loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Second Chances (BoyxBoy) [HIATUS]

Second Chances (BoyxBoy) [HIATUS]

xXxMalexXxDamselxXx · 6 chapters · 6,757 words

Second Chances ( boyxboy ) TAGALOG

Magandang Umaga/Hapon/Gabi/Madaling araw o anumang oras ka nag babasa ng istorya ko ngayo. Gusto kong sabihin na salamat sa pag babasa ng aking istorya! Anyways, ginawa ko itong story nato dahil puro rnglish ang ginagawa kong story na boyxboy kaya naman gumawa ako ng tagalog series! Napansin ko rin na karamihan ng tagalog na boyxboy na story ay hindi tapos o maiikli ang plot kaya naman gumawa na din ako ng story ko! This is my first story na tagalog boyxboy!

READ.ENJOY. AND READ BOYXBOY!

Vote.Comment and be a FAN!

Chapter 1~~~ The New Boy

Chapter 1

“Xavier!!! Gumising ka na nga at tanghali na!!!” sigaw ng nanay ko umagang umaga palang.

Tinignan ko ang cellphone ko at napamura, shit! Ma lalate nanaman ako! Dali dali kong inayos ang higaan ko at tumakbo papuntang banyo upang maligo, buti nalang at may sari-sarili kaming banyo sa bawat kwarto. Dali dali kong hinubad ang damit pang tulog ko at hindi na ininda ang buhos ng malamig na tubig na nangga-galing sa shower.

Ako nga pala si John Xavier Montero, 15, Third year highschool sa Princeton Academy. O diba! Sosyal ng pangalan ng school ko! Payat ako pero may muscle, may abs pa nga eh. Isang tipical na Filipino at bakla. Oo bakla ako, alam ng mga magulang ko na bakla ako pero hindi ako yung mga tipong nag su-suot ng mga damit pam babae. I mean, oo bakla ako pero ayoko talagang mag suot ng mga pambabae dahil hindi naman ako babae at isa pa, lalake ako at ang gusto ko lang na mahalin ay lalake din! At isa pa, crush ko na si Voughn Santiago ang bestfriend ko at alam din yata ng lahat ng nakakakilala sa akin na bading ako.

Nag sabon na ako at nag shampoo at nag patuyo nan g katawan. Pumasok ako sa kwarto ko at nakalatag na doon ang uniform  kong color blue at pants kong dark blue. Pumunta ako sa drawer ko at nag hanap ng bagong brief at boxer saka ko sinuot ang mga yon at nag hanap na rin ako ng sando,medyas, panyo  para isusuot ko nalang at gagamitin.

Nakabihis na ako ng bumaba ako mag mula sa pangalawang palapag ng maluwang naming bahay at bumungad sa akin si ate Tala.

“Ui Xavier! Kain ka na sa kusina, andun na sila mama mo” Bungad niya sa akin na may kahalong ngiti.

Nginitian ko lang siya at dere-derestsong nag lakad papunta sa kusina. Pag ka pasok ko doon nakita ko na sila mama, papa at si Justine, ang kapatid kong lalake. Umupo ako sa tapat ni mama at nakatabi ko si Justine na mukhang inaantok pa kaya naman siniko ko siya sa tagilirian para magising , at nagising nga siya kaso pinapatay niya naman ako sa tingin. Dinilaan ko nalang siya at tsaka hindi pinansin at nag simula na kaming mag dasal at kuamain.

“Xavier, pinapasabi pala ng Lolo Hugo mo na  aka gusto mong mag-aral sa London pag 4th year kana” Sabi ni mama habang susubo palang ng kinakain naming kanin at adobong baboy.

“Ma, diba sabi ko naman na ayaw kong tumira kasama ni Lolo dun sa London” sagot ko sa kanya habang nakatingin kay mama.

Tumungin siya sa akin at tsaka tumingin kay papa at bumaling ulit ang tingin ni mama sa akin.

“Anak, gusto lang naman ng Lolo niyo na makasama kayo, at isa pa malapit na rin siya”

Tinignan ko lang si mama, sabagay matagal na ring hindi umuuwi si Lolo dito sa pinas.

“pag iisipan ko nalang po yan” sagot ko kay mama sabay ngiti sa kanya at kay papa.

“o siya, siya. Mag toothbrush na kayo at pumasok na at baka kayo ay malate” utos naman ni papa kaya sumunod kami agad.

Princeton Academy~~~

“ Hi Xavier!” bati sa akin ni Amanda, isa sa mga closest friend ko habang papsok ako sa classroom namain na nasa first floor.

“Hello Amanda” sagot ko sa kanya habang papunta na ako sa upuan ko.

“Ui, parang ang tamlay mo ngayon?” tanong ni Amanda sabay upo sa bakanteng upun na kaharap ng upuan ko.

“Pina papunta nila ako sa London”

“Oh? Bat ayaw mo?”

“Adik!, pano naman si Voughn?”

“Hanggang ngayon pa rin ba umaasa ka sa kanya?”

“masama bang umasa?”

“hindi naman masamang umasa, kaso umaasa ka sa wala” sabay hawak sa balikat ko.

Umaasa nga lang ba ako sa wala? Kung tutuusin, mag mula nung grade 6 pa kami crush ko na siya. Di ko nga alam kung bakit noon hindi ko pa nararamdaman yon pero ngayon, ramdam na ramdam ko na yon. Na alala ko tuloy nung grade 3 kami, nakalimutan kong kunin yung baon ko na sandwhich kay mama kaya nga-nga ako nung recess naming pero may lumapit sa akin, yung transferee na kaklase namin, umiiyak na ako noon kasi yung teacher may meeting noon kaya naman lumapit siya sa akin at nag inoffer niya yung extrang sandwhich niya. Tinignan ko lang siya noon at tinitigan niya din ako sabay bigay nung abot nung sandwhich sa kamay niya. Mag mula noon lagi ko na siyang kasama kasabay ni Amanda.

“Anong ngini-ngiti mo jan?” tanong ni Amanda. Di ko na pala namalayan na nakangiti ako habang binabalikan yung araw na naging kaibigan ko si Voughn.

“May na ala-la lang ako” sagot ko sa kanya habang nakangiti pa rin at sinabing nagugutom ako kahit hindi naman, kaya naman lumabas muna kami papuntang canteen.

Si Amanda Bareilles, maputi, chinita, maganda at matalino. Madami ngang lalake na nag kakagusto sa kanya. Minsan pa nga nung pumupunta kaming mall, napag kakamalan ng girlfriend ko siya pero todo tanggi kaming dalawa.

Bumili lang ako ng C2 sa canteen at bumili naman si Amanda ng Piattos niya at C2 at nag lakad lakad muna kami sa hallways ng school habang hindi pa nag be-bell. Duamaan na kami sa registrar at napansin na may isang gwapong lalake, matangkad, maputi at itim na itim ang buhok. Sumisilip kami sa bintana ng registrar at nakita na nakikipag usap siya kay Ma’am Amadeo,yung registrar personnel ng school. Biglang lumingon sa amin yung lalake kaya naman kaming dalawa ni Amanda tumkbo papuntang tapat ng classroom.

“Bakla!” sabay palo ni Amanda sa Likod ko “ang gwapo ng adan na yon!”

“Aray ko naman!” sabay palo sa kanya. “Ang gwa-

Natigilan ako sa sasabihin ko kasi biglang tumabi sa akin si Voughn. Hindi ko alam na kakadating palang niya kasi may bit bit pa siyang bag.

“Anong gwa?” pag tatanong niya habang nakatingin sa amin si Amanda.

“may gwapo kaming nakita ni Amanda sa may registrar” sagot ko sa kanya.

“oo nga Voughn ang gwapo gwapo niya!” tili ni Amnda sa harapan ko na parang kinikilig na ewan.

“Mas gwapo pa ba sa akin?” tanong ni Voughn. Tinignan naming siya ni Amanda at nag katinginan kaming dalawa. Nag hihintay kung sino ang sasagot sa tanong niya, kasi pag minsan nag kamali si Amanda ng sagot sa kanya ayun! Nag tampo parang bata lang. pero ang cute cute niya pag nag tatampo infairness.

Tinignan ko siya at sabay sabing “ oo naman”  sabay ngiti sa kanya

Ngumiti lang siya sa amin at sabay pasok sa classroom. Di nag tagal pumasok na rin akming dalawa ni Amanda. Ilan minute ang nakalipas ng pumasok ang HomeRoom Teacher naming sa si Sir Arnold. Swerte nga naming dahil mabait at gwapo pa siya.

“Good Morning Class”  bungad niya sa amin habang nilalatag niya yung mga gamit niya sa lamesa.

“Good Morning Sir!’ sagot naming lahat.

“May I introduce you to your new classmate” sabay turo sa pintuan, sakto naman na pumasok na yung bagong naming classmate which is yung nakita naming ni Amanda Sa registar. Tinignan ako ni Amanda sa upuan niya sa harap habang ako nasa likod, tinignan ko lang din siya at ngumiti siya sa akin ng nakakloka.

Habang pumapasok yung bagong estudyante, lahat ng girls naka smile, nag papa cute at nag papaganda, yung mga boys naman. Tahimik lang. tinignan ko so Voughn sa kinauupuan niya at tinitignan niyang mabuti yung bago naming classmate.

“Please introduce yourself” utos ni sir sa bagong estudyante.

“My name is Mark Anthony Villegas, I came from the city and forced to study here because of family issues.”

Sa opnion ko, para siyang spoiled brat, masungit, suplado at mayaman. Wala naman akong pakialam sa kanya kasi ang gusto ko si Voughn lang. charaught.

“okay” ngiti ni sir. “wala ka pang chair kaya naman doon ka muna sa tabi ni sir…” at tinignan niya ang kanyang listahan. Yung mga girls naman naka cross-fingers, natatwa nalang ako sa kanila at di ko alam kung bakit  “ Montero at the back” bigla kong nilingon si sir at nakaturo siya sa direksyon ko, tinignan ko si Mark at naka ngisi lang siya ng di mo ma wari’y


nakakaloka mag sulat, pero anyways. nag enjoy ako.

see yo next update!

# Chapter 2~~~ What the Dafuq?!

Chapter 2

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"UGH!" sigaw ko sa kinauupuan ko sa loob ng Dining Hall. "Nakakainis yung mokong na yon!"

"Chill ka lang girl" pag awat sa akin ni Amanda.

"Nakakainis talaga siya!" 

"Ano ba kasing ginawa niya at naiinis ka kay Mark? I mean, mukha naman siyang anghel" sabi ni Amanda habang nakangiti at mukhang nag da-daydream.

"Sakin kaba kumakampi o kay Mark?" tanong ko sa kanya habang binibigyan ng isang makapatay tingin.

"Ano kaba! Syempre sayo!" sagot niya sabay palo sa balikat ko.

"hmmmmm." Sabi ko nalang at tinignan ang Dining Hall ng Princeton Academy.

May mga studyanteng kumakain, nag tatawanan, nag lalandian at kung ano ano pa. Andito kaming dalawa ni Amanda ngayon sa aming favourite spot na malapit sa may bintana na nakatapat sa basketball court kung saan nanduon si Voughn na naglalaro. Ang gwapo niya kahit pinagpapawisan! SHYET! Sarap dilaan nung abs! hindi ko napansin na may tumabi pala sa akin at nakikipag tawanan kay Amanda, kaya naka curious ako at tumingin sa tabi ko. As in FUCK! Tumabi sa akin si Mark Villegas!

"Bat anong ginagawa mo ditto?!" tanong ko sa kanya ng pagalit.

"Wag ganyan babe, I miss you too babe" Sagot niya habang ngumiti ng nakakaloko.

Ay bwisit! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh! Mag mula kasi nung tumabi siya sa akin kaninang Home Room, BABE na ang tawag sa akin! Konting konti nalang pe-pektusan ko to eh! Bat ba kasi wala si Vough, my night and Shining armor?!

"EWWWWWW, tumigil ka nga nakakadiri ka! Shoooo!" pag tataboy ko sa kanya at humarap kay Amanda na nanunuod lang sa amin.

*sniff* *sniff*

Pagtingin ko Kay Mark, ay Pota! Umiiyak! Yung dalawang kamay niya nakapatong sa lamesa at dun naman naka patong yung ulo niya at umiiyak. Tinusok ko yung tagiliran niya, gumalaw siya ng kaunti na parabang nagulat sa ginawa ko pero hindi pa rin siya tumatahan at mas lalo pa atang lumakkas yung pag hikbi niya.

"Hala gurl!" sita sa akin ni Amnda na para bang pinipilit na hindi tumawa.

"Shut up girl!" sabi ko nalang sa kanya kaya tinuloy niya nalang ang kumain ng kung ano man ang kinakain niya.

"ui Mark'" sabay tusok ulit sa may tagiliran niya pero wala pa rin. "Marky" sabay alog sa balikat niya "Anthony" sabay tusok sa may tagiliran niya. Pero wla parin. "hala! Ui tumigil kana ohh" sabi ko sa kanya. Ano ba naman kasi yung rason at bakit to umiyak ehh! "ui Sorry na po" sabay himas sa likod niya. Tinignan ko si Amnda for help pero nandun siya sa may Beverage area at tumitingin ng maiinom, ay pota -_- kung kailan mo siya kailangan, dun naman siya mawawala."ui, sorry na oh" sabay lapit pa sa kanya at nilagay ko yung isang kamay ko sa balikat niya at yung isa naman nakalagay lang sa harap niya bale, parang I hu-hud ko siya per ewwwwwww never!

At sa di inaasahang pangyayare, hinila niya yung kamay ko na nasa harapan niya at nag lagay siya ng kamay sa may bewang ko at hinila niya ako papalapit sa kanya at yun na!

Bigla niya akong hinalikan... 

Napatulala nalang ako at nung bumalik na yung malay ko tinulak ko siya palayo sa akin at sumigaw ako.

"MANYAK!!!" sabay binigyan ko siya ng isang milyong palo sa katawan at mukha. Nkatingin na sa amin ngayon yung iba pang estudyante sa may Dining Area at lumapit sa amin si Amnda para umawat.

"ui girl tama nayan!" pag aawat sa akin ni Amanda habang si Mark nakatayo na rin at pinapakalma ako.

"Tangina! Bat ako kakalma!" sigaw ko sa kanya "FIRST KISS KO YON EH!" 

Pilit siayng nag sosorry sa akin pero hindi ko siya pinapansin. FUCK! Wala na first kiss ko! Huhuhuhu, para akong nawalan ng virginity! Nakaka bwisit talaga yung MARK na Yon! Wag lang siyang tumabi tabi sa akin bukas sa HomeRoom at makikita niya ang galit ni Xavier Montero!

Sinita na kami ng guard at tumulong na rin yung mga personnel ng Dining Area at dinala kami sa may Prefect of Discipline. ( POD )

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

POD

"siya kasi na una sir ehh" sabi ko kay Sir Dela Cruz, ang POD disciplinary teacher namin.

Andito kami ngayon sa loob ng POD office, si ate Jenica, yung assistant ni Sir POD ay may inaasikasong mga fies ng mga studyante na may mga ginawang ka ek-ekan sa loob ng campus. Mga lalaki na nag suntukan, mga babae na nag sabunutan at mga kung ano ano pa! 

"ano ba kasi ang ginawa mo iho?" tanong ni sir POD kay Mark.

"hinalikan ko po siya sir" sagot niya ng may lakas ng loob.

"hinalikan?!" laking gulat niya ng marinig niya yon.

"yes sir," dag-dag pa niya.

"at bakit mo naman siya hinalikan aber!?"

"masama ba sir ang humalik?"

"hindi naman pero..."

"hindi naman po pala sir eh boyfriend ko naman po si Xavier ehh"

"ULUL!" sigaw ko sa kanya sabay palo ng balikat niya. "anong boyfriend mo?! NBSB pa ako noh!" dag dag ko at sabay lingon kay sir "sir tatanggapin ko po ang detention or parusa, just don't believe him that his my boyfriend!"

"cge cge, detention for the two of you after class and 6 hours community service now, you may go" sabi ni sir POD at sa wakas makakalabas na rin ako ng office niya! Nag ba-bye ako kay ate Jenica at lumabas. Tawag ng tawag si Mark sa Pangalan ko pero hindi ko siya puinapansin. Dire diretso lang ako sa next subject naming wich is last period dahil umabot ng 1 hour ang pag awat sa amin ng mga Staffs and personnel. Ok lang si Mark lang naman yun!

Nag lakad ako ng mabilis at hindi ko siya pianapansin hanggang maka abot ako sa classroom. 

Kumatok ako sa teacher at nag excuse me kung pwedeng pumasok. Pumayag naman pero ang hindi ko inaasahan pinag titinginan ako ng mga kaklase ko at nag bubulungan...

"ui gurl, ang alam ko sinundan ni Mark si Xavier ditto sa school kasi nag break daw sila noon eh hindi maka get over so Mark kaya hinanap niya si Xavier"

"ano bayan! First day nung Transferee sinunggaban ni Xavier agad! Malanding bakla !

"hay nako! Malandi naman talaga si Xavier ehh, at isa pa nag away sila kanina dahil si Mark pinag seselosan si Voughn"

Hay nako, kung sino man mga nag spread ng rumors na yon is a very low level of living creature. Bastah ako alam ko ang totoo ay so God ang mas nakaka alam. What goes around, comes around bitch! Muahaha.

Ng maka upon a ako sa upuan ko sakto naman na kakadating naman ni Mark at saka siya nag excuse na pumasok. Mukhang hindi niya na halata na kami ang pinag uusapan kaya dire diretso lang siyang umupo sa tabi ko. Kinakalabit niya ako pero hindi ko parin siya pinapansin.

"ano ba bang problema mong lalake ka? Kakapasok mo alang may record kana sa POD office! Hindi kaba nahihiya sa sarili mo?" tanong ko sakanya ng medyo naiirita na dahil halos 5 minutes siyang nangangalabit.

"pansinin mo naman ako oh, sorry na nga diba?"

"sorry mo mukha mo!" kasabay non lumipat ako ng upun dahil nangongopya ako ng mga lectures.

"ok ka lang?" pag tingin ko si Voughn

"ayos lang ako" sabay ngiti 

"may gagawin kaba mamaya?"pag tatanong niya sa akin...

"wala naman" sagot ko sa kanya habang pinag papatuloy yung pangunguha ng mga notes sa white board.

"samahan mo naman akong gumala oh?"

"ano yan date?" pag tatanong ko sakanya pero in joke style pero deep inside leche! Tianatonng niya ako kung pwede mag date kaming dalwa hahaha!

"ikaw bahala kung anong gusto mong tawagin pero game kaba?"

"oo naman!!" binigyan ko siya ng isang killer smile " sino sino ba ang mga sasama?"

"tayo lang dalawa"

A/N

Dapat ito ay 15 pages sa MS word pero nagging 6 lang ;/

Sorry sa mga wrong grammars ko at sa mga maling nakita niyo. Paki sabi nalang sa akin at itatama ko po yun ok? I don't bite, I eat only hahaha joke!

Sorry for the very very late upload! Siya nga pala, challenge ko sa sarili ko na tatapusin ko tong story na ito hganngan March 7 pero mukhang Malabo mangyari because I have a lot to do at isa pa sasayaw kami sa foundation day ng FEU ;/ so yeah ! baka maging very late ang mga uploads ko

Anyways, may plot na po siya at sobrang full of emotions ito! Hahaha

Vote. Comment. And be a FAN.

P.S.

Gawa nga kayo ng cover hahaha di ko alam gumawa ehh... ahihihi

# Chapter 3~~~ The Date

Chapter 3

Nandito ako ngayon sa harap ng salamain nag aayos ng sarili dahil may pupuntahan daw kami ni Voughn. Sabi niya gagala kami pero sa isip ko nag aya siya ng date. Hehehe… mga ilang minute na rin ang nakalipas ng nag text siya sa akin na on the way na siya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na kabahan and at the same ma excite dahil may date kamin dalawa ni Voughn! Kinapa ko ang bulsa ko kung nandoon ang phone, Check. Ang pocket money, Check! Ang panyo, Check! And then ang susi para sa bahay, Check! Pababa na ako ng kwarto ko ng may bumusina sa labas ng bahay. Tinignan ko ang relo ko at 7 na ng gabi. Sabi kasi sa akin ni Voughn pupunta siya dito ng mga 7 kaya naman baka siya nay un!!

Nag madali akong pumunta sa pintuan para igreet siya atnung binuksan ko ang pinto halos mamatay ako sa nakita ko… si Voughn… ang GWAPO GWAPO NIYA… naka suot siya ng medyo fitted na white shirt na humulma naman sa mga pandesal niya. Gosh… makakatagal kaya ako? Haha.

“ready kana ba?” tanong niya sa akin habanga nag lalakad kami papunta sa sasakyan niya. ( don’t worry may driver siya )

“ as always naman ehh” sagot ko ng may ngiti.

Mga ilang minute din ang nakalipas ng umalis kami sa bahay, hindi ko na alam ang daan na dinadaanan naming kaya nag tanong ako kay Voughn kung saan kami pupunta pero sabi niya secret lang daw. Natameme nalang ako sa sinagot niya at nag laro nalang ng Temple run 2 para hindi ako ma bore sa loob. Hindi ko namalayan na tumigil na pala kami sa isang maingay na lugar. Tinignan ko ang relo ko at 8:30 na. tinignan ko yung paligid at nasa isa pala kaming kilalang amusment park! Napatalon ako saya dahil its been long since ive been here.

“ WOW! Thank you Voughn! Alam mo ba na gustong gusto ko ulit pumunta dito? Kaso sila mama at papa laging busy sa work si Amanda naman laging may palusot… hayyy. Buti nalang andyan kapa “ tinignan ko siya at binigya ko ng isang ngiti.

“ andito naman ako para sayo ehh.”

“huh?” nalang ang nasagot ko dahil sa lakas ng hiyawan sa loob.

“wala, tara na?” pag iwas niya sa tanong ko.

“ sige ba” sagot mo nalang dahil excited din naman akong maka pasok sa loob.

Sinakyan naming lahat ng masasakyan namin, pag katapos non ay inilibre niya ako ng pagkain sa isa sa mga kiosk/stalls na naka pila. Kahit gabi na ay marami pa rin ang mga pamilya na pumipila sa bawat rides habang hindi pa nagsasara ang amusment park. Ng makabili si Voughn ay umupo na ako at tumabi siya sa akin sa ilalim ng isang puno at doon naming kinain yung pizza at hot dog na binili niya. Parehas kaming tahimik habang kumakain nang bigla siyang nagtanong sa akin na siya naming ikinagulat ko.

“May gusto kaba doon sa bagong classmate natin?” tanong niya habang iniiwas niya yung mga tingin niya sa akin.

“bat mo naman natanong?” tanong ko sa kanya sabay kagat dod sa kapirangot na hotdog na natitira.

“kasi siya ung first kiss mo”

Oo siya nga ang first ko, pero kahit papano ay gusto kong maging first kiss si Voughn. Tinignan ko na ang lahat pwera lang ang mga mata niya . nagulat nalang ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila patayo.

“tara, Let’s make this a night to remember” lingon niya sa akin habang hinihila niya parin ang kamay ko patungo dun sa isang photobooth. Nag insert siya ng token at pinindot ang start button, pagkatapos nun aysaka niya lang binitawan ang kamay ko. Sa sandaling yun ay parang naka ramdam ako lungkot pero nawala ang lahat ng yon ng bigla niya akong inakbayan at ngumiti dun sa maliit na camera na naka tapat sa amin.

Gumawa kami ng iba’t ibang pose habang tawa ng tawa sa sobrang saya. Sa mga sandaling yun ng buhay ko, napaisip nalang ako na pano kaya pag nagging kami ni Vough? Sasaya ba ako? Magiging perfect ba ang buhay ko? Mahal ko siya pero mahal niya din ba ako? Nakakalungkot mang isipin pero kailangang tanggapin. Kung hindi man kami atleast I’ll be his bestfriend.

Nang matapos ay ipinaprint naming dun sa nag a-assist ng booth at nag pa print siya ng maliiti ay inilagay dun sa isang photoframe na keychain at ibinigay niya iyon sa akin.

“para sayo” sabay bigay nung keychain na hawak niya “para meron ka din” sabay pakita nung keychain na hawak niya na may picture naming.

“ang cheesy mo!” sabay kurot nung pisngi niya. pero sa totoo lang, kinikilig ako.

Nag lakad na kami papunta sa sasakyan niya at inihatid niya na ako papuntang bahay. Ng makarating kami sa bahay ay inihatid niya ako sa pintuan namin.

“salamat pala sa pag accept ng offer ko kanina” sabi niya sabay ngiti sa akin.

Kung totoo ang killer smile matagal na akong patay ng dahil sa mga ngiti niya sa akin.

“ano kaba, syempre libre mo! Tatanggihan ko pa bay un!” pag bibiro kong sagot sa kanya pero ang totoo pumayag ako dahil sa kanya.

“ahh ganun ba?” sagot niya na may halong sakit.

Tumawa nalang ako ng mahina dahil ang cute niyang tignan. Sana nalang pwedeng maging camera ang ang mg mata ko para makuhanan ang bawat saglit na kasama ko siya.

“ano ka ba! Joke lang yun no! matagal na din kasi tayong hindi nag ja jamming kaya pumayag ako” sagot ko sa kanya habang iniiiwas niya yung mga mata niya na tignan ako.

“oo nga ehh. Next time isama naman natin si Amanda” sagot niya sa akin.

“sige, ite text ko nalang siya kung kalian siya pwede”

“sige Xav, mauna na ako.” Sabi sa akin ni Voughn habang papunta siya sa sasakyan niya.

Bubuksan ko na sana ung pintuan ng biglang may nanghila  sa akin at napatama ang mukha ko sa isang tigasing dib-dib. Pag katingin ko kung sino may ari noon ay ikinagulat ko nalang na si Voughn pala yun. Kahit pinag pawisan si Voughn ay mabango pa rin siya. Ganito ang gusto ko sa lalake, kahit pinag pawisan, mabango pa rin!

“oh? Akala ko ba aalis kana?” tanong ko sa kanya habang yakap-yakap niya pa rin ako

“may nakalimutan lang akong ibigay sayo”

Pagkatapos niyang sabihin ang mga yun ay idinampi nalang niya ang kanyang mga labi niya sa akin na ikinagulat ko nalang.FUCK! hinahalikan ako ngayon niVoughn!  Bago pa man ako makahalik pabalik sa kanya ay ini angat  niya ang ulo niya para tignan ako sa mata.  Para akong matutunaw habang tinititigan niya pero buti nalang at yakap yakap niya pa rin ako dahil pag hindi ay bibigay na ang mga tuhod ko sa kalambutan.

Bago pa man ako makapag salita ay kumalas na siya sa akin atnag lakad papunta sa sasakyan niya. ng makasakay na siya ay pinanuod ko nalang maka alis ung sa sasakyan sa paningin ko. Agad agad kong binuksan ang pintuan saka ito ini-lock at agad agad na ini-lock ang sarili ko sa kwarto attumalon sa higaan. Agad kong inilabas ang phone ko at itinext si Voughn na mag ingat at mag text agad pag naka uwi na. pag katapos mai send at agad kong tinawagan si Amanda. Pag ka sagot ay dali ko siyang kinausap.

“NAG KISS KAMI NI VOUGHN!”

A/N

Sorry sa uber duper late na update! Hindi ko kasi gamit yung Blue acer na laptop kaya hindi ko agad natapos itong chapter na ito.

So nag kiss sila ni Voughn! Yey!

This open for criticism ! para naman mag improve ang writing skills ko!

You know the drill!

VOTE.COMMENT. And Be A FAN.

Chapter 4~~~ A Box and Tickets

Chapter 4


Maaga akong pumasok dahil maagang pumapasok si Voughn para mag practice sa basketball. Kasali kasi siya sa varsity ng school. 

Habang papasok sa loob ng campus ay may mangilan ngilan palang na studyante. Pag ka pasok ko sa classroom namin ay wala pa nuon si Amanda kaya tumambay muna ako sa likod ng school kung saan may garden. Naupo ako sa isa sa mga benches doon at nilagay sa tenga ko ang headset/headphone (a/n: I really don't know xD) at nakinig ng music.

Dahil wala pa namang gaanong tao dito sa campus ay ginawa ko nalang ang mga assignaments ko na hindi ko natapos kagabi pagkatapos ay nag advance reading na muna ako hanggang sa may kumalabit sa akin. Pag tingin ko si Nicole pala. Isa sa mga kaklase ko. 

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya sabay hila sa isa sa mga headphones ko sa tenga upang marinig siya ng mabuti.

"Birthday ko ngayon, mag papa party si lolo dahil 16 na ako. Sweet sixteen kumabaga." Pag e-explain niya sa akin.

Si Nicole ay isa sa mga maituturing na mayaman dito sa campus. Mayaman, maganda, matalino at isa pa mabait.

"Sino ba mga kasama?" Tanong ko sa kanya.

"I-a-announce ko mamaya sa buong klase kung gusto nilang sumama. Siguro mga kaibigan ko rin sa ibang sections at mga lower years." Sagot niya.

"Sige ba. Mga anong oras naman yan?" Tanong ko ulit habang inilalagay mga gamit ko sa bag ko.

"Mga 7:30 or 8 ang simula" sagot niya ng naka ngiti.

Nginitian ko din siya at pumayag na sasama ako sa party niya pero sinabi ko rin na mag papaalam ako kay daddy dahil sigurado naman ako na papayag si mama sa akin.

Sabay na kaming umalis sa garden at pumasok na sa classroom at sakto naman na nag ring na ung bell kaya naman lahat ng mga estudyante ay pumasok na sa kani-kanilang silid aralan.

"Good morning!" Sabi ng katabi kong kinakabwisitan ko.

"Ugh. Anong good sa morning lalo na pag ikaw ang nag sabi?" Pang aasar ko sa kanya.

"Anong problema mo at parang may regla ka ata?" Asar niya sa akin habang nakangsi.

Bwisit lang. 

"Yung mukha mo kasi parang lizard!" Sigaw ko sa kanya sabay belat.

"Sa gwapo kong to mukhang butiki? Aba! Pang A&F [A/N Abercomebie & Fitch ] model kaya ito!" Sabay pose sa kinauupuan niya. 

"What ever you loser!" Asar ko sa kanya sabay irap para may effect. 

"At least na halikan mo naman ako." Pabulong niyang sinabi. Aba! Akala niya hindi ko narinig!? Ay bwisit. Kukurutin ko na sana siya sa tenga ng may humarang na box sa mukha ko. Box? Huh? Tinitigan ko ung box at laking gulat ko na ung favorute chocolates ko yun. Omg lindt chocolates are the best. Tinignan ko kung sino ung may hawang ng box at laking gulat ko ng si Voughn ang may hawak nun. 

"Good morning" bungad niya sabay ngiti.

Omg. Mamamatay na ata ako sa kilig.

"Good morning" sagot ko na medyo na pataas ang boses ko. Shucks, sana hindi niya mapansin.

"Para sayo pala. Tinanong ko pa kay Amanda kung anong gusto mong brand." Explain niya sabay kamat so batok niya at nag blush din siya.

Omg nag Blush siya. I think i"m gonna die. Pero wag pa naman po sana. Haha

"Naku ok lang basta galing sayo." Sagot ko at feeling ko naginit mukha ko dahil sa sinagot ko. Nakakahiya. Kinuha ko sa kamay niya ung box at nilagay ko na ito sa bag ko.

"Bat mo pala ako binigyan ng chocolates eh hindi ko naman bdar at hindi din naman valentines?" Tanong ko sa kanya sabay harap dito.

"Wala lang feel ko lang na bigyan ka." Sagot niya at nag blush nanaman siya. Ang cute niya ever.

"Ahh salamat kung ganun." Sabay ngiti.

"Siya nga pala, bago ko makalimutan." Sabi niya sabay dukot sa bulsa ng slacks niya at iniqbot sa aking ang dalawang piraso ng papel?

"Ticket para sa next game namin laban sa kabilang school. Sana maka punta ka. Oh siya, padating na rin si sir kaya punta na ako sa upuan ko." Explain niya sa akin. Ong. Binigyan niya ako ng ticket para sa next game niya. Parang di ako makapaniwala. Madalas kasi kaming dalawa ni Amanda ang bumibili ng ticket. Nahihiya naman naming sabihin kay Voughn na ilibre kami ng ticket kaya kami nalang bumibili. 

Pag katingin ko sa loob ng classroom ay naka titig pala sa akin si Mark. Mga nakakapatay na titig.

"Tinitingin-tingin mo?" Pag tataray ko sa kanya. 

"Napapa amo ka pala sa chocolate at tickets ahh" sagot niya habang nakangisi ng nakakaloko.

"Che! Bahala ka jan!" Sabay irap ko sa kanya at sakto naman na dumating si sir Arnorld.

[A/N] 

Hello. Haha

Ang tagal ko palang di nag update. Sorry po! Chichay style!

Dahil vacation ngayon, i'll try my best na mag update if possible. Okay?

Try ko din mag sulat ng one-shots na puro boys love haha. Pwede din kayo mag request? 

You know the drill.

VOTE.COMMENT.SHARE AND BE A FAN,

# Chapter 5 ~~~ The Dance

Xavier's POV

Andito ako ngayon sa harap ng salamin na nag aayos ng necktie para sa bday celebration ni Nicole. Inaantay ko pa si Amanda dahil napagkasunsuan namin na sabay kaming pupunta doon. Habang nag aayos ay biglang pumasok si mama.

"Wow anak! Ang gwapo mo naman!" Sigaw ni mama habang papasok sa kwarto ko. Makikita mo sa kanyang mata ang pagka proud sa akin. Naka suot ako ngayon ng black tuxedo na tamang tama lang sa size ng katawan ko, black and blue polkadot na bowtie, sky blue na long sleeve, beige na pantalon at brown na leather shoes.

"Ma, lahat naman ng magulang sasabihin yan sa mga anak nila e," sagot ko sa kanya. Habang nakatingin parin sa salamin at tinitignan ang sarili.

"Alanganin naman na sabihan kitang panget? Edi mag mumukha akong sinungaling nyan!" Saad ni mama habang papalapit sa akin sabay yakap sa likuran ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at mas lalo ko pang hinigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"Ang laki mo na anak." Pag oobserba niya mula sa salamin.

"Syempre naman ma!" Sagot ko ulit sa kanya mula sa salamin.

"Baka sa susunod hindi na bday party ang puntahan mo! Baka sa susunod kasal mo na!"

"Ma! Kasal agad? Wala pa nga akong boyfriend e!" Inis kong sabi dito na may halong joke sa tono ng boses ko.

"Basta anak, kung sino man ang mamahalin mo, siguraduhin mong hindi ka papaiyakin ha?" Pag aalala niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at hinawakan ko siya sa bewang.

"Ma, okay lang ako at tsaka wag na tayong masyadong maging emosyonal. Yan kasi nakukuha niyo sa kapapanuod ng The Legal Wife e!"

"Ano kaba! Hinding hindi ko mapapalampas ang isang gabing hindi ko napapanuod yun no!" Sabi niya sabay upo sa higaan ko. Sinundan ko siya at tinignan sa mata.

"Ma, kung lolokohin man ako, ako unang susuntok sa kanya!" Pag mamagaling ko kay mama.

"Oh siya, andyan na sa baba ung regalo mo para kay Nicole! Pinabalot ko na rin. Bumababa kana at dun mo na hintayin si Amanda." Saad niya habang papalabas ng kwarto ko.

Bago ako umalis ay nag pabango muna ako at kinuha ang phonr at wallet ko. Sakto naman na dumating na si Amanda at dumiretso na kami sa lugar kung saan gaganapin ang bday celebration niya.

Pagka baba namin ni Amanda sa sasakyan nila ay agad naman itong ipinark ng driver nila sa kung saan.

"Omg, nakaka excite naman dito." Sigaw ni Amanda na patalon talon pa habang nakahaw sa isa kong braso.

Tinignan ko siya at nakasuot siya ng isang red cocktail dress na pa bubble. Halos makita ang kanyang dibdib. Naka suot din siya silver na takong na bagay sa outfit niya at silver beadded na bag.

"Saan mo naman na dekwat yang outfit mo?" Pang aasar ko sa kanya.

"Anong dekwat? Nag shopping kami ni mama kanina no!" Pag dedepensa niya sa sarili sabay irap sa akin.

"Hay nako halika na nga at baka mawalan tayo ng u

Uan duon sa loob" pang iiwan ko sa kanya. Maya maya pa ay narinig ko siyang sumusunod sa akin.

Nag lakad na kami ni amanda papasok ng pintuan at punakita ang mga invitations namin na ibinigay niya kaninang last subject namin. 

Sa loob ay makikita mong napaka luwang ng bahay nila. 

Ang salas nila ay nag mistulang club! Dance floor, Bar, mga iba't ibang booth, buffet table at kung ano-ano pa. Isa talaga si Nicole sa mga richkid sa school namin.

Nag hanap kami nag hanap kami ng table at sa kamalasmalasang pagkakataon ay dito din nakaupo ung asungot kong seatmate.

"Hi babes!" Pag tawag niya sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at iginala ang mata ko.

"Oi babes!" Pag tawag niya muli sa akin pero hindi ko parin siya pinansin.

"Ano ba? Nambwiwisit ka talaga e!" Sigaw ko sa kanya sabay irap dito.

"Eto naman, tinatawag lang kita ee." Sagot niya na medyo may lungkot sa kanyang boses. Tinignan ko siya panandalian at naka tingin siya sa kung saan, bigla ko naman inilayo ang tingin ko sa kanya. 

Medyo naguilty ako dahil sa pagiging masungit sa kanya kaya hinrapan ko siya.

"Ano ba talaga ang gusto mo?" Pag tatanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang naman sanang mag sorry dahil na kiss kita-" hindi niya na naitulot dahil siningitan ko siya.

"Mabuti naman at nag sorry ka! Matagal tagal ko na ring hinintay yan e!" 

"Patapusin mo nga muna ako, baka halikan kita ulit jan ee."

"Oo na, oo na. Ituloy mo na kasi yang sasabihin mo." Pag pupursige ko sakanya dahil ayaw ko na ulit mahalikan niya.

"Gusto ko sanang mag sorry dahil kiniss kita ng walang pahintulot, ung labis na pang aasar ko sayo dahil sa tingin ko ang cute cute mo pag nagagalit,"

Medyo nag init ang mukha ko duon. 

"Gusto ko din sanang mag simula tayo sa umpisa" 

Nginitian ko lang siya dahil na i-speechless ako sa kanya. Totoo ba to or nang tri-trip nanaman tong mokong nato?

"Hi I'm Mark Anthony Villegas, you can call me Marky, Anton or you can call me mine?" Pagpapakilala niya sa akin habang nakalahad ung kamay niya. Kinuha ko iyon at nag shakehands kami.

"I'm John Xavier Montero, you can call me John, Xav but you can't call me yours" pag papakilala ko.

Bigla naman tumugtog ung Terrified ni Katherine Mcphee.

"May I have this dance?" Pag tatanong niya sa akin.

"Adik kaba? Ang dami kayang tao tapos nakakahiya!" Pag mamaktol ko dito.

"Please? I can't take no for an answer" pag mamatigas niya at syempre, pumayag ako.

Pag katayo ko ay nilagay niya ung kamay niya sa may bewang ko at ipinunta niya ako sa may dance floor. Nilagay niya yung kamay niya sa bewang ko at inilagay niya yung kamay ko sa leeg niya.

"So ako talaga babae? Ganon?" Asar kong sabi sa kanya.

"Bakit hindi ba totoo?" Pag sagot niya sa akin.

Natameme nalang ako dahil totoo naman.

- You set it again my heart's emotion -

- every word feels like a shooting star -

- I'm at the edge of my emotion - 

- watching the shadows burning in the dark -

- and I'm inlove, and I'm terrified -

-for the first time and the last time in my only life -

Sinasayaw niya ako na para bang napaka mamahaling alahas ko. Hindi ko mapigilang mapag isip na may gusto ba to sa akin? Sabagay, gwapo naman siya, matalino at matipuno. Yun nga lang, mapang asar!

"And this could be good, it's already better than last and nothings are worst than knowing your holding back. I could be your that you needed if you let me try." Pag kanta niya habang nakatitig sa akin. Seriously? Kinikilig ako.

"May gusto kaba sa akin?" Biglang labas sa bibig ko. Nabigla nalang ako nung narinig ko ung mga katagang yun na nanggaling pa sa akin kaya di dali dali kong tinakpan ang mukha ko sa kahihiyan.

Naramdaman ko nalang na para siya tumatawa sa mga pangyayari kaya nag init nanaman ang mukha ko hanggang leeg.

"Pano pag sinabi kong meron? May magagawa kaba?" Pag tatanong niya sa akin na ikinabigla ko ulit kaya agad agad ko siyang tiningnan.

"Oi! Ikaw ah wag mo nga ulit akong ma bwisit ahh." Pananakot ko sa kanya kahit alam ko naman na hindi siya natatakot sa mga paratang ko.

"Oo nga. Pwera biro" seryoso niyang sagot kaya napatahimik nalang ulit ako.

Shet ilang beses niya na ba akong napa speechless at napa init mukha ko?

"Gusto kita Xav, call it clichè pero na love at first sight ako sayo nung sumilip ka sa bintana ng registers office. Mas lalo kitang nagustuhan nung naging seat mate kita. Nakuha mo puso ko nung unang hawak mo sa balikat ko." Pag sasaad niya ng feelings sa akin. 

At ako naman. Speechless pa rin pero hinanap ko ang boses ko sa mga pag kakataon na ito.

"Adik kaba? Anong brand ng rugby hinihit hit mo? Ilang weeks palang tayo nag kakakilala. Hindi mo pa ako ganon kakilala. Yung mga ayaw at gusto ko. Kung ano mga nag papasaya sa akin. Kung anong ginagawa ko sa free time ko alam mo ba?." Inis kong sabi sa kanya.

"Hindi pero sana maging mas makilala pa kita ng mabuti, mas maging ka close! Hindi ko naman sinasabi sayo na sana maging boyfriend kita ngayon ngayon na. Sinabi ko lang naman sayo nararamdaman ko." Sagot niya habang tinititigan ako sa mata.

"Teka nga. Akala ko ba straight ka?" Pag tatanong ko dito.

"Sinong 'straight' na lalake ang manghahalik sa unang araw ng pasok niya? Aasarin ka para lang ma pansin mo siya?" Sagot niya sa tanong.

"Eh bakit dati todo kang maka-asar sa akin? Tapos ngayon gusto mong magsimula ulit tayo? Tapatin mo nga ako. Bi polar ka no?" Pag tananaong ko ulit sa kanya.

"Hindi umubra sa yo ung pagiging maasarin ko sayo ee, kaya kailangan ko ng ilabas ang plan b. to be a gentleman at I think na umuubra naaman ito."

"ugh, ewan ko sayo. Bahala ka jan." At dahil duon ay iniwan ko siya sa dance floor pero bago pa man ako makarating sa table namin ay sumigaw ito.

"GO ON A DATE WITH ME TOMORROW NIGHT. DRESS SOMETHING NICE! I'LL PICK YOU UP AT 7"

Di ko nalang siya nilingon at aware ako na pinagtitignanan kami ng ibang estudyante pero dere-deretso pa rin ako sa table namin.

Pag ka upo ko di ko alam kung bakit pero napangiti nalang ako.

~~~

~[A/N]

Hey bitches! Ugh i'm hating wattpad for deleting the draft that i made there. So i have to re-write this chapter and it turns out to be a good one! Whoooo! 1591 words! Updates are spontaneous! Kung kailan ako ganahan mag sulat at kung makatapos man ako ng isang chapter edi update ko agad! 

Busy din ako sa latest project ko ung pinaghihirapan kong english na oneshot. Its called vegas skies (title may change) yay! Sana matapos ko na.

Im not asking much but can you please vote and comment? Atleast 5 votes for this chapter and a comment. K?

You know the drill.

VOTE. COMMENT. SHARE. AND BE A FAN!

Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.