SECRETS OF THE NIGHT (Completed)
vincentmanrique · 42 chapters · 49,341 words
Secrets of the Night
Ang mundo ay isang masukal na gubat. Puno ng mababangis na hayop.
Matira ang matibay.
Ang mahina ang loob, talo!
Si Marko.
Si Stephen.
Si Mia.
Paano sila makikipaglaban sa mundo kung ang tanging sandata nila ay kapirasong laman ng kanilang pagkatao?
Book Cover By: @coverymyst Book Cover Model: Raffy Condeno
Chapter 1 - Kalye Masagana
Author’s note: Due to the sensitivity of the story’s theme, some scenes and vulgar words may offend. This story is rated R so the reading public is hereby warned.
Photo Credit: @DOsooyeol
“TANGINA MO! Bumaba ka dito para makita mong hinahanap mo! Ako pa ang itsitsismis mong nagkakalat ng baho ng mga tagarito eh, pareho lang tayong tsismosa!”
Malayo pa si Marko ay dinig na dinig na niya ang pagtungayaw ng medyo may edad nang babae na nasa bandang dulo ng eskinitang binabagtas niya. Si Bebang tsismosa ang babaeng ’yun. Malamang may kaaway na naman. At ang puno’t dulo ng lahat, tsismis. Normal na eksena na ang ganitong bangayan ng mga magkakapitbahay sa lugar nila na kung tawagin ay Kalye Masagana. Kung anong ganda ng kahulugan ng pangalan ng kalyeng ’yun, siya namang pangit sa reyalidad ng pamumuhay ng mga tao roon. Kalye Masagana nga ang tawag ngunit halos lahat ng tagaroon ay isang kahig isang tuka. Saan ba sila masagana? Sa mga bata siguro. Andaming bata sa lugar nila. Palibhasa libangan na yata ng mga nakatira roon ang pagbubuntis at panganganak dahil sa kawalan ng trabaho na siyang uubos dapat sa mga oras na ginugugol ng mga ito sa pagkukulong sa kuwarto at paggawa ng mga bata. Hindi man lang naiisip ng mga ito na dagdag problema pa ng gobyerno ang mga batang isinisilang na hindi naman kayang buhayin at suportahan ng kanilang mga magulang.
Marami ring tao sa gilid ng eskinita. May nagtsitsismisan. May nagkukutuhan. May mga tambay na nagpapayabangan. Wala ni isa man ang tila interesado sa pagtutungayaw ni Bebang tsismosa.
Tuloy lang sa paglalakad si Marko. Kung pagmamasdan, parang hindi bagay na sa ganitong lugar siya nakatira. Mukha siyang maykaya sa buhay. Bagama’t naka-simpleng polo shirt lang siya, hapit na pantalong maong at rubber shoes, astig na astig ang dating niya. Maputi siya. Matangkad sa taas niyang limang talampakan at sampung pulgada. Maganda ang kanyang katawan. Paanong hindi eh, regular siyang nagwoworkout sa gym sa kabilang kalye. Bente pesos lang ang bayad sa bawat pagpunta doon kaya sinusulit niya basta magawi siya sa gym na ’yun na ang pangalan ay Gym Pomelo. Pati sa pangalan ng establisyementong para sa mga health conscious na tao, lutang na lutang pa rin ang pagiging manginginom ng kung sino mang may-ari ng gym na iyon. Ang mga mata ni Marko ay expressive na pinatingkad pa ng makakapal niyang kilay. Iyon ang kanyang asset. Marami na ang natunaw at bumigay sa pamatay niyang mga sulyap. Ang mga labi niya ay makapal at tila nag-aanyaya ng isanlibo’t isang kiliti sa sandaling dumampi sa kanino mang mga labi. Artistahin. Iyon ang madalas na komento ng mga taong nakikilala niya sa kalye man o sa trabaho. Pero pinagkikibit-balikat lang niya ang mga paghanga sa pisikal niyang anyo. Para sa kanya, katulad lang din siya ng ibang tagarito. Kailangang kumayod sa anumang paraan para malamnan ang sikmura sa araw-araw. Sa edad niyang bente-singko sanay na siya sa kalakaran ng magulong buhay sa parteng iyon ng Pilipinas.
“O, Bebang! Ang aga-aga nambubulahaw ka d’yan! Nakakaistorbo ka sa mga kapitbahay. Iyong iba tulog pa nagigising sa ingay mo. Iyong iba naman matutulog pa lang pero ’di makatulog dahil sa’yo.” Sinita niya ang babae pagtapat niya rito. “Sino bang kaaway mo?”
“Huwag mo akong pakelaman! Hindi ka kasali dito!”
“Tingnan mo nga, hindi ka nga pinapansin ng kung sino mang inaaway mo. Asan siya? wala, ’di ba? Kaya umuwi ka na at asikasuhin mo ’yung mga anak mo.”
“Hindi talaga lababas ang putang tsismosang ’yun dahil duwag!”
“O, alam mo naman palang ’di lalabas, eh ’di umuwi ka na. Nag-iingay ka lang eh!”
“Wag kang makialam!”
“Uwe!” Sininghalan na ni Marko si Bebang. “Kapag ako ’di nakatulog sa ingay mo, sinasabi ko sa’yo…”
Nanatiling ’di tumitinag si Bebang. Sa isip siguro nito, ano
bang
pakialam
ng
lalaking
ito
at
pati ’ d
i
naman
n
iya away eh, sinasalihan
?
“Wala nang gulo, ha? Ayokong nang marinig ang sigaw mo diyan.” Diretso nang nilakad ni Marko ang makitid na daan papunta sa bahay na inuuwian niya.
Bago dumating sa dulo ng eskinita ay binuksan ni Marko ang pinto ng isang bahay sa bandang kanan ng daanan.
“Andyan ka na pala,” isang magandang babae ang nagsalita. Si Mia. “Kararating ko lang din. Inumaga na ako sa club. Okay lang, medyo maganda naman ang kita ko ngayon kahit walang naglabas sa akin. Dumating kasi ’yung suki kong matandang mayaman. Ayun, paldo ako sa datung ngayon kahit nagsawa ang hita ko sa kahihimas niya. Iba pa siyempre ’yung tsansing niya sa dibdib ko at kung saan-saang parte ng katawan. Hindi bale, ililigo ko na lang ito mamaya.” Tuloy-tuloy sa pagkukuwento si Mia.
“Sinuwerte ka pala kagabi. Ako, medyo sakto lang. Walang gaanong customer kagabi sa bar. Isang set nga lang sayaw ko. Mapapanis lang ako kakasayaw doon wala namang nanonood.”
“Eh, bat ka inumaga? Dati naman ’pag walang customers umuuwi ka nang maaga.”
“Rumaket lang saglit. Kailangan ko ng pera ngayon, eh. Ipapadalang probinsiya.”
“Kung kailangan mo na talaga, pwede kitang pahiramin muna. Bayaran mo na lang ’pag nagkapera ka.”
Umiling si Marko. “Hindi, ’wag na. Gagawan ko na lang ng paraan.”
“Sige, ikaw ang bahala. Basta, pwede kitang pahiramin ’pag nagbago ang isip mo.”
“Salamat, Mia,” nginitian ni Marko ang babae.
May tatlong taon na silang magkakilala ni Mia. Ganun na rin katagal silang magkasama sa bahay na ’yun. Ang akala nga ng mga tagaroon ay mag-asawa sila o live in kaya, pero magkaibigan lang talaga silang dalawa. Naunang dumating sa Manila si Marko galing probinsiya. Lumuwas ng siyudad sa pagbabakasakaling makahanap dito ng magandang kapalaran. Kaso, sa tulad niyang ’di naman nakapagtapos ng pag-aaral, hindi naging madali sa kanya ang makakita ng matinong pagkakakitaan. Sinubukan niyang mag-apply sa mga food chains at pabrika, pero lagi nang limang buwang kontrata lang ang itinatagal ng trabaho niya. Pagkatapos noon, apply na naman siya kung saan-saan. Hanggang isang araw, may nakilala siyang bading na manager daw sa isang gay bar. Inalok siya nito ng trabaho. Macho dancer. Noong una ay tumanggi siya. Pero nag-iwan ng calling card sa kanya ang bading. At isang araw nga, bago pa matapos ang kontrata niya sa pabrika ng patis at toyo sa parteng Malabon natagpuan niya ang sariling kinokontak ang bading na nag-alok sa kanya ng trabaho sa gay bar.
“O, bat ngayon ka lang tumawag? Ang tagal ko nang hinihintay na kontakin mo ako!” bungad sa kanya ng baklang manager pagkatapos niyang magpakilala dito.
“Pasensya na, Mama Bang. Medyo busy lang sa trabaho. Pero ngayon, malapit na kasing matapos ang kontrata ko. Baka may maibibigay kang trabaho sa akin para ’di naman ako maging tambay. Mahirap din kasing humanap ng bagong trabaho, lalo na at di naman ako nakatapos ng pag-aaral.”
“Naku, tamang-tama umalis yung isa kong dancer. Ikaw ang ipapalit ko sa kanya.”
“Pero ’di ako marunong sumayaw, Mama Bang,” may pag-aalinlangan sa boses ni Marko.
“Huwag kang mag-alala, patuturuan kita. At sigurado, ikaw ang tatanghaling bagong star macho dancer dito sa club. Magiging paborito ka ng sangkabaklaan. Basta maging mabait ka lang sa mga customer dito, siguradong kikita ka.”
“Kelan ako pupunta diyan?”
“Ikaw! Kung kelan ka pwede. Alam mo naman na ikaw lang ang hinihintay ko. Pasabihan mo lang ako kung ready ka na at kung pwede ka nang mag-umpisa.”
“Sige, Mama Bang. Maraming salamat.”
“O, siya. Babu!”
Ilang minuto nang tapos ang pag-uusap nina Marko at Mama Bang ay iniisip pa rin ni Marko kung tama ba ang gagawin niya. Tama bang pasukin niya ang trabahong iniaalok ni Mama Bang? O humanap na lang siya ng ibang trabaho tulad ng lagi niyang ginagawa tuwing mag-e-endo siya sa kompanya. Nakakapagod din ang mag-apply. Paulit-ulit na lang. At walang kasiguruhan kung matatanggap siya. Eto, trabaho rin naman itong iniaalok ni Mama Bang. Kikita rin siya. At hindi na niya kailangang mag-apply dahil pasok na siya agad. Hindi nga ba at sabi ni Mama Bang ay siya na lang itong hinihintay? Pero kakayanin nga ba niya ang trabaho ng isang macho dancer? Ang alam niya, briefs lang ang suot ng mga macho dancer habang erotikong sumasayaw. Kaya ba niyang sumayaw sa harap ng maraming bakla na ganun lang ang suot? Bahala na. Mapag-aaralan naman ang lahat. Makakasanayan din niya. Sa umpisa lang siguro siya mahihirapan pero matututunan din niyang maging makapal ang mukha.
Chapter 2 - Ang Simula
MALAKAS ang tunog ng musika sa loob ng gay bar. Alas-otso pa lang ng gabi pero marami na rin ang mga kostumer na naririto. Bawat isa ay may kaharap na bote ng beer. Ang ilan ay may ka-table na macho dancer. Ang iba naman ay seryosong nanonood sa lalaking sumasayaw sa entablado.
Maharot ang musika. Puno ito ng landi na sinabayan ng erotikong paggalaw ng macho dancer na sumasayaw. Matipuno ang pangangatawan ng dancer. Sa suot nitong kakapirasong skimpy trunks, halos hubo’t hubad na ito sa ibabaw ng entablado. Pero wala itong pakialam kung pinagpipiyestahan man ng nagnanasang mga mata ang kanyang kahubdan.
Pumasok si Marko sa gay bar. Ngayon ang usapan nila ni Mama Bang na pupunta siya sa bar para magpaturong sumayaw. May konti pa siyang pagtataka dahil bakit gabi siya pinapunta dun. Sino ang magtuturo sa kanya sa ganung oras kung ang lahat ay abala sa pagtatrabaho?
Madilim sa loob ng bar. Ang konting liwanag ay nagmumula lang sa kulay pulang ilaw na mas nakasentro sa lalaking sumasayaw sa stage.
Isang bakla ang sumalubong kay Marko.
“Isang table, sir?” tanong ng bakla.
Napagkamalan pa yata siyang kostumer, sa isip ni Marko. “Hindi. Hinahanap ko si Mama Bang.”
“Ah! Ikaw ba si Marko?”
Tumango lang ang binata.
“Kanina ka pa hinihintay ni Mama Bang. Halika, sumunod ka sa akin.” At pakendeng-kendeng na naglakad ang bakla papasok sa mas loob pa ng bar. Isang silid na may mga lalaking nagbibihis ang pinasok ng bakla, kasunod si Marko.
“Mama Bang! Eto na, ang hinihintay mo!”
Lumingon ang tinawag. Isang may edad nang bakla na bihis babae. Mahaba ang pelukang gamit nito. Makapal ang make-up at lipstick. Kung titingnan, humigit-kumulang singkwenta y singko na ang edad ni Mama Bang.
“Marko, ba’t ngayon ka lang. Akala ko maaga kang dadating.” Sinalubong ni Mama Bang si Marko.
“Sorry, Mama Bang. Natrapik ako eh,” pagpapaliwanag ng binata.
“Hindi bale, kokonti pa lang naman ang tao sa labas. Mamayang konti pa magdadatingan ang mga suki ng bar. May panahon ka pa para aralin ang sayaw mo mamaya.” Kaswal na sabi ng matandang bakla.
“Ha? Sasayaw na ba ako ngayon?”
“Oo! Ngayon ang tamang pagkakataon para ipakilala kita sa mga parukyano ng bar. Big night namin ngayon dito. Dagsa sigurado ang customer mamaya at ikaw ang finale. Ang star dancer of the night!”
“Pero…”
“Wag kang mag-alala. Kahit ano man ang gawin mo sa stage, tumayo ka man dun o sumayaw. Lumakad o tumambling, sigurado papalakpakan at sasambahin ka pa rin ng mga bakla! Sa gwapo mong yan, ikaw ang magiging pinakamabenta ngayong gabi. Sigurado ako dyan!”
Hindi pa rin makapagsalita si Marko.
“Dax…” Tinawag ni Mama Bang ang isa sa mga macho dancers ng bar. “Ikaw na ang bahala kay Marko. Turuan mo siyang mabuti.”
“Areglado, Mama Bang.”
“O, siya. Bilisan nyo dyan. Nasa labas ang mga customers. Wag kayong tumambay dito sa loob. Di kayo kikita kung andito lang kayo sa dressing room. Hala, magsilabas na kayong lahat,” pagtataboy ni Mama Bang sa mga lalaking mananayaw.
Lumabas na si Mama Bang at ang mga lalaki. Naiwan sa loob sina Marko at Dax.
“Pare, pagpasensyahan mo ako ha. ’Di talaga ako marunong sumayaw.”
“Wag kang mag-alala, p’re. Akong bahala sayo. Dati, ’di rin ako marunong. Pero madali lang naman matutunan ang macho dancing. Basta ibigay mo lang lahat ng kaya mo.”
Bahagyang ngumiti si Marko, tanda ng pag-sang-ayon sa sinabi ni Dax.
“May dala ka bang trunks o bagong brief na isusuot mamaya? tanong ni Dax.
“Wala, eh. Ang alam ko kasi, magpapraktis lang ako ngayon. Hindi ko alam na isasalang na pala agad ako.”
“Sige, ’di bale. pahihiramin na lang kita. Halika, umpisa na tayo.”
Pumili si Dax ng isang kanta sa music file ng cellphone niya at pinatugtog. “Panoorin mo ako. Pag-aralan mo kung paano ako gumalaw. Mamaya ikaw naman ang sasayaw.”
“Sige…” nag-aalangang sagot ni Marko.
Nagsimulang umindayog si Dax. Malumanay ang kanyang bawat galaw. Tila nang-aakit. Kasabay ng bawat pag-alon ng kanyang tiyan ay ang nakakalibog na ekspresyon ng kanyang mukha. Gwapo si Dax at kumbinsido si Marko na magaling ang macho dancer na ito.
“Sabayan mo ako,” si Dax habang patuloy na kumikiwal-kiwal at umaalon ang katawan. “Madali lang ito. Basta gayahin mo lang kung anong ginagawa ko.”
Sinubukan ni Marko na gawin ang sinabi ni Dax. Nag-umpisa siyang gumalaw, sumayaw nang marahan at pagkatapos ay pinaalon-alon din ang kanyang katawan. Mabini ang paggalaw ni Marko. Sinabayan niya ang tugtog habang hindi inaalis ang tingin kay Dax para masigurong tama ang kanyang ginagawa.
“Yung mukha mo, gawin mong nang-aakit. Yung mukhang nalilibugan!” suhestiyon ni Dax.
Parang nag-alangan si Marko. “Kailangan ba talagang ganun?”
“Oo, para maakit mo ang customer na i-table ka at ilabas pagkatapos. Mas dun kumikita ang mga macho dancer, ’pag inilabas sila ng customers. Kaya gawin mo na lahat para mailabas ka. Tuksuhin mo sila. At magagawa mo ’yon habang nasa stage ka at sumasayaw.”
Pumikit si Marko sabay hinga nang malalim. Pagdilat niya ay nagsimula siyang gumiling, marahan lang sa umpisa at sumasabay sa tugtog. Sa mukha niya’y bakas ang kakaibang pang-aakit. Tila nang-aanyaya siyang sumabay ang lahat sa kanyang pagsayaw.
Tuloy lang sa paggiling si Marko. Huminto na si Dax. Pinanood na lang niya ang bagitong tinuturuan niya. ’Di niya akalaing ganito kadaling turuang magmacho dancing si Marko gayong kanina lang ay nag-aalangan pa ito sa sariling kakayahang sumayaw.
Maya-maya pa’y natapos ang musika at pumuno sa loob ng silid ang palakpak ni Dax.
“Ang galing!!! Iba ka, p’re. Ako na ang nagsasabi sayo, marami kang patataubing dancers dito. At natitiyak ko, maraming bakla ang mag-aagawan sayo rito.”
“Tama ba ’yong ginawa ko?”
“Oo, saktong-sakto! Matutuwa sayo si Mama Bang. Andali mong natuto.”
Ngiti lang ang isinagot ni Marko.
“Ganito, mamaya pagsalang mo ganung-ganun din ang gawin mo. Sakto na ’yon. Wag ka munang magpapakita ng iba pa. Takamin mo muna ang audience. Hayaan mong balik-balikan ka nila dito para tingnan kung ano ang susunod mo pang ipapakita.”
“Ipapakita?”
“Oo, big night namin ngayon dito at dahil ikaw ang finale inaasahan ng lahat na huhubarin mo ang suot mo bago matapos ang sayaw mo. Pero dahil bago ka pa lang dito, okay lang yun na di ka pa ganun kapangahas. Ako na lang ang magsasabi kay Mama Bang na di ka maghuhubad mamaya.”
“May hubaran talaga? Akala ko hanggang sa pagsusuot lang nga trunks or brief.”
“Normal lang ang maghubad dito. Yun ang dinadayo ng customers dito. Pag walang maghuhubad, lilipat sila sa ibang bar. Alam mo naman ang kompetensiya.”
Di nakasagot si Marko. Kaya ba niya ang maghubad at magpakita ng ari sa harap ng maraming tao?
“O, isang praktis pa tayo. Kailangang makabisado mong mabuti ang gagawin mo. Para di ka na mahiya mamaya.”
“Di ba nire-raid ang bar na ito?”
“Minsan. Pag pumapalya ng lagay sa pulis si Mama Bang. Pero pag okay ang lagay, walang raid. Wag kang matakot, ilalabas naman tayo ni Mama Bang sakaling mag-raid dito.”
Magtatanong pa sana si Marko nang may pumasok na isang macho dancer sa dressing room.
“Dax, set mo na. Labas ka na dun.”
“Sige. Marko, sasayaw muna ako. Balikan kita dyan mamaya.”
“Pwede ba akong manood?”
“Wag ka nang lumabas. Sumilip ka na lang dyan sa pinto. Hawiin mo na lang ’tong kurtina. Ikaw ang finale. Dapat mamaya ka pa lang nila makikita.”
Yun na nga lang ang ginawa ni Marko. Nakasilip siya sa may pinto habang pinanonood ang pagsayaw ni Dax. Dinig na dinig pa niya kung paano ipinakilala ng emcee si Dax.
“Ladies and gentlemen! The Dakota King himself, Dax!”
At unti-unti nang pumailanlang ang isang kanta habang iniluluwa ng entablado si Dax suot ang isang sira-sirang maong pants. Gumiling-giling ito sa stage. Banayad ang paggalaw. Mabini ang bawat pag-arko ng katawan. Ang mga parukyano naman ng club ay tila nahipnotismo sa lalaking gumigiling sa kanilang harapan. Sanay na sanay si Dax sa pagkuha ng atensyon ng mga manonood lalo na yung mga bakla. Kahit ang iilang mga babaeng nandun sa club ngayon ay tutok din ang mga mata sa kanya.
Ganun pala , naisip ni Marko. Hindi lang katawan ang dapat gumagalaw, pati pala ekspresyon ng mukha ay naroon din. Kailangan palang todo ang emosyon.
Nagulat si Marko nang sa kalagitnaan ng pagsayaw ay hinubad ni Dax ang maong na suot at inihagis sa audience. Puting bikini brief na lang ang suot ngayon ng macho dancer. Naghiyawan ang mga manonood. May ilang tumili. May nagpalakpakan. May isang sumigaw, “Dakota ka talaga, Dax. Bagay na bagay sayo ang pangalan mo!”
Sa katapusan ng kanta, biglang ibinaba ni Dax ang brief niya at bumulaga sa audience ang pribadong bahagi ng dancer sabay biglang namatay ang pulang ilaw na nagsisilbing tanging liwanag sa sumasayaw sa stage.
Tuloy-tuloy na bumaba sa stage si Dax at dumiretso sa dressing room kung saan naroon pa rin si Marko. Hubo’t hubad pa rin si Dax pero walang anuman dito kung nakikita man ni Marko ang kanyang hubad na buong katawan.
“Napanood mo ba?” Tanong ni Dax kay Marko.
“Oo.”
“Ganun lang din ang kailangan mong gawin. Madali lang, di ba? Kayang-kaya mo yun.”
Hindi sumagot si Marko.
“Halika, magpraktis ka ulit,” sabi ni Dax habang nagbibihis. Mas maganda kung ready ka pagsalang mo mamaya.“
“Kinakabahan ako.”
“Sus! Wala yan. Mawawala yan pag nasa stage ka na.” Nag-play ng isang kanta si Dax. “O, praktis ka na ulit.”
Nagsimulang sumayaw ulit si Marko. Muli niyang ipinamalas kay Dax ang tila natural niyang talento sa pagma-macho dancing. Mula umpisa hanggang matapos ang kanta ay naitawid nang maayos ni Marko ang dapat niyang gawin.
Napapangiti si Dax habang pinanonood si Marko. Nagagalingan siya dito. Parang nakikita na niya ngayon pa lang ang magiging reaksyon ng mga manonood sa oras na sumayaw na sa entablado si Marko.
“Maghubad ka.”
“Ha?!”
“Hubarin mo ang t-shirt mo at pantalon. Itira mo lang ang brief mo. Susubukan mo naman ngayong sumayaw nang brief lang ang suot.”
Nag-aalangan man ay sinimulang hubarin ni Marko ang damit na suot, pagkatapos ay hinubad na rin ang pantalon. Tanging black na brief ang naiwan sa katawan ng binata.
Muling nagsalang ng kanta si Dax at buong husay na sinabayan ni Marko ang tugtog. Ngayon, mas nakita ni Dax ang galaw ng katawan ni Marko dahil halos wala na itong suot habang sumasayaw sa kanyang harapan. Mas napatunayan ni Dax na talagang may ibubuga sa macho dancing ang binatang bagong salta sa kanilang club. Sa oras na yun, siniguro ni Dax na magiging asset ng kanilang club si Marko.
Natapos ang tugtog.
“Pahinga muna tayo,” si Marko.
“Sige. Tingin ko naman, okay ka na eh. Kayang-kaya mo nang magshow sa finale mamaya.” May dinukot sa bulsa si Dax. “Eto o, gamitin mo mamaya,” iniabot nito kay Marko ang dalawang piraso ng rubber band.
“Ano ito? Anong gagawin ko dito?” Nagtatakang tanong ni Marko.
“Gamitin mo mamaya bago ka sumayaw.”
Hindi sumagot si Marko pero nagtatanong ang kanyang mga mata.
Nagpaliwanag si Dax. “Bago ka sumayaw mamaya, dapat siguruhin mong matikas ang ari mo. Paano mo gagawin? Siyempre, alam mo na kung paano pagagalitin yan. At habang sumasayaw ka, hanggang sa matapos ang pagsayaw mo dapat manatiling matigas pa rin yan. Kaya kailangan mong gamitin yang rubber band. Patitigasin mo ang ari mo at ilalagay mo yan sa pinakapuno para manatiling matigas habang sumasayaw ka. Hindi pwedeng lumambot ang ari mo nang hindi pa tapos ang pagsayaw mo. Kaya kakailanganin mo ang gomang yan.”
Tiningnan lang ni Marko ang hawak na goma.
“Lahat ng macho dancers, dito man o sa ibang club ay ganun ang ginagawa. Kaya umpisahan mo na ring gawin mamaya,” nakangiti si Dax habang nagsasalita.
“Kanina ba, may ganito ka rin?”
Tumango si Dax. Pagkuwa’y tumayo at may kinuha sa isang bag na nakapatong sa isang upuan. “O, gamitin mo ito mamaya.” Iniabot ni Dax kay Marko ang isang puting trunks.
Sinipat ni Marko ang trunks. Mukhang maliit ito sa kanya. Baka lumuwa dito ang kanyang alaga, lalo na at pagagalitin pa pala.
“Wala bang mas malaki ng konti dito?”
“Wag kang mag-alala, kasya yan sayo. Akala mo lang maliit.”
“Sige…”
“Pahinga ka na lang muna dito. Lalabas muna ako sandali para kumita. Tatawagin na lang kita pag ikaw na ang sasalang sa stage. Andun sa backstage ang props na gagamitin mo mamaya.”
“Okay. Salamat.”
Ngumiti lang si Dax at lumabas na ng dressing room.
Naiwan si Marko, nag-iisip. Tama ba talaga itong pinasok niya? Kung mali, pwede pa ba siyang mag-backout?
ATTENTION
Authors Note: Kung nagustuhan po ninyo ang Chapters 1 and 2, please vote for each chapter and leave your comments, bago ko umpisahan ang Chapter 3.
Mahalaga po sa akin ang votes at comments nyo. Yun ang magkukumpirma kung paano nyo tinatanggap ang sinulat ko. Nagustuhan nyo ba? Kalait-lait ba? Kahit anong komento ay bukas-loob ko pong tatanggapin.
Thanks.
@manrvinm
Chapter 3 - Sayaw Marko, Sayaw
HINDI namalayan ni Marko na nakaidlip pala siya sa paghihintay ng oras niya para isalang sa stage. Nagising lang siya nang maramdaman niya ang marahang pagyugyog sa kanyang balikat.
“Gising na. Ikaw na ang susunod sa stage.” Malinaw na narinig ni Marko ang sinabi ng tinig na nagmula sa isang lalaki.
Nagmulat siya ng kanyang mata. Nakita niya si Dax. “Ako na ba?”
“Oo, kaya ayusin mo na ang sarili mo. Sumunod ka na dito sa backstage.” Lumabas na ng dressing room si Dax.
Agad na bumangon si Marko at inayos ang sarili. Kinuha ang suklay na nasa panlikod na bulsa ng kanyang pantalon at inayos ng kanyang buhok. Hinubad ang pantalon at brief at isinuot ang puting trunks na pinahiram ni Dax. Kasya naman pala bagamat tingin niya’y lalabas ang hindi dapat lumabas sa isang maling galaw lang niya.
Naalala ni Marko ang gomang pinagagamit sa kanya ni Dax. Kailangan ba talagang ilagay niya yun? Hindi na. Wala nang oras. Nagpasya siyang hindi na gamitin ang gomang sabi’y magpapanatiling matikas ng alaga niya habang sumasayaw.
Lumabas na sa dressing room si Marko. Sinalubong siya ng isang bading na staff ng club at itinuro sa kanya ang daan papuntang backstage. Ito rin ang nagsuot sa kanya ng props na gagamitin niya habang sumasayaw sa stage.
Maya-maya pa’y narinig na ni Marko ang pagpapakilala sa kanya ng emcee.
“Ladies and gentlemen, presenting to you with pride! Our star of the show, the fresh, the handsome! Ang bagong sasambahin ng ikatlong lahi… MARKO!!!
Pumailanlang ang awiting Angels Brought Me Here at kasabay nito ay lumabas sa stage si Marko na suot ang isang manipis na puting trunks. Sa likod niya ay may nakasabit na munting pakpak kaya’t nagmistula siyang anghel na bumaba sa lupa. Gwapong-gwapo si Marko, di yun maitatanggi ng sinumang tao na naroon ngayon sa club. Ang maamo niyang mukha ay mas nagpatingkad sa imaheng binibigyang buhay niya ngayon sa entablado. Lahat ng mga customer ay tila natulala sa kaguwapuhang nakahain sa kanilang harapan. Ngayon lang nila nakita ang bintang ito sa club na iyon at sa mukha ng ilang manonood ay naroon ang panghihinayang kung bakit ang isang ganun kagwapong binata ay pinasok ang ganitong trabaho. Ang iba naman ay pagnanasa ang nasa mga mata. Pagkakataon na nilang masilayan ang hubad na katawan ng anghel na ito. Lahat ay napansin ang nag-uumapaw na bukol na tila gustong kumawala sa maliit at manipis na trunks. Di pa man nag-uumpisa sa pagsayaw si Marko ay nag-iinit na ang mga tao sa bar. Naghiyawan sila tanda na gusto nila ang nilalang na nakikita nila sa ibabaw ng stage.
Pumuwesto si Marko sa gitna ng stage at nagsimulang gumiling. Banayad ang kanyang paggalaw. Ang expression ng kanyang mukha ay umaakit sa mga nanonood. Marahang hinaplos-haplos ng binata ang kanyang malapad na dibdib tila pinaglalaruan ang balat sa parteng iyon ng kanyang katawan. Titig na titig ang lahat. Buong kasabikang nag-aabang kung ano pa ang susunod na gagawin ng binatang sumasayaw.
Lumakad si Marko papunta sa kaliwang bahagi ng stage at itinuloy doon ang pagsayaw. Paulit-ulit siyang gumiling sa harap ng tila natutulalang mga bakla. Ganun din ang ginawa ni Marko nang pumunta naman siya sa kanang bahagi ng entablado. Siniguro niyang makikita ng audience ang kanyang pagsayaw sa mas malapit na anggulo. Tuwang-tuwa ang mga bakla, nakita nila ng mas malapit ang bukol na tinatakpan ng manipis na puting trunks.
Maya-maya pa’y bumaba ng stage si Marko at umikot sa kinaroroonan ng mga manonood. Ito ang hinihintay na pagkakataon ng ilan na masagi o madampian ng palad nila ang nakaumbok na bahagi ni Marko. Nag-ipit sila ng pera sa trunks pero sinasadyang idikit ang palad sa pagkalalaki ng binata. Bahagya pang nagulat si Marko sa pananantsing ng ilan pero di na lang niya pinansin. Ikinatuwa na lang niya ang mga perang papel na nakasabit ngayon sa kanyang trunks.
Muling umakyat sa stage si Marko. Tinanggal niya ang pakpak na nakasabit sa kanyang likuran. Pagkatapos ay patuloy na gumiling habang paunti-unting ibinababa ang suot na trunks.
Sa isang sulok ng club ay ngingiti-ngiti lang si Dax. Batid nitong walang balak maghubad si Marko. Pero alam na alam ni Marko kung paano lalandiin ang audience.
Nagpalakpakan ang lahat nang matapos ang pagsayaw ni Marko. May naghiyawan, humihingi ng isa pang sayaw mula sa binata. Hindi maikakailang nakuha talaga ni Marko ang atensyon at paghanga ng mga parukyano ng club.
Pagbaba ng stage, diretso si Marko sa dressing room. Kasunod niya si Mama Bang na hindi magkamayaw sa pagbati sa kanya.
“Congratulations, Marko! Ang galing-galing mo! Alam mo bang andaming nagrerequest na i-table ka? Gustung-gusto ka nila!”
“Ayaw ko munang tumeybol, Mama Bang.”
“Of course! Hindi ka teteybol ngayon. Hayaan natin silang manabik sayo. Para paulit-ulit silang bumalik dito.”
“Salamat, Mama Bang.”
“Yung perang isinabit sayo, sayo na yun. Mamaya bago ka umuwi dumaan ka sa akin, ibibigay ko sayo ang budget mo.”
“Budget?”
“Yung bayad mo sa pagtatrabaho ngayong gabi.”
“Ahh.. Sige.”
“O, lalabas na muna ako. Agahan mong pasok bukas. At galingan mo pa lalo sa mga susunod mong sayaw.”
Paglabas ni Mama Bang, siya namang pasok ni Dax sa kwarto.
“Pre, saan ka nakatira? Sabay na tayo mamaya hanggang sakayan.”
“Sa QC. Sige sabay tayo.”
“Ang galing mo, pre! Nganga silang lahat sayo,” tatawa-tawang sabi ni Dax.
“Salamat. Di ko magagawa yun kung di mo ako tinuruan.”
“Magaling ka talaga. Kahit naman turuan ka kung hindi ka magaling, makikita pa rin sa pagsayaw mo na di ka magaling. Ibang klase ka kanina. Wala ka pang pinapakita nun ha. Paano na lang pag naghubad ka na? Baka mabaliw na silang lahat sayo.”
“Hindi naman siguro,” napangiti rin si Marko.
“Effective yung goma, di ba? Pansin na pansin ang bukol mo mula umpisa hanggang matapos ang sayaw mo.”
“Ha? Hindi ko nagamit, eh. Wala na kasing oras para ilagay.”
“Ibig mong sabihin, natural yun?”
“Oo…”
“Hanep, pare! Mas dakota ka pa kesa sa akin.”
“Sakto lang.”
“Naku, pati pala ako kakabugin mo dito.” At napahalakhak na lang si Dax.
Chapter 4 - Si Mia
“O, P’RE! Sasakay na ako. Kita na lang tayo bukas,” sabi ni Dax bago tuluyang sumakay sa bus.
“Ingat!”
Sumakay na rin si Marko sa unang dumaang jeep. Pagbaba niya rito kailangan pa niyang sumakay ng tricycle. Habang nasa jeep ay bumalik sa isip ni Marko ang unang gabi niya sa gay bar. Ngayon niya naisip kung paano siya tinanggap ng mga customers. Kung paano nagustuhan ng mga ito ang kanyang pagsayaw. Kung iisipin niya ay parang wala naman siyang kakaibang ginawa. Hindi man lang nga siya nagpasilip kahit konti gayong dapat ay naghubad siya. Pero gustong-gusto pa rin siya ng mga manonood. Naisip niya kung ano naman kaya ang gagawin niya sa mga susunod pa niyang pagsayaw sa club. Kailangang lagi siyang may ipapakitang bago para hindi siya pagsawaan ng mga tao.
Pagkababa ng jeep ay sumakay ng tricycle si Marko at nagpahatid sa Kalye Masagana. Kabababa pa lang niya sa tricycle at naglalakad papunta sa tinitirhan niua nang mula kung saan ay isang tumatakbong babae habang sumisigaw ang hangos na lumapit sa kanya. Sa likod ng babae ay dalawang lalaking tila lasing ang humahabol sa kanya.
“Mama, parang awa mo na tulungan mo ako. Hinahabol nila ako. Pinagnakawan nila ako. Gusto pa nila akong pagsamantalahan,” umiiyak na pagmamakaawa ng babae. Bitbit nito ang isang maliit na pambabaeng bag.
Maagap na hinawakan ni Marko ang babae at itinabi sa kanya. “Wag kang matakot, miss. Ako’ng bahala.”
“Hoy!” sigaw ng isa sa mga humahabol na lalaki. “Halika dito, babae ka!”
“Pare, ano ba’ng problema?”
“Wag kang makikialam dito. Diskarte namin ito!” sigaw ng isa pang lalaki.
“Mga pare, ibalik n’yo na sa babae yung kinuha n’yo. Tayo-tayo ba naman magtataluhan pa dito.”
“Ibigay mo sa amin ’yang babae!”
“Eh kung ayaw ko?”
“Ayaw mo pala, ha!” Biglang sinugod ng unang lalaki si Marko at sinuntok ngunit mabilis itong nailagan ng binata sabay suntok dito.
Sumadsad ang lalaki nang tamaan ng suntok ni Marko. Nagtangka pa itong bumangon.
Agad namang sumugod din ang ikalawang lalaki pero sa hangin lang tumama ang suntok niya. Isang sipa sa bandang bewang ng lalaki ang ibinigay ni Marko ngunit tila hindi nito ininda.
Bumuwelta ang dalawang lalaki at sabay na sinugod si Marko. Naging mabilis ang naging pagkilos ni Marko para ’di siya maunahan ng dalawa. Sinalubong niya ng suntok ang dalawang lalaki at ’di na niya binigyan ng pagkakataong makabawi pa ang mga ito.
Bagsak ang dalawang lasing. Tulog!
“Sino sa kanila ang kumuha ng pera mo?”
“Iyong naka-jacket.”
“Dinukot ni Marko ang bulsa sa pantalon ng lalaki. Hinanap niya doon ang pera ng babae.”
Isang wallet ang nakuha ni Marko.
“Ayan! Sa akin ’yan.”
“Ito lang ba ang kinuha sa’yo?”
Tumango ang babae.
“Tagasaan ka?” tanong ni Marko.
“Sa Laguna.”
“Ah. So, pauwi ka na ng Laguna?”
Umiling nang sunud-sunod ang babae. Humikbi. “Lumayas ako sa amin. Tumakas ako.”
“Bakit?”
“Pinagtangkaan akong halayin ng asawa ng nanay ko.”
“Whew! Sobrang lapitin ka naman ng mga manyak. Eh, ’di wala kang uuwian dito?”
Tuluyan nang umiyak ang babae.
“Teka, ’wag kang umiyak, miss. Ano nga’ng pangalan mo?”
“Mia…”
“Mia, kung wala kang uuwian at kung magtitiwala ka sa akin puwede ka munang doon tumira sa inuuwian ko. Pero pagpapasensyahan mo lang kasi maliit lang ’yun. At saka ’yung tsismis. Alam mo na, baka kung anong isipin ng kapitbahay dahil dalawa lang tayo sa bahay. Kung okay sa’yo ang ganoong set up, doon ka na muna kaysa naman magpalaboy-laboy ka sa kalye.”
Nagliwanag ang mukha ni Mia. “Nakakahiya sa’yo pero ’di ako tatanggi. Wala talaga kasi akong matutuluyan. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko. ’Di ko na alam kung saan ako pupunta. Salamat. Maraming salamat…”
“Marko. Ako si Marko.”
Tumango-tango si Mia. “Salamat, Marko. Napakabuti mo.”
“Halika na at baka magising pa ’tong mga ’to.”
Lumakad ang dalawa papunta sa tinitirhan ni Marko. Binagtas nila ang isang mahabang eskinita hanggang marating nila ang bahay.
“Pasok ka. ’Wag kang mahiya.”
“Salamat talaga, Marko. Kung ’di sa pagmamagandang loob mo ’di ko alam kung saan ako pupunta ngayon. At baka napahamak na rin ako doon sa dalawang lasing na humabol sa akin kanina.”
“Wala ’yun. Kalimutan mo na ’yun. Basta, puwede kang tumira dito hangga’t gusto mo.”
“Huwag kang mag-alala, maghahanap ako ng trabaho para makatulong ako sa’yo sa mga gastusin dito sa bahay. Hindi ako magiging pabigat, pangako.”
Ngumiti si Marko. “Huwag mo na munang isipin ’yan. Magpahinga ka na muna kasi mag-uumaga na. At saka na natin ’yan pag-usapan.”
“Salamat ulit.”
“O, d’yan ka na matulog sa kuwarto ko. Dito na lang ako. Maglalatag na lang ako dito. Basta, ipanatag mo ang loob mo. Safe ka dito.”
Iyon ang umpisa kung paano sila nagkakilala at naging magkasama sa bahay ni Mia. Hanggang kahit nagkaroon na ng trabaho ang dalaga, hindi na ito lumipat ng tirahan. Nakihati na lang ito sa mga gastusin sa bahay. Naging pabor din ito kay Marko dahil nagkaroon ng babae sa bahay at naging maayos at malinis ang tinitirhan niya. Masipag si Mia. Halos lahat ng gawaing bahay ay inaako nito. Pati sa paglalaba ng maruruming damit, isinasama na ng babae ang mga labada ni Marko.
Natanggap si Mia bilang waitress sa isang club, ang Midnight Shadows. Nang lumaon ay naging GRO siya sa club na ito sa kondisyong hindi siya pwedeng i-take out. Hanggang pag-table lang ang puwedeng gawin ni Mia. Biniro pa nga siya ni Marko na tinakasan pa ang amain na nagtangkang humalay sa kanya ’yun pala ay sa lugar na mas maraming hayok na lalaki pa pala siya mapupunta. ’Di man gusto ni Mia ang naging trabaho niya, wala naman siyang choice dahil hindi siya nakatapos ng pag-aaral. Basta pinaninindigan na lang niya ang usapan nila sa club na hindi siya pwedeng i-take out ng kahit sino. Mabuti na lang at mabait sa kanya ang club manager na si Madam Eloisa. Tumutupad ito sa lahat ng mga pinag-usapan at napagkasunduan nila. Kaya naman kahit sa ganoong klase ng lugar siya nagtatrabaho, alam ni Mia na hindi siya puta. Kumbaga, paa lang niya ang inilubog niya sa putikan, hindi buong katawan kaya madaling hugasan at banlawan.
Chapter 5 - Street Hooker (Teaser)
Author’s Note: This chapter will introduce the third character in this story — Stephen who is a street hooker. Bakit siya napadpad sa ganitong trabaho? Ano ang kanyang mga pinagdadaanan? Ano pang kapalaran ang naghihintay sa kanya?
Alamin natin ang kanyang kasaysayan at ang mga lihim niya sa dilim ng gabi.
Chapter 5 - Street Hooker
ITINAAS NI Stephen ang kanang kamay hawak ang kutsilyong naagaw niya sa lasing na tiyuhin at walang pagdadalawang isip niya itong isinaksak sa taong paulit-ulit na nanakit sa kanya!
Napabalikwas ng bangon si Stephen. Naulit na naman ang panaginip niya. Ilang gabi na ring bumabalik sa panaginip niya ang alaalang ayaw na niyang isipin. Isang pangyayaring pilit niyang tinatakasan. Isang kahapong hinding-hindi na niya babalikan.
Inabot niya ang celfone na nasa maliit na mesang katabi ng higaan niya at tiningnan kung anong oras na.
“Pucha! Alas otso na pala. Kailangan ko nang rumampa.” Mabilis itong tumayo, kinuha ang tuwalyang nakasabit sa likuran ng pinto at mabilis na tinungo ang banyo para maligo.
Wala pang sampung minuto ay lumabas na agad ito ng banyo, nakatapis lang ng tuwalya. Agad siyang nagbihis at iginayak ang sarili papunta sa trabahong kinasanayan niyang gawin.
SI STEPHEN ay dalawamput-isang taong gulang na ngayon. Mag-isa siyang naninirahan sa maliit na silid na yun na nirerentahan niya ng P1500 kada buwan. Mahigit isang taon na siyang nakatira rito. Dati ay kung saan-saan lang siya nakikitira, sa bahay ng kanyang mga kaibigan. Pero mula nang magkaroon siya ng pagkakakitaan ay sinikap niyang makakuha kahit maliit na kuwartong mauuwian upang hindi na rin siya paulit-ulit humingi ng pabor sa mga kaibigan. Nakakahiya rin kasi na lagi siyang nakikitira sa mga ito.
Nung una ay wala siyang magawa kundi kapalan ang mukha niya. Wala talaga kasi siyang mapupuntahan. Mula nang lumayas siya sa kanila dalawang taon na ang nakakaraan ay hindi pa niya ginawang bumalik o kahit sumilip man lamang sa kanilang bahay. Wala na nga siyang balita sa nanay niya at isang kapatid na babaeng labing-isang taong gulang na ngayon. At wala pa rin siyang balak bumalik sa kanila. Walang-wala.
Hindi maganda ang dahilan ng paglalayas niya. Hindi nga paglalayas ’yun kundi pagtakas sa isang pangyayaring hanggang ngayon ay bangungot na sumusunod sa kanya. Maagang namatay ang ama niya at ang nanay niya ay muling nag-asawa. Hindi pala, nakisama lang sa isang lalaking walang ginawa kundi magpalaki ng bayag, maglasing, at bugbugin siya. Sampung taon pa lang siya noon ay naranasan na niya ang ’di mabilang na kalupitan ng kinakasama ng kanyang ina. Sa konting pagkakamali lang niya ay siguradong lalatay sa balat niya ang sinturon ng kanyang tiyo Dado. Malupit ito at hindi kumikilala ng katuwiran. Wala itong pakialam kung sino man ang nasasaktan nito. Nung minsan, maging ang nanay niya ay pinagbuhatan nito ng kamay. Sinubukan niyang umawat pero tinabig siya nito at tumilapon siya sa isang sulok ng kuwarto. Wala siyang nagawa noon kundi umiyak na lang para sa kalupitang dinadanas nilang mag-ina sa kamay ng lalaking kung tutuusi’y hindi naman nila kaanu-ano.
Hanggang sa magbinata siya at dumating sa edad na labinsiyam. Ganoon pa rin ang trato sa kanya ng kanyang tiyo Dado pero kahit paano ay di na siya takot lumaban dito. Bakit, eh sa edad niyang iyon 5’8“ na ang kanyang taas kumpara sa tiyuhin niyang 5’6“ lang. At mas malaki na ang bulto ng kanyang katawan. Kaya isang araw na umuwi itong lasing na lasing at tinadyakan siya nang walang kadahi-dahilan habang kumakain siya ng hapunan ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo. Sinagot-sagot niya ang kanyang amain na sa sobrang kalasingan ay tila wala na sa tamang pag-iisip at bigla na lang pumunta sa kusina at kinuha ang kutsilyo sabay sugod sa kanya upang saksakin siya. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Nag-agawan silang dalawa sa kutsilyo hanggang mabitiwan ito ng amain niya na agad naman niyang pinulot.
Marahil ay nilukuban na rin siya ng demonyo nang mga oras na iyon kaya hindi na niya naisipang gawin kung ano ang tama. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay na may hawak ng kutsilyo at walang pagdadalawang-isip niya itong isinaksak sa taong paulit-ulit na nanakit sa kanya mula pa nung kanyang pagkabata. Nagawang iharang ng kanyang tiyo Dado ang dalawang braso nito kaya doon bumaon ang kutsilyo. Iyon ang eksenang naabutan ni Aling Edna, ang kanyang ina na halos himatayin nang makita ang duguang kinakasama. Galit na galit sa kanya ang nanay niya. Hindi man lang nito tinanong kung anong nangyari. Bigla’y sa kanya lahat nabunton ang sisi.
Tumakbo si Stephen papalabas ng bahay at hindi na siya umuwi sa kanila mula noon. Nabuhay siya sa kahit anong paraan hanggang matagpuan niya ang sarili sa madidilim na sulok ng kalye, naghihintay sa mga bakla at matrona na bibili ng panandaliang aliw.
QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE
Mag-a-alas diez na nang dumating si Stephen sa lugar na iyon kung saan madalas siyang tumambay para maghintay ng customer. Sa labas ng circle ay marami kang mapapansing mga kalalakihang akala mo ay dumaraan lang o naghihintay ng sasakyan pero kung oobserbahang mabuti ay mapapansing paikot-ikot lang sila roon at tila wala namang balak umalis. Sa isang parte ng lugar ay may ilang kababaihan na tulad ni Stephen ay naghihintay rin ng parukyano.
Hindi lang dito sa circle tumatambay si Stephen. Minsan ay dumadayo siya sa Recto o kaya naman ay sa kahabaan ng España sa mga araw na tila matumal ang “negosyo”. May mga araw namang nakikipagkompetensya siya sa mga callboy sa Cubao.
“Puke! Puke kayo riyan!” Narinig niyang sabi ng isang babae. Sa tindi ng kompetensya, kanya-kanyang diskarte ang mga pokpok sa lugar na iyon.
“Hoy! Pokpok ka na nga pinopokpok mo pa ang sarili mo!” Sinita ng isang babae ang pokpok na nagsalita kanina lang.
“Ano bang pakialam mo? Nagse-salestalk ako para makakuha ng customer. Palibhasa kasi wala kang alam sa marketing,” ayaw patalo ng unang babae.
“O, siya ikaw na ang nakapag-aral! E asan ka ngayon? Di ba andito ka rin at kapareho ko lang pokpok?”
Natigil lang ang pagtatalo ng dalawang babae nang isang kotse ang huminto sa harap nila. Agad na nilapitan ’yun ng unang babae at saglit silang nag-usap ng lalaking sakay ng kotse. Pagkalipas ng ilang sandali ay sumakay na ang babae sa kotse na mabilis ding umalis sa lugar na iyon.
“Swerte ang bruha! Nakahagip agad ng customer,” sabi ng pangalawang babae.
“Mag-aral ka kasi ng marketing,” pang-aasar ng iba pang mga pokpok sa kasama nila. Nagkatawanan na lang ang mga ito.
NAINIP si Stephen kaya nagpasya siyang maglakad-lakad muna. Mukhang matumal ngayong gabi. Walang masyadong customer.
Pumasok siya sa loob ng circle. May ilang tao pa ring andun sa loob ng park. Mukhang mas wala siyang makukuhang customer sa loob ng park kaya lumabas na lang ulit siya at binaybay ang gilid ng circle bandang tapat ng Philcoa.
Huminto si Stephen sa isang madilim na bahagi ng lugar.
Maya-maya’y isang kotse ang huminto sa tapat niya. Ibinaba ng lalaking driver ang bintana at sinenyasan si Stephen na lumapit.
“Available ka ba ngayon? How much do you charge?” sabi ng lalaki.
“P1000 kung ikaw ang magtatrabaho. P1500 kung ako. P2000 all the way.” Kabisado ni Stephen kung paano prepresyuhan ang sarili. Kahit minsan wala namang umangal sa presyo niya. Sa itsura pa lang niya, sulit na ang ibabayad ng sino mang kukuha ng serbisyo niya. Idagdag pa na ginagalingan niya talaga at hindi siya nanggagantso ng customer.
“Sakay na,” utos ng lalaki.
Agad na sumakay si Stephen. Pinaandar ng lalaki ang kotse.
“Anong pangalan mo?”
“Stephen.” Hindi rin siya katulad ng ibang callboy na paiba-iba ng ginagamit na pangalan. Sinasabi niya talaga sa customer ang totoong pangalan niya. “Ikaw, anong pangalan mo?”
Ngumiti lang ang lalaki pero hindi nito sinagot ang tanong ni Stephen. Ipinagpatuloy lang nito ang pagmamaneho.
Not an Update
Guys, if you’re done reading every chapter at nagustuhan nyo naman, please don’t forget to vote and leave a comment.
For chapter 5, I would like to ask for ten votes and 7 comments bago ko i-publish ang chapter 6 which is, by the way, in private setting. Meaning, yung followers ko lang ang makakakita nung chapter 6.
For those na di ko follower, you can also read that private chapter by doing the steps below:
-
Go to my profile and click Follow.
-
Add this story to your library.
-
Go to your library and view this story by chapter and look for chapter 6.
Andali di ba?
So, magvote na kayo at magcomment para tuloy na ang kuwento.
Chapter 6 - Sex For Sale
MALAYO RIN ang ibiniyahe ng kotse bago ito pumasok sa isang subdivision. Kung hindi nagkakamali si Stephen, nasa bandang Las Piñas na sila.
Pumarada ang kotse sa harap ng isang bahay na may mataas na gate. Isang naka-unipormeng security guard ang nagbukas ng gate na nang makapasok ang kotse ay agad din nitong isinara. Dumiretso ang kotse sa loob ng bakuran ng bahay na agad napansin ni Stephen ang rangya at laki nito.
Mayaman ang customer niya ngayong gabi.
Sabagay, sa itsura ng lalaki, mukha ngang may sinasabi ito sa buhay. Ang kutis nito ay makinis at napakaputi. Maging ang mukha nito ay tila alagang-alaga ng dermatologist. Guwapo ang lalaking pumik-up sa kanya. Maganda rin ang tindig nito at maaaring naglalaro lang sa 30 hanggang 32 ang edad.
Pagpasok nila sa loob ng bahay ay napansin ni Stephen ang kumpletong kagamitan dito. Maging ang mga palamuti sa loob ng bahay ay magpapatunay ng angat na estado ng pamumuhay ng lalaki.
“Gusto mong kumain muna?” tanong ng lalaki kay Stephen
Umiling si Stephen. “Hindi na. Busog pa ako.”
“Kung ganoon, akyat na tayo. Dun tayo sa kuwarto ko.”
“May itatanong sana ako sa’yo,” sabi ni Stephen.
“Ano ’yun?”
“Bakit ayaw mong sabihin ang pangalan mo?”
Tumawa ang lalaki. “Hindi na ’yun importante. Kaya ’wag mo nang alamin.”
“Madalas ka bang kumuha ng lalaki sa circle?”
Hindi sumagot ang lalaki. Nagpatuloy lang ito sa pag-akyat sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng malaking bahay.
“HIndi ka ba natatakot na baka tarantado ang maiuwi mong lalaki rito? Alam mo na, baka gaguhin ka at pagnakawan. Tingin ko pa naman, mamahalin lahat ng mga gamit mo rito.”
“Bakit, ganun ka ba?”
“H-ha? Hindi ah! Naitanong ko lang.”
“So, wala akong problema,” sabi ng lalaki.
Narating nila ang silid ng lalaki. “Halika, pumasok ka.”
Hindi naman nag-atubili si Stephen. Pumasok siya sa loob ng silid na lubhang malaki para sa isang tao lang. Sabagay ano pa ba ang aasahan mo sa isang silid ng mayaman?
“I would like an all the way service from you,” matatag na deklarasyon ng lalaki.
“Sige, walang problema,” sagot ni Stephen.
“Mag-shower ka na,” utos nito kay Stephen.
Pumasok si Stephen sa loob ng bathroom at nag-shower. Maging ang eleganteng ayos ng shower room ay hindi nakaligtas sa paningin niya. Grabe, pwede nang gawing kuwarto ang shower room na ito.
Pagkatapos mag-shower ni Stephen ay ang lalaki naman ang nag-shower. Ilang sandali lang ang itinagal nito sa loob at agad ding lumabas na nakatapi lang ng tuwalya sa bewang.
Diretso itong lumapit kay Stephen na nakahiga sa kama at natatakpan lang ng kumot ang pang-ibabang bahagi ng katawan nito.
Tumabi ang lalaki kay Stephen at agad na hinalikan siya nito sa mga labi.
Malugod na sinalubong ni Stephen ang halik ng kanyang customer. All the way ang serbisyong gusto nito kaya kahit hindi man siya nagpapahalik sa labi, wala nang nagawa si Stephen kundi ibigay ang serbisyong babayaran sa kanya ng customer niya. Nagdikit ang kanilang mga labi at tila nag-espadahan ang mga dila. Napapikit si Stephen. Tila sila mga hayop na nag-aagawan sa isang pagkain. Nginangabngab nila ang labi ng isa’t-isa. Nung simula ay dahan-dahan at tila ingat na ingat pa sila sa kanilang ikikilos. Pero pagtagal ay naging marahas na at nawala ang anumang pag-aalinlangan. Ipinakita ni Stephen ang galing niya sa pagpapaligaya sa customer sa pamamagitan ng kanyang mga halik. Halik pa lang iyon, wala pa ang totoong laban. Iyon ang isa sa mga nagugustuhan sa kanya ng kanyang mga customer. Marunong siyang magpaligaya. Hindi siya maramot. Ibinibigay niya ang katumbas na serbisyo ng perang ibabayad sa kanya. Ipinalalasap niya sa customer hindi lamang ang init kundi maging ang tamis ng kanilang pagniniig. Tila nawawala na sa sarili ang lalaking katalik ni Stephen sanhi ng sensasyong dulot ng ginagawa niya rito. Napayakap nang mahigpit kay Stephen ang lalaki at buong pagtitimping pinakawalan ang isang impit na ungol.
Bumaba ang mga halik ni Stephen sa leeg ng customer na tila may kung anong hinahanap. Tapos ay mas bumaba pa ito papunta sa dibdib ng lalaki. Masuyong pinasadahan ng labi ni Stephen ang dibdib ng katalik. Nilaro niya ang palibot ng nipple nito sa pamamagitan ng kanyang dila na tila nangingiliti.
Napahigpit ang kapit ng customer sa ulo ni Stephen nang dilaan ng binata ang kanyang utong at ikulong ito sa bibig at bahagyang kagat-kagatin. Siyang-siya ang customer sa kaligayahang ipinapadama sa kanya ng callboy.
Mas bumaba pa ang mga labi ni Stephen na ngayon ay nasa tiyan na ng customer. Pinalibutan niya ng mga halik ang tiyan ng lalaki at pinaikot-ikot ang dila sa butas ng pusod nito.
Napapaliyad ang lalaki sa sensasyon at kiliting dulot ng ginagawa ni Stephen sa kanya. He automatically gripped Stephen’s manhood to feel the callboy’s hardness and actual size. He immediately changed postion and let Stephen lie on the bed.
Walang pagdadalawang-isip na ikinulong ng lalaki sa kanyang bibig ang nag-uumigting na halimaw sa pagitan ng mga hita ni Stephen. Then his head started to move up and down giving Stephen so much unexplainable pleasure. Sa pagkakahiga ni Stephen sa kama ay nagmistula itong isang masarap na putahe na eat all you can at ngayon ay pinagpipistahan ng kanyang customer. Pinagsawa ng lalaki ang kanyang bibig sa buong katawan ni Stephen. Bawat parte ng katawan ng binata ay pinasadahan ng kanyang dila at buong kasabikang pinagpiyestahan.
Nang magsawa ay sandaling bumangon ang lalaki at may kinuha sa drawer ng tokador. Iniabot niya iyon kay Stephen.
Binuksan ni Stephen ang maliit na pakete at isinuot iyon sa kanyang pribadong bahagi pagkatapos ay masuyo niyang itinulak sa kama ang katalik.
Pumaibabaw si Stephen sa kanyang customer at itinutok dito ang kanyang kahindigan. One full thrust and his hardness slipped inside his customer’s body. Stephen started to pump making sure that he is not hurting his partner. Pinagsawa ni Stephen ang sarili sa pag-ulos sa katalik habang ang isang kamay niya ay nagtataas-baba sa hawak niyang nagwawalang pagkalalaki ng kanyang customer. Naramdaman ni Stephen na malapit na niyang marating ang sukdulan kaya maging mas mabilis ang paglalabas-pasok niya sa kanyang katalik na ngayo’y tila nagdidiliryo na sa sobrang sarap na nararamdaman nito sa bawat pag-ulos ni Stephen sa kanyang kaloob-looban.
Isang matinding ulos pa ang pinakawalan ni Stephen at sumabog na ang naipong lakas ng kanyang pagkakalaki. Kasabay noon ang pagsambulat ng likido mula sa pribadong bahagi ng lalaking katalik ni Stephen na umabot ang talsik sa dibdib nito.
Napasubsob si Stephen sa dibdib ng kanyang katalik, pagod at hinahabol ang kanyang paghinga. Saglit siyang humimlay sa ibabaw nito. Hinalik-halikan naman ng lalaki ang buhok ni Stephen.
Nang medyo makabawi ng lakas ay bumangon si Stepen. Inalis niya ang rubber na suot at itinapon sa trash can sa loob ng shower room. Nilinis na rin niya ang sarili bago muling bumalik sa kama.
Kumuha ng pera ang customer niya at inabot kay Stephen. “Here’s your money. Two thousand bucks for your services and another thousand bucks as tip.”
Ngumiti si Stephen. “Salamat.”
Tumango lang ang lalaki.
“Hindi ko ba talaga pwedeng malaman ang pangalan mo?”
“It’s better na wag na lang.”
“Sige…” Nag-umpisang magbihis si Stephen.
“Ihahatid na kita sa labasan. Maglilinis lang ako sandali.”
“Ikaw ang bahala.”
Natapos ang isang gabi ng pagtatrabaho ni Stephen. Iyon ang trabahong bumuhay sa kanya sa loob ng dalawang taon simula nang lumayas siya sa bahay nila para takasan ang kalupitan ng kanyang tiyo Dado. Sa kanyang pag-uwi, kakain siya at matutulog upang sa kanyang paggising ay muling tumambay sa madidilim na kalye at maghintay ng isang kaluluwang naghahanap ng panandaliang aliw.
Sa tamang halaga, matitikman nila ang murang katawan ng binatang ang tanging hangad lang ay mabuhay nang maayos at maitawid ang kanyang pang-araw-araw na pangangailangan.
Chapter 7 - Bagansya
“MARKO!”
Nilingon ni Marko ang tumatawag.
“O, Dax. Bakit?”
“Uuwi ka na ba?”
“Hindi pa. Raraket muna ako.”
“Hindi mo na tatapusin yung show?”
Umiling si Marko. “Wala namang masyadong customer. Patay na araw kasi. Sa Biyernes at Sabado pa dadagsa ang customer kaya raraket na lang muna ako para kumita.”
“Sabagay… Sige, ako na lang bahala kay Mama Bang pag hinanap ka.”
“Salamat, p’re. Aalis na ako.”
Tumango si Dax. “Ingat!”
Lumakad na si Marko papalayo sa gay bar. Si Dax naman ay muling bumalik sa loob nito.
ESPAÑA, MANILA
Dito naisipang rumaket ni Marko. Raket ang tawag niya sa ginagawa niyang pag-sideline para humanap ng customer sa madidilim na kalye tuwing matumal ang customers sa gay bar kung saan siya nagtatrabaho bilang macho dancer. May ilang beses na rin niyang ginawa ang ganito. Pero hindi naman ganun kadalas. Kung talagang kailangang-kailangan na niya ng perang ipapadala sa probinsiya at gipit siya ay saka lang niya pinapasok ang ganitong raket. Dito kasi, nakakapagpresyo siya ng presyong gusto niya. Hindi tulad sa bar na porsiyento lang ang makukuha niya kung may maglalabas sa kanya. Maliit kung tutuusin ang nakukuha niyang kabayaran sa gay bar dahil lumalabas na suwelduhan lang siya dun. Hindi katulad dito na kung susuwertehin siya, pwede siyang makakuha ng bigtime na customer na babayaran siya sa presyong siya ang magsasabi.
Pumuwesto si Marko sa gilid ng kalsada sa bandang ibaba ng isang overpass sa harap ng isang sikat na unibersidad. Medyo madilim sa bahaging iyon. Alas dos na ng madaling-araw at mangilan-ngilan na lang ang mga taong naglalakad. May mga dumadaang sasakyan sa kahabaan ng España. Paminsan-minsan ay may taksing humihinto sa harap niya na nag-aakalang nag-aabang siya ng masasakyan. Minsan naman ay may kotseng humihinto sa kanyang harapan at tinatawag siya ng sakay nito pero makalipas ng maikling pag-uusap ay aalis din ang kotse dahil hindi sila nagkasundo sa presyong gusto niya.
May mga dumadaang ilang bading na tila nagpapapansin sa kanya pero hindi man lang nililingon ni Marko ang mga ito. Sa tagal na niya sa ganitong raket, alam na niya kung sino ang may pera at kayang bayaran siya ng tama sa serbisyong ibibigay niya.
Ilang metro lang ang layo kay Marko ay naroon naman si Stephen na nakatambay rin at nag-aabang ng customer. Ilang beses na ring nakita ni Marko ang lalaking ito dito kaya sigurado siya na tulad niya ay bayaran din si Stephen.
Nakita niyang isang police mobile ang huminto sa harapan ni Stephen. Bumaba ang isang pulis. Nilapitan nito si Stephen at saglit silang nag-usap.
Biglang nakita ni Marko na tumakbo si Stephen patungo sa gawi niya. Ang pulis naman ay mabilis na bumalik at sumakay sa mobile. Hindi agad malaman ni Marko kung ano ang magiging reaksiyon niya. Tatakbo rin ba siya? O magkukunwari na lang siyang naghihintay lang ng masasakyan pauwi.
Pagtapat ni Stephen kay Marko ay sumigaw ito. “Pare, bagansya!”
Iyon na ang hudyat!
Tumakbo na rin si Marko sa gawing tinatakbuhan ni Stephen. Magkasabay nilang tinakbo ang kahabaan ng España habang ang police mobile ay mabilis na nakasunod sa kanila.
May nadaanan silang eskinita kaya pumasok sila doon para hindi na sila masundan ng humahabol sa kanila. Tuloy-tuloy at walang lingon-lingon nilang tinakbo ang kahabaan ng eskinita patungo sa kabilang dulo nito.
Paglabas nila sa kabilang dulo, nagulat sila dahil naroon ang mobile at ang dalawang pulis na sakay nito ay nasa labas na at inaabangan sila.
Mabilis na lumapit sa kanila ang dalawang pulis kaya tumakbo muli ang dalawa pabalik sa pinanggalingan nila.
“Tigil!” sigaw ng isa sa mga pulis habang humahabol sa dalawang lalaki.
Mas binilisan pa nina Marko at Stephen ang pagtakbo.
Kung anong bilis ng pagtakbo nina Marko at Stephen ay siya ring bilis ng paghabol ng dalawang alagad ng batas.
Narating nina Marko at Stephen ang kabilang dulo ng eskinita at agad silang tumawid sa kabilang kalsada upang mas mahirapan ang mga pulis na masundan sila.
Pagdating sa kabilang bahagi ng kalsada ay muli silang pumasok sa isang makipot na eskinita hanggang tuluyan na silang makalayo sa mga pulis na humahabol sa kanila.
Alam nila, hindi na sila masusundan ng dalawang pulis.
Kapwa pagod at humahangos na nagpahinga sina Marko at Stephen sa isang bahagi ng kalye.
“Gagong mga pulis iyon,” sabi ni Marko.
“Akala yata aabot sila sa atin. Eh, anlalaki ng tiyan!” komento ni Stephen na hinahabol pa rin ang paghinga.
Ilang sandali ring nagpahinga muna ang dalawa bago nila naisipang umalis na sa lugar na iyon.
“Uuwi na ako, ’tol. Bukas na lang ako rarampa,” ang sabi ni Stephen. “Ikaw ba?”
“Lilipat na lang ako ng lugar. Maaga pa naman. Makakakuha pa naman siguro ako kahit isang customer.”
“Punta ka na lang sa circle. Marami dun,” suhestiyon ni Stephen.
“Sige, doon na nga lang siguro ako raraket.”
“Stephen nga pala,” iniabot ng binata ang palad kay Marko.
“Ako si Marko.” Nagkamay ang dalawa.
“Sige, ’tol. Mauna na akong umuwi. Ingat ka na lang baka andun pa sa kanto ng España ang mga buwaya at nag-aabang.”
“Salamat. Saan ka ba umuuwi?” si Marko.
“Blumentritt. Sumabay ka na lang sa akin. Sakay ka ng biyaheng Quiapo. Tapos sa Quiapo ka sumakay ng papuntang Fairview dadaan na iyon ng circle. Para siguradong hindi mo masasalubong yung mga pulis.”
“Eh ikaw?”
“Biyaheng Blumentritt na ang sasakyan ko. Isang sakay lang ako mula rito.” Pinara ni Stephen ang paparating na jeep. “Sasakay na ako, ’tol. Lumipat ka sa kabila, dun ka sumakay ng biyaheng Quiapo.”
“Oo sige, salamat.”
Sumakay na ng jeep si Stephen. Tumawid sa kabilang kalye si Marko at sumakay rin ng jeep patungong Quiapo.
Malas ang gabi niya ngayon.
Una, walang masyadong customer sa bar.
Ikalawa, muntik pa siyang mapresinto.
Sana pagpunta niya sa circle ay makakuha siya kahit isang customer. Kailangan niya talaga ng pera para maipadala sa mga magulang niya sa probinsiya.
Habang sakay ng jeep ay malalim na nag-iisip si Marko.
Ano pa ba ang pwede niyang gawin para kumita ng pera? Ang alam ng mga magulang niya sa probinsiya ay nagtatrabaho pa rin siya sa pabrika ng patis sa Malabon. Iyon kasi ang sinabi niya sa mga ito. Sa loob ng dalawang taon na pagtatrabaho sa gay bar ni Mama Bang, ni minsan ay hindi niya inamin sa mga magulang niya ang paglusong niya sa putikan para kumita ng kanilang ikabubuhay.
Kahit kailan, ayaw niyang sirain ang pagkakakilala sa kanya ng kanyang tatay at nanay. Hindi niya magagawang aminin sa mga ito na nagbebenta siya ng katawan para kumita ng pera.
Chapter 8 - Mr. Choi
PUNO NG CUSTOMERS ang club kung saan nagtatrabaho bilang GRO si Mia. Ilang gabi ng dinudumog ng customers ang kanilang club kaya naman laging umuuwing masaya ang mga nagtatrabaho rito.
Sa stage ay may isang babaing naka-bikini ang erotikong sumasayaw. Ang ibang mga customers ng club ay doon nakamasid, lalo na ’yung mga nag-iisa lang at walang kasama o ka-table na GRO.
Nasa isang sulok lang ng club si Mia. Hindi siya nagpapalipat-lipat sa mga table ng customers. Lagi niyang iginigiit ang usapan nila na kung sino lang ang willing na i-table siya, dun lang siya pwedeng umupo. Hindi niya ginagaya ang iba na lantarang nilalandi ang mga customers para pag-initin ang mga ito at mapilitang i-table sila. Kung wala mang kukuha para i-table siya, hindi bale na. Ang mahalaga kay Mia ay mapanatiling malinis ang kanyang pagkababae sa kabila ng katotohanang nagtatrabaho siya sa isang makasalanang lugar.
Isang magarang kotse ang pumarada sa labas ng bar. Mabilis na inasistihan ng isang lalaking empleyado ng club ang kotse. Bumaba dito ang isang may edad na lalaking intsik na maputi at may katabaan. Pumasok ang lalaki sa loob ng club. Tila kabisado na nito ang loob ng bar.
“Mr. Choi!” bati sa lalaki ng club manager na si Madam Eloisa. “Ang tagal mong di pumunta dito, ah.”
“Ako bisi sa negosyo. Masyado pagod. Wala olas pala punta dito,” sagot ng intsik na nang ngumiti ay mas lalong nawala ang tsinito nitong mga mata.
“Hindi bale, Mr. Choi. Aalisin ng mga babae ko rito lahat ng pagod mo.”
Napangiti si Mr. Choi. “Isa lang gusto mistel Choi, si Mia.”
“Oo naman, Mr. Choi. Alam mo naman na laging naka-reserve para sa’yo si Mia. Andito siya ngayon. Ayun o.” Itinuro ni Madam Eloisa ang sulok kung nasaan si Mia.
Mas lumapad ang pagkakangiti ni Mr. Choi. Siya ang suki ni Mia. Tuwing pupunta dito ang matandang intsik, si Mia lang ang laging itine-table nito. Hindi ito kumukuha ng ibang babae. kaya kung minsan na may nauna nang nag-table kay Mia, ginagawan ng paraan ni Madam Eloisa na makaalis si Mia sa ka-table para mai-table naman ito ni Mr. Choi. Ganoon pinahahalagahan ng club na iyon ang matandang intsik. Bakit hindi? Eh napakagalante ng matandang ito. Hindi lang si Mia ang nakikinabang ’pag naririto ito sa club. Lahat sila, nakakatikim ng biyaya mula sa tsekwang ito.
“Hi, Mr. Choi! Nagtatampo ako sa’yo,” nakalapit na si Mia sa matanda at agad niya itong binati. “Antagal mong hindi nagpakita dito. Wala tuloy akong customer.” Ipinulupot agad ni Mia ang mga braso niya sa braso ni Mr. Choi. Naalibadbaran man siya sa ginagawa niya, alam niyang kailangan niya itong gawin. Si Mr. Choi lang ang nakikita niyang taong makakatulong sa kanya para makaalis sa trabahong ito. Kaya lahat ng pwedeng gawin para matuwa sa kanya ang matanda ay gagawin niya. Puwera lang sa isang bagay: hindi pa rin niya ibibigay sa intsik na ito ang kanyang pagkababae ano man ang mangyari.
Ang lawak ng pagkakangiti ng matandang intsik sa ginawang pagpulupot sa kanya ni Mia. Matagal na niyang gusto ang babaing ito pero sobrang napakailap. Ayaw pumayag na ilalabas niya ng club. Laging hanggang pag-table lang ang nagagawa niya rito.
Oo, madalas naman na nahihimas niya ang mga hita ng magandang GRO at nadadampian rin ng palad niya paminsan-minsan ang dibdib nito, pero hanggang dun lang talaga. Gusto sana niya ng mas higit pa roon.
“Upo tayo,” sabi ni Mr. Choi.
Agad na ineskortehan ni Madam Eloisa ang matandang intsik para makaupo. Pinili nito ang medyo sulok na lugar sa club. Pagkaupo pa lang ay sinenyasan na agad nito ang waiter na agad namang lumapit sa instik na customer.
“Bigay mo ako selbesa,” sabi nito sa nakasanayang bulol na pananagalog. “At saka pulutan, kahit ano,” pahabol pa nito.
“Bigyan mo ako ng ladies drink,” sabi naman ni Mia. Hindi siya umiinom, pero ang pag-inom niya ng ladies drink ay malaki ang maidadagdag sa komisyong maiuuwi niya.
Lumingon kay Mia si Mr. Choi. “Mia, ikaw upo dito.” Itinuturo ng intsik na umupo si Mia sa kandungan niya.
“Ha? Dito na lang ako. Mamaya na ako uupo diyan. Iinom pa tayo, eh.” Binola-bola ni Mia ang matandang customer.
Ngumiti nang matamis ang intsik. “Masaya ako kita ulit kita. Di mo ba ako na-miss?”
“Alam mo naman na sobrang miss na kita, Mr. Choi. Antagal ko na ngang hinihintay na pumunta ka rito.” Akala mo’y totoong-totoo si Mia sa sinasabi niya.
Hinawakan ni Mr. Choi ang kamay ni Mia. “Kelan ka payag na labas tayo? Gusto kita tabi kama.”
Bastos, sabi ng isip ng dalaga. Pero ano pa nga ba ang aasahan niya sa mga lalaking pumupunta sa ganitong lugar. Pare-pareho lang silang mahihilig at malilibog.
Nginitian ng matamis ni Mia si Mr. Choi. Madalas, ngiti lang ang isinasagot niya sa mga hirit ng matandang intsik.
Dumating ang order ni Mr. Choi kasama na rin ang ladies drink ni Mia. Nag-umpisa silang uminom.
Hindi pa man lasing, ang mga kamay ni Mr. Choi ay naglalakbay na sa mga hita ni Mia. Pinapayagan naman ni Mia ang mapagsamantalang kamay ng matandang intsik dahil alam niyang pera ang kapalit noon mamaya. Pero naka-alerto rin si Mia dahil baka ang mga kamay na humihimas sa mga hita niya ay biglang dumako sa parteng mas mataas sa hita. Pag nangyari iyon, mawalan na siya ng trabaho pero pupukpukin talaga niya ng bote sa ulo ang matandang ito.
Pero hindi naman umabuso ang matanda. Nagkasya na ito sa paghimas sa magandang hita ni Mia. Paminsan-minsan ay humihirit ito ng halik, na agad namang tinatanggihan ng dalagang GRO. Kung iisipin, kakatwa ang ikinikilos ni Mia sa ibang mga GRO ng club. Ang iba ay bigay-todo sa mga hiling ng kanilang customers. Katwiran ng mga ito, bayad naman ang bawat haplos at himas, pati na rin ang mga halik sa kanila ng mga parukyano kaya okay lang kung gawin nila ang mga ito at pagbigyan ang hilig ng mga malilibog na customers. Pero si Mia ay nananatiling naninindigan sa pinag-usapan nila ni Madam Eloisa at hindi siya papayag na lumagpas ang customers sa mga pinagkasunduan nila ng may-ari ng club. Biruan nga sa club na iyon, si Mia ang nag-iisang birhen sa putahang iyon. Kaya naman mabenta si Mia sa mga customers, sa pag-asang sa kanila bibigay nang tuluyan si Mia. Pero ang ibang customers naman ay ayaw kay Mia dahil nga sa dami ng bawal pag ito ang ka-table nila. Kumbaga, hindi sulit ang ibabayad nila kung si Mia ang panindang kanilang bibilhin sa club na iyon.
Halos dalawang oras lang nagtagal si Mr. Choi sa club. Agad din itong nagpaalam na aalis dahil sa isang importanteng bagay umano na kailangan nitong asikasuhin. Ang matandang ito talaga, kahit dis-oras ng gabi, puro negosyo pa rin ang iniisip. Hindi na nakapagtataka na mayaman ito. Gawin ba namang araw ang gabi sa pagtatrabaho.
Bago umalis ay binayaran lahat ni Mr. Choi ang bill niya bago inabutan si Madam Eloisa ng sobre na sabi’y ibigay daw sa mga tauhan ng club. Ganun kagalante ang matandang intsik na suki ni Mia. Pati ibang mga empleyado ng club ay nakikinabang tuwing magpupunta ito doon.
Kung ang ibang mga tauhan ng club ay nabiyayaan, si Mia pa ba ang hindi? Isang sobre din ang iniabot ng matanda sa dalagang GRO. Hindi na tiningnan ni Mia kung magkano ang laman ng sobre. Kabisado na niya si Mr. Choi. Siguradong higit pa ito sa kanyang inaasahan.
Pagkaalis ni Mr. Choi ay nagpaalam na rin si Mia kay Madam Eloisa na uuwi na siya. Quota na siya sa gabing iyon. Sapat na ang ibinigay ni Mr. Choi sa kanya. Hindi na niya kailangang magtagal pa sa lugar na ito ngayong gabi. Hindi naman siya pinigilan ni Madam Eloisa. Kahit hindi ito lubusang sang-ayon sa mga gusto at kundisyon ni Mia sa pagtatrabaho nito sa club bilang GRO, hindi pa rin nito maitatangging isa si Mia sa dinadayo at binabalik-balikan ng mga customers ng club na iyon.
Chapter 9 - Dennis at Dexter
UNIVERSITY BELT
Katulad ng dati, abala ang U-belt area sa dami ng mga estudyanteng pumapasok sa mga unibersidad sa lugar na ito malapit sa Recto, Manila. Isa sa mga estudyante dito si Dennis Rodriguez, 19 taong gulang at second year college sa kursong BS Accountancy. Maputi si Dennis at katamtaman ang pangangatawan na sakto sa taas niyang 5’8“. Boyish look siya sa suot niyang school uniform. Ganitong lunes ng umaga ay nagmamadali siyang makapasok sa campus dahil malapit na siyang ma-late sa kanyang klase.
Si Dennis ay tubong Mindoro. Doon siya nakatira hanggang matapos siya ng high school. Todong pakiusap ang ginawa niya sa kanyang mama at papa para payagan siyang sa Maynila mag-aral ng kolehiyo. Bata pa lang siya ay pangarap na niyang makapunta ng Maynila upang doon mag-aral at doon na rin makapagtrabaho. Dahil may kaya naman ang kanilang pamilya sa probinsiya, napapayag rin niya ang kanyang mga magulang sa kanyang hiling kahit na nung umpisa ay tutol ang mga ito dahil sa palagay nila ay mas mapapabuti siya kung nandito sa probinsiya at magkakasama sila.
Nag-isang anak si Dennis. Ang papa niya ay namamahala sa kanilang poultry business samantalang ang kanyang mama ay nagmamay-ari ng isang convenience store sa kanilang bayan. Okay naman ang takbo ng negosyo ng kanyang mga magulang kaya lumaki si Dennis na nasusunod ang mga materyal niyang pangangailangan.
Pagdating sa Maynila ay nag-board si Dennis sa isang dormitoryo. Apat silang magkakasama sa isang kuwarto.Katulad niya ay puro estudyante rin ang kanyang room mates lamang ay iba-iba sila ng eskwelahang pinapasukan. Nung una ay nahihiya pa si Dennis sa mga room mate niya pero kalaunan ay nakasundo rin niya ang mga ito.
Eksaktong nag-ring ang bell nang dumating si Dennis sa classroom. Umupo siya sa bakanteng silya sa tabi ni Dexter. Si Dexter ang pinaka-close friend niya sa school. Seventeen years old lang ito kaya mas matanda siya rito ng dalawang taon.
“Muntik ka nang ma-late,” sabi ni Dexter kay Dennis pagkaupo niya sa tabi nito.
“Okay lang, wala pa namang prof.”
“Tuloy ba tayo mamaya?”
“Saan?” tanong ni Dennis.
“Nakalimutan mo na?”
Napakunot-noo si Dennis, tila inaalala kung may pinag-usapan ba sila ng kaklase.
“Di ba manonood tayo ng sine mamaya,” pagpapaalala ni Dexter sa usapan nila ni Dennis. Siniguro nito na mahina lang ang boses at di maririnig ng ibang mga kaklase. “Dun sa sinasabi mo?”
Tumango si Dexter.
“Hindi ba delikado dun?” nag-aalalang tanong ni Dennis sa halos pabulong na tinig.
“Hindi iyon. Uuwi na lang tayo agad,” pangungumbinsi pa ni Dexter kay Dennis.
“Natatakot ako eh.”
“Manonood lang naman tayo ng sine.”
“Alam mong hindi yung sine ang dinadayo dun,” pabulong na sabi ni Dennis sa kaklase
Hindi sumagot si Dexter.
“Paano kung mag-raid doon habang andun tayo?”
“Sasama ka ba o hindi?” seryosong tanong ni Dexter kay Dennis.
Nag-aatubiling sumagot si Dennis, “Sasama.”
SI DEXTER ay tubong Cauayan, Isabela. Katulad ni Dennis ay lumuwas lang ito ng Maynila para dito mag-aral ng kolehiyo. Sa unang araw ng pasukan ay nakatabi nito ng upuan si Dennis kaya ito ang una niyang nakapalagayan ng loob sa mga kaklase niya. Maputi si Dexter at medyo chinito. Second year college na ito edad na 17. Katamtaman lang ang taas niya, 5’5“. Si Dexter ay aminadong bisexual at ang edad niyang iyon ay kasibulan ng pagtuklas sa mga bagay-bagay lalo na iyong mga bawal at itinatago sa lahat.
Nitong nakaraang linggo lang, kinausap ni Dexter si Dennis tungkol sa isang bagong karanasan na natikman niya nang minsang manood siya ng sine sa parteng iyon ng Cubao. Lumang sinehan iyon na nagpapalabas ng mga luma ring pelikula, na kadalasan ay may temang sex at ang mga artistang gumaganap as sanay sa hubaran. Sinubukan lang ni Dexter na pumasok sa sinehang iyon out of curiosity. Marahil ay naengganyo rin siya dahil sa murang presyo ng tiket para makapanood sa sinehang iyon. Buti na lang at nakalusot siya sa takilyera kahit menor de edad pa siya.
Pagpasok niya sa madilim na sinehan ay nagulat pa siya ng isang kamay ang humila sa kanya.
“Serbis…,” sabi ng lalaking nakahawak sa kanyang kaliwang braso.
“Ano ’yun?” tanong ni Dexter.
“HIndi mo alam?” tila nagtataka pa ang lalaki na hindi alam ni Dexter kung ano ang serbis.
“Ano nga’yun?”
“Paliligayahin kita,“diretsahang sabi ng lalaki. “Sex kapalit ng pera.”
“H-ha?!” gulat si Dexter sa narinig.“Dito?!”
“Oo. Wag kang mag-alala, lahat ng nandito ganun ang ginagawa. Walang pakialaman.”
Saglit na natigilan si Dexter. Tila nag-iisip kung papayag siya sa alok ng lalaking hindi nga niya makita ng malinaw kung anong itsura nito. Madilim sa loob ng sinehan at hindi sapat ang liwanag na binibigay ng palabas para maaninag niya nang mabuti ang anyo ng kausap.
“Ano? Sige na. Three hundred lang,” pangungulit ng lalaki.
“Three hundred?”
“Oo. Ako na ang bahala sa’yo.”
Umiling si Dexter. “H-hindi… Sorry, ayoko.”
“Putsa naman!”
“Sorry, sa susunod na lang. Wala akong dalang pera ngayon eh,” pagsisinungaling ni Dexter para hindi na siya kulitin ng lalaki.
“Kelan naman yung susunod?”
“Ah, basta. Ngayon lang kasi ako pumunta rito. Gusto ko lang mapanood yung pelikula.”
“Sige. Ingat ka sa mga ibang lalapit sa’yo. Maraming gago dito.” Iniwan na ng lalaki si Dexter.
Kinabahan si Dexter sa sinabi ng lalaki. Pero mas tumindi ang curiosity niya sa nangyari. Ganun ba talaga ang kalakaran sa sinehang iyon? Di ba sabi nga nung lalaki na walang pakialaman dito dahil lahat ay ganun din ang ginagawa?
Hindi na muna umupo si Dexter. Hinintay niyang masanay sa dilim ang kanyang mga mata hanggang maging maliwanag na sa paningin niya ang loob ng sinehan kahit sadyang madilim dito.
Nagpalinga-linga si Dexter na tila may hinahanap sa loob ng sinehan. Inoobserbahan niya ang mga taong naroon. Bakit tila mas maraming mga nakatayo samantalang maraming mga upuan ang bakante naman? Parang mas gusto ng mga manonood na tumayo na lang at magpalakad-lakad sa loob ng sinehan. Tila mga mamimili sa palengke na aligaga sa pagpili ng mga bibilhing paninda.
Nanatili si Dexter sa kanyang puwesto sa bandang likuran ng sinehan. Isang pares ng lalaki ang pumuwesto di kalayuan sa kinatatayuan niya. Napansin ni Dexter na tila di mapakali ang dalawang lalaki. Hanggang ang isa sa mga ito ay lumuhod sa harapan ng kasamang lalaki at kitang-kita ni Dexter nang buksan ng lalaking nakaluhod ang zipper ng pantalon ng kasamang lalaki at agad na inilabas ang pribadong pag-aari nito.
Mas ikinagulat ni Dexter ang sumunod na pangyayari nang biglang isinubo ng lalaking nakaluhod ang ari ng kasamang lalaki. Walang pakialam ito sa ibang mga tao sa loob ng sinehan na nakakakita sa kanyang ginagawa. Tuloy lang ito sa pagpapaligaya sa katalik gamit ang kanyang bibig. Ang katalik naman nito ay tila wala ring pakialam sa paligid. Ninanamnam lang nito ang sensasyong dulot ng ginagawa ng lalaking nakaluhod sa kanyang pagkalalaki. Mas ibinaba pa nga nito ang suot na pantalon upang maayos na biglang laya ang laman na tila walang pagkasawang nilalasap ng lalaking katalik.
Nakaramdam ng kakaibang init ng katawan si Dexter dahil sa kanyang nasasaksihan. Ito pala ang sinasabi ng lalaking kausap niya kanina. Walang pakialaman. Walang hiya-hiya. Basta ginagawa ang gustong gawin kahit pinanonood sila ng iba.
Napalunok si Dexter. Iniisip niya na ganun din kaya ang magiging eksena kung pumayag siya sa alok nung lalaki kanina? Paliligayahin daw siya kapalit ng pera. Three hundred pesos. Ganun ba talaga ang presyuhan dito?
Napalunok si Dexter. nakaramdam siya ng panunuyo ng kanyang lalamunan. Ang kanyang nakikita ay hindi lamang nagdagdag ng kyuryosidad sa kanya kundi nagdulot ng kakaibang init sa kanyang katawan. Tila naeengganyo siyang mas tuklasin pa ang mga nangyayari sa loob ng madilim na sinehang iyon.
Chapter 10 - Trip
“O, PAANO? Tuloy tayo sa Linggo ha? Hindi na mamaya, sa Linggo na lang kaya wala nang atrasan, Dennis.” Nasa canteen sina Dexter at Dennis at tuloy pa rin ang usapan sa kanilang pinaplano.
“Basta siguruhin mo na ’di tayo mapapahamak d’yan sa gagawin natin, Dexter. Anlaking iskandalo ’pag may masamang nangyari sa atin doon.”
“Ang hina naman ng loob mo. Wala ngang raid ’pag Linggo. Walang opisina.”
“Bakit, wala bang pulis sa presinto pag Linggo? 24/7 ang trabaho ng mga pulis. Walang pinipiling araw. Kaya’ di sigurado na wala talagang raid ’pag araw ng Linggo.”
“Eh ba’t ako? Nakakadalawang punta na ako dun, napahamak ba ako? Nag-raid ba? Hindi naman,’ di ba? At saka narinig ko sa usapan dun na regular naman daw naglalagay sa barangay at sa mga pulis ’yung may-ari ng sinehan kaya raid-free dun.”
“O, siya! Ikaw na ang authority pagdating sa mga raid sa second class na sinehan.”
“Mag-iingat naman tayo. Kahit ba mag-raid pa dun kung wala naman tayong ginagawang masama, bakit tayo matatakot?” Desidido talaga si Dexter na makumbinsi si Dennis na sumama sa kanya sa sinehang tambayan ng mga bakla at mga lalaking nagbibigay ng aliw, libre man o may bayad. “Ano? Umoo ka na? Ang hirap mo namang kumbinsihin.”
“Sige, sasama na ako.”
“Ayun! Papayag din pala, pinatagal pa.” Iiling-iling pa si Dexter. “Paano, uuwi na ako. Wala na akong klase. Ikaw ba?”
“Wala na rin. Pero ’di pa ako uuwi. Pupunta pa ako sa library.”
“Okay, mauna na ako.”
Tinanguan lang ni Dennis si Dexter at naghiwalay na ang dalawa. Si Dexter papalabas ng gate ng campus, si Dennis naman pabalik sa building para pumunta sa library.
MASAYA si Marko nang umuwi siya nang umagang iyon. Medyo malaki ang tip na nakuha niya sa matronang nag-table sa kanya. Bale ba’y sobrang nagustuhan siya ng matandang babae kaya wala itong ginawa kundi pumulupot sa kanya at himasin ang dibdib at braso niya. May ilang pagkakataon pang dumapo ang palad nito sa kanyang harapan kaya naman malayang nadama ng kostumer ang kanyang pribadong bahagi na natatakpan lang ng manipis na bikini trunks. Pinayagan na lamang ni Marko ang mga ginagawa ng matandang babae sa kanya. Alam niya, kasama iyon sa trabaho. Alam niya, dun siya kikita ng mas malaki. At ’di nga siya nagkamali. Pagkatapos ng lambutsingan, hindi nagdamot ang matandang babae at binigyan siya ng malaking tip. Kung sana laging ganoon ang kita sa bar. Kung sana laging may galanteng kostumer na magte-table sa kanya, siguradong madali siyang makakaipon at hindi na mamomroblema sa ipapadalang pera sa mga magulang niya sa probinsiya.
Pagdating niya sa bahay ay naabutan niya si Mia na kumakain ng almusal.
“O, andyan ka na pala. Kain ka na. May dala akong almusal,” alok ni Mia kay Marko.
“Sige lang, salamat. Matutulog na lang ako. Kanina pa ako inaantok.”
“Ikaw ang bahala. Nagutom ako kaya eto, nag-almusal muna. Maglalaba pa ako pagkatapos nito. At saka pa lang ako matutulog.”
“Ipa-laundry mo na lang yan, para makapagpahinga ka na rin.”
“Wag na, sayang ang pera. Kaya ko naman gawin ito.”
“Sige,” pagsang-ayon ni Marko. “Mauna na akong magpahinga sa’yo.”
Ngumiti lang si Mia. “Sige.”
Pumasok na si Marko sa silid. Iisa lang ang kuwarto sa bahay at doon sila pareho natutulog ni Mia. Si Mia ang humihiga sa kama at si Marko naman sa kutson sa nakalatag sa sahig.
Hinubad lang ni Marko ang sapatos at t-shirt at agad na humiga sa kutson. ’Di nagtagal at agad siyang nakatulog. Kailangan niya ang pahinga dahil pagsapit ng gabi, muli siyang rarampa at gigiling sa entablado para kumita ng pera.
LINGGO
Ala-una pa lang ng tanghali. Napakainit ng panahon pero napakarami pa ring tao sa bahaging iyon ng Cubao. Hindi alintana ng mga ito ang matinding sikat ng araw.
Mabibilis ang lakad nina Dexter at Dennis. Mas nauuna nang bahagya si Dexter dahil alam na alam na nito kung saan patungo. Si Dennis naman ay mabilis na nakasunod kay Dexter.
Tumigil sila sa tapat ng isang lumang gusali. Sa harap nito ay nakapaskel kung anong pelikula ang palabas ngayon. Napansin ni Dennis, dalawang pelikula ang naroon. Double program. Parang katulad ng ibang mga sinehan sa malalayong probinsiya. May ilang lalaking nakatambay sa lobby ng sinehan. Parang nag-aabang ng kung ano man.
Nakita ni Dennis na bumibili na ng tiket si Dexter. Pagkatapos ay bumaling na ito sa kanya.
“Halika ka na. Pasok na tayo.”
Mabilis na sumunod si Dennis kay Dexter. Napansin niya, nakatingin sa kanila ang mga lalaking naroon at nakatambay sa lobby ng sinehan.
Madilim sa loob ng sinehan. Pero alam na alam ni Dexter kung saan papasok at saan pupunta. Nakasunod lang si Dennis. Sinasanay ang kanyang mga mata sa dilim.
Napansin ni Dennis na maraming mga lalaking nakatayo sa bahaging likuran ng sinehan. Ang ilan naman ay palakad-lakad na tila naghahanap ng mauupuan gayong marami namang bakanteng upuan sa loob ng sinehan.
“Dito lang muna tayo,” pagkuwa’y sabi ni Dexter. Pumuwesto sila sa gilid sa may bandang likuran ng kaliwang bahagi ng sinehan. Isang lalaki ang agad na lumapit sa kanila. Hindi maaninag nina Dexter at Dennis ang itsura ng lalaki pero mas matangkad ito kesa sa kanilang dalawa, siguro’y may taas itong limang talampakan at sampung pulgada.
“Serbis,” sabi ng lalaki. Walang direktang pinatutungkulan kina Dexter at Dennis.
Tumingin si Dennis kay Dexter. Umiling-iling lang si Dexter.
“Mura lang. Three hundred. All the way na ’yun,” muling alok ng lalaki.
“Next time na lang. Manonood lang sana kami ng sine nitong kaibigan ko,” sagot ni Dexter.
“Sige, pero ’pag nagbago ang isip n’yo hanapin n’yo lang ako dito.”
“Sure.” Tumango si Dexter. Nakatingin lang sa kanya si Dennis na ngayon ay nasasanay na ang mga mata sa dilim.
Lumakad na ang lalaki at tinungo ang isang kumpol ng mga lalaki sa kabilang gilid ng sinehan. May tila pinagpipyestahan doon ang mga manonood na imbes panoorin ang pelikulang palabas ay iba ang pinagkakaguluhan sa bahaging iyon ng sinehan.
“Ba’t andaming tao dun?” nagtatakang tanong ni Dennis.
“Di ko sigurado. Pero kung ’di ako nagkakamali, baka may gumagawa ng milagro doon at pinanonood ng mga tao.”
“Milagro?”
“Baka may baklang sineserbisan,” paglilinaw ni Dexter para maintindihan ni Dennis ang ibig niyang sabihin.
“Doon mismo?”
“Oo.”
“At pinanonood sila?”
“Oo nga.”
“Hindi sila nahihiya?”
“Ano ka ba? Para ka namang virgin. Sabi nung nakausap ko dati dito, lahat daw ng narito ganyan ang ginagawa. Walang pakialaman.”
“Dexter, umuwi na tayo…”
“Ikaw, napakahina talaga ng loob mo. Wala namang masamang mangyayari sa atin dito. Gigimik lang tayo, magtri-trip! Halika, manood din tayo dun.” At biglang hinila ni Dexter sa braso si Dennis at naglakad papunta sa kumpol ng mga lalaki.
“Teka! Dito na lang tayo.” Pilit hinihila ni Dennis ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Dexter.
“Bahala ka. Kung ayaw mong manood, ako na lang. Hintayin mo na lang ako dito.”
Naiwang mag-isa si Dennis. Si Dexter naman ay nakita niyang sumisiksik at pilit nakikiusyuso sa kung ano mang pinagkukumpulan ng mga lalaki sa gawing iyon ng sinehan. Gusto man niyang sundan si Dexter ay nagdadalawang isip siya. Pero natatakot rin naman siyang mag-isa. Sa huli’y pinanindigan niya ang desisyong huwag pumunta sa nagkukumpulang mga kalalakihan.
“May hinihintay ka ba?”
Nagulat pa si Dennis nang marinig ang boses ng isang lalaking biglang lumapit sa tabi niya nang hindi niya namamalayan. Tiningnan niya ang lalaki at dahil sanay na ang mata niya sa dilim ay naaninag niya ang gwapong itsura ng mukha nito kasama na ang magandang pangangatawan.
“Stephen… “ Inilahad nito ang palad at hinintay na abutin ni Dennis.
Nag-aalangang inabot ni Dennis ang palad ng nagpakilalang lalaki. “Dennis.”
“May kasama ka, Dennis?”
“Ha? Ah, eh oo! Andoon siya.” Itinuro ni Dennis ang kumpol ng mga lalaki.
“Madalas ka ba rito?”
Umiling si Dennis. “Ngayon lang ako pumunta rito. Isinama lang ako nung kaibigan ko.”
“Anong trip n’yo rito?”
Hindi alam ni Dennis kung paano sasagutin ang tanong ni Stephen. Hindi niya kilala ang lalaking ito. Baka police agent ito na nagmamanman sa mga pumapasok sa sinehang ito at pagkatapos ay ititimbre sa mga pulis para huli sa akto ang mga gumagawa ng kahalayan sa loob ng sinehang ito.
“Wag kang matakot sa akin. Hindi naman ako nangangagat.” Ngumiti si Stephen at lumitaw ang pantay-pantay nitong mga ngipin.
“Pasensya na, ngayon lang talaga kasi ako pumunta rito.”
“Upo tayo, Dennis.”
“Wag na. Dito na lang ako.”
“Ayaw mo ba akong kasama?”
“Hindi naman sa ganoon. Baka kasi hanapin ako ng kasama ko.”
“E, ’di dito na lang tayo?”
Hindi alam ni Dennis kung bakit kahit nag-aalangan siya sa pakikipag-usap kay Stephen ay tila ayaw naman niyang umalis ito sa harap niya.
Tumabi sa kanya si Stephen at sumandal sa pader. “Ano? Trip tayo?”
“A-anong…?”
“Trip. Sex trip! Ayaw mo ba?”
“Nagpapabayad ka ba?” nag-aalangang tanong ni Dennis.
Napahalakhak nang medyo malakas si Stephen. “Mukha ba akong nagpapabayad?”
“Ewan ko. Hindi ko alam.”
“Pero anong tingin mo? Nagpapabayad ba ako.”
“Di mo na dapat tinatanong sa akin ’yan. Malay ko ba kung nagpapabayad ka. Kaya nga ako nagtatanong sa’yo kasi hindi ko alam.”
“O, easy ka lang. Wag kang magalit.”
“Sorry…”
“Wala ’yun,” sagot ni Stephen. “Ang totoo, nagpapabayad ako. Iyon ang trabaho ko eh. Pero gusto kong mag-trip lang ngayon. At kung papayag kang mag-trip kasama ako, hindi ako magpapabayad sa’yo.”
Parang natulala si Dennis sa kaprangkahan ni Stephen. “Bakit hindi ka magpapabayad sa akin?”
“Sabi ko nga, gusto ko lang mag-trip ngayon. At saka, baka wala kang pambayad sa akin. Mukha kang estudyante pa lang. Baka maubos ang allowance na galing sa mga magulang mo kung ibabayad mo lang sa akin. Kawawa naman ang mga magulang mo. Pinapadalhan ka ng pera, binibigay mo lang sa lalaki.”
“Hindi ako nagbibigay ng pera sa lalaki,” mabilis niyang kontra. “Kung magsalita ka naman parang kilalang-kilala mo ako. Kahit kelan, hindi pa ako gumastos sa lalaki.”
Natawa na naman si Stephen. “Nakakatuwa ka. Ang bilis mo naman magalit. Nagbibiro lang naman ako.”
“Feeling close, ganoon?”
“Ayaw mo bang maging close tayo?” biglang naging seryoso si Stephen. “Pwede tayong maging magkaibigan kung gusto mo. Mabait naman ako. At gwapo.”
Napaisip si Dennis. Tiningnan ni Stephen. Oo nga at madilim sa sinehan. Pero naaaninag niya ang kaguwapuhan ni Stephen. At sigurado siyang hindi nagkakalayo ang edad nila.
“Friends?”
Hindi sumagot si Dennis.
“Sumagot ka naman. Please…” Sadyang pinagmukhang kawawa ni Stephen ang itsura niya.
“Sige na nga. Sapilitan na ang pakikipagkaibigan ngayon.”
“Ito naman, napakasuplado. Pero walang biro, salamat. May kaibigan na ako.”
Ewan kung anong naramdaman ni Dennis pero ramdam niya ang sinseridad ng sinabi ni Stephen. Bigla’y parang naawa siya sa binatang kaharap. “Nag-aaral ka pa ba? Tingin ko kasi, ’di nagkakalayo ang edad natin.”
“Hindi,” mabilis ang naging pagsagot ni Stephen. “Pinilit ko lang makatapos ng hayskul. Pagkatapos no’ n, pinasok ko na ang ganitong trabaho.”
“Trabaho?”
“Ang pagko-callboy. Iyon lang naman ang alam kong paraan para buhayin ang sarili ko. Maliban dun, wala na.”
“Matagal ka na bang nagko-callboy?”
“Medyo. Kailangan eh. Kailangang mabuhay.”
“Ba’t ’di ka humanap ng ibang trabaho. Sa food chains, sa mall. Marami namang trabaho kung gugustuhin mo lang talagang maghanap ng iba.”
“Sinubukan ko na rin ‘yan. Pero kapos lagi ang kita.’ Di naman malaki ang kita sa ganung trabaho. Isang kahig, isang tuka rin. “
“At least, siguradong may regular na suweldo ka. At mara…”
“Marangal,” si Stephen ang tumapos sa sinasabi ni Dennis. “Sa katulad kong hayskul graduate lang, saan ba ako dadalhin ng pagiging marangal?”
“Wala ka bang pamilya? Magulang, kapatid?”
“Wala.” Nagsinungaling si Stephen. Ayaw pa niyang magkuwento ngayon ng tungkol sa pamilya niya. Sabagay, totoo naman na mag-isa lang siyang namumuhay ngayon. Walang pamilya.
“O, solong katawan ka lang naman. Mabubuhay mo na ang sarili mo sa pagtatrabaho sa mall o sa mga restaurant.”
“Tapos after five months, apply ulit. Kasi, endo na. Hanggang magkaedad na ako at pati ang mga sinasabi mong mall at restaurant ay ’di na rin ako tatanggapin. Paano ako mabubuhay ’pag overage na ako?”
“Eh sa trabaho mo ngayon, hanggang kelan ka mabenta? Hanggang kelan ka makakapagpresyo ng mahal?”
“Nag-iipon ako ngayon pa lang. Kapag may sapat na ipon na ako, mag-uumpisa ako ng maliit na bisnes. Kahit ano. Carinderia, junk shop. Basta kahit anong pagkakakitaan. Hindi ako tatandang kolboy.”
Nagkibit-balikat lang si Dennis. “Okay, sabi mo eh.”
Ngumiti ulit si Stephen. “Pwede ko bang hingin ang cellphone number mo?”
“Bakit?”
“Anong bakit? ’Di ba magkaibigan na tayo? Paano kita makokontak kung ’di ko alam ang number mo?”
“Ahh. Akina’ng cellphone mo, ise-save ko ang number ko.”
Binigay ni Stephen kay Dennis ang cellphone niya. Inilagay dito ni Dennis ang number niya at pinindot ang “save” button.
“O, naka-save na.” Iniabot ni Dennis ang cellphone kay Stephen.
“Salamat. Ite-text kita, ha at tatawagan paminsan-minsan.”
“Sure, walang problema.”
“Saan ka pala umuuwi?” tanong ni Stephen.
“Sa Sampaloc. Malapit sa Bustillos.”
“Pwede ba akong pumasyal sa tinitirhan mo minsan?”
“Wow, ha! Anong gagawin mo dun, aakyat ng ligaw?”
“Sige! Gusto mo bang ligawan kita?”
“Hay naku, ’wag ako ang pagtripan mo. Wala kang mapapala sa akin. Ikaw na nga ang nagsabi, estudyante lang ako na umaasa sa allowance na ipinadadala ng magulang ko.”
“Sino ba’ng nagsabing pinagtitripan kita? Seryoso ako, Dennis.”
“Sira! Seryoso, eh ngayon lang tayo nagkakilala. Dito pa sa sinehan na tambayan ng mga nagtritrip na mga bakla.”
“Hindi ako nagbibiro, Dennis. Okay lang kung ’di ka maniwala sa ngayon na seryoso ako. Pwede ko namang patunayan ’yun pagdating ng araw. Pero sana, maniwala ka sa sasabihin ko…”
Hinihintay ni Dennis ang kasunod na sasabihin ni Stephen.
“Gusto kita, Dennis.”
Chapter 11 - Inspirasyon
“SERYOSO KA?”
“Sinabi ko naman sa’yo, di ba, Dennis?”
“Pero ngayon lang tayo nagkakilala. I mean, paano mo masasabing seryoso ka eh wala pang isang oras na magkakilala tayo? At saka, di ka naman mukhang gay. Bisexual ka ba?”
“Parte ng trabaho ko ang makipagsex sa customer ko, lalake man siya o babae.”
“So, paano mo nasabing gusto mo ako?”
“Ewan ko. Hindi ko alam. Naramdaman ko lang. Di ba hindi naman kailangan ng paliwanag ang mga nararamdaman natin. Dumadating na lang yun nang kusa. Basta bigla na lang nating mararamdaman. Ganun.”
“Wala akong naintindihan.”
“Di mo naman kasi kailangang intindihin. Hayaan mo lang na ipadama ko sa’yo. Ienjoy mo lang.”
“Ewan ko sa’yo. Bahala ka sa buhay mo. Di ka pa ba uuwi? Pupuntahan ko lang muna dun yung kasama ko, yayayain ko na siyang umuwi. Nakakapagod tumayo dito eh.”
“Ayaw mo kasing umupo. Niyayaya kitang umupo kanina pa.”
“Okay naman ako dito. Napagod lang talaga ako kakatayo.”
“Ayaw mong umupo kasi natatakot ka sa akin. Wala kang tiwala.”
“Di naman sa ganun. Kung di ko nagtitiwala sa’yo eh di sana hindi ko binigay sa’yo ang number ko.”
“Basta, dadalawin kita minsan sa inyo ha?”
“Wag na. Madalas akong wala sa bahay. At saka busy ako, andaming school works na kailangang gawin.”
“Ayaw mo lang talaga,” malungkot ang mukhang sabi ni Stephen.
“Di naman sa ganoon. Pwede naman tayong magtext or tawagan mo ako. Anytime. Basta ’wag na sa tinitirhan ko. Di naman sa amin ’yun eh. Nagboboard lang ako dun.”
“Magkikita pa ba tayo ulit?”
Tinitigan ni Dennis si Stephen. Nakita niya ang kaseryosohan ng mukha nito. Malungkot pa rin. “Oo naman. Wala namang problema kung gusto mong magkita tayo ulit,” nginitian niya si Stephen. Sa ganun man lang ay mabawasan ang kalungkutan ng binata na ewan niya kung totoong malungkot or dinadramahan lang siya. At totoo naman. Parang mahirap paniwalaang ang isang lalaking nakilala lang niya ngayon sa sinehang ito ay biglang magsasabing gusto siya. Agad-agad? Teka muna. Baka nagkakalokohan na silang dalawa.
“Aasahan ko ’yun,” walang emosyong sabi ni Stephen.
“Ha? Alin?”
“Iyong sinabi mo na magkikita tayong muli. Tatandaan ko iyon.”
“Tumango si Dennis.
Ngumiti si Stephen, malapad.
“Dennis!” Hindi namalayan ni Dennis ang pagbalik ni Dexter.
“O, andyan ka na pala. Anong nangyari doon?” tanong ni Dennis.
“Wala naman. Nagsusubuan lang. Ayun, tapos na ang eksena.” Napansin ni Dexter si Stephen. “Uy, may kasama ka pala.”
“Si Stephen.” Pinakilala ni Dennis si Dexter. Stephen, si Dexter kaibigan ko.“ Nagkamay ang dalawa.
“Nice meeting you, Stephen. Ang gwapo mo naman.”
Nginitian ni Stephen si Dexter. “Salamat.”
“O, paano Dennis uuwi na ako. Maiiwan ka ba dito?” tanong ni Dexter.
“Ha? Hindi. Sabay na tayong umuwi.” Binalingan ni Dennis si Stephen. “Mauna na kami.”
Tumango si Stephen. “Sige. Ingat kayo. Text text na lang.”
Lumakad na ang dalawa papalabas ng sinehan.
“Ang taray mo, girl! May nabingwit kaagad ang kagandahan mo. Hindi ka pa kumikilos sa lagay na ’yan. Paano na lang kung rumampa ka pa doon? E ’di kabog lahat ang mga beki sa ganda mo?”
“Baliw! Nakipagkilala lang ’yung tao, nakipagkuwentuhan. Binibigyan mo naman agad ng malisya.”
“So, walang malisya na nagpalitan kayo ng number at magiging textmates na kayo?”
“Asa ka naman na magte-text ’yun.”
“If I know, ine-expect mo talaga na mag-text siya.”
“Hindi ah!” mabilis na tanggi ni Dennis.
“Sus! Kilala kita, ’no?! Kung hindi ka nag-e-expect na mag-text siya, hindi mo ibibigay ang number mo. Siguradong lahat ng palusot ay gagawin mo ’wag mo lang maibigay ang number mo. Pero look at that, nasa kanya na ang number mo so it means may karugtong pa ang unang pagkikita n’yo.”
“Nakikipagkaibigan lang ’yung tao. Mukha naman siyang mabait, kaya binigay ko’ng number ko.”
“At guwapo! Aminin mo, naguwapuhan ka sa kanya.”
“Haay, whatever!”
“Sus, ayaw pang umamin eh obvious namang type mo siya.”
“Hindi, ah!” mabilis na tanggi ni Dennis.
“We’ll see then. I’m very sure that sooner or later, magiging kayo ng cutie na ’yun. Ano nga ulit name niya?”
“Stephen.”
“Yeah, Stephen. Dennis and Stephen in love.”
“Baliw.”
Humalakhak lang si Dexter. Aliw na aliw siya sa pang-aasar kay Dennis. “So, kelan tayo babalik doon sa sinehan? Para magkita kayo ulit ni Stephen mo.”
“Bakit? Kailangan bang doon kami laging magkita? ’Di ba pwedeng sa isang disenteng lugar naman?”
“Hmm, may punto ka d’yan. Pwede namang diretsong motel na lang, ’di ba?”
“Baliw ka talaga!” natatawang sabi ni Dennis.
“Pero isipin mo, ’pag naging jowa mo si Stephen e ’di no more lonely nights ka na, at lagi pang inspired. It’s the right time para magka-jowa ka na! Kaya ’wag mo nang pakawalan ang Stephen mong ’yan!” Ayaw talagang paawat ni Dexter.
“Bakit ba binubuyo mo ako para magka-jowa? Ikaw ba may jowa? Wala rin naman, ’di ba?”
“Pero ’di naman zero ang sexlife ko, alam mo ’yan. Eh ikaw, zero na ang lovelife, waley pa ang dyug! Suki ka na ni Mary Palmer. Nagkakakalyo na nga ang mga palad mo.”
“Gago! ’Wag mo akong igaya sa’yo. Ikaw ’tong mas makati pa sa gabi kaya nga lagi ka na lang nagpapakamot kung kani-kanino. Ingat ka, baka makakuha ka ng kung anong sakit d’yan.”
“I’m always protective, Dennis. ’Di naman ako gagawa ng ganoon na alam kong walang proteksyon. Ang mura lang naman ng condom, over the counter pa. Kaya ikaw, ’wag ka nang pa-virgin d’yan. Ang sarap kayang makipag-sex. Sigurado, uulit-ulitin mo.”
“Ang bastos mo talaga.”
Napahalakhak si Dexter. “Eh ganoon talaga. Try mo kayang gawin ang mga sinasabi ko para alam mo na masarap nga. At hindi ’yun bastos, ha. Mabubuo ka ba kung ’di nag-sex ang parents mo?”
“Hoy, ano ba?! Umuwi na nga tayo. Pumara ka na ng taxi para makauwi na tayo. Kung saan-saan na lang napunta ang usapang ito.”
Ngingiti-ngiti lang si Dexter. Gustong-gusto niya talagang inaasar si Dennis dahil madali itong mainis pero hindi naman totohanang nagagalit kahit anong pang-aasar pa ang gawin niya rito. Ganoon sila kung nagbiruan, balahuraan. Pero alam nila na nakatagpo sila ng totoong kaibigan sa isa’t-isa. Maraming pagkakataon na nilang nasubukan ang pagiging tunay nilang magkaibigan. Ano man ang mangyari, walang manlalaglag, walang mang-iiwan. Bakla nga siguro sila, pero talo pa nila ang mga tunay na lalaki kung paninindigan ang pag-uusapan.
Pinara ni Dexter ang taksing dumaan at sumakay na silang magkaibigan.
“Balik tayo ulit doon, ha?” sabi ni Dexter.
Dennis rolled his eyes as if hindi siya interesado sa sinabi ni Dexter. Pero sa isip at puso niya, alam niyang hindi iyon ang una at huling pagpunta niya sa lugar na iyon.
Chapter 12 - Pag-ibig
NAIINIS NA si Mia habang naka-table kay Mr. Choi. Tulad ng dati, exclusive na naman siya sa mayamang matanda at pag ganitong eksena pakiramdam ni Mia ay namomolestiya siya dahil kung saan-saan na naman nakararating ang mga kamay ng matandang intsik. Hindi na mabilang kung ilang beses na dumapo sa mas mataas na parte ng hita niya ang kamay ni Mr. Choi. May ilang pagkakataong dumapo ito sa mismong harapan niya na labis niyang ikinagulat. Muntik na niyang masampal ang matanda kung ’di lang niya nakitang nakahanda ang dalawang bodyguard nito sa sino mang gagawa ng hindi maganda sa amo nila. Marahan na lang niyang inalis ang kamay ni Mr. Choi sa pagkakapatong sa kanyang harapan. At sa malanding boses ay sinabi niyang, “Bawal d’yan. Mr. Choi. Alam mo naman kung hanggang saan lang ang puwede.” Nginitian ni Mia ng pagkatamis-tamis ang matandang intsik kahit ang totoo’y gusto na niya itong sampalin at tadyakan.
Ngumisi si Mr. Choi. “Akyen subok lang, baka puwede na.”
“Darating tayo diyan, Mr. Choi. Pero hindi pa ngayon.”
“Eh, kelan puwede? Mistel Choi inip na. Gusto na kita gawin asawa.”
Bahagyang hinampas ni Mia sa balikat ang matandang tsekwa. “Ang sweet mo talaga, Mr. Choi.” Bakit di ka pa maglaho sa kinauupuan mo ngayon?
“Ako selyoso, Mia. Ikaw gusto ko maging asawa. Ako binata, walang sabit. Ako dami pela. Ikaw buhay leyna pag asawa mo mistel Choi.”
“Alam mo naman na wala pa sa isip ko ang pag-aasawa, Mr. Choi. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko.”
“Ano ba gusto mo pa gawin? Pwede mo naman gawin ’yun kahit asawa mo na mistel Choi. Di kita babawalan. Gawin mo lahat gusto mo, basta ikaw asawa mistel Choi.”
“Masyado kang seryoso, Mr. Choi. Napaparami na yata ang naiinom mo.”
“Ako talagang selyoso sa’yo, Mia. Ako tagal na pabalik-balik dito kasi gusto kita lagi makita. Ako masaya pag ikaw kita ko.”
“Salamat, Mr. Choi.”
“Wag ikaw salamat. Ako lagi masaya pag kasama kita. Ako enjoy talaga pag andito ako sa club. Sana payag ka na pakasal sa akin. Ikaw gaganda buhay pag naging asawa mistel Choi.”
“Pag-iisipan ko ang alok mo, Mr. Choi. Pero sana, wag kang mainip,” hindi alam ni Mia kung paano niya nasabi ’yun. Basta ang alam lang niya ay kailangang matuwa sa kanya ang matandang intsik. Hindi maganda kung magalit sa kanya ang nag-iisang galanteng kostumer na nakilala niya sa club na iyon. Kahit wala siyang maging kostumer nang ilang araw, pag dumating na si Mr. Choi, bawing-bawi ang ilang araw ng taghirap dahil sobrang galante ito at maging ang ibang mga empleyado sa club na iyon ay nakikinabang sa perang ipinamumudmod ng matanda. Hindi nga ba’t nitong huling pagpunta nito sa club ay namigay ito ng pera sa mga empleyado? Kaya nga anlakas-lakas ni Mr. Choi sa mga tauhan ng club na iyon. VIP kung ituring nila ang matandang intsik na ito dahil sulit na sulit ang serbisyong ibinibigay nila sa matanda.
Nag-ring ang cellphone ni Mr. Choi na agad nitong sinagot. “Hello! O, Godo! Bakit ’pag ikaw tatawag lagi may gusot? Alam mo nag-eenjoy ako sa club, dapat hindi mo ako bigyan mga ganyang hindi ganda balita,” medyo mataas ang boses ng intsik. Marahil ay para mangibabaw ang boses niya at hindi malunod sa ingay sa loob ng club. Pero baka naman galit na ito sa dahil biglaang pang-iistorbo ng kung sino mang tumawag.
Naalala ni Mia na nung huling pagpunta ni Mr. Choi sa club ay may tumawag rin dito tapos ay bigla na lang itong umalis kahit kararating pa lang. Nag-iisip tuloy siya kung bakit ganun naman yata ka-busy ang matanda na kahit gabi na at oras na ng pahinga ay biglang susugod pa rin ito para puntahan ang tumawag sa kanya. Ganun ba talaga ang mga negosyante? Sobrang busy at hindi na magkaroon ng sapat na oras para sa sarili? Sabagay, gusto naman ni Mia na ganun ang nangyayari; na umaalis agad si Mr. Choi. At least, nahihinto ang pagtsansing sa kanya at nagkakapera na kaagad siya. Iyon ang isang bagay na hindi talaga niya magustuhan kay Mr. Choi. Wala itong ginawa kundi himasin siya sa tuwing naka-table siya rito. Sawang-sawa siya sa paghawak ng matanda sa kanyang kamay, hita at kung minsan ay tahasan na nitong dinadakma ang kanyang harapan katulad na lang ng ginawa nito kani-kanina lang.
“Ako aalis na, Mia,” biglang sabi ni Mr. Choi. “Kailangan ko puntahan negosyo, baka ako lugi.”
“Pero gabi na ah.”
Hindi na sumagot si Mr. Choi. “Akina bag,” sabi nito sa isa niyang bodyguard na agad naman nitong iniabot sa among intsik.
Kumuha si Mr. Choi ng pera sa bag at ibinigay kay Mia. “Sa’yo ito. Ito naman, bigay mo sa mga tauhan n’yo dito. Ako, aalis na.”
“Salamat, Mr. Choi.”
“Alis na tayo,” sabi ni Mr. Choi sa dalawang bodyguard niya at agad na naglakad papalabas ng club. Naiwan si Mia na nag-iisip pa rin kung ano bang negosyo ng matandang instik na kailangang puntahan kahit dis-oras ng gabi.
Nang mawala na sa paningin niya si Mr. Choi ay saka pa lang kumilos si Mia. Nilapitan niya si madam Eloisa at ibinigay ang perang pinabibigay ni Mr. Choi sa mga tauhan ng club. Katulad ng dati, masayang-masaya ang mga empleyado sa grasyang bigay ng galanteng kostumer na si Mr. Choi.
“Uuwi na ako, Madam. Medyo napagod na ako.”
“Sure, Mia. Umuwi ka na at magpahinga. Basta maging mabait ka lang lagi kay Mr. Choi sa tuwing nandito siya para lahat tayo, masaya!” Bumaling ito sa mga tauhan niya sa club, “O, kayo gayahin n’yo si Mia. Galingan n’yo rin ang pagserbisyo sa mga kostumer n’yo para matuwa sila at magpaulan ng grasya sa ating lahat dito. Huwag kayong nagmamaldita sa mga kostumer. Tandaan n’yo, sila ang bumubuhay sa negosyong ito. Pag nawala sila, sa kangkungan tayong lahat pupulutin.”
“Kukunin ko lang iyong bag ko at uuwi na ako, madam.”
“Sige. Agahan mo ang pasok bukas.”
ALAS DOS ng madaling araw nang makauwi si Mia. Sanay na siyang umuwi nang alanganing oras. Uwing pokpok, sabi nila. Kung dati ay natatakot pa siya sa mga tambay sa kalye, ngayon ay hindi na. Sanay na siyang makipagsagutan sa sino mang haharang sa kanya. Alam na rin niya kung paano poproteksiyunan ang sarili. Araw-araw ay hindi niya kinalilimutang dalhin ang pen knife na bigay sa kanya ni Marko. Isa itong maliit na kutsilyo na hitsurang ballpen. Maliit man ito, sigurado si Mia na sa ospital pupulutin ang sino mang masaksak nito.
Maingat na binuksan ni Mia ang pinto ng bahay na tinitirhan nila ni Marko. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa silid at binuksan ang ilaw. Laking gulat pa niya nang makita si Marko na nakahiga sa kama at tila nanginginig sa ginaw.
“Marko? Anong nangyayari sa’yo?” Nilapitan ni Mia ang binata at hinawakan ito sa bandang leeg. Halos mapaso siya sa init ng balat ni Marko. “Ang taas ng lagnat mo, ah. Uminom ka na ba ng gamot?”
Umungol lang si Marko. Halos di ito makapagsalita. Patuloy lang sa panginginig ang katawan nito.
“Teka, ano bang gagawin ko sa’yo? Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital?” halata sa boses ni Mia na natataranta siya.
Patuloy lang sa pag-ungol si Marko. Saglit na lumabas ng silid si Mia at pagbalik ay may dalang bimpo at palangganang may maligamgam na tubig. Pinunasan niya ang mga braso at mukha ni Marko. Nang matapos ay binuksan niya ang kanyang bag at kinuha roon ang isang popular na tableta para sa lagnat.
“O, inumin mo ito.” Inalalayan ni Mia si Marko para bahagyang maiangat ang katawan upang mainom ang gamot.
“G-giniginaw ako…” nangangatal na sabi ni Marko.
“Teka, dodoblehin natin ’yung kumot mo.” Kinuha ni Mia ang kumot na ginagamit niya at ikinumot iyon kay Marko. Pero tila walang epekto ang dobleng kumot dahil tuloy pa rin sa panginginig ang binata.
“Ang ginaw…”
“Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital? Para ma-check ka at mabigyan ng tamang gamot.”
Umiling-iling si Marko habang nanginginig pa rin. “Wag na. Ayoko.”
“Ano bang dapat kong gawin para di ka na manginig sa ginaw? Mamayang konti pag umepekto na yung gamot, baka mawala na ang panginginig mo. Gusto mo bang kumain, humigop ng sabaw? Ipagluluto kita ng noodles.”
“A-ayoko…”
Hinawakan ni Mia ang noo ni Marko. “Sobrang taas talaga ng lagnat mo, kaya ka nanginginig sa ginaw. Umusog ka ng konti. Umayos ka ng higa.” Tinabihan ni Mia sa higaan si Marko at niyakap niya ito. Mahigpit. Binigyan niya ng init ng kanyang katawan ang giniginaw na binata. Matagal silang nanatili sa ganung puwesto hanggang namalayan na lang ni Mia na tulog na si Marko. Nang masigurong payapa na ito ay hindi na rin napigilan ni Mia ang antok at siya man ay agad na ring nakatulog.
Alas-siete na ng umaga nang magising si Marko. Si Mia ang agad niyang nakita sa pagmulat ng kanyang mga mata. Matagal na silang magkasama sa bahay pero ngayon lang sila natulog na magkatabi sa iisang higaan. Ngayon lang din napalapit ang mukha niya nang ganito kalapit sa mukha ni Mia. Alam niyang maganda ito pero sa pagkakataong iyon ay ibang kagandahan ang nakikita niya sa babaing tila anghel lang na natutulog. May kakaibang naramdaman si Marko. Maging ang bahagi niyang iyon sa pagitan ng kanyang mga hita ay nagpakita ng matikas na reaksyon. Ewan kung anong naisip ni Marko nang marahan niyang hinalikan sa labi si Mia. Napapikit pa si Marko habang ninanamnam ang halik. Saglit lang iyon, dampi lang pero nagbigay sa kanya ng di maipaliwanag na kasiyahan. Laking gulat niya nang sa pagdilat ng kanyang mga mata ay nakita niyang gising na si Mia at nakatitig ito sa kanya. Nagising ba ito sa halik niya?
“Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Mia kay Marko.
“Medyo okay na. Salamat, ha?”
Bumangon si Mia. “Pasensya na dito ako nakatulog sa higaan mo.”
Masayang ngiti ang isinagot ni Marko.
“Mamaya ka na bumangon. Ipagluluto kita ng mainit na sabaw. Para pagpawisan ka at nang mawala ng tuluyan ang lagnat mo.” Tumalikod na ang dalaga para lumabas ng silid.
“Mia…”
Napahinto si Mia at nilingon si Marko. “Bakit?”
“I love you.”
Chapter 13 - Ligaw
“MAHAL KITA, Mia!”
Napahinto sa paglalakad si Mia. Pero nanatili lang siyang nakatalikod kay Marko. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa narinig niyang sinabi ni Marko. Mas lalong hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung paano sasagutin ito.
“Siguro matagal ko nang nararamdaman ito sa’yo. Hindi ko lang siguro pinapansin. Matagal na tayong magkasama rito. Halos kilalang-kilala na natin ang isa’t-isa. ’Yung mga kapitbahay nga, akala nila nagli-live in tayo. Alam nating hindi. Pero kanina, paggising ko nang makita kita… ewan ko, parang biglang pinana ako ni kupido. Parang ibang Mia ang nakita ko. Di ko alam kung anong naramdaman ko pero sigurado akong mahal kita…” tuloy-tuloy na sabi ni Marko.
Nilingon ni Mia ang binata at nagtanong, “Bakit ako?”
Bumangon si Marko at lumapit kay Mia. Malapit na malapit. Halos magdikit na ang kanilang mga mukha. “Bakit hindi ikaw? Maganda ka. Mabait. Napakabuti mong tao. Ano pa ba ang hahanapin ng isang lalaki sa’yo?”
Idinampi ni Mia ang kanyang palad sa leeg ni Marko. Pinakikiramdaman kung mainit pa ito. “Wala ka nang lagnat, ah.”
Napangiti si Marko, lumabas ang maganda at pantay-pantay nitong mga ngipin. “Wala na akong lagnat. Hindi ako nagdidiliryo. Alam ko kung anong sinasabi ko. At ’yun ay dahil sa’yo. Sa pag-aalaga mo sa akin.”
Nahihiyang ngumiti si Mia.
“Maraming salamat sa’yo. Pwede ba kitang maging girlfriend? Pwede bang maging tayo? Hindi ko na alam kung paano ang may girfriend. Antagal na mula nung magbreak kami nung last girfriend ko. Nasanay na akong puro customer sa club ang nakakasama ko. Pero pangako, pag pumayag kang maging girlfriend ko, sisikapin kong mapasaya ka araw-araw. Hinding-hindi ako magloloko at mag-iipon ako para makapagpakasal tayo.”
“Kasal agad? Ang bilis naman. Hindi mo pa nga ako nililigawan.”
“Kailangan pa ba ang ligawan?” Tinitigan ni Marko nang buong lagkit si Mia. Inilapit pa niyang lalo ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga. Nang halos magkadikit na ang kanilang mga mukha ay hindi napigilan ni Marko na dampian ng halik ang mga labi ni Mia.
Ninamnam ni Marko ang tamis ng halik niya sa dalaga. Iba ang pakiramdam. Napakalambot ng labi ni Mia. Napakakinis din ng balat ng pisngi nito. Anong nangyari sa kanya at hindi niya napansin ang kagandahang iyon sa napakatagal na panahon?
Muling hinalikan ni Marko si Mia at naramdaman niyang hindi naman ito tumututol. Nang tumagal ay naramdaman niyang tumutugon na ang dalaga sa kanyang mga halik. Tuluyang nagtagpo ang kanilang mga labi at nilasap ang luwalhati na dulot ng halik. Napapikit pa silang dalawa habang mariing magkahinang ang kanilang mga labi. Kasabay niyon ay niyakap ni Marko si Mia at gayundin sa kanya ang dalaga. Pakiramdam ni Marko ay idinuduyan siya sa mga ulap habang nilalasap niya ang tamis at init ng bibig ni Mia. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, tinitigan ni Marko si Mia. Ngumiti ang dalaga kay Marko. Matamis. Pagkatapos ay muli silang nagyakap. Sa mga oras na iyon, hindi na kailangan pa ang maraming salita. Tama nang ang mga puso nila ang nag-uusap at nagkakaintindihan.
Nagtext si Stephen kay Dennis.
Asan ka?
Naghintay ng sagot si Stephen. Kagigising lang niya. Masarap ang tulog niya kagabi dahil pinili niyang huwag munang rumaket. Siyempre kailangan din niya ng pahinga. Hindi dapat masyadong ginagasgas ang katawan niya. Oo nga at bata pa naman siya, pero alam ni Stephen na sa uri ng kanyang trabaho madali siyang malalaspag kung ’di siya mag-iingat. Katawan ang puhunan niya. Idagdag pa ang guwapo niyang mukha. Kaya nararapat lang na bigyan niya ng sapat na pahinga at mahimbing na tulog ang kanyang sarili.
Tumunog ang cellphone ni Stephen. Binasa niya ang dumating na mensahe.
Nasa school ako. Mamayang hapon pa ang tapos ng klase ko. Five.
Nagreply si Stephen: Saan ka nag-aaral? Puntahan kita d’yan mamaya, okay lang ba? Gusto lang kitang makausap… at makasama. Miss na kasi kita.
Nainip si Stephen sa paghihintay sa sagot ni Dennis. After two hours, at saka lang ito nag-reply sa text message niya.
Sorry, di agad ako nag-textback. Nasa klase kasi ako. May quiz kami. ’Wag ka nang pumunta ngayon. Sa ibang araw na lang.
Stephen: Please…? Kahit saglit lang.
Dennis: Okay, sige, kita na lang tayo sa SM Manila around six.
Stephen: Yes! Sige, sige darating ako.
Dennis: Okay… mamaya na lang. Andito na ang prof ko.
Napangiti si Stephen. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Gustong-gusto niya talagang makita si Dennis. Nababakla na yata siya, ah. Kelan man ay di niya naramdaman ang ganito sa kahit na sinong naging kostumer niya.
Ngayon pa lang.
Kay Dennis pa lang.
At ayaw niyang pigilan ang nararamdaman niyang ito dahil ibang kaligayahan ang nadarama niya pag kausap niya si Dennis… lalo na kung magkasama sila.
SM CITY MANILA
Maagang dumating doon si Stephen. Alam niyang alas singko ng hapon pa ang labas ni Dennis sa school, pero sa ganung oras din ay nasa mall na siya. Excited lang, napangiti si Stephen nang maisip iyon. Nag-text na siya kay Dennis para ipaalam dito na nasa SM na siya, sa KFC to be exact. Umorder muna siya ng maiinom habang hinihintay niya si Dennis.
Five-thirty nang makita ni Stephen na paparating na si Dennis. Guwapong-guwapo ito sa suot na uniporme. ’Di mo iisiping bakla pala ito.
“Hi! Kanina ka pa ba?” bati ni Dennis kay Stephen. Umupo ito sa bakanteng silya sa tapat ni Stephen.
“Hindi naman, ’sakto lang ang dating mo. Kain tayo. Anong gusto mo? Treat kita.”
“Busog pa ako, eh. Sige lang, kain ka muna.”
“Eh kung hindi ka kakain, hindi na lang din ako kakain.”
“Anong gagawin natin?” tanong ni Dennis.
“Nood tayo ng sine?”
“Antagal no’n. May tatapusin pa akong project eh. Kailangan kong umuwi agad.”
“Ganito na lang, kumain na lang tayo. Kahit magmeryenda ka lang. O mag-juice. Para makapag-usap naman tayo kahit saglit lang. Tapos, ihahatid na kita sa inyo para magawa mo na ’yung project mo.”
Hindi na nakatanggi si Dennis. Sa KFC, masaya silang nagkuwentuhan habang inuubos ang pagkaing inorder ni Stephen para sa kanilang dalawa.
Nang matapos ay hindi pumayag si Stephen na umuwi si Dennis nang hindi siya kasama. Hindi na rin pumalag si Dennis sa gusto ni Stephen na ihatid siya sa boarding house kung saan siya nakatira.
Masaya si Stephen sa sandaling oras na nakasama niya si Dennis.
Si Dennis naman, dama niya ang kakaibang kaligayahan kapag kasama niya si Stephen. Kung saan sila dadalhin ng kanilang nararamdaman para sa isa’t-isa, bahala na.
Pero kaya bang makipagrelasyon ni Dennis sa isang aminadong callboy ?
“I’ll cross the bridge when I get there,” bulong ni Dennis sa sarili.
PAGKATAPOS ihatid si Dennis ay dumiretso sa circle si Stephen. Nagpagala-gala siya rito. Mas gusto na niyang dito maghintay ng customer dahil madalas na dito siya nakakakita ng mga galanteng parukyano. Hindi pa siya gaanong nagtatagal sa lugar na iyon nang may tumawag sa pangalan niya.
“STEPHEN?!”
Napalingon si Stephen upang alamin kung sino ang tumawag sa kanya. Hindi niya inaasahang makita muli ang taong tumawag sa kanya. “Marko?!”
“Ako nga! Long time no see, ah. Kumusta?”
“Eto, rumaraket. Ikaw?”
“Di ako pumasok sa club, raraket na lang din muna ako rito. Minsan kasi, mas madaling kumita rito kesa sa club. Lalo na kung hindi naman big night, walang gaanong customer. Kaya dito na lang muna ako. Isang customer lang, pera na agad. Hindi pa ako pagod.”
Isang kotse ang huminto sa harapan nilang dalawa. Nagbaba ng bintana ang lalaking sakay nito. Agad na lumapit si Stephen sa kotse at kinindatan ang nagmamaneho. “Gimik tayo?” agad niyang alok dito.
“I want to hire your services…” sabi ng lalaking nasa kotse. Ngumiti ng matamis si Stephen. “Sure!”
“But not for one night of sex.”
“Eh, ano pala?”
“Would you do a private show?” deretsahang tanong nito. “Ikaw, at ’yung kasama mo.”
Chapter 15 - Dakma
“MIA, customer sa table number 8,” sabi ni Madam Eloisa.
Ngumiti si Mia. “Salamat, madam.”
“Puntahan mo na, mukhang mayaman. Ang swerte mo talagang babaita ka. Di ka nababakante, kahit di naman maka-score sa’yo ang mga lalake.”
“Iyon siguro ang dahilan kung bakit nila ako gusto. Kasi alam nilang panalo kung sakaling makukuha nila ako,” kumpiyansang sagot ni Mia.
“Agree naman ako dun, girl. Kaya pagbutihin mo pa dahil alam mo namang isa ka talaga sa pambato ng club na ito. Ito lang ang bukod-tanging club na may virgin GRO!” Humalakhak si Madam Eloisa. Si Mia naman ay lumakad na patungo sa table kung saan naghihintay ang customer.
Seksing-seksi si Mia habang naglalakad. Ang natural na pag-imbay ng kanyang balakang ay nagpapakita ng natural niyang sensuwalidad. Hindi pilit ang kanyang pagkembot. Kusang umiindayog ang kanyang balakang sa bawat paghakbang ng kanyang mga paa.
“Hi!” bati ni Mia sa lalaking customer na kung titingnan ay mga edad trenta lang. May hitsura ito at halatang batak sa gym ang pangangatawan.
“Hello! Take a seat,” ang lapad ng pagkakangiti ng lalaki.
“Thank you.” Umupo si Mia sa tabi ng kanyang customer.
“What’s your name?” tanong ng lalaki. “Oh, by the way I’m Jake.” Inilahad nito ang palad kay Mia.
“I’m Mia…” nginitian niya si Jake.
“So, what do you want? Food, drink?”
“Just one ladies drink,” kinawayan ni Mia ang isang waiter na agad namang lumapit sa kanya. “One ladies drink for me,” sabi niya sa waiter na tumango at agad na umalis para kunin ang order niya.
“You’re really beautiful. Malayo pa lang, maganda ka na pero mas maganda ka pa sa malapitan,” hindi itinago ni Jake ang paghanga sa dalagang ka-table.
“Salamat… Ngayon ka lang nagawi dito?”
“Oo, kagagaling ko lang sa isang business meeting and I thought it would be better if I unwind before going home. Mabuti naman at dito ako dinala ng pagkakataon, nakilala tuloy kita,” hinawakan ni Jake ang kamay ni Mia. Hindi naman pumalag ang dalaga.
“Saan ka nagtatrabaho?”
“Manager ako sa isang manufacturing firm sa Pasig.”
“Ahh…”
“Labas tayo mamaya?” biglang sinabi ni Jake.
“Hmm, sorry di ako nagpapa-take out.”
Dumating ang waiter dala ang ladies drink na inorder ni Mia. Inilapag nito ang drink sa ibabaw ng mesa.
“Why?” tanong ni Jake.
“Hanggang table lang ako. Di ako sumasama sa customer sa labas.”
“I’ll double your price, sumama ka lang sa akin.”
“Sorry talaga, Jake. Puwede ka naman pumili ng iba, marami naman kaming GRO dito.”
“No, I don’t want any other girl here. Ikaw ang gusto ko. I wanna spend a night with you,” madiin ang pagsasalita ni Jake. Halatang desidido itong ipilit ang gusto niya.
“Hindi ako lumalabas kasama ng customer, at lalong hindi ako gumagawa ng gusto mong mangyari.”
“What’s wrong with you?” You are a slut so don’t play virginal!“
Nagulat si Mia sa sinabi ni Jake. Gusto sana niyang sagutin ang matalim na pahayag nito pero nahagip ng mga mata niya ang entrance ng club at nakita niyang papasok si Mr. Choi kasama ang dalawa nitong bodyguards. Nakita rin niyang sinalubong ni Madam Eloisa ang mayamang intsik na suki sa club at hinatid sa isang bakanteng table. Nang nakaupo na si Mr. Choi ay sandaling kinausap nito ang club manager at maya-maya pa ay nagmamadali na si Madam Eloisa papunta kay Mia. Alam na ni Mia, oras na para kay Mr. Choi naman siya tumeybol. Walang ibang kinukuhang babae sa club ang matandang intsik kundi siya at siya lamang.
Paglapit ni Madam Eloisa kay Mia ay yumuko ito at ibinulong sa dalaga ang pagdating ni Mr. Choi. Agad ding umalis ang club manager. Sa ganung sitwasyon, alam na ni Mia ang kasunod na gagawin.
“Ah, excuse me may kakausapin lang ako sandali. Babalik ako kaagad.”
Hinawakan ni Jake ang braso ni Mia. “No, you can’t go and leave me. Just stay here.”
“Saglit lang, may kailangan lang akong kausapin.”
“Pag sinabi kong hindi ka puwedeng umalis, hindi ka puwedeng umalis!” hinigpitan ni Jake ang hawak sa braso ni Mia. “Stay here. May pambayad ako sa’yo.” At bago pa nakakilos si Mia ay bigla siyang kinabig papalapit ni Jake at mariing hinalikan sa labi. Kasabay nun ay mabilis ding kumilos ang mga kamay nito at dinakma ang kanyang dibdib. Naglaro ang kamay ng customer sa malusog na dibdib ni Mia.
Gulat man sa bilis ng pangyayari ay agad na kumawala si Mia at binigyan ng isang malakas na sampal ang kostumer. “Bastos ka!”
Hindi naman nagulat si Jake sa natamong sampal. Itinaas nito ang isang kamay para sampalin din si Mia. Pero hindi nito nagawang padapuin ang palad sa pisngi ni Mia dahil agad na lumapit ang isang bodyguard ni Mr. Choi at sinuntok sa mukha ang customer.
Natumba si Jake sa kabilang mesa dahilan para magkaroon ng komosyon sa loob ng club. Dinampot ng bodyguard si Jake at akmang muling susuntukin ito pero sinipa ni Jake sa bandang pagkalalaki ang bodyguard at agad itong namilipit sa sakit.
Ang bouncer ng club ay nag-enjoy lang sa panonood ng mga kaganapan. Hindi man lang ito nagtangkang kumilos para umawat o makisali sa rambulan.
Noon lumapit ang ikalawang bodyguard ni Mr. Choi at hinarap si Jake. Nagpalitan ng suntukan ang dalawa. Bawat isa ay tila ayaw magpatalo. Ang unang bodyguard ay nakabawi na sa sakit na dulot ng pagsipa sa kanyang pagkalalaki at nakisali na rin sa suntukan. Dalawang bodyguards laban sa isang lalaking malaki rin ang katawan at handang lumaban ng bugbugan. Sa huli, nanaig ang dalawang bodyguards.
At saka lang kumilos ang bouncer. Binitbit nito papalabas ng club si Jake.
Parang walang anumang nangyari sa loob ng club. Nagsibalikan sa mga table nila ang mga kostumer. Business as usual.
Si Mia ay tumeybol na kay Mr. Choi.
“Ikaw okay lang, Mia?” nag-aalalang tanong ng matandang intsik.
“Ayos lang ako, Mr. Choi. Salamat sa’yo at sa mga bodyguard mo.”
“Wala ’yun. Ako hindi payag na babastos sa’yo ang ibang lalake. Kahit sino, hindi puwede babastos sa’yo.”
Nginitian ni Mia si Mr. Choi.
“Ikaw sama na sa akin. Mia. Ako papakasal sa’yo. Hindi ka na tatalabaho dito. Dun ka lang sa bahay ko.”
Hindi nakasagot si Mia.
“Ayaw mo?” tanong ni Mr. Choi. “Ayaw mo asawa mistel Choi?” seryoso ang boses nito.
Ewan pero nakaramdam ng iba si Mia sa tono ng boses ni Mr. Choi. At sa liwanag na dala ng neon lights sa loob ng madilim na club ay naaninag ni Mia ang tila poot sa mga mata ng matandang intsik.
“Akin ka, Mia. Akin lang. Wala iba lalaki makikinabang sa’yo!”
Chapter 16 - Mga Plano
“MAY SINASABI ka, Mr. Choi?” tanong ni Mia sa matandang intsik na ka-table niya. Iba ang dating sa kanya ng mga mata ni Mr. Choi. Parang nakakatakot siya. Ngayon lang siya natakot sa matandang intsik ng ganito. Ewan, hindi alam ni Mia pero kinakabahan talaga siya ngayon hindi tulad nung mga nakaraang araw na tumeybol din siya sa suking kostumer.
“Ah, wala Mia. Sabi ko lang ikaw iingat lagi. Dami bastos kostumel. ’Wag ka payag ikaw babastos nila.” Ngumiti kay Mia si Mr. Choi habang kinukuha nito ang bote ng beer at tinungga ito.
Alinlangang sinuklian ni Mia ng ngiti ang ngiti ng matandang intsik.
SAMANTALA, pauwi na nang mga oras na iyon si Marko pagkatapos ng private show nila ni Stephen. Pagdating sa bahay ay agad siyang nakatulog dahil na rin sa pagod. Hindi na niya namalayan ang oras. Nagising na lang siya nang may nagbukas ng ilaw. Dumating na rin pala si Mia galing sa club.
“Kumusta?” sabi ni Marko na sa tunog ng boses niya ay halatang inaantok pa.
Nagkibit-balikat si Mia. “Ayun, medyo ’di maganda. May bastos na kostumer kanina na binastos ako. Buti na lang dumating ’yung suki kong intsik, ayun binugbog ng bodyguards ni tsekwa ’yung bastos na kostumer.
“Madalas bang mangyari sa’yo ang ganyan?” Bumangon si Marko mula sa pagkakahiga at naupo ito sa gilid ng kama. Si Mia naman ay naupo rin sa kama niya at hinubad ang suot na high heels. Magkasama na silang natutulog sa maliit na silid na iyon na may kama sa magkabilang gilid. Tig-isa sina Marko at Mia.
“Hindi naman. Ngayon nga lang ako naka-encounter ng ganun kabastos na kostumer. Mukha pa namang disente pero ang bastos. Manyak yata ’yun, eh. Hindi talaga nakapagpigil.”
“Dapat siguro mag-resign ka na sa trabaho mo,” biglang nasabi ni Marko. Napatingin sa kanya si Mia.
“Kung okay lang sa’yo,” dugtong ng binata. “Puwede ka naman humanap ng ibang trabaho. Saleslady sa mall, college level ka naman, ’di ba? O sa call center. Balita ko tinatanggap sa call center kahit hindi graduate basta naka-two years sa college.”
“Oo, pero hindi lahat. Iyong ibang call centers, priority pa rin nila ’yung graduate ng college.”
“Ibig sabihin ba nun ayaw mong mag-resign sa trabaho mo ngayon?”
“Hindi naman. Kung may makikita akong ibang trabaho, bakit hindi. Ayaw ko rin naman siyempre na mabulok dun sa club. Kasi kahit magpaka-manang pa ako dun, hindi naman maniniwala ang ibang tao na wala akong masamang ginagawa dun. Ang alam nila at ang iisipin nila, walang taong lumusong sa putikan ang hindi nadumihan.”
“Ganun nga,” tumango-tango si Marko tanda ng pagsang-ayon sa sinabi ni Mia. “Gaya ko… Kaya nga hanggang ngayon hindi ko magawang sabihin sa mga magulang ko ang totoo kong trabaho dahil nahihiya ako sa kanila. Ang alam nila sa pabrika pa rin ako nagtatrabaho.”
“Naitago mo ’yun sa kanila ng ganun katagal?”
“Kailangan eh. Kahit mahirap lang kami, alam ko kung gaano ang pagpapahalaga ng mga magulang ko sa moralidad at malinis na pangalan. Lagi ngang sinasabi sa akin ng nanay, kahit mahirap lang tayo huwag na huwag kang gagawa ng anumang ikasisira ng pagkatao mo. Lagi kang pumunta sa kung ano ang tama. Ganyan lagi siyang mangaral sa akin. ’Yung tatay ko naman, sasabihin nun sa akin, anak ’di bale nang mamatay tayong dilat ang mga mata, ’wag mo lang dudungisan ang pangalan mo.” Bumuntong-hininga si Marko. “Ganun sila katinding magpahalaga sa pangalan at dignidad ng pagkatao.”
“Hindi kaya dapat na ikaw ang maunang mag-resign sa trabaho?” seryosong biro ni Mia. “Para sa parents mo…”
“Para rin naman sa kanila kaya ko ginagawa ito.”
“Pero hindi nila ikatutuwa na ganyan ang trabaho mo.”
“Kaya nga plano ko dati mag-ipon tapos umuwi ng probinsiya at mag-alaga ng mga manok at baboy dun sa bakanteng lote sa likuran ng bahay namin. Kaso, hindi pala ganun kadaling mag-ipon kung ganito ang trabaho. Una, hindi naman regular ang kita ko. Minsan meron, madalas wala. Paano ako makakaipon pag ganun?”
“Magtulungan na lang tayo. Mag-ipon tayo kahit pakonti-konti. At dapat hindi natin hawak ang pera para hindi tayo matukso na gastusin iyon. Kaya dapat nasa bangko. Magbukas ka ng account sa bangko,” pangungumbinsi ni Mia kay Marko.
“Samahan mo ako sa bangko mamaya. Magbubukas na ako ng account. Kumita ako ng kinse mil kanina. Eto, o tingnan mo,” kinuha ni Marko ang pera sa wallet niya at ipinakita kay Mia.
“Oo nga. Galante ang kostumer mo!”
“Oo.” Tumango na lamang si Marko. Hindi na niya ikinuwento kay Mia na nag-private show siya para kumita ng ganung halaga. Tingin naman kasi ni Marko ay pareho lang ang private show at pakikipag-sex sa customer. May sex pa rin kaya walang kaibahan ’yun.
“Sige, sasamahan kita. Matulog na tayo para makapagpahinga.”
“Goodnight…” Si Marko.
“Goodnight din,” sagot ni Mia at humiga na ito sa kama at nagkumot.
“Basta, mag-resign ka na sa trabaho mo, ha? Hindi ako mapapanatag hanggang hindi ka umaalis dun. Paano kung makatagpo ka ng kostumer na mas manyak pa sa kostumer mo kanina. Baka mapahamak ka lang dun. Ayokong may masamang mangyari sa’yo.”
“Akala ko matutulog ka na,” natawa ng mahina si Mia.
“Iniisip ko kasi ’yung sinabi mo na binastos ka kanina. Mabuti sana kung andun ako para ipagtanggol ka.”
“Uy, ang sweet mo ha! Huwag kang mag-alala, nag-iingat naman ako. At may bouncer naman kami dun. Siyempre tutulungan ako nun.Di naman papayag si Madam Elosia na bastusin kami ng mga kostumer.
“Mabuti kung ganun. Eh, kelan ka nga magreresign?” pangungulit ni Marko.
“Titingnan ko. Siyempre, hahanap muna ako ng ibang trabaho. Mahirap mag-resign nang wala pa akong mapapasukang ibang trabaho. Ayokong maging tambay.”
“Sabagay, tama ka naman dun. Sige, basta, maghanap ka na agad ng ibang trabaho at umalis ka na sa club. Hindi ka bagay dun. Disente kang babae. Matino. Dapat sa’yo ’yung mas disenteng trabaho rin.”
“Ikaw ba, kelan mo balak iwanan ang trabaho mo sa gay bar?”
“Sige, maghahanap na rin ako ng ibang trabaho. Pag nakakita na ako, aalis na rin ako sa bar. Para fair tayo.”
“Dapat lang. Mag-umpisa tayo nang maayos. Mag-umpisa tayo nang matino. Para kung magkatuluyan man tayo o hindi, alam natin na may magandang nagawa sa mga buhay natin ang relasyon natin. Naituwid natin ang mga buhay nating dalawa.”
“Magkakatuluyan tayo. Sigurado na ako sa’yo eh. Ayoko na ng iba. Ikaw lang ang gusto ko.”
“Asus! Bola!”
“Hindi, ah! Totoo ’yun.”
“Salamat kung ganun. Ako rin, sigurado na ako sa’yo. Ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko.”
“So, usapan na natin iyon, ha? Magbabagong-buhay tayong dalawa. Ikaw at ako… para sa kinabukasan natin.”
“Opo…”
Natawa si Marko. “I love you, Mia.”
“I love you too, Marko.”
Nakatulugan na nina Mia at Marko ang pag-uusap. Sa pagsikat ng bagong umaga, dala nila ang mga planong pagbabago sa kani-kanilang buhay.
Chapter 17 - Bagong Buhay
BAGO mag-alas dose ng tanghali ay gising na sina Marko at Mia. Mabilis na naghanda ng makakain si Mia habang si Marko naman ay dumiretso sa banyo para maligo. Nang matapos ay si Mia naman ang naligo. Pagkabihis ay sabay na silang kumain. “Huwag mong kalimutang magdala ng ID,” paalala ni Mia kay Marko. “Kakailanganin mo ’yun sa pagbubukas ng bank account.”
“Oo, may ID naman ako diyan.”
“Marko…”
Tumingin si Marko kay Mia. “Ano ’yun?”
“Naisip ko kasi ’yung sinabi mo na tumigil na ako sa trabaho ko,” sabi ni Mia. “Parang gusto ko nang sundin ang sinabi mo.”
Nagliwanag ang mukha ni Marko. Bumakas dito ang kasiyahan.
“Magreresign na ako sa club. Hahanap na lang ako ng ibang trabaho.”
“Talaga? Salamat, alam mong ’yan naman talaga ang gusto kong mangyari. Tiwala naman ako na madali kang makakahanap ng ibang trabaho.”
“Sana… Ayoko rin naman kasing tumambay nang matagal.”
“Paano? Kelan ka magsasabi sa club na hindi ka na papasok?”
“Magtetext na lang ako kay madam. Pwede naman ’yun, eh. Hindi na ako pupunta sa club. Ayoko nang magawi ulit dun.”
“Sige, ikaw ang bahala. Basta alam mong nakasuporta lang ako lagi sa mga desisyon mo.”
“Salamat…”
“Unti-unti nating itutuwid ang mga buhay natin. At mag-uumpisa tayo ngayon.”
PAGKATAPOS kumain ay lumakad na sina Marko at Mia patungong bangko para makapagbukas ng account si Marko. Medyo maraming kliyente nang dumating sila kaya medyo natagalan din sila sa paghihintay. Pero pagkatapos ng halos dalawang oras ay natapos din ang sadya nila sa bangko at nagpasya silang dumaan muna sa mall at manood ng sine.
Love story ang pinanood nila. Medyo naka-relate si Mia sa istorya dahil tungkol ito sa isang babaing nagkagusto sa lalaking nagligtas sa kanya. Hindi nga lang napigilan ni Mia na maluha sa bandang dulo ng palabas dahil namatay ang lalaki sa kuwento.
Napansin ni Marko na umiiyak si Mia. “Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Marko.
“W-wala, nadala lang ako sa kuwento. Naalala ko ang sarili ko. Parang ako ’yung babae sa istorya. Niligtas mo ako sa masasamang loob dati, di ba? Tapos ngayon, naging tayo na.”
“Hawig nga sa kuwento mo ’yung takbo ng kuwento. Pero huwag mong iisipin na mangyayari din sa akin ’yung nangyari sa bidang lalaki. Namatay siya sa sakit kasi nagpabaya siya sa sarili niya. Ako naman, inaalagaan kong mabuti ang sarili ko. Hindi ako aagawin ng kamatayan sa’yo. Hindi pa ngayon dahil bubuo pa tayo ng pamilya at magkasabay pa tayong tatanda.” Niyakap ni Marko si Mia. Dinampian din niya ng maliliit na halik ang buhok ng dalaga. Gusto niyang maging payapa ang kalooban nito.
NANG MATAPOS ang palabas ay kumain ang dalawa sa McDonalds at tumuloy na silang umuwi. Pagdating ng bahay ay naligo si Marko at naghanda sa pagpasok sa bar. Big night ngayon kaya kailangang nandun siya. Tsansa iyon para kumita siyang muli. Lahat ng oportunidad para kumita ay hindi niya dapat pakawalan. Ngayon pa na desidido na siyang baguhin ang takbo ng buhay niya. Kailangan niyang sunggaban ang lahat ng pagkakataon para mabilis siyang makaipon at makapag-umpisa na ng bagong buhay.
Ng bagong buhay kasama si Mia.
SINALUBONG ni Dax si Marko pagkadating niya sa gay bar.
“Bilisan mo, pare. Magre-rehearse pa tayo,” sabi ni Dax.
“Pare, ilang taon na nating ginagawa ito. Di pa ba tayo nasanay?” sagot naman ni Marko. “Lalo na pag tayong dalawa ang magkasama sa stage. Isang tingin lang, alam na natin kung anong gagawin. Kaya lagi tayong nire-request ng mga customer.”
“Pero mas maganda pa rin na praktisado tayo, para siguradong sulit sa atin ang customers. At para hanap-hanapin rin nila tayo. Kailangang may bago tayong ipapakita lagi.”
“Sabagay, sang-ayon naman ako sa’yo dun. Ako rin naman, gusto kong laging satisfied ang mga manonood sa palabas natin. Nagbabayad sila para masiyahan kaya dapat ibigay natin ang tunay na magpapasaya sa kanila.”
“Doon na tayo sa dressing room, pare. Para makapagpraktis.”
Nilakad ng dalawang macho dancers ang makipot na pasilyo papuntang dressing room. Doon ay inubos nila ang natitirang oras sa pag-eensayo ng sayaw na ipapalabas nila mamaya. Pareho silang star dancers ng club na iyon kaya asahan nang sila ang finale sa gabing iyon. Karamihan sa mga parukyano ay naroon para mapanood sila sa kanilang paggiling sa entablado na tanging kakarampot na tela lang ang suot.
“Marko, Dax, maghanda na kayo. Kayo na ang susunod na isasalang,” biglang iniluwa ng pinto si Mama Bang para tawagin ang dalawang mananayaw.
“Sige, Mama Bang. Ready na kami ni Marko,” maagap na sagot ni Dax.
“Sumunod na kayo rito sa backstage,” pagkasabi no’n ay lumakad na si Mama Bang pabalik sa loob ng bar para mag-entertain ng mga bagong dating na kliyente. Ganoon talaga sa bar ’pag big night nila. Kahit finale na, may mga dumarating pang bagong customers.
Ilang sandali lang at pumailanlang na ang boses ng bading na announcer sa bar. “Ladies and gentlemen… our finale for tonight, our star dancers!!! Dalawang gwapo, dalawang macho, magsasalpukan sa entablado… please welcome Dax and Marko!!!”
Naghiyawan ang mga customers kasabay ang ’di magkamayaw na palakpakan.
Dumilim ang stage at nagsimulang tumugtog ang kantang One Night Only na binago ang areglo para tumugma sa inihandang sayaw nina Marko at Dax.
You want all my love and my devotion. You want my loving soul right on the line…
Mula sa backstage ay lumabas ang dalawang macho dancers na tanging punit-punit na pantalong maong lang ang suot. Hindi nakabutones ang pantalon kaya malayang lumilitaw ang garter ng suot na briefs ng dalawang lalaki.
I have no doubt that I could love you forever. The only trouble is you really don’t have the time…
Naghiwalay sina Marko at Dax. Si Marko ay pumunta sa gawing kaliwa samantalang si Dax ay gumawi sa bandang kanan ng entablado. Doon ay nagsimula silang gumiling-giling habang sa mukha nila ay makikita ang emosyong tila nang-aakit sa bawat isang customer na naroroon. Walang kakurap-kurap ang mga manonood. Bawat isa ay nag-aabang kung anong pasabog ang gagawin ng dalawang macho dancers.
You’ve got one night only, one night only, that’s all you have to spare. One night only, let’s not pretend to care. One night only, one night only, come on big baby come on. One night only, we only have ’til dawn…
Patuloy sa paggiling sina Dax at Marko. Si Dax ay unti-unti nang ibinababa ang suot na pantalon habang walang humpay itong kumikiwal-kiwal na tila isang bulateng nabudburan ng asin. Ilang sandali pa ay brief na lang ang suot ni Dax. Napanganga ang mga manonood sa tila masarap na putaheng nakahain sa harapan nila.
In the mornin’ this feelin’ will be gone. It has no chance goin’ on…
Pumunta sa gitna ng entablado si Marko at Dax at nang magtagpo ay tila sabik na sabik sa isa’t-isa na naghalikan sa harap ng namamanghang mga parukyano.
Mabilis na kumilos ang mga kamay ni Dax at ibinaba nito ang zipper ng pantalon ni Marko. Singbilis din nitong naibaba at nahubad ang pantalon ng binatang kapareha.
Something so right has got no chance to live. So let’s forget about chances, its one night I will give…
Muli’y nagromansahan ang dalawang macho dancers na mas lalong nagpataas sa libido ng mga manonood. Wala nang kumukurap sa audience. Lahat ay tila namagneto na ng dalawang halos hubad na lalaking sumasayaw sa entablado.
Muling naghiwalay sina Dax at Marko. Bumaba sila sa stage at lumapit sa mga manonood. Oras na para mangolekta ng tip mula sa mga nag-enjoy sa kanilang palabas.
You’ve got one night only, one night only, that’s all you have to spare. One night only, let’s not pretend to care…
Bawat customer na nilapitan nina Marko at Dax ay malayang humawak sa nagngangalit na pagkalalaki ng dalawang macho dancers. May ibang kuntento na simpleng pagsalat lang. Ang iba naman ay walang pagkahiyang dinukot ang pagkalalaki ni Marko sa loob ng brief nito. Halos lahat ng lapitan ni Marko ay hindi na nagpakipot pa. Sa konting halagang iniipit sa garter ng brief ni Marko ay madadama nila ang matigas na bagay sa pagitan ng mga hita ng binata.
Si Dax naman ay mabenta rin sa mga customer na nilapitan nito. Ang isa nga ay hindi na nakapagpigil at biglang inilabas sa brief ang pagkalalaki ni Dax sabay subo rito. Bahagya lang nagulat si Dax. Sanay na siya sa ganitong parukyano. Hindi ito ang unang pagkakataon na may bigla na lang gumawa ng ganun sa kanya. Kapalit naman nito ay isang kulay dilaw na perang papel na inipit ng customer sa garter ng brief niya.
One night only, one night only, come on big baby come on. One night only, we only have ’til dawn.
Natapos ang kanta at tuluyang dumilim sa loob ng gay bar, hudyat na tapos na ang palabas.
Chapter 18 - Goodbye, Mr. Choi!
KANINA PA tinatawagan ni Madam Eloisa sa celfone si Mia pero hindi ito nasasagot ng dalagang ngayon ay mahimbing nang natutulog.
“Asan na ba ang Mia na ’yan? Wala namang pasabi na di siya papasok ngayong gabi, pero bakit wala pa siya?”
Muling sinubukang tawagan ni Madam Eloisa si Mia. Pero nakakatatlong ring pa lang ay natanaw na nito si Mr. Choi na papasok sa club. Kasama nito siyempre ang kanyang mga bodyguard.
“Nalintikan na! Paano ’to? Si Mia lang ang gustong kateybol ni Mr. Choi!”
Agad na sinalubong ni madam ang matandang intsik.
“Hello, Mr. Choi! Kumusta ka?” masayang bati ni madam.
“Ako okay naman. Asan Mia?” tanong nito na agad hinanap ang nag-iisang babaeng dinadayo nito sa club na iyon.
“A-e, wala pa siya, Mr. Choi. Baka na-traffic lang. Paparating na siguro iyon,” pagpapaliwanang ni madam. “Maupo ka muna. Padadalhan na lang kita diyan ng maiinom habang hinihintay natin si Mia.”
“Sige, ako upo muna. Pagdating Mia, puntahin mo siya agad dito.”
“Siyempre, Mr. Choi. Alam mo naman, laging naka-reserve para sa’yo si Mia.”
Pumalakpak si Madam Eloisa at lumapit dito ang isang waiter.
“Dalhan mo ng maiinom si Mr. Choi.”
Tumango lang ang waiter at agad na umalis para kumuha ng paboritong inumin ng suki nilang intsik.
“Maiwan muna kita rito, Mr. Choi. May aasikasuhin lang ako sa loob. Tawagin mo lang ako ’pag may kailangan ka.”
“Sige, sige ako dito lang. Hintay ko lang Mia.”
Nagmamadaling iniwan ni Madam Eloisa si Mr. Choi para muling tawagan si Mia. Nagri-ring naman ang celfone ng dalaga pero bakit ba hindi nito sinasagot ang tawag niya?
Paulit-ulit na sinubukang kontakin ni madam si Mia hanggang sa wakas ay sumagot sa kanya.
“Hello…” parang walang gana ang boses na narinig ni Madam Eloisa.
“Mia? Hello, si Mia ba ’to?”
“Hello, Madam Eloisa? Opo, si Mia ito. Ba’t ka napatawag?”
“Anong ba’t napatawag? Kanina ka pa namin hinihintay dito sa club. Nandito si Mr. Choi, hinahanap ka. Baka mainip ito at magalit ’pag hindi ka nakita. Nasaan ka ba? Pumunta ka na rito.”
“Naku, sorry! Nakalimutan ko palang mag-text sa’yo kanina, madam. Nakatulog kasi kaagad ako.”
“Nakalimutang magtext na ano?”
“Magpapaalam na po sana ako sa’yo. Hindi na ako papasok sa club simula ngayong gabi.”
“Ha?!!! Hindi puwede, Mia. Hinahanap ka ni Mr. Choi. Kung gusto mo, pumasok ka ngayong gabi at magpaalam ka na rin nang maayos kay Mr. Choi. Baka kung anong gawin ng intsik na ito ’pag basta ka na lang hindi sisipot dito.”
“Sorry talaga, Madam Eloisa. Ikaw na po ang bahalang magpaliwanag kay Mr. Choi. Uuwi na kasi ako ng probinsiya kaya hindi na ako makakapunta riyan,” pagdadahilan ni Mia. “Sorry, madam…” at in-off na ni Mia ang celfone niya.
“Mia, teka lang! Hello? Hello?!!! Letseng babae ito! Paano na ito ngayon?”
Huminga muna ng malalim si Madam Eloisa pagkatapos ay naglakad ito papunta sa table ni Mr. Choi.
“O, wala pa ba Mia?” agad na tanong ng matandang intsik.
“Ahm, Mr. Choi… nakausap ko na si Mia…”
“Ano sabi Mia?” excited na tanong ni Mr. Choi. “Saan na siya?”
“Eh kasi, ano Mr. Choi… Hindi raw siya makakapasok ngayong gabi.”
Nagsalubong ang kilay ni Mr. Choi. “Ano ibig mo sabihin?”
“H-hindi na raw papasok si Mia dito, Mr. Choi. Nagpaalam na siya. Uuwi na raw siya ng probinsiya.” Hinintay na lang ni Madam Eloisa na sumabog na parang bulkan ang intsik na kausap niya.
“Hindi pwede!!! Ikaw pabalik dito Mia! Hindi siya puwede alis dito. Pabalik mo siya dito o pasara ko club mo!” Malakas ang boses ni Mr. Choi, sapat na para mapalingon dito ang ibang mga kostumer. Lalapit pa nga sana rito ang bouncer ng club pero maagap itong hinarangan ng dalawang bodyguard ng matandang intsik.
“Mr. Choi!” nahintakutang sigaw ni Madam Eloisa. “Huwag naman. Naging mabait naman ako sa’yo. Tinuring ka naming espesyal na kostumer dito sa club. Hindi naman namin mapipigilang umalis si Mia.”
“Kahit na! Ako bitaw na salita. ’Pag hindi balik dito Mia, ako papasala club mo!”
“Mr. Choi…”
“Pahanap mo Mia. Siya pabalik mo dito. Bigay kita isang linggo, balik mo Mia dito. ’Pag hindi siya balik, ikaw ’wag na asa bubukas pa club mo.”
Dinukot ng intsik ang wallet niya at kumuha ng pera. “Eto bayad ko sa inumin!” Ibinagsak nito ang pera sa mesa at nagsimulang humakbang papalabas ng club kasunod ang mga bodyguard nito.
Agad na kinontak muli ni Madam Eloisa si Mia. Kailangang mapakiusapan niya itong muling magtrabaho sa club. Kahit part time lang. Okay lang kahit hindi araw-araw itong pumasok. Kahit sa tuwing pupunta lang sa club si Mr. Choi. Ang importante ay naroon si Mia sa mga araw na naroon din sa club ang matandang intsik.
Nag-ring ang celfone ni Mia. Umasa si Madam Eloisa na sasagutin ng dalaga ang tawag niya.
“Hello, Madam Eloisa?”
“Mia? Mia, mabuti at sinagot mo ang tawag ko. Kailangang-kailangan ko ang tulong mo.”
“Tulong? Bakit? Ano’ng nangyari?”
“Galit na galit si Mr. Choi nang malamang hindi ka na magtatrabaho rito. Nagbanta siyang ipasasara ang club ko.”
“Sorry, madam. Nang dahil sa akin, nadamay pati negosyo mo.”
“Magagawan naman natin ng paraan para hindi matuloy ang pagpapasara niya sa club.”
“Paano?”
“Bumalik ka rito.Magtrabaho ka ulit rito, Mia.”
“Pero, madam…”
“Nakikiusap na ako sa’yo. Isipin mo hindi lang ang sarili mo. Marami akong empleyado sa club na mawawalan ng trabaho. Matitiis mo bang mangyari ’yun gayong may magagawa ka naman para pigilan si Mr. Choi?” gustong kurutin ni Madam Eloisa ang puso ni Mia para mapapayag ito sa hinihiling niya.
“Madam, kasi…”
“Hindi mo kailangang pumasok rito araw-araw. Kahit mag-part time ka lang dito. Papasok ka lang sa mga araw na pupunta rito si Mr. Choi. Magagawan mo naman ng paraan para alamin kung kelan siya pupunta. Puwede ring ipaalam mo sa kanya na part time ka na lang sa club, at itatanong mo sa kanya kung tuwing kelan siya pupunta sa club para siguradong andun ka pagpunta niya. Sige na, Mia. Papayag si Mr. Choi basta ikaw ang humiling. Alam mo namang patay na patay sa’yo ang intsik na iyon,” mahaba ang paliwanag ni Madam Eloisa kay Mia. Pilit niyang ipinaaabot dito na simple lang ang problema kung makikisama siya at gagawa ng aksyon.
“Madam… uuwi na kasi ako sa probinsiya. Gusto ko na ng tahimik na buhay. Gusto ko nang magbagong buhay,” naluluha na si Mia. Hindi rin niya inakala na ang desisyon niyang pagtalikod sa trabaho ay magdudulot pala ng napalaking epekto sa buhay ng mga kasamahan niya sa club.
“Kahit ilang buwan lang, Mia. Para magkaroon naman ng pagkakataong makalipat muna sa ibang club ang mga kasamahan mo… pati ako.”
“Pasensya na, madam. Sorry po… Hindi ko sinasadyang madamay kayo sa bunga ng naging desisyon ko.” Pinutol na ni Mia ang pag-uusap nila ni Madam Eloisa.
Binuksan ni Mia ang likurang bahagi ng celfone niya at kinuha ang sim card nito. Walang pagdadalawang-isip niyang binali ang sim card para matiyak na hindi na ito magagamit muli para makontak siya ng kahit na sino. Buo na ang loob niyang talikuran ang trabahong kahit minsan ay hindi niya ipinagmalaki. Tapos na ang paglublob niya sa putikan. Handa na siyang harapin ang bagong buhay sa piling ni Marko.
“Goodbye, Madam Eloisa… Goodbye, Mr. Choi.”
Chapter 19 - Raid!
“BUSY KA BA?” tanong ni Stephen.
Kumagat muna sa kinakaing chocolate si Dennis bago nito sinagot ang kausap sa celfone. “Hindi naman masyado. Nasa bahay lang ako, wala akong pasok today. Examination week kasi.”
“Puwede ba tayong magkita?”
“Saan naman?”
“Dating lugar.”
“Sa sinehan?”
“Oo, ayaw mo ba? Okay naman dun, ah.”
“Hindi naman. Kinakabahan lang talaga ako pag andun tayo.”
“Ba’t ka kakabahan kasama mo naman ako?”
“Alam mo naman kung anong klaseng lugar iyon. Hindi iyon ’yung normal na sinehan lang.”
“Kahit naman mag-raid dun kung di ka naman mahuhuli sa akto na gumagawa ng kakaiba, di ka nila puwedeng ikulong. Tama ba ako?”
“Sabagay…”
“Eh di pupunta na tayo?”
“Haay, paano ba ako tatanggi sa’yo?”
“Bakit ba naman kasi pinag-iisipan mo pa akong tanggihan. Sa guwapo kong ’to?” natatawang sabi ni Stephen.
“Mayabang! At sino naman ang nagsiksik sa utak mo na guwapo ka?”
“Iyong mga naging customers ko. Lahat sila, sinasabi nilang pogi ako.”
“Haay, ’wag na kaya tayong tumuloy,” bakas ang pag-aalala sa boses ni Dennis.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Stephen.
“Biglang lumakas ang hangin. Babagyo yata.” Humagikhik si Dennis sa sarili niyang biro.
“Di naman ako mahangin. Totoo naman ang sinasabi ko. Sige, ikaw ang tatanungin ko. Pangit ba ako o guwapo? Magsabi ka ng totoo, ha?”
Hindi makasagot si Dennis.
“Ano? Sagot na.”
“Hindi ka guwapo!”
“Sinabi mo “yan, ha?”
“Oo. Hindi ako naguguwapuhan sa’yo.”
“Salamat kung ganoon.”
“Bakit?”
“Dahil kahit hindi ka naguguwapuhan sa akin, nakipagkaibigan ka pa rin sa akin.”
“Hindi naman kasi ako tumitingin sa itsura. Mas pinahahalagahan ko ’yung ugali.”
“Kaya love kita, eh!” masayang-masaya ang boses ni Stephen.
Hindi nakasagot si Dennis sa diretsahang sinabi ni Stephen. Mabuti na lang at sa celfone lang sila magkausap. Kung nagkataon, nakita sana ni Stephen ang pamumula ng mukha niya.
“Hello, andyan ka pa ba?”
“O-oo, nandito pa ako.”
“Akala ko in-off mo na ang celfone mo. Bigla ka kasing natahimik.”
“Ah, dumating lang kasi iyong isang boardmate ko,” pagsisinungaling ni Dennis.
“So, anong oras tayo magkikita? Please…”
“Sige na nga. Around six, okay lang ba sa’yo?”
“Sige, okay sa akin ’yan. Tapos paglabas natin ng sinehan, mag-dinner muna tayo bago kita ihatid pauwi.”
“Doon ba talaga tayo magkikita?”
“Oo, dun na lang. Para mas mura ang tiket. At para walang istorbo.”
“Baliw! Iba na yata ang tinatakbo ng utak mo.”
“Wala akong sinabi. Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan.”
“O, siya sige na. Ako na ang malisyoso.”
Narinig ni Dennis ang mahinang pagtawa ni Stephen. “Basta, alas-sais ha? Hihintayin kita.”
“Yup, darating ako.”
“See you… Bye!”
“Bye!”
KATULAD ng dati ay marami pa ring parukyano ang lumang sinehan. Ang pupugak-pugak na electric fan na nakasabit sa ilang bahagi ng mga dingding ay hindi sapat para pawiin ang init na dala ng madilim at kulob na lugar na iyon, idagdag pa ang natural na singaw ng mainit na panahon.Paroo’t parito pa rin ang mga kalalakihang nasa loob ng sinehan. Tila sila mga paru-parong naghahanap ng bulaklak na mapagkukunan ng matamis na nektar. Gayong marami namang mga bakanteng upuan ay mas pinili pa nilang magpalakad-lakad sa gitna ng dilim na ang tanging liwanag ay nagmumula sa lumang pelikulang ipinalalabas.
“Nasaan ka? Nandito na ako sa labas,” tinawagan na ni Dennis si Stephen para mas madali nilang makita ang isa’t-isa.
Malapad ang pagkakangiti ni Stephen na nasa kabilang bahagi lang ng kalye at kanina pa pinagmamasdan si Dennis. “Andito lang ako, sa tapat. Sa labas ng convenience store.”
Iginawi ni Dennis ang tingin sa lugar na sinabi ni Stephen at halos kumabog ang dibdib niya pagkakita sa lalaking katagpo. Lutang na lutang ang kakisigan ni Stephen sa suot nitong hapit na puting t-shirt at maong pants na hulmang-hulma ang mahaba at matikas na hita nito.
“O, bakit na natulala diyan? Ngayon ka lang ba nakakita ng guwapo?” ang tanong ni Stephen sabay pakawala ng isang nakakalokong ngiti.
“Ang yabang talaga,” pang-aasar ni Dennis kay Stephen.
Lalo lang natawa ang callboy sa sinabi ni Dennis.
“Tatawa-tawa ka pa diyan! Halika na rito at nang makapasok na tayo sa sinehan.”
Tinawid ni Stephen ang kalye upang makapunta sa kabilang bahagi kung nasaan si Dennis.
“Ako na ang bibili ng tiket. Sagot na kita,” maagap na sabi ni Stephen na tuloy-tuloy nang lumakad papunta sa bilihan ng tiket. “Dalawa lang,” nag-abot siya ng dalawandaang piso. Sinuklian siya ng kahera ng kuwarenta pesos pagkatapos ibigay sa kanya ang dalawang tiket. Sinulyapan niya si Dennis at sinenyasan. “Halika na!”
Sabay silang pumasok sa madilim na sinehan. Dahil galling sa labas ay hinintay muna nilang masanay sa dilim ang kanilang mga mata bago sila naghanap ng mauupuan.
“Dito tayo,” sabi ni Stephen habang hawak ang isang kamay ni Dennis.
“Sanay na sanay ka talaga rito, ha? Ang dilim-dilim pero alam na alam mo kung saan pupunta.”
“Hindi kaya. Maliwanag naman, ah. Ayun nga, nakikita ko mula rito kung saan may mga bakanteng silya.”
“Eh mukha namang wala talagang umuupo rito. Halos lahat ay nakatayo at nag-uumpukan sa bandang likuran.”
“Dito tayo…” sabi ni Stephen pagkatapos makapili ng puwesto.
“Bakit sulok? Puwede naman sa bandang gitna,” protesta ni Dennis.
“Mas okay rito, walang istorbo.”
“Ano na naman ang nasa isip mo?”
“Wala. Di ba manonood tayo ng sine? E di dapat walang istorbo. Mas masarap kayang manood kung walang istorbo,” ngingiti-ngiti ang si Stephen.
“Iba naman ang totoong tinatakbo ng utak mo, eh. Painosente ka pa diyan.”
“Basta, malinis ang konsensiya ko.”
“At ako marumi?” tanong ni Dennis.
“Hindi naman sa ganoon. Wala ka lang tiwala sa akin kaya iba ang naiisip mo sa bawat sinasabi ko.”
Tumahimik na si Dennis.
“O, nagbibiro lang ako, ha? Baka napipikon ka na diyan,” nakangiti si Stephen pero nasa boses nito ang pag-aalala.
Umiling si Dennis. “Hindi. Manood na tayo…”
“Galit ka ba? Uy, galit ka ba?” sinundot ni Stephen ang tagiliran ni Dennis para makiliti ito at mapangiti.
Pero dedma lang si Dennis sa pangingiliti ni Stephen.
“Galit nga siya…”
Nilingon ni Dennis si Stephen at ngumiti. “Hindi nga po ako galit. Ayan o, nakangiti ako.” At pinalapad pa ni Dennis ang kanyang ngiti.
Biglang kinabig ni Stepehen ang ulo ni Dennis at mariin niya itong hinalikan sa labi. Nagulat man si Dennis sa ginawa ng kasama ay mas lamang ang sensasyong nadama niya nang maglapat ang kanilang mga labi. Gusto niyang manlaban pero nanaig ang nais ng kanyang katawan; ang matikman ang guwapong binatang una nang nagparandam ng kakaibang pagtatangi sa kanya.
Naging mapangahas pa ang mga labi ni Stephen. Ang dila nito ay nagpipilit na pumasok sa loob ng bibig ni Dennis at pilit na ginalugad ang loob nito. Nanunudyo ang dila ni Stephen. Tila ahas itong kumikiwalkiwal at nakipag-espadahan sa inosenteng dila ni Dennis.
Hindi na nanlaban si Dennis. Nilasap na lamang niya ang sarap na dulot ng matatamis na halik ni Stephen. Maya-maya’y kinuha ni Stephen ang isang kamay ni Dennis at dinala iyon sa ibabaw ng kanyang pantalon. Dama ni Dennis ang katigasan ng lamang natatakpan ng pantalon. Mas lalong nasabik si Dennis nang ibaba ni Stephen ang zipper ng kanyang pantalon. Bumulaga kay Dennis ang puting brief ni Stephen. Bakat na bakat doon ang nagngangalit na pagkalalaki ng binatang callboy.
Huminto si Stephen sa paghalik sa mga labi ni Dennis. Tinitigan niya ito ng matiim. Para siyang nagbibigay ng mensahe rito na gusto niya ng mas higit pa sa pakikipaghalikan.
Dahan-dahang itinaas ni Stephen ang kanyang kanang hintuturo at idinikit iyon sa labi ni Dennis. Pinaikot-ikot niya ang kanyang daliri sa palibot ng labi nito.
Muling hinagilap ni Stephen ang kamay ni Dennis at ipinasok sa loob ng kanyang brief. Nahawakan ni Dennis ang buong kahabaan ni Stephen. Napasinghap siya. Hindi niya inaasahan na ganito kasarap sa pakiramdam ang mahawakan ang pagkalalaki ni Stephen.
Tila may sariling isip ang mga kamay ni Dennis na kumilos at marahan itong nagtaas-baba sa alaga ni Stephen. Sa una ay marahan pero habang tumatagal ay mas gusto na ni Dennis na bilisan ang kanyang ginagawa. Si Stephen naman ay nanatiling nakapikit, dinadama ang luwalhating dala ng ginagawa ni Dennis sa kanya.
“Isubo mo…” mayamaya pa’y sabi ni Stephen sabay ibinaba nito ng bahagya ang suot na brief para mas makalaya ang kanyang pagkalalaki.
Nakatingin lang si Dennis. Nag-iisip marahil kung gagawin ba niya ang sinabi ni Stephen o hindi.
“Sige na, malinis ’yan…”
Napalunok si Dennis.
Hinawakan ni Stephen ang likod ng ulo ni Dennis at marahang iginiya payuko papunta sa kanyang harapan. Wala nang nagawa si Dennis kundi sundin ang gustong ipagawa ni Stephen. Handa na siyang gawin iyon… Ngayon!
Isang sigaw ang biglang pumuno sa loob ng madilim na sinehan.
“Raid!!! Raid!!! Mga bakla, raid!!!”
Chapter 20 - Presinto Kuwatro
“MGA BAKLA, TAKBO! RAID!!!”
Nagkagulo sa loob ng sinehan. Kanya-kanyang takbo ang mga manonood patungong fire exit. Ang iba naman ay sumugod papalabas ng sinehan kaya nasalubong nila ang papasok na mga pulis.
Nag-angat ng mukha si Dennis mula sa pagkakayuko nito sa harapan ng naghuhumindig na pagkalalaki ni Stephen.
Flashlight na hawak-hawak ng pulis ang sumalubong sa mukha ni Dennis.
“Tayo! Tumayo kayo!” matigas na utos ng pulis. Bakas sa boses nito ang awtoridad.
Agad na tumayo si Dennis, bakas sa mukha nito ang takot.
“Ikaw, isuot mo’ng pantalon mo!” utos ng pulis kay Stephen na agad ding tumalima at itinaas ang pantalon at brief niyang nakababa.
Itinulak ng pulis sina Dennis at Stephen papalabas ng sinehan. Kasabay nila ang iba pang mga manonood na hinuli rin ng mga pulis dahil sa naaktuhang gumagawa ng kahalayan sa sinehan na isang pampublikong lugar. Pati ang iba pang parukyano sa sinehang iyon ay binitbit na rin ng mga alagad ng batas patungong presinto.
Labis ang kaba ni Dennis. Ano na ang mangyayari sa kanya? Makukulong ba siya?
Tiningnan niya si Stephen na tila cool lang sa mga nangyayari. “Relax ka lang. Huwag kang matakot?” bulong nito sa kanya.
“Paanong hindi ako matatakot, dadalhin na tayo sa presinto. Ayokong makulong,” sinikap ni Dennis na huwag maging malakas ang boses niya; ’yung sapat lang para marinig ito ni Stephen.
“Hindi tayo makukulong.”
“Pero…”
Umiling si Stephen. “Hindi tayo makukulong. Pauuwiin din nila tayo.”
“Pero paano?”
“O, sumakay na kayo!” sigaw ng isang pulis. Siksikan sila sa sasakyan. Marami rin silang nahuli kaya pinagkasya na lang nila ang mga sarili sa loob ng sasakyan hanggang makarating sila sa presinto.
Isa-isa silang pinababa pagdating nila sa Presinto Kuwatro. Pinahilera sila sa loob at isa-isang kinunan ng detalye ng pagkakakilanlan. Ang iba ay hiningan pa ng ID para matiyak na hindi nila magagawang magsabi ng hindi totoong impormasyon tungkol sa kanilang pagkatao.
“Ang dami niyan, ah!” sabi ng isang malaking boses mula sa likuran.
“Magandang gabi, Chief!” bati ng pulis na kumukuha ng mga impormasyon ng mga nahuling manonood sa sinehan.
“Sa sinehan na naman ba galing ang mga ito?” tanong ng hepe.
“Opo, chief. Doon pa rin sa dati.”
“Walang kadala-dala ang mga ’to.” Tiningnan ng hepe si Dennis. “Ikaw, ilang taon ka na?”
“Nineteen po,” mahinang sagot ni Dennis.
Umiling ang hepe. “Nag-aaral ka?”
“Opo.”
“Pinag-aaral ka ng magulang mo, pero katarantaduhan ang ginagawa mo,” sabi nito kay Dennis na napayuko na lamang.
Hiyang-hiya si Dennis sa sarili niya. Sino ba ang hindi mahihiya na nasa presinto siya ngayon dahil nahuli siyang gumagawa ng kalaswaan sa loob ng isang sinehan? Ano na lamang ang sasabihin ng mga magulang niya kapag nalaman ang nangyaring ito? Paano kung kumalat sa eskuwelahan nila na nasangkot siya sa ganitong eskandalo?
Baka mag-drop na lang siya at hindi na magpakita sa mga taong nakakakilala sa kanya.
Ano ba itong ginawa niya? Ngayon naisip ni Dennis ang malaking implikasyon sa buhay niya ng nangyaring ito. Maaaring masira ang buhay at kinabukasan niya dahil lang dito.
Gusto nang maiyak ni Dennis. Anong gusot ba itong napasukan niya? Kahit sa panaginip ay hindi niya naisip na darating siya sa ganitong eksena. Never niyang pinangarap masangkot sa ganitong kahiya-hiyang pangyayari. At kailanman ay hindi niya pinangarap na makulong!
Muling nagsalita ang hepe. “Bilisan n’yo na ’yan at bawasan n’yo sila. Ayoko ng masyadong maraming tao dito sa presinto. Alam n’yo na ang gagawin!”
“Yes, chief!”
Umalis na ang hepe at pumasok sa isang pribadong kuwarto sa presinto na nagsisilbing opisina nito.
“Okay ka lang ba?” tanong ni Stephen kay Dennis.
Hindi sumagot si Dennis pero naiiyak na siya nang tumingin kay Stephen.
“Next!” sigaw ng pulis. “Ikaw, halika rito,” tinawag nito si Dennis.
Lumapit si Dennis sa pulis na kumukuha ng detalye ng mga nahuli sa sinehan.
“Maupo ka.”
Tumalima si Dennis.
“Pangalan.”
“Dennis.”
“’Yung buo!”
“Rodriguez. Dennis Rodriguez po.”
“Edad.”
“Nineteen.”
“Address.”
“154 P. Campa St., Sampaloc, Manila.”
“Trabaho.”
“Estudyante pa lang po.”
“Patingin ng ID mo.”
Iniabot ni Dennis ang school ID niya.
Nagtaas ng tingin ang pulis at matiim na pinagmasdan si Dennis, pagkatapos ay nagsalita. “Sayang ka, bata.”
Hindi kumibo si Dennis. Naghihintay lang ito sa susunod na itatanong ng pulis.
“O, mag-piano ka muna rito.” Kinunan ng pulis ng fingerprints si Dennis na nagsisimula nang tumulo ang luha sa tila bangungot na nangyari sa buhay niya.
“Okay, ipasok na ito dun sa selda.”
Isang pulis ang nagdala kay Dennis sa selda.
“Next! Ikaw, halika rito,” tinawag ng pulis si Stephen.
Lumapit si Stephen sa desk ng pulis at siya naman ang kinunan ng personal details .
Umupo sa isang sulok ng selda si Dennis. Halos siksikan na sila sa maliit na kulungang iyon. Maya-maya pa’y ipinasok na rin sa selda si Stephen. Tumabi ito sa kinauupuan ni Dennis.
“Hanggang kelan tayo rito?”
“Pakakawalan rin nila tayo, huwag kang matakot.”
“Baka magtagal pa tayo rito, may exams pa ako. Baka di na ako makapag-exams.”
“Kakausapin ko mamaya ’yung pulis. Baka puwedeng maglagay na lang tayo para palabasin na tayo rito.”
“Wala akong dalang pera. Five hundred lang ang pera ko rito.”
“May isanlibo pa ako rito. Baka naman kasya na ito. Kahit ikaw lang muna ang makalabas, okay lang sa akin. Kahit maiwan na muna ako rito.”
“Hindi naman puwede ’yun. Dapat dalawa tayong lalabas rito.”
“Hoy, kayo!” sigaw ng isang pulis. “Iyong mga gustong makalaya agad, puwede kayong magpiyansa. Dalawang libo!”
Napatingin si Dennis kay Stephen. “Hindi kasya ang pera natin kahit para sa isang tao lang.”
Tumayo si Stephen at lumapit sa pulis na nasa labas ng rehas. “Boss, baka naman puwedeng isanlibo na lang. Wala kaming pera, eh.”
Ngumisi lang ang pulis. “Gagawa kayo ng kahalayan, wala naman pala kayong mga perang pampiyansa ’pag nahuli kayo.”
“Sige na, boss. Para lang makalaya na ’yung kasama ko. Estudyante pa lang ’yun,” pakiusap ni Stephen sa pulis.
“Hindi puwede! Dalawang libo ang usapan dito. Kung wala siyang dalawang libo, mabulok na lang muna siya diyan sa kulungan.”
Binuksan ng pulis ang selda. “O, ’yung may pampiyansa sa sarili nila, lumabas na kayo rito.”
Anim na kalalakihan ang lumabas at nagbigay ang tig-dalawang libong piso sa pulis para makalaya na sila. Naiwan sa selda sina Dennis at Stephen kasama ang iba pang walang sapat na perang pambayad para makalaya.
“May pera ako sa bahay. Pero paano natin makukuha kung nandito tayo?” sabi ni Stephen.
“Wala talaga akong pera. Five hundred na lang ang iniwan ko sa ATM ko. Next week pa ako padadalhan ng allowance ng parents ko.”
“Teka, itetext ko itong kakilala ko. Baka makahiram ako ng pera sa kanya, ibabalik ko rin naman kaagad.” Nag-text si Stephen at hinintay na sumagot ang kakilala niya.
“Ikaw, baka may kakilala kang puwedeng hiraman ng pera. Babayaran din natin kaagad pag-uwi natin. May pera ako sa bahay.”
“Si Dexter lang ang malalapitan ko. Pero ayokong malaman niya na nakulong ako. Baka kumalat sa school .”
Tiningnan ni Stephen ang celfone niya. Wala pang sagot ang tinext niyang kakilala. “Baka tulog na ’yun.”
“Gutom na ako,” maya-maya’y nasabi ni Dennis.
“Paano tayo bibili ng makakain? Mauutusan ba natin ang mga pulis na ’yan?”
Umiling si Dennis. “Hindi bale na. Makakapagtiis pa naman ako.”
Mula sa pagkakaupo ay sumandal sa pader si Stephen. Pinilit nitong maging relax ang pagod na katawan sa gitna ng miserable nilang kondisyon.
Si Dennis naman ay nanatiling nakaupo. Binalewala ang kumakalam na sikmura habang ang diwa niya’y abala sa pag-iisip kung paano sila makakalaya sa kulungang iyon.
Nakatulugan nilang dalawa ang hinaharap na problema.
ALAS KUWATRO ng madaling araw nang magising sina Stephen at Dennis dahil sa sigaw ng isang pulis.
“Hoy, gumising ka!”
“Hindi alam ng mga nakakulong sa selda kung sino ang ginigising ng pulis.
“Ikaw!” turo ng pulis kay Dennis.
“Ako po?” kinakabahang sabi ni Dennis.
“Oo, ikaw. Halika rito.”
Tumayo si Dennis at lumapit sa pulis.
“Bakit po?”
“Lumabas ka.” Binuksan ng pulis ang selda.
“Saan n’yo siya dadalhin?” sigaw ni Stephen.
Hindi sumagot ang pulis.
“Saan n’yo po ako dadalhin?” nahihintakutan na si Dennis.
“Basta, lumabas ka! Wala nang maraming tanong!”
Chapter 21 - Si Hepe
“HALIKA RITO!” utos ng pulis kay Dennis. “Sumunod ka sa akin.”
Nag-aalinlangan man ay walang nagawa si Dennis kundi sundan ang pulis. Nagtungo ito sa isang kuwarto at kumatok muna ito bago pumasok.
“Chief, eto na ’yung pinatatawag mo.”
Naalarma si Dennis. Ito ba ’yung matabang pulis na malaki ang tiyan na kumausap sa kanya kanina?
“Papasukin mo.” Narinig ni Dennis na nagsalita si chief.
“Pumasok ka,” utos ng pulis kay Dennis.
Pagkapasok ni Dennis ay isinara ng pulis ang pinto at bumalik na sa kanyang desk. Naiwan sa silid si Dennis kasama ang hepe. Tama nga ang hinala ni Dennis. Ito nga ’yung matabang pulis na saglit na kumausap sa kanya kanina.
“Maupo ka, bata, “ sabi ng hepe.
“Salamat po,” sabi ni Dennis pagkaupo niya sa silyang nasa harapan ng desk ng hepe.
“Anong pangalan mo?”
“Dennis po.”
“Saan ka nag-aaral?”
“Sa FEU po.”
“Alam na ba ng mga magulang mo na nandito ka?”
“Hindi po. Ayoko pong malaman nila. Magagalit ang papa ko,” bumakas ang takot sa mukha ni Dennis.
Ngumisi ang hepe. “E bakit ka gumagawa ng ganun kung takot ka naman pala?”
Umiling si Dennis pero hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakayuko. “Bakit di mo piyansahan ang sarili mo para makalabas ka na?”
“Wala po akong pera. Next week pa po darating ang allowance ko.”
“Eh paano ’yan? Magtatagal ka dito sa kulungan kung ganoon.”
“Nag-angat ng mukha si Dennis. “Sir, baka naman po puwedeng palabasin mo na kami ng kasama ko. Pangako, hindi ko na uulitin ito. Tulungan mo naman po kaming makalabas dito.”
“Ano naman ang mapapala ko kung tutulungan kita? Iyong iba, nagbayad para makalabas dito. Unfair naman yata kung basta ko na lang kayo palalayain,” seryosong sabi ng hepe habang matiim na nakatitig kay Dennis.
“Hindi ko po alam. Tatanawin ko pong isang malaking utang na loob sa inyo ’pag pinayagan mo po kaming makalabas dito.”
“Utang na loob?” Natawa ang kausap ni Dennis. “Ano ba eksakto ang utang na loob? Nababayaran din ba ’yun?”
“Pakiusap po, gagawin ko kahit ano payagan mo lang kaming makalaya,” nanginginig na ang boses ni Dennis at nagbabadya nang tumulo ang luha sa mga mata nito.
“Kahit ano?” ngumisi ang hepe. “Sigurado kang kahit ano?”
Marahang tumango si Dennis. “Opo… Kahit ano po, basta makaalis lang kami rito.”
Humalakhak ang hepe at biglang gumapang ang kilabot sa katawan ni Dennis.
“Paano naman ako makasisiguro na hindi mo na nga ulit gagawin ang ginawa mo?”
“Mabuti po akong tao, sir. Wala po akong masamang record.”
“Ngayon meron na.”
“Sir…”
“May police record ka na. At dadalhin mo na ito habang buhay. Nakatatak na ito sa’yo.”
Nasapo na lang ni Dennis ang kanyang noo. Sumasakit na ang ulo niya dahil sa mga nangyayari. Alam niyang posibleng maging ganun kalaki ang epekto ng pagkakamaling nagawa niya sa loob ng sinehan.
Nananatiling nakangisi lang ang hepe ng pulisya. Titig na titig ito kay Dennis. Parang lubhang natutuwa ang hepe sa problemang kinakaharap ng binatilyo.
Maya-maya’y dinampot ng hepe ang telepono at may tinawagan. “Kunin mo na ito dito.”
Ilang sandali lang pagkababa ni hepe ng telepono ay may kumatok sa pinto.
“Chief…” sumilip ang pulis na kumatok bago ito pumasok sa loob ng opisina ni hepe.
“Sige, ’yun lang. Bumalik ka na sa selda,” sabi ng hepe kay Dennis.
“Halika na. Sumunod ka sa akin,” utos ng pulis kay Dennis.
Sumunod si Dennis pabalik sa selda. Ngunit laking gulat niya pagdating sa selda nang makitang wala na roon si Stephen.
“Nasaan ang kasama ko? Nasaan si Stephen?” tanong ni Dennis sa iba pang nakakulong roon.
Wala ni isa mang sumagot sa tanong ni Dennis. Nakatingin lang sa kanya ang mga ito.
Tinawag ni Dennis ang pulis. “Sir! Boss! Nasaan iyong kasama ko?”
“Wala na. nakalaya na.”
“Imposible ’yun. Hindi niya ako iiwan rito.”
“Iniwan ka na nga, o. Hanapin mo pa siya kung gusto mo!” tila nang-aasar pa ang tono ng pulis. “Sa babae at lalake nga, walang forever. Sa bakla pa kaya?” nagtawanan ang iba pang mga pulis sa presinto.
Hindi na lamang pinansin ni Dennis ang lantarang panlilibak ng mga pulis sa kanyang kasarian.
Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Bakit niya ako basta na lamang iniwan sa masikip na seldang ito? Imposible talagang iniwan niya ako rito. Hindi ako naniniwala sa mga pulis na iyon. Patuloy ang isip ni Dennis sa pagkontra sa mga sinabi ng pulis. Alam niya, hinding-hindi siya iiwan ni Stephen sa ganitong sitwasyon.
Pero nasaan na nga kaya ito? Bakit wala na ito dito sa kulungan?
Dumating ba ’yung tinext niya kanina at nakahiram na siya ng pampiyansa?
Pero hindi. Dapat hinintay niya ako bago siya umalis. Alam ko, hihintayin niya ako bago siya umalis. Hindi siya basta aalis na lang nang hindi ko nalalaman. May nangyaring kakaiba rito. Kung wala, bakit hindi rin sumasagot sa tanong ko ang ibang nakakulong rito?
Ang takot na kanina pa nararamdaman ni Dennis ay napalitan ng galit na biglang nagpalakas sa kanyang loob. Kung mayroong kalokohang nagaganap sa kulungang ito, kailangan niyang maging handa. Hindi siya puwedeng maging mahina. Hindi niya dapat ipakita kanino man, lalo na sa mga pulis na naririto na mahina siya at walang kalaban-laban.
Bumalik si Dennis sa puwesto niya kanina bago pa siya papuntahin sa opisina ni hepe. Umupo siyang muli sa sulok at nag-isip kung paano siya makakalabas sa kulungang iyon.
No! Hindi naman siya tatakas. Kailangan niyang makahanap ng taong tutulong sa kanya para makapagpiyansa siya at makalaya.
Piyansa raw?
Lagay! Iyon ang tamang termino.
Mga gagong pulis na ito! Hindi naman totoong gusto nilang magpiyansa kami. Gusto lang nilang maglagay kami sa kanila para may kotong sila sa amin.
“Dennis Rodriguez!” isang pulis ang tumawag kay Dennis mula sa labas ng selda.
Napatayo si Dennis. “Bakit po?”
“Lumabas ka na diyan! Laya ka na.”
“Ha?” Naguguluhang sambit ni Dennis. “Bakit? Sino’ng nagpiyansa sa akin?”
“Wala nang maraming tanong. Gusto mo bang lumabas dito o makulong na lang?”
“Lalabas na po. Sandali lang.”
Binalingan ng pulis ang iba pang nakakulong. “O, kayo! Tawagan n’yo na ang mga pamilya n’yo para makalabas na rin kayo rito!”
“Sino po’ng nagpiyansa sa akin?” tanong ni Dennis.
“Andami mong tanong! Gusto mo bang lumaya o hindi?”
“Gusto ko lang magpasalamat sa nagpiyansa sa akin.”
“Ah, sige. Sasamahan kita sa nagpalaya sa’yo. Halika, sumunod ka sa akin!”
Sinundan ni Dennis ang pulis at laking gulat niya nang muli silang nagtungo sa opisina ng hepe.
“O, bakit hindi ka pa umuuwi?” tanong ng hepe pagkapasok ni Dennis sa opisina nito.
“Bakit n’yo po ako pinalaya?”
“Hindi ba nag-request ka sa akin kanina na palayain na kita?”
“Iyong kasama ko, nasaan ’yung kasama ko?”
“Hindi ko alam. Baka nakalaya na rin. Sige na, umuwi ka na at baka magbago pa ang isip ko.”
“Salamat, hepe.”
Ngumisi ang hepe. “Tatandaan ko ang sinabi mo.”
“Anong…?”
“Gagawin mo ang lahat makalaya ka lang, di ba? Isang araw malay mo, ako naman ang may hinging pabor sa’yo.”
Chapter 22 - Police Asset
“SIGE po, Hepe…”
Tumango si Hepe.
“Aaalis na po ako. Salamat ulit.”
Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan ni Hepe. Kung ano man ang ibig sabihin noon, siya lang ang nakaaalam.
Kinilabutan si Dennis. Iba talaga ang pakiramdam niya sa mga nangyayari. Sandali lang siyang nawala sa selda, hayun at nawala na rin si Stephen. Hindi siya naniniwalang nakalabas na ito. Alam niya, may kakaibang nangyayari pero hindi niya mawari kung ano.
Mabilis na lumabas ng presinto si Dennis at naglakad papalayo sa lugar na iyon. Nang medyo makalayo siya ay sinubukan niyang kontakin si Stephen sa cellphone nito subalit ang recorded voice ng operator ang sumalubong sa kanya.
The number you dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.
Inulit pa ni Dennis ang pagtawag pero ganoon pa rin ang narinig niyang sagot.
“Asan na kaya si Stephen?” bulong ni Dennis sa kanyang sarili.
Pinara ni Dennis ang isang jeep na dumaan at sumakay siya rito para makauwi na.
SA PRESINTO ay lumabas si Hepe mula sa kanyang opisina at tinungo ang isang kuwarto malapit sa toilet. Binuksan niya ang pintuan at tumambad sa kanya ang dalawang pulis na binabantayan ang nakagapos at may piring sa matang si Stephen.
Nakaupo si Stephen sa isang monoblock. Mula sa pagkakaupo ay iginapos ang kanyang dalawang paa gamit ang isang mahabang lubid na pagkatapos itali ang akanyang mga paa ay ikinonekta ang pagkakatali sa kanyang mga kamay. Sa ganoong pagkakatali ay imposibleng makakilos nang maayos ang binata. Ang mga mata nito ay nilagyan ng piring at ang bibig ay binusalan ng isang bilog na basahang kadalasang binebenta sa mga jeepney driver sa kalye.
“O, kumusta ’yan?!” matigas ang tinig ni Hepe.
“Ayos lang, Hepe. Siniguro lang namin na hindi makagagawang ingay ang isang ’to.”
Umungol si Stephen. Gusto niyang sumigaw pero puro ungol lang ang lumalabas sa kanyang bibig.
“Kinawawa n’yo naman masyado. Pakawalan n’yo na ’yan. Mag-uusap kami,” utos ni Hepe sa kanyang mga tauhan.
Agad na kinalag ng dalawang pulis ang pagkakagapos ni Stephen. Tinanggal na rin nila ang piring sa mata at busal nito sa bibig.
“Anong kailangan n’yo sa akin? Ba’t n’yo ako dinala rito?!” matapang na tanong ni Stephen.
Ngumisi lang si Hepe. “Lumabas na kayo,” utos nito sa dalawang pulis.
Lumabas ng silid ang dalawang alagad ni hepe. Naiwan sa silid sina Stephen at Hepe.
Hindi inaalis ni Stephen ang tingin niya sa hepe ng mga pulis. Kung paanong tinititigan siya nito ay ganoon din ang ginawa niyang pakikipagtitigan dito.
“Anong kailangan mo sa akin?”
Ngumisi si Hepe bago ito nagsalita. “Mabuti’t alam mo na may kailangan ako sa’yo. Hindi na siguro ako mahihirapang kumbinsihin ka.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Pakakawalan kita. Palalayain kita. Hindi mo na kailangang magpiyansa… pero sa isang kondisyon.”
Kumunot ang noo ni Stephen. “Anong kondisyon?”
“Gagawin kitang asset.”
“Iyon bang parang secret agent ng mga pulis na nagbibigay ng tip kung nasaan ang mga wanted na kriminal?”
Napahalakhak nang malakas si Hepe.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Stephen.
“Iba. Ibang klaseng asset ang gusto kong gawin sa’yo.”
“Ano?”
“Ikaw ang uutusan kong magdala ng mga importanteng bagay sa mga kaibigan ko.”
“Anong importanteng bagay?”
“Hindi mo na kailangang malaman kung ano ang mga ’yun. Basta ang gagawin mo lang ay dalhin iyon sa mga kaibigan ko at pagkatapos, kukunin mo ang ibibigay nila sa’yo at dadalhin mo rito sa opisina ko. Madali, ’di ba?”
“Paano kung hindi ako pumayag?”
Muling humalakhak si Hepe. “May karapatan ka bang tumanggi? Ako ang batas dito at lahat ng utos ko ay sinusunod! At ang sinumang tumanggi ay ito ang umaareglo!” sabay bunot sa baril na nakasabit sa kanyang bewang at itinutok iyon kay Stephen.
Namutla si Stephen. Ang dulo ng baril ay nakatutok sa noo niya at kung magkakamali si Hepe na kalabitin ang gatilyo ay siguradong titimbuwang siya sa presintong iyon.
“Nagkakaintindihan ba tayo, bata?” nakangising tanong ni Hepe kay Stephen. Lalo pa nitong idiniin ang dulo ng baril sa noo ng binatang callboy.
“Opo, Hepe…”
Muling napuno ang silid ng malakas na halakhak ni Hepe. “Ayos! Madali ka naman palang kausap. Puwes, para makalabas ka na rito ngayon mo na uumpisahan ang trabaho mo sa akin. Halika, sumama ka sa akin!” Nauna nang lumabas ng silid si Hepe kasunod si Stephen.
Pagdaan sa kulungan at napansin ni Stephen na wala si Dennis.
“Nasaan si Dennis? Nasaan ang kasama ko?”
Sumagot si Hepe. “Umuwi na. Nakapagpiyansa na!”
“Imposible ’yun,” bulong ni Stephen sa sarili. Nagdududa man siya sa sagot ni Hepe ay hindi na siya nagtanong. Alam niyang wala siyang makukuhang matinong sagot sa pulis na ito.
Wala ring silbi ang cellphone niya. Naubos na ang baterya nito kanina pa.
Tinawag ni Hepe ang dalawang pulis na nasa silid din kanina. “Kayong dalawa, sumama kayo sa akin.”
Agad na sumunod ang dalawang pulis.
Lumabas ng presinto si Hepe at nagtungo sa nakaparadang police car.
“Sumakay ka,” mariing utos ni Hepe kay Stephen.
Sumakay si Stephen sa likurang bahagi ng kotse katabi ang isang pulis. Ang isa pang pulis ang nagmaneho katabi niya naman sa unahang upuan si Hepe.
“Huwag kang magkakamaling tumakas, hindi ako magdadalawang isip na barilin ka,” paalala ni Hepe Kay Stephen.
Nanatiling tahimik lang si Stephen habang bumibiyahe sila. Pero alisto ang mga mata at isip niya sa mga kalyeng dinadaanan ng police car. Tinatandaan niya kung nasaan na sila at kung saan ba sila pupunta.
Mabilis ang naging biyahe nila. Huminto ang police car sa isang apartment na medyo may kalayuan sa mga kapitbahay. Bumaba sa kotse si Hepe at ang dalawang pulis. Maging si Stephen at nagkusa na ring bumaba bago pa makapagsalita si Hepe.
Pumasok sila sa apartment na two-storey. Malaki ang apartment. Kung pagbabasehan ang laki nito, marahil ay may tatlong kuwarto sa itaas.
“Maupo muna kayo diyan. May kukunin lang ako sa itaas.” Bumaling si Hepe sa dalawang pulis. “Kayong dalawa, bantayan n’yo ’yang bata ko. Baka matakasan kayo.”
Umakyat si Hepe sa second floor ng apartment at maya-maya’y bumaba ito dala ang isang maliit na kahon na sinlaki ng kahon ng cellphone. May dala ring isang kulay itim na body bag si Hepe.
“Eto ang dadalhin mo sa kaibigan ko. Ilagay mo dito sa body bag para madaling dalhin.” Dinukot ni Hepe ang wallet niya sa likurang bulsa ng kanyang pantalon at kinuha ang isang tarheta. “Eto ang address na pupuntahan mo para dalhin ang kahon. Nandiyan rin nakalagay kung sinong hahanapin mo.” Iniabot ni Hepe kay Stephen ang calling card. “Sabihin mo lang na pinapunta ka ni Hepe.”
Binasa ni Stephen ang address.
“Alam mo bang puntahan ’yan?”
“Sa Quezon City. Oo, alam ko ito.”
“Magaling!” Napangiti si Hepe. “Natutuwa ako sa’yo. Mukhang mapakikinabangan kita ng husto.”
“Aalis na ako para madala ko na ito,” sabi ni Stephen.
“Pagkabigay mo sa kanya, may ibibigay rin siya sa’yo. Kunin mo ’yun at dalhin mo sa presinto. Nagkakaintindihan ba tayo?”
Tumango si Stephen.
“Hihintayin kita hanggang bago magtanghali. Huwag kang magkakamaling hindi bumalik. Kaya kitang ipahanap kahit saang sulok ng Pilipinas.”
“Huwag kang mag-alala, babalik ako.”
“Mabuti kung ganun. Mabait akong kaibigan sa mga taong mabait din sa akin,” dumukot ng limandaang piso si Hepe at iniabot kay Stephen. “O, pamasahe mo!”
Tinanggap ni Stephen ang pera.
“Lumakad ka na. Ayokong maghintay nang matagal sa’yo!”
Chapter 23 - Pera at Droga
NILISAN NA ni Stephen ang bahay ni hepe upang dalhin ang maliit na kahong naglalaman ng kung ano. Maingat itong nakalagay sa body bag na ngayon at nakasabit sa katawan ng binata.
Sumakay siya ng jeep biyaheng Proj. 8, Quezon City. Hindi naman nagtagal at narating niya ang lugar. Dinukot ni Stephen sa bulsa ng pantalon niya ang calling card at binasa ang pangalan at address na nakasulat dun. Kabisado ni Stephen ang lugar na iyon. Nung panahong naglayas siya sa kanila ay isa ang Proj. 8 sa mga naging pansamantalang tirahan niya. May mga naging barkada rin siya rito pero wala na siyang balita sa mga ito.
Nilakad na lang ni Stephen ang kahabaan ng kalye at pagdating sa ikatlong kanto ay lumiko siya sa kaliwa at muling naglakad patungo sa bahay na hinahanap niya.
Malaki ang bahay na tumutugma sa address na nasa calling card. Sa isip ni Stephen, bigatin ang sino mang nakatira rito.
Nag-doorbell si Stephen.
Ilang saglit lang at may nagbukas ng pinto.
“Anong kailangan mo?” tanong ng matabang lalaking nagbukas ng pinto. Mukha itong goon sa isang tagalog action movie.
“Ah, hinahanap ko si Mr. Sy,” sagot ni Stephen.
“Anong kailangan mo sa kanya?” tila nagdududang tanong ng lalaking mataba.
“May padala sa kanya si hepe.”
Matamang tinitigan ng lalaking mataba si Stephen, pagkuwa’y pinapasok siya sa loob. “Halika, pumasok ka.”
Walang alinlangang pumasok sa loob si Stephen. Mas lalo pa siyang humanga sa ganda ng bahay. May malaking bakuran dito na napapalibutan ng maliliit na halaman. May malaking swimming pool sa isang bahagi at may malawak na lanai na may mesa at mga upuang marmol.
“Sino ’yan?” narinig ni Stephen ang malaking boses ng isang lalaki.
“Mr. Sy, padala sa’yo ni hepe,” mabilis na sagot ng matabang lalaki.
Lumawak ang pagkakangiti ni Mr. Sy. Tipikal na itsurang intsik si Mr. Sy. Halos mawala na ang mga mata nito sa pagkakangiti.
Lumapit ang intsik kay Stephen.
“Nasaan ang dala mo?” matatas ang pananagalog ng matandang intsik. Hindi siya katulad ng ibang intsik na bulol kung bumigkas ng tagalog na mga salita.
“Eto po…” Inilabas ni Stephen mula sa body bag ang maliit na kahon at iniabot iyon kay Mr. Sy.
Agad na binuksan ni Mr. Sy ang maliit na kahon. Malapad ang ngiting pinakawalan ng intsik nang makita ang laman ng kahon. Isang plastic na puno ng tila pinulbos na tawas.
Shabu!
Kinuha nito ang plastic na naglalaman ng shabu at hinarap si Stephen.
“Salamat!” Tinawag ni Mr. Sy ang isa niyang tauhan. “Dagul!”
“Boss!” agad na sagot ni Dagul.
“Iabot mo sa akin ang sobre.”
Agad na kumilos si Dagul at pumasok sa loob ng bahay. Maya-maya pa’y muli itong lumabas dala ang isang makapal na sobre.
“Eto na, boss.” Iniabot ni Dagul kay Mr. Sy ang sobre.
Tumingin si Mr. Sy kay Stephen. “Alam mo na kung anong gagawin sa sobreng ito.” Ibinigay nito kay Stephen ang sobre.
Kinuha ni Stephen ang sobre. “Tutuloy na po ako. Dadaan pa ako kay hepe.”
“Ingatan mo ’yang dala mo.”
Tuluy-tuloy na lumakad si Stephen patungong gate. Walang lingon siyang lumabas at nilisan ang bahay ni Mr. Sy.
Madaling nakabalik sa presinto si Stephen. Tuwang-tuwa si hepe nang iabot sa kanya ni Stephen ang sobreng bigay ni Mr. Sy.
“Maaasahan ka, bata. Hindi ako nagkamali ng pagpili sa’yo.”
“Maaari na ba akong umuwi?” tanong ni Stephen.
“Teka muna…” Binuksan ni hepe ang sobre. Tumambad kay Stephen ang bungkos ng perang laman ng makapal na sobre. Puro isang libuhin. Kumuha ng dalawang libo si hepe at iniabot kay Stephen. “Sa’yo ’to! Bayad sa serbisyo mo.”
Nag-aalangan si Stephen kung kukunin ba niya ang pera.
“Kunin mo!” matigas na sabi ni hepe.
Kinuha ni Stephen ang pera.
Ngumisi si hepe. “Maging mabait ka lang, magkakasundo tayo.”
“Uuwi na ako, hepe.”
Tumango lang ito sa kanya. “Hanggang sa muli.”
Nagmamadaling nilisan ni Stephen ang presinto. Kailangan niyang makauwi kaagad. Kailangan niyang makontak si Dennis. Nasaan na si Dennis?
Sumakay ng jeep si Stephen patungong Dapitan sa Sampaloc.
NASA school canteen si Dennis nang mga oras na iyon. Hindi siya makapag-concentrate sa binabasang libro dahil nag-aalala pa rin siya kung nasaan na si Stephen. Hindi pa rin siya kinokontak hanggang ngayon ng lalaking ’yun!
“Ba’t ba parang balisa ka? Para kang pusang di maihi,” pansin ni Dexter sa kaibigan.
“Wala, may iniisip lang ako.”
“Sino? Si Stephen?”
“Hindi!”
“Hmm… May LQ kayo?”
“Ano ka ba? Hindi nga siya,” tanggi ni Dennis.
“Hay naku, aamin ka rin sa akin mamaya.”
“Anong aaminin ko sa’yo?”
“Malay ko?”
“Eh wala nga kasi.”
Lumabi lang si Dexter. Hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Dennis.
Biglang tumunog ang cellphone ni Dennis.
“Ayan na siyaaa!” pigil ang pagtili ni Dexter. Ito pa ang mas naunang kinilig kesa kay Dennis.
“Excuse me, sasagutin ko lang sandali.”
“Go ahead, girl!”
Bahagyang lumayo si Dennis kay Dexter bago nito sinagot ang tumatawag sa cellphone.
“Hello, nasaan ka?” narinig ni Dennis ang boses ni Stephen.
“Nasa school. Ikaw, asan ka? Bigla kang nawala kagabi pagkagaling ko sa office nung hepe.”
“Di ako nawala. Mahabang kuwento. Eto nga kauuwi ko pa lang. Pwede ba tayong magkita mamaya. Kailangan nating mag-usap.”
“Alas singko ang tapos ng klase ko. Kita na lang tayo sa Ever Recto.”
“Sige, puntahan kita mamaya. Magpapahinga lang muna ako sandali. Pagod at inaantok ako.”
“Sige, mamaya na lang. Bye!”
Bumalik na si Dennis sa kinaroroonan ni Dexter.
“O, ano bati na kayo?” maagap na tanong ng kaibigan ni Dennis.
“Si mama ’yun. Nangungumusta lang.”
“Sus! Denial queen ka bakla!”
“Magbasa ka na nga. May quiz pa tayo mamaya!”
MASAYA si Mia paglabas niya sa HR Department ng isang mall. Katatapos lang kasi ng interview niya at natanggap siyang cashier sa isa sa mga branch ng mall na iyon. Sa wakas, wala nang sinumang magsasabi na hindi matino ang trabaho niya.
Nag-abang ng masasakyan pauwi si Mia. Kung hindi siya matatrapik, makakauwi siya nang maaga at maabutan pa niya sa bahay si Marko. Siguradong matutuwa ang lalaki sa ibabalita niya. Iyon rin naman ang gusto ni Marko, ang makaalis siya nang tuluyan sa pagiging GRO.
Naisipan ni Mia na mag-taxi na lang. Wala siyang kamalay-malay na isang taong may malaking pagkakagusto sa kanya ang ngayon ay nakabuntot sa taksing sinasakyan niya.
Si Mr. Choi!
Chapter 24 - Singil
“PARA SA TABI…”
Iniabot ni Mia sa driver ang bayad at agad na bumaba sa taksi pagkahinto nito sa gilid ng kalsada katapat ng eskenitang dinadaanan patungo sa kanilang bahay. Wala siyang kamalay-malay na bumaba rin sa kotse ang isang bodyguard ni Mr. Choi at ngayon ay nakasunod sa kanya upang alamin kung saan siya nakatira.
Nang makita ng bodyguard na pumasok sa isang bahay si Mia ay saglit nitong kinabisado ang lugar at pagkatapos ay naglakad na pabalik sa kotse ni Mr. Choi.
Si Marko ay naglalakad na rin pauwi. Katatapos lang niyang mag-ensayo sa Gym Pomelo. Ilang linggo na rin siyang hindi nakapagbubuhat kaya naisipan niyang mag-gym pagkaalis ni Mia kanina para mag-apply ng trabaho.
Nadaanan pa ni Marko ang kotse ni Mr. Choi na nakaparada sa gilid ng kalye. Nakasalubong rin niya ang bodyguard ni Mr. Choi na sumunod kay Mia hanggang sa tinitirhan nito. Hindi naman alam ni Marko kung sino ito. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad patungo sa tirahan nila ni Mia.
Nagulat pa si Mia na wala si Marko sa bahay.
“Nasaan kaya ’yun?” tanong ni Mia sa sarili.
Nagpapalit ng damit si Mia nang maramdaman niyang may nagbukas ng pinto.
“Nandito ka na pala,” nakangiting sabi ni Marko.
“Oo, kararating pa lang. Saan ka galing?”
“Diyan lang, nag-gym. Kumusta ang lakad mo?”
Lumawak ang ngiti ni Mia. “May trabaho na ako! Natanggap akong saleslady.”
“Talaga? Wow naman! Ang galing!” Biglang niyakap ni Marko si Mia at aktong bubuhatin pa sana ang dalaga pero pinigilan siya nito.
Nagkatawanan silang dalawa.
“Kelan ka mag-uumpisa?”
“Sa isang linggo. Pero kailangan kong mag-ayos ng requirements bukas. Pupunta ako’ng NBI at saka sa medical na rin.”
“Sasamahan na kita.”
“Huwag na. Kagagaling mo lang sa trabaho nun. Matulog ka lang dito.”
“Sige, ikaw ang bahala. Basta, masaya ako para sa’yo. Masayang-masaya!”
Isang sinserong ngiti ang isinagot ni Mia sa sinabi ni Marko.
ALAS-SINGKO ng hapon.
Nasa Ever Recto na si Dennis. Malapit lang naman ang mall na iyon sa eskuwelahang pinapasukan niya kaya ilang minuto lang niyang nilakad ang pagpunta roon.
Dumiretso si Dennis sa third floor kung saan naghihintay si Stephen. Nakita niya ang binatang callboy na tumitingin sa isang kiosk ng mga pantalon at t-shirt.
“Balak mo bang bilhin ’yan?” tanong ni Dennis.
“O, nandito ka na pala.”
“Diyan lang naman sa kabila ’yung school namin. Kaya nung nagtext ka na nandito ka na, pumunta na ako kaagad.”
“Kumusta ka na?”
“Ikaw ang kumusta? Ano’ng nangyari sa’yo at bigla kang nawala sa presinto?”
“Halika, dun tayo mag-usap.” Hinawakan ni Stephen sa braso si Dennis at nagsimulang maglakad.
“Saan?”
Pumunta sila sa ground floor at pumasok sa Greenwich.
“Humanap ka na ng mauupuan. Bibili lang ako ng makakain natin.” Pumunta sa counter si Stephen. Si Dennis naman ay nagtungo sa isang bakanteng mesa sa bandang likuran malayo sa ibang customers.
Ilang sandali lang at pumunta na rin dun si Stephen dala ang biniling pizza, spaghetti at dalawang basong softdrinks.
“Kain na tayo,” alok ni Stephen kay Dennis. “Eto, sa’yo ’tong spaghetti tapos kumain ka rin nitong pizza.”
“Ikaw, anong kakainin mo?”
“Itong pizza rin. Hati tayo. ’Di naman natin mauubos ito.” Kumuha ng isang slice ng pizza si Stephen at nagsimulang kumain.
“Ano ba’ng nangyari kanina? Ba’t bigla kang nawala?” muling tanong ni Dennis kay Stephen.
“Hindi ako nawala. Inilabas nila ako sa selda at dinala sa isang silid. Itinali nila ako, binusalan ang bibig…”
“Bakit?” naguguluhang tanong ni Dennis.
“Trip lang siguro nung mga gagong pulis. Ikaw, ba’t ka nakalaya?”
“Pinalaya ako ni hepe…”
“Si hepe rin ang nagpalaya sa akin. Pero ’yun ay pagkatapos kong gawin ang ipinag-uutos niya.”
“Utos?”
“Sabi niya, gagawin daw niya akong asset. Akala ko, police asset na magtitimbre sa kanila ng mga wanted na kriminal. Hindi pala…”
“Eh anong klaseng asset pala?”
“Ginawa niya akong tagadala ng shabu sa mga kontak niya.”
Nanlaki ang mga mata ni Dennis. “Involved sa drugs si hepe?”
Tumango si Stephen. “Hindi mabait si hepe. Mapanganib siya.”
Biglang gumapang ang kilabot sa katawan ni Dennis. Natataandaan pa niya ang huling salitang binitiwan ni hepe bago siya lumabas sa presinto: “
Isang
araw
malay
mo
,
ako
naman
ang
may
hinging
pabor
sa’yo
.“
Biglang natigilan si Dennis. Paano nga kung dumating ang araw na may hinging pabor sa kanya si hepe?
“Dennis…”
“H-ha?”
“Bakit parang natigilan ka?”
“A-e, may naalala lang ako. Sige kain na tayo para makauwi na.”
“Sige…”
“Stephen…”
“Bakit?”
“Dahil ba asset ka na ni hepe, mauulit pa ’yung pagdadala mo ng shabu sa mga kontak niya?”
“Parang ganoon ang dating sa akin ng sinabi niya bago ako umalis sa presinto kanina. Pero nagpasya na akong huwag magpagamit sa kagaguhan niya.”
“Paano mo siya maiiwasan? May record tayo sa presinto.”
“Ewan ko. Lilipat siguro ako ng boarding house. Basta, hindi na ako magpapagamit sa kanya.”
“Natatakot ako. Paano kung ako ang puntahan niya kapag hindi ka niya nakita? Alam din ni hepe ang address ko, pati school. Madaling lumipat ng bahay pero hindi ako basta-basta makakalipat ng eskuwelahan.”
“Sorry… Kung hindi kita niyaya dun sa sinehan, hindi sana nangyari sa atin iyon. Hindi sana tayo nahulog sa bitag ni hepe.”
“Hindi mo kasalanan iyon. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ginusto ko rin naman ’yun, eh. Kaya hindi tayo dapat magsisihan,” malumanay na sabi ni Dennis. “Noong pinalaya ako ni hepe, sabi niya sa akin baka raw dumating ang araw na siya naman ang may hinging pabor sa akin. Sa tingin mo ba sisingilin niya talaga ako sa pagpapalaya niya sa akin? At ganyang pabor din kaya ang hihingin niya sa akin?”
“Ewan ko. Siguro. Kaya dapat talaga na mag-ingat tayo. Kung makakalipat ka ng boarding house, gawin mo na rin. Saka mo na problemahin ang school.”
“Sige, magtatanong ako kay Dexter baka may bakante pa sa tinitirhan niya. Lilipat ako kaagad ’pag meron.”
Nag-ring ang cellphone ni Stephen. Numero lang, walang pangalan.
“Hello…”
“Stephen…”
“Sino ’to?”
“Pumunta ka sa presinto bukas, may ipade-deliver ako sa’yo.”
“Hepe?!”
Nagkatinginan sina Stephen at Dennis, bakas ang pag-aalala sa mga mukha nila.
Chapter 25 - Mga Panganib
“AASAHAN kita bukas.”
Hindi agad nakasagot si Stephen. Pupunta ba siya o hindi? Kung pupunta siya, makakawala pa ba siya kay hepe? Kung hindi naman siya pupunta, matatakasan ba niya ang mga galamay ng pulis na iyon?
“Stephen?”
“O-oo, hepe. Darating ako.” Nanlumo si Stephen sa isinagot niya kay hepe. Kanina lang ay buo na ang pasya niyang huwag nang magpagamit sa pulis na iyon. Pero heto at binali niya agad ang kanyang salita.
“Magaling. Iyan ang gusto ko sa’yo, masunurin. Sige, bukas na lang…” Tinapos na ni hepe ang usapan.
“Ano’ng sabi?” tanong ni Dennis.
“Pinapupunta niya ako sa presinto bukas. May ipade-deliver daw siya.”
“Pupunta ka?”
“Hindi pa yata ngayon ang tamang panahon para iwasan ko siya. Hindi pa tayo handa.”
“Pero hanggang kailan? Hihintayin mo pa bang mapahamak ka?”
“Bibigyan naman siguro ako ng proteksyon ni hepe sakaling mahuli ako.”
“Paano kung hindi? Paano kung siya mismo ang magdiin sa’yo para iligtas ang sarili niya?”
Natigilan si Stephen. “Ewan ko. Hindi ko alam.”
“Mag-iingat ka… Mag-ingat ka lagi…” Bakas ang takot sa tinig ni Dennis.
“Ikaw rin…”
Tumango si Dennis.
“Kumain na tayo, para makauwi na. Saka na natin problemahin ang problema.”
HINDI AGAD nakatulog si Stephen nang gabing iyon. Matagal niyang inisip ang kasalukuyang sitwasyon. Dati nang magulo ang buhay niya, pero tila mas gumulo ito ngayon. Kahit naman nagbebenta siya ng laman, hindi niya sinubukan kailan man ang magdroga. Hindi niya inisip kahit minsan na sirain ng droga ang kanyang pagkatao. Pero mas lalong hindi niya inisip na maging instrumento para masira ang buhay ng maraming tao.
Paano ba niya matatakasan si hepe? Kailangan ba niyang umalis ng Maynila? Kailangan ba niyang lumayo nang malayong-malayo para hindi na siya masundan ng hayup na pulis na iyon?
GISING pa rin si Dennis. Ito man ay kinakabahan rin sa nasuotang sitwasyon. Paano ’pag nalaman ng mga magulang niya na nakulong siya dahil nahuling gumagawa ng kahalayan sa loob ng sinehan? Baka mapatay siya ng papa niya! At si hepe, sana ay hindi mangyari ang sinabi nitong hihingi ito sa kanya ng pabor balang araw. Natatakot siya sa maaaring gawin nito sakaling hindi niya magawa o maibigay ang hihinging pabor nito.
Nakakatakot si hepe!
MADALING-ARAW na nakauwi si Marko. Mapera siya ngayon. Kumita siya sa mga tip ng kostumer sa bar. Naiteybol pa siya ng isang mayamang bading na first time pumasyal sa bar nila. Galante ang bading na halatang nagkagusto kaagad sa kanya kaya naman hindi ito nagdamot na bigyan siya ng medyo malaking halaga kapalit ng ilang oras na pakikipagkuwentuhan niya rito. Kasama na siyempre doon ang paminsan-minsang pagdampi ng kamay nito sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan, pati na rin sa maumbok na bahaging natatakpan lang ng suot niyang bikini brief.
Mahimbing na ang tulog ni Mia nang dumating sa bahay si Marko kaya hindi na ito ginising ng binata. Naghilamos lang si Marko at nagsepilyo pagkatapos ay nagpalit ng damit na pambahay at saka kaagad na humiga sa kama. Dahil pagod, agad ring nakatulog si Marko.
ALAS-SAIS nang magising si Mia. Nagluto siya ng almusal. Sinangag niya ang natirang kanin kagabi. Nagprito siya ng itlog at ilang pirasong tuyo. Pagkatapos magluto ay naligo na si Mia. Nagulat pa siya paglabas niya ng banyo nang makita si Marko.
“O, ba’t gising ka na?”
“Naiihi lang ako.” Pumasok sa banyo si Marko.
“Ahh, nakapagluto na ako ng almusal. Baka gusto mo nang kumain, andun na sa mesa.”
“Ang aga mo namang aalis,” pansin ni Marko.
“Mabuti nang maaga. Alam mo naman kung gaano kahaba ang pila sa NBI. Medical pa. Para makauwi rin ako nang maaga.” Nasa silid na si Mia at nagbibihis. Maliit lang talaga ang tinitirhan nila kaya nagagawa nilang mag-usap kahit nasa silid siya at nasa banyo si Marko.
“Sabagay…”
Saktong nakabihis na si Mia nang pumasok sa kuwarto si Marko.
“Mag-aalmusal na ako. Kakain ka na rin ba?” tanong ni Mia.
“Mamaya na lang ako kakain. Matutulog pa ako. Ayaw mo naman kasing samahan kita.”
“Hay naku, magpahinga ka na lang dito. Uuwi rin naman ako kaagad.”
“Mag-iingat ka, ha?”
“Opo. Lagi naman akong nag-iingat.”
“Sige, kumain ka na muna.”
NASA JEEP na si Stephen patungo sa presinto. Labag man sa loob niya, wala pa siyang sapat na preparasyon para iwasan si hepe. Sa ngayon, susundin na lang muna niya ang mga kagustuhan nito. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa kanya basta sundin lang niya ang mga ipag-uutos nito.
Pagdating sa presinto ay nagtanong siya sa isang pulis na naroon.
“Nasaan si hepe?”
“Nasa opisina niya. Kanina ka pa niya hinihintay.”
Tama ang hinala ni Stephen na alam nga ng mga tauhan ni hepe ang ilegal na aktibidad nito. “Pupuntahan ko na siya,” sabi ni Stephen sa pulis.
Tumango lang ang pulis.
Kumatok muna sa pinto ng opisina ni hepe si Stephen bago siya pumasok.
“O, nariyan ka na pala!” masiglang bati sa kanya ni hepe.
“Ano pong ipag-uutos n’yo sa akin?”
Ngumisi si hepe. “Katulad rin ng dati. Dadalhin mo sa kaibigan ko ang laman ng bag na ’yan.” Itinuro ni hepe ang isang black bag na nasa ibabaw ng mesa nito. “Eto ang address.” Iniabot ni hepe kay Stephen ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang address.
Binasa ni Stephen ang nakasulat sa papel. Tapos ay tumingin ito kay hepe. “Navotas? Hindi ko kabisado ang Navotas.”
“Bahala ka na kung paano mo hahanapin ’yan. Basta siguruhin mong makababalik ka rito bago mag-alas-singko ng hapon.”
Walang nagawa si Stephen kundi tumango na lang. “Sige hepe, aalis na ako.” Dinampot ni Stephen ang bag.
“Ingatan mo ’yan. Lalo na ’yung pera ibibigay sa’yo mamaya,” pahabol ni hepe.
“Huwag kang mag-alala, hepe. Dadalhin ko sa’yo nang buo ang pera mamaya.”
Humalakhak si hepe. “Aasahan ko ’yan!”
MADALING narating ni Mia ang clinic kung saan siya magpapa-medical. Tamang-tama, dalawa lang ang naabutan niyang pasyente pagdating niya roon. Siguradong maaga siyang matatapos at makakapunta siya kaagad sa NBI.
Hindi nga nagtagal at si Mia na ang inaasiste ng mga staff ng clinic. Kinuhaan siya ng dugo at iba pang specimen para sa laboratory test. Lahat ng kailangang gawin para sa pre-employment medical examination ay ginawa kay Mia.
“Ipadadala na lang namin sa company n’yo ang result ng medical mo,” nakangiting sabi ng nurse kay Mia.
“Tapos na po ba?”
“Oo,” sabi ng nurse kasabay ang pagtango.
“Magkano ang babayaran ko?”
“Wala. Ipadadala na lang din namin sa kompanya n’yo ang billing.”
“Thank you, nurse. Sige, aalis na ako. Salamat ulit.”
Sinuklian ng nurse ng matipid na ngiti ang pasasalamat ni Mia.
Paglabas ng clinic ay naglakad si Mia papunta sa sakayan ng bus papuntang SM Megamall. May satellite office dun ang NBI. Doon na lang siya kukuha ng NBI clearance.
AKALA NI STEPHEN ay mahihirapan siyang hanapin ang address pero dahil mukhang kilala ang taong hinahanap niya sa Navotas ay madali niyang nakita ang tirahan nito.
Matapos siyang papasukin sa sala ng bahay ay sinalubong siya ng isang may edad nang lalaki.
“Kayo ba si Mr. Salvador Gonzales?” tanong ni Stephen.
“Ako nga.”
“May padala sa’yo si hepe. Eto…” Iniabot dito ni Stephen ang black bag.
Binuksan ni Mr. Gonzales ang bag at ininspeksyon ang laman nito. Maya-maya’y napangiti ito. Tila kuntento sa nakitang laman ng bag. “Hintayin mo ako rito,” sabi nito kay Stephen.
Nagtungo si Mr. Gonzales sa silid niya at nang bumalik may dalang brown envelope.
“Eto, ibigay mo ito kay hepe. Hinihintay niya ’yan.” Bahagyang binuksan ng lalaki ang envelope para makita ni Stephen ang laman nito.
Namangha si Stephen sa dami ng nakita niyang pera. Puro tig-isanlibong piso.
“Huwag kang mag-alala, kumpleto ito. Hindi mo na kailangang bilangin.
“Kukunin ko ’yung black bag para may paglagyan ako ng pera.”
“Ah, sige…” Inilabas ni Mr. Gonzales ang lahat ng laman ng bag at ibinigay kay Stephen ang bag. “Eto…”
Agad kinuha ni Stephen ang bag at pera. Matapos isilid nang maayos ang pera sa bag ay nagpaalam na ito sa lalaki. “Aalis na ako.”
“Isara mo na lang ang gate paglabas mo.”
Tumango si Stephen at lumakad na.
Ngayon, kailangan na niyang makabalik sa presinto para maibigay agad kay hepe ang perang dala niya. Naglakad si Stephen papuntang sakayan ng jeep. Kung malapit lang ang presinto, magtataksi na sana siya para mabilis na makarating kay hepe.
Nasa ganoong pag-iisip si Stephen nang biglang may humintong kotse sa harapan niya. Mabilis na bumaba ang tatlong lalaking sakay nito at hinawakan ng dalawa ang kanyang mga kamay habang ang isa naman ay pilit na kinuha ang bag na dala niya. Nang makuha ang bag ay agad ding sumakay ng kotse ang tatlo at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Naiwang tulala si Stephen. Hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.
Ang perang ibibigay niya kay hepe, natangay ng tatlong lalaking iyon!
Chapter 26 - Trahedya ni Mia
SAGLIT NA natulala si Stephen.
Paano na?
Anong gagawin niya ngayon?
Paano niya ipaliliwanag kay hepe na ninakaw sa kanya ang perang kabayaran sa paketeng dinala niya kay Mr. Gonzales?
Tinawagan ni Stephen si Dennis.
“Hello? Ba’t napatawag ka? Nasa klase ako. Tiyempo namang nag-CR ako nung tumawag ka,” mahabang sabi agad ni Dennis nang sagutin nito ang tawag ni Stephen.
“Problema!”
“Ha? Anong problema?”
“Iyong bayad sa drogang ipina-deliver sa akin ni hepe, ninakaw!”
“Paanong…? Anong nangyari? Paanong ninakaw?” Natataranta na si Dennis.
“May tatlong lalaking sakay ng kotse. Sapilitang kinuha sa akin ’yung bag na may lamang pera. Dennis, ang laking pera nun. Baka ipapatay ako ni hepe ’pag hindi ko ’yun naibigay sa kanya.”
“Ipaalam mo na kaya sa kanya. Baka isipin niyang itinakas mo ang pera kung hindi mo ipapaalam sa kanya ang nangyari. Tawagan mo na siya.”
Saglit na nag-isip si Stephen.
“Stephen…?”
“Nandito pa ako.”
“Ano man ang mangyari, tawagan mo agad ako.”
“Oo… sige.”
Ang tatlong lalaking sakay ng kotse na tumangay sa perang dala ni Stephen ay lumiko pagdating sa dulo ng kalsada at pagkatapos ay umikot patungo sa kabilang kalye at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.
Isa ang naglabas ng cellphone at may tinawagan.
“Boss, nasa amin na ang pera. Tama ka, baguhan nga ’yung alaga ni hepe. Ni hindi man lang nakapiyok nung hinarang namin.” Tumawa pa nang malakas ang lalaki.
Sumagot ang kausap ng lalaki. “Good job! Naisahan din natin si hepe. Nasa atin na ang droga, nasa atin pa ang pera. Hindi niya malalaman na tayo ang tumira sa bata niya.”
“Oo, boss. Paniwalang-paniwala si hepe na ’di mo siya tatraydurin. Matagal ka na rin kasing kliyente ng pulis na ’yun at kahit minsan, hindi siya nagkaproblema sa’yo sa mga transaksyon.”
“Magkita na lang tayo sa bodega. Paalis na ako dito sa bahay. Hinintay ko lang talagang dumating ang padala ni hepe. Hindi nasayang ang paghihintay ko.”
“Sige, Mr. Gonzales boss. Hihintayin na lang namin kayo sa bodega.
“HEPE…”
“O, napatawag ka? Naibigay mo na ba kay Mr. Gonzales ang pakete?”
“Oo…”
“Magaling! Maaasahan ka talaga, bata. Bumalik ka na rito. Dalhin mo na ang pera.”
“Eh, hepe… kasi ano…” Hindi malaman ni Stephen kung paano sasabihin ang nangyari.
“Ano?”
“Hepe, ano kasi… w-wala ’yung pera.”
“Wala?! Anong wala?”
“Ninakaw, hepe…”
“Sinong nagnakaw!” Halos mabingi si Stephen sa sigaw ni hepe.
“May kotseng humarang sa akin. May sakay na tatlong lalaki. Sapilitan nilang kinuha sa akin ’yung bag kung saan nandoon ’yung pera. Sorry, hepe…”
“Anong!? Huwag mo akong pinaglololoko, ha? Balak mong itakas ang pera kaya pinalalabas mong ninakaw sa’yo!”
“Hindi. Hindi, hepe. Ninakaw talaga. Hindi ko naman pag-iinteresan ’yun, hepe. Pera mo ’yun, eh. Wala lang talaga akong nagawa nung harangin ako at kunin nila ’yung pera.”
“Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo, bata. Huwag ako… Gaguhin mo na kahit sino. ’Wag ako!”
“Hepe…”
“Bibigyan kita ng oras para dalhin dito ang pera. Hanggang mamayang hapon! Kapag ’di mo dinala rito ang pera, magtago ka na, bata. Ipapahanap kita kahit sa impiyerno!”
KALALABAS lang ni Mia sa mall kung saan may satellite office ang NBI. Sa haba ng pila, mas nagtagal pa siya rito kesa sa pagpapa-medical.
Naglalakad si Mia patungo sa sakayan ng jeep nang isang kotse ang huminto sa harapan niya.
Nagbaba ng bintana ang sakay ng kotse at tila natuka ng ahas si Mia nang makilala ang sakay nito.
“Mr. Choi!”
“Ikaw sakay na, Mia. Hahatid na kita. Tagal-tagal tayo ’di kita.” Bagamat nakangiti si Mr. Choi ay hindi ito sapat para maengganyong sumakay si Mia sa kotse ng matandang intsik.
“Ah, eh… Huwag na, Mr. Choi. Hindi pa naman kasi ako uuwi. May pupuntahan pa ako,” pagsisinungaling ni Mia.
“Okay lang. Hahatid na kita…”
Umiling si Mia. “Hindi, Mr. Choi. Salamat na lang.”
Isang lalaki ang bumaba sa kotseng nasa likuran ng kotse ni Mr. Choi. Mabilis itong naglakad papalapit kay Mia.
Namukhaan ni Mia ang lalaki. Isa ito sa mga bodyguard ni Mr. Choi.
“Sumakay ka na. Ayaw mo naman sigurong magkagulo rito.” Naramdaman ni Mia na may tila kung anong itinutok sa tagiliran niya ang bodyguard ng intsik. Nahihintakutang napatingin siya rito.
“Sakay na…” Kung gaano kaseryoso ang tinig ng lalaki ay ganun din kaseryoso ang mukha nito.
Sumikdo ang takot sa dibdib ni Mia.
“Sakay!” mahina pero may pwersang utos ng bodyguard ni Mr. Choi sabay ang mahinang pagtulak nito kay Mia.
Napilitang sumakay si Mia. Agad na sumibad ang kotse papalayo sa lugar na iyon.
Pagkaupo ni Mia sa bandang likuran ng kotse katabi ni Mr. Choi ay agad siyang hinawakan nang madiin sa braso ng matandang intsik.
“Ikaw miss ko na, Mia. Tagal din kita hanap.”
“U-uuwi na kasi ako ng probinsiya, Mr. Choi. Ayoko na rito sa Maynila.”
“Baket ’di ka sabi sa ’ken?”
“Eh, hindi ka naman kasi pumupunta sa club. Hindi ko naman alam ang number mo.”
Misteryoso ang ngiting pinakawalan ni Mr. Choi. “Buti ikaw nakita ko.”
“Mr. Choi, sa Quezon City ako umuuwi. Mali ang dinadaanan natin.”
“Hindi pa ikaw uuwi, Mia. Ikaw sasama muna sa bahay ko.”
Pakiramdam ni Mia ay nanlaki ang kanyang ulo sa labis na pagkatakot.
“K-kailangan ko agad makauwi, Mr. Choi.”
Umiling ang matandang intsik. “Hindi, Mia. Hindi ikaw uuwi.”
Kinilabutan si Mia sa narinig. Nag-panic na siya. “Ibaba mo ako. Gusto ko nang umuwi! Ipahinto mo ang kotse!”
“Kahit ikaw sisigaw, wala didinig sa’yo sa labas kotse ko.” Muling sumilay ang misteryosong ngiti sa mga labi ni Mr. Choi. Sa loob ng matanda, ito na ang pagkakataong makabawi sa lahat ng pinuhunan niya kay Mia sa club. Ngayon na ang araw ng paniningil. Ang natitirang birhen sa Midnight Shadows club ay hawak na niya ngayon.
“Maawa ka, Mr. Choi. Pauwiin mo na ako… Ayokong sumama sa’yo,” mangiyak-ngiyak si Mia sa magkahalong kaba at takot.
“Bakit ka iiyak, Mia? Hindi ka naman saktan Mistel Choi. Ako bait sa’yo, ’di ba?”
Hindi nakasagot si Mia. Tumulo na ang luha niya at umagos sa kanyang mga pisngi.
“Di ba?!!!” Halos dumagundong ang boses ni Mr. Choi nang sumigaw ito.
“O-oo! Oo, Mr. Choi. Mabait ka sa akin.” Halos doble na ang takot ni Mia sa kausap. Nararamdaman niyang may hindi magandang mangyayari sa kanya.
“Ganun pala. Ikaw kalma lang,” bumalik sa malumanay na tono ang boses ng intsik.
“Pauwiin mo na ako, Mr. Choi. Pakiusap…”
“Akin sabi kalma lang…”
“Maawa ka sa akin…”
“Kalma lang…”
“Pakiusap, Mr. Choi…”
“Kalma!!!” Isang suntok sa sikmura ang ibinigay ni Mr. Choi kay Mia. Isang suntok na sapat na para magdilim ang paligid sa walang kalaban-laban na dalaga.
Chapter 28 - Walang Kawala
DUGUANG BUMULAGTA sa sahig si Mia.
Si Mr. Choi ay tila halimaw pa rin ang itsura. Walang mababakas ni kaunti mang takot o awa sa mukha nito.
Parang walang anumang nangyari na binitiwan nito ang hawak na pigurin at nag-dial sa celfone niya.
“Pasok kayo rito!” Iyon lang ang sinabi ni Mr. Choi at agad din nitong isinilid sa bulsa ang celfone.
Hindi nagtagal at pumasok sa kuwarto ang dalawang bodyguard ni Mr. Choi. Hindi na nagulat ang mga ito nang makita ang nakahandusay sa sahig na si Mia.
“Kayo tapon ’yan!” utos ni Mr. Choi sa dalawang lalaki.
Agad na sumunod ang dalawang lalaki. Magkatulong nilang binuhat ang katawan ni Mia at inilabas ng silid.
Tuloy-tuloy ang dalawang bodyguard ni Mr. Choi sa kotse. Inilagay nila sa compartment si Mia tapos ay mabilis na pinasibad ang kotse. Tila alam na alam ng mga ito ang gagawin. Parang kabisado nila kung saan pupunta para idispatsa ang kawawang babae.
Pagkatapos ng medyo mahaba ring biyahe, huminto ang kotse sa isang madamong lugar sa gilid na iyon ng highway. Kung titingnan ang paligid, hindi na ito parte ng Metro Manila. Bumaba ang dalawang lalaki at inilabas sa compartment si Mia. Itinapon nila ang dalaga at parang walang nangyaring umalis ang dalawa sa lugar na iyon pabalik sa mansyon ni Mr. Choi.
SA BAR ay hindi mapakali si Marko. Alas-nueve na ng gabi pero hindi pa rin niya nakokontak si Mia. Hindi niya alam kung nasa bahay na ba ito at nagpapahinga na. Labis na ang pag-aalala ni Marko para sa dalaga. Kanina pa niya ito tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Hindi na rin niya mabilang kung ilang text messages na ang ipinadala niya rito pero ganun din, walang sagot si Mia.
Kinakabahan na si Marko. Hindi naman ganito si Mia. Madalas mag-text sa kanya ang dalaga kahit nga noong hindi pa naman sila.
Muling sinubukang tawagan ni Marko ang kasintahan. Ngunit muli siyang nabigo. Kung kanina ay nagri-ring pa ang cellphone ni Mia, ngayon ay hindi na niya ito makontak.
“Asan ka na ba, Mia?” bulong ng isip ni Marko.
Matiyagang naghintay si Marko na kobtakin siya ni Mia. Pero hanggang sa mas lumalim pa ang gabi ay walang Mia na nagparamdam sa kanya.
NAG-RING ang cellphone ni Mr. Choi.
“Ano balita, Godo?” tanong ni Mr. Choi sa tumawag. Saglit niyang pinakinggan ang sagot nito.
Biglang rumehistro ang galit sa mukha ng matandang intsik. “Ano?! Paano nangyari? Hindi pwede ’yan. Hanap mo siya. Kailangan kita mo siya agad!” Madilim ang mukhang tinapos ni Mr. Choi ang pakikipag-usap kay Godo.
Noon dumating ang dalawang tauhan ni Mr. Choi na inutusan niyang magdispatsa kay Mia.
“Mr. Choi…”
“Saan na Mia?” seryosong tanong ng matandang intsik.
“Okay na, boss. Naitapon na namin.”
Tumango-tango si Mr. Choi. “Mabuti. Sige, kayo balik na pwesto n’yo. Wala tayo lakad ngayon. Gusto ko pahinga.”
“Sige, Mr. Choi.” At tumalikod na ang dalawang lalaki para lumabas ng silid.
“Sara n’yo pinto,” pahabol na utos nito sa kanyang mga tauhan.
“ANONG PLANO mo ngayon?” Bakas sa mukha ni Dennis ang pag-aalala. Kasama niya ngayon si Stephen sa isang open 24-hours na fastfood restaurant sa bahaging iyon ng Quezon City.
“Aalis muna siguro ako sa boarding house. Bahala na kung saan ako pupunta. Hindi ko pa alam.” Balisa rin si Stephen. “Siguradong pinaghahanap na ako ng mga tauhan ni hepe dahil hindi ko naibigay sa kanya ang perang bayad sa shabu.”
“Kailangan mo ba ng pera?” tanong ni Dennis.
“Hindi. May naitatabi naman ako.”
“Basta ’pag kailangan mo ng tulong, alam mo kung paano ako kokontakin.”
“Paano ka?” biglang naitanong ng binatang callboy. “Alam din ni hepe ang address mo. Baka ikaw ang puntahan niya kapag ’di nila ako nakita.”
“Nag-usap na kami ni Dexter. Doon muna ako sa boarding house niya. Magkikita kami bukas, tutulungan niya akong maglipat.”
“Mabuti naman kung ganoon. Ayokong madamay ka sa gusot ko. Tarantado si hepe. Hindi ko maisip kung ano ang puwede niyang gawin sa atin dahil iniisip niyang ginago ko siya.”
“Basta mag-ingat na lang tayo. At balitaan mo ako lagi.”
Tumango si Stephen. “Ingatan mo rin lagi ang sarili mo. Sorry, dahil sa akin gumulo ang buhay mo.”
“Don’t say sorry. Wala kang kasalanan. Hindi naman mangyayari ’yun kung ’di ko rin ginusto. Walang dapat sisihin. Pareho natin ginawa ’yun nang kusang loob.”
“Lumalalim na ang gabi, Dennis. Ihahatid na kita sa dormitoryo.”
“Huwag na. Magta-taxi na lang ako. Umuwi ka na rin.”
“Kukuha lang ako ng mga damit sa tinitirhan ko tapos aalis din ako ngayong gabi. Hindi na ako dapat manatili pa roon. Baka ano mang oras ay dumating na lang dun ang mga tao ni hepe at itumba ako.”
“Ikaw ang bahala.” Iyon lang ang tanging nasabi ni Dennis.
Lumabas na sila sa restaurant at nag-abang ng taxi. Pinara ni Stephen ang unang taksing dumaan.
“Sakay na. Ingat ka…”
“Salamat, Stephen.” Sumakay na si Dennis sa taxi at isinara nito ang pinto. “Sa Sampaloc po tayo,” sabi nito sa driver.
Mabilis na sumibad papalayo ang taxi. Si Stephen naman ang nag-abang ng masasakyan. Kailangan niyang makarating kaagad sa tinitirhan niya at makakuha ng mga gamit. Alam na niya kung saan muna siya pansamantalang magtatago.
Mabilis ang naging biyahe ni Dennis. Wala pang kalahating oras ay narating na niya ang dormitoryong tinitirhan niya. Kampanteng pumasok sa dormitoryo ang binatang estudyante. Bago makarating sa kuwarto ay madadaanan niya muna amg reception area kung saan sila tumatanggap ng bisita. Naroon din si Ate Alice, ang katiwala sa dorm na siya ring nagbabantay sa mga tenant.
“Dennis!” tawag sa kanya ni Ate Alice.
Lumingon ang binata. “Bakit po?”
“May bisita ka. Kanina ka pa niya hinihintay. Uncle mo raw siya.”
Napakunot-noo si Dennis. Wala namang nakakaalam ng address niya sa Manila maliban sa mga magulang niya. Kung meron man siyang kamag-anak na dadalaw sa kanya, siguradong ipapaalam muna sa kanya bago siya puntahan roon. “Uncle po? Ano raw pong pangalan?”
“Oo, uncle mo raw siya. Kararating lang daw niya galing probinsiya. Uuwi rin daw siya bukas kaya naisipan niyang dumaan muna rito,” mahabang paliwanang ni Ate Alice.
“Nasaan po siya?”
“Nag-cr lang.” Tumingin si Ate Alice sa gawi kung nasaan ang comfort room. Siya namang pagbukas ng pinto at lumabas ang bisita ni Dennis. “O, ayan na pala siya.”
Mabilis na naglakad ang bisita ni Dennis papalapit sa kanya. Nakangiti ito na tila excited na makita siya.
Sa wakas ay kaharap na ni Dennis ang kanyang bisita. “Kumusta ka, Dennis? Kanina pa kita hinihintay?”
Parang biglang binuhusan ng malamig na tubig si Dennis. Halos pabulong na lang siyang nagsalita. “H-hepe…”
Chapter 30 - Tago
“TAMA NA, hepe!!! Masakittt! Maawa ka sa ’kin!” Halos pumuno sa buong bahay ang sigaw ni Dennis pero parang walang naririnig ang pulis. Hayok na hayok ito sa ginagawa sa kanya. Mas mabilis na ang pag-indayog ng katawan nito habang hinahabol ang paghinga. Ilang sandali pa at lalong ipinagdiinan ni hepe ang katawan nito sa likuran ni Dennis na sinundan ng isang mahabang pag-ungol.
“Ahhhh!!!” sigaw ni Dennis habang umaagos ang luha sa kanyang mga pisngi.
Sa labas ng bahay ay napakatahimik. Tila wala namang nakarinig sa panaghoy ng binatang ninakawan ng dignidad ng isang alagad ng batas.
Ilang sandali ring nanatiling nakadagan si hepe sa katawan ni Dennis na tila napagod na rin sa pagdaing at hinayaan na lamang ang pulis. Maya-maya pa ay bumangon na si hepe at nagbihis. Nanatili sa pagkakadapa sa sahig ang binatang estudyante.
“Bumangon ka na diyan! Iuuwi na kita,” matigas ang tinig na sabi ng pulis.
“Hoy! Gusto mo bang makatikim pa ng tadyak bago ka bumangon d’yan?” Umasta si hepe na tila tatadyakan si Dennis.
Agad na bumangon si Dennis pero napahinto ito nang makaramdam ng sakit mula sa kanyang likurang bahagi. Nakita niya ang ilang patak ng dugo sa sahig at alam na niya kung saan iyon nanggaling. Pakiramdam ni Dennis ay nanlaki ang kanyang ulo.
“Virgin ka pa pala,” sabi ni hepe kasabay ang isang nakakalokong pagngisi. Dinampot nito ang mga damit ni Dennis at inihagis sa binata. “Magbihis ka na.”
Tiniis ni Dennis ang nararamdamang kirot habang nagbibihis. Awang-awa siya sa sarili. Bakit ba niya sinapit ang ganito?
“Sumunod ka na sa ’kin, para makauwi ka na.” Nauna nang naglakad si hepe papalabas ng bahay. Agad na sumunod si Dennis, tinitiis pa rin ang nararamdamang kirot na hatid ng kababuyang ginawa sa kanya ng buhong na pulis.
“Sakay na! Bilisan mo ang kilos!”
Walang imik na sumakay sa kotse ang binata.
Tahimik lang silang dalawa habang bumibiyahe. Kabisado ni hepe ang daang tatahakin papunta sa tinitirhan ni Dennis. Nang sa wakas ay marating nila ang dormitoryo, nagbigay ng babala si hepe bago pa bumaba ng kotse si Dennis. “Huwag kang magkakamaling magsumbong kahit na kanino kung ayaw mong may masamang mangyari sa’yo.”
Malinaw na narinig ni Dennis ang banta ng pulis ngunit hindi na siya sumagot. Bumaba na siya ng sasakyan at pumasok sa loob ng dormitoryo. Sa mukha niya’y mababanaag ang lubhang pagkalungkot at hindi mailabas na galit at sama ng loob. Naroon din ang awa sa sarili dahil sa sinapit niya sa kamay ni hepe.
MABILIS ANG kilos ni Stephen habang nag-eempake. Pinuno niya ng mga damit ang isang itim na backpack at pagkatapos ay agad na lumabas ng bahay. Palinga-linga pa sa paligid ang binata. Sinisiguro niyang walang alagad ni hepe ang naririto sa paligid. Ang hindi niya alam, isang lalaki ang kanina pa naghihintay sa kanya at nagmamatyag sa bawat kilos niya.
Dala ang bag na puno ng mga damit ay nilisan ni Stephen ang kanyang tirahan. Mabilis ang kanyang mga hakbang. Alisto rin ang kanyang pakiramdam. Palinga-linga siya sa paligid. Malalim na ang gabi. Wala na ngang mga tao sa kalye.
“Saan ka pupunta?” Nagulat si Stephen nang biglang lumabas mula sa isang madilim na bahagi ng kalye ang isang lalaki. Magkasingkatawan sila nito, matangkad, at may suot na sumbrero.
“Sino ka?” Hindi nagpahalata ng takot si Stephen. Walang puwang ang takot ngayon sa kanya. Kung may balak na masama sa kanya ang lalaki, sisiguruhin niyang lalaban siya rito nang sabayan. Bahala na! Patay kung patay!
Ngumisi ang lalaki. Hindi man makita ni Stephen ang itsura nito dahil may kadiliman ang paligid ay tila nababanaag na ng binata ang mala-demonyong ngisi ng lalaki. “Akala mo siguro, matatakasan mo si hepe.”
Pakiramdam ni Stephen ay nanlaki ang kanyang ulo. “Wala akong atraso kay hepe!” matigas niyang sabi.
“Malalaman natin ’yan sa sandaling magkita na kayo ni hepe…” Biglang naglabas ng baril ang lalaki at itinutok kay Stephen. Dahan-dahan itong lumapit sa binata.
Napaurong si Stephen. Iniisip niyang tumakbo pero alam niyang kayang-kaya siyang habulin ng bala ng baril.
“Subukan mong tumakbo para mas mapadali ang buhay mo,” tila nabasa ng lalaki ang iniisip ni Stephen.
Nakalapit ang lalaki kay Stephen. Itinapat nito ang baril sa tigiliran ng binata. “Sasama ka nang maayos sa akin kung ayaw mong paglamayan.” Itinulak ng lalaki si Stephen gamit ang baril na nakatutok sa tagiliran ng binata. “Lakad! Doon sa nakaparadang sasakyan na ’yun.” Nakita ni Stephen ang isang stainless owner-type jeepney ilang metro mula sa kinaroroonan nila.
Humakbang si Stephen patungo sa sasakyan. Sumabay sa kanya ang lalaki na hindi inaalis ang pasimpleng pagkakatutok ng baril sa tagiliran niya.
Ilang hakbang na lang malapit sa sasakyan ay biglang pumihit si Stephen paharap sa nabiglang lalaki na hindi nagawang iputok ang baril dahil agad nahawakan ni Stephen ang braso nito. Mahigpit na sinakmal ng dalawang kamay ni Stephen ang kanang braso ng lalaki at buong lakas na sinubukang pilipitin ito sa pag-asang mabibitawan nito ang baril ngunit mahigpit ang pagkakahawak dito ng lalaki.
Nag-agawan sila sa baril. Sa isang maling paghakbang ay nawalan ng panimbang ang lalaki at natumba ito sa kalsada. Kasunod ding natumba si Stephen dahil nakahawak ito sa braso ng lalaki. Noon pumutok ang baril!
Mabilis na bumangon si Stephen. Nakita niyang dumudugo ang gawing tagiliran ng lalaki. Sa tabi nito ay naroon ang nabitiwang baril. Nagpumilit na tumayo ang lalaki pero bago pa ito nakatayo nang tuwid ay sinalubong na ito ni Stephen ng isang malakas na suntok sa mukha na muling nagpatimbuwal dito. Tulog ang lalaki!
Mabilis na dinampot ni Stephen ang baril at patakbong nilisan ang lugar. Habang tumatakbo ay isinuksok niya sa pantalon ang baril. Pagdating sa kanto ay pumara ng taxi si Stephen upang mabilis siyang makalayo sa lugar na iyon.
“SA TABI na lang…”
Huminto ang taksing sinasakyan ni Stephen sa tapat ng isang eskinita. Binayaran niya ang driver at agad na bumaba sa taksi.
Tinahak ni Stephen ang eskinita hanggang makarating siya sa isang bahay na pamilyar sa kanya. Nag-aalangan pa siyang tumuloy pero narito na siya. Wala nang atrasan. Higit kailanman, ngayon niya kailangan ang suporta ng pamilya.
Pero paano? Hindi ba’t galit na galit sa kanya ang nanay niya dahil akala nito’y pinagtangkaan niyang patayin ang kanyang tiyo Dado? Ang walang kuwentang lalaking kinakasama ng nanay niya na ginawa nang libangan ang pananakit sa kanya mula nung bata pa siya. Mahigit dalawang taon na mula nang lumayas siya sa impiyernong ito. Sinong mag-aakalang ang impiyernong tinakasan niya dati ay ang impiyerno ring gagawin niyang kanlungan ngayon?
Marahang kumatok si Stephen sa pinto ng bahay na ang itsura ay tipikal sa squatters area. Saglit siyang naghintay. Nang walang nagbukas ng pinto ay muli siyang kumatok.
“Sino ’yan?
Bumilis ang tibok ng puso ni Stephen nang marinig ang boses. Hindi siya maaaring magkamali. Boses iyon ng nanay niya.
“Ako po…,” mahinang sagot ni Stephen pero alam niyang sapat iyon para marinig siya ng nanay niya.
Bumukas ang pinto. “Sinong kailangan mo at…” Napamulagat ang matandang babaeng nagbukas ng pinto. Tila nakakita ito ng multo.
“Nay… Ako po ito…” Hindi napigilan ni Stephen na mangilid ang kanyang luha habang nagsasalita.
“Stephen, anak?!”
Chapter 31 - Tiyo Dado
“INAY…” Tuluyan nang pumatak ang mga luha ni Stephen kasabay ang mahigpit na pagyakap sa inang mahigit dalawang taon din niyang hindi nakita.
“Stephen, anak! Salamat at nagbalik ka na.” Habang yakap ang anak ay hinaplos-haplos ni Aling Edna ang likod ni Stephen. Matagal din nitong inasam na umuwi na ang anak at sobrang ligaya ang nadarama nito ngayong sa wakas ay naririto na ang binata.
Kumawala si Stephen sa pagkakayakap sa kanyang ina. “Hindi na po kayo galit sa akin?” nag-aalalang tanong niya.
“Hindi na, anak,” sagot ng matanda kasabay ang mga pag-iling.
Muling niyakap ni Stephen ang ina. Lubhang nasabik siyang makapiling ang babaeng nagbigay-buhay sa kanya.
“Pumasok ka. Halika rito sa loob,” anyaya nito sa anak. Hinawakan pa nito sa kamay si Stephen sa pag-aalalang baka nahihiya itong pumasok.
Atubili man ay pumasok na rin si Stephen. Naabutan niya sa salas ang isang dalagita. Nagtama ang kanilang mga mata kaya nginitian niya ito.
“Jade, ang kuya Stephen mo ’yan. Hindi mo ba naaalala?” mabilis na sabi ni Aling Edna sa dalagitang anak.
“Kuya Stephen…” Lumapit ang dalagita kay Stephen at yumakap.
“Ang laki mo na, ah. Dalaga ka na.” Ginulo ni Stephen ang buhok ni Jade.
Nahihiyang ngumiti si Jade.
“Kumain ka na ba, anak?” tanong ni Aling Edna.
“Tapos na po, ’nay.” Nagpalinga-linga si Stephen, tila may hinahanap.
“Gusto mo na bang magpahinga? Dun ka na lang matulog sa dati mong kuwarto.” Bumaling ang matanda sa anak na babae. “Jade, dun ka na lang muna sa kuwarto namin ng Tiyo Dado mo. Hindi naman uuwi ’yun ngayon. Sigurado, magdamag na naman sa inuman at sugalan ’yun.”
“Opo, ’nay.” Tumango si Jade. “Kuya, matutulog na ako.”
“Sige…” sagot ni Stephen sa kapatid na pumasok na sa isang kuwarto.
Naiwan sa salas ang mag-ina. Bawat isa ay tila naghihintay na magsalita ang isa sa kanila. Si Aling Edna ang bumasag sa katahimikan. “Mabuti naman at bumalik ka na rito.”
“Baka magalit po ang kinakasama mo ’pag nakita niya ako rito,” nag-aalalang sabi ng binata.
“Pagpasensyahan mo na lang. Alam mo namang ganun talaga ang ugali nun.” Bumuntong-hininga ang ina ni Stephen. “Nung umalis ka rito, kami ni Jade ang napagbalingan niya. Lalo na ’pag umuuwi siyang lasing. Nagwawala siya rito sa bahay at sinasaktan niya kami,” malungkot ang tinig na kuwento nito.
Nanlaki ang mga mata ni Stephen. Bagaman at alam niya na posibleng mangyari ang sinasabi ng ina, nagulat pa rin siya na totoong ang mga iniisip niya ay nangyayari na nga. “Napakahayup niya. Sana pala pinatay ko na siya noon.” Nagtagis ang mga bagang ng binata.
“Wala ka namang kasalanan sa nangyari noon.” Saglit na huminto sa pagsasalita si Aling Edna. “Si Dado rin mismo ang nagsabi sa akin ng totoong nangyari. Wala kang kasalanan. Ipinagtanggol mo lang ang sarili mo.” Pumatak ang luha sa mga ni Aling Edna at naglandas sa kanyang mga pisngi. “Patawarin mo ako, anak. Hindi ako naniwala sa’yo. Mas pinairal ko ang pagmamahal ko kay Dado.”
“Huwag mong sisihin ang sarili mo, ’nay. Wala naman akong galit sa’yo o kahit anong sama ng loob. Dahil ano man ang mangyari, nanay kita at hindi iyon magbabago,” bukal sa loob na sabi ni Stephen.
“Kumusta ka, anak? Saan ka napunta nung mga panahong wala ka rito?”
“Kung saan-saan lang po.” Pakiramdam ni Stephen ay may kung anong nakabara sa kanyang lalamunan at hindi niya maidiretso ang pagkukwento. O baka mas tamang sabihing ayaw niyang magkuwento.
“Mabuti at hindi ka napahamak, anak. Habang-buhay kong sisisihin ang sarili ko kung may nangyaring masama sa’yo.”
Marami
na
nga
, ’
nay
.
Halos
lahat
ng
nangyari
sa
akin
puro
masasama
.
At
kaya
ako
umuwi
ngayon
dito
ay
dahil
din
sa
isang
masamang
nangyari
sa
akin
. “Ah, hindi naman po. Nag-iingat naman po ako kaya walang nangyaring masama sa akin.”
Humahagulgol na niyakap ni Aling Edna ang anak. “Patawarin mo ako, anak. Hindi sana naging ganito kamiserable ang buhay natin kung hindi ako nakisama sa hayup na Dadong ’yan.”
Tinapik-tapik ni Stephen ang likod ng kanyang ina. Gusto niyang iparamdam rito na hindi ito nag-iisa.
Noon biglang bumukas ang pinto at pumasok ang lasing na si Dado. Nanlaki ang mga mata nito. Kitang-kita nito ang nakatalikod na si Stephen habang nakayakap naman dito si Aling Edna. “Anong ibig sabihin nito?”
“Dado!” Agad na kumawala si Aling Edna sa pagkakayakap sa anak at sinalubong si Dado. “Si Stephen, Dado. Bumalik na si Stephen!”
Humarap si Stephen sa amain at nakita niyang tila nawala ang pagkalasing nito nang mamukhaan siya.
“Anong ginagawa mo rito?” asik nito sa kanya.
Si Aling Edna ang sumagot. “Dado, anak ko si Stephen. May karapatan siyang tumira rito.”
“Huwag kang makialam dito kung ayaw mong tamaan ka sa akin,” baling ng lasing kay Aling Edna.
“Bahay ito ng tatay ko. Kung merong walang karapatang tumira rito, ikaw ’yun.” Matigas ang boses ni Stephen. Wala siyang pakialam kung magkabanggaan sila ngayon ng amain.
“Hah! Mayabang ka na talaga. Pero saan ka ba dinala ng kayabangan mo? Lalayas-layas ka tapos babalik ka pa rito? Bakit? Dahil hindi mo na kaya? Dahil talunan ka!”
Nagtagis ang mga bagang ni Stephen. Gustong-gusto na niyang sugurin ang amain at padapuan ng isang malakas na suntok sa mukha pero pinigilan niya ang sarili.
“Dado, tama na. Magpapahinga na si Stephen. Matulog ka na rin,” pakiusap ni Aling Edna sa kinakasama.
“Hindi ako matutulog! Bigyan mo ako ng pera, para makabawi ako sa sugalan!”
“Tangina! Ang tigas ng mukha mo! Ang laki mong bakulaw pero umaasa ka sa perang ibinibigay ng nanay ko?”
Matalim ang tinging ipinukol ni Dado kay Stephen. “Isang salita mo pa, kokota ka na sa akin.”
“Bakit? Akala mo takot ako sa’yo?” Hindi nagpasindak ang binata. “Alam mong kayang-kaya kitang labanan. Alam mong hindi kita uurungan.” Nakakainsulto ang ngiting pinakawalan ni Stephen. “Nagawa ko na dati, naalala mo? Kaya magagawa ko ’yun ulit ngayon kung kinakailangan.”
“Huwag na kayong magtalo,” awat ni Aling Edna sa dalawang lalaki. Hinarap nito si Dado. “Eto na ang pera, Dado. Bumalik ka na sa sugalan.” Dumukot si Edna sa bulsa ng suot nitong damit at iniabot kay Dado.
“Huwag, ’nay! Kaya namimihasa ang tarantadong ’yan, eh.”
Mabilis na inagaw ni Dado ang perang iniaabot ni Aling Edna. Tapos ay binalingan nito si Stephen. “Hindi pa tayo tapos!” Tumalikod na ito at lumabas ng bahay. Pabalagbag nitong isinara ang pinto.
“Anak…”
“Huwag n’yo pong ibinibigay ang lahat sa Dadong ’yun, ’nay. Isipin n’yo naman po ang sarili mo.”
“Hayaan mo na lang, anak. Para wala nang gulo.”
Napailing-iling na lang ang binata tanda ng hindi pagsang-ayon sa sinabi ng ina.
“Pasensya ka na, anak.”
Tumunog ang cellphone ni Stephen. Tumatawag si Dennis.
“O, ba’t napatawag ka?”
Walang narinig na salita si Stephen ngunit nakarinig siya ng mahinang paghikbi. “Umiiyak ka ba? Anong nangyari?”
“Hindi, sinisipon kasi ako. Tumawag lang ako para masigurong okay ka.”
“Ayos naman ako.”
“Mag-iingat ka lagi,” seryosong sabi ni Dennis
“Dennis…”
“Bakit?”
“Sigurado bang okay ka lang?”
“Oo, ayos lang ako.”
“Magkita tayo bukas.”
“Saka na lang. Baka matiyempuhan tayo ni hepe.” Halata ang tamlay sa boses ni Dennis.
“Okay, sige.”
“Bye, Stephen…”
Hindi na nakasagot ang binata dahil nawala na sa kabilang linya si Dennis. Napaisip si Stephen. Sa tono ng boses ni Dennis, mukhang may gusto itong sabihin na hindi lang nito masabi.
Pero ano ’yun? Nakapag-usap naman silang mabuti bago sila naghiwalay kanina.
ABURIDO SI Marko nang mga oras na iyon. Nasa bar siya at katatapos lang niyang sumayaw. Last set na niya iyon kaya nagpaalam na siya kay Mama Bang para makauwi na. Ayaw sana siyang payagan ni Mama Bang dahil maraming customers ang nagre-request na i-table siya pero wala nang nagawa ang matandang bakla nang sabihin ni Marko na ayaw niyang magpateybol ngayon.
Paano niya mai-entertain nang maayos ang magteteybol sa kanya kung ganitong kanina pa siya nag-iisip kung bakit hindi sumasagot sa mga text message at tawag niya si Mia?
Asan na ba si Mia? Wala pa ito sa bahay nang umalis siya para pumunta sa bar. At hanggang ngayon, hindi pa rin niya ito nakokontak. Umaasa si Marko na sana, pag-uwi niya mamaya ay nasa bahay na si Mia at payapang natutulog.
Sana lang talaga…
Sana…
Chapter 32 - Agaw-buhay
TATLO LANG ang pasahero ng jeep na nasakyan ni Marko. Siya lang at dalawang lalaking tila parehong nakainom. Abala sa pagmamaneho ang driver habang bukas naman ang radyo at kasalukuyang tinutugtog ang isang sikat na love song.
Nang matapos ang kanta ay nagsalita ang DJ ng programa sa radyo.
“Akala ko ba change is coming na? Eh, bakit kaliwa’t kanan pa rin ang krimen? Eto po at may natagpuang isang babaeng duguan at itinapon lang sa gilid ng kalye. Alamin natin ang buong detalye ng balita mula sa ulat ni field reporter Jose Diaz. Anong balita diyan, Ka Jose?”
Nakuha ng DJ ang atensyon ni Marko. Tila naging interesado ito sa sinasabi ng DJ.
Nagsimulang magbalita ang field reporter.
“Isang babae ang walang awang
binugbog
,
ginahasa
, at pagkatapos ay itinapon sa gilid ng kalye sa kahabaan ng McArthur Highway dito sa lalawigan ng
Bulacan
. Ayon sa mga saksing scavengers, papauwi na sila mula sa pangangalakal ng basura nang mapansin nila ang isang tila taong nakalugmok sa gilid ng daan kaya nilapitan nila ito at laking gulat nila nang makitang duguan ang hindi pa nakikilalang babae. Hubo’t-hubad ang biktima at binalot lang sa isang puting kumot. Agad na humingi ng tulong ang mga nakakita sa duguang babae upang madala
ito
dito
sa
Our
Lady
of
Perpetual
Help
Hospital. Agaw-buhay ngayon ang biktima sanhi ng maraming dugong nawala rito dahil sa malaking sugat nito sa ulo. Sa ngayon ay kasalukuyang ginagamot ang biktima pero wala pa tayong kongkretong detalye kung ano na ang lagay nito. Iyan muna ang ulat natin sa ngayon. Aantabay ako dito sa ospital para makapagbigay tayo ng update mamaya kapag nakausap na natin ang doktor na tumitingin sa biktima.“
“Ka Jose, ano ang teorya ng mga pulis tungkol sa kasong ’yan?”
“Sinisilip ng mga pulis ang angulong love triangle pero hindi nila inaalis ang teorya na posibleng kidnapping with rape ang nangyari.”
“Sige, Ka Jose. Tutukan mo ang kasong ’yan at bigyan mo kami ng update mamaya.”
“At ’yan muna ang ating balita. Ako si Jose Diaz nag-uulat para sa Radyo Balita.”
Seryosong napakinggan ni Marko ang balita. Ewan, pero bakit parang kinabahan siya pagkatapos mapakinggan ang kabuuan ng balita. Sa Bulacan nakita ang duguang babae. Ang layo naman ng Bulacan sa Quezon City kung saan sila nakatira ni Mia.
Hindi. Imposibleng si Mia ang babaeng sinasabi sa balita. Nasa bahay na si Mia at mahimbing na natutulog kaya hindi nito sinasagot ang mga text message at tawag niya rito. Pilit na iwinawaksi ni Marko sa kanyang isipan ang mga naiisip niyang kawirduhan.
Agad na nakasakay ng tricycle si Marko pagkababa niya ng jeep. “Sa Kalye Masagana tayo,” sabi niya sa driver.
Mabilis na narating ng tricycle ang Kalye Masagana. Bumaba na ng sasakyan si Marko at mabilis na naglakad sa kahabaan ng eskenitang iyon, hanggang sa marating niya ang tirahan.
Patay ang ilaw sa loob ng bahay, napansin ni Marko.
Pumasok siya sa loob. Binuksan ang ilaw at agad na nagtuloy sa kuwarto.
Wala si Mia!
Ang higaan ni Mia ay nananatiling maayos. Pati ang kumot ay maayos ang pagkakatupi at halatang hindi pa nagagamit.
Asan si Mia?
Hindi ito umuwi?
Hindi pa ba ito umuuwi mula nang umalis kahapon nang umaga para magpa-medical at kumuha ng NBI clearance?
Bakit hindi ito tumawag o nag-text man lang sa kanya?
Nasaan si Mia?
Anong nangyari sa kanya?
Agad na sinubukang kontakin ni Marko ang telepono ni Mia pero hindi naman nagri-ring ang celfone nito.
Ano na ang gagawin niya? Magre-report na ba siya sa pulis na nawawala ang dalaga?
Isang subok pa ang ginawa ni Marko. Wala pa ring sagot. Nag-text na lang siya rito. Umaasang mababasa ni Mia ang mensahe niya at sasagot ito sa kanya.
Pagkalipas ng sampung minuto, wala namang sumagot sa text message niya. Siguro, tulog na si Mia. Pero saan siya natulog?
At bakit hindi man lang nagsabi sa kanya ang nobya para hindi naman siya sobrang nag-aalala nang ganito!
Biglang bumalik sa utak ni Marko ang balita sa radyo kanina habang sakay siya ng jeep. Diyos
ko
!
Huwag
naman
sana
.
Ano na nga bang ospital ’yung sinabi sa balita? Parang may nagtutulak kay Marko na puntahan ang ospital. Hindi niya alam kung bakit mas malakas na ang kabog ng dibdib niya ngayon.
Pilit niyang inalala ang pangalan ng ospital kung saan dinala ang babaeng duguan daw na natagpuan sa Bulacan, pero hindi niya talaga maalala.
Haay
,
Mia
!
Nasaan
ka
na
?!
PAGKATAPOS TAWAGAN si Stephen ay nagbabad sa banyo si Dennis. Gusto niyang tanggalin ang lahat ng bakas ng mga haolos, himas at halik sa kanya ni hepe. Ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na siya papayag na maulit ang nangyari sa kanya. Lalaban na siya sakali mang may magtangkang gawin ulit sa kanya ang ginawa ni hepe kanina. Bahala na kung anong mangyayari pero wala nang sino man ang pwedeng mang-abuso sa kanya!
Nang matapos maligo si Dennis ay nagbihis ito at humiga na sa kama para matulog. Mahimbing nang natutulog ang mga kasama niya sa kuwarto. Mabuti pa ang mga ito, walang mga problema. Pag-aaral lang ang inaatupag ng mga dorm mate niya.
Pinatay na ni Dennis ang ilaw at pinilit na makatulog.
MALALAKAS NA katok sa pinto ang gumising kay Marko.
“Marko! Marko!” tawag ng kumakatok na tila hinahabol ng sampung demonyo.
“Sino ’yan? Teka lang!” Pupungas-pungas pa si Marko habang papunta sa pintuan.
Pagbukas niya ng pinto ay umakyat ang dugo sa ulo ni Marko nang makita si Bebang tsismosa. “Tangina naman, Bebang! Ang aga-aga, ba’t nambubulahaw ka?”
“Marko, napanood mo ba ’yung balita sa tv?”
“Anong balita? Tsismis na naman? Pati ako isasama mo pa sa pagka-tsismosa mo!”
“Hindi. Marko, may babae kasing natagpuang duguan. Ipinakita sa tv ’yung mukha. Kamukha ni Mia. Andyan ba si Mia?”
Biglang nawala ang antok ni Marko. “Anong sabi mo?”
“Sabi ko, kamukha ni Mia ’yung babae sa balita. Hindi ko sigurado kung si Mia ’yun pero kamukha niya talaga. Kung andyan sa loob si Mia, hindi siya ’yun. Pero kung wala…”
“Saan daw natagpuan?”
“Bulacan daw, eh. Pero dinala na sa ospital.”
Pakiramdam ni Marko ay nanlaki ang kanyang ulo. “Anong ospital?”
“Hindi ko natandaan, eh.”
“Puta naman! Magbabalita ka na nga lang kulang-kulang pa.”
“Marko, tsismosa lang ako, hindi reporter.”
“Isipin mo kung saang ospital dinala ’yung babae!”
Nanlaki ang mga mata ni Bebang. “Marko, si Mia nga ’yun? Wala dyan sa loob si Mia?”
“Ewan ko. Pero kahapon pa hindi umuuwi si Mia. Nagpaalam lang siya para magpa-medical at kumuha ng NBI para sa bago niyang trabaho.”
Saglit na pumikit si Bebang, tila may pilit na inaalala. “Parang may Help Hospital, eh.”
“May ganun bang pangalan ng ospital?”
“Our Lady of Help? Parang ganun, eh. Basta hanapin mo na lang.”
“Ang laki ng Bulacan. Saan ako mag-uumpisa?”
“Sa Marilao. Sabi sa balita, dinala daw ’yung babae sa ospital sa Marilao, Bulacan. Sigurado ako diyan. Dun lang sa pangalan ng ospital ako hindi sigurado.”
Nagliwanag ang mukha ni Marko. “Salamat, Bebang. Hayup ka, may pakinabang din pala sa’yo,” nakangiting sabi niya.
“Ulol! Sige na, puntahan mo na. Balitaan ko ako, ha? Aalis na ako.”
Tinanguan ni Marko si Bebang. Muling bumalik ang matinding pag-aalala sa mukha ng binata. Paano kung si Mia nga ang babaeng ibinalita?
Chapter 33 - Room 201
SUMAKAY NG bus na byaheng Marilao si Marko.
“Boss,” tawag ni Marko sa konduktor. Pakibaba ako sa Marilao, malapit sa ospital. ’Yung Our Lady of…“
“Perpetual Help?” maagap na salo ng konduktor. “Madadaanan natin ’yun.”
“Oo, iyon nga. Pakibaba na lang ako do’n.” Nag-abot si Marko ng isandaang piso sa konduktor.“
Binigyan ng konduktor ng tiket at sukli si Marko.
Mahaba rin ang naging biyahe ng binata dahil sa masikip na daloy ng trapiko. Pero hindi ang matagal na biyahe ang inaalala ni Marko kundi ang tanawing daratnan niya sa ospital.
Sana naman ay hindi si Mia ang babaeng natagpuang duguan sa gilid ng highway.
Sana naman ay walang masamang nangyari sa dalagang napakahalaga sa kanya.
Sana naman…
Pero ang kaway ng malikot niyang isipan ay iba ang naglalarong larawan. Bakit nga ba napakalinaw ng imahe sa isip niya ng isang babaeng naliligo sa sariling dugo at halos wala nang buhay? At bakit kamukhang-kamukha ni Mia ang babaeng iyon sa sulok ng kanyang utak?
Ipinilig ni Marko ang kanyang ulo na tila ba pinapagpag ang masamang pangitaing naglalaro sa kanyang isip.
Hindi na namalayan ni Marko ang pagtakbo ng oras dahil nakaidlip siya habang nasa biyahe. Nagising na lang siya sa naramdamang marahang pagtapik sa kanyang balikat. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya ang konduktor.
“Boss, malapit na tayo sa Perpetual,” paalala ng konduktor.
Ha? Sige, salamat.“
Lumakad na ang konduktor papunta sa gawi ng driver habang nagsasalita, “O, ’yung mga bababa ng Perpetual andito na tayo.”
Tumayo na si Marko para bumaba ng bus. Eksaktong sa harap ng ospital huminto ang bus. Kinakabahan pero kalmadong pumasok siya sa loob ng pagamutan. Agad niyang tinungo ang reception area para magtanong.
“Miss, saan ’yung babaing binalita kanina sa radyo at tv?” tanong ni Marko. ’Yung nakitang duguan sa kalye.“
“Kamag-anak po ba kayo?” tanong ng babaeng receptionist.
“Gusto ko lang po sanang makita kung siya ’yung girlfriend ko. Nawawala kasi ang girlfriend ko at sabi nung kapitbahay namin, kahawig ng girlfriend ko ’yung babae sa news.”
Tinawag ng receptionist ang isang lalaking nurse. “Jay, pakisamahan mo naman si sir dun sa room nung unidentified patient. Room 201.”
“Sir, sumunod po kayo sa akin.”
Pumasok ang dalawa sa elevator at bumaba sa ikalawang palapag ng ospital.
Hindi alam ni Marko kung ano ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Parang may naghahabulang mga bubuwit sa kanyang sikmura at tila nadoble ang pagpintig ng kanyang puso.
Kinakabahan siya.
At ngayon lang siya kinabahan nang ganito katindi.
“Sir, pumasok na po kayo sa loob. Pero huwag po kayong magtatagal,” magalang na sabi ng nurse.
“S-salamat…”
“Hihintayin ko na lang po kayo rito sa labas.”
Tumango si Marko at pumasok na ito sa kuwarto.
Napabilis ang paghakbang niya nang mamukhaan niya ang babaing nakahiga sa kama at wala pa ring malay.
Si Mia!
Si Mia nga!
Pakiramdam ni Marko ay nanlaki ang kanyang ulo. Hindi matanggap ng isip niya na ang babaing mahal niya ay naririto sa ospital at walang malay.
Maputla si Mia, tila kulang na kulang sa dugo. Bahagyang namamaga ang mukha nito, sanhi marahil ng sugat na tinamo ng ulo nito.
Anong nangyari? Bakit si Mia pa?
Sinong walang kaluluwa ang gumawa nito kay Mia?
Gustong sumigaw ni Marko pero pinigilan niya ang sarili. Hindi tamang dito pa siya mag-eskandalo. Isa pa, wala rin namang mangyayari kahit magwala pa siya sa ospital na ’yun.
Hindi na namalayan ni Marko nang mag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. Tahimik niyang iniluha ang masaklap na trahedyang nangyari kay Mia.
“Sir…” Narinig ni Marko ang pagtawag ng lalaking nurse. Nilingon niya ito.
“Kilala n’yo po ba ang pasyente?” tanong ng nurse.
Marahang tumango si Marko. “Girlfriend ko siya,” nanginginig ang boses ng binata. Pilit pa rin nitong pinipigil ang pagluha. “Asan ang doktor? Kumusta ang lagay ng girlfriend ko?” Bakas sa mukha ng binta ang sobrang pag-aalala sa kalagayan ng kasintahan.
“Nasa office po niya. Puwede ko po kayong samahan do’n,” sagot ng nurse.
Tumango nang sunod-sunod si Marko. “Sige, samahan mo ako.”
Mula sa kuwarto ni Mia ay naglakad ang dalawa patungo sa opisina ng doktor na hindi naman kalayuan sa silid ng dalagang pasyente.
Kumatok ang nurse sa opisina bago nito binuksan ang pinto at sumilip sa loob. “Doc, andito po ’yung boyfriend nung unidentified patient natin kanina.”
Sumenyas ang doktor na pumasok sila.
“Pasok ka na,” sabi ng nurse kay Marko. “Kausapin mo na si Doc. Babalik na ako sa nurse station.”
“Maraming salamat…”
Tinanguan ng lalaking nurse si Marko tapos ay lumakad na ito pabalik sa nurse station.
“Tuloy ka…” Narinig ni Marko na sabi ng doktor.
Pumasok sa loob ng opisina si Marko. Pinaupo siya ng doktor. Nabasa niya ang pangalan ng manggagamot sa marmol na nakapatong sa mesa nito: Dr. Aris Reyes.
“Ako po si Marko. Girlfriend ko po ’yung babaeng pasyente n’yo. Iyong nasa balita kanina. Kumusta na po ang lagay ng girlfriend ko?”
“Wala pa siyang malay. Masyadong napuruhan ang ulo niya sa matigas na bagay na ipinanghampas sa kanya. Malalim ang tinamo niyang sugat at maraming dugo ang nawala sa kanya bago pa siya nadala dito sa ospital. Hindi ko pa masasabing okay siya. Hintayin nating magising siya at makita rin natin ’yung resulta ng lab tests sa ulo niya.”
Nanlumo si Marko sa sinabi ng doktor.
“Sana magising siya kaagad,” dagdag na sabi ng doktor.
“Sana nga, doc. Sana nga…”
“DENNIS!”
Nilingon ni Dennis ang pinanggalingan ng tinig. Nakita niya si Dexter na tumatakbo papalapit sa kanya.
“Pauwi na ka ba?” tanong ni Dexter.
“Hindi pa. Papunta lang sana ako sa library. Saan ka galing?”
“Nagpraktis. Swimming. Alam mo na. Athlete ako, ’di ba?”
Matipid na ngiti ang isinagot ni Dennis.
“Ang mahal naman ng ngiti mo. Hindi ko mabili,” reklamo ni Dexter.
“Hindi naman. Pagod lang siguro ako.”
“O, pati boses mo parang walang gana. May problema ka, sigurado ako.”
“Wala,” tanggi ni Dennis.
“Naku, ha? Ako pa ba ang lolokohin mo, bakla?”
“Wala nga…”
“Kung may problema ka, pwede mong sabihin sa akin. Magkaibigan tayo, ’di ba? Kilala mo ako at kilala kita. Kaya walang sense na maglihim ka sa akin dahil kabisadong-kabisado kita.”
“Can you keep a secret?” biglang naibulalas ni Dennis sa kaibigan sabay ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Nataranta si Dexter. “Bakla, bakit ka umiiyak? Grabe ba ang problema mo?”
“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natatakot na ako. Baka maulit pa ang nangyari.”
“Anong nangyari?” Bakas sa mukha ni Dexter ang pagkalito sa mga sinasabi ng kaibigan.
“Dexter…”
“O…”
“I was raped!”
Chapter 34 - Kaibigan
“DENNIS…” Hindi alam ni Dexter kung paano magre-react sa sinabi ng kaibigan.
“Binaboy niya ako. Hindi ko inakala na aabot sa ganito. Sana hindi ko na lang ginawa. Sana nag-ingat ako,” umiiyak na sabi ni Dennis.
“Sino?” Iyon lang ang tanging nasabi ni Dexter.
“Si hepe.”
Napakunot-noo si Dexter. “Sino si hepe?”
“Siya ’yung chief sa police station kung saan kami dinala noong nag-raid sa sinehan at nahuli ako at si Stephen.” Hindi na naglihim si Dennis sa kaibigan.
Napanganga si Dexter. “Nag-raid sa sinehan?”
“Sana nga hindi na lang kami pumunta roon. Hindi sana nangyari sa akin ito.” Naninikip ang dibdib niya sa labis na pagsisisi.
“Eh, paanong ni-rape ka noong hepe?”
“Bakla yata ang pulis na ’yun. Ewan ko, hindi ko maintindihan ang ugali niya. Bruskong-brusko pero nagawa niya sa akin ang ganoong kababuyan.” Awang-awa sa sarili si Dennis habang nagkukuwento ng sinapit niya sa kamay ng buhong na pulis.
Seryosong nakikinig si Dexter sa kaibigan.
“Pinakawalan niya ako sa presinto. Hindi niya ako pinagbayad ng piyansa. Nasabi ko kasi sa kanya na gagawin ko kahit ano, makalabas lang ako ng kulungan. Hindi ko alam na ganito ang kukunin niyang kapalit sa pagpapalaya sa akin.”
“Si Stephen, anong nangyari sa kanya? Asan na siya?”
“Nagtatago si Stephen ngayon. Ginawa siyang drug courier ni hepe. Kaso, na-snatch kay Stephen ang bayad sa drugs. Akala ni hepe gusto lang itakas ni Stephen ang pera kaya pinahahanap niya si Stephen sa mga bata niya. Mukhang okay naman siya sa kinaroroonan niya ngayon. Pero hindi ko na inalam kung saan. Pwede ko naman siyang tawagan anytime para ma-check kung ayos pa ba siya,” mahabang salaysay ni Dennis.
“Hindi ka ba magsasampa ng reklamo laban sa hepe na ’yun?”
Umiling siya. “Huwag na. Baka lalo lang lumala ang sitwasyon. At saka, siguradong malalaman ng parents ko ang nangyari, ayokong maiskandalo ang pamilya ko,” nanginginig ang boses na sabi ni Dennis.
Niyakap ni Dexter ang kaibigan. “Basta alam mong nandito lang ako, ha? Anytime na kailangan mo ng kaibigan, huwag kang magdadalawang-isip na tawagin ako.” Hinaplos-haplos pa ni Dexter ang likod ni Dennis na lalong humagulgol sa hindi makayanang emosyon.
NAGULAT pa sina Stephen at Aling Edna sa malakas na kalabog ng bumukas na pinto na tila ba puwersahan itong binuksan. Nasa salas sila noon at nag-uusap. Tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay si Dado, na sa itsura’y halatang lasing na lasing.
“Ipaghain mo ’ko! Nagugutom ako,” sigaw ng lasing.
Agad na tumayo ang nanay ni Stephen at nagtungo sa kusina.
Masama ang tinging ipinukol ni Stephen sa amain.
“Ano’ng tinitingin-tingin mo?” nanlilisik ang matang tanong ni Dado.
“Ikaw, ano’ng problema mo?” ganting tanong ni Stephen. “Kung makautos ka sa nanay ko parang ikaw ang nagpapalamon sa kanya, ah! Ang kapal ng balat mo! Hindi ka man lang mahiya!”
“Aba at tarantado ka—” Umasta si Dado na susuntukin si Stephen ngunit agad itong nakatayo kaya napasubsob si Dado sa dating kinauupuan ng binata.
“Dado! Stephen! Ano ba kayo? Tama na ’yan!” sigaw ni Aling Edna na nakabalik na sa salas mula sa kusina. Inalalayan nitong tumayo ang kinakasama. “Nakahanda na ang pagkain mo. Kumain ka na.”
Pinukol ni Dado ng tingin si Stephen. “Hindi pa ako tapos sa’yo!”
Pinandilatan ni Aling Edna ang anak para hindi na ito sumagot sa amain. Pagkatapos ay sinamahan na niya sa kusina si Dado.
Natampal na lang ni Stephen ang sariling noo at pumasok na ito sa silid.
Hindi talaga puwedeng magkasama sila sa iisang bahay ng kanyang amain. Kung hindi lang umawat ang nanay niya kanina, siguradong nagpang-abot na naman silang dalawa ni Dado.
Nang matapos kumain ay nakatulog na si Dado. Palagay na ang loob ni Aling Edna. Kahit paano ay tatahimik ang bahay.
“BEBANG! BEBANG!”
Dumungaw sa bintana si Bebang. “O, Marko! Bakit?”
“Lumabas ka rito saglit. May ipapakiusap lang ako sa’yo,” sagot ni Marko na may bitbit na asul na backpack.
Mabilis na sumunod ang babae. Ilang saglit lang ay nasa harapan na ito ni Marko. “Ano ’yun? Kumusta ang lakad mo? Nakita mo ba ’yung ospital? Si Mia nga ba ’yun?”
Marahang tumango si Marko. “May ipapakiusap sana ako sa’yo. Pwede mo bang bantayan si Mia mamaya sa ospital? Kailangan kong pumasok sa bar. Kailangan kong kumita para may pambayad ako sa ospital.”
“Anong nangyari kay Mia?”
“Hindi ko rin alam. Hindi pa siya nagkakamalay hanggang ngayon. Ano, matutulungan mo ba ako? Kailangan kasing may bantay siya roon.”
“Sige. Tamang-tama, wala ang mga anak ko rito. Umuwi sa lola nila sa probinsiya.”
“Huwag kang mag-alala, aabutan kita kahit papaano.”
“Kahit hindi na. Unahin mo na ’yung mga gamot at ibang gastusin sa ospital. Magbabantay lang naman ako doon. Hindi naman mahirap gawin ’yun.”
Parang biglang tumaas ang tingin ni Marko kay Bebang. Sinong mag-aakala na darating ang ganitong pagkakataon na hihingan niya ng tulong ang tsismosang babaeng ito?
“Maraming salamat, Bebang.”
“Wala ’yun. Anong oras tayo pupuntang ospital?”
“Ngayon na sana. Nagpaalam lang ako saglit sa doktor. Kumuha lang ako ng ilang pirasong damit ni Mia.”
“Eh, teka at magpapalit lang ako ng damit.” Nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay si Bebang. Hindi naman nagtagal at lumabas ito na iba na ang suot. “Tayo na!”
Tumango si Marko at lumakad na sila patungo sa sakayan ng tricycle.
Hapon na nang makarating ang dalawa sa ospital. Diretso lang ng lakad si Marko. Nakasunod naman sa kanya si Bebang. Malapit na ang dalawa sa Room 201 nang mapansin nilang tila paroo’t parito ang mga hospital attendants sa silid. Nagkakagulo ang mga nurse at nahagip ng mga mata ni Marko si Dr. Reyes na nagmamadali ring pumasok sa kuwarto kung nasaan si Mia.
Napabilis ang paglalakad ni Marko. Anong nangyari? Bakit nagkakagulo ang mga tao?
Pagdating sa pinto ng silid ay nagtangkang pumasok si Marko pero pinigilan siya ng isang lalaking attendant. “Mamaya na lang po, sir.”
“Girlfriend ko ’yung pasyente. Anong nangyari?” natatarantang tanong ni Marko.
“Maupo na lang po muna kayo, sir. Hintayin na lang po nating lumabas ang doktor.”
Walang nagawa ang binata kundi sumunod sa sinabi ng attendant. Pero labis-labis ang kaba sa kanyang dibdib.
Si Bebang ay umiral ang pagkatsismosa at nagkadahaba-haba ang leeg sa pagpupumilit nitong masilip kung ano ang nangyayari sa loob ng kuwarto. Pero wala itong nakita.
Maya-maya pa ay isa-isa nang nagsilabasan ang mga attendant at nurses. Huling lumabas ng silid si Dr. Reyes.
“Doc! Kumusta si Mia?” Sinalubong na ng binata ang manggagamot.
Napatingin ang doktor kay Bebang na kanina pa nakaabang sa sasabihin niya.
Huminga nang malalim si Dr. Reyes bago pa ito nagsalita, “Nagkamalay na si Mia. Mahina pa siya pero pwede kong sabihin sa’yo na ligtas na siya sa panganib. Malalaman natin bukas ang resulta ng CT scan sa ulo niya. From there pwede na nating gawin ang iba pang dapat gawin para gumaling siya kaagad.”
“Maraming salamat, doc.” Hindi alam ni Marko kung ngingiti ba siya o iiyak. Basta, masaya ang pakiramdam niya ngayong tiniyak ng doktor na okay na si Mia.
Tinapik ng doktor sa balikat si Marko. “Pumasok na kayo sa kuwarto. Naroon lang ako sa opisina ko kung may kailangan ka.”
Sunod-sunod ang tango ni Marko. “Oo, doc. Salamat ulit.”
Nagtungo na ang doktor sa opisina nito. Sina Marko at Bebang naman ay pumasok na sa silid ni Mia na agad naluha nang makita ang binata.
“Kumusta ka? Ano ang masakit sa’yo?” Naglabas ng panyo si Marko at pinahid ang luha sa pisngi ng kasintahan. Si Bebang naman ay nakamasid lamang.
Nakita ni Marko na tila nahihirapan pang magsalita si Mia.
“Huwag mong piliting magsalita kung hindi mo pa kaya. Magpahinga ka na muna. Andito lang ako. Isinama ko si Bebang para may magbantay sayo mamayang gabi habang nasa trabaho ako.”
“Huwag kang mag-alala, Mia ako’ng bahala sa’yo habang wala si Marko,” matapat na sabi ni Bebang.
Bumuka ang bibig ni Mia at umusal ng salita na bagama’t hindi narinig ay mababasa naman sa bukas ng bibig nito ang salitang “salamat”.
Chapter 35 - Big Night
“LADIES AND GENTLEMEN, the star of the show, MARKO!”
Pumailanlang ang isang romantikong awit. Ang madilim na entablado ay nagkaroon ng konting pula at asul na ilaw. At mula sa backstage ay dahan-dahang lumabas si Marko na nakasuot ng sandong puti at punit-punit na maong pants. Lumabas ang kamatsohan ni Marko. Nagpalakpakan kaagad ang mga manonood. Hindi pa rin talaga kumukupas ang karisma niya sa mga matrona at baklang parukyano ng gay bar. Maging ang mangilan-ngilang babaeng customers na maaaring pumunta roon out of curiosity ay hindi rin napigilang pumalakpak pagkakita kay Marko sa entablado. Bakit? Eh, totoo namang nagmumura ang kakisigan at kaguwapuhan ng binata. Ang malamlam na ilaw sa stage ay nagdagdag pa ang senswalidad sa kabuuan ni Marko.
Nang mag-umpisang gumiling si Marko ay nagtilian ang mga manonood. Mayroon pang mga sumisipol. May mga pumalakpak. Lahat ay excited sa gagawing palabas ng binatang macho dancer. Ang romatikong awitin ay sinabayan ng erotikong pag-alon ng katawan niya. At bawat pag-indayog ng macho niyang katawan ay mas lalong nagpapaalab sa pakiramdam ng mga manonood.
Pinagbuti pa ni Marko ang pagsasayaw. Sa bandang gitna ng kanta ay dahan-dahan niyang hinubad ang suot na sando. Nalantad ang magandang katawan niya.
Ipinagpatuloy Marko ang erotikong pagsasayaw. Ang kanyang mga mata ay tila nang-aakit. Isang matronang manonood ang nahagip ng mga mata niya. Titig na titig sa kanya ang babae. Hindi nito inaalis ang paningin sa kanya. Wari ba ay natulala na ito sa panonood sa kanyang pagsasayaw.
Tinanggal ni Marko ang sinturon ng suot niyang pantalon habang patuloy pa rin sa paggiling ang kanyang katawan. Kasunod niyon ay inalis niya sa pagkakabutones at ibinaba ang zipper ng pantalon. Lumitaw ang suot niyang puting brief. Muling nagtilian ang mga manonood. Konti na lang ay masisilayan na nila ang itinatago ni Marko.
Nagtama ang mga mata ni Marko at ng matronang nakita niya kanina. Kinindatan ito ni Marko. Napansin niyang kinagat ng babae ang pang-ibaba nitong labi at pagkatapos ay nginitian siya ng ubod ng landi.
Papatapos na ang kanta kaya mas naging mapangahas pa si Marko. Mabilis niyang hinubad ang suot na pantalon at sumayaw nang naka-brief lang. Ginalingan pa niya ang paggiling. Kumikiwal-kiwal ang kanyang katawan kaya mas lalong naging wild ang audience. Sa pagtatapos ng kanta ay biglang hinubad ni Marko ang suot niyang brief at inihagis sa audience. Nasalo ito ng isang baklang parukyano. Kilig na kilig ang bakla na akala mo’y nanalo ng isang malaking papremyo. Kasunod noon ay natapos ang kanta at namatay ang ilaw sa entablado.
Palakpakan ang mga manonood. Kung tutuusin ay napakasimple pa ng palabas ni Marko pero sulit na sulit na ang mga manonood. Sapat na sa kanila na masilayan ang hubad nitong katawan.
Mabilis na nagtungo sa backstage si Marko. Nagtapis siya ng tuwalya at kumuha ng maisusuot sa bag niya. Nagsusuot siya ng brief nang pumasok si Mama Bang.
“Congratulations, Marko! As usual, baliw na baliw na naman sa’yo ang mga kostumer. Nakakaloka! Hindi lang mga bakla at matrona ang naglalaway sa’yo. Pati mga babaeng customers, interesadong makilala ka.”
“Salamat, Mama Bang.” Nagsuot ng pantalon at hapit na t-shirt si Marko.
“May gustong mag-table sa’yo. Matrona. Pero mukhang mapera. Puntahan mo na kaagad at baka magtampo. Table 12. Pero bago mo siya puntahan, daanan mo muna ’yung mga babae nating customers dahil gustong makipagkilala sa’yo.”
“Sige, Mama Bang mag-aayos lang ako.”
“Lalabas na ako. Sumunod ka kaagad dito.” Lumabas na si Mama Bang at bumalik sa loob ng bar para mag-entertain ng mga kostumer.
Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin si Marko at agad na nagtungo sa isang grupo ng mga babae.
“Hello! You’re so handsome,” kinikilig na sabi ng mga babae kay Marko.
“Hi! Ako si Marko.” Inilahad niya ang kanyang kamay at isa-isang kinamayan ang limang babae na nagpakilalang sina Shay, Monique, Ria, Abby, at Jam.
“Salamat sa pagpunta n’yo rito. Sana pumunta kayo rito nang madalas. Enjoy the show.”
“Sige, basta ba nandito ka lagi pupunta kami,” sagot ni Monique.
“No problem. Araw-araw naman nandito ako. Sige, ha maiwan ko muna kayo. Pupuntahan ko lang ’yung isa pang kostumer.”
“Thanks, Marko!” nakangiting sabi ni Shay.
Nginitian ni Marko ang mga babae kasabay ang isang kaway at tinungo na niya ang table ng matronang gustong mag-table sa kanya.
“Good evening, I’m Marko.” Nakipagkamay siya sa matronang nasa table 12. Sa tantiya niya’y lagpas kuwarenta na ang edad nito. Pero bakas pa rin ang ganda ng mukha ng babae.
“Call me Eloisa. Please sit down,” paanyaya nito.
Umupo si Marko.
“Do you want something to drink?” tanong ni Eloisa.
“MD’s drink lang.” Sinenyasan ni Marko ang isang waiter na agad na lumapit sa kanya.
“Isang MD’s drink para kay Marko at isa pang ladies drink para sa akin,” sabi ni Eloisa sa waiter.
Umalis ang waiter pagkakuha ng order at agad din namang bumalik na dala na ang inumin ng dalawa.
“Ngayon lang kita nakita rito,” sabi ni Marko para makapag-umpisa sila ng pag-uusapan.
“Bihira lang naman akong lumabas. Nainip lang ako sa bahay kaya sinubukan kong pumunta rito.”
“First time mong pumasok sa gay bar?”
“Hindi. May pinupuntahan ako dati sa Malate. Pero nagsara na ’yun.”
“Mabuti naman at dito ka pumunta. At nakilala kita,” pambobola ni Marko sa kostumer.
“Sasayaw ka pa ba mamaya?” tanong ni Eloisa.
“Hindi na. Finale na ’yung kanina.”
“Ibig sabihin, puwede kitang ilabas?”
Napatitig si Marko sa babae. Pagkuwan ay ngumiti siya rito. “Oo naman. Wala namang problema.”
“Mabuti kung ganun. Gusto ko sanang isama ka sa bahay. Birthday ko bukas. Puwede mo ba akong samahan hanggang bukas? Huwag kang mag-alala, babayaran ko ang oras mo. Gusto ko lang na may makasama sa birthday ko.”
“Wala ka bang pamilya?”
Umiling si Eloisa. Hinihintay ni Marko na magkuwento ito pero hindi na ito muling nagsalita. Uminom lang ito ng ladies drink.
“Pagkaubos nitong drinks natin, puwede na tayong lumabas.”
“Payag kang samahan ako hanggang bukas?”
Tumango si Marko. “Oo, sige.”
“Salamat, Marko.”
Tinawag ni Marko si Mama Bang na agad namang lumapit sa kanila.
“Mama Bang, lalabas kami.” Si Marko na ang nagpaalam na gusto siyang ilabas ng kostumer.
“Hello, Madam. Ipahahanda ko na ang bill n’yo ha? Kasama na ’yung bar fine ni Marko dahil lalabas kayo,” magiliw ang pagkakasabi ni Mama Bang.
“Sige…”
“Iwan ko muna kayo. Marko, ikaw na ang bahala kay madam.”
Matapos bayaran ang bill ay nagkasundo na ang dalawa na lumabas. Kumaway pa sa kanila si Mama Bang.
Isang maroon na kotse ang dala ni Eloisa at agad silang sumakay ni Marko.
“Saan ka nakatira?” tanong ni Marko habang bumibiyahe na sila.
“Sa Alabang.”
“Medyo malayo pala.”
“Lagpas alas-dose na. Hindi na ma-traffic.” Tuloy lang sa pagmamaneho si Eloisa.
“Marunong ka bang magmaneho?” tanong ng matrona.
“Oo, pero wala akong lisensya. Hindi ako kumukuha, wala naman kasi akong sasakyan.” Sinundan niya iyon ng mahinang tawa.
“Magkano ang kinikita mo sa bar?”
“Five hundred. Kapag may nag-table may komisyon sa drinks. Kapag inilabas, ayun medyo kumikita ’pag ganun.”
Saglit na nag-focus si Eloisa sa pagmamaneho. Mabilis nga ang naging biyahe nila. Wala pang isang oras ay pumasok na ang sasakyan sa isang subdibisyon. Hanggang sa huminto ito sa isang malaking bahay.
Bumaba ng kotse si Eloisa at binuksan ang gate para maipasok sa garahe ang sasakyan.
Nagtaka si Marko. Ang laki ng bahay, wala bang katulong si Eloisa?
Parang nabasa ng babae ang nasa isip niya. “Umuwi ng probinsiya ang kasambahay ko. Naospital ang tatay niya. Next week pa siya babalik. Ang hirap nga ng walang katulong.”
Tumango na lang si Marko.
Nang makapasok sa loob ng bahay ay namangha si Marko. Napakaganda ng interior design ng buong kabahayan. Simple pero elegante. Kung maganda na ang labas ng bahay, mas maganda pa ito sa loob.
“Nagugutom ka ba? Maghahanda ako ng makakain. Huwag kang mag-alala mabilis lang ito. Maupo ka muna diyan o kaya samahan mo ako sa kusina.”
Nagpasya si Marko na sundan ang babae sa kusina. Nakita niyang may kinuha itong pasta sa ref at ipinasok sa microwave oven. Nag-toast din ito ng tinapay. Ilang saglit lang ay may carbonara at toasted bread nang nakahain sa mesa. Kumuha rin ng juice sa ref si Eloisa.
“Halika, kumain muna tayo.” Nilagyan nito ng carbonara ang plato ni Marko.
Tinikman niya ang pagkain. “Hmm, masarap ah!”
Napangiti si Eloisa. “Kain lang nang kain. Marami pa rito.” Nag-umpisa na rin siyang kumain. Masaya nilang pinagsaluhan ang pagkaing inihanda niya.
Nang matapos ay umakyat na sila sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang silid ni Eloisa. Tatlo ang silid sa bahay na iyon na pawang malalaki.
“Maliligo muna ako bago tayo matulog. Manood ka muna ng tv diyan.” Binuksan na niya ang telebisyon bago pumasok sa banyong puro salamin ang dingding.
Kitang-kita ni Marko ang hubog ng katawan ni Eloisa habang naliligo ito. Maganda ang hubog ng katawan ni Eloisa. At maganda rin ang mukha nito. May asim pa kumbaga.
Tumayo si Marko at hinubad ang lahat ng kanyang suot. Pagkatapos ay nagtungo ito sa banyo at walang sabi-sabing pumasok.
Bahagya nang nagulat si Eloisa na tila inaasahan na nito ang gagawin ng binata.
Walang inaksayang sandali si Marko. Agad niyang hinalikan sa labi ang babae at dinama ang buong katawan nito. Hindi naman nagpatalo si Eloisa. Ginantihan nito ang bawat halik at paghagod ng kamay ni Marko sa kanyang katawan. Pareho na silang mapusok. Naging mas mainit pa ang mga eksena sa loob ng banyo. Tinalo ng init ng kanilang katawan ang lamig ng tubig na lumalabas sa shower.
Author’s
Note
:
Ang
kabuuan
ng
bed
scene
nina
Marko
at
Eloisa
ay
mababasa
n’yo
bilang
Special
Chapter
ng
Writer’s
Cut
book
version
ng
kuwentong
ito
kapag
nai-self
publish
ko
na
ang
nobelang
ito
.
Chapter 36 - Godo
TUMUNOG ANG cellphone ni hepe.
“Godo! Ikaw asan na? Hindi mo pa bigay sa aken bayad sa epektos! Ako iinip na, Godo!” Narinig ni hepe ang dumadagundong na boses ni Mr. Choi. Sa background ay nakaririnig siya ng boses na tila mula sa palabas sa telebisyon.
“Pasensya na, Mr. Choi. Ginagawan ko naman ng paraan para mahanap ’yung gagong nagtakas ng pera. Ibibigay ko kaagad sa’yo, Mr. Choi kapag nabawi na namin ang pera.”
“Ikaw siguluhin na bibigay pera sa aken. Ako sama galit, Godo. Ako, kilala mo. Ako dami kilala pulis taas pa posisyon sa’yo. Ako dami koneksyon. Kahit hepe ka, kaya kita ipatumba!”
“Sigurado, Mr. Choi na maibabalik ko sa’yo ang pera. Bigyan mo lang ako ng ilang araw pa. Makikita rin namin si Stephen.” Nawala sa linya si Mr. Choi. Ibinaba na nito ang telepono.
Tinawagan ni hepe ang kanyang tauhan. “Ano na ang balita kay Stephen?”
“Negative pa rin, chief. Ang galing magtago ng hayup. Hindi talaga namin makita.
“Kunin n’yo ’yung syota niyang bakla. Maaring alam noon kung saan nagtatago si Stephen,” utos ni hepe sa kanyang tauhan. “Huwag kayong titigil hanggang hindi ninyo nakikita ang gagong Stephen na ’yan!”
“Masusunod, chief.”
“NAKILALA NA ang duguang babaeng itinapon sa kahabaan ng Mc Arthur Highway at nakita ng mga basurero noong isang araw. Positibong kinilala ang biktimang si Mia Ruiz ng kanyang boyfriend na si Marko
Saavedra
.
Ayon
kay
Marko
,
nagpaalam
lang
si
Mia
upang
magpamedikal
para
sa
inaaplayan
nitong
trabaho
ngunit
hindi
na
nakauwi
ang
biktima
.
Wala
pang
lead
ang
mga
pulis
sa
may
kagagawan
ng
krimen
pero
tinitingnan
nila
ang
anggulong
hold-up
na
humantong
sa
panggagahasa
at
muntikan
nang
pagkamatay
ng
biktima
.
Iyan
muna
ang
ating
update
hinggil
sa
balitang
ito
.
Ako
si
Karla
David
nag-uulat.“
Nagulat si Mr. Choi nang mapanood sa telebisyon ang balita. Katatapos lang niyang kausapin si hepe nang ipakita sa telebisyon ang mukha ni Mia at ni Marko sa isang silid sa ospital. Buhay si Mia. Ang buong akala niya ay napatay niya ito.
Agad niyang tinawag ang kanyang bodyguard na nasa lanai. “Rocco, ikaw punta rito!
Tumatakbong dumating ang tinawag. “Bakit, boss?”
“Buhay pa Mia. Hindi siya patay! Kunin n’yo boyfliend niya at dala n’yo sa ’ken. Kaya aayaw Mia sa aken dahil may boyfliend siya. Puwes, aalis ko sa mundo ang lalaki na ’yan. Kunin n’yo siya at dala n’yo sa ’ken agad,” madiin na utos ng matandang intsik.
“Saan namin siya makikita, boss?”
“Ikaw, bobo? Nood mo tv. Andun balita kay Mia!”
Napakamot na lang sa ulo ang bodyguard. “Sige, boss. Kami na ang bahala.”
“Gusto ko kuha n’yo siya agad. Dala n’yo siya sa aken!”
“Yes, boss.” Nagmamadali nang umalis ang bodyguard.
“SALAMAT AT pumayag kang magkita tayo. Nami-miss na kita,” bakas sa mukha ni Stephen ang pagkasabik na makita si Dennis. Nasa loob sila ng Parks and Wildlife. Doon nila piniling magkita dahil pakiramdam nila ay mas ligtas sila roon. Hindi naman siguro magagawi sa isang parke ang mga naghahanap kay Stephen.
“Kumusta ka? Ang hirap ng sitwasyon natin. Pareho tayong nagtatago kay hepe at sa mga tauhan niya. Ang pagkakaiba nga lang, alam nila kung saan ako makikita. Madali para sa kanila na kunin ako kung gugustuhin nila.”
“Akala ko ba lilipat ka muna sa boarding house ni Dexter?”
“Hindi na lang siguro.” Walang balak si Dennis na ipaalam kay Stephen ang ginawa sa kanya ni hepe. “Mag-iingat na lang ako.”
“Sigurado ka?” Makikita sa mukha ni Stephen ang pag-aalala. Dahil sa kanya, pati si Dennis ay puwedeng mapahamak.
Tumango si Dennis. “Ikaw ang mas dapat mag-ingat. Ikaw ang hinahanap nila.”
“Pero kapag hindi nila ako nakita, natatakot akong ikaw ang kunin nila at gawing pain para lumabas ako sa pinagtataguan ko. Gets mo?”
Nasa dibdib pa rin ni Dennis ang takot pero ano pa ba ang mas malalang puwedeng gawin sa kanya ni Hepe? Patayin siya? Sinabi na niya rito na sa sinehan lang sila nagkakilala ni Stephen. Maaaring naniwala ito sa kanya na wala na siyang kontak dito. Pero maaari ring hindi. At posible ngang mangyari ang iniisip ni Stephen.
“Hindi ba? Iyon ang ikinatatakot ko. Kaya kong magtago, pero mapipilitan akong lumabas kapag ikaw na ang idinamay nila.”
“Ano na ang gagawin natin ngayon?” Nabuong muli ang takot ni Dennis sa posibilidad na muli siyang balikan ni Hepe.
“Lumipat ka ng bahay.”
“Pero, kakailanganin ko ng pera pang-down sa lilipatan. Wala akong pera. Allowance lang mula sa parents ko ang meron ako. At magtataka sila kung bakit ako lilipat samantalang napakalapit ng boarding house ko sa school na pinapasukan ko. Mas magiging kumplikado, Stephen kasi baka lumuwas pa ng Manila ang mga magulang ko at madamay pa sila sa gulong pinasok natin.”
“Ano ang magiging plano natin?”
“Mag-iingat na lang ako. At kung sakaling mangyari ang ikinatatakot natin, huwag na huwag ka pa ring lalabas sa pinagtataguan mo. Papatayin ka nila maisoli mo man o hindi ang pera, dahil hindi ka na nila mapakikinabangan.”
“Eh, paano ka?” Hindi maitago ni Stephen ang pag-aalala.
“Okay na ang isa lang ang mamatay kesa dalawa tayo,” giit ni Dennis. “Pero basta mag-iingat ako.”
“Sorry, ha? Dahil sa akin gumulo ang buhay mo.”
“Wala na tayong magagawa, nandito na ito. Harapin na lang natin.”
Niyakap ni Stephen si Dennis. “Sorry… pasensya ka na.” Naramdaman ni Dennis na umiiyak na si Stephen dahil yumuyugyog ang balikat nito at gumaralgal na rin ang boses. Hinagod na lang niya ang likod nito para ipadama ang kanyang suporta at pakalmahin ito.
“Tama na. Huwag ka nang umiyak, Stephen. Malalagpasan din natin ito.”
“Sana nga, Dennis. Pero kung sakaling mapatay ako ni hepe o ng mga tauhan niya, huwag kang malulungkot. Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Marami pang magagandang bagay ang puwedeng mangyari sa’yo. Magsimula ka ng bago. Magsimula ka ng tama.” Hindi na napigilan ni Stephen ang muling paghagulgol. Si Dennis man ay napaiyak na rin sa kinasadlakan nilang sitwasyon.
SINUBUAN NI Marko si Mia. “Kumain ka ng marami para lumakas ka kaagad. Uuwi muna si Bebang ngayon. Ako na muna ang magbabantay sa’yo.”
“Pero babalik din ako mamaya, Mia. Para makapasok sa trabaho si Marko,” sumabad sa usapan si Bebang habang nilalantakan nito ang pagkaing binili ni Marko sa karinderya sa labas ng ospital.
“Salamat sa tulong mo, Bebang.” Bagama’t mahina pa ang tinig ay nagagawa nang magsalita ni Mia.
“Wala ’yun. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong magkapitbahay?” Tuloy lang ito sa pagkain.
“Siyanga pala,” dumukot sa bulsa si Marko at kumuha ng isang libo. Iniabot niya iyon kay Bebang. “Eto, o kunin mo. Kumita ako sa bar kaya ’wag mo itong tatanggihan.”
Nanlaki ang mata ng babae. “Aba, paldo ka ngayon, ah. Sige, hindi ko tatanggihan ito.” Agad nitong inabot ang pera at ibinulsa.
“Nakatiyempo ng galanteng kostumer. Kaya nga hindi kaagad ako nakabalik dito. Malaking tulong din itong kinita ko para sa pambayad sa ospital at pambili ng gamot ni Mia.” Tiningnan niya ang kasintahan na tila nahihiyang ngumiti sa kanya.
“Salamat… Makakabayad din ako sa’yo,” sabi ni Mia sa mahina pa ring tinig.
“Huwag mong isipin iyon. Ang mahalaga, gumaling ka. Kikitain pa rin natin ang pera.”
“Marko, Mia, uuwi muna ako. Baka wala na akong maabutang tsismis sa atin. Nahuhuli na ako sa balita,” nakangiting sabi ni Bebang sa tonong nagbibiro lang.
“Sasabay na rin ako sa paglabas para mabili ko na itong mga gamot.” Lumingon si Marko sa kasintahan. “Mia, lalabas muna ako. Iiwan ko muna itong bag ko. Nandyan ’yung pera.”
Tumango si Mia.
Lumabas na ng silid ang dalawa at dumiretso na papalabas ng ospital. Nasa kabilang kalye ang botika. Kailangang tumawid ng kalsada si Marko.
“O, Marko balik na lang ako mamaya. Aagahan ko na lang ang pagpunta rito.”
“Sige, salamat Bebang.”
Isang puting van ang biglang pumarada sa harapan nina Marko at Bebang at mula rito ay bumaba ang dalawang lalaking armado ng baril at mabilis na tinutukan si Marko sabay tulak sa kanya papasok sa sasakyan. Hindi na nakapanlaban si Marko. Mabilis ding sumibad ang van papalayo sa lugar na iyon.
Naiwan si Bebang na sa bilis ng pangyayari ay hindi agad nakapag-isip ng dapat niyang gawin. Sa huli ay naisipan pa rin niyang humingi ng tulong.
“Saklolo!!!”
PAPALUBOG NA ang araw nang magpasyang umuwi na sina Dennis at Stephen. Paglabas nila ng gate ng Parks and Wildlife ay nagpaalam na sila sa isa’t-isa.
“Mag-iingat ka pag-uwi,” bilin ni Dennis.
“Ikaw rin,” sagot ni Stephen.
Hinintay ni Stephen na makasakay muna ng jeep si Dennis bago niya tuluyang nilisan ang lugar na iyon. Wala siyang kamalay-malay na isang asset ni hepe ang maingat na nakabuntot sa kanya hanggang makarating siya ng bahay.
Nang masiguro nito kung saan umuuwi si Stephen ay agad nitong tinawagan ang among pulis.
“Hepe, nakita ko na ’yung pinahahanap mo sa akin. Alam ko na kung saan siya nagtatago.”
Chapter 37 - Pagtutuos
MASAKIT NA pangangatawan ang nararamdaman ni Marko nang magkamalay siya. Kahit halos hindi na makita ang kanyang mga mata dahil sa labis na pamamaga sanhi ng mga tinamong pasa at sugat ay malinaw sa kanya ang mga nangyari bago siya tuluyang nawalan ng malay.
Sinikap makatayo ni Marko subalit hindi niya magawa dahil nakagapos ang kanyang mga paa at kamay. Nakakulong siya sa isang silid kung saan siya dinala kanina ng mga lalaking dumukot sa kanya. Noong una ay hindi niya kilala ang mga ito. Hindi rin niya alam kung bakit siya dinukot. Basta dinala siya sa isang malaking bahay na base sa mga dinaanan nila kanina ay nasa parteng Alabang sila.
Bitbit siya ng tatlong lalaki nang pumasok sila sa loob ng malaking bahay at dinala siya sa silid na iyon. Maya-maya pa ay isang matandang lalaki ang pumasok sa silid. Mukhang intsik. Akala niya noong una ay isang matandang bakla ang lalaki na may gusto sa kanya kaya siya ipinadukot. Ngunit nagulat siya nang magsalita ito.
“Ikaw pala boyfliend Mia…” Tiningnan si Marko ng matandang intsik mula ulo hanggang paa na tila ba kinikilatis ang buo niyang pagkatao. “Kaya ayaw Mia sa ’kin dahil sa’yo!” Nanlilisik ang mga mata nito habang galit na nakatingin kay Marko.
“Sino ka ba? Hindi kita kilala. Anong kailangan mo sa akin?” Si Marko ang tipo na hindi basta nagpapasindak.
Isang malakas na suntok mula kay Mr. Choi ang dumapo sa mukha ni Marko.
Halos bumagsak si Marko sa lakas ng suntok kung hindi nga lang siya hawak ng dalawang bodyguard ng matandang intsik.
“Hayup ka! Matapang ka lang dahil may mga alalay ka!” Nagpilit kumawala si Marko mula sa pagkakahawak ng dalawang lalaki pero wala siyang nagawa.
“Ikaw pasalamat buhay pa Mia. Akyen akala patay na siya.” Nakangising sabi ni Mr. Choi.
“Ikaw? Ikaw ang bumaboy kay Mia? Hayup ka! Hayup ka! Hayuuup ka!!!”
Isang suntok ulit ang dumapo sa mukha ni Marko. At isa pa na tumama sa kanyang kaliwang mata. At isa pa. At isa pa hanggang sa napagod ang matanda.
“Bugbog n’yo ’yan! Lumpo n’yo!” utos nito sa kanyang dalawang tauhan.
Agad na kumilos ang dalawang tauhan at pinagtulungang gulpihin ang binata. Sa umpisa’y sinikap pang lumaban ni Marko subalit hindi sapat ang lakas niya para magapi ang dalawang bodyguard ng matandang intsik. Hindi siya nilubayan ng dalawa hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay dahil sa mga tinamong sakit at bugbog sa katawan.
Sinikap ni Marko na makaupo. Subalit dahil nakatali ang kanyang mga paa at kamay kaya hindi siya gaanong makakilos. Madilim sa buong silid. Tanging liwanag na nagmumula sa labas at tumatagos sa bintana ng silid ang nagsisilbing tanglaw niya. Anong oras na ba? Gabi na.
Kailangan niyang makalag ang tali sa mga kamay niya at paa. Kailangang makatakas siya sa bahay na ito. Ngunit paano?
Sa tulong ng liwanag na naglalagos sa bintana ay tiningnan ni Marko ang pagkakagapos sa kanya at masusing pinag-aralan kung paano niya matatanggal ang mga buhol sa lubid na ipinangtali sa kanya. Mabuti na lang at sa paharap ang pagkakatali ng kamay niya. Maaari niyang gamitin ang kanyang bibig para makalag ang pagkakabuhol ng lubid.
Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Agad niyang sinubukang paluwagin ang pagkakatali sa kanyang kamay gamit ang bibig. Mahirap, pero kailangan niyang gawin. Walang ibang paraan at wala na ring oras. Hindi puwedeng maghintay na lang siya ng kamatayan sa silid na iyon.
“MATULOG KA na, Stephen.”
“Mamaya na lang po, inay. Mauna na po kayo. Hindi pa naman ako inaantok.” Nanatili siya sa pagkakaupo habang hawak ang binabasang magazine.
“Baka dumating na ang tiyo Dado mo, magkasagutan na naman kayo,” nag-aalalang sabi ng nanay niya. Ayaw na ayaw nitong magkabanggaan sila ng kinakasama nito.
“Sige po, matutulog na ako.” Umakmang tatayo na siya para sundin ang gusto ng ina.
Noon naman bumukas ang pinto at pumasok si Dado. Nang makita nitong nasa salas ang kinakasama ay agad na nagsalita. “Kakain ako,” sa tono ay halatang nakainom na naman ito.
“Oo, maghahain na ako.” Bumaling ito sa anak bago pa pumunta sa kusina. “Stephen, pumasok ka na sa kuwarto.”
“Opo,” magalang niyang sagot at nagtungo na rin sa kuwarto upang matulog.
Naiwan sa salas si Dado. Hindi pa nagtatagal nang may sumipa sa pinto at pumasok ang apat na mga armadong lalaki.
“Sino kayong basta na lang papasok sa —” Hindi na natapos ni Dado ang sasabihin dahil ipinutok ng isang lalaki ang baril at naglagos ang bala nito sa noo ni Dado. Walang buhay itong bumagsak sa sahig.
Si Jade na natutulog sa silid ng magulang ay nagising ngunit mas pinili nitong huwag lumabas dahil sa takot. Si Aling Edna ay napasigaw at napasugod din sa salas. Si Stephen na agad lumabas ng kanyang kuwarto ay nagulat sa mga armadong lalaking nasa loob ng kanilang bahay at ang mga baril ay nakatutok sa kanya. Hindi na siya nakapalag nang pitserahan siya ng isa sa mga lalaki at hilahin papalabas ng bahay.
“Sasama ka sa amin!” sigaw ng isa sa apat na lalaki. Hindi nito inaalis ang pagkakatutok ng baril sa ulo ni Stephen.
“Saan n’yo dadalhin ang anak ko?” sigaw ng ina ng binata na nagtangkang humabol para pigilan ang mga lalaki ngunit tinabig lang siya ng isa sa mga ito at sa lakas ng puwersa ay tumilapon ang matanda at humampas ang ulo sa plywood na dingding.
“Inay!!!” malakas na sigaw ni Stephen sa nakitang pagbagsak ng ina sa sahig malapit na bangkay ni Dado.
Ipinagtulakan ng mga lalaki si Stephen hanggang sa maisakay sa van na mabilis ding humarurot paalis sa lugar na iyon.
Habang nasa biyahe ay pinosasan ng isang lalaki si Stephen at pagkatapos ay nilagyan ng piring sa mata. Wala na siyang ideya kung nasaan siya at kung saan siya dadalhin ng mga ulupong na dumukot sa kanya. Malakas ang kutob niyang mga alagad ito ni hepe. Si hepe lang naman ang puwedeng magpadukot sa kanya.
Mahaba rin ang itinagal ng biyahe hanggang sa maramdaman ni Stephen na huminto ang van. Narinig niya ang isang lalaki na nag-utos sa kasamahan. “Ipasok n’yo ’yan sa loob. Kanina pa ’yan hinihintay ni hepe.”
Tama nga ang kutob ni Stephen. Si hepe nga ang nagpadukot sa kanya. Paanong nalaman ni hepe ang pinagtataguan niya? Sabagay, sa dami ng galamay ng hayup na pulis na ’yon madali lang talaga rito ang ipahanap siya.
“Baba!” Naramdaman ni Stephen ang pagtulak sa likod niya. Wala mang nakikita ay bumaba siya ng van. Isa ang humawak sa kamay niya at hinila siya kaya wala siyang nagawa kundi sumunod kung saan man ito pupunta.
Maya-maya pa ay huminto na sila sa paglalakad at naramdaman niya ang kamay na tila inaalis ang kanyang piring sa mata.
Mukha ni hepe ang agad sumalubong sa mga mata ni Stephen nang maalis na ang piring. Gusto man niyang makadama ng takot ay galit ang mas nananaig sa kanyang puso.
“Kumusta ka?” mala-demonyo ang pagkakangisi ni hepe. “Akala mo siguro ay makapagtatago ka nang matagal. Paano ngayon ’yan? Nahuli na ang daga. Wala ka nang pagtataguang lungga.” Humalakhak si hepe na tila nang-uuyam. Tuwang-tuwa siya sa munting laruang kaharap niya ngayon. Hawak na niya sa kanyang palad ang buhay ng lalaking iniisip niyang tumarantado at nanggago sa kanya. Kailangang ibalik ni Stephen ang pera. Kung hindi, sisiguruhin niyang hindi na ito makalalabas ng buhay dito sa bodega!
Chapter 38 - Aksidente
“MAY BALITA na ba kay Marko?” Kahit mahina pa ang katawan ay naroon pa rin ang pag-aalala ni Mia sa nobyo.
“Wala pa, Mia,” sagot ni Bebang. “Kinuhaan na ako ng statement kahapon ng mga pulis. Para raw maumpisahan nila kaagad ang imbestigasyon. Sana nga ay mahanap nila kaagad si Marko.”
“Ano ba naman itong nangyayari sa amin. Una, ako. Ngayon naman, si Marko.” Napaluha si Mia sa pagkaawa sa sarili.
Tatlong pulis ang pumasok sa kuwarto. “Magandang umaga, ma’am. Magtatanong lang sana kami ng ilang bagay tungkol doon sa lalaking dinukot kahapon,” sabi ng isa na siyang pinakamatangkad sa tatlo.
“Ano po ba iyon?”
“Nobyo mo ba si Marko Saavedra?”
“Opo…”
“May alam ka bang posibleng kaaway o may sama ng loob sa kanya?”
“Wala po. Napakabait po ni Marko. Wala siyang kaaway.”
“Totoo po iyon, mga bossing,” segunda ni Bebang.
“Posible kaya na ang pagkakadukot kay Marko ay may kaugnayan sa nangyari sa’yo?”
“Si Mr. Choi!”
“Alam mo ba kung saan namin matatagpuan si Mr. Choi?”
Umiling siya. “Hindi po. Pero malaki ang posibilidad na si Mr. Choi nga ang nagpadukot kay Marko. Tulungan n’yo siya.” Bumakas ang matinding takot sa mukha niya.
NAGLALAKAD SINA Dexter at Dennis sa parteng iyon ng tulay malapit sa Lawton nang huminto sa gilid nila ang isang kotse. Namutla si Dennis nang makilala ang isa sa sakay nito. Si hepe!
“Dennis, sumakay ka na.” Nakangisi si hepe.
“Huwag na po. Malapit na kami sa pupuntahan namin,” nahihintakutang sagot niya. Binilisan pa niya ang paghakbang. “Dexter, bilis!”
Sumunod lang sa kanila ang kotse. Tapos ay nilagpasan sila at huminto sa bandang unahan. Nakita nilang bumaba sa kotse ang pulis na nagmaneho ng sasakyan. Naglakad ito pasalubong sa kanila.
Hindi malaman nina Dexter at Dennis kung tutuloy o tatakbo ba pabalik para maiwasan ang dalawang tiwaling pulis.
“Dexter, balik na lang tayo. Si hepe iyong nasa kotse. Tauhan niya ’yang naglalakad papunta sa atin.”
“Ha?” Iyon lang ang tanging nasabi ni Dexter habang ang mata nito ay nakatutok sa plaka ng kotse ng pulis.
Bago pa nakapagdesisyon ang dalawa ay nahawakan na ng pulis si Dennis sabay tutok ng baril sa tagiliran niya. “Sumama ka na nang maayos, bata. O baka gusto mong dito ka na mamatay sa ibabaw ng tulay.” Bumaling ito kay Dexter. “Ikaw, sumama ka rin,” mahina pero mariing utos nito.
Walang nagawa ang dalawa kundi sumunod sa utos ng pulis. Nang marating nila ang kotse ay nakita ni Dennis ang laki ng pagkakangiti ni hepe. Ngiting tagumpay ang hayup!
“Sakay!” Itinulak ng pulis si Dennis papasok sa sasakyan. Pero nang makapasok siya sa kotse ay mabilis niyang hinila ang pulis sabay sigaw, “Dexter, takbo!”
Nagulat man ay mabilis na napatakbo si Dexter. Hindi agad nakahabol ang pulis dahil hinawakan ito nang mahigpit ni Dennis. Si hepe naman ay mabilis na kumilos. Kinuha ang baril niya at ipinukpok sa ulo ni Dennis na nagpawala ng malay nito.
“Habulin mo ’yung tumakas!” utos ni hepe sa tauhan.
Mabilis na kumilos ang pulis at hinabol si Dexter. “Tigil!”
Napalingon si Dexter. Nakita niyang hawak ng pulis ang baril. Siguradong tatamaan siya oras na magpaputok ito.
Sa muling paglingon niya para tingnan ang pulis ay nakita niyang itinutok ng pulis ang baril upang iputok. Mabilis ang naging desisyon ni Dexter. Sumampa ito sa pasamano ng harang ng tulay at pikit-matang tumalon. Bumagsak si Dexter sa maruming ilog.
Sinilip ng pulis si Dexter ngunit wala itong nakita kundi ang maitim na tubig. Ilang sandali pa itong nag-abang kung lulutang ang estudyante pero wala.
Bumalik sa kotse ang pulis. “Hepe, wala na iyong kasama niya. Tumalon sa ilog.”
“Hayaan mo na iyon. Umalis na tayo rito.”
Agad na sumakay sa kotse ang pulis at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.
NANATILING NAKAGAPOS ang mga paa at kamay ni Marko. Kahit anong pagpipilit ay hindi niya makalag ang tali. Napahinto siya sa ginagawa nang bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Choi kasama ang dalawang tauhan nito.
“Tayo ka! Aalis tayo,” sabi ng matandang intsik. “Dalhin n’yo siya sa kotse!” utos nito sa mga tauhan. “Bilis! Sunod kayo sa kotse!” Nauna nang umalis sa silid ang intsik.
Kinalag ng dalawang tauhan ang tali sa paa ni Marko para makalakad ito papunta sa sasakyan.
Dinala ng dalawang lalaki si Marko sa Ford Escape kung saan naghihintay si Mr. Choi at pinapasok sa loob. Pagkatapos ay sumakay rin ang isang tauhan para bantayan si Marko samantalang ang bodyguard na si Rocco naman ang magmamaneho katabi si Mr. Choi.
Mabilis na pinasibad ng lalaki ang sasakyan.
“Saan n’yo ako dadalhin?” mariing tanong ni Marko.
“Huwag ka inip. Ikaw alam mamaya,” sumagot si Mr. Choi.
Maya-maya ay nag-ring ang celfone ng matandang intsik.
“Dado! Kami punta na sa bodega. Hintay mo kami,” sabi nito sa kausap at ibinaba na kaagad ang telepono.
Gumana ang utak ni Marko. Iniisip niya kung saan ang bodegang sinasabi ng intsik. Doon ba siya papatayin ng mga ito? Kailangang kumilos na siya ngayon pa lang. Hindi puwedeng basta na lang siya maghintay ng kanyang kamatayan.
Mabilis na tinadyakan ni Marko ang lalaking katabi niya at bago pa ito makakilos para gumanti ay agad namang ipinasok niya ang nakagapos na kamay sa ulo ng nagmamaneho ng sasakyan kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela at gumewang-gewang ang sasakyan. Hindi agad nakakilos si Mr. Choi dahil sa hindi stable na takbo mg sasakyan. Ang lalaking katabi ni Marko ay nagsikap na alisin ang pagkakasakal ng braso ni Marko sa drayber pero dahil may kasikipan sa sakayan ay hindi siya makakilos nang maayos. Ibinuhos ni Marko ang natitira niyang lakas at pinilit na maalis ang pagkakahawak ng drayber sa manibela. At nagtagumpay siya dahil hindi nagawang iliko ng drayber ang sasakyan kaya dire-diretso nitong nabangga ang isang paparating na ten-wheeler truck!
Tumilapon ang Ford Escape at bumaligtad sa gilid ng kalsada dahil sa lakas ng impact ng banggaan. Himalang tila hindi man lang napuruhan ang nagmamaneho ng trak bagaman at mayroon itong sugat sa parteng noo. Ang mga taong nakakita sa aksidente ay agad na nagsilapitan sa tumaob na sasakyan. Nakita nila ang apat na lalaking puro duguan sa loob ng tumaob na Ford Escape.
Mas nagkagulo ang mga tao sa paligid ng pinangyarihan ng aksidente. May isang agad na tumawag ng pulis. Mayroong tumawag ng ambulansya gamit ang kanyang celfone. Ang iba ay sumilip sa sasakyan para tingnan kung paanong mailalabas sa sasakyan ang naipit na mga pasahero.
“Wala na ’to. Patay na ang mga ito,” sabi ng isang lalaki pagkatapos nitong silipin ang loob ng kotse.
Nang dumating ang ambulansiya ay nahirapan din ang mga ito na ilabas ang mga pasahero. Nang mailabas ang apat ay idineklarang dead on the spot ang driver ng Ford Escape. Kritikal naman ang kondisyon ni Marko, Mr. Choi, at ng isa nitong tauhan. Agad nilang isinugod sa ospital ang mga biktima pero bago pa sila dumating sa ospital ay pumanaw na si Mr. Choi.
Ang aksidenteng naganap ay agad na naibalita sa telebisyon at napanood nina Bebang at Mia.
…
Isinugod
na
nga
dito
sa
St. Mary’s Hospital sa Las Piñas ang tatlo sa apat
na
sakay
ng
SUV
na
bumangga
sa
isang
ten-wheeler
truck
sa
parteng
Las
Piñas
kanina
.
Ang
nagmamaneho
ng
SUV
ay
dead
on
the
spot
,
samantalang
dead
on
arrival
naman
ang
isang
intsik
na
nakilalang
si
Mr
.
Kuan
Choi
.
Ang
dalawa
pang
biktima
na
nasa
kritikal
na
kondisyon
ay
nakilalang
si
Marko
Saavedra
at
isang
alyas
Bruno
. Ang driver naman ng ten-wheeler truck ay dinala sa ibang ospital para gamutin ang tinamo nitong sugat sa noo. At ’yan
muna
ang
ating
balita
.
Magbibigay
tayo
ng
update
mamaya. Ako si Nina Cruz, para sa flash
report
.
“Diyos ko! Si Marko iyon.” ang tinig ni Mia ay puno ng takot. Naiyak na siya sa nangyari sa nobyo.
“Si Marko nga,” segunda ni Bebang. “Huwag ka nang umiyak. Nangyari na ’yan. Wala na tayong magagawa.”
“Tama ang hinala ko na si Mr. Choi nga ang nagpadukot sa kanya. Hayop talaga ang intsik na iyon.” Patuloy siya sa pagluha.
“Mabuti nga at namatay na sa aksidente. Kaso kritikal naman si Marko. Gusto mo bang puntahan ko iyong ospital? Titingnan ko kung ano na ang kalagayan ni Marko,” tanong ni Bebang.
“O-okay lang ba sa’yo?” nanginginig ang boses na tanong ni Mia. “Pasensya ka na, ha? Ang laki na ng istorbo namin sa’yo.”
“Wala iyon. Huwag mong isipin ’yun. Ipagdasal na lang natin na makaligtas si Marko.”
Pinahid ni Mia ng palad ang kanyang luha tapos ay kumuha siya ng pera at binigyan si Bebang. “Eto, baka may gamot na kailangang bilhin para kay Marko. Kung sana puwede akong lumabas na rito sa ospital para mapuntahan ko siya.”
“Magpagaling ka na muna rito. Ako na ang bahalang tumingin kay Marko.”
Chapter 39 - Ang Wakas
“BILISAN MO ang pagmamaneho. Baka mauna pa sa atin sa bodega si Mr. Choi,” utos ni hepe sa kasamang pulis. Si Dennis ay wala pa ring malay at nakaposas na ang mga kamay. Ipinosas siya ni hepe habang hinahabol ng kasama nitong pulis si Dexter.
Matulin na pinatakbo ng pulis ang kotse para mabilis nilang marating ang bodega kung saan naroon si Stephen. Kailangang naroon na sila bago pa dumating si Mr. Choi.
SI DEXTER ay nakapagtago sa malalagong water lilies kaya hindi siya nakita kanina ng pulis na humabol at bumaril sa kanya. Mabuti na lang at marunong siyang lumangoy kaya hindi siya nagawang tangayin ng agos ng maruming tubig sa Ilog Pasig.
Sinikap niyang agad na makaahon sa ilog. Nang makaahon ay nagtanong siya sa mga tao roon kung saan ang pinakamalapit na police station para mai-report niya ang nangyari. Agad na nagsagawa ng follow up operations ang pulisya kaugnay sa insidenteng ini-report ni Dexter. Nakatulong nang malaki ang plate number ng kotse na sinakyan ng mga dumukot kay Dennis.
“GISING!!!”
Sinampal-sampal ni hepe ang pisngi ni Dennis hanggang sa magising ito. Nakarating na sila sa bodega at kailangang ipasok na rin sa loob ang estudyante.
“Dalhin mo ’yan dito sa loob,” utos ni hepe sa kasamang pulis.
Nakaramdam ng kaunting kirot si Dennis sa likod ng kanyang ulo. Pakiramdam niya ay may sugat ito. Gusto niya sanang hawakan ang kanyang ulo pero hindi niya magawa dahil nakaposas ang kanyang mga kamay.
“Bilisan mo!” Itinulak siya ng pulis kaya muntik na siyang madapa.
Noon tumunog ang cellphone ng pulis at saglit itong nakipag-usap sa tumawag. Si Dennis ay tuluy-tuloy na naglakad papasok sa bodega.
Nang makapasok sa loob ng bodega ay nakita ni Dennis ang isang lalaking nakagapos sa isang poste at lungayngay ang ulo. Binabantayan ito ng dalawang tauhan ni hepe. Sa itsura ay mukhang bugbog-sarado ang lalaki.
“Stephen?” Nanghilakbot si Dennis nang makilala ang nakagapos na lalaki.
Nag-angat ng ulo ang lalaki. “Dennis…”
Tinakbo ni Dennis si Stephen. “Anong ginawa nila sa’yo?” Nakita niya ang namamagang mukha ni Stephen sanhi ng tinamong suntok. Bumaling siya kay hepe. “Hayup ka, hepe! Hindi ka dapat naging pulis! Masahol ka pa sa kriminal!” galit na galit niyang sigaw.
Parang walang narinig si hepe. Tumatakbong lumapit sa kanya ang kasamang pulis.
“Hepe, may tawag galing sa presinto. Patay na si Mr. Choi. Naaksidente!”
“Sigurado ka ba sa balita mo?”
“Oo, hepe.”
“Kung ganoon, wala na pala tayong problema,” deklara nito.
“Anong gagawin natin ngayon sa dalawang ito?” tanong ng pulis.
Ngumisi si Hepe at pagkatapos ay bumaling kay Dennis. Tinitigan nitong mabuti ang estudyante. “Pagkatapos ng gagawin mo ngayon, wala ka na ring ipinagkaiba sa mga kriminal,” humahalakhak na sabi nito.
“Anong—?”
“Tanggalin n’yo sa pagkakagapos ’yan!” utos ni hepe sa kanyang tauhan.
Agad na sumunod ang dalawang nagbabantay kay Stephen at inalis ito sa pagkakatali sa poste.
“Ngayon naman, umpisa na ng palabas…”
Hindi maintindihan ni Dennis kung anong ibig sabihin ni Hepe, pero nakita niyang binunot nito ang baril at itinutok sa kanya. Nahintakutan si Dennis. Gumapang ang kilabot sa buo niyang katawan.
Dahan-dahang lumapit si Hepe kay Dennis.
“Huwag… Huwag, Hepe. Maawa ka…” Nakita niya ang nakakalokong pagngisi ni Hepe habang papalapit sa kanya. Nang makalapit ay iniabot nito sa kanya ang baril.
“Binibigyan kita ng pagkakataong patayin ang traydor na lalaking ’yan. Kapag nagawa mo, palalayain kita rito at hindi na muling gagambalain pa.”
“Ha?” Napamulagat si Dennis. “Hindi, Hepe. Hindi ko magagawa.”
“Kung hindi mo gagawin, sa tingin mo ba’y makalalabas ka pa nang buhay dito?” Hindi nawawala ang nakakalokong ngisi ni Hepe. “Mamili ka, Dennis. Patayin mo siya at mabubuhay ka o pareho kayong mamamatay dito.”
Tiningnan ni Dennis si Stephen. Wala siyang makitang reaksyon sa mukha nito. Para bang handa na ito sa kung ano man ang kahihinatnan ng buhay nito.
Muling bumaling si Dennis kay Hepe. “Ayoko, Hepe. Hindi ko kayang pumatay. Hindi ko siya magagawang patayin. Ayoko!”
Isang malakas na suntok mula sa kamao ni Hepe ang tumama sa mukha ni Dennis.
Tumilapon si Dennis at nabitiwan niya ang hawak na baril. Iyon ang sinamantala ni Stephen. Agad nitong dinampot ang baril at mabilis na ikinasa sabay putok sa dalawang alagad ni Hepe na nasa kanyang likuran. Agad na tumumba ang dalawa. Pero bago pa niya muling naiputok ang baril sa pulis na kasamahan ni Hepe ay naunahan na siya nito. Sapul siya sa balikat.
Pinilit ni Stephen na huwag indahin ang tama sa kanyang balikat. Muli niyang ipinutok ang baril at nasapol niya ang pulis sa didbdib.
“Dennis, takbo! Umalis ka na rito!” utos niya sa kaibigan habang nakatututok ang baril kay Hepe.
“Paano ka?” nag-aalalang tanong ni Dennis.
“Tatapusin ko lang ang hayup na hepeng ito…” Hindi inaalis ni Stephen ang pagkakatutok ng baril kay Hepe.
Malikot ang mga mata ni Hepe. Humahanap ito ng tiyempo kung paano malalansi si Stephen.
“Hayup ka, Hepe. Ikaw ang mamamatay sa bodegang ito, hindi kami.” Dahan-dahan gumalaw ang daliri niya para kalabitin ang gatilyo ng baril.
Kinakabahang nakatingin lang si Dennis. Palipat-lipat siya ng tingin kina Stephen at Hepe.
“Mamatay ka!!!” Kinalabit ni Stephen ang gatilyo ng baril. Siniguro pa niyang masasapol niya ang noo ng hayup na pulis.
Pero kakampi yata ni Hepe ang demonyo! Hindi pumutok ang baril. Wala na itong bala!
Ngiting aso si Hepe sa nangyari. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Agad niyang dinaluhong si Stephen at nagpambuno sila.
Nagpalitan sila ng suntok. Si Dennis ay nasa gilid lang at hindi malaman ang gagawin. Isang suntok ni Hepe ang tumama sa panga ni Stephen na ikinatumba nito. Bago pa makabangon si Stephen ay sinalubong na ito ni Hepe ng isang tadyak kaya muli itong nalugmok sa semento. Sinamantala iyon ni Hepe para takbuhin ang baril ng isang tauhan niyang napatay ni Stephen. Nakita iyon ni Dennis kaya agad din niyang tinakbo ang isang patay na alagad ni Hepe sa gawing likuran. Kinuha niya ang baril nito at itinutok kay Hepe.
Babangon na si Stephen nang pumutok ang baril na hawak ni Hepe at tumama sa kanyang tagiliran. Napasigaw si Dennis sa nakita. Sinubukan niyang iputok ang hawak na baril subalit nauna na muling magpaputok si Hepe at sapul si Stephen sa dibdib.
Parang nauupos na kandilang natumba muli sa semento si Stephen.
Ipinutok ni Dennis ang hawak na baril. Tatlong magkakasunod na putok na tumama lahat sa katawan ni Hepe.
Itinutok ni Hepe ang baril kay Dennis ngunit isang putok pa ang muling pinakawalan nito na tumama sa pisngi ng buhong na pulis.
Walang buhay na lumatag sa sahig ang katawan ni Hepe.
Agad na nilapitan ni Dennis si Stephen. Naghihingalo na ito at nilabasan na ng dugo sa bibig.
“Stephen, dadalhin kita sa ospital…”
Mapait ang ngiti ni Stephen. “T-Tapos na… Wala na t-tayong p-prob… lema…” Iyon lang at ipinikit na nito ang mga mata.
“Stephen!!!” Ang sigaw ni Dennis ay pumuno sa loob ng bodegang iyon.
Chapter 40 - Bagong Simula
SERYOSONG PINAGMAMASDAN ni Marko ang papalubog na araw sa bukid kung saan maghapon siyang nagtanim ng palay. Ang liwanag nito ay nagsabog ng napakagandang kulay sa ulap at talagang kaygandang panoorin nito habang unti-unti itong nilalamon ng dilim. Isa ito sa mga na-miss niya sa buhay-probinsiya. Mga simpleng bagay na hindi mo na kailangang maglaan ng pera para ma-enjoy mo ang kasiyahang dala nito sa bawat taong makakakita. Dalawang taon na rin mula nang bumalik siya sa probinsiyang kanyang kinalakhan kasama si Mia para mag-umpisa ng bagong buhay dito. Masyadong naging magulo ang buhay nila sa siyudad. Halos muntik na nilang ikamatay. Mabuti na lang at sadyang hindi pa nila oras kaya naligtasan nila ang kamatayan. Sino bang mag-aakala na maliligtasan ni Mia ang trahedya ng kanyang buhay gayong halos wala na itong hininga nang itapon ng mga tauhan ni Mr. Choi sa gilid ng highway. Masuwerte lang talaga si Mia na may mga basurerong nakapulot dito at nagmagandang loob na humingi ng tulong para dalhin ito sa ospital. At siya, sinong mag-aakalang maliligtasan niya ang malagim na aksidenteng pumatay sa kay Mr. Choi at sa iba pang sakay ng kotse, maliban sa kanya? Hindi iyon basta suwerte lang. Sadyang gumawa ang Diyos ng milagro para mabuhay pa siya at magkaroon ng katuparan ang mga pangarap nila ni Mia.
Ngayon nga ay payapa silang nabubuhay dito sa probinsiya. Magkatulong nilang itinataguyod ang kanilang pamilya. Sa buong maghapon ay nasa bukid siya. Sa bahay naman ay abala si Mia sa paghahayupan. Nag-aalaga sila ng mga baboy at manok sa bakanteng lote sa likod-bahay. Katulong nila sa pag-aasikaso ng kanilang babuyan at manukan ang mga magulang niya.
“Marko!”
Nilingon niya ang pinanggalingan ng pamilyar na tinig. Nakita niya ang paparating na si Mia. Karga nito ang isang taong gulang nilang anak na lalaki, si Angelo.
“O, bakit pumunta pa kayo rito? Pauwi na rin naman ako. Hinihintay ko lang na lumubog ang araw.” Kinuha niya sa asawa ang anak at siya naman ang kumarga rito.
“Hinahanap ka na kasi niyang anak mo. Eh, tutal tapos na akong magluto ng hapunan kaya naisipan kong sunduin ka na lang namin,” sagot ni Mia habang inaayos ang damit ng anak na karga ng asawa.
Tinitigan ni Marko si Mia pagkatapos ay buong kaseryosohan itong nagtanong, “Hindi ka ba talaga nagsisisi na sumama ka sa akin dito sa probinsiya? Hindi ka ba nagsisisi na nagpakasal ka sa akin?”
Napangiti si Mia. Hindi lang iisang beses iyon itinanong sa kanya ni Marko. Marami na. At tulad ng dati ay ganoon pa rin ang sagot niya. “Hindi ako nagsisisi na sumama ako sa’yo rito. At mas lalong hindi ako nagsisisi na nagpakasal ako sa’yo. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Mamamatay ako at mabubuhay muli na ikaw pa rin ang gusto kong makasama, at maging asawa.”
Niyakap ni Marko ang asawa.
“Teka, teka naiipit si Angelo,” natatawang sabi ni Mia.
“Mahal na mahal kita, Mia. Kahit hindi ako naging matagumpay sa Maynila, kuntento na rin ako dahil doon kita nakilala. Dito sa probinsiya, bubuo tayo ng isang simple pero masayang pamilya. Bibigyan kita ng tahimik na buhay, malayo sa gulo at panganib na katulad ng naranasan natin sa siyudad.”
Tumango si Mia. “Basta kasama kita, wala na akong hihilingin pa. Mahal na mahal rin kita, Marko.”
KAUSAP
NI
Bebang
ang
doktor
na
gumagamot
kay
Marko
.
“
This
is
a
miracle
.
Himala
talaga
na
nakaligtas
siya
sa
aksidenteng
iyon
.
Lumabas na ang resulta ng lab tests niya.
Wala
siyang
internal
hemorrhage
.
Maliban
sa
mga
sugat
na
tinamo
niya
,
wala namang grabeng pinsala sa katawan niya.
Samantalang
patay
lahat
ng
iba
pang
sakay
ng
kotse
,“ paliwanag ng doktor.
Seryoso
namang
nakikinig
si
Bebang
.
Kahapon
nga
ay
nabalitaan
niyang
namatay
na
rin
ang
isa
pang
sakay
ng
kotse
na
kasabay
ni
Marko
na
dinala
sa
ospital
ding
iyon
.
“
Hindi
na
po
ba
kritikal
ang
kondisyon
ni
Marko
?“
Umiling
ang
doktor
. “
Nasalinan
na
siya
ng
dugo
.
Naging
kritikal
lang
siya
kahapon
dahil
sa
dami
ng
dugong
nawala
sa
kanya
.
Pero
naagapan
na
natin
iyon
.
Mabuti
na
lang
at
may
sapat
na
supply
tayo
ng
dugong
katipo
niya
kaya
wala
na
siya
kritikal
na
kondisyon
.
Kailangan
na
lang
ang
tuloy-tuloy
na
pag-inom
ng
gamot
at
’
yung
dextrose
niya
habang
nandito
siya
sa
ospital
.“
“
Maraming
salamat
,
dok
.“
Nakahinga
nang
maluwag
si
Bebang
.
Masaya
siya
na
ligtas
na
sa
panganib
si
Marko
.
Matutuwa
si
Mia
mamaya
kapag
ibinalita
na
niya
rito
ang
kondisyon
ng
nobyo
.
HALOS MAGKASUNOD na lumabas ng ospital sina Marko at Mia. Si Bebang ang matiyagang nag-asikaso sa dalawa. Nagkaproblema lang sa bayarin sa ospital kung saan naka-
confine
si
Marko
kaya
napilitan
ang
binata
na
kontakin
si
Eloisa
.
Hindi
naman
nagdamot
ang
babaeng
minsan
ay
naging
kostumer
niya
.
Agad
na
nagtungo
sa
ospital
si
Eloisa
para
bayaran
ang
hospital
bills
ni Marko.
Si
Eloisa
rin
ang
nagbigay
ng
pera
kay
Marko
para
makauwi
sila
ng
probinsiya
at
makapag-umpisa
ng
bagong
buhay
.
Totoong
napakalaki
ng
naitulong
ng
babae
sa
kabuhayan
ngayon
nina
Marko
at
Mia
.
“DENNIS RODRIGUEZ, Cum laude!”
Nagpalakpakan ang mga tao sa lugar na iyon kung saan ginaganap ang kanilang pagtatapos. Umakyat sa entablado si Dennis para tanggapin ang kanyang diploma. Pagkatanggap niya ng katibayan ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo ay kinawayan niya sa audience ang kanyang mga magulang na proud na proud sa kanya. Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang isang tila bangungot sa kanyang buhay na sa huli ay buhay ni Stephen ng naging kapalit.
Si Stephen…
Ang mahal niyang si Stephen.
Hindi namalayan ni Dennis na umaagos na pala ang kanyang luha. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa alaala niya ang lahat nang nangyari sa loob ng bodegang iyon.
“Stephen!!!” pumuno ang sigaw ni Dennis sa loob ng bodegang iyon.
Sinikap niyang buhatin ang binata upang mailabas sa bodega at maisugod sa ospital. Ngunit pagkalabas niya ng bodega ay nakita niya ang napakalawak na compound na kailangan pa niyang lakarin bago makakuha ng taksing magdadala sa kanila sa
pagamutan
. Kaya pala walang tumulong man lang sa kanila. Sa lawak ng compound kung saan naroon ang bodega, malamang na wala ngang nakarinig sa naganap na putukan sa loob.
Sinikap ni Dennis na mailabas si Stephen. Ang dugong lumabas sa katawan nito ay humalo na sa suot niya kaya kung titingnan ay kapwa na silang sugatan.
Malapit na silang makalabas nang sunud-sunod na dumating
ang mga police mobile at ambulansiya. Mas lalong napaluha si Dennis. Kung sana kanina pa dumating ang mga pulis, baka hindi ganito ang nangyari kay Stephen.
Inilagay ng medics si Stephen sa stretcher at ipinasok sa ambulansiya. Sumama na rin si Dennis sa ospital.
Halos
magwala
si
Dennis
sa
sama
ng
loob
ng
ideklarang
dead
on
arrival
si
Stephen
.
Bakit
kailangang
umabot
sa
ganito
?
Bakit
sa
kanila
pa
ito nangyari?
“
Dennis
…“
Nanlaki
ng
mga
mata
niya
nang
makita
ang
tumawag
sa
kanya
. “
Dexter
!
Buhay
ka
?“
“
Oo
…“
Agad
na
niyakap
ni
Dexter
ang
kaibigan
. “
Kasama
ako
ng
mga
pulis
kanina
.
Nakita
kong
sumakay
ka
sa
ambulansya
kaya
nagpahatid
ako
sa
mga
pulis
dito
.“
“
Dexter
,
wala
na
si
Stephen
.
Patay
na
siya
,“
muling
naging
histerikal
si
Dennis
. “
Ang
dami
kasi
niyang
tama
ng
bala
.
Hindi
ko
siya
natulungan
.
Iniligtas
niya
ako
,
pero
ako
hindi
ko
siya
nailigtas.“
“
Huwag
mong
sisihin
ang
sarili
mo
.
Sigurado
ako
,
masaya
na
si
Stephen
kung
nasaan
man
siya
ngayon
…
dahil
ligtas
ka
na
kay
hepe
.
Hindi
ka
na
magagawan
ng
kasamaan
ni
hepe
.“
Mas
hinigpitan
pa
ni
Dexter
ang
pagyakap
sa
kaibigan
.
AGAD
NA
lumuwas
ng
Maynila
ang
magulang
ni
Dennis
nang
mabalitaan
ang
nangyari
sa
anak
.
Akala
niya
ay
galit
ang
isasalubong
ng
kanyang
ama
pero
taliwas
ang
nakita
niyang
reaksyon
nito
.
Alalang-alala
ito sa
kanya
katulad
rin
ng
pag-aalala
ng
kanyang
ina
.
At
kahit
na
nang
malaman
nito
ang
buong
pangyayari
ay
wala
siyang
sumbat
na
narinig
sa
kanyang
ama
.
Puro
pang-unawa
at
pagmamahal
ng
magulang
sa
kanyang
anak
ang
ipinakita
nito
sa
kanya
.
Pinakiusapan
ni
Dennis
ang
kanyang
mga
magulang
na
bigyan
ng
disenteng
libing
si
Stephen.
Doon
man
lang
ay
makabawi
siya
sa
pagliligtas
nito
sa
kanya
.
Nakakahabag
ang
pagtangis
ni
Aling
Edna
nang
makita
ang
bangkay
ng
anak
.
Namatay
na
nga
si
Dado
,
pati
ba naman si
Stephen
?
Maging
ang
kapatid
ni
Stephen
na
si
Jade
ay
labis
rin ang
pagdadalamhati
.
Inasikaso
ng
mga
magulang
ni
Dennis
ang
mga
dapat
ayusin
para
sa
pagpapalibing
kina
Dado
at
Stephen
.
“
Salamat
,
dad
…“
Buong
pagmamahal
na
niyakap
ni
Dennis
ang
ama
.
“
You
are
my
son
and
you
will
always
be
my
son
.
Ano
man
ang
nararamdaman
ng
puso
mo
ay
hindi
ko
na
panghihimasukan
.
I
would
rather
see
you
happy
and
gay
than
see
you
cold
and
lifeless
.“
Hinigpitan
nito
ang
yakap
sa
anak
. “I love you, Dennis. Mahal na mahal ka namin ng mommy mo.”
Sa
oras
na
iyon
,
parang
gusto
niyang
bigyan
ng
Father
of
the
Year
Award
ang
kanyang
ama
.
Hindi
niya
inasahang
magiging
ganoon
ito
ka-understanding
sa
kanya
.
PAGKATAPOS NG graduation ceremony ay niyakap si Dennis ng kanyang mommy at daddy.
“We’re so proud of you, anak,” maemosyong sabi ng kanyang ina.
“We will always be proud of you,” segunda naman ng kanyang ama.
“Dennis, congrats!” Hindi niya namalayan ang paglapit ni Dexter.
“Congrats din sa’yo, Dexter. Sama ka sa amin. Manlilibre si dad.”
“Eh, manlilibre din ang tatay ko. Ayun nga, ako na lang ang hinihintay nila,” sabi nito. “Kita na lang tayo next time.” Bumaling ito sa mga magulang ni Dennis. “Tito, tita aalis na po ako. Ingat po kayo lagi.”
Kinawayan ng mga magulang ni Dennis si Dexter.
Masaya si Dennis nang mga sandaling iyon pero sa isip niya ay mas masaya sana kung kasama nila si Stephen. Si Stephen na naging inspirasyon niya sa kanyang pag-aaral. Si Stephen na walang ginawa kundi isipin kung ano ang ikabubuti niya.
Miss na miss na niya ito. Sobra!
Mamaya ay dadalaw siya sa puntod nito para magpasalamat sa bigay nitong inspirasyon. Ipagmamalaki niya kay Stephen ang diploma niya.
Hindi nasayang ang mga pangaral sa kanya ni Stephen. Hindi niya ito kinalimutan. At kahit ilang panahon pa ang lumipas, hinding-hindi pa rin niya malilimutan si Stephen at ang bilin nito sa kanya,
“Habang bata ka pa, mag-umpisa ka ulit. Mag-umpisa ka nang maayos. Mag-umpisa ka nang tama…”
The
end
Readers’ Comments
Sa ibaba ay mababasa ninyo ang ilang komento mula sa mga nagbasa ng kuwentong ito.
Maraming salamat at sana ay huwag kayong magsawang magbasa dahil sa pagbabasa ay hindi lang tayo nag-eenjoy kundi natututo rin tayo ng maraming mga bagay.
XrossKyuuketsuki Another masterpiece… simula pa lang ang sarap nang basahin… no dull moment ang bawat paragraph, nabitin nga ako kasi di ko namalayan na nakatapos na pala ako ng chapter… good job!
Now, what i love about this chapter is i thought i was watching a movie because i can imagine clearly ’yung mga nangyayari … good job!
greatfairy The choice of words. Salute✋👐 Very informative and professionally written.
alainskie Grabe na ’yung first 5 chapters, well written and each character is well introduced.
MichelleCorrea1 Whoooa!! ang hot ng story… kilig much sa 2 loveteam.. Mia Marko and Stephen Dennis…
SerenaOohlala I love it, para akong nanood ng indie film. Very realistic. Pinakita ’yung isang side ng lipunan in a very realistic approach. Tapos ang bongga pa ng storytelling. Parang pang professional. Normally, hindi ako ginaganahan magbasa kapag formal ang narration. Kapag formal kasi, boring, parang ang bigat ng atmosphere sa kwento. Pero ’di ko alam kung anong ginawa mo dito na kahit formal siya ay magaan pa rin basahin. Haha!
RienMichaelPonce Cute ng flow (ng story), lav u author.
jamesmambajr May angas nga ang pagkakasulat.
AndyVilla6 A love scene between same sex is usually depicted in a grossly manner. But this one was executed perfectly not to offend the reading public. Good job!
Gaitojef Grabe amazing talaga ’yung stories, parang totoong-totoo lahat… saka pinapakita talaga yung mukha ng mundo ng mga GROs at callboy.
AireenPueyo Kilig sa love team — Mia Marco.. At Stephen Dennis. Hahahahaha!
magbmara You’re in for a treat! Because this is one of the best written masterpiece in wattpad. A roller coaster ride of emotion! Congrats Author!

