School for Boys: SHE TURNS HE
Dawnvellichor · 25 chapters · 39,190 words
SCHOOL FOR BOYS: SHE TURN HE
11 - 01 - 22
- TEASER -
“SIGURADO ka ba talaga sa gagawin mo, Katty?” hindi magkanda-ugaga si Daisy habang pinapanood akong mag-impake ng mga gamit ko.
“This is the only way to prove to everyone that I am meant to play archery,” pursigido kong sambit, habang patuloy na naglalagay ng mga damit sa maletang nakapatong sa kama ko. Ito lang ang tanging paraan.
“Paano kung biglang bumalik ang kuya mo? Mahuhuli ka!” Tumigil ako sa pagtutupi at nginitian siya, “Kaya nga nandiyan ka para bantayan si Kuya e.” Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko.
“Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo!” Napakamot naman ako sa sentido ko.
“Sige na, Daisy… this is my only chance! This is my dream, ayaw mo bang maabot ko ang pangarap ko?” Huminga siya nang malalim bago ako binigyan ng sumusukong tingin.
“Sige na nga! For the sake of your dream. Pero pag pabalik ng kuya mo, stop na ah?” Agad akong napangiti sa sinabi niya. Hindi niya talaga ako matitiis!
“Yes, I’ll make sure that before he comes back, I’ve already proven myself to everyone.” Tumango lang siya. Nakangiti kong sinara ang maleta ko at sinuot ang university cap ni Kuya Kaith.
“Oh my gosh, you really do look like him…” tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago lumapit sa akin. I flinched when she suddenly poked my chest. She let out a dramatic gasp while pointing at my not-so- obvious chest.
“Gosh! Paano mo naitago ’yang boobs mo?”
“Bandage!” Humarap ako sa salamin at wala sa sariling napangiti nang makita ang imahe ng kuya ko sa sarili. I’m a hella fine dude if I were a man.
“I would totally date you if you were a man,” Daisy said, smiling mischievously.
Napatingin ako sa suot kong relo na pang lalaki at malalim na napa buntong-hininga nang makita ang oras. “Well, it’s time for me to go.” Binuhat ko na ang bag ko at inayos ang suot kong wig sa ilalim ng cap ko.
This is it, Katty!
“You still have a chance to back out. Nasa gate pa lang naman tayo,” sinusubukan ako ni Daisy kung aatras ba ako, pero buo na ang desisyon ko.
“This is a no-going-back decision, Dais.” She stopped the car in front of the main entrance of the school.
“Mag-ingat ka ah.” She gave me a very tight hug before I stepped out of her car. Buhat ko ang aking bag at hila-hila ang aking maleta papasok sa loob ng dormitory ng school. Hindi ko na nilingon pa si Daisy na hinintay pa akong tuluyang makapasok sa loob ng school.
This is it, East High University School for Boys .
Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa mataas na building sa harap ko. The dormitory . Wala sa sarili akong napangiti at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.
“Starting today, you are Keith Denblake, I’m Keith Den—” Natigilan ako nang may lumipad na kung anong puting tela sa mukha ko. My lips parted in utter shock. Naramdaman ko na lang ang dahan-dahang pagdausdos no’n sa mukha ko hanggang sa tuluyang nahulog sa paanan ko.
Kasabay no’n ay tumambad sa harap ko ang mga lalaking nagkakagulo sa hallway. They were playing basketball inside the dorm’s premises. Throwing dirty stuff at each other and flying briefs everywhere. Wait… flying briefs?
Agad akong napatingin sa paanan ko at kinilabutan nang makitang isang brief ang lumipad sa mukha ko kanina!
“You’re dead, Katt—Keith,” bulong ko sa aking sarili. Ginamit ko ang buong lakas ko para lagpasan ang magulong hallway.
“Oh, my gos—I mean, aghhh… that was close, bro,” halos mapatili ako sa gulat nang muntikan na akong tamaan ng bola sa mukha. Muntikan na rin akong mabangga no’ng humahabol sa bola.
“Excuse me, bro,” pasintabi ko sa lalaking mataba na nakaharang sa pinto ng assigned room ko.
“Gusto mo?” Napatigil ako nang inalok niya sa akin ang hawak-hawak na magazine na may mga naka- bikining mga babae. Agad na lumukot ang mukha ko sa nakita.
The hell?
“A-ah, no thanks, bro. Sa’yo na lang, mukhang kailangan na kailangan mo eh.” Nilagpasan ko siya nang hindi tinatapunan ulit ng tingin at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto ko. Napasandal ako sa likod ng pintuan pagkasara ko no’n. Doon na lamang ako nakahinga nang maayos.
“What the hell? That was chaos,” I whispered under my breath.
Pakiramdam ko ay ubos na agad ang enerhiya ko sa mga nakita ko sa labas! Napapikit ako nang maalala ang kadiring brief na dumikit sa mukha ko.
“I just hope na hindi gamit ’yung brie—”
“You’re the new student, right?” Agad akong napatayo nang maayos nang may marinig na boses. When I glanced towards at the owner’s direction, my eyes widened when a man, topless with wet hair and a matching towel around his neck, was standing few meters from me.
“I’m Bryce, your roommate.” Hindi agad ako nakaimik nang maglakad siya papalapit sa harap ko.
Wala sa sarili akong napalunok sa presensya niya. Hindi ko alam ang sumapi sa akin at kusang bumaba ang tingin ko sa nang-aakit niyang mga abs. I can’t believe na may ganito ka-perfect na katawan!
“I-I’m Keith Denblake. Nice meeting you, dude… bro.” Tumutulo na ata ang laway ko sa kakatitig sa matipuno niyang katawan at mala anghel na mukha! Buti na lang at hindi niya pa ’yon napapansin!
“Just so you know, I have rules here. Rule number one, get out of my face,” kasabay nang pagbanggit niya ng mga salitang ’yon ay biglang naglaho ang kaba ko sa presensya niya.
“Huh?” hindi ko alam ang isasagot ko. Malamig lang siyang tumitig sa akin.
“I said, I don’t like stupid roommates. Know your place or you’re dead,” that’s what he said before pushing me away and stepping out of the room.
You’ve got to be kidding me?! Bakit sa dinami-rami ng lalaki rito ay siya pa talaga ang naging roommate ko?!
I just want to prove myself in the field of archery. But I think that would be hard because my roommate is the one and only Bryce Del Vera , the entitled Prince of Archery .
( Inspired by the Movie She’s the Man)
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 1: ARCHERY FOR GIRLS
“KATTY! Katty! Bad news!” I stopped reading my notes when I heard Daisy’s loud voice echoing along the school’s hallway. Sobrang lakas talaga ng boses ng babaeng ’yon! Kahit na sobrang tagal ko na siyang kasama ay hindi pa rin pala ako sanay sa matinis niyang boses. Ang sakit pa rin sa tainga!
“Katty! Katty!” Pinanood ko lang siyang magkanda talisod habang papalapit sa akin.
“Oh!” Napatayo ako sa gulat nang madapa siya sa harapan ng table ko at muntikan pang mauntog ang ulo sa arm chair ko. Napakalampa talaga!
“Ouch…” Dahan-dahan siyang tumayo habang hinimas ang kaniyang parehas na tuhod. Napairap na lang ako bago muling umupo. Ang OA kasi!
“Bakit ba kasi nagmamadali ka? Ano ba’ng bad news ’yan?” hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood siyang hinihingal sa harap ko. Mukha siyang basing sisiw.
Inalis ko kaagad ang ngiting ’yon nang tumingin siya sa akin. “Bad news! Tatanggalin na raw ang Archery for Girls bukas! Narinig ko sa office ng dean!” Agad akong napatayo at hinampas ang binabasang notebook kanina sa arm chair.
“Ano?! Hindi pwede!” Lahat ng classmates namin ay napatingin sa akin dahil sa lakas ng sigaw ko, bakas pa ang pagkagulat sa mga mukha nila.
“Ang ingay niyo naman.” Napatingin ako sa nagsalita at bumungad si Dalia na inirapan lang ako.
Binalewala ko na lang ang sinabi niya at tiningnan si Daisy. Hinila ko siya palapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya. “Sinong nagsabi?! Kailangan ko siyang makausap!”
“S-si Mr. Rivero. Narinig ko ang petition niya na tanggalin na ang Archery for Girls dito sa school dahil mas maganda raw if mag-fofocus na lang daw sila sa Archery for Boys, lalo na na ang goal daw nila ay ang manalo na this year,” she said continuously. Nabitawan ko ang mga kamay niya.
No… this can’t be happening!
“Hindi maaari!” Agad ko siyang hinila palabas ng classroom. Hindi ako papayag na tanggalin nila ang Archery for Girls! Habang naglalakad papunta sa office ni Dean ay mas lalong nadadagdagan ang inis ko sa faculty ng school.
Mabilis ang bawat hakbang ko. Hindi ako napapatigil kahit na nararamdaman kong may nababangga na ako. “S-sandali nga, Katty! Baka pagalitan tayo!” Takot na sambit ni Daisy, pero wala akong pakialam kung mapagalitan kami.
“H-huy! Sandali nga lang!” Sinubukan pa akong pigilan ni Diasy pagtigil namin sa harap ng pinto ng dean, pero desidido na ako. Malakas at mabilis ang naging pagkatok ko. After knocking, I immediately opened the door and stormed inside. Naabutan ko si Mr. Rivero na kausap si Dean San Juan.
“Miss Denblake, ano’ng ginagawa niyo rito? Hindi ba’t oras ng klase?” tanong ng dean sa amin pero nanatili lang kay Mr. Rivero ang tingin ko. Masamang tingin naman ang ipinukol niya sa amin, lalo na sa akin.
“Hindi niyo ho pwedeng tanggalin ang Archery for Girls,” buong tapang kong sambit. Nagkatinginan naman silang dalawa.
“Paano mo naman nalaman ang bagay na iyon?” tanong ni Dean sa akin.
Bahagya kong sinulyapan si Daisy na nasa tabi ko na pala, agad naman siyang umiling, sinasabi na ’wag ko siyang idamay sa kaguluhang pinapasok ko. Huminga muna ako nang malalim bago magsalita, “Narinig ko po ang usapan niyo ni Mr. Rivero kaninang dumaan ako rito sa office niyo, at hindi po ako papayag na tanggalin niyo ang Archery for Girls!” Seryoso namang umiling si Dean.
“Miss Denblake, hindi ba’t ikaw ang mas lalong nakakaalam na halos limang taon na tayong hindi nananalo sa archery dahil sa East High University? With that reason, balak naming ibigay lahat ng atensyon at suporta ng school sa Archery for Boys para naman makatungtong man lang tayo sa finals,” Mr. Rivero said, with his serious tone.
Mabilis akong umiling, “Eh bakit kailangan niyo pa pong tanggalin ang Archery for Girls?”
“Dahil plano naming ibigay ang lahat ng pondo ng school sa Archery for Boys, easy as that. Isa pa, iilan lang din naman ang pumasok sa Archery for Girls this year. Halos wala ngang interesado sa Archery for Girls eh,” patuloy na paliwanag ni Mr. Rivero.
“Pero kaya naman po naming makipagsabayan sa boys! At sinisigurado ko po sa inyo na kaya kong matalo ang Prince of Archery ng East High ngayong taon! Bigyan niyo lang po ako ng pagkakataong lumaban sa Archery Match this year,” seryoso kong sambit. Bumakas ang gulat sa mukha nilang dalawa.
“Katty… tara na,” rinig kong bulong ni Daisy sa likuran ko, pero hindi ako kumibo at nanatili lang ang seryosong tingin sa dalawang lalaking nakatitig lang din sa akin.
Seconds passed and my lips parted when Mr. Rivero and Dean San Juan suddenly laughed. Sobrang lakas ng tawa nilang dalawa at kulang na lang ata ay mahulog sila sa kaniya-kaniya nilang upuan. Bakit? May nakakatawa ba sa sinabi ko?
“Iha, wala pang babae ang sumali sa Archery Match at hindi ’yon mangyayari kailanman, Miss Denblake. Nananaginip ka ata!” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mr. Rivero. Nang iinsulto ba ang matandang ’to? Napairap ako nang muli siyang tumawa.
“At isa pa, tatalunin mo ang Prince of Archery? Malabo ’yan! Sobrang labo!” nakapanliliit na sambit pa niya na agad namang sinang-ayunan ni Dean San Juan.
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula sa kanila “Bakit naman hindi? Kayang talunin ng babae tulad ko ang tinatawag niyong Prince of Archery, pero hindi niyo lang kami binibigyan ng chance na sumali sa Archery Match!” nagpipigil ng inis kong sambit. Napatigil naman sila sa pagtawa at seryosong tumingin sa akin.
“Katty, tara na kasi,” sinimulan na akong hilain ni Daisy pero hindi ako nagpahila. Napaka-unfair lang ng gusto nilang mangyari! Paano naman kaming may maibubuga talaga sa sport na ’to?! Kahit noon pa man ay never nila kaming binigyan ng pagkakataon na ipakita ang kaya namin. The hell with that!
Taas-kilay kong binalingan ng tingin ang dean nang nagpakawala siya ng tikhim. “Miss Denblake, napag- usapan na ito ng board of directors ng university, kaya wala na tayong magagawa pa. Pumasok na kayo sa klase niyo,” Dean San Juan said.
I felt my hands form into fists. “Bakit ba hindi kayo naniniwala na kaya ng mga babaeng manalo sa Archery Match?!”
Tumayo si Mr. Rivero at dahan-dahang naglakad papalapit sa kinatatayuan ko. “Dahil kailan man ay hindi kayang talunin ng isang mahinang babaeng katulad mo ang isang malakas na lalaki pagdating sa larangan ng archery.” I was left dumbfounded after what I’ve heard. I just heard Mr. Rivero slam the door behind me.
“Sabi ko sa’yo, Katty e, bad news ’to. Wala na tayong magagawa,” Daisy said and pulled me to leave the Dean’s office. Narinig ko pa siyang nagpaalam sa dean pero hindi na ako kumibo. Wala ako sa tamang pag- iisip hanggang sa matapos ang klase. Hindi matanggap ng sikmura ko ang mga narinig ko, lalo na ang mga salitang lumabas sa bibig ni Mr. Rivero. How dare he?!
Kaya naman pagkatapos ng klase ay agad akong dumiretso sa Archery Gym. Hindi ako papayag na gano’n-gano’n na lang nilang aalisin ang Archery for Girls. Nagpakawala ako nang malalim na buntong- hininga nang maabutan ko ang mga kasamahan kong parang pinagbagsakan ng langit at lupa habang nag- aayos ng mga gamit nila.
I quickly went to Mr. Rivero’s table when I saw him reading some paper works. “Mr. Rivero, kung tatanggalin na talaga ang Archery for Girls, hayaan niyo na lang akong sumali sa Archery for Boys. Let me join the match this year. I promise that I will help you guys win,” I said with conviction.
Kahit na mukhang tanggap na ng lahat ng nasa Archery for Girls ang desisyon ng university, hindi ako papayag.
Natatawa siyang nagtaas ng tingin sa akin. “Nagbibiro ka ba, Miss Denblake? Nakakatawa ka naman.”
Ano ba ang hindi malinaw sa sinabi ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin kayang intindihin ng matandang ’to? Napupuno na ako sa kaniya ah? Seryoso ko lang siyang tiningnan at nang mapansin niyang hindi ako natatawa ay agad siyang tumigil sa pagtawa. “Miss Denblake, mayroon na lang kaming isang buwan bago magsimula ang Archery Match laban sa East High University at kailangan naming manalo,” he said with a serious tone.
“I know, that’s why let me join the team so I can help our university win against them.” I’m so determined to do this. I know I can win that match. I know my ability.
Alam kong may maibubuga talaga ako laban sa East High University.
“Makinig ka, Miss Denblake, alam kong marunong ka sa larangan ng archery, pero hindi sapat na dahilan ’yon para ipasok kita sa team. First of all, girls can’t be boys. Hindi mo kayang gawin ang mga kayang gawin ng mga lalaki.” Agad na kumunot ang noo ko sa narinig. What the hell is he pertaining to?
“This is unbelievable! Are you questioning my ability just because I’m a woman?” I asked, but he just let out an offending chuckle.
“What I’m trying to say is… you’re not man enough to be on the Archery for Boys. May I kindly request for you to stop this right now, Miss Denblake? Tanggapin mo na lang na wala na ang Archery for Girls. Try finding other clubs na mas appropriate sa’yo. How about the Cheerleading Club? After all, mas bagay naman ang mga babaeng katulad mo roon,” he said with an ugly grin.
“I can’t believe this!” hindi ko napigilan ang galit ko. Nag-walk out ako sa Archery Gym habang namumula sa galit. Bakit ba pumayag ang school na ’to na magkaroon ng coach at professor na katulad niya?! He’s nothing but a jerk!
I’m not man enough to be on the team? To win the Archery Match?! That’s stupid! He knows I’m better than half of the boy’s archery team, but his ego can’t accept that fact just because of my gender.
“Ahh! Nakakainis!” hindi ako mapakali sa sobrang inis sa mga nangyari ngayong araw. Kumukulo ang dugo ko! Gusto kong isampal sa kanila na kaya kong manalo laban sa Prince of Archery na ’yon.
“Katty, baby, you’re here. Kanina pa kita hinahanap sa room niyo,” bumagal ang paglalakad ko nang umakbay sa akin si Gio, my boyfriend. He’s one of the school’s varsity players for basketball.
He kissed me on my cheek while we’re walking. Inis akong tumingin sa direksyon niya, but he just flashed that heartthrob smile.
“Bakit nakasimangot ka, baby?” he asked. Tumigil kami sa school cafeteria at umupo sa isang bakanteng table. He sat in front of me and held my hand. “What’s wrong?” he asked worriedly.
“They removed the Archery for Girls. As in wala na!” Napalitan ng gulat ang ekspresyon niya sa mukha. Inis kong ipinatong ang baba ko sa kamay kong naka- patong sa lamesa. Naiirita pa rin talaga ako sa matandang ’yon!
“What? Bakit daw?” kunot-noo niyang tanong na ikina-buntong-hininga ko na lang.
“They want to focus on Archery for Boys para manalo this year,” I said. “Mr. Rivero even said that girls can’t win matches against East High, especially against that Prince of Archery! Ugh! Nakakainis!” Nanatili naman siyang tahimik na ikina-kunot ng noo ko.
“Natahimik ka riyan?” He suddenly let out a deep sigh. Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay kong pinapatungan ng baba ko at hinawakan ’yon.
“Baby… maybe it’s for the best,” natigilan ako sa sinabi niya.
“W-what?” Napaayos ako ng upo. Ano’ng ibig niyang sabihin?
“What I mean is… baka mas nakitaan nila ng potential ang Archery for Boys more than your team… and if it’s for the sake of our university, why not give it up na lang? Let the men do their job.” Halos magdikit na ata ang mga kilay ko sa sobrang pagkakakunot ng noo ko dahil sa sinabi niya.
“Then… they should let me in the Archery for Boys and let myself prove to them that I can win against that Prince of Archery,” I said, trying my best to ignore what he said. Mas lalong kumunot ang noo ko nang dahan- dahan siyang umiling.
“Baby, you can’t join the team for boys. You can’t do what they can do. You’re a girl, you’re supposed to be watching and cheering for the school. Speaking of, maybe that’s the best for you, mas bagay ka sa cheerleader club, baby. You wearing a cute skirt, sexy ponytails, and cheering with your lovely voice. Doon ka mas nababagay,” nakangisi niyang sambit. I looked at him with disbelief. Nawala ang ngisi niya nang hablutin ko pabalik ang mga kamay ko mula sa kaniya.
“Pati ba naman ikaw, Gio? I though you’re different! Kagaya ka lang din pala nila!” He tried to catch me hands again, but I didn’t let him. His words disgust me!
“You know, Katty, you can’t be a boy. You can’t do what boys can do. Just accept it!” he said, while trying to please and manipulate me with those charming smiles. I scoffed at him and stood up from my seat. Kiss my ass! That won’t work!
Sinampal ko siya nang sobrang lakas. Napansin kong natigilan ang nasa ibang table at napatingin sa amin, pero wala akong pake. “Kung ganiyan lang din pala ang tingin mo sa akin, then mas mabuti pang mag break na lang tayo! I won’t stay in a relationship with a small, brain-rot boy like you!” I turned my back on him. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng cafeteria ay napigilan niya ako.
“K-Katty, what I meant to say is, you can’t do what men can do. That’s the truth!” Pakiramdam ko ay nandilim ang paningin ko dahil sa dinagdag niya. Wala sa sarili kong buong lakas na tinuhog ang alaga niya, dahilan para mapaluhod siya sa harap ko habang napapaungol sa sakit.
“Fuck you and your stupid beliefs!” Inis ko siyang tinulak na nakapagpahiga sa kaniya sa sahig. Hindi ko
na pinansin pa ang mga tingin at bulungan sa paligid ko, umalis ako ng school na puno ng galit ang puso.
It’s frustrating to know that this school is filled with close-minded people who discriminate against the abilities and capabilities of women. A total anti- feminist university! Stupid!
“Ahh! Nakakainis!”
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 2: EAST HIGH UNIVERSITY
“YOU dumped him?! You dumped the hot heartthrob of the university?! You even damaged his… b-basta! You really did that?!” Inirapan ko si Daisy habang nakasakay kami ng jeep.
“Gwapo nga, makitid naman ang utak. He’s just a waste of time, Daisy,” I bluntly said.
“Sayang naman, Katty. Mag-one-year na rin kayo next month,” nanghihinayang niyang sambit na ikinairap ko.
“Ikaw na lang kaya pumatol sa kaniya, Daisy? Tutal mukhang gustong-gusto mo ’yung ex ko,” singhal ko na tinawanan lang niya.
“Ito naman! Joke lang e! Pero sayang lang talaga kasi ’yung image mo. You’re dating the hottest guy of the university! Alam mo bang maraming naiinggit sa’yo?” Inis kong kinamot ang tainga dahil sa narinig.
“Fuck that image! If they only know about his real personality, I bet mangdidiri rin sila,” hindi na siya sumagot kaya hinayaan ko na lang. Pinaalala niya pa talaga ang nangyari kahapon. Kinilabutan tuloy ulit ako.
“Para ho, sa tabi na lang, manong,” sambit ko at hinintay na tumigil ang jeep sa tapat ng bahay namin.
“I’ll see you tomorrow, Katty,” Daisy said. Tumango lang ako bago bumababa ng jeep at naglakad papunta sa gate ng bahay namin.
“Ma’am Katty! Bakit hindi ho kayo nag text na maaga ho pala kayong uuwi? Sana ho ay sinundo ko kayo,” salubong sa akin ng family driver namin. Maliit ko lang siyang nginitian nang buksan niya ang gate.
“Ok lang, kuya. Marunong naman akong mag jeep e,” sambit ko, napakamot naman siya sa batok niya.
“Nako, ’wag niyo pong sasabihin sa mommy niyo na nag jeep kayo, mayayari ho ako.” Nginitian ko naman siya at nag-thumbs up. Mabait naman ito si kuya kaya hindi ko siya hahayaang mapagalitan ni Mommy.
“I got you, kuya.” He smiled at me and quickly went to the garage to continue cleaning the car. I went inside the house, hoping to find peace but instead…
“Keith! Come on! Come down here and face me, baby!” Bumagsak ang balikat ko at napairap na lang sa bumungad sa akin sa sala. It’s Gwenette, my brother’s 56th ex-girlfriend.
“Ikaw na naman?” Naagaw ko ang atensyon nito nang magsalita ako. Tiningnan niya ako nang masama at mabilis na nilapitan.
“I know that your brother is here. Ilabas mo siya!” Napapikit ako at napahawak sa tainga dahil sa tinis ng boses niya.
“Mukha bang nasa loob ng bag ko ang kapatid ko?” Pilosopo kong sagot. Umirap siya sa akin at maarteng nagpapadyak sa harap ko na parang batang nagtatantrums.
“Sabihin mo sa kapatid mo na magpakita na siya sa akin, kung hindi ako mismo ang hihila sa kaniya pababa ng room niya! Ugh!” She shouted with an irritated tone of voice. Hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis siyang naglakad palabas ng bahay.
“Whatever…” I whispered. I went upstairs kung saan nakasalubong ko si Mommy.
“Oh, Mommy? You’re here early?” Matamis niya akong nginitian at mabilis na nilapitan.
“Oh, my princess! Yes, I went home early to tell you that I already had a meeting with your debut organizer. Are you excited?! One month left and you’re finally turn 18, the most special day of a woman! My princess!” Huminga ako nang malalim, debut again.
Sinabi ko na ngang ayaw ko magkaroon ng debut party e.
“Yeah… wow, so exciting…” walang gana kong sambit at sinubukan siyang lagpasan.
“So, I’m thinking what gown color would you like? Pink? Lavander? Peach? Lilac or perhaps red?” Sinundan ako ni Mommy hanggang sa tapat ng kwarto ko. Napakamot ako sa sentido ko dahil sa sunod-sunod niyang tanong. Hindi talaga siya magpapaawat.
“Mom, I don’t like girly colors,” I uttered disinterestedly. She held my shoulders and turned my body to face hers. “Come on, princess! Tell me what you like. You know hot pink is also pretty!” she insisted. I just faked a smile at her and swiftly entered my room.
“You’re choice, Mom,” walang gana kong pahabol bago sinara ang pinto ng kwarto ko. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko at pagod na sumandal sa likod ng pinto ng kwarto ko.
“Hey, sis,” nanlaki ang mga mata ko nang makita si Keith na nakaupo sa kama ko.
“What the heck are you doing here, Keith? Gwenette went crazy earlier,” I said, placing my bag on my study table.
Napailing na lang ako nang malalim din siyang bumuntong-hininga. “We broke up a month ago, but she’s still chasing after me. Fuck… I can’t even date new girls because of her and I hate it. She’s so needy!” he frustratingly said and played with my yellow teddy bear.
“Bakit hindi mo na lang kasi harapin? Dump her in front of everyone para mapahiya siya, so then she will stop chasing after you,” I bluntly as I sat on my swivel chair.
“You don’t know her, she just won’t stop,” he said, lying on my bed.
“So, ano’ng plano mo?” tanong ko at huminga nang malalim. Nakita kong nagkibit-balikat siya at nanatiling nakatitig sa kisame.
“I’m still thinking. How ’bout you? What’s your plan? I heard your team got cut out,” he said, still playing with my teddy bear, tossing it in the air and catching it.
“Yeah… you know, the whole situation is just fucking stupid. I hate that university! Ugh!” I hissed and kicked at the air.
“I hate it either,” he said and suddenly sat on my bed. He threw my teddy bear at me, but I quickly caught it. Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga at tinitigan ang kulay dilaw na teddy bear na nakangiti sa akin. Well, palagi naman ’tong nakangiti.
“I have a plan.” Agad akong Napaangat ng tingin sa kapatid na ngayon ay may kung ano’ng klase na ng ngisi sa mga labi. Tinaasan ko siya ng kilay.
“I’m going to Hawaii. I’m meeting up with Yvonne.” Kumunot ang noo ko.
“Who’s Yvonne?” Mas lalong lumawak ang ngisi niya. Napairap naman ako, alam ko na ang ngiting ganiyan.
“My new girl, she’s in Hawaii.” I scoffed. Fucking playboy.
“Hawaii? Are you crazy? Hindi ka papayagan nila Mommy, lalo na na kaka-kick out pa lang sa’yo last week ng university dahil nahuli kang nakikipag-make out sa isang prof! You’re grounded, remember?”
“That’s why you’re here… you’ll help me, right, sis?” he gently said and went in front of me. My brows furrowed in disgust when held my hand and did puppy eyes.
“What? Ano namang gagawin ko?”
“Easy, I will just say that I’m going to stay at Lalu’s rest house for a month, and you will cover up for me,” sambit nito na mas ikina-kunot ng noo ko.
“Huh? Paano?” Napakamot siya sa sentido niya at natatawang tumingin sa akin.
“Mom enrolled me at that stupid East High University. Just call them and act like Mom. Hmm… just tell them that I’m sick! That I’ll be late for about a month.” Inis kong hinampas ang teddy bear sa kaniya. Bonak ba siya?!
“Do you think Mom and Dad won’t find out about your stupid plan? And what kind of sickness will last a month, Keith?!” Nag-kibit-balikat siya at umaktong nag-iisip. Maya-maya ay bigla siyang ngumiti.
“Chickenpox,” he chuckled and suddenly kissed me on my cheek.
“Eww!” Tumawa siya at mabilis na lumabas ng kwarto ko.
“Love you, sis!” he shouted before disappearing from my sight.
“I hate you!” Inis kong binato ang teddy bear ko sa kama.
“Wait…” What did he just say? East High University?
“Dahil kailan man ay hindi kayang talunin ng isang mahinang babae katulad mo ang isang malakas na lalaki pagdating sa larangan ng archery.”
“Makinig ka, Miss Denblake, alam kong marunong ka sa larangan ng archery, pero hindi sapat na dahilan ’yon para ipasok kita sa team. First of all, girls can’t be boys. Hindi mo kayang gawin ang mga kayang gawin ng mga lalaki.”
“What I mean is… baka mas nakitaan nila ng potential ang Archery for Boys more than your team… and if it’s for the sake of our university, why not give it up na lang? Let the men do their job.”
“You know, Katty, you can’t be a boy. You can’t do what boys can do. Just accept it!”
“East High University?” Suddenly, an idea popped in my mind.
“If I can’t prove to them that I can against that Prince of Archery while representing our university, then I have to beat them by replacing the Prince of Archery in his own territory!” Agad kong tinawagan si Daisy na agad din naman niyang sinagot.
“Hello, Katty? Bakit? Sakto, kararating ko pa lang,” she said.
“Daisy, I will enter East High University School for Boys!”
“Ano?!”
SHE TURNS HE CHAPTER 3: BE A MAN
“NABABALIW ka na ba, Katty?!” Napasugod agad si Daisy sa bahay nang sabihin ko sa kaniya kanina ang plano ko. Napangiti na lang ako habang tinitingnan ang picture ng kapatid kong si Keith habang nakaharap sa salamin.
Papasok ako sa East High University, magpapanggap bilang si Keith at sasali sa archery team nila. Aagawin ko ang spot ng Prince of Archery nila at ako mismo ang susupalpal sa Archery for Boys ng university ko. Napangisi ako sa nabuong plano sa isip.
“I will show them what they deserve.” Itinaas ko ang buhok ko para tignan kung kamukha ko ba si Keith pag naging lalaki ako.
“Hindi mo gagawin ’to, Katty. Hindi tama ’to! Ano ka ba?!” histerikal na paalala ulit ni Daisy sa akin habang hindi mapakaling nakaupo sa kama ko at tutok akong pinapanood.
“Bukas na aalis si Keith. Nakapag-book na rin siya ng flight kagabi papuntang Hawaii. At isa pa, pinayagan siya nila Mommy na mag-stay sa rest house ni Lalu for a month. Gagamitin ko itong opportunity na ’to para pumasok sa East High at palitan sa puwesto ang Prince of Archery na ’yon!” determinado kong sambit habang nakaharap pa rin sa salamin. Napangiti ako nang unti- unting makita ang pagkamukha namin ni Keith.
“No, no, no, Katty, bad idea, bad idea,” paulit-ulit na sambit ni Daisy na ikinairap ko.
“Yes, yes, yes! This is the only chance I know to make everyone change their perspective when it comes to woman’s archery, Daisy!”
“Sigurado naman akong madaming ibang paraan para mapatunayan mo sa kanila na kaya ng mga babae na manalo sa Archery Match! But not this is not the right way, Katty! Mayayari tayo pag nahuli ka!” Dagdag niya at pilit akong pinipigilan sa desisyon ko.
“Hindi nila ako mahuhuli kung hindi mo sasabihin. Ano ba? Suportahan mo na lang ako sa plano ko, Daisy… this is for the best,” nakangiti kong sambit. Umirap naman siya na ikinatawa ko.
“The best mo mukha mo! Pag nahuli ka, mayayari pa tayo sa mommy at daddy mo,” pananakot pa nito.
“Alam mo, ang nega mo! Wala ka bang tiwala sa akin? Kaya ko ’to noh! Mas yari kaya si Keith pag nalaman nila Mommy na pumunta siya ng Hawaii at nakipagkita lang sa babae niya.” Hindi naman siya sumagot at Inismiran lang ako. Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Ipapapmukha ko kay Mr. Rivero na kaya kong manalo sa Archery Match at ako ang mismong tatalo sa pinakamamahal nilang Archery for Boys. Pati na ’rin sa bobo kong ex na si Gio. I will show them the true meaning of gender equality. That women can also do what men can do.
“Bahala ka na nga sa buhay mo, Katty.” Umupo na lang siya sa kama ko habang pinapanood akong mag aktong lalaki sa harap ng salamin.
“Trust me on this, Daisy,” I uttered, smirking at my reflection in the mirror. She just sighed and nodded, and I did the same.
I can do this.
Kinabukasan ay gumising ako ng maaga at agad na pumasok sa kwarto ni Keith. “You’re really sure about this? Ano bang gagawin mo sa Hawaii? Just meet with your new girl? Nako, Keith, ayaw ko ng pamangkin pagbalik mo ah!” nakapameywang kong sambit habang nakatayo sa harapan ng kama niya.
Nag-iimapake na siya dahil mamayang after lunch ang flight niya. “Stupid, I will not get anyone pregnant; I’ll just fuck with them and after that, end of discussion.” Lumukot ang mukha ko sa sinabi niya. I can’t believe that my brother is a disgusting playboy.
“Siguraduhin mo lang, dahil hindi ko alam ang idadahilan ko kila Mommy kapag bumalik ka rito na may kasamang buntis na babaeng galing Hawaii!” Tumawa siya at tumigil sa pagtutupi.
Seryoso niya akong tinapunan ng tingin. “That won’t happen, I promise. to be fair, I’m not going there just to fuck around with women. I’m also trying to learn new types of wines in Hawaii. You know that I want to have my own bar, right? And I think this is a great opportunity for me to learn more about it,” he said confidently. Napangiti naman ako pero hindi ko ’yon pinahalata sa kaniya.
“Sus, mga palusot mo,” I said as I helped him pack his things. Ang alam nila Mommy ay sa rest house ni Lalu siya pupunta, pero ang hindi nila alam, across the world ang tatawirin nitong anak nila.
Lalu is our grandmother who lives in California for good now. Her rest house is set as a punishment house for me and my brother because it’s super isolated. Halos puro kalabaw at damo lang ata ang nakikita namin doon tuwing bumibisita kami.
“Take good care of yourself there, okay? And please, don’t do anything stupid,” Mommy said while fixing my brother’s polo.
“Yes, Mommy, I promise,” painosenteng sagot ni Keith na ikinaismid ko.
If only you know where he’s truly going, Mommy, you’ll freak out for sure.
“Ok. See you after one month, my prince,” hinalikan siya ni Mommy sa pisngi.
“Bye, sis.” He winked at me before running onto his car.
“Bye,” I said, silently rolling my eyes. When he finally left, I turned my back and went inside the house.
Napatigil ako sa pag-akyat nang biglang humarang si Mommy sa dinaraanan ko. “And you, Katty, let’s talk about your debut gown.”
I yawned and smiled at her. “Mommy, I forgot… I have so many projects to do pala kaya I’ll go to Daisy’s house for a sleepover. I’ll see you tomorrow, okay?” I kissed her cheek and quickly grabbed my bag inside my room.
“But, Katty, your gown—” sinubukan akong habulin ni Mommy nang makababa ako sa sala, but I quickly ran outside the house. Buti na lang at saktong may taxi na dumaan sa labas ng gate. I headed straight to my friend Girlie’s salon and requested a magical makeover.
Girlie is my gay friend, and she’s the only person I know who can help me transform myself into my brother. “This is crazy, Katty, but I like it!” she said when I explained the whole plan to her.
It took us an all-nighter to finish the make-over. “Tada! You look exactly like your freaking hot brother! My gosh! Kung lalaki ka lang, I will definitely kiss you!” she said when she turned my chair, facing the mirror.
“Holy guacamole! Mukha akong si Keith!” Kapos- hininga kong sambit. Hinawakan ko ang dibdib ko na super flat na ngayon, hindi halatang may tinatago.
“Totoo nga… I’m a man now,” I whispered.
Nandidiri naman akong tiningnan ni Girlie habang hawak-hawak ko pa rin ang dibdib ko, “Eww, girl! Respeto naman oh!” she said. Tumawa lang ako at tumayo habang tinitingnan ang sarili.
“You did magic, Girlie. Thank you so much,” sinsiro kong sambit at ngumiti.
“Just make sure to prove everyone that they’re wrong,” she said, smiling with pureness.
I nodded, “Yes, I will definitely prove them wrong. Women can do men things too!” Minutes passed and Girlie taught me how to fix and wear my wig.
Also, on how to effectively hide my boobs, and how to make a bulge for a man’s junior. Super weird, but for the sake of archery, I will do this.
“You have to learn how to walk like a man, like this,” umakto siyang maglakad ng parang totoo siyang lalaki. Ginaya ko siya na ikinatigil naman niya.
“Stop, stop, stop! Mukha kang may nakataling talong sa gitna ng hita mo dahil sa paglalakad mo!” Napakamot naman ako sa ulo ko pero ang wig ko lang na suot ang nakamot ko.
“E, paano ba? ’Di ba ganito naman ang mga guys? Don’t they have eggplant between their legs…?” Nalilito kong tanong. Napangiwi naman ako nang isampal niya ang kamay niya sa noo niya.
“Oo nga at may talong sila sa gitna pero hindi naman sila ganiyan ka-OA maglakad!” she hissed at me and taught me once again. Paulit-ulit iyon hanggang sa makuha ko na ng kaunti.
“After that, you have to learn how to spit like a man. Like this, huak tuah .” Umakto akong nasusuka dahil sa ginawa niya. She really did spit out a large amount of saliva! Eww! Inirapan niya lang ang naging reaksyon ko at patuloy pa rin akong tinuruan.
“Do men really do dirty stuff like this? Eww,” nasusuka ako sa ginagawa ko! But I will do this for the sake of archery.
Super hirap at tagal pa bago ko nakuha lahat nang tinuturo niya sa akin. “Hay!” Pagod akong napaupo sa sofa at tinanggal ang mainit na wig na suot ko.
“That was fucking tiring,” I whispered breathlessly.
She smiled at me, “See? It’s not that hard to be a man,” she said with a sarcastic tone in her voice.
“Yeah,” I said, rolling my eyes.
“Ano? Itutuloy mo pa rin ba ’tong kahibangan mo?” tanong niya, halatang nanghahamon.
Isang ngisi naman ang sinagot ko. “For the sake of archery, I will!”
But… will I?
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 4: TURNING HE
“KATTY, saan ka na naman ba pupunta? You just got here, ah?” napahinto ako nang marinig si Mommy. Palabas na sana ako ng bahay, dala-dala ang duffle bag ni Keith.
Tumikhim muna ako bago humarap sa kaniya. “Mom… I decided to stay at Daisy’s house for a month. May project po kasi kami na kailangan tapusin before the month ends, and super hirap no’n gawin kaya kailangan ko po talagang mag stay sa kanila for a few weeks—I mean a month… but don’t worry! Uuwi po ako tuwing weekends,” mahaba kong pagpapaalam dahil alam kong wala nang gagawin si Mommy kapag nakita niyang nagmamadali ako.
“Wait, you can’t do that. Malapit na ang debut mo. Kailangan natin pag planuhan ‘yon,” she said and held my arms. Napangiwi naman ako nang marinig ulit ang salitang ’ debut.’
“Ganito na lang po, payag na po ako na magkaroon ako ng debut, basta ikaw na po ang bahala sa lahat. Kahit anong theme and venue, ikaw na. What kind and color of gowns, ikaw na po ang bahala, basta payagan niyo lang po ako. Please?” Agad na nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
“Really?!” Tumango ako na may pekeng ngiti. Compensation man lang para sa gagawin ko.
“Oh my gosh, yes!” Napaubo ako nang yakapin niya ako nang sobrang higpit. “I promise that your debut will be one of the best debuts in the world!” she said.
Siya na ang unang pumutol sa yakapan namin. “Just go home every weekend ah?” she reminded. I just smiled at her and nodded like a dog.
“Yes, Mom. See you.” I kissed her on her cheek. Tumakbo agad ako palabas ng bahay at pumara ng taxi. Pagkasakay ko ay sinabi ko agad ang address ng bahay ni Daisy.
Wala pang isang oras ay nakarating na ako. Buti na lang at hindi traffic. Pagkababa ng taxi, agad akong sinalubong ni Daisy sa labas ng gate nila. “Shocks, bukas na ’yung first day of school mo sa East High, pero bakit parang ako ’yung kinakabahan para sa’yo?” she said as we both enter her house.
Nasa ibang bansa ang mga magulang niya kaya siya lang mag-isa rito. Minsan naman ay kasama niya ang ate niya, pero may boyfriend na kasi ’yon kaya hindi na masyadong umuuwi rito.
“I have to pack my things properly and be ready for tomorrow,” I uttered as we both walk into the staircase.
“Nako, nakakatakot talaga ’tong plano mo! Pero dahil kaibigan kita, susuportahan kita.” I smiled at what she said. She’s really the best!
“Thank you, Daisy! I love you talaga! Hayaan mo, hahanapan kita ng gwapong future boyfriend doon,” pampalubag-loob kong sambit. Ngumiti naman siya at binatukan ako.
“Hindi mo ako madadaan sa ganiyan noh! Pag nahuli ka talaga, yari ka!”
“Hindi nga ako mahuhuli! Tiwala lang!” ani ko. Pumasok na kami sa kwarto niya.
“Eh paano kung biglang bumalik ang kuya mo?” tanong niya pagkasara ng pinto. Naupo naman ako sa nakaayos niyang higaan.
“Tandaan mo, wala ring alam si Keith sa plano mo at isang buwan mong gagamitin ang pagkatao niya kaya umayos ka!” Itinukod ko ang pareho kong braso sa kama. I smiled ate her mischievously.
“Basta, ako na ang bahala. ’Wag ka ng maraming satsat diyan. Ikaw ba ang papasok do’n? Hindi naman ’di ba?” Umirap siya sa akin at bumaba sa kusina para magluto ng instant noodles na dinner naming dalawa.
Huminga ako nang malalim at inayos ang mga dalang gamit. “Katty, baba na! Kakain na!” rinig kong sigaw ni Daisy mula sa baba kaya tumigil muna ako sa pagiimpake at bumaba.
After that, nagkuwentuhan lang kami at natulog nang maaga dahil maaga akong gigising para sa first day ko sa East High University School for Boys .
Goodnight, Katty and good morning, Keith!
Gumising ako nang maaga para makapaghanda. Alas kwatro na ng madaling araw at pumasok ako sa banyo para maligo.
“Ahhh! Ang lamig! Ahhh!” nagsisigaw pa ako dahil sa sobrang lamig ng tubig. Hindi kasi gumagana ’yung heater nila Daisy dito.
“Ahhh! Ang lamig! Fuck!” walang katapusang tili lang ang nagawa ko hanggang sa matapos akong maligo. Nangangatog ang mga tuhod akong naglakad palabas ng banyo.
“Grabe ang lami—Ahhh! Palaka!” napasigaw ako nang bumungad si Daisy na nakaupo sa dulo ng kama niya. Nakabalot siya ng kumot at masama ang tingin sa akin.
“Gising k-ka na?” nanginginig kong tanong. Ilang segundo pa siyang nakatitig sa akin bago biglang inalis ang kumot sa katawan niya.
“Ay, hindi! Tulog pa ako! Natutulog kasi akong nakamulat ang mga mata e!” pilosopo niyang sambit at bigla akong binato ng unan. “Ang ingay mo!”
Napakamot naman ako sa ilong ko. “Sorry na… ang lamig kasi ng tubig niyo e,” tugon ko.
“Ay wow? Sorry ah?” she hissed, giving me a sharp glare.
Hindi ko na lang siya pinansin pa at nagsimula nang mag-ayos ng sarili. Sinimulan ko sa buhok ko, itinali ko ’yon nang mahigpit at sinuot ang wig na kagaya ng buhok ni Keith. “Teka… nasaan na ’yung isang patilya ko?” bulong ko sa sarili nang mapansing wala ’yung isa.
Tumayo ako at hinanap ’yon sa nagkalat kong mga gamait. Napasinhap ako nang makitang nakadikit ’yon sa picture frame ng namayapang lola ni Daisy.
“Ngek,” nakadikit pa ’yon sa noo. Wala sa sarili akong napa-sign of the cross bago dahan-dahang tinanggal ang peke kong patilya.
“Sorry po, Lola,” mahina kong sambit at idinikit na ’yon sa aking patilya.
“Sumalangit nawa,” I whispered and continued fixing myself. I carefully fixed my chest bandage, ginawa ko ang mga tinuro ni Girlie sa akin.
Sabi niya pa nga, sanay daw siya sa ipitan dahil may iniipit din siyang parte ng katawan niya na hindi ko alam kung ano. Pero in fairness, ang galing ng tinuro niya. Na-flat ko talaga ang dibdib ko.
Sinuot ko na rin ang uniform ni Keith sa East High. Tumayo ako sa harap ng salamin at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magkamukha kami ni Keith pag naging lalaki talaga ako.
Pinagpatuloy ko na ang pag-iimpake ko pagkatapos makapag-ayos. Nagising na rin si Daisy at tinulungan ako.
This is the day, Katty, the day you’ll become Keith Denblake .
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 5: PRINCE OF ARCHERY
“SIGURADO ka ba talaga sa gagawin mo, Katty?” hindi magkanda-ugaga si Daisy habang pinapanood akong mag-impake ng mga gamit ko.
“This is the only way to prove to everyone that I am meant to play archery,” pursigido kong sambit, habang patuloy na naglalagay ng mga damit sa maletang nakapatong sa kama ko. Ito lang ang tanging paraan.
“Paano kung biglang bumalik ang kuya mo? Mahuhuli ka!” Tumigil ako sa pagtutupi at nginitian siya, “Kaya nga nandiyan ka para bantayan si Kuya e.” Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko.
“Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo!” Napakamot naman ako sa sentido ko.
“Sige na, Daisy… this is my only chance! This is my dream, ayaw mo bang maabot ko ang pangarap ko?” Huminga siya nang malalim bago ako binigyan ng sumusukong tingin.
“Sige na nga! For the sake of your dream. Pero pag pabalik ng kuya mo, stop na ah?” Agad akong napangiti sa sinabi niya. Hindi niya talaga ako matitiis!
“Yes, I’ll make sure that before he comes back, I’ve already proven myself to everyone.” Tumango lang siya. Nakangiti kong sinara ang maleta ko at sinuot ang university cap ni Kuya Kaith.
“Oh my gosh, you really do look like him…” tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago lumapit sa akin. I flinched when she suddenly poked my chest. She let out a dramatic gasp while pointing at my not-so- obvious chest.
“Gosh! Paano mo naitago ’yang boobs mo?”
“Bandage!” Humarap ako sa salamin at wala sa sariling napangiti nang makita ang imahe ng kuya ko sa sarili. I’m a hella fine dude if I were a man.
“I would totally date you if you were a man,” Daisy said, smiling mischievously.
Napatingin ako sa suot kong relo na pang lalaki at malalim na napa buntong-hininga nang makita ang oras. “Well, it’s time for me to go.” Binuhat ko na ang bag ko at inayos ang suot kong wig sa ilalim ng cap ko.
This is it, Katty!
“You still have a chance to back out. Nasa gate pa lang naman tayo,” sinusubukan ako ni Daisy kung aatras ba ako, pero buo na ang desisyon ko.
“This is a no-going-back decision, Dais.” She stopped the car in front of the main entrance of the school.
“Mag-ingat ka ah.” She gave me a very tight hug before I stepped out of her car. Buhat ko ang aking bag at hila-hila ang aking maleta papasok sa loob ng dormitory ng school. Hindi ko na nilingon pa si Daisy na hinintay pa akong tuluyang makapasok sa loob ng school.
This is it, East High University School for Boys .
Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa mataas na building sa harap ko. The dormitory . Wala sa sarili akong napangiti at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.
“Starting today, you are Keith Denblake, I’m Keith Den—” Natigilan ako nang may lumipad na kung anong puting tela sa mukha ko. My lips parted in utter shock. Naramdaman ko na lang ang dahan-dahang pagdausdos no’n sa mukha ko hanggang sa tuluyang nahulog sa paanan ko.
Kasabay no’n ay tumambad sa harap ko ang mga lalaking nagkakagulo sa hallway. They were playing basketball inside the dorm’s premises. Throwing dirty stuff at each other and flying briefs everywhere. Wait… flying briefs?
Agad akong napatingin sa paanan ko at kinilabutan nang makitang isang brief ang lumipad sa mukha ko kanina!
“You’re dead, Katt—Keith,” bulong ko sa aking sarili. Ginamit ko ang buong lakas ko para lagpasan ang magulong hallway.
“Oh, my gos—I mean, aghhh… that was close, bro,” halos mapatili ako sa gulat nang muntikan na akong tamaan ng bola sa mukha. Muntikan na rin akong mabangga no’ng humahabol sa bola.
“Excuse me, bro,” pasintabi ko sa lalaking mataba na nakaharang sa pinto ng assigned room ko.
“Gusto mo?” Napatigil ako nang inalok niya sa akin ang hawak-hawak na magazine na may mga naka- bikining mga babae. Agad na lumukot ang mukha ko sa nakita.
The hell?
“A-ah, no thanks, bro. Sa’yo na lang, mukhang kailangan na kailangan mo eh.” Nilagpasan ko siya nang hindi tinatapunan ulit ng tingin at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto ko. Napasandal ako sa likod ng pintuan pagkasara ko no’n. Doon na lamang ako nakahinga nang maayos.
“What the hell? That was chaos,” I whispered under my breath.
Pakiramdam ko ay ubos na agad ang enerhiya ko sa mga nakita ko sa labas! Napapikit ako nang maalala ang kadiring brief na dumikit sa mukha ko.
“I just hope na hindi gamit ’yung brie—”
“You’re the new student, right?” Agad akong napatayo nang maayos nang may marinig na boses. When I glanced towards at the owner’s direction, my eyes widened when a man, topless with wet hair and a matching towel around his neck, was standing few meters from me.
“I’m Bryce, your roommate.” Hindi agad ako nakaimik nang maglakad siya papalapit sa harap ko.
Wala sa sarili akong napalunok sa presensya niya. Hindi ko alam ang sumapi sa akin at kusang bumaba ang tingin ko sa nang-aakit niyang mga abs. I can’t believe na may ganito ka-perfect na katawan!
“I-I’m Keith Denblake. Nice meeting you, dude… bro.” Tumutulo na ata ang laway ko sa kakatitig sa matipuno niyang katawan at mala anghel na mukha! Buti na lang at hindi niya pa ’yon napapansin!
“Just so you know, I have rules here. Rule number one, get out of my face,” kasabay nang pagbanggit niya ng mga salitang ’yon ay biglang naglaho ang kaba ko sa presensya niya.
“Huh?” hindi ko alam ang isasagot ko. Malamig lang siyang tumitig sa akin.
“I said, I don’t like stupid roommates. Know your place or you’re dead,” that’s what he said before pushing me away and stepping out of the room.
You’ve got to be kidding me?! Bakit sa dinami-rami ng lalaki rito ay siya pa talaga ang naging roommate ko?!
I just want to prove myself in the field of archery. But I think that would be hard because my roommate is the one and only Bryce Del Vera , the entitled Prince of Archery .
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 6: FLORAL
HUMINGA ako nang malalim at umupo sa bakanteng kama dito sa kwarto. Alam kong ito ’yung space na para sa akin dahil wala itong kagamit-gamit. Kama lang talaga at isang walang laman na side table.
Napatingin ako sa katabi kong kama. I stare in awe. Puro trophies at gold medals ang nakasabit sa tabing pader ng kama niya. May mga picture at magazine rin sa side table. Sumilip muna ako sa pinto bago dahan- dahang lumapit sa side table niya at tiningnan ang magazine na nando’n.
It’s the East High University’s new release school magazine. Mukhang pang metro walk ang level, samantalang doon sa school ko ay parang gawa pa ng mga elementary ang mga tabloids at magazine.
“Taray,” bulong ko nang makitang siya ang laman ng first at second page no’n. Parang talagang nilaan lang ang space na ’yon para ipagmalaki at bigyan siya ng hangin sa ulo gamit ang iba’t-ibang papuri ng mga tao.
“Bryce Del Vera, the prince of archery, the country’s unstoppable winner in Archery … nye nye nye. Pakita ko sa’yo ang tunay na magaling e—”
“What?”
“Magaling akong sumayaw ahh~ Bibong-bibo sumayaw~!” halos tumalon ang puso ko nang biglang bumukas muli ang pinto at pumasok siya. Narinig niya ba ang mga sinabi ko? Sumayaw ako ng todo sa harapan niya nang lumapit siya sa akin.
Kunot-noo at nakasimangot ako nitong tiningnan. Bakas pa sa mukha niya ang pandidiri habang pinapanood ako sa kagaguhang ginagawa ko. “What the heck are you doing?” halata ang inis sa boses niya na ikina nitong sambit.
“Sumasayaw! Oh ang galing, galing kong sumayaw, galing kong gumalaw, bibong-bibong sumayaw ,” gusto ko na lang lamunin ako ng lupa dahil sa kaihiyang ginagawa ko ngayon. Ano ba ’tong pinasok ko?!
“The fuck?” he cursed.
“’Di mo kasi alam e. Uso ’to sa university na pinanggalingan ko, bro. Sumasayaw kami do’n para mag-exercise. Try mo!” sinubukan kong abutin ang kamay niya para pasayawin din sana siya, pero agad niyang iniwas ’yon at halos magdikit na ang mga kilay niya dahil sa sobrang pagkakakunot ng noo niya.
Pero shet! Ang gwapo niya pala sa malapitan! Bahagya kong iniling ang ulo ko sa naisip. Umayos ka, Katty! Ikaw si Keith ngayon! Mas gwapo ka kaysa sa kaniya!
“What’s your name again?” he asked. I immediately stopped dancing and smiled at him. I acted like a hunky guy offering my hand to him.
“Keith Denblake, pare. You can just call me Keith, bro- dude. My friends used to call me that, or if you want, you can call me love instead,” nawala ako sa aking sarili at tuluyang na distract sa masarap nitong abs na nakabalandra pa rin sa harap ko.
“Ano’ng sabi mo?” Napangiwi ako sa pasigaw niyang malalim na boses. Gwapo nga, bingi naman!
Awkward akong tumawa. “Ang sabi ko, Keith na lang ang itawag mo sa akin, bro-dude. HAHA–ack.” Napaubo ako bigla. Shems! May sumabit pa atang plema sa lalamunan ko nang sinubukan kong tumawa ng panlalaki! Katty naman!
He looked at me with disgust. “This is my spot and that’s yours. Don’t ever cross the line,” pagbabanta niya. Sasagot sana ako nang bigla niya akong titigan. Na-conscious ako bigla sa itsura ko kahit hindi naman dapat.
He then looked at me from head to toe, and curiously pointed at me, “Fuck, you’re small,” he cursed in a deep, manly voice.
Siyempre, babae kaya ako! Pero siyempre hindi mo ’yon alam dahil bobo ka. I mean gwapo ka! Gwapo ka lang!
Hilaw ko na lang siyang nginitian. “Sure, no problem, bro-dude,” sambit ko at umatras para umupo sa kama ko. Pero hindi ko napansin na kulang pa pala ako ng isang hakbang paatras.
“Agh!” gulat kong sambit nang mapaupo ako sa sahig dahil hindi inabot ng puwet ko ang dulo ng kama. Pinanood niya lang akong matumba sa harapan niya at hindi man lang nag-offer ng tulong. Ngumiti na lang ako sa kaniya at dahan-dahang gumapang paakyat ng kama.
“Parang tanga ’tong kama, bro. Hindi ako sinalo. Hahaha~” I joked, but it didn’t work on him. He’s just standing in front of me like a fucking statue, glaring at me as if he wants me out of this room already.
“By the way, bro-dude—” he suddenly cut me off.
“Don’t call me that,” tinalikuran niya ako at kinuha ang hoodie na nakasabit sa gilid ng kama niya at sinuot ito sa harapan ko. My lips parted as I drooled over his hot abs and his perfectly curved V line, and yung buko—
“What grade are you?” Napaangat ang tingin ko sa kaniya sa tanong niya. Agad kong itinikom ang bibig ko at umupo nang pabukaka gaya ng mga lalaki.
“Grade 12. Ikaw, bro-dude?” sambit ko, nanatiling nakapako pa rin ang tingin sa kaniya. Inayos niya ang buhok niya at nakasimangot akong hinarap.
“Unlucky, same as your grade,” he uttered. Wala sa sarili akong napalunok. Shems! Baka magkaklase pa kami! Tumikhim ako at muli siyang tinignan.
“Naglalaro ka ng archery, bro-dude?” tanong ko nang mahagip ng mga mata ko ang sikat niyang pana na binansagang Bow of Katana . Napaismid ako sa naisip. Sus! Mas maganda pa ’yung bow ko kaysa sa kaniya e! Mukha lang bagong linis ’yung kaniya!
“Yes,” walang gana niyang sagot.
“Ayos ’yan, bro-dude. Alam mo ba kung kailan ang trial ng archery dito?” kunwari’y hindi ko alam na alam niya ang sagot dahil alam kong hindi niya alam na alam ko na siya ang Prince of Archery.
Huh? Ano raw?! Letse! Ang gulo mo, Katty! Singhal ko sa loob ng aking isipan.
Nadi-distract kasi ako sa gwapo niyang mukha! Hindi ko naman alam na ganito pala kalakas ang dating niya sa personal.
“You play?” Ngumisi ako sa tanong niya.
“Yes, bro-dude. Ace ako sa school namin noh,” confident kong sambit, but he just smirked sarcastically.
Nawala ang ngisi ko at seryoso siyang tinignan. Nakakainsulto ’yon ah!
“So, kailan ang trial?” tanong ko.
“Later, 5 PM at the Archery Gym, Local Building 5.” Tumango na lang ako. Matino naman pala siyang kausap minsan e, grabe nga lang kung tumitig.
“Great. Kita na lang tayo do’n, bro-dude,” sambit ko at napakamot sa ibaba ng kili-kili ko. Letse! Ang kati pala ng bandage!
“Can you stop calling me weird names? Fuck,” he hissed, but I just smirked at him. Natuon ang atensyon ko sa kati na idinudulot ng bandage. Bad timing naman!
Pati sa kabilang bahagi ng katawan ko ay nangangati na rin dahil sa pawis at bandage. Hindi ko na ’yon natiis pa at mabilis na tumayo. “I’ll just take a shower, bro, dude. See yah later, alligator,” umakto pa akong nagpogi sign bago kinuha ang towel sa loob ng bag ko at inilagay ’yon sa balikat ko.
By the way… wanna join me, bro-dude?“ biro ko. Pinigilan kong matawa nang sabihin ’yon. Shet ka, Katty! Ano bang sinasabi mo?!
“The hell?” Natatawa akong napalingon sa direksyon niya pero halos mahulog ang eyeballs ko nang makitang nakatitig siya sa panty kong nasa paanan niya. Napatingin ako sa bag ko at napansing magulo na ang pagkakatupi ng mga underwear ko. Tumalsik sa kaniya ’yung isa kong panty! Tangina!
Napanganga ako nang nandidiri niya ’yong pinulot at dahan-dahang inangat hanggang sa tumapat ’yon sa mukha niya. “What the fuck?” rinig ko bulong niya, habang hindi maipinta ang mukha.
’Yung floral pa talaga na kulay pink ang tumalsik sa kaniya! Ampota!
“Ahh-HAHAHA!” Tumakbo ako papalapit sa kaniya at mabilis na inagaw ’yon mula sa kamay niya.
“You’re a fucking pervert?” Pinasadahan niya ako ng nanghuhusgang tingin. He even looked at me from head to toe!
“Oh, yeah. Why would I even be shocked? Sa itsura mo pa lang, mukha ka ng manyak,” he bluntly said. Aba! Ang bastos ng bibig nito ah!
Hilaw na lang akong tumawa, pinipilit na deadmahin ang sinabi niya tungkol sa itsura ko. “Bro-dude! Sa ex- girlfriend ko ’to. Alam mo ba na obsessed siya sa akin? Kaya hindi na ako nagtataka na pinagsisiksikan niya ang memories naming dalawa. She’s a floral type girl kasi,” pagpapalusot ko. Gusto kong masuka sa mga lumalabas sa bibig ko!
Lukot ang mukha at nandidiri siyang tumingin sa akin. “Just fuck off, that creeps me out.” Walang kung ano-ano niya akong tinulak dahil nakaharang na pala ako sa dadaanan niya. Sinundan ko lang siya ng tingin at napapikit nang pabalibag niyang sinara ang pinto. Nanghihina akong napaupo sa kama dahil sa sobrang kahihiyan.
“’Yung favorite panty ko pa talaga!”
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 7: JOIN THE TEAM
“HELLO, Daisy?! Bad news!” bungad ko agad nang sagutin ni Daisy ang tawag ko. Nakatago ako rito sa loob ng cabinet para hindi ako makita o marinig ni Bryce kung sakaling pumasok siya ulit bigla.
“Ano’ng bad news? Aatras ka na ba?” agad nitong tanong.
“Hindi! Roommate ko si Bryce,” bulong ko at kinagat ang kuko ko. Napakamot din naman agad ako sa makati kong ulo dahil nakakairita palang magsuot ng wig. Ang init!
“Huh? Sinong Bryce?” nagtataka niyang tanong.
“Si Bryce! ’Yung Prince of Archery na papalitan ko ng puwesto na super-hot at gwapo na may yummy na abs at perfect shape ng V li—” natigilan ako sa pag-imagine ng katawan niya nang ma-realize ko ang lumalabas sa bibig ko. Napatampal ako sa noo ko. Calm down, Katty! Para kang pusang in-heat!
“Ano?! Katty! Delikado ’yan! Baka mahuli ka pa niya mismo! Nako, umatras ka na! Bumalik ka na rito!”
bakas sa boses niya ang takot. Nakaramdam din ako ng kaunting kaba dahil alam kong matalino si Bryce… pero mas naniniwala ako sa sarili ko.
Kaya ko ’to. Kahit na gwapo siya at super-hot, hindi ako magpapadala sa mga bagay na ’yon. Mas importante sa akin ang goal ko.
“Hindi ako puwedeng umatras, Daisy. Nandito na ako sa loob, wala nang atrasan ’to,” seryoso kong sambit.
“Nako, Katty! Basta! Mag-ingat ka riyan ha? ’Wag kang magpapahuli dahil malaking gulo ’to pag nalaman ng lahat na si Katty Denblake, ang Pretty Archer Princess ng Corella University, ay pumasok sa school for boys na East High University bilang ang playboy niyang kapatid na si Keith Denblake. Alam mo, hindi lang tayo sa mga university malalagot nito kung sakali, pati na rin sa mommy at daddy mo!” pagbabanta pa nito.
Tumango ako. “Alam ko naman ’yon,” sagot ko. Malalim akong bumuntong-hininga at isinandal ang likod sa plywood ng loob ng cabinet.
“Ano pa lang sinabi niya sa’yo? Mabait ba siya? Hindi ko na tatanungin kung gwapo siya dahil sa mga sinabi mo pa lang kanina, halata namang nahulog agad ang panty mo,” nang marinig ko ang salitang panty ay agad akong kinain muli ng hiya at tila parang nag-replay sa utal ko ang nangyari kanina.
Napasapo ako sa aking noo dahil sa kahihiyan. “Speaking of panty… Daisyyy! May nangyari kanina… naalala mo ba ’yung favorite na panty ko na pink na floral na binili ni Mommy?” sambit ko.
“Oh, ano namang nangyari do’n?” Muli akong napakagat sa kuko ko nang maalala ang itsura ni Bryce kanina.
“Nahulog kanina mula sa bag ko… at napulot ni Bryce,” napapikit ako sa kahihiyan. Shet! Nakakahiya pa rin hanggang ngayon. Narinig ko ang OA na pagsinghap ni Daisy sa kabilang linya.
“Oh my gosh, Katty! Ano’ng naging reaksyon niya?” halata sa boses niya na nagpipigil siya ng tawa. Napairap ako dahil doon, kilalang-kilala ko ang babaeng ’to.
“Nagpapanggap ka pa riyan na concerned. Tumawa ka na, alam kong natatawa ka,” ani ko na parang naging que sa kaniya para bumalahaw ng tawa.
“S-sorry naman kasi! Na-imagine ko pa lang, super epic no’n! Ano’ng sabi niya?” Malalim akong napabuntong-hininga.
“Ayon… akala niya isa akong manyak na lalaki dahil may dala akong panty. Pinanindigan ko na lang kaysa mahuli pa ako,” alam kong nakakahiya sobra ang ginawa ko kanina, pero ano’ng magagawa ko? Wala! Mas lalo namang lumakas ang tawa ni Daisy mula sa kabilang linya kaya mas lalo akong bumusangot.
“Tawa ka pa—” Agad akong natigilan nang biglang bumukas ang pinto ng cabinet na pinagtataguan ko.
“Ahh—!” tili ko pero agad kong pinalitan ng, “Aghh!” boses pang-lalaki nang makita ang seryosong mukha ni Bryce. Shet! Muntik na ’yon!
“What the fuck are you doing there?” kunot-noong tanong niya sa akin. Hindi pa man ako nakakasagot ay may kinuha siyang dri-FIT shirt sa loob ng kinalalagyan kong cabinet.
“A-ah… bro-dude, ikaw pala. A-ahm… tinitignan ko lang kung mainit ba ang temperature rito sa loob,” pinilit kong tumawa gamit ang pang lalaki kong boses. He looked at me confused, but it suddenly changed into a sharp glare.
“You’re crazy. Get the fuck out of there,” singhal nito bago padabog na sinara ang pinto ng cabinet, dahilan upang tumama ’yon sa mukha ko. As in lumipad ang mukha ko paatras sa pagkakatama no’n!
“Ow!” daing ko. Kahit bahagyang nahihilo ay pinilit kong makalabas ng cabinet. Tangina! Parang nabulag ako sa impact no’n ah! Pagbukas ko ng pinto ay tumayo ako at sinubukan lumabas, pero biglang sumabit ang paa ko sa isang damit na nandito sa loob.
“Agh!” parang nag-slow mo ang pagsalampak ko sa sahig. Napapikit ako kasabay nang pagkalat ng sakit mula sa ilong ko, hanggang sa buong mukha ka. Ang sakit ng ilong ko! Pag-angat ko ng aking ulo, agad kong nakita ang tumulong dugo mula sa ilong ko. Shit!
“Stupid, dumb pervert,” walang pakeng sambit ni Bryce na tiningnan lang ako habang nagdurugong nakasalampak sa sahig.
Agad akong tumayo kahit masakit ang kamay at katawan sa pagbagsak. Agad akong naghanap ng tissue sa loob ng bag ko para punasan ang dugo dahil tuloy-tuloy ang pag tulo no’n. Sobrang dami ng dugo ang tumutulo kaya sobra din ang pagmamadali kong makahanap ng tissue.
Pero wala akong makita, kaya basta’t dumukot na lang ako sa loob ng bag ko ng naramdaman kong malambot at inilagay ’yon sa ilong ko.
“What the fuck?!” nagulat ako nang pagharap ko kay Bryce ay agad niya akong minura at nandidiri pa akong tiningnan.
“B-bakit, bro-dude?” nagtataka kong tanong.
“You’re a total freak, perverted guy,” he hissed. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. When I looked at the mirror beside me, muntikan na akong mapaupo sa kama sa panghihina dahil nasilayan ko ang aking sarili na may dumudugong ilong. At may hawak na napkin na itinapal ko ro’n!
“Ahh… bro-dude, essential kaya ’to! Mas makakatipid ka rito kaysa sa tissue, Ito oh, nahihigop niya talaga ’yung dugo sa ilong at pwede rin sa pawis ng katawan. Gusto mo i-try?” tanong ko sabay offer sa kaniya ng may dugong napkin. Shet, Katty! This is super embarrassing! Kill me!
“Disgusting,” lumayo siya sa akin at tinulak ang kamay ko papalayo sa kaniya.
“Useful kaya, bro-dude,” sambit ko at dahan-dahan siyang tinalikuran. Jusko, kunin niyo na ako! Nakakahiya ’to!
“This is fucked up,” rinig ko pang bulong niya.
Hinintay kong tumigil ang pagtulo ng dugo bago tiningnan ang sarili sa salamin. Baka mamaya, tumabingi na pala ang ilong ko dahil sa sobrang katangahan ko. Habang tinitingnan ang sarili sa salamin ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagpapalit ng damit si Bryce sa likuran ko.
He’s changing his clothes with an archery uniform. My lips parted when I got a glimpse again of his yummy, sexy abs. Hindi ko namalayang bumababa na pala ang tingin ko papunta sa perfectly V-shaped niyang V line. Nasubo ko ang hawak ko nang sumunod niyang hubarin ang pang-ibaba niyang damit.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at parang nawalan pa ata ako ng hangin sa katawan nang makita ang suot niyang boxer. ’Yung—!
“Don’t look at me,” he suddenly said and turned his back on me. Parang bigla akong sinampal ng reyalidad at halos masuka pa nang mapansin ang sinubo kong napkin dahil sa pag-daydream ko sa bukol niya.
Ang laki naman kasi! Shems!
“Ahh… hindi ako tumitingin, bro-dude. Mas malaki kasi ’yung akin kaysa sa’yo. Six inches ako, bro-dude, ikaw ba?” ano bang sinasabi mo, Katty?! Tiningnan niya lang ako nang masama at tuluyan nang nagbihis bago kinuha ang bow at iilang gamit para sa archery training.
Napapikit ako ulit nang padabog niyang sinara ang pinto at iniwan ako muling mag-isa rito sa kwarto.
“Tanga!” agad singhal ko sa sarili at hinagis sa kama ang sinubo kong napkin. Ang tanga-tanga mo, Katty! Nagpapalinlang ka sa masarap na abs! Yuck! Tumalon ako sa kama at nagpapadyak dahil sa sobrang pagsisisi sa mga ginagawa ko sa buhay ko kani-kanina lang.
“Aghh!” hindi ko mapigilang sigaw ko nang ibinaon ko ang mukha sa unan. Nanatili lang ako sa gano’ng posisyon, iniisip kung tama ba ang ginagawa ko sa buhay ko pero agad ding natigilan nang maalala ang try out sa archery team dito.
Dali-dali akong napabangon at kumuha ng damit sa loob ng bag ko. Tumakbo ako palabas ng kwarto at dumiretso sa banyo.
“Kailangan ko nang malig—Ahhh!” napapikit ako nang pagbukas ko ng pinto ay isang lalaking sumasayaw na nakahubad ang naabutan ko. Sinara ko agad ang pinto at mabilis na tumakbo pabalik ng kwarto. Pakiramdam ko na-trauma ako sa nakita ko! Nandilim talaga ang paningin ko! Pero… bakit gano’n? Ang iti—
“Ewww! Ackk…” nasusuka akong nagpalit ng damit sa kwarto. Mamayang gabi na nga lang ako maliligo!
Ngayon ko lang na isip na iisa lang ang banyo rito sa dormitory dahil naliligo nang magkakasama ang mga lalaki.
Fuck! “This is bad, Katty. Very bad!”
Kinikilabutan ako habang naglalakad sa field ng campus. Pakiramdam ko kasi ay na-trauma ako sa naabutan ko sa banyo kanina. Napapikit ako nang muling nag-flash sa utak ko ang itim na— “Stop thinking of it, Katt–Keith! Isipin mo na lang ang masarap na abs ni Bry—” agad kong tinakpan ang bibig ko dahil doon. Baka mamaya may makarinig pa sa akin!
Tahimik ko na lang na tinahak ang daan papunta sa Archery Gym. Pagpasok ko sa loob ay parang tumalon ang puso ko sa sobrang saya nang m kita ang mga kagamitan sa loob, ang mga bow na mukhang naalagaan ng maayos at ang mga equipment na mas maganda pa kumpara sa mayroon ang Archery for Girls sa university ko.
Hindi nakawala sa paningin ko ang puro lalaking player sa loob. Saka ko lang napansin na lahat sila ay tumigil sa pag-ttraining at nakatitig sa akin.
Napatikhim ako bago hilaw na ngumiti. “Hi, bros. I’m Keith, hotty Keith, new student and your new member of the team,” pagpapakilala ko at maangas na naglakad sa harapan nila.
Sa dulo ng gym ay nakita ko si Bryce kasama ang parang coach ata nila. Masama ang tingin ni Bryce sa akin at nang lumapit ako sa kaniya ay agad niyang inalis ang atensyon sa akin at nagpatuloy sa pagpapractice.
“Who are you, young man?” kunot-noong tanong ng coach sa akin.
Tumikhim ako, “Sir, I’m Keith Denblake, a new student, and I want to join your team,” buong tapang kong sambit.
This
is
it,
Katty.
This
is
the
reason
why
you’re
here.
“Is that so? I’m Coach Aro. May I ask if do you know how to use this?” seryoso nitong tanong at ibinigay sa akin ang bow sa gilid niya. Ngumiti ako at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang mahawakan ang bow na inabot niya sa akin. Parang may kuryenteng biglang dumaloy sa katawan ko na bumuhay sa aking laman loob.
I smirked as I grabbed an arrow from Bryce’s quiver, which was slung over his back placed on his back. With a quick aim, I took the shot and landed a bullseye on his target.
Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid nang tamaan ko ang bullseye ng target na kanina pa pinag-iinitan ni Bryce.
“Alright, young man, show me what you’ve got,” Coach Aro said. Binigyan niya ako ng uniform at parang wala lang na nagpatuloy sa pag-observe sa mga nag-ttraining.
“Tss… chamba,” I heard Bryce whisper. I just smiled at him and stared at the uniform.
This is it, Katty!
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 8: DEAN CHUCK
“BULLSEYE!” sabay-sabay na sambit ng mga archery players dito sa gym habang pinapanood tumira si Bryce. Lahat sila ay amazed na amazed sa bawat kilos ng lalaki, at dahil sa angking gwapo nito ay totoo ngang nag mukha siyang prinsipe habang ginagawa ’yon.
I’m just standing beside him, while holding a bow down, as I watch him play. Sinasaulo ko ang bawat kilos at anggulo na kaniyang ginagawa sa bawat pagtira niya. Wala siyang palya, lahat ng tira niya ay tumatama sa bull’s eye ng target.
In his one last shot, nanlaki ang mga mata ko nang panggigilan niya ang pag-asinta dahil gamit ang huling arrow niya, ay halos kalahati no’n ang bumaon sa bullseye ng target. My lips parted in awe of how cool that scene was. Hindi pa ako nakakakita ng gano’ng kalinis na shot!
Nakarinig na ako noon ng mga balita tungkol sa kaniya at sa mga ganitong style niya, pero masyado akong busy na i-improve pa lalo ang skills ko kaya binalewala ko lang ang mga ’yon at basta na lang na pumasok dito sa pag-aakalang madali kong maaagaw ang puwesto niya.
Pero sa mga nakita ko ngayon, nagdalawang-isip ako bigla. Oo, confident ako at alam ko ang ability at kung gaano ako kagaling, pero nakakaintimidate pala talaga ang galing niya. He has this aura that will make you small just by him holding the bow with his gloved hand.
“Your turn, Denblake,” Coach Aro suddenly said. Itinikom ko ang bibig ko at nginitian si Bryce nang tingnan niya ako habang inaayos ang bow sa tabi.
“Galing mo pala, bro-dude! Hahaha~ idol!” hilaw kong sambit.
Lahat ng confidence ko kanina ay biglang nawala dahil sa matalim na tingin niya sa akin. Parang gusto niya na akong gawing target e! I pursed my lips and tried my best to act cool and calm in front of him, kahit ang totoo ay nag-papanic na ako.
Pumuwesto na ako at inayos ang aking posisyon. I slowly raised my bow up and fixed my arrow, aiming at the target’s bull’s eye. Lahat sila ay tahimik pero hindi ko na lang pinansin ang katahimikang ’yon. Huminga ako nang malalim bago pinakawalan ang pana.
I gasped when the arrow missed the target completely. Ni kahit saang parte ng board ay hindi ’yon tumama, kung hindi ay tumama ’yon sa pader, sa mismong likuran ng target! Bwakanangshet ka, Katty!
“See? I told you it’s chamba,” singhal ni Bryce at tinalikuran ako. Agad kong kinagat ang pang-ibabang labi ko at mabilis na pomusisyon ulit. I sharply eyed the target before taking a deep breath and closing my eyes.
In a glimpse of an eye, I let go of the arrow, and just like that, a bursting electricity came out of my finger. Silence suddenly filled the room, seconds passed and I opened my eyes.
“WOAHH!” biglang nagsigawan ang mga tao sa gym at mabilis akong nilapitan.
Nang tingnan ko ang target, doon ko lang nakita na tinanggal ng tira ko ang arrow ni Bryce na bumaon kanina sa board at pinalitan ’yon ng arrow ko. Nahulog ang arrow ni Bryce sa sahig, kasabay nang pagpalibot sa akin ng mga new teammates ko.
“I’m Mike, you’re my new idol na, bro!” nagulat ako nang makipagkamayan sila sa akin. Halos maubo pa ako nang hilain niya ako papalapit sa kaniya at nakipag-chest bump sa akin! Shet! Ang sakit no’n!
Napapikit ako sa sakit. ’Yung boobsy ko! Ang dalawang Mount Fuji ko! Ang sakit! Sinubukan kong takpan ang sakit ng isang hilaw na ngiti. Isa-isa naman silang nakipagkilala na sinabayan ko na lang.
This would be a long journey.
“What the heck?! That was so solid! Ang galing mo, Denblake!” puri papuri ang natatanggap ko pagkatapos ng first training ko sa archery club. Mukhang nakuha ko kaagad ang atensyon ng lahat na nasa team.
“Bata ka pa lang ba, talagang archery na ang gusto mo?”
“Alam mo, Denblake, ikaw pa lang ang unang lalaki na pumantay sa target ni Bryce! Wala ni isa pa sa amin ang nakakagawa no’n, ikaw pa lang!” napangiti ako sa narinig. Ganito pala ang pakiramdam nang pinupuri ka dahil sa skills mo ng walang kasamang criticism dahil lang sa babae ka.
Walang nagdududa sa’yo dahil sa kasarian mo.
“Salama—” natigilan ako nang makarinig ng malakas na kalabog ng gamit sa gilid. Lahat kami ay napalingon kay Bryce na masama ang tingin sa akin habang nag- aayos ng gamit. Tinapunan niya ng tingin ang target namin kanina, bago tuluyang umalis ng gym.
“Problema no’n ni bro-dude?” tanong ko. Nagulat ako nang bigla akong tapikin ni Mike sa balikat, kasama sa second strings dito sa archery. Nanalo na rin siya ng iilang medals, pero gaya nga ng mga balita, wala pang nakakatalo kay Bryce.
“Ganiyan talaga ’yan si Bryce, dude. Hindi lang siya sanay na may humahamon sa posisyon niya bilang prince of archery,” he said, letting out a chuckle afterward.
Tumango-tango ako at ngumiti, “Parang aagawin ko naman ang posisyon niya. Malabo,” sambit ko at tumawa nang malakas.
“Oo nga! Oo nga pala, ano’ng oras class mo? Kain muna tayo sa cafeteria,” inakbayan ako nito at tinulungan akong kunin ang mga gamit ko, bago ako tuluyang hinila palabas ng gym. Buong team ang nakasunod sa amin at hindi ko maiwasang mailang dahil puro sila lalaki.
I mean… lalaki rin naman ako pero… “Denblake, mukha kang bata, ang cute mo,” halos magdikit ang kilay ko sa pagkakakunot. Bigla kasi akong kinurot ni Mike sa pisngi saktong pag-upo namin sa nakuha naming lamesa rito sa cafeteria.
I mean, yes, gwapo siya, matangkad, at may sobrang gandang dimples, pero hindi ako puwedeng magpadala do’n dahil lalaki ako! Isa akong hot na gwapong lalaki na habulin ng babes!
“Bro, ’wag mo akong hawakan ng ganiyan, baka mamaya ma-bakla ka dahil sa kagwapuhan ko,” biro ko. Tumawa siya at nagsimula nang kumain ng fries na hindi ko alam kung saan nanggaling.
“Denblake, saan ka pala galing na school?” tanong ni Troy na isa rin na member ng team.
“Ahh… galing ako sa ibang bansa, bro.”
“Saang bansa?” wala sa sarili akong napalunok nang mapansin na lahat sila ay hinihintay ang isasagot ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin kung saan ako galing na school dahil makikilala nila si Keith. Baka tignan nila ang background niya. Ngumiti ako at napakamot sa aking ulo, ang kati na kasi ng anit ko dahil sa wig.
“Ahh… sa—” hindi pa man ako nakakapagsalita ay may tumawag bigla sa apelyido ko, “Denblake!” lahat kami ay napatingin sa nagmamay-ari ng boses na ’yon. Napakunot ang noo ko. Hindi ko kilala kung sino ito pero mukha siyang professor dito sa university. Magulo ang buhok niya at may suot pa na malaki at makapal na salamin.
“Yes po?” tanong ko, bago dahan-dahang tumayo at tinanggal ang pagkakaakbay ni Mike sa akin.
“Uhm… you’re Denblake, right? The n-new st- student? The head dean wants to meet y-you.” Kumunot ang noo ko lalo. Bakit nabubulol siya? Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.
Nakarating kami sa office ng dean na bahagyang hinihingal. Grabe! Ang bilis niya maglakad! Iniwan niya na rin agad ako dahilan para makaramdam ako ng kaunting kaba habang papasok sa loob. Mahuhuli kaya nila ako? Hindi! Hindi nila ako mapapansin dahil magkamukhang-magkamukha kami ni Keith.
Kalma ka lang, Katty. Isa kang gwapo at hot na lalaki ngayon. Huminga muna ako nang malalim bago kumatok at tuluyang buksan ang pinto ng opisina. Pagpasok ko sa loob ay isang malaking swivel chair na nakatalikod mula sa puwesto ko ang tumambad sa akin. Binasa ko agad ang pangalan ng head dean ng East High University na naka-engrave sa isang kahoy na nameplate.
Mr. Simon Chuckidal
Dean of EHU
Agad akong nagpigil ng tawa sa nabasa. Totoo ba na ito ang pangalan ng dean nila dito?
“Mr. Denblake,” mabilis akong tumayo nang tuwid dahil sa sobrang baba ng boses nito, nakakatakot.
Dahan-dahang umikot ang malaking upuan at dahan-dahan ding bumaba ang tingin ko nang mapansin na sobrang liit niya pala! Akala ko malaki siyang tao sa laki ng swivel chair niya!
“G-good day, Mr. Simon Chuckidal, I’m Keith Denblake.” Shutaka, dean! Maliit ka na nga, panot ka pa! Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang nagbabadyang tawa. Tangina! Natatawa talaga ako!
Bigla akong na-excite na ikuwento ’to kay Diasy. Napatikhim ako nang marinig ulit ang malalim nitong boses.
“You can call me Dean Chuck. Welcome to our university, I’m sure you’ve already read the rule book, vision, and mission of this school.” Agad naman akong tumango kahit hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. May gano’n pala?
“I heard you joined the archery team? The whole university is looking forward to your future contributions to our university and the archery team. This morning, binasa ko ang record mo and you look much younger in person pala. Nalaman ko rin na ang sister mo ay player ng Archery for Girls sa kabilang school,” bigla akong binundol ng kaba. OMG?! Alam niya ang tungkol sa akin?!
“Hindi ko na babanggitin pa ang pangalan ng school,” bitter nitong sambit bago tumayo at may kinuhang kung ano sa ilalim ng table niya, “Y-yes, my sister is a player too, kaso tinanggal na ang Archery for Girls sa school nila.” Napansin kong napataas ang kilay niya nang ilapag sa lamesa ang isang shirt na kinuha.
“Is that so? I saw your sister play once. I must say, she definitely has an eye for the target, but sadly I hate girls around my school,” he bluntly said. Inabot niya sa akin ang school uniform ko.
“Galit na galit ako sa mga babae kaya walang babae rito, at kung may makita man ako ay siguradong malalagot ito!” nagulat ako nang hampasin niya bigla ang table, pero mas nagulat ako sa nakita. From a scary Dean Chuck, bigla siyang ngumiti na parang si Chuckie at mariin akong tiningnan.
“I’ll be watching you,” he said, which made my brows furrow. Ano? Mukhang nahalata niya ang lito sa mukha ko dahil bigla siyang bumingisngis na parang tiyanak.
“Watching you play archery, Mr. Denblake. Now, you may go. See you around,” he said with that chuckie-like smile again. Dahan-dahan akong tumango at naglakad palabas ng office niya nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
He’s also staring at me until I stepped out of the room and closed the door.
“Wow!” Bulong ko sa sarili dahil sobra akong kinabahan doon.
This is going be tough, Katty—I mean, Keith!
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 9: OH NO!!!
“INTRODUCE yourself, mister,” sambit ng professor ng first class ko. Ngumiti ako sa kaniya at tumingin sa lahat ng lalaking estudyanteng nasa harap ko. Focus, Katty. Ikaw si Keith, hindi mahiyain si Keith. He’s a handsome man and an always loved heartthrob in the school!
I need to maintain that image, “Wuzzap, guys. I’m Keith, Keith Denblake, you can call me master if you want,” sambit ko at sinubukan maging cute, pero seryoso lang ang tingin nila sa akin at wala man lang reaksyon sa sinabi ko.
Lumipat ang tingin ko sa lalaking nasa dulo na nakaupo sa tabi ng bintana. Hindi ito nakatingin sa akin at parang bored na bored.
“You may now take your seat, young man,” the professor said and hissed at me.
Napakamot ako sa aking batok bago nagsimulang mag hanap ng bakanteng upuan. Dumiretso ako sa bandang harapan para malapit sana ako sa pinto at madaling makalabas pagkatapos ng klase.
“May nakaupo ba rito, pre?” sambit ko sa lalaking nakaupo sa tabi ng upuan.
“Oo, may nakaupo na riyan,” masungit niyang sagot. Napangiwi naman ako. Isang nerd ang lalaking ’to. Napairap ako. Akala mo naman sobrang gwapo kung magsungit! I just nodded at him and continued to find a vacant seat, pero nagulat ako nang may biglang sumigaw sa pangalan ng kapatid ko—I mean, pangalan ko pala.
“Dito, Master Denblake! Dito ka sa tabi ko, Master!” nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mike. Hindi ko siya napansin kanina ah? Ngumiti ako sa kanya. Maglalakad na sana ako papalapit sa puwesto niya nang mapansin ang lalaking nasa likod ng upuang tinuro ni Mike. Shit! Sa likuran ko nakaupo si Bryce pag doon ako uupo.
Inilibot ko ng tingin ang buong classroom. Kusang nalanta ang mga balikat ko nang makitang ’yon na lang ang available na upuan. Kung minamalas ka nga naman! Ngumiti ako ng sobrang pilit kay Mike na nakatingin lang sa akin, bago naglakad papalapit sa kanya.
“Wazzap, dude,” maangas kong sambit at nakipag- apir sa kaniya.
Nang tiningnan ko si Bryce ay masama ang tingin nito sa akin. Tinanguan ko lang siya bago pumuwesto sa upuan ko. Uupo na sana ako nang…
“Ahh!” malalim na boses kong sigaw nang naramdaman kong sasalpak ako sa sahig.
Agad akong tumayo kahit na ang sakit ng balakang ko. Hawak-hawak ni Mike ang upuan ko habang tawang-tawang nakatingin sa akin. “Welcome to the gang, Master Denblake,” biro pa niya sa akin. Do’n ko lang napansin ang ilang pamilyar na mga mukha mula sa archery team malapit sa amin.
“Hindi naman masakit, pre,” sagot ko at nakipagtawanan sa kanila kahit na sobrang sakit ng puwet ko dahil sa mga animal na ’to.
What the fuck na lang talaga! Hinila ko ang upuan ko mula kay Mike at umupo na nang maayos. Kahit na nakatalikod ako, ramdam ko ang matalim na titig ni Bryce sa akin. Hindi ko maiwasang kilabutan dahil ramdam ko rin ang binibigay nitong sobrang nakakapanlamig na pakiramdam. Naramdaman kong tumataas ang balahibo ko dahil do’n. Ano bang trip niya?!
Baka mamaya sa sobrang pagtitig niya sa akin, mahalata niya ang mga woman aspects ko.
“Ok, let’s start our class. Bring out a one whole sheet of paper,” the professor started. Confident akong binuksan ang bag ko sa taas ng table. Pero sa pagbukas ko, nagulat ako nang mahulog ang—
“Fuck,” nagulat ako nang gumulong ’yon sa sahig. Sinubukan kong habulin, pero huli na dahil gumulong na ito sa likuran ng upuan ko.
Nanlalaki ang mga mata ko nang makitang tumama ’yon sa sapatos ng lalaking nakaupo sa likod upuan ko. “A-ahh…” hindi ko alam ang sasabihin ko! Shit!
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang kinuha niya ’yon at dahan-dahang lumipat ang tingin sa akin.
He’s so serious while curiously looking at it. I bit my lip in frustration. Kung minamalas ka nga naman! Bakit ba kasi nasa loob ’yon ng bag ko?! You’re so careless, Katty!
“What the hell is this?” nandidiri at tila walang alam na sambit ni Bryce habang nakatitig na sa hawak niya.
Magsasalita na sana ako nang binuksan niya ’yon at tuluyan nang nakita ang laman ng Sailor Moon na lalagyan ng nipple pads ko.
“You’re so weird, what the hell is this?” tanong nito sa akin. Hindi ko na mahanap ang boses ko para sagutin siya. Mukhang narinig ni Mike ang tanong sa akin ni Bryce dahilan para lumingon siya sa amin. Agad din siyang na-curious sa hawak ni Bryce.
Jusko, gusto ko nang magpalamon ng lupa! Ramdam ko na namumula na ang tainga ko sa hiya! “A-ah… bro- dude, pimple patch ’yan,” sambit ko na mas lalong ikinasalubong ng mga kilay niya.
“That’s not a normal pimple patch,” tumayo si Mike at kinuha ang isa.
Bahagyang umuwang ang mga labi ko nang sinubukan niyang idikit ’yon sa mukha niya. “Ow shit! Bakit sobrang dikit?” sambit nito at nahihirapang tinanggal ang nipple pad ko sa kaliwang pisngi niya. Agaran kong hinablot ’yon mula sa kanya at saka mabilis na inagaw ang hawak ni Bryce.
“Oo, bro. Malaki kasi ako magkaroon ng pimples e, kaya kailangan ko talaga nito. Nakakabawas kaya ng pogi points sa mga chikababes pag may pimples. Isa pa, sa sobrang ganda nito. ’Yung pimples ko tumatagal lang ng five seconds sa mukha ko pag ginamitan ko nito, bro. Gano’n ’to ka-effective.” Sobrang lame ng palusot mo, Katty!
Mukhang namangha siya sa sinabi ko. “Talaga? Saan nakakabili niyan?” tanong ni Troy na nakikinig din pala sa amin.
“Galing sa ibang bansa ’yan. Saka limited edition lang ’yan,” sambit ko at agad ’yong tinago sa loob ng bag ko. Umupo na ako nang maayos at napapunas ng pawis. Malamig naman ang rito sa room ngayon pero pinagpapawisan ako dahil sa kaba.
“Bilhan mo naman kami niyan, Master Denblake,” pagpupumilit ng dalawa sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at sinusubukan na lang iwasan ang masamang tingin ni Bryce sa akin. Bakit ba ganiyan siya makatingin? Nahahalata niya na ba na babae ako?
Ilang beses niya na akong muntik mahuli! Jusko, ’wag naman po sana akong mapatalsik agad sa school na ’to. Nagsisimula pa lang po ako.
Huminga ako nang malalim at sinubukan na lang mag-focus sa klase, kahit na ramdam na ramdam ko ang super intimidating presence ni Bryce sa likuran ko.
“That’s all for today. Class dismiss,” sambit ng prof, at mas mabilis pa kaysa sa kaniyang nagsilabasan ang mga estudyante. Tumayo na rin ako at isinabit ang bag sa balikat.
Napangiwi ako sa sobrang lagkit ng pakiramdam ko. Kahapon pa ako hindi nakakaligo. Hindi ko kasi matiyempuhan na walang tao sa common bathroom ng dormitory. Kaya ngayon, nagmamadali akong naglalakad pauwi ng dorm. Titingnan ko kung kailan ako pwedeng makaligo sa CR ng mag-isa.
“Master Denblake! Sama ka sa amin! Lalabas kami ng campus. Boys’ night out,” pag-aaya ni Troy sa akin at um-akbay pa.
Ngumiti ako at agad na tinulak ang kamay niya papalayo. “Kayo na lang, bro, baka maagawan ko pa kayo ng chicks pag nandoon ako,” mayabang kong sambit na ikinatawa lang nila.
“Oh sige, sige. Mauna na kami, Master. Kita tayo bukas,” sambit niya at sabay-sabay na silang lumabas ng classroom.
Napapunas ako ng pawis at wala sa sariling napatingin kay Bryce na seryoso pa ring nakatingin sa akin. “Oy, bro-dude, nandiyan ka pa pala. Hindi ka ba sasama sa kanil—ackk,” agad akong kinapos ng hininga nang mabilis niyang hablutin ang kuwelyo ng T-shirt ko.
Napahawak ako sa kamay niya nang inangat niya pa ako ng kaunti. “Don’t be so confident. You can’t beat me, loser,” seryoso niyang sambit habang matalim ang titig sa akin. Tangina! Ano na naman ang trip nito?!
Hindi pa man ako nakakasagot ay agad niya akong tinulak at lumabas ng classroom. Aba’t napaka gago naman pala ng tinutukoy nilang Prince of Archery!
“Gago ka ba?! Sakalin ba naman ang isang bab—” natigilan ako nang ma-realize na nandito pa sa loob ang prof namin. Napatikhim ako at ibinalik ang pang- lalaki kong boses. “Bab—babaerong gwapo kagaya ko?” Seryoso lang akong tinignan ng prof namin. Hilaw akong ngumiti sa kaniya.
“Friends ho kami ni bro-dude, gano’n lang po talaga kami mag-bonding. Una na po ako,” agad kong kinuha ang bag kong nahulog sa sahig dahil sa ginawa niya at tumakbo palabas ng classroom.
That was close! Gago kasi ’tong si Bryce eh! Pasalamat siya at masarap tingnan ’yung abs niya, dahil kung hindi, baka nasapak ko na siya kanina!
Naghintay ako hanggang ala-una ng madaling araw bago pumunta ng banyo. Sinigurado kong tulog na silang lahat bago sumibat papunta sa banyo dala ang mga gamit ko. Dahan-dahan akong naglakad papasok at sumilip muna kung may tao sa loob.
Napangiti ako nang masiguradong walang tao. Excited akong pumasok at sumayaw-sayaw pa sa tuwa habang sinisimulang tanggalin ang wig na suot.
“Wow, refreshing!” sambit ko nang matanggal ko na ang wig.
“ Like a virgin ~ Touch for the very first time ~! Like a virrrrrrgin —“ natigilan ako nang marinig ang biglang pagbukas ng pinto at pagpasok ni—
Oh no!
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 10: NAHAWAKAN
IT was the pervert guy from the other day! ’Yung nag- offer sa akin ng porn magazine sa first day ko rito! Ano’ng ginagawa niya rito ng ganitong oras?! He was closing the door while humming. Kaya bago pa man siya makaharap sa akin at makita akong tuluyan, agad kong kinuha ang lahat ng gamit ko, pati na rin ang wig ko.
Dali-dali kong tinalukbong ng tuwalya sa ulo ko “Ahooooo~” medyo manipis ang towel ko kaya naaninag ko siya ng kaunti. Nakaharap na siya sa akin at parang estatwang nakatitig. Hindi siya nakagalaw. Nang mapansin kong sisigaw siya ay mabilis kong tinakpan ang bibig niya.
“Ako ang white lady ng dorm na ito~ ’Wag kang sisigaw~ Ahooo~” ramdam ko sa kamay ko ang panlalamig niya dahil sa takot. Halos naninigas na rin siya habang nakatitig sa akin.
“Ahoo~ Wala kang nakita rito~ Ahoo~ Tandaan mo na wala kang nakita rito~” Nanginginig siyang tumango. Puta! Kung hindi lang ako nagpapanggap na multo ngayon, baka kanina pa ako natawa!
“’Wag mong sasabihin kahit kanino na may nakita kang multo rito kung hindi~ Ahooo~ Mumultuhin kita! Ahoo!” nanlaki ang mga mata ko nang biglang maramdaman ang kung anong mainit na likido sa paanan ko. Sinulyapan ko ’yon at nakitang naihi na siya kaniyang salawal dahil sa takot!
Agad akong lumayo sa kaniya dahil sa gulat at kaunting konsensya sa ginawa. Para naman siyang lantang gulay na dahan-dahang dumausdos pababa ng pader hanggang tuluyan na siyang napaupo sa sahig— na may ihi niya.
Bahagya akong umiwas ng tingin sa kaniya. Napakaano mo naman, Katty!
“Tandaan mo, mumultuhin kita kapag ginawa mo ’yon,” ani ko.
“O-opo,” halos hindi ko na nga narinig ang sagot niya dahil sa hina ng boses niya. Tumalikod na ako para lumabas pero napatigil din nang may maisip.
“Boo!” ginulat ko siya. Hindi siya nakasigaw pero bigla na lang siyang napahiga sa sahig! Napatakip ako ng bibig sa gulat. Agad ko siyang nilapitan at tiningnan kung humihinga pa. Nang masigurado kong buhay pa siya, at nahimatay lang dahil sa takot, ay mabilis akong lumabas ng banyo.
“Bilis, Katty! Bilis—ahh!” napahinto ako nang tumama ako sa pader. Naramdaman ko ang sakit sa ilong ko! ’Yon na naman ang tumama! Napaupo ako sa sobrang sakit no’n. Parang natabingi pa nga ata ’yon!
“Kung minamalas ka nga naman oh, hindi na nga nakaligo, nauntog pa—” natigilan ako nang makarinig ng kaluskos, dahil doon, inangat ko ang tuwalya at doon ko nakita ang sobrang dilim na hallway. Nakakatakot pala tingnan ang hallway dito!
Naalalala ko bigla ang white lady na ginanapan ko kanina. Baka mamaya, totoo pa lang may gano’n dito!
“Ahh—!” nang sisigaw na sana ako sa takot ay agad kong pinigilan ang sarili at mabilis na lang na tumakbo papunta sa kwarto ko.
Ano ba, Katty! Natatakot ka sa sarili mong kalokohan!
Nanlalambot akong napaupo sa likod ng pinto dahil kaba, ang bilis din ng tibok ng puso ko. Lumukot ang mukha ko nang maramdamang pinagpawisan na naman ako! Ang malas naman!
Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kama ko. Pabagsak akong umupo paharap sa bintana, sa gilid ng space ni Bryce. Tiningnan ko ang mga nagliliwanag na mga bituin sa langit, hanggang sa napansin ang isang imaheng nabubuo sa pagkakalinya ng mga bituin. Mukha ’yong arrow at bow. Sign ba ’to Lord na tama ang naging desisyon ko?
Sa tingin mo po ba mapapatunayan ko ang sarili ko sa larangang ito? Kahit na isa akong babae?
Bumababa ang tingin ko kay Bryce na mahimbing na natutulog. I admit that he’s undeniably handsome at every angle, pero mas gwapo siya ngayon dahil hindi nakakunot ang noo niya. I pouted my lips and stared at him for a minute.
I scanned his whole, handsome face from top to bottom, those thick brows, chinito sleeping eyes, long lashes, and that perfectly shaped nose bridge, pointed nose tip, and clear, moisturized skin. Napaismid ako sa ka-gwapuhan niya. Parang hindi man lang siya naka- experience ng acne sa buong buhay niya!
Hindi ko nakita ng maayos ang labi niya dahil bigla siyang gumalaw patalikod sa akin. Hindi ko alam kung ano’ng sumapi sa akin, pero bigla akong tumayo at lumapit kama niya. I sat at the edge of his bed and stared at his thin, rosy lips.
“Ang gwapo mo sana, kaso masungit at kalaban kita. Ikaw ang dahilan kung bakit natanggal ang Archery for Girls sa school namin, at ikaw din ang dahilan kung bakit minamaliit ng lahat ang kakayahan ko sa archery dahil babae lang daw ako,” mahina kong bulong at hinaplos ang tungki ng kaniyang ilong.
“Siguro… kung hindi lang ikaw ang prince of archery, crush kita. You’re just my type,” I whispered and smiled, trying to joke around.
Suddenly, he moved. Inilabas niya ang kamay mula sa ilalim ng comforter at sinipa ang comforter pababa sa katawan niya, dahilan para lumantad sa harapan ko ang yummy, perfectly sculptured abs niya. My jaw slightly dropped in awe after witnessing it this close. Ganito ba talaga siya matulog? Topless?
Sobrang ganda ng katawan niya!
“Nagbago na ang isip ko. Kahit na ikaw ang prince of archery, crush na kita. Hmm… yum! Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi na kita papalitan sa puwesto mo ah!” sambit ko at lumapit pa ng kaunti sa mukha niya upang duro-duruin siya.
Ito lang ang chance kong ma duro siya. “Tandaan mo, ako ang papalit say—hmm!” nagulat ako nang madulas ang kamay ko sa pagkakapatong sa kama niya, dahilan upang mahalikan ko siya sa pisngi.
Halos lumuwa ang eyeballs ko sa gulat dahil sa nangyari, pero mabilis din akong lumayo. Tatayo na sana ako nang matapakan ko ang nakalaylay na part ng comforter sa gilid ng kama niya, dahilan para ma- out of balance ako.
Tumigil ang pagtibok ng puso ko nang inialalay ko ang kamay sa gitnang bahagi ng katawan niya dahil sa pag-iwas kong matumba sa sahig. My lips parted when I felt that I’m touching his thing . Agad akong tumayo at halos lumipad na ako pabalik sa kama ko nang bigla na naman siyang gumalaw!
Ipinikit ko ang mga mata ako at hiniling na sana hindi siya magising. Naghintay ako ng ilang minuto bago siya sinilip. Tulog pa rin siya at nagbago lang ng puwesto sa pagtulog. Umupo ako sa kama ko at hindi makapaniwalang tinignan ang makasalanan kong kamay.
Matumbok ’yon at malak— Agad kong sinampal ang sarili ko dahil sa naisip. Ang dumi-dumi ng isip mo, Katty! Nakaramdam ako ng pagtulo ng likido mula sa aking ilong kaya pinunasan ko ’yon agad. Nagulat ako nang may makitang dugo sa daliri ko.
Nag-nosebleed ako?! Agad akong tumingala para pigilan ’yon. I don’t normally get nosebleeds, pero siguro dahil ’to sa pagkauntog ko sa pader kanina.
O baka dahil sa nahawaka—stop, Katty! Wala kang nahawakan, Katty! Wala!
Kinabukasan, naalimpungatan ako sa biglang pagbukas ng ilaw dito sa kwarto. I slowly opened my eyes. Nag-unat-unat muna ako para makondisyon ang katawan ko. “Good mor—” I was about to greet my morning when I saw Bryce.
He’s staring at me while drinking coffee near the door. Topless siya at halatang kakaligo lang dahil nakatapis lang ang tuwalya niya sa ibabang bahagi ng katawan niya. Wala sa sariling bumababa ang tingin ko sa bukol na bakat sa gitna. Pakiramdam ko biglang tumaas lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa mukha ko dahil sa hiya.
“What are you waiting for, dummy? Stand up and prepare.” Bumalik ang tingin ko sa seryoso niyang mukha.
“Huh?” para saan? Hindi niya ako sinagot kaagad at biglang kumunot ang noo.
“What the heck happened to your nose?! And why are you so red?” he asked with furrowed eyebrows. Na-didistract kasi ako sa abs at V-line niya! Hindi ako makapag-isip ng isasagot!
“Prepare for what?” hindi ko na pinansin ang tanong niya. Inirapan niya ako. Kalalaking tao, kung makairap akala mo naman.
“We have training this morning. 6 AM sharp, and it’s already 5:45 AM. Those who are late will run ten reps in the field,” he said and faced his closet.
I gasped. Nagmamadali akong bumangon at tumakbo papunta sa banyo. Bakit ba kasi ang init ng mukha ko?!
Hindi ko naman kasing maiwasang tumingin sa parteng ’yon! ’Wag kang manyak, Katty!
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 11: SLAVE
MABILIS ang bawat hakbang ko. Lingon ako nang lingon sa kaniya habang nasa likuran ko siya at tahimik lang na nakasunod. Papunta kami ngayon ng gym. Gusto kong umaktong normal around him, pero hindi ko magawa. Super awkward kasi pag nagkakaharap kami.
Ang dumi kasi ng isip ko! Hindi ko siya kayang harapin ng hindi naiilang. I was glancing at him every step, pero seryoso lang siyang naglalakad sa likuran ko habang dala-dala ang bow bag niya.
Dala ko rin ’yung akin. Mas binilisan ko ang paglalakad ko nang umangat ang ulo niya at nagtama ang mga mata namin. Agad akong umiwas ng tingin at mabilis na humakbang papasok sa archery gym. Pagpasok sa loob, nanlaki ang mga mata ko nang makitang wala pang tao sa loob.
Nasaan na sila Troy? Sila Coach? Nag-panic ako at naisipang lumabas na lang ulit. Babalik na lang ako mamaya. Ayaw kong maiwan dito ng kaming lang magkasamang dalawa. Mamumula lang ako! Mabilis akong tumalikod at dali-daling naglakad palabas, pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.
“Ar-ouch! Bro-dude, hehe, CR lang ako sagli—” hindi niya ako pinatapos magsalita. “You stayed in the bathroom for an hour. Imposibleng naiihi ka ulit,” nakakunot ang noo nitong sambit at mas humigpit ang pagkakahawak sa braso ko. Napangiwi ako. Aray ah!
“Marami kasi akong ininom na tubi—” sa pangalawang pagkaktaon, hindi niya ako hinayaang matapos. “Help me fix the target,” he boredly said before letting go of my arm. Dahil mas malakas siya kaysa sa akin ay napaatras pa ako ng kaunti sa pagbitaw niya sa braso ko.
Grabe siya! Ganito ba talaga ka sama ang ugali nito? Biglang nawala sa isip ko ang nahawakan kagabi at napalitan ito ng inis. Sinundan ko na lang siya at nagsimula na kaming mag tayo ng mga target at mag- set up ng mg arrows na gagamitin para sa training.
“Bro-dude, kailan ka pala nag-start mag-archery?” sinubukan kong mag tanong kahit alam kong hindi niya naman ako sasagutin. Ang bigat pala itayo ng targets.
“Nag-start ka ba no’ng bata ka pa? Pinilit ka ba ng mga magulang mo? Ikaw ba ’yung tipo na good son and good-at-everything guy dahil gusto mo maging proud sa’yo ang parents mo, bro-dude?” Tuloy-tuloy kong tanong, pero nanatili lang siyang tahimik.
Pasimple akong umirap. Para akong kumakausap ng hangin ah?
“Siguro gusto mo talaga ’to noh? Pangarap mo siguro maging sikat sa archery sa buong mundo? ’Yung pakiramdam na nabubuhay lang ’yung dugo mo sa tuwing hawak-hawak mo ’yung arrow. Tapos… pakiramdam mo, slow motion lahat ng shots mo… para kang napupunta sa ibang lugar habang nag- aarchery. Siguro gano’n ang pakiramdam mo noh?” hindi ko alam kung ’yon ba talaga ang nararamdaman niya, pero ’yon kasi ang nararamdaman ko.
Pakiramdam ko kinukulayan ng archery ang mundo ko. Super nakaka-amaze ’yung feeling na dinadala nito sa akin. Kaya gusto ko talagang patunayan ang kakayahan ko bilang babae at bilang si Katty sa larangan ng archery.
Balang araw, makakamtan ko rin lahat ng pangarap ko at kikilalanin ang mga kababaihan sa larangan ng archery dahil isa ako sa nagpatunay no’n.
Malalaman ng lahat ng tao ang galing ko. Balang araw.
“Sobrang saya mo siguro pag naging king of archery ka na no, bro-dude—” again, he cut me off. “Ang daldal mo para sa isang lalaki. Tsk! Lalaki ka ba talaga?!” naasar nitong tanong na ikinatameme at sobrang ikinakaba ng puso ko.
Grabe ’yon! Muntikan na akong mahulugan ng puso!
“Huy! Grabe ka naman, bro-dude! May mga lalaki rin namang talkative. At isa pa, marami akong chicks sa dati kong school, kaya lalaki talaga ako. 10 pack abs kaya ako,” pagyayabang ko, pero parang nasobragan ata dahil sa panghuli kong sinabi. Shet ka, Katty!
Mas lalong kumunot ang noo niya. Napaiwas ako nang binato niya bigla sa mukha ko ang isang basahan. “Stop talking and move your ass,” he said with his serious voice.
“Huy! Grabe ka na talaga, bro-dude. Gusto mo ba akong mag twerk dito? Move your ass pa ah!” pang- aasar ko lalo, pero tila wala itong narinig at nagpatuloy lang sa pag-rerefill ng arrows sa mga quiver.
Nag-make face na lang ako sa kaniya habang nakatalikod siya at nagpatuloy na sa pag-aayos ng mga target.
“Gusto ko lang naman malaman kung paano nagsimula ang prince of archery sa larangan ng archery,” bulong ko sa aking sarili habang padabog na nagpupunas.
“Syempre lahat ng tao gusto malaman ’yon. Wala nga akong nababasang mga balita tungkol sa history mo sa archery e. Basta lumitaw ka na lang na pinakamagaling.
Kayanapatalsikagad’yungteamkodahilsa’yo,“ mas humina ang boses ko sa huling sinabi, pero totoo naman ’yon.
“Masama bang malaman ko ang history mo sa arche—ack,” sa pagbuka ng bibig ko, nagulat ako nang may bumusal sa aking tinapay.
“Stop talking and just show me what you got,” sambit nito at ibinigay sa akin ang bow ko.
Niyakap ko naman ’yon agad, habang subo-subo ang tinapay na sinalpak niya sa bibig ko. Saan ’to galing? Napakunot ang noo ko nang malasahan ang pamilyar na tamis. Lemon Square pa nga. Wala ba siyang budget para sa mamahaling tinapay?
“Saan mo ’to kinuha?” tanong ko.
“Sa basurahan, pinulot ko at pinasok sa maingay mong bibig,” pilosopo nitong sagot. Napairap ako. Halata namang galing ’to sa bag niya dahil sinasara niya ’yon ngayon. Suminghal na lang ako at kinain na lang ’yon nang tuluyan bago lumapit sa kaniya. Nginitian ko siya ng pagkalaki-laki.
“Thank you, bro-dude. Sakto, hindi pa ako nag- bbreakfast,” lalaking boses kong sambit. Suminghal ito at sinuot ang gloves niya, gano’n din ang ginawa ko. Habang nag-aayos siya, sinusubukan kong aralin lahat ng strategy niya simula sa pag-aayos ng gear at paghawak sa bow at arrow.
Ginaya ko ang lahat ng ginagawa niya at pinanood siyang tumira. My lips slightly parted. I mean, expected naman na tatamaan niya ’yung target sa isang shot pa lang pero sobrang swabe ng pag-atake niya!
Sa sobrang bilis ng pagtira niya, hindi ko napanood nang mabuti kung paano niya ’yon nagawa. Parang kumurap lang ako and then boom, sapul na agad ang target niya.
“Your turn, dummy,” he said, giving me an intimidating stare.
Shet na malagkit! ’Wag mo akong tingnan ng ganiyan, Bryce, baka ma-fall ako sa’yo! Ano ba! Hindi ikaw ang goal ko rito, kung hindi ’yung puwesto mo! Kaya pwede ba, ’wag mo akong tingnan ng ganiyan! Nakaramdam ako ng init sa aking tainga at mga paro- paro sa tiyan ko.
Shems! Buntis na ba ako agad? Nahawakan ko pa lang naman ah?!
“Ano pang hinihintay mo?” tila nauubusan na ng pasensya niyang sambit. Napatikhim ako, “Wait lang, bro-dude, chill,” sambit ko at nagpakawala ng hilaw na tawa, pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya tumigil na rin ako agad.
Inayos ko na ang pustura ko. I aimed at the target with my narrow eyesight. There it is, the red spot, my target. Titira na sana ako nang mahagip ng mata ko ang seryosong tingin sa akin ni Bryce. Nabitawan ko ang arrow at dumiretso ’yon sa pinakataas ng target, hindi ako tumama sa red dot!
Na-distract kasi ako! Narinig ko siyang huminga nang malalim dahilan para inis akong mapatingin sa kaniya. Malademonyo siyang ngumisi bago naglakad papalapit sa akin, “I knew it, you’re just a showoff guy, but in reality, you’re a weak archer,” he mockingly said.
Kahit na gwapo siya, nasaktan ako sa sinabi niya. ’Di ba nga issue sa akin ang pangmamaliit ng mga kalalakihan sa kakayanan ng babaeng gaya ko? Kahit na alam niyang lalaki ako, nasaktan ang pagkababae ko.
Buong tapang ko siyang hinarap. “Kung gano’n, turuan mo na lang ako kung paano ’yung tama, dahil pinapangako ko sa’yo, kaya kong agawin ang puwesto mo—” natigilan ako nang ma-realize ang sinasabi ko.
Shet, baka mahuli ka, Katty!
“J-joke lang, bro-dude. Turuan mo na lang ako para cool din ako gaya mo. Hindi ko talaga aagawin puwesto mo, pramis,” dinaan ko na lang siya sa biro.
He suddenly grabbed my wrist and positioned it at the right angle. “Take my place, I don’t care,” I gasped silently when he stood behind me. Ramdam ko ang katawan niya sa likuran ko.
“Hold it like this, dummy,” seryoso niyang sambit at itinama ang pagkakahawak ko sa arrow.
“Narrow your eyes on the target, breath and then fire,” he whispered into my ear. Mas lalo akong nawala sa focus dahil mas lumakas ang tibok ng puso ko sa sobrang lapit niya sa akin. Dagdag mo pa ang mainit niyang hininga na dumadampi tainga ko! Napatingin ako sa braso niyang nakaalalay sa akin hanggang sa kamay niya. Ang laki pala ng kamay niya kumpara sa akin.
“1… 2… 3… fire!” he suddenly said. Dahil sa gulat ko, nabitawan ko ’yung arrow habang nakatingin pa rin sa kanya.
“Bullseye my ass,” he moved away from me and smirked. Tiningnan ko ang target at nagulat dahil nasa pinakamababa itong score. Walangya! Sinadya niya ’yon!
Tiningnan ko siya nang masama kahit sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.
“Turuan mo ako maging kasing galing mo!” He folded both of his arms in front of his chest and looked at me mischievously. Kung hindi lang siya nakatitig sa akin ay baka kanina pa ako nahimatay sa mga titig niya!
“And what? You’ll replace me on my throne?” he asked with a now devilish smirk on his lips.
Yes!
“Hindi, bro-dude, hindi ko gagawin ’yon sa’yo no.” Sinungaling ka, Katty! Hilaw akong ngumiti sa kaniya pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Makalipas ang ilang segundo ay umiwas
na lang ako ng tingin sa kanya. Sino ba’ng niloloko ko? Siya? Tuturuan ako? Baka mauna pang bumait si Satanas bago mangyari ’yon.
“Fine then. Be my slave and I will do you favor.” Nanlalaki ang mga mata akong napatingin sa kaniya.
Ano? Slave?!
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 12: PROTECT ME!
“CARRY my bag.” Nagmamadali akong sumunod kay Bryce nang bitawan niya bigla ang bag sa bench ng Archery Gym.
“Also my bow carrier too, faster!” Napabuntong- hininga na lang ako. Pucha! Kanina pa sunod-sunod ang utos niya, hindi ko na alam ang uunahin ko!
Kinuha ko ang bag ko, pati na rin ang bag niya, at bow carrier naming dalawa. Napakagat ako sa labi ko. Ang bigat grabe!
“Faster!” he said irritatedly. Hindi na lang ako sumagot at sumunod na lang sa kanya. Buong araw niyang sineryoso ang pagiging slave ko sa kanya. The training started, pero hindi man lang ako nagkaroon ng chance na maturuan niya dahil mas nag-focus siya sa pag tambak ng mga utos sa akin.
“Master Keith, bakit ikaw ang nagbubuhat ng gamit ni Bryce?” bulong ni Troy nang sabayan niya akong maglakad, nakasunod kami ngayon kay Bryce.
“Secret, hindi mo pwedeng malaman,” bulong ko at nagpatuloy sa pag sunod kay Bryce. Nakita ko naman ang pagkibit-balikat niya na pinasawalang bahala ko na lang dahil pinagpapawisan na ako sa bigat ng mga letseng bag na ’to!
“Oh sige. Dito na ako ah? Ay, baka pala gusto niyong sumama? Lalabas kami ng campus. You know, we’re going to meet up with sexy babes,” he said, making my attention shift at him. Kumunot ang noo ko nang binibigyan niya ako ng kakaibang ngiti at tingin. Ano raw?
“’Di ba sabi mo, Master Keith, marami kang girls sa dati mong school? Sama ka na! Let’s hang out with some girls tonight.” Natawa ako sa sinabi niya.
“Hindi na, baka maagawan ko lang kayo ng chicks do’n,” tugon ko. Tumawa siya at biglang tinapik ang balikat ko kung saan nakasabit ang bag namin ni Bryce. Nawala ang ngiti ko dahil parang mas bumigat ’yon dahil sa ginawa niya. Letse!
“Pag nagbago isip mo, sunod ka na lang sa bar. Ito oh,” may inabot siya sa akin na card na may pangalan ng isang bar. Ito ata ’yung pupuntahan nila. Ngumisi lang ako sa kanya.
“See you there, Master.” Tumango ako at nagpatuloy na lang sa pagsunod kay Bryce. Bakit ba kasi napunta sa ganito ’yung plano mo, Katty?! Hindi ’to tama! Ang plano ay talunin siya, at hindi ang maging katulong niya!
“Aray!” Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin na tumigil pala sa paglalakad si Bryce, tumama tuloy ako sa likuran niya.
“Bring those things inside. Change your clothes, we’re going somewhere,” he said in a serious tone. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Huh? Saan tayo punta?” Lumingon siya sa akin na nakapagpatigil sa akin. Shet! Ang gwapo niya! Parang biglang may butterflies na nagwala sa dibdib ko dahil sa gwapo niyang mukha.
“We’re going there,” he said at inagaw sa akin ’yung card na binigay ni Troy sa akin kanina. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi pwede!
“Ahm… may assignment tayo sa Chemistry e, hindi ako makakapunta, bro-dude. Ikaw na lang siguro,” sambit ko. Magandang opportunity ’to pag umalis din siya ngayong gabi, pwede akong maligo nang maayos at makapagtanggal ng wig sa loob kwarto namin.
“You’re coming,” halos magdidikit na ata ang noo at anit ko dahil sa sinabi niya.
“What?” Seryoso niya akong tinitigan bago ako tinaasan ng kilay.
“Nakalimutan mo na ba? You’re my slave, you can’t say no to me. You’re coming with me whether you like it or not. Now, do what I said, bring those things inside my room,” he said.
Wala akong nagawa nang tinulak niya ako papasok sa dorm room namin. “Kung minamalas ka nga naman oh!” Inis kong ginulo ang buhok ko. Hindi naman ako umiinom kaya ano gagawin ko sa ba—wait… natigilan ako nang maalala ang sinabi ni Troy kanina.
“’Di ba sabi mo, Master Keith, marami kang girls sa dati mong school? Sama ka na! Let’s hang out with some girls tonight.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ako nga pala si Keith Denblake! At paniguradong kung saang bar man sila pupunta ay sure akong maraming babae ang makakakilala sa akin, kay Keith. This is bad, really bad! Sure ako na may makakakilala sa akin.
Paano kung mapansin nilang hindi talaga ako si Keith? Girls know him from head to toe. I’m sure na malalaman nila. At isa pa, kailangan ko rin patunayan kila Troy ang mga salitang binitawan ko.
“I need help!” Tumakbo ako sa gilid ng kama ko at kinuha ang phone ko. Kailangan ko ng ultimate help from the professional!
“Yes? What do you need, Katty?” bungad nito sa akin. “Girlie, I need your help!” nag-papanic kong sambit.
“What help? Katty, I’ve already helped you enough sa pag-transform mo bilang kapatid mo, ano na naman ’to?” singhal nito sa akin mula sa kabilang linya. Hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita ulit siya.
“And, gabi na rin. Mag-beauty sleep na dapat ako, ano ba?!” he added. Sa sobrang pag-papanic ay hindi ko napansin na nginangatngat ko na pala ang kukuko ko.
“Sorry na… I just need your help, super important nito!” I heard him scoff.
“Ano ba kasi ’yun?!” nilayo ko ang phone sa aking tainga dahil sa lakas ng boses niya. Tumikhim muna ako bago sumagot, “Pupunta kami sa bar malapit dito sa campus ngayong gabi, alam mo naman si Keith, bawat bar ata sa bansa may kakilala siya, sigurado akong baka may makakilala sa akin do’n,” sambit ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya.
“Fine, I’ll cover up for you. Saang bar ba? I-text mo sa akin ’yung pangalan,” tanong nito. Sinabi ko agad ’yung pangalan pero may isa pang problema.
“Thank you so much, girlie, pero—” she cut me off, “Ano?! Meron pa ibang problema?!”
Kinamot ko ang batok ko. “Ano kasi… sinabi ko rin kasi sa mga ka-team mates ko na matinik si Keith sa babae, which is true naman ’di ba? I need your help to prove to them na totoo lahat ’yon without getting caught sa mga totoong kakilala ni Keith,” I said nervously. Napaupo na ako sa kama ko. Pakiramdam ko nawawalan ako ng lakas sa pag-ooverthink sa mga maaaring mangyari sa oras na tumapak ako sa labas ng campus bilang Keith.
“You owe me big time for this, Katty! I’ll call Daisy, siya lang ang makakatulong sa’yo sa isa mo pang problema! Hmf! Masisira pa beauty sleep ko ngayong gabi dahil sa’yo e! Sige na! Kita na lang tayo ro’n,” sumilay ang malaking ngiti sa aking labi. Maaasahan talaga ’tong babaitang ’to kahit kailan!
She ended the call, and that was the sign for me to prepare. Nagpalit na ako ng damit at siniguradong naka-bandage nang maayos ang dibdib ko. Sinecure ko na rin muna ang wig na suot ko bago lumabas ng kwarto. Natigilan ako nang makitang naghihintay sa labas ng pintuan si Bryce.
Kung hindi lang kami nasa ganitong sitwasyon, at babae ako ngayon, siguradong kikiligin ako nang sobra habang papalapit sa kanya. Sobrang gwapo niya. Siya ’yung tipo ng lalaki na gugustuhin mong makitang naghihintay sa’yo every time na matatapos ang class mo sa school.
Sa sobrang pag-ddaydream ko sa kanya, hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako habang papalapit sa kanya. Nararamdaman ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
“What are you staring at, dummy? Let’s go,” he said, putting both of his hands inside his pockets. Nagsimula na siyang maglakad kaya itinikom ko ang bibig ko at patakbong sumunod sa kanya. Paglabas namin ng campus ay sumakay kami ng taxi papunta sa bar.
“Bro-dude, may girlfriend ka na ba? Sabi kasi sa magazines ng school, tinatago mo raw ’yung relationship status mo,” naiintriga kong tanong, pero masamang tingin lang ang natanggap ko mula sa kanya.
“You’re my slave, not an interviewer,” he said with a serious tone in his voice. Tumingin siya sa bintana ng taxi na ikinairap ko. Kung makasagot ay akala mo laging may malaking problema sa buhay. Napatingin na lang din ako sa may bintana at tahimik na pinapanood ang daang tinatahak namin.
“By the way, don’t drink. You’re just there to do what I’m going to tell you to do, understood?” Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Ano ba talagang gusto nito? Slave o bodyguard? Halata naman na sa aming dalawa, mas kaya niya pang protektahan ang sarili niya, kaya bakit kailangan niya pa ako do’n?
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami sa bar. Bubuksan ko pa lang sana ang pinto nang hinawakan niya ang aking braso. I looked at him with a curious look. Ano trip nito?
“Protect me.” parang biglang nabingi ang tainga ko sa narinig. Natulala ako sa kanya at hindi ko napansin na nag-abot na pala siya ng bayad sa taxi driver. Tumibok nang sobrang bilis ang puso ko dahil sa sinabi niya.
“Protect you?” bulong ko sa sarili sabay tanaw sa walang katao-taong labas ng bar. Pakulo niya lang ba ’to para magpakilig? Kasi kung oo, super effective! Seryoso niya lang akong tiningnan bago binitawan ang braso ko. Nauna na akong bumbaba ng taxi. Alam kong may ngisi sa labi ko pero hindi ko ’yon binura. Pinagbuksan ko siya ng pinto at lumabas siyang tuluyan mula sa taxi. Napalibot ang tingin ko sa kabuoan ng bar. Nakapagtataka lang na walang katao- tao rito sa labas knowing na ito ang pinakamalapit sa campus namin.
“Wala namang tao rito e, hindi na kita kailangan protek—” natigilan ako nang may biglang isang malakas na sigaw ang parang nag-echo sa buong labas ng bar.
“AHHHH! Si Bryce nandito!” Nanlaki ang aking mga mata nang bigla akong hilain ni Bryce at ginawang shield sa mga babaeng biglang sumugod sa amin. Tangina! San nanggaling ’tong mga ’to?!
Biglang napuno ng tao ang kaninang tahimik na labas ng bar. Ang walang hiyang lalaki naman ay hawak lang ang magkabilang balikat ko habang tinutulak ako papasok ng bar. Nagsisigawan ang mga kababaihan at pilit siyang inaabot. Hindi na ako nakapagprotesta sa ginawa ng hayop dahil nasasampal at kung ano-anong kamay na ang tumatama sa mukha ko dahil sa ginawa niya!
“S-sandali—” sinubukan ko silang pigilan, pero hanggang sa makarating kami sa loob ng bar at napagilan sila ng mga bouncer, ramdam ko pa rin ang mga kamay na humampas sa mukha ko.
“Great job,” inis akong napalingon sa kaniya nang marinig ’yon. Sakto namang may salamin sa likod niya kaya nakita ko ang kawawa kong itsura. Mukha akong nabugbog dahil sa sobrang dumi ng damit ko at gulo ng wig ko. Buti na lang at madikit ’yon at hindi nahablot ng mga bruha kanina.
“Kaya pala protect me! AHH! Nakakainis ka, Bryce! No na no for you!” Nagbago na ang isip ko, hindi ko na siya crush! Bwiset!
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 13: DRUNK
“PST!” Pag-apak ko mismo sa loob ng bar, agad akong lumingon-lingon upang hanapin si girlie sa loob. Nahagilap ko siya malapit sa entrance ng bar kaya agad ko siyang pinuntahan at pasimpleng nag-usap.
“What’s the plan?” salubong kong tanong sa kanya.
“Daisy is around. Lalapitan ka niya at magpapanggap na isa sa mga chicks ni Keith, habang ako naman ay susubukan harangin lahat ng makakakilala kay Keith para hindi ka mahuli. Go!” nanlaki ang mga mata ko nang itulak niya na ako at mabilis na lumabas ng bar.
Sinundan ko na lang si Bryce papunta sa table nila Troy. Nag-iinuman na sila habang busy na pinapanood ang mga sexy na babaeng dumadaan sa harap nila.
“Bryce!” gulat na sambit ni Troy nang makita si Bryce na tuluyang nakalapit na sa table.
“Buti pumunta ka! First time ’to ah?” he added before glancing at me. “Master Keith!” ngumisi ako at maangas na nakipagkamay sa kanya.
“Dude,” nakita kong nilingon ako ni Bryce kaya unti- unti nawala ang ngiti sa labi ko.
Ayaw niya bang masaya ako?
“Upo kayo,” sambit ni Troy nang makita ata ang kakaibang tingin na binibigay ni Bryce sa amin.
“Get me a drink,” he whispered into my ear when we finally sat. Wala akong nagawa kung hindi sundin siya kaya mabilis ulit akong tumayo.
“Ah, mga bros, kuha lang ako drinks,” pagpapaalam ko, tumango naman sila at pinanood akong umalis. Pag-upo ko sa highchair sa counter para umorder ng drinks namin ay malalim akong napabuntong-hininga. Ramdam ko pa rin kasi na pinapanood ako ng dalawa, si Troy at Bryce, kaya hindi ko alam ang gagawin ko.
May napapansin ba silang kakaiba sa akin? Naghihinala na ba silang dalawa? Huminga ako nang malalim at umorder ng drinks, “Two beers please,” sambit ko nang lumapit sa akin ang bartender na lalaki.
“Two beers for you, pretty guy,” halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya.
“What?” wala sa sariling bulalas ko dahil sa gulat. Mabilis niyang binigay sa akin ang dalawang beer bago pasimpleng dumukwang sa counter at kinindatan ako. Sa gulat ko sa ginawa niya ay hindi agad ako nakapag-react. Tangina!
“I’m into a pretty guys like you. Wanna hang out later?” hindi ko alam ang gagawin ko sa sinabi niya. Ano?! Bakla siya?! Eh ang laki-laki ng katawan niya! My gosh! Hindi lang pala babae ang nahihila ng mukha ni Keith, pati mga bakla!
“Sorry, I’m straight,” malalim na boses kong sambit at kinuha ang beer na inorder ko. Pagtalikod ko sa kaniya ay bumungad agad ang matalim na tingin ni Bryce sa akin, kaya agad akong natigilan at nakaramdam ng kaba. Ano ba ’to?! Bakit ganiyan siya tumingin? Naghihinala na ba siya?
Mabilis ang pagtibok ng puso ko habang papalapit sa table namin. Do’n ko lang napansin na nandito rin pala si Mike. Umupo siya sa tabi ni Troy habang nakangiting hinihintay akong makalapit sa kanila.
“Totoo bang girls magnet ka, Master Keith? Bakit parang mahiyain ka?” salubong na biro ni Troy pag- upo ko sa tabi ni Bryce. Inilapag ko muna sa harap ni Bryce ang beer niya bago itinuon ang atensyon kay Troy.
Ngumisi ako sa kanya, “Ano’ng sinasabi mo diyan? Matinik to noh,” mayabang kong sagot at padekwatro na umupo bago uminom ng beer.
Parang gusto kong iluwa pabalik ng bote ’yung beer dahil sobrang pangit ng lasa! Pero, hindi pwede dahil nakakabawas angas ’yon at baka makahalata pa sila.
“Nagsisimula na akong magtaka sa’yo master ah. Baka mamaya… pusong babae ka pala?” natigilan ako sa sinabi ni Mike, pero nahalata kona lasing na pala siya kaya siguro kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya.
“Nagpapatawa ka naman, pare!” malakas akong tumawa para takpan ang kaba ko sinabi niya. Tiningnan naman nila ako habang tumatawa na rin at nakitawa na rin si Troy. Habang seryoso lang na nakatingin si Bryce sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.
“Ang ganda mo siguro, Master Keith, pag naging babae ka,” pagsakay pa lalo ni Troy sa sinabi ni Mike, na halos magpaluwa sa puso ko dahil sa kaba. Bakit ba kasi napunta sa ganito ang usapan namin?!
“Yeah, you kinda look like a woma—” hindi na natuloy pa ni Bryce ang sasabihin niya nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran ko.
“Babe! Keith, my love!” mabilis akong napahawak sa maputing braso na yumakap sa leeg ko at sa bracelet pa lang na suot niya ay kilala ko na kung sino siya.
Mabilis akong napatayo para lingunin siya pero agad akong natigilan sa nakita. My lips parted when I saw her smirking at me while giving the look. The hell! First time ko siyang makitang mag-suot ng ganito ka-sexy na dress! Dagdag pa ang makeup niya na super smokey and dark! My gosh! I never expected this side of her, even in my wildest dream!
“Who?” rinig kong tanong ni Troy nang lumapit sa harap ko si Daisy. Sasagot pa lang sana ako pero agad ding natigilan nang bigla niya akong itinulak paupo ng sofa at walang kung ano-ano’ng umupo sa kandungan ko. Nanlalaki ang mga mata akong napatitig sa kaniya dahil sa ginawa. Kahit kailan talaga baliw ’tong babaeng ’to!
Mahina akong natawa nang natatawa rin siyang ipinulupot sa leeg ko ang braso niya. Ipinatong ko ang kamay ko sa legs niyang exposed na dahil sa ikli ng dress niya. Ayaw ko siyang masilipan noh!
Nilingon ko ang tahimik na ngayong mga lalaki at napangisi nang makitang nakanganga sila Mike and Troy, na mas lalong lumaki nang maramdaman kong hinalikan ako ni Daisy sa pisngi. I’m sure her hot red lipstick marked on my cheeks. God, is this my best friend Daisy? Gusto kong matawa pero I need to focus.
“Daisy… hi, long time no see, baby,” malambing kong tugon at inilandas ang isa kong kamay sa beywang niya. Nakita ko kung paano mas nagulat sila Troy at Mike habang nakatingin sa amin.
“I missed you… sabi mo babawi ka sa akin but when I woke up, you were already gone, Keith. I will never forget that night, baby… you made me feel like a real woman.” I saw how Mike and Troy jaw dropped even more.
“I’m sorry, baby, what’s your name again?” I asked and rubbed her legs using my thumb. Nakita kong umakto siyang nagtatampo na mas lalong napalaki sa ngisi ko. This woman! She keeps surprising me!
“I’m Red, don’t you remember, babe?” Daisy said while pouting her plump, red lips. I want to laugh so badly, but I know I can’t. Daisy is really on another level tonight.
“Sorry, sobrang dami niyo kasi. I can’t remember a dozen of girls’ names in one go. I don’t want to hurt you, but I don’t do second rounds, baby,” gusto kong masuka sa sinabi ko! Imagining Keith doing and saying this line to other girls makes my stomach turn. I’m sure he will!
“Fine, but in case you want me, just call me. You know where to find me, Keith,” she stood up and gave me a wet kiss on my neck. I smirked at her and nodded.
“See you around, Keith Denblake,” paalam niya pa bago pa-sexy na umalis.
“Gago, pre! Idol na talaga kita, Master Keith!” Troy and Mike were both amazed by what just happened in front of them. I smirked mischievously, “Wala ’yon, just one of my girls,” presko kong sambit at uminom ulit ng beer. Natitiis naman na ng taste buds ko ang lasa kaya okay lang.
Napatigil ako sa pag-inom nang biglang tinungga ni Bryce ang isang can ng beer at tiningnan ako nang masama. “Don’t get drunk, you need to bring me back to the dorm safe,” utos nito na tinanguan ko na lang. Ano na namang problema niya?
Biglang tumayo sila Troy at Mike, “Sayaw lang kami ah? Daming girls sa dance floor e, sama ka, Master Keith!” sambit ni Mike na tumungga rin ng natitirang alak sa baso niya.
“Pass ako, brothers,” tugon ko na hindi naman na nila kinuwestyon. Tiningnan ko si Bryce nang tuluyan na silang makaalis ng table namin.
“Ikaw, bro-dude? Iinom ka?” tanong ko. Hindi niya naman ako sinagot at tuloy-tuloy lang sa pag-inom sa tabi ko ng beer.
Pinanood ko na lang siya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakalahati ko na ang beer na inorder ko kanina, pero itong katabi ko, tatlong bote pa lang ng beer lasing na. Namumula na siya at halatang inaantok na dahil pumupungay na ang mga mata niya. Hindi ako makapaniwala na ganito lang kababa ang alcohol tolerance niya.
“Oh, bro-dude, kaya mo pa?” tanong ko sa kanya, pero gaya ng inaasahan hindi siya nakasagot.
Hahawakan ko na sana ang braso niya para alugin siya nang bigla siyang humarap sa akin. Nanigas ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Naramdaman ko rin ang biglang pagbilis ng pagtibok ng puso ko.
“I don’t like you,” pasinghal nitong sambit sa akin. Namumula na lalo ang mukha niya.
“Alam ko,” sambit ko at gamit ang hintuturo ko ay tinulak ko siya papalayo sa akin.
“I don’t like your vibe. You’re weak, small, and super clumsy, stupid too,” panlalait pa lalo nito sa akin. Binalewala ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at tiningnan siya nang masama.
“Ikaw naman, ang pangit ng ugali mo, sobrang sungit, at moody! Bipolar ka ba?!” lasing naman siya, kaya hindi niya naman ’to maaalala bukas.
“I just don’t like you, that’s why… and I hate your eyes!” Ano?! Ang sama talaga ng ugali nito?!
“Ako naman, I hate your abs!” walang pake kong ganti at tinungga ang natitirang laman ng bote ng beer ko.
“Your eyes show so much eagerness to defeat me, that’s why I hate it!” sambit nito at sumandal couch.
“Eh bakit ba kasi ayaw mong tanggapin na may mas magaling pa sa’yo?” Ang yabang talaga nito.
“Because I want to be the best,” napairap naman ako sa sinagot niya. Tingnan mo, ang selfish ng dahilan! Hindi niya ba alam na may mga archers na nasisira ang pangarap dahil lang sa pagiging competitive niya?!
“I want to be the best because I want her to admire me,” biglang nawala ang pagkakunot ng noo ko dahil sa sinabi niya.
“Admire you? May crush ka?” Mas lalong kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Kaya siya nagpapakahusay sa larangan ng archery dahil may crush siya?! ’Yun na ’yun?! Masisira ang pangarap ko dahil sa love life niya?!
“Sino’ng crush mo?” lakas-loob kong tanong habang nakaharap na ngayon sa kaniya.
Tiningnan niya ako at ngumiti. Nagulat ako do’n dahil first time ko siyang nakitang ngumiti ng ganito. “She’s someone… I don’t know either,” he said. Kumunot naman agad ang noo ko. Ano raw? Hindi niya kilala crush niya? Tatanungin ko pa sana siya pero napasigaw ako nang bigla siyang magsuka sa akin.
“BRYCE!” sigaw ko sa inis! Kadiri!
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 14: FIRST PROPER KISS
MASAMA ang tingin ko sa kanya habang nagbibihis siya sa harapan ko, pero parang wala lang ’yon sa kanya dahil patuloy lang siya sa pagbibihis. Hindi mo ako makukuha sa pa abs-abs mo riyan! Kahit yummy ’yan, no na no for you!
Pinahirapan mo ako ng sobra kagabi! “Hey, stop staring at me dummy,” napairap ako nang magsalita siya.
Wow! Kung makapagsalita parang hindi ako pinagod kagabi! Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya ngayon!
“BRYCE!” sigaw ko sa sobrang gulat. Sa dibdib ko pa talaga siya sumuka! Napapikit ako sa inis nang humiga pa sa kandungan ko ang lasing!
“Hehe…” nagawa pang tumawa matapos akong sukahan?! “Ano’ng nangyari rito?” Napalingon ako kay Troy nang bumalik ito sa table namin.
“Ganito ba talaga ’to madaling malasing?!” tanong ko. Natatawa naman siyang nagkibit-balikat sa harap ko habang pinagmamasdan ang kalunos-lunos na itsura namin ni Bryce.
“Hindi ko alam, Master. First time lang namin makasamang uminom ’yan si Bryce,” sagot niya habang nagkakamot sa batok. Pinigilan ko namang sumabog sa inis. Ang malas naman!
“Oh siya, mabuti pa ibalik na natin ’yan sa dorm,” ani niya at tinulungan akong alisin at buhatin ito patayo.
“Troy,” napatigil kami sa ginagawa nang biglang may lumapit na babae kay Troy kaya. Tumingin sa akin si Troy na may kung ano’ng emosyon sa mukha, “Sorry, Master Keith, hindi pala kita masasamahan ngayong gabi. Don’t worry, may taxi naman agad diyan sa labas kaya madali lang kayo makakabalik sa dorm. Kaya mo na ’yan,” tinapik ako nito sa balikat at mabilis na umalis kasama ang babaeng hindi ko kilala.
Hinanap ng mata ko si Mike para sana ito na lang ang hingan ko ng tulong pero bagsak ang mga balikat akong nagbuntong-hininga nang makitang tulog na ito sa bar counter. Tiningnan ko si Bryce na tulog habang nakatayo sa tabi ko. Ibang klase rin talaga ’tong lalaking ’to noh?
Wala na akong choice, ladies’ choice! Ako lang mag- isa ang magdadala sa mahinang nilalang na ’to pabalik
ng dorm. Tinaas ko ang sleeves ng suot kong shirt bago siya inalalayan maglakad.
“Sa-an t-tayo punta?” lasing na tanong nito.
“Sa do—” sasagutin ko na sana siya nang muntik na kaming madapa parehas. Shet na malagket! Kung ibang babae kasama nito baka hindi na ’to nakaabot ng entrance ng bar at matutulog ’to sa sahig! Pagewang- gewang kaming naglalakad palabas ng bar.
Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang nag-angat ng tingin sa akin. “Shhh… don’t speak…” dinuro niya ako at parang tanga na ngumiti.
“Ang panget mo…” My lips parted after hearing what he just said. Talaga bang mapanglait siya lalo kapag lasing?! Eh kung sapakin ko kaya siya ngayon?!
“Mas pangit ka,” tugon ko at inayos ang pagalalay sa kanya.
“Hindi noh… I’m handsome as fuck! Girls are crazy over me!” Natawa ako sa sinabi niya. Ang hangin naman pala nito sa personal!
“Talaga lang ah,” sabi ko. Paulit-ulit naman siyang tumango na parang nag-rock n roll.
“Yeshhh~! I’m hot and sexy as fuck!” Napataas naman ang kilay ko. Sobrang yabang nga talaga. Alam naman natin na totoo ’yon pero iba pala ang feeling pag pinagyayabang niya na. Nakakainis!
“Parang hindi naman,” ani ko.
“I’m hot. I have sexy abs, look,” nagulat ako nang hablutin niya bigla ang kamay kong nakahawak sa braso niyang nakasabit sa leeg ko at walang kung anu- ano’ng ipinasok sa loob ng t-shirt niya at idinausdos sa abs niya! Napasinghap ako sa ginawa niya at agad na binawi ang kamay ko.
“Tama na nga ’yan, uuwi na tayo,” binalik ko ang kamay ko sa kamay niya at mahigpit na hinawakan ’yon. Bakit parang biglang uminit?
“See? I’m hot.” I scoffed and nodded in defeat. Para matigil na siya sa trip niyang hindi naman niya maalala kinabukasan.
“Oo na,” wala sa sarili kong sambit. Lalabas na sana kami ng pinto ng bar nang mahagilap ko ang mga babae sa labas. Napapikit ako sa inis. Siguradong pagkakaguluhan ulit kami nito kapag lumabas kami!
Kailangan kong mag-isip ng ibang paraan para makalabas. “Let’s go to the moon,” hindi ko na lang pinansin ang sinasabi niyang nonsense.
“Sandali, kailangan natin ng disguise…” nilibot ko ang tingin sa buong bar at mahinang nagpasalamat kay Lord nang may nakita. Mabilis ko siyang hinila papunta sa mga wig sa tagong gilid dito sa may entrance at isinuot ang pink na wig sa kanya at sa akin naman ay violet.
“Ito lang ang tanging paraan kaya makisama ka, okay?” bulong ko sa kanya at pumwesto sa harap niya. I inhaled a lot of air before carrying him in a piggyback ride. Parang may naputol na ugat sa leeg ko nang mabuhat ang katawan niya. Ang bigat niya! Shet!
“Let’s go,” I whispered. “Yes, let’s go,” parang tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan nang maramdaman ang hininga nito sa tainga ko. Tangina naman oh! Focus, Katty! Kailangan niyong makalabas dito sa bar at makabalik ng dorm ng buhay!
Buong tapang ko siyang nilabas sa bar at hindi pinansin ang mga babaeng busy sa kakasilip sa salamin ng bar. Nang madaanan namin ang mga fans niya, nakahinga ako nang maluwag nang hindi nila napansin na si Bryce ang buhat ko.
May iilang napalingon sa akin na nginitian ko na lang, “Hi girls.” Kumindat pa ako na ikinalukot ng mukha nila. Bwiset! Kung wala lang akong buhat-buhat na higante ay baka kanina pa ako naglupasay sa sahig kakatawa!
“Ang pangit namang mga bakla ’to,” rinig kong sabi ng kung sino na ikinailing ko na lang. Nahiya naman ako sa kanya huh? Ganda niya raw kasi!
“Taxi!” pumara agad ako ng taxi at parang sakong hinagis sa loob si Bryce at agad na sumakay sa passenger seat.
“Manong, sa East High dormitory po,” sambit ko. Tiningnan naman ako nito nang nakakunot ang noo, “East High? ’Di ba panglalaking school ’yon?” tanong nito. Mabilis kong tinanggal ang wig na suot nang ma- realize ang sinabi niya.
“Lalaki po kami,” malalim na boses kong sambit na ikinatango na lang niya.
Tahimik siyang nag-drive papunta sa dorm. Pagtigil sa harapan ng dorm ay nagbayad na ako at hinila palabas ng taxi si Bryce. Para na siyang lantang gulay!
“Home,” hinihingal akong tumitig sa kaniya nang bigla siyang humiga sa entrance ng dorm. Naknang!
“Hoy, bro-dude! Tumayo ka riyan! Wala pa tayo sa kwarto natin!” pilit ko siyang hinihila patayo, pero hindi siya nagpahila sa akin.
“No!” I looked at him with disbelief. Parang bata pa siyang nag-inarte habang nakahiga sa sahig.
“Tara na kasi!” nauubos na ang pasensya ko sa lalaking ’to talaga! At isa pa, sobrang amoy alak na ako dahil sa suka niya. Gusto ko ng maligo!
“Ayaw!” Napaupo ako sa sahig sa sobrang pagod. Hindi talaga siya nagpapatayo sa akin kahit anong hila ko!
“Ayaw mo ah…” mabilis akong tumayo at lumapit sa mga paa niya at hinila siya papasok ng loob habang hila-hila ang mga paa niya.
Para akong humihila ng patay sa itsura namin!
“Row row row your boat~ Gently on hmm… merely merely merely merely hadjajfjschxbzdis~” nagawa pa talagang kumanta ng animal! Nahihirapan na nga akong hilain siya sa hallway pero parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari!
“Hoy! ’Wag ka ngang maingay,” nang makarating kami sa tapat ng kwarto namin ay agad kong binuksan ang pinto. Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ay bigla siyang umupo sa sahig at niyakap ang kaliwang hita ko.
“I want to know her name,” bulong nito.
“Tumayo ka na riyan,” tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at hinila papasok ng kwarto. Pilit ko siyang inakyat sa kama niya bago sinara ang pinto. Binalikan ko siya agad para tanggalin ang suot niyang sapatos.
“Alam mo, kala ko cool ka sa lahat ng bagay, pero hindi pala. Tanggal pala angas mo sa beer,” sambit ko at dinuro-duro pa siya.
“Ang hina—” bigla siyang nagsalita at hinawakan ang kamay ko.
“I’m not weak,” he said. Tinaasan ko siya ng kilay at mahinang natawa. Coming from someone na hinila ko mula entrance hanggang kwarto?
“Talaga? Eh tatlong can lang ng beer lasing ka na!”
“I’m not weak. I will prove it to you.” Tinapik ko na lang ang kamay niya.
“Tsk, magpahinga ka na lang. Daldal mo,” when I was about to stand, he suddenly grabbed the collar of my shirt. I looked at him with wide eyes as he pulled me towards him and kissed me on the lips. Tumigil sa pagtibok ang puso ko at parang nabingi ang tainga ko. I don’t know how many seconds passed, but I just found myself staring at him when he pulled away. What the fuck?!
“A-ano—AH!” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang sumuka! And this time sa mukha ko na! Hindi ganito ang inaasahan kong first proper kiss ko!
“Tangina! Nakakainis ka talaga, Bryce!” Napapikit ako nang nalasahan ko pa nang kaunti ang suka niya!
“We have a training later. Bring me some meds for my headache.” Napabalik ako sa realidad nang marinig ang utos niya. Napatingin ako sa kanya na mabilis na kinuha ang bag bago tuluyang lumabas ng kwarto. Sa inis ko, hinagis ko ang unan ko sa pinto.
Hindi niya maalala ’yung ginawa niya kagabi! Damn you, Bryce Del Vera! Sinira mo lang naman ang first proper kiss ko at pinatikim ako ng fresh na suka!
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 15: TAKE MY PLACE
DAYS passed by at wala akong ibang ginawa sa school na ito kung hindi ang maging alila ni Bryce! Ang Prince of Kasungitan at kasamaan ng ugali!
“Buy me some snacks.”
“Faster! Ang kupad mong kumilos! Where’s my water bottle?!”
“I want some ice cream, ibili mo ako sa 7/11.” Ang lakas talaga ng amats ng lalaking ’to! E halos dalawang kilometro ang layo ng 7/11 sa campus!
“Bilisan mo! Akin na ’yung arrows! Pulutin mo agad! Faster!”
“Wash my uniform tonight, and make sure it’s dry before our class tomorrow!” Hindi lang pala ako alila, labandera na rin!
“Don’t make me wait. Bring me my bow and arrow, get it from my bag, dummy. Faster!” Anak ng tokwa!
“Bring me some water and bread.” Nang makabili na ako ay agad kong dinala sa kanya. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay parang gusto ko na lang ipukpok sa ulo niya ang dala kong bote ng tubig. “I changed my mind. I want soda.”
“Bring me some towels from my closet,” rinig kong utos niya ulit. Napabuntong-hininga na lang ako at pagod na tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Nasa gym lang naman kami ngayon at malayo ito sa dorm namin. Maglalakad na sana ako nang may maalala. Meron namang extra sa locker namin ah?
“Ayaw mo no’ng extra sa locker natin, bro-dude?” tanong ko.
“I don’t want that, dummy. Mamaya magka-pimples pa ako pag pinangpunas ko ’yon sa mukha ko,” kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa inis.
“Why? Do you have a problem with that, slave?” ngumiti na lang ako ng pilit sa kanya.
“Wala naman, bro-dude. Gusto ko ngang mag-jogging eh,” sambit ko at tinalikuran siya. Ugh! Nakakainis ka na talaga, Bryce! Hindi mo naman ako tinuturuan sa archery eh, puro ka lang utos!
Mabilis akong naglakad pabalik sa dorm namin. Kahit na ang sakit na ng paa ko kakalakad dahil sa mga utos niya, gusto ko na ring makalayo sa kanya dahil baka kung ano pa magawa ko kapag napuno ako.
“Nakakainis ka ah?! Hindi porket may abs ka at gwapo ka hindi na ako pwedeng mainis sa’yo!”
bumubulong-bulong ako habang naglalakad. Napatigil ako nang makita sa school news bulletin ang mukha ni Gio. Hindi ko alam kung ano’ng sumapi sa akin pero nakita ko na lang ang sarili kong binabasa ang kung ano mang article tungkol sa kanya.
“ Famous Basketball Captain, Giovanni Allamera,
Caught Dating Celebrity Hottie, Fara Minendez! “ I was stunned when I read the title of the article. Kailan lang kami nag-break tapos ganito na agad ang makikita ko? Alam kong galit ako sa kanya, pero nakakaramdam pa rin naman ako ng sakit dahil sa nangyari sa amin, at dahil dito.
Did he really love me? Bakit ang bilis niyang makahanap ng bago? I know he’s a total jerk, stupid, non-feminist guy, but still, he’s my ex-boyfriend. I loved him too. Kumirot ang puso ko nang makita ang larawan nila sa article.
The girl looks so sexy and beautiful. She has those Coca-Cola curves, a pointed nose, clear and bright skin, and big boobs. I clenched my hands into fists. I hate you, Gio. I chuckled as my eyes began to well up with tears. I hate him so much that it hurts. Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang luha.
Don’t cry for him, Katty. He doesn’t deserve the tears of someone like you.
Huminga muna ako nang malalim bago dahan- dahan naglakad papunta sa dorm.
Tila nawala ako sa sarili sa nalaman. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang parang isang videotape na nag-play sa utak ko ang memories namin. Noong mga panahong masaya pa kaming dalawa. Gio is a jerk, he is nothing but a jerk.
“Nakakainis,” sambit ko pagpasok sa loob ng kwarto ng tuluyan nang tumulo ang kanina ko pa pinipigilang mga luha.
Humarap ako sa salamin at hindi maiwasang ma- insecure sa bagong babaeng ipinalit niya sa akin. “I hate you, Gio. I will make sure to prove myself in this plan, at sasampalin kita ng katotohanan na mas angat ako kaysa sa bago mong girlfriend,” bulong ko sa sarili habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.
Nawalan na ako ng ganang bumalik sa gym kaya humiga na lang sa kama at nagmukmok. I felt off, and with this heavy chest, I don’t think kaya kong humarap sa ibang tao ngayon. Iyak lang ako nang iyak hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
“Denblake!” si Bryce, pero wala akong pake sa kanya. Nanatili lang akong nakatalukbong ng kumot at pinakiramdaman siya.
“Kanina pa ako naghihintay sa’yo do’n sa gym! My sweat dried already, dahil ang tagal mo!” rinig kong singhal nito at tinapik pa ang paa ko.
“Wala ako sa mood ngayon, Bryce. Bukas mo na lang ako alilain!” sigaw ko sa inis. Nag-momoment ’yung tao oh! ’Wag ngayon!
“What did you fucking say?” rinig kong sambit nito. Akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako nang hinila niya ang kumot ko.
“’Wag!” pipigilan ko pa sana siya pero huli na ang lahat. Naalis niya na ang kumot ko at nakita niya akong umiiyak. Umiwas ako ng tingin sa kanya nang makitang natigilan siya. Bakas pa sa mukha niya na hindi niya inaasahan ang nakikita niya.
“Why are you crying?” Itiniklop ko ang mga binti ko sa harap ng dibdib ko at ipinatong ang ulo sa tuhod.
“Wala!” hinila ko ang kumot ko pabalik dahil magtatalukbong pa sana ako ulit, pero hindi niya ako hinayaan.
“What the heck? Why are you crying, dummy?” he asked with a serious voice.
“Wala nga,” tugon ko, pero narinig ko na lang ang paggalaw ng upuan. Napaangat ako ng tingin at nagulat nang makitang nakaupo na siya sa harap ko gamit ang study chair kong hinila niya pala. Seryoso siyang nakatitig sa akin at mukhang hindi pinaniniwalaan ang pagtanggi ko. Knowing him, alam kong hindi siya magpapatalo kaya wala na akong nagawa kung hindi magbuntong-hininga.
“What the heck happened to you? Why are you crying? You’re a man, guys don’t cry,” he said.
Sininghot ko ang sipon na tutulo na sana bago siya tiningnan. “Wala… naalala ko lang ’yung mga taong hindi naniwala sa kakayahan ko sa archery,” sambit ko. Lies.
“What did they say?” pang-uusisa niya. Ano’ng meron at parang interesadong-interesado siya sa pinagdadaanan ko? Kunot-noo ko siyang tinitigan. Hindi naman siya natinag sa tingin ko kaya ako na lang ang unang umiwas.
Malalim akong napabuntong-hininga bago sumagot, “Sabi nila… hindi ko raw kayang maging magaling sa larangan na ’to. Na hindi kaya ng isang mahinang kagaya ko ang maging star player sa archery for g– boys,” tumikhim ako. Fuck! Muntik na ’yon!
“K-kaya ako lumipat dito para patunayan sa kanilang lahat na kaya ko, at ako pa mismo ang tatalo sa kanila,” pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Traydor na mga luha naman ’to oh! Sa harap pa talaga ni Bryce?!
“Gusto kong makita nila na ang taong minaliit nila, ay ang taong tatalo sa kanila. Ang taong hindi nila binigyan ng chance ipakita ang galing sa larangan ng archery, ang mismong hahangaan nila sa laranagan na ’to.” Gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko dahil nasabi ko rin ang ilang linggo nang nagpapabigat sa puso ko, pero hindi lahat. Hindi pwede.
“’Yung sinabi nila sa akin na hindi ko kaya, gusto kong kainin nilang lahat ’yon pagdating ng finals, at lahat sila ay magsisisi sa naging desisyon nila noon. Manghihinayang sila na hindi nila ako binigyan ng oportunidad. Lahat sila pati na rin ’yung mga taong mabilis lang akong pinalitan. Magsisisi sila pagdating ng araw na ’yon, kaya gusto kong maging magaling pa lalo sa archery para mangyari lahat ng ’yon,” dagdag ko at tinignan siya nang diretso sa kanyang mga mata.
Seryoso niya naman akong binawian ng tingin bago umayos ng upo. Napaatras ako nang inilapit niya sa akin bigla ang kanyang mukha. “Then, let’s make that happen,” he whispered.
“A-ano?”
“I’ll make you the ’ prince of archery ’ before the finals. Take my place,” he added, which made my jaw drop. I could feel my heart skip a beat. And I know this feeling.
No…
I can’t fall in love with you just because you’re being nice. Delikado!
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 16: YOU
We started the training after what happened that day. Walang tigil sa pagtuturo si Bryce sa akin ng iba pang kaalaman tungkol sa archery. He never stopped training me, and I could see the improvements within me.
At dahil sa tuloy-tuloy na training, mas naging kampante kami sa isat-isa. Unti-unti ko ring nakakalimutan ang ginawa ni Gio sa akin. I was driven by my lust to prove them wrong. I just badly wanted to prove everyone wrong.
“Here,” natigil ako sa pag-iisip habang nakaupo sa bench dito sa loob ng gym nang bigla akong abutan ni Bryce ng isang bote ng tubig.
“Para sa akin?” hindi makapaniwala kong sambit nang tanggapin ito.
“Ayaw mo?” ani nito at akmang babawiin ’yon, pero hindi ako pumayag, mabilis ko ’yong hinablot sa kamay niya.
“Hindi, akin na ’to. Thank you, bro-dude.” Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang umupo siya sa tabi ko. He’s being too nice to me. ’Wag! Mahuhulog ako!
Napatigil ako sa pag-inom ng tubig nang makita kong pinunasan niya ang kanyang mukha gamit ang towel ko. Akin ’yan ah?! Hindi na ako nakapagsalita at pinanood na lamang siya hanggang matapos. Huminga siya nang malalim bago ako hinarap.
“You still have two weeks before the selection of the representative for the finals,” he said. Tahimik na lang akong tumango. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sobrang laking tulong niya sa akin. Hindi ko inaasahan na ang Prince of Archery mismo ang tutulong sa akin.
Mabait pala siya. He’s considerate to everyone, hindi kagaya ng first impression ko sa kanya. He doesn’t judge anyone based on their gender or ability. Now, I understand why he’s the entitled Prince of Archery. Aside from his skills, he has the perfect attitude as a player.
“Bryce,” tinawag ko siya sa kanyang pangalan, na tila nakaagaw sa buong atensyon niya. Mahina pa akong natawa nang makitaang gulat sa mukha niya.
“Sa tingin mo ba… lahat ng tao ay pwedeng maging mahusay sa larangan ng archery?” tanong ko. I’m just curious on his stance on this sport.
“What do you mean?” tanong niya pabalik. Nagkibit- balikat lang ako at tinuon ang atensyon sa mga kasamahan naming busy din sa pageensayo.
“I mean… from my previous school there was an archery team for girls. But, it was canceled because of a stupid reason,” bumigat ang pakiramdam ko just by talking about how they canceled my dream.
“What kind of reason?” tanong niya ulit pabalik. Huminga ako nang malalim at tiningnan siya, “They canceled it because they believe girls can’t do what boys can. Like they can’t beat you, the Prince of Archery,” I said, my voice tinged with frustration and disappointment. Kunot-noo niya akong tiningnan.
“I don’t think that way. I just know that when a person loves what they’re doing, they’ll be great at it someday. No genders, just pure ability and hard work,” he said, catching me off guard.
“Sa tingin mo… matatalo ka ng isang mahinang babae?” hindi ko alam kung ano’ng nangyari, pero kusa na lamang lumabas sa bibig ko ang tanong na ’yon. My heart is beating so fast because of what he said. It’s like seeing hope in his words, making me feel so strong… and empowered.
“Weak doesn’t exist in a woman’s vocabulary, right? My mom said that,” nakangiti nitong sambit. Natawa ako sa sinabi niya. We both laughed while taking a minute break.
“Mama’s boy ka pala ah?” biro ko, ngumisi naman siya.
“I just love my mom.” Mas lalo akong natawa, a genuine laugh. I didn’t imagine that he could be so vocal about how much he loves his mom. I didn’t expect this from such a cold, heartless guy.
“Where is she now?” kuryoso kong tanong. Nagkibit- balikat naman siya. “In the house, I guess.” Nakikipagbiruan na rin siya sa akin kaya mas lalo akong natawa.
“Only child ka ba?” Tumango siya bilang sagot.
“How about you? What’s your family background? Do you have any siblings?” tanong nito sa akin. Tumango naman ako bago isinandal ang sarili sa sandalan ng bench.
“Yeah, I have a younger sister—” hindi ko na natuloy ang sasabihin nang biglang umupo sa tabi namin si Troy at Mike.
“May kapatid ka, Master? Sister? Maganda ba?” sunod-sunod na tanong ni Troy at um-akbay pa sa akin.
“Hot ba?“sunod na tanong naman ni Mike na ikinailing ko na lang. Basta talaga babae,hindi napipirmi ang dalawang ’to. Natigilan naman ako nang mapansin ang paglaho ng ngiti sa labi ni Bryce.
Does he just show his light mood at me? That thought made me feel butterflies in my stomach.
“She’s lovely; she’s a dreamer,” lumukot naman ang mukha nila Mike sa sagot ko.
“Not my type,” sabay nilang sambit. Nawala ang ngiti ko at mabilis na inalis ang pagkakaakbay ni Troy sa akin. Mga gago ’to ah!
“Bakit naman?” tanong ko.
“Syempre, hot guys like us don’t date nerds. Alam mo naman ’yon, Master Keith, ’di ba?” Mike answered. His words made me remember Keith’s words before. He said guys like him don’t date girls like me. Bakit, ano ba ako? Ano’ng masama sa independent woman at dreamer na kagaya ko?
Why do unrealistic beauty standards always win? Nawala ang saya sa puso ko nang tingnan ko si Bryce. Baka gano’n din ang iniisip niya. Siguro kung nakilala niya ako bilang Katty, hindi niya rin ako magugustuhan. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib dahil doon.
“Let’s continue the training, Denblake,” seryosong sambit ni Bryce at hinila ako palayo sa dalawa. Nang makabalik sa training grounds ay agad niya akong inabutan ng bow. Bigla siyang bumalik sa dating ugali.
Sinunod ko na lang lahat nang itinuro niya. Focused naman ako sa training pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang idea na what if, makilala niya si Katty? Magugustuhan niya kaya ito? Wala sa sarili akong napailing-iling.
What the heck are you thinking, Katty?! He likes somebody else ’di ba? No chance, Katty.
“Hold it properly, dummy.” Napaayos ako ng tayo sa pasinghal niyang bulong. Inayos niya ang pagkakahawak ko sa arrow. Hindi ko naman mapigilang tingnan siya, dahilan para magtama ang aming mga mata.
“The girl you said you like, what is she like?” I caught him off guard. Ramdam ko ang paghinga niya sa aking pisngi dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t- isa.
Hindi siya agad nakasagot at nagkatitigan lang kaming dalawa. Ilang segundo lang ang lumipas ay nakasimangot na pinitik niya ang noo ko. “That’s none of your business,” namumula ang tainga nitong sambit. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at pilit na tumawa.
See, Katty? Just by thinking of the girl he likes, nawawala na agad ang angas niya. Isaksak mo sa isip mo na wala kang chance sa kanya.
Nagpatuloy na lang kami sa training. Pagkatapos no’n ay dumiretso na rin kami sa afternoon classes namin. May quiz kami na hindi ko napaghandaan kaya sobrang kinakabahan ako.
Unang tanong pa lang, hindi ko alam ang isasagot. Sa sobrang inis ay napakamot ako sa buhok ko. “Paano na ’to?” Napatigil ako nang nakaramdam ako ng parang kumakalabit sa likod ko. Tiningnan ko muna ang prof na busy naman sa binabasang libro sa harap bago dahan-dahan nilingon si Bryce.
“Here,” he mouthed and handed me his paper.
Sa sobrang gulat ay agad ko ’yong kinuha sa kanya. May mga sagot na ’yon at computations pa! Hindi makapaniwala ko muna siyang nilingon bago mabilis na kinopya ang mga sagot. Hindi ko na naisip kung tama ba ’yon o mali. Pinakopya na nga ako, kukuwestyonin ko pa ba? Mabilis akong kilos dahil sa takot na baka mahuli kami. Nang matapos ako ay agad ko ’yong binalik sa kanya ng may malaking ngiti sa labi.
“Thank you,” I mouthed, and smiled at him. Ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago umiwas ng tingin. Tumayo siya agad at ipinasa ang paper sa prof, bago lumabas ng classroom. Masaya akong nagligpit ng gamit bago tumayo at ipinasa na rin ’yung akin.
Sinuot ko ang bag ko palabas at mabilis na tumakbo para sabayan siya sa paglalakad.
“Bryce, bro-dude!” nakita kong binagalan niya ang lakad para maabutan ko siya. Inakbayan ko siya agad nang makalapit ako sa kanya.
“Thank you ah? Hindi ko kasi inaral ’yon. Sobrang thank you sa’yo!” Tiningnan niya ako at mahinang pinitik sa noo, na ikinatawa ko.
“Next time, don’t overexert yourself during training. Take a rest.”
“Oo naman! Thank you talaga ah? Ang bait mo pala, akala ko forever ka nang masungit,” sambit ko. Tumigil siya sa paglalakad at pinitik muli ako sa noo.
“Don’t judge a book by its cover, dummy,” seryoso niyang sagot at nauna nang naglakad. Natatawa ko naman siyang hinabol.
“Teka, kailan ka pa naging libro? Tao ka ’di ba?” natatawa kong biro. Nakita ko naman ang pagngisi niya, pero hindi na siya nagsalita pa. Sabay na kaming tumuloy sa dorm. Pagpasok namin sa loob ay may pink na sobre sa sahig at nakasulat ang pangalan ni Bryce.
“Ano ’to?” Pinulot ko ’yon at mariing tiningnan.
“Just a stupid love letter,” walang gana niyang sagot. Mukhang sanay na siyang nakakatanggap ng ganito ah? Tumango ako at kagat-labi ’yong binuksan.
“Don’t open it,” pero huli na dahil nabuksan ko na. Humiga muna ako sa kama at agad ’yong binasa.
“ Dear Bryce, you’re the apple of my eye —ay wait, dapat pang babaeng boses!“ pang-aasar ko. Lumapit siya sa akin para agawin ’yon pero mabilis akong gumulong para umiwas.
“ You’re the apple of my eye. The moment I first laid my eyes on you, I knew you were the one meant for me ,“ binasa ko ito gamit ang totoo kong boses. Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya nang tinangka niya ulit kunin sa akin ’yon. Hindi pa nga tapos eh!
“Damn it, Denblake! You’re giving me goosebumps just by hearing your fake girl voice!” he hissed at me, which made me laugh.
“Sanay akong gayahin ang boses ng kapatid ko ah! Ehem— Bryce, please consider my love for you and have dinner with me tonight. Uy! Dinner daw, bro-dude!” Taena! Natatawa ako sa itsura niya ngayon! Para siyang inis na inis na ewan sa pinaggagawa ko!
“Give me that!” tuloy pa rin ang pagsubok niyang agawin ’yon na hindi ko hinayaan. Iiwas sana ako sa bedframe ng kama niya nang mapansin na tatama ako ro’n, pero huli na nang mahuli niya ang kamay ko.
“Ahh!” sa sobrang lakas ng paghila niya sa kamay ko ay na-out of balance ako!
Sinubukan ko siyang hawakan para sana makakuha ng balanse pero naisama ko lang din siya sa akin sa pagkabagsak sa sahig!
“Fuck!” My eyes widened when I realized how close our face were to each other. The tip of our noses were touching already!
He stared at me. I saw how his eyes roamed around my face, until it stopped at my lips. My heart was racing as I watch him stare at my lips.
“ I like you, Bryce ,“ mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko sa nabanggit.
What the fuck, Katty?! What were you thinking?!
He looked me in the eyes, but my breath hitched when I didn’t see confusion on his face. Instead, there was an emotion I didn’t want to name.
“I like you to—” mabilis kong tinakpan ang bibig niya bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, dahil hindi ko kakayanin.
“No…” I whispered.
I’m Keith right now. You’re Keith and not Katty!
Baka mamaya isipin niya pang bakla ang kapatid ko kung nagkataon. Madadagdagan lang ang problema ko!
I’m falling for him, and I know that his words might make these feelings deepen.
Pinitik niya ang noo ko at mabilis na tinanggal ang kamay ko sa bibig niya. “I said, I like you to move now because my fucking hand hurts, dummy.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at mabilis na tumayo, pero nagkauntugan pa kami dahil sa careless kong kilos.
“Ah! S-sorry!” sambit ko at agad na lumayo sa kanya. He just hissed and looked at this hand. I gasped nang makitang namumula ito.
“A-ano’ng…?” He looked at me with confusion. Ano’ng nangyari sa kamay niya?!
“What?” Tinuro ko ang kamay niya, “Ano’ng nangyari?” Tinaasan niya ako ng kilay bago tumayo.
“Your head…” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napahawak ako sa ulo ko at parang biglang nag- flashback ang nangyari sa amin kanina. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na wala akong naramdamang sakit sa ulo no’ng bumagsak ako sa sahig!
Did
he
just
use
his
hand
to
protect
my
head?
To
protect
me?
“What the hell, Bryce?!” hindi ko na siya hinayaang makapagsalita at mabilis ko siyang hinila papuntang clinic.
“You’ve torn a muscle in your hand. You might not be able to play in the finals this year, Prince Bryce,” the nurse said, making my jaw drop. No way! Kasalanan ko!
“Hindi po ba gagaling ito agad?” kinakabahan kong tanong. Mas lalo akong nanlumo nang umiling ang nurse.
“It will take few days or even weeks, bago maging stable at mag-heal ang ripped muscles,” the nurse said.
“Hindi pwede! Sinong lalaban sa finals?!” Bryce calmly looked at me with his bandaged hand.
“You.” My eyes widened. What?!
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 17: WIN
“YOU.” Nanlaki ang mga mata ko at sabay pa kami ng nurse na napatingin sa kanya.
“Ano’ng ako?!” pasigaw kong tanong. Tama ba ang narinig ko?! Hindi, baka nabingi lang ako. He stared at me with a serious expression on his face. The kind of stare feels like he’s telling me he’s sincere about what he said.
“Ano’ng ako?! Hindi pwede! Ikaw ang Prince of Archery, ikaw ang hahanapin doon! At isa pa, finals ’yon, nakasalalay ang pangalan ng school sa mga kamay mo,” hindi ko alam ang mararamdaman ko. Parang may excitement sa likod ng pangambang nararamdaman sa gusto niya.
Alam kong gusto kong lumaban sa finals. ’Yon nga ang dahilan kung bakit ako nandito bilang kapatid ko, dahil gusto kong manalo at lumaban sa finals na hindi dala ang pangalan ng letseng eskwelahan ko noon. Pero hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pangamba ngayon. Hindi ko maintindihan. Natatakot at nag-aalala ako para sa kanya.
“Hey,” natigilan ako sa pag-iisip nang agawin niya ang atensyon ko. Natulala na pala ako sa kanya nang hindi ko napapansin. He looked at me, but this time with a different expression on his face. ’Yung tingin na nakakapang lambot at tila nakakahipnotismo. Bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang braso ko.
“Don’t worry, I’ll train you before the finals. I’ll make sure you’ll win,” he said, slightly rubbing his thumb on my arm. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. ’Yung kanina lang ay parang lalabas na ’yon sa dibdib ko sa sobrang bilis, pero ngayon ay biglang tumigil. Nakapagdala sa akin ’yon ng kakaibang kirot, pero bakit parang hindi ko alintana ang sakit na dulot no’n?
Bakit parang gusto ko pa ang sakit na epekto niya sa akin?
Napatingin ako sa nurse nang bigla siyang tumikhim. “Mukhang ikaw nga ang lalaban sa finals dahil sure ako na matagal pang gagaling ang kamay niya dahil namamaga na ito,” pagsingit ng nurse. Agad kong iniwas ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Bryce at tumayo nang tuwid. Nanlalamig ang mga kamay ko kaya tinago ko muna ’yon sa bulsa ng trousers ko.
Ano ka ba, Katty?! Hindi ito ang tamang oras para atupagin mo ang love story mo! Ito na ang opportunity na hinihintay mo! Kailangan mo na lang sabihin sa kanya ang salitang ‘oo’.
“You don’t have to think nor answer. You’ll play for the finals, whether you like it or not,” sinundan ko lang siya ng tingin nang bigla siyang tumayo. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin na tapos na palang siyang asikasuhin ng nurse,
Kunot-noo akong napatingin sa kanya nang inabot niya ang aking kamay, dahilan para maalis ’yon sa pagkakatago sa bulsa ko. “There’s no time for you to stay silent and look like a dummy. You have to train,” he said. My lips parted after hearing his words. Totoo ba ’to? Wala ng atrasan?
Nagpadala na lang ako sa paghila niya at tila hindi pa rin nag-ssink in sa isip ko ang mga nangyayari. Halo- halo ang nararamdaman ko—kilig dahil sa pagkakahawak niya sa kamay ko, excitement dahil unti-unti nang nangayayari ang plano ko, at matinding pangamba dahil mabigat itong responsibilidad.
Bahala na! Gawin mo na lang lahat ng makakaya mo, Katty! Pigilan mo muna ang nararamdaman mo at ipanalo ang finals para matupad na ang plano mo.
Napangiti ako dahil sa naisip. Ito na ’yon, Katty.
“Wrong!” Nagulat ako sa malakas na sigaw ni Bryce sa tabi ko. Shet! ’Yung sinabi niyang training, talagang sineryoso niya! Mabilis akong napasilip sa relo ko. 10:45 PM na at nandito pa rin kami sa archery gym dahil sa training na sinasabi niya.
At sa buong training namin, wala na siyang ibang ginawa kung hindi pansinin lahat ng pagkakamali ko! At sumisigaw pa sa tabi ko! Parang mababasag na nga ang eardrums ko dahil sobrang lakas ng pagsigaw niya at sa rindi sa mga puna niya sa lahat ng galaw ko.
“Sandali lang naman, bro-dude! Ano’ng oras na kasi oh! Hindi pa ba tayo magpapahinga?” tanong ko, pero hindi siya sumagot at tila seryoso lang na naglakad papalapit sa target. Kahit injured ang kamay niya, pinulot niya isa-isa ang mga arrows na ginamit ko.
Pinanood ko lang siya hanggang sa bumalik siya sa harapan ko at ibinigay sa akin lahat ng arrows. “You have so much to improve to win that competition. Now, strike again. Focus!” Napapikit ako dahil sa muling pagtaas ng boses niya.
“Inaantok na ako, bro-dude! Paano pa ako makakatama ng target niyan kung bumababa na ang talukap ng mga mata ko?!” pagrereklamo ko, napaupo pa ako sa sahig dahil sa pagod na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na talaga kaya! Oo, gusto ko mag- training at manalo sa laban, pero hindi sa ganitong paraan at training! Kailangan ko rin ng tulog!
Sinundan ko siya ng tingin nang naglakad siya papalapit sa akin. Nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko at hawakan ang baba ko. Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko nang hinawakan niya ang baba ko at inangat ang mukha ko para harapin siya nang maayos. Since mas matangkad siya kaysa sa akin, nakatingala ako ng kaunti sa kanya. I pursed my lips and tried my best to avoid his gaze. Shems! Feeling ko nawawalan ako ng lakas sa katawan dahil sa ginagawa niya!
Hoy! Nandito ako para palitan ka sa pwesto mo, agawin ang trono mo, at hindi para mahulog sa’yo ng ganito kabilis!
“I want you to win, so bear with it and focus. At saka maaga pa, sinong niloloko mo? Naririnig pa nga kitang lumalabas ng kwarto ng ala-una ng umaga kaya alam kong hindi ka natutulog ng maaga,” tiningnan ko siya sa kanyang mga mata dahil sa sinabi niya.
Alam niyang lumalabas ako ng gabi?! Ibig sabihin, hindi siya tulog na tulog no’n? Kailangan ko pang mas late maligo para hindi niya ako mahuli kung gano’n!
“Uhm… hindi kasi, bro-dude. Naiihi ako lagi sa gabi kaya nagigising ako. At since malayo ang banyo, kailangan ko pang lumabas ng kwarto ng gano’ng oras,” pagpapalusot ko habang tinatanggal ang pagkakahawak niya sa baba ko.
“Inaantok ka na ba talaga?” seryoso niyang tanong, pero this time, malumanay na ang boses niya. Si Bryce ba talaga ’tong kasama ko? Hindi kaya sinaniban siya ng kung ano’ng espiritu para mag-iba-iba ang pagkatao na ipinapakita niya sa akin?
“Oo eh… pwede bang bukas na lang ulit?” nakangiwi akong lumingon sa kanya, pero seryoso lang siyang tumingin sa akin na nakapagpawala ng ngiwi ko. Sabi ko nga, mag-ttraining na para manalo. Tatayo na sana ako nang dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi niya. Naano ba ’tong lalaking ’to?
“Fine, we’ll continue this tomorrow up until the finals. You should go first and take a shower,” he said as he sat on the bench near us. Wala sa sariling agad kong sinunod ang sinabi niya, kinuha ko agad ang bag ko at iniwan ang bow at arrows sa tabi niya. Minsan lang siya maging ganito kabait kaya lulubusin ko na!
“Sige, bro-dude, bukas na lang ah?” malaki ang ngiti kong sambit. Tumango naman siya kaya agad akong naglakad palabas ng gym. Habang naglalakad papalapit sa pinto ng gym ay napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ang kakaibang tibok nito.
Nahuhulog na ba ako?
I unconsciously gulped with that thought. Bago pa man ako tuluyang makalabas, sumulyap ako sa kanya at nanlumo nang makita ang malungkot niyang mukha habang nakatingin sa injured niyang kamay.
Napahigpit ang hawak ko sa strap ng duffel bag ko. Dahil sa akin, hindi siya makakalaban sa finals. Kahit hindi niya sabihin sa akin ’yong ng harap-harapan, alam kong masakit ’yon para sa kanya.
Ang kaninang saya ay agad na napalitan ng lungkot at matinding konsensya. Mabilis akong umalis sa lugar na iyon. Tinawagan ko si Daisy, habang tumatakbo palayo ng gym—palayo sa kanya.
“Hello? Bakit ka napatawag ng ganitong oras? May problema ba?” salubong na tanong niya mula sa kabilang linya. Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo, hindi alintana ang pagod na kanina pa nararamdaman, pero mas nangingibabaw ang bigat ng pakiramdam ko na nakakapagpakirot sa dibdib ko.
“Katty? What’s happening? Are you okay?” napatigil ako sa pagtakbo at pilit na hinabol ang aking paghinga.
“D-Daisy,” I clenched my chest with my other hand. The feeling of guilt is eating me. It’s hurting me, but I know that he’s hurting more right now.
“What happened, Katty?” nahimigan ko ang pag- aalala sa boses niya, pero deserve ko ba ang pag-aalala niya kung may nasira akong pangarap ng isang tao?
“Ayaw ko ng ituloy ang plano ko…” silenced filled the other side of the call.
“Ano?!”
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 18: SHOWER TOGETHER
“CAN you repeat that, Katty?!” Ni-lock ko ang pinto ng kwarto bago umupo sa dulo ng aking kama. Nanghihina at nalulungkot ako sa aking nakita. Hindi ako makapaniwala na ganito kabilis akong mahuhulog sa lalaking ’yon.
Sa sobrang bilis ay tila hindi kapanipaniwala. Hindi kaya nalilito lang ako? O baka gusto ko lang agad mag- move on at siya ang nakita kong way? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pero isang bagay ang sigurado, ayaw ko siyang makitang malungkot.
“Hindi ko na ata kayang ituloy ’to,” tugon ko. Narinig ko agad ang malakas na pagsinghap ni Daisy mula sa kabilang linya.
“What’s with the sudden decision, Katty?’Wag mong sabihin sa akin na kaya ka naumaayaw ay dahil nahuhulog kana sa roommate mo?” How does she know?
Madiin kong kinagat ang pang-ibabang labi, “Naaksidente siya… at ako ang dahilan… dahil do’n hindi na siya makakalaban sa finals,” sambit ko at sinubukang iwasan ang tanong niya.
“Edi mas maganda! Mas mapapadali ang plano mo! Ang kailangan mo na lang gawin ay ipakita na ikaw ang karapatdapat na lumaban sa finals,” sambit ni Daisy.
Huminga ako nang malalim at kinagat ang kuko ko sa daliri, “Ayon nga… gusto niya na ako ang pumalit sa kanya sa finals,” mabigat sa kalooban kong pag-amin. Matapos kong makita ang malungkot niyang mukha kanina, biglang nag-sink in sa akin ang lahat ng ginagawa ko.
“Nahulog ka na nga sa kanya. Hindi mo na kailangan aminin sa akin, kilala kita, Katty. But it’s too late to turn back now, Katty. Isipin mo na lang na ito na ang chance mo, ito na ang hinihintay mo,” malalim akong napabuntong-hininga. Tama siya, ito na ang matagal ko nang hinihintay ko at ang dahilan ng lahat ng ginawa ko.
Pero bakit tila nagbabago at nagdadalawang-isip na ang isip at puso ko?
’Yon ang hindi ko alam—o ang maamin sa sarili ko.
“Katty, oo, nahulog ka na kay Bryce, pero ang tanong, siya ba ay nahuhulog na rin sa’yo? Malabo ’yon lalo na’t kilala ka niya bilang si Keith, ang kapatid mo, at isang lalaki na kagaya niya. Sa tingin mo ba pag nalaman niyang isa kang babae, at nagpanggap ka lang bilang kapatid mo para agawin ang trono niya sa larangan ng archery, ay mapapatawad ka niya at hindi magagalit sa’yo?” her words hit me like a rock.
“What if umamin na ako ngayon pa lang? At itigil na lahat ng ito bago pa mahuli ang lahat?” sinubukan kong humanap ng chance sa magulong sitwasyon na ’to.
“Umamin ka man o hindi, imposibleng hindi siya magagalit sa’yo. Kung ako sa’yo, roon ka na sa panalo ka. Ituloy mo na ang plano mo at ipakita sa lahat ang kaya mong gawin at after this, move on. Maraming lalaki sa mundo, Katty. Isa pa, hindi ba’t nabanggit mo sa akin na may gusto siyang ibang babae? Wala ka ng chance sa kanya. Kaya ituloy mo na ang plano mo at pahupain ang kung ano mang nararamdaman mo sa kanya. Ako na ang nagsasabi sa’yo, nabibigla lang ang puso mo,” napapikit ako sa mga sinabi niya. May point siya, at nasasaktan ako na ma-realize na may point siya.
Masakit man aminin pero alam kong malabong magustuhan niya ako pabalik. Pagkatapos ng ginawa ko sa kanya, sigurado akong hindi niya ako mapapatawad. Mas mabuti na ’yung ganito. After the finals, hindi na kami magkikita muli. Mas magiging maganda ang flow ng buhay ng kanya-kanya naming buhay. Walang love; hindi complicated ang story.
Huminga ako nang malalim bago magsalita, “Tama ka, nandito ako para sa prinsipyo ko bilang isang manlalaro at isang babaeng may nais patunayan. Lalaki lang siya.”
“Ayan! Ganyan nga! Go, Katty! Kaya mo ’to! Manonood kami ng finals, okay? Magpahinga ka na para mawala na ang mga gumugulo sa utak mo. Goodnight!” I silently nodded when she ended the call. Bagsak ang mga balikat kong binitawan ang cellphone bago huminga nang malalim.
“Paano kung malaman niyang nagpapanggap lang ako bilang isang lalaki? Paano kung nalaman niyang isa akong babae—” natigilan at agad akong napalingon sa bintana nang makarinig ng kaluskos mula roon.
Dali-dali akong tumayo at sumilip sa labas. Para akong binundol ng kaba. Baka mamaya may nakarinig pala sa akin! Pagdungaw ko sa bintana, napahinga ako nang maluwag nang makitang tangkay lang pala ng puno ang kumakaluskos sa salamin ng bintana. Akala ko may tao.
“Open the door!” Halos tumalon ang puso ko palabas sa aking dibdib nang marinig ang sigaw ni Bryce mula sa pinto. Nandito na siya! Akala ko magtatagal siya sa gym?! Hindi pa ako nakakaligo!
Mabilis akong lumapit sa pinto at pinagbuksan siya. “Bro-dude!” ani ko at ngumiti nang napakalaki. Kunot-noo niya akong tiningnan bago ako nilagpasan at pumasok sa kwarto.
“Hindi ba’t sinabi ko na maligo ka na?” he said and took off his shirt in front of me. Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang tumingala, nagpapanggap na may kaintere-interesado sa kisame. What the hell?! Sabi ko pa lang kanina na isasantabi ko ang kung ano’ng nararamdaman ko sa kanya, pero sa ginagawa niya ay nahihirapan ako!
“A-ano kasi… tumawag ’yung isa kong bebe girl. Namimiss na raw ako kaya kinausap ko muna. Baka mamaya hindi pa makatulog ’yon pag hindi narinig ang boses ko e. Patay na patay pa naman sa akin ’yon,” napatikhim ako sa mga sinabi. Nakakadiri naman ang mga sinasabi mo, Katty! Para ka na talagang si Keith!
Lukot ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Napaiwas ako sa kanya nang bigla niyang binato sa mukha ko ang shirt niya! Shems! Ang hot ng abs niya!
“I think that girl will throw up when she smells you right now. Wala ka pang ligo,” he said while removing the bandage of his hand. Napatigil naman ako nang makitang medyo namumula at swollen pa ’yon.
Nabalik na lang ako sa ulirat nang inabot niya sa akin ang shower towel niya.
“Mabango ako kahit walang ligo, bro-dude.” Ngumisi siya at halos mapatalon ako papalayo sa kanya nang subukan niya akong amuyin.
“The hell! Ano’ng ginagawa mo, pre?!” gulat kong sambit. Sinusubukan kong ’wag mag-panic sa itsura namin ngayon. Hindi pwede ’to, Katty! Focus!
“I’m checking if you’re telling the truth, dummy,” he said. Nanlaki ang mga mata ko nang hilain niya ako papalapit sa kanya at inamoy ang kaliwang bahagi ng leeg ko. Shit! Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang hininga niya na tumatama sa leeg ko.
“Liar, you smell bad. Come on, let’s take a shower together,” mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano?! Hindi pwede!
“N-nako, bro-dude, hindi ako pwede ngayon. Hinihintay ko pang tumawag ’yung isa ko pang chikababes. Mauna ka na,” pilit akong tumawa habang sinubukang tanggalin ang kamay niya sa aking braso, pero hindi siya nagpatinag at inakbayan pa ako!
“Talk to them later when you smell nice already,” he suddenly pulled me out of the room. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para makalaya sa hawak niya at sa plano niyang gawin!
“N-nako, bro-dude, natatae pala ako. Mauna ka na, jebs lang ako.”
“Don’t tell me takot kang maligo? Are you a dog?” pang-aasar nito. Hindi ko na lang ’yon pinansin at pilit na inaalis ang mahigpit niyang hawak sa braso ko.
“Hindi, natatae lang talaga ako, bro-dude. Mauna ka na lang mag-shower,” pilit akong nagpupumiglas pero habang papalapit kami sa banyo, mas hinihigpitan niya ang hawak sa akin, hanggang sa nawalan na ako ng lakas na makapagpumiglas.
“Bro-dude, sure na ’to, natatae na talaga ako! Baka matigas na tae ’to, mas maganda pang mauna ka nang mag-shower,” please! Hindi ’to pwede!
He smirked and chuckled. “I know you’re just making excuses. Come on, I’m trying to be nice to you. This never happens to anyone. I want you to be my friend, and taking a shower together would be a nice start for a bro code.” My jaw dropped. What the heck!!!
“Hindi ito ang tamang time para bumuo tayo ng bro code, bro-dude! Natatae na ako!” Help me, Lord!
“Too late, we’re here already,” he said, letting go of me and immediately stripping in front of me. My lips parted in surprise. I quickly turned around and refrained from looking down. Shit!
“Don’t just stand there. Clean yourself.” Narinig ko ang pagbukas ng shower at nang subukan kong sumilip, nagkasala lang ako nang makita ang mahiwaga niyang pwe—Stop, Katty! Umisip ka ng paraan para makaalis dito!
Tumingin ako sa paligid at napangiti nang may nakita akong ipis. Agad ko itong kinuha at hinagis papunta sa pwesto ni Bryce. “Ahh! Ipis!” hysterical kong sigaw. Napalingon siya sa akin pero napunta sa ipis na gumagapang na sa binti niya ang atensyon niya.
“F-fuck! Ahhh!” Nanlaki ang mga mata ko nang tumakbo siya papalapit sa akin at biglang nagpabuhat.
“Fuck! I hate cockroaches!” he shouted even more. Dali-dali ko siyang binalot ng robe habang buhat- buhat pa rin. Sa higpit ba naman ng yakap niya sa leeg ko, hindi siya basta-basta lang magpapababa sa akin! Ang bigat niya! Tumakbo ako palabas ng banyo at nang makalayo ay saka ko siya binitawan.
“Fuck, fuck, fuck,” sunod-sunod niyang pagmumura habang binabalot ang sarili ng maayos.
This is your chance na tumakas, Katty!
“Ah sige, bro-dude, tae muna ako. Bye!” I have to go home! I need to forget everything that happened!
And everything I saw!
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 19: 10 YEAR OLD GIRL
“KATTY!” Mabilis akong napalingon nang lumabas ng bahay nila si Daisy. Agad niyang binuksan ang kanilang gate at hinila ako papasok.
“Bakit ka lumabas ng campus niyo ng ganitong oras?” she said while pulling me upstairs, towards her bedroom.
Dumiretso kami sa kwarto niya at doon ako nanghihinang umupo, “Naguguluhan ako,” wala sa sarili kong sambit. Simula kanina, wala nang tumakbo sa isip ko kung hindi si Bryce. Isang malalim na pagbuntong hininga ang kanyang ginawa bago umupo sa tabi ko.
“’Di ba pinag-usapan na natin ’to? Malapit na ang finals, kailangan mo lang mag focus do’n and after that, matatapos na rin to agad. At wala ka ng pproblemahin pa,” she tapped my shoulder and let me lean on her shoulder.
“Hindi ko inaasahan na ganito kabilis mangyayari ang lahat, Daisy. I mean, at first, I really hated his guts, but when he showed me his nice side, I suddenly flipped,” sambit ko habang inaalala ang mga oras na super nakapagpahulog sa akin.
“Kung naguguluhan ka, kailangan mo lang magpahinga. Tigilan mo muna ang pag-iisip. Dito ka na muna matulog, bukas ka na bumalik sa campus,” she gently said. I nodded tiredly and let her remove my wig. I slightly smiled when I saw how focused Daisy is on what she’s doing. I’m so lucky to have her. I’m so lucky to have someone who accepts me for who I am— my flaws and my craziness.
Unti-unti ring nabura ang ngiti ko nang ma-realize ang naisip. Si Bryce kaya? Magagalit kaya siya pag nalaman niyang babae ako? Magugustuhan niya kaya ako kung ako si Katty?
Huminga ako nang malalim at humiga na lang sa tabi ni Daisy. This is not how I envisioned this plan; I messed up.
In just a glimpse, before I knew it, I already fallen asleep. I woke up the next morning still with a heavy weight in my chest. Naalala ko ang isa sa mga sinabi kagabi ni Bryce.
“… I want you to be my friend …”
Nagtitiwala na sa akin si Bryce. Gusto niya ng maging kaibigan si Keith.
“Oh, gising ka na pala. Nagluto na ako ng breakfast. Mag-breakfast ka na muna bago umalis. You need energy, you know,” pumasok si Daisy sa kwarto dala ang pancakes na niluto niya.
Napaupo ako sa kama at nginitian siya, “Thank you, Daisy. Ito talaga ang kailangan ko ngayon.”
Ngumiti siya at umupo sa tabi ko, “Tell me what is he like?” Natigilan ako sa pagnguya ng pancake sa biglang tanong niya.
“Sino?” tanong ko, kahit na alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya.
“The Prince of Archery, what is he like? Bakit nahulog ng gano’n kabilis ang isang Katty sa isang kagaya niya?” she said with a gentle tone of voice, without any judgement. Pinagpatuloy ko ang pagnguya ng pancake bago magsalita.
“He’s nice,” I don’t know exactly how to describe him, but he’s unexpectedly charming and soft with me. “He cares when no one else does. He admires women and their strength. He knows how to use his words wisely and can tell me what I need to hear even when I don’t realize it. He’s rude to others, but he’s the softest guy when you get to know him deeply. He’s not full of himself and is always willing to support someone’s dreams,” alam kong kulang pa ang mga salitang ’yon para maging valid ang reason na magustuhan ko siya ng ganito kabilis.
Pero ano’ng magagawa ko? Puso ko na agad ang humusga, at hindi ko na ito mapigilan.
“I don’t know, Katty. It’s your heart; hindi ko mapipigilan ’yan. But just like what I said, maybe for now, just focus on your goal, and think about all of that after the finals. I just want you to finish your plan before jumping into anything else.” Tumango ako. For the nth time, may point siya. I need to finish my plan first before I face these feelings.
I stayed there and finished my breakfast before I decided to go back. Pagdating ko sa campus, huminga ako nang malalim. “Focus, malapit na ang finals,” I whispered bago naglakad papunta sa dorm.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, natigilan ako nang sumalubong sa akin si Bryce. Seryoso siyang nakatingin sa akin, “Where have you been?”
Sinara ko muna ’yung pinto bago naglakad papalapit sa kama ko. Pilit kong isinawalang bahala ang tingin niyang sinusundan ang bawat galaw ko.
Tumikhim muna ako bago siya tapunan ng tingin, “I just met with one of my girls outside and… you know, had a little fun together,” I said, mimicking what Keith usually says whenever I ask him. Hindi siya kumibo sa sagot ko at seryoso lang akong tiningnan. I looked at his eyes. Kumunot ang noo ko nang may mapansin.
Tama ba ang nakita ko?
Bakit parang galit siya?
Hindi akala mo lang ’yon, Katty —a voice in my head stated.
“Tsk, stop playing around. The finals is just around the corner, stupid,” nagulat ako nang pitikin niya ako sa noo, bago hinila palabas ng kwarto papunta sa archery gym.
“Hindi ba pwedeng magpalit muna ako ng damit, bro-dude?” hindi niya naman ako nilingon pero sumagot siya, “There’s no time for that now. Fix your gears,” he said at hinagis sa akin ang gears ko.
Kumunot ang noo ko sa sakit ng impact ng pagkakahagis niya. Bakit ba ang bugnutin niya ngayon? Wala na akong nagawa kung hindi sumunod na lang at ginawa lahat ng aking makakaya upang umiwas sa kanya. Paano ba naman? Sobrang strikto niya ngayong araw! Para siyang may mens na ewan!
“Wrong!”
“Mali!”
“You didn’t hit the target! Focus!” “You’re not listening!”
“You missed it again!”
Hindi na talaga ako makapag-focus nang mabuti sa target sa takot na magkamali ulit dahil sa sunod-sunod
niyang sermon. Bakit ba ang init na naman ng dugo nito?!
“Wrong agai—” bago pa man niya matapos ang sermon niya ay binitawan ko ang bow at inis siyang hinarap.
“Paano ako makakapag-focus kung sigaw ka nang sigaw, bro-dude?! Saka ano’ng oras na! Wala bang break?!” Natigilan naman siya, pero agad ding suminghal at tumayo. Inayos niya ang suot na jacket at seryoso akong tiningnan.
“Fine, let’s take a break. You know how to drive?” Kumunot ang noo ko. Huh? Bakit napunta sa pagmamaneho ang usapan?
“Ano? Bakit?” Umirap siya sa akin. Pinigilan kong mapangiti sa ginawa niya. Shit, ang cute niya!
“I can’t drive with this hand. You have to drive, so I’m asking you—do you know how to drive?”
“Oo,” nagulat ako nang bigla niyang hinagis sa akin ang isang susi ng sasakyan. Hindi pa man ako nakaka- recover nang hilahin niya ako palabas ng gym. Alam kong sa parking lot kami pupunta kaya hindi na ako umalma.
Nang makarating ay agad kaming sumakay sa isang sports car! Ni hindi man lang ako nagkaroon ng oras na i-appreciate ang kotse dahil parang nagmamadali ’tong kasama ko. Nagsimula na akong magmaneho, kahit hindi ko alam kung saan kami dapat pumunta.
“Where are we going?” tanong ko, habang nakatutuok sa kalsadang tinatahak.
“To my house,” he placed his phone to the phone holder. Sinilip ko ’yon at nakita ang Waze papunta sa bahay nila. Hindi na lang ako nagsalita at nag-focus sa ginagawa.
Habang papalapit kami nang papalapit sa bahay nila, unti-unti ring bumibilis ang tibok ng puso ko. Dagdag pa na sobrang tahimik lang naming dalawa. Walang nagsasalita at tanging tunog lang ng makina at aircon ang nangingibabaw.
Nang hindi ko na matiis ang katahimikan ay ako na ang unang bumasag sa katahimikan, “Bakit bigla tayong pupunta sa bahay niyo, bro-dude?” ilang segundo pa ang lumipas bago siya sumagot.
“Gusto ko lang,” walang gana niyang sambit. Tumango na lang ako. Ewan ko kung ano’ng nangyari sa kanya overnight, pero ayaw ko na lang malaman dahil bigla na naman siyang bumalik sa pagkapilosopo.
When we finally arrived, my lips parted when I saw how big their house is! Ang yaman naman pala nila! Mas malaki pa ang bahay niya kaysa sa amin! Nang bumukas ang malaking gate ay unti-unti kong pinasok ang kotse sa loob at nag-park sa napakalawak nilang parking lot. Halos kasing laki ito ng campus. Grabe!
Dahan-dahan akong bumababa ng sasakyan ni Bryce at natulala habang pinagmamasdana ang malawak nilang garden. Grabe sobrang lawak! Bahay ba ’to o mansyon ng mga hari at reyna?
“Let’s go inside,” walang ganang sambit ni Bryce kaya sumunod na lang ako sa kanya. Pumasok kami sa loob ng bahay at mas lalo akong namangha dahil sa Victorian Era inspired nitong design sa loob. Mas nagmukha itong kaharian ng mga hari at reyna.
“Bryce, my prince!” Nagulat ako nang may isang napakagandang babae, in her 40’s, na lumapit sa amin at agad na niyakap si Bryce nang sobrang higpit.
“Mom,” simpleng bati naman ni Bryce. Agad akong nag-bow nang tumingin ito sa akin.
“Hello po, Ma’am,” pagbati ko. Nakangiti itong lumapit sa akin at nakipagbeso.
“Hello, hello, welcome to our humble home.” ngumiti naman ako pero alam kong ngiwi ’yon! Humble pa ba ito? Kung gano’n, ano pang tawag sa bahay namin?
“Keith po,” pagpapakilala ko, tumango naman siya.
“He’s playing as my sub for the finals,” sambit ni Bryce at walang kung anu-ano’ng umakyat sa hagdan.
“Wait for me,” he said at iniwan ako sa harap ng mama niya. Hindi na lang ako sumagot at tumingin sa mama niyang nakatingin pala sa akin.
“It’s nice to see him bringing a friend here. This is the first time,” nakangiting sambit ng mama niya. Hindi ko naman maiwasang magtaka. Ibig bang sabihin, kahit sila Troy ay hindi pa nakakapunta rito?
“Thank you po, Ma’am,” sambit ko nang paupoin ako nito sa living room.
“Just call me Tita Faye.” I nodded, and smiled when she offered me some drinks and brownies.
“I’m glad na hindi na si Bryce ang maglalaro for the finals. Sobrang pressure kasi nito para sa akin, but at the same time I’m sad since he loves competing for the finals, pero I’m sure naman may reason why he chose you. By the way, how’s Bryce in school? May girlfriend na ba siya na hindi sinasabi sa akin?” sunod-sunod na sabi ni Tita Faye . Napalunok ako, hindi sa kaba, kung hindi dahil sa hindi ko alam ang dapat na isagot sa kanya.
“Uhm… all boys school po kami kaya wala po akong nakikitang babaeng umaaligid sa kanya doon,” sinsiro kong tugon. Tumango-tango naman siya habang nakangiti pa ring nakatingin sa akin. Hindi ba siya napapagod ngumiti?
“I know… actually, pinagsisisihan ko nga na riyan ko siya pinasok na school. I want him to explore and have a girlfriend. If I had known this would happen, I would have chosen a regular private school for him,” puno ng panghihinayang niyang sambit. Ngumiti na lang ako at uminom ng juice.
“Do you know that he has a girl crush since he was in elementary?” biglang sambit ni Tita na ikinatigil ko. Since elementary niya pa gusto ang babaeng ’yon? Ang swerte namana niya kung gano’n.
“Hindi po eh, hehe,” mukha namang nagulat si Tita sa isinagot ko.
“Oh really? Wait, I’ll show you the girl he likes. I know that even now, he still likes this girl,” bigla siyang tumayo at may kinuhang album sa isang cabinet dito sa sala. Sinundan ko lang siya ng tingin. Not gonna lie, curiosity took over my body. I’m curious who the lucky girl is.
I smiled at her when she showed me the album she’s holding. Nang makaupo siya sa single sofa na inuupuan kanina ay agad niyang binuklat ito. Ilang segundo lang ang lumipas ay iniharap niya sa akin ang album.
“Here, this is the girl,” itinuro niya ang isang punit na parte ng dyaryo kung saan may news about sa Philippine Sports Kids. It’s a picture of a girl holding a bow—a player in archery.
My smile slowly faded when I recognized the little girl.
“Bryce was 11 years old when he admitted that he likes this girl. Did you know that he pursued archery because of her? This girl showed so much passion for archery, which inspired Bryce. “ She turned the album to its next page, revealing a different picture of the same 10-year-old girl from the same newspaper.
I felt how my heart stopped beating. Para akong biglang nabingi at walang ibang nakikita kung hindi ang litratong nasa harap ko.
Malinaw na malinaw pa sa alaala ko lahat.
How my interest in archery grew along with me. How I begged Mom and Dad to enroll me in various archery classes to satisfy my curiosity and desire for archery— holding a bow and arrow.
My struggles throughout my archery journey.
And how the innocent 10-year-old me won in my first archery league, earning the title of the youngest winner and being featured in the Philippine News for days.
This girl is me .
“Mom! What’s that?!” Napalingon kami kay Bryce nang bumaba ito ng hagdan na nakapambahay na lang. When I looked at him, my heart melted.
He likes Katty. He likes me.
But here I am, lying straight to his face and slowly trying to take the place he earned because of me.
This isn’t good, Katty.
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 20: PROMISE
“HEY, are you listening? Tomorrow is the finals, you have to focus, dummy,” pinitik niya ako sa noo, kaya bumalik ako sa aking sarili. It’s been days since I met his mom and the revelation about the girl he likes for years now.
Ngayon, mas lalo akong nakokonsensya sa mga ginagawa ko. Ang bilis ng araw, bukas na ang finals at ito ako, wala sa matinong pag-iisip. Hindi alam ang mga nararamdaman. Masaya ako dahil gusto ko rin siya, and knowing that a guy has liked me for so long and become this version of himself because of me feels like heaven. But realizing how badly this plan could turn out if he finds out the truth is killing me.
I’m sure he will surely dislike me, and I don’t want that to happen.
Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. Taka naman niya akong tiningnan pero hindi ko na lamang ’yon pinansin. Nag-training lang kami buong araw kasama sila coach. Lahat naman ay tinuro na nila sa akin, but my mind is still filled with fear of losing his feelings for me—for Katty.
“Master Keith, good luck bukas ah? Out na kami. May pupuntahan pa kami ni Mike eh,” sambit ni Troy at ginulo pa ang buhok ko bago umalis.
“Denblake, tomorrow is all up to you. Just focus and win the game,” sambit ni Coach Aro at tinapik pa ang balikat ko bago sumunod kila Troy. Sa lahat ng sinabi nila, hindi ako sumagot at tanging tango at tipid na ngiti lamang ang ibinawi.
Nang mapagtanto kong kami na lang ni Bryce ang maiiwan sa gym, dali-dali kong hinubad ang suot-suot kong gears at hinablot ang aking bag.
“Ah!” sa kakamadali ko makalabas ay natapilok pa ako at nadapa sa gilid ng bench.
“Ano’ng ginagawa mo?” rinig kong tanong ni Bryce nang lumapit siya akin. Hindi ko na hinayaan pang hawakan niya ako at tumayo agad.
“W-wala. Sige, bro-dude, una na ak—” tinalikuran ko na siya at tatakbo na sana papalayo nang bigla niyang hilain ang bag ko papalapit sa kanya. Nasakal pa tuloy ako!
“Where do you think you’re going? Are you avoiding me?” nasampal ako ng katotohanan. Masyado na ba akong halata?
Umiwas ako ng tingin sa kanya bago sumagot, “Hindi mag-CR lang ako, bro. Hehe… saka ano’ng umiiwas? Hindi ha!”
“Really? Let’s eat dinner together, then.” Nagulat ako nang mabilis niyang inabot ang kamay ko at hinila palabas ng gym. That tight, yet gentle grip won’t let me go. This is bad. I can’t fail this plan. Sobrang lapit ko na.
“A-ano… magkikita kami ng kapatid ko ngayon eh. Pwedeng bukas na lang ako sumama sa’yo, bro?” sinubukan kong gumawa ng dahilan para lang hindi siya makasama, pero iba ata ang plano ni Lord.
“Great, bring me with you,” seryoso niyang sagot at tumigil pa sa paglalakad para titigan ako.
“H-huh?” kailan pa siya naging makulit?!
“N-nako, hindi pwede, bro. Ayaw no’n sa lalaki e.” Nag-papanic na ang braincells ko!
“Lalaki ka rin naman ah?” I bit my lip with his answer. Parang wala siyang pakialam at pinasakay na ako sa sasakyan niya.
“Ikaw mag-dadrive? Akala ko ba hindi pa pwede ’yang kamay mo?” tanong ko.
“I can drive now, but I can’t play tomorrow,” he started the engine before glancing at my direction.
“So, where will you meet your sister?” nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Shit! Mali, Katty! Maling- mali!
Kinuha ko ang phone ko at nagpanggap na tinatawagan ito, “H-hello? Yes, oo, san ba tayo magkikita?” Mukha akong tanga! Alam kong nakikinig si Bryce kaya kailangan kong mag-focus, kung hindi sira lahat ng pinaghirapan ko!
“A-ah hindi ka na tutuloy? May date ka? Sige, sige, kita na lang tayong game ah? Sige, bye!” tiningnan ko si Bryce na seryoso lang na nagdadrive.
“Hindi na raw kami tuloy, bro. May date siya,” pilit akong tumawa at hinintay ang reaksyon niya, pero seryoso lang siya at tila mas lalong nawalan ng gana dahil sa sinabi ko.
Dahil doon, tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa isang restaurant hindi kalayuan sa campus. Hindi naman ito gano’n kalayo pero bakit parang ang tagal ng biyahe namin? O dahil hindi lang ako comfortable sa kanya kaya gano’n?
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang kasama siya. “KKB ba tayo?” tanong ko. Paano ba naman kasi, wala akong dalang pera! Debit card lang.
“No, sagot ko na, stupid,” nakasimangot niyang sagot.
Hahawakan niya sana ang kamay ko papasok, pero agad akong umiwas at pasimpleng ngumiti. “Bro, kaya ko na,” tumango lang siya at pumasok na sa loob. Bago ako sumunod ay nag-sign of the cross muna ako. Please guide me, Lord!
Umupo kami sa dulong table for two. Bakit mas kakaiba ang kaba ko ngayon? Dagdag pa ang tibok ng puso kong sobrang nakakabaliw. Hindi ’to tama!
“Kaya mo nang mag-drive, ayaw mo bang baguhin ang isip mo at ikaw na ang lumaban bukas? Parang ok naman na ang kamay mo e,” sambit ko habang pumupili siya ng kakainin sa menu na inabot sa amin ng waitress, na naghihintay ngayon sa tabi ng table namin.
“It’s not stable,” he shortly said and talked to the waitress, na kanina pa kilig na kilig sa kanya. Patago akong umirap. Pero bigla kong maalala na ako pala ang gusto niya kaya napangisiako ng wala sa oras.
“Bakit ka tumatawa riyan?” nawala ang ngisi ko sa tanong niya. Nakita niya pala.
“Wala lang, trip ko lang hehe,” sambit ko at umiwas ng tingin.
“Order niyo po?” ako na ang kausap ng waitress, Napatigil pa ako nang mapansin ang kakaibang tingin niya sa akin. Aba, pati sa akin ay nagpapa-cute rin siya.
“’Yung kagaya na lang ng kanya,” masungit kong sagot. Tumango ito at ngumiti bago tuluyang umalis sa table namin.
“Your sister, she’s dating someone already?” nagulat ako sa tanong niya, pero hindi ko pinahalata sa kanya.
“Kaka-break lang nila ng boyfriend niya,” sambit ko at napasimangot nang maalala ang mukha ni Gio. Nakakainis talaga ’yung tukmol na ’yon! Bakit ba kasi pinatulan ko pa ’yon?
“Who?” napataas ang kilay ko nang mapansin na mas sumeryoso ang ekspresyon sa mukha niya.
“Uhm… si Gio—” he suddenly cut me off, “That guy I beat last year?” gulat pero may halong sarcasm nitong sambit. Tumango na lang ako dahil ’yon ang dahilan bakit kami nag-ayaw last year. Tinaasan ba naman ako ng boses habang cinocomfort ko siya sa pagkatalo niya kay Bryce.
“Oo,” tugon ko. Dumating na ang order namin kaya kumain kami. Binibilinan niya ako ng mga techniques habang kumakain kami. ’Yung mga magagamit ko bukas, pero parang hindi naman pumapasok sa isip ko.
“Thank you sa dinner ah?” sambit ko nang maubos ko ang pasta na kinain namin.
“Wait, there is something in your dummy face,” nanlaki ang mga mata ko nang dumukwang siya papalapit sa akin at pinunasan ang aking labi.
No, my heart just melted in a second.
“Good luck for tomorrow. I’ll be right behind you,” he said and smiled at me. I was just staring at him, feeling my heart beating so fast.
Mas lalong lumawak ang ngiti niya at ginulo ang buhok ko. He sat back on his seat and paid the bill.
After the game, I will tell you everything, and I hope you’ll forgive me.
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 21: KEITH
From
Mommy
:
You have to go home tonight. Bukas na ang debut mo. Everything is settled already. All you have to do is bring yourself here. Love you, princess.
TODAY is the finals, and tomorrow is my 18th birthday. Huminga ako nang malalim nang mabasa ang text message ni Mommy. This is the final day and my last chance to prove to everyone that I’m meant to win the archery league. It’s also the last opportunity to tell Bryce everything.
Pangako, Bryce, after I win this game, ikaw ang una kong kakausapin. Una kong ako si Katty, ang babaeng matagal mo nang gusto, at gusto rin kita.
Bumukas ang pinto kaya agad akong napalingon dito. Pumasok si Bryce kasama sila Troy at Mike. They were smiling at me, “This is it, Master Keith! Ipakita mo sa kanila ’yung sunod-sunod na strike mo, gaya ng ginawa mo kagabi sa training!” Minasahe pa nila Troy at Mike ang balikat ko, paglapit nila sa akin. Natatawa naman akong tumango at hinayaan sila sa ginagawa. Iba talaga trip ng dalawang ’to kahit kailan.
“Sigurado kaming mananalo ka! Walang palya!” Mike added. I laughed when he winked at me. Umupo sila sa tabi ko at inakbayan ako habang kinukwento ang nabuo nila kunong celebratory party ko after ng game. Tiningnan ko si Bryce na tahimik lang na nakatayo sa gilid. Wala ng benda ang kamay niya pero namumula pa rin ’yon.
“Ok na ’yung kamay mo… bro-dude?” muntikan ko nang makalimutan na ako si Keith! Shet! Tiningnan niya ako bago tumango at inabot sa akin ang kanyang bow. Naguguluhan ko siyang tiningnan at hinintay ang kung ano mang sasabihin.
“It’s my lucky charm. You should use it,” ani nito na nagpatibok ng puso ko. Para akong napipi sa gulat; hindi ko alam ang isasagot.
Bakit ba nagkagulo ng ganito ang plano ko? Masaya sana ako ngayon at excited supalpalin ang archery for boys ng school namin, pero bakit parang mali? Ang bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko na lang agad matapos ’to at makausap si Bryce ng kaming dalawa lang.
“Naks naman! First time ipahawak ni Prince Bryce ang special bow niya, ah? Master Keith, nako, sure win ka na talaga pag gamit mo ’yan! Tapos suportado ka pa ni Bryce!” tumayo kaming tatlo at tiningnan si Bryce.
I stared at him. He smiled at me before messing my hair. Hindi pa man ako nakakapagsalita nang siya na mismo naglagay no’n sa kamay ko. Nanatili lang ang tingin ko ro’n, naguguluhan sa kung ano ang dapat na maramdaman.
“Mauna na kami sa gym, Master Keith! Hintayin ka na lang namin doon. Kaya mo ’to, Master Keith!” Troy said, na mas lalong nakapangpahina sa akin.
“Uhm…” sabihin ko na ba? Nauna nang lumabas sila Troy at Mike, habang si Bryce ay lumingon sa akin at hinintay ang sasabihin ko. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Aminin sa kanya ang lahat, pero alam kong kailangan ko munang tapusin itong finals na.
I need to fulfill my plan.
“What?” taas-kilay nitong tanong na halatang nauubusan na ng pasensya. Napakamot ako sa aking ulo at ngumiti, “Uhm… wala, gusto ko lang magpasalamat at binigyan mo ako ng pagkakataon na lumaban sa finals.” It was a genuine thought.
“You deserve it,” he said with a comforting smile before turning his back to me and opening the door. Bago pa siya tuluyang makalabas ay lumingon siya muli sa akin.
“I trust you,” he whispered, making my heart drop for a moment.
Nang makalabas siya ay nanghihina akong napaupo sa kama. He trusts me, and yet here I am, still lying through his face.
“I’m so sorry, Bryce. Sana mapatawad mo ako.” Napasinghap ako nang mapansin ang sunod-sunod na pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.
Pinunasan ko agad ang mga ’yon. Bakit ka ba umiiyak, Katty? Ito na ang finals day! Ito na ang pinakahihintay mong pagkakataon! Focus, archer!
Tumayo ako nang tuwid at pinatuyo ang aking mga luha. Bago ang lahat ng personal na mga bagay, kailangan ko munang unahin ang laban na ’to. Biglang bumalik sa akin lahat ng mga sinabi nila.
“Nagbibiro ka ba, Miss Denblake? Nakakatawa ka naman.”
“Miss Denblake, maron na lang kaming isang buwan bago magsimula ang Archery Match laban sa East High University at kailangan naming manalo,”
“Makinig ka, Miss Denblake, alam kong marunong ka sa larangan ng archery, pero hindi sapat na dahilan ’yon para ipasok kita sa team. First of all, girls can’t be boys. Hindi mo kayang gawin ang mga kayang gawin ng mga lalaki.”
“What I’m trying to say is… you’re not man enough to be on the Archery for Boys. May I kindly request for you to stop this right now, Miss Denblake? Tanggapin mo na lang na wala na ang Archery for Girls. Try finding other clubs na mas appropriate sa’yo. How about the Cheerleading Club? After all, mas bagay naman ang mga babaeng katulad mo roon.”
“Baby, you can’t join the team for boys. You can’t do what they can do. You’re a girl, you’re supposed to be watching and cheering for the school. Speaking of, maybe that’s the best for you, mas bagay ka sa cheerleader club, baby. You wearing a cute skirt, sexy ponytails, and cheering with your lovely voice. Doon ka mas nababagay.”
“You know, Katty, you can’t be a boy. You can’t do what boys can do. Just accept it!”
Naramdam ko ang parang kuryenteng lumakbay sa katawan ko nang hawakan ko nang mahigpit ang bow ni Bryce. Taas-noo kong hinarap ang pinto at inayos ang aking suot na gears bago lumabas ng kwarto namin—kung saan nagsimula lahat.
Lahat ng sinabi niyo sa akin, lahat ’yon ay kakainin niyo ngayong araw. Sisiguraduhin ko ’yon. Parang slow motion kagaya sa mga movie ang nararamdaman ko habang naglalakad papunta sa gym. Nakapagbigay ng kakaibang kiliti sa katawan ko ang naririnig na maingay na crowd mula sa stadium ng campus. Kung saan gaganapin ang finals ng archery league.
Mabilis ang tibok ng puso ko, pero tumigil din nang mahagilap ko si Bryce na naghihintay sa entrance ng stadium. He was leaning on the door, waiting for me.
“Ready?” tanong niya nang makalapit ako sa kanya. Tumango ako at buong tapang na hinarap ang pinto ng entrance ng stadium. Tanaw ko na ang madaming tao sa loob.
He tapped my back and nodded at me, “You’ll win.” Inabot niya ang kamay ko at kunot-noong tinitigan ’yon.
“Where’s your finger gear?” Napasinghap ako. Doon ko lang na-realize na hindi ko pa pala ’yon nasuot!
“Nakalimutan ko suotin!” nanlalaki ang mga mata kong ani. Pinitik niya ako sa noo,
“Ouch!” daing ko, pero bago pa man ako makapagsalita muli ay bigla siyang tumakbo pabalik ng dorm. Kukunin niya ba?
“Master Keith! Nandyan ka na pala! Mag-start na ang game, pasok na!” bago pa man ako magsalita ay hinila na ako ni Troy at Mike papasok sa loob.
“T-teka, ’yung finger gear ko.” Ano ba naman kasi, Katty! Hindi mo muna chineck lahat bago umalis ng room!
“Don’t worry, meron akong dala,” sabi ni Coach Aro, na nakasunod na pala sa amin, at isinuot sa akin ang isang brand new finger gear.
“Win this, young man,” he added before pushing me to my designated spot for the competition. Lahat ng tao ay nandito. Lahat ng representatives at coach ng mga kalahok na schools ay nasa kanya-kanya rin nilang puwesto.
Napatigil ako nang mapansin ang mga representative ng dati kong school. Sakto namang napalingon sa akin ang isang member ng archery for boys namin at mayabang na tumango sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin at kinondisyon ang sarili.
Nahagilap ng tingin ko si Mr. Rivero. He was looking at me, but I just smirked at him. Dahil sa ginawa ko ay nabakasan ng kaba ang mukha nito. Tama ’yan, kabahan kayo dahil tatalunin ko kayo.
“ Prepare, because we are about to start our most awaited archery match!“
The crowd roared upon the emcee’s announcement.
Where are you, Bryce?
Keith’s POV
“ Ladies and gentlemen, we are now beginning our descent into Manila, Philippines VIA the Ninoy Aquino InternationalAirport. Please ensure your seat belts are fastened, tray tables are stowed,and seats are in their upright positions. We expect to land in approximately10:30 AM. The local time is 10:15 AM. On behalfof the crew, we thank you forfi ying with us and hope you have a pleasant stay in the Philippines or a safe onward journey.“
I removed my airpods when I heard the announcement. Finally, I’m back!
The first thing I did after stepping out of the plane was to call my sister. I’m sure she’s having a hard time covering me with Mommy and Daddy. And it’s her 18th birthday tomorrow! Good thing I broke up with that Hawaiian girl and arrived on time for her special day.
I dialed her phone number and smiled when she instantly answered. “Hello, sis?! I’m back!” I shouted. My forehead creased when I didn’t hear anything from her.
“Hey, Princess? Your brother is back. The amazing Keith is back! Where are you? Are you busy covering me up?” But silence just answered me. Why isn’t she talking?
“Hey, are you playing archery again? Come on, talk to me, Katty. I just got back from Hawaii!” My jaw dropped when she didn’t answer and just ended the call.
What the heck is wrong with her? Before I could even be pissed off, she texted me.
From
Princess
Katty
:
Meet me at the East High University Stadium. ASAP.
Huh? What is she doing in my school?
SHE TURNS HE CHAPTER 22: FINALS!
“
LADIES and gentlemen, please welcome the athletes to the junior men’s gold medal finals!
“ Isa- isa nang pinakilala ang mga representative ng mga kasaling schools.
Nang East High na ang tinawag, lahat ng tao ay tila nagulat dahil pangalan ko ang binanggit at hindi ang kay Bryce. Hindi ko na lang pinansin ang mga komento at tanong na pumuno sa buong stadium. Naglakad na ako papasok ng field, kasama ang iba pang representative ng East High.
“Nasaan si Bryce? Hindi ba siya ang ilalaban ng East High?” ’yan ang tanging katanungan na naririnig ko, pero busy ding hinahanap ng mga mata ko ang hinahanap nila—si Bryce.
Nasaan na ba siya? Ang alam ko, kukunin lang niya ’yung finger gear ko sa dorm ah? Bakit ang tagal niya? Magsisimula na ang game.
“Nasaan ka na, Bryce? Kailangan kita. Kinakabahan ako.” Tumingin ako sa maraming tao at parang dahan- dahan akong pinanghinaan ng loob dahil sa uri ng tingin na ibinabato nila sa akin.
Kahit lalaki ako ngayon, hindi pa rin ako nakaligtas sa judgement ng tao.
“Hindi kaya mali ang desisyon ng East High? Ang tagal na pinaghirapan ni Bryce ang placement nila, baka matalo sila dahil lang sa transferee na ’yan.” Napapikit ako sa narinig kong sabi ng isang audience malapit sa puwesto ko. Kung ako lang si Katty ngayon, baka nakipagbangayan na ako sa kanya!
“
On target number 1, aiming for the gold medal and representing Coralle University, we have Rico Vasquez!
“ malakas na hiyawan ang pinakawalan ng mga estudyante galing sa school namin nang tawagin ang pangalan ni Rico. Hindi ko alam kung bakit siya ang piniling representative ng school, eh natatalo ko siya sa tuwing semi-training dati eh.
“And his opponent, on target number 2, representing the pride of East High University, is the substitute for the Prince of Archery, Bryce De Vera—the new Prince of Archery, Keith Denblake!”
hindi ko inaasahan ang sobrang lakas ng hiyawan ng ipakilala ako sa crowd.
Halos dumagundong ang buong gym dahil sa sobrang lakas na suporta. Akala ko ay lahat ng ’yon ay para sa akin, pero nang mapalingon ako sa likod ko ay nakita ko si Bryce na seryosong nakatingin sa akin. Tumayo siya sa tabi ni Coach at seryosong tumayo, walang pakialam sa atensyong binibigay sa kanya ng mga manonood.
Gumaan ang pakiramdam ko nang makita siya. Pakiramdam ko ay kaya ko na ulit harapin lahat ng ito. My grip on his bow tightened. Ipapanalo ko ’to!
Tumayo ako nang tuwid at taas-noong hinarap ang lahat ng tao sa stadium.
“
Let me introduce the line judge for this match, the honorable Wilth Klinton
.“ As the emcee announced the judges, together with their messages. I focused preparing for the match. Nawala na ang kabang narramdaman, at napalitan ng kakaibang ginhawa.
“
Let us not wait any longer and start the match! Players, please take your positions.
“ We positioned ourselves and began the match.
“ For the first game ofthe day, we have the junior men’s gold medal final: a showdown between Coralle University and East High University, right here on the East High University Stadium! It’s Denblake versus Vasquez! Shooting first on the Target 1 is Rico Vasquez“
Napahinto ako nang maramdamang may lumapit sa tabi ko. Sinulyapan ko ’yon at nakita si Bryce. “Bakit ang tagal mo, bro-dude?” tanong ko, pero imbis na sumagot ay seryoso niyang inabot ang kamay ko at pinalitan ang suot kong finger gear. Sinuot niya sa akin ’yung finger gear ko na naiwan sa dorm at itinabi ang binigay ni Coach kanina.
“Ok ka lang?” tanong ko sa kanya, pero hindi niya ako sinagot. Pinaharap niya ako sa mga tao bago nanahimik sa tabi ko. I felt off but this is not the right time for that. Hindi na lang ako nagsalita at pinanood ang pag-first strike si Rico.
This is it, Katty! Show them what you’ve got.
“ Vasquez walks along the line, exuding confident,“
huminga ako nang malalim nang itaas na ni Rico ang kanyang bow at pumusisyon. This is it.
“ 9!“
Nag-sigawan ang mga tao sa nakuha niya, but I remained focus and positioned myself to strike next.
The blazing electricity travelled throughout my body as I squinted my eyes and aimed at the target.
1…
2…
3… Shoot!
“ 10!“
napahinga ako nang maluwag. Relax, Katty. Una pa lang ’yan!
Wala sa sarili kong inunat ang kamay nang pumosisyon na ulit si Rico para tumira.
“ 10! Wow! That’s what you expect from a goldmedal match! Now, it’s Denblake’s turn.“
Another one, Katty. Focus!
“ 10!“
napapikit ako nang maka-10 ulit ako.
That’s right. Be stable, Katty.
I just watched for Rico’s turn.
“ 9!“
Not gonna lie, I’m amused. Rico’s doing great right now compared on our last matches before.
Now, it’s my turn again. The last shot for Set 1.
“ 10! Denblake is really dominating the first set!“
malakas ang naging palakpakan ng mga tao nang matapos ang unang set.
“ The first set iscomplete. Currently, in the match between East High University and CoralleUniversity, Mr. Denblakeholds an unofficial 2-set point lead over Mr. Vasquez from Coralle University. Mr. Vasquez scored 9,10, and 9, whileMr. Denblake achieved 10, 10, and 10.This performance demonstrates a clear target lockfrom our new champion. “
I smiled at Bryce, and he just nodded at me.
“ For the second set, athletes, please be back on the line.“
Pinatunog ko muna ang daliri ko dahil, sa totoo lang, sinisimulan na akong kabahan.
“ For our second set, Denblake will be the first to shoot.“
I positioned myself, squinted my eyes, and aimed for the red dot in the center of the target. Wala sa sarili akong napatingin sa kamay kong nakahawak sa bow at napansin na nanginginig ’yon, dahilan para bigla kong mabitawan ang arrow.
“ 9!“
Fuck! Napapikit ako sa inis.
Ano ba, Katty?! Focus!
Mas nadagdagan ang inis ko nang nakanigising tumingin sa akin si Rico. ’Wag niya akong ginaganyan at baka hindi ko siya matantsa at mapagkamalam ko siyang target mamaya!
“ 9!“
Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko siyang lumingon sa akin na may ngiting aso sa labi. Lakas ng amats mo, tol!
My turn. Nagpakawala ako nang malalim na hininga bago pumosisyon. I smiled as I released the arrow.
“ 9!“
My smile faded. Shit! Bakit hindi 10?!
Ramdam ko ang nagbabagang tingin ni Bryce sa akin. Mas lalo tuloy nadadagdagan ang kaba ko!
“ 8!“
Habang inaayos ang bow at arrow para tumira ay narinig ko ang boses ni Mr. Rivero. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses niya, “What are you doing, Rico?! Ayusin mo naman! Don’t embarrass the whole team like this!” Hearing his words and voice switched something inside of me. Bumalik ang inis at galit ko sa kalbong ’yon.
I don’t know what happened, but my emotions clouded my mind.
“ 10!“
Inis kong pinatunog ang leeg ko. Damn that old hag.
When it was Rico’s turn again, I noticed that he became lousier than earlier.
“ 7!“
Nang tingnan ko ang coach ng archery for boys, they were already struggling. And when I looked at Rico’s face, he looked worried.
This is the last set; I will surely win this!
“ The second set is complete! Currently, in the battle of East High University and Coralle University, Mr. Denblake has taken an unofficial 3- set point lead over Mr. Vasquez. Thescores are 9,8, and 7 for Mr. Vasquez, and 9, 9, and10 for Mr. Denblake, the new Princeof Archery. Now, wemove on to the third and final set! Athletes, please return to your positions.“
“Last set, Katty,” I whispered to myself. Sumulyap muna ako kay Bryce bago tinutok ang atensyon sa target.
Wait for me, Bryce. I will win this for us, and I promise to tell you everything.
Rico aimed,
“ 10!“
My turn,
“Another 10 from Denblake!”
“ 9!“
Rico smiled when the emcee announced his score. He’s giving it his all, and I can’t let him win!
“ 10!“
I felt my grip on Bryce’s bow tightened. One last shot, Katty!
“ 10 for Coralle University!“
Damn it! Kailangan kong maka-10 ulit! I tilted my head to the side, stretching my neck. When suddenly, I recognized a very familiar face. He’s standing behind Bryce, looking shocked as our eyes met.
Oh no…
Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Parang may kung ano’ng biglang bumara sa lalamunan ko, dahilan para mawalan ako ng hininga. Bakas ang pagkalito sa mukha ni Keith, habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. He even looked at me from head to toe.
This is not happening. This can’t be real! Bakit nandito siya?! Bakit naandito na sa Pinas?! How come I didn’t know that he’s back?!
Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at pinilit ang sariling mag-focus sa target. Tangina! Parang biglang nawala ang lakas ng loob na nararamdaman ko kanina. Biglang nawalan ng lakas ang mga kamay. I inhaled sharply before lifting and aiming the bow and arrow at the target. Napapikit ako nang mapansing nanginginig ang hawak ko do’n. Hindi ’to pwede! This is my chance to prove them wrong! I can’t fail!
“Katty…” suddenly, a voice called out my name. Napalingon ako sa puwesto niya at wala sa sariling nabitawan ang arrow sa pagkagulat. I didn’t even look at the target!
“ 10! We have our gold medal winner—East High University!“
nagsigawan lahat ng tao, pero tila nabingi ako. Isang nakakabinging katahimikan ang sumakop sa buong katawan ko. Nang napatingin ako kay Bryce na seryosong nakatingin sa akin, I knew that it’s over.
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE CHAPTER 23: ENDING
“KATTY?” Nakita ko na lang na naguguluhang nakalapit sa puwesto ko si Keith. Napatigil naman sa hiyawan ang mga tao at napuno ng bulungan ang stadium. Nakatutok pala sa akin, sa amin, ang camera dahil ako ang nanalo. Pero hindi ko magawang mag- celebrate. Hindi ko magawang maging masaya.
Hindi ako makahinga nang maayos. Parang naubusan na ako ng hangin sa katawan. Maraming tanong sa isip ko na hindi ko na alam kung ano’ng sagot ang dapat una kong hanapin.
Nanlambot ako nang dahan-dahang lumingon si Bryce sa puwesto namin. With a serious expression on his face, his eyes roamed between me and my brother. My lips parted when Keith suddenly cupped my face.
“Bakit may dalawang Denblake sa line?” rinig kong tanong ng isa sa mga audience. I gulped hard. Please, not now. This is not happening.
“Ano’ng ginawa mo, Katty? Ano ’to?” Keith even chuckled as he tries to wipe my fake sideburns.
“What is happening?” napalingon kami nang biglang lumapit ang coach ng Coralle University.
He looked at us with a confused expression, but I didn’t mind him. He’s the least of my worries right now.
“B-bakit ka nandito?” paos kong tanong kay Keith, pilit na binabalewala ang atensyong nakukuha galing sa mga taong nasa paligid namin. Ang tanging na sa isip ko lang ay si Bryce. He’s just staring at me, without any emotion in his eyes.
Halos hindi ko na maramdaman ang pagtibok ng puso ko. Bakit ganito? Bakit umabot sa ganito ang plano ko? “I just got back from Hawaii. I called you earlier, but you didn’t even utter a single word. I got worried, kaya nang mag-text ka sa akin na pumunta rito ay dumiretso ako rito. But what’s this, Katty? Is this a prank?” naguguluhan niyang sagot habang pilit na inaalis ang mga kolorete ko sa mukha.
“Teka, sino ka?” Coach na ng East High University ang lumapit sa amin. He pushed Keith away from me. Kunot-noo naman siyang tinapunan ng tingin ni Keith. “I’m Keith, and what the heck is wrong with you?”
Napapikit ako. God, please, no…
“But he’s Keith!” sumulpot bigla si Troy at Mike sa tabi ko at naguguluhang tiningnan ang kapatid kong naguguluhan na rin sa mga nangyayari.
“W-what? What are you talking about?! That’s my sister, Katty! I’m Keith Denblake!” Mabilis ko siyang pinigilan nang akma niyang susugurin sina Troy at Mike na natigilan sa narinig.
“K-Keith, calm down, please.” He grabbed my hand and pulled me to face him. “What the heck is going on, Katty?! Why did you text me to come here? And what the hell is this show?!” Napapikit ako nang sumigaw si Keith sa inis. I know what he feels right now; he’s confused.
I’m so sorry, Keith.
“Hey, calm down. Tell me, who texted you?” ’yon na lamang ang una kong gustong malaman sa puntong ’to.
“Me,” it’s like my whole word stopped when I heard his voice echo in my ears. Nagtama ang tingin namin ni Bryce, na nakalapit na pala sa amin.
He was so dead serious as he gazed at me. “I texted him.” And standing beside him is Dean Chuck.
“I’m the one who texted him because you carelessly left your phone in the hallway. As days passed by, I mentioned that I was watching you because I fucking knew the difference between men and women. And I was right—you’re a sneaky girl who dressed up like a boy to enter this school.” Gasps echoed throughout the stadium.
“Tell me, what’s your plan, Miss Katty Denblake?” dagdag pa nito at lumapit sa akin, pushing my brother aside.
“Why did you do all of this—dressing up like a man with all this effort? What is your plan?! Tell us, right in front of everyone!” I could feel my body weaken. Parang kusang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at ano mang pagkakataon ay babagsak ako sa harap niya, sa harap nila.
Na hindi ko hahayaang mangyari kahit kailan.
“Are you planning to destroy our archery team?!” he shouted into my face. Napapikit ako sa sobrang lakas ng sigaw niya. Naramdaman ko pang tumalsik ang laway niya sa mukha ko. Puta!
“Hey! What do you think you’re doing, huh?! Don’t talk to my sister like that!” Keith suddenly pushed Dean Chuck away from me. Muntik pang matumba ang dean kung hindi lang siya naalalayan ni Bryce.
“Keith…” He held my hand, pulling me behind him.
“I don’t know what craziness my sister did, but I won’t let anyone, not even an entitled dean like you, talk to her like that!” Mukhang nagulat naman si Dean Chuck sa pagsigaw ni Keith at tahimik na umayos ng tayo.
“Keith…” maliban sa kaba ay nakaramdam ako ng takot. Ngayon ko lang siya nakitang magalit nang ganito! All my life, he’s been patient with me. Never once he raised his voice at me. His words pulled a string in my heart.
“Keith, calm down. Let me face this, hmm?” napalingon siya sa akin. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan bago siya dahan-dahang tumango. Hawak-hawak niya pa rin ang isa kong kamay nang pumwesto siya sa likod ko. Ramdam ko pa rin ang sama ng tingin niya kay Dean na hindi ko na lang pinagtuunan muna ng pansin.
I tried my best to breathe normally before facing Bryce’s cold stare. Without hesitation, I slowly removed my wig along with the hair net holding my wavy hair. Nang matanggal ko ito ng tuluyan ay kusang bumagsak ang mahaba kong buhok.
Lahat ng tao ay nagulat, at mas lalong lumakas ang mga bulungan.
“I did this because I wanted to prove something to everyone. My previous school cancelled the archery program for girls that I had been a part of for years. They did it to reallocate the funds and focus solely on the boys’ archery team because they wanted to win this finals. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangan pa nilang tanggalin ang archery for girls, at kailangan pang ikumpara ang mga kakayahan ng mga babae at lalaki sa larangang ito. Sobrang dami kong natanggap na criticisms dahil lang sa babae ako. Na hindi ko raw kayang gawin ang kayang gawin ng mga lalaki, especially in this field. Can you believe it? They told me I wouldn’t win in archery just because I’m a girl and that I’d never make it to this finals!” sumulyap ako kay Bryce pero nanatiling blangko lang ang expression niya.
“My brother, Keith, was originally transferred to this university, but he decided to take a vacation abroad before starting here. Doon pumasok sa isip ko na magpanggap bilang siya para patunayan ang sarili ko at ako ang lumaban sa finals under this university. Na ako mismo ang tatalo sa kanila,” tinuro ko ang coach ng school ko na ikinagulat pa nga niya.
“This is to slap them the reality that women can do what men can do. In every aspect in life—whether in sports, work, or academics—there should be no gender discrimination. Equality should be the core and should be respected! Minaliit niyo ang isang babaeng katulad ko, at ngayon ang babaeng, ’yon mismo ang tumalo sa inyo!” buong tapang kong sambit. Hindi makapaniwalang dinuro ako ni Mr. Rivero at galit na lumapit pa sa akin.
“This is absurd! She can’t play in the finals! Hindi counted ang panalo ng East High University dahil madaya sila! Babae ang pinanglaban nila! We should announce our university as the winner here!” desperadong sambit ni Mr. Rivero at tiningnan pa ang mga audience na animo’y naghahanap ng kakampi. I scoffed as I watched him. I didn’t realize that someone with such a fragile ego could be this desperate.
His words later on made the audience roar in disagreement. Some of them even stood up and threw things at him! Coach Aro stood beside me and tapped my shoulder, “Don’t worry, Katty. In my gym, in my territory, there is equality between men and women who play for my team and is still considered as a part of my team,” hindi pa man ako nakakapagsalita nang mabilis siyang tumalikod at nilapitan si Coach na patuloy pa rin sa pagngawa ng kung anu-ano.
“We won. Just accept the fucking fact that your coaching is toxic and stop making excuses based on gender!” nagulat kaming lahat nang suntukin niya si Coach na ikinabagsak nito sa sahig!
Naghiyawan ang mga tao at mas lalong dumami ang mga tinatapon nila kay Mr. Rivero. “BOO! BOO!” sigawan pa ng mga estudyante.
Natigilan ako nang mahagilap si Gio hindi kalayuan sa amin. He was looking at me. I smirked at him and raised my hand with my middle finger before turning my back. I smiled as Keith hugged me tightly.
“I’m so proud of you, Katty,” he whispered, kissing my forehead.
“Miss Denblake.” Lumayo ako kay Keith nang tawagin ako ni Dean Chuck. Nakatayo na sa tabi ni Coach. Bigla akong kinabahan. Papagalitan ba nila ako? Kakasuhan ba nila ako ng trespassing? Makukulong ba ako? ’Wag naman sana!
“Because of you, I realized that I shouldn’t dwell on the past and should focus on bringing equality to my school. You’ve elevated our perception and your words truly struck a chord. I now understand that I need to accept the fact that women embody real beauty and strength. However, this doesn’t mean that you’re forgiven for disobeying the rules. Speaking of equality, you should know that there are consequences for your actions,” he explained thoroughly.
Tumango ako, “Tatanggapin ko po ang kung ano mang punishment na ibibigay niyo. Pasensya na po sa gulong idinulot ko rito sa East High, Dean,” mahina kong sambit.
Ngumiti naman siya akin. “First, you have to enroll here and be in the archery team for the rest of your stay,” natigilan ako at agad na napatingin sa kanya. Ano? Tama ba ang narinig ko?!
“P-po?” Nagkatinginan kami ni Keith at pareahas kaming gulat sa sinabi ni Dean.
“From now on, East High University will accept students of all genders! As your consequence, you must remain here until you graduate and win every match for the university. This school needs not only a great archer but also one who stands for their words. Welcome to East High University, Katty Denblake.” Dahil sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko silang dalawa ni Coach Aro.
“Maraming salamat po!” They smiled at me and proceeded to talk with Keith. Tiningnan ko si Bryce na seryoso lang na nakatayo at diretso ang tingin sa akin.
Napalunok ako nang muling bumilis ang pagtibok ng puso ko. Masakit din ’yon dahil alam kong galit sila sa akin. Lumapit ako sa kanya, pero hindi pa man ako nakakapasalita, tumulo na ang luha ko. Nagsisisi akong hindi ko agad sinabi sa kanya ang totoo.
“Bryce… I’m so sorry I lied to you. Sorry dahil hinayaan kong pagkatiwalaan mo ako kahit na nagsisinungaling ako sa’yo. I-I’m so sorry dahil niloko kita at nagpanggap akong kapatid ko. Sorry dahil hindi ko agad sinabi sa’yo…” nanatili lang siyang tahimik na nakatingin sa akin. Napapikit ako.
This is it, Katty. Blurt it out or lose the chance!
“At sorry dahil nahulog na ako sa’yo kaya natatakot akong aminin lahat sa’yo agad. Ayaw kong magalit ka sa akin. I’m so sorry, Bryce!” yumuko ako at pinunasan ang mga luhang kumawala na mula sa mga mata ko.
“Who areyou?” Napaangat ako ng tingin sa kanya. Seryoso ba siya sa tanong niya?Pero wala namang nagbago sa mukha niya! Ilang segundo ko siyang tinitigan bago napalunok.
“Hindi ako si Keith Denblake. Keith is my brother. My real name is Katty, Katty Denblake,” mahinahon kong sambit.
Seconds passed, and only silence filled the air between us. I felt something clench my heart. I knew it. He’s mad. He won’t forgive me for what I did. He’ll surely—
“I know.”
What did he say?
“A-ano?” Ang blanko niyang mukha ay biglang lumiwanag at lumitaw ang malaking ngiti sa kanyang mga labi.
“I knew it from the start. I knew it was you, Katty,” ani nito, na ikinahulog ng buong kaluluwa ko, kasabay ng panga ko. Ano?! Alam niya?! Paano?!
“P-paanong?” ngayon, ako naman ang naguguluhan.
“You’re a stupid dummy who carelessly left your bag open inside our room. I saw your bra and undies there, and your extra wig under your bed. That’s when I realized that you’re not Keith Denblake.” Para akong nabingi sa sinabi niya! What the hell?! So lahat ng mga pinakita niya sa akin no’ng ako pa si Keith ay…?
“’Yung s-shower together… alam mo na nababae ako no’n?!” Hindi ako makapaniwala! Hindi pa nag-sisink in sa utak ko lahat ng sinabi niya!
“Hell yeah. That’s why I was trying to tease you and get you caught, but I realized you’re not that stupid to fall into that kind of trap,” natatawa siyang sinara ang espasyo sa pagitan namin. Para naman akong hinugutan ng hininga sa ginawa niya. Ang lapit niya sa akin!
“Hi, Katty. I’m Bryce Del Vera, and I’ve had a crush on you since I was 11 years old. Nice to finally meet you.” My heart skipped a beat. Someone please, if this is just a dream, tell me it’s not true.
Pero kung panaginip nga lang ito, ’wag niyo na lang akong gisingin!
“I-I’m Katty,” wala sa sariling kong sambit. Nagulat ako nang buhatin niya ako bigla ng may ngiti pa sa kanyang mga labi.
My eyes widened when he stole a peck on my cheek. “I know, archer!” he said.
So, this is my happy ending?!
“ Happy 18th birthday, Katty! And for our final dance, the most awaited moment, please welcome Katty’s boyfriend, the Prince of Archery, Bryce Del Vera!“
Naghiwayan ang lahat ng tao sa venue sa paglapit ni Bryce sa akin dala-dala ang isang red rose para sa last dance ko for the 18 roses.
He smoothly grabbed my waist, and we both started dancing in front of everyone.
“You’re in love with me,” confident niyang sambit at bahagya pang kinurot ang ilong ko na ikinapikit ko. Natatawa ko siyang inirapan dahil pang-ilang beses na niyang sinasabi ’yon sa akin.
“So do you,” pabiro kong dagdag. Ngumiti siya at pinagdikit ang noo namin habang sinasabayan ang tono ng musikang parang bumabalot sa aming dalawa.
“I can’t believe you’re mine now. I just admired you back then and now, damn, you’re deadly in love with me,” biro niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Napakafeelingero rin pala ng lalaking ’to?!
“Baka ikaw ang patay na patay sa akin! Tsk.” He pulled me closer to him, making me blush.
“Baka nga,” he whispered, planting a warm kiss on my forehead.
“This isn’t the end of our journey; it’s just the beginning. I’m committed to supporting you in in archery for as long as it takes for you to become the queen of archery, my she turns he ,” he said with a genuine smile.
“I target you, Bryce,” I whispered, letting out a soft chuckle.
“You’re my target.”
THE END
D A W N V E L L I C H O R
SHE TURNS HE BOOK PRE-ORDER!!!






THE WAIT IS OVER! SHE’S HERE!!!
SCHOOL FOR BOYS: SHE TURNS HE
PRE-ORDER STARTS TODAY
Link:
Katty Denblake is in a real feminist war. Complications threaten her desire for archery, schemes to pose as her older brother, Keith Denblake, and take his place at East High School University for Boy’s. The goal is to replace the Prince of Archery and prove that a woman can win an archery match but ends up falling in love with the prince. A smooth sail plan it is, not until his brother went back from hawaii not knowing his sister already replaced him at East High University.
BOOK DETAILS:Book Price: 390.00 only!Size: 5x8Paper type: White Paper
MOD: Flash Express and LalamoveMOP: GCASH 0909 615 8078 VNGPrice for PAYO: 390.00+ sfFor Installment: 490+ sfDP of 200 required. Remaining balance must be pained before the end of the pre-order.
First 10 full paid buyers will receives freebies from the author:S.T.H. ARCHERY TEAM SHIRTS.T.H. PHOTOCARDSS.T.H. STICKERSS.T.H. COMIC SCENE
Additional Freebies from the Author (All buyers will receive this):— 2 PHOTOCARDS— MINI STICKERS
From MNV: POST CARD BOOKMARK
Pre-order starts: July 31, 2024Pre order ends: August 31, 2024

