loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Say No To The Playboy

Say No To The Playboy

Berdeng Manunulat · 2 chapters · 842 words

Say No To The Playboy

Meet April logarde ang katangi tanging babae na tumanggi sa Offer ng isang Tristan Palora para maging girlfriend nito. Ang sikat na playboy sa school nila.

“Be my girlfriend.”

“What? No way.”

“Tinatanggihan mo ba ko? Di mo ba ko kilala huh?”

“Yes. Of course kilala kita at alam kong pinaglalaruan mo lang ang mga babae kaya nga ayoko sa’yo.”

Say No To The Playboy Written by Elimar Ortiz

Started: January 3, 2021 End ––

Kabanata 1

April’s Point Of View

Kasama ko ngayon si Clarissa at naglalakad kami pabalik sa aming classroom galing kaming school canteen.

Napahawak ako sa tiyan ko.

Sabi ko mag didiet nako this week eh.

Okay, Hindi naman ako mataba pero ayoko lang na lumaki ang puson ko. Gets nyo? Kapag babae ka talaga masyado kang concious sa katawan mo. I don’t know kung ako lang ang ganito.

“Omg.”

Napatingin ako kay Clarissa ng bigla nalang syang tumili. Napatigil pa sya sa kanyang paglalakad maging ako ay napahinto din.

She’s my bestfriend . Yes. Bestfriend ko ang babaeng to na patay na patay sa mga lalaki… Basta pogi.

“Bakit ba bigla ka nalang tumitili dyan? Ano ba yun?” Tanong ko sa kanya.

Kinikilig na humarap sya sa’kin.

“Si Tristan best.” Namumula ang mukha na sabi nya at tumingin ulit dito. Napatingin din ako sa tinitingnan nya.

Its Tristan . Nakatambay sya sa labas ng classroom nila kasama ang dalawang lalaki na hindi ko naman kilala.

Bago kasi kami makarating sa classroom namin ay kailangan naming dumaan sa classroom nila. Napakamalas namin, Right?

Bakit ba kailangan ko pa makita ang lalaking to ngayong araw? Seriously?

I hate playboys in short i hate him. Hindi sapat ang salita lang para mapakita ang pagkainis ko sa kanya.

Meet Tristan Polara. Ang isa sa tinitilian ng mga kababaihan at kabaklaan dito sa school.

Tinitilian at sinasamba nila kasi gwapo daw. Really?!

Well, Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi sya gwapo.

Gwapo sya pero sa maling bagay nya ginagamit ang kagwapuhan na binigay sa kanya.

He’s a playboy. Ang balita ko ay para lang itong nagpapalit ng underwear kung magpalit din ito ng babae nya.

Kada buwan ay iba’t ibang babae ang girlfriend nya. Minsan ay tatlong babae pa ang girlfriend nya ng buwan na iyon. Ibang klase.

Ayoko maging judgemental huh, pero tingin ko hindi na sya virgin. Tsk.

“Ang gwapo nya talaga.” Tila nangangarap na sabi ni Clarisse. Hindi nako nakapagpigil at binatukan ko na sya sa kanyang ulo para naman magising sya mukhang nananaginip pa eh.

“Aray. Para san naman yun?” Anito habang hawak ang ulo nya na binatukan ko. Aray ka dyan.

“Madaming lalaki dyan ang pwede mong magustuhan wag lang sya.” I told her.

“Pero gusto ko sya eh.”

“Kahit playboy sya?”

“Ano ka ba? Tsismis lang yun.”

“Tsismis? Diba nga nakita natin sya sa isang coffee shop na may kahalikang dalawang babae?”

“Okay, Playboy nga sya pero hindi mo naman maitatanggi na gwapo sya friend.”

“Ewan ko sa’yo.”

“Aminin mo, Ang gwapo at ang hot nya diba?”

“Aba, malay ko.”

Napatingin ulit ako sa lalaking pinag uusapan namin. Teka. Naglalakad ba sila papunta sa amin?

Tama, Naglalakad talaga sya palapit sa amin. Napatingin ako kay Clarissa ramdam ko ang pagpipigil nya ng kilig.

Nagkaroon din naman ako ng crush dito sa school pero hindi naman ako ganun kaobvious sa kanya. Etong si Clarissa halatang halata eh.

Minsan nga nahihiya nakong kasama to eh. Basta may makikita syang pogi basta nilang titili eh.

Napataas ang kilay ko ng tumigil si Tristan at ang mga kaibigan nya sa harapan ko. Problema nito?

“Bakit ganyan ka sakin makatingin?” Malamig nyang tanong at nakipagtitigan sa akin. What?

“Ano?” Hindi makapaniwalang sabi ko.

Kinakausap ba talaga ko ng playboy na’to? Argh, Kung ibang babae siguro ang nasa kinatatayuan ko ngayon ay baka nagpaparty na ito sa kasiyahan but not me.

“Kulang nalang patayin mo ko sa sa paraan ng pagtingin mo sakin eh.”

“Oh? Bakit buhay kapa ngayon?”

“Anong sabi mo?” Gulat na sabi nya. Hindi ata nya inaasahan na may sasagot sa kanya at isang babae pa.

“Exuse me at dadaan kami.” Mataray kong sabi at inirapan sya.

“Pano kung hindi ka namin padaanin?” Mayabang na sabi nya at tumingin sa dalawang kaibigan nya na nasa likuran lang nya. Ano bang gusto ng lalaking to?

“Sasampalin kita.” I said at nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

“Ayaw mo naman siguro masampal yang gwapo mong mukha?”

Natulala sya sa sinabi kong iyon. Kaya tinulak ko na sya sa tabi para tuluyan na kaming makadaan.

Di ko alam kung natulala sya sa sinabi ko o natutula sya sa ganda ko? Maybe, both.

“Bakit mo ginawa yun sa kanya?” Clarisse asked me habang pumapasok kami ng classroom namin.

Umupo muna ako sa upuan ko at hinarap sya. Seatmate kami.

“Bakit naman hindi?”

“Alam mo bang maaaring kang awayin ng mga fangirls nya.”

Fangirls? Ano sya? Artista? The fudge.

“I don’t care.” Sagot ko at napatingin sa harapan. Hindi naman ako natatakot sa playboy na yun at sa mga babaeng patay na patay sa kanya.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.