya naman binuksan ko ang headlights ng kotse ko, at saka lumiko papasok sa daang hindi ko alam kung san ako dadalhin.
Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko, sa mukhang liblib na liblib talaga yung kinaroroonan ng camp na yun. Dahan-dahan kong tinahak yung daan, kinakabisado ko yung mga puno, mga malalaking bato, mga tumpok ng lupa, anything na pwedeng magturo ng daan palabas. Malamang at sa malamang, gabi kami makakahanap ng tiempo para makatakas, kaya ang tatahakin ulit namin ang daang ito na mas madilim pa kesa sa ngayon kaya mas mabuting kabisaduhin ko ang mga daan.
Yung kaba ko, unti-unting napapalitan ng relief ng mapansin may mga bakod na at may mga halamang pang landscape ang nakatanim na sa gilid ng kalsada. Paliwanag na rin ng paliwanag ang lahat, hanggang sa makakita ako ng isang malaking cabin na nasa dulo ng daang tinatahak ko ngayon.
Welcome Campers! Yan ang bati ng isang malaking arko na medyo natatakpan na dahil sa mga puno. Hindi ko na nga ito napansin kanina eh, napansin ko lang kung kelan malapit na.
Mukha namang maayos ang mga facilities nila rito. Pero hindi dapat ako magpakasiguro. Maayos nga ang facilities nila pero ang trato ba nila sa mga “Campers” nila ay makatao? Base sa bugbog na inabot ni Seb mula sa mga tauhan ng magulang nya, mukhang malabo.
Nakarating ako sa dulo ng daan, sa harap ng isang napakalaking cabin na malawak at may dalawang palapag. Sa ibabaw ng front door nito, ay ang Children of the New Day Camp. Again, hindi sya mukhang intimidating, pero hindi dapat tayo magpakasiguro.
Naghanap ako ng mapaparkingan kaya lumiko ako papunta sa tinuturo ng isang sign na nagsasabing Parking Lot.
Bakit ang weird ng parking lot nila? May halos sampung sasakyan ang naka-park rito, kaso, isa, dalawa, tatlo… pito sa mga sasakyan ang mga nakabalot sa car cover, at tatlo naman ang hindi, at base sa mga tire marks sa medyo maputik na lupa, mukhang kakarating lang din ng mga sasakyang ito.
At dahil hindi ko naman binabalak na magtagal talaga rito, nag-park ako sa.pagitan ng dalawang kotseng walang car cover.
Hindi ako magtatagal rito. Hindi talaga.
Pagpatay ko sa engine ng kotse, dun ko narinig ang kañayapaan ng paligid. May mga naririnig akong mga huni ng ibon sa di kalayuan, naririnig ko rin ang langitngit ng ilang puno ng kawayan na malapit sa cabin. Talagang probinsyang-probinsya ang dating dito, nakakarelax.
Pero hindi dapat ako magrelax.
Kinuha ko yung phone ko. At dahil hindi ko talaga alam kung ilang araw akong mamamalagi rito, kailangan kong magpaalam sa mga ate ko, at sa tropa ko.
Nagbukas ako ng notes at nagcompose ng message sa kanila. Na nagdecide akong mag-camping ng mag-isa lang, ng mga isang linggo. Na wala silang dapat ipagalala at may mga sapat akong gamit. Sinabi ko rin na hindi ko gagamitin ang phone ko habang nagcacamping, na hindi magbebreak din muna ako sa paggamit ng phone. Alam ko naman kasing kukumpiskahin nila ang phone once na pagpasok ko dun.
At sinend ko yung message kay Ate Cha, Ate Carla, kay Allison, Audrey, Alexis at Troy.
Tapos nag sorry ako kay Ate Cha dahil nagsinungaling ako. At sinabing wala syang dapat ipag-alala.
At nagsabi rin ako kay Allison na wala syang dapat Ipag-alala, alam ko ang ginagawa ko.
I switched to Airplane Mode bago pa man may makapagreply sa kanila.
Gagi, kinakabahan na talaga ako. Yung kind ng kaba na never ko pang naexperience before. Kakaibang uri sya ng kaba, something na hindi ko maipaliwanag.
Pero this is just a camp. Wala namang seryosong mangyayari sa kin dito, di ba?
Kinuha ko yung bag ko na may mga mahahalagang gamit ko at nilagay sa loob yung phone ko. Sinukbit ko yung bag sa katawan ko and pulled out the key ng sasakyan ko.
Buti na lang may extra duplicate ako ng car key ko. Hindi ko alam na it will come in handy one day. Kinuha ko yung isang duplicate, at tinago ito sa loob ng medyas ko.
I took one last look sa gas tank meter, to make sure na may gas pa ko para sa pagtakas namin, and I took one last look sa sarili ko sa rearview mirror.
Clyde, this is it.
Bumaba ako sa kotse, nilock ito at naglakad palabas ng parking lot.
Ang weird. Kanina sa loob ng sasakyan ang payapa ng feeling ko sa gubat na nakapalibot sa cabin, kanina parang nag payapa nya at nakakarelax, pero ngayong patungo na ko sa cabin, feeling ko gusto nitong makipag-usap sa kin, na kapag nagkaron lamg ito ng boses, marami itong ikukwento sa kin.
Siguro it’s just me being weird.
Huminga ako ng malalim bago ko binuksan yung pinto.
“Good morning! Welcome po!” bati ng isang babae sa kin na nasa front desk pagpasok ko. Lumabas sya mula sa desk at sinalubong ako mula sa pinto.
“Hello po! You must be Sir Carl?”
For a second nalito ako, then naalala kong ako nga pala si Carl Buenafe sa camp na ito, “Yes, yes, hello, good morning. Ikaw ba yung nakausap ko kagabi?”
“Good morning rin po, I’m Claire, and yes, ako po yung nakausap nyo kagabi,” nauna ko nang nasilip yung nametag nya bago pa sya magpakilala. She led me papunta sa front desk.
Medyo na surprise ako, ang ineexpect ko medyo masungit at stricta ang front desk nila rito. Tantya ko mga nasa early thirties pa lang si Claire, at sya yung mga tipo ng babaeng madalas mong makita sa mga activities ng simbahan na nagvovolunteer. Hindi malabong volunteer work para sa simbahan nya kaya sya nandito.
“Kamusta naman po yung byahe papunta rito? Hindi naman ho ba kayo nahirapan?”
“Uhm, hindi naman,” sabi ko, quietly observing the place.
Binuksan Claire ang isang malaking file cabinet na nasa sulok ng front desk, “Wait lang sir, I’m looking for the forms na kailangan nyo pong i-fill up-an, for the mean time, mag-log po muna kayo dito sa logbook natin. Please put yout name po rito,” may nilabas syang makapal na record book, binuksan nya ito sa bandang gitna at tinuro yung spot kung san ko ilalagay yung pangalan ko, “Dito po sir, under Campers.”
Nahahati sa dalawa yung listahan, campers and visitors. Kung ang lahat ng pumupunta rito ay naglolog sa logbook nito, malamang andito rim ang pangalan ni Seb!
Pagtalikod ni Claire, palihim kong nilipat ng page ang log book.
Boom. Nakita ko agad ang pangalnn ni Tito Rolando. Kasunod nya si Tita Larissa, at katapat naman nya sa campers ang pangalang Sebastian Laurel.
Ang Seb ko.
Nandito rin ang date of arrival nila, three days ago. Tama nga na after nilang sunduin si Seb kanila Allison, dito agad sila nagpunta.
“Sir, can I ask, mag-isa lang po ba kayo ngayon?”
Mabilis kong binalik sa page na dapat kong sulatan yung logbook.
“Uhm, oo eh.”
“Pero hindi naman na po kayo minor hindi ba?”
“Nope. I’m 21 na.”
“Pero alam ng parents mo sir na mag-uundergo ka sa program namin?”
Umiling ako. This is it Clyde, oras na para ilabas ang natatago mong acting skills. “Wala silang alam. Actually we dont speak anymore. They disowned me kasi, uhm, alam mo na, kaya ako nandito kasi gusto kong baguhin yung sarili ko, para naman magkasundo na ulit kami, at para mabigyan ko rin sila ng apo eventually.”
Nakatingin sa kin si Claire na para bang nag-share ako ng pinaka inspiring na kwento sa buong mundo, “Wag ho kayong mag-alala Sir Carl, tutulungan namin kayong maayos ang relasyon nyo ng pamilya mo. Dito sa aming simbahan, ang pamilya ang pinakamahalagang unit ng lipunan, dito hinuhubog ang pagkatao ng isang indibidwal.”
Nanggigil ako saglit sa narinig ko. Pamilya ang pinakamahalaga sa simbahan nila? Pero bakit ang isa nga founder nila nasisikmurang ipabugbog sa mga tauhan nya ang sarili nyang anak?
Ang pinaka ayoko talaga ay yung mga hipokrito.
“Eto po yung mga forms na kailangan nyo pong pirmahan,” may inabot syang folder sa kin at isang ballpen.
Binasa ko ng mabuti yung mga forms. Eto nga ata yung first time na nagbasa talaga akong Terms and Conditions ng mabuti, madalas kasi diba sa mga social media o kaya mga apps, basta na lang natin pinipindit yung agree, dito binasa ko talaga ng mabuti at mahirap na baka mamaya may mangyaring masama sa kin pag basta basta lang akong pipirma ng kung ano-ano.
Wala namang kakaiba sa mga forms na binigay ni Claire sa kin. Basic Information, Health Status, at Terms and Conditions lang naman ang mga nandito na nagsisigurong alam ko tong pinapasok ko. Pagtapos ko silang fill-upan, binalik ko sila kay Claire.
“So, next, eto pong Non-Disclosure Agreement.”
“Teka, di ba dapat may kasama akong abugado, or notary public bago ko to pirmahan?” tanong ko, I researched about this kanina bago umalis, na dapat may abugado akong kasama.
“Dont worry sir, certified Notary Public po ako,” sabi ni Claire. May pinakita sya sa king business card bilang Notary Public.
Seems legit. At mukhang si Claire naman ang tipo ng taong hindi ako ipapahamak.
Pinirmahan ko yung kontrata. Kontratang nagsasabing kung ano man ang mangyari dito, ay mananatili rito. Kontratang nagsasabing walang dapat makaalam ng mga nangyayari sa loob.
“Salamat Sir,” kinuha sa kin ni Claire ang kontrata. Nilagyan nya ito ng dry seal, at may ini-stamp dito. Kinuha nya sa kin yung ballpen.
“Now we’re all set Sir Carl, oras na po para makilala nyo ang ating Camp Director.”
Chapter 18
[Author’s Note: Im very very very sorry kung sobrang late ako mag-update, naging sobrang busy lang ako sa College Applications at pag-iipon for online clasess. Dont worry, sa mga susunod na araw, I’ll try to update more often.]
“Alam nyo Sir, saktong sakto po yung inquiry nyo, sakto po na ngayon kami mag-iistart ng bagong cluster,” kwento ni Claire habang naglalakad kami sa isang sobrang mahabang pasilyo.
“Cluster?”
“Opo sir. Ang isang cluster ay binubuo ng limang campers. Dito po kasi, we want as much as possible na matutukan ang needs ng bawat isang camper, so ang campers and camp counselors ratio namin ay 5 is to 1.”
May posibilidad kayang maging ka-cluster ko si Seb?
“Possible ba na maging ka-cluster ko yung mga dati nang campers?”
Parang wala atang katapusan ang nilalakad naming pasilyo. Puno ang mga dingding ng mga naka-frame na mga picture, karamihan mga picture ng mga camper, pero meron ding mga class picture. May nakita nga akong class picture na may nakalagay na “1999” sa ilalim. Mukhang mas matanda pa pala ang camp na ito kesa sa inaasahan ko.
“Hindi po sir, ang mga pwede mo lang maging ka-cluster is yung mga same nyo po ng date of arrival.”
So hindi ko magiging ka-cluster si Seb. Bwiset.
“Kailan dumating yung mga ka-cluster ko?”
“Uhm, may isang dumating three days ago, pansamantala muna namin syang hinalo sa latest cluster, but now he’ll be on his own cluster. Dalawa naman po ang dumating kagabi, tas yung isa, kakatapos ko lang makipag-usap sa kanya at sa parents nya bago ka dumating.”
So nukhang sa kanila yung kotseng gumawa ng sariwang tire marks sa putik sa parking lot.
Nagpatuloy ako sa pagtingin sa mga pictures na nadadaanan namin, kaso ang weird lang kasi puro lalaki ang mga nakikita ko sa mga larawan. Di naman sinabing Gay Conversion Camp ito, for sure meron ding mga lesbian campers dito? Sinipat ko yung mga nadadaanan kong mga larawan, kaso wala akong nakitang kahit isang babae sa kahit anumang larawan.
“Uhm, matanong ko lang, exclusive for gays lang ba ang camp na ito?” napansin kong na-tense at biglang naging uncomfortable si Claire nung nasabi ko ang salitang “gay”.
“Sir, uhm, ah, ano po kasi- hindi po. May ibang protocol po kami for female homosexuals.”
“So wala akong makakasama sa camp na to na lesbians?”
She smiled, kaso di na tulad nung smile nya kanina na welcoming. Yung tipo ng smile na hindi naman talaga sya masaya sayo, pero kailangan nya lang mag-smile.
“Wala sir. Iba ang protocol namin sa female homosexuals.”
This place keeps getting weirder and weirder.
Sa wakas, nakarating kami sa dulo ng hallway. Its a large oak door na may nakalagay na Camp Director Office sa itaas nito, at may deer antlers na nakasabit sa gitna nito.
“Actually, yung kausap ngayon ni Director Sandoval ay yung camper na dumating bago ka,” naupo si Claire sa isang hilera ng mga bangko na nasa tabi ng pinto, “Mukhang hindi pa sila tapos kaya kailangan na muna nating mag-wait dito.”
Na-upo din ako sa tabi nya. Kinuha ko mula sa bag yung phone ko.
“Kukunin nyo ba phone ko?”
“Yes po sir.”
Nilagyan ko ng lock yung phone ko. Di ako naglolock eh, feeling ko ang hassle nung mag lagay ng password o mag-draw ng pattern sa tuwing bubuksan mo phone mo. But this time, hindi tayo sure, baka may gumalaw nito.
Kanina bago ako umalis, sinave ko lahat sa laptop ko lahat ng files ko rito. May posibilidad na baka hindi ko na to makuua ulit eh. Mabuti na yung sigurado.
Ilang sandali lang, bumukas ang pinto ng Camp Director’s Office. May lumabas na middle-aged na mag-asawa, yung lalaki, ang aliwalas ng mukha, mukha syang masaya, samantalang yung babae naman nagpupunas ng luha.
“Hello Ma’am, hello Sir! Kamusta po?” bati ni Claire.
Ningitian naman sya ng mag-asawa. Saglit silang napatingin sa kin, pero agad na binaling ang atensyon nila kay Claire.
“Kamusta ho, na-interview na po kayo ni Director Sandoval?”
Tumungo yung lalaki, “Yes.”
“Si Matthew po?”
I assume si Matthew yung anak nila.
“Ayun, nagsurrender na ng mga gamit nya,” sagot ng nisis nya, “Grabe, mamimiss ko ang anak natin.”
“Ano ka ba darling, apat na linggo lang mawawala sa tin si Matthew!”
“Kahit na, matagal pa rin yun!”
Inakbayan sya ng asawa nya, “Hay nako! Dahil dyan sa kakapa-baby mo sa anak natik kaya naging bakla yun.”
Sumingit bigla si Claire, “Don’t worry Mr. Oliveros, we’ll change him in no time.”
Nag-paalam na yung mag-asawa at naglakad na sa mahabang pasilyo. Naiwan na lang ako, si Claire at ang bukas na pinto papunta sa loob.
“Halika na, hinihintay na tayo ni Director Sandoval.”
Nauna syang pumasok sa loob ng office dala ang mga form na pinirmahan ko na nasa isang folder. Bigla akong kinakabahan. Alam mo yung feeling ng parang pinapapasok ka sa loob nh Guidance Office kasi may ginawa kang mali, and alam mong hindi ka lalabas ng hindi ka nalilintikan.
Dumungaw si Claire, “Tara na Sir.”
Tumayo ako, at sumunod sa kanya.
“Director Sandoval, andito na po yung last nating member for Cluster 12.”
Pagpasok ko sa office, ang unang tinignan ko kaagad ay ang Camp Director, kaso nakatalikod sa amin ang malakimg swivel chair nya, nakaharap sa pader na punong-puno ng mga pictures, mga certificate, mga degree, mga medal, at kung ano-ano pang mga naka frame. Sa ilalim ng nga ito, isang mababa pero mahabang lamesita kung san nakalagay and samu’t-saring trophies at mga plaque.
“Good morning po.” Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko na lang syang binati, sigruo out of habit, nagiging magalang ako sa mga taong naiintimidate ako. Saka, dapat mag-build ako ng impression na mabuti akong tao.
Dahan-dahang umikot paharap sa min ang malaking swivel chair, at unti-unting nagpakita sa min ang Camp Director.
“Good morning too.”
Nag-eexpect ako ng someone na its either medyo matanda na, o someone na middle-aged na may brusko at nakakaintimidate na pangangatawan, pero pag-harap nya sa min, sabihin na lang natin hindi sya yung inaakala ko.
Siguro mga nasa 40’s sya, kita sa buhok nyang medyo nagiging gray na, pati sa balbas saradong-mukha, nakasalamin din sya, at base sa ngiti nya ngayon sa kin, hindi sya kasing intimidating ng iniisip ko.
“Hello, kamusta,” tumayo sya sa kinauupuan at inilahad ang mga kamay nya para makipag kamay sa kin. Nakipag-kamay naman ako. “Have a seat.”
Naupo ako sa upuang nasa harap ng desk nya, sa tabi ko naman umupo si Claire. Palihim kong sinipat ng tingin ang laman ng kanyang desk, lalo na yung pangalan nya na nakaukit sa isang bloke ng tanso.
Dr. Amadeo D. Sandoval Ph.
Inabot sa kanya ni Claire ang folder ko at iniisa-isa ang mga form na nasa loob nito na finill-upan ko kanina. Habang binabasa nya ang mga ito, inilibot ko ng tingin ang mga pictures na nakaframe sa pader, na kahilera ng mga awards at mga certificates.
Karamihan sa mga pictures ay galing sa mga mahahalagang events sa loob ng camp, may parang graduation ng campers, may parang talent show, may isang event na parang nakaitim silang lahat at masayang nakatingin sa camera, mukhang halloween. Iba’t-iba ang mga kasama nya, iba’t-iba ang edad nya sa mga larawan, iba’t-iba rin ang mga events na na-capture ng bawat picture. At-
May nakita akong pamilyar na mukha sa isang larawan.
Si Tita Larissa at Tito Rolando, kasama si Director Salvado sa isang barko.
“Karl Buenafe?”
Halos napatalon ako sa gulat ng bigla nyang ibaba ang folder.
“Oh, sorry for startling you, nagulat ka ata,” he laughed a bit, “Kamusta? Di ka naman nahirapan hanapin ang munti naming camp?”
I smiled, hoping na convincing enough ang mga ngiti ko, “Di naman po.”
“You came by all yourself?” binalik nya kay Claire ang folder.
“Opo.”
“How about yung parental consent? Hindi ka pwe- Ay wait,” kinuha nya ulit yung folder, “21 ka na pala, you dont need a parental consent.” Inabot nya ulit yung folder kay Claire, “Thank you very much Claire.”
Tumayo si Claire sa kinauupuan, “Welcome Direk. Enjoy po kayo sa stay nyo Sir Karl,” tinapik nya ko sa braso bako naglakad palabas sa pinto.
I kinda want her to be here, mas nakakatakot kung kaming dalawa lang ni Director Sandoval dito, lalo na ngayon na alam kong close pala sila nung mga magulang ni Seb.
“So Karl- Can I call you on your first name?”
“Sure, ayos lang po, walang problema.”
“Hello ulit Karl, I’m Director Sandoval, the Camp Director ng Children of the New Day Conversion Camp for over 30 years now, and I’m a licensed Conversion Therapy practitione.”
I’m pretty sure sa mga nabasa ko na may ilang bansa pa rin ang nag-ooperate ng nga conversion therapy, pero hindi ko inakalang legal ito sa Pilipinas.
“Alam naman ba ng parents mo na mag-uundergo ka sa program namin?”
“Uhm, hindi po eh,” galingan mo sa pag-acting Clyde, “Actually, di na kami nag-uusap ng mga magulang ko ngayon. OFW po sila sa Middle East ngayon, at nung simula na umamin ako sa kanila na, alam nyo na po, they disowned me.”
“So kaya ba nagdesisyon kang mag-undergo sa program namin?”
“Opo. Gusto ko pong ayusin ang relasyon ko sa pamilya ko.”
“Tama yan Karl, tama ang naging desisyon mo, kasi pangalawa sa sinisira ng Homosexuality ay ang pamilya.”
Pero hindi naman nasira nito ang pamilya ko.
“Alam mo, unang sinisira nyan ay ang ating pagkatao. Sisirain nya ang tingin natin sa ating sarili, alam mo ba kahit anong organisasyon sa mundo ang magsagawa ng survey, laging lumalabas na mataas ang level of depression sa mga taong bahagi ng LGBT Community, mas hindi nagtatagal ang mga same-sex relationships, at mas madalas ang mga divorce kung ikukumpara sa Heterosexual couples.”
I need to remind myself na lahat ng mga sinasabi nila ay bullshit.
“Ang pangalawang sinisira ng Homosexuality ay ang pamilya,” tinignan nya ko sa mata, “Pamilya ang pinakamahalagang unit ng lipunan. Ngunit paano nga ba magkakaroon ng pamilya kung wala namang kakayahang magpadami ang dalawang indibwal na galing sa parehong kasarian?”
Tumungo-tungo ako na kunyari naiintindihan ko ang punto ng mga sinasabi nya pero deep inside alam ko namang lahat ng ito ay bullshit.
“I’m sure sang-ayon ka na Homosexuality ang pinakamahirap gamutin na sakit sa buong mundo.”
I’m pretty sure na matagal nang hindi kino-consider na sakit ang homosexuality.
“Opo,” sagot ko, careful na hindi masabi out loud ang mga iniisip ko, “Pero sa tingin nyo po, san nakukuha ang pagiging homosexual?”
“Great question,” tinigil nya sa pag-sway ang upuan nya, nag-lean forward sya at tinignan ako sa mata. Yung tipo ng tingin na nanunuot sa kaluluwa. “Isa lang naman ang pinagmumulan ng Homosexual desires. Sa demonyo.”
Muntik na kong matawa. Kung hindi nya lang ako tinititigan na parang anytime pwede nya kong gawing bato kung kailan nya gusto, baka kanina pa ko humalakhak. These people need to get a life.
“Ang pakikipagtalik sa kaparehong kasarian ang masasabing pinakanakarimarimarim na kasalan na maaaring gawin ng isang indibidwal sa mundong ito. Inilalayo nito ang isang tao sa kalinisang puri na kinakailangan upang maging banal sa buhay na ito.”
Im kinda expecting na some scientific or psychological shit ang isasagot nya sa kin, pero hindi na rin ako nagulat sa sinabi nya sa kin. Of course, ang technique na matagal nang ginagamit simula pa noong unang panahon, kung may hindi kayang ipaliwanag ang science, ipaliwanag gamit ang relihiyon.
“Naniniwala kami rito, na hindi kinakalaban ng relihiyon ang siyensya, or vice versa,” kinabahan ako bigla, parang nanlambot ang mga tuhod ko. Nababasa nya kaya ang mga iniisip ko? Pero impossible. Its just a coincidence.
“Naniniwala kami rito na ang relihiyon at siyensya ay dapat magtulong upang lutasin ang mga misteryo ng daigdig.”
Hindi pa rin nya binibitawan ang tingin sa kin. Its gettimg uncomfortable pero natatakot akong alisin ang tingin sa kanyang mga mata, sa hindi ko malamang dahilan.
“Itinayo ko ang institusyon na ito at ginagawa ang lahat ng ito dahil naaawa ako sayo at sa mga tulad mong mas masasahol pa sa mga hayop.”
What the fuck?
“Sorry, sorry, that came out wrong,” iniling-iling nya ang ulo nya, dun lang nawala yung parang force na pumipigil sa kin na lumayo sa pagtingin sa mga mata nya, “I’m not pertaining to you personally, kundi yung sakit na meron kayo. Do you agree din ba?”
“Opo.”
Tinignan nya ko na parang ineencourage na magsalita pa.
“Uhm, naniniwala po ako na sakit talaga eto, kasi, uhm, kasi po, pinipigilan nito ang isang taong mamuhay ng normal.”
Which is bullshit. Normal naman ang buhay ko ah, normal naman ang buhay ni Seb. Normal ang lahat kung di lang nakialam ang simbahan nila sa buhay namin. Sila, lalo na yung mga magulang ni Seb, na naniniwalang porket hindi nila katulad ng gusto ang ibang tao, iisipin na nilang may sakit na ito, ay tunay na pumipigil sa mga taong tuñad ko na mamuhay ng normal.
He looked at me interestingly, na para bang specimen ako under a microscope.
“That’s what I’m saying sa mga campers na nakausap ko bago ikaw. Nasa state pa rin sila ng denial, well, considering na because most of them are forced ng mga magulang nila mag-undergo sa program ng camp namin, its not surprising na nasa state of denial pa rin sila. Ayaw nilang tanggapin na may mali sa kanila.”
Im clenching my fist, pinanggigigilan ko yung fabric ng pantalon ko sa inis na nararamdaman ko. This is brainwashing. This is straight up brainwashing, etong ginagawa nya sa kin ngayon. They’re making us believe na may mali sa amin, at sila lang ang tanging makakapag-ayos samin. I’ve seen it all sa movies and tv series.
Di nila ako maloloko.
“Ang sikreto lang naman sa success sa program na ito, ay acceptance. Tanggapin mo na malala na ang sakit mo, tanggapin na dahil sa homosexuality, nasira ang pinakamahalagang relationship mo sa buhay. Dahil kung mananatili kang indenial at iisiping walang mali sa pagiging bakla, hindi ka gagaling,at hindi ka magiging malinis para sa kabanalang naghihintay sa susunod na buhay.”
Bakit hindi na lang nila tanggapin na may nga taong hindi tulad nila? Di ba pwedeng respetuhin nila kung ano ang personalidad ng isang tao? Bakit hindi sila itong tumanggap ng realidad na iba iba ang lahat ng tao?
Ang sagot sa lahat ng gulo ng mundo, ay acceptance, at respeto.
“Kami lang, Karl, kami lang ang makakapagpagaling sa inyo.”
Chapter 19
“Its nice meeting you Karl, pwede ka nang bumalik kay Claire, and she’ll tell you the next thing you will do before you meet your counselor.”
Tumayo sya kaya tumayo din ako. Nakipagkamay sya sa kin na tinaggap ko naman. Ngumiti ulit sya ng ngiting tulad nung kanina, napaka-caring, napaka-tamis, and for a second nakalimutan ko kung paano nya ko tinakot mga ilang segundo pa lang ang nakakaraan.
“Nice meeting you din po,” I gave him a tight-lipped smile, at saka nagmamadaling lumabas ng.office nya.
“Uhm, hindi dyan ang daan.”
Dun ako pumunta sa pintong pinasukan namin kanina, yung papunta sa mahabang pasilyo na papunta sa front desk ni Claire. Tinuro nya ang isang pintong nasa opposite side ng kwarto, “Andun si Claire sa kabila.”
“Salamat po.”
Kaya pala nagtataka ako, sinabi ni Claire na andun pa sa loob kanina yung Matthew na anak nung mag-asawang nakausap nya kanina. Kaso pagpasok namin, wala na sya, at wala naman kaming nakitang lumabas. Siguro nga dun gaganapin sa kwartong yun ang mga susunod na steps.
“See you around Karl,” sabi ni Director Sandoval.
I nodded at him, kaso hindi ako sa kanya nakatingin, kung di sa picture ni Tito Rolando at Tita Larissa na parang nakangiti sa kin.
Pagpasok ko sa kabilang kwarto, nakaramdam agad ako ng change sa temperature, walang aircon sa kwartong ito, di tulad sa kabila. Naglibot ako ng tingin, mukhang nasa isang malaking supply closet ako.
May napakaraming nakasabit sa mga hanger na light blue na tshirt na plain at nasa iba’t-ibang sizes, at sa loob nila, meron itong katernong mga light blue din na shorts. Meron ding mga lockers sa gilid ng kwarto, napakaraming lockers, halos wala na kong makitang bahagi ng pader dahil sa mga lockers. Sa isang sulok naman may parang changing room, isang maliit na space na may salamin sa loob at natatakpan ng kurtina.
Saka ko pa lang nakita si Claire sa gitna ng kwarto na may dalang gym bag.
“Hello sir, kamusta naman si Director Sandoval?”
“Ayos naman sya,” sagot ko, kaso gusto kong idagdag na ayaw ko nga lang sa pilosopiya nya sa buhay.
“Masaya po ako na you got along,” sabi nya, “Andito na po tayo sa next step bago ko po kayo ipakilala sa inyong magiging cluster mates at camp counselor. Kailangan nyo na pong isurrender ang mga gamit na meron kayo.”
Sabi na nga ba, pagkakita ko pa lang sa mga lockers, alam ko na agad na eto na yung kailangan kong gawin.
Hinubad ko yung body bag na suot ko at ibinigay ito kay Claire, nilapag naman nya sa isang mesa yung gym bag na dala at binuksan ito para ipakita ang mga laman nito.
“So bale ang laman po nito Sir, ay 5 pairs ng daily clothes,” naglabas sya ng mga set ng damit na nakabalot pa. Nagbukas sya ng isa at pinaka ang mga laman nito.
“Eto yung magiging araw-araw nyo pong susuotin, sa mga activities, sa mga conference, sa mga get together, sa campfire, basta sa lahat po.”
Nilatag nya sa mesa yung laman ng plastic. May t-shirt, collared, kulay light blue at meron itong pangalan ng camp na nakaburda sa may kaliwang dibdib nito. May kasama itong jogging pants na meron namang initials ng camp sa gilid nito. Sa unang tingin para lang sya isang normal na PE uniform sa isang university.
Bukod don, may laman din yung plastic na isang pares ng medyas. Isang underwear, isang puting sleeveless na undershirt.
“Kung sakaling may masira man po o mawala dyan, pwede nyo po akong lapitan sa front desk, pwede ko po kayong bigyan ng isang set, kaso nga lang may bayad na po.”
“Okay,” sagot ko, “Pero pwede namang maglaba diba?”
“Oo naman sir, sa magiging kwarto nyo po merong washing machine sa banyo.”
Tumango lang ako at bumalik sa pakikinig sa pagpapaliwanag nya ng mga laman ng bag.
Naglabas sya ng isa pang set ng damit na nakabalot din ng plastic, “Eto naman po sir, ay ang working clothes nyo. Eto po yung susuotin nyo kapag may physically demanding na activities, like sports, meron po kayong araw na as in buong araw focus lang kayo sa sports, eto po yung susuotin nyo dun.”
Binuksan nya yung set ng working clothes. May laman itong muscle tee, shorts medyo may kahabaan ata, sa tantya ko mga lagpas tuhod ata to, tulad nung collared shirt at jogging pants, kulay light blue din ang mga ito, at meron pangalan ng camp sa kaliwang dibdib at sa gilid. May kasama din itong isang pares ng kulay puting long socks, pati isang boxer briefs.
“Pwede nyo rin po itong suotin kapag general cleaning, o di kaya pag maghihiking o di kaya pag lalangoy kayo sa ilog.”
Uy ayos, medyo naexcite ako dun sa idea ng paliligo sa ilog, “Talaga? May ilog dito na pwedeng liguan?”
“Meron sir, kaso hindi dito mismo. Dun yun sa kabilang bundok. Pupunta kayo dun once a week para maghiking, Sa dulo ng hiking trail, andun po yung ilog tas pwede kayong maligo after mag-hike.”
“That’s nice.”
“Speaking of paliligo,” naglabas sa Claire ng isang malaking pouch na kulay itim mula sa gym bag, “Eto naman po yung toiletries nyo, good for two weeks na po yan.”
Kinuha ko yung pouch at binuksan ito, may sabon, bote ng shampoo, toothbrush, toothpaste, mouthwash, pangkuskos ng katawan, deodorant, facial wash, shaving cream at pang-ahit.
Medyo na amaze ako. Para akong magiistay sa isang hotel. Mukhang malaki ang budget nila sa camp na ito dahil malinawa sa kontratang pinirmahan ko kanina na wala akong babayaran dito bukod sa mga extrang bagay tulad ng additional sets kapag nawalan o nasira. Mukhang dedicated talaga sila sa pagcoconvert ng mga tulad namin ni Seb.
Sunod na pinakita sa kin ni Claire yung iba pang laman nung gym bag. Dalawang bath towels, limang face towels, limang panyo, dalawang pares ng tsinelas at maliit na first aid kit.
“Di naman po malabo ang mata nyo sir? Di ko na po kayo bibigyan ng salamin?”
Umiling ako, “Hindi naman. Ayos lang.”
“Sige po sir, ligpit ko na to ulit, pakisuot na po itong daily clothes nyo,” tinuro nya yung isang pares ng daily clothes na nakalatag sa mesa.
“Eto?” wait, di ko naman ineexpect na ngayon ko na kailangang magpalit.
“Yes sir, ayun po yung changing room,” tinuro nya yung isang pinto na nasa sulok ng kwarto.
Isa-isa nya ulit binalik sa loob ng gym bag yung mga laman nito na nilabas nya. Napansin kong medyo nagmamadali sya. Saka ko lang narealize na nabanggit nya na ako yung huling member ng cluster ko, at baka hinihintay na nila ako ngayon.
Nilapag ko sa mesa yung bag ko at kinuha yung shirt at pajama. Pumasok ako sa changing room at mabilis na nagpalit ng damit.
Habang nagbibihis, napaisip ako, since wala namang lamang sapatos yung gym bag, mukhang i’ll get to keep my rubber shoes na suot ko ngayon. Buti na lang talaga dito ko naisip itago yung spare key ng sasakyan ko.
Paglabas ko, maayos na ulit yung gym bag.
“Salamat,” sabi ko kay Claire.
“Mamili ka na ng locker mo sir.”
Kinuha ko yung bag ko at yung mga damit na pinaghubaran ko. Tumingin ako sa mga lockers at naghanap ng magandang spot. Yung madaling puntahan kung sakaling tatakas kami. Gusto ko magkatabi kami ni Seb, kaso malabong malaman kung alin ang locker ni Seb sa mga locker na nakasara kaya pumili na lang ako ng isa na walang laman na nasa pinakadulo ng isang hilera.
Inabutan ako ni Claire ng padlock na may susi na nakabalot pa at halatang kakabili pa lang nila. Nilagay ko muna sa loob ng locker yung mga gamit ko at saka binuksan yung bagong padlock.
“Sir yung phone nyo po ba andyan na? Bawal po ang phone sa camp grounds.”
“Yes,” binuksan ko yung bag ko at pinakita yung phone ko sa kanya, “Eto oh,” sabi ko.
Tumango naman sya.
I took one last look sa mga gamit ko, wondering kung makukuha ko pa ba ang mga ito.
Pero di bale na, basta mailigtas ko si Seb.
“Ready ka na sir? Tara na po.”
“Sige.”
Binulsa ko na yung susi ng locker ko, at sumunod kay Claire na binuksan na yung pinto palabas.
Paglabas, nakita ko yung kabuuan ng camp. Saka ko lang narealize na ang main building pala kung nasan kami ngayon ay nasa bangin. Kaya pala kanina sa parking lot, wala akong makitang kahit ano pang building sa sa likod nito. may ilang malaki at mahabang hagdan ang patungo sa ilalim ng bangin, at ang mga halaman na nasa gilid ng hagdan ay nakalandscape at merong samu-saring namumulaklak na halaman na katulad nung mga halaman sa pathway papunta dito.
Sa baba, isang malawak na field ang napapaligiran ng tatlong building na may tigtatatlong palapag, sa likod ng isa sa mga building, yung nasa kaliwa, ang isang basketball court samanatalang sa likod naman ng building na nasa kanan, ay parang garden na may mga gulay-gulay. Sa likod naman ng building na nasa diretso lang, ay isang malawak pang field na papunta sa gubat na syang bumabalot sa buong complex.
“Ayan po, Sir Karl, yung kabuuan ng facility natin. Eto sa likod natin, eto po yung Main Cabin,” tinuro nya yung building na mukhang cabin sa labas kung san kami nanggaling. Very obvious naman sa laki ng building na ito na eto yung main building, plus andito yung office ng camp director.
“Ayun naman po,” tinuro nya yung building na may basketball court sa likod, “Ayun ang Sports Building, bukod sa Basketball court dun, meron din po kami dyang facilities for other sports. Meron din dyang sports closet na may gamit sa iba’t-ibang sports.”
Ah of course. Ang idea nga naman nila ng pagiging tunay na lalaki ay ang paglalaro ng mga “panlalaking laro”.
“Yung building naman po dyan,” tinuro nya yung nasa diretso lang namin, “Ayun po ang Settlements. Andyan po ang kwarto ng mga campers.”
Nung narinig ko yung salitang xampers, bigla kong napaalalahanan kung bakit ako nandito. Di ako pumunta rito para magbakasyon. Kailangan kong iligtas si Seb.
Tumingin-tingin ako sa paligid, sa Settlements, sa court, sa garden, sa malaking field sa gitna, at pati na rin sa mas malaking field sa likod ng settlements, kaso wala akong makitang kahit isang tao.
“Nasaan yung mga tao?”
“Uhm, ang alam ko sir, nag-hiking po ngayon ang Cluster 1 to 11 bale ang tao lang po ngayon sa camp ay Cluster nyo po.”
“Asan sila?”
“Dun po tayo pupunta ngayon, andun sila sa Function Hall,” tinuro nya yung building na may garden sa likod. Habang papalapit kami dito, saka ko lang napapansin na itong building na ito ang pinakamalaki at pinakamahaba sa tatlong building na nakikita ko.
“Anong meron dyan?”
“Marami sir, andyan po yung Function Hall, dun ginaganap ang most activities pati na rin ang mga conferences. Tas andyan din po yung library, pati na rin po yung canteen.”
“Canteen? Malaki? So bale, makakasama ng cluster namin ang ibang cluster kumain dun?”
“Yes po. Sabay-sabay po ang lahat ng cluster sa breakfast, lunch, at dinner. Pati na rin yung counselors and crew.”
Napangiti ako internally, may chance na magkita kami ni Seb sa canteen tuwing kakain.
“Uhm, tanong ko lang kung pwede bang makipag-interact kami sa ibang campers mula sa ibang cluster?”
“At certain time, yes, pero I suggest na itanong nyo po yan sa magiging Camp Counselor nyo.”
I nodded.
Nakarating na kami sa baba. Sinundan ko si Claire papunta sa Function Hall.
“Di na natin pupuntahan yung ibang building?”
“Hindi na Sir, yung Camp Counselor nyo na po yung bahalang mag-tour sa inyo around the camp.”
“Ah ganun ba,” I really hope hindi ganun kahigpit yung magiging camp counselor ko.
Nang makalapit na kami sa Function hall, nakita ko na through the glass wall, yung mga magiging ka-cluster ko. Dalawang lalaki na parang around my age, at dalawang mukhang mas bata sa amin. Nakasuot din sila ng same light blue na uniform at nakabilog ang mag inuupuan nila.
Isa-isa silang lumingon sa akin. Medyo na-self conscious ako kaya naman tumingin-tingin na lang ako sa paligid.
“Hello!”
May isang lalaki na nakasuot ng same shirt at jogging pants as me pero kulay dark blue naman, ang nagbukas ng pinto ng Function Hall. Sya na siguro yung camp counselor namin.
“Hi George,” sabi sa kanya ni Claire.
“Hi Ate Claire!” bati pabalik nung lalaki.
Humarap na sa kin si Claire, “So Sir Karl, hanggang dito na ako,” she smiled, yung comforting na smile na tulad nung smile nya sa front desk kanina, “See you around.”
“Sige po. Salamat.”
And with that, iniwan nya na ko sa Function Hall.
“Hello, kamusta bro? Ako si George, ikaw?” inahad nya yung kamay nya para makipagshake hands.
Nakipag-shakehands naman ako sa kanya, “K-Karl. Karl Buenafe.”
“Hi Karl! Welcome sa magiging bagong pamilya mo!”
Chapter 20
Di ko talaga naintindihan kung bakit lahat ng nakikilala ko rito, sobrang masaya at so optimistic, na akala nila, they’re really doing a change in the world, pero sa totoo lang, wala naman silang ibang ginagawa kundi i-mess ang mental health ng isang tao.
“Kuha ka lang ng upuan mo dyan tas you can join our circle na,” sabi ni George pagkapasok ko sa Function Hall.
Nakatingin lang sa kin yung apat na ibang campers. Medyo nahiya ulit akong tumingin din sa kanila kaya nilibot ko yung tingin ko sa Function Hall habang kumukuha ng upuan mula sa isang gilid.
Air-conditioned ang buong hall at medyo malawak din. Meron din itong stage na may kurtina, mga ilaw sa taas at mukhang mga props na ginamit sa mga kung saang play.
Pagkakuha ko ng isang silya, dinala ko ito palapit sa bilog na ginawa nila. Umusog naman sila para bigyan ako ng space sa pagitan ni George at isang batang nakatitig lang sa gym bag nya at mukhang iiyak anytime.
“So ayun! Sa wakas! Kumpleto na rin tayo! Hello Cluster 12!”
Hindi ako sure kung maghehello din ba ako. Pero nung nag-hi yung isang lalaking katapat ko, nag hello din ako at yung iba pa, di lang same ng enthusiasm nya.
Mukhang pare-pareho kaming may ayaw sa kinalalagyan namin ngayon.
“Guys! Let’s cheer! Di ba kayo excited? You’ll get to meet new friends and new experiences!”
Naisip kong sumagot ng isang sarcastic na “Yehey” kaso hindi yun magandanh first impression sa kin kaya nanahimik na lang ako. Dapat magpakabait lang ako.
“Ok so mukhang nakakahiyaan pa tayo,” sabi ni George, “Pero ayos lang yun! Magpakilala na tayo sa isa’t-isa para naman mas maging kumportable na tayo. Sino gustong mauna?”
Walang sumagot.
“So, sige, ako na muna,” natawa ng konti yung counselor namin, yung awkward laugh.
Nagclear sya ng throat nagsalita, “Hi! Ako ulit si George. Im 29 years old. Pwede nyo kong tawaging Kuya George at ako ang magiging counselor nyo sa 4 weeks nyong pamamalagi dito. Actually, this is my very first time na maghahandle ng cluster kaya I’m very sorry kung medyo excited ako mssyado.”
Napapansin ko yung slight na kulot sa boses nya. Napansin ko yun. Siguro naging camper din sya dito dati.
“Alam ko kung ano exactly yung nararamdaman nyo kasi napagdaanan ko din yan noon. Dati akong camper, way back 2015.”
Sabi na nga ba.
“Sobrang naging laki ng tulong sa kin ng program na ito. Noon, madalas kaming nag-aaway ng tatay ko dahil sa pagiging bisexual ko. Nagalit nga ako nung pinilit nila akong pumasok dito, alam kong yung iba sa inyo pinilit lang din ng magulang, pero I know how you feel, and sinasabi ko sa inyo, after nito, pasasalamatan nyo rin sila.”
What the fuck?
“Nung lumabas ako sa camp na to, nawala lahat ng attraction na meron ako sa mga lalaki. As in sobra. Last year, kinasal na ko, at just last month nanganak na yung wife ko sa panganay namin.”
Pinakita nya sa min yung wedding ring na suot nya, pati na rin yung wallet nya na may picture nya, yung asawa nya, at yung baby nila. Nakatingin lang sya sa min na para bang gusto nyang mag-“awww” kami sa kwento nya ng pagbabago.
“I guarantee you, pagbinuksan nyo lang yung puso nyo, mapagtatagumpayan nyo ang laban against homosexuality.”
I wonder kung anong torture techniques ang gagawin nila sa min.
“So, ayun, pwede nyo kong lapitan anytime kung gusto nyo ng kausap,” sabi nya. Bigla akong kinabahan, ako kasi yung katabi nya sa kaliwa, baka ako yung ituro nya sa sunod na magpakilala. Pero buti na lang, yung katabi nya sa kanan yung tinapik nya, “Bro, ikaw naman magpakilala,” sabi nya sa katabi nya.
“Uhm, Hi, ako si John Russel. Pwede nyo kong tawaging JR.” Pinagmasdan ko ng mabuti si JR. Napansin kong meron syang butas sa kaliwang tenga, siguro pinatanggal ni Claire yung hikaw nya sa kanya nung nagbihis sya. Kung ano man ang naging hikaw nya, siguradong bagay yun sa semi-kalbo nyang buhok na may hiwa pa sa gilid.
Sa unang tingin aakalain mong straight sya. But then again, hindi dapat ako nag-assume ng sexuality ng isang tao based sa kanilang physical apperance.
“20 years old ako, and hindi talaga ako bakla o bisexual talaga,” sabi nya, “But I’m gender fluid.”
Tumingin ako kay Kuya George, mukhang ngayon nya lang narinig yung gender fluid.
“Nandito ako kasi pinilit ako ng parents ko. Hindi nila magets yung pagiging gender fluid ko. Dumating nga pala ako kagabi. Ang cool ng kwarto natin guys.”
Nakikita kong may gustong sabihin si Kuya George kaso halatang natatakot sya na idiscuss yung gender fluidity dahil mukhang di sya familiar dito.
“Masaya kami to have you JR. Welcome sa Camp,” yun na lang nasabi ni Kuya George. Nung inalis nya yung tingin kay JR, inirapan sya nito.
Mukhang di rin sya madaling maniwala sa bullshit.
Tinapik ni Kuya George sa hita yung katabi ni JR, “Ikaw naman bro.”
“Hi everyone, ako si Walter!” sabi nya sabay hawi ng mahaba nyang bangs. Alam ko na agad na sya yung out and loud flamboyant type.
“Hi Walter, kamusta?”
“Ayos naman Kuya George. Im 15 years old and taga Caloocan ako, at dumating ako kahapon din. Actually, di ako pinilit ng parents ko pumasok dito, ako mismo yung nagkusang ipasok yung sarili ko dito. Kasi gusto kong maging proud sa kin yung mga magulang ko. Anim kaming magkakapatid, tas puro kami lalaki pero ako lang yung bakla. Pansin na pansin ko yung difference ng pakikitungo ni Mama at Papa sa kin kung ikukumpara sa mga kapatid ko. Tsaka kahit anong gawin kong achievement sa school, never nilang pinansin, kasi nga di ako tulad ng mga kuya ko.”
Yikes. I suddenly feel bad for Walter. Pero sa tono ng pananalita nya mukha naman syang palabiro at sobrang saya kasama, yung tipong iuuplift ang mood mo kapag malungkot ka.
Napatingin sya sa lapag, “Sinabihan ako once ng tatay ko na wala akong mapapala sa buhay ko. Na mas pipiliin nya yung mga basagulero at adik kong mga kuya kesa sakin dahil nandidiri daw sya sa kin.”
Shit. Bigla akong naging thankful sa pamilya ko. Biglang gusto ko tuloy i-hug si Walter.
“Maraming salamat sa pagshare ng kwento mo Walter. Gusto ko lang malaman mo na dito, mahal ka namin, at hangad namin ang improvement mo.”
Tumungo ako. For once may nasang-ayunan din ako sa mga sinabi ng staff rito.
“Tutulungan ka namin maging isang tunay na lalaki tulad ng mga kuya mo.”
Ayun, di ako sang-ayon dun.
Napaka-problematic nung statement na yun. So ok lang sa kanila na maging basagulero at adik na lang si Walter basta maging tulad lang sya ng mga kuya nya? na maging tunay na lalaki lang sya? At tutulungan pa nila si Walter.
Sayang yung future nung bata.
“Salamat po,” halatang pinipigilan lang nung bata ang sarili sa pag-iyak.
“Your turn bro,” sabi ni Kuya George dun sa katabi ni Walter.
“Uhm, Hi, ako naman si Matthew.”
Pinagmamasdan ko pa rin si Walter pero nung narinig ko yung pangalan nya, napatingin ako sa kanya. So sya yung damating bago ako, yung anak nung mag-asawang nakasalubong ko sa taas kanina?
“I’m 22, third year college na ko sa pasukan. Uhm, I’m gay, pero male presenting, ibig sabihin hindi ako nagkakagusto sa babae, pero hindi ako feminine kumilos,” paliwanag nya kay Kuya George. Well, mukhang hindi lang ako yung nakapansin na walang masyadong alam sa sexuality and gender identities yung counselor namin.
Tumungo-tungo naman si Kuya George.
“Andito ako kasi bukod sa gusto ng parents ko, gusto ng lolo ko na magkaron ng apo sa tuhod bago sya mamatay, eh since ako lang yung lalaki nyang apo, sakin napunta yung responsibility. Kaso ang problema, di ko magawang magkagusto sa babae, kahit sexual feelings, wala talaga.”
“Dont worry bro, kami bahala sayo, tutulungan ka naming magbago,” sabi ulit ni Kuya George.
“Salamat,” ningitian nya si Kuya George. Then bigla syang tumingin sa kin at ngumiti din sa kin. Bakit kaya?
Pero napansin ko, medyo cute din sya.
Kaso mas cute si Seb ko. At nandito ako para iligtas sya.
“Ikaw bro, kamusta,” turn na nung batang nasa pagitan namin ni Matthew.
Umubo muna sya saglit bago nagsalita, “Ako po si Oliver. 13. Taga Bulacan.”
Naghintay kami sa mga susunod nyang sasabihin, kaso di na sya nagsalita. Niyakap nya lang ulit yung gym bag nya at tinitigan lang yung sapatos nya.
“Uhm, bakit ka nandito Oliver?” tanong ng counselor namin.
“Gusto kong maging isang tunay na lalaki para hindi na ko rape-in ng tito ko at ng mga kumpare nya.”
Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Oliver. Di ko ineexpect yun. Napatingin ako sa kanya, at nakita kong pare-pareho kaming nagulat sa sinabi nya.
Napaisip din ako. Kung si Walter at JR ay dumating kagabi, at kami naman ni Matthew ang dumating ngayon, malamang sya yung tinutukoy ni Claire na dumating three days ago, tulad ni Seb. At sya yung hinalo muna sa Cluster 11.
Pwedeng sya yung maging tulay ko kay Seb dahil nakasama nya na to ng ilang araw. Kaso given the information na nalaman ko ngayon, hindi ko alam kung paano iaapproach si Oliver. Ayoko namang maramdaman nya na nakikipagclose lang ako sa kanya para kay Seb.
Mga ilang sandali ata kaming natahimik bago narealize ni Kuya George na wala nang ibang sasabihin pa si Oliver, kaya naman tinapik nya yung balikat ko, signaling na turn ko na.
“Hi, ako si Karl. 21 years old. Andito ako kasi gusto kong maayos yung relasyon ko ng parents ko.”
“Nice to meet you Oliver, and Karl. So ayun! Nakapagpakilala na tayo sa isa’t-isa!” Pinilit maging cheerful ni Kuya George, para sana madistract kami sa shock na dulot ng sinabi ni Oliver. Kaso mukhang matatagalan pa bago mawala sa isip namin yung mga sinabi ni Oliver.
Yung sungit ni JR, yung lungkot sa mga mata ni Walter, pati yung pagpapacute ni Matthew, lahat yun nawala. Napalitan ng awa na hindi namin alam kung paano ieexpress.
“So, let’s go na ba sa mga rules? Ay teka! Nagbreakfast na ba kayo?”
Umiling kaming lahat.
“Hala! Halika, magbreakfast na muna tayo sa canteen! Dun na rin natin idiscuss yung house rules.”
Medyo lumakas yung kabog ng dibdib ko nung narinig kong breakfast, at pupunta kami sa canteen. Naisip kong baka andun din si Seb, kaso naalala ko sabi nga pala ni Claire na nag-hike yung Cluster 1 to 11. So baka lunch ko pa sya makita.
“Tara na guys!” tumayo na si Kuya George.
“Uhm, Kuya George,” sabi ko, “Pede bang mag c.r. muna ako?”
“Sure! Andun yung C.R sa likod ng stage.”
“Salamat po.” Pinatong ko sa upuan ko yung gym bag at saka nag-jog papunta sa likod ng stage.
Binilisan ko yung pag-ihi, dahil kahit malinis naman ang C.R. nila, sobrang creepy ng feeling ss loob. Pagka-ihi ko, magpunta ako sa lababo at naghilamos. Medyo in shock pa rin ako sa sinabi ni Oliver, papakalmahin ko muna yung sarili ko.
“Uy.”
Nagulat ako ng biglang may kumalabit sa kin. Pagtingin ko sa salamin, umiihi sa isang urinal si Matthew.
“Di kita ineexpect na makita dito,” sabi nya sakin habang umiihi sya.
“Uhm,” bakit? Nagkakilala na ba kami dati? Di ko tuloy alam kung sasabihin ko.
“Di mo na ko naalala no?”
“Sorry,” umiling ako.
Lumapit sya isang lababo, mga dalswang lababo ang pagitan namin, “Sabagay, sobrang wasted mo nung gabi na yun eh.”
Wasted? O fuck, naalala ko na.
“Ikaw yung naghatid sa kin mula sa bar nung isang gabi?”
Tumango sya, “Yep. Grabe sya, di mo na pala ako naalala, hinihintay ko yung mga text mo eh.”
Fuck, saglit, wait, di ko alam kung pano magrereact dito.
“Kaya pala nangingitian kita kanina, hindi ka nagrereact. Akala ko rejected na ko sayo.”
“Ha?”
“Nakakilaka tayo dun sa may overlooking bar, tas we drank, then nag-hookup tayo sa sasakyan mo.”
Teka we what?
“Kaso mukhang hindi ito yung place to discuss that,” natawa sya habang pinupunasan ng tissue ang mga kamay nya, “Sobrang di ko talaga ineexpect na makikita kita rito, di ko nga rin ineexpect na magkikita pa ulit tayo.”
I was about to say something kaso nakarinig ako ng footsteps. Bumalik ako sa paghihilamos, at naghugas ulit ng kamay si Matthew.
“Guys,” si Kuya George pala, buti na lang narinig naming syang paparating. Di ko alam kung pano sya magrereact pag nalaman nyang may history kami ni Matthew. Na maski ako hindi ako aware. “Nakalimutan kong ipaalala na kasama pala sa house rules yung hindi pwedeng maiwan sa isang kwarto ang dalawang campers ng walang kasamang counselor o another camper. That includes yung mga cr.”
Hala, paano yan, paano ko makakausap si Seb ng kami lang?
“Noted po,” sabi ni Matthew, kumuha ulit sya ng tissue at nagpunas ng mga kamay. Kumuha na rin ako para makapagpunas na ng mukha.
“Sorry ulit ah, di ko kayo natanong agad kung nagbreakfast na kayo. Tara na!”
Paglabas namin ng banyo, binigyan ako ni Matthew ng “Talk to you later” na tingin.
Chapter 21
[Author’s note: I know, I know, ang late ko mag-update huhuhu pagpasensyahan nyo na! Actually nag-iisip na kong wag tong ituloy, but since Christmas naman, gift ko na sa inyo ang pagtapos nitong kwento ni Seb at Clyde hehehehe. Sa mga susunod na araw sisipagan ko na pramis!]
“So eto yung canteen natin, 7am ang breakfast, 12 ang lunch of course, at 7pm ang dinner. Minsan pag may events may mga special pameryenda.”
Pagpasok namin sa loob ng canteen, bumungd na agad sa min ang amoy ng pinipritong longganisa. Nilibot ko ang tingin sa walang lamang canteen habang sinasabi ni Kuya George ang mga house rules sa loob, ng tamanag oras ng kain, kanino lalapit kung may allergy kami sa certain food types, at iba pa.
Di tulad ng hall sa kabila, hindi air-conditioned dito, kaya naman pinagpawisan na ko ng onti bago pa man kami makarating sa napakahabang counter kung san nakaprepare na ang breafast. Hile-hilera sa counter ang mg traay na may mga sausage, mga hotdog, mga ham, tocino, mga pritong itlog, scrambled na itlog, nilagang itlog, andaming pagkain.
“Wow Kuya George! Andaming food! Nasaan na ba yung ibang campers at mukhang wala pa atang kumakain?” tanong ni Matthew, mukhang wlng nagpaliwanag sa kanya na naghiking ang ibang campers.
Kasama si Seb. Na ilang oras na lang makikita ko na ulit.
“Nasa hike pa sila, pero mayamaya darating na rin sila. Pero, ayaw nyo nun!? Solo natin tong canteen! Sige na boys! Ayun yung mga plato, kain na tayo!”
Naunang lumapit sa lalagyan ng mga plato si Oliver at si Walter, yung mga bata. Sumunod sa kanila si Kuya George.
“Di ka pa ba kakain?” tanong ni Matthew, “Gusto mo kuha na lang kita ng plato?”
“Wow, sana all,” sabi ni JR sabay lakad palayo sa min ni Matthew.
Sa totoo lang wala akong gana. Parang gusto ko nga masuka eh. Simula ng pumasok ako sa office ni Director Sandoval, parang gusto ko nang masuka na ewan. Feeling ko kapag kumain ako, anytime isusuka ko rin kung ano man ang kakainin ko.
Pero naisip ko, hindi dapat ako mag-inarte, kaya kumuha na rin ako ng plato at kutsara’t tinidor, without acknowledging yung offer ni Matthew. Ang awkward kasi.
Its pretty clear na may gusto si Matthew sa kin. Pero di ko naman sya masisisi kasi binigyan ko sya ng reason na magustuhan ako. Kung tutuusin, cheating yung ginawa kong pakikipag-hook-up sa kanya nung isang gabi. Pano ko ipapaliwanag sa kanya na may boyfriend ako, at andito ako para iligtas sya?
“Bro, sigurado kang yan lang ang kakainin mo?” tanong ni Kuya George ng makita yung laman ng plato ko, dalawang pandesal at dalawang pritong itlog.
“Opo. San po tayo mauupo?”
“Ayun!” may tinuro syang mesa, “Dun sa table na may number 12. Ayun, ssa kung saan nakaupo si Oliver.”
Kumakain na si Oliver dun sa table namin. Nagtaka ako kung paano nya nalaman, saka ko lang naalala na tatlong na araw na pala sya rito.
At naging ka cluster sya ni Seb!
Agad akong nagpunta sa table namin at tumabi kay Oliver. Medyo natatakot akong kausapin sya, dahil na rin sa discomfort na dala ng reason kung bakit sya andito, pero nanaig sa kin yung kagustuhang malaman kung ayos na ba yung kalagayan ng mahal ko. Kailangan ko syang makausap habang busy pa ang lahat sa pagkuha ng pagkain.
“Uhm, Oliver? Ikaw yung hinalo muna sa Cluster 11 hindi ba?” nakita kong nagulat sya sa sudden approach ko, at nahihiya rin syng tumingin sa kin.
“Opo,” tipid nyang sagot.
“So, nakilala mo si Seb?”
“Seb? Si Sebastian?”
“Oo,” binantayan ko ng tingin yung mga ka-cluster namin, baka anytime may lumapit sa kanila, “By any chance naka-usap mo ba sya?”
“Hindi eh. Hindi sya nagsasalita.’
“Eh diba m-may mga pasa at sugat sya sa mukha? Kamusta yun?”
“Gabi-gabi yun nililinisan ni Kuya Ryan,” tipid nyang sagot, I assume na yung Kuya Ryan ang counselor ng cluster 11.
“Buti naman,” at least pwede nang mawala sa listahan ng mga concerns ko yung mga injuries sa mukha ni Seb.
“Bakit? Magkakilala ba kayo?”
Hindi na ko nakasagot dahil lumapit na sa min si Matthew, “Kinuha kita ng hot choco,” sabi nya sa kin sabay abot ng isang paper cup na merong hot choco.
“Salamat,” ningitian ko sya pero tumingin din ako sa malayo. Tumabi sya sa kin. Natatakot ako, baka may mgamakapansin ng mga ginagawa ni Matthew para sakin. Baka mapansin ni Kuya George, or worse, ibang counselors o mismong mga nakakataas, paniguradong lagot kami nito. Andito ng kami para magbago, hindi para maglandian.
Well, andito ako para iligtas yung mahal ko. Yun lang at wala nang iba.
“Nakakuha na ba ng breakfast ang lahat?” Si Kuya George yumg huling pumunta sa table namin, punung-puno ng tocino at longganisa yung paligid ng gabundok nyang kanin.
“Yes Kuya,” si Walter yung sumagot para sa ming lahat, sya lang naman yung mukhang masaya na nandito sya.
“Dito sa camp, we always start any meals with a prayer,” paliwanag ni Kuya George, “Isa sa mga goals natin ang mas malapit sa ating Panginoon, in that way, matulungan nya tayo sa ating conversion, Matthew, pwede mo bang i-lead tayo sa isang panalangin?”
Out of instincts, napatingin ako kay Matthew, pero nagulat ako ng makitang nakatingin pala sya sa kin. Umiwas sya ng makipag-eye contact ako sa kanya, then he realized na nakatingin pala sa kanya ang lahat.
“Ay, ano nga po ulit?”
“Prayer,” ulit ng counselor namin, “Please lead us sa prayer.”
“Oh. Yes po.”
I dont pray, pero I’ve seen people pray on movies kaya I just folded my hands and closed my eyes.
“Uhm, Lord, uhm,” halatang hindi rin nagdadasal tong si Matthew, “Salamat po sa, uhm, blessings.”
Its either di rin sya marunong magdasal, or baka marunong naman sya, di lang sya sure kung dapat nga ba namin ipagpasalamat tong nangyayari sa min. Biruin nyo, apat na linggo kaming magtitiis dito?
Sila lang pala. Wala na kong balak magtagal pa rito. Itatakas ko na si Seb as soon as possible.
“Amen.”
“Amen!” nag-echo sa cafeteria yung boses ni Kuya George, napatingin sa min yung ilan sa mga nagluluto sa kusina, “Tara! Kumain na tayo! We have a lot of things to do pa!”
“Kuya George, after po nito san tayo pupunta?” tanong ni Walter, inis na tinignan sya ni JR, but honestly, same. Nayayamot na rin ako kay Walter, kaso di ko naman masisisi yung bata, napaniwala talaga sya ng kultong ito na mapapagaling sya sa “sakit” na meron sya.
“After nito, ililibot natin si Karl at si Matthew sa Camper Quarters, papakita natin sa kanila yung kwarto nyo, then dun natin uumpisahan ang peer evaluation.”
“Kuya,” sa di ko malamang dahilan bigla na lang ako kinakabahan sa tuwing naririnig ang boses ni Matthew, “Meron ka po bang kopya ng magiging schedule namin sa mga susunod na araw?”
Kamuntik nang masamid sa iniinom si Kuya George, “Hala! Oo nga, meron, meron, saglit lang,” nilapag nya ang baso at saka inabot mula sa kanyang likod ang maliit na string bag na kanina pa nakasukbit sa likod nya.
“Dapat kanina ko pa pala to binigay sa inyo. Pasensya na guys, sobrang excited ko lang na iintroduce kayo sa mga activities na meron kami rito para sa inyo,” sabi nya habang may hinahanap sa loob ng bag nya, “Pasensya ulit, first time ko lang maghahandle ng isang cluster.”
We waited patiently hanggang sa abutan nya si JR ng isang bugkos ng mga papel, “Yung yellow paper ang MWF schedule nyo, ang blue naman ay TTh sched nyo, ang green ay para sa Saturday, sa likod non, ang para sa Sunday.”
Kinabahan ako, baka gawin din nila sa amin yung mga torture na ginawa nila Tito Rolando at Tita Larissa kay Seb?
“Karl,” inabot sa kin ni Matthew yung mga natitirang papel. Yellow. Blue. Green.
MWF Schedule:
6:00 am: Morning Preparation 7:00 am: Breakfast 7:30 am: Bible Study 9:00 am: Fatherhood and Husbandry Classes 12:00 nn: Lunch 12:30 pm: Industrial Arts Classes 4:00 pm: Physical Health Classes 5:00 pm: Religion 7:00 pm: Dinner 8:00 pm: Peer Evaluation 9:00 pm: Evening Preparation 10:00 pm: Lights out
TTh Schedule:
6:00 am: Morning Preparation 7:00 am: Breakfast 7:30 am: Bible Study 9:00 pm: Physical Training and Weight Training 12:00 nn: Lunch 12:30 pm: Non-Competitive Sport 3:00 pm: Competitive Sport 7:00 pm: Dinner 8:00 pm: Peer Evaluation 9:00 pm: Evening Preparation 10:00 pm: Lights out
Saturday Schedule:
5:00 am: Morning Preparation 6:00 am: Nature Hike 9:00 am: Breakfast 9:30 am: Laundry and General Quarter Cleaning 12:00 nn: Lunch 12:30 pm: Community Service 5:00 pm: Saturday Church session 7:00 pm: Dinner 8:00 pm: Peer Evaluation 9:00 Evening Praparation 10:00 pm: Lights out
Sunday Schedule:
6:00 am: Morning Preparation 7:00 am: Breakfast 7:30 am: Bible Study: 9:00 am: Sunday Morning Church Service 12:00 nn: Lunch 12:30 pm: Sunday Afternoon Church Service 3:30 pm: Individual Evaluation 7:00 pm: Dinner 8:00 pm: Peet Evaluation 9:00 pm: Evening Preparation 10:00 pm: Lights out
“Ano po itong mga classes na nandito?” tanong ni Walter, as usual, sya lang talaga yung may interest sa conversion sa aming lima.
“Classes?” tumingin si Kuya George sa kopya nya ng schedule, akala ko ba dati na syang camper dito? Hindi pa dapat pamilyar na sya sa mga ginagawa rito? “Ah oo! May tatlo tayong uri rito ng classes, yung mga may kinalaman sa inyong spiritual change, meron for yung physical change, at meron din para sa iba pang aspects na pwede nating baguhin like social, mental, emotional, ganun.”
“Yung Industrial arts, tuturuan kayo kung paano magkarpintero, maghalo ng semento, magtanim ng mga gulay at halaman, mga tipikal na responsibilidad ng mga kalalakihan sa tahanan.”
So yun ang idea nila ng pagiging lalaki? So porket bakla kami akala nila hindi namin kaya yung mga bagay na yun?
“Sa Fatherhood and Husbandry, obviously, tuturuan kayo paano magsimula ng pamilya, at kung paano maging magaling na asawa at ama sa inyong future family. Ito yung personal favorite ko nung camper pa lang ako rito.”
“Tuturuan din po ba kami don pano kami magugustuhan ng mga girlalu? I mean. mga babae. Ayaw kasi ng mga babae yung ganto… Yung bakla,” sabi ni Walter, which is bullshit kasi may mga kilala akong babae na attracted sa mga feminine na lalaki.
“Oo naman, sa Monday, sa first day nyo, ipapakilala ko yung mga instructor ninyo. Wag kayong mag-alala, mga expert silang psychologists.”
Matapos ata yung mga ginawa ni Tita Larissa kay Seb mukhang mahihirapan na kong pagkatiwalaan ang mga kagaya nya.
Tumango-tango lang ako, iniisip ko kung alin kaya sa mga classes na to ang nagpapanggap lang na classes pero torture pala talaga?
“May mga tanong pa kayo?”
Asan ang water torture? Yung electorshock therapy? Nasan yung bugbugan?
“Gagawin talaga natin today yung mga nasa Saturday session?” tanong ni JR, full of hostility pa rin ang boses nya, “Kakarating lang namin community service agad?”
“Syempre hindi,” Kuya George smiled, its either di nya napansin yung snarkiness sa boses ni JR, or talagang sinanay sila rito na ngumiti lang sa lahat ng sasabihin ng mga campers na katulad ni JR, “Dahil weekend na kayo dumating rito, ang official first day nyo ay sa Lunes.”
“So ano-ano lang gagawin natin today?”
“After ng ating very first peer evaluation, ililibot ko kayo sa buong complex, getting to know each other. Kung may extra time, baka payagan tayo ni Director Sandoval na magkaroon ng free time para magswimming sa pool area, o di kaya maglaro ng sports. Meron ba sa inyong naglalaro ng sports?”
Walang nagtaas ng kamay.
“Wag kayong mag-alala, after four weeks, guarantee ko na sa inyo na mahahanap nyo rin ang perfect na sport para sa inyo.”
Biglang may pumito ng sobrang lakas sa labas ng Cafeteria. Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto. May malaking lalaki na nakatayo sa harap ng malawak na pinto, may subo-subo syang pito at basang-basa ng pawis ang suot nyang uniform na pareho lang ng amin pero kulay dark blue, parehas sila ni Kuya George.
Malamang counselor din sya, mukhang hindi nalalayo ang edad nila ng counselor namin eh. At malamang yung pinipituhan nya, ay mga kapwa rin naming campers, at malamang kasama na don si Seb!
“Yan si Ryan. Sya ang trainor ko sa pagiging counselor. Sya ang nagturo sa ’kin ng kung paano maging counselor.”
“Camper din sya dati?” tanong ni Walter.
“Hindi. Empleyado talaga sya. Pero may ilang counselor din na dating camper, di lang ako. Pero meron ding mga tulad nya na empleyado talaga.”
Tatanong ko sana kung anong cluster ang hawak nya kaso naunahan ako ng ever-enthusiastic na si Walter, “Anong cluster ang hawak nya?”
“Cluster 11,” so sya yung counselor ni Seb, “Dati nung wala pang 11, Cluster 4 ang hawak nya, pero grumaduate na rin sa program last week yung Cluster 4 eh.”
“Putangina bilisan nyong kumilos mga hinayupak kayo!” sigaw nung Ryan na sa lakas ng boses nya hanggang sa loob ng Cafeteria abot kahit nakasara na yung glass na pinto. Nasundan yung sigaw nya ng isang mahaba at nakakatulig na pito.“
“Ay kabog. Naninigaw talaga sya Kuya?” tanong ni Walter.
“Yep. Medyo nakakatakot nga sya. Hardcore disciplinarian. Tanungin nyo si Oliver.”
Napatingin naman kami kay Oliver na tahimik lang na kumakain. Tumungo lang sya ng hindi man lang sinisilip si Kuya Ryan na sigaw ng sigaw sa labas.
“Andyan na ata yung ibang camper,” bulong sa sarili ni Kuya George.
Bumilis yung kabog ng puso ko. Makikita ko na ulit si Seb after ng ilang araw.
“Bale, ilan pong Cluster ang nandito ngayon?” tanong ni Matthew.
“Dahil kakagraduate lang ng Cluster 4, anim na clusters na lang ang meron ngayon.”
“At yung bawat cluster yon, may isany counselor?” tanong ko naman.
“Oo.”
So, may 1:5 ratio ng counselors sa mga campers. Mukhang mas magiging mahirap ang plano kong pagtakas kesa sa inaakala ko. Kinapa-kapa ko gamit ng paa yung spare key ng sasakyan kong tinago ko sa medyas ko just to assure myself. Makakatakas rin kami ni Seb rito.
Pigil na pigil akong magtanong kung meron na bang sumubok na tumakas sa program, at kung ano ang maaari parusa sa mga mahuhuling tatakas. Kaso, no, di dapat ako magpahalata.
Bumukas ang pinto ng cafeteria. Naunang pumasok si Ryan na sa mga pagkaing nakahain agad napatingin. Kasunod nya ang mga campers na galing sa ibang cluster. Lahat sila mukhang hapong-hapo, kung saan man sila naghiking paniguradong hindi biro nilakad nila. Yung iba sa naliligo sa sarili nilang mga pawis, yung iba naman mga nakahubad na at nakasukbit sa balikat ang mga basang damit.
Lahat sila napapatingin sa mesa namin bago umupo sa kani-kanilang mga mesa. Naiilang ako sa mga tingin nila sa min kaso di ko inalis ang tingin ko sa pinto, hinihintay na pumasok si Seb.
Teka. Paano kung wala naman pala rito Seb? Paano kung may special program na ouro torture ang ginagawa sa kanya dito? Kaibigan ng mga magulang nya si Director Sandoval, impossibleng walang special treatment na gagawin sa kanya. Pano kung hindi pala sya nakahalo sa mga regular camper?
Bago pa tumindi ang mga pangamba, pumasok na sya sa loob ng Cafeteria.
Mula sa malayo, pansin ko agad ang pagod nyang mga mata. Tulad ng mga kasama, basang-basa rin ang buhok pati ang damit nya sa pawis. Pero di tulad ng inaasahan ko walang benda sa kanyang mukha. Humupa na yung pamamaga ng mga mata nya, at tanging dalawang band-aid na lang nakikita ko sa maputla nyang mukha.
Gusto kong tumayo at yakapin ang mahal ko.
“K-kuya George, pwede pa ba kong umulit ng pagkain?” umarte akong gutom pa para hindi halatang pupunta lang ako sa counter para lapitan ang boyfriend ko.
“Oo naman! Ikaw naman kasi, bakit ang onti-onti lang ng kinuha mo.”
Tumayo ako at nagpunta sa counter. Nakatingin lang sa kin yung ibang mga campers habang papalapit ako sa counter. I kept my head down, and looked for Seb kung man sya pumunta. Nakipagsiksikan ako sa mga campers na amoy pawis ang lupa para lang hanapin yung mahal ko.
Nakita kong syang nagsasandok ng kanin.
“Pahiram naman ng sandok.”
Nanigas sa kinatatayuan si Seb. Up close, kita ko na hindi pa gaano humihilom ang mga pasa nya sa mukha, sadyang di na lang talaga pansin sa malayo. Yung isang bandaid din sa kanyang noo ay unti-unti na ring natutuklap dahil sa patuloy na pagtagaktak ng pawis nya. Gusto ko syang punasan at agad na halikan.
Tumingin sya sa kin. Instantly, nagbago yung facial expression nya. Di na sya namumutla, para bang nagbalik na ulit sa dati yung kulay nya. Yung pagod nyang mga mata, nagkaron na rin ng buhay, and I know he’s trying to stop himself from smiling.
“Cl-”
“Shh!”
Pasimple akong tumingin sa paligid. Kinuha ko sa kamay nya yung sandok at nagsandok ng kanin ko.
“B-bakit?” bulong nya.
“Magkita tayo mamaya.”
I swear, sobrang hirap, it takes everything just to stop me from hugging him so tight. Pero kailangan ko munang maialis kaming dalawa rito bago ko magawa yun.
Tumingin ako sa kanyang mga mata, at saka mabalis na bumalik sa upuan ko.
Feeling ko maiiyak ako.
Ayan na oh! Ayan na si Seb! Pero bakit parang ang layo pa rin namin sa isa’t-isa?
Naiiyak ako. Naiiyak ako. Bakit kailangan naming humantong sa ganito?
enter sa left
This chapter is dedicated to my tropa Dominic Emperador! Birthday nya todayy! Nag-update ako as a bday gift sa kanya hehehe. Go and wish him a happy birthday sabay follow na rin dito sa wattpad:
Omigab
Happy Birthday sayo prii!
exit sa right
Chapter 22
Buong breakfast, pasimple kaming tumitingin ni Seb sa isa’t-isa. Kung di nga lang kami bantay sarado ng counselor namin titigan ko lang sya buong magdamag. Nawalan na nga ako ng gana sa pagkaing kinuha ko. Gusto ko lang syang titigan, gusto ko syang kausapin gamit ang isip ko.
Andito ako para itakas ka rito.
Ilalabas din kita rito wag kang mag-alala.
Titira ka sa amin, I’m sure ok lang yung parents ko at mga kapatid ko dun.
I’m sure he understood. Alam namin ang takbo ng isip ng isa’t-isa. Alam nyang hindi ako bigla biglang magpapakita rito ng walang dahilan.
“Karl? Karl?”
Shet, nakalimutan kong ako nga pala si Karl.
“Sinong tinititigan mo dyan Karl?” tanong ni Kuya George.
“Wala, nakatingin ako sa labas. Tinitignan ko lang yung Sports building sa tapat.”
“Ah ganun ba, next time saka mo na lang titigan yung Sports Building, baka kasi may makakita pa sayong ibang counselor. Labag sa house rules ang pagpapakita ng affection sa kapwa camper. Syempre andito tayo para magbago. Kailangan i-control din natin ang mga sarili natin.”
Wala akong pakialam sa house rules na yan. Hindi naman kami magtatagal rito.
Binilisan ko na yung pagkain dahil ako na lang pala yung inaantay. Paglunok ko ng huling subo ng kanin, nagyaya na si Kuya George na pumunta sa sleeping quarters namin.
“Pero pano po itong mga pinagkainan namin?” tanong ni Matthew.
“Bayaan nyo yan dyan,” sabi ni Kuya George nonchalantly, “May mga taga linis tayo dyan. Hindi panlalaki ang mga gawaing bahay.”
“Yes!!” Malakas na cheer ni Walter, sa sobrang lakas napatingin sa kanya yung mga nasa kabilang table, “Di na ko mapapagod sa gawaing bahay!”
“Ikaw ba gumagawa ng gawaing bahay sa inyo Walter?” tanong ng counselor namin.
“Opo. Masyadong tamad ang mga kuya ko.”
“Its your fault. Nagpakita ka kasi ng femininity sa mga kapatid mo. May mga asawa ba sila? Dapat yung mga asawa nila ang pinaglilinis nila ng bahay.”
Eto nanaman tayo sa mga super problematic na payo.
Tumingin ako one last time kay Seb. Nang tumingin din sya sa kin. nagbago ulit yung timpla ng mukha nya ng makita akong nakatayo at dala yung gym bag ko. Ayaw nyang mawala ulit ako sa paningin nya. Maging ako rin naman.
Hindi maalis sa isip ko yung itsura ni Seb kahit nakalabas na kami ng cafeteria. Nilakad namin ang napakalawak na field na pinaliligiran ng tatlong building. Sa gitna ng field ay may flagpole na may flag na kulay puti at may logo ng kanilang simbahan.
“Eto nga pala yung field. Araw-araw, bago magbreakfast o di kaya bago mag hike. kailangang mag-assemble muna rito sa flag pole ang mga campers.”
“Parang flag ceremony?” tanong ni Matthew.
“Oo, parang ganun.”
“So stupid,” bulong ni JR sa likod ko.
“Hindi sya stupid,” ako yung kinabahan para sa kanya nung narinig pala sya ni Kuya George, “Dito tayo minemeet ng Director kung meron syang mga announcement.”
“So dito nya kami sesermunan ng bible passages na may or may not be true?”
“Hindi. Religion classes and church services ay ginaganap dun,” tinuro nya yung second floor na pinanggalingan namin, yung taas ng hall at cafeteria, “Ayan ang chapel.”
Tumingin ako sa chapel, pero hindi dun nagtagal ang mga mata ko, yung floor sa taas nun ang nakakuha ng interes ko.
“Ano yung nasa third floor?” tanong ko.
“Another function hall,” simpleng sagot ni Kuya George, “Pero stock room na lang ata yan. Off limits yan for campers.”
Kasi andun yung torture devices na balang araw ay gagamitin nyo sa amin?
Impossibleng wala silang torture na ginagawa sa mga batang andito. Kanina sa cafeteria, ang tahimik, magsasalita lang yung mga campers kapag kinakausap sila ng counselor nila, other than that, yung tunog lang ng kubyertos sa pinggan ang maririnig kanina. Di kapani-paniwalang tatahimik ng ganun ang isang malaking grupo ng mga teenager.
May torture na ginagawa dito.
“Tara na guys! Eto yung camper quarters building. Dito natutulog ang mga campers and staffs. First floor ang mga counselors and teachers, second and third floor ang campers.”
So hindi namin kasama sa pagtulog ang mga counselor? Kung ganon, mas madali akong makakatakas papunta kay Seb.
“Anong floor yung kwarto natin?” tanong ko, dahil malay natin, kailangan ko pa lang itong akyatin or talunin for some reason.
“Third.” sagot ni Oliver.
Inakyat namin ang malaking hagdan na nasa gitna ng napakalawak na building. Ang tahimik lang ng paligid. Walang ibang maririnig na kundi ang mga sapatos naming tumutunog sa kada panaog sa mga hakbang ng hagdanan.
“Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpunta sa sleeping quarters ng ibang campers,” sabi ni Kuya George, which is normal naman kahit saang uri ng camp, “Lalo na yung pagtulog sa kwarto ng iba.”
“Pero di ba may sariling quarters ang mga counselors sa baba, paano nyo mamomonitor yung mga kilos ng mga campers dito sa taas?” tanong ko.
“Good question. Mamaya, mag-aassign ako ng isa sa inyo na magiging katulong ko. Sya ang magsasabi sa kin ng lahat ng ginagawa nyo habang wala ako.”
Nagtinginan kami, ako, si Matthew, at si JR. Mukhang hindi pabor sa ming tatlo na may isang laging magsusumbong kung ano man ang gusto naming gawin sa kwarto.
Nilakad namin ang napakahabang hallway na puno ng mga kwarto. Sarado ang lahat ng mga pinto, at bawat bintana ay natatakpan ng mga kurtina. Sa unang tingin iisipin mong nasa isang beach resort ka dahil sa panlabas na ayos ng magkakamukhang mga kwarto.
“Ayun yung quarters ng cluster nyo, andun sa dulo,” turo ng counselor namin, “Yung nasa tabi ng fire exit.”
Katabi ng fire exit yung kwarto namin. Paglapit namin sa bakante naming kwarto, lumapit ako fire exit at sumilip sa ilalim, nakalock ang maliit nitong gate kaya naman dumungaw na lang ako sa baba para tignan kung san ito papunta.
Actually hindi mo makita yung pinakababa dahil sa kapal ng mga puno sa gubat sa gilid na ito ng building. Kung tatakas man kami ni Seb, eto ang pinakaperfect na ruta para makaalis sa building na ito. Tatalunin lang namin ang maliit na gate na ito at maingat na bababa ng metal na hagdan.
“Uy, Karl?”
Bukas na pala yung pinto ng kwarto at kami na lang ni Matthew ang naiwan sa labas.
“Anong tinitignan mo dyan?”
’Wala, ang ganda lang ng view.“
Dumungaw si Kuya George, “Tara na! Pasok kayo!”
Pagpasok sa loob, tulad ng labas, para lang kaming nasa isang beach resort. Sa kanang bahagi ng kwarto nakahilera ang tatlong double-deck na kama na may decent na layo mula sa isa’t-isa. Nasa kanang kama, sa ibabang bunk humiga si JR, sa gitnang kama naman yung dalawang bata, si Oliver sa ilalim, si Walter sa itaas. So it means ang tanging choice nalang namin ay yung kama sa taas ni JR at yung kamang walang laman sa kaliwa.
“Pili na kayo ng magiging kama nyo,” sabi ni Kuya Georgr habang sinasara yung pinto.
Gusto kong piliin yung taas ni JR, kaso naisip ko, paniguradong gusto nito ni Matthew na magkalapit kaming dalawa. Medyo awkward man ako sa kanya, sya yung nakikita kong makakatulong sa kin kung sakaling kailangan kong humingi ng tulong sa kungsino man.
“Dito ako,” nilapag ko sa top bunk ng kaliwang kama yung gymbag ko.
“Edi dito na ko,” at dun naman sa ilalim ko pumwesto si Matthew.
“Karl, Matthew, eto nga pala yung banyo,” tinuro ni Kuya George yung very obvious na banyo, “Andyan na rin yung washing machine at dryer kapag maglalaba kayo.”
Out of curiosity, lumapit ako sa banyo. Wala itong pinto. Kurtinang lang naghihiwalay sa part na labahan at part na banyo.
“Eto naman yung mga cabinet,” tinapik ng counselor namin ang mga wooden cabinets na nasa likod nya, “After ng peer evaluation pwede nyo nang ilipat dito yung mga uniforms na galing kay Miss Claire.”
Naupo si Kuya George sa gilid ng kama ni Oliver, pinalapit nya kami sa kanya kaya bumilog naman kami sa kanya. Sa magkabilang tabi nya yung mga bata at kaming mga matatanda, sa kama ni JR naupo.
“So, what do you think about the camp so far?” tanong ng counselor namin may hinahanap ng kung ano sa string bag nya.
“Actually, maganda po,” syempre si Walter yung sumagot, “Nakakatuwa nga po kasi nakakaramdam ako na magbabago talaga ako rito.”
“That’s great! That’s why kailangan natin ng Peer Evaluation,” naglabas sya ng ballpen at maliit na notepad, “Wag kayong mag-alala, its not really an evaluation, parang kwentuhan lang natin bilang cluster, on how we feel, kung may change na ba tayong nararamdaman sa sarili natin.”
Tinignan ko yung schedule namin, kung di ako nagkakamali gabi-gabi kaming may peer evaluation. So gabi-gabi rin kaming bibilog ng ganito at magkwekwentuhan sa mga experience namin? “Araw-araw po ang peer evaluation?”
“Yes Karl, gabi-gabi sya, after maglight-outs.”
“Pero bakit kailangan magpeer evaluation?”
“Yun ang way namin para malaman ang progress ng bawat isa sa kanilang conversion.”
I see, “Iba sya sa Evaluation na andito sa schedule na tuwing linggo?”
“Yep. Dyan, isa-isa ko kayong kakausapin, kasama ang director. Pero wag kayong kabahan! Simpleng kamustahan lang yun, titignan lang natin kung nagrerespond kayo sa mga activities na meron kami rito.”
“Paano kung di kami magrespond positively? Paano kung within 4 weeks di kami magbago?” tanong ni JR.
“May specific sanctions na ipapataw sa mga campers na magfe-fail sa mga evaluation tuwing Linggo.”
“Tulad ng ano?”
“Maaari maextend yung stay nyo rito.”
Huh? Wala yun sa kontratang binasa ko kanina! “Teka, so ibig sabihin hindi guarantee na sa loob ng 4 weeks makakauwi kami sa amin?” tanong ko. Iniisip ko rin kasi na baka mamaya masyadong mahirap tumakas, baka umarte na lang kami ni Seb rito for 4 weeks tas saka ko sya dadalhin sa min.
“Depende yon sa inyo.”
“Pero wala yun sa kontrata kanina!”
“Oo nga,” sang-ayon ni JR, “Paano kung hindi nyo talaga mabago ang isang tao dito na lang sya forever?”
“Whoa, whoa, calm down! To be honest wala rin akong alam! Bagong recruit lang ako!”
“Pero Kuya,” si Matthew naman yung nagsalita, “Nung camper ka pa, wala ka bang nakitang ginawang parusa sa mga nagfefail sa evaluation?”
“Wala naman. Halos puro positive kami sa Cluster namin. Wala akong naalalang nahuli sa graduation. Kumpleto kaming nakatapos ng course.”
So mukhang hindi ganun kadalas yung parusang extension sa lugar na to. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dun. Kaso anong madalas na parusa rito? Torture?
“So tara umpisahan na natin yung peer eval,” panimula ni Kuya George, “Just simply tell us what you feel right now. Wag nyong i-filter yung mga iniisip nyo. Kung anong gustong lumabas sa mga inyong mga bibig. hayaan nyo lang. Let me start…”
Wala namang ibang sinabi si Kuya George kundi gano sya kinakabahan dahil first time nya lang daw, at magtulungan kaming lahat para sa conversion ng bawat isa. Si JR, mukhang ayaw pa rin na andito sya at kailangang manatili rito sa loob ng apat na buwan, kung sino man ang nagpasok sa kanya rito mukha galit na galit talaga sya rito. Si Matthee naman, sobrang tipid lang ng sagot, sa ngayon daw tingin nya hindi magiging madali ang conversion nya, but he still have hopes naman daw.
Ako naman, ayun, tinipiran ko rin. Sabi ko medyo naninibago pa ko sa lugar at sinusubukan ko pang mag-adjust sa bagong surroundings. Si Walter ang may pinakamaraming sinabi, kung gaanong kalaking tulong ang program na ito sa kanya and all that, at para mukhang mabait, I just acted like I care.
Nung si Oliver na, wala syang ibang sinabi kundi, “Buti nasa bagong cluster na ko.”
What? “Bakit?” napatanong tuloy ako ng di oras.
“Ayokong counselor si Kuya Ryan.”
I want him to elaborate further kaso inakbayan sya ni Kuya George, pinapatigil sya nito, “Nako, ganon talaga yung si Kuya Ryan, masungit talaga yung at disciplinarian, ako na yung nagsosorry para sa kanya.”
Tumango lang si Oliver na nakatitig lang the whole time sa lapag.
“So for today, since sa Monday pa ang official first day nyo, gamitin nyo ang araw ngayon tsaka bukas bilang adjustment period. I’m sure hindi lang si Karl ang nag-aadjust.”
“So pwede kaming lumibot?” medyo naexcite ako. Pwede kong lapitan si Seb!
“Lilibot naman talaga tayo, pero kasama nyo ako.”
“Mukha namang walang pwedeng pagtambayan dito,” sabi ni JR.
“Sa library, andaming libro sa library,” sagot ni Kuya George, “Yun ay kung mahilig kang magbasa.”
“Hindi ba kami pwedeng humalo muna sa mga ibang campers at sa mga ginagawa nila?”
“Di ko alam Karl, depende actually. Mamayang after lunch diba ay community service, kung gusto nyong tumambay sa library pwede nyong makilala yung mga campers na sa library nakaassign para maglinis ng mga shelf.”
Huh? Parang ang gulo, akala ko ba hindi pwedeng makipaginteract sa hindi ka-cluster?
Parang nabasa ata ni Kuya George yung iniisip ko, “When I say makilala, I mean, pwede kayong makipag-interact sa ibang campers na hindi nyo kacluster, pero hindi kayo pwedeng makipag-usap ng matagal sa kanila. Small talk lang.”
Binigyan kami ni Kuya George ng time para ayusin ang mga cabinet namin. Nilagay ko dun yung mga pamalit na meron ako, pati na rin yung gym bag na nawalan na ng silbi nung nawalan ng laman. Nang matapos kami ni Matthew, niyaya na kami ng counselor namin at igagala nya daw kami sa mga facilities.
“Pst, sa library ka tumambay mamaya, dun nakaassign ang cluster 11,” mahinang bulong ni Oliver sa kin.
Bago pa man ako makapagpasalamat, sumama na sya sa iba sa labas. I reminded myself to thank the kid later. Feel ko he’s figuring it out na.
Paglabas, kabaligtaran ng tahimik at creepy na hallway ang nakita ko. Ngayon nakabukas ang bawat isang kwarto, at kanya-kanyang linis ng kanilang mga kwarto yung mga campers. As usual, sa pagdaan namin, ilan sa kanila yung napatingin, kaya ilang beses rin akong nakarinig ng mga counselor na sumisigaw ng “Wag kung saan saan tumitingin!”
I wonder kung bago lang talaga kaya di ganun ka strict si Kuya George o dahil di pa talaga kami ganap na camper kaya ang bait bait nya sa amin?
Sinubukan kong hanapin si Seb sa mga nakikita kong naglilinis sa hallway, kaso wala sya.
“Next Saturday, tayo naman ang maglilinis ng kwarto natin,” sabi ni Kuya George habang pababa kami ng hagdan.
Una kaming nilibot ni Kuya sa sports building sa kaliwa. Pinuntahan namin ang pool area sa ground floor. Nakakaamaze nga, sa unang tingin di mo aakalain na may Olympic sized swimming pool ito sa loob. Pinakita sa amin ni Kuya yung locker room, at yung shower area na bantay sarado daw ng mga counselor sa tuwing gagamitin yun ng campers.
Sa second floor andun naman yung court na para naman sa badminton at tennis. Paliwanag ni Kuya George dito rin ginaganap yung mga weight training classes, kaya di na ko nagulat sa isang mahabang hilera ng mga dumbell at weights sa gilid.
Sa third floor ang parang maliit na hall na puro mesa at mga upuan. Para daw ito sa non competitive sport like scrabble, chess, at board games. Sa kabilang dulo naman, ang napakalaking sports closet na punong-puno ng sport equipment.
“Reminder lang, hindi pwedeng pumunta dyan ng mag-isa, o kaya dalawa, or tatlo. Kailangan isang buo kayong cluster na papasok sa loob, o di kaya may kasama kayong counselor.”
Sunod kaming dinala ni Kuya George sa basketball court sa likod. Tulad ng building na puro kwarto, napapaligiran din ng makapal na kagubatan yung court.
“Kuya, alam mo ba kung san papunta kong gubat na to?” turo ko sa gubat na katabi lang ng court. Sa sobrang tabi nga nila puno na rin ng tuyong mga dahon at mga sanga yung kalahati ng court, naghihintay na malinis ng kung sino mang cluster na nakaassign mamaya dito maglinis.
“Actually hindi ko alam. Pero ang alam ko sa Rizal pa rin yan. Pero di ako sigurado. Wala rin akong balak alamin, usap-usapan namin dito na sa kabilang dulo ng mga bundok na andito, teritoryo na ng mga terorista.”
Nakakatakot. Pwede kaming dumaan dito ni Seb sa pagtakas namin, walang bakod o kung ano pa man, kaso tiyak naman na maliligaw kami sa gubat na yan, aabutin kami ng siyam-siyam kakahanap sa kalsada, at kung mamalasin, makasalubong pa kami ng mga terorista.
Kinapa ko ulit yung susi sa loob ng medyas ko. Kailangan lang namin makaakyat sa main cabin at makapunta sa parking lot. Di namin kailangan magpakaligaw rito.
“Karl!”
Malayo-layo na rin pala ang nalakad nila pero ako nakatingin pa rin sa nakakatakot na gubat. Tumakbo agad ako palapit sa kanila.
“Larong-laro ka na ba Karl?” tanong ni Kuya George paglapit ko, “Balik na muna tayo sa cafeteria for lunch. Tas dun ko naman kayo ililibot sa kabilanh building.
Laking pasalamat ng mga tuhod ko nung sa wakas nakaupo na kami ulit. Naglunch kami saglit. Kinausap kami ni Kuya George tungkol sa mga dati naming buhay. Syempre nag-imbento lang ako, mahirap na at madulas akong may boyfriend talaga ako. Walang kahit isa sa min ang nagbanggit ng boyfriend.
Eventually, sinamahan na rin kami ng ibang cluster, kasama na yung cluster nila Seb. Ganun ulit, palihim lang kaming tumitingin sa isa’t-isa.
“So, after natin maglibot sa building na to, san nyo gustong tumambay?”
Sasabihin ko sana sa library sana kaso may nauna na sa kin.
“Pwede po ba sa library tayo mamaya?” Napatingin kaming lahat kay Oliver.
Sumilip saglit si Oliver sa kin bago humarap ulit kay Kuya Georg, “May binabasa po kasi ako don. Gusto ko lang tapusin.”
“So ano, ok ba tayo sa library? Samahan natin si Oliver.”
“Oo sige, ok lang,” ako yung unang sumang-ayon. Syempre dahil sumang-ayon din si Matthew. Tumango tango lang naman si Walter at JR.
Pagkatapos naming kumain nagpunta kami sa library.
“Anong libro meron dito Kuya George?” tanong ni Walter.
“Mostly religious books, pero meron din namang about sa mga classes nyo, basta iba-iba yung books na meron don,” paliwanag ni Kuya George habang binubuksan ang lock ng library gamit ang susing kinuha nya kanina sa mga kapwa nya counselor.
“Mamaya, maglilinis rito yung cluster 11, ok lang ba yun sa inyo?”
Okay na okay, kaso hinintay ko yung susunod nyang sasabihin, na baka kailangan naming umalis para bigyan ng space yung mga maglilinis, kaso wala na syang sinabi.
Bumukas yung lock sa isang malakas na click. Unang binuksan yung grills na mukhang rehas sa preso at saka nya binuksan ang mismong pinto.
Bago kami pumasok, sakto namang kakalabas lang ng cluster nila Seb sa cafeteria. Of course sya agad yung nakita ko. Kasama nila yung counselor nilang si Kuya Ryan.
“Wow, tutulungan nyo ba kaming maglinis?” kung di pa ngingiti sa min si Kuya Ryan, iisipin naming sarcastic sya at talagang gusto nyang maglinis kami para gumaan ang trabaho nila.
“Gusto raw tumambay rito ng mga campers ko,” sabi ni Kuya George, kinawayan nya yung mga campers ni Kuya Ryan. Kasama si Seb, “Pero kung may matutulong kami, why not? Diba guys?”
“Opo,” ako agad yung sumagot. Oo, tutulong talaga ako, kung ang paglilinis ng library ang tanging paraan para makapag-usap kami ng maayos ni Seb, ano naman yung ilang oras ng paglilinis nito na mukhang malinis naman talaga.
“Goods yan,” tumingin sa kin si Kuya Ryan, “Di pa ba tayo papasok?”
Nauna kaming pumasok sa loob. Tulad nga ng inaasahan ko, hindi nga ganun karumi yung library, kaso amoy alikabok ang paligid at may konting kalat sa ilalim ng mga mesa.
“Sinong cluster ang nagbibible-study dito? Bakit ang kalat naman!” Nakakagulat yung boses ni Kuya Ryan, malalim na sobrang tigas, yung boses na nakakatakot wag sundin.
“Cluster 6 ata? Kay Marion ko nakuha tong susi nito eh. Baka sila.”
“Baka sila nga,” tinuro ni Kuya Ryan isa-isa yung limang campers nya, “Ikaw, humiram ka ng mop at walis sa cafeteria. Ikaw at ikaw, punasan nyo yung mga bintana, ikaw at ikaw,” tinuro nya si Seb at yung isang batang katabi nya, “Pakipunasan ang mga bookshelf ng alikabok.”
“Asan yung mga basahan?” tanong ni Seb.
“Nasa cabinet na yun,” turo ni Kuya Ryan sa cabinet na nasa tabi ko, “Kumuha ka dyan.”
By my instinct na laging tulungan si Seb, ako na yung kumilos. Binuksan ko yung maliit na cabinet sa tabi ko at kinuha ang isang bugkos ng basahan. Kumuha ako ng tig-isa at binigay ito kay Seb at dun sa bata.
“Dun ka sa shelves sa kaliwa,” sabi ni Seb dun sa bata, “Ako na bahala sa mga asa kanan,” tumungin sya saglit sa kin, “Salamat.”
Wala nang nagbasa sa cluster namin, lahat sila kumuha na rin ng basahan sa kin at tumulong sa pagpupunas ng bintana at mga libro. Kinuha ko yung natira sa kin, at hinanap si Seb sa mga shelves.
“Gummybear,” fuck, namiss ko na syang tawaging gummybear. Palihim kong siniguradong walang sinuman ang nasa paligid na maaring makarinig sa min.
“Wag ka lumapit,” umusog ng onti si Seb habang pasimple ring tumitingin sa paligid.
Kumuha ako ng isang libro at pinusan ang malikabok nitong cover, “I miss you gummybear,” bulong ko.
Ginaya mya yung ginawa ko, “I miss you too gummybear.”
Nadudurog yung puso ko. Ang lapit na namin sa isa’t-isa pero parang ang layo pa rin naming dalawa.
“Itatakas kita rito.”
“Salamat.”
“Kaso pano tayo magpaplano?”
Medyo natagalan sa pagsagot si Seb. Bukod sa parehon kaming natetense sa nakakatakot na authoritarian na boses ni kuya Ryan na panay ang mando sa mga kasama namin, mukhang nag-iisip din sya ng paraan para makapag-usap kami.
“Bukas. Kapag tulog na ang lahat, tumakas ka.”
Tumango ako.
“Bumaba ka sa fire exit. Kitain mo ko sa kakahuyan sa ilalim.”
“Sigurado ka ba? Baka mapahamak tayo?”
“Basta wag ka lang magpapahuli.”
Nakakapanibago yung Seb na kilala ko. Somehow, nabura ng ilang linggong torture sa kanya yung soft-spoken na Seb na kilala ko. Dinig na dinig sa boses nya yung emotional drain na meron sya ngayon.
“Make sure na tulog na lahat ng kasama mo.”
“Paano ka?”
“Ganun din gagawin ko.”
Kinakabahan ako sa plano nya. Hindi oa pwedeng tumakas kami sa isang activity or klase o kahit sa mga free time? Kailangan talaga naming tumakas ng gabi?
“Ayoko na rito Gummybear,” bulong nya na may kasamang hikbi.
“Aalis rin tayo. Ilalabas kita rito,” sagot ko, kinapa ko ulit yung susi ng sasakyan sa loob ng medyas ko, silently praying ng gumana yung plano ko kung sakali.
Kaso mas mukhang sinasabi ko yung sa sarili ko kesa sa sinasabi yun sa kanya.
Mailalabas ko rin dito si Seb diba?
[Author’s Note:]
Happy New Year to my very loyal readers! Salamat sa mga di sinukuan ang story na to, marami rin pa lang nag-aabang dito, ginanahan akong magsulat sobra.
Stay safe everyone! Let’s all pray for a better 2021!
Chapter 23
Tulog na kaya sila?
Pinakiramdaman ko ang buong kwarto. Tumigil na sa kaka-ikot ikot sa kama nya si Matthew sa taas ko, at nag-umpisa na ring humilik Si JR.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, bukod sa mga hilik ni JR at sa mga tunog ng mga sanangang pinapasayaw ng hangin, napakatahimik ng paligid. Feeling ko abot kay Oliver sa kabilang kama yung tibok ng puso ko.
Kanina habang nag-mimisa sa chapel si Director Sandoval, tumakas kami ni Seb at palihim na nagkita sa banyo. Saglit lang naming pinag-usapan ang magiging pagkikita namin ngayong gabi. Gusto ko na ngang umalis na kami, kung magkikita rin kami sa kakahuyan, might as well, diretsuhin na namin ang pagtakas namin.
“Hindi pwede Gummybear,” sabi sa kin kanina ni Seb nung sinuggest ko yun habang kunyari kaming naghuhugas ng kamay, “Mas komplikado pa kesa sa iniisip mo yung security system nila rito. Kailangan natin ng plano.”
“Andun sa parking lot sa taas yung kotse ko. May susi ako rito. Lubusin na natin yung pagtakas natin dito mamaya.”
“Plano ang kailangan natin mahal, paano kung mahuli tayo?”
Hindi na namin natapos ang pinag-uusapan dahil may nagbanyong counselor, nang makitang dalawa lang kami sa banyo, pinabalik kami agad sa chapel.
I spent the whole church service thinking of ways kung paano makoconvince si Seb na umalis na rito ngayong gabi, kasi diba, tatakas na nga lang kami, bat pa kami babalik sa mga kwarto namin?
Dahan-dahan akong tumayo, careful na di tumunog ang matress na hinihigaan ko, at sinilip si Walter sa taas ni Oliver. Si Walter ang kailangan kong bantayan, sa aming lima sya yung pinili ni Kuya George na maging mata nya sa tuwing hindi namin sya sa kasama. Mukhang enjoy na enjoy sya sa trabaho nya kaya naman di malabong isumbong nya ko sa counselor namin kapag nahuli nya kong tumatakas.
Pero kung tatakas talaga kami tonight ni Seb, di ko na kailangan isipin kung isusumbong ba kami ni Walter o hindi.
Sinuot ko ulit yung mga sapatos ko, kinapa kung ulit yung susi, sa mga oras na to etong susi na to ang literal na susi sa pagtakas namin, eto ang makakapagligtas sa min ni Seb.
Ubod ng dilim ng kwarto kaya dahan-dahan akong naglakad tungo sa banyo. Binuksan ako ang ilaw at tinignan yung mga kasama ko, kung may gising pa ba sa kanila o ano. Sinarado kong muli yung ilaw sa banyo ng makitang wala nang gumagalaw sa kanila.
Maingat akong naglakad patungo sa pinto. Kinapa ko to hanggang sa nakita ko yung doorknob. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob hanggang sa bumukas ito sa isang malakas na click.
Napatingin ako sa mga kasama ko. Mukha namang tulog na talaga silang lahat.
Binuksan konang pinto. Yung madilim naming kwarto ay nailawan ng sinag ng buwang mula sa labas. Sumilip ako sa pasilyo sa labas, sinisipat kung may paggala-gala pa bang councelors sa mga oras na to. Kaso katahimikan lang yung bumungad sa paglawit ko ng ulo ko.
Yung una kong gabi rito kagabi, nahirapan akong matulog dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Alam nyo yun, iba talaga yung katahimikan na masarap tulugan sa katahimikan na parang may mangyayaring masama sa mga susunod na sandali. Yung creepy kind of katahimikan.
Lumabas na ko at dahan-dahang sinara ulit ang pinto. Sinigurado ko muna di nakalock yung pinto kasi the last thing na gusto kong mangyari ay malock-an ako rito sa labas hanggang bukas ng maaga.
Nauna na kaya si Seb? O baka andun pa rin sya sa kwarto nila, naghihintay ng tiempo?
Bahala na. Sumampa ako sa maliit na gate papuntang fire exit at dahan-dahang bumaba. Malaking tulong yung sinag ng buwan sa pagtanaw ko sa mga hakbang pababa, kaso hindi ito sapat para ilawan yung kagubatan sa baba ng fire exit na nababalot pa rin sa kadiliman.
Pagbaba sa ground floor, dahan-dahan muna akong sumilip sa pasilyo. Tahimik naman at wala sign na may gising pa sa mga oras na ito kaya naman tumakbo na ko papasok sa madilim na kakahuyan.
“Seb??” bulong ko, stage whisper ika nga, yung bulong na rinig pa rin ng mga nasa malapit.
“Seb! Asan ka?” andito na ba sya? O baka nauna ako? “Gummybear?”
Sinuyod ko lang yung gubat hanggang sa makarating ako sa bahaging wala masyadong puno kaya naman naiilawan ng moonlight ang masukal daan papunta sa isang malaking bato na naiilawan din ng sinag ng buwan.
Kinakabahan ako, baka may mga ahas dito o kung ano pa man. O baka naman yung sinasabi nilang mga rebeldeng nagtatago sa mga bulundukin rito yung makakita sa kin? Hindi mo talaga pwedeng asahan kung ano ang nagtatago sa dilim.
“Gummybear?”
Nakarinig ako ng pagkaluskos sa likod ng bato, “Clyde?”
Sa pagbanggit nya ng pangalan ko, nawala lahat ng takot sa sistema ko.
“Seb?” tumakbo ako palapit sa bato at saka ko nakita si Seb na nakasilip mula sa likod nito.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, hinila ko na sya palapit sa kin at niyakap sya ng mahigpit.
Sa wakas. Hawak ko na yung mahal ko.
“Seb,” fuck, pati mga luha ko di ko na macontrol, “I’m sorry. I’m sorry. Sorry talaga. I’m very sorry.”
Umiiyak lang sya sa balikat ko at ayaw din akong bitiwan. Ramdam ko sa panginginig nya yung takot, yung pangamba, yung lungkot, lahat.
“Seb, I’m sorry. Kung alam ko lang kung anong ginagawa sayo ng parents mo, tinulungan sana kita. I’m supposed to keep you away from harm! I’m sorry talaga Seb.”
Gusto kong sabihin na habang pwersahan syang kinaladkad palabas mg bahay nila Allison, andun ako sa garahe namin at may malupit na hangover. Kaso parang di ko pa ata kayang sabihin yon. Maski ako di ko matanggap kung gano ako kawalang kwenta.
“Tatakas tayo rito diba!?” bumitaw sya sa mahigpit naming yakapan para hawakan ang magkabila akong pisngi, “Ilalabas mo ko rito diba?”
Hinawakan ko rin ang mukha nya at pinunasan ang mga luha nya, tinignan ko sya sa mata, “Oo, tatakas tayo.”
Di na ko nakapagpigil pang muli, hinawakan ko sya sa batok at saka sya hinalikan sa kanyang mga nangangatog na labi.
“I miss you,” bulong ko sa pagitan ng palitan namin ng halik.
“I miss you too, sobra.”
Niyakap sya ulit. Sobra. Yung tipong parang ayaw ko nang pakawalan syang muli, kasi totoo naman, ayoko nang mawala pa sya sa paningin ko ever. Patuloy pa rin sya sa pag-iyak sa balikat ko, and I try my best to be a sponge, gusto kong higupin lahat mula sa kanya yung bigat at lungkot na nadarama nya.
“Tahan na gummybear. Andito na ko. Wala nang mananakit pa sayo.”
Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at saka tinignan sya sa kanyang mga mata. Kita ko yung takot, yung pangamba, yung pagod, yung kalungkutan, pati na yung betrayal dahil sa ginawa ng mga magulang nya sa kanya. Lahat ng yun nakikita ko sa mga mata nya.
“Thank you so much at pinuntahan mo ko.”
Imbes na sumagot, dahan-dahan ko syang hinalikan. Ilang araw din na hindi ko sya nahalikan, ilang araw na kong nangungulila sa mahal ko.
Pinatong ni Seb ang mga braso nya sa mga balikat ko at inilapit pang lalo ang mukha ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko sa mukha ko yung bawat hininga nya, mainit at dahan-dahan.
Unti-unting bumibilis ang halikan naming dalawa. Di ko na napigilan ang sarili ko at hinawakan sya sa balakang at inilapit ang katawan nya papalapit sa kin, dahilan para magkiskisan ang mga alaga naming unti-unti na rin tumitigas sa loob ng mga jogging pants namin. Para akong kinuryente nung hinimas nya yung bumubukol kong harapan, napaungol ako at sinamantala nya yun para lalo pang ipasok sa bibig ko yung dila nya.
“Namiss ko to,” bulong ko sa kanya.
Wala na kong paki kung nasa gubat kaming dalawa. Nawalan na rin ako ng paki sa mga pwedeng makaramdam na wala na kami sa camp. Hawak ko na ulit si Seb, at sasamantalahin ko nang walang nakatingin sa aming dalawa.
Hinubad ni Seb yung damit ko at pinatong ito sa taas ng bato, dinilaan nya ko mula sa tenga, pababa sa leeg ko, salitang sinipsip ang mga utong ko at dinilaan ako pababa sa tyan ko. Habang dinidilaan ang puson ko, mabilis kong binaba yung jogging pants ko, at sumampal sa pisngi nya yung burat kong matagal na syang hinahanap-hanap.
Agad nya naman tong sinubo.
“Ugh shit, gummybear,” everything feels like bumalik ulit kami sa first sex naming dalawa, yung bawat pagtaas baba nya sa burat ko, it feels so fucking good.
Matapos ang ilang sandali, tumayo sya, binaba nya yung jogging pants na suot nya. Hahawakan ko na sana yung etits nya kaso tumalikod sya at binuka ang matambok nyang mga pwet.
“S-siguro ka gummybear?”
Kahit sobrang horny ako, pumasok pa rin sa isip ko na kagagaling lang sa matinding torture ni Seb, hindi ko alam kung kasama sa torture na yun yung sexual abuse, pero it feels weird.
Tinanong ko ulit sya, “Sigurado ka?”
Tumango sya, “Please?”
Hinarap ko yung ass nya at dinuraan ang butas nyang kitang-kita ko, salamat sa sinag ng buwan. Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi para mas lalo ko pang makita yung butas. Dinila-dilaan ko yung butas, at nanginginig ang mga tuhod nya sa tuwing ipapasok ko yung dulo ng dila ko sa butas nya. Dinura-duraan ko lang yung butas nya until maramdaman kong sapat na ang pampadulas sa loob.
Dumura ako sa kamay ko at binalot ito sa tite ko, dahan-dahan ko itong pinasok sa butas nya.
“Shit, masakit, wait,” awat ni Seb.
“We dont have to do this mahal.”
“No,” matigas nyang sagot, “I wanted you inside me.”
Lalo akong nalibugan sa sinabi nya, binilisan ko yung pag pasok sa loob nya. Napaungol sya ng malakas kaya naman tinakpan ko yung bibig nya.
“Ughh ang sarap,” sobrang init at sobrang sikip sa loob nya, ang sarap.
“Babayo na ko gummybear,” paalam ko at saka dahan-dahang bumayo.
Medyo umiinda ng sakit si Seb pero eventually, puro mga ungol na lang ng sarap ang lumabas sa bibig nya hawak-hawak ko pa rin. Dun ko na binilisan ang pagbayo.
“Fuck, ang sarap mo gummybear,” bulong ko sa kanya.
Alam komg hindi ako makakatagal, malapit na kong labasan. Hinarap ko sa kin ang ulo nya at hinalikan sya, hinawi ko yung mga buhok sa noo nta at hinayaang maghalo ang mga pawis na tumutulo mula sa mga noo namin.
“Ughh.. ugh.. ugh..”
“Lapit na ko babe,” sabi ko, “Putok ko sa loob?”
Hindi ito yung first time na nagsex kami ng walang condom, we are very much aware of the risk, pero never pa kaming nakipag sex sa iba. Ako oo, never pa kong nakipagsex sa iba, pero sya- no, no, no, di ito yung panahon para mag-alala sa mga ganun.
Binilisan ko yung pagbayo ng maramdaman ko nang lalabasan na ko. Halos mapasigaw ako sa sarap nung pinuputok ko na sa loob nya yung tamod ko, sobrang sarap talaga puta.
Niyakap ko lang sya ng mahigpit after kong mag-orgasm.
Pumikit ako at nagkunwari wala kami sa gubat. Inisip kong walang torture na nangyari, di nalaman ng mga magulang nya ang sikreto namin, walang camp na may posibilidad na sumira sa mga buhay namin kung hindi kami makakatakas kaagad.
Dun ko naisip na eto na yung perfect time para tumakas kaming dalawa.
“Gummybear,” dahan-dahan kong nilabas ang alaga ko mula sa kanya at inikot sya paharap sa kin, “Ngayon na tayo tumakas?”
“N-ngayon?” nabasa ko yung takot sa mga mata nya, masyado pa nga atang biglaan at walang konkretong plano, pero ayoko namang sayangin tong oppportunity na to, andito na kami sa labas, babalik lang kami sa camp, aakyat sa hagdan pataas sa main cabin, at iikot patungo sa parking lot.
We got dressed ng mabilis habang sinasabi sa kanya na nasa taas yung kotse ko, na all we have to do is to go sa main cabin sa taas.
“I know biglaan pero this is our only chance,” sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Hinalikan naman nya ko sa noo.
“I love you,” sabi nya.
“I love you too.”
Kapit-kamay naning nilakad ang gubat hanggang sa makarating kami sa part ng gubat na nasa likod ng basketball court. Nakarating na kami sa matarik na bahagi ng bundok. Yung part ng gubat na katabi ng hagdan pataas. Kaso sa gitna nito may mataas na wire fence.
“Aakyatin natin yan?” tanong ko.
“Its better naman kesa sa pupunta pa tayo sa hagdan,” Delikado nga naman kasi tanaw sa kwarto ng mga counselor yung mga hagdan kaya kung sakaling may gising man sa kanila, paniguradong huli kami nito.
“Check muna natin mahal baka electric fence yan, o baka may mga barbed wire paligid.”
Gamit ang likod ng palad ko, pinakiramdaman ko kung may electric current nga ba sa fence na ito.
“Ano? Meron?”
“Wala.”
Sumampa na si Seb at nag-umpisang umakyat. Pumwesto naman ako sa ilalim nya para saluhin sya if ever na mahulog sya.
Pagdating nya sa taas, agad syang pumunta sa kabilang dulo at tumalon.
“Oh shit,” sabi nya, nasa kabilang dulo na sya nung bakod.
“Bakit?”
“May nahawakan akong something sa taas.”
Biglang lumiwanag yung paligid. Isa-isang bumukas ang mga floodlights na naka-set up sa taas ng mga puno. May trap sa taas ng fence.
“Clyde! Bumalik ka sa camp!!”
“Ano?” Hindi! Hindi na ko babalik don! Sinubukan kong umakyat sa fence pero tinulak ko ni Seb.
“Wag na!! Bilisan mo tumakbo ka na pabalik! Makikita nila tayo rito!”
“Pero paano ka!? Halika na, umakyat ka na ulit!”
“Ididistract ko sila para sayo.”
“Seb-”
“Clyde, I know what Im doing. Kilala nila yung parents ko, kung paparusahan man nila ako rito sigurado namang hindi ganun kabigat diba? Kaya umalis ka na!”
“Pero-”
“Takbo na! Putangina!!”
Tumakbo ako pabalik sa dilim. Tumakbo naman pataas ng bundok si Seb, palayo sa mga ilaw na isa-isang bumubukas.
Tumatakbo ako habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ko. Libo-libong bagay din ang tumatakbo sa isipan ko.
Nakarinig ako ng isang malakas na pito sa di kalayuan. Di ako sigurado yung ako ba yung pinipituhan nila, o si Seb, pero binilisan ko pa rin ang pagtakbo ko.
Lord, ako na lang po sana ang mahuli nila, wag na si Seb.
Ako na lang po, wag na si Seb.
Ako na lang please.
Basta makabalik lang si Seb.
Chapter 24
“Karl? Karl, ayos ka lang?”
Tumingin ako kay Kuya George, yung kabang buong magdamag na hindi ako iniwanan, dumoble pa ata ng makita ko sya sa loob ng sleeping quarters namin.
Naupo sa paanan ng kama ko yung counselor namin, napaatras ako ng onti. Nahuli kaya nila kami kagabi? Napansin ba ng mga kasama ko yung pagtakas at pagbalik ko kagabi kaya sinumbong nila ako kay Kuya George? Kamusta kaya si Seb? Nakabalik na ba sya? Tatanungin nya ba ko kung san ako galing kagabi?
“Uy, Karl, ayos ka lang?” hinawakan nya ko sa braso, “Masama ba pakiramdam mo?”
So wala pa syang alam?
“Ok lang ako,” sabi ko, pero parang mas kinoconvince ko yung sarili ko. Oo Clyde, ayos ka, at hindi mo dapat ipahalata na sobra kang nag-aalala kay Seb, “Ok lang ako.”
“Sigurado ka? Pede naman kits dalhin sa clinic. Nakatulog ka naman ba ng maayos?”
“Oo. Ayos lang talaga ako Kuya pramis. Medyo naho-homesick lang.”
Napatingin ako sa mga kasama ko, nakatingin silang lahat sa kin, lalo na si Matthew na kitang kita yung pag-aalala sa kin. Napansin kong lahat sila nakaligo na, at handa nang lumabas. Ako na lang yung nakasalampak pa sa kama.
“Sure kang ayos ka lang? Kanina ka pa namin kinakausap eh, ayaw mong kumibo,” sabi naman ni JR.
“Pasensya na, homesick lang talaga ako.”
“Ganun ba, magsabi ka lang kung kailangan mo ng gamot. Mag-ayos ka na, malapit nang magsimula yung morning assembly ss baba,” tinapik ulit ni Kuya George ang balikat ko one last time bago tumayo.
“Let’s go Cluster 12!!” masiglang bati nya, “This will be your first official day!! Excited na ba kayo!!”
“Yes!” of course si Walter lang yung sumagot sa min. Sya lang naman ang mukhang excited para dito.
Tumayo na ko para maligo. Dali-dali akong pumasok sa banyo dala ang mga damit at tuwalya ko bago pa man nila makita ang mga putik-putik sa jogging pants ko. Habang naliligo, naririnig ko si Kuya George na nagkukuwento tungkol sa mga class na kukunin namin ngayong araw.
Wala na yun sa isip ko. Ang kailangan kong malaman ay kung ano nang nangyari kay Seb ko, kung nakabalik ba sya sa sleeping quarters nila nang hindi napapansin.
Paglabas ng banyo, nasa labas na silang lahat, nakatanaw sa magandang view ng kabundukan. Mula sa baba, nakakarinig ako ng someone na nagsasalita sa mic, pinapababa na yung mga campers na nada taas.
Habang tinutuyo ang buhok ko, pumasok sa loob si Kuya George, “Ok ka na bro? Tara na, pinapababa na tayo ni Director.”
Eto nanaman yung unexplainable na takot na nararamdaman ko tuwing naririnig ang anumang tungkol kay Director Sandoval.
“Ok na ko,” sinabit ko sa sampayan namin yung towel ko.
Pagbaba, kasabay namin sa hagdan ang ilang mga cluster. Pasimple kong hinanap si Seb, o di kaya yung mga kasama nya, kahit yung counselor nila. Kaso wala sila sa mga kasabay namin, siguro nauna o baka hindi pa tapos maggayak.
Pagbaba sa malawak na field, nasa ilalim si Director Sandoval ng flag pole, may hawak na microphone at may katabing malaking speaker.
“Good morning campers!!”
“Good morning Director!” bati pabalik nung ibang clusters habang humihilera sa harap ng camo director.
“Guys, tuwing babati si Director sa inyo, babati din tayo ha,” sabi ni Kuya George, tumatango-tango lang ako habang pinagmamasdan pa rin si Director.
Nakangiti lang sya sa bawat isa sa min. May hindi tama sa ngiti nya ngayon.
“Cluster 5, nakagraduate na ang Cluster 4, pwede na kayong umusogbanda dito para naman di lumayo sa kin ang Cluster 12,” sabi ni Director Sandoval na agad naman sinunod ng mga campers. Dun kami humilera sa kaninang pinagtayuan ng mga taga Cluster 10.
Teka, nasan na yung Cluster 11?
“Cluster 12! Welcome sa aming munting pamilya!!” Bati ni Director Sandoval, tinuro nya yung space na para sana sa Cluster 11, “Umusog na kayo rito boys, baka mamaya bumaba ang Cluster 11. May inaayos pa sila sa taas.”
He said that so surely. Anong problema sa Cluster 11?
Alam na ba nilang tumakas kami?
Nahuli ba nila si Seb?
Alam na ba nila na ako yung kasama ni Seb?
Umusog kami sa tabi ni Cluster 10. Buti na lang dito ako sa pinakalikod ng pila namin pumwesto, nakakaiwas ako sa creepy na ngiti ni Director.
“Kamusta pala ang unang dalawang araw nyo rito, enjoying the place so far?”
“Yes po,” it was Matthew and Walter na sumagot. Tumango-tango lang si Oliver. Wala naman kaming-imik ni JR.
“Enjoy nyo lang ang proseso and everything will go back to its normal places again. Just focus, and stay motivated, gagaling din kayo.”
Akala talaga nila may sakit kami.
“By the end of your stay rito, I guarantee, 100%!! The devil will no longer have a hold on your hearts.”
Hindi kailanman naging katangian ng demonyo ang magmahal ng tapat at totoo.
“Ayan na sila!” medyo nagulat ako sa biglang sigaw ni Director Sandoval, “Andyan na ang Cluster 11, pwede na tayong mag-opening prayer!”
Pasimple akong tumingin sa hagdanan, pababa na nga si Ryan kasama ang mga campers nyang nakapila na pababa pa lang ng hagdan.
Natapos ang munti nilang parada ng wala si Seb.
Putangina.
Nag-full on panic mode na ko. Parang maisusuka ko na ata yung buong puso ko sa sobrang kaba na nadarama ko. Nagpapawis na di mo maintindihan ang mga palad at talampakan ko, tas para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Tangina nila, san nila dinala si Seb.
Anong ginawa nila kay Seb!? Nasaan sya putangina.
Kung ano-ano nang theories ang pumuno sa utak ko sa kung anong pwedeng ginawa nila kay Seb. Kagabi pa ko di pinapatulog ng pag-ooverthink, kaso ngayon may rason na talaga ako para mag-alala ng sobra.
Di ko alam na dahan-dahan pala akong umaatras, naapakan ko na lang bigla yung paas ni Kuya George.
“Uy! Ayos ka lang?”
Napatingin sa kin si JR at Matthew, ilang mga taga Cluster 10, pati na rin si Ryan, yung counselor ni Seb na tumabi na kay Kuya George.
“Nahilo lang ako, ayos lang po.”
“Kailangan mo ba ng gamot?”
“Tss, hilo lang yan!” sabi ng nakahalukipkip na si Ryan sa tabi nya, puno ng pandidiri ang tingin nya sa kin, “Bang arte puta, gutom lang yan. Konting tiis na lang.”
Humarap na lang ako kay Director at nilagay sa bulsa ng jogging pants yung mga kamay kong nagiging kamao na.
“Bawal mahina rito pretty boy,” sabi sa kin ni Ryan sabay bangga sa balikat ko. Sa lakas ng bangga, humampas ako sa likod ni JR. Papunta sya sa harap.
“Ayan kumpleto na tayo,” masiglang bati ulit ni Director, “Good morning campers!!”
“Good morning Director!!”
“Umpisahan natin ang panibagong linggo na ito, sa isang panalangin para sa ating Panginoon!”
Pagkasabi nya ng Panginoon, parang mga robot na dali-daling nagsiluhuran sa damuhan ang mga campers. Naiwan kaming lima na parang mga tanga, walang kaalam-alam sa mga kailangan naming gawin.
“Luluhod kayo!” bulong ni Kuya George.
Luluhod na sana ako nang makita ko si Ryan na galit na galit na lumapit kay Oliver at pilit itong pinaluhod. Bumagsak sa damuhan yung bata sa isang malakas na lagapak. Napaluhod na rin siguro sa gulat si Matthew at Walter, si JR naman, mukhang nagkaron din ng concern sa bata kaya pareho kaming akmang lalapit sana kay Oliver nang bigla kaming hilahin paatras ni Kuya George.
“Luhod na!” bulong nya ulit, this time halata yung kaba sa kanya. Tiyak mapapagalitan sya nito dahil di nya kami ininform sa kailangan naming gawin dito.
“HINAHANDOG KO PO SA INYONG HARAPAN, ANG MGA MAKASALANAN AT UBOD NG DUMI, NAWA AY BIGYAN NYO AKO NG SAPAT NA KAPANGYARIHAN UPANG IPAKITA SA KANILA ANG LIWANAG!!!” sigaw ni Director.
Narinig ko si JR na bumulong ng “What the fuck” habang nakaluhod din.
“AKO, ANG INYONG TAPAT NA TAGAPAGLIKOD NA MAY SOBRA SOBRANG KAKAYAHAN NA SILA AY LINISIN AY NAGSUSUMAMO NA ALISIN NINYO ANG MGA PUWANG NG DEMONYO SA KANI-KANILANG MGA PUSO!”
Sa pakikinig ko sa “dasal” ni Director Sandoval, napapansin kong mas lalo nya pang pinupuri ang sarili nya kesa sa Diyos.
Fuck.
Dun ko narealize.
This is not a church.
Isa tong kulto.
“HINIHILING KO ANG MGA MARURUMING NILALANG NA ITO AY MASUNOG SA WALANG KUPAS NA APOY NG INYONG GALIT KUNG HINDI NILA PIPILITIN ANG MGA SARILING MAGBAGONG BUHAY!!”
Shit. Shit. Shit.
Ano ba tong pinasok ko.
“SANA AY MAUNAWAAN NILA NA KAMI, AKO. TANGING AKO LANG, ANG SAGOT SS KANILANG KALIGTASAN!”
“AMEN!” sigaw ng mga campers at mga counselor matapos ang dasal ni Director Sandoval. Sabay-sabay din kaming tumayo.
Alam kong yung mga kasama ko, gulat na gulat at sobrang confused din tulad ko.
Grabe, sobrang degrading ng “dasal” na yun. Napatingin ako kay Director, ang laki ng ngiti nya na para bang confident talaga sya na sya na nga ang sagot sa aming mga “problema” na hindi naman talaga problema at the first place.
“Bago ko kayo papuntahin sa Cafeteria upang mag-almusal, may gusto lang sana akong sabihin sa inyong lahat.”
Literal na pinigil ko yung hininga ko habang hinihintay ang mga susunod nyang sasabihin.
“Kagabi, may nahuli kaming camper na sumubok tumakas sa ating compound.”
Puta, nahuli nila si Seb.
Anong ginawa nila kay Seb?
Feeling ko magcocollapse ako sa biglaang paglambot ng mga tuhod at binti ko. Lalo akong nahilo sa narinig, parang gusto kong mahimatay na di ko maintindihan.
“Makinig kayo campers,” seryoso na nyang tinignan ang bawat hilera ng cluster. Sabi na nga ba, yung weird na cheerfulness nya kanina ay kasing peke ng pagkatao nya.
Hindi sya pari, hindi sya doctor, hindi sya pastor o kung ano pa man.
Isa syang lider ng isang kulto.
“Campers, isa sa inyong mga kasama ang kasalukuyang nasa under ng disciplinary sanctions dahil sa tangka nyang pagtakas kagabi. Gusto ko lang maunawaan ninyo na hindi namin nais na may tumakas sa inyo rito. Gusto ko, aalis kayo rito na bago at matitikas na kakalakihan na walang bahid ng kahit anong karumihan o kagustuhan para sa laman ng kapwa lalaki!”
“Prioridad namin ang conversion nyo, pero di non ibig sabihin na hindi na namin priority ang kaligtasan nyo. Please wag po tayong tatakas, delikado ang gubat sa labas.” Bumalik nanaman yung very fake nyang concern sa ming lahat.
Nakakadiri kung gaano kabilis syang nagbabago ng katauhan sa mismong harapan namin.
“Sana maging babala sa mga nagbabalak tumakas dyan, ang mangyayari sa nahuli namin kagabi!” sigaw naman ni Ryan na lalong kinalambot ng mga tuhod ko.
Putangina nila, anong ginawa nila kay Seb?
Anong ginawa nila sa mahal ko!?
Seb.
Anong ginawa nila sayo!?
…
“Nabusog ba kayo? Nako, da’t nagpakabusog na kayo kasi jam-packed ang araw na to ng classes na makakatulong sa conversion nyo.”
Paano ako magpapakabusog, ni hindi ko alam kung naging maganda ba ang gabi ng boyfriend ko. Tas hindi ko pa alam kung ano yung parusang tinutukoy kanina ni Ryan, basta sabi pinarusan na nila si Seb.
Tangina, panigurado torture nanaman yan. Minsan nang tumakas si Seb, mula sa lab ng mama nya, mula sa bahay nila papunta kanila Allison, at eto yung kinahantungan nya, ano pa kaya ngayon na dito pa sya nahuling tumakas.
Ang bobo ko talaga, ang bobo bobo ko. Napahamak tuloy si Seb dahil sa kin.
“So, di ba napakita ko na to sa inyo, tong basketball court,” sabi ulit ng counselor namin.
“Tuwing umaga, dito tayo magkakaron ng bible study- Ay hala!” medyo nagulat ako sa biglang pag-hala ni Kuya George, “Nakalimutang kong dumaan sa library, kuha sana tayo ng sariling copies nyo ng bible.”
Hindi bible ang kailangan ko ngayon. Kailangan kong malaman lung ligtas ba si Seb sa mga oras na to.
“Sinong pedeng sumama sa kin para kumuha ng bibles sa library?”
Nagtinginan lang kaming dalawa.
“Kayo na lang, hehe,” tinapik ni Kuya George sa balikat si Walter at JR, “Tara, samahan nyo ko sa library.”
“Sige po,” sabi ni Walter.
“Ok lang ba kayo rito?” tanong ng counselor namin sa kin, kay Matthew at kay Oliver, “Mas ayos sana na tayong lahat yung bumalik sa kabialng building, kaso parang masama ata pakiramdam ni Karl.”
“Ayos lang ako Kuya,” sabi ko.
“Ah basta, chill lang muna kayo dyan, kami na lang kukuha. Behave ah!”
At ayun, iniwan na nga nila ako, kasama si Matthew at Oliver sa court.
Of course, as soon as nawala sa paningin sila Kuya George, dinaldal ako ni Matthew.
“Alam mo Karl, di pa rin ako makapaniwala na nagkita tayo rito.”
Pinaalala nya nanaman sa kin yung hook-up namin. Well, kahit sabihin nating nakipaghook-up ako sa kanya sa bar nung gabing nagbreak kami ni Seb, feeling ko nagcheat na ko kay Seb. Parang di naman kasi yun talagang break-up diba? Masyado ñang kaming tensyonado nung araw na yun, na ngayon I completely understand kung bakit.
Dumadagdag pa sya sa guilt na meron ako bukod pa sa fact na ako talaga yung may kasalanan sa sinapit kagabi ni Seb.
“I’m quite shocked na natatandaan mo pa ko, sobrang wasted mo nung gabing yon, lalo na nung hinatid kita sa inyo.”
Napatingin ako kay Oliver, malamang naririnig nya ang mga sinasabi ni Matthew ngayon.
“Dont worry, alam na ni Oliver na magkakilala tayo.”
Wait, what?
“Gusto nyo ba iwan ko muna kayong dalawa? Magbabanyo lang ako sa may pool area.”
“Huh? Teka Oliver wait-”
Tumakbo na papasok sa sports building si Oliver.
Shit naman, pano kung may counselor na makakitang dalawa lang kami ni Matthew nito? Di ko na nga macontain yung kabang nararamdaman ko at baka malaman nila na may kasamang tumakas si Seb kagabi, tas dadagdag pa tong si Matthew.
“Totoo bang gusto mo na talagang magconvert?”
Parang alam ko na where this is going.
“Ewan. Di ko alam.”
“Ako kasi hindi. Ginagawa ko lang to para sa grandparents at parents ko. Iniisip ko na lang summer camp to.”
Ginagawa ko to para sa mahal ko. Sya lang at wala nang iba.
“Karl, can I be honest?”
Tumango ako sabay upo sa malapit na bench. Sumunod naman si Matthew at naupo sa tabi ko.
“Uhm, kung sakali ba, kapag pinursue kita after natin nakalabas rito, may pag-asa ba ko sayo?”
Medyo nahirapan yung utak ko sa pagprocess ng sinabi nya. Pano ko sasabihin sa kanya na obviously ang sagot ay hindi dahil may boyfriend ako, at kailangan ko syang iligtas mula sa impyernong to nang hindi ko sya nasasaktan?
“Uhm-ano kasi-”
Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang pisngi ako at hinalikan ako. Mga ilang segundo rin bago nag-sink in sa kin yung nangyayari. Tinulak ko sya ng marahan palayo sa kin.
Fuck, paano kapag may nakakita sa min? Knowing na may parusa silang ginawa kay Seb kagabi, for sure they are not taking offenses very lightly.
“Karl sorry. I’m sorry talaga. Pero kasi, alam mo, simula nung naghook-up tayo, nafall na ko sayo.”
Nasan ba si Oliver? Sa dami ng mga iniisip ko, wala na kong oras para alalahanin yung cheating na ginawa ko, na apparently, nagpaasa kay Matthew na pwedeng maging kami.
“Wag mo sanang isipin na nagustuhan kita dahil lang sa hook-up natin. Naramdaman ko kasi na kahit sobrang lasing ka nun, you are a very genuine person.”
Uhm, di ko alam how to respond to that.
“Nalungkot nga ako kasi pagkagising ko nung umaga after natin naghook-up, narelealize kong hindi ko pala nakuha yung number mo, kahit nga pangalan mo eh,” umusog sya palapit sa kin, “So please…”
Hinalikan nya nanaman ako, this time, hindi lang basta halik, “I’ve been dying to kiss you since nung unang araw na nakita kita ulit. Gusto kita Karl.”
Tinulak ko ulit sya, harder this time.
“Matthew sorry.”
Nang narinig nya yung sorry, nakita kong nagbago yung buong aura nya. Tumingin sya palayo sa kin, tas bumagsak rin ang mga balikat nya.
“Seseryosohin mo ba yung conversion?”
“Hindi.”
“Pero bakit m-”
“I’m sorry pero may boyfriend na ko. May boyfriend ako nung naghook-up tayo, at I feel so bad sa ginawa ko. Sorry pero, ayoko nang gawin ulit yun sa kanya.”
I promise Seb, after ng lahat ng to, I swear, I would be the perfectly loyal boyfriend sayo. Kaya naman kailangan kitang mailigtas ng buo mula rito.
“Ah ganun ba.”
“I’m sorry ulit Matthew.”
“Ok lang yun. At least naging honest ka sa kin. Salamat.”
Nagiging awkward na kami. Nasan na ba kasi yung iba?
“Pero kung sakaling may mangyari sa inyong dalawa… Andito lang ako para sayo.”
Chapter 25
“Uy! Magandang gabi!” bati ni Kuya George ng muli kaming magkita-kita para maghapunan, “Kamusta mga naging klase nyo?”
Basura. Sobrang basura.
Pero dahil sa dasal kaninang umaga ni Director Sandoval, naging mahirap sa king magfocus sa kung ano man yung tinuro sa mga naging klase namin kanina. Malinaw na hindi simbahan itong napasukan ko. Isa tong kulto.
Napatingin tuloy ako sa paligid, sa buong cafeteria. Lahat ng mga counselor na to, nagtatrabaho para sa isang taong akala nya sya ang panginoon na magliligtas sa ming lahat sa tiyak na kapahamakan, he truly believes na he’s the only one. Di ko maimagine paano nagagawa ng isang tao lang na magmanipula ng ganito karaming mga tao.
Parang kanina sa klase naming Fatherhood and Husbandry classes, ilang beses sinabi ng instructor namin na kailangan naming seryosohin ang program na to dahil eto lang, at si Director Sandoval lang ang tiyak na daan patungo sa kabilang buhay.
Buong araw, I’m so terrified of the idea na isang kulto nga itong napasukan ko.
At dahil sa nalaman ko kagabi na napakaraming traps at alarms ang nakakalat sa buong compound pati na rin sa gubat, mas magiging mahirap sa amin ito ni Seb na tumakas.
Speaking of Seb, hindi ko pa rin sya nakikita.
Hindi ko nga alam kung paano ako nakaabot ng oras na ito ng hindi nagfefreak-out. Actually, gusto ko, gusto ko nang magwala, yung galit na nararamdaman ko ngayon matapos kong malaman na may ginawa nga sila kay Seb kagabi sapat na para maging kamao ang mga kamay ko.
Gusto kong sapakin ang mukha ng putanginang Ryan na yon habang sinasabi nya na maging leksyon sa min kung ano man ang ginawa nya kay Seb.
Kaso considering na this is a fucking cult na may baliw na leader, hindi magiging sapat ang pagrerebelde at simpleng pagmimisbehave.
Kaso I need to be fast.
I have this feeling na kapag hindi kami umalis as soon as possible, baka hindi na kami makaalis pa.
“Karl? Huy, nag-aalala na ko sayo bro, ok ka lang ba talaga?” nagsnap sa harap ng mukha ko si Kuya George, saka pa lang ako naging mindful sa nangyayari sa kasalukuyan.
“Huh? Ano po ba yon?”
“Kamusta kako yung classes? Si Walter nagshare about sa natutunan nya kanina sa Fatherhood and Husbandry classes, ikaw ba kamusta?”
Napatingin ako kay Matthew. Umiwas lang sya ng tingin, tahimik na bumalik sa pagkain ng hapunan.
“Ayos naman po ako. Ano po-”
“Gusto mo ba isave yan mamaya sa ating Peer Evaluation?”
“Ah opo. Mamaya na lang.”
“Sure, no prob, excited na ko marinig mga takeaways nyo sa araw na to. Bilisan nyo na yung pagkain, malapit na mag-8, kailangan na natin mag-peer evaluation sa taas.”
“Yes Kuya,” sabi ni Walter in behalf sa aming lima.
Mayamaya, tinawag si Kuya George ng isa sa mga counselor ng ibang cluster. Nagpaalam sya sa min at nagbilin kay Walter na kapag wala pa sya by 8, pumunta na kami sa kwarto namin at magsimula ng Peer Evaluation. Sinundan lang namin sya ng tingin hanggang sa makalabas sya ng pinto ng cafeteria.
“Pwede bang sabihin mamaya na bullshit lahat ng pinagsasabi sa tin dito buong araw?” medyo malakas na sabi ni JR, dahilan para mapatingin sa min yung mga nasa kabilang table.
“Hindi naman bullshit yun ah,” bwelta ni Walter, “Matutulungan nila tayo sa problema natin pero syempre kailagan din natin tulungan ang mga sarili natin.”
Inirapan lang sya ni JR.
Kita ko yung inis sa mukha ni Walter. Mukha namang concerned din sya sa conversion naming mga kacluster nya, kaso nakakalungkot lang dahil patunay sya na effective ang panglalason sa utak na ginagawa dito sa camp na to.
“Guys, bilisan nyo na yung kain please, malapit na mag-8,” yun lang sabi ni Walter sabay tingin sa kin. Kaming dalawa na lang pala ni Matthew yung hindi pa tapos kumain, kaso yung isa patapos na.
Mukhang pareho kaming walang gana ngayong gabi. Naiintidihan ko naman sya, napaasa ko talaga sya, pero alam ko namang mabait talaga syang tao kaya gusto kong makabawi sa kanya. Kaso sa dami ng iniisip ko, mukhang yung pakikipagbati sa kanya yung nasa ilalim ng priority list ko ngayon.
Kahit wala akong gana, pinilit kong ubusin yung pagkain ko.
“Ok ka na Kuya Karl?” tanong ni Walter nang malunok ko yung huling subo ng pagkain ko. Tumango lang ako saka uminom ng tubig.
Si Seb kaya kumain na? O baka naman hindi sya pinapakain ng mga halimaw dito?
Parang hindi nanaman ata ako makakatulog mamayang gabi.
Sa pangunguna ni Walter, lumabas kami sa cafeteria. May isa ngang counselor na nagtanong kung san kami pupunta at bakit wala kaming kasamang counselor. Hindi nya nagets yung una naming paliwanag, na may counselor na tumawag kay Kuya George at binilinan kami na umakyat na lang sa taas kapag wala pa sya by 8. Ano pa ba ieexpect natin sa lugar na puro makikitid ang utak ng mga tao?
Eventually, sinamahan nya kaming umakyat, bawal daw kasing iwan ng counselors ang mga campers nya. Habang naglalakad, pinaliwanag nya pa kung paano sa tuwing nawawala ang mga counselor, sinasamantala ng demonyo na lasunin ang mga isip namin.
So ano tingin nila sa isang grupo ng mga bakla? Bigla na lang magkakaron ng orgy kapag walang nakatingin? It doesnt work that way!
“Teka, teka, bukasan mo yung wheelchair,” pagdating sa floor namin, boses ni Kuya George yung sumalubong sa min. Sumilip ako sa kabilang hallway kung san nanggaling yung boses ng counselor namin.
At ayun.
Nakita ko na rin Seb.
Kaso imbes na matuwa, feeling ko dahan-dahang natutunaw na parang noodles sa mainit na tubig ang mga binti ko. Never in a million year, na inexpect kong makikita ko ang boyfriend ko na ganto.
Buhat-buhat sya ni Kuya George, habang isa sa mga counselor ang nagbubukas ng isang wheelchair sa tabi nila. Nakabalot ng benda ang isang braso nya, pati na rin ang ulo nya, at mula sa ilaw na galing sa loob ng quarters nila, kita ko yung mga pasang namumuo sa mukha nya.
Pakiramdam ko tumigil sa pagpoproseso yung utak ko. Kusang humakbang palapit sa kanila yung mga paa ko hanggang sa maging abot kamay ko na si Seb.
“Huy! Huy! Karl!” Si Kuya George nanaman ang nakapagbalik sa kin sa kasalukuyan, “Karl anong ginawa mo rito?”
Nakatingin na sa kin yung isang counselor pati na rin yung mga ka-cluster ni Seb sa loob ng kwarto nila. Tumingin ako kay Seb, tinitignan nya ko na para bang sinasabi na hayaan ko na at wag na kong maki-alam. Dun ko nakita ang isa sa mga eyeballs nya ang kulay pula na.
“B-baka lang po, ano, kailangan nyo rito ng tulong.”
“Hindi namin kailangan ng tulong rito,” matigas na sabi ni Ryan na kinakatog nanaman ng mga tuhod ko. Sumandal sya sa hamba ng pinto at saka humalukipkip.
“Salamat Karl,” sabi ni Kuya George, “Pero oks lang kami rito, kaya na namin sya. Punta na kayo sa quarters.”
Nagnakaw ako ng huling tingin kay Seb. Nakatingin lang sya sa sahig. Umikot ako at pinigilan ang sarili kong kunin si Seb palayo sa kanila, palayo sa mga nanakit sa kanya. Nakatingin lang sakin yung mga kacluster ko, pilit kong wag magpakita ng kahit anong emosyon sa kanila.
I’m sorry Seb I failed you.
I’m sorry Seb. Kasalanan ko lahat ng to. Sana nakinig ako sayo, sana nagplano na muna tayo ng mas maigi, hindi tong napahamak ka pa dahil sa kin.
“Walter, mag-umpisa na kayo ng peer evaluation ha! Wag nyo na kong hintayin, make sure lang na may maisusulat kayo sa mga journal nyo!”
“Opo,” sagot ni Walter, hinagis sa kanya ni Kuya George ang susi nasalo naman ni JR.
Pasikip ng pasikip ang dibdib ko habang palayo kami ng palayo kay Seb. Unti-unti nang nagkakaroon ng cracks ang dam ng emotions sa loob ko. Pakiramdam ko sasabog na ko. Di na ko nakapaghintay pumasok sa loob.
Pagbukas ni Walter ng pinto, nauna na ko sa loob. And as soon as pagkapasok ko sa loob, bumuhos na yung mga luhang kaninang umaga ko pa pinipigilan.
“Putangina!!”
In that moment, parang nawala ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko, ang huli kong naalala, binaon ko sa mga unan ang mukha at saka sinigaw lahat ng sakit.
Bakit umabot kami sa ganito?
Bakit kami napasok sa lahat ng to?
Bakit ako, bakit si Seb? Bakit kami?
Hindi ko aakalain na sa loob lang ng isang linggo biglang magbabago ang lahat.
Bakit kailangan naming maranasan lahat ng ito?
“Karl! Karl! Isarado nyo yung pinto!”
Nagmahal lang naman kami ni Seb diba?
Bakit kailangan naming masaktan?
“Karl! Anong nangyayari sayo! Tama na!”
Yung itsura ni Seb kanina, putangina. Mas malalala pa yung mga bugbog na inabot nya kesa dun sa una ko syang nakita sa kwarto ni Allison.
I feel like shit. Wala man lang akong magawa! I feel so fucking useless! Unti-unti nang pinapatay ng kultong ito yung mahal ko pero wala man lang akong magawa tungkol rito?
“Karl! Tama na!”
Nang maramdaman kong may yumakap sa kin, unti-unting kumalma ang sistema ko.
“Anong problema? Anong nangyari?” si Matthew pala yung yumakap sa kin. Naalala ko nanaman yung pag-uusap namin kaninang umaga, pero di ko na pinansin yon, yumakap na lang din ako sa kanya at umiyak sa mga balikat nya.
“Matt, painumin mo na muna sya ng tubig,” lumapit sa min si JR na may dalang bottled water. Pinaupo nya kami sa kama ni Oliver.
Pinunasan ko yung mga luha sa mata ko, saka ko lang nakita yung kama ko na sobrang gulo, nass lapag yung mga unan pati yung kumot ko, tas sa pader may mga bahid ng sariwang dugo.
San galing yun? Sa kin ba yun?
Bigla akong nakaramdam ng kirot sa kamay ko, saka ko na confirm na akin nga yung dugo sa pader. Patuloy pa rin sa pagdudugo ang mga knuckles sa kanang kamay ko at nag-uumpisa na ring mamaga ang kamay ko. Sinubukan kong igalaw yung mgs daliri ko kaso tanging sakit at kirot lang yung naramdaman ko.
Fuck, nabalian pa ata ako ng daliri.
“Walter, pakikuha yung first aid kit sa banyo,” sabi ni JR, inalok nya sa kin ulit yung tubig, kinuha ko to gamit yung isa kong kamay at saka uminom.
“Ayos ka lang ba? Anong nangyari sayo? Gusto mo ba dalhin ka namin sa clinic?” tanong ni Matthew.
“Hindi, hindi,” fuck, the last time na dapat kong gawin ngayon ay ang pagpapapansin sa mga leader ng kultong to. But thats exactly what I did, nagwala ako.
Great.
Lumapit sa kin si Walter dala yung first aid kit. Dahan-dahang kinuha ni JR yung kamay ko at nilinis ang mga sugat sa kamao ko.
“Dapat kaninang umaga ka pa nagpadala sa clinic. Kanina ka pa wala sa sarili mo,” sabi ni JR, “That’s it, ipapadala ka namin sa clinic kahit tumanggi ka pa.”
“No! Please! Please JR wag, nagmamakaawa ako sayo, please dont.”
“Then explain mo kung bakit ka nagwala.”
Napatingin ako sa pinto. Nakasarado to, at nakasandal sa likod nito si Oliver, na halatang gulat na gulat pa rin at medyo natakot sa ginawa ko.
“Nakasarado lang ba yung pinto?” tanong ko sa mga kasama ko, “Nung nagwawala ako?”
“Oo, pero bakit ka nagwala?”
Sasabihin ko ba sa kanila yung totoo? Magpapakilala ba ko sa kanila at sasabihin lahat ng nangyayari?
“Ano kasi-”
Sabagay, kung gagawa ako ng plano para tumakas, di ko kakayanin na iwan sila rito at tuluyang mabrainwash ng mga taga rito.
“Nakita nyo yung camper na dala ni Kuya George kanina?”
“Oo,” sagot ni Walter, samantalang tumango lang si Matt at JR.
Tumulo nanaman na parang gripo ang mga luha sa mata ko nang maalala ko yung itsura ni Seb na bugbog sarado.
“Boyfriend ko yun,” and it hurts so fucking much na makita ko syang ganun. At di hamak na mas masakit yung parang wala akong magawa para tulungan sya.
“Teka, wait, paano?” tanong ni Matthew, “Wait, sya ba yung tinutukoy mo kaninang umaga?”
“Oo,” huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak, “Hindi totoo na pumasok ako rito kasi gusto kong magbago. Pumasok ako rito para itakas sya.”
“So you mean, uhm, di talaga Karl pangalan mo?”
“Ako si Clyde. At yung boyfriend ko, si Seb. Sya yung nahuling tumakas kagabi, actually magkasama kaming tumakas kagabi, kaso nahuli sya, at ako lang yung nakabalik rito.”
“Shit, so yung nangyari sa kanya, kaya sya puro benda at nakawheelchair, yun yung parusa sa pagtakas nya kagabi?” tanong ni JR.
Tumango lang ako. Feeling ko habambuhay nang nakatatak sa isipan ko yung kalunos-lunos na itsura ng boyfriend ko kanina.
“Ang sakit lang na nangyayari tong lahat dahil sa kin. Dapat hindi ko na sya niyayang tumakas kagabi. Sabi nya, magplano na muna kami, kaso pinilit ko sya, tas ayun, hinayaan ko syang maiwan sa kabilang bahagi nung fence, dapat tinulungan ko na lang sya na umakyat pabalik. O di kaya umakyat din ako para at least magkasama kami sa kung ano man ang ginawa sa kanya.”
Biglang may kumatok sa pinto. Sabay-sabay kaming napatingin kay Oliver. Sumilip sya sa peephole sa pinto, “Si Kuya George!”
Dali-daling bumangon at pinagtulungan ni Walter at Matthew yung kama ko. Pinatayo naman ako ni JR, “Magtago ka na muna sa banyo dali!”
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng banyo at nilock yung pinto. Bumalik nanaman yung kaba ko. Paano kung narinig ng mga counselor yung pagwawala ko?
Kumatok pang muli si Kuya George bago sya tuluyang pinapasok ni Oliver sa loob.
“Dito ba nanggagaling yung nagkakagulo kanina?”
Nagulat ako nang si Oliver yung sumagot, “Opo. May daga lang kanina, sinubukan lang naming hulihin.”
“Daga?”
“Opo, pero ok na,” sabi naman ni JR, “Tinaboy na namin sa labas.”
“Ah ganun ba,” narinig kong tumunog yung isang kama, baka naupo na si Kuya George, “Eh yung peer evaluation nyo ok na ba? Ay teka, si Karl nga pala nasaan?”
“Nasa banyo po,” sagot ni Matthew, “Masakit daw po tyan nya, di na nya nahintay matapos yung evaluation.”
“Ayos lang kaya sya? Parang kanina pang umaga masama pakiramdam nun ah.”
Sinalo naman ni JR yung palusot ni Matthew, “Sya po yung unang nagshare kanina sa evaluation, sabi nya kanina pa talaga po masama yung pakiramdam nya kaso ayaw nya lang na mamiss yung unang mga klase.”
“Ah ganun ba, ayos yun. Pero kung kailangan nya kamo ng gamot lumapit lang sya sa min.”
Napatingin ako sa reflection ko sa salamin. I’m a fucking mess. Lalo na yung kamay kong patuloy pa rin sa pagdurugo at pamamaga. Pinatong ko yung first aid kit para mabendahan ko yung sarili ko, hindi ako pwedeng magtagal dito ss banyo.
“Akala ko pa naman tumakas din si Karl,” sabi bigla ni Kuya George.
“Yun bang buhat mo kanina, yun yung camper na tumakas kagabi?” tanong ni JR.
“Oo, sya nga.”
“Bakit sya nagkaganun? Yun ba yung parusa sa kanya?”
“Hindi ko alam eh, nagpatulong lang sila sa kin na iakyat sya rito. Pero sabi sa kin ni Ryan, nahulog daw sya sa bangin kaya sya nagkaganun.”
Buti napigilan ko yung sarili kong lumabas sa banyo at sabihin sa harap ng counselor namin na hindi yun ang totoo. Hindi nahulog sa bangin si Seb, binugbog sya! Tinorture sya! Napakasinungaling ng mga putangina to.
Napasandal na lang ako sa pader. I feel so fucking useless nanaman.
“So ayun, balik na tayo sa peer evaluation natin!”
Binilisan ko na yung pagbebenda. Naghilamos na rin ako para hindi mahalata yung pag-iyak ko. Nakinig ako sa mga shineshare ni Walter while praying na hindi mahalata ng counselor namin ang nangyari sa kamao ko.
Lumabas ako ng nakatago ang kamay sa bulsa ng jogging pants.
“Uy Karl, ayos ka na?”
“Oks na Kuya,” pinilit akong magpakasigla, pero mukhang pilit ata yung pinakita ko.
“Great, pero uy, sa susunod magsasabi ka ng gamot kung kailangan mo. Kailangan mo ba?”
“H-hindi na po.”
“Painkillers! Di ba kailangan mo ng painkillers?” singit bigla ni Matthew, “Parang nabanggit mo kanina na kailangan mo ng painkillers?”
Is that concern na naririnig ko sa boses ngayon ni Matthew?
“Ngayon mo na ba kailangan o buka-”
May kumatok nanaman ulit sa pinto. Sabay-sabay nanaman kaming napatingin sa pinto.
“George?” boses yun ni Ryan. Bigla ulit akong kinabahan.
“Wait lang bros,” tumayo si Kuya George at pinagbuksan ng pinto si Ryan. Babatiin nya pa lang ito kaso di na sya pinagsalita nito.
“Pinapatawag ni Director ang lahat ng counselors.”
“Ngayon na? Di pa kami tapos sa peer evaluation eh.”
“Oo, ngayon na daw. Urgent.”
Tumingin sa amin si Kuya George, “Mukhang kailangan kong pumunta sa office ni Director. After ng evaluation lights out na ha. Walter, take charge “
“Sige po.”
“Sabay ko na rin yung painkillers mo Karl ano?” sumimangot sa sinabi ni Kuya George si Ryan.
With that, sumama na kay Ryan yung counselor namin. Pagsara ng pinto, instantly, sa kin tumingin yung apat na kasama ko sa kwarto.
Si Matthew yung unang kumausap sa kin, “Ok na yung kamay mo?”
Nilabas ko sa bulsa yung nakabenda kong kamay. Ngayon pa lang nagsisimula magparamdam yung sakit.
“Guys, hindi totoo na nahulog sa bangin si Seb. Nagsisinungaling si Kuya George o kung sino mang nagsabi sa kanya na nahulog si Seb a sa bangin. Sa may gubat may malaking fence, nagtrigger yung alarm na ung umakyat dun si Seb! Kung nahulog man sya sa bangin baka may tumulak sa kanya para lang palabasin na ganun ang nangyari!”
“Tsaka, hindi ganun kalala yung injuries na aabutin ng boyfriend mo kung nahulog talaga sya sa bangin. Malamang at sa malamang binubog sya.”
“Hindi, hindi lang sya binugbog. Tinorture sya.”
Kinuwento ko sa kanila lahat. Mula sa araw na naramdaman kong nag-iba yung mga kinikilos ni Seb, sa naging away naming dalawa sa bahay ni Allison, hanggang sa pagtawag ni Allison sa kin na andun si Seb na duguan sa kanila, hanggang sa araw na nalaman ko ang totoong pagkatao ng mga magulang nya.
“So you mean, involved dito yung parents ni Seb?” tanong ni JR.
“Oo. Yung tatay ni Seb ang leader ng simbahang nagpatayo ng camp na to. Sa office ni Director Sandoval, may nakita akong picture nya na kasama nya si Tito Rolando at Tita Larissa.”
“Nung naging kayo ni Seb, wala kang idea na ganun yung parents nya?”
“Wala. I always know na very religious ang family nila, pero wala akong idea na kaya nilang ipatorture, ipabugbog sa mga tao nila, at ipatapon sa kultong ito yung bunso nilang anak dahil lang sa religious views nila.”
“Teka, kulto?” di makapaniwalang tanong ni Walter, “Teka lang, di naman siguro to kulto? Oo, mahigpit sila, pero gusto lang nila na maging safe tayo rito.
“Walter, hindi mo ba narinig yung dasal kaning umaga ni Director Sandoval? Tinuturing nyang diyos yung sarili nya! Hindi pa ba yun isang clear sign na nasa isang kulto tayo?”
“Napansin mo din yun?” sabi sa kin ni JR, “I actually, marami pa kong ebidensya na nasa isang kulto talaga tayo.”
Sabay-sabay ulit kaming napatingin naman kay JR.
“Oras na siguro para ako naman ang magpakilala sa inyo.”
Chapter 26
“Oliver, pwede bang pakilock muna yung pinto? Delikado kung biglang nay pumasok rito sa loob.”
Wait? Anong nangyayari? Anong meron?
“Bakit? Anong meron Kuya JR?” tanong ni Walter.
“Like Ka- Clyde pala sorry,” tinapik nya ko sa balikat, “Tulad nya, pumasok rin ako rito para hindi magpaconvert.”
Di ako sure sa kung anong mararamdaman ko sa mga sinabi nya, pero tulad nung iba, hinintay ko na lang syang magpatuloy.
“Isa kong journalist. At gumagawa ako ng report tungkol dito sa camp na ’to, kung mapapansin nyo, sobrang limited lang ang info tungkol sa camp na to sa internet. Its pretty obvious na they are hiding the existence ng camp na to.”
“Oo nga, ngayon ko lang din nalaman na may conversion camp pala sa Pilipinas,” sabi naman ni Matthew.
May reports na maraming nangyayaring torture dito, bilang ito ang unang method na ginagamit nila sa conversion. As a homosexual, di ko to kayang palampasin, this is a major violation sa human rights!“
Nakaramdam ako ng weird sense of relief. Tama ang desisyon kong magsabi ng totoo sa kanila, dahil ang isa rin pala sa min ay may hidden agenda tulad ko, pwede ko syang makatulong sa pagtakas, at given yung pagiging journalist nya, pwede ko syang matulungan sa tuluyang pagpapasara ng lugar na to, para naman wala nang mabiktima pa ang kultong to.
Pero at the same time, kinabahan din ako, paano kung mahuli kami? Pano kung malaman nila na may intensyon si JR na ipasara ng tuluyan ang camp na to? Panigurado mas magiging malala ang magiging parusa namin kung sakaling mahuli kami or something.
“Sapat na sa kin yung narinig ko mula kay Clyde. Maging ako rin naman hindi naniniwalang nahulog sa bangin ang boyfriend nya. Its very much obvious na torture ang nangyari kay Seb. Pwede nating gawing ebidensya ang torture na nangyari sa kanya kagabi laban sa mga may-ari ng camp na ito.”
Biglang nagsalita si Walter, “Pero di ba, may pinirmahan tayo, yung ano, yung sa papel, yung nagsasabing wala tayong dapat pagsabihan na mga taga labas ang kahit ano na tungkol sa camp?
“Yung Non-Disclosure Agreement?”
“Oo yun, paano yun? Baka mamaya pagbayarin nila tayo ng sobrang laki.”
“Kung mananalo tayo sa korte, at mapapatunayan natin sa tinorture talaga si Seb, maaring hindi nila tayo pagbayarin sa di pagsunod sa NDA. Nasa batas yun.”
Unti-unti ko nang naiintindihan yung gusto nyang mangyari.
“So, meron ka bang nabubuo nang plano?” tanong ko.
“Di ba gusto mong itakas si Seb dito? Itatakas natin si Seb, at paglabas natin rito, unang una nating gawin ay pumunta sa mga pulis, i-report ang nangyari kay Seb, tas dalhin natin sila agad sa korte. Dont worry, may law firm nang nakahandang tumulong sa tin anytime.”
“So tatakas tayo?”
“Teka, teka, teka,” sabat ni Matthew, “Sandali lang, hindi pa nagpoprocess sa kin ng buo lahat ng sinabi nyo.”
“Sang part ka naguguluhan?” tanong ni JR.
“Bakit kailangan nating tumakas?”
“Si Clyde, gusto nyang iligtas yung boyfriend nya palayo sa baliw nyang parents, ako, gusto kong ipasara ng tuluyan ang lugar na to. Kung ayaw nyo naman tumakas pwede namang hindi kayo sumama sa min.”
“No! Hindi kami pwedeng maiwan dito! Sasama ako! Sabi mo nga diba marami nang reports ng torture dito? Tas yung nangyari pa sa boyfriend ni Karl,” napatingin sya sa kin. Tumingin ako sa kanya pero bigla nyang iniwas ang tingin sa kin, “Sorry, Clyde pala. Halatang binugbog sya. Sige, paano kung tumakas kayo, tapos malaman ng mga counselor at ni Director, baka naman parusahan nila kaming matira dito!”
Biglang nagpinta sa mukha ni Oliver at Walter yung takot at kaba. May point naman kasi si Matthew.
“Kung aalis kayo, isama nyo na kami. Kung totoo ang sinasabi nyo, wag nyo kaming iwan dito!”
“Tama si Matthew. Dont worry,” kinuha ko ss loob ng medyas na suot ko yung susi ng kotse ko, “May dala akong kotse, at nakapark to sa taas, sa harap lang ng main cabin.”
“Yown!” halos napasigaw na sa tuwa si JR.
“Ang kailangan lang natin gawin ay makapunta sa main cabin nang hindi napapansin.”
“Basta please wag nyo lang kami iwan dito,” sabi ni Matthew.
“Oo nga,” for the first time tonight, nagsalita na rin si Oliver, “Ayoko na rito. Natatakot ako sa kanila.”
“Eh ikaw Walter?” tanong ni JR, “Sasama ka ba sa min?”
Tumingin kaming lahat kay Walter.
“A-ano, di ko alam.”
“What?” halos sabay-sabay naming angil.
“Kayo, kung aalis kayo, gora. Eh ako, gusto ko talaga magpaconvert! Ayoko na maging bakla! Kung kailangan nila kong jombagin para lang maconvert ako edi go!”
Hindi ko alam kung bakit pero for once, nakaramdam ako ng concern kay Walter.
“Walter, tama si Matthew, pwede ka nilang itorture kapag nalaman nilang umalis kami rito!”
“Bakit kasi kailangan nyong tumakas! Hindi ba pwedeng magkunwari na lang kayo sa loob ng apat na linggo?”
“Hindi pwede Walter. Kailangan nating makaalis dito bago mag-linggo,” sabi ni JR.
“Huh? Bakit?”
Dali-daling nagpunta sa cabinet nya si JR, kinalkal nya ang mga laman nito hanggang sa mailabas nya dun ang tatlong piraso ng papel na iba-iba ang kulay. Yung mga schedule namin.
“Tignan nyo to.”
Pinakita nya sa min yung schedule para sa sunday.
“Look, meron tayong individual evaluation sa office ni Director Sandoval. May nakausap akong taga cluster 10. Pinilit ko syang sabihin kung anong ginagawa don. And you wont believe what he told me.”
“Ano yon?”
“Meron syang tinuturok sa bawat camper pagkatapos ng evaluation.”
“Ano yung tinuturok ni Director sa kanila?”
“I have no idea. Pati yung nakausap ko wala rin syang idea, basta sabi nya para syang tubig na kulay silver.”
Silver? Edi metal yon or something like that. At obvious naman na hindi pwede sa loob ng katawan natin ang kahit anong silvery na bagay.
“May theory ako,” sabi ulit ni JR. Lalo akong lumapit, sa tuwing may sinasabi syang bago, lalo akong nagkakaron ng courage at desire na tumakas sa lugar na to, kasama si Seb, kasama ang mga bagong kakampi ko.
“Pakiramdam ko, kung ano man yung tinuturok nila sa mga campers, it has something to do with mind control.”
Kinilabutan ako sa sinabi ni JR.
“I studied some backgrounds ng mga stakeholders ng camp na to. Lahat sila ay affliated sa church na binanggit kanina ni Clyde na pagmamay-ari ng tatay ni Seb. Some of them are scientists, psychologist, tas meron pang chemist. Alam ko mahirap paniwalaan pero malay natin, they just invented something na kayang mag mind control.”
“So you mean, kailangan makatakas na tayo bago pa mag sunday?”
“Yes. And as soon as possible sana, kailangan maipakita natin sa kanila yung injuries ng boyfriend mo,” sabi sa kin ni JR, “Kailangan maipacheck up natin ang injuries ni Seb.”
“Kailangang makapagplano tayo ng mabuti in order for this to work,” sabi ko, “Sinubukan na naming tumakas pero hindi pala yung kasing dali ng iniisip ko.”
Kung normal na camp lang ito na may mga normal na tao, mas madali talagang makakatakas rito, kaso nasa isang kulto nga kami na nagpapanggap bilang isang simbahan, kasama ng mga taong akala talaga nila napapabuti nila ang mundo.
“Sigurado ba talaga kayo na gusto nyong tumakas?”
Napatingin kaming lahat kay Walter.
“Guys, matutulungan nila tayo! Kaya nila tayong gawing normal!”
Nakikita ko ang inis na bumabakat sa leeg ni JR patungo sa ulo nya, “Walter-”
“Walter-” pinigilan sya ni Matthew bago pa syang may di masabing maganda sa bata, “Please, let’s consider yung sinasabi ni JR at Karl, oh, Clyde pala.”
Hinigpitan ni Walter ang kapit sa doorknob ng pinto, “Hindi nyo kasi naiintindihan! Ayoko na maging ganto! Ayoko na maging bakla! Ayokong masunog sa impyerno!”
“Walter-”
“Tatakas kayo? Wag nyo kong pilitin na isumbong kayo kay Kuya George.”
Nanigas sa kinatatayuan si Matthew at napaface-palm na lang si JR. Nang maramdaman kong wala sa kanila ang gustong kumausap sa bata, ako ang lumapit sa kanya.
“Walter, please makinig ka-”
“Kung tatakas kayo, please wag nyo kong idamay. Ayokong umalis, dito lang ako, ayoko nang mamuhay ng ganito. Gusto kong gumaling! Gusto kong gumaling!”
Nakakalungkot isipin na dahil sa pagiging mas bata nya sa amin, at dahil na rin I assume na marami na ring syang napagdaanang pagmamalupit dahil sa pagiging bakla nya, ay madali na lang nalason sa loob ng ilang araw ang utak ni Walter.
Napaniwala talags nila sya na sakit ang homosexuality.
“Pero Walter, hindi kaya ng kunsensya ko na iwan ka, o si Oliver, o kahit sino sa atin. Alam kong once na tumakas ang ilan sa min, paniguradong pahihirapan din kayo, for sure iisipin nila na involved kayo somehow sa pagtakas namin, baka pahirapan nila kayo!”
“Ayun na nga kuya eh,” Naluluha na sa takot si Walter, “Di ba pedeng tiisin nyo na lang yung 4 weeks? Basta ako hindi talaga ako aalis dito, at alam kong pag tumakas kayo, ako yung pahihirapan nila, kung sakaling ako lang ang matira rito,” napatingin sya kay Oliver, sa pinakabata, na para bang naghahanap ng kakampi.
“May tinuturok sila na kung ano sa nga katawan natin, Walter. Ano na lang pedeng gawin satin non hindi ba?” sabi ni JR matter-of-factly.
“Pero pagod na ko sa pagiging bakla, ayoko na ng buhay na to! Gusto kong tanggapin din ako ng mga taong mahal ko! Sila na lang ang meron ako!”
Nararamdaman kona yung inis na gumagapang sa batok ko. Kung ayaw nya umalis, edi wag! Kung gusto nyang manatili para maging robot ng kultong ito, bahala sya! Mahirap tulungan ang mga taong ayaw tulungan ang mga sarili nila.
Kaso may narealize ako.
Iba ang pamilyang kinalakihan ni Walter sa kin.
Masuwerte ako, dahil bukod sa sobrang nalakaluwag kami sa buhay, tanggap pa ng pamilya ko ang tunay na ako. Never akong nakaexperience ng anumang pang-aapi mula sa kanila dahil sa pagiging bakla ko. I just had it way easier in life than Walter. Di dapat ako mainis sa kanya, dapat tulungan ko sya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
“Sasama ka sa min,” sabi ko, “Lalabas tayo rito nang hindi nila nacocontrol.”
“P-pero pano yung pamilya ko?”
“Edi kami ang magiging pamilya mo.”
Dun na yumakap sakin pabalik si Walter.at nagsimulang umiyak.
Lalong lumakas yung confidence ko sa gusto naming gawin. Lalong lumakas ang loob ko na tunakas, at tumulong para maipasara ang camp na ito.
Hindi namin kailangan ng mga camp na ito para tanggapin kami ng society. Kailangan kami mismo ang gumawa ng space para sa aming mga sarili sa lipunan.
Napaatras kami sa marahang pagkatok sa pinto. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan, buti na lang, nakakilos ng mabilis si Walter at nakaupo sa kama ni JR bago pa man mabuksan ni Kuya George ang pinto. Umarte ako na parang pagbubuksan sana sya ng pinto.
“Kamusta Peer Evaluation?”
“Ayun Kuya,” panimula ni Matthew, “Naiyak kami sa shinare ni Walter. Grabe, nakakamotivate yung kwento nya.”
Napatingin yung counselor namin kay Walter na umiiyak pa rin, “Kamusta Walter? Ayos ka lang ba? Pwede ko bang malaman kung anong shinare mo sa kanila?”
Kinabahan ako. Hindi porket niyakap ako pabalik ni Walter, ibig sabihin ay kakampi na namin sya. Wala pa syang sinasabi kung magiging bahagi ba sya ng mga plano namin.
Baka ilaglag nya kami ngayong gabi.
“Wala Kuya, grabe lang yung nararamdaman kong improvement sa loob ko, sobrang dami kong natutunan dito for a short period of time.”
“Ah ganun ba, ayos yan!”
Tinapos namin ang buong Peer Evaluation. Nakakatuwa nga eh, kasi lahat kami, including Oliver na pinakatahimik sa min, nag-imbento ng mga nangyari at mga natutunan namin sa buong araw. Tas nakakatawa pa ng mag-umpisa kaming dugtungan ang kwento ng bawat isa.
For once, nakaramdaman ako ng tuwa. Makakabuo ata ako ng mga kaibigang panghabang-buhay dito.
Pero at the back of my mind andun pa rin ang itsura kanina ni Seb na nasa wheelchair.
Hay nako Clyde, ang importante buhay si Seb. May injuries sya, yes, pero ang mahalaga humihinga pa sya. Its all that matters.
Natapos ang Peer Evaluation namin. Nagprepare kami para matulog, habang naghihimasa, nararamdaman ko yung excitement ng bawat isa sa pag-alis ni Kuya George.
“Sige na campers, grabe, you all did a great job today!” sabi ni Kuya George, “Light out na! See you tomorrow!”
Pinatay nya ang ilaw ng kwarto, at sinara ang mga bintana. Binigyan nya ng salute si Walter, signal to take charge, then sinara ang pinto.
Naghintay ako ng ilang minuto. Nakakatakot, mga nasa labas lang pala namin si Kuya George, or worse, ibang counselor, tulad ni Ryan.
Nagpalipas ako ng ilang minuto. Nakatitig lang ako sa ibabaw ko, sa ilalim ng kama sa top bunk ni Matthew.
Nang maramdaman kong safe na para magsalita, binuksan ko ang bibig ko, kaso may nauna sa king magsalita.
“So anong plano natin?” sabi ni Walter.
Chapter 27
“So, anong plano?”
Kahit sa dilim ng gabi, kita ko yung mga kasama kong kanya-kanya ng bangon mula sa kani-kanilang mga higaan. This is not what I expected my escape would be. Ang ineexpect ko talaga ako lang, ako at si Seb lang. Di kaya kami mahirapan dahil ngayon, isang grupo na kaming pilit tatakas?
Kaso base sa mga nalaman ko nitong nakaraan, parang mas mabuting malaman na may mga kakampi pa rin pala ako rito.
Sabagay, sa kondisyon ni Seb ngayon, kailangan ko talaga ng extra help sa pagsakay sa kanya sa kotse ko. Tsaka kasya naman kaming lahat sa kotse ko.
Kinapa-kapa ko yung spare key na nasa medyas ko. I would be lying kapag di ko inamin na nagooverthink din ako na baka mamaya may ginawa na sila sa kotse ko. Pero sa ngayon, na itong kotse ko ang mga pinakamahalagang role sa aming pagtakas ngayon, I can help but to manifest na wala sanang problema rito.
“Clyde?”
Kahit sa dilim, ramdam ko yung pagtama ng mga tingin nila sa kin.
“Bakit?”
“Let’s plan na. Ano yung mga nalaman mo about sa attempt nyo na tumakas last night?” tanong ni JR.
Shuta, naalala ko nanaman si Seb. Si Gummybear ko.
“May fence. Malaki.” Di ako makapagsalita ng maayos, kinakain ako ng guilt na sana sinunod ko na lang sana si Seb na magplano muna kami bago kami tumakas. Hindi sana sya natorture ng ganun.
“So ibig sabihin ba nito, ekis tayo sa gubat? Hindi tayo pwedeng tumakas anyway?”
Unti-unting lumilinaw yung isip ko. Yung guilt, unti-unting napapalitan ng galit. Kailangan magbayad ng mga bumugbog sa Gummybear ko.
“Oo. Tsaka yung bangin-”
“Ay shet yung dalawang bangin nga pala.”
Problema talaga kung paano kami makakarating mula rito sa mismong camp, paakyat sa main cabin na nasa taas. Given na may malalaking fences na nakapaligid sa buong camp, impossibleng makakaikot kami sa bundok na kung nasan kami ngayon.
“So ang choice na lang talaga natin ay yung hagdan lang papunta sa taas?” tanong ni Matthew.
“Oo. Unless, may trail sa likod pa, baka naman may part ng fence na maaaring pasukan? Or baka may part naman na di na nilagyan ng fence dahil sa sobrang sukal?” sabi ulit ni JR.
Kinuha ko sa medyas yung susi at hinawakan ito ng mahigpit, “Best choice talaga natin sa taas. Nakapark pa sa parking lot yung kotse ko. Madali tayong makakatakas gamit yon. May spare key ako nun dito.”
“Dala mo kotse mo?” tanong ni Matthew.
Shet, saka ko lang naalala na nakasakay na pala sa kotse ko si Matthew, at we may or may not made out habang lasing kaming dalawa nung isang araw. Di ko alam.
“Oo. So kung tatakas tayo, best choice natin yung taas.”
“Eh pano kung makita tayo ni Director Sandoval dun?”
“Edi tulak natin,” biro ni JR na kinatawa namin saglit. Mabilis ring nawala yung tawa dahil alam naming kahit bigyan kami ng chance di namin gagawin yon.
Ikaw ba naman makaharap ng leader ng isang kulto na wala kang idea kung anong mga pwedeng gawin sayo, pagtitripan mo ba sya?
“Pero oks na rin na dun tayo sa taas,” sabi ko sa kanila, “Kesa naman sa magbakasakali tayo sa gubat, baka lalo lang tayo mapahamak. Besides mas kabisado nila yan kesa sa tin. Lugi lang tayo.”
“So dun tayo sa taas?” tanong ni Walter na uncharacteristically quiet sa mga oras na to.
“Sana.”
“Kaso ang daming bantay.”
“Mag plan b tayo. Yun yung sa gubat.” Kasama sa mga activities rito ang hiking, kaya siguro naman hindi madaling maligaw sa gubat na nasa likod ng camp.
“Sige, so Plan A, dun sa taas, Plan B, yung likod,” sabi ni JR, “ Pano nyo gustong simulan ang Plan A?“
Andun man ang kotse ko at mabilis kaming makakatakas, may extrs threat namin kasi andun ang office ni Director Sandoval, at andun din si Claire, o kung sino man na maaring nakaduty sa lobby. Pwedeng pwede nila kami mahuli.
“Teka, teka, teka,” awat ni JR, “Yun nga palang jowa mo Clyde, pano nga pala sya, malamang yan kailangan nating syang buhatin.”
Shit. Oo nga pala, si Seb pa.
Biglang nawalan ako ng hope sa loob lang ng isang split second. Impossible nga naman na maitakas namin si Seb. Siguro kung kaming lima baka pede pa kaming makatakas, eh kaso pag buhat pa namin si Seb. Ano yun, mula sa quarters nila Seb, bubuhatin namin sya pababa tas tatakbo kami sa quadrangle hoping na walang sinuman ang pumansin sa binabalak naming gawin?
Unless nasa taas na si Seb, baka mas madali na trabaho namin-
“Wait,” gagi may narealize ako, “Hindi ba nasa main cabin din sa taas yung clinic?”
Nakita kong umilaw din saglit yung mata ni JR, sana nagets na nya yung nasa isip ko.
“Baka dalhin nila sa clinic si Seb bukas dahil sa mga injuries nya. Kunin na natin yong opportunity para tumakas.”
“That’s good, that’s good,” sabi ni JR.
Itutuloy ko pa sana yung naiisip ko kaso pinutol ako ni Matthew.
“Wait, sure ba kayo? I mean, baka mamaya marami pa lang staff sa taas. Di natin nakita yung clinic nung pagpasok natin dito. Baka mamaya may sampung nurse don na magbabantay kay Seb.”
Grabe, ang OA naman nung sampung nurse. Pero may point din naman sya. Kung maraming staff sa taas, malamang di rin kami makakakilos dun masyado nabg hindi napapansin.
“Tsaka si Kuya George!” sabi naman ni Walter, “Never syang umaalis sa tabi natin. Paano sya?”
Puta naman, bat ganon? Everytime na may masosolve akong issue, may isa or dalawang bagong kailangang i-solve!
“Tsk, si Kuya George pa pala.”
Laging nakabantay sa min ang counselor namin. Kailangan may gawin kami sa kanya.
“Pwede ba natin syang ikulong rito?” tanong ni Matthew.
Actually pede rito. Kung dito namin sya ikukulong sa oras na ang lahat ng clusters ay nasa kanilang mga klase, walang makakarinig kung sakaling humingi sya ng tulong.
Tumayo ako at lumapit sa pinto. Kinapa-kapa ko yung doorknob.
“Impossible, hindi pwede,” sabi ko, “Nasa loob ang paglock nito. Mabubuksan nya rin ito.”
“Sa library? Dun na lang natin sya ikulong?” suggestion ni Oliver na kanina pa tahimik. Naiintindihan ko naman sya, alam kong nagugulat din sya sa bilis ng mga pangyayari, but I’m so relieved na andito sya sa side namin.
Tsaka deserve nyang makatakas rito, bata pa lang sya, dapat ieenjoy nya pa ang buhay nya.
“Pwede. Pwede sa library.” sabi ko.
“Teka, diba may ilang clusters na gagamit ng library pag tapos natin? Saglit lang yung maaaring time natin para tumakas bago pa may maka-alam na kinulong natin si Kuya George,” sabi ni JR, isang information na hindi ko talaga naisip na maaaring mangyari.
“So dito talaga sa quarters yung best choice?”
Sumang-ayon silang lahat.
“Pero paano natin masisigurado na hindi makakalabas si Kuya George?”
Katahimikan.
“Edi igapos natin sya. Kulong natin sa CR. Lagyan ng busal ang bibig,” sabi ni JR ulit, “Gupitin natin tong mga kumot natin, tas itali natin sya sa upuan na yun, tas kulong natin sa banyo.”
Sa ngayon ayun nga ang pinakalogical na choice, at pinakasafe para sa min.
“So tayong tatlo ni Matthew ang maggagapos sa kanya. Tas si Walter at Oliver, look out?”
“Tama.”
“Tas saka tayo tatakas after natin syang i-lock?” maingat kong pine-play sa utak ko yung mga possible scenarios, “Paano tayo bababa nang hindi suspiscious. Kailangan nating makarating sa clinic na hindi napapansing wala tayong kasamang counselor.”
Agad namang sinagot ni JR yung tanong ko, “Edi may isang magkunwari sa atin na may sakit, o kaya hinimatay, tas kailangan nating dalhin sa clinic. Pag tinanong tayo nasan si Kuya George, sabihin natin nauna na sa clinic para humanap ng gamot.”
Perfect.
Tinapik ni Matthew yung balikat ko, “Ikaw na dapat yon. Di ba napag-usapan nyo ni Kiya George sa harap ng ibang councilor kanina na masama ang pakiramdam mo?”
“Sige, tama si Matt,” sabi ni JR, “Bubuhatin ka namin paakyat sa clinic. Pagdating sa clinic, ikulong din natin sa banyo yung kung sino mang staff yung nandon.”
“At sana andun din sa clinic si Seb.”
Si Seb talaga. Si Seb ang kailangan ko. Masaya akong may mga kakampi ako sa gagawin kong pagtakas, pero kung hindi ko makakasama sa labas si Seb, parang wala ring silbi ang lahat.
Sinantabi ko muna yung pag-aalala kay Seb at pag-ooverthink ko. Kailangan matapos ngayong gabi ang planong ito.
“O sige, nasa clinic na tayo. What’s next?”
“Syempre doble ingat na tayo dyan.”
“And dapat double time. Most probably baka nakawala na sa gapos natin si Kuya George by the time na nasa taas na tayo,” sabi ko.
“Si Seb pa. Wag nating kalimutan si Seb please.”
“Sana nasa clinic sya sa oras ng pagtakas natin,” sabi ni Matthew, hindi ko nagustuhan yung tono ng pagkakasabi nya nun. Pero siguro pagod at inaantok lang ako kaya ko sya na-misinterpret.
“What if ganito Clyde,” sabi ni JR, “Habang tinatali namin kung sino mang staff ang nasa clinic, lumabas ka na papuntang parking lot, start mo na yung kotse mo, buksan mo na yung mga pinto, at hintayin mo na kami sa entrance.”
Perfect. Nabuhay yung dugo ko sa kung gaano ka perfect yung mga naiisip ni JR.
Ni-recap ko yung buong plano. Mula sa paggapos kay Kuya George, pagbuhat sakin pataas, pagkuha kay Seb hanggang sa pagkuha ko sa saksakyan ko sa parking lot. Nagtrouble shoot din kami ng maaari naming kaharaping mga challenges, pero nagawan din namin to ng paraan.
“So kelan natin to gagawin?”
“Bukas na.”
“Oo. Pero anong oras bukas?”
Katahimikan ulit. Kaso iba sya sa katahimikan kanina.
Yung katahimikan kanina puno ng uncertainty. Yung katahimikan ngayon, its more like, taking time to choose the best choice.
“Bukas kaya ng umaga pagkagising?” tanong ni Walter, “Di ba, kailangan natin dito si Kuya George? Sa umaga pagkagising at sa Peer Evaluation lang naman sya umaakyat dito sa tin.”
“Tama ka,” sang-ayon ni JR, “Kaso hindi pwede ng umaga, may assembly sa baba bago mag breakfast. Tapos di pa natin sure kung andun si Seb sa clinic ng ganung kaaga.”
“So gabi?” tanong ko.
“Most likely gabi. Tapusin nating lahat ng maaga yung dinner natin. Or kahit wag na tayo kumain. Magpaakyat na tayo agad kay Kuya George rito, sabihin natin excited rtayo ganito ganyan. Para habang ginagapos natin sya, nasa cafeteria pa ang lahat ng ibang clusters at mga counselor nila.”
“Tama,” dudugtungan ko yung mga sinabi ni JR, “For sure, nagdidinner din non yung mga staff sa taas.”
“Plus gabi. Hindi ganun ka-noticeable ang mga kilos natin.”
At ayun nga ang napag-usapan namin. Bukas ng gabi na kami tatakas.
Nang masigurong wala na kaming hindi pa napag-uusapan, nagyaya nang matulog si JR. Kailangan namin ng pahinga at energy sa dami ng mga kailangan naming gawin bukas.
“Good night guys, this will be our last night here. I promise.” Sabi ko.
Humiga ako at pumikit para pilitin ang sarili kong makatulog. Kaso ayaw akong pagpahingahin ng sobrang daming nangyari sa araw na to. Yung naging speech ni Director Sandoval kaninang umaga, si Ryan at mga nakakatakot nyang tingin sa kin, yung pagpapakilala ko sa mga ka-cluster ko, pati yung pagpaplano namin ng pagtakas, lahat yon paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko.
Pero ang hindi ko talaga maalis, ay nung nalaman ko kung anong nangyari kay Seb matapos ang ginawa namin kagabi.
Sapat na yung sakit na makita syang puro benda, puro pasa, may baling mga buto, namumulang mga mata, putok na labi, para lumuha ng kusa ang mga mata ko.
Paano kami napunta sa ganito? Paano kami umabot sa ganito?
Tangina, nakakagalit. Sobra. Pero di bale na Clyde, gamitin mo lahat ng galit na meron ka dyan sa loob mo para siguraduhing makakatakas talaga kayo bukas. Hindi ko alam kung anong extent ng mga kakayahan ng kultong pinasukan ko, but all I know, and all I feel, is that pag hindi ako kumilos kaagad, mawawala sa kin si Gummybear ko.
I guess I should cry myself to sleep ngayon gabi.
…
Nagising ako na sobrang sakit ang ulo.
“Ayos ka lang?” tanong ni Matthew with a very obvious concern.
“Oo. Medyo masakit lang ulo ko,” maybe dahil walang tigil kong pag-iyak kagabi hanggang sa makatulog ako, or dahil sa sobrang dami kong iniisip, I dont know.
“Kaya mo ba? Wag muna siguro natin ituloy yung plani today?”
Napatingin sa ming dalawa si Walter at JR.
“Huh? Anong meron?”
“Masakit daw yu-”
Di na pinatapos ni JR si Matt, “Pero kailangan na nating makaalis rito as soon as possible. Hindi tayo dapat abutin ng Sunday dito at baka turukan tayo ng serum na sinasabi nila.”
Tinapik ko sa braso si Matthew, “Tama si JR. Ok lang ako promise. Maya-maya wala na rin to.”
Kakaiba yung energy na meron kami ngayong umaga. Nitong nakaraang mga umaga, gumagayak kami na para bang mga bagong gising talaga, yung tipong tamad na tamad pang kumilos at gusto pang humiga ng mas matagal. Ngayon, parang naretain ang energy ng lahat, parang walang natulog sa ming lima.
Isa-isa kaming naligo, nagbihis, nag-ayos ng itsura. Hinanda namin ang mga notebook, mga panulat para sa mga klase naming walang kwenta.
“Basta guys, ano man ang mangyari, sumakay lang kayo sa kung ano man ang sasabihin nh isa’t-isa ha. Act normal lang tayo ngayon,” sabi ni JR bago kami lumabas.
Paglabas namin ng kwarto, saktong naglalakad na patungo sa quarters namin si Kuya George. Kita sa mukha nya yung gulat.
“Wow, ang aga ng mga campers ko ah!” tumingin sya kay Walter na para bang nag-eexpect sya sa bata na magbigay ng paliwanag.
“S-syempre Kuya, ano, uhm, excited lang kami.”
“Ayos yan! Tara na sa cafeteria, para tayo yung mauna sa mga bagong lutong sinangag, hindi na yung masarap pag nalamigan na.”
Habang pababa ng building, napasilip ko across the field, tumingin ako sa mahabang hagdan paakyat sa main cabin. May inaakyat yung mga counselor na nakawheelchair, and of course di ko na kailangang alamin pa kung sino yun.
“Wag kayong maingay na sinabi ko sa inyo ha, pero nakikita nyo yung camper na inaakyat sa main cabin? Sya daw yung camper na tumakas nung isang gabi,” pabulong na sabi ni Kuya George habang pababa kami sa hagdan.
Nagtinginan ako, si Matthew at si JR.
“Anong nangyari sa kanya? Bakit ganun yung injuries na nakuha nya?” tanong ni JR.
“Sabi sa kin nila Ryan, nahulog daw sa bangin kaya ganun. Grabe nga eh.”
“San sya dadalhin?” tanong ko, hoping na sa clinic, at hoping na hanggang gabi sya dun para naman umayon ang lahat sa plano namin.
“Sa clinic siguro. Sabi nila Ryan di naman daw serious yung injuries nya para dalhin sya sa ospital sa labas.”
Tumigil yung counselor namin sa pagbaba kaya napatigil din kami.
“Kaya kayo ha, wag nyong gagawin ang ginawa nya, mahirap talaga ang tumakas dito. Nung camper pa ko rito, andami ding tumakas, ganyan din inabot nila.”
“Talaga? Nahulog din sa bangin?” tanong ni JR.
“Oo.”
“Ang weird naman nun, lahat sila nahulog sa bangin?” medyo kinakabahan ako sa mga lumalabas sa bibig ni JR, masyado syang nagiging risque sa mga sinasabi nya.
“Kaya nga eh, ang weird,” sagot sa kanya ni Kuya George na still oblivious sa pilit na pinaparating ni JR.
Nagpatuloy na kami sa pagbaba.
Pagbababa sa mga flagpole, kami ang pinakamaagang cluster. Ang tanging andun pa lang ay mga staff na nag-aayos ng sound system, at syempre si Director Sandoval na may hawak na mug.
“Aba! Cluster 12, hindi ba? Ang aga nyo ah.”
“Yes po director! Good morning po!” masiglang bati ni Kuya George sa kanya, “Guys, mag-good morning kayo kay Director.”
“Good morning po.”
Di nya kami pinansin. Awkward silence lang. Nang maging super awkward na, pinapila na kami ni Kuya George sa pwesto namin.
Naging normal naman ang daloy ng umaga namin. And when I said normal, andun yung kunyaring dasal namin sa Panginoon pero puro papuri lang sa sarili ang sinasabi ni Director Sandoval.
Pagtapos ng assembly, isa-isa na kaming pinapunta sa cafeteria. At dahil kami yung unang bumaba at unang pumuwesto, kami yung pinauna sa cafeteria. Honestly, it feels good, so good para sa last breakfast namin sa lugar na ito.
The rest of the day was pretty boring. Kumain, nagklase, pinaglinis, kain ulit, klase ulit, tas isa nanamang klase. Wala namang bago. At this point, kinakabahan na ko kung ano nanamang bago ang magaganap.
Buong araw kong dinistract ang sarili ko para hindi ko lang maramdaman yung kaba na kagabi pa ko kinakain sa loob. Pero nung nasa cafeteria na kami para mag dinner, wala na atang makakapag-distract sakin sa gagawin namin ilang sandali na lang.
Sabi kanina ni JR, ontian lang daw namin ang pagkain, para mabilis naming maubos at mabilis din kaming makakaakyat sa taas, at para na rin hindi kami mahirapan sa pagtakbo, tiyak nito may takbuhang magaganap, at mahirap tumakbo ng busog.
Medyo nahuli sa pagkuha ng dinner nya si Kuya George dahil kinausap pa sya ng ibang counselor about something. We took the opportunity para ubusin ang mga kinuha namin bago pa sya bumalik. Para pag punta nya sa table, tapos na kaming kumain.
“Oh, tapos na kayo?” yun nga sabi nya pagpunta sa table namin.
“Y-yes Kuya,” sagot ni Walter.
“Teka ang bilis nyo naman,” natatawang sabi ni Kuya George, pero halata sa kanya na pilit nyang inaalam bakit ang bilis naman namin kumain.
“Marami kasi akong gustong i-share sa inyo Kuya, kaya sabi ko po sa kanila, bilisan nila yung pagkain,” sabi ni Walter na kinagulat namin.
“Eh busog naman ba kayo? Ang sarap ng nilaga nila ano?”
“Oo Kuya,” sabi ko, para pangsalo na rin sa sinabi ni Walter, “May mga gusto din akong ishare kaya pumayag ako sa request ni Walter.”
“Nako ganun ba? Teka sandali ha, bilisan ko na rin yung pagkain para makaakyat na tayo agad.”
Nagtinginan lang kami ulit. Napatingin ako kay Oliver. Sa dami ng mga iniisip ko, nakalimutan kong literal na bata pa si Oliver.
“Ayos ka lang?” tanong ko sa kanya na nasa kaliwa ko.
Tumango lang sya.
Parang dumoble yung kaba ko. If ever man na mahuhuli kami, na sana hindi, sana hindi talaga. Parang hindi kakayanin ng kunsensya ko na madamay sa parusa si Oliver at si Walter dahil mga bata pa sila, hindi pa kaya ng katawan nila kung makukuha nila ang same injuries na nakuha ni Seb.
Kaso mas hindi ata kaya ng kunsensya ko yung iwan sila rito para mabrainwash at tuluyang mabura ang pagkatao nila.
Habang hinihintay matapos kumain ang counselor namin, sumilip ako sa table ng Cluster 11. Wala don si Seb. Actually wala si Seb sa mga klase na dapat ay kasama ko sya. Hindi ko pa sya nakikita simula non. And I assume andun pa rin sya sa clinic sa taas.
“Ayan, tapos na,” sabi ni Kuya George habang ng pupunas ng tissue sa bibig, “Tara na?”
I took one last look kay JR, bago ako tumayo.
Ang unang kailangan naming gawin ay igapos at ikulong sa banyo si Kuya George.
Paglabas namin ng cafeteria, tsaka ko lang naalala na naplano nga namin ang pagtakas namin, pero hindi namin naplano specifically ang paggagapos sa counselor namin.
Nakaramdam na ko ng panic. Paano kung mas malakas pala sa aming lima si Kuya George? Kaso impossible naman yun diba, magkakasing katawan lang kami nila Kuya George at JR at Matthew, for sure kaya namin syang pigilan sa pagpipiglas.
“Uy, nag-aalala talaga ako, baka naman hindi kayo kumain ng marami kanina ha? Sayang, sobrang sarap ng nilaga grabe.” Sabi ni Kuya George habang paakyat kami sa hagdan.
“Nagpakabusog ka ba Kuya?” tanong ni JR, nung una nagtaka ako kung bakit nya tinanong yon. Kaso narealize ko rin na pwede namin syang ma-incapacitate agad kung busog sya.
“Oo, hindi nga ako makagalaw eh.”
Perfect.
Nakarating kami sa quarters in silence. Malamang lahat kami kinakabahan. Kami ang pinaka-unang umalis sa cafeteria, kaya alam kong kami lang ang nasa residential building ngayon, walang makakarinig sa mga sigaw ni Kuya George.
Pagpasok sa loob, feeling ko hihimatayin ako sa kaba. Dati sa movies at TV ko lang napapanood yung mga ganto eh, yung may igagapos at ikukulong kayo sa isang kwarto. Never kong inakala na magagawa ko rin sya in the future.
“Guys, pede ba ko makigamit ng banyo nyo? Makikiihi lang ako.”
“Sure Kuya,” sabi ni JR.
Pagkasarang-pagkasara ni Kuya George ng pinto ng banyo, biglang hinila ni JR yung kumot ni Matthew at nanglabas ng gunting mula sa bag nya.
“Oliver, look-out sa labas. Clyde, sa mga paa, Matthew sa braso. Walter tulungan mo ko mag-tali nito.” bulong ni JR. Nang-marealize kung anong ginagawa ni JR, naglabas din ako ng gunting mula sa bag ko at mabili na gumupit ng panali mula sa kumot.
Dahil umihi lang naman sya, mabilis ding lumabas ng banyo si Kuya George. Lumabas sya ng hindi pa namin tapos gupitin ang mga panali.
“Uy ano yan?” tanong nya. Nung una hindi sya lumapit, pero nung pangalawang tanong nya kung ano yon, lumapit na sya sa min.
“Ano yan?”
Isang malakas na sapak sa mukha mula kay JR ang nagpabagsak sa kanya sa lapag.
Parang scene sa isang movie na sobrang bilis ang mga sunod na nangyari. Hinawakan ko kaagad sa paayung counselor namin tulad ng sabi ni JR.
Kumuha ng bimpo si JR at pinasok to sa loob ng bibig ng namimilipit na si Kuya George, tas saka nya binusalan ang bibig nito gamit ng isang strip ng tela na ginupit mula sa kumot.
“Buhatin nyo papasok sa CR.”
Binuhat nga namin sya papasok sa banyo. Dun, tinali ni JR ang mga braso ni Kuya George at saka tinali yung tali nito sa gripo para hindi sya makakaalis kaagad. Nung paa na ang tatalian namin, parang bumalik na sa consciousness si Kuya George kaya nag-umpisa na syang pumiglas.
Sinapak sya ni JR ng isa pang beses sa tiyan kaya namilipit ulit ito sa sakit.
Gusto kong maawa sa kanya, pero dahil nararamdaman kong adrenaline, parang wala na kong time pa para maawa. Tumulong na rin ako sa paggagapos sa kanya.
“Labas! Bilis!”
Lumabas kami at sinarado ang pinto ng banyo.
“Yung kama! Lagay natin dito yung kama!”
Siguro dahil na rin sa adrenaline na meron kami, nabuhat naming lima yung single bed na para kay Oliver na nasa gitna ng kwarto. Dinala namin to at hinarang sa pinto ng banyo.
“Oh ano na?” tanong ni Matthew, hinihingal pa from the thrill.
“Eto,” pinunasan ni JR ang namumuong pawis sa noo gamit ang laylayan ng tshirt. Dun ko napansing may tattoo sya ng isang lighthouse sa tagiliran. “Clyde,” tumingin sya sa kin, “Kunyari nahimatay ka, bubuhatin ka namin.”
Shet this is happening. Tatakas kami ngayong gabi.
Bigla kong naalala si Seb.
“Teka, teka, silipin muna natin yung quarters ng cluster 11, baka andun si Seb.”
“Ako na bahala,” sabi ni Walter, “Basta tara na, kinakabahan na ko.”
Binuhat na nga nila ako and I tried my best na magmukhang hinimatay talaga. Pagdating namin sa hagdan. saglit na humiwalay si Walter para sumilip sa kwarto nila Seb.
“Wala,” bulong ni Walter pagkabalik nya, “Walang tao.”
“Tara na, bilisan na natin, pag may nakasalubong ako na bahala, basta walang bibitaw.”
At binuhat na nga nila ako pababa, si Matthew at JR mostly ang kumukuha ng weight samantalang si Oliver at Walter naman sa mga legs ko. Medyo nakakaba knowing na binubuhat nila ako pababa ng hagdan, at ilang hagdan pa yung kailangan naming babain bago kami makarating sa baba.
“Anong nangyari?”
Napatigil kami sa boses ng isang counselor na paakyat, na-tempt akong sumilip, kasl baka makita nila ko kaya nakinig na lang ako.
“Hinimatay po itong kasama namin,” paliwanag ni JR.
“Bakit? Anong nangyari?” kahit nakapikit ako, ramdam kong nakatingin sa kin yung counselor.
“Hindi po namin alam eh, basta kaninanh umaga pa sya dumadaing na masama ang pakiramdam nya.”
Nakarinig ako ng ilang footsteps, bago may bagong boses ng isa pang counselor akong narinig.
“Anong nangyari?”
“Hinimitay daw,” paliwanag nung naunang counselor dun sa isa.
“Nasaan counselor nyo? Anong cluster kayo?” tanong nung bagong dating na counselor.
“12.” sagot ni JR.
“Ah, kay George? Asan si George? Di kayo pwedeng umakyat sa taas sa main cabin ng walang counselor na kasama.”
“N-nauna na po sa clinic, kukuha daw po sya ng stretcher para mas madali tong buhatin sa hagdan,” paliwanag ni JR in a shaky voice.
“Ah ganun ba, sige na bilisan nyo na!”
And with that, kumaripas sila ng takbo across sa malawak na field.
Binukas ko saglit ang mga mata ko at tumingin sa mga bituin sa langit.
“Pumikit ka lang,” bulong sakin ni JR na halo ng inis,.at hingal dala ng pagbubuhat at pagtakbo. Sumunod naman ako at pumikit na lang.
Kasabay ng pagpikit ko ang maikling dasal na makalabas kami rito ng buhay.
At sana, makasama namin si Seb sa safety.
Tumigil sila saglit, inayos ang pagkakabuhat sa kin, at saka mabilis na umakyat sa hagdan papunta sa main cabin.
“Clyde, buksan mo saglit mata mo,” sabi ni JR.
“Bakit?”
“Tingnan mo yung quarters, may tao na ba sa floor natin?”
Patay pa ang ilaw sa floor namin. Di ko napansin na may nagpatay pala nito kanina. Basta kapag walang ilaw ang isang floor, walang tao rito.
“Wala. Pero sa ilalim na floor meron na.”
“Shit, baka marinig nila mga sigaw ni George,” JR grunted, “Sige na, pumikit ka na, malapit na tayo.
Pumikit ako, at nagbanggit ng one last prayer.
Para sa kin, para kay Seb, para sa mga kasama ko, at para sa mga maililigtas namin kapag naipasara namin ang lugar na to.
“Tulong! Tulong!” dahil sa biglang liwanag ng paligid, nalaman kong nasa loob na kami ng main cabin.
Ang unang boses na narinig ko ay boses ni Claire from the front desk, “Anong nangyari?”
“Hindi po namin alam!” sabi ni JR na sobrang galing sa pag-aacting ng nagpapanic sya, “Basta hinimatay lang sya after namin kumain.”
Nakarinig ako ng wheelchair na binubuksan. Dahan-dahan nila akong pinaupo sa wheelchair. Tanong ng tanong si Claire kung anong nangyari, halatang di nya alam kung anong sunod na gagawin.
“Asan yung Nurse?”
“Off duty,” sagot lang ni Claire, “Asan ang counselor nyo?”
Imbes na sumagot, isang malakas na paglapat ng mga kamao ang narinig ko.
“Clyde tayo!”
Tumayo ako mula sa wheelchair. Binuhat ni JR at Walter si Claire na namimilipit sa sakit, at pinaupo ito sa wheelchair.
“Busal!” sigaw sa kin ni JR.
“Anong gin-” sisigaw sana si Claire kaso agad tinakpan ni JR ang bibig nya.
Wala akong makitang pwedeng gamitin na panali kaya kumuha na lang ako ng kumot at binalot to sa katawan ni Claire at sa sandalan ng wheelchair. Tinulungan naman ako ni JR i-secure yung pagkakatali ng manipis na kumot.
“Eto, eto, pang-busal,” inabutan ni Matthew si JR ang isang pack ng bulak at mga benda. Pinasakan ni JR sa loob ng mga bulak ang bibig ni Claire bago nya binalot ng benda ang bibig nya.
“Kami na rito Clyde! Hanapin mo si Seb!”
Oh shit, si Seb.
Pumasok ako sa kakabit na kwarto ng clinic. At ayun, nakita ko si Seb.
Dali-dali syang tumayo sa hinihigaan, at pa-ika-ikang lumapit sa kin at niyakap ako ng mahigpit.
“Clyde-”
“Shh, wala na tayong oras, tatakas tayo rito.”
Mula sa sulok, kumuha ako ng isang wheelchair at binuksan ito. Pina-upo ko si Seb at agad ko syang nilabas sa kwarto.
“Tara na!” sabi ko kanila JR na sinesecure ang mga gapos sa umiiyak na si Claire. Pinauna na nila ko sa paglabas sa hallway.
Maingat naming binagtas ang hallway. Ilang ingay lang pwede kaming marinig ni Director Sandoval sa kanyang office kung sakaling andito man sya.
Para akong binunutan ng tinik sa dibdib nang makarating kami sa lobby. Tumakbo na ko dala-dala si Seb patungo sa pinto para buksan ito.
Kaso putangina, nakalock.
“Ano?” tanong ni Matthew.
“Nakalock,” si Seb yung sumagot para sa kin.
“Basagin na lang natin,” sabi ni JR, pertaining the glass door.
Pag binasag namin to, may chance na marinig kami ni Director Sandoval. Kaso kung marinig nya kami, anong magagawa nya? Isa lang syang matandang lalaki na nakakatakot nga pero wala naman talagang magagawa laban sa min. Besides, kung tumawag sya ng mga counselor, tiyak nasa sasakyan na kami bago pa sila makaakyat dito.
Inatras ko yung wheelchair ni Seb, at naghanap ako ng pwedeng pambasag. Nakakita ako ng snow globe na paperweight sa desk ni Claire. Kinuha ko ito saka bumwelo ng pagbato.
Kaso bago ko pa to mabato, tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang naunang bumasag sa pinto.
“Sige, pasasabugin ko ang ulo ng sino mang gagalaw sa inyo!”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang boses ni Director Sandoval.
Mula sa peripheral vision ko, nakita ko ang pagdating ng mga counselor dito sa lobby. May mga dala silang panyo at agad na tinakip ang mga to sa bibig at ilong ng mga kasama ko.
“Anong ginagawa nyo!?”
Tinutok sa kin ni Director Sandoval ang baril.
“Sinabing walang gagalaw.”
Nakita ko kung pano nagcollapse sa lapag si Matthew, Oliver, at Walter, pati na rin si JR na kinailangan pa ng dalawang counselor para lang pigilan sya sa pagpipiglas.
Di na ko nakapalag ng ako na yung takpan nila ng panyo sa mukha.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Seb bago tuluyang magdilim ang lahat.
![Cover of Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]](/story-covers/saving-seb-spg-boyxboy_209091154.webp)
