Scarlet (The Beautiful Revenge)
Dex Pascual25 · 69 chapters · 140,493 words
ABOUT THE CHARACTES
Ang pamilya ANDRADA , Isang simpleng Pamilya pero puno nang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t-isa.
Si Eloisa Adrada isang mabuti at mapagmahal na ina at gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng Pamilya.
Si Arthur Andrada isang may prinsipyong ama at handang makipagpatayan para sa kapakanan at kaligtasan ng Pamilya.
Si Vince ang bunga ng pagmamahalan ni Arthur at Eloisa, Mataas ang pangarap kaya naman hindi ito sumusuko sa anumang hamon sa buhay.
Ang Pamilya Samonte , Isang pamilyang mayaman at makapangyarihan ngunit mapangmataas lahat ng magtatangkang sumira sa kanila ay kanilang patatahimikin.
Si Diosdado Samonte ang Padre de pamilya ng mga Samonte, Sakim at mapangmataas kaya naman hindi sya papayag na mahigitan ng iba.
Si Amanda Samonte ang asawa ni Diosdado Samonte katulad nito ay sakim din ito sa kayamanan at lahat ng gusto nya ay dapat nakukuha nya.
Si Kevin Samonte ang panganay na Anak ni Diosdado at Amanda, Isang gwapo pero mapaglarong lalaki. Lahat ng babaeng gusto nya ay dapat nakukuha nya.
Si Katelyn Samonte ang bunsong anak ni Amanda at Diosdado,. mabait at may malasakit sa iba kaya naman madalas syang kagalitan ng ama dahil sa pagsuway nito.
CHAPTER 1
“ SABIHIN MO SINO KABA TALAGA?! BAKIT PARANG ANG LAKI NG GALIT MO SA PAMILYA NAMIN?!!! MAY NAGAWA BA KAMI SAYO!? NASAKTAN KABA NAMIN?!!!“
Hawak hawak ni Diosdado ang aking mukha at galit na galit na nagsasalita. Alam kong gusto nya akong sindakin pero masasayang lang ang laway nya dahil hinding hindi nya ako masisindak.
“GUSTO MO TALAGA MALAMAN KUNG SINO AKO?!!!! GUSTO NYO TALAGA MALAMAN KUNG SINO AKO!!!!!!!???”
“OO!! KATING KATI NA KAMI MALAMAN KUNG SINO KABA TALAGA?! NOW, SCARLET TELL US THE TRUTH. SINO KABA! TALAGA??!!”
sumingit naman sa eksana ang asawa ni Diosdado na si Amanda na katulad nya ay isa ding walang puso.
“AKO!!! SI SCARLET DELGADO!! NARINIG NYO BA!!!! AKO SI SCARLET DELGADO! TANDAAN NYO ANG PANGALAN KO AT ITATAK NYO SA MGA
BALIW
NYONG
PAG-IISIP
ANG PANGALAN NATO! DAHIL AKO!? ANG
MAGPAPABAGSAK
SA INYO!!!!!“
VINCE’S POV
“Mga ate! Mga kuya! Dito na kayo bumili ng mga damit sakin! “
“Ano bayan ang ingay”
Bulong ng katabi ko sa pagtitinda hindi ko alam kung bulong bayon o hindi kasi narinig ko din naman. Pero syempre dedma sya sakin kailangan ko makarami ng tinda ngayon para malaki laki ang maiiuwe ko.
“Ate bili na kayo! Bagong bago! At matibay! Mas matibay pa sa Relasyon nyo!” Nilakasan kopa lalo para mainis si Ate na katabi ko.
Ako nga pala si Vince Andrada at ito ang aking kwento.
Dahil sa hirap ng buhay ay gumawa ako ng paraan para makatulong sa Pamilya ko dahil hindi sapat ang kinikita nila Mama at Papa kaya naman sa Edad kong ito? 20! PHILIPPINES!! naranasan kona ang iba’t ibang klase ng hirap.
Sa pagtitinda ng damit dito sa Taytay Rizal ang pinagkakaabalahan ko para makatulong sa pang-araw araw na gastusin namin sa bahay.
Hindi kami mayaman pero pinalaki ako sa pag-mamahal ng aking mga magulang kaya lumaki ako na bitbit ang mga pangarap na balang araw aasenso din ako.
Mag-isa lang akong anak kaya naman napagtutuunan ako ng pansin ng aking mga magulang.
“Magkano po ito?” Tanong sakin nang babaeng ang kapal ng make-up akala mo sa mall ang punta. Mukha tuloy syang kandilang nalulusaw.
“150 lang ganda.”
“Ang mahal naman, Wala bang tawad?”
Merong tawad, Pero pupunitin ko yung likod para back less na! . Sa isip kolang sinabi kasi baka mapaaway ako haha.
“Wala napo, Sagad na.”
Napasimangot naman yung Babae tapos umalis na.
Pinagpagan ko yung mga damit na tinitinda ko at mukhang minamalas na ata ako.
Kanina pa ako putak ng putak pero wala namang bumibili puro hawak lang sa damit, Namumunas lang ata sila.
“MAY PULIS! MAY PULIS!!!!”
Biglang nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig ko at dali dali kong kinuha yung mga tinitinda kong damit at inilagay sa malaking lagayan mas mabilis pa sa alaskwatro ang ginawa ko para hindi maabutan ng mga pulis.
Sa side walk lang kasi ako nagbebenta kasama ng iba, Wala kasi akong sapat na pera para kumuha pa ng pwesto.
Dali dali akong tumakbo papuntang sa sakayan at hindi kona tiningnan kung ano at sino ang mababangga ko. Nakita ako nang isang pulis tapos pinituhan nya ako napalingon naman ako at nagmadaling tumakbo hindi nya ako pwede mahuli wala na nga akong kinita magmumulta pa ako.
Habang tumatakbo ako ay hindi kona din nagawang lumingon pa sa paligid kong may parating ba nasasakyan o wala. Pero meron nga haha at isang malakas na busino ang narinig ko kaya napatigil ako sandali.
“Hoy! Magpapakamatay kaba?!!!”
Grabe si kuya galit na galit? Eh sya na nga itong muntik makasagasa sayang gwapo pa naman pero wala akong time makipagtalo sa kanya dahil nandyan na yung mga pulis.
Agad kong dinampot yung mga dala ko at nagmadaling tumakbo mabuti nalang at hindi na nila ako naabutan.
“Muntik na tayo don” hingal na sabi ng kapwa ko tindera.
“Oo nga eh grabe napagod ako”
“Tara inom muna tayo softdrinks” yaya nya sakin at dahil uhaw nadin ako ay sumama nako sa kanya.
“Ate dalawang Coke nga po”
Isang bangkay ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Barangay Inarawan Taytay Rizal at hinihinalang na Savage ito.
“Grabe na talaga nangyayari sa lugar natin parang sunod sunod na ang mga krimen at puro patayan pa”
Sabi ko sa kasama ko habang umiinom ng softdrinks.
“Sus mga Samonte lang yan” madiing sabi nya.
“Samonte? Anong kinalaman nila sa mga Krimen nangyayari sa lugar natin”
“Hayyss taga dito kaba talaga? Alam mo yang mga Samonte lahat ng mga nakakaaway nila sa negosyo pinapatumba nila Pati yung mga kumakalaban sa kanila”
Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba sya pero wala kasi talaga akong alam sa Pamilya Samonte.
"Oh anak bakit bumalik ka agad? Naubos ba yung mga paninda mo?"
"Hindi naubos Ma, May dumating na mga pulis ayon kumaripas ako ng takbo."
"Sabi ko naman kasi sayo tumigil kana sa pagbebenta ng damit, Baka mamaya mahuli ka ng mga pulis mas malaking problema pa. Sapat naman ang kita namin ng Papa mo para makakain tayo."
"Gusto ko rin kasi makatulong sa inyo Ma, Ayoko naman maging pabigat sa inyo ni Papa."
Lumapit sakin si Mama at niyakap ako ng mahigpit.
"Kahit kailan hindi ka magiging pabigat samin ng Papa mo."
"Alam ko naman po yon pero kasi mas maganda kung lahat tayo kumikita."
"May punto ka dyan, Pero sa ginagawa mo pwede kang mapahamak kaya ititigil mona yan."
Alam ko na kapakanan kolang ang iniisip ni Mama kaya kahit mahirap ay kailangan ko syang sundin.
"Sige Ma, Susundin kopo kayo."
"Bukas nga pala maaga ako aalis, May nahanap kasi ako na bagong papasukan kaya ikaw ang maiiwan dito sa bahay."
"Talaga po? Saan naman?"
"Sa Pamilya Samonte, Pinasok ako ni Manang Cecil."
Pamilya Samonte? Sila yung kilalang Pamilya dito sa Lugar namin, Dahil sa mayaman at maimplowensya ang Pamilya nila.
Pero may mga sabi-sabi na marami na silang nagagawang krimen at ang malala dito ay pumapatay daw sila kaya lang hindi sila nagagawang mapakulong dahil sa pati batas ay hawak nila.
Pero lahat lang naman yon ay sabi sabi lang.
"Alam napo ba ni Papa ang tungkol dito?"
"Hindi pa, Pero sasabihin ko din sa kanya kapag nakauwe na sya."
~~~~~~~~~~~~
Nag-ayos nalang kami ni Mama ng bahay buong maghapon habang inaantay ang pagdating ni Papa.
"Nandito na ako"
Sinalubong agad namin ni Mama si Papa ng marinig namin ang boses nya. At buong pagmamalaking ipinakita samin ang kanyang dala-dala.
"Oh ito bumili ako ng manok para masarap ang ulam natin mamayang gabi."
"Ito talagang si Mahal nag-aksaya pa ng pera okay naman samin kahit anong ulamin, Dapat tinabi mo nalang yan dahil marami pa tayong ibang gastusin."
"Mahal? Hindi pag-aaksaya ng pera ang pakainin ng masarap ang Pamilya ko."
Isa palang construction worker si Papa pero kahit ganon ang trabaho nya ay super proud ako dahil nagagawa nya kaming buhayin ni Papa.
"Pa akin napo yan, Ako na maghahain."Kinuha ko yung supot na dala ni Papa.
"Oh kamusta naman ang pinakamamahal kong anak?"
"Ayan muntik na naman mahuli ng mga pulis sinabihan kona kasi na wag na magtitinda kaya lang ang tigas ng ulo."
"Si Mama talaga sinabi kay Papa."
"Anak? Hayaan mong kami ng Mama ang magtrabaho para satin, Dapat nga nag-aaral ka eh. Hayaan mo sa susunod na taon mag-aaral kana."
"Talaga po?"
"Oo kaya dito ka muna sa bahay at tulungan mo ang Mama mo sa mga gawain dito."
"Ah eh Mahal, May nahanap na pala akong trabaho. Isang kasambahay."
"Saan naman?"
"Sa mga Samonte, Yung may ari ng malaking bahay dito sa lugar natin."
"Pero maraming sabi-sabi sa Pamilya nila na masama daw sila."
"Ano kaba? Hindi naman siguro ako ipapasok ni Manang Cecil don kung masasama sila atsaka puro sabi sabi lang naman yon. Baka sinisiraan lang sila kasi mayaman silang Pamilya."
"Kaya kopa naman buhayin ang Pamilya natin Mahal."
"Mahal? Mas maganda kung pareho tayo kumikita ng pera, Mas marami tayong maipon para makapag-aral na ang anak natin."
"Ma, Pa. Kain na po."
Tawag ko sa kanila ng matapos akong maghain. Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain na daladala ni Papa.
Pero di ko akalain na iyon na pala ang huling pagkakataon na magkakasama sama kami sa hapag kainan.
ELOISA'S POV
Maaga palang ay nilutuan kona ang mag-ama ko para paggising nila ay kakain nalang sila. Ngayon kasi ang unang araw na papasok ako sa mga Samonte medyo kinakabahan ako kasi maraming sabisabi sa Pamilya nayon, Pero kailangan kopa din ng pera basta gagawin kolang ng maayos ang trabaho ko at wala naman sigurong mangyayaring hindi maganda.
Kinabukasan ay sinundo ako ni Manang Cecil sa bahay. Hindi nadin ako nakapagpaalam sa mag-ama ko dahil mahimbing pa silang natutulog, Maayos naman akong nakapagpaalam sa kanila kagabi.
Bale stay in pala ako sa magiging trabaho ko sa simula ay hindi pumayag ang asawa ko pero kinausap ko sya ng maayos ayon nagkasundo kami at pumayag naman sya.
~~~~~~~
Pagdating namin sa tapat ng bahay ay namangha ako sa ganda at laki nito. Meron palang ganitong bahay sa bayan namin habang ang iba ay nakatira lang sa lansangan at naghihirap.
"Tara na pasok na tayo sa loob"
"Sige Manang."
Nagdorbell si Manang at pinagbuksan naman agad kami ng guard.
"Oh manang ikaw pala yan. Ang ganda naman ng kasama mo."
"Tumigil ka dyan Ernesto, Bagong katulong yan dito."
Napakamot nalang yung guard sa ulo nya at pumasok na kami ni Manang sa loob ng bahay.
"Ma'am tama napo, Nasasaktan napo ako."
"Talagang masasaktan ka sakin. Hindi moba alam kung magkano tong damit ko tapos susunugin mo lang kasi tangatanga ka!"
Ganyang eksena agad ang naabutan namin ni Manang ng makapasok kami sa bahay ng mga Samonte.
Yung isang Babae ay sinasaktan yung isang katulong natigil lang sya ng makita nya kaming dumating.
"Manang Cecil who is she?" Turo sakin ng Babae, Medyo natakot ako kasi parang ang Taray taray nya.
"Ah eh Ma'am Amanda, Siya po pala si Eloisa yung sinasabi ko sayo na bagong katulong."
"Siya na bayon?"
"Ah Magandang umaga po Ma'am? Ako po si Eloisa."
Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa na may kasamang pagtaas ng kilay.
"Hmm sige pwede kana magsimula."
Natuwa naman ako sa sinabi nya pero napatingin ako doon sa isang babae na ngayon ay umiiyak. Hindi ko alam kung anong nangyari pero naawa ako sa kanya. Umakyat naman si Ma'am Amanda kaya naiwan nalang kaming tatlo.
"Eloisa tara na, Sasamahan na kita sa magiging kwarto mo."
"Wait lang Manang kakausapin kolang yung babae."
"Wag kana mangialam kung gusto mo magtagal sa trabaho."
Magsasalita pa sana ako pero hinila na ni manang ang kamay ko at dinala sa magiging kwarto ko.
Bale iisang kwarto lang pala kami malawak lang ang loob.
"Manang ayos lang ba yong babae?"
"Ayos lang sya, Wag mona syang isipin basta ikaw nandito ka para magtrabaho. Oh sya ayusin mona ang mga gamit mo para maituro kona ang mga iba mopang dapat matutunan."
Lumabas naman si Manang kaya inayos ko nalang ang mga gamit ko sabi nya sakin ay lumabas nalang daw ako pagkatapos kong mag-ayos.
Mayamaya ay biglang pumasok yung babae na kanina ay umiiyak tapos kinuha ang mga gamit nya.
Hindi nako nakatiis at nilapitan kona sya para tanungin kung okay lang ba sya.
"Ah Miss okay kalang ba?"
Lumingon sya sakin kaya mas kitang kita kona na namamaga ang mga mata nya.
"Umalis kana dito habang maaga pa, Hindi sila mga tao mga hayop sila!"
"Anong ibig mong sabihin?"
Hindi na nya ako sinagot at patuloy lang sya sa pagliligpit at nang matapos sya ay agad na syang umalis.
Hindi ko nalang pinansin ang mga sinabi at lumabas nalang para hanapin si Manang.
"Manang Mabait ba talaga ang mga amo natin?"
Tanong ko kay manang habang tinuturuan nya ako sa mga dapat kong gawin.
"Ba't mo naman natanong yan?"
"Kasi yung kanina? Nakakaawa naman yung babae."
"Mababait sila Eloisa. Kasalanan yon ni Sandra kasi hindi nya iningatan ang damit ni Ma'am Amanda."
"Pero marami akong naririnig tungkol sa Pamilya Samonte."
Natigil si Manang sa ginagawa nya at humarap sakin.
"Kung maayos ang trabaho mo walang magiging problema, trabaho ang pinunta mo dito yun lang ang atupagin mo. Labas na tayo sa mga iba pang mga bagay."
Parang may gustong ipahiwatig ang mga salita ni manang pero ayaw ko nalang magusisa pa dahil baka mainis lang sya sakin.
DIOSDADO'S POV
"Please Diosdado, Don't kill me. I will do everything just to stay me alive. You want money??? Please don't kill me."
"Sana naisip mo yan Mr. Chua bago mo ako ginalit. Boys kill him! At wag kayong magiiwan ng kahit na anong bakas nya"
Pagkatapos kong sabihin yon ay tumalikod na ako at ilang putok ng baril ang narinig ko. Dapat lang sa kanya mamatay dahil Traydor sya! Anong akala nya hindi ko malalaman ang pang aahas sya sa mga transakyon ko? Hindi pa ipinapanganak ang tatalo sakin!
Ako si Diosdado Samonte at walang sino man ang pwedeng manloko sakin, Dahil dadalhin ko silang lahat sa dapat nilang kalagyan.
# CHAPTER 2
VINCE'S POV
Nakakatamad ngayon sa bahay dahil ako lang mag-isa. Si mama nandon na sa trabaho nya at stay in pa, Si papa naman pumasok nadin at mamayang hapon pa ang uwe.
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay namin at binibilang yung mga taong nakikita kong naglalakad haha.
"Oyyy Vince nakatulala ka dyan? Hindi kaba magtitinda ngayon?"
"Hindi eh dina ako pinayagan nila Papa muntik na naman kasi ako mahuli kahapon."
"Sama ka nalang sakin mamaya."
"Eh san naman?"
"Sa may court may miss gay don mamaya, Maganda manood non."
"Ayoko ikaw nalang."
"Ang kj mo talaga, Sumama kana. Susunduin kita mamaya sa ayaw at gusto mo."
"Magpapaalam pa ako kay Papa kung papayagan ako."
"Papayag yon, Ako bahala."
Siya nga pala si Monica ang madaldal at makulit kong kapitbahay/kaibigan.
"Sige puntahan mo nalang ako mamaya."
~~~~~~~~~
Pasado alasiete na ng gabi ng magpunta si Monica samin ipinaalam naman nya ako kay Papa. Dahil makulit ang babae nato ay napapayag nya si Papa at nagpunta na kami sa sinasabi nya.
"Kayong dalawa wag kayong magpaabot ng hating gabi ah? Baka kung mapano kayo."
"Opo kuya akong bahala dito kay Vince at ihahatid kopa sya pauwe."
Hindi naman kalayuan ang court dito samin kaya naman pumayag nadin ako atsaka masaya naman. Pagdating namin don ay madaming mga tao at naggagandahang mga pailaw.
Ilang Minuto pa kami nag-antay bago nagsimula ang kompitisyon nakakabulabog na hiyawan ang maririnig mo, Lahat masaya at nag-iingay.
"Diba sabi ko sayo masaya dito?" Buong pagmamalaking sabi ni Monica.
Ngumiti lang ako sa kanya at nagfocus na sa panonood isa-isa nang pinakalala ang mga hurado.
"Unang hurado ang ating kapitana na si
KAPITANA LOURDES SANTIAGO
."
Nagpalakpakan ang mga tao ng marinig palang ang pangalan ni Kap.
"Sumunod naman po ang ating
KAGAWAD RONIE MADERA
."
" At ang pangatlo naman po ang head organizer nasi
LUIS ESTOLAS
."
"At ang huli ang anak ng ating pinakamamahal na si Sir. Diosdado walang iba kundi si
Kevin Samonte
."
Pagsinabing samonte ay talagang kilala na ang apilyedong, Nirerespeto at higit sa lahat kinatatakutan.
Napatitig agad ako sa lalaking nakatayo parang Pamilyar sya eh hindi kolang alam kung saan pero nakita kona sya.
Alam konaaaaa sya yung lalaking muntik ng makasagasa sakin!!!! Kevin pala ang name nya at isa syang Samonte! Kaya pala ang yabang nya at akala mo pagmamay ari nya ang kalsada.
"Oh be natutula ka dyan? Ang gwapo noh? Crush mo noh? Nako wag kana umasa wala kang pag-asa dyan."
"Gwapo nga. Attitude naman."
"Ha? Bakit nakikilala mona basya?" Takang tanong ni Monica
"Basta hayaan mo nga sya, Manood nalang tayo."
Kahit sinabi ko kay Monica na hayaan nalang ay hindi ko padin maiwasan ang lumingin kay Kevin ewan koba Kung bakit.
Isa-isa namang nagpakilala ang mga kalahok at grabe yung iba ang gaganda parang mga babae na talaga at ang gaganda din ng mga suot nila.
May mga talents din silang pinakita yung iba nag acting, Kumanta, sumayaw at ang pinaka naging highlights ay yung mga nagpapatawa.
Sa totoo lang likas na saming mga myembro ng LGBT ang magpatawa kahit pa magmukha na kaming mga tanga sa harap ng iba pero makita lang namin ang mga ngiti sa mga taong napapatawa namin ay nakakataba ng puso.
Matira matibay sa kompitisyong ito kung sino ang mas magaling sya ang papasok sa susunod na round at ang huling round ay Q & A at lima nalang silang natira at sa kanilang lima ay may iisang tanong lamang na kailangan nilang sagutin. At ito na nga ang tanong. '
Kung halimbawa na isa sa mahal mo sa buhay ang pinatay? Papatay kadin ba para makamit ang hustisya para sa kanila?'."
Pagkasabi palang ng tanong nayan ay sinagot kona agad sya sa isip kolang.
Isa-isa nang sumagot ang mga kandedata at iba iba ang kanilang mga opinyon pero lahat sila ay magaganda ang naging pagsagot walang tapon kaya kung sino man ang mananalo very deserving, Magkakatalo nalang siguro sa audience impact.
"Maraming salamat po sa mga kandidata na mahusay na sinagot ang ating katanungan. Pero, Ano kaya ang magiging sagot ng ating mga manonood sa katanungang iyon?"
Bumaba yung host at Parang may hinahanap sya at mayamaya ay lumapit sya sakin bigla na ikinagulat ko.
"Ikaw po? Kung sasagutin mo ang tanong nayon ano ang magiging sagot mo?"
"A-ako po?" Kabado kong tanong. Kainis naman oh ang dami daming tao dito pero dito pa talaga sakin lumapit.
"Sige na be sagutin mona" pagpupumilit sakin ni Monica.
"Okay ang tanong ko para sayo. 'Kung halimbawa na isa sa mahal mo sa buhay ang pinatay? Papatay kadin ba para makamit ang hustisya para sa kanila?'."
Napaisip agad ako sinabi nya at unang pumasok sa isip ko ang mga magulang ko at hindi ko kayang mawala sila sakin.
"Kung isa man sa Pamilya ko ang pinatay? Papatay din ba ako? Ang sagot kopo hindi. Dahil hindi sagot ang pagpatay para makuha ang hustisya na hinahangad mo meron po tayong batas na sinusunod at hayaang ito ang maghatol at humusga, Pero kung may magagawa ka para makamit ang hustisya na gusto mo gawin mo wag kalang papatay dahil kung papatay ka parang naging katulad kalang din nila, Yun lang po. Thank you."
Pagkatapos kong magsalita ay nagpalakpakan ang mga tao alam kong hindi ako kasali sa kompitisyon nato pero masaya akong nasagot anong tanong nayon kahit pa hindi the best ang naging pagsagot.
Hindi hindi naman siguro mangyayari sakin yon.
After din nang pageant nayon ay umuwe na kaming dalawa dahil medyo gabi nadin at baka nag-aatay na sakin si Papa.
"Oh ano sabi sayo masaya eh, Diba may special participation kapa? Sikat kana sa barangay natin."
"Tara na umuwe na tayo gabi na baka pagalitan ako ni papa."
" Bakit nagpaalam naman tayo ng maayos ah?"
"Kahit pa, Tara na nga."
Habang naglalakad kami ni Monica ay may nakasalubong kaming isang lalaki na tumatakbo pero pagewang gewang nung una inakala kong lasing pero natumba sya at humingi ng tulong.
"Be tara na". Natatarantang sabi ni Monica sakin.
"Sandali lang tulungan natin yung kuya."
Dahan dahan kaming lumapit sa lalaking nakahandusay lalo akong kinabahan ng may nakita akong dugo mula sa kanya.
"Tara na Vince baka mamaya myembro pala yan ng sindikato mapahamak pa tayo."
Hindi ko pinansin si Monica at lumapit pako sa lalaki.
"Kuya ano pong nangyari sa inyo?"
"K-kukunin m-oo it---o"
May inabot yung lalaki sakin na isang susi na hindi ko naman alam kung para san yon pero may tatak yon ng isang AGILA.
"Kuya para san ito??"
"It--ago moyan at w-ag mong hayaan n-aaa m--akuha nila."
"Kuya wag napo kayo magsalita hihingi napo ako ng tulong."
"Be tara na may pararating baka mga kaaway nya yan mapahamak pa tayo."
"Pero kailangan natin syang tulungan?"
"Vince tara na"
Kahit ayaw kopang umalis ay nahila nako ni Monica natakot nadin ako dahil may narinig kaming mga lalaki na nagtatakbuhan.
Sino kaya yung lalaking nakahandusay??
At para san tong susi na binigay nya sakin?
ELOISA'S POV
Ito ang pangalawang araw ko sa bahay ng mga Samonte at maayos naman ang naging unang araw ko sa kanila, kaso hindi ko pa nakikita ang asawa at mga anak ni Ma'am Amanda.
"Eloisa ikaw ang maghatid ng pagkain ni Ma'am sa kwarto nya at pagkatapos pakihatidan nadin yung anak nya."
"Ah manang ilan ba ang anak ni Ma'am?"
"Dalawa isang babae at isang lalaki. Yung lalaki si Kevin at katelyn naman yung babae."
"Bakit hindi ko sila nakikita ngayon?"
"Si Kevin laging umaalis, si Katelyn naman laging nasa kwarto hindi sya mahilig makihalubilo."
"Mga ilang taon napo sila?"
"Mga bata payon si Kevin 22 si katelyn 19."
Hindi pala sila nagkakalayo ng edad ng anak ko. Siguro kung nandito si Vince baka makasundo nya ang mga anak ni Ma'am.
"Sige Manang salamat. Akyat kona yung pagkain ni Ma'am Amanda."
Kinuha kona yung pagkain ni Ma'am at agad na umakyat.
Kumatok ako sa kwarto nya pero walang Sumasagot kaya naman ng malaman kong nakabukas ay dumiretso nalang ako.
Nagdahan dahan lang ako papasok at may narinig ko ang boses mismo ni Ma'am.
"Just make sure na mananahimik na sya at hindi pa makakapanggulo sakin at sa pamilya ko."
Ayan yung mga salitang narinig ko at bigla akong kinabahan.
"Kanina kapa ba dyan?" Gulat na tanong sakin ni Ma'am Amanda.
Napansin na pala ni Ma'am na nakatayo ako sa isang gilid.
"Ah eh hindi po kakadating kolang din pasensya napo kung nagdiretso ako. Ito po pala yung pagkain nyo ako na po ang nagdala kasi may gagawin daw si manang."
"Ganon ba? Sige pakilapag nalang dyan."
Mukhang mabait naman si Ma'am Amanda kasi napakanatural lang ang pagsasalita nya.
Palabas palang sana ako ng biglang may pumasok na isang lalaki at medyo kaedad lang din ng asawa ko tiningnan nya din ako mula hanggang paa sabay ngiti.
"At sino naman tong magandang babae sa harapan ko?"
Napangiti naman ako sa sinabi nya at nagawi ang tingin ko kay ma'am Amanda na napasimangot bigla.
"Pwede ba Diosdado? Magtigil ka. Siya si Eloisa ang bagong katulong dito sa bahay."
"Ganon ba? Magandang gabi sayo Eloisa ako nga pala si Diosdado Samonte ang asawa ng Ma'am Amanda mo."
Hindi ko alam ang isasagot ko kay sir Diosdado kasi medyo nailang ako sa pinakita nyang kilos sakin. Napalingon ulit ako kay Ma'am Amanda parang may sinasabi sya sa asawa nya na sila ang nagkakaintindihan.
"Magandang gabi din po sir, Ah eh mauna napo ako excuse lang."
Lumabas nalang ako baka may importante pa silang pag-uusapan.
Mukhang mabait naman ang mga Amo ko hindi katulad ng mga bali balita.
Pagkababa ko ay pumunta ako sa kwarto naming mga yaya tutal tapos naman na ako sa mga gawain. Tatawagan ko nalang ang mag ama ko.
"Hello Mahal kamusta sa trabaho mo?" Bungad ng Asawa ko.
"Eto maayos naman mababait naman sila Dito. Kamusta na kayo dyan? Ang anak mo asan"
"Nako Mahal niyaya ni Monica at manonood daw sila ng Miss Gay"
"Ganon ba? Basta kapag mag hating gabi na at wala pa sunduin muna si Vince"
"Oo Mahal"
"Mahal matutulog nadin ako at maaga pako mag aasikaso dito sa trabaho ko bukas. I love you"
"I love you too mahal ingat ikaw dyan, kapag may problema tumawag kalang"
AMANDA'S POV
Tila walang kasama na asawa si Diosdado sa kanyang pinapakitang asal.
"Baka naman maputol yang leeg mo sa kakasunod ng tingin sa bago nating katulong Diosdado. Sinasabi ko sayo Diosdado wag mokong lolokohin"
"Wag mo akong simulan Amanda, Wag kanang dumagdag pa sa Problema ko."
Ganito kaming mag-asawa kung mag-usap ay parang magkaibigan. Naiinis ako sa asawa ko itong hindi kona nararamdaman yung pagmamahal nya sakin palagi nalang mainit ang ulo nya at madalas kaming magtalo.
"Wow! The Great Diosdado Samonte? Iniisip ang problema nya? Akala koba ikaw ang batas?"
"Pwede ba wala akong panahon makipagtalo sayo."
"Asan ang susi ng AGILA? Nakuha moba?"
"Ayon nga ang problema ko hindi ko nagawang kunin ang susi sa letseng Anton nayon."
"My gosh Diosdado ano bang kapalpakan ang ginawa mo? Asan si Anton? Yung susi asan na?"
"Patay na si Anton." Mahinang sagot sakin ni Diosdado.
"At yung susi?"
"Hindi ko alam. Wala sa kanya ng maabutan namin sya. Hindi ko alam kung naitapon nya, naitago nya o baka naibigay na nya sa iba."
"Yan! Yan kasi ang hirap sayo masyado kang kampante sa mga tauhan mo ang hindi mo alam ay inaahas kana. Ilan naba ang nagtraydor sayo sabihin mo nga sakin? Sa susunod kasi kumuha ka ng tauhan na magaling! Para naman maturuan kadin sa katangaha-------"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil hinawakan ni Diosdado ang dalawang pisngi ng mariin tapos agad ding binitawan.
"Maghinayhinay ka sa pananalita mo Amanda baka nakakalimutan mo ako padin ang padre de Pamilya kaya ako padin ang masusunod sa bahay nato."
Padabog na lumabas ng kwarto si Diosdado at naiwan ako mag-isang habang hawak hawak pisngi ko na masakit.
(
AGILA
-
ISANG LIHIM NA LUGAR NA TANGING MGA SAMONTE AT PILING MGA TAUHAN LANG ANG NAKAKAPASOK AT SILA LANG DIN ANG NAKAKAALAM KUNG ANO ANG NASA LOOB NITO.)
# CHAPTER 3
(Warning : Medyo may karahasan at temang sekswal ang kabanatang ito kaya kung ikaw ay hindi mahilig sa ganitong senaryo mangyarinv laktawan mo na lamang ang kabanatang ito.)
ELOISA'S POV
"Eloisa nahatidan muna ba ng pagkain si Katelyn?"
"Hindi pa pala Manang"
"Hala mag madali ka! Baka mapagalitan tayong lahat kapag nalaman ni Ma'am Amanda na hindi natin naasikaso ng tama ang anak nya"
Dahil sa sinabi ni Manang ay kumaripas ako ng takbo papuntang kusina at mabilis na hinainan si Ma'am Katelyn ng makakain nya.
Kumatok muna ako sa pinto ng kwarto ni Ma'am Katelyn at nang walang nagbubukas ay nag desisyon nakong pumasok.
Nakaupo sya kama nya.
"Ma'am Katelyn ito napo yung pagkain nyo?"
Hindi nya ako narinig dahil may nakakabit na kung ano sa may tenga nya kaya naman ay tinawag ko ulit sya at ng mapansin nya ako ay tinanggal nya yon at tumingin sakin.
"Pakilagay nalang po dyan. Bago lang po ba kayong katulong?"
"Opo kahapon lang ako nag start."
"Hay si Mommy talaga pinalayas na naman Yung isang katulong." Mahina nyag sabi pero narinig ko naman.
"Ah Ma'am may ipag-uutos pa poba kayo?"
"Wala napo, Salamat po at wag napo kayo mag po sakin at katelyn nalang din po ang itawag nyo sakin tutal mas matanda naman po kayo."
Natuwa naman ako sa inasal ni Katelyn siguro magkakasundo sila ng anak ko kapag nagkita sila.
"Ganon ba? Sige po."
Lalabas na sana ako pero tinawag nya ako.
"Ate saglit lang po. Ano po palang pangalan nyo?"
"Ako si Eloisa"
"Ate Eloisa? Sana po magtagal kayo dito palagi nalang kasi iba-ibang mukha ang nakikita ko. don't worry po magiging mabait po ako."
Ngumiti lang sya sakin at bumalik na ulit sa Ginagawa nya. Gusto kopa sanang magtanong sa kanya kaya lang baka dirin nya masagot dahil sabi nga ni manang ay mahilig magkulong itong bata nato pero mabait naman daw.
Paglabas ko ng kwarto ni Katelyn ay nakasalubong ko si Sir Diosdado.
"Magandang gabi po ulit."
"Mas maganda kapa sa gabi Eloisa."
Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko na sinabihan nya akong maganda oh nabingi lang ako.
"Po?"
"Never mind. Just get me a coffee then pakihatid sa office room ko."
Tumango nalang ako sa sinabi nya at agad na pumunta sa kusina para gumawa ng kape para kay sir.
"Oh sino ang nagpatimpla sayo nyan?" Tanong sakin ni Manang ng makita nya ako.
"Si sir Diosdado, Ihatid kona lang daw sa office room nya."
Tumingin lang sya sa sakin at hindi na nagsalita.
Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay tinanong ko kay manang kung saan yung office ni sir.
Dahan dahan akong kumatok at pumasok ako ng magsalita na si sir.
"Sir yung kape nyo po."
"Pakilagay nalang sa table."
"Sir ito napo yung kape nyo. Labas napo ako."
"Wait."
Natigil ako saglit at tumayo sya kinauupuan nya dahan dahan syang lumapit sakin at pumuwesto sa likuran ko at hinawakan ako sa braso sabay hawi ng buhok ko.
"Ah sir lalabas napo ako."
Medyo nailang kasi ako sa paghawi nya ng buhok ko.
"Bakit may problema ba?"
"W-wala naman po may gagawin papo kasi ako."
"Bakit parang natatakot ka?"
"Sige sir labas napo ako, Yung kape nyo nandyan na."
Lumabas na agad ako dahil hindi maganda ang pakiramdam ko kay sir. Sana lang talaga
Wala lang yon kay sir.
"Nabigay mona yung kape?"
Napahawak agad ako sa dibdib ko ng biglang magsalita si manang, Nagulat kasi na nandyan pala si manang.
"Manang naman. Opo nabigay kona."
"Magpahinga kana ako na ang tatapos sa mga gawain dito."
"Sige manang."
Simula palang marami na akong naririnig sa mga samonte pero hindi ko naman inalala yon kasi wala naman akong pakialam sa mga buhay nila basta hindi naman naaagrabyado ang pamilya ko.
VINCE'S POV
...................
FLASHBACK
........................
"Kuya ano pong nangyari sa inyo?"
"K-kukunin m-oo it---o"
May inabot yung lalaki sakin na isang susi na hindi ko naman alam kung para san yon pero may tatak yon ng isang AGILA.
"Kuya para san ito??"
"It--ago moyan at w-ag mong hayaan n-aaa m--akuha nila."
"Kuya wag napo kayo magsalita hihingi napo ako ng tulong."
"Be tara na may pararating baka mga kaaway nya yan mapahamak pa tayo."
..............
END OF FLASHBAC
K............
Kinabukasan kumalat agad sa lugar namin ang tungkol sa lalaking natagpuang patay, Gusto sana syang tulungan kaya lang baka kami naman ang napahamak ni monica kung nagkataon.
"Para san kaya ang susi nato? At bakit parang yung susi nato ang kailangan ng mga lalaki kagabi?"
Susi na may tatak na agila? Para san kaya to? At bakit parang napaka importante ng susi nato?
"Oh anak ano yang hawak mo?"
Agad kong nilagay sa bulsa yung susi ng marinig ko si papa.
"Ah wala po ito pa binigay lang ni Monica."
"Tumawag pala ang Mama mo sakin kagabi at hinahanap ka"
"Sayang naman at wala ako na mimiss kona po si Mama."
"Tawagan kopo kaya?"
"Subukan mo anak baka dipa naman yon busy"
Tumayo agad ako at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Mama at agad naman itong sumagot.
"Ma kamusta ka naman dyan?"
"Eto okay lang. Medyo naninibago at syempre na mimiss ko kayong dalawa ng papa mo." Sagot nya sakin.
"Kami din Ma na mimiss kana din namin ni Papa."
"Wag kang magpasaway sa papa mo ha? Baka naman nagtitinda kana naman?"
"Hindi na Ma. Kahit itanong mopa kay Papa nandito lang ako sa bahay, Naboboring na nga ako eh."
"Diyan kana muna sa bahay kami na bahala ng papa mo diba nga mag-iipon kami para pag-aaral mo kaya ikaw habag nandyan ka ay mag-aral ka para pagbalik mo ay mas marami kanang nalalaman."
"Alam ko naman yon Ma, Pero sayang kasi yung tinutunganga ko dito. Balak ko nga po maghanap ng trabaho bukas."
"Alam naba yan ng Papa mo?"
"Hindi pa po."
"Ikaw talagang bata ka. Asan ang papa mo? Kausapin ko nga."
Inabot ko papa yung cellphone ko para makapag-usap silang dalawa.
"Mahal kamusta kana dyan? Mababait ba ang mga amo mo?"
Pumunta muna ako sa may kwarto ko para makapag usap silang dalawa at yung susi ay tinago ko sa may wallet ko pakiramdam ko magagamit ko ito balang araw.
KEVIN'S POV
Nagkayayaan kaming magbabarkada na uminom sa isang bar at dahil gusto ding makakita ng mga magagandang babae.
"Tol kamusta na pala kayo ni Eurika? " Tanong sakin ni Arnold.
"Wala na kami non at pamlipas oras kolang yon."
"Ang bangis mo talaga sa mga babae."
"Ako paba? Si Kevin Samonte ata ito."
"Sige nga kung talagang mabangis ka sa mga chikababe itable mo nga yung magandang babae na papalapit dito."
"Yun lang ba?"
Inantay kong makalapit yung babae at walang sabisabi ay hinipuan ko sya.
"Ano ba! bastos ka ah!"
Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko mula sa babaeng hinipuan ko. Napatawa naman bigla yung mga kabarkada ko kaya medyo napahiya ako.
"Miss? Hindi moba ako nakikilala?"
"Hindi. Bakit sino kaba?"
"Anak ako ni Diosdado Samonte. Ngayon kilala mona ako?"
"Diosdado? Wala akong kilalang ganon kaya pwede ba kung naghahanap ka ng mababastos iba nalang."
Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis na sya.
"Wala ka pala tol. Hindi umubra sa kanya yung pagiging Samonte mo. Akala ko ba matinik ka sa mga babae."
Tiningnan ko ng masama si Troy isa sa mga barkda ko na anak din ng isa sa mga kasosyo ni Daddy.
"Ako si Kevin Samonte at lahat ng gusto ko makukuha ko. Kaya samahan nyo ko tingnan kolang kung makapag inarte payong babae nayon sa gagawin ko sa kanya."
"Anong balak mo?"
Uminom muna ako ng isang tagay atsaka tumayo para habulin ang babae sumunod din naman sila sakin.
Hinawakan ko yung babae sa kamay ng maabutan ko sya.
"Ikaw na naman!? Bitawan mo nga ako!"
"Ang arte mo akala mo kung sino kang maganda pwes tingnan natin kung makapag inarte kapa pagkatapos ng gagawin ko sayo."
Sinuntok ko sa sikmura yung babae kaya nawalan sya ng malay at agad naming sinakay sa van na dala ng barkada ko at dinala sa isa sa mga tambayan namin.
Bago magising yung babae ay itinali na sa higaan para hindi makapalag at tinakpan yung bibig para di makapag-ingay.
"Sa labas na muna kayo ako na ang bahala sa maarteng babae nato."
Sumunod naman agad sila at nilapitan ko yung babae kita ko sa mga mata nya ang takot na lalong nagpa-init sakin at sinimulan kona ang masama kong balak.
"Don't worry baby I'll be gentle"
Pero kahit sinabi ko yon ay walang sabi sabi ay pinunit ko ang suot nyang damit kaya naman kita kita ko ang makinis nyang balat.
Pumapalag padin sya kaya naman sinamp*l ko sya at tila nanghina sya sa ginawa ko.
Sinumulan ko syang halikan sa leeg, pababa sa kanya maselang parte.
At hindi nako nag-aksaya ng oras pa umayos ako ng Patong sa kanya at sinimulan kona syang araruhin.
Maswerte sya dahil madaming babae ang gustong makipag sex sakin.
Ilang minuto ko syang binarurot at ng lalabasan nako ay binubunot ko ang ari ko at sa mukha nya ako nagpalab*s hindi nya deserve maputuk*n sa loob at hindi sa katulad nya lang ipupunla ko ang magiging anak ko.
"Hay*p ka!!!" Sigaw nya ng tanggalin ko ang busal sa bibig nya.
"Nakakadiri ka! Demony* ka!!!! Hay*p!!"
"Mag iinarte kapa dyan nasarapan kadin naman sa ginawa ko sayo."
Tumayo ako at nagsuot na ng damit.
"Ipakukulong kita."
"Sige magsumbong ka sa mga police tingnan natin kung may magagawa sila. Kanina hindi mo kilala kung sino ako Ngayon uulitin ko sayo ako si Kevin Samonte anak ni Diosdado Samonte at lahat ng gusto ko ay nakukuha ko."
Umiyak nalang yung babae dahil wala na syang magawa. Kung hindi na sya nagmatigas kanina at hindi nya ako pinahiya edi sana hindi aabot sa ganito.
Paglabas ko ng pinto ay nakaabang na ang mga manyakis kong barkada.
"Tapos kana?" Tanong sakin ni Troy.
"Oo at kayo na ang bahala don, Uuwe nako."
Tuwang tuwa naman ang mga loko at naguunahang pumasok napakamot nalang ako sa ulo ko at umalis na sa lugar nayon.
DIOSDADO'S POV
Ngayon nalang ulit nakaramdam ng kakaiba ng makita ko si Eloisa Nakakabighani ang inosente nyang mukha. Habang iniinom ko ang kape na dinala nya sakin ay biglang tumawag ang isa sa mga tauha ko.
'Boss hindi padin nakukuha ang susi ng AGILA. Hinalughog na namin yung buong bahay nya pero ang sabi ng asawa nya ay wala daw naiaabot sa kanya si Anton.'
'G*d d*mn it! Wag kayong titigil hanggat hindi nyo nakikita ang susi ng AGILA! Importante na makuha nyo yon naiintindihan nyo ba ako?!'
'Opo
boss'
Sa sobrang inis ko ay naihagis ko ang iniinom kong kape. Hanggang kamatayan ay pinapahirapan talaga ako ng Anton nayan.
Kailangan ko mahanap ang susi Ng AGILA dahil isag susi lang yon at walang katulad pinasadya ko talaga yon para sa isang lihim na hindi pwedeng mabunyag hindi ko akalain na magtatraydor sakin si Anton.
"Ano na naman ang problema mo Diosdado bakit nagbabasag ka?"
Tanong sakin ng magaling kong asawa pagpasok nya.
"Hindi padin makita ang susi ng AGILA."
"My gosh Diosdado anong gagawin natin yan? Pano pala kung naibigay yon ni Anton sa iba and worst sa mga police! Anong gagawin mo? Natin!"
"Pwede ba Amanda tigilan mo ako sa kakabunganga mo? Hindi ako makapag-isip ng maayos."
"Ok fine. Just make sure na magagawan mo ng paraan ang problema nato Diosdado dahil kung magkataon? Malaking gulo to sa Pamilya natin."
Pagkatapos nyang magsalita ay lumabas na sya lalo akong nainis dahil sa mga sinabi nya. Kailangan ko talaga mabawi ang susi ng AGILA dahil dito nakasalalay ang pangalan naming SAMONTE.
# CHAPTER 4
KEVIN'S POV
Nagising nalang ako ng may yumugyog sakin na Parang galit na galit. Pagmulat ko ay nakita ko si Daddy kaya napangon agad ako.
"Bakit dad? Anong problema?"
Isang suntok ang tumama sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit nya ginawa yon pero nasaktan ako sa ginawa nya.
"Tinatanong mo sakin kung anong problema? Ano bang pumasok sa utak mo at nanggahasa kayo? Nababaliw kana ba Kevin hindi mo ba naisip na pwedeng madumihan ang pangalan natin dahil sa ginawa mo?"
"Dad? Tinuruan kolang ng leksyon ang babaeng yon, Binastos ba naman ako at hindi man lang natakot kahit sinabihan konang anak mo ako."
"Pasalamat ka kilala ko ang mga police na nagiimbistiga ng kaso. Pero yung babae gawan mo ng paraan para manahimik."
"Alam ko naman na hindi nyo ako pababayaan daddy."
"Ginawa ko yon hindi para sayo. Kundi para hindi madungisan ang pangalan natin dahil sa mga walang kwentang pinaggagawa gawa mo at samahan mo pala ang kapatid mo dahil may kailangan sya school nya."
"Bakit ako pa? Pwede naman sya magpasama sa driver o di kaya sa mga katulong atsaka ang laki laki na katelyn."
"Samahan mo. Maraming kaaway ang Pamilya natin at madaling mauto ang kapatid mo mas maganda ng nandon ka."
Padabog ako bumangon dahil wala din naman ako magagawa kapag si Daddy na ang magsalita bakit ba kasi nagpapasama si katelyn eh.
VINCE'S POV
Kasama ko ngayon si Monica at naghahanap kami ng bagong trabaho ayoko kana bumalik sa pagtitinda dahil magagalit sakin si papa.
"San naman tayo maghahanap ng trabaho nito? At anong klaseng trabaho ang papasukin natin?"
"Ewan. Basta maghanap nalang tayo."
"Grabe naman to niyaya ako tapos di pala alam kung saan magsisimula."
"Wag kana magreklamo ililibre naman kita ng makakain mo, nakakahiya naman sayo baka nagugutom kana eh."
"Tara na bilisan mona ang paglalakad para makahanap na tayo."
Akala mo si monica ang naghahanap ng trabaho kasi mas nauna pa syang naglakad sakin haha.
Pumasok kami sa isang mall dahil mukhang marami akong mahahanap dito atsaka kahit papano ay nakatapos ako ng highschool kaya siguro naman matatanggap ako haha desisyon.
Isa-isa naming pinagtanungan yung mga
Kaso ni isa wala kaming napala kasi hindi naman sila hiring napagod lang kami.
"Alam mo Vince baka para sa pagtitinda ka talaga tara na uwe na tayo."
"Sandali. Diba si kevin yon?"
"Asan??" Agad akong naglingalinga para makita kung si kevin ba talaga yon.
"Oyy si Bakla natataranta. Ayon oh kaso may kasamang babae eh, Girlfriend nya ata."
Pagkasabi ni Monica na Girlfriend nya Yung babae ay parang nawalan ako ng gana hindi ko alam kung bakit pero parang gusto konang umuwe.
"Tara na uwe na tayo." Yaya ko kay Monica.
"Ha? Diba maghahanap pa tayo ng trabaho?"
"Bukas nalang siguro, tara na."
"Ang labo naman nito oh."
Sumunod din naman agad si Monica sa akin pero bago pa kami makalabas ng mall ay may dalawa akong narinig na guard na naguusap.
"Pre Alam mo ba yung balita? Yung katulong ginahasa ng amo at ang mas malala pa pinatay pa." Kwento nung isa.
"Grabe na talaga ang mga tao ngayon, kaya nga yung misis ko hindi kona pinagtatrabaho kasi hindi natin masasabi baka may mangyari ding hindi maganda." Sagot naman nya.
Bigla kong naalala si Mama sa usapan nila at bigla akong kinabahan kaya agad ko syang tinawagan.
Pero naka missed calls nako ni isa hindi nya nasagot.
"Monica pwede moba ako samahan? Pupuntahan ko lang si Mama hindi kasi maganda ang kutob ko eh."
"Bakit? May text ba sya sayo?"
"Wala. Pero iba yung kutob ko sige na samahan mona ako."
"Sige sige tara na."
Humanap agad kami ng masasakyan ni Monica gusto kolang matiyak na okay si Mama.
////
Pagdating namin sa tapat ng bahay ng mga Samonte ay agad akong nagdorbell at may lumabas na isang katulong.
"Ate nandyan poba si Eloisa? Anak nya po ako. Vince po ang pangalan ko."
Tumingin muna sa paligid yung babae bago sumagot sakin.
"Ah Mama mo ba sya? Nako ang dami naming ginagawa ngayon hindi sya pwedeng lumabas."
"Ha? Bakit naman po. Kahit saglit lang po gusto kolang makita ang Mama ko."
"Nako pasensya kana talaga hindi pwede ngayon ang daming pinapagawa samin."
"Ganon poba? Sige po pakisabi nalang na dumaan ako."
Hindi na ako nagpumilit pa dahil mukhang madami talaga silang ginagawa. Umalis nalang Kaming dalawa ni Monica.
"Kaloka naman si Ate saglit lang eh ayaw ipakausap ang Mama mo."
"Baka nga busy lang talaga."
Niyaya ko nalang paalis si Monica, Tatawagan ko nalang ulit siguro si Mama pagkauwe ko sa bahay para makausap din sya ni papa.
ELOISA'S POV
Nagising nalang ako ng may naramdaman akong gumagapang sa hita ko. Napaatras ako ng makita ko si sir na nasa tabi kona.
"Sir ano pong ginagawa nyo?? May kailangan poba kayo?"
"Ikaw ang kailangan ko Eloisa."
"Sir ano pong gagawin nyo? Sir wag po." Mahina at takot na takot kong sabi.
"Wag kanang pumalag Eloisa magugustuhan mo din naman tong gagawin ko sayo."
Tinakpan ni sir yung bibig ko gamit ng isang kamay nya at yung isa ay dahan dahang ibinababa ang pang ibaba kong kasuotan.
Gusto kong sumigaw pero diko magawa natatakot ako dahil may baril syang daladala at hindi sya magdadalawang isip na gamitin kapag pumalag ako.
Ginilid ko ang mukha ko at hindi tumingin sa demonyong nasa harap ko hindi ko akalain na magagawa yon sakin ni sir Diosdado totoo pala ang sabisabi tungkol sa kanilang pamilya.
Nakita ko si manang na gising at nakatingin lang samin at nang napansin nyang nakatingin ako ay tumalikod sya.
Lalo akong naiyak dahil wala man lang ako nagawa habang pinagsasamantalahan ako ng hay*p na Diosdado nato.
"Wag na wag kang magsusumbong kahit kanino dahil alam mo kung ano ang kaya kong gawin."
Pagkatapos syang magtagumpay sa masama nyang balak ay lumabas nadin sya tumakbo naman ako papuntang cr at doon ay humagulgol.
Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko dahil sa ginawa nya sakin napaka baboy nya at hindi ko sya mapapatawad dahil sa ginawa nya.
/////
Kinabukasan ay parang walang nangyari si napapansin ko si manang panay ang iwas sakin at hindi makatingin sakin kaya naman kinausap kona sya.
"Manang sandali."
"Bakit Eloisa may sasabihin kaba? Marami pa kasi akong gagawin."
"Manang wala kabang napansin o nakita kagabi?"
"Ha? Wala na naman tulog na tulog kasi ako non pagod ako buong maghapon. Sige na marami pakong gagawin."
Naglakad na si manang palayo pero nagsalita ako. Alam kong may alam si Manang at ayaw nya lang sabihin sakin.
"Manang alam kong gising ka kagabi, Nakita mo yung ginawa sakin ni sir."
Humarap sakin si Manang at hinila ako papunta sa isang sulok.
"Eloisa kung ano man ang nangyari kagabi kalimutan mo nalang yon."
"Kalimutan? Manang naiintindihan mo ba ang sinasabi mo? Pano ko makakalimutan ang ginawang pambababoy sakin ni sir Diosdado kagabi? Gising kanon manang pero wala kang ginawa. Manang ginahasa ako ni Sir Diosdado!"
"Hindi mo ako naiintindihan Eloisa."
"Aalis nako dito, Isusumbong ko sa Pulis ang ginawa nya sakin at sisiguraduhin kong makukuling sya!"
"Eloisa huminahon ka. Di mo alam ang ginagawa mo makapangyarihan ang babanggain mo."
"At anong gusto nyo? Manahimik nalang ako."
"Oo! dahil wala kang magagawa. Wala tayong magagawa dahil makapangyarihan ang mga Samonte kaya nilang baluktutin ang batas dahil sa mga koneksyon nila kung gagawin mo yon baka ikaw pa ang magmukhang masama at alam mo yung mas masakit pwede pang madamay dito ang pamilya mo."
Dahil sa sinabi ni manang ay naalala ko bigla ang Pamilya ko ang asawat anak ko. Anong gagawin ko? Hindi pwede na manahimik nalang ako baka maulit pa nangyari kagabi..
"Bakit hindi mo sinabi sakin agad na mga demonyo pala ang nakatira dito? Totoo pala ang mga sabi sabi sa Pamilya Samonte."
"Pinasok kita dahil lumapit ka sakin at sinabi na kailangan mo ng trabaho kaya pinasok kita dito."
"Pero hindi mo sinabi na ganito sila dito."
"Eloisa kung aayusin mo ang trabaho mo walang magiging problema. Kung susunod ka sa kanila magiging ayos ang lahat."
"Ni rape ako ni sir Diosdado ayos lang yon? Mananahimik nalang ako?"
Alam kong gusto din ako tulungan ni manang pero pareho lang din kaming walang magawa.
Napansandal nalang ako sa dingding at umiyak trabaho lang naman ang hinangad ko pero bakit umabot sa ganito.
Kahit mahirap ay pinilit kong umakto ng normal at parang walang nangyari ginawa ko padin ang trabaho ko pero sa kabila nito ay kaba at takot padin sa dibdib ko.
Tinalasan ko ang mga mata ko para hindi kami magkatagpo ng landas ni sir masyado naman siguro malaki ang bahay nato para magkita agad kami. Hindi kopa kaya makita ang dem*onyo nyang mukha.
Habang naglilinis ako ng paligid ay nakita ko si sir Diosdado kaya naman lumihis agad ako pero sinundan nya ako at na corner sa isang gilid.
"Napakaganda mo talaga Eloisa lalo na kapag maliwanag, hindi katulad ka gabi."
"H*y*p ka. Demonyo ka."
"Relax kalang Eloisa."
"Isusumbong kita sa asawa ko."
"Wag na wag kang magkakamaling magsumbong kahit kanino o di kaya umalis dito dahil ipapapatay ko ang Pamilya mo."
Gusto kong isagaw sa pagmumukha nya na Hay*p ka wala kang puso hindi ka tao kundi isang D*em*nyo! Pero tanging luha lang ang pumatak sa mga mata ko.
Lumapit pa si sir Diosdado at pinunasan yong luha sa mga mata ko at may mga salita pang iniwan bago tuluyang umalis.
"Maging masunurin kalang at walang mangyayari sayo at sa pamilya mo."Matapang ako sa matapang pero pag kaligtasan na ng pamilya ko ang pinaguusapan nagiging mahina ako.
Napaupo nalang ako sa isang tabi at inisip kung anon ang magiging sunod na plano ko.
"Ate tubig?"
Pag-angat ko ng mukha ay si katelyn lang pala nakangiti sya habang inaabot sakin yung Isang basong tubig.
"Ayos lang poba Kayo?" Bakas sa boses nya ang pag-aalala
"Oo. Ayos lang ako."
"Kung ano man ang nagawa sayo nila Mommy at daddy ako napo ang humihingi ng sorry, sorry po talaga sana po wag po kayo agad umalis. Ako napo ang nakikiusap na pakihabaan nalang ang pang-unawa at pasensya nyo medyo mainitin lang talaga ang ulo nila."
Kahit hindi kopa matagal na kakilala si Katelyn ay alam ko na isa syang mabuting bata gusto ko man sabihin ang ginawa ng daddy nya ay hindi ko maatim dahil alam kong masasaktan din sya.
"Katelyn tulungan moko"
"Bakit po?"
"Ni rape ako ng Daddy mo"
Hindi nako nag dalawang isip na sabihin sa bata ang totoo.
"Po? Hindi po totoo yan"
Biglang tumakbo si Katelyn at hindi man lang hinintay na sabihin ko sa kanya ang iba pang nangyari.
AMANDA'S POV
Dahil sa mga nakita kung pano lapitan ng asawa ko yung katulong namin ay nainis kaya naman eto at paprangkahin ko ang asawa ko. Padabog ko sya pinuntahan sa office room nya at parang gusto konang wasakin ang pinto.
"Anong problema Amanda bakit parang galit na galit ka?"
"Tell me Diosdado may gusto kaba sa bago nating katulong?".
Dirediretso kong tanong na ikinatahimik nya sandali.
"Ano bang klaseng tanong yan Amanda?".
"Just answer me!"
"Wala! Okay? Wala! Sa tingin moba magkakagusto sa isang cheap na babaeng yon?"
"Siguraduhin mo lang Diosdado dahil kapag na laman kong may something sa inyong dalawa malilintikan sakin ang babaeng yon!"
Kitang kita ko kanina kung pano nya titigan si Eloisa parang may pagnanasa sya dito. Kilala ko ang asawa ko kahit sino papatulan nya basta natipuha nya at kung balak din lumandi ni Eloisa sa asawa ko mali sya ng sisiraing Pamilya dahil bago nya masira ang Pamilya ko buhay nya muna ang sisirain ko.
# CHAPTER 5
ELOISA'S POV
"Eloisa?!"
"Po?"
Pagalit na pumasok si Ma'am Amanda sa kwarto namin at binato sa mukha ko yung isang pirasong damit.
"Po?! Eh kung sinusungalngal ko kaya yan sa mukha mo."
Tiningnan ko yung damit at may nakita akong isang maliit na mantya.
"Lalabhan kona lang po ulit."
"At sa tingin moba matatanggal pa yung mantya?"
Lumapit sya sakin at sinabunutan ako.
"Ma'am tama napo Nasasaktan na po ako." Mangiyakngiyak kong pagmamakaawa.
"Talagang masasaktan ka. Hindi mo ba alam kung magkano ang damit nato?? Tapos mamantyahan mo lang."
"Sorry po, Hindi ko naman po gustong mangyari yon."
"Ah ganon? Hindi mo gustong mangyari? Halika dito."
Sinabunutan ako ni Ma'am Amanda at hinila palabas ng kwarto at kinaladkad hanggang doon sa pinaglalabhan namin.
"Ma'am tama na po."
Niliblub nya ang mukha ko sa may washing machine habang umaandar.
Mabuti nalang at dumating si Manang kaya naawat nya si Ma'am Amanda.
"Pakituruan ng maayos ang babae nayan para hindi tatanga-tanga!"
"Opo ma'am"
Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis nadin sya para akong nabunutan ng tinik sa pag-alis nya.
"Ano ba kasing nangyari Eloisa?"
"Yung damit nya kasi hindi ko naman sinasadyang mamantyahan."
"Nang dahil lang don kaya ka nya sinaktan?"
"Oo, Hindi ko alam kung bakit nya ako sinaktan ng ganon ng dahil lang sa iisang damit na alam ko naman na pwede nyang palitan."
"Pero aminin mo din na may mali kadin."
"Oo manang mali ako. Pero bakit parang galit na galit sya kanina kung hindi kapa dumating malamang nalunod na nya ako."
"Pagpasensyahan mo nalang si Ma'am baka nabigla lang yon. Oh eto magpunas kana muna."
Inabot sakin ni Manang yung isang tuwalya at nagpunas ako. Mali talaga ako pero hindi ko akalain na ng dahil sa pagkakamaling yon ay ganon ang mangyayari. Bakit Parang may iba pang pinanggagalingan ang galit nya sakin?
Kailangan kona talagang makatakas sa impyernong lugar nato dahil tiyak na uulitin lang ni Diosdado ang kahayupang ginawa ny sakin.
KATELYN'S POV
Kitang kita ko kung paano saktan ni Mommy si ate Eloisa kanina pero wala akong nagawa. Gusto ko syang tulungan pero natatakot ako na baka sakin naman mabunton ang galit ni Mommy. Pero hindi ko din maatim na ganunin nalang ni mommy si ate Eloisa.
"Mommy can i talk to you?"
"Make it fast Katelyn. Madami pa akong aasikasuhin."
"Nakita ko yung ginawa nyo kanina sa bago nating katulong. Bakit nyo sya sinaktan?"
"It's her fault. Tatangatanga kasi sya kaya tama lang yon sa kanya."
"Mommy mali yon nananakit na kayo."
"You know what Katelyn? Kung ayan lang din ang pag-uusapan natin umalis kana lang wag mona dagdagan pa ang sakit ng ulo ko."
"Sumusobra napo kayo masyado na kayong nangaapak ng mga mas mababa sa inyo mula noon hanggang ngayon. Ang sama sama ng ugali nyo! Isusumbong ko kayo sa mga----"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko.
"I'm still your mother! Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan!?"
Madalas akong kagalitan ni mommy pero hindi ko akalain na sasaktan nya ako. Sa sobrang sama ng loob ko ay tumakbo ako palabas ayaw ko muna sya makita ayaw ko muna dito sa pamamahay nato.
VINCE'S POV
"Vince mukhang sumisexy ka ata ngayon ah? Ano? 150 nalang."
Kaya ayaw ko lumabas ng bahay kasi ganitong klaseng mga tambay ang madadaanan ko sa tuwing lalabas ako ng bahay para bumili pero sanay naman na ako sa kanila, Kahit na niloloko nila ako ay mababait naman sila.
"Mga loko kayo!" Inis kong sabi sa kanila.
Habang papunta ako sa may tindahan ay may nakita akong babae na nakatayo sa tapat ng tindahan habang nakahawak sa tyan nya at nakatingin sa tindahan na parang nagugutom kaya nilapitan ko sya.
"Ah miss bago kalang ba dito?"
Tumango lang sya sakin bilang pagsagot.
"Saan ka pala pupunta?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Actually hindi ko alam. Lumayas kasi ako samin."
"Ano? Nako miss umuwe kana lang baka hinahanap kana ng Pamilya mo at malamang nag-aalala na sila sayo."
"Hindi nila ako hahanapin, kasi busy sila sa maraming bagay hindi nila mapapansin na wala ako."
Mukhang may problema sya sa Pamilya nya kawawa naman sya.
"Nagugutom kaba?"
"Yes. But i forgot my wallet kaya hindi ako makabili ng makakain ko."
Bumili ako ng tinapay at softdrink tsaka ko inabot sa kanya nung una Parang gusto nyang tumanggi pero pinilit ko sa kanya.
"Gusto moba samin ka muna? Magdidilim nadin kasi delekado na dito sa labas atsaka mukhang wala kapang mapupuntahan."
"Talaga?"
"Oo."
Kahit hindi pa kami talaga magkakilala ay hindi ako nagdalawang isip na isama sya sa bahay mukha naman kasi syang mabait.
Pagdating namin sa bahay ay nandon na si Papa at tamang tama ay nagluluto na sya para sa hapunan namin.
"Oh anak sino yang kasama mo? Bago mong kaibigan?"
"Ah o-opo."
"Ganon ba tamang tama madami ang niluto ko ngayon dito mo nalang sya pakainin."
"Sige po."
Niyaya kona yung babae papunta sa kwarto ko para mailapag na nya yung mga gamit nya.
"Pagpasensyahan mona pala itong bahay namin ha? Hindi kalakihan at hindi rin kagandahan."
"Ayos lang. Maraming salamat pala at Pinatuloy mo ako kahit kakakilala lang natin kanina."
"Wala yon."
"By the way ako nga pala si Katelyn. And you are?"
"Vince." Sagot ko sa kanya at nagkamayan kaming dalawa.
"Dalawa lang kayo ng papa mo nakatira dito?"
"Oo. Kasi yung Mama ko nagtatrabaho na mimiss kona nga sya eh."
"MABAIT siguro ang mama mo noh?"
"Oo sinabi mopa." Buong pagmamalaki kong sagot. Pero napansin kung lumungkot sya bigla.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman naisip kolang ang mommy ko. Iniisip nya kaya ako ngayon? Nag-aalala kaya sya sakin?"
Meron siguro silang hindi pagkakaunawaan ng mommy nya.
"Oo naman. Walang ina ang hindi matitiis ang kanilang anak."
Naalala kona naman bigla si Mama. Lahat ginawa nya para lang makapag-aral ako syempre kasama nadon si Papa. Dalawa silang nagpapakapagod para sakin at para sa pamilya namin.
"Vince? Kain na tayo isama mona din sya."
Niyaya na kami ni Papa na kumain at sumabay nadin samin si Katelyn.
Medyo nahihiya nga ako kasi alam kong hindi sya sanay sa ganitong klaseng kainan. Ibang iba sa mga pagkain na palagi nyang kinakain.
"Ineng? Pagpasensyahan mona yung ulam namin ha? "
Lumingin muna si katelyn sakin sabay ngiti bago sumagot kay Papa.
"No problem tito Its okay. Sanay naman po ako kasi madalas sumasabay ako sa mga yaya namin na Kumain. Mas masarap pa nga sila kasabay eh kesa sa mga parents ko."
"Sige na kain na tayo bala lumamig pa ang niluto ni papa."
Iniba ko nalang ang usapan para hindi nadin masyado isipin pa ni Katelyn ang Pamilya nya.
Masaya naman sumabay samin kumain si katelyn makikita mo sa kanya na wala syang kaarte arte.
"Maraming salamat po talaga tito. Nabusog po ako."
"Wala yon. Matanong kolang? Hindi ba tumatawag o nagtetext man lang sayo ang Pamilya mo syempre baka nag-aalala nayon."
"Yung kuya kolang po."
"Ayon naman pala eh. Hindi naman sa pinapaalis kita dito ha? Siguro dapat kung may problema man kayo ng Pamilya nyo ay pag-usapan nyo ang problema pinaguusapan yan hindi tinatakbuhan."
"Sige na katelyn tawagan mona yung kuya mo." Sabi ko sa kanya.
"Oo. Salamat talaga sa inyo ha? Vince. Tito."
Tumayo naman si Katelyn at agad na tinawagan ang kuya nya.
Niligpit ko muna yung kinainan namin dahil matagal pa naman siguro darating ang kuya nya.
~~~~~~
"Nandyan nadaw si kuya sa labas."
"Ganon ba? Sige samahan kana namin palabas."
Hinatid namin si Katelyn dahil nandyan na daw ang kuya nya pero ako ang nagulat sa nakita ko. Totoo bato? Si Kevin nasa harapan kona????
"Mabuti naman at nakita din kita katelyn . Alam moba na kanina pa masakit ang ulo ko kakaisip kung saan kita hahagilapin.
"K-kuya mo sya???"
Totoo bato? Kuya ni Katelyn si Kevin Samonte??? At ibig sabihin ay isa ding Samonte si Katelyn?
"Oo bakit nagkakilala naba kayo??"
Ngayon nakikita kona sa malapitan si Kevin at seryoso lang syang nakatingin sakin.
"Sa tingin ko Oo. Ikaw yung muntik konang mabangga dati dahil hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo diba? At ikaw din yung nasa event last time kung saan ako nag Judge?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala nya pala ako at napansin din nya ako akala ko hindi na nya ako maalala kasi wala lang naman ako.
"O-oo ako ngayon."
"What a small world. Salamat nga pala sa pagpapatuloy dito sa pasaway kong kapatid hayaan mo pagsasabihan namin ito."
"Wala yon. Kahit sino naman gagawin ang ginawa ko."
"Pano mauna nadin kami."
"Sige ingat kayo."
"Vince salamat pala ha? Pagmay time ako pupunta ako ulit sa inyo para matikman ko ulit ang luto ng papa mo."
"Oo ba."
Nagpaalam na kami ni Papa sa kanila. Hindi na lumingon sakin pa si Kevin kahit na ineexpect ko na lilingunin nya ako kahit saglit lang. Pero wala.
KATELYN'S POV
"Kuya ang bait ni Vince noh? Bagay kayo."
"Ano bang sinasabi mo Katelyn? Do you really think na papatol ako sa bakla?"
"Bakit ba? Diba pwede?"
"Katelyn Straight ako okay? Kaya sa babae lang ako magkakagusto"
"Nako kuya wag ka magsalita ng tapos"
Napailing nalang si kuya sinabi ko. Sa totoo lang minsan kolang din sya makabiruan ng ganito kasi madalas wala sya sa bahay at napaseryoso nya madalas.
"One more thing Katelyn wag kana ulit maglalayas or aalis na hindi nagpapaalam nag-aalala kami sayo ang dami ng nagkalat na masasamang tao ngayon."
"Pero mabait naman sila Vince pati yung tatay nya."
"Pano mo nasabi? Kanina molang sila nakilala baka mamaya gamitin kapa nila para makakuha ng pera satin."
"Grabe ka naman kuya mukhang hindi naman sila ganon."
"Bakit kaba kasi bigla nalang umalis ng Hindi nagpapaalam??"
"Nasaktan kasi ako ni Mommy kanina."
"Diba sinabi kona sayo na manahimik ka nalang at wag mo nalang syang kontrahin?"
Napailing nalang si kuya habang nagmamaneho. Kahit na ganyan magsalita si kuya sakin alam ko na nag-aalala sya sakin at mahalaga ako sa kanya. Pero kala Mommy at Daddy? Wala na ata akong aasahan, Baka nga pagdating ko mamaya ay mapagalitan pako.
# CHAPTER 6
ELOISA'S POV
Kung ako lang ang masusunod ay ayaw kona sanang mag krus pa ang landas namin ni sir Diosdado pero ang sabi ni Manang ay gusto daw nya akong makausap dahil may ipaguutos ata.
Umaasa ako na hihingi sya ng tawad sakin dahil sa nagawa nya at hahayaan nalang ako na umalis sa bahay nato.
"May ipaguutos daw po ba kayo?"
"Maupo ka muna Eloisa."
Umupo naman ako sa harap nya pero hindi ako Tumitingin sa mukha nya.
"Sir pakibilis nalang po kasi marami papo akong gagawin baka mapagalitan po ako ni Ma'am Amanda."
Tumayo naman si Sir Diosdado at lumapit sakin, Kinilabutan agad ako ng dumikit ang balat nya sakin.
"Gusto kolang malaman mo na yung ginawa ko sayo? Hindi ko pinagsisisihan yon dahil nagustohan ko yon."
Dahil sa sinabi nya ay napatayo ako at sinampal ko sya. Anong akala nya sa Ginawa nya sakin? Laro!? At hindi gugustuhin ng isang babae na makipagtalik sa ibang lalaki kung may asawa nya sya at lalong lalo na kung mahal na mahal nya ang asawa nya at Pamilya nya.
"Mawalang galang napo. Nanahimik ako dahil tinakot nyo ako, Nandito ako kasi tinakot nyo ako pero hindi ibig sabihin non hahayaan kopang maulit yung ginawa nyo."
Napahawak sya sa pisngi nya at ngumiti ng nakakaloko kaya lalo akong kinabahan.
"Yan ang gusto ko matapang at lumalaban para mas exciting."
Dahan dahan syang lumapit sakin at marahan akong hinahalikan pero tinutulak ko sya.
"Sir wag po."
Pilit kong tinutulak palayo sakin si sir pero pilit din nya akong hinahalikan.
"Papayag ka? O ipapapatay ko sa mga tauhan ko ang Pamilya mo? Mamili ka Eloisa."
Dahil sa sinabi nya ay natakot ako para sa kaligtasan ng mag Ama ako kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan nalang sya sa gusto nyang mangyari.
Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at ipinagdasal na sana matapos na ang paghihirap ko sa pamilya Samonte.
Dahan dahan naman gumapang ang kamay ni Diosdado papasok sa aking damit at mariin akong hinalikan.
Hiniga nya ako sa lamesa nya at mabilis na nagtanggal ng damit pang itaas pero pagkatapos non ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ma'a Amanda.
"Diosdado? What is the meaning of this?"
Natigil si sir sa paghalik sakin at ako naman ay napatayo, Nagkaroon ako ng pag-asa sa pagdating ni ma'am dahil hindi magtatagumpay si Diosdado sa masama nyang balak sakin.
"Amanda magpapaliwanag ako."
"Hay*p ka! Sa dinami dami ng babaeng papatulan mo katulong pa natin!?"
Lumapit si Ma'am Amanda kay Sir at pinaghahampas ito ako naman ay napaiyak nalang sa pangyayari.
"It's not my fault! Inakit lang ako ng babaeng yan! Do you really think na papatol ako sa ganyang klaseng babae?"
Natigil si Ma'am at nabaling ang atensyon sakin.
"Ma'am hindi po totoo yan. Gusto po akong gahasain ng asawa nyo at kung hindi papo kayo dumating baka nagawa nya yung masama nyang plano sakin. Sakin po kayo maniwala nagsasabi po ako ng totoo hindi lang po ito ang unang beses nya akong pinagsamantalahan."
Hindi kona napigilan ang sarili ko na isumbong ang ginawang Pambababoy sakin ni Sir Diosdado. Karapatan ni Ma'am Amanda na malaman ang kawalang hiyaan ng asawa nya.
"May nangyari na sa inyo ng asawa ko?" Dahan dahan syang lumapit sakin.
"O-opo. Pero pinilit nya lang po ako at tinakot."
"Amanda wag kang maniniwala sa babaeng yan. Ako ang asawa mo kaya sakin ka maniwala kung gusto kolang din naman maghanap ng iba pwede akong magbayad ng mga mas magaganda at mas batang mga babae."
"Sir pwede ba! Magsabi naman kayo ng totoo! Kayo yung pumasok sa kwarto namin at sapilitan akong ginahasa!"
Isang sampal ang tumama sa pisngi ko mula kay Ma'am Amanda na ikinagulat ko.
"Shut up! Tigilan mona ang pagsisi sa asawa ako! I knew it! Plinano mo to na akitin at landiin ang asawa ko para sumabit sa kanya at para makakuha ng yaman na meron kami."
"Hindi po totoo yan. Trabaho lang po ang ipinunta ko dito."
"Una palang Kita ko sayo alam kong may itinatago kanang kati sa katawan pero hindi ko akalain na gagamitin mo yang katawan mo para makuha ang gusto mo!"
Sa mga oras nato ay hinang hina nako sa kakaiyak pakiramdam ko isa akong ipis na tinatapakan at kahit anong gawin ko ay wala akong magawa kundi ang hayaan sila na saktan lang ako.
"Amanda paalisin nalang natin ang babaeng yan dito."
"No! Hindi pa ako tapos sa kanya gusto kong ipakita sa kanya kung sino ba talaga ako! At gusto ko din malaman nya na mali sya ng pamilya na sisirain!"
Hinila ni Ma'am Amanda ang buhok ko at kinaladkad ako palabas ng office ni sir.
"Ma'am bitawan nyo po ako."
Hindi nya ako pinakinggan bagkus ay kinaladkad nya padin ako pababa ng hagdan sobrang sakit ng Ginagawa nya sakin at tanging iyak lang ang nagawa ko si Sir Diosdado naman ay nakatingin lang din samin.
Umabot kami hanggang sa may garden nila at doon nya ako itinulak kaya napasalampak ako sa damuhan.
"Alam mo kung anong ginagawa sa mga makakati? Hinuhugasan!"
Dinampot nya yung hose at binasa ang buong katawan ko, Medyo masakit ang tama ng tubig sakin dahil sa mukha ang sentro nito.
"Tama napo Ma'am maawa po kayo sakin."
"Awa? Sorry ka nalang Eloisa wala akong awa! Manang!!!!"
Agad namang dumating si Manang ng marinig ang malakas na pagsigaw ni Ma'am Amanda.
"Ba-bakit po?"
"Kumuha ka ng gunting at tali."
"Para san Ma'am???"
"Basta ikuha mo ako!!!"
Bakas sa mukha ni Manang ang awa nya sakin at alam kong gusto nya akong tulungan pero pareho kaming walang magawa.
Mayamaya pa bumalik na si Manang daladala yung pinakuha sa kanya. Lalo akong nakaramdam ng takot dahil hindi ko alam kung anong sunod na gagawin nya sakin.
"Tingnan lang natin kung makapaglandi kapa sa gagawin ko sayo!"
Lumapit sakin si Ma'am Amanda at hinawakan ako sa buhok at ang sumunod na nangyari ay nakita ko nalang na unti unting nagbabagsakan ang mga buhok ko.
Humawak ako sa ulo ko at parang gusto kong sumigaw sa sobrang panlulumo dahil ginupit nya ang buhok ko.
"Ang sasama nyo!!!"
Yan lang mga salitang binitawan ko kasabay ng malakas na pagbagulgol.
"That's enough Amanda.". Awat ni sir Diosdado sa asawa nya.
Akala ko tapos na ang kalbaryo ko pero hindi pa pala dahil hinila nya pa ako at ipinasok sa isang malaking kulungan.
"Ma'am pakawalan nyo po ako dito!!"
"Diyan kalang hanggat hindi ko sinasabi na lumabas ka. Hindi ka kakain at hindi karin iinom ayan ang parusa mo sa paglandi sa asawa ko!"
"Tulong! Tulungan nyo ako!!!!"
"At talagang sisigaw kapa?!"
Isang suntok naman ang Pinakawalan ni Ma'am Amanda dahilan para matumba,. tinali nya ang kamay ko at binusalan nya din ang bibig ko para hindi na makapagsalita pa o kahit makasigaw.
Pagkatapos non ay kinandado nila ang kulunga sabay alis na para bang walang nangyari. Tila mauubusan nadin ako ng luha dahil sa matagal Kong pagiyak iyak.
VINCE'S POV
Magkatabi kami ngayon ni Papa habang nanonood ng balita. Sobra konang na mimiss si Mama dati tatlo Kaming sabay sabay na nanonood.
"Anak tumawag naba sayo ang Mama mo?"
"Hindi pa nga din po eh."
"Bakit kaya? Hindi naman ganon ang Mama mo ah."
"Baka busy lang po sa mga gawaing bahay alam nyo naman sobrang yaman kaya ng mga Samonte ang laki laki ng bahay."
"Nakapunta kana ba don?"
"Ah opo kami ni Monica kaso hindi namin nakita si Mama kasi madami daw ginagawa kaya hindi pwede maistorbo."
"Isa na namang labi ang natagpuan sa gilid ng ilog at hinihinilang pinahirapan muna ito bago tinadtad ng tama nang baril."
Ayan yung balita ngayon sa isang tv news.
"Grabe na talaga ang panahon ngayon nakakatakot na, Kaya ikaw kapag hindi importante wag kana lalabas."
"Opo Pa."
Pano kaya naatim ng isang tao ang pumatay?
Nakakain pa kaya sila?
Nakakatulog pa kaya sila?
Bigla ko tuloy naalala yung lalaking nakita namin ni Monica na walang awa ding pinatay.
"Pa ano kayang dahilan kung bakit pumapatay ang isang tao?" Biglang kong tanong sa kanya.
"Hmm Marami Nak. Yung iba pumapatay para sa Pera, Syempre sa hirap ng buhay ngayon karamihan satin ay kapit sa patalim. Yung iba naman dahil sa galit, Kapag ang tao nasobrahan sa galit nagbablanko ang isip nya kaya hindi sya makapag-isip ng tama kaya nakakagawa sya ng isang bagay ng hindi nya sinasadya at yung isa ay pumapatay para sa sarili, Dahil may pinoprotektahan syang lihim na hindi pwedeng malaman ng lahat."
Sa panahon ngayon parang laro nalang ang pagpatay kasi araw-araw na nakikita o napapanood ay lagi nalang may napapatay.
"Pero mali padin yon, buhay padin ang kinuha nila hindi ba nila naiisip na may Pamilya din ang pinapatay nila? Wala ba silang mga Pamilya?"
"Yung iba may konsensya at ito ang naguudyok sa kanila para itama yung nagawa nilang mali susuko sila sa mga pulis at papanagutan ang kanilang mga kasalanan pero may mga mangilanngilan na walang konsensya yung parang isang hayop lang pinapatay nila."
Kanina lang si Mama ang pinaguusapan namin tapos ngayon napunta na sa patayan.
Pero ano kaya ang nararamdaman ng Pamilyang namatayan? Sobrang sakit siguro non.
KATELYN'S POV
Madalas akong nagkukulong sa kwarto pero ngayon parang may nagudyok sakin lumabas at maglibot sa bahay.
Habang naglalakad ako ay may narinig akong kaluskos kaya agad kong tinungo kung saan iyon.
At laking gulat ko sa nakita ko. Si ate Eloisa nakakulong na tila isang aso.
"Manang!!!???"
Sigaw ko sa sobrang pagkabigla.
"Ano po yon??" Tanong nya ng makalapit sakin.
"Manang bakit nasa loob si Ate Eloisa? At sino ang gumawa sa kanya nyan?"
Awang awa ako sa itsura ni ate Eloisa hindi na sya yung magandang ate Eloisa na nakita ko. Ngayon nakabusal ang bibig nya basang basa at ginupitan pa ang buhok.
"Ang Mommy nyo po."
"Si Mommy??!! Asan sya??"
"Nandon po sa kwarto nya."
Alam kong mainitin ang ulo ni Mommy pero hindi ko akalain na magiging ganito sya kalupit hindi na Tama to.
Lumapit ako kay ate Eloisa at hinawakan sya sa mukha kahit hindi sya nakakapagsalita nararamdaman ko na humihingi sya ng tulong sakin at yon ang kailangan kong gawin ngayon.
"Ate Eloisa antayin nyo lang ako ha? Ilalabas kita dito."
Tinungo ko agad ang kwarto ni Mama para makuha ang susi mabuti nalang at mahimbing syang natutuloy ng makapasok ako.
Dahan dahan lang akong naglakad at iniwasang gumawa ng kahit na ano mang ingay dahil isang mali kolang pwede syang Magising.
Hindi naman ako nahirapan na mahanap ang susi ng pinagkulungan kay ate Eloisa nang makuha ko yon ay agad ko syang binalikan.
Tinanggal ko yung kandado pati yung tali nya sa kamay at busal sa bibig. Umiyak sa harap ko si Ate Eloisa at niyakap ako ng mahigpit.
"Salamat Katelyn, salamat."
"Ate Eloisa ako po ang dapat magsorry kasi ginawa sayo to ni Mommy."
Sobrang awang awa ako sa itsura nya gusto kong sumbatan si Mommy dahil sa hindi makataong pagtrato nya sa mga mas mababa sa kanya.
"Ang Mommy at daddy mo? Asan? Alam ba nila ang ginawa mo? Baka mapagalitan ka dahil sa ginawa mo."
"Wag nyo po akong intindihin kaya kopo ang sarili ko, Pero kayo kailangan nyo ng lakas."
"Napaka buti mong bata Katelyn kahit sino magulang magiging proud sayo."
Sana lang talaga maging proud sakin sila Mommy kaso hindi dahil alam ko sa ginawa ko ay lalo lang silang magagalit sakin.
"Ate Eloisa sandali lang po ha? Babalik ako."
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng maiinom at makakain ni ate Eloisa dahil mukhang hindi pa sya nakakakain.
///////
"Eto po kumain muna kayo para makabawi kayo ng lakas at eto po towel para hindi kayo masyadong lamigin."
"Salamat ng sobra."
Agad naman syang kumain at tilay wala ng bukas. Kawawa talaga sya kahit ako hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko sa kalagayan nya. Pinagmasdan ko lang sya at sumagi sa isip ko ilan kaya ang mga taong ginanito nila? Madami kaya?
"Katelyn tulungan mo ako makatakas dito. Kailangan kona umuwe samin."
"Sige po."
Tumayo naman Kaming dalawa pero hindi paman kami nakakaalis ay nakita namin si Mommy at ang sama ng tingin.
"And where do you think your going?"
"Mommy please let her go."
"Shut up katelyn! Alam mo napakatigas talaga ng ulo mo hindi ko alam kung saan ka nagmana?!"
Wala na akong choice kundi ang gawin to, ako man ang alanganin sa huli atleast nagawa ko kung ano ang tama agad akong tumakbo palapit kay Mommy at niyakap sya.
"Ate Eloisa sige na po. Tumakas napo kayo."
"Pero pano ka?"
"Ako na po bahala. Umalis napo kayo."
"Katelyn! Bitiwan moko!" Galit na sabi ni Mommy pero hindi ko sya binitawan hanggang hindi ko natiyak na wala na si ate Eloisa.
Sana makatakas sya at makauwe sya ng safe sa Pamilya nya tsaka ko nalang aalalahanin ang galit ni Mommy ang mas importante ay nakatulong ako.
# CHAPTER 7
VINCE'S POV
Isang malakas na katok ang nagpatigil sakin ng panonood sa TV kaya agad akong tumayo para tingnan kung sino yon.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Mama pero imbis na matuwa ay awa ang naramdaman ko.
"Pa!!!!! Pa!!!!! Si Mama nandito na!!!!!!"
Napaiyak agad ako ng makita ang itsura ni Mama. Ibang iba sya sa dati nyang itsura ang dami nyang sugat at pasa pati yung buhok nya ay parang sinadyang gupitin.
"Ma anong nangyari sa inyo? Sino ang gumawa nito sa inyo???"
"Mahal?????!!!!!!!"
Agad na niyakap ni Papa si Mama ng makita nya ito. Kahit si Papa labis na nagulat sa naging itsura ni Mama.
"Sino ang gumawa nito sayo???? Sabihin mo!???"
"Ang mga Samonte. Ginahasa ako ni Diosdado at sinaktan ako ng asawa nya mga hay*p sila! Wala silang puso!!!!"
Lalo akong naiyak sa sinabi ni Mama hindi ko akalain na ganon na pala ang sinapit nya sa pamamahay ng mga Samonte. Napakasama nila!!!! Hindi dapat nila ginawa yon sa Mama ko!!!
"Papatayin ko sila!!!" Galit na galit na sabi ni Papa.
"Wag na, Hindi mo sila kaya. Makapangyarihan sila."
"Ano hahayaan ko nalang ang nangyari sayo? Asawa kita Eloisa at hindi ko mapapalampas to!"
"Hayaan mona sila, Tayo nalang ang lumayo."
Pagkasabi ni Mama ng mga salitang yon ay nawalan na sya ng malay.
Binuhat naman sya ni Papa at dinala sa kwarto nila ako naman ay kumuha ng damit para mabihisan si Mama.
Pinagmasdan ko lang si Mama habang walang malay parang unti unting dinudurog ang puso ko dapat pala hindi ko nalang hinayaan na umalis sya para magtrabaho, Dapat ako nalang ang nagtrabaho para samin.
"Vince bantayan mo ang Mama mo at wag mo syang pababayaan ha? Kayo lang ang meron ako at ayokong may mangyaring hindi maganda sa inyo."
Tiningnan ko si Papa seryoso lang sya pero mas kinabahan ako ng makita kung anong hawak nya. Isang itak.
"Pa? Saan kayo pupunta? Anong gagawin nyo dyan?"
"Papanagutin ko lang ang nanakit sa Mama mo."
"Pero ang sabi ni Mama ay hayaan mo nalang daw sila."
"Hayaan?! Ako ang haligi ng tahanan kaya ako dapat ang nagpoprotekta sa inyo. Hindi nila dapat Ginawa yan sa Mama mo kaya pupuntahan ko sila."
"Pa Please dito ka nalang. Magsumbong nalang tayo sa mga pulis mas matutulungan nila tayo."
"Sorry anak pero hindi mona ako mapipigilan kahit magsumbong pa tayo sa kahit na sinong pulis ay Wala ding mangyayari makapangyarihan ang mga Samonte at sigurado ako na mamanipulahin lang nila ang hustisya!"
Wala nadin akong nagawa ng umalis si papa pero yung kaba ko sobra-sobra.
Pano kung mapahamak din sya?
Pano kung matulad lang din sya sa nangyari kay Mama?
Pano kung??????
Ang tanging nagawa ko nalang ay magdasal nasa maging okay lang si Papa at walang mangyaring masama sa kanya.
Nilapitan ko nalang si Mama at niyakap sya ng mahigpit wala pang isang buwan ng umalis sya dito samin pero ganito na ang nangyari sa kanya ibang iba sya sa dating itsura nya.
KATELYN'S POV
"Mommy ano ba nasasaktan ako."
"Talagang masasaktan ka sakin dahil dyan sa katigasan ng ulo mo."
Kinuha kasi ni Mommy yung pamalo nya at pinaghahampas ako na parang isang bata. Hindi na ako nagulat sa ginagawa nya kasi ganito talaga ang ginagawa nya sakin kapag nagkakamali ako.
"Amanda ano na naman to?"
Para akong nabuhayan ng loob sa pagdating ni Daddy dahil akala ko ay pipigilan nya si Mommy.
"Alam mo ba kung anong ginawa ng magaling mong anak? Pinakawalan lang naman si Eloisa at alam mo din siguro kung anong sunod na mangyayari? Pag-uusapan na naman tayo sa buong bayan."
Tiningnan Lang ako ni Daddy at napaupo sa isang tabi ni hindi man lang nya tinanong kung ayos pa ba ako, Kung kaya kopa ba. Pakiramdam ko talaga nag-iisa lang ako sa bahay nato.
/////
"MGA SAMONTE LUMABAS KAYO DYAN!!!! HARAPIN NYO AKO!!!!!!!"
Natigil si Mommy sa pagpalo sakin ng may marinig kaming sumisigaw sa labas at kinakalampag yung gate.
"And what the h*ll is that?!" Iritang tanong ni Mommy.
"LUMABAS KAYO DYAN!!! AKO ANG HARAPIN NYO!!!" pagpapatuloy ng lalaking sumisigaw sa labas.
Mayamaya ay pumasok na yung guard namin at sinabi kung sino yung tao sa labas.
"Ma'am yung asawa po ni Eloisa nasa labas galit na galit."
"What??!!!!! Diosdado please do something bago pa magising ang lahat ng mga kapitbahay natin dito at pagpyestahan pa ang issue nato."
Padabog na tumayo si Daddy at lumabas sumunod naman agad si Mommy pati ako sumunod din.
VINCE'S POV
Ma? Nandito kana sa bahay safe kana dito wala nang mananakit sayo.
Nagising si Mama habang pinupunasan ko sya at dahan dahang tumayo.
"Ang papa mo asan??"
"Wala po."
"Asan sya?????"
"Pumunta po sa mga Samonte. Pinigilan ko po sya pero ayaw nya talaga magpapigil."
"Ano???!! Kailangan natin sundan ang Papa mo."
"Pero Ma? Mahina pa kayo."
"Mas lalo akong manghihina kung may mangyayaring masama din si Papa mo. Kaya tara na sundan na natin sya bago pa mahuli ang lahat."
Katulad ni Papa ay hindi rin nagpapigil si Mama sa pagalis pero syempre sumama nako dahil mas kailangan nila ako.
Wala kaming sinayang na oras at sinundan namin si papa para akong mawawalan ng malay sa sobrang kaba.
Pagdating namin sa tapat ng bahay ng mga Samonte ay nasa mainit na tagpo na sila at yung dala ni Papa na itak? Ay itataga nya pero.
"Pa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
"Mahal!!!!!!!!!!!!!!"
Sabay naming sigaw ni Mama ng masaksihan namin kung pano binaril si Papa ng isa sa mga tauhan ng mga Samonte. Agad namang lumapit si Mama kay Papa at niyakap ito.
"Mahal?????? Lumaban ka wag kang susuko."
"Mahal? Patawad kung hindi kita naipagtanggol."
"Wala yon. Hindi na mahalaga sakin yon dahil ang mas mahalaga ay ang kaligtasan mo."
Nakatulala lang ako sa mga nangyari dati sa mga palabas kolang nakikita ang mga ganitong eksena pero ngayon mismong sa Pamilya kopa nangyari.
"Wow? What a scene. Parang sa pelikula lang ang kaso sad ending dahil pareho kayong mamatay." Sabi nung isang babae.
Tiningnan nya ni Mama ng masama at sa sobrang galit ay nasampal sya ni Mama.
"Napakasama mo!!! Napakasama nyo!!! Hindi kayo mga tao!!! Mag dem*nyo kayo!!!!!!! Dem*nyo!!!!!!"
Isang malakas na sampal naman ang tumama kay Mama dahilan para matumba sya.
"Dem*nyo pala ha??? Pwes makikita mo kung sinong dem*nyo ang kinalaban nyo!!!"
Kinuha nung babae yung baril sa tauhan nya at binaril si Mama.
Doon palang ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at tumakbo palapit sa mga magulang ko.
"Ma??? Pa???? Wag nyo akong iwan lumaban kayo."
"Anak? Lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin ng Papa mo at kahit wala na kami lagi mo sanang dadalhin ang mga itinuro namin sayo."
"Ma wag kayong magsalita ng ganyan, Makakaalis pa tayo dito. Maliligtas pa kayo. Hihingi ako ng tulong"
"Anak umalis kana"
"Hindi ko kayo iiwan ni Papa."
"Makinig ka sakin Vince. Kailangan mong iligtas ang sarili mo iwan mona kami ng Papa."
"Pero Ma???"
"
Vince wag matigas ang ulo mo! Takbo!!!!!!"
Pagkasabi ni Mama ng salitang takbo ay tumayo ako at tumakbo ng bilis.
Pero kasabay non ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko. Masakit man sakin na iwan sila pero kailangan kong sundin si Mama.
Akala ko hahayaan na nila ako pero sinundan ako ng mga tauhan ng mga Samonte kaya mas lalo kong binilisan ang takbo.
Gustong kong sumigaw at humingi ng tulong pero dahil sa sobrang takot ay hindi ko nagawa ang tanging nagawa kolang ay tumakbo ng tumakbo hanggang Isang tama ng bala ng baril ang tumama sa may balikat ko dahilan para dahan dahan akong matumba pero bigla kong naalala ang mga sinabi ni Mama '
Kailangan mo Iligtas ang sarili mo'
imbis na matumba ay ipinagpatuloy kolang ang pagtakbo kahit pa ng hihina na ako at ano mang oras ay pwede nang mawalan ng malay.
Habang tumatakbo ako sa isang madilim na kalsada ay isang sasakyan ang nakasalubong ko at pinara ko ito, Pagkatapos non ay nawalan na ako ng malay.
AMANDA'S POV
"Tingnan mo ang ginawa mo? Nag-iwan kapa ng isang testigo saan natin ngayon hahanapin ang anak ni Eloisa??"
"Pwede ba Amanda tumigil ka muna hindi ako nakakapagisip ng maayos."
"Sigurado ako na magsusumbong yon sa mga pulis."
"Kung pumunta man sya sa mga Pulis madali nating magagawan ng paraan yon."
"At yung bangkay ng mag-asawa??"
"Ako na ang bahala sa mga bangkay nila."
"Kung nasa atin lang kasi ang susi ng AGILA madali lang sana satin idispatya ang mga bangkay nila."
Tumingin lang sakin ng masama si Diosdado sabay alis.
VINCE'S POV
Nagising nalang ako at pinagmasdan ko ang paligid nasa isang maganda at malaking kwarto ako at may nakita din akong isang medyo may edad na babae at isang lalaki na Parang kaedad kolang din.
"Sino po kayo? At asan po ako."
Tanong ko sa isang magandang babae na nasa harapan ko.
"I am Violet Delgado at nandito ka sa pamamahay ko."
Tiningnan ko ang paligid nasa isang malaki at magandang silid ako pero bigla kong naalala sila Mama kailangan ko silang balikan.
Tatayo na sana ako pero biglang sumakit yung balikat ko ito pala yung tama sakin.
"Hindi kapa malakas so you should take some rest."
"Salamat nalang po pero kailangan kopo balikan ang mga magulang ko."
"Hindi ko alam kung anong nangyari sayo pero mahina kapa at hindi mopa kakayanin kung lalabas ka mag-isa."
"Pero kailangan kopo talaga balikan ang mga magulang ko." Mangiyak ngiyak kong sabi kay Ma'am Violet.
"Papayag lang ako na umalis ka kung magpapasama ka sa mga tauhan ko may tama ka ng baril and i'm sure na hindi lang basta basta ang nangyari sayo at sa mga magulang mo."
Kahit medyo masakit pa ang Tama sakin ay umalis padin ako. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanila. Gusto kong malaman kung okay lang ba sila o kung buhay pa ba sila dahil kung hindi? Ay hindi ko kakayanin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sinamahan ako ng mga tauhan ni Ma'am Violet at sumakay kami sa isang Van.
Pero pagdating namin malapit sa bahay ng mga Samonte ay wala na ni isang tao doon tahimik at nadin ang paligid.
Asan sina Mama at Papa???? Anong ginawa nila sa mga magulang ko????
Bababa na sana ako ng Van pero pinigilan ako ng isang lalaki.
"Wag kanang bumaba sigurado ako na may mga tao pa dyan na nagbabantay at kapag nakita ka nila ikaw naman ang isusunod nila."
"Pero pano ang mga magulang ko????"
"Kung bababa ka wala ding mangyayari."
Hindi na ako nagpumilit pa na bumaba at bumalik nalang kami sa bahay ni ma'am violet.
~~~~~~~~~~~~~~
"Anong nangyari? Nakita moba ang mga magulang mo?" Tanong nya sakin ng makabalik kami.
Naupo ako sa may sofa at unti unting pumatak ang mga luha sa mata ko. Parang sasabog ang utak ko sa sobrang pag-iisip kala Mama at Papa.
"Wala na po sila Doon."
"Pwede mo bang makwento sakin kung anong nangyari?"
"Yung Mama kopo nagtrabaho sya sa mga Samonte, Pero hindi naging maganda ang pagtrato sa kanya at higit sa lahat ay pinagsamantalahan din sya ng amo nyang lalaki, Mabuti nalang at nakatakas sya at nakapag sumbong samin kaya lang nung nalaman yon ni Papa ay hindi sya nakapagtimpi at sumugod sa mga Samonte. Tapos ayon napo binaril sila ng mga Samonte mabuti nalang at nakatakbo ako."
Naupo sa tabi ko si Ma'am Violet at niyakap ako.
"Now i see. Matalino ang mga pumatay sa mga magulang mo dahil sinugurado nila na walang matitirang anumang bakas sa crime scene."
"Bawiin nyo po ang sinabi nyo hindi pa patay ang mga magulang ko. Buhay pa sila at hahanapin ko sila."
"Masakit mang isipin pero yun ang totoo."
"Buhay pa po sila, Buhay pa."
Lalo akong napahagulgol ng maisip ko na wala ang mga magulang ko. Hindi pwede mangyari yon hindi ko kakayaning mag-isa.
"Magpahinga kana muna papasamahan kita sa magiging kwarto mo."
Eto na ata ang pinakamasakit na nangyari sakin ang mawala ng sabay ang dalawang taong mahal na mahal ko at sa paraang hindi makatao pa. Biktima lang kami at hustisya ang kailangan namin.
~~~~~~~~~~~
Habang nakatulala ako sa may kwarto na pinagamit sakin ay pumasok yung isang lakaki at may dalang pagkain.
"Kumain kana."
"Hindi ako kakain. Wala akong gana."
"Binilin sakin ni Madam V. Na pakainin daw kita dahil kailangan mong magbawi ng lakas."
"Bakit? Para saan pa? Wala na ang mga magulang ko kaya ano pang silbi Kung mabubuhay ako??? Mas mabuti pang mamatay nalang din ako.!"
Galit na sabi ko sa kanya pero hindi nya Lang ako pinansin at nilapag yung dala nyang pagkain.
"May dahilan kung bakit nandito ka at kung bakit buhay kapa. Kaya wag mong sayangin ang pagkakataon na binigay sayo. Magpalakas ka para sa susunod na makita mo ang mga pumatay sa magulang mo ay makukuha mo ang hustisya."
Pagkatapos nyang sabihin yon ay lumabas na sya. Hindi ko alam kung anong ibig nyang sabihin pero tama sya may dahilan kung bakit nandito pa ako hanggang ngayon at yun ang kailangan kong alamin.
# CHAPTER 8
VINCE'S POV
"Kung gusto mo pa
makitang
buhay ang magulang mo ibigay mo samin ang susi."
"Susi??? Anong susi??? Wala akong alam sa susi na sinasabi mo!"
"Ang Susi ng AGILA! alam kong sayo yan ibinigay ng traydor naming kaibigan kaya kung ako sayo ibigay mona."
"Wala akong alam sa susi na sinasabi mo! Nasan ang Papa at Mama ko!!!!"
"Edi hindi mo din makikita ang mga magulang mo!"
Naglakad sila palayo kaya agad ko silang hinabol pero kanina lang ay abot tanaw kopa sila hanggang sa nawala sila na parang bula.
"Sandali!!!!!!"
Napabalikwas agad ako ng bangon. Panaginip lang pala, Pero parang totoo ang panaginip nayon hindi kaya senyales yonna buhay pa ang mga magulang ko.
Hindi ako nagsayang ng oras at palihim na umalis ng bahay ni Ma'am Violet sigurado ako na pipigilan nya ako kapag nagpaalam pa ako sa kanya. Kailangan ko pumunta sa mga police at ireport ang nangyari posibleng buhay pa nga ang mga magulang ko kung ganon.
/////
Masakit para sa isang anak na tanggapin na wala na ang mga magulang nya kaya hanggat hindi ko nakikita ang mga katawan nila mananatili silang buhay sa puso at isip ko.
Hindi na ako nag-aksaya pang oras at pumunta na ako sa pinakamalapit na police station pero hindi paman ako nakakalapit ay nakita kona agad ang isa sa mga tauhan ng mga Samonte at sakto ay nagkatitigan kami kaya dali dali akong kumaripas nang takbo dahil sigurado akong papatayin nya ako.
Tumakbo ako sa isang madilim na iskinita pero isang putok ng baril ang nagpahinto sakin.
"Wag kanang tumakbo kung ayaw mong mamatay."
Dahan dahan akong lumingon sa may lalaki at nakatutok na sakin ang baril nya pero imbis na matakot ay galit ang naramdaman ko.
"Sige patayin mona din ako! Katulad ng ginawa nyo sa mga magulang ko."
Ngumiti Yung lalaki habang lumalapit sakin at nakatutok padin yung baril nya. Pumikit nalang ako at naghanda na sa kamatayan ko hindi ako natatakot mamatay ngayon dahil alam ko makakasama kona ang mga magulang kung saan man sila naroroon.
Pero hindi tunog ng baril ang narinig ko kundi pag-aray ng isang lalaki kaya napadilat ako at nakita ko na yungl lalaking babaril sakin ay nakikipag agawan ng baril sa isa pang lalaki.
Naagaw ng isang lalaki yung baril at tinutok doon sa papatay sakin at tinakot nya ito kaya napatakbo yung lalaki.
"Tara na umuwe na tayo."
Tiningnan ko sya ng maigi bago ko narealize na sya yung isa sa mga tauhan ni Ma'am Violet.
"Maraming salamat."
"Tara na hinahanap kana ni Madam V."
Ang sungit naman nya hindi man lang nya tinanong kung nasaktan ba ako? O okay lang ba ako.
Sumunod nalang ako sa kanya pasakay ng Van at wala talaga syang imik hanggang sa makarating kami sa bahay ni Ma'am Violet.
Pagkabalik na pagkabalik ko sa bahay ni Ma'am Violet ay isang sampal ang tumama sa pisngi ko.
"Anong nasa isip mo at pumunta ka sa police station? Muntik kanang mapahamak sa ginawa mo. Gusto moba talagang mamatay?"
"Kailangan kopong ireport ang nangyari sa mga magulang ko dahil kailangan managot ng mga Samonte."
"Papanagutin mo sila pero hindi sa ganitong paraan. Akala mo ba madali mong maipapakulong ang mga pumatay sa magulang mo? Wala kapang alam sa batas at hindi mopa alam ang kayang gawin ng pera kaya kung ako sayo mamanahimik muna ako."
"Madaling sabihin yan kasi hindi kayo ang nawalan! Pano ako makakatulog kung hanggang ngayon hindi ko alam kung anong nangyari sa mga magulang ko o kung buhay pa ba sila!"
"At anong gusto mong mangyari? Susugod ka sa mga Samonte? Kakasuhan mo sila? Ngayon palang sinasabi ko sayo na matatalo kalang at mawawalan ng saysay ang dahilan mo kung bakit hanggang ngayon buhay kapa."
"Kung ayon ang kinakailangan gagawin kopo! Ipapakulong ko sila! Pero kailangan kong balikan ang mga Samonte kailangan kong malaman kung buhay paba ang mga magulang ko."
"Kung gagawin moyon parang nilagay mona din sa kamatayan ang sarili mo."
"Pero hindi naman po ako mapapakali dito kung hanggang ngayon hindi kopa alam ang nangyari sa mga magulong ko! Pupuntahan ko ang mga Samonte sa ayaw at gusto nyo!"
"Gusto mo talagang sumugod sa mga Samonte?? Sige pagbibigyan kita."
Akala ko papayagan na nya ako pero hinawakan nya ako sa braso at hinila palabas. Dinala nya ako sa isang malawak na Hardin Kung saan madaming mga lalaki ang tila'y nagsasanay.
"Tingnan mo sila. Ganyan din kadami ang sasalubong sayo pagdating mo sa bahay ng mga Samonte. Papayag lang ako na umalis ka dito kung malalagpasan mo ang mga tauhan ko."
Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis din sya agad.
Tiningnan ko yung mga lalaki malalaki ang mga pangangatawan nila at yung iba may hawak pang mga baril. Siguro kahit isa lang sa kanila ang lumapit sakin sigurado akong hindi na ako sisikatan ng araw.
Naiyak nalang ako kasi narealize ko na sobrang Hina ko pala at wala akong magagawa kung ngayon ko haharapin ang mga Samonte.
Bumalik ako sa loob at nakaabang don si Ma'am Violet.
"Narealize mo naba na hindi mo kaya?" Agad na tanong nya sakin ng makita nya ako.
"Ma'am Violet tulungan nyo po ako Parang awa nyo na."
Kung kinakailangan lumuhod ako sa harap nya gagawin ko matulungan nya lang ako.
"Matutulong kita pero sa paraang alam ko."
"Ano pong paraan? Kahit ano po gagawin ko makuha kolang ang hustisya para sa pamilya ko."
"Maupo ka dito."
Umupo naman ako sa tabi nya at nag-aantay sa iba pa nyang sasabihin.
"Kailangan mo maging handa. Dahil hindi lang basta laban ang kakaharapin mo kundi isang gera at kung haharap ka sa kanila ng Hindi ka handa? Para kalang isang ipis na kayang kaya nilang tapakan."
"Ano pong kailangan kong gawin?"
"Marami kapang kailangan matutunan pero kailangan mo munang matutunan na ipagtanggol o depensahan ang sarili mo."
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Sasanayin kita na makipaglaban."
"Kailangan po ba yon? Hustisya lang po ang kailangan ko."
"Katulad ng sinabi ko sayo kanina gera ang kakaharapin mo. Kaya gusto kong malaman ngayon kung handa kaba?"
Napaisip ako bigla sa sinabi nya medyo nag-aalangan ako nung una pero inisip ko ang mga magulang ko at kung ito lang ang paraan ay gagawin ko.
"Para sa magulang ko gagawin kopo kahit ano." Sagot ko sa kanya.
"Good to hear. Pero bago yan gusto kolang malaman ang pangalan mo hindi mopa kasi nasasabi sakin."
"Sorry po. Ako nga po pala si Vince."
"Vince napakagandang pangalan. "
"Please po Ma'am Violet tulungan nyo po ako."
"Magpahinga kana muna. May tamang oras para dyan sa ngayon kailangan mo magpahinga at magipon ng madaming lakas para maging handa ka."
Hindi ko alam kung ano ba talagang balak nya pero wala nakong pamimilian ito nalang ang tanging paraan para malaman ko kung ano ba talaga ang nangyari sa mga magulang ko.
"Gray ihatid mona si Vince sa kwarto nya."
Tumango naman yung masungit na lalaki. Gray pala ang pangalan nya. Umakyat na kami papunta sa kwarto na ipinahiram lang sakin hindi rin sya nagtagal sinugurado nya lang na nakahiga na talaga ako.
Habang nakahiga ay muli kona naman naalala ang nangyari kala Mama at Papa wala silang sinaktan o inagrayadong tao pero nangyari padin sa kanila yon.
Ipinapangako aalamin ko kung anong nangyari sa kanila o nasan sila at ang mga Samonte papanagutin ko sila sa ginawa nila sa mga magulang ko.
KATELYN'S POV
"Kuya hindi kona kaya to! Nakita moba kung paano binaril ni Mommy si ate Eloisa??? At pati yung asawa nya at si Vince hindi ko alam kung okay ba sya o kung buhay pa sya."
"Katelyn alam nila Mommy ang ginagawa nila okay? Kaya relax kalang wag mo nalang sila kontrahin para hindi kana masaktan."
"Kuya pano mo nasisikmura ang mga ginagawa nila?? Ba't parang wala kang pakialam. Meron kabang alam na hindi kopa nalalaman??"
Sandaling natahimik si kuya at tila nag-iisip ng isasagot sakin.
"Ano bang sinasabi? Of course their our parents we should support them no matter what."
"Kahit pumatay sila??? Kuya nakakakonsensya."
Lumapit sakin si kuya at hinawakan ang dalawang braso ko.
"Kung susunod ka, Tayo, Sa mga gusto nila magiging okay ang lahat."
Hindi ako pinapatulog ng konsensya ko dahil alam kong mabubuti silang tao pero bakit kailangan gawin payon nila daddy??? Bakit kailangan nila pumatay!!??
Gusto kong isumbong sila sa mga police pero may part padin sa puso ko na hindi ko kaya dahil parents kopa din sila.
VINCE'S POV
Kinabukasan Maaga ako nagising dahil mahimbing ako nakatulog at maaliwalas ngayon ang pakiramdam ko.
Lumabas ako ng kwarto at pinagmasdan ang napakalaking bahay ni Ma'am Violet sobrang yaman nya siguro.
Bumaba ako hanggang sa makarating ako sa dinning area nila at doon ko nakita si Ma'am Violet at si sungit na magkasabay na kumakain.
"Gising kana pala."
"GoodMorning po Ma'am Violet."
"Maupo kana Vince at saluhan mo kami."
Ngumiti lang ako at tumabi na sa kanila ang daming pagkain pero dalawa lang sila nung lalaking masungit.
"Wag ka mahiya kainin molang ang gusto mong kainin kailangan mo ng lakas dahil mamaya sasanayin kana ni Gray."
"Sya po ang magsasanay sakin???"
"Oo bakit? May problema ba." Takang tanong sakin ni Ma'am Violet nakakatakot naman kasi tong si Mr. Sungit este Gray pala.
"Wala naman po."
//////
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami at pagkatapos ay lumabas na kami ni Gray dahil maguumpisa na daw kami sa pagsasanay.
"Sige suntukin moko" agad na utos nya sakin hindi man lang sya nagsabi na okay start na tayo.
"Ano???"
"Ang sabi ko suntukin moko."
Sigurado sya? Susuntukin ko sya?? Lakas ng tama nya ah Pero sige gusto nya eh. Inayos yung kamay ko at sinuntok ko sya pero nakaiwas sya at nahawakan ang kamay ko sabay pilipit papunta sa likod ko.
"Aray! Aray! Ang sakit."
Binitawan naman nya ako agad. Loko to ah! Sabi suntukin ko sya tapos iilag pala.
"Ano yung ginawa mo? Kahit sinong kalaban kayang kaya iwasan yon."
"Ang sabi molang kasi suntukin kita tapos yun pala iiwas kadin."
"Namimilosopo kaba?" Masungit nyang tanong sakin.
"Ako? Hindi ah. Turuan mo nalang ako please."
"Tsk sige umayos kana. Lahat ng gagawin ko ay kailangan mong sundan."
Napakasungit naman talaga nya siguro kung naging teacher nya malamang wala na syang estudyante.
Pumuwesto sya sa harap ko at tumalikod sakin lahat ng ginagawa nyang pagsuntok ay pilit kong ginagaya kahit pa na mahirap.
"Isipin mo na kaharap mo ang mga Samonte."
Pinikit ko ang mga mata ko at inisip ko na nasaharap kolang ang mag-asawang Samonte.
Yung mga ginawa ni Gray ay nagawa ko naman ng tama kaya napangiti sya ng konti lang.
"Ngayon suntikin mo ulit ako."
Aba talagang hinahamon ako nito. Akala nya ha? Pasensyahan nalang pagnasaktan sya.
"Aray ano ba! Sabi mo suntukin kita bakit pinilipit mona naman ako????"
"Mag-isip ka nga? Sinong tao ang papayag na suntukin sya? Syempre asahan mo na iiwas sya at dedepensa kaya wag kang magpakampante."
May point nga naman sya pero mali padin dapat sinasabi man lang nya .
"Pwede moba ako turuan mag depensa?"
Tumango lang sya at nagsungit na naman. Humarap sya sakin at akmang susuntukin ako pero nilagay nya lang sa gilid ng ulo ko.
"Kapag susuntok sayo ang kalaban igigilid mo lang buong katawan mo pero kailangan naka depensa padin ang mga kamay mo para hindi ka matamaan ng mga suntok nya, Sige suntukin mo ako."
Sinuntok ko naman sya pero lahat yon nailagan nya at ginagamit nya ang mga kamay nya para tabigin ang mga kamay ko.
"Ako naman ang susuntok sayo. Gayahin mo lang ang ginawa ko."
Siya naman ang sumuntok sakin pero alalay lang at masaya naman ako dahil nasalag ko naman natutunan ko agad ang mga tinuro nya.
"Ngayon hawakan mo ang kamay ko at pilipitin mo papuntang likod."
"Sigurado ka?"
Tumango lang sya sakin at ginawa ko naman ang sinabi nya hinawakan ko ang kamay nya at ipinunta ko palikod at nilapit ko ang katawan ko sa kanya habang ang isa ko namang kamay ay nakasakal sa leeg nya.
Binitawan ko naman din sya agad dahil baka nasasaktan na sya.
"Magaling Vince, Pero madami kapang dapat matutunan hindi lang basta suntok ang gagawin mo."
"Salamat sayo."
"Wag ka muna magpasalamat dahil wala pa sa kalahati ang natututunan mo."
"Handa akong matutunan ang lahat."
Lumapit sya sakin at napaatras naman ako.
"Nakikita mo yang malaking puno? Yung nakasabit na boxing bag doon ka magsanay ibuhos mo lahat ng galit mo doon at bukas dapat mas handa kana."
Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis nadin sya.
Napasungit nya talaga konti pa ngalang natuturo nya sakin umaayaw na agad sya baka sya yung nahina.
Pero wala akong choice dahil iniwan na nya ako at mag-isa nalang ako ngayon.
Kailangan ko matutunan ang lahat ng dapat kong matutunan dahil mabigat na kalaban ang mga Samonte at hindi ako mapapakali hanggat hindi ko naipapataw sa kanila ang nararapat sa ginawa nila sa mga magulang ko!
"Ahhhhh!!!!!!"
Binuhos ko lahat ng galit ko sa boxing bag na nakasabit.
Inisip ko na yung mag-asawang Samonte ang sinusuntok ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nang makaramdam ako ng pagod ay bumalik nako sa kwarto ko para makapag pahinga at makapag palit nadin ng damit ang sabi din kasi ni Gray wag ko muna bibiglain ang katawan ko dahil nagsisimula palang kami.
Habang nakahiga ako sa kwarto ay pumasok si Ma'am Violet at tumabi sakin.
"Kamusta ang unang araw mo?"
"Ayon po medyo masakit ang katawan ko pero madami po akong natutunan."
"Ang dedekasyon mo ang magpapalakas sayo kaya wag ka basta basta susuko at isipin mo lang palagi na ginagawa mo to para sa magulang mo."
"Bakit po ang sungit ni Gray?"
"Si Gray masungit? Ganon lang talaga sya seryosong tao hindi masyado nakikipag-usap."
"Ah eh matanong kolang po? Anak nyo po ba sya?"
"Anak sya ng matalik kong Kaibigan pero tinuturing kona sya na parang isang tunay na anak."
"Ang bait nyo po pala noh? Wala po ba kayong ibang pamilya?"
"Wala na. Katulad ng nangyari sayo pinatay din sila ng mga Walang awa at mga walang kaluluwa na kaaway namin sa negosyo."
"Sorry po kasi nabanggit kopa."
"Ayos Lang. Matagal nadin naman nangyari yon pero nung nakita kita at nalaman ko na pinatay din ang mga magulang mo ay parang bumalik sa alaala ko ang nangyari sa mag-ama ko at ayoko nang maulit pa ang nangyari sakin na hanggang ngayon ay hindi kopa nakakamit ang hustisya dahil hindi ko kilala ang mga pumatay sa kanila. Kaya wag kang mag-alala tutulungan kita."
"Maraming salamat po."
"Sige na magpahinga kana at mukhang napagod ka sa pageensayo nyo ni Gray."
Hinalikan nya ako sa noo at lumabas nadin. Naawa tuloy ako bigla kay Ma'am Violet dahil tulad ko mag-isa nalang din pala sya sa buhay at pinatay din ang mag-Ama nya.
Ipinapangako makakamit ko ang hustisya sa pagkamatay ng mga magulang at papanagutin ko ang mga Samonte sa ginawa nila.
# CHAPTER 9
VINCE'S POV
Lumipas ang limang araw ay unti unti koding natutunan kung paano ko maipagtatanggol ang sarili ko sa tulong nadin ni Gray kahit na masungit sya ay natuturuan naman nya ako ng maayos.
Pagkatapos naming mag ensayo ni Gray ay umupo kami pareho at dumating naman si Ma'am Violet at may kasama syang isa pang lalaki.
"Tapos naba kayo magsanay??"
"Opo kakatapos lang namin." Agad na sagot ko.
"Siya nga pala si Danny isa sa pinakamagaling kong tauhan at gusto ko makita ang lahat ng natutunan mo kay Gray."
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Gusto kong harapin mo sya."
Tiningnan ko ulit ang kasama nyang lalaki malaki ang pangangatawan nito doble sa katawan ni Gray siguro pag natamaan ako ng suntok nito ay makakatulog ako ng isang linggo.
Sumunod kami ni Gray kala Ma'am Violet at haharapin ko na si Danny.
"Gamitin mo lang lahat ng natutunan mo."
"Oo."
"Mag-iingat ka."
Tama ba ang narinig ko? Sinabihan ako ni Gray na mag-ingat? Himala.
////
Pumuwesto na kami ni Danny at ako ang unang sumugod nagpakawala ako ng sunod sunod na suntok pero lahat yon nasalag nya halatang alam nya na kung ano ang mga gagawin ko at nang sya naman ang sumipa ay bahagya akong napaatras. Hanggang sa natamaan nya ako ng suntok, Nanlabo ang panigin ko dahil sa lakas ng suntok ni Danny akala ko hihinto na sya pero sinakal nya ako mula sa likod kaya mas lalong nanlabo ang paningin ko at pakiramdam ko anumang oras ay mawawalan nako ng malay.
Pero bigla kong naisip ang lahat ng tinuro sakin ni Gray at kung matatalo ako ay parang nasayang lang lahat yon at gusto kodin ipakita kay Ma'am Violet ang bunga ng aming pagsasanay.
"Ahhhhh!!!!!"
Sigaw ko sabay tapak sa isang paa ni Danny at inumpog ko yung ulo ko sa mukha nya sabay siniko ko yung sikmura nya at doon ay nabitawan nya ako at napaataras sya.
Hindi kona sya binigyan pa ng pagkakataon para makaganti dahil isang malakas na sinipa ang binigay ko sa kanya dahilan para matumba sya agad naman akong lumapit sa kanya at pinilipit ko ang kamay nya.
"Enough Vince. Bravo! Ngayon mukhang handa kana talaga."
Binitawan ko naman agad si Danny at binati nya ako dahil sa ginawa ko kahit ako hindi ko akalain na magagawa ko yon.
"Mukhang magaling magturo si Gray." Masayang sabi ni Ma'am Violet.
"Opo."
"Sige na magpalit kana at pagkatapos ay bumalik ka dito dahil may isang bagay pako ituturo sayo.
Pagkababa ko ay pinapunta ako ni Ma'am Violet sa bandang likod ng bahay nya at doon nakita ko na may mga taong nakatayo sa dulo pero mga pekeng tao.
"Gamitin mo to."
May inabot sya sakin na baril pero nag-alangan ako na kunin yon.
"Para san po ito."
"Ito ang sinasabi ko sayo na kailangan mopang matutunan."
"Hindi kopo kayang gumamit nyan."
"Makinig ka sakin Vince hindi patas lumaban ang mga Samonte at sigurado ako na hindi lang pisikal na laban ang magpapabagsak sa kanila. Kaya kailangan mong matutunan kung pano gumamit nito."
"Pero natatakot po ako."
"Wag ka matakot hindi ka naman papatay, kailangan molang matutunan ang ganitong bagay. Sige itutok mo don sa may taong nakatayo sa dulo."
Pero bago kami nagsimula ay sinuot ko muna yung pangtakip sa tenga at eyeglass bilang proteksyan. Inilalayan ako ni Ma'am Violet upang maesentro ko ng maayos medyo na nginginig pa ang mga kamay ko dahil first time kong hahawak nito.
Una kong putok ay daplis lang kaya itinuro sakin ni Ma'am Violet ang tamang paghawak ng baril.
"Wag kang kabahan Vince isipin mo na mga Samonte sila at kailangan mo silang patamaan."
Tinutok ko muli yung baril at sa pagkakataong ito ay inisip ko na mga Samonte ang nakatayo.
Parang biglang nag umapaw ang galit ko sa kanila.
Para sa Mama ko!
Para sa Papa ko!
At para sakin! Dahil pinatay nyo ang mga taong dahilan kung bakit ako nabubuhay!
Pinatigil ako ni Ma'am Violet dahil mukhang hindi kona kayang dalhin ang emosyon ko.
"Sorry po nadala lang ako."
"Ganyan nga Vince gamitin mo ang galit nayan para maisagawa mo ang plano natin. Pero wag mo ding hahayaan na lamunin ka nito dahil ito ang sisira sayo at sa mga plano mo. Tingnan mo naisentro mo lahat ang tama konting ensayo pa ay gagaling kadin."
"Pero Ma'am Violet ano po ba ang gagawin natin? At ano ang magiging plano natin?"
"Lalabanan mo sila sa paraang hindi nila inaasahan. Hindi ka lalaban ng harapan at patas dahil iba maglaro ang mga Samonte kahit batas nalalaro nila kaya hindi mo sila mapapagbagsak at hindi modin makakamit ang hustisya sa Pamilya mo ng basta basta."
"Bakit po parang kilala nyo ang mga Samonte? May galit poba kayo sa kanila o may ginawa sila sa inyo?"
"Hindi ko lubos na kilala ang mga Samonte pero may ginawa sila sa kaibigan ko na hindi ko ikinatuwa at kung ikukwento kopa sayo ay maayadong mahaba."
"Sorry po ang dami kong tanong."
"Ayos lang sige na ipagpatuloy mona ang ginagawa mo."
//////
Sa bawat araw na lumipas ay ang dami kong natutunan kung paano ko ipagtatanggol ang sarili at kung paano lalabanan ang mga Samonte at lahat yon ay sa tulong ni Ma'am Violet kung Hindi dahil sa kanya malamang ay wala ako ngayon dito.
Hindi madali ang naging pageensayo ko at may mga pagkakataong gusto konang sumuko pero sa tuwing naiisip ko sila mama at papa ay lalo akong lumalakas.
AFTER 2 MONTHS
"Sorry po Ma'am Violet tinanghali ako ng gising."
"It's okay Vince. Meet Cassandra Salvador at tuturuan ka nya kung paano lumakad at umakto na parang isang beauty queen."
"Po?? Beauty queen?? Bakit may paganito po????"
"Pano maiwan kona muna kayo."
Aangal pa sana ako pero iniwan na kami ni Ma'am Violet.
"Hi Vince? My name is Cassandra."
"Ah eh hello po??"
"So shall we start?"
Tumango nalang ako dahil mukhang wala naman akong choice. Di ko talaga alam kung ano ba ang balak sakin ni Ma'am at hanggang ngayon ay wala padin kaming ginagawa laban sa mga Samonte.
"But before we start you should wear these"
"Po??? Kailangan po bayan??"
Pano ba naman kasi may pinakita sya saking heels eh kahit na minsan hindi pako nakakasuot non.
"Yes it is needed. It will help you to walk properly like a Beauty Queen."
Dahil mukhang wala naman akong choice ay kinuha ko nalang at isinuot at nagsimula na agad kami.
"Okay chest out, Chin up, arms side and cross your legs then try to walk."
Hindi ko alam kung paano ako makakalagakad habang suot suot ko ang pagkataas taas na heels nato pero sige susubukan ko.
Kung makikita nyo lang ang lakad ko ay matatawa kayo sakin dahil nga sa hindi ako sanay mag heels ay pagewang gewang ako maglakad mabuti nalang at nandyan si Cassandra sa tabi ko at inaalalayan ako.
"Don't be afraid Vince. Just feel that your heels is a part of you. Walk like you own the stage and you are most beautiful girl in this world."
"Sorry po Miss Cassandra first time kolang kasi."
"It's okay Vince that's why i'm here to help you."
Hirap na nga ako makalakad ay tila mauubusan din ako ng dugo dahil English speaking tong babae nato hindi ba pwedeng magtagalog nalang sya tutal naman nasa Pilipinas kami.
Sinubukan ko ulit maglakad habang nakaalalay sakin si Miss Cassandra medyo lasing padin ako pero sabi nya sakin na wag daw ako sumuko anupat masasanay din ako.
Habang nagsasanay ako ay biglang dumating si Gray at doon pa pala umupo malapot samin at pinapanood pa kami. Kainis naman tong tao nato dito pa talaga?
"Focus Vince kaya moyan"
Focus? Pano ako makakapag focus kung may nanonood sakin?
Please naman Gray umalis kana.
/////
Buong araw ako tinuruan ni Miss Cassandra kung paano maglakad ng naka heels at syempre kung paano umakto kapag may kausap akong iba specially mga mayayamang tao.
Ibat ibang klaseng etiquette ang itinuro nya
na bago lahat sakin ganito pala kakomplikado ang buhay ng pagiging mayaman andaming kailangan gawin at matutunan.
"Mukhang napagod ka buong araw."
Nandito ako ngayon sa garden at tinatanaw ang mga bituin sa kalangitan.
"Oo nga eh."
"Pero sulit naman kasi ang dami monang natutunan sigurado ako na kapag nakaharap mona ang mga Samonte ay handa kana."
"Sigurado ka? Ako kasi parang hindi kopa kaya naiisip kopa lang sila ay naghahalo na agad ang mga emosyon ko."
"Wag mong hayaang lamunin ka ng emosyon mo dahil ayan ang sisira sayo masasayang lahat mg pinaghirapan mo."
"Salamat sa inyo ni Ma'am Violet dahil tinulungan nyo. Salamat sayo kasi tinuruan moko makipaglaban ngayon kaya konang depensahan at ipagtanggol ang sarili ko."
"Masaya ako at natulungan kita, pasensya kana nga pala kung nung una nasusungitan kita ganon lang talaga ako kapag oras kasi ng seryoso Hindi moko mapapatawa."
"Oo mga eh. Pero ngayon magkaibigan na tayo? Ano?"
Inabot ko yung kamay ko pero tiningnan nya muna ako bago nakipagkamay.
"Ikaw ang unang nagsabi sakin nyan."
"Seryoso??? Wala kang kaibigan dito???"
"Lahat kasi kami dito walang oras sa pakikipagkaibigan lahat kami nabubuhay sa pakikipaglaban lalo na sa mga inuutos ni Madam V."
"Sorry ha? Pero matanong kolang? Asan ang mga magulang mo? Alam ba nila ang trabaho mo?"
"Wala na sila. Kaya si Madam V. Ang tumayong pangalawang magulang ko kaya sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya. Naging mabuti sya sakin at tinuring nya akong isang tunay na anak."
Bigla kong naalala yung sinabi sakin Ma'am Violet na pinatay din pala ang mga magulang ni Gray.
"Eh Girlfriend wala kaba?"
Diko alam kung bakit ko natanong sa kanya yon haha curious lang.
"Wala akong oras sa mga ganyan at kung may magmamahal man sakin kailangan mahalin nya din kung ano ang buhay na meron ako."
"Meron yan. Tiwala kalang alam mo kasi Gray dapat minsan lumabas labas kadin hindi yung iniikot mo ang buhay mo dito."
"Dyan kana nga kung ano ano naman mga sinasabi mo."
Hindi masungit si Gray sa saglit na magkasama kami ay nakikita ko syang ngumingiti at nakita kodin na nag-aalala sya. Ayaw nya lang ipakita sa iba siguro dahil nahihiya sya.
Sapat na kaya ang mga natutunan ko para makaharap kona ang mga Samonte?
Makakaya ko kayang makuha ang hustisya na kailangan ko??
Malalaman ko kaya agad ang tunay na nangyari sa Magulang ko??
Ang daming katanungan sa isip ko na hindi ko masagot at mangyayari lang yon kapag nakaharap kona ang pumatay sa Magulang ko.
...................
FLASHBACK
......................
"Ma??? Pa???? Wag nyo akong iwan lumaban kayo."
"Anak? Lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin ng Papa mo at kahit wala na kami lagi mo sanang dadalhin ang mga itinuro namin sayo."
"Ma wag kayong magsalita ng ganyan, Makakaalis pa tayo dito. Maliligtas pa kayo."
"Anak umalis kana"
"Hindi ko kayo iiwan ni Papa."
"Makinig ka sakin Vince. Kailangan mong iligtas ang sarili mo iwan mona kami ng Papa."
"Pero Ma???"
"Vince wag matigas ang ulo mo! Takbo!!!!!!"
Pagkasabi ni Mama ng salitang takbo ay tumayo ako at tumakbo ng bilis.
Pero kasabay non ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.
...........
END OF FLASHBACK
................
Napatulo na naman ang luha ko ng maalala ko ang nangyari kala Mama at Papa pinatay sila ng mga walang Samonte.
Antayin lang ng mga Samonte ang pagdating ko kung inaakala nila na tahimik na sila pwes yayanigin ko ang pamilya nila at mga buhay nila.
Pinapangako ipaghihiganti ko ang nangyari sa Magulang ko hanggang sa magmaakawa sila sakin na itigil kona!
# CHAPTER 10
VINCE'S POV
"Pwede po ba akong bumalik sa bahay namin? Baka may makita papo kasi akong bagay na mahalaga sakin."
"Sige pero isama mo si Gray."
"Salamat po."
Nagpasama na agad ako kay Gray pauwe samin. Ngayon nalang ulit ako makakauwe pagkalipas ng ilang buwan pero kailangan ko padin mag-ingat lalo nat alam ng mga kapitbahay ko na wala na ako.
Bago kami umalis ni Gray ay nag suot muna ako ng kulay pula na jacket at nag suot ng shades para hindi ako makilala ng mga tao na taga samin.
"Hindi ba sa gagawin mong ito lalo molang papahirapan ang sarili mo? Dahil tiyak na kapag umuwe ka sa inyo maraming mag-papaalala sayo ng tungkol sa Pamilya mo."
"Hanggat hindi ko alam ang totoong nangyari sa kanila hindi ako matatahimik at lagi ko silang maalala at hanggang hindi ko nakukuha ang hustisya sa ginawa nila samin mananatili ang sakit sa puso ko."
"Pero hindi tayo pwedeng magtagal don mahirap na at baka may makakita sayo."
Tumango nalang ako sa sinabi nya.
Bakit ganon? Kung sino pa ang may sala sila pa ang nakakalabas at nakakagawa ng mga bagay na gusto nila.
Tapos ang tunay na mga inusente sila pa ang nagtatago at natatakot para sa kanilang kaligtasan.
Dahil sa tagal konang hindi nakabalik dito sa bahay namin ay magulo na ito at puro maalikabok dati kahit ganito lang ang bahay namin masaya naman at may buhay pero ngayon katulad ng puso ko, madilim at malungkot.
Tanging mga larawan lang naming mag Pamilya ang nakuha ko. Pumasok ako sa kwarto para tingnan kung may iba pakong maidadala at sakto nakita ko ang luma kong wallet at doon nakita ko ang isang susi. Ito yung Susi na inabot sakin nung lalaking namatay.
"Ano yang hawak mo?"
"Hindi ko alam kung para saan to pero baka balang araw magagamit ko ito."
"May iba kapa bang kukunin? Kailangan na natin magmadali dahil baka may makakita satin."
Ang hirap ng kalagayan ko dahil kahit wala akong ginagawang masama ay kailangan kong magtago at maging patay sa mga taong nakakakilala sakin.
"Wala na tara na."
Umalis agad kami ni Gray dahil hindi pwedeng may makapansin na may tao sa bahay namin at higit sa lahat ay walang pwedeng makakita sakin dahil sigurado ako na malalaman din yon ng mga Samonte.
~~~~~~~~~~~~~
Hindi lang kaalaman sa pakikipaglaban ang ipanglalaban ko sa mga Samonte kundi pati ang aking bagong katauhan. Oo, magbabago ako ng katauhan sa tulong nadin ni Ma'am Violet sinabi nya sakin na tutulungan nya daw ako para maging isang babae noong una nag-aalinlangan ako pero sa huli ay pumayag din ako dahil ipinaliwanag niya sakin ang magandang maidudulot nito.
"Maraming magbabago kapag nag-iba kana ng katauhan Vince."
"Alam kopo yon Ma'am Violet pero kung ito po ang paraan para makamit ko ang hustisya ay gagawin kopo atsaka gagawin ko din to para mapalaya na ang babaeng matagal ng nakakulong sa puso ko."
"Hindi nga ako nagkamali sa pagkuha sayo Vince tunay nga napalaki ka ng maayos ng mga magulang mo."
"Syempre kung ano din po ako ngayon ay parte nadin po kayo. Kaya Ma'am Violet maraming salamat po tatanawin kopo itong malaking utang na loob."
"Wag mona akong tawaging Ma'am Violet. You can call me Tita Violet."
"Okay po Tita Violet."
Bago kami umalis ni Tita ay mahigpit nyang binilinan si Gray na sya muna ang mangangalaga sa iba pa nyang mga businesses habang wala kami.
Marami pa akong hindi alam kay Tita Violet pero alam ko mabuti syang tao at habang nabubuhay ako tatanawin kong isang malaking utang na loob ang tulong na ginawa nya sakin.
"Handa kana ba?"
"Medyo kinakabahan lang po."
"Wag kang kabahan Vince, Nandito lang ako sa tabi mo at ipagdadasal ko na maging successful ang oporasyon mo."
"Maraming Salamat po."
"Nagpaalam kana ba kay Gray?"
"Hindi pa nga po eh."
"Sige na magpaalam kana muna sa kanya dahil matagal tayong mawawala."
Ngayon palang ay sobrang mamimiss kona si Gray dahil mahabahaba din ang pinagsamahan namin kahit minsan masungit sya pero tinuturuan nya padin ako.
"Ah eh ngayon pala ang alis namin ni Tita Violet."
"Ganon ba? Eh ba't nandito kapa?"
"Gusto kolang sana magpaalam sayo kasi matagal tagal kaming mawawala."
Kahit minsan masungit tong si Gray ay mamimiss ko sya isa rin sya sa mga dahilan kung bakit ako naging ganito ngayon kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya.
"Mag-iingat kayo don. Sana pag balik mo mas makita ko ang matapang at palaban na Vince."
"Sana pagbalik ko walang magbago dahil ano man ang itsura ko ano man ang pagkatao ko mananatili parin si Vince sa puso ko."
"Sige na baka nag-aantay na si Madam V. "
Tumango lang ako sa kanya at tumalikod pero di paman man nakakalabas ng kwarto nya ay tinawag nya ako.
"Vince? Mag-iingat ka don."
Napangiti nalang ako sa sinabi nya at lumabas na ng kwarto dahil naghihintay na sakin si Tita Violet.
~~~~~~~
Sabi nila hindi mo kailangan magbago o baguhin ang sarili mo para lang magustuhan ka ng ibang tao dahil kung talagang malinis ang intentsyon nila sayo kahit ano kapa ay tatanggapin ka nila.
Pero ngayon narealize ko hindi porket magbabago ka o babaguhin mo ang sarili mo ay para matanggap ka nila dahil
magbabago
ako para
makamit
ang
hustisya
sa ginawa nila sa nanay at
tatay
ko.
~~~~~~~~
Sa thailand ang napiling bansa ni Tita Violet para sa gagawing operasyon sakin ilang oras din ang byahe mula Pilipinas papunta dito.
Sa isang hotel muna kami mag sstay ni Tita since sa isang araw pa ang operasyon nag advance lang kami nag punta para makapag relax.
"First time kopo makarating dito ang ganda pala."
"Maganda talaga dito, Hayaan mo kapag madami na tayong oras? Lilibot pa tayo sa ibat ibang bansa."
"Talaga po?"
Napakabait talaga ni Tita Violet hindi kona tuloy alam kung pano kopa sya mapapasalamatan.
Ngayon unti unti konang
nasasagawa
ang mga
hakbang
ko ay wala nang
makakapigil
sakin.
Isinusumpa
ko
pagbabayadan
nila ang
pagpatay
nila sa
magulang
ko at siguraduhin ko pagbabayadan din nila lahat ng
kahayupan
na ginawa nila ako ang mag
bibigay
hustisya
sa mga taong
hinamak
at
pinatay
nila.
~~~~~~~~~~~~~
Ngayon na ang araw ng opersyon ko at talagang kinakabahan nako.
"Tita kinakabahan po ako?"
"Hindi mo naman mararamdaman ang sakit,Sige na pumasok kana."
Inisip ko nalang sila Mama at Papa dahil gagawin ko to para sa kanila.
Pinahiga ako ng mga doctor at may kung anong tinurok sakin at unti unting akong nakaramdam ng pagantok.
~~~~~~~~~~
After ng Operasyon ay hindi tumigil ang buhay ko dahil nag-aral pa ako. Kailangan ko daw yon para mas maging matalino at hindi ako maisahan ng mga Samonte.
Humarap ako sa salamin at tiningnan ang itsura ko halos wala nang makitang bakas ni Vince dahil isa na talaga akong ganap na babae.
"Napakaganda mo."
"Salamat po."
"Handang handa kana talaga, Pero may isa kabang dapat baguhin."
"Ano po yon?"
"Ang pangalan mo. Since wala na si Vince gusto ko ang gagamitin mong pangalan ay Scarlet, SCARLET DELGADO. Ikaw ang nag iisang pamangkin ni Violet Delgado tatandaan mo yan."
Pagkatapos nyang sabihin yon ay niyakap nya ako at lumabas na sya ng kwarto. Tumitig ulit ako sa salamin at kinausap ang sarili ko.
"Simula sa araw nato wala na si Vince dahil ikaw na si Scarlet ang babaeng magpapagbagsak sa mga Samonte."
Kahit ako ni Scarlet ay hindi ko padin kayang patayin ang pagkatao ni Vince mananatili padin sya sa puso ko.
Pagpapahingahin ko muna sya dahil sa mga pinagdaanan nya at sa tamang panahon ay babalik sya.
Kinuhaan ako ni Tita Violet ng private tutor na syang magtuturo sakin ng lahat ng kailangan ko malaman.
Medyo mahirap sa umpisa dahil sa lenggwahe, Aminado kasi ako na hindi ako kagalingan sa pagsasalita ng English pero ayos lang naman daw dahil matututo din ako.
2 years later
GRAY'S POV
Ngayon ang araw ng uwe nila Madam V. At Vince kaya naman excited ako na sunduin sila dahil matagal din silang nawala dito sa pilipinas.
Sabi sakin ni Madam V. Na tagumpay daw ang operasyon ni Vince kaya naman gusto konang makita ang resulta at ang bago nyang mukha.
"Asan po si Vince?"
Agad na tanong ko kay Madam V. Nang makita ko sya.
"Si Vince? Wala si Vince pero may bago akong ipapakilala sayo."
May babaeng nakasuot na kulay pula ang lumapit sakin.
"Oh bakit parang nakakita ka ng multo?"
"Sino po sya?"
"Hindi moba ako nikikilala Gray? Ako to si Vince."
Hindi ko alam kung niloloko lang ako ng babaeng nasa harapan ko ng sabihin nyang sya daw si Vince.
"I--ikaw si Vince???? Siya si Vince?? Madam V????"
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon dahil hindi na isang lalaki ang nasa harapan ko kundi isang tunay na babae na.
Isang napakagandang babae na hindi mo aakalahin na lalaki pala talaga.
"Oo sya si Vince. Pero hindi na Vince ang pangalan nya kundi Scarlet."
"Scarlet???"
"Hi? Gray? Kamusta pangit ba ang transformation ko?"
Kung alam lang ni Vince ay este Scarlet kung gaank sya kaganda ngayon.
"Oh sya tama na muna yan sa bahay nyo nalang ituloy ang kamustahan nyo at medyo nakakapagod ang byahe."
"Sige po Madam V. "
Habang naglalakad kami papuntang sakayan ay hindi ko maiwasang hindi mapalingon kay Scarlet at sa twing titingin din sya sakin ay nililihis ko ang paningin ko.
SCARLET'S POV
Sa wakas nakabalik nadin kami ni Tita Violet dito sa bahay niya iba padin talaga ang pakiramdam kapag nandito ka sa sarili mong bayan.
Pagkadating na pagkadating namin sa bahay ay inayos ko agad ang mga gamit ko dahil nagpaluto pala si Tita ng makakain namin.
Kinuha ko ang larawan ni Papa at Mama at nilagay sa lamesa malapit sa higaan ko. Kasakasama kodin to hanggang sa ibang bansa dahil gusto ko kasama ko sila sa lahat ng mga kaganapan sa buhay ko.
"Ma,Pa? Ngayong nakabalik nako ay masisiluman kona din ang mga plano ko laban sa mga taong pumatay sa inyo at pinapangako ko na makakukuha ko ang hustisya para sa inyo."
Hindi ko sasayangin ang pagkakataong to gagamitin ko ang lahat ng mga natutunan ko laban sa mga Samonte at hindi ako titigil hanggat hindi sila nananagot.
Habang nasa kwarto ako ay may kumatok at pinapasok ko naman.
"Vince. Scarlet pala sorry naninibago lang ako sumuod kana lang daw sa baba para makakain na."
"Sige Gray."
"Dito nako." Aalis na sana sya pero tinawag ko sya.
"Gray sandali."
"Bakit may sasabihin kapa ba?"
"Sana kahit ganito nako at nag-iba ang pagkatao ko ay hindi magbago yung samahan natin katulad ng dati panlabas na anyo lang naman ang nagbago sakin pero ang ugali ko? Ganon padin."
"Sorry Scarlet naninibago lang talaga ako."
"Ayos lang. Pakisabi nalang kay Tita Violet na susunod nalang ako."
Pagkatapos kong mag-bihis at magayos ng mga gamit ay bumaba nadin ako para kumain at masaya kaming nagkwentuhan dahil matagal din naming hindi nakasama si Gray.
Nagpahinga din agad ako kinagabihan dahil may aasikasuhin pakong importanteng bagay bukas.
KEVIN'S POV
May usapan kami ni Katelyn na kakain kami ngayon sa paborito naming kainan pero nang papunta nako doon ay may narinig ako sumigaw at humihingi ng tulong nakita ko yung babae na hinahabol yung isang lalaki at inagaw ko sa kanya yung at nang makuha ko ay nilapitan ko yung babae.
"Miss okay kalang ba?"
Humarap sakin yung babae at tila huminto ang tibok ng puso ko ng makita ko ang napakaganda nyang mukha.
"Maraming salamat sa pagtulong mo."
"Ah-hh wala yon. Mabuti nalang at napadaan ako kundi baka tuluyan ng naagaw ang bag mo."
"Oo nga eh. Thank you very much sir."
Nakatitig lang ako sa maganda nyang mukha ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko. Inabot ko sa kanya yung bag nya.
"Hmm By the way I'M Kevin Samonte and you are?"
Inabot ko ang kamay ko sa kanya sana lang at tanggapin.
"Scarlet. SCARLET DELGADO."
Nang hinawakan nya ang kamay ko ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya at nagkakaganito ako.
"What a beautiful name. Parang ngayon lang kita nakita? Bago kalang ba dito?"
Sa tagal na naming naninirahan sa bayan nato ay ngayon kolang sya nakita.
"Actually Yes and I am looking for new condo but it seems wala naman maganda dito sa bayan nyo at muntik pako manakawan kaya hahanap nalang ako sa iba but, Thank you again."
Tumalikod na si Scarlet at naglakad na papunta sa sasakyan nya pero hinabol ko sya.
"Scarlet sandali."
"May nakalimutan paba kayo? Mr. Samonte?"
"I can help you if you want. Marami akong alam na magagandang condo unit dito."
"Talaga?"
Napangiti naman sya sa sinabi ko at may kinuha sa bag nya at may binigay sya sakin.
"Nakasulat dyan ang contact number ko itext or tawagan mo nalang ako kapag may maiooffer ka sakin. Pano Mr. Kevin Samonte hindi nadin ako magtatagal. Bye."
Sumakay na sya sa sasakyan nya at umalis na gusto kopa sana syang makausap kaya lang mukhang nagmamadali ata sya pero ayos lang nakuha ko naman ang pangalan nya pati ang contact number nya.
Hindi pa ito ang huling pagkikita natin Ms. Scarlet.
SCARLET'S POV
Umpisa pala yang ginawa ko iisa-isahin ko kayong mga Samonte hanggang sa kayo na ang magmakaawa na tigilan kona. Napatay nyo man ang puso ni Vince pero binuhay nyo naman ang pagkatao ni Scarlet dahil sa ginawa nyo.
"Scarlet san ka nanggaling?"
"Hinarap kona ang una nating target tita Violet at wala syang kamalay malay sa bagyong paparating sa buhay nya at ng pamilya nya."
"Kamusta naman ang una nyong pagkikita?"
...................
FLASHBACK
........................
.
"TULONG!!! TULONG!!!!!"
Papasok na sana ako sa kotse ng biglang may humablot ng bag ko kaya naman napasigaw ako ng tulong.
Hindi ako nagdalawang isip na habulin sya pero hindi pa man kami nakakalayo ay may humarang sa kanyang lalaki at kinuha yung bag ko kumaripas ng takbo yung magnanakaw natakot siguro sa lalaki.
"Ms okay kalang ba?"
"Maraming salamat sa pagtulong mo."
"Ah-hh wala yon. Mabuti nalang at napadaan ako kundi baka tuluyan ng naagaw ang bag mo."
"Oo nga eh. Thank you very much sir."
Ang dami pang sinasabi nung lalaki pero hindi kona sya pinansin dahil wala akong balak na makipagkilala sa kanya.
Pagkaabot ko ng calling card ay umalis na ako para hanapin yung lalaking bibayaran ko nang makita ko sya ay hininto ko ang sasakyan ko.
"Ano ma'am ayos ba ang acting ko?"
"Ayos
naman
eto na ang bayad ko"
kabahan kana Kevin Samonte dahil umpisa na ng paggulo ng buhay mo.
..............
END OF FLASHBACK
................
"Ganyan nga Scarlet. Pero wag ka padin magpakakampante dahil tuso at matatalino ang mga Samonte."
"Maraming Salamat po sa pagpapaalala Tita pero kung tuso man ang mga Samonte mas naging tuso na ako ngayon."
"At wag kang mag-alala lagi lang ako nandito nakaalalay sayo hindi ka nag-iisa sa laban mo sabay nating pababagsakin ang mga taong pumatay sa mga magulang mo."
Niyakap ko ng mahigpit si Tita at kahit ilang beses pako magpasalamat sa kanya ay gagawin ko dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya.
At ang mga Samonte? Makikilala na nila ako ang babaeng gugulo at magpapabagsak sa Pamilya nila!
# CHAPTER 11
KEVIN'S POV
Nang una kong makita si Scarlet ay nabighani na agad ako sa kanya at gusto ko syang mapasakin kaya naman ngayon nakuha ko ang contact number nya ay hindi kona sya papakawalan.
Noong araw din nayon pagkauwe na pagkauwe ko ay nagtext ako sa kanya at sinabi ko na may alam ako na pwede nyang matirhan at nagreply naman agad sya kaya ngayon may usapan kaming magkikita kami ngayong araw dahil sasamahan ko sya sa sinasabi kong condo unit.
Kaya lang mahigit isang oras nako nag-aantay sa kanya pero wala padin sya malamig nadin yung na order kong foods para sana kakainin naming dalawa. Hindi rin sya sumasagot sa mga texts at tawag ko.
Sobrang naiinip nako mabuti nalang at sa wakas ay dumating nadin sya.
"Pasensya na Mr. Samonte kung napagintay kita ng matagal. Nagkaproblema lang kasi."
"Ayos lang Scarlet willing naman ako maghintay ng matagal basta makita lang kita."
"Ikaw talaga Mr. Samonte binibiro mopa ako."
Nakakahumaling talaga ang ganda ni Scarlet lalo na kapag malapitan.
"Pwede bang wag mona akong tawaging Mr. Samonte? Kevin nalang ang itawag mo sakin."
"Sure, Pero bago yan sasamahan mona ba ako sa condo na sinasabi mo?"
"Mukhang nagmamadali ka ata Scarlet ayaw moba muna mag coffee?"
"Sorry Mr. Samonte. I mean Kevin i came here because you texted me na may iooffer ka sakin at hindi para mag coffee."
"Sorry Scarlet akala ko kasi gusto mo muna mag kape. Sige mukhang nagmamadali ka ata."
Sinenyasan ko nalang yung isang waitress tungkol sa mga pagkain na nasayang mukhang nagmamadali kasi si Scarlet kaya umalis na agad kami.
"Scarlet?"
"Yes Mr. Kevin Samonte?"
"Kevin nalang sobrang pormal naman ng Mr. Kevin Samonte."
Ipinagdrive kona si Scarlet at hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya lalo na sa suot nyang parang nang-aakit pero kinalma kolang ang sarili dahil baka kung ano pa ang magawa ko.
Nang makarating kami sa Condominium ay sinamahan kona agad sya sa sinasabi kong unit at agad na tiningnan ang paligid.
"Wow ang ganda naman dito."
"Sabi kona nga ba at matutuwa ka. Kami ang may ari ng condominium nato kaya mas madali mo itong makukuha."
"Talaga Kevin? Nako baka naman may kapalit yan ah?"
"Wala naman Scarlet i just wanted you to be my Friend or morethan that."
"Palabiro ka talaga Kevin. Sino ba namang hindi makikipagkaibigan sayo?"
"So pumapayag kana?"
"Oo naman"
Yes! Napapayag kona sya makakagawa nako ng way para maging mas close kami at in the end maging akin sya. Iba talaga ang ganda ni Scarlet hindi nya ako pinapatulog sa gabi
"So kailan mo balak lumipat?"
"Hmm aayusin ko muna ang mga gamit ko and ia update kita."
"Bakit nga pala naisip mo na humanap ng condo? Nag-away ba kayo ng Mommy mo?"
"Oo eh. Kaya kailangan kona din talaga makalipat."
"Mukhang Destiny talaga na magkakilala tayo Scarlet."
Nilibot pa namin ang paligid at mukhang satisfied naman sya sa nakikita nya.
Tila na love at first sight ako kay Scarlet at gusto kona agad syang maging akin kaya gagawin ko ang lahat ng paraan para maging akin sya.
Pagkatapos naming maglibot ay nagpaalam na sya sakin sinabihan kona sya na ihahatid kona kaso tumanggi sya hindi kona sya pinilit baka mairita lang sya sakin.
AMANDA'S POV
"Saan ba ang lakad mo at mukhang gusto mong suotin ang lahat ng alahas mo?"
"Birthday kasi ngayon ng Amiga ko at syempre invited din don ang iba pa naming mga Amigas gusto kolang mas magmukhag angat sa kanila."
"Do what ever you want basta wag kalang gumawa ng kapalpakan."
"You don't need me to remind Diosdado anong palagay mo sakin tatanga tanga? Pano mauna nako at baka malate pako."
Pagkatapos kong suotin ang mamahalim kong kwintas ay umalis na agad ako.
Sigurado ako na kapag nakita ako ng mga Amiga kong mga hampas lupa ay magmumukha lang silang muchacha hahaha.
As expected pagdating ko nga sa party ni Evelyn ay ako nga ang pinakaangat mukhang ako pa ang may Birthday.
"Wow Amanda your so elegant with your diamond jewelries."
"Thank you Evelyn. But by the here's my gift and happy Birthday."
"Thank you Amanda."
Nilapitan ko din ang iba kopang mga kakilala at halatang inggit na inggit sila sa mga alahas na suot ko yung kanila kasi halatang fake.
Pumunta muna ako sa Comfort room para mag retouch ng konti dahil medyo na stress ako makipag plastican sa mga fake kong Amigas at kailangan kona din umihi. Habang nasa loob ako ng Cr ay biglang namatay matay ang ilaw kaya nagdesisyon ako lumabas ang kaso hindi ko mabuksan ang pinto dahil nakasirado.
"Can somebody here me?!!! Please help me!!!!!"
Nakailang bukas ako ng pinto na halos sirain kona bago ito bumukas umayos nadin ang ilaw kaya kumalma nako at may nakita akong babae na nagsasalamin na parang walang nangyari.
"Sino nagpatay ng ilaw?? Nakita moba??"
Tinanong ko agad sya ng makalabas ako .
"Excuse me Miss? Kanina pako nandito pero hindi naman namamatay ang ilaw."
Hindi sya makatingin sakin at panay lipstick lang bruha akala mo naman kung sino maganda! Parang hindi nya alam yung nangyari kanina.
SCARLET'S POV
Ngayon ang araw na makikita ko si Amanda at gusto ko maging remarkable to at makikilala nya kung sino ba talaga si Scarlet.
"You look stunning Scarlet."
"Thank you po tita."
"Gusto mo bang ipasama ko nalang si Gray?"
"No need to worry tita kaya kona po ang sarili ko."
"Are you sure? Pero kung kailangan mo ng back up tawagan mo nalang ako."
"Opo."
Kaarawan ngayon ng isa sa mga kaibigan ni Tita at napagalaman namin na pupunta din don si Amanda kaya naman nagsabi ako kay Tita na ako nalang ang aattend para makaharap kona din ang babaeng pumatay sa mama ko.
Pasakay nako ng sasakyan ng biglang sumunod si Gray.
"Oh Gray san ang lakad mo?"
"Sasamahan kita."
"Hindi na. Kaya ko naman ang sarili ko."
"Sus ikaw gumanda kalang ayaw mona akong isama. Bakit pangit ba ako? "
Natawa naman ako sa asal ni Gray para kasi syang bata.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi ka pangit ang gwapo mo kaya."
Gwapo naman talaga si Gray konting ayos nga lang.
"Eh bakit ayaw mo akong isama?"
"Sige na nga sumama kana."
Napangiti naman sya sa sinabi ko at nauna nang sumakay ng sasakyan dahil ipagmamaneho nya daw ako.
Napakaganda ng pagka organized ng party ni Tita Evelyn ganito sana ang gusto kong maranasan ni Mama kaya lang wala na sya at kahit na kailan hindi na nya mararanasan to.
"Ayos kalang ba Scarlet? Ready kana ba talaga makita si Amanda?"
"Nandito na tayo kaya tara na."
Ilang taon din ako naghanda kaya handang handa nako makaharap kahit sino pa sa mga Samonte.
Pagpasok namin ay nakasalubong agad namin so Tita Evelyn kaya nilapitan ko agad sya para batiin.
"Hi Tita? Happy Birthday po."
"Oww Scarlet. Your so beautiful at sya ba si Gray? Nako ang gaganda at ang gagwapo naman ng mga pamangkin ni Violet."
"Thank you po."
"Pano pumuwesto nalang kayo ha? Kasi madami pa akong bisita i need to entertain them."
"Okay lang po."
Luminga linga ako pero hindi ko padin nakikita si Amanda. Darating kaya sya?
"Scarlet"
Hinila ako ni Gray palapit sa kanya at ngayon ay makalapit na ang mga mukha namin nararamdaman kona din ang paghinga.
Kakahanap ko kay Amanda ay hindi ko napansin na may kasalubong na pala ako mabuti nalang at nakita ni Gray.
"Kung saan saan ka kasi Tumitingin yan tuloy muntik kana mabangga."
"Ayos lang nandyan kana man para saluhin ako."
"Pano kung ako ang mahulog sayo?sasaluhin moba?"
"Anong sabi mo???"
"Wala ang sabi ko umupo na tayo."
Ilang minuto lang din ang hinintay namin at dumating na din si Amanda hinding hindi ko malilimutan ang itsura nya dahil itinatak kona yon sa utak ko kaya kahit anong bihis at ayos nya hinding hindi nya maitatago sakin ang sungay at bundot nya!
Pinagmamasdan kolang kung paano magsaya si Amanda at mukhang pinagmamayabang nya sa mga nakakakilala sa kanya yung mga suot suot nyang alahas.
Si Gray naman ay nakatayo lang sa isang gilid at nagbabantay.
Humanap lang ako ng tyempo para magpakilala kay Amanda ito na ang time para makilala nya si Scarlet.
Nang umalis si Amanda ay sinundan ko sya at nalaman ko na pupunta sya sa comfort room kaya nakaisip agad ako ng balak sa kanya.
Nang makapasok sya ay sinimulan kona ang balak ko tatakutin kolang naman sya ng konti .Pumunta ako sa may switch ng ilaw at pinatay sindi ko iyon at mayamaya lang ay narinig kong sumigaw sya sa takot. Gusto kong humalakhak pero pinigilan kolang dahil baka mahala nya ako.
"Sino nagpatay ng ilaw?? Nakita moba??"
Kung makikita nyo lang ang itsura ni Amanda ay matatawa kayo dahil halatang takot na takot sya.
"Excuse me Miss? Kanina pako nandito pero hindi naman namamatay ang ilaw."
Hindi ako nakatingin sa kanya at pinagpatuloy kolang ang paglilipstick ko.
"What?! Bulag kaba? Ilang beses namatay ang ilaw at may naglock pa ng pintuan kaya nahirapan ako makalabas."
"At sino naman ng gagawa non? Kung namatay man ang ilaw malamang nagpanic nadin ako."
"Baka ikaw ang nagpatay patay ng ilaw."
Tinapos kolang ang paglalagay ng lipstick at humarap ako kay Amanda.
"And what makes you think na gagawin ko yon?"
"Hindi ko alam. Pero walang ibang tao dito kundi ikaw lang kaya i'm sure na ikaw yon."
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo kaya pwede ba kung wala kanang sasabihin tumabi ka dyan at dadaan ako at isa pa bawas bawasan mo ang pagiinom ng kape para hindi ka masyadong nerbyusin at kung ano ano ang mga nakikita mo."
Nilagpasan ko si Amanda pero binangga ko sya sa balikat kaya lang hindi pa man ako nakakalabas ay hinawakan nya ako sa braso.
"Kinakausap pa kita. Alam ko kung ano ang mga nakikita ko. Sigurado ako na ikaw yon walang ibang taong naririto kaya hindi mo ako maloloko at isa pa mayayaman lang ang mga invited dito kaya bakit ka nandito? At kung pinagtitripan moko pwes nagkamali ka ng niloko mo! Hindi moba ako nakikila? Ako si Amanda Samonte!"
Tinanggal ko yung kamay nya sa braso ko at hindi kona napigilan ang sarili ko kaya nasakal ko sya hanggang sa mapaatras kami at nasandal ko sya sa dingding.
"May invitation ako kaya ako nandito gusto mo ipakain kopa sayo?? At kung ayaw mong maniwala sa mga sinasabi ko hindi kita pinipilit at isa pa hindi kita kilala at wala akong balak na makilala ka pero ito lang sasabihin ko sayo! Ako si Scarlet Delgado at itong pangalan nato ang tatandaan mo!."
Pagkatapos kong sabihin ang pangalan ko ay iniwan kona sya.
Pasalamat sya napigilan ko ang sarili dahil kung hindi baka wala na sya ngayon at hindi ko naman magagawang pumatay.
Bumalik na ako sa Party ni Tita Evelyn dahil ayon naman talaga ang ipinunta ko dito sabit lang si Amanda.
"Oh Scarlet san ka nanggaling?"
"Nag cr lang po ako Tita."
"Kamusta na pala ang Tita Violet mo? Sayang naman at hindi sya nakapunta."
"Medyo sumama lang po kasi ang pakiramdam nya pero pinapaabot nya po na Happy Birthday daw po at babawi nalang sya."
"You bitch!!! Dipa ako tapos sayo!"
Napalingon kami pareho ng marinig namin ang nanggigil na boses at si Amanda lang pala at mukhang galit na galit lalo hindi ba sya nadala sa ginawa ko sa kanya.
"Wait Amanda what happened to you? Is there any problem?" Takang tanong ni Tita Evelyn.
"That woman is a problem!"
"Magkakilala kayo?"
"Tita hindi kopo sya kilala personally actually nakasabay kolang talaga sya kanina at pinagbibintangan nya ako sa isang bagay na hindi ko naman ginawa at ayan galit na galit na sya."
"Liar!"
Nananatili lang akong kalmado habang si Amanda parang gusto ng sumabog sa sobrang galit. Hindi nya alam na pinagtitinginan na kami sa bagay sya din naman ang mapapahiya sa ginagawa nya.
"Amanda just calm down. Ano ba kasi talagang nangyari?"
"She tried to kill me! Mabuti nalang at napaalis ko sya!"
Kita nyo nga naman ang kasinungalingan ni Amanda papatayin ko daw sya? Eh pasalamat nga sya dahil binitawa kopa sya.
"What? I'm sorry Amanda pero kilala ko ang Pamilya ni Scarlet at maganda ang reputasyon nila and i think she's not gonna do that."
"Tita aalis nalang po nakakahiya napo kasi sa ibang bisita atsaka ayaw ko naman po sirain ang magandang araw nyo."
"I'm so sorry hija."
"Hindi pa ako tapos sayo, Hindi ka aalis dahil mag-uusap pa tayo!"
Aalis na sana ako pero hinabol pako ni Amada at hinawakan sa buhok tapos isinubsob ang mukha ko sa lamesa.
"Kanina ang tapang tapang mo tapos ngayon para kang maamong tupa. Magpapakilala ulit ako sayo, Ako si Amanda Samonte at lahat ng kumakalaban samin ay natatalo. Kaya ikaw doon ka magtago sa saya ng Nanay mo dahil baka hindi kopa mapigilan ang sarili ko!"
Hindi rin ako nakapagpigil sa kanya at siniko ko sya sa tagiliran kaya naman nabitawan nya ako at binuhasan ko sya ng wine na nakuha ko.
"Wala akong pakialam kung saang Pamilya kaman galing at hindi ko kailangan magtago sa saya ng nanay ko dahil hindi ako natatakot sayo! Alam mo sayang yung suot mo maganda sana puro ginto at kumikinang kaya lang yung ugali mo parang bakal, kinakalawang."
Mayamaya ay may dumating na dalawang lalaki tauhan siguro ni Amanda.
"Ma'am ano pong nangyari sa inyo? Okay lang po ba kayo??" Tanong nang isa sa mga lalaki.
"Mukha bakong okay! Ano pang tinitingin tingin nyo??? Kunin nyo yung babae nayan!" Iritableng utos ni Amanda.
Lalapit sana yung dalawang lalaki pero biglang dumating si Gray at tumabi sakin hindi na ako magpapasindak at matatakot pa kay Amanda ako na ngayon si Scarlet mas matapang at mas palaban.
"Amanda? Tumigil ka nalang nasisira na ang party ni Tita Evelyn look? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao ayaw mo naman siguro na mag viral to at masira ang maganda mong pangalan ."
Natigil naman sya sa sinabi ko. Nagpaalam nadin nadin ako kay Tita Evelyn and at the same time nagsorry nadin ako dahil sa nangyaring gulo.
Nasayang lang ang ayos ko dahil sa walang kwentang Amanda nayon pero ayos nadin eto din naman ang gusto ko ang magkakilala kami at makilala nya kung sino ba talaga si Scarlet.
"Mabuti nalang at lumapit ako dahil baka kung ano naang ginawa sayo ng dalawang lalaki nayon."
"Salamat sa concern Gray pero kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko dahil pinaghandaan ko ang mga hakbang na ginagawa ko."
"Pero mag-iingat kapa din."
Tumingin ako kay Gray pero nakafocus lang sya sa pagmamaneho. Malaki din ang pasasalamat ko sa lalaking ito dahil sa lahat ng itinuro nya na nagagamit kona ngayon.
Naging mabuti sya sakin sana balang araw makabawi ako sa kanya.
AMANDA'S POV
"AHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!"
Pagdating na pagdating ko sa bahay ay lahat ng mahawakan ko ay pinagbabasag ko dahil sa sobrang inis sa babaeng yon!!!! Gusto ko syang patayin! Pasalamat sya madaming tao dahil kundi baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya.
"Oww, Owww Amanda balak moba sirain ang lahat ng gamit natin sa bahay? Kanina ang sayasaya mo tapos ngayon nagwawala ka."
"That bitch! Pinahiya nya ko!!! I want to kill her!"
"Relax, Sino ba yang tinutukoy mo?"
"Kanina kolang sya nakita sa Party ni Evelyn pero hindi maganda ang pagtatagpo namin!"
"Well siguro nalamangan kalang kaya ka inis na inis sa kanya."
Napatingin naman ako kay Diosdado dahil imbis na kampihan ako ay Parang sinisisi pako? Kasalanan kopa ngayon??
"Pwede ba Diosdado umalis kana lang sa harap ko!!"
Umalis naman agad sya at tila natatawa pa sakin kaya naman mas lalo akong nagalit. Wag lang talaga mag krus ang Landas namin ng babaeng yon dahil hindi nya gugustuhing makita ako ulit.
# CHAPTER 12
KATELYN'S POV
Habang nakaupo at nagsscroll sa fb ay isang bagong viral video ang nakita ko. Dahil na curious ako ay agad ko itong Pinanood at hindi ko akalain kung sino ang nasa video.
"Mommy ikaw batong nasa viral video?? Na binuhusan daw ng wine ng babae??"
Natigil si Mommy sa ginagawa nya at agad na kinuha yung phone ko.
"Who uploaded this!!! Delete that katelyn."
"Mommy kumalat nato at hindi ko madedelete. Tingnan nyo yung mga comments lahat favor don sa babae."
'Dapat lang Yan sa babaeng yon grabe kung mag taray akala mo kung sino.'
'Go ate Girl kaya moyan ganyan nga hindi dapat tayo
nagpapaapi
sa mga
matapobreng
yan.'
'Palaban si Ate, Kawawa naman si Mommy pero deserve nya yon.'
Ilan lang yan sa mga nabasa kong mga comments alam kong may attitude problems si Mommy pero bilang isang anak masakit padin makita na madaming nagagalit sa Mommy mo.
"Ano po ba kasing nangyari??"
Tanong ko sa kanya kahit alam kong hind din naman nya ako sasagutin.
"No!!! It can't be!!!"
Sa sobrang galit ni Mommy ay binato nya yung phone ko sa may pader kaya nasira ito agad ko namang kinuha pero wala na wasak na at hindi na maayos pa.
"Mommy naman bakit mo ginawa yon??"
"Bumili kana lang ng bago Katelyn wag kana maginarte dyan."
Galit na umalis si Mommy habang ako ay isa-isang dinampot yung phone kong nasira. Grabe talaga si Mommy hindi man lang nya inisip ang mararamdaman ko sa ginawa nya.
SCARLET'S POV
Mabuti nalang at may nag video ng pag-aaway namin ni Amanda kaya agad ko yong kinuha at inupload sa social media gamit ang ibang pangalan para hindi nya basta basta matrace.
Siya mismo ang gumawa ng ikakasira ng pangalan nya ang pag-uugali nya ang pagpapabagsak sa kanya.
"Sigurado ako na umuusok na ang tenga ni Amanda habang pinapanood nya ang video nato."
Napangiti kami ni Tita habang Pinapa nood ang agad na nag viral naming pag-aaway.
"Magaling Scarlet nakuha mo ang simpatya ng mga tao at sya ang nagmukhang masama."
"Umpisa palang yan Tita, Marami pakong gagawin at inihandang pasabog kaya maghanda sila."
"Kamusta naman ang pakikipaglapit mo kay Kevin?"
"Maayos naman po Tita. Mukhang napapasakay kona sya at konting panahon lang ay mahuhumaling na sya sakin at sisiguraduhin ko yon."
"Mukhang naayon lahat sa plano mo ang mga nangyayari Scarlet."
Habang nag-uusap kami ay biglang tumawag sakin si Kevin.
"Speaking. Tita."
Tumayo ako at agad na sinagot ang tawag ni Kevin.
'Oh Kevin napatawag ka? May nakalimutan kabang sabihin.'
'Wala naman Scarlet. Gusto kolang sana na yayain ka na lumabas,
Gumimik
pwede kaba ngayon?'
'Hmm sige wala naman akong gagawin ngayon.'
Binalikan ko si Tita at nagpaalam ako na aalis ako para makipagkita kay Kevin.
"Tita sorry but i have to go."
"Mukhang pinopormohan kana ng kevin nayon."
"Ang gandang hindi nya akalaing magpapabagsak sa kanila."
Since nakabihis naman na ako ay agad na akong pumunta sa meeting place namin ni Kevin.
KATELYN'S POV
"Sino bayang kausap mo at bakit Parang ang sayasaya mo? Babae yan noh?"
Napatingin sakin si kuya na abot tenga ang ngiti.
"Next time ipapakilala kita sa kanya."
"Nako kuya seryoso na bayan? Baka lokohin molang din yan."
Kilala ko kasi si kuya hindi sya seryoso pagdating sa mga babae parang pinaglalaruan nya lang iiwan nya pagkatapos pagsawaan.
"This time seryoso nako kaya maiwan na muna kita dya dahil magkikita pa kami. Ano gwapo naba ako?"
"Oo kuya ang gwapo mo."
Nagmamadaling umalis si kuya nakita ko sa mga ngiti ang totoong saya mukhang iba itong babae nato sa lahat ng nakilala nya.
SCARLET'S POV
Nagpahatid nalang ako sa driver namin kung saan gustong makipagkita ni Kevin isa itong Bar. Pagdating namin don ay nandon na sya excited lang ang loko.
"Bakit dito moko pinapunta?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan yung labas ng lugar.
"Sorry hindi ko kasi alam kung anong hilig mo. Ayaw moba sa mga ganitong lugar?"
"Hindi naman. Pero bakit nga dito mo ako dinala?"
"Dito kasi ako pumupunta para magsaya kaya naisip ko na baka matutuwa ka kapag dinala mo ako dito."
"Hindi ako mahilig sa ganitong lugar."
Kita sa mukha ni Kevin ang pagkadismiya dahil sa naging sagot ko.
"Ganon ba?"
"Pero sige since nandito na naman din tayo."
Napangiti naman agad sya ng pumayag ako at pumasok na kaming dalawa.
Pagpasok namin sa loob ay kilala si Kevin ng ibang tauhan na nandon at may naka ready ba agad na pwesto samin.
"Kung hindi ka komportable sabihin mo lang aalis na tayo."
"No it's okay."
"Ano nga palang ininom mo?"
"Sorry i don't drink any alcohol kaya ikaw nalang sasamahan nalang kita."
Napakihirap umarteng gustong gusto sa lugar nato at lalong gusto Kong makasama ang lalaki nito pero kailangan kotong gawin para sa mga susunod kopang mga plano kailangan kong mas lalong mapalapit kay Kevin para tuluyan na akong makapasok sa mundo ng mga Samonte.
"Scarlet iwan na muna kita Pupunta lang ako ng Cr."
"Sure."
Ang ingay ng paligid lahat nagsasaya first time kong pumunta sa ganitong lugar lalo na't pangmayayaman lang to.
Habang naghihintay ako kay Kevin ay may lasing na lumapit sakin at humawak sa balikat ko.
"Miss mukhang mag-isa ata? Wanna join with us?"
Tiningnan ko nang masama yung lalaki at tinanggal ko yung kamay nya sa balikat ko. Bale tatlo sila at mukhang mga lasing na.
"Ang suplada mo naman. Pero yan ang gusto ko sa babae pakipot."
Muli nyang hinawakan ang braso ko pero hindi nalang basta hawak kundi hinimas pa nya.
"Sayang naman ang ganda mo kung nandito kalang doon kana sa table namin for sure na mag eenjoy ka."
"Tanggalin mo yung kamay mo" mariing sabi ko sa kanya.
"Bakit? Saan mo ba gustong hawakan kita dito?"
Bago pa man pumunta yung kamay nya sa ibang parte ng katawan ko ay tumayo nako at hinawakan ko ang kamay nya at pinilipit ko yon.
"Ahh! Aray!! Mga pre tulong!"
Lumapit yung isang lalaki pero bago nasipa kona sya sa tyan kaya napaatras sya yung isa naman ay hinampas ko ng bag sa mukha habang pinipilipit ko padin yung kamay ng bastos na lalaki.
"Sinabihan na kitang tanggalin mo kamay mo sa braso ko diba??? Pero ayaw mong makinig eh kung baliin ko kaya tong kamay mo?"
Bahagya kong itinaas yung kamay nya para mas lalong sumakit.
"Ahh!! Sorry na miss. Sorry."
"Sa susunod pipiliin mo kung sino ang babastusin mo nagkakaintindihan ba tayo?! Sagot!"
"O-OPO."
Binitawan kona yung kamay ng lalaki at kumaripas sya ng takbo kasama ng dalawa. Nakatingin na pala sakin yung mga taong nasa loob nang biglang may humawak sa balikat ko kaya agad ko naman na susuntukin sana pero napigilin ko dahil si Kevin pala .
"Relax Scarlet ako to."
"Sorry akala ko kasi bumalik na naman yung mga lalaki eh."
"Sorry din nga pala dahil iniwan kita nabastos kapa tuloy."
"It's okay Kevin kaya ko naman ang sarili ko."
"Pero nakita ko yung ginawa mo sa mga lalaki kanina. Marunong ka pala sa martial art?"
Umupo muna kami bago ko sinagot ang tanong nya.
"Oo. Kaya hindi ako pwede basta basta bastusin ng kahit na sino dahil may kalalagyan sila sakin kahit babae ako ay hindi ko hahayaan na saktan at paglaruan ako ng mga lalaki. Ikaw kevin? Sasaktan at paglalaruan moba ako??"
Tinitigan ko sya sa mata na may kasamang pang-aakit.
"Syempre hindi, ba't ko naman gagawin sa isang kagaya mo yon tanga nalang ang lalaking mananakit at maglalaro sayo."
"Mabuti nang nagkakaintindihan tayo."
"Eh ikaw Scarlet? Sasaktan at Paglalaruan mo ba ako?"
Dahan dahan lumapit ang mukha ni Kevin sa mukha ko pero bago paman ito magdikit ay kinuho kona yung isa baso at dinikit sa labi nya.
"Uminom kana Kevin."
Napangiti nalang sya at tinagay yung basong inabot ko sa kanya. Pag-katapos nyang uminom ay umuwe nadin kami at hinatid nya ako hanggang samin.
"Dito ka nakatira?"
"Oo."
"Ang ganda at ang laki pala ng bahay mo pero bakit gusto mopang lumipat sa condo."
"Nasabi kona man na sayo ang dahilan diba? Thank you nga pala sa paghatid."
"Wala yon basta ikaw."
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko sya sa pisngi na mukhang ikinagulat nya. Iniwan kona sya at pumasok nako sa loob bahala syang mamatay sa kilig.
"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni kevin ah? Hinahatid kana nya."
Napalingon ako sa lalaking nagsalita si Gray lang pala.
"Oo nga at konti nalang mas magiging malapit na kami sa isa't-isa."
"Hindi mo naman kailangan mapalapit sa Kevin nayon."
"Kailangan ko Gray. Dahil sya ang magiging daan ko para makapasok sa mundo ng mga Samonte at sya din ang magiging panangga ko laban sa mga ito."
"Pero mas lalo mulang ipapahamak ang sarili mo? Pwede ka naman gumawa ng ibang paraan basta wag kalang lumapit sa Kevin nayon?"
"Bakit Gray? May problema ba?"
Parang may gustong sabihin sakin si Gray kaya lang hindi nya ako madiretso ayaw ko din naman syang tanungin.
"Wala naman. Sige na magpahinga kana mukhang pagod ka ata."
Ngumiti nalang ako at pumasok na sa loob minsan napapatanong nalang ako ganya ba talaga silang mga lalaki? Magsasalita tapos hindi naman madiretso kung ano ang daming paligoy.
////
Patulog na sana ako pero bigla akong nauhaw kaya lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Gray na nakaupo sa gilid ng pool kaya naisip ko na ipagtimpla nalang sya ng kape at tsaka lumapit.
"Kape?"
Inabot ko kay Gray yung kape na dala ko at tinanggap naman agad nya, Tumabi ako sa kanya at nilublob kona din yung paa ko sa gilid ng pool.
"Kape? Baka hindi tayo makatulog nito pareho."
"Haha di kasi ako umiinom ng alak kaya kape nalang. Bakit pala mag-isa ka dito?"
"Nagpapahangin lang ako, Nag-aantay na antukin. Ikaw hindi kapa ba inaantok?"
"Hindi pa eh sasamahan na muna kita. Galit kaba sakin?"
"Ha bakit naman ako magagalit sayo."
"Kanina kasi pagdating ko parang ang lamig lamig ng pakikipag-usap mo sakin."
"Yun ba? Naiinis lang ako kasi kasama mo yung Kevin nayon at nag-aalala lang ako sayo Syempre habang napapalapit ka sa mga Samonte mas lalong nalalagay sa panganib ang buhay mo."
Hinawakan ko sa kamay si Gray bago sinagot ang alalahanin nya.
"Maraming salamat sa pag-aalala pero kaya kona ang sarili ko at matagal kong pinaghandaan to kaya hindi ako pwedeng umatras."
"Pero mag-iingat ka dahil hindi ko kakayanin kung may mangyaring hindi maganda sayo."
"Ha?"
Hindi ko alam kung tama ba ang dinig ko oh sadyang nabingi lang ako.
"Ang sabi ko lagi kang mag-iingat."
Biglang umihip ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Binalot naman sakin ni Gray yung dala nyang towel napansin siguro nya na nilalamig ako.
"Bakit kasi ganyan ang suot mo."
"Matutulog na kasi sana ako kaso nakita kita kaya ayon naisip ko na samahan ka."
"Sanay naman akong mag-isa."
"Ano kaba hindi mo naman kailangan mag-isa nandito si Tita Violet. Ako nandito ako na miss kaya kita nung nawala kami kasi syempre ikaw lang naman ang naging kaibigan ko."
"Wala kabang nagustuhang ibang lalaki don? Syempre magawapo ang mga lalaki don."
"Bakit mo naman nasabi yan? Syempre wala . Hindi naman ako naka focus sa ganyan nangako ako sa sarili ko na hanggat may galit pa sa puso ko ay hindi ako iibig dahil pano ako magmamahal kung puno pa ng galit ng puso ko."
Hindi na sumagot sakin si Gray at humigop nalang ng kape kakadaldal namin ay lumamig na tuloy.
Wala pa muna sa isip ko ang lovelife dahil ayaw kong mawala ako sa focus ayokong may ibang inaalala.
Pero kung dumating man ang tamang tao para sakin? Tatanggapin ko sya pero sa ngayon iba muna ang priority ko at ayon ang pagkamit sa hustisya para sa nangyari sa mga magulang ko.
# CHAPTER 13
SCARLET'S POV
Sinundo ako ni Kevin sa bahay dahil nagpresinta sya na gusto nya daw akong tulungan at ihatid sa bago kong lilipatan sya din ang pinagdala ko ng mga damit na dala ko hanggang sa makarating kami sa unit na nabili ko sa kanya.
Kumuha ako ng towel at pinunasan si Kevin dahil pinawisan sya sa pagbubuhat ng mga gamit ko.
"Pasensya kana Kevin dapat humanap nalang ako ng magbubuhat edi sana hindi kana napagod."
"It's okay basta para sayo lahat gagawin ko."
"Ikaw talaga Kevin mapagbiro ka baka mamaya ma fall ako tapos hindi mo naman ako sasaluhin."
Lumapit sakin si Kevin at tinitigan ako.
"Bakit di natin subukan?"
"Sigurado kaba?"
Wag na wag mokong hahamunin Kevin dahil kung mapangahas ka ay mas mapangahas ako kaya kong makipag laro sayo.
"Mag-ayos na muna siguro tayo? Para makapagpahinga nadin ako pag katapos nito."
Tinulungan ako mag-ayos ni Kevin hindi naman masyado madami ang mga gamit na dinala ko kaya madali lang kaming natapos.
"Salamat ulit sa tulong mo Kevin."
"Basta nga para sayo Scarlet lahat gagawin ko."
Sorry ka nalang kevin kahit gano pa katamis ang mga salita mo ay hinding hindi ako madadala.
"Napakayaman talaga ng Pamilya nyo Kevin."
"Sabihin na nating Oo, Pero syempre pinaghirapan din namin kung ano man ang meron kami ngayon."
"Sorry tell you but maraming sabi-sabi na kaya daw kayo yumaman ng ganito ay dahil ninakaw nyo lang daw ang mga pera nyo? Wag ka sana ma offend ha?"
Natigil sya bigla sa sinabi ko at tila nag-iisip ng maisasagot sakin. Sige lang kevin pano kayo yumaman ng ganito?
"Hindi na mabubura ang mga paninira samin ng mga tao siguro dahil naiinggit sila sa kung anong narating namin ngayon pero isa lang ang masasabi ko sayo Scarlet walang katotohanan ang mga sinasabi nila. Sakin kalang maniwala at hindi sa mga pinagsasabi nila."
"Kung ganon naman pala edi walang magiging problema."
"Oo naman kaya wala kang dapat isipin safe ka sakin."
Simula sa araw nato dito na ako maninirahan dahil hindi pwede makilala ni Kevin oh kahit na sino man sa mga Samonte sila Tita Violet.
"Ah Scarlet maysasabihin ako sayo."
"Ano yon"
Biglang naging balisa si Kevin at halatang kinakabahan sa kanyang sasabihin.
"Wag nalang pala sige na mag-ayos nalang tayo."
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha.
"Anong gusto mong sabihin sakin Kevin? Bakit parang naduduwag ka ata?"
Naglakad lakad at tiningnan kolang sya. Ano kayang gustong sabihin ng lalaking to?
"Pwede ba kitang ligawan??"
Gusto kong humalakhak sa sinabi nya.
Seryoso sya?
Liligawan nya ako??
"Ako liligawan mo seryoso kaba? Bakit ako?"
"Noong una palang kitang nakita nagustuhan na agad kita at nitong mga sumunod na araw habang nakakasama kita ay mas lalo kitang nagustuhan at seryoso ako sayo."
"Nakakagulat ang pagamin mo sakin Kevin wala pang isang linggo na magkakilala tayo."
"Wala naman yan sa tagal diba? Nasa tao yan, Nasa nararamdaman nya."
"Sigurado kana ba dyan? mukha namang seryoso ka."
"So pumapayag ka???"
Tango lang sinagot ko sa kanya. Pumayag ako Hindi dahil sa gusto ko pumayag ako dahil kailangan ko to upang mas mapalapit lalo sa mga Samonte.
GRAY'S POV
"Madam V. Bakit pumayag kayo na lumipat si Scarlet mag-isa hindi ba mas delekado yon kung hihiwalay sya satin."
"Alam ni Scarlet ang ginagawa nya kaya hayaan nalang natin sya sa mga plano nya."
Lalong hindi ako mapapakali ng wala dito si Scarlet kahit pinaghandaan nya to ay delekado padin para sa kanya ang mag-isa.
"Kayo Madam V anong balak nyo?"
"May mga plano si. Scarlet na hindi natin Basta basta pwedeng pakialam dahil baka makasira lang tayo. Wag kang mag-alala Kevin may mga tauhan naman akong umaaligid kay Scarlet para mas masigurado natin ang kaligtasan nya. Bakit Parang alalang alala ka kay Scarlet?"
"Syempre Madam V kasamahan natin sya at naging kaibigan kona din sya?"
"Ayon lang ba ang dahilan??"
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
Napa ngiti muna sya sakin bago sumagot.
"Napapansin ko kaso nitong pag balik namin ni Scarlet ay hindi na maalis ang atensyon mo sa kanya at lagi mo syang hinahanap? May gusto kaba sa kanya?"
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa naging tanong nya.
Bakit nga ba lagi akong nag-aalala kay SCARLET?
Bakit nga ba lagi ko syang hinahanap?
May gusto nga ba ako sa kanya?
"Imposible yan Madam V. Magkaibigan lang kami."
"Wag kana mag deny. Pero papaalalahanan lang kita hindi pa handa si Scarlet para sa mga ganyang bagay dahil mas nananaig sa puso nya ang kagustuhan na makuha ang hustisya para sa nangyari sa magulang nya."
Hindi padin ako sigurado sa totoong nararamdaman ko sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Pero ang tanging alam kolang sa ngayon ay masaya ako sa twing nakakasama kosya.
SCARLET'S POV
Simula nang umamin sakin si Kevin ay mas madalas na kaming magkasama kaya mas lalo napapalapit kami sa isa't-isa hanggang sa sinabi ko sa kanya na gusto kong makapunta sa kanila para makilala ang Pamilya nya noong una ay parang ayaw nya pa dahil hindi padaw nya nababanggit sa Pamilya nya ang tungkol sakin pero ilang araw lang ang lumipas ay pumayag nadin sya dahil nasabi na nya sa parents nya ang tungkol sakin.
"We're here."
Ngayon ay muli akong nakabalik kung saan nagsimula ang lahat sa bahay ng mga Samonte. Napakaganda ng bahay nila pero ang mga nakatira ay asal d*mony*
Pinagbuksan kami ng guard at niyaya nako ni Kevin papasok dahil kanina padaw naghihintay samin ang parents nya.
Naabutan namin sila na kumakain na at ng magtama ang mga mata namin ni Amanda ay napatayo sya at nagsalita.
"You!!!!!!???? What the hell is she doing here Kevin?!"
Kita sa mukha ni Amanda ang gulat ng makita nya ako na kasama ng anak nya.
"Bakit Mommy may problema ba? Siya si Scarlet yung babaeng sinasabi ko sa inyo na nililigawan ko."
"What! Tell me this is a joke hindi mo sya pwedeng ligawan."
"At bakit hindi?"
"Mamaya nayang pagtatalo nayan maupo na muna Kayo."
Ngayon nakaharap kona din ang lalaking sumira sa buhay ng Mama ko gustong gusto ko syang saktan pero kailangan kong ikalma ang sarili ko dahil may tamang oras para dyan.
Magkatabi ka sa upuan ni Kevin habang katapat naman namin si Katelyn at Amanda.
"So ikaw pala ang babaeng kinukwento ng anak ko samin. What's your name again?"
"I am Scarlet Delagdo. Mr. Samonte."
"Delgado. Hindi masyadong kilala ang apelyido nayan now tell me may mga businesses ba kayo?"
"Well Mr. Samonte madaming businesses ang pamilya namin katulad ng Delgado's clothes ang isa sa pinakakilalang brand ng damit sa bansa natin."
"Wow kayo ang may ari non????" Singit bigla ni Katelyn at tumango lang ako sa kanya biglang pagsagot.
"Mom, Dad wag na muna natin pag-usapan ang about sa business kaya ko sinama si Scarlet ay dahil gusto ko na makilala nyo sya. "
Nagsimula na kaming kumain pero si Diosdado ay nagtatanong padin sakin habang si Amanda ay parang pinapatay nako sa tingin nya.
"Pano nga pala kayo nagkakilalang dalawa?"
"Tinulungan nya po ako dahil may nag snatch ng bag ko at doon nagsimula ang lahat."
"Wow parang sa mga pelikula lang."
"Oo nga po para sya yung night and shining armor ko." Plastic kong sagot kay Diosdado.
"Ms. Scarlet gaano kaba katapang? Handa kabang magsakripisyo para sa anak ko? Handa mo bang ibigay ang lahat para anak ko? At aasahan ba namin ang katapatan mo kung sakaling maging bahagi ka ng Pamilya namin?"
"Mr. Samonte lahat ng tao may kinakatakutan, Kahit kayo. Kung para sa pag-ibig handa ako magsakripisyo at ibibigay kopo ang lahat lahat na meron ako."
"Hindi ko masyadong kilala ang Pamilya na pinagmulan mo pero mukhang galing ka naman sa maayos Pamilya."
"Sa maayos na Pamilya ako nanggaling. Kilala nga ang Pamilya nyo dito sa buong bayan nato maraming sabi-sabi tungkol sa inyo at ilag na ilag sila, Ano bang meron sa Pamilya nyo?"
Natigil sa pagkain si Diosdado at napatingin sa kanyang asawat mga anak.
"Itong Pamilya namin? Handa kabang malaman ang tungkol sa Pamilya namin? Baka hindi mo kayanin. Pero malalaman mo din sa tamang panahon."
Alam kong mahihirapan akong ilabas ang baho nila pero hindi ako titigil ilalantad ko ang lahat ng mga kasalanan nila.
///////
Nang matapos Kaming kumain ay sinundan ko si Amanda at nagpunta sya terrace para magpahangin.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Nandito ako para singilin kayo sa ginawa nyo sa mga magulang ko!"
"Anong sinasabi mo? An----"
Hindi kona pinatapos sa pagsasalita si Amanda dahil sinakal kona sya agad kanina kopa gustong gawin to pero pinipigilan kolang ang sarili ko.
Pilit na tinatanggal ni Amanda ang kamay ko sa leeg nya pero mas lalo kong hinigpitan ang pagkakasakal napaatras kami hanggang sa bungad ng terrace.
"Kung ilaglag kaya kita dito? Malamang lasog lasog yang mga buto mo. Gusto mo???"
///
"Anong ginagawa mo dito???" Muling tanong sakin ni Amanda.
Imahinasyon kolang pala lahat akala ko totoo na sinasakal ko sya.
"Ang laki ng bahay nyo napakayaman nyo talaga."
"Umalis kana dito co'z your not belong here."
"Relax Tita kung ano man ang nangyari noon pwede naman natin iayos diba? Infact kaya nga ako lumapit sayo just to say sorry."
"Wag mo akong matita-tita dahil hindi tayo close."
"Okay Amanda. Pwede ba nating kalimutan ang nakaraan at maging magkaibigan nalang? Kasi malay mo maging mother in law pa kita pagdating ng oras."
"Hinding hindi mangyayari yon dahil hindi ka bagay sa anak ko."
"Amanda? Ano bang kailangan kong gawin para magustuhan mo ako? Again i sincerely apologize about what happened few days ago party. Pwede naba tayo maging mag kaibigan ngayon?"
Inabot ko yung kamay ko sa kanya pero tiningnan nya lang ako ng masama at tila Hindi na niniwala sakin.
"No."
Sabay tapik sa kamay ko at sakto dumating si Kevin kaya umarte akong nasaktan.
"Mom anong ginawa mo? Bakit mo sinaktan si Scarlet?"
"Hindi ko sinaktan ang babaeng yan"
"Kitang kita ko sinaktan nyo sya alam kung ayaw nyo sa kanya pero dapat hindi nyo sya sinasaktan."
"Kevin hindi naman ako nasaktan. Uuwe nalang siguro ako."
"Pero Scarlet?"
"Magpapasundo nalang siguro ako sa driver ko."
Lumabas nako ng bahay nila pero sinundan padin ako ni kevin at ng maabutan nya ako ay hinawakan nya ako sa kamay.
"Scarlet wait."
"Bumalik kana sa loob baka mas lalo lang magalit ang mommy mo sayo."
"Wala akong pakialam sa kanila gusto kolang magsorry sa ginawa ni Mommy."
"Gusto kolang naman makipag close sa kanya, Kinausap ko naman sya ng maayos kanina nagsorry nadin ako pero galit padin sya."
"Wag kang mag-alala ako na ang bahala kumausap sa kanya."
"Mukhang hindi ako gusto ng Mommy mo. Wag nalang kaya natin toh ituloy."
"No Scarlet ako bahala sa kanya kakausapin ko sya please hayaan moko na ligawan ka."
"Ayokong pilitin ang sarili ko sa isang taong ayaw sakin."
"Akong bahala sa kanya please wag ka naman sumuko agad."
"Sorry Kevin pero kung ngayon palang naa under kana ng mommy wag monang ituloy ang pan liligaw sakin dahil ayaw kong magkaBoyfriend ng Mama's Boy."
Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yon ay iniwan kona sya wala akong pakialam kung nasaktan ko sya sa mga sinabi ko dahil kailangan kong gawin yon.
KEVIN'S POV
"Mabuti naman at umalis na ang babaeng yon."
Salubong sakin ni Mommy ng makapasok ako.
"Dapat hindi nyo sya binastos ng ganon sana man lang ginalang nyo sya biglang bisita ko."
"Alam mo ba ang ginawa sakin ng babaeng yon? Pinahiya nya ako sa harap ng madaming tao."
"Pero nagsorry naman sya sayo at kayo naman talaga ang nagsimula diba? She just defend herself."
"At pinagtatanggol mo pa sya, Ako ang Mommy kaya sakin ka dapat maniwala kaya layuan mona ang babaeng yon. I am your mother and I know what is the best for you son."
"Hindi na ako bata! Malaki nako kaya kona mag-isip at magdesisyon kaya liligawan kopa din si Scarlet sa ayaw at sa gusto nyo!"
Gustong patunayan kay Scarlet na seryoso ako sa kanya at handa ko syang ipaglaban sa Pamilya ko at lalong gusto kong malaman nya na hindi ako Mama's Boy.
"At ngayon ay sinisigawan mona ako dahil sa babaeng yon? Kahit anong sabihin mo ay hindi ako papayag. Gaano naba kayo katagal magkakilala years? Months? Days? Or just an hour? Para ipagtanggol mo sya ng ganyan ni hindi mo nga alam ang background ng babaeng yon."
Padabog kong iniwan si Mommy kahit ano pang sabihin nya ay hindi ko padin ititigil ang panliligaw ko kay Scarlet.
"Kuya nag-away ba kayo ni Mommy?"
"Don't mind that katelyn sige na umakyat kana sa kwarto mo."
"Pero kuya?"
"Wag na matigas ang ulo."
Minsan lang ako magseryoso sa isang babae at hindi si Mommy ang makakapigil sakin ako naman ang makikisama kay Scarlet at hindi sya at sya lang din naman ang may ayaw hanggat pumapayag si Daddy ay walang magiging problema.
# CHAPTER 14
SCARLET'S POV
Ngayon malaya nakong nakakapasok sa bahay ng mga samonte pwede konang simulan ang paghahanap ng kasagutan sa kung ano ba talaga ang nangyari sa mga magulang ko dahil hindi ko man lang nakita ang mga bangkay nila kung talagang wala na sila.
Habang naglalakad ako sa loob ng baha ng mga Samonte ay nakita ko si Amanda at may kausap syang isang lalaki.
"Anong ginagawa mo dito at sino ang nagpapasok sayo?"
"Relax Amanda wala naman akong gagawing masama pinuntahan kolang si Kevin dahil may lakad kami ngayon."
"At saan mona naman dadalhin ang anak ko?"
"Bakit dimo tanungin ang anak mo. Dahil sya ang nag-aya sakin."
"Mrs. Samonte pwede bang ituloy na natin ang usapan natin."
Bumalik na sya sa kinauupuan nya at ako ay pasimpleng nakikinig sa kung anong pinag-uusapan nila.
Parang bentahan ata sa lupa ang pinaguusapan nila.
"Nagback out na si Mr. Salazar na bilhin ang lupa masyado daw malaki ang halaga na hinihiling mo."
"Nagdadahilan lang yan si Mr. Salazar I'm pretty sure na wala lang syang pero para bilhin ang inaalok ko."
"Pero mukhang mahihirapan kang makahanap ng buyer Amanda."
Ito na siguro ang tamang chance para mas mapalapit ako kay Amanda kailangan ako ang makabili ng lupang binebenta nya.
"Baka matulungan ko kayo."
Pareho silang napatingin sakin ng bigla akong magsalita.
"At bakit nandito kapa? Akala koba may lakad kayo ng anak ko?"
"Sorry Amanda hindi kolang kasi naiwasan na makinig sa usapan nyo, Mukhang nahihirapan ka ata humanap ng bagong buyer. Mukhang matutulungan kita dyan."
"At pano naman?"
Ngumiti ako sa kanya at umupo nadin sa harapan nila.
"Ako ang bibili ng lupang sinasabi mo."
"Are you kidding me Scarlet?"
"Mukha ba akong nagbibiro Amanda? Pero bago yan san bang lugar ang sinasabi mong pag-aari nyo na gusto mong ibenta?"
"Sa San lorenzo street yung buong lugar nayon."
San Lorenzo??
Yung lugar namin dati?
Yung lugar kung saan kami nakatira?
Yung lugar na kinalakihan ko?
Mas lalong kailangan kong mabili yon dahil maraming mawawalan ng tirahan pag nangyari yon. Pero kailan pa naging kanila ang lugar nayon?
"Ako na ang bibili."
"Bakit parang bigla ka nalang naging enteresado sa lupa Scarlet?"
"Well Amanda bakit hindi ka nalang maging masaya dahil ako na ang bibili ng lupang binebenta mo. Magkano ba ang gusto mong ibayad ko para sa lupang yan? 100 million? 150 million? Magkano Amanda? Just name the price."
Hindi ko pwedeng pabayaan nalang basta basta ang lugar na kinalakihan ko at lalong hindi ko hahayaan na magtagumpay si Amanda sa masama nyang plano.
"Mukhang mayaman ang bago mong Kaibigan Amanda?"
Tanong ng attorney ni Amanda sa kanya. Mababakas sa mukha nya ang pagkabigla dahil sa sinabi ko.
"Seriously? Bibilhin mo talaga? Pero bakit?"
"Tama ka ng dinig Amanda ako ang bibili, Sabihin molang kung magkano at ako na ang bahala."
Natahimik ulit si Amanda at napatingin sa abogado nya.
"Bakit mo naman gustong bilhin ang lupang yon?"
"Dahil gusto kong magtayo ng bagong negosyo other establishments at syempre para maging magkaibigan tayo kaya kahit magkano payan ay bibilhin ko."
"Mukhang magkakasundo tayo pagdating sa mga ganyan Scarlet."
Sige lang Amanda kumagat ka sa plano ko dahil sigurado ako na pagkatapos nang ngiti mo? Ay iyak naman ang kapalit.
"Scarlet? Mom?"
Agad na lumapit samin si Kevin akala nya siguro nag-aaway na naman kami ni Amanda.
"Dont worry Kevin hindi naman kami nag-away ng Mommy mo. Infact may napag kasunduan na nga kami."
"Oh really? Like what?"
"Samin nalang muna yon ni Amanda."
Nginitian kolang si Amanda at pag katapos ay niyaya kona palabas si Kevin dahil may lakad pa kami.
"Mukhang okay na kayo ni Mommy."
"Sana nga. Pero san nga ba tayo pupunta?"
"Sa mga friends ko may konting kasiyahan at gusto kitang ipakilala sa kanila."
Sumangayon nalang ako sa sinabi ni Kevin wala naman masama kung sasama ako sa kanya gusto kong mas lalo pang mapalapit sa kanya dahil magagamit ko sya laban sa nanay at tatay nya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ganito pala ang mundo ng mga mayayaman kapag may kasiyahan sila lahat pwede nila magawa.
Bigla kona naman naalala si Mama dahil pangarap koto para sa kanya, Ganitong klaseng selebrasyon pero mukhang malabo na atang mangyari.
"Scarlet may problema ba? Mukhang malalim ang iniisip mo."
"Wala naman. Tara na."
Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami ng mga kaibigan ni Kevin at ipinakilala naman nya ako sa mga ito.
"Sino naman yang magandang babaeng kasama mo?" Tanong ng isang lalaki sa kanya na lalapit sana sakin pero inakbayan ako ni Kevin.
"Si Scarlet Girl-- Nililigawan ko."
"Scarlet?? Delgado??"
"Kilala mo sya??"
"Oo ano kaba tol? Kilala ang Pamilya nya pamangkin sya ng isa sa pinakamayaman dito si Violet Delgado hindi moba alam ang tungkol don?"
Hindi ko akalain na may nakakalilala pala sakin dahil sa apelyidong dinadala ko. Hindi naman kasi talaga maitatanggi na mayaman si Tita Violet. Napatingin sakin si Kevin at parang may gustong itanong.
"Hi Boys. Hi kevin!"
May lumapit samin na isang babae at hinalikan si Kevin sa pisngi at nadako ang paningin nya sakin.
"Who is she?"
"Si Scarlet nililigawan ko." Masayang sagot ni kevin na parang nainis yung babae.
"Hi Scarlet?" Bati nya sakin kahit alam kong pinaplastic nya lang ako. Pero hindi naman ako bastos kaya nginitian ko sya.
///
Dahil sa nagkakawentuhan ang magkakaibigan ay naisip ko munang maglakad lakad para tingnan ang paligid.
"Mukhang mag-isa ka ata? Asan si kevin?"
Tanong sakin ng babaeng bigla nalang sumulpot.
"Kinausap lang saglit yung mga kaibigan nya. Bakit sino kaba?"
"Ako lang naman si Sabrina ang ex girlfriend ni Kevin. So ikaw pala ang bagong kinahuhumalingan ngayon ni Kevin? Hindi ka naman ganon kagandan pero pwede na."
Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng babaeng ito naglakad sya paikot sakin at pinag masdan ang buo kong katawan.
"Bakit ? May problema ba sa pagiging pangit sa pagkakaalam ko kasi hindi basehan ang pagkakaroon ng magandang mukha para magustuhan ka sapat na ang kabutihan at magandang pag-uugali mo para mahalin ka."
"Sa panahon ngayon wala kanang makikitang taong Tumitingin sa kagandahang loob dahil karamihan puro sa mukha na nag babase.
"Kaya pala naghiwalay kayo ni Kevin?"
Biglang naningkit ang mata sakin ni Sabrina.
"Anong ibig mong sabihin? Na pangit ako kaya nagkahiwalay kami ni Kevin??"
"Ikaw ang nagsabi nyan. Mauna nako Sabrina pupuntahan kolang si Kevin."
Aalis na sana ako pero hinawakan ni Sabrina ang braso ko ng mahigpit.
"Hindi ka bagay kay Kevin! Ako lang bagay sa kanya!! Ang chaka Chaka mo kaya! Mukha kang retokada!!!"
Napatingin naman samin ang iba pang nga bisita, Sayang si Sabrina maganda sya kaso eskandalosa.
"Bitiwan mona ako." Kalmado kong sabi sa kanya.
"Eh pano kung ayaw ko?? May magagawa kaba?!" Lalo pa nyang diniinan ang pagkakahawak.
"Ang sabi ko bitiwan mona ako!"
Sa inis ko sa kanya ay Hinawakan ko ang braso nya at pinilipit ko.
"Pagsinabi kong bitiwan moko? Bibitiwan mo ako?! Nagkakaintindihan ba tayo? Alam mo hindi kona dapat pinapatulan ang mga kagaya mong isip bata! Gusto mo si Kevin diba??? Sagot!"
"Please let me go!"
"Oh Sabrina? Kanina lang ang tapang tapang mo tapos ngayon para kang isang maamong aso? Diba gusto mo si Kevin??? Pwes isaksak mo sya sa bago mo!!!"
Kinalakad ko si Sabrina papunta sa kinaroroonan nila Kevin at itinulak sya don, Mangiyak ngiyak naman syang yumakap kay kevin.
"Scarlet anong nangyari dito???" Takang tanong ni kevin pati mga kasama nya ay nagyilat din.
"Ba't dimo tanungin yang babae nayan?"
"Kevin sinaktan nya ako. Please help me! Paalisin nyo na ang babae nayan baka kung ano pang gawin nya."
"Talagang aalis ako dito. Mauna na ako sayo Kevin."
Hindi kona pinakinggan ang sasabihin pa kevin at nagdirediretso nako palabas. Hindi ang katulad lang ni Sabrina ang mananakit sakin.
AMANDA'S POV
Akala ko naman matalino si Scarlet pero katulad din sya ng iba kong mga kakilala madaling mauto haha.
"Kanina lang parang byernesanto yang pagmumukha mo."
Kahit kailan talaga panira ng moment tong asawa ko.
"Alam mo ikaw kesa asarin mo ko? Bakit hindi kana lang maging masaya kasi alam moba yung lupang binebenta natin? Yung sa San Lorenzo? May nakabili na."
"At sino namang tanga ang bibili ng lupang yon?"
"Sino paba? Edi yung babaeng lukarit, Si Scarlet."
"Si Scarlet? Binili nya."
"Oo."
"Nahihiwagaan talaga ako sa babaeng yan. Para syang isang kabote na bigla nalang susulpot."
"Well kung ano pa man sya it doesn't matter, Dahil mukha naman syang uto-uto at magagamit kopa sya sa maraming bagay."
Since uto-uto naman si Scarlet naisip ko na ako ang gumawa ng unang move balak kona kasi ipa demolish ang bahay na nakatayo doon.
Kaya naman agad akong tumawag kay Scarlet para ipaalam ang plano ko.
'
Scarlet asan ka?' tanong ko sa kanya.
'Nasa bahay bakit may kailangan ka?'
'Gusto kolang sabihin sayo na ngayong araw isasagawa ang demolishing, Maganda to para mag start kana diba ang brilliant ng idea ko?'
'What???!!'
Mukhang nagulat si Scarlet sa binalita ko, Dapat nga matuwa pa sya kasi tinulungan kona sya. Magsasalita pa sana ako pero naputol ang linya.
/////
"Boyss!! Demolish their houses wala kayong ititirang nakatayong bahay at kapag nanlaban sila ay alam nyo na ang gagawin."
Pagkadating palang namin ay nagkumpulan na agad ang mga eskwaters akala siguro nila ay may magagawa pa sila.
"Kayong mga mababahong hampas lupa! Umalis na kayo dito! Hindi sa inyo ang kinatitirikan ng mga pangit nyong bahay!"
"Hindi kami aalis dito!" Sigaw ng isang lalaking mukhang ewan.
"Tama! Dadaan muna kayo sa mga bangkay namin bago nyo masira ang mga tahanan namin."
"Aba ano kayo? Mga bayani? Kung yan ang gusto nyo edi pagbibigyan ko kayo."
Gusto nila ng sakit ng katawan? Pwes ibibigay ko yon. Nagkaroon agad ng tensyon sa pagitan ng mga tauhan ko at mga eskwaters dahil matitigas ang mga ulo nila.
SCARLET'S POV
Kahit kailan talaga ay napakawalang puso ni Amanda wala syang pakialam sa mararamdaman ng ibang tao.
Mababait ang tao sa San Lorenzo at hindi ako makakapayag na kunin sa kanila ang lugar na humubog sa kanila.
Nagmadali agad ako na tumungo don at sakto ay mainit na ang tensyon dahil lumalaban ang mga tao para sa kanilang mga tahanan.
"Walang aalis! At walang gigibain naiintindihan nyo ba ako!!!"
Buong lakas kong sigaw sa mga tauhan ni Amanda na nais i demolish ang barangay na kinalakihan ko.
"Scarlet what is the meaning of this?"
"Amanda sino naman ang nagpahintulot sayo na gawin to? Baka nakakalimutan mo ako na ang bagong may ari ng lupa nato kaya kung meron man dapat na masunod ay ako yon!"
"Pero diba sabi mo balak mo magtayo ng establishment dito? Kaya tinutulungan na kita."
"Sorry Amanda but I've changed my mind hindi kona gustong kunin ang lupang ito para sa business purposes, Dahil gusto ko na ibigay sa kanila ang lupang ito."
"What!!!!"
"Bakit may problema ba sa desisyon ko? Kung may problema wag natin dito pag-usapan. Again, Utusan mo ang mga tauhan mo na umalis dito dahil baka sila pa ang ipakaladkad ko paalis."
Wala nang nagawa pa si Amanda pati ang nga tauhan nya kundi ang umatras.
Habang magkausap kami ni Amanda ay may babaeng lumapit sakin. Isabg babae na malapit sakin ang kaibigan ko
" Maraming Salamat po."
Tiningnan kolang si Monica at ngumiti bago umalis. Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ko sa kanya kung sino ba talaga. Ayokong madamay sya sa laban na kinakaharap ko.
Sumunod naman agad Kay Amanda dahil alam kong magtataka sya sa ginawa ko.
///////
"Hindi padin ako makapaniwala sa ginawa mo Scarlet pagkatapos mong bilhin ng malaki ang lupang yon ay ibibigay mo nalang sa mga hampas lupa nayon"
"Pera ko ang ginamit ko kaya wag kana mamroblema in fact ginawa ko lang yon para isave ang pangalan nyo. Isipin mo kung pinamolished mo ang lugar nayon lalo lang magagalit sayo ang mga tao, Papangit na naman ang image nyo at malay mo baka isa padon ay saktan ang pamilya mo."
Natahimik naman saglit si Amanda sa sinabi ko.
"Walang pwedeng manakit samin takot lang nila. Marinig palang nila ang salitang Samonte ay nanginginig na sila sa takot."
"Wag ka masyadong confident Amanda hindi natin alam kung ano pwedeng mangyari, Malay mo isang araw meron palang darating para pabagsakin kayo."
"At sino naman yon?"
"Hindi ko alam. Sige na maiwan nakita baka hinahanap nako ni Kevin."
Habang papunta ako sa kwarto ni Kevin ay nakasalubong ko si Diosdado at nakangiti nya akong nilapitan lumapit din ako sa kanya at nakipagbesobeso.
"Ms. Delgado mukhang napapadalas ata ang pagpunta mo dito sa bahay? May kailangan kaba?"
"Well wala naman akong kailangan sa bahay nyo yung anak nyo ang may kailangan sakin kaya mawalang galang napo pupuntahan ko lang si kevin."
Hindi ko alam kung may gustong malaman sakin si Diosdado pero kung ano man ay sisiguraduhin kong wala syang makukuha sakin.
# CHAPTER 15
SCARLET'S POV
Kasalukuyan akong nakahiga ng may narinig akong pagkatok kaya naman ay bumangon agad ako para tingnan kung sino yon.
"Gray?"
"Good Morning Scarlet? Maaga ba ako masyado? Mukhang na istorbo kita"
Tiningnan ko si Gray at tila ang laki ng nabago sa kanya. Bagong gupit na sya wala na din syang bigote at maayos ang suot nya kaya naman mas kita mo ang kagwapuhan nya.
"Hindi naman. Halika pasok ka muna."
"Maganda pala tong nalipatan mo."
"Oo nga eh, pero mas maganda padin doon sa bahay ni Tita Violet syempre nandon kayong dalawa."
"Pwede naman kitang bisitahin palagi dito kung gusto mo."
"Hindi na Gray, Ayokong maghinala sakin si Kevin at kung palagi kang nandito mas mahihirapan akong lalong mapalapit sa kanya."
"Naiintindihan kita."
"Bakit ka nga pala nagpunta dito?"
"Gusto sana kita yayain na lumabas, Medyo matagal nadin nung huli tayong lumabas para gumala."
Naninibago ako sa pananalita ni Gray pero tama sya simula kasi nang bumalik ako dito wala na akong ginawa kundi ang mas mapalapit sa mga Samonte.
"Sige ba walang problema magbibihis lang ako then alis na tayo."
Pagkatapos kong magbihis ay sinama ako ni Gray papunta sa isang park, ngayon nalang ulit ako nakapunta sa ganitong lugar at sa ganito kodin sana makasama ang mama at papa ko kakain kami tapos nagkukwentuhan hanggang lumubog ang araw pero lahat ng yon ay hanggang pangarap nalang.
"Oh Gray bakit may problema ba?"
"Nahihiya kasi ako sayo sa ganda mo ngayon dito lang kita dinala."
"At anong masama sa pagpunta sa park? Nakikita moba yung mga tao sa paligid? Ang sasaya nila, Kaya kung ano man ang iniisip mo kalimutan mo nalang. Alam moba sa ganito kami madalas pumunta ng kaibigan ko kapag gusto namin mag relax, Naglalakad lang kami tapos nag-uusap madami din mabibilhan ng pagkain dito halika ka."
Hinawakan ko si Gray at naghanap kami ng makakainin hindi nya ata natatanong na laking hirap ako at sanay ako sa mga ganito itusra at pangalan lang naman ang nabago sakin pero hindi ang ugali at mga gusto ko.
Pagkatapos naming kumain ay naglalakad lakad muna kami ni Gray para tingnan ang ganda ng paligid pero may napansin akong tila sumusunod samin.
"Gray Parang may sumusunod satin?"
"Ha? Asan?"
"Wag kang magpahalata baka mapansin nya at umalis sya."
Naglakad kami ni Gray na parang walang nangyayari at nang makahanap kami ng tyempo ay nagtago kami para hindi kami masundan ng lalaking yon.
Mula sa malaking puno na pinagtaguan namin ay nakita namin ang lalaki na pasulyap sulyap at hinahanap kami nang makatalikod sya ay lumapit sa kanya si Gray at pinukpok para mawalan ng malay.
Dinala namin ang lalaki sa isa sa mga Wearhouse ni Tita Violet.
At para magising ay binuhusan sya ni Gray ng isang timbang tubig.
"Asan ako! Pakawalan nyo ako!"
"Bakit mo kami sinusundan kanina?"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Pakawalan nyo ko!"
"Sino ang nagutos sayo para sundan ako?"
Hindi nya ako sinagot bagkus ay nginitian nya lang ako.
"Sino sabi!" Hindi na napigilan ni Gray ang kanyang sarili at sinuntok nya yung lalaki.
"Hindi moba talaga sasabihin kung sino ang nag-utos sayo para pasundan kami?"
"Wala akong sasabihin sa inyo!."
Mukhang wala talaga syang balak sabihin samin kung sino ang nag-utos sa kanya kaya ang ginawa ko ay kinuha ko yung baril sa loob ng bag ko at tinutok sa kanya.
"Ngayon kung hindi kapa aamin hindi ako magdadalawang isip na pasabugin yang ulo mo!"
Nagpakawala ako ng ilang putok ng baril pero hindi ko pinatama sa kanya pinadaan ko lang dahil gusto kong manginig sya sa takot.
"Hindi ka padin ba aamin??" Inis na tanong ni Gray na hindi na napigilan ang sarili at binugbog na yung lalaki.
"Wag monang pilitin ang isang taong ayaw unamin. Tatawagan ko nalang yung iba nating mga tauhan at ipapatapon natin sya sa dagat para ipakain sa mga pating."
Kinuha ko yung phone ko at inumpisahang nag dial pero hindi pa man ako nakakatawag ay nagsalita na sya.
"Aamin nako! Aamin nako! Si Diosdado Samonte! Sya ang nag-utos sakin para man manan ka."
Nagkatinginan kami pareho ni Gray dahil sa sinabi nya.
"Sigurado kaba dyan? At bakit naman nya ako pinapasundan??"
"Hindi ko alam basta binayaran nya lang ako para sundan ka."
Pinukpok ko sa ulo nya yung baril na hawak ko dahilan para mawalan sya ng malay.
"Anong ibig sabihin non? Bakit ka pinapasundan ni Diosdado?"
"Hindi ko alam Gray pero isa lang alam ko. Tuso ang mga Samonte at hindi mo sila basta basta matatalo pero pinag handaan ko ang laban nato kaya hindi ako dapat matakot sa kanila, Sila ang dapat na matakot sakin."
"Wag kang mag-alala Scarlet nandito lang ako hindi kita papabayaan , Pati si Madam V. Nasa likod molang kami."
Hinatid naman ako ni Gray pabalik sa condo ko para daw masiguro nya na ligtas akong makakauwe kaya lang hindi ko akalain na naghihintay na pala sakin si Kevin.
"Kevin? Anong ginagawa mo dito?"
"Sino sya?" Tinuro nya si Gray.
"Siya ba? Isa sya sa mga body guard na pinadala sakin ni Tita Violet."
"Ma'am Scarlet mauna napo ako."
Nagpaalam si Gray kaya naman kami nalang ni Kevin ang naiwan.
"Scarlet sorry sa nangyari sa party and about Sabrina kinausap kona sya?"
"Yung nangyari sa party ng kaibigan mo? Wala yon at si Sabrina? Hindi ang katulad nya ang aapi sakin at ang mananakit sakin."
"Hanga talaga ako sa katapangan mo."
"May kailangan kaba ngayon kevin at nagpunta ka?"
"May dinner kasi kami mamaya ay gusto ni Daddy na isama kita."
Kung ano man ang plano ni Diosdado sisiguraduhin ko na wala syang makukuha o malalaman sakin, lalo na sa nakaraan ko.
"Ganon ba? Pakisabi sa Daddy mo na susunod nalang ako."
"Pwede naman kita sundiin kung gusto mo."
"No need, Kaya ko naman pumunta don."
"Sorry talaga Scarlet."
"Wala na sakin yon."
Lumapit ako kay Kevin at niyakap ko sya hahayaan kong malunod si kevin sa pagmamahal nya sakin at iyon ang gagamitin laban sa Pamilya nya.
//////
Pagdating sa lugar na binigay sakin ni kevin ay nakaupo na silang lahat.
"Goodevening Mr. Diosdado sorry i'm late medyo traffic kasi papunta dito."
"No it's okay Scarlet hindi padin naman kami nagsisimula have a sit."
Umupo naman ako sa tabi ni Kevin at masayang nakisalo sa kanila.
"Scarlet since gusto mo maging part nang Pamilya namin pwede kaba bang magkwento about yourself? Your family? Specially your parents?"
"Ano bang gusto nyong malaman tungkol sakin? About my parents? Wala na sila, Matagal na silang patay kaya tanging si Tita Violet nalang ang nag-alaga at nagpalaki sakin."
"Sorry to hear that Ms. Scarlet."
"Akala koba kaya ka naghanap ng condo ay dahil nag-away kayo ng parents mo??"
Biglang napatingin sakin si Kevin pati na yung mag-asawa. Huminga ako ng malalim bago sumagot sa kanya.
"Well sinabi ko lang sayo yon dahil kakakilala palang natin non at ayokong mag kwento ng personal life ko sa iba."
"Ganon ba? Sorry."
"It's okay. May iba paba kayong tanong sakin?"
"Ate Scarlet? Pwede moba ako i tour minsan sa Delgado's Building?? Maganda daw kasi don Sabi ng mga kaibigan ko at nandon din daw yung iba sa mga sikat na modelo."
"Katelyn? Wag mo nga isali dito ang mga walang kakwenta kwenta mong pinagsasasabi."
Kawawang katelyn nagkaroon sya ng Pamilyang walang puso at walang awa, naalala kopa non nung naglayas sya at pumunta sya samin ay Parang ayaw na nya umuwe.
"Oo naman kapag may free time ako isasama kita."
Habang kumakain kami ay napansin kong nakatuon lang ang atensyon ni Diosdado sakin pero hindi ako magpahalata at umakto na Parang walang nangyari.
Pagkalabas namin ng Restaurant ay tumambad samin ang sasakyan ni Diosdado na may nakapinto sa harapan na
"MAGBABAYAD KAYONG LAHAT!!"
"Sino ang gumawa nito sa sasakyan ko! Ikaw nakita mo ba?!"
Nilapitan ni Diosdado yung guard at galit na nagtanong.
"Sir hindi po."
"Anong hindi?! Guard ka dito diba? Kaya dapat tungkulin mo na pangalagaan ang security ng lahat ng costumers! Pati na mga pag-aari nila!"
Susugudin na sanan ni Diosdado yung kawawang guard pero inawat sya ni Kevin.
"Dad just calm down. Pwede naman natin malaman kung sino ang may gawa nyan sa kotse nyo meron silang CCTV dito."
"For sure isa na naman yang sa mga kaaway natin sa negosyo mga naiinggit." Sabat ni Amanda.
"They messed with the wrong person." Mariing sabi ni Diosdado.
"Daddy anong gagawin natin? Ano pa edi uuwe na tayo."
"Pero pano yung gumawa nito sa sasakyan mo?"
"Malalaman din natin kung sino sya pero sa ngayon ay umuwe na tayo dahil sumama na ang pakiramdam ko."
Simpleng sulat lang mukhang nanghina si Diosdado akala kopa naman sya ang Great Diosdado Samonte.
"Scarlet gusto mo ihatid na kita?"
"Hindi na kaya kona naman ang sarili ko, Ihatid mona ang daddy mo para makapagpahinga nadin sya."
"Sigurado ka?"
"Oo naman nandito naman ang Mommy mo sabay na siguro kami."
Inalalayan ni Kevin yung daddy nya kasama ng driver papasok ng sasakyan sumama nadin sa kanila si khatelyn kaya naiwan lang kaming dalawa ni Amanda.
"Alam mo Scarlet? Kung sino man ang gumawa non sa kotse ng asawa ko? Magbabayad sya at pagsisihan nya na ginawa nya yon sa kotse ng asawa ko."
"At ano naman ang gagawin nyo kapag nahanap nyo kung sino yon?"
"Ano paba edi ipaparanas namin sa kanya ang pinaka mahirap na parusang nababagay sa mga taong kumakalaban sakin."
"Papatayin nyo?"
Napatingin bigla sakin si Amanda dahil sa naging tanong ko pero hindi nadin nya nagawang sagutin pa dahil may lumapit samin.
"Ate pengeng barya pangkain lang po."
Lumapit yung dalawang bata samin ni Amanda at nanghinga ng konting barya.
"Shoo!! Wala ba kayong mga magulang?? Wag nga kayong lumapit samin ang babaho nyo."
"Ikaw nga ang tsaka mo at ang taba taba mo!"
Inis na sagot ng isa sa mga bata, Nagpigil lang ako ng tawa baka ma offend si Amanda haha.
"What did you say?????"
Nakahanda na yung isang kamay ni Amanda para saktan yung bata pero inawat ko sya.
"Amanda? Pati ba naman bata papatulan mo?"
"Bastos eh! Hey little dirty person! I am not mataba okay?"
Kumuha ako ng pera sa bag ko at binigay sa mga bata.
"Umuwi na kayo ha? Ang mga bata kapag gabi dapat nasa bahay na."
"Thank you po ate ganda."
Masaya naman silang umalis pagkabigay ko nang pera si Amanda naman ay panay tingin sa katawan nya.
"Scarlet be honest. Mataba naba ako??"
"To be honest? Tumataba kana. Kaya mag diet kana baka mamaya palitan ka ng asawa mo."
"What!!!!???"
Natawa nalang ako sa reaksyon ni Amanda habang naglalakad papunta sa sasakyan ko.
Habang nasa byahe ako ay nag textsakin si Tita Violet at Pinapa punta ako sa bahay nya dahil meron daw akong bisita.
//////
"Tita Violet sino po ang bisita ko?"
"Ayan sya."
"Grace? Anong ginagawa mo dito?"
Lumapit sya sakin at nakipag besobeso.
"Pasensya kana Scarlet pero hindi na ako makapaghintay gusto konang pagbayadan ng mga Samonte ang ginawa nila sakin!"
"Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng galit mo pero hindi pa ito ang tamang oras para magpakilala ka sa kanila, Wag kang mag-alala malapit na at pagnangyari yon gugulatin natin ang tahimik nilang mundo."
Bawat galaw ko at kilos ko ay pinag-isipan ko at bawat hakbang na gagawin ko ay pinaghahandaan ko hindi pwede masira ang plano ko dahil isang pagkakamali lang ay pwedeng mawala ang pinag hirapan lalo pa't tuso ang mga Samonte.
"Hindi nako makapaghintay na makitang bumabagsak sila" inis na sabi ni Grace.
"Darating din tayo kaya dapat umayon lahat sa plano natin."
Katulad ni Grace hindi nadin ako makapag antay na bumagsak ang Pamilyang sumira sa Pamilya ko.
# CHAPTER 16
SCARLET'S POV
"WOW Amanda mukhang totoo at mamahalin talaga ang mga binebenta mo dito."
Niyaya pala ako ni Amanda na sumama sa shop nya dahil ang sabi nya baka daw gusto kong bumili ng mga alahas. Pumayag naman ako dahil gusto kong mas mapalapit sa kanya.
"Anong mukha? Totoo at talagang mamahalin ang mga yan at dahil magkaibigan na tayo may ibibigay ako sayo."
Kumuha si Amanda ng isa sa mga kwintas at sinuot sakin.
"It's so Beautiful Amanda, Magkano naman to?"
"For you Scarlet it's free, Diba nga we're friend?"
"Thank you Amanda."
Niyakap ko si Amanda bilang pasasalamat pero ang totoo halos diko na kayang makipag plastican pa sa kanya.
"Baka may magustuhan ka, Bilhan mo din ang Tita Violet mo sigurado ako na magugustuhan nya ang mga alahas namin dito."
"No need Amanda maraming Alahas ang tita ko."
Habang tumitingin tingin kami sa paligid ay may lumapit samin na staff.
"Ma'am Amanda may malaki tayong problema."
"Ano na naman bayon? Kita mobang may kausap pako?"
"Ma'am yung mga tao nasa labas at galit na galit po sila at Sinasabi nila na fake daw lahat ng binebenta nating alahas."
"What???!!!! asan sila?"
Nagmamadaling lumabas si Amanda at sumunod naman ako para makita kung pano nya sasaluhin ang galit ng mga taong niloko nya.
Pagkalabas namin ay nagkakatensyon na sa pagitan ng ilang guards at mga staff ng shop ni Amanda dahil pinipigilan nila na makapasok ang mga tao.
"Bulok ang mga tinda nyo! Peke!!!! Gold ang binili namin pero bakit nag fefade!!!!" Sigaw ng isang babae .
"Oo nga! Dapat dyan ipasara para wala nang mabiktima!"
"Hey! Hey! All of you!!! Could you please shut up!!!!"
"Ikaw ba ang may ari ng bulok na Jewelry shop nato?!" Galit na tanong ng isang babae at pinakita kay Amanda ang gold necklace na binili nya kaya lang yung kulay gold nito ay nawawala. Halata mong fake Parang si Amanda.
"Yes i am. Pero hindi bulok ang mga tinitinda namin dito alam kung ano ang bulok? Yang mukha mo."
Inagaw ni Amanda yung kwintas sa babae at sinungalngal sa mukha nito, Pero hindi nya inakala na gaganti ang babae pati ang mga kasamahan nito. Kaya ang ending ay kinuyog si Amanda ng mga taong naloko nya.
Gusto kong matawa kay Amanda pero di ko magawa, yung mga taong niloko nya ay binabalikan na sya ngayon kita mo nga naman ang karma.
"Help!!!! Get rid these bunch of idiot people!!!! "
Nagmakaawa na si Amanda dahil hindi na nya kaya yung pagkuyog sa kanya kahit yung mga guards ay wala ding nagawa dahil hinaharangan sila. Pero since kailangan ko magpanggap na kaibigan ko si Amanda ay tunulungan ko sya.
"Sandali!!!! Bitawan nyo sya!!"
Natigil naman sila sa pag sampal at pagsambunot kay Amanda at nabaling ang tingin sakin.
"Kung ano man ang kasalanan ni Amanda ako na ang nakikiusap sa inyo. Babayadan ko lahat ng perang nasayang nyo dahil sa pagbibili ng sinasabi nyong pekeng alahas."
Parang kawawang tuta si Amanda na pumunta sa likod.
"Talaga??? Babayadan mo?"
"Oo para lang manahimik na kayo."
Kumuha ako ng pera sa bag ko at ibinigay ko sa kanila at nang mabilang nila ay umalis silang lahat.
"Maraming salamat Scarlet."
"Pasalamat ka Amanda may dala akong pera dahil kung wala baka nagkahiwahiwalay na ang mga parte ng katawan mo."
"Ma'am Amanda ayos lang po kayo?"
Lumapit yung guard sa kanya yung kaninang parang tuta na Amanda ngayon naman ay parang isang lion sa galit dahil pinagsasampal nya yung guard.
"Ang bobo mo! Ang laki laki ng katawan mo pero di mo man lang ako tinulungan?!!! Eh muntik nakong mapatay ng mga hampas lupang yon! Tapos tatanungin mo ako kung okay lang ako?! You're fired!!!"
Hinampas hampas hindi Amanda yung kawawang guard pero hinawakan ko yung kamay nya.
"Amanda!! Pwede tumigil kana?! Umuwe nalang tayo!"
Nasindak naman si Amanda sa pagtaas ng boses ko kaya naman sumunod agad sya sakin.
"Maraming salamat Scarlet."
"Sa pangalawang pagkakataon ay tinulungan kita sa problema mo siguro naman sapat na na rason yon para maniwala ka na kaibigan moko."
"Oo naniniwala nako, Thank you very much."
Niyakap ako ng mahigpit ni Amanda.
Sige lang Amanda ilapit mo ang sarili mo sakin dahil ihahanda kita sa dapat mong kalagyan sabi nga nila. Make your friend close and your enemies closer.
Pagdating namin sa bahay nila ay nasa lubong kami ni Kevin.
"Mom anong nangyari sayo? Bat ganyan ang itsura mo?"
Inalalayan ako ni Kevin para maiupo ang mommy nya.
"Sinugod sya ng mga taong nakabili daw ng fake gold sa shop ng mommy mo." Ako na ang sumagot sa tanong ni Kevin.
"Fake?? Imposible yon."
"Then why don't you ask your mom about that."
"Ayoko munang pag-usapan yan gusto ko munang magpahinga."
Iritabling umalis si Amanda at pumunta sa kwarto nya.
"Eh ikaw? Hindi kaba nasaktan? Hindi kaba sinaktan ng mga taong yon?"
"Hindi naman."
"Maraming salamat kasi tinulungan mo si Mommy, Kung wala ka siguro don baka napano na sya."
"Kahit sino naman gagawin yon at syempre ayaw kodin naman masaktan ang Mommy mo."
"Ang dami na naming utang sayo baka hindi kana namin mabayaran."
Pabirong sabi ni Kevin.
"Wag kang mag-alala malapit nadin naman ako maningil."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nevermind. Mauna nadin ako at may pupuntahan pako sinamahan ko lang talaga dito ang Mommy."
"Ganon ba? Sige mag-iingat ka."
Nginitian kolang sya at umalis nadin ako agad.
DIOSDADO'S POV
'Boss wala padin pong progress.'
'Mga bobo! Ilang taon konang inuutos sa inyo yan?! Pero hanggang ngayon wala pading progress? Ano ba kayo? Isang maliit na susi lang Hindi nyo pa mahanap!?'
Matagal nang nawawala ang susi ng Agila kaya naman hanggang ngayon ay hindi padin namin mabuksan yon.
Sa sobrang inis ko ay hinagis ko yung baso ko namay lamang alak at sakto naman na dating ni Kevin.
"Oh dad? Anong nangyari."
"Bwiset na mga inutusan mo? Hanggang ngayon wala padin. Kailangan kona mabuksan ang agila."
"Dad hindi ba it's time nadin para i let go natin yung susi nayon? I mean wala namang mawawala satin kung hindi natin yon mabuksan."
"Hindi kevin, Dahil hanggat wala satin ang susi ng Agila hindi ako matatahimik pano kung bago namatay si Anton ay may napagbigyan sya ng susi? At sinabi nya kung ano ang nasa loob non."
"Wala naman siguro Dad, Kasi kung meron man matagal na sana na may nagpunta dito."
Tama si Kevin sa sinabi nya pero syempre kailangan ko pa din makuha ang susi.
"Kaya ikaw wag na wag mo sasabihin kahit kanina ang Tungkol Sa Agila dahil tanging Samonte lang ang dapat nakakaalam nito at ilan sa mga piling tauhan natin."
"Nabalitaan nyo ba yung nangyari kay Mommy?"
"Bakit ano na naman ang kapalpakan na ginawa ng mommy mo?"
"Kinuyog daw sya ng mga taong nakabili sa shop nya ng fake jewelries."
Natawa nalang ako sa sinabi ng anak. Kahit kailan talaga hindi marunong mag-isip ng Tama si Amanda.
"Alam mo yang Mommy mo matagal kona yang sinabihin tungkol sa bagay nayan pero hindi sya nakikinig sakin."
"Mabuti na nga lang nandon si Scarlet at tinulungan nya si Mommy."
"Scarlet. Scarlet. Scarlet. Yan lagi ang naririnig ko sayo kahit sa mommy mo ano bang meron sa babaeng yan?"
"Dad special sakin si Scarlet at mabuti syang babae galing din sya sa mayamang pamilya bakit may problema ba? Infact balak kona nga syang tanungin kung pwede na nya akong maging Boyfriend."
"Bakit Parang masyadong mabilis naman ata?"
"Syempre kapag mahal natin kailangan natin madaliin baka maagaw pa ng iba."
"Wag kang padalos dalos sa desisyon mo Kevin baka sa huli magsisi ka."
"Sigurado nako Dad, Mahal ko Scarlet at hindi kona sya pakakawalan pa."
"Ito lang ang tatandaan mo anak tayo dapat na mga lalaki ang sinasamba ng mga babae hindi tayo ang sumasamba sa kanila."
Napangiti nalang sya sa mga sinabi ko. Totoo naman ang lalaki ang haligi ng tahanan kaya dapat sila ang mas malakas at masusunod sa lahat
KEVIN'S POV
"Kevin para san to?"
Manghang tanong ni Scarlet.
"Diba sabi ko sayo gagawin ko ang lahat para maging akin ka?"
"Pano ka naman makasisiguro na makukuha moko?"
"Makukuha kita, Pangako yan."
Niyaya ko si Scarlet paupo at mukhang nagustuhan naman nya ang inihanda ko sa kanya.
Masaya pa kaming nag-uusap pero biglang may dumating sa eksena.
"Hi Kevin? Did you miss me?"
May biglang babae na lumapit samin at ininom yung wine na nasa table namin ni Scarlet.
"Who are you? At pano ka nakapasok dito?"
"Bakit hindi mona ba ako naalala?"
"No."
Tinitigan ko ng maiigi ang babae at parang nakita kona nga sya pero hindi kolang maalala kung saan.
"Sorry miss mukhang mali ata ang napuntahan mo, May date pa kami ng kasama ko kaya pwede ba umalis kana lang."
"Wow sya naba ang pinalit mo sakin? Pagkatapos mo akong pag-sawaan? Kakalimutan mo nalang ako? Sa bar tayo nagkakilala remember."
"Ano bang sinasabi mo???! excuse lang Scarlet."
Hinila ko palayo ang babae para hindi marinig ni Scarlet Kung ano man ang pag-uusapan namin.
"Sino kaba talaga? At bakit nang gugulo ka?"
"Ako Yung babaeng binastos mo dati sa bar! At walang awang ginahasa kasama ng mga hay*p mong kaibigan!"
"Ikaw?!"
"Ano nakikilala mona ba ako?!!! Oo ako si Grace ang babaeng ginahasa mo! At pinagpasapasahan nyo ng mga kaibigan mo!"
Hindi ako makapaniwala ngayon sa narinig ko. Dalawang taon na ang lumipas pero biglang bumalik sakin ang lahat.
"Ikaw yon?" Hindi makapaniwala kong tanong.
"Oo ako nga. "
"Ano bang kailangan mo? Pera? Bahay? Ano? Sabihin molang at ibibigay ko sayo."
Dalawang magkasunod na sampal ang tumama sakin at nakita si Grace na lumuluha na.
"Hindi lahat madadaan sa pera at kapangyarihan, lahat nang bagay may hangganan! Tapos na ang pananahimik ko! Oras na para singilin ka! Kasama ng mga kaibigan mo! Para mabulok kayo sa bilangguan!."
Mukhang Hindi ko na sya mapipigilan sa balak nya.
"You can't do this to me! I am Kevin Samonte! And you know what i can do."
"Anong gagawin mo sakin!? Ipapapatay moko? Tatakutin mo ang Pamilya ko katulad ng ginawa nyo samin dati. Pwes hindi na ako natatakot ngayon!"
Lalapitan kona sana sya para sa saktan pero biglang dumating si Scarlet.
"Kevin? Anong nangyayari dito nag-aaway ba kayo? "
Hindi pwedeng malaman ni Scarlet ang nangyari sa nakararaan dahil baka layuan nya ako at ayaw kong mangyari yon.
"Ikaw ba ang Girlfriend ni Kevin? Alam moba kung anong baho ang tinatago ng lalaking yan? Alam mo ba kung anong ugali meron yan? At alam mo ba kung anong klaseng Pamilya ang meron sila?!."
Please Scarlet wag ka sana maniwala sa sinasabi ng babae nayan sabi ko sarili ko.
"Kevin anong sinasabi nya ano bang meron?"
"Hindi mopa pala kilala si Kevin, Habang maaga pa ay lumayo kana sa kanya kung ayaw mo masaktan sa huli."
"Pwede ba Grace Tama na! Umalis kana!"
Sigaw ko na ikinatahimik nya saglit.
"Aalis ako pero sa pagbabalik ko maghanda kana dahil ilalagay nakita sa dapat mong kalagyan."
Nakahinga ako ng maluwag ng umalis si Grace pero may isa pa akong problema. Sana lang talaga hindi maniwala si Scarlet sa kanya.
"Bakit ba nagagalit ang babae nayon? Sino ba sya? At bakit sinasabi nya na masama kang tao, Masama ang Pamilya nyo."
Lumapit ako kay Scarlet at hinawakan ang mukha nya at tinitigan ko sya sa mata.
"Scarlet makinig ka sakin, Yung babae nayon? Sinisiraan nya lang ako dahil ex ko sya at gusto nya na balikan ko sya kaya lahat gagawin nya."
"Pero parang totoo ang mga sinasabi nya?"
"Sakin kalang makinig dahil ako nagsasabi ng totoo, Ikaw na ang mahal ko at hindi na sya kaya kahit anong gawin nya Hindi nya ako masisira sayo."
Niyakap ko ng mahigpit si Scarlet.mahal na mahal ko sya at lahat gagawin ko wag lang sya mawala sakin.
SCARLET'S POV
"Scarlet?"
Masayang lumapit sakin si Grace at niyakap ako ng mahigpit.
Dahil kasi sa pagdating nya ay hindi na itinuloy ni kevin ang date daw sana namin dahil nawalan na sya ng gana kaya inihatid nya nalang ako pauwe.
"Very good acting skills Grace. Sigurado ako ngayon ay nag-iisip na si kevin kung pano nya masusulusyunan ang problema nya."
"Pero natatakot ako Scarlet para sa kaligtasan ko at ng pamilya ko."
"Naiintindihan kita pero kung patuloy kang magpapadala sa takot mo patuloy ding makakalaya ang mga taong dapat malagot sa batas. Wag kang mag-alala Grace dahil sisiguraduhin ko ang proteksyon mo at yung Pamilya mo ay inilipat na namin sa isa sa mga bahay ni Tita Violet doon magiging ligtas sila."
"Maraming salamat Scarlet kung hindi dahil sayo baka hanggang ngayon ay nanahimik padin ako at walang magawa."
Ramdam ko ang takot ni Grace pero mas pinili nya padin na ilaban kung ano ang lama nyang tama.
# CHAPTER 17
KEVIN'S POV
"Kevin ba't may mga kasama tayong body guards." Takang tanong sakin ni Scarlet.
"For our safety ang dami kasing nangyaring hindi maganda nitong mga nakaraang araw."
"Kailangan paba talaga natin ng body guards eh kakain lang naman tayo?"
"Para din naman sayo to Scarlet, Remember madaming naiinggit sa Pamilya namin kaya mas lalo namin kailangan mag-ingat at dahil malapit kanang maging myembro ng Pamilya namin ay kailangan din kitang ingatan at protektahan."
"How sweet kevin."
Niyakap ako ng mahigpit ni Scarlet siguro na appreciate nya ang mga efforts ko para protektahan at ingatan sya.
/////
Habang kumakain kami ay napansin kong kanina pa tingin ng tingin yung bakla sa kabilang table namin. Nainis ako kasi parang pinag-uusapan nila kami.
Tumayo naman ako at pumunta sa table nila.
"Lumapit satin si Pogi mukhang interesado.". Sabi nung isang bakla na ikinatuwa naman ng iba nya pang mga kasama.
"Anong problema nyo? Bakit kanina pa kayo tingin ng tingin samin." Maangas kong tanong sa kanila.
"Hindi naman namin tinitingnan ang kasama mo ikaw ang tinitingnan namin."
"Anong sabi mo?" Iritang tanong ko.
"Never mind nalang po. Sorry po na gwapuhan lang po kasi kami sayo."
Mahinahong paliwanag ng isa. Pero ewan koba sa totoo lang kapag nakakakita ako ng mga kagaya nila ay iritang irita ako. Naalala konon na napilitan lang ako mag judge sa isang gay pageant dahil sa utos ng daddy ko sa totoo lang ayaw ko talaga. Pero may isa akong baklang nakilala dati kung Hindi ako nagkakamali ay Vince ang pangalan nya na naging kaibigan ng kapatid ko.
"Pwede ba lumipat nalang kayo ng ibang makakainan?" Utos ko sa kanilang tatlo.
"Excuse lang sir ha? Pero nagbayad kami dito at hindi mo pag-aari ang kainan nato para paalisin mo kami."
"Hindi nyo ba ako nakikilala? I am Kevin Samonte at kapag sinabi kong umalis kayo, aalis kayo."
Sinenyasan ko yung dalawang body guards na kasama ko para mapaalis yung tatlong bakla nato. Kung kinakailangan ipakaladkad sila Yun ang gagawin ko.
SCARLET'S POV
Pinagmamasdan ko lang si Kevin Habang nakikipagtalo sya sa tatlong nasa kabilang table hindi na sana ako makikialam pero biglang lumapit yung dalawang body guards nya at pilit na pinapaalis Yung tatlo sa lamesa nila.
Hindi kona napigilan ang sarili ko at lumapit ako sa kanila para tulungan yung tatlo.
"Bitawan nyo sila." Saway ko sa dalawang body guards ni Kevin.
"Pero Ma'am utos po ito samin ni Sir Kevin at sya ang mas susundin namin."
Hinila nila yung tatlo na bakla na walang kalaban laban. Dahil sa hindi ko kaya ang nakikita ko ay nilapit ko sila at hinawakan sa kamay yung isa sa mga body guard.
"Bitawan nyo sabi sila."
Pagkahawak ko sa kamay nya ay diniinan ko ang kapit at pinilipit koyon kaya naman nabitawan nya yung isa at dahil nasaktan sya sa ginawa ko ay kinailangan nyang gamitin ang isa pa nyang kamay para hawakan yung kamay nyang pinilipit ko.
"Ahhh!!!! Renato tulungan moko!"
Agad naman sumaklolo yung isa kaya nabitawan nya yung isa nyang hawak pagkalapit na pagkalapit nya ay agad ko syang sinipa sa may tyan kaya naman napa atras sya. Yung lalaki namang hawak ko ay susuntukin ako gamit yung isa pa nyang kamay pero nailagan ko natigil lang ako ng bigla akong tutukan ng baril nang body guard na sinipa ko.
"ENOUGH!"
Agad na umawat si Kevin at kinuha yung baril na hawak ng lalaki.
"Scarlet? Anong ginagawa mo?"
"Ginagawa kolang kung ano yung tama!" Mariin kong sabi sa kanya.
Binitawan kona yung kamay ng body guard at sinundan yung tatlo sa labas.
"Ayos lang ba kayo??? Nasaktan ba kayo?"
Tanong ko sa tatlo ng maabutan ko sila.
"Nasaktan kami, Pero ayos na kami ngayon maraming salamat sa tulong mo."
"Walang anuman."
"Ikaw pano ka? Alam na ba nya?" Tanong ng isa sakin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sis? Kahit hindi mo sabihin ay ramdam namin na isa kang transwoman nasa iisang mundo lang tayo ng ginagalawan kaya imposibleng hindi namin malaman."
"Alam naba ng kasama mong lalaki? Eh mukhang galit na galit sya sa mga katulad natin. Baka saktan kadin nya kapag nalaman nya ang totoo mong pagkatao." Sabat ng isa.
"Wag kayong mag-alala dahil kaya ko ipagtanggol ang sarili ko at hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nya ang tungkol sa pag katao ko."
"Sana maging kagaya mo kami na matapang at kayang ipaglaban ang sarili."
"May tamang oras para maging matapang. Kaya kayo kapag alam nyong naapi na kayo? Wag kayong matakot na lumaban." Payo ko sa kanila.
"Basta mag iingat ka at salamat ulit sa tulong mo"
"Scarlet?"
"Pano sis? Nandyan na yung Boyfriend mo mauna na kami. Salamat ulit."
Umalis na silang tatlo bago pa makalapit si Kevin.
"Bakit mo sila kailangan ipakaladkad palabas?"
"Dahil naiirita ako sa kanila. Yung mga kagaya nila na salot ay dapat inaalis."
Isang malakas na sampal ang binigay ko kevin. Kung meron mang salot ay sya yon at ang baluktot nyang pag-iisip.
"Dahil sa mga sinabi mo? Pinatunayan mo lang sakin na totoo ang mga sabi sabi ng mga tao. Na masasama ang ugali nyong mga Samonte!!!!"
"Bakit ba nagkakaganyan ka? Hindi ka naman myembro nila?! Hindi kana naman bakla diba! Bakla kaba Scarlet?! "
"Oo!!!"
Buong lakas kong sagot sa kanya.
"Bakla ka???"
"Oo hindi ako myembro nila! Oo hindi ako bakla tulad nila! Pero tao din sila at kailangan irespeto! At lalong hindi sila salot ng lipunang ito! Dahil ang tunay na salot ay yung mga taong gumagawa ng masama sa kapwa! At yung taong gumagawa ng mali sa paligid! Sila ang tunay na mga salot! Naiintindihan moba ako kevin?!"
Hindi kona napigilan ang sarili ko at nailabas kona ang lahat ng nasa loob ko. Gusto kong ipaintindi sa kanya na kahit ano pa man ang kasarian ng isang tao kailangan padin ito irespeto.
"Sorry Scarlet."
Yayakapin sana ako ni Kevin pero umatras ako.
"Tsaka mo nalang ako kausapin kapag bukas na yang utak mo sa pagtanggap sa mga katulad nila."
Pagkatapos kong sabihin yon ay iniwan kona sya lalo lang nyang dinagdagan ang kasalanan nya sakin at mas lalo nyang pinakita ang kasamang nananalaytay sa dugo nya ang dugo ng mga SAMONTE.
/
Dumiretso ako sa bahay nila Tita Violet dahil wala din naman akong gagawin sa condo lalo pa't mag-isa lang ako.
Naabutan ko si Gray sa may Garden at mukhang malalim ang iniisip.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ha? Babae siguro yan?"
"Oh Scarlet bakit nandito ka?" Umupo ako sa tabi nya at pinagmasdan din ang ganda ng kalangitan.
"Bawal naba ako pumunta dito? Ayaw mo na ba ako makita?" Pabiro kong sagot sa kanya.
"Akala ko kasi kasama mo na naman yung kevin nayon."
"Syempre kasama yon sa misyon ko na lagi ko syang makasama para mas lalo kong makuha ang loob nya."
"Pero natatakot ako para sayo. Pano kong mapahamak ka?? Pano kung masaktan ka? Scarlet hindi ko kakayanin kung may mangyayaring hindi maganda sayo."
Bigla nalang naging seryoso si Gray at parang alalang-alala sya sa kalagayan ko.
"Gray ano bang sinasabi mo???"
Bigla akong hinila ni Gray at siniil ng halik. Hindi agad ako nakagalaw dahil Parang nakuryente ako sa halik nya.
Napansin kodin na parang nakainom si Gray kaya naman agad ko syang itinulak.
"Gray??"
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon sa ginawa sakin ni Gray. Ito yung kauna-unahang nahalikan ako ng isang lalaki, Yung tibok ng puso ko ay sobrang bilis.
"Scarlet, Mahal kita. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin sayo pero Mahal na kita. Kahit nung Vince kapa ay iba na ang nararamdaman ko sayo masaya ako kapag kasama kita at ikaw ang lagi kong hinahanap at ngayon ikaw na si Scarlet ay walang nagbago sa nararamdaman ko sayo."
Mahal ako ni Gray???? May nagmamahal sakin??
"Gray nakainom kalang, Bukas nalang tayo mag-usap."
Inisip ko lang na dala lang siguro ng alak na ininom ni Gray kaya nya nasabi ang mga bagay nayon.
"Oo nakainom ako pero alam ko lahat ng sinabi ko. Mahal kita Scarlet."
"Sorry Gray. Pero hindi moko deserve, Hindi pa handa ang puso ko na magMahal marami pa akong kailangan tapusin, Marami pa akong katanungan na kailangan masagot at hindi pa malaya ang puso ko sa sakit at galit na itinatak sakin ng mga Samonte."
"Handa akong maghintay. Pero gusto kolang malaman kung may aantayin ba ako? O kung may nararamdaman kadin sakin?"
Mabait si Gray, Kaya naman hindi rin imposible na nahulog ako sa kanya. Oo, May nararamdaman din ako sa kanya dahil nahulog ako sa mga pinapakita nyang kabutihan sakin.
"Gray pangako pagkatapos ng lahat ng ito? Puso ko naman ang susundin ko."
Niyakap ako ng mahigpit ni Gray at ganon din ako sa kanya.
Sorry Gray hindi kita pwedeng mahalin ng buong buo ngayon pero isa lang ang masisiguro ko na MAHAL na MAHAL din kita.
"Pwede ba dito kana muna matulog? Samahan mo ako. Gusto kita makasama kahit ngayong gabi lang."
Tumango lang ako sa kanya at pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom medyo na dehydrate ako sa mga sinabi ni Gray.
"Nakita ko yung ginawa sayo ni Gray."
"Kanina papo ba kayo nandyan?"
"Hindi naman pero nakita ko yung ginawa nyo ni Gray."
"Tita sorry hindi kona po kasi akalain na gagawin nya yon at aamin sya sakin na mahal nya ako."
"Matagal konang alam na may gusto sya sayo kaya ang tanong gusto modin basya?"
Katulad ng sinabi ko kay Gray hanggat hindi malaya ang puso ko, Hindi ko sya pwedeng mahalin.
"May misyon papo ako na kailangan tapusin kaya wala pa sa isip ko ang mga bagay na ganyan."
"Alam kong may gusto kadin sa kanya at hindi ako hahadlang don pero sana wag itong maging balakid sa mga plano mo."
Niyakap ko ng mahigpit si Tita Violet dahil napakabuti nya sakin lagi nya akong sinusuportahan sa lahat ng desisyon na ginagawa ko.
"Tita Nakahanda na ang susunod kong plano."
"Mabuti kung ganon, Sigurado ako na mayayanig ang nananahimik na mundo ng mga Samonte."
"Sige po Tita pahinga na kayo pupuntahan kolang si Gray."
"Ang puso Scarlet ha? Ingatan mo yan? Dahil kahit ayan ang pinakamabisang sandata pwede din yang maging dahilan ng kapahamakan mo."
Lahat ng mga sinasabi ni Tita Violet ay sinasapuso ko dahil lahat yon importante at talaga namang Tama.
Pumasok ako sa kwarto ni Gray at naabutan ko syag nakahiga, Tulog na ata.
Mabuti nalang may damit pakong iniwan dito kaya naman may pamalit pako na pangtulog.
Dahan dahan akong tumabi sa kanya para hindi sya magising pero pagkatabi na pagkatabi ko ay niyakap na nya ako.
"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko kay Gray. Bigla nya kasi akong niyakap ng mahigpit na parang ayaw na nya ako pakawalan.
"Niyayakap kolang ang Mahal ko."
"Hindi naman ako mawawala."
"Kahit pa. Masaya lang ako kasi nasabi kona din sayo ang totoong nararamdaman ko."
"Sige na matulog na tayo."
Lalo pang hinigpitan ni Gray ang yakap sakin sabay sabing
"I LOVE YOU SCARLET"
nakapikit nanon si Gray sinagot ko din naman sya ng "I LOVE YOU TOO GRAY" Kaso sa isip kolang.
Pinagmasdan ko muna sya habang natutulog kung malaya lang sana ang puso ko sa galit sana masaya ako ngayon kasama ng taong mahal ko.
"Ma? Pa? Kamusta na kayo? Sana buhay pa kayo dahil ang hirap mag-isa wala kang kadamay. Nasa tabi konga si Tita Violet at Gray pero iba padin kapag kayo ang kasama ko."
Hanggang ngayon umaasa padin ako na buhay sila lalo pa't wala akong bangkay na nakita.
Pero kung buhay pa sila?
Asan sila?
Ba't hindi nila ako hinanap?
Sa ngayon ang tanging magagawa ko muna ay pag bayadin ang mga Samonte sa paraang alam ko.
KATELYN'S POV
'Mommy, Daddy??? Anong ginawa nyo???'
'Pwede ba katelyn manahimik ka muna??? Hindi ka nakakatulong!' sigaw sakin ni Mommy.
'But you killed them!'
Isang malakas na sampal ang tumama sakin.
'Wala kang nakita! Wala kang alam sa nangyari!'
'Si Vince anong nangyari sa kaniya????'
'Sa mga oras nato baka napatay nadin sya ng mga tauhan natin.'
'No!!!!!!'
Napabalikwas ako ng bangon panaginip lang pala akala ko totoo na. Hanggang ngayon sariwa padin saking alaala ang ginawa nila sa Pamilya ni Vince.
Hindi ko magawang magsumbong sa mga pulis dahil natatakot ako sa pwedeng gawin sakin ng sarili kong parents at ayaw ko din naman sila mawala.
Pero si Vince wala akong nabalitaan sa kanya, Kailangan ko syang mahanap dahil posibleng buhay pasya.
# CHAPTER 18
KEVIN'S POV
Ngayong araw ay tatanungin ko si Scarlet kung handa na ba sya na maging Girlfriend ko. Mahal na mahal ko sya at hindi kona sya hahayaang mawala pa sakin.
"Wow kuya ang ganda naman nyang hawak mong singsing. Para kay ate Scarlet bayan?"
"Oo para kanya nga. Maganda ba? Sa tingin moba magugustuhan nya?"
"Oo naman kuya ang ganda kaya kahit sinong babae ay magugustuhan yan. Magpo propose kana ba sa kanya?"
Kung pwede nga lang ayon ang gagawin ko pero ayaw ko naman masyadong madaliin si Scarlet lalo pa't nanliligaw palang din ako sa kanya.
"Hindi pako magpopropose kay Scarlet."
"Ganon ba? Good luck sayo kuya. Alam mo bagay na bagay talaga kayong dalawa kasi maganda sya at syempre gwapo ka."
"Ito talagang kapatid binola pako."
"Totoo naman ah."
"Sige na mauna nako."
Excited nako makita si Scarlet at malaman kung anong magiging sagot nya.
Sa isang mall ko pinapunta si Scarlet dahil gusto ko maraming tao ang makakasaksi sa gagawin ko dahil gusto ko malaman nila sa Scarlet ang babaeng mahal ko.
Walang kaalam alam si Scarlet sa gagawin ko kaya sigurado ako na magugulat sya at matutuwa.
SCARLET'S POV
Ngayon ang araw na magugulantang ang mga Samonte at kung inaakala ni Kevin na masusurpresa nya ako sa gagawin nya? Pwes nagkakamali sya.
....................
FLASHBACK
........................
'Hello Grace? Gusto kong maghanda ka dahil
isusurpresa
na natin si Kevin Samonte.'
'Lagi akong nakahanda Scarlet. Ngayon makukuha kona ang hustisyang matagal na nilang ipinagkait sakin.'
'kailangan konang mauna don dahil kailangan kong simulan ang palabas at ang grand finale? Ay ang pagdating mo.'
'Pero pano mo pala nalaman na ngayon ka
tatanungin
ni Kevin?'
'Dahil sinabi mismo ng kapatid nya. Mahal na mahal ni katelyn ang kuya nya at ayaw nya itong masaktan kaya tinawagan nya ako para
siguraduhing
oo ang isasagot ko.'
'Ganon ba? Sige na. Mag-
iingat
ka Scarlet.'
'Ikaw din.'
................
END OF FLASHBACK
..............
Pagdating ko sa mall ay inexpect kona ang mga mangyayari pero nagkunwari padin ang walang alam.
May ilang mga staff na lumapit sakin at binigyan ako ng bulaklak at pagkatapos ay sinabi sakin kung saan ako pupunta.
Habang naglalakad ako papunta kay Kevin ay may magandang tugtog ang narinig sa buong mall madami din taong nakatingin mula baba hanggang itaas
Pagkalapit ko kay Kevin ay agad ko syang tinanong.
"Kevin anong ibig sabihin nito?"
"Scarlet mahal na mahal kita at gusto konag malaman kung anong magiging sagot mo."
"Sagot saan?"
"Can you be my girlfriend?"
Lumuhod si Kevin sa harap ko at kinuha yung singsing na nasa bulsa nya.
"Hindi mo pwedeng sagutin ang lalaking yan! Dahil may kasalanan pa syang dapat panagutan!"
Natigil kami pareho ng may isang babaeng dumating.
"Ikaw?! Anong ginagawa mo dito!" Biglang tumaas ang boses ni kevin at agad na nilapitan ang babae.
"Naniningil, Medyo matagal nadin kasi ang utang mo sakin kaya nandito ako para singilin ka!"
May mga dumating na pulis at pinalibutan si Kevin kaya agad akong lumapit para malaman kung anong meron.
"Scarlet wag kanang lumapit dito doon kana." Agad na sabi sakin ni Kevin.
"Bakit kevin? Ayaw moba na malaman nya ang kababuyang ginawa mo sakin?"
"Shut up! I don't need your opinion!"
"Kevin ano to?! Bakit may mga pulis?!" Buong lakas kong sigaw.
"Scarlet wag kang maniwala sa kanya, Wag kang maniwala sa sinasabi ng babaeng yan sinungaling sya. Ako ang paniwalaan mo please."
"Pero bakit may mga pulis?"
"Hindi ko alam! Sinisiraan nya lang ako."
Kitang kita ko sa mga mata ni Kevin ang takot at kagustuhan nyang paniwalaan ko sya.
"Kung meron mang sinungaling dito ikaw yon! Rapist ka! rapist!!!"
Sumabat na sa usapan namin si Grace kaya naman nabaling sa kanya ang atensyon ni Kevin.
"Manahimik ka!"
Lumapit ulit sakin si Kevin at hinawakan ang mga kamay ko.
"Totoo ba?! Totoo ba na ginahasa mo sya?!!!"
Hinampas ko sa kanya yung hawak ko bulaklak hanggang sa nagkagutaygutay ito.
"Scarlet wag mokong iiwan hindi ko kayang mawala ka sakin. Sobrang mahal na mahal kita."
"Just answer me Kevin! Ginahasa moba sya!!! Answer me!!!!!"
Gusto kong lumabas mismo sa bibig ni kevin ang salitag OO para makita ng lahat ng taong nandidito kung anong kasamaan ang itinatago nya.
"Yes! I raped her but was drunk that time. Wala ako sa tamang pag-iisip non at tsaka 2 years nang nakalipas yon tapos ngayon lang sya gagawa ng ganitong eksena?!"
"So ginahasa mo nga sya?!"
"Oo, pero lasing lang ako non."
"Pero ginahasa mo pa din sya! Matagal man o hindi ginahasa mo padin sya!!! At kailangan mong managot sa batas dahil sa ginawa mo!! Baboy ka! Hindi ko akalain na magagawa moyon! Baboy!"
"Scarlet please wag mokong iiwan mahal na mahal kita. Mahal modin ako diba?!"
Niyakap ako ni Kevin ng mahigpit pero nagpupumiglas ako.
"Hindi ako magmamahal ng rapist na tulad mo."
"Kevin Samonte may warrant of arrest kami laban sayo sa salang panggagahasa kay Ms. Grace Villafuerte. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sabihin ay maaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sa iyo ng pamahalaan. Nauunawaan mo ba ito?"
"No you can't do this me! Hindi nyo ba ako nakikilala??? Ako si Kevin! Anak ni Diosdado Samonte!!!!"
Kinuha na ng mga police si Kevin at nakita kong umiiyak na sya pero wala akong nararamdamang awa dahil tama lang na managot sya sa batas.
Pero hindi pa man nailalagay ang posas ay naagaw ni kevin ang baril ng isa sa mga pulis.
Kaya yung mga tao sa loob ng mall ay nagkagulo lahat ay natakot maging ako dahil parang wala na sa tamang pag-iisip si Kevin.
"Hindi nyo pwedeng gawing sakin to!" Galit na sigaw ni kevin.
"Sumama kana lang ng maayos sa kanila. Wag monang dagdagan pa ang mga kasalanan mo!" Sagot naman ni Grace.
"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to! Bakit kasi bumalik balik kapa?!!!! Para san!!!"
Tinutok ni kevin ang hawak nyang baril kay Grace kaya naman agad nakong lumapit at inagaw ko yung hawak nyang baril.
"Kevin sumama kana lang ng maayos sa kanila."
"Hindi Scarlet mamatay muna ako bago nila ako maisama."
Nakipagmatigasan sakin si Kevin at aksidenteng naiputok nya ang baril at tumama sa balikat ni Grace.
"Grace!!!!"
Sigaw ko at siniko ko sa mukha si Kevin kaya napabitaw sya at agad na nilapitan ng mga pulis.
Wala nang nagawa si Kevin ng maposasan na sya kita ko sa mga mata nya na parang humihinga sya sakin ng tulong pero hindi kona sya nilingon.
Nilapitan ko si Grace dahil may tama sya mabuti nalang at mabilis rumisponde ang mga tauhan ng mall at tinulungan nila si Grace.
KEVIN'S POV
Bakit kailangan pang humantong sa ganito?
Ni minsan hindi ko naisip na mapunta ako sa mabaho at maduming lugar nato.
Pero si Scarlet kailangan ko syang makausap at mapaliwanagan na isang malaking pagkakamali lang ang nagawa ko non dala lang nag kapusukan dahil bata pako.
Hindi ko kayang mawala sakin si Scarlet mamatay ako kapag iniwa nya ako.
"Ano na namang kalokohan ang ginawa mo at nandyan ka sa kinalalagyan mo ngayon?"
Nabuhayan ako ng loob ng dumating si Daddy at kasama nya si Mommy sinasabi ko na nga ba at hindi nya ako pababayaan dito.
"Dad please. Ilabas nyo ako dito hindi ko kayang magtagal sa lugar nato."
"Ano ba kasing nangyari ?" Tanong naman ni Mommy.
"Si Grace ang may kasalanan nito. Yung babaeng ni rape namin dati? Bumalik sya at ito pinahuli nya ako."
"What?!"
"Dad tulungan mo ako ayoko na dito."
"I warning you before na pag-isipan mo muna ang mga gagawin mo. Tingnan mo kung anong nangyari? Isang babae lang ang nagdala sayo dyan?"
"Dad please wag mona ako sisihin. Tulungan mo nalang ako makalabas sa lugar nato! Ayoko dito!."
"Hindi kita matutulungan sa ngayon kevin!"
Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis na sya.
Nakaramdam ako ng awa para sa sarili ko. Anong ibig nyang sabihin? Magtatagal ako dito? Hindi nya ako tutulungan!?
"Mom kausapin mo si Daddy ayoko sa lugar nato!"
"Don't worry Kevin. Kakausapin ko ang daddy mo."
Napasuntok nalang ako sa pader dahil sa sobrang inis. Yung taong akala ko na tutulong sakin ay pababayaan lang din pala ako
SCARLET'S POV
Sumunod agad ako sa pinag dalhan kay Grace para malaman kung ayos lang ba sya.
"Grace ayos kalang ba?"
"Oo naman. Kayang kaya koto malayo sa bituka."
"Pasensya kana at kailangan pang umabot sa ganito. Salamat sa tulong mo at nailagay na natin si Kevin sa dapat nyag kalagyan."
"Ako ang dapat na magpasalamat sayo Scarlet dahil kung hindi ka dumating? Baka hanggang ngayon tikom padin ang bibig ko sa takot."
"Wag kang mag-alala hindi ko nakakalimutan ang pangako ko sayo na poprotektahan kita ang buong Pamilya mo."
"Maraming salamat talaga. Pero pwede kobang malaman kung anong nagawa sayo ng mga Samonte at binabalikan mo sila?"
"Pasensya kana pero hindi pa masasabi sayo sa ngayon."
Sa ngayon sapat na muna kami nila Tita Violet at Gray ang nakakaalam kung bakit ko ginagantihan ang mga Samonte.
"Naiintindihan kita. Pero si Kevin? Baka tulungan sya ng Daddy nya na makalabas?"
"Aasahan konang gagawin yon ni Diosdado pero wag kang mag-alala dahil marami pa akong inihandang pasabog laban sa kanila."
"Mag-iingat ka Scarlet mahirap kalaban ang mga Samonte madumi sila Kung lumaban."
"Salamat sa paalaa, Maiwan na muna kita kailangan kopang puntahan si Kevin gusto kong makita kung pano sya maghirap sa loob ng bilangguan at wag kading matakot dahil may mga pulis na nagbabantay sa labas."
Iniwan kona si Grace para makapagpahinga nadin sya kailangan kopang puntahan si Kevin para sumbatan sya sa mga nagawa nya.
AMANDA'S POV
Sobrang naawa ako sa kalagayan ng anak ko hindi sya sanay sa ganong klaseng lugar. Sinundan ko agad si Diosdado para tulungan ang anak namin na makalabas sa lalong madaling panahon.
"Diosdado! Sandali!"
Napatigil naman sya sa pag lalakad at nilingon ako.
"Ano na naman bayon Amanda?"
"Ano ganon nalang yon? Hahayaan mo yung anak natin sa loob ng mabaho at maduming kulungan nayon?!"
"Pwede ba Amanda? Wag mo akong pakialaman sa mga desisyon ko? Ano bang alam mo sa batas? Wala kang alam! Kaya hayaan mo ako sa gusto ko."
"Napakawalang kwento mong ama kung ganon!"
Lumapit sakin si Diosdado at sinakal ako pilit ko naman na tinatanggal yung kamay nya pero mas malakas sya sakin.
"Wag na wag mo akong kukwestyunin sa pagiging Ama ko Amanda dahil ano bang nagawa mo para sa PAMILYA natin? Wala! Kaya kung ako sayo ay manahimik ka nalang."
"Amanda!?"
Nabuhayan ako ng loob ng may dumating na kaibigan tinanggal ni Scarlet ang kamay ni Diosdado sa leeg ko.
Pero mukhang hindi lang sya ang dumating dahil may mga Media na dumating at madami sila.
"Totoo po ba na sangkot ang anak nyo sa panggagahasa?"
"Totoo po ba na dati nang nakasuhan ang anak nyo pero naabswelto dahil sa kilala nyo ang judge at tinakot nyo ang Pamilya ng biktima?"
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang Media nato pero hindi magiging maganda ang epekto nito sa Pamilya namin tsak na pag pepestyahan na naman kami nang mga tao.
"Lahat ng mga Tinatanong nyo ay pawang mga kasinungalingan lamang." Sagot ni Diosdado.
"Kung hindi ito totoo bakit po nasa kulungan ang anak nyo ngayon?"
"Meron tayong korte at may abogado kami na sasagot ng lahat ng yan kaya pwede ba umalis na kayo?!"
"Pero sir?" Magtatanong pa sana yung isang reporter pero umalis na ang asawa ko pero sinundan padin sya ng mga ito.
"Ayos kalang ba Amanda?"
"Oo ayos lang ako mabuti nalang at dumating ka dahil baka napatay nako ng asawa ko."
"Matagal kana ba nyang sinasaktan? Alam mo Amanda hindi naman sa sinisiraan ko ang asawa mo? Pero Parang ang baba ng tingin nya sayo yung tipong Parang sya lang ang may kapangyarihan at ikaw susunod lang sa lahat ng sasabihin nya."
Tama si Scarlet ganyan ang tingin sakin ng asawa ko gusto nya sya lagi ang masusunod, Gusto nya sya lagi ang tama.
"Kaya dapat Amanda wag kang magpakontrol sa asawa mo dahil masasanay sya at maging puppet ang tingin nya sayo."
"Yan ang hindi mangyayari dahil hindi na ako papayag na kontrolin pa nya ako!"
"Tama Amanda kailangan ipakita mo sa kanya na hindi ka isang puppet na kaya mo din lahat ng kaya nya."
Kung hindi nya matutulungan ang anak namin ay ako ang gagawa ng paraan dahil hindi ko hahayaan na magtagal pa si Kevin don!
# CHAPTER 19
KEVIN'S POV
Ilang araw nadin ako nandito sa mabahong lugar nato pero ni pagbisita man lang ng. Pamilya ko ay wala akong nakita wala na ata talaga silang pakialam sakin.
"Masarap ba sa bilangguan? Alam mo dapat kanang matagal nandyan."
"H*y*p ka! Ikaw ang may kasalanan Kung bakit ako nandito ngayon! Humanda ka sakin kapag nakalabas nako dito!! Papatayin kita!!"
Gusto komang lumabas para saktan si Grace pero hindi ko magawa dahil sa nakaharang na bakal.
"Yan ay kung makakalabas kapa. Bagay kana nga dyan eh."
Kung inaakala nya ay panalo na sya pwes nagkakamali sya. Tiyak kong tutulungan ako nila Daddy na makalabas dito at hindi nila ako hahayaan na magtagal.
"Umalis kana dito!"
"Talagang aalis ako sinugurado ko lang na nandyan kapa sa palasyo mo."
Hindi rin nagtagal si Grace binisita nya lang talaga ako para asarin.
"Kevin Samonte. Laya kana."
Lumapit yung bantay at binuksan ang pintuan.
"Totoo malaya nako?"
"Oo Mr. Samonte."
Akala ko natiis nako nila Mommy at Daddy pero hindi pa pala.
Masaya akong lumabas at agad na dumiretso samin.
DIOSDADO'S POV
"Wala kaba talagang gagawin para palabasin yung anak mo sa kulungan nayon! Ilang araw na sya don! Do something!!!"
"Shut up!! Kung hindi kapa titigil sa kakatalak mo? Hihilahin ko yang dila mo! Pwede ba maghintay ka nalang?!!"
"Kelan!!!"
Hindi ko pwedeng pabayaan si Kevin dahil balang araw sya ang magmamana at magpapatuloy sa Pamilya SAMONTE!
"Mom???? Dad????"
Narinig namin ang boses ni kevin kaya naman agad namin syang sinalubong.
"Kevin? Is that trueee???? Pano ka nakalaya??"
Takang tanong ni Amanda sa anak nya.
"I don't know ma'am pero hindi na importante yon dahil malaya nako."
"Ikaw lang naman ang walang tiwala sakin Amanda."
"So ikaw ang gumawa ng paraan???"
Kinailangan kong wag muna pakawalan si Kevin para malaman kung sino ang nasa likod ng mga nangyayaring ito at bakit sa tagal ng panahon ay ngayon lang bumalik si Grace anong dahilan nya? Sino ang tumulong sa kanya?
"Babalikan ko ang Grace nayon!!" Mariing sabi ni Kevin.
"Let me handle this son, Pagbabayarin ko ang mga taong nasa likod ng mga nangyari sayo." Lahat ng kumakalaban sa Pamilya namin hindi nakakaligtas. Hindi nila magugustuhan ang pagganti namin.
"Si Scarlet hindi ba sya pumupunta dito?? Hindi nya kasi nabibisita." Takang tanong ni kevin.
"Speaking of that girl it seems that she doesn't care about what happened to you." Galit na sabi ni Amanda.
Marami pa kaming hindi alam sa babae nayon at yon ang kailangan kong alamin.
"Kasalanan kodin naman kasi. Hindi ko sinabi sa kanya kaya ayon sobra syang nagalit. Pero hindi ako susuko pupuntahan ko sya at kakausapin."
"What??? Marami pa namang babae dyan mas maganda infact nakausap ko si Sabrina last time at sinabi nya na mahal kapa daw nya."
"Pero Mommy? Iba si Scarlet iba sya."
Hahayaan ko si Kevin sa gusto nya pero hindi ko aalisin sa paningin ko ng babaeng yon at isang mali nya lang katapusan na nya.
SCARLET'S POV
Tagumpay ang plano ko napabagsak kona si Kevin nabawasan na sila ng galamay at isusunod na kita Amanda kaya mag handa ka, Malaki ang kasalanan mo sakin lalo na sa nanay ko.
'Oh Gray napatawag ka?'
'Pwede bang dyan muna ako matulog sayo ngayon? Bigla kasi akong kinabahan. Nag-aalala ako sayo dahil mag-isa kalang dyan.'
'kaya ko naman ang sarili ko. Pero sige ikaw ang bahala
.'
Habang kausap ko sya ay may napansin akong dumaan sa likod ko kaya naman tiningnan ko agad kung sino yon.
Dahan dahan akong naglakad para silipin tapos biglang may tumakip sa mga mata ko kaya naman bigla akong naalarma at tinaggal koyon sabay hila sa kamay at tulak sa kung sino man yon.
"Kevin? Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakalabas sa kulungan? At pano ka nakapasok sa condo ko?"
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, Totoo bato????
"Hindi na importante yon, Dahil ang importante ay nandito nako at magkakasama na tayo ulit, Bakit Scarlet hindi mo ba ako na miss?"
"Tumakas ka? Kailangan to malaman ng mga pulis."
Kinuha ko agad yung cellphone ko at agad na nagdial pero inagaw yon ni Kevin.
"Wala kang tatawagan. Nakalabas ako dahil inosente ako at puro kasinungalingan lang ang mga sinasabi ng Grace nayon."
"Pero may warrant ka! At may matibay na ibedensya laban sayo!"
"Wag na muna natin yang pag-usapan at pag-usapan natin ay yung atin, Gusto kong malaman ang sagot mo sa tanong ko. Can you be my Girlfriend?"
"Pasensya na Kevin pero hindi ako magmamahal ng isang rapist! Narinig mo? Hindi ako magmamahal ng tulad mo!"
Pagkatapos non ay tumalikod nako pero bigla nya akong niyakap at hinarap sa kanya sabay marahas na hinalikan.
"Lahat ng gusto ko nakukuha ko! At ikaw Scarlet akin kalang! Akin ka!"
Parang wala na sa tamang katinuan si Kevin pero hindi sya magtatagumpay sa masama nyang balak sakin. Tinuhod ko ang maselang bahagi ng katawan ni Kevin kaya nabitawan nya ako pero hindi pa man ako nakakalabas ng unit ay naabutan nya ako. Hinila nya ang buhok ko at inumpog samay pintuan, malakas ang umpog nayon kaya naman nahilo at natumba ako.
Binuhat ako ni Kevin at hinagis sa may kama agad naman syang nagtanggal ng pang-itaas na damit nya at pumatong sakin ang sumunod na nangyari ay marahas nyang tinanggal ang damit ko.
Hinang hina nako at parang wala nakong natitirang lakas para ipagtanggol ang sarili ko.
Ramdam ko ang bawat dampi ng labi ni Kevin sa katawan ko at wala man lang akong magawa.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko at bigla kong naalala kung pano walang awang pinatay ng mga Samonte ang Mama at Papa.
Nagkaroon ako bigla ng lakas kaya naman agad kong tinulak si Kevin at natumba sya. Tumayo nadin ako para kumuha ng itatapis sa katawan ko kaya lang nahawakan ni kevin ang paa ko at hinila nya kaya natumba na naman ako.
Dalawang beses ko sinipa ang mukha nya hanggang sa mabitawan nya ako. Pero sadyang matibay si kevin at tila hindi sya nasasaktan sa mga ginagawa ko naabutan nya ulit ako at sinikmuraan na sabay buhat ulit.
"Wag kana kasing lumaban Scarlet masasarapan kadin naman sa gagawin natin."
"Makuha mo man ang gusto mo. Pero hindi mo makukuha ang puso ko. Lalo molang pinakita sakin na masama ka at hindi kita pwedeng mahalin."
Natigil naman si Kevin sa paghalik sakin at agad na tumayo tapos napahawak sa ulo nya na parang nawawala sa sarili.
"Sorry Scarlet hindi ko sinasadya. Nadala lang ako sorry Scarlet mahal na mahal lang talaga kita."
Lumapit ako sa kanya at sunod sunod na sampal ang binigay ko sa kanya.
"Mahal! Yan ba ang pag mamahal? Ang gahasain mo ang taong mahal mo!!!"
"Sorry Scarlet."
Yayakapin pa sana
ako ni Kevin pero tinulak ko sya.
"Umalis kana! Ayaw kona na makita ang pagmumukha mo!!!!!"
"Hindi!! mahal na mahal kita!!"
Lalapit na sana sya sakin pero isang baril ang umalingawngaw sa buong unit ko at biglang bumagsak si Kevin.
Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan ko lalo na ng malaman ko na si Gray ang may gawa.
"Scarlet ayos kalang ba?"
Lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Ayos lang ako, Pero si Kevin?"
"Tama lang sa kanya yon muntik kana nyang pagsamantalahan."
"Pero wala sa usapan na papatay tayo!"
"Scarlet tara na."
"Hindi ko pwedeng iwan si Kevin dito."
"Hindi kita iiwan! Sa ayaw at sa gusto mo, Kaya tara na."
"Makinig ka sakin alam ko ang ginagawa ko kaya please lang iwan mona ako."
"Pero??"
"Umalis kana Gray bago pa dumating ang mga pulis!"
"Hindi kita pwedeng iwan, isasama kita."
"Makinig ka sakin iwan mona ako. Umalis kana! Kaya ko ang sarili ko! Sige na!"
Wala nading nagawa si Gray kundi ang umalis. Hindi ko pwedeng iwan si Kevin dahil nangyari dito mismo sa condo ko ang insidente ang mas malalagot kung basta ko nalang iiwan si Kevin.
///
Dinala ko agad si Kevin sa pinakamalapit na Hospital at tinawagan ang mag asawang Samonte para sabihin kung anong nangyari sa anak nila.
"Scarlet anong nangyari kay Kevin? Anong ginawa mo sa kanya!!" Alalang tanong ni Amanda.
"Binaril sya ng hindi nakikilalang lalaki. Pumasok bigla sa condo ko at pinagtanggol ako ni Kevin kaya ayon nabaril sya."
"Ikaw ang kasama nya kaya dapat tinulungan mo sya!" Bulyaw sakin ni Amanda.
"Wala akong nagawa dahil may baril na hawak ang kriminal!."
"Sino ang bumaril sa anak ko?"
"Hindi ko alam nakatakip ang mukha ng bumaril sa kanya."
Isang malakas na sampal mula kay Diosdado ang hindi ko inaasahang tatama sakin.
"Liar. Alam mo simula ng dumating ka sa buhay ng namin ang dami ng kamalasang nangyari! Siguro kagagawan mo ang lahat ng ito noh? Now tell me? Sino ang bumaril sa anak ko!!"
"Hindi ko nga alam!!!"
Sasampalin sana ako ni Diosdado pero nagsalita ako.
"Sige! Subukan mong saktan ulit ako hindi ako magdadalawang isip na ipakulong ka! Sinabi kona na hindi ko kilala ang bumaril sa anak mo!! Mahirap bang intindihin yon?!"
"Akala mo ba maniniwala ako sa mga kasinungalingan mo?"
Inutusan ni Diosdado yung dalawa nyang tauhan na hawakan ako at nilabas nila ako sa hospital.
"San nyo ako dadalhin???"
"Relax Scarlet, Hindi naman kita papatayin. Paaminin lang kita."
Dinala nila ako palabas pero natigil kami ng may sumalubong samin.
"Bitawan nyo ang pamangkin ko!"
Dumating si Tita Violet kasama si Gray at iba pang mga tauhan nya.
"At sino ka naman?"
"Bingi kaba? Ang sabi ko pamangkin ko si scarlet and obviously tita nya ako. Ngayon bibitawan nyo sya."
"Who do you think you are to tell what to do?!"
"Pagsinabi kong bitawan nyo sya, Bibitawan nyo! Oh baka gusto nyo muna na dumanak ang dugo! Mamili ka."
Walang nagawa si Diosdado at Amanda kundi utusan ang mga tauhan nila na bitawan ko dahil alam nila na mas madami sila Tita Violet.
"This is not end of our conversation Scarlet, Pipilitin kita hanggang sa umamin ka kung sino ang bumaril sa anak ko! At sa oras na malaman ko na may kinalaman ka? Magdasal kana!" Mariing sabi ni Diosdado.
"Kailangan talaga paulit-ulit? Sinabi konang hindi ko kilala! Bakit mo hindi mo tanungin si Kevin kapag nagising na sya para sa kanya mismo manggaling na wala akong kinalaman sa mga binibintang mo!" Sagot ko sa kanya.
Laking pasasalamat ko dahil dumating si Tita Violet dahil kung hindi baka kung ano na ang nagawa sakin ni Diosdado.
GRAY'S POV
Hindi ko matitiis at hayaang iwan nalang si Scarlet kaya naman kahit pinaalis nya ako ay sinabi ko padin kay Madam V. Ang nangyari at nagdesisyon kami na sundan si Scarlet mabuti nalang at naabutan namin sya bago pa man sya dalhin ng mga Samonte kung saan.
"Gray? Salamat."
"Magpahinga kana Scarlet kailangan mong bumawi ng lakas."
Hiniga ko si Scarlet sa balikat ko at agad naman syang nakatulog. Sobra siguro syang napagod dahil sa mga nangyari.
Wag kag mag-alala Scarlet dahil hanggat nandito ako poprotektahan kita hindi ko hahayaan na masaktan ka ng mga Samonte.
"Mabuti nalang at nakaabot tayo." Halata sa boses ni Madam V. Ang pag-aalala.
"Oo nga po. Kung nahuli tayo baka kung ano nang nagawa nila kay Scarlet."
"Malakas si Scarlet alam kong kakayanin at malalampasan nya kung ano man ang masamang balak ng mga Samonte."
Hindi nag-iisa si Scarlet sa laban nya dahil kasama nya ako hindi ako papayag na mawala sya sakin.
/////
Pagdating nami sa bahay ni Madam V. Ay dineretso kona si Scarlet sa kwarto ko at dahan dahang hiniga. Puro dugo ang damit nya at may ilang mga sugat kumuha ako ng basang pamunas at pinunasan ko ang mukha nya, Kamay at maging binti.
Pero pano ko tatanggalin yung damit nya?? Sinong tatawagin ko??
Hayss bahala na. Pumikit nalang ako at dahan dahang hinubad ang damit na suot ni Scarlet pero bigla syang nagising.
"Gray?? A-anong ginagawa mo????" Gulat na tanong ni Scarlet.
Napatayo naman ako bigla ako at medyo pinag pawisan.
"Scarlet mali ka ng iniisip. Wala akong balak na gawing masama sayo bibihisan lang kita kasi puro dugo yung damit wala din kasi akong matawag kaya ayon ako nalang, Nakapikit naman ako kaya wala akong nakita." Dirediretso kong paliwanag.
Tumayo si Scarlet at lumapit sakin akala ko magagalit sya pero niyakap nya ako.
"Salamat Gray. Hindi naman ako galit may tiwala ako sayo."
Niyakap ko din ng mahigpit si Scarlet. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na gawan sya ng masama dahil mahal ko sya at kung mahal mo dapat respituhin mo.
# CHAPTER 20
AMANDA'S POV
Nang malaman namin gising na si Kevin ay agad Kaming pumunta ni Diosdado para kamustahin ang anak namin.
Pagkadating na pagkadating namin sa Hospital ay niyakap ko agad ang anak ko.
"Mom bakit ako nandito? Anong nangyari?"
"Hindi moba naalala? Sinugod ka ni Scarlet dito dahil may tama ka ng baril."
"And speaking of that woman, Siya ba ang gumawa sayo nyan? Or may kinalaman ba sya?" Tanong ni Diosdado.
Saglit na natahimik si Kevin at tila iniisip kung ano ang nangyari.
"Walang kinalaman si Scarlet. Bigla nalang may pumasok sa unit nya at ayon binaril ako sa tingin isa sya sa mga kalaban ng Pamilya natin."
"Sigurado kaba? Wala talagang kinalaman ang babaeng yon?? Baka naman pinagtatakpan molang sya."
"Wala talaga syang kinalaman."
Kahit sinabi ni Kevin na inosente ang babaeng yon ay hindi ko iaalis ang mga mata ko sa kanya.
SCARLET'S POV
"Ma'am Scarlet??? Meron pong lalaking naghahanap sa inyo sa labas at nagsisigaw.
Agad ko namang nilabas Kung sino yon at sumunod sakin si Gray.
Nandito pala ako sa bahay nila Tita Violet ngayon dahil mas safe daw ako kung nandito ako.
"Scarlet?" Niyakap ako ni Kevin pero tinulak ko sya.
"Nakalabas kana pala, Rapist."
"Sorry Scarlet hindi ko talaga sinasadya yon."
"Akala ko iba ka! Pero sinira molang ang tiwala ko sayo ayaw na kitang makausap kaya makakaalis kana."
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap.
"Bingi kaba sinabing ayaw kana nya makausap." Sigaw ni Gray.
"Ano bang pakialam mo? Eh Driver kalang naman ni Scarlet!" Sagot ni Kevin.
"Anong sabi mo?!"
Nainis si Gray sa sinabi ni Kevin kaya susuntukin nya sana si Kevin at aambo din naman ito kaya pinigilan kona sila.
"Tama na! Gray pumasok kana sa loob ako na bahala kumausap kay Kevin."
"Salamat SCARLET" masayang sabi ni Kevin.
"Ngayon Kevin makakaalis kana din, Tapos na tayo kahit sa umpisa naman ay walang tayo."
"Scarlet Sorry sa lahat ng nagawa ko, Hindi ko sinasadya sobrang mahal lang talaga kita. Yung hindi ko pagsabi sayo ng tungkol kay Grace? Sorry akala ko kasi wala nayon at yung nagawa ko sayo sa Condo mo? Sorry talaga kung gusto mo lumuhod pako."
Lumuhod naman si Kevin habang nakayap sa mga binti ko.
"Ano ba Kevin! Tumayo kana hindi nako madadala sa mga sorry mo."
"Scarlet ano bang problema? Sinabi kona man na sayo diba? Nagsorry nako. Pero bakit ayaw mopa din? Anong pumipigil sayo?!"
"Hindi ano! Kundi sino?!"
"Kung ganon sino?"
"Yung Mommy at Daddy mo mukhang ayaw padin nila sakin sa katunayan nga gusto kitang dalawin! Pinuntahan kita! Pero pinagtabuyan lang nila ako! At yung daddy mo sinaktan nya ako! Tinangka nila ako na dalhin kung saan pero mabuti nalang at dumating sila Tita Violet."
Umiyak ako sa harap nya at niyakap nya ako at hinimas ang likod.
"Ginawa nila yon?? Sorry Scarlet hindi man lang kita naipagtanggol wag kang mag-alala kakausapin ko sila."
"Wag na. Lalayo nalang ako sayo, Siguro nga hindi talaga tayo para sa isa't-isa."
"No don't say that Scarlet akong bahala sayo kakausapin ko sila hindi nila dapat ginawa yon sayo at lalong hindi ka nila dapat sinaktan."
"Ayoko na ng gulo Kevin kaya itigil na natin to."
"Hindi ako papayag Scarlet kakausapin ko sila akong bahala sayo."
Si Kevin ang gagamitin ko laban sa Pamilya nya at hahayaan ko na sila mismo ang. Magkagulo.
Umalis naman sya dahil kakausapin nya daw ang daddy nya.
DIOSDADO'S POV
Kagagaling lang ni Kevin pero umalis na naman sya at malamang pumunta na naman sya babaeng yon.
.
"Kevin where have you been? Hindi kapa ma----"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil sinuntok na nya ako kaya napatumba ako at sunod sunod pa nya ako sinuntok,nakita ko sa kanya na galit na galit sya .
Hanggang sa dumating si Amanda at inawat ang anak nya.
"Kevin stop it!!" Sigaw ni Amanda.
"The next time that you will hurt scarlet hindi lang yan ang gagawin ko sayo!"
Pagkatapos nyang sabihin yon ay nilayasan niya kami.
"Anong nangyari? Bakit parang gusto kanang patayin ng anak mo?"
"Galit sya dahil sa ginawa natin kay Scarlet."
"Sinasabi kona nga ba dahil na naman sa babaeng yan alam mo? There's only one way to stop this."
"At anong gagawin mo?"
"Ano bang ginagawa ng mga pusa kapag nakita nila ang nakakairitang daga?"
"Do what ever you want Amanda just make sure na hindi kalang papalpak dahil pagnagkataon babalik sayo yan."
Meron pakong mas dapat na unahin. Parang wala na sa tamang pag-iisip si Kevin puro nalang sya Scarlet.
At kailangan kona ding mahanap ang susi ng AGILA dahil ilang taon kona din itong hindi nabubuksan.
SCARLET'S POV
Pupunta ako ngayon sa bahay ng mga Samonte dahil gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanila. O kung nagpatayan naba sila.
Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe May kotseng humarang sa dadaanan namin at may bumabang dalawang lalaki na may hawak na mga baril.
"Ma'am Scarlet ano pong gagawin natin?"
Tanong sakin ng driver.
"Kuya wag napo kayo bumaba ako nalang po ang bababa."
"Pero ma'am? Hindi po pwede yon "
"Ako napo ang bahala."
Lumabas ako ng sasakyan habang naka taas ang dalawang kamay, Nakatutok padin sakin ang mga hawak nilang baril.
"Ikaw ba si Scarlet??"
"Ako nga??"
"Sumama ka samin."
"At bakit naman ako sasama?"
"Sasama ka kundi ipuputok namin to."
Bumwelo ako at sinipa ko yung kamay nung isang lalaki kaya nabitawan nya yung baril at tumalsik.
Lumapit naman yung isa pang lalaki sakin at sinuntok ako pero naiwasan ko yon nang mahawakan ko naman ang kamay nito ay sinuntok ko sya sa mukha at naagaw ko ang baril nito.
Nilapitan naman ako nung isa pang lalaki pero binaril ko sya sa hita kaya wala na silang nagawa.
Tumakbo naman yung isa panglalaki kaya ang nilapitan ko ay yung nabaril ko.
"Anong kailangan nyo sakin?!"
"Wala!"
Sigaw nya sakin at sinuntok ko sya sa mukha.
"Sino ang nag-utos sa inyo para ipapatay ako?! Sino???"
Tinutok ko sa leeg ng lalaki yung baril at may nakita akong isang pamilyar na marka. Isang marka ng Agila katulad ng nakita ko sa lalaking nagbigay sakin ng susi.
"Si Amanda! Si Amanda Samonte ang nagutos samin!"
Pagkasagot nya sa tanong ko ay pinukpok ko sa ulo nya yung baril na hawak ko at agad na sumakay sa kotse ko.
Si Amanda ang nag-utos na ipapatay ako??
Yung lalaking may marka ng Agila tauhan ni Amanda??
At may koneksyon ang AGILA sa mga SAMONTE???
At yung susing hawak ko? Para san?
Ilan lang yan sa mga katanungan ko pero may dapat akong unahin ngayon. Hindi ako abwesto sakin Amanda.
AMANDA'S POV
It's time to celebrate dahil finally mawawala nadin sa landas namin si Scarlet.
Nagbihis ako ng pamatay kong One piece dahil maliligo ako ngayon sa Pool namin.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Diosdado at napatingin sya sa suot ko.
"Anong meron at naka ganyan ka?"
"Wala, Gusto kolang maligo masama ba?"
Napailing nalang si Diosdado at nilagpasan lang ako. Sa lahat ng asawa ay sya ang pinakawalang kwenta hindi man lang na appreciate tong suot ko!
Padabog akong bumaba papuntang pool at kung mamalasin ka nga naman ay naiwan kopan yung lotion ko.
"Manang!!!!" Sigaw ko na sya namang karipas ni Manang.
"Pakikuha naman ng lotion ko sa taas."
"Sige po, sandali lang po."
Pinagmasdan ko muna ang paligid habang hinihintay si Manang at paglingon ko ay bigla kong nakita si Scarlet.
Ow my gosh?! This can't be happening! Totoo batong nakikita? Buhay sya???.
SCARLET'S POV
"Scarlet?"
Gulat na gulat si Amanda sa pag dating ko dahil hindi nya akalain na makikita nya ang mukhang
"Parang nakakita ka ata ng multo Amanda? Nagulat kaba kasi nandito ako? Pwes para sabihin ko sayo hindi nagtagumpay yung mga inutusan mo."
"Ano bang sinasabi mo? Anong bang ginagawa mo dito?"
"Anong ginagawa ko dito??? Tinatanong mo ako kung anong ginagawa ko dito?!!!"
Dahan dahan akong naglakad sa kanya at napaatras naman sya.
"You wanna Join with me???"
"Ang ayoko sa lahat ay yung Pina plastic ako akala ko magkaibigan na tayo? Pero bakit mo ako gustong ipapatay?!"
"Ha? What do you mean?"
"What do i mean? Eh kung alugin ko kaya yang ulo mo para maalala mo kung anong pinagawa mo sa mga tauhan mo!"
Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa braso at pinilipit koyon papunta sa likod nya .
"Scarlet aray!! Nasasaktan ako!!!"
"Talagang masasaktan ka sakin! Hindi ako nakikipaglokohan sayo Amanda! Now tell me bakit gusto mo ako gusto ipapatay??!!"
"Hindi ko alam wala akong kinalaman sa nangyari sayo??!! Just let me go!!"
"Ito lang ang sasabihin ko sayo Amanda? Sa susunod na gumawa ka ng masama laban sakin hindi ako magdadalawang isip na baliin yang mga buto mo! Wag mo akong subukan at wag mong hintayin na magalit ako dahil hindi mo magugustuhan ang galit ko!"
"Scarlet let me go!!!"
"Okay fine."
Sino ba ako para hindi pagbigyan ang gusto ni Amanda. Pinakawalan ko naman sya pero tinulak ko sya papunta sa pool.
"Ahhhhh!!!!" Sigaw nya habang kumukuwag na parang isang balyena ang sarap nyang tingnan.
"Ma'am??? Ano pong nangyari sa inyo????"
Dumating si Manang Cecil at tinulungan nyang makaahon ang amo nya.
"I will kill you! You will pay for this!"
"Natakot ako grabe."
Nilapitan ko si Amanda at sinampal ko sya na ikinagulat nya.
"How dare you!"
Sasampalin nya sana sako pero nasalag ko yon at sinampal ko ulit sa kabilang pisngi.
"Hindi bagay sayo ang one piece Amanda sabi ko naman kasi sayo mag diet kana."
Pagkatapos kong sabihin yon ay tinalukaran ko sya. Hindi pa tayo tapos Amanda dahil nag-uumpisa lang ako.
~~~~~~~
"Kanina mo payang tinitingnan ano bang meron sa susi nayan?" Takang tanong sakin ni Gray.
"May alam kaba tungkol sa Agila?"
"AGILA? Pano mo nalaman ang tungkol sa Agila????"
Napatingin ako ng diretso kay kasi parang may alam talaga sya.
"Bakit Gray? May alam kaba tungkol sa AGILA?"
"Hindi ko alam kung dapat kong sabihin sayo to pero hindi biro ang AGILA dahil kilala itong isang malaking sindikato. Meron itong tatlong pinuno."
"Bakit parang may alam ka? Gusto kopang malaman ang tungkol sa kanila."
"May tatlong pinuno ang AGILA pero hindi ko alam ang mga pangalan nila pero kilala sila sa mga tawag na MATA ng AGILA, PAKPAK ng AGILA at ang pinaka pinuno ay ang KUKO ng AGILA kinatatakutan ang grupo nila at kung pano ko nalaman ang tungkol sa kanila? Dahil ang sindikatong yon ang pumatay sa Pamilya ng kaibigan ni Madam V. Kaya naman inutusan nya akong imbistigahan yon kaya lang mahirap kalaban ang AGILA. Kaya hanggat maaari wag kang madadawit sa mga yon."
Hindi ko alam kung bakit pero Parang bigla akong kinabahan.
"Gray may sasabihin ako sayo. Dati kasi nung ako pa si Vince meron kaming lalaking nakasalubong na duguan meron syang tatak ng AGILA at binigay nya sakin ang susi nato at ang sabi nya itabi koto at wag kong hahayaan na makuha nila."
Inabot ko sa kanya ang susi na hawak ko at pinagmasdan nya.
"Tiyak na importante ang susi nato kaya hinahabol sya."
"At kanina lang habang papunta ako sa mga Samonte may humarang samin at tinutukan kami ng baril pero hindi rin sila nagtagumpay. Nakita ko din na may marka silang AGILA at nang tanungin ko kung sino ang nag-utos sa kanila ay ang sabi nya si AMANDA daw, Posible kaya na may kaugnayan ang SAMONTE at ang AGILA?"
"Siguro nga Scarlet pero wala pa tayong sapat na ebidensya."
Kung tama nga ang hinala ko na may kaugnayan ang mga SAMONTE at ang AGILA mas lalo kong kailangan malaman yon dahil pwede kong magamit ito laban sa kanila at ang susing hawak ko sigurado ako na matagal nadin nilang hinahanap.
# CHAPTER 21
Note : may mga scenes na medyo marahas kaya kung ayaw mo? Free to skip.
KATELYN'S POV
Naniniwala ako na hindi pa patay si Vince at buhay pa sya kaya kailangan ko syang mahanap sa lalong madaling panahon dahil gusto kong humingi ng sorry sa kanya.
Kahit ilang taon na ang lumipas ay binabagabag padin ako ng konsensya ko dahil wala man lang ako nagawa para tulungan siya.
Nagpunta ako agad sa dati nilang tinitirhan at magbabakasakaling mayroong makapag tuturo sakin kung nasan si Vince o may magsabi man lang na buhay pa sya.
Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay luma na ito at halatang napabayaan na.
"Sino ka? At bakit tinitingnan mo ang bahay nila Vince?"
Medyo nagulat ako ng may babaeng nagsalita at lumapit sakin.
"Sorry akala ko kasi may nakatira pa dito." Palusot ko.
"Matagal nang walang nakatira dyan."
"Bakit naman? Nasan na yung mga nakatira dito?"
"Hindi ko alam at walang nakakaalam isang araw bigla nalang nawala ang Pamilya ni Vince at sabi ay patay nadaw sila."
"Ganon ba? Sige una nako."
"Pero hindi ako naniniwala na patay sila, Lalo pa't wala namang bangkay na nakita at higit sa lahat kung umalis man sila? Bakit?"
"Kaano-ano kaba ni Vince?"
"Kaibigan nya ako, Kaya nga nung bigla nalang syang nawala ay sobrang nalungkot ako kasi hindi man lang sya nakapagpaalam sakin tapos bigla nalang namin nabalitaan na patay na silang buong Pamilya."
Kumuha ako ng panyo sa bag ko at inabot sa kanya.
"Take this. Nakikiramay ako sa nangyari sa kanila."
Tiningnan nya ako bago kinuha yung inabot kong panyo.
"Ikaw? Sino kaba? At bakit nandito ka sa bahay nila Vince?"
"A-ako si Katelyn Samonte."
"Samonte? Anak ka ni Amanda at Diosdado Samonte?"
"Oo ako ang bunso nilang anak"
"Umalis kana dito, Wala na sila Vince matagal na."
Umalis nalang ako dahil mukhang wala din naman alam yung babae. Pero hindi padin ako susuko hanggat diko nalalaman ang totoo.
GRACE'S POV
Sabi ni Scarlet ngayon nya ako susundiin dahil iuuwe na nya ako sa Pamilya ko dahil tapos na ang misyon ko nagawa na naming maipakulong si Kevin at sya na ang bahala sa mga susunod na plano.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ng may napansin akong tila nakatayo sa likod ko kaya naman agad kong tiningnan kung ano yon at laking gulat ko ng makita ko si Kevin na nakatayo sa harapan ko.
"Kevin? A-anong ginagawa mo dito? pano ka nakalaya??"
"Diba sabi ko naman sayo? Nababalikan kita kapag nakalaya ako?"
Anong gagawin ko?
Wala akong kasama ngayon?
"Tulong!!!!"
Sigaw ko sabay takbo at hinabol nya ako.
"Hindi kana makakatakas pa sakin, Akala mo mapaghihiwalay mo kami ni Scarlet?!"
Pumasok ako sa may kwarto ko pero hindi kopa nasasara ang pinto ay naitulak na agad ni Kevin.
"Wala kanang magagawa Grace."
Lahat ng mahawakan kong bagay ay pinagbabato ko kay Kevin pero parang hindi sya nasasaktan at mabilis akong nilapitan at sinuntok sa sikmura at binuhat papuntang kama.
Pumatong sya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"H*y*p ka bitawan moko!"
"Kung gawin ko kaya yung ginawa ko sayo dati?"
Nilapit nya ang mukha nya sakin at bumalik sa ala-ala ko yung panahong pinagsamantalahan nya ako at binaboy ng mga kaibigan nya. Wala akong nagawa non kaya nagtagumpay sila sa masama nilang balak pero ngayon? Hindi nako makakapayag na maulit payon!
Inuntog ko yung ulo ko sa ulo nya kaya nabitawan nya ako naghanap naman ako ng pwedeng ipanglaban sa kanya at may nakita akong gunting.
"Sige! Subukan mong lumapit!"
"At anong gagawin mo? Sasaksakin mo ako gamit yan? Nagpapatawa kaba Grace?"
"Wag kang lalapit! Hindi ako magdadalawang isip na isaksak to sayo!"
Akala ko masisindak ko si Kevin pero hindi pala dahil inagaw nya sakin ang gunting na hawak ko at matagumpay nya itong nakuha at akmang isasaksak sakin.
"Papatayin mo ko! Sige gawin mo! Hindi ako natatakot sayo!!! Pero ito lang tatandaan mo! Mapapatay mo ako pero hindi matatapos ang kamalasan sa buhay nyo! Dahil nagbalik na sya! At sya ang magpapabagsak sa inyo!!!!"
"Anong ibig mong sabihin?! Sino ang tinutukoy mo?"
"Malapit na ang pagbagsak nyo!"
"Sabihin mo sakin sino ang tinutukoy mo! Sino!"
Pinagsasampal nya ako at biglang nandilim ang paningin ko.
SCARLET'S POV
May usapan kami ni Grace na ngayon ko sya susunduin para makasama ang Pamilya nya dahil tapos nadin naman ang misyon nya at para malayo nadin sya sa kapahamakan.
Pagdating namin sa tapat ng bahay na ipinahiram ko kay Grace ay nakabukas ang gate kaya kinutuban agad ako ng masama dahil binilinan ko sya na magsara ng mabuti.
Agad kong hinanap si Grace sa loob ng bahay pero wala akong na kita.
"Grace????"
Gulo gulo ang bahay kaya naman hinanap ko agad si Grace at Wala nang tao sa buong bahay halatang may nangyaring hindi maganda.
Pero asan si Grace???
Sigurado ako na may kinalaman na naman dito ang mga Samonte.
Pumunta ako sa bahay nila Tita Violet para humingi ng tulong at naabutan ko don si Kevin na naghihintay sa labas.
"Kevin anong ginagawa mo dito?"
"Pwede ba tayo mag-usap?"
"Sorry busy ako ngayon dahil may kailangan pakong asikasuhin."
"Sandali lang, Iniiwasan mo ba ako?"
Hindi ba obvious? Tanong ko sa isip ko.
"At bakit ko naman yon gagawin? Busy lang talaga ako ngayon."
"Scarlet? Mahal moba ako?"
"Oo naman kailangan pabang tanungin yan? Kung hindi kita mahal sana hindi mo ako nakikita Ngayon at sana nilalayuan nakita."
After nung insidenteng muntik na nya akong gahasahin ay wala akong choice kundi sikmurain na kunwaring patawarin at tanggapin sya.
"Tinatanggap mona ang nakaraan ko? Kahit nay mali akong nagawa?"
"Oo naman dahil mahal na mahal kita Kevin at tatanggapin ko ang lahat sayo basta maging tapat at totoo kalang sakin. Gusto ko wala kang tinatago sakin. Gusto kong maging parte ng buhay mo at ng Pamilya mo kaya gusto ko na mas lalo kapang makilala."
"Wala na talagang makapaghihiwalay pa satin dalawa lalo pa ngayon at wala na sa landas natin ang isa sa mga gusto tayong paghiwalayin."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Yung babaeng nanggulo sa mall? Wala na sya at hindi na sya babalik pa para guluhin ulit tayo."
Alam kong si Grace ang tinutukoy nya sinasabi kona nga ba namay kinalaman ang mga Samonte sa biglaan nyang pagkawala.
"Bakit asan sya? Anong ginawa nyo sa kanya?"
"Wag monang isipin yon dahil sila Daddy na ang bahala sa kanya."
"Kevin sabihin mo sakin asan sya? At anong gagawin nyo sa kanya???"
"Bakit parang bigla kang naging interasado sa babaeng yon?"
Natahimik ako sandali sa sinabi nya talagang mautak si Kevin at hindi mo basta basta maiisahan pero sorry sya dahil mas mautak at mas magaling ako kesa sa kanya.
"Syempre gusto ko syang makita para maipamukha sa kanya na kahit ipakulong ka nya ay hindi nya tayo mapaghihiwalay diba maganda yon? At mas lalo syang masasaktan kapag nakita nya tayong magkasama dahil lahat ng pinaghirapan nya ay nasayang lang. Oo nung una nagalit ako sayo pero anong magagawa ko? Mahal kita kaya pinatawad kita"
"Maraming salamat Scarlet. Sige isasama kita para makita mo sya."
Napakadali pading mauto ni Kevin at talagang nadadala padin sya sa mga salita ko.
Hindi naman ako nagdalawang isip na sumama sa kanya dahil wala na dapat pang masayang pa na oras kailangan kong malaman ang kalagayan ni Grace.
DIOSDADO'S POV
"Diosdado ano bang hinihintay mo? Bakit hindi mopa pinapatay ang babaeng yan?"
"Simply because gusto kong malaman kung sino ang tumutulong sa kanya. Naniniwala ako na hindi mag-isa ang babaeng yan dahil wala syang kapangyarihan para kalabanin tayo."
"Eh nasan ba kasi si Kevin?"
"Malamang nandon na naman yon sa Scarlet nya."
"Pakawalan nyo ako!!!!"
Mukhang gising na bihag namin.
Nilapitan namin ang sigaw ng sigaw na babaeng nagpakulong sa anak namin.
"Mabuti naman at gising kana?"
"Mga walang hiya kayo! Sinasabi ko na nga ba! Magkakasabwat kayo! Nasan ang magaling nyong anak!? Tinago nyo naba?"
"Hoy ikaw? Pwede ba manahimik ka muna? Sigaw ka ng sigaw eh ang sakit sa tenga." Inis na sabi ni Amanda.
"Sabihin mo samin? Bakit sa tagal ng panahon ay ngayon kalang ulit lumantad? Bakit ngayon kalang nagkaroon ng lakas ng loob na ipakulong ang anak ko??!!!"
Sigaw ko kay Grace.
"Wala kayong mapapala sakin kaya mas mabuti na patayin nyo nalang ako!"
"Meron bang tumutulong sayo? Meron bang taong gustong magpabagsak samin at magkasabwat kayo?"
"Patayin nyo nako!!!!"
"Shut up!!! Wag kang magmadali sa kamatayan mo!" Sabat ni Amanda sabay sampal kay Grace.
"Enough Amanda."
"Patayin nalang kasi natin babaeng yan para matapos na ang problema natin."
"Aantayin natin na iligtas sya ng amo nya at doon? Sabay natin silang papatayin."
Hindi ko nalang pinansin ang magaling kong asawa dahil wala din naman syang maitutulong at makakadagdag pa sya sa iisipin ko.
SCARLET'S POV
Dinala ako ni Kevin sa isang luma at abandonadong building at sa labas palang madami nang nagbabantay kaya kahit sino ay mahihirapang makapasok.
Hindi ako natatakot kahit mag-isa lang ako at madami ang mga Samonte dahil gusto kong makita si Grace.
Sabay kaming pumasok ni Kevin sa loob at doon ay nakita ko ang kawawang si Grace nakatali sa isang upuan at halatang pinahirapan at sinaktan pa, Nandon din si Diosdado at Amanda.
"Anong ginagawa ng babaeng yan dito???"
"Relax mom, We can trust her."
"At pano mo naman nasabi?!!"
Gigil na gigil sakin si Amanda ng makita ako.
"Amanda? Remember? Sating dalawa ikaw lang naman ang hindi mapagkakatiwalaan kasi diba? Pina ambush mo ako? Kaya lang hindi nagtagumpay yung mga tauhan mo kaya nandito padin ako at buhay na buhay."
"Ginawa yon ni Mommy????"
"Oo bakit hindi mo itanong sa magaling mong Mommy."
Gusto kong tulungan si Grace pero hindi ko pwedeng gawin yon dahil malalaman nila na magkasabwat kami.
"Tama nayan."
Pumagitna samin si Diosdado at bumaling ang tingin sakin.
"Scarlet, Scarlet, Scarlet." Pag-uulit nya sa pangalan ko.
"Mahal moba talaga ang anak ko? O mahal molang syang dahil may kailangan ka?"
"Oo naman. Kaya nga ako nandito dahil Mahal ko sya."
"Handa mobang makita ang lahat ng mangyayari dito? At isisikreto moba to? At walang ibang makakaalam?"
"Dad nag promise na sakin si Scarlet na tatanggapin nya ako at ang Pamilya natin ano man ang lihim nito." Sabat ni kevin.
"Pero gusto ko mismo manggaling sa Bibig ni Scarlet Delgado ang sagot."
Tiningnan ko muna silang lahat at maging si Grace.
"Yes Mr. Samonte."
"Last Question? Mapagkakatiwalaan kaba?"
Nagtitigan kami ni Diosdado at tila binasa nya kung anonb nasa isip ko.
"Yes Mr. Samonte, Ano pabang kailangan kong gawin para maniwala kayo?"
Tumango si Diosdado at naglakad papuntang lamesa at kunuha yung baril.
"Kaya mobang pumatay para samin? Kung talagang mapagkakatiwalaan ka ay patayin mo ang babaeng yan, Ikaw ang magbigay ng parusa sa mga katulad nyang kumalaban sa Pamilya ko."
Inabot nya sakin yung baril at kinuha ko naman agad.
"So in that case? Mukhang wala tayong magiging problema."
"Maniniwala lang kami sayo kung ikaw mismo ang papatay sa babaeng yan. Kill her" Utos sakin ni Amanda.
Tinutok ko kay Grace ang baril sobrang naaawa ako sa kanya kasi nangako ako na poprotektahan ko sya pero nandito sya ngayon at hawak ng mga Samonte.
"What are you waiting for??!! Kill her!!"
"Sandali!!!! Wag mokong minamadali Amanda dahil kapag ako nainis sayo ko ipuputok to."
"Inaantay ka namin Ms. Delagdo."
Pinutok ko ang baril pero hindi pinatamaan si Grace dahil hindi ko yang pumatay ng isang tao lalong lalo na ng kaibigan.
"Sorry but I don't need to kill someone just to prove my loyalty, My words are enough Mr. Samonte and its up to you if you will believe in those words."
"Sinasabi kona nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang babaeng yan, Simpleng bagay lang hindi pa magawa?"
"Kung Gusto nyo syang patayin patayin nyo! Pero hindi ko dudungisan ang kamay ko."
Inilipag ko yung baril at akmang lalabas pero hinawakan ni Amanda yung braso ko.
"And where do you think your going? Akala moba papaalisin ka nalang namin basta basta dito?"
Tinanggal ko yung pagkakahawak ni Amanda sa braso ko at tinitigan ko sya ng masama.
"At sino ka para utusan ako sa mga bagay na gusto ko?"
Pagkatapos kong sabihin yon ay lumabas nako.
Pano ko matutulungan ngayon si Grace?
"Scarlet sandali."
Hinarap ko si Kevin at sinigawan ko sya.
"Ayoko na Kevin?! Mahal kita! Mahal na mahal! Pero kung gagawin lang din naman nila akong murderer mas mabuti pang tapusin na natin to at kalimutan nalang natin ang isa't-isa!"
Hinabol ako ni Kevin at niyakap ng mahigpit.
"Sorry Scarlet , Kakausapin ko sila akong bahala matatanggap ka nila bilang parte ng Pamilya namin."
"Ayusin mo muna ang Pamilya mo Kevin bago mo ako kausapin."
Tinalukaran ko sya at naglakad palayo.
Ngayong alam kona kung nasan si Grace ay kailangan kong makaisip ng paraan kung paano ko sya maitatakas ng hindi iisipin ng mga Samonte na may kinalaman ako sa pagkalaya nya.
# CHAPTER 22
SCARLET'S POV
Ngayong alam kona na kung nasan si Grace ay humingi ako ng tulong kay Gray at tita Violet dahil baka may iba silang suggestion para mailigtas si Grace.
"Kailangan natin mag-isip ng tamang paraan para mailigtas mo si Grace."
"Bakit ba kasi hindi nalang tayo magpadala ng mga tauhan nyo Madam V. Para iligtas si Grace o di kaya tumawag tayo ng pulis." Suhestyon ni Gray.
"Hindi natin pwedeng gawing yon."
"At bakit hindi? Yun nalang ang magagawa natin. May iba kapa bang naiisip maliba don?"
"Kung gagawin natin yon. Iisipin ng mga Samonte na may kinalaman ako lalo pa't ako lang ang nakakaalm non maliban sa kanila."
Habang tumatagal ang oras ay lalo akong hindi mapakali dahil sa mga oras nato baka pinapahirapan na nila si Grace.
"Kung meron lang sanang ibang tutulong satin katulad nalang ng mga tauhan nila? At hindi nila iisipin na may kinalaman don si Scarlet kaso malabo ata yon, Halang ang sikmura ng mga Samonte kaya takot lahat ng mga tauhan nila."
Kahit si Tita V ay nag-iisip nadin ng paraan para mailigtas si Grace.
"Si kevin? Hindi moba sya pwedeng kausapin? Siguro naman makikinig yon sayo."
"Naisip ko na din yan Gray pero ayokong maging simula yon nag paghihinala nila sakin."
"Napakasama talaga ng mga Samonte nayan! Nasa lahi naba nila ang masasama? Wala bang meron man lang na kahit papano ay iba sa kanila?"
"Tama! Matutulungan nya tayo."
Pagkasabi ni Gray na walang bang naiiba sa kanila ay naisip ko si Katelyn. Siya ang makakatulong samin.
"Ha? Sino naman?"
"Si Katelyn. Kapatid sya ni Kevin at bunsong anak ni Diosdado at Amanda."
"Hindi ba parang imposible naman ata na matulungan nya tayo? Lalo pa't Pamilya nya yon."
Halata sa boses ni Tita Violet ang pagaalinlangan may point din naman sya walang kasiguraduhan na matutulungan kami ni Katelyn pero ito nalang ang paraang naiisip ko na hindi iisipin ng mga Samonte na may kinalaman ako sa paglaya ni Grace.
"Wag kayong mag-alala iba si Katelyn naniniwala ako na matutulungan nya tayo."
Saglit kong nakilala si Katelyn non pero alam kong mabuti syang tao at iba sya sa Pamilya nya, Kaya sana lang ay matulungan nya kami.
KATELYN'S POV
Lagi nalang ako mag-isa sa bahay dahil lahat sila busy.
"Oh Katelyn? Bakit malungkot ka?" Lumapit sakin si Manang Cecil at tinabihan ako.
"Nalulungkot lang po ako kasi parang anino lang ako sa bahay hindi nila pinapansin kung papansinin man lagi pang napapagalitan kung itrato nila ako parang hindi nila ako Pamilya."
Niyakap ako ni Manang at sinandal sa balikat nya.
"Wag kang mag-isip ng ganyan, Mahal ka nila hindi lang nila sinasabi at pinapakita pero mahal ka nila."
Mahal? Mahal bayong lahat ng sasabihin mo mali? At hindi kapa pakikinggan minsan? Mahal ba yong parang andami nilang sikreto at tatlo lang silang nakakaalam? Matatawag bang pagmamahal yon?
"Mabuti panga po kayo lagi kayong nandyan. Mabuti sa kabila ng lahat ay hindi nyo padin iniiwan ang Pamilya namin?"
"Dahil naging mabuti ang Pamilya nyo sakin."
"Pero manang? Naalala nyo pa poba si Ate ELOISA? yung dating katulong dito?"
Napatingin agad sakin si Manang hindi nya siguro akalain na bigla kong itatanong yon.
"Wag na natin pagusapan ang tungkol sa kanya baka marinig pa tayo ng Mommy at Daddy mo at pareho pa tayong malintikan."
"Pero may gusto lang po akong itanong."
"Marami pakong lilinisin kaya maiwan na muna kita."
Hindi sinagot ni Manang ang tanong ko at umalis na sya parang iniiwasan nya pag-usapan ang tungkol kay Ate Eloisa.
Habang nakaupo ako ay may unknown number ang tumawag sakin.
'Hello? Sino to?' tanong ko agad.
'Katelyn. Merong bagong bihag ang Pamilya mo at ano mang sandali ay papatayin na nila ito.'
'Sino nga to?'
'Hindi na importante kung sino ako dahil ang mas importante ay maligtas mo kung sino man ang bihag nila.'
'Sino kaba? Kung niloloko moko at kailangan molang ng pera pwes wala kang mapapala sakin.'
'Hindi kita niloloko kung gusto mo ay puntahan mo ang address na ibibigay ko sayo.'
Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa boses na kausap ko ni hindi ko nga alam maski ang pangalan nya baka patibong lang ito ng mga kaaway ng Pamilya namin.
'Bakit moba sinasabi sakin ang bagay nato?'
'Ikaw lang ang makakatulong sa babaeng yon.'
'Bakit ako? At pano ka naman nakasisiguro na maniniwala ako sayo? At tutulungan ko ang babaeng tinutukoy mo.'
'Dahil alam kong iba ka sa Pamilya mo at may mabuti kang puso. Buhay ang nakasalalay dito kaya nakikiusap ako sayo iligtas mo sya'
'Pero anong magagawa ko??? Isa lang
ak---'
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil binabaan na nya ako.
Napaisip tuloy ako bigla kung maniniwala ba ako sa sinasabi ng taong yon.
Nakatanggap din ako ng text mula sa kanya at binigay nya ang address na sinasabi nya.
Alam ko yung lugar nayon pero dapat ba akong maniwala sa kanya? Dapat ba akong pumunta sa lugar nayon?
//////
Hindi ko kilala kung sino ang kausap ko at gusto sanang wag nalang pansinin pero sa paglipas ng mga oras ay hindi ako pinapatahimik ng isip ko.
Nakokonsensya ako na kung hindi ko tutulungan yung babaeng sinasabi nya ay baka mamatay ito.
Kahit walang kasiguraduhan ay pinuntahan ko ang lugar na sinasabi nya gumamit ako ng sasakyan para mas madali ang pagpunta ko.
Sobrang tago yung lugar at hindi mo talaga iisiping pumunta dito bumaba agad ako ng sasakyan at naglakad papunta sa dalawang bantay.
"Anong ginagawa mo dito? Sino ka?" Tanong sakin ng isang lalaki na may hawak na mahabang baril.
"Ako si Katelyn Samonte ang bunsong anak ni Diosdado at Amanda Samonte hindi nyo ba ako nakikilala?"
"Pasensya napo, Pero bakit naman po kayo nandito?"
Sa totoo lang kinakabahan talaga ako dahil natatakot ako na baka mahalata nila ako.
"Inutusan ako ni Daddy na icheck yung bihag ."
"Okay naman po sya." Sagot nya. Totoo nga namay bihag sila Daddy at hindi nag sisinungaling yung caller nayon.
"Pwede ko ba syang makita?"
Nagtingan pa silang dalawa at parang sinasabi na '
papayagan ba natin ang babae nato?'
"Sige po Ma'am samahan kona po kayo."
"No need kaya ko naman mag-isa sabihin mo nalang sakin kung saan eksakto nakakulong yung babae. Mas mabuti na magbanta nalang kayo dito baka mamaya ay iba pang makapasok."
Tumango nalang silang dalawa at sinabi sakin kung nakakulong ang bihag sabay tabi sa daraanan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay nakapasok nako.
Pagdating ko sa sinabi ng lalaking pinagkulungan nila ay may dalawa pang nagbabantay at kailanhan ko silang mapaalis para hindi nila makita ang pagpapatakas ko sa babaeng yon.
Nagtago ako sa isang gilid at naghintay ng tamang pagkakataon.
Mayamaya pa ay umalis nadin yung dalawang nagbabantay na lalaki dahil narinig kong kakain daw sila dahil ginutom sila kakatayo.
Dahan dahan akong pumasok at agad na pumasok, Una kong tinanggal ang busal sa bibig nya.
"Sino ka???" Gulat na tanong sakin ng babae at halatang takot na takot sya.
"Ssshhh wag kang maingay baka marinig nila tayo."
Luminga linga ako sa paligid at ng mapansin kong walang tao ay kinalas ko ang tali sa kamay at papa ng babae.
"Maraming salamat."
"Mamaya kana mag pasalamat sakin kailangan na muna natin makaalis dito."
Tumango ang naman sakin ang babae at sumunod sakin. Ako ang unang sumilip at ng makita kong busy ang mga tauhan nila Mommy ay nagmadali kaming lumabas.
Hindi kami nahirapang lumabas dahil konti lang ang bantay hindi siguro nila inaasahan na may papasok dito at magtatangka na palayain ang bihag.
"Merong daan sa likod doon ka dumaan at sasalubingin nalang kita." Utos ko sa kanya.
"Pero pano ka?"
"Kaya kona ang sarili ko at hindi nila ako sasaktan."
Tumango sya sakin at sinunod ako ang utos ko ako naman ay normal na lumabas at ngumiti pa sa mga bantay ng madaanan ko.
Agad akong sumakay ng sasakyan at sinalubong ang babae at pinasakay ko sya.
"Ano bang ginawa sayo ng mga Samonte at binihag ka nila?"
"Mga hay*p sila! Wala silang puso!" Galit na sabi nya.
"Mukhang ang laki ng galit mo sa kanila."
"Oo! At hindi lang ako ang may galit sa kanila."
"Bakit meron paba?" Takang tanong ko.
"Malapit na syang makilala ng mga nga Samonte."
Gusto kong tanungin yung babae kung sino yon pero naiilang ako at mukhang wala naman syang balaka na sabihin sakin.
Nang medyo malayo na kami ay nagpaalam nadin syang bababa.
"Dito nalang ako."
"Sigurado ka?"
"Oo mahirap na baka may makakita pa na magkasama tayo at madamay kapa sa galit ng mga Samonte."
"Maraming salamat sayo."
"Sige na tumakas kana at magpakalayo layo."
Niyakap ako ng babae at bumaba nadin sya ng sasakyan ko ni hindi man lang kami nakapag pakilala sa isa't-isa.
Hindi ko alam kung anong naging kasalanan nya sa Pamilya ko pero hindi parin sapat yon para saktan sya ng mga ito at salamat din sa mystery caller nayon kung sino man sya.
Kahit trinaydor ko ang sarili kong Pamilya ay maluwag padin sa loob ko ang ginawa ko dahil isang buhay ang nasalba ko na hindi ko nagawa noon ng patayin nila Mommy ang Pamilya ni Vince.
AMANDA'S POV
"Kamusta si Grace?" Tanong ko sa dalawang nagbabantay sa labas.
"Nasa loob po."
Tinaasan kona lang sila ng kilay at dumiretso na sa loob.
Lintek na mga inutusan namin mga wala Binabayaran namin sila para mag bantay.
Pagdating ko kasi sa pinag-iwanan namin kay Grace ay wala na sya tali nalang ang natira, Padabog akong lumabas at hinanap ang nga gungg*ng at naabutan kong nagsusugal sila.
"Wow? Ang saya nyo dyan ha?"
"Madam kayo pala?"
"Oo ako nga, Nasan yung binabantayan nyo?"
"Wag kang mag-alala madam nakatali yon ng mahigpit."
"Mahigpit? Ha mahigpit?! Eh kung higpitan ko kaya ang mga turnilyo ng utak nyo! Ha? Mga bobo kayo! Wala na si Grace! Nakatakas na sya!!"
Pinaghahampas ko ng bag yung dalawang gungung naming tauhan.
Agad naman nilang pinuntahan si Grace na sinasabi nilang mahigpit na nakatali at nang makita nilang walang tao doon ay napakamot sila sa ulo.
"Madam sorry po!"
"Sorry? Ha! Sorry! Mga b*b*!!!
Pinaghahampas at pinagsasampal ko silang dalawa.
"What is happening here? Amanda?"
Mabuti nalang at dumating nadin si Diosdado sya na ang bahala sa mga bobo nyang tauhan.
"Alam moba kung anong nangyari? Nakatakas lang naman si Grace dahil sa kapabayaan nila! Haayyy!"
"What??!!!"
"Sorry Boss hinigpitan naman talaga namin ang tali sa babaeng yon pero hindi namin alam kung pano sya nakatakas." Paliwanag nila habang nakayuko.
"Hinigpitan?! Kung mahigpit yon edi sana nandyan pa sya, Alam kasi kayo? Kung ano ano ang inuuna nyo diba binabayaraan namin kayo para sumunod? At hindi gumawa ng kapalpakan."
"Sorry po talaga."
"Pano na ngayon? San nyo sya hahanapin? Malamang sa malamang nagsumbong nayon sa mga pulis! Mga b*bo talaga kayo!"
Ang sarap pag tatadyakan nitong dalawa nito.
"Amanda just calm down let them do their job, Go and Find Grace and make sure na hindi sya makakapagsumbong sa mga pulis o sa kahit na sino."
"Thank you boss."
"Ano Diosdado ganon ganon nalang yon? Ayos lang sayo ang kapalpakan na ginawa nila?"
Naglakad na palayo yung dalawa, Akala ko naging tanga na talaga ag asawa ko pero bumunot sya ng baril at pinagbabaril ang dalawa.
" I am Diosdado Samonte at bawal ang mga katulad nyong tanga dito."
"Ano nang sunod mong plano?" Tanong ko kay Diosdado.
"Sa mga oras nato nakarating na sa Amo nya si Grace at maghahanda na sila para balikan tayo"
"Anong gagawin natin??"
"Hahayaan natin silang sumugod hanggat sa makilala natin kung sino man ang nasa likod ng lahat ng to at makilala nila ang bangis ng isang AGILA."
Puro kamalasan na ang nangyayari sa Pamilya namin nitong mga nakaraan lang Una yung pagViral ng video ko sobrang napahiya ako sa mga Amiga ko, Pangalawa yung pag-sasara ng shop ko, Yung pagbabanta samin, Yung pagkakakulong at pagkakabaril kay Kevin at aaminin ko natatakot nako sa mga susunod na mangyayari.
Sino ba ang nasa likod ng LAHAT ng ito?
Iisang tao lang ba sila?
# CHAPTER 23
GRACE POV
Dumiretso agad ako sa bahay ng Tita ni Scarlet dahil alam kong nandon sila at tiyak kong nag aalala na sila sakin.
"Grace???" Bungad sakin ni Scarlet ng makita nya ako at niyakap ng mahigpit.
"Mabuti naman at ligtas ka."
"Merong tumulong sakin na isang babae kaya lang hindi kona natanong ang pangalan nya."
"Sinasabi kona na nga ba at gagawin nya ang tama."
"Anong ibig mong sabihin? Kilala mo sya?"
"Oo kilala ko sya."
"Kung ganon sino sya? Anong pangalan nya?"
"Hindi na importante kung sino sya ang importante ay nakaligtas ka."
"Tama ka."
Hindi na ako nagtanong pa sa kanya tungkol sa babae nayon dahil kung sino man sya balang araw makakaganti din ako sa kabutihan nya.
"Grace sorry ha?"
"Bakit ka nagsosorry?"
"Kasi kasalanan ko kung bakit napapahamak ka, Kung hindi kita inalok na tulungan ako hindi mangyayari to. Nangako ako sayo na poprotektahan kita pero napahamak kapa din."
"Wag mong sisihin ang sarili mo ginusto ko to, Kung merong man namay kasalanan dito ay ang mga Samonte yon. Nagpapasalamat nga ako sayo dahil dumating ka, Binigyan mo ako ng tapang at lakas ng loob para muling harapin ang mga Samonte. Kung hindi ka dumating baka hanggang ngayon ay natatakot at nananahimik padin kami. Kaya sobrang nagpapasalamat ako sayo."
"Salamat din sa mga naitulong mo. Pero ayoko na mapahamak kapa kaya umuwe kana sa Pamilya mo pwede mona ulit sila makasama."
"Pero pano si Kevin? Hindi padin sya nabubulok sa bilangguan."
"Ako na ang bahala sa kanya at sa mga magulang nya. Wag kanang mag-alala dahil sisiguraduhin ko na magbabayad ang mga may sala."
Nakakahanga ang tapang na pinapakita ni Scarlet kung ano man ang rason nya sana ay hangad ko ang tagumpay nya.
"Pero Scarlet may isa sana akong hiling bago ako umalis."
"Ano yon?"
"Gusto kong mag-iwan ng alaala kay Kevin na hinding hindi nya makakalimutan hanggat nabubuhay sya."
"Anong gusto mong gawin natin?"
Sinabi ko kay Scarlet ang naisip kong plano at pumayag naman sya.
Hindi ako aalis na wala akong napapala at ipapakita ko kay Kevin na ganito ako ay naging isa ako sa mga kalaban nila.
KEVIN'S POV
Napasugod agad ako kay Daddy ng malaman kong nakatakas si Grace.
"Dad? Pano nakatakas ang babaeng iyon?! Pinagkatiwala ko sya sa inyo tapos nakatakas lang? Pano kung may gawin sya?"
"Relax Kevin, Pinapahanap kona si Grace at sisiguraduhin ko sa pagkakataong ito ay mamatay na siya."
"Dapat lang dahil ang kasiraan ko ay kasiraan nyo din."
Kailangan ko mahanap ang babaeng yon dahil sigurado ako na may pinaplano sya laban sa akin.
Biglang tumunog ng phone ko at nakarecieve ako ng message galing sa unknown number.
'Kung gusto mopang makitang buhay si Scarlet ay puntahan mo sya.'
Medyo nanghina ako ng mabasa ko ang text nayon. Lumabas agad ako dahil tumawag sya sakin.
'H*yop ka Grace! Wag mo idamay dito si Scarlet ako ang kailangan mo diba? Kaya tayo ang magharap.'
'Nakilala mo agad kung sino ako kahit hindi pa man ako nagpapakilala.'
'Ano pa bang gusto mo sakin?!'
'Madami pa Kevin kaya pumunta ka dito kung gusto mopang maabutang buhay ang pinakamamahal mong Scarlet!'
Pinarinig nya sakin ang boses ni Scarlet kaya mas lalo akong kinabahan.
'Wag mo syang sasaktan! Kapag may ginawa kang hindi maganda sa kanya pap*tayin kita!!'
'Tumatakbo ang oras kaya magmadali kana at wag kang magsasama nang kahit na sino, Ikaw lang. Hindi mo ako maloloko Kevin dahil mas matalino ako sayo.'
Pinatayan na nya ako ng tawag at nagtext ulit sya sakin at binagay ang eksaktong location kung nasan sila.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras dahil baka kung ano pang gawin nyang masama kay Scarlet.
Kumuha ako ng baril bilang proteksyon dahil kailangan koto para mailigtas si Scarlet.
/////
Pagdating ko sa lugar na binigay ni Grace ay may sumalubong sakin na dalawang lalaki na may hawak na mga baril at tinutok sakin.
Naglakad kami papasok at may isa pang lalaking lumapit sakin at kinapkapan ako kaya nakuha nya sakin yung dala kong baril
"Balak mopa kaming lokohin ha!?"
Sinikmuraan nya ako at sinuntok sa mukha kaya naman natumba ako pero itinayo din agad.
"Asan si Grace?! Anong ginawa nya kay Scarlet?"
"Wa kang mag-alala maghaharap din kayo."
Pagkatapos nyang sabihin yon ay may pumupok nalang na matigas na bagay sa likuran ko at nawalan na ako ng malay.
GRACE'S POV
Basta pagdating kay Scarlet ay nagkakandarapa si Kevin at hindi na nakakapag-isip nang tama.
Ipinatali ko ang mga kamay at paa ni Kevin para siguraduhing hindi sya makakatakas. Binuhasan ko din sya ng tubig para magising sya.
"H*yop ka pakawalan mo ako dito!!!"
"Tingnan mo nga naman bilog talaga ang mundo parang kailan lang ako ang nasa kalagayan mo tapos Ngayon nagkapalit na tayo ng pwesto."
"Makatakas lang ako dito! Magsisisi ka!"
"Grabe takot ako."
"Asan si Scarlet? Anong ginawa mo sa kanya?!"
"Buhay pa naman sya pero syempre habang wala kapa ay naglaro muna kami."
"Anong ginawa mo sa kanya!!!!!!!"
Isang sampal ang binigay ko sa kanya.
"Para yan sa pagbaboy sakin!"
Isang sampal ulit ang binagay ko sa kabila nyang pisngi.
"Para naman yan sa pagtakot nyo sa Pamilya ko para manahimik!"
"Yan lang ba ang kaya mo?" Natatawang tanong sakin ni Kevin.
"Marami pa, Pero mukhang excited kana."
Inutusan ko yung isang lalaki na pinahiram sakin ng Madam v. Para kunin ang kunwaring bihag na si scarlet.
Nanlaki agad ang mga ni kevin ng makita ang babaeng pinakamamahal nya. Nilapitan ko si Scarlet at hinawakan sa Mukha.
"Ano kayang magandang gawin sa kanya? Sirain ang maganda nyang mukha? Patayin? O di kaya gawin yung ginawa mo sakin at ng mga kaibigan mo dati."
"Wag mo syang sasaktan!!! Ako ang kailangan mo kaya ako ang saktan mo!!"
Tila na humaling na talaga si Kevin sa mapangakit na ganda ni Scarlet.
"Pano kung ayaw ko?"
"Please wag mo na syang idamay, Ako nalang."
"Totoo ba ang narinig ko? Nakikiusap ka? Pero sige hindi naman ako kasing sama ng inaakala mo."
Lumapit ako kay Kevin at pinunit ang suot nyang damit sabay kuha ng k*ts*lyo na nakapatong sa may lamesa.
"Anong gagawin mo??!!!"
"Ipaparanas kolang sayo ang sakit na nararamdaman ko at hinding hindi mo makakalimutan dahil tatatak to sayo!"
Lumapit ako sa kanya at tinutok ang k*tsily* sa katawan nya.
"Ahhhhhhhhhhhh"
Sigaw nya ng umpisahan kong markahan ang katawan nya, Umagos naman ang dugo nito.
"Ngayon Scarlet ikaw naman ang gumawa."
"Hindi ko gagawin yan!"
"Gagawin mo oh gusto mo sayo ko gawin?"
Kunwari ay napipilitang lumapit si Scarlet kay Kevin at katulad ng ginawa ko ay minarkahan nya ito.
"Ahhhhhh!!!!"
Pa ekis ang ginawa naming marka dahil masama sya kaya ayon ang bagay sa kanya.
"Perfect!"
"Scarlet ayos kalang ba?" Alalang tanong ni Kevin kahit sya naman ang nasaktan sa kanilang dalawa.
"O-oo ayos lang ako"
"Ang sweet nyo namang dalawa"
Hinawakan ko sa buhok si Scarlet at tinulak palayo kay Kevin.
"Hay*p ka! Wag mo idamay dito si Scarlet!!! Ako ang kailangan mo diba!!!!"
"Manahimik ka!"
Sinampal ko ulit sa mukha si Kevin hanggang sa mag dugo yung labi nya.
"Pasalamat ka hindi ako mamamatay tao katulad ng Pamilya mo! Kaya naman hahayaan padin kita mabuhay para maalala mo na merong isang babae ang nakatalo sayo!"
Pag katapos kong sabihin yon ay iniwan kona sila.
Katulad ng ipinangako ay lalayo na ako dahil naniniwala ako na mapapagsak ni Scarlet ang mga Samonte.
SCARLET'S POV
Tagumpay ang naging plano namin ni Grace nakaganti na sya kay Kevin kaya pwede na syang bumalik sa Pamilya nya para makapag umpisa nang panibagong buhay kung saan malayo sa gulo at malayong malayo sa mga Samonte.
Agad kong dinala si Kevin sa bahay nila dahil kung papatagalin kopa ay baka maubusan sya ng dugo at ayon pa ang ikamatay nya.
Hindi pa ito ang tamang oras para don dahil marami pa akong kailangan sa kanya magagamit ko pa sya para tuluyang masira ang Pamilya nya.
Pagkadating ko sa bahay nila ay nagpatulong ako sa may tauhan nila para ipasok si Kevin at nakita ni Amanda ang nangyari sa anak nya.
"Anong nangyari sa anak ko??? Anong Ginawa mo sa kanya???"
"Mamaya mona ako tanungin okay? Importante na magamot natin ang anak mo."
Inakyat namin si Kevin at agad na kumuha ng igagamot pansamantala kumuha nadin ako ng damit na ipapalit sa kanya.
Sigurado ako na hanggang nabubuhay sya hindi nya malilimutan ang markang ginawa namin sa kanya.
Lumabas din si Amanda pagkatapos naming gamutin si Kevin buhay pa naman sya at humihinga dahil sugat lang naman ang ginawa namin sa kanya.
Pagkalabas ko ng kwarto ni Kevin ay nag-aantay na pala sakin si Amanda at nakataas na naman ang isang kilay.
"Now tell me, Anong nangyari sa anak ko?"
"Masyadong mahaba ang pangyayari but to make the story short? Dinukot kami pareho ni Grace at ayan ang ginawa nya sa anak mo."
"Pero bakit si Kevin lang ang pinuruhan nya?"
"Dahil siguro na nadamay lang ako? At si Kevin talaga ang gusto nyang saktan. Remember Amanda na ginahasa sya ni Kevin."
"Siguraduhin mo lang na yon lang yon dahil sa oras na malaman ko na may kinalaman ka sa mga nangyayari sa anak ko? At sa Pamilya namin? Hindi mo magugustuhan ang gagawin namin sayo?"
Nilapitan ko si Amanda at bahagya syang napaatras kung inaakala nya na matatakot ako sa mga salita nya pwes nagkakamali sya.
"Tinatakot mo ba ako Amanda?"
"H-hindi, It's just a friendly reminder."
"Akala mo ba nakalimutan mona yung ginawa mo sakin? Na muntik mona ako ipapatay?"
Nilapitan ko ulit si Amanda na sya namang pag-atras nya hanggang umabot kami samay hagdan at napalingon sya kanyang likuran dahil wala na syang aatrasan pa.
"Akala ko magkaibigan na tayo? Pero bakit pinagbibintangan mo padin ako na may ginagawa sa Pamilya mo? Na wala naman talagang katotohanan. Eh kung itulak kaya kita ngayon sa hagdan para magkatotoo yang mga sinasabi mo? Ano gusto mo??"
"What is happening here??"
Pareho kaming napalingon ng marinig naming nagsalita si Diosdado at pumunta naman agad si Amanda sa likuran nya.
"Nag-aaway na naman ba kayo?" Tanong ulit ni Diosdado.
"Of course not, Bakit hindi mo tanungin si Amanda."
"May nangyari sa anak natin at kagagawan yon ni Grace." Sumbong ni Amanda.
"Asan ang anak natin?"
"Nagpapahinga na sya." Sagot ko.
Lumapit sakin si Diosdado at pumunta sa likuran ko.
"I'm just wondering Ms. Delgado everytime na may nangyayaring kapahamakan sa anak ko ay lagi kang nandon? Merong kabang kinalaman dito o wala?"
"Mag-asawa nga talaga kayo ni Amada dahil pareho kayo ng nasa utak. Here's my answer Mr. Samonte matalino kayo diba? Bakit hindi kayo mismo ang umalam? Pero uunahan kona kayo wala akong kinalaman sa nangyari sa anak nyo."
Mahirap talagang kunin ang tiwala ng mag-asawang Samonte pero kapag may kailangan sila sayo ay para silang mga linta na grabe kung makadikit sayo.
"Siguraduhin molang na wala ka talagang kinalaman dahil iba ako magalit, Iba magalit ang mga Samonte."
Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.
"Prove it Mr. Samonte pero hanggat wala kayong ibedensya inosente padin ako at wag nyo akong takutin sa mga salita nyo. Hindi nadin ako magtatagal babalik nalang ako dito para kamustahin si Kevin."
Hinding hindi na ako magpapasindak pa sa mga Samonte kaya mag-antay lang sila dahil kapag katapos sa anak nila? Sila naman ang isusunod ko.
# CHAPTER 24
KEVIN'S POV
"SINONG GUSTO MONG UNAHIN KO SA INYO!!!??? IKAW KEVIN??? O YANG PINAKA MAMAHAL MONG BABAE!!!"
Itinutok ni Grace ang hawak nyag baril samin at pumuli ng kanyang babarilin at saktong tumutok yon kay Scarlet.
"
OOOPPSS
MUKHANG SI SCARLET ANG
MAUUNA
SA INYONG DALAWA."
Gusto ko mang tulungan si Scarlet pero wala akong magawa dahil mahigpit ang pagkakagapos sakin
"WAG!!!!!!!!!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa pangyayaring yon. Panaginip lang pala akala ko totoong binaril nya si Scarlet.
Tumayo ako at agad na tiningnan ang markang ginawa sakin ni Grace, Markang ekis ang nakalagay sa katawan ko.
"Kapag nakita kita Grace, papatayin na kita!!!!!"
Sa sobrang galit ko ay sinuntok ang salamin. At dumugo ang kamay ko.
Hindi dito natatapos ang lahat I AM KEVIN SAMONTE at ipapakita ko sa kanya kung sino talaga ako at kung ano ang kayang gawin ng Pamilya namin.
AMANDA'S POV
Dahil na stress ako ng sobra nitong mga nagdaang araw ay kailangan ko muna aliwin ang sarili ko. Kaya nung niyaya ako ng isa kong amiga na magsugal ay hindi na ako nag dalawang isip na sumama medyo matagal nadin kasi nung huli akong pumunta sa casino kaya tinawagan ko agad ang mga amiga kong mga plastic.
"Wala kapa ding pinagbago Amanda ang ganda ganda mo padin." Papuri sakin ng isa kong Amiga. Well kahit may asawa na ako at dalawang anak ay hindi naman ako nagpapaka losyang katulad nila.
"Syempre kailangan padin natin i maintain ang ating ganda." Sagot ko sa kanya.
"Pero totoo ba Amanda? Yung Jewelry shop mo daw ay nagsara na dahil fake daw lahat ng mga binebenta don?" Singit ng isa kong Amiga.
Pasalamat sya ay ayaw ko magstart sa negative vibes dahil kung hindi ay sinungalngal kona ang bibig nya.
"Oo nagsara na sya pero hindi fake ang mga jewelries na binebenta don kagagawan lang yon ng mga kalaban ng Pamilya namin. Alam mo kung ano ang fake? Yung taong nagpapakalat ng balita nayan at kahit nagsara pa ang shop ko ay isa lang naman yon sa marami pa naming businesses. Kaya kung pwede mag start na tayo? Kasi nagpunta tayo dito diba hindi para mag chismisan lang."
.........
Unang barahang napunta sakin ay maganda kaya inaasahan ko na kakamig ako ng malaki laking pera.
Pero pag open ng card ng banker ay mas mataas ang cards nito.
Mabilis na lumipas ang mga oras at hindi ko napansin na natatalo na pala ako. Kung mamalasin ka nga naman oh! May mga balat ata tong mga katabi ko eh lahat ng napupunta saking cards ay napaka pangit.
"Janice may extra money kaba dyan? Nakalimutan ko kasi nag withdraw kanina."
Sa totoo lang medyo nagkakaproblema kami financially ngayon lalo pa't nag close ang karamihan sa mga businesses namin dahil nadin sa mga investors na nag back out dahil sa isyu ni kevin.
"Sorry Amanda wala din akong maipapahiram sayo talo din ako. Pero may kilala akong makakatulong sayo."
"Sino naman?"
"Ayon oh si Mr. Prieto. Nagpapautang sya ng pera sa mga taong natatalo dito."
Dahil kailangan ko makabawi ay tumayo ako at nilapitan ang Mr. Prieto nayon.
"Hi? Mr. Prieto? I am Amanda Samonte."
"Samonte? Asawa mo si Diosdado Samonte?"
"Yes. But how did you know my husband?"
"Sino ba namang hindi makakakilala sa Pamilya Samonte, One of the most influential and powery Family in the whole Province."
Tingnan mo nga naman kahit saan ay kilala ang Pamilya namin at kahit na sino ay nakilala kami.
"At anon naman ang maitutulong ko sa isang kagaya mo?" Tanong nya sakin.
Hindi ko alam kung paano ko sya sasagutin ng hindi ko ibinababa ang sarili ko.
"Hhmmm may nakapag sabi sakin na nagpapautang kadaw ng pera? Don't worry babayadan ko din Nakalimutan kolang magdala ng cash co'z i didn't expect na magtatagal ako dito."
"Tama kayo Mrs. Samonte nagpapautang nga ako ng pera kahit gaano payan kalaki pero hindi ako nagpapautang ng walang kapalit."
"What do you mean?"
"Wala ng madali sa mundo hindi lahat ng gusto mo makukuha mo ng ganon kadali."
"Diretsohin mo nalang ako okay? Ano bang gusto mong kapalit?"
"Something na Worth it kapalit ng pera, Katulad ng sasakyan mo? Or even your house."
Tuso din pala tong lalaki nato akala ko madali lang akong makakakuha ng pera sa kanya lalo pa't isa akong Samonte.
"Sure."
Ayos lang sakin kahit ano pang gusto nya sigurado naman ako na mababawi kodin naman ang talo ko at maibabalik ko agad ang perang hiniram ko sa kanya.
"So wala nang problema?"
May kinuha syang papel at inabot sakin ang sabi nya ay kailangan ko daw pirmahan ang papel nayon bilang katibayan. Medyo nainsulto ako sa ginawa nya, Anong palagay nya sakin walang pera? Sa inis ko ay pinirmahan ko nalang ang mga dapat pirmahan.
Bumalik ako sa pwestong ko sa pag-aakalang mababawi ko ang talo ko pero wala pang kalahating oras ang perang pinahiram sakin ay naubos na.
Gusto kong tanungin kong nagkakadayaan ba kami dito pero kumalma lang ako at ngumiti sa harapan nila.
Hinanap ko ulit si Mr. Prieto pero hindi ko na sya nagkita. Pano ko mababawi ang natalo sakin ngayon??
SCARLET'S POV
"Scarlet maraming salamat sa lahat ng naging tulong mo sakin at sa Pamilya ko. Gagamitin ko din ang perang binigay mo para makalayo kami at makapagsimula ng bagong buhay."
"Salamat din sayo Grace dahil naturuan natin ng leksyon ang mga Samonte. Pero wag kang mag-alala ako ang magpapatuloy sa laban nato at ipinapangako ko sayo na babagsak ang mga Samonte."
"Mag-iingat ka Scarlet."
Niyakap ako ni Grace at sumakay na sa Van nag maghahatid sa kanya.
Sa sandaling panahon ay naging kaibigan ko sya pero hindi sya pwedeng magtagal dito dahil nanganganib ang buhay nya.
"Ano nang susunod mong plano?"
Hindi ko napansin na nasa tabi kona pala si Gray.
"Tapos na ako sa anak kaya ngayon sa mga magulang naman."
Hinawakan ni Gray ang kamay ko at tumingin sakin.
"Hindi ka nag-iisa sa laban nato."
Isa sa nagpapalakas ng loob ko ay ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sakin. Bigla ko tuloy naalala ang kaibigan kong si Monica, Kamusta na kaya sya?
////
KINABUKASAN ay naisipan kong pumunta sa bahay ng mga Samonte para alamin ang kalagayan ni Kevin.
Malaya na akong nakakalabas pasok sa tahanan nila Kaya mas magagawa kona ang gusto ko.
"What's bring you here Mr. Delgado?"
"Gusto kolang dalawin ang anak nyo."
"Nagpapahinga pa sya and i think mas maganda kung hindi mo muna sya iistorbohin."
"Ganon ba? Kayo Mr. Samonte saan naman ang lakad nyo at parang ang dami nyo atang mga body guards?"
"For my safety lalo pa ngayon at naglipana ang mga kaaway ko."
At isa nako don, Kaya mag-iingat ka Diosdado hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sayo.
"Ate Scarlet????"
Biglang dumating si katelyn at niyakap ako. Si Diosdado naman ay umalis na.
"Katelyn? Ngayon nalang ulit kita nakita."
"Oo nga ate Scarlet. Nagkukulong lang kasi ako sa kwarto, Si kuya ba ang sadya nyo?"
"Oo kaso ang sabi ng Daddy mo na nagpapahinga sya at wag ko na daw istorbohin. Kamusta na pala sya?"
"Ayon galit na galit. Pero okay naman sya."
"Mabuti naman. Ikaw may gagawin kaba? Gusto mo bang sumama sakin?"
"Saan naman ate?"
"Diba sabi mo sakin na gusto mong makapunta sa main building ng Delgado's clothes? "
"OMG ate! Seryoso bayan???"
Kita sa mga mata ni Katelyn ang labis na tuwa.
"Wait lang ate magbibihis nako." Dagdag pa nya at nagmamadaling pumasok sa kwarto nya.
//////
Habang inaantay si Katelyn ay pinagmasdan ko muna ang paligid ng bahay ng mga Samonte nababalot nga ng ginto ang tahanan nila pero ang pag-uugali nila ay parang mga bakal, Kinakalawang.
Pinagmasdan ko ang malaking larawan ni Diosdado.
Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito! Sinira mo ang buhay ng Mama ko at dahil don nagalit ang Papa ko at ayon ang naging dahilan para mawala sila sakin.
"Ikaw pala ang babaeng mahal na mahal ni Sir Kevin."
Napalingon agad ako sa nagsalita. Si Manang lang pala.
"Magandang umaga po."
"Wag mo sanang mamasamain, Pero simula ng makilala ka ng alaga ko ay nagbago na sya kaya sana wag mo syang lolokohin at sasaktan dahil parang anak na ang turing ko sa batang yon."
"Bakit ko naman po lolokohin si Kevin?"
"Ate Scarlet, Ready nako ano tara na?"
Mabuti nalang at dumating si Katelyn at naiwasan kong makipag-usap pa kay manang.
"Mauna napo kami."
Tumango lang sya sakin at lumabas na kami ni katelyn.
Habang nasa byahe kami ay napadaan kami sa isang lugar na malapit sakin. Lugar kung saan ako nagtitinda dati.
Kaya lang napansin ko tila nagkakagulo.
"Sandali lang."
Hininto ko muna yung kotse sa tabi at Bumaba ako ng sasakyan ganon din si Katelyn at nilapitan namin ang mga nagkakagulo.
Nakita ko si Monica na nakikipag away sa isang Babae.
"Magbabayad naman po kami ng upa dito pero hindi nyo po kailangan ihagis lahat ng paninda namin!."
"Ubos na ang pasensya ko sayo Monica kaya kung hindi kapa aalis ipapakaladkad kita sa mga tao ko! At kayong lahat maging leksyon sa inyo ang nangyari sa babaeng to! Magsibayad kayo ng tama!"
Naawa ako para sa kaibigan dahil naranasan ko din ang ganitong sitwasyon. Naging tagatinda din ako dati at alam ko ang hirap na dinaranas nya.
"Sandali. Hindi nyo na sya kailangan paalisin."
Tumingin sakin ang masungit na babae at tinaasan ako ng kilay.
"At sino ka naman?"
"Babayaran ko ang lahat ng utang nya at babayaran ko din ang susunod nyang upa sa tindahan."
Biglang umaliwalas ang mukha ng babae, Kaya kumuha ako ng pera at binigay ko sa kanya at umalis nadin sya agad.
"Maraming salamat sayo."
"Your welcome."
"Parang na mumukhaan kita? Diba ikaw din ang babaeng bumili sa lupang kinatitirikan ng mga bahay namin? Tapos binigay mo din samin?."
"Oo ako nga."
"Pero anong ginagawa mo dito?"
"Napadaan lang kami tapos nakita namin na parang may nagkakagulo."
"Ang laki na ng utang na loob ko sayo pano bakita mababayaran?"
"Hindi naman ako humihingi ng kapalit gusto kolang tumulong."
"Hindi ba ikaw Katelyn Samonte?? Magkakilala pala kayong dalawa?"
"Oo."
"Maraming salamat talaga at dumating kayo dahil kung hindi baka napalayas na kami."
"Ako nga Pala si Monica."
"I am Scarlet Delgado."
Nakipag kamay sya sakin.
Hindi rin kami nagtagal ni Katelyn dahil ayaw kong makahalata sila sa mga kinikilos ko.
////
"Ikaw pala ang nakabili ng lupang yon ate Scarlet? At binigay mo sa kanila. Napakabait mo naman."
"Hanggat maaari kung kaya mong makatulong, tumulong ka. Dahil kung anong tinanim mo ay balang araw sya ring aanihin mo."
"Pero pano kung yung ginawa mong pagtulong ay laban sa Pamilya mo?" Biglang seryosong tanong ni Katelyn.
"Syempre doon kalang sa alam mong tama, Dahil hindi maitatama ang mali kung mananahimik lang tayo."
Natahimik bigla si Katelyn kaya ako na ang nagtanong ulit.
"Pano mo pala nakilala si Monica?"
"Bago ko lang din syang kakilala meron lang kasi akong taong hinahanap."
"Talaga? Sino baka matulungan kita."
"Isang tao na hanggang ngayon ay pinagsisisihan kong hindi ko natulungan, Isang taong naging kaibigan ko din kahit saglit kolang sya nakilala."
Bawat salita ni Katelyn ay ramdam mo ang sakit at pagsisisi.
"Sino?"
"Vince ang pangalan nya."
Nabigla ako sa sinabi nya kaya naipreno ko ang sasakyan ko.
"Ayos kalang ate? May problema ba??"
"W-wala naman, Bakit mo naman gustong hanapin si Vince?"
"Mahabang kwento ate at hindi ko alam kung dapat kobang sabihin sayo dahil posibleng may mabago."
Hindi ko din masisisi si Katelyn kung nahihirapan syang sabihin sakin dahil pagbalibaliktarin man natin ang mundo ay Pamilya nya padin sina Diosdado.
"Magsabi kalang kung handa kana, Baka matulungan kita sa problema mo."
Tumango lang sya sakin bilang sagot.
Pero sumagi sa isip ko kung bakit nya ako hinahanap?
May kailangan basya?
May sasabihin ba sya??
Kailangan kong malaman ang kasagutan kay Katelyn dahil baka masagot nya din kung ano talaga ang nangyari sa mg magulang ko.
# CHAPTER 25
SCARLET'S POV
"Ate Scarlet ang ganda naman dito sobrang laki."
Kita ko kung gaano kasaya si Katelyn ngayon at the same time naaawa din ako sa kanya dahil isa nga syang prinsesa sa mala palasyong tahanan pero nakakulong at sunod sunuran sa mga maling gawain ng Pamilya nya.
"Parang ngayon kalang nakalabas ah?" Pabirong tanong ko sa kanya.
"Minsan lang kasi ako lumabas at kailangan may mga kasama pa kaya madalas sa bahay lang ako."
Niyaya kona si Katelyn papasok sa loob at sinalubong kami ng bati ng guard.
Pagpasok namin sa loob ay tiningnan nya ang paligid at talagang tuwang tuwa sya sa mga nakikita nya.
Habang naglalakad kami ay binabati ako ng mga nakakasalubong kong empleyado.
"Ate Scarlet ang babait naman sayo ng mga tao dito."
"Ganon talaga kapag naging mabuti ka sa kanila kung anong gusto mong gawin nila sayo yun ang gawin mo sa kanila. Dahil ang kabutihan madalas nasusuklian ng kabutihan."
"Madalas? Bakit posible bang masama ang idulot non kahit gumawa ka ng mabuti?" Takang tanong nya.
Hindi nagkakalayo ang edad namin ni Katelyn kaya lang magkaibang mundo ang kinalakihan namin, Nabuhay sya sa mundo kung saan kinatatakutan at tinitingala ang Pamilya nya.
"Oo dahil marami pading tao ang mapang abuso, sasamantalahin nila ang kabutihan mo para makuha at magawa nila ang gusto mo kaya ikaw wag ka basta basta magtitiwala sa kahit kanino."
"Tatandaan ko yan ate."
Masaya ako dahil sa kabila ng sama ng Samonte ay nananatiling nasa tama si Katelyn at pinapangako ko na hindi sya madadamay sa paghihiganti ko.
"Oh Scarlet? Sino yang magandang kasama mo?" Bati sakin ni Tita V. Nang makasalubong nya ako.
"Si Katelyn po kaibigan ko."
Ngumiti lang sya kay Katelyn.
"Pano i have to go meron pakong meeting."
"Sige Tita."
"Sino sya ate Scarlet?"
"Si Tita Violet. Violet Delgado the owner and the CEO of Delgado's Clothes."
"Talaaaaagggga????"
"Oo bakit?"
"Omg!!!! Sya pala yon."
Nakakatuwa yung reaksyon ni Katelyn para syang na starstruck kay Tita V.
"Bakit?"
"Syempre ate kilala ang brand na Delgado at hindi lang yon? Sabi pa nila talagang mayaman sya dahil marami syang mga businesses."
Hindi ako ganon ka aware na kilala si Tita V. Dahil bukod sa saglit lang kolang syang nakasama dito ay sa ibang bansa ako tumira at ang mas inuuna ko ay kung paano ko makukuha ang hustisya sa Pamilya ko .
AMANDA'S POV
After kong matalo sa sugal kagabi ay hindi kona nakita si Mr. Prieto babalikan kona lang siguro sya don. Kailangan kodin kasing klaruhin ang tungkol sa pinirmahan ko dahil hindi kona binasa ang mga nakasulat at nakapaloob doon.
Pumunta ako sa may terrace para sumagap ng sariwang hangin dahil sunod sunod na ang kamalasang nangyayari sa Pamilya ko.
Pero may napansin agad akong isang kahon na tila isang regalo.
"Kanino naman kaya galing ang regalo nato?"
Inisip ko nalang na baka galing yon sa isa pa mga kaibigan namin kaya nagmamadali kong binuksan ang regalo kaya lang iba sa inaasahan ko ang nasa loob.
"Ahhhhh!!!!!!"Malakas kong sigaw dahil sa takot sa nakita ko.
Isang damit na puro dugo na may kasamang gunting at mga buhok at higit sa lahat may nakasulat na Isang pangalan. ELOISA yan ang pangalan na nakalagay.
"Ma'am ano pong nangyari??"
"Kanino galing ang box nayan? Sino nagdala nyan dito????"
"Hindi kopo alam, Hindi po nyo kilala kung sino nagpadala nyan?"
"Sa tingin mo ba magtatanong ako kung kilala ko????!!!! Layas!!"
Imposible to! Patay na si Eloisa matagal na syang patay at inuuod na ang bangkay nya kasama ng asawa nya!
Wala na silang buhay ng dalhin sila ng mga tauhan namin kaya imposibleng mangyari to!
SCARLET'S POV
"Ate Scarlet salamat pala sa pag tour sakin tapos hinatid mopa ako dito."
"No problem Katelyn gusto ko din kasi makita ang kuya mo."
Paakyat na sana kaming dalawa ni katelyn ng biglang dumating si Amanda.
"Saan mo naman dinala ang anak ko? After mong ma hypnotized si Kevin, Si katelyn naman? Then who's next? Ang asawa ko?"
"Mommy namasyal lang kami ni Ate Scarlet wala syang ginawang masama sakin."
"Hindi ikaw ang kinakausap ko."
Kawawang Katelyn nagkaroon ng d*mony*ng Mommy.
"Sige na Katelyn pumasok kana sa kwarto mo ako na ang bahala kumausap kay Amanda."
"Nice stratege after ni Kevin si Katelyn naman and who's next?"
"Amanda? Ano na naman bang problema mo at ang init init ng ulo mo? Pano tayo magiging magkaibigan nyan kung lagi mo akong pinagbibintangan at pinaghihinalaan? Sabi ko naman sayo isa akong kaibigan diba at hindi kaaway. Kahit minsan mona pinagtangkaan ang buhay ko kinakalimutan koyon."
"I don't trust your words Scarlet."
"Kahit muntik mona akong ipapatay kaibigan padin ang turing ko sayo and sooner and later? Magiging mother in law nadin kita and so so excited about that."
Lumapit ako kay Amanda at niyakap ko sya.
Mahihiya ang lahat ng plastic bottles sa aming dalawa.
"Then prove your loyalty."
"How? If my words are not enough how can i prove my loyalty?"
"Malalaman mo din kung paano."
Hindi nga birong makuha ang loob ni Amanda dahil kahit madami na akong nagawa sa kanya hindi padin nya Basta basta binibigay ang tiwala nya sakin.
Kung nakikipag laro sakin si Amanda hindi ko sya aatrasan makikipaglaro ako sa kanya at sisiguraduhin kong sya ang matatalo at magmamakaawang umayaw.
Pagkatapos naming magplastican ay dumiretso nako sa kwarto ni kevin at dahandahag kumatok.
"Gusto kong mapag-isa!" Sigaw nya.
"Si Scarlet to. Sige mauna nalang ako."
Mukhang na trauma sya sa ginawa namin. Ni Grace, Tatalikod na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Scarlet???"
Lumapit sya sakin at agad akong niyakap.
"Hi-hindi ako makahinga." Angal ko sa kanya kaya binitawan nya ako.
"Pasok ka muna."
Pumasok ako sa kwarto ng Prinsipe ng kasamaan at umupo kami sa may kama nya.
"Ayos kana ba??? Masakit paba ang mga sugat mo."
"Balewala ang mga sugat nato ang mas importante ay hindi ka napahamak."
"Sorry Kevin kasalanan lahat ng ito, Kung hindi nila ako nadukot edi sana hindi nangyari sayo yan."
Lumapit sakin si Kevin at hinawakan ang mukha ko.
"Wag mong sisihin ang sarili mo wala kang kasalanan. Si Grace sya ang may kasalanan ng lahat ng to sa oras na makita ko sya? Ipapakita ko sa kanya kung anong kayang gawin ng Pamilya Samonte."
"Anong gagawin mo sa kanya??"
Hindi ako sinagot ni Kevin at niyakap nya nalang ako.
Kung ano naman ang balak nya ay uunahan ko sya, Bago nya pa magawa ang masama nyang balak ay wala na silang kapangyarihan.
AMANDA'S POV
Pagkapasok na pagkapasok palang ni Diosdado ay binigay ko agad sa kanya yung kahon na nakita ko.
"Oh anong meron dyan?"
"Dimo ba nakikita??? May nagpadala satin ng mga yan at may nakalagay na pangalan na Eloisa."
"Don't be so paranoid Amanda baka kagagawan lang yan ng isa sa mga kalaban natin."
"Sinong kalaban??? At bakit alam nya ang pangalan na Eloisa?! Posible kayang buhay pa si Eloisa at binabalikan nya tayo??"
"Amanda?? Patay na si Eloisa matagal na syang abo kasama ng asawa nya."
"Yung anak nya??? Merong anak si Eloisa na hindi natin napatay baka sya ang gumawa nito."
Bigla kolang naalala na nakatakbo ang anak ni Eloisa at hindi namin alam kung namatay bato o hindi ang sabi lang samin ng inutusan ay nabaril daw nila ito.
" After More than two years? Ngayon lang sya magpaparamdam? At kung buhay man ang anak ni Eloisa anong laban nya satin? Anong magagawa nya? Para lang syang ipis na kaya nating tapakan."
"Kailangan ko malaman kung anong nangyari sa anak ni Eloisa."
"Marami tayong dapat unahin Amanda hindi yang inaalala mo na wala namang kasiguraduhan."
"Wag mo na akong pakialam sa kung ano mang gusto ko ang unahin mo ay ang paghahanap sa susi ng AGILA na hanggang ngayon ay wala padin."
Isa pato sa problema namin hanggang Ngayon ay wala padin kaming nakukuhang impormasyon kung nasan ba talaga ang susing matagal nang nawawala.
Habang nagtatalo kaming mag-asawa ay may kumatok kaya naman agad kong binuksan yon.
"Madam Amanda meron pong kabaong sa tapat ng bahay nyo."
"What????!!!"
Gulat kong sabi. Kaya naman bumaba kami ni Diosdado para tingnan kung totoo ang sinasabi nya.
Sino naman kaya ang magdadala ng kabaong sa tapat ng bahay namin.
Paglabas namin ng bahay ay meron ngang puting kabaong na may kasamang bulaklak at nasa tapat ng bahay namin.
"Sinong naglagay nito??!!!" Galit na sigaw ni Diosdado.
"Boss hindi po namin alam nakita nalang po namin na nakalagay na sya dyan."
Dahil sa nangyari ay nakaramdam ako ng takot pero sa kabila non ay binuksan ko ang kabaong at napaatras ako sa nakita ko. May nakasulat na namang ELOISA pero may kasama pang
'MAGBABAYAD KAYO.'
.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil maging si Diosdado ay walang reaksyon. Tapos mayamaya pa ay may humintong itim na van sa tapat ng bahay namin at pagbukas ng pinto ay pinaulanan kami ng bala ng baril napayuko nalang kami ni Diosdado. Saglit yon at tumigil din sila.
"Anong tinutulala nyo dyan?? Habulin nyo yung Van nayon!" Sigaw ni Diosdado.
"See Diosdado? Buhay si Eloisa! At sya ang may kagagawan ng lahat ng to!"
"Patay na si Eloisa! Patay na sya!"
"Kung patay na sya sino pa ang gagawa nito???"
Maraming kaaway ang Pamilya namin pero bakit gagamitin nila ang pangalan ng isang taong patay na?
"Tama ka Amanda kailangan nga natin mahanap ang sinasabi mong anak ni Eloisa."
Kagagawan nga ba ito ng anak ni Eloisa?
Buhay pa nga ba sya? At ginagantihan nya kami Ngayon?
SCARLET'S POV
"Sigurado ako na nanginginig na sa takot ang mag-asawang Samonte."
"Sinabihan moba ang mga inutusan mo na wag silang papatay na kahit na sino?"
"Oo wag kang mag-alala."
"Hindi ko sila bibigyan ng katahimikan ako ang tatapos ng laban na sinimulan nila. "
"Scarlet kung ipautos mo nalang kaya sa mga tauhan ni Madam V. Na patayin ang mga Samonte para matapos na ang problema mo."
"Hindi tayo papatay Gray dahil hindi tayo mamatay tao naiintindihan mo ba ako? Oo pwede nating gawin yon pero pag nangyari yon ano pang pinagkaiba natin sa kanila?"
Yan ang hinding hindi ko gagawin ang pumatay ng tao dahil napakabigat na kasalanan yon.
Kahit ako na si Scarlet ay nanatili padin sa puso ko ang mga aral na binigay sakin nila Mama at Papa.
"Matanong kolang Scarlet? Kailan mo ipapakilala sa kanila kung sino kaba talaga?"
"Malapit na Gray, Malapit na. Pero sa ngayon damhin muna nila ang galit ni Scarlet dahil hindi nila magugustuhan kung makikilala pa nila si Vince."
Bago ko ipakilala sa kanila si Vince kailangan ko muna malaman kung anong nangyari kala Mama at Papa, Kung saan sila tinapon ng mga Samonte o kung buhay paba sila.
Si Scarlet ang nagsimula ng gera pero si Vince ang tatapos non. Makikita ng mga Samonte na ang tinapakan at inapi nila noon ay syang magpapabagsak sa matayog nilang pangalan.
# CHAPTER 26
SCARLET'S POV
...............
FLASHBACK
.....................
Pagdating namin sa tapat ng bahay ng mga Samonte ay nasa mainit na
tagpo
na sila at yung dala ni Papa na itak? Ay
itataga
nya pero.
"Pa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
"Mahal!!!!!!!!!!!!!!"
Sabay naming sigaw ni Mama ng masaksihan namin kung pano binaril si Papa ng isa sa mga tauhan ng mga Samonte. Agad namang lumapit si Mama kay Papa at niyakap ito.
"Mahal?????? Lumaban ka wag kang susuko."
"Mahal? Patawad kung hindi kita naipagtanggol."
"Wala yon. Hindi na mahalaga sakin yon dahil ang mas mahalaga ay ang kaligtasan mo."
Nakatulala lang ako sa mga nangyari dati sa mga palabas kolang nakikita ang mga ganitong eksena pero ngayon mismong sa Pamilya kopa nangyari.
"Wow? What a scene. Parang sa pelikula lang ang kaso sad ending dahil pareho kayong mamatay." Sabi nung isang babae.
Tiningnan nya ni Mama ng masama at sa sobrang galit ay
nasampal
sya ni Mama.
"Napakasama mo!!! Napakasama nyo!!! Hindi kayo mga tao!!! Mag dem*nyo kayo!!!!!!! Dem*nyo!!!!!!"
Isang malakas na sampal naman ang tumama kay Mama dahilan para matumba sya.
"Dem*nyo pala ha??? Pwes makikita mo kung sinong dem*nyo ang kinalaban nyo!!!"
Kinuha nung babae yung baril sa tauhan nya at binaril si Mama.
Doon palang ako nakagalaw sa
kinatatayuan
ko at tumakbo palapit sa mga magulang ko.
"Ma??? Pa???? Wag nyo akong iwan lumaban kayo."
"Anak? Lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin ng Papa mo at kahit wala na kami lagi mo sanang dadalhin ang mga itinuro namin sayo."
"Ma wag kayong magsalita ng ganyan, Makakaalis pa tayo dito.
Maliligtas
pa kayo."
"Anak umalis kana"
"Hindi ko kayo iiwan ni Papa."
"Makinig ka sakin Vince. Kailangan mong iligtas ang sarili mo iwan mona kami ng Papa."
"Pero Ma???"
"Vince wag matigas ang ulo mo! Takbo!!!!!!"
.............
END OF FLASHBACK
...........
"Ma? PA? Kung nasan man kayo sana maging masaya pinapangako na pagbabayadan ng mga Samonte ang pagpatay nila sa inyo."
Pagdating sa magulang ko ay nagiging mahina ako pero sa kabila nila sila din ang nagiging lakas ko.
"Umiiyak kana naman."
Pinunasan ko agad yung luha ko at humarap kay Gray.
"Kanina kapa ba dyan?"
"Hindi naman, Sakto lang na naabutan kitang umiiyak."
"Ako umiiyak? Hindi ah."
"Anong hindi?" Kinuha ni Gray sakin yung picture ni Mama at Papa."
"Magandang Gabi po Mama, Papa ako pa ang future asawa ng anak nyo kaya lang ayaw pa magpaligaw sakin eh pero doon nadin po papunta yon."
Natahimik ako bigla sa sinabi ni Gray.
Saan sya kumuha ng lakas ng loob para sabihin yon kala Mama at Papa.
"Bakit nakiki Mama at Papa ka? Anak kadin ba nila?"
"Sa ngayon hindi pa."
Naging seryoso ulit si Gray at bigla akong hinalikan, Halik ng pagmamahal at walang bahid ng pagnanasa.
"Gray?"
"Handa akong maghintay kahit gaano pa katagal scarlet, Hindi kita iiwan sa kahit anong laban mo poprotektahan kita kahit buhay kopa ang kapalit. Kaya ingatan mo ang sarili mo dahil papakasalan pa kita."
Hindi ko alam kung paano sasagot kay Gray dahil hindi pa ako handa.
"Kapag handa nako sasabihin ko sayo."
"Mahal na Mahal kita Scarlet handa akong maghintay."
Niyakap ako ng mahigpit ni Gray at ganon din ako sa kanya.
Balang araw magiging malaya din ako.
Balang araw magiging masaya din ako.
Balang araw magagawa konang mahalin ang mag taong nasa paligid ko na walang iniisip na mapapahamak sila.
KINABUKASAN
Alam kong haggang ngayon ay nagkakagulo padin ang mga Samonte dahil sa munting surpresa ko sa kanila kagabi.
Kaya naman naisipan ko silang bisitahin at tama nga ako dahil pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay ang daming tauhan na nakabantay sa tapat ng bahay nila.
"Pasensya napo Ma'am hindi po kayo pwedeng makapasok dahil mahigpit na ipinagutos samin na wag magpapasok ng kahit na sino."
"Hindi nyo ba ako nakikilala? Kaibigan ako ni Amanda."
"Pasensya napo pero hindi po talaga pwede."
"Kung gusto mo tawagin mo nalang si Amanda at sabihin mo na nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila at naghihintay."
Bumulong yung isang lalaki sa katabi nya at pumasok yon sa loob.
AMANDA'S POV
Pano ko ngayon hahanapin ang anak ni Eloisa? Saan ako magsisimula?
Kanina pako isip ng isip ng biglang napadaan si Manag Cecil Sa tapat ko.
"Manang?"
"Bakit po Ma'am?"
"Ikaw ang nagpasok dito kay Eloisa diba? At sa iisang lugar lang din kayo nakatira tama ba?"
"Opo ma'am bakit?"
"Simula ng nawala sila Eloisa may balita kapa ba sa anak nya? O nakita man lang?"
"Nako Ma'am simula po non hindi namin nakita ang anak nila ang sabi sabi ay namatay nadin daw kaya yung bahay nila ay naging abandonado."
"Ganon ba sige salamat."
Tumango lang si Manang at umalis na.
Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung ano ang nangyari sa batang yon at titigil lang ako kapag nasiguro kona na patay na sya.
"Madam meron pong babae sa labas ng bahay nyo na nagpupumilit pumasok ang sabi nya kaibigan nyo daw sya."
Sino naman kaya ang pupunta para mangistorbo.
Paglabas ko ng bahay ay si Scarlet lang pala.
SCARLET'S POV
"What are you doing here?"
"Ganyan ba dapat ang bungad ng isang kaibigan Amanda? Hindi ka man lang ba Makikipag beso-beso o papasukin man lang ako?"
Hindi nagsalita si Amanda at pinapasok nya nalang ako.
"Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo kagabi i was so scared wala bang napahamak sa inyo?" Alalang sabi ko.
"Ayos naman kami."
"Mabuti naman kung ganon. Sino naman kaya ang gagawa non sa inyo?"
"Kung sino man sya, Maling pader ang binangga nya."
Kahit kailangan hindi maling pader ang binangga ko at kahit pa katibay ang pader nayon ay hindi ako matatakot banggain dahil naging manhid nako sa sakit ng mga naiudulot nito.
"Scarlet can you do me a Favor?"
"Anything for you Amanda, Ano bayon?"
"Gusto ko sana samahan mo ako dahil mayroon tayong hahanapin na isang tao."
"Sino naman?" Takang tanong ko.
"Just wait a minute magbibihis lang ako then aalis na tayo."
Nauna na ako sa labas at doon ko nalang sya inantay sa may sasakyan ko.
"Let's go." Sabi ni Amanda pagkasakay na pagkasakay nya sa sasakyan ko na parang sya yung boss at ako ang driver.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa San Lorenzo dahil may hahanapin tayong isang tao."
"Yung lupang binili ko sayo? Sino naman don ang hahanapin natin?"
"Isang babaeng nagsimula ng kamalasan sa Pamilya namin. Si Eloisa, Pero hindi sya ang pinakapakay natin."
"Sino ba kasing Eloisa yan?"
"Isa sya sa naging katulong namin pero sinubukan nyang landiin ang asawa ko kaya tinuruan ko sya ng leksyon."
"Anong ginawa mo sa kanya?"
"Ginawa kong impyerno ang buhay nya dahil ayon naman talaga ang dapat sa mga malanding katulad nya."
Gustong gusto kong sakaliin si Amanda hanggang sa mawalan sya ng hininga dahil sa mga kinukwento nya sakin.
"Asan na sya ngayon?"
"Matagal ng inuuod sa lupa ang katawan nya kasama ng asawa nya dahil they tried to killed us mabuti nalang at naunahan namin sila."
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil hindi pa ito ang tamang oras para komprontahin sya.
Patay na nga ba ang mga magulang ko?????
"Pinatay nyo sila??"
"Self-defense lang ang nangyari dahil sumugod ang asawa nya at pinagbintangan pa ang asawa ko na ginahasa daw nito si Eloisa."
Napakasinungaling nya nandon ako nang patayin nila sila Mama at Papa kaya hindi jya ako maloloko.
Oo sumugod si Papa pero kasalanan nila yon dahil sinaktan at binaboy nila ang Mama ko.
"Kung patay na sila sino pa ang hahanapin natin?"
"Ang anak nila. Dahil hindi ko sigurado kung namatay ba ang anak nila, Nakatakbo sya ng gabing yon at wala na kaming balita simula non."
"Anak? Bakit bigla mo naman gustong hanapin ang anak nila?"
"Dahil sigurado ako na may kinalaman sya sa mga nangyayari samin."
"Sorry Amanda pero naghihinala kana naman na walang basehan matagal na napanahon yon kung talagang anak ni Eloisa ang may kagagawan bakit ngayon lang? Hindi noon? Dapat noon palang sinumbong na niya kayo sa mga pulis."
"Sinama kita para tulungan ako hindi para kontrahin ako, Okay."
Wag kang mag-alala Amanda makikilala modin ang anak ni Eloisa at Arthur kaya ngayon palang maghanda kana.
"FYI Amanda humingi ka ng favor sakin remember? Kaya higit na mas kailangan mo ang opinyon ko."
Ma, Pa? Kung asan man kayo hahanapin ko kayo pinapangako koyan.
Pagdating namin sa San Lorenzo ay diring diri si Amanda gusto ko sana syang pagtawanan kaya lang baka lalo syang magalit.
"Kadiri naman dito."
"Alam mo kasing eskwaters ang pupuntahan natin nagsuot ka ng ganyan."
Gusto kong matawa kay Amanda pero nagpipigil lang ako pano ba naman kasi naka heels pa sya.
"Ahh! Kainis!"
"Saan ba kasi tayo magsisimula?"
"Hindi ko alam, Magtanong tanong nalang siguro tayo."
Kunwari ay wala akong alam at hinayaan ko nalang sya na magtanong at may isang lakaking sinamahan kami papunta sa dati naming bahay.
"Lumang luma na ang bahay at mukhag wala ng nakatira."
"Gusto kolang makasiguro na wala na talagang nakatira."
Parang tanga si Amanda na pasulyap sulyap sa labas ng bahay.
"Sino kayo???"
Napatingin kami sa babaeng nagsalita.
"Amanda Samonte? Scarlet Delgado?"
"Mabuti naman at kilala mo kami."
"O-oo naman, Bakit kayo nasa tapat ng bahay nila Vince? Anong kailangan nyo dyan?"
"Sa bahay nato wala, Pero sa Vince na sinasabi mo? Meron. Asan sya?"
"Matagal na syang wala, kasama ng buong Pamilya nya bigla nalang silang naglaho na parang isang bula kaya mula non ay inisip nalang namin na wala na sila."
Hindi nagkakalayo ang bahay namin ni Monica halos magkatapat lang kaya mapapansin nya talaga kung may mga taong pupunta dito.
"Totoo bayang sinasabi mo?" Tanong ulit ni Amanda.
"Oo totoo ang sinasabi ko, Matagal na silang wala. Patay na siguro sila."
"Kung ganon wala na kaming mapapala dito."
"Bakit ba bigla nyong hinahanap ang mga dating nakatira dyan? Lalo na si Vince noong nakaraan lang ay pumunta dito ang anak mo at hinahanap din si Vince."
"Sino si katelyn?"
"Siya nga pero wala din syang napala."
"Mukhang patay na nga talaga ang mga nakatira dito, Lets go Scarlet." Yaya sakin ni Amanda at naglakad sya.
"Ano man ang malaman mo tungkol sa Vince nayon ay wag na wag mong sasabihin kay Amanda o sa kahit na sino dahil maaring malagay sa panganib ang buhay nya."
"Ha? Patay na si Vince kaya panong malalagay sa panganib ang buhay nya?"
"Basta sundin mo nalang ang sinabi ko."
Sumunod na ako kay Amanda at baka magtaka pa sya kung bakit ang tagal ko.
Gustong gusto konang magpakilala kay Monica na ako si Vince pero hindi pa ito ang tamang panahon.
"Ano na ngayon ang balak mo Amanda? Patay nadaw yung sinasabi mong anak ni Eloisa, Baka naman kasi galing yon sa iba nyong kaaway."
"Pero pano nya naman nakilala si Eloisa?"
"Maraming paraan ang mga tao ngayon, lahat ng baho mo ay hahalungkatin nila sa kahit na anong paraan para lang masiraan ka."
"Ganon kadin ba sa mga kalaban mo?" Biglang tanong sakin ni Amanda.
"Oo kaya mahirap akong kalaban dahil marami akong kayang gawin."
"Pareho lang pala tayo, Kami din mahirap kalaban ang Pamilya ko kaya kung sino man ang magtatangka? Kamatayan lang din ang naghihintay sa kanya."
"Nakakatakot pala ang Pamilya nyo."
"Wag ka matakot Scarlet. Hindi ka naman kaaway diba? Hindi nga ba? Scarlet?"
Pakiramdam ko ay hinuhuli na naman ako ni Amanda.
"Of course. Magkaibigan nga tayo diba? Eh ikaw Amanda kaibigan ba ang turing mo sakin? Hindi kana ba gagawa ng mga bagay na ikapapahamak ko? Ngayon palang sasabihan na kita iba ako magalit Amanda. Ibang iba."
"O-oo naman."
Wala na akong nararamdamang takot Ngayon dahil mas nangingi babaw ang makaganti ako sa Pamilya sa Samonte at mabigyan ko ng Hustisya ang nangyari sa Pamilya ko pero kailangan ko padin mag-ingat para hindi nila malaman kung sino ba talaga ako.
# CHAPTER 27
DIOSDADO'S POV
"Boss nandito na po ang mga babaeng pinakuha nyo."
Ipinakita sakin ng mga tauhan ko ang mga babaeng nakuha nila.
"Pakawalan nyo po kami!!!!"
Sigawan nila mga lagpas sampu ang mga nakuha nilang babae.
"Siguraduhin nyong hindi sila makakatakas kung kinakailangan itali nyo sila gawin nyon at kumuha pa kayo ng maraming babae dahil kakailanganin natin ng maraming babae."
"Ano po bang gagawin natin sa kanila?"
"Ibebenta natin sila Salazar. Sigurado ako kikita tayo ng limpak limpak sa mga babaeng yan ha ha ha."
Sabay kaming nagtawanan dahil sa magandang ideya na naisip ko.
"Ganon ba boss? Uutusan kopa ang mga tauhan natin na kumuha ng mga babae."
"Magaling Salazar."
Mukhang kikita na naman ako ng milyones nito dahil sa mga babaeng nakuha namin.
Pero kailangan kopa din mahanap ang susi ng AGILA dahil kinakailangan kona makuha ang nasa loob non.
SCARLET POV
"Scarlet ano bang ginagawa natin dito?" Tanong sakin ni Kevin.
"Kevin? Diba nga sabi ko sayo na mabibigay ako ng konting tulong sa mga taga dito?"
"Bakit ba parang special ang mga tao dito? Nung una binili mo ang lupa at binigay mo ng libre sa kanila tapos ngayon bibigyan mopa sila ng tulong baka mamihasa ang mga yan."
"Kevin? Sobra sobrang blessings ang dumadating sakin kaya dapat lang na ishare kodin."
"Ang akin lang naman Scarlet ay baka abusuhin ka."
"Hindi ako tanga Kevin alam ko ang ginagawa ko kaya please lang hayaan muna ako pera ko naman ang ginamit ko dito."
Gusto kolang tulungan ang mga kalugar ko dahil naging bahagi din sila ng pagkatao ko at Ngayon nakakaangat ako ay gusto ko silang bahagian ng kung anong meron ako kahit sa maliit lang na paraan.
Kaya naman nagpatulong ako kay Gray na bumili ng maraming package groceries para ipamigay sa mga tao dito.
"Ma'am Scarlet tara napo."
Biglang hinawakan ni Gray ang kamay ko at akmang maglalakad na pero pinigilan kami ni Kevin.
"Bitawan mo nga sa kamay si Scarlet driver kalang diba?"
"Bakit sir? Masama ba?"
Mukhang may tensyon na naman sa dalawang lalaki nato. Gusto kong kurutin si Gray dahil alam kong inaasar nya lang si Kevin.
"Pwede ba wag na kayo magtalo?? Gray tara na. Ikaw kevin kung ayaw mo sumama antayin mo nalang kami sa van."
"Hindi. Sasama ako pero may kukunin lang ako sa Van muna na kayo."
Tumango nalang ako at naglakad na kaming dalawa ni Gray nauna na kasi don ang iba pa naming kasamahan at dahil malayo na kami kay Kevin ay nakurot ko na sya.
"Aray ba't moko kinurot?"
"Next time wag mo hahawakan ng bigla ang kamay ko lalo pa't nandon si Kevin."
"Bakit masama ba? Girlfriend kana ba nya? Hindi pa naman ah? Atsaka masama ba hawakan sa kamay ang future girlfriend ko?" Nakangiti nyang sabi sabay kiss sa pisngi ko kaya Kinurot ko ulit si Gray.
"Ano kaba! Baka may makakita"
"Wala namang tao eh. Pero kung hindi mo talaga ka talaga humarang kanina? Baka naupakan kona yung lalaking yon napakayabang eh."
"Gray ikaw ang mas may malawak na pag-iisip kaya sana habaan mopa ang pasensya mo."
Nauna nako maglakad kay Gray dahil inaasar na naman nya ako walang pwedeng makaalam na may namamagitan samin lalo ni Kevin dahil baka masira lahat ng plano ko.
Pagdating namin sa may covered Court ng lugar ay madami ng taong nagaabangan nakakatuwa lang kasi nakikita ko na sobrang excited sila. Lumapit agad ako sa may gitna at nagsalita.
"Magandang araw po sa inyong lahat. Ako po si Scarlet Delgado ako po yung nakabili ng lupang kinatitirikan ng mga bahay nyo at sinabi ko po sa aking attorney na ibigay sa inyo ang titulo para wala ng sino man ang magpapaalis sa inyo dito." Nagpalakpakan sila sa mga sinabi ko. Makakatulog na sila ng maayos dahil hindi na nila iisipin na may magpapaalis sa kanila. " At nandito po ako para magbigay ng konting tulong sa inyo sana po ay makatulong."
////
Isa-isa naming pinamigay ang mga dala naming konting donasyon at kasama din si Kevin at Gray na nagabot mabuti nalang at sa ganitong sitwasyon ay nagkasundo sila.
Balang araw makikilala din nila ako bilang ako at maipagmamalaki ako ng mga taga lugar ko at sasabihin nila na dito sya lumaki.
Halos lagpas isandaang katao ang nabigyan namin ng tulong at lahat ay sobrang nagpapasalamat.
"Ms. Delgado salamat po dito sa bigay nyo."
"Wala pong ano man."
Nakakataba ng puso na makita ang magagandang ngiti nila sa kahit konting tulong ay masaya na sila.
Nagpasalamat sakin lahat ng mga taong nabigyan ko at kabilang nadon si Monica.
"Ms. Delgado maraming salamat po pala dito sa tulong nyo napakabuti nyo po talaga."
"Walang ano man."
"Pano po mauna napo ako, Salamat po ulit dito."
Hindi pa man nakakaalis si Monica ay tinawag ko ulit sya.
"Be sandali. I mean Monica."
Napatingin agad sya sakin ng marinig nya ang sinabi ko.
"Bakit Ms. Delgado?"
"Scarlet nalang ang itawag mo sakin."
"Nakakahiya naman sayo kung Scarlet lang ang itatawag ko."
"No it's okay hindi naman nagkakalayo ang edad natin."
"Bakit mo nga pala ako tinawag Scarlet?"
"Ahh kasi wala akong contact sa mga taga dito since ikaw ang kakilala ko ay sayo kona ibibigay ang calling card ko para if ever na kailangan nyo ng tulong tawagan nyo lang ako."
"Nako maraming salamat Scarlet napakabait mo samin."
"Walang ano man."
Umalis nadin si Monica dala ang binigay kong konting tulong, Na mimiss kona mayakap ang kaibigan ko pero wala akong magawa dahil hindi ko pwede ipakilala kung sino talaga ako.
"Scarlet mauna na tayo."
Tumango nalang ako kay Kevin at umalis nadin kami.
Naiwan sila Gray dahil aayusin pa nila ang mag natira at naiwan don kaya si Kevin nalang ang maghahatid sakin pauwe.
MONICA'S POV
"Napakabait talaga ni Ms.Delgado noh? Biruin mo binigay na nya yung lupa satin tapos nagbigay pa sya ng konting tulong."
"Kaya lang Ma weird noh?"
"Anong weird ka dyan? Ang ganda ganda kaya nya."
"Para syang kabuti na bigla nalang sumulpot sa bayan natin."
"Kung kabote man sya? Isa syang kaboteng anghel kasi kung hindi sya dumating baka hanggang ngayon ay wala padin tayong matitirhan."
Nakakahanga nga ang kabaitang pinapakita ni Scarlet kahit na mayaman sya ay hindi nya padin nakalimutan ang tumulong.
Pero hindi padin mawala sa isip ko ang pagtawag nya saking Be? Bakit nya ako tatawagin ng ganon? Eh hindi naman kami magkakilala talaga.
Isa lang ang tumatawag sakin nyan si Vince lang yung kaibigan ko.
Pero bakit tinawag nya akong Be?
Siya ba si Vince?
Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa naisip ko nagugutom na ata ako haha si Vince magiging si Scarlet? Imposible naman ata yon.
////
"Kasalukuyan Ngayon pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga babaeng nawawala at di umano ay iisang sindikato lang ang nasa likod nato."
Grabe na talaga ang nangyayari sa mundo hindi natapos tapos ang mga problema pasama ng pasama ang mga nangyayari.
"Ikaw anak kapag gabi wag na lalabas ng bahay dahil uso ngayon ang mga nanguguha ng mga babae lalo pa't dalaga."
"Eh Ma? Pano yung trabaho ko eh gabi ang uwe ko."
"Ipapasundo nalang kita sa mga kuya Mo mahirap na."
"Ano kayang ginagawa nila sa mga babaeng dinudukot nila?"
"Sigurado ako na binebenta nila ang mga babae sa mga matatandang mayayaman syempre ang kapalit ay pera."
Nakakatakot na tuloy lumabas ngayon pero syempre kailangan kopa din magtrabaho dahil wala kaming kakainin.
"Pero hindi kaba nagtataka anak? Dahil dito lang sa lugar natin binabalitang may nawawala? Kaya sigurado ako na taga dito lang din ang sindikato."
Biglang naging seryoso si Mama at parang alam nya kung sino ang mga ito.
"Bakit Ma? Sino kaya sa tingin mo ang gagawa nito."
"Isa lang ang gagawa nito ang mga Samonte."
"Pano nyo po nasabi?"
"Mayaman ang mga Samonte pero lahat yon galing sa hindi maganda. Wala akong ibedensya pero malakas ang sabi sabi at sila lang ang kilala ko na gagawa nito."
"Sigurado kaba dyan Ma? Baka mamaya fake news ka ha?"
"Hay nako anak, Yung nanay ng kaibigan mo? Si Vince? Diba doon yon nagtrabaho sa mga Samonte? Tapos ngayon isang buong Pamilya sila na bigla nalang naglaho.."
"Sa tingin nyo din ba Ma na may kinalaman sila?"
"Wag na nga natin sila pag-usapan ikaw kumain kana muna at bukas wag ka uuwe hanggat wala pa mga kuya mo don."
Grabe ilang babae na ang nawawala sa lugar namin at ilang araw palang ang nakakalipas.
Samonte nga ba ang may kagagawan nito? At sa nangyari sa Pamilya ni Vince.
KEVIN'S POV
Hinatid ko si Scarlet hanggang sa tapat ng bahay ng Tita nya doon daw muna sya matutulog para may kasama sya.
"Pano Kevin mauna nako, Ingat ka sa pag-uwe."
"Scarlet sandali lang."
"Bakit may sasabihin kaba?"
"Ah eh ano kasi, Gusto ko sana malaman yung sagot mo sa tanong ko doon sa mall? Kaso biglang nanggulo si Grace. Scarlet can you my Girlfriend?"
Dirediretso kong tanong na ikinatahimik nya bigla kaya medyo kinabahan ako dahil baka ireject na nya ako ng tuluyan.
"Kung hindi kapa handa o-okay lang naman maghihintay nalang ako."
"Sorry Kevin ang dami lang talagang nangyari alam mo naman yon diba? But I think this is the right time para sagutin ko tanong mo."
Kinakabahan talaga ako sa sagot ni Scarlet dahil baka mag hindi ulit sya.
"It's a yes."
Parang nabingi ako sa naging sagot nya at gusto sumabog ng puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.
"Yes??? Pumapayag kana????"
Tumango lang sya sakin at sa sobrang saya ko napayakap ako sa kanya ng mahigpit.
"Hindi ako makahinga Kevin."
"Sorry na tuwa lang talaga ako, Hindi ako makapaniwala na girlfriend na kita ngayon."
"Totoong totoo to Kevin."
"Salamat Scarlet promise hindi ka magsisisi mamahalin kita at hindi kita sasaktan."
"Pero may isa lang akong hiling sayo, Ayoko sana na makikialam ang mommy at daddy mo sa relasyon natin syempre tayong dalawa ang nagmamahalan diba? At hindi naman sila?"
"Oo Scarlet wag kang mag-alala."
////
Masaya akong umuwe sa bahay namin at sinalubong ako ni Mommy.
"Kevin? Bakit naglalabas kana? Alam mong nagkalat ang mga kalaban natin."
"Ayos lang po wala namang nangyaring masama sakin."
"San kaba nanggaling?"
"Sinamahan kolang si Scarlet na mamigay ng tulog doon sa mga taga San Lorenzo."
"Alam mo nahihiwagaan talaga ako sa babaeng yan ah? Parang ang bait bait nya sa mga taga san lorenzo ano kayang meron?"
"Mom? Pinag-iisipan mona naman ng hindi maganda si scarlet sadyang mabait lang talaga sya. Diba ilang beses kana din nyang tinulungan."
"Ang akin lang naman is hindi pa namin sya ganon kakilala."
"Mabuting babae si Scarlet at mahal na mahal ko sya kaya sana itigil nyo na ang paghihinala sa kanya dahil kung may balak talaga syang masama bakit hanggang ngayon wala syang ginagawa?"
"Kevin baka ginayuma kana ng babaeng yan kaya Ngayon ay patay na patay ka sa kanya."
"Please lang Mom ayokong magtalo pa tayo kaya next time wag monang pagsasalitaan ng hindi maganda ang Girlfriend ko."
"What did you say?"
"Girlfriend kona si Scarlet and soon she will be part of our family."
Pagkatapos kong sabihin yon ay umakyat nako sa kawarto ko.
Magiging akin din si Scarlet at wala ng ibang makakaagaw pa sa kanya kaya lahat ng hahadlang ay papatayin ko.
# CHAPTER 28
SCARLET'S POV
"Gray may sasabihin ako sayo."
"Ano yon?"
"Kami na kasi ni Kevin."
"Talaga? Congrats sa inyo."
Biglang akong na guilty sa sinabi ko dahil biglang nag-iba yung awra ni Gray.
"Galit kaba?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi. Ba't naman ako magagalit? Wala naman akong karapatan diba? Ano nga ba ako sayo?"
Hindi daw sya galit sakin pero tinalikuran nya ako at naglakad palayo. Pero hinabol ko sya at niyakap mula sa likod.
"Gray mahalaga ka sakin kung alam mo lang."
Humarap naman sya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Scarlet bakit hindi? Mahal kita at lahat gagawin ko para lang sa pag-ibig ko sayo kahit ano sabihin mo lang."
"Alam mo kung anong sagot dyan sa mga sinabi mo. Antagal kong inantay to nandito nako hindi nako pwede umatras pa."
"Pero Scarlet? Dahil sa ginawa mong pagsagot kay Kevin ay lalo molang inilalapit sa piligro ang buhay mo."
"Hindi ako natatakot mamatay, Kung kapalit naman non ay makuha ko ang hustisyang kinakailangan ko."
"Pero ako natatakot ako! Natatakot ako na mawala ka sakin!"
Ramdam ko yung pag-aalala sakin ni Gray pero wala ng makakapigil pa sakin.
"Gray kung talagang mahal moko ay hahayaan moko sa mga gusto."
Binitawan ni Gray ang mga kamay ko at naglakad na palayo ayaw ko syang magalit sakin pero wala akong magagawa.
Naglakad nalang ako papuntang pool at dinamdam ang malamig na haplos ng hangin.
"How's your day Scarlet?"
"Kayo po pala Tita. Okay naman po namigay lang po kami ng konting tulong sa mga kabarangay ko dati."
"Masaya ako dahil hindi ka nakakalimot sa pinanggalingan mo."
"Yun po kasi ang turo ng mga magulang ko sakin nung nabubuhay pa sila. Mahirap maging mahirap kaya kung alam mong may kakayahan kang makatuling bakit hindi."
" Ano na palang susunod mong plano Scarlet ngayong hulog na hulog na si Kevin Samonte sayo? At nagawa mo ding takutin ang Pamilya nya."
"Gusto ko muna malaman kung anong nangyari sa mga magulang ko nung gabing pinatay sila."
"So anong gagawin mo?"
"Mag-iimbistiga ako sa bahay nila Tita baka sakaling may makita ako kahit isang palatandaan lang."
"Mag-iingat ka Scarlet."
"Salamat sa paalala tita. Lagi po talaga ako mag-iingat."
"Siya nga pala na ayos nadin ni Mr. Prieto ang mga papers na inutos mo sa kaniya ano nang susunod don?"
"Hahayaan muna natin na magpakasasa ang mga Samonte sa yaman na tinatamasa nila ngayon at sosorpresahin ko sila sa pinakaka importanteng araw nila."
"Magaling Scarlet ang ibang iba kana talaga hindi na ikaw ang dating mahina at walang kalaban laban."
"Lahat po ito ay dahil sa inyo, Utang kopo ang lahat ng ito."
Kung wala si Tita wala ako ngayon sa kinalalagyan ko.
Walang Scarlet na mabubuhay at maghihiganti sa mga taong walang puso.
AMANDA'S POV
"Siguro naman may update kana tungkol sa pinapahanap ko sayo?"
Umupo sa harap ko yung investigator na inutusan ko.
"Si Vince Andrada ang kaisa-isang anak ni Eloisa at Arthur Andrada." Pinakita nya sakin yung larawan ng anak ni Eloisa at tinuloy ang pagsasalita. "Huli siyang nakita sa lugar nila dalawang taon na ang nakakalipas at simula non ay bigla nalang syang nawala na parang isang bula maging ang mga kapitbahay nila ay hindi alam ang tunay na nangyari sa kaniya at nakakapagtaka pa nito ay buong Pamilya silang nawawala."
"Yung mga kamaganak nila anong sabi? Baka naman nandon lang si Vince?"
"Wala din silang Alam Madam Amanda maging sila ay nagtataka sa kung anong nangyari sa Pamilya Andrada."
Hindi ko alam pero napaparanoid ako dahil posibleng ang anak ni Eloisa ang nasa likod ng lahat nang kamalasang nangyayari samin ngayon.
"Ano sa palagay mo? Mahahanap mo pa kaya yang Vince nayan?"
"Nabanggit nyo po sakin last time na doon nagtrabaho sa inyo si Eloisa? Hindi ba sya nagpaalam sa inyo? Siguro naman may mga cctv malapit sa subdivision nyo na pwede nating makuhaan ng clue."
Nabuhayaan agad sa sinabi nya tama sya! Yung mga CCTV pwede kong magamit yon para malaman kung ano ba talagang nangyari sa anak ni Eloisa.
"Tama ka, Yung mga CCTV footages. Ito na yung bayad ko sayo i have to go."
Inabot ko agad sa kanya ang perang bayad ko at nagmadali nang umalis.
Kailangan ako mismo ang makakita sa CCTV FOOTAGE nayon.
Hindi ko din kasi sinabi sa Investigator ang totoong nangyari na sa may subdivision namin huling nakita ang anak ni Eloisa mahirap na at baka malaman nya pa ang nangyaring krimen ng gabing yon.
SCARLET'S POV
Pagdating ko sa bahay ng mga Samonte ay wala akong naabutang Tao pero nagdirediretso padin ako ngayong malaya ako nakakalabas pasok ay pwede konang umpisahan ang paghahanap.
Umakyat ako papunta sa kwarto ni Amanda dahil sigurado ako namay tinatago sya don Pero nakasarado yon kaya naman pilit koyong binubuksan.
"Anong ginagawa mo? Bakit mo binubuksan ang kwarto nila Ma'am Amanda?"
Hindi ko inaasahan na makikita ako sa akto ni Manang Cecil na binubuksan ang kwarto ng amo nya.
"Manang kayo pala? Kanina kopa kasi hinahanap si Amanda kaso hindi ko sya makita pati si Kevin wala din. Wala ba sya dito sa kwarto nila?"
"Umalis si Ma'am Amanda kanina, Si Kevin naman ay sinama ng Daddy nya."
"Ganon ba? Saan naman daw sila pupunta?"
"Wala silang sinabi sakin."
"Akala ko kasi nandito si Amanda sa kwarto nya kaya bubuksan ko sana mabuti nalang at dumating kayo. Pakisabi nalang sa kanila na pumunta ako ngayon."
Tumango lang si Manang Sakin at umalis nadin.
Asan kaya ang mga Samonte?
Anong ang pinagkakaabalahan nila?
Palabas na sana ako ng bahay nila ng biglang dumating si Amanda.
"Oh Amanda san ka nanggaling?" Nakangiting tanong ko.
"May inasikaso lang ako."
Nagmamadali syang umakyat sa kwarto nya at saglit lang ay bumaba na ulit.
"Bakit nagmamadali ka? Kakadating molang aalis ka ulit?"
"May importante akong aasikasuhin ngayon Scarlet."
"Gaano bayan kaimportante at hindi mo ako makausap."
"May clue nako kung pano ko makikita ang anak ni Eloisa."
"T-talaga?"
"Oo at yon ang aalamin ko ngayon."
Mukhang siguradong sigurado sya sa nalaman nya.
"Kung ganon dapat nga na malaman mo kung talagang buhay pa yang anak ni Eloisa para matapos na ang mga iniisip mo. Pwede kitang samahan kung gusto mo."
"Ikaw bahala."
Yan lang yung sinabi nya at lumabas na sya ng bahay syempre sumama ako sa kanya dahil kailangan kong malaman kung may makukuha syang palatandaan na buhay pa nga ako.
Paglabas namin ng bahay nila ay tiningnan nya ang paligid at doon ko din napansin na madaming cctv's ang nakalagay.
Agad kaming sumakay sa sasakyan at pumunta sa nagooperate ng mga Cctv.
"Kayo pala Misis Samonte? Anong kailangan nyo?"
"Meron lang akong gustong balikan at kailangan kong makita sa CCTV malapit sa tapat ng bahay namin."
"Pasensya napo Misis Samonte hindi po pwede mag pareview ng Cctv kung walang request galing sa Presidente ng Samahan dito sa subdivision nyo ako po ang malalagot." Kabadong sagot ng cctv operator.
"Hindi ka malalagot kung hindi mo sasabihin diba? Eto ang pera para manahimik kalang."
Kumuha si Amanda ng pera sa bag nya at inabot sa lalaki.
"Basta po wala na sanang makakaalam nito."
"Oo naman ako paba?"
Sinabi ni Amanda ang exact date and time ng ipapareview nya at pinalabas nya din yung lalaki.
Sabay naming pinanood ang nangyari nung gabing yon. Hindi man rinig ang boses pero napakasakit na makita ulit ang ginawang pagpatay sa mga magulang ko.
Gusto kong magwala pero kailangan kong ikalma ang sarili ko.
Ang sumunod na nangyari ay ang paghabol sakin ng mga tauhan nya at doon ay nabaril ako pero hinintuan ako ng isang Van at isinakay ako.
"OMG! I can't believe this! Buhay ang anak ni Eloisa!"
Kitang kita ko ang takot sa mukha ni Amanda si Vince palang yan ha? At hindi pa si Scarlet.
"Amanda wag kangang ma paranoid dyan"
"Panong Hindi ako mapaparanoid? Buhay ang anak ni Eloisa nakita mo naman na sinakay sya sa isang Van."
"Baka naman mga tauhan mo din ang may ari ng Van nayan?"
"No, Hindi amin ang Van nayan."
"Kung buhay nga anak ni Eloisa bakit hindi sya dumiretso sa mga pulis para isumbong ang mga nangyari diba?"
"Hindi ko alam kung bakit, Pero kailangan kong makita ang Vince nayan."
"Bakit ba kasi yang anak ni Eloisa ang pinag-iinitan mo ngayon? Ano naman ang magagawa nya sa inyo?"
"Sigurado ako na may kinalaman sya sa lahat ng nangyayari samin ngayon."
"Amanda sa dami ng kaaway nang Pamilya nyo hindi mo na alam kung sino ang gagawa ng hindi maganda sa Pamilya nyo at kung ako man ang Vince nayon? Bakit after 2 years saka lang magpaparamdam? For what?"
"Para ipaghiganti ang nangyari sa Pamilya nya."
"Sa tingin moba makakaya nya yon? Para lang syang ipis na kayang kaya nyong tapakan dahil isa lamang syang anak mahirap anong magagawa nya?"
"Malay mo tinulungan sya ng mga nakakuha sa kanya at ngayon bumabalik sya."
" Malay? Malay mo.Yan kana naman Amanda puro kana naman tamang hinila wala kana namang basehan sa mga hinala mo."
"Akala koba kaibigan kita? Why don't you just support me? Hindi Yung kontra ka ng kontra sakin."
Gusto kong matawa kay Amanda dahil hindi sya mapakali ngayong nalaman nya nabuhay ang anak ni Eloisa na buhay ako!
"Well ano pa nga ba ang magagawa ko? Future mother in law."
Sisiguraduhin ko na walang makukuhang kahit konting clue si Amanda tungkol sa nangyari sakin mamatay lang sya kakaisip kung nasan ba talaga ako.
KEVIN'S POV
Sinama ako ni Daddy sa isa mga secret places ng Pamilya namin dahil may gusto daw syang ipakita sakin.
"Parang awa nyo napo! Pakawalan nyo na kami!!!"
Ipinasok ng mga tauhan ni Daddy ang hindi bababa sa sampong mga kababaihan.
"Dad anong gagawin mo sa kanila?"
"Ibebenta ko sila sa mga mayayamang foreigners at sigurado ako nakikita ako ng malaki."
"Pero bakit nyo pa ako isinama dito?"
"Dahil balang araw ikaw ang magmamana ng lahat ng mga businesses ng Pamilya natin kaya ngayon palang ay hahasain na kita."
"Hindi mona kailangan ipaalala sakin yan Dad dahil matagal konang alam yon."
"Very good Kevin. Gusto mobang tikman ang isa sa kanila? Pumili kalang."
Tiningnan ko ang mga babae at lahat sila ay magaganda at kahit sinong lalaki ay maaakit sa kanila.
"Hindi na Dad. Meron nakong Scarlet kaya hindi kona kailangan pang maghanap ng iba at ayaw kona maulit yung katulad ng kay Grace."
"Kevin, Kevin masyado kanang nahuhumaling sa babaeng yon ano bang pinakain nya sayo? Hindi naman masama tumikin ng ibang putahe."
"Salamat nalang Dad."
Hindi nadin ako napilit ni daddy dahil alam nya kapag gusto ko talaga ay kanina kopa sinumgaban ang mga babaeng nasa harapan ko.
# CHAPTER 29
SCARLET'S POV
Inimbitahan ako ni Kevin at Katelyn na dumalo sa party na inorganize nilang dalawa dahil gusto daw nilang magpasalamat sa patuloy na paglago ng mga negosyo at pananatiling matatag ng Pamilya nila.
Pero sigurado ako na pakana lang to nila Amanda para ipakita sa iba na hindi sila naghihirap kaya lang Hindi nila ako maloloko hahayaan ko muna sila na magsaya ngayon dahil kapag katapos nito?
Mawawala na ang lahat lahat sa kanila.
"Ate Scarlet buti nakadating ka."
"Pwede bayon? Syempre inimbitahan nyo ako ng kuya mo kaya pupunta talaga ako."
"Ang ganda ganda mo talaga Ate kaya hindi ako magtataka kung bakit ka nagustuhan ng kuya ko at hindi lang yon mabait pa."
"Ikaw talaga maganda kadin naman ah?"
"Asan na pala si Kuya bakit ikaw lang mag-isa?"
"Magbibihis lang daw sya pero papunta nadin yon."
"Maiwan na muna kita ate Scarlet pupuntahan kolang yung ibang bisita."
"It's okay ayos lang ako dito."
Habang hinihintay ko si Kevin ay dumating si Sabrina at hindi na sya nag-iisa.
"Mukhang maling Party ata ang napuntahan mo Scarlet, Pool Party to ba't ganyan ang suot mo? Ang manang."
Tumawa si Sabrina pati yung dalawang babaeng kasama nya pero kumalma lang ako.
"Oo nga Girl yan ba yung bago ni Kevin?" Sabat naman ng isang isa.
Ang ginawa ko ay hinubad ko ang suot kong balabal at bumungad sa kanila ang suot kong color Scarlet na two piece.
"Sorry ha? Ang init kasi baka mangitim ako, Mukhang manang parin ba ang suot ko?"
Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Sabrina na may pagkahalong inis.
Kung ano man ako ngayon ay pinaghirapan ko tinuruan ako ni Tita Violet na maintain ang magandang katawan dahil magiging sandata kodin daw ito sa mga mapupusok na kalaban.
Ilang saglit pa ay dumating na si Kevin at maging ito ay namangha sa nakita nya.
"Wow, Scarlet?"
Lumapit ako kay Kevin at hinawakan ang mukha nya at akmang hahalikan sya. Pero hindi pa man nakakalapit ang mukha ko ay umalis na si Sabrina kasama yung dalawa nyang alalay.
"Oh Kevin Bat ganyan ka makatitig sakin? Pangit ba yung suot ko?"
"No Scarlet. Napakaganda mo."
Sige lang Kevin maglaway ka sa nakikita mo pero hanggang tingin ka nalang.
Pinulot ko yung balabal na tinanggal ko at sinuot ulit.
"Ikaw din Kevin napaka Gwapo mo."
Hindi naman maikakaila na may itsura nga si Kevin pero ano mang ganda ng panlabas nyang katauhan ay lumalabas padin ang sungay nya.
Ipinakilala ako ni Kevin sa iba pang mga bisita ay doon ko napansin na karamihan sa mga tauhang nagbabantay don ay may markang agila.
Bigla kong naalala ang Susi na hawak ko. Para san nga kaya talaga yon?
Konektado ba talaga yon sa mga Samonte?
At sinabi sakin ni Gray na Kuko, Pakpak at Mata ng AGILA? SINO SINO sila?
Marami pa nga talaga akong hindi alam sa mga Samonte pero ayon ang aalamin ko ngayon.
Nakakagawa ng ganito kasaya at engrandeng party ang mga Samonte kahit na galing sa masama ang perang ginamit nila.
"Scarlet saglit lang ha? May kakausapin lang ako."
Tumango lang ako kay Kevin at umalis na sya nilinga linga ko ang paligid at nakita kong nakapaligid ang mga tauhan nila Diosdado.
Habang naglalakad ako ay may isang Pamilyar na mukha akong nakita.
Hindi ako pwedeng magkamali sya yung lalaking isa sa mga tauhan nila Diosdado na nandon ng gabing mapatay ang mga magulang ko.
Umalis yung lalaki pero sinundan ko sya hindi sya pwedeng makawala.
Sobrang bilis ng tibok ng puso dahil baka ito ang sagot sa matagal konang pinagdarasal ang malaman kung anong nangyari sa mga magulang ko.
"Ikaw!? Sandali?!"
Naglakad ng mabilis yung lalaki kaya naman sinundan ko agad sya hanggang sa makalabas kami ng hotel.
"Sandali lang!" Sigaw ko sa kanya na ikinatigil nya at humarap sakin.
"Ano bang kailangan mo Miss?"
"Mayroon lang akong ilang katanungan sayo."
"Pasensya na pero may pinapautos pa sakin ang mga amo ko."
Tinalukaran nya ako pero sinundan kopa din sya at hinawakan ko sya sa may balikat at akmang susuntukin nya ako mabuti nalang at nakailag.
"Wag mokong pilitin na saktan ka." Babala ko sa kanya.
"Nagpapatawa kaba? Anong laban ng isang babaeng katulad mo sakin?"
Napangiti lang ako sa sinabi nya yan ang hirap sa mga lalaki masyado nilang minamaliit ang kakayahan ng mga babae.
Nilapitan ko yung lalaki at agad na sinuntok sya sa mukha na ikinagulat nya hindi nya siguro akalain na magagawa ko yon.
Sumuntok din sya sakin pero lahat yon naiwasan ko at nasipa ko sya bandang hita kaya napaluhod sya at agad kong pinilipit ang leeg nya.
"Bago mo pa maiputok sakin yang baril mo mababali muna itong leeg mo!"
Diniinan kopa ang pagkakasal sa kanya na halos mawalan na sya ng hininga.
"Ano bang kang kailangan mo??? Ano bang gusto mong malaman??? Magsasalita nako!"
Pinakawalan ko din naman sya pero kinuha ko yung baril nya at tinutok sa kanya.
"Wag kang magkakamaling tumakbo dahil hindi ako magdadalawang isip na iputok to sayo. Tauhan ka ng mga Samonte diba?"
"Oo tauhan nga nila ako."
"At nandon ka ng gabing may pinatay silang mag-asawa."
"Mag-asawa? Wala akong alam sa sinasabi mo."
"Sinungaling! Ano dahil sa dami ng pinatay at pinapatay ng mga Samonte hindi mona maalala?! Pwes ipapaalala ko sayo! Anong nangyari sa mag-asawang pinatay nyo sa harap ng bahay ng mga Samonte dalawang taon na ang nakakalipas? Kasama din nila yung anak nila pero nakatakas. Ano? Hindi mo padin naaalala o baka naman gusto mong pahirapan muna kita?!"
Pinaputukan ko yung malapit sa paa nya para matakot sya at mapilitang magsalita.
"Naalala kona! Naalala kona yung sinasabi mo na mag-asawa."
"Anong nangyari sa kanila?? Anong ginawa nyo sa kanila???"
Nanginginig na ang buong katawan ko sa sobrang galit sa wakas ay malalaman kona din ang totoong nangyari sa mga magulang ko.
"Nung gabing yon ay inutos samin nila Boss Diosdado na ipalibing ang mag-asawa."
"Saan nyo dinala ang mga bangkay nila?! Saan!"
"Sinakay namin yung mag-asawa sa Van at naghanap agad kami ng malapit na mapaglilibingan sa kanila hanggang sa makarating kami sa may bundok at doon namin inilibing ang mag-asawa."
"Samahan moko sa sinasabi mong bundok, Ikaw mismo ang magdadala sakin don."
"Opo, Opo."
Lumapit ako sa lalaki at pinukpok ng baril ang likod nya at nawalan sya ng malay. Sa wakas makikita kona din ang bangkay ng mga Magulang ko.
Itinabi ko yung katawan ng lalaki at agad na tinawagan si Gray.
KEVIN'S POV
"Mom nakita nyo ba si Scarlet??"
"No, Baka nandyan lang sya sa tabi tabi."
Nakailang text and calls nako kay Scarlet pero hindi nya padin ako sinasagot nag-aalala na tuloy ako sa kanya dahil baka naulit na naman yung nangyari dati na nakuha sya ng mga kaaway ng Pamilya namin.
Sinubukan ko ulit syang tawagan pero out of coverage na.
"Scarlet asan kaba???"
"Kuya bakit parang hindi ka mapakali dyan? Sinong tinatawagan mo??"
"Ang ate Scarlet mo kanina kopa siya tinatawagan pero hindi ko sya macontact. Nakita mo ba sya???"
"Hindi kuya."
Sh*t asan kaba kasi Scarlet???
Bakit bigla ka nalang nawala???
May kumuha na naman ba sayo???
Sa sobrang pag-aalala ko ay initusan ko yung mga tauhan namin na hanapin si Scarlet dahil hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nalalaman kung maayos lang ba ang kalagayan nya.
SCARLET'S POV
"Scarlet."
Niyakap ako ni Gray pagkadating na pagkadating nya at may kasama sya na dalawang tauhan ni Tita Violet.
"Siya yung lalaking sinasabi ko sayo."
Binuhat nila yung lalaki at itinali bago ipasok sa Van.
/////
Itinuro samin ng lalaki ang bundok na sinasabi nya at ng makarating kami don ay tinungo namin agad ang sinasabi nyang pinaglibingan sa mga magulang ko.
"Dyan, Dyan namin sila nilibing."
Itunos ko naman sa mga kasama ni Gray na hukayin ang lupang tinutukoy ng lalaki.
Habag naghuhukay sila ay grabe ang kaba ko. Ito na kaya yon??
"Ma'am Scarlet ito na ito yung hinahanap nyo."
Natigil sila sa paghuhukay at ipinakita sakin yung nakita nila.
"Ma!!!!!!!!!!!!"
Hindi kona napigilan ang sarili ko na umiyak ng malakas lahat ng hinanakit ko na matagal kong itinago ay naibuhos ko.
Tanging buto nalang ni Mama ang naabutan ko at ang damit na suot suot nya ng gabing mapatay sila. Hindi ako pwedeng magkamali kay mama ang damit nato.
"Ma!!!! Nandito nako!!! Ako po ito si Vince ang anak nyo. Sorry Ma dahil iniwan ko kayo ni Papa sorry kasi mahina pako non at wala akong nagawa para tulungan kayo. Sorry Ma."
Lumapit sa tabi ko si Gray at niyakap ako.
Iyak lang ako ng iyak dahil sobrang sakit talaga, Parang kalahati ng pagkatao ko ang biglang nawala.
Hinanap ko agad ang bangkay ni Papa pero wala akong nakita don kaya naman nilapitan ko yung lalaki.
"Asan ang bangkay ng asawa nya? Bakit wala dito!!!" Sigaw ko sa lalaki.
"Hindi ko alam! Basta sabay naman silang inilibing dyan maniwala ka sakin nagsasabi ako ng totoo."
"Sinungaling ka! Saan nyo inilibing ang bangkay nya!!!! Saan!!!!"
Pinagsasampal ko yung lalaki pero bago paman ako makagawa ng hindi maganda ay inawat nako ni Gray.
"Scarlet huminahon ka muna."
Yumakap ako ng mahigpit kay Gray at doon ako humagulgol sa dibdib nya.
"Gray bakit wala ang bangkay ni Papa???? Asan ang Papa ko???"
Ngayon nakita kona ang bangkay ng Mama ko ay panibagong palaisipan na naman ang pumasok sa isip ko.
Asan ang bangkay ng Papa ko?
Sa iba kaya nila itinapon o inilibing?
O baka naman buhay pa ang Papa ko????
Nilapitan ko ulit ang bangkay ni Mama at lumuhod sa harap nya.
"Ma. Ipinapangako ko na mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa inyo ni Papa at aalamin ko kung anong nangyari sa kanya kung saan sya inilibing ng mga Samonte. Ipinapangako ko din sa harap nyo na pababagsakin ko ang mga Samonte at daldalhin ko sila sa dapat nilang kalagyan!!!!!"
Umiyak na naman ako sa harap ni Mama habang hawak hawak ang damit nya.
Humanda kayo mga Samonte dahil ipapakita ko kung anong klaseng dragon ang ginalit nyo!
"Pakawalan nyo na po ako nasabi kona yung dapat kong malaman."
"Hindi pako tapos sayo, Wala dito ang bangkay ng Papa ko! Ibig sabihin hindi nyo sya inilibing dito!?"
"Nagsasabi ako ng totoo magkatabi naming nilibing dyan ang mag-asawang yon at pagkatapos non ay umalis na kami. Kaya pakawalan nyo na ako."
Biglang inagaw ng lalaki yung baril ng tauhan ni Tita Violet at binaril ako.
Mabuti nalang at sa balikat lang ako natamaan pero sya? Nabaril sya ni Gray hanggang sa binawian na sya ng buhay.
GRAY'S POV
Nawalan ng malay si Scarlet pagkatapos ng nangyari kaya naman agad ko syang inuwe para magamot ang sugat nya at makapagpahinga na din sya.
Kahit anong tapang pala ng isang tao basta pagdating sa Pamilya ay nagiging mahina ito.
"Kamusta na si Scarlet?"
Tanong ni Madam V. Pagkapasok nya.
"Ayos na po sya mabuti nalang at daplis lang."
"Anong nalaman nyo tungkol sa magulang nya?"
"Nakita na naman ang pinaglibingan sa kanila at nandon nga ang bangkay ng Nanay nya, Pero ang nakakapagtaka hindi kasama don ang bangkay ng tatay nya."
"What? Anong ibig mong sabihin?"
"Pero ang sabi ng tauhan ng mga Samonte ay sabay daw nila nilibing ang mga asawa pero ng tingnan namin ay wala ni isang palatandaan na nandon ang bangkay ng tatay nya."
"Kung ganon posibleng buhay ang tatay ni Scarlet?"
"Hindi ko alam Madam V. Pero sigurado ako na ayang katanungan ang gumugulo sa isip ngayon ni Scarlet."
"Gray? Ikaw ang madalas kasama ni Scarlet gusto ko bantayan mo sya palagi at wag mong hahayaang may mangyaring masama sa kanya parang anak na ang turing ko sa kanya."
"Kahit hindi nyo po sabihin ay gagawin kopo mahal na mahal kopo si Scarlet at handa akong gawin lahat para sa kanya."
"Maging ako din. Tutulong ako sa laban nya sa mga Samonte para makamit na nya ang hustisyang inaasam nya."
"Maraming salamat po Madam V."
Tulad ni Scarlet ay malaki din ang utang na loob ko kay Madam V. Dahil sya ang tumulong sakin nung mga panahong walang wala ako.
Humiga ako sa tabi ni Scarlet at niyakap ko sya gusto kong maramdaman nya na nandito lang ako at handang damayan sya sa lahat ng hirap at lungkot na nararanasan nya.
# CHAPTER 30
SCARLET'S POV
"Pa!!!!!!!!!!!!!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang panaginip nasa panganib daw ang papa ko at kailangan nya ng tulong ko.
"Scarlet ayos kalang???"
Napayakap agad ako kay Gray ng makita ko sya.
"Gray ang Papa ko kailangan nya ako."
"Panaginip Lang yon wag monang isipin yon."
Bigla kong naalala na nakita na pala namin ang bangkay ni Mama. Kaya tumayo ako kaso masakit yung Tama ng baril sakin.
"Magpahinga kalang muna."
"Gray ang Mama ko? Asan sya???"
"Dinala na ng mga tauhan ni Madam V. Ang bangkay ng Mama at sya na daw ang bahala dito."
"Pero ang sa Papa ko? Nakita nyo ba? Hinalughog ba nila ang buong bundok?? Baka nandon lang ang bangkay ng Papa ko."
"Huminahon ka Scarlet. Naghukay na sila sa malapit kung saan nakita ang Bangkay ng Mama mo pero wala don."
"Anong wala!??? Imposibleng mangyari yon magkasabay silang napatay nung gabing yon! At magkasama ko din silang iniwan! Tandang tanda ko yon!"
"Sorry Scarlet pero wala talaga don ang hindi pwedeng mangyari yon!"
Kahit medyo masakit pa ang braso ko ay tumayo ako kailangan kong hanapin ang bangkay ng Papa ko kung hindi nila nahanap ako ang gagawa.
Lumabas ako ng kwarto at hindi ako napigilan ni Gray. Pero nakasalubong ko si Tita V.
"Scarlet saan ka pupunta? Ayos kana ba?"
"Opo Tita ayos nako malayo naman sa bituka ang tama ko."
"Pero san ka nga ba pupunta?"
"Babalikan kopo kung saan namin natagpuan ang Mama ko hindi pwedeng wala don ang Papa ko."
"Gabi na delekado kung babalik kapa don."
"Tita V. Hindi nyo ako naiintindihan mahalaga sakin ang bawat oras, minuto o kahit na segundo makita kolang ang Mama at Papa ko."
"Naiintindihan kita pero ipagpabukas mo nalang. Pangako hahanapin natin ang Bangkay ng Papa mo."
"Thank you Tita V."
"Pero hindi moba naisip na kung wala don ang papa mo at kung sinabi ng tauhan ni Diosdado na magkasama nilang nilibing ang mga bangkay nila? Asan yon? Posible kayang buhay pa ang mo?"
Naisip ko na din ang bagay nayan pero kung buhay ang Papa ko asan sya?
Bakit di nya ako hinanap?
"Ayokong Umasa Tita Violet dahil baka masaktan lang ako ang daming pumapasok sa utak ko at hindi ko alam kung alin don ang totoo. Pano kung nung gabing ding yon ay buhay nga ang Papa ko? Tapos nakita ulit sya ng mga Samonte at pinatay at sa ibang lugar tinapon posible din naman yon."
"Pero posibleng buhay nga ang Papa mo."
Sana nga totoo ang sinasabi ni Tita Violet dahil kung totoo yon ay may isa pa akong rason para magpatuloy.
//////
Late kona nabasa lahat ng mga messages sakin ni Kevin at nakailang missed calls din sya.
Nakarecieve din ako ng message galing sa kanya at pinapunta nya ako sa kanila.
"Scarlet saan ka pupunta?"
"Kala Kevin."
"Ano?? Hindi pa magaling ang sugat mo." Alalang sabi sakin ni Gray.
"Kaya ko naman kaya wag kanang mag-alala."
"Ihahatid na kita."
Tumango nalang ako sa sinabi nya.
///////
"Scarlet saan kaba nanggaling?? Ba't nawala ka kagabi?" Bungad sakin ni kevin ng malapitan nya ako.
"Sorry hindi nadin ako nakapagpaalam may emergency lang na nangyari kaya kinailangan kong umalis."
"Ganon ba? Anong nangyari sa braso mo?"
"Wala to nalalaglagan lang ng matigas na bagay pero okay naman na ako."
"Sa susunod mag-iingat ka ha?"
Niyakap ako ni Kevin at syempre niyakap ko din siya gusto kong ipakita sa kanya na mahal na mahal ko sya para kahit ni isang pursyento ay hindi sya magduda sakin.
"Ano nga palang meron at pinapunta moko agad?"
"Gusto kolang kasi maging opisyal na ang relasyon natin dahil bahagi kana ng Pamilya namin."
Kahit kailangan hindi ko gugustuhin na maging bahagi ng Pamilyang sumira sa Pamilya ko.
Niyaya nako ni Kevin papunta sa dinning area nila dahil naghanda daw ang Mommy nya at Kompleto ang Pamilya sa Samonte ng maabutan ko.
"Oh Scarlet Mabuti naman at dumating ka anong nangyari dyan sa braso mo?"
"Ito ba nagkaroon lang ng konting aksidente pero ayos naman na ako."
"Ang hirap kasi sayo kung saan saan ka nagsususuot para kang kabute na bigla nalang susulpot at mawawala."
"Mom?"
"Oh bakit? Totoo naman diba?"
Nginitian kolang si Amanda dahil wala ako sa mood na makipagtalo sa kanya. Yung asta nya? Para syang bata na hindi mo maintindihan ang ugali kung minsan mabait tapos madalas may topak.
"It's okay Kevin wala naman tayong magagawa kung ganyan ang nasa isip ng Mommy mo. Pero thank you padin sa efforts."
"Scarlet, Kevin maupo na kayo."
Utos samin ni Diosdado.
"Finally totoong ate na kita ate Scarlet." Masayang sabi ni Katelyn.
"Totoong ate? Eh hindi panga sila kinakasal." Medyo iritang sabi ni Amanda.
"Doon din naman papunta yon diba Kevin?"
Hinawakan ko ang kamay ni Kevin at humarap kay Amanda na parang nang-aasar.
"Since masyado ng nahuhulog sayo ang anak ko Scarlet pwede bang ikaw naman ang magkwento tungkol sa pagkatao mo? Yung totoong pagkatao mo."
Medyo nagtaka ako sa sinabi ni Diosdado.
"Bakit May dapat paba akong ikwento sa inyo? Hindi ba't nasabi kona lahat?"
"Well kung iisa-isahin ko? Masasagot mo kaya?"
Pakiramdam ko ay hinuhuli lang ako ni Diosdado at isang maling sagot kolang ay tapos ang mga plano ko.
"Pwede ba diretsohin nyo na ako?"
"Lahat ng pumapasok sa Pamilya namin ay kinikilala naming maigi kaya ayon ang ginawa namin sayo ang sabi mo kay Kevin kaya ka bumili ng unit ay nagkatampuhan kayo ng Tita mo? Pero bakit madalas kapa ding pumunta sa kanya?"
"Yun lang ba? Kagaya nga ng sinabi mo tampuhan, hindi naman kami nag-away ng malala para hindi ko sya kausapin hindi ba?"
"Nalaman din namin na wala namang kapatid ang Tita Violet mo? Kaya paanong naging Pamangkin ka nya??"
Tuso nga ang nga Samonte at katulad ng ginagawa ko ay nagmamasid din sila.
"Yun ba? Sige aamin nako, Sorry kung hindi ko nasabi sa inyo agad dahil akala ko hindi big deal. Anak ako ng malayong kamaganak ni Tita Violet at dahil wala ng mag-aalaga sakin ay sya ang tumayong magulang ko. Pinakain nya ako, Binihisan, Pinag-aral at tinuruan ng maraming bagay."
"Yun lang? Baka marami kapang sikretong tinatago."
"Alam mo kasi Amanda kung meron mang maraming sikreto dito? Ikaw yon at hindi ako. Gusto mobang Ibunyag ko?"
"What ever."
Kumain nalang kami Dahil wala din namang mangyayari kung makikipagtalo pa ako kay Amanda.
"May iborder pala ako para sayo Scarlet"
"Talaga?"
"Yes and i hope you will like it."
Tinawag ni Amanda yung katulang at may dinalang bulaklak kaso pang patay.
"Amanda bakit bulaklak ng pangpatay ang inorder mo?" Takang tanong ko.
"Bakit pangit ba? Maganda naman diba?"
Napatayo agad ako sa kinauupuan ko at humarap kay Amanda.
"Scarlet?" Mahinang sabi ni Kevin sabay hawak sa kamay ko.
"Mukhang nagkakabastusan na tayo dito kaya mas Mabuti pang umalis nalang ako."
"Bakit hindi mo ba nagustuhan? Sayang naman."
"Sayang? Edi kainin mo."
Hinila ko si Amanda sa kinauupuan nya at kinuha ko yung bulaklak na pangpatay at pilit na sinusubo sa kanya.
"Sayang diba? Sayang!?? Wag na wag mo akong babastusin Amanda dahil kung mas bastos ka? Mas bastos ako!"
Tumayo agad si Kevin at inawat ako.
"How dare you! Hindi ka marunong rumespeto!" Galit na galit ni Sabi ni Amanda.
"Dapat kabang irespeto?! Uulitin ko sayo Amanda wag na wag mo akong babastusin dahil hindi mo magugustuhan kapag ako ang nambastos sayo!"
"ENOUGH AMANDA!!" Galit ba sabi ni Diosdado.
"BAKIT AKO? YANG BABAENG YAN ANG NAGSIMUKA NAKITA MO NAMAN KUNG ANONG GINAWA NYA SAKIN DIBA?!!!"
"I SAID ENOUGH!!"
Natigil naman si Amanda sa kakatalak dahil nagalit na si Diosdado.
"Mr. Samonte sorry about what happened pero hindi ako ang may kasalanan at dahil mukhang hindi padin ako welcome sa family nato ay aalis nalang ako."
Pagkatapos kong sabihin yon ay umalis nako. Pero hibabol ako ni kevin.
"Scarlet wait."
"Kevin bumalik kana don uuwe nalang ako."
"Scarlet pagpasensyahan mona si Mommy. Ganon lang talaga yon co'z she wanted the best for me."
"So hindi pa ako the best? Kung ganyan lang din naman ang sasabihin mo sakin ngayon palang maghiwalay na tayo. Magsama kayo ng mommy mo."
Maglalakad na sana ako pero niyakap ako ni Kevin at biglang lumuhod sa harap ko habang nakayap sa mga hita ko.
"No Scarlet hindi ko kakayaning mawala ka sakin hindi! Mahal na mahal kita!"
"Kung talagang mahal mo ako bakit hindi mo ako maipagtanggol sa Mommy mo? Kung talagang Mahal mo ako bakit ka nagpapadikta sa sinasabi ng Pamilya mo!?"
"Just tell me anything you want gagawin ko. Gusto mo awayin ko si Mommy? Gagawin ko basta wag mo lang ako iwan. Please Scarlet."
Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Kevin pero gagamitin kotong pagkahumaling nya sakin laban sa Pamilya nya.
"Wag kang puro salita, Gawin mo."
Pagkatapos kong sabihin yon ay iniwan kona si Kevin siya mismo ang gagamitin ko para magkagulo ang kanilang Pamilya.
Tinagawan ko din si Tita Violet para isagawa ang sunod naming mga plano na sigurado ako na lalong magpapahina sa pundasyon ng mga Samonte.
AMANDA'S POV
Napakaarte talaga ng babae nayon may pa walk out pang nalalaman at ako pa ang babaliktarin nyang may sikreto?
Kung inaakala nya na yun lang ang kaya kong gawin nagkakamali sya.
"Mommy hindi nyo dapat ginawa yon kay ate Scarlet."
"At bakit hindi? Ako ang mommy mo kaya ako ang dapat kampiha mo nakita mo naman ang ginawa sakin ng babaeng yon diba? Pinakain nya sakin yung bulaklak."
"Pero kung hindi nyo naman sya binigyan ng bulaklak na pang patay hindi sya magagalit sayo."
"At talagang kinakampihan mopa ang babaeng yon?"
"Amanda pwede ba? Kahit ngayon lang itikom mo muna ang bibig mo? Iritang irita na ako sa kakaputak mo!"
"Okay fine!"
This time ako naman ang nagwalk out pero hindi pa man ako nakakalayo ay dumating na si Kevin at Parang galit na galit.
"kevin asan na yung magaling na babaeng yo---"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil sinakal na ako ni Kevin.
"Kasalanan mo kung bakit nagagalit sakin si Scarlet ngayon! Kasalanan mo kung bakit sya umalis! At kasalanan mo kung bakit gusto nyang makipag hiwalay sakin!!!!!"
Kita ko sa mga mata ni Kevin ang sobrang galit kahit na anong alis ko sa kamay nya ay hindi ko magawa dahil bukod sa mas malakas sya sakin ay nawawalan nadin ako ng hininga.
"Kevin bitawan mo ang Mommy mo!" Galit na sabi ni Diosdado at pilit ding tinatanggal ang kamay ni Kevin.
"Wag kang makikialam dito!!!!"
Sa wakas ay binitawan ako ni Kevin at humarap sya sa daddy nya. Kung nagkataon na nagtagal pa ang sakal nya sakin ay baka tuluyan nakong nawalan ng hininga.
"Just calm down pag-usapan natin to."
"No dad! Mawawala sakin si Scarlet at hindi ko kakayanin non! Mababaliw ako kapag nawala sya sakin!"
"Kevin! Do you hear me!!! I said calm down! Hindi mawawala sayo si Scarlet i assure you"
Lumapit si Diosdado kay Kevin at niyakap nya ito dito palang kumalma si Kevin.
Kasalanan lahat to ni Scarlet inakit nya ang anak ko kaya ngayon ay patay na patay sa kanya.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko dahil baka kung ano pang magawa sakin ng magaling kong anak.
Muntik na nya akong mapatay dahil lang sa pagmamahal nya sa babaeng yon?!!!
Mayamaya din ay sumunod na sakin si Diosdado.
"Next time wag mona ulit babastusin si Scarlet sa harapan ng anak mo."
"See? That woman already manipulated our son's mind!"
"Bakit ba kasi galit na galit ka kay Ms. Delgado? Pinaimbistigahan kona sya at mukhang wala naman syang tinatago and thought you're friends."
"Hindi padin ako naniniwala iba ang kutob ko sa babaeng yon at hindi ko sya kaibigan dahil nakikipagplastican lang ako sa kanya."
"Marami nang hindi magaganda ang nangyayari satin ngayon and we need her para bumango ulit ang pangalan ng Pamilya natin."
"Paano?"
"Kilalang negusyante ang kanyang Tita Violet at magagamit nayon. Simple lang makikipagkaibigan tayo sa Pamilya."
"Kung gusto mo ikaw nalang dahil ako? Hindi ako makikipag kaibigan sa mga yon."
Habang nagtatalo kami ay biglang nay tumawag sa kanya na sinagot nya naman agad.
"What?!!!!"
Galit na binaba ni Diosdado ang kanyang telepono.
"Bakit anong nangyari???"
Agad nyang binuksan ang Tv at pinanuod namin ang balita.
"Ni raid ng NBI ang isang planta na pag-aari ng isang kilalang negusyante na si Diosdado Samonte at sandamakmak na illegal drugs ang nakita doon kaya patong pato na kaso ang kakaharapin ng may ari nito sinusubukan pa naming kunin ang panig ni Mr. Samonte pero wala pa syang sagot ."
Hinagis ni Diosdado ang remote at nasira ito.
"Anong gagawin natin???? Sigurado ako na papunta na ang media dito, Pagpepyestahan na naman tayo. Do something Diosdado."
"Pwede ba Amanda? Manahimik ka muna? Hindi ako makapag-isip sayo."
Ano na naman bang kamalasan to??
Kailan ba matatapos ang kamalasan sa Pamilya namin??!
# CHAPTER 31
MONICA'S POV
"Monica hindi kapa ba uuwe?" Tanong sakin ng isa kong katrabaho.
"Hindi pa inaantay kopa kasi ang kuya ko sabi nya susunduin nya daw ako"
"Sige ikaw bahala ingat."
Ngumiti lang ako sa kanila at umupo ako sa may waiting shed habang wala pa si kuya.
Asan na kaya yon???
Habang nag-aantay ako kay Kuya ay may humintong Van sa tapat ko hindi naman ako nag-isip ng kung ano.
Pero biglang may dalawang lalaki na nakatakip ang mukha at hinili ako papasok sa Van nila.
Narinig ko nalang ang boses ng kuya ko pero huli na sya hindi na nya ako naabutan.
May pinaamoy sila na kung ano sakin at bigla nalang pumikit ang mga mata ko.
Nagising nalang ako sa isang di pamilyar na lugar. Nasa isang kwarto ako at puro babae ang mga kasama ko doon kolang naalala na may dumukot pala sakin.
"Gising kana pala." Sabi sakin ng isang babae.
"Asan ako???? Anong ginagawa ko dito????"
"Hindi ko alam kung asang lugar tayo pero katulad ng ibang babae dito ay nakuha kadin nila."
"Sinong sila?????"
"Ang mga taong walang puso."
"Anong gagawin nila sakin?? Satin. Bakit ang daming babae?"
"Ibebenta nila tayo sa mga mayayamang lalaki para pagkaperahan."
Naalala ko bigla yung napanood namin sa tv na may ilang mga babae ang bigla nalang nawala.
Tumayo ako at dumiretso sa pintuan at sinubukan buksan kaso nakakandado pala.
"Wag monang tangkaing tumakas dahil wala ding mangyayari, Sa labas ng pinto nayan ay may mga nakabantay pa kaya hindi kadin makakatakas."
"Tulong!!!!!! Tulong!!!!! Palabasin nyo ko dito!!!!" Buong lakas kong sigaw.
"Walang makakarining sayo dito."
Hindi pwede to! Kailangan kong makaalis dito. Tiningnan ko yung iba pang mga babae sobrang nakakaawa ang mga itsura nila ang tagal na siguro nila dito.
SCARLET'S POV
Pumunta ako sa sinabing lugar ni Kevin dahil gusto daw nya makipag-usap sakin importante lang.
"Mr. Samonte? Bakit ikaw ang nandito asan si Kevin?? "
"Have a seat Ms. Delgado wala dito ang anak ko dahil ako talaga ang nagpapunta sayo dito."
"For what? May kailangan ba kayo sakin? Oh baka naman tungkol don sa away namin ni Amanda."
"Wala sa mga yon ang pag-uusapan natin."
"Alam ba ni Amanda na nakipagkita ka sakin? Baka mamaya kung anong isipin non alam mo naman yon may pagka praning."
"Wag monang alalahanin si Amanda. Nandito ako dahil may gusto akong ialok sayo, Maimpluwensya din ang Pamilya na meron ka at kung magsasanib yon ay sigurado ako na kikita tayo ng malaki."
"Diretsohin mo nalang ako Mr. Samonte."
"Kilalang negosyante ang tita Violet mo at naisip ko pwede kaming magpartners in that case pwede pang lumago ang mga businesses namin at alam kong matutulungan moko sa bagay nayon."
"Are you saying that you need me?"
Natahimik bigla si Diosdado na tila nag-iisip. Napangiti naman ako sa kanya.
Alam kong nalulugi na ang mga negosyo nila at gagamitin nila ang Tita Violet ko para lumago ulit ito. Pero pasensya sila dahil hindi kami mag-aalaga ng mga ahas.
"But the question is? Matutulungan moba ako???"
Tila nakikipaglaro sakin si Diosdado pero sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa larong to.
"Of course Mr. Samonte daddy kayo ng Boyfriend ko kaya tutulungan ko kayo. Ako na ang bahala kay Tita Violet I'll make sure na papayag sya."
"Thank you very much Scarlet hindi ka magsisisi sa desisyon mo at hindi nga nagkamali ang anak ko sa pagpili nya sayo."
"That's true. Hinding hindi kayo nagkamali sa pagpapapasok nyo sakin sa bahay at Pamilya nyo."
Habang nag-uusap kami ni Diosdado ay biglang may sunod sunod na putok ng baril ang tumama kung nasaan kami, Mabuti nalang at hindi kami natamaan.
Yumuko agad ako para hindi tamaan ng mga bala si Diosdado naman ay pinoprotektahan ng mga tauhan nya.
Si Tita Violet ba ang nag-utos nito?
Pero bakit?
Wala naman kaming usapan na ganito ah atsaka hindi ba nya naisip na posibleng may mga taong madadamay?
Hindi rin nagtagal ang pagpapaputok ng mga baril at ng kalmado na ay agad na naglabasan yung ibang mga tao sa loob ako naman ay agad na lumapit kay Diosdado.
"Mr. Samonte ayos lang ba kayo??"
"I'm fine Scarlet tara na umalis na tayo dito."
Nabahag na naman ang buntot ni Diosdado at nagmamadali kaming umalis at pumasok sa Van nya.
"Sino kaya ang gagawa non? At sino kaya ang gustong puntiryahin ng mga taong yon??"
Tanong ko kay Diosdado.
"Kung sino man ang target nila ay wala akong pakialam. Pero nagkamali sila at nandon ako sa lugar nayon magbabayad sila."
"Anong gagawin mo?"
"Don't mind it Ms. Delgado ako na ang bahala don ihahatid kana lang namin sa bahay nyo."
"Thank you."
Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay may humarang samin na isang Van at may bumaba na mga armadong lalaki lumingon ako sa likod at meron din palang nakasunod samin.
"What is going on!"
Kita sa mga mata ni Diosdado ang takot pero ang ipinagtataka ko? Kung tauhan ba ito ni Tita Violet pero wala naman kaming usapan na ganito.
Pinababa kami ng mga armadong lalaki siguro mga Lima sila at bumunot ng baril ang mga tauhan ni Diosdado kaso nauhan sila at binaril ng mga armadong lalaki.
"Who the h*ll are you!!!!"
"Sumama ka samin Diosdado!"
"No!"
Hinawakan ng isang lalaki Diosdado pero pumalag sya kaya sinuntok sya sa sikmura ng lalaki na ikina luhod nya at tinutukan sya ng baril sa ulo.
"Anong gagawin natin dito sa babae??"
"Wala tayong pakinabang dyan kaya dispatyahin nyo nadin yan si Diosdado lang ang kailangan natin."
Pagkasabi ng ganon ng lalaki ay doon ko napagtanto na hindi sila mga tauhan ni Tita Violet pero kaninang tauhan sila?
Lumapit sakin yung isang lalaki pero agad kong inagaw yung baril nya at pinaputukan sila bago pa man sila makabunot.
Dahil sa ginawa ko ay nawala sa focus yung pinala leader nila at nagawa ni Diosdado na kunin ang baril nito at sinakal patalikod yung lalaki sabay tutok ng baril sa ulo.
"Saan kaya maganda iputok to? Sa katawan mo? Oh sa ulo mo??"
Pananakot ni Diosdado sa lalaki. Lalapit sana ang mga kasama nito kaya lang pinaputukan din sila ni Diosdado.
"Subukan nyong lumapit pasasabugin ko ang bungo ng lalaking to!"
"Mr. Samonte tara na umalis na tayo dito."
"Hindi pa ako nag eenjoy."
"Mag-isip ka Mr. Samonte pano kung may mga kasama pa sila? At papunta na? Anong laban natin sa kanila? Dalawa nalang tayo dahil patay na ang mga tauhan mo. Pero kung ayaw mo bahala ka na maiwan dito dahil ako aalis na."
Nauna akong pumasok sa loob ng Van at sumunod si Diosdado kasama padin yung lalaki. Ipinasok nya yon sa loob at binalaan yung mga kasama nito na wag susunod dahil papatayin daw nya yung lalaki.
Ako ang nagmaneho ng Van at si Diosdado ang tumutok ng baril sa lalaki at nang makalayo na kami ay binuksan nya ang pintuan ng Van at tinulak palabas ang lalaki.
"Kanino kayang mga tauhan yon?? At bakit gustong gusto ka nilang patayin?"
"Kung sino man sila Scarlet hindi ako natatakot dahil Ako si Diosdado Samonte and no one can drag me down!"
Masyadong mataas ang tingin ni Diosdado sa sarili nya kaya tingnan lang natin kapag nawala na lahat sa kanya.
Hindi na ako nagpahatid kay Diosdado sa bahay dahil nagpasundo nalang ako kay Gray kaya sya nalang ang mag-isa umuwe.
"Bakit hindi kaba hinatid ng Boyfriend mo?"
Tanong ni Gray sakin ng makasakay ako pero hindi sya tumitingin sakin.
"Hindi. Si Diosdado lang naman ang kausap ko ngayon."
"Scarlet hanggang kailan kaba magpanggap na mahal mo sya?"
"Hanggang hindi natutupad ang mga plano ko. Hanggang hindi ko nakukuha ang lahat sa kanila. Hanggang hindi ko nakikita na nagmamakaawa sila sakin."
"Pero hanggang kailan?"
"Malapit na Gray. Sisingilin ko sila sa araw ng hindi nila inaasahan."
Pero bago mangyari yon kailangan muna makulong ni Amanda at isang testigo lang ang kailangan ko ang taong nakasaksi ng lahat ng paghihirap ng Mama ko. Walang iba kundi si Manang Cecil.
Pag-uwe ko sa bahay ay hinanap ko agad si Tita Violet.
"Scarlet bakit napaaga ata ang uwi mo?"
"Tita Violet hindi ko inexpect na magpapadala ka ng mga tauhan mo at papaulanan mo ng bala yung buong restaurant, Mabuti nalang at walang nadamay." Agad kong sabi sa kanya.
"What do you mean?" Binaba nya Yung wine na iniinom nya at humarap sakin.
"Yung kanina? Nag-utos ka sa mga tauhan mo para paulanan ng Bala si Diosdado."
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala akong inutos na ganyan."
"Tapos kanina habang papunta kami dito may tumambang naman samin na mga armadong lalaki akala ko mga tauhan mo din pero nung sasaktan na nila ako syempre lumaban nako."
"Scarlet kung may hakbang man ako laban sa mga Samonte syempre ipapaalam ko sayo ayaw ko na masira ang mga plano mo."
"Kung hindi po ikaw sino?"
"Well maraming kaaway ang mga Samonte kaya hindi ako nagtataka kung maambush sila or paulanan man ng kung ano."
Hindi nalang ako umimik sa sinabi ni Tita Violet siguro isa nga lang yon sa mga kaaway ng mga Samonte.
SOMEONE'S POV
"Ramon anong nangyari sa inyo? Bakit may mga tama ang iba mong kasama? At ikaw bakit ganyan ang itsura mo?"
"Lumaban kasi si Diosdado."
"H*y*p talaga yung lalaking yon."
"Boss meron syang kasamang babae at marunong humawak ng baril sinapak pa nga ako eh."
"Maayos naman ang una naming pagpakilala kay Diosdado Samonte kaya lang merong babaeng nakialam edi sana pinaglalamayan na ngayon si Diosdado."
"Sinong babae bayang sinasabi nyo? Asawa nya?"
"Hindi naman kilala yung Babae, Pero sigurado ako na hindi nya yon asawa dahil mas bata yon sa kanya."
"Sa ngayon ayos na muna yon dahil naguumpisa palang ako sa paniningil sa kanya at sa buong Pamilya nya."
"Nandito lang kami boss. Nangako kami kay Ma'am Alessandra na tutulungan ka namin."
"Maraming salamat Ramon. Sige na iwan nyo na ako pwede na kayong umalis."
Lumabas na sila lahat at naiwan nalang ako mag-isa.
Hindi ko sasayaning ang binigay na pagkakataon sakin ni Alessandra sisingilin ko ang lahat ng nanakit at pumatay sa Pamilya ko. Ipaparanas kodin kay Diosdado kung paano mawalan ng Pamilya iisa-isahin ko sila.
# CHAPTER 32
SCARLET'S POV
"Manang bakit ang daming mga tauhan nila Dito? Asan ba sila Amanda at Diosdado?"
Pagdating ko sa bahay ng mga Samonte ay may madaming nakabantay na mga lalaki hindi ko alam kung anong meron.
Wala din don ang ang mag-asawang Samonte.
"Umalis sila may pinuntahan kasama din si Kevin pero saglit lang daw. Nagpadala sila ng mga tauhan dito para may magbabantay kay Katelyn."
Tumango nalang ako kay Manang at pinagmasdan ang lalaking nasa loob ng bahay ng mga Samonte. Nakita ko din ang marka ng isang agila sa isa sa mga ito kaya naman naalala ko ulit ang susi na hawak ko.
Habang wala pa ang mga Samonte ay naglibot muna ako sa bahay nila. Malaki ang bahay nato at hindi kopa nagagawang libutin.
Bawat kwarto ay nakakandado kaya hindi ko nagawang pumasok, Naglibot pako sa bahay nila baka sa kaling makita ko kung para san ba talaga ang susing hawak ko Hanggang sa makarating ako sa isang silid at parang hinihila ako papalapit doon katulad ng ibang kwarto ay nakakandado din ito.
"Ate Scarlet??"
"Katelyn???"
"Anong ginagawa mo dito ate??"
"Ah naglalakad lang. Wala kasi ang kuya mo."
"Pero bakit binubuksan mo ang pinto nayan??"
Mukhang usisain ako ni Katelyn sa nakita nya dapat kasi nag-iingat ako eh.
" Ah eh yon ba?? Sorry ha? Na curious lang kasi ako pero wag kang mag-alala hindi naman ako magnanakaw."
"Pinagbabawal nila Mommy na pumasok dyan sa kwarto nayan kahit ako hindi pako nakapasok dyan."
"Talaga?? Bakit naman?"
"Hindi ko alam ate Pero sa twing magpupumilit ako na pumasok dyan ay pinapagalitan nila ako. Si kuya Nakapasok na dyan pero hindi nya sakin sinasabi kung ano ang nasa loob nyan."
"Ganon ba? Nako tara na baka makita pa nila tayo at parehas pa tayong malagot."
Niyaya kona paalis si katelyn. Ano kaya ang meron sa kwartong yon? May tinatago kaya sila doon? Ayon ang dapat kong alamin dahil sigurado ako na may sikretong tinatago ang mag Samonte.
Habang nag-aantay ako sa mga Samonte ay umupo na muna ako at pinagmasdan ang mga lalaking nakabantay.
Mayamaya din naman ay dumating na sila.
"Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka pala dito? Edi sana napasunod kita. Kanina kapa ba nag-aantay sorry may inasikaso lang kami."
"It's okay kevin wala namang problema Kung mag-antay ako nandito lang kasi ako dahil may usapan kami ng daddy about his offer."
"Offer?"
"Sinabihan ko kasi si Ms. Delgado about sa Business partnership with her Tita Violet."
"Bakit hindi ko alam ang tungkol dyan?" Takang tanong ni Amanda.
"Well simply because its between me and your husband. Pero kunv gusto mo makipag partnership sakin wala din namang problema pwede ko naman isalba yung mga nalugi mong negosyo."
"No need. Kaya ko namang magpatakbo ng negosyo ng ako lang."
"Okay sabi mo eh."
Nauna nang umalis si Amanda at pumunta sa kwarto nila hindi nya siguro kayang tumugal na makipagplastican sakin.
"Scarlet pupunta muna ako sa kwarto ko para makapag usap kayo ni Daddy."
Ngumiti lang ako kay Kevin at sumunod nako kay Diosdado papunta sa may office room nya.
"Mabuti naman at nag update ka agad ms. Delgado."
"Syempre gusto ko kasi na mas lalo pang mapagtibay ang relationship natin."
"Shall we start??"
Habang nakaupo kami ay biglang pumasok si Amanda at tumabi sa asawa nya.
"Amanda? What are you doing here?"
"Binabantayan kolang ang asawa ko alam mona baka ahasin pa sya sakin. Kasi diba? Maraming mga tao na nagbabait baitan tapos kapag nakatalikod ka aahasin kadin pala."
"Parang dinidiscribe mo ata ang sarili mo Amanda at kung iniisip mo na aahasin ko ang asawa mo? Wag kang mag-alala hindi ko gagawin yon dahil mahal ko anak mo at parang tatay lang ang tingin ko sa asawa mo."
"Good. Mas mabuti nang alam mo dahil ang ginagawa ko sa mga lumalandi at kumakabit sa asawa ko? Pinaparanas ko sa kanila ang bangis ng isang Amanda."
"Yan lang ba ang sasabihin mo? Kasi kung wala na makakalabas kana may pag-uusapan pa kami nang asawa mo ng kaming dalawa lang." Biglang nagsalubong ang kilay ni Amanda dahil sa sinabi ko.
"Amanda Lumabas kana muna dahil may pag-uusapan pa kami ni Ms. Delgado about sa Business."
Nginitian kolang si Amanda habang nakasimangot syang naglalakad palabas.
"Yang asawa mo talaga may pagka paranoid pati ba naman ako paghihinalaan nya na umaahas sa kanya?"
"Don't mind her. So Ms. Delgado? Mukhang may magandang balita ka sakin."
"Kinausap ko ang Tita ko at pumayag sya pero may mga ilang conditions sya at sya na ang magsasabi sayo kapag nag-usap na kayong dalawa. Wag kang mag-alala Mr. Samonte i'm pretty sure na magkakasundo kayo ng Tita Violet ko."
Napangiti naman sya dahil sa sinabi ko.
Habang nasa kalagitan kami ng pag-uusap ni Diosdado ay may narinig kaming isang boses na sumisigaw mula sa labas kaya naman ay agad namng pinuntahan kung sino yon.
"What is happening?? Sino yung nagsisisigaw sa labas??"
"Isang babae po sir ayaw magpaawat hinahanap po kayo."
Binuksan nung guard yung pinto at tiningnan namin kung sino yon.
"ASAN ANG ANAK KO! ILABAS MO ANG ANAK KO!!"
Galit na galit na sigaw ni Ate Mildred ng makita nya si Diosdado.
"What do you mean? Hindi ko alam kung anong sinasabi mo."
"Wag kanang mag-maangmangan pa Diosdado! Alam kong nasayo ang anak ko kaya ilabas mona sya."
Papasok na sana si Ate Mildred kaso hinarang sya ng mga guards ni Diosdado.
"Kahit halughugin mopa ang buong bahay ko ay hindi mo makikita ang anak mo dahil wala sya dito at hindi ko alam kung nasan sya. Kaya pwede ba? Umalis kana lang at wag kang mag-iskandalo sa harap ng pamamahay ko."
"Bakit natatakot kaba marinig nang mga tao ang kademonyohan mo!??"
"Maghinayhinay ka sa mga sinasabi mo Mildred baka hindi mo kilala kung sino ang kinakausap mo."
Siguro nagtataka kayo kung bakit parang magkakilala sila. Dati kasing tauhan ng mga Samonte si ate Mildred kaya lang ay umalis din ito sa hindi malamang dahilan. Si Mama at Monica lang din ang nagkwento sakin.
Lumapit naman sakin si ate Mildred at hinawakan ang kamay ko.
"Ms. Scarlet tulungan nyo po ako na mahanap ang anak ko. Ilang araw napo syang nawawala nagpatulong napo kami sa mga pulis pero wala pa silang update kinakabahan napo baka may nangyari ng masama sa anak ko."
"Tigilan mo ang pag-arte Mildred. Mayroon tayong mga awtoridad at bakit dito ka pupunta para humingi ng tulong."
"Ms. Scarlet nakikiusap po ako sa inyo tulungan nyo po ako."
Lumuhod sa harap ko si Ate Mildred habang umiiyak. Bilang isang anak din ayaw kong may nakikitang magulang na umiiyak.
"Guards ilabas nyo na sya."
Lumapit yung dalawang guards at kinuha si ate Mildred.
"Sandali. Bitawan nyo sya." Awat ko sa mga gwardya.
"Scarlet? Anong ginagawa mo? Don't tell me na tutulungan mo ang babaeng yan? Marami nang nagkalat na mga masasamang tao at mapag-samantala hindi mopa kilala ang babaeng yan."
Hawak hawak padin nila si ate Mildred at kung wala akong gagawin ay baka mapahamak din sya.
"Sige na ihatid nyo sya pauwe." Utos ni Diosdado sa mga tauhan nya.
"Bitawan nyo sya." Muli kong utos sa kanila.
"Ms. Delgado? Akala ko matalino ka pero bakit parang madali ka ata mauto?"
"Hindi ako madaling mauto Mr. Samonte always remember that magaling lang ako makipag laro."
Sana magets nya yung sinabi ko sa kanya dahil para sa kanya talaga yon. Nilapitan ko agad si Ate Mildred.
"Ate Mildred wag napo kayo mag-alala tutulungan kopo kayo na mahanap si Monica."
"Maraming salamat Ms. Scarlet hindi kona po talaga alam kung saan ko hahanapin ang anak ko sobrang nag-aalala nako sa kanya."
"Ako napong bahala sa paghahanap kay Monica gagawin kopo ang lahat para makita sya."
Pinasamahan ko muna si Ate Mildred sa driver na kasama ko para masiguro na ligtas syang makakauwe.
"Napaka maawain mo pala talaga Ms. Delgado sana hindi ito maging rason para madali kang maloko."
"Maraming salamat sa paalala."
"Hindi ko talaga alam kung bakit dito hinahanap ni Mildred ang anak nya malay koba baka naglayas lang yon."
"Wala nga bang katotohanan ang mga sinasabi nya?."
Napatigil saglit si Diosdado sa tanong ko at tinala nag-isip ng isasagot.
"Of course. Napanatili kong malinis ang Pangalan namin sa loob ng mahabang panahon at ang mga kagaya ni Mildred ay naninira lang ng walang pruwebra. Ikaw Ms.qq Delgado? Naniniwala kaba?"
"Syempre mas naniniwala ako sa inyo. Alam ko naman na puro sabi-sabi lang at walang pruweba ang mga binibintang nila sa Pamilya nyo. By the way Mr. Samonte hindi nadin ako magtatagal pakisabi nalang din kay Kevin na nauna nako."
Ngumiti lang sya sakin at sumakay nako sa sasakyan ko. Kailangan kopa mahanap si Monica.
ARTHUR'S POV
Buhay nga ako pero parang patay din ang puso ko dahil wala sa tabi ko ang asawa't anak ko. Wala man lang akong nagawa para iligtas sila sa kamay ng mga hay*p na Samonte nayon.
"Tinitingnan mona naman ang larawan ng mag-ina mo?"
"Oo Ramon. Ito nalang kasi ang natitirang alaala ko sa kanila. Wala padin bang update tungkol sa anak ko?"
Halos dalawang taon nadin ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi kopa din nakikita ang anak ko ni hindi ko nga alam kung buhay paba sya.
"Pasensya na Arthur pero wala padin."
Tumango nalang ako sa sinabi nya. Vince asan kana ba? Matagal kanang hinahanap ng Papa mo wala na nga ang Mama mo wag naman sana pati ikaw. Ikaw nalang din ang rason kung bakit gusto kopang mabuhay umaasa ako na baka buhay kapa.
"Bakit ba kasi hindi nalang natin sugurin ang mga Samonte para matapos na ang isa sa mga problema mo?"
"Hindi. Dahil gusto ko silang pahirapan, Ipaparanas ko sa kanila ang ginawa nila sa asawa't anak ko."
"Kung anong desisyon mo ay nandito lang kami kasama ng ibang mga tauhan ni Mada Alessandra."
Si Ramon ang isa sa pinakatapat na tauhan ni Alessandra sya din ang tumatayong kanang kamay nito.
..................... FLASHBACK.....................
Akala ko patay nako.
Akala ko katapusan kona.
Pero sa di malamang dahilan ay nabuhay ako at bumangon mula sa hukay.
Oo, Hindi ako namatay sa pag-baril sakin pero ang asawa ko siya ang napuruhan.
Hinukay ko ang bangkay nya at sobrang sakit kasi kahit anong gawin ko ay wala na sya, kahit anong iyak ko ay hindi na sya babalik.
Bigla kong naalala ang anak naming si Vince wala sya dito kaya kailangan ko syang mahanap.
Inilibing ko ulit ang asawa ko dahil kailangan kong mahanap ang anak ko dahil bak kung anong gawin sa kanya ng mga Samonte.
Hindi kona inisip kung anong itsura basta nagmadali nalang ako bumaba ng bundok para humingi ng tulong.
Nakarating ako sa isang kalsada at tatawid sana ako kaya lang may isang sasakyan ang bumangga sakin at pagkatapos non ay nawalan na ako ng malay.
Nagising nalang ako at pagmulat ko ay nasa isang malaki at magandang silid na ako habang nakahiga sa malambot na kama.
"Gising kana pala?"
"Sino ka? Asan ako?"
"Ako si Alessandra at nandito ka sa bahay ko."
"Ang anak ko. Kailangan ko hanapin ang anak ko."
Tatayo na sana ako pero napatumba ako dahil masakit ang katawan ko at may sugat pako.
"Hindi kapa malakas kaya hindi mo kakayanin kung lalabas ka."
"Pero nasa panganib ang anak ko."
"Ipapahanap ko nalang sya sa mga tauhan ko pero sa ngayon magpahinga ka muna para mabawi mo ang lakas mo."
Sobrang nag-aalala ako sa anak ko at yung asawa ko kailangan kopang balikan.
"Pwede kobang malaman kung anong nangyari sayo?"
"Kasambahay ang asawa ko sa isang mayaman at kilalang Pamilya sa lugar namin pero pinagsamantalahan sya ng amo nyang lalaki at minaltrato sya ng asawa nito kaya bilang asawa ay tungkulin ko na ipagtanggol sya. Sumugod ako ng hindi nag-iisip kaya ayon napatay ang asawa ko at hanggang ngayon nawawala ang asawa ko."
Kasalanan ko ang lahat ng ito kung hindi sana ako nagpadalos dalos hindi sana mangyayari ang ganito sa Pamilya ko.
Lumipas ang mga araw pero hindi namin nakita ang anak ko halos hindi nako magpahinga para lang makita sya. Kaso hindi ko magawang ipakalat dahil ayoko malaman ng mga Samonte na buhay pako.
"Kumain ka kaya muna? Buong araw na tayong naghahanap sa anak mo."
Inabot sakin nung babae yung hawak nyang tinapay.
"Pasensya napo kayo at nadadamay pa kayo sa problema ko."
"It's okay no problem. Ako nga pala si Alessandra and you are?"
"Arthur po Ma'am."
"Arthur. Nice name."
Sa tulong din ni Alessandra ay binalikan ko ang bangkay ng asawa ko.
"Mahal nandito nako. Sorry kung wala akong nagawa at mahina akong asawa pero pinapangako ko sayo na mapapanagot ko ang may sala at hahanapin ko ang si Vince."
"Arthur tara na baka makita pa tayo ng mga tauhan ng mga Samonte."
"Pero pano ang asawa ko? Hindi ko sya pwedeng basta iwan nalang dito."
"May tamang oras para kunin ang asawa mo pero wag mong bigyan ng rason ang mga kalaban mo na isipin na buhay kapa."
Kahit masakit na iwan ang asawa ko ay ginawa ko para sa kaligtasan ko. Oo naging makasarili ako pero kailangan kong mabuhay para mahanap ang anak ko at mapaghiganti sila.
..............END OF FLASHBACK.................
"Ipautos mo sa mga tauhan natin na ipadukot ang asawa ni Diosdado oras na para sa paniningil."
Tumango sakin si Ramon at lumabas na.
Hanggang ngayon ay dinadalaw ko padin ang asawa ko kung saan ko sya iniwan pero nitong mga nakaraang araw ay hindi ako nakadalawa sa kanya dahil naging busy ako para sa pagganti sa mga Samonte.
# CHAPTER 33
MONICA'S POV
Habang tumatagal ako dito ay lalong nawawalan ako ng pag-asang makatakas.
Pinagmasdan ko ang mga babaeng kasama ko katulad ko ay sobrang nahihirapan nadin sila sa sitwasyon namin.
Pero anong gagawin ko?
Pano kami makakaalis dito???
"Wala na tayong pag-asa. Hindi na tayo makakaalis dito."
Tumabi sakin bigla yung isang babae.
"Wag ka mawalan ng pag-asa makakaalis din tayo dito."
"Pano? Mabuksan mo man yang pintuan ay madaming nagbabantay sa labas at hindi din tayo makakatakas."
"Ano ba kasing gagawin nila satin?"
"Ibebenta nila tayo sa mga mayayamang negosyante."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Marami pakong mga pangarap sa buhay.
SCARLET'S POV
Naka recieved ako ng text at sinasabi dito na hawak daw nila si Kevin at kung hindi ako pupunta ay papatayin nila ito.
Hindi naman ako nagdalawang isip na pumunta dahil hindi ito ang tamang oras para mamatay si kevin.
"Ano ang ginagawa mo dito Amanda?"
"Ako dapat ang mag-tanong sayo nyan? Anong ginagawa mo dito??"
"Nakarecieve ako ng message at ang sabi hawak daw nila si Kevin kaya nagmadali akong pumunta dito."
"What? Mayroon din nag message sakin."
Bigla akong napaisip sa sinabi ni Amanda dahil parang may mali. Hindi kaya Set-up lng to????
Maya-maya pa ay biglang bumukas yung malaking gate at may lumabas na mga lalaki at may mga hawak na baril.
"Mabuti naman at nandito na kayo???"
"Who are you?? At nasan ang anak ko??!!!"
Namumukhaan ko yung lalaking nagsalita sya din yung isa sa mga lalaking tumambang samin ni Diosdado.
"Yung anak mo?? Wala dito ang anak mo. Niloko lang namin kayo para pumunta kayo dito at hindi nga kami nahirapan."
Pasimple kong kinapa ang baril sa bag ko pero hindi ko inilabas dahil madami sila at kung manlalaban ako ngayon ay sigurado akong Hindi nila ako sasantuhin at papatayin nila ako.
"How dare you!!! Hindi moba ako nakikilala???!!!" Galit na sabi ni Amanda.
"Kilalang kilala kita, kayo ng buong Pamilya mo. Sige na dalhin nyo na sila sa loob."
Nilapitan kami ng mga lalaki at dinala kami papasok sa loob si Amanda palag ng palag feeling naman nya kaya nya yung mga lalaking nandito.
Tinali nila kami pareho sa magkatabing upuan, Tinali nila ang kamay at paa namin para hindi kami makatakas.
"Pakawalaan nyo kami ano ba!!!!!"
"Pwede ba manahimik ka?! Nakakarindi yang boses mo ha? Gusto mo pasabugin ko yan?"
Tinutukan ng baril si Amanda kaya bigla syang natahimik.
"Ano bang kailangan nyo??? Pera??? Sige ibibigay ko kahit magkano pa just name your price?!"
"Hindi pera mo ang kailangan namin. Dahil mayaman ang boss ko, Malaki ang kasalanan ng Pamilya mo sa boss ko kaya magbabayad kayo."
"Sinong boss???"
"Makikilala mo din sya."
Tama nga si Tita Violet madami ngang kalaban at galit sa mga Samonte at tulad ko gusto din nila makaganti.
"Pwede ba?? Pakawalan nyo na ako? Hindi naman ako Samonte kaya bakit dinadamay nyo ako?"
Singit ko sa usapan nila kaya dumako sakin ang lalaki.
"At ikaw naman babae ikaw Yung bumugbog sakin diba? Girlfriend ka ng anak ni Amanda at Diosdado kaya sorry ka nalang dahil nadamay ka sa mga kawalang hiyaan ng Pamilya Samonte."
"Ano ba talagang kailangan nyo samin??"
"Malalaman nyo din pagdating ng boss ko kaya wag kayong magmadali."
Iniwan nila kami at pumuwesto lang din sa hindi kalayuan sakto lang para mabantayan kami.
"Kasalanan mo to eh"
"Bakit ako ang sinisisi mo?"
"Simula ng dumating ka sa buhay namin puro kamalasan na ang nangyayari."
"Pwede ba Amanda wag mong isisi sakin yung mga kamalasan sa Pamilya mo, Kasalanan kobang madami kayong kaaway?"
"Well mga naiinggit lang sila."
"Hoy kayong dalawa dyan! Magsitahimik nga kayo!" Sigaw samin ng nagbabantay.
Natahimik kami pareho ni Amanda.
Sinusubukan kong makawala pero mahigpit ang pagkakatali samin at sigurado ako ay mapapansin agad nila na tumatakas kami.
///////
Lumipas ang mga oras hanggang sa may naisip akong paraan kung pano makakatakas dahil hindi kami pwede magtagal dito.
"Kuya kailangan kong gumamit ng banyo."
"Hindi pwede." Matigas nyang sabi.
"Kailangan ko na nga gumamit ng banyo anong gusto mo dito ako magkalat??"
Napakamot nalang yung lalaki at lumapit sakin tinanggal nya yung tali sa paa ko at dnala sa may banyo.
"Kuya pakitanggal naman yung tali sa kamay ko."
"Hindi pwede."
"Oh sige kuya ikaw nalang ang mag-baba ng suot ko at samahan moko sa loob."
"Sige na nga. Pero wag kang gagawa ng kalokohan."
Tinanggal nya yung tali sa kamay ko at pumasok nako sa loob.
Pagkapasok ko sa banyo ay naghanap ako ng bagay na pwede kong magamit para makatakas at sakto may nakita ako isang malaking kahoy.
Kinatok nako ng lalaki dahil medyo matagal nadaw ako.
"Matagal kapa ba dyan???!!!"
"Eto na palabas na."
Binuksan ko yung pinto at nginitian ko yung lalaki.
"Akin na yung kamay mo."
Inabot ko sa kanya yung isang kamay ko dahil hawak hawak ko sa isang kamay yung kahoy.
"Yung isa pa." Dagdag pa nya dahil itatali na nya ako.
Hindi nako nag-aksaya pa ng oras at hinataw kona sya gamit yung kahoy na hawak ko sunod sunod ko syang hinataw hanggang sa mawalan sya ng malay.
Pinasok ko sya sa loob ng Cr at lumabas nako.
Kung gugustuhin ko ay pwede nakong makatakas pero binalikan ko padin si Amanda para lang tumatak sa isip nya na kaibigan nya ako.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sakto mga tulog na yung ibang nagbabantay.
"Scarlet pano ka nakatakas?"
"Ikaw lang naman ang walang tiwala sakin. Ewan koba naman kasi sayo Amanda kung bakit inis na inis ka sakin hanggang ngayon eh walan naman akong ginagawa sayo."
"Pakawalan mo nalang ako okay?."
"Pasalamat ka Nanay kapa din ng Boyfriend ko dahil kung hindi? Iiwan na kita dito at hahayaan."
Kinalas ko ang tali ni Amanda at kinuha namin yung mga gamit namin. Nilabas ko yung baril ko bilang proteksyon.
"Bakit may baril ka?"
"Proteksyon."
Dahan dahan kaming lumabas para hindi magising yung dalawa pang nagbabantay.
"Yung mga bihag nakatakas!"
Sigaw ng isang lalaki at pinaputukan kami ng baril.
Napatakbo agad kaming dalawa ni Amanda at may mga lalaking sumalubong samin pero naunahan ko silang paputukan.
"Marunong kabang gumamit ng baril?"
Tanong ko kay Amanda.
"Of course."
"Good."
Kinuha ko yung baril ng isang lalaki at binigay kay Amanda.
"Kung gusto mong pareho tayong makalabas ng buhay ay kailangan moyan."
Nagmadali na kaming umalis ni Amanda pero kagaya ng inaasahan ko ay maraming nakabantay at hindi kami basta basta makakatakas.
Nakipagsalitan nako ng putok ng baril sa kanila at si Amanda ay nasa likod kolang takot na takot at hindi alam ang gagawin.
"Amanda!!!"
Tinulak ko ng mahina si Amanda dahil may nakita akong lalaki sa likuran nya at babarilin sya mabuti nalang at naunahan ko.
"Maraming salamat Scarlet."
"Mamaya kana magpasalamat sakin dahil hindi pa tayo nakakalabas dito."
Hinanap na namin ni Amanda ang daan palabas pero nakasalubong namin yung pinakapinuno nila at Pina putukan agad nila kami hinila ko naman agad palayo si Amanda.
"Amanda kailangan natin maghiwalay para kahit isa lang satin ang makatakas para humingi ng tulong."
"No. Pano kung mahuli nila ako?"
"Mahuhuli ka nila kung magpapahuli ka. Wag na tayong mag-aksaya ng oras yang baril na hawak mo ay gamitin mo bilang proteksyon mo nakita mo naman kung pano nila tayo pinagbabaril kanina diba? Hindi nila tayo sasantuhin."
Tumango nalang sakin si Amanda at naghiwalay na kami ng daan madali lang sana kami makakalabas dito kung madami ang bantay.
"Subukan mong gumalaw at sasabog yang utak mo dito."
Natigil ako dahil tinutukan ang ng baril ng pinuno nila at sabay pukpok sa may batok kaya nanghina ako at binuhat nila papasok.
Tinali ulit nila ako sa may upuan at hinigpitan pa ulit lalo.
AMANDA'S POV
Mabuti nalang at nakaligtas ako sa mga lalaking yon pero si Scarlet nagkahiwalay kami at hindi ko alam kung nasan sya.
"Mom anong nangyari sayo???"
"Si-si Scarlet??!!!!"
"Anong nangyari kay Scarlet?!?! Asan sya????"
"May mga lalaking dumukoy samin at kinulong kami nakatakas kami pareho pero nagkahiwalay din kaya hindi ko alam kung nasan sya."
"Whatttttt???????"
"Madami sila Kevin at sigurado ako na baka nahuli na si Scarlet at kung ano ng gagawin nila."
"Hindi ako papayag saan nila kayo dinala? Babalikan ko si Scarlet."
"Masyadong delekado madami sila."
Hindi ako pinansin ng anak ko at dumiretso na palabas tinawagan ko agad si Diosdado para magpadala ng back up kay Kevin dahil masyadong delekado kung sya lang ang pupunta mag-isa.
SCARLET'S POV
Nagising nalang ako dahil may yumuyugyog sa ulo ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nandon na naman ako sa pwesto kung saan ako nakatali kanina lang.
Nakita kodin ang isang lalaki na nakaitim na maskara.
"Bakit sya lang asan ang asawa ni Diosdado???"
"Sorry Boss pero nakatakas siya at itong babae nalang nato ang nahuli namin."
Pilit kong kinakalas ang tali sa kamay ko pero palaisipan padin sakin kung sino ang lalaking nakamaskara.
"Siya ba ang Girlfriend ng anak ni Amanda??"
"Pakawalan nyo na ako! Dahil wala kayong mapapala sakin!"
"Boss ano bang gagawin natin sa babaeng ito?"
"Ikulong nyo lang sya dahil magagamit pa natin sya laban sa mga Samonte."
"Kahit ikulong nyo ako dito hindi nyo mapapabagsak ang mga Samonte! Kaya kung ako sa inyo pakawalan nyo na ako!"
"Manahimik ka!"
Bigla akong Sinampal ng lalaking nakamaskara.
"Tapos na ang masasayang araw ng mga Samonte dahil nandito nako! Ako ang magpapabagsak sa kanila."
Galit na galit ang boses ng lalaki at tila katulad ko ay may nagawang ding masama ang mga Samonte dito.
"Boss patayin nalang kaya natin sya?? Tutal mukhang wala naman tayong magiging pakinabang dito sigurado ako na hindi magsasakripisyo ang mga Samonte para lang sa isang kagaya nya."
"Mali ka Ramon sigurado ako sa mga oras nato ay nakapagsumbong na si Amanda at papunta na sila ngayon dito kaya dalhin nyo na sya at umalis na tayo dito."
Tinanggal ng isang lalaki yung tali sa kamay at paa ko at umalis na kami sumakay kami sa isang Van at nagbyahe sa hindi lang din kalayuan.
Nilabas nila ako sa Van at doon ako nakahanap ng tyempo para makatakas.
Sinipa ko yung dalawang lalaki na nakahawak sakin at inagaw ko sa isa yung hawak nyang baril at tinutukan ang nakamaskara.
"Subukan nyong lumaban at hindi ako magdadalawang isip pasabugin ang bungo nitong amo nyo!."
Naglakad ako palayo habang tutoktutok ang baril sa nakamaskara.
Nang makalayo na kami ay tinulak ko sya at tumakbo palayo pero sinundan padin nila ako at nakipagpalitan ng putok ng baril.
"Wala kanang kawala kaya mas mabuti pang sumuko ka nalang!!!!!"
Hinang hina na ako at parang wala na akong lakas para lumaban.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa muli akong ma corner ng naka maskara at mga tauhan nya.
"Wag kanang lumaban para hindi kana masaktan."
Lumapit padin ako sa kanya at sinipa ko sya sa tyan kaya napaatras sya may pumalo naman sa likod ko kaya napaluhod ako.
"Hindi nyo kakayanin ang mga Samonte! Kaya kung gagamitin nyo ako laban sa kanila sinasayang nyo lang ang oras nyo!"
"Gaano moba kakilala ang mga Samonte?"
"Kilalang kilala ko sila kaya ngayon palang binabalaan kona kayo!"
"Gaano man sila katayog ay tutumba at tutumba padin sila masyado ng madami ang mga kasalanan nila kaya kailangan na nilang mahusgahan."
"Sino kaba talaga? Bakit ayaw mo ipakita ang mukha mo?"
"Dahil hindi pa ito ang tamang oras para makilala nyo ako. Pero kung gusto mo talaga makita ang mukha ko pagbibigyan kita."
"Boss wag ka makinig sa mga sinasabi nya."
Nakinig naman sa hamon ko yung naka maskara at hinubad nya ito.
Pero hindi ko inaasahan ang nasa likod ng itim na maskara.
"Pa??????"
Totoo batong nakikikita ko??????
Hindi ba ako nananaginip????
Si papa nga ba ang lalaking nasa harapan ko???????
"Anong sinasabi mo???"
"Pa????"
Hindi kona napigalan ang pag-iyak sa mga oras nato ay gusto kong yakapin ng mahigpit ang papa ko kaso hindi ko magawa dahil natatakot ako.
Lumapit sakin si Papa at galit na hinawakan ang mukha ko.
"Anong sinasabi mo??? Anong Papa?!!! Wala akong anak na babae!!! At hindi kita anak!!"
"Pa?"
Yan lang ang salitang lumabas sa bibig ko. Naghalo ang saya at lungkot ng makita ko si Papa totoo ngang buhay pa sya.
"Hindi kita anak!"
Tinulak nya ako at tinutukan ng baril. Gusto kong sabihin sa kanya na ako si Vince, Na ako ang kaisa-isang anak nila ni Eloisa pero walang lumabalabas na kahit anong salita sa bibig ko.
Dahandahan akong tumayo pero nakatutok padin sakin yung baril kaya napapaatras ako at hindi ko napansin na bangin na pala ang nasa likuran ko.
# CHAPTER 34
SCARLET'S POV
"HINDI KITA ANAK!!!!"
Hindi nagdalawang isip si Papa na barilin ako kahit sinabi konang anak nya ako.
"Pa!!!! Wag!!!!!!!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil akala ko ay binaril na talaga ako ni Papa.
Mayamaya pa ay may dalawang tao ang lumapit sakin isang matandang babae at lalaki.
"Ineng ayos kalang ba???"
Nilapitan ako ng babae pero napaatras amo ng konte.
"Wag ka matakot samin, Hindi kami masamang tao sa katunayan nga kami ang nagdala sayo dito."
Tiningnan ko ang paligid na isang maliit na barong barong kami.
...................
FLASHBACK
.......................
"Pa??????"
Totoo batong nakikikita ko??????
Hindi ba ako nananaginip????
Si papa nga ba ang lalaking nasa harapan ko???????
"Anong sinasabi mo???"
"Pa????"
Hindi kona napigalan ang pag-iyak sa mga oras nato ay gusto kong yakapin ng mahigpit ang papa ko kaso hindi ko magawa dahil natatakot ako.
Lumapit sakin si Papa at galit na hinawakan ang mukha ko.
"
Anong sinasabi mo??? Anong Papa?!!! Wala akong anak na babae!!! At hindi kita anak!!"
"Pa?"
Yan lang ang salitang lumabas sa bibig ko. Naghalo ang saya at lungkot ng makita ko si Papa totoo ngang buhay pa sya.
"Hindi kita anak!"
Tinulak nya ako at tinutukan ng baril. Gusto kong sabihin sa kanya na ako si Vince, Na ako ang kaisa-isang anak nila ni Eloisa pero walang lumabalabas na kahit anong salita sa bibig ko.
Dahandahan akong tumayo pero nakatutok padin sakin yung baril kaya napapaatras ako at hindi ko napansin na bangin na pala ang nasa likuran ko.
...............
END OF FLASHBACK
...............
.
Tama nahulog nako sa bangin bago paman ako mabaril ni Papa.
"Sorry po. Maraming salamat po sa pagtulong nyo sakin."
"Wala yon Ineng. Bakit ka nga pala nandon? Anong nangyari sayo??"
"Meron lang po kasing humahabol sakin tapos aksidente po akong nahulog."
"Wag kang mag-alala Ineng ligtas ka dito at kung may maghahanap sayo itatago ka namin."
"Maraming salamat po."
Naisip ko bigla si Papa. Kailangan ko syang makausap sa lalong madaling panahon dahil ipapaliwanag ko sa kanya ang totoong nangyari. Kung pano naging ako si Vince.
Tatayo na sana ako kaso ang bigat at ang sakit ng katawan ko dahil sa pagkakahulog ko.
"Mahina kapa Ineng magpahinga kana muna." Sabi sakin ni Tatay.
"Kaya nga kailangan mo bumawi ng lakas at kung may kailangan ka sabihin molang samin."
Tumango lang ako sa kanila at lumabas nadin sila.
Pa? Ngayong nakit na ulit kita Hindi ko sasayaning ang oras makasama lang kita.
ARTHUR'S POV
"Boss kanina kapa tahimik? Iniisip mopa din ba ang sinasabi ng babaeng yon?"
"Hindi ko kasi maisip Ramon kung bakit nya ako tinawag na Papa."
"Baka nililito lang nya kayo. Diba lalaki ang anak nyo?"
Tama si Ramon lalaki ang anak ko at hindi babae kaya imposible ang sinasabi nya na anak ko sya dahil isa lang ang anak ko at si Vince yon.
"Tama ka baka nga nililito nya lang ako."
"Anong sunod nating plano boss?"
"Sisimulan natin sa mga galamay ni Diosdado dahil tama ang babaeng yon hindi natin ganon kadali mapapabagsak ang mga Samonte lalo pa't madumi sila maglaro."
Vince, Eloisa lahat ng ito ay para sa inyo kayo ang dahilan kung bakit patuloy ako lumalaban at hindi ako titigil hanggat hindi ko nakakamit ang hustisyang matagal nilang pinagkait satin
GRAY'S POV
"Scarlet asan kana ba????"
Kanina kopa tinatawagan si Scarlet pero hindi nya sinasagot out of coverage ang phone nya.
Kinakabaha na ko dahil hindi naman sya ganito lagi syang nag uupdate sakin.
"Gray anong meron bakit parang hindi ka mapakali?"
"Madam V. Si Scarlet kasi kanina kopa tinatawagan pero hindi sumasagot nag-aalala nako."
"Baka naman busy lang."
"Hindi po. Iba ang kutob ko kilala ko si Scarlet lagi nya akong sinasabihan kung nasan sya o anong ginagawa nya. Baka kung napano na sya."
"Tawagin mo ang ilan sa mga tauhan natin may pupuntahan tayo." Utos nya sakin.
"San po tayo pupunta Madam?"
"Pupuntahan natin ang kaharian ng mga D*mon*o ang bahay ng mga Samonte."
Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Madam V. Pero sumunod ako sa inutos nya dahil sigurado ako na makakatulong to para mahanap namin si Scarlet at malaman kung anong kalagayan nya.
VIOLET'S POV
Pagdating namin sa harap ng bahay ng mga Samonte ay hindi kami nakapasok dahil may mga nakaharang agad.
"Sino kayo at anong kailangan nyo?"
Tanong samin ng isang lalaki.
"Hindi ikaw ang kailangan namin kundi ang amo nyo kaya tawagin nyo na sya dahil gusto ko syang makausap."
"Hindi pwede. Walang binilin samin si Boss na may bisita sya ngayon."
"Wala? Pwes sabihin mo na hinahanap sya ni Violet Delgado at gusto syang makausap."
Umalis naman yung lalaki at mukhang tinawag ang amo nya.
"Madam V. Tama ba na sumugod tayo? Baka masyado tayong nagpapadalos dalos at makasira sa mga Plano ni Scarlet."
Mahinang sabi sakin ni Gray.
"Everything is under my control."
Mayamaya pa ay lumabas nadin si Diosdado at kasama pa ang asawa nya.
"What's going on here??". Napa tingin sya sakin at halatang medyo nagulat ng makita ako. "Ms. Delgado? Anong ginagawa mo dito?"
"Hindi nako magpapaligoy ligoy pa. Hinahanap ko ang pamangkin ko."
"Si Scarlet? Bakit nawawala ba sya? Baka naman gumimik at pumunta kung saan at kung hinahanap mo sya dito. Wala."
"Asan ang pamangkin ko??!!" Mariin kong sabi sa pamangkin ko.
"Wala dito si Scarlet at bakit parang pinagbibintangan mo kami?."
"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo Diosdado kaya ilabas mo ang pamangkin ko kung ayaw mong magkagulo tayo dito."
"Tinatakot moba ako Ms. Delgado?"
"Hindi kita tinatakot Mr. Diosdado Samonte pinapaalalahanan lang kita."
"Pwede ba? Umalis na kayo dito dahil wala ang hinahanap nyo." Singit ni Amanda.
"At ikaw Amanda akala moba nakalimutan kona yung ginawa mo sa pamangkin ko? Pina ambush mo sya diba?!"
Hindi kona napigilan ang sarili ko at nasampal ko sya.
"How dare you!!!"
Sasampalin nya sana ako pero nasalag ko at sinampal ko ulit sya.
"Ms. Delgado baka nakakalimutan mo nandito ka sa eritoryo namin i can do whatever i want isang salita kolang pwede kong utusan ang mga tauhan ko na patayin kayo."
Kinuha ko yung baril na hawak ni Gray at tinutok kay Diosdado.
"Aalis lang ako dito kapag nalaman ko kung nasan si Scarlet. Ano? Hindi padin ba kayo magsasalita???"
"Okay fine! Sasabihin kona. May dumukot samin at nakatakas ako but unfortunately naiwan don si Scarlet."
"Why didn't you tell me? WHERE EXACTLY SHE IS??!!!"
Hindi narin kami nagtagal dahil sinabi din samin ni Amanda kung saan namin matatagpuan si Scarlet kaya naman agad naming pinuntuhan ang lugar na sinasabi nya.
SCARLET'S POV
Paggising ko kinabukasan ay tumayo na ako at nag-ayos ng aking sarili kailangan kong umuwe ngayon dahil baka nag-aalala na sakin sila Tita Violet.
"Ineng san ka pupunta?"
"Uuwe napo ako samin Nay sigurado po ako na nag-aalala na ang Tita ko."
"Ganon ba? Pero sigurado kaba na kaya mona?"
"Opo kaya kona po."
"Gusto mo ihatid na kita sa sakayan para hindi ka maligaw."
Alok sakin ni Tatay.
Tumango naman ako sa kanya at sinamahan nya ako sa sakayan mabuti nalang at mabait ang mag-asawang nakakita sakin at tinulungan ako, Pinahiram din nila ako ng pamasahe pauwe dahil wala akong kadala-dala na kahit ano at nangako ako sa kanila na babalikan ko sila para maibalik ang kabutihang pinakita nila sakin.
//////
Pagdating ko sa bahay ni Tita Violet ay sinalubong nya ako at sobrang nag-alala sya sakin.
"Scarlet?? San ka galing pinag-alala mo kami. Akala ko kung napano ka."
"Hindi ka maniniwala sa nakita koTita Violet . Nakita kona po si Papa buhay sya."
"Talaga asan sya?"
"Hindi naging maganda ang pagkikita namin Tita dahil katulad ko ay gumaganti din sya sa mga Samonte at akala nya kalaban nya din ako."
"Anong ginawa mo? Sinabi moba sa kanya na anak kanya at pano biglang nasama ang Papa mo?"
"Yun nga ang hindi ko nagawa. Sa sobrang gulat ko nang makita ko sya ay salitang PAPA lang ang nabanggit ko. Akala nya niloloko ko sya kaya ayon muntik na nya akong mapatay. Si Papa din ang dalawa kung bakit ako nawala kasama ko si Amanda pero nagkahiwalay kami"
"So totoo ngang buhay ang Papa mo, Hindi ba magandang pangyayari yon? May makakasama na tayo para labanan ang mga Samonte."
"Pero may mga katungan pa ako sa kanya Tita. Gusto kong tanungin kung bakit hindi nya ako hinanap. Kung bakit iniwan nya ang bangkay ni Mama gayong buhay pala sya."
"Marahil may dahilan ang Papa mo at hanggat hindi mopa sya nakakausap ay hindi masasagot lahat ng katanungan mo."
Hindi ko alam kung anong dahilan ni Papa pero handa akong makinig sa ano mang sasabihin nya. Sab loob ng mahabang panahon nawala sya sa tabi kaya ngayon nakita ko na sya at alam kong buhay sya ay hindi kona sasayangin ang pagkakataon para magkasama ulit kami.
"Pasensya na Tita kung napag-alala ko kayo."
"Ang importante nakaligtas ka, Pero may mas higit na nag-aalala sayo bakit hindi mo muna sya puntahan."
Alam kong si Gray ang tinutukoy nya kaya naman agad kong hinahanap si Gray para malaman nya na ayos lang ako.
"Gray???"
Napatayo agad sya sa kinatatayuan nya at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.
"Sobrang nag-aalala ako sayo alam mobang hindi ako nakatulog kakaisip kung nasan ka o Kung okay kalang ba."
"Maayos naman na ako may tumulong sakin na mag-asawa."
"Ano ba talagang nangyari sayo bakit bigla kang nawala?"
"May natanggap akong message na nagsasabing hawak daw nila si Kevin kaya ayon nagmadali agad ako na pumunta para iligtas si Kevin kaso setup lang pala ang lahat para mahuli kami ni Amanda pero wala talaga don si Kevin. Nagkatakas kami ni Amanda pero nahuli ulit ako at hindi ka maniniwala sa nakita ko."
"Bakit sino ang nakita mo?"
"Yung taong nagpadukot samin at nagtangka sakin ng masama ay ang Papa ko."
"Ano??!! Buhay ang papa mo?"
"Oo Gray buhay sya at gumaganti din sya sa mga Samonte at inakala nya na kalaban din ako."
"Anong ginawa mo? Sinabi moba sa kanya na ikaw si Vince? Na ikaw ang anak nya?"
Napaiyak na naman ako ng maalala ko ang pagkikita namin ni Papa at niyakap ulit ako ni Gray.
"Wala akong nasabi dahil sobrang nagulat ako."
"Wag kanang malungkot Scarlet dahil ngayon alam monang buhay ang Papa ay sigurado ako na magkakasama din kayo ng Papa mo at magkasama nyong pababagsakin ang mga kaaway nyo."
"Maraming salamat Gray."
"Wow! Mukhang may dapat akong malaman tungkol sa inyong dalawa."
Napabitaw agad ako agad.
"Kevin???? Anong ginagawa mo dito???"
"Bakit nagulat kaba? Naistorbo ba kayo ng lalaki mo???"
Nanginginig na ang boses ni Kevin at halatang nagpipigil lang sya ng galit.
"Kevin ano bang sinasabi mo?."
Lumapit ako sa kanya pero tinulak nya ako.
"Wag kanang magmaang maangan Scarlet kitang kita ko kung pano kayo nagyakap na parang sabik na sabik talaga kayo sa isa't-isa!!! Kaya pala lagi mo syang kasama, Kaya pala iba ang mga tinginan nyo kasi lalaki mo sya!!!"
"Wag mong sasaktan si Scarlet!!!!"
Lumapit si Gray kay Kevin at binigyan nya ito ng sapak at gumanti din naman si Kevin nag-away yung dalawa kaya naman tumawag nako ng mga guards para awatin sila.
"Pwede ba magsitigil kayo!!"
Sigaw ko sa kanilang dalawa.
"Hindi ako titigil hanggat hindi ko napapatay yang lalaki mo!"
Lumapit ako kay Kevin at nagpaawa ako sa kanya.
"Kevin ba't kaba nagkakaganyan?? Hindi ko lalaki si Gray okay? Oo sa totoo lang magkaibigan talaga kami kaya ganito kami ka close pero sige kung magagalit ka sakin nalang, Ako nalang ang saktan mo tatanggapin ko."
Kinuha ko yung kamay ni Kevin at pilit na sinasampal sa mukha ko pero niyakap nya ako ng mahigpit.
"Sorry Scarlet nadala lang ako ng emosyon ko sobrang mahal na mahal lang kita at hindi ko kakayanin kung mawawala ka sakin kaya kung may aagaw man sayo ay makikipag patayan ako."
"Diba sabi ko sayo na Mahal kita? Hindi paba sapat yon para hindi ka maniwala? Atsaka si Gray kaibigan kolang sya at hanggang doon lang yon. Ikaw, ikaw ang Mahal ko."
"O-oo alam ko. Basta akin kalang at wala nang makakaagaw sayo."
Niyakap ulit ako ni Kevin.
Babaliwin kita hanggat ikaw mismo ang gugulo sa Pamilya nyo, Ikaw mismo ang tatapos sa mga plano ko at Ikaw mismo ang maglalabas ng baho ng Pamilya mo.
# CHAPTER 35
SCARLET'S
Dati gusto kolang naman maging masaya kaming buong mag Pamilya pero lahat nagbago nang dahil sa mga Samonte. Sinira nila ang pangarap ko, Pinatay nila ang Nanay ko.
Niyakap ko ang kahon na may Abo ni Mama at pinagmasdan ang larawan naming Pamilya.
"Ma? Nakita kona si Papa, Medyo hindi nga lang naging maganda ang unang pagkikita namin dahil hindi niya ako nakilala akala nya kalaban nya ako.
Pero Ma hindi po ako susuko hahanapin ko si Papa ulit at sasabihin ko sa kanya na ako si Vince ang anak nyo na isa nang babae ngayon at ipinapangako ko Ma na magkasama naming pababagsakin ni Papa ang mga taong sumira satin."
Habang nakatitig ako sa larawan namin ay may biglang kumatok at pinapasok ko naman agad.
"Scarlet pwede ba kita maistorbo?"
"Bakit po tita? May sasabihin po ba kayo?"
Nilapag ko muna yung kahon at umupo kami ni Tita.
"Scarlet desisyon mo nalang ang kulang para masagawa natin ang ang sunod na plano laban sa mga Samonte."
"Tita Violet kailangan kopo muna mahanap ang kaibigan ko alam kong nasapanginib sya ngayon kaya Kailangan ko syang tulungan."
"Ano bang nangyari sa kanya?"
"Ang sabi lang ng Mama nya ay may dumukot sa kanya at tinutukoy nya na may kinalaman daw ang mga Samonte sa pagkawala ni Monica."
"Kung may kinalaman man sila ang balak mo?"
"May naisip nakong paraan Tita pero sana wag nyo nalang banggitin kay Gray dahil alam kong pipigilan nya ako."
"Sige pero mag-iingat ka."
Kailangan ko muna isang tabi ang plano namin para mailigtas si Monica dahil hindi ko kakayanin kung mapapahamak sya.
DIOSDADO'S POV
"BOSS isa-isa nang umaalis ang mga tauhan natin."
"What????!!! Humanap ka ng iba! Hindi natin sila kailangan!"
Ang aga-aga umiinit ang ulo ko.
"Boss yun na nga eh, Wala na kasi tayong maipangbayad sa kanila kaya umaalis na sila."
"Kapag sinabi kong maghanap ka! Maghanap ka!"
Pinatayan ko sya ng tawag sa sobrang inis ko.
Kailangan na naming maibenta ang lahat ng mga babaeng nakuha namin para magkaroon ng maraming pera.
"Ang aga-aga nakakunot yang noo mo?" Pang-aasar sakin ni Amanda.
"Wala akong oras makipagtalo sayo "
"Relax Diosdado."
"Pano ako magrerelax? Kung karamihan sa mga businesses natin ay wala na? Dahil sa mga RAID na nangyari lahat nagsara! At yung iba ayaw na mag invest satin o makipag partnership dahil sa mga issue na kinakaharap natin! Kaya pano ako makakapag relax?"
"Hindi ba sabi mo makikipag partnership ka kay Violet Delgado?"
"After what happened? Do you really think na makikipag partnership sya satin? Hindi ba Tayo ang pinagbibintangan nya sa pagkawala ni Scarlet."
"Yung susi ng AGILA? Hanggang ngayon ba wala pading makapagsabi kung saan o kanino naiwan ni Anthon ang susi?"
Wala sanang magiging problema kung na samin ang susi ng AGILA.
SCARLET'S POV
Isa lang ang paraan para mahanap ko si Monica ayon ay ang magpahuli din ako sa mga tauhan ni Diosdado.
Bago ako umalis sa bahay ni Tita Violet ay inayos ko ang aking sarili para makuha ang atensyon ng mga tauhan ni Diosdado, Naglagay din ako ng device sa katawan ko para mamonitor o malaman ni Tita kung nasan ako. Hindi ko din sinabi kay Gray ang tungkol dito dahil tsak na pipigilan nya ako.
//////
Nagsuot ako ng magandang damit na siguradong makakakuha ng atensyon at pumunta ako sa lugar kung saan madalas may nawawalang babae.
Umupo ako sa Isang tabi at kunwaring nagcecellphone mayamaya pa ay may napansin akong isang lalaking tila nagtitiktik sakin.
Tumayo ako at naglakad pero sinundan nya padin ako kunwari ay hindi ko sya nakita. Huminto muna ako sa paglalakad at inantay syang lumapit sakin at hindi naman ako nabigo kumagat sya sa plano.
"Sino ka anong gagawin mo sakin?"
"Wag kanang pumalag miss kung ayaw mong masaktan."
May nakatutok na patalim sa tagaliran ko. Mayamaya pa ay may huminto na Van sa tapat namin at ipinasok nila ako don at may pina amoy na kung ano at nawalan ako ng malay.
/////
Nagising nalang ako dahil may naramdaman akong tumatapik sakin.
"Gising na nandito na tayo."
"Pakawalan nyo ako! San nyo ako dadalhin? Anong gagawin nyo sakin?!"
Mukhang nandito na kami kung saan dinala nila si Monica. Pinababa nila ako at pinagmasdan ko ang lugar hindi sya Pamilyar sakin.
"Bilisan mo ang lakad."
"Kaya ko maglakad." Inis na sagot ko sa isang lalaki.
"Aba sasagot kapa? Gusto mong masampal?"
Akmang sasampalin ako ng isang lalaki pero inawat sya ng isa nyang kasama.
"Pst oyy gusto mo malagot kay Boss? Kailangan pa natin ang babaeng yan, Mapapakinabangan natin yan."
Pinasok nila ako sa isang malaking gate na sa tingin ko ay isang planta o pabrika.
May sumalubong samin na isa pang lalaki at lumapit agad sakin sabay hawak sa mukha ko.
"Mukhang maganda tong bagong kuha nyo ah, Malaking halaga natin sya mabebenta sigurado ako na matutuluwa si boss dito. Sige na ipasok nyo na sya."
Habang naglalakad kami ay tiningnan at tinandaan ko ang bawat sulok ng madadaanan namin para kung sakaling tatakas man kami ay madali ko silang mailalabas.
Huminto kami sa isang pintuan namay may malaking kadena at binuksan agad ito ng lalaki sabay tulak sakin papasok.
Dito nakita ang mga babaeng bihag nila at madami ito, Nag-iiyakan at hinang hina na ang iba.
Maya-maya pa ay sinira na nila ang pintuan kaya napatayo ako at sinubukang buksan ang pintuan.
"Wala kanang magagawa matutulad kadin sa iba pang mga babaeng nandidito."
Pinagmasdan ko ang mga babaeng kasama kong nakakakulong sobrang nakakaawa sila alam kong gusto na nilang umalis dito at ang mga Pamilya nila ay sobrang nag-aalala na sa kanila.
"Scarlet???? Ikaw bayan? Paano ka----"
Hindi kona pinatapos ang pagsasalita ni Monica dahil niyakap kona sya nang mahigpit.
"Mabuti nalang okay ka, Akala ko hindi na kita aabutan eh."
"A-ayos lang ako pero ikaw? Paano ka napunta dito? Dinukot kadin ba nila?"
"Sinadya ko talagang magpahuli para malaman ko kung nasan ka, Para mailigtas kita pati na yung ibang mga babaeng nandito."
"Pero bakit?"
"Malalaman mo din, Pero tulungan mo ako na kausapin ang lahat nang nandito para sa gagawin nating pagtakas."
Tumango sakin si Monica at nilapitan namin ang iba pang mga babae para sabihin ang plano naming pagtakas.
GRAY'S POV
Habang naglalakad lakad ako ay nakita ko ang mga tauhan ni Madam V. Na nagmamadali at tila may pupuntahan.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ko sa isa kanila.
"Inutusan kami ni Madam V. Kailangan namin puntahan si Ma'am Scarlet para iligtas."
"Si Scarlet??? Bakit anong nangyari sa kanya? Asan sya?"
"Si Madam V. Nalang siguro ang tanungin mo."
Ano na naman bang nangyari kay Scarlet?
Kagagaling nya lang sa kapahamakan nasa panganib na naman ba sya ngayon?
Dali dali kong pinuntahan si Madam V. Para
Tanungin kung ano ba talaga ang totoo.
"Madam V. Asan po si Scarlet? Ayos lang ba sya? Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?."
Walang nabanggit sakin si Scarlet tungkol sa gagawin nya.
"Gray ayokong makialam sa kung ano ang meron kayo ni Scarlet pero desisyon nya yon kaya mas mabuti pang kausapin mo nalang sya."
"Pasensya napo Madam V. Nag-alala lang talaga ako sa kanya."
"Kilala mo si Scarlet hindi sya bast-basta nagpapatalo at alam nya ang ginagawa nya kaya magtiwala nalang tayo sa kanya atsaka papunta nadin ang mga tauhan ko para tulungan sya."
"Madam V. Sabihin nyo po sakin kung nasan sya hindi ako mapapakali kung nandito lang ako at walang ginagawa."
Lumapit si Madam V. Sa computer nya at may pinakita sakin na isang location ang sabi nya ay nandon daw si Scarlet.
Hindi naman ako nagsayang pa ng oras at umalis na agad ako para puntahan ang lugar na sinasabi nya.
SCARLET'S POV
Pagkatapos naming kausapin ang mga kakababaihan ay tinawag kona din si Tita Violet para papuntahin ang mga tauhan nya mabuti nalang at naitago ko ang isa kopang phone.
Lumapit ako sa may pinto at kinalampag koyon.
"Palabasin nyo kami!!!! Buksan nyo to!!!"
Buong lakas ko na sigaw umaayon naman lahat sa naging plano ko.
Mayamaya pa ay bumukas nadin ang pinto at pumasok yung isang lalaki.
"Ano bang iniingay-ingay nyo dyan?"
Hinila ko sa damit yung lalaki at tinulak ko sa dingding at sinipa ko sya sa may Tiyan sabay sunod sunod na suntok sa mukha hanggang sa mawalan sya ng malay. Kinuha ko agad ang baril nya at nag-abang ulit sa pinto.
Kita sa Mukha ng mga kababaihan ang sobrang takot pero katulad ng sinabi ko sa kanila kailangan nilang labanan ang takot nayon kung gusto nilang makalabas ng buhay at makita ang mga pamilya nila.
May pumasok ulit na isa pang lalaki at pinukpok ko agad sa may batok ng baril at nawalan agad ng Malay.
Sumilip ako sa may labas at may nakita akong tatlo pang mga lalaki na nagsusugal.
"Dito lang kayo antayin nyo ako."
"San ka pupunta Scarlet?"
Kinuha ko yung isang baril ng lalaki at binigay kay Monica.
"Gamitin mo yan kung sakaling may ibang pumasok dito."
Dahandahan akong lumabas at nilapitan yung tatlong lalaki. Dahil sa sobrang busy nila ay hindi nila ako napansin.
"Mukhang maganda yang nilalaro nyo ah?"
"Oo nga eh."
Pag-angat ng mukha ng isang lalaki ay nagulat sya ng makita nya ako.
Pinukpok ko naman agad sa mukha nya yung baril na hawak ko. Napatayo naman agad bigla yung dalawa at agad akong nilapitan.
Susuntukin sana ako ng isa pero nailagan ko at sinipa ko sya sa likuran.
Nahawakan naman ng isa yung kamay ko pero sinuntok ko sya sa mukha hanggang sa mabitawan nya ako.
May yumakap naman sakin mula sa likod yung lalaking pinukpok ko ng baril sa mukha.
Lalapit sana sakin yung isa pang lalaki pero
Tumalon ako at sinipa ko sya, Inumpog ko naman ang ulo ko sa mukha ng may yakap sakin at nabitawan nya ako.
Humarap ako sa kanya at hinawakan ang ulo nya at tinuhod ko ang nguso nya.
Nilapitan ko naman yung dalawang lalaki at hinawakan pareho ang mga kamay nila at pinilipit koyon.
Nakarinig ako ng mga putok ng baril at alam kong nandito na ang mga tauhan ni Tita Violen binitawan ko naman yung dalawa at binalikan sila Monica.
"Dali lumabas na kayong lahat."
Isa-isa namang lumabas yung mga babae at pinasunod ko sila sakin.
May mga nakakasalubong Kaming tauhan ni Diosdado kaya kahit ayaw ko ay kinakailangan ko silang barilin para makalabas kami ng ligtas.
Nakasalubong ko ang Ilan sa mga tauhan ni Tita Violet at sinabi ko kala Monica na sumama na don.
"Pero Scarlet pano ka???"
"Wag mona ako alalahanin kaya kona ang sarili ko kailangan kolang masiguro na walang makakasunod sa inyo. Basta ipangako mo sakin na ililigtas mo ang sarili mo."
"Scarlet hindi kita iiwan sabay tayong aalis Dito."
"Makinig ka sakin Monica. Hindi kona kakayanin kapag may isa pang tao na mahalaga sakin ang mawawala kaya please sumunod ka nalang sakin."
"Bakit moba ginagawa ang lahat ng ito? Bakit Parang ang bait bait mo sakin?"
Hindi ako sumagot sa kanya bagkos ay Niyakap ko sya ng mahigpit. Alam kong nagtataka sya sa mga inaasal ko pero kapag tapos nito ay malalaman nya din ang lahat.
"Scarlet?"
"Kapag hindi ako nakabalik gusto kong ipaalam mo kay Tita Violet mahal na mahal ko sya. Sige na umalis kana."
Magsasalita pa sana si Monica pero pinaalis kona sya. Kailangan ko muna masiguro na lahat ng mga kababaihan dito ay makakaligtas.
"Sinasabi ko na nga ba. May tinatago ka talagang baho Scarlet."
"Amanda????"
"Oh bakit parang nakakita ka ng multo? Nagulat ba kita?"
Hindi ko inaasahan na makikita ko si Amanda sa ganoong sitwasyon nakita nya kaya ang pag-uusap namin ni Monica??
"O-ofcourse not. Anong ginagawa mo dito?"
"Ikaw!? Anong ginagawa mo dito?!"
"Tinawagan ako ni Kevin at pinapunta nya ako dito yun lang."
"Liar!! Hindi mo ako maloloko kitang kita ko na pinapatakas mo ang mga babaeng bihag!"
"Ano bang sinasabi mo?? At bakit ko naman gagawin yon?? Nandito ako dahil kay Kevin kaya kung wala kanang sasabihin? Excuse me i have to go."
"Sinong niloloko mo? Hindi moko mauuto sa mga kasinungalingan mo!"
Hinawakan ako ng mariin ni Amanda sa braso at tiningnan nya ako ng masama.
"Bitawan mo ako."
"Bakit kita bibitawan? Kailangan malaman ni Diosdado kung sino ang ahas sa Pamilya namin."
Tinanggal ko ang kamay ni Amanda sa braso ko at sinampal ko sya ng malakas.
"Ayan! Sampal ng Isang ahas!"
"Sinasabi kona nga ba! Hindi ka dapat pagkatiwalaan dahil ahas ka!!!"
Hinila ni Amanda ang buhok ko at akmang iuumpog ako sa pader pero hinawakan ko ang kamay nya at pinilipit papunta sa likuran nya.
"Gusto mo talagang malaman ang totoo?!!! OO!!! AHAS AKO NG PAMILYA MO! AHAS AKO NG PAMILYA SAMONTE!!! DAHIL HINDI KONA MATIIS ANG KASAMAAN NYO!!!"
"Hindi mopa nakikita ang tunay na kasamaan meron kami! Lalo na sa mga kumalaban samin!!"
Tinulak ako ng malakas ni Amanda at nabitawan ko sya. Lumapit naman agad sya sakin at sinakal ako.
"Kaya pala umpisa palang mainit na ang dugo ko sayo dahil alam kong hindi ka gagawa ng maganda pero ngayon alam kona ang katotohanan kaya naman tatapusin kona ang pangarap mo na maging myembro ng Pamilya namin!!"
Hindi ako nagpatalo kay Amanda sinuntok ko sya sa sikmura at ako naman ang sumakal sa kanya at sinandal ko sya sa dingding.
"Gusto mo patayin na kita?! Ha?!!! Para matapos na ang pagrereyna reynahan mo!!?? Sagot!!!!!!"
Biglag lumabas lahat ng galit ko na matagal kong kinikimkim. Diniinan kopa ang pagkakasakal kay Amanda at kitang kita ng dalawang mata ko na nahihirapan na sya kahit anong tanggal nya sa kamay ko ay wala din syang magawa dahil hinang hina na sya.
Pero may naramdaman akong bagay na dumiin sa ulo ko.
"Isang maling galaw molang kakalat yang utak mo."
Kilalang kilala ko ang boses nayon at kay Diosdado yon.
Binitawan ko si Amanda at humarap ako kay Diosdado.
"Hindi ko akalain na nagpatuloy kami ng isang ahas sa Pamilya namin."
"Well Diosdado hindi ko naman kasalanan kung Pamilya kayo ng mga uto-uto."
"How dare you!!" Isang malakas ng sampal ang tumama sa pisngi ko galing kay Amanda.
Pero taas noo padin akong humarap sa kanila. Hindi ang panahon para magpatalo ako sa kanila.
Hinawakan ako ng mga tauhan nila at nilibas sa Pabrika sa ibang daan kami dumaan kaya naman hindi ako nakita ng mga tauhan ni Tita Violet.
# CHAPTER 36
GRAY'S POV
Wala na akong inaksayang oras pinuntahan ko agad ang lugar na sinasabi ni Madam V. Antayin molang ako Scarlet paparating nako.
Pagdating ko sa lugar ay naabutan ko ang mga tauhan ni Madam V. Na nililigtas yung mga babae.
"Si Scarlet nakita nyo ba???" Tanong ko sa kanila.
"Nasa loob pa Gray."
Ano! Sobrang kabado na ako ngayon dahil nasa panganib na naman si Scarlet. Tapos may lumapit sakin na isang babae na kung hindi ako nagkakami ay kaibigan ni Scarlet nung si Vince pa sya.
"Ikaw yung body Guard ni Scarlet diba??"
"Oo Ako nga. Asan sya?" Alalang tanong ko.
"Naiwan sya sa loob pinilit ko syang sumama samin pero ayaw nya mas pinili nyang iligtas kami. Please iligtas mo sya."
Tumango lang ako sa kanya at nagmadali nakong pumasok sa loob.
Hinanap ko agad si Scarlet sa loob pero nakailang ikot nako walang Scarlet akong nadatnan. Sh*t baka nakuha na sya ng mga Samonte.
"SCARLET!!!! ASAN KA???!!!!"
Tinawagan ko agad si Madam V. Para malaman ang eksaktong location ni SCARLET.
'Hello Madam? Wala na dito si Scarlet baka sinama na sya ng mga Samonte. Pwede nyo po bang sabihin sakin kung nasan sya
?'
'Wala na sya,
Nakaalis
na sila dyan.'
Lalo akong kinabahan sa sinabi ni Madam V.
Kailangan kong makita at mailigtas si Scarlet bago pa mahuli ang Lahat.
Pinaharurot ko agad ang sasakyan na dala ko para maabutan si Scarlet.
SCARLET'S POV
"Itali nyo sya at siguraduhin nyong hindi sya makakatakas."
Hinila ako ng tauhan ni Diosdado malapit sa isang poste at tinali ang kamay at paa ko don.
Lumapit sakin si Diosdado at tiningnan ako ng masama hindi din ako nagpasindak sa kanya.
"Scarlet Delgado. Isang babaeng bigla nalang sumulpot sa bayang ito at mabilis na nakapasok sa Pamilya namin. Now tell me? Plinano moba ang lahat ng ito?"
Hindi ako sumagot sa tanong nya at nginitian ko lang sya. Hindi pa ito ang tamang oras para makilala nila kung sino ba talaga ako.
"Bakit mo gustong patayin ang asawa ko? At pinatakas mopa lahat ng mga babaeng nakuha namin?"
Hindi ulit ako sumagot sa tanong nya at tinaasan kolang sya ng kilay.
"One last question. Ikaw lang ba talaga ang may gusto nito? O may ibang naguutos sayo?."
Alam kong nanggigil na sakin si Diosdado pero kahit anong sabihin nya at gawin nya sakin ay hindi nya ako mapapaamin.
"Answer me!!!!!!! Hindi ka talaga sasagot?!!!!"
Kinuha ni Diosdado yung hawak na baril ng tauhan nya at tinutuok sakin at nanginginig na sa galit.
"Hindi mopa ako kilala Ms. Delgado at hindi mopa alam kung paano ako magalit kaya umamin kana!?"
"BABARILIN MOKO?!?!?!!! BARILIN MOKO!!!!"
malakas na sigaw ko sa kanya na ikinagulat nya at ni Amanda.
"Sa Lahat naman ng mamatay ikaw pa ang matapang?! Eh kung patayin na kaya kita!! Gusto mo!!!"
"Sige patayin moko!!! Sinisiguro ko sa inyo na kapag pinatay nyoko? Parang nagumpisa kayo ng isang gera na hindi nyo gugustuhin! Sa tingin nyo ba basta nalang papayag ang Tita Ko?."
"WE-ARE-SAMONTE! at kahit anong gera payan nakahanda kami? Pero ikaw? Maglalaho ka nalang na parang isang bula. Alam mo sayang ka, Akala kopa naman matutulungan moko ako pero nagkamali ako isa ka palang AHAS mabuti nalang at nalaman namin ng maaga bago mopa kami matuklaw isa-isa. Ito lang ang tatandaan mo Scarlet hindi pa ipinapanganak ang taong magpapabagsak sa Pamilya namin!"
"Well Diosdado sorry ka nalang dahil pinanganak na sya! Nandito sa harap mo!"
"Sino ikaw?!! Ha ha ha are you kidding me? Ikaw? Eh ni hindi ka nga makatakas dyan. Any last word Ms. Delgado?"
Tinutok ni Diosdado sa noo ko yung baril.
"MAPAPATAY MOKO PERO PARANG PINATAY MONA DIN ANG PAMILYANG INIINGATAN MO, SA TINGIN MO DIOSDADO PAG PINATAY MOKO HINDI MAGAGALIT ANG PINAKAMAMAHAL MONG ANAK?! SIGURADO AKO NA KAPAG PINATAY MOKO HAHANAPIN NYA KUNG SINO ANG PUMATAY SAKIN! AT KAPAG NALAMAN NYANG KAYO YON?! SIYA MISMO ANG PAPATAY SA INYO!! KAYO-KAYO MISMO ANG SISIRA SA PAMILYA NYO!"
"Is that what you want"
"HINDI ANG KATULAD MO ANG MAGPAPABAGSAK SAMIN! HINDI IKAW! LALO PA'T isang babae kalang!!!!"
Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko pero nananatili padin matatag.
"BABAE NGA AKO PERO HINDI AKO BASTA BABAE LANG!!"
"DIOSDADO WHAT ARE YOU WAITING FOR??? KILL HER!!"
MALAKAS NA SIGAW NI Amanda.
Hindi malaman ni Diosdado kung anong gagawin nya lalo pa't pinipressure sya ng asawa nya.
Inagaw ni Amanda yung baril kay Diosdado at tinutok sakin.
"I will kill you!!!"
"Barilin moko!!!!! Sige!!!! Tingnan lang natin! Ano hindi mo kaya?"
"SHUT UP!!!!"
"Amanda Enough! Hindi na muna natin sya papatayin."
"What???"
"Ikulong nyo ang babaeng yan and make sure na hindi sya makakatakas."
Kinalas ng tauhan ni Diosdado ang mga nakatali sakin at hinawakan ako ng maiigi.
"Bakit ba hindi nalang natin patayin ang babaeng yan? Pano kapag nakatakas payan?"
"Pwede ba Amanda? Wag kanang maraming sat-sat."
Hinila ako ng tauhan ni Diosdado pero bago paman kami makaalis ay pinatigil nya din yon.
"Wait."
Nilapitan ako ni Diosdado at may kinuha sa damit ko.
Yung tracking device na nilagay ko.
"Th*s *s b*llsh*t!!!! We need to get out of here!!"
Ibinato ni Diosdado yung device na nakuha nya at sa sobrang inis nya ay hinawakan nya ang mukha ko.
"Kung sa tingin mo panalo kana? Nagkakamali ka! Dalhin ang babaeng yan!"
Sa mga oras nato alam kong papunta na sila Tita para iligtas ako pero hindi ko alam kung aabot sila.
Habang naglalakad kami palabas ay nakahanap akong tyempo tinulak ko yung isang lalaking may hawak sakin at sinipa naman yung isa pang nakahawak.
Lumapit naman sakin yung isa pa pero sinapa ko sya ng dalawang beses sa tagiliran kaya natumba sya.
May humawak sa balikat ko at paglingon ko ay isang malakas na sapak ang tumama sa pisngi ko medyo nahilo ako kaya nahawakan nila ako ulit.
Sinakay nila ako sa may Van at tinali ang kamay at paa ko para hindi ako makatakas.
KATELYN'S POV
"Manang asan pala sila Daddy?"
"Nako Katelyn hindi kapa ba nasanay? Lagi namang wala dito ang Mommy at daddy mo."
"Si kuya po? Nakita nyo ba?"
"Wala dito ang kuya mo, Pero alam ko pupunta yon kala Scarlet."
Hayss oo nga bakit paba ako nagtatanong?
Kung tutuusin nga mas naging magulang kopa si Manang Cecil kesa sa mga magulang ko na lagi nalang wala dito.
Ayaw akong isama ni Daddy dahil nga sa babae ako kaya mas gusto nyang kasama si kuya. Si Mommy naman laging mainit ang dugo sakin.
"Manang may tanong po ako?"
"Ano yon Nak?"
"Masamang tao ba talaga ang Pamilya ko? I want you to be honest with me po."
Natigil bigla si Manang at naging seryoso.
"Bakit mo naman natanong yan?"
"Marami po kasing mga sabisabi tungkol sa Pamilya namin at yung nangyari dati? Kay Ate Eloisa? Hindi makatarungan yon."
"Katulong nyo lang ako dito kaya wala akong karapatan na manghimasok sa Pamilya nyo."
"Pero Manang? Pamilya napo ang turing ko sa inyo."
Lumapit sakin si Manang ate hinimas ang buhok ko.
"Natutuwa ako dahil lumaki kang mabuting tao, Sana ikaw ang maging susi para sa pagbabago ng Pamilya mo."
Kahit hindi ako diretsohin ni Manang alam kong gusto nyang sabihin na OO MASAMANG TAO ANG MOMMY at DADDY mo.
"Manang? Kung nahihirapan napo kayo? Pwede napo kayong magpaalam hindi nyo po kailangan magtiis. Tinatakot poba nila kayo?"
"Walang tumatakot sakin, Gusto kolang ng maayos na buhay at syempre kayo ng kuya mo napamahal na kayo sakin."
"Manang kahit ano pong mangyari wag nyo po kaming iiwan ha?"
"Oo naman."
Napakaswerte ko dahil merong isang katulad ni Manang na laging nandyan sa twing kailangan ko ng kausap.
Niyakap ko ng mahigpit si Manang at pagkatapos ay may biglang bumukas ng pinto, Malakas yon at parang gustong sirain.
May mga pumasok na mga lalaki at may nga hawak silang baril at nakatakip ang nga Mukha.
"Sino kayo????" Takot na sabi ni Manang.
"Asan si Diosdado???!!!! At ang asawa nya?"
"Wala sila Dito umalis sila kaya umalis nadin kayo."
"Hindi ako naniniwala sayo!"
Tinulak ng isang lalaki si Manang kaya naman nilapitan ko agad sya para tulungan tumayo.
"Sino ba kayo? Anong kailangan nyo sa Mommy at Daddy ko???" Galit na tanong ko sa kanila.
"Anak ka pala ni Diosdado at Amanda?"
Lumapit sakin yung lalaki at hinawakan ako sa buhok.
"Bitawan moko!"
"Wala daw dito ang mag-asawang Samonte pero nandito naman ang anak nila kaya tara na."
Utos ng lalaki sa mga kasama nya. Pero bago sila umalis ay pinagsisira muna nila ang mga gamit sa bahay at wala akong magawa kundi ang umiyak nalang.
Hindi ko sila kilala pero alam kong galit sila sa mga magulang ko. Pati si Manang ay walang nagawa nang dalhin nila ako yung mga gwardya sa bahay namin ay hindi ko mahagilip marahil ay may ginawa sila.
SCARLET'S POV
Nagising nalang ako ng may malamig na tubig ang bumuhos sakin. Nasa ibang lugar na kami na tiyak ko malayo na sa unang pinagdalhan nila sakin.Marami talagang ganitong lugar ang mga Samonte para sa mga ganitong purpose nila ang PAGPATAY.
Itinali ulit nila ako at sinugurong hindi ako makakatakas.
Pilit akong kumakawala sa pagkakatali sakin pero masyadong mahigpit at kung makawala man ako ay maraming nakabantay sakin.
"Para sa isang babaeng katulad mo napakatapang mo. Pero nakakaawa ka dahil nag-uumpisa ka palang talo kana."
"At sinong nagsabi sayong nag-uumpisa palang ako? Matagal nakong nag-umpisa Diosdado! Matagal na!"
"WHAT-DO-YOU-MEAN!?"
"Akala koba matalino ka? Bakit hindi ikaw umalam."
Inis na lumapit sakin si Diosdado at sinakal ako na halos mawalan nako ng hininga.
"Dahan dahan ka sa pananalita dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapatay na kita!!"
"Diosdado tapusin na kasi natin ang babaeng yan."
"MAKINIG KAYO SAKIN MGA SAMONTE?! KAPAG NAKAWALA AKO DITO?! MATAKOT NA KAYO DAHIL IPAPARAMDAM KO SA INYO KUNG PANO AKO MAGALIT!"
"Manahimik ka!!!"
Sinipa ako ni Diosdado sa tiyan at tumaob yung upuan kung saan ako nakatali.
Kahit anong gawin nila sakin hindi nila ako mapapasuko.
Masyado nang madaming sakit ang naidulot nila sakin kaya manhid nako sa lahat ng mga sakit na ibibigay nila.
# CHAPTER 37
KEVIN'S POV
Nakailang busina nako sa tapat ng bahay namin pero hindi padin ako pinagbubuksan ng gate.
Sa sobrang inis ko ay bumaba ako ng sasayan para sana tingnan kung ano bang ginagawa ng mga bantay samin.
Binuksan ko ang maliit na gate at bumungad sakin ang mga walang malay na bantay kinabahan ako sa nakita ko kaya bumalik ako sa sasakyan ko at kinuha yung baril.
Dahandahan akong pumasok sa loob ng bahay nadatnan ko ang mga sirasira at magulong mga gamit at pati si Manang ay nakatali.
"Manang????"
Lumapit agad ako kay Manang at kinalas ko yung tali nya at tinanggal yung busal sa bibig. Napayakap naman sya agad sakin.
"Manang anong nangyari dito? Sino ang may gawa ng mga ito??"
"May mga lalaking pumasok dito at hinahanap ang mommy at daddy mo pinagsisira nila ang mga gamit dito at di katelyn."
"Si Katelyn anong nangyari sa kanya? Asan sya????"
"Kinuha nila ang kapatid mo at ang sabi nila tatawag nalang daw sila kapag nandito na ang Mommy at daddy mo at kapag hindi nakipag usap ang mga ito ay papatayin nila si Katelyn."
"Ano?????!!!!!!!"
"Iligtas mo ang kapatid mo Kevin."
"Opo Manang pero kailangan muna malaman nila Daddy kung anong nangyari."
Sino naman kaya ang gagawa nito?
Tinawagan ko agad si Daddy para malaman nya ang tungkol sa nangyari kay Katelyn.
'Hello Dad?
Asan
kayo?
Niluoban
tayo.'
'What?!!
Asan
ang mga bantay? May nakuha ba sila?'
'Sinira lang nila ang mga gamit natin pero si Katelyn.'
'Bakit anong ginawa nila sa kapatid mo?'
'Kinuha nila at ang sabi kapag hindi daw kayo nakipag usap sa kanila ay papatayin nila ang kapatid ko.
Asan
ba kayo??!! We need to help her!'
'May importante lang kaming ginagawa ng Mommy mo at pag katapos nito tsaka natin hahanapin ang kapatid mo.'
'Mas importante paba yan kesa kay Katelyn na anak nyo?'
May sasabihin pa sana ako pero binabaan na nya ako napasuntok nalang ako sa dingding sa sobrang galit.
Habang lumilipas ang oras ay nanganganib ang buhay ng kapatid ko.
GRAY'S POV
Hindi kona alam kung pano at saan hahanapin si Scarlet lalo pat wala nadin sila sa lugar na sinabi ni Madam V. Nala
Naisipan ko nalang na pumunta sa bahay ng mga Samonte dahil ayon nalang ang paraan ko, Pipilitin ko sila na Sabihin sakin kung nasaan si Scarlet.
Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay hindi na ako nagdalawang isip na pumasok hindi katulad ng inaasahan ko ay wala masyadong nakabantay dito at nakabukas lang yung gate kaya madali akong nakapasok.
Pagpasok ko sa loob ng bahay nila ay nakita ko agad si Kevin at sinugod ko sya.
"Anong ginagawa mo dito?!!!"
Isang malakas na suntok ang binigay ko kay Kevin wala na akong pakialam sa pwedeng mangyari kailangan konang mahanap si SCARLET.
"Asan si Scarlet! Sabihin mo sakin kung asan sya dinala ng mga walang hiya mong magulang!!!"
Hiniwakan ko sya sa may kwelyo ng damit nya at sunod-sunod ko syang sinuntok.
"Asan si Scarlet!!!!!!!!!"
May lumapit samin na matanda at pilit na inaalis ang kamay ko kay Kevin.
Nakita ko na umiiyak yung matanda kaya napabitaw ako, Naalala ko kasi ang nanay ko sa kanya.
"Masakit yon ah!!"
Hindi ko napansin ang suntok ni Kevin kaya natamaan nya ako. Pumagitna naman samin yung matanda.
"Wala dito si Scarlet, Walang kinalaman si Kevin." Mangiyak ngiyak na sabi nya.
"Hindi ko alam kung asan si Scarlet diba kayo ang laging magkasama? Pero kung nasapanginib sya ay wag mo akong sisisihin dahil wala akong kinalaman don! At wag mong idadamay dito ang parents ko dahil hindi nila magagawang saktan si Scarlet! Lalo pa't alam nila na mahal ko sya! Kaya pwede ba? Umalis kana dito bago pa kita ipakuha sa mga tauhan namin."
"Kung talagang mahal mo si Scarlet iligtas mo sya sa kamay ng mga Magulang mo bago pa mahuli ang lahat!!!!"
Masakit man tanggapin pero si kevin nalang ang tangi kong pag-asa para mailigtas ko si Scarlet sya lang pwede makapigili sa mga magulang nya.
"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo!"
"Bakit hindi mo sila tawagan ng malaman mo ang katotohanan."
"Umalis kana dito!!!"
"Kapag may nangyari kay Scarlet ito ang tatandaan mo! Uubusin ko ang Pamilya mo!!"
Lumabas nako ng bahay nila.
Saan ako ngayon magsisimula para hanapin si Scarlet?
Kapag may nangyaring masama sa kanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko nangako ako sa kanya na poprotektahan ko sya pero anong nangyari ngayon,? Hawak sya ng mga walang pusong Samonte.
SCARLET'S POV
"Oh ito pagkain mo. Pasalamat ka naawa pa kami sayo."
Nilapag ng Isang lalaki yung pagkain na may kasamang tubig.
"Asan ang mga amo mo?"
"Wala sila dito pero babalik din agad. Kaya kainin mona ang pagkain Nayan."
"Pano ako makakakain kung nakatali ako dito?"
Napakamot yung lalaki sa ulo nya at lumapit sakin.
"Wag kang magkakamaling tumakas dahil makakatikim ka talaga sakin."
Kinalas nya yung tali sa kamay at paa ko pero tinutukan nya ako ng baril habang papalapit sa lamesa.
Uupo na sana ako pero hinawakan ko sya sa kamay at pinilipit ko yon, Nabitawan nya yung baril nya at sinipa ko sya sa maselang bahagi ng katawan nya.
May dalawang lalaki na dumating at pinaputukan ako pero naiwasan ko yon kinuha ko yung baril na nahulog at binaril ko sila.
Tumakbo ako sa nakita kong pintuan at may may isang lalaki pang pumasok. Pagkatutok nya sakin ng baril ay hinawakan ko agad ang kamay nya sabay sipa ng tatlong beses sa tagiliran nya, Sinuntok kodin sya sa mukha at natumba sya.
May mga lalaki pang dumating at nakipag palitan din ng barilan sakin nang palabas nako ay biglang dumating sila Diosdado at mga alagad nya mas marami sila at kung lalaban ako siguradong katapusan kona.
Kinuha nung isa yung baril na hawak ko sabay hawak din sa mga kamay ko.
"Talagang minamadali mo ang kamatayan mo? Lumabas lang kami saglit nakatakas kana agad?"
Isang suntok sa sikmura ang binigay nya sakin sabay sampal ng malakas at doon ay unti unting dumilim ang paningin ko.
KATELYN'S POV
"PAKAWALAN NYO KO!!! Ano bang kailangan nyo sakin?" buong lakas kong sigaw.
Tumayo yung lalaking nagbabantay at lumapit sakin.
"Sayo wala, Pero sa magulang mo marami at ikaw ang gagamitin namin para mahuli sila."
"Sino ba kayo? Bakit ba ang laki ng galit nyo sa Parents ko??!"
"Dahil mamamatay tao sila."
May isang lalaking nakaitim na maskara ang biglang dumating na may kasama ding mga lalaki na may hawak na baril.
"Sino ka? Ikaw ba ag leader nila????"
"Sabihin nalang natin na ako ang magpapabagsak sa Pamilya mo."
"Kung ano man ang nagawa sa inyo ng parents ko ako na ang humihingi ng tawad."
"Hindi sapat ang paghingi lang ng tawad sa ginawa nila sakin! At sa Pamilya ko."
Halata sa boses ng lalaki ang sobrang galit pero may sakit .
"Boss tawagan naba natin ang Pamilya nya?"
"Wag. Hahayaan na muna natin sila na mag-alala ."
"Pakawalan nyo na ako, Parang awa nyo na."
"Awa? Na awa ba sila nung binaboy nila ang asawa ko? Naawa ba sila ng Patayin nila ang anak ko?!"
"Ako nalang ang saktan nyo. Kung galit kayo sa kanila ako nalang."
Oo madalas akong pagalitan nila Mommy at Daddy, Palagi nila akong iniiwan at pinapamukha sakin na mahina pako.
Pero sa kabila non parents kopa din sila at kung ito ang kaka proud nila ay gagawin ko, Gusto ko makita nila na kaya kodin silang protektahan.
"Sigurado kaba? Handa mong isakripisyo ang sarili mo para sa kanila?"
"OO! Kaya ako nalang! Wag na sila!"
"Nakakaawa ka dahil nagkaroon ka ng magulang na tulad nila, Pero wag kang mag-alala hindi naman ako nananakit sa isang taong wala namang kinalaman."
"Ano ba talagang gusto nyo?"
"Gusto kolang iparamdam sa kanila yung sakit na nararamdaman ko!"
Gusto kong magalit sa kanya pero bakit ganon? Parang naawa pako? Parang nararamdaman kodin yung sakit sa puso nya.
"Sir? Hindi ko alam kung gaano kasakit yang nararamdaman nyo pero Sorry po sa mga nagawa nila sa inyo alam kong hindi sapat to pero mag sosorry padin ako."
Lumaki ako sa pangangalaga ni Manang Cecil at marami syang naituro sakin, Kahit mayaman ako o lumaki sa marangyan buhay ay hindi dapat ako mangapak ng mas mababa sakin.
Dapat matuto akong umintindi at magpatawad. Higit sa lahat kahit gaano pa man kasama ang isang magulang ay hindi dapat tayo magtanim ng galit bagkos ay lalo pa natin silang mahalin.
Tumalikod yung lalaki at lumabas sana lang talaga ay mawala na ang galit sa puso nya.
SCARLET'S POV
"Wake up Scarlet."
Nagising nalang ako dahil may tumatapik sa pisngi. Pag dilat ko ay si Amanda pala at nasalikod nya ang asawa nyang si Diosdado.
Nakasakay kami sa isang yate at nasa gitna ng dagat.
"Anong gagawin nyo sakin? Pakawalan nyo ko!!!"
"Kahit Anong sigaw mo ay wala ding makakarinig sayo kaya wala kanang magagawa Scarlet."
"Kapag nakawala ako Dito? Kabahan na kayo!"
"Grabe? Natakot ako don hahaha. Nagkamali ka kasi ng kinalaban mo kaya ayan tuloy kamatayan ang naghihintay sayo."
Lumapit sakin si Diosdado at nginitian ako.
"Kung naging tapat kalang sana samin hindi na sana umabot sa ganito. Napakaswerte mona nga sa anak pero sinayang mo padin. Para kalang uod na kayang kaya naming dagitin!"
"Dahil ano? Dahil sa isa kayong AGILA?"
Nanlaki ang mga mata ni Diosdado sa sinabi ko.
"Pano mo nalaman ang tungkol sa AGILA?"
"Hindi ako sasabak sa isang gera na hindi ko kinikilala ang mga kaaway ko."
.....................
FLASHBACK
......................
"Tita Violet may alam po ba kayo tungkol sa AGILA? hindi ko alam kung anong eksakto ang AGILA, Pero mukhang isang malaking
Organisasyon
yon."
"AGILA? bakit alam mo ang tungkol dyan?"
"Nung ako papo si Vince meron akong lalaking nakita, duguan sya at may ibinigay sya saking susi na may marka ng isang Agila. Natanong ko nadin to kay Gray pero ang sabi nya lang na
pinamumunuan
ito ng tatlong Tao ang MATA ng AGILA, KUKO ng AGILA at
PAKPAK
ng AGILA."
"Susi ng Agila na sayo?"
Ipinakita ko kay Tita Violet yung susing ibinigay sakin nung lalaki.
"Hindi ko alam kung para saan yang Susi nayan pero mukhang mahalaga yan sa mga
Miyembro
ng Agila."
"At nakita kopo sa ang marka ng AGILA na
nakatatak
sa mga tauhan ng mga Samonte."
"Dahil ang mga Samonte ang namumuno sa AGILA pasensya kana Scarlet pero wala akong masyadong alam sa kanila."
"Wala pong problema yon ang importante ay alam ko na mga Samonte lang din ang
namumuno
nito."
.............
END OF FLASHBACK
..............
"Ano pang alam mo tungkol sa AGILA?!!!!!"
"Kahit patayin nyo pako ay hindi ako magsasalita!"
"Enough Diosdado kahit anong gawin mo sa babaeng yan ay mukhang hindi mo sya mapapaamin kaya mas mabuti pang patayin nalang natin sya bago nya pa maipakalat ang tungkol sa nalalaman nya.Paalam Scarlet. Ikamusta mo nalang ako sa mga katulad mong ahas dagat!."
Ito naba talaga ang katapusan ko?
Hanggang dito nalang ba talaga ako?
Wala naba akong magagawa?
Diyos ko kung ito na ang katapusan ko sana may isang tao pa ang wawakas sa kasamaan ng mga Samonte.
Gabayan nyo din po ang mga mahal ko sa buhay.
"Any last word Scarlet?."
Kita ko sa mga mata ang saya dahil sa pagkapanalo nito hindi kona magawang maibuka ang bibig ko.
Panalo kayo ngayon mga Samonte pero naniniwala ako na may isang tao padin ang tatapos sa lahat ng kasamaan nyo.
"Sige na itapon nyo na sya."
Binuhat ako ng mga tauhan ni Diosdado at mabilis na itinapon sa gitna ng dagat.
Sa ganitong sitwasyon wala na akong ligtas wala nang makakakita sakin kailangan kona siguro tanggapin na tapos na ang laban ko.
Habang patuloy akong lumulubog ay unti-unti nadin nawawala ang hangin sakin. Hindi na ako makakilos dahil ubos na ang lakas ko hanggang dito nalang siguro ako. Tapos na siguro ang laban ko sa mga Samonte.
# CHAPTER 38
MONICA'S POV
"Ma?"
"Monica anak???"
Pagkakita palang sakin ni Mama ay naiyak na agad sya at nagmadaling lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Ikaw ba talaga yan??? Sinaktan kaba nila don? Pinagsamantalahan? Sabihin mo anong ginawa nila sayo?"
"Ayos lang po ako."
"Mabuti naman kung ganon. Pano ka nakatakas? Sino ang tumulong sayo?"
"Si Scarlet po sya ang tumulong samin."
"Si Ma'am Scarlet pala napakabuti nya talaga, Asan sya ngayon ng personal akong makapagpasalamat sa kanya."
"Nagpaiwan po sya don Ma para masiguro na makakatakas kaming lahat, Hinatid lang ako ng mga tauhan nya dito."
Naguguilty talaga ako sa pagiwan ko sa kanya pero mas naniniwala ako sa kanya na makakaligtas sya.
"Sana ayos lang sya nang makapag-pasalamat tayo sa kabutihan nya."
Niyakap ako ulit ng Mama ko.
"Ayos lang sya Ma at naniniwala ako don."
Aantayin kita Scarlet, Gusto kong magpasalamat sayo ng sobra sa ginawa mong tulong at sakripisyo at gusto koding malaman ang mga gusto mong sabihin sakin.
GRAY'S POV
Gusto ko mang pilipitin ang leeg ni Kevin para sabihin sakin kung nasaan si Scarlet kaso wala din akong magagawa.
Alam kong hindi alam ni Kevin ang mga ginagawa ng Mommy at Daddy nya.
"Asan si Scarlet? Bakit ikaw lang?"
Hindi ko alam kung pano ko sisimulan, Halos hindi ko maibuka ang bibig ko sa sobrang panluluma dahil nakapahina ko. Wala akong nagawa para iligtas ang taong mahal ko.
Lumapit ako sa may pader at doon ko binuhos lahat ng galit ko.
"Ahhhhh!!!!!!!!!!!!"
Pinagsusuntok ko yung pader wala akong pakialam kahit dumugo o madurog ang kamay ko dahil wala nang mas masasakit pa sa nararamdaman ko.
"Gray ano ba? Bakit ba nagkakaganyan ka?!"
Inawat ako ni Madam V at hinarap sa kanya.
"Wala akong nagawa Madam hindi ko alam kung nasan si Scarlet, Hindi ko alam kung okay lang ba sya? O kung buhay paba sya."
Kung hawak nga sya ng mga Samonte ay sigurado ako na hindi na sya pakakawalan ng mga ito ng buhay.
"Wag mong sabihin yan, Ayos lang si Scarlet at lalong hindi sya patay."
"Pero Madam?"
"Ginagawa na ng mga tauhan ko ang lahat para mahanap si scarlet ang tanging magagawa nalang natin ay magtiwala sa kanya."
"Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya."
"Malakas si Scarlet alam kong malalagpasan nya to kahit wala tayo sa tabi nya. Dalawang taon syang nagsanay para sa laban nya sa mga Samonte at hindi sya basta-basta magpapa talo sa mga walang pusong yon ang pagmamahal nya sa Pamilya nya ang magbibigay sa kanya ng lakas."
"Madam gawin nyo po ang lahat para makita sya."
Niyakap ako ni Madam V nang mahigpit alam kong nasasaktan at nahihirapan sya pero hindi nya lang pinapakita sakin at pareho kaming walang magawa kundi ang magtiwala sa kakayahan ni Scarlet at magdasal na sana makaligtas sya.
VIOLETS POV
Walang nang mas sasakit pa sa isang Ina kapag nalaman mong nasa bingit ng kamatayan ang anak mo.
Hindi lang basta alaga ang o pamangkin ang turing ko kay Scarlet dahil anak na ang turing ko sa kanya.
Simula ng dumating sya sa buhay ko ay binigyan nya ng bagong direksyon ang buhay ko. Pinasaya nya ako at pinaranas nya sakin kung pano ang maging isang ina.
"Kasalanan ko to hindi sana aabot sa ganito kung hindi ko pinilit si Scarlet na gumanti sa mga Samonte ako ang nagdala sa kanya sa sitwasyon nato."
Scarlet anak hindi titigil ang mga tauhan ko Hanggang sa mahanap ka nila at pinapangako ko sayo ito ang huling beses na masasaktan ka ng mga Samonte at sisiguraduhin kong pagsisisihan nila na saktan ka.
DIOSDADO'S POV
Kawawang Scarlet mas pinili nyang mamatay kesa ang kumampi nalang samin.
Hindi ang isang katulad nya ang magpapabagsak sakin o sa Pamilya Samonte. Maglalaho nalang sya na parang isang bula at walang makakaalam kung anong nangyari sa kanya.
"Let's go."
"Iiwan nalang ba natin basta basta ang babaeng yon?"
"Amanda? Sa tingin moba makakaahon pa sya sa lalim ng dagat nato? Hindi na, Kaya Tara na dahil kailangan pa natin malaman kung anong nangyari sa bahay at sa anak natin."
Wala nang nagawa si Amanda kundi ang umayon sakin. Kahit sinong itapon sa gitna ng dagat ay hindi na mabubuhay pa kaya hindi na namin kailangan pang problemahin si Scarlet.
//////
Pagdating namin sa bahay ay naabutan naming magulo at sira-sira ang mga gamit si Kevin naman ay sinalubong agad kami .
"Mom, Dad? Bakit ngayon lang kayo???."
"May importante lang kaming inasikaso ng Mommy mo. Sino ang mga sumira ng gamit natin???"
"Ang kwento sakin ni Manang ay may mga armadong lalaki ang basta nalang pumasok dito at walang awang sinira ang mga gamit natin. Tinali sila ng mga ito at dinala paalis si Katelyn. Kayo ang pakay nila."
Hindi ko maisip kung sinong gagawa samin nito pero kung sino man sya ang lakas ng loob nya para kalabanin kami.
"Oh my gosh!!! Ang mga mamahaling vase ko! Sinira nila."
Habang nag-uusap ay may tumawag sa telepono at agad na sinagot ni manang.
"Sir kayo daw po ang kailangan."
Lumapit agad ako at kinausap ang nasa kabilang linya.
'Kung gusto mopang makita ng buhay ang anak mo ay ibigay mo ang gusto ko.'
bungad nya sakin.
'Sino kang ha*op ka!
Asan
ang anak ko!!!'
'Sabihin mo sakin kung ano ang gusto mo?'
'Fifty million pesos.
Kapalit
ng anak mo!!'
'What?!!! Are you out of your mind? At bakit naman ako magbibigay sayo ng
ganyang
kalaking halaga?????!!!!'
'Dahil nasa akin ang anak mo! At kung hindi mo maibibigay yang hinihingi ko sa loob ng 24hrs hindi mona
makikitang
buhay ang anak mo.'
'Do you know i am? Sa tingin moba
magpapaloko
ako sayo? Hindi ako magbibigay sayo!'
'Sige Diosdado makipag
matigasan
ka sakin.'
Ipinarinig sakin ng kausap ko ang boses ni Khatelyn na humihingi ng tulong.
'Sino kaba talagang hay*p ka!!
Magpakilala
ka!!'
'Kung gusto mokong makilala ay pumunta ka sa lugar na ibibigay ko kasama ng perang hinihingi ko at wag kang magkakamali na magsama ng mga tauhan mo dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ang anak mo!
Tandaan
mo ikaw lang mag-isa ang pupunta.'
'Okay fine! Tatawagan kita once na nasa akin na ang perang kailangan mo!'
Binabaan nya ako ko sya ng tawag sa sobrang inis ko. Fifty million pesos?
Nababaliw naba sya?
"Ano daw ang sabi ng kumuha kay Katelyn?" Tarantang tanong ni Amanda.
"Fifty million pesos kapalit ng anak natin."
"Ano?????? San naman tayo kukuha ng ganyang kalaking halaga?"
Kung nasa amin lang sana ang susi ng AGILA ay hindi kami mahihirapan ng ganito.
"Dad do something kailangan natin mailigtas si Katelyn."
"Alam nyo kasalanan to ni Scarlet eh! Sigurado ako na sya ang may kagagawan nito!"
"Bakit naman nadamay dito si Scarlet? At bakit nya gagawin yon kay Katelyn? And speaking of her pumunta dito ang bodyguard nya at sinasabing nawawala na naman si Scarlet at kayo ang sinasabi nyang kumuha kay Scarlet."
Napatingin ako ng masama kay Amanda kahit kailan talaga hindi maawat ang bibig nya.
"Hi-hindi namin alam kung anong sinasabi nang bodyguard nya kami talaga?"
"Nakailang calls and texts nako sa kanya pero ni isa walang sagot nag-aalala nako sa kanya."
"Bakit kaya hindi mo nalang sya puntahan sa bahay condo nya or sa bahay ng Tita nya."
"Nabalitaan ko din yung nangyari na raid, Ano nang balita?"
"Ayon back to zero nakatakas lahat ng mga babae mabuti nalang at tikom lahat ang mga nahuli."
At Lahat yon kasalanan ni Scarlet kung hindi sana sya nakialam ay hindi mangyayari ang Lahat ng to.
"Dad since nandito nadin kayo, Hahanapin ko muna si Scarlet."
Tumango nalang ako sa kanya at nagmadali syang lumabas.
"Fifty million pesos?? San tayo kukuha ng ganong kalaking halaga sa loob lang ng 24 Hours????"
"Kung sino man ang taong nasa likod nito ay makikipaglaro tayo sa kanya, Ibibigay natin kung anong gusto nya and I'll make sure na pagsisisihan nyang kinalaban nya tayo."
"Hindi kaya kagagawan lang yon nang Tita ni Scarlet????"
"Kahit magsamasama pa sila ay hindi nila tayo mapapabagsak."
Hindi nila gugustuhing makipag gera sa mga Samonte.
KEVIN'S POV
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi nang Gray nayon.
Bakit naman gagawin yon nila Daddy?
May nagawa bang mali si Scarlet sa kanila???
Kanina kopa kinoCONTACT si Scarlet pero wala pading response kaya nag-aalala tuloy ako.
Dumiretso agad ako sa bahay ng Tita nya dahil baka nandon lang sya.
Pero pagdating ko sa tapat ng bahay nila hindi paman ako nakakalapit sa tapat ng gate nila ay hinarang na agad ako ng mga tauhan nila.
"Paraanin nyo ako, Kailangan kong makausap si Scarlet."
"Wala dito si Ma'am Scarlet."
"Anong wala? Hindi nyo ba ako nakikilala? Ako si Kevin Samonte Boyfriend ako ni Scarlet kaya papasukin nyo na ako."
Hinarangan padin nila ang daraanan ko.
"Wala nga dito si Ma'am Scarlet."
Pasalamat sila madami sila dahil kung hindi baka kanina kopa pinatulan tong lalaking kausap ko.
"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?"
Biglang dumating yung Tita ni Scarlet.
"Good evening Tita, Gusto kolang sana makausap si Scarlet."
"Wala sya dito." Seryosong sagot nya.
"Asan sya?"
"Nawawala sya at hindi ko alam kung nasan sya."
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi nya o niloloko lang nila ako.
Iniiwasan ba ako ni Scarlet?
"Ilabas nyo si Scarlet wag nyo syang itago sakin. Scarlet!!!!!!"
Gusto kong pumasok pero hinarangan nila ako.
"Wala nga dito si Scarlet."
"Alam kong tinatago nyo sya! Scarlet!!!! Kausapin moko!!!!!"
"Umalis kana!"
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko sya nakakausap."
"WALA DITO SI SCARLET!!! NAWAWALA SYA!! AT HINDI NAMIN ALAM KUNG NASAN SYA!!! AT ALAM MO KUNG SINO ANG MAY ALAM?? SI DIOSDADO AT AMANDA SAMONTE!! SILA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAWAWALA ANG PAMANGKIN KO!! KAYA WAG MO DITO HANAPIN SI SCARLET."
Naguguluhan nako bakit ba sila Daddy ang sinisisi nila sa pagkawala ni Scarlet.
"Wala silang kinalaman don dahil alam nilang mahal ko si Scarlet at hindi sila gagawa ng ikakagalit ko. Kaya ilabas nyo na sya!"
"Sige magpumilit ka na pumasok at hindi magdadalawang isip ang mga tauhan ko na barilin ka."
"Ilabas nyo na si Scarlet."
"ILABAS? PWES SABIHIN MO YAN KALA DIOSDADO AT KUNG TALAGANG MAHAL MO SI SCARLET? ILIGTAS MO SYA BAGO PA MAHULI ANG LAHAT."
Pagkatapos nyang sabihin yon ay pumasok na ulit sya sa loob gusto kopa sana sya kausapin kaso hinarangan na naman nila ako.
Sila Daddy nga ba ang dahilan kung bakit nawawala si Scarlet?
Pero bakit naman nila gagawin yon?
Alam nila kung gaano ko kamahal si Scarlet.
At Anong ginawa ni Scarlet para itago nila Daddy?
# CHAPTER 39
ARTHUR'S POV
Eloisa Mahal ko kung nasan kaman ngayon sana gabayan moko sa mga hakbang na gagawin ko.
Vince anak hindi ko alam kung anong nangyari sayo pero wag kang mag-alala aalamin yon ni Papa.
..................FLASHBACK................
"MAHAL MUKHANG MASARAP YANG NILULUTO MO AH? NASA LABAS PALANG AKO AMOY NA AMOY KONA."
"IKAW TALAGA NAPAKA BOLERO MO. SIGE NA MAGPALIT KANA MUNA NG DAMIT MO AT AYUSIN MO ANG GAMIT MO PARA MAKAKAIN NA TAYO NG SABAY SABAY."
"ASAN PALA SI VINCE?"
"NANDON NAGHAHANDA NA NG KAKAINAN NATIN."
"SIGE MAHAL SARAPAN MO AG LUTO HA?"
"OO NAMAN AKO PABA?"
PINUNTAHAN KO AGAD SI VINCE AT NAABUTAN KO SYANG NAGAAYOS NG KAKAINAN NAMIN.
"OH PA NANDYAN NAPO PALA KAYO. KANINAN PABA KAYO?"
LUMAPIT AGAD SYA SAKIN AT NIYAKAP AKO NG MAHIGPIT.
"HINDI NAMAN HALOS KARARATING KOLANG DIN. IKAW KAMUSTA ANG ARAW MO? BAKA NAGTINDA KANA NAMAN ULIT DON SA MAY PALENGKE ALAM MO NAMAN NA MADAMI ANG NANGHUHULI DON."
"HINDI NAPA SYEMPRE NAKINIG AKO SA BILIN NYA SAKIN."
...............
END OF FLASHBACK
.................
.
.
Sobrang nangungulila na ako sa magina ko alam kong matagal nang patay si Eloisa pero ang anak naming si Vince hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya kung buhay paba sya o katulad ng Mama nya ay wala nadin sya.
Pero yung babaeng kasama ni Amanda bakit nya ako tinawag na Papa?
Nung tinitigan ko sya sa mga mata nya naramdaman ko ang sensiridad nito pero pano? Wala akong anak na babae dahil isa lang ang anak ko at si Vince yon. Pero mukhang sinabi nya lang yon para guluhin ang isip ko at makatakas sya. SCARLET DELGADO i want to know more about you.
Habang nakatingin ako sa larawan ng mag-ina ko ay biglang kumatok si Ramon.
"Boss nagawa kona po yung pinapautos nyo."
"Magaling Ramon sa pagkakataong ito si Diosdado naman ang maiisahan natin."
" Pero Boss Hindi ba masyadong maliit na halaga ang hinihingi mo sa mga Samonte? Sa dami ng pera nila ay sisiw lang ang ganong halaga."
"Wala akong pakialam sa pera nayon, Dahil gusto kolang makaganti sa mga Samonte."
"Ano pa man ang desisyon mo susuportahan ka namin Boss dahil nangako kami kay Ma'am Alessandra na tutulungan ka namin sa laban mo."
"Maraming salamat Ramon. Ihanda mona ang mga tauhan natin, Siguraduhin mong nakapalibot na sila buong lugar. Tuso si Diosdado at alam kong hindi sya susunod sa kasunduan namin."
"Masusunod Boss."
Pagkatapos naming mag-usap ay umalis nadin sya.
Eloisa para sayo ang laban nato maipaghihiganti nadin kita sa mga ginawa sayo nang mag asawang yon.
Maging sayo din Vince dahil nadamay kapa sa kasamaan nila, Hindi ko man lang alam kung anong nangyari sayo.
At syempre sayo din Alessandra hindi ko sasaying ang pagkakataong binigay mo sakin, Binigyan moko ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.
KEVIN'S POV
Hindi rin alam ng tita ni Scarlet kung nasan sya at mukhang nagsasabi naman sya ng totoo.
Bumalik ako sa bahay para alamin mismo ang totoo at sakto naabutan ko si Mommy.
"Pwede ba kitang makausap? I want you to be honest with me."
"Ano bang pag-uusapan natin at mukhang seryoso ka?"
"May kinalaman ba kayo sa pagkawala ni Scarlet?"
Natigilan sya bigla sa naging tanong ko.
"Bakit ba tinanong mo ulit yan? Diba sinabi na nga namin na hindi namin alam kung nasa ang babaeng yon at wala Kaming alam sa pagkawala nya."
"Pero bakit kayo ang sinisisi nila????"
"Hindi namin alam! Wala Kaming ginawa kay Scarlet! Kaya pwede ba? Tigilan mo muna ang kakatanong sakin tungkol sa babaeng yan? Dahil mas kailangan natin unahin ang kapatid mo!"
Bakit ganon? Bakit parang hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya?
"Sana nga totoo ang sinasabi nyo dahil ayoko dumating sa punta na magalit ako sa inyo dahil sa ginawa nyo kay Scarlet at Sa oras na malaman ko na may kinalaman kayo sa pagkawala ni Scarlet, Baka makalimutan kong magulang ko kayo!"
Buong buhay ko sumunod ako sa lahat ng gusto nila, Ginawa ko kung anong gusto nila para sa sarili ko pero hindi na sa pagkakataong ito. Wala naman sana silang kinalaman sa pagkawala ni Scarlet.
"Are you threatening me? Kevin? Baka nakakalimutan mo I am your Mother tuluyan nabang nalason ng babaeng yan ang isip mo? At maging kaming magulang mo nagagawa monang pagsalitaan ng ganyan?"
"Pinapaalalahanan kolang kayo. Sorry i have to go kailangan kopang hanapin si Scarlet."
Pagkatapos kong sabihin yon ay tinalikuran kona sya.
"Kevin!!! Comeback here!!!"
Hindi ko alam kung saan ako nito magsisimula lalot mukhang walang balak sabihin si Mommy kung nasan talaga si Scarlet.
DIOSDADO'S POV
FIFTY MILLION PESOS ito ang halagang kailangan nila at kung hindi ko maibibigay at tsak kong hindi silang magdadalawang isip na patayin ang anak ko. Ito na ang huling perang meron kami, Walana said na said na ang kayamang meron kami dahil madami naming naluging businesses at pinasara ng NBI.
Hindi ko man madalas ipakita kay Katelyn na mahal ko sya pero ang totoo ay mahal na mahal ko sya at walang ama na hahayaang may manakit sa kahit na sino sa Pamilya nya.
"Ayan na ba ang perang kailangan nila?"
"Oo." Sagot ko sa kanya.
"Sigurado kaba na ikaw lang mag-isa ang pupunta? Pano kung may gawin din sila sayo?"
"Naisip kona din ang bagay nayan pero kung utakan lang din ang pag-uusapan hinding hindi nila ako matatalo."
Kinuha ko ang Cellphone ko at tinawagan ang isa sa mga tauhan ko at sinabi kung anong sunod nilang gagawin.
Hindi ako ang matatalo sa laban nila kaya maghanda sila dahil makikita nila kung pano makipaglaro ang isang DIOSDADO Samonte.
"Asan pala si Kevin?"
"Wala dito. Umalis at hahanapin nya daw si Scarlet."
Dumadagdag pa sa problema tong si Kevin nalason naba talaga ni Scarlet ang utak nya?
"Pagbalik ko tsaka ko aayusin ang hindi pagkakaunawaan sa Pamilya natin."
"Just make sure na maibabalik mo dito si Katelyn."
Nagpaalam nako kay Amanda at lumabas nadin dahil may binigay silang oras sakin.
Pagdating ko sa lugar na binigay nila sakin ay sinalubong ako ng ilang armadong kalalakihan at pinapasok nila ako sa loob.
Pinagmasdan ko ang paligid at madaming nakabantay talagang pinaghandaan nila ang pagdating ko at may lumapit sakin na isang lalaki.
"Dala mona ba ang hinihingi namin?"
"Oo walang labis, Walang kulang kaya ang kailangan ko naman ang ibigay nyo
"Relax kalang Diosdado dahil darating din tayo dyan."
"Ikaw ba ang leader nila? Nandyan na ang perang kailangan nyo kaya naman ibigay nyo sakin ang anak ko."
Tumingin sa paligid yung lalaki at binuksan yung bag at nang makita ang laman nito ay kinuha na nya.
"Ibibigay namin ang anak mo pero kailangan ka muna makausap ni Boss."
"Boss? Sinong Boss ang sinasabi mo?"
"Malalaman modin kung susunod ka sakin kaya tara na."
"Niloloko nyo ba ako? Pera lang ang kailangan nyo diba? Kaya asan na ang anak ko."
"Kung gusto mo talaga makita ang anak mo kailangan mong sumunod sakin."
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod at habang naglalakad kami ay may mga nakasunod saming mga lalaki talagang pinaghandaan nila ang pagdating ko.
/////))
Pumasok kami sa isang malaking kwarto at doon nakita ko ang anak ko naka tali sa isang upuan at may takip sa
"Katelyn! Anong ginawa nyo sa kanya?"
Lalapitan kona sana sya pero hinirangan ako ng mga bantay.
"Wag kang mag-alala Diosdado buhay pa naman ang anak mo pinatulog lang namin sya."
"Nasa inyo na ang perang kailangan nyo ano bang gusto nyo?"
"Marami pa kaming gustong makuha mula sayo Diosdado pero wag kang masyadong atat. Gusto kapa muna makausap ng Boss namin."
May isang liwanag ang tumama sa pader at doon biglang lumitaw ang isang lalaking nakaitim na maskara.
"DIOSDADO SAMONTE ang sarap mong pagmasdan na ikaw naman ang natatakot."
Sabi nang lalaking naka maskara.
"Ha*op ka! Sino kaba talaga? Ano bang kailangan mo sa Pamilya ko!"
Umalis nadin yung lalaking kumuha ng pera pero naiwan padin yung mga tauhan nila.
"Kailangan? Madami pa. Pero uunti untihin kita hanggang sa magmakaawa ka na tigilan kona."
"Show me yourself."
"Makikilala modin ako DIOSDADO SAMONTE pero hindi pa ngayon at kapag dumating ang araw nayon ikaw naman ang nasa kalagayan ng anak mo!"
"Akala moba matatakot moko? Sating dalawa ay ikaw ang duwag dahil nagtatago ka sa maskara at ni hindi monga magawang makipagusap sakin ng harapan."
"Hindi ako duwag Diosdado sabihin na natin na mas matalino lang ako sayo ang akala moba ay hindi ko malalaman ang tungkol sa plano mo?"
What?? Mukhang natunugan nya ang tungkol sa plano ko pero pano?? Kaya pala umalis din yung lalaking kumuha ng pera ko.
"Anong ibig mong sabihin?!!!"
"Sige na Diosdado pwede monang lapitan ang anak mo. Hanggang sa muli DIOSDADO SAMONTE."
Pagkatapos non ay nawala nadin yung lalaking nagsasalita kaya naman agad kong nilapitan si Katelyn at tinanggal yung takip sa mukha nya. Kaya lang.
Hindi to si Katelyn! Niloko nila ako! Asan ang anak ko!!!
Humarap ako sa mga lalaking nakabantay.
"Asan ang anak ko????!!!!"
Lumapit Sakin yung isang lalaki at sinikmuran ako sabay sapak sa Mukha dahilan para matumba ako.
Tinapakan nila ako sa Tiyan at pinagtawanan.
"Wala na ang anak mo! P*nat*y na namin ang anak mo at ikaw naman ang isusunod namin!"
Tuloy tuloy lang sila sa pangbubugbog sakin at iniwan lang nila ako ng makita nilang halos mawalan na ako ng malay.
Katelyn? Hindi pwedeng patay kana.
Magbabayad ang kung sino man ang nasa likod nito ipapakita ko sa kanila kung pano magalit ang isang DIOSDADO SAMONTE.
# CHAPTER 40
KATELYN'S POV
Pagdating mo sa bahay namin ay si Mommy ang sumalubong sakin, Napatakbo agad sya palapit sakin at niyakap.
"Katelyn????"
"Mommy."
"Anong ginawa nila sayo? Sinaktan kaba nila? Ano????"
Halata sa boses ni Mommy ang pag-aalala. Mali mang isipin pero nakatulong sakin yung ginawang pagdukot dahil ngayon ko nalang ulit naramdaman ang pag-aalala mula sa kanya.
"Ayos lang po ako wala naman silang ginawa sakin."
"Sabi kona nga ba at maililigtas kadin ng daddy mo."
"Si Daddy?"
"Oo hindi ba ang Daddy mo ang tumulong sayo para makatakas?"
"Hi-hindi po, Pinatakas lang nila ako."
"Ano??? Hindi ang daddy mo ang nagpatakas sayo? Hindi moba alam na pinuntahan ka nya dahil inutusan sya ng mga kumuha sayo na magdala ng napakalaking halaga kapalit mo."
"Si daddy pinuntahan ako?"
"My gosh katelyn!"
Inis na tumayo si Mommy at tinawagan si Daddy.
..................
FLASHBACK
....................
'Ito ang pagkain, Kumain kana.'
Kinalas nung lalaki yung tali ko.
'At wag kang magkakamaling gumawa ng kahit na ano dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ka.'
Kinabahan ako sa sinabi nya pero kinain kona din yung nilapag nya.
'Pakawalan nyo nalang ako dahil wala naman kayong pakinabang sakin eh.'
Kahapon pa kasi ako nandito at mukhang wala talagang balak sila daddy na kunin ako.
'Kailangan kapa namin para masiguro na susunod si Diosdado sa mga kundisyon namin.'
'Asan yung boss nyo? Gusto ko syang makausap.'
'Pwede ba kumain kana lang dyan dahil baka magbago ang isip ko at bawiin koyang kinakain mo.'
Habang kumakain ako ay nakabantay padin sila.
Asan na kaya sila Daddy?
Gumagawa kaya sila ng paraan para makuha ako dito?
Kukunin pa kaya nila ako?
'Tapos kana ba?'
Tango lang ang sinagot ko sa kanya at tinali na nya ulit ako.
Mayamaya pa ay dumating na yung lalaking naka maskara at nag-usap sila. Pagkatapos non ay lumapit naman sya sakin.
'Ano kayang
mararamdaman
ng Pamilya mo kapag nawala ka?'
'Parang awa nyo na Po pakawalan nyo na ako, Kahit ano gagawin ko sasabihin ko kay Daddy na
mababait
talaga kayo para hindi na sya magalit sa inyo.'
'
Bakit
akala moba matatakot kami sa galit nya?.'
'Wala naman kayong mapapala sakin kaya please lang pakawalan nyo na ako.'
'Sana hindi ka maging katulad ng magulang mo.'
Tumalikod sya sakin at nagsimula mula.
'Malaki ang nagawang kasalanan sakin ng magulang mo at naniningil lang ako.'
Ewan koba pero sa pananalita nya ay parang hindi man lang ako
nakaramdam
ng takot.
'Alam kong hindi kayo masama.'
Humarap ulit sakin yung lalaking naka maskara.
'Pano mo nasabing hindi ako masama?
Kilala moba kung sino ako?'
'Hindi pero nararamdaman ko na mabuti ka dahil hindi mo ako sinaktan.'
'Masyado kapang bata. Kaya hindi kita sinasaktan dahil baka hindi tumupad ang tatay mo sa kasunduan namin.'
'Pero kung ano man ang nagawa sayo o sa inyo ng parents ko humihingi ulit ako ng pasensya.'
Lumapit yung lalaki sa lamesa at kinuha yung k*tsilyo sa lamesa.
Kinabahan ako kasi lumapit sya sakin.
'Anong gagawin nyo sakin?'
Hindi ko inasahan ang sumunod nyang ginawa. Gamit yung k*tsilyong kinuha nya ay pinutol nya yung pagkakatali sa paat kamay ko.
'Tumakas kana.'
Nagulat ako sa sinabi nang lalaking nakamaskara.
'Po?'
'Ang sabi ko tumakas kana bago pa magbago ang isip ko'
Sabi kona nga hindi sya masamang tao natatabunan lang ng galit ang puso nya.
Tumakbo agad ako palabas nang pinatakas nya ako dahil baka magbago pa ang isip nya hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero alam kolang ay hindi sya masamang tao.
............
END OF FLASHBACk
...................
"Mommy babalikan kopo si Daddy."
"No! Para ano? Para dumagdag na naman sa sakit ng ulo namin? Pano kung mahuli ka ulit? Wala na kaming perang itutubos sayo! Kaya kung mahuli kapa? Hahayaan kana naman don."
Parang sinaksak ako ng maraming beses dahil sa mga sinabi nya parang ang dali lang sa kanya Sabihin ang bagay nayon.
"Hindi ba kayo masaya na nandito nako? Na buhay ako?"
"Ano na naman bang kadramahan to katelyn? Ang dami konang iniisip wag kana sumabay pa."
"Bakit Mommy? Yan naman talaga ang tingin nyo sakin diba? Ang pabigat? Wala naman akong ginawang tama dito! Ako na nga yung na dukot ako padin ang mali?! Kung itrato nyo ako parang hindi nyoko anak araw araw pinapagalitan nyoko! Hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung saan ako lulugar sa bahay nato! Dahil lahat nang ginagawa ko mali!"
"At sumasagot kapa ngayon? San ka natuto nyan? Kay Manang?"
"Walang kinalaman si Manang dito dahil ni minsan hindi nya ako tinuruan ng mali! Lagi nyang sinasabi na intindihin ko kayo at mahalin ko kayo dahil magulang kopa din kayo! Mas naging magulang panga sya sakin kesa sa inyo!!! Dahil wala kayong kwentang magulang!!!"
Sa tagal ng panahon nailabas ko din ang bigat sa puso ko para akong isang bulka na bigla nalang sumabog. Pero isang malakas na sampal ang tumama sakin mula kay Mommy.
Napatakbo nalang ako papunta sa kwarto dahil sa ginawa nya Sakin.
Yung pisikal na sakit? Makakaya kopa pero yung mga masasakit na sinasabi nya sakin? At mga bagay na pinaparamdam nya sakin ayon ang hindi ko kaya matake. Pero kahit ganon mahal na mahal ko sila dahil sila padin ang parents ko at umaasa padin ako na may isang taong makapagbabago sa kanila.
MONICA'S POV
Pagkatapos akong mailigtas ni Scarlet ay hindi kona alam ang nangyari sa kanya kaya etoh ako ngayon sa tapat ng bahay nila para alamin ang kalagayan nya.
Nakailang dorbell muna ako bago lumabas ang isang magandang babae.
"Magandang araw po ako si Monica, nandyan po ba si Scarlet?"
"Bakit anong Kailangan mo sa kanya?"
"Gusto kolang pong malaman kung nandyan si Scarlet? Pwede kopo ba syang makausap?"
"Halika tumuloy ka muna."
Sumunod ako sa babae papasok sa loob. Napakalaki at napakaganda ng bahay nila dito pala nakatira si Scarlet.
"Ikaw pala yung niligtas ni Scarlet."
"Opo ako nga po, Asan po sya? Gusto kolang din po kasi magpasalamat sa naging tulong nya sakin."
Biglang naging malungkot ang itsura hindi ko alm kung may nasabi ba akong mali o hindi maganda.
"Wala na si Scarlet."
Para akong nabingi sa sinabi nya Sakin.
"Po?"
"Pagkatapos ka nyang mailigtas ay hindi na sya nakabalik, Hindi namin alam kung nasan sya sinubukan naming syang hanapin pero nabigo kami."
Naguilty ako bigla sa mga sinabi nya pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit wala si Scarlet, Dahil kung hindi nya ako niligtas edi sana nandito padin sya.
"Sorry po."
"Bakit ka humihingi ng sorry??"
"Kasalanan kopo kung bakit nangyayari ang lahat ng to kay Scarlet kung hindi nya sana ako niligtas edi sana b-----"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil niyakap na nya ako.
"Wag mong sisihin ang sarili mo dahil si ginawa yon ni Scarlet dahil mahalaga ka sa kanya."
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Sa takdang panahon malalaman mo din."
Napaisip ako bigla sa sinabi nya may kinalaman din kaya to sa gustong sabihin sakin ni Scarlet bago kami nagkahiwalay.
"Pero ngayon? Wag monang sisihin ang sarili mo hindi ikaw ang may kasalanan kundi ang mga SAMONTE."
"Hindi poba kayo naghingi ng tulong sa mga pulis?"
"Walang magagawa ang mga Pulis dahil tau-tauhan lang din sila ng mga Samonte pero lahat ng kasamahan may katapusan at lahat ng baluktot may hangganan ."
"Kung ganon po ano pong balak nyong gawin? Pano si Scarlet?"
"Abangan mo nalang. Dahil sinisiguro ko sayo malapit na ang hangganan ng nga Samonte."
Hindi ko talaga alam kung anong totoong nangyari kay Scarlet dahil ayaw naman akong diretsuhin ng Tita nya.
Pero sana okay lang sya.
AMANDA'S POV
Napakatigas talaga ng ulo ng batang yon nakuha pa talaga nyang sumagot sagot?!
Ganito na nga ang sitwasyon sa pamilya namin sumasabay pa talaga sya.
"Ma'am Amanda si Boss Diosdado po."
Naghihikahos na lumapit sakin yung isa sa mga tauhan namin.
"Bakit anong nangyari sa kanya??"
Mayamaya pa ay pumasok na yung ilan sa mga tauhan namin at buhat buhat si Diosdado
"My gosh!!!"
Nilapitan ko agad ang asawa ko puro dugo at sugat sya at walang malay.
"Anong nangyari sa kanya!!!???"
"Nahuli po kami ng dating Ma'am."
"Mga Bo*o!!! Binabayaran namin kayo diba!!! Kapag may nangyari lang sa asawa ko mapapat*y ko kayo!!! Dalhin nyo sya sa kwarto!!"
Nagmadali silang pinunta si Diosdado sa kwarto namin dahil takot sila sa galit ko.
Pagkatapos non ay pinalabas kodin sila agad at tinawagan yung kilala naming doctor para tingnan ang kalagayan ng asawa ko.
//////
Ilang oras pagkatapos naming linisan ang mga sugat ni Diosdado at mapalitan ang damit nya at matingnan sya ni Dr. Santiago ay nagising na sya.
"Amanda?? Asan ako?!!!"
"Nandito kana satin."
"Asan yung mga hay*p nayon!!!!!"
Babangon sana si Diosdado pero humiga ulit sya dahil masakit pa ata ang katawan nya.
"Wag kana muna bumangon mas mabuti pang magpahinga kana muna."
"Haaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!" Isang malakas na sigaw nya.
"I am Diosdado Samonte at wala pang nanakit sakin!!!!! Magbabayad sila!!! Pap*tay*n ko sila!!!!!!!"
"Calm down Diosdado hindi makakatulong sayo kung kikilos kapo."
"Pinaglaruan nila ako?!!! What do you want to do? Siguro ngayon nagtatawanan na sila kasi akala nila natalo na nila ako!! Si katelyn? Asan sya????"
Kita sa mga mata ni Diosdado ang galit dahil sa nangyari sa kanya. Pero nakakahinayang din yung perang nawala samin.
"Ayos na si Katelyn nakabalik na sya dito."
"What?!!! Talagang pinaglalaruan nila ako!!!! Sinadyan nilang patakasin si Katelyn at papuntahin ako don!!!!"
"Madami nang kumakalaban satin dahil akala nila mahina tayo do something Diosdado, You are great Diosdado remember?"
Yes! Siya si Great Diosdado according to him kaya naman hindi ako sanay na makitang talunan ang aking asawa.
"Kung inaakala nya na natalo na nya ako? Nagkakamali sya dahil isang malaking kamalian na binuhay pa nya ako dahil kung sino man sya ay babalikan ko sya."
"Ano nang balak mo ngayon?"
"Sobra na ang nangyayari satin, Kailangan na nating tuldukan to."
"Ano ngang gagawin mo?"
"Malapit na ang Birthday mo Amanda at gusto ko imbitahan mo ang lahat ng mga dati nating kasosyo sa negosyo ganon din sa mga kaibigan mo, Samahan mona din ng Media dahil gusto ko makita ng lahat na kahit ano pa ang dumating satin ay hindi tayo matitibag. "
"Are you crazy? Naubos na nga yung pera natin tapos gagastos pa tayo?"
"Wag kang mag-alala Amanda dahil mababawi din naman natin yon. Kapag nakuha natin ang loob nila at magtiwala sila na makipagsosyo ulit satin"
Mukhang matalino talaga ang asawa ko.
Maaring matalo nila kami pero hinding hindi nila mapapabagsak ang Pamilya Samonte dahil babangon at babangon kami.
Hindi pa pinapanganak ang taong magpapabagsak samin.
# CHAPTER 41
2 WEEKS LATER
AMANDA'S POV
Ngayon na ang gabing pinakahihintay ko kinuha ko ang mga mamahaling alahas ko para makita ng mga amiga ko na hindi kami totoong naghihirap.
Pero habang nag-aayos ay nakatanggap ako ng isang message at ang sabi
'HUMANDA KANA'
kinabahan ako sa nakasulat pero inisip ko na baka padala lang yon ng isa sa mag naiinggit samin kaya hindi ko nalang pinansin.
"Madam Amanda ayos napo ba ang ganitong look tonight?"
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at My gosh! Ang Ganda ko.
Lumabas na yung stylist ko after nya akong ayusan at ligpitin ang mga kalat nya pagkatapos non ay may unknown number ang tumawag sakin.
'Amanda Samonte, This night is gonna be your night! I'll show you the pain the you never felt before.'
'Sino ka!!!!'
Hindi na nagpakilala yung taong tumawag sakin dahil binabaan na nya ako. My gosh! Ayokong magpaapekto sa mga katulad nya! I don't wanna my night!
"Mommy ayos lang po ba kayo??"
Alalang tanong sakin ni Katelyn pagpasok nya sa kwarto ko.
"It's okay. Lets go."
Kung sino man sya ay wala akong pakialam sigurado naman ako na wala lang magawa yung tao nayon.
///////
Bumaba na kami ni Katelyn at nandon nadin si Kevin at Diosdado bawat makasalubong namin ay binabati ako sobrang daming tao ang nandito at napapanood din kami sa mga telebisyon dito sa bayan namin.
Umakyat na ako sa stage para magpasalamat sa mga taong nandito.
"Good evening everyone gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga taong nandito dahil sa pagpunta at pagtanggap nyo sa imbitasyon ko. Sa aking dalawang anak na si Katelyn at Kevin na laging nandyan para suportahan ako at syempre sa isang taong nasa likod na okasyon nato, Siya ang dahilan kung bakit nangyari to at isa sya sa mga taong
pinakatinitingila
ngayon walang iba kundi ang ------"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumilim ang paligid nawalan din ng sounds ang mic. Ko at may lalaking armado na biglang dumating.
Biglang umilaw ang spotlight at tumutok ito sa Isang direksyon at nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakota ko.
"SCARLET DELGADO!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko sa Scarlet.
Imposibleng mangyari to! Patay na sya!
Pero???
Panong???
Napatayo din si Diosdado sa kinauupuan nya at tulad ko halatang gulat na gulat din sya sa pagdating ni Scarlet.
Umakto lang ako ng normal para hindi mahalata ng mga bisita na hindi ko kasama sa party ko.
"Hindi mo naman ako kailangan i-introduce ng ganyan Amanda but anyway HAPPY BIRTHDAY to my future mother in Law."
"T-thank you."
Hindi pwedeng masira ang gabing ito dahil pinaghirapan ko ito at higit sa lahat ito ang kaarawan ko!
SCARLET'S POV
Nagulat ang lahat sa pagdating ko lalong la na ang mag-asawang Samonte.
Para silang nakakita ng multo akala nila napatay nila ako? Pwes hindi sila nagtagumpay dahil masyado pang maaga para sa kamatayan ko at hindi pa tapos ang misyon ko.
Sinugurado ko na nakatutok Sakin ang Spotlight dahil gusto ko na makita ako ng nga Samonte para malaman nila na buhay ako at makita nila ang pagmumukha ng taong magpapabagsak sa kanila.
Unti-unti akong lumakad papalapit sa kanila, Nagsimula nadin magbulungan ang mga tao dahil sa pagdating ko.
"S--Scarlet???"
"Oh Amanda? Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi moba inaasahang ang pagdating ko??"
"B-buhay ka??"
Halos hindi na makapagsalita si Amanda ng makita nya ako ng harapan si Diosdado naman ay halata kong nagngingitngit na sa galit pero pinipigilan nya lang.
"OO AMANDA! BUHAY NA BUHAY! AT GUSTO KOLANG MALAMAN MO NA HINDI KAYO NAGTAGUMPAY SA GINAWA NYONG PAG-PATAY SAKIN!"
"Not now Scarlet. Don't ruin my night."
"Bakit Amanda? Natatakot kaba na marinig ng mga tao dito ang ginawa nyo sakin? Natatakot kaba na malaman ng mga ANAK mo ang ginawa nyo sakin?!"
Lumapit sakin si Amanda at inagaw yung Mic. Na hawak ko pero nailayo ko yon sa kanya.
"Mom? What is the meaning of this?" Takang tanong ni Kevin.
"Happy Birthday again! Amanda"
kinuha ko yung wine na hawak na ni Amanda pero imbis na inumin ko ay binuhos ko sa mukha nyo sabay tawa.
"HOW DARE YOU!"
"This is the end of you reigning Amanda! At maging ikaw din Diosdado dahil ngayong gabi! Ngayon gabi ay tatapusin kona ang kahibangan nyo at kukunin kona ang Lahat ng meron kayo!!"
"Anong pinagsasasabi mo? Napuno naba ng tubig dagat yang utak mo kaya kung ano-ano ang lumalabas sa bibig mo?!"
"Mr. Prieto."
Tinawag ko ang tauhan ni Tita Violet para ibigay sakin ang mga dokumento na magpapatunay na akin na ang lahat ng meron ang mga SAMONTE!
"Ikaw???"
Gulat na sabi ni Amanda ng lumapit sakin si Mr. Prieto.
"Do you remember him Amanda? O baka naman gusto mong ipakilala kopa sya sayo???"
"Ahas ka talagang babae ka!!!"
Galit na galit na sigaw ni Amanda nakatingin na samin ang lahat ng tao at ang maganda pa ay may media na nandon kaya naman mas napapanood kami ng maraming tao at malalaman nila kung anong klaseng tao ang tinitingila nila.
"Nakasulat sa mga papel na hawak ko ang katibayan na lahat ng pag-aari nyo ay akin na! Lahat ng mga negosyo nyo? Ay akin na! At itong bahay nato?! Ay akin na!! Pati yang mga suot nyo? Ay akin na!"
"Stop this nonsense Scarlet! Hindi kami nakikipag laro sayo! Boys palabasin nyo na ang babaeng to!"
Lumapit yung mga tauhan ni Diosdado pero nakaback up sakin ang mga tauhan ni Tita Violet at mas marami kami kaya kung maguumpisa sila ng laban? Parang kumuha sila ng baril at pinutok sa mga ulo nila.
"Hindi din ako nakikipaglaro sa inyo! Kaya nga ako nandito diba? Para tapusin ang lahat ng to! Kaya naman kukunin kona ang akin!"
"Hindi totoo yang mga papeles na hawak mo Fake yan!" Sigaw ni Amanda. Pero hindi ako nagpasindak sa kanya hindi ngayon at hindi kailanma.
"ANG PAGKATAO MO ANG FAKE!!!! HINDI ANG MGA PAPELES NATO!! SIGE NA ILABAS NYO ANG MGA SAMONTE AT KUNG AYAW NILA? KALADKARIN SILA KUNG KINAKAILANGAN."
Inutusan ko ang mga tauhan ni Tita Violet at hinawakan ang pamilya SAMONTE hindi narin nakatulong pa ang mga tauhan nila dahil napaikutan na sila.
"Ate Scarlet? Bakit mo ginagawa to? Bakit parang nagiba kana?"
"Sisihin mo ang magulang mo Katelyn dahil hindi sila naging mabuting tao kaya nangyayari ang mga ito sa Pamilya nyo."
"Scarlet???"
Lalapit sana sakin si Kevin pero pinigilan sya ng mga tauhang kasama ko.
"Kung ano man ang meron tayo Kevin ay tinatapos kona yon ngayon."
Wala na yatang mas sasakit pa kapag sinabihan ka ng taong mahal mo na tapos na kayo.
Hindi ko man sya masaktan Physically pero emotionally?
Alam kong patay na patay na sya at ayon ang gusto kong mangyari para sisihin nya ang Pamilya nya sa nangyaring heartbreak sa kanya.
"You can't do this to us Scarlet! Who do you think you are?!!! I am Diosdado Samonte and no one can drag me down!!!"
Lumapit sakin si Diosdado at tangkang sasakalin ako pero nahawakan ko agad ang kamay nya at pinilipit koyon at halos maiyak na sya sa sakit.
"Masyado nang mahaba ang palabas nato. Sige na ilabas nyo na sila maliban kay Amanda dahil may surpresa pako sa kanya."
Inilibas na ng mga tauhan ko sina Kevin, Katelyn at Diosdado sa sarili nilang bahay ag kahit anong palag nila ay wala din silang nagawa.
"Ano pabang gusto mo Scarlet nakuha mona ang gusto mo! Napahiya mona kami! Nakuha mona ang atensyon ng lahat ng taong nandidito!! Ano paba!!"
"Marami pakong gustong gawin Amanda pero ito muna ang Start ng kwento nating dalawa!!"
Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.
"Ano masakit ba! Pero wag kang mag-alala dahil may surpresa akong inihanda para sayo."
"Anong gagawin mo sakin???"
Mayamaya pa ay dumating na yung mga pulis na pinapunta ko para huliin si Amanda.
"Amanda Samonte inaaresto ka namin sa salag pagpatay kay Eloisa Delgado."
"What!!!!!! Anong kabiliwan to?? Ikaw babaeng ahas! Anong kinalaman mo dito!!!!!!"
"Diba nga sabi ko sayo Amanda? Kinikilala ko ang mga kalaban ko at inaalam ko kung anong baho ang tinatago nila."
"Sa tingin mo ba matatakot moko? Hindi totoo yang binibintang nyo sakin?!!! I will call my lawyer."
Pinusasan na ng mga pulis si Amanda. Kapag ang tao talaga naging malupit sa kapwa isang karma ang naghihintay sa kanila at ako? Ako lang naman ang karma ng Samonte.
"Tawagin mona ang pinaka magaling mong abogado dahil sinisiguro ko sayo na mabubulok ka sa kulungan!"
"Wala kang katibayan sa binibintang mo sakin!"
"Sa tingin moba talaga basta nalang ako susugod ng walang ebidensya? O tistigo man lang? Hindi ako ganong klaseng tao."
Bago ako pumunta dito at isagawa ang pasabog nato ay kinausap ko muna ang testigo ko at sigurado ako ikakagulat yon ni Amanda.
Dumating si Manang Cecil at tumabi sya sakin.
"Manang? Anong ginagawa mo? Ba't nandyan ka sa tabi ng babaeng yan???!"
"Sorry ma'am hindi napo kasi pinapatulog ng kunsensya ko magmula nung nangyari yon."
"Wala kang utang na loob! Pagkatapos ka naminh pakainin? At ang nang Pamilya mo ito ang igaganti mo samin??!!"
"Kung ano man ang mga binigay mo sa kanyang Pamilya ay nabayaran na nya sa paninilbihan sa inyo at sa pagtatago ng mga baho nyo!!"
"This is not the end Scarlet!"
"Talagang hindi pa ito ang tapos! Pero I'll make sure na nasakin padin ang huling halakhak!"
Kinuha na ng mga pulis si Amanda at kahit anong palag nya ay wala din syang magagawa dahil huli na sya.
Sa wakas napagbayad kona din sila sa mga kasalanan nila sakin lalong lalo na sa mga magulang ko pero hindi pako tapos dahil sisiguraduhin kong hinding hindi na sila makakabangon pa.
Lumapit sakin si Tita Violet at niyakap ako ng mahigpit.
"Nagawa mona Scarlet."
"Lahat po yon ay dahil sa inyo, dahil sa inyo nila Gray."
"Lugmok na ang mga Samonte at dahil sa pangyayaring ito wala nang tatanggap pa sa kanila."
"Tita Violet kailangan kopo muna sundan si Amanda dahil gusto kong makita kung pano sya ipasok sa kulungan."
"Sasamahan kita." Alok ni Gray.
Iniwan na muna namin si Tita Violet para sundan si Amanda dahil baka gumawa na naman sya ng eksena.
ARTHUR'S POV
"Boss panoodin nyo to."
Binuksan ni Ramon yung Tv at nandon ang mga Samonte pero hindi sila nagkakasiyahan kundi nagkakagulo nandon yung babaeng kasama ni Amanda at sinasabing anak ko.
'This is the end of you reigning Amanda! At maging ikaw din Diosdado dahil ngayong gabi! Ngayon gabi ay tatapusin kona ang kahibangan nyo at kukunin kona ang Lahat ng meron kayo!!'
Ayan yung sabi nang babae sa mga Samonte. Anong ibig sabihin nito? Akala koba magkakampi sila??
'Anong pinagsasasabi mo? Napuno naba ng tubig dagat yang utak mo kaya kung ano-ano ang lumalabas sa bibig mo?!' galit na sagot ni AMANDA.
"BOSS mukhang hindi nga kalaban yung babaeng yon."
Pinanood lang namin ang mga nangyayari kung paano palabasin ang mga Samonte sa sarili nilang pamamahay pero ang mas ikinatuwa ko ay ang paghuli kay Amanda dahil sa pagpatay nya sa asawa ko.
Sino ba talaga ang Scarlet nayan?
Bakit Parang galit na galit din sya sa mga samonte?
"Ramon. Gusto ko gumawa ka ng paraan para makausap natin ang babaeng yan may mga gusto lang ako itanong sa kanya."
"Masusunod Boss."
Kung sino man si Scarlet salamat at tinuruan nya ng leksyon ang mga SAMONTE.
"Eh kayo boss? San kayo pupunta?"
"Pupuntahan kolang ang mga Samonte para makita ko mismo kung ano ang mga itsura nila ngayong walang wala na sila."
Hindi pa tapos ang problema nila dahil paparating na ang isa pang bagyong wawasak sa Pamilya nya.
KEVIN'S POV
"Bitawan nyo nga kami!!! Kaya namin maglakad at bakit pinapaalis nyo kami sa sarili naming pamamahay?! Don't you know who i am?!!!." Inis na sigaw ni Daddy sa mga tauhan nila Scarlet.
"Hindi na kayo ang may ari ng bahay nato kundi si Ma'am Scarlet na."
"That women?!! She is crazy I owned this house!"
"Kung magmamatigas kapa mapipilitan kaming saktan kayo."
"Hey! Stop!" Nilapitan kona si Daddy dahil alam kong sa galit nya ay magsasalita pa sya.
"Dad enough."
Nakinig naman sya sakin at iniwan na nila kami sa labas.
"Kasalanan to ng babaeng yon! Pagsisisihan nya na ginawa nya to satin. I will kill her!" Galit na sabi ni Daddy.
" No. You can't kill her she is my Girlfriend and i will not let anyone to hurt her even you."
Alam kong galit si Daddy pero hindi yon sapat para bantaan nya ang buhay ng babaeng mahal ko.
"Naririnig moba ang sinasabi mo? Sa tingin moba hahayaan ko nalang at papalampasin ang ginawang eksena ng babaeng yon? Kilala mo ako Kevin hindi ako marunong tumanggap ng pagkatalo lalo na sa isang babae lang!"
"Sagutin nyo ako Dad and i want you to be honest with me. Ano ba talagang ginawa nyo kay Scarlet? Pinagtangkaan nyo ba ang buhay nya?"
Natahimik bigla si Daddy sa tanong ko at tila nag-iisip ng kasinungalingang isasagot sakin.
"O-ofcourse not! Baliw lang talaga ang babaeng yon."
"Kuya, Daddy! Please wag na kayo mag-away ganito na nga ang nangyayari satin tapo pati ba naman kayo mag-aaway din?!"
Natigilan ako bigla ng nagsalita ang kapatid ko umiiyak na sya. Minsan lang magsalita si Katelyn kaya alam kong sobra syang nasasaktan at nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon.
Hindi na ako nakipag talo kay Daddy dahil ayaw konang dumagdag pa sa bigat na nararamdaman ng kapatid ko pero gusto kopa ding makausap si SCARLET kung bakit nya ginagawa ang lahat ng to.
Mayamaya pa ay lumabas nadin si Mommy pero nakaposas at daladala sya ng mga pulis nilapitan agad namin sya ni khatelyn.
"Kevin help me, Do something! Ayokong makulong! Kausapan mo ang babaeng yon hindi to ang binibintang nya sakin!"
Hindi rin kami nakapag-usap ng matagal dahil isinakay na sya sa sasakyan.
Anong dapat kong gawin?
Bakit umabot sa ganito?
Bakit parang ang laki ng galit ni Scarlet sa Pamilya ko?!!
Bakit!!!!
"I can't believe this is happening!!"
Biglang napahawak si Daddy sa dibdib nya at bigla nalang natumbas hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinawag ko ang isa sa mga tauhan namin at sinakay sya sa sasakyan para dalhin sa pinakamalapit na OSPITAL.
# CHAPTER 42
AMANDA'S POV
"Pwede ba bitawan nyoko! Wala akong kasalanan ang dapat na hinuhuli nyo yung Scarlet nayon! Hindi nyo ba ako kilala??!!!"
"Ma'am tumahimik nalang po kayo ang sakit po sa tenga ng boses nyo."
"What did you say???"
Kahit nakaposas ako ay nilapitan ko talaga yung pulis at pinaghahampas ko.
"Wow naman Amanda talagang hanggang dito ba naman pinapakita mo ang kademonyohan mo????"
Napaharap ako sa babaeng nagsalita.
"At hanggang dito ba naman ay sinusundan mo ako?!"
"Dahil gusto kolang makita kung pano ka dalhin sa natural habitat mo ang kulungan."
"Sige tumawa kalang dahil paglatapos nito? Ikaw naman ang iiyak dahil lahat ng efforts mo ay masasayang lang!"
"Gaano ka naman nakakasiguro? Lugmok na lugmok na ang pamilya mo! Alam na ng maraming tao kung gaano kayo kademonyo!"
"Tell me Scarlet? Ano bang koneksyon mo kay Eloisa at pati yon ay inuungkat mopa?"
Natigilan saglit si Scarlet sa naging tanong ko sa kanya.
"Dahil si Eloisa! Si Eloisa ang !"
Sasabihin na nya kung ano ba talaga ang koneksyon nya sa babaeng yon.
"Tell me!! Anong koneksyon mo sa kanya!"
"Si Eloisa ay isang inosenteng tao na pinatay nyo! Inalam koyon sa loob ng mahabang pahanon at wala akong ibang koneksyon sa kanya! At wag yon ang isipin mo ngayon ang dapat na inaalala mo ngayon ay ang sarili mo!"
"Tama na yang pagtatalo nyo."
"Bye Amanda finally makakabalit kana sa natural habitat mo."
Sige lang Scarlet magsaya ka ngayon dahil hindi ko papalampasin ang ginawa mo sakin at sa Pamilya ko at sisiguraduhin kong nasa amin padin ang huling halakhak.
SCARLET'S POV
"Scarlet ngayong napakulong muna si Amanda at nakuha mona ang lahat ng meron sila ano ng sunod mong plano?"
"Isusunod ko naman si Diosdado patikim palang ang ginawa ko sa kanila marami pa akong inihadang pasabog."
"Pero Scarlet hindi ba dahil sa ginagawa mo ay nagiging katulad kana din nila?"
"Hindi Gray. Hinding hindi ako magiging katulad nila dahil ako? Dinadala kolang sila sa dapat nilang kalagyan at ang pag kuha ko sa yaman nila? Hindi naman talaga kanila ang perang yon in the first place ninakaw lang nila yon kaya gagamitin ko yon para itulong sa mga nangangailangan."
Niyakap ako ng mahigpit ni Gray sa wakas na iparamdam kona din sa kanila ang galit na naipon ko sa loob ng mahabang panahon.
Akala ko katapusan kona pero sadyang hindi pa talaga yon ang oras ko dahil madami pa akong misyon.
......................FLASHBACK..................
"
Kahit
patayin nyo pako ay hindi ako magsasalita!"
"Enough Diosdado kahit anong gawin mo sa babaeng yan ay mukhang hindi mo sya mapapaamin kaya mas mabuti pang patayin nalang natin sya bago nya pa maipakalat ang tungkol sa nalalaman nya.Paalam Scarlet.
Ikamusta
mo nalang ako sa mga katulad mong ahas dagat!."
Ito naba talaga ang katapusan ko?
Hanggang dito nalang ba talaga ako?
Wala naba akong magagawa?
Diyos ko kung ito na ang katapusan ko sana may isang tao pa ang wawakas sa kasamaan ng mga Samonte.
Gabayan nyo din po ang mga mahal ko sa buhay.
"Any last word Scarlet?."
Kita ko sa mga mata ang saya dahil sa pagkapanalo nito hindi kona magawang maibuka ang bibig ko.
Panalo kayo ngayon mga Samonte pero naniniwala ako na may isang tao padin ang tatapos sa lahat ng kasamaan nyo.
Pinilit kong kalasin ang tali sa mga kamay ko at nagtagumpay ako pero hindi ko pinahalata sa kanila na tanggal na ang pagkakatali sakin.
"Sige na itapon nyo na sya."
Binuhat ako ng mga tauhan ni Diosdado at mabilis na itinapon sa gitna ng dagat.
Sobra nakong nanghihina at kahit nakakalas ang tali sa kamay ko ay wala na akong lakas para makalangoy pataas.
Hanggang dito nalang ba ako?
Habang unti-unti akong lumulubog ay naalala ko bigla ang mga panahong tinururuan ako ni Tita Violet.
"Ano Vince
titingin
kana lang ba dyan?"
Nandito kami sa isang malaki at mahabang pool ni Ma'am Violet dahil sinabi nya na magsasanay kami.
"Ano pong gagawin ko? Ma'am?"
"Vince? Diba ang sabi ko sayo na Tita Violet na ang
itatawag
mo sakin."
"Pasensya napo
naninibago
lang ako."
"Ang task mo ngayon ay kukunin mo ang limang coins na inihagis ko sa Pool na may lalim na 7-9 feet at gusto ko makuha moyan sa loob ng
10-15
minutes."
"Pero hindi kopo kaya yon."
"Kung gusto mo talaga makuha ag hustisya sa
pagkamatay
ng mga magulang mo gagawin mo ang sinasabi ko."
"Pero??"
"Wala nang pero pero Vince."
Magsasalita pa sana ako pero itinulak na nya ako mabuti nalang at kahit papano ay marunong ako lumangoy.
Hindi biro ang lalim nito at higit sa lahat magkakalayo ang pwesto nila kaya imposibleng makuha koyon ng mabilis.
Pero hindi ako sumuko kinuha ko padin yung coins na ikinalat ni Tita Violet.
"Thirty five minutes?!
Masyadong
matagal."
Muli nyang hinagis ang mga nakuha kong coins at syempre kinuha kopa din kahit nakakapagod ay pinilit kopa ding kunin.
"Tita Violet ito napo."
"Fourty three minutes?? Mas matagal at mabagal kesa kanina? Pano mo matatalo ang mga Samonte kung ganyan ka kabagal? I prove mo sakin na talagang deserving ka sa pagtulong ko."
Hinagis nya ulit yung coins sabay umalis.
Napaiyak nalang ako dahil pagod na ako at wala nakong lakas para lumangoy at sumisid.
Inabot ako ng gabi pero hindi padin ako tumigil kailangan kong gawin to para sa mga magulang ko hindi ako pwede basta nalang sumuko hindi ako pwedeng maging mahina!
"Vince gabi na tama nayan. Kanina kapag
lumalangoy
."
"Hindi ako pwedeng tumigil kailangan kong ipakita kay Tita Violet na kaya ko!"
"Kung
ipagpapatuloy
moyan hindi kakayanin ng katawan mo."
Napaisip ako sa sinabi ni Gray kaya naman umalis nako sa pool at kinuha yung towel.
"Sa tingin moba kaya ko talaga?"
Maging ako sa sarili ko ay walang tiwala.
"Oo naman, Ikaw paba??"
Kahit papano ay lumakas ang loob ko dahil sa mga salitang sinasabi ni Gray mabuti nalang at nandyan sya.
//////
Kinabukasan ay sinimulan ko agad ang pinagpagawa sakin ni Tita Violet hinagis ko ang coins at kinuha isa-isa.
Inorasan kodin ang sarili ko para alam ko kung bumilis o mabagal ba ako.
"Twenty five minutes? Hindi na masama . Magaling Vince,
Ipagpatuloy
molang yan."
"Tita Violet??? Kanina
pabo
ba kayo dyan??"
"Oo at nakita ko kung gaano ka nag improve in less than twenty four hours."
Natuwa ako dahil maganda ang naging epekto ng ginagawa ko. Muli akong lumangoy at binilisan ang pagkuha sa mga tinapon nyang coins.
/////
Ginugol ko ang mahabang oras ko sa paglangoy hanggang sa nagawa kona ng mabilis katulad ng gusto ni Tita Violet.
"Alam moba kung bakit
pinagawa
koyon sayo?"
"Bakit po?"
Takang tanong ko kasi naisip kodin na ang magiging epekto sa pagkuha ko ng coins sa tubig sa pagkuha ng hustisyang kailangan ko.
"Dahil kapag nasa tubig tayo ay nagiging mabagal ang pagkilos natin pero once na bumilis ang kilos natin kapag nasa tubig Tayo ay mas doble ang magiging bilis natin kapag wala na tayo sa tubig at higit sa lahat natutunan mong wag tumigil hanggang sa makuha mo ang goal mo."
Hindi ko akalain na ganon pala ang gusto nyang sabihin sakin pero sa totoo lang mas gumaan nga ang pakiramdam ko.
"ANAK LUMABAN KA! HINDI PA ITO ANG KATAPUSAN MO!"
Bigla akong nagising sa boses na narinig ko at alam kong kay Mama mo at gusto nyang iparating sakin na wag akong susuko at kailangan kopang mabuhay.
Dahil wala nang tali sa mga kamay ko ay buong lakas kong kinalas ang tali sa paa ko at nagsimulang lumangoy paakyat.
Wala na ang yate ng mga Samonte pero may nakita akong bangka na papalapit sa kinaroroonan ko.
"
Tulong
!!!!
Tulong
!!!!!!"
Buong lakas kong sigaw mabuti nalang at narinig nila ako at agad na sinaklolohan.
.............
END OF FLASHBACK
................
Pagkatapos naming puntahan si Amanda ay si Diosdado naman ang pinuntahan namin dahil sinabihan ako ni Tita na dinala daw sya sa Ospital.
"Ate Scarlet???" Gulat na sabi ni Katelyn ng makita nya ako.
"Anong ginagawa mo dito??"
"Gusto kolang tingnan si Diosdado."
"Ate Scarlet please wag na kayo manggulo."
"Hindi ako nagpunta dito para manggulo."
"Hindi maganda ang lagay ni Daddy."
Saway sakin ni Kevin. Pero pumasok padin ako sa kwarto kung nasaan si Diosdado.
"Hindi kapa talaga nakontento?! Sinundan mopa talaga ako dito para ano? Pag tawanan? Kung inaakala mo panalo kana nagkakamali ka, Masyadong pang malayo ang karanasan mo para matalo moko."
"Lugmok kana nga nag mamataas kapa? Gaano ka man tayog, Gaano man kataas ang tingin mo sa sarili mo hanggat nabubuhay ako? Si Scarlet Delgado hihilahin kita hanggang sa madurog ka."
Ngumiti lang si Diosdado sa mga sinabi ko at parang wala man lang sa kanya. Alam kong pinapakita nya lang sakin na maayos at matapang sya pero deep inside wala na, Mahina na sya.
"Get out!!! Ayokong makikita ang pagmumukha mo!!!!"
Biglang tumaas ang boses ni Diosdado kaya lang hindi pa sya makatayo dahil mahina pa sya.
"Okay fine aalis na ako."
Marami pa sana akong gustong sabihin sa kanya kaya lang hindi naman ako ganon kasama para pumatol pa sa kalagayan nya.
Lumabas na kaming dalawa ni Gray pero sinundan pala kami ni Kevin.
"Scarlet ano bang nangyari? Bakit ka nakikipaghiwalay sakin? Wala naman akong ginawa sayo diba????"
"Ikaw wala pero ang Mommy at daddy? Malaki ang kasalanan nila sakin! At hindi ko maaatim na makasama kapa dahil nakikita ko sayo ang kademonyohan ng mga magulang mo! Kaya mas mabuti pang tapusin na natin to."
Tumalikod ako pero nilapitan ako ni Kevin at niyakap ng mahigpit.
"You can't do this to me. Mahal na mahal kita at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sakin kaya please pag-usapan natin to."
"Wala na tayong dapat pag-usapan."
Tinanggal ko ang pagkakayakap nya at naglakad na palayo. Parte lang ng plano ko si kevin para sirain ang Pamilya nila at wala akong balak makipagrelasyon sa kanya sa una lang.
/////
Umalis na kaming dalawa ni Gray at bumalik sa Mansyon ng mga Samonte. Pagdating namin don ay wala ng mga tao.
"Scarlet kamusta? Nakulong naba si Amanda?"
"Opo Tita at sisiguraduhin kong hindi na sya makakatakas don at si Diosdado? Mahina na sya at wala na syang magagawa laban satin."
Niyakap ko ng mahigpit si Tita Violet dahil sobrang nagpapasalamat ako sa kanya na nakilala ko sya dahil hindi ko magagawa ang lahat ng to, Hindi ko maipapanalo ang laban ko sa mga Samonte.
Nakita ko si Manang Cecil kaya nilapita ko sya at niyakap kodin ng mahigpit.
"Manang Maraming salamat po sa tulong nyo."
"Wala yon Scarlet, Ngayon makakatulog nako dahil mapapanagot na ang pumatay sa nanay mo at syempre nagawa kona kung anong dapat kong gawin."
"Manang wag po kayo mag-alala dahil poprotektahan kapo namin pati nadin ang Pamilya mo."
"Salamat Nak."
............ .........
FLASHBACK
....................
Anong meron sa kwarto nato?
Bakit parang iba sa lahat ng kwartong nandito?
Sinubukan kong buksan ang pinto kaya lang naka kandado sya.
"Anong ginagawa mo?"
Natigilan ako ng may marinig akong boses.
"Ma-manang kayo po pala?
Hinahanap
kopo kasi si Amanda wala ba sya sa kwarto nato??"
"Umalis si Ma'am Amanda at wag kang pumunta dito lalo na sa kwarto nayan dahil
ipinagbabawal
ng mga Samonte ang pumunta dyan."
"Po?
Bakit
naman? Ano bang meron sa kwarto nato?"
"Hindi ko alam, Pero hindi tayo pwedeng pumunta dyan."
"Sige po antayin kona lang sila."
Maglalakad na sana ako pero bigla syang nagsalita na ikinatigil ko.
"Alam kong hindi ka kakampi, Maraming beses na kitang nakikita na parang may hinahanap ka sa bahay nato. Binabalaan kita hindi mo
gugustuhing
kalabanin ang Pamilya Samonte."
"Ano pong sinasabi nyo manang?"
"Sino kaba talaga? Bakit parang may hindi ka magandang gagawin, Gusto kitang isumbong kala Ma'am Amanda pero natatakot ako sa pwedeng mangyari sayo."
Pinagmamasdan pala ako ni Manang sa twing pupunta ako dito.
.................
END OF FLASHBACK
...............
.
Simula nang araw din nayon ay humingi nako ng tulong kay manang sya ang sasabi sakin kung may illegal transactions ang mga Samonte hindi naging mahirap ang pagkokomunikasyon namin ni Manang lalo pat sinabi ko sa kanya kung sino ba talaga ako at bilang pambawi ay sabihin kolang daw kung pano nya ako matutulungan.
"Scarlet meron pang gustong kumausap sayo."
"SCARLET????"
"MONICA???"
Lumapit sya sakin at mabilis akong niyakap.
"Masaya ako nakabalik kana. Akala ko talaga wala kana sobra akong nag-aalala at naguilty."
"Wag monang isipin yon ang importante ay ayos nako."
"Ano bang nangyari sayo??? Anong ginawa sayo ng mga Samonte? Sinaktan kaba nila???"
Bakas sa mukha ni Monica ang labis na pag-aalala sakin.
"Wag monang alalahanin yon dahil mas importante ang sasabihin ko sayo."
Matagal konang pinag-isipan ang tungkol sa bagay nato na sasabihin kona kay Monica na ako si Vince ang kababata nya.
"Ano yon?"
Tumingin muna ako kay Tita Violet at tumango sya sakin tanda na sang-ayon sya sa naging desisyon ko.
"Na-alala moba dati? Sabay tayong nagtitinda at kapag may mga pulis ay nagtatakbuhan tayo para hindi tayo mahuli? Lagi kang pumupunta sa bahay para kulitin ako na sumama sayo at magkasama tayo sa mga kabaliwan mo."
Ayaw ko sanang umiyak pero sa tuwing naaalala ko ang mga araw na magkasama kami ni Monica ay hindi ko mapigilan ang hindi maging emosyonal.
"Naguguluhan ako."
"Ako to si Vince ang kababata mo."
"I-ikaw si Vince???"
Naiiyak nyang sabi. Tumango ako sa kanya habang pumapatak ang luha sa mga mata ko.
"Pero akala namin patay kana?? Pano? Atsaka babae ka."
"Pinalabas lang namin na patay na ako para hindi nako balikan ng mga taong pumatay sa mga magulang ko."
"Naguguluhan padin ako."
"Nakilala ko si Tita Violet at tinulungan nya akong makabangon at sya din ang tumulong sakin para maging ako. Nag pa gender change ako, Dahil gusto konang makawala ang babaeng matagal ng nakakulong sa katawan ko."
Halata sa mukha ni Monica na naguguluhan padin sya.
"Kung ikaw talaga si Vince bakit hindi mo agad sinabi sakin? Akala namin patay kana."
"Dahil ayaw kong madamay ka."
"Pero magkaibigan tayo diba? Mula pagkabata magkasama na tayo, Alam moba nung nawala ka sobrang lungkot ko non? Kaya pala ang bait mo bait mo samin kaya pala tinulungan mo ang mga taga satin na maibalik ang lupang kinatitirikan ng mga bahay namin dahil ikaw pala si Vince."
Naging emosyonal na si Monica habang nagsasalita kaya naman hindi kona din napagilan ang mga luha ko.
"Sorry kung nilihim ko sayo ginawa kolang yon para protektahan kayo kasi hindi ko kakayanin kung pati ikaw madamay pa."
Nagyakapan ulit kami ni Monica na parang ayaw na naming pakawalan ang isa't-isa. Masaya ako kasi hindi kona kailangan magpanggap pa na hindi ko sya kilala.
"May isa pa sana akong pabor sayo Monica, Wala na sanang makaalam pa tungkol sa katauhan ko."
"Oo naman."
Niyakap ulit namin ang isa't-isa. Isa nalang ang kulang sakin at yun ay ang tatay ko pero hindi ko alam kung matatanggap nya ako ngayong hindi na ako si Vince.
# CHAPTER 43
SCARLET'S POV
Sa wakas nagawa kona din ang plano ko sa mga Samonte sa paglipas ng dalawang taon ay nagbunga lahat ng pagod at sakripisyo ko at syempre kasama kona din ulit ang kaibigan kong si Monica.
"Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala na buhay ka Vince ay este Scarlet pala."
Kanina pa nakatitig sakin si Monica at parang ayaw nya ako mawala sa paningin nya.
"Totoong buhay ako, Nagbago man ang itsura ko pero ako padin to."
"Ang ganda ganda mo be mas maganda kapa Sakin at sya nga pala Boyfriend moba yung pogi nayon??"
Tinuro ni Monica si Gray.
"Oyy hindi ah, Magkaibigan lang kami non."
"We?? Bakit hindi yon yung na fefeel ko? Parang may something kayo?"
Kilala talaga ako ni Monica kaya naman hindi ako basta makakapagsinungaling sa kanya.
"Hindi ko nga sya Boyfriend pero mahal ko sya."
"Wahhhh!!!!!!"
Napahawak agad ako sa bibig nya dahil napatingin sila Tita at Gray samin.
"Sshh wag ka maingay."
"Seryoso???? Alam na ba nya?????" Mahinang tanong sakin ni Monica at tumango ako sa kanya. Mas kinikilig pa sya sakin.
"Ano nanliligaw naba sayo??"
"Y-yes? Pero hanggang don nalang muna dahil hindi pako ready pumasok sa Isang seryosong relasyon."
"Ano??? Sayang naman. Nako be grab the opportunity na sayang oh ang gwapo pa naman haha char!"
Bumalik ulit sakin ang mga panahon na hindi pako si Scarlet na seryoso at si Vince na may pagka eskwater kung magkipag usap the way kasi na magusap kami ni Monica ay ibang iba noon.
"Ang dami kasing consequences na pwedeng mangyari."
"Pero be? Siguro time naman na para isipin mo ang love life mo."
"Alam ko naman yon be pero mas kailangan ko munang unahin makita ulit ang papa ko."
"Buhay si kuya Arthur??????"
"Oo pero hindi nya ako nakilala dahil sa bagong katauhan ko akala nya nagsisinungaling ako."
Niyakap ako ni Monica at marahang hinagod ang likuran ko.
"Tutulunga kita be ako ang magpapatunay sa Papa mo na ikaw ang anak niya, Ikaw si Vince."
"Maraming salamat."
Hindi man ako makilala ni Papa dahil sa pagbabago ng buong pagkatao ko pero ipaparamdam ko sa kanya na ako ang anak nya, Puso ang magsasabi na ama ko sya at anak nya ako.
AMANDA'S POV
Hindi ako pwede magtagal sa madumi at mabahong lugar nato.
Asan na kaya si Diosdado!?
Bakit hanggang ngayon hindi nya padin ako tinutulungan??
"Ikaw si Amanda Samonte diba??"
Tiningnan ko ng masama yung babaeng madungis na nagtanong sakin.
"Ang angas mo makatingin ah? May problema ba?" Tanong sakin ng isa pa nyang kasama.
"Pwede ba? Wala akong time makipag-usap sa inyo."
"Aba at ang angas mo ah!"
Lumapit sakin yung isang babae at hinawakan ako sa loob pero tinulak ko sya agad.
"Wag na wag mong padadampiin yang marumi mong kamay sa kahit na saang bahagi ng katawan ko!"
"Ah ganon?"
Lumapit ulit sya sakin at sinikmuraan ako sabay gitgit ng mukha ko sa may bakal.
"Ouch!!"
"Kilala ka namin Amanda Samonte pati ang asawa mong si Diosdado! Kung naghahari kayo sa labas pwes ibahin mo dito, Dito kami ang batas! At kung hindi ka susunod? Hindi lang ito ang gagawin ko sayo."
Binitawan nya din ako at bumalik sya sa pwesto nya lahat ng mga bilanggo na nandon ay nakatingin sakin ng masama kaya naman nakaramdam ako ng takot para sa sarili ko. Pero mas nangingibabaw padin sakin ang galit.
Kasalanan lahat to ni Scarlet kung akala nya panalo na sya pwes sulitin na nya ang mga masasayang araw nya ngayon dahil kapag nakalabas ako dito sisiguraduhin kong pa*atayin ko sya at hindi na sya muling mabubuhay pa!!!!!!!!
SCARLET'S POV
Hindi nadin nagtagal si Monica at pinahatid kona sya pauwe sa kanila at naiwan padin kami nila Tita sa bahay ng mga Samonte.
"Mukhang masaya kana ah"
"Opo Tita, Dahil nasabi kona din kay Monica kung sino ba talaga ako. Si Papa nalang ang kulang."
"Ngayong alam na ng mga Samonte kung sino ang totoo nilang kalaban sigurado ako na gagawa sila ng paraan para mabawi nila lahat ng kinuha mo."
Alam kona ang tungkol sa bagay nayan dahil madami pa kaming laban bago matapos to pero syempre napaghandaan kona din ang tungkol dyan.
"Tama po kayo Tita kaya naman sisiguraduhin kong hindi na sila makakaahon pa sa lupang kinasasadlakan nila."
"Anong gagawin mo?"
"Gamit ito."
Pinakita ko kay Tita Violet ang susi ng AGILA.
"Susi??" Takang tanong ni Tita.
"Ito ang tuluyang magpapabagsak sa kanila. Halika kapo."
Niyaya ko si Tita at pumunta kami sa Isang silid kung saan may tinatagong lihim ang mga Samonte. Binuksan ko ang pintuan at nagulat sya sa nakita nya.
"Totoo bato??"
"Opo Tita noong una hindi din ako makapaniwala."
"May ganitong perang tinatago ang mga Samonte?????"
"Opo ayan yung nadiskubre ko sa pag mamasid ko dito sa bahay nila."
//////
Sa tuwing pumupunta ako sa bahay ng mga Samonte ay nagmamasid ako ng maigi hinahanap ko sila ng butas dahilan ng ikaabagsak nila at nadiskubre ko nga ang kwarto nato hindi lang sya basta kwarto dahil pagpasok mo ay may isang malaking pintuan na hindi agad mabubuksan o masisira ng kung sino lang.
Noong una Sinubukan koyong buksan pero hindi ko nagawa kaya naman lumabas muna ako pero may nakita akong marka ng isang agila at doon ko naalala ang susi na hawak ko.
Kaya naman nang sumunod na bumalik ako ay dinala kona din ang susi at dito ko nakita kung ano ang nasa loob.
Napakaraming alahas at pera ang nandon may ganito palang tinatago ang mga Samonte.
"Anong gagawin mo sa mga perang yan??"
"Ipapamigay natin sa totoong nangangailan para wala ng balikan pa ang mga Samonte at wala na silang magamit para makaahon pa."
Alam kong nakaw din nila ito kaya naman gagamitin koto para matulungan ang mga taong naghihirap, pati yung mga taong tumulong sakin nong panahon na napahamak ako.
KEVIN'S POV
Nandito ako ngayon sa Ospital at nagbabantay kay Daddy si Katelyn naman ay inutusan ko muna na bumili ng makakain namin.
"Kevin tawagan mo ang mga tauhan natin at papuntahin sa bahay natin, kailangan natin mabawi kung ano mang kinuha ng babaeng yon."
Ayan yung agad na sabi sakin ni Daddy ng magising sya.
"Anong gagawin nyo kay Scarlet?"
"Ano pabang ginagawa natin sa mga kumakalaban sa Pamilya natin?"
Kinabahan ako sa sinabi ni Daddy nag-aalala ako sa pwede nyang gawin kay Scarlet kilala ko sya kapag may kaaway sya sigurado akong hindi nya titigilan hanggang hindi namamatay.
"Hindi nyo pwedeng gawin yon kay Scarlet."
"At bakit hindi???!"
"Dahil Girlfriend kopa din sya."
"Wake up Kevin! Wake up! Nakita moba kung anong ginawa satin ng babaeng yon?! Gumawa sya ng eksena sa mismong birthday ng Mommy mo! At nakita yon ng maraming tao! Pinahuli nya sa mga pulis! At tayo? Pinalayas nya tayo sa sarili nating bahay!!!"
"Gumanti lang sya dahil sa ginawa nyo sa kanya!"
Gusto kong kumampi sa Pamilya ko pero hindi ko magawang ipahamak si Scarlet dahil alam kong mabuting tao sya at higit sa lahat mahal na mahal ko sya.
Dati laro lang ang tingin ko sa pag kakaroon ng Girlfriend na kapag nakuha mona ang gusto mo sa kanila ay pwede mona silang iwan. Pero nagbago lahat ng pananaw ko sa buhay simula ng nakilala ko sya, Hindi ko alam pero nababaliw nako sa pag-ibig ko sa kanya.
"Tuluyan nabang nalason ng babaeng yon ang utak mo at nagkakaganyan ka?! Pamilya mona ang nasaktan! Ako parin ang masusunod kaya pasensyahan nalang tayo sa mangyayari sa babaeng yon."
Hindi nako sumagot pa kay Daddy dahil ang gulo ng utak ko padabog nalang akong lumabas.
/////
Umupo muna ako sa may labas at inisip si Scarlet hindi sya pwedeng mamatay kailangan maunahan ko si Daddy sa mga plano nya. Pero hindi padin mawala sa isip ko ang mga salitang sinabi ni Scarlet.
"
TAPOS
NA TAYO!"
Yan ang mga salitang paulit ulit kong naririnig sa utak ko. Hindi ko matatanggap ang mga sinabi ni Scarlet alam kong galit lang sya kaya sya nakipag hiwalay sakin kaya naman hindi ko sya titigilan dahil Mahal Na Mahal ko sya.
"Ahhhhhh!!!!!!!!!!!"
Napasuntok nalang ako sa pader sa sobrang galit.
"Kuya????"
Napatakbo agad palapit sakin si Katelyn.
"Kuya anong nangyari???" Alalang tanong nya.
"Wala to."
"Si ate Scarlet na naman ba yan?"
"Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko kay Scarlet at hindi ako susuko hanggang hindi sya maging akin ulit!"
"Kuya palipasin muna natin ang sitwasyon ang isipin muna natin ay kung pano natin matutulungan si Mommy at san tayo tutuloy ngayon?"
Tama si Katelyn sigurado ako na gustong gusto ng makalabas ni Mommy at wala nadin kaming bahay na matitirahan dahil pinalayas na kami sa sarili naming bahay.
Gulong gulo na ang utak ko at hindi ko alam kung sino ang uunahin ko ang Pamilya koba o si Scarlet???
SCARLET'S POV
Umalis din kami nila Tita sa bahay ng mga Samonte pero nag-iwan kami ng maraming bantay para siguraduhin na hindi na makakabalik pa ang mga Samonte.
//
"Scarlet magpahinga kana muna masyado ng nangyari ngayong araw kailangan natin bumawi ng lakas."
"Opo Tita. Si Gray po pala nakita nyo??"
"Nandyan lang yon sa tabi-tabi."
Hindi kasi sumabay samin si Gray pauwe dito at medyo ilag din sya sakin hindi ko alam kung bakit.
Umakyat nalang ako sa kwarto ko para ipaalam kay Mama ang magandang balita.
"Ma? Alam kopong masaya na kayo dyan dahil nagbayad napo ang mga taong pumatay sa inyo at sumira satin. Pinapangako kopo na magkakasama din kami ni Papa."
Niyakap ko yung larawan ni Mama at umiyak ako. Kapag naiisip ko yung sinapit ni Mama sa mga Samonte ay hindi kopa ding mapigilan ang hindi umiyak sobrang naaawa ako sa kanya
//
Pagkatapos kong kausapin si Mama ay nagpalit nadin ako ng damit at bumaba ako para hanapin si Gray at nakita ko sya may labas na nakaupo kaya nilapitan ko sya.
"Kanina pa kita hinahanap nandito kalang pala."
"Scarlet?? Ikaw pala, Bakit may kailangan kaba?"
Tumabi ako kay Gray.
"Wala naman hinahanap lang kita, Kanina kopa kasi napapansin na parang iniiwasan mo ako. Galit kaba sakin?"
Tumungga muna si Gray bago sumagot sakin.
"Ako magagalit sayo? Bakit naman?"
Parang may something talaga na hindi ko maipaliwanag pero ayoko naman pilitin pa sya.
"Umiinom ka may problema kaba?"
"Wala naman. Hindi lang kasi ako makatulog."
"Ganon ba?? Pagkatapos mo dyan matulog kana din kailangan mona din magpahinga."
Tatayo na sana ako pero bigla akong hinila ni Gray at siniil ng halik. Para akong na koryente sa halik at namanhid ang katawan ko kaya hindi ako nakakilos sobrang bilis ng tibok ng puso. Pinikit kona lang ang aking mga mata at sinabayan ang halik nya.
"Mahal na mahal kita Scarlet."
Anong sasabihin ko?
Anong gagawin ko???
"Gray??"
"Alam ko naman na hindi kapa din ready at naiintindihan ko."
Mahal ko si Gray pero natatakot ako na baka hindi ko maibigay ang buong atensyon ko sa kanya.
"Mahal na mahal kita Gray."
Hinawakan nya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo.
Sabi nila kapag hinalikan ka daw ng isang lalaki sa noo ay nirerespeto ka nya.
"Gusto ko nga pala humingi ng sorry sayo dahil mahina ako, Wala akong nagawa nung kinuha ka ng mga Samonte at hindi man lang kita natulungan nung nasa bingit kana ng kamatayan nagagalit ako sa sarili dahil napaka walang kwenta ko hindi ko man lang nagawang iligtas ang taong mahal ko."
"Yan ba ang dahilan kung bakit ka nag-iinom Ngayon? Wala naman ibang dapat sisihin kundi ang mga Samonte lang, sila ang dapat nakakaramdam ng guilt hindi ikaw "
"Kahit pa, nangako ako sayo na poprotektahan kita pero napahamak kapa din."
"Walang may gusto sa mga nangyari Gray pero syempre kailangan padin natin magpatuloy."
"Hanga ako sayo Scarlet dahil kahit nasasaktan at nahihirapan kana hindi ka padin nawawalan ng pag-asa."
"Dahil nandyan kayo na nag-papalakas ng loob ko, Ikaw si Tita Violet, si Monica, Si Papa at ang pangako ko kay Mama na ibibigay ko ang hustisya sa pagkamatay nya."
Niyakap ako ni Gray at niyakap ko din sya at sabay tiningnan ang ganda ng kalangitan.
Sana na matapos na ang laban nato para maging masaya na ang lahat dahil napakasaya ng buhay kapag wala kang kaaway at walang galit at inggit sa puso mo.
# CHAPTER 44
SCARLET'S POV
Panibagong araw, Panibagong pakikipagsapalaran na naman ulit at sa pagkakataong ito ay kailangan kong mas maging malakas at mas maging handa dahil alam kong humahanap lang ng tyempo ang mga kalaban ko.
Pinagmasdan ko ang mahimbing na natutulog na si Gray at muling inalala ang naganap samin kagabi. Mahal ko si Gray kaya hindi ako nagdalawang isip na ibigay sa kanya miski ang sarili ko.
Pangako ko na kapag natapos nato ay magiging masaya kami at bubuo kami ng Pamilya na matagal kong pinapangarap.
"Scarlet Mahal na mahal kita."
Nagising pala si Gray dahil sa hawak ko sa mukha nya.
"Mahal na mahal din kita."
"Yung tungkol pala sa nangyari satin kagabi hindi ko sinasadya nadala lang ako sa kalasingan ko."
"Wag monang isipin yon dahil pareho naman nating ginusto ang nangyari."
Binigay ko ang sarili ko kay Gray dahil sa mahal ko sya at alam kong mahal nya din ako at hindi nya ako sasaktan o lolokohin at higit sa lahat tanggap nya kung sino ako umpisa palang.
KEVIN'S POV
Pag-kalabas namin sa Hospital ay dumiretso agad kami sa bahay para makapagpahinga pa si daddy at mapag-usapan namin kung pano makakalabas si Mommy.
Pagdating namin sa tapat ng bahay namin ay hindi kami nakapasok.
"Hindi na kayo pwedeng pumasok dito."
Hinarang agad kami ng mga lalaki na may hawak na baril.
"Hindi moba nakikilala kung sino kami??!!! We are SAMONTE! At kami ang nakatira sa bahay nayan!."
"Si Ma'am Scarlet na ang may ari nato at mahigpit na bilin nya na wag kayong papasukin dito at kung magpumilit pa kayo ay wag kaming magdalawang isip na patayin kayo."
Patayin? Hindi ko akalain na kayang ipagawa samin ni Scarlet yon.
Dahil Armado sila ay wala kaming nagawa kundi ang umalis. Bakas sa mukha ni Daddy ang labis na galit habang inaalalayan sya ni Katelyn.
"That girl. If she really think na panalo na sya nagkakamali sya, Kinalaban nya ang isang Pamilya na hindi nya gugustuhing makitang magalit."
Alam kong nag-iisip na si Daddy Ngayon kung pano sya makakabawi sa ginawa samin ni Scarlet at alam kong hindi maganda ang mangyayari.
Pumara ako ng taxi para mapuntahan namin nila Daddy yung iba pa naming mga rest house dahil walang mangyayari kung magpupumulit kami na bumalik sa bahay nain. nagugutom nako at alam kong ganon din sila daddy pagkalabas kasi namin sa Hospital ay hindi pa kami kumakain.
Kumain kami isang restaurant na hindi lang din kalayuan kung saan kami nanggaling.
Pagpasok namin sa loob ay natoon agad ang atensyon ng ibang costumer samin.
"Don't mind them."
Seryosong sabi ni Daddy sabay upo sa table na napili nya.
Lumapit agad yung waitress at tinanong kami kung anong oorderen namin.
"Kuya si Mommy kaya kumain na? Ayos lang kaya sya?"
"Wag kang mag-alala gagawa ako ng paraan para mailabas si Mommy don."
"Kasalanan ng Mommy nyo kung bakit sya nakakulong dahil mahina sya at hinayaan nyang matalo sya ng isang gaya ni Scarlet."
Bago pa kami nagtalo ay nagorder na kami ganyan lang si Daddy magsalita pero alam kong nag-aalala din sya kay Mommy ayaw nya lang ipakita.
////
After naming kumain ay lumabit nako sa may cashier para tanungin kung bill namin.
"Miss magkano yung bill namin?"
"Ah sir bale 3,541 po."
Ngumiti lang ako sa kanya sabay abot ng card ko.
"Sir nag declined po yung card nyo."
"Bakit nag declined? Eh madami yang laman."
"Sir declined padin po."
"What??"
"Ah miss itong akin nalang ang gamitin mo."
Inabot ni daddy yung card nya.
"Sir same lang din po declined din."
"Pano mo nasabing declined? Eh madaming laman yan? Ito yung ibang card ko try it."
Inis na binigay ni daddy yung iba pa nyang card. Pero napailing padin yung cashier.
"Sir declined po lahat. Wala po ba kayong cash? Kasi declined po talaga yung card nyo."
"Gagamit ba kami ng card kung may dala kaming cash? Asan ba ang Manager nyo?!"
Hindi kona mapigilan magtaas ng boses pano ba naman kasi decline yung card ko pano mangyayari yon eh may perang laman yon.
Umalis muna yung cashier para tawagin yung manager nya at pagbalik nya yung manager naman yung nag try.
"Sir wala na po ba kayong ibang card? Or kahit cash?"
"Kung meron akong cash kanina kopa sana nabayadan at hindi nako nakikipagtalo sa inyo, I try nyo ulit baka ang machine nyo ang may problema."
Nag try ulit sila pero mukhang wala talaga.
"Sir I'm very sorry pero declined po talaga."
"But i don't have cash."
"Sir kung hindi nyo po mababayaran ang lahat ng kinain nyo ay mapipilitan kaming tumawag ng police."
Nakatingin na samin ang iba pang mga costumer kainis bakit ngayon pa nagloko yung card ko.
"Miss ako nalang ang magbabayad."
May biglang lumapit na lalaki at nag abot ng cash don sa manager. Hindi nako nakaimik dahil kinuha na agad ng manager yung pera.
"Sir thank you po." Nakangiting pasalamat ni katelyn.
"Sino ka?" Takang tanong ko sa kanya.
"I'm Arthur. Arthur Andrada."
Inabot nya yung kamay nya sakin at tinitigan ko sya. Hindi alam kung saan at kailan pero parang nakita kona sya, Parang nagkakilala na kami dati.
"Kevin Samonte."
Nakipagkamay nako sa kanya at bumalik na ulit sya sa kinauupuan nya. Pero hindi padin mawala sa isip ko yung itsura nya parang nakita kona sya dati eh.
"Kuya ayos kalang ba?"
"Who the h*ll is that guy?"
"Hindi ko alam daddy pero pasalamat padin tayo sa kanya."
Nagmadali na kaming lumabas dahil pinagpipyestahan na naman kami ng mga tao sa loob, Sobrang nakakahiya.
Ito ang unang pagkakataan na nagkaproblema kami sa pambayad ng pagkain at sa maliit pa na halaga.
Kailangan namin mareport ang nangyayari sa mga card namin kung bakit hindi namin magamit.
////
Paglabas namin ay nagsimula na kaming maglakad dahil wala na kaming pera para pambayad ng masasakyan. Buong buhay ko hindi ko inakala na mangyayari samin to halos na samin na ang lahat ang yaman pati ang kapangyarihan pero bakit humantong padin sa ganito?
Habang naglalakad kami ay may humintong Van sa tapat namin.
"Tito Diosdado? Katelyn? Kevin?? Oh my gosh finally i nakita kodin kayo napanood ko sa tv yung nangyari sa inyo."
Akala ko isa na naman sa mga tauhan ni Scarlet pero si Sabrina lang pala.
"Pinalayas kasi kami sa bahay namin kaya ngayon naghahanap kami ng lugar na matutuluyan." Si Katelyn na ang sumagot sa kanya dahil pareho kami ni Daddy na walang balak ipaalam kahit kanino ang tungkol sa sitwasyon namin ngayon pero na aalala ko may media nga din pala nung gabing yon.
"Hindi ako makapaniwala na magagawa sa inyo yon ng babaeng yon sinasabi kona nga ba hindi sya mapagkakatiwalaan"
"Ano bang kailangan mo? Ba't mo kami hinahanap." Inis na sabi ko sa kanya.
"Nag-alala lang ako sa inyo at infact nandito ako para tulungan kayo."
"Masyadong mainit dito sa labas pwede bang sa loob ng sasakyan nalang tayo mag-usap?"
"Okay Tito. Sakay napo kayo."
Hindi nadin nakaangal pa dahil alam kong pagod nadin sila katelyn.
Habang nakasakay kami ay inalok ulit kami ni Sabrina na tumuloy muna sa isa sa mga bahay nila na hindi natitirahan.
Pansamantala lang naman to at konting tiis lang ay makakabalik din kami kung saan talaga kami nababagay.
////
"Sabrina salamat sa pagpapatuloy mo samin dito, Don't worry makakabayad din kami sayo."
"It's okay Tito basta para sa mga taong mahal ni Kevin lahat gagawin ko."
Matagal ng may gusto sakin si Sabrina pero matagal kona ding sinabi sa kanya na hindi sya gusto.
Maganda sya at mayaman kaya lang hindi ang tipo nya ang gusto ko.
Nauna ng pumasok si katelyn at daddy sa kwarto nila habang ako ay naiwang nakatanaw sa kawalan Iniisip kung ano pang mangyayaring kamalasan samin bukas.
"Kanina kapa walang kibo si Scarlet na naman bayang iniisip mo?"
"Napaka demonyita talaga ng babaeng yon kala mo kung sinong maganda? Tama ba naman na palayasin kayo sa sarili nyong pamamahay? Sino ba sya sa akala nya? Wag lang talaga mag krus ang mga landas namin dahil ingudngud ko talaga ang pagmumukha nya at kung sa tingin nya nakalimutan kona din yung pamamahiya nya sakin? Pwes nagkakamali sya."
"Pwede moba muna akong iwan Sabrina? Gusto kolang mapag-isa."
"Sige pero kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako."
Iniwan din nya ako agad. Kailangan ko munang unahin si Mommy dahil alam ko na hindi nya kayang magtagal sa ganong klaseng lugar, pero pano? Saan ako kukuha ng pera??? Walang wala na kami.
ARTHUR'S POV
Masaya akong nakikitang nagdurusa ang mga Samonte pero kulang payon sa ginawa nilang pagpatay sa asawa't anak ko.
"Boss hindi ba natin susundan ang mag aamang yon?"
"Hindi na, Wala na silang ibang mapupuntahan dahil walang wala na sila. Yung inuutos ko sayo?"
"Nagpadala na kami ng sulat kay Scarlet at inaantay nalang namin kung ano ang magiging sagot nya."
"Ayos nayon."
"Pero boss sigurado kaba na gusto mong makausap ang babaeng yon? Naniniwala kaba sa sinabi nyang anak mo sya?"
"Hindi. Dahil lalaki ang anak ko at nag-iisa lang sya."
"Kung ganon bakit nyo pa sya gustong makausap?"
"Dahil kailangan natin ng tulong nya para mapabagsak ang mga Samonte at sya ang magiging Susi ko para makuha ang hustisyang hinahanap ko."
"Pero boss hindi ba kayang kaya naman gawin yon? Bakit kailangan pa natin ng tulong ng babaeng yon."
"Malawak ang karanasan ng mga Samonte kumpara satin kaya hindi natin sila basta basta matatalo kaya naman kailangan natin ng iba ipang mga kakampi."
Kailangan kong makuha ang loob ng SCARLET nayon dahil malaki ang magiging pakinabang ko sa kanya. Kailangan kong magpakatuso dahil ayon ang turo sakin ni Alessandra.
KATELYN'S POV
Dalawang araw ang nakalipas mula ng mapalayas kami sa sarili naming bahay at makulong si Mommy dahil sa walang wala kami ay hindi ko sya mapuntahan agad.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ikaw lang? Asan ang kuya at daddy mo??"
"Si Daddy nagpapahinga pa pero si Kuya hindi ko alam kung nasan. May dala po akong pagkain para sa inyo."
"Umalis kana hindi ko kailangan nyan."
Nasaktan ako sa sinabi mi Mommy dahil pinaghirapan kopa namang lutuin to dahil alam kong gutom na sya at akala ko din na matutuwa sya.
Napansin kodin ang ilan sa mga sugat at pasa nya sa katawan.
"Mom? Okay lang ba kayo dito?? Bakit may sugat at pasa kayo? Sinasaktan ba nila kayo???"
"Ano ba sa tingin mo?! Kaya kung hindi modin ako matutulungan na makalabas dito ay umalis kana lang."
Biglang nag iba yung tono ng pananalita ni Mommy Parang nagalit pa sya sakin dahil binisita ko sya. Naiintindihan ko naman na kaya mainit ang ulo nya ay dahil hindi pa sya nakakalabas.
"Kainin nyo po itong dala ko para magkalakas kayo."
Tumingin sakin sya sakin ng masama sabay kuha sa dala ko akala ko tinanggap na nya pero kaya nya pala kinuha ay para itapon lang.
Dahil sa ginawa nya ay umiyak nako.
"Diba sinabi ko sayo hindi ko kailangan nyan! Ang kailangan ko ay makalabas na ako dito!!"
"Bakit po parang hindi kayo masaya na binisita ko kayo? Bakit nagagalit pa kayo sakin??"
Hanggang ngayon nagtataka padin ako kung bakit laging galit sakin si Mommy ano mang gawin ko ay hindi na naging tama.
"Hindi ko kailangan ng mga nonsense questions mo ang gusto ko balikan mo ang daddy at kuya Mo at gumawa sila ng paraan para makalabas nako dito."
"Mommy hindi nyo ba naisip na kayo ang nagdala sa sitwasyon na kinalalagyan nyo ngayon? Kung naging mabuti sana kayong tao hindi sana nangyayari satin to! At kung hindi nyo sana pinatay si Ate Eloisa noon hindi sana kayo makukulong! Mommy? Nakakapagod na! Nakakapagod ng umintindi sa inyo! Ilang taon akong nagbibingibingihan sa mga sinasabi ng ibang tao dahil akala ko magbabago kayo! Pero bakit parang habang tumatagal lalong lumalala ang kasamaan nyo!"
Marami pakong gustong sabihin sa kanya pero naunahan nako ng emosyon ko. Pero imbis na may marealize sya sa sinabi ko ay tila mas lalo pa syang nagalit sakin dahil Isang malakas na sampal ang binigay nya Sakin.
"I'm still your mother! Hindi mo dapat ako pinagsasalitaan ng ganyan! Umalis kana bago pako tuluyang magalit sayo."
Nilapitan na kami ng mga bantay at pinabalik na si Mommy sa selda nya ako naman ay dinampot ko yung nagkalat na pagkain.
Masakit sakin kasi akala ko matutuwa sya na binisita ko sya pero sana ngayong nakakulong sya ay marealize din nya ang mga kamalian nya at sana magbago na sya dahil kahit anong mangyari gusto kopa ding mabuo ang Pamilya ko.
# CHAPTER 45
KATELYN'S POV
Bakit kaya ganon magsalita sakin si Mommy?
Parang hindi nya ako tunay anak.
Kung ako lang ang masusunod ayaw kodin naman na nandon sya, Gusto ko magkakasama kaming magpamilya pero wala akong magawa.
Naisip ko munang dalawin si Manang para tanungin tungkol sa ilang mga bagay.
Gusto kolang malaman kung Anong nagtulak sa kanya para gawin yon.
Pagdating sa bahay nila ay sinalubong ako ng anak nya at tinawag din nito si Manang.
"Katelyn anak kumain kana ba? Gusto mo ipaghain kita?"
"Salamat nalang po manang pero busog papo ako."
Tumabi Sakin si manang at hinawakan ako sa kamay.
"Ganon ba? Kamusta ka naman? Ang kuya mo asan?"
"Eto po nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon."
"Pasensya na kayo sakin ha?"
"Bakit po kayo nagsosorry??"
"Kasi kasalanan ko kung bakit napalayas kayo sa bahay nyo at kung bakit nakakulong si Ma'am Amanda. Masakit sakin yung desisyon ko pero alam kong ayon ang tama kong gawin."
Hindi na napigilan ni Manang na hindi umiyak.
"Manang naiintindihan kopo kayo, Kasalanan din naman ng Pamilya namin kung bakit nangyayari to siguro ito yung karma namin."
"Pero anak? Kapag kailangan mo ng matutuluyan welcome na welcome ka dito samin."
Sa totoo lang mas naging nanay pa sakin si Manang Cecil kesa kay Mommy kaya mahal na mahal kodin si Manang.
"Manang may tanong lang po ako? Pano po nalaman ni Ate Scarlet ang tungkol kay Ate Eloisa? Sinabi nyo po ba sa kanya?"
"Hindi ko sinasabi sa kanya, Nagulat nalang ako isang beses sinabihan nya ako na tumistigo laban sa Mommy mo noong una ayaw ko pero kinausap nya ako ng maigi Hanggang sa napapayag nya ako."
"Bakit parang antindi ng galit nya sa Pamilya ko para gawin samin ang lahat ng to."
"Hindi ko masasagot ang tungkol sa bagay nayan pero isa lang ang masasabi ko may ginawa ang Mommy at daddy mo sa kanya kaya ganon nalang ang galit nya."
Mayaman ang Pamilya ni Ate Scarlet posible kayang dahil sa negosyo???
Kaya lahat ng baho ng Pamilya namin ay ilalabas na kasama nadon ang pagkamatay ni Ate Eloisa?
"Kaya ikaw anak lagi mong pipiliin kung ano ang tama, Natutuwa ako kasi lumaki kang mabuting tao."
Naiyak nadin ako dahil naiyak na naman si Manang.
"Dahil po sa inyo, Kahit hindi kopo totoong magulang inalagaan at minahal nyo po ako."
"Naniniwala ako na Ikaw ang magpapamulat sa Daddy at Mommy sa maling ginagawa nila kaya magpakatatag ka lahat tayo dumadaan sa pagsubok pero hindi tayo basta-basta sumusuko."
"Tatandaan kopo lahat ng sinabi nyo."
Naniniwala ako na magiging okay din ang lahat at gagawin ko ang lahat para mabuo ulit kami at magbago ang pananaw nila sa buhay.
Hindi baleng wala kaming malaking bahay at maraming pera basta masaya at sama-sama kami.
SCARLET'S POV
Yung mga perang nakuha namin sa sikretong taguan ng mga Samonte ay ginamit ko para makatulong sa iba.
Nagdonate ako sa ilang foundation, Namigay ako ng mga pagkain sa mga taong nakikita namin sa kalye at binalikan kodin ang mga tao na dahilan kung bakit buhay pako ngayon.
At syempre ang mga tao sa barangay namin.
"Scarlet ang laking tulong nito para sa mga tao dito satin."
"Alam mo Monica isa talaga to sa pangarap ko ang tumulong sa mga taong nangangailangan kasi alam ko ang pakiramdam ng naghihirap, Kaya ngayong nakakaluwag nako ay tutulong ako hanggat kaya ko. Pero mas maganda sana kung nandito sila Mama at Papa."
Kahit wala na si Mama alam kong masaya na sya kasi nagagawa kona ang mga gusto ko.
"Bakit ba kasi hindi mo pa puntahan si kuya Arthur? Ipaliwanag mo sa kanya na ikaw ang anak nya."
"Gusto ko mang gawin yon pero pano? Ni hindi ko alam kung nasaan sya o kung pano ko sya makoContact."
Kapag nagkita talaga kami ni Papa hindi kona sasayangin yung chance at sasabihin ko talaga na ako si Vince na ngayon ay si Scarlet na.
"Magkikita din kayo at naniniwala ako don at katulad din ng sinabi ko sayo ako ang magpapatunay na ikaw talaga si Vince."
Niyakap ko ng mahigpit si Monica masaya ako dahil nakasama kona ulit sya at sana si Papa na ang sunod kong makasama.
/////
Habang namimigay kami ng mga relief ay biglang dumating si Diosdado at Kevin Samonte kasama pa nila si Sabrina.
"Mr. Samonte? Nandito ba kayo para manghingi din ng relief?"
Ngumiti lang sya sakin.
"Sa dami ng pera namin? Sa tingin moba mag-mamakaawa ako sayo. For your information Ms. Scarlet wala pa sa kalingkingan ng yaman namin ang yaman na meron kayo."
"Sabi mo eh. Wala naman akong magagawa tungkol sa bagay nayan."
"Kaya magpakasaya kana dahil babawiin namin lahat ng kinuha mo samin pero may interest and I'll make sure na walang matitira sayo."
"Tinatakot moba ako Mr. Samonte? Kasi kung Oo. Grabe nanginginig na ang mga tuhod ko."
"Dad let's go."
Hindi makatingin sakin si Kevin ng diretso.
"Wait lang bago kayo umalis meron pa akong ibibigay sa inyo."
Kinuha ko yung susi sa bag ko ang susi ng Agila na alam kong matagal na nilang hinahanap at gustong makita. Wala nadin naman akong pakinabang pa sa susi nato kaya mas maganda pang ibalik kona sa kanila para mas lalo silang magalit at mawalan ng pag-asa.
"Pano napunta sayo ang susi nato???!" Agad na inagaw ni Diosdado ang susi sa kamay ko .
"Hindi na importante kung pano ko nakuha ang susi nayan just be thankful kasi nabalik na sayo ang susi na matagal monang hinahanap yun nga lang I'm not sure kung mapapakinabangan mopa yan after what I've done."
Nag-iba bigla yung timpla ng itsura ni Diosdado para syang bulkan na anumang oras ay sasabog sa galit.
"You!!!! I will kill you!!!!"
Lalapitan sana ako ni Diosdado pero humarang yung mga tauhan ko.
"Sige Diosdado lumapit ka. Isang maling hakbang molang hindi magdadalawang isip ang mga tauhan ko na pasabugin yang mukha mo."
"Anong ginawa mo sa pera ko!!!"
"Pera mo? Sa pagkakaalam ko kasi matagal na kayong walang pera at pera yon ng mga taong ninakawan nyo kaya sinole kolang."
"And who do you think you are?!!!! To do that!!!!"
"I am Scarlet Delgado!! at ako!!!??? Ako ang karma nyo!!!"
Dati natitimpi kopa ang galit ko pero ngayon hindi na haharapin ko sila ng buong tapang at hinding hindi na ako magpapatalo pa sa kanila.
"Gusto mo talaga ng laban???! Pwes ipapakita ko sayo kung pano ako magalit, Ipaparanas ko sayo ang sakit na hindi mopa nararanasan!"
"Bring it on Diosdado!! Hindi nako matatakot sa mga salita mo. Akala moba nakalimutan kona yung ginawa nyo sakin?? Wag kang mag-alala magkikita din kayo ni Amanda sa bilangguan."
"Dad let's go."
Umawat na si kevin dahil alam nyang galit na ang daddy nya at hindi na nakakapag-isip ng maayos kaya kung ano ano ang lumalabas sa bibig.
"Tuturuan kopa ng leksyon ang babaeng to."
"Kevin iuwe mona yang Daddy mo kasi baka kung ano pang magawa nyan dito."
"Itong tatandaan mo Scarlet hindi pako natatalo sa kahit anong laban."
Hindi nako sumagot pa sa sinabi nya dahil wala na syang magagawa pa para makabangon ulit bagsak na bagsak na sila.
"Napaka sama talaga ng Pamilya Samonte nayan! Dapat sa kanila nakukulong lahat."
Galit na sabi ni Monica.
"Hayaan mona sila wala nadin naman silang magagawa dahil nakuha kona lahat ng meron sila at sisiguraduhin ko na hindi na talaga sila makakabangon pa."
"Sa likod ng maganda mong mukha may pagkaImpakta kadin pala Scarlet hindi ko akalain magagawang traydurin ang Pamilya Samonte lalo na si Kevin."
Nandito pa pala si Sabrina akala ko sumama nadin sya kala DIOSDADO.
"Oh nandito kapa pala? Manghihingi kadin ba ng relief?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"Kaya kong bumili ng maraming ganyan at lalong hindi ko kailangan ang mga bagay na galing sayo."
"So? Dapat kasi sumunod kana kala kevin."
"Nagtataka talaga ako kung bakit patay na patay sayo si Kevin? Ano bang meron ka?"
Dahan dahan kong nilapitan si Sabrina at naglakad ako papunta sa likuran.
"Anong meron ako? Syempre yung wala ka."
"Ngayong wala kana sa tabi nya makukuha kona si Kevin at sisiguraduhin kong makakalimutan ka nya."
"Tapos kana ba sa mga sasabihin mo? Kasi may gagawin pa kami. Galing galingan molang sa pangaakit kay Kevin dahil baka mapadaan lang ako ay mapunta agad sakin ang atensyon nya."
Kita ko sa mga mata ni Sabrina ang labis na galit hindi ang katulad nya ang dapat kong pagtuunan ng pansin.
"Ang kapal ng Mukha mo!"
Sasampalin na sana ako ni Sabrina pero sinalag yon ni Monica.
"And who are you???" Mataray na tanong ni Sabrina.
"Dadaan ka muna sakin bago mo masaktan ang kaibigan ko."
"Ah talaga???"
Biglang tinulak ni Sabrina si Monica at natumba sya sa harap ko.
"Hindi ka talaga titigil Sabrina?" Inis na tanong ko.
"Miss pwede ba umalis kana, Nanggugulo kalang diti ah!" Lumapit na yung isang babae na nakapili.
"Oo nga umalis kana dito!" Sigaw naman ng isa pa.
"Ano Sabrina? Aalis ka o kukuyugin ka ng mga taong nandito."
Sa tami ng tao dito ewan kolang kung hindi magkalas kalas ang mga buto ni Sabrina kapag kinuyog sya ng mga ito. Padabog nalang na umalis si Sabrina.
"Sino bayong babaeng yon??"
"Wag monang pag-aksayan ng oras na makilala ang babaeng yon."
Tinuloy nalang namin ang pamimigay ng relief sa mga ka barangay namin.
Lahat ng pera na nakuha ko sa mga Samonte ay gagamitin ko para makatulong ako sa iba dahil isa yon sa pangarap namin ni Mama.
KEVIN'S POV
Hindi ako makatingin ng diretso kay Scarlet kanina kasi sobrang nasasaktan ako kahit saglit lang na panahon na nakasama ko sya ay minahal ko sya ng todo at handa akong gawin lahat magkabalikan lang kami kahit pa kalabanin ko ang sarili kong Pamilya.
Pero minsan sumagi din sa isip ko na minahal nya ba talaga ako?
O ginamit nya lang ako para mapalapit sa Pamilya ko at magawa ang plano nya.
"Pwede ba kevin bitawan mona ako. Hindi pako tapos sa babaeng yon."
Alam kong galit na galit si papa Ngayon pero hindi ito yung tamang oras para harapin nya si Scarlet.
"Dad hindi mona sana pinatulan pa si Scarlet."
"Anong gusto mong gawin ko? Matuwa? Alam moba ang ginawa ng babaeng yon!!! Nasa kanya lang pala ang susi na matagal na nating hinahanap?"
Isa rin yan sa ikinatataka ko pano napunta kay Scarlet ang susi ng Agila?
Ibig sabihin ba nito matagal na nyang minamatyagan ang Pamilya namin?
"Itong tatandaan mo Kevin hindi ako makakapayag na matalo lang ng isang babaeng kagaya nya at ikaw itigil mona ang pagkahumaling mo sa babaeng yon dahil kaaway sya ng Pamilya natin!"
"Dad nasa atin na ulit ang susi ng AGILA pwede natin gamitin ang mga perang nandon para makabangon ulit."
"Sana lang talaga ay may naitira pa ang babaeng yon."
"Pero ang tanong paano Tayo makakapasok sa bahay ng hindi nila tayo nakikita."
"May kilala akong makakatulong satin."
"Sino?" Takang tanong ko.
"Makikilala mo din sya."
Hindi nako masyado nag-usi pa kay Daddy at sumakay na kami sa sasakyan ni Sabrina at inantay sya.
AMANDA'S POV
W*lang hiyang Diosdado yan hindi man lang binisita dito? Siguro nagpapakasaya lang yon .
"Amanda may dalaw ka."
Tawag sakin ng isang pulis.
"Kung anak kolang yang babae sabihin mo umalis na sya."
Mataray na sagot ko sa pulis. Pero may dumating na isang Pamilyar na mukha.
"Attorney Velasco??"
Bigla akong nabuhayan ng makita ko sya lumabas muna ako sa pahintulot nadin ng pulis para makapag-usap kami.
"Attorney Velasco ano nang balita? Gusto konang makalabas sa madumi at mabahong lugar nato! Ano makakalata naba ako?"
Si attorney Velasco sya ang attorney ng Pamilya namin kaya malaki ang tiwala ko na matutulungan nya ako na makalabas dito wala pa syang naipatalong laban kaya naman naniniwala ako na matutulungan nga ako.
Kailangan konang makaalis dito para balikan ang mga taong sumira sa Pamilya ko lalo na si Scarlet!
"Inaayos kona ang case mo pero I can't promise you na makakalabas ka agad."
"At bakit hindi??!!! Please do something! Magkano bang pera ang kailangan mo!!??"
"Matibay ang ebidensya nila laban sayo Amanda at higit sa lahat makapangyarihan din ang mga kalaban mo."
"So what do you mean? Na hindi ako makakalabas dito? Na mabubulok ako dito????!!! Get out! Hindi ko kailangan ng walag silbing tulad mo!"
Hindi nagsalita si Attorney Velasco at umalis nalang kilala nya ako magalit. Makalabas lang ako dito! Papatay*n kita Scarlet!!!!!!!!!
# CHAPTER 46
SCARLET'S POV
Dahil sa pagbigay ko sa Susi ng Agila alam kong gagawa ng paraan si Diosdado para makapasok sa bahay nila kaya naman nagdesisyon ako mag stay muna sa bahay nila kasama si Kevin.
///
Habang nakahiga ako ay Nakarinig ako ng isang malakas na kalabog o parang may nabagsak na isang bagay kaya naman agad akong lumabas una kong pinuntahan ang kwarto kung saan nakatago lahat ng kayamanan ng mga Samonte alam kong doon nanggaling ang tunog nayon dahil wala namang ibang tao dito.
Papunta palang ako ay may nakita akong taong palabas sa kwartong tinutukoy nagulat din sya ng makita nya ako. Tumakbo sya pero hinabol ko sya at ng mahawakan ko ang kamay nya ay sinandal ko sya sa may dingding.
"Tauhan kaba ng mga Samonte???!!!!"
Lalo kong diniin ang mukha nya sa pader pero nakahanap sya ng tyempo at nasiko nya ako kaya nabitawan ko sya.
"Bakit ka sasabihin sayo??!"
Bigla syang sumugod sakin at ilang sunod sunod na suntok ang ginawa nya pero nailagan ko lahat. Nasipa ko sya sa tyan at napaatras sya.
"Totoo nga ang sabi nila marunong ka ngang lumaban yun nga lang kulang pa!"
Sumugod ulit sya sakin at isang malakas na sipa ang binigay nya tumama yon sa mukha ko at natumba ako.
Hindi sya basta basta kalaban dahil marunong din sya sa martial arts pero tumayo ulit ako at ako naman ang nagbigay ng mga suntok sa kanya nahawakan nya ang kamay ko at sumuntok sya sakin pero nasalag ko.
Nagkatitigan kaming dalawa at tila binabasa kung Anong susunod na gagawin ng bawat isa.
Kinilos nya ang isa nyang paa akmang papatidin ako pero nauhan ko sya kaya naman sya ang natumba at nahawakan ko sya sa kamay at inikot yon papuntang likod nya at yung isang kamay ko ay pinansakal ko sa kanya.
"Alam kong tauhan ka ng mga Samonte kaya ito ang sabihin mo sa kanila hindi ako natatakot sa kanila kung gusto nila ng gera pwes ibibigay ko sa kanila!"
"Scarlet!!!"
Napalingon agad ako kay Gray ng tawagin nya ako nawala ako sa focus sa babaeng kalaban ko kaya naitulak nya ako kaya nabitawan ko sya at mabilis na nakatakas hahabulin pa sana sya ni Gray kaya lang pinigilan kona sya.
"Wag mona syang habulin."
"Ayos kalang ba Scarlet???"
"Oo ayos lang hindi naman ako masyado nasaktan."
"Sigurado ako na tauhan na naman yon ni Diosdado talagang hindi sya titigil hanggat hindi sya nakakaganti."
"Wala akong oras makipaglaro sa kanya dahil marami pakong dapat unahing mas importanteng bagay."
"Pero hahayaan mona lang ba sila? Pano kung magpadala sila ulit ng mga tauhan nila at susunod baka mapahamak kana."
Simula ng bumalik ako bilang si Scarlet hinanda kona ang sarili ko sa mga posibleng kapahamakan na mangyayari sakin at handa ako mamatay mapagbayad kolang ang mga may sala at makamit ang hustisyang hinahangad ko.
"Haharapin ko sila at hindi ako natatakot sa ano mang gagawin nila."
Niyakap ko si Gray ng mahigpit pagkatapos kong sabihin yon.
Isa sa dahilan kung bakit malakas ang loob ko at nagiging matapang ako ay ang mga taong importante sakin.
Hanggat kasama ko sila ay magiging malakas ako at ano mang pag problema at pagsubok ay hindi ako susuko basta basta.
VIOLET'S POV
Masaya ako dahil nagawa ni Scarlet ang misyon nya parang anak na ang turing ko sa kanya at lahat ng magpapasaya sa kanya na kayang ibigay sa kanya ay ibibigay ko.
'Hello Gray?'
'Madam V.
Napatawag
po kayo??'
'Kamusta naman kayo dyan??'
'May sumugod dito na tauhan ni Diosdado at
pinagtangkaan
si Scarlet.'
'What???!! Ano ayos lang ba sya? Gusto nyo ba
magpadala
pako ng mga tauhan ko dyan?'
'Ayos napo kami Madam kaya naman po namin dito.'
'Bantayan mo ng maigi si Scarlet at kapag kailangan nyo ng back up ay tawagan nyo lang ako.'
'Opo Madam V.'
'And one more thing. May gusto akong ipahanap sayo pero wag mong sasabihin kay Scarlet ang tungkol dito.'
'Po?
Bakit
naman.'
'Basta. Sabihan mo agad ako kapag nahanap mona sya
isesend
ko nalang sayo ang nga pictures at name nya.'
'Copy Madam.'
Gusto kong surpresahin si Scarlet at alam kong sobra syang matutuwa dito.
SCARLET'S POV
Ilang araw na ang lumipas at wala pading habang na ginagawa ang mga Samonte siguro dahil alam nilang wala silang laban pero hindi padin ako nagpapakampante lagi padin akong nakahanda.
"Be ang ganda at ang laki naman dito."
"Tama ka at pag-aari to ni Tita Violet at simula din sa araw nato ay dito kana magtatrabaho."
Ang weird ni Tita bakit biglang ako nalang ang gusto nyang kumausap sa client nya??
"Hindi ba nakakahiya? Baka isipin nila kaya ako nandito ay dahil sa kaibigan kita."
"Wag mong isipin yon dahil mababait lahat ng mga empleyado dito at alam ko naman na magiging magaling kang empleyado."
Ngumiti lang sakin si Monica at sabay kaming naglakad.
"Scarlet"
Lumapit agad ako kay Tita at nakipagbesobeso.
"Magandang umaga po." Nahihiyang bati ni Monica sa kanya.
"By the way Scarlet meron pala tayong malaking client na kailangan i meet and i want you to talk to him and close our deal."
"Po? Bakit ako?"
"I know you can it. I trust you."
Hindi ko alam kung ako lang ba pero bakit parang ang weird ni Tita ngayon hindi na ako umangal at sinabi nya Sakin ang oras at lugar kung saan ko i meet yung client na sinasabi nya isasama ko dapat si MONICA pero sa di malamang dahilan ay pinaiwan nya ito dahil gusto nya daw makausap about sa magiging work ni Monica.
//////////
Pagdating ko sa meeting place namin ay medyo nagtaka ako kasi sa isang private park ako nakarating wala masyadong tao don pero ang ganda ng lugar.
Seryoso ba talaga si Tita????
Habang papalapit ako sa eksaktong lugar ng pag-uusapan namin ay nakaramdam ako ng kaba dahil may nakita akong lalaking nakatayo pero nakatalikod sakin.
"Sir? Kanina pa po ba kayo?"
Humarap yung lalaki sakin at parang gusto kong sumigaw sa tuwa at gulat dahil ang lalaking nasa harapan ko ay ang Papa ko.
"Pa??"
"Bakit moko gustong makausap??"
Hindi kona napigilan ang sarili ko at tumakbo ako palapit kay Papa at niyakap ko sya ng mahigpit nag-umpisa nadin tumulo ang mga luha ko.
Matagal konang gustong gawin to ang mayakap sya ng mahigpit.
"Anong ginagawa mo???"
Marahan nya akong tinulak at tila nagtataka sa nangyayari.
"Pa?"
"Sorry Ms. Scarlet pero the last time na nagkita tayo sinabi mo din yan sakin. Bakit? Bakit mo ako tinatawag na Papa??"
"Dahil ikaw ang Papa ko, Ikaw yung matagal konang gustong mayakap, Ikaw yung akala ko patay na pero nagkamali ako dahil buhay ka."
"Hindi ko alam ang sinasabi mo pero wala akong anak na babae, Meron akong anak pero lalaki ang anak ko! At matagal na syang patay kaya imposible ang sinasabi mo."
"Pa ako nga po ang anak nyo. Ako si Vince Andrada ang nyo ni Eloisa!"
Natigilan sya sa sinabi ko at parang may luha nading gustong bumagsak sa mga mata nya.
"Wag mong idadamay dito ang asawa ko! Matagal na syang patay kaya wag mo syang idadamay para lang maniwala ako sayo! Hindi kita anak dahil lalaki ang anak ko!!! Lalaki si Vince!!"
Lalo akong naiyak sa mga sinabi ni Papa alam kong mahirap paniwalaan dahil sa malaking pagbabago sa katauhan ko pero hindi nya ba maramdaman na ako ang anak nya?
"Pa? Ako to si Vince ang anak mo"
"Tama na!!!!"
"Ako ang nga anak nyo. Si Vince! Mahirap man paniwalaan pero ako talaga si Vince. Diba ang sabi nyo sakin dati mag-aral ako nang mabuti? Para maging maganda ang kinabukasan ko? Ayaw nyo pa nga ako pagtindahin diba? Kasi baka mapahamak lang ako at gusto nyo kayo lang ang magtrabho dahil kayo ang padre de familia at responsibilidad nyo kami pero nagtrabaho non si Mama at sa hindi inaasahang pangyayari minaltrato sya ng mga Samonte! Umuwe sya satin na sobrang nakakaawa ang itsura nya at hindi nyo yon kinaya! Kaya nagdedisyon kayo na puntahan ang mga Samonte para pagbayadin sila! Pero binaril nila kayo! Sumunod kami ni Mama pero katulad nyo nabaril din si Mama!!!"
Bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay may sakit, Sakit na walang katumbas at mawawala lang kapag nagbayad lang ang mga taong sangkot dito.
"Pano mo nalaman ang lahat ng yan? Sino ang nagsabi sayo? Sino!"
"Totoo ang sinasabi nya sya si Vince Andrada ang anak mo. Nakaligtas sya ng gabing yon at tinulungan ko syang makapagsimula ulit para makamit ang hustisya sa pagkamatay ng mga magulang nya at kasama sa pagtulong nayon ay ang pagbabago sa katauhan nya dahil kung haharap sya sa mga Samonte bilang si Vince ay mahihirapan sya. Kaya kinailangan nyang maging si Scarlet Delgado para makalapit sa PAMILYANG sumira sa Pamilya nya."
Mahabang paliwanag ni Tita Violet ng dumating sila ni Monica.
"Hindi madali ang pinagdaanan ng anak mo para maging si Scarlet pero hindi sya sumuko nagsanay sya at nag-aral at ginamit nya kayong motivation sa lahat ng laban nya." Dagdag ni Tita Violet.
"Totoo ang sinasabi ni Scarlet kuya Arthur. Siya po talaga si Vince, Siya ang anak nyo."
Nagkatitigan kami ng matagal ni Papa at kita ko ang sakit sa mga mata nya.
"Anak???"
Pagsabi ni ng salitang "
ANAK
" ay tumakbo agad ako palapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit na mahigpit sa isa pang pagkakataon ay naramdaman ko ulit ang yakap nya. Pagkalipas ng dalawang taon ay naramdaman ko ulit ang yakap ng isang ama.
"Vince anak???? Ang tagal kitang hinanap"
"Ako din Pa, Umasa ako na buhay pa kayo dahil nung nahanap ko ang bangkay ni Mama ay wala kayo don kaya umasa ako na buhay talaga kayo."
"Nakita mona ang bangkay ng Mama mo?"
Tumango lang ako sa kanya pero hindi kopa ding mapigilan ang hindi umiyak parang ayaw kona matapos ang kaganapan nato dahil natatakot ako na mawala ulit sakin si Papa. Tumingin ako kay Tita at Monica at Nakita kong nakangiti silang pareho.
ARTHUR'S POV
Pagkatapos kong malaman ang katotohanan sa pagkatao ni Scarlet ay sinama ko sya sa bahay.
Hindi padin ako makapaniwala na buhay ang anak ko na akala ko matagal ng patay.
Pero sa patunay ni Violet At Monica totoo ngang si Vince at Scarlet ay iisa lang.
"Pa ang ganda ng bahay nyo, Mukhang sinuwerte kayo sa nakalipas ng dalawang taon."
Masayang sabi ng anak ko ng makapasok sya sa bahay ko.
"Katulad mo anak may tumulong din sakin. Siya si Alessandra."
Humarap kami ni Papa sa isang malaking larawan ng babae.
"Sino si Alessandra?"
"Siya ang tumulong Sakin."
................
FLASHBACK
.....................
Akala ko patay nako.
Akala ko katapusan kona.
Pero sa di malamang dahilan ay nabuhay ako at bumangon mula sa hukay.
Oo, Hindi ako namatay sa pag-baril sakin pero ang asawa ko siya ang napuruhan.
Hinukay ko ang bangkay nya at sobrang sakit kasi kahit anong gawin ko ay wala na sya, kahit anong iyak ko ay hindi na sya babalik.
Bigla kong naalala ang anak naming si Vince wala sya dito kaya kailangan ko syang mahanap.
Inilibing ko ulit ang asawa ko dahil kailangan kong mahanap ang anak ko dahil baka kung anong gawin sa kanya ng mga Samonte.
Hindi kona inisip kung anong itsura basta nagmadali nalang ako bumaba ng bundok para humingi ng tulong.
Nakarating ako sa isang kalsada at tatawid sana ako kaya lang may isang sasakyan ang bumangga sakin at pagkatapos non ay nawalan na ako ng malay.
/////
Nagising nalang ako at pagmulat ko ay nasa isang malaki at magandang silid na ako habang
nakahiga sa malambot na kama.
"Gising kana pala?"
"Sino ka? Asan ako?"
"Ako si Alessandra at nandito ka sa bahay ko."
"Ang anak ko. Kailangan ko hanapin ang anak ko."
Tatayo na sana ako pero napatumba ako dahil masakit ang katawan ko at may sugat pako.
"Hindi kapa malakas kaya hindi mo kakayanin kung lalabas ka."
"Pero nasa panganib ang anak ko."
"Ipapahanap ko nalang sya sa mga tauhan ko pero sa ngayon magpahinga ka muna para mabawi mo ang lakas mo."
Sobrang nag-aalala ako sa anak ko at yung asawa ko kailangan kopang balikan.
"Pwede kobang malaman kung anong nangyari sayo?"
"Kasambahay ang asawa ko sa isang mayaman at kilalang Pamilya sa lugar namin pero pinagsamantalahan sya ng amo nyang lalaki at minaltrato sya ng asawa nito kaya bilang asawa ay tungkulin ko na ipagtanggol sya. Sumugod ako ng hindi nag-iisip kaya ayon napatay ang asawa ko at hanggang ngayon nawawala ang asawa ko."
Kasalanan ko ang lahat ng ito kung hindi sana ako nagpadalos dalos hindi sana mangyayari ang ganito sa Pamilya ko.
/////
Lumipas ang mga araw pero hindi namin nakita ang anak ko halos hindi nako magpahinga para lang makita sya. Kaso hindi ko magawang ipakalat dahil ayoko malaman ng mga Samonte na buhay pako.
"Kumain ka kaya muna? Buong araw na tayong naghahanap sa anak mo."
Inabot sakin nung babae yung hawak nyang tinapay
.
"Pasensya napo kayo at nadadamay pa kayo sa problema ko."
"It's okay no problem. Ako nga pala si Alessandra and you are?"
"Arthur po Ma'am."
"Arthur. Nice name."
Sa tulong din ni Alessandra ay binalikan ko ang
bangkay
ng asawa ko.
"Mahal nandito nako. Sorry kung wala akong nagawa at mahina akong asawa pero pinapangako ko sayo na mapapanagot ko ang may sala at hahanapin ko ang si Vince."
"Arthur tara na baka makita pa tayo ng mga tauhan ng mga Samonte."
"Pero pano ang asawa ko? Hindi sya pwedeng basta iwan nalang dito."
"May tamang oras para kunin ang asawa mo pero wag mong bigyan ng rason ang mga kalaban mo na isipin na buhay kapa."
Kahit masakit na iwan ang asawa ko ay ginawa ko para sa kaligtasan ko. Oo naging makasarili ako pero kailangan kong mabuhay para mahanap ang anak ko at mapaghiganti sila.
..............
END OF FLASHBACK
...............
Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari kung pano ako nakaligtas.
"Pero asan na po sya? Gusto ko syang makita para makapagpasalamat man lang ako."
"Matagal ng patay si Alessandra."
"Sayang naman at hindi ko sya nakilala pero alam kong mabuti syang tao."
"Tama ka napakabuti nya sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya at habang nabubuhay ako patuloy akong magpapasalamat sa kanya."
"Pero bakit nung nakita ko si Mama? Dalawang taon na ang nakalipas bakit hinayaan nyo lang syang nandon??"
"Masakit sakin ang pangyayaring yon pero binalikan ko yung mama mo kaya lang nandon padin ang tauhan ng mga Samonte naipit din ako sa sitwasyon dahil sa nagkasakit si Alessandra kinailangan ko syang samahan sa ibang bansa para doon magpagamot, Pero ngayong wala na sya bumalik ako kung saan nakalibing ang Mama mo kaya lang wala na sya. Sobrang nag-sisisi ako dahil naging mahina ako at basta ko nalang iniwan ang Mama mo."
Sana maintindihan ako ng anak ko sa naging desisyon ko sobrang hirap sakin naiwan nalang ang asawa ko na parang hayop lang na inilibing nila sa lupa Oo naging mahina ako dahil natakot pero kung susugod ako don mapapatay lang din nila ako at ayaw kong mangyari yon noon dahil kailangan kopang hanapin si Vince at hindi ko din maiwan si Alessandra dahil ayoko syang iwan mag-isa. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at gusto kolang yon suklian.
"Kung nasan man si Mama ngayon alam kong naiintindihan ka nya, Alam kodin na masaya na sya dahil nagkasama na tayo."
Niyakap ako mahigpit ng anak ko.
"Hindi padin ako makapaniwala na buhay ka Anak."
"Opo Pa na buhay ako dahil may misyon pako at nagawa kona yon napakulong kona si Amanda Samonte, Nakuha kona ang lahat ng meron sila kaya bagsak na bagsak na sila ngayon."
"Ngayong nandito na ang Papa hindi kana nag-iisa sa laban dahil sasamahan kita, Papanagutin natin lahat ang mga taong sumira sa Pamilya natin."
"Pa? May isa pa akong tanong sa inyo. Tanggap nyo po ba ako kahit hindi na ako si Vince? Kahit isa nakong ganap na babae ngayon?"
Natigilan ako saglit sa naging tanong pero ngumiti ako sabay hawak sa mga kamay nya.
"Oo naman. Ano man ang itsura mo, Ano man ang katauhan mo tatanggapin kita kasi anak kita matagal kana naming tinanggap ng Mama mo at masaya ako para sayo dahil sinunod mo ang sinasabi ng puso mo at bilang Papa mo susuportahan kita."
Naiyak na naman sya dahil sa sinabi ko bilang Ama ano man ang piliing desisyon ng mga anak natin ay kailangan natin sila tanggapin at suportahan dahil higit kanino man Pamilya padin ang mas panghuhugutan nila ng lakas.
# CHAPTER 47
SCARLET'S POV
Pagkatapos kong bumisita sa tinitirhan ni Papa ay sinama ko sya sa bahay namin ni Tita Violet dahil gusto nyang makausap si Mama kahit sa harap lang ng abo nito.
"Ma??? Meron akong dala para sa inyo. Nandito na si Papa."
Lumapit sakin si Papa at pinagmasdan ang mga larawan ni Mama.
"Mahal nandito nako magkasama na ulit kami ng anak mo. Sorry kung iniwan kita, Sorry kung hindi kita binalikan agad at sorry kung naging mahina at naduwag ako wala eh masyadong malaki ang mga kalaban natin at para lang akong ipis sa kanila. Kung nasan kaman Mahal sana masaya kana, Pangako ko sayo na aalagaan at poprotektahan ko ang anak mo at hinding hindi na kami maghihiwalay pa."
Niyakap ko ng mahigpit si Papa gagawin ko din ang lahat para hindi na kami maghihiwalay pa at hindi kona hahayaang maulit ang nangyari two years ago.
Sana bigyan kami ng gabay at lakas ni Mama para sa mga laban na kakaharapin palang namin ni Papa.
"Pa? Maiwan na muna kita dito lalabas lang ako para makapaghanda ako ng makakain natin."
"Sige anak dito lang muna ako sa harap ng larawan ng Mama mo."
Bago ako lumabas ng kwarto ay niyakap ko muna si Papa.
Iniwan ko muna si Papa at bumaba nako para makapag luto nako ng makakain namin ngayong gabi.
/////
"Mukhang masarap yang niluluto mo ah?"
Masayang lumapit sakin si Tita.
"Opo dito po kasi maghahapunan ngayon si Papa at gusto ko ako mismo ang maghahanda sa kanya."
"Ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya."
"Syempre naman po dalawang taon kaming nagkahiwalay ni Papa kaya naman gusto kong bumawi."
"Masaya ako para sayo Scarlet dahil natutupad mona lahat ng misyon mo, Naayos mo ang libing ng Mama mo, Napabagsak mona ang mga Samonte at higit sa lahat nakasama mona ang Papa mo."
Napansin kong medyo may namumuong luha sa mga mata nya.
"Umiiyak poba kayo?"
"Ito?" Pinupunasan naman nya agad yon. "Wala to. Tears of joy lang."
Iniwan ko muna yung niluluto ko at niyakap ko ng mahigpit si Tita.
"Kung ano man po ako ngayon Lahat yon dahil sa inyo. Kayo po ang dahilan kung bakit ako nagtumpay sa mga misyon ko, Kayo din po ang dahilan kung bakit kami nagkasama ni Papa at kayo din po ang dahilan kung Bakit may Scarlet Delgado ngayon sa Mundo. Kung hindi kopo kayo nakilala siguro wala ako ngayon sa kinalalagyan ko kaya sobrang thank you po."
"Ginawa ko yon dahil mabuti kang bata at nakita ko sayo kung gaano mo kamahal ang Pamilya mo."
"Habang buhay kopong tatanawin na utang na loob to sa inyo."
Hindi kona din napigilan ang hindi maging emosyonal dahil sa pag-uusap namin.
"Oh sya tama na nga ang kadramahan natin ituloy muna ang niluluto baka masunog pa."
"Sige po."
Nagpunas muna ako ng luha at bumalik na sa pagluluto pinagmasdan lang ako ni Tita sa ginagawa ko.
//
Pagkatapos kong magluto ay tumulong nadin ako sa paghahanda ng makakainan at paghahain ng pagkain tinawag kona din si Papa at Kevin para sabay sabay kaming apat na magsasalo.
"Wow Scarlet mukhang masarap to ah." Masayang sabi ni Gray.
"Masarap talaga yan."
"Iba ka talaga!"
Biglang Umakbay sakin si Gray at napatingin ako kay Papa.
"Ehem."
Napabitaw bigla si Gray ng marinig si Papa haha natakot ata sya.
Dati kona din naman pinaglulutuan si Gray at Tita yun nga lang iba na ngayon dahil mas epsesyal dahil kasama na namin si Papa.
Magkatabi kami ng upuan ni Papa habang si Gray ay nasa harap namin si Tita naman nasa bandang gilid kolang din.
"Pwede ba muna tayo magdasal bago kumain?"
Sumangayon naman sila sakin. Maraming rason para magpasalamat ako Ngayon sobra sobrang blessing ang binigay sakin pagkatapos ng ilang taon kong paghihirap.
"Lord marami pong salamat sa pagkain na nasa harapan namin ngayon at sa napaka espesyal na gabing ito dahil makakasama kona si Papa sa hapag kainan."
Bigla kong naalala si Mama habang nagdadasal sya kasi ang nagturo Sakin na dapat magpasalamat tayo sa anumang nakahanda sa lamesa natin masarap man yan o hindi, Pangmahirap man o pang mamahalin dahil ang importante ay masaya at sama-sama nyo itong pinag sasaluhan.
"Sana palagi pong ganito sama-sama kami at masayang kumakain.Maraming salamat po. Amen."
Pagkatapos kong magdasal ay nilagyan ko si Papa ng madaming ulam sa plato nya dahil gusto ko matikman nya ang mga niluto ko.
"Anak baka sumabog ang tyan ko sa kabusugan ha?"
"Si Papa naman nagbibiro pa tikman nyo po yan masarap yan."
////
Habang masaya kaming nagsasalo salo ay may narinig Kaming malakas na boses na mula sa labas at paulit ulit na binabanggit ang pangalan ko.
"Sino yon??" Takang tanong ni Papa.
"Si Kevin Samonte anak ni Amanda at Diosdado." Sagot ko kay Papa. Hindi ako pwedeng magkamali sa naririnig ko kilalang kilala ko ang boses nayon.
"Anong ginagawa ng lalaking yon dito?"
Galit na tumayo si Gray pero pinigilan ko sya.
"Ako na ang haharap sa kanya."
"Sigurado ka anak? Gusto mo Samahan na kira baka kung ano pang gawin nya sayo."
"Hindi papo kayo pwedeng makita ni Kevin wag kayong mag-alala dahil hindi nya akong magagawang saktan."
Tumayo agad ako at nilabas si Kevin.
"Ma'am kanina papo namin sya pinapaalis pero nagmamatigas padin."
"Sige na kuya ako na ang bahala dito."
Nilapit ko si Kevin at sinalubong nya ako ng mahigpit na mahigpit na yakap.
"Ano pa bang kailangan mo Tapos na tayo diba?"
"Scarlet please hindi ko kaya. Kung ano man ang kasalanan ng Parents ko labas nako don tayo naman ang nagmamahalan diba?"
Ang dugo ay dugo pagbalibaliktarin man ay nananalaytay padin sa kanya ang dugo ng isang Samonte.
"Nagmamahalan? Para sabihin ko sayo hindi kita minahal, Noong mga oras na magkasama tayo? Sobrang nasusuka ako na makasama ang anak ng mga kriminal."
"Ano bang kailangan kong gawin? Sabihin molang lahat gagawin ko para bumalik lang pagmamahal mo sakin."
"Bingi ka ba?? Hindi kita Minahal! Ginamit lang kita para mapalapit ako sa Pamilya mo at magawa ko ang lahat ng plano ko!"
"Hindi padin ako naniniwala sayo, Sinasabi mo lang yan dahil galit ka at gusto mong tigilan na kita pero hindi ko gagawin yon!"
"Kung ayaw mong maniwala hindi kita pilipitin pero kung wala kanang sasabihin?? Excuse lang dahil may kailangan pakong asikasuhin."
"No! Hindi ko matatanggap ang mga sinasabi mo!!"
"Pwes tanggapin mona habang maaga pa pata hindi ka masaktan at umasa sa wala dahil kahit anong gawin mo? Hindi na ako babalik sayo!"
Tinalikuran ko sya pero bigla nya akong hinatak papalapit sa kanya at siniil ng halik. Halik na walang halong pagnanasa kundi pagmamahal lang pinikit ko ang mga mata ko at naalala ko ang pagpatay ng magulang nya sa mama ko at pagsira ng Pamilya nya sa buhay na pinapangarap ko. Tinulak ko ng malakas si Kevin at pinunasan ang labi ko.
"Umalis kana Kevin wag mong intayin na maubos ang pasensya ko."
Pagkatapos kong sabihin yon ay tinalikuran ko sya at bumalik nako sa loob.
"May ginawa ba sayo ang lalaking?? Sabihin mo kung meron at pupuntahan ko sya." Galit na sabi ni Gray. Umiling lang ako kay Gray at bumalik na sa kinauupuan ayokong ipakita kay Papa na naapektuhan ako sa tagpo namin Kevin dahil gusto ko munang gawing masaya ang pagsasama naming dalawa.
AMANDA'S POV
"HOY AMANDA MASAHIIN MOKO MASAKITA ANG LIKOD KO."
Mataray kong tiningnan yung mayabang na babae na piling boss.
"Ako lang ba ang tao dito at ako inuutusan mo?" Inis kong sabi sa kanya.
"Eh gusto ko ikaw eh."
"Ayoko nga."
"Aba! Hindi kapa nga nagtatagal dito di kana sumusunod."
"Pwede ba? Tigilan moko sa mga sinasabi mo dahil kapag nakalabas ako dito? Ikaw ang una kong ipapabitay!"
Dinuro duro ko sya pero imbis na mainis ay nagtawanan silang Lahat. Tumayo naman sya sa kinauupuan at nilapitan ako sabay hawak sa buhok ko.
"Bitawan mo nga ako! Wag mong idikit yang madumi mong kamay sa buhok ko! Iwwww."
"Hoy Amanda Samonte kung reyna ka sa labas wala akong pakialam dahil dito ako ang batas! At ang lahat ng ayaw sumunod ito ang mararanasan."
Bigla nya akong sinikmuraan ng malakas at napaluhod ako sa sobrang sakit. Pinag tawanan lang nila ako.
Hindi kona kakayanin kung magtatagal pako sa lugar nato.
Yung magaling kong asawa simula ng nakulong ako dito ni anino nya hindi ko nakita mabuti pa nga si Katelyn dinalaw ako.
"Anong nangyayari dito may gulo na naman ba?"
Mabuti nalang at may dumating na bantay dahil baka mapatay nako ng mga hay*p nato. Sa oras lang talaga na makalaya ako dito babalikan ko sila.
"Wala makulit lang kasi tong bagong pasok kaya pinatigil kolang." Sagot ng sumuntok Sakin.
"Amanda may Dalaw ka."
"Kung yung anak ko lang na babae ang dumalaw paalisin mona ang sabihin mo wala akong ganang makipag usap sa kanya."
"Sabrina Daw ang pangalan nya."
What???
Si Sabrina????
Anong kailangan nya sakin??
Tumayo agad ako para puntahan si Sabrina.
"Tita Amanda??? Anong nangyari sayo bakit puro sugat at pasa ka??"
"Wag monang isipin pa ang tungkol dito. Bakit ka nagpunta dito anong Kailangan mo sakin?"
"Gusto kolang sabihin sa inyo na ako ang tumulong kay Tito Diosdado, Katelyn at Kevin para makahanap ng matutuluyan dahil lahat ng pag-aari na meron kayo ay kinuha ni Scarlet at wala syang tinira."
Ha**p talaga ang babaeng yon ang kapal nang mukha nya para angkinin ang hindi naman sa kanya saan sya kumukuha ng lakas para gawin yon.
"Wag kang mag-aalala dahil sa oras na makalabas ako ay sisingilin ko sya."
"Don't worry Tita I'll help you to get out of here."
"Thank you very Sabrina maaasahan talaga kita kaya umpisa palang Ikaw na talaga ang gusto ko para sa anak ko at hindi yung impaktang SCARLET nayon."
"Sabi ko naman kasi sayo Tita may hidden agenda ang babaeng yon tingnan mo tuloy ang ginawa nya sa Pamilya mo ."
"Kaya tulungan moko na makalabas dito dahil gaganti ako sa babaeng yon at ipapakita ko sa kanya kung anong klaseng Pamilya ang kinalaban nya."
Marami pang kakaining bigas si Scarlet para matapatan nya kami kulang na kulang pa sya sa karanasan maaring panalo sya ngayon pero bilog ang mundo kung sinong nasa taas pwedeng pwedeng bumaba at sisiguraduhin kong nasa amin padin ang huling halakhak.
DIOSDADO'S POV
"Kamusta ang pag-punta mo sa bahay?"
"Wala ng laman ang AGILA sinimot lahat ng Scarlet nayon."
Halos gumuho ang mundo ko sa nalaman ko nawala sa isang iglap ang yaman na pinakatatago ko sa loob ng mahabang panahon? Dahil lang sa isang babae.
"Anong ginawa mo sa babaeng yon????"
"Hindi ko akalain na marunong pala lumaban ang babaeng yon tapos dumating pa yung mga tauhan nya."
"Ayos nayon sa ngayon. Gusto kolang iparamdam sa kanya na hindi ko sya patatahimikin araw araw mararanasan nyang matakot para sa kanilang kaligtasan."
Habang nag-uusap kami ng tauhan ko ay dumating si Katelyn kaya naman sinenyasan ko sya na umalis na.
///
"Sino ang kausap mo daddy?"
"Wala yon."
"Dad asan po si kuya?"
Hinirap ko si Katelyn at sinamaan ko sya ng tingin.
"Saan kaba kasi nagpupunta at hindi mo alam kung anong nangyayari satin?"
"Sorry Dad, Dinalaw kolang si Mommy tapos dumaan din ako kay Manang Cecil."
"At talagang pinuntahan mopa ang traydor na matandang yon? Ano ba ang pumasok dyan sa kokote mong bata ka."
"Daddy wala namang ginawang masama si Manang Cecil."
"Wala?!!!!!" Agad kong hinagis yung basong iniinuman ko.
"Wala syang ginawa?!! Sya lang naman ang tumistigo laban sa Mommy mo kaya nakakulong sya ngayon!! My God katelyn nag-iisip kaba talaga?"
"Kaya nakakulong si Mommy dahil pinatay nya si Ate Eloisa! Kung hindi nyo pinag malupitan at inabuso si Ate Eloisa hindi sana magkakaganito ang sitwasyon natin."
Nagpantig ang tenga ko dahil sa pagsagot sakin ni Katelyn.
"Anong sabi mo?!!!"
Nilapitan ko si Katelyn at akmang sasampalin ko pero imbis na umatras sya ay nakatitig lang sya sakin na Parang hinahamon pako.
"Daddy mahal na mahal ko ang Pamilya natin. Kaya please tama na tanggapin na natin ang mga kamalian natin bilang Samonte humingi kayo ng sorry kay ate Scarlet baka sakaling bumaba ang loob nya at pag okay na gumawa tayo ng paraan para makalabas si Mommy."
"Sa tingin moba talaga magpapakumbaba ako? Lalo na kay Scarlet? Over my dead body. Kung gusto mo kumampi sa kanila go ahead hindi ko kailangan ng mga traydor sa Pamilya ko."
Kahit mamamatay pako hindi ako magpapakumbaba kahit kanino dahil ako Si Diosdado Samonte!
# CHAPTER 48
SCARLET'S POV
"Scarlet?? May gustong kumausap sayo."
"Sige papasukin mo."
Binuksan ni Monica ang pinto at sya namang pagpasok ni katelyn.
"Ate Scarlet pwede kabang makausap??"
"Ah maiwan ko muna kayo ha? Labas na muna ako."
Lumabas si Monica at nilapitan ko si Katelyn dahil mukhang importante ang sasabihin nya.
"Anong paguusapan natin?"
"Ate Scarlet nakikiusap ako sayo, Iurong nyo na yung kaso laban sa Mommy ko gagawin ko ang lahat ng gusto mo makalaya lang si Mommy."
"Inutusan kaba ni Amanda para magmakaawa sakin?"
"Walang alam Dito si Mommy ako yung kusang pumunta dito para makiusap ka dahil ayokong masira ang Pamilya namin. Alam kong mabuti kang tao ate kaya please iurong nyo na yung kaso."
"At pano naman ang Pamilyang nasira ng parents mo? Naisip moba yon?? Dahil sa kanila may nasirang Pamilya, Dahil sa kanila merong isang anak na nagdurusa dahil kahit kailan hindi na nya makakasama ang nanay nya."
Ayokong magalit kay Katelyn pero sa twing naaalala ko yung pangyayari two years ago hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal.
"Alam ko yon ate masakit at mahirap sakin na tanggapin yon pero anak lang ako at mas nahihirapan ako nakikitang ganon ang Mommy ko. Sobrang dali lang sabihin sayo dahil hindi sayo nangyayari to."
"Wala kang alam katelyn."
"Ang alam kolang ay may personal ka na galit sa Pamilya namin kaya mo ginagawa ang lahat ng to."
"Umalis kana Katelyn dahil kahit ano pang sabihin mo hindi na magbabago ang desisyon ko mabubulok sa bilangguan ang Mommy mo at pagbabayadan nya ang pagpatay nya sa walang kalaban laban na babae at ang daddy mo? Marami din syang kasalanan kaya mag-intay lang sya."
"
NAGKAMALI AKO NG PAGKAKAKILALA SAYO ATE. AKALA KO MABAIT KA PERO HINDI PALA
."
Pagkatapos sabihin yon ni Katelyn ay umalis na sya. Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko Ginagawa ko to para sa Mama ko dahil pano makakamit ang hustisya kung hindi ka kikilos at lalaban? Kung kinakailangan kong gawing bato ang puso ko gagawin ko.
"Be?? Anong nangyari???"
Naabutan ako ni Monica na umiiyak at agad nya akong nilapitan.
"Masama ba akong tao? Dahil kinakailangan ko sumira ng isa Pamilya para makuha ang hustisyang hinahangad ko???"
"Sinong tinutukoy mo??"
"Nandito kanina si Katelyn at nakiusap sakin na palayain na si Amanda dahil gusto na nyang mabuo ang Pamilya nya. Pero hindi ko sya pinakinggan."
Pinunasan ni Monica ang luha ko sabay hawak sa dalawang kamay ko.
"Tama lang ang ginawa mo dahil may kasalanan sila na kailangan nilang pagbayadan siguro malas lang si Katelyn dahil masamang tao ang magulang nya."
Niyakap ko ng mahigpit si Monica tama sya ang malas lang ni Katelyn dahil si Diosdado at Amanda ang naging magulang nya pero naniniwala ako balang araw sya ang magbibigay liwanag sa madilim nilang buhay.
"Monica samahan moko pupunta tayo kay Amanda."
"Pero bakit?."
"Gusto kolang ipamukha sa kanya na wala na syang magagawa pa."
Tumango nalang sya sakin at naglakad na kami papuntang parking lot. Naiisip kopa din si Katelyn kahit na naglalakad na kami sya talaga ang naiipit dahil sa kagagawan ni Amanda at Diosdado.
Pagdating namin sa parking lot ay may napansin akong parang sumusunod samin kaya naman nagdahan dahan ako sa paglakad.
"Bakit Scarlet may problema ba?"
"Monica mauna kana sa sasakyan tapos tawagan mo si Gray or si Papa."
"Ha?? Bakit??"
"Basta."
Kahit nagtataka si Monica ay sumunod padin sya sa inutos ko. Habang nandito kasi kami sa parking lot pakiramdam ko may sumusunod at nagmamasid pero sa twing lumilingon naman ako wala akong makita.
Huminto muna ako sa paglalakad at kunwari ay may tinawagan ako hindi ako pwedeng magkamali sa pakiramdam mo meron talagang kanina pang nagmamasid samin nilingon ko yung likuran ko pero wala akong nakita pero pagharap ko ay muntik konang mabitawan ang hawak ko dahil sa gulat kay Kevin.
"Scarlet?? Uuwe kana ba?? Gusto mo ihatid na kita??"
"K-kevin?? Anong ginagawa mo dito??? Pano ka nakapunta dito???"
Halata sa itsura ni Kevin na nakainom sya.
"Scarlet hanggang kailan moba ako sasaktan??? Hanggang kailan moba ako gaganituhin?? Hanggang kailan moba ako papahirapan."
"Kevin lasing kana umuwe kana tsaka nalang tayo mag-usap kapag nasa tamang katinuan kana."
"Oo lasing ako pero alam ko ang ginagawa at mga sinasabi ko kaya please kausapin mona ako. Pwede bang isantabi mona muna ang galit mo kala Mommy at Daddy??"
"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo kaya please lang umuwe kana."
Kung noong hindi pa lasing si Kevin ay nahihirapan na ako kausapin sya ngyon pa kaya??? Sana lang talaga dumating na si Gray o di kaya si Papa.
Bigla akong niyakap ni Kevin ng mahigpit na mahigpit yung tipong ayaw na nya ako pakawalan itutulak kona sana sya pero bigla syang nagsalita habang umiiyak. Totoo bato?? Umiiyak sa harap ko si Kevin???
"Mahal na mahal kita Scarlet at hindi ko kayang mawala ka sakin. Sayo kolang naramdaman to. Oo masama akong tao dati marami akong pagkakamaling nagawa pero pinag sisisihan kona yon at handa akong magbago para sayo. Kung ano mang nagawa sayo nila Daddy ako na ang magsosorry , Kahit saktan mopa ako ayos lang kung doon mababawas ang galit mo."
"Umuwe kana Kevin nasasabi molang ang Lahat ng toh dahil lasing ka."
"Binago moko Scarlet simula ng nakilala kita nagbago ang pananaw ko aaminin mapagmataas ako minsan pero pinipilit ko baguhin yon dahil Mahal kita."
Yung puso ko ramdam na ramdam na nagsasabi sya ng totoo kaya lang iba yung sinasabi ng isip ko.
Hinawakan ako ni Kevin sa Ulo at siniil ako ng halik at doon bumalik sakin ang nakaraan.
......................
FLASHBACK
.....................
"MAY PULIS! MAY PULIS!!!!"
Biglang nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig ko at dali dali kong kinuha yung mga tinitinda kong damit at inilagay sa malaking lagayan mas mabilis pa sa alaskwatro ang ginawa ko para hindi
maabutan
ng mga pulis.
Sa side walk lang kasi ako nagbebenta kasama ng iba, Wala kasi akong sapat na pera para kumuha pa ng pwesto.
Dali dali akong tumakbo papuntang sa sakayan at hindi kona tiningnan kung ano at sino ang mababangga ko.
Nakita ako nang isang pulis tapos pinituhan nya ako napalingon naman ako at nagmadaling tumakbo hindi nya ako pwede mahuli wala na nga akong kinita magmumulta pa ako.
Habang tumatakbo ako ay hindi kona din nagawang lumingon pa sa paligid kong may parating ba nasasakyan o wala. Pero meron nga haha at isang malakas na busino ang narinig ko kaya napatigil ako sandali.
"Hoy! Magpapakamatay kaba?!!!"
Grabe si kuya galit na galit? Eh sya na nga itong muntik makasagasa sayang gwapo pa naman pero wala akong time makipagtalo sa kanya dahil nandyan na yung mga pulis.
..............
Ilang Minuto pa kami nag-antay bago nagsimula ang kompitisyon nakakabulabog na hiyawan ang maririnig mo, Lahat masaya at nag-iingay.
"Diba sabi ko sayo masaya dito?" Buong pagmamalaking sabi ni Monica.
Ngumiti lang ako sa kanya at nagfocus na sa panonood isa-isa nang pinakalala ang mga hurado.
"Unang hurado ang ating kapitana na si KAPITANA LOURDES SANTIAGO."
Nagpalakpakan ang mga tao ng marinig palang ang pangalan ni Kap.
"Sumunod naman po ang ating KAGAWAD RONIE MADERA."
" At ang pangatlo naman po ang head organizer nasi LUIS ESTOLAS."
"At ang huli ang anak ng ating pinakamamahal na si Sir. Diosdado walang iba kundi si Kevin Samonte."
Pagsinabing samonte ay talagang kilala na ang apilyedong, Nirerespeto at higit sa lahat kinatatakutan.
Napatitig agad ako sa lalaking nakatayo parang Pamilyar sya eh hindi kolang alam kung saan pero nakita kona sya.
Alam konaaaaa sya yung lalaking muntik ng makasagasa sakin!!!! Kevin pala ang name nya at isa syang Samonte! Kaya pala ang yabang nya at akala mo pagmamay ari nya ang kalsada.
"Oh be natutula ka dyan? Ang gwapo noh? Crush mo noh? Nako wag kana umasa wala kang pag-asa dyan."
"Gwapo nga. Attitude naman."
"Ha? Bakit nakikilala mona basya?" Takang tanong ni Monica
"Basta hayaan mo nga sya, Manood nalang tayo."
Kaya sinabi ko kay Monica na hayaan nalang ay hindi ko padin maiwasan ang lumingin kay Kevin ewan koba Kung bakit.
...............END OF FLASHBACK................
Nang Bigla kong maalala si Gray ay agad ko syang tinulak. Hindi pwede toh kung ano man ang meron dati wala nayon at hindi yon naging parte ng pagkatao ko.
"Isa pang beses na halikan moko ipakukulong kita para magsama na kayo ng mommy mo sa kulungan."
"Sorry nabigla lang ako."
Habang pinapaalis ko si Kevin ay sya namang biglang pagdating ni Papa at hindi nya siguro nagustuha ang mga nakita nya kaya agad nyang sinugod si Kevin at sinuntok nya.
"H*yop ka layuan mo ang anak ko!!!!!"
Dahil sa kalasingan ay natumba si Kevin, Babangon pa sana sya pero sinuntok ulit sya ni Papa ng dalawang beses.
"Pa tama na."
"Ayos kalang ba anak? Nasaktan kaba???"
Tiningnan ko si Kevin at nawalan na nga sya ng malay.
"Ayos lang po ako Pa. Wala naman syang ginawa sakin."
"Sigurado ka??? Tara na umuwe na tayo."
"Sandali lang Pa, Tulungan nyo muna akong dalhin si Kevin sa kotse ko."
"Ano?? Bakit mopa kailangan tulungan ang lalaking yan??"
"Tulungan nyo nalang po ako."
Kahit naguguluhan si Papa ay tinulungan nya padin akong dalhin si Kevin sa kotse ko at hiniga namin sa back seat.
"Be bakit nandito si Kevin??" Takang tanong ni Monica.
"Ihahatid natin sya." Maikli kong sagot.
Nagpaalam na kami kay papa at umalis nadin kami para maihatid si Kevin doon sa condo na nabili ko sa kanya.
"Be? Ano ba talagang nangyayari?? Bakit ihahatid mopa si Kevin? Wag mong sabihin sakin na naaawa ka sa kanya?"
Oo galit ako sa mga Samonte pero hindi naman ako katulad nila na walang pakilam sa nangyayari sa mga taong nasa paligid nila.
"Ihahatid lang natin sya at pagkatapos non ay iiwan natin sya."
////
Dinala ko si Kevin sa condo unit na nabili ko sa kanila at nagpatulong ako sa guard para buhatin sya.
Pagpasok namin ay Hiniga agad namin si Kevin sa kama at lumabas nadin yung guard na tumulong samin.
"Be ano nang balak mo sa kanya??"
"Tara na Miles iwan nalang natin sya dito."
"Sigurado ka??"
"Tinulungan ko sya dahil hindi kakayanin ng konsensya ko kung iiwan nalang natin sya don."
"Pero diba? Anak padin sya nila Amanda kaya dapat galit kadin sa kanya."
"Oo galit na galit ako sa Pamilya nya pero katulad ni Katelyn wala din syang kasalanan kung bakit namatay ang Mama ko. Oo madami syang kasalanan tulad ng ginawa nya kay Grace."
"Ang akin lang baka naman maawa ka ng sobra sa tao at akalain nya na mahal mo sya kahit hindi naman."
"Parte lang sya ng mga plano at ngayong alam na nya na kalaban ako mg Pamilya nya ay tapos na ang pagpapanggap ko."
Hindi ako nakaramdam ng pagmamahal kahit konti kay Kevin dahil sa twing kaharap ko sya ay nakikita ko sa kanya si Diosdado na bumaboy sa Mama ko!!!
Kung ano man nagawa kong pagtulong Ngayon sa kanya yon ay dahil nakatatak padin sakin ang mga turo nila Mama at Papa.
Hindi narin kami nagtagal ni Monica dahil kailangan pa namin puntahan si Amanda at para hindi nadin kami maabutan pag gising ni kevin.
AMANDA'S POV
"Amanda may nagpapabigay sayo."
Binigay sakin nung batay yung dalawang bag at nang buksan ko ay puro gamit na panglinis.
"Kanino daw galing to???"
"Sakin."
Biglang pagdating ni Scarlet na ikinasira ng mood ko.
"Ikaw?? At anong ginagawa mo dito."
"Binibisita kalang dahil gusto kolang masiguro na maayos ka."
"Pwede ba wag mo akong plastikin kasi alam naman natin pareho na tuwang tuwa ka sa mga nangyayari sakin at sa Pamilya ko."
"Grabe ka naman Amanda ang init agad ng ulo mo ngayon na nga lang ulit tayo nagkita tapos ganyan kapa. Hindi moba ako na miss??"
"Sobrang na miss kita alam moba yon??! At sa sobrang miss ko sayo ay gusto na kitang sakalin."
Kung wala lang talaga ang bakal na nakaharang kanina kopa sinugod ang babaeng ahas nato.
"Ako na nga yung concern sayo tapos nagagalit kapa? Ayan nga oh dinalhan pa kita ng mga gagamitin mo para atleast ma maintain mo padin ang gandang Amanda."
"Ito ba?! Ha?! Pwes hindi ko kailangan ang lahat ng to! Lalo pa't galing sayo!!"
Dinampot ko yung mga binigay nya at hinagis ko pabalik sa kanya.
"HAHAHHAHAHAHA."
"Anong tinatawatawa mo???!!"
"Nakakaawa ka kasi kahit lugmok ka na nga ay nakukuha mo pa ding magmataas."
"Kasalanan mo tong lahat!! Kasalanan mo kung bakit hanggang ngayon ay nakakulong padin ako."
"Hindi ko kasalanan kung bakit ka nakakulong In the first place it's your fault kung hindi ka pumatay hindi mangyayari to kaya wag mong isisi sakin ang kasalanan mo."
"Bakit Scarlet? Nandon kaba ng mga oras nayon? At talagang confident ka sa mga sinasabi mo?"
"Sapat na ang testimony ni Manang Cecil."
"Bakit parang sobrang naghihimutok ka naman anak kaba ng namatay? O kamag anak? At anong koneksyon mo kay Eloisa."
Natigil sya bigla sa sinabi ko at tinitigan ko sya. Ano ba talagang gustong gawin ng babaeng to.
"Wala akong koneksyon kay Eloisa nagkataon lang kasi na napuno na ako sa mga kasamaang ginagawa nyo."
"What ever!!!!! Umalis kana dito!! Tumawa kalang hanggat may oras kapa dahil kapag nakalabas nako dito? Babawian kita lahat ng baho mo isisiwalat ko at sisiguraduhin kong masisira yang pangalang iniingatan mo."
"Yan ay kung makakalabas ka dyan, Kasi I'll make sure na hindi mangyayari yon."
"Wag ka masyadong confident baka sa huli maging luhaan kadin dahil lahat ng pagod at hirap mo ay masasayang yang. Remember matibay na pader ang binabangga mo."
"Kahit gaano pa katibay ang pader na sinasabi mo hindi ako natatakot dahil maraming magtutulong tulong para magiba yan, Tinggan mo nga oh may crack na ang pader na sinasabi mo."
"Get out!!! I don't wanna see your face!!!!!" Buong lakas kong sinigawan si Scarlet pero natawa lang sya sa ginawa ko na lalo kong ikinainis.
"Okay fine aalis nako."
Pagkatapos non ay tinalikuran na nya ako at naglakad paalis.
Talagang pinupuno ako ng babaeng yon sa oras talaga na makalabas ako dito magbabayad sya.
# CHAPTER 49
SABRINA'S POV
Bakit sumama si Scarlet sa ganitong lugar! Wala ba syang Class! At yung kinakain nila??
So iwwww.
Naglakad ako palapit sa kanila at nagtago ako malapit sa puno kung saan nakapwesto ang kinauupuan nila.
"Naalala moba dati mahilig tayo kumain ng mga ganito."
"Oo naman. Hindi ko na nga lang nagagawa dahil busy ako."
"Ibang iba kana kasi eh, Nagbago na yung itsura mo pero ikaw padin naman yung dati kong kaibigan na mabait at higit sa lahat maganda."
"Alam mo Monica? Akala ko hindi kona mararanasan ang kumain sa ganito kasi akala ko gugugulin ko nalang ang buhay ko sa pagkamit ng hustisya para sa pamilya ko."
"Pero tapos na diba? Nakuha mona ang hustisya para sa pagkamatay ng Mama mo."
"Hindi pa dito natatapos ang laban Monica hanggat malaya pa si Diosdado hindi magiging tahimik ang buhay ko dahil alam kong gaganti sila."
Sinasabi kona nga ba umpisa palang ay may masama ng plano ang babaeng to sa Pamilya Samonte.
"Tama ka. Ano nang plano mo ngayon?"
"Kailangan kolang ng sapat na ebedensya para si Diosdado naman ang isusunod ko sa asawa nya."
Kailangan malaman to ni Tito Diosdado namay masama na namang balak sa kanila ang impaktang Scarlet nato.
"Ate Sampagita gusto nyo po bang bumili???"
Muntik nakong mapasigaw dahil sa gulat sa batang bigla nalang sumulpot.
"Ssshhh pwede ba?? Umalis ka dito ang baho mo! Hindi ako bibili nyan ssh alis!!"
Mahina kong sabi sa kanya.
"Ang sama naman ng ugali mo hindi ka naman kagandahan."
"Anong sabi mo????"
"Ang sabi ko ang pangit mo!"
Aba!!!! Lalapitan kona sana yung bata pero bigla syang tumakbo.
Kainis yung batang kalyeng yon hindi ba sya marunong tumingin ng maganda???
Nilingon ko ulit sila Scarlet pero wala na sila sa kinauupuan nila kasalanan kasi to ng batang yon eh!! Nawala tuloy sila Scarlet ano ng gagawin ko???? Hayss kainis!!!
Lumabas ako sa pinagtataguan ko para hanapin sila Scarlet kaya naman nagmadali ako baka mahanap kopa sila.
SCARLET'S POV
"Scarlet bakit ba tayo nagmamadali?"
"Meron kasing nagmamanman satin."
"Ha? Sino?
"Si Sabrina. Yung babae kanina na nagalit don sa bata"
"Sino ba ang babaeng yon?"
"Si Sabrina ang babaeng patay na patay kay Kevin at syempre kaalyado din nila Amanda kaya magiingat kadin sa babaeng yon."
"Pero ano kayang kailangan nya sayo bakit ka nya sinusundan?"
"Isa lang ang alam ko inutusan sya ni Diosdado para manmanan ang bawat kilos ko."
Talagang hindi sila titigil hanggat hindi nila nalalaman ang kung anong ikababagsak ko.
"Ano nang gagawin mo nyan? Kinabahan tuloy ako."
"Wag kang matakot Monica dahil hanggang doon nalang ang kaya nila ang takutin at manmanan tayo pero hindi parin dapat tayo magpakampante."
"Nandito lang ako sa tabi mo."
Nagpapasalamat ako ng sobra kay Monica dahil sa suporta nya pero ayaw ko syang madamay sa laban ko ayaw kong may mangyari ding masama sa kanya.
Pero hanggang kailangan nga ba magpapatuloy ang gulong ito???
DIOSDADO'S POV
"Attorney kamusta ang pinapaasikaso ko sayo? Bat hanggang Ngayon naka freeze padin ang mga bank accounts namin??? At gaano katagal yon????"
"Sorry Mr. Samonte in your case it will takes more than 30 days but it's best to assume it could last a long time because they suspected you have an illegal activities."
"What!? Hindi nila pwedeng gawin samin to! Pinaghirapan namin ang perang yon! At wala silang ibedensya kaya do everything just to get our bank accounts back!!!"
"Okay Mr. Samonte but I can't promise na maibabalik agad ang nawala sa inyo lalo pa't mukhang hindi tumitigil ang mga kalaban nyo para mapabagsak kayo."
Tumayo na si Attorney at umalis nadin agad.
"Ahhhh!!!!!!!!!!!!"
Tinawagan ko agad si Kevin pero hindi nya ako sinasagot kainis saan din ba sya nagpupunta.
Kinuha ko ang susi ng sasakyan na ipinahiram ni Sabrina at tinawagan ko muna ang isa sa mga kakilala ko para makipag-usap dahil may konting pabor ako na hihingin kahit na labag sa kalooban ko.
///////
"Mr. Lorenzo? Mabuti naman at pumayag ka na makipag usap sakin?"
"Ofcourse Diosdado ano bang atin?"
"I want you to help me para makabangon at kapag nangyari yon? Dobleng pera pa ang makukuha mo Sakin."
Natahimik muna saglit si Mr. Lorenzo bago sumagot sakin.
"Papano? Eh bagsak na ang Agila balibalita na wala kana ding pera at Lahat ng properties mo ay wala nadin. So how can you assure me na hindi masasayang ang perang gagamitin ko?"
"Sa tagal nating magkakilala hindi mopa alam ang mga kaya kong gawin?"
"Sorry Mr. Samonte but i won't trust you anymore baka mamaya traydurin molang ako pagkatapos mong makuha ang gusto mo."
"And why would i do that???"
"Kilala na kita hindi ka patas kung maglaro at alam ko katulad ng iba ay tatraydurin morin ako."
Medyo nainis ako sa mga sinabi nya sakin pero nagtimpi padin ako.
"Dahan dahan ka sa mga sinasabi mo Mr. Lorenzo baka hindi mo ako nakikilala."
"Kilalang kilala kita Diosdado yun nga lang iba na ang sitwasyon mo ngayon wala kanang power and i hope you don't mind may i mimeet pakong ibang deserving na client kaya maiwan na kita and don't worry nabayaran kona ang na ang order natin."
"Pumayag kalang ba na makipag usap sakin para ipamukha sakin kung gaano ako ka powerless? Wala kang utang na loob pagkatapos kitang tulungan noon ito ang igaganti mo sakin??"
Hindi na ako pinansin ni Mr. Lorenzo at naglakad na sya palabas napahawak nalang ako ng mariin sa baso dahil sa sobrang inis sa kanya.
Tandaan nila sa oras na makabangon ako pagsisisihan nila ang mga ginawa nila samin lalong lalo na si Scarlet sya ang puno't dulo ng kamalasang nangyayari samin Ngayon.
SABRINA'S POV
Kainis asan naba si Scarlet at ang kasama nya????
Hindi talaga ako tumigil sa kakahanap kala Scarlet hanggang sa makita ko sila sumakay sila ng sasakyan at umalis nadin agad naman akong pumara ng taxi para masundan sila.
"Ma'am san po Tayo?"
"Pasundan po yung sasakyan na kulay red nayon."
"Bakit po?"
"Pwede ba wag kana magtanong basta sundan mo babayaran kita kahit saan pa sila makarating. Okay???" Masungit na sabi ko sa driver.
Sinundan lang namin sila hanggang sa huminto kami sa isang Clinic.
Anong ginagawa nila dito?
Pinagmasdan ko muna sila mula sa taxi hanggang sa makapasok sila ilang minuto din akong nagantay sa labas bago sila nakalabas.
Iba ang pakiramdam ko alam kong may rason kung bakit sila nandito.
Nang makaalis na sila ay ako naman ang lumapit sa clinic at binisa ko ang nakasulat
"
TRANSWOMAN CLINIC CENTER"
"Hi Ma'am?"
Bati sakin nung guard pero dedma lang sya sakin at nagtuloy ako sa loob.
May ilang mga babaeng nandon at grabe sila makatingin sakin.
"Good afternoon po Ma'am? Ano pong kanila???"
Pinagmasdan ko ang ilang tao sa loob at puro mga babae na magaganda pero parang may mali sa kanila hindi kolang maipaliwanag kung ano.
"Ah Miss? Pinapunta kasi ako ng kaibigan ko dito si Scarlet Delgado mukhang may nakalimutan ata sya."
"Ah si Ma'am Scarlet? Kumpleto naman po ang mga hormones na nabigay ko sa kanya may sinabi po ba syang iba?"
"Hormones???"
"Opo. Hindi poba yon??"
Hormones?? San naman gagamitin yon ni Scarlet? At bakit.
"Para san bayon? Bakit sya nag tetake ng mga ganyan??"
"Sorry po Ma'am may client confidentiality po kami but since kaibigan nyo sayo sa kanya nyo nalang po itanong."
Ngumiti nalang ako ng plastic sa kanya ayaw pang sabihin akala mo naman kung sinong maganda.
"Miss san pala ang cr nyo dito?"
"Doon po Ma'am diretso lang po then kanan kayo."
Hindi maganda ang pakiramdam ko kailangan ko malaman ang totoo kung bakit pumunta dito si Scarlet.
Inisa-isa ko yung room hanggang sa makarating ako sa makarating ako sa mga record file.
Pumasok ako sa room nayon at nagmadaling hanapin kung meron mang file si SCARLET mabuti nalang at walang taong pumapasok.
Inisa-isa ko ang mga folders na nanandon hanggang sa mga makita ko ang kay Scarlet.
'
SCARLET DELGADO'
Agad kong binuksan ang folder para makita kung Anong nakalagay don at nang mabasa ko isa-isa ay parang hindi ako makapaniwala.
"O-M-G!!"
TOTOO BATO??????
Hindi tunay na babae si Scarlet??
Isa syang Transwoman??
Tingnan mo nga naman may malaking sikreto din palang tinatago ang IMPAKTANG yon.
Kung mag maganda sya akala mo naman tunay na babae?
Eh isa pala syang malaking fake! At kapag nalaman to ni Kevin?
Siguradong isusuka sya nito at baka mapatay pa sya dahil sa ginawa nitong panlalako sa lahat.
VINCE ANDRADA???
Malalaman ng lahat kung sino kaba talaga.
GRAY'S POV
"Madam V. Magugustuhan kaya to ni Scarlet?? Ano sa tingin nyo?"
"Oo naman lalo pa't galing sayo."
Sana lang talaga ay magustuhan nya at pumayag sya sa alok ko. Sigurado na ako sa bagay nato at matagal konang napag-isipan ang tungkol dito.
Magmula ng makita ko si Scarlet pinangako ko sa sarili ko na sya na ang babaeng pakakasalanan ko at gusto kong makasama hanggang sa pagtanda.
Kahit noong si Vince pa sya,. Mahal kona sya at wala akong pakialam kung ano pang kasarian nya.
"Mahal na mahal kopo si Scarlet Madam V. Kaya hihingin kopo ang basbas nyo dahil magulang nadin po nya kayo."
"Oo naman. Higit kanino man ikaw ang gusto kong makatuluyan ni Scarlet dahil alam kong tatanggapin mo sya ng buong buo at mamahalin mo sya ng totoo."
"Salamat po."
"Parang anak nadin ang turing ko sayo Gray dahil maliit kapa lang nasakin kana kaya sana protektahan mo sya laban sa mga taong gusto syang saktan."
"Kahit hindi nyo po sabihin ay gagawin ko yon."
Handa akong itaya ang lahat alang alang kay Scarlet kahit maging buhay kopa ang kapalit.
Hindi ko iiwan at papabayan si Scarlet pinapangako ko yan.
Habang nag-uusap kaming dalawa ni Madam V ay sya namang pagdating ng lalaking kinausap nya.
"Kamusta ang pakikipag-usap nyo kay Diosdado Samonte? Mr. Lorenzo?"
"Just like what you've said i declined his offer."
"Good Mr. Lorenzo ngayon wala na talagang makakatulong sa pagbangon nila."
Siya pala si Mr. Lorenzo ang businessman na kinausap ni Madam V na i declined daw ang magiging offer ni Diosdado dahil sisiguraduhin daw nito na haharangan nya lahat ng gagawing hakbang ni Diosdado.
"Ms. Delgado kailan naman natin sisimulan ang ating partnership?" Tanong ng lalaki sa kanya.
"Relax Mr. Lorenzo darating din tayo dyan but for now? I need more time to prepared."
Napangiti yung lalaking kausap nya at lumabas nadin agad.
"Lahat ng gagawin ni Diosdado ay haharangin ko at kung akala nya ay takas na sya sa lahat ng kasamaan nya pwes nagkakamali ka mag-antay lang sya sa gagawin namin ni Scarlet dahil susunod na sya sa asawa nya."
Ano man ang gagawin nila ay nandito lang ako susuportahan ko sila sa lahat at poprotektahan kodin sila.
# CHAPTER 50
SABRINA'S POV
Dinalaw ko ulit si Tita Amanda sa kulungan para sabihin sa kanya ang tungkol sa nalaman ko na sigurado akong ikagugulat nya din.
"kamusta Sabrina? May balita naba sa kaso ko? Makakalaya naba ako sa madumi at mabahong lugar nato?"
"Malapit na Tita but for now may kailangan kayong malaman tungkol kay Scarlet."
"What about her?"
"Mali ka Tita WHAT-ABOUT-HIM. Matagal na tayong niloloko ng babaeng yon, Pinaikot nya tayo sa mga kamay nya."
"Could you please just straight to the point na iintriga ako sa mga sinasabi mo eh."
Inabot ko kay Tita Amanda yung mga documents na nakuha ko at pinabasa sa kanya.
"Hindi tunay na babae si Scarlet kundi isang bakla na nagpalit ng katauhan bilang babae. Isa syang malaking fake!" Inis na sabi ko.
"Dating lalaki si Scarlet?"
"Kahit ako di makapaniwala sa natuklasan ko pero yan ang totoo nalaman koyan nang sinundan ko sya."
"Naloko nya tayo napaniwala nya tayo sa katauhang pinakilala nya satin."
"Yes Tita at higit na mas naloko nya si Kevin kung magkataon ay bakla pala ang mapapangasawa ng anak mo."
"And I'm not gonna let that happen! Over My dead body! Kaya madiliin mona ang pagpapalaya sakin Sabrina dahil hindi nako makapag hintay na isiwalat sa buong mundo ang tinatagong sikreto ng baklang yon. Tingnan lang natin kung makakaya nya ang bagyong hahagupit sa buhay nya."
"Don't worry Tita inaasikaso nayan ni Attorney at sisiguraduhin kong makakalabas kayo dito."
Kita ko sa mga mata ni Tita ang galit dahil sa natuklasan nya pero may halong pananabik para sa paglaya nya.
"Madiliin mona ang pagpapalabas sakin dito dahil kating kati nako na ipamukha sa babaeng yon ang lahat ng duming tinatago nya."
"Ako rin Tita gusto ko makita ang reaksyon nya kung pano sya malugmok sa sobrang kahihiyan."
Binasa pa ulit ni Tita Amanda ang mga information na nakasulat sa papel.
"Vince Andrada? Parang narinig kona ang pangalan nato dati pero hindi kolang maalala kung saan at kailan."
"Nako Tita hindi na importante yon ang importante ngayon ay alam na natin ang totoo."
Napangiti si Tita sa sinabi at mukhang naghahanda na sya sa pasabog na gagawin nya humanda kana Scarlet dahil ikaw naman ang babagsak.
SCARLET'S POV
'
WAG MONG PAPATAYIN ANG PAPA KO!!!'
'ASAN NA ANG TAPANG MO SCARLET? DIBA MATAPANG KA?!!'
Gusto kong tumakbo palapit kay Papa pero parang may pumipigil sakin at hindi ko maigalawa ang mga paa ko.
Wala akong nagawa kundi ang tingnan nalang kung paano tadtarin ng bala si Papa.
'PAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!'
Sa katulad na pangyayari ay nakita kong mabawian ng buhay si Papa at wala man lang akong nagawa para iligtas sya.
'You should be thankful Scarlet co'z finally? Magkakasama nadin sila ng Mama mo at ikaw? Susunod kana din.'
'HINDIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!!!'
////
Napabalikwas ako ng bangon isang masamang panaginip lang pala pero parang totoong totoo sya.
"Scarlet ayos kalang ba? Anong nangyari?"
Napayakap agad ako kay Gray.
"Nanaginip ako ng masama. Pinatay daw nila si Papa."
"Panaginip lang yon at kabaliktaran yon sa totoong buhay."
Gusto kong maniwala sa sinasabi ni Gray pero bakit ang lakasng kaba ko.
"Sana nga."
Bumangon si Gray para kumuha ng maiinom napatingin ako sa orasan hating gabi na pala. Napakasamang panaginip na ayaw kong mangyari.
KEVIN'S POV
"Kevin pwede kaba makausap? May importante lang akong sasabihin sayo."
"Madami pa akong gagawin kaya sa susunod nalang."
"May kailangan kang malaman tungkol kay Scarlet"
Humarap ako sa kanya pero hindi ako tumitingin ng diretso.
"Anong tungkol sa kanya?"
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Nalaman ko na may malaking sikreto si Scarlet na matagal nyang tinago satin at nalaman ko yon at sigurado din ako na mabibigla ka kapag nalaman mo ang sikreto nya. Hindi tunay na babae si Scarlet kundi isang transwoman."
"Ano??"
"Dating lalaki si Scarlet."
Naguguluhan ako sa mga rebelasyon ni Sabrina. Transwoman? ,
"Ano na naman bang kalokohan to Sabrina? Wala kana bang ibang magawa sa buhay mo pati si Scarlet ay hinahanapan mo ng kasiraan?"
"Nagsasabi ako ng totoo ito ang patunay na peke ang pagkababae ni Scarlet!"
Inabot nya sakin yung isang papel at agad kong tiningnan ang nakasulat don, Dating lalaki si Scarlet na sumailalim sa Isang operasyon para maging isang babae.
"Niloko kalang ng babaeng yon Kevin dahil hindi naman talaga sya babae kundi isang bakla! Yung babaeng mahal na mahal mo bakla sya! Bakla!!!!"
"Enough Sabrina!!!"
"Bakit masakit ba? Masakit ba na malaman na bakla pala ang Scarlet nayon?"
"Itong papel nato?! Peke to! Sinisiraan molang sakin si Scarlet! pwes kahit ano pang gawin mo hinding hindi ako mapapasayo dahil si Scarlet lang ang Mahal ko! Sya lang at wala nang iba!!!"
Isang malakas na sampal ang binigay sakin ni Sabrina at kita sa mga mata nya ang sobrang galit.
"Bakit ba nagbubulagbulagan ka sa babae yong? Diba dapat galit ka sa kanya dahil sa ginawa nya sa pamilya mo? Kinuha nya ang lahat ng meron kayo! At si Tita Amanda nakakulong! Nagdurusa dahil lahat yon kay Scarlet!"
"Hindi ko kailangan magpaliwanag pa sayo."
Tinalikuran kona si Sabrina at umalis nako. Naguguluhan pa isip ko pero tanging kay Scarlet lang ako maniniwala.
DIOSDADO'S POV
"Ano bang kaguluhan ang nangyayari dito??"
Paglabas ko ng bahay ay bumungad sakin ang mga armadong lalaki.
"Sino kayo? At anong kailangan nyo dito???"
"Wala kaming kailangan sayo pero ang boss namin meron."
May lalaking naka itim na maskara ang lumabas sa sasakyan at lumapit sakin.
"Kamusta? Mr. Samonte."
"Ikaw??"
Hindi ako pwedeng magkamali siya yung lalaking tumangay ng milyong pera ko.
"Naalala mopa ba ako?"
"Sino kaba talaga?? At anong kailangan mo sakin?"
"Gusto moba talagang makilala kung sino ako???"
Tinanggal nya yung itim na maskara at bumungad sakin ang mukha nya.
Tinitigan ko sya dahil parang Pamilyar ang mukha nya sakin parang nagkita na kami dati.
"Ano nakikilala mona ba ako??"
"Ikaw yung? Yung lalaking nagbayad ng bill namin sa kinainan naming restaurant hindi ba?"
"Oo ako nga"
"At ikaw din ang nag-utos para dukutin ang anak ko at hiningan ako ng malaking halaga at pinabugbog ako sa mga tauhan pagkatapos makuha! Ha*op ka!"
Lalapitan kona sana sya pero humarang yung mga tauhan nya at tinutukan ako ng mga hawak nilang baril.
"Ngayon alam mona ang pakiramdam ng walang magawa Diosdado. Nakakaawa ka."
"Ano ba talagang gusto mo!"
"Hindi moba talaga ako naalala??"
Hindi ko maintindihan kung Anong sinasabi nya dahil hindi ko talaga sya maalala.
"Kung nagpunta kalang dito para malaman kung naalala kita well hindi. Dahil hindi ako nakakaalala ng mga taong walang kwenta!"
Sigaw ko sa kanya.
"Siguro nga. Dahil sa dami ng mga taong niloko nyo, Minaltrato nyo at pinatay nyo."
"Kung makapagsalita ka parang kilalang kilala mo ang Pamilya namin."
"Kilalang kilala talaga kayo dahil sa kasamaan nyo."
"Sinisermonan moba ako?"
"Pero si Eloisa? Naalala moba? Ang babaeng pinagsamantalahan mo? Ang babaeng minaltrato nyo? At ang babaeng pinatay nyo?! Naaalala moba!!!"
Biglang tumaas ang boses.
"Si Eloisa? Anong kinalaman mo sa kanya?"
"Ako si Arthur Andrada ang asawa ni Eloisa!"
Biglang bumalik sakin ang mga panahon na mamasukan pa samin si Eloisa at bigla akong kinabahan dahil nararamdaman ko ang galit ng asawa nito.
"Hindi ka totoo patay kana, Naalala ko pinatay kita Dati."
"At nagpapasalamat ako dahil nabuhay ko para balikan kayo at ipaghiganti ang ginawa nyo sa asawa at anak ko!"
"Hindi namin minaltrato si Eloisa sa katunayan nga tinuring namin syang Pamilya pero anong ginawa nya? Ninakawan nya kami at yung anak mo? Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya kaya kung ano man ang sinasabi mo walang katotohanan lahat yan."
"Sinungaling!"
Bigla nyang inagaw sa tauhan nya yung baril at tinutok sakin.
"Naalala mo ba to? Ako ang nasa ganitong sitwasyon dati diba??"
....................
FLASHBACK
.......................
"DIOSDADO do something sigurado ako na magsusumbong na si Eloisa sa mga pulis."
"Hayaan mo sya wala namang maniniwala sa kanya."
"Pano ka naman nakakasiguro??"
"I am Diosdado Samonte i can manipulate everything even the justice."
Habang nag-uusap kami ni Amanda ay dumating yung katulong namin at sinabi na may lalaki daw na nageeskandalo sa labas kaya naman agad namin itong pinuntahan.
"Hay*p ka!!!"
Isang malakas na sapak ang sumalubong sakin.
"Binaboy nyo ang asawa ko!! Ginawa nyo syang parang baboy! Mga wala kayong puso!"
Inutusan ko ang mga tauhan ko na hawakan ang lalaki dahil may hawak din syang patalim.
"Anong pinagsasabi mo?!"
"Wag kanang magmaang maangan Diosdado Samonte! Sinabi na sakin lahat ni Eloisa! Kaya papatayin kita!!!"
Nagpumiglas ang lalaki at nabitawan sya ng mga tauhan ko mabuti nalang at nakuha ko agad yung baril ng katabi ko at naputukan sya dahil kung hindi baka ako ang namatay.
................
END OF FLASHBACK
...............
"Go ahead, Kill me!"
"Wag mo akong hahamunin Diosdado."
"Wag po!"
Biglang lumabas si Katelyn at yumakap sakin.
"Wag nyo pong papatayin ang Daddy ko."
"Pasalamat ka Diosdado mabuting bata ang anak mo pero hindi pa Tayo tapos araw-araw mararamdaman kung pano matakot at mangamba para sa kaligtasan mo."
Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis nadin sila.
Kung akala nila Talo nako pwes antayin lang nila ang pagbangon ko dahil sisingilin ko sila.
# CHAPTER 51
AMANDA'S POV
Sa wakas naka labas na din ako sa mabahong lugar nato at hinding hindi na ako babablik pa dito kaya hindi na ako mag-aaksaya ng oras para balikan si Scarlet at isisiwalat ko sa buong mundo kung Anong klase syang tao, Isa syang malaking salot sa lipunan .
////
Pagdating ko sa bahay na tinutuluyan nila Diosdado ay nagulat sya ng makita ako.
"Kamusta. My dearest husband?"
"Amanda?? Paano ka nakalabas?"
Kitang kita sa mukha ni Diosdado ang pagkagulat dahil nakita nya ako na nakatayo sa harapan nya at ayon ang gusto kong mangyari.
"Dahil may tumulong sakin na hindi mo kayang gawin."
"Ano bang sinasabi mo?"
"Shut up! Hindi mo ba alam kung Anong pinag daanan ko sa madumi at mabahong kulungan nayon?! Pero wala kang ginawa, akala ko nga wala akong Pamilya."
"Nag-iisip kaba talaga Amanda? Scarlet took everything! Everything! so how can i help you?"
"Alam mo ikaw pasalamat ka dahil mas kailangan kong gantihan ang babaeng yon kesa ang makipag talo pa sayo. May pa wine wine kapa? Siguro ang saya mo ng mawala ako noh."
"Akala koba hindi ka mag-aaksaya ng oras na makipagtalo sakin?"
"Pagkatapos ko sa babaeng yon? Ipapamukha ko sayo that i'm better than you! Self proclaimed Great Diosdado."
"At pano mo gagawin yon? Wag ka masyadong magmayabang sakin Amanda dahil baka nakakalimutan mo pinulot lang kita sa lupa."
"Sabihin mo kung anong gusto mong sabihin wala akong pakialam. Sa sobrang taas kasi ng tingin mo sa sarili mo ngayong lumagpak ka nahihirapan kang bumangon. Pero dahil asawa mo ako, Ako gaganti sa lahat ng ginawa ni Scarlet sa Pamilya natin dahil May hawak akong alas na sigurado akong ikakabagsak ni Scarlet."
"Mommy?"
Biglang dumating si Katelyn at maging ito nagulat din ng makita ako.
"Paano po kayo nakalabas?"
"Simply because i Am innocent, Si SCARLET ang may kasalanan ng mga kamalasang nangyayari sa Pamilya natin at may personal syang galit satin kaya nya ginagawa ang lahat ng ito pero ngayong nakalabas nako ibabalik ko sa kanya ang lahat ng mga ginawa nya at makikita nya kung ano talagang klaseng Pamilya ang kinalaban nya."
Maghanda lang talaga sya sa gerang hindi nya matatapos ng buhay ha ha ha.
SCARLET'S POV
Naimbitahan ako ng isang kaibigan na dumalo sa kanilang event dahil gusto nyang ishare sa iba ang kwento ng buhay ko para may ma inspired ako na magpatuloy sa buhay kahit mahirap.
Hindi ko narin yon tinanggihan at sinama kopa si Monica.
"Scarlet? You look so stunning."
Nakipagbeso beso ako sa kay Jewel isa sa malapit kong kaibigan sya din ang nagimbinta sakin dito.
"Mukhang pang sosyal ang mga tao dito. Nakakahiya naman."
"Masanay kana Monica, At wag ka mahiya ang ganda ganda mo kaya sa suot mo."
"Luh? Parang ano to."
Natawa ako sa naging sagot ni Monica hindi padin talaga sya nagbabago medyo may pagkalokoloko padin.
"May mga gwapo kaya dito??"
"Nako wag ka maghanap dito dahil wala kang makikita, maupo na tayo dahil magsisimula na."
Naupo kami pareho ni Monica at si malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba bigla parang may mangyayari na hindi maganda.
Hindi ko alam kung bakit pero tinuon ko nalang ang atensyon ko sa iba.
"Ngayon naman mapapakinggan natin ang maikling mensahe ng isa sa pinakamaganda kong kaibigan non other than Scarlet Delgado."
Tumayo ako pagkatapos nyang banggitin ang pangalan ko at Nagpalakpakan yung mga tao sa paligid ko, lumapit ako papunta kay Jewel sabay abot ng microphone.
"Magandang gabi po sa inyong lahat ako po si Scarlet Delgado at naimbitahan ako ng kaibigan kong si Jewel para mag share ng ilan sa mga karanasan ko na napagtagumpayan ko. Tulad ng marami nakaranas din akong mabully pero i prove them na mali sila na sa kabila ng mga sinasabi nila ay kaya ko na hindi ako magpapaapekto sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang husgahan ako. Isa lang buhay natin kaya gawin natin itong makabuluhan, Gawin natin ang mga bagay na makakapagsaya satin basta wala tayong inaapakan na ibang tao. Wag tayo matakot na ipakita sa iba kung ano ba talaga tayo because your gender is not the basis for you to know your worth as a person."
"Napakagandang mensahe mula sa isa sa pinakamagandang bisita nating ngayong gabi."
"Tama napakagandang mensahe nga. Kaya lang parang fake! Kasing fake ng pagkatao nya."
"Amanda???"
Para akong nakakita ng multo dahil nakita ko mismo si Amanda at wala sya sa kulungan. Imposibleng mangyari to, Paano sya nakalabas ng bilangguan??
"Tulad ng alam nyong lahat si Scarlet ay pamangkin ng isa sa pinakakilalang Negosyante sa bansa na si Violet Delgado pero alam nyo bang meron silang malaking sekreto??"
Hindi ko alam kung anong ibig Sabihin ni Amanda pero alam kong hindi makakabuti sakin.
Naglakad papunta sakin si Amanda at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
"Sinungaling ka! Niloko mo kami, Pinaikot mo kami sa mga kasinungalingan mo. Pero tapos nayon dahil lahat ng yon ay matatapos na ngayong gabi at malalaman ng lahat kung anong klase ka talagang tao isa kang trying hard na maging babae!"
Hindi ko padin maintindihan ang mga sinasabi ni Amanda pero hinayaan ko sya na magsalita para mas malaman ko kung ano ba talaga ang mga pinagsasabi nya.
"Kayong lahat na mga nandito? Kilala nyo na ba talaga si Scarlet? Kung hindi pa ipapakilala ko sya sa inyo."
Biglang may lumabas na larawan sa may screen sa likuran namin, Larawan ng isang lalaki walang iba kung hindi ang dating ako si Vince Andrada.
"Siya si Vince Andrada isang baklang salot na gustong maging isang babae na ngayon ay nasa harapan nating Lahat. Yes! Siya na ngayon si Scarlet Delgado ang babaeng fake na nasa harapan natin ngayon."
Natapos na ang mga panahon na iniingatan ko ang pagkatao ko dahil ngayon ay siniwalat na ni Amanda sa maraming tao.
"Oh bakit hindi ka makapagsalita ngayon? Hindi moba kaya ang kahihiyan na nalaman ng lahat ang sikretong tinatago mo? Ngayon alam mona ang pakiramdam kung paano mapahiya at pag-usapan ng maraming tao. Wala kanang mukhang maihaharap sa mga tao ngayon Scarlet."
Nangako ako sa sarili ko na hindi na magiging hadlang ang kasarian ko para maabot ang mga pangarap ko pero may mga tao talaga na gagamitin yon para pabagsakin ka at pagtawanan ng maraming tao.
Lumapit ako kay Amanda at inagaw sa kanya ang Microphone.
"Tapos kana ba sa surpresa mo? Tapos kana ba sa mga sasabihin mo? Kasi ako naman ang may surpresa sayo."
Dalawang magkasunod na sampal ang binigay ko sa kanya na talaga namang ikinagulat nya at sa sobrang lakas ay natumba pa sya.
"How dare you!"
"Sige Amanda ipakita mo saming lahat kung anong klaseng D*mon*o ka!."
"Bakla ka talaga!"
"Oo bakla ako! At hindi ko yon kinakahiya! Hind ko kinakahiya na isa akong transwoman! Bakit? Ang akala moba iiyak ako sa pasabog mo? Well para sabihin ko sayo hindi ang kasarian ko ang magpapabagsak sakin hindi ang kasarian ko ang pipigil sa mga gusto kong gawin. At Sa susunod kasi wag ka basta sugod ng sugod lang mag babasa kadin.
'PRIDE MONTH'
alam moba ang ibig sabihin nyan? Lahat ng mga taong nandito ay member ng LGBT at pare-pareho kami."
Nanlaki ang mga mata ni Amanda sa sinabi ko at tumingin sa paligid. Sige lang Amanda manliit ka sa sarili mo ngayon ikaw ang nahulog sa sarili mong patibong.
Nung nag palit ako bilang si Scarlet napaghandaan kona ang tungkol sa bagay nato.
....................
FLASHBACK
......................
"Scarlet napaka ganda mo babaeng babae kana talaga ka."
"Salamat po Tita Violet kung hindi dahil sa inyo hindi mangyayari ito."
"Ngayong isa kanang ganap na babae pwede na nating simulan ang mga plano natin."
"Opo Tita at gagamitin kotong bagong pagkatao ko para pabagsakin ang mga Samonte at makuha ang hustisya para sa pagkamatay ng magulang ko."
"Pero pwede din nilang maging alas yan laban sayo."
Napaisip agad ako sa sinabi ni Tita pero kaya ko nga ginawa to dahil gusto ko at hindi para magamit laban sakin.
"Wala po akong pakialam sa sasabihin ng iba dahil buhay kopo ito."
"Tama yan Scarlet gawin mong lakas ang pagkatao mo at wag mong hayaan itong sumira sa mga pangarap mo."
...............
END OF FLASHBACK
.................
"Ito ang itatak mo sa kokote mo Hindi ako natatakot malaman ng iba kung ano ang pagkatao ko dahil proud ako sa kung ano ako ngayon at ni minsan hindi ko naisip na magiging kahinaan ko ang kasarian ko dahil mas ginamit ko to bilang motivation."
"Ano man ang sabihin mo fake kapa din at hindi ka totoong babae."
Tinaasan kolang ng kilay si Amanda at humarap ako sa mga taong kanina pa kami pinapanood.
"Ladies and gentlemen She is Amanda Samonte ang babaeng kriminal at galit sa mga katulad natin, Nakita nyo naman kung paano sya umasta diring diri sya na parang ang dumi-dumi natin. Mukhang wala ata syang idea sa kung anong kaya nating gawin?"
Gusto ko ipakita kay Amanda kung ano ba talagang klaseng tao ang pinandidirihan nya ng malaman nya na mas nakakadiri ang mga taong nangaapak ng kapwa mga mapang husga at mga taong ginagamit ang salita ng Diyos para husgahan ang kasarian ng isang tao.
Bago ako tinanggap ng Pamilya ko ay tinanggap ko muna ang sarili ko at pagkatapos non ay nakalaya ang totoong ako may mga taong nanghusga pero mas pinili kong magpatuloy para sa mga taong tumanggap at nagmamahal sakin.
"Ikaw ang salot Amanda Samonte!"
Sigaw ng isa sa mga bisita at nagsimula na silang mag-ingay na ikinaalarma naman ni Amanda.
"Ano Amanda? Aalis ka Oh gusto mong lumabas dito ng mukhang kaawa-awa. Alis!!!!!!"
Sinigawan ko si Amanda ng buong lakas at halos mabingi sya.
"Hindi pa ako tapos sayo!"
"Bring it on Amanda hindi ako natatakot."
"Wag kang maghahamon sa gerang baka hindi mo kakayanin."
Lumapit ako kay Amanda at tinitigan sya mula ulo hanggang Paa.
"Wag kang puro satsat gawin mo."
"AhHhh!!"
Padabog na umalis si Amanda at yumakap agad sakin si Monica.
"Ayos kalang ba?"
Ngumiti lang ako sa kanya at tumangin sabay balik na ulit sa harapan.
"Scarlet? Ayos lang kaba?? Gusto mo tawagan natin si Ma'am Violet o di kaya ang Papa mo?"
Agad na lumapit sakin si Monica pagkaalis ni Amanda.
"Ayos lang ako. "
Tumayo ako at humingi ng pasensya sa kanila bago kami umalis ni Monica.
Hindi pwedeng mangyari to.
Paano nakalaya ang babaeng yon?
Tumakas ba sya?
O may tumulong sa kanya?
Habang naglalakad kami ni Monica sa may hallway ay tinawagan kona si attorney para masagot ang mga katanungan sa isip ko.
"I just wanted to know kung anong nangyari sa kaso ni Amanda at paano sya nakalabas???"
Hindi padin ako makapaniwala na laya na ngayon si Amanda dahil alam ko na mas madami pang taong mapapahamak hanggat malaya ang mga Samonte.
"Attorney naglolokohan ba tayo dito!!!? Paano nakapag pyansa si Amanda??!!"
"Sorry Scarlet pero umurong na ang testigo mo."
"Si Manang Cecil?"
"Yes. Dahil gusto na daw nya ng payapang pamumuhay at lalayo na sila ng Pamilya nya pero wag kang mag-alala ilalaban padin natin to sa korte---"
Hindi kona pinatapos ng sasabihin si attorney at pinatayan kona sya ng linya.
"Ahhhhhhhh!!!!!!!!!!"
"Anong sabi ni Attorney??"
"Bakit ganon Monica? San bako nagkulang? Ano pabang kailangan kong gawin para mapanagot ang mga Samonte sa ginawa nila sa Pamilya ko??!!"
Hindi kona napigilan ang pag-iyak dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
"Wag mong sisisihan ang sarili mo, Marami pa namang paraan para mapagbayad mo sila."
"Ano pang paraan??! Sa paglaya ni Amanda ay nasayang lahat ng pagod ko! Lahat ng plano ko nabalewala. Paano ko lalabanan ang mga tao na kahit batas ay kakampi nila."
Ayoko mang isipin pero mahirap talaga pabagsakin ang mga Samonte.
Lumapit sakin si Monica at niyakap ako ng mahigpit.
"Lagi mong tatandaan na hindi ka nag-iisa sa laban mo, Marami Kaming nakasuporta sayo at wag kang mapapagod na ipaglaban ang hustisyang matagal nilang pinag kait sayo naniniwala ako na nasa panig padin ng tama ang bata at magbabayad ang taong may kasalanan."
Ang Pamilya ko at mga kaibigan ko ang dahilan kung bakit kahit napapagod nako ay hindi ako sumusuko sila ang nagbibigay ng lakas sakin.
Habang magkayakap kami ni Monica ay nakita si Kevin.
"Kevin?"
"Talagang ayaw kang tantanan ng mga Samonte." Dagdag pa ni Monica.
"Monica tara na."
Hinawakan ko sa kamay si Monica pero habang naglalakad na kami palayo ay naabutan padin kami ni Kevin at hinawakan nya ako ng maririin sa kamay.
"Ano na naman bang kailangan mo? Hindi kapa din ba nagsasawa?"
Pilit kong inaalis yung kamay nya pero mahigpit ang pagkakahawak nya.
"May kailangan lang ako malaman sayo."
"Kevin bitawan moko." Inis kong sabi sa kanya.
"Bitawan mo ang kaibigan ko!"
Hinawakan ni Monica si Kevin sa kamay pero itinulak sya nito.
"Wag kang makialam dito hindi kita kailangan!"
"Nababaliw kana talaga!"
Sasampalin kona sana si Kevin pero nasalag nya yon at sinukmuran ako ng malakas at unti unti akong nang hina pero sasampalin kopa sana sya kaya lang naunahan nya ako.
Walang ibang tao sa hallway kaya wala ni isa ang nakakita sa nangyari maliban saming tatlo.
Gusto kong manlaban pero bigla akong nang hina at nawalan ako ng lakas para ipagtanggol ang aking sarili at maging si Monica. Binuhat ako ni Kevin at naglakad na sya palayo hindi nadin nagawang sumugaw ni Monica sa takot nya kay kevin at may dala itong baril at habang naglalakad kami ay unti-unti nadin akong nawalan malay.
# CHAPTER 52
SCARLET'S POV
"Kevin?!"
Nagulat ako ng makita si Kevin na nakapatong sakin at sobrang lapit na ng mukha nya sakin.
Gusto ko syang itula pero nakagapos ang kamay at paa ko.
"H*y*p ka pakawalan moko! Anong gagawin mo sakin?"
"Relax Scarlet masyado ka namang mainit wala naman akong gagawin sayo."
Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi padin ako makawala dahil sa higpit ng tali nya sakin.
"Pakawalan mona ako! Ano ba! Kevin!"
"Kung gagawin koyon ay tatakasan moko."
"Ano pabang kailangan mo sakin? Ilang beses kona bang sinabi sayo na tapos na tayo!"
Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa may pisgi ng mariin.
"Pasalamat ka nga hinahabol pa kita alam moba na ang daming babaeng naghahabol sakin? Pero ikaw lang gusto ko. Minahal naman kita ng totoo diba? Pero anong ginawa mo niloko moko!"
Nanlilisik na ang mata ni Kevin at parang wala na sya sa katinuan nya.
"Hindi ko kasalanan na tanga ka at nahulog ka sa patibong ko!"
"Pinaglaban at pinagtanggol kita sa Pamilya ko! Pinilit kong magbago para sayo Scarlet at kahit anong sinasabi nila ay hindi ako naniniwala."
"Kevin pakawalan mona ako, Wala namang mangyayari kung itatali at ikukulong moko lalo molang pinapatunayan sakin na katulad kadin ng mga Magulang mo!"
"Para sayo nagbabago ako Sacrlet! Bakit ba pilit mo akong pinapalayo sayo!"
Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan ni Kevin pero hindi dapat ako maawa sa kanya kahit pa alam ko na totoo ang mga sinasabi nya dahil makakaapekto to sa laban ko sa Pamilya nya.
"Hindi mo ako mapipilit na mahalin ka! Dahil may mahal na akong iba!"
"No! Hindi ako makakapayag! Lahat ng gusto ko nakukuha ko! Lahat ng babae na gusto ko nagiging akin!"
"Well ipagsisigawan ko sayo na hindi lahat ng babaeng gusto mo ay makukuha mo!! Dahil kahit anong gawin mo sakin hindi ako ma-gi-ging iyo!!"
"Dahil hindi ka naman talaga tunay na babae diba? Sinabi sakin ni Sabrina na isa kang transwoman pero hindi ako naniwala dahil mahal kita at ikaw lang ang paniniwalaan ko."
Alam nadin pala ni Kevin ang tungkol sa pagkatao ko kaya wala na akong maililihim pa sa mga Samonte.
"Alam mo naman na siguro ang magiging sagot ko dyan."
"Diretsohin mona ako isang tanong isang sagot? Bakla kaba!!! Bakla kaba talaga!!!??"
"OO!!!! BAKLA AKO!!!!!! BAKLA AKO! BAKLA AKO!!"
Nanlaki ang mga mata ni Kevin sa naging sagot ko.
"Niloko moko!!!"
"Ngayong alam mona na bakla ako siguro naman lalayuan mona ako?! Hindi talaga tayo para sa isa't isa kevin! Dahil hindi ako tunay na babae!"
"Ahhhhhh!!!!!!!"
Tumalikod si Kevin at sunod sunod na sinuntok ang pader.
"Kung hindi ka lang din naman magiging akin mas mabuti pang wala ibang makinabang sayo!!"
Nagulat ako dahil may tinutok sakin na baril si Kevin at nanginginig sya.
"Papatayin moko?! Sige patayin moko! Iputok mo sakin yan! Barilin moko! Pero ito lang ang sasabihin ko sayo kapag pinatay moko hahanapin ka nila Tita Violet! Kapag pinatay moko uubusin din nila ang Pamilya mo! Kaya sige patayin moko!"
"Ahhhhhh!!!!!!!"
Hindi ko alam kung anong nasa utak ni Kevin pero binato nya yung baril at lumapit sakin.
"Ano bang pinakain mo sakin? Bakit ba ako nagkakaganito sayo? Kahit gusto kong magalit sayo hindi ko magawa."
Yung galit ni Kevin kanina lang ay nawala at napalitan ng lungkot.
Tiningnan ko sya at nakita ko na may luha sa mga mata nya sunod na ginawa nya ay kinalas nya ang mga tali sa kamay at paa ko.
"Sige na umalis kana, Sorry sa nagawa ko sayo sobrang mahal na mahal lang kita. Kung gusto mokong saktan saktan moko, kung gusto moko ipakulong gawin mo."
Dapat ngayon nagagalit ako kay Kevin pero bakit awa ang nararamdaman ko?
Alam kong sinanay kona ang sarili na wag makaramdam ng awa sa mga Samonte dahil mga d*mony* sila.
"Wag mong hayaan lamunin ng galit ang puso mo Kevin, Ipakita mo na hindi kasalanan ng mga anak ang kamalian ng magulang sa totoo lang dapat nagagalit ako sayo pero hindi yon ang sinasabi ng puso ko. Oo ako si Scarlet, Matapang at hindi nagpapaapi pero nasa loob kopa din si Vince mapagmahal at mapagtawad na tao."
"Bakit mo sinasabi mo ang mga ganyang bagay sakin?"
"Dahil alam ko nabulag kalang sa maling tinuturo nila sayo at katulad mo din si Katelyn iba kayo sa magulang nyo. Kung may mga ginawa kang kamalian dati pwede mopa namang mabago yon diba?"
"Hindi ko alam kung kaya ko pa."
Nagtataka din ako sa sarili ko kung bakit ko nasasabi ang lahat ng to kay Kevin, Nang magbago ng katauhan ko ang layunin kolang ay makuha ang hustisya sa pagkamatay ng magulang ko kasama nadin don ang sirain ang Pamilya Samonte.
Pero ngayon? Nakita kona ang totoong sitwasyon ni katelyn at kevin pareho silang na kontrol ng baluktot na pag-uugali nila Amanda at Diosdado pareho lang din silang biktima.
"Kayang kaya moyan, Magsimula ka ulit kasama ng kapatid mo pero sana matanggap modin na hindi na pwedeng maging tayo dahil may iba akong mahal yung satin dati parte lang yon ng Plano ko para mapalapit sa Pamilya mo."
"Pwede bang ako nalang ang mahalin mo??"
Hinawakan ni Kevin ang kamay ko pero agad koyong inalis at lumabas nako ng kwarto.
Alam kong ngayon mas naiintindihan na nya ang mga sinabi ko dahil matino ang pag-iisip nya.
Sana lang talaga ay magbago na sya at isama nya ang kapatid nya dahil sa tingin ko hindi na magagawa yon ng mga magulang nya.
MONICA'S POV
"Ma'am Violet!!! Ma'am Violet!!!"
Naghihikahos ako na pumunta sa bahay ni Ma'am Violet para masabi sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Scarlet.
"Monica? Bakit anong nangyari??"
"Si-si Scarlet po kinuha po ni Kevin."
"What???"
"Dumalo po kami sa event ni Scarlet diba? Tapos nung pauwe napo kami ay dumating si Kevin at kinuha nya si Scarlet. Hindi kopo alam kung saan nya dinala ang kaibigan ko natatakot po ako na baka kung anong gawin nya kay Scarlet."
"Alam naba to ni Arthur?"
"Hindi papo kayo po agad ang una kong sinabihan please po hanapin nyo si Scarlet."
"Wag kang mag-alala hahanapin namin si Scarlet."
Kahit paano ay napalagay ang looob ko pero hindi padin mawawala ang kaba ko lalo pa't para wala sa tamang pag-iisip si Kevin baka kung ano pang gawin nya sa kaibigan ko.
"Anong nangyayari dito?"
Siya naman pagdating ni Gray at nagtaka bigla.
"Si Scarlet daw dinukot ni Kevin."
"Dinukot ni Kevin si Scarlet???! H*yop talaga ang lalaki nayon talagang hindi nya tatantanan si Scarlet kapag nakita ko sya ay mapapatay kona talaga sya."
"Kaya nga kailangan natin mahanap agad si Scarlet."
"Pero saan naman natin siya hahanapin Madam?"
"May alam akong lugar kung saan pwede natin malaman kung nasan si Kevin Samonte."
"Ma'am Violet gusto kopong sumama sa inyo."
Alam kong delekado to pero kailangan ko din malaman ang kalagayan ng kaibigan ko. Tumango lang sya sakin at agad na kaming umalis .
VIOLET'S POV
Isa lang ang pwede kong puntahan para malaman ang kinaroroonan ni Kevin Samonte yon ay ang bahay nila.
Sinama ko si Gray at ilan sa mga tauhan namin incase na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan namin.
"Diosdado! Ilabas mo ang anak mo!"
Buong lakas kong sigaw habang kinakalampag ang gate nila.
Nakailang katok ako bago may nagbukas ng gate.
"Hey?! What's going on here?"
Si Diosdado ang nagbukas ng gate at kahit walang pahintulot nya ay pumasok kami
"Nasan ang magaling mong anak?"
"Si Kevin? Hindi ko alam."
"Wag kanang mag sinungaling pa Diosdado sabihin mo kung nasan si Kevin at saan nya dinala si Scarlet?"
"Bingi kaba? O kailangan kopang lakasan na hindi ko alam kung nasan si Kevin at lalong hindi ko alam kung saang lupalok ng mundo nya dinala ang babaeng yon."
Sinenyasan ko si Gray at ang mga tauhan ko na pasukin ang tinutuluyan ng mga Samonte sa ayaw at gusto nila.
" Idedemanda ko kayo ng trespassing!"
"At sinong tinakot mo? Walang wala kana kaya Wag mo akong pagbabantaan"
"Dahan dahan ka sa mga sinasabi mo Ms. Delgado I'm still Diosdado Samonte."
"Hindi na kita dapat makilala pero ito ang dapat mo na makilala."
Bumunot ako ng baril sa bag ko at tinutok kay Diosdado.
"Owww! Anong gagawin mo??"
"Kapag hindi mo sinabi sakin kung asan ang anak mo baka makalabit koto at kumalat ang utak mo dito."
"Hey! Don't you dare try to use that!"
"Madam Violet wala si Kevin dito, Hinalughog na namin ang buong bahay."
"Wala nga kasi dito ang hinahanap nyo kaya umalis na kayo you're just wasting my precious time."
"Kapag may nangyari sa pamangkin isusumpa mo na kinalaban moko, Iba ako magalit Diosdado."
"Madam Violet,. nakauwe na daw po si Scarlet."
"See? Wala pa nga kaming ginagawa sobrang paranoid nyo na."
Hindi kona pinansin at iniwan na namin sila.
Nagmadali agad kami para malaman ang kalagayan ni Scarlet dahil sobrang alala nako sa kanya.
SCARLET'S POV
Pagkauwe na pagkauwe ko ay nag message agad ako kay Monica na nakauwe nako dahil sinabi sakin ng kasambahay na umalis daw sila.
Ilang minuto lang din ng paghihintay ay nakabalik na sila.
"Scarlet? Are you okay? Wala bang ginawa si Kevin sayo? Sinaktan kaba nya." Alalang tanong ni Tita Violet.
"Ayos lang po ako Tita Hindi naman ako sinaktan ni Kevin."
"Sigurado ka? Sumusobra na talaga ang mga Samonte nayan talagang hindi ka nila tatantanan hanggat hindi ka nagagantihan."
"Wag napo nating isipin yon dahil may isa papo tayong problema. Si Amanda, nakalaya na sya at alam na nya ang sikreto ko."
"Sigurado ka?? Pano nangyari yon??"
"Hindi kopo alam pero sigurado ako na may ginawa sila para manipulahin ang kaso nya."
"Ngayon alam ni Amanda ang sikreto mo sigurado akong gagamitin nya yon against you kaya kailangan maunahan natin sila sa mga gagawin nila."
"Hindi po ako natatakot kung isisiwalat nya yon sa buong mundo dahil I am proud of myself I am proud to be a transwoman katulad ng nasabi ko sa inyo dati gagamitin kotong lakas at hindi magiging kahinaan sakin."
"Wag kang mag-alala Scarlet susuportahan din kita."
Nakangiting sabi ni Monica.
"Lagi nadin kitang babantayan dahil baka maulit pa ang ginawa ng lalaking yon kapag nakita ko talaga sya ay baka mapat*y ko sya."
"Gray ayos na ako hindi naman kailangan pa humantong sa ganon."
"Pero dinukot ka nya? Anong gusto mong maramdaman ko? Matuwa? Wag lang talaga mag krus ang landas namin. Saktan na nya ako pero wag kalang"
"Hindi nga sabi nya ako sinaktan!"
Biglang napataas ang boses na ikinagulat nila.
"Sorry, Medyo sumama lang pakiramdam ko." Agad na dagdag ko ng mapansin na parang nagtataka sila.
"Sige na magpahinga kana." Ani ni Tita Violet.
"samahan kona po sya."
Sinamahan ako ni Monica papunta sa kwarto ko para makapag pahinga lang medyo naghalo halo na kasi ang mga isipin sa utak ko kaya hindi ko nadin napipigilan ang emosyon ko. Siguro konting pahinga lang to at magiging okay nadin.
# CHAPTER 53
SCARLET'S POV
Ngayong nakalabas si Amanda sa kulungan parang nasayang lang lahat ng pinaghirapan ko, Hindi ko alam kung anong ginawa nya pero alam kong mag uumpisa palang ang totoong gera na kailangan kong paghandaan.
"Ano palang nangyari sa inyo ni Kevin? Pano ka nakatakas?"
Tanong sakin ni Monica ng makapasok kami sa kwarto.
"Pinatakas nya ako."
"Pero bakit? Diba dinukot ka nga nya?"
"Hindi ko din naisip na gagawin nya yon, Dahil nung una sobrang nakakatakot yung mga kinikilos nya pero pinarealize ko sa kanya na mali na yung mga ginagawa nya tapos ayon kumalma sya at pinatakas nya ako."
"Sobra ka talagang mahal ni Kevin noh? Sana magtuloy-tuloy na ang pagbabago ni Kevin."
"Sana nga dahil alam kong ito ang mas magpapagbagsak sa mag asawang Samonte ang makitang unti-unting nagkakawatak watak ang pamilya nila."
"Wala kabang nararamdaman kay Kevin? I mean diba naging crush mo sya nung si Vince kapa?"
Natigil ako sa tanong ni Monica at biglang pumasok sa isip ko si Gray.
"Si Gray na ang mahal ko ngayon at hindi nayon mababago."
"Natanong kolang naman pero sana matapos nato dahil deserve mo ang tahimik at masayang buhay."
Tama si Monica kailangan ng matapos to dahil masyado konang ginugugol ang sarili ko sa pagganti sa kanila at nakalimutan kona kung paano mamuhay ng normal kasama ang mga mahal ko sa buhay.
"Nasabi moba kay Papa ang nangyari sakin?"
"Hindi na kasi sobrang natakot ako at sa kamadalian ko si Ma'am Violet lang ang nasabihan ko at sumama ako sa kanya para hanapin ka."
"Wag na sana toh makarating sa kanya dahil ayokong may gawin pa syang hindi maganda."
"sige akong bahala hindi nya malalaman ang nangyari sayon. Pano mauna nadin ako ha? Para makapagpahinga kana din."
Tumango lang ako kay Monica at lumabas nadin sya ng kwarto at nahiga naman ako.
DIOSDADO'S POV
Masyado na silang nagmamatapang dahil alam nila na wala na kaming kapangyarihan pero it doesn't na magpapabagsak nila ang matayog na Pamilya Samonte.
Habang umiinom ako ay padabog na umuwe si Amanda.
"Ano na namang problema mo? At parang galit na galit ka sa mundo ."
"That Scarlet!!! Antayin nya lang talaga ang ganti ko at mapapatay ko sya!"
"Akala koba may alas ka laban sa babaeng yon? Pero bakit parang galit na galit ka ata sa kanya."
"She's not a real woman! She's fake! She! Is! A transwoman!"
"What did you say?"
"Bingi kaba? Scarlet is a transwoman! Dati syang lalaki na nagpaopera para maging isang ganap na babae!"
Nagulat ako sa revelation ni Amanda dahil hindi ko akalain na dating lalaki si Scarlet.
"Then that's a good thing, Magagamit natin yon laban sa kanya."
"Nag-iisip kaba? Akala moba hindi ko naisip yon? Ginawa kona yon pero ako ang napahiya sa maraming tao dahil matagal na pala alam ng mga nakakakilala sa kanya na transwoman sya at hindi na natin yon magagamit sa kanya."
Kita ko sa reaksyon ni Amanda ang labis na pagkadismaya at hindi ko din mapigilan ang hindi matawa sa kanya.
"At anong nakakatawa?"
"Naisip kolang kasi sa tagal ng panahon ngayon lang meron nakatapat sayo. Alam modin ba na nandito si Violet kanina? At hinahanap nila si Scarlet? Dahil dinukot daw ng magaling mong anak ang pamangkin nya."
"What??! At nasan si Kevin?"
"Speaking of the devil."
Habang nagtatalo kami sya namang pagdating ni Kevin pero diretdiretso lang sya at parang walang nakita.
"Kevin where have you been?? Asan si Scarlet??"
Hinawakan ni Amanda sa kamay ang anak niya at tiningnan lang sya nito.
"Pagod ako Ma."
"Just answer me. San mo dinala si Scarlet."
"Wala na sakin si Scarlet pinatakas kona sya."
"What???!!! Are you crazy! Hawak mona ang babaeng yon pinakawalan mopa? Chance na sana natin yon para makaganti sa kanya. My god kevin!"
"Pwede Ma? Tigilan nyo na si Scarlet dahil wala naman syang ginagawa sa inyo."
"See? Dati Mommy ang tawag mo sakin ngayon Mama nalang? Talagang na manipulate na ng baklang yon ang utak mo!"
"Pati ba naman yon big deal sa inyo?"
"Kasalanan lahat to ng Scarlet nayon sinisira nya ang pamilya natin nilason nya ang utak mo kaya sumusuway kana samin pati yang si Katelyn nahawa nadin. Pamilya tayo kaya dapat magkakampi tayo laban kay Scarlet."
"Ma hindi natin kalaban si Scarlet! Kayo ang problema! Tayo ang problema! Ang Pamilya natin ang problema!"
Pagkatapos magsalita ni Kevin ay umalis na sya.
"Hayaan mona si Kevin marerealize nya din na maling tao ang kinampihan nya."
"Bakit parang wala lang sayo? Na na brainwashed na nga ang mga anak natin."
"Anak natin si Kevin at nananalaytay sa kanya ang dugo ng pagiging Samonte kaya naman hinding hindi nya tayo tatraydurin."
"Bahala ka kung anong gusto mong gawin pero ako? Iisip ako ng paraan kung paano makakaganti kay Scarlet."
Akala siguro ni Amanda nakatunganga lang ako dito ay walang binabalak kay Scarlet, Iba ako hindi ako marunong tumanggap ng pagkatalo lalo na sa isang babae lang at wala pang nakakatalo at makakatalo sa Pamilya Samonte.
SCARLET'S POV
"Scarlet ba't tayo nandito? May bibilhin kaba?"
Tumango lang ako sa kanya at sumunod lang sya sakin papunta sa isang jewelry store balak ko kasi syang bigyan ng necklace kasi naging mabuting syang kaibigan sakin.
Pagpasok namin ay agad akong pumili ng babagay sa kanya pero hindi ko muna pinapaalam na para talaga sa kanya. Nilapitan kami ng isang babaeng staff at nag assist sya samin.
"Maganda ba?" Tanong ko kay Monica matapos kong makapili ng babagay sa kanya.
"Oo maganda sya bagay na bagay sayo"
"Sige nga isuot mo kung bagay sayo."
Inabot ko sa kanya yung kwintas at sinuot nya naman agad.
"Ang ganda nya diba?"
Tumango lang sya sakin habang masayang pinagmamasdan yung kwintas na suot nya.
"Sige ibibili koyan para sayo."
"Ano? Nako ikaw talaga, Wag na ang mahal nito wala akong ibabayad sayo."
"Wag kang mag-alala hindi naman kita sisingilin regalo koyon sayo dahil naging mabuti kang kaibigan sakin."
"Salamat Scarlet."
Niyakap ako ng mahigpit ni Monica at ganon din ako sa kanyan.
"Sige na bayadan muna natin."
Hinubad nya muna yung kwintas at binigay sa isa sa mga staff.
"Ma'am sorry may nakabili napo nyan."
Napalingon agad kami dahil medyo malakas ang boses ng babae.
Nakilala ko agad na si Sabrina yon at pinapagalitan nya yung babaeng pinagabutan namin ng kwintas.
"Bakit sino ba nakabili nito?"
"Ako."
Napalingon agad sya samin ng marinig nya kaming nagsalita.
"Hanggang dito ba naman sinusundan moko?"
"Then why don't you ask yourself?" Mataray kong sagot sa kanya. "Hindi ba ikaw ang sumusunod samin? Akala moba hindi ko alam na sinusundan moko?"
"At bakit ko naman gagawin yon artista kaba? You're just nobody."
"Oo nga pala wala lang pala ako saya pero bakit kaya inis na inis ka sakin?"
"Bakit sino bang hindi maiinis sa isang katulad mo na mangaagaw at sinungaling."
"Wala kana bang sasabihin na iba? Kasi gasgas nayang mga linya nayan at kahit ipagsigawan mopa yan ay walang maniniwala sayo."
"Lahat nalang gusto mong agawin sakin, Inagaw mo na nga si Kevin tapos ngayon pati ba naman itong kwintas nato."
"Excuse me? Wala akong inagaw sayo dahil matagal na kayong wala ni Kevin at ikaw nalang ata ang hindi pa nakaka move on sa inyo at ayang kwintas nayan hanggat hindi mopa nababayaran hindi pa magiging sayo. Kaya ikaw ang maghanap ng para sayo."
Inagaw ko sa kanya yung kwintas na hawak nya pero inaagaw nya din agad sakin.
"Alam mo ikaw kahit kailan talaga panira ka. Itong kwintas nato pang babae to, Narinig moba? Pang babae. Babae kaba?"
Alam kona kung ano ang tinutukoy ni Sabrina pero sabi ko nga hindi ang kasarian ko ang magpapababa sakin.
"Siguro kailangan mona magpatingin sa isang Opatalmogist para naman luminaw linaw yang paningin mo at makita mo na isa talaga akong babae."
Napatawa sya ng malakas sabay irap Sakin.
"Babae? Eh Lahat naman sayo fake, Operadang babae. You cannot change the fact that you've been a man once in your life at nagsusuot kadin ng brief kaya wag mong ipagmamalaki Sakin na babae kana kasi you are fake!."
"At hindi ko yon ikikahiya. Eh Ikaw? Hindi kaba fake? Kung Anong kinaganda mo syang ikinasama ng ugali mo."
"Gusto mo talaga makita kung gaano ako kasama?"
Lumapit sya sakin at sasampalin sana ako pero nasalag ko yon at pinilipit ko.
"Kung si Amanda Samonte nga hindi umubra sakin ikaw pa kaya? Wag na wag mokong sasagarin Sabrina dahil baka ikaw naman ang pulutin sa kangkungan! And just a fake friendly reminder pumili ka ng lugar na paglalabasan ng sungay mo look oh? Nakatingin na sila satin."
Pagkatapos kong sabihin yon ay tinulak ko sya at lumapit na samin yung sales lady at gwardya ng store.
"Ma'am may ganyan papo kaming stocks wag na po kayo mag away."
"Sorry Miss pero wala na akong balak bumili ibigay nyo nalang sa babae nayan tutal naman mukhang gustong gusto nya ipaubos nyo nadin sa kanya."
Kahit saan talaga ako pumunta laging may sisira at sisira ng araw ko.
"Nako alam mo? Kung hindi molang ako pinigilan baka nakalbo kona yung babaeng yon."
"Hayaan mona sya yung mga ganong klaseng tao ay hindi na dapat patulan. Hanap nalang tayo sa iba."
Habang naglalakad kami ay biglang tumawag sakin si Tita Violet.
"Hello Tita?............... Ano?? Sige papunta nako."
"Bakit? Anong sabi ni Ma'am Violet?."
"Si Amanda daw nandon ngayon sa mansion nila ."
AMANDA'S POV
Ang kakapal mg mukha nila para kunin ang lahat ng meron kami and I'm pretty sure na nagpapakasasa na sila sa yaman namin habang kami naghihirap.
Nagpasya ako na balikan ang dati naming bahay dahil hindi ako matatamihik hanggat hindi ko nababawi ang lahat ng kinuha nila.
Pagdating sa tapat ng bahay namin ay hinarang agad ako ng mga armadong lalaki.
"Saan po kayo pupunta?"
"Hindi moba ako nakikilala? I am AMANDA Samonte at ako ang nakatira sa bahay nayan!"
"Ma'am pasensya napo pero mahigpit po binilin samin na huwang magpapasok maliban nalang sa tunay na may-ari ng bahay nato."
"Ako nga sabi ang may ari ng bahay nayan kaya pwede ba? Umalis kayo sa dadaanan ko!"
Hindi talaga sila nakinig sa mga sinasabi ko at hinarangan padin ako.
"Ma'am hindi po talaga kayo pwedeng pumasok dito."
"At bakit hindi?! Sa aming bahay to! Bahay to ng Pamilya Samonte!"
"Kung magpupumilit kayo ay baka masaktan lang namin kayo."
"Magkano ba ang binabayad sa inyo ni Scarlet? Dodoblehin ko papasukin nyo lang ako!"
"Hindi na kayo ang nakatira dito kaya wala na kayong karapatan sa bahay nato."
"At sino ka sa tingin mo para sabihin sakin yan?? Kailangan ko pabang ulitin sa sayo?! At sa inyong lahat na nandito? Ako si Amanda Samonte! And i can make all your life miserable!"
"Anong kaguluhan ang nangyayari dito??"
Biglang lumabas ang bruhang si Violet sa mansion namin.
"Amanda? Totoo nga ang balita malaya kana."
"Yes! And i'm back kaya tapos na ang pagrereyna reynahan mo co'z it's payback time!"
"Ha ha ha? Talaga? Pano? Eh walang wala kana para kalang ipis na kayang kaya kong tapakan."
"Kasalanan nyo tong dalawa ni Scarlet! Pinagplanuhan nyo ang lahat ng to pero babawiin namin ang lahat ng samin pero matakot ka Violet dahil may interes!"
"Alam mo kasi Amanda mabuti pa na tanggapin nyo nalang mag-asawa na dumating na ang karma nyo dahil sa lahat ng kademonyohang ginawa nyo."
"Asan si Scarlet? Ilabas mo sya!"
Papasok sana ako pero hinarangan nya ako.
"Wala sya dito."
"Ilabas mo sya! Bakit nagtatago sya? Akala koba matapang sya? Scarlet lumabas ka!!!"
"Wala nga sabi sya dito! Pag sinabi kong wala! Wala! At pagnagpumilit kapang pumasok idedemanda kita ng trespassing at babalik ka ulit sa kulungan kung saan ka nababagay!"
"Ibalik nyo ang mansion namin! Dahil samin yan!"
Itong mansion nato ang isa sa malaking naipundar naming mag-asawa at lahat ng alaala na meron kami ay nandito kaya hindi ako basta basta papayag na mawala samin to.
"Bakit sawa kana ba sa maliit at pangit nyong tinutuluyan?"
"Ano pabang gusto nyo? Nakuha nyo na ang lahat samin diba? Bakit ba ayaw nyo padin kami tantanan wala kaming kasalanan sayo para ganituhin mo kami!"
"Sakin wala pero kay Scarlet madami! At kahit putulin pa ang lahat ng daliri sa kamay mo ay kulang pang kabayaran!"
Si Scarlet talaga ang punot dulo ng lahat ng to kaya kailangan syang mawala para matapos na lahat ng ito.
"It's her fault! Kung hindi nya sana kami kinalaban edi hindi nya mararanasan yon!"
Tinanggap namin sya sa Pamilya namin kahit pa may iba na akong kutob sa kanya tapos eto lang ang gagawin nya kakalabanin nya kami.
Lumapit sakin si Violet at isang malakas na sampal ang binigay nya sakin.
"Para yan sa pagpapahirap sa pamangkin ko!"
"At eto naman para sa pagtapon nyo kay Scarlet sa dagat!"
Dalawang magkasunod na sampal ang tumama sa pisngi ko na sa sobrang lakas ay natumba ako.
"Masakit ba? Kulang payan!"
Gusto kong kalbuhin si Violet pero wala akong magawa dahil may mga tauha syang sigurado na magtatanggol sa kanya.
Hindi ito ang buhay na kinasanayan ko ayoko nang ganitong buhay na wala kang magawa at minamaliit kalang!
SCARLET'S POV
Pagdating namin ni Monica sa tapat ng dating bahay ng mga Samonte ay nakita namin na magkaharap si Tita Violet at Amanda kaya nagmadali agad ako na lumabas dahil baka kung anong gawin ni AMANDA kay Tita Violet.
"Amanda anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?"
Agad kong tanong ng makaharap ko sya.
"Nandito ako para bawiin ang lahat ng kinuha mo!"
"Bawiin? Pano?"
"Mag-antay kalang at magpakasaya kana dahil kapag kami nakabangon matakot ka dahil ikaw ang uunahin namin!"
"You know what Amanda hindi naman ako kasing sama mo may awa din ako, Pwede ko namang ibalik sayo ang mansion nato."
"Hindi ako naniniwala na ibibigay mo sakin basta basta ang hinihingi ko kaya sabihin mo sakin kung anong gusto mo."
"Mabuti naman alam mo."
"Sabihin mona! Para matapos na!!!"
Lumapit ako sa isa tauhan ni Tita at may ibinulong.
Ilang minuto lang din nakabalik na agad sya at dala na ang hinihingi ko.
"Anong gagawin mo dyan?"
"Para san ba ginagamit ang gunting? Diba pinanggugupit? Kaya kung gusto mo talaga mabawi ang mansion nyo? Gawin mo kung anong gusto ko."
Tinapon ko sa tapat nya yung gunting at tumitig lang sakin dahil hindi pa nya alam kung Anong gagawin nya.
"Gusto kong gupitin mo ang buhok mo at baka maawa pa ako sayo at ibalik ko sa Pamilya mo kahit ang mansion lang nato."
"What?"
Gusto kong ibalik sa kanya ang ginawa nya kay Mama na pinutulan nya ng buhok kahit labag sa kalooban nya dahil wala syang magawa.
Gusto kong maramdaman nya ang sakit na naramdaman ni Mama ng putulan sya ng walag kalaban laban.
"Kung hindi mo kaya makakaalis kana dahil hindi ko ibabalik sayo ang mansion nyo."
Papasok na sana kami sa loob pero bigla syang nagsalita.
"Wait!!!....... Gagawin kona."
Nanginginig na dinampot ni Amanda yung gunting at umiiyak habang tinititigan nya ito.
"Madali ka naman palang kausap Amanda."
"Promise me na kapag ginawa koto ibabalik mo sakin ang mansion nato!!!"
Hindi ako sumagot sa kanya bagkos ay tiningnan ko lang sya.
Dahan dahan nyang tinutok ang gunting sa buhok nya at parang nagdadalawang isip kung gagawin nya ba pero sa huli ay ginawa padin nya.
Masyado nilang inabuso ang kapangyarihan na meron sila noon kaya ngayon ang karma nila.
"Nagawa kona ang gusto mo! Ngayon gawin mo naman ang pinangako mo!"
Galit pero umiiyak nyang sigaw.
"Pangako? Hindi ako nangako sayo Amanda ang sabi ko baka magbago pa ang isip ko. Pero sa nakita ko? Kulang pa hindi pa ako na convince sa ginawa mo."
"What do you mean??"
"Simple lang. Hindi ko ibabalik ang mansion nyo!"
Pagkatapos kong sabihin yon ay pumasok na kami nila Tita Violet sa loob ng bahay at naiwang luhaan si Amanda.
Hindi ko basta basta ang bahay na sinasabi nyang kanila dahil unang una Lahat ng perang ginamit dito ay galing sa masama at sa mga taong niloko nila.
# CHAPTER 54
KATELYN'S POV
"Kuya? Tulungan mo naman akong ma convince sila Daddy na umalis nalang tayo, Na magbagong buhay. Magsimula ulit tayo."
"Hindi mona sila mapagbabago katelyn magsasayang kalang ng oras mo."
"Hindi pa nga natin na susubukan diba? Naniniwala ako na tulad mo kaya din nilang magbago."
"Nagbago ako kasi gusto ko pero sila? Kahit anong gawin at sabihin mo hindi na mababago yon dahil nasilaw na sila sa kayamanan at kapangyarihan."
Gusto kong maayos ang Pamilya namin pero hindi pa man kami sumusubok ay suko na si Kuya.
Lumabas nalang ako ng kwarto dahil mukhang wala din naman balak si kuya na kausapin ako.
Sa totoo lang sobrang sakit na nang ulo ko kakaisip kung paano maaayos ang pamilya namin, Maraming beses na akong gustong sumuko pero may isang rason padin para magpatuloy lumaban dahil Pamilya ko padin sila at mahal na mahal ko sila.
"Ahhhhhhh!!!!!!!!!!!"
Narinig ko ang malakas na sigaw ni Mommy kaya naman agad ko syang pinuntahan.
"Mommy? Anong nangyari sayo?? Sino ang may gawa nyan?"
Ngayon lang ako sobrang naawa sa itsura ni Mommy para syang sinaktan at minaltrato.
"Si Scarlet! Na ngako sya sakin na ibabalik nya ang bahay natin! Pero ano? Ito ang gagawin nya?!!! Paglalaruan nya ako!"
"Nagawa nya yon sa inyo?"
"Oo!! Dahil masama syang tao! Kaya ewan koba sa inyong magkapatid kung bakit kinakampihan nyo pa ang babaeng yon eh sya naman ang dahilan ng lahat ng kamalasang nangyayari sa Pamilya natin."
Hindi ko akalain na aabot sa ganito si Ate Scarlet alam kong hindi maganda ang nagawa nila Mommy sa kaniya pero ganito nadin ba sya kasama? Parang sobra naman ata sya.
"Mommy asan po si Ate Scarlet?"
"Bakit? Kakampihan mona naman ba sya?"
"Gusto kolang malaman kung bakit ginawa nya yan sa inyo."
"Nandon sya sa dati nating bahay."
Pagkatapos sabihin ni Mommy kung nasan si Ate Scarlet ay kumuha lang ako ng gamit at nagmadali ng umalis.
Kailangan kong makausap si Ate Scarlet para tigilan na nya kami dahil lalo lang lala ang lahat kapag may gagawing pa sya.
SCARLET'S POV
"Tama lang ang ginawa mo kay Amanda sigurado ako na nanggigigil na sila sa galit."
"Ibabalik ko sya sa dapat nyang kalagyan at hindi ako titigil hanggat di sya nabubulok sa kulungan."
"Kinausap kona din si Attorney about sa case ni Amanda at ginagawan na nya ng paraan."
"Sana mapanagot na ang mga Samonte at hindi na sila makatakas sa lahat ng mga kasalanan nila."
"Mangyayari talaga yan at magiging maayos nadin ang kahat at makakasama mona din ang Papa mo."
Hanggang ngayon hindi padin alam ni Papa ang nangyari sakin ayoko na sabihin sa kanya dahil baka kung ano pang magawa ay alam agad ng mga Samonte ang ugnayan naming dalawa.
"Ma'am Scarlet excuse lang po may babae pong naghahanap sa inyo."
"Sino?"
"Katelyn daw po ang pangalan nya at gusto nya daw po kayo makausap."
"Siguro inutusan na naman ni Amanda ang anak nya para papuntahin dito at ang anak nya ang makiusap."
"Kakausap kolag si Katelyn Tita violet."
Lumabas ako ng bahay para kausapin si katelyn.
"Katelyn? Anong ginagawa mo Dito? Pumasok kana muna at doon tayo mag-usap."
"Hindi na ate nandito lang naman dahil gusto kong malaman kung bakit nyo yon ginawa kay Mommy."
"Ano na naman bang kasinungalingan ang sinabi sayo ni Amanda?"
"Ate Scarlet ikaw ba ang gumawa non kay Mommy?"
"Hindi ako ang may gawa non kung hindi si Amanda mismo Lahat gagawin nya para lang mabawi ang pinakamamahal nyang mansion dahil nasilaw na sya sa kayamanan at hindi na nya kayang mabuhay ng walang ito."
"Hindi na talaga kita nakikilala ate Scarlet nagbago kana! Hindi na ikaw yung mabait at mapagmalasakit na nakilala ko dahil sa mga ginagawa mo ngayon wala kana ding pinagkaiba kala Mommy At daddy!"
kita ko sa mga mata ni Katelyn ang labis na galit pero mas nararamdaman kopa din ang sakit dahil alam kong sobrang nahihirapan na sya sa mga nangyayari.
"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo Katelyn kaya umuwe ka nalang."
"Alam ko ang mga sinasabi ko ate Scarlet hindi kapa ba nakontento? Sinira mona ang pangalan at reputasyon ng Pamilya namin! Kinuha mona ang lahat samin tapos gusto mopa kami saktan? Anong klaseng tao ka? Kung makapagsabi ka na masamang tao ang Pamilya ko ano kaba sa tingin mo? Hindi kana ba nagiging masama din? Yan ba ang tinuro sayo ng mga magulang mo?"
Hindi kona napigilan ang sarili ko at nasampal ko si Katelyn hindi ko gustong gawin yon pero nasaktan ako sa mga sinabi nya.
"Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ng magulang ko sa Pamilya mo! Hindi mo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon! Kaya umalis kana nalang katelyn dahil hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang totoo."
Pagkatapos kong sabihin yon ay tinalikuran kona sya at pumasok ako sa loob ng bahay.
Naalala kona naman ang pinagdaanan ni Mama sa Pamilya Samonte gusto kong bumalik sa nakaraan para ipagtanggol sya at para iligtas sya sa kamatayan.
Naglalakad lakad ako may hardin at pinagmasdan ang magagandang bulaklak naalala ko ulit si Mama dahil dati mahilig din sya magtanim at mag-alaga ng mga halaman at bulaklak.
....................
FLASHBACK
......................
.
"
Ma ang dami nyo nang halaman kaso bakit ganyan yung bulaklak? Parang ang pangit naman."
Lumapit sakin si Mama at sabay naming pinag masdan yung bulaklak.
"Alam mo ba anak? Kapag namukadkad na ang bulaklak nayan lalabas na ang totoong ganda nya."
"Talaga po?".
"Oo, Katulad din ng mga tao ang bulaklak hanggat hindi pa namumukadkad hindi pa lalabas ang totoong gand Hindi ka papansinin pero kapag sa paglipas ng panahon magugustuhan kanila pero syempre kailangan modin alagaan."
"Wow parang gusto kona din pong mag-alaga nyan."
"Hayaan mo tuturuan kita pero sa ngayon panoodin mo muna ako."
..............
END OF FLASHBACK
.................
"Umiiyak kana naman? Bakit may nangyari ba?"
Biglang dumating si Gray kaya naman agad kong pinunasan yung luha saking mga mata para hindi nya akalain na umiyak talaga ako.
"Wala to. Naalala kolang ang Mama ko."
"Siguro nung bata kayo sobrang close kayo ng Mama mo?."
"Oo sobra kaya hanggang ngayon nahihirapan padin akong matanggap na wala na sya at hanggang ngayon hindi ko man lang napagbabayad ang mga taong pumatay sa kanya dahil malaya pa si Diosdado at nakalaya na si Amanda."
Isinandal ni Gray ang ulo ko sa balikat nya.
"Noong una kitang nakita ay napaka lungkot mo ni hindi kita nakitang ngumingiti gusto kitang kausapin kaya lang natatakot ako baka dimo ako pansinin. Pero dirin nagtagal unti-unti ngumingiti kana at ayon ang isa sa nagustuhan ko sayo."
"Masayahin naman talaga akong tao Gray nagbago lang ang lahat ng dahil sa mga Samonte."
"Pwede ba kahit saglit lang kalimutan mo muna ang mga Samonte? Kahit minsan lang ay eenjoy mo muna ang buhay mo. Halika dadalhin kita sa isang lugar at sigurado ako na makakalimutan mo ang lahat ng sakit sa puso mo."
Hinawakan ni Gray ang kamay ko at niyayang sumunod sa kanya hindi nadin ako nagpapagil pa dahil alam kong matutuwa talaga ako sa sinabi nya.
///
Dinala ako ni Gray sa hind Pamilyar na lugar at walang ibang tao kundi kami lang. Niyaya nya ako na pumasok sa loob dahil matutuwa daw talaga ako kapag nakarating na kami sa sinasabi nya.
//
Napa wow nalang ako sa nakita ko dahil ang liwanag mg paligid at sobrang daming mga bulaklak ibat ibang kulay at laki nito kaya naman para akong bata na lumapit dito at inamoy ang halimuyak ng mga ito.
"Sabi ko nga ba magugustuhan mo eh."
Napangiti ako sa sinabi nya sabay pitas ng isang bulaklak.
"Ang gaganda nila. Bakit mo naman naisipan na dalhin ako dito??"
"Natanong ko kasi kay Papa kung ano ang mga hilig mo dati at ito ang sinabi nya."
"Papa?"
"Oo bakit hindi ba?"
"Ewan ko sayo Gray."
" Haha binibiro lang kita sige pitasin molang ang gusto mong bulaklak walang magagalit dahil kay Madam V. Na pag-aari to."
"Kay Tita Violet? Bakit hindi ko alam ang tungkol dito."
"Siguro dahil masyado kanang busy at ang akala wala kanang oras sa mga ganitong bagay."
Sa sobrang ganda ng mga bulaklak nanghihinayang ako na pumitas ulit.
Mayamaya pa ay may binigay sakin si Gray na isang bulaklak at agad kong kinuha at inamoy.
"Scarlet? Alam mo naman ang nararamdaman ko sayo at alam kong ganon kadin. Ayaw kitang madaliin dahil may mga priorities kapang kailangan gawin pero handa akong mag hintay at lagi lang ako nasa tabi mo poprotektahan kita dahil mahal kita."
Masarap marinig sa isang tao ang salitang MAHAL KITA lalo pat Mahal mo din sya.
Bago pa man ako naging si Scarlet nakilala kona si Gray at tanggap nya kahit ano pang kasarian ko naging magkaibigan kami at unti unti nahulog ang loob ko sa kanya.
Pero tinago ko yon kasi ayaw kong may mag bago sa pakikitungo nya sakin kaya sinekreto kolang yon hanggang sa maging si SCARLET.
Balak ko nalang sana itago pero bigla nyang sinabi na gusto nya rin ako. Akala ko dati magiging masaya talaga ako kapag minahal nya din ako kaya lang ang daming consequences ang pumasok sa utak ko kung sakaling magiging kami at ayaw kong mangyari sa kanya yon.
"Gray Mahal din kita pero siguro Kailangan pa natin ng konting panahon bago pumasok sa isang relasyon. Pangako kapag okay na ang lahat pwede na, Magagawa na natin ang lahat ng mga gustuhin natin."
Niyakap ko ng mahigpit si Gray tapos may kinuha sya sa bulsa nya yung phone nya lang pala tapos nag picture kami.
"Ayan may picture na tayo, Ito ang una nating picture na tayong dalawa lang."
Napangiti ako sa sinabi nya oo nga sa tagal naming magkasama ni minsan hindi kami nakapag picture ng Kaming dalawa lang siguro dahil nahihiya ako at busy kami sa kanya-kanya naming misyon.
"Gray may Shooting star!"
"Oh anong na wish mo?"
"Na sana matapos nato para malagay na sa tahimik ang mga buhay natin."
Nakatitig lang ako sa kalangitan at may naramdaman nalang ako na humalik sa pisngi ko ng tingnan ko si Gray ay nakatingin lang din sya sa langit habang nakangiti at tila malalim ang iniisip.
# CHAPTER 55
DIOSDADO'S POV
"Kevin? Where the h*ll are you going?"
Nakita ko kasing bitbit nya ang mga gamit nya na parang mag lalayas.
"Aalis nako dito hindi kona kaya pang makasama kayo."
"At san ka pupunta kay Scarlet? Magmamakaawa sa kanya na tanggapin ka nya? Hindi kita pinalaki para magkaawa lang sa isang babae tayo dapat ang hinahabol."
"Dad pwede ba tama na, Aalis ako dahil gusto ko at hindi nyo ako mapipigilan."
"Kung alam kolang na magiging ganito ka di sana nung bata ka palang pi--"
"Ano dad ituloy nyo. Na sana ano? Pinatay nyo nalang ako? Katulad ng ginawa nyo sa mga taong inosente at walang kalaban laban sa inyo?!"
Hindi ko nagustuhan ang pagsagot sakin ni Kevin kaya agad ko syang nilapitan at binigyan ng isang malakas na suntok.
"How dare you talk to me like that! I'm still your father! At kahit ano pang gawin mo dugo at laman ko ang nananalaytay sayo! At isa kang Samonte!"
Tiningnan lang ako ni Kevin ng masama at pagkatapos ay umalis na. Hindi ko akalain na magiging ganito sya pinalaki ko sya sa kagustuhan ko pero hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganito.
Kumuha na lang ako ng alak at inunom ko yon kasalanan to ni Scarlet sya ang dahilan kung bakit nasisira ang Pamilyang iniingatan ko nilason nya ang utak ng mga anak lalo ni Kevin na kaisa-isa ko sanang tagapagmana.
//////
Napaupo nalang ako sa sobrang galit walang wala nako hindi kona alam kung paano ko mababawi ang lahat ng kinuha nila sakin.
Pero hindi pa dito natatapos ang lahat dahil gagawa at gagawa ako ng paraan para mabawi ang lahat ng sakin at gagantihan ko lahat ng mga taong nasa likod ng paghihirap namin!
Habang mag-isa akong umiinom ay sya namang pagdating ni Amanda na hindi mo mawari ang itsura.
"OH Amanda anong nangyari sayo ba't ganyan ang itsura mo??"
"Kung tatawanan mo lang din naman ako mas mabuti pang wag monang malaman kung anong nangyari sakin."
"I'm asking because i am your husband."
"Wow may asawa pa pala ako? Pero sige dahil gusto mong malaman sasabihin kona. Kagagawan to ng retokadang Scarlet nayon niloko nya ako sinabi nya sakin na ibabalik nya ang bahay natin kung gagawin ko ang gusto nya at dahil gustong kong mabawi yon kahit labag sa kalooban ko ay ginawa ko."
"At naniwala kana man agad?"
"Do i have a choice? I am f*cking desperate just to get our mansions back! Samantalang ikaw nakahilata lang Dito at hanggang ngayon walang ginagawa ilang linggo na nga ulit tayo nandito? Just a reminder lang Diosdado parang tuluyan kana ata natalo ni Scarlet at sa mga oras nato ay pinagtatawanan na nila tayo."
"Kung alam molang Amanda pero parang may mga alagad yang Scarlet nayan at lahat ng nilalapitan ko ay tinatanggihan ako at eto pang isa alam moba na nagpakita sakin ang asawa ni Eloisa?"
"What?? Hindi ba patay na sila."
"Yun din ang akala ko pero biglang dumating ang Arthur nayon at mukhang gusto din ata gumanti."
"Kung buhay nga ang asawa ni Eloisa? Posible kaya na sya din ang may pakana ng mga kamalasang nangyari satin noon? Yung pagkabaril sayo at yung pagpapadala ng kabaong satin?"
"Naisip kona din ang tungkol sa bagay nayan pero may isa pakong gustong malaman kung magkakilala ba si Scarlet at Arthur kasi Katulad ni Scarlet bigla nalang din sumulpot ang Arthur nayan."
"Wala akong pake kung magkakilala pa sila o kahit mag join forces pa sila wala akong pakialam. "
Tama si Amanda kahit magsama-sama pa ang mga kaaway namin ay hindi nila kami mapapabagsak.
SCARLET'S POV
Pagdating namin sa bahay nila Tita ay nagulat kami ni Gray kasi nakaabang na sila Tita Violet, Papa at pati si Monica.
"Mabuti naman at nakabalik na kayo kanina pa kami nag aantay sa inyo."
"Po? Bakit saan po tayo pupunta?"
"Magbabakasyon. Alam kong masyado kanang stress anak kaya naisip ko to para naman makapag relax ka at malayo muna sa gulo."
"Oo nga Scarlet kaya tara na tutulungan na kitang kumuha ng mga gamit mo."
Hindi nako nakapagsalita pa dahil hinila nako ni Monica papunta sa kwarto ko.
Siguro nga tama si Papa kailangan kodin muna lumayo sa gulo at sa mga Samonte kailangan kodin naman mag enjoy paminsan minsan.
"San kayo galing ni Gray bakit buong magdamag kayo hindi umuwe?"
Nakangiting tanong sakin ni Monica habang tinutulungan ako.
"Pinasyal nya lang ako."
"Talaga? Yun lang?"
"Bakit meron pabang iba?"
"Haha wala naman."
"Nako Monica kung ano-ano naman ang nasa isip mo, Bilisan nalang natin dito para makaalis na tayo at mukhang kanina pa kayo naka ready bat di nyo kasi ako sinabihan man lang."
"Eh kasi nga surprise daw sabi ng Papa mo atsaka ayaw nadin namin kayong istorbohin dalawa ni Gray."
Hindi nako nagdala ng maraming damit dahil hindi din naman kami magtatagal dahil may mga kailangan pang asikasuhin si Tita Violet.
Sa resort na pag-aari daw ni Papa kami pupunta at mga ilang araw din kami mag sstay don para naman makapag relax kami at malayo sa stress.
"Ah Scarlet ako na ang magdala ng mga gamit mo."
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil kinuha na agad nya ang mga gamit na nilabas namin ni Monica.
"Scarlet dito kana sumakay samin nila Madam V."
"Hindi na Gray dito nalang muna si Scarlet sasakay may pag-uusapan lang kami ng anak ko."
Napangiti nalang kami pareho ni Gray at sumakay na ako sa sasakyan ni Papa. Bale magkakasama si Monica, Gray at Tita V. Sa sasakyan.
"Kayo naba ni Gray?"
Agad na tanong ni Papa pagkasakay namin.
"Hindi pa."
"Hindi pa? Pero malapit na."
"May mga priorities pa ako na dapat unahin at naiintindihan yon ni Gray."
"Mabuti naman, Ayaw kolang na masaktan ka kasi ikaw lang kaisa-isa kong prinsesa."
Ang sarap pala sa pakiramdam ng matawag na prinsesa ng Papa mo.
"Pero kayo Pa? Wala ba kayong napupusuan Ngayon?."
"Wala sa isip ko ang mga bagay nayan anak dahil ang mas inuuna ako ay ikaw at makabuo tayo ng masasayang alala at matupad natin pareho ang pangarap ng Mama mo."
"Tama ka Pa at gagawin natin yan ng magkasama at wala ng magpapahiwalay pa satin ulit."
"Kamukha mo talaga ang Mama mo kaya pag nakikita kita parang kasama ko nadin sya."
"Syempre naman pareho ata Kaming maganda pero Pa hindi ba kayo na inlove man lang kay Alessandra? Yung mabait na babae na tumulong sa inyo I mean medyo matagal din kayo nagkasama at wala nadin naman si Mama."
"Alam mo Anak? Aaminin ko nahulog din ako kay Alessandra dahil sa mga tulong na ginawa nya sakin at hindi lang yon napakabuti nya ding tao kahit sino naman mahuhulog sa ganong tao. Pero mas pinagtuunan ko ng pansin ang paghahanap sayo kaya naman hindi kona inisip ang bagay nayan atsaka biglang nagkasakit si Alessandra kaya kinailangan ko syang samahan magpagamot kaya nga medyo natagalan bago ako nakabalik dito ni hindi ko nga nabalikan ang Mama mo"
Biglang lumungkot si Papa ng masabi nya yon kaya naman Hinawakan ko sya sa braso habang nagmamaneho sya.
"Kahit anong gawin mo susuportahan kita Pa at alam kong naiintindihan yon ni Mama dahil ang gusto nya ay maging masaya kadin. kung may bago kamang mamahalin ay tatanggapin ko pero syempre kikilalanin ko muna sya baka mamaya saktan kalang nya nako ako ang makakalaban nya."
"Nako anak mukhang matatakot sayo lahat ng babaeng lalapit sakin."
"Haha syempre."
"Pero ikaw alagaan mo ang sarili mo ikaw nalang ang meron ako kaya hindi ko hahayaan na mapahamak ka, Maloko o masktan. Kaya yung mga lalaking umaligid sayo dadaan muna sakin pero kung si Gray ayos lang naman sakin mabait naman yung bata."
"Matagal na kaming magkakilala ni Gray at tinanggap nya ako kung ano man ako hindi nya ako hinusgahan at mas minahal pa nya ako."
"Pero kailangan padin syang pormal na magpaalam sakin."
"Nako Pa baka naman takutin nyo sya ha?."
Na miss ko yung pag-uusap namin ng ganito ni Papa sana lagi nalang ganito mas masarap kasi sa pakiramdam yung wala kang iniisip na away o ano paman.
/////
Pagdating namin sa resort ni Papa ay namangha ako dahil sa ganda nya at kahit tirik ang araw ay malamig ang simoy ng hangin iba talaga pag nasa probinsya ka.
Pagbaba nila Monica ng sasakyan ay lumapit sila samin ni Papa kaso si Gray ay hindi makatingin ng diretso.
Niyaya na kami ni Papa na pumasok na para maiayos nadin namin ang mga gamit namin.
Masaya naman kaming sinalubong at binati ng mga tauhan na nandon at sinamahan kami sa kanya-kanya naming kwarto.
Bale mukhang napaghandaan na talaga ni Papa yon dahil magkasama kami ni Monica at Tita Violet tapos nakahiwalay ng kwarto si papa at Gray.
"Omg! Ang ganda talaga dito finally masusuot kona din ang pamatay kong two piece!"
Tuwang tuwa na inilabas ni monica ang isusuot nya haha.
"Hindi ka naman masyado naghanda?" Pabirong tanong ko.
"Medyo haha, Ikaw anong isusuot mo?'
"Wala ako masyadong dala eh kaya pajama at tshirt lang."
"What??? We?? Alam mong beach ang pupuntahan natin tas ganyan ang isusuot mo."
"Monica mamaya mona problemahin kung ano ang isusuot ko mag-ayos na muna tayo ng mga gamit natin. Ikaw tita ano pong susuotin nyo?"
"Hindi na ako bata para magsuot pa ng mga revealing na damit tama na sakin ang simple lang."
Hindi na nga ganon kabata si Tita pero na sa 40's palang at hindi halata sa itsura nya maganda sya at sexy padin.
/////
After naming magayos ng gamit ay nagbihis nadin kami para makalabas nadin.
Maikling short at naka bra ang napili kong isuot pero may balabal naman ako para macover ko padin ang katawan ko.
"Pak! Ang sexy mo Scarlet! Tinalo mopa ako nako kapag nakita ka lalo ni Gray dyan baka maglaway na sya sayo!"
Tinakpan ko agad ang bibig ni Monica dahil baka may masabi pa syang ano nakakahiya kay Tita.
"Sumunod nalang kayo sa labas baka nag-aantay na sila Gray at Arthur."
"Sige po Tita Susunod nalang kami ni Monica."
Ngumiti lang si Tita sabay labas na at naiwa kaming dalawa ni Monica.
"Ikaw talaga ang bunganga mo."
"Haha sorry na. Tara na excited nako baka dito kona makita ang one true love ko."
Nakakatawa talaga to si Monica minsan ang seryoso nya tapos biglang magiging kalog haha.
Hinila na nya ang kamay ko palabas para makapunta na kala papa nandon nadin si Gray kaya lang di padin sya makatingin ng diretso sakin.
"Madam V. Maglalakad lakad lang ako."
Paalam ni Gray kay Tita.
"Oyy be bakit parang di yata kayo nagpapansinan ni Gray? Kagabi lang magkasama kayo tapos ngayon dedmahan lang?"
Napansin kodin yan kanina pa bigla nalang naging cold sakin si Gray.
"Baka may iniisip lang hayaan mo nalang sya."
"Ano Anak nagustuhan mo ba dito?"
"Opo pa lalo na't kasama ko kayo at ang mga taong importante sakin."
"Gusto moba maligo muna?"
"Hindi na muna Pa, Mamaya nalang siguro."
"Sigurado ka? Sige ka baka pagsisihan mo."
Agad na tumakbo si papa papuntang dagat ang saya ko dahil nakita ko ulit na ngumiti si Papa.
"Ikaw Tita? Di ba kayo maliligo?"
"Susunod nalang siguro ako sa Papa mo."
Napangiti naman ako sa sinabi nya, Bigla ko tuloy na isip na parang bagay sila ni Papa haha tutal pareho naman single wala naman atang masama.
"Bagay sila noh? Eto walang halong kaanuhan pero bagay sila haha."
"Ikaw talaga Monica Lahat nalang."
Niyaya nadin ako ni Monica na maglakad lakad muna pero ang sabi ko mayamaya nalang kami maligo.
"Scarlet tingnan mo may mga babaeng hitad na dumidikit kay Gray, Ano sugudin naba natin?"
Hindi paman kami nakakalayo ay natanaw na agad namin si Gray na may kausap na mga babae.
"Hindi wag na balik nalang tayo kala Papa."
Kanina ang saya ko nakita kolang may kausap na si Gray parang naubusan ako ng lakas at nawalan ng gana.
Habang naglalakad kami ni Monica ay may lumapit samin na isang lalaki at gustong makipagkilala.
"Hi Miss? Ako nga pala si Steven and you are?" Inabot nya sakin yung kamay pero nagdalawang isip ako kung makikipag kamay ba ako.
"Hello I'm Monica and this is my friend Scarlet." Si Monica yung humawak sa kamay ng lalaki at ngumiti lang yon sa kanya.
"Scarlet what a beautiful name."
"Oo maganda talaga kami haha." Si Monica ulit ang sumagot.
"Hindi ko akalain na makakakita ako ng kasing ganda mo dito pwede kabang yayaing maglakad lakad?"
"Lakad lang?" Tanong ulit ni Monica na parang hindi naniniwala.
Alam ko naman kung saan papunta ang usapan nato pero wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kanya. Nandito nga ako para mag enjoy.
"Hindi siya pwede sumama sayo dahil may Boyfriend sya."
"Ooppss sorry."
Agad naman umalis yung lalaki dahil sa sinabi ni Gray.
"Ah eh Scarlet mauna nadin ako maglalakad lakad muna."
Iniwan ako ni Monica at kami nalang ni Gray ang naiwan.
"Hindi ka dapat basta basta nakikipag-usap sa mga taong hindi mo kakilala, Yung itsura non? Halatang hindi gagawa ng maganda."
"Masyado ka namang judgemental nakikipagkilala lang yung tao. Ikaw nga kanina tatlong babae ba kausap mo."
"Ayaw lang kita mapahamak kasi nangako ako sa sarili na poprotektahan na kita at ayaw kolang namay umaaligid sayong ibang lalaki. Yung mga babae kanina? May tinanong lang sila kaya wag mona sila pagselosan."
"Hindi ako nagseselos eh mas maganda naman ako sa kanila?"
"Eh bakit parang galit ka?"
"Ako galit? Bat naman ako magagalit?"
"Wag kang mag-alala Scarlet ikaw lang ang mahal ko at hinding hindi kita ipagpapalit kaya wag kana basta basta sasama sa iba ha? Sakin lang."
Kinilig naman ako sa mga sinabi ni Gray Hinawakan ko nalang ang kamay nya.
"Edi sayo nalang ako sasama. Tara? Sabay natin pagmasdan ang paglubog ng araw."
Magkasama kaming naglakad papuntang dalampasigan at umupo sa puting puti na buhangin at sumandal ako sa balikat nya.
Parang ayaw kona umalis sa tabi ni Gray dahil iba sa pakiramdam parang walang paglagyan ang saya ko.
# CHAPTER 56
SCARLET'S POV
Magkahawak kamay kami ni Gray habang naglalakad sa tabi ng dapat medyo naiilang pako sa umpisa pero habang tumatagal na magkawak kami ng kamay ay nagiging komportable nako.
"Bakit pala hindi mo ako pinapansin kanina? Parang may galit ka sakin."
"Hindi naman sa ganon, Nahihiya lang kasi ako sa Papa mo hindi pa kasi kami masyado nagkakausap tapos nakita nya pa na magkasama tayong dalawa na umuwe at magkasama buong magdamag baka kung anong isipin nya."
"Yun ba??? Hindi naman ganon si Papa sa susunod ha wag kang bigla bigla hindi na mamansin kasi iniisip ko na galit ka."
"Ba't naman ako magagalit sayo? Basta wag kana ulit basta basta sasama sa iba ha? Akin kalang."
"Edi wag kana din makikipag-usap sa mga babaeng hindi mo kilala."
"Eto naman selos agad? Alam mong ikaw ang nandito."
Tinuro nya yung puso nya at ngumiti sakin. Aaminin ko kinikilig ako sa mga banat ni Gray ngayon ngayon lang kasi nagkausap ng ganito dahil nga mas inuna kong ipriority ang pagganti sa mga Samonte.
"Tara na nga bumalik na tayo baka abutin oa tayo ng dilim."
"Maaga pa atsaka sabi mo sabay mo sabay natin pagmamasdan ang paglubog ng araw? Kaya wag ka muna magmadali sulitin na muna natin to dahil baka matagal ulit bago maulit."
Binuhat ako ni Gray at dinala sa mababaw na parte ng dagat at binaba ako.
"Ayoko pa nga sabi mag basa."
Hindi nya ako pinakinggan at binisa basa nya padin ako syempre gumanti din ako.
Habang nagbabasaan kami ay nahulog yung balabal na suot ko kaya tumambad sa harap ni Gray ang suot kong red na bra at maikling short medyo nakakaloko yung tingin nya parang may halong pagnanasa kaya agad kong kinuha at sinuot.
"Oyyy natulala ka dyan?"
"Sorry sorry."
"Balik na nga tayo baka kung ano pa makita mo."
Saglit lang kami nagbasa at bumalik na kami sa pwesto namin nandon nadin silang lahat at mukhag kami nalang ang inaantay.
"Oyyy bati na sila." Pang-aasar samin ni Monica.
"Oh sya kumain na kayo masarap ang mga pagkain nila Dito."
Ang ganda talaga sa resort ni Papa napaka refreshing.
"Sino naman yang batang kasama mo? Anak mo?"
"Gaga virgin pako noh, Anak to nung nasa kabilang Pamilya ang cute kasi nya kaya hiniram ko muna saglit ."
Natawa nalang ako sa sinabi ni Monica haha napaka defensive nya kasi. May lumapit samin na lalaki at isa-isa kaming inabutan ng maiinom medyo nagtaka ako kung para san yon pero nilapag ko muna yung akin tutal hindi pa naman ako nauuhaw.
"bebe gusto mo?? Konti lang ha? Bawal kasi ang malamig sa bata."
Tumango yung bata kay Monica at binigay nya yung Juice nya. Kanina pa nagkukulitan si Monica at yung bata haha close na agad sila.
"Nakatingin ka sa kanila gusto mo naba magkaanak? Pwede naman na natin umpisahan gawin."
Bigla akong namula sa sinabi ni Gray hindi ko akalain na sasabihin nya yon.
"Namumula ka may mali ba sa sinabi ko??" Tanong nya ulit pero diko na sya pinansin .
Habang nakaupo kami ay biglang natumba yung bata at nangingisay ngisay tapos bumula yung bibig nya.
"Anong nangyari?????" Tanong ko kay Monica.
"Hindi ko alam uminom lang sya ng Juice tapos ayan nagganyan na sya, Scarlet anong nangyari??? Kinakabahan ako."
"Relax kalang Monica. Tumawag kayo ng Ambulansya!!!!" Sigaw ko at nagkagulo yung ibang mga tao sa resort .
Nilapitan ni Gray yung bata at kinuha din yung baso na ininuman nito at inamoy.
"Lason. May naglagay ng lason sa ininom ng bata."
"Ha?? Pano naman mangyayari yon??"
"Alam ko ang mga ganito kaya maniwala ka sakin."
"Sino naman ang maglalagay ng lason?".
Tumingin ako sa paligid at pinagmasdan kung may kakaibang kilos ng mga tao at hindi nga ako nagkamali may isang lalaki na nakatayo kasama ng ibang guest na nakikitingin sa nangyari sa bata sya din yung lalaking nag abot ng maiinom samin at ng magtama ang mga mata namin ay agad syang umalis.
Alam kong may kinalaman sya sa nangyari hindi ako pwedeng magkamali kaya naman agad ko syang sinundan.
"Scarlet san ka pupunta???"
Hindi ko na pinansin si Gray at agad na akong umalis dahil baka makatakas pa yung lalaki.
Naabutan ko naman sya at agad syang tinanong kung sino sya.
"Sino ka?"
Nakipag titigan muna sya sakin bago kumaripas ng takbo at agad ko syang hinabol nakalabas kami hanggang sa dalampasigan at duon ko sya naabutan.
Nahawakan ko sya sa kamay at sinuntok nya ako mabuti nalang at nakailag ako.
"Tauhan kaba ng mga Samonte? Sila ba ang nag-utos para lagyan ng lason ang mga inumin namin?!"
Ngumiti lang sya sakin at agad na sinugod ako pero may hawak syang patalim at walang pag-aalinlangan na saksakin ako.
Naiiwasan ko naman lahat ng atake nya hanggang sa nahawakan ko sya sa kamay at agad na siniko ang mukha nya kaya napaaray sya at naagaw ko ang patalim nya.
Pinagsusuntok ko naman sya sa mukha at sinipa sa tyan dahilan para matumba sya.
"Scarlet!"
Dumating na si Papa at Gray at sila ang komompronte sa lalaki. Pinagsusuntok ni Papa yung lalaki hanggang sa mawalan ito ng malay.
"Ayos kalang ba Scarlet??" Alalang tanong ni Kevin.
"Oo ayos lang hindi naman ako nasaktan, Eh yung bata? Kamusta na?????"
"Naisugod naman agad sya sa pinakamalapit na Hospital at naghihintay nalang din kami ng update."
Napakasama nila Wala na talaga silang pinipili pati mga batang walang kamalay malay dinadamay nila sagad na sa buto ang kasamaan nila.
"Anong gagawin natin sa lalaking to??"
"Ikulong muna natin sya Pa at may kailangan pa akong malaman tungkol sa kanya."
Binuhat ni Papa at Gray yung lalaki at sinakay namin sa Van sinugoro muna namin na nakatali sya para hindi na sya makakatakas pa.
SABRINA'S POV
"Bakit mo naman ako pinapunta ng ganitong oras ano bang importanteng sasabihin mo sakin?"
"Tita let's celebrate dahil finally wala na sa landas natin ang baklang Scarlet nayon dahil sa mga oras Ngayon? Baka bumubulo na ang bibig nya."
"Bakit ano bang ginawa mo?"
"Sabihin nalang natin na ako ang gumanti para sa inyo and you should congratulate me because i won against her."
"Hindi kapa nakakasiguro dahil may sa pusa ang babaeng yon remember? Pina goodjob kona sya at tinapon namin sa gitna ng dagat and still buhay padin sya tsaka lang kita icocongratulate kapag nakita na mismo ng dalawang mata ko na patay na talaga sya."
"Tita you are underestimating me hindi ata alam kung ano ang mga kaya kong gawin. I will assure you na talagang patay na sya at si kevin? Magiging akin na din sya."
Hind na makakaligtas si Scarlet sa lason na maiinom nya dahil sinuguro ko na mas maraming lasong nakalagay sa inumin nya.
Binigyan ko nalang ng wine si Tita dahil alam kong matagal tagal nadin syang hindi nakakainom ng mamahaling alak.
"If ever man na pumalpak ka pwede ka naman makipag cooperate samin you plus us can be the most dangerous threat of Scarlet makukuha mona si Kevin at mababawi pa namin ang lahat ng yaman natin at wala tayong ititira sa kanya."
"Parang gusto koyang idea mo Tita Amanda."
Nag toss kami ng baso at sabay na uminom at tumawa ng mala kontrabida sa mga teleserye.
SCARLET'S POV
"Anak mukhang hindi talaga aamin to eh masyadong matigas eh kung tirahin nakaya natin toh."
"Wag Pa."
Lumapit ako sa lalaki at tinitigan ko sya mata sa mata.
"Kung ako lang hindi ko kayang manakit ng ibang tao pero itong mga kasama ko? Hindi ka nila sasantuhin kaya kung ako sayo aamin nako. Ang mga Samonte ba ang nag-utos para lasunin kami? Sila ba!!!"
"Kahit anong gawin nyo sakin wala kayong mapapala!"
Hindi kona napigilan ang sarili at kinuha kay Papa yung baril na hawak nya at tinutok ko sa lalaki.
"Kung natatakot ka sa mga nag-utos sayo mas matakot ka sakin dahil ako ang nasa harap mo! Ako Si Scarlet Delgado tandaan mo ang pangalan ko!"
"Anak ako na ang bahala sa lalaking yan tingnan kolang hindi sya lumambot sa gagawin ko sa kanya."
Kumuha si Papa ng pamalo at hinataw sa hita yung lalaki at napasigaw naman ito sa sobrang sakit.
"Ahhhhhh!!!!!!"
"Ano hindi kapa din ba aamin?? O baka naman gusto mong sa ulo mona sunod na tumama to?? Ewan kolang kung hindi kumalat dito ang utak mo."
"Magsasalita nako! Magsasalita nako!!!!! May lumapit sakin na babae at inutasan nya ako na lagyan ng lason yung mga inumin nyo!"
"Sinong babae!!" Kinuwelyuhan ni Papa yung lalaki sa sobrang galit nya.
"Hindi ko kilala basta maganda sya at halos kasing edad molang."
Babae na kasing edad kolang??
Sino??
May iba paba kaming kaaway????
"Hindi kaya yung anak ni Amanda ang tinutukoy nya?" Tanong sakin ni Gray.
"Imposible yang sinasabi mo kilala ko Si Katelyn at mabait nabata sya kahit may tampuhan kami ay hindi nya gagawing magpahamak ng ibang tao."
"Kung hindi sya sino????"
"Kilala kona kung sino sya."
Hindi na muna namin pinakawalan yung lalaki para hindi ito makapagsumbong at isipin nya na nagtagumpay sya sa mga plano nya.
Bumalik kami sa resort para kamustahin si Monica at Tita mabuti nalang at walang nakainom samin ng may lason na juice.
"Anong balita? Nahuli nyo ba kung sino ang may kagagawan nito?" Tanong samin ni Tita.
"Yes madam at kinulong na muna namin sya para hindi makapag sumbong sa mastermind."
"Ang mga Samonte na naman ba ang may kagagawan??"
"Hindi Tita dahil wala na silang kakayahan pa para kumuha ng tao may iba pang tao na gusto akong mawala at ang pagkakamali nya ay nandamay pa sya."
"May kaaway pa tayo bukod sa kanila?"
"Opo Tita pero ako na ang bahala sa kanya pagsisisihan nyang inumpisahan nya akong kalabanin."
Nilapitan ko naman si Monica at medyo shocked padin sya sa nangyari dahil sya dapat ang iinom ng basong may laman ng lason kung hindi lang hiningi ng bata.
"Scarlet yung bata???"
"Ipagdasal nalang natin na magiging okay sya ha?"
"Anak sino ba kasi ang naisip mo na gagawa ng mga bagay nato."
"Pa sorry bakasyon dapat natin to at dapat nagsasaya tayo pero kailangan ko muna umalis."
"Sasamahan kita."
Tumango lang ako sa sinabi ni Gray bago kami umalis ay inayos ko muna si Monica dahil sobrang shocked sya pinakisuyuan ko muna si Tita Na bantayan sya.
//////
"Sino bayang bisita ko?"
Paglingon ni Sabrina ay hindi maipaliwanag ang itsura nya halatang hindi nya talaga inaasahan ang pagdating ko.
"Oh bakit parang nakakita ka ng multo? Akala moba hindi mona ako makikita?"
"S-Scarlet?? Anong ginagawa mo dito?"
"Nandito ako para ipaalam sayo na hindi ka nagtagumpay sa plano mo na lasunin ako."
"Ano bang sinasabi mo? Wala kana bang magawa sa buhay mo kasi ako madami kaya umalis ka sa harap ko dahil dadaan ako."
Tumayo si Sabrina pero hinawakan ko sya sa braso at binalik ko sya sa kinauupuan nya.
"Hindi pa kita Tapos kausapin kaya hindi ka aalis!"
Kinuha ko yung inumin nya at pinakita ko sa kanya yung bote na nakuha ko sa lalaki na lason ang laman. Nanlaki ang mga mata nya sa nakita nya dahil yung laman ng bote ay niligay ko sa inumin nya.
"Kung gusto mo makaalis dito inumin mo muna to."
"And what's Make you think na gagawin koyon? Malay koba kung ano ang nilagay mo sa inumin ko."
"Imposibleng hindi mo alam Sabrina diba sayo pa nga galing to? Kaya inumin mona."
Kinuha ko ang baso at pilit na pinaiinom sa kaniya pero natabig nya ang kamay ko at natapon sa lapag.
"Wag na wag mo akong susubukan Sabrina dahil iba ako magalit. Wag na wag mo akong gagalitin kung ayaw mong matulad sa sinapit ng mga Samonte."
"Ang kapal ng mukha mo para pagbataan ako sa mismong pamamahay ko? Alam mobang kayang kaya kitang patayin at wala ni isa ang makakaalam sa sinapit."
"There's only one way to find out. DO IT."
Mayamaya pa ay pumasok na ang mga tauhan ni Sabrina at pinalibutan ako sabay tutok ng mga baril nila.
"Napakatapang mo talaga SCARLET para hanapin ang sarili mong kamatayan."
Kinuha ko yung baril na dala ko at tinutok ko din kay Sabrina.
"Mapapatay nyo ko pero sinisiguro na isasama kita Sabrina at hindi ako tanga na basta susugod dito nalang wala akong laban dahil sa mga oras nato nakatutok na ang mga tauhan ko sa parents mo at kapag hindi ako nakalabas dito ng buhay hindi sila magdadalawang isip na patayin ang mommy at daddy mo. Gusto moba yon?"
"Ahhhh!!"
Inutusan nya ang mga tauhan nya na ibaba ang mga baril nito at ganon din ang hawak nya.
Napangiti lang sa nangyari dahil mukhang nasindak ko naman si Sabrina atleast ngayon alam na nya kung sino ba talaga si Scarlet Delgado.
# CHAPTER 57
SCARLET'S POV
Hindi ako yung tipo ng tao na basta nalang susugod na hindi ako handa dahil alam kong tuso anng mga kalaban ko at si Sabrina? Sana nagtanda na sya sa mga sinabi ko dahil hindi ko sya uurungan.
"Tara na umuwe na tayo."
"Kanina ba kasing bahay to?"
"Kay Sabrina at sya din ang tinutukoy ko na nag utos na maglagay ng lason sa mga inumin natin."
"Sure ako na magka kuntyaba sila ng mga Samonte."
"Wala akong pakialam kahit magsama-sama pa sila hindi ko sila uurungan."
"Hindi ka nag-iisa madami kami na kakampi mo."
Isa sa dahilan kung bakit matapang ako ay ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sakin.
"Sila Papa nandon padin ba sa resort?"
"Oo inaayos nalang nila yung mga gamit natin at susunod nadin sila pabalik."
"Si Monica kamusta na?"
"Ayon medyo ayos na at yung bata ayos nadin sya mabuti nalang at naagapan."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Gray dahil maayos na ang kalagayan ng bata dahil sa mga taong gusto akong mawala may mga inosenteng tao ang nadadamay at isang bata pa.
///
Nauna na kaming bumalik pauwe ni Gray dahil sila papa nadaw ang bahala sa mga gamit namin.
Sayang lang at hindi kami masyado nag enjoy dahil sa insedenteng nangyari pero ayos nadin kahit papano ay nagka bonding kami atsaka madami pa namang pagkakataon.
Pagdating namin sa tapat ng bahay ay nakita namin si Kevin na nasa labas at parang maghinihintay kaya naman agad kaming lumabas ni Gray.
"Scarlet? Mabuti naman at nakauwe kana kahapon pa kita hinahantay." Nakangiting sabi ni Kevin.
"Ang kapal naman nang mukha mo para magpakita pa dito?"
Galit na sinugod ni Gray si Kevin at agad itong sinapak napatumba naman agad si Kevin.
"Umalis kana dito baka kung ano pang magawa ko sayo!"
"Nagpunta ako Dito para kausapin si Scarlet."
"Hindi sya makikipag-usap sayo kaya umalis kana!"
Lalapitan pa sana ulit ni Gray si Kevin pero umawat nako.
"Gray tama na. Mauna kana sa loob mag-uusap lang kami."
"Pero?"
"Sige na Please."
Nakinig naman sakin Gray kaya naiwan nalang kaming dalawa ni Kevin.
"Kevin? Ano bang kailangan mong Sabihin Sakin."
"Wag ka mag-alala Scarlet hindi naman ako nagpunta dito para manggulo o saktan ang kahit na sino sa inyo. Gusto kolang magpaalam sayo at sabihin na hindi mona ako makikita at wala nang kevin ang sisira ng buhay mo."
Halata kay Kevin ang lungkot pero nagawa nya padin akong puntahan para lang magpaalam.
"Aalis ka? San ka pupunta?"
"Magpapakalayo-layo na muna ako aayusin ko muna ang sarili ko hanggang sa dumating ang araw na mas maging better version ako ng sarili ko."
Napangiti ako sa sinabi nya hindi ko akalain na magbabago sya at marerealize nya talaga ang pagkakamali nya.
"Masaya ako para sayo at kapag okay na ang lahat welcome ka na bumalik dito."
"Maraming salamat Scarlet ingatan mo ang sarili mo ha? Malayo man ako sa tabi mo lagi kong ipagdarasal ang kaligtasan mo at kung ano naman ang mga pinaglalaban mo? Sana matapos na para matahimik kana din."
Lumapit sakin si Kevin at niyakap ako ng mahigpit bigla nalang akong napaiyak dahil sa mga sinabi nya.
"Ikaw din mag-iingat ka."
"Pano mauna nako?"
Umalis si Kevin na nakangiti pero makikita mo padin sa mga mata nya ang lungkot sinundan ko nalang sya nang tingin habang naglalakad palayo.
"Nalulungkot kaba?"
Napalingon ako ng marinig kong nagsalita si Gray.
"Kanina kapa ba dyan?"
"Oo at narinig ko ang lahat ng pinag-usapan nyo nagtago lang ako para di nyo ako makita. Diba dapat galit ka sa kanya? Pero bakit ang bait mopa hindi ka dapat nagtitiwala sa kanya dahil kinukuha nya lang ang loob mo para makuha nya ang gusto nya."
"Pero sincere si Kevin at nararamdaman ko yon."
"Tuso ang mga Samonte gagawin nila ang lahat para makuha ang gusto nila."
Napaisip ako bigla sa sinabi ni Gray totoo kaya lahat ng mga sinasabi ni Kevin at mga ginagawa nya?
Nagbago na kaya talaga sya?
O baka nagpapanggap lang?
"Kahit si Madam V. Ayon din ang sasabihin sayo at ayaw lang din kita mapahamak kaya over protective ako sayo ."
"Nagbago na talaga si Kevin at sana katulad ko bigyan nyo din sya ng chance."
"Scarlet sa dami nyang ginawang kasalanan hindi na nya deserve ng second chance isama mopa ang pagiging Samonte diba nga ginahasa pa nya si Grace naalala moba yon?"
"Pero bata pa sya non at nalason ang utak nya ng maling sistema ng pamumuhay nila."
"Bakit ba tayo nagtatalo ng dahil sa kanya? Ano ma ang desisyon nya sa buhay labas na tayo don Scarlet. Pero hindi kopa din hahayaan na makalapit sya sayo."
"Wag ka mag-alala Gray alam ko naman ang ginagawa ko at hindi ko hahayaan na mahulog ako sa patibong ng mga Samonte."
Mukhang nagsasabi naman ng totoo si Kevin pero bahala sya kung nagsisinungaling lang ba sya o hindi in the end of day hindi naman buhay ko ang masisira.
KATELYN'S POV
Hindi pwedeng ganito nalang ang buhay namin kaya may gawin ako para magkaroon ng progress.
Dahil may naipon pa akong konting pera ay umalis ako ng bahay para maghanap ng mapapasukan kailangan ko magsimula sa Mababa at pagsusumikapan ko para makaahon kami at maibigay ko kala Mommy ang buhay na nakasanayan namin.
/////
"Good afternoon po My Name is Katelyn Samonte."
Nakangiti kong sabi sa kanya pagkaupo na pagkaupo nya tapos agad nyang binasa yung nakasulat sa resume ko.
"Anak ka nila Amanda at Diosdado Samonte?"
"Yes po, Pero labas po sila dito ako po ang nagkusa na mag apply ng trabaho promise po masipag po ako at hindi kayo magsisisi kapag tinanggap nyo ako."
Inunahan kona yung manager dahil sigurado ako na baka hindi nya ako tanggapin dahil sa Pamilyang pinanggalingan ko.
"Sorry Hija pero hindi kita matatanggap ayokong madamay ang Negosyo sa gulong kinakaharap ng Pamilya mo ngayon and to be honest with natatakot ako baka ako naman ang masira kapag nandito ka."
"Pero Ma'am? Bigyan nyo po ako ng chance pagbubutihin kopo ang trabaho ko gagalingan kopo at hindi po kayo madadamay sa gulo ng Pamilya ko."
"Sorry din talaga pero hindi kita matatanggap."
Nilapag nya yung resume ko sa lamesa sabay alis. Napaiyak nalang ako sa nangyari dahil kinailangan kopa talaga magmakaawa para lang matanggap ako pero wala pading nangyari.
Lumabas nalang ako ng store nila at nag-isip kung saan ako pwede mag-apply.
Habang naglalakad lakad ako ay may nakasalubong akong dalawang magkaibigan at doon ko naalala si Rhian ang kaibigan ko.
Hindi ako nagsayang ng oras at agad ako pumara ng masasakyan at pinuntahan ko sya sa kanila.
///
Sigurado ako na matutulungan nya ako nag door bell ako sa kanila at unang lumabas yung katulong nila kaya naman sinabihan ko na tawagin si Rhian at pakisabi na nandito ako.
"Oh Katelyn? Is that you? Grabe hindi kita nakilala nag-iba na kasi ang itsura mo."
Alam kona kung anong ibig sabihin nya tinutukoy nya ang physical appearance ko
"Didiretsohin na kita kailangan ko kasi nang trabaho baka naman pwede mo akong matulungan maipasok sa mga restaurant na pag-aari nyo kahit crew or janitor lang ayos na sakin."
Tinitigan nya muna ako mula ulo hanggang paa tapos saglit na nag-isip bago sumagot.
"Sorry kate pero hindi kita matutulungan ayaw na kasi masangkot ng family ko sa family mo."
Nalungkot ako bigla sa sinabi nya bigla ko tuloy naalala nung nasa kapangyarihan pa kami kung itrato nila kami parang Boss nila tapos ngayon ang baba na ng tingin nila samin.
"Please Rhian kailangan kolang ng source of income walang wala na kami."
"Sorry talaga Kate, Gusto din naman kita tulungan but just like umaasa lang din ako sa parents ko."
"Ganon ba? Sige salamat nalang."
Napaupo nalang ako sa daan at hindi kona napigilan ang pagpatak ng luha ko.
Lord? Bakit nangyayari sakin ang lahat ng to? Naging mabuti naman ako diba?
Gustong gusto kona sumuko dahil sa hirap na nararanasan ko at parang wala man lang akong kakampi pero naisip ko ang sinabi sakin ni Kuya na wag ako susuko.
////
Dahil wala naman tumanggap sakin dahil sa family issue ay nagdesisyon nalang akong umuwe ganito pala ang feeling ng mareject ang sakit at habang pauwe ako may nakita akong isang Pamilya na nakatira sa kalye at kahit wala silang sariling tirahan at maayos na pamumuhay ngumingiti padin sila sana maging ganyan din kasaya ang Pamilya ko.
Pagkauwe ko samin ay si Mommy agad ang nasalubong ko.
"Bat ngayon kalang umuwe? Alam mobang gabi na? Natututo kana din siguro maglakwatya."
"Himala Mommy nagka concern kayo Sakin?"
"Pwede ba Katelyn tigilan moko sa mga paganyan mo baka tamaan kalang sakin."
"Mommy hindi nyo ba napapansin na ang gulo gulo na ng Pamilya natin? Lahat nalang ng tao ay ayaw satin."
"At dahil Lahat yon kay Scarlet dahil siniraan nya tayo sa iba."
"Mommy hanggang ngayon sya padin ang sinisisi nyo? Kelan nyo ba marerealize namay pagkakamali din kayo na baka ginamit lang syang instrumento para magbago kayo please po kalimutan nyo na ang galit sa puso nyo magsimula tayo ng bagong buhay tayong buong Pamilya alam kong makakabangon din tayo."
Galit na samin ang lahat kaya hindi din ako pwede magalit sa Parents ko dahil ako nalang ang nating makakatulong sa kanila.
"Huli na para magbago Katelyn sirang sira na tayo at ang tanging makakatigil samin ay ang mawala ang baklang yon!"
"Bakla?"
"Oo hindi mopa alam ang tungkol don? Na ang iniidulo mo ay isang transwoman at niloko nya tayong lahat pinalabas nya na isa syang babae pero ang totoo bakla sya."
"Totoo po bayang sinasabi nyo?"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mommy pero naisip ko din na baka nagsisinungaling lang sya para siraan si ate SCARLET.
"Alam na nang lahat ang sekreto nya ikaw nalang ata ang hindi, Ngayon? Iiduluhin mopa ba ang baklang yon?"
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Mommy at naiwan nalang akong hindi makapaniwala sa mga sinabi nya.
Transwoman si Ate Scarlet??????????
SCARLET'S POV
Ilang oras na ang lumipas pero hindi padin mawala sa isip ko si Kevin parang naaawa ako na ewan sa kanya.
Kinailangan pa nyang lumaya para lang maging masaya ako at hindi na nya magambala pa.
"Mukhang malalim ata ang iniisip mo ah? May problema ba?"
Napalingon agad ako ng marinig ko ang boses ni Gray pumasok na pala sya sa kwarto ko.
"Wala to napagod lang siguro ako."
"Ganon ba? Sige na ipahinga muna yan sabi pala ng Papa mo baka bukas na sila makauwe dahil may aasikasuhin pa sila. Kung kailangan mo ng tulong tawagin molang ako sa kabilang kwarto."
Tumango lang ako kay Gray at humiga nako.
.....................
FLASHBACK
.....................
Habang tumatakbo ako ay hindi kona din nagawang lumingon pa sa paligid kong may parating ba nasasakyan o wala. Pero meron nga haha at isang malakas na busina ang narinig ko kaya napatigil ako sandali.
"Hoy! Magpapakamatay kaba?!!!"
Grabe si kuya galit na galit? Eh sya na nga itong muntik makasagasa sayang gwapo pa naman pero wala akong time makipagtalo sa kanya dahil nandyan na yung mga pulis.
Agad kong dinampot yung mga dala ko at nagmadaling tumakbo mabuti nalang at hindi na nila ako naabutan.
...............
END OF FLASHBACK
...............
Sa hindi malaman na dahilan bigla ko nalang naalala ang una naming pagkikita medyo hindi maganda yon pero kapag naalala ko napapangiti nalang ako.
# CHAPTER 58
AMANDA'S POV
Sawa na ako manahimik nalang at kailangan ko na gumawa ng aksyon para makaganti sa mga kaaway ko dahil i will make their lives miserable than hell.
Alam kong wala akong laban kay Scarlet kung lalabanan ko sya ng harapan kaya uumpisahan ko sa mga galamay nya dahil kapag wala na ang galamay mahihirapan syang gumalaw.
////
Ang target ko ay ang Tita Violet nya kaya naman agad ako nagtungo sa building nila para gawin ang balak ko malaking kabawasan kay Scarlet kapag nawala ang babaeng yon.
"Ma'am san po kayo pupunta?"
Tanong sakin ng guard papasok palang ako sa main door ng building.
"Ah maghahatid lang po ako ng meryenda ako po kasi yung bagong tindera dito."
Tiningnan muna ako ng guard bago sya sumagot.
"Ganon ba? Sige pasok kana."
Hindi naman pala mahirap makapasok kailangan kolang magiba ng itsura at magpanggap na magtitinda sa loob.
Hindi nako nagaksaya pa ng oras at hinanap kona si Violet pero maayos akong nagmamasid at naglalakad ng normal para walang makahalata sakin.
////
Ilang minuto lang ay Nakita ko na din sa wakas si Violet at inaantay ko muna na umalis ang kausap nya bago ko sya lapitan.
"Ma'am bili napo kayo ng pagkain."
"Excuse me? Bago kalang ba?"
"O-opo Ma'am."
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil tinitigan nya ako.
"Pwede mobang tanggalin ang cap mo?"
"B-Bakit papo Ma'am?"
"Just remove it."
Tinanggal ko agad ang suot kong cap at nakangiting humarap sa kanya at laking gulat nya ng makita nya ako.
"Hi Violet? Did you miss me?"
"Amanda? Pano ka nakapasok dito?"
"Hindi na importante kung pano ako nakapasok dito dahil ikaw talaga ang sinadya ko dito dahil maniningil ako ng pautang"
"Talaga? Sobra kana bang naghihirap? Well sorry ka nalang dahil wala akong utang sayo kaya umalis kana bago pa kita ipakaladkad sa mga guards."
"Kaya kong umalis pero bago yan ito muna."
Sinampal ko si Violet at hindi Gumanti naman agad sya.
"How dare you!" Galit na sabi nya sakin.
"Diba sabi ko sayo maniningil ako?"
I'm desperate to get rid all my enemies at wala nakong paki kung ano pa ang maging consequences nito.
Sinampal ko ulit si Violet at nagsabunutan na kami hanggang sa naiumpog ko ang ulo nya sa pader at may nakita akong vase malapit samin at pinukpok ko yon sa ulo nya at nahulog sya sa hagdan.
Kitang kita ng dalawang mata ko ang pagkahulog ni Violet sa hagdan sabay lumingon ako sa paligid mabuti nalang at walang tao kaya nagmadali ako na umalis bago pa may makakita sakin.
SCARLET'S POV
Habang nasa bahay ako at nagpapahinga ay may biglang tumawag sakin.
'Hello sino to?'
'Ma'am Scarlet si Ada po ito yung secretary ng Tita nyo.'
'Oh Ada napatawag ka bakit may problema ba?'
'Opo Ma'am kasi ang Tita nyo nasa Hospital po.'
'What??????? Anong nangyari sa kanya?????'
'Mamaya ko nalang po ipapaliwanag sa inyo pagdating nyo dito.'
Napatayo agad ako ng malaman ang nangyari kay Tita at dali dali lumabas ng kwarto.
"Oh Scarlet bakit nagmamadali ka?"
"Si Tita nasa hospital daw."
"Bakit Anong nangyari sa kanya?"
"Hindi ko alam pero pupuntahan ko sya para malaman kung Anong kalagayan nya."
"Sasamahan na kita."
Tumango ako Kay Gray at dalawa kaming pumunta sa hospital naabutan namin doon ang secretary nya.
"Ma'am SCARLET mabuti naman po at nandito na kayo"
"Si Tita asan sya???"
"Nasa loob napo tinitingnan napo sya ng doctor."
"Ano ba kasing nangyari?"
"May nakakita nalang po kay Ma'am Violet na nakahandusay sa lapag puro dugo at walang malay."
Naawa ako ng sobra para kay Tita Violet.
"Pano daw ba sya napunta doon? Naaksidente ba sya? O may nagtangka sa kanya!"
"Habang papunta po kami dito pina kuha kona pa ang copy ng cctv sa location kung saan nakita si Ma'am"
"Oh anong nakita nyo? Bakit kasi mag-isa lang sya that time??"
"Eto po panoodin nyo."
Inabot nya sakin yung phone nya at nakita ko sa video na may kasamang babae si Tita at tila nagtatalo sila mayamaya pa ay biglang hinila ng babae yung buhok ni Tita at inunbog sa pader at pagkatapos ay kinuha nito yung vase na malapit sa kanila at pinukpok sa ulo ni Tita at sakto malapit lang din ang hagdan at nahulog si Tita.
Tiningnan ko ng maigi kung sino ang kaharap ni Tita at hindi ako pwede magkamali si Amanda yon! Kabisado lahat ng kilos at galaw nya kaya alam ko na sya yon.
Dahil sa napanood ko ay nanginig ako sa sobrang galit napakasama nya talaga pati si Tita balak nya pang patayin! Wala na talaga syang puso!
"Scarlet gusto moba ipakuha natin si Amanda? "
"Hindi na kailangan dahil ako mismo ang pupunta sa kanya."
"Samahan na kita."
"Wag na kaya kona mag-isa mas mabuting nandito ka para may magbabantay kay Tita incase na may pumunta naman na kalaban."
"Pero Scarlet parang nanay kona din si Madam V. Kaya hindi ako mapapakali kung mananahimik lang ako dito at walang gagawin."
"Please Gray alam ko ang ginagawa at sinusuguro ko sayo na mananagot sila."
"Wag mong itaya lagi ang sarili hindi lang ikaw ang mag-isa sa laban kasama mo kami."
"Naiintindihan koyon pero pano kung may utusan sila para masiguro na mawala na si Tita? Sino ang magtatanggol sa kanya? Alam kong masakit para sayo ang nangyari sa kanya pero believe me kaya to."
Bago ako umalis ay tinawagan ko muna ang ilan sa mga tauhan namin para samahan ako na harapin ang demonyong babaeng yon!
//////
"AMANDA LUMABAS KA! HARAPIN MOKO! WAG KANG DUWAG!"
Kulang nalang ay sirain ko ang gate nila sa sobrang galit ko.
Mayamaya pa ay may nagbukas ng gate at si Diosdado ang bumungad samin.
"Hey! What the hell are you doing?! Wala ka nabang alam kundi ang mag eskandalo!?"
"Asan ang magaling mong asawa?!"
"Wala sya Dito at kung nandito man sya hindi mo padin sya pwede makausap dahil dadaan ka muna sakin."
"Talaga? Eh kung sayo ko kaya iputok to?"
Kinuha ko sa bag yung dala kong baril at tinutok kay Diosdado.
"Dahan dahan ka sa ginagawa mo Scarlet baka magkamali ka at makalabit moyan."
"Yun nga ang gusto kong mangyari kaya lang hindi ikaw ang gusto kong makaharap kaya sa ayaw at sa gusto mo papapasukin mo kami!"
"Matapang ka para sa isang babae oppss hindi ka nga pala Babae pero i can consider you as a woman dahil mukhang magaling ang nag retoke sayo ni hindi nga namin agad napansin na bakla ka at pati si Kevin napaikot mo."
"Matapang talaga ako lalo na't kapag Pamilya kona ang kinanti kaya Diosdado mag-antay kalang dahil pagtapos sa asawa mo? Ikaw ang isusunod ko."
Wala nang nagawa si Diosdado kundi ang umatras nalang at hayaan kaming papasukin dahil hinarangan sya ng ilan sa mga kasama ko.
Hindi naman ako nahirapan pa sa pagpapalabas kay Amanda dahil nagkasalubungan kami at nagulat sya ng makita nya ako.
"Scarlet? Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?"
Hindi nako ako sumagot sa sinabi nya at dali dali ko syang nilapitan para sakalin sa sobrang galit ko ay isinandal kopa sya sa may pader.
"Sukdulan na ang kasamaan mo pati si Tita Violet gusto mopang patayin! Ha!!"
Hindi magawang sumagot ni Amanda dahil sa higpit ng pagkakasakal ko.
"Eh kung ikaw kaya ang patayin ko!"
Lalo kopang hinigpitan ang pagkakasakal kay Amanda.
"Ate SCARLET tama na!"
Biglang dumating si Katelyn at tinulak nya ako.
"Ate Scarlet ano na naman ba to? Hindi kaba talaga titigil?!"
"Bakit hindi yang Mommy mo ang sabihan mo? Alam moba kung anong ginawa nya? Pinagtangkaan nya lang naman patayin si Tita Violet!"
"Wala akong alam sa sinasabi mo!"
"Liar! Wala nang maniniwala sayo Amanda dahil sa sobrang kasamaan mo kahit si Satanas ay mahihiya sayo!"
"Dahan dahan ka sa inaasta mo Scarlet baka nakakalimutan mo nandito ka sa pamamahay ko"
"At anong gagawin mo? Idedemanda moko ng trespassing baka nakakalimutan modin marami kapang utang sakin at kulang payang buhay mo bilang kabayaran. Doon sa pagpapa good job mo sakin? At pati sa pagtapon nyo sakin sa dagat lahat yon sisingilin ko kaya maghanda ka dahil iniisip kona kung anong klaseng parusa ang ipapataw ko sayo!"
"Then do it! Show me what you've got!"
"Tama na please hindi naba talaga kayo titigil sa away nyo? Andami nang nadadamay aantayin nyo paba na may mawala bago kayo tumigil?!"
Nang magalit na si katelyn ay doon palang ako kumalma at nakaramdam ng awa sa kanya kawawa naman sya hindi nya deserve ang ganitong klaseng buhay.
"Aalis ako Amanda pero ito ang tatandaan mo lahat ng gagawin mo sakin? Ibabalik ko sayo ng doble at wag na wag mong pagtatangkaan na galawin ang sino man sa Pamilya o mga kaibigan ko dahil kapag ako nagalit you can never stop me! No one can stop me! because i am unstoppable!"
Kung hindi dahil kay katelyn ay hindi pako matatapos kay Amanda kaya lang ayaw kong Makita nya ang nangyayari sa Mommy nya dahil anak padin sya at masasaktan sya.
//
Agad akong bumalik sa hospital kung saan naroon si Tita para malaman kung ano na ang lagay nya.
"Saan ka galing Scarlet?"
"Hinarap kolang ang taong may gawa nyan kay Tita. Kamusta na pala sya?"
"Stable na ang kalagayan nya pero hindi padin tayo pwede pumasok."
Nakahinga ako mg maluwag ng malaman ko na okay na si Tita Violet kanina hindi ako mapakali sa kalagayan nya .
"Ikaw anak magpahinga kana muna."
"Hindi na Pa aantayin kopo magising si Tita."
"Anak hindi gugustuhin ng Tita mo ang magpakapagod ka "
"Bakit kailangan pa nila Idamay si Tita? Bakit? Makakaya ko na tanggapin lahat ng hirap at sakit pero ang makita kayo na nadadamay yun ang masakit. Kasalanan ko to eh nadadamay kayo sa laban ko sa mga Samonte."
Niyakap ako ng mahigpit ni Papa at doon ako sa balikat nya umiyak.
"Kakampi mo kami sa laban mo at hindi ka namin iiwan at kahit kailan hindi ka namin sisisihin kaya wag kana umiyak."
Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko sa pagcomfort sakin ni Papa mabuti nalang talaga at nandyan sya.
"Si Gray po? Asan sya?"
"Tinawagan nya ako na kung pwede ako muna ang magbantay sa tita mo dahil may aasikasuhin lang sya."
"Ano naman daw yon??"
"Hindi ko alam."
Kahit hindi ko alam kung saan pupunta si Gray pero Bigla ako nakaramdam ng kaba sana lang talaga ay okay lang sya at hindi na sya gumawa ng ikapapahamak nya.
GRAY'S POV
Nagkamali sila na kinanti nila Si Madam V. Dahil walang anak na hindi magagalit kapag may nanakit sa magulang nya.
Si Madam V ang nagalaga at kumupkop sakin at para kona din syang nanay kaya masakit sakin na makita sya sa ganong sitwasyon.
Nakiusap muna ako sa Tatay ni Scarlet para saglit na bantayan si Madam V. Dahil pupuntahan kolang ang ha**p na may gawa non sa kanya.
///
Nang makarating ako sa labas ng pamamahay ng nga Samonte ay hindi na ako kumatok at basta nalang pumasok.
"Ikaw anong ginagawa mo sa pamamahay ko? Pano ka nakapasok?! Inutusan kaba ni Scarlet?"
"Walang kinalaman dito si Scarlet nandito ako para patayin ang asawa mo dahil sa ginawa nya kay Madam V."
"Alam mo pareho pareho kayong sakit ng ulo gusto nyo ba talaga ng gera?"
"Wag mokong tatakutin Diosdado dahil sa ginawa nyo kay Madam V.? Nag declared na kayo ng gera."
"But the question is? Are you ready?"
"Handang handa kami sa gera eh ikaw? Anong laban mo? Para kalang langaw na kayang kaya naming patayin."
Natawa si Diosdado sa sinabi ko at tila hindi man lang nasindak sa mga salita ko.
"Kahit magsama sama pa kayo hinding hindi nyo kami mapapabagsak co'z we are Samonte we are solid as mountain."
"Pwede ba wala akong panahon makinig sa mga salita mo? Asan si Amanda? Ilabas mo sya!"
Sinira ko ang ilan sa mga gamit nila dahil sa sobrang galit ko at baka mapatay ko talaga si Amanda kapag nakita ko sya.
"Ako ba ang hinahanap mo?"
"Mabuti naman at lumabas kana!"
Lalapitan kona sya pero may mga lalaking lumabas at agad na lumapit sakin. Binunot ko yung baril na dala ko kaso may biglang pumukpok sa likod ko dahilan para matumba ako.
"Sigurado ako na mas masasaktan si Scarlet kung ikaw ang uunahin namin."
Pano?
Pano sila nagkaroon ng mga tauhan?
Tatayo na sana ako pero may lumapit sakin na lalaki at pinukpok sa batok ko yung baril na hawak nya kaya naman nawala na ako ng malay.
# CHAPTER 59
DIOSDADO'S POV
"Amanda? San galing yang mga kasama mo."
"Oh bakit ang akala moba wala na akong kakayahan?For your information i used my brain hindi ako yung tipo na nakatutunganga lang."
"Pwede ba Amanda alam naman natin na wala kanang pera para pambayad sa mga lalaki na yan!"
"Sige na nga let say may tumulong sakin at kakampi din natin sya laban kay Scarlet."
"Then who??"
"Ako Tito Diosdado."
"Ikaw??"
"Yes po, Galit din ako sa babaeng yon dahil sa pang aagaw nya kay Kevin kaya nag-usap kami ni Tita Amanda na magkampihan laban kay Scarlet at pwede ko kayong tulungan para mawala na sya sa landas nating lahat."
Mukhang magagamit nga namin si Sabrina para magantihan ang lahat ng tao na kumalaban samin lalo na si Scarlet.
"At wag kana umangal pa Diosdado." Pag singit ni Amanda.
"Okay fine. Sabrina? Welcome to the family umpisa palang talaga ikaw na ang gusto ko para sa anak ko kaya lang biglang dumating si Scarlet at ginulo tayong lahat."
Nagkangitian kaming tatlo na parang nababasa ang mga nasa isip ng bawat isa samin.
Inutusan ni Amanda yung mga lalaking kasama nya para buhatin at dalhin sa isa sa mga warehouse ni Sabrina si Gray para doon namin gagawin ang mga gusto namin.
SCARLET'S POV
Nagising nalang ako ng may maramdaman akong humihimas sa ulo ko pagmulat ko ay si Tita pala gising na sya at nakangiti sakin.
"Mukhang binantayan mo talaga ako ha?"
"Tita?? Kamusta po pakiramdam nyo may masakit paba sa inyo??"
Napangiti agad sakin si Tita at hinawakan ako sa kamay.
"Ayos nako Scarlet mabuti nalang at hindi ako napuruhan malakas ata ang Tita mo."
"Si Tita naman nagawa pa magbiro. Alam nyo sobra akong nag-alala sa inyo at hindi ko alam ang gagawin ko."
"Ang importante Ngayon ayos na ako."
"Pero Tita Sorry, kasi ako ang may kasalanan kung bakit nangyari to sa inyo pati kayo nadamay sa away namin ng mga Samonte at hindi ko manlang kayo naipagtanggol."
"Wag mo sisihin ang sarili mo wala ka naman ginawa sila ang may kasalanan."
"Pangako Tita gagawin ko ang lahat para matapos na ang laban nato."
"Scarlet hindi ka nag-iisa sa laban mo alam ko na magiging mahirap at matagal to para sayo pero nandito lang kami nakasuporta."
Niyakap ko si Tita nangmahigpit.
Masaya ako dahil maayos na sya at hindi kona hahayaang may masaktan pa ulit ang mga Samonte na isa sa mga mahal ko.
Habang nag-uusap kami ay mayamaya pa ay dumating na si Papa at may dalang pagkain.
"Oh Violet gising kana pala may dala akong prutas para sa inyo."
Nakangiting sabi ni Papa agad naman akong lumapit sa kanya at kinuha yung dala nya.
"Salamat sa dala Mo Arthur."
"Nako wala yon Violet para kana din nanay ng anak ko kaya ang importante sa kanya importante nadin sakin."
Inayos ko muna ang dala ni Papa para makain nadin ni Tita at bumalik na ang lakas nya.
"Tita subuan kona po kayo."
"Nako wag na Kaya ko naman hindi pa naman ako baldado."
Inabot ko nalang kay Tita yung prutas at lumapit ako kay Papa.
"Pa hindi paba tumatawag sa inyo si Gray? Kagabi pa kasi sya walang paramdam nag-aalala lang ako."
"Baka naman nandon nayon sa bahay nyo, Nakatulog lang siguro malay mo papunta nadin yon ngayon."
"Kinakabahan ako Pa kasi diba umalis sya baka pumunta sya sa mga Samonte at may nangyaring hindi maganda sa kanya."
"Scarlet wag kana mag-isip ng ganyan malakas at matalinong tao si Gray kaya hindi sya mapapahamak."
Mahina lang ang pag-uusap namin ni Papa para hindi marinig ni Tita dahil ayaw kona din dumagdag sa hirap nya.
Sana talaga tama si Papa na ayos lang si Gray at walang nangyaring masama sa kanya dahil kung meron ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"May problema ba??" Takang tanong samin ni Tita.
"Ah eh wala naman po."
Hindi naman na masyado nag-usisa si Tita at bumaling ulit ako kay Papa.
Q
"Pa? Hindi talaga maganda ang kutob ko pakiramdam ko may nangyaring hindi maganda kay Gray at alam ko na pumunta sya sa mga Samonte."
"Sige anak sabihin mo kung anong magagawa ko?"
"Yung kaso ni Amanda tumawag na sakin si Attorney at ang sabi nya pwede nang hulihin si Amanda."
"Sige tatawag na ako ng mga pulis."
"Sasama ako Pa, Gusto ko makita kung anong magiging reaksyon nya."
Si Gray nag-aalala ako sa kanya alam ko na hawak sya nila Amanda kaya wala pa syang paramdam sakin.
DIOSDADO'S POV
"Oyyyy gising!!!!!"
Binuhusan ko ng malamig na tubig yung lalaki ni Scarlet at agad naman itong nagising.
Tumingin sya sa paligid at nang napagtanto nya na huli namin sya ay nagpupumiglas na sya.
"Mga ha**p kayo pakawalan nyoko dito!!!!!"
Nilapitan ko sya at hinawakan ng mahiriin ag pisngi nya.
"Nagpapatawa kaba? Ano pagkatapos ka naming makuha ay papakawalan kana lang namin?"
"Kapag ako nakawala dito papatayin ko kayo!"
Kinuha ko yung tubo na dala ng mga tauhan namin at hinampas sa kanya napaaray naman sya sa sobrang sakit ng ginawa ko.
Sige sumigaw ka dahil ang sigaw mo ang syang nagpapasaya sakin.
"Kung papatayin nyo ko gawin nyo na dahil sa oras na makawala ako Dito babalikan ko kayo! At sigurado ako na babalikan kayo ni Scarlet!!!"
"Wag ka mag-alala darating din tayo dyan pero bago yan may ilang Mga katanungan lang ako sayo! At kapag hindi ka sumagot ng maayos iisa isahin kong guhitan ang balat mo! At isang maling sagot dadanak ang dugo Dito"
Kinuha ko ang matalas na kut*ilyo at pinakita ko sa kanya.
"Ngayon sino ba talaga si Scarlet bakit ang laki ng galit nya samin? Sagot!!"
Tinitigan ko sya ng masama at nag-antay ako sa sagot nya pero ilang segundo na ang lumipas hindi padin sya sumasagot at nginitian nya lang ako kaya naman agad kong ginuhita ang pisngi nya at dahan dahan na tumulo ang du*o mula dito.
"Ahhhhhhh!!!!!" Malakas nyang sigaw
"Sabi ko sayo sumagot ka! SI-NO? BA-TALA-GA SI S-CAR-LET!!!"
"Kahit patayin nyo pako wala kayong malalaman!"
",Maiksi lang ang pasensya ko kaya wag moko sagadin!"
"Dahil magaling kayo magmanman? Bakit hindi kayo mismo ang umalam dahil kahit anong gawin nyo sakin wala kayong makukuha na kahit anong impormasyon!"
"Talagang matigas ka ha????"
Sa inis ko ay kinuha ko ulit yung tubo at pinagpapalo ko sya natigil lang ako ng biglang umawat si Amanda.
"Hey Diosdado stop! Baka mapatay mo sya."
"Bakit dun din naman tayo papunta diba?"
"Nag-iisip kaba? Magagamit pa natin sya laban kay SCARLET at hanggat hasak natin sya may alas tayo."
Tama si Amanda magagamit pa namin ang lalaking to laban kay Scarlet. May utak din pala ang asawa ko kung minsan
"Pasalamat ka may pakinabang kapa samin dahil kung wala na baka napatay na kita!"
Kahit duguan at bugbog na sya at tinaas nya padin ang mukha nya at nakangiting humarap samin.
"Bilisan nyo lang mga Samonte dahil sigurado ako na sa mga oras nato? Ay nagtataka na si Scarlet kung bakit wala ako at alam ko na kayo agad ang pupuntahan nya para hanapin ako."
Nilapitan ko agad sya at sunod sunod na sinuntok hanggang sa mawalan sya ng malay ang ayaw ko sa lahat ay madaldal.
"Bantayan nyo ng maigi ang lalaki to at siguraduhin nyong hindi sya makakawala."
SCARLET'S POV
Kasama si Papa at mga pulis ay sinugod namin si Amand sa lungga nya para ibalik sa dapat nyang kalagyan.
"Amanda Samonte inaaresto ka namin sa salang pag patay kay Eloisa Andrada ikaw ay---"
Hindi pa man natatapos magsalita ang mga pulis ay sumingit na agad sya.
"Aresto na naman??? Wait lang ha? As far as. I know inosente ako at wala kayong enough proof sa binibintang nya infact kayo pa nga ang pede kong kasi sa ginagawa nyo sakin."
"Sa lahat ng kriminal ikaw ang maangmaangan kahit anong tago mo lumalabas padin ang sungay mo."
"Pwede ba Scarlet kung wala kanang magawa kana sa buhay manahimik ka nalang kasi wala naman mapapala sa ginagawa mo ano bang koneksyon mo kay Eloisa at kating kati na ipakulong ako."
"Wala. Dahil hindi kolang maatim na may taong nanakawan ng hustisya at hanggang ngayon malaya pa din ang mga kriminal."
"Puro satsat eh wala kana man ebidensya at pati ang testigo mo? Wala na kaya wala kanang laban."
"Nagkakamali ka dahil may isa pang taong tetistigo laban sayo."
"At saan naman pinulot ag taong yan? At magkano ang binayad mo?"
"Wala syang binayad sakin."
Biglang nagpakita si Papa na ikinataka ni Amanda.
"At sino ka naman?"
"Hindi moba ako naalala? Ako ang asawa ni Eloisa na ginahasa ng asawa mo at minaltrato nyo at ako din ang taong pinatay nyo dati."
Kita sa mukha ni Amanda at Diosdado ang pagkagulat ng makita si Papa.
"No! Patay kana!"
"Buhay na buhay ako Amanda at nandito ako para singilin kayo sa pagsira sa Pamilya ko!"
"Arthur ang pangalan mo diba? At talagang nagkampihan pa kayo ni Scarlet laban samin?!" Inis na sabi ni Diosdado.
"Tapos na ang paglaya mo Amanda dahil oras na para bumalik ka sa tunay mong tahanan."
"No you can't do this to me!!"
"I Can! At katulad nga ng sabi ko sayo i am unstoppable."
Nilapitan na si Amanda ng mga pulis at pinusasan sya.
"No! Hindi nyo ako pwede hulihin basta basta!"
Nagpupumiglas si Amanda kaya naman nilapitan ko sya at sinampal.
"Akala moba malaya kana? Diba inakit mo yung mga pulis para makalaya ka? At binayaran mo sila sa tulong ni Sabrina para pansamantala kang makalaya! Alam na namin lahat ng baho mo!"
"Hindi totoo yan!"
"Ha-ha how pitiful you are, Pero tapos na ang paglaya mo dahil babalik kana sa kaharian mo Selda Queen!"
Nakangiti ako habang ipinapasok si Amanda ng mga pulis sa sasakyan nila at masaya kong pinagmasdan ang pag-alis nila.
"Dahil sa ginawa mo you just declared another war." Mariing sabi ni Diosdado.
"And i am ready for that."
"Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo Scarlet kaya mag-iingat ka at ikaw Arthur minsan kana namin napatay pero bumalik kapa pasensyahan nalang tayo."
"Pinatay nyo ang asawa ko! Ginahasa mo sya! Minaltrato sya ni Amanda at lahat ng nangyayari sa inyo? Kulang Pa."
Gusto kong hawakan si Papa dahil baka madala sya sa galit nya kaya lang ayaw kong makahalata si Diosdado tungkol sa totoong kaugnayan namin sa isa't isa.
"Mr. Arthur wag monang pag-aksayan ng oras si Diosdado dahil kahit anong sabihin mo sa kanya balewala na dahil manhid na ang tenga nya sa masasakit na salita na pwede nyang marinig."
"Hay*p ka talagang bakla ka!"
Nilapitan ako ni Diosdado para sampalin pero agad ko iyong nasalag at hinawakan ko ng mariin ang kamay nya.
"Marunong ako gumalang sa nakakatanda sakin pero kapag sasaktan nako? Marunong ako lumaban at Babae lang Ang nanampal Diosdado."
Tinulak ko sya ng malakas at natumba sya.
"Ngayon alam mona ang pakiramdam kung pano mapunta sa lupa."
Pagkatapos kong sabihin yon ay umalis na kami ni Papa dahil kailangan pa naming sundan si Amanda at tanungin kung nasaan si Gray dahil malakas ang kutob ko namay kinalaman sila. Hindi mawawala ng biglaan si Gray kung walang nangyari sa kanya at walag ibang gagawa non kundi ang mga Samonte lang.
AMANDA'S POV
"Bitawan nyo nga ako! Kaya kong maglakad kaya wag nyong ihawak sakin ang madumi nyong kamay!"
"Pasalamat ka Babae ka baka kanina pa kita napatulan."
Eto na naman ako balik sa mabaho at maduming lugar nato, Peste talaga tong Scarlet yon hindi talaga sya titigil.
"Oh Madam Amanda welcome back!"
Sabi nung isang preso at nagtawanan silang lahat.
What ever! Hindi ko sila pinansin at humarap lang ako sa may bakal at mayamaya pa ay may isang asungot na dumating.
"Tingnan mo nga naman bagay na bagay ka talaga dyan Amanda."
"At talagang sumunod kapa? Para ano? Para bwisitin at pag tawanan ako? Ito lang masasabi ko sayo Scarlet na samin padin ang huling halkhak"
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Asan Si Gray? San nyo sya dinala."
"Hindi ako tanungan ng mga nawawalang tuta."
"Ang tanong ko ang sagutin mo ASAN-SI-GRAY!?"
"Kahit na magpumiglas kadyan wala kang mapapala sakin."
"Wag mong ubusin ang pasensya ko Amanda dahil baka topakin ako at bangkay kanang lalabas dyan!"
"At akala moba matatakot moko? Kapag ginalaw moko sinisiguro ko sayo na hindi mona din makikita ang hinahanap mo!"
"Ha**p ka nasa inyo nga si Gray???"
"Scarlet, Scarlet, Scarlet masyado kapang baguhan para sa mga ganitong bagay kaya ikaw matakot kana dahil simula na ng pagganti namin."
Hindi kami ang dapat na matakot kay Scarlet sya amg dapat na matakot samin dahil kinalaban nya kami at hindi namin sya titigilan hanggang hindi sya nawawla sa landas namin at lahat ng mga kasabwat nya ay iisa-isahin namin.
# CHAPTER 60
SCARLET'S POV
"Anak ano nang sunod na plano mo ngayong naipakulong muna si Amanda."
"Kailangan kopo muna mahanap kung saan nila dinala si Gray dahil baka kung ano na ang ginawa nila sa kanya."
"Nag-iwan nako ng mga tauhan ko para magmanman sa bahay ng mga Samonte at tatawagan nila ako kapag may balita na."
"Salamat Pa."
"Kaya ngayon wag kana muna mag-alala kilaka ko si Gray matatag yon."
Tama si Papa ang kailangan kolang paniwalaan ay matatag si Gray at madami na kaming hirap na pinagsamahan at naniniwala ako na makakaya nya to at syempre ipagdarasal kodin na maging matibay sya.
Habang nag-uusap kami ni Papa ay biglang dumating si Sabrina sa mismong restaurant kung san kami kumakain.
Nang magtama ang mga mata namin ay agad syang lumapit sakin kaya namin sinenyasan ko agad si Papa.
"Hi Scarlet? Sino yang kasama mo? Sugar daddy mo? Hindi ko akalain na mahilig kana pala sa matanda ngayon."
"Wag mo naman Ipakita dito ang haba ng sungay mo know your place."
"Nagsalita ang anghel eh kung tutuusin nga sating dalawa ikaw ang mas may mahababg sungay. Inakit mo si Kevin para makapasok ka sa Pamilya nila at nakapasok kana lalo mopang binaliw si Kevin para mapag-away away mo sila at tapos ano? Kinuha mo ang lahat sa kanila."
"We're on the middle of our negotiations kaya kung balak moko kausapin you should wait."
Hindi ako pinansin ni Sabrina at lumapit sya kay Papa.
"Hi Mr?"
Inabot nya yung kamay nya kay Papa at napatingin muna sya sakin at parang nagtatanong sakin kung anong gagawin nya.
Sa huli ay inabot nya padin at nakangiting nakipag kamay kay Sabrina.
"Mr. Andrada"
"Wow? Mukhang mayaman kayo sir yun nga lang mukhang sa malaling kumpanya ata kayo mapupunta kasi alam nyo ba na hindi maganda ang pangalan ngayon ng kumpanya ng mga Delgado."
"Shut up Sabrina." Pakunwaring inis ko.
"Bakit? Ayaw moba na marinig ni Mr. Andrada ang totoo? At alam na ba nya na isa kang transwoman? Oppss sorry naging harsh ba ako?"
"Ms. Sabrina it doesn't matter kung ano man ang gender ni Ms. Delgado hindi naman yun ang purpose ko kung bakit ako nakikipag negotiate sa kanya."
"Unbelievable. Ano nalang sasabihin sayo ng mga tao kapag nalaman nila na isang bakla ang business partner mo."
"Sandali nga Ms. Sabrina ano bang palagay mo sakin tanga? Para ilagay sa kapahamakan ang company ko? And just a reminder we're not friends and we don't even know each other."
Medyo napa hiya si Sabrina sa sinabi ni Papa .
"Sabi ko naman kasi sayo Sabrina kung wala kang magandang sasabihin? Umalis ka nalang. Know your place and know you boundaries baka kasi kakalakad mo masobrahan ka at mabangga ka sa pader "
Nagtama ang mga mata naming dalawa alam kong naiinis na sya pero pinipigilan nya lang.
"Kahit Anong klaseng pader yan kayang kaya kong tibagin." Matapang na sagot ni Sabrina.
"Ganon ba?"
Kinuha ko ang bag ko at dumaan kay Sabrina at binangga ko sya hindi nya akalain na gagawin ko yon kaya natumba sya.
"Oooppss sorry akala ko kasi kaya mong tibagin kahit anong pader "
"How dare you!!!!"
Hindi ko nalang sya pinansin at niyaya na si Papa palabas
"Mukhang nasindak mo naman sya anak."
"Hindi naman malaking balakid Sakin si Sabrina Pa sadyang nagpapagamit lang talaga sya sa mga Samonte."
Sabay kaming sumakay ni Papa para humanap nalang ng ibang makakainan nasira na kasi ni Sabrina ang dapat sanang simpleng bonding namin ni Papa.
SABRINA'S POV
Napahawak nalang ako sa braso ko dahil medyo masakit ang pagkakabangga sakin ni Scarlet.
"Hi Ma'am ano pong sa kanila?"
Nakangiting lumapit sakin yung crew.
"Wala! Pwede ba? Umalis ka sa harapan ko dahil baka sayo ko mabuhos ang Galit ko."
Padabog akong lumabas para sundan sila Scarlet hindi ako papayag na ako ang magiging talunan sa huli.
///
Pasimple kong sinundan ang sasakyan kung saan nakasakay yung dalawa hindi ko sila tantanan.
"Manong sundan molang yung sasakyan nayan ha? At wag nyong hahayaan na mawala sila paningin mo."
"Sige po Ma'am eh sino po ba sila? "
"Basta Manong sundan mo nalang "
"Eh baka po makahalata sila na sinusundan nila tayo."
"My gosh manong? Sino ba ang driver dito? Diba ikaw. Kaya dapat alam mo gagawin para di sila makahalata hindi kita binabayadan para magtanong."
Padabog nalang ako na sumandal sa upuan dahil pati itong driver ko ay dumadagdag pa sa stress ko tanong ba naman ng tanong akala mo may papel sya sa gagawin ko.
///
Ilang minuto din kami nagbyahe bago sila huminto sa isang restaurant mabuti nalang at hindi nila napansin na sumusunod ako.
"Ma'am magpapark napo ba tayo?"
"Ano sa tingin mo?" Mataray na tanong ko sa kanya.
Napakamot nalang sya sa ulo nya at humanap na ng pagpupwestuhan ng saskayan.
"Ma'am antayin ko nalang po ba kayo dito?"
Parang gusto konang sigawan yung driver ko sa sobrang daming tanong ewan koba naman kasi kung saan to nakuha nila Mommy.
"Ay wag na Manong umalis nalang kayo."
"Sigurado po kayo?"
"Manong sige na kayo na bahala kung gusto nyo ako antayin o hindi."
Iniwan ko nalang si Manong driver dahil baka kung ano pang magawa ko sa kanya. Mabuti nalang at may dala akong cap at sinuot koyon para hindi ako mapansin ni Scarlet.
Hindi naman ako nahirapan makita sila, Pumuwesto ako malapit sa kanila at hindi nila ako napapansin.
Napansin kong nagtatawanan na sila habang nag-uusap at parang sobrang close nila kinutuban agad ako na parang may mali kinuha ko ang phone at patagong kinuhan sila ng video.
"Kamusta na pala ang paghahanap nyo kay Gray?"
"Ayon wala padin balita ayaw padin umamin ni Amanda."
"Wag ka mag-alala kumikilos nadin ang mga tauhan ko para hanapin si Gray."
AKALA koba about business ang paguusapan nila pero bakit si Gray ang topic nila?
"Maraming Salamat Pa, Mabuti nalang at nandyan kayo para sakin."
'Papa? Tinawag nya na Papa si Mr. Andrada? May papa si Scarlet? Akala koba wala nasyang magulang at ang Tita Violet nya nalang kasama nya. Talagang
punong
puno ng sikreto ang baklang to.'
Bulong ko sa isip ko.
Patuloy kolang sila biniVideohan habang nag-uusap silang dilawa. Magagamit ko para sa tuluyan nyang pagbagsak at malalaman na ng lahat kung sino ba talaga sya.
//
Paglabas ko ng restaurant para hanapin kung saan nakapark yung kotse ko ay wala akong nakita na kahit na anong bakas ng kotse ko.
Saan kaya nagpunta si Manong????
Kinuha ko agad ang telepono ko para tawagan si Manong.
'Hello Manong asan kayo???'
'Nandito napo sa bahay nyo, Bakit po?'
'Anong bakit???!! At anong ginagawa mo dyan??' inis na tanong ko sa kanya.
'Eh kasi po diba sabi nyo mauna nalang ako tapos ako na bahala kung hihintayin kopa kayo? Eh akala kopo matagal pa kayo kaya nauna nalang ako.'
Pilit kong pinakalma ang sarili ko at huminga ako ng malalim mukhang masisira ang ulo ko kay Manong.
'
Susunduin
kona po kayo?' dagdag na tanong nya sakin.
'Wag na Manong! Dyan ka nalang at ako nalang uuwe mag-isa!'
Pinatayan ko sya ng tawag bago pa sya makasagot dahil baka imbis na kumalma ako ay lalo pang mastress sa kanya.
SCARLET'S POV
"Kamusta kana Monica?"
"Eto okay naman na ako pati yung bata mabuti nadin ang kalagayan nya humingi nadin ako ng pasensya sa Pamilya nila."
"Mabuti naman pasensya kana ha di kita nabalikan non may inasikaso lang kasi ako."
"Naiintindihan ko naman yon, Pero may kinalaman ba ang mga Samonte sa pangyayaring yon?"
"Sabihin nalang natin na kagagawan yon ng kasabwat nila."
"Siya nga pala Scarlet si Madam Violet kamusta na? Kalat na kasi sa buong opisana ang nangyari sa kanya"
"Ayos naman na si Tita nakalabas nadin sya mabuti nalang at may nakakita agad sa kanya kaya naagapan at kagagawan din yon ng mga Samonte alam mo Monica sobrang laki na ng kasalanan nila sakin at hindi kona alam kung saan ako magsisimula para gantihan sila paulit ulit nalang nakakapagod na."
Tumabi Sakin si Monica at niyakap ako. Sa totoo lang hindi kona talaga alam kung saan papatungo to pero hinihiling ko nalang na sana ay matapos nato.
"May isa pakong problema Monica si Gray, Hawak sya ngayon ng mga Samonte."
"Ano?? Pano nangyari yon?? "
"Hindi ko alam pero kailangan kona pero kailangan ko syang mailigtas sa madaling panahon."
Habang nag-uusap kami ni Monica ay may biglang may tumawag sakin. Hindi ako nagsalita At may narinig akong boses ng isang lalaki na sumisigaw at parang pinapahirapan at kinutuban agad ako na si Gray yon.
"Grayyyyy!!!!!!!!!"
Biglang nag end yung call at walang ibang sinabi yung tumawag sakin at pinarinig lang yung hiyaw ni Gray.
"Bakit anong nangyari?????"
"Si Gray sinasaktan nila si Gray at kapag hindi ko sya nailigtas agad baka patayin nila si Gray"
Hindi kona alam kung anong gagawin habang lumilipas ang oras lalong lumiliit ang tsansang mailigtas ko si Gray.
"Kumalma kalang Scarlet."
"Pero pano ako kakalma kung alam kong nalalagay sa piligro ang buhay ni Gray."
"Si Gray? Bakit anong nangyari sa kanya?"
Sabay kaming napatingin ni Monica kay Tita.
"Oh bakit natahimik kayong dalawa? Anong nangyari kay Gray? Napapansin ko nitong mga nagdaang araw wala dito si Gray."
Hindi ko alam kung pano sasabihin kay Tita dahil sigurado ako na magagalit at mag-aalala sya.
"Scarlet? Monica? Wala bang sasagot sa inyo??"
"Ah ano kasi Ma'am Violet---"
"Hawak po kasi ng mga Samonte si Gray ngayon."
Hindi kona pinatapos si Monica at ako nalang ang sumagot.
"Ano??? Pano nangyari yon??"
"Noong nalaman po kasi ni Gray yung nangyari sa inyo agad syang sumugod mag-isa nang hindi ko nalalaman kaya hindi kona din sya napigilan."
"My gosh Scarlet? Ba't dimo agad sinabi sakin??"
"Sorry Tita ayoko lang kasi dumagdag sa stress nyo. Inaalam napo namin ni Papa kung san nila dinala si Gray at si Amanda naipakulong na ulit namin sya."
"Pero Scarlet dapat sinabi mo padin sakin para hindi naman ako nagsasaya Dito habang ang isa pala sa mga inalagaan ko ay napahamak na."
"Sorry talaga Tita."
Huminga muna ng malalim si Tita. May point di naman sya dapat kasi umpisa palang sinabi kona.
"Hayaan mona yon ang mas importante ngayon ay mahanap at mailigtas natin si Gray."
"At yon nga po ang ginagawa namin ni Papa."
"Wala nabang ibang pwedeng tumulong satin para madaling mahanap si Gray???" Pag suhestiyon ni Monica.
"Kahit anong pilit ko kay Amanda wala syang sinasabi masyado syang matigas."
"Edi dun sa anak nya yung katelyn?, Diba close mo naman yon bakit hindi ka kaya sa kaya humingi ng tulong."
Napatigil agad ako sa sinabi ni Moncay at nagkaroon ng idea sa sunod kong gagawin.
"Tama! Si Katelyn."
Napangiti agad ako at nabuhayan ng pag-asa. Malaking bagay kung matutulungan ako ni Katelyn.
KATELYN'S POV
Sa awa naman nang Diyos ay nakahanap nadin ako ng trabaho hindi kalakihan ang sahod pero okay nadin kasi i badly need money ayoko nadin umasa pa kala Mommy lalo pat alam kong wala nadin sila.
Kahapon palang ako nagsimula dito at hindi naman ako nahirapan mag adjust kasi mababait ang mga kasama ko pati ang manager namin.
"Katelyn pwede kaba maistorbo."
Tanong sakin ng manager ko habang naglilinis ako ng pinagkainan ng customer.
"Opo bakit po?"
"May gusto kasing kumausap sayo"
"Sino naman po?"
"Sige na ipapalinis ko nalang yan sa iba pumunta kana don dahil baka mainip sya."
Kahit nagtataka ako ay pinuntahan ko padin kung saan nakapwesto ang taong sinasabi nya.
Sino naman kaya ang bibisita sakin? Eh wala naman akong napagsabihan na dito ako nagtatrabaho.
Napansin kona agad yung babaeng nakatalikod at dahan dahan akong lumapit sa kanya at laking gulat ko na si Ate Scarlet pala yon.
"Katelyn pwede ba kita makausap."
"Ate Scarlet?? Sorry po pero madami papo akong gagawin."
Hindi kopa kayang makausap si Ate Scarlet sa ngayon lalo pa't hindi ko alam kung kakampi ba talaga sya o kaaway.
"Please."
Wala akong nagawa kundi ang umupo sa harap nya para pakinggan ang mga sasabihin nya.
"Hindi nako magpapaligoy ligoy pa kailangan ko ng tulong mo at wala akong ibang maasahan kundi ikaw lang kinuha ng parents si Gray at nanganganib ang buhay nya."
"Ate Scarlet alam mong wala akong magagawa tungkol sa bagay nayan, Hindi nakikinig sakin sila Mommy at Daddy kaya pano kita matutulungan? At hanggat maari ayaw ko na muna madamay tungkol sa bagay na ganyan."
"Pero gusto mo silang tulungan na mag bago diba?? Mangyayari lang yon kapag natapos na ang kasamaan nila at marealize nila na mali sila kaya sana matulungan mo ako."
"Pano naman ako Ate? Sobrang nahihirapan nako ako nalang yung lumalaban para sa Pamilya ko."
Napaiyak nalang ako dahil mukhang hanggang panaginip nalang ata na magiging masaya at maayos ang Pamilya ko.
Hinawakan ni Ate Scarlet ang kamay ko at marahang hinimas.
"Bata kapa katelyn para maranasan ang mga ganito pero nandito ako bilang ate mo kung kailangan mo ng kausap tawagan molang ako kung walang malapitan nandito lang ako wag kang mahiyang lumapit."
"Ate Scarlet hindi ko alam kung totoo bayang mga sinasabi mo o baka niloloko molang ako para gawin ko yung gusto mo."
"Hanggang ngayon ba nagdududa kapa din sakin? Oo ako ang dahilan kung bakit nawala ang lahat ng meron kayo, Ako ang dahilan kung bakit nakakulong ag Mommy ako ang dahilan kung bakit naging ganon ang kuya mo at kodin ang dahilan kung bakit ka nahihirapan Ngayon. Pero kung hindi ko ginawa yon mas madaming tao ang maloloko at mas madaming tao ang baka mapatay nila."
Bawat salating binibitawan ni ate Scarlet ay parang may hugot at bigat.
"Pero bakit ate? Bakit ikaw? Ano bang nagawa nila sayo? Sinaktan kaba nila dati? Sinira din ba nila ang Pamilya mo? Ano??"
"Makilala modin ako at gusto ko kapag dumating ang araw nayon ayos na ang lahat walang gulo at walang problema. Kaya nakikiusap ako sayo tulungan moko na malaman kung nasan si Gray babae kadin at gagawin mo ang lahat para sa lalaking mahal mo. Minsan nakong nawalan ng mahal sa buhay at hindi kona kakayanin kung meron pang isa "
Pano koba matutulungan si ate Scarlet??
Kapag ginawa koyon malalagay naman sa alanganin ang Mommy at daddy ko?
Pero kapag tinulungan ko si Ate Scarlet maililigtas ang buhay ni kuya Gray.
# CHAPTER 61
SABRINA'S POV
"Ate Sabrina? Anong ginagawa mo dito??" Agad na tanong sakin ni Katelyn ng makita nya ako.
"Oh bakit hindi naba ako pwede pumunta dito? Don't worry alam ko naman na wala Dito ang kuya mo at ang daddy mo talaga ang sadya ko."
"Anong kailangan mo sakin?" Bigla naman dumating si Tito Diosdado.
"Hi Tito Diosdado?"
Nakangiti akong lumapit sa kanya at nakipag beso beso sigurado ako na matutuwa sya sa ipapakita ko.
"Is there anything problem Sabrina?"
"May gusto lang ako sabihin sa inyo kaya kung pwede sana tayo lang dalawa."
Sinensyan ni Tito si Katelyn na umalis muna para makapag-usap na kaming dalawa.
"Wala na si Katelyn anong gusto mong sabihin Sakin."
"I'm pretty sure na matutuwa ka Tito dahil may nalaman na naman tungkol kay Scarlet and you must watch it."
Agad kong kinuha sa bag yung phone ko at pinanood sa kanya yung video na nakunan ko kahapon lang.
"Mag-ama si Arthur at Scarlet??" Takang tanong nya.
"Yes Tito. Napakadami talagang sekretong tinatago yang Scarlet nayan mabuti nalang talaga sinundan ko sila."
Natahimik saglit si Tito at parang nag-iisip ng kung ano.
"Kung anak ni Arthur si Scarlet? Kaano ano nya si Eloisa??"
"Sorry Tito but i don't know who is she, Pero one thing for sure Na mag kasabwat yang Arthur at Scarlet nayan sa lahat ng nangyayari sa Pamilya nyo ngayon sigurado ako na may malaki pang sikreto si SCARLET na hindi nya sinasabi at yun ang aalamin ko."
"Good Job Sabrina sinasabi kona nga ba na maaasahan ka pero kung akala nila ay nanalo na sila nagkakamali sila hindi pa nila nakikita kung pano ako gumanti sa mga kumakalaban sakin."
Napangiti ako sa sinabi nya, Mukhang nagugustuhan nako ni Tito and soon pati si kevin dahil kapag nalaman nya na ako ang tumulong sa Pamilya na umangat maybe he can change his mind at mahalin na nya din ako ulit.
DIOSDADO'S POV
Isang malaking palaisipan na naman sakin ang nalaman ko, Mag-ama pala si Scarlet at si Arthur.
"Kung anak ni Arthur si Scarlet posible kaya na anak din ni Eloisa si Scarlet???"
Inisip ko agad kung may anak ba talaga silang babae pero sa pagkakaalam ko nung gabing sumugod sila sa bahay lalaking anak ang kasama nila, Kaya imposibleng si Scarlet yon.
At pinaimbistigahan kona din ang buong Pamilya nila at isa lang ang anak nila and if I'm not mistaken napatay narin namin sya two years ago kaya pano???
Posible kayang may iba pa silang anak???
At kaya Galit na galit si Scarlet ay dahil gusto nya ipaghiganti ang nangyari sa nanay nya.
Habang nag-iisip ako ng maigi ay biglang nag FLASHBACK ang mga sinabi sakin ni Amanda.
....................
FLASHBACK
.....................
"Alam moba kung anong nalaman ko? Scarlet is not a real woman she is fake! Dahil si Scarlet ay dating lalaki na nagpag pa opera para maging babae at napaikot nya tayong lahat! Niloko nya tayo lalong lalo na ang anak natin."
"What??? Totoo bayang sinasabi mo?"
"Yes and I have proof to show that Scarlet is a transwoman."
.............
END OF FLASHBACK
.................
Posible kayang si Scarlet ang batang pinapatay namin dati??
At siya din ang anak na kasama ni Eloisa noong sumugod sila samin??
Napatayo agad ako sa kinauupuan ko dahil kailangan ko malaman ang katotohanan sa buong pagkatao ni Scarlet kung tama ba talaga ang hinala ko o hindi.
"Daddy san kayo pupunta?"
Napatigil ako sa paglalakad at lumingon kay khatelyn.
"Bakit? May kailangan kaba?"
"W-wala naman po, Ano pala ang ipinunta dito ni Ate Sabrina?"
"May inoffer lang sya sakin and that's not a big deal don't worry about that."
"San po ang lakad nyo? Mukhang importante ata."
"Oo at nagmamadali ako."
"Ah eh pwede po ba sumama sa inyo? Importante bayan?"
"Kaya ko naman ng mag-isa Katelyn dito ka nalang o kung gusto mo ay bisitahin mo ang Mommy mo baka isipin nya na pinabayaan na naman natin sya"
Aalis na sana ako pero hinabol pa nya ako.
"Eh kung sabay nalang po kaya nating dalawin si Mommy??? Bago kayo pumunta sa pupuntahan nyo."
"Importante ang lakad ko kaya wag mona ako abalahin."
"P-pero Daddy hindi ba talaga ako pwede sumama? Hindi koba pwede makita ang mga lakad nyo siguro naman ngayong wala na si kuya baka pwede ako naman ang isama nyo."
Medyo nagtataka ako sa ikinikilos ngayon ni Katelyn dahil for the first time parang gusto nyang magpumilit na sumama sakin.
"Bakit parang ang weird mo ngayon? Hindi ka naman ganyan dati but it doesn't matter hindi kapa din pwede sumama dahil very confidential ang lakad ko."
Pagkatapos kong sabihin yon ay iniwan kona sya hindi narin nagpumilit pa na sumama si Katelyn.
SCARLET'S POV
Ngayon ang araw kung saan magsasagawa ulit kami ng konting pabigay dito sa lugar namin kahit pa iba na ang buhay ko ngayon hindi padin ako makakalimot kung saan ako nagmula.
"Napakaganda mong bata Scarlet masaya ako na nagawa mona kung anong gusto mo."
Napangiti ako sa sinabi ng Mama ni Monica.
"Maraming salamat po."
"Oh siya sige na at marami nang mga taga barangay natin ang nag aantay sa inyo."
Hinatid kami ng mama ni Monica palabas ng bahay nila at pumunta sa open court dahil halos nandon na lahat ang mga taga dito.
///
Pagdating namin sa lugar open court ay nagtayuan silang lahat at nagpalakpakan.
"Sige napo umupo napo kayo hindi nyo po kami dapat pinalakpakan dahil hindi naman kami kakandidato." Nakangiting sabi ko sa kanila.
"Alam mo Ma'am Scarlet kung tatakbo ka sa darating na eleksyon? Talagang iboboto kita at lahat ng mga taong nandidito."
Tumango ang karamihan sa kanila.
"Salamat nalang po pero wala po talaga yan sa isip ko sapat napo sakin ang makatulong sa kapwa ko."
Nakakatuwa lang dahil nagtitiwala sila sakin.
"Para po sa lahat ng mga hindi nakakakilala sakin ako po pala si Scarlet Delgado at nandito po ako ngayon kasama ang aking kaibigan na si Monica para magbigay ng konting tulong sa inyo sana po sa ganitong paraan ay makatulong ako sa inyo at mapasaya ko kayo."
Lagi sakin sinasabi ni Mama na kapag nagkapera sya ay tutulong sya sa mga mahihirap kahit sa konting halaga na makakaya nya.
Sa tulong ng iba pa naming mga kasama ay nagsimula na kami sa pamimigay ng mga bigas, Delata, Gulay, itlog at kaunting halaga.
.
.
"Hi po Ate Scarlet?"
May lumapit sakin na isang batang lalaki pero alam ko kagaya ko rin sya.
"Hello anong pangalan mo?"
"Cyruz po, Alam nyo po na sobrang saya kopo na nakita ko kayo sa personal kasi po idol kopo si Miss Violet Delgado at sikat po ang mga damit na disenyo ng Tita Violet nyo."
"Talaga? Hayaan mo sasabihin ko kay Tita na may isang bata ang humahanga sa kanya."
"Paglaki kopo gusto kong maging katulad nya at katulad nyo din po na tumutulong sa mga taong walang wala sa buhay."
"Tama yan mangarap kalang at gawin mo ang lahat para matupad ang pangarap mo at wag mong kakalimutan kung saan ka nagmula."
Masayang umalis ang bata at pumunta sa nanay nya bigla kong nakita ang sarili ko sa bata dahil nangangarap lang din ako pero ngayon unti unti kona natutupad lahat.
Habang patuloy kami na namimigay ay may malakas na dagundong ang nagpatigil samin animo mga malakaking sasakyan na papalapit na samin at hindi nga ako nagkamali May pararating na mga sasakyang pang demolish at madaming mga kalalakihan. Napahinto sila ng mapatigil sila malapit samin.
Naglakad naman ako papalapit sa kanila para malaman kung anong kailagan nila pero biglang dumating sa eksena si Sabrina.
"Wow hindi naman ako na inform na may pabigayan pala dito. Ano SCARLET? Tatakbo kana ding Mayora? At kaninong pera ang ginamit mo dyan? Perang ninakaw molang din sa mga Samonte."
"At ano namang pakulo to Sabrina?"
Tinaas lang nya ang isa nyang kilay at may kinuhang mga papel sa kasama nya.
"Well nandito lang naman ako para ipa demolish ang buong lugar nato."
"At anong karapatan mo para gawin yon?"
Pagsagot ni Monica sa kanya.
"Karapatan? Bakit hindi nyo ba alam na ako ang may ari ng lupang kinatitirikan ng mga pangit nyong bahay kaya sa ayaw at gusto nyo ipapa demolish ko ang lahat ng bahay na nandito."
Maglalakad sana si Sabrina pero hinawakan ko sya sa Braso.
"Umalis kana dito Sabrina at isama mo lahat ng alagad mo."
"At sino ka para pagsabihan ako? Nakikita mo ba tong papers na hawak ko ito lang naman ang itutulo ng lupang ito."
Pinangalandakan nya sakin ang mga papel na hawak nya pero agad ko iyong inagaw at pinunit sa harap nya.
"Ito ba? Ito bang Fake na papeles nato? Umalis na kayo dito dahil ako ang tunay na may ari nito at pakisabi sa gumawa ng pekeng dokumento mo na galing galingan nya sa pag eedit para naman mas convincing."
"How dare you! Hindi fake ito! Alam mo kung ano ang fake yang pagkatao mo!!"
Sasampalin na sana ako ni Sabrina pero biglang sumingit si Monica at may hawak na kahoy nakuha nya siguro sa isa sa mga tao ni Sabrina.
"Sige subukan mong sampalin ang kaibigan ko sasabog muna yang mukha mo."
Akmang ihahampas ni Monica ang kahoy kay Sabrina kaya naman napaatras sya kinuha ko naman ang kahoy na hawak na hawak ni Monica at nilapitan ko si Sabrina.
"Ano Sabrina? Dika padin aalis? Oh baka naman gusto mo talagang mawasak yang mukha mo at manghiram ka ng mukha sa aso. Ano?!"
Buong lakas ko syang sinigawan para pumasok sa utak nya na pinapaalis na namin sya.
Nilapitan naman ni Sabrina yung isang malaking lalaki at pinaharap sakin.
"Kinakawawa nako dito di nyo man lang tutulungan? Anong silbi ng laki ng katawan nyo??!!" Galit na sabi ni Sabrina .
"At susunod ka sa sinasabi ng baliw na babaeng yan? Hindi kita kilala at hindi modin gugustuhin na makilala ako kaya dalhin mo na ang amo mo at umalis na kayo Dito." Sabi ko sa lalaki na tahimik lang din naman.
"Umalis na kayo dito sa lugar namin dahil hindi nyo kami mapapaalis dito!" Dagdag pa ni Monica.
"Tama kayo ang umalis dito! Dahil naibigay na samin ni Ma'am Scarlet ang lupang to!"
Nagumpisa na mag ingay ang mga tao at pilit na pinapaalis si Sabrina at mga alagad nya.
Hindi rin nagtagal ay napaalis din nila sila Sabrina at walang nagawa kundi ang umatras.
"Maraming salamat po sa inyo dahil kundi dahil sa inyo hindi natin sila mapapaalis." Nakangiting pasasalamat ko sa kanila.
"Kami ang dapat na magpasalamat sa inyo Ma'am Scarlet dahil binigay nyo na sa amin ang lugar nato at wala nang sino man ang makakapag paalis samin."
Napangiti ako sa sinabi nya at lahat ng taong naroroon ay nagpasalamat sakin. Sobrang saya ko dahil napasaya ko ang mga kalugar ko kahit sa simpleng paraan lang.
Malaking bahagi ng buhay ko ang lugar nato kaya hindi ko maatim na basta nalang ito mawala dahil sa kasakiman ng kung sino lang.
Maraming buhay ang masisira kapag napalayas sila Dito dahil mahirap magsimula sa wala kaya naman pinangako ko sa sarili ko na kapag may nangangailang ng tulong ko basta kaya ko gagawin ko.
# CHAPTER 62
REMINDER : Ang tema ng story nato ay may karahasan at may mga salitang hindi maganda kaya kung ayaw mo sa mga ganitong tema pwede mo naman iskip ang page nato. Spread love not hate.Thank you.
VIOLET'S POV
"Violet?"
"Hi Amanda Miss me??"
"H*yop ka anong ginagawa mo dito? Anong gagawin nyo sakin?"
Kita sa mga mata ni Amanda ang takot ng makita nya ako. Hawak hawak sya ng dalawang bantay kaya naman kahit anong palag nya ay hindi sya makawala.
Nilapitan ko si Amanda at sinalubong ng dalawang magkasunod na sampal.
"Ano masarap ba?! Kulang payan sa mga ginawa mo sakin."
"Dapat nga magpasalamat ka sakin dahil ayon lang ang inabot mo at buhay kapadin."
Hinawakan ko sa buhok si Amanda at inumpog ko ang ulo nya sa may pader.
Pero tumingala padin sya at ngumiti lang sakin.
"Matapang kalang kasi nakaposas ako at may mga kasama ka pero kung wala sila? Anong laban mo sakin?"
"And that's my advantage of being powerful. I can do whatever i want eh ikaw? Hanggang ngayon nasa lupa padin."
"Pero hanggat nandito padin kami hindi kayo matatahamik araw araw nyong pangangambahan ang mga buhay nyo."
Matapang talaga si Amanda kahit walang wala na at mahina na ay nagmamataas padin.
"At hanggat nandito din kami hinding hindi magtatagumpay ang kasamaan nyo."
"Ano ba talaga ang pinunta mo Dito Violet nakalulong na nga ako diba? Hindi ba rin ba sapat sa inyo na nandito ako?"
"Hindi pa. Dahil may kasalanan pa kayo samin kaya Didiretsohin na kita alam kong hawak nyo si Gray kaya Sabihin mo sakin kung saan nyo sya dinala."
"Alam mo pareho kayo ni Scarlet no? Masyadong praning bakit ba samin nyo hinahanap ang lalaking yon?"
"Dahil kayo ang may rason para ipadukot si Gray at kayo lang din ang tanging kaaway namin."
"Sigurado ka? Kami lang? Bakit hindi mo alam madami dyang galit sa inyo."
"Hindi ko kailangan ng mga salita mo ang kailangan ko sabihin mo sakin kung nasan si Gray!"
"Hindi ko nga alam! At wala kaming kinalaman sa nangyari sa kanya kaya tigilan mona ako sa kakatanong dahil wala kang mapapala sakin!"
"Liar! Alam kong hawak nyo si Gray!"
"Ang kulit modin noh? Wala nga sabi Kaming kinalaman!"
Hindi sumagot si Amanda kaya naman muli ko syang tinanong.
"Asan sabi si Gray! San nyo siya dinala!"
Hindi padin ako sinagot ni Amanda bagkus ay tinawanan nya lang ako.
Sa sobrang galit ko ay sinak*l ko sya.
"Wag kayong magkakamali na patayin si Gray dahil hindi nyo gugustuhing makita ang galit ko!"
Binitawan kodin naman si Amanda dahil ayokong madungisan ang mga kamay ko.
"Anong gagawin namin dito Madam? Mukhang matigas talaga eh."
"Kayong nang bahala sa kanya kung kaya nyo yang palambutin at napaamin nyo tawagan nyo lang ako."
Ngumiti naman sakin yung dalawa at napatingin sa isa't isa mukhang alam na nila ang kanilang gagawin.
Dahil mukhang hindi talaga magsasalita si Amanda ay iniwan kona sya sa mga bantay at sila na ang bahala magturo ng leksyon dito Sana lang ay mahanap agad namin si Gray bago mahuli ang lahat.
DIOSDADO'S POV
Matagal konang napapansin namay umaaligid Sa bahay namin at nagbabantay sa bawat kilos namin alam kong tauhan yon ng SCARLET nayon.
Pwes kung inaakala nya na matutunton nya ang kinaroroon ni Gray nagkakamali sya.
//
Pagdating ko sa pinagkulungan namin kay Gray ay mahimbing syang natutulog, nawalan ata sya ng malay sa hirap na ginawa ng mga tauhan namin.
Lumapit ako sa kanya at binuhasan sya ng malamig na tubig.
"Mabuti naman at gising kana."
"H*yop ka!!!!"
"Matagal konang alam and you don't need to remind me."
"H*yop ka Diosdado! Pat*yin mona ako kung gusto mo dahil kapag ako nakalaya dito babalikan kita!!!!"
"Shhh! Para kang babae putak ng putak. Darating din naman tayo dyan pero sagutin mo muna ang tanong ko and this time I'll make sure na sasagot ka! Sino ba talaga si Scarlet!"
Napangiti sya sakin at malakas na sumigaw.
"Si Scarlet? Siya lang naman babaeng magpapabagsak sa inyo!!!! Siya ang babaeng tatapos sa kasamaan nyo!!"
"Nagpapatawa kaba?? Si Scarlet ang tatapos sakin? Isang babae? Ha! Alam kona na mag ama si Arthur Andrada at Scarlet Delgado kaya sabihin mo sakin ngayon kung si Scarlet ba at si Vince ay iisa!!??"
Natahimik sya sa sinabi ko hindi nya ata akalain na itatanong koyon sa kanya.
"Ba't dika makasagot sya ba ang anak na lalaki ni Eloisa at kaya niya ginagawa ang lahat ng to dahil gusto nyang gumanti samin??"
"Hindi ko alam!! Diba magaling ka? Bakit tinatanong mopa sakin bakit hindi mo alamin ang katotohanan!"
"Talagang matigas ka???"
Kinuha ko ulit yung kahoy na hawak ng tauhan ko at hinampas sa kanya.
Tanging hiyaw nya lang ang maririnig mo sa buong paligid.
"Kahit patayin mopa ako wala kang makukuhang inpormasyon sakin!"
"Wag mokong sagarin Gray dahil kapag ako nainis baka gawin ko ang gusto mo. Pero bago yon uunahin ko muna si Scarlet."
"Wag mo idadamay si Scarlet!!! Kapag ako nakawala dito papatay*n kita!!!! Uubusin ko ang pamilya mo!!!!"
Wala akong mapapala sa lalaking to mas mabuti pa siguro na kay Scarlet ko mismo malaman ang totoo.
SCARLET'S POV
"Hanggang ngayon nakabantay padin ang mga tauhan ko sa tinutuluyan nila Diosdado umaalis daw si Diosdado pero nalulusutan daw sila."
"Mautak si Diosdado Pa at hindi yan basta basta magpapahuli."
"Pero hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap si Gray."
"Maraming salamat Pa."
"Walang anuman man anak makikita din natin si Gray ang Tita Violet mo gumagawa nadin ng paraan"
Habang nag-uusap kami ni Papa ay may unknown number ang tumawag sakin hindi naman ako nagdalawang isip at sinagot ko agad.
'Hello?'
'Si Scarlet Delgado bato?' tanong ng nasa kabilang linya.
'Yes. Sino to?'
'Hindi mo agad ako nakilala?'
Biglang naging Pamilyar sakin ang boses nya at hindi ako pwedeng magkamali kung sino sya.
'Diosdado!!!???? Asan si Gray!!!!!!'
Napataas
agad ako ng boses ng makilala ko sya.
'Shhhh relax.'
Mayamaya ay narinig ko ang boses ni Gray na humihiyaw sa sobrang sakit hindi ko alam kung Anong eksaktong ginagawa sa kanya pera alam kong nahihirapan na sya.
'Diosdado?!!! Anong ginawa mo kay Gray!!!'
'Diba hinahanap mo sya?Wag ka mag-
alala
buhay pa naman sya.'
'Ano ba talagang kailangan mo!!!'
'Simple lang naman Isang daang Milyon kapalit ng buhay ng lalaking to at kapag hindi mo naibigay sakin sa loob ng
bente
kwatro
oras
bangkay
na syang darating dyan.'
'H*yop ka! Kahit kailan talaga hindi ka marunong lumaban ng
patas
!'
'Ngayon kilala mona kung sino ang
binangga
mo.'
'Ibibigay ko sayo lahat ng kailangan mo basta wag mo lang
sasaktan
si Gray.'
'Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo ibibigay ko sayo ang oras at location kung saan tayo magkikita at gusto ko na ikaw lang ang darating dahil kapag may sinama kang iba? Hindi ako
magdadalawang
isip na patayin ang lalaking mahal mo.'
Madaya si Diosdado alam kong kahit anong piliin ko ay
mapapahamak
padin kami kaya kailangan ko mas maging
matalino
.
'Gagawin ko ang gusto mo pero kapag niloko moko
humanda
ka.'
Pagkatapos kong sabihin yon ay pinatay na nya ang call.
Isang daang Milyon? Kapalit ni Gray.
Saan naman ako kukuha ng ganong kalaking pera??
Pero hindi ako dapat mawalan ng pag-asa ngayon malayo na ang labang narating ko at hindi ito ang oras para sumuko.
"Anong sabi ni Diosdado anak?"
"Hawak nila si Gray at kapag hindi ko nabigay ang gusto nila papatayin nila si Gray."
"Pera ba?? Tutulong ako may iniwan naman na pera si Alessandra sakin pwede koyong gamitin para pakawalan nila si Gray."
"Isang daang milyon ang kailangan ni Diosdado at kung sakali man na maibigay natin yon walang kasiguraduhan na ibibigay nga nya satin si Gray."
"Tama ka ano nang balak mo nyan??"
Napaupo nalang ako dahil sa panghihina wala na akong maisip na ibang paraan kung alam ko lang sana kung nasan nila kinulong si Gray baka nakagawa pako ng paraan para maligtas sya.
Ma? Kung nasaan kaman bigyan nyo ko ng lakas para hindi sumuko sa laban ko sa mga Samonte gabayan nyo ko at wag nyoko pababayaan.
"Ma'am Scarlet? May naghahanap po sa inyo."
"Sino daw po?"
Tanong ko sa katulong na lumapit samin.
"Katelyn daw po ang pangalan nya."
"katelyn?? Sige papasukin nyo sya."
Mayamaya pa ay pinuntahan na nya si Katelyn para papasukin.
"Ate????"
Lumapit agad ako sa kanya at niyakap ko sya. Parang nakababatang kapatid nadin ang turing ko sa kanya at minsan nadin kami nagkakilala nung ako pa si Vince.
"Ate Scarlet alam kona kung saan dinala nila Daddy si kuya Gray."
"Talaga?????"
"Oo at ituturo ko sayo ngayon din."
Nabuhayan ako bigla sa magandang balita ni Katelyn At niyakap ko sya ng mahigpit.
"Maraming salamat Katelyn."
"Kahit sa ganitong paraan man lang ate makabayad ako sa ginawa nila sayo at para matigil natin ang kasamaan nila."
"Pangako ko sayo tatapusin ko ang kasamaan nila."
"Ate may isa lang sana akong hiling wag sana mapatay ang mommy at daddy ko kahit masasamang tao sila Magulang ko padin sila at masakit kung mangyayari sa kanila yon umalis na nga si kuya tapos mawawala pa sila."
Napaka buting bata ni Katelyn dahil sa kabila nga ng kasamaan ng parents nya ay iniisip padin nito ang ikabubuti nila Diosdado at Amanda.
"Wag ka mag-alala hindi naman ako ganon kasama para gawin yon at wala akong karapatan para kumuha ng buhay ng isang tao."
"Maraming salamat ate."
Alam ko mahirap para kay katelyn na ilaglag ang sarili nyang Pamilya pero humahanga ako dahil mas pinili nyang gawin kung ano ang tama.
Sana lang talaga sa huli ay makamit ang buhay na nararapat sa kanya.
"Pano mo pala nalaman kung nasan si Gray????"
"Sinundan kopo si Daddy."
Kinuwento sakin ni Katelyn kung pano nya nalaman ang kinaroroonan ni Gray noong araw daw nayon ay may lakad ang daddy nya at sinabi nya daw na gusto nyang sumama sa lakad nito pero tinanggihan sya nito.
Dahil sa kagustuhan nyang matulungan ako kahit mapanganib ay sinundan nya padin ang daddy nya medyo nahirapan daw syang sundan ito dahil makailang beses ito tumigil sa iba't ibang lugar at pag lumalabas ito ay sa ibang sasakyan ito sumasakay.
Hindi naging madali kay katelyn ang pagsunod sa Daddy dahil matalaas at maingat ito.
Sa huli ay nasundan padin ni Katelyn ang daddy nya at dito na nya nalaman kung nasan si Gray.
# CHAPTER 63
SCARLET'S POV
"Sir?? Arthur???"
Napalingon agad ako kay Papa nang bigla nyang banggitin ang pangalan nito.
"Bakit katelyn magkakilala ba kayong dalawa??"
"Opo ate sya yung minsan tumulong samin nung wala kaming pambayad sa kinain namin at alam ko sya din ang asawa ng dati naming maid na si ate Eloisa."
"Natatandaan mopa pala ako??"
"Ate? Magkakilala kayong dalawa??"
"Oo at magkakampi kami laban sa parents mo."
Si papa na ang sumagot para sakin.
"Sorry katelyn."
"Ayos lang ate naiintindihan ko naman kayo, Alam kong nagawan kayo ng hindi maganda ng parents ko at sobrang sorry talaga."
A
"Hindi mo kasalanan ang kasalanan nila alam kong mabuti kang bata at sinagawa mong to lalo molang pinapakita na iba ka sa kanila." Nakangiting sabi ni papa.
"Dalawang taon na ang lumipas simula ng mangyari yon sa totoo lang po nagpipi, bulag at bingi ako sa mga ginagawa nila Alam kopong sobrang sakit ang mawalan ng mahal sa buhay kaya ako napo ang nagsosorry sa lahat ng ginawa nila."
Tumulo na ang luha sa mga mata ni katelyn kaya naman nilapitan ko sya at mahigpit na niyakap gusto kong maramdaman nya na hindi sya nag-iisa at maraming nagmamahal sa kanya.
////////////
Pagkatapos sabihin samin ni Katelyn ang kinaroroonan ni Gray ay nagmadali agad kaming pumunta.
"Dito ate, Dito nila dinala si Kuya Gray."
Sa isang lumang bahay at nasa liblib na gubat nila dinala si Gray.
"Salamat Katelyn pero pwede kana mauna pabalik masyadong delekado kung sasama kapa."
"Hindi ate sasama ako hindi ako magagawang saktan ni Daddy dahil anak nya ako at baka makinig sya sakin kapag ako mismo ang kumausap sa kanya."
Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nya labag talaga sa kalooban ko pero hindi nadin ako humindi.
"Papayag ako pero wag na wag kang hihiwalay sakin hindi natin masasabi kung anong pwedeng mangyari."
Sumilip kami mula sa malayo at may ilang mga bantay sa labas.
"Scarlet mas mabuti pa kung maghiwalay tayo mas mapapadali ang paghahanap natin kay Gray."
"Pero P-- Mr. Andrada??"
Muntik kona mabanggit ang salitang papa mabuti nalang at hindi ko natuloy.
"Kaya ko ang sarili ko wag mona ako alalahanin mag-iingat din kayo pasunod nadin ang mga tauhan ko dito para resbakan tayo."
Napatango nalang ako at naghiwalay na kami ng daan ni Papa. Mahigpit kong binilin na wag na wag lalayo sakin si Katelyn di baleng ako nalang ang masaktan wag lang sya.
Dahan dahan kami umikot papuntang likurang bahagi baka sakaling may daan don na walang nagbabantay.
"Sandali Katelyn? Kung maraming nagbabantay dito? Paano ka nakalusot at nalaman mong dito nila dinala si Kevin ng hindi ka napapansin??"
Napahinto agad ako ng mapagtanto ang pangyayari napatingin naman ako sa kanya at medyo nagulat pa sya.
"Totoong dito nila dinala si kuya Gray."
"Sagutin mo ang tanong ko? Pano ka nakapasok ng hindi nila napapansin gayong napakaraming bantay dito???"
Ayoko sanang isipin pero mukhang niloloko ata kami ni Katelyn.
"Maniwala ka sakin ate hindi kita niloloko at lalong hindi kita ipapahamak."
"Just answer me"
Pilit kong pinapakalma ang boses dahil baka may makapansin samin.
"Sasabihin kona ate inutusan ako ni papa na dalhin ka dito at lokohin ka pero maniwala ka gusto talaga kitang tulungan na mailigtas nyo si kuya Gray."
"Pano moko makukumbinsi sa sinasabi mo? Ayokong paghinalaan ka pera sa sitwasyon ngayon? Pano madedepensahan para magtiwala ako sayo."
"Sige ate sasabihin kona sayo ang totoo nung araw na sinundan ko si daddy ay nahuli nila ako kilala mo si Daddy matalas ang pakiramdam nya at hindi sya basta basta magpapahuli lalo na sa katulad ko. Nagalit sakin si Daddy at para maibalik ko ang tiwala nya kinailangan kodin magsinungaling."
Nagsimulang ikwento sakin ni Katelyn ang buong katotohanan.
****Katelyn******
"Boss may nahuli kaming isang baba na sumusunod"
Dali dali akong nilapit nung lalaki sa harap ni daddy.
"Katelyn?? What are you doing here? Diba ang sabi ko sayo confidential to but still sinuway mo padin ako."
"Pero daddy gusto kolang talaga malaman kung saan kayo pupunta."
"Hindi ako tanga katelyn alam kong may iba kapang rason. May kinalaman ba dito si Scarlet???"
Isang maling sagot kolang maaring katapusan kona.
"Opo daddy dahil nilapitan nya ako para humingi ng tulong para mahanap si kuya Gray."
"At umuo ka naman??"
"Ofcourse, But listen to me first. Galit ako kay ate Scarlet dahil sya ang may kasalanan kung bakit tayo naghihirap kung ko nararanasan ang mga ganito kinuha nya ang lahat satin kaya nagsisisi ako na inidolo kopa sya."
Ang kailangan kolang gawin ay huminga at pag-isipan ang mga isasagot.
"Then bakit mopa din kami sinundan?"
"Dahil gusto malaman ang kinaroronan ni Gray at sabihin ito sa kanya."
"Nababaliw kaba akala koba nagagalit ka sa kanya? Tapos tutulungan mo sya?"
"Pero daddy hindi modin ba naisip na pwede mo syang mahuli through me? Tiwalang tiwala sakin si Ate SCARLET at hindi nya ako pag-iisipan ng hindi maganda. Kaya ko gusto malaman kung nasan si Kuya Gray para masabi ko sa kanya at magmadali syang pumunta dito at sa pagkakataong yon? Pwede na natin syang mahuli para magantihan sa mga ginawa nya satin."
"And what's make you think na basta nalang ako maniniwala sayo?"
"Just because i am your daughter wala na si kuya tuluyan ng nalason ng babaeng yon ang utak nya at higit sa lahat isa padin akong Samonte at hindi ko hahayaan na basta nalang mawala ang pangalan natin."
Parang sinaniban ako ng ibang tao at napagsalita ako ng mga ganong bagay. Tila nag-iisip padin si Daddy kung paniniwalaan nya ba ako o hindi.
"Tama ka ikaw nalang ang anak na meron ako kaya naman magkasama nating pababagsakin ang mga taong sumira satin."
..............
"Wag mona ako pagdudahan dahil ang usapan namin ni Daddy ay magmemessage ako sa kanya kapag dadalhin na kita pero hindi ko yon ginawa kaya naman hindi sila handa sa pagdating natin."
"Pero kung totoo ang sinasabi mo bakit pa sya tumawag sakin at nanghihingi ng malaking halaga?"
"Dahil gusto kanyang lituhin. Matalino si Daddy pagdating sa kasamaan kaya nandito ako para tumulong at matapos na ito."
Nawala ang agam agam ko kay Katelyn at nagmadali kaming humanap ng ligtas na mapapasukan kung saan wala masyadong makakapansin samin.
Hindi naman kami nahirapan ni katelyn sa pagpasok dahil nga sa kinabisado nya ang lugar.
May nakita kaming nagbabantay kaya naman marahan ko syang nilapitan at pinukpok ng bar*l na hawak ko at nang mawalan sya ng malay ay hinila ko sa isang sulok.
Habang naglalakad kami ay may nakasalubong ulit kaming mga lalaki kaya naman pumasok kami sa isang silid at doon nagtago.
"Masyadong delekado ang lugar nato para sayo Katelyn."
"Pero gusto kopo kayong matulungan."
"Sobrang laki na ang naitulong mo sakin. Sapat nang sinabi mo kung nasan si Gray. Antayin moko dito wag kang aalis sabay tayong lalabas dito naiintindihan moba ako???"
"Opo ate, Magiingat kayo."
Iniwan ko sa isang silid si Katelyn at sinabihan ko syang wag lalabas hanggat hindi ang boses ko ang maririnig nya.
Habang maingat ako na naglalakad ay nakarinig ako ng ilang putok ng baril kaya nagmadali agad ako dahil baka si papa yon at kailangan nya ng tulong ko.
Habang mabilis ako na tumatakbo ay may nakasulobong akong isang lalaki at agad akong pinaputukan ng baril mabuti nalang at kaiwas ako.
Nakipag palitan ako sa kanya ng putok hanggang sa matamaan ko sya.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ang baril na dala nya at nagpatuloy lang ako sa paglakad.
Hindi naman ako nahirapan sa paghanap kay Gray at Sobra akong naawa nang makita ko siya puno ng sugat ang katawan nya at dugo na natuyo nalang.
Agad ko syang nilapitan para pakawalan pero nakakadena ang kamay at paa nya tanging busal lang sa bibig ang natanggal ko.
"S-Scarlet anong ginagawa mo dito."
Halos hindi na madilat ni Gray ang mata nya dahil sa lala ng mga sugat nya naawa ako sa kalagayan nya grabeng hirap ang binagay nila sa kanya.
"Umalis kana mapapa hamak kalang."
"Hindi Gray ililigtas kita at sabay tayong tatakas dito."
Pilit kong kinakalas ang kadena sa kamay at paa nya pero halos maubos na ang lakas ko wala padin nangyayai.
Tumingin ako sa paligid pero wala akong nakita na kahit na ano upang magamit para masira ko ang kadena.
"Sino ka at pano ka nakapasok dito?"
Mayamaya ay may dumating na Isang lalaki na medyo malaki ang pangangatawan at napansin ko agad ang mga susi na kasabi sa pantalon nya. Alam ko isa don ang susi sa kadenang nakatali kay Gray.
"Gusto mong makilala kung sino ako?"
Agad ako tumakbo papalit sa kanya at bumuwelo sabay sipa sa tyan nya napaatras naman sya sa ginawa ko.
Nilapitan ko ulit sya at pinagsusuntok kaya lang nahawakan nya ang isang kamay ko at pinilipit ito.
"Ahhhhhh." Sigaw ko dahil sa sobrang sakit ng ginawa nya.
Dahil sa matigas ang suot kong sapatos ay inapakan ko ng malakas ang paa nya sabay suntok sa sikmura nya.
Nabitawan naman nya ako kaya naman pinagsisipa ko agad sya ng maraming beses hindi ko maigalaw ang kanang kamay ko dahil sa sakit ng ginawa nya.
"Scarlet hindi mo sya kakayanin umalis kana!"
Napalingon ako kay Gray pero pagharap ko sa lalaki ay nasuntok na nya ako kaya naman natumba ako nahilo ako dahil sa lakas ng suntok nayon hinawakan nya naman ako sa buhok at malakas na hinagis papunta doon sa lamesa at natumba lahat ng mga nakalagay don.
"Matapang ka para sa isang babae yun nga lang kulang."
Gusto komang lumaban pero nahihirapan nakong igalaw ang katawan ko dahil namanhid na sa sobrang sakit. Muli akong binuhat ng lalaki at sinakal sabay sandal sa pader.
Nilingon ko si Gray gusto nya akong tulungan pero wala syang nagawa nandidilim nadin ang paningin ko dahil sa hirap sa paghinga.
Naala ko bigla ang isa sa mga tinuro sakin Tita Violet alamin mo at aralin mo ang kahinaan ng mga makakaharap at makakalaban mo.
Kahit wala na ako masyadong lakas ay pilit kong pinasok ang isa kong daliri sa hinlalaki nya habang sakal sakal nya at buong lakas kong binali yon.
"Ahhhhh."
Hindi nako umubos ng pagkakataon at binayag*n ko sya kaya naman lalong dumoble ang sakit na nararamdam nya. Nakita ko naman ang isang malaking kahoy sa gilid at nagmadaling kinuha yon at sunod sunod na pin*kpok sa kanya hanggang sa mawalan sya ng malay.
Kinuha ko agad ang susi sa kanya at mabilis na kinalagan si Gray.
Nakuha ko ang susi sa lalaki at agad kong kinalagan si Gray. Nagyakap kaming dalawa ng matanggal namin ang mga kadenang nakatali sa kanya.
"Gray ligtas kana." Masayang sabi ko.
"Kailangan na nating umalis dito bago pa may dumating na iba."
Kinuha ko muna yung bar*l na nasa lapag at tsaka inalalayan si Gray sa paglalakad kailangan muna namin balikan si Katelyn bago kami umalis.
Maingat kami na naglalakad dahil baka may makasalubong kami.
"Ikaw lang ba ang nagpunta dito??"
"Kasama ko si Papa at pasunod nadin ang mga tauhan nya."
May nakasalubong ulit kaming lalaki at hindi sya nagdalawang isip na bari*in kami mabuti nalang at nakaiwas kami.
Nakipag palitan ulit ako ng putok at sa kabutihang palad ay hindi naman ako napapano.
Sa totoo lang ayaw ko sana gumamit ng baril lalo na para lang patigilin ang isang tao.
Alam ko sa mga oras nato ay nakarating na kay Diosdado ang kaguluhan dito kaya mas lalong dapat namin magmadali makalabas.
"Sinasabi kona nga ba na mag kakuntyaba talaga kayo ng magaling kong anak dapat talaga hindi na ako nagtiwala sa kanya pero Mabuti naman at magkasama na kayong dalawa ngayon dahil hindi nako mahihirapan pang patay*n kayong dalawa."
Napatigil kami ni Gray sa paglakad dahil bigla namin nasalubong si Diosdado.
"H**op ka talaga Diosdado napakasama mo!"
"Ikaw ang unang kumalaban sakin at ito ang consequences non ngayon alam mona kung ano ang kaya kong gawin!"
"Hindi ka naman talaga matapang Diosdado dahil duwag ka! Nagtatago kalang sa kapangyarihan na meron ka! Pero ang totoo isa kang duwag!!"
"Simula ng dumating ka sa bayan nato ginulo mo ang lahat! Pumasok ka sa Pamilya namin para kunin ang lahat ng samin at sirain kami. Bakit?? May nagawa ba kami sayo? O may nagawa kami sa Pamilya mo?"
Kung ganito ang sitwasyon ay mahihirapan akong makalaban lalo pa't mahina si Gray at wala kaming hawak na kahit na ano.
"Pero hindi na importante yon dahil papat*y*n kona kayong dalawa ng sabay!"
Hindi nagdalawang isip si Diosdado na barilin kami pero--------
Biglang dumating si Katelyn at hinarang ang balang dapat na tatama samin.
"Katelynnnnnnnnnn!!!!!!!!!!!!!"
Tumakbo ako papalapit kay katelyn bago paman sya matumba sa lapag.
Tiningnan ko ng masama si Diosdado at nakatutok padin ang baril nya sakin.
"Kung hindi dahil sa iyo hindi ko mababaril ang anak ko!! Nilason mo ang utak ng mga anak ko at pinaikot mo sila sa mga kamay mo para ano???!! Para kamuhian kami???!!!" Galit na sigaw nya sakin.
Nilapag ko muna saglit si Katelyn at nagalit kay Diosdado.
"Kundi dahil sa kasamaan mo hindi mo mababaril ang anak mo! At wag mong isisi sakin ang lahat ng yan dahil alam kung anong tawag don? KARMA."
"Ikaw dapat ang mababaril hindi sya!!"
Tinutok nya ulit sakin yung baril akmang babarilin ako pero sunod sunod ang putok ng baril nakita ko nalang ang dug* sa katawan ni Diosdado at mabilis na natumba.
Nakita ko si Papa namay hawak hawak na baril at sya ang bumaril kay Diosdado sabay lapit ko ulit kay katelyn.
"Ate Scarlet?? M-mabuti at ligtas ka."
"Diba sabi ko sayo doon kalang at antayin moko bumalik?" Mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya.
"Nag-aalala kasi..... A-ako sayo ate."
"Katelyn lumaban ka!! Dadalhin ka namin sa hospital. Pa humingi kayo ng tulong...."
Agad naman kinuha ni Papa ang phone nya at humingi ng saklolo.
"H-hindi nna ate..... Diko na k-kaya......Sayang hindi man lang kita nakilala...."
"Wag ka magsalita ng ganyan matapang kang bata kaya wag ka susuko."
"Maraminggg-s-salamat ate dahil sayo natuto akong maging matata..g.. Sa kabila ng hirap na dinanas ko."
Hindi kona napigilan ang sarili ko na umiyak.
"Hindi. Mabubuhay kapa magiging parte ka ng Pamilya namin at diba gusto moko makilala? Natatandan mopa ba? Nong naglayas ka dati? Tapos may napuntahan kang bahay tapos may nakilala na Vince ang pangalan ako yon Katelyn ako si Vince na nakilala mo sa saglit sa oras lang."
Kahit hirap ay nakangiting hinawakan at pinagmasdan ni kayelyn ang mukha ko.
"Ikaw si Vince??? I-kaw din... Ang anak ni Ate Eloisa???"
"Oo ako yon. Kaya magpakatatag ka dahil kikilalanin pa natin ang isa't isa magiging ate mopa ako diba?"
Napangiti sya sinabi ko.
"Ate?? Sana kahit wala nako..... Maging masaya ka at makatakas kana sa p-pait ng nakaraan... Sana.. makuha mona ang hust-tisya para sayo at kay Ate Eloisa."
Pagkatapos nyang sabihin yon ay nawalan na sya ng hininga pilit ko syang ginigising pero wala n.
"Katelyn!!!!!!!!!!"
Si Katelyn ang napahamak dahil sa kagustuhan kong makaganti at bumawi sa mga Samonte.
Ilang buhay paba ang kailanga mawala bago matapos to???
Sa pangalawang pagkakataon nawalan na naman ako ng isang taong importante sakin ayaw kona sana maramdam pa ulit ang ganitong sakit.
Pero bakit????
Napaka bata pa ni Katelyn at napabuti nya hindi niya deserving ang ganitong klaseng buhay.
# CHAPTER 64
AMANDA'S POV
Isang malamig na hangin ang dumampi sakin at Napa bangon agad ako dahil don.
"Katelyn?? Anong ginagawa mo dito?? Pano ka nakapasok dito??"
Hindi sya sumagot sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Mommy??? Mahal na mahal po kita."
Mahinang bulong nya at pagkatapos non ay unti-unti na syang naglaho.
"Katelyn!!!!"
Napabalikwas agad ako ng bangon..
panaginip lang pala pero ano kaya ang ibig sabihin non?
Bakit ko napanaginipan si Katelyn???
Nakaramdam ako ng kaba dahil sa pangitain nayon.
Pero dahil gabi na at nakakulong pako ay bumalik nalang ulit ako sa pag tulog bukas nalang tatawagan si Sabrina para makibalita kung anong kalagayan ni Katelyn.
/////
Kinabukasan ay inantay ko agad ang pagdating ni Sabrina dahil kagabi pako hindi mapakali sa panaginip ko.
"Sabrina anong balita sa labas?? Si Katelyn asan??"
Hindi maipinta ang mukha ni Sabrina ng dalawin nya ako.
"Tita Amanda may bad news ako sayo at wag ka sana magugulat."
Hindi pa man nasasabi sakin ni Sabrina ang balita ay kinakabahan na agad ako.
"Ano yon?!"
"Wala na si Katelyn at Tito Diosdado."
"What??!! Hindi magandang biro yan."
"Hindi ako nagbibiro Tita infact naka headline yon sa mga newspaper at balita pa sa news on tv."
Patay na ang asawa't anak ko????? Hindi to pwedeng mangyari!! Hindi to totoo!!!
"No!!! Hindi yan totoo!! Hindi pa sila patay at hindi sila pwedeng mamatay."
"Tita maniwala kayo sakin totoo ang sinasabi ko wala na sila."
"Then who killed them!!!????"
Nanginginig nako sa sobrang galit at hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Sino paba edi si Scarlet nagawang nyang patayin si Tito Diosdado at katelyn para lang makuha si Gray."
"Ha**p sya!!! Papata*in ko sya!!!"
Hindi pa talaga nakuntento ang babaeng yon sa lahat ng ginawa nya sa Pamilya ko sinira na nga ang relasyon naming magpapamilya, Kinuha na nga nya ang lahat ng meron kami ang pera! Negosyo! At maging ang mansyon namin tapos Ngayon?? Buhay naman ng Pamilya ko.
"Sabrina tulungan moko na makalabas dito kailangan kong makita si Diosdado."
"Don't worry tutulungan kita hindi kita pababayaan tayo nalang ang magkakampi kaya asahan mo ang tulong ko."
"Thank you Sabrina."
Buhay na ang kinuha kaya kailangan buhay nadin ang singilin sumusobra na talaga si Scarlet talagang hindi sya titigil hanggat hindi nya kami nabubura pero tingnan lang natin kung sino ang matitirang buhay saming dalawa.
SCARLET'S POV
Wala na si Diosdado Tapos na ang laban namin sa kanya pagkatapos ng matagal na panahon ay nagwakas nadin ang buhay nya.
Hindi ko gustong umabot sa ganito pero tadhana na mismo ang may gusto.
Dumating nadin ang mga pulis at ilan sa mga tauhan ni Daddy kasama si Tita Violet at Monica at nang dumating din ang ambulance ay agad naming isinakay si Katelyn.
"Scarlet ayos lang ba kayo?? Thank God at hindi kayo napano."
"Opo Tita. Pero si Katelyn po."
"Ako na ang sasama Scarlet mas mabuti nang nandito ka para masamahan modin si Gray." Suhestiyon ni Monica.
Si Monica nga ang sumama papuntang Hospital para samahan si Katelyn at ako ay agad na nilapitan si Gray na akay akay ni Papa.
"Gusto konang umuwe para makapaghinga nako."
"Ha?? Sa hospital ka namin dadalhin dahil malala ang mga sugat mo."
"Mas gusto ko nalang magpahinga sa bahay."
Hindi na ako umangal sa kanya at sinakay na namin sya ni Papa. Kaya lang grabe talaga ang mga sugat nya.
"Dadalhin kana namin sa Hospital para magamot yang mga sugat mo at macheck up kapa."
"Hindi na Scarlet kaya kopa naman sapat na saking makita ka dahil ikaw ang lakas ko."
Kinilig naman ako sa sinabi ni Gray nagawa pa nya talagang mag biro kahit puro pasa at sugat na ang katawan nya.
"Ako na ang gagamot ng mga sugat mo."
"Talaga? Nako mukhang gagaling ako agad."
"Wa mona ulit uulitin yon ha? Hindi mo alam kung gaano moko pinagalala pati si Tita sobrang di mapakali. Wag kana ulit basta basta susugod ha?"
Naiiyak ako sa itsura ni Gray halata kasing pinahirapan talaga sya ng mga Samonte.
"Sorry kung pinag-alala ko kayo. Sorry kung pinag-alala kita. Nangako kasi ako sa inyo ni Madam V. Na poprotektahan ko kayo pareho kaya naman nung nalaman kong naaksidente sya sobrang galit konon."
"Alam naman namin yon basta wag mona ulit gagawin yon ha?"
"Bakit natatakot kaba na mawala ako?"
"Ah basta."
"Ano bat dika makatingin??" Pang-aasar pa nya.
"Gusto mo dagdagan kopa yang sugat at pasa mo?"
"Ito naman nagtataray agad. I love you Scarlet."
Hinawakan ni Gray yung mukha ko akmang hahalikan nya ako kaya lang........
"Ehem.."
Natigil kami pareho ni Gray at napaayos ng pwesto nawala sa isip namin na nasa unahan lang si Papa at sya ang nagmamaneho ng sinasakyan namin.
"Hindi naba masakit ang mga sugat mo Gray??" Tanong ni Papa.
"Ah ehh masakit papo..." Natatarantang sagot nya.
Si Papa lang pala katapat nya eh . Hanggang sa makadating kami sa bahay ni Papa ay hindi na ako kinulit ni Gray nahiya na sya kay Papa.
Pagdating namin sa bahay ni Papa ay nagpatulong ako sa mga tao nya na dalhin si Gray sa Isang kwarto para magamot kona ang mga sugat nya.
"Gusto moba tumawag ako ng private nurse para may katulong ka??"
"Hindi na Pa kaya ko naman."
Tumango nalang si Papa at sumunod nadin ako sa kwartong pinagdalhan kay Gray para masimulan kona ang paglilinis at pag gamot sa mga sugat nya.
......
Kumuha ako mg malinis na towel at tubig para gamitin sa paglilinis ng sugat ni Gray.
"Scarlet??"
"Gray hindi ako nurse pero dahil ayaw mo magpadala sa Hospital bahala ka."
Nilapitan ko si Gray at hinubad ang damit at pinunasan ang mga dugo na na tuyo sa katawan nya.
"Akala ko di na kita makikita."
"Shh wag mo sabihin ang mga bagay na ganyan hindi kona kakayanin kung may isa na naman sa mahal ko ang mawawala."
"Hindi ako mawawala sayo."
Hinawakan ni Gray ang kamay ko at bumangon sya sabay halik sakin na medyo kinagulat ko.
Kaya naman marahan kong diniinan ang sugat nya.
"Arayyyyy."
"Akala koba masakit ang katawan mo??"
"Okay nako dahil kasama kona ang babaeng pinakamamahal ko."
Hinawakan ko ulit sugat nya at sabay pinahiga ko nadin sya at sinimulan konang gamutin at linisan ang katawan at sugat nya.
Mabuti nalang at nailigtas namin si Gray bago pa nahuli ang lahat.
////
Nangmakatulog si Gray ay lumabas muna ako para makapagpahangin sobrang daming pangyayari na naman ang naganap.
"Mukhang malalim na naman ang iniisip mo?"
Nilapitan ako ni Papa at tumabi sakin.
"Dapat pala hindi ko nalang sinama si Katelyn, Di sana hindi nangyari sa kanya yon."
Walang ibang dapat sisihin sa nangyari sa kanya kundi ako lang kung hindi ko sana sya hinayaan na sumama hindi hahantong sa ganon.
"Sisisihin mo na naman ba ang sarili mo? Anak makinig ka sakin. Ito ang buhay na pinili mo, Pinili natin kaya asahan natin na maraming taong madadamay at hindi magiging maayos ang mga buhay natin hanggat patuloy tayo sa ganito ang nais kong iparating sayo anak hanggat hindi natatapos to hindi magiging ayos ang Lahat."
"Pero paulit ulit nalang Pa minsan napapaisip din ako na dapat kopa bang ituloy to? Pero sa twing naiisip kodin si Mama at kung anong ginawa nila satin lalo kong gustong magpatuloy."
Naiyak na naman ako kung nandito lang siguro si Mama hindi nya gugustuhin ang mga nangyayari samin mas gugustuhin nyang mabuhay ng tahimik at simple lang.
"Wala na si Diosdado nakaganti nadin tayo sa kanila."
" At si Amanda? Kapag nalaman nya ang nangyari kay Diosdado at katelyn lalong magagalit yon."
"At anong laban nya satin? Walang wala na sya."
"Hindi natin alam kung Anong nasa isip ng isang tao lalo na't kapag desperado na kaya hindi tayo dapat magpakampante lalo pa't may tumutulong din sa kanya ngayon."
////)///
Nakakalungkot man ang nangyari kay katelyn pero kailangan namin tanggapin.
Bilang pagmamahal sa kanya ay nagpasagawa ako ng simpleng misa kung saan nandon ang ilan sa mga kaibigan at nakakakilala sa kanya pero may isang bisita akong hindi inaasahan na dumating.
Si Amanda at Sabrina na may kasama pang mga pulis.
"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko.
"Bakit hindi naba pwede dalawin ang anak ko?"
"Paano ka nakalabas?"
"Asan ang katawan ng anak???"
Tumingin muna ako sa paligid atsaka kalmadong sinagot si Amanda.
"Hindi mona makikita ang katawan ng anak mo dahil pina crimate namin sya."
"And who do you think you are To decide kung Anong gagawin sa katawan nya? Pati ba naman hanggang sa kamatayan nakikialam ka."
"Amanda nandito kaba para dalawin ang anak mo? O para manggulo?"
"You will pay for this, You killed both my husband and my daughter."
"Hindi ako ang pumatay kay Katelyn kundi ang magaling mong asawa."
"Sa tingin moba maniniwala ako sayo? Plinano mo ang lahat ng to. "
"Bahala ka kung anong gusto mong isipin hindi ko kailangan magpaliwanag sayo at sa makitid mong pag-iisip at mahiya ka naman sa mga taong nandito wag mo ipakita kung gano kahaba ang sungay mo."
"Ikaw ang dapat na mahiya dahil Ikaw ang pumatay sa kanya kunwari concern ka pero ang totoo ginusto moto."
"Kung hindi mo kasi na brainwashed si katelyn hindi mangyayari to." Pagsingit ni Sabrina sa usapan.
"In all fairness naman sayo Sabrina talagang kinukunsinti mopa ang mga kasamaan nitong si Amanda bakit? Akala moba sa ginagawa mong yan makukuha mona si Kevin?."
"Pwede ba umalis na kayo bago pa Namin kayo ipakaladkad sa mga pulis na kasama nyo ." Galit na sabi ni Tita.
"Ako ang Ina kaya ako dapat ang nandito kung meron mang dapat na umalis kayo yon."
Hindi kona talaga naitis si Amanda kaya hinawakan ko sya sa braso at hinila palabas ng chapel.
"Let me go!!"
"Scarlet bitawan mo nga si Tita Amanda."
"Hindi ko alam kung bakit ka nila pinayagan na makalabas pero it doesn't matter to me. Nirerepesto ko si Katelyn at ang pagiging mommy mo sa kanya pero kung pumunta kalang dito para manggulo? Wag ngayon."
"Sobra sobra na ang ginawa mo sa Pamilya ko lahat ng ginawa mo ibabalik ko sayo ng doble maghintay ka lang!"
"Sabrina pakibalik natong si Amanda sa kulungan nya dahil baka mangagat pa dito pero kung ayaw mo sabay ko nalang kayo ipapakaladkad."
Nagtingin lang sila at parang ayaw akong pakinggan.
"Bibilang ako ng tatlo. Isa...... Dalawa........ Tat...."
"Aalis kami. Pero hindi pa natatapos dito ang lahat."
Umalis din naman silang dalawa kasama ng mga pulis dahil hindi pa laya si Amanda at kailangan nya pang bumalik sa lugar kung saan sya nababagay.
"Baliw na talaga ang babaeng yon." Inis na sabi ni Tita.
"Imbes na pumunta sya para sa anak nya eh mas inuna pa nya ang awayin ka." Dagdag pa ni Monica.
"Hayaan nyo na ang mga ganong klaseng tao hindi basta basta pinapatulan."
"Scarlet??"
Ilang minuto palang ang nakakalipas ng umalis sila Amanda ay sya namang pagdating din ni Gray.
"Kevin?????"
Napatingin muna ako kay Monica at Tita at sila na muna ang umalis para makapag usap kaming dalawa ni Kevin.
"Totoo ba? Wala na si Katelyn? Patay na ang kapatid ko??"
Hindi ko alam kung pano sasabihin kay Kevin ang nangyari sa kapatid natatakot ako na baka ito ang maging dahilan para bumalik sya sa dati.
"Kevin sorry hindi ko na protektahan ang kapatid mo, Napahamak at nadamay sya ng dahil sakin."
"Sino?!! Sino ang pumatay sa kanya!!!"
"Ako dapat ang tatamaan ng baril pero sinalag nya yon kaya ako ang may kasalanan."
Lumapit sakin si Kevin at napapikit nalang ako handa akong tanggapin ang lahat ng masasakit na sasabihin nya handa ako sa kahit na anong gawin nya.
Pero hindi pisikal na sakit ang naramdaman ko kundi isang mahigpit na yakap mula sa kanya.
"Wag mong sisihin ang sarili mo dahil alam kong hindi mo gugustuhing mangyari yon sa kapatid ko. Ako ang kuya pero diko sya na protektahan iniwan ko sya dahil gusto ko ng tahimik na buhay kung alam kolang hindi kona sya iniwan.",
"Kevin makinig ka muna."
"Hindi Scarlet kasalanan koto ."
Kumalas si Kevin sa yakap nya at nagulat ako ng sunod sunod nyang suntukin ang pader hanggang sa dumugo ang kamao nya.
"Ahhhh!!!" Galit na sigaw nya.
"Kevin makinig ka muna kasi." Saway ko sa kanya.
"Napaka walang kwenta kong kuya!!"
Dahil sa ginagawa ni Kevin ramdam ko ang labis na pagmamahal nya para kay Katelyn kahit na noon ay di sila magkasundo at iba ang paniniwala ni Kevin alam kong nagbago na sya.
"Kevin pakinggan mo muna ako. Okay? Hindi pa patay si Katelyn."
"Anong sabi mo??"
"Ayon nga ang gusto ko sanang sabihin sayo kaya lang naunahan ka ng galit."
"Pero pano??"
"Nung araw na mabaril ni Diosdado si Katelyn isinugod agad namin sya sa pinaka malapit na hospital at sa awa ng Diyos nakaligtas sya kaya hindi patay ang kapatid mo. Pinalabas lang namin na patay na sya para hindi na sya guluhin pa ni Amanda dahil ayaw konang madamay sya sa gulo naming dalawa."
"Talaga??? Asan ang kapatid ko? Gusto ko syang makita."
Naging masaya ang kaninang malungkot at Galit na mukha ni Kevin.
Dinaanan muna namin si Monica para magpasama ako na samahan namin SI KEVIN para makita nya ang kapatid nya.
"Be bakit mopa sinama ang lalaking yan? Baka mamaya kung ano ang gawin nyan satin."
"Monica ka nagbago na si Kevin at wag ka masyado maingay dahil baka marinig ka nya." Mahinang sagot ko.
"Wag ka mag-alala Monica hindi na ako ang dating Kevin nagbago nako at dahil yon kay Scarlet."
Natahimik nalang kami Pareho ni Monica dahil sa sinabi nya.
# CHAPTER 65
KATELYN'S POV
Akala ko katapusan kona pero hindi pa pala dahil nabigyan pa ulit ako ng isa pang pagkakataon para magpatuloy sa buhay.
.................... FLASHBACK......................
"Ate Scarlet????"
Hinawakan ko agad ang mukha ko at tiningnan ang mga tao sa paligid ko.
"Asan ako??"
Takang tanong ko.
"Nandito ka sa Hospital dahil sinugod ka agad namin and luckily nakaligtas ka." Masaya ngunit naluluhang sagot ni Ate Scarlet.
"H-hindi pako patay??"
"Oo. Kaya sobrang saya ko akala kodin talaga kukunin kana Sakin."
Naalala ko na sinalo ko ang balang sana para kay Ate Scarlet pero hindi ako nagdalawang isip na gawin yon dahil hindi pa sya pwedeng mawala maraming malulungkot kapag nawala sya at kailangan nya pang matapos ang misyon nya.
"Ate si Daddy?? Asan po sya? Kamusta sya??"
Hindi agad nakasagot sakin si Ate Scarlet pero kinutuban agad ako ng masama.
"Ate???? Anong nangyari sa kanya????" Napaiyak ako dahil mukhang tama ang kutob ko.
"Sorry katelyn, Pero wala na ang Daddy mo."
Napahagulgol ako sa sinabi sakin ni Ate Scarlet wala na si Daddy kahit hindi naging maganda ang mga memories na meron kami mahal na mahal kopa din sya.
Niyakap ako ni Ate SCARLET at marahang hinimas ang likod ko.
"Sorry katelyn. Pero ganon pa man nandito ako kami ng Pamilya ko hindi ka namin pababa yaan."
"Wala na nga si kuya, Pati si Daddy wala na si Mommy nakakulong wala ng natira sakin siguro karma nadin to dahil sa kasamaan ng Pamilya ko."
Minsan gusto ko itanong sa Panginoon na ito ba ang kabayaran sa lahat ng sobra sobrang biyayang tinatamasa namin dati.
"Nandito ako, Kami ang magiging bagong Pamilya mo kaya naman magsisimula ulit tayo ng bagog buhay at bubuo ng madaming masasayang memories."
"Pwede koba makita kahit saglit si Daddy kahit pa hindi nya masasagot lahat ng hinaing ko?"
"Sige pero sa ngayon magpahinga ka muna kailangan mopa magipon ng lakas."
Napapikit nalang ako sa nangyayari sa Pamilya namin.
Meron pabang imamalas to???
Meron pabang susunod???
.......
Isa isa nang nagpaalam ang mga tao sa loob ang Tita Violet nya, si Monica at si Sir Arthur kaya naman sa kabila ng pighati ko ay may saya padin sa puso ko dahil sobra kong ramdam ang malasakit nila.
Nagpaiwan naman si Ate Scarlet dahil gusto pa nya daw ako bantayan.
"Ate Scarlet pwede muna ako iwan dito kaya ko naman na mag-isa."
"Hindi na Katelyn mas mapapanatag ako kung nandito ako."
"Kamusta si Kuya Gray?? Sorry pala sa ginawa ni Daddy sa kanya."
"Mabuti na ang kalagayan nya kaya wala kanang dapat ipag-alala at wag mo nadin sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan nagpapasalamat ng ako sayo kasi tinulungan mo kami na mahanap si Gray bago pa nahuli ang Lahat."
"Akala ko talaga katapusan kona pero eto ako buhay na buhay."
"Sobra mo akong pinag-alala nung dalhin ka nila dito nasa critical condition ka daw pero matapang ka at lumaban ka talaga hindi agad ako nakapunta dahil kailangan din ako ni Gray pero pinabantayan naman kita kay Monica."
"Ayos lang ate. Pero totoo ba talaga ikaw at si Vince na anak ni Ate Eloisa ay iisa???"
Saglit syang natahimik sa tanong ko at bumuntong hininga muna bago sumagot.
"Oo ako si Vince."
"Pero hindi ko padin lubos na maisip na dati kang lalaki ate dahil hindi na mababakas sa pagkatao mo ang dating ikaw."
"Nagbago ako dahil ayon ang gusto at dahil sa pagbabagong mas nakilala ko ang pagkatao ko."
"Ngayon naiintindihan kona kung bakit gusto mo sirain ang Pamilya namin dahil gusto mo gumanti sa pagpatay nila sa Mama mo."
"Hindi ko gusto ang sirain ang Pamilya tanging hangad kolang ay makuha ang hustisyang pinagkait nila. Pero sadyang napakasama nila hindi sapat ang batas para sa kabayaran sa lahat ng kasalanan nila."
Tama si Ate simula nung bata ako madalas nakong kagalitan nila Mommy dahil nga sa mas paborito nila si Kuya dahil daw mahina lang ako, Kaya naman tanging mga kasambahay lang madalas kong kasama.
Si Manang Cecil sya ang pinaka matagal kong nakasama sya ang nag-alaga sakin at parang mag-ina na ang turingan namin at hanggang dumating na si Ate Eloisa.
"May isa lang akong hiling sayo Katelyn."
"Ano yon ate? Kahit ano."
"Ayoko nang madamay ka sa gulo namin ng mommy mo at gusto maranasan mo ang mamuhay ng simple at maayos Kaya naman gusto ko na palabasin na wala kana na namatay ka sa pagbril sa yo ng daddy mo."
Medyo naguluhan pako sa sinabi ni Ate SCARLET at hindi ko alam kung papayag ba ako sa sinabi nya.
"Kaya lang ate hindi ba pagsisinungaling yon?"
"Alam ko pero ito lang ang isang paraan na alam ko para tigilan kana ni Amanda dahil sigurado ako idadamay ka nya sa laban namin lalo pa't wala na si Diosdado kaya please pumayag kana."
Napaka komplikado ng gustong mangyari ni Ate Scarlet pano kapag nalaman ni Mommy ang totoo? Lalo lang syang magagalit.
"Ate tiwala ako sayo kaya naman papayag ako."
................
END OF FLASHBACK
...............
Mag-isa lang ako sa kwarto ngayon dahil nagpaalam muna si Ate Monica na pupuntahan nya daw si Ate Scarlet pero may iniwan naman syang magbabantay sakin sa labas at nag-iwan din sya ng telepono para matawagan ko sya in case of emergency.
/////
Pero ilang oras lang din ang lumipas ay dumating sya kasama si Ate Scarlet.
"ATE SCARLET?"
"Mabuti naman at gising kapa, Meron palang gustong kumausap sayo."
Medyo nagtaka ako kasi wala naman ibang nakakaalam kung nasan ako at kung Anong kalagayan ko ngayon kaya sino naman ang bibisita sakin?
Hindi ako nagsalita sa sinabi nya at nakangiting niyaya papasok ang kasama nya at nang makita ko kung sino yon ay sobra sobrang saya ang naramdaman ko. Lumapit agad sakin si Kuya at niyakap ako ng mahigpit at ganon din ako sa kanya.
"Katelyn sorry kung iniwan ka ni kuya ha?? Pangako hindi kona gagawin yon ulit babantayan at poprotektahan na kita at hindi kona hahayaan pang may makapanakit sayo."
Naiyak na naman ako dahil sa pakiramdam ko may poprotekta na sakin at hindi nako mag-iisa pa dahil kasama kona ulit si kuya.
"Kuya wag kanang aalis ha? Wag mona ako iiwan??"
"Oo pangako."
"Pano maiwan ko muna kayong dalawa ha? Para makapag-usap kayo."
"Ate Scarlet salamat at dinala mo dito si kuya."
Napangiti lang sya sakin at lumabas nadin pagkatapos kaya naman dalawa nalang kami ni kuya ang natira.
"Kamusta kana? Wala nabang masakit pa sayo?"
"Wala na kuya maayos naman nila akong inaalalagaan dito."
"Mabuti naman. Kasalanan lahat ni Daddy sya ang dahilan kunG bakit ka nandito, Napakasama nya "
"Kuya wala na si Daddy kaya please patawadin mo na sya oo hindi sya naging mabuting ama satin pero sya padin ang daddy natin ."
Hindi sya umimik sa sinabi ko kaya niyakap kopa sya ng mas mahigpit dahil ayoko nang mawala si kuya sa tabi ko natatakot ako na baka iwan na naman nya ulit ako mag-isa.
"Kuya ang sabi pala ni Ate Scarlet bukod satin wala dapat ibang makaalam tungkol sa kalagayan ko."
Tumango lang sya sa sinabi ko hindi nadin ako nahirapan pang magpaliwanag kay Kuya dahil naiintindihan nya din ang sitwasyon.
SCARLET'S POV
"Oh ano? Kamusta ang pagkikita ng magkapatid."
"Ayon medyo emotional kaya lumabas nadin ako dahil ayokong umeksena sa moment nilang dalawa."
"Mahal na mahal mo talaga si Katelyn no?"
"Oo, Dahil para ko na syang nakababatang kapatid naging mabuti sya sakin at mama ko nung nabubuhay pato alam ko na ginawa ang lahat para tulungan ang mama ko at hindi nya deserve ang ganito kaya as much as i can hindi ko hahayaang maranasan nya ang naranasan ko."
"Eh si Kevin pano?"
Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nya.
"Bakit? Anong meron kay Kevin."
"Scarlet alam mong mahal na mahal ka ni Kevin at habang nakikita ka nya lalong lumalalim yon. Kahit hindi nya sabihin sayo o samin eh kita sa mga mata nya kung gano ka nya kamahal."
Napabuntong hininga muna ako bago sumagot.
"Naging kami ni Kevin dahil plano ko yon para makapasok sa Pamilya niya at hanggang don nalang yon si Gray ang mahal ko at hindi na mababago yon."
Masaya ako dahil nagbago na si Kevin at sa kabila ng nangyari samin ay mahal nya padin ako pero hanggang dun nalang ang meron kami dahil isa lang ang mahal ko at si Gray yon.
Hinawakan ni Monica ang kamay ko at nakangiting tumitig sakin.
"Matagal na tayong magkaibigan Scarlet at alam ko kung gano mo kagustong magkaroon ng masayang Pamilya kaya naman hiling ko na sana matapos nato para naman maging masaya kana at hindi mona iisipan pa na may taong gustong sumira sayo."
"Sana nga Monica dahil sa totoo lang? Napapagod nadin ako kung hindi dahil sa inyo baka sumuko nadin ako. Paulit ulit nalang ang kaganapan pakiramdam ko mas ginugol ko ang buhay ko sa pagkamit ng hustisyang hinahanap ko."
Naging mahaba din ang pag-uusap namin ni Monica at naibahagi ko din naman sa kanya ang ibang saloobin ko mabuti nalang at may kaibigan ako na laging nandyan at mapag-sasabihan ko. Mayamaya pa ay lumabas nadin si Kevin.
"Nakapag-usap naba kayo ni Katelyn?"
"Oo. Pinagpahinga ko nadin sya para naman makabawi sya ng lakas."
"Excuse lang ha? Scarlet may kukunin lang ako sa sasakyan."
Umalis si Monica kaya naman kami nalang dalawa ni Kevin ang naiwan.
"Salamat pala sa lahat ng tulong mo sa kapatid ko at kahit wala ako binantayan mopa din sya."
"Para konang kapatid si katelyn at kasalanan kodin naman kung bakit nangyari yon sa kanya."
"Wala kang kasalanan sila Daddy ang may kasalanan dahil kung hindi sila naging sakim hindi sana aabot sa ganito."
Kita ko sa mga mata ni Gray ang galit para sa magulang nya.
"Kevin sana wag na dumating sa time na bumalik ka sa dati dahil sa galit mo at sana wag mona din Ipakita pa kay Katelyn."
Hinawakan ni Kevin ang kamay ko at tumitig sakin hindi ako makatingin sa kanya ng diretso kaya yumuko nalang ako.
"Pangako hindi na ako babalik sa dating Kevin na kilala mo, Sinabi ko naman sayo dati na simula ng dumating ka binago mona at patuloy akong magbabago para sayo."
"Kevin? Ang gusto kolang kalimutan mona ang mga maling tinuro sayo nila Diosdado pero dapat gawin mopa din ang isang bagay nadon ka sasaya."
Niyakap ako ni Kevin ng mahigpit at hindi ako agad nakakilos dahil don parang na kuryente kasi bigla ang buong katawan ko dahil sa ginawa nya Pero saglit lang ang yakap nayon at sunod na ginawa nya ay hinalikan nya ako sa noo. Sinandal nya ako sa pader at yumuko sa balikat ko.
"Sa totoo lang hindi ko alam kung pano kita makakalimutan iniisip kopa lang parang hindi ko kaya. Iba ka Scarlet, iba sa lahat ng mga babaeng nakilala ko."
Umiiyak ba si Kevin???? Gusto ko syang alisin sa pagkakayulo pero may parte sa utak ko nagsasabing hayaan kolang sya.
"Kevin???"
"Alam kong mali to dahil may iba kang mahal at kahit kailan hindi na magiging tayo pa dahil ang meron tayo noon ay parte ng plano mo."
Kumalas din naman agad si Kevin at bumalik na sa loob at naiwan akong naguguluhan.
Dapat normal lang sakin ang nararamdaman ko pero bakit ganito?
Hindi ko maipaliwanag.
# CHAPTER 66
SCARLET'S POV
"Scarlet bat parang malalim ata ang iniisip mo may problema ba? May sinabi ba sayo si Kevin??"
"Wala naman, Iniisip kolang na kelan kaya matatapos ang gulong to? Ang dami mg nadadamay."
Ayoko ipaalam kay Monica ang tungkol sa naganap samin ni Kevin dahil ayokong isipin nya na baka merong namamagitan samin. Pero wala akong ibang pwedeng pagsabihan.
"Matatapos din lahat to tiwala lang."
"Monica Kung magmamahal kaba ng dalawang tao sinong pipiliin mo? Yung matagal mong nakasama o yung taong dating hindi mo nakakasama madalas pero iba yung pakiramdam mo pagnandyan sya?"
"Ang tinutukoy mo ay si kevin at Gray kung ako ang tatanungin? Mas pipiliin ko si Gray dahil mas nakilala at nakasama ko sya ng matagal sya ang laging nandyan kapag kailangan ko ng kasama sya tumulong sakin kapag hindi kona kaya at higit sa lahat tanggap nya ako kung ano man ako. Pero syempre hindi porket hindi ko nakasama ng matagal si Kevin hindi kona sya pwedeng piliin kasi in the first place kung talagang mahal kona si Gray? Hindi na ako magdadalawang isip pa." Mahabang paliwanag nya.
"Hindi naman silang dalawa ang tinutukoy ko."
"Magkaibigan tayo Scarlet kaya hindi ka dapat mahiyang magsabi sakin. Napapansin ko sa twing nagkikita kayo ni kevin nag-iiba ang mga kilos mo parang aligaga ka na ewan alam ko nung si Vince ka palang may gusto kana kay Kevin doon sa event dati sa barangay natin pero syempre sinarili molang yon dahil hindi naman kayo magkakilala personally at hindi kayo nagkikita."
"Naguguluhan nako sabi ko sa sarili ko si Gray na pero bakit??"
"Sa tingin ko minahal mo si Gray dahil sya ang lagi mong kasama at tinanggap ka nya pero ang totoong pag-ibig? Walang explanations kung bakit at pano mo minahal ang isang tao."
Haysss hindi panga tapos ang problema ko sa mga Samonte eto na naman ang panibago at mukhang mas komplikado pa.
/////
Pagdating namin sa bahay nila Tita ay naabutan namin don si Manang Cecil.
"Manang Cecil??"
Lumapit sakin si Manang habang umiiyak at niyakap ako ng mahigpit.
"Sorry anak, Kasalanan ko kung bakit nangyari to kay Katelyn."
Humarap sakin si Manang nang maayos at pinunasan ang mga luha nya.
"Bakit nyo po sinisisi ang sarili nyo?"
"Dahil naging duwag ako natakot ako sa kung anong kayang gawin sakin at sa Pamilya ko ng mga Samonte pero maniwala ka hindi ko gustong umalis."
"Wala po kayong kasalanan inuna nyo lang po ang kapakanan ng buong Pamilya nyo at walang ibang may kasalanan nito kundi si Diosdado lang."
"Pero kung umpisa palang naging matapang nako at isiniwalat ang lahat ng kasamaan nila sana hindi umabot sa ganito sana hindi namatay ang alaga ko."
Bata palang si katelyn ay si Manang Cecil na ang nag-alaga dito kaya naman alam kodin na sobra syang nasasaktan sa nalaman nya.
Inalalayan ko si Manang paupo dahil medyo hinahapo na sya sa sobrang kakaiyak.
"Monica pakuha naman ng tubig." Pag-utos ko sa kanya.
"Manang Cecil kalma lang po muna kayo ha? Baka kung mapano po kayo."
"Scarlet sabihin mo sakin kung anong pwede kong gawin para makatulong. Dahil sa ginawa nila sa alaga ko hindi nako natatakot matanda nako at hindi na ako natatakot mamatay."
"Sige po Manang pero sa ngayon magpahinga muna kayo."
Hindi kona pinauwe si Manang dahil gabi nadin at delekada sa labas kung uuwe pa sya mag-isa na sabi ko din sa kanya na wala na si Diosdado na ikinagulat nya din.
(KINABUKASAN)
"Scarlet sorry ha? Napag-utusan lang ako."
Lumapit sakin si Monica at bigla akong piniringan ng panyo sa mata.
"Monica anong ginagawa mo? Bakit may ganito."
"Basta sigurado ako na matutuwa ka."
Hindi nako nakaangal at inalalayan nako pababa ni Monica dahil nakapiring nga ako.
Iniisip ko parin kung anong meron dahil hindi kopa naman birthday para surprisahin ako ng ganito.
Nang huminto kami ni Monica ay inalis na nya ang takip sa mata ko at nakita ko ang madaming mga bulaklak at mga lobo sa paligid. Kumpleto din ang mga taong importante sa buhay ko pati si Kevin at katelyn ay nandon din at maya maya pa ay lumapit na sakin si Gray na nakangiti at ayos na ayos.
"Gray anong ibig sabihin nito???"
"Scarlet? Mahal na mahal kita kahit nung si Vince kapa at alam kong mahal modin ako Sa kabila ng mga pangit na kaganapan sa buhay mo ay gusto kong gumawa ng isang masayang pangyayari na hindi mo makakalimutan. Kaya ngayon sa harap ng Papa mo, Tita Violet mo at ilan sa mga kaibigan gusto kong hingin ang kamay mo at ang OO mo upang maging kabiyak ko......... Scarlet will you marry me?"
Lumuhod sa harap ko si Gray at kinuha at may kinuha sa bulsa nya. Isang napakagandang singsing ang nasa loob ng maliit na kahon.
Ang mga ganitong eksena ay sa mga teleserye kolang napapanood dati pangarap to ng lahat ng babae lalo na ng mga katulad ko na ikasal sa tamang tao.
Tiningnan ko sila Papa at lahat sila nakangiti at inaantay nalang ang magiging sagot ko.
......................
FLASHBACK
....................
"Ma? Pano nyo nalaman na si Papa na talaga ang para sa inyo?"
Napalingon sakin si Mama habang
nagsasampay
ng mga
nilabhan
nya.
"At bakit mo naman biglang natanong yan? Siguro may crush kana noh. Nako Vince, Ikaw ha masyado kapang bata para sa ganyan."
"Hala Ma hindi ah tinanong kolang kasi ang sweet nyo po eh."
"Ang Papa mo kasi masipag sya at madiskarte at higit sa lahat mahal namin ang isa't isa at nakikita kona ang sarili ko na kasama sya na
bubuo
ng isang Pamilya."
"Wow naman po."
"Kaya ikaw? Bago mo ibigay ang matamis mong OO sa isang tao siguraduhin mo muna na sya na talaga ang
sinisigaw
ng puso mo."
"Pero Ma pano ko malalaman yon?"
"Hindi mo malalaman yon, Mararamdaman mo nalang at hindi mo
maipapaliwanag
kung bakit sya."
..............
END OF FLASHBACK
...............
.
.
"Gray sorry."
Hindi ko alam kung pano ko sasabihin pero buo na ang desisyon ko at hindi ko pwedeng baguhin o pigilan kung ano ang nasa puso ko.
Tumayo si Gray at tila naguguluhan sa naging sagot maging sila Papa ay naguluhan din.
"Bakit SCARLET? May problema ba? May ginawa ba ako? Ano? Sabihin mo. Kung hindi kapa ready ayos lang handa akong maghintay"
"Ayokong saktan ka, Pero ayoko ding lokohin ka. Sorry Gray."
Wala akong mukhang maihaharap sa kanila kaya imbes na kausapin silang lahat ay tumakbo nalang ako palayo.
Tumakbo ako ng tumakbo habang umiiyak pero hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Nang Medyo malayo na ang natakbo ko ay may bangga ako na isang lalaki kaya muntik nakong madapa mabuti nalang at nasalo nya ako.
"Bakit kasi tumatakbo ka ng mag-isa ano bang nasa isip mo?"
Napatayo agad ako ng marinig ang Pamilyar na boses ng lalaki.
"ke-kevin?? Anong ginagawa mo dito??"
"Diba obvious? Syempre sinundan kita nag-alala kasi ako sayo pagkatapos ng nangyari kanina. Bakit ba kasi tumakbo ka? Bakit hindi ka nag OO sa alok na kasal ni Gray? Akala koba Mahal mo sya."
"Ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa bagay nayan."
"San mo balak pumunta ngayon?"
"Kahit saan basta yung malayo muna sa kanila."
"Kung gusto mo sumama ka muna sakin may alam ako na lugar kung saan malayo sa kanila."
Biglang hinawakan ni Kevin ang kamay ko at walang sabi-sabing hinila ako.
Hindi na kami sumakay dahil ang sabi nya ay malapit lang daw pero masakit na ang paa ko dahil ilang minuto din ako nagtatakbo habang nakasuot ng may takong.
Napansin nya siguro na medyo mabagal na ako maglakad kaya naman bigla nya ako binuhat.
"Kevin ibaba mona ako kaya ko naman maglakad."
"Hindi na. Alam kong masakit na ang paa mo kaya bubuhatin nalang kita."
"Ibaba mo nalang ako baka mamaya kung ano pang sabihin ng mga nakakakita."
"Ano naman? Edi sasabihin ko sa kanila na mag asawa tayo."
Hindi nalang ako umimik sa sinabi nya at hinayaan ako na buhatin hanggang sa makarating kami sa lugar na sinasabi nya.
"Kaninong bahay to?"
Ibinaba nya ako at pinagmasdan ko ang bahay na pinagdalhan nya sakin.
"Bakit ayaw moba? Pasensya kana ha? Hindi katulad to ng bahay nyo. Dito ako tumira nung mga panahong lumayo ako sayo."
Totoo nga ang sabi nila ang pag-ibig ay mapagparaya dahil mas pinili ni Kevin ang lumayo para makalimot.
"Pumasok na tayo magdidilim nadin."
Tumango nalang ako at sumunod sa kanya. Pagpasok ko sa loob ay wala masyadong gamit may lamesa at dalawang pirasong upuan din.
Ang hirap maniwala na kinaya ni kevin na magsakrispisyo na tumiro sa ganitong lugar kahit na laki sya sa karangyaan.
Naupo kami pareho at ilang minutong hindi nagsalita dahil hindi kodin naman alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Pwede mona ikwento sakin kung bakit umayaw ka sa alok ni Gray."
Pano koba uumpisahan? Hindi kodin maintindihan ang sarili ko kung bakit kodin nagawa yon.
"Kung naguguluhan ka ayos lang naman na hindi ka magkwento. Pero kung gusto mo malayo sa kanila pwede ka mag stay dito."
"Matagal kaming magkakilala ni Gray kaya hindi kodin naiwasan na mahulog sa kanya at inamin ko yon sa kanya pero! Nung nagkita ulit tayo? Hindi ang buhay mo ang nagulo ko kundi ang puso at isip ko ang ginulo mo! Akala kodin si Gray na pero hindi pala nagsinungaling ako sa kanya na mahal kosya kahit ang totoo ay naguguluhan nako. Pero mas nangingibabaw ang hustisya para sa Pamilya ko kaya pinigilan ko ang nararamdaman ko at ginawa ko kung ano ang dapat."
"Naguguluhan ako sayo ngayon. Sabi mo sakin sya ang mahal mo."
"Kahit ako naguguluhan nadin sa sarili ko dahil dapat si Gray ang mahal ko!!! Pero nagulo ang lahat ng magpakita ka ulit!!"
"Bakit ako? Wala naman akong ginawa"
"Gusto mo talaga malaman??? Kasi ikaw ang mahal ko!!!"
"Anong sabi mo???"
Hindi ko sya inimik at tumalikod ako sa kanya.
Pero hinila nya ulit ako paharap sa kanya.
"Totoo ba? Ako ang mahal mo??" Nakangiting sabi nya.
"Hindi kona kailangan ulitin pa."mataray kong sagot sa kanya.
"Sabi kona nga ba eh!!"
Niyakap nya ako ng mahigpit at sa sobrang tuwa nya ay hinalikan nya pa ako pero smock lang naman.
Madami kaming pinagsamahan ni Gray pero nagawa koyong kalimutan ng dahil kay kevin binura ng halik ni kevin ang lahat ng meron kami ni Gray.
Pero ganon paman masaya ako sa naging desisyon ko at alam ko ganon din si Mama dahil sinunod kolang kung anong nasa puso ko.
GRAY'S POV
Hindi ko alam kung anong Mararamdaman ko sa naging reaksyon ni Scarlet parang halo Halong emosyon ang nararamdaman ko Ngayon.
"Gray sorry sa ginawa ng anak ko don't worry i'll talk to her."
"Okay lang po tito baka medyo naguguluhan lang si Scarlet ngayon."
Ngayon kolang nakita ng ganon si Scarlet parang may pumipigil sa kanya ngayon. Dati naman ramdam ko na mahal nya ako at alam ko na gusto nya din na ikasal kaming dalawa at makabuo ng masayang Pamilya pero anong nangyari ngayon?
Wala naman akong maalala na ginawa sa kanya okay pa naman kaming dalawa pero bakit?????
"Gray wag ka sana magagalit sa ginawa ng kaibigan ko siguro nabiglan lang sya at kailangan nya pa muna mag-isip."
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Monica siguro nga masyado kolang nabigla si Scarlet at hindi pa sya ready para sa ganito dahil nasabi nya sakin dati na tatapusin nya pa ang laban nya sa mga Samonte.
SCARLET'S POV
Nagising nalang ako dahil may mabigat na kamay na nakapatong sakin pagdilat ko ay si Kevin lang pala na nakayakap sakin habang natutulog. Inalis ko agad ang kamay nya dahil hindi ako sanay sa ganong sitwasyon at nagising naman sya sa ginawa ko.
"Good morning Scarlet."
Nakangiti nyang bati sakin at ngiti lang din ang ginanti ko.
"Uuwe nako samin baka hinahanap nako ni Papa."
"Ha???"
Bumangon ako pero hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap ako nang mahigpit.
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng sabihin mo sakin na mahal moko. Salamat kasi ako ang pinili mo."
"Kevin."
"Please dito ka muna, Hayaan mo muna na makasama kita."
Sa lahat ng pinagdaanan ko para dito sa sitwasyon lang ako naging marupok totoo nag sabi nila na kahit anong talino o galing ng isang tao pagdating sa pag-ibig nagiging bobo.
Humiga ulit ako sa tabi ni kevin at this time ay magkaharap kami at sobrang lapit ng mukha sa isa't isa.
"Mahal kita Scarlet."
Hindi ako umimik sa sinabi nya.
"Wala man lang sagot?"
Tanong nya ulit sakin.
"Kevin alam mo naman ang tungkol sa pagkatao ko diba? Alam mong isa akong transwoman kung hindi kaya ako naging si Scarlet mamahalin mo kaya ako?"
Natahimik sya saglit pero napangiti din agad pag tapos.
"Kung hindi ka naging si Scarlet edi hindi kita makikilala hindi magtatagpo ang mga landas natin."
"Kevin alam moba na ako si Vince Andrada? Na anak ni Eloisa at Arthur Andrada?? "
Napayuko naman sya at hindi umimik sa sinabi ko.
"Ipapamukha mona naman ba sakin na pinatay ng parents ko ang nanay mo? Ipapamukha moba uli sakin na nasa dugo ko ang pagiging isang Samonte. Pinilit kong magbago para sayo dahil mahal kita at gusto ko matanggap moko at ng mga taong importante sayo."
"Natatakot lang kasi ako na baka mali ang naging desisyon ko na baka magsisi lang ako sa huli."
"Marami akong na gawang mali at pinagsisihan ko lahat yon pero sa dami ng mali sa buhay ko ikaw lang tama."
Habang nag-uusap kami ng masinsinan ni Kevin ay may narinig kaming boses kaya naman agad akong lumabas para tingnan kung sino.
"Tita Violet???"
"So tell me Scarlet? What's the meaning of this? Bakit magkasama kayo ni kevin? Yan bang lalaki nayan ang dahilan kung bakit ka umayaw sa alok ni Gray???"
"Tita sorry."
Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko.
"I am very disappointed!! Anong pumasok sa utak mo at mas pinili mo ang lalaking yan? Ang lalaking may dugo ng mga Samonte na pumatay sa nanay mo at sumira sa Pamilya mo! Nakalimutan mona ba??"
Hindi ko alam kung paano ako sasagot kay Tita ni harapin nga sya ay hindi ko kaya.
"Bakit di ka makasagot???"
"Excuse lang po."
"Wag kang makialam dito lalaki ka! Oh ano SCARLET hindi ka makapag salita? Asan na lahat ng tinuro ko sayo? Binalewala mo dahil sa lalaking yan? Diba ang Plano aakitin mo si Kevin para makapasok ka sa Pamilya nila pero anong nangyari ngayon nabaliktad tinulungan kita, Binihisan tapos ito lang ang igaganti mo? Sinayang molang lahat ng hirap at sakripisyo natin."
"Tita hindi. Kung ano man yung inumpisahan natin itutuloy ko padin yung mga plano natin? Mangyayari padin yon."
"Pero hindi kasama sa plano natin ang mahulog ka sa lalaking yan. Kelan mopa ako niloloko?? Matagal naba?"
"Maniwala kayo hindi ko gusto na lokohin kayo o kahit na si Gray kaya nga mas pinili ko na maging totoo kesa mag patuloy sa kasinungalingan."
"I never imagined na aabot tayo sa ganto gusto kitang saktan para maalog yang utak mo! Scarlettttttt..... Hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo. "
Tumalikod sakin si Tita at naglakad palayo pero hinabol ko sya at hinawakan sa kamay.
"Tita sorry."
"Hindi mo alam kung gaano ako na disappoint sa ginawa mo pero higit sakin mas nasaktan mo si Gray niloko at pinaasa mo sya. I need some time to think dahil hindi ko alam kung kaya pa kitang kausapin at sana hindi mo pagsisihan sa huli ang ginawa mo."
Tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa kanya at umalis na.
Wala akong nagawa kundi ang maiyak nalang sobrang galit na sakin si Tita at hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako.
# CHAPTER 67
SCARLET'S POV
Iyak lang ako ng iyak ng makaalis si Tita galit talaga sya sa naging desisyon ko.
"Uuwe muna ako samin." Pagpaalam ko kay kevin.
"Sasamahan kita."
"Hindi na Kevin baka lalo lang lumama ang sitwasyon kapag nakita kapa ni Papa."
"Bakit ayaw mona na malaman ng Papa mo ang totoo? Na ako ang Mahal mo. Scarlet kaya naman kita ipagtanggol kasi Mahal kita."
"Kevin hindi mo naiintindihan. Pakiramdam ko sobra ko silang na disappoint sa ginawa ko."
"Na disappoint mo sila? Kaya ngayon nagsisisi kana? At hindi mo kayang panindigan ang desisyon."
Pakiramdam ko nasaktan ko din si Kevin dahil sa mga sinabi ko. Oo ngat nandito ako kasama nya pero parang sinisisi ko naman sya.
"Sorry Kevin."
Yan lang ang salitang lumabas sa bibig ko dahil nilapitan nya ako at siniil ng halik. Halik na hindi ako nagdalawang isip na gumanti ito ang kauna unahang pagkakataon na naghal*kan kami ng parehong may pagmamahal.
"Sige na. Umuwe kana muna kausapin mo ang Papa mo aantayin ko ang pagbabalik mo."
Mahinahong sabi ni Kevin.
Napangiti naman ako sa sinabi nya at sabay yakap sa kanya ng mahigpit at nagpaalam nadin sa kanya.
///
Kahit alam kong galit sakin si Tita ay naglakas loob padin akong pumunta sa bahay para ayusin ang gusot nato dahil ayokong magkaaway kami ni Tita dahil parang nanay kona sya.
"Ma'am Scarlet pasensya napo pero ang bilin po samin ng tita nyo ay wag daw po kayo papasukin."
Galit nga talaga si Tita dahil maging sa bahay niya ayaw nya akong patungtungin.
"Kuya please kailangan kolang sya makausap."
"Pasensya napo talaga hindi po kayo pwede pumasok."
Mukhang hindi nga talaga ako makakapasok sa pakiusapan kaya ang ginawa ko ay tinulak ko si kuya Guard at mabilis na tumakbo papasok pero agad naman nya akong hinabol, Naabutan nya din ako pag-pasok ko sa loob ng bahay ni Tita at pilit nya ako pinapalabas.
"Tita!!!!!!! Tita Violet!!!!!!! Kausapin nyo ko!!!!"
Nilakasan ko ang sigaw ko para marinig nya na nandito ako.
"Ma'am lumabas napo kayo ako ang malilintikan sa ginagawa nyo eh."
Hilahila ako palabas ni kuya pero biglang dumating si tita kaya binitawan nya ako.
"Anong ginawa mo dito???"
"Madam Violet pasensya napo pero nag pumulit po talaga sya pumasok."
"It's okay iwan muna kami." Pinalabas nya muna ang guard sabay lapit Sakin.
"Tita kausapin mo naman ako."
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa dahil hindi kadin naman makikinig sa mga sasabihin ko kaya para san pa? Kung wala kanang sasabihin makakaalis kana."
"Kung kayo po ba ang nasa posisyon ko? Magagawa nyo bang pigilan ang totoong nararamdam nyo?"
"Scarlet anak na ang turing ko sayo at ayoko kolang na masaktan ka. Kaya ako nagagalit sayo kasi sa isang iglap nawala lahat ng mga plano natin."
"Tita hindi. Hindi nawala yon at hindi mawawala. "
"Matatanggap ko na hindi mo kayang mahalin ng buo si Gray pero ang hindi matatanggap ay ang mahalin mo ang lalaking yon. Scarlet ginagamit kalang nya para makuha ang gusto nila na makuha ulit ang kayamanan nila at para ikaw naman bumagsak sa lupa at kapag nangyari yon iiwan ka nya ng walang natira."
Gusto ko maniwala sa sinasabi ni Tita pero iba ang sinasabi ng puso ko.
"Tita nagbago na si Kevin dahil binago sya ng pagmamahal nya sakin."
"At si Gray??? Pano mo sasabihin sa kanya ng hindi sya nasasaktan."
Ano mang gawin ko, Ano mang sabihin ko sigurado ako na magagalit si Gray.
"Sasabihin ko din kay Gray ang totoo kapag okay na at alam kong maiintindihan nya ako."
"Anong sasabihin mo sakin???"
Napalingon agad ako ng marinig ko ang boses ni Gray.
"Maybe this is the Right time to tell him the truth. Maiwan ko muna kayong dalawa."
Pagkatapos sabihin yon ni Tita ay iniwan nya kaming dalawa ni hindi man lang nya ako nilingon.
Pero may isa pakong kailangan harapin.
"Scarlet mabuti at nakauwe kana?? San ka nagpunta kagabi? Pinag-alala moko."
Lumapit sakin si Gray at niyakap ako ng mahigpit na parang walang nangyari.
"Pasensya kana pala kahapon ha? Nabigla kita sa proposal ko akala ko kasi magugustuhan mo pero hindi pala. Pero ayos lang dahil handa naman ako maghintay kahit gano pa katagal."
Ayoko na magsinungaling kay Gray kailangan kona sabihin sa kanya ang totoo.
"Gray unang una gusto ko magpasalamat sayo kasi sa simula palang ng laban ko kasama na kita at lagi mokong tinutulungan at sinusuportahan at higit sa lahat tinanggap moko kahit Hindi ako pinanganak na isang babae. Sa totoo lang hindi ko alam kung pano sasabihin sayo ng hindi ka nasasaktan."
"Naguguluhan ako Scarlet pwede bang diretsuhin mo na ako?"
"Diba sabi ko sayo mahal kita? Pero hindi pala totoong pagmamahal yon dahil nung bumalik si Kevin? Na realize ko na sya ang totoong mahal ko. Alam kong magulo pero ayon ang totoo"
"Binibiro mo lang ba ako??"
Umiling ako sa kanya at nagumpisa nang tumulo ang luha ko.
"T*ng ina Scarlet! Nakakag*go ka! Kung nagbibiro ka wag ganito kasi ngayon palang sinasabi kona sayo na hindi ko matatanggap Ano sa loob ng mahabang panahon pinaasa moko??? Diba sabi mo mahal moko?! Diba sabi mo mag antay lang ako na matapos to tapos magiging masaya tayong dalawa. Kasinungalingan lang ba lahat yon??!!!"
"Hindi ko gustong gawin to sayo Gray pero hindi ko din kayang saktan ka."
"Sinaktan mona ako! Winasak muna ang buong pagkatao ko dahil sa mga sinabi mo!! Ano pabang kulang? Hindi paba sapat na minahal at tinanggap kita? Sabihin mo? Ano??!!! Lahat gagawin ko para lang bumalik ka sakin!!"
"Gray walang kulang sayo, Walang problema. Ako ang may mali kaya kung gusto mong magalit sakin sige saktan moko deserve ko naman."
"Scarlet bakit??!!! Bakit hindi nalang ako?!! Bakit hindi nalang tayo!!!!"
Hindi ako umimik sa sinabi nya dahil kahit ako hindi ko din alam.
"Umalis kana Scarlet ayaw na muna kita makita parang awa mona."
"Pero Gray??"
"Umalis kana sabi!!!!"
Tanga ba ako?
Para ipagpalit si Gray kay Kevin?
Tanga ba ako para iwan ang taong laging nandyan para sa taong kababalik lang?
Tanga ba ako para unahin ang puso kesa sa utak??
Hindi kona alam ang gagawin ko sa mga oras nato lahat sila hindi tanggap ang naging desisyon ko lahat sila nasaktan ko.
"Gray sorry."
"Sorry!!! Sorry lang ang sasabihin mo pagkatapos mo akong lokohin at paasahin!? Sorry lang!!!!! Umalis kana Scarlet gusto ko muna mapag-isa."
"Aalis ako pero kapag handa kana na kausapin ako please tawagan moko."
Hindi sya sumagot sa sinabi ko pero kahit ganon hindi ko naman sya masisisi kung Bakit sya Galit sakin.
Sana lang dumating ang time na maging okay na ang lahat.
/////
Sunod naman akong pumunta sa bahay ni Papa alam ko kahapon sya nag-aalala sakin dahil hindi man lang ako nag update sa kanya pero hindi nadin ako pwede magpaligoy ligoy pa dahil higit kanino si Papa ang dapat unang nakakaalam sa mga nararamdaman ko at handa nadin ako kung magagalit sya sakin.
"Pa??"
Nilapitan agad ako ni papa.
"Scarlet san ka natulog? Tumawag ako sa Tita mo at ang sabi nya wala kadaw don. Tumawag din ako kay Monica pero wala ka pinag-alala mo ako akala ko kung napano kana."
"Sorry Pa. Wag kayo mag-alala maayos naman ako."
"Mabuti naman kung ganon sya nga pala may pagkain dito gusto moba kumain muna?"
Hinawakan ko si Papa sa kamay at huminga ako ng malalim sana lang talaga ay masabi ko sa kanya lahat.
"Pwede ba mag-usap muna tayo?"
"Mukhang seryoso yan ah. Ano bayon?"
"Tungkol sana samin ni Gray."
"Speaking of Gray nakapag-usap naba kayo tungkol sa nangyari kahapon??"
"Opo Pa pero hindi naging maganda ang pag-uusap namin"
"Ha? Bakit naman? Ano ba kasi talagang problema nag-away ba kayo?"
"Walang problema kay Gray pero sakin meron. Matagal kaming nagkasama ni Gray at aaminin nahulog ako sa kanya ag sjnabi kopo yon sa kanya pero nitong mga nakaraang araw lang biglang nag-iba yung nararamdaman ko sa kanya."
"Anong ibig mong sabihin??"
"Pa? Wag ka sana magagalit pero ang totoo nyan si Kevin na ang mahal ko. Si Kevin na anak ni Diosdado at Amanda Samonte."
Katulad ni Gray at Tita Violet ay nagulat din si Papa sa mga sinabi ko.
"Pa galit din ba kayo sakin???" Kabado kong tanong Saglit na natahimik si Papa at humarap sakin.
"Pamilya ni Kevin ang sumira sa Pamilya natin, Pamilya ni Kevin ang pumatay sa Mama mo. Natatakot lang ako na baka ginagamit kalang niya at ayaw lang kita masaktan dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko kung mangyari yon."
Ramdam ko ang labis na pag-aalala ni Papa pero this time kailangan kona talaga manindigan.
"Sorry kung katulad ni Tita na disappoint kodin kayo pero Pa si Kevin po ang mahal ko at katulad ni Katelyn hindi din nya kasalanan ang kamalian ng magulang nila."
"Pero si Gray? Pano sya sigurado ako na masasaktan sya."
"Nakapag usap na kami at galit padin sya pero hindi ako titigil hanggat hindi nya ako mapapatawad."
Lumapit sakin si papa at niyakap ako ng mahigpit.
"Kung ano man ang desisyon mo ay susuportahan kita nandito lang si Papa kapag kailangan mo at kapag may ginawa sayo ang lalaking yon tawagan mo lang ako."
"Pa salamat dahil tinanggap nyo ang desisyon ko kahit mahirap."
"Anak nung akala ko wala kana mas nasaktan ako mas naging mahirap sakin para mabuhay kaya sabi ko bago man lang ako mawala ay makuha ko ang hustisya para sa inyo pero ngayon nandito ka? At kasama ko. Wala na sakin ang mga bagay nayon ang tanging gusto ko nalang ay makasama ka."
Lalo akong naiyak sa mga sinabi ni Papa tunay nga na kahit iwan ka ng iba hinding hindi ang Pamilya mo.
Mahirap din kay papa pero tinanggap nya padin ang desisyon ko at bilang anak hindi ko hahayaan na madissapoint sya sakin.
AMANDA'S POV
Buhay ng Pamilya ko ang kinuha ni Scarlet kaya siguraduhin ko na buhay din ang magiging kabayaran akala nya tapos na ang laban namin pwes nagkakamali sya wala nang mawawala sakin kaya kahit ano gagawin ko at hindi ako natatakot sa magiging resulta non.
"Amanda Samonte may dalaw ka."
Lumapit sakin yung pulis kasunod si Sabrina.
"Sabrina ano na? Kailan moba ako ilalabas dito puro ka nalang pangako but untill now there is no progress."
"Sabi ko naman sayo tita na magantay kalang makakalabas kadin."
"Hanggang kailan? Kundi kopa ginamit ang katawan ko hindi ako makakalabas non pero in the end nandito padin ako sa mabaho at masikip na lugar nato habang ang mga kalaban natin nagpapakasaya."
"Don't worry tita may naisip na ako na bagong plano and this time i promise na mawawala na landas natin si Scarlet but for now habang hindi kaba nakakalabas ako muna ang gagawa non."
Nagkunwari na lang ako na naniniwala sa kanya kahit ang totoo ay hindi. pagbibigyan ko sya sa ilusyon nya na mawala si Scarlet pero kapag nabigo sya? Siya ang uunahin ko na mawala.
# Chapter 68
SCARLET'S POV
Bakit naman makikipag kita si Gray sa ganitong lugar?
Tiningnan ko yung paligid tahimik lang at parang may panganib na nagbabadya. Pero kahit ganon ay pumasok padin ako sa loob, Kinuha ko yung baril sa bag ko at dahan dahan nag lakad papasok.
"Gray?????? Gray????"
Nakailang tawag nako pero wala padin sumasagot.
Mayamaya ay mga lalaking lumabas at nang bilangin ko ay nasa walo sila at may mga hawak na tubo at pamalo.
Mukhang hindi ata si Gray ang nag message sakin isa lamang ata tong patibong.
Pinalibutan nila ako kaya naman hinanda kona ang sarili ko sa posibleng mangyari.
"Si Amanda ba ang nag-utos sa inyo????"
Hindi nila ako sinagot at isa isa na silang sumugod sakin .
Nang lumapit sakin yung dalawang lalaki ay inilagan ko yung mga pag hataw nila sakin, Nang maagaw ko ang isa sa mga tubo na hawak nila ay gumanti din ako.
Nang makahanap ako ng tyempo para makalabas sa kwartong yon ay hindi nako nag-aksaya ng oras.
Nagtago ako sa isang sulok at kinuha yung phone ko para tawagan si Papa kaso di sya sumasagot. Tumayo ako at dahan dahan na naglalakad nang biglang may humawak sa balikat ko at paglingon ko ay isang malakas na sapak ang tumama sakin kaya naman napatumba ako. Gusto ko man bumangon agad kaya lang hindi kona nagawa dahil nahilo nadin ako, Mayamaya pa ay dumating nadin yung ibang lalakin at itinayo nila ako.
"Boss anong gagawin natin dito? Papatayin naba natin?" Tanong nung isa.
"Baka naman pwede paglaruan muna boss mukhang ma*arap eh." Nakangitin suwestyon ng isa.
"Mga G*go ba kayo gusto nyo tayo ang malagot? Sige na itali nyo yan ng maigi at siguraduhing hindi makakawala dahil mayayari tayo."
Pagkatapos non ay hindi kona narinig ang mga sinabi nila dahil nawalan nadin ako ng malay.
KEVIN'S POV
"Monica pwede koba muna iwan sayo ang kapatid ko? May pupuntahan lang ako."
"Sige, Ako na bahala kanya."
"Salamat ha."
"Wag ka magpasalamat sakin, Ginagawa ko naman to dahil kay Scarlet. Kaya sana wag mong sasayangin ang efforts na binigay nya sayo dahil ayaw kona makita na umiiyak ang kaibigan ko."
Tumango lang ako sa kanya at umalis na ako, Hindi pwedeng si Scarlet lang ang lumalaban para samin kailangan may gawin din ako at kailangan ko ipaglaban ang pagmamahalan naming dalawa.
***********
Dumiretso ako sa bahay ng tita ni Scarlet para makiusap na tanggapin ang pagmamahalan namin ni Scarlet.
"Magandang hapon po, Nandyan puba si Ma'am Violet Delgado?"
"Kilala kita ah ikaw yung anak ng mga Samonte diba? Nako bawal po kayo dito."
"Sige na po, Kahit saglit lang."
"Sir dipo talaga pwede"
"Kakausapin kolang po talaga sya."
"Hindi nga pwede sir! Ang kulit nyo naman eh!"
Mukhang nagalit na sakin yung bantay pero wala padin akong pakialam dahil mas importante na makausap ko si Ma'am Violet.
"Ma'am Violet! Lumabas po kayo! Kausapin nyo po ako!"
Sumigaw nako ng malakas para marinig nya at agad naman akong nilapit ng bantay at hinila palayo, Pero nagmatigas ako at nagmadaling pumasok sa ng gate.
Papasok nako sana ako sa bahay nila pero sunod sunod putok ng baril ang narinig ko
"Isang maling hakbang pa Kevin Samonte at hindi ako magdadalawang isip na sa ulo mo naman paputukin to."
Dahan dahang naglakad papunta sakin si Ma'am Violet at tinutok sakin yung baril na hawak nya.
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Nandito po ako para makausap kayo tungkol samin ni Scarlet."
"Masaya kana ba? Masaya kana ba dahil nabilog mo ang utak ng pamangkin ko? Pero isa lang sasabihin ko sayo, Hinding hindi ako papayag na masaktan pa ulit si Scarlet."
"Alam ko po na galing ako sa Pamilya Samonte na masama, na magnanakaw at higit sa lahat ay mamatay tao pero nagbago po ako mula nang makilala ko si Scarlet binago nya ang buong pagkatao ko at malinis ang intensyon ko sa kanya."
"Once a killer always a killer at kahit ano pang sabihin mo wala nang mababago dahil nananalaytay na sa dugo mo ang dugo ng isang SAMONTE."
"Lahat po gagawin ko sabihin nyo lang matanggap nyo lang ang pagmamahal ko kay Scarlet."
"THEN DIE! PARA MAWALA KANA DIN SA BUHAY NI SCARLET!!!"
Nagulat ako ng bigla akong Tutukan ng baril ni Ma'am Violet.
Galit na galit talaga ang Tita ni Scarlet sakin at mukhang hindi pa nya ako matatanggap sa ngayon.
"Kung yan po ang tanging paraan para matanggap nyo ako handa po ako."
Mahal na mahal ko si Scarlet kaya handa ako sa kahit anong bagay.
"Umalis kana!"
"Pero po?"
"Sinabing umalis kana!!!!"
Huminga ako ng malalim at tumalikod sa kanya pero bago ako umalis ay may sinabi sya sakin.
"Lagi akong nakabantay sa mga kilos mo kaya kung may balak ka na masama kay Scarlet wag monang balakin."
Hindi ko naman sila masisi kung wala silang tiwala sakin dahil nga galing ako sa masamang Pamilya. Pero hindi ako susuko hanggat hindi sila nagkakaroon ng tiwala sakin.
SABRINA'S POV
"Madam Sabrina? It's that you? Lalo kang gumanda hindi kita nakilala."
"Wala namang bago Daisy"
"So anong chica? Kamusta na kayo ni Kevin? Engage naba kayo?"
Hindi ko sya sinagot kaya binigyan nya lang ako ng pang asar n ngiti at habang nag-uusap kami ay may isang pamilyar na mukha ang nakita ko.
Gray? Anong ginagawa nya dito?
"Daisy kilala moba yon?"
"Yon ba? Hindi eh. Don't tell me type mo? Pero in all fairness gwapo din si Guy"
"That's not what i mean, lagi ba syang nagpupunta dito?"
"Hindi eh ngayon ko nga lang sya nakita dito."
"Sige na check mo muna iba mong customer may pupuntahan lang ako."
Nilapitan ko agad si Gray at tumabi sa kanya.
"Hi? Mag-isa kalang?"
"Anong kailangan mo sakin?"
"Wala naman, Nakita ko kasi na parang broken hearted ka? Dahil bato kay Scarlet?"
Tumingin sya ng masama sakin at tatayo na sana sya pero pinigilan ko sya.
"W-wait lang. Alam ko kung anong nararamdam mo dahil ilang beses nadin ako sinaktan ni Kevin dahil kay Scarlet."
"Walang kinalaman si Scarlet kung bakit ayaw sayo ni Kevin."
"Pero may kasalanan si Kevin kung bakit ayaw na sayo ni Scarlet?"
Napahinto si Gray saglit sabay tungga sa iniinom nya. Mukhang may problema silang dalawa at magagamit koto laban sa hitad na babaeng yon.
"Aalis nako."
"Bakit hindi tayo gumawa ng deal. Tutulungan kita na makuha si Scarlet pero tutulungan modin ako na makuha si Kevin. Ano payag kaba?"
"At bakit naman ako makikipag tulungan sayo?"
"Bakit hindi? Okay lang naman sakin kung ayaw mo pero mawawala din sayo ang pinakamamahal mo."
Hindi na sya sumagot sakin at bumalik nako sa table ko pero hindi na muna ako umalis at inantay ko sya na malasing dahil magagamit ko si Gray laban sa retokadang babaeng yon.
Ilang minuto pa ang lumipas at nalasing na nga si Gray, Tumayo sya pero natumba sya at agad na pinuntahan ng Waitress . Lumapit naman ako para tulungan din sya.
"Lasing napo ata si Sir?"
"Don't worry ako na bahala kanya, Pero pwede ba na tulungan moko na dalhin sya sa kotse ko?"
"Magkakilala po ba kayo?"
"Diba obvious? Pwede ba wag kana maraming tanong tulungan mo nalang ako."
Tumango yung staff at tinulungan nya ako dalhin si Gray sa sasakyan ko.
Habang nagmamaneho ay tiningnan ko si Gray mukhang na lasing talaga sya.
Bakit ba lahat nalang gusto si Scarlet? Eh hindi naman sya babae?? Isa syang peke at hindi tunay na babae!
Pero hindi ako papayag na makuha nya sakin si Kevin! Dahil akin lang si Kevin! At kahit patay*n ko sya gagawin ko mawala lang sya sa landas namin!
SCARLET'S POV
Nagising nalang ako dahil malakas na pwersa ang humila sa ulo, Tinayo nya ang ulo ko at hinarap sa mga taong nakaupo sa unahan ko.
Hindi ko kilala kung sino sila pero isa lang alam ko mga kalaban sila. Tatlong lalaki ang nakaupo sa harap ko at sa likuran nila ay may mga armadong kalalakihan.
"So ikaw pala ang nagpabagsak sa The Great Diosdado. Hindi ko akalain na isang babae lang pala ang papatay sa kanya."
Nakangiting sabi nung lalaking nasa gitna.
"Sino kayo! Anong kailangan nyo sakin!"
"Ako nga pala si Hernan Sarmiento at itong dalawang nasa gilid ko ay sina Jaime Alvarez at Julio Clemente at kami lang naman ang mga nagpapatakbo sa AGILA."
Narinig kona naman ang tungkol sa AGILA, Pero wala na ang AGILA.
"At anong kinalaman ko sa AGILA!?"
"Matapang ka nga para sa isang babae, Pero tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng tapang mo."
"Ano ba talaga ang kailangan nyo sakin!?"
"Ang SUSI NG AGILA! SAAN MO DINALA ANG SUSI NG AGILA!? ALAM NAMIN NA NA SAYO ANG SUSI KAYA IBIGAY MONA SAMIN KUNG GUSTO MOPANG MAKABALIK NG BUHAY SA PAMILYA MO."
"Wala akong alam sa sinasabi nyo!"
"Asan ang susi ng AGILA!"
Galit na lumapit sakin si Hernan at mariin na pinisil ang mukha ko.
"Wag mong ubusin ang pasensya ko dahil iba ako Magalit."
Lumapit naman si Jaime at inawat si Hernan.
"Baka mapatay mopa ang babaeng yan, Hindi pa natin alam kung nasaan ang susi ng AGILA."
"WALA AKONG ALAM SA SINASABI NYO!"
"Ikulong nyo ang babaeng yan at siguraduhing hindi siya makakatakas."
Tinayo ako ng isang lalaki at dinala sa isang kwarto at itinulak nalang basta basta may mga tali padin ang kamay at paa ko kaya nahihirapan ako kumilos.
Wala na sakin ang SUSI ng AGILA dahil pagkakatanda ko naibigay koyon kay Diosdado nung nabubuhay pasya.
GRAY'S POV
Nagising nalang ako dahil sa tama ng sikat ng araw sa mukha ko at napansin kong wala ako sa kwarto ko, Pagkatingin ko ay may katabi ako at laking gulat ko nang si SABRINA yon. Nagising din naman agad sya dahil napatayo ako.
"Bakit tayo magkasama?"
Agad kong tanong sa kanya habang pilit kong inaalala kung ano ba talaga ang nangyari ang alam kolang ay nalasing ako kagabi tapos hindi kona alam ang sumunod.
"Dimo ba naalala? Sobrang lasing ka kagabi wala kang kasama kaya naisip ko na dalhin nalang kita dito sa bahay ko. Don't worry wala naman akong ginawang masama sayo pero ikaw? May ginawa ka sakin." Nakangiti nyang sabi sakin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi mo talaga maalala dahil lasing ka, Let me tell you about what was happened between the two of us last night."
"Sinungaling ka!"
Kinuha ko agad yung damit ko at agad na sinuot at lumabas nadin ako ng kwarto nya. Alam kona kung anong ibig nyang sabihin pero hindi ako naniniwala sa kanya pakana nya lang to para siraan ako kay Scarlet

