loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Seducing Drake Palma (Stream on Viva One)

Seducing Drake Palma (Stream on Viva One)

beeyotch · 61 chapters · 96,918 words

Disclaimer

Hi!

Just a heads up: I wrote this story way back in 2012 when I was only 17 years old. I know it contains quite a few themes and ideas that don’t really align with who I am today or what I believe in.

I’m not trying to excuse my younger self, but I genuinely didn’t know any better back then. We all grow and learn, and my perspective has definitely evolved since I was a teenager.

I know many of you might be discovering this story because of the Viva adaptation, so I wanted to address this upfront. Since I can’t go back and edit everything to match my current values and perspective, I just wanted to give you a friendly reminder to take the good parts of the story and feel free to skip over anything that doesn’t sit right with you.

Thanks for understanding, and I hope you still enjoy the parts that resonate with you!

Chapter 1

Chapter 1

“Di nga? Seryoso ka? Break na si Sheen at Kei?” Parang nagliwanag yung buong paligid ko. Teka, bakit mas una pa niyang nalaman? Ako kaya yung best friend ni Sheen!

“Oo kaya! Gulat na gulat nga din ako eh. Akalain mo, mapaghihiwalay pa pala yung dalawang yun? Eh almost perfect na kaya sila.” Tama. Almost perfect, Ideal couple, lahat na ng pwedeng itawag sa kanila. Si Sheen ay captain ng football team, running for class salutatorian, gwapo. Si Kei naman ay cheerleader at title holder ng Ms. St. Claire’s High. Di ba? Sobrang compatible sila.

“Eh bakit kaya sila naghiwalay?”

“Aba malay ko. Eto naman, wag ka na ngang chismosa. Magpasalamat ka na lang na break na sila. Ang dami mo pang tanong eh.” Kung hindi ko lang talaga kaibigan ’tong babaeng ’to, malamang kanina ko pa ’to nasapak.

“Sorry naman kung nagtatanong. Curious lang kasi.”

“Si Besh naman oh. Pa irap irap effect pa. Ang balita ko kaya daw sila nagbreak eh dahil dun sa lalaking bagong lipat, si Drake Palma! Grabe talaga si Kei noh? Nakakita lang ng mas gwapo, pinalitan na agad si Sheen. Ang kati niya talaga.” 

Si Drake Palma? Sus. Mas gwapo naman dun si Sheen. Ni walang alam gawin sa klase yun kung hindi matulog eh. Take note, kakalipat lang niya pero ang lakas ng loob matulog! Kaklase ko kasi siya eh.

“Tss. Bahala siya sa buhay niya. Sige na nga, pupuntahan ko lang si Sheen at baka nag eemote na yun. Hahaha.”

“Ang sama mo. Broken kaya yung tao.”

“Broken broken. Ako ang hihilom sa sugatan niyang puso. Hahaha.”

“Tumigil ka nga. Nakakadiri yung mga sinasabi mo.”

“Leshe ka. Makaalis na nga.” Tapos umalis na ako at hinanap si Sheen. Alam ko namang nasa rooftop siya eh. Yun naman kaya ang tambayan ng mga senting people. Hahaha.

“Sheen..” Sabi ko tapos umupo ako sa tabi niya. Bigla naman siyang sumandal sa balikat ko. ‘Wag kang ganyan, kinikilig ako.’ Gusto kong sabihin kaya lang nagmomoment si Sheen eh, wag na lang. Haha.

“Break na kami..”

“Alam ko.”

“Bakit alam mo? Kakabreak lang namin kanina eh.”

“Magaling ako eh. Hoho.”

“Ang korni mo.”

“Wag ka ngang emo. Hindi bagay sa’yo eh.”

“Ang sama mo talaga.”

“Hindi ah. Tinutulungan kaya kita.” 

“Alys, seryoso. I want her back.” Ang sakit naman nun.. “Tulungan mo ako..”

Bakit ba ganon pag bestfriend? 

Lagi na lang tumutulong..

Lagi na lang nagsasakripisyo..

Lagi na lang nagmamahal ng patago..

“Gawin mong boyfriend si Drake Palma..”

“Anong sabi mo?!” 

“Gawin mong boyfriend si Drake Palma.”

“Nabibingi na ba ako or something? End of the world na ba?” Hindi nga? Anong problema ng unggoy na ’to?

“Ang oa mo naman. Gagawin mo lang namang boyfriend yun eh. Easy as that.” Wow ha. Easy as one, two, three lang kasi talaga yun.

“Ano’ng akala mo sa pinagagawa mo? Parang nagpapabili lang ng candy sa tindahan?!” Ayan, sumisigaw na ako. Leshe naman kasi, ano akala niya sa sarili niya? Bugaw?

“Naka tatlong boyfriend ka na nga eh, madali na lang sa’yo yun.. Sige na, Alys. Please?” Lo and behold, talaga bang nagpapa cute sa’kin ’tong best friend ko? 

“Sige na nga.. Ganyan naman talaga eh..”

“Oo na. Bwisit ka.”

Processing..

Processing..

Processing..

Processing..

Processing..

Pumayag ba talaga ako? Oh sheet.

“Salamat, Alys.” tapos bigla niya akong niyakap, “The best ka talaga.”

Paksheet. Kinikilig ako. Hanubah! =___=

“Salamat-salamat ka dyan, may bayad ’to oy!” Hindi talaga ako nagpapabayad, wala lang talaga akong masabi, baka mahalata niyang kinikilig ako. Bwisit.

“Oo na, oo na. Ililibre kita ng lunch sa buong linggo.”

“Kulang ’yun. Lahat, pati snacks.”

“Oy! Abuso ka na. Sumbong kita sa nanay mo.”

“Sus. Akala mo naman kayang gawin. Alam ko namang mahal na mahal mo ko eh.” Tapos nagbelat ako sa kaniya. At iyon ang simula ng paghahabulan namin. O diba? Ang sweet at romantic lang.

Pagkatapos naming maghabulan, “Hoy, umamin ka nga..” Hinga, hinga. Hinihingal ako, “Broken ka ba talaga? Kung makapanghabol ka, wagas ah.”

“Broken ako, hindi lang halata.” Sus, “Tsaka, nagpromise ka na na tutulungan mong bumalik sa’kin si Kei, so, bakit pa ako mamo mroblema?” Ang kapaaaal =___=

“Eh pano pag hindi ko nagawa?”

“Alam kong gagawin mo.”

“Eh bakit parang siguradong sigurado ka?”

“Eh kasi, ikaw si Alys Perez. When you want something, you get it by hook or by crook.” Bakit ikaw? Gusto kaya kita, pero bakit hindi kita makuha? Sheet lang ha.

“Whatevs, Sheen. Ang dami mong alam.” 

“Alam mo, Alys, nagtataka ako. Di ba karamihan, nagiging bestfriends turned lovers? Bakit kaya tayo hindi ganun?” Ay sheet. Unrequited love kasi tayo. Mukha ka kasing Kei. Bwisit.

“Sabagay, hindi kasi kita type. Masyado kang madaldal tsaka clumsy tsaka isip bata tsaka babagsakin sa test tsaka—” binatukan ko siya.

“Ggo ka ba? Gusto mo bang tulungan kita o ano?!” Loko ’to ah. Kailangan pa bang ipamukha sa’kin yung mga bagay na ganun?!

“Hindi pa kasi ako tapos,” tapos bigla niya akong niyakap mula sa likod, “Kung hindi ka ganun, hindi ikaw si Alys Perez. At kung hindi ikaw si Alys, paano na lang si Sheen Mendoza?” Paksheet. Bakit ang sweet sweet mo? =___=

“Shatap na nga. Oo na, tutulungan na kita. Ang dami mong alam.” Tapos tumayo na ako at naglakad papaalis.

Nung pababa na ako ng hagdan, bigla kong naalala na naiwan ko pala yung notebook ko. Pero nung pagbalik ko, nakita ko si Sheen, umiiyak. Bwisit naman, Kei. Yung lalaking gustong gusto ko, pinapaiyak mo lang? Ang unfair naman yata.

Drake Palma, tandaan mo, i’ll get you by hook or by crook!

**

SNS Accounts:

Twitter: beeyotchWP

Instagram: aryesaaaaa

Facebook Page: Beeyotch Stories

Youtube: Ariesa Domingo

Facebook Account: Eydee Aldea Sandoval

Patreon Account: beeyotch

Chapter 2

Chapter 2

“Weh? Serious? No joke?” Nandito kami ngayon sa caf ni Aya, ang bespren ko. Hehe. Hindi ko pa pala siya napapakilala. Sorry naman.

“Oo nga. Tsaka mukha bang magjjoke ako tungkol sa ganung bagay? O Diyos ko!” Tapos yumuko ulit ako sa lamesa. Kasi naman, paano ko ba gagawin yung pinapagawa ni Sheen? Parang mas okay pa yata na magbigti ako eh!

“Tss. Ikaw naman kasi, pag si Sheen ang may sabi, go go go ka lang agad. Hindi ka man lang nag iisip. On the other hand, kailan mo nga ba ginamit ang isip mo?” 

Binatukan ko siya, “Kaibigan ba talaga kita?! Walanjo!”

“Hehehe. Joke lang. Eto naman oh. Eh maiba tayo, paano mo gagawin yang, Mission Impossible: Seducing Drake Palma mo? Eh alam mo namang medyo autistic yun eh.” Tama! Autistic. Laging natutulog sa klase. Pero pag nag quiz, laging perfect. Ang unfair! Ako na gising, bagsak. Siya na tulog, perfect! Ano yun? Napapanaginipan niya yung lecture? The ’eff!

“Hindi ko nga alam. Wala akong idea. Besh, help me naman.” Tapos nag twinkling eyes ako. I badly need help! =___=

“Shatap! Ako nga walang boylet eh, paano kita tutulungan?”

“Haay! Life, why so hard on me? Gusto ko lang namang maging girlfriend ni Sheen eh.. Aray!!” Bigla kasi akong binatukan ni Aya!

“Ang emo mo kasi. Ewie.”

“Wala ka ba talagang suggestion jan? Tips? Advice?”

“Know what?” Tapos umiling ako, “Ayun yung target mo oh, sundan natin, dali!”

Tapos nga, tinapon na namin yung kinakain namin at sinundan si Drake. Walanjo, feeling ko ako si James Bond eh!

Nakarating kami sa likod ng high school building ng St. Claire’s High (St. Claire’s Academy yung pang college), tapos tumigil si Drake at nahiga sa ilalim ng puno. Matutulog pa yata. Autistic talaga.

“Tara na nga! Matutulog lang pala eh!” Tapos tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Haay, sayang yung fries at sundae ko! Tinapon ko para panooring matulog ’tong autistic na ’to..

“Teka lang!! May babaeng paparating oh!”

Tapos tumigil ako sa paglalakad at bumalik. Oo nga, may babaeng dumating. Hindi ko nga lang kakilala pero alam kong ka batch namin. Pero in fairness, maganda si ate. Mas maganda nga lang ako. Wahaha!

Nag uusap sila, hindi namin marinig. Pero dahil nga may lahi kaming chismosa ni Aya, lumapit kami. At walaaa~ Naririnig na namin ang pag uusap nila!!

“Drake, gusto kitang maging boyfriend!” Sabi ni ateng maganda. Shet! Saludo ako sa fighting spirit mo! Go, ate!

“K.” Sagot ni Drake. What the— Ganun lang yun?!

Tapos ngumiti si ate kaso tumalikod na si Drake at naglakad pabalik sa puno niya, “Break na tayo.” Sabi niya. Isa pang, What the— Ganun lang yun?!

Biglang natulala si ateng maganda, “A-anong break na? Kanina lang naging tayo tapos, break na agad?” Tanong ni ate. Yun din ang tanong namin eh. =___=

“Yun lang naman gusto niyo di ba? Maipagmalaki na naging boyfriend niyo ko? Yan, naging boyfriend mo na ako. Alis na.” Tapos nahiga ulit siya. Tumakbo si ateng maganda na umiiyak.

Ang sama mo, Drake Palma! Kakarmahin ka din!!

Nakabalik na kami sa classroom ni Aya, buti na lang late yung teacher namin, hindi kami napagalitan.

“Yun naman pala, Besh. Madali naman palang maging boyfriend si Drake eh. Napakadaling kausap! Sobrang daling kausap!” Sarcastic na sabi ni Aya. Oo nga naman, para siyang boyfriend ng bayan. Public property and whatsoever. Eh kasi naman..

“Eh–”

“Eh di kausapin mo din siya kagaya nung ginawa ni ateng maganda tapos sabihin mo na lang jan sa Sheen your loves mo na nagbreak na agad kayo. O di ba? Tapos na ang problema mo.” Sabagay, magandang suggestion yun. 

“Eh nakakahiya. Classmate kaya natin siya. Eh si ateng maganda, tiga ibang section naman kaya okay lang..”

“Okay lang yun, noh! Malay mo naman, hindi niya alam na mag classmates pala kayo. O kaya naman, hindi niya alam na nag eexist ka pala! Alam mo naman yun, palaging tulog. Kaya don’t worry, Besh.” Sabagay, may point din siya.

“Sige na nga. Sasabihin ko mamaya, tapos sasabihin ko na din kay Sheen na break na kami agad.”

“Good luck sa Mission Impossible mo, Besh!”

Tapos ayun nga, nagklase kami. Sa dismissal ko balak sabihin na gusto ko siyang maging boyfriend. Haay! Kakalimutan ko na tao din ako na may hiya para kay Sheen. Lesheng pag ibig, ginagawa akong utu-uto.

Ayan na, dismissal na! Naglalabasan na yung mga tao sa room pero nakayukyok pa din sa armchair niya si Drake. Autistic talaga.

After 15 mins., sa wakas! Nagising din ang sleeping prince. Kinuha niya yung bag niya at nag stretching tapos naglakad na palabas ng room. Ako naman ay tahimik na sumusunod sa kanya. Sa labas ng campus ko sasabihin noh! Wala akong balak na machismis.

Nung sigurado na akong malayo na ako sa campus, kinalabit ko siya. Yes, Alys! Kaya mo yan! Aja!

Lumingon siya tapos tinignan ako, “Drake Palma, boyfriend na kita.”

Tapos inirapan niya ako at tumalikod, Autistic talaga =___=

Nagbilang ako ng malakas, 

“Five”

“Four”

“Three”

“Two”

“One”

“Break na tayo. Sige, bye.” Tapos tumakbo na ako papalayo. Yess! Nagawa ko ang mission ko! Wahaha! Wala naman sinabi si Sheen na gawing kong boyfriend ng matagal, di ba? Ang talino mo talaga, Alys! At least kahit hindi sa acads!

Kinabukasan, excited na akong pumasok para sabihin kay Sheen ang mabuting balita. Mwehehe. You’re so smart, Alys. Ililibre kita ng ice cream mamaya.

“La, la, la~” Naghuhum pa ako papuntang rooftop, kasi nga di ba dun yung tambayan ni Sheen? Maaga pa naman eh, kaya pupunta muna ako dun.

Nung pagbukas ko ng pinto, naabutan ko dun si Kei at Sheen, nag uusap..

“Bakit mo ba ako pinapunta dito?” Tanong ni Kei.

“I love you, and I want you back..” Aray! Ang sakit T^T

“Don’t you get it, Sheen? We’re over!”

“Bakit ka ba nagkakaganyan? Dahil ba jan sa Drake Palma na yan?!” Hala! Sumisigaw na si Sheen! Nakakatakot!

“Oo, bakit? May magagawa ka ba?”

“Kei naman! Alam mo namang playboy yun eh! Bakit ba gustung gusto mo yun?! Palaging may girlfriend yun!”

“Alam ko. Pero lagi din naman niyang bine break.”

“Yun na nga eh! Lagi niyang bine break! Eh bakit nagkakandarapa ka pa din sa kanya?!”

“Kasi, papatunayan ko na ako ang unang babaeng seseryosohin niya.” Tapos tinalikuran niya si Sheen at naglakad. Ako naman, nagtago agad. 

Hayst! Akala ko naman okay na. Ako na nakipagbreak, ako pa makikipagbalikan. Hay, pambihirang buhay naman ’to!

Chapter 3

Chapter 3

“Huwaat?! Sinabi talaga ni Kei yun?!” Sigaw ni Aya nung kinwento ko sa kanya yung nangyari nung isang araw.

“Oo nga. Gusto niya siya ang unang seseryosohing babae ni Drake kaya siya nagkakaganun.”

“Grabe. So, ibig sabihin, nacchallenge lang siya kay Drake..”

“Parang ganun na nga.” Hay! Bakit naman kasi gusto ni Kei ng challenge? Sumali na lang sana siya sa Survivor. Bwisit na buhay =___=

“So, ano na naman ang plano mo ngayon, Ms. Alys Perez?”

“Ewan. Makikipagbalikan kay Drake, maybe?” Sabi ko sabay yuko. Bigla namang tumawa si Aya ng malakas. May nakakatawa ba sa sinabi ko?!

“Wahaha! Grabe, Besh! Kung makapagsabi ka naman na makikipagbalikan ka, kala mo naman talagang naging mag-ex kayo! Hahaha!” Sabay tawa ulit. Leshe talaga.

“Bakit? Technically speaking, naging kami. At take note, ako ang nakipagbreak! A-K-O!” Sabi ko, aba, may pride pa din namana ko no! Ako kaya ang nakipagbreak. Wahaha!

“Baka naman kasi hindi mo pinagsalita si Drake. Bigla bigla ka na lang nagmmachine gun.” 

“Magpaka supportive ka nga minsan, Aya. Try mo.” Sabay irap. Maloloka ako. Isang lalaking best friend na heart broken, isang babaeng best friend na luka luka, isang Drake Palma na autistic, at ako na utu uto. 

“Eto naman. Oo na, oh, ano gagawin mo ngayon?”

“Hindi ko alam. Mukha bang alam ng mukhang ’to ang gagawin?” Tanong ko sa kanya tapos hinablot niya yung mukha ko. Take note, hinablot! 

“Hmm. Base sa mukha mo, hindi mo nga alam ang gagawin. Ang mukha mo ay sumisimbolo sa mukha ng mga babagsakin.” Seryoso siya habang sinasabi niya yan.

“Aya, gusto mo ng flying kick?” 

“Ah-eh, hehehe. Eto namang si besh, hindi mabiro. Ang mukha mo ay mukha ng isang napakatalino, at napakagandang nilalang. Oh, oh, ano? Ililibre mo na ba ako?”

“Tss. Lagi ka na lang nagpapalibre. Isusumbong kita sa nanay mo eh.”

“Hehehe.” Tapos, bumili na kami ng fries at soda. Tahimik kaming nagpplano kung paano ako makikipagbalikan kay Drake. Sht. Nakakadiri talaga. Ako? Makikipagbalikan? Kay Drake? Ohmyfckinggod. Nakakadiring isipin =___=

Pagkatapos nung break, pumunta na kami sa room. Ang galing galing. Classmate namin siya. Buti na lang talaga forever siyang tulog. Hindi ako maiilang. Sa bagay, maaalala pa kaya niya na naging ex niya din ako? Eww. Disturbing thought.

“Ms. Perez! Nakikinig ka ba?” Sigaw ng teacher namin. Oh noes. Nasigawan ako ng gremlin na ’to. For sure, sa detention ang bagsak ko nito.

“O-opo.” Nauutal kong sabi.

“If that’s the case, ano nga yung sinasabi ko kanina?” Tanong niya with matching panlalaki ng mata. Ang mga teacher na ganito ang dahilan kung bakit natatakot ang mga estudyanteng pumasok sa school. =___=

“Penge na po ng detention slip.” Sabi ko ng nakayuko. Sabi ko nga hindi ako nakikinig. Whatever.

Biglang nagtawanan yung buong klase. Haaay. Mtturn off na naman siguro sa akin si Sheen. Bakit ba kasi hindi ako nagmana sa parents ko? Yung mga kamag anak naman namin matatalino, sila Kuya Clarence. Paano ako makakapasok sa St. Claire’s Academy kung ganito ng ganito ang grades ko? =___=

“Hay, Ms. Perez, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa’yo.” Tapos lumapit siya sa akin at binigay ang detention slip. Sana sa library lang ako paglinisin.

Natapos ang buong klase ng nakayuko ako. Haaay, Alys. Halos kasisimula pa lang ng klase, nangongolekta ka na agad ng problema. 

“Good luck sa detention, Besh!”

Tinignan ko na lang si Aya.

“Bwisit. Umuwi ka na nga!!”

Bigla namang tumawa. Bakit ba luka luka ang best friend ko??

Ayun, dumiretso na ako sa OSA para ibigay ang detention slip ko. Haay, buhay. Buti na lang hindi ko kaklase si Sheen kaya nabawasan naman ng kahit kaunti ang kahihiyan ko. Babagsakin na nga ang tingin niya sa akin eh!!

“Ms. Perez, what brings you here?” Tanong nung secretary, “Detention. Hmm,” tapos tinignan niya yung record niya kung saan ako mapupunta. Lord, sana po sa library!! Eh kasi naman, baka mamaya sa cafeteria ako paglinisin! Nakakadiri kayang hawakan yung kinainan ng ibang tao. Ewie.

“Sa computer lab. Yes, dun ka sa computer lab maglilinis together with Mr. Sheen Mendoza,” sabi ni Ms. Secretary.

Napatingin naman ako bigla sa kanya, “Seryoso po? Si Sheen?!” Tanong ko sa kanya. Kasi naman, first time ’to! Hindi nadedentention ang Sheen ko! President kaya yan ng Student Council. Oh noes! Baka pagalitan siya ng principal. =___=

“Yes, Ms. Perez. Nahuli siyang nagccutting. Sige na, pumunta ka na sa computer laboratory at ng hindi kayo gabihin,” sabi niya ulit.

‘Hay nako, kahit abutin pa kami ng magdamag, basta si Sheen O

Ang landi ko lang talaga! Hahaha! Pero seryoso, naaawa na ako kay Sheen. Kasi naman yang Kei na yan eh! Hindi ba niya makita na mahal na mahal siya ni Sheen at nagpapakatanga siya sa Drake Palma na yun! Inis!!

Nagpunta na ako sa third floor kasi nandun ang computer lab. Nung pagbukas ko ng pinto, nakita kong bukas pa halos lahat ng computer. Hala, nasan na si Sheen?!

Pumasok ako sa loob at hinanap ko siya. Nakita ko lang naman siya sa gilid, nakayuko.

Lumapit ako tapos umupo ako sa tabi niya, “Sheen..”

Hindi siya nagsalita pero niyakap niya ako. Yung ulo niya, nakapatong sa balikat ko kaya naramdaman ko nung tumulo yung luha niya.

“Sheen..”

Binanggit ko na lang ulit yung pangalan niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito. Masayahin ang best friend ko, palagi siyang nakangiti pero ngayon? Para siyang namatayan. Kei naman eh!!

Nakaganung pwesto lang kami sa loob ng ilang minuto. Hindi na ako nagsalita, hinintay ko na lang na mapagod siyang umiyak.

“Ano’ng oras na?” Bigla niyang tinanong sa akin.

Natensyon naman ako kaya napatingin ako sa phone ko, “5:30 na.”

Bigla siyang may kinuha sa bag niya, “Oh.”

Kinuha niya yung kamay ko tapos sinuot sa akin yung relo, “H-hoy! Ano ’to?” Tanong ko sa kanya.

“Wrist watch, Alys. Fourth year ka na, nalilito ka pa din sa pagbabasa ng oras. Tss,” sabay tayo at pagpag sa pants niya, “Tayo ka na jan, papatayin pa natin yung mga units,” tapos hinawakan niya yun kamay ko at hinila ako patayo.

Sheet! Kinikilig ako!! Hinawakan niya yung kamay ko ng dalawang beses! :“> Keri lang kahit nilait na naman niya ako. Hihi. Buti na lang pala hindi ako marunong magbasa ng oras, at least nahawakan ko yung kamay niya. O

Natapos naming patayin lahat ng units bago mag 6. Sabay kaming lumabas ng campus. Naglakad lakad kami ng makita namin si Kei kasama yung cheerleader ‘friends’ niya.

“Kei, hindi mo ba susundan si Drake?” Tanong nung isang payat na babae.

“No need, be. I’ll make him mine tomorrow,” then she smiled at them. Tae!! Asa ka pa, Kei. Ibbreak ka lang din nun!

“You sure, girl?”

“Never been this sure. What Kei wants, Kei gets.”

Tinignan ko yung katabi ko. Takteng yan!! Nangingilid na naman yung luha niya. Sheet! Bakit ba napakaiyakin mo??

“Ah-eh, Alys. Una na ako? Sorry, hindi na kita mahahatid. May pinabili nga pala si Mama, nakalimutan ko. Sorry ha?”

Tapos umalis na siya agad. Sheet, Alys. What to do?! Kahit mahal na mahal ko yang si Sheen, mas gugustuhin ko naman na magkabalikan sila ni Kei kaysa lagi siyang malungkot at umiiyak.

Umalis na ako at doon ako dumaan sa likod nila kasi ayokong makita nila ako. Mamaya ibully pa nila ako. =___= Bully kaya sila!!

Naglalakad ako palabas ng campus ng makita ko si Drake Palma?!

Being Alys Perez, sinundan ko na naman siya. Nakakapagod! Ang layo naman ng bahay ng lalaking ’to! Di bale, magpapasundo na lang ako kay Kuya Clarence :“>

Nagtago ako sa poste at nagmasid lang. Sheet. James Bond mode na naman ako. =___=

Biglang may lumabas na magandang magandang babae mula sa gate nila!! May ka live in si Drake?! OMG!! Hindi pala. False alarm =___= May dumating kasi na kotse at may lumabas na lalaki, tatay siguro ni Drake? Tapos nagkiss yung magandang magandang babae at yung tatay ni Drake? Bigla namang naglakad si Drake papunta sa akin— SA AKIN?!!

“Labas.”

Tumingin ako sa likod ko pero wala namang tao!!

Bigla siya lumapit sa akin at hinila ako?!!

“H-hoy!! Bitawan mo nga ako!!”

Pilit kong inalis yung kamay niya sa damit ko kasi naman eh!!

“Drake, sino siya?” Tanong nung magandang magandang babae.

Tinignan lang siya ni Drake tapos nagsalita ako, “Girlfriend po niya ako! Hello po!” Sabay bow at ngiti.

Sheet, Alys! Kaya mo yan! Gora lang at baka maunahan ka pa ni Kei bukas!

Chapter 4

Chapter 4

“Eh bakit ang saya saya mo ngayon?” Tanong sa akin ni Aya pagpasok na pagpasok ko ng room.

“Wala lang. Masama ng maging masaya ngayon?”

Bigla niya akong binato ng papel, “Utot mo. Ano nga?”

“Tss. Kainis naman.”

“Oh, ano na? Wag ka na kasing magtry magsinungaling, di effective.”

Inirapan ko siya, “Bwisit. Oo na, oo na. Ikkwento ko na. Ganito kasi yun…”

flashback…

“Girlfriend po niya ako! Hello po!”

Sheet, Alys! Kaya mo yan! Gora lang at baka maunahan ka pa ni Kei bukas!

“G-girlfriend?” Tanong nung magandang magandang babae. Bakit parang gulat na gulat naman siya??

“Opo!!” Sabi ko with full smile tapos tumabi ako kay Drake at kumapit sa braso niya. Aba!! Hindi niya ako tinulak!! Improving ^_____^

“Talaga? Ano nga ang pangalan mo, hija?” Tanong nung tatay yata ni Drake?

“Alys po. Alys Perez soon to be Palma,” sabi ko tapos nagpeace sign ako.

Tumawa naman si tatay yata ni Drake, “Nakakatuwa naman ang batang ’to di ba, Katrina?”

Ngumiti lang si Ate Katrina. Hala. Ang ganda ganda niya talaga O

“Pasok tayo sa loob, Alys? Nagmeryenda ka na ba?”

“Ah-eh, opo. Actually, dumaan lang po talaga ako para sabihin sa inyo na girlfriend po ako ng anak niyo!”

Biglang tumawa na naman yung tatay ni Drake, “Gaano na ba kayo katagal ng anak ko?”

“Uhm.. Mga 5 minutes pa lang po,” tapos tinaas ko yung kamay ko, “Pero promise po, tatay ni Drake, magtatagal po kami!! Di ba, Drakey Baby?”

Tapos tinignan niya lang ako at inirapan na naman!! Bakla yata ’to eh!!

Ngumiti lang yung tatay ni Drake, “Aasahan ko yan, Alys. Nga pala, wag mo naman akong tawaging tatay ni Drake. Masyadong mahaba eh. Hahaha!” Tapos tumawa siya, bakit yung tatay niya nakakatawa, si Drake, hindi? =___=

“Eh ano po itatawag ko sa inyo?”

“Tito Steve. Siya naman si Tita Katrina mo, fiance ko,” tapos inakbayan niya si Tita Katrina.

“Hello po, tito Steve at tita Katrina! Nice meeting you po. Sige po, alis na ako. Bye, Drakey Baby!”

Tapos tumakbo na ako palayo. Sheet, kinabahan ako dun ah!! =___=

present…

“Yung totoo, Alys, Drakey Baby? Ewie ka talaga!!” Sigaw ni Aya sa akin.

“Eh pake mo ba? Rhyme kaya, ang cute nga eh.”

“Whatever. Eh bakit ka nga masaya??”

Psh. Ang slow naman ni Aya, “Eh kasi boyfriend ko na si Drake!!”

Bigla namang nagtinginan yung mga kaklase ko sa akin kasi napasigaw pala ako. =___=

Inirapan naman ako nung mga babae. Psh. Bitter.

“Asa pa. Ibbreak ka din nun mamaya.”

“Hindi. Legal kami!! Magagalit si Tito Steve paghiniwalayan niya ako!!”

Pinagtawanan na naman ako ni Aya, “Hahaha! Sheet, Besh. Epic talaga ang kakapalan ng mukha mo!!”

“Whatever. Haha! At least, nagawa ko na ang mission ko.”

“Nako, magbbreak din kayo mamaya. Trust me.”

“Eh paano pag hindi?”

“Tuturuan kitang magbasa ng oras. Ano? Deal?”

“Sige ba!”

So ayun, nagpustahan nga kami ng magaling kong best friend. Hoho. Dumating si Drake sa classroom at diretso sa upuan niya sabay tulog. Hindi ba to natutulog sa bahay nila??

Lumipas ang buong first period ng nakayukyok si Drake sa desk niya. Bakit hindi siya pinapagalitan ng teachers?!! Unfair!!

Dumating yung recess time at syempre, nasa cafeteria na naman kami ni Aya. Sundae and fries again and again. 

“Alys, hoy!!”

Natapon naman yung fries ko, “Aya naman eh!! Natapon yung fries ko!!”

“Shattap nga, Alys!! Ayun oh, sinundan ni Kei si Drake. Tara, sunod tayo!!”

Hala. Napatingin ako sa labas ng caf. Oo nga, sinundan ni Kei si Drake. Nakooo! Baka ngayon na niya gagawin yung maitim niya balak! Oh noes! Hindi maaari! Ayoko nang makitang umiiyak si Sheen my loves!

“Tara, Aya. Sundan natin sila!” 

Tapos hinila ko si Aya papunta sa usual tambayan ni Drake, sa ilalim ng puno.

Nandun kami, mga 10 meters away mula sa tambayan ni Drake. Hindi namin marinig yung pinag uusapan nila. =___= Nakasilip lang kami sa gilid nung isang puno.

“Hoy!”

“Ayyy!!” Napatingin ako sa likod ko, si Sheen my loves pala, “Ano’ng ginagawa niyo ni Aya jan?”

Tapos nakisilip siya sa amin.

Nakupo!! Nakita niya si Kei at Drake. Oh noes!!

“Ah-eh, punta na tayo sa room?” Sabi ko.

Potek! Bakit nangingilid na naman yung luha niya?!!

“Nako naman, Sheen!” Sabi ni Aya sabay abot ng panyo niya kay Sheen, “Kalalaking tao, napakaiyakin. Psh.”

Hinampas ko naman si Aya, “Aya naman..”

“Hindi, okay lang, Alys. Sorry, Aya. Mahal ko lang talaga si Kei..”

Hay! Potek! Potek! Masyado akong naaapektuhan sa luha ni Sheen. =___=

Hinila ko si Sheen, “Wait ka lang jan, Aya.”

Nagpunta kami sa tambayan ni Drake. Mukhang nagulat naman si Kei.

“What again, Sheen?! Stalker na ba kita ngayon?!” Sigaw ni Kei.

Sumingit naman ako, “Excuse me lang, Kei. Nandito si Sheen kasi ipapakilala ko siya sa boyfriend ko. Drakey Baby, si Sheen nga pala, best friend ko.” Sabay ngiting tagumpay. Ano ka ngayon, Kei? Bwahaha!

“Pardon? Ikaw? Girlfriend ni Drake? Huh! Dream on, Ms. Whoever-you-are.”

Tinignan ko si Drake, “Hoy, girlfriend mo ako di ba?!!”

“Ah.” Tapos inirapan niya ako. 

“Narinig mo yun, Kei?! Ah means yes. So, good bye and good riddance! Oh, di ba Sheen aalis ka na din? Sabay na kayo, Kei. Baka bitter ka pa kay Drakey Baby eh, nandyan naman si Sheen. Bitter din siya sa’yo.” Tapos pinagtulakan ko silang dalawa.

Pagtingin ko sa gilid ko, nakatingin si Drake sa akin. 

Oh noes. What to do?!!

Chapter 5

Chapter 5

“Tinitingin tingin mo jan?!!” Sigaw ko kay Drake. Sinisigawan ko siya pero sa totoo lang, natatakot ako. Nakakatakot siyang tumingin, promise!!

“Tss,” tapos nagsmirk siya at nagtakip ng libro sa mukha niya. Matutulog na naman yata ’tong autistic na to eh!!

“Hoy, Drake! Girlfriend mo ako sa harap ni Sheen at Kei. Sa harap lang nila! Feeling mo naman, type kita. Sorry ka—”

Napatigil ako sa pagsasalita kasi nagtanggal ng takip na libro si Drake sa mukha niya. Oh noes! Nagalit yata siya sa mga sinabi ko! (._.)

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tapos nag smirk siya! Ang kapal ng mukha!!

“Asa ka. Ang panget mo,” tapos sabay takip ulit ng libro sa mukha.

Mommy! Daddy!! Inaaway niya yung princess mo! Panget daw ako?!! Saang banda?! Lagi saking sinasabi ni Mommy na maganda ako eh! Isa kaya akong Perez! Lahat ng Perez, maganda at gwapo! Autistic talaga to!!

Umalis na ako dun sa puno kasi ayyyyy!! Naiinis ako! Ikaw kaya ang sabihan ng ganun pagkatapos tignan mula ulo hanggang paa at ismidan, matutuwa ka? Feeling ko, nabawasan yung pagkatao ko eh! Grabe talaga yun! 

“Hoy!!”

“Aaahhh!! Aya naman! Bakit ka ba nanggugulat?!” Sabi ko sabay hawak sa dibdib. Mamamatay yata ako sa sakit sa puso sa mga taong nanggugulat sa akin eh!

“Hoy! Anong nanggugulat ka jan??! Kanina pa kaya kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Lutang ka, Besh. Ano ba nangyari? Umalis na ako kanina, ang tagal niyong mag usap nila Sheen eh.”

Ay, oo nga pala. Kasama ko nga pala si Aya kanina. Hmm. Nasan na kaya si Sheen at Kei? Ano kaya nangyari dun? Ayy!! Ayokong isipin!! Nagkabalikan na kaya sila??! Oh noes! Nagseselos ako!!

“Ah, wala. Umalis ka kasi agad eh. Tinatamad na akong magkwento,” sabi ko sabay lakad. Ayoko ngang sabihin. Pagtatawanan lang ako nito panigurado eh!

“Besh naman eh! Ano nga—” Hindi siya natapos kasi nagbell na.

Nagbelat ako sa kanya.

“Hindi pa tayo tapos, Alys Zyril Perez! Iinterrogate kita mamayang dismissal!” 

Tapos nagtatakbo kaming dalawa pabalik ng room kasi baka malate kami. Mahirap na, ayoko na ulit madetention noh! Di bale sana kung si Sheen my loves ang makakasama ko!

Habang nagkaklase kami, biglang dumating si Drake. Buti naman nagising pa siya!!

“Mr. Palma, why are you late?” Tanong nung teacher.

Tinignan lang siya ni Drake at dumiretso sa upuan sabay tulog ulit. Bakit ganun?!! Pag si Drake, okay lang kahit hindi siya sumagot sa tanong ng mga teacher??! Dahil ba transferee siya? Magtransfer din kaya ako sa ibang school? Payagan din kaya nila akong malate at matulog?? Nako!! Isang araw, magrereklamo ako sa principal talaga!! Nasan ang equality??!!

Habang naglelesson kami, biglang nagpaquiz si Ma’am. Oh noes! I’m not prepared (._.)

“Okay, class, get one whole sheet of paper! Quiz, 30 items.”

Tapos kumuha na kami ng papel at nagsulat na ng problem si Ma’am sa board. Himala! Gumising si Drake at nagquiz din!!

‘Sheet. Ang hirap naman nito! Aish! Dapat matapos na ako ng maaga para makauwi na ako!’ sabi ko sa sarili ko.

Bakit ba kasi kailangan ng math sa buhay? Simpleng arithmetic lang naman ang kailangan ko!! Bakit kailangan pa ng radicals at rational expressions na yan??!

Habang nagpapakahirap akong magsagot, tumayo na si Drake at nagpasa ng papel??!! Eh ten minutes palang nung binigay ni Ma’am yung problem ah??!

Biglang nagsalita si Ma’am, “Kung lahat kayo, katulad ni Mr. Palma, eh di masaya sana tayong lahat. Kahit matulog kayo o late pumasok, walang kaso. Basta ba mapperfect niyo ang mga requirements eh..”

Aish! Bwisit! Eh di siya na ang genius!!

After how many minutes..

“Haaay salamat! Ikaw ata ang pinaka last na natapos dun, Alys ah! Hanep! Record holder ka talaga!” Sabi ni Aya. Eh sino ba naman kasi ang chismosa na naghintay sa akin??

“Sorry talaga ha! Eh bakit mo ba kasi ako hinintay?!”

“Eh itatanong ko nga yung nangyari!” Tignan mo ’to! Makikibalita na lang, siya pa ang nagagalit!

Kinukulit niya ako ng kinukulit habang naglalakad kami palabas ng campus. Nakita namin si Sheen, dala dala yung gamit ni Kei! Nagseselos ako!! Pero mabuti na din yun kaysa iyak siya ng iyak. Haaaaaaay. Ang aking kawawang lovelife

“Wag ka na nga kay Sheen. Patay na patay yun kay Kei, hindi ka papansinin nun. Tsaka ayaw niya sa boploks na kagaya mo,” sabi niya tapos tinignan ko siya ng masama, “Ano?? Nagsasabi lang ako ng totoo!! Ganun daw ang real friends, nilalait ang isa’t isa!!”

Haaay. Tatanda ako ng maaga sa mga taong nakapaligid sa akin eh!!

“So, ano na??”

At dahil nakukulitan ako kay Aya, kinwento ko na sa kanya lahat ng nangyari kanina. At si luka, tawa ng tawa! Sabi ko na nga eh. Pagtatawanan niya ako!

“Hahaha!” Hingal na hingal siya katatawa, “Wait lang! Hahaha! Natatawa talaga ako! Sinabi niya talaga yun? Hanep! Ang lakas talaga ni Drake!”

“Anong nakakatawa dun? Nilait niya ang best friend mo!!”

“Sorry naman,” tapos pinunasan niya yung luha niya katatawa, “eh kasi, minsan na nga lang magsalita si Drake, ganun pa yung sinabi. Epic talaga eh!”

“Oo nga naman! Kung ganun lang yung lalabas sa bibig niya, sana wag na siyang magsalita! Kainis!!”

“Oh, wag kang highblood, Besh.”

“Sorry, Besh. Naasar lang kasi talaga ako! Sabihan daw ba ako ng panget!! Ako na isang Perez? Panget??!! Ang Drake talaga—”

Napatigil ako sa pagsasalita kasi may kumalabit sa akin, “Alys!!” Sabi niya ng nakangiti.

“Tito Steve?” Tanong ko ng nagtataka. Anong ginagawa nito dito??

“Ah, magdidinner kaming pamilya eh nakita kita kaya bumaba ako. Ayaw bumaba ni Drake eh. Ang batang yun talagaa..”

Tapos tumingin ako sa kotse, nandun si Drake at Tita Katrina, nag uusap. Hmm. Ano kaya yung pinag uusapan nila nung magandang magandang babae??

“Ah, ganun po ba. Okay lang po, ganun talaga si Drake eh. Hehe,” sabi ko sabay kamot sa batok. Syempre pa good shot ako!! Hahaha, “oo nga pala, Tito Steve, si Aya, best friend ko. Aya, si Tito Steve, tatay ni Drake,” tapos naghi si Aya sa kanya.

“Oh, gusto niyo bang sumama sa amin magdinner?”

“Ay hin–”

“Opo!!” Sabi ni Aya.

Anobanamanyan, Aya! Nakarinig lang ng pagkain eh!!

“Sige, pasok na kayo. Wag kayong mag alala, ihahatid namin kayo before 8? Okay?” 

Pumasok na kami sa sasakyan. Buti na lang at maluwag, kasya kami!!

Si Tita Katrina nasa passenger seat malamang!! Tapos si Drake, ako, at Aya ang nasa backseat. Naka iPod si Drake. Hay nako. Walang magawa. Ang tahimik. Kainis! Bakit ba kasi sumama ako dito?? Naghihirap na ba kami at kailangan ko ng makisabit sa dinner ng may dinner?? Si Aya kasi eh!!

bzzzt bzzzt

Biglang nagvibrate yung phone ko.

From: Aya Luka

Tignan ko si Drake at Tita Katrina, nagtitinginan sa salamin. Hmmm. Fishy.

Tinignan ko nga. Hala! Nagtitinginan nga sila!! Ang fishy!!

Nakarating kami sa resto at nag order! Walangya talaga si Aya! Nag extra course pa! Buti na lang at mabait si Tito Steve!! Next time talaga, hindi ko isasama tong luka na to! Mapagkamalan pa kaming patay gutom eh!!

Wala namang masyadong nangyari. Nagkwentuhan lang as usual. Nalaman ko na ikakasal na din pala sila Tito Steve at Tita Katrina sa October. Ayos! Naging isa pa ako sa abay! Hoo! Gustung gusto ko kasing nagsusuot ng gown eh. Hehehe.

Tapos umuwi na kami. Nagthank you kami kila Tito Steve. Nakakapagod na araw ito!

Matutulog na sana ako pagkatapos kong maglinis ng katawan pero biglang nagtext si Aya.

From: Aya Luka

Besh!! Nung nahulog yung tinidor ko kanina, nakita ko magkaholding hands si Tita Katrina at Drakey Baby mo tapos sa isang kamay naman, si Tito Steve yung hawak!! Something’s malansa talaga! Isa siyang malanding isda!!!

Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos dahil sa text niya. (._.)

Chapter 6

Chapter 6

“Anyareh sa mukha mo, Besh?” Tanong sa’kin ni Aya pagpasok na pagpasok ko sa classroom. Buti na lang, maaga pa. Ayoko ngang makita nila akong mukhang zombie!! Wala pa akong tulog dahil sa tinext sa’kin ni Aya! Kainis talaga!!

“Tanong tanong ka pa jan!! Kung anu ano kaya ang tinetext mo sa’kin!!!” Sigaw ko sa kanya sabay yukyok sa desk ko. Haaaay, inaantok talaga ako. (._.)

Umupo siya sa upuan katabi ko tapos, “sorry naman daw!! Eh kasi naman, syempre chismis yun!! Kailangan mong malaman dahil partners in crime tayo kaya!!”

Tinignan ko siya, “oh, tapos?”

Binatukan niya ako, “aray naman!!”

“Eh kasi naman, Besh!! Hindi ka ba na curious kung bakit sila magka holding hands?? If i know, isang dakilang craddle snatcher yang si Tita Katrina!! Ewww! Wag na pala Tita Katrina, Katrina na lang.”

“Aya naman, ano bang paki natin kung may something something man sila ni Tita Katrina? Duh! Eh di bayaan mo sila. Tss,” sabi ko.

“Grabe, Alys. Ganyan ka na pala.. Pagkatapos ng lahat ng kabaitang ipinakita ni Tito Steve sa’yo, hahayaan mo lang siyang lokohin kahit alam mong may magagawa ka?” Sabi ni Aya na may halong pangongonsensya sa boses. Walanjo talaga!!

“Eh anong gusto mong gawin ko?? Maging spy??”

“Tumpak, Besh! Nadali mo!!”

“Ano??” Sabi ko sabay tayo. Grabe naman si Aya! Kung anu ano lang ang naiisip eh!!

Hinila niya ako paupo, “Besh, ang boring kasi ng life natin, kailangan natin ng spice.. Alam mo na? Hehehe.”

“Para kang si Kei, kung gusto mo ng spice sa buhay mo, sumali ka sa Survivor! Grabe to!” Tapos yumuko na ako ulit sa lamesa. Ang sakit ng ulo ko. Inaantok na ako. =___=

Ano ba naman kasi talaga ang care ko kung may something fishy between Drake and Tita Katrina di ba? Aish! Pero si Tito Steve… Si Aya naman kasi eh!! Ayan tuloy, nakokonsensya na ako!! 

Eh bakit din ba kasi masyado akong mabait?? Si Sheen my loves lang naman talaga ang pinoproblema ko, ngayon pati si Drake, sumasali na din! Kainis!!!

Nagbell na at pumunta na kami sa auditorium para sa flag ceremony. Hanggang dito ba naman, kukulitin ako ng babaeng to?? Minsa talaga, nagsisisi ako na naging best friend ko to eh!! Halos minu minuto, lagi na lang akong kinukulit. Hindi na ako natahimik!! Parang may built in konsensya sa tabi ko! Ugh!! 

Pagkatapos nung flag ceremony, dumiretso na kami sa room. Syempre, aral dito, aral jan. Haay, buti at nakaka survive pa ako!! Araw araw na may Trigonometry at Physics?? Ano ba namang buhay to??

At last period na, ayos! Home Economics na!! Hooo! Eto ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko sa St. Claire’s bukod kay Sheen my loves! Ayos kasi ang Home Economics dito. Aba naman dapat lang noh! Ang mahal kaya ng tuition namin.. Buti na lang mayaman kami! Wahaha!!

“For today, you’ll work by pairs. It’s up to you, guys, kung ano ang gusto niyong gawin so long as available ang ingredients sa Home Eco room, alright?”

Sinabi ni Ma’am yung mga pairings. Hmm. Bakit i feel something wrong?

“… Palma, Drake and Perez, Alys Zyril..”

Parang may mali talaga eh.

Sino ang partner ko?

Sino nga ulit?

Hmmm.

Palma, Drake, and Perez, Alys Zyril..

Palma, Drake???????? Ano?????

Napatingin ako kay Aya, at ayun, nakangiti ng nakakaloko. Bakit naman sa lahat ng makakapartner ko, siya pa?!!! Mamaya niyan, matempt pa ako na itanong sa kanya yung tungkol kay Tita Katrina eh!! Chismosa at birth pa naman ako!!

Pumunta kami sa Home Eco room at kanya kanya na kami. Yung partner ko? Sino yun? Hahaha! De, joke lang. Andun sa gilid, may nakasaksak na earphones sa tenga. You knows naman, ’di mo alam kung ano trip ni Drake minsan. Pagbigyan na! At tsaka mamaya nyan biglang matanong ko pa yung tungkol kay Tita Katrina eh tapos tignan pa niya ako ng nakakatakot!!

Kumuha ako sa pantry ng ingredients para sa strawberry cake ko.

“Lalala~” 

Naghuhum pa ako. Tama, stress reliever talaga ang pagbbake. Kakalimutan ko muna yung pag ibig ko kay Sheen at yung affair (?) nina Drake at Tita Katrina. Go, Alys Zyril Perez! You can do it! Hoooo!!!

Natapos akong magbake at Tadaaaaaa~ Tapos na ang masterpiece ko. Hahaha! I’m so proud of myself!! Iuuwi ko ’to sa bahay. Hehehe.

Nilagay ko muna sa refrigerator yung ginawa ko at pumunta ako sa hallway para sa locker ko. Kukuha ako ng damit kasi ang dumi ko nang tignan. Tapos na halos lahat ng classmate ko kaya siguro wala ng tao pagbalik ko sa H.E. room. 

Pumunta ako sa shower room. Hmm. 4:30 pa lang naman. Maliligo muna ako. Ang saya talaga dito sa school, lahat ng kailangan namin nandito na. Masaya talagang maging mayaman. Hehehe.

Mga 5:30, tapos na akong maligo. Nagtext din pala si Aya na nauna na siya. Gaga talaga yun!!

Pumunta ako sa H.E. room para kunin yung cake ko ng may makita akong nagbbake? Hmm. Sino kaya yun? Weird. Ang tagal naman yata niyang matapos.

Hindi ko na siya pinansin at dire diretso na sana ako sa fridge para sa cake ko pero nung naaninag ko yung mukha niya—– “Drake????”

Sheet! Hindi nga? Si Drake? Nagbbake?? Ng cake??

“Ah, shit. Ano bang problema mo??”

Omaygod!! Nagsalita na siya!!

“Ah-eh-ano—”

“Tss,” tapos hindi niya ako pinansin at nagpatuloy siya sa ginagawa niya. Mukhang hindi niya alam yung gagawin niya kasi lagay lang siya ng lagay ng ingredients dun sa bowl.

“Ah-eh, mali yung ginagawa mo..”

Tinignan niya lang ako ng masama. =___= Ano ba kasi yung ginawa ko para tignan niya ako ng masama?????!!!!

“Tss! Bahala ka nga jan. Autistic.”

Aalis na sana ako dala yung cake ko pero pinigilan niya ako, “ho-hoy!! Bakit mo kinukuha yung cake ko?!!”

Ayos din eh! Biglang inagaw yung box ng cake??

“Akin na ’to. Gumawa ka na lang ng bago.”

Tapos inagaw niya ulit. Mukha kaming tanga. Nag aagawan kami sa box. =___=

“Eh akin nga to eh!!!”

Tinignan na naman niya ako ng masama. Natatakot na ako (._.)

“Aish!” Sabi niya tapos binitiwan niya yung box kaya nalaglag. Nagulat yata siya, “kulit mo kasi eh. Tss,” tapos pinulot niya yung box.

Yung strawberry cake ko… Why did you leave me?

“Oh,” inabot niya sa akin yung box na may lamang gutay gutay na cake.

“Anong gagawin ko jan?”

“Titigan mo. Tss,” ayan na naman siya sa pa Tss Tss niya!!

Tumalikod siya tapos, “Hoy, Drake Palma! Wag mo akong talikuran pag kinakausap kita!!”

Tumigil siya sa paglalakad pero nakatalikod pa din siya sa akin, “Sinira mo yung cake ko kaya palitan mo yun!!”

“Tss, how annoying,” sabi niyang mukhang bored na bored.

“Annoying your face!! Gagawa tayo ng cake whether you like it or you like it! Tinext ko na kila mommy na may cake akong dala eh!”

Tapos hinila ko siya pabalik sa pantry. Pang dalawang cake yung kinuha kong ingredients.

Nandun siya sa isang counter, andun ako sa isa. Nilagyan ko siya ng ingredients sa harap niya.

“Since matalino ka naman, alam mo na yan. Hehehe,” tumawa ako pero hindi siya tumawa. Ang sama ng tingin niya sa akin!!!

“Joke lang!! Tumawa ka naman!! Anyways, tignan mo na lang yung gagawin ko then gayahin mo. Gumagawa ka din kanina di ba?”

Tinignan niya lang ako. Nice talking talaga eh.

Nagsimula na ulit akong magbake. Mix mix dito, mix mix jan. Hooo. Ang saya sa feeling. XDD

Nung pagtingin ko sa kasama ko, may flour siya sa mukha. Hehehe! Mukha siyang tanga!! Hooo! First time siyang nagmukhang tanga!! Mukha kasi siya laging matalino eh. Hehehe.

“Psst,” tawag ko sa kanya, “psst,” hindi pa din siya tumitingin.

Lumapit ako para tanggalin yung flour sa mukha niya pero umiwas siya.

“Sorry.. May dumi kasi sa mukha eh..”

Tinignan niya lang ako tapos pinunasan niya yung mukha niya. Grabe, may mas cold na tao pa ba sa kanya??

After an hour, natapos na din kami. Hmmm. Ang ganda nung cake ko!! Yung kay Drake? Uhhh– nevermind. Wahaha! I beat him!! Record to!! 

Linigpit na ko yung pinagkalatan namin. Syempre, being Drake Palma, hindi niya ako tinulungan!! Ano pa ba ang ieexpect ko sa kanya?? Pero mabuti na to kaysa tignan na naman niya ako ng masama!!

Lumabas kami ng campus by 6:30. Nakoo, papagalitan na naman ako. Forever na akong ginabi ng uwi. 

Sa kaliwa ako, siya naman sa kanan. Pero bakit sa kanan ako papunta??

Aish!!! Ang hirap talagang maging chismosa!!

Oo na, ako na ang chismosa. Sinundan ko si Drake hanggang sa bahay nila. This time, nag ingat na ako!! Mamaya mahuli na naman niya ako at tignan niya nung killer eyes niya eh!!

Nakarating din kami sa bahay nila. Pumasok siya sa gate. Syempre, mejo kilala na ako ng guard dito dahil ipinakilala ako ni Tito Steve. Hehehe. Nakapasok din ako sa loob pero nagtago agad ako sa bushes sa gilid.

Nakita kong inabot ni Drake kay Tita Katrina yung box ng cake.. Para sa kanya pala yun.. Eh ano bang paki ko??? Eh ang pangit naman nung cake!! Pero its the thought that counts di ba???

O_O

Bakit sila nagkiss?????!!!!!

Chapter 7

Chapter 7

“Why are you here, my dearest Besh??” Tanong sa’kin ni Aya pagpasok ko sa bahay nila.

“Sleep over. Nagpaalam ako kila Mama,” sabi ko sa kanya tapos naglakad ako papaakyat sa kwarto niya. Feel at home ako dito. Halos nanay ko na din yung nanay niya eh. Hahaha!

“Dati halos kaladkadin kita para matulog ka dito tapos ngayon? Anyareh??” Ang kulit talaga ng babaeng to oh (._.)

“Pwedeng hintayin mo muna akong umakyat bago mo ako kulitin??”

“Roger that, ma’am,” tapos binuksan niya yung pinto ng kwarto niya. 

Alam niyo ba kung bakit ayaw kong matulog dito kila Aya?? Pano ba naman, mukhang kwarto ng kulto yung room niya!! Alam ko naman na medyo boyish si Aya at ayaw niya ng girly stuffs like me pero come on! May voodoo doll siya sa room!! Ano siya? Mangkukulam?!! Kung hindi lang talaga ako nagulantang sa nakita ko kanina, never akong makikitulog dito!! Para akong babangungutin eh!!

Umupo ako sa gilid ng kama niya pero inalis ko muna yung voodoo doll, “wag mo namang ibato!!” sigaw ni Aya.

“Sorry naman. Ang creepy kaya!!”

“Creepy your face. Mas okay naman to kaysa sa kwarto mong puno ng picture ni Sheen!!”

“At least tao yung nasa dingding ko!! Eh yung sa’yo? Puro voodoo dolls! Mangkukulam ka ba??”

Binatukan niya ako, “hindi nga sabi. Nacu cute-an lang ako kaya meron ako. Hindi nga ako marunong mangkulam. How i wish. Para makulam ko na yung mga maarteng cheerleaders sa school. Kaasar,” sabi niya. Oo nga pala, allergic si Aya sa mga sobrang maarte lalo na yung conyo magsalita. Pati sa mga iyakin. Kawawa nga si Sheen my loves eh.. Lagi siyang sinisigawan ni Aya. Mejo iyakin kasi si Loves eh. (._.)

“Teka nga, bakit ka nga ba nandito??”

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko kay Aya kasi mejo may pagka chismosa din to kagaya ko pero anong choice ba meron ako? Wala naman akong ibang kaibigan maliban sa kanya at kay Sheen. Ako na ang loner!! Kasalanan ko ba na mukha akong maldita kaya wala masyadong may gustong makipagkaibigan sa akin??

“EhkasinakitakongnagkisssilaDrakeatTitaKatrina,” mabilis kong sabi.

“Ano?!! Totoo nga??” Sabi niya. Sabi ko sa inyo eh! Kahit anong bilis ng pagsasalita ko, basta chika, hindi makakalagpas sa pandinig ni Aya. Hahaha!!

“Oo nga.. Nakita ko kanina..”

“Grabe! I knew it!! Isang pedo yang Katrina na yan!!”

“Kung maka pedo ka naman. Bata pa naman si Tita Katrina, mukhang 20 lang siya eh..”

Ang ganda ganda kaya niya. No wonder nagkagusto si Drake sa kanya. Tsaka mukhang bata si Tita Katrina tsaka mabait. Mukha siyang angel talaga!! I swear!!

“I don’t care kahit 20 o 15 o 10 lang siya, basta ang alam ko, two timer siya! And i hate her!!” Sabi niya.

Alam niyo kasi, nagka boyfriend na yang si Aya kaya lang niloko dati. Tignan niyo ang naging epekto sa kanya? Naging weird. At galit na galit sa two timer.

“Ano naman ang gagawin mo ngayon? As if naman may magagawa ka,” sabi ko.

“May magagawa ako. Hah! Just wait and see, Alys Zyril Perez.”

Leshe. Ano ba tong pinasok ko? Kinakabahan ako sa mga pinagsasabi ni Aya eh!!


The next day..

Aya’s Point of View

“Hoy,” tawag ko kay Sheen.

Tumingin naman siya sa kaliwa’t kanan niya tapos tinuro niya yung sarili niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang nagustuhan ni Alys sa lalaking ’to. Iyakin na nga, ang slow pa. Tss.

“Oo, ikaw nga. May iba pa bang tao sa paligid? Tss,” sabi ko.

“Sorry..” sabi niya.

“Bakit ka ba nagsosorry? Magsorry ka pag may ginawa kang mali.”

“Sor– ay wala pala. Hehe,” sabi niya sabay kamot sa batok. Weird talaga. Bakit ba to naging Student Council President?? “Bakit mo nga pala ako tinawag?”

“May kailangan ako sa’yo eh,” sabi ko sa kanya.

“Oh?” Tanong niya na parang gulat na gulat.

“Ano nakakagulat sa sinabi ko? Tss,” sabi ko.

“Wala lang. Hindi naman kasi tayo nag uusap pag wala si Alys eh,” sabi niya. Oo nga, hindi naman kami nag uusap pag wala si Alys. Bakit ko naman ba kasi kakausapin yung iyakin na ’to di ba??

“Alam ko. Kailangan ko ng tulong mo eh, Mr. President,” sabi ko sa kanya. Mwahaha! You’re so bright, Aya!! 


Sheen’s Point of View

“Miss Gonzales, i need an excuse letter for Mr. Drake Palma and Ms. Alys Perez,” sabi ko sa High School secretary namin.

“For what?”

“Uh-eh, for the program, Miss Gonzales. Tama! For the program. Hehe. Kailangan ko nang gagawa ng mechanics sa isa sa contest eh,” paliwanag ko.

“Okay. Sandali lang,” sabi niya tapos kumuha siya ng excuse letter at pinirmahan.

Kinuha ko na yung letter at inabot kay Aya, “oh.”

“Ayos. Salamat, CB. Sa uulitin,” sabi niya sabay alis.

Haaay. Bakit ba pag nakikita ko si Aya, tumitiklop ako? Nakakatakot kasi siya eh. Tinatawag pa akong CB, short for cry baby. Tss, hindi na ako iiyak simula ngayon! Aish! Ano ba tong pinasok ko?! Naging partners in crime pa kami ni Aya ng wala sa oras. Baka magselos si Kei nito eh. Tsk!


Aya’s Point of View

“Ma’am, pinapabigay po nung year level coordinator,” abot ko sa teacher namin nung letter.

“Mr. Palma and Ms. Perez, pumunta kayo sa SC room,” sabi niya pagkabasa.

Tumayo naman si Alys at Drake. Himala, hindi tulog si Drake. Anyareh dun?! Hahaha!

Lumabas na sila at ako naman, “Ma’am, can i go to the comfort room?”

“Kakatapos lang ng break niyo ah. Go and sit down,”

Tss. Kainis naman!! Pano ko ilolock yung dalawa dun?? 

To: CB

Change plan. Ikaw maglock sa dalawa. Sisipain kita pag hindi mo ginawa!!

Message sent.

Ayos to. Magkaka thrill na ang boring naming buhay! Hahaha!


Alys’ Point of View

Nandito na kami sa Student Council room. Ano ba ang gagawin namin dito? Wala namang yatang tao dito eh. Tsk.

Yung kasama ko, nakaupo dun sa gilid. Ayoko nga siyang kausapin. Fresh na fresh pa sa memory ko yung kissing scene nila kahapon. =___=

Pumasok ako sa isa pang room dun. Mejo malaki kasi yung SC room. Spoiled sila!! May sarili silang fridge dito pati flat screen pati couch. Mukhang condo ’tong SC room eh!!

Nung nakita kong walang tao, lalabas na sana ako pero nakalock yung pinto!! <(o_o)>

“Hala!!”

Tinry ko pang buksan yung pinto pero nakasara talaga!! Tinignan ko yung kasama ko pero nakayuko lang siya dun. Lumapit ako sa kanya tapos kinalabit ko siya, “Psst, Drake.. Psst,” sabi ko.

Hindi niya ako pinapansin. Haayst. Tinignan ko yung bulsa ko para sa handphone ko pero nasa bag ko nga pala. (._.)

Lumapit ulit ako kay Drake kasi kailangan kong hiramin yung phone niya. Hindi naman ako lalapit kung hindi kailangan eh!! Nakakatakot siyang tumingin, promise!

“Drake, uhm, nanjan ba yung phone mo?”

Hindi siya sumasagot kaya umupo ako tapos tinitigan ko siya. Natutulog yata. Tss. Pero bakit pawis na pawis to? Naka AC naman yung SC room ah?

“Uhm, okay ka lang? Oh,” tapos inabot ko yung panyo ko.

Hindi niya kinuha, “uy, buhay ka pa ba??”

Hindi pa din niya ako pinansin kaya hinawakan ko siya sa noo, “hala!! Nilalagnat ka!!”

What to do? What to do?? Hindi ako sanay mag alaga ng nilalagnat!! <(o.o)>

Kalma lang, Alys. Ano nga ba ang ginagawa ni mommy pag may lagnat si daddy? Una, pinupunasan niya.

Okay, pumunta ako sa kusina para magpainit ng tubig. Wag na kayong magtaka, condo nga tong SC room talaga! Hahaha!

After kong magpainit ng tubig, pumunta ako kay Drake tapos pinunasan siya. Pero kasi.. basang basa na yung polo at coat niya.. 

Dapat niya yung hubarin pero… Oh noes!! Baka isipin niya, manyak ako!!

Pero baka lumala yung sakit niya.. maging pneumonia pa..

Go, Alys!! You can do it, girl!!

At dahil tulog naman si Drake, sinilipan este hinubaran ko na siya. Yung Coat lang!! Wag kayong green!! Tapos binuksan ko yung polo niya.

1st button.. checked.

2nd, 3rd, 4th button.. checked.

Gulp.

5th and 6th button.. checked.

O///////////O

Holy Shizzles!! Bakit siya may abs?!!! 17 pa lang siya ah!!!

Dahan dahan kong pinunasan yung a-ab- tyan niya!! Oo, yung tyan niya!! Ayokong tignan. Sabi ni mommy, prevention is better than cure!! Iiwasan ko na hanggang kaya ko pa!!

Pagkatapos ko siyang punasan, pumunta ako sa kitchen at nagluto ng soup. Instant lang naman kaya keri lang. Tapos hinanap ko din yung medicine kit nila.

Bumalik ako sa couch na hinihigaan niya. Mamaya ko na lang siya gigisingin, mainit pa naman yung soup eh, baka mapaso lang siya tapos titigan niya ako ng masama. =___=

Hmm. Gwapo naman pala tong lalaking to. Pero bakit ba siya pinagkakaguluhan?? Oo na, mahaba yung pilikmata niya, singkit yung mata niya, matangos yung ilong, red yung lips.. pero masungit!! Ubod ng sungit!! Bakit ba gusto ng mga babae yung masusungit na lalaki?? Ano ba meron sa mga masungit na lalaki at pinagkakaguluhan sila?? Ayaw ba nila nung mga friendly kagaya ni Sheen my loves?? Mas gwapo naman si Sheen!! May abs din kaya si Sheen?? O//////////O Eeek! Kinikilig ako!!

Mejo naalimpungatan yata si Sungit. Umupo siya sa couch. Nakabukas pa din yung polo niya. Tingin sa mukha, Alys!! Wag kung saan saan tumitingin!!

“Ehem, uhm, nagluto ako ng soup,” sabi ko sabay iwas ng tingin, “anjan din yung gamot pati tubig.”

Tahimik lang siya tapos kinain niya yung soup at gamot. Nung malapit na siyang matapos, narinig kong nagclick yung pinto kaya lumapit ako.

“Yes!!” Bukas na yung pinto! Yahooo! I’m a free man again!! 

Napansin yata ni Drake na bukas na yung pinto kaya tumayo na din siya. Naglalakad siya papalapit ako akin!! Nakabukas pa din yung polo niya tapos nakasabit yung coat niya sa balikat niya. 

O//////////O

B-bakit ang hot niya tignan???

“Salamat,” sabi niya habang naglalakad siya. Mahina lang pero sapat na para marinig ko.

Ano’ng nangyayare?!!!

Chapter 8

Chapter 8

O////////////////////////O

Ganyan pa din ang itsura ko pagbalik ko sa room. Eh bakit hindi maalis sa isip ko yung itsura ni Drake kanina? Yung parang.. Argh!! Disturbing thoughts!!! Ang bata bata ko pa para maging manyak!!!

“Heyyou, mukha kang red beet,” sabi sakin ni Aya, “anyareh sa mukha mo?”

Sasabihin ko ba kay Aya yung nakita kong pornographic image??? Of course not!!! Kasi pag sinabi ko, for sure, bukas na bukas, kakalat yun sa buong St. Claire’s High!! At pag nangyari yun, patay ako!! Ang dami kayang members ng fans club ni Drake! =___=

“Ah, allergy. Nakakain ako ng apple eh,” sabi ko na lang na excuse.

“Aah. Eh bakit ka ba naman kasi kumain?? Alam mo namang allergic ka. Tss,” sabi niya sabay hatak sa akin, “pasok na tayo sa room. May groupings sa English.”

Ayun nga, hinatak ako ni Aya papunta sa room. Buti na lang excused kami kanina, may quiz sa Physics. Nakaligtas ako!! Yahooo!! May mabuting naidulot din pala yung pagkaka locked namin ni Drake dun sa SC room.

“..so that’s basically it. Anyways, class, you may group yourselves into three. You may choose your own groupmates. You’re all grown up so i presume that i don’t need to group you one by one. Be wise in choosing your groupmates because they will be your groupmates until the end of the first grading,”

Sabi ni Ms. Clarise. Haaay. Sino kaya ang pwedeng maging groupmate ko?

Tumingin ako sa paligid ko, lahat sila halos may ka group na. Bakit ba ang loner ko? =____= Kasalanan ko bang singkit yung mata ko kaya ang taray ko tignan? Mabait naman ako ah!!!

“Psst,” tumingin ako sa gilid ko, “partner tayo,” sabi ni Aya.

“Ano pa nga ba?” Sabi ko sa kanya. Oh my gulay!! Ano’ng mangyayari sa aming dalawa ni Aya eh pareho kaming F lover (madalas kasi, F ang mark namin sa exams). =____=

“Wag ka ng mangamba, Besh. Makakapasa tayo,” sabi niya.

“Huh?”

“Ililigtas niya tayo,” tapos tinuro niya si Drake na taimtim na natutulog.

“Aya naman!!!” Sabi ko.

“Aya Aya ka naman jan. Wag ka ng maarte, Besh. Si Drake ang magtatawid sa atin sa magandang landas. Di ba kailangan mo ng magandang grade??”

Eto na naman po tayo. Bina blackmail na naman ako ni Aya. Palibasa at alam niyang naghahabol ako sa grades kasi gusto kong pumasok sa St. Claire’s Academy eh!! Dun kasi mag aaral si Sheen my loves.. Syempre kailangan ko siyang sundan. Hihihi!!

“Ok na?? Ok na ha? Wag kang mag alala, for sure makakakuha tayo ng A sa English!! Di ba bali balitang may straight A record si Drake?”

Siya na. Siya na ang genius!!! Hmmm. Bakit ba kasi lumipat pa siya dito?!!! Eh mataas naman pala lahat ng grades niya eh!!

“Oo na..” Sabi ko.

“Yes!!!” Sabi ni Aya tapos nag victory dance. Baliw.

Tapos umupo siya at nilista yung pangalan namin sa 1/4 sheet of paper, “uy, hindi ba natin tatanungin si Drake kung okay lang sa kanya??”

“Sige, wait lang,” tapos tuloy sulat pa din siya sa papel tapos tumingin kay Drake, “Psst, partners tayo sa English ha?” Tapos natapos na siya sa pagsusulat, “silence means yes. Oo daw, Alys. Partners daw tayo,” sabay ngiting nakakaloko.

Pakipaalala nga sa akin kung bakit ko naging kaibigan ang babaeng to????

Kinabukasan..

O__________________O

“Grabe ka naman, Alys!! Best friend ba talaga kita??” Tanong sakin ni Aya.

Paano ba namang hindi magiging ganyan ang reaction ko kung ganito ang nangyari..

flashback..

“Sabadong Sabado, Aya, nambubulabog ka na naman =____=,” sabi ko kay Aya. Paano ba naman, ang himbing himbing ng tulog ko sa kwarto ko with matching full blast na aircon tapos bigla siyang magtatatalon sa kama ko??

“Good morning, sunshine!!” Tapos mas nilakasan niya yung talon.

“Ano ba kasi ang kailangan mo??”

“May lakad tayo, dali!!”

?______?

May lakad ba kami ni Aya? Bakit parang wala akong matandaan??

“Wag mo nang isipin kung may lakad tayong plano kasi wala!! Ako lang nagplano eh. Hihi,” sabi niya.

“A-yo-kong su-ma-ma,” sabi ko sabay talukbong ulit ng kumot.

“Sige na, Besh,” sabi niya tapos inalog alog niya ako, “sinabi ko na kay Tito Steve na pupunta tayo eh..”

Napatayo ako agad sa kama.

“Ano’ng sabi mo?”

“Sabi ko, hinihintay na tayo ni Tito Steve,” sabi niya ng may nakakalokong ngiti.

Napalagay ako ng kamay sa noo ko, “ano na naman ang ginawa mo?”

“Sabi ko dun tayo maglulunch sa kanila kasi may group project tayo.”

“Ano?? Eh next week pa daw sisimulan yun ah?”

May project kasi kami sa English, book review. Wala pa ngang binibigay na libro si Ms. Clarise eh!!

“Mas mainam ang maagap sa masipag, Alys. Kaya kailangan na nating mag brain storming habang maaga pa!!”

Sheet. Ano ba ang dapat i brainstorm sa book review? =___=

Dahil ang kulit kulit to the infinity ni Aya, napilitan na akong magbihis. Anong choice ba ang natitira sa akin?? Eh nakapagpaalam na siya kay mommy at daddy!! Nakaayos na nga din yung mga isusuot ko eh!!!


Sa bahay nila Drake..

“Wow. Ang ganda ng garden nila!” Sabi ni Aya pagkapasok namin sa gate nila Drake.

Pagkatapos kasi ng gate nila Drake, garden agad yung makikita mo. Ang lawak nung garden nila, puno ng roses ____ Si Tita Katrina kaya yung nag aalaga dito??

Naglalakad na kami sa pathway nila. Nakakapagod. =___=

Nakita kong kumakaway si Aya, “Tito Steve!!”

Tapos kumaway din si Tito Steve sa amin. Close sila ni Aya???


Aya’s Point of View

Nakita ko si Tito Steve kaya kumaway, “Tito Steve!!”

Tapos kumaway din si Tito Steve sa amin. Nagtataka siguro si Aya kung bakit kami close ni Tito Steve. Mwahaha.

flashback..

“Tito Steve!!”

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila Drake. Hehehe. Ganito ako kapursigido sa match making ko kila Drake at Alys. Ayoko ngang mapunta ang besh ko sa iyaking Sheen na yun. =___=

“Oh, Aya, di ba?” Tanong ni Tito Steve na mejo nagtataka.

“Hehe. Opo, Aya po,” sabi ko na parang mejo nahihiya. Syempre, pa demure effect. Mwahaha!!

“Oh, tara, pasok ka. Ano nga pala ang ginagawa mo sa labas ng bahay namin? Si Drake ba?”

“Ah hindi po,” sabi ko with matching hand gestures, “nandito po ako kasi may sasabihin ako sa inyo..”

Mejo nagtaka yung itsura ni Tito Steve, “Ano naman yun?”

Huminga ako ng malalim na malalim. This is really is it, Aya!! Aja!!

“Eh kasi po.. di ba nga po mag boyfriend girlfriend si Alys at Drake?” tapos tumango tango si Tito Steve, “eh dahil nga po napakasungit ng anak niyo.. Palagi na lang pong malungkot si Alys..  Palagi niyang iniisip kung bakit ganun sa kanya si Drake.. Kung bakit na lang siyang laging sinusungitan.. Kung nakita niyo lang po si Alys kagabi, maaawa kayo.. Iyak po siya ng iyak..”

Kitang kita ko naman na seryosong seryoso si Tito Steve. Sorry po, Tito Steve!! White lies naman po ang sinasabi ko eh!! Tsaka pag nagkatuluyan silang dalawa, everybody happy. Mawawalan ka ng kaagaw kay Katrina the craddle snatcher!! Mwahaha!!

“Pakisabi kay Alys na pasensya na sa anak ko.. Ewan ko ba sa batang yun at masyadong masungit. Pinaglihi ata ng nanay niya sa sama ng loob eh,” sabi ni Tito Steve. Nakuha pang magjoke. Hahaha! Ang cool niya talaga!! XDD

“Okay lang po, Tito. Sanay na po ako sa anak niyo,” sabi ko, “pero ano po sana..”

“Ano yun?”

“Kung pwede lang po, tulungan sana natin sila Drake at Alys. Match make ba? Hehehe.”

Bigla namang ngumiti si Tito Steve, “oo ba! Ng makita ko namang masaya yung batang yun. Lagi na lang nakasimangot eh. Nakakatakot pang tumingin, kahit ako na tatay niya natatakot sa kanya eh. Tsk,” sabi niya.

“Ayos!! So, deal na, Tito Steve? Magiging cupids tayo?”

Nagshake hands kami, “deal.”

present..

So, ayun nga ang nangyari. Mwahaha!! Brace yourself, Alys Perez.


Alys’ Point of View

“Oh, pasok na kayo sa loob at gigisingin ko lang yung batang yun,” sabi ni Tito Steve.

Pumasok na kami sa bahay nila. Habang naghihintay kami, biglang lumabas si Tita Katrina galing sa kusina na may dalang juice. Napatingin siya samin kaya naghi na lang ako. Umirap pa si Aya. Gaga talaga yun!!

“Hinahanap niyo si Aki?” Sabi niya sabay bigay samin ng juice.

“Ano po?”

“Sorry, i mean si Drake. Hinahanap niyo ba siya?”

Tumango na lang ako. Hmmm. Aki pala ang tawag niya kay Drake. Another point for you, Tita Katrina!! Ikaw na ang pedo!!

“Alys, Aya, sandali lang at maliligo pa daw siya. Alam niyo na, nagpapapogi kasi nanjan si ang girlfriend,” sabi ni Tito Steve na parang nanunukso.

Nasamid naman ako. Muntik ko nang maibuga yung juice!!!

“Wag ka ng mahiya, Alys. Tanggap na tanggap ka kaya ni Tito Steve, di ba Tito?”

“Oo naman. Daughter- in- law ko na nga yan eh, di ba Katrina?”

“Ah- eh, oo,” sabi ni Tita Katrina na parang naiilang. Hmmm. Nagseselos sa akin ang magandang babaeng to??? Ang ganda ko naman!!! Woooo!!

Tapos nun, nagkwentuhan lang kami. Hmmm. So, sa school pala nagkakilala si Tito Steve at Tita Katrina. Teacher pala si Tita Katrina sa dating school ni Drake!! Student- Teacher love affair ang peg?? Fresh graduate pala si Tita Katrina nung nagturo siya, at Economics ang tinuturo niya. Bale 21 na siya ngayon. Nagkakilala sila nung patapos na yung second grading last year tapos naging sila bago magsimula yung third grading. Ang galing lang kasi ikakasal na sila this coming October!!

“Oh, ayan na pala ang boyfriend mo, Alys,” sabi ni Tito Steve. Para siyang teenager kung manukso. =___=

Nagblush ako hindi dahil sa kinikilig ako!!! Kasi pag nakikita ko si Drake, naaalala ko yung abs niya O//////////////////O

“Boyfriend mo na’t lahat, kinikilig ka pa din. Ang gwapo talaga ng anak ko,” tapos lumapit siya ang inakbayan si Drake. Pilit namang tinanggal ni Drake yung kamay ni Tito Steve. Sheet!! Para lang silang magkapatid!!!

Pagkatapos nun, nakatingin lang si Drake sa amin. Ayan na naman yung tingin niya. (._.)

“Ah eh, Katrina, pakihanap naman yung files na kailangan kong pirmahan,” sabi ni Tito Steve kay Tita Katrina tapos umakyat naman si Tita para kunin yung pinapakuha, “ah eh, isasama ko lang muna si Aya, Alys. May ipapakita lang ako sa kanya, ha? Mag usap muna kayong mag boyfriend jan,” sabi niya tapos umalis sila.

Ako lang ba talaga o parang sinasadya nilang iwan kami???? At ang sama na naman ng tingin sakin ni Drake!!!! Mommy, Daddy!!!

Chapter 9

Chapter 9

Ganito kami:

Ako: (‘-.-) (-.-’) (‘-.-) (-.-’)

Siya: (>_>)

Palingon lingon ako kasi hindi ko matignan yung lalaki sa harap ko!! Nakakainis talaga si Aya oh!! Nakikita niyo ba kung gaano siya kasama tumingin?!!

“Oh, bakit ganyan ang itsura niyo?” Tanong ni Tito Steve pagbalik nila ni Aya. Mukha siguro kaming tangang dalawa!!

“Ah, eh, hehe,” yun na lang ang nasabi ko. Ano ba kasi ang dapat kong sabihin?!!! Eh hinatak lang naman ako ng magaling na Ayang yan dito!! Nakakainis!!

“Baka naman nagkakailangan, Tito Steve. LQ. Hahaha!!” Sabi ni Aya tapos nagtawanan sila ni Tito Steve. Anyareh?? May conspiracy ba between Aya and Tito Steve?? <(o.o)>

“Nako naman, mga kabataan talaga. Di ba book review ang gagawin niyo?” Tanong ni Tito Steve tapos tumango na lang ako, “umakyat kaya kayo sa kwarto ni Drake?”

“Dad,” sabi ni Drake.

Nagsalita si Drake!! Shet!!

“Eto namang anak ko, wag ka ng mahiya sa girlfriend mo. Malinis naman ang kwarto mo eh. Okay lang naman sa inyong dun kayo mag group study di ba?”

“Opo!!” Sabi ni Aya.

“Ah, wala po ba kayong library? Dun na lang po kami, nakakahiya naman po kung sa kwarto pa ni Drake..”

Bigla namang nataranta si Tito Steve, “ah-eh, library? Naku, napakadumi nung library namin. May mga nagkalat na ipis at daga, baka kung anung sakit lang ang mapulot niyo dun. Wag na talaga, Alys. Mamaya magalit pa sa akin ang anak ko pag nakapulot ng sakit ang girlfriend niya dahil dun kayo nag aral sa library kaya wag na. Wag na talaga dun. Sa kwarto na lang kayo,” sabi niya ng tuloy tuloy.

Nagtataka na talaga ako!!! Ano ba ang nangyayari?!!! Mamaya pagsabihan pa ako ni Drake na feel na feel kong maging boyfriend siya. Please lang noh!!!

Tapos lumapit sa amin si Tito Steve at tinulak ako papunta sa hagdan, “sige na, Alys. Umakyat ka na.”

“Ah, eh,” sabi ko. Ayoko ngang umakyat kasi!!! Wala pa akong napapasukang kwarto ng lalaki maliban dun sa mga kapamilya ko noh!! Gusto ko kwarto ni Sheen my loves ang una kong papasukin!! Kainis naman talaga si Aya oh!!!

“Tss,” sabi ni Drake tapos naglakad na siya paakyat sa hagdan. Anyareh dun??

“Oh, nauna na si Drake, Alys. Sunod na daw tayo,” sabi ni Aya.

Tinignan ko siya ng masama. Makakaganti din ako sayo!!!

After mahaba habang tulakan, nakarating na din kami sa harap ng kwarto ni Drake. Paano namin nalaman na kwarto ni Drake? Simple lang, nababalutan ng itim na aura. Hahaha! De, joke lang. Tinulak kasi ako ni Tito Steve. Pakiramdam ko binebenta niya yung anak niya sa akin. Ano’ng klase siyang ama? =___=

“Pasok na kayo,” sabi ni Tito Steve. Excited?? Hahaha!

Binuksan niya yung pinto at shet!!! Bakit ang laki ng kwarto niya?!!!! Mas malaki pa sa kwarto ko!! This can’t be happening! <(‘O____O’)>

Ano ang itsura ng kwarto ni Drake? May king size na airbed tapos sa taas merong parang solar system na ang ganda pag walang ilaw, may flat screen complete with dvd, xbox, wii, at kung anu anong gaming paraphernalia, balcony na ang ganda ng view, study area na may shelf na madaming libro sa gilid, at walk in closet na mas malaki pa sa closet ko!!! Yun ang hindi ko matanggap!!! Pati yung fridge niya ang daming laman. Paano ko nalaman?? Binuksan kasi ni Aya. Pakielamera talaga yun. =___=

“Oh, pano? Maiwan ko muna kayo jan at may aasikasuhin lang ako,” sabi ni Tito Steve tapos sinara niya yung pinto.

Pumunta si Aya dun sa table tapos si Drake naman, naglaro ng xbox niya. Wala ba siya nung tinatawag na hospitality?? Bisita kaya kami!!

“Drake, pahiram ng laptop mo ha?” Sabi ni Aya tapos hindi nagsalita si Drake pero tuloy tuloy lang si Aya sa paggamit nung laptop.

“Magpaalam ka kaya muna!!” Sabi ko sa kanya. Hindi naman kasi sa kanya yung laptop pero gamit ng gamit.

“Nagpaalam na ako, Besh,” sabi niya habang naglolog in sa FB. May wifi naman sa bahay nila, nakikigamit pa dito. =___=

“Hindi naman kaya siya sumagot.”

“Alam mo, dapat mong pag aralan ang How to decipher Drake Palma’s actions 101. Lesson 1: pag nagpapaalam ka at hindi siya sumagot, it means yes. Kasi kung ayaw niya, eh di sana kinuha nya sakin yung laptop niya,” sabi ni Aya.

“Nakooo. Don’t tell me may gusto ka kay Drake???”

Tinignan niya ako ng masama, “baliw ka na ba?”

“Tss,” sabi ko sa kanya, “ano yan???” Tanong ko sa kanya. The mysterious prince: Drake Palma. Anyareh?? 19, 284 likes? Seryoso?!!

“Sssh, wag kang maingay,” sabi niya. Oo nga pala, nandito kami sa kwarto ni Sungit. Kasi naman tong babaeng to!! Kung gusto niyang mag facebook, sana sa bahay na lang hindi yung dumayo pa kami dito. Nakakahiya talaga!!

Tapos iki click niya sana yung about me pero bumukas yung pinto tapos ctrl + esc agad kami. Hahaha, “Alys, Aya?”

“Bakit po?” Sabi ko. Si Tito Steve pala yun. Sheet. Muntikan na niya kaming mahuli ni Aya na nagsstalk sa fanpage ng anak niya!!

“Ah, meryenda muna kayo. Aya, patulong naman na iakyat yung pagkain,” sabi ni Tito Steve.

Ang weird. Nasan na yung mga katulong nila at kailangan pang si Aya at Tito Steve ang magdala? At napaka hands on naman yata ni Tito Steve para siya mismo ang magprepare!! Ang weird talaga!!!


Aya’s Point of View

“Ready na, Tito Steve?” tanong ko kay Tito Steve.

“Affirmative,” sabi niya sabay lock sa pinto ng kwarto ni Drake mula sa labas.

Mwahaha! 9:30 pa lang naman, kita kita tayo mamayang lunch, Alys at Drake.


Alys’ Point of View

Hmmm. Kasalukuyan pa ding naglalaro si Drake at ako ay nakaupo pa din dito. Ayoko ng magfb noh!!! Binura ko na din sa history yung ginawa namin, mamaya makita niya pa yun at isipin niyang patay na patay ako sa kanya. Over my dead body!!!

Dahil brainstorming naman talaga ang pinunta namin dito, magsisimula na akong maghanap ng librong pwedeng gawan ng book review. Ang tagal ni Aya!!! Nakakainis, sinasadya ba niyang iwan kami dito?? Feeling naman niya mag uusap kami nito. Asa pa!!

Pumunta ako dun sa shelf at nagtingin tingin ng libro, sakto, may nakita akong libro ni Paolo Coehlo. Inabot ko kasi nasa may pinakataas pa pero bakit parang nalalaglag lahat ng mga libro papunta sakin????


Drake’s Point of View

=______=

Bakit ang ingay?

Tumingin ako sa likod. Ang kalat.

_______>

Ang likot naman nung babaeng to. Tss. Hininto ko muna yung nilalaro ko tapos nilapitan ko siya.

“Tss,” sabi ko tapos binuhat ko siya papunta sa kama.

May bukol pa ata. Bakit ba ang tanga nito? May upuan naman bakit niya inabot eh ang pandak niya naman. =____=

Lumapit ako sa pinto pero nakasara. Tss. Ano bang problema ng tatay ko? Gusto ba niya ng babaeng walang IQ para sa anak niya? Tss.

Pumunta na lang ako sa ref tapos kumuha ng yelo at towel tapos lumapit ako nilagay ko sa ulo niya.

‘Magigising naman to siguro mamaya.’

Chapter 10

Chapter 10

Aya’s Point of View

“Hmm, 11:30 na, Tito Steve. Puntahan na kaya natin sila? Nagugutom na ako T^T,” sabi ko kay Tito. Nandito lang naman kasi kami sa entertainment room nila at nagmmarathon ng spongebob!! Putek! Hindi ko akalain na mas isip bata pa pala si Tito kay Alys. Nakakastress!!

“Wait lang. Malapit na ’tong matapos,” sabi niya sabay kain ng popcorn.

Pakingshet! Nagugutom na talaga ako T^T

Lumabas muna ako ng room at naglibot libot sa bahay nila. In fairness, maganda talagaa ng bahay nila. Gusto ko sanang icheck si Alys at Drake sa room kaya lang na kay Tito Steve yung card. Asar lang!! Naccurious ako eh T^T

Pumunta na lang ako sa labas para maghintay. Ang ganda naman kasi ng view ng garden nila, breathtaking.

Umupo ako sa sa wooden bench nang mapansin ko si Pedo (Tita Katrina) na nagppaint. May talent pala yung pedopilya na yun??

Lumapit ako sa kanya at tinignan yung pinapaint niya sa canvass. Napalingon siya sa’kin tapos medyo nagulat pero ngumiti din siya. =___= Pakshet. Bakit ang ganda talaga ng pedo na ’to??!!

“Aya, right?” sabi niya.

Tumango ako.

“Mabuti naman at may kaibigan na si Aki sa bago niyang school. Natatakot kasi kami ni Steve na baka wala siyang maging kaibigan. Masyado kasi siyang introvert..”

Nginitian ko siya, “introvert? Nako, hindi po! Tignan niyo nga at nakahanap pa siya ng girlfriend,” sabi ko with my sweetest smile. Ano ka ngayon, pedo? Beat that! Hahaha!

Pero bakit ang mean ko?? Oh well. Old habits die hard.

Medyo na stiffened siya. Hmm. Nakakacurious talaga sila!!

Nagsalita ako, “bagay silang dalawa noh, Tita Katrina?”

Ngumiti lang siya kaya nagsalita ulit ako, “tignan mo, magka AGE sila, tapos pareho pang mayaman. Narinig ko na chains of hotels din ang business ni Tito Steve, pareho pa sila ni Alys. Akalain mo yun? Pwede silang magmerge, don’t you think so, too, Tita?”

Ngumiti ulit siya pero nakikita ko na nagttremble yung kamay niya. Oh, come on. Baka naman may tinatago kang little btch inside you, Tita?

“Ikaw ba, Tita, ilang taon ka na?”

Binaba niya yung paint brush at inabot yung orange juice sa tabi niya, “21.”

“Oh, ang bata mo pa pala. Eh may family business din ba kayo?” tanong ko.

“Wala. Patay na ang parents ko kaya mag isa na lang ako sa buhay,” sabi niya.

Nginitian ko siya, “you’re really lucky, Tita. Akalain mo, makakapangasawa ka pa ng mayaman? Jackpot ka kay Tito Steve! Mayaman, gwapo, mabait. Ang swerte mo po, noh? He’s such a good catch kaya dapat hindi niloloko at pinapakawalan,” sabi ko habang hinahawakan ko yung mga paint brush niya.

“Of course, Aya,” sabi niya sabay tayo, “may gagawin pa pala ako sa loob. Mauna na muna ako,” sabi niya sabay alis.

Ang obvious naman niyang mainis =___=


Alys’ Point of View

-_____-

o_____-

-_____o

/(-_____-)\

Ang sakit ng ulo ko. Ano ba’ng nangayari??

Napatingin ako sa gilid ko, nakaupo si Drake sa couch at natutulog. Anyareh?? 11:30 na pala!! 9:00 lang ata kanina ah??

Tumayo ako at tinanggal yung yelo sa ulo ko. May bukol ako T^T Lumapit ako sa pinto at tinry kong buksan pero nakasara pa din. Aya talaga oh!! Balak niya bang mag overnight ako dito???

Bumalik ako at umupo sa kama niya. Ano na gagawin ko dito?? Asar naman!! Hindi naman kasi kami close ng lalaking to kaya ang awkward talaga!!

Nakita kong gumising siya kaya tumingin ako sa kisame. Naman oh!! Nakaka intimidate ang presence niya!!

Lumapit siya sakin at hinawakan yung noo ko >/////<

“Tss,” sabi niya tapos pumunta siya sa fridge at kumuha ulit ng ice tapos lumapit ulit sa’kin, “here,” sabi niya.

“Uhh?” sabi ko. Sheet!! Bakit nabobobo na naman ako???

“Tsk,” sabi niya tapos kinuha yung yelo sa kamay ko at nilagay sa table tapos dahan dahan niya akong hiniga sa kama.

/////<

Kinuha niya yung yelo at nilagay sa ulo ko, “don’t move. Troublemaker.”

Medyo lumapit siya para tignan yung bukol ko. 3 inch apart lang ang layo niya!!! Mommy, Daddy!! Ang bango niya!!!

“It’ll sting. Tsk,” sabi niya ng ganun pa din ang posisyon namin. Oh Holy Mother of Christ!! Babae ako, Drake!! I have urges!! Grrrr!!


Aya’s Point of View

Nakaupo pa din ako sa bench sa labas. Walangyang pedo yun!! Iwanan daw ba ako dito?? Pati nagugutom na din ako T^T si Tito Steve kasi eh!!

“Boo!”

“Aaaaack!!” Sigaw ko sabay hawak sa dibdib ko. Lokong tito Steve yun ah!! Gulatin daw ba ako??!!

“Kain na tayo, Aya. Gutom na ako,” sabi niya sa akin.

Abnormal na matanda. Pagpasensyahan mo na, Aya. =___=

Pumunta kami sa dining area. Wala pa si Alys at Drake. Kawawa naman si Besh. Sigurado, gutom na din yun.

“Kat, puntahan mo naman sila Drake sa kwarto,” sabi niya kay Pedo sabay abot ng card. Langya. Naka card? Ano to? Hotel?? “Ikaw, Aya, gusto mong sumama kay Kat?”

Umiling ako. Nagugutom na kasi talaga ako T^T Can’t walk anymore..


Alys’ Point of View

///////<

Magkalapit pa din yung mukha namin nung biglang bumukas yung pinto.

Napatingin dun si Drake. Mukhang gulat na gulat naman si Tita Katrina.

Oh Shizzles!! May affair nga pala sila!! At ano ako?? The other woman??

Naglalakad palapit si Drake kay Tita Katrina ng biglang magsalita siya, “kakain na daw tayo sa baba..”

Pagkarinig na pagkarinig nun, dali dali akong tumayo at bumaba.

I can feel the tension!!

Pagkatapos kumain, umuwi na din kami ni Aya. Thank God!! Hindi ko kinakaya ang accusing stares na natatanggap ko mula kay Tita Katrina T^T


No one’s Point of View

11:30 p.m.

Tulog na ang lahat sa bahay ng mga Palma maliban kay… Drake at Katrina.

Oo, tama kayo ng hinala. Nagkikita sila kapag tulog na ang mga tao sa bahay. Ito din ang dahilan kung bakit laging tulog si Drake sa klase.. Lagi kasi siyang puyat. Ito lang kasi yung oras na pwede silang makapag usap ng malaya, ng walang Steve na makakakita.

Nakaupo si Drake sa gilid ng garden, sa isang tagong parte na silang dalawa lang ang nakakaalam.

Matapos ang ilang minuto, dumating si Katrina at niyakap si Drake mula sa likod.

“You’re still mine, right?” tanong niya.

Imbes na magsalita, humarap si Drake at hinalikan si Katrina, “always and forever.”

Ngumiti si Katrina sa kanya at hinawakan ang kamay niya, “then what is she to you, Aki?”

“My girlfriend?” Nagdadalawang isip na sagot ni Drake. Ayaw niya itong sabihin dahil alam niyang magagalit sa kanya si Katrina. Sa halos dalawang taon na pagkakakilala niya sa babae ay nalaman na din niya na selosa ito.

“Right,” sabi niya sabay tanggal sa hawak sa kamay niya, “always and forever.”

Kinuha ulit ni Drake ang kamay ni Katrina sabay sabing, “i need her. Para hindi magduda si Dad. Ikaw na din ang nagsabi na mahirap na pag nalaman niya..”

“So you’re blaming me now?? Because of that girl??!”

Nakatayo na si Katrina at nagsisimula ng magalit. Kung ano ang ikinaganda ng mukha nito ay yun naman ang ikinasama ng ugali nito kapag nagseselos. Ayaw na ayaw niya kasi ng may kahati sa mga bagay bagay. Lumaki siya sa hirap kaya alam niya ang pakiramdam ng mawalan. Kaya naman ngayon, gusto niya lahat ng bagay ay sa kanya lang. Walang kahati.

Unti unting napangiti si Drake, “are you jealous?”

“The hell i am!”

“Then call off the engagement, Kat. Be with me,” sabi niya. Mas nauna niyang makilala si Katrina, kaya lang ay fifteen lang siya nung mga panahon na iyon kaya hindi siya masyadong sineryoso nang babae. Ang mas gusto kasi ni Katrina ay yung lalaki na makapag aahon sa kanya sa hirap, at hindi si Drake yun dahil estudyante pa lang naman siya, walang trabaho. Kaya naman ng dumating si Steve ay sinagot niya ’to agad. Nung una ay nagagalit si Drake sa kanya dahil sa pinagpalit siya nito sa sarili niyang tatay! Pero nung huli? Wala din siyang nagawa. Mahal niya eh. Kung saan siya masaya, dun siya. Alam niyang mabait si Katrina, madali lang talagang magalit kapag nararamdaman niya na inaagaw ang mga bagay na alam niyang dapat sa kanya.

“You know i can’t do that, Aki..”

Huminga na lang ng malalim si Drake. Kung sa ibang babae madali siyang mairita, kay Katrina kahit anong gawin niya, hindi niya kayang magalit. Kaya nga ayaw niya ding kumausap ng ibang babae kasi nagkakagalit sila. Nung dun pa siya nag aaral sa dati niyang eskwelahan, madalas siyang kabahan para kay Katrina. Baka kasi bigla na lang itong manugod ng babaeng estudyante na kumakausap sa kanya. Alam niya na mahalaga para sa babae ang trabaho nito kaya naman minabuti niya na lang na lumipat ng eskwelahan para na rin maiwasan yung mga ganung pangyayari. At dun niya din nakilala si Alys. Pero hindi katulad ng iba, hindi niya maiwasan ang babae. Ito mismo kasi ang nagpakilala sa sarili niya bilang girlfriend niya! Wala na siyang magawa.. Kaysa naman magduda pa ang tatay niya sa kanya, pinabayaan niya na lang.

“You won’t give up on me, right?” Tanong ng babae sabay ngiti at hawak sa kamay niya.

Hindi sumagot si Drake sa halip at hinalikan niya ang babae.


Days after.

Alys’ Point of View

Whoooosh~

Takbo, Alys!! Baka mahuli ka na naman ni Aya at hatakin ka papunta kay Drake.

I.Must.Run.

Ano ang nangyari sa mga nakalipas na araw?

T^T

Iniiwasan ko si Drake, kasi naman, naiilang ako!! Tuwing nakikita ko siya, naaalala ko yung nangyari sa bahay nila.

Malapit na pala ako sa labas ng school. Whooooo!! Mabuti naman! Uuwi na lang ako agad!

Broooooooooooooooooooooooom

_____________<

lubdub lubdub

lubdub lubdub

lubdub lubdub

O____________O

Bakit matigas yung nahahawakan ko??

Pagtingala ko, nakayakap pala ako kay Drake!!

“Troublemaker,” sabi niya sabay hila sa akin sa gilid ng daan.

Naka stiffened pa din ako. Muntik na akong masagasaan. He saved me. TT^TT

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko pero biglang nanlambot yung tuhod ko kaya napaupo ako sa daan, “shit. Are you alright?”

I unconciously nodded.

Hindi ako makatayo!! Ang lapit niya sa akin, nagje-gelatin yung tuhod ko. Literal TT^TT


Drake’s Point of View

Walk. Walk. Walk.

Gusto ko ng umuwi =____=

Walang kwentang school. Alam ko na lahat ng tinuturo nila. Walang kwentang teacher.

Broooooooooooooooooooooooom

=____________=

Masasagasaan si Troublemaker?

Hinila ko yung kamay niya para mapunta siya sa gilid ng daan. Troublemaker.

Napayakap siya sa’kin.

(>_>) Tingin sa kanan.

(<_<) Tingin sa kaliwa.

Wala si Kat. Baka magselos na naman yun.

“Troublemaker,” sabi ko pagkatapos makita na wala si Kat.

Nakatingin lang siya sa’kin. Problema nito? =___=

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso kasi mukha siyang matutumba pero natumba nga siya, “shit. Are you alright?”

Tumango siya.

Dinala ko siya sa upuan, “tss. Troublemaker.”

Naglakad na ako pauwi.

Nakauwi na kaya si Kat?


Alys’ Point of View

Dinala niya ako sa bench sa loob ng school at pinaupo.

“Tss. Troublemaker,” sabi niya sabay talikod at lakad.

What to do????

Sinubukan kong tumayo para habulin siya.

“Drake!!” Sigaw ko.

Lumingon siya sa’kin pero pagtama ng mata namin, natumba na naman ako.

Ano bang problema ng tuhod ko???

“Shit,” he cussed again, “may sira ba yung tuhod mo?”

Umiling ako. Pero sa totoo lang, may problema nga ba ang tuhod ko????

Pinuntahan niya ako at binuhat pabalik sa upuan.

“Don’t move,” sabi niya tapos umupo siya ng nakatalikod sa harap ko.

?________?

“Sakay,” sabi niya.

“Uhh?”

Hindi siya nagsalita pero kinuha niya yung dalawa kong kamay at nilagay sa balikat niya at binuhat ako.

//////////<

Piggy backride!! TT^TT

Matagal ko ng pangarap na gawin to ni Sheen eh..

Naglakad kami papunta sa bahay ko. 10 mins away lang naman yung bahay namin kaya okay lang. Nung pagdating namin sa bahay, binaba niya ako sa tapat ng gate at nag doorbell.

“Hindi ka na naman siguro maaaksidente dito,” bulong niya.

Nagdoorbell siya tapos nagsimulang maglakad palayo.

“T-thanks,” sabi ko ng mahina.

Sana narinig niya..

Chapter 11

Chapter 11

Today. Is. Hell.

Labasan na ng results ng first quarter exams!!!

<(O___O)>

Hindi kasi ako masyadong naka review eh!! Kasi naman, tuwing humahawak ako ng libro, nakakatulog ako, at parang lullaby naman ang tunog ng lectures sa akin, swear!! Feeling ko nga mas effective pa na pampatulog ang libro kaysa sa sleeping pills.

“Perez, Alys Zyril,” sabi ni Ma’am.

Parang may nakatali na mga bakal na bola sa paa ko. I. Can’t. Walk.

Kahit labag na labag sa kalooban ko, kinuha ko pa din yung papel ko.

F. Isang tumataginting na F na nakasulat gamit ang red marker. 

=_______=

Patay na naman ako nito kay Mommy. Buti pa si Daddy cool lang sa mga ganito. Mamaya kunin ni mommy yung mga video game consoles ko eh (._.)

“Akin na nga,” inagaw ni Aya bigla yung papel ko tapos tumawa, “sabi na nga at soulmates tayo, Besh. Akalain mo, F tayo pareho?”

I sighed. Tama nga siguro sila. Birds of the same feathers flock together. Bumarkada kaya ako kay Drake, tatalino kaya ako? Mwahaha!

Inagaw ko sa kanya yung papel, “baliw ka talaga. Masaya ka pa na bagsak tayo. Tss.”

Nanahimik kami nung biglang nagsalita si Ma’am, “so all of you have received your paper. And by the looks of it, some of you would need to take tutoring sessions every afternoon. It will start tomorrow afternoon so better tell your parents about this. Those who will take the said classes are the ones who received a mark of F, and for those who received a mark of A, you will be the ones who will be the tutors. Is that clear?”

Double Kill.

Triple Kill.

First Blood.

Kasama na naman ako!! Bakit ba hindi na ako nasanay?? Every year naman ako kasali dito =___= Buti sana kung si Sheen ang nagtuturo sa akin, pero hindi kaya!! Nerdy students ang napupunta sa akin palagi. Psh. Malas ko talaga minsan.

“I will post the pairings this afternoon. And also, i will place the waiver your parents need to sign for the tutorial every afternoon,” sabi ni Ma’am. Haaay. Wala na talaga. Patay na ako, “get your Math books.”

Kinuha na namin yung spawn of the devil Math book at nagstart maglesson. Seriously, bakit parang ang unfair ng buhay? Hindi na nga ako magaling sa Science at English, pati ba naman sa Math?? Eh san ako magaling?? Ang daya!! Buti na lang maganda ako. =___=

Natapos na din ang buong araw na nakatunganga ako. Bakit ganun? Wala talagang pumapasok sa isip ko. No wonder tagilid ang grades ko. Paano kaya ako nakaabot ng fourth year? Hehehe.

“Besh, tignan na natin yung listahan. Mehehe. Excited na ako,” natatawang sabi ni Aya. Baliw. =___= Hobby niya kasi na inisin yung nagiging tutor niya. Parang tradition niya na yun eh. So far lahat nagqquit. 

Lumapit kami sa bulletin board. 

“Wahaha!!,” sabi ni Aya sa akin sabay palo sa braso ko. Siguro may pasa na ako mamaya, “tignan mo nga naman, si Drake pa ang tutor mo. Grabe! Match made in heaven?”

=___________________=

Hindi na ako magreact, hinanap ko na lang yung pangalan ni Aya..

O__________________O

“AT BAKIT SI SHEEN MY LOVES AND TUTOR MO???”

Natulala si Aya tapos.. “Wahaha! Si CB pala ang tutor ko. Nice nice,” sabi ni with a devilish smile on her face. Uh-oh. Ibubully niya si Sheen. =___=

Pagkatapos nun, umuwi na kami sa kanya kanya naming bahay. Pinapirmahan ko kay Daddy yung waiver. Hehe. Daddy’s girl kasi ako. Buti na lang malakas ako kay Daddy. Kaya love na love ko yun eh.

At dahil bukas na nga pala ang simula ng tutorial session, sinubukan kong magbasa ng libro. Ayoko ngang sabihan ng bobo ng Drake na yun! May pride pa naman ako noh!!

Trigonometry

gulp

The logarithmic functions of each @#&(@%^%@(!)@)!#^$!)*@&#( 

kruuuuu kruuuuu

Zzzzzzzzz

Kinabukasan..

“Hey, besh. Wazzup, wazzup?”

Nag usap na lang kami ni Aya. Apparently, pinagalitan siya ni Tita dahil for the nth time, magkasama na naman kami sa Tutorials! At ang dahilan niya kina Tita? Nakatipid na nga sila dahil libre naman ang tutorials! Siguro mukhang aatakihin sila Tita nung sinabi yun ni Aya. Baliw na babae. =____=

Nung breaktime, nilapitan kami nila Kei. Uh-oh. (._.)

“Look who’s here?” sabi niya sa mga kasama niya.

Inirapan lang siya ni Aya, “boring. Hindi kayo ang bida sa Mean Girls, Miss Popular. Drop the attitude.”

Namula si Kei sa inis pero hindi niya pinakita kasi poised na poised pa din siya, “Miss-whoever-you—”

“Aya, Aya ang pangalan ko,” sabi ni Aya with matching bibig na punung puno ng fries!

Mukhang nandiri naman si Kei sa nakita niya, “you’re gross.”

Ngumiti si Aya, “i know and thank you!”

Umiling iling siya, “losers. Let’s go, girls. Wag na tayong makipag usap sa mga wannabe na ’to. By the way, don’t you ever dare seduce Drake sa tutorials niyo. Who knows what you can do,” she smirked.

Medyo nagpantig yung tenga ko sa narinig ko, “why would i seduce Drake Palma? Eh boyfriend ko na siya,” sabi ko with a smug look. Huh! Beat that, Kei! Sinabi ko yun para marinig na din ng ibang fan girls ni Drake. Sana lang buhay pa ako bago mag tutorials! (._.)

She smiled, a fake one though, “do you think i would buy that, sweetie? I’m not that stupid to believe you.”

Tumayo ako sa pinalo ang lamesa, “s-sa acquaitance! Tama! Siya ang date ko sa acquaintance party!!”

She laughed kasama ng mga minions niya. Mean girls wannabe talaga sila!! “Okay then, Miss Pathetic. Show us,” she said tapos umalis na sila.

Tumingin naman ako sa katabi ko, “haay, Besh. Bakit mo ba pinatulan yung mga Mean girls na yun? Tss.”

“Sobra na sila eh!! Dignity na lang ang meron ako, ubos na ubos na kasi yung pride ko. Kailangan ko yung ipagtanggol!!”

Tinignan na lang ako ni Aya, “bahala ka. Pano mo yun sasabihin sa ‘boyfriend’ mo?” Sabi niya habang tinuturo si Drake na bumibili ng cola and burger.

I gulped, “bahala na. Hehehe.”

“Tss. Akala ko minsan mo lang hindi ginagamit ang utak mo, madalas pala,” sabi niya sabay ubos sa fries niya, “tara na nga sa room.”

At habang naglalakad kami, tinginan samin yung mga babae. If i know, dahil lang yun sa sinabi ko kanina eh. Tss. Eh di wag silang maniwala. Huh! Makikita na lang natin sa Acquaintance Party!!

Fastforward..

“So that was it, class dismissed!”

Nag inat inat na ang ibang mga students at naghandang umuwi pero kami ni Aya? May tutorial session pa. (._.) Kinakabahan ako!! Muh-meeee!!

Tinatawag na yung ibang kasama ko kasi sa iba ibang place pala kami tuturuan. Haaaay. Isang mahabang hapon para sa amin. =_____=


Aya’s Point of View

Library. Nice nice. Walang makakakita sa gagawin ko. Mehehe twinkling eyes

Zzzzzzzzz

sundot sundot

“Aya?”

sundot sundot

“Aya?” tumigil siya sa pagsundot sa braso ko at umupo sa gilid. Si CB pala ’to? Magtulug tulugan pa kaya ako?

Akala ko aalis na din siya! Anubayan!! Napaka persistent naman ng iyakin na ’to!! 15 minutes na kaya akong magtutulug tulugan!!

Bigla siyang nagsalita, “ang lamig naman dito,” tapos tumayo siya at pinatong sa’kin yung coat niya.

O___________________O

Napatayo ako bigla kaya napaupo siya sa sahig, “gi-gising ka pala..” mejo nagsstutter niya na sabi.

Kinuha ko yung mga libro ko at pinatong sa lamesa, “turuan mo na ko.”


Alys’ Point of View

gulp

super gulp

(..) (..)

“Uh? Drake?”

Titingin siya sa’kin pero hindi din ako makapagsalita. Ano ba yan, Alys?? San napunta ang dila mo??

Ilang beses ko na bang ginagawa yung pagtawag at hindi pagsasalita? Uh? Limang beses?

Nung pang anim na beses na, humarap na siya sa’kin at tinignan ako.. Yung piercing stare O

“Ah-eh.. sa ano.. uhm.. acquaintance? Uh. Eh. Hehe. Uhm..” Yan lang ang kaya kong sabihin habang nakatingin siya sa akin! Buti na lang nakaupo kami, kung hindi baka napaupo na naman ako sa sahig dahil nag jelly ace ang tuhod ko!!

“No,” sabi niya tapos bumalik na siya sa sinusulat niya.

No? As in no, hindi ka loser gaya ng sabi ni Kei?

No? As in hindi na magrereunite ang DBSK??

No? As in hindi na magkakabalikan si Sheen at Kei???

Or no? As in hindi ako maganda?? >////////////////<

Ano ba kasing no yun???

Linapit ko yung upuan ko sa kanya at kinalabit siya, “uhm, no as in?” Tapos inisa isa ko sa kanya yung mga naisip kong ibig sabihin ng no. Baka kasi isipin niya assumera ako kaya nagtanong na ako para sure!! Mahirap na noh!!

“Sht,” sabi niya, “i. won’t. go. to. that. party.”

Tapos tumayo na siya.

Bakit parang ang sakit?


Drake’s (boring) Point of View

“Uh? Drake?”

Tumingin ako kasi kanina niya pa ako tinatawag. Ano bang problema ng babaeng to?

Nung pang anim na beses na, humarap na ako at tinignan siya.

“Ah-eh.. sa ano.. uhm.. acquaintance? Uh. Eh. Hehe. Uhm..” 

sigh

Stupid girl.

Eto ba ang babaeng gusto ni Papa sa akin? May speech defect.

“No,” sabi ko.

Birthday ni Kat sa araw na yun eh. Isa pa, anong gagawin ko sa party na yun? Matutulog? =____=

Ano kayang ireregalo ko kay Kat? Libro? Singsing kaya? Teddy bear?

Lumapit siya sa akin at kinalabit na naman ako, “uhm, no as in?” Tapos inisa isa niya yung mga weirdong bagay. Alien language. =____=

“Sht,” sabi ko. Ayokong magmura sa harap ng babae pero ang gulo niya kasi talaga, “i. won’t. go. to. that. party.”

Tapos tumayo na ako.

Kaya niya na sigurong sagutan yung reviewer na ginawa ko.

Nandun na kaya si Papa sa bahay? Mag uusap pa kami ni Kat eh. =____=

Chapter 12

Chapter 12

Haaaay.

(._.)

Rejected na agad ako. ///<  CRUSH KO SI DRAKE PALMA?? Oh noes!! This can’t be happening!!

Hmmm. OA ko talaga minsan! Crush lang naman di ba?? Si Sheen baby loves pa din ang number one sa puso ko!! Hihihi

Tumambay muna ako dito sa park since walang pasok ngayon dahil holiday.

sighs

Tingin lang ako sa mga batang naglalaro dun since wala naman akong masyadong childhood memories. (-_-) Ano naman kasi ang ka childhood childhood memory sa homeschooling?? Hello?? Eh halos nasa bahay lang ako nung bata ako. Huhuhu. /wrist. Buti na lang pumayag silang mag normal school na ako nung grade 6. Hihihi.

“Tahimik mo yata?” Tanong ni Sheen bigla nung umupo siya sa swing sa tabi ko.

O Ang cute ni Sheen pag naka smile O

“Alys?” alog alog “Alys?”

Nagising naman ako sa daydream ko, “ah eh, Helloes,” sabi ko na lang pang segue. Nakakahiya talaga ako minsan!! Halatang nagddrool ako sa kanya. (-_-) Hindi ko alam kung dense ba talaga ’tong si Sheen kaya hindi niya mapansin na patay na patay ako sa kanya o friendzone na talaga ako!! -/////-

Tinignan niya ako tapos ngumiti, “ah, hello din.”

Naku naman!! Na weirdohan na naman siya sa’kin >/////<

“Ah, ano nga pala ginagawa mo dito?” Pag iiba ko na lang ng topic. Pero mejo totoo din kasi hindi naman siya tiga dito sa subdivision namin eh. Weird.

“Wala lang, nakaka stress sa bahay eh,” sabi niya sabay tulak sa’kin sa swing. Eh. Kilikilig ako!!! Para kaming magboyfriend! Hihihi.

“Bakit naman?”

Mejo nagkamot pa siya ng batok, “si mama kasi tanong ng tanong kung ano yung kulay ng dress ni Kei sa AP para daw mabilhan niya na ako ng tie.. Eh hindi naman kami magpartner ni Kei. Haaaay,” tapos tinulak niya ako ulit sa swing.

Pareho pa pala kami ni Sheen ng problema, hindi kasi pumayag si Drake. R E J E C T E D ako. Huhuhu.

“Ikaw, Alys, may partner ka na ba?”

Umiling ako. Kulang na lang sumigaw ako ng change topic, ples?? Sensitive pa ako sa issue!! First time kong ma reject!! Sa ganda kong ’to??

“Tayo na lang kaya ang partners? Bestfriend naman kita di ba?” tanong niya sa’kin.

O______________________O

Nahampas ko siya sa sobrang gulat, “Talaga??”

Papa God, salamat po sa blessing na ito!! Ni reject man ako ng crush ko, inaya naman ako ng loves ko!! Bawing bawi eh!!

“Uh, bakit? Ayaw mo din ba akong kapartner?” sabi niya tapos mejo lumungkot yung itsura niya. ’Yang Kei talaga na iyan oh!! Nawawalan na tuloy ng self esteem ang loves ko dahil sa rejection at pagddump na ginawa niya kay Sheen. Kainis!

“Hindi ah!! Partners na tayo??” Sabi ko sa kanya, mejo nag lightened up naman yung mukha niya sa narinig niya.

Ngumiti siya, “sure. It’s a date?”

Ngumiti din ako, “it’s a date.”


No one’s Point of View

Palma Residence

Tito Steve: (^___^)

Katrina: (^__^)

Drake: (>_>)

Kasalukuyang nasa dining room at kumakain ng breakfast sina Tito Steve, Katrina at Drake. Agenda ng pag uusap nila? Birthday ni Katrina! Mejo ecstatic si Tito Steve sa pagpplano sa gagawin nilang ‘mag anak’ sa birthday ng fiance, ngayon lang kasi sila magccelebrate bilang isang ‘pamilya’ ulit since matagal na ding namatay ang nanay ni Drake. Kung anu ano na ang naiisip ni Steve. Si Katrina? Ayun, masaya! Ngayon lang din kasi siya ulit magccelebrate ng birthday since puro trabaho siya dati dahil nga mag isa na siya sa buhay. The idea of celebrating excites her bigtime! At si Drake? kruuuuu kruuuuu De, joke lang. Ayun, tahimik as usual. Na wweirduhan kasi siya sa mga sinasabi ng tatay niya. Tsaka kung papipiliin, mas gusto niyang sila na lang ni Katrina sa birthday nila.

“Punta na lang kaya tayo ng Japan? Friday naman ang August 17 di ba?” Tanong ni Tito Drake kay Katrina at Drake.

Ngumiti naman si Kat dahil first time niya lang din pupunta ng abroad kung sakali, “talaga? Sa Japan?”

Tumango lang si Tito Steve, napanganga sa ganda ng fiance niya, “oo. Ayaw mo ba sa Japan? Sa Singapore kaya? Basta dito lang sa Asia since weekends lang naman tayo pwedeng mawala.”

Isang mapang akit na ngiti ang binigay ni Katrina. Naman! Alam niyang ’yun ang kahinaan ni Steve kaya lagi niyang ginagamit. Sabi nga nila, if you have it, flaunt it!

So, napagdesisyunan nilang sa Japan nga sila magccelebrate ng 22nd birthday ni Katrina. Tahimik na naman si Drake. Sus! Ano bang magagawa niya? Wala nga siyang trabaho eh. kruuuuuuu

Habang kumakain sila, biglang may tumawag kay Tito Steve, “need to take this. Urgent daw eh.”

Umalis na nga si Tito Steve. As usual, business muna dahil malapit lapit na din ang kasal nila ni Kat. Gastos din yun! Hahaha! Mejo matipid na tao pa naman si Tito Steve, kay Katrina lang yan galante dahil nagsisisi siya na hindi niya nabigay yung lahat ng gusto nung dati niyang asawa nung nabubuhay pa ’to kahit pa may pera naman sila. Kaya todo bigay naman siya ngayon.

Drake’s piercing stare

Ngumiti lang si Kat kay Drake, alam niya kasi na nagseselos na naman si Drake sa tatay niya.

“Tss,” sabi ni Drake.

Hindi din naman sila makipag usap dahil may maids na nakakalat sa bahay. Mahirap na na mahuli sila, halos dalawang buwan na lang kaya bago yung kasal! Todo ingat si Kat dahil hindi siya papayag na hindi matuloy yung kasal, habang mas gusto naman ni Drake na mahuli sila para malaman na din ng tatay niya. Nakakapagod din kayang magpuyat palagi. Lagi siyang tulog sa klase, buti na lang alam na niya lahat ng tinuturo. (-_-)

Bumalik na si Tito Steve, “Drake?”

Tumingin naman si Drake sa tatay niya, hindi nagsasalita syempre!

“Uh, Acquaintance Party niyo pala sa birthday ni Kat?”

Tumango na lang siya. Ano naman kung AP nila nun? As if naman may gusto niya maka acquaint sa party na yun. Sus! Si Drake pa? Asa!

“Hindi ka pala makakasama sa’min ng Tita Kat mo.. Tsk. Sayang naman,” nanghihinayang na sabi ni Tito Steve. Akala niya pa naman makakapag bonding sila bilang pamilya! Tss. Akala niya lang yun. Hahaha!

Nagtataka naman si Drake kung bakit hindi siya makakasama, “bakit?”

“Party niyo eh. Alangan namang hayaan mo lang na walang escort ang girlfriend mo. Ang gandang bata pa naman ni Alys, bantayan mo at baka may umaligid dun,” sabi ni Tito Steve.

Alam niyo ba kung bakit nagkakaganun si Tito Steve? Hmmm. Balikan natin kung ano ang nangyari sa ‘business’ phone call na nakuha niya.

sa study area

‘Bakit kaya napatawag si Aya?’ sabi ni Tito Steve sa sarili. Bakit may number siya ni Aya? Partners in crime nga daw eh! Alam na!

Phone conversation:

Tito Steve: Ay—

Aya: Tito Steve!!!!!

Tito Steve: layo ng phone sa tenga Grabe ka naman makasigaw! Ano bang problema ng magaling kong anak ngayon?

Aya: ’Yang anak niyo!! Ni reject ba naman na maging partner si Alys!! Ang sama niya!!!

Tito Steve: Partner? Ano bang meron?

Hindi kasi nga alam ni Tito Steve. Sabihin na nating mejo secretive si Drake sa mga school activities niya.

Aya: Acquaintance party kaya namin sa August 17. Kawawa naman si Alys, for sure ibbully siya dahil hindi si Drake ang partner niya. Kalat pa naman sa school na sila!!

Tito Steve: Ganun ba? Tsk. Aalis pa naman kami sa 17.. Sayang naman..

Aya: gasp Tito Steve?? Really?? Hahayaan mong mapahiya si Alys? Mayurakan yung pagkatao niya?? Akala ko iba ka.. Katulad ka rin pala nila.. Walang puso, walang–

Tito Steve: Hahaha! Sobra ka namang magsalita. Ano bang gusto mong mangyari?

At sinabi nga ni Aya ang gusto niyang mangyari. At ang resulta? Isang bwisit na Drake Palma! Malalamangan na naman siya ng tatay niya. Tsk. Dalawang araw with Katrina sa Japan? Patay tayo jan!


Alys’ Point of View

calling..

Ayayayayayang Panget

(“yoboseo?”)

“Punta tayo sa mall?? Pretty please??”

Hihihi! Gusto kong bumili ng dress. Pumili na daw ako ng dress para masabi ko na kay Sheen. Excited din kasi yung mama niyang bumili ng coat and tie niya. :>

(“huh? Ang saya mo yata? Parang kahapon lang halos pakamatay ka na sa pambabasted ni Drake sa’yo ah?”)

“Whatever you say, Aya. Kapartner ko si Sheen my loves. Beat that!” Kahit tuksu tuksuhin pa ko ni Aya, i don’t care. Partner ko si loves! O

(“Ha? Si CB?”)

“Yup yup. Hihihi. Good things come to those who wait. Pagkatapos ng halos 3 years kong pagnanasa kay loves, finally, eto naaaaaa!!”

tooooot tooooot

“Hello? Aya? Aya??”

Bakit nawala? Kainis naman yung babae na yun!! Kung kailan kailangan ko ng she share-an ng kilig vibes eh!!


Aya’s Point of View

Psh. Panira talaga ’yang CB na yan!! Pagkatapos niya akong bigyan ng kilabot nung huling tutorial session (a.k.a. ipatong sa’kin ang coat niya dahil todo naman maka ac sa library) ngayon naman sisirain niya ang match making ko kay Drake at Alys? Kainis!

Kinuha ko nga yung phone ko.

To: CB

Hoy iyaking bata!

After ilang segundo

From: CB

blank message

BLANK MESSAGE??? K. OA lang ako.

To: CB

sino partner mo sa AP?

Syempre kunwari hindi ko alam na si Besh ang partner niya. Isipin nun stalker niya ko. Huh! Asa pa siya!

From: CB

Si Alys.

EH BAKIT BA ANG IKSI MAGREPLY NG CB NA YUN???? At bakit ako affected? K. OA moment.

To: CB

partner niya si Drake. Wag ka na.

After ilang minutes, hindi pa din siya nagrereply. Ang kapal ng mukha niyang paghintayin ako ng reply!!!

To: CB

WAG KA NA KAY ALYS!! SI DRAKE NA PARTNER NIYA!!!

From: CB

Ikaw partner ko?

nga nga


No one’s point of view

‘Haaaaay. Ang daming gagawin dito sa school. Ang hirap maging student council president.’ sabi ni Sheen sa sarili. Nandun na naman kasi siya sa school ngayong hapon kahit holiday. Biglaang meeting. Buti na lang pumayag na si Alys maging partner niya kaya mejo nabawasan na yung aalalahanin niya. Medyo hapit din kasi yung mama niyang bumili ng tie.

“May temple run ka sa phone?”  tanong nung isa niyang kasama sa student council, si Kent, vice president niya.

Tumango na lang siya, ang daming kailangang ipasang papers.

‘Haaaay. Kaya ako iniwan ni Kei eh, masyado kasing time consuming ang SC,’ sabi ni Sheen sa sarili.

Ngayon, todo type si Sheen ng papers, habang si Kent naman ay todo laro ng Temple run since napasa na niya yung paper niya. Ang bait niyang vice noh? Hahaha! Habang naglalaro, biglang nag vibrate yung phone ni Sheen. Ibibigay sana ni Kent kay Sheen yung phone kaya lang ay nagtaka naman siya sa nagregister na pangalan ng sender. Aya Pineda? Yung Aya na maganda na medyo weird?

Alam na! Pinagtripan ni Kent si Aya, medyo lang naman daw. Hahaha! Siya ang nagrereply kay Aya ng kung anu anong kalandian. Ang sarap lokohin ni Aya eh! Todo maka capslock!! Kung nakakamatay lang ang capslock, matagal na siyang namatay.

To: Aya Pineda

ikaw partner ko?

From: Aya Pineda

KAPAL PLEASE!!!!!!!

Natatawa naman mag isa si Kent sa pinag gagagawa niya. Buti na lang at concentrated si Sheen sa tina type niya kaya hindi niya napansin na binababoy na ni Kent ang phone niya.

To: Aya Pineda

bahala ka. Si Alys partner ko.

Hindi nagreply si Aya kaya naglaro na lang ulit siya ng Temple Run.

1 hour later

“Uwi na tayo,” sabi ni Sheen.

Natapos na din sila sa wakas!!

Umuwi na silang dalawa. Nung pagdating ni Sheen sa kwarto niya para magpalit sana ng damit,

O__________________O

Halos mabitawan na niya yung phone niya sa nabasa niya.

From: Aya Pineda

OO NA!! Ikaw na partner ko sa AP. Nyeta lang, CB!! BWISIT KA TO INFINITY AND BEYOND!!!!

Chapter 13

Chapter 13

Acquaintance Party Night

“You ready, baby?” tanong sa’kin ni mommy.

I nodded, “excited!!”

Natawa naman si Dad sa reaction ko. Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa? Kapartner ko ang loves ko! Beat that! :>

“Be back before 11?” sabi ni mommy.

“Eeh! Too early,” sabi ko kay daddy.

Niyakap ni daddy si mommy, “ang strict mo naman. Before midnight, baby?”

“The best ka, daddy!” sabi ko tapos kiniss ko siya sa cheeks.

Naghintay ako sa front porch habang hindi pa dumadating si loves u Haaay. Ano kaya yung itsura niya ngayon? Cute pa din kaya siya? Hihihi. Kinikilig ako!!

6:30 na ah.. 7 pa naman yung start ng party pero wala pa si Sheen. Nasan na kaya yun? Baka naman may nangyaring masama dun?? Aish!! Kinakabahan ako!! Tatawagan ko na nga.

calling..

Loves <3

Cannot be reached. Sheen naman eh!! Nasan ka na ba??


Aya’s Point of View

Yuck.

Ano ba naman ’tong pinasuot sa’kin ng nanay ko? Ano ko? Suman? Tch. Halos hindi na gumagalaw yung lungs ko sa sikip ng suot ko eh!! Pati pumps na 4 inches?? Ano bang akala ng nanay ko? Nakaupo lang ako at hindi maglalakad? Kainis!!

Kasalukuyang sinusubukan kong maglakad sa harap ng bahay namin ng bigla kong makita si CB.

(-_-)

Nagkamot siya ng batok, “panget ba?”

“Kailan ka ba naging gwapo?” tapos nilahad ko yung kamay ko, “cellphone?”

“Nasabi mo na kay Alys, di ba?”

Tumango na lang ako. Bahala na si Partner Steve mamaya :>

Mukhang nagtaka naman siya kung bakit ko hinihingi yung phone niya pero binigay niya pa din. Pinatay ko na yung phone. Mabuti naman kasi baka gusto niyang paiyakin ko siya bago kami magpunta sa AP kung hindi niya ibibigay!!

Naglakad kami papunta sa labas ng gate tapos, O_____________________O

Limousine??

Nakayuko siya tapos, “sorry talaga, Aya. Si mommy kasi eh.. Ayoko naman talagang mag Limousine eh. Siya lang may gusto eh. Sorry.”

Nakarecover ako after ilang minuto, sighs “ano pa nga ba ang magagawa ko? Ayan na eh.”

Maglalakad na ako papasok ng Limo ng unahan ako ni CB at pagbuksan ng pinto, “after you?” At bakit siya nakangiti???

“Tch,” sabi ko na lang. Pumasok na ako sa loob ng Limo pero nung makaupo na ako, bigla siyang nagsalita, “a-ang ganda mo ngayon, Aya.”

O_______________O

Bigla kong naisara yung pinto, “ow!”

Shet. Shet!! Naipit si CB!!

Nagtatalon siya sa sakit sa labas. Tch. Buti nga sa’yo. Puro kilabot kasi yung binibigay mo sa’kin.


Alys’ Point of View

7:15 na.. Wala pa din si Sheen.. Ano na kayang nangyari dun?

Naghintay lang ulit ako. Kilala ko si Sheen. Dadating yun. Siguro may emergency lang. Tama, may emergency lang! Hindi ako bibiguin ni Sheen.. Best friend ko yun eh..

Lumabas si daddy, “baby, wala pa ba si Sheen?”

Ngumiti ako, “traffic lang, dad. Paparating na po.” I lied.

“Sige, dun lang kami ng mommy mo sa dinning area, ha?”

Naghintay ulit ako. 8:00 na. Wala pa din si Sheen. Hindi na siguro siya dadating..

Tumayo na ako para pumasok sana sa loob ng, “oy.”


No one’s Point of View

Location: Palma Residence

“Kat, ready ka na?” tanong ni Tito Steve kay Katrina. Ngayon na din kasi ang flight nila papuntang Japan. 11 p.m. pa naman kaya maya maya na sila aalis papuntang airport.

Nung makitang okay na ang fiance, pumunta muna siya sa kwarto ng anak. 6:30 na pala. Dapat pumunta na si Drake kina Alys! Kung alam lang nila na nageemote na si Alys dun kakahintay. Hahaha!

Papasok na sana siya ng tumawag sa kanya si Aya,

Phone convo:

Aya: Hey, partner.

Tito Steve: Oh, napatawag ka?

Aya: Ready na ba si Drake? Hehe.

Tito Steve: napakamot sa ulo Hindi pa nga eh. Sabihin mo naman kay Alys na baka malate si Drake. Ang bagal kumilos ng batang ’yun eh.

Aya: Hindi, okay lang. Hahaha! Magpalate na lang si Drake para dramatic entrance :>

Tito Steve: sighs Oo na. Ang dami mong alam.

Binaba na ni Aya yung tawag. Sa totoo lang, nawweirduhan si Tito Steve kay Aya. Ang daming alam eh! Kung anu ano pinapagawa sa kanya. Natutuwa naman siya sa pinapagawa kaya lang nawweirduhan talaga siya minsan. Hahaha!

Kumatok siya sa kwarto ni Drake. At ang lalaki? Ayun, naglalaro ng wii. Aba’t!! Nageemo na at lahat si Alys, chillax lang si Drake. Hahaha!

“Drake?” tawag ni Tito Steve sa anak.

Lumingon lang si Drake, “bakit hindi ka panagbibihis?”

Tahimik lang si Drake. Naiinis pa din kasi siya na hindi siya makakasama sa Japan. Tch. Malalamangan na naman siya ng tatay niya.

“Hindi ka ba pupunta sa party?” tanong niya.

Tumango si Drake. Ayaw niya namang pumunta talaga dun. Wala naman siyang makakausap dun eh. Wala nga siyang kakilala dun maliban sa babaeng may speech defect at weird na babae.

Bumuntong hininga si Tito Steve, “ganito na lang. Pumunta ka dun tapos sumundo ka na lang sa Japan? 5 a.m. flight, okay ba?”

Napangiti si Drake sa narinig. Tumayo siya at kumuha ng suit sa walk in closet niya at nagbihis.

Bago umalis ng kwarto, tinignan ni Tito Steve yung relo niya, 7:15 pa lang, “uh, Drake, punta ka dun mga 8 ha? Sunduin mo si Alys. Pag hindi ka sumunod wag mo ng asahan yung ticket.”

Bumuntong hininga si Drake. Ano pa nga ba ang magagawa niya? 


Alys’ Point of View

O_____________________O

-______________________-

O_____________________O

Hindi ba ako nananaginip?? S-si Drake Palma ba talaga ang nasa harap ko??

Nung naglakad siya papunta sa’kin, “awww!!” Napaupo na naman ako. TT^TT Bakit ba kasi literal na my knees go weak, i can’t hardly speak ang drama ko pag anjan siya??

Lumapit siya sa akin at tinayo ako. May galos pa ako sa tuhod. Kainis!! 

Pinunasan niya yung galos ko tapos pinagpag yung ilang buhangin at tinutungan akong tumayo.

//////////////////<

“Sunod ka na lang,” sabi niya ng mahina tapos naglakad siya palabas ng gate. Namaligno ba ako?? Si Drake talaga yun??

Dahan dahan akong naglakad palabas. 

(-_-) Akala ko pa naman gentleman siya kahit ngayong gabi lang. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.

Tahimik lang kami papuntang school. Ano ba kasing pag uusapan namin??? Duh???

Naglakad kami papasok sa school.

Mukha ng mga tao nung makita kaming magkasama: O____________O

Shet!!! Oo nga pala, sabi ko sa kanila partner ko si Drake ngayon!!!

Huh! I’m so awesome!! :>

Nakita ko si Kei, “well, ang pogi ng partner ko noh?”

Chapter 14

Chapter 14

“Well, what can you say, Kei?” tanong ko with a smug look on my face.

Naman!! Minsan lang ako makakapagyabang kaya dapat sulitin ko na!! Wahaha!

“L-like i care. For all i know, baka pinilit mo lang si Drake sumama. You and your pathetic ways,” sabi ni Kei. Sus, punung puno ng ng hint of jealousy ang boses mo!! Hahaha! Ayaw pa kasing sabihin na i’m so awesome dahil si Drake ang partner ko :> Wahaha! Kahit pa halos patayin na ko ng mga fans ni Drake, i don’t care. Ako ang reyna ng gabi~

All smiles pa din ako nung papasok kami sa venue ng AP. Umalis na din si Kei kasama ng minions niya. Hahaha! Kaya feel na feel ko ang attention. Minsan lang ’tong spotlight kaya dapat sulitin!! 

“Next,” sabi nung photographer sa photowall.

(-_-) Pano ko kaya sasabihin kay Drake na kailangan naming magpapicture ng hindi ako tumitingin sa mata niya?? Baka kasi bigla na naman akong mapaupo sa sahig, mahirap na!! Kailangan ko na yata talagang ipa check up ang tuhod ko.

“Ah, Drake?”

Lumingon naman siya sa’kin. Good Lord, bakit po ganyan siyang makatingin?? TT^TT Para talagang laging tumutugtog sa backgroud ang and my knees go weak, i can’t hardly speak

Best solusyon, medyo tumingin ako sa balikat niya. Muntik na ngang sa dibdib niya ako mapatingin eh!! Baka naman kasi pagkamalan akong manyak pag ganun!! Bakit naman ba kasi obvious yung well-toned chest niya sa suit?? Napaka unfair na nun!! -//////////-

“Picture?” mahina kong sabi.

Hindi na siya nagsalita, well obviously kasi once a blue moon lang talga magsalita ang lalaki na ’to!!

Pumwesto na kami sa harap ng photowall, “closer,” sabi nung photog. Eh bakit napaka demanding na photographer naman nito??? Hindi ba niya naffeel ang sexual tension- i mean yung tension ko sa paglapit dito kay Drake???

Medyo lumapit ako ng one inch, “closer pa, Miss,” sabi nung photog.

Lapit ulit ng one inch, “closer pa,” sabi niya ulit.

Lumapit ulit ako ng another one inch. Lintek!! Three inches na yun ha!!!

Nagkamot ng ulo yung photog, “konting lapit pa, Miss.”

Lalapit pa sana ako ng one inch pero–

O__________________________O

Anyareh???

click

O_________________________O

What on earth??

T-totoo bang—

Inakbayan ako ni Drake sa picture?!?!


Aya’s Point of View

Kainis naman ’tong CB na ’to!! Iwan daw ba ako dito?? 

“Hey,” biglang may lumapit sa’kin na lalaki. Sino ba ’to? (-_-)

Hindi ko siya pinansin. Duh! Sabi ni mommy, don’t talk to strangers when your mouth is full. Kumakain kaya ako!!

Bigla siyang tumawa, “here,” tapos pinunasan niya yung gilid ng labi ko, “ang gulo mo naman kumain,” tapos pinupunasan niya pa din ako.

Tinignan ko siya ng masama. (>.>)

“Hindi ka man lang kinilig? Tch,” sabi niya. Adik ba ’tong lalaki na ’to???

“Sino ka ba?”

Ngumiti siya tapos kinuha yung kamay ko at hinalikan, “Kent Justin Valdez, at your service.”

(-_-) NANGANGAMOY PLAYBOY!!!

“Kakagaling ko lang sa cr,” sabi ko habang nakahawak pa din siya sa kamay ko.

Tumawa naman siya, “hahaha! Ang saya mo pala kausap,” sabi niya. Ano masaya sa sinabi ko?? Baliw. “Kanina pa kita tinitignan, hindi ka naman umaalis sa upuan mo eh.”

“Stalker ka????”

Umiling siya, “admirer. Gwapo ako eh.”

Aya- (>.>)   (^__^) - Kent

“Kapal ng mukha mo. Alis na nga dito,” sabi ko sa kanya. Napakakapal ng mukha ng unggoy na ’to!! Sino nga ba ulit ’to?? Leshe!! Si CB talaga may kasalanan nito eh!! Bakit niya ba kasi ako iniwan??? Nilapitan tuloy ako ng unggoy na ’to!!


Alys’ Point of View

Tulala pa din ako pagpasok ng venue. (o) Hindi ako makapaniwala!! Akala ko talaga allergic siya sa babae eh!! Pero bakit niya ako inakbayan???

Nung papasok ako, nakasalubong ko si Sheen.

(-_-) Naiinis ako sa kanya. Hindi niya ako sinipot. P A A S A siya!

“Alys?”

lakad lakad lakad

“Alys, uy,” sabi niya. Nagpout siya, “bakit hindi mo ako pinapansin?”

Tinignan ko siya ng masama (medyo nahirapan ako kasi ang cute niya talaga O ), “eh kasi hindi mo ako sinipot. Paasa ka!!!”

Nagtaka naman siya sa sinabi ko, “huh? Sabi niya Aya, sasabihin niya sa’yo eh. Sabi niya si Drake daw ang partner mo kaya kami na lang..”

O________________O

Talagang yang Aya Pineda na yan ha!! Tinutuloy niya pa din ang match making niya sa amin ni Drake. Grrrr. Hindi ba niya alam na si Sheen my loves ang number one sa puso ko?? Hindi pa ba yun obvious sa dami ng pictures niya sa kwarto ko??? Tsaka isa pa, akala ko pa naman sinundo talaga ako ni Drake, muntik na akong kiligin eh. (-_-)

“Kahit na. Wala kang kwentang best friend, Sheen. Break na tayo (-_-)”

Ngumiti naman si Sheen tapos kinurot yung pisngi ko O//////o “yan ang hinding hindi mangyayari, Alys. Kaya nga kita best friend eh, kasi hindi tayo pwedeng magbreak. Forever mo na akong makakasama kaya magtiis ka.”

-/////////-

F R I E N D Z O N E D

“Sige, may aayusin pa ako sa backstage eh. Save a dance for me,” sabi niya sabay alis papuntang backstage.

Huhuhu. Ang hirap maging best friend. Bakit ba kasi pumayag akong maging best friend ni Sheen?? Dapat medyo naghintay muna ako para girlfriend agad eh!! Bakit ba kasi naging classmates sila ni Kei last year?? Naunahan tuloy ako!!

“Oy,” napatingin ako sa gilid ko.

“Leshe ka,” sabi ko sabay irap. Etong Aya na to oh!! Kung hindi ko lang to best friend malamang inisip ko na na may gusto siya kay loves kaya grabe na lang kung ipagtulakan ako kay Drake!! Kulang na nga lang itali niya ako sa gilid ni Drake eh!!! 

“Hehehe, besh naman,” sabi niya tapos niyakap niya ako, “kumain ka na ba? Ang sarap nung main dish. Kain tayo??”

Umiling ako, “hindi pa eh.”

“Eh nasan nga pala yung date mo?”

Ay oo nga pala!! Nasan na kaya yung pipi kong kasama??

(>.>)

(<.<)

(O________________O)

Hala ka!! Pinagkakaguluhan si Drake dun!! Oh noes!!!!

Tumakbo ako papunta sa table namin, leshe! Ang hirap tumakbo ng naka heels ha!! Si mommy naman kasi eh, hindi naman ako model pero lagi akong ginagawang barbie (-_-)

“Dance with me?” -girl1

“Kumain ka na? Sabay tayo,” -girl2

“Dessert, Drake. You like?” -girl 3

At iba ibang pick up lines mula sa ibang babae. t(-_-t) Oh please, nakakahiya sila. Hindi ba nila napapansin na hindi sila pinapansin ni Drake??? D to the U to the H. DUH!! Ako nga na self proclaimed girlfriend, once in a blue moon pansinin eh!! Sila pa kaya na ni hindi alam ni Drake ang existence?? Oh please.

“Excuse me!!” sabi ko, tingin naman silang lahat sa akin, “date ko po siya.”

Marking my territory, bebe!! Sabi ni daddy ganyan daw dapat para hindi makuha. Mwahaha!

Inirapan lang ako nung mga babae. Sundutin ko kaya yung mata nila???

“Drake!! Di ba date mo ako????”

“Tss,” sabi niya.

Tumawa naman yung mga babae. Walanjo na Drake Palma na ito!! Ipahiya daw ba ako? -////-

Umalis na ako

lakad

lakad

lakad

sakit sa paa.. sakit sa puso..


Eydee’s Point of View (aka Third person’s point of view u)

  • I don’t know what it is that you’ve done to me… but it’s caused me to act in such a crazy way. Whatever it is that you do when you do what you’re doing…

it’s a feeling that I want to stay-

Nagulat si Alys ng bigla siyang hatakin ni Drake papunta sa gitna ng dance floor. At mas lalo siyang nagulat nung ilagay ni Drake yung kamay niya sa balikat niya at nilagay naman nito ang kamay sa bewang niya. Anyareh daw?!!!

“Uh, Drake,” nahihiyang tanong ni Alys. D to the U to the H, DUH!! First dance niya ito noh!! Di ba nga nasabi na ni Alys na medyo aloof siya kaya wala siyang masyadong friends? At talagang sinisi niya iyon sa singkit niyang mata. Wahaha!

-’Cause my heart starts beating triple time, with thoughts of loving you on my mind. I can’t figure out just what to do when the cause and cure is you.-

“Ssh,” sabi ni Drake.

Ang totoo niyan, kaya inaya ni Drake si Alys (or more of hinatak ni Drake na sumayaw si Alys) ay dahil ang ingay nung mga babae sa table. Kanina pa siya kinakausap. Eh ni hindi nga niya kilala yung mga babae na yun kaya naiinis siya! Ayaw pa naman niya sa lahat yung mga babae na feeling close.. Well exception na yung babaeng may speech defect (si Alys) at babaeng weird  (si Aya) kasi kilala na naman yung dalawa na yun ng dad niya at ni Kat. Pero ewan pa din! Si Alys lang talaga yung babae na pinapayagan ni Drake na pestehin siya (hindi man halata). Aba, honor na yun ha!! Walang ibang tao na close kay Drake maliban kay Kat, ganun siya ka introvert! Kaya honor na na nakakausap ni Alys si Drake ^U^

-I get so weak in the knees I can hardly speak. I lose all control and something takes over me. In a daze, your love’s so amazing, it’s not a phase. I want you to stay with me, by my side. I swallow my pride, your love is so sweet. It knocks me right off of my feet. I can’t explain why your loving makes me weak.-

Natahimik naman si Alys.. kinikilig kasi siya. D to the U to the H, DUH! Ikaw kaya ang makasayaw ang crush mo, hindi ka ba kikiligin??

“Ah, eh, nakatingin yung mga tao sa’tin oh,” sabi ni Alys. Nakatingin kasi yung mga babae sa kanila. Death glares _ galing sa groupies ni Drake.

“Don’t mind them,” sabi ni Drake. Three words yun, dudes!! Anyareh!! Longest phrase na sinabi niya ngayong gabi!!

“Pero—”

-It’s Time after time after time I’ve tried to fight it. But your love is strong it keeps on holding on. Resistance is down when you’re around, starts fading. In my condition I don’t want to be alone.- 

Sasabat pa sana si Alys pero.. tameme siya!!

NIYAKAP KASI SIYA NI DRAKE!! AS IN YUNG PARANG SA MGA MOVIES!! YUNG MAGKAYAKAP YUNG LEADING MAN AT LEADING LADY HABANG NAGSASAYAW!! Sorry kung all caps, intense kasi!! Naffeel na nga ni Alys yung heartbeat ni Drake!!

-I get so weak in the knees I can hardly speak. I lose all control and something takes over me. In a daze, your love’s so amazing, it’s not a phase. I want you to stay with me, by my side. I swallow my pride, your love is so sweet. It knocks me right off of my feet. I can’t explain why your loving makes me weak.-

“Uh, pwedeng magtanong?” sabi ni Alys. Medyo nakalimutan na niya na ang daming mata na nakatingin sa kanila. Eto na yata yung parang sa kanta na you make me feel like i’m the only girl in the world~

Naramdaman na lang ni Alys na nagshrug si Drake. Well, according sa How to decipher Drake Palma 101, ibig sabihin na yun ay yes ^____^

“Uh, bakit mo ako sinayaw?”

Nagshrug ulit si Drake, “those girls are annoying,” sabi niya.

“So, hindi ako annoying???” natutuwa na tanong ni Alys. Kung pumunta si Drake sa kanya, ibig sabihin hindi siya annoying?? Yes!!

“You’re annoying.. but that’s fine.”

Hindi alam ni Alys pero.. kinilig siya sa sinabi ni Drake. Patay tayo jan! ‘You’re annoying but that’s fine’ pa lang ang sinabi ni Drake, kilig na kilig na siya! Pano pa kaya yung i love you, di ba?? Pero naisip niya.. hindi, hindi. May Tita Katrina yan eh. Asa pa siya, di ba??

Natapos yung buong kanta na magkayakap sila. Medyo nawala na sa hype si Alys nung naalala niya si Tita Kat.. Crush niya lang si Drake. Period. May tita Katrina sa picture. End of story.


Alys’ Point of View

Woooh! Nakaalis na din ako! Leshe na Drake yan ha!! Lakas magpakilig eh!!

Pumunta muna ako sa buffet table para kumuha ng drinks. Pinagpapawisan ako!! Weird. Naka tube dress naman ako pero kung mainitan ako akala mo naman naka scuba diving attire ako!!

Nakita ako ni loves kaya lumapit siya sa akin, “Alys,” ^___^

“Tss. Wag ka nga, Sheen. Dun ka na sa stage, palibasa president ka kaya tine take for granted mo na ako..” kunwari nagtatampo ako. Hihihi. Bilis na loves, suyuin mo na ako!!

“Hindi kaya! Ikaw nga jan eh, halos magkapalit na kayo ni Drake ng mukha.. Pinalitan mo na yata ako eh..”

O/////////////O

Oh noes!! Nagseselos si Sheen my loves?? sabog confetti

Pinalo ko siya yung malandi effect sa braso, “asa ka! Hindi ah! Mapapanisan ako ng laway sa lalaki na yun eh!!”

Biglang tumugtog yung isa pang kanta, “shall we dance?”

Ngiting ngiti ako. Eep!! Kilig evers, “sure.”

-I’ve known you for so long, You are a friend of mine, But is this all we’d ever be? I’ve loved you ever since, You are a friend of mine. And babe is this all we ever could be?-

Hindi nga, bakit ganyan yung kanta?? Nananadya ba?? -////-

“Alys, may itatanong ako sa’yo..” seryosong sabi ni Sheen. Bakit kinakabahan ako?? “sa tingin mo ba dapat na ko pang habulin si Kei?”

 -You tell me things I’ve never known. I shown you love you’ve never shown. But then again, when you cry. I’m always at your side-

Napatahimik naman ako sa tanong niya.. Ano ba yung dapat kong sabihin? Na wag na kasi hindi naman siya deserve ni Kei? Na lagi lang naman siyang nasasaktan? Na nandito naman ako? O kaya naman o okasi mahal niya? Kasi kahit na nahihirapan siya, at the end of the day, masaya pa din siya kasi kaya siyang pasayahin ni Kei?? Kaya minsan gusto ko na lang na kalimutan na best friend ako ni Sheen eh.. Ang hirap din kasi..

Ngumiti ako, “mahal mo ba?”

Ngumiti siya, “oo naman. Sobra.”

Niyakap ko siya, ayoko kasing makita niya na naiiyak ako. Ang sakit din kasi. Kahit na lagi akong masaya sa harap niya, wala eh. Gusto ko talaga si Sheen.. Siya yung unang kumausap sa akin nung nagtransfer ako sa St. Claire’s. Wala kasi akong kakilala dahil nag homeschooling ako kaya sobrang tine treasure ko yung meron kami. Mahalaga sa akin si Sheen. Sobra sobra. Kaya hindi na mahalaga yung gusto ko, basta ba magiging masaya siya..

-You tell me ’bout the love you’ve had I listen very eagerly But deep inside you’ll never see This feeling of emptiness It makes me feel sad. But then again I’m glad-

“Eh di go lang, best friend. Fight for her,” sabi ko. Sana hindi halata na naiiyak ako, “cr muna ako. Kanina pa ako umiinom eh.”

Dali dali akong pumunta sa cr. Tama nga sila, traydor ang luha. Bigla na lang pumapatak kahit hindi ko gusto..


Eydee’s Point of View

Dahil umalis nga si Alys at pumunta sa buffet table para kumuha ng inumin, naiwan mag isa sa table si Drake..

Drake (>_>)

Nafeel ni Drake na pupunta na naman sa kanya yung mga babae kaya inunahan na niya. Umalis siya sa table. 

‘Ang tagal naman mag 5 a.m.’ sabi ni Drake sa sarili. Pano ba naman, 11 p.m pa lang, eh 1 a.m. pa siya susunduin ng driver nila. Wag na wag daw siyang uuwi ng maaga sabi ni Tito Steve, kung hindi, goodbye Japan siya.

So yun nga, naglakad lakad lang muna si Drake, dun sa wala masyadong tao. Ayaw niya kasi ng attention, attention ni Katrina, pwede pa. Chos. Hahaha!

Naglalakad siya sa hallway ng may marinig siya,

“Who the heck is that Alys Perez?!!” -girl 1

“Like i don’t know, girl! She’s so ahas!! She danced with Drake then now with Sheen!! She’s so effin’ nakakainis!!” -girl 2

“OMG!! With Drake?!!” -girl 3

“Like yes, girl! They even hugged in public. The nerve!!” -girl 1

Napa buntong hininga na lang si Drake. Chismosa- pangalawang ayaw niya sa babae. Get your facts straight before jumping tro conclusion- paniniwala niya. Haaay. Kaya hindi siya masyadong nalapit sa mga babae, issue kasi agad.

“That girl!! I have something i mind, girl!!” -girl 3

“What??” -girl 2

“Let’s make kulong kulong her sa stock room. She deserves it because she’s so malands!!” -girl 3

“Sounds fun, girl! I’m in that!!” -girl 1

Umalis si Drake. Hindi niya alam kung papansinin niya yung mga sinabi nung mga babae. Girls complicate everything nga naman..

Chapter 15

Chapter 15

Aya’s Point of View

Leshe!!!

Nakakinis talaga ’tong kutong lupa na ’to ha!! Kanina pa ako sinusundan! Kainis! At ang kapal lang talaga ng mukha niya para landiin ako sa harap ko! Grabe sa kakapalan ng mukha ang Kent Justin Valdez na ’to. Hindi ko maarok!!

“Bee, bakit ganyan ang mukha mo?” tanong niya sa akin habang nakapatong yung ulo niya sa table at yung mata niya nakatingin sa akin. Akala niya siguro cute siya tignan. Please lang, mahabag. (-_-)

“Wag ka nga! Hindi ako si Bee, ako si Aya,” sabi ko. Halata naman na hindi na ako sumisigaw, di ba?? Hindi na kaya ng powers ko! For the past hour, kanina ko pa siya sinisigawan. Hindi na keri ng vocal prowess ko. Baka mapaos ako ng wala sa oras dahil sa kutong lupa na ito.

“Ikaw nga si Bee.. cos i’m your honey..”

O________________O

“YUNG TOTOO, ANO’NG PROBLEMA MO?” tanong ko ng pasigaw. Oh, good Lord!! Ano bang nagawa ko nung nakaraang buhay ko para parusahan niyo ako ng ganito??

Tumawa naman siya, “chill lang, Aya babes. Magkka wrinkles ka ng wala sa oras eh,” sabi niya.

Napa sign of the cross ako sa harap niya.

“Hahaha! Grabe ka naman kung makapag sign of the cross, Bee. Hindi naman ako engkanto,” sabi niya tapos nag pout.

Oh Lord, patigilin mo po siyang mag pout, please!!


Eydee’s Point of View

“Pupuntahan ko lang si Kei. Wish me luck, Alys!” sabi ni Sheen kay Alys habang naglalakad siya papunta kay Kei.

Nagmukmok naman si Alys sa garden ng school nila. Ano nga bang gagawin niya eh balak tanungin ni Sheen ngayon si Kei kung papayag ba siyang maging sila ulit.

Minsan nakakainis ding maging best friend.. lalo na kung gusto mo yung best friend mo. Bakit? Kasi mataas ang expectation niya sa’yo kasi nga best friend ka niya. Pag kaibigan lang wala namang expectations, pero pag best friend ka? Dapat gusto mo yung the best for him.. kahit ikaw yung masasaktan. Siguro dapat tawagin ding martyr sila kasi mahirap magpanggap na masaya ka kahit sa totoo lang, gustung gusto mo ng umiyak.

At iyan ang nararamdaman ni Alys habang tinitignan niyang lumalapit si Sheen kay Kei.. Ang sakit eh.. Tagos.

-Sheen and Kei-

“Kei?” tawag ni Sheen kay Kei.

Balak niyang makipagbalikan ngayon. Sayang naman kasi, mag aaniversary na sila next month kung hindi lang sila nagbreak last month. Ang tagal din nila, ang daming pinagsamahan. Sayang kung masasayang lang basta basta. At saka mahal niya talaga si Kei eh..

Lumingon naman si Kei, kausap niya kasi yung mga kaibigan niya, “what?” mataray na sagot niya.

“Can we talk?”

“About what?” naiirita na si Kei dahil lagi na lang nakikipag balikan sa kanya si Sheen. Tapos na sila. Over. Gusto naman niya talaga si Sheen. Aabot ba sila ng almost a year kung hindi? Ang lagay lang, nagsasawa na siya. Sabihin niyo ng masama siya pero ganun talaga, madali siyang magsawa. Kahit sa damit, sa kanta, sa gadgets, o kahit pa sa boyfriend madali siyang ma bore. Ganun lang din ang nangyari kay Sheen. No more, no less.

“About us,” sabi ni Sheen habang nakatingin sa mata niya.

Bumuntong hininga si Kei, “fine. Meet me at the pavillion,” sabi niya.

Umalis si Sheen ng masaya kasi umaasa siya na magiging sila ulit. Mahal niya talaga si Kei at gagawin niya lahat para pasayahin ’to.

“Sheen..” sabi ni Kei.

Lumingon si Sheen, “isang chance pa, Kei. I won’t screw it up again. Please..”

Ang buong akala ni Sheen kaya sila nagbreak ay dahil priority niya ang SC.. na siya ang dahilan. Pero hindi naman iyon ang totoo.

Pinigilan ni Kei na tignan si Sheen. Mabait naman talaga si Kei, napagkakamalan lang na bully dahil nga sa stereotyping na pag member ka ng cheerleading team, brat ka agad, masama agad ugali mo. Hindi naman kasi ganun lahat eh. Kainis lang talaga ang mga tao sa St. Claire’s.

“Sheen, i know it may sound cliche but.. it’s not you, it’s me.”

Pinipigilan ni Sheen na maiyak, “one more chance, Kei. Mahal kita eh..”

Lumapit naman si Kei kay Sheen at hinawakan ang mukha nito, “we’re over, Sheen. You’re a great guy, for sure makakahanap ka din ng iba.. but not me. I’m not the one for you.”

Hinawakan naman ni Sheen yung kamay ni Kei, “ikaw lang ang gusto ko, Kei.”

Ngumiti lang si Kei, “i want someone else.. i’m sorry, Sheen. If you really love me, please move on. You deserve better.”

“Gusto mo ba talaga si Drake?”

Tumango si Kei.

Niyakap naman ni Sheen si Kei, “i love you, Kei.. tandaan mo yan. I’ll do everything to make you happy”


Alys’ Point of View

“Like hey,” girl1

Napatingin naman ako sa mga babae sa harap ko. Yung like girls pala.

“Bakit?”

“Like there’s someone finding you,” girl2

Nagtaka naman siya, “sino daw?”

Inirapan naman ako nung mga babae. Tch. Bimwhores (bimbo whores)

“Like do we look like we care? Just be thankful that we even helped him! Like looking at your ugly face is so like a torture!!” girl1

“Like yes!” girl2

Napabuntong hininga na lang ako. Living the legacy nga naman. Talagang lahat ng sentence na lalabas sa bibig nila ay nagsisimuka sa like. Tch.

“Like he gave us this,” sabi nung babae tapos parang diring diring inabot sa akin yun papel.

Eh kung isaksak ko kaya sa lungs nila ang mga lotion sa bahay namin!!! For their information, nagpapa body scrub ako every month!!! Ang kapal nila ha!! Kung hindi lang naubos sa pageemote kay Sheen ang energy ko malaman sinipa ko na sila!!

“Like thank you,” sabi ko, mimicking their accent.

Inirapan naman nila ako. Bimwhores.

Tinignan ko yung papel.

-Like meet me inside the stock room. Like something urgent.

ps,

like i am your secret admirer-

Hmm. Pupunta ba ako?? Para ang fishy naman ng sulat na to!! Like so fishy!! Ayy ano ba yan! Bakit nagagaya na ako sa like girls na yun!! Kaasar!

Naglakad na ako papunta sa stock room dahil ayaw ko na din namang magtagal dun sa venue. Hindi bagay sa akin maging emo. -_- Ang ganda ko lang.. at sayang ang dress!!

“Hello?”

Pumasok ako sa stock room. Bakit parang walang tao??

“May tao ba dito?”

blaaaaaaaaaaaag

Waaaaaaaaaaaah!!!!!!!! Ang dilim!! Bakit nagsara yung pinto??

Lakad lakad

OMG!! Naka lock yung pinto!!

<(“O___O”)>

What to do????


Eydee’s Point of View

Tumingin si Drake sa relo niya, 12:00 a.m. na. Konting hintay na lang at makakaalis na siya. Pero bakit hindi siya mapakali? Hmmm. Hinahanap niya kasi si Alys! Hahaha! Akala niyo naman napaka walang puso na lalaki ni Drake, hindi naman! Marunong din naman siyang mag alala kahit pano.

Dahil sa narinig niya kanina, naglakad lakad siya sa venue para hanapin si Alys, yung babaeng weird kung siya ang tatanungin mo. Dahil wala sa venue, lumabas siya para dun naman maghanap nang makarating siya sa pavillion at nakita si Sheen at Kei.

Hindi naman talaga usisero si Drake pero hindi din naman niya kayang i force shut down yung tenga niya para walang marinig. Hahaha!

“..I love you, Kei. Tandaan mo yan. I’ll do everything to make you happy,” sabi ni Sheen.

Nagsmirk lang si Drake. Yeah right, everything. Sabagay, pareho lang din siguro sila ng sitwasyon, ano nga ba yung ginagawa niya kay Katrina? Di ba ginagawa niya rin lahat ng yun kasi gusto niyang sumaya si Katrina.. kahit ang hirap hirap tinitiis niya pa din. Tch. Malayong malayo sa totoong Drake. Lakas lang talaga ng kamandag ni Katrina.

“You’ll make me happy?” tanong naman ni Kei.

Tumango lang si Sheen.

“Then can you ask Alys to stay away from Drake?” 

Hindi makasagot si Sheen. Ayaw niya na kasing idamay si Alys. Ang gulo lang kasi! Bakit ba kasi dumating pa si Drake Palma sa buhay nilang lahat?! Ayos na sila eh!

Kahit ayaw niya.. napilitan siyang umoo. ‘Bahala na,’ sabi niya sa sarili niya.

Meanwhile, si Drake naman ay.. 

(-_-)

B O R E D as usual.

Tinignan niya yung dalawang taong magkayakap at nag smirk. Narinig niya kasi yung pangako ni Sheen kay Kei na palalayuin si Alys sa kanya. Sana nga daw lumayo na si Alys sa kanya, nawalan kasi siya ng tinatawag na silence at solitude simula ng makilala niya si Alys. Hahaha!

Naglakad lakad siya hanggang makarating siya sa stock room at may nabasa siyang note,

-Like don’t open the door. Like there’s monster inside. Like thank you for reading.-

Binuksan niya agad yung pinto pagkabasa niya ng note.

Ang dilim sa loob ng stock room kaya pumasok siya loob ng biglang..

blaaaaaaaaag

Sumara yung pinto ng stock room!! Sira kasi yung pinto, dapat may harang para huwag sumara. Eh since hindi naman alam ni Drake yun kaya binitawan niya. At ayun nga, kulong silang dalawa ni Alys. Alam na.

“..nanjan na si mama, si papa, si kuya. Nanjan din si lola, si lolo, si ate..”

Kumakanta si Alys ng ganun. Hahaha! Imagine-in niyo na lang ang nararamdaman ni Drake! Ang dilim na nga tapos makakarinig ka ng ganung tunog? Hahaha! Nakakatakot pa naman ang pagkakakanta ni Alys.

Medyo kinakabahan na si Drake pero hindi niya pinahalata. Cool lang dapat. Naglakad lakad siya sa storage room ng may bigla siyang maapakan, “arayyyyyyyyyy!!”

Napalingon naman siya sa likod niya dahil may sumigaw. Naapakan niya yung kamay ni Alys!!

At dahil sobrang dilim, as in wala talaga silang makita, napaluhod si Drake para sana tignan yung kamay ni Alys kung may nabaling buto o something pero…

o//////////////O

“Bakit mo hinawakan yung boobs ko?!!!”

Chapter 16

Chapter 16

Alys’ Point of View

-/////-

Wala na..

Wala na..

Wala na ang pagkababaeng iningatan ko sa loob ng 17 years!! Waaah! Nilapastangan ang pagkababae ko, ang pagkatao ko!!

“Waaah!!” pinagpapalo ko kung sinuman ang kasama ko ngayon.

Leshe!! Nakakainis! Nakulong na nga ako at lahat dito, tapos bigla pang may susulpot na kung sinuman ’to at mahahawakan ang boobs ko??! Ano ba namang gabi ’to! Puno ng kamalasan!!

“Aish,” narinig kong nagsalita yung kasama ko. Tunog lalaki. Lalaki ang kasama ko!! Waaah! Na devirginized ako!! Huhuhu.

“S-sino ka ba?” tanong ko. Sino ba ’tong kasama ko?? Kailangan ko man lang malaman kung sino ang sasabihin ko pag tinanong kung sino ang first time ko. Waaah! Ano ba ’tong naiisip ko!! Nahawakan niya lang yung– waaaah!! Ayokong isipin!! Daddy!!

“Tsk,” narinig kong sabi niya tapos naupo yata siya sa medyo tabi ko, naramdaman ko kasi.

poke poke

“Uy, sino ka nga??” ang kulit kulit ko. Sorry naman kasi halos mag iisang oras na yata ako dito sa stock room na ’to! Kainis talaga yang Like Girls na yan!! At bakit naman kasi tatanga tanga ako at napasok ako sa loob nito? Kaasar!!

“I’m.. whatever.”

Sinundot sundot ko siya sa gilid, “siguro ikaw yung pinakapanget sa St. Claire’s High kaya ayaw mo magpakilala noh?? Sus! Okay lang yan! Mas okay na na panget ka kaysa kaugali mo si Drake Palma!!”

Haaay. Naiinis pa din ako sa nangyari sa gabi na ’to.. Kamusta na kaya si Sheen? Okay na kaya sila ni Kei? Sila na kaya ulit?? Back to square one na naman ba ako?? Kasalanan talaga ’to nung Drake Palma na yan!! Grrr!! Kung bakit ba siya napunta sa St. Claire’s eh!! Nagulo tuloy ang buhay namin!

“Sino ka nga, dali?? I won’t judge, pinky swear!!”

Sino nga ba kasi ’tong si katabi ko?? Kinalimutan ko na nga yung nangyari kanina eh. Kahit na.. huhuhu. Nakakahiya.

“I’m.. Neil. Yeah, Neil,” sabi niya.

Hmmm. May ka batchmate ba ako na Neil?? Ay, ewan! Like hindi ko naman talaga kilala lahat ng batchmate ko, like, di ba? Hahaha! Like girls, yo!

“Hi, Neil! Ako nga pala si Alys!” sabi ko tapos inextend ko yung kamay ko para makipagshake hands.

O////////o

“Waaaaaah!!!” hinampas hampas ko ulit siya dahil hinawakan niya na naman yung boobs ko!! Strike two na siya!! Nakakadami na siya!!! Waaaaah!!!

“Wait! Bakit mo ba ako pinapalo??” tanong niya sa akin.

“Kasi—” waaaah!! Pinagpapalo palo ko ulit siya!! “ Kasi hinawakan mo yung!!“

“Huh? What did i touch? Didn’t feel anything. Did i touch the wall?”

-/////-

“Walangya ka!! Bastos, manyak, pedopilya, magnanakaw, sinungaling, forger!! Ipagkakalat ko na ganun ka, Neil whatever yung last name is!! Walangya ka!!”

“Tss,” narinig ko na naman siyang magsalita, “so noisy.”

-_-

Leshe! Bakit ba nakulong ako dito?? Buhay nga naman oh.. so hard!!

Tumayo ako para gumapang papunta sa pinto. Sobrang dilim kasi. Wala akong makita. Huhuhu.

“Don’t bother to open, it’s locked,” sabi niya na parang cool na cool lang.

“Fine. Tsk,” nakigaya na din ako sa tsk, tsk niya.

“Ano’ng oras na kaya?”

Haaay. Sabi ko uuwi ako by 1 a.m. eh.


Eydee’s Point of View

“Sht,” napamura si Drake.

Naalala niya yung trip with Kat sa Japan! Patay tayo jan! Ala una na! Ibig sabihin nun.. goodbye, Katrina, hello, Alys!

Sa totoo lang, alam ni Drake na si Alys ang kasama niya, si Alys lang talaga ang napaka slow para hindi magets yun. Sa Tss pa lang, Drake Palmang Drake Palma na, di ba?? At isa pa, alam din ni Drake na boobs ni Alys yung nahawakan niya. Pero aksidente lang daw yun, promise! Hahaha! Trip niya lang asarin si Alys kanina. Ewan. Na split personality na si Drake.

“Bakit?” napatanong si Alys kay Drake na Neil daw na whatever.

Hindi na nagsalita si Drake. Na badtrip na kasi siya. No more Katrina this weekend.

Ang tahimik sa storage room pero rinig mo pa din yung background music mula sa venue ng Acquaintance Party. Huhuhu.

-How did I get here? I turned around and there you were I didn’t think twice Or rationalize cause somehow I knew That there was more than just chemistry I mean I knew you were kinda of in to meBut I figured it’s too good to be true..-

“Pwede kang tanungin?” tanong ni Alys. Nakaka ilang minutes na din kasi simula nung tumahimik si Drake. Iba talaga ’tong mabadtrip! Intense eh!

Hindi naimik si Drake. Sabagay, kailan ba naimik ’to??

“Neil..”

-I said pinch me Where’s the catch this time Can’t find a single cloud in the sky Help me before I get used to this guy-

Narealize ni Drake na hindi nga pala alam ni Alys na siya si Drake. At dahil bored siya.. Paglalaruan niya si Alys. Yeah. Ganito si Drake bago niya nakilala si Katrina, bully. Hindi siya playboy since ayaw niya naman talaga sa babae. Gusto niya yung babaeng.. taken. Dahil bored na bored siya sa academics (alam niya na kasi lahat), dun niya binabaling ang attention niya. Feeding his ego. Wala lang, challenge para sa kanya pag pinapansin siya ng babaeng taken. It’s a guy’s thing, hindi maiintindihan ng mga babae. Pero tignan mo naman si Drake ngayon.. upgrading ang challenge! Hindi na basta taken, yung ikakasal pa! Hahaha! Katrina nga naman, ang lakas!

“Oh?”

“Pwedeng magtanong?” tanong ni Alys. Haay. Kawawang Alys, ni hindi niya alam na si Drake ang kasama niya ngayon. Ewan ba, tanga yata talaga ’to. Halata naman sa boses, hindi pa niya malaman. Kakaibang Perez eh, sinalo yata lahat ng defective recessive genes ng magulang niya!

“Nagtatanong ka na, di ba?”

“Tss. Sunget,” sabi ni Alys, “di ba, lalaki ka?”

Gusto kasi ni Alys ng sagot from a guy’s perspective.. yung about sa kanila ni Sheen. As you can see, bothered pa din siya kay Sheen. Tsk. Kawawang Alys, broken na nga, pagttrip-an pa ni Drake.

“Gusto mong patunayan ko?”

 -They say that good things take time But really great things happen in a blink of an eye Thought the chances to meet somebody like you were a million to one I cannot believe it You’re one in a million All this time I was looking for love Trying to make things work They weren’t good enough tilI thought I’m through Said I’m doneand stumbled into the arms of the one-

Napaatras naman si Alys sa sinasandalan niya! Grabe naman si Neil, naisip niya!

“Tss,” sabi ni Drake, “you’re not worth it. Asa ka pa.”

Napahiya naman si Alys sa narinig niya. Below the belt yun!! Ang ganda niya kaya!!

“Hoy, Neil whatever! Kapal mo! For you information, maganda ako! Kilala mo ba si Drake Palma?? Yung mayabang na gwapo na fourth year na pinagkakaguluhan ng mga babae sa pangunguna ng like girls?? Boyfriend ko yun!! Ang ganda ko kaya ko naging boyfriend yun!!”

Napa smirk naman si Drake sa narinig. Talagang proud na proud si Alys dun. Hahaha!

 

You’re making me laugh about the silliest stuff Say that I’m your diamond in the rough When I’m mad at youYou come with your velvet touch Can’t believe that I’m so lucky I have never felt so happy Every time I see that sparkle in your eye-

“At bakit ka tumatawa?? Hindi ka naniniwala?? Kainis naman to!!” sigaw ni Alys.

“Why.. would i believe you?” tanong ni Drake. Habang nakakasama niya si Alys, mas lalo niyang narrealize na.. ang sarap niyang asarin.

-I said pinch me Where’s the catch this time Can’t find a single cloud in the sky Help me before I get used to this guy-

“Eh kasi maganda nga ako!! Kainis! Legal kami, noh! Kilala ako ni Tito Steve, yung daddy niya pati ni Tita Katrina, yung crush– este, yung future stepmom niya!!”

Nadulas si Alys. Patay jan. Nalaman na ni Drake na alam niya yung sa kanila ni Kat.

“About Drake..” tanong ni Drake. Nawweirduhan siya. Siya kasi si Drake eh!

“Ano’ng tungkol sa abnormal na yun?”

“Tss,” sabi ni Drake. Sasabihan siya ng gwapo at ipagmamalaking boyfriend tapos ngayon naman sasabihan siya ng abnormal, may sayad yata si Alys eh, “do you.. like him?”

Ayaw niya naman itanong kung love. D to the U to the H! Halos magtthree months pa lang silang magkakilala at majority ng time na yun, hindi niya pinapansin si Alys. Panong maiinlove??

“Ah eh,” medyo nagstutter si Alys. Pero siguro okay lang naman na umamin na crush niya si Drake since hindi naman kilala ni Neil si Drake, “slight? Hehehe. Pogi kasi talaga yun kahit palaging parang namatayan ang itsura, ang talino pa kasi kahit tulog yun, perfect sa requirements,” nainis si Drake sa narinig. Hindi niya akalain na superficial din pala si Alys kagaya nung ibang babae. Gusto siya kasi.. gwapo at matalino. Wala na bang ibang maganda sa kanya? Talagang yun lang?

“.. at saka, crush ko si Drake kasi.. matapang siya.”

 -They say that good things take time But really great things happen in a blink of an eye Thought the chances to meet somebody like you were a million to one I cannot believe it You’re one in a million All this time I was looking for love Trying to make things work They weren’t good enough tilI thought I’m through Said I’m doneand stumbled into the arms of the one-

Hindi alam ni Alys pero.. napangiti niya si Drake.

“..matapang siya kasi kahit nasasaktan siya, ayos lang kasi mahal niya yung isang tao. Alam ko kasi kung gaano kahirap yun. Been there, done that. Kaya hanga ako kay Drake dahil dun. Alam ko gwapo siya at matalino, pero ang dami naman na lalaki na ganun eh. Pero iba kasi si Drake.. Drake is.. Drake. Nothing more to say. Siya yun eh.”

Ngayon, nakangiti na talaga si Drake.

 -You’re one in a million… one in a million you’re one in a million…-

“Achoo!”

Napa achoo naman si Alys. Naka tube dress ba naman?? Malamang sa malamang lalamigin yun!

Tinanggal naman ni Drake yung coat niya at pinatong kay Alys, “t-thanks, Neil.”

Tahimik lang si Drake nang marinig niyang maghikab si Alys. Hinatak niya ’to tapos pinasandal sa balikat niya, “minsan lang ’to.”

Napatahimik si Alys at natulog na lang sa balikat ni Drake/Neil ng may ngiti sa labi.


Aya’s Point of View

“Please naman, Kent, lubayan mo na ako!!”

Hindi pa din kasi ako tinitigilan ni Kent na ito! Hindi ko talaga siya maarok!! Waaah! CB, bubugbugin kita pag nakita kita!!

“Bee naman, ngayon pa lang, sinasabi ko sa’yo na inlove ako sa’yo. Hindi ko kayang pigilan ang pag ibig ko,” sabi niya.

O– Oh Lord!!

Nasuka ako!! Waaaah! Nasuka ako!! Kumakain kasi ako ng parfait eh tapos biglang kung anu ano na lang ang naririnig ko. Lord, hindi na po ako mambubully. Ilayo niyo na po siya sa akin. Binu bully niya ako!!

Lumapit siya sa akin tapos hinagod hagod yung likod ko, buti na lang nasa garden kami at walang tao masyado. Iisipin na naman ng mga tiga St. Claire’s na weird ako. Palagi naman eh.

“Tsk. Alam ko na nasusuka ka sa sinasabi ko, hindi ko naman akalain na susuka ka talaga. Lalo akong naiinlove sa’yo eh,” sabi niya habang nasuka pa din ako.

Tinignan ko siya ng masama, “oh, nainlove na naman ako lalo,” sabi niya, “wag mo na kasi akong ipagtabuyan, Bee. Lalo akong magkakagusto sa’yo.”

“Ano’ng nangyari?”

Oh! Si CB pala!! Buti naman at naalala niya pa ako!!

“Yung Crying Baby! Walang kwentang date, iniwan mo ako sa.. sa kutong lupa na ’to!! Walangya ka!”

Nagkamot siya ng batok, “sorry, ang dami kong inasikaso eh.”

Bakit ganito yung mukha nito.. parang umiyak? Tss. Ano bang bago? Iyakin naman talaga ’tong panget na ’to.

“Kent, bakit mo nga pala kasama si Aya?” tanong ni CB kay Kent habang inaayos ko pa yung sarili ko.

Wooh! Nakakaloko ang gabi na ’to! Gusto ko nang umuwi sa voodoo dolls ko!

“Ah, nililigawan ko kasi si Aya.”

O__________________O

Chapter 17

Chapter 17

Magkatabi pa din si Drake at Alys sa stock room. Hmmm. Rare opportunity kaya ang makasandal sa balikat ng isang persona nongrata na si Drake Palma!

“Sheen..”

Kasalukuyang nagssleep talk si Alys. Haaay. Kawawa naman si Alys, bothered pa din sa sinabi sa kanya ni Sheen kanina. First love nga kasi! Sabi nga nila, delikado ang isang taong sanay na mag isa.. kasi pag may isang tao na nagpakita ng concern, malamang sa malamang, magkakagusto yan. Law of nature, guys. Ganun talaga eh. Kaya nga yung mga heartbroken jan, madalas makahanap ng bago dun sa mga shoulder to cry on. Eh ganun talaga.

“Tsk,” sabi ni Drake.

Bukod sa nangangawit na yung balikat niya sa bigat ng ulo ni Alys (at the same time nagtataka din siya kung bakit kasi wala namang laman ang ulo ni Alys), naiinis din siya kasi hindi siya nakasama sa Japan. Nandito pa din siya sa St. Claire’s! Tinignan niya yung wrist watch niya, 4 a.m. na din pala. Konting oras na lang, sisikat na ang araw.

Naramdaman niyang nilalamig si Alys, medyo nanginginig kasi eh. August na din kasi, malapit na ang -ber months kaya siguro malamig na. Dahan dahan niyang inalis yung coat niya tapos pinatong kay Alys. Ingat na ingat si Drake! Baka kasi kung ano na naman ang mahawakan niya tapos kung anu ano na naman ang ibintang sa kanya ni Alys!

’Weird na babae,“ sabi ni Drake kay Alys.

Pero sus! Natuwa naman si Drake kay Alys dun sa mga sinabi niya kagabi.

**

6 a.m.

Alys’ Point of View

(-_-)

Bakit parang gumagalaw ako?

(-_-)

Bakit magalaw?

(~_^)

(^_~)

(O.O)

“Drake?!!”

Hala, hala! Bakit naka piggyback ride ako kay Drake Palma??! Oh noes! Tsaka umaga na ah! Hala!! Papagalitan ako ni mommy at daddy! Sabi ko past 12 lang ako sa acquaintance party eh!! Kainis naman! 

“Sssh,” sabi ni Drake.

“Bakit mo ako buhat?” tanong ko sa kanya. Bakit naman niya nga kasi ako buhat, di ba?? Alam ko sweet yun, hihihi, pero ang weird kasi! Sino nga ba ang kasama ko kagabi?? Yung Neil na yun!! Yung megalomaniac na Neil na yun! Grrrr. Pagkatapos niyang hawak hawakan ang perlas ko, iiwanan niya ako sa stockroom tapos magigising na lang ako na buhat ako ni Drake pauwi ng bahay??

“Aray!” napasigaw ako. Bitiwan daw ba ako?? “Bakit mo naman ako hinulog??”

“You’re noisy,” sabi niya.

“Sana sinabi mo man lang bago mo ginawa!! Grr,” sabi ko habang hawak hawak yung pang upo ko. Ang sakit. -////-

Naupo ulit siya sa harap ko, “hop on.”

“Tch,” sabi ko tapos sumakay ako sa kanya ulit. Pasalamat siya ang sakit nung pagkakabagsak ko kaya hindi ako makalakad!! Hindi talaga gentleman ’tong lalaking ’to!! Paano kaya kung nabalian ako sa ginawa niya?? Okay lang. At least hindi ako papasok ng ilang araw. No physics, no calculus, no trigo. Wehehe.

“Ah-ah,” sabi ni Drake, “what the hell?! Are you trying to kill me?!”

O.O

“Ha??” i asked. Ano na naman ang ginawa ko? (o.o)/

“You wanna suffocate me to death??”

Napatingin ako, hawak niya yung leeg niya. Nasakal ko ba siya??? Oh noes! May tendency ba ako na manakal unconsciously?? Kailangan ko na nga yatang magpatingin sa shrink. Delikado na ako!!

“S-sorry,” sabi ko. Hala! Nagkulay halos ube si Drake kanina! Ano ba ’tong nagagawa ko!!

“Tch,” sabi niya tapos.. t-tapos.. 

O.O

gulp

B-binuksan niya yung butones ng sa leeg ng longsleeves niya.

One..

Two..

Thr– hanggang dalawang butones lang pala, Alys! Wag assumera!!

“Sorry, Drake. Hindi ko naman sinasadya eh..”

(-_-) —> normal Drake Palma face.

“Forgiven and forgotten. Hehe,” sabi ko.

“Tsk. Weird,” sabi niya na mahina lang.

“Hindi ako weird!! Mas weird ka noh!!”

Hindi na naman niya ako pinansin. As usual. Ano bang bago dun, di ba? 

Naglalakad kami papunta sa bahay ko. Hmm. Usually, 10 minutes walk lang naman ’to ah! Bakit parang nagiging 20 minutes pag kasama ko si Drake Palma??

“Sige, dito na lang. Sa. la. 

O.O

Daddy? Mommy?“

Bakit nakaabang sa labas ng gate si mommy at daddy??

“Bakit ngayon ka lang umuwi, Alys Zyril Perez?”

gulp

Tingin kay Drake: magulo ang buhok, walang coat, bukas ang dalawang butones ng longsleeves.

Tingin sa sarili: magulo ang buhok, suot ang coat ni Drake, maputla sa sobrang kaba.

Oh noes!!

**

Aya’s Point of View

(_)

“Anak, sino yung naghatid sa’yo kagabi?”

Ano ba naman ’tong nanay ko?? Nakakita lang ng lalaki na kasama ko akala mo naman nagkaron na ng milagro sa bahay namin!

“Ipis,” sabi ko.

Haaay. 9 a.m. pa lang tapos ginising na ako ng nanay ko para tanungin tungkol sa kutong lupa na si Kent Justin Valdez! Grrr!

“Hihihi. Siguro suitor mo yun noh, Gabriella,” sabi niya tapos nilagyan niya ako ng cereals sa plato ko. Ano ba ’to, feeling teenager ang nanay ko. Buti hindi hinihiwalayan ng tatay ko!

“Yuck, mom. Don’t call me Gabriella. Kadiri.”

Haaay. Ang sakit ng lungs ko! Hindi ako halos nakahinga dun sa suot ko kagabi ah!! Tapos nasuka pa ako sa pinagsasabi nung Kent na yun! Grrr! Ayoko na tuloy mag Monday! Panigurado guguluhin ako nun!! Kainis!! Imbes na yung Seducing Drake Palma plan lang ni Alys ang aasikasuhin ko, nadagdagan pa ng Get rid of Kent Justin Valdez. -_-

Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kwarto ko. Mehehe. Namiss ko ang mga voodoo ko.

Binuksan ko na yung laptop ko at pinagpatuloy ang research ko. Hmm. Ito pa lang ang mga nakalap kong impormasyon.

Name: Drake Sebastian Palma

Birthday: December 29

Age: 18

Address: 1313 Sapphire St., St. Claire’s Subdivision, Makati City

School: St. Claire’s High

-Favorites-

Color: no existing information

Movie: no existing information

Song: no existing information

Nakaka frustrate naman ’tong Drake na ’to!! Paano ko ilalakad si Alys kung ganitong superficial lang yung information na alam ko?? Duh! Ni wala man lang na what is love o kaya what do you find attractive most?? Napaka trivial talaga ng Palma na yun!!

Eto namang facebook page niya, puro stolen pictures niya lang. -_- Seriously, ang creepy ng mga stalker niya!! Hahaha! 

Notification: Kent Justin Valdez wants to be your friend

click reject

Ano ba ’to? Natutulog si Drake, naglalakad, nagsasagot ng exam, bumibili. -_- Ano bang interesting sa mga ginagawa niya nun?? Sana picture-an din nila ako kung ganun lang pala ang mga trip nila. Tsk. Humingin kaya ako say Tito Steve ng picture ni Drake na nakahubad, bilhin kaya nung mga stalker niya? Hehehe.

Notification: Kent Justin Valdez wants to be your friend

click reject

Ang kulit naman ng Kent na ’to! Sumasakit lalo yung lungs ko!

Notification: Kent Justin Valdez sent you a message

From: Kent Justin Valdez

Subject: Bee!!

Message: Accept mo ko. Hehe. Ipagkakalat ko na nililigawan kita pag hindi.

(-_-)

click accept

Lord, masama po ba ako nung nakaraang buhay ko?

Chapter 18

Chapter18

Alys’ Point of View

“M-mommy?” 

sign of the cross

“Ano’ng oras na, Alys Zyril Perez?”

hingang malalim

Shet! Hindi nga ako marunong magbasa ng oras!! Bakit naman kasi ngayon pa naisipan ni mommy magtanong!! Nappressure ako! Oh god!!

“Drake, ano’ng oras na?”

“Tss. 6:15,” sabi niya.

Tumingin ako kay mommy, “6:15 na d-daw po.”

Lord, guide my mother. Give her guidance and providence. Let her see the light.

“Oras ba yan ng uwi ng matinong babae?”

“Di ba po mas okay na yun kaysa ginabi ako? Hehe,” sabi ko. Tumalab ka, ka cute-an ko!!

“Pasok sa loob,” sabi ni mommy.

Goodbye, gaming consoles. I will see you again very soon. Kapag siguro pasado ako sa second grading mababawi ko din kayo kay mommy. Sigurado icconfiscate niya yun lahat. -_-

Naglalakad na ako papasok. Nakatingin ako kay Daddy. Haaay. Takot din kasi si Daddy kay mommy. Sabagay, sino bang hindi? Hehehe.

“Where do you think you are going?” patay. Nag English na si mommy, “what’s your name?”

Napatingin ako sa likod. Hala! Kausap ni mommy si Drake!!

“Drake Palma,” sabi ni Drake.

Eh bakit ang cool pa din niya sa harap ng mommy ko?? It’s unfair!! Ako nga kulang na lang maihi sa kaba tapos siya ganun pa din?? Parang normal lang??

“Very well, come inside as well, Mr. Palma. My husband and i would like to clarify some things with you,” sabi ni mom.

Lord, ikaw na po ang bahala sa akin.

**

Eydee’s Point of View

Papasok na sa loob ng bahay sila Drake at Alys. Kung alam niyo lang kung paano kabahan si Alys! Halos hindi na siya makalakad sa sobrang kaba! Hahaha!

Si Drake? Sus! Hindi yan kinakabahan! Bakit? Eh sanay na yang makipag usap sa magulang eh. Alam niyo naman ang charisma ni Drake, umaapaw. Partida, tahimik pa siya sa lagay na yan. Sanay na kasi siya. Dati, dun sa dati niyang school, bigla na lang siyang hahatakin ng babae. Tapos magugulat na lang siya nasa bahay na siya at nakaupo sa dining table kausap yung mgaluang ng babae. Nung una, nagulat siya. Pero nasanay na din siya katagalan. Hatak ng hatak sa kanya eh. Tahimik na lang siya kaysa makarating kay Katrina. Mahirap na, gulo na naman yun pag nagkataon.

Nakarating sila sa receiving area ng bahay nila Alys.

“Upo,” sabi ng mommy ni Alys.

Tahimik na naupo si Alys at Drake.

“Bakit ngayon lang kayo nakauwi?” tanong ng mommy ni Alys.

Kabadong nagsalita si Alys, “ah eh, nalock po ako sa stockroom. Pero hindi ko po kasama si Drake, promise!! Nagulat lang ako na buhat niya ako kanina, mommy!! Wag kang magalit. Waaaah.”

Bumaling ang mommy ni Alys kay Drake, “totoo ba yun? Hindi kayo magkasama kagabi?”

Umiling si Drake.

Napa gasp naman ang mommy ni Alys! Patay tayo jan! Umandar na naman ang playful side ni Drake. Ano kaya ang binabalak niya? Hmm.

“Alys Zyril Perez, kailan ka pa natutong magsinungaling?!”

**

Alys’ Point of View

O____O

Anyareh??

“Mommy.. H-hindi.. Ano.. Waaaaaaaaah! Drake naman eh! Hindi naman tayo magkasama kagabi eh!!”

Ano ba kasi yung sinasabi ni Drake? Hindi naman kami talaga magkasama kagabi! Nagagalit na sa’kin si mommy! Si daddy naman tahimik lang! Wala akong kakampi!!

Huminga ng malalim si daddy tapos nagsalita, “pagsalitain mo muna sila,” tapos niyakap niya si mom. Buti kumalma na siya. Nakakatakot siya magalit!

“Explain yourselves,” sabi niya.

Hingang malalim, Alys, “kasi nga nakulong po ako sa stockroom. Promise po, hindi ko siya kasama!” tapos tinaas ko yung kamay ko. Kasalanan talaga ’to ng Like Girls eh!! Kung hindi nila ako kinulong dun, malamang hindi ’to nangyari!! Grr! Like lagot sila sa’kin pag nakita ko sila sa St. Claire’s! “Si ano nga po yung kasama ko eh.. si Neil.”

Nanlaki yung mata ni mom, “sino’ng Neil, Alys?”

“Ah eh, batchmate ko po?”

Bumaling siya kay Drake, “kilala mo yung Neil na ’yun?”

Umiling si Drake, “there’s no Neil in our batch.”

O_____O

BAKIT PAKIRAMDAM KO PINAPAHAMAK AKO NG DRAKE PALMA NA ’TO???

Bumaling na naman si mom sa akin, “Alys? What did i say about lying?”

Hingang malalim, Alys, “lying means goodbye, technology for two weeks.”

T^T

Ngumiti siya, “good. Ngayon, aamin ka na ba kung ano ang ginawa mo kagabi?”

Waaah! Ang sakit ng ulo ko! Nagsabi naman ako ng totoo pero na grounded pa ako! Ano na sasabihin ko? Magsinungaling na kaya ako?!!

Tinignan ko si Drake ng masama, “kasama ko po si Drake kagabi. Hinipuan niya po ako.”

smirk

Two can play this game, Mr. Palma.

**

Eydee’s Point of View

Halos himatayin na ang mommy si Alys sa sinabi ni Drake.

Hinipuan? Wahaha! For the win, Alys Perez! For the win.

Napasmirk na naman si Drake, “she asked for it.”

Napa jawdrop na lang si Alys sa sinabi ni Drake. She asked for it? God! Naghahanap daw ata talaga ng away si Drake!

Nagsalita si Alys, recovered from what Drake said, “kasi sabi mo rrape-in mo ako sa stockroom pag hindi ako pumayag.”

O_____O —–> parents ni Alys.

“Define rape, Ms. Perez,” sabi ni Drake. Naaaliw siya sa reaction ni Alys. Priceless kasi yung mga literal jawdrop niya eh. Epic! Hahaha!

“Rape. Basta rape!”

Ngumiti lang si Drake, “you asked for it, Ms. Perez. I highly doubt that it would be rape if it ever happened.”

(~_^)

Habang nagpapalitan ng pang iinis si Drake at Alys, hindi maiwasang matawa ng daddy ni Alys, “teka nga, boyfriend ka ba ng anak ko, Palma?”

Napatingin si Drake kay Alys, “according to your daughter, yes, sir. I’m her boyfriend.”

Hindi alam ni Alys ang gagawin, hihimatayin ba o lulubog sa lupa sa kahihiyan! Ikinwento ni Drake yung ginawa niya nung unang beses niyang pumunta sa bahay nila! Yung nagpakilala siya bilang girlfriend ni Drake. Syempre, knowing Drake, precis lang yung sinabi niya. Tamad magsalita eh. Hahaha!

Kung nahihiya siya sa mga narinig, tawa ng tawa naman yung daddy ni Alys sa narinig, “princess.. Hindi ko naisip na.. ganyan ka. Akala ko si Sheen ang gusto mo. May Drake ka na pala.”

T^T

Si Sheen.. Haaay. Sila na kaya ulit ni Kei? Sana kung oo, maging masaya na sila. Pipilitin ko na lang kalimutan yung nararamdaman ko. Mas okay na siguro na best friends kami kaysa strangers, di ba?

(>.>) tingin ng masama kay Drake.

“Kasi po, daddy, hindi naman ako tina trato na girlfriend ni Drake kaya nakakalimutan ko minsan. Di ba, boyfriend?” ngiting matamis kay Drake.

Nginitian na naman ako. Creepy!! “Because you always hurt my feelings, girlfriend.”

Pumagitna naman si daddy sa imaginary electricity wave sa pagitan namin ni Drake! Despicable Guy!!

“Oh, baka mag away pa kayo. Sige na, Drake, umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa inyo,” sabi ni Dad.

Tumayo na si Drake at inabot ko naman yung coat niya. Tsk. Papansin na abnormal na nilalang! Bago makaalis si Drake, tinanong siya ni Dad, “ano’ng base?”

Ngumiti si Drake, “second.”

Anyareh??

Chapter 19

Chapter 19

Alys’ Point of View

(-_-)

Ang boring sa bahay. Buti na lang may pasok na ngayon! Kinuha ni mommy lahat ng gadgets ko! Cellphone, laptop, xbox, wii, plasma, kahit nga landline, wala eh! Huhuhu! Nagalit siya dun sa second na sabi ni Drake. Ano ba kasi yun?! Napagalitan ako ng todo todo sa bahay dahil sa leshe na second na yun eh!

“Hey, Besh,” lumapit sa akin si Aya.

Never kong naisip na mamimiss ko ang luka luka na ’to! Pero tuwing naaalala ko yung katahimikan sa bahay, namimiss ko yung naka todong boses ni Aya!

“Besh!!”

“Oh, anyareh sa’yo? Nagkahiwalay lang tayo ng weekend naging clingy ka na,” sabi niya. Buti na lang luncbreak na ngayon kaya pwede kaming magkwentuhan ng matagal.

“Eh kasi grounded ako buong weekend. Namiss kita at ang maingay mong bibig!!”

“Tch,” sabi ni Aya, “gutom lang yan, Alys. Kain na tayo. Libre mo?”

“Ako na lang manlilibre sa’yo, Bee,” napatingin naman ako sa likod ko.

Sino ba ’to?

“Kent Justin Valdez, at your service,” sabi niya tapos kinuha niya yung kamay ko at hinalikan. 

Hihihi. Kilig naman ako! Pero teka nga, sino ba ’to?!!

“Ah eh, sino ka ba?”

Ngumiti siya tapos lumapit kay Aya at inakbayan, “nililigawan ko si Aya.”

O____O

“Hindi nga??”

Ngumiti siya, “yup,” tapos kinurot niya yung pisngi ni Aya.

Pero teka, bakit hindi sumisigaw si Aya at pinapalo si Kent? Posible ba na.. gusto din ni Aya si Kent???

“Tara na, Alys,” tahimik na sabi ni Aya tapos pumunta kami sa counter.

“Bilhin mo yun, tapos yun, pati yun, lahat ng dessert na nakikita ko, bilhin mo,” sabi ni Aya tapos hinatak ako papunta sa table.

O____O

**

Aya’s Point of View

Lesheng Kent yan oh! Hindi na nga ako nilubayan sa kakapadala ng relationship request sa facebook, kakatawag sa landline, kakatext, ngayon pati ba naman sa cafeteria?? Ano ba namang buhay ’to!!

“Aya..”

Lumingon ako kay Alys, “bakit?”

“Ayan na yung order mo,” sabi niya sabay turo sa likod ko.

O___O

What the fudge?

“Eto na ang order mo, Ayababes,” sabi niya sabay lapag sa table ng mga pagkain. Define pagkain?!

Hingang malalim, “Kent Justin Valdez, ano’ng ginawa mo??”

“Your wish is my command, ma’am. Sabi mo bilhin ko, ginawa ko lang naman eh. Tara, kain na tayo,” sabi niya tapos nilagay sa harap ko yung pagkain.

Lord, bakit po ganito??!!

**

Alys’ Point of View

Hihihi. Nakakatuwang tignan na nag aaway si Kent at Aya! Parang kinikilig din ako!!

“Oo nga pala, Alys. Di ba ikaw yung girlfriend ni Drake?” tanong ni Kent.

-_-

Narinig ko na naman yung pangalan ng lalaking yun!! Naku!!

“Bakit?” sabi ko sa kanya sabay tingin ng masama. Umiinit talaga yung dugo ko pag naaalala ko yung nangyari sa akin buong weekend!!

Ngumiti siya ng alangan, natakot yata sa tingin ko, “wala lang. Hehe. Nasabi lang ni Sheen dati.”

T^T

Si loves pala. Huhuhu. Tanungin ko kaya si Kent tungkol kay Sheen? Close naman sila, di ba? Vice President kaya si Kent ng school! Naka jackpot si Aya ah!

“Ah, Kent,” sabi ko tapos tumingin siya sa akin O ang cute niya din pala! Kagaya ni Sheen my loves, “si Sheen na ba tsaka si Kei ulit?”

Nawala yung ngiti ni Kent sa mukha, “ah, ewan ko. Siya na lang tanungin mo, Alys. Ayokong tanungin si Sheen sa ganyan.”

Tinignan naman ng masama ni Aya si Kent, “kunwari ka pa. Tsismoso!”

“Ayababes naman. Kain ka pa. Hehehe,” tapos sinubuan ni Kent si Aya.

Haaay. Naiinggit naman ako sa kanilang dalawa! Kailan kaya ako magkaka lovelife? Nakakainis! Sayang ang genes ng parents ko, ang ganda ko kaya tapos wala akong lovelife??

**

Eydee’s Point of View

Kasalukuyang naglalakad si Drake papunta sa cafeteria ng makita niya si Sheen at Kei na nag uusap.

“Sheen, i thought we already talked about this? I thought you want me to be happy?” sabi ni Kei.

“Oo naman, Kei,” sagot ni Sheen.

Aalis na sana si Drake kasi nagugutom na talaga siya. Hindi kasi siya kumain sa bahay nila. Nakakaasar kayang makita ang sweetness ni Tito Steve at Katrina! Sumasakit lang ang mata ni Drake. 

“Tell Alys to back off,” mataray na sabi ni Kei. Bakit ba kasi patay na patay si Kei kay Drake, di ba? Eh ni hindi pa nga niya nakakausap si Drake! Ni ha, ni ho, wala! Ang weird lang talaga!

“S-susubukan ko. Sige,” sabi ni Sheen tapos nagpaalam siyang aalis na.

‘Tss,’ sabi ni Drake sa sarili.

Naglakad na ulit siya papuntang cafeteria ng makita niyang papunta din si Sheen sa table nila Alys. Hindi niya alam kung ano ang espiritung sumapi sa kanya para pumunta din dun sa table.

(-_-) Drake (bored si Drake)

(~_^) Sheen (naiinis kay Drake)

(~_^)!! Alys (galit kay Drake)

(-_-) Aya (naubusan ng energy kay Kent)

(^_^) Kent (natutuwang inisin si Aya)

Anyareh naman sa table nila?? Tinginan lahat ng tao sa cafeteria! Imagine, nagsama sa table ang chairman at vice chairman ng student council, ang enigmatic na si Drake Palma, at ang weird na magbest friend na si Alys at Aya! Anyareh talaga, di ba??

**

Alys’ Point of View

“S-sheen,” sabi ko. Namiss ko si Sheen! Kainis!

Tinignan ko yung mukha niya. Pumayat siya. Hindi siguro sila nagkabalikan ni Kei kasi mukhang malungkot siya.. Siguro may chance pa ako?? Hehehe.

Uupo sana si Sheen sa tabi ko kaya lang, “excuse me.”

Aba’t! Nang aasar ba ’tong Drake Palma na ’to?? Ano’ng karapatan niyang sumingit sa gitna namin ni Sheen!!! At kailan pa siya naging papansin??

“Ah, Alys, pwede ka bang makausap mamayang dismissal?” tanong ni Sheen.

O Bakit kaya? Tatanungin niya na kaya ako kung gusto kong maging girlfriend niya?? Hihihi.

Sasagot na sana ako kaya lang–

“Dad wants to see you. I’ll see you after dismissal,” sabi niya tapos tumayo.

O___O

What is wrong with the world?!!

Chapter 20

Chapter 20

poke poke

=__=

“Ayieeee. Besh, ha! Hindi na pala natin kailangan ng mission impossible: Seducing Drake Palma eh!!”

.>

Tinignan ko ng masama si Aya. Anubanaman kasi ang nangyayari??? What’s wrong with the world, zomboss???

“Tigilan mo nga ako, Gabriella!!”

“Wag mo nga akong tawaging Gabriella!! Kadiri!!”

Aish! Nakakainis talaga oh!! Ngayon ko na nga lang makakausap si Sheen loves tapos biglang eepal na naman yung Drake Palma na yun?? Pagkatapos niya akong ipahamak sa bahay dahil sa lesheng second base na yun na hindi ko pa din alam ang dahilan ngayon naman makikielam siya sa amin ni loves??? __

“Pupunta ka kila Tito Steve mamaya?” tanong sa’kin ni Aya.

Tinignan ko siya ng masama, “joke ka ba?? Hindi noh!! Si loves ang pupuntahan ko!!”

“Psh. CB ka ng CB eh wala ka namang mapapala dun.”

“Whatever, Aya. Tigilan mo nga ako dun sa Drake na yun. Ayieeee. Kent!!!”

Bigigla naman akong iniwan ni Aya. Wahaha! Pikon talaga yun!! Alam ko na ang ipanglalaban ko sa kanya. Kent pala haaa.

**

Eydee’s Point of View

Location: Classroom ni Drake, Sheen, at Kent

Oo, hindi kayo nagkamali ng basa, magkklase nga ang tatlong lalaki na bida sa kwentong ito! Dalawa lang kasi ang section sa fourth year sa St. Claire’s High.. isang pang matatalino (section nila Drake), at isang pang.. uhmm, basta, section nila Alys.

“Class dismiss.” sabi nung teacher nila.

Aba aba! Dali daling tumayo si Drake at naglakad palabas!! Bago yun ah! Dati, magwwander muna yan bago tumayo. Syempre, tulog siya kaya iisip isip muna siya bago maglakad pauwi. Pero ngayon? Aba naman! Ang lakas ng epekto ni Alys oh! Napapatayo niya agad si Drake? Improving!!

“Drake,” napahinto si Drake sa paglalakad at tinignan yung nasa likod niya.

Drake >.>    electricity wave     <.< Sheen 

“Oh, oh, chill lang, bros,” at pumagitna ang ever present na cute na cute na Vice President ng Student Coucil na si Kent.

Nawala ang imaginary electric current sa pagitan ng dalawa. At bakit nga ba naiinis si Drake?? OMG!! Nagkakagusto na kaya siya kay Alys??? Sheeet!! sabog confetti

“Pwede ba tayong mag usap?” sabi ni Sheen. 

Tumango lang si Drake. -_- Lakas talaga maka angas neto eh! Hindi nagmana sa ever smiling na si Tito Steve! Tsk.

Pumunta sila sa third floor nung bulding. Walang tao dun since uwian na at library at computer lab lang naman ang nandun.

Nandun lang silang dalawa. Hindi nagsasalita si Drake.. as usual, may bago ba dun? Hahaha! Si Sheen naman.. nahihiyang sabihin kay Drake na pansinin naman niya si Kei. Parang tanga lang, di ba?? Sasabihin niya sa lalaking kinaiinisan niya na pansinin ang ex niya? Joke ka ba, Sheen??

Hindi niya talaga kayang sabihin kaya iba na lang ang tinanong niya, “may assignment ka na ba?”

-_-

“Tss,” ever smirking Drake Palma. Naglakad siya palayo kay Sheen with matching nakalagay sa pockets ang kamay. Akala naman niya kung anong importante ang sasabihin ni Sheen. -- Akala ko din eh. --

“Wait lang!” habol ni Sheen.

Tinignan siya ni Drake with his usual bored look.

“Tigilan mo si Alys.”

Ayan, nasabi na ni Sheen. Nung una, nasabi niya lang naman yun kay Alys dahil naiinis siya. Simula ng dumating si Drake, gumulo na yung buhay niya. Hindi naman niya akalain na magiging boyfriend talaga ni Alys si Drake.. Hindi naman kasi siya seryoso nung sinabi niya yun..

“Tss,” nagsmirk na naman si Drake. Asa naman daw si Sheen. Alys? She’s his. Hindi man aminin ni Drake, natutuwa siya kay Alys. Lalo na nung nagpunta siya sa bahay nila. Second base eh.

Hinawakan ni Sheen yung braso ni Drake, “i’m serious. Tigilan mo ang best friend ko.” seryosong sabi ni Sheen. Ang totoo niyan, bukod sa nagbreak sila ni Kei dahil sa palaging bored na Drake Palma na ito, naiinis din siya dahil kahit yung best friend niya na si Alys nawawalan ng oras sa kanya dahil kay Drake. Lahat na lang kinuha ni Drake. Pati pagiging valedictorian, siya na, pati ba naman best friend niya??

Tinanggal ni Drake yung kamay ni Sheen sa braso niya (in a sooooper maangas way) at nagsalita!! Shet, bihira to!!

“I. Don’t. Want.” sabi niya, emphasizing every word. Ang cool pakinggan!!

Tatlong salita pero natigilan si Sheen.

“Hindi mo naman siya mahal! You’re not capable of loving, Drake! Kilala kita!”

Actually, magkakilala si Sheen at Drake. Galing talaga si Sheen sa school ni Drake. Dun siya nag elementary, lumipat siya sa St. Claire’s dahil dun sa dati niyang school, lagi na lang siyang second best. Lagi na lang si Drake Sebastian Palma ang number 1. At least sa St. Claire’s, siya ang number 1. Nagulo lang naman ang lahat nung lumipat si Drake eh! Eh bakit nga ba siya lumipat?? Dahil kay Katrina!! Ngayon, alam na natin na si Katrina talaga ang dahilan ng lahat. Hahaha!

Nagsmirk si Drake. Nakatalikod pa din siya, “i might try.”

Natigilan si Sheen. I might try? Anyareh? Di ko gets. -_-

“Huh?”

Naglakad si Drake tapos nung pababa na siya ng hagdan, “falling for her.”

O____O

I might try falling for her.

Omg!! Bakit ako kinikilig?? Ako ba si Alys?? Ako si Eydee eh!! Gosh!!

**

Alys’ Point of View

“Ano ba, Aya! Pupuntahan ko si Loves! Kainis naman ’to!!”

Grrr. Nandito lang naman kami sa harap ng gate at hinihintay si Drake. -_- Leshe talaga oh!! Akala ko pa naman matutupad na yung pangarap ko na makipagdate kay Sheen after class, hindi na naman pala. Sakit sa bangs!!

“Tahimik nga, Besh! Ang tagal naman nung Drake na yun!!”

.>

Sino ba kasi nagsabi na hintayin namin??

“Sigurado ka bang nag usap sila ni Sheen?” tanong ko kay Kent. Kasama namin si Kent. Haaaaay. Ang swerte ni Besh! Ihahatid daw siya ni Kent. Naiinggit ako. Huhuhu.

Tumango si Kent, “nakita ko sila kanina eh. Baka tapos na din yun.”

“Ang bigat ng bag ko.”

Haaay. Ang dami ko naman kasing dalang libro. May assignments kasi lahat kaya hindi ko maiwan sa locker. -_- At kailan pa ako naging concerned sa grades ko?? Simula nung na confiscate ang gadgets ko. Ayun.

Kinuha ni Aya yung bag ko at hinagis kay Kent. Hinagis sa mukha ni Kent!!! Ang sama talaga ng ugali ni Aya!!

“Grabe ka naman kung makahagis, Bee,” sabi ni Kent.

O

Bakit ang cute niya?? Waaaaaaaaah. Bakit hindi din ako naging member ng Student Council?? Siguro ang saya saya dun kasi dalawang cute ang nakikita nila!! Ang cute cute ni Sheen at Kent!! Pwede bang mag mascot ako ng SC as extra curricular?? O

“Tch. Bagay sa’yo yan.” sabi ni Aya.

“Inaabuso mo yung feelings ko,” sabi ni Kent.

Like sobrang kinikilig ako!! Anubayan!! Kailan ba ako magkaka lovelife na ako naman ang kikiligin para sa sarili ko?? Haaay, loves

.> tinignan ng masama ni Aya si Sheen.

“Gusto mong malaman ang definition ko ng abuso??”

(_)/ “H-hindi. Hehe. Bee naman, nagbibiro lang ako eh.”

“Good.”

Hihihi. Under na under si Kent eh. Ang fierce talaga ng Besh ko! Napaamo niya ang playboy ng St. Claire’s High!

“Aray! Kung makatulak naman, Aya!!” kasi naman, tinulak ako. -_-

“Ayan na si Drake oh!!”

.>

Nako! Baka kung ano ang magawa ko sa kanya!! Hindi ko pa din nakakalimutan yung mga sinabi niya na pinilit ko siyang hipuan ako!! Bwisit na lalaki yan!! Nasobrahan sa kapal ng mukha!! 

“Drake!” sigaw ni Aya! Lakas talaga ng boses nito eh. -_- Parang may built in na megaphone.

Tumingin naman si Drake at naglakad papunta sa amin. Ang angas maglakad. Tch.

“Aray ko ha!!” tinulak na naman kasi ako ni Aya.

“Sige, bye bye, Dralys!! Alis na kami. Hihihi.”

ako >.>   -_- Drake

“Bwisit!” naglakad ako papaalis. Mapuntahan na nga lang si Sheen. For sure hindi naman ako papansinin ni Drake eh. Asa pa, di ba?

“Aray!!” ano ba yan! “kung si Aya, tinutulak ako, ikaw naman, hinahatak ako. Masarap ba akong saktan? Grrrr.”

“Tss.”

Ayan na naman siya sa smirk niya! Tsk! Naiinis pa din ako dahil grounded ako dahil sa kanya!! Grrr.

“Bitawan mo nga ako!!”

“Aish. So noisy,” sabi niya tapos hatak hatak niya pa din ako.

“Pupuntahan ko si Sheen! Anobaaaa!!!”

Tumigil siya sa paglalakad. 

O.O

Bakit ang sama niya makatingin??

“A-ano?? Grabe kang makatingin!!”

Tinalikuran niya ako at nagsalita, “you’re my girlfriend.. Act like one.”

dug dug dug dug

S-sheet. Anyareh? Nagpapalpitate ako?? Nasobrahan ako sa kape? O___O

**

Aya’s Point of View

“Date tayo?”

Ano ba yan! Tsk! Bakit ba kasi kasama ko pa ’tong kutong lupa na ito eh. 

“Date mo mukha mo! Uuwi na ako!!”

Sinundan niya ako, “uuwi ka na? Sama ako! Ipakilala mo ako sa parents mo!!”

O____O

“Ay, wag na, hindi na ako uuwi. Date ba kamo? Oh tara’t magdate!”

Lord, bakit ba kasi ang kulit kulit kulit ng Kent na ito??? Grrrrr.

Chapter 21

Chapter 21

=__=

Lakad. Lakad. Lakad.

Grabeng life naman ’to oh! Ano ba ang hiniling ko nung pasko?? Di ba maging mabuting girlfriend lang naman ni Sheen my loves? Eh bakit parang mali naman po ang binigay niyo sa akin, Lord?? Bakit naging battered girlfriend naman ako ng isang ubod ng abnormal na si Drake Palma? Nagkamali po ba kayo ng paggrant ng wish? Baka po nagkapalit kami ni Kei?? Ako dapat ang girlfriend ni Sheen, siya dapat ang hinahatak ng autistic na ’to, hindi ako!! Grrr.

“Aray naman, ha!!” reklamo ko. Kung makahatak naman kasi ang isang ’to, aso lang ako?? Kaloka!!

“Sssh,” sabi niya. Leshe. Bakit kahit simpleng ‘sssh,’ nagiging cool pag siya ang nagsasabi? __

Hinatak niya pa din ako papunta sa bahay nila. Tahimik na nga lang ako. Hindi pa din ako nakaka recover dun sa spiel niya na ’you’re my girlfriend.. act like one!!“ Nakakaloka kaya!! Ikaw kaya ang sabihan niya nun, tignan ko lang kung hindi ka matahimik!!

Pero.. kung iisipin.. omg!! Tanggap niya na nga na girlfriend niya ako? =___= Wag na ngang isipin. Kaderder talaga.

Naglalakad na kami sa pathway papunta sa bahay nila ng mapansin kong may ibang sasakyan na nakapark. Hmm. May mga bisita ba sila??

“Alys! Drake!”

Ayun, nakita ko si Tito Steve! Tagal ko ding hindi nakita si Tito!

O______O

Pero.. ibig sabihin nandito din si Tita Katrina???? Waaaaaaaaah! Hindi pa ako handang magpakita sa kanya!! Ang huli naming pagkikita  ay nung nakita niya na nakahiga ako sa kama ni Drake with matching 3 inches distance ng mukha namin!! >___<

“Tamang tama, Alys. Pasok ka sa loob? May pasalubong kami sa’yo ng Tita Katrina mo!” sabi ni Tito Steve tapos inaya niya ako sa loob.

Lesheng Drake yan! Iwan daw ba ako dito sa labas? Grrrr! Porke’t nandyan si Katrina niya, kinalimutan na ako!! May pa you’re my girlfriend pa siya, iiwan din pala ako!! Kainis!! Grrrr!!

“Oh, ang cute noh??”

-___-

Oo, alam kong isip bata si Tito Steve.. pero hindi ko akalain na ganito..

“Isuot mo, dali!!”

-___-

“Ang cute talaga ng girlfriend mo!” sabi ni Tito Steve sabay hatak kay Drake para tignan ako.

“Tss,” naman! Sino pa ba ang nagsabi niyan? Eh di si Drake! D to the U to the H!!

Tinanggal ko na yung headdress na tenga ni minnie mouse sa ulo ko. Tsk. Si Tito Steve naman kasi, ang tanda tanda na tapos yun pa ang binili?? Impossible naman na si Tita Katrina ang bumili nun eh mukhang maganda ang taste niya!! Tsk. Hindi ko talaga maisip kung saan nagmana si Drake. Abnormal kaya ang biological mom niya??

“Ah, eh, Tito Steve, bakit niyo nga po pala ako hinahanap?” tanong ko. Sabi nung asungot hinahanap daw ako ni Tito?? Di ba kaya nga hindi ako nakapunta sa usapan namin ni Loves ngayon? Uwaaaah! Naudlot na naman ang pag iibigan namin. T^T

“Hinahanap kita?” parang nagtataka si Tito Steve?

.>

“Yeah. Tss,” sagot ni Drake, “wedding.”

O___________O

Omg!! Kasal??

“Hala, Tito Steve! Hindi pa po ako handang magpakasal! Hindi pa nga po nagppropose yung anak niyo eh! Wag po kayong mag alala! Hindi po ako magsasampa ng reklamo kahit na pinagbintangan niya akong pinilit ko siyang hipuan ako. Huhuhu. Please po, wag niyong ituloy ang kasal!!”

Tito Steve: O____O

Drake: -__-

After 10 seconds..

“Hahaha! Alys talaga oh, ibig sabihin ni Drake ay yung kasal namin ng Tita Katrina mo.. Ikaw talaga oh,” paliwanag ni Tito Steve.

Woosh! Akala ko naman kung ano na eh! Napaka assumera ko talaga! Hihihi!

Tumingin si Tito Steve sa akin, “pero ano nga yung sabi mo? Hinipuan?”

///////////<

“Ah eh. Hehehe. Wala po. Joke lang po yun.”

Iniwan ako ni Tito Steve tapos inakbayan si Drake, “anak, anong base?”

“Tss,” sabi ni Drake tapos tinanggal niya yung kamay ni Tito Steve sa balikat niya, THE DRAKE PALMA WAY!! “Second,” tapos naglakad siya paakyat sa kwarto niya.

Naluha luha naman si Tito Steve, “anak, i’m so proud of you!”

O________O

Ayan na naman yang second base na yan eh!! Grrr!!

Nagpadala si Tito Steve ng makakain habang nagbibihis pa ang prinsipe. Buti na lang at tulog pa si Tita Katrina. Ayoko siyang makita. =___= I’m not prepared!!

“Di ba nasabi ko na sa’yo na isa ka sa abay, Alys?”

____

“TALAGA PO??”

Omg!! Magsusuot ako ng gown!! Wahaha! Malalantad na naman ang kagandahan ko! 

Natawa si Tito Steve sa reaction ko, “oo. Basta, sasabihin ko na lang kay Drake na dalhin ka dito pag susukatan na ng gown pati sa rehearsals, ha?”

Tumango lang ako habang kumakain ng cookies. Hihihi. Excited na ako sa kasal!! Pero.. pano na si Drake? Okay lang kaya siya?

“Nga pala, balita ko nalipat daw ng section si Drake ah?”

O_________O

“Talaga po?”

Hindi nga? Talaga? Bakit hindi ko napansin yun??

Natawa naman si Tito Steve, “eto naman! One week na nga eh. Sabagay, wala namang makakapansin kahit mawala yun eh. Tahi- tahimik kasi. Tsk!”

“Eh, bakit po siya nalipat?” tanong ko.

“Mataas daw average eh. Nung naglabasan pa ng grades for 1st grading yun ah, hindi mo napansin?”

Ah! Oo nga noh! Tsk! Ang abnormal din ng school namin, naglilipatan. Sheez! Galingan ko din kaya mag aral para maging classmate ko si loves? __

“Oh, ayan na pala eh,” sabi ni Tito Steve.

**

Eydee’s Point of View

Alys: ____ –> tuloy laway

Tito Steve: ^____^

Drake: -___-

Paano ba naman, bumababa ng hagdan ang prinsipe!! Omg!! Ang gwapo niya kasi habang bumababa!! Paano niya kaya nagagawa yun?? Eh nakasimpleng shorts at shirt lang naman siya! Tsk. TDPW (The Drake Palma Way) nga naman!

“Oh, iwan ko na kayo. Aasikasuhin ko lang yung wedding planner,” sabi ni Tito Steve, “anak, i home run mo na!” tapos iniwan niya si Alys at Drake sa dining table. Hahaha! Maka home run naman si Tito Steve! Sabik magka apo? Hahaha!

“Tss,” sabi ni Drake. Alys naman kasi! Obvious much sa pagd drool? Kaloka! At isa pa, hindi naman niya alam yung home run at bases chuchu na yun kaya keribels lang siya. Buti at inosente pa si Alys! Wag sanang maging shrek ’to!

Nagising naman si Alys sa pagddaydream niya at may itinanong siya, “oy, paano na yung project natin sa English??”

Di ba nga may project sila na book review? Yung ikinulong sila ni Aya sa room? Inaalala ni Alys yun ngayon! Paano na nga ba yun ngayon?

May inilapag si Drake na flashdrive sa mesa, “print mo.”

^______^

Tuwa naman si Alys! Tama nga si Aya, si Drake ang susi sa tuwid na daan! Mwahaha! Makakakuha na din yata sa wakas ng A+ ang magbest friend sa tulong ng genius na si Drake. Para paraan talaga oh!

Kinuha ni Alys yung flashdrive at nilagay sa bag niya, “oh sige. Byee!!”

Tumayo na siya para umalis pero hinawakan ni Drake yung kamay niya.

dug dug dug dug

Nagppalpitate na naman daw siya! Gaga talaga! Simpleng kilig lang, hindi ma gets! Wala talagang IQ ang babaeng ’to eh! Kaloka!

“B-bakit?” tanong ni Alys. Kinakabahan na naman daw kasi siya. Palagi na lang pag nanjan si Drake, kinakabahan siya! Iba ang epekto. TDPW nga kasi. Hahaha!

“Tutorials.” matipid na sabi ni Drake. Balik monosyllabic mode na naman siya.

-___-

Akala naman ni Alys, may banat na naman si Drake! Tsk! Sayang! Akala ko din eh!

“Wag na. Tinatamad akong mag aral,” paliwanag ni Alys. Sa totoo lang, ayaw niya na kasi. Naiilang siya kay Drake. Hihihi. Pag ibig na kaya? Parehas ang nadarama, ito ba ang simula?

“Tss. Bird brain,” sabi ni Drake sabay kuha ng sliced bread at nutella. 

O________O

“Grabe ka naman!” -Alys

“Tss.” -Drake

“Grabe ka talaga!!” -Alys

“It’s obvious.” -Drake

-////////-

“Tandaan mo ’to!! Malilipat din ako sa section niyo pagkatapos ng second grading! Grrr!!” sabay walk out ni Alys tapos bumalik din siya, “naiwan ko lang yung bag ko. Bwisit!”

Napangiti lang si Drake. Asa pa daw si Alys. Wahaha!

**

Aya’s Point of View

“Saan naman tayo?”

Ay Lord, napakakulit talaga! Hindi ba nauubusan ng energy ang Kent Justin Valdez na ’to??

Naupo ako sa bench sa park. Nandito kasi kami sa ATC. Ewan ko ba kung bakit napunta kami dito. -___-

“Pagod ka na, Bee?”

buntong hininga

Umupo sa tabi ko si Kent tapos nilagay niya yung ulo ko sa balikat niya, “tulog ka muna? Gigisingin kita maya maya.”

Inayos ko yung ulo ko at tinignan ko siya, “Kent.”

“Uhm?”

“Seryoso ako ha?”

“Seryoso din ako sa’yo,” sabi niya. =___= makabanat lang talaga ang isang ’to.

“Seryoso ako. Tigilan mo na ako,” sabi ko tapos tumayo ako at kinuha yung gamit ko.

Ayoko sa ganito. Sikat kaya siya sa school namin. Sino ba ako? Weird na babae ng St. Claire’s. Tch. Tsaka playboy kaya yang si Kent! Mamaya trip lang pala niya ’to, nadamay pa ako! 

Hinawakan niya yung kamay ko, “seryoso din ako. Hindi kita titigilan.” Kinuha niya yung gamit ko, “bakit ba kasi ayaw mong maniwala? Gusto nga kita. Hindi pa ba obvious? Eh halos gawin mo na nga akong alipin eh.”

=___=

Haaaay. Buhay nga naman oh.

Chapter 22

Chapter 22

“Ay, may himalang naganap?”

.>

“Ay, masamang mag aral??” sabi ko kay Aya! Grabe ha!! Napaka judgmental talaga ng mga tao!! Porket nakita lang akong may hawak na libro, himala agad?? Hindi ba pwedeng nilait lang nung lesheng Drake Palma na yun?? Grrrr! Kaasar!!

Umupo siya sa tabi ko, “sorry naman, Besh. Ang init agad ng ulo. Ano ba yang pinag aaralan mo?” tanong niya sa akin.

“Trigonometry,” sagot ko, “aral tayo?”

Haaay! Bakit ba kasi napakatalino nung bwisit na Drake na yun!! Nappressure tuloy ako!!

“No, thanks. Masaya na ako sa alam ko,” sabi ni Aya tapos inilayo niya yung Leithold sa kanya. Tignan mo ’tong babae na to! Wala talagang pakielam sa grades niya! Kawawa naman sila tita. Parang laging aatakihin sa puso tuwing makikita yung grades ni Aya. Hihihi. Pati din naman sila mommy eh. Hihi.

“Eh bakit ka naman kasi biglang naging interesado diyan, Alys? End of the world?”

Inirapan ko nga!! Hmp! Simula ngayon, lagi na akong mag aaral sa school para mukha akong matalino! Pati makapagpabili nga ng glasses para full effect ang nerd look ko!!

“Leshe. Tahimik nga, nagcconcentrate ako,” sabi ko tapos binuksan ko yung libro.

Gosh! Table of contents pa lang nahihilo na ako!!

Sinubukan kong basahin.

Yuko sa lamesa.

Sarado ng libro.

Ayaw ko na.

“Ay, aya! Abay nga pala tayo sa kasal nila Tita Katrina! Hihihi!” sabi ko kay Aya! Excited na talaga ako!! Ano kayang motif nila?? Kahit na ano na lang. Bagay naman sa akin lahat ng kulay! Ganyan talaga pag maganda! Wahaha!

Inirapan ako ni Aya, “yuck. No, thanks. Ayoko ngang umabay sa kasal nung pedophile na yun. Over my dead body noh!”

“Grabe ka naman, Aya! Kasal din kaya ni Tito Steve yun!”

“Ay kainis! Oo na nga!” sabi niya. Ang lakas talaga ng allergy ng babaeng to kay Tita Katrina!! Dinaig pa ako na may crush kay Drake eh!

**

Eydee’s Point of View

Nag bell na at nagpasukan na ang mga estudyante ng St. Claire’s sa kani- kanilang mga silid aralan. Ay! Ang hirap mag straight Tagalog. Well, anyways, magkaiba na nga ng classroom sina Drake at Alys. Hmmmm. Hindi naman natin masisisi na nalipat si Drake dahil matalino talaga. At isa pa, naaabuso siya dun sa dati niyang section. Ginagawang source ang notebook ni Drake. =__= Si Aya kasi eh, pinapalibot sa buong room yung assignment ni Drake.

Natapos naman ang buong klase na walang kakaibang nangyari. Ay, meron pala! Nag volunteer si Alys na magsagot ng problem sa board! Improving talaga!

“Class, those who are under the tutorials, please do stay,” sabi nung teacher nila Alys.

=____=

Akala pa naman ni Alys, Drake free ang araw niya ngayon! Hindi niya pa kasi nakikita si Drake simula nung tumuntong siya sa grounds ng St. Claire’s! Ngunit diyan siya nagkakamali dahil buong hapon silang magsasama! Mehehe!

“Kainis! Kainis! Kainis!” sabi ni Alys. Hehehe. Obvious naman na naiinis parin siya kay Drake. Grounded pa din kasi siya hanggang ngayon. 2 weeks kaya yun!

Habang si Aya naman ay.. “Hehehe. Sa wakas, hindi ko makikita si Kent ngayon!!”

Naglakad sila papunta sa lugar na pagttutor-an nila. Si Aya, sa library, si Alys, dun sa study area.

-Drake, Sheen, and Kent’s classroom-

“Sheen,” tawag ng cute na cute na si Kent kay Sheen. Nag aayos kasi ng gamit si Sheen dahil nga di ba tuturuan niya si Aya ngayon. Okay na din daw yun at least may maiisip siya bukod sa napakasakit at nakakalalaking pamababsted ni Kei at ang pambubwisit na ginawa sa kanya ni Drake nung isang araw.

“Oh?” sabi ni Sheen.

Lumapit naman si Kent kay Sheen at nagpacute O “Sheen..”

Medyo kinilabutan naman si Sheen sa puppy eyes ni Kent! Hihihi! Pero nakakakilig kaya!!

Lumayo layo ng konti si Sheen dahil kinikilabutan siya sa nakikita niya, “bakit ba?” bakit ba ang hinahon talagang magsalita ni Sheen forever!!

“Ako na lang magtuturo kay Aya babes oh?” sabi ni Kent. Hihihi! Ang lakas talaga ng tama ni Kent kay Aya oh! Grabey!

“Uh..” medyo naiilang na sagot ni Sheen kasi hawak hawak ni Kent yung kamay niya, “sige pero sabihin mo muna kay Ms. Clarise na ikaw ang magtuturo.”

“Yes!!” sabi naman ni Kent habang tumakbo palabas ng room para magpaalam sa coordinator nila.

Lumapit naman si Sheen sa kasalukuyang nag aayos pa din ng gamit na si Drake Palma.

“Ehem,” pagpapapansin ng cute na cute na si Sheen. Napatingin naman si Drake like this oh —> >.>

Hindi siya nagsalita pero nakatingin lang siya with his ever piercing stare O

“Ako na lang magtuturo kay Alys.” -Sheen

“Tss.” -Drake

“Ano payag ka?” -Sheen

Tumayo si Drake bitbit ang bag niya at nagsimulang maglakad palabas ng room, “Drake!” habol ni Sheen.

Lumingon naman si Drake with his usual bored look.

“A-yo-ko,” sabi ni Drake! Omg!!

“Bakit ba?? Wala ka namang gusto kay Alys di ba??” sabi niya tapos nahawakan niya yung braso ni Drake

“Tss,” tapos inalis niya yung kamay ni Sheen sa braso niya, TDPW, “sino ba mas matalino sa atin?” sabi niya kay Sheen.

=___=

BELOW THE BELT NA YUN!!!! Sensitive kaya si Sheen sa ganyan!! Kainis si Drake ha!!

Nalungkot si Sheen. Oo nga naman, mas matalino naman talaga si Drake sa kanya.. Tumalikod na siya at bumalik ng room. Nung pag labas niya, “pag umiyak si Alys, magtago ka.” At naglakad siya palayo, the cute way. Hihihi! Hindi bagay ang fierce kay Sheen! Ang cute niya kaya!! So fluffy!!

**

Alys’ Point of View

Lord, Lord, Lord, quota naman na po yata ako sa kamalasan ngayon! Tama na po, please!!

.>

Speaking of kamalasan, nandito na ang malas sa buhay ko!!

“Tss,” sabi ko. Ayan! Nagagaya na tuloy ako sa pa Tss Tss niya!! Kainis!! Grrrr!

Umupo siya sa harap ko kinuha ang iPod niya???

“Hoy,” sabi ko habang nilalagay niya sa tenga niya yung earplugs, “hindi mo ba ako tuturuan?”

“Tss,” sabi niya. Again. 

“Hoy!!”

Aba’t!! Grabe na to ha!! 

Hinatak ko yung plug sa tenga niya, “hindi mo ba ako tuturuan??” akala ko ba tutor ko siya?? Tsaka gusto ko kayang mag aral ngayon!! Di ba nga plano kong malipat sa star section pagkatapos ng second grading?? Nakakababa naman kaya ng pride yung pangalan ng section sa school ko noh!! Yung isa, Star section tapos yung sa amin, Darkness section. Nakaka hurt!!

“Tss. Why would i?”

.>

“Dahil tutor kita!!”

“Don’t like.” 

Aba’t! Kailan pa naging brat si Drake?? Grrr! Siguro nag away sila ni Katrina kaya siya PMS ngayon!!

“Susumbong kita kay ma’am!!”

Hindi ako pinansin at tinulugan pa ako. Grabe na! Hindi ko na keri to!!

**

Eydee’s Point of View

At dahil nga inatake na naman ng pagka abnormal si Drake, nag aral na mag isa si Alys. Hmm. Okay na din yan. Sariling sipag! Mehehe. 

Binuksan ni Alys ang kanyang libro at sinubukang basahin ang Leithold. Pero siyeeet! Wala talaga siyang maintindihan!! No joke!!

After ilang minutes, naawa si Drake.

.> tinignan niya si Alys tapos… “Tss,” as usual.

Napatingin naman si Alys sa kanya, “tinitingin tiningin mo jan???” highblood na sagot ni Alys. Haha! Intense!

“Tuturuan kita..” sabi ni Drake.

Nagningning naman ang mga mata ni Alys, “talaga???” hindi niya kasi talaga keri mag aral mag isa!!

“Pero..” -Drake

“Pero?” -Alys

“Kiss me,” sabi ni Drake.

O______O

“AT ANO NAMANG DRAMA MO NGAYON??” sabi, ay este, sigaw ni Alys!

“Tss,” sabi ni Drake, “why are you always shouting?” sabi niya pagkatapos takpan ang tenga. Ilang decibels kaya yung boses ni Alys! Nakakaloka!

Alam niyo ba kung bakit ganyan si Drake?? Tignan natin..

-last night sa Palma’s Residence-

“Excited na akong pakasalan ka!” sabi ni Tito Steve habang kumakain sila ng dinner.

Ngumiti naman si Tita Katrina. Aba’t dapat lang na masaya siya! Ang mahal kaya ng gown niya! Rajo Laurel! “Ako din..” pa demure na sabi niya. De, joke lang. Baka naman sabihin niyo na ang sama ko kay Tita Katrina. Mahinahon lang talaga siyang magsalita.

Lumapit si Tito Steve kay Katrina at hinalikan si Katrina sa lips sa harap ni Drake!!

-present-

At iyon nga ang dahilan.. naiinggit siya sa kissing scene ni pedo at Tito Steve kagabi. Hehehe! Patay ngayon! Anyareh kaya sa dalawang ito??

Chapter 23

Chapter 23

Inch by inch Drake’s moving closer~

Feels like a fairytale~

Take his hand this is the moment~

He’s moving closer to youuuuu~

Hehehe. De, joke lang. Hindi lumapit si Drake kay Alys. Wish niya lang, noh! Nakakatakot kaya ang tingin ni Alys, pang kontrabida lang ang dating!

“In your dreams, Drake Palma!!” sabi niya sabay ligpit ng gamit niya at tayo.

“Tss,” sabi ni Drake.. as usual! Nagtaka pa kayo.

“Grrrr!!” nanggagalaiti si Alys habang nilalagay niya yung gamit niya sa bag niya. Bakit naman daw kasi napakalaki nung Leithold at hindi makasya sa super cute niyang mini backpack??

Pilit isinasaksak ni Alys sa bag niya yung gamit niya habang nanonood lang si Drake with his hands resting under his chin and relaxed na nakaupo at tinitignan ang agitated na si Alys!

“Tingin ka dyan??” -Alys

Ngumiti lang si Drake, pang asar! Hahaha!

“Alam mo, Drake, kung gusto mo ng kiss, punta ka sa Katrina mo!!” hindi napigilan ni Alys na sabihin!!

Uh- oh.

Napatayo si Drake at inch by inch he’s moving closer~ Shems!! Itutuloy ko na ba ang pagkanta?? Kissing scene na ba ang kasunod?? (o,o)/

Napaatras si Alys hanggang sa nakarating na siya sa dulo at natrapped siya sa pagitan ng bisig ni Drake. Shet, bumi-bisig! Hahaha!

“D-drake..” medyo kinakabahan na sabi ni Alys. Kasi naman, ang daldal daldal eh! Ayan tuloy, nawala sa mood si Drake!! Bihira na nga lang yung moments na ngumingiti yun eh!

Nakatingin lang si Drake kay Alys.. mind compulsion?? Hahaha!

“Wag mo kong—” hindi natuloy ang sasabihin ni Alys dahil inilapat ni Drake yung daliri niya sa bibig ni Alys sabay sabi ng, “shhhh”

Shet! THE DRAKE PALMA WAY!! How in the world can he make “shhhh” sound so smexy??

“When will you ever learn how to shut up?” -Drake

____

**

Alys’ Point of View

Omo!!

B-bakit ang gwapo niya???

dugdug dugdug

Shet! Nasobrahan na naman ako sa kape! Eto na naman ang wild palpitation ng puso ko!! Omg! Papasama na nga ako kay mommy sa doctor this week. Napapadalas na ang ganitong feeling!

“When will you ever learn to shut up?” sabi ni Drake.

____

Bakit naaakit ako sa kanya??

Unti unti siyang lumalapit.

Hala!! Hindi pwede!! Virgin pa ako!! Ayokoooooo—

Shet.

“That’s all for now,” sabi niya sabay labas sa pinto ng study area.

dugdug dugdug

Did he just kiss me on my neck??

**

Aya’s Point of View

Ang tagal ni CB ha!! Kanina pa ako dito! Kaasar!

“Hi, Bee!!”

O_____O

At bakit nandito na naman ang kutong lupa na ’to?? Akala ko ba Kent Justin Valdez free ang araw na ’to??

“Asan si Sheen?” tanong ko.

“Wala si Sheen. Hehehe. Ako na tutor mo simula ngayon, Bee,” sabi niya habang nilalabas yung mga gamit niya.

“EH BAKIT IKAW???”

Nagtakip siya ng tenga, “Bee naman, pakihinaan yung boses,” sabi niya tapos inalis niya yung takip ng tenga, “syempre ako na lang para may qualty time tayo.”

YUCK! Kilabutan nga siya sa mga sinasabi niya! Nakakapantayo ng balahibo! Dinaig pa si CB sa pagbibigay ng kilabot sa akin eh!

“Mahiya ka nga, Kent.” -ako

“Eh bakit ko ikahihiya ang feelings ko sa’yo? -siya

“KADIRI KA!!” -ako

“Hehehe. Love you, too, Bee.” -siya

Yuko ang ulo.

Hindi talaga ako uubra sa Kent na ’to.

poke poke

“Bee? San ka ba papaturo?” sabi niya.

Inabot ko sa kanya yung test papers ko. Tignan niya hanggang maiyak siya! Hahaha!

“Yosh.”

.>

“Bakit ganyan naman yung mukha mo??” tanong ko kasi ang saya ng mukha niya eh! Ano naman kasaya saya sa test papers ko? Eh halos zero na nga yung score ko eh!!

“Wala lang. Hehehe,” sabi niya. Tignan mo ’to! Ang creepy! Creepy ba talaga ang SC members? Iyakin na president, abnormal na vice president.

“Ano nga??”

Huminga siya ng malalim, “hehehe. Sabi kasi ni Ms. Clarisse pwede daw ituloy sa weekends ang tutorials pag sobrang sama ng scores eh. Sobrang sama kaya ng scores mo. Yosh! Weekends with Bee!!”

O________O

**

Alys’ Point of View

Grrrrr!!

Bakit hindi ako makapasok sa cr sa kwarto ko??

Bakit ayaw kong maligo??

Bakit ayaw kong punasan yung leeg ko??

Bakit nagbihis lang ako ng cute na cute na pajamas without ligo??

Oh noes!!

calling..

Ayayayayayang Panget

(“Oh?”)

“Grabe ha! Labag na labag sa loob yung pagsagot sa tawag??”

(“Obvious ba?”)

“Bwisit ka talaga!! Kainis ka!! Bye!!”

Binaba ko na yung phone.

Yun na nga yung pinaka una kong tawag simula nung bumalik yung gadgets ko eh tapos isang abnormal na Aya pa yung sumagot. Ano kayang problema ng babae na yun??? Ako pa napagbuntungan ng sama ng loob?? Hmmm. Baka Kent problems? Hihihi! Kenya Shipper ako!! So cute and fluffy kaya nilang dalawa!!

“Alys?”

“Po?” sabi ko. Si mommy kasi eh. Hehehe. Bati na kami ni mommy basta ang sabi niya sa akin, hanggang second base lang daw ako. Ipapa LBC niya daw ako sa States pag nalaman niyang naka home run si Drake. =___= Ayaw naman sabihin sa akin pag tinanong ko kung ano yun! Malay ko ba kung naka home run na pala si Drake. Duh??

“Nanjan si Sheen sa baba,” sabi niya.

O

Si Loves!!

Dali dali akong bumaba. Shet! Balik sa room!!

Cute na pajamas? check

Cute na slippers? check

Curly hair? check

Lip balm? check

Tutty fruity scent? check

Hihihi! Ready to go na ko kay Loves!!

“Sheen?” sabi ko. Hehehe. Pa cute ng konti. Pero bakit nga ba siya nandito? Gabi na ah! Tsaka tiga ibang village siya.

Lumingon siya. Super cute! Omo!!

“Alys,” sinabi niya yung name ko in a super cute way!!

“Bakit ka nandito?” i asked him tapos lumapit ako sa kanya. Para maamoy niya naman na mas mabango ako kay Kei, noh!! Naka move on na kaya siya??

“Pwede ka bang makausap?” he said.

O

“S-sige. Sa garden tayo,” sabi ko.

Naupo siya sa swing sa garden namin. 

“Alys..”

“Hmm?”

Bigla niya akong niyakap.

“I miss you..”

“Namiss din kaya kita..” sabi ko. Ohem! Eto na ba yung moment?? “Bakit ka nga nandito?”

“May itatanong sana ako sa’yo eh..” sabi niya.

Shet!

“Oo, Sheen!!” sabi ko.

“Huh?” sabi niya.

“Di ba tatanungin mo ako kung pwede mo akong maging girlfriend? Oo naman yes!” sabi ko. Di ba yung yung sasabihin niya???

Ngumiti siya then he patted my head, “hindi. Sira ka talaga.”

Pwede bang sira na lang ako pero mahal mo naman?

“Ah.. ganun ba?”

Ngumiti siya, “itatanong ko lang kung mahal mo ba si Drake?”

Ngumiti ako, pilit na pilit. Ano nga ba ang sasabihin ko?

Chapter 24

Chapter 24

“A-ano namang tanong yan, Sheen?” kinakabahan na tanong ni Alys. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin sa tanong ni Sheen.

“Wala lang, gusto ko lang malaman kung ano ba talaga kayo ni Drake,” sabi ni Sheen. Di ba nga kaya lang naman naging si Alys at Drake ay dahil sa pakiusap ni Sheen noon kay Alys? Kaya hindi din siya sigurado sa sarili niya kung totoo ba na mahal nga ni Alys si Drake.

“Bakit mo gustong malaman?” tanong naman ni Alys.

Ang totoo niyan, gustong malaman ni Sheen kung ano ba talaga ang namamagitan kay Alys at Drake dahil sa pakiusap ng ex niyang si Kei. Kung mahal nga talaga ni Alys si Drake, wala naman siyang magagawa, di ba? Kahit anong pakiusap ni Kei, hindi niya papakielamanan yung dalawa kasi ginagalang niya ang desisyon ni Alys.. Pero kung hindi naman niya pala mahal, gagawa siya ng paraan para maghiwalay yung dalawa.. Kasi ayaw niyang mapunta si Alys sa kagaya lang ni Drake..

“Basta, Alys.. Ano nga? Ano ba si Drake sa’yo?”

Huminga ng malalim si Alys. 

Eto na.

Wala ng atrasan ’to.

“Boyfriend ko. Ano ba, Sheen. Malapit na nga kaming magtwo months eh!” sabi niya sabay ngiti ng pilit.

=___=

Sige lang, Alys Perez. Lokohin mo lang si Sheen at ang sarili mo? Well, ewan ko din. Wala ka nga bang nararamdaman kay Drake? Eh mukhang dumadalas na ang palpitations mo eh. Hmmm.

“Ah, talaga?” sabi ni Sheen.

Ngumiti ng pilit na pilit si Alys. Well, ngayon natuklasan na natin kung saan magaling si Alys, sa drama. Sablay man siya sa math, science, at english, maganda naman siya at artista lang ang peg. Bawing bawi! Hahaha!

**

Alys’ Point of View

“Oo nga. Tsk. Best friend,” sabi ko although it really hurts na i emphasize yung salitang ‘best friend,’ “ano bang ibibigay ko kay Drake?”

Yuck!!

Bakit ko naman bibigyan ng kahit na ano ang kissing sungit na yun??

Over my dead and alluring body!!

“Ah eh, libro na lang siguro? Hindi naman ata mahilig sa ibang bagay yun eh..” sabi ni loves.

Haaay. Kung kami lang sana, eh di siya ang binibigyan ko ng regalo. Pero last na ’to, Alys. After nito, mag momove on na ako kay loves. At bakit naman ako mag mmove on?? Hindi naman naging kami eh!!

“Ah, sige. Thanks, Sheen,” sabi ko.

Ngumiti lang si Sheen. Ayoko na siyang tawaging loves. Sheen na lang simula ngayon. Go, Alys! Dami pang boys jan. Makakahanap din ako. Ang ganda ko kaya!!

“Sige, alis na ako,” sabi niya.

Hinatid ko siya sa gate tapos umalis na siya. Haaay, Sheen. Sabi nga nila, ‘i will find somebody to love someday but you will never find anyone who can love you the way i did.’ Ang dami kong drama dahil sa kanya! Hindi bagay sa akin. Tss. 

-kinabukasan-

“Alis na ko, mommy,” sabi ko tapos kinuha ko na yung baon ko. Hehehe. Balik na sa dati ang allowance ko.

Pagdating ko sa school, normal lang naman. Ganun pa din. Hay. Ang boring ng buhay ko. 

=___=

Lakad. Lakad. Lakad.

“Booooo!!”

O__________O

“Aaaaaaaaack!! Aya naman!” sabi ko sabay hawak sa dibdib. Sino’ng nagsabing boring?? Wala!! Hindi boring ang buhay ko dahil may best friend akong baliw. =___=

“Hehehe. Good morning, Besh,” sabi niya.

“Ano’ng good sa morning?” sabi ko. Sungit muna ako ngayon. Sinungitan niya kaya ako sa phone kagabi!! Payback time, baby!!

“Ay, sungit sungitan lang??”

“Che!”

“Alys naman, besh. Hehehe. Tara, breakfast muna tayo sa cafeteria. Di ako nakakain sa bahay eh,” sabi niya sabay hila sa akin sa cafeteria. Tsk. Hindi man lang nagtatanong kung okay lang sa akin. Sige lang sa hila. =___=

Umorder na siya ng pagkain. Himala at wala si Kent na nakabuntot sa kanya??

“Nasan si Kent?” sabi ko.

“Nako! Wag mo ngang banggitin yung pangalan nung kutong lupa na yun!!” sabi niya sabay pasok sa bibig ng burger. =___= Ano bang nagustuhan ni Kent sa babaeng ’to??

“Nako, Aya!! Cute na cute kaya si Kent!!” Syempre bback up-an ko si Kent!! Shipper kaya ako ng KenYa!! Di ba nga so cute and so fluffy nilang dalawa??

.>

Tinignan ako ng masama ni Aya.

“Ano’ng cute dun? Acute kamo!”

“Hihihi,” sabi ko. Namumula kasi yung tenga ni Aya sa inis, “napaghahalata ka eh. Siguro naccrush-an mo na si Kent noh?? Besh!! Hihihi.”

Binato niya ako ng tissue napkin, “umayos ka nga, Alys. Para kang kabayo kaka hihihi mo.”

=___=

“Baliw!!”

So, kumain na lang siya ng kumain hanggang sa natapos na siya.

Naglakad kami pabalik ng room ng..

dugdug dugdug

Sumigaw si Aya, “Drake!!!”

**

Eydee’s Point of View

Kung makasigaw naman si Aya! Grabe!! Napaghahalatang fangirl ni Drake eh. O baka naman kasi ayaw niyang nababaling sa kanila ni Kent ang attention? Hmmm.

Napatingin si Drake like this: >.>

“Tara dun, Alys!” sabi ni Aya tapos hinatak niya si Alys papunta kay Drake.

////////<

Nahihiya si Alys dahil sa neck biting incident kahapon. Nakakaloka sila, di ba??? 4th year na 4th year pa lang kung makapag kagatan na ng leeg?? Damon Salvatore lang ang peg ni Drake?? Kaloka!

“Sige, iwan ko na kayo. Hehehe. Go, Dralys!!” sabi ni Aya tapos tumakbo na siya pabalik sa room nila.

Drake  >.>     sexual tension     >.< Alys

One, silent minute.

“Tss,” sabi ni Drake sabay hatak kay Alys papasok sa cafeteria.

“O-oy!!” protesta ni Alys. Wala naman din siyang magagawa sa paghatak sa kanya ni Drake. Mejo naggym na kaya si Drake. Hehehe. Alam niyo na, para ma maintain ang abs O

Umorder na si Drake ng pagkain. Hindi kasi siya sumasabay sa bahay nila kumain. Mejo iniiwasan niya kasi si Katrina ngayon. At madami kasing tao sa bahay nila dahil the wedding bells is in the air~ Mga wedding planner, gown designer, and whatevers ang nasa bahay nila madalas kaya sa school na lang kumakain si Drake. Pati may pre-nuptial glow pa si Katrina kaya nabbwisit lang si Drake.

Umupo sila sa gilid na table ng caf. Medyo nagttinginan yung mga tao. Ang dating kasi sa kanila ay nagddate ang dalawa.

=___=

Date talaga??

Ganito ba ang date??

Tignan niyo kung ano ang nangyayari sa table nila..

“Oy, Drake,” walang galang na sabi ni Alys sa tahimik na kumakain na si Drake.

.>

Tinignan lang siya ni Drake.

“May monthsary ba tayo??” tanong niya. Nasabi niya kasi kay Sheen kagabi na magmmonthsary na sila. Ngayon lang niya naalala na hindi niya pala alam. Duh. Hindi niya tinandaan kasi hindi niya kayang tandaan. =___= Birthday niya lang ang kaya niyang tandaan.

“Tss,” who said that??? It’s Drake, it’s Drake!!

“Kainis,” sabi ni Alys, “so, hindi mo din pala alam. Pano ba yan..” sabi ni Alys.

=___=

Sa lahat ng magboyfriend na kilala ko, sila lang ang walang pakielam sa monthsary. Sabagay, kahit ako hindi ko matandaan eh.

“Alam ko na!!” sabi ni Alys with matching tayo sa upuan.

Tinginan na naman ang mga people sa St. Claire’s. Ano naman ba kasi ang naisip ni Alys??

**

Alys’ Point of View

Ohem!! Nakaisip na ako ng brilliant idea!!

“September 31 ang anniversary natin. Hehehe. So magccelebrate tayo sa Nov. 31 ng second monthsary natin. Pwe,” yuck. Ew. Nakakadiring isipin. =___=

Tinignan ako ng masama ni Drake. 

.>

Tingin din ng masama.

.>

“Tinitingin tingin mo jan??”

“Tss,” sabi niya tapos binaba niya yung tinidor na ginagamit niya, “you’re so stupid. Walang September 31.”

HAHAHA!!

“EXCUSE LANG PERO NAISIP KO DIN YAN!! HAHAHA!!”

Akala niya hindi ko naisip yun?? Ohemgee! For the first time, naunahan kong mag isip si Drake. This is really an achievement..

“31 na lang para mejo 6 times a year lang tayo magccelebrate. Tsaka asa ka namang aabot tayo ng one year!! Asa ka pa!!”

Di ba? Ilang buwan na lang ggraduate na kami!! Mawawala din siya sa landas ko sa college. Mwahaha!

Tumayo siya.

Lumapit sa akin.

Oh noes.

Lumapit siya sa tenga ko, “who says i’m gonna break up with you?”

dugdug dugdug

Wild palpitation.

Chapter 25

Chapter25

“Tara na, Besh!!”

Kasalukuyang hinahatak ni Aya si Alys papunta sa bahay nila Drake. Sabado kasi ngayon kaya walang pasok.. at isa pa, ngayon ang isa sa rehearsal ng kasal nila Tito Steve at Katrina.

“Mamaya pa kaya yun, Aya! Masyado ka naman yatang excited??” sabi ni Alys habang nakakapit sa gilid ng pinto ng cr niya. Pilit kasi siyang kinakaladkad ni Aya papasok ng cr eh!!

“Eh bakit ba?? Namimiss ko na si Tito Steve!”

Sus. Ang totoo kayang dahilan ay dahil naaalibadbaran siya kay Kent. Alam niyo naman si Kent, nagffeeling masugid na manliligaw kaya nasa bahay nila Aya tuwing pwede. Jusko! Botong boto ang nanay ni Aya! Kulang na lang pilitin si Kent na pakasalan na yung anak niya eh!! Sabagay, pag ganyang cute and fluffy ang manliligaw ng anak mo, aarte ka pa ba? Hahaha!

.>

Tinignan ni Alys si Aya like that.

“Ikaw ha.. May itinatago ka sigurong crush kay Tito Steve noh??” -Alys

Napaisip din kasi si Alys. Malay ba niya?? Eh kasi naman sobrang irita ni Aya kay Tita Katrina, kala mo ex boyfriend niya si Tito Steve at galit na galit siya dahil magpapakasal na sa iba yung ex niya. Ganun kaya ang drama ni Aya palagi. =___=

Umarteng masuka suka si Alys, “ay, ano tingin mo sa’kin? Fan ng May- December love affair?? Eh kung sinasapak kaya kita??”

Natakot naman daw si Alys kasi umamba talaga si Aya na sasaktan siya. Tignan mo ’tong si Aya.. sadista ata eh.

“Oo na po..”

Naligo na si Alys.

Si Aya naman, habang naliligo si Alys, ay nahiga sa kama at nagkalikot sa laptop ni Alys. Okay lang naman yun dahil halos magkapatid na yung dalawang yun. Sus, kulang na nga lang eh gawin na ding Perez ang last name niya.

After maligo ni Alys, nagbihis na din siya ng matinong damit. Syempre kailangan maganda siya! Nandun kaya si Tita Katrina eh alam naman nating lahat na mukhang anghel na yung babae na yun sa sobrang kagandahan! Kaya inlove na inlove si Tito Steve eh!

Bumaba na sila para kumain.

“Kain muna tayo,” sabi ni Alys kay Aya. Kinakabahan kasi siya baka magutom si Aya bigla tapos dun pa sila magbreakfast kila Tito Steve! Kaya sila napagkakamalan na naghihirap eh!

“Dun na, late na kaya tayo,” sabi naman ni Aya. Bahaha. Ang totoo niyan, may binabalak kasi sila ni Tito Steve kaya excited na siyang pumunta dun.

“Eh di mauna ka na. Dito ako kakain!!” sabi ni Alys sabay punta sa dining table. Nandun din kasi ang mommy at daddy niya.

Naupo na siya at nagsimulang kumain, “mommy, sabihin mo nga kay Aya kumain muna,” sabi niya sa mommy niya. Hehehe. Alam niyang hindi tatanggi si Aya, takot niya lang kay mommy Dana noh! 

Tinawag naman ni mommy Dana si Aya at syempre, walang nagawa si Aya kung hindi maupo at kumain. =)))

“Alys, punta ka daw sa daddy Cyriel mo this weekend?” sabi ni mommy Dana.

Tumango lang si Alys. Ganito kasi ang set up nila, minsan dun siya nagwweekend sa daddy Cyriel niya. Yep, hindi niya talaga daddy si Andy but who cares? Siya ang nag iisang prinsesa ng daddy niya.. pero hindi siya nag iisang anak. Feeling niya lang since pinadala sa America yung little brother niya. Bakit? Ah basta! Soooobrang kulit kasi!!

“When will you go home? Clarence will fetch you,” sabi ni Dana.

Tinignan ni Alys si Aya. Gusto niya naman kasing umuwi talaga ng maaga pero hindi natutuloy dahil sa mga kagagawan ni Aya! For example, nung kinulong siya sa kwarto ni Drake! Ayy, nakakaloka talaga si Aya, noh??

“4 po, nandito na ako,” sabi niya sabay tingin ng masama kay Aya, “di ba, Aya? Dapat nakauwi na ako by 4??”

Napilitang ngumiti si Aya, nakatingin kasi sa kanya si Tita Dana, “ah, opo. By 4, nandito na kami. Hehehe,” sabay subo ng pancake. Ang sungit kasing tignan ni Tita Dana niya tapos nakaka intimidate kasi kahit matanda na, ang ganda pa din!

“Pupunta kayo kila Drake, diba?” tanong naman ni daddy Andy.

“Yes, dad,” sabi ni Alys.

“Sige, sige. Ingat kayo dun, Alys. Sabihin mo dun pumunta siya dito minsan,” sabi ni daddy Andy.

“Sige po,” sabi ni Alys. And with that, tumayo na sila ni Aya at nagpunta kila Drake.

**

Alys’ Point of View

=____=

Kailan kaya ako magkakaroon ng alone time? Simula ng nakilala ko si Drake, hindi na natahimik ang buhay ko, pati na ang puso ko. Leche talaga oh!!

Pagdating namin sa bahay nila, ang daming tao. Well, expected naman since 3 weeks before the wedding na lang eh! Siguro tuwang tuwa si Tita Katrina ngayon. Sino ba ang hindi matutuwa pag si Tito Steve ang papakasalan? Kung siguro mas matanda ako, si Tito Steve ang makacrush-an ko :’))

“Alys, Aya!” sabi ni Tito Steve pagdating namin sa bahay nila.

Binaba ko muna yung gamit ko sa upuan, “sorry po at late. Nagbreakfast pa po kami eh.”

“Nako, okay lang. Sige, dun kayo sa receiving area at nandun yung designers na magsusukat,” sabi niya.

Nagsimula na akong maglakad tapos nakita ko si Aya na nakaupo lang dun kaya tinanong ko siya, “oh? Hindi ka ba magpapasukat?”

Umiling siya, “sige na, mauna ka na. Sunod na lang ako,” tapos ngumiti siya. Nako, ang creepy ng ngiti na yan ha!!

**

Aya’s Point of View

“Hehehe,” sabi ko habang tinitignan maglakad palayo si Alys, “nasan na si Drake, tito?” tanong ko kay Tito Steve.

“Nasa taas. Ayaw bumaba at ang daming tao. Allergic sa tao yun eh.”

Tumango tango ako at nag isip ng plano. Isang bagay na natuklasan ko: attracted si Alys sa abs ni Drake!!

Paano ko nalaman? Kasi nga, nung naliligo si Alys, nagkalikot ako ng laptop niya.. At may nakita akong kaduda dudang folder.. At binuksan ko siya, at binuksan. Leche na yan!! Nakailang pindot ako bago ko narating yung pinakadulo!!

At ang tumambad sa akin? Picture ni Drake na topless. Opo, tama kayo ng hinala.. manyak si Alys. Pa tweetums effect lang yung si besh pero ang totoo, attracted siya sa abs ni Drake!!

Kaya ngayon, eto ang plano ko.. Bahahaha

“Tito Steve, pababain mo naman si Drake oh?”

“Bakit? Hirap pilitin bumaba eh,” sabi niya.

Nagpacute naman ako at nagpout. AT HINDI TALAGA SIYA BAGAY SA AKIN! PWE! “Sige na, please?”

Nagkamot naman ng batok si Tito Steve, “oo na. Sige, akyat muna ako.”

Evil grin

After ilang minuto, bumaba na si Drake. Ayos! Naka white shirt siya OuO

Lumapit ako at binulungan ko si Tito Steve, “pasukatan mo na si Drake, bilis!”

“Tss,” sabi ni Drake. Yun lang naman kasi ang alam niyang sabihin eh!!

Naglakad na si Drake papunta sa receiving area. Nakita namin si Besh na feeling prinsesa habang kinukuhanan ng measurement. Palibasa at designer ang nanay kaya feel na feel nitong babaeng ’to!

Lumapit na kami sa mga designer at pinasukatan si Drake. Tamang tama at may dumating na maid na may dalang juice u

“Ayy, sorry!” sabi ko habang natapunan or rather tinapunan ko ng juice si Drake =)))

“Tss,” sabi ni Drake habang tinignan yung itsura niyang basang basa. Oh em! I love you na talaga, white shirt! See through lang ang peg! Waging wagi si Alys nito! Sight na sight yung abs ng boyfriend niya!

“Nako, tsk. Napaka careless mo talaga, Aya!” sabi ko sa sarili ko, “pano ba yan? Kailangan na ding sukatan ni Drake pero basa ka na. Nakakahiya naman kung magpapalit ka pa kasi nandun pa sa taas yung kwarto mo. At nakakahiya din naman na paghintayin yung mga designer na ito.. So ang maganda talagang gawin ay maghubad ka na lang para tipid sa oras,” napakaganda kong suggestion!

Oh, ano? Aarte ka pa ba, Drake?

**

Alys’ Point of View

gulp

Oh, abs~

.>

Pinipilit kong huwag tumingin ngunit bakit? Sa tuwing ako’y lumalayo ikaw ay nang aakit? Ayy, bakit ba napapakanta na ako?? Oh noes! This is bad!!

Tinignan ko ng masama si Aya. If i know, siya na naman ang may pakana nito!! Nakita kaya ng mga singkit kong mata ang mga pangyayari! Napaka slow motion ng pagkakatapon ng juice ha!! Pati dun talaga sa abs naka sentro!! Grrrr

“Sir, talikod po muna,” sabi nung designer habang sinusukatan. Aba’t! Isang makiring babae!! Kailangan bang nahahawakan niya yung biceps pag susukatan yung sa arms?? Nakakaloka!! Dapat si mommy na lang ang nagsusukat dito eh!!

At ngayon, nakaharap sa akin ang sexy back ni Drake. Jusko. Ano bang klaseng torture ’to?

Pagkatapos ng mala R18 na scene, pinagpapawisan ako! Inabutan naman ng maid nila si Drake ng towel. 

“Oh, san ka pupunta?” sabi ni Tito Steve kay Drake.

Bigla namang tinuro ni Drake yung towel sa katawan niya tapos, “you want me to eat looking like this?”

“At bakit naman hindi?? Ang macho mo kaya, anak!”

O___________O

“Tss,” sabi ni Drake, “what a pimp,” tapos naglakad na siya paakyat.

**

After that, nagsimula na naman kaming magpractice para sa kasal.

“Assemble!” sigaw nung organizer.

Pumila naman na kami. Partners kasi kami ni sungit ngayon syempre kasi alam ni Tito Steve na boyfriend ko siya pwe!

“Tss,” sabi niya.

“Tss ka din!!”

Nagsimula na kaming maglakad. Kainis! Bakit ba kailangang naka kapit ako sa kanya pag naglalakad?? Nakakakuryente kaya!!

Pagkatapos naming magpractice nung sa paglakad sa altar, yung ibang gagawin naman. Gusto kasi ni Tito Steve organized lahat. OC pala siya?

Lumapit si Aya dun sa organizer, “pwede po bang practisin din yung sa paglalagay ng garter? Si Drake po tsaka si Alys?”

O________________O

Chapter 26

Chapter 26

O_______O

Ganyan ang reaction ni Alys! Aba sino ba naman ang hindi magiging ganyan ang reaction pag pagsusuot ng garter ang gustong ipa practice sa iyo ng magaling mong best friend??

Hinatak ni Alys si Aya sa isang gilid habang nakatulala pa din yung mga designer, si Tito Steve, at Drake! Aba sino ba naman ang hindi matutulala?? Napakagandang suggestion naman kasi, Aya! Aba kahit si Drake na napaka rare ng emotion, nakuha mong patulalain! Achievement, Aya!

“Aray naman, besh!” sabi ni Aya. Mejo mahigpit kasi ang pagkakahatak ni Alys kay Aya. Reasonable naman, kasi kung ako yan malamang eh itinapon ko na si Aya papunta sa outerspace! Like really!!

“Ano ba yang pumapasok sa kukorte mo??” sabi ni Alys. Aba, magkakasabunutan na ba ang mag best friend? Nako, shet! Pop corn!

Nangiti si Aya, “hehehe. Ang galing ko noh? Great minds produce great ideas kasi! Congratulate me, Besh! Dali!!”

Binatukan siya ni Alys, “great ideas ka jan! Ano bang trip mo ngayon, pimp??”

Habang hinahawakan ni Aya ang ulo niyang binatukan ni Alys, napatingin sila kay Tita Katrina na graceful bumababa mula sa grand stairecase ng mga Palma. Ganda nga naman! Chicks na chicks!

“Nakapalda kaya  ako!!” sabi ni Alys.

“Oh tapos?”

“Leche ka talaga!!”

“Leche na agad ako? Eh bakit nga muna?” sabi ni Aya.

Bumulong si Alys kay Aya tapos hindi napigilan ni Aya na tumawa ng tumawa.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!”

Tawa lang ng tawa si Aya.

Napalapit naman sila Tito Steve dahil na curious sa napaka infectuous na tawa ni Aya.

“Sorry po, tito Steve,” sabi ni Alys tapos hinatak niya si Aya palabas. Aba delikado na daw at baka masabi pa ni Aya yung dahilan ng pagtawa niya!

“Besh.. Hahahaha! Napaka epic mo talaga! Ikaw ang lang ang nakakapagpatawa sa akin ng ganito!!”

.>

“Sige lang tawanan mo pa ako,” sabi ni Alys.

Ano ba kasi ang dahilan ng pagtawa ni Aya?

-rewind-

Bumulong si Alys kay Aya, “nakpalda lang ako.. makikita ni Drake yung panty ko..”

“Oh tapos?”

“Aya naman eh!! Naka powerpuff girls ako na underwear!!”

-end of rewind-

At alam na natin ang dahilan ng pagtawa ni Aya. Bow.

**

Aya’s Point of View

So happy today.

Lalalala~

Walang Kent na sumalubong sa sakin sa harap ng bahay! Yosh! This is life!

Kasi ba naman, sa araw araw na ginawa ng Diyos, laging nasa harap ng gate namin si Kent pag papasok na ako sa school! Kaya lagi kaming nacchismis eh!! Nako!!

Pagdating ko sa school, nakita ko agad si Besh. Tampo na naman. Eh kasalanan ko ba na naka powerpuff girls siya na underwear? Hahaha! Tsaka ayaw ba niya nun?? Napangiti kaya si Drake nung nalaman niya!! Aba napakalaking achievement nun!!

Si Drake Sebastian Palma, ngumiti?? End of the Mayan calendar na ba??

Pumasok ako sa school ng panatag ang loob. Nako, maya maya lang kakausapin na ako ni Alys. Ako pa? Eh ako at si Sheen lang naman ang ka close niyan sa school. Hehehe. No choice siya kung hindi kausapin ako. 

-fast forward-

Palabas na ako ng bahay ng makita ko ang napakaganda kong nanay na nag aabang sa gate.

“Ma?”

“Aya, tara pasok sa kotse!!”

Tapos itinulak niya ako papasok sa sasakyan. Ano bang problema ng nanay ko??

“Ma, ano bang nangyayari??”

Nagddrive pa din siya. =____= Bakit kaya hindi pa to hinihiwalayan ni Daddy? Ang weird ni mommy eh.

“Nasan tayo?” sabi ko kasi huminto kami sa tapat ng isang bahay. Hindi naman namin bahay to.

“Nako, Aya. May sakit pala si son-in-law kaya hindi ka nasundo kanina. Tsk.”

Tinaas ko yung kilay ko, “so? Kailangan kong malaman yan??”

Hinampas ako ni mom, “eto naman oh! Wag mo nang itago yung kilig sa akin, anak! Pinagdaanan ko din yan sa daddy mo!”

=___= Pwe! Eto na naman siya, aalalahanin yung panliligaw days ni Dad. Yuck, mommy. Wag feeling teenager.

“Ano ba, mommy!! Wag mo nga akong ibugaw kay Kent!! Sumbong kita kay daddy sige ka!!”

Nginitian ako ni mommy, “nako, Aya. Nasa business trip ang daddy mo. Next week pa uuwi kaya next week mo pa ako isusumbong.”

Sabi ko nga.

“Ma!!”

Aba at tinulak ako palabas ng sasakyan!!!

“Sige, balikan kita ng mga seven. Alagaan mo si son-in-law!!”

Sabihin niyo nga, nanay ko ba talaga yun??

**

Alys’ Point of View

=____=

Buti na lang at hindi natuloy yang garter practice na yan! Sumakit ulo ko nun ah!

Naglakad na ako papasok sa St. Claire’s high. Pasukan na naman. Hoooooo! Konting pasok na lang, malapit ng mag Christmas break!! Promise ni mommy pupunta kami sa States eh. Kahit naman napaka kulit nung kapatid ko, namimiss ko pa din yun.

“Hi, Besh,” sabi ni Aya.

=____=

Lord, one day without Aya. Please lang

“Sungit naman nito,” sabi niya. Aba at paano ko ba naman hindi siya susungitan eh sinabi niya kay Drake yung dahilan kung bakit ayaw kong magpractice!! Hindi nga natuloy kaso naman nalaman ni Drake!! May nickname na tuloy siya sa akin!!

“Ewan ko sa’yo, Aya,” sabi ko sabay lakad pa din.

“Besh naman oh. Tampo agad. Hehehe. Text mo ko pag okay ka na. Sige, byeee,” sabi niya tapos tumakbo siya papunta sa classroom namin. Maaga pa kasi at saka walang morning assembly ngayon. Tuwing Monday at Friday lang yun at thankfully, Thursday ngayon.

Pagkatapos kong ilagay sa locker yung mga libro kong mabibigat kasi nga inuuwi ko na sa bahay at nag aaral na ako!!

Papaanong hindi ako mag aaral kung ganito ang maririnig ko..

Mommy: “Alys, hindi naman kami nagagalit ng daddy mo sa grades mo ngayon.. Pero sana naman makapasok ka sa St. Claire’s Academy. Kasi mapipilitan kaming ipadala ka sa States kasama ng kapatid mo pag hindi ka nagtino. Gusto mo ba yun?”

At syempre isang napakatinding pag iling ang natanggap nila sa akin! Ayoko kaya dun! Patrang nung nag home schooling lang ako dati eh. Kaya kaya ako nag home schooling kasi naexpel ako sa school. Hehehe. Kasalanan naman kasi nung maldita kong kaklase kasi sinabihan niya ako ng anak sa labas!! Ang kapal ng mukha niya ha!! Ipakain ko sa kanya yung hotels at boutique ng magulang ko eh!

Pati kaya nasa boarding school si Dane. Pakatino siya dun! Napaka brat na bata kasi spoiled na spoiled kay Daddy. =___=

“Alys..” napatingin ako sa nagsalita.

“Sheen,” sabi ko.

T^T

Namiss ko si Sheen!! Pero wag ipahalata, Alys. Nasa moving on process na ako.

“Kamusta ka na? Hindi kita nakita simula Monday ah..”

Nangiti ako. Hinahanap pala ako ng loves ko!! “Ah eh, oo nga eh. Busy kasi.”

“Nagka boyfriend ka lang, naging busy ka na..”

OMG!! Nagtatampo ba siya?? Can this be love?

“Hindi kaya..”

Nagsalita siya, “busy ka. Porke monthsary niyo ni Drake bukas, nakalimutan mo ng may best friend ka..”

O______________O

Monthsary namin bukas?? Like really??

Chapter 27

Chapter 27

Alys’ Point of View

“Tss.” sabi ni Drake.

“Pagod na ko TT^TT” sabi ko tapos naupo ako sa gitna ng mall.

Sabi ko nga, hindi ko kayang libutin sa isang araw ang Mall of Asia.

Nilapitan niya ako tapos naupo siya sa tabi ko, “let’s go.”

Tinignan ko siya like this >.>

“Pagod na nga ako, Drake Sebastian Palma!”

Bakit nga ba ako napunta kasama ang unggoy na ’to??

//

flashback

“Bakit ba kasi alam ni Sheen yung monthsary namin nung autistic na yun??”

Arghhh!! Kainis naman eh!! Nappressured tuloy ako na mag isip. Kainis naman si Sheen oh! Alam mo yung pilit mong kinakalimutan yung date na yun, tapos ipinaalala niya pa. Huhuhu. Kaya nga 31 para six times a year lang eh, tapos naalala pa yun ni Sheen?

Nahiga muna ako sa kama at nag isip ng possibleng palusot.

A. Umabsent ako bukas?

No. Hindi pwede, Alys. Naalala mo ba nung last time na umabsent ka at nalaman ni mommy na nagsisinungaling ka lang na may lagnat ka? Jusko po, nakakatakot!! No, no. Erase erase yung suggestion na yun.

B. Umarteng hindi naalala?

Bakit ba! Alam naman ni loves na mahina ang memory ko eh. Possible naman na makalimtan ko na 31 pala bukas, di ba? Hehehe. Pwede ’to.

C. Batiin si Drake ng Happy Monthsary??

EW PLEASE NO NO!

Haaay. Bakit nga ba ako napasok sa problema na ’to??

//

“Good morning, mommy,” sabi ko tapos humalik ako sa cheeks niya, “daddy,” tapos kay daddy naman.

=____=

Ang tahimik sa bahay simula nung pina package sa Amerika yung kutong lupa kong kapatid.

“Are your things packed?” biglang tanong ni mommy after kong maupo sa lamesa at kumuha ng bacon.

“Ano po?”

“Aya called and told me you’re sleeping in their house tonight,” sabi ni mom habang pinaglalagay si daddy ng pagkain sa plato niya. Eww.

“Ayoko po!!” sabi ko. Geez! Mamaya bangungutin pa ako kasi makikita ko na naman yung mga voodoo doll ni Aya!

“Why?”

“Ayoko po dun, mom.”

“But aalis kami ng daddy mo. Wala kang kasama dito,” sabi ni mommy.

“San po kayo pupunta?”

“Secret,” sabi ni daddy tapos kinindatan niya si mommy. JUSKO PO, LORD.

So, wala akong nagawa kung hindi mag empake ng gamit ko dahil aalis pala ang magulang ko. =___= Dane, bumalik ka na dito!!

//

Binaba ako nila mommy kila Aya. Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kwarto niya after kong bumati sa mommy niya. At ang bruha, nakikipagsigawan sa cellphone niya!!

Aya: HINDI NGA!! … NAPAKAKULIT MONG, PLAYBOY KA!! … KADIRI KA, PLEASE!! HINDI PORKET INALAGAAN KITA NUNG ISANG ARAW, GIRLFRIEND MO NA AKO!! … AKO PA TINAKOT MO?? EH DI LIGAWAN MO YUNG NAGKAKA CRUSH SA’YO! … PWE! EW EW! WAG KA NGANG MAG I LOVE YOU!! … HINDI YUNG I LOVE YOU!! KADIRI KA! … ANG GULO MONG KAUSAP, BYE!

Naupos muna ako sa kama niya at kinuha yung Trigo book ko. Hehehe. Sabi sa inyo eh, malilipat din ako sa section ni Loves, tiis tiis lang.

“Oy, besh. Nanjan ka pala,” sabi ni Aya pagkatapos niyang makipag sigawan kay Kent siguro.

“Hindi, 3D image lang ako.”

Binatukan niya ako, “corny mo.” Sabi niya tapos tinignan yung binabasa ko, “naka drugs ka ba? Bakit ka nag aaral??”

“Che! Nagbabagong buhay na ako noh!!”

Nahiga siya tapos pinatong yung paa niya sa binti ko. Leshe talaga ’tong babaeng to!

“Bakit mo nga pala sinabi kay mommy na dito ako matutulog?”

“Hehehe.”

“Aya..”

“Ano?”

“MAY BINABALAK KA NA NAMAN NOH???”

“Grabe ka naman, Besh! Masyado kang mapanghusga!!” sabi niya.

“Eh panong hindi ako magdududa pagkatapos mo akong ilaglag kay Drake at sabihin na naka powerpuff girls ako na underwear??”

Tinawanan lang ako nung babaeng to. Tss. Naiinis pa din ako tuwing tinatawag ako ni Drake na Blossom!! Kainis!!

“Sorry na, Besh. Dali, malling tayo!”

“Ha?”

“Wala din kasi si Mom. Pupuntahan niya yung best friend niya sa Tagaytay eh. Tayong dalawa lang dito kaya malling muna tayo, please??”

end of flashback

//

Kung tatanungin niyo ako kung bakit ako napunta dun, pagdating kasi namin sa MOA, nakita namin si Tito Steve at Drake na naghihintay sa amin. Pagkatapos sabi nila bibili lang sila ng ice cream pero eto nga, nalibot na namin yung buong MOA pero ni anino ni Aya o Tito Steve, wala kaming nakita nitong piping kasama ko!!

“Huh?” sabi ko nung pumunta sa harap ko si Drake at tumalikod.

“Idiot.”

“I HEARD THAT!!”

“Tss,” sabi niya tapos kinuha niya yung dalawang kamay ko at pinalibot sa leeg niya, “i’ll give you a ride but don’t choke me to death.”

=___=

Oo nga pala, muntik ko na siyang masakal nung binuhat niya ako papunta sa bahay namin nung nakulong kami sa stock room.

Habang buhat buhat niya ako, sinandal ko na lang yung ulo ko sa balikat niya kasi nakakahiya yung mga babaeng nakatingin sa amin!! Halos irapan na ako ah. Online celebrity kaya si Drake at sikat siya kahit nandito na kami sa mall??

.<

Ang bango bango bango bango ni Drake whyyy???

Naramdaman ko na lang na nilagyan niya ng earplug yung tenga ko.

“And all the roads we have to walk are winding And all the lights that lead us there are blinding There are many things that I Would like to say to you but I don’t know how”

Habang naglalakad siya, bakit ang lakas ng tibok ng puso ko??

“Because maybe, you’re gonna be the one that saves me And after all, you’re my wonderwall”

Hindi na ba to crush lang?? O________O

“Today was gonna be the day 

But they’ll never throw it back to you   By now you should’ve somehow   Realized what you’re not to do   I don’t believe that anybody   Feels the way I do, about you now“  

Pero si Loves ang loves ko TT^TT

“I said maybe, you’re gonna be the one that saves me And after all, you’re my wonderwall”

Isa na ba akong maharot na babae??

Oh noes!!

“Aaack!!”

O___________O

“Sorry!!”

Binaba niya ako tapos niluwagan na naman niya yung polo niya.

gulp

Eto na naman tayo.

Pikit, Alys.

-___o

Bakit ang well defined nung chest niya??

o__-

“Tss. Pervert.”

////<

MASAMA BA AKONG BABAE DAHIL NAAAKIT AKO SA KATAWAN– ESTE SA CHEST NUNG BOYFRIEND BOYFRIEND-AN KO?? HUHUHU. LIFE IS SO HARD.

“Alys?”

O_______O

“S-Sheen?”

Napatingin siya sa amin ni Drake tapos mejo nawala yung ngiti sa mukha ni loves, “nagddate kayo?”

Gusto ko sanang sabihin na hindi pero– I N A K B A Y A N ako ni D R A K E at H I N A L I K A N niya yung buhok ko.

“Yes.” sabi ni Drake.

“Ah, ganun ba,” sabi ni Loves.

“If you’ll excuse us,” sabi ni Drake tapos hinatak ako papalayo kay loves.

dugdug dugdug

Hindi ako makapagsalita kasi nararamdaman ko yung kamay niya sa kamay ko. Shet, Alys! What’s happening??

“D-drake,” sabi ko.

Hindi niya ako pinansin as usual. Lakad lang kami ng lakad kahit na pagod na pagod na ako. Nung makarating kami sa sea side, saktong pagabi na kaya ma orange na yung paligid.

Hinatak niya ako paupo dun sa isa sa mga mauupuan.

Umupo din siya sa harap ko at bumuntong hininga.

“The sun is setting,” sabi niya.

“Ha?”

“The setting is romantic.”

=___+

“It’s our first monthsary.”

=___=

“I’ll kiss you.”

O__________O

Bonus Chapter

Alys’ Point of View

O______O

“Naka drugs ka ba??”

Sabi ko tapos mejo umurong ako. Bakit po ganito si Drake ngayon? Huhuhu. Para siyang possessed. 

“No, i’m not,” sabi ni Drake tapos mejo lumapit siya sa akin.

usod

usod

usod

O________O

Hinila niya ako pabalik sa kanya. Ano ang nangyayari sa mundo?? B-bakit parang ang manyak na creepy na weird ni Palma ngayon??

“Tss,” sabi niya tapos na corner ako sa wall. BAKIT BIGLANG NAGKA WALL DITO SA SEA WALL??

Hinawi niya yung buhok sa mukha ko kasi ang lakas ng hangin dito, tapos sunset tapo— NO NO NO KAHIT ROMANTIC ANG AMBIANCE, HINDI KO PWEDENG ISUKO ANG FIRST KISS KO. 

“Isa, sasapakin kita!!”

Nag smirk siya sa akin.

S-seryoso nga siyang hahalikan niya ako??

Hinawakan niya yung mukha ko, “you really know how to ruin a moment.”

gulp

“W-wala naman kasing moment.”

Tinignan niya ako sa mata pababa sa– leeg ko?? May fetish ba si Drake sa leeg?? Naalala ko tuloy yung vampire kiss niya sa akin. =__=

Unti- unti siyang lumapit.

“D-drake..”

Wag kang tumingin sa mata niya, Alys. Huwag. Maaakit ka lang!!

“Hmm?” sabi ni Drake habang mga ilang inches na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Oh noes. Oh noes.

“W-wag.”

Bigla siyang tumigil tapos natawa siya.

O_______O

TUMAWA SI DRAKE.

Dali dali kong nilabas yung phone ko at vinideohan. Sheet. Precious moment captivated!! Minsa lang to mangyari!! Once in a pink moon!! Buti na videohan ko.

After exactly five seconds, tumigil siya at balik na naman sa The Drake Palma Face niya. -__-

“Bakit mo ko pinagtawanan??” sabi ko para hindi halatang mejo kinilig ako sa tawa niya. Ang hot niya naman kasing tumawa. Why???

Mejo natawa ulit siya pero pinigilan niya, “because you’re funny.”

“And why so??”

“Is it your first kiss?”

“H-hindi.”

OMG bakit po ako nagsinungaling? Huhuhu. Baka kasi pagtawanan ako ni Drake pag sinabi kong oo eh.

Pinitik niya yung noo ko.

Sheet.

Bakit kahit mejo masakit, kinikilig ako?? Masokista na ba ako?? O____O Kinikilig ako pag nasasaktan ako??

“Liar.”

“Hindi ako nagsisinungaling noh! May first kiss na talaga ako!!”

“By whom?”

“B-by.. Sheen. Yes. My first kiss belongs to Sheen.”

Sorry, Loves. White lie. Hehehe. Lilibre na lang kita bukas. u

Tapos parang hangin, biglang nagbago ang ihip ni Drake. Tumayo siya tapos biglang naglakad paalis.

HOOOOO! Success! Akala ko mawawala ang first kiss ko ngayon!! Takot ko lang na maipadala sa US kasama ni Dane noh.

calling..

Ayayayayayang Panget

“Walangya ka, iniwan mo kami dito!! Aba gabi na!”

(“Hehehe. Besh, nanonood kami ni Tito Steve ng Dear Spongebob eh.”)

“Tapos hindi mo man lang ako inaya?? Anong klase kang best friend??”

(“Sorry naman, Besh! Nagsisimula na kasi tsaka– hala mamaya na kita tatawagan. Nandito na sa part na nag iiyakan si Squidward at Spongebob!”)

“Aba—”

Hindi na ako nakatapos sa sasabihin ko kasi bukod sa pinatayan ako ni Aya ng cellphone (ang bastos na babae talaga nito!!), bigla akong napatalikod dahil hinatak ako ni— “Drake??”

“I’ve decided.”

“Huh?”

“Sheen’s your first kiss.”

=___=

“And i don’t care.”

+___+

“I don’t care din.”

“But i will be first here,” sabi niya tapos hinalikan niya yung noo ko, “and here,” tapos kiniss niya yung temple ko, “and here,” tapos yung ilong ko, “and here,” tapos kiniss niya yung gilid ng mata ko,“ sabi niya, “and here,” tapos kiniss niya yung gilid ng lips ko omg muntik na!! “And… here,” tapos hinalikan niya yung leeg ko.

O_____O

Wildest palpitation i have ever felt.

“I am territorial.”

Chapter 28

Chapter 28

“Princess, are you fine?” tanong ni Dana kay Alys. Paano ba naman hindi magtatanong si Dana eh tulala si Alys simula pa kanina!

“Y-yes, mommy. Nauuhaw lang po ako,” sabi niya sabay lakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig. 

Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. Napaupo na lang si Alys sa isa sa mga stool sa harap ng kitchen counter nila.

Hindi niya namalayan, naiiyak na pala siya.

Si Alys Zyril Perez? Hindi yan basta basta umiiyak. Iiyak lang yan kapag sobra sobra na yung nararamdaman niya. Ang kaya lang naman magpaiyak jan ay si Dana. Ang mommy niya lang. Sa buong buhay niya, tatlong beses pa lang siya umiyak. Nung una, nung malaman niya na buntis ang mommy niya dahil natakot siya na baka hindi na siya pansinin. Pangalawa nung pinadala si Dane sa America. Namiss niya eh. Kahit halos magpatayan na yang dalawa na yan, mahal nila yung isa’t isa. Four years din kasi yung tanda ni Alys kaya malaki ang age gap. At yung huling iyak ni Alys? Yung nag away si Andy at Cyiel. Grabe! Natakot si Alys kasi baka may umalis na isa sa daddy niya. Daddy’s girl kasi yan. Sobrang iyak niya nun. Buti na lang nagbati agad si Cy at Andy. Halos hikain na kasi si Alys nun.

Pagkatapos uminom ng tubig, lumabas muna si Alys para magpahangin. Grabe lang kasi. Parang ang sakit sakit lang na akala mo meron na pero joke lang pala.

//

Flashback 

“Besh! Tara na, hinihintay na tayo sa simbahan!” sigaw ni Aya kay Alys.

Tumakbo naman si Alys papasok sa kwarto niya para kuhanin yung pink pumps niya na regalo sa kanya ng Tita Nof niya. Yun kasi ang isusuot niya para sa kasal nila Tito Steve at Tita Katrina.

“Ang bagal bagal naman nito oh!”

“Eh sino ba kasi ang nagsabi na hintayin mo ko??”

“Ewan ko din!! Tsaka wala akong kakilala dun kaya bakit ako pupunta mag isa??” sabi ni Aya.

“Fine. Tara na nga!” sabi ni Alys tapos pumasok na sila sa sasakyan. Ihahatid kasi sila ng mommy ni Aya papunta sa simbahan.

Ngayon na ang kasal ni Tito Steve at Tita Katrina. Teka, ilang araw na nga ba simula nung “I am territorial” moment ni Drake at Alys? Dalawang linggo na yata yung nakakalipas!

May nagbago ba? ABA MERON!! Sabay naglunch si Alys at Drake for like two times? Like it’s so OMG!! Hahaha! Kung nakita niyo lang ang mukha ng like girls nung mga panahon na yun, mapapa rolling on the floor while laughing kayo, swear!! Bakit sila nagsabay?? Eh kasi nga, dapat aayain ni Sheen mag lunch si Alys dahil absent si Aya pero anyareh? Palapit pa lang si Sheen, bigla ng hinatak ni Drake si Alys. Ayan tuloy! Lunch silang dalawa under the tree 💗 Yung tree na pinagka kitaan ni Alys na nambasted ng babae si Drake. Oh, memories!

Ngayon nga, pupunta na sila sa simbahan dahil sa wakas, kasal na ni Pedo at Tito Steve!! Siguro naman magiging maliwanag na kay Drake na HINDI sila pwede ni Peds??

“Nuxx, ang pogi natin ngayon ah!” sabi ni Aya kay Tito Steve. Nawweirduhan pa din talaga si Alys sa friendship ni Tito Steve at Aya. Nakaka curious eh!! Di ba nga nag movie date pa sila sa Dear Spongebob??

Ngumiti lang si Tito Steve. Kinakabahan kasi siya! Wala pa si Katrina sa simbahan eh. Nako, if i know, nagpapaganda lang yan! Yun naman ang panglaban niya kay Tito Steve eh, ang kanyang kaakit akit na kagandahan. Nuxx lang!

“Sige, upo muna kayo dun. Nandun yung wedding coordinator,” sabi ni Tito Steve kila Alys tapos nagpunta na sila Alys dun sa gilid. 

Nagpunta na si Alys sa gilid para sa final instructions nung coordinator habang si Aya ay naupo na. Hindi kasi kasali sa entourage si Aya. Pinipilit nga ni Tito Steve pero umayaw. Luka luka kasi! Ayaw mag gown -_- Minsan para talagang may sira sa ulo yang babaeng yan!

-Aya-

Tss! Kainis talaga si mommy. Ginawa na naman akong suman nito oh! Hindi na naman ako makahinga. Buti na lang napakiusapan ko na mag doll shoes na lang ako. Nakaka stress naman kasi noh!! Ipilit ba sa akin na mag wedge na 6 inches?? Ano lang ako, Philippine’s Next Top Model??

Naupo na muna ako. Na stressed ako kay Besh. Ang bagal bagal bagal kumilos. Kung alam ko lang, nagpapaganda lang yan dahil kapartner niya si Drake!! Hahaha! Ang galing talaga namin ni Partner Steve eh!! Simula nung iniwan namin sila sa MOA, naging close na sila. Si Besh naman kasi ayaw man lang akong kwentuhan tungkol sa anong nangyari kainis!!

“Hey, Sexy.”

.>

“Bakit ka nandito??”

Umarte naman ’tong kutong lupa na ’to na parang nasasaktan. Napaka corny talaga ng Kent na ’to!! “Bee naman, syempre nandito ako kasi nandito ka ;)”

=____=

“Wag ka ngang kumindat. Para kang sira.”

Tapos sinundot sundot niya ako sa gilid. Napaka kulit talaga nitong Kent Justin Valdez na ’to!!

“Ang kulit mo!! Nasa simbahan kaya tayo!!”

Sheet buti na lang wala pa si Pedo!! Ang kulit kulit ng batang ’to!!

“Yiee, ang sexy ng Bee ko ngayon ah. Nagpa sexy ka ba kasi alam mo na nandito ako??”

Umarte naman ako na parang nasusuka. San ba kinukuha ng kutong lupa na ’to yung kapal ng mukha niya?? Yung totoo??

“Ang pogi mo eh!!”

“Alam ko. Kaya nga in love na in love ka sa’kin eh ;)”

“Hindi masamang mangarap.”

“Hindi talaga. Ikaw ang pangarap ko eh ;)”

+______+

Pigilan niyo ako, Lord. Makakasaksak talaga ako ng lalaking naka suit and tie dito sa gilid ko!!

Tumayo ako kasi hindi ko na po kaya ang nararamdaman kong hangin!! Ang lakas sheet!!

“Wait, Bee. San ka—”

O_______________O

_______________<

“ANO’NG GINAWA MO, KENT JUSTIN VALDEZ???”

Natulala pa din si Kent. Sheet Lord ano po ang gagawin ko?? Huhuhu!!

“Hala, Bee. Hala!!”

“Manahimik ka nga jan!! Kasalanan mo ’to!!”

Sabi ko tapos tumingin ako sa paligid ligid. Nanjan na pala si Pedo kaya dun nakatingin lahat ng tao dito sa simbahan. Salamat po, Lord!! Walang nakakita sa nangyari sa akin!! Huhuhu. Kasi naman ’tong KL na ’to eh!! Tumayo ako tapos tumayo din siya tapos natapakan niya yung Long Dress na pinasuot sa akin ng bugaw kong nanay. Ayan tuloy na sira yung sa likod!! Huhuhu. Ano bang suot kong panty ngayon?? >.<

“B-bee.”

“Ano??”

“Y-yung ano mo.”

“Ano nga??” Shet huhuhu. Tagalan mo pa ang lakad, pedo. Bayaan mong matulala sila sa mapanlinlang mong kagandahan.

“Nagsusuot ka ng Victoria’s Secret?”

KASALANAN TO NI MOMMY EH!!! SIYA ANG PUMILIT NA ISUOT KO YAN EH!!!

“B-bakit, masama??”

________<

“Hindi ah. Sexy mo lalo, Bee ;)”

“Bwisit ka!!”

O________O

Bigla akong natulala kasi h-hinalikan ako ng KL na ’to!!

“Advance thank you mo na sa’kin yun kasi ililigtas kita ngayon,” sabi niya tapos hinubad niya yung coat niya at inalalayan ako palabas ng simbahan.

Pero kasalanan niya pa din ’to!!!

-Alys-

“Hija, are you listening?”

“Y-yes po,” sabi ko na lang.

Hindi ako maka concentrate kasi nakatingin sa akin si Drake eh!!

“Tss,” sabi niya tapos nagsmirk siya.

Jusko po, puso ko. Wag kang magulo jan. Baka malaman ni Autistic na may crush ako sa kanya!!

Pagkatapos nun, pumila na kami para sa entourage kasi nanjan na si Tita Katrina. 

O

Ang ganda niya. Huhuhu!! Ano’ng laban ng cute kong mukha sa ganda ni Tita Katrina?

“Alright. Position, ladies and gentlemen.”

Hinga, Alys. Kakapit ka lang naman sa braso ni Drake. KAYA MO YAN SHEET!!

smirks ala The Drake Palma Way

natunaw na ako

“Shall we?” sabi niya.

Lord, siya ba ang nag imbento ng salitang suave?

Naglakad na kami sa aisle habang pumipintig ang puso ko. Lord. Bakit ganito?? Hindi ko na ba loves si Loves?? Nagtataksil na ba ako?? Jusko po, infidelity ba to??

“Staring is rude,” sabi niya habang naglalakad kami. Bakit parang biglang humaba ng humaba ang aisle??

“Feeling mo naman!”

“Tss.”

“Hindi ka gwapo noh!!”

“I know.”

“Buti alam mo!!”

“I don’t want to be handsome. I want to be loved. By you, perhaps?”

O_______________O

P-pick up line ba yun ng isang DRAKE SEBASTIAN PALMA?? Pick up line The Drake Palma Way?? 

Saktong sakto na pagkasabi niya nun, nakarating kami sa dulo. Lord, salamat po!! Naghiwalay na kami kasi nasa left side siya tapos ako sa right. Jusko baka marinig niya ang wild palpitations ko!!

O_______________O

Ganito lang siguro ang itsura ko buong kasal. JUSKO HINDI AKO MAKA MOVE ON!! NAGPICK UP LINE SA AKIN ANG ISANG GWAPONG AUTISTIC!!! LORD!!

“Besh! Oy!!”

“Accck! Bakit ka ba nanggugulat??”

“Tulala ka kasi noh!!”

Napatingin ako kay Aya, “bakit iba na yung suot mo?”

“Ah-eh.”

“Besh, don’t tell me ibinigay mo na ang flower kay Kent?!!”

Sheet!! Kaya pala nakita ko sila kanina ni Fluffy na paalis ng simbahan!! Isang makasalanan na babae si Aya!!

Binatukan niya ako, “baliw! Hindi ba pwedeng nasira lang yung damit ko kaya sinamahan ako ni KL na bumili?? Ang dumi dumi ng isip mo ha!!”

“Whatever. Ano’ng KL naman yan?? Yie, may endearment na kayo!!”

“Lul! KL for Kutong Lupa.”

=_____+

Sabi ko nga walang romantic bone sa katawan si Aya. Witchy bone pa, marami.

“Fine. Bakit ka nga pala nandito?”

“Ah. Aalis na pala ako, besh. Pupunta kami ni Mommy sa Batangas eh. Ewan ko ba kay Daddy, biglang nagpatawag.”

“Ayieee, kasama si Fluffy??”

“>.> Baliw hindi no. Family outing!!”

“Family naman si Fluffy ah? Yieeee.”

“Baliw. Ayan na si Boyfriend mo!! Bye, Besh!!! Keep away from Pedo!!”

Tapos tumakbo na si Aya. Huuuuu! Paano ba ako lilingon. Naglalakad na si Drake The Drake Palma Way papunta sa akin. Jusko dapat ba poker face lang ako o ngumiti ako?? Sheet nappressure ako!!

“A-ano?”

Hinga, Alys. Cool ka lang kagaya ng sabi ni Dad. Sabi ni Dad panget daw sa babae ang aggressive. Mas gusto nila yung hinahabol!! 

“Let’s go.”

“S-san?”

“Hotel. Stupid.”

O____________O

“Bakit mo ako dadalin sa hotel??” tapos niyakap ko yung katawan ko!! Crush kita pero hindi ko ibibigay ang katawan ko sa’yo!!!

le smirks from Drake

Nagstep forward siya sa akin.

“Why? Scared?”

“Manyak!!”

“I’m your boyfriend. You’re my girlfriend. It’s about time.”

O_____________O

“Sheet ka!! Wag kang ganyan, Drake!! Hindi ako natatawa sa joke mo.”

“I’m dead serious, love.”

L-love? Dapat bang pumayag na ako mag hotel?? NO NO!! Wag kang magpa apekto sa mapang akit niyang salita, Perez!!

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad. I. Must. Go. Away. From. That. Possessed. Maniac.

Pero parang sa mga movies, hinila niya ako at bumulong, “i’m kidding. I know the word wait and respect.”

wild palpitation

“I’ll wait in the car,” tapos hinalikan niya na naman yung leeg ko.

wilder palpitation

LORD, VALENTINE’S PO BA NGAYON?? KOTANG KOTA EH!!

-Kei-

“What again, Sheen?” i asked him. Nakita ko kasi siya sa labas ng bahay namin.

“Pwede kang makausap?”

“About what? If this about us getting back together, then i would have to say no.”

He shook his head, “hindi dun, Kei. Nandito ako kasi may gusto lang akong sabihin.”

I sat down on the bench, “fire away.”

“Bakit mo ba ako iniwan?” he asked, point blank.

“About this again?”

He just smiled at me like he always does, “for closure. Ang tagal na nating wala, Kei. Mahal kita pero gusto ko na din kasing mag move on sa buhay ko.”

I gave him a bitter smile. You should do this, Sheen. I love you but we can’t be together now. I still have doubts about myself. What i want is when i tell you again that i love you, it’s for sure. Drake? I don’t really like him. I just find him interesting. It’s all about the interest. But love? I love Sheen, no doubt about that. Tatagal ba kami ng halos 1 year kung hindi?

I heaved a heavy sigh, “it just happened, Sheen. I loved you, i swear. But things happen. And i fell out of love,” i lied.

“May pagkukulang ba ako?”

I shook my head, “no! You are perfect as you are. Belive me when i say it’s my fault. You’re too good for me.”

“Pero hindi naman ako nagreklamo, di ba?”

“I know.”

“Pero bakit mo pa din ako iniwan?”

“Because.. just because, Sheen.”

Tumayo na siya, “so, this is it?”

“This is what?” i asked, dazed.

“Goodbye. Goodye, Kei. I loved you.”

Then he went away. Just like that. Never looked back to see if i’m crying.

-Alys-

“Congrats, Tito Steve!” sabi ko sa kanya. Ang pogi ni Tito ngayon!! Bagay na bagay sila ni Tita Katrina.

“Salamat, daughter-in-law. Si Aya, bakit hindi ko nakikita?”

“Ay, umalis na po eh. May emergency.”

“Ay, ganun. Sige ha, hinahanap ko si Katrina eh.”

“Sige po!”

Naupo na ako. Tss! Nasan ba si Drake?? Naiwan akong mag isa sa table eh. Wala naman akong kakilala dito =___=

Naglakad ako para hanapin yung autistic na yun.

“..stop this, Aki. Kasal na kami ng tatay mo.”

“I know.”

“And stop this!”

“I can’t.”

“Please, Aki. Nanjan si Alys. She’s your girlfriend.”

“I know.”

“Then forget me. Forget about us.”

“I said i can’t.”

“Then try, at least!”

“I don’t want.”

“Drake naman! Kasal na kami ng tatay mo, step mother mo ako. Hindi mo ba makita yung mali??”

“I’m blinded by you. Do you think i want this? Hell, no! I tried to forget you but i can’t!”

“Then try harder, Drake.”

“Pano kung ayaw ko?”

“It’s not my problem anymore.”

“You’re a bitch.”

“You fell for this bitch, Drake Palma. Now, make yourself fall for the princess. “

Chapter 29

Chapter 29

-Alys-

“Besh?”

Napatingin ako kay Aya kasi tinatawag niya ako, “may problema ka?”

Umiling ako tapos pinagpatuloy ko na lang yung pagsasagot ng assignment ko. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito. Nung isang araw pa ako hindi makatulog eh. Lagi na lang kapag pumipikit ako, naririnig ko yung usapan ni Drake at Tita Katrina. Wala naman akong karapatang masaktan eh. Girlfriend lang naman ako, hindi naman ako mahal.

Lumapit siya tapos hinawakan niya yung noo ko, “may lagnat ka ba?”

Umiling na lang ako. Feeling ko drained na drained ang energy ko. Tsk. 

“Eh bakit ka nag aaral?”

Ewan ko nga din eh. Ganito talaga siguro no? Nililipat mo yung atensyon mo sa iba para hindi mo maisip yung ibang bagay na nakakasakit sa utak mo.

“Bored kasi ako.”

“Tsk,” sabi niya, “tara lunch na tayo at sa pagkain mo na idaan yang boredom mo, Besh.”

Umiling ako. Aba palagi na lang akong umiiling ngayon ah. Sakit sa leeg.

“Mauna ka na. May baon ako.”

“Really? Penge ako!!”

.> “Bigay ni dad ’to. Wag ka ngang makihati pa!!”

le pout of Aya

“Sige na, Besh. Close naman kami ni Tito Cy ah?”

“A-Yo-Ko.”

“Damot!!”

Tapos tumakbo na siya. Jusko napakatakaw talaga ni Aya. Lagi na lang nangunguha ang pagkain. Pasalubong nga ni dad sa’kin yun eh. Nasa Singapore kasi yun last time, dun kasi naka based si Tita Liana, asawa ni dad. Ano kasi.. hindi magkasundo si mommy at Tita Liana. Hehehe. Pareho kasi silang masungit.

Kaya nasa room pa din ako. Ayoko kasi sa labas. May 50% chance kasi na makita ko si Palma. At hindi pa ako ready. Bakit ba ako nag iinarte? BAKIT? BABAE AKO KAYA MAY KARAPATAN AKONG UMARTE. Tsaka.. nasaktan ako eh. Pwede naman siguro akong umiyak, di ba?

Habang nagsasagot ako ng assignment ko, may kumalabit sa akin.

“Lunch.” sabi niya.

“Busog pa ko,” sabi ko. Hindi ko naman siya pwedeng hindi pansinin, ang childish nun. Hindi ko din naman siya pwedeng sungitan, hindi niya naman kasalanan na magkagusto ako sa kanya. Tss. Labo ng buhay eh. Hindi ba pwedeng gusto ko siya, gusto niya ako. End of story? Kainis naman, Lord!!

“Lunch,” sabi niya ulit.

“Sabi ko, busog pa ako.”

Umupo siya sa tabi ko. Ang kulit kulit ng Palma na ’to!!

Buti na lang at lunch time kaya walang tao sa room, kami lang. Bigla siyang may nilabas mula sa bag niya. Tapos naglagay siya ng lunch box sa table ko, “eat.” sabi niya.

“Baka may lason ’to.”

“Then good.”

“Leshe ka talaga!!”

“Shut up.”

“Bwi—” hindi ako nakatapos sa sasabihin ko kasi sinubuan niya ako ng kanin sa bibig ko. cough cough “PAPATAYIN MO BA AKO??”

Ngumiti siya, “why would i do that to my girlfriend?”

Girlfriend. Oo nga noh.

silence

Sinarado ko yung libro ko.

“Tungkol dun, Drake,” sabi ko. Kumakain pa din siya. Bakit ganun? Bakit parang iba na yung trato niya sakin. Tss. Mas gusto ko pa yung dati na hindi niya ako tinitignan, yung hindi niya ako pinapansin, yung hindi niya ako kinakausap. Ang hirap naman nito!!

“Pwede bang magbreak na tayo?”

“Why?”

“Eh kasi di ba hindi mo naman ako gusto, hindi din naman kita gusto.”

“I don’t want.”

“Break na tayo. Sige na.”

“Your reason’s not enough, Miss Perez.”

Tapos kain pa din siya ng kain ng sushi. =___=

Paano ba makipagbreak ng maayos??

“Pero ayoko na nga. I want out.”

Binaba niya yung chopsticks niya, “you’re the one who volunteered to be my girlfriend. Take responsibility.”

Tapos lumabas na siya ng room. Drake Palma, wag mo naman akong pahirapan ng ganito.

Dahil nawalan na din ako ng gana magsagot ng assignment, kinuha ko yung lunch box na dala ni Drake. Sayang ang sushi!! Tsaka kinuha ko din yung snacks galing kay dad at naglakad ako papunta sa likod ng building. Dun na lang ako kakain ng lunch. Maaga pa naman.

Pumunta na ako dun at naupo sa ilalim ng puno. Haaay! Serene dito.

“Ang loner natin ah,” narinig kong may nagsalita mula sa likod ko.

“Sheen!”

“Yup,” sabi niya tapos naupo siya sa tabi ko, “bakit ka nandito?”

Nag shrug na lang ako, “para maiba lang. Ikaw? Bakit hindi mo kasama si Kent?”

“Nandun sa caf eh, ginugulo si Aya. Lakas ng tama nun sa best friend mo.”

Natawa ako. Ang cute cute ni fluffy!!

“Bagay kaya sila. Ang cute noh!!”

Ngumiti na lang si Sheen. Bakit parang ang lungkot ni loves?

“Break na talaga kami,” sabi niya.

“Bakit talaga?”

Nagshrug siya, “yung break na break na talaga.”

Binaba ko yung kinakain ko tapos niyakap ko siya, “okay ka lang, Sheen?” tanong ko. Alam ko naman kasi na mahal na mahal niya si Kei eh. Eh ang iyakin pa naman nito! Mamaya nag iiiyak pala yan sa kwarto niya pag gabi!!

Naramdaman ko na tumango siya, “okay lang. At least ngayon, makakapag move on na talaga ako.”

Niyakap ko pa din siya tapos hinagod ko yung likod niya. Kilala ko si Sheen eh, konti na lang iiyak na ’to!!

“Okay lang yan noh! Malapit na kaya tayong grumaduate. Malay mo sa St. Claire’s Academy, may makita kang mas okay kay Kei?”

Umalis na siya sa yakap tapos nginitian ako, “ewan. Bahala na. Basta gusto ko munang magpakasaya ng single. Di ba, best friend?”

Nginitian ko siya, “naman!”

Namiss ko ’tong best friend moments namin ni Sheen!! ;))

Binigay ko sa kanya yung lunch box ni Drake tapos binuksan ko yung snacks na bigay ni dad. Hindi ko naman kasi mauubos pareho. Share your blessings daw nga!!

Tahimik kaming kumakain ni loves nung biglang may humatak sa kamay ko at hinila ako patayo!! Sheet natapon yung Belgian truffles ko T^T

“Drake!” sabi ni Sheen kasi hinahatak ako ni Palma na ’to!!

.> tinignan niya lang ng masama si Sheen tapos hinatak ako palayo sa puno.. at sa pagkain ko!!

“Ano ba!! Kumakain yung tao eh!!”

Hindi siya nagsasalita pero nakakatakot yung The Drake Palma stare niya!!

“Next time..”

gulp

“Wag mong ibigay sa iba yung binigay ko sa’yo!”

SHEET NAGTAGALOG SIYA!! Pero hindi ito ang panahon para magjoke, Alys. Seryoso siya ngayon. Try ko kaya ulit makipagbreak??

“Eh bakit mo ba ako sinisigawan??”

“Because you’re forcing me to!”

“Hindi mo ba alam yung share you blessings??”

Nagsmirk siya, “it’s useless. I forgot that you’re in love with him.”

Idiot. 

I forced a smile, “oo nga no. Would you do me a favor and break up with me kasi break na sila ni Kei. Maybe i stand a chance now.”

“You don’t stand a chance. Not when i’m around.”

“Ang sama sama mo!!” sabi ko tapos pinaghahampas ko siya. Bakit ka ba ganyan ha?? Ayoko na nga eh!! Si Tita Katrina ang mahal mo pero ayaw mo akong tigilan!! Nakakainis ka!!

“Bakit ba ayaw mo akong pakawalan? Si Tita Katrina ang gusto mo, di ba?? Alam ko, Drake. You’re just toying me. Wag ka namang ganyan..”

Hinayaan niya lang ako na ganun. Pinapalo siya.

“Ang unfair mo eh.”

“Pano pag nagkagusto ako sa’yo? Ganun na lang? Kawawa ako kasi hindi mo ako mahal??”

Hinawakan niya yung balikat ko tapos pinunasan yung luha ko, “i can’t promise to catch you when you fall. But i assure you i’ll be with you while you’re falling.”

Chapter 30

Chapter 30

“Dapat ba akong kiligin?” i asked him.

Kasi naman, Palma!! Hindi mo ako sasaluhin pero nanjan ka lang?? Hindi ba parang ang paasa lang nun??

“Tss,” sabi niya tapos hinatak niya ako para yakapin.

FIRST TIME.

Palpitations again.

“I can’t promise that i’ll learn to love you because i don’t want to make a promise that i can’t keep.”

Tapos hinalikan niya yung buhok ko, “but i promise i’ll try to fall while you’re falling.”

Hindi ko alam kung tama bang maniwala ako sa kanya kahit na alam ko na niloloko niya lang ako. Ganito yata talaga no? Pag nagkakagusto ka, nawawala na sa katinuan yung isip mo. Ang sakit lang sa isip!

“Pano pag hindi ka nagkagusto? Iiyak na lang ako?”

Naramdaman ko na tumango siya kahit na magkayakap kami.

“I’ll wipe your tears for you, then.”

Hinampas ko yung dibdib niya. Bakit ba ganun?? Kahit yata sabihin niya na hahatiin niya yung puso ko sa lima, kikiligin pa din ako!! Bakit ka ba ganyang magsalita??

“Ang sama sama mo!!”

Hinuli niya yung kamay kong pilit siyang pinapalo, “i’m not a prince and i’m not charming. I can cause pain without realizing it.”

Wala na. Talo ka na naman, Alys.

“Pero susubukan mo, di ba?”

Nag nod siya.

“And the ride would be worthwhile?”

Nag nod ulit siya.

“Then pwede ko na ’tong sabihin sa’yo?”

Tinignan niya lang ako.

hingang malalim

Sabi nila, ang maunang umamin, talo. Ano pa ba ang pakielam ko? Eh mauna o mahuli, talo na din naman ako.

“I like you so much, Drake Sebastian Palma. And i promise to try to make you fall for me.”

Then that’s it. He smiled back at me.

-Aya-

“Ang kulit mo naman, KL, eh!!”

Kainis naman ’tong kutong lupa na ’to!! Ako pa daw ba ang takutin?? Grrrr!!

Umikot siya papunta sa harapan ko, “sige na kasi, Bee. Isang buwan na akong nanliligaw sa’yo oh!! Hindi mo man lang ba ako sasagutin??”

.>

“Eh di tumigil ka na!!”

“Bee naman. Alam mo namang loves na loves kita kaya hindi ko kayang tumigil eh!!”

“Eh di maghintay ka sa wala!!”

Bumuntong hininga siya, “so, wala pala akong aasahan sa’yo?”

=___=

Napaka emotero naman ng KL na ’to!!

Tumango ako.

Naglakad siya palayo.

TIGNAN MO ’TONG KL NA ’TO!! KAPAL KAPAL NG MUKHA NA MANLIGAW AT MAGSABING MAHAL AKO TAPOS BIGLA NA LANG SUSUKO!!

Biglang na lang siyang nanghatak ng batchmate namin, “Bernadette?”

O ––> mukha nung lesheng Bernadette na yun.

KADIRI PWE

“Sinaktan nung mangkukulam na yun,” sabay turo sa akin, “yung puso ko eh. Pwede bang maging girlfriend kita?”

O________O

MALANDING KUTONG LUPA!!!

“O––” bago pa makasagot yung maharot na Bernadette na yun, lumapit na ako, “walangya kang Kent ka!! Pagkatapos kitang sagutin, lolokohin mo lang ako!!”

______

“Kailan mo ako sinagot??”

“Ngayon lang!!”

“Talaga??”

“Oo nga di ba!! Hay nako!! Ang hirap magkaron ng abnormal na boyfriend!!”

Tumalikod siya, “bakit mo ako tinatalikuran??!” tanong ko.

“Wait lang, bee,” sabi niya tapos may kinalikot siya sa bag niya.

“Ano ba yan?”

“Diary ko.”

“Pfft!! Hahaha! Ano ba yan!! Si Sheen iyakin, ikaw nagtatago ng diary. Ang weird niyong dalawa!!”

.>

“Nagsalita ang may voodoo dolls sa bahay nila.”

.>

“Bakit ka ba may diary?”

“Para hindi ko makalimutan yung mga mahahalagang nangyari sa akin.”

Tss. Daming alam ng KL na ’to.

Lumapit ako tapos tinignan ko yung sinulat niya.

September 29 – Sinagot na ako ng mangkukulam O

“Aray naman! Wag ka namang mangbatok!!”

-Kei-

“Hi, Sheen,“i greeted him as i saw him passing by the hallway.

He just smiled at me. I know he’s busy since he’s the president of the student council. Actually, that’s one of the reason why we broke up. I mean, i couldn’t compete with his works. I know he worked hard to be the president and i couldn’t take it to distract him.

But then, he stopped his tracks and went back to me, “hi, Kei.” He said.

“What’s up?” i said, trying to keep the conversation.

“Okay lang. Gusto mong mag snacks?” he said.

I shrugged, “the lunch’s about to end.”

Huminga siya, “ganun ba? Sige, ako na lang.”

But then, i tapped his shoulder and said, “i’ll join you. Let’s ditch the first class?”

He showed me his perfect set of teeth, “ang tamad mo pa din mag aral.”

“Of course. You know i am the bad one.”

Then we went to the cafeteria to grab lunch. Actually, only him since i already finished mine.

“So, bakit ngayon ka lang naglulunch?”

He looked at me as if weighing the options between telling me his reason or not, “ang bastos kasi ni Drake,” he said.

“Why did he do?”

“Tinapon yung pagkain ko.”

“Really?”

Tss. I know he’s rude but he can’t do that to Sheen! Sheen is a really nice person! The nicest, if i could say that.

“Selos kasi. Kasama ko kasi si Alys kanina.”

Then i smirked at him, “that’s what you get when you eat with someone’s girl, Sheen.”

He just shrugged, “anong magagawa ko? She’s the only one left.”

//

Later that night.

-Eydee-

Mag isa lang si Drake sa bahay nila kasi nasa honeymoon si Tita Katrina at Tito Steve! Hawaii, baby! Ang sarap lang ng buhay ni Peds noh?? Kainggit!!

“We’re home!!”

Napatingin si Drake sa likod niya at nakita niya yung tatay niya na nakasuot pa ng mabulaklak na polo. 

=___=

Ang weird talaga ni Tito Steve. Pasalamat ka pogi ka.

Lumapit si Tito Steve sa anak at niyakap, “namiss ko ang kasungitan mo, Drake!!”

“Tss,” sabi niya sabay alis sa kamay ng tatay niya na nakayakap sa kanya.

Napatingin naman siya sa likod niya at nakita niya si Katrina. Ang ganda ni Katrina!! Bagay ang tanned skin. Iba na talaga pag naikasal sa mayaman, mas gumaganda!!

“Tss,” tumayo si Drake mula sa sofa at nagsimulang maglakad paakyat sa kwarto niya. Ewan pero naiinis siya pag nakikita niya si Katrina. Parang nasusubok yung pagka lalaki niya.

“Anak, kain tayo mamaya!” sigaw ni Tito Steve sa anak.

Umakyat lang si Drake sa kwarto at nagbasa ng libro. Malapit na din kasi ang exams nila. Fourth quarter na tapos college na sila. Konti na lang.

Habang nakaupo, naisip niya yung pag uusap nila ni Alys kanina. Hindi naman sa pinapaasa niya si Alys pero ayaw niya kasing pilitin yung sarili niya. Kung magkakagusto siya, eh di magkagusto. Ano ba naman ang magagawa niya, di ba? Pero hanggang si Katrina pa din, ano pa nga din ba ang magagawa niya?

Nahinto yung pagbabasa niya ng may marinig siyang kumatok sa pinto niya tapos nakita niyang pumasok si Katrina.

Binaba niya yung libro niya.

“What do you want?”

“Pwede ba tayong mag usap?” tanong ni Katrina.

“About what?”

“Sa inyo ni Alys?”

“What do you care?”

“Kasi step mom mo ako?”

“Shut up. You’re not my mom.”

Hinawakan ni Katrina yung kamay ni Drake, “please help me here, Aki. I’m trying.”

“Then stop, will you? I can’t take you as my mom.”

“Please try, Aki? Kahit para na lang sa pinagsamahan natin?”

Natawa si Drake, “for what? For me to remember that i lost you to my dad? For me to realize how foolish i am to think that you really loved me when in fact, you used me to get close to my dad. You want me to consider that?”

Naputol yung pag uusap nila ng makita nila si Steve sa pinto, shock written all over his face.

“S-steve, i can explain!” sabi ni Katrina.

Tahimik lang si Drake. He knew this would happen. Walang lihim na hindi nabubunyag.

“Y-you had an affair with my son?!”

Nagsimula ng umiyak si Katrina. Hindi niya alam ang gagawin.

“N-no, it’s not like that!”

“Get out of my house.” kalmado pero nakakatakot na sabi niya kay Katrina.

Umiiyak pa din siya. Natatakot siya sa pwedeng mangyari.

“S-steve..”

“Get. the. hell. out. of. my. house!”

“I’m pregnant..”

Natawa si Tito Steve, “sino ang ama? Ako o ang anak ko? Hahaha! Ang ganda ng choices no, Katrina? Mag ama pa!”

Chapter 31

Chapter 31

-Alys-

“Besh, punta tayo kila Tito Steve!!” sabi ni Aya sa akin. Tss. Bakit ba tuwi na lang weekends, lagi na lang nasa bahay namin ’tong babaeng ’to!! Parang walang bahay eh!!

Tinalikuran ko siya tapos tinuloy ko yung panonood ko ng video ng MBLAQ. Ang pogi talaga ni Lee Joon u

“Besh, sige na please!! Kakauwi lang nila Tito Steve galing Hawaii, di ba? Malay mo may pasalubong siya sa’tin.”

“Mukha ka talagang pasalubong, noh?”

“Hehehe. Sige na, Besh!!”

“Pwede bang mamaya na lang. Aya kasi.. 7 a.m. pa lang!! Baka naman kasi natutulog pa sila.”

Nahiga siya sa kama ko, “okay. Gisingin mo na lang ako.” Tapos natulog siya. Eto talaga yung part na masarap ihulog si Aya sa bangin eh. Nasobrahan siya sa feel-at-home vibes.

Habang natutulog ang mahal na prinsesa, bumaba muna ako para mag breakfast. Hehehe. Buti na lang tulog si Aya!! Mamaya siya na naman ang makaubos ng bacon eh!!

“Good morning, princess,” sabi ni Daddy sa’kin. Naupo na ako sa table. Nakakamiss naman si Dane. Anyareh na kaya dun??

Kumuha ako ng toast tapos tinanong ko na din si Mommy tungkol sa bubwit kong kapatid, “mommy, how’s Dane?” sabi ko. Mejo English speaking kasi si Mommy. Arte no? Hahaha!

“He’s doing good. But your Nana said he’s got a girlfriend.”

O_____O

“But why??”

“Maka react ka naman. Ang pogi kaya ng kapatid mo kaya malamang may girlfriend na yan! Tsaka syempre ako ang tatay. Ahem,” sabi ni Daddy. Kapal mukha =___=

“But mommy!! Dane is only mine!!”

Natawa si mommy, “Dane is still yours, baby. He’ll go home soon, don’t worry.”

“Really?

O

Babalik na si Dane!!

“When, mommy?”

“Soon. He’ll continue his studies here.”

Hindi na lang ako nagtanong. Ang gulo lang eh. Tsaka bakit may girlfriend na siya?

After naming kumain, bumalik na ko sa taas para gisingin ang mahal na prinsesa.

“HOY!!”

“Accck!!”

Tapos natawa na lang ako kasi gulat na gulat si Aya! Ang cute cute! Hahaha.

Nagbihis muna ako kasi pupunta kami kay Drake, syempre. Syempre kailangan ko namang magpaganda ano!! Nanjan na naman si Tita Katrina, kailangan ko ng maghanda sa competition. Mejo mahirap hirap to kasi cuteness ko vs. seduction niya. Kaya mo yan, Alys!!

Nagpunta na kami dun pero wala si Tito Steve, nasa trabaho na daw. Bakit kaya nasa trabaho yun? Saturday kaya ngayon. Weird!

At dahil wala naman si Tito Steve, umalis na lang si Aya. Boring daw kasi wala si Tito Steve. Minsan talaga iniisip ko na may crush si Aya kay Tito Steve eh!!

Ako? Hindi muna ako umuwi. Hehehe. Syempre pupuntahan ko muna si Drake!! Itutuloy ko na yung Seducing Drake Palma mission ko, this time, for real! 

“Si Drake po?” tanong ko sa maid nila, hindi ko naman kasi matanong si Tita Katrina kanina kasi ang weird din niya!! Namamaga yung mata niya tapos ang putla putla niya. Hmm.

“Nasa taas po, Miss Alys. Gusto niyo pong tawagin ko?”

Tumango ako.

Naupo muna ako tapos biglang bumalik yung maid, “pinapabigay po ni Sir Drake.”

Kinuha ko yung paper tapos binasa ko yung nakalagay.

‘Go away.’

Wow. 

Umakyat ako sa room niya tapos umupo ako sa bed niya, “go away?”

“Tss,” sabi niya tapos pinagpatuloy niya yung nilalaro niya.

“Galit ka ba sakin?” tanong ko sa kanya. Alam ko naman na makulit ako pero kasi gusto kong malaman kung bakit niya ako pinapaalis. Wala naman akong ginagawa!! Pagkatapos niyang pakiligin yung puso ko dati, bigla bigla niya na lang akong sasabihin ng GO AWAY??

Lumapit ako sa kanya tapos kinalabit ko siya, “Drakeeeee..”

“I’m tired, okay?”

“Bakit? Wala naman tayong homeworks at project ah?”

“You’re so annoying.”

“That’s me, Alys! :-)”

Bumuntong hininga siya, “just go home.”

“Bakit nga?”

“I’m in a really bad mood.”

“Magiging bad mood din ako pag hindi mo ako pinansin. Kukulitin kita ng sobra sige ka!!”

Umiling iling na lang siya, “fine.”

Tumayo siya tapos kumuha ng cardigan at sinuot. Lord, ang hot hot po ng boyfriend ko!!

“San mo ko dadalin??”

Hindi siya nagsalita tapos hinatak niya lang ako. Bumaba kami tapos nakasalubong namin si Tita Katrina pero hindi siya pinansin ni tinignan ni Drake. OMG!! Nanalo na ba ang ka cute-an ko?? 

Naglakad kami ng naglakad hanggang makarating kami sa St. Claire’s High. Pumunta kami sa likod ng HS building dun sa may puno na paborito niyang tambayan.

Naupo lang kami dun tapos kinuha niya lang yung iPod niya tapos sinaksak niya sa tenga ko yung isang eaplug. SINAKSAK NIYA TALAGA!! GRRRRR!!

-I’m gonna pick up the pieces, and build a lego house when things go wrong we can knock it down My three words have two meanings, there’s one thing on my mind It’s all for you-

“May problema ka  ba?” i asked him again. Feeling ko naman kasi close na kami ni Drake, o ako lang yun?

He looked at me shet!! “If i tell you, would you hate me?”

Tinignan ko siyang mabuti sa mga mata niya, “susubukan kong hindi.”

Nagbuntong hininga siya, “can’t you just say that you won’t hate me no matter what?”

I smiled at him, “ayoko kasing magsinungaling sa’yo. Tao lang tayo, di ba? Nagkakamali din. Hindi ko naman masisigurado na forever lang kitang mahal kasi malay mo magbago. Katulad ngayon, kung ano man yung sasabihin mo, hindi ako sure sa magiging reaction ko. But rest assured na hindi ako mawawala sa tabi mo kahit na hate kita.”

He smiled at me warmly. Drake, don’t stop smiling. It makes me crazy!

-And it’s dark in a cold December, but I’ve got ya to keep me warm and if you’re broke I’ll mend ya and keep you sheltered from the storm that’s raging on-

“Continue being honest, Alys. I like that about you,” sabi niya tapos pinat niya yung ulo ko. KINIKILIG PO AKO!!

Tinignan ko siya sa mata niya, “alam mo..”

“Hmm?”

“Ngayon mo lang ako tinawag na Alys..”

“Alys,” sabi niya ulit. I smiled at him.

-I’m out of touch, I’m out of love I’ll pick you up when you’re getting downand of all these things I’ve done I think I love you better now I’m out of sight, I’m out of mind I’ll do it all for you in time And of all these things I’ve done I think I love you better now-

“Now, ano nga yung problema mo?”

“Katrina’s pregnant.”

“Talaga?? Yey!! Magkakaron ka na ng kapatid!!”

He smiled at me, “my brother or my child?”

“A-anong ibig mong sabihin?”

He went near me, and i can feel his hot breath on my neck, “if the child that she’s carrying is mine, what will you do?”

“S-seryoso ka?”

He nodded.

Hindi ko napigilan, naiyak na ako.

“Drake naman eh! Ang sabi ko, i like you, hindi ko naman sinabi na gawin mo pa akong mas tanga, di ba??”

Hindi siya nagsalita, nakatingin pa din siya sa akin.

“Bakit ka ganyan?? Alam na ba ni Tito Steve? Masasaktan yung daddy mo!!”

“How about you? How about what you feel?”

Naiiyak pa din ako. Bakit naman kasi ganito siyang magsalita?? Paano kung siya talaga yung tatay nung pinagbubuntis ni Tita Katrina?? Ano nang mangyayari sa Like Life ko?

“I- i still like you? Kasi naman! Ano’ng tingin mo sa feelings ko, toilet bowl lang?? Nafflush??”

Natawa siya tapos niyakap niya ako. Ulet. Pangalawang beses.

“I’m kidding. I’m not the father,” sabi niya.

O__________O

Pinagpapalo ko siya sa braso, “grabe kang magbiro!!”

He just chuckled, which is very rare, by the way.

-I’m gonna paint you by numbers and colour you in if things go right we can frame it, and put you on a wall And it’s so hard to say it but I’ve been here before and I’ll surrender up my heart and swap it for yours-

“P-pero buntis nga si Tita Katrina??”

He nodded.

“Magkakakapatid ka na!!”

He smiled a little, “what’s so great about having a sibling? I’m fine by my own.”

Since nakayakap pa din siya sa akin, sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya, “kasi, ano man ang mangyari, nanjan siya para sa’yo. Kapatid mo yan eh, kahit ikaw yung may mali, at some point, kakampihan ka niyan. That’s the great thing about having a sibling.”

Pinat niya yung ulo ko, “i don’t like it when you speak profoundly. I like you weird and shallow.”

Nagpout ako.

“Kainis ka!!.. PERO YOU LIKE ME WEIRD AND SHALLOW?? IBIG SABIHIN YOU LIKE ME??”

He shrugged.

“Kainis naman ’to!!”

Tinitigan niya ako, “we’ll get there soon, Alys.”

Palpitations.

Binanggit niya na naman yung pangalan ko!!

-Aya-

Kainis wala naman si Tito Steve dun!!

Umuwi na lang ako kasi baka masuka lang ako pag nagkita si Drake at Besh. Kadiri kaya!! Kung nakikita niyo lang yung hearts and flowers sa mata ni Besh, masusuka kayo!! Grrrr

“Anak!!” sigaw ni mommy pagkatapak na pagkatapak ko sa bahay namin.

“Anyareh?”

“Nandito si son-in-law!! Ikaw naman, hindi mo man lang sinabi na kayo na pala naku!!”

O___________O

Tumakbo ako papunta sa dining room tapos nakita ko nga si KL, “bakit ka nandito?? Tsaka bakit mo sinabi kay mommy yun??”

Nagpout siya jusko po nakakadiri!!

“Kinakahiya mo ba ako, Bee?”

=_________+

“Wag ka ngang paarte, Kent Justin! Sipain kita eh!!”

“Hehehe. Brutal mo talaga, Bee.”

“Bakit ka nga nandito??”

“Masama bang bisitahin yung girlfriend ko? Hehehe. Ang sarap sabihin ng girlfriend kita.”

+________+

“Ang bading mo.”

“Mahal mo naman. Yieeeeeee.”

“Yuck.”

“Yieee, inlove na inlove sa akin ang Bee ko!!!”

Hay nako. Ano bang magagawa mo, Aya? Sinagot mo eh. Panindigan mo. Jusko.

-Kei-

“Sheen, can we talk?” i asked him when i saw him.

“Ngayon na? May gagawin kasi ako eh.”

“Please?”

He sighed, “sandali lang ha?”

I nodded and started walking to the nearest bench, “anong meron, Kei?”

“I’m leaving,” i stated.

“Ha?”

“I said i’m leaving.”

“San?”

“To Russia. My whole family’s migrating.”

“Bakit mo ’to sinasabi sa’kin?”

I smiled at him. I know this is so selfish of me but i could not care less.

“Please be my boyfriend again, Sheen. Until i go, please be mine again.”

-Alys-

“Miss Alys, nanjan daw po si Sir Steve sa baba.”

“Sir Steve?”

Tumango si Yaya Sally, “yung daddy daw po ni Drake.”

Napatayo ako sa kama ko tapos dali daling bumaba.

“Hi, Tito Steve!! Bibigay mo ba yung pasalubong mo sa’kin??”

Hindi nakangiti si Tito Steve which is very weird.

Huminga lang siya ng malalim.

“Hiwalayan mo na si Drake, Alys.”

Chapter 32

Chapter 32

-Alys-

“A-ano po?”

Bumuntong hininga si Tito Steve, “pwede bang maupo muna tayo?”

Tumango ako tapos pinapasok ko siya sa bahay namin. Buti na lang wala si mommy at daddy. Para kasing ang weird ng pag uusapan namin.. Tsaka iiyakan ko si Tito Steve pag tinotoo niya yung sinasabi niya!! Nagsisimula pa nga lang kami ni Drake tapos ganito na agad agad?? Wala pa kami sa climax, ending na agad??

“T-tito Steve, nagjjoke po ba kayo?”

Ngumiti siya pero pilit na pilit lang, “sana nga nagjjoke lang ako, Alys. Pero seryoso kasi ’to eh..”

“Ano po ba yung dahilan??”

Bakit ba nagagalit si Tito Steve?? Eh buntis nga si Tita Katrina kaya dapat ang saya saya niya ngayon!! Tsaka hindi niya naman alam yung kay Drake at Tita Katrina, di ba??

O________O

BAKA NAMAN ALAM NIYA NA???

“Basta, Alys. Hiwalayan mo muna si Drake. Para naman sa lahat ’to eh..”

Umiling ako, “ayoko po.”

“Alys naman..”

“Tito Steve naman din, bakit ko gagawin yun eh ni hindi niyo man lang ako bigyan ng matinong rason.”

“Bata ka pa, Alys. Hindi mo maiintindihan. Iwanan mo na si Drake, ikaw lang din yung masasaktan eh.”

“Tito Steve, sabi nga nila, how would you know if it’s love if there’s no pain?”

Nangiti si Tito Steve, “eh di sobrang pagmamahal na pala yung meron ako kay Katrina kasi ang sakit sakit na eh..”

Hala ka, Alys!! Pinaiyak ko yata si Tito Steve!!

Lumapit ako kay Tito Steve kasi umiiyak siya. Jusko po, Lord. Ayoko po sa mga lalaking umiiyak, nappressured ako!!

“Tito Steve, wag po kayong umiyak!! May problema po ba kayo??”

Umiling siya, “hindi mo din naman maiintindihan..”

“Promise iintindihin ko po!!”

“Bata ka pa..”

“Age is but a number. Try me, Tito Steve!! Sabi ni Drake nagiging profound na daw ako!!”

Ngumiti siya, “sigurado ka?”

Tumango ako. Hinga, Alys. 

“Buntis kasi ang Tita Katrina mo..”

“Oo nga po sabi ni Drake.”

Napatingin siya sa’kin, “sinabi ni Drake sa’yo?? Ano’ng sabi niya??”

Tumingin ako kay Tito Steve. Sasabihin ko na nga yung alam ko. Sabi kasi ni Drake, gusto niya daw yung pagka honest ko.

“Tito Steve.. alam ko po kasi yung kay Tita Katrina at Drake.. Hindi naman po si Drake ang tatay sabi niya..”

Pumikit ako.

Tatakpan ko ba yung tenga ko??

Sisigaw ba siya??

-__o

o__-

o__o

Ngumiti lang si Tito Steve pero ang lungkot lungkot nung ngiti niya.. “So, ako lang pala yung walang alam..”

“Hala, Tito Steve, hindi po ganun!! Wag po kayong umiyak TT^TT”

Tumayo siya, “sige, Alys. Aalis na ko.”

Naglakad na si Tito Steve paalis. Nako nako!! Umakyat ako papunta sa kwarto ko tapos nagpalit ng damit.

“Manong, hatid mo naman ako kila Drake, please!!”

“Sabi po ng mommy niyo dito lang kayo sa bahay..”

“Manong naman!! Nakasalalay ang Like Life ko dito!! Please na po!!”

Bumuntong hininga si Manong, “sige na nga po. Ako na naman ang lagot sa mommy niyo.”

“Hehehe. The best ka talaga, manong!”

-Kei-

“What are we doing here?”

Sheen seat on one of the benches, “dito muna tayo. Nagrereview ako eh. Hindi ka ba kukuha ng entrance exam sa SCA?”

I shook my head, “what’s the use? Aalis din naman ako.”

It feels so right having him beside me again. I don’t know what came into me when i broke up with him. He’s just so good and sweet and caring to me. I must be mentally challenged that time.

“Pero sayang naman eh. Try mo lang.”

I smiled, “will you tutor me?”

He nodded, “sige ba.”

Then after a while, he held my hand, “aalis ka ba talaga, Kei?”

I nodded, “everything’s been planned. I’m set to fly after two weeks.”

“Two weeks? In two weeks, aalis ka na. In two weeks, graduate na tayo. Ang daming mangyayari sa two weeks.”

I smiled at him, “that’s why we better make the most out of the two weeks remaining time.”

“Pero kailangan ba talaga nating magbreak after two weeks?”

I nodded, “i’m going somewhere far, Sheen. I don’t want to be unfair to you.”

“Ayan ka na naman.. Ikaw ang nagdedecide sa mga bagay. Sa tingin mo ba unfair yun para sa’kin?”

I shrugged, “i’ll be miles away from you.”

“But my heart will be always beside you. Sounds fair.”

I smiled at him, “you know, i really love you.”

-Aya-

“Bee naman!! Simpleng trigonometry lang yan!!” sigaw ni Kent sa akin.

+_______+

“ANO BA ANG SIMPLE SA TRIGONOMETRY?? ANG SAKIT SA BANGS OH!!”

Bumuntong hininga siya, “Bee naman eh. Intindihin mo kasing mabuti. Entrance exam na next week. Gusto ko pareho tayo sa SCA.”

.>

“Feeling mo naman papasa ka!!”

“Syempre matalino ako noh! Ikaw nga jan eh!!”

.>

“ANO’NG IBIG MONG SABIHIN?? MAHINA ANG UTAK KO??”

“Hehehe. Mahina man ang utak mo, mahal pa din kita. Boom!”

nasusuka ako

“Kadiri ka talaga!”

“Hehehe. Tara na, aral na ulit tayo.”

Tapos naupo na ulit kami. Nandito kami sa bahay namin, syempre feel na feel ni KL dito. Jusko kulang na nga lang eh gawin niya ng kwarto yung guest room. Ito namang nanay ko, feel na feel din!! Jusko daddy, umuwi ka na!! Malapit na akong ibenta ni mommy sa KL na ’to!! Grrrr

Nagrereview kami kasi malapit na nga pala yung entrance test sa St. Claire’s Academy. Jusko para namang papasa ako dun. Eh pang matalino lang yun. =____= Dun na lang kami sa Brent Academy ni Besh! Dami daw pogi dun na kalevel lang namin ang utak. Hehehe.

Kaya naman pala nagrereview palagi yung baklang yun!! Hindi man lang pinaalala na may Entrance exam pala. Grrr. Si Besh talaga masyadong naiinspire kay Drake!! Muntik na kaya siyang malipat sa Light Section pero mejo kinulang lang ng konti yung grades niya. Pero kahit na noh!! Buti na lang din, hindi. At least pareho pa din kaming nagdudusa sa Darkness Section. Hehehe.

“Ayoko na nga!! Hindi na kaya ng utak ko, KL!!”

“Bee naman kaya mo yan!!”

“Eh hindi nga ako papasa dun. Sa Brent Academy na lang ako!!”

“So ganon? Iiwan mo akong mag isa sa SCA?”

Tinulak ko nga siya, “masyado naman ’tong clingy! Hoy fyi magkalapit lang yung subdivision natin!!”

Nagpout siya yuck ew pwe, “syempre iba pa din pag magka school tayo. Mamimiss kita.”

“Tss. Kaya nga eto oh! Palagi na tayong magkasama, di ba??”

“Eh pano pag hindi ka nga nakapasa sa SCA? Dun na lang din kaya ako sa Brent?”

Binatukan ko nga siya, “wag ka ngang OA. Dun ka sa SCA aba sayang ang brains mo! Tsaka hindi ba masyadong obvious na welcome ka sa bahay namin?? Tignan mo naman halos sambahin ka na ni mommy!”

“Eh basta mag aral ka jan para pareho tayong sa SCA!”

=____=

Eto na nga mag aaral na. Tss. Kapressured.

-Eydee-

Nagmamadaling umalis si Tito Steve pauwi sa bahay niya. Jusko po eto ba yung tinatawag nilang dak aura??

Pagbabang pagbaba niya sa sasakyan niya, pumasok agad siya sa bahay tapos nakita niya si Katrina na nakaupo sa sofa, namumutla pa din. Hindi kasi nakakakain ng maayos si Katrina. Totoong buntis siya. Feeling niyo naman kasi joke lang ang lahat? Hahaha!

Tinawag ni Tito Steve yung isa sa mga katulong, “pababain mo si Drake dito.”

Umalis na yung katulong at nagmamadaling umakyat.

“Steve..”

Nagsalita si Katrina peo pinigilan siya ni Tito Steve, “wag muna, Katrina. Masakit yung ulo ko.”

Dahan dahang bumaba sa hagdan si Drake with poise. Sheet naman na lalaki to!! Ang cool cool pa din kahit ang hot hot na ng situation!!

“What?” sabi ni kay Tito Steve, nonchalant. Lakas talaga ng boredom ng Palma na ’to eh!!

“Umupo ka,” sabi ni Tito sabay turo sa upuan sa harap niya. Umupo si Drake dun. Nag alisan yung mga katulong. Duh. Obviously, isa itong family matter. Yuck maka family. Hahaha!

“G-gaano na kayo katagal?”

“Steve naman..” sabi ni Katrina.

“What do you care?” sabi ni Drake.

“Drake, tatay mo ako ha! Galangin mo ako!”

“Tss.”

Si Katrina na lang yung nagsalita, “wala na kami, Steve. Matagal na. Maniwala ka naman na ikaw yung tatay ng dinadala ko..” hindi na napigilan ni Katrina na umiyak. Hindi naman niya kasi akalain na aabot siya sa ganito.

“Paano ako makakasigurado? Malay ko ba na sa tuwing nasa trabaho ako, kung anu ano pala yung ginagawa niyo!”

Tumayo si Drake, “i reserve my first time for Alys. I haven’t gone anything further than  kissing when it comes to my stepmother.”

“Bakit ngayon mo lang sinabi? Hinintay mo pa na mag away kami!”

He smirked, “i don’t know, dad. Maybe i just want to test how far your trust will go. And i was disappointed. Very disappointed.”

Tumalikod na si Drake at nagsimulang maglakad nung magsalita si Tito Steve, “kung disappointed ka naman pala sa’kin, umalis ka na sa bahay ko. Gusto mong magpaka independent, di ba? O sige. Bibilin ko ngayon din yung condo na gusto mo. Ayan, siguro naman impressed ka na sa’kin.”

Chapter 33

Chapter 33

O_____O

“I reserve my first time for Alys..”

Yan lang ang narinig ni Alys tapos parang biglang huminto yung paligid niya. Sheet naman kasi sino ang hindi kikiligin, sige nga?? Eto yung tinatawag na The Drake Palma Way ng pagpapakilig mygashh!

Natulala lang si Alys habang patuloy pa din sa pagsigaw si Tito Steve at sa pagbibigay ng bored look si Drake.

Biglang natauhan si Alys nung narinig niya yung tungkol sa condo, “t-teka, Tito Steve. Papaalisin niyo si Drake??”

Tumango lang si Tito Steve, “dapat matuto na si Drake. Malaki na siya.”

“Pero Tito naman! Underage pa yan oh!”

Biglang sumingit si Drake, “stupid. I’m already 18.”

=____=

Palpak talaga kahit kailan si Alys!!

“Ah eh, kahit na!! Nasa high school pa lang kami, Tito Steve!! Please wag niyo ng paalisin si Drake TT^TT”

Pinat na lang ni Tito Steve si Alys sa balikat, “mas mabuti na yung ganito, Alys. Trust me.”

“Anong mabuti? Na umalis siya habang magkaaway kayo? Make love not hate, Tito Steve!!”

Bigla bigla siyang hinatak ni Drake, “don’t intrude.”

“Ano ba!! Nag uusap kami ng tatay mo!!”

“Tss,” sabi ni Drake tapos binitiwan niya si Alys at naglakad paakyat sa kwarto niya in a super cool way O

“Tito Steve naman..” nakikiusap pa din si Alys. Alam niya kasi na mahirap yung walang kasama. Di ba nga naghomeschooling siya dati? Ang hirap kaya na walang classmates! Nakakautas ang boredom! Ayaw niyang maranasan ni Drake yun.

“Alys naman,” sabi ni Tito Steve tapos naupo din sa sofa nila. Buti na lang at umalis na si Pedo at pumunta sa guest room na pansamantala niyang kwarto. Mejo kinabahan siguro siya nung nagsisigaw si Tito Steve kanina. Aba nakakatakot kasi!! Sabi nga nila, wag mong galitin ang taong masayahin!!

Pinagpatuloy ni Tito Steve yung sinasabi niya, “buntis si Katrina tapos may relasyon pala sila ni Drake. Hindi ko kayang iprocess lahat, okay? Tao lang ako, malapit na akong mabaliw. Tsaka ayokong magkasakitan lang kami. Mas mabuti na din ’to. Kung magkaka anak kami ni Katrina, susubukan kong ayusin lahat kasi ayokong lumaki yan sa broken family. Tsaka yung kay Drake? Nakaplano na talaga yan. Matagal niya nang gustong magka condo. Isipin mo na lang na mas napaaga yung plano..” Paliwanag ni Tito Steve.

Pero ang napakakulit na si Alys ay ayaw pa ring patalo, “hindi ba pwedeng after graduation? Two weeks na lang naman po, Tito!!”

Bumuntong hininga si Tito Steve, “hindi na talaga, Alys. Tatawagan ko na yung agent na kausap ko. Mas mabuti pa, tulungan mo na lang si Drake mag ayos ng gamit niya,” sabi niya tapos tumayo.

Hindi napigilan ni Alys magsalita na naman, “hindi niyo po ba mahal si Drake?”

Natigilan si Tito Steve sa narinig niya, “anak ko yan eh, mahal ko yan. Kaya ko nga to ginagawa kasi mahal ko si Drake. Maiintindihan mo din ako, Alys.”

At siya ay naglakad na papunta kay Katrina upang makipag usap. Gusto niyo bang malaman ang mangyayari? Kfine. Kkwentuhan ko kayo sapagkat ako ay napakabait na Fairy Eydee u

Kumatok si Tito Steve, “Katrina?”

Walang sumasagot sa kanya kaya binuksan niya na lang yung pinto.

“Sorry,” yun agad ang salubong sa kanya ni Katrina. Kung korte ’to, guilty as charged lang ang peg ni Katrina. Tinuhog mag ama eh!

Bumuntong hininga for the nth time si Tito Steve tsaka naupo sa edge ng kama, “usap na tayo. Ano ba talaga, Katrina? Mahal mo ba ako o nagkakalokohan lang tayo? Ako kasi mahal talaga kita.”

Hindi napigilan ni Katrina na maiyak. Hormones ba? O acting? Ewan natin. Mahirap malaman ang tunay na nararamdaman ng isang buntis na pedo :D

“Mahal naman kita, Steve. Sorry nga kasi nagkamali ako, di ba?”

“Mahal mo ba si Drake?”

“Dati, oo. Steve, alam mo naman na ako na lang sa buhay di ba? Siya lang kasi yung unang tao na nagpakita ng halaga sa akin eh. Masisisi mo ba ako? Pero ngayon, iba na, Steve. Hindi ko naman sinasadya eh. Ikaw na yung mahal ko. Gusto ko na talagang tapusin yung kay Drake pero hindi ko magawa kasi natatakot ako..”

“Natatakot ka na mawala siya?” hindi napigilan na itanong ni Tito Steve.

Umiling si Katrina, “no, natatakot ako na magalit siya tapos sabihin niya sa’yo. Okay na tayo, Steve eh. Hindi ko kaya na magkagulo pa. Lalo pa ngayon..”

Hindi naman nadadaan lang sa sorry lahat ng bagay. Galit pa din si Tito Steve. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit? Asawa mo tapos anak mo may ginagawang himala tuwing nakatalikod ka? Eh nakakaloko naman kasi talaga yun! Pero dahil pilit nilalawakan ni Tito Steve ang pang unawa niya, susubukan niyang intindihin si Katrina.

“Okay,” sabi ni Tito Steve.

“Okay?”

“Okay, tinatanggap ko lahat ng ginawa mo pero hindi ko kakalimutan. Hindi ko kayang kalimutan yun.”

Naiiyak na naman si Katrina, “salamat, Steve.”

Tumayo lang si Steve tapos naglakad na papunta sa pinto, “mag ayos ka. Pupunta tayo sa Obgyne.”

Pupunta sila para sure aba. Mamaya pinapalayas niya yung anak niya para lang sa wala! Malay ba natin kung isa lang to sa antics ni Tita Peds? Hmmm.

-Alys-

Kainis naman si Tito Steve!! Para na din siyang si Dad, ang weird magsalita!! Akala mo may pinapahulaan na bugtong palagi eh!! Grrrr.

Umakyat na lang ako papunta sa kwarto ni Drake. Hehehe. Pang apat na pasok ko na ’to sa kwarto niya u

Kumatok muna ako. Syempre may manners naman ako!! Kinuhanan pa kaya ako ni mommy ng personal instructor sa manners and stuff. Nakakahilo yun jusko! Mga table manners. Ka stress!

Hindi siya sumagot kaya pumasok na ako. Ganito talaga ang How to decipher Drake Palma 101: Pag tinanong mo siya at hindi siya sumagot, ibig sabihin okay. Kasi pag ayaw niya, sasagot yan ng tss. Okay?

Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya. Jusko nakashorts at shirt lang naman siya pero bakit napakahot naman ng nilalang na ’to?? 

“S-sabi ng dad mo mag ayos ka na daw ng gamit mo..” sabi ko sa kanya. Huhuhu. Ayokong sabihin pero kailangan. Ayoko naman na dumating sa point na ihagis ni Tito Steve palabas yung mga gamit ni Drake!!

“Tss,” sabi niya as usual tapos pumasok siya sa walk in closet niya at naglabas ng tatlong maleta. AKALAIN MO NA VAIN PALA SI DRAKE? ANG CUTE NG MGA MALETA NIYAU 

Pinoint niya sa noo ko yung pointing finger niya, “what are you thinking?”

“H-ha?”

“You have that weird face again.”

___

Weird face?

“Weird face?”

“Yeah. Like you’re planning to rape me or something.”

“H-hoy!! Kapal ng mukha mo ikaw nga jan maypa reserve reserve your first time pang nalalaman!!”

Nag smirk siya, “kilig ka naman?”

O____O

Nagtagalog siya mg goodness!!

“WHATEVER, PALMA!!” sabi ko na lang para maitago yung wild palpitation ng puso ko. Huhuhu. Bakit po Lord na minsan lang siya magsalita pero pag nagsalita siya, parang gustong tumalon ng puso ko palabas ng dibdib ko??

Umupo ako sa sahig since naka carpet naman buong bahay nila. Mayaman kasi talaga tong Palma na ’to.

“Pack my things,” sabi niya tapos nahiga siya.

“Katulong mo ko??”

“No, but you like me. I’ll use the advantage,” sabi niya tapos nagtakip ng unan sa mukha.

ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA NG LALAKI NA TO!! GRRRRR!!

Tss. Sige na nga tutal mahilig din naman akong magpack. Expert kaya ako!! Syempre lagi akong sumasabit pag umaalis sila mommy at daddy. Minsan din pag si dad ang pumupunta sa Singapore, sumasabit ako. Na master ko na ang art of packing!

Bale ganito, Alys: Maleta no. 1: Para sa uniforms niya and school stuff. Maleta no. 2: Para sa mga damit niya. Lahat naman ng damit nito mukhang pang porma. Jusko model lang talaga tong boyfriend ko!! Maleta no. 3: Para sa kaartehan niya sa katawan. Wag kayong maingay pero mas madami pa sa akin yung mga kung anik anik ni Drake sa C.r.!! May mga moisturizer siya, mygashh! Sabi niya sa’kin pinaghihirapan niya daw yung mukha niya. Pagbigyan, pagbigyan.

Inuna ko muna yung maleta no. 3 at ni raid ko yung c.r. niya. Siguro naman may bathtub din sa bago niyang condo? EH BAKIT KO BA INIISIP YUN EH HINDI NAMAN AKO MAKIKILIGO SA KANYA???

Kuha kuha kuha

Ang dami namang something nitong si Drake!! May moisturizer, facial wash, body wash, etc etc. Parang siya pa yung mas babae sa aming dalawa eh =___=

Maleta no. 2:

Pumunta ako sa walk in closet niya at namili ng mga kukunin. Impossible naman na madala agad namin ’tong mga damit. Pipili muna ako ng mga susuotin niya. 

//////////<

Feeling ko housewife ako ni Drake tapos ako yung namimili ng susuotin niya!!!!

Kumuha ako ng konting muscle shirts since palaging ganyan yung suot niya. Kitang kita tuloy mga biceps jusko. Tsaka ng shorts niya na checkered something kung anuman ang tawag dun. At syempre ang mahiwaga niyang cardigan at beanie!! Sabi sa inyo maarte si Drake. Madaming alam sa katawan yan!! Minsan nga aayain kong magshopping to mamaya mas madami pang mabili sa’kin eh!!

Lumibot libot ako sa walk in closet niya. Ano pa ba ang kulang? Hmmm.

O___________O

SHETS UNDERWEAR!!

/////////////<

NO!!

BATA PA AKO!!

17 PA LANG AKO!!

18 NA SIYA!!

RAPE RAPE RAPE!!!!

“Tss,” napatingin ako sa likod ko tapos nakita ko ang boyfriend ko na nakasandal sa dingding with matching kamay sa loob ng bulsa at nakatingin sa akin habang hawak ko yung isa sa mga boxers niya.

“M-mali ka ng iniisip!!” paliwanag ko agad. Mamaya baka isipin niya na manyak ako!!

“Do you even know what i’m thinking?”

wild palpitation

Jusko, heart. Maghanda ka na. Eto na yung mga moments na nararamdaman ko na magbibitaw na naman siya ng line na hindi magpapatulog sa akin sa gabi.

Umiling ako.

“Why are you holding my boxers?”

Dali dali kong binitawan yung boxers niya, “n-nahawakan ko lang. Hindi ko sinasadya, promise!”

He smirked again. Jusko po Lord.

Naglakad siya palapit tapos kinuha yung boxers niya na nagkalat at pinitik yung noo ko, “you’re such a perv.”

“HOY HINDI AH!!”

“You’re fantasizing about my body, aren’t you?”

“OY GRABE KA NAMAN!!”

“Here,” sabi niya tapos tinaas niya yung shirt niya tapos.. ano!! >///////////<

“Satisfied?”

Naglakad siya with a satisfied grin on his handsome face.

Calvin Klein??

////////////<

-Aya-

“Oh mga anak, meryenda muna kayo!” sabi ni mommy sa amin ni KL.

“Salamat po, Tita. Sumasakit na nga yung ulo ko kay Bee eh. Ang hirap turuan!”

.>

“Sino ba pumilit sa’yo na turuan ako??”

Hindi ako pinansin. Isa ka talagang KL!!

“Ay nako, son-in-law, pagbigyan mo na yang si Aya. Alam mo kasi muntik na akong makunan nung pinagbubuntis ko yan. Naapektuhan siguro yung utak. Habaan mo na lang ang pasensya mo, ha?”

Ngumiti lang si KL, “oo naman po, mommy-in-law.”

“Aba at mommy-in-law ka na ngayon! Improving!”

Kinindatan niya tayo, “syempre dun din naman tayo pupunta, Bee.”

“Feeling mo naman sasama ako sa’yo sa simbahan!!”

“Eh di sa municipyo ng Mayor.”

“Mapilit ka din eh noh?”

“Syempre loves kita, Bee!”

=____=

“Nako ang sweet sweet niyo talaga!! Namiss ko tuloy bigla ang daddy mo, Aya!”

Tss. Sana nga umuwi na si daddy. Nacocorrupt na masyado yung utak ko dito kay mommy. Masyadong bugaw.

Pagkatapos naming kumain, nag aral na ulit kami. Makakapasa nga kaya ako sa SCA? Eh pano pag hindi? EH DI HINDI! WAG IPILIT ANG HINDI PWEDE. HEHEHE.

Binatukan ako ni KL, “para kang tanga nakangiti mag isa.”

“Hehehe. KL..”

“Oh?”

“Pag sa SCA ka tapos sa Brent ako, pwede akong maghanap ng ka M.U. dun??”

Binatukan ako ulit ni KL!!

“At talagang nagpapaalam ka pa sa’kin??”

“Syempre isipin mo naman niloloko kita!!”

Sumeryoso yung mukha niya.

“Wag naman ganun, Aya.”

Natigilan ako. Ngayon lang niya ako tinawag na Aya. Seryoso kaya siya ngayon? Lagi kasing Bee ang tawag niya sa’kin.

“Alam mo ba yung mga ex ko lagi akong niloloko? Wag ka namang sumali. Sa’yo ako pinakaseryoso tapos ikaw din yung pinakamanggag0 sa’kin? Wag ganun.”

-Alys-

Sheet ang ganda naman dito!! Gusto ko din ng condo ko!!

Nandito na kami sa condo ni Drake. Haaaay. Mejo malayo na siya sa bahay namin kumpara dun sa bahay nila. Long distance relationship na kami. Huhuhu.

Ang bilis naman kasi ni Tito Steve. Pagkatapos na pagkatapos naming mag empake, may umakyat na maid tapos inabot sa amin yung address pati passcode nung condo ni Drake. 19th floor tapos ang passcode ay 1306. May galit ba talaga si Tito Steve?? Parehong devil’s number yung code??

May kasama kaming katulong nila pati driver. Malamang alangan namang kami ni Drake ang magkaladkad niyan hanggang 19th floor? =___=

Sinalubong kami nung Manager nung condo tapos briefing etc etc. Ako na lang yung sumagot kasi magmumukha lang siyang tanga kasi hindi naman siya pinapansin ni Drake. Haay. Kawawa talaga yung ibang tao kay Palma minsan. Todo deadma eh.

Pag akyat namin, pinasok lang nila yung gamit ni Drake tapos umalis na sila. Ano ba yan.. mejo naaawa ako kay Drake. Maganda nga yung condo niya, wala naman siyang kasama. Tsaka pano siya papasok sa school?? Ang layo kaya!! Sunduin ko na lang kaya siya? Papahatid na lang ako kay Manong Driver para magkasilbi naman siya. Hmmm.

“Drake, baguhin mo na daw yung pc mo..” sabi ko sa kanya. Default passcode pala yung 1306. Lumapit siya dun sa whatever tapos ni reset niya.

“1131,” sabi niya sa akin tapos naglakad siya at naupo sa sahig. Wala pa kasing kalaman laman tong condo niya. As in wala. Ni kama, ni upuan, wala!

“11 ano?”

“1131. November 31. Monthsary. Tss. Sometime’s i can’t believe why i ended up with a noob like you.”

wild palpitation

Minsan wala na akong pakielam sa mga sinasabing harsh words ni Drake.. ganun talaga siya eh. Hindi siya si Drake kung walang masakit na salita.. Pero kahit ganun? Sabihan ka lang niya ng mala The Drake Palma Way niya ng pagpapakilig? Wala na. Erase na lahat ng inis mo sa kasungitan niya.

//

Chapter 34

Chapter 34

-Alys-

“Drake naman!!” sabi ko kay Drake. Paano ba naman, binalik niya dun sa lalagyan yung choco mallows na kinuha ko!!

“Ako naman ang magbabayad eh. Palagay lang jan sa cart mo!” sabi ko. Kainis naman kasama tong si Drake sa hypermart eh! Napaka health conscious kainis! Ni hindi man lang ako makapag singit ng junk foods o kaya sweets sa cart niya. Puro healthy foods ang laman. My goodness! 

.>

Tinignan niya lang ako ng masama tapos tinulak niya yung cart papunta sa aisle ng mga tinapay.

=___=

Napaka boring naman kasama nito oh!!

Naglakad ako pabalik sa chocolates tapos kumuha ako ng sarili kong cart. Ha! Feeling niya naman! May pambayad din ako noh!! Akala niya siya lang ang mayaman?? Guzman ako, Perez na, Ferrer pa! Mayaman ako, hindi ba masyadong obvious?? Grrrr!!

Kumuha ako ng sarili kong stocks na hindi ko alam kung paano ko ipupuslit sa bahay namin ng hindi nakikita ni mommy. Feeling health conscious din kasi yun. Mataba kasi. =___=

Choco mallows.

Choco sticks.

Choco pie.

Chocolate bars.

Hehehehehe.

^_____^

Kukuha sana ako ng chocolate wafer ng may biglang humatak sa cute na cute kong nakabraid na buhok!!

Tumingin ako sa likod.

=____=

Sino pa nga ba ang bastos na hahatak sa buhok ko??

“Ano bang problema mo??”

“Tss,” sabi niya sabay tingin sa cart ko, “are you trying to get a diabetes?”

“Paki mo ba? Tsaka hindi ko naman yan kakainin sabay sabay eh!”

Iniwan niya yung push cart niya tapos lumapit sa cart ko at binalik sa lalagyan yung mga kinuha ko.

“Drake ano ba!!”

.>

Tinignan niya ako ng masama tapos binalik niya lahat.

Tig iisa na lang yung natira sa lahat ng kinuha ko.

Huhuhu.

Medyo yumuko siya para magka level kami.

“Stop whining.”

“Eh bakit mo ba pinapakailaman yung chocolates ko?? Hindi ko naman pinapakailaman yang mga gulay mo ah??”

Bumuntong hininga siya, “i’m just trying to protect your well being, okay? If you want, i’ll buy you chocolates once you finished devouring those.. monsters.”

Sabi niya sabay tingin ng nakakadiri sa cart ko na may lamang medyo madami pa naman na chocolates.

“Arte nito! Palibasa hindi ka sweet kaya hindi ka mahilig sa sweets!!”

Nag smirk na naman siya. Jusko. Eto na naman ba yung TDPW??

“Whatever. Let’s go,” sabi niya sakin sabay hatak papunta sa counter.

WALA MAN LANG NAKAKAKILIG NA LINE?? KAINIS NAMAN OH!!!

Nakapagbayad na kami sa cashier, rather siya lang pala. Nilibre niya ako. Mehehe. Akalain mo, hindi kuripot si Drake??

Nagcab kami pabalik sa condo niya kahit mejo kaya naman to ng walking distance. Hindi naman kami masochista na maglalakad habang may dalang grocery bags, di ba?? Tsaka hihintayin pa namin yung inorder na kama ni Drake na inabot kami ng ilang oras bago napili. Jusko napakaarte ng lalaki na ’to!! Walang panama yung kaartehan ko sa kanya!

Nakarating na kami sa 19th floor.

.>

“Ano?? Ano na naman yang tingin na yan???” sabi ko sa kanya. Ayan na naman kasi siya sa stares niya na parang gusto ko na lang tumalon palabas ng condo na ’to eh!!

“Open the door.”

“Ikaw na. Ako ba nakatira jan??”

“You know the code.”

=___=

“May short term memory ako. Nakalimutan ko na..” sabi ko sa kanya. Totoo naman, di ba??

Inirapan niya ako tapos kinuha sa kamay ko lahat ng grocery bags. Binuksan niya yung isa dun tapos inabutan ako ng isang chocolate bar at bottled water.

“Stand there until you remember,” sabi niya sabay pindot dun sa control panel tapos pasok sa loob at.. iwan ako??

O__________O

INIWAN NIYA AKO SA HALLWAY??

-Eydee-

At iyon nga ang nangyari. Pumasok si Drake sa loob ng newly acquired condo niya habang naiwan si Alys sa labas na may hawak na chocolate bar at bottled water. Akalain mo naawa pa si Drake at binigyan ng pagkain si Alys? Hahaha!

“Drake naman!!” sabi ni Alys sabay katok sa pinto. Feeling niya naman naririnig siya ni Drake? Sound proof kaya yung condo niya. Kahit magsisigaw pa si Alys, walang care si Drake. Lalo na at nasa autistic phase na naman siya.

“Hala, ano ba kasi yung pc nito??” sabi ni Alys sabay alala sa passcode. Minsan nakapagtataka kung bakit ganito kahina yung ulo ni Alys, no? Matalino naman magulang niya. Anyareh kay Alys? Puro recessive genes ang sinalo?

Habang pilit inaaalala ni Alys ang pc ng condo ni Drake, si Drakey Baby naman ay nilagay na sa cupboard yung mga binili nila na hindi perishable. Mamaya pa kasi dadating yung binili nila ni Alys na kama, fridge, etc. Napakabilis naman kasi ni Tito Steve magpalayas! Ni hindi man lang nakapaghanda ng evacuation plan si Drake!

Nagbukas si Drake ng nachos at dip habang hinihintay si Alys. Pumunta siya sa dun sa monitor at nakita niya si Alys na mukhang tangang nakatayo at mukhang nasa trance.

=___=

Bumalik na si Drake at naupo sa gilid. 

‘Tss. My noob girlfriend,’ sabi niya sa isip niya.

“Kainis kainis!!” sabi ni Alys.

Sino pa ba ang may alam ng monthsary nila?? Yun lang kasi yung tanging clue na naaalala ni Alys.

calling..

Sheen (ex-loves)

(“Hello?”)

“Sheen!!”

(“Oy, Alys. Bakit ka napatawag?”)

“Uhmm, Sheen?”

(“Hmm?”)

“Kailan nga yung monthsary namin ni Drake?”

Medyo nagtaka si Sheen sa narinig niya. Sino ba naman kasi ang matinong babae ang tatawag sa best friend niya na dati niyang crush at magtatanong ng monthsary nila ng boyfriend niya ngayon, di ba?? Ikaw lang, Alys Zyril Perez! Nag iisa ka!

(“November 31.Tama ba? Pero kasi, Alys..”)

“Oo nga November 31!!” sabi ni Alys habang binibilang mentally kung ano ang katumbas ng November.

(“Di ba wala namang November 31?”) tanong ni Sheen.

“Ano ka ba, Sheen! Meron kaya!!” sabi ni Alys, “thanks, Sheen!!” sabay baba ng phohe.

Shets naalala niya na. Mygashh!!

-Alys-

Pindot pindot pindot.

Mwahaha!!

Kinuha ko yung phone ko tapos sinave ko sa notes yung 1131. Aba mahirap na!! Eh paano pag inatake na naman ng autistic mode si Drake? Mamaya forever na akong ma stranded sa harap ng pinto niya noh!

At ang bwisit na lalaki ang sarap ng buhay! Pakain kain lang ng nachos habang hirap na hirap akong mag isip ng pc nitong lesheng condo niya!!

“Bwisit ka!!” sabi ko sabay upo sa tabi niya.

“It’s not my fault you’re such a noob.”

“Kanina ka pa sa noob na yan ha!!”

Inirapan niya lang ako. Nakakainis!!

“Irap ka ng irap. Bakla!!”

Natawa siya.

“At ano ang nakakatawa??”

“You.”

O____O

HARD.

“Ang sama ng ugali mo.”

Sabi ko. Aba kanina pa nakaka binggo sa’kin ’tong nilalang na ’to!!

“I know,” sabi niya.

“Pwedeng pakibawasan yung harsh words?”

Umiling siya.

“Kung sakin lang, okay lang naman. Pero pano pag sa ibang tao? Iisipin nila na masama ka. Medyo tone down naman jan, Drake..”

Tumingin siya sakin.

“They won’t hear my harsh words because i won’t talk to them.”

“Eh bakit ayaw mo silang kausapin?? Masyado kang introvert.”

“Because they can’t catch my interest.”

“Because you’re so maarte,” sabi ko, mimicking his maarti tone.

“You’re the only person i talk to, in case you haven’t noticed because you’re such a noob.”

SHETS ANO BA YAN KINIKILIG AKO KAHIT HINDI NAMAN NAKAKAKILIG YUNG SINASABI NIYA!!

:“>

“Ibig sabihin.. na catch ko yung attention mo?”

His lips arched into a familiar loopsided grin. Kalma lang, heart. Wag masyadong magpalpitate.

“Catch is an understatement. You got me whipped and smitten. Hard.”

-Eydee-

At nagharutan si Alys at Drake after nung whipped and smitten moment nila. De joke lungs. Nagtitigan sila for about 15 secs then awkward. Bwahaha! Kasi naman eh!! Ang awkward nila kasi may nagdoorbell at dumating na pala ang mahiwagang kama at mga appliances.

“Dito na lang po,” sabi ni Alys sa mga mama na nag akyat. Shems ang daming aasikasuhin. Buti na lang yung condo ni Drake may second floor. 

Tumagal din ng ilang oras ang pag aayos nila. 7 pm na pero nandun pa din si Alys kila Drake. Mygash nagagalit na siguro si mommy Dana!!

“Hala 7 na!!” sabi ni Alys nung napatingin siya sa phone niya.

Hindi siya pinansin ni Drake kasi busy siya sa paglalagay ng pagkain sa ref.

“Uwi na ko ha? Bye!” sabi ni Alys sabay takbo papunta sa elevator. Magttaxi daw siya. Sus.

Napa roll na lang ng eyes si Drake at kinuha ang mahiwaga niyang cardigan at wallet at sinundan pababa si Alys.

Nakakuha na ng cab si Alys pero hininto ni Drake yung cab tapos pinicture-an yung plate number at lumapit sa driver, “if something bad happens to her, i’ll chase you to the hell’s end,” sabi niya sabay bigay ng 500 peso bill sa driver at talikod. Nga nga na lang si Alys pero syempre kinikilig yan! Hahaha! Hindi na sumama si Drake kasi nga nag aayos siya ng room. Tsaka tinext niya na si Daddy Andy. Ano ba, nag uusap yung dalawa na yun. Hindi lang alam ni Alys kasi Boys talk yun. Hahaha!

//

Kinabukasan.

“Since you are all aware of the upcoming entrance exam of St. Claire’s Academy, today will be a free day for you to review on your own. I advise that you go to the library and re-read your previous lessons thoroughly. St. Claire’s Academy is one of the best schools in the country, if not the best. Do your best, students.”

At nag dismiss na nga sila. Free cut all day long!

Ang matatalino na sila Sheen, Kent, Kei, at Drake ay nagdiretso sa library para mag aral. Si Kei ay magttry ding mag exam kahit sure ball na na sa Russia siya magpapatuloy ng studies. Si Sheen at Kent ay pressured. Nakakahiya naman kasi na sila yung President at Vice ng school pero nga nga sa exams. At si Drake? Matutulog sa lib. Napuyat kagabi kasi nag ayos siya ng condo niya.

Ang feeling matalino na si Alys at Aya ay dumiretso sa cafeteria.

“Besh, sa Brent na lang tayo mag aral,” sabi ni Aya kay Alys.

“Malamang dun tayo babagsak,” sabi ni Alys kay Aya habang umoorder sila ng walang kamatayang soda at fries. 

“Eh pano pag nakapasa ka sa SCA? Lagi ka kayang nag aaral!!” sabi ni Aya.

“Eh kasi naman sabi nila mommy ipapadala ako sa America pag hindi ako nakapasa!!”

“Ayaw mo ba dun? Nandun kaya si Dane!!”

=____=

Meron kasing crush si Aya kay Dane dati. Kaya nga awkward si Dane kay Aya. Best friend ng ate mo, pinagnanasahan ka. Ew.

“Tigilan mo nga yung kapatid ko! Tsaka ayoko nga dun. Pag hindi nakapasa sa SCA, eh di sa Brent. Maganda din naman dun..”

“Tsaka madaming pogi,” sabi ni Aya with twinkle sa mata. Sumbong kita kay KL mo eh!!

“Yun pa. Mehehe,” sabi din ni Alys. Kahit may lovelife na yang dalawa, syempre nakakabuhay pa din ng dugo ang cute boys. Mwahaha!

“Basta, Besh. Sa isang school lang tayo ha?” sabi ni Aya.

“Oo naman. Basta mag aral ka naman! Malay mo swertihin tayo sa SCA!”

Napailing na lang si Aya. Buong weekend siyang nag aaral with her KL. Minsan nga pati sa panaginip niya nag aaral siya eh. Masyadong na immerse ang sarili sa acads! Hahaha!

Kumain lang sila ng kumain habang ang ibang students ay nagpapakamatay sa pag aaral at habang si Drake ay sarap na sarap sa pag tulog.

After ilang minutes, lumabas si Drake sa lib kasis bigla siyang nagutom. Syempre hindi naman tulad dati na may katulong pa na may maghahanda ng pagkain niya.

Pumunta siya sa caf ng makita niya si Alys at Aya. Naglakad siya papunta dun dahil.. wala lang. Bored siya.

////////<

Nagblush si Alys nung maalala niya yung kagabi.

Palipat lipat lang ng tingin si Aya kay Alys at Drake kasi namumula si Alys habang kumakain si Drake. ‘Grabe namang mainlove si Besh. Pati simpleng pag nguya ni Drake, kinikilig siya!’ isip ni Aya.

Na conscious si Drake dahil nakatingin si Alys habang ngumunguya siya.

=___=

“Staring is rude.”

“But not if you’re the one i’m staring at,” sabi ni Alys.

SHETS!! THE ALYS PEREZ WAY NA BA ’TO??

Nakaramdam ng kilabot si Aya sa narinig.

“Masyado pang maaga para masuka ako. Bye,” sabi ni Aya sabay alis.

At nagtitigan fest si Alys at Drake. Anyareh susunod?

Chapter 35

Chapter 35

“Miss Alys, pinapababa po kayo ng mommy niyo..”

Tumayo ako sa kama ko. Bakit kaya ako pinapababa ni mommy?

Habang naglalakad ako, kinakabahan ako. Ang seryoso ng mukha ni mommy.. pati ni daddy!! Hala! Minsan lang yung serious face ni daddy. Ano kaya ang ginawa kong masama? T^T

“M-mommy?”

“Sit.”

gulp

Naupo ako sa sofa.

Ano bang ginawa ko?? 

“What do you want to happen, Alys?” tanong ni mommy.

“Ano po?”

Mukhang nagpipigil ng inis si mommy kaya hinawakan siya ni daddy sa balikat, “kalma lang, beb. Ako na nga ang kakausap dito.”

Umalis si mommy at pumunta sa kusina. Kukuha siguro ng inumin. Hina highblood si mommy hala!!

“Daddy?”

Bumuntong hininga din si daddy. ANO BA ANG GINAWA KONG MALI PARA MAGBUNTONG HININGA SILA??

Naglakad si daddy papunta sa grand piano tapos may kinuha siyang envelope.

“Ano po to?”

“Notification letter mula St. Claire’s. Hindi ka nakapasa..”

“Alam ko po..” sabi ko kay Daddy. Bakit pa ba ako magsisinungaling? Half expected ko na din naman na hindi ako papasa. Halos wala akong nasagutan sa exam eh..

“Ano ngayon ang gagawin natin? Halos magmakaawa na ako sa mommy mo kagabi kasi muntik na yung magpareserve ng ticket mo.”

O________O

SERYOSO NGA SI MOMMY??

“P-papadala niyo nga ako kila Nana?”

“Kasi naman, Alys. Tignan mo, pinabayaan ka lang namin kahit tagilid ang grades mo mula high school ka kasi sabi mo gusto mong mag regular school. Mas okay ka naman nung home schooling ka pa. Pero dahil gusto mo ng school, pinabayaan ka namin ng mommy mo. Ang gusto lang naman namin, maayos na grades. Sinagad mo na yung pasensya ng mommy mo eh..”

Hindi ko napigilan, nangingilid na yung luha ko, “daddy naman.. wag niyo naman akong ipadala sa States oh..”

“Kausapin mo ang mommy mo,” sabi ni daddy. Huhuhu. Pano ko kakausapin si mommy?? “Takutin mo, sabihin mo lalayas ka.”

O________O

“Sabihin mo din isasama mo ako para dun na tayo sa States ni Dane tapos sabihin mo maiwan siya mag isa dito. Takutin mo lang yun, papayag na yun.”

“Talaga??”

“Oo, bilis bilis. Sabihin mo na din pauuwiin na si Dane. Ha?”

“Sige sige!” 

Kaya mahal na mahal ko si daddy eh!!

Nagpunta ako sa kitchen kasi nandun pa din si mommy.

gulp

“Mommy..”

Tinignan lang ako ni mommy pero parang gusto ko nang tumakbo paalis. Bakit naman kasi ganito to tumingin??

“S-sa Brent na lang po ako mag eenroll..”

“No. I already filed your application in NYU.”

“Mommy naman!!”

“Don’t mommy me, Alys! I told you a million times before that i’ll ship you to the States once you failed your entrance exam in SCA.”

“Mahirap naman po kasi eh..”

“It’s not hard. Aya passed.”

Pumasa si Aya??

Nagsalita si mom, “see? You’re the only one who failed, Alys. You disappoint me so much.”

“S-sorry po..”

Sabi ko kay mommy. Sinubukan ko naman talagang mag aral eh. Ano bang magagawa ko eh hanggang dun lang yung kaya ng utak ko? Alam ko naman na matalino si mommy pati si dad, malay ko ba kung bakit napaka slow ko? Choice ko ba to? Akala ba nila masayang masabihan ng noob? Hindi no! 

Bumuntong hininga si mommy tapos niyakap niya ako nung nakita niyang naiiyak na ako.

“I-i’m sorry, Alys. It’s just that.. i have so many dreams for you. Don’t let me down..”

“S-sorry, mommy..”

“Stop saying sorry and prove me wrong. You’re your dad’s daughter, Alys. Alam mo ba na sobrang talino ng dad mo kaya ang tanga niya lang sa love? Tignan mo, kay Liana siya bumagsak.”

=___=

“Mommy naman.. Wala namang ginagawa sa inyo si Tita Liana eh..”

“Whatever. My point is, follow your dad’s footsteps. I know you’re brillant, Alys. Show us.”

“Eh mommy naman.. Ano ang gagawin ko sa NYU? Wala naman dun yung course na gusto ko..”

“Why? I thought you like Advertising?”

Umiling ako.

“What do you want, then?”

“Baking. Please, please, mommy. Sa Brent na lang ako. One sem lang po. Pag hindi maganda ang grades ko, ipa LBC niyo na ako sa NYU. Please, mommy? This one chance. Please?”

“Fine. One semester.”

Nayakap ko si mommy.

“Mommy, you’re the best!”

“Better than Liana?”

“The best-est of them all. I love you!!”

-Aya-

“Aya, bumaba ka dito nandito si son-in-law!!”

=____=

Nandito na naman si KL. Kakagaling niya lang dito kahapon, nandito na naman siya ngayon?

“Bee!!” sabi niya habang pababa ako ng hagdan tapos may hawak siya na envelope sa kamay niya.

“Ano yan?”

“Admission letter sa SCA. Nasan yung sayo??”

Hehehe. Minsan lang to. Lokohin nga natin si KL.

“Ha? Wala naman akong natanggap eh.”

“ANO? Ngayon yung distribution ng letters eh. Baka naman na late lang.”

“Wala nga, Kent. Malay mo hindi ako nakapasa.”

Napaupo naman siya na akala mo nalugi. Napaka OA talaga ni KL minsan oh!

“Pano na yan, Bee? Hindi ako handa sa long distance relationship!”

Binatukan ko nga, “OA naman nito! Halos magka dikit lang naman ang SCA at Brent. Kung sinasakal kaya kita??”

“Eh syempre gusto ko pareho tayo ng school!”

Test nga natin kung hanggang saan ang pagmamahal sa akin ng kutong lupang ito.

“Eh di sa Brent ka na lang din?”

“Oo nga, Bee. Pinag iisipan ko din yan eh.”

O_________O

“Seryoso??”

Tumango tango pa siya, “oo nga. Kaya lang nag iisip pa ako ng tactics kung paano ako magpapaalam sa parents ko. Baka atakihin yun sa puso pag nalaman nilang hindi ako sa SCA.”

Aya, bakit napakasama mo? Kanina mo pa pinagttripan si Kent.

“Uhmm, Kent?”

“Hmm?”

Umatras ako tapos kinuha ko yung envelope na nakapatong sa coffee table tapos pinakita ko sa kanya.

“Ano to?” sabi niya tapos binuksan niya, “pasado ka, Bee!!”

“Alam ko, niloloko lang kita kanina eh,” sabi ko tapos naghahanda na akong tumakbo kasi hahabulin ako nito eh!!

“Grabe ka!! Pinaglaruan mo yung feelings ko!!” tapos hinabol niya ako kasi tumakbo ako.

“Napaka gullible mo naman kasi!!”

Naghabulan kami. Lumabas na ako sa bahay kasi baka may mabasag pa kaming kung ano dun. Nandun kami sa garden. Huhu. Napapagod na ako!!

“Bee naman wag ka na ngang tumakbo!” sabi ni Kent habang hinahabol niya ako.

“Ayoko nga! Hinahabol mo kasi ako eh!!”

“Wag ka na ngang tumakbo! Yayakapin kita eh!!”

///////////<

“Bee, pwedeng payakap?”

////<

“EH BAKIT KA PA BA NAGTATANONG??”

Napakamot sa batok si Kent, “eh baka kasi itulak mo ako. May violent tendecies ka pa naman.”

“Lesheng to. Yumakap na kung yayakap. Daming alam eh!”

Niyakap niya ako tapos bumulong siya, “buti hindi tayo LDR. I can’t live a day without you by my side.”

Binatukan ko, “isa pang trying hard mong line, Kent. Ibbreak kita!!”

-Eydee-

Kasalukuyang nag aayos ng gamit si Drake ng may mag buzz. Lumapit siya sa monitor at nakita niya ang dad niya sa screen. O

Bored na bored niyang binuksan yung pinto, “what?”

Pumasok si Tito Steve at ginala niya yung mata niya sa unit ni Drake. Magddalawang linggo niya ng hindi nakita si Drake eh. Syempre uso din ang maka miss sa anak!

“Kaya naman pala ang laki ng bills ng credit card mo,” sabi ni Tito Steve nung makita niya yung mga gamit ni Drake. High end naman kasi lahat!

“Tss,” sabi ni Drake. Ano ba kasi daw ang kailangan ng daddy niya sa kanya? Impossible namang pumunta pa siya dun para lang sabihin na malaki yung binayaran niya sa credit card, di ba?

Naupo si Tito Steve sa cushioned pillow ni Drake.

“Why are you here?”

May inilabas na dalawang envelope si Tito Steve, “choose one.”

Nag roll ng eyes si Drake tapos tinuro niya yung nasa kaliwa.

Binuksan ni Tito Steve yun tapos sinabi, “kapatid mo.”

Kinuha ni Drake yung ultrasound ni Katrina.

“Two months pregnant si Katrina.”

Nag shrug lang si Drake,“congrats.”

“One last time, Drake. Sigurado ka bang ako ang tatay?”

Tinignan niya ng mabuti si Steve.

“Listen for the last time, dad. I am not the father. If she has any other affair, i don’t have any idea and i honestly don’t care anymore.”

Napa sigh si Tito Steve.

“Thanks, son.”

“Tss.”

“Ay, oo nga pala, eto oh, admission letter mo sa St. Claire’s Academy.”

Binigay ni Tito Steve kay Drake yung letter, “since nasa will ng mommy mo na once na mag college ka makukuha mo na yung access mo sa trust fund mo, pupunta kami ng family lawyer next week for discussions and finality.”

Nag shrug lang si Drake. Wala naman kasi siyang pakielam sa trust fund niya. Basta nakakakain at nakakapag aral siya, okay na siya.

“Pero sana naman kahit na may pera ka na, wag mo naman akong iwan.”

“You’re so gay.”

“Anak naman.. Sorry na nga. Namimiss ko na yung kasungitan mo sa bahay eh.”

“Tss.”

“Pwede ba akong mag sleep over dito?”

Umiling si Drake.

“Bakit naman?? Pera ko naman yung pinambili ko dito!!”

“I’ll pay you back.”

“Joke lang naman oh!! Sige na, patabing matulog.”

“You’re creeping me out.”

“Sige na, anak. Namiss talaga kita, promise!”

Nag roll eyes si Drake, “Alys will stop by later. You can’t sleep here.”

Nag twinkle yung mata ni Tito Steve, “pupunta si Alys dito??”

Nag nod si Drake.

“Ikaw, anak, ha.. Kahit na may trust fund ka na, wag ka namang mag isip mag pamilya agad. Tsk. Kabilin bilinan ni Andy na ica castrate ka daw niya pag lumagpas ka sa second base!”

Tumaas yung kilay ni Drake, “you know Tito Andy?”

“Of course naman, anak! Syempre dapat kilala ang future in-laws!”

“Tss.”

“Sige na nga at aalis na ako,” sabi ni Tito Steve, “ay oo nga pala, nasa parking garage na yung bago mong sasakyan. Pasalamat ka kay Alys at nung isang araw pa ako kinukulit para bilhan ka ng sasakyan. Napapagod na daw siyang maglakad pag umaalis kayo. Tsk. Napaka cute naman kasi ni Alys kaya hindi ko natiis eh!”

Nag tsk si Drake, “Don’t you look at her when she’s being cute and all. It’s only for me to see.”

-Kei-

“Pasado ka din naman, Kei. Dito ka na mag aral, please?”

I shook my head, “maybe this is the furthest we can go, Sheen. At least i expeienced how if feels to love and be loved.”

“Aalis ka na talaga?”

I nodded.

“I’ll be back maybe after 5 years? I don’t know. Let’s end this today.”

Sheen’s on the verge of crying again. I hate this. Tsk.

“Don’t cry because i’ll be gleaving, smile because i’ll be returning.”

Sheen held my face and looked straight into my eyes, “babalik ka. Hihintayin kita. Let’s seal it with a kiss,” he said as he leant nearer. I closed my eyes because i know, this maybe the last time. I don’t have a hold of what the future might bring me. I’ll just enjoy the ride and see where it’ll lead me..

“I’ll come back, that’s for sure. But if it happens that you fell for somebody else, don’t hold back at my expense. Fall in love, Sheen. It’s the prettiest thing in the world.”

Sheen shook his head, “ikaw lang yung gusto ko eh.”

I shrugged, “i don’t know about that. I frankly see you falling for either Aya or Alys. I don’t know, Sheen. Just.. don’t feel responsible for me, alright? Enjoy.”

-Eydee-

At katulad nga ng nangyari, pumunta si Alys kay Drake. 

Ang saya saya ng mukha ni Alys kasi nag usap na sila ng mommy niya na tuloy na tuloy na siya sa Brent! Sayang hindi niya nagamit yung tactics ni Andy. Bwahaha!

entering 1131 code

“Drake?”

Naglakad lakad si Drake. Medyo spacious din kasi yung condo ni Drake kaya pwede silang mag habulan.

Hindi niya makita si Drake kaya nahiga muna siya sa kama ni Drake ng mapansin niya yung admission letter ni Drake.

“LDR? Ano ba yan..”

Pagulong gulong si Alys sa kama ni Drake nung dumating si Drake. Nag test drive kasi siya sa bagong bago niyang sasakyan courtesy of Tito Steve’s money and Alys’ persistence!

Naweirduhan na naman si Drake kay Alys kasi para siyang kiti kiti sa kama niya na pagulong gulong.

“Nanjan ka na pala!” sabi ni Alys sabay upo sa kama.

“Obviously.”

Napansin ni Drake na hawak ni Alys yung admission letter niya.

“Did you fail?”

“Grabeng magtanong! Hindi ba pwedeng did you pass?”

“Alys and passing can’t be used together in a sentence.”

“Tss. Sama ng ugali mo forever.”

Nag shrug lang si Drake, “why are you here?”

“Wala lang. Masamang tumambay??”

“Yes. Especially when you’re dirtying the place.”

“OC!”

Hindi siya pinansin ni Drake at nagpunta sa kusina at kumuha ng alkaline water. Tss. Health buff! Hahaha!

“Drake..”

“What?”

“Sa Brent ako mag aaral..”

“I know.”

“Bakit mo alam?”

“Because you’re a noob.”

“Grabe naman ’to. Hindi lang nakapasa, noob na agad!”

Naupo si Drake sa edge ng kama niya, “why? You’re a noob.”

“Alam ko. Wag mo nang ipaalala, okay?? Hindi naman masayang masabihan ng tanga palagi!”

“Fine, then you’ll be my noob.”

Medjo nag buffer si Alys.

“Your noob?”

“My noob. Mine and mine alone.”

Nagsalita si Alys, “tss. No effect. Hindi ako kinilig!”

Natawa si Drake sa mukha ni Alys.

“How about this?” sabi ni Drake tapos lumapit siya kay Alys at hinawakan niya yung mukha ni Alys, “i’ve been dying to kiss you.”

Then hinalikan niya si Alys. OMGGGGGGGGG. 

First kiss effect with matching pag curl ng toes and butterflies in the stomach

O_____________O

“Since i’m your last first kiss, i’ll hold myself responsible for you.”

Chapter 36

Chapter 36

“Alys, let’s go,” tawag ni Dana kay Alys. Papunta na kasi sila sa LAX for their flight back to Mnl. Nag stay kasi sila ng two weeks sa LA para bisitahin si Dane.

“Wait, mommy!” sabi ni Alys tapos tumakbo siya papunta sa kwarto ni Dane na kasalukuyang nagsasagot ng homework niya. Grade 8 na kasi ’to sa pinapasukang boarding school.

“What again?” iritadong tanong ni Dane sa ate niya na simula ng dumating sa bahay ng Nana nya ay walang ginawa kung hindi yakapin siya at bwisitin.

“I shall return, Dane my baby brother! Makikilala ko din yang tinatago mong girlfriend!”

Napa sigh si Dane, “you won’t see her until you’re a freak.”

Napangiti si Alys sa response ni Dane, “kaugali mo talaga si Palma. Pakiss nga!” sabi niya sabay pilit halikan si Dane sa pisngi.

“Immoral sister!” sabi ni Dane na nandidiri dahil hinalikan siya ni Alys.

“Hehehe. Bye, Dane! See you soon!”

At pumunta na nga sila sa LAX. The past two weeks were eventful if Drake was with her. Pero anyareh? Oceans apat lang ang drama nila. Nasa LA si Alys at nasa Pilipinas si Drake. Wait, anyareh nga ba kay Drake?

bzzzz

Tinatamad na naglakad si Drake papunta sa intercom at nakita niya ang mukha ng isang babae.

“What do you want?”

“You. Can I now have you?”

O______O

Nga nga na lang ako sa fighting spirit ni atey!

“Shut up,” sabi ni Drake at pinatayan niya ng intercom yung babae. 

Nag ayos na lang ng gamit si Drake. Pasukan na kasi nila bukas at dapat maayos na ang lahat. Isa pa, ang boring ng araw kasi wala si Alys. Isa pa ulit, ni hindi nga niya alam yung number ni Alys eh. Weird noh?

After 45 minutes, lumabas siya para bumili sana ng makakain ng makita niya ang babae na matagal niyang hindi nakita.

“Missed me, Palma?”

//

“Tripp Marco Palma, nakikinig ka ba sa’kin?!” halos mabigti na yung litid ng tatay ni Tripp kakasigaw sa anak. Naglalaro kasi ng Guitar Hero si Tripp kaya malakas ang tugtog sa entertainment room.

Naglakad yung tatay niya papunta sa main outlet at binunot lahat ng nakasaksak dun.

“Ano ba talaga ang problema mo??” tanong ng tatay niya sa kanya. 

“None of your business, pa.”

“Hindi ka na nga nakapasa sa SCA, ganyan pa ang ugali mo! Bakit ka ba ganyan?!” sigaw ng tatay niya sa kanya.

Napuno na si Tripp sa sigaw ng tatay niya kaya binitawan niya yung guitar at tumayo, “kung ayaw mo sa’kin, makipagpalit ka ng anak kay Tito Steve. Or better yet, ibalik mo na ako kay mama!” At naglakad siya paalis ng bahay.

Nagpunta siya sa Brent kung saan siya mag aaral. Hindi kasi siya nakapasa sa SCA kagaya ng gusto ng papa niya. Gusto ng papa niya na magtake siya ng Business Administration kasi siya ang magmamana ng business nila. Ang totoo niyan, Fine Arts ang gusto niya pero ayaw siyang payagan.

Habang naglalakad siya, may nakita siyang babae na naglalakad. Si Alys Zyril Perez. Girlfriend ng pinsan niya na kalaban niya simula pagkabata. Kilala niya si Alys kasi alam niya lahat tungkol kay Drake. Sabi nga nila, ‘you must know who your enemies are.’

Sinadya niyang lumapit sa kay Alys kasi mukha siyang naliligaw, “excuse me, Miss, may kailangan ka?”

Tumingin sa kanya si Alys at ngumiti, “saan ba yung Registrar’s Office? Nawala ko kasi yung schedule ko para bukas eh..”

“Sarado na yung offices sa campus. Ano bang course mo?”

“Culinary Arts.”

Tumango tango si Tripp, “may kakilala ako sa office eh, send ko na lang sa’yo yung schedule mo, gusto mo?”

Ngumiti ng malaki si Alys, “talaga?? Ang bait mo naman!”

“Anything for a pretty lady. Ano nga full name mo pati email add?”

Sinabi ni Alys yung info na hinihingi ni Tripp.

“Salamat talaga ha? Ano nga pangalan mo?”

Inabot ni Tripp yung kamay niya, “Tripp. Tripp Marco,” sinadya niyang hindi sabihin ang apelido niya. Hindi naman siya nanloko eh… hindi nga lang din siya nagsabi ng buo.

“Thanks, Tripp!” masayang sabi ni Alys sabay takbo paalis. May jetlag pa din kasi siya pero kailangan niya talaga yung schedule niya. Wala kasi sa website pati hindi niya alam ang number ng admin office. 

‘I really approve of your taste, Drake. Magpinsan nga tayo,’ Tripp said to himself habang tinitignan si Alys maglakad palayo.

Chapter 37

Chapter 37

-Alys-

“Get your hands off of me,” sabi sa akin ni Drake. Kanina ko pa kasi hawak yung kamay niya. Ayoko kasing humiwalay!! 

“Ayoko!!”

“Tss,” sabi niya tapos isa isa niyang tinanggal yung mga daliri kong mahigpit na nakakapit sa braso niya, “we’ll be late.”

“I don’t care!! Natatakot akong pumasok!” sabi ko. Totoo naman kasi! Nakakatakot pumasok. Ni wala nga akong kakilala ni isa dito sa Brent! Para akong nasa alternate world. Lahat sila nasa St. Claire’s Academy. Ako ang the forsaken one. Huhuhu.

“You’re such a child,” sabi niya sabay roll ng eyes. 

“Eh bakit? Minor pa ako! 17 pa lang kaya ako!” sabi ko. Aba may reason ako para mag inarte! Minor pa ako!!

Huminga siya ng malalim, “time is running. Remove your hands.”

“Drake naman!!”

Hindi na siya nagsalita. Nakatingin na lang siya sa akin kaya natakot ako. Eto kasi yung isa sa mga nakakatakot kay Drake. Pag nakatingin lang siya. Huhuhu. Minsan natatakot talaga ako, promise!!

Binitawan ko na siya at nagsimulang maglakad papunta sa Brent Academy. </3

Sana po, Lord, magkaroon ako ng friend. Kahit isa lang po. Kahit panget pero sana po wag naman yung mabaho..

“Noob,” narinig kong sabi niya.

=____=

Hindi ko siya pinansin. Hmp! Pagkatapos niya akong takutin sa tingin niya?? Grrr! Kasalanan din ’to ni Aya eh!! Pa promise promise pa siya na forever kaming magkasama! May kasamang pinky swear pa yun pero ano ang nangyari?? Iniwan niya ako!! Huhuhu! 

“My noob..”

Mygash.

.> —> hindi ako nakatiis kaya humarap na ako. Kasi naman oh! My noob daw!!

“Ano??”

“Good luck,” sabi niya sabay talikod at naglakad siya papunta sa main gate ng SCA.

Shems. Kalma lang, Alys. Simpleng good luck lang yan pero shems hindi ako mapakali kinikilig ako!!!

Para na siguro akong tanga na naglalakad papunta sa Auditorium kasi kanina pa ako nakangiti. Kasi naman eh!! Bakit ganun si Drake?? In all fairness hindi pa din siya sweet! Pag uwing pag uwi ko nga galing LA, siya agad pinuntahan ko pero wala pala siya sa condo niya!! Kainis! Effort na effort pa naman ako kahit na mahilo hilo na ako pinuntahan ko siya tapos wala naman pala!!

Nakarating na ako sa auditorium tapos nagsstart na pala yung Freshmen convocation! Sabi ko na nga mallate ako eh!

o______o

Bakit sila nagtatayuan??

Kinalabit ko yung babae sa gilid ko na parang clown sa kapal ng make up (sorry po, Lord. Nagsasabi lang po ako ng totoo!!) “Miss, bakit po kayo nakatayo?”

Inirapan niya lang ako tapos sinabi, “freshmen walk.”

Ang sungit naman nito!! Hindi ka naman kagandahan, ate!! Kainis!

Tumingin ako sa paligid, lahat sila may kapartner na..

Namimiss ko na si Aya.. si Sheen..

Wala akong kakilala dito..

“Hey,” may kumalabit sa akin kaya tumingin ako sa likod ko.

“Hmm?”

“May partner ka na?” sabi niya.

Umiling ako. Para ba akong bata kasi naiiyak na talaga ako?

“Tayo na lang?”

“May boyfriend po ako..” sabi ko sa kanya. Huhuhu. Drake, namimiss ko na din yung kasungitan mo..

MGA TAKSIL INIWAN NIYO AKONG NAG IISA DITO SA BRENT!! HUHUHU!! SANA NAG ARAL DIN AKONG MABUTI!!

Bigla siyang natawa, “I mean, sa freshmen walk, tayo na lang yung partner.”

“Ay, sorry. Sige, sige,” sabi ko sa kanya tapos kinuha ko yung gamit ko. Nakakahiya!! Isipin niya pa assumera akong babae!! Ako ba yung may kasalanan?? Ang mali naman kasi ng tanong niya! 

Naglakad na kami by pairs. Buddy-system pala ngayon. Sana pala inagahan ko pa! Eh di may friends na sana ako! </3 Magiging forever alone ba ako dito sa Brent?? Sa St. Claire’s High kasi si Sheen, Aya, Kent, at Drake lang yung friends ko.. Dito kaya? Kahit isa lang, promise magiging masaya na ako!

“Ano nga pala pangalan mo, Miss?” sabi nung kasama ko. 

Nginitian ko siya tapos inoffer ko yung kamay ko, “Alys Perez. Ikaw?”

“Tripp Marco,” sabi niya.

“Nice meeting you!”

“Hindi mo ba ako naaalala?”

“Ha?”

Nagpout siya. O Ang cute!!

“Kahapon lang yun ah..” sabi niya tapos nilagay niya yung kamay niya sa batok.

“Hala, sorry! Mejo mahina kasi yung memory ko. San nga tayo nagkita?” sabi ko sa kanya.

Umiling siya, “ah, wala.”

“Hala!! Galit ka ba? Sorry na!!” sabi ko. Hindi to pwede!! Siya na nga yung magiging first friend ko tapos magagalit pa siya?? This can’t be happening!

Umiling siya. 

“Hala, wag ka namang magalit..”

Bigla siyang natawa, “sorry. Niloloko lang kita, hindi ako galit.”

“Ang sama nito!” sabi ko tapos hinampas ko sa kanya yung bag ko!

“A-aray naman, Miss!”

“Miss, Miss ka jan! Alys nga!”

“Eh di aray, Alys! Wag mo nga akong paluin ng bag mo–aray naman!”

“Hehehe,” sabi ko. Mygash!! My very first friend. Wait ano nga ulit pangalan nito?? “Uy..”

“Oh?” sabi niya habang tinitignan yung part na hinampas ko siya. 

“Ano nga ulit name mo?”

“Tss,” sabi niya, “Tripp Marco. Tandaan mo.”

^____^

“Okay! Hello, Tripp! Sana maging friends tayo!”

“Friends? Tignan natin..” sabi niya tapos naglakad siya. Problema nun?

-Eydee-

-SCA-

Pagpasok na pagkapasok ni Alys sa gate ng Brent, pumasok na din si Drake sa gate ng SCA. Ngunit may naghihintay palang hindi kanais nais na nilalang..

“Drake!” sigaw ng isang babae kay Drake. Lumapit siya kay Drake tapos pinulupot niya yung kamay niya sa braso ni Drake, “you didn’t text me yesterday!” sabi niya sabay sandal ng ulo niya sa braso ni Drake. Ang harot harot!!

Nagpatuloy sa paglalakad si Drake kaya naman pilit na sumasabay si Atey. Pero dahil naka wedge siya, halos madapa dapa na siya.

“Ouch!” biglang sabi ni Ate dahil natapilok siya.

“Tss,” sabi ni Drake tapos tumigil siya sa paglalakad at tinignan si Ate na natapilok.

“Ouch!” sigaw ni Ate dahil hinawakan ni Drake yung part na namamaga na, “it hurts, Drake!!”

Napatingin si Drake sa paligid niya. Nagtitinginan na kasi yung mga tao sa kanila. Ganito naman kasi itsura nila: nakatayo si Drake habang si Ate ay mukhang binasted at naiiyak na nakahandusay sa pathway. Anyareh? Mukhang makapagabag damdaming eksena lang!

“Tsk,” sabi ni Drake tapos binuhat niya si Ate (bridal style, mind you!!) at dadalin niya sa clinic ng SCA. Ngunit habang naglalakad si Drake buhat si ate, tignan mo nga naman, biglang dumating sila Aya, Kent, at Sheen as if on cue!

O_______O

Nagulat si Aya sa nakita niya! Aba si Drake na I don’t care about the world ang palaging peg ay may buhat na babae! Aba nakakapanibago nga naman!

Nilagpasan lang sila ni Drake at dire diretsong pumunta sa clinic. Hindi naman kasi close si Drake kay Aya eh. Porket ba best friend dapat close na ang boyfriend? Alam niyo namang walang care si Drake sa norms. Nonconformist yan eh! Hahaha!

“Sino yun??” bigla na lang nasabi ni Aya habang tinitignan niya si Drake na papaalis.

“Si Shaira,” sabi ni Sheen.

“Shaira who?”

“Shaira Silos,” sagot ni Sheen sa tanong ni Kent.

“Bakit mo kilala yun??” sabi naman ni Aya.

Patuloy pa din silang naglalakad papunta sa Auditorium. May Orientation naman kasi sila. Opening ng first semester ng school year eh. “Schoolmate ko dati,” sabi ni Sheen.

Pinaliwanag niya din sa dalawa na schoolmate niya si Drake dati pa. Di ba nga nagtransfer si Sheen sa St. Claire’s High nung freshmen siya kasi lagi lang siyang second best sa Brent nung elementary pa lang sila. Kaso naman nga, dahil sa pagiging maharot ni Katrina, napilitan si Drake na lumipat sa SC nung high school. Bale, bata pa lang sila magkakakilala na si Drake, Sheen, at Shaira.

“Eh ano naman kung schoolmate?? Kailangan nagpapabuhat talaga??” sabi ni Aya. Aba syempre affected siya!! Siya ang nagbabantay kay Drake dahil mala LDR lang ang peg ni Alys. Nandun sa kabilang campus eh. Hahaha! 

“Gusto mo ding magpabuhat, Bee?” sabi ni Kent.

“Batukan kita, gusto mo?!”

Napailing na lang si Sheen sa dalawa. Mukhang aso’t pusa lang talaga eh, “first love kasi ni Shaira si Drake.”

“At bakit mo naman alam yan, aber??” sabi ni Aya.

Napa shrug na lang si Sheen, “mula elementary alam ko na yan eh. Lahat yata ng batch mates namin alam yan. General knowledge na sa Brent yun. Si Shaira ay para lang kay Drake, si Drake ay walang pakielam sa lahat.”

Very Drake Palma. I don’t care about the world ang motto niya. Hahaha!

“Tss.” sabi ni Aya. Kinuha niya yung phone niya at nagtype.

To: Besh

Yung boyfriend mo dito naghaharot!!

‘Hah! Subukan mong lokohin si Alys, iccastrate ka namin ni Tito Andy!’ sabi ni Aya sa isip niya.

“O-ouch!” sabi ni Shaira nung ibaba siya ni Drake sa kama, “it hurts, Drake..”

Lumabas si Drake at tinawag yung nurse. Pumasok naman ’to at tinignan yung ankle ni Shaira na no joke nga ang pamamaga!

“You should rest your ankle, hija. Mabuti at start pa lang ng klase, wala pang masyadong ginagawa. I advise you to take the day off,” sabi ni nurse habang nilalagyan ng cold compress yung swollen ankle ni Shaira.

Tinignan ni Shaira with puppy eyes si Drake, “take me home, please?”

“Don’t you have a car?”

“Drake, please!! How could I step on the gas with my ankle swollen??” sabi ni Shaira habang tinuturo yung ankle niya. It looks painful. Yikes!

“Aish,” sabi ni Drake habang nilagay niya yung kamay niya sa harap ni Shaira, “keys?”

^_____^ 

“I know you won’t let me down, Drake!”

Tatalikod na sana si Drake nung kinalabit siya ni Shai. Humarap siya at nakita niyang nakabukas yung braso ni Shai.

Tinaas lang ni Drake yung kilay niya.

“Carry me! Carry me!!” parang bata na sabi ni Shaira. Palibasa only daughter. Bratinella.

“You’re so annoying!” sabi ni Drake habang tinitignan niya si Shaira na naka pout pa.

“I haven’t seen you for so long. I really missed you, husband!!”

Tama kayo ng basa. Husband. Para kay Shaira, si Drake ang papakasalan niya. Ni hindi yan tumitingin sa ibang lalaki kasi si Drake lang talaga ang gusto niya. Kung alam niyo lang kung gaano umiyak yan nung nalaman niya na nagtransfer ng school si Drake. Kung nalaman niya lang ng mas maaga eh di sana lumipat din siya sa St. Claire’s. Pero no fuss kasi magkasama na sila ni Drake ngayon. BSBA din kasi ang course niya para forever na silang magkasama.

“Thanks, Drake,” sabi ni Shaira matapos siyang ibaba ni Drake sa cushion niya. Lumabas agad si Drake sa unit ni Shaira. Magkatabi lang kasi sila ng unit. Yeah. Ganyan ka obsessed si Shaira. Binili niya agad yung katabing unit.

Bumalik na si Drake sa SCA pero dahil katabi lang ng SCA ang Brent, nadaan siya sa Brent at nakita niya si Alys.. with Tripp.

Chapter 38

Chapter 38

-Alys-

“Uy, Tripp!” sabi ko. Grabe naman ang mood swings ng lalaking ’to! Kanina lang nakikipag friends siya sa’kin tapos naman ngayon, iniiwan niya ako!

Lakad pa din siya ng lakad. Malamang, Alys. Freshemn walk nga eh. Malamang lalakarin niyo yung buong school grounds.

=____=

Napaka hopeless ko na. Kinakausap ko na yung sarili ko.

“Suko ka na?” narinig kong sabi ni Tripp nung bigla na lang akong napaupo sa gitna ng Freedom Park. Naman kasi! Halos 30 minutes na kaming naglalakad without talking! Napaka boring nun. Kung sana nandito si Aya eh di sana kahit dalawang oras pa kaming maglakad okay lang kasi may kausap ako. Haayy, Alys. Shut up na. Mag isa ka lang sa Brent, kayanin mo yan!

Naupo siya sa harap ko kaya magkalevel na kami ng mukha, “bakit ba kasi nagsusungit ka? Ngayon lang tayo nagkausap tapos grabe ka na magsungit!” sabi ko sa kanya. Kanina naman kasi mejo okay kami tapos biglang iniwan niya ako!

Nag shrug lang siya tapos inoffer niya yung kamay niya para tumayo ako. Kinuha ko naman yun tapos pinagpagan ko yung shorts ko.

“Yan tuloy, naiwan na tayo nung group,” sabi ko. May main group kasi na magttour sa amin sa school grounds. Pero dahil sinundan ko ’tong partner ko, naiwan kami.

Nagshrug ulit siya tapos nilagay niya yung kamay niya sa bulsa niya.

“Huy, Tripp!”

Nilingon niya ako.

“San ka ba pupunta?”

Nagshrug na naman siya.

=____=

Bakit ba ganito ang mga lalaki? Kung hindi sasagot ng Tss, magsshrug lang. Ganon bang kahirap mag construct ng sentence??

Naglakad siya ng naglakad na hindi ko alam kung saan pupunta. My gosh!! Napapagod na ako! Bakit ba kasi hindi na lang babae yung naging partner ko eh di sana mas maayos ang buhay ko!!

Huminto muna ako para bumili ng bottled water kasi totoong pagod na pagod na ko!!

“Oh, my god!” sabi nung isang babae.

O____________O

“Ohemgee! Are you aright, Erica??” sabi ni Girl2.

“Does she look alright to you, Kin? You’re too slow for your own sake!” sabi naman ni Girl3.

Huhuhu. Lord, naghahanap po ako ng kaibigan, hindi po ng kaaway! Bakit naman po sa dinami dami ng matatapunan ko ng tubig, yung mga mean girls pa na ’to??

-Eydee-

Lumapit ngayon si Mean Girl number 1 na ang pangalan pala ay Erica Domingo kay Alys.

“Don’t you know who I am?” kalmado pero naiinis na sabi ni Erica kay Alys na ngayon ay namumutla na sa kaba. Sheltered nga kasi si Alys. Hindi siya sanay sa mga ganitong awayan!

Umiling si Alys. Hindi naman niya kasi talaga kilala si ate! Alam niyo naman si Alys, parang sa gold fish ang memory.

Natawa yung babae, “Xhana, give that.” sabi niya kay Xhana Salvador na may hawak naman na frappe. 

Shems. Cliche na kung cliche pero pag sa’yo ginawa, tignan ko kung masabi mo pang cliche!

Dahan dahan niyang binuksan yung lid nung cup ng frappe at lumapit siya kay Alys at dahan dahan niyang ipinaligo sa ulo ni Alys ang frappe.

Matapos niyang maubos ang entire cup ng frappe, nginitian niya si Alys, “next time, take extra care, Alys Zyril Perez. Many people would love to see you cry,” sabi niya at saka umalis sila Kin, Xhana, at Erica with a smug look on their faces.

‘Serves her right,’ isip nilang tatlo.

Habang tulala si Alys sa nangyari sa kanya, hindi naman napigilan ni Tripp na lumapit kay Alys. Kahit naman yata sinong tao na may konsensya, maawa kay Alys. Mukha siyang basang sisiw na malapit na talagang maiyak.

Napailing na lang si Tripp tsaka niya kinuha yung panyo niya at pinamunas sa buhok ni Alys na ngayon ay malagkit na.

Habang pinupunasan ni Tripp si Alys, hindi na napigilan ni Alys na maiyak. Naiyak na talaga siya. Sa bahay kasi, parang prinsesa yang si Alys. Syempre, nag iisang anak na babae eh. Hindi siya sanay sa rash treatments. Idagdag mo pa yung fact na nag iisa siya sa Brent. She’s most vulnerable now. And with vulnerability comes the possibility of falling for someone who would be there during the time when you needed someone the most. Tama ba?

Buti na lang at walang masyadong tao sa paligid nila. Nakakahiya naman kasi ang itsura ni Alys. First day in college, first day in hell.

“Wag ka ng umiyak,” sabi ni Tripp kay Alys na ngayon ay halos hindi na makahinga sa sobrang paghikbi niya.

“S-sorry n-naiiy-yak k-kasi talaga a-ako,” putol putol na sabi ni Alys kay Tripp na pinupunasan naman yung braso niyang malagkit na din.

Naawa talaga si Tripp kay Alys. Sabagay, sino ba namang hindi? Wala ka na ngang kakilala, nagkaron ka pa ng kaaway agad. At ang malupit dun, tinapunan ka pa ng frappe out in the open!

Hinubad ni Tripp yung jacket niya tapos pinatong niya sa balikat ni Alys tsaka niya inalalayan tumayo.

“Uwi ka muna,” sabi ni Tripp, “magpalit ka ng damit. Umaga pa naman, hanggang hapon pa tayo dito baka magkasakit ka.”

Umiling si Alys, “makikita ako ng mommy ko, hindi pwede,” sabi niya. Baka kasi pag nakita siya ng mommy niya na mukhang bagong bully eh bawiin pa yung desisyon na mag aral siya sa Brent. Ayaw niyang mag hello, NYU, noh!

“Ano’ng gagawin mo ngayon?” tanong ni Tripp.

Nag isip si Alys, “bibili na lang ako ng damit ko,” sabi niya tapos tumingin siya kay Tripp, “babalik ko na lang yung jacket mo bukas, ha?”

Tumango si Tripp kaya nagsimula ng maglakad si Alys papalabas ng Brent para kumuha ng cab. Pero dahil si Tripp ay si Tripp, sinundan niya si Alys.

“Sasakay ka ng ganyan itsura mo?”

Tinignan siya ni Alys, “ano naman masama sa itsura ko?”

Ano nga bang masama sa itsura ni Alys? Naka high waist na ombre shorts na different shades of yellow ang kulay, white longsleeves, at yellow ballet flats. Presentable sana kaya nga lang natapunan siya ng kape.

“Muka kang bagong rape,” comment ni Tripp.

O___________O

Napayakap naman si Alys sa katawan niya.

“Kita yang bra mo,” comment ulit ni Tripp sa halos mamatay na sa pamumula na si Alys. True enough, kita nga yung bright pink niyang bra! Hahaha! Naka white na top siya tapos nabasa, eh ganun nga ang kalalabasan! Sayang wala si Drake!

///////////<

Nahihiya si Alys sa sarili niya. Kaya pala hindi siya tinitignan ni Tripp sa mata pag kinakausap siya, kita pala yung bra niya!

Pilit niyang tinakpan yung sarili niya ng jacket.

“Sumakay ka ng cab. Goodluck na lang kung hindi ka ma rape,” sabi ni Tripp. Kanina niya pa pinipigilang tawanan si Alys. Epic naman kasi yung reaction sa mukha ni Alys! Priceless! Hahaha!

“Anong gagawin ko??” tanong ni Alys kay Tripp.

Nilabas ni Tripp yung susi niya ng motorbike niya, “game ka?”

O____________O

Nagulat si Alys. Never pa kasi siyang nakasakay sa motor. 

“Di ba delikado yan??” tanong niya kay Tripp.

Nag shrug si Tripp, “masaya eh. Ano, game ka?”

Nag iisip si Alys. Either papasok siyang mukhang basahan or isasapalaran niya yung buhay niya kasama si Tripp habang nakasakay sa motor.

Yun yung moment na nakita ni Drake! Kung ikaw ay matinong boyfriend at nakita mo ang girlfriend mo na suot ang jacket ng ibang lalaki, malamang magagalit o magseselos ka. Pero ano ang ginawa ni Drake? Tumingin lang tapos dumiretso sa SCA. Buti na lang hindi siya nakita ni Alys. Masakit kaya yun. Walang pakielam sa’yo yung boyfriend mo? Aww.

With hesitation na sumakay si Alys sa motorbike ni Tripp. Kinuha naman ni Tripp yung helmet at sinuot kay Alys. Inayos niya pa yung bangs ni Alys. Ang cute!

Binuksan niya yung engine ng motorbike at nilingon si Alys, “game na?”

Tumango si Alys at humawak sa shirt ni Tripp.

“Oyy!!!!” napasigaw si Alys nung umandar yung motor. Muntik na siyang mahulog kaya napasandal at yakap siya kay Tripp, “dahan dahan naman jan!!” sigaw niya.

“Ano?” tanong ni Tripp. Hindi niya marinig kasi maingay sa dinadaanan nila.

“Sabi ko bagalan mo!” sigaw ni Alys sa tenga ni Tripp. Mas lalong binilisan ni Tripp kaya halos idikit na ni Alys yung katawan niya kay Tripp para hindi siya malaglag!

Halos yakapin na ni Alys yung kalsada nung tumigil sila sa harap ng mall. Akala niya mamamatay na siya kanina!

Tawa naman ng tawa si Tripp kay Alys. Ang gulo kasi ng buhok ni Alys dahil sa hangin.

Sabay silang pumasok sa mall pero nagpaiwan lang si Tripp sa labas ng botique at hinintay niyang mamili si Alys.

After 20 minutes, nainip na si Tripp. Ang tagal naman kasing mamili ni Alys ng damit! 20 minutes na eh may pasok sila, hindi lang obvious!

Pumasok si Tripp at nakita niya si Alys na nakaharap sa full length mirror at tinitignan yung sarili, “maganda ka na, tara na.” sabi ni Tripp kay Alys.

“Talaga?? Maganda na ako??” sabi ni Alys tapos umikot pa siya para makita siya ni Tripp. Nako ang cute cute ni Alys!

Tumango si Tripp, “maganda ka naman talaga,” sabi niya. True, nagagandahan talaga si Tripp kay Alys. Aba, Perez-Ferrer-Guzman yan!

Nginitian ni Alys si Tripp tsaka niya binayaran yung damit niya. But this time, hindi na sumabay si Alys kay Tripp. Ayaw niya na sumakay sa motor! Halos magka heart attack siya sa ginawa ni Tripp!

“Arte naman nito.”

“Sorry kung mahal ko yung buhay ko!!”

“OA mo.”

“Whatever at least safe ako sa cab.”

“Tss,” sabi ni Tripp sabay sakay sa motor niya. Pero syempre bago siya umalis, tinandaan niya yung plate number ng cab. Nasa dugo na yata ng Palma na tignan ang plate number. Fetish lang? Hahaha!

Habang nakasakay siya sa cab, tinignan niya yung phone niya at nabasa niya yung text ni Aya.

From: Ayayayayayang Panget

Yung boyfriend mo dito naghaharot!!

Hihinto na sana sa Brent yung cab pero sabi ni Alys, “manong, sa SCA po.”

-Alys-

San ba dito yung College of Business Administration?? Bakit ba kasi ang lalaki ng mga school dito! Kulang na lang sakupin na nila yung buong Makati eh!!

Naglakad ako paikot ng SCA. Huhuhu. Forever na lang akong naglakad ngayon anobayan!!

Tumambay muna ako sa harap ng CBA at dito ko na lang hihintayin si Drake. Bakit ba kasi wala akong number nung lalakin yun?? Ayoko namang hingin no! Syempre pa demure ako, siya muna ang kumuha ng number ko!!

After ilang minutes, “Drake!!” sinigawan ko si Drake.

=_________=

Ang daming tumingin. Ang dami namang Drake dito.

Lumapit ako kay Drake tapos tinignan niya ako, “why are you here?”

“Hehehe. Namiss kita eh..”

Nag roll eyes siya. Omo! Namiss ko yun!!

“Isa pa nga..”

Tinaas niya yung kilay niya, “you’re acting weird again.”

Nginitian ko siya, “start na ba ng klase mo?”

Tumango siya, “pwede bang mag sit in??” tanong ko.

Umiling siya, “why are you even here? Don’t you have a class?”

O__________O

Shems oo nga pala!!

“Hala oo nga pala!!” sabi ko, “bye, Drake. Hehehe. Punta ako sa condo mo mamaya ha!”

Tumakbo ako pabalik sa school ko. Nakalimutan kong may klase nga pala ako! Masyado akong nadala sa text ni Aya!!

-Eydee-

Bumalik na nga si Alys sa school niya at umattend ng first class niya sa Culinary Arts. Si Drake naman ay pumasok sa class niya sa BS Business Administration. Si Aya sa Clothing Technology, si Sheen at Kent sa Economics, at si Tripp sa BS Business Administration din kaya lang sa Brent. All is going well.

Nagseseryoso sila sa studies. Syempre college ang magiging foundation ng future nila. Bawal na ang petiks dito!

The day was eventful for them, well, except for Drake na bored pa din. Masyadong madali ang BSBA sa kanya. Dapat dito naglo Law School eh!

Dahil mejo bumabait si Drake at naalala niyang sabi ni Alys na pupunta siya sa condo niya, hinintay niya si Alys sa gate ng Brent (yung totoo, magkatabi lang talaga yung school nila, grabe lang umarte na mala LDR si Alys).

Nakita agad ni Alys si Drake tapos kumaway siya kay Drake. Sumakay siya sa sasakyan ni Drake at nagdrive sila papunta sa condo ni Drake. Sa byahe, kinulit lang ni Alys si Drake tungkol sa first day nito. Hindi niya na kwento si Tripp kasi nakalimutan niya dahil masyado siyang pre-occupied sa The Drake Palma Thoughts.

Dumating na sila at umakyat sa 19th floor.

Habang naglalakad sila at tumatawa si Alys dahil muntik ng madulas si Drake, nakita nila si Shaira na nakatayo sa harap ng unit ni Drake.

“Why are laughing at my husband??” tanong ni Shaira.

Chapter 39

Chapter 39

“H-husband??” tinanong ko si Drake.

Tinaas nung babae sa harap ko yung kilay niya tapos lumapit siya sa amin kahit na mejo iika ika pa siyang maglakad, “yes, my husband. Why are you with him??”

Tinignan ko si Drake, “kasal ka na??”

Nagbuntong hininga siya tapos binuksan niya yung unit niya at hinatak ako papasok, “shut up,” sabi niya dun sa babae.

“T-teka nga, sino ka ba?”

“I’m Shaira, Drake’s wife.”

“Drake?” sabi ko tapos tinignan ko si Drake.

“What?” sabi niya sa akin na parang naiirita na siya.

Wife siya tapos ako girlfriend?? Parang may mali eh!

Tinaas ko din yung kilay ko na mas mataas sa kilay nung ‘wife’ ni Drake! Akala niya!! Gusto niya magpataasan pa kami ng kilay eh!!

Nagbuntong hininga siya, “why am I even explaining myself,” bulong niya. Tumingin siya sa akin tapos kay Shaira, “go home and rest.”

Aba’t!!

Nagpout naman yung ‘wife’ niya at tinry na lumapit kay Drake kahit na iika ika siyang maglakad, “I can’t sleep eh…”

Problema pa ba ni Drake na boyfriend KO kung hindi siya makatulog?? Ano ba namang babae ’to oh!!

Bakit ba hindi ako makapagsalita at puro comment lang sa isip ang ginagawa ko?? Labo din ng buhay eh!

“Ouch!” sabi niya kasi natapilok siya habang papalapit sa amin ng boyfriend KO. At eto namang boyfriend KO tinulungan si ‘wife’ na makatayo!! Ano bang nangyayari!! Nagkahiwalay lang kami ng school biglang ganito na!!

“T-thanks, Drake,” sabi ni ‘wife’ tapos tumayo na din siya, “could you please accompany me ba? My ankle is killing me…”

Bumuntong hininga naman ang boyfriend KO at hinawakan niya sa BEWANG yung ‘wife’ at naglakad sila papunta sa unit na katabi lang ng unit niya!! May conspiracy talaga na nagaganap!!

Ugh!! Nakakainis naman!

Girlfriend ba talaga ako? Oo, alam ko naman na dense at blunt talaga si Drake pero hindi ko inisip na two timer siya!!

Naiwan lang akong nakatayo sa hallway. Great, Alys. Alam mo na mahina yung utak mo pero sa ganitong sitwasyon, sana naman isipin mo din yung pride mo. Uso isave yan pag may pagkakataon…

Pinulot ko yung bag ko na nalaglag ko kanina dahil sa gulat ko sa ginawa ni Drake at nagsimula na akong maglakad papunta sa lift. Ang totoo nga niyang binagalan ko pa yung lakad ko kasi malay ko naman baka maabutan ako ni Drake tapos mag explain siya sa’kin, di ba? Si Drake kasi yan eh, mejo magulo talaga siya kausap. Pero ano’ng nangyare? Walang Drake. Ako lang. Si Alys lang… Siguro dapat masanay na akong mag isa, noh?

Sabi ni Drake ihahatid niya daw ako pauwi sa’min kasi mejo malayo yung bahay namin mula sa condo niya pero baka ako na lang umuwi mag isa kasi busy siya sa ‘wife’ niya. Ano ba naman ako na girlfriend lang?

Naglakad muna ako bago maghanap ng cab. Buti na lang may town park dito. Naupo muna ako sa swing.

“Bakit naligaw yata dito yung babaeng maarte?”

Napatingin ako sa likod ko kasi may nagsalita, “ikaw pala, Tripp…”

Umupo siya sa katabing swing nung sa akin, “gusto mo?” sabi niya tapos inoffer niya yung frostee niya. Umiling lang ako, “kadiri ka. Nakain mo na yan tapos ibibigay mo sakin??”

Natawa siya, “tama talaga yung tawag ko sa’yo. Babaeng maarte ka nga.”

“Tss.”

“Bakit ka nga nandito?”

Sasabihin ko ba dito? May choice ba ako? Siya na lang ang meron ako eh. 

“Kasi…”

“Kasi?”

Bumuntong hininga ako, “nag away kami ng boyfriend ko eh,” sabi ko sa kanya. Mukhang nakikinig talaga sa akin kasi na sa akin yung full attention niya kaya nagdecide ako na sabihin ko na dito sa bully na ’to, “kasi naman! Mas sinamahan niya pa yung babae na yun kaysa sa’kin!!”

Umiling siya, “yan hirap sa inyong mga babae. Puro kayo conclusions, ayaw niyo maghanap ng reasons.”

Tumayo siya tapos pumunta siya sa monkey bar at sumabit siya dun. Medyo tumaas yung shirt niya. Alys, wag tumingin kung saan saan. Concentrate sa mukha!!

“Bakit ka ba niya iniwan?” tanong niya.

“…natapilok kasi yung babae…”

“Yun naman pala eh. Sige nga, kung ako tapos yung boyfriend mo nandito tapos mamamatay na ako tapos siya ni walang galos sa katawan, sino ang pupuntahan mo?”

Grabe naman yang example na yan!!

“Malamang ikaw!!”

Tumalon siya pababa tapos lumapit sa akin at lumuhod sa harap ko, “yun naman pala eh. Ganun lang din yun, masyado ka lang assuming.”

“Pero kahit na! Ako yung girlfriend eh!!”

Umiling siya, “hirap mong kausap.”

“Wala ka kasing girlfriend kaya ka ganyan mag isip!!”

Ngumiti siya sa akin, “wala ngayon, malay mo magkaroon na ko?”

“Bakit? May nililigawan ka ba??”

Nag shrug siya, “ligaw ligaw. Hindi na yan uso.”

Hinampas ko nga siya, “playboy na ’to!”

“Aray naman! Playboy eh wala pa nga akong nagiging girlfriend! Makapagbintang ’to!”

Tss. Bakit ba nagtitiis ako makipag usap sa Tripp na ’to? Baka mahawa ako sa pagka bully nito eh!

Tumayo ako mula sa swing at nagsimulang maglakad.

“San ka pupunta?”

“Uuwi na.”

Sumabay siya saking maglakad, “9 pm na. Delikado na ah.”

Oo nga eh… Ayoko magcommute ng mag isa sa ganitong oras. Text ko na kaya si Manong? Papasundo na lang ako dahil yung magaling KONG boyfriend, busy sa ‘wife’ niya! Ayy!! Naiinis pa din ako pag naiisip ko yun!

Nag iisip pa din ako kung magtetext ako nung hinatak ako ni Tripp, “uy!”

Tinakpan niya yung tenga niya, “wag ka ngang sumigaw! Magkatabi lang tayo oh!” sabi niya sabay turo sa amin na nakaangkas lang ako sa likod ng motorbike niya.

Kumapit na ako sa jacket niya (naka leather jacket kasi eh. Ewan ko ba.) “Tripp Marco!!” sigaw ko habang humaharurot siya sa highway!

“Kapit lang, Miss Perez.”

Pagbabang pagbaba ko, “walangya ka, walangya ka!” sabi ko sabay hampas at sabunot sa kanya. “Mamamatay ako sa ginagawa mo!” sabi ko sa kanya. Para siyang kasali sa race pag nagmamaneho siya! Akala ko talaga katapusan ko na kanina!

“Kung makahampas naman ’to kala mo girlfriend,” sabi niya habang inaayos niya yung buhok niya na sinabunutan ko.

“Kung girlfriend mo ko, mas malala pa diyan makukuha mo sa’kin! Ay kainis ka talaga!!” sabi ko tapos naglakad na ako papunta sa amin. Hindi na ako nagthank you. Sige nga magtthank you ka ba sa tao na halos patayin ka na sa pagddrive niya?? Dun lang ako nagpahatid one street away mula sa bahay namin. Mamaya kasi makita pa ako ni mommy tanungin pa ko nun. Ayoko na ng interrogation. Wala akong energy. Masyadong maraming nangyari sa araw na ’to!

Habang pipindutin ko na sana yung door bell..

“Drake?”

Naglalakad siya papunta sa akin.

“A-anong ginagawa mo dito?”

“Did I tell you to leave?”

Umiling ako.

“If I don’t tell you to leave, don’t leave,” sabi niya habang naglalakad palapit sa akin…

“K-kasi kasama mo y-yung ‘wife’ mo,” nagsstutter ko na sabi sa kanya. Bakit ka ganyan, Drake? Ako dapat yung galit pero parang nababaliktad yung sitwasyon pag nakikita kita. Ganyan na ba kita kagusto?

Nakatayo siya sa harap ko, nakatingin sa akin.

“Are you jealous?”

Umiling ako, “b-bakit naman ako magseselos! Ang cute ko para magselos sa p-pugita na yun!!”

Bigla siyang natawa.

“Bakit ka tumatawa?? May nakakatawa ba??”

Tumango siya, “you. You’re funny.”

Hah. Ganito pa din. Binuksan na ni manong guard yung gate, “papasok na ako, Drake. Masama talaga yung pakiramdam ko baka mag away lang tayo.”

Papasok na sana ako pero hinatak niya yung kamay ko. Tinignan ko siya, “ano ba? Kung wala kang matinong sasabihin, bitiwan mo na yung kamay ko.”

Bumuntong hininga siya, “I hate explaining things.”

Kung hindi ieexplain, pano maiintindihan?

“She’s nothing to me, alright? You’re my girlfriend.”

Bakit ganun? Hindi ko naman naramdaman na girlfriend niya ako kahit minsan. Ni hindi nga kami nag hoholding hands eh. Para kaming… si Alys at Drake. Dalawang tao lang. Walang kami.

“Are you still mad?”

Umiling ako, “umuwi ka na.”

“You’re mad.”

Huminga ako ng malalim, “EH ALAM MO NAMAN PALA NA GALIT AKO EH BAKIT KA PA NAGTATANONG??” sigaw ko kahit na alam ko na maririnig ako ni manong guard. Hindi ko na kasi mapigilan. Naiinis na nagseselos na nagagalit na talaga ako!

“I’m asking because I’m trying to understand you. Can’t you give me some credits for trying?”

Umiling ako, “we’ve been dating for months, Drake. Pero alam mo yung nakakatawa? Parang wala lang nangyayari. Parang.. joke lang. Naggets mo ba ako?”

Hinila niya ako palayo sa harap ng bahay namin. Ako naman si tanga, nagpahatak. Ang unfair no? Tanga ka na nga, ginagawa ka pang lalong tanga.

“Kung wala ka talaga sasabihin, uuwi na ko. Gabi na eh.”

Tinignan niya ako, “why are you mad?”

I smirked, “okay, okay. Iisa isahin ko. Ay, wait. Isa lang pala ang dahilan kung bakit ako ganito. Kasi, parang hindi ka naman seryoso sa’kin eh…” sabi ko. It sounds so wrong coming from me. Hindi ako seryoso na tao pero nagiging seryoso ako pag si Drake ang pinag uusapan. Delikado ’to. 

“What made you think that I’m not serious?”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na may wife ka na!”

“Do you honestly think that I’ll date you if I’m already married? Are you that dumb?”

“Oo na ang dumb ko! Kasalanan ko ba na ang dumb ko pagdating sa’yo? Sorry na kasi ganito lang kita kagusto!” sabi ko tapos bigla niya akong niyakap.

Isang yakap lang…

“You’re such a noob, noob,” sabi niya tapos hinalikan niya yung temple ko.

“Pwedeng pakiexplain naman sa noob na’to kung sino yung babae kanina?” sabi ko ng mahina habang yakap yakap niya ako.

“Her name is Shaira and don’t mind her.”

“Eh bakit mo siya tinulungan?? Hindi ka naman ganun eh!”

Mas lalo niyang hinigpitan yung yakap niya. Yung tipong mapapasabi na lang ako ng ‘I can’t breathe.’

“I was trying to be a gentleman.”

“Hindi ka naman gentleman!”

“Precisely why I was trying. Before, I thought all girls are dumb and stupid. But then I met you… and I realized I was wrong. I’ll only tell this once,” sabi niya tapos inalis niya yung embrace at tinignan niya ako sa mata, “I’m falling and I’m almost there.”

Chapter 40

Chapter 40

1131 code entered!

Nandito ako ngayon sa harap ng unit ni Drake kasi weekend ngayon and weekend is Drake and Alys’ day!

Natapos na din kasi yung first week ko sa Brent. Nakakapagod! Isama mo pa yung lagi akong binu bwisit ni Tripp. Yung bully na ’yun! Wala naman kasi akong choice kasi wala akong ibang ka close sa Brent. Lahat na lang ng tao dun iniiwasan… ako. Ano bang meron sa’kin?? Weird talaga! Lalo na yung mga babae parang gusto nila akong patayin sa tingin pa lang nila. 

Ang tagal naman ni Drake lumabas. Kanina pa ko nakatayo dito eh!

“Look who’s here,” may nagsalita sa gilid ko kaya napatingin ako.

Tinignan ko lang siya. Kainis nakalimutan ko na kapitcondo nga pala ni Drake si Pugits!!

“Bakit ba,” sabi ko tapos tinaas ko din yung ulo ko. Sabi sa psychology, kung sino daw ang unang magbababa ng tingin, siya ang talunan. Kahit na magka stiff neck pa ko hindi ako magpapatalo!!

Tinaasan niya ako ng kilay, “what are you? Drake’s groupie?” Sabi niya with maarte accent. Nakakainis!!

Nag cross arm ako, “hindi ako groupie!” sabi ko kahit hindi ko naman alam ang meaning nun. Parang offensive kasi!! “Girlfriend niya ako!”

Bigla siyang tumawa. Nakakainis!!

May nakakatawa ba sa sinabi ko?? Nakakatawa ba na girlfriend ako ni Drake?? Ano bang mali sa pugita na ’to??

Pinunasan niya yung luha niya kasi naiyak na siya sa katatawa, “sorry for the reaction but you’re really funny,” tapos kumuha siya ng wipes sa purse niya, “who are you, again?”

Hingang malalim, Alys. 

Nginitian ko siya tapos inextend ko yung kamay ko, “Alys Perez.”

Nginitian niya din ako tapos sinabi niya, “nice to meet you, Alys. Oh, sorry but I don’t shake random stranger’s hand. Don’t get offended, though.”

Hinga, kalma. BAKIT NAMAN KASI ANG TAGAL BUKSAN NI DRAKE YUNG PINTO???

Binaba ko yung kamay ko pagkatapos niyang sabihin yun. Bakit wala pang isang linggo kaming nagkakilala nitong babaeng ’to pero nakuha niya na na mapunta sa priority list ng hate list ko??

“What are you doing here anyway?”

“May date kami ni Drake.”

Huh! Beat that pulp, pugita!!

“Again, stop daydreaming. Date isn’t Drake’s thing.”

“Well, now it’s his thing,” sabi ko. Napapalabas yung English speaking skill ko sa babaeng ’to ah!

Come on, Drake! Ano bang ginagawa mo ang tagal mong lumabas! Ayoko na makipag usap sa wife “wannabe” mo!! Kainis sige na nga kukunin ko na yung number niya para sa mga sitwasyon na ganito!

Finally lumabas na din siya.

“Good morning, Drake,” sabi ni Pugita. Wow ha! Inunahan pa ako!

Tinignan lang siya ni Drake tapos tumingin siya sa’kin, “why are you here?”

Hehehe. Kinikilig ako. Kinausap niya ako!!

“May date tayo ngayon, di ba?”

Tinignan niya ako na para bang tinubuan ako ng extrang ulo, “nagmessage ako sa facebook mo,” sabi ko para maalala niya. Ayaw niya kasing nagpopost ako sa wall niya. Kadiri daw. Sinubukan ko nga pero binura niya ako. -_- Simpleng I miss you lang naman yun. Arte arte!

Mejo nag isip siya tapos sabi niya, “ah.”

“Alis na tayo?”

Binuksan niya yung pinto tapos nag shrug siya, “give me a minute.” Pumasok ako tapos tinignan ko si Shaira na totally forgotten and ignored by Drake. Muahaha! I told you so. Date is our thing!

Naligo muna siya tapos naglibot libot ako sa condo niya. Buti na lang pinapayagan ako ni mommy at daddy na pumunta dito. Wala naman kasi kaming gagawin na kung anong weird na bagay!! Subukan lang ni Drake na mag isip ng kung anong weird na bagay makikita niya yung flying punch ko!!

Pumunta ako sa study table niya. -_- Kahilo puro libro. Hmmm. Parang ganito din yung pinag aaralan ni Tripp eh. Tss. Naalala ko na naman yung Tripp Marco na yun!! Lagi na lang ako pinagbabayad pag pumupunta kami sa Coffee shop. Leshe akala mo wallet niya ko. Kapal ng mukha!!

Biglang nag ring yung phone ko.

Tripp

calling…

-_-

Sasagutin ko ba o hindi??

Haaaaaaaaay.

“Ano?”

(“Good morning din, Alys.”)

“Tss. Ano na naman kailangan mo??”

(“Kailangan ko ng date bukas.”)

“Busy ako. Bye.”

(“Grabe, pagkatapos kitang ipagtanggol sa mga umaway sa’yo?”)

“Ang daya mo!! Blackmail yan!!”

(“Sige na, please? Kailangan ko lang talaga ng kasama bukas.”)

“San ba kasi yan?”

(“May art exhibit sa QC bukas eh. Samahan mo na ko?”)

“Wala ka bang ibang friends?”“

(“Wala eh. Ikaw lang. Sige na?”)

-__- Bakit ba ako pinanganak na may mabait na kalooban??

“Fine sunduin mo ako bukas. All expense paid. Bye.”

Pinatay ko na yung phone ko para wala nang makaistorbo sa amin ni Drake. It’s our day! Walang bullies sa Brent, walang curfew sa bahay courtesy of mommy, walang bully na Tripp Marco! Drake and Alys lang. And love. Hehehehe.

After couple of minutes, lumabas na si Drake. Ang pogi talaga ng boyfriend ko huhuhu. Buti na lang cute ako!!

“Tss.”

“Ano na naman ginawa ko sa’yo??”

“You’re staring. It’s creepy.”

“Hehehe. Ang pogi mo kasi.”

“Tss. You’re dating me because of my face. Wicked Alys.”

Lumapit ako sa kanya tapos inayos ko yung collar niya (feels like his wife), “syempre freebie na lang yun. Gusto kita kasi… gusto kita. Need I say more?”

Nag half smile siya tapos pinat niya yung ulo ko, “tss. Let’s go?” Tumango ako tapos naglakad na ako papunta sa pinto ng condo niya pero nakita ko na hindi siya sumunod kaya liningunan ko siya, “akala ko ba aalis na tayo?”

In-extend niya yung kamay niya.

“Ha?”

“Hold my hand.”

/////////////<

“H-ha?”

“You told me I lack affection. Here, hold my hand.”

wild palpitation spotted

Lord, ano bang ginawa ko para kiligin ako ng ganito kagrabe??

Unti unti akong lumapit tapos hinawakan ko yung kamay niya. Way to go, Alys! Susunod, intertwined fingers na yung goal ko!!

Naglakad kami palabas ng pinto ng holding hands. Anong date ba ngayon?? Kailangang mailagay ko ’to sa calendar ko! Today is the first time we held hands. Shems kinikilig ako!!

Ang saya saya ko nga— “Hi, Drake. Mind if I join you?”

I retract my statement. HINDI AKO MASAYA KASI GUSTONG SUMABIT NI PUGITA SA FIRST DATE NAMIN NI DRAKE!

Hindi siya sinagot ni Drake at nakatingin lang siya sa kanya. Ako naman eto namumula na sa inis. Tinignan ako ni Pugita, “you wouldn’t mind, right? I am really bored in there,” sabi niya sabay turo sa unit niya na katabing katabi nung kay Drake. Malapit na yung debut ko eh, pwede bang hilingin ko kay Daddy na bilhin na lang yung unit sa left ni Drake?? Ayan oh magiging happy neighborhood na kaming tatlo!!!

Sasagot na sana ako ng bigla siyang sumingit, “silence means yes, right? Yey!” Tapos sumabit siya sa braso ni Drake na ako nga hindi pa nakakasabit eh!!

“So, where are we going?”

“To hell. Sama ka?” bulong ko.

“Excuse me, were you saying anything?” sabi niya.

Umiling na lang ako tapos ngumiti. Bakit kasi ang bait kong tao?? Bakit hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para maging masamang bata??

Tahimik lang kami, rather kami ni Drake, habang pababa kami sakay ng lift. Kanina pa daldal ng daldal si Shaira to the point na ang sarap niyang ihulog mula 19th floor papuntang ground floor. Syempre joke lang yun kasi hindi ako morbid na tao.

Pumunta kami sa parking space para puntahan yung sasakyan ni Drake. Syempre hindi na ako papayag na matapakan yung pagkatao ko kaya sumakay na agad ako sa shotgun seat!! Girlfriend’s seat yun na hindi pwedeng agawin ni Pugita sa’kin!!

Nung nakasakay na kaming lahat, nagsalita si Drake, “Shaira, could you please check the if the tire’s flat?”

Ngumiti si Shaira tapos lumabas. Bakit siya yung inutusan ni Drake?? Hindi ba pwedeng ako?? Marunong din naman akong tumingin ng butas na gulong ah!!!

Nung lumabas si Shaira biglang pinaandar ni Drake yung sasakyan at iniwan si Shaira na sumisigaw sa parking space??

“Naiwan si Shaira!” sabi ko habang nakatingin sa side mirror at nakikita si Shaira na parang batang nagttantrums.

“She’s annoying,” sabi niya habang suaveng suaveng nagddrive. Haaay. Mas lalo yata akong naiinlove. Kahit yata sa pag hinga lang ni Drake naiinlove ako eh. Malala na talaga ’to!

“..pero baka magalit yun..”

Diretso pa din siyang nakatingin sa highway, “I don’t care. I can handle her being mad at me. I can’t handle you not talking to me.”

wild palpitation spotted again

Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi ni Drake, “ang pangit mo.”

Medyo lumingon siya sa’kin, “weirdo.”

“Ang pangit mo kainis pinapakilig mo na naman ako eh!!”

Nag smirk siya, “it’s my job, after all.”

After ilang minutes nakarating na kami sa… mall! Syempre hindi naman kami kagaya ng ibang tao na sa resto or kung saan saang lugar pumupunta. Solve na kami ni Drake sa mall. For all I know, magsshopping lang naman kami =)))

“Kain muna tayo,” sabi ko sa kanya. Hindi na kami naghholding hands. Kainis talaga yung Shaira na yun! Yun na nga yung moment na minsan lang mangyari tapos sisirain niya pa!

“Sure.”

Naglakad kami sa kung saan saan. Gusto ko sa food court lang para madaming makakita sa amin na nagddate pero ayaw ni Drake kasi cheap daw!! Napakaarte talaga nito!

“San ba tayo kakain?? Napapagod na ko!”

Tinignan ako ni Drake, “don’t use that face on me. I won’t carry you inside this mall.”

=________=

“Ano bang face yang sinasabi mo??”

“That face,” sabi niya tapos pinoint niya yung index finger niya sa noo ko, “puppy eyes and pouty lips. It’s adorable but stop it. I won’t give you a piggyback ride.”

“Tss. Fine,” sabi ko tapos naglakad lakad kami. Ano bang gustong kainin ng Palma na ’to??

Hinawakan niya wild palpitation yung kamay ko tapos pumasok kami sa… Old Spaghetti House? Really? After all na paglalakad ang ginawa namin dito kami babagsak???

Tinaas niya yung kamay niya, “two meatball spaghetti and Lipton Red Tea,” sinabi niya yun ng hindi tumitingin sa menu o pinapansin yung waitress. Ano pa nga ba? Hindi naman talaga namamansin ng ibang tao ’to. Existence ko lang ang napapansin niya. At kinikilig ako dun!!

“Pagkatapos ng lahat ng nilakad natin, meatball spaghetti lang ang katapat mo??”

Nag shrug siya, “it’s delicious.”

“Pano kung hindi ako kumakain ng spaghetti.”

Nag shrug ulit siya habang may binabasa siya sa phone niya. Bigla kong naalala na hihingin ko nga pala yung number niya!

“D-drake?”

“Hmm?” sabi niya ng nakatingin pa din sa phone niya.

Huhuhu. Pano ko ba ’to gagawin? Nakakahiya naman kasi! Ako yung babae tapos ako pa yung manghihingi ng number!!

“P-pwede bang mahi—”

Hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi dumating na yung order namin, “here’s you order.”

Kainis! Yun na eh! Yun na yung moment eh!!

Tahimik kaming kumain ng spaghetting favorite pala ni Drake. Akala ko ang hirap i-please ng lalaki na ’to eh spaghetti lang naman pala katapat! Makapagpaturo nga kay Tita Liana pag balik niya galing Singapore. Malay ko naman biglang yung almost there niya maging he’s already there na!

Natapos na din kaming kumain tapos pumunta kami sa boutique. Oo weird kami. Eto ang bonding moment namin ni Drake, nagsshopping kami. Hindi ko naman kasi makasama si Aya kasi hindi siya mahilig sa girly stuff. Mas pipiliin niya pang makipaglaro sa voodoo dolls niya kaysa magtingin ng cute na cute na shoes! 

Nag ikot ikot kami sa boutiques pero wala din kaming nabili. Puro last season pa yung nandun at hindi kami nagsusuot ng ganun. Maarte na kung maarte pero ganun kami. Oo na weird kami.

Matagal tagal din kaming nag ikot ikot ng mapadaan kami sa 4D Max Ride. 

U

Hinila ko yung sleeve ng shirt ni Drake, “pasok tayo…”

Tinignan niya muna yung place tapos umiling siya.

“Sige na, please?”

Umiling pa din siya.

“Pretty please?”

Nag sigh siya, “fine.”

Yosh! Matagal ko na ’tong gustong masubukan kaya lang lagi akong walang kasama!! Pumasok kami sa loob at nagbayad. Inabot na sa amin yung 4D glasses at naghintay kami sa turn namin. Habang naghihintay, nakaupo si Drake sa waiting area at naka cross legs pa ang maarteng lalaki habang nagtitingin ako sa pagpipilian. Ang ingay nung mga nasa loob!! Na eexcite ako!! Parang ang saya saya kasi sigaw sila ng sigaw tapos ang cool tignan sa screen!!

After few minutes, turn na namin. Wild, Wild West yung pinili ko. Hehehe. Sana matakot ako!

Nagstart na…

“HAAAAAAAAAAAA AYOKO NAAAAAAA LALABAS NA KOOOOOOO DRAKE NATATAKOT AKOOOO HUHUHU MOMMY DADDY NATATAKOT AKO ILABAS NIYO NA AKO DITO HUHUHU AYO––”

Tinanggal ni Drake yung 4D glasses niya tapos tinanggal niya yung sa’kin at—

O_________O

Hinalikan niya ako?

O_________O

Dahil magalaw yung ride, sa hindi ko inaasahang pangyayari, napahiga si Drake sa inuupuan namin at… nasa taas niya ako. Huhuhu. Mommy, sorry po. Hindi ko po sinasadya na mapunta sa taas ni Drake. Aksidente lang po, wag niyo po akong ipadala sa Amerika kasama si Dane. Huhuhu.

Magkadikit lang yung lips namin at nakatingin kami sa isa’t isa. Sa buong ride. 15 mins yung ride. Oh, my god. Porn Porn!!!

Natapos yung ride nang hindi ako makatingin sa mata ni Drake. Ang awkward!! Naglakad siya palabas na parang walang nangyari. Bakit ako ang bilis bilis ng tibok ng puso ko??

Naglakad siya tapos kinalabit ko siya. Hindi ko na siya hinintay lumingon, “CR lang ako. Jan ka lang.”

Tumakbo ako pabalik sa 4D Max Rider.

Buti na lang wala ng tao. Nakakahiya kung may nakakita sa err— kissing scene namin ni Drake!

“Miss?”

Napatingin sa akin yung babae tapos nginitian niya ako na parang nagsasabing ‘I know what you did there.’

//////////////<

“Uhm, may video copy ba kayo nung kanina?”

“Alin po? Yung Wild, Wild West or yung Video niyo?” sabi niya sabay ngiti sa akin ulit!! Huhu. Feeling ko may video scandal tuloy ako!

“Y-yung pangalawa mong sinabi.”

Kinidatan niya ako, “sure, Miss. May flashdrive ka ba?”

“Hala, wala po eh..”

“Memory card? External disk?”

Dali dali kong kinuha yung BB ko at kinalas kalas. Huhuhu. Sorry, Vance. Bubuuin din kita mamaya. Kailangan ko lang yung memory card. Binigay ko agad sa babae yung memory card ko.

“Ayan, Miss,” sabay abot sa akin.

Kinuha ko yung memory card tapos inabutan ko siya ng pera pero binalik niya sa’kin.

“Wag na. Nakakatuwa kasi kayo ng boyfriend mo,” sabi niya tapos nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya, “sana magtagal kayo.”

Nagpasalamat ako tapos naglakad ako palabas ng 4D at hinanap ang boyfriend ko.

Akala ko sira na yung araw ko dahil kay Shaira pero dahil kay Drake, ang perfect na. Dahil kay Drake.

Chapter 41

Chapter 41

-Alys-

Wow. Parang ang saya lang natin kahapon, Drake? Ano’ng nangyari?

Sorry, hindi ko naman gustong maging mausisa pero pwedeng magtanong? Bakit… mo kayakap si Shaira? Gusto kong itanong yun sa kanya pero pano? Kanina nga hindi man lang siya tumigil para kausapin ako. Ni wala din akong number niya.

Napaupo na lang ulit ako sa swing. Bakit palagi na lang may hindi magandang nangyayari pag pumupunta ako sa swing na ’to? May sumpa ba ’to?

-flashback-

“Kanina ka pa ngiti ng ngiti jan,” sabi sa akin ni Aya. Nandito kasi kami ngayon sa amin kasi weekend pa din naman tsaka hinihintay ko pa din si Tripp. Kainis! Imbes na nagpapahinga ako ngayon, napilit pa akong pumuntang QC! Ang layo kaya…

Ngumiti lang ako tapos tinignan ko yung phone ko kasi nag vibrate siya. Syempre hindi si Drake yun kasi wala naman akong number ni Drake. Huhuhu. Ako lang ba o talagang abnormal yung relationship namin??

From: Tripp

Papunta na ko. San ka na?

=_______=

To: Tripp

Hindi ako sasakay sa motor mo, fyi!!

Bigla akong sinundot ni Aya sa gilid, “ayie!! Grabe, besh! Improving. Halos mabutas na yang keypad ng BB mo ah. Si Drake ba yung katext mo??”

Napabuntong hininga na lang ako. Sana nga kasi si Drake yung katext ko eh!! Eh hindi naman, si Tripp kasi napakakulit! Kung hindi niya lang ako binlackmail, asa pa siya to the moon na sasamahan ko siya sa QC! Nasa Makati ako tapos mapupunta ako sa QC? Are you kidding me?? Isama mo pa na may pasok na naman ako bukas. Huhuhu. Bakit kasi may 7 am class ako? 

“Hindi no,” sabi ko tapos nireplyan ko si Tripp ng hanggang 3 pm lang ako. May practical test kasi kami bukas kailangan kong magpractice!

Binaba ko na yung BB ko tapos tumingin na ko kay Aya. Huhuhu. Grabe namiss ko si Besh! One week din kaming hindi nagkita ah! To think na magkatabi lang yung school namin pero hindi ako makahanap ng time makapuslit papuntang Brent. Hectic kasi ng schedule ko, 2 year course lang kasi yung Culinary kaya busy forever ako.

“Kamusta sa SCA?”

Nagshrug lang si Besh, “okay lang…”

“Okay lang?”

Huminga siya ng malalim tapos… “Huhuhu, besh ayoko na dun!! Ang talino ng mga tao, nahihirapan akong sumabay!” sabi niya tapos niyakap niya ako. Tsk. Akala ko ako lang ang nahihirapan, nahihirapan din pala ’tong abnormal kong best friend.

Hinahagod ko yung likod niya tapos sinabi ko, “bakit? Mahirap ba yung inaaral mo?”

Tumango siya, “akala ko madali lang kasi clothing technology lang naman pero huhuhu, first week pa lang, pinagpapasa na kami ng portfolio na due next week!!” sabi niya tapos kinuha niya yung orange juice sa table at mabilis na ininom.

Hinawakan ko yung dalawa niyang kamay, “kaya mo yan, Besh!”

Umiling siya, “hindi ko na kaya!!”

“Hindi ba sabi mo gusto mong maging kagaya ni mommy?” sabi ko sa kanya, pinaalala ko sa kanya yung weirdo niyang pangarap na maging fashion designer kagaya ng PMS kong nanay.

Napa-sigh na lang din siya, “sino ba naman kasi ang mag aakala na mahirap pa lang maging designer?? Akala ko mejo drawing here and there lang!”

Natatawa na lang ako sa frustrations ni Aya. Akala niya lang madali. Hahaha! Kung madali yun, eh di sana hindi laging bad trip si mommy pag umuuwi galing boutique.

Nag usap muna kami ng tinext siya ni Sheen at Kent, may triple date yata sila. Gusto kong sumama eh!! Bwisit to the infinity talaga minsan si Tripp eh!

“Alis na ko,” sabi niya tapos kinuha niya yung bag niya. In all fairness, mejo nagiging babae na si besh simula nung nag college kami. Weird nga eh. Isang linggo pa lang naman.

“Gusto kong sumama…”

“Next time. May pupuntahan ka, di ba?”

“Pwede namang sabihin ko na may bigla akong kailangang puntahan?”

Bad Alys! Kailan pa ako natutong magsinungaling??

Nag shrug si Aya, “ikaw bahala. Ano, sama ka ba?”

Haaaaaaay. I hate you, heart. Bakit ang bait mo?? Sana naging wicked heart ka na lang kagaya ni Pugits!!

Umalis na din si Aya after niyang ubusin yung breakfast ko. =______= Minsan talaga PG si Aya. At teka nga, nasan na ba si Tripp?? Kanina pa siya nagtext na papunta na daw siya ah!!

“Hey, princess.”

“DAD!!” Literal na tumayo ako at tumakbo papunta kay Dad. Huhuhu. Last month ko pa yata siya huling nakita! “Why are you here? Nag away na naman kayo ni Tita Liana?” I asked him. Minsan kasi kaya lang yan uuwi sa Philippines pag nag away sila ni Tita Liana, which is madalas mangyari.

Nginitian niya lang ako tapos umupo siya sa inupuan ni Aya kanina, “no, hindi kami nag away ng Tita mo. I just went home to ask you about your first week in school. So, how was school?”

“School was… fine.”

“Fine? Nothing superb?”

Nag shrug ako. Eto gusto ko kay Dad eh, nakakausap ko ng matino. Si daddy kasi, puro kalokohan lang ang tinuturo sa akin. Magseseryoso lang yun pag umiyak na ako. Palibasa mas mahal niya si Dane sa akin!!

“I don’t know, dad. It’s just that… wala dun yung friends ko. School feels kinda lonely without my friends around,” I admitted. Totoo naman. Sobrang miss na miss ko na si Sheen, Aya, Kent, at Drake. Minsan nga sa pagka desperada ko, pati si Kei namimiss ko na. Huhuhu. I’m so pathetic!

Ngumiti lang ulit si Dad. Palagi na lang ’tong nakangiti. Nakaka good vibes tuloy. Bakit nga kaya hindi si Dad ang pinakasalan ni mommy? Ang alam ko nagpropose din si dad eh. Oh, well. 

“Things would go just fine, Alys. Anyway, another reason why I’m here is to ask you about your debut. Anything you want?”

O________O

OMG. Malapit na nga pala akong mag 18. Malapit na nga pala akong mawala sa proteksyon ng DSWD!

“Alys?” tawag ni dad sa akin kasi mejo na lost in thought yata ako.

“H-ha?”

“I said, anything you want for your birthday? Nagtatanong kasi yung Tita Liana mo,” he said with a smile on his face. Mahal na mahal talaga ni dad si Tita Lian kahit na wala silang anak. Sana nga meron eh. Malay mo may baby girl naman ako, nakakasawa kasi minsan kausap si baby boy Dane. Hehehe.

“Uhh, hindi ko pa po alam, eh.”

“Well, tell me kung ano ang gusto mo. Your mom would prolly throw a party so I would just give you anything na hindi mo makukuha sa birthday mo, alright?”

I smiled as a response.

Biglang may lumapit na maid sa amin, “Miss Alys, si Tripp daw po…”

Ay shems. Si Tripp nga pala! Nakalimutan ko. Masyado akong na overwhelm sa idea na malapit na akong pwedeng makulong!

“Who’s Tripp?” tanong ni Dad sa akin, throwing me a curious glance.

“A friend,” sabi ko. Bakit naman kasi ngayon pa siya dumating?? Ayoko nga siyang ipakilala sa kahit na sinong parte ng pamilya ko eh!! Syempre si Drake nga wala pang formal introduction kay Dad tapos mauunahan niya?? Ano siya, boyfriend?? Kainis talaga ’tong Tripp Marco na ’to eh!

Tumango tango si dad, “a friend, you say… I would like to meet your friend, then,” sabi ni Dad tapos tumayo siya at nagsimulang maglakad palabas ng bahay. Huhuhu! Mommy, nasan ka ba?? Patigilin mo nga si dad!

“Tito Cyriel?” naguguluhan na tanong ni Tripp nung pumunta si Dad sa harap niya.

Ngumiti bigla si Dad, “oh, ikaw pala, Tripp. Kilala mo si Alys?”

Tumango si Tripp, “opo. Kayo po?”

Ngumiti si dad and said, “my daughter.” Tumango ulit si Tripp, “small world?”

“So, what brings you here?”

“Pupunta po sana kami ni Alys sa Art exhibit sa QC eh,” paliwanag ni Tripp sa nosy kong tatay. 

“So, you decided to pursue Fine Arts, after all?”

Umiling si Tripp, “no, Tito. Business Ad, as my dad specifically ordered. Pupunta lang ako dun to unwind.”

Wow. Close pala sila ni dad? So, close si Tripp kay dad, close si Drake kay daddy? Wow ha. Ano next? Close si Sheen kay mommy?

“Alright, then. Aalis na ko, Alys. Pakisabi na lang kay Dana at Andy na babalik ako bukas,” sabi niya tapos lumingon siya kay Tripp, “take care of my daughter, Tripp.”

“Of course, Tito,” sabi naman nitong feelingerong lalaki.

Nung wala na si Dad sa earshot, hinampas ko si Tripp, “aray! Napaka amazona mo talaga!”

“Amazona ka jan! Ikaw nga feelingero eh! Bakit kayo close ng dad ko??”

“A-aray wag mo nga akong hampasin! Business partner sila ng tatay ko,okay?! Wag ka ngang mang hampas! Napaka amazona talaga nito!” sabi niya habang tinitignan yung braso niyang hinampasan ko ng bag ko.

“Tss. Bakit nga pala ngayon ka lang?? Pinaghintay mo ako!!” sabi ko. Syempre OA lang yun. Okay lang naman sa’king maghintay eh, ang problema ko, nag abot sila ni Dad.

“Sabi mo kasi ayaw mo sa motorbike ko eh. Bumalik ako sa bahay kaya natagalan ako. Naghintay ka ba? Sorry…” sabi niya tapos nilagay niya yung kamay niya sa batok niya AT HOLY CAYOTE, NAGPACUTE BA SIYA SA AKIN???

“H-hindi, okay lang. Sige, tara na,” sabi ko na lang. Huhuhu. Medyo na distract ako dun ah! Marunong palang mag aegyo ’tong lalaking ’to. Delikado.

Lumabas kami at, “after you,” sabi niya tapos pinagbuksan niya ako ng pinto ng sportscar niya. =___= Show off. Mas mahal ko pa din yung sasakyan ni Drake forever!

Pumasok ako at nagsimula na siyang magdrive. Matulog muna kaya ako? Good idea. Malayo layo pa naman yun.

-Eydee-

Habang natutulog si Alys ay pumunta muna tayo kay Drake. Hindi ko kasi magawan ng point of view si Drake sa kadahilanan na baka ma bored lang kayo. Nagawan ko na siya dati at… hindi na ako magtatangkang umulit pa.

Kasalukuyang nag aaral si Drake ng pumunta si Tito Steve sa condo niya. Weekly kasing pumupunta si Tito Steve para magdala ng groceries and stuff. Alam niyo na, concerned father. 

“Kamusta nag first week?”

Nag shrug lang si Drake. Shrug mean okay. Keri lang naman niya kasi yung first week niya. Habang nilalagay ni Tito Steve yung stocks ni Drake sa cupboard, “alam mo ba na yung pinsan mo na si Tripp nandun sa Brent? Sayang nga eh. Akala ko pa naman baka sakaling maging classmates pa kayo nun. Nagkakausap pa ba kayo nun?”

“I saw him last week,” sabi ni Drake.

“Oh? Kinausap mo ba?”

“Why would I? Are we close?”

“Anak naman, galit ka pa din ba sa pinsan mo?”

“I’m not angry. I just… don’t care,” sabi ni Drake, nonchalant. Patuloy pa din siya sa pagsasagot sa Advance Calculus. Nagtake kasi siya ng APE kaya advance Math na siya agad. Talino talaga ng Drakey baby ko!

Umupo si Tito Steve sa tabi niya, “magpinsan kayo eh, magbati na kayo, please?”

Binaba ni Drake yung sci-cal niya at tinignan yung tatay niya, “I’m not upset. What’s so hard to understand?”

“Eh bakit kayo hindi nag uusap, sige nga?? Pag may family reunion tayo, hindi kayo nagkikibuan. Malulungkot ang mommy mo sa nangyayari sa inyo ni Tripp!”

Tumayo si Drake, “I don’t care.”

“Hindi naman naging sila ni Shaira, di ba? Tsaka may girlfriend ka na. Magbati na kayo?”

“Tss,” sabi ni Drake bago tuluyang lumabas at iniwan yung tatay niyang stressed sa kanilang magpinsan. Alam niyo kasi… close dati si Tripp at Drake. Kaya lang, nagkaproblema kasi nagkagusto si Tripp dati kay Shaira pero si Shaira ay forever in love kay Drake. Then one thing lead to another then boom! Man’s ego cannot be tampered in any way. Cold war sila ever since. Mga grade 6 pa naman nangyari yun pero hanggang ngayon hindi sila nag uusap. 

Lumabas si Drake papunta sa 711 sa baba. Bored siya eh, bakit ba? Saktong pagbaba niya, nandun si Shaira, umiinom ng Slurpee.

“Drake!” nabuhayan bigla si Shaira nung nakita niya si Drake. “You left me yesterday!”

Nag shrug lang si Drake at pumunta sa lalagyan ng Slurpee.

“Why did you left me?” sabi ni Shaira. 

“I was with my girlfriend.”

“You can’t be serious, right? You know I’ve been waiting for you…” nanghihinang sabi ni Shaira. In denial kasi siya na girlfriend nga ni Drake si Alys. Naman kasi, almost all her life, si Drake ang mahal niya. Wala siyang pinansin na ibang lalaki para kay Drake tapos biglang one day, biglang may susulpot na Alys? Joke ka ba? Kung si Shaira ang nauna niyong makilala, siguro si Alys ang kontrabida para sa inyo.

Nag shrug lang si Drake.

“Are you serious with her?”

Natigilan si Drake sa tanong ni Shaira. Kasi… indecisive din si Drake. Almost there? Sino bang nakakaalam kung yung almost there ay magiging already there? Or worse, yung almost there maging never there.

Dahil hindi nakasagot si Drake, nabuhayan ng loob si Shaira.

“Ano? Kanina aayaw ayaw ka, ngayon ayaw mong umalis dito?” Tanong ni Tripp kay Alys. Ayaw kasing umalis ni Alys sa exhibit kasi natuwa siya. Puro portrait kasi ng tao yung naka exhibit. Black and white lahat kaya parang ang classy tignan.

“Wait lang naman, Tripp,” sabi niya tapos tinignan niya ng isang beses pa lahat ng portraits. Hindi niya alam, habang naglalakad siya, pini picture-an siya ni Tripp.

Napailing na lang si Tripp at naisip, ‘maaulit na naman?’

Nakailang shots siya bago nakuntento si Alys. Bago sila umalis, dumaan muna sila sa mall para kumain. All expense paid nga ni Tripp kaya sinulit ni Alys. Sa eat all you can sila kumain. =___= Feeling naman nila masusulit nila yun.

“Dahan dahan naman!” sabi ni Tripp sabay abot ng tubig kay Alys. Nabulunan kasi nagmamadaling kumain, “hindi naman tatakbo yang kinakain mo,” sabi ni Tripp.

“Eh kasi sayang naman yung binayad mo kung hindi masusulit. Aba minsan ka lang kayang manlibre! Dapat sulitin!” sabi ni Alys tapos kumain ulit siya habang napapailing na lang si Tripp. Kala mo hindi babae si Alys kung makakain eh. Asan ang poise?

Pagkatapos nilang kumain, nagdrive na si Tripp pabalik sa kanila.

“Sa park muna tayo?” sabi ni Alys. Ayaw muna niyang umuwi sa kanila kasi wala namang tao dun kasi wala yung parents niya.

Habang naglalakad sila, nakita ni Alys si Drake at Shaira na… magkayakap?

“D-Drake?”

Napalingon si Drake kay Alys pero naglakad din sila ni Shaira agad at sumakay sa taxi. Ano’ng nangyari?

-present-

“Oh,” sabi ni Tripp sabay abot ng panyo kay Alys, “eto ba talaga yung role ko? Tiga abot ng panyo tuwing umiiyak ka?”

Kinuha ni Alys yung panyo kay Tripp at dahan dahang pinamunas sa luha niya. “K-kasalanan ko ba na lagi kang nanjan pag gustong tumulo ng luha ko?”

Napabuntong hininga na lang si Tripp at naupo sa tabi ni Alys, “pwede akong kausap ngayon. Ano? Game akong makinig.”

“Ano mapapala ko sa’yo? Wala ka namang alam sa love.”

“Tss. Masyado mo naman akong minamaliit. Sige na, malay mo may matulong ako sa’yo,“sabi niya sabay kindat kay Alys.

Bumigay na din si Alys at nag confide kay Tripp, “bakit kasi siya… ganon? Girlfriend naman ako so entitled naman siguro akong magtanong di ba? May kayakap siyang iba kaya siguro pwede akong humingi ng paliwanag?” Medyo tumigil siya kasi may tumulo na naman na luha, “sabagay, siya nga hindi nagtatanong sa akin eh, siguro dapat hindi din ako magtanong sa kanya no?”

Napailing na lang si Tripp, “hindi bagay drama sa’yo. Amazona ka kaya.”

Hahampasin sana ni Alys si Tripp, “tignan mo ayan oh, nanghahampas ka na naman!”

“Bwisit ka kasi! Nagsasabi ako ng problema kung anu ano sinasabi mo.”

“Sabi mo nga wala akong alam sa love problems kaya gagawin ko na lang yung bagay na magaling ako,” sabi ni Tripp.

“San ka ba magaling?”

“Sa patawanin ka.”

Napahinto si Alys sa pag iyak at napatingin kay Tripp.

Nahiya ng kaunti si Tripp, “bakit ka ba ganyang tumingin?”

“A-ano sabi mo?”

Tumayo si Tripp pero nakatalikod siya kay Alys na nakaupo pa din sa swing, “alam ko weird kasi one week pa lang tayong magkakilala. Pero sa one week kasi na ’yon, dalawang beses na kitang nakitang umiyak. Hindi ko alam pero… pwede bang ako na lang? Hindi kita papaiyakin.”

Chapter 42

Chapter 42

-Alys-

“Nagmumukmok ka jan?” lumingon ako tapos nakita ko yung bwisit na lalaki!

“Leshe umalis ka nga sa paningin ko!!” sabi ko sa kanya sabay talikod. Gumagawa ako ng assignment tapos guguluhin ako ng Tripp na yan! Aish kainis forever!

Para naman siyang walang narinig at naupo sa tabi ko. Nandito kasi ako sa mini canteen ng Brent at gumagawa ng assignment since sobrang na badtrip ako last Sunday dahil sa ginawa niya! Ughh!!

Nilapit niya sa akin yung chips na kinakain niya, “gusto mo?”

“Ayoko!” sigaw ko sa kanya. Buti na lang nandito kami sa mini canteen kasi kung nagkataon na nasa cafeteria kami, malamang pinagtinginan na kami ng mga tao. Bakit naman kasi pinaglihi yata sa sama ng loob si Tripp at sa akin niya binubuhos mga sama ng loob niya!

“Sungit naman nito,” sabi niya tapos tinignan niya yung ginagawa ko, “College Algebra lang yan, Zy. Dali dali lang niyan,” comment niya nung nakita niyang gusto kong ibato yung Leithold kong libro.

“Ikaw na matalino! At isa pa, wag mo nga akong tawaging Zy, please lang. Hindi tayo close!” sabi ko sa kanya. Napakafeelingero din talaga ng Tripp Marco na ’to! Sakit sa split ends!

“Bakit? Ang cute ng Zyril eh. Ayoko sa Alys, parang tinipid lang yung pangalan mo.”

O_______O

“Susumbong kita kay mommy!!”

Bigla naman siyang natawa sa akin, “ano’ng tinatawa tawa mo jan??”

“Ikaw,” sabi niya, “isip bata mo talaga minsan, Zy.”

=_______=

Haay, Alys. Magtiis ka. Yan lang ang friend mo sa Brent, tiis tiis din pag may time. Para hindi ko na masyadong mapansin ang presence ni Tripp, mas nagtuon na lang ako ng pansin sa assignment ko. Buti pina take home exer na lang ni Sir ’to kung hindi baka bumagsak ako.

“Akin na nga,” sabi ni Tripp sabay agaw sa akin nung work sheet ko. “Ang dali dali lang nito eh.”

“Ikaw na matalino!!”

“Thanks,” sabi niya sabay kindat sa akin. Ugh pwe! Pwedeng masuka now na??

Sinagutan niya as in mabilis lang yung exer ko tapos binalik niya sa akin yung work sheet. “Gusto mo turuan kita?”

Umiling ako, “asa ka pa.”

“Sige na, oh?”

“Pagkatapos mo akong lokohin?? Bwisit ka pa din forever sa buhay ko, Marco!!”

Natawa siya sa akin. Leshe bakit ba pinagtatawanan ako ng Marco na’to!! Kainis! Pagkatapos niya akong lokohin/i-joke time, may gana pa siyang tawanan ako, huh?!

“Grabe ha, siguro crush mo na ko, no?” sabi niya.

Umarte naman ako na parang nasusuka, “mandiri ka nga sa mga sinasabi mo!”

“Eh bakit parang sobrang disappointed ka na joke lang yung sinabi ko?” sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Dahil ayaw ko ng eye contact sa kanya (para kasi siyang nanghi hypnotize pag tumitingin), binato ko siya ng fries sa muka. 

“Ay, kadiri naman ’tong babaeng ’to,” sabi niya habang inaalis yung fries sa muka.

“Che! Bagay sa’yo yan. Bully ka kasi!”

“Eh disappointed ka naman.” Sabi niya sabay mock sa akin.

“Hindi nga ako disappointed!!” sigaw ko. Bakit naman ako madidisappoint na may pa ‘Ako na lang’ spiel siya tapos after ilang seconds bigla siyang tumawa ng malakas?? Bakit naman ako madidisappoint, di ba??? Nakakaloka!

Umiling iling siya habang tinatanggal yung fries sa mukha niya at kumuha ng panyo at pinunasan. “Sorry na nga kasi,” sabi niya.

“Apology not accepted.”

“Bakit ba sobrang nagagalit ka?”

“Eh kasi niloko mo ko.”

Bigla siyang natawa pero tumigil kasi pinanlakihan ko siya ng mata, “sorry naman, Zyril. Kung makapagsalita ka kasi parang boyfriend mo ako at nambabae ako.”

O_________O

“Hoy, Tripp Marco! Napaka feelingero mo naman yata?”

Nag shrug siya, “hindi ah, sinasabi ko lang kung ano yung nakikita kong ginagawa mo.”

Sabi ko nga wag na akong makipag debate sa lalaki na ’to, wala ding mangyayari. Kinuha ko na lang yung exer na sinagutan niya at pinag aralan ko kung pano niya ginawa. Seryoso, bakit may Math kami sa CA?? Kaya ng Culinary Arts kasi forever kong gustong iwasan ang Maths tapos biglang may Math din pala kami? Huhuhu. Life is so cruel

“Oy,” sabi niya habang nag  aaral ako, “sorry na kung nagalit ka talaga. Nagjjoke lang naman kasi ako kasi iyak ka ng iyak.”

“So, tuwing iiyak ako lolokohin mo ako ng ganon?!” sabi ko sa kanya. Sana pala hindi na ako umiyak kailanman sa harap niya! Hindi niya alam halos himatayin ako sa narinig ko! Feeling ko at one point, naging unfaithful girlfriend ako kahit wala naman akong ginawa kung hindi maupo sa swing.

“Nagpanic lang kasi ako. Halos hikain ka na nga nun. Malay ko bang ganun mo pala kamahal si Drake…” sabi niya ng mahina.

Tinaasan ko siya ng kilay, “kilala mo si Drake?”

Nag shrug siya, “nabanggit mo yung pangalan niya minsan eh.”

Oh? Nakwento ko ba si Drake kay Tripp? Hmmm. Baka nakalimutan ko lang. Medyo haggard na kasi ako sa mga nangyayari sa buhay ko. I wanna break free!!

Nung natapos na yung ginagawa ko, naglakad na ako papunta sa room ko pero hinatid ako ni Tripp kasi nagpilit siya. Bumabawi siya sa panlolokong ginawa niya sa akin. Tss. Galit pa din ako! 

“Look who’s here again,” narinig kong sabi ni Joy David, yung isa kong classmate sa course na ’to. Huhuhu. Aawayin na naman nila ako. Lagi na lang nila akong pinagkakaisahan, hindi ko alam kung bakit. Mabuti pa nung high school, alam ko kung bakit ako inaaway ni Kei, pero ngayon, ewan ko kasi bigla na lang talaga nila akong inaaway.

Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso ako sa upuan ko. Iwas gulo din. Second week ko pa lang sa Brent, ayokong mapatawag sa office dahil nakipag away. Pero dahil mean talaga sila…

“So, tatahimik ka lang ngayon?!” sabi ni Julienne Amper. Tumingala ako kasi napapalibutan nila ako. This is not good!

“Oh? Nasan napunta yung dila mo?” sabi naman ni Jenneh.

Drake, Aya, nasan kayo? Tulungan niyo naman ako…

“B-bakit niyo ba ako inaaway?” tanong ko sa kanila. Tumawa sila ng sabay sabay. Akala ko sa movies lang ’to nangyayari pero nangyayari na siya sa akin!

“You’re seriously asking that?” sabi ni Joy David.

“O-oo?” sagot ko. I’m scared!!

Umupo sa armchair ko si Julienne at bumulong sa akin, “cos you’re so selfish, missy. Kinuha mo na si Drake, dinamay mo pa si Tripp. Don’t you think that’s a little too overboard?” sabi niya habang pinaglalaruan niya yung buhok ko. Promise naiihi na ako sa kaba at nerbyos!

“K-kilala niyo si Drake?” tanong ko. 

Ngumiti si Jenneh sa akin, “he’s our batch mate but unfortunately, lumipat siya sa SCA for some unknown reasons, and for some VERY ruinous reason, naging girlfriend ka niya.”

Shems oo nga. Tiga Brent High nga pala si Drake! Bakit ko nalimutan yun?! Kaya pala palagi akong tinitignan ng mga babae dito kasi kilala nila si Drake at galit sila dahil ako yung girlfriend! Shems ano bang gulo tong pinasok ko?? Nag enroll ako sa school na pinamumugaran ng mga fan girls. Suicidal na ba ako??

“S-sorry,” sabi ko na lang kahit hindi ko naiintindihan kung bakit ko kailangang magsorry.

“Tss, as if may magagawa yang sorry mo. Watch your back na lang,” sabi nila tapos iniwan nila ako. Okay? Binantaan ba nila ako??

Natapos yung buong klase na natatakot ako. Seryoso, natatakot ako. Watch my back? Feeling ko, anytime na naglalakad ako bigla na lang akong malalaglagan ng paso sa ulo! Okay, nasobrahan na yata ako sa Koreanovelas na pinapanood ko!

After class, dumiretso na ako pauwi. I really feel exhausted kailangan ko ng massage!! Pinili kong maglakad pauwi. Mga fifteen minutes na lakaran ’to but I need time to think. Oo, minsan nag iisip din ako.

Nung napadaan ako sa park at nakita ko yung swing, napaupo ako ulit dun. Cursed yata talaga ’tong swing na ’to pero nauupo pa din ako. Gusto kong makausap si Drake pero wala naman akong number niya. Ayoko namang puntahan siya sa condo niya kasi nahihiya ako… tapos baka mamaya makita ko pa yung Pugita na yun. No way in hell!

After minutes ng pananahimik, nagdecide na akong umuwi. Itutulog ko na lang ’to! Baka bukas balik normal na ulit ang lahat. Naglakad ako pauwi pero kinakabahan ako. Ang weird. Weird kasi nakita ko yung sarili ko na papunta sa condo ni Drake…

Umakyat ako sa 19th floor at inencode ko yung passcode. Siguro naman okay lang yun, no? Binigay niya naman sa akin eh. Pumasok ako at at hinanap ko siya. Wala siya sa kusina, wala din siya sa kwarto. Baka naman umalis siya?

Papaalis na sana ako ng may marinig akong ingay… Naglakad ako papunta dun pero ako pa yata yung dapat magulat.

Ouch.

Tumakbo ako palabas ng condo niya ng umiiyak. Palagi na lang akong umiiyak, napapansin ko! Bakit naman kasi ako hindi maiiyak sa nakita ko?? Ikaw kaya makita mo yung boyfriend mo kasama yung babaeng first love siya palabas ng cr at pawis na pawis, sige nga anong iisipin mo?!!

Hindi na ako pumunta sa park kasi mamaya malasin na naman ako sa swing na ’yun!! Pumunta ako sa haven ni Dad. Dito na lang ako mananahimik.

“Alys? Ikaw ba yan?”

Lumingon ako at nakita ko si Tripp na papunta sa akin at may dala dalang pagkain, “bakit ka nandito?”

Pinunasan ko yung luha ko, “bakit ka din nandito?”

Binitawan niya bigla yung mga dala niyang pagkain, “bakit umiiyak ka na naman?!” tanong niya sa akin.

“W-wala,” sabi ko. Ayoko ng sabihin kahit kanino yung problema ko. Gusto ko maipon na lang siya sa loob ko para pag puno na siya, may lakas na ako ng loob para pumunta kay Drake at sabihin sa kanya kung gano na ako nahihirapan.

Umupo siya sa tabi ko tapos pinunasan niya yung luha ko, “five.”

“Ha?”

Pinupunasan niya pa din yung luha ko, “hanggang lima lang yung tolerance ko sa pag iyak mo, Alys. Nakakatatlo ka na. Pagdating ng lima, gagawin ko ng totoo yung joke ko. “

Chapter 43

Chapter 43

Ilang linggo na  ba yung nakalipas nung huli naming kita ni Drake? Dalawa yata. Hindi ko naman akalain na dadating din pala yung panahon na mapapagod akong magpunta sa condo niya. Akalain mo yun? Masakit din pala sa mata na ikaw na yung nag effort pumunta dun, ikaw pa yung maiiyak kasi makikita mo na kasama niya lagi si Shaira. 

“Yo. May pasok ka?” tanong sa’kin ni new found best friend na si Tripp. Lagi kaming magkasama, halos pwede niya ng palitan si Aya sa buhay ko. =___=

Umiling ako kasi kakatapos lang namang ng class ko. Nakakapagod pero masaya! Passion ko kaya ang magluto! Minsan nga si Tripp ginagawa kong guinea pig eh. Hahaha. Tiga tikim ng luto ko. Buti nga hindi nagrereklamo eh.

“Punta tayo sa SCA. Sem-starter nila ngayon,” sabi niya sa’kin. Oo nga pala, may sem-starter sa SCA. Tapos na kasi yung sa’min. May party sa school tapos open for outsiders. Pinapunta ko lang si Aya, Sheen, at Kent. Si Drake? Bahala siya sa buhay niya!!

Umiling ako, “ayoko nga. Punta ka kung gusto mo.”

“KJ naman nito. Tara na kasi.”

“Napakakulit. Ayoko nga.”

Nagpangalumbaba siya sa table kasi nasa lib kami. Alam niyo na, feeling studious mode. Hahaha! “Grabe ha. Akala ko ba friends forever na tayo?”

Tignan mo ’to! Mangongonsensya na naman! Talent niya talaga ’to eh, no?!

“Di na uubra. Nagamit mo na sa’kin yan.”

“Tss. Tara na kasi, Zyril. Wala ka namang klase eh. Daming booths dun oh!”

“Aish. Hindi mo talaga ako titigilan, no?”

Ngumiti siya. Jusko. Kaya madaming umaaway sa akin dito eh, masyadong nakakamatay mga ngiti nitong Marco na ’to!! “Ano pa nga ba? Napakakulit mo lang talaga!” sabi ko tapos pumayag na ako at inayos ko yung mga gamit ko.

Since walking distance lang talaga yung SCA mula sa Brent, naglakad na lang kami ni Tripp after niya akong samahan na ilagay ko yung mga gamit sa locker niya. Oo, sa locker niya. Leshe kasi yung mga babae dito!! Akalain mong lagyan ng patay na daga yung locker ko?! Ang baho tuloy! Hindi natinatablan ng Lysol! Buti nablackmail ko si Tripp na magshare kami sa locker niya. Bwahaha. Nakakalibre tuloy ako ng chocolates kasi nangunguha ako sa locker niya. Dami kasing admirer nito, madaming supply ng chocolate. u

Pumasok na kami sa SCA. Huhuhu. My dream school

Naglakad kami papunta sa main place ng carnival. Yieee. Kinwentuhan ako ni mommy sabi niya nung nag aaral sila ni daddy dito, nagpakasal sila sa wedding booth. Kainis!! Kung okay sana kami ni Drake ngayon, sana hahatakin ko siyang magpakasal whether he likes it or not!

“Uy, Tripp,” sabi ko tapos napatingin ako sa kaliwa ko pero wala naman akong katabi!! Inikot ko yung paningin ko bwisit bumibili ng cotton candy ang loko!! “Bwisit na ’to, iniwan mo ko!!”

“Tinawag kaya kita. Busy ka kasi sa pagddaydream. Gusto mo?” sabi niya sa’kin sabay offer nung pink colored na cotton candy na nasa stick. I want!! O

Kukunin ko siya pero kinain niya!! “Bumili ka. Hahaha!”

“Badtrip ka talaga!!” sabi ko tapos naglabas ako ng pera tapos bumili. Eto natutunan ko sa one month na friendship namin ng lalaking ’to. Magdadala ka dapat lagi ng pera. Huhuhu. Nung minsan wala akong pera, nagutom talaga ako. Ayaw kasi akong ilibre, mayaman na daw ako. Bwisit na dahilan yan!

Nakabili na ako ng purple colored cotton candy tapos naglakad kami palibot sa Fair. In all fairness, ang ganda ng fair! May mga rides, booths, games, may concert din. Dapat ganito din sa Brent. Bakit ba mas trip ng mga tao dun yung party? Tss. Palibasa puro maarte at pa-gwapo mga tao dun eh!!

Himala, kanina pa kami naglalakad ni Tripp pero hindi ko man lang nakasalubong ni anino ni Aya. Nasan na kaya yung luka luka na ’yun?!

“Uy, pare!” sabi nung lalaking naglalakad papunta sa’min, “long time no talk. Kamusta?”

Tumango lang si Tripp. Taray! Pa suplado effect lang? “Ayos lang. Ikaw?”

“Ayun, pressured.Hirap pala dito sa SCA eh. Ikaw? Habambuhay na sa Brent?”

Aba! Hindi ko yata gusto ang tabas ng dila ng lalaking ’to ha!!

Mukhang naiinis na din si Tripp. Kapal naman kasi ng mukha ng lalaking ’to! Hindi ka naman pogi excuse me, kuya!! “Ice lang. At least mayaman pa din kami. Kayo, tol? Musta business? Palugi na ba?”

Hahaha! Nice one, Marco! 

“Tss. Yabang mo pa din, Palma.”

Ngumiti si Tripp. Wait, Palma?!

“At least may ipagyayabang. Ge, tol. Alis na kami,” sabi niya sabay hatak sa kamay ko. Wait lang!! Palma?! 

Hinatak niya ako hanggang makarating kami sa bench part ng open field. Ang sakit ng wrist ko ha! Masyado namang makahatak ’tong Marco na ’to!

“Aray naman!”

“Sorry,” sabi niya tapos tinignan niya yung wrist ko, “masakit ba?” Tapos hinipan niya. 

Umiling ako tapos dahan dahan kong kinuha yung kamay ko. Nakakahiya kasi, ang daming nakatingin sa amin. Karamihan, mga batch mates ko. Siguro nagtataka sila kung sino ’tong kasama ko. Siguro din masaya sila dahil on the verge of cool off na kami ng heartthrob nila!!

“Okay lang. Uh, may itatanong ako sa’yo,” sabi ko. Nag nod naman siya kaya nagsalita na ulit ako. “Tripp Marco? Marco last name mo? Or Palma?”

Mukhang nagulat siya sa tanong ko. “Bakit mo tinatanong?”

“Kasi may kakilala din akong Palma… Baka magkamag anak pala kayo?”

Ngumiti siya, “bakit? Pareho ba kaming pogi?”

Hinampas ko siya, “seryosong tanong kasi!”

“Oo na. Tripp Marco Palma, 19, Single and ready to mingle with you. Ice ba?” sabi niya sabay kindat sa akin. Tignan mo ’to! Kunwari pa No Girlfriend Since Birth pero nag uumapaw sa kaharutan sa katawan! 

Umarte akong nasusuka, “feelingero talaga nito! Wait, so, may kakilala ka bang Drake Palma?”

Tumingin siya sa langit, ang ganda kasi ng sky, sobrang sky blue. Ang sapar picture-an. “Pinsan ko.”

O_______O

“WEH?!”

“Oo nga. Pero syempre mas pogi ako.”

“Seryoso? Pinsan kayo?”

“Eto, magtatanong ka tapos pag sinagot ko, ayaw mong maniwala. Gulo mo eh.”

Hinarap ko siya tapos hinawakan ko yung balikat niya, “shem, magpinsan kayo ni Drake?! For real?!”

Tumingin siya sa mata ko, “oo. Pinsan ko siya. Magkapatid yung tatay namin. Pareho kaming Palma, pareho kaming gwapo. It runs in the blood.” Seryoso niyang sabi sa akin.

Hinampas ko siya ng isang malakas. “Bwisit ka!! Pagkatapos ng lahat ng iniyak ko sa’yo, pinsan mo pala si Drake! Nakakainis ka!!” sabi ko sa kanya habang hinahampas ko pa din siya. Siguro sobrang natatawa siya sa mga pag iyak ko. Pinsan niya pala yung Sebastian na yun!! Grrrr!!

“Bakit ka ba naiinis sa akin?” sabi niya pero hinahayaan niya lang ako na hampasin siya.

“Eh kasi syempre pinsan mo yun. Blood is thicker than water. Syempre mas kakampihan mo siya!”

Hinawakan niya yung kamay ko na humahampas sa kanya, “but love is the thickest of them all.” Binaba niya yung kamay ko tapos pinat niya yung ulo ko, “don’t worry. Kakampi mo ako palagi.”

At dahil jan, napangiti na lang ako.

//

“Besh!!” sabi ni Aya sabay takbo papunta sa akin. May klase pala siya kanina kaya hindi ko siya nakikita. At si Kent, bilang forever inlove na boyfriend ni Aya, ay hinintay siya sa labas ng classroom niya. Ang sweet nila no? Nakakainggit!!

Minsan dream ko din na ako yung hihintayin ni Drake sa labas ng classroom ko tapos maglalakad kami ng sabay tapos madaming titingin sa amin. Maraming maiinggit na babae kasi ako lang yung gusto ni Drake. Asa na lang sila! Pero syempre pangarap na lang yun.

Nagyakapan kami ni Aya tapos napangiti na lang si Sheen at Kent sa amin. Eh bakit ba?! Namiss ko best friend ko eh!!

“Waaah! Pumayat ka, Besh! Anyareh sa’yo sa Brent? Wala bang pagkain dun??” tanong ni Aya tapos tinignan niya ako from head to toe.

“Hindi ah. Magkakahiwalay kasi building ng room ko kaya lakad ako ng lakad. Ikaw? Gumaganda ka lalo ha!! Inspired na inspired kay Kent eh!!” tukso ko sa kanila. Inakbayan naman siya ni Kent. Huhuhu. Naiinggit ako sa kanila.

“Naman, buti nga medyo bumabait na ’tong kaibigan mo, Alys. Medyo hindi na nananapak,” sabi ni Kent. Bigla tuloy siyang binatukan ni Aya.

Napatingin si Aya kay Tripp, “wait, siya ba si Tripp, Besh?” Tumango ako, “hi, Tripp.” sabi ni Aya sabay twinkle ng mata. Akala mo wala sa tabi niya si Kent eh!!

Nagnod lang si Tripp. Uy, pa cool effect si Kuya!! Hahaha!

“Tripp, si Aya, si Kent, si Sheen.”

Nagnod ulit si Tripp sa kanila. “Kilala ko si Sheen,” sabi ni Tripp.

“Oh? Magkakilala kayo, Sheen?”

Tumango si loves. Sorry, nasanay na ako na loves tawag ko kay Sheen. Hehehe. Pero syempre platonic love na lang yun. Forever best guy friend ko yang si Sheen! “Batch mates kami sa Brent dati,” paliwanag ni Loves.

Tumango tango na lang ako. Pumasok kami sa cafe sa school. May coffee shop dito tapos ang cute ng waitress!! 

“Ayoko ng kape, Besh. Tara, samahan mo ko magmi Milk Tea ako dun sa labas?” sabi ni Aya. Tumango na lang ako tapos iniwan namin yung mga boys dun. Huh. Bahala sila sa buhay nila dun. Girl bonding muna kami ni Aya!!

Naglakad kami tapos biglang huminto si Aya.

“Isang tanong, isang sagot. Ano kayo ni Tripp?” sabi ni Aya with matching scrutinizing eyes. Aba!! Mapanghusgang mga tingin yan, ha!

“Oy grabe ka ha! Friends lang kami!”

“Friends? Friends ka jan! Hindi kayo friends!”

“Eh di best friends!”

“Lokohin mo si Kent, wag ako. May something talaga sa inyo ni Tripp eh. May something na hindi ko ma explain!”

Pinabayaan ko na lang mag isip si Aya. Napaka chismosa lang talaga nito. Wala namang something samin ni Tripp. Duh? Sino magkakagusto sa lalaki na hahayaan kang mamatay sa gutom dahil ayaw ka niyang ilibre dahil mayaman ka naman daw?! Nako!! Naiinis pa din ako pag naaalala ko yun!

Dahil ang kulit ni Aya, kinwentuhan ko siya ng lahat ng nangyari sa akin. As in lahat lahat. Namiss ko ’to! Wala na kasi akong masyadong nakakausap simula nung nagstart ang college life ko. Ngayon naman, mas lalo akong walang makakausap dahil pinsan pala ni Drake si Tripp! Syempre nakakahiya naman na magkwento ako eh pinsan niya si Drake…

After kong matapos magkwento, “grabe. Sabi ko na nga ba eh, wala talagang magandang madudulot yang Shaira na yan!”

“Bakit?”

“Alam mo ba, lagi kaya silang magkasama ni Drake! Nung una naiinis din ako kasi syempre BFF tayo. Palagi namang pinapaliwanag sakin ni CB na ganun lang daw talaga si Shaira kaya wag na daw akong mainis. Kahit na kasi!! Sobrang nakakainis silang dalawa! Akala mo walang girlfriend si Drake kung makaasta dito eh! Magbreak na nga kayo!”

Ngumiti na lang ako ng pilit. Tama ba si Aya? Dapat ba magbreak na lang kami ni Drake?

Niyakap ko si Aya, “thanks, Besh.”

Niyakap niya din ako pabalik, “ano ka ba, friends forever nga eh.”

Nagyakapan kami. Ang swerte ko talaga kay Aya! Siya talaga ang soulmate ko, tapos second in line si Sheen tapos third in line si Tripp. Ang swerte ko kasi kahit konti lang ang friends ko, sure ako na love nila ako!

Biglang nagring yung phone ni Aya. Lumayo siya kaya naman ininom ko muna yung Milktea ko. Heaven! Ang sarap. Bakit walang branch nito sa Brent? Unfair ha!!

“Besh, sorry. Nagka problema sa design namin. Kailangan kong bumalik sa room…”

Nangiti ako tapos nag nod ako. I’m so proud of Aya! Nagiging responsible na siya. Sobrang good influence si Kent at ang environment ng SCA sa kanya!

Umalis na siya, itetext niya na lang daw si Kent. Aren’t they the sweetest? Nung una akala ko hindi magtatagal si Aya at Kent dahil sobrang opposite nila. But opposites do attract nga talaga. Akalain mo, ilang buwan na sila! And counting pa!

Naglalakad ako pabalik sa cafe. Fini figure out ko yung way back. Ang laki kasi ng filed dito tapos nakakalito pa dahil madaming booths, hindi ko malaman kung saan ba ako nanggaling. Goldfish pa naman memory ko.

unregistered number

calling…

Huh? Sino naman kaya ’to?

Sinagot ko na siya baka kasi importante.

“Hello?”

(“To your right.”)

“Huh?”

(“Turn to your right.”)

Sinunod ko yung sinabi nung lalaki sa phone, tumingin ako sa kanan ko. Muntik ko ng mahulog yung iniinom kong Milktea. “Drake…”

Hawak hawak ko pa din yung phone ko, (“come to me.”)

Dahan dahan akong naglakad. Natatakot kasi ako na pagpunta ko sa kanya, bigla na lang makita ko si Shaira. Nakadevelop na yata ako ng Shairaphobia, fear of octopus.

 Tinapik niya yung space sa gilid niya, “seat.” Dahan dahan akong umupo sa tabi niya. Sobrang namiss ko ’to…

“K-kailan mo pa nakuha yung number mo?”

“A month ago?”

Parang gusto kong maiyak. Ganun na pala katagal?

“Bakit hindi mo man lang ako tinawagan?”

He shrugged, “should I’ve called you?”

Ngumiti ako kahit ang totoo, ang hirap hirap na. Nahihirapan na ko. Namimiss ko na yung buhay ko na simple lang, puro Math lang problema ko. Ngayon kasi mas kumplekado. Mas magulo pa kaysa kung ilan ang matitira sa 60 na pakwan ni Pedro.

Umiling ako, “hindi naman. Syempre, sino ba naman ako para tawagan mo?”

“My girlfriend?”

Buti na lang pareho kaming nakatingin sa langit. Nakakahiya naman kasi kung makikita niya yung luha ko na tumulo. “Tignan mo, girlfriend? Parang hindi ka pa sure na girlfriend mo ako ah.”

Binaba niya yung tingin niya tapos tumingin siya sa akin, “why are you crying?”

I smiled at him even though it hurts. “Wala, naiiyak lang kasi ako. Wala naman dahilan para maiyak ako. Hindi naman pwedeng dahilan yung hindi ako pinapansin ng boyfriend ko. Hindi din pwede yung mas pinapansin niya pa yung babaeng first love siya. Hindi din naman pwede yung ang tagal kong naghihintay na halos magmukha na akong tanga kasi hindi ko alam kung pano siya cocontact-in pero yung pala, all along nasa kanya na yung number ko. Tignan mo. Wala talagang dahilan para maiyak ako, di ba?” sabi ko tapos tuluy tuloy na tumulo yung luha ko.

Sabi ko na nga ba hindi magandang idea na pumunta dito eh. Tripp naman kasi… Dinala mo ko dito, nasan ka ba? Alis na tayo…

Hinawakan niya yung mukha ko tapos pinunasan niya yung luha ko. “I’m sorry.”

Yan. I’m sorry. I’m sorry lang ba talaga ang katapat mo, Alys?

“You’re sorry pero uulitin mo naman. Drake, napapagod na ako. Kung ayaw mo naman sa’kin, sabihin mo na lang. Wag naman yung ganito. Wag naman yung para akong tanga. Ang unfair naman yata nun…”

Sorry, mommy. Sorry kasi naiiyak talaga ako. Hindi ko na alam, naiiyak na lang talaga ako…

“I’m sorry. I– I didn’t know you feel that way.”

I smiled at him. “Of course you didn’t know. You never asked, Drake. You didn’t ask that’s why you’ll never know.”

Tumayo ako.

“I did my best. Pero sa tingin ko hanggang dito na lang tayo.”

Aalis na sana ako pero hinawakan niya yung braso ko, “are you breaking up with me?”

I nodded, “minsan may pakinabang din yung talino mo. Yes, I’m obviously calling it quits, Drake. You’ve inflicted too much damage. Please let me go.”

He shook his head. “Breaking up is mutual , Alys Zyril Perez. And I don’t want to.” Sabi niya tapos umalis siya.

Ano ba talagang gusto mo, Drake?

Naglalakad ako paalis. Uuwi na lang ako. Wala na akong gana pumasok ngayon.

From: Tripp

Four down, one to go. Isa na lang, mararanasan mo na yung joke ko.

Chapter 44

Chapter 44

Umuwi na ako mag isa pagkatapos kong mabasa yung text ni Tripp. Wala ako sa mood makipagusap sa kanya tungkol sa mga jokes niya.

“Alys, honey, what’s wrong?”

Nagulat ako nung nakita ko si Tita Liana sa bahay namin. Namiss ko siya! Parang second mom ko na din kasi siya dahil fiance siya ni Dad. Super bait niya!

Umiling ako, “wala po. Bakit po kayo nandito?” I asked.

Ngumiti siya sa akin tapos tinuro niya yung mga paper bags na nagkalat sa living room namin. “I just landed from SG. And I’m very excited to give you your pasalubongs!” Sabi niya. Mejo slang magsalita si Tita Liana since Half-German siya.

Hinug ko siya, “wah! Thanks, Tita!”

She patted my head, “no problem, kiddo. Where’s your mom?”

Nagshrug ako. Baka kasi nasa office si Mommy. Hapon pa lang kasi, mamayang pagabi pa yun uuwi. Pati si daddy. All alone ako sa bahay, buti na lang napadaan si Tita Lian.

She winked at me, “good, then. You know I can’t handle your mom.” Then she laughed. True kasi! Hindi sila magkasundo ni mommy sa kahit na anong bagay! Pareho naman silang mabait, maganda, tapos medyo related din yung trabaho nila since designer si mommy tapos event coordinator si Tita. Weird.

Naupo kami sa tabi ng fish pond sa garden. Ewan ko ba kung bakit may fish pond sa bahay namin. Minsan kasi hindi ko maintindihan trip ni daddy sa buhay. Siya kasi nagdesign ng bahay namin kaya ang weird ng bahay namin.

Naalala ko, buti na lang nandito si Tita Liana kasi at least hindi ako mag-iisa. Pag nag isa kasi ako, malamang sa malamang iiyak lang ako. At ayoko ng umiyak, please lang. Hindi ako nabuhay ng 17 years para umiyak ng umiyak lang.

“So?” Tanong ni Tita Liana.

“Ano po?”

She poked me, “come on, kiddo! Your dad told me you got yourself a boyfriend. Wanna talk about him?” Tapos nginitian niya ako ng parang nanunukso. Napaka chismoso talaga ni dad nakakainis!!

“No, tita. Hindi ko boyfriend si Tripp,” sabi ko. Kainis. Bakit ba ini-issue kami ni Tripp? Duh! Pinsan niya kaya si Drake! Ano ko? Palipat lipat lang sa magpinsan? Nakakaloka!

She pouted omo napaka cute!! “Why? Cy told me Tripp’s a nice guy.”

Ew. Kasuka suka!!

Nagsmile na lang ako para iwas chismis oha! “No, Tita. He’s super mean!!”

“Oh? Tell me about him!”

Ayun nga, nagkwento ako kay Tita Liana tungkol sa wonder adventure namin ni Tripp. From day 1 to the present. Kahit anong pilit kong iwasan yung topic tungkol kay Drake, napupunta pa din dun. Parang inevitable? Ganun. So sa huli, dun din ako natapos sa nakakapangambang text ni Tripp. Ano ba meaning niya?! Joke as in siya na lang? Joke niya mukha niya kakainis!!

Nagnod siya. “You know? For once, I agree with your Dad. Tripp seems nice. Why don’t you just dump your ass of a boyfriend and move on with Tripp?”

Natigilan ako dun. Kahit na sobrang sama ni Drake sa akin, hindi ko maisip na iwan siya. Sobrang nabigla lang talaga ako kanina kaya nasabi ko yung tungkol sa break up… Sabihin niyo na na masokista ako pero hindi ko talaga kaya… Drake’s a part of me. Kahit na mean siya or sweet siya, mahal ko siya. Ganun naman yun, di ba? Loving someone means loving him completely and unconditionally.

Umiling ako kay Tita, “no, hindi ko po kaya eh.”

Nakita ni Tita na nangingilid na naman yung luha ko. Nung na feel ko na maiiyak na ako, napatingin ako sa paligid ko! Mamaya kasi nandyan na naman si Tripp tapos bigla maka receive na naman ako ng weird na text niya! Swear minsan natatakot na akong magbukas ng messages dahil sa kanya.

Niyakap ako ni Tita at kiniss niya yung noo ko, “aww. My baby Alys is finally a lady. I’m so proud of you.”

Niyakap ko din si Tita. Parang second mom ko na kasi siya. Syempre parang mom ko na din sila Tita Sara, Tita Kim, at Tita Nof. Mas lamang nga lang si Tita Liana kasi fiancé siya ni dad.

“By the way, kiddo. What do you want for your birthday?” Excited na tanong ni Tita. Shems! Sobrang nawala na sa isip ko yung debut ko! Next, next week na nga pala yun!

Matagal kong pinag isipan yung gusto kong maging regalo. Siguro naman kayang ibigay ni dad yun. “Uhm, Tita?”

“Yes?”

“Sa tingin mo po ba bibigyan ako ni dad ng condo?”

Nagsmile si Tita. “Condo? Why? Don’t you want to live with your mom? She’s too loud kasi, no?” Natawa ako! Hahaha! Kung narinig to ni mommy sigurado magbabangayan na naman sila ni Tita. Minsan talaga naccurious na ako kung bakit sila hindi magkasundo. Tanong ko nga minsan kay dad.

Umiling ako. “No, of course I love my mom. It’s just that… I wanna live next to Drake.” I admitted. Oo na ulit, ang tanga ko. Sorry naman. Ang tagal na naming magkakilala ni Drake, halos magoone year na. Sa loob ng one year na yun, ang dami kong natutunan, ang dami kong naging memories. Naging masaya ako, syempre hindi naman ako basta magggive up. I’ve been through a lot. Ngayon pa ba ako susuko?

She smiled at me warmly, “do you really want that?”

I nodded.

“Alright, then. I’ll tell your dad and convince him for you.”

“Wah! Thanks, Tita! I so love you talaga!”

“I love you, too, kiddo.”

Binigay ko yung address ng condo ni Drake. Tama na yung pananahimik ko, I think it’s time to be territorial.

Umalis na si Tita. Sana pumayag si dad! Pag hindi siya pumayag, sana pumayag si daddy. Kahit sino bigyan niyo ako ng condo!! Susunod kahit si Tito Clarence lalapitan ko na din! Nadedesperado na ako.

After sometime, dumating na si mommy at daddy.

“Where’s Drake?” Tanong ni mommy muntik na tuloy akong mabulunan! Kumakain kasi kami tapos bigla bigla na lang siyang nagsasalita ng ganyan!

Inabutan ako ni daddy ng tubig. “Ah-eh, nasa condo niya po?”

“Well, tell him to come by tomorrow. Siya ang escort mo sa debut, right?”

“Ah-eh… Sige po,” sabi ko na lang. Ayoko ng magpaliwanag ngayon. So tired and everything. Si Sheen na lang siguro ang kapartner ko. For sure naman kasi, hindi papayag si Drake. Tss. Okay fine! Kakausapin ko siya mamaya. Sa phone na lang. Hindi ko kaya sa personal eh, nakakakaba.

“By the way, Dane will come home next week,” sabi ni mommy.

“WEH?”

Pinanlakihan ako ni mommy ng mata tapos natawa si daddy. “Sorry po,” sabi ko. Sorry naman sa reaction ko! Nagulat lang!

“Yes. Since it’s your debut next, next week, Dane will spend a week here. Since Spring break naman nila dun,” mommy explained. My gosh! Naexcite ako bigla sa mga mangyayari!

Nangiti ako. “Matutuwa si Felice nito!”

Mom nodded, “yes. She’ll come as well. Your debut will be very beautiful, Alys.”

Sana nga, mom. Sana nga.

After dinner, umakyat na ako sa kwarto. Tatawagan ko si Drake. Maybe magsosorry ako sa nasabi ko?

“Hello?”

(“Why are you calling?!”)

Binabawi ko na. Bakit ako magsosorry?!

“Bakit mo hawak yung phone ni Drake?”

(“What do you care? Bakit ka ba tumatawag kasi?!”) sabi ni Pugita.

“Bigay mo kay Drake… Please.”

(“He’s asleep. Alam mo namang gisingin ko siya for you? Duh!”)

“B-bakit ka nasa unit ni Drake?”

Please sabihin mo nag study lang kayo. Please, please.

(“Hulaan mo.”)

Tapos binaba niya yung phone. Konti pa, Alys. Wag ka munang sumuko. Gusto ko pag sumuko ako, yun yung point na masasabi ko sa kanya na ginawa ko lahat. Ginawa ko lahat lahat kaya wag mong sabihin na ako yung bumitaw.

//

Today is another day! Papasok na ako pero please sana po Lord wag kong makita kahit sino. Sana po normal na araw lang ’to, walang drama, issue kahit na ano! Gusto ko lang pong mag aral ng matiwasay.

Habang naglalakad ako papunta sa building na pagkaklasehan ko, patingin tingin ako sa paligid ko. Ayokong makita si Tripp ngayon! Bothered ako sa mga sinabi niya sa akin… Hindi ko alam kung pano ko siya kakausapin. Nacoconfuse ako, okay?

“Iniiwasan mo ba ako?”

O___________O

“T-tripp? Hehehe.”

“Iniiwasan mo ba ako?” sabi niya sabay corner sa akin sa gilid. Huhuhu! Hindi ko gusto yung pupuntahan nito!!

Dahan dahan akong umiling. Slowly but surely. Medyo malapit kasi sa akin yung mukha ni Tripp, konting galaw lang magkakadikit na yung ilong namin!

Ngumiti siya. “Good. Kasi noong pinapasok mo ako sa buhay mo, wala na akong balak lumabas.”

O-kay. Huhuhu! Eto na naman siya sa lines niya! Nakakalito na talaga siya! Konti na lang!!

“San ka pupunta?”

“Uh, sa klase ko?”

“Hatid na kita.”

“Wag na!”

Mukhang na hurt siya sa sinabi ko. Bad Alys! “Ah, sige una na ko.”

Shems nakokonsensya ako!!

Hinabol ko siya at pinigilan. “Eto naman masyadong sensitive. Tara hatid mo na ako.” Ngumiti siya at swear bakit parang pumopogi si Tripp? Bwisit! Naglakad kami papunta sa lift. Medyo sa 4th floor pa kasi yung klase ko. Medyo nagtataka din ako kung bakit ako kasama ni Tripp, ang alam ko kasi may klase siya ngayon. Medyo kabisado ko na nga schedule niya kasi lagi kong nakikita sa locker niya. Share kami ng locker, remember?

“Bakit ka nga pala nandito? May klase ka di ba?”

Nagshrug siya, “free cut eh. Sit in muna ako.” Pumayag ako since lecture class lang naman ’to. Ang boring ng ethics! Bakit ba may ethics ako? Nakakaloka! Mas gusto ko pang tanungin si Tripp. Ang alam ko, close sila ni Shaira. Nakausap ko kasi si loves dati, sabi niya halos best friend na daw si Shaira at Tripp kaya nga medyo naiilang akong kasama si Tripp. Malay ko ba kung constituent siya ni Pugita!

“Tripp?” tanong ko, medyo nasa gilid at likod naman kami. Large lecture hall naman ’to kaya safe kaming mag usap.

“Oh?”

“Pwedeng magtanong?”

Nagnod siya kaya nagtanong na ako. May tiwala ako kay Tripp. Nung sinabi niya sa akin na kakampi ko siya palagi, naniwala ako dun. Sana wag niya akong lokohin kasi pag niloko niya ako, ewan ko na lang kung kaya ko pang magtiwala. Niloko ako ni Drake pati ni Tripp? Baka magkaron ako ng trust issues sa mga lalaki.

“Si Shaira? Wala. Hindi na kami nag uusap nun eh. Bakit?”

“Wala… Uhm, gaano sila ka close ni Drake?”

Mukhang nag iisip siya. “Close? Ewan ko lang. Nung nagsecond year kami, biglang naging mas tahimik si Drake kaya naging bitch si Shaira. Mabait naman yan dati, simula lang nung mukhang may naging girlfriend si Drake tsaka siya nagsimulang maging madita. Bakit mo natanong?”

Ah, si Tita Katrina pala. So, close pala talaga sila before Tita Katrina. Kung hindi dahil kay Tita Katrina, malamang si Drake at Shaira na ngayon. Ako ba talaga yung epal?

“W-wala…”

Natapos na yung class, nagpasama si Tripp na lumabas kaya sinamahan ko siya since wala na din naman akong klase. Incoming midterms na kaya maraming free cut. Naglalakad kami sa labas nung may makasalubong kaming lalaki.

“Dad?”

“Son! Kanina pa kita hinahanap eh. Sino ba yang kasama mo?” tanong niya sabay tingin sa akin. OMG! Tito ni Drake!

“Ah- ako nga po pala si—”

“Girlfriend ko po.” Sabi ni Tripp sabay akbay sa akin!

GIRLFRIEND KA JAN!!

Ngumiti yung Dad niya. “So, you’re my son’s girlfriend. I’m his dad. Call me Tito Tristan.”

SHETS! ANO BA YUNG NANGYAYARI!

“You look really pretty, hija. Papakilala kita sa pinsan ni Tripp. Sandali lang at tatawagin ko si Drake.”

OH SHET!

Chapter 45

Chapter 45

“A-aray!” sabi ko habang hinahatak ako ni Drake. Pagkatapos sabihin ni Tripp na girlfriend niya ako at pagkatapos lumabas ni Drake mula sa van, hinatak niya na agad ako. Siguro takang taka si Tito Tristan kung bakit hinahatak ng pamangkin niya ang girlfriend ng anak niya! Ako din kasi naguguluhan!

Nahinto kami sa tapat ng SCA. Hawak hawak ko yung kamay ko. Hindi naman mahigpit yung pagkakahawak ni Drake, napilipit lang ako ng konti kasi pilit kong hinahatak pabalik yung kamay ko kanina.

“Sorry,” sabi niya habang tinitignan niya akong hilutin yung kamay ko.

Napabuga na lang ako ng hangin. “Sorry? Sorry na naman?”

Gustung gusto ko siyang tanungin ng madaming madaming bagay pero ewan ko, natatakot ako. Hindi pa kasi ako handa sa kung anuman yung maririnig ko.

“Why are you with him?” Tanong niya sa akin tapos bigla siyang natawa. “Stupid question. Of course you’re together.”

Napanganga na lang ako sa narinig ko! Pinagbibintangan niya ba ako?!

“Wait lang, ha. Pinagbibintangan mo ba akong… niloloko kita?!”

Tinignan niya ako sa mata. “Why? Weren’t you?”

Wow! Pwede bang himatayin ako? Ako pa? Ako pa ang nanloloko?! Seryoso ba si Drake?

“Naka drugs ka ba?” Seryosong tanong ko sa kanya.

“No. How about you? Are you on drugs?”

“Hindi din!”

He shrugged. “Then why were you with my cousin?”

“Eh bakit kasama mo si Shaira?”

There. Natanong ko na. Bumuntong hininga siya. “I was busy…”

“Busy san? Busy ka talaga na wala kang time na puntahan ako kahit 5 minutes lang?!”

He looked me in the eye and nodded. “Trust me on this one, alright?”

Umiling ako. Ayoko. Ayoko ng magtiwala sa kanya. Tuwi na lang magtitiwala ako, ang bagsak ko palaging umiiyak sa kwarto mag isa. Eto na yung kinakatakot ko eh. Nagkakaron na ako ng trust issues. Ayoko namang maging paranoid pero hindi ko maiwasan. Lalo na na nanjan lang si Shaira sa tabi tabi… Willing na agawan ako ng boyfriend anytime.

He sighed. “Since when did you become so hard headed?”

“Since last week. Ang tagal nating hindi nagkita eh. Dami ng nagbago sa akin.”

He looked quite sad. Bakit? Namiss mo ba ako, Drake? Sa loob ng halos three weeks nating hindi pagkikita, namiss mo ba ako? Kahit konti lang?

Ngumiti siya sa akin at hinawakan yung kamay ko. “Let’s go to our house?”

Hindi ako nakapagsalita dahil dinala agad ako ni Drake sa sasakyan niya. Medyo kinilig naman ako nung sinuot niya yung seatbelt ko! Habang sinusuot niya bigla siyang tumingin sa akin tapos bigla niya akong kiniss! Mygosh!! Eto na nga ba eh! Isang kiss lang, nawawala lahat ng galit ko! Bakit ba ganun? Sobrang unfair! Dapat galit ako ngayon eh!

Nakarating kami sa bahay nila. Wait, bakit ang daming sasakyan??

“Ano’ng meron?” Tanong ko sa kanya nung bumababa kami ng sasakyan.

“Family reunion,” sabi niya casually.

WHAT?! FAMILY REUNION TAPOS NAKASUOT AKO NG CA UNIFORM WITH MATCHING STRAWBERRY SYRUP STAIN?!

Binuksan ko pabalik yung sasakyan niya at pumasok uli ako sa loob. Medyo malapit lang naman yung bahay namin dito, pwede siguro akong maglakad pauwi??

Kinatok ni Drake yung bintana ng sasakyan niya. Binaba ko yung bintana at umiling. “Ayoko.”

“Stubborn.”

“Ayoko nga! Ang pangit pangit ko!”

Inirapan niya ako. OMO Namiss ko yun! “Don’t worry, my cousins are ugly as well. You’ll blend in.”

Wow! Akala ko, don’t worry, you look beautiful, Alys. Bakit nga ba ako nag expect? Si Drake yan eh!

In the end, napalabas niya din ako sa sasakyan niya. War pa din kami ni Drake, pinalampas ko lang yung moment ngayon! After nito, hindi ko siya kakausapin hanggang hindi niya sinasabi sa akin kung bakit sila magkasama ni Shaira pugita!

“Alys!!” sabi ni Tito Steve! WAAAAAAAAAH! Katabi niya si Tita Katrina! Halatang halata na buntis siya sa isang bata na for sure unang matututunang word ay Tss!

Niyakap ako ni Tito Steve. Ang tagal naming hindi nagkita eh! Nafeel ko naman bigla yung tensyon kay Drake at Tita Katrina! Nag uusap kaya sila dati? Hmmm. Ayoko ng problemahin yan. Si Shaira nga, sobrang sakit na sa ulo. Dadagdagan ko pa ba ng Katrina? Hindi naman ako masokista!

Niyakap din ni Tito Steve si Drake at pumasok kami sa loob. Ang daming tao, shemas! Napaka dugyot kong tignan! Hindi ito ang iniisip kong Meet The Family scenario!

Pinakilala ako ni Tito Steve sa mga Tita, Tito, Pinsan, and everywhere. OMO. Puro Palma in the house! Ano bang sinasabi ni Drake na pangit?! Ang gaganda at pogi ng mga pinsan niya, I mean, third cousin pala dahil sila lang ni Drake and first cousin. Bwisit na yan!

“Tristan,” sabi ni Tito Steve nung napalapit kami kay Tripp na prenteng prenteng umiinom ng cola. Bwisit na yan! Balak niya bang patayin ako sa sama ng loob at nerbyos?! “Girlfriend nga pala ni Drake, si Alys.”

Mukhang naweirduhan ng todo si Tito Tristan. Kasalanan po yan ng anak niyo! Inosente ako!

“Girlfriend?” Tanong niya. Buti na lang at wala si Drake, medyo naharang ng mga Tito niya. Si Tito Steve lang kasi mapilit na ipakilala ako at iparada sa buong angkan nila. Bago pa masagot ni Tito Steve ng oo si Tito Tristan, may tumawag sa kanya. Naiwan ako, si Tripp, at si Tito Tristan na magkakaharap. Spell awkward?

“Ah-eh–” sasagot sana ako pero nagsalita si Tripp.

“I dumped her. Boring eh. Tapos sila na ni Drake. Ice no?” sabi niya sa tatay niya tapos hinatak niya ako papunta sa backdoor nila Drake. 

Hinampas ko siya ng malakas. “Sira ulo ka! Ano ko, playgirl?!”

Tatawa tawa siya sa akin. Bwisit talaga ’to!

“Joke lang naman.”

“Anong joke?! Sana sinabi mong joke sa tatay mo! Mamaya isipin nun madumi akong babae!”

Umarte siyang nasasaktan. “Aray naman. Para mo namang sinabi na madumi akong lalaki.”

Piningot ko yung tenga niya. “Hindi na uubra sakin yang drama mo. Kainis ka!! Bawiin mo yun sa Papa mo!”

Umiling siya. “Ayoko nga.”

“Tripp naman kasi!!”

“Ayoko.” Sabi niya tapos naupo siya sa edge ng pool. Nasa backpart kami ng bahay nila Drake eh. Nandito yung wonderful pool nila. Mas okay na ’to kaysa sa fish pond sa loob ng bahay namin. “Minsan lang naman, pagbigyan mo na ko.”

Mukhang malungkot siya. Minsan ang weird ni Tripp. Sobrang lakas niyang mang asar pero minsan sobrang lungkot niya din. Minsan nga gusto ko na lang siyang yakapin kasi nakakaawa yung kalungkutan niya. Siguro dahil wala siyang mommy?

Medyo binunggo ko yung balikat ko sa balikat niya. “Sige na nga. Pero last na yun ha? Wag mo ng uulitin.”

Nginitian niya ako. “Masyado kang mabait, alam mo yun?”

Nginitian ko din siya. Mabait ako kasi hindi ko kayang maging masama. Weird ba?

“Alam ko.”

“Minsan try mong magsungit. Masyado kang nakaka in love eh.”

Binatukan ko siya. “Isa pa, tatamaan ka na sa’kin!”

Natawa siya sa akin tapos ginulo niya yung buhok niya. “Yan hirap sa’yo eh. Masyado mong hindi sineseryoso sinasabi ko sa’yo. Magkakaproblema ka niyan, sige ka.”

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya. These past weeks kasi, ang daming sinasabi ni Tripp sa akin. Madalas hindi ko na lang pinapansin kasi kadamihan dun ay puro pickup lines. Minsan masarap na lang mag t(-_-t) sa kanya pero syempre good girl ako kaya hindi ko ginagawa yan. Isang malakas na batok lang bawat pickup lines ang nakukuha niya. Akala tuloy ng ibang tao, boyfriend number 2 ko si Tripp! Masyado daw kaming close. Aba, may choice ba naman kasi ako?!

Nagkwentuhan lang kami, medyo nakalimutan kong si Drake nga pala yung dapat kasama ko. Ang sarap kasing kausap ni Tripp. Puro jokes lang sinasabi niya sa akin. Minsan sumasakit na yung panga ko katatawa sa kanya. Pag nga pumupunta kami sa coffee shop para mag aral, ginagawan niya ng kwento yung mga tao sa coffee shop. Minsan, horror story, kadalasan suspense. Promise, ang sarap lang iuwi sa bahay ni Tripp tapos ikulong sa cage at gawing pet parrot!

“Tripp, bakit lagi kang malungkot?”

“Ha? Ako, malungkot?”

Tumango ako. “Kahit naman nakatawa ka, halata na malungkot ka. Akala ko ba friends tayo? Share ka naman jan…”

Ngumiti siya tapos binitawan niya yung can ng cola na kanina niya pa hawak. “Sorry kung ang weird ko. Ano kasi eh…” Natahimik lang ako at hinayaan kong magsalita si Tripp. “Nag asawa na kasi yung Mama ko. Akala ko kasi may pag asa pa silang magkabalikan ni Papa, wala na pala.” 

Niyakap ko si Tripp after nun. Naaawa ako sa kanya! Alam ko kasi yung feeling ng mawalan ng pamilya, madalas kong mabasa sa libro eh. Tapos ewan ko, malungkot din ako kasi hindi ko kakilala yung mga lolo ko kay dad. Alam ko naman na may reason pero syempre malungkot ako. Sabi naman niya papakilala ako after kong mag18. Haay. Mahirap talaga pag family problem kaya naiintindihan ko yung pagka weird ni Tripp.

Nakasandal lang yung ulo niya sa balikat ko.

“Alys?”

“Hmmm?”

Bigla niya akong kiniss sa cheeks at tumayo. “Sorry, hindi ko mapigilan. Sige, alis na ko.”

O_________O

Bago pa ako makapagsalita, wala na siya sa harapan ko. What… the fudge happened?!

After ilang minutes, bumalik ako sa bahay nila. Medyo tulala pa din ako sa mga nangyayari. Wala na talaga si Tripp, umalis na yata. Aba dapat lang! Sasapakin ko talaga siya!! Kakainis!! Argh!!

“Where have you been?” Narinig kong may bumulong sa tenga ko. Oh, jusko. 

“W-wala. N-nagpahangin lang ako.”

Nginitian ako ni Drake at hinawakan niya yung kamay ko. Shemas, nagguilty ako! Bakit nabaliktad yung sitwasyon?! Bakit parang ako yung naging masamang girlfriend at hindi si Drake ang masamang boyfriend?! Ugh! Tripp, ikaw talaga may kasalanan nito!

Chapter 46

Chapter 46

Natapos na yung reunion nila pero kami ni Drake, magkasama pa din. Siguro dahil na din ayaw akong paalisin ni Tito Steve at nagdemand siya na dito na ako magdinner. Either way, ayoko pa din namang umuwi. Gusto ko pa dito, kasama ng boyfriend ko. Ang tagal naming hindi nagkasama eh. At isa pa, marami pa kaming dapat pag usapan.

Ayoko na patagalin pa ’to kaya dapat ayusin na namin. Baka kasi lalo pang lumala kung papalipasin namin. Seryoso ako nung sinabi ko na gusto ko si Drake. Gagawin ko yung best ko para magtagal kami.

“What are you thinking?” Tanong sa akin ni Drake. Nandito kami sa garden nila, tinitignan naming isa isang mag alisan yung mga kamag anak nila.

Umiling ako. “Wala. Namiss lang kita.”

Ngumiti si Drake kaya sobrang nanibago ako. Madalas kasi, ang sasabihin sa’kin niyan ay ‘Tss’. Medyo improving na siya ngayon.

Nilagay niya yung kamay niya sa ulo ko at ginulo yung buhok ko. Ganun talaga. Ibig sabihin nun, namiss niya ako! Hindi kasi talaga vocal si Drake. Dapat tanggapin ko na yun. Aba kung kami talaga forever, dapat tanggapin ko na yung mga disabilities niya noh!

“So, san ka busy ngayon?” I asked him. Busy ba siya kay Shaira kaya nakalimutan niyang buhay pa ako?

“School, stuff. The usual.”

Tumingin ako sa kanya. “Drake?”

“Hmm?”

Hinawakan ko yung mukha niya at tinignan ko ng maigi yung mata niya. “Please wag mo na akong paiyakin, ha?” Baka kasi totohanin ni Tripp yung joke niya, natatakot ako…

Nilagay niya yung mga kamay niya sa taas ng kamay ko. “Promises are meant to be broken so I’ll just try.”

I smiled back at him. Try? Siguro sapat na yun.

Nagstay kami ng ganun for like 15 minutes. Namiss ko yun! Ang dami kong namimiss pag wala si Drake. Namimiss ko yung Tss niya, yung pag irap niya, yung paglait niya sa akin. Basta! Ang dami kong namiss. Feel ko tuloy hindi ako kumpleto pag wala si Drake sa tabi ko… Masama na ba yun?

Bigla kong naalala na itatanong ko pa nga pala yung tungkol sa debut ko!

“Drake?” Tumingin siya sa akin kaya nagtanong na ulit ako. “Pwede ka bang maging escort ko sa debut?” I asked him, half praying na sana pumayag siya! Syempre iba pa din pag si Drake ang partner ko!

He shrugged.

“So ano yun? Yes or yes?”

U

Sana yes!! Iba pa din pag boyfriend mo ang escort mo! Magiging A Night to Remember yung debut ko!

“I’ll say yes if you promise me one thing,” he said then he held my hand! OMO Kinikilig na naman ako!! Nakakalimutan ko na talaga yung galit ko!! Nagnod na lang ako kasi… yun na lang yung kaya kong gawin sa mga panahon na sobrang kinikilig ako kay Drake!! “Stop talking to Tripp.”

O_________O

“HA?”

“I said, stop talking to Tripp.”

“Hala? Bakit??”

Nagshrug siya.

“Pano ko siya iiwasan kung… siya lang yung lagi kong kasama?” Sabi ko sa kanya. Eto na. Naffeel ko na na magkakaroon kami ng seryosong usap. First time to!

Natahimik kami ng ilang segundo. Siguro iniisip niya din ang sasabihin niya. Ang hirap na kasing magsalita ngayon ng pabigla bigla. Hindi mo alam yung sinasabi mo, nakakasakit na pala ng iba. Mas mabuti na yung matagal na sagot para at least kahit na masaktan ka sa maririnig mo, alam mo na yun talaga. Hindi yung nasaktan ka dahil lang nabigla siya sa sinabi niya.

“You know I can’t be with you all the time,” paliwanag niya.

Tumango ako. Tama naman kasi siya, hindi pwede kasi magkaiba kami ng school. Naiintindihan ko naman talaga yun. Ang problema ko, bakit kay Shaira may time tapos sa akin, wala?

Sana talaga pumayag si Dad sa wish ko. Gusto ko talagang magka condo unit eh!

“Alam ko naman eh…”

Tumingin ako sa kanya. “Alam mo, pwede naman tayong magtruce,” offer ko sa kanya.

“I’m listening.”

Huhuhu. Bakit ang sexy niya talaga magsalita? Naiiyak ako sa pagiging cool ng boyfriend ko.

“Ano… hindi ko papansinin si Tripp,” kahit na sobrang labag sa kalooban ko, “basta promise mo sa akin na hindi mo na kakausapin si Shaira.”

Alam ko sobrang selfish ng ginagawa ko. Pero kasi, this is the only way! Friends kami ni Tripp, sobra. Halos best friend ko na nga eh. Pero mas hindi ko naman kaya na makita si Shaira kasama si Drake. Sana talaga hindi ako nagkakamali sa mga pinaggagagawa ko.

“Why are you so jealous of Shaira?”

Tinatanong pa ba yan!!

“Kasi palagi ka niyang kasama!”

Ayan tuloy napasigaw ako!!

Nagbuntong hininga siya. “What do I need to do to make you believe me when I say that it’s only you?”

OMG Lord, kinikilig na naman ako!! Hindi ako makapagsalita kasi feeling ko lalabas na yung puso ko mula sa dibdib ko!!

“She’s a friend.”

“Alam ko…”

“And she needs me.”

“Kailangan din naman kita eh…”

Nagulat ako nung inakbayan ako ni Drake! OMG! This is a night full of firsts!

“And I’m glad you do. I need you so much, Alys. That it hurts…”

Sobrang naiiyak na ako hindi ko na alam yung gagawin ko!! Nilagay niya yung kamay niya sa mukha ko. “I know I’m not very vocal with what I feel and I’m sorry. Please, don’t drift away.”

Hindi ako makapagsalita. Gusto ko si Drake lang yung magsalita. Eto na yata yung chance ko na marinig ko lahat ng iniisip niya, yung mga nararamdaman niya..

“After Katrina, I just… I was scared to love again. It really hurt back then. Then you came… and you annoyed the hell out of me. I seriously despise you back then but then, you crawled your way into my heart. And since then, you stayed. I even questioned myself if I loved Kat because what I feel for you was entirely different. It was… mind shattering, Alys. It was scary how I like you then I love you and then I was just so overwhelmed by how things go. I know I annoy the hell out of you, too, but that’s just how I am. I am like this and I can’t change who I am.”

“You’re always in my heart, Alys Zyril Palma. Just please trust me and don’t leave me.”

He kissed my forehead.

“I can’t promise to be an ideal boyfriend because I know I’ll just break that promise over and over again.”

Nakatingin lang ako sa kanya, trying to absorb lahat ng naririnig ko.

“Alam ko naman yun eh… Ang gusto ko lang naman, maging open ka sa’kin. Hindi naman ako manghuhula, Drake. Hindi ko alam kung ano yung iniisip mo palagi. Lagi na lang tayong nagkakalabuan kasi hindi kita maintindihan. Sana lang… trust me. Please trust me enough para sabihin mo sa’kin yung mga naiisip mo, yung nararamdaman mo.”

He smiled at me.

“Sounds fair.”

“Promise?”

Nagnod siya. “Promise.”

Nagsmile din ako sa kanya. “Sige nga, try. Ano’ng iniisip mo ngayon?”

“I’m thinking about my projects.”

=__________=

Sabi ko nga mas iniisip niya pa din yung school kaysa sa akin!! At least hindi si Shaira. Pwede na din!

Natawa siya sa reaction ko tapos kiniss niya ulit yung gilid ng ulo ko. “Hey, I was trying to be honest.”

Natawa na din ako sa ginagawa namin. Ganito kami dapat palagi! Masaya lang, nagjojoke lang! Sana ganito na lang. Sana wala ng problema.

Nagkwentuhan lang kami which happens very RARE! Pwede na ’tong most unforgettable moment sa slumbook ni Tita Karen!

“How’s school?” Tanong niya.

“Sobrang fun! Pero siyempre mas fun kung nandun ka…” Sabi ko tapos nagsmile ako. Nagsmile back din siya sa akin. “I know.”

Syempre nagkwento ako ng mga adventures ko dun sa Brent. Ang konti nga lang kasi karamihan sa adventures ko, kasama si Tripp. Pero dahil wish ni Drake na wag kong pansinin si Tripp, hindi na ako nagkwento. Haay, paano ba ako papasok bukas? Ang hirap iwasan ni Tripp!

“Alam mo, ang daming umaaway sa akin sa school…” sabi ko. Napatingin siya sa akin. “Kasi kilala nila ikaw tapos alam mo na, inaaway nila ako kasi boyfriend kita. Pero okay lang kasi alam kong worth it naman kasi ikaw yung dahilan.”

Nagbuntong hininga siya. “Why didn’t you tell me?”

Nagsmile lang ako sa kanya. “Wala lang naman kasi yun, okay lang naman kasi sa akin.”

“But I’m not fine with it.”

Niyakap ko siya. OMG! “Wow, ang protective mo ha! Kakapanibago!”

“Shut up, Alys. I’m trying to be a good boyfriend so don’t mock me.” Sabi niya na medyo namumula. OMO! Hihihi. Grabe, Lord! Eto na ba yung pa birthday gift mo sa akin? Kung oo, super thanks! Best gift ever!

Gusto ko sanang tanungin yung mga moments na nakita ko sila ni Shaira pero naisip ko na next time na lang. Ayokong sirain yung moment ngayon. Minsan na nga lang, sisirain ko pa ba?

Natapos yung gabi namin. Hinatid niya ako sa bahay namin tapos umuwi na siya sa condo namin. Haaaay.

Boyfriend kong pogi!

calling…

WAAAAAAH! Bakit tumatawag si Drake?? OMG first time ulit ’to!

“Hello?”

“Seulement vous.”

Line went dead. Problema nun??

Chapter 47

Chapter 47

“Iniiwasan mo talaga ko, no?” Napatingin ako sa gilid ko. Anak ni Tripp Marco Palma nga naman oh!

Nakakadalawang successful day na nga ako na naiwasan siya, pumalpak naman ako sa third day! Shemay, anong sasabihin ko kay Drake pag nagtanong siya? Ayoko pa namang nagsisinungaling!

Patuloy pa din ako sa paglalakad tapos siya naman, sumasabay sa akin. Ang bigat pa naman ng dala ko kasi may baking class ako ngayon! Puro strawberry laman ng bag ko eh, ang dami kasing natira kaya iuuwi ko na lang. Hehehe.

“Hindi ah. Sensitive ka lang masyado,” sabi ko na lang sa kanya. Sorry, Tripp. Hindi mo naman deserve ’tong kagagahan na ginagawa ko pero mahal ko talaga si Drake. Alam mo naman siguro yun sa dami ng iniyak ko sa harap mo.

Huminto siya sa paglalakad at unconsciously, napahinto din ako. Okay, sabi ko nga dapat hindi ko pinapansin si Tripp eh. Pero hindi ko talaga kaya. Dahil nga No-Tripp-Allowed ako, tuwing breaktime ko, kahit one hour lang ang break ko, umuuwi pa ako sa amin kasi wala din naman ako makakausap sa Brent. Napaka friendless ko talagang tao. Nakakaiyak.

Nakatalikod pa din ako sa kanya kasi nga nasa unahan niya ako. Wala akong lakas ng loob na humarap sa kanya dahil nahihiya ako sa ginagawa kong pag iwas sa kanya. Sobrang nagguilty ako eh…

Naramdaman ko siyang naglalakad papunta sa akin. Lord, bigyan niyo po ako ng lakas ng loob! Konting konti na lang po, bibigay na ako at kakausapin ko na si Tripp, promise!!

“Happy Birthday na lang. Tutal ayaw mo naman akong kausapin.” May naramdaman akong malamig sa leeg ko, at pagtingin ko, may kwintas na nakasuot na sakin. Grabe naman,Tripp! Gusto mo bang sobrang konsensyahin ako?!

Hinawakan ko yung kwintas. Ang ganda niya, yung pendant niya ay dalawang pahabang silver line tapos may gem na pink sa dulo. May naka engrave na Z sa una at letter Y sa pangalawa. Wala na! Sobrang nakokonsensya na ako!

Nung paglingon ko, nakita ko si Tripp na naglalakad palayo sa akin. Ang layo niya na. Siguro naman hindi niya ako narinig nung sinabi kong, “Namimiss na kita…”

Sumakay ako ng taxi pauwi. May klase pa ako mamayang 4 pero lecture lang naman yun. Ayokong pumasok kasi natatakot akong makita si Tripp. Hindi ko na kinakaya yung konsensyang nararamdaman ko! Feeling ko ang sama sama kong tao sa mga ginagawa ko sa kanya. Kasi naman, wala naman siyang ibang ginawa kundi patawanin ako pero ano? Ganito pa ang iginanti ko sa kanya, yung itrato na halos parang hindi siya nag eexist?

“Alys, why are you idling? Your gowns are upstairs. Go, sukatin mo na,” mom said. Oo nga pala, debut ko na nga pala bukas. Haaay.

Umakyat ako sa kwarto ko. Akala ko pa naman magiging masaya ang debut ko kasi pumayag si Drake na escort ko siya but what happened? Parang hindi naman ako sobrang saya kasi galit naman yata si Tripp. Ang labo ng life!

“Ang pangit mo na nga, lalo ka pang pumapangit. Are you really my sister?”

=______=

Nakalimutan kong nandito nga pala ang napakagaling kong kapatid!!

Tumakbo ako papunta sa kama ko at tumalon para sakalin si Dane. Waah! Si Dane na lang nagpapasaya sa akin ngayon! Buti na lang nandito siya ngayon, akala ko kasama niya na naman si Felice eh.

“Ikaw talaga! Kung magsalita ka parang hindi mo ako ate ah!” sabi ko sa kanya sabay gulo sa buhok niya. Tignan mo ’to, parang hindi talaga mas bata sa akin ng four years! Mas matangkad pa sa akin tsaka matalino. Napaka unfair ng buhay!! Tapos favorite pa siya ni daddy at nana!! So unfair!

Nagsmirk siya. “Because I’m cool,” sabi niya sabay continue sa binabasa niyang encyclopedia. Buti na lang siya ang nagmana ng intelligent genes ni mommy at daddy, ayaw ko yatang mabuhay na nagbabasa ng makakapal na libro. So not me!

Kinuha ko yung nakasabit na gowns sa dresser ko. Bakit ba dito ’to nakalagay. =____=

Pumasok ako sa cr at nagsukat gaya ng utos sa akin ng pinakamamahal kong ina. Hmmm. Ang cute cute ko talaga!! Natapos akong magsukat sukat at bumaba na kami ni Dane sa dinner. Nakaakbay si Dane sa akin. Ang sweet ng kapatid ko!! Kaya madaming girlfriend eh. Playboy masyado nakakaiyak! Kahit na for the past two years sa Cali siya nagsstay with Nana at Dada, close pa din kami. Kami lang naman kasi ang magkapatid, ano bang choice meron kami? Hahaha!

Kumain na kami ng dinner at pinakita sa akin ni mom ang flow ng program. Mukhang boring!! Ang daming 18 something something!

After dinner, umakyat na kami ni Dane. Busy si mommy sa pag aasikaso ng final touches ng debut ko at si daddy naman, busy sa work. Hmmm.

Sumama si Dane sa kwarto ko kasi ayaw niya sa kwarto niya. Ewan ko ba kung bakit. Hindi din naman ako nagtatanong kasi mas okay nga na nandito siya.

“Alys,” sabi niya. Hindi niya ako tinatawag ng ate. Kainis! Tumingin ako sa kanya. Ngayon naman, pinapakielamanan niya yung magazines ko. Bakla ba yung kapatid ko?! “Do you believe that the number of girls I played with would be the number of times you would cry because of someone?”

Tinaasan ko siya ng kilay. Englishero din minsan eh, mana sa nanay niya.

“Bakit? Madami ka bang pinaiyak??”

He shrugged. “I don’t know. But if this is true, I think you should brace yourself for a lot of crying, Alys.”

//

“Happy Birthday, Besh!!”

“Wah!!”

Tumakbo ako papunta kay Aya! First time niya akong pinuntahan sa Brent! Madalas kasi, ako ang pumupunta sa SCA!

May dala dala si Sheen na cake tapos may candle sa gitna tapos si Kent pumapalakpak habang kumakanta sila ng ‘Happy Birthday, Alys!’ Naiiyak ako!!

Nagblow nako ng candle tapos niyakap ko sila isa isa. True friends talaga sila na kahit hindi na kami madalas magkasama dahil hiwalay ako ng school, hindi nila ako kinakalimutan.

“Besh, may klase pa kami. Yung gift namin, mamaya nang gabi, ha?” Nag nod ako tapos nagbye na si Kent at Aya. Naiwan naman si Sheen. Wah! Namiss ko si Loves!

“Happy Birthday, Alys,” sabi ni Sheen sabay yakap ulit sa akin. Syempre nagthanks naman ako. “Ready ka na ba sa party mo mamaya?” Nagsmile na lang ako, kinakabahan kasi ako na hindi ko maipaliwanag. Dadating kasi buong pamilya with friends. Pati mga pinsan ko at anak ng mga friends nila mommy at daddy. Mygosh! Mapupuno yung venue!

Naupo kami ni Sheen sa bench. Buti na lang free cut ako ngayon. “Namiss kita, Sheen!” sabi ko sa kanya. Ningitian niya ako. Ang galing no? Dati, sobrang kinikilig ako pag nagssmile si Sheen pero ngayon, masaya na lang ako pag nagssmile siya.

“Namiss din kita. Sayang, wala ka sa SCA. Kamusta ba dito? Okay ka na naman siguro ngayon, di ba?“He asked.

Nagnod na lang ako kahit ang totoo, hindi ako okay dito. Sobrang malungkot pa din kasi halos pakalahati na ang first sem, wala pa din akong friends. Sobrang ayaw ba nila sa akin dahil lang girlfriend ako ni Drake? Sapat na ba na reason yun para maging forever alone ako sa Brent?

“Ikaw, kamusta? May bago ka na bang lovelife?” Tukso ko sa kanya. Aba, ang tagal na yatang wala ni Kei! Time to move on na dapat si loves!

Ngumiti lang si loves. “Third wheel lang. Ayos na din ’to.”

Naguluhan ako sa third wheel ha! Ano ba meaning nun?!

Bigla siyang tumayo. “Sige, alis na din ako. Mamaya, kita kita na lang.” Nagwave siya at naglakad pabalik sa SCA. Hmmm. Weird. Tanong ko nga sa playboy kong kapatid ang meaning ng third wheel.

Naglakad ako papunta sa room ko habang bitbit ko yung strawberry shortcake na bigay sa akin nila Sheen. Buti na lang nakabox! Kahiya hiya naman kung kitang kita ng mga mapanghusgang mamamayan ng Brent ang cake na ebidensya na birthday ng babaeng kinasusuklaman nila!!

Nakasalubong ko si Tripp pero imbes na ngitian niya ako kagaya ng dati… hindi niya ako pinansin.

Mas madali ba ’to o mas mahihirapan ako?

Lumingon ako pero nakita ko siya, ni isang beses hindi niya ako nilingunan. Ganun ba siyang sobrang nagalit sa ginawa ko? Sumusunod lang naman ako kay Drake… Hindi ko naman yun gusto eh… Sobrang namimiss ko na kaya siya…

Dumiretso na lang ako sa room ko kahit naiiyak iyak na ako sa pagkalimot ni Tripp sa existence ko. First time kong mawalan ng kaibigan. Ang sakit pala?

Sinubukan kong makinig sa Ethics class. Pero dahil walang pumapasok sa isip ko, nagdoodle na lang ako hanggang sa may mareceive akong text.

From: Boyfriend kong pogi!

Seulement Vous. Joyeux Anniversaire, Alys.

Wait, wait. Google translate. Minsan talaga hindi ko maintindihan si Drake. Para kaming naglalaro ng decode the meaning of his text! Ittype ko na sana nung nahuli ako ng professor ko. Hehehe. Mamaya ko na nga aalamin yung meaning ng Seulement Vous na yan!

Natapos na din lahat ng klase ko. Hindi ko na nakita si Tripp kasi iniiwasan niya naman yata talaga ako…

Umuwi na ako sa bahay. Nakaayos naman na lahat para sa debut eh, ang kailangan ko na lang, magbihis.

May narinig akong kumatok. “Pasok ka,” sabi ko since nakasuot na naman sa akin yung gown. Naayusan na kasi ako kanina nung pagdating ko. Pero syempre naligo muna ako, noh!!

“Mom said bumaba ka na daw.”

“Conyo much?” Sabi ko kay Dane. Iniwan ako bigla!!

Dahan dahan akong naglakad pababa sa stairs, baka naman kasi bigla na lang akong gumulong sa suot ko! Para naman kasi akong ikakasal nito sa gown na white! Pero… wah! Tapos naka tux si Drake. Para kaming ikakasal mamaya!!

Nung nakita ako ni mommy, niyakap niya ako bigla. Wah! Talaga bang nag upgrade ang cuteness ko to prettyness? Kakaiyak naman yun!!

“You’ve really finally become a woman, my little girl,” sabi ni mommy na mejo naiiyak iyak pa. Kakainis naman oh! Naiiyak din tuloy ako! Si daddy naman, parang tanga na pini picture-an kami. Katabi niya si Dane na tinatawanan kami ni mommy. Grabe ha!

“Mommy naman… Birthday ko eh! Let’s just celebrate, okay?” sabi ko. Nagnod naman si mommy. Sumakay na kami sa car. Si daddy nagdrive ngayon. Hmmm. Kakapanibago. Walang naiwan sa bahay, yung guards lang. Pati kasi mga maids, kasama sa party. Oh, di ba? Complete talaga!

Habang nasa sasakyan kami, tinext ko si Drake.

To: Boyfriend kong pogi!

Nasan ka na?

From: Boyfriend kong pogi!

On the way.

Yie!! Kinikilig ako nakakainis!!

Pumasok na kami sa venue. Suot ko nga pala yung bigay sa akin ni Tripp… Gusto ko sana siyang iinvite kaya lang… hindi ko alam kung pano eh. Haay.

Nakita ko sa venue yung mga friends ni mommy. Si Tita Sara, Tita Nof, Tita Kim, Tita Karen, Tito Clarence, Tito Dave, Tito Leif, dad, Tita Liana, Tita Angel, pati mga anak nila. Sayang nga eh! Hindi kasi kami schoolmates kaya hindi kami ganung close. Pero okay naman kami kasi halos magkka age lang din kami nila Dillon, Clarise, Dine. Hmmm. Uy, nandito din si Felice! Kilig na naman si Dane! Hahaha!

“Where’s Drake?” tanong ni mommy. Sumagot naman ako ng on the way na. Siguro nandito na siya in 15 minutes?

Lumabas muna ako at naghintay sa lobby.

From: Tripp

Happy Birthday.

Naman, Tripp… Bakit mo ba ako ginaganito?

“Drake!” Kumaway ako. Nakita ko kasi yung sasakyan ni Drake. Binaba niya yung window at ningitian ako. May kausap yata siya sa phone…

“Drake!” Tawag ko ulit sa kanya. Imbis na bumaba siya kasi di ba escort ko siya? Bakit… siya nag U turn?

Bakit naiiyak na naman ako? Hindi ’to pwede. Birthday ko eh! Di ba dapat masaya ako?

Tinawagan ko si Drake. Ayokong mag conclude.

“H-hello, Drake?”

(“…I’m really sorry, Alys. I need to go. I really didn’t mean to disappoint you. Happy birthday,”) he said.

Wow. Happy Birthday, Alys. Sobrang happy birthday…

Hindi ko alam kung paano ako babalik sa loob at kung paano ko sasabihin kay mommy na, “Hey, mommy. Hindi pala makakapunta si Drake eh. Sorry daw. Ano, simulan na natin yung program?”

Hindi kasi eh.

Ganito naman ako eh, sobrang selfish ko.

calling…

Tripp

(“Oh? Napatawag ka?”) sabi niya. Halatang halata sa boses niya na galit siya sa akin.

“T-tripp… Puntahan mo ako dito, please…”

(“Sandali, hindi kita maintindihan. Umiiyak ka ba?”)

“P-puntahan mo ako, please. W-wala akong partner… Sige na, Tripp… W-wag mo naman akong iwanan din oh…”

Narinig kong nagbuntong hininga siya. (“Naiintindihan mo ba yung sinasabi mo, Alys? Pag ako pumunta jan, tototohanin ko na yung joke ko. Hindi na kita titigilan. Sigurado ka ba jan?”)

Tumango ako kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita. Hindi ko alam kung ano yung ginagawa ko. Eto na ba yung tinatawag nila na napuno na ako?

“Please, Tripp. Nakakalimang iyak na ako… Sobra na nga eh… Hindi ka ba naaawa sa’kin? Puntahan mo na ako…”

Binaba niya yung tawag. Pati ba naman si Tripp, ayaw na din sa akin? Bakit ganun ka, Drake? Binitawan ko si Tripp kasi sabi mo tapos ngayon ako naman yung bibitiwan mo?

Pabalik na sana ako sa venue. Sana nanjan na si Sheen… Siya na lang pala ang naiwan sa akin eh… Grabe… Naging sobrang selfish ko yata dahil gusto ko si Drake at pati si Tripp nakonsensya ako nung iniwan ko siya kaya sabay na silang nawala.

Biglang may humatak sa akin.

“Hindi kita titigilan, alam mo yun, di ba?”

Nagnod ako.

“Sorry kung pinapunta kita dito, Tripp. Hindi ko din kasi alam na hindi pala pupunta si Drake sa debut ko. Ang tanga tanga ko talaga…”

Niyakap ako ni Tripp mula sa likod.

“Nakakalima ka na talaga, Alys. Alam mo ibig sabihin niyan? Gagawin ko lahat para iwan mo

si Drake.“

Chapter 48

Chapter 48

“Thanks talaga, Tripp,” sabi ko kay Tripp habang nagsasayaw kami. May cotillion kasi na supposedly, si Drake dapat ang partner ko. Pero dahil wala siya, si Tripp ang kasama ko. Buti na lang marunong siya. Pano kung hindi? Sinira na nga ni Drake yung debut ko, mas lalo pang masisira dahil mapapahiya kami ni Tripp sa gitna habang sumasayaw.

Habang nakahawak si Tripp sa bewang ko, binulungan niya ako. “Tama na nga yung thank you mo, nakakadami ka na eh.”

“Eh kasi thank you naman talaga…”

“Tsk. Last thank you na yun. Ayoko ng makarinig ng thank you mula sa’yo.”

“Ha? Eh ano na lang sasabihin ko? I’m sorry?”

Medyo tumawa siya kahit hindi ko naman alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko. “No. Next time, ang gusto ko, ngumiti ka. Can you smile? For me?”

Nginitian ko siya kahit na ang hirap hirap. Syempre, kanina pa ako nagpipigil ng iyak. Hindi ko nga alam kung paano ko napigilan yung iyak ko nung sinabi ko kay mommy na hindi makakarating si Drake at si Tripp na lang ang partner ko. Alam ko naman na pansin nila yung pag iyak ko kasi ang pula pula ng mata ko pero buti na lang, hindi yun pinansin ni mommy.

Natapos na yung cotillion at umupo na kami. Kanina pa ako napapagod eh. Ang daming program kaya kanina pa ako nakatayo.

Pumunta ako sa table ng family ko. Si Tripp, dun muna pumunta sa table nila Sheen since kilala niya naman si Sheen. Yun lang yata kilala niya dito bukod kay Dad.

“Nasan yung boyfriend mo?” Biglang tanong sa akin ni Dane.

Tinignan ko na lang siya. “Hindi ko alam, okay. Bukas na lang natin pag usapan,” sabi ko. Buti na lang umalis si mommy at daddy dahil pinuntahan nila sila Tita Sara. Ayoko kasing makita nila akong umiyak once na magbreakdown ako sa harap ni Dane dahil sa kapipilit niyang tanungin sa akin kung nasan ni Drake.

“You know, if he’s this jerk towards you, ditch him. You’re my sister and you deserve nothing but the best.”

Napangiti ako sa kanya. Who would have thought na may maturity pa lang itinatago si Dane?

“Bakit ang dami mong alam?”

He shrugged. “I don’t wanna see you crying, Alys. Minsan na nga lang tayo magkita, iiyak ka pa. Where would that put me?”

“Hindi naman ako umiiyak eh…”

“Yeah, who are you fooling? Anyway, when will you tell me where’s that noble boyfriend of yours?”

Natahimik na ako at kinwento ko sa kanya yung kanina. Simula sa text niya na papunta na siya hanggang sa pag U turn niya, sa pagkaway niya, sa pagtawag niya, at sa pag iwan niya sa akin. Alam ko naman eh… Dati niya pa sinasabi sa akin na promises are meant to be broken. Pero sa lahat naman ng promise na yun, bakit yung promise pa na pumunta siya sa debut ko? Hindi niya ba alam na sobrang nakakadisappoint siya?

“You know what, Alys. As your only brother, if he’s hurting you that bad, don’t you think it’s time to forget him and move on?”

“Ikaw, Dane ha! Sino ba talaga ang mas matanda sa atin? Akala mo kung ilang taon ka na ah! Ipinapaalala ko lang sa’yo, 14 ka pa lang!” sabi ko sa kanya. Umiling iling naman siya at tumayo.

“Ewan ko sa’yo,” sabi niya at iniwan ako. Tignan mo ’to! Iwan daw ba ako sa table mag isa!

Dahil mag isa na lang ako sa table, lumipat ako sa table nila Aya.

“Besh! Ang ganda mo ngayon!”

“Ngayon lang ako maganda? Nakakaiyak naman!”

Tumawa sila sa akin. Wow ha! Comedian na pala ako ngayon!

“Happy Birthday ulit, Alys,” bati sa akin nila Sheen at Kent. Nakakatuwa nga eh! Kahit si Kei na nasa Russia, pinadalhan ako ng gift! Akalain mo, medyo friends pala kami?

Nagserve na ng dinner at nag usap usap lang kami. Medyo hindi nga ako nakakarelate dahil nag uusap sila tungkol sa SCA. Napaka out of place ko talaga!!

Kinalabit ako ni Tripp. “Oh, bakit?”

“Pwede ba tayong mag usap?” Sabi niya.

“Uhh, nag uusap na tayo, di ba?”

“Hindi, ang ibig kong sabihin, sa labas?”

Tumango ako sa kanya. “Kain muna tayo, ok?” Tumango siya at kumain muna kami. Tapos na naman yung program eh. Tapos na din yung picture taking. Mamaya, may after party sa bahay. Ewan ko ba.

Natapos kaming kumain. Napatingin ako sa phone ko.

5 missed calls from Drake.

Bakit… hindi ako natutuwa?

Pinatay ko yung phone ko at lumabas kami ni Tripp gaya ng napag usapan. Buti na lang nagpalit na ako ng damit. Hindi ko yata kayang lumabas ng hotel ng nakaputing gown at mukha akong ikakasal.

Pumunta kami ni Tripp sa garden.

Tumingin ako sa kanya. “Tripp?”

Nginitian niya ako at naglakad siya ng paatras. “Hinanda niya ’to para sa’yo, Zyril. Babalik na ako sa taas. Kung nakapagpaliwanag siya at ayaw mo na talaga, alam mo kung san mo ako hahanapin.” Sabi niya tapos pumasok siya papasok sa hotel at iniwan ako dito.

Tumingin ako sa paligid. Eto ba yung… pinagkakaabalahan niya? Kaya ba wala siyang time sa akin?

Naupo ako sa upuan sa table. Candle light dinner. Dapat bang matuwa ako kahit na sobrang sinaktan niya ako kanina nung umalis siya ng wala man lang ibang sinabi kung hindi ‘I’m sorry at Happy Birthday?’

(play the song on the side. Hmm?)

-I keep getting scared because I love you

I worry that you might get farther if I get closer

So I can’t even talk like a fool-

Naramdaman kong may naglalakad sa likod ko. Hindi ko na naman kailangang humarap para malaman ko kung sino yun eh. Sino pa ba yung lalaking kayang gawing rollercoaster ang buhay ko? Siya lang naman.

“Happy Birthday.”

Hindi ako lumingon. Ayaw ko siyang makita. Masama pa din yung loob ko.

Niyakap niya ako mula sa likod ko. Si Drake ba talaga ’to?

“I’m sorry I bailed out on you… Something just came up.”

Hindi pa din ako nagsasalita. Reasons, reasons. Puro na lang reasons.

Inalis niya yung yakap at umupo sa upuan sa harap ko.

-My heart grows faint at the thought of you

I just let out sighs and randomly laugh and cry

It hurts because of you-

Ngumiti siya sa akin. “Am I too late?”

Ngumiti ako sa kanya kasabay nung pagtulo ng luha ko. “Late ka na… Sobrang late ka na, Drake. Alam mo kung bakit? Kasi sobrang nasaktan mo na ako… Sobrang late ka na para patawarin ko…”

Hinawakan niya yung kamay ko na nasa table. “I’m sorry, okay? I’m here now, right? Wag ka ng umiyak…”

Pilit kong inaalis yung kamay niya sa kamay ko. “Drake, hindi mo ba maintindihan? Ayoko na. Ayoko na.”

“You’re just mad, Alys.”

-Because it’s you, because it’s you that I love

I can hold it in several times

Because I only knew you from the start-

“Hindi ako galit, Drake. Nasaktan ako.”

“Please hear me out. I just have to go… I didn’t meant to leave you.”

Natawa ako kasabay ng pagpunas ko na naman sa luha ko. “Ganyan ka naman eh. Tuwing sinasaktan mo ko, lagi ka na lang may reason, may excuse. Bakit ka ba ganyan?”

“I don’t know. I’m just like this, Alys. Ganito ako. Intindihin mo ako.”

Tumayo ako.

-Because it’s all you, because it’s you that I miss, I love you

It hurts so much, it’s so hard but because it’s you, I’m okay

As I always have worried

I look at you, I wait for you and get exhausted

Because of you, I get sad-

“Inintindi kita. Ngayon, intindihin mo din ako. Ayoko na.”

Maglalakad na sana ako palayo pero hinawakan niya yung kamay ko.

“I thought you love me? What was that? Your personal version of joke?” Sabi niya na mukhang naiinis na siya sa nangyayari. Wow, hindi ba dapat ako yung mainis? Ako yung iniwan eh! Ako yung nagmukhang tanga! Ako yung nagmakaawa sa sarili niyang pinsan para samahan ako para hindi ako mapahiya. Dapat ako yung naiinis, hindi siya!

Pilit kong kinalas yung kamay niya sa kamay ko. “Nung sinabi kong mahal kita, seryoso ako, Drake. Ngayon, sinabi ko na ayaw ko na. Seryoso din ako dun.”

Nakatingin lang siya sa’kin, nagsusukatan pa yata kami kung sino ang unang pipitik.

-Because it’s you, because it’s you that I love

I can hold it in several times

Because I only knew you from the start-

“No, I’m not breaking up with you.”

“It’s not even an option for you anymore, Drake. We’re over and done with.”

Naglakad ako ng mabilis. Ayoko na dito. Konti na lang iiyak na ako, ayokong umiyak sa harap niya. Ayoko. Simula ngayon, hinding hindi na ako iiyak sa harap niya. Ayoko na. Sawang sawa na ko.

“I love you.”

Napahinto ako. Kulang na lang tumawa ako sa harap niya. I love you?

“I love you, Alys. Please don’t do this to me. I don’t wanna get hurt again…”

Nakatalikod pa din ako sa kanya. Ayokong humarap. Ayokong bigyan ng chance yung sarili ko na masaktan ulit. Not anymore.

-Because it’s all you, because it’s you that I miss, I love you

I keep getting greedy, I keep crying

Because its you, because it’s all you-

“I love you, Drake. Alam mo yan. Pero kung ganitong palagi na lang akong masasaktan dahil sa love na yan, wag na lang. Ayoko na. Tama na,” huling sabi ko sa kanya bago ako pumasok sa hotel. Pabalik kay Tripp…

Chapter 49

Chapter 49

“Kamusta buhay single?”

Binatukan ko nga siya. “Ayan, naramdaman mo? Masakit,” sabi ko kay Tripp. Aba, one week na din simula nung nagbreak kami ni Drake! Mahirap? Oo naman. Pero tuwing naaalala ko yung mga ginawa niyang pangkakalimot sa akin, mas naiisip ko na okay na siguro na ganito kami, na break na kami. Di ba, at least pag ganito, walang expectations, walang disappointments.

Tinignan ko si Tripp. Nandito kasi kami sa open field. Free cut kasi namin pareho kaya naisipan naming tumambay dito. Nasabi ko ba sa inyo na frustrated photographer si Tripp? Sabi niya sa akin dati, mas gusto niya daw magtake up ng Fine Arts or anything na arts related kaya lang ayaw daw pumayag ni Tito Tristan dahil siya lang ang nag iisang anak kaya siya ang magmamana ng company nila. Wala din siyang choice. Eh ako naman, may choice. Aba, bahala si Dane sa pamamalakad na yan noh! Sa kanya binigay ang talino, gamitin niya!

“Tripp, bakit wala kang girlfriend?” tanong ko sa kanya. Kasi ang imposible naman, di ba? Oo kaya, ang gwapo ni Tripp, aaminin ko naman yan! Kaya nga inaaway ako ng mga babae dito sa Brent eh! Lakas lang ng charms ng kumag na ’to.

Nagshrug siya. “Aba, ewan ko. Gwapo naman ako pero ewan ko ba,” sagot niya habang kinukuhanan ng picture yung mga naglalaro ng soccer kahit kalagitnaan ng tanghali! Ang init init eh! Hindi kaya sila ma heat stroke niyan?

“Tss. Yabang mo talaga,” sabi ko sa kanya.

Nagsmirk siya. “Eh gwapo ako eh, magagawa ko?”

Umiling iling na lang ako. “Sabi mo eh. Alam mo namang boss kita,” sabi ko sa kanya. Alam niyo na, simula ng magbreak kami ni Drake, si Tripp talaga yung tumutulong sa akin. Kaya parang boss ko siya. Siya nagsasabi pag masama na yung ginagawa ko. Nung first day kasi na magbreak kami ni Drake, pumasok ako ng nakashades. Kakahiya naman kasi! Namamaga yung mata ko! Ang ginawa ni Tripp, ayun hinatak ako sa rooftop pagkatapos niyang bumili ng isang kilong yelo mula sa ministop sa labas ng school. Ay, grabe! Sobrang namaga sa lamig yung mata ko nun, ha! Biruin mo isalpak sa mukha ko yung buong plastik?!

Nginitian niya ako at patuloy siya sa pagpipicture niya. “Hindi pa ako nagkakagirlfriend kasi hindi pa ako sigurado. Pero pag nagkagirlfriend ako, siguradong magiging masaya siya. Kasi katulad ng camera ko, sa kanya lang nakatutok ang lens ko,” paliwanag niya sa akin tapos itinapat niya yung camera niya sa akin at pinicture-an ako.

Ngumiti na lang ako sa camera niya. “Ganda ko no?” sabi ko sa kanya.

“Oo na, mamaya maiyak ka pa jan eh,” sabi niya tapos binaba niya sa sabitan sa leeg niya yung camera at tumayo. Pinagpagan niya muna yung sarili niya mula sa mga kumapit na dahon bago niya ako inalalayang tumayo.

“San tayo?” tanong ko sa kanya. May natitira pa kasi kaming two hours sa free cut.

Nagshrug siya. “Ikaw? San ba? Punta tayong SCA?” sabi niya ng may mukhang pang asar. Binatukan ko nga siya!

“Akala ko ba gagawin mo lahat para hindi na ako bumalik kay Drake? Eh para namang tinutulak mo ako pabalik niyan eh!” sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya tapos inakbayan ako. “Joke lang, ’to naman. Ice cream tayo?”

So, ayun nga, naglakad kami papunta sa ice cream parlor sa labas ng school. Ang dami kasing tindahan sa labas ng school. Basta may pera ka, hindi ka magugutom! Pero sa kaso ni Tripp, kapag kasama mo siya at wala kang pera, mamamatay ka sa gutom. =____=

Habang naglalakad kami, patingin tingin ako sa gilid. Baka kasi makita ko si Drake, aba, mahirap na! Effort na effort pa naman akong magpalit ng number, iblock siya sa fb at twitter tapos baka bigla na lang akong magcollapse pag nakita ko siya in person! Aba, one week pa lang kaming break. Feeling niya naman naka move on na agad ako! Hindi pa noh! The wounds are still fresh and ouch!

“Iwas iwas din pag may time?” sabi sa akin ni Tripp nung mapansin niya yung ginagawa ko. Sinimangutan ko na lang siya. “Tripp, please wala ng Drake talks, ha? Nagmomove on eh.”

Ngumiti siya tapos ginulo yung buhok ko. “Ice, boss. Tara, libre mo ko ha!”

=_____=

Kapal ng mukha talaga ng lalaking ’to! Siya lalaki, siya nagpapalibre!

Pumasok nga kami sa loob ng ice cream parlor at umorder ng strawberry ice cream with strawberry bits and live microorganisms! Waaaaah O Mashta!

Kain lang ako ng kain ng makarinig ako ng tunog ng heels sa likod ko. Medyo nacurious ako kaya napalingon ako.

Mukhang nakita niya kami ni Tripp kaya ngumiti siya, pugita style.

Lumapit siya sa amin, kapal ng mukha kakaiyak!! Umupo siya sa tabi ko at nginitian si Tripp! “Hi, Tripp. Ni hindi mo man lang ako binisita sa hospital. I thought we were friends?” sabi niya kay Tripp sabay patong ng kamay niya sa kamay ni Tripp na nakalagay sa mesa. Aba!

Buti na lang at inalis ni Tripp yung kamay niya. “Pwede ba, Shaira. Wag dito,” sabi niya na mukhang naiilang sa sinasabi ni Shaira. Teka… ano ba yung napag usapan nila?

Napatingin siya sa akin at umarte na parang ngayon lang niya ako nakita. Aba kapal ng mukha!! Kanina pa kaya ako nandito!!

“Oh, Alys, you’re here pala! I didn’t notice you eh. My bad,” sabi niya with matching pang asar na ngiti!

Nginitian ko na lang din siya at nagsubo ng ice cream. Timpi lang, Alys!!

“I heard na break na kayo ni Drake… And I’m sorry to hear that for you… But I’m definitely happy for me,” sabi niya sa akin. Grrrr! Hindi ako nakipagbreak kay Drake para lang sa’yo siya mapunta noh!! Kapal ng mukha forever!

Napa sigh si Tripp. Napapansin niya yatang nagkakaroon na ng hate clouds sa paligid namin at konti na lang, magwwrestling na kami nitong eight-handed pugita na ’to!

“Shaira, iwan mo na kami, please. At isa pa, magpahinga ka nga. Kakagaling mo lang sa hospital, pagala gala ka na agad. Tsaka umayos ka,” sabi ni Tripp. Hindi ko talaga maintindihan yung sinasabi niya.

Ngumiti si Shaira at tumayo. My golly! Pano ba siya nakakapaglakad sa heels niya??

Nagsimula siyang maglakad papunta sa counter ng ice cream parlor pero yung kamay niya dumaan muna at nagharot sa taas ng balikat ni Tripp! Ay napakaharot na pugita nga naman, oh!

Kinagat ko ng mabuti yung spoon ko habang hinihintay kong lumayas sa ice cream parlor si pugits! Nagiging kasing kulay talaga ng tinta niya ang paligid kapag nandito siya!! Ugh so nakakaBV!!

After ilang minuto, umalis na siya at syempre, fineel niya na naman yung balikat ni Tripp! Kakaduda, ha!

Tinignan ko ng masama si Tripp na masayang kumakain ng oreo ice cream niya. “Tripp, umamin ka nga sa’kin, magkaano ano kayo ni Shaira?” tanong ko sa kanya. Pwede kaya na… si Shaira talaga ang friend niya at niloloko niya lang ako? After all, muntik na pala silang maging sila dati… Pero hindi naman ako gaganunin ni Tripp, di ba?

“Si Shaira? Ah, niligawan ko dati. Lam mo na, basted kasi kay Drake eh,” sabi niya casually.

Halos maibuga ko naman yung kinakain kong microorganisms! “Akala ko ba wala ka pang nililigawan?!”

Natawa siya sa reaction ko. Kumuha siya ng tissue paper at inabot sa akin. Aba syempre naman! Kakailang kaya kung siya magpupunas ng labi ko noh! Ano siya, boyfriend?!

“Syempre bawas pogi points naman kung ipagkakalat ko na nabasted ako ni Shaira. Secret lang natin yun. Ice ba?”

Napailing na lang ako.

“Pero kahit na ganun… ako pa din ang kakampi mo, di ba?” Paninigurado ko.

Kinindatan niya ako. Shemas! Kakaiyak! Ang cute cute ni Tripp sarap gawing keychain! “Oo naman. Ikaw ang boss ko eh,” sabi niya.

And so, nanahimik na lang ako. Ako boss ni Tripp eh. Hehehe. Syempre ako kakampi niya.

After naming kumain ng ice cream at ng microorganisms, naglakad na kami pabalik ng Brent. Medyo palinga linga pa din ako, aba mahirap na baka may Drake Palma akong makasalubong! Hindi kaya ng cuteness ko ang stress!

Success! Nakapasok kami sa premises ng Brent ng walang Drake. Naghiwalay kami ni Tripp sa harap ng fountain. May class na kasi siya sa Business Ad, ako naman, may baking class. Magbbake kami ng strawberry muffins!

Pumunta na ako sa class. Kahit na hindi ako matalino, aba nag eexcel ako sa class! Hindi naman kasi masyadong kailangan ng neurons sa cooking, yung passion ko ay tama na! Sana after kong grumaduate, pumayag si Dad na mag aral ako sa Paris kahit for a year lang tapos magtatayo ako ng sarili kong shop dito sa Pilipinas.

Speaking of neurons, babalik na palang Cali si Dane sa makalawa! Tsk. Mamimiss ko na naman yung bubwit na yun!

Natapos ang baking class ko without a fuss. Ang fluffy ng muffins ko! Hehehe. Sayang, hindi pwedeng iuwi, gusto ko pa namang bigyan si Dane. Sa Brent kasi, yung mga pagkain na ginagawa ng students ay ipinapakain sa stree children. Ang sweet, di ba?

Pumunta muna ako sa locker ni Tripp at iniwan yung gamit ko. Hindi na ako nakakuha ng bagong locker. Hmp! Bwisit naman kasing mga babae yan! Break na kami ni Palma, bakit niyo pa din ako binubully?!!

Naiwan ko na yung mga gamit ko dun kaya nagstart na akong maglakad palabas. Si Tripp ay may klase pa ata? Ewan ko dun.

“Alys, honey!”

Nagulat ako. Si Tita Liana yun ah!!

Tumakbo ako papunta sa kanya. “Tita!!”

Niyakap niya din ako. “Hi, kiddo! Good thing I saw you,” sabi niya. Napatingin ako. Kotse ni dad yun ah? Napansin niya yatang nakatingin ako dun. “Oh, I’m with your dad. I already told your mom about this so come with us!” sabi niya na excited!

Wala na akong nagawa kaya sumama na lang ako sa kanya. Sa loob ng sasakyan, katabi ko si Tita Lian. Mukha tuloy driver si dad. =___=

“We’re so excited about this, kiddo! Right, Cy?” sabi niya kay dad na nakatingin sa aming dalawa mula sa rearview mirror. Ngumiti si dad. Pogi talaga ng dad ko! Sabagay, sobrang ganda kaya ni Tita Liana! With accent pa!

Nakarating kami sa…

O_________O

Don’t tell me…

Hinatak ako ni Tita Liana papunta sa lift. Huhuhu. No, this is not happening!!

“I really insisted that Cy should buy that unit. You know,” sabi ni Tita Lian sabay kindat sa akin. Lord, sabi ko na nga be careful what you wish for coz I really might get it!!

Halos nangangatog ako dito sa kinatatayuan ko. Huhuhu. Pumasok kami sa lift at omaygash!! Pinindot ni dad yung 19th!! Ayoko na!! Hindi pa ako ready na makita siya!!

Habang nakasakay ako sa lift, nagdadasal ako na sana wala pa si Drake. Pero kasi labasan na kaya malamang pauwi na din dito yun!! OMG talaga!! Mas okay po na si Shaira pugits na lang yung makasalubong ko, wag lang si Drake!

Bawat hakbang, sobrang kaba ang aking nadarama~

Tingin to the left…

Tingin to the right…

“Alys, hey, are you okay?” tanong ni Tita Lian. Si dad, well, tahimik naman talaga yun. Minsan nagtataka din ako. Baka naman si Dane talaga ang anak niya at hindi ako??

May pinindut pindut si Tita Lian. Shemas!! 1131 memories~~

Nakapasok kami sa loob, ang ganda niya!!

“We already bought your things, if you don’t mind,” sabi ni Tita Lian with a smile. Niyakap ko siya tapos niyakap ko si dad. “Thanks po!!”

Nag ikot ikot kami sa unit ko. Unit ko… katabi si Drake at Shaira. Grabe.

Chapter 50

Chapter 50

Hinga ng malalim, Alys!

Breathe in~

Breathe out~

Naglalakad ako ngayon palabas ng unit ko with matching nanginginig na paa! Paano ba naman, sobrang atat nila Dad at Tita Lian, pinalipat agad ako kagabi! Ewan ko nga kung papano nila napapayag si mommy na lumipat ako agad agad. Oh, well, hindi ko na yan concern! Ang concern ko ngayon ay kung papano ako makakababa mula 19th floor ng hindi kami nagkakasalubong ni Drake!

Hindi pa nga ako kumakain ng breakfast kasi gumising talaga ako ng maaga para hindi kami magkasabay. Alam ko, ang first class ni Drake ngayon ay 7, so malamang aalis siya ng mga 6:30 dahil 15 minutes drive mula dito hanggang SCA. Alam ko yan noh! Ex girlfriend ako, remember? Syempre may access ako dati sa mga schedule ni Drake!

Dahan dahan kong binuksan yung door knob. Huuu! Way to go, Perez!

“Good morning.”

O____________O

“D-Drake?”

Lord, sabi ko nga po dapat hindi na ako nagwish na magka condo. Binabawi ko na po ang wish ko.

Ngumiti siya sa akin. “Have you eaten your breakfast?” sabi niya. Mukha akong estatwa kasi nakatulala lang ako sa mukha niya. Grabe! One week kaming hindi nagkita… Pero hindi. Break na kayo, Alys. Wag mong alisin sa utak mo yan!

Tumango ako. “Kakakain ko lang. Sige, alis na ako,” sabi ko tapos nilagpasan ko siya.

O____________O

BAKIT NAMAN NGAYON PA?!

Natawa bigla si Drake. Paano ba naman, ang napakagaling kong tyan, nakicooperate pa sa akin! Ngayon ka pa nagpahayag ng pagkagutom, of all times?!

Lumapit sa akin si Drake at hinawakan yung braso ko. “Let’s eat?”

Umiling ako. “Ayoko…”

Nawala yung ngiti sa mukha niya. Ano, susuko ka na naman? Grabe. Bakit ka ganyan?

“Drake, one week na tayong break. One week, alam mo yun? Ni hindi ka nag effort na kausapin ako sa loob ng one week na ’yun. Tapos, ano? Ngayon bigla kang susulpot para ayain akong magbreakfast. Okay ka lang?”

“I gave you time…”

Hinarap ko siya. “Bakit, nanghingi ba ako ng time?”

Nagbuntong hininga siya. Mukhang naguguluhan siya sa akin. Ako din naman, naguguluhan ako sa sarili ko. Fair lang yun!

Tumingin siya sa akin. “It’s my fault, I’m sorry,” sabi niya tapos hinawakan niya yung kamay ko. “Will you eat breakfast with me now, then?”

“O—”

Sasagot na sana ako ng okay ng biglang dumating si Tripp??

“Morning, Zyril,” sabi niya sabay lapit sa akin at akbay.

“Anong ginagawa mo dito??” tanong ko sa kanya. Alam niya na agad? Eh parang kakalipat ko lang naman dito kagabi!!

Kinindatan niya ko. “Sabi sa’kin ni Tita Lian. Grabe yun, parang binebenta ka sa akin. Haha!” sabi niya. “Oy, pinsan, nanjan ka pala?” sabi niya kay Drake. Tignan mo ’tong lalaking ’to! Lakas ng pang asar minsan eh!

Tinignan lang siya ng masama ni Drake.

Hindi na pinansin ni Tripp si Drake at umarte na parang kaming dalawa lang ang nag uusap. “Kumain ka na ba?” tanong niya sa akin. Nakaharap siya sa akin, bale natatakpan niya si Drake mula sa paningin ko. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba o talagang pinanganak na bastos lang si Tripp.

Umiling ako kasi gutom na gutom na din ako!!

Inalis ni Tripp yung akbay niya sa akin. “Ano’ng passcode mo? Tara, kain tayo.”

Medyo natulala naman ako.

Nagsnap fingers siya sa harap ko. “Oy, Zyril. Passcode mo?”

No, this can’t be happening!!

“Grabe naman. Hindi naman ako magnanakaw. Hindi naman kita papasukin dito kahit na alam ko yung passcode mo,” pag iinarte ni Tripp.

Huhu. Hindi naman yun eh!!

Huminga ako ng malalim tapos binulong ko sa kanya. Lord, sana po walang ibang makarinig.

“Ano?” sabi ni Tripp.

Inulit ko ulit.

“Ano? 1131?”

O_____________O

Hinampas ko siya. “Bakit mo naman sinigaw?!!”

Napatingin ako kay Drake. Nakangiti siya. </////3 Baka iniisip niya, hindi pa din ako nakakamove on! Eh hindi pa naman talaga! Pero kahit na! Sino bang matinong babae ang gagamit ng passcode na anniversary niyo ng ex niyo? Ako lang yata!! Ibig sabihin hindi talaga ako matino???

Hindi yata napansin ni Tripp ang tensyon na namamagitan sa amin ni Drake. Sabagay, ano ba naman ang alam niya sa mahiwagang 1131 code?

“Tara na, Zy,” sabi niya. Hindi ko napansin na bukas pala yung pinto.

Nakatingin ako sa kanya tapos kay Drake naman. Ano ba namang sitwasyon ’to? Parang bagay yung kantang torn between two lovers!!

In the end, naisip ko. Break na kami ni Drake, si Tripp na yung lagi kong kasama. So, sino pa nga ba ang pipiliin ko?

Naglakad ako papasok ng biglang hawakan ni Drake yung braso ko.

“Ano?” sabi ko sa kanya.

“Can I come in, too?”

“May pasok ka…” sabi ko.

“I’ll ditch.”

Hala! Hindi naman nagdiditch ng class si Drake! Ano bang nakain nito??

“Wag ka nga! Pumasok ka na!” pangtataboy ko sa kanya. Mamaya maging bad influence pa ako dito! Naku, ayoko nun!

Sobrang disappointment ang nakita ko sa mukha niya. Disappointed ba siya kasi hindi siya makakapagditch ng class for the first time?!

“Do you… hate me that much?”

“Ha?” sabi ko. Hate ko pa siya eh pinapapasok ko na nga siya! Concerned na nga ako sa acads niya, hate ko pa ba siya nun? Ang gulo ni Drake!

“I just wanna spend time with you but you keep on pushing me away. Wala na ba talaga, Alys?”

Natahimik ako. Hindi kasi ako sanay na ganito siya. Mas sanay ako sa cold Drake na hindi nagsasalita, dun sa hindi ako pinapansin. Sobrang overwhelming ng attention na nakukuha ko ngayon…

Ako din yung sumuko. “Pumasok ka na, okay? Kung gusto mo akong makausap, mamayang gabi. Sabay tayong magdinner, okay? Wag kang umabsent para sa’kin. Ayoko nun…”

Naglighten up naman yung mukha niya. “Dinner date with me, then.” sabi niya tapos hinawakan niya yung mukha ko at hinalikan ako sa noo. “God, I missed you so much, Alys.”

God, Lord, bakit ang hina na ng palpitations?!! Medyo na lang!! Tame palpitations na siya!!

“N-namiss din kita…” sabi ko.

Nagsmile siya. “I’ll be going,” sabi niya. “Be careful. I know my cousin,” sabi niya sabay sakay sa lift.

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya, bumalik na ako sa loob ng pad.

Nakaupo si Tripp sa mini sofa ko. “Ano? Nagkabalikan na kayo?” sabi niya habang kumakain ng apple. Aba! Nakielam na ng pagkain!

Binato ko siya ng throw pillow. “Dami mong alam!”

Tumawa siya tapos tumayo. Lord, bakit naman kasi masyadong gwapo to? Oo naman, aaminin ko na mas gwapo siya kay Drake. Ang hirap naman oh!

Inalis ko sa utak ko yung thought na yun. Hindi ko naman minahal si Drake dahil gwapo siya. Ewan, may something kasi talaga kay Drake na kakaiba kaya sobrang mahahatak ka palapit sa kanya. Si Tripp naman, may taglay na kaharutan sa katawan. Ay grabe! Ano ba tong mga iniisip ko?!!

“Nag uusap na kayo ni Drake?” tanong ni Tripp.

Napatigil naman ako sa pagkain ko ng tinapay. “Ha?”

“Sabi ko, nag uusap na ba kayo ng pinsan ko?”

Hindi naman ako makasagot. Ano ba nangyayari sa akin?!

Bumuntong hininga siya. “Magiging kayo na ba ulit?”

“Bakit… magseselos ka ba?”

O_________O

SAN NANGGALING YUN, ALYS?!

Nagchuckle siya. OMO napaka cute! “Medyo. Malay mo?” sabi niya sabay kindat sa akin. Lord, masyado niyo akong pinapahirapan!

“Tsk. Bahala ka nga jan,” sabi ko tapos tumayo na ako. Kinuha ko na yung mga gamit ko tapos nag ayos na ako. Kanina pa pala kami ni Tripp dito, nanood pa kasi kami ng tv. Hehehe.

Nakahiga siya sa sofa ko. “Hindi ka ba papasok?“sabi ko sa kanya.

Bigla naman siyang tumayo. “Ano’ng oras ba klase mo?”

“10.”

“Okay,” sabi niya tapos tumayo siya. Naglakad kami papunta sa lift. “Sa tingin mo? Lipat na din kaya ako dito para wonder neighborhood na tayo?”

“Oo na lang.”

“Hindi nga, seryoso ako. Sa tingin mo?”

Gusto ko sanang sumagot ng oo kaya lang naalala ko naman bigla si Pugits. Mahirap na noh! Mamaya hindi na lang basta paghawak hawak sa balikat ni Tripp ang maganap! Ayy kadiring isipin!

“Wag na. Dun ka na lang sa bahay niyo,” sabi ko sa kanya. Mukhang natahimik naman siya sa sagot ko. Pasensya na pero… ayoko kay Pugita para sa’yo.

Dala pala ni Tripp yung sasakyan niya. Buti naman! Ayoko ngang sumakay sa motor niya noh! Magiging bad hair day na naman ako kung sakali!

Nakarating na ako sa school. Haaay. Naghiwalay na kami sa gate kasi magkaibang direction yung buildings na pupuntahan namin. Hassle talaga. Ang laki ng Brent, nakakaiyak maglakad!

Dalawa lang naman ang klase ko ngayon. Makakabalik na ako sa bahay ng mga 2. Ihahatid pa pala namin si Dane! Uuwi na si bubwit. Mamimiss ko yun!

So, ayun, pumasok na nga ako sa walang kamatayan kong ethics class. Natapos siya ng hindi ko namamalayan. Ang boring naman kasi!! Grr. Ano bang kinalaman ng ethics sa degree program ko, sige nga?!

Next nun, may baking class kami kaya lang wala yung prof, may conference. Kainis ha! Eto na nga lang yung gusto kong klase, free cut pa! Kakaiyak naman!

Dahil tapos na naman pala lahat ng klase ko, lumabas na ako ng campus at nag abang ng cab. Okay na din to! More bonding time with kapatid. Mamayang 7 pa kasi ang alis niya.

“Baby bro!!” sabi ko sabay takbo.

“Aish. So noisy,” sabi niya. Nagbabasa kasi siya ng magazine kung anuman yun.

“Grabe! Bakit bad mood ka?”

Inirapan niya ako. “Wala ka na dun. Tsk. Why are you here?”

“Duh? Malamang ihahatid ka namin sa airport!”

“I’m not a kid, okay? Hindi niyo naman ako kailangang ihatid sa airport!” sabi niya sabay walkout.

O________O

Anyareh dun?!

Umiiling iling si daddy nung naglakad siya palapit sa akin. Nakita niya siguro yung ginawa ni Dane. “Pagpasensyahan mo na nga yun, basted eh,” sabi ni daddy.

“Basted?!”

“Oo. Pumunta dito si Felice, nag aalala kay Dane. Wag mong sabihin sa kanya na alam mo, ha? mas lalong maiinis yun.”

Hala. Kawawa naman si kapatid. Nabasted pala ng first love niya! Hindi ko na nga siya kukulitin.

Umakyat muna ako sa kwarto ko at natulog sandali. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi dahil nga kinakabahan ako sa paggising ko. Tapos ang aga ko pang nagising. Nakatulog siguro ako for two hours kasi pag gising ko, ala 3 na.

Pumunta kaming pamilya sa mall. Kumain kain and bumili ng papadala kila Nana. Haay. Namimiss ko na din sila.

Hindi ko alam kung anong pagkain ba ang ginawa namin dahil umabot kami ng hanggang 6 sa mall! Hahaha. Todo family bonding!

Nagdrive na si daddy papuntang airport habang si dearest baby bro ay nakasimangot pa din. Grabe! Ano bang ginawa ni Felice dito? Hindi ko naman matanong kasi nahihiya din ako. Haaayy.

“Ingat ka dun, ha?” sabi ko sa kanya sabay yakap.

Niyakap niya din ako. “I will. Sorry sa pagsigaw ko sayo kanina…”

“Okay lang yun, ano ka ba. Ingat ka dun. Mamimiss agad kita!”

Natawa siya sa akin. “I know. I’ll be back soon,” sabi niya. Nagbye din siya kay mommy at daddy tapos pumasok na siya.

Bumalik na kami nila mommy sa car. “How’s living alone, Alys?”

“Uhm, okay lang po. Kakapanibago.”

Nginitian ako ni mom. “You’ll manage. By the way, I don’t want monkey business, Alys. I know Drake’s your neighbor, okay?”

Namula naman ako dun! Monkey business ka jan, mommy! Hindi mo lang po kasi alam pero break na kami ni Drake kaya… walang monkey business na magaganap!

Sobrang traffic ngayon. 10 pm na ako nakadating sa condo.

“Lock the door, okay?” sabi ni mommy.

“Alys, binabantayan ka namin. Wag kang magulo,” sabi naman ni daddy.

“Okay, okay. Bye po!” sabi ko sabay takbo sa lift.

Haaay. Kakapagod na araw to ah!

Nung dumating sa 19th floor ang lift.

“You’ve made me wait for 7 hours. You hate me that much?”

Chapter 51

Chapter 51

O____________O

7 hours?!

Hindi pa ako nakakasagot pero nagwalkout na si Drake!

Hala! Sorry, hindi ko sinasadya!! Masyado lang akong naaliw kay Dane kaya nakalimutan ko. Grabe… wala naman akong kasalanan, di ba? Hindi ko naman purposely pinaghintay siya ng ganun katagal! Pero bakit nagguilty pa din ako?

Gusto ko sana siyang sundan papasok sa unit niya pero nahihiya naman ako. Ako na nga yung hindi tumupad sa usapan namin, ako pa yung mangungulit sa kanya. At isa pa… break na kami. Ano ba ang karapatan kong pindutin ang 1131 code sa pinto niya??

Naglakad na lang ako papunta sa unit ko at isinalampak ko yung sarili ko sa beanbag. Buti pa ’tong mga beanbag, pinapasaya ako palagi!! Si Drake naman, kahit na break na kami, pinapagulo pa din ang utak ko. At sino ba naman kasi ang may kasalanan? Ako pa din naman!! Sino ba ang gaga na humiling ng condo? Ako naman kaya!!

Naglalakad ako pabalik sa couch dahil pumunta ako sa ref para kumuha ng strawberry milk pero may nag doorbell. Nako! Si Tripp na naman ba yan?!!

“Tr–– Uy, Drake. Hehehe.”

Nakatingin siya sa akin with that familiar set of cold eyes. Nakakatakot pa din!!

“I changed my mind,” sabi niya.

“Huh?”

“I can’t let you hate me. I’ll make you love me again. Come,” sabi niya tapos hinatak niya yung kamay ko.

Kanina niya pa ako hinahatak. Nandito kami sa loob ng lift. Ano ba naman yan!! Nakakahiya! Naka fluffy na slippers pa ako! Buti na lang hindi pa ako nagpapalit ng pyjamas! Napaka impulsive naman bigla ni Drake! Kailan pa siya naging impulsive? Bago ’to ah!! Pero kahit na!! Nakakahiya yung itsura ko. Stressed pa man din ako sa ‘do you hate me that much’ drama niya kanina. Hindi pa ako nagsusuklay, nakasuot pa ako ng fluffy slippers at ano pa nga ba? May strawberry milk pa sa kamay ko, oh!!

“Drake!”

Napatingin siya sa akin. “What?”

“San ba tayo pupunta?”

He smiled at me. OMG bago ’to!! Nakabuti ba yung breakup namin? Ngumingiti na kasi siya!! “Date. You have a dinner date with me, remember?”

“Drake, malapit ng mag 11. May bukas pa bang restaurant?”

Napatigil siya sa sinabi ko.

OMG! Tama ako!!

“Hmm. You’re right.” Nag iisip pa din siya nung huminto kami sa ground floor which is parking lot. Mukhang mapapa joy ride na naman ako.

Lalabas na sana ako sa lift ng hatakin ako pabalik ni Drake. Pinindut niya yung 1 button.

“Akala ko ba aalis tayo?” I asked him.

“Change of plans,” sabi niya. Hindi na ako nagsalita. May tiwala naman ako kay Drake. Never pa naman niya akong pinahamak… or not? Once nga pala. Nung debut ko. Haaay.

Nakarating agad kami sa 1st floor at hinatak niya ako. Oo, hinatak niya ako, papunta sa convinience store. Aba! Ang dinner date namin, mauuwi yata sa mini stop date!!

Naglalakad si Drake sa mga aisle habang yung isang kamay niya nakahawak sa kamay ko. Yung isang kamay niya, may dalang basket.

“Do you eat ramen?” he asked.

“Ha?”

“Nevermind. I’ll make you eat those,” sabi niya sabay lagay sa basket niya ng ramen. No, ramens pala! Apat na pack yun ah! Magpipicnic ba kami ngayong gabi?? Kumuha din siya ng itlog?? Pati marshmallows, stick?!! Soy milk, toblerone, chips, at kung anu ano pa. Ay, bumili din siya ng isang kilong yelo! Naka ecstacy ba si Drake ngayon?!

Binayaran niya na yung pinamili niya. Naka paper bags pa naman yung mga dry goods pero yung yelo, hawak niya sa plastic. Iwasan tumigin sa braso, Alys. Break na kayo. Bawal pagnasaan ang biceps!!

o____-

-____o

“Waaaaaaaaaaaah!!!” Napasigaw ako dahil nadulas ako. Bwisit na yelo yan!! Tumutulo pala!! At dahil tiles ang floor, nadulas ako!!!

Binitawan ni Drake yung yelo at nahawakan niya yung kamay ko pero na out of balance din siya kaya sabay kaming bumagsak sa floor.

wild palpitations

////////////<

Buti na lang nasa 19th floor na kami. Busy kasi mga tao dito, eh 10 na unit kami dito. Yung iba, laging wala, yung ibang unit, wala pang nag ooccupy.

Nakatingin lang kami sa isa’t isa. Ang awkward!!

Ay, nasabi ko na na nakapatong siya sa akin? Omg!! Kakalbuhin ako ni mommy pag nalaman niya ’to!!

“Alys…” sabi ni Drake. Konting konti na lang, mahahalikan ko na siya!! I mean, mahahalikan niya na ako.

“H-ha?”

“Can I kiss you? I know we broke up but… I feel like kissing you right now.”

“H-ha?”

Nakatingin pa din kami sa isa’t isa. Lord, test ba ’to para makita kung nakamove on na nga ako? Kung oo, failing na yata ang standing ko!

“I don’t wanna force you. I won’t kiss you if you don’t like me to,” sabi niya. “Or not,” sabi niya ulit tapos kiniss niya ako sa neck.

O__________O

Tumayo siya agad pagkatapos niyang ikiss yung neck ko. Ako? Nakahiga pa din sa floor. Oh, Lord. Alam mo na po? Failed ako!! May re-take po ba??

Nakita kong nagpipigil magsmile si Drake pero halata naman na mukha niyang napapa smile siya. Haaay, Drake!

Tinulungan niya akong tumayo. Yung yelo niya? Ayun, natutunaw sa floor. Bahala na nga. Mamaya may madulas din dito, kami pa ni Drake mapagbintangan!! May mga cctv pa naman sa bawat sulok ng building na ’to.

Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung floor. Hindi pala kasya. Ang liit ng panyo ko. T^T

“Here,” sabi niya.

O_________O

Lord, eto na ba yung re-take?!! Bakit sobra naman po ’to!!

“D-D-Drake?” sabi ko ng yung mata ko, naka glue na talaga sa abs niya. Oh, Lord. Why are you testing me??

“It’s fine. You can use my shirt,” sabi niya sabay abot pa din sa akin nung shirt niya na branded tapos gusto niya ipamunas ko lang sa basa sa sahig?!! Naka ecstacy yata talaga si Drake!! Pero oh noes!! Yung mata ko ayaw pa ding maalis sa abs niya!! Grabe!! Mga mata ko, umalis na kayo ng tingin jan!!

Dahil napansin niya yata na nasa trance ako, siya na ang nagpunas sa sahig. Nakamejo up siya kaya face to face na kami ng abs niya. Oh, golly. Nagggym ba si Drake? Parang ang strong ng abs niya. Parang ang sarap–– NO NO NO!! Hindi ako perv!

“It’s done,” sabi niya sabay tayo. “Let’s go?” sabi niya.

Nagnod na lang ako.

Ex ko ba talaga siya? Bakit parang boyfriend ko pa din siya sa ginagawa namin??

Naglakad kami papunta sa unit niya. Omo. Nostalgic ang feels!!

Nagtingin tingin ako sa paligid ng unit niya, aba, halos mag oone month na din pala nung last na punta ko dito, noh? As in yung pasok talaga sa loob nito? Ang tagal na din pala!

“Come here,” sabi niya tapos naglagay siya sa table ng parang portable na lutuan ng something something. Weee. Kaka excite naman ’to! Magpipicnic ba kami?!!

Naglagay siya ng kaldero something sa lutuan tapos hinintay naming magboil yung water pero habang hinihintay namin, kumain muna kami ng marshmellows.

“So, is your family mad at me?” tanong niya.

“H-ha?”

Nagbuntong hininga siya. “Tell them I’m sorry. No, wait. I’ll personally tell them that I am sorry,” sabi niya tapos nakatingin pa din siya sa kaldero. Ako naman, punung puno ng mallows ang bibig.

Nakonsensya naman ako kasi parang sobrang guilty niya sa nangyari. “Hala, Drake… Wala na yun. Past is past, di ba?”

Ngumiti siya sa akin pero yung sad smile. “I know but—”

I cut him off. “But ano? Wala na, Drake. The damage has been done. Magsorry ka man, nagawa mo na. Kaya wag na lang din, okay? Marami na kasing nagbago…”

“The… things that changed. Does that include your feelings?”

Chapter 52

Chapter 52

“Uy!”

Napatingin ako, kasama ko pala si Tripp ngayon. “Hmmm?”

Nahiga siya sa damuhan. May school anniversary ngayon kaya irregular class buong Brent for one week. Nandito kami sa freedom park. “Kanina pa kaya ako nagsasalita dito, hindi ka naman nakikinig.”

“Sorry, may iniisip lang kasi ako.”

“Sino? Pinsan ko?”

Napatingin na naman ako sa kanya. Bakit ba alam niya yung mga iniisip ko? “H-ha? Ah, oo eh…” pag-amin ko. Paano ba naman hindi ako magiging distracted? Ang grabe naman kasi nung tanong sa akin ni Drake nung isang gabi! Tignan mo, ilang gabi na pala yung nakalipas pero yung epekto ng tanong niya sa akin, ganun pa din.

-flashback-

“H-ha?” tanong ko kay Drake. Grabe naman siya! Hindi ko naman kasi talaga sinasadya na maghintay siya ng 7 hours eh!! Tsaka grabe naman yung 7 hours! Bakit hindi muna siya pumasok sa loob? Alam niya naman yung passcode. As if naman pagbibintangan ko siya ng magnanakaw pag pumasok siya. Tsk.

Lumapit siya sa akin. Omo. Wag!! 

“I said, do you still feel the same for me… or have you forgotten how it feels to be in love with me?”

O___________O

“H-ha?”

Lord, puro ‘ha’ na lang po yung nasasabi ko! Napapa speechless naman po kasi ako sa mga sinasabi ng lalaking ’to eh!!

Naramdaman ko yung pinto sa likod ko. Omo.Trapped ba ako?!

Nung hindi na ako makaatras pa, salamat talaga sa pinto, nilagay niya yung both hands niya sa pagitan ng ulo ko at yumuko para magkapantay yung mukha namin. Oh, Lord. Masyado pong tempting ang tao sa harapan ko. Help me!!

“Alys Zyril, I have all the time in the world. Are you going to answer my question or not?”

gulp

“A-ano kasi, D-drake…”

“What?” sabi niya. Jusko~~ Ang bango ng breath niya. Amoy menthol~~~

Medyo yumuko ako kasi I swear, konting lapit pa, magkikiss na naman kami. 

“Syempre naman mahal pa din kita, pero pagod na din kasi ako. Alam mo yun?” sabi ko. Gusto kong maging honest sa kanya. Deserve niya naman yun. Hindi naman porket nagbreaak kami, lolokohin ko siya. Hindi naman ako pinalaki ng ganun. Isa pa, ayokong manakit ng lalaki. Alam ko kasi na masakit yun, nasasaktan din kasi ako nung nakita ko si Dane umiyak. Ayoko makakita ng ganun eh.

Binaba niya yung kamay niya tapos natawa siya, yung tawa na parang sarcastic? Parang ganun eh…

“Is it Tripp?”

“H-ha?”

Tinignan niya ako. Natatakot ako, para kasing galit siya. Ayokong nakikitang galit siya Drake…

“H-hindi, Drake. Magkaibigan lang kami ni Tripp. I told you, mahal kita, okay? Ayoko na lang talaga. Yun yung reason ko, Drake. Napagod na ako sa’yo.”

Pagkasabing pagkasabi ko ng ‘napagod na ako sa’yo,’ napatingin siya sa gilid niya. Kinagat niya yung labi niya tapos parang nagpipigil siyang umiyak.   

Lumapit ako sa kanya tapos hinawakan ko yung kamay niya. “Hala, Drake…”

Hinawi niya yung kamay ko mula sa mukha niya. Ano ba tong ginawa ko? Ginalit ko ba si Drake? Hala!!

“One last time, Alys. Do you still want me or what? I’m not the most patient person in the world. If you say you don’t want me, I’ll quit on you.” 

“D-drake…”

“Tss,” sabi niya tapos tumalikod siya. “Forget it. You know what? I really love you, Alys. But like you, napapagod din ako.”

Nagsimula na siyang maglakad. Palayo sa akin. What have I done?!!

-present-

Kinuha ni Tripp yung camera niya mula sa bag niya tapos inadjust niya ang lens. “Alam mo, Alys. Drake is one complicated man, kahit ako, minsan hindi ko siya maintindihan.”

Nginitian ko siya ng kaunti. “Alam ko…” Alam na alam ko kung gaano kakumplikado si Drake. Pero bakit ganun? Kahit na sobrang komplikado niya, nandun pa din eh, mahal ko pa din siya. Alam ko naman kasi yun, halos three months din kami ni Drake. Hindi naman mawawala lahat ng feelings ko sa loob lang ng isang buwan, di ba? Pero kasi, ano ba ang sense ng isang relationship kung hindi naman kayo nagkakaintindihan?

“Alam mo naman pala eh. Ano’ng desisyon mo?”

“Ha?”

Tinutok sa akin ni Tripp yung camera niya. “Pinsan ko si Drake, Alys. Nag uusap kami. I know he wants you back. Ano’ng masasabi mo dun?”

Natahimik naman ako. Ano bang isasagot ko kay Tripp? Na ano? Na wala na din naman akong babalikan kasi si Drake na mismo yung sumuko sa akin. 

Nagshrug ako. “Pagod na ako, pagod na din siya. Siguro move on na lang?”

Kinlick niya yung camera niya. 

“Sigurado ka?”

Tumango ako. “Oo eh. Tama na din ’to. Sabi nga nila, if it’s mean to be, it will be.”

Tumayo siya tapos pinagpag niya yung ligaw na damo sa pants niya at inoffer niya yung kamay niya sa akin. “Tara,” sabi niya.

“Ha? San tayo pupunta?”

Ngumiti lang siya. “Basta, may tiwala ka naman sa’kin, di ba?”

Nagnod ako. 

Sumunod ako kay Tripp. Since irreg nga ang klase, pakalat kalat lang kami sa campus. Napansin kong naglalakad kami papunta sa SCA.

“Huy, bakit tayo nandito?!!”

Sinubukan kong huminto pero hinatak lang ako lalo ni Tripp. Natawa pa siya sa ginawa ko. Nagstop kasi talaga ako, eh hinihila niya ako kaya ayun, muntik na akong masubsob sa floor. Grrrr!!

“Zyril naman eh. Tara na, bilis.”

“Ayoko nga! Bakit muna tayo nandito?”

Kinidatan niya lang ako. “Basta, just trust me on this one, alright?”

Napa sigh na lang ako. Hinayaan ko na lang siyang hatakin ako ng hatakin dito. Nakakainis din ha! Yung mga high school batchmate ko, kanina pa kami pinagtitinginan. Palibasa hindi si Drake ang kasama ko, nagtataka siguro sila. 

Huminto kami sa tapat ng isang lecture hall. Okay?

“Upo ka muna,” sabi ni Tripp. Kahit medyo hindi ko alam kung bakit kami nandito, naupo na din ako.

“Bakit ba tayo nandito?” kulit ko ulit sa kanya.

Nagsmile na naman siya sa akin. “Di ba sabi mo pagod ka na talaga?”

Nagnod ako. Nagsmile na naman siya.

“Dahil pagod ka na kay Drake, pwede na kitang ligawan.”

O____________O

Hindi pa ako nakakareact sa sinabi niya, bigla namang naglabasan yung mga tao sa lecture hall!! Omo!! S-si Drake yun ah!!!

Lord, jusko po. Ano’ng nangyayari?!!

Naglakad si Drake papunta sa amin, kasi madadaanan niya naman talaga kami. Humarang si Tripp sa dadaanan ni Drake. Oh, Lord. Alam ko naging masama akong best friend kay Aya pero wag niyo naman po akong parusahan ng ganito, please!!

“Drake,” sabi ni Tripp.

Huminto si Drake pero hindi niya ako tinignan. Galit talaga siya sakin?

“Liligawan ko si Alys. Okay lang naman sa’yo, di ba?”

Tinignan ako sandali ni Drake tapos tinignan niya ulit si Tripp. “You like her? Good luck. She likes breaking hearts.” Sabi niya then umalis na siya.

Chapter 53

Chapter 53

Nagshrug si Tripp. “Maybe she won’t break mine,” sabi ni Tripp kay Drake tapos nagsmile siya. Tumingin siya sa akin at hinatak niya ako palayo.

Bakit naiiyak na naman ako? Ginusto ko naman ’to… yata. Ako naman yung nagsabi sa kanya na napapagod na ako, di ba? Bakit ako umiiyak? Minsan talaga, hindi ko maintindihan yung sarili ko.

Kanina pa ako hinahatak ni Tripp, hindi ko na lang pinapansin kung saan niya ba ako dadalin. Masyado akong nadala dun sa sinabi ni Drake.

‘She likes breaking hearts?’

Bakit? Ano bang alam niya? Alam ba niya kung ilang beses niya akong pinaiyak? Wala nga siyang clue eh!

“Oh,” sabi ni Tripp. Nakayuko ako kaya ang nakita ko lang ay yung kamay niya na nag ooffer sa akin ng panyo. “Kanina ka pa iyak ng iyak jan. Akala ko ba pagod ka na kay Drake? Bakit ka umiiyak?”

Nagssniff ako. “Kasi… hindi ko din alam,” sabi ko sa kanya. Ayaw ko namang sabihin yung totoo na nasaktan ako kasi naman syempre ano ba ang dapat kong mafeel? Matuwa kasi ganun na yung trato sa akin ng taong mahal ko? Tsaka isa pa… sobrang galit ni Drake sa akin. Napansin ko yun eh. Iba na…

“Tsk,” sabi niya tapos kinuha niya yung panyo sa kamay ko at siya yung nagpunas ng luha ko. “Wag mo na kasi siyang iyakan. Nandito na nga ako eh.”

Nagsmile ako sa kanya. “Kaya nga eh, thanks, Tripp.”

Pinat niya yung ulo ko. “Wala yun. Haaay. San mo gustong pumunta? Lilibre kita,” sabi niya.

“Ililibre mo ako?!”

Nagkamot siya sa batok niya. “Oo nga. Ang kulit lang?”

“Kasi minsan ka lang kaya manlibre!!”

Napangiti siya sa akin. “Yan, ngumiti ka din. Libre lang pala katapat mo. Ang cheap mo, ha.”

“Tss. Kapal ng mukha nito. Ikaw nga kuripot eh!!”

Nagshrug na lang siya tapos nagsimulang maglakad. Sumunod ako sa kanya habang pinupunasan yung luha ko. Grabe, napansin ko lang, ilang beses na ba ako umiyak ngayong month? Hindi ko na maalala. Sobrang dami yata. Quota na ako. Pero hindi ko din naman kayang sisihin si Drake. Kahit na ganito siya sa akin, hindi ko kayang sisihin eh. Ganun yata talaga ako.

Pumasok si Tripp sa isang coffee shop. Seryoso? Sa tirik ng araw ngayon, coffee shop pa trip ni Tripp?!

Naupo siya sa tabi ng window like a boss.

“Ano? Order na. Minsan lang ako manlibre, sulitin mo na,” sabi niya with matching naka de kwatro pa siya. Ayyy, feel at home lang dito sa coffee shop?!

“Aish. Kainis,” sabi ko na lang tapos tinignan ko yung menu na binigay nung waitress. Umorder ako nung nakita kong pinakamahal. Mehehe. Minsan lang ito, dapat sulitin!!

Nag usap muna kami ni Tripp habang naghihintay ng order ko. Actually, ako lang yung umorder. Ewan ko ba kung busog lang si Marco or nagtitipid siya kaya ako lang yung bumili. Either way, yung pinakamahal talaga binili ko. Masaya na ako dun. Hehehe.

Narinig kong may pumasok kasi may cute na bells sa taas ng pinto para signal pag may pumasok na customer. Since nakatalikod ako from the door, hindi ko kilala kung sino pumasok. At saka, care ko ba sa pumasok? Hindi naman ako chismosa. Hehehe.

“Tripp!”

Omo!! Familiar voice.

-_________-

Nakita kong nagulat si Tripp kasi bigla siyang nanigas sa kinauupuan niya. Aba sino ba naman ang hindi magugulat pag nakakita ka ng naglalakad na pugita?!!!

Narinig ko na naman ang mahiwagang kalampag ng high heels niya. Seryoso, minsan feel ko talaga massprain ng todo ang babaeng ’to eh! Lakas maka heels! 6 inches ata to?

Nagbeso beso siya kay Tripp. Ew!! Tapos bigla siyang napatingin sa akin. Yuck!! “Oh, you’re here din pala, Alys.”

Nagsmile ako sa kanya. “Obviously.”

Inirapan niya ako then binaling niya na naman yung pansin niya kay Tripp. Nako! Minsan iisipin ko na talaga na may itinatagong pagnanasa si Shaira kay Tripp eh. May feels!

“Tripp, wanna join us? Like the old times?”

Umiling si Tripp. Good!!

“Why naman? Ang tagal na nating hindi nakapagbonding eh!”

Hay kung hindi dahil sa sinabi ni mommy na masamang sumabat sa usapan, malamang kanina ko pa naipamalas ang pambabara skills ko kay Pugits!! Grrr! Nasa level 1000 na yung pang iirita skills niya, ha!

“Pass muna ko,” sabi ni Tripp.

Nag inarte naman si Pugita. Akala mo cute. Che!

“Sige na, please, Tripp? For old times’ sake?”

Nakita kong tumingin sa akin si Tripp. Bakit nga naman kasi siya sasama eh may kasama siya?! Medyo wala ding brains at kalahati si Shaira eh!

Dahil naiinis na ako kay Shaira, nagsign ako kay Tripp na umalis na kami. Hindi kaya ng powersko ang presence ni Shaira. Nalulunod ako sa itim na ink!!

“Next time na lang, Shai. May pupuntahan pa kami eh,” sabi ni Tripp sabay tayo. Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tumayo. Okay? Gentleman ang peg ni Tripp ngayon?

Tumayo na din ako pero pag talikod ko…

“Drake…”

Nakatayo pala siya sa likod ko. Wait, ibig sabihin kasama niya si Shaira?

Mukhang napansin naman ni Shaira yung uneasiness ko kaya bigla siyang lumapit kay Drake at pumulupot pa sa braso niya.

“Drake, ayaw nilang sumama sa atin eh. Let’s go na?” sabi niya. Ayy kaarteng babae!!

Nakatingin lang si Drake sa akin with those cold eyes. Haaays.

Tumalikod sila pero hindi ko alam kung bakit ko ginawa pero… “Wait,” sabi ko bago pa man sila maka talikod ng tuluyan mula sa’min. “Sama kami sa inyo. Naka order na din naman kami eh. Di ba, Tripp?” sabi ko kay Tripp.

Nakita kong nagbuntong hininga siya tapos ngumiti. Parang sanay na sanay na si Tripp ngumiti ah? “Oo nga. San ba kayo nakaupo, Shaira?”

“There oh,” sabi ni Shaira tapos tinuro niya yung table for 6 dun sa right side ng coffee shop. “Let’s go,” sabi niya tapos tinug niya si Drake papunta dun.

Minsan naiisip ko, kung sa point of view kaya ng ibang tao, malamang ako yung kontrabida. Kasi sabi din sa akin ni Tripp, mas nauna daw si Shaira kay Drake. Ngayon na galit na sa akin si Drake, siguro magiging okay na sila ni Shaira. After all, sila naman pala talaga dapat.

Naupo na kami dun, syempre katabi ko si Tripp tapos naman kaharap ko si Shaira. Lahat syempre gagawin ni Pugits para hindi kami maging malapit ni Drake. Ewan ko nga ba kung bakit niya ako pinapunta dito, I mean, mas okay naman yata na sila na lang ni Drake. Gusto ba niyang ipakita sa akin na magkasama sila?

Dumating na yung order kaya tahimik na lang akong kumain ng strawberry shortcake ko. Bayaan ko na silang mag usap since nagtthrowback naman sila sa high school memories nila. Napaka out of place ko dito!

Medyo lumapit sa akin si Tripp tapos binulungan niya ako. “Okay ka lang?”

Binigyan ko siya ng matipid na ngiti. “Okay lang ako…” kahit hindi naman talaga. Sino ba ang matutuwa pag hindi ka makarelate sa pinag uusapan nila? Mga teacher na hindi ko naman kilala pati mga batchmate nila. Haaay. Mas naffeel ko na hindi talaga kami bagay ni Drake. Masyado kaming madaming differences samantalang sila ni Shaira, ang daming similarities.

Hindi ko alam pero biglang nalipat ang topic sa akin. “Oh, I remember, kamusta ang debut, Alys? You didn’t invite me kaya! I thought we were friends.”

GRRRRRRRRRR. Binabawi ko na! Masyado siyang maarte for Drake!

“Ah, eh. Ayun, okay lang.”

“Awww. Okay lang? Siguro dahil hindi nakarating on time si Drake no? Sorry kasi he had to attend to my needs eh,” sabi niya tapos nagsmile siya. Okay, Alys. Timpi lang.

So… tama nga. Siya yung pinuntahan ni Drake. Siya nga yung dahilan kaya ako iniwan ni Drake. All along, tama pala yung hinala ko. Si Shaira talaga.

Kahit na masyado akong nabigla sa mga narinig ko, pinilit ko pa ding ngumiti. Kung si Drake nga nakakayanan akong hindi tignan, sino ba naman ako para mahirapang ngumiti?

“Okay lang… Tapos na din naman eh. Wala na akong magagawa.”

Nagsmile si Shaira. “I know, right? Past is past so move on! Besides, am I right? Break na kayo ni Drake?” sabi niya sa akin as if wala si Drake sa tabi niya. Hindi ko malaman kung insensitive lang ba si Shaira or talagang sadista siya.

“Ah, oo…” mahina kong sabi sabay inom ng frappe ko. Ang init na nga ng panahon, natetensyon pa ako sa mga tanong ni Shaira!

Hinawakan niya yung kamay ni Drake na nakapatong sa lamesa. “See, Drake? I told you we’re meant to be talaga!”

“Tss.”

Hindi ko mapigilang matawa. Ang funny naman kasi ni Drake! Napaka dreamy na ni Shaira tapos biglang nag Tss na naman siya. The Drake Palma Way nga naman oh!

“Well, anyways,” sabi ni Shaira, “since break na kayo ni Drake, we can be friends na.”

“Ha?” sabi ko.

“Kasi naman, I didn’t like you before kasi kayo ni Drake. But since wala na kayo, let’s be friends na. I’m Shaira Silos, and I’m only mean to those na threat sa amin ng future hubby ko,” sabi niya then she offered her hands.

Nakita kong napa smirk si Tripp sa sinabi ni Shaira. Medyo nailang naman ako at nahiya kasi nag offer pa siya ng hand niya sa akin kaya naman tinanggap ko na lang din.

“Uhm, I’m Alys? And… I’m not a threat to you and Drake… not anymore,” bulong ko.

Sa peripheral vision ko, nakita kong nakatingin sa akin si Tripp. Siguro worried siya kasi alam niya naman na hindi pa kasi ako nakakamove on kay Drake tapos eto ako, kung anu anong kasinungalingan ang sinasabi. Well, baka hindi naman totally kasinungalingan. Hindi na naman kasi talaga ako threat…

Mas lalong lumaki ang smile ni Shaira. “That’s good news, then! Let’s be friends, ha? Wala kasi akong friends bukod kay Drake and Tripp. All those girls hate me because I’m close dito sa dalawang Palma. We’re friends na, ha?”

Nakita ko naman na genuine yung smile ni Shaira. Pumayag na ako kasi alam ko yung feeling na walang friend. Kaya nga nagkagusto ako kay Sheen noon kasi siya lang ang friend ko bukod kay Aya. At saka alam ko yung nangyayari kay Shaira, kahit naman ako, ang daming may ayaw sa akin nung naging boyfriend ko si Drake at friends kami ni Tripp. Siguro talagag madaming nagkakagusto sa kanila kaya madaming nagalit sa akin.

Isinandal niya yung ulo niya kay Drake. “Yan, don’t be so grumpy na, Drake. We’re friends na ng ex mo.”

“Tss.”

“Okay ka lang ba? Lasog lasog na yung cake mo, oh,” sabi ni Tripp sa akin sabay turo sa cake ko na mukhang namurder ng tinidor ko.

“Aish,” sabi ko. Pano ko pa ’to kakainin? Mukha na siyang nakakadiri. “Hala…”

Kinurot ni Tripp yung pisngi ko. “Ang cute mo talaga,” sabi niya tapos pinagpalit niya yung cakes namin. “Oh, sa’yo na lang yung sa’kin. Hindi ko pa naman yan nakakain.”

“Thanks, Tripp.”

“No prob. Syempre nagpapalakas ako. Nanliligaw eh.”

“Tss. Sipsip ka pala eh.”

Tumawa lang si Tripp. Ang gwapo niya talaga eh, no? Bakit kaya siya binasted ni Shaira dati? Siguro dahil hindi talaga siya gusto ni Shaira kasi obvious na obvious naman na gusto ni Shaira ay si Drake.

“Ang cute nila no, Drake? So cute!” sabi ni Shaira, pertaining to us. “By the way, Alys, I’m having a party later sa house. Wanna come?”

“H-ha?”

“Please? Barbeque party lang naman siya, eh. Please? And we can swim!”

Gusto ko sanang mag no kaya lang hindi ko alam kung bakit ako nagyes. Nagiging masokista na ba ako? Gusto ko yatang tignan na magkasama si Shaira at Drake eh. Sabi nga, ‘rubbing salt on the wound will help it heal faster.’

“S-sure. San ka ba nakatira?”

“Sa Antipolo Heights.”

O___________O

“A-Antipolo?”

Nagnod siya. “Yup, I’m going home later. Nagcondo lang naman ako for Drake e. But I really miss my house kaya uuwi ako later. You’ll come, ha?”

Minus the kaartehan at pagiging conyo at pagiging territorial kay Drake, mabait naman si Shaira.

“Sorry, hindi ako marunong pumunta ng Antipolo,” paliwanag ko. Hindi naman kasi ako gala. Hindi ako masyadong lumalabas sa Makati. Isa akong batang laking Makati.

Bigla namang nilagay ni Shaira yung kamay niya sa kamay ni Tripp, more like ipinatong. “Don’t worry, alam ni Tripp. You’ll fetch her, right?”

“Oo na, oo na,” sabi ni Tripp.

“You’re so grumpy talaga, Tripp. Move on na kasi. I don’t like you nga, how many times ko bang kailangang sabihin?”

Tinignan siya ni Tripp. “Pano ko makakalimutan kung lagi mong pinapaalala? Saka isa pa, puppy love ka lang. Si Alys ang true love ko.” Pagkasabing pagkasabi niya dun, tumayo na siya tapos tumingin sa akin. “Tara, Zy. Balik na tayo sa Brent.”

Nagnod naman ako at tumayo agad. “Sige. Bye, Shaira, bye, Drake…”

– Nagpatuloy ako sa pagpunta sa room pero hinatid pa ako ni Tripp.

“Okay lang ba talaga? Kahit naman hindi ka pumunta eh. Gagawa na lang ako ng excuse?”

Umiling ako. “Hindi, okay lang. Wala na din naman akong gagawin mamaya eh.”

Tinignan niya ako ng mabuti. “Alam ko namang medyo alanganin ang IQ mo, Alys. Wag mo namang babaan pati pride mo.”

Ngumiti ako. “Alam ko naman yun eh. Basta… basta na lang, ha?” Sabi ko tapos pumasok na ako sa room.

Nakinig lang ako sa professor buong hapon. Kahit na free cut kami, hindi nagpaawat si sir sa pagdidiscuss eh. Siya lang kaisa isang prof ko na nagpaklase. Hanep talaga!

After nun, dumiretso na ako sa bahay. Medyo boring nga eh, wala kasi si Dane. Sila Aya naman, may mga klase. Hindi naman kasi foundation week sa SCA eh, sa Brent lang.

Natulog muna ako tapos nag alarm na lang ako nung bandang mga 5 na. Nagtext na ako kay mommy na medyo gagabihin ako. Pumayag naman siya since 18 na ako. Hehehe.

“Manang, aalis na po ako, ha? Paghinanap ako ni mommy pakisabi po kasama ko naman si Tripp. Alam na po niya yun,” sabi ko kay Manang bago ako lumabas. May narinig kasi akong honk ng sasakyan kaya nagready na ako.

“D-drake?”

Napahinto ako. Bakit siya nandito?

Nakatayo siya sa tapat ng gate namin. Nakatingin na naman siya sa akin ng ganun…

“I don’t wanna see you flirting with my cousin. Have some decency, Alys. Gusto mo bang gumaya sa stepmother ko?”

Chapter 54

Chapter 54

Tumalikod siya pagkasabi niya nun. Hindi ko alam kung bakit nagsalita pa ako. Hindi naman kasi talaga ako sumasagot pag ginaganito ako ni Drake eh. Medyo sanay na kasi talaga ako na ganito yung ugali niya.

“Drake,” tawag ko ng mahina. Huminto siya sa paglalakad pero hindi pa din siya humaharap sa akin. “Galit ka ba talaga sa akin?”

Natahimik siya for about a minute, siguro iniisip niya din kung ano yung sasabihin niya. Alam niyo naman si Drake, minsan lang magsalita pero pag nagsalita, either kikiligin ka o masasaktan ka. Lagi namang either of the two lang yan.

“Why would I?”

“Kasi… kanina mo pa ako hindi tinitignan.”

Humarap siya sa akin at nagsmirk. Hay, Alys. Eto na, masasaktan ka na naman sa sasabihin niya. Ang kulit ko din kasi! Bakit ba nagsalita pa ko? Dapat hinayaan ko na lang siya na umalis eh! Medyo masokista din kasi ako!

“Get over yourself, Alys. We’re over, you said it yourself,” sabi niya tapos pumasok na siya sa sasakyan niya.

Tama naman kasi, wala na kami pero bakit ganun siya umasta? Parang ang bitter niya! Haay, Alys. Magconcentrate ka na lang sa ibang bagay. Kung kami talaga ni Drake, magiging kami din. Hindi ko na kailangang mag effort.

Pumasok muna ako sa bahay, ang tagal naman kasi ni Marco eh.

“Ate Alys?” napatingin ako.

“Oy, Dilly bear! Bakit ka nandito?” sabi ko. Si Dillon, anak ni Tito Dave at Tita Sara. Hehehe baby bro ko din ’to. Magka age sila halos ni Dane eh, bale isa siya sa playmate ni Dane.

Naupo siya sa swing. “Dumaan si mama eh, may ibibigay yata kay Tita Dana. Ikaw, ate? Bakit ka nandito?”

Umiling ako. “Wala lang, hehehe.”

“Tss. Sinungaling. Umiiyak ka, no?” sabi niya. “Susumbong kita kay Dane! Alam mo namang nagagalit yun pag umiiyak ka eh. Sino ba nagpaiyak sayo? Yung pangit na Drake na yun?”

“Ha? Bakit niyo kilala si Drake?!!”

Natawa si Dilly. “Ate naman, kami pa ni Dane? Basta, ate. Pag pinaiyak ka ulit nun, alam mo na,” sabi niya tapos naglakad na siya papasok ng bahay. Nako, napakapa cool talaga niyang si jan Dillon Cruz! Siya yata ang anak ni daddy eh! Ang goody boy ni Tito Dave tapos super playboy ni Dilly!

Tahimik na naman akong naghihintay, nako. Ang late dumating niyang si Marco ha!

“Oy, Alys.”

“Ay anak ng butiki!!”

Natawa naman siya. “Masyado ka namang magugulatin. Tara na, ice ka na ba?” sabi niya habang nakasandal sa puno dun. Jusko naman, ano ba ang meron sa mga Palma na iyan? Masyado silang hot!

Dahan dahan akong tumayo, medyo matagal na kasi akong nakaupo dito kaya namanhid na yung paa ko.

“A-aray,” sabi ko nung patayo na ako.

Bigla namang lumapit si Tripp sa akin. “Uy, okay ka lang?”

Umiling ako. “Namamanhid yung paa ko…” sabi ko habang medyo pumipikit yung mata ko. Ang sakit kasi!!

“Aish, tara na nga,” sabi niya tapos lumuhod siya ng nakatalikod sa akin. “Ano? Sakay na…”

Medyo ayokong sumakay. May memories kasi kami ni Drake ng piggy back ride eh T^T

“Oy, sasakay ka ba o hihilahin kita?”

“Eto naman! Oo na sasakay na!”

Sumakay ako sa likod niya tapos sinakal ko siya. “H-hoy! Bakit mo ako sinasakal?!”

“Ewan ko sayo! Maglakad ka na nga!” sabi ko tapos ipinatong ko na lang yung ulo ko sa balikat niya. Medyo malayo ang pathway mula garden hanggang gate kaya medyo malayo layo lalakarin ni Tripp. Bayaan na nga siya. Ang tagal niyang dumating eh, nakausap ko pa tuloy si Drake.

Nag usap muna kami ni Tripp habang naglalakad siya papunta sa sasakyan niya. Ewan ko kung ano ba ang dala niya, yung motorbike niya ba o yung kotse. Sana wag yung motor T^T

“Tripp.”

“Hmm?”

“Kwento ka nga tungkol sa inyo ni Shaira.”

Bigla siyang napatigil. Ano’ng problema nito?

“Ha? Bakit ka nagtatanong tungkol dun?”

Medyo niluwangan ko yung pagkakasakal ko sa kanya tapos nilipat ko yung ulo ko sa kabilang balikat niya. “Ewan, naccurious kasi ako sa inyong dalawa… Ano nga?”

Inadjust niya yung pagkakabuhat niya sa akin at nagcontinue siyang maglakad. “Ano pa ba yung gusto mong malaman? Sabi ko na nga, di ba? Niligawan ko dati yun…”

“Eeh… ano pa?”

“Aish, ang chismosa mo, alam mo ba yun?”

Natawa ako. Medyo masungit din si Tripp pag may time! Kahit na nagsusungit siya, nagpatuloy pa din siya sa sinasabi niya sa akin. “Ano pa ba? Tsk. Kainis ka naman eh. Ayoko na ngang isipin yun, tas ikaw naman pinapaalala mo na naman sa akin.”

“Bakit? Mahal mo pa ba si Shaira kaya ka nahhurt?” sabi ko sa kanya. Haaay. Friend ko si Tripp, kahit na sabihin niya pa ng sabihin sa akin na may gusto siya sa akin, bakit parang naffeel ko na si Shaira talaga yung gusto niya? Or masyado lang akong nag aanalyze ng bagay bagay?

This time, binaba na ako ni Tripp sa lapag. Humarap siya sa akin tapos hinawakan niya yung magkabila kong balikat. “Alam mo, Zyril Perez, two years ago pa nung binasted ako ni Shaira. Ang gwapo ko lang, sa tingin mo magmumukmok ako ng sobrang tagal para lang sa ganun?”

“Aish, so ganon? Hindi mo din siya sineryoso? Playboy ka pala eh!”

Medyo nangiti siya kasi tinulak ko siya. “Playboy pa ba ako kung sa’yo lang naman ako seryoso?”

O__________O

“E-ewan ko sa’yo! Tara na nga!”

“Ayan na oh,” sabi ni Tripp. Nandito na kami sa bahay nila Shaira, kaninang nagddrive siya, ang awkward namin! Hindi ko naman kasi alam kung paano ako magrereact sa mga sinabi niya kanina! Tama nga yata si Drake, ang flirt ko na!!

Bumukas automatic yung gate nila kaya naglakad na kami… Well, okay. Medyo natanaw ko na si Shaira dun sa pool area, naka two piece nakakaiyak!

Medyo napaatras naman ako. Hindi yata ako na inform na dapat naka swimming attire!!

“Oy, bakit ka huminto?” sabi ni Tripp, nabunggo ko kasi siya dahil napahinto nga ako.

“Tripp… dapat ba may dala din akong… uhm, two piece?” sabi ko sabay lunok. Hindi naman ako super demure, no! Naka pag two piece na naman ako kasi required yun pag nagbbeach kami nila mommy pero iba to! Hindi ko yata kayang magsuot ng kakapiranggot na tela sa harap ni Drake! Baka atakihin ako sa puso!

Tumango siya. “Oo? Di ba nasabi naman na magsswimming tayo?”

“Hala! Uuwi na lang ako!” sabi ko sabay talikod at naglakad na ako. Bukod sa wala akong dalang two piece at naka two piece si Shaira, naka board shorts lang si Drake! Jusko naman!

Hinabol ako ni Tripp. “Uy, Zy, okay lang naman kahit yan na lang suot mo,” sabi niya sa akin sabay turo sa damit ko. Nakasuot kasi ako ng denim shorts na maigsi na din, white na sando at flip flops. Aba eto naman kasi talaga ang usual attire ko!

“Eh, kahit na. Pano ko uuwi? Alam mo namang umuwi ako ng basa?”

“May extra shirt ako, gusto mo yun na lang isuot mo ngayon para yan na lang ulit ang isuot mo pag uwi mo?” sabi niya sabay bukas sa bag niya tapos nilabas niya yung shirt niya na Batman. O

Hinawakan niya yung kamay ko tapos pumasok kami sa bahay nila Shaira. Aba feel at home si Tripp! Hindi na nagpapaalam, pasok na lang ng pasok!

“Bihis ka na, hihintayin kita dito…” sabi niya tapos isinarado niya yung pinto. Guest room pala ’to. Nagbihis na ako ng shirt ni Tripp, mahaba naman siya, mukha tuloy akong naka dress. =___=

Lumabas na ako, nung nakita ako ni Tripp, napangiti siya ng sobra.

“Tara nga dito,” sabi niya sa akin tapos lumapit ako. Nagulat ako dahil niyakap niya ako. “Thanks, Zyril. Matagal ko na kasing pangarap na suotin ng babaeng gusto ko yung damit ko eh. Corny ba? Hehe. Sensya na.”

Niyakap ko din siya pabalik. “Nukaba, sanay na ako sa kadramahan mo sa buhay,” sabi ko.

“Aish, panira ka talaga,” sabi niya tapos inalis niya yung yakap. “Tara na nga.”

Nagpunta na kami papunta sa pool area pero nadaan pa din kami sa receiving room nila Shaira. Grabe, spoiled yata si Pugits. Ang laki nung portrait niya sa gitna ng sala!

“Wala bang kapatid si Shaira?” sabi ko.

Umiling si Tripp. “Meron sana dapat kaya lang nalaglag eh, kaya only child lang si Shai. Mabait naman yun, promise. Medyo maldita lang minsan,” paliwanag ni Tripp.

Alam ko naman na mabait si Shaira, naging mean lang naman siya sa akin dahil kay Drake.

“Hey, Alys!” sabi ni Shaira. Kasalukuyan na naka dip ang mga paa niya sa pool habang si Drake, lumalangoy.

“H-hello din,” sabi ko tapos medyo uncomfortably kong ibinaba yung shirt ni Tripp.

“I know that shirt! Kay Tripp yan, right?” sabi ni Shaira.

“Ah, oo eh.”

Nagsmile siya sa akin at nag ok sign. “Omg super bagay kayo ni Tripp! And super sweet niya for him to allow you to wear his shirt!”

Medyo napa blush ako sa sinabi niya. Sasagot pa sana ako pero naunahan na ako ng mahiwagang tss ni Drake.

Pikit, Alys!!

Huhuhu. Masyadong tempting ’to!! Bakit kasi naka board shorts lang siya! Hindi ba pwedeng mag sando din siya like Tripp na naka black sando?!!

“Where’s my towel?” sabi ni Drake. Medyo nagpout si Shaira. Pwedeng masuka? Hehehe joke lang po.

“Here, hubby,” sabi ni Shaira tapos tumayo siya. Omo. Super sexy niya!! Bakit ganun?! Nahiya naman ang boobs ko!!

Lumapit siya kay Drake at pinunasan yung buhok ni Drake. Medyo ayokong makita yung eksena na iyon kaya tumalikod ako at lumapit sa swing. Naupo ako dun at nagswing ako ng sarili ko. Bahala sila dun.

Naupo din si Tripp sa tabi ko. “Alam mo, mas okay na makita mo na ganyan sila. Malay mo sa nakikita mo, malaman mo na para siya sa iba at ikaw naman, para talaga sakin?”

Medyo natawa ako. Ang seryoso kasi ng mukha niya! Hindi bagay!

Binatukan niya ako.

“Tss. Minsan na nga lang magseryoso, tinawanan pa ko. Ice ka din eh.”

“Sorry na, nakakatawa ka kasi eh. Hehehe. Magsswimming ka ba? Langoy na, dito lang ako.”

“Bakit? Hindi ka ba maliligo?”

Umiling ako. “Ayoko din eh. Sige na, ligo ka na.”

Tumayo si Tripp at lumapit sa akin. Omo. Hindi ko gusto to!! “Tripp, kung may binabalak kang masama, ngayon pa lang sinasabi ko tigilan–– WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!”

Ang walangya, hinagis ako sa pool!!

Tawa ng tawa si Tripp sa akin, at nakahawak pa sa tyan niya sa sobrang tawa!! Ang sama ng ugali pag may time!! GRRRR!

“Miss Shaira…” May lumapit na maid sa kanya. “Phone po para sa inyo, kakausapin daw kayo ng dad niyo…”

Tumayo si Shaira at kinuha yung robe niya. “I’ll just talk to my dad, ha? I’ll be back later.”

Pumasok siya sa loob at kaming tatlo ang naiwan. =___= Awkward! Bigla namang nagring yung phone ni Tripp.

“Aish,” sabi niya na parang naiinis siya na nagring yung phone niya. “Kakausapin ko lang to, Zy, ha? Babalik ako agad,” sabi niya tapos tinignan niya muna ng masama si Drake bago siya umalis.

Medyo awkward talaga eh!! Lumangoy ako papunta sa gilid at umahon ako mula sa pool. Si Drake? Ayun, nagpupunas pa din ng buhok niya. Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang ako papunta dun sa bag ni Tripp, may towel naman siguro dun. Okay lang naman siguro na pahiram ako?

“D-drake!” sabi ko. Hinatak kasi ako bigla ni Drake. “A-ano ba!” sabi ko. Isinandal niya ako dito sa likod ng puno. Hindi ko alam na may puno pala dito!

Nakatingin siya sa akin.

“Drake…”

Huminga siya ng malalim. “You told me you don’t want me anymore so I’m trying to forget you. But why are you making it so impossible? D-amn it!” sabi niya.

“Hindi na––”

“Shut up,” sabi niya tapos hinalikan niya ako.

And there, my knees go weak, I can’t hardly speak.

Chapter 55

Chapter 55

Okay. Paano ako magrereact ngayon?!!

“Uhm—” magsasalita sana ako ng biglang dumating si Shaira. Jusko!! Muntik niya na kaming abutan ni Drake na gumagawa ng kababalaghan!

Naglalakad lakad siya with matching yung towel niya nakasabit sa balikat niya, and syempre, exposed na naman ang kanyang katawan. Hindi kaya siya naiilang, I mean, na ibilad ang katawan niya sa harap naming tatlo?!!

“Drake? Where are you?”

Sasagot sana ako ng biglang takpan ni Drake yung bibig ko. “Shut up, once again,” sabi niya tapos nagdaan kami sa likod. Siguro talagang super friends sila Shaira, Tripp, at Drake dahil parang alam na alam na nila ang pasikut sikot sa bahay nila Shaira. Parang feel at home din sila. Medyo nakakainggit kasi kahit anong gawin ko, may history silang tatlo together…

Nakarating kami sa ano ba to? Para siyang escape from the real world kasi ang ganda niya. May mini man-made lake dito tapos may bridge. Naupo ako sa bridge tapos yung paa ko nakabitin para hindi mabasa sa tubig. Si Drake naman, nakatayo lang sa tabi ko. Tahimik lang kami. Hindi ko alam kasi kung paano magsalita ngayon.

“A-ano to?” sabi ko. Inabot niya kasi sa akin yung phone niya. O First time kong mahawakan ang phone niya! Kahit nung medyo kami pa, never kong nahawakan ang phone niya!

Feeling ko nagroll eyes si Drake. Medyo kahit hindi ako nakatingin, nararamdaman ko kasi yung ginagawa niya. Naging psychic ako bigla! “It’s my phone, obviously.”

=______=

“Sorry ha! Ano ba kasing gagawin ko sa phone mo?”

Nagbend down siya tapos habang hawak ko yung phone niya, inenter niya yung passcode. Dahil sa harap ko niya ginawa iyon, nakita ko… 1131. Grabe.

“Your brother has been texting me nonsense since we broke up. Could you please tell him to shut the hell up because he’s slowly getting into my nerves,” sabi ni Drake tapos ipinakita niya sa akin yung thread ng texts ni Dane. Aba!

From: Annoying Brother Stop making my sister cry or I’ll head back to the Philippines and kick your sorry arse myself.

From: Annoying Brother You old guy! You’re not so good for my sister, leave her alone,

And the rest goes on. Bakit naiiyak ako? Grabe naman si Dane… siguro eto yung time na nakikita niya akong umiiyak pag magka skype kami. Kasi naman, pano ako hindi maiiyak eh sobrang sweet niya kay Allison pag magkausap kami. Kakaselos lang na may girlfriend pala talaga ang little bro ko! Hindi naman si Drake ang iniiyak ko dun… well, partly yes.

Binalik ko sa kanya yung phone niya. “S-sige, sasabihin ko… Pasensya na…” sabi ko sa kanya. Tumayo na din ako pero laking gulat ko ng biglang yakapin ni Drake yung mga binti ko. “Drake! Ano ba!”

May naramdaman akong basa sa binti ko… umiiyak ba siya??

“Alys…”

Ginalaw galaw ko yung binti ko. “Drake naman, bakit ka ba ganyan?” sabi ko habang sinusubukan kong tanggalin yung kamay niya sa binti ko.

“I thought being angry at you would help me forget about you but why is that everytime I see you, all I remember is that I love you?”

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano ba tong ginagawa namin? Break na kami eh! Niliiligawan ako ni Tripp, okay na sila ni Shaira pero bakit ganito na naman!

Umupo ako at hinawakan ko yung mga kamay niya na nakayakap sa binti ko. “Drake, bitiwan mo ako, please.”

“I know that I’m not the best boyfriend in the world, maybe I’m the worst… but I love you so much, Alys. I’m a retard for letting you go so please take me back.”

Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan niya yung mukha ko. Medyo naiiyak na naman ako, kakaiyak ko lang kasi kanina dahil kay Dane, ngayon naman si Drake..

“I love you so much, Alys. I’m laying myself here bare enough. Take me back, date me again.”

“Drake naman… Okay na tayo ulit, di ba? Ganito naman kasi tayo talaga, hindi nag uusap, hindi nagpapansinan. Bago naman ako nagprisinta na girlfriend mo, ganito talaga tayo. Please, isipin mo na lang na walang nangyari,” sabi ko. Feeling ko ang sama kong babae. Nagpapaiyak ako ng lalaki… pero ewan ko. Kahit na gustung gusto kong yakapin si Drake at sabihin sa kanya na sana nga kami na lang, may pumipigil pa din sa akin eh…

Kinagat niya yung labi niya para mapigilan siguro yung sarili niyang umiyak. “When I hear your name, I remember that I love you. When I see your face, I remember how much I love you. And when I kiss your lips, I realize that it’s you I can’t live without,” he said then hinawakan niya ang mukha ko tapos hinalikan niya ako.

Pumikit na lang ako tapos hindi ko namalayan, naiiyak na naman ako.

Pinunasan ni Drake yung luha ko. “Please, tayo na lang ulit.”

Tama, sasabihin ko na. Totoo naman, mahal ko si Drake pero madaming pero…

“Drake, mahal kita, alam mo naman yun, di ba?” Umiling siya. Hinampas ko nga! “Hindi mo alam na mahal kita?!!”

Umiling siya. “You’re always hurting me. I’m confused if you really love me or you just hate me.”

Nagbuntong hininga ako. Kanina, puro tensyon, ngayon naman kung anu ano pinag uusapan namin!

“Ma-hal-ki-ta. Seulment Vous,” sabi ko sa kanya. Alam ko na kasi yung meaning nun, only you lang pala! Lakas maka French! “Pero kasi, alam mo naman na andyan na din si Shaira at Tripp…”

Hinawakan niya yung kamay ko at pinaglaruan yung daliri ko. “So?”

“Anong so ka jan? Masasaktan ang feelings nila!”

Nagshrug siya. “Would you rather hurt me, then?”

Wala na. Suko na ako. Ano ba tong pinag uusapan namin! Ang gulo!

“Ayoko. Okay? Ayokong may masaktan. Mas okay na ako na lang, wag na sila…”

He shook his head, mukhang naiinis na siya sa mga sinasabi ko. “Why do you care too much? If you love me and I sure as hell love you back, why complicate things, Miss Perez?”

“Kasi… ganun talaga, Mister Palma. Hindi lang tayo ang affected.”

“Is it not because I’m always hurting you?”

Umiling ako. “Hindi… sanay na ako eh. I’ve put up with the worst when I’m with you. Ngayon, hindi na lang tayo… May Tripp and Shaira na…”

“Do you like my cousin?”

Nagshrug din ako. “What’s not to like?”

“He’s a pain in the ass.”

“Takes one to know one,” sabi ko.

Nagsmirk siya. “Touché,” sabi niya tapos pinat niya yung ulo ko. “You’re getting smarter, Alys… but you’ll always be my noob.”

//////////<

“E-ewan ko sa’yo!!” sabi ko tapos tumayo na ako. “Alis na ko, baka hinahanap na akoni Tripp.”

Papalakad na sana ako paalis pero hinawakan niya yung kamay ko. “Wait.”

“Ano?”

“If you don’t want to hurt anybody’s feelings… date me.”

“Ha?”

Hinawakan niya pa yung isa kong kamay. “Date me again, Alys. Secretly date me this time.”

Chapter 56

Chapter 56

“Aish…” sabi ko habang dahan dahan akong naglalakad papunta sa pinto.

-______-

Sino ba ang matinong tao ang magddoorbell sa kalagitnaan ng gabi?!! Natutulog na ako eh!

“Sino ka–– DRAKE?!”

Ngumiti siya sa akin tapos itinaas niya yung hawak hawak niyang paperbag. “Good evening.”

Nagyawn ako tapos nagstretch. Kinusut kusot ko pa yung mata ko kasi naman!! Anong oras na ba? Tumingin ako sa— wait, wala nga pala akong wall clock. Hindi ko din naman kasi mabasa! “Bakit ka ba nandito?? Tsaka anong oras na ba??”

Tinulak niya yung pinto at saka naglakad papasok. “I’m here because I’m sneaking out with you, and it’s quarter to 12.”

Sinundan ko siyang maupo dun sa couch. Wait, what? Sneaking out?! Seryoso ba siya sa sinabi niya noon??

-flashback-

“Date me again, Alys. Secretly date me this time.”

Medyo napatulala pa ako. Seryoso ba sila Drake o baka naman pinasukan na siya ng lamig?! I mean, naka topless pa din kaya siya!! Baka naman mamaya nilalamig lang to kaya kung anu ano ang pinagsasabi niya!

“A-ano?”

“If you don’t want to hurt anybody, which I doubt would happen, sneak out with me. It would kill me to see you in broad daylight with Tripp but I’ll manage… so long as I’ll get to be with you when no one’s looking.”

Hinatak niya na ako at nagsimulang maglakad. Huminto ako pero nakahawak pa din siya sa kamay ko.

“Drake, bakit mo ba ’to ginagawa? Alam mo naman na nililigawan ako ni Tripp, di ba?” sabi ko kahit sa totoo lang, hindi ko talaga maramdaman na nililigawan ako ni Tripp. Parang… friends lang kami. Siguro ginawa niya lang yun kasi naaawa siya sa akin sa pinaggagagawa ni Drake pero wala naman talagang gusto sa akin si Tripp. “Galit ka ba sa kanya kaya mo ’to ginagawa?”

Nagshrug siya. Grabe, kahit ganito na yung pinag uusapan namin, sobrang cool pa din ni Drake. Paano niya ba nagagawa yun? Para siyang hindi naaapektuhan eh.

“He’s a family so I kind of love him but when I see you with him, I kind of hate him.” After niyang sabihin yan, hinatak niya na naman ako. Nung malapit na kami sa pool area, huminto siya. “Walk in first. I’ll follow after a few minutes.”

Lumingon ako sa kanya. “Ha? Bakit?”

“Because we’re secret lovers, you noob.”

////////////<

SECRET LOVERS?!!

Marahan niya akong tinulak pabalik sa pool area. Para akong naka drugs na naglalakad. What the fudge did just happen?!! Mula sa pagiging mag ex namin ni Drake at pagsasabi niya sa akin ng hurtful words, ngayon SECRET LOVERS DAW KAMI?!!!

“Uy, Zy,” sabi sa akin ni Tripp. May hawak siyang bote ng tubig tapos inabot niya sa akin. “Tubig? Namumula ka, oh. Inumin mo, baka ma heatstroke ka pa…”

Wala sa loob kong kinuha yung tubig mula sa kamay ni Tripp at nanginginig ang kamay kong binuksan iyon. Jusko po, kumakabog pa din yung dibdib ko.

Ininom ko yung tubig, medyo natapon pa nga pero okay lang kasi basa na din naman ako kaya ano pang silbi?

Pumunta ako sa isa sa mga wooden bench dun at naupo. Nakita ko namang bumalik na si Drake, ayun, cool pa din. Akala mo walang nangyari, akala mo hindi niya pinagulo yung utak ko, at akala mo… wala eh, gwapo talaga kakainis!!

“Zy, nagtext Papa ko, may kailangan akong gawin sa bahay eh. Okay lang ba na uwi na tayo?”

“H-ha? Ah, oo sige…”

May kinuha si Tripp tapos isinuot niya sa akin. “Baka malamigan ka eh,” tapos ipinatong niya sa balikat niya yung twalya. Tumayo siya tapos nagsign siya kay Shaira na aalis na kami.

“Una na kami, may gagawin pa eh.”

“Kainis! Ngayon nga lang tayo ulit nagkita then you’re gonna go early pa.”

“Psh. Magkatabi lang school natin, Shaira. Wag masyadong maarte.”

Tapos sumagot pa si Shaira pero hindi siya sinagot ni Tripp, instead, naglakad kami pabalik dun sa pinagbihisan ko. Sinuot ko ulit yung shirt ko, okay lang naman na basa yung lower body ko, medyo matutuyo naman siguro yan.

“Bakit kayo nawala ni Drake kanina?”

Napahinto ako. Nakita niya ba kami kanina?! Nakita niya ba akong… hinalikan ni Palma?!!

“Uhh… naligaw ako…” huhuhu. Sorry, Tripp. Sorry talaga!

Medyo nagnod siya tapos binuksan niya yung door ng car. Pumasok din siya sa loob pero hindi niya agad pinaandar yung sasakyan.

“Mahilig ka bang magsinungaling, Alys?”

“H-ha?”

Ngayon, sigurado na ako. Malapit na akong magkaron ng sakit sa puso.

Nilagay niya yung kamay niya sa manibela. Parang frustrated na din siya, ganito ba talaga mafrustrate ang mga Palma, hinahampas yung manibela?!

“Lahat na lang ng babae, si Drake ang gusto. Dapat ba maging masungit na din ako para ako naman ang magustuhan niyo?” sabi niya bigla.

Nagulat ako kaya hinawakan ko yung braso niya. “Tripp, may problema ka ba?”

Pinikit niya yung mata niya tapos ilang beses siyang huminga ng malalim. Pagkatapos nun, binaba niya yung bintana tapos tumingin siya sa akin. “Hindi ka naman masamang babae, di ba?”

“H-ha?”

“Kung may gusto ka na, dun ka na lang. Kawawa naman yung isang maiiwan. Masakit maiwan, Alys…” sabi niya. “Aish. Ano ba ’tong mga sinasabi ko. Tara na nga,” sabi niya tapos pinaandar niya na yung sasakyan.

Kahit na sobrang labo ng pagkakasabi ni Tripp, alam ko naman eh. Alam niya siguro, narinig niya siguro.

Tahimik kami buong byahe. Hindi ko din naman kasi alam kung pano magsalita…

From: The Drake Palma Way I’m behaving here even though Shaira’s practically all over my body. Behave there.

///////////////<

AISH LORD!! KAILAN BA AKO MAKAKAMOVE ON KAY DRAKE?!!

“Dito na tayo,” sabi ni Tripp. Nagulat ako, kanina pa pala kami nandito. Hala, nakita niya kaya akong parang tangang nakangiti? Friend ko si Tripp… Haaay.

Binuksan ko yung pinto ng sasakyan pero lumabas ako pero hindi ko isinara yung pinto.

“Tripp…”

“Oh?”

“Alam mo namang friends tayo, di ba?”

Inayos niya yung seatbelt niya, pero hindi siya nagsalita.

Nagpatuloy ako, “dahil friends ta––”

“Kung ako, kaibigan ang tingin mo, ako, hindi kaibigan yung tingin ko sa’yo, Alys. Manhid ka ba o ano? Mahal na din kita, hindi mo ba pansin?!”

Bigla siyang lumapit tapos inabot niya yung pintuan ng sasakyan tapos umalis na din siya. Ako? Naiwan, nakatulala. Mahal ako ng dalawang Palma.

-present-

Nag aayos si Drake ng dinala niya. Nagdala pala siya ng take out mula sa Lim’s Chinese Restaurant.

“Drake, ayoko ng ganitong set up.”

Tumigil siya. “What?”

“Ikaw, ako, nagtatago. Si Shaira, si Tripp, niloloko. Ayos ka lang ba talaga sa ganito?”

Binaba niya yung chopsticks na hawak niya tapos tinignan niya ako ng diretso. “Alys, Tripp’s my cousin, Shaira’s my childhood friend, do you think I’m fine with all these deception? Heck, I’m not. But why am I still doing this? The answer’s very simple, Alys. I love you, that’s why.”

Tumayo siya tapos sinuot niya yung sapatos niya. “I’ve lost my appetite. I’ll see you tomorrow.”

Chapter 57

Chapter 57

“Uy, besh, okay ka lang?” sabi sa akin ni Aya. Nandito kami ngayon sa bahay nila, wala kasi yung parents niya kaya pinapunta niya ako. Isa pa, kasi nag away sila ni Kent! Akalain mo uso pala kila Aya at Kent yung totoong away?!!

Tumango ako tapos kinuha ko yung notes ko. Medyo delikado talaga ngayon. Okay naman ako sa iba kong courses na CA related pero huhuhu pagdating sa Math at ibang subject, it’s so hard!!

Biglang nagvibrate yung phone ko kaya tinignan ko kung sino yung nagtext.

From: The Drake Palma Way

Where are you?

=_____=

Hindi ko nga nireplyan. Alam niyo ba, lately nasasakal ako kay Drake!! Syempre natutuwa naman ako kasi ibig sabihin nun, love na love niya ako kasi oras oras tinetext niya ako kung nasaan ako pero kasi, para namang makikidnap ako kung magtext siya!

“Sino yung nagtext?” sabi ni Aya.

“Si Drake,” sabi ko.

Tumango tango si Aya. “Bakit hindi ka nagreply?” Nilagay ko yung dalawa kong braso dun sa table tapos yumuko ako. Bukod sa texts ni Drake na medyo overrated na, stressed ako sa subjects ko pati na kay Tripp. Haaay, ang gulo ng buhay ko, in all fairness!

“Ewan ko dun. Minsan nga sasabihan ko lagyan niya na ako ng tracking device para matahimik siya.”

Biglang tumawa si Besh. Nababaliw na. Tsk. Porke first time lang silang nag away as in for real ni Kent, baka hindi niya kinaya kaya siya nagbreak down?

“Alam mo, Besh, ang layo na ng narating mo, no?” sabi niya.

“Huh?”

“I mean, tignan mo, dati ikaw ang naghahabol kay Drake, yung pinilit mo pa siyang maging boyfriend mo… tapos ngayon tignan mo, siya na yung naghahabol sa’yo… Ang galing, no?”

Hindi ako nagcomment. Ano ba sasabihin ko? Na masaya kasi hinahabol ako ni Drake? Ang pangit kasi ng term, hinahabol… di ba pag hinahabol, ibig sabihin nun tumatakbo ako kasi hinahabol ako? Ganun ba yung setup ngayon?

“Uy,” sabi ni Aya tapos kinalabit niya ako. Napatagal yata ako sa pag iisip. Medyo lutang talaga ako. 2 weeks na lang kasi, finals’ week na. Idagdag mo pa na lagi kaming magkasama ni Drake sa gabi, tapos pag umaga naman, si Tripp naman yung kasama ko. Medyo busy talaga akong nilalang.

“Hala, sorry, besh. Medyo magulo lang talaga isip ko!”

Natawa si Aya. “Tss. Lagi naman magulo ulo mo. Hahaha!”

=______=

Hinila niya ako patayo tapos niligpit niya mga gamit niya. “May event sa Brent ngayon, di ba?” sabi niya sa akin. Tumango ako, last event for the term na kasi ’to, dahil patapos na nga kaya naisip ng Student Council na magdaos ng event.

“Tara, besh! Punta tayo!!”

“Ayoko, ikaw na lang,” sabi ko. Iniiwasan ko din kasi si Tripp ngayon, kasi naman, lagi ko ng tinatry na sabihin sa kanya na wag niya na akong ligawan pero pag malapit ko ng sabihin, bigla siyang may gagawin para hindi matuloy. Mas lalo tuloy akong nagguilty! Pati si Shaira, feeling ko napaka super sama ko na. Ang bait sa akin ni Pugits! Biruin mo, dinalan niya ako ng isang basket ng freshly picked strawberry sa condo tapos ano ginawa namin ni Drake? Kinain namin pag alis niya, sinubuan pa ako. Jusko, feeling ko sinusunog na yung kaluluwa ko down there!

In the end, hinatak niya pa din ako. Medyo amazona kasi si Aya kaya kayang kaya niya akong kaladkarin wherever. Pero medyo nagpakaladkad na din ako. Miss na miss ko na ang babaeng to eh!!

Binuksan niya yung gate ng bahay nila tapos… Uh-oh.

“Aya…” nandun si Kent sa labas ng gate nila, namumugto pa yung mata. Hala!! Sobra kaya yung away nila ni Aya?!

Nanliit naman bigla yung mata ni Besh, senyalis na naiinis siya.

“Bakit ka nandito, Mister Valdez?” masungit na sagot ni Aya.

Medyo nanahimik ako sa gilid. Ayokong magsalita kasi… masyadong scary ang aura dito!! Tinalo pa yung aura nung nakatingin si Drake sa amin ni Tripp nung naglalakad kami para maglunch. T^T

Nung medyo nakakailang seconds na silang nagtititigan lang, “excuse me,” sabi ko tapos tinignan ko sila pareho. “Mukhang may pag uusapan pa kayo, uhh, mauna na ko.”

Naglakad ako mabilis palayo tapos nagpara ako ng cab! Grabe! Intense ng titigan nila!!

Nagpahatid ako sa driver sa bahay namin. Dun na lang ako, ayoko kasi pumunta nga talaga sa Brent, baka nandun si Tripp at ma guilt trip na naman ako. Magrereview na lang ako sa bahay. Ayoko din sa condo, nandun si Drake. Dito na lang ako sa bahay, mas safe ako dito!

“Dito na lang po,” sabi ko nung makarating kami sa tapat ng bahay namin. Naglakad ako papasok pero may sinabi sa akin yung guard na ikinagulat ko forevs!!

“Miss, may naghihintay po sa inyo sa loob…”

“Huh? Sino po?” sabi ko. Wala naman kasi akong maalalang maghihintay sa akin dito.

“Katrina daw po ang pangalan, nandun po sa garden niyo naghihintay.”

O__________O

Right now: nagdadalawang isip ko, aalis na ba ako at babalik sa condo o kakausapin ko si Tita Katrina?!

Maglalakad na sana ako palabas nung matanaw ko siyang ngumiti sa akin mula sa garden. Nakita niya na pala ako, no choice na ako kung hindi puntahan siya…

“Tita…” nasabi ko na lang. Pinat niya yung space sa gilid niya kaya naupo ako dun. Medyo malaki na yung tiyan ni Tita Katrina, kailan kaya siya manganganak? “Alys,” sabi niya.

“Ano po?” Medyo kinakabahan ako. Ngayon lang kami nag usap ng ganito. Seryoso to, di ba? I mean, pinuntahan niya pa ako sa bahay namin!!

Ngumiti siya tapos pinatong niya yung kamay niya sa akin. Aaminin ko, kahit na ang sama sama ng image ni Tita Kat sa akin, mukha talaga siyang angel. Siguro sobrang gwapo/ganda ng magiging anak nila ni Tito Steve!

“Kamusta kayo ni Drake?”

“A-ano po?” sabi ko ng medyo nagstutter pa. Ang… weird. Ex niya si Drake tapos, secret lovers (?) kami ngayon. Weird.

Ngumiti siya tapos tumingin siya sa sky. “I know I don’t have the least right to say this pero, please don’t hurt him.”

Dahil sa sinabi niya, napatingin ako sa kanya. “Ano pong ibig niyong sabihin?”

“Alys, I know you know about me and Drake, and the mess it brought us. Learn from my mistakes, don’t do it again.”

Hindi ako makapagsalita. Ano ba kasi yung alam niya?

“Please don’t take this the wrong way, okay? Mahal ko si Steve, nag aalala lang ako para kay Drake ngayon. Kilala ko siya, Alys. Pumunta kami kahapon ni Steve sa unit niya. Kahit hindi niya sabihin, alam namin may problema si Drake…”

Nag iwas pa din ako ng tingin. Hindi ko kasi kayang tignan si Tita, medyo naaasiwa pa din ako. “W-wala naman po kaming problema,” pagsisinungaling ko. Ayokong masama siya sa problema namin. Nagiging malaking sinungaling na talaga ako.

Nagsmile pa din siya. Alam siguro niya na nagsisinungaling ako. Ganun ba ako ka obvious magsinungaling? “Then good kung wala kayong problema, Alys. Drake may look tough but inside, he’s just vulnerable as everybody else. Please bear that in mind,” sabi niya tapos nagsmile siya for the last time and tumayo.

“Tita,” sabi ko. Tumingin siya sa akin. “Salamat po,” sabi ko kahit no idea kung bakit ko sinabi. Siguro dahil natutuwa ako dahil concerned siya sa amin ni Drake…

“No problem,” she said back. Bago siya umalis, tinanong ko muna yung tungkol sa baby.

“Ano pong name tsaka gender?”

Hinawakan niya yung tummy niya then nagsmile siya ng sobrang ganda. “A boy, and his name’s Ethos Sebastian Palma. Sana maging kasing talino din siya ng kuya niya,” sabi niya. And sana hindi siya maging kasing complicated ng kuya niya, sabi ko.

– Aya’s POV

“Bee naman!” sabi ni Kent. Argh!! Kung hindi lang talaga ako nagpromise sa sarili ko na susubukan kong maging mabait sa kutong lupa na to, malamang kanina ko pa to kinalmot!! Sinama pa naman ako ni mommy sa nail spa bago siya umalis. Grrr eh di sana nagdudugo na yung mukha ni KL ngayon!

Hinabol niya ako papasok sa bahay. Umalis na si Besh kasi… mabuti umalis siya. Ayokong makita niya kaming nag aaway ni KL. Ew! LQ?? Kadiri!!

Nahablot niya yung kamay ko bago ko masampal yung pinto sa mukha niya. “Bee naman… Sorry na.”

Pilit kong inalis yung kamay niya sa braso ko. “Kent, sana inisip mo muna yung lalabas sa bibig mo para hindi ka nagsosorry ngayon.”

Pinagdikit niya yung dalawa niyang kamay at nag please sign sa harap ko. “Sorry na talaga, Bee… Hinding hindi ko na talaga uulitin yun!”

“Eh bakit ba naman kasi kung anu ano yang lumalabas sa bibig mo? Ako at si CB?! Mandiri ka nga sa sinasabi mo!!” sigaw ko sa kanya. Buti wala sila mommy dito kung hindi… nako nakakahiya!

Hinawakan niya yung isa kong kamay tapos kiniss niya tapos pinakita niya na naman sa akin yung ngiti niyang nakakaloko!

“Sorry na, bee… Nagseselos lang naman kasi ako kay Sheen eh.”

“Mandiri ka nga, Kent! Ako at si Sheen? Nalusaw na ba utak mo sa Economics?!”

Ugh! Medyo nangingilabot ako sa sinasabi niya!!

“Lagi kasi kayong magkasama… Nagseselos lang naman ako…”

“Nagseselos ka sa wala.Yuck ha, hindi ko type si CB!”

Kahit medyo mahina, narinig ko yung sinabi niya. “Pano kung type ka ni Sheen?”

Haaay. I give up. Lumapit ako kay Kent tapos binatukan ko siya. “Hindi ako type ni Sheen, okay? Tsaka, ikaw kaya boyfriend ko. Hindi pa ba sapat yun?”

Umiling siya.

“Aba! Choosy ka pa!”

Nagsmile na naman siya. “Sabihin mo muna, I love you so much, Kent!”

Umarte akong nasusuka sa harap niya. “Asa ka pa.”

Natawa siya. “Kaya mahal na mahal kita eh, ang sama ng ugali mo. Tara, date tayo.”

– Alys’ POV

.>

<.<

Coast is clear!

Dahan dahan, maingat akong naglakad papunta sa unit ko. Ngayon, pinagsisisihan ko kung bakit sa dulo pa ng hallway yung unit ko. Kailangan kong mag ingat!

“Alys.”

Haaay. Failed again.

“Hi, Drake!!” Insert a big smile here. “Nandyan ka pala!”

“Are you hiding from me?” Insert todo iling here. “And so why haven’t you replied to any of my texts since this morning?”

Binaba ko yung grocery items ko at tinignan ko siya straight in the eyes. “Alone time. Nako, Drake. Dapat nagpapamiss din ako minsan!”

Hindi siya nagalaw. Hala. Seryoso talaga siya… ulit.

“Sorry for being this paranoid but I can’t help it, Alys. I was Katrina’s secret, and I was dumped. And now, I’m the secret, once again. I can’t let you dump me. You’d destroy all that’s left of me, Alys. And you’re all that’s left of me.”

Epilogue (1st Part)

Epilogue (1st Part)

“… you understand, right, baby?” sabi ni mommy sa akin. Wala na lang akong nagawa kung hindi tumango. Ginusto ko ’to, pumayag ako. Ngayon, wala na akong magagawa kung hindi pumayag sa sasabihin niya.

Ngumiti ako tapos niyakap ko si mommy. “Thanks for the chance, mommy.”

“No problem, baby. Sige na, I’ll go ahead,” sabi niya tapos pumasok na siya sa office niya. Naiwan ako na hawak hawak ’tong envelope.

– “Good morning,” sabi ni Drake.

-______-

(-___-)/

Ano’ng oras na ba?

May binaba siyang paper bag sa dining table. “It’s already past 10 am. Have you eaten yet?”

Umiling ako tapos unti unti akong naglakad papunta sa table. Nung isang gabi kasi, iniwanan ako bigla ni Drake, yung panahon na sinabi niyang ayaw niya ng maging secret. Ayaw ko din naman pero… ano bang magagawa ko?

Hinanda niya na yung binili niyang Chinese noodles take out. Fan ba siya ng Lim Chinese Restaurant? Laging dun galing kinakain namin ah. -__-

Binigyan niya ako ng chopsticks. “Drake…”

“Hmm?”

“Sorry na…”

Tinignan niya ako. “Why? For hurting my feelings again and again?”

Nagpout ako tapos pinaglaruan ko yung chopsticks. “Wag ka ng magalit sa akin, oh? Binuksan mo na ba yung facebook mo?”

Drake: -____-

“What?”

“Sabi ko, binuksan mo na ba yung facebook mo??”

“What does my facebook account have to do with you hurting me?”

Hinga ng malalim, Alys. Medyo slow si Drake kahit ubod ng talino nito. Pasensya.

+____+

Kinuha ko yung laptop ko tapos inabot ko sa kanya.

“Bilis. Log in ka, bilis!!”

Drake: nagdududang stare “Fine.”

:“>>

Habang nagpipipindot siya dun, kinikilig na ako!! Kasi naman, dahil nageemote siya sa pagiging secret daw niya, pinadalhan ko siya ng relationship request sa fb!! Oh, di ba?? Pwede na yun! Hindi naman kami friends ni Shaira sa facebook eh… at saka, kung makita man niya… wala na akong magagawa. Siguro magpapaliwanag na lang ako sa kanya? Jusko saka ko na iisipin yun. Mas mahalaga si Drake ngayon.

Feeling ko nakita niya na kasi…. “Seulment Vous. I love you, Alys,” sabi niya tapos naglean in siya ang kiniss niya ako sa neck.

O

Nung naka recover na ako sa shock… “B-bakit sa leeg?”

Nagshrug siya. “Brush your teeth first before I’ll kiss you on the lips.”

+_____+

Pasensya. Pasensya. Kinikilig ka!!!

Kinain ko na yung dumplings with vengeance. Kaiyak si Drake!! Sobrang kinikilig na ako, sisirain niya pa with his brush your teeth spiel! The Drake Palma Way nga naman oh!!

After naming kumain, pinagbihis niya ako.

“Ha? Bakit?” Ayoko kasing umalis, free day ko nga ngayon eh!! Mas gusto kong gumulong sa kama today! (u)

“Tripp went fishing with Tito Tristan and Shaira went shopping somewhere far. So, let’s go on a date, facebook girlfriend?”

Omg omg. Sorry, Tripp and Shaira. Sobrang sasabihin ko na sa inyo soon! Hindi ko na kayang gawing secret si Drake. Sasabog na yung puso ko!!

Dali dali akong nagbihis tapos umalis na kami. As usual, dala ni Drake ang mahiwaga niyang sasakyan. Saan kaya kami pupunta?

– “Noob.”

poke

“Noob.”

poke poke

-__o

o__-

“Hmmm?” sabi ko with matching stretching stretching pa. “San na tayo?” sabi ko sa kanya.

Nilingon ko yung paligid ko tapos… “Uhh… bakit tayo nasa cementeryo?”

May inabot si Drake mula sa likod ng sasakyan niya and then binigay niya sa akin. “Here, give this to my mom so she’ll like you,” sabi niya tapos inabot niya sa akin yung isang basket ng sun flower. Ang ganda!!

Binuksan niya yung pinto niya kaya binuksan ko na din yung sa side ko. Asa pa akong pagbubuksan ako ni Drake. Sa halos one year na magkakilala kami, never niya pa akong pinagbuksan ng pinto.

Naglakad kami hanggang sa makapunta kami sa isang mausoleum.

“Mom, this is my estrange girlfriend. Alys, this is my mom.”

O_________O

Ang ganda ng mommy ni Drake!! May painting kasi ng mukha niya. Tsk. Akala ko angel na si Tita Katrina, mas angel to! No wonder ang hot hot ni Drake, ang pretty ni mommy niya eh!

“Uhh… hello po, mommy ni Drake?”

“Tsk. She’s my mom so call her mom.”

“Ayoko nga! Hindi pa naman tayo kasal!”

“If you’ll wait for our wedding day to call her mom, you’ll just wait in vain. I won’t marry you until you turn 28.”

“At bakit naman?! 18 pa lang ako, so maghihintay ako ng 10 years?!!!”

“Both your dad and your daddy made me promise not to touch you until you turn 20 and not to propose until you turn 28 so yeah… wait for me.”

O_________O

“Sobra ka naman!”

“If you want my body, wait for 2 years. I’ll give in on the night of your twentieth birthday, don’t worry.”

gasps!!

Jusko Lord, sumasakit ulo ko kay Drake. Masama yata na nagpupunta siya sa bahay namin, naiimpluwensyahan na siya ni Daddy! Ang lakas pa naman ng sapak sa ulo nun! I wonder tuloy bakit pinakasalan ni mommy yun. Pati kung anak ba talaga niya si Dane kasi super iba ni Dane sa kanya!! Parang sampid sa pamilya namin si Daddy eh.

“Nakadrugs ka ba?” natanong ko sa kanya.

Umiling siya. “No. If I’m on drugs, I’d kiss you senseless right now. But since I’m not, I’ll wait patiently for 2 years.”

Sana po lumubog na ako sa lupa. Nahihiya ako sa mga sinasabi ni Palma!!

Nahimasmasan na yata si Drake sa mga pinagsasabi niya kaya nilapag niya na yung basket sa harap nung tomb ni mommy niya. Nagsindi din siya ng candles.

“Mom, as I’ve said, this is my girlfriend, Alys. I know I told you I like really pretty girls but… yeah, I love her so to hell with physical appearance. But she’s cute, right?”

+______+

Pigilan niyo ako, sasakalin ko na ’to kahit kinikilig ako sa panlalait niya sa akin!!

“Dad’s gonna have another baby so I hope he’ll quit clinging onto me. You’ve met Tita Katrina, right?” Napatigil ako. First time kong marinig na tawagin niyang Tita si Tita Kat. “She’s being nice so I’m trying to stop hating her since she’ll be the mother of my brother. I hope you’d like her soon. Dad loves her, I think.”

Kinuha niya yung kamay ko tapos hinawakan niya. “Anyway, she’s Alys and she’s all the things I hate in a girl. She’s loud and stupid and obnoxious and clingy. I hated her but now, I love her.”

Bumulong ako sa kanya. “Kakagatin kita mamaya!!”

“And she hurts me physically, too. She bites me, she pulls my hair, and she kicks me. But I love her still.”

May kinuha siya mula sa pocket niya.

O__________O

“B-bakit— magppropose ka?!!!”

Maghhyperventilate ako!! Bakit may box siya ng ring?!

Tinitigan niya lang ako. Tumingin siya sa mom niya. “And she’s assuming as well, mom. I don’t know why I love her.”

Tumingin naman siya sa akin. “You’ve got the memory of a bird, Alys. I told you I won’t propose until you’re 28.”

“Eh bakit ka may box na ganyan?!!”

“This? This’s for your birthday. But I messed up so yeah, I’m giving this just now.”

Natahimik ako. Bumabalik na naman yung memory nung debut ko. Yung time na sobrang pinaiyak ako ni Drake.

“Drake?”

“Hmm?” sabi niya. Binuksan niya yung box. Akala so singsing, hindi pala. Pendant na strawberry pala.

“B-bakit hindi ka nakapunta nung debut ko?”

Kung natahimik ako kanina, natahimik din siya. “It’s not my story to tell but I’ll tell you this.” Nagpause siya. Ayaw niya siguro talagang sabihin kasi parang napipilitan lang siya.

“Kung ayaw mong sabihin, okay lang naman…”

“No, I should tell you this. I had to attend to Shaira that night,” sabi niya. “Shaira has… suicidal tendencies. I don’t know why she has those tendencies. She has a complete family and she gets anything she wants but still, she cuts her wrist when she feels depressed.”

Ngayon, napansin ko na. Kaya pala laging may suot na relo o bracelet si Shaira? Dahil ba kailangan niyang itago yung mga sugat niya?

“That night, I was about to go to your debut, Alys. I swear, I’m about to go down the car and to greet you a happy birthday but then, her nanny called. She cut her wrist. Again.”

“I was forced to go to her knowing that I’m the only one who could stop her. She’s crazy and annoying and it’s driving me nuts. But I can’t leave her, she’s my best friend.”

Nagsalita na ako. Naiintindihan ko na ngayon. All along, pinagdudahan ko siya kahit ang totoo, wala naman siyang ginawang masama… “Okay na, Drake. Naiintindihan na kita…”

Pero hindi pa din siya tumigil, nagpatuloy pa din siya sa pagsasalita. “And the night you ran off?”

“Huh?”

“The night you saw me and Shaira emerging from the bathroom. I know you have a dirty mind so you probably thought wrong. But I’m telling you, I did nothing but to keep her from slitting her wrist. She’s nuts, Alys. I had to break my own bathroom door because she locked up herself and threatened me that she’ll kill herself.”

O__________O

“I swear, my hands are pure.. I think. I didn’t touch her one bit.”

Grabe! Lahat ng pagdududa ko, wala lang pala?!

Lumapit siya sa akin tapos inabot niya ulit yung regalo niya. “Now that I’ve made myself clear, will you accept this strawberry as the sign of my affection?”

Kukunin ko sana pero… “Bakit ngayon mo lang sinabi to? Bakit hindi dati?”

“Because… I don’t know. Please stop asking about what happened in the past. Live in the present, Alys. Let’s be happy today and don’t worry about what would happen tomorrow. Could you do that for me? For us?”

I smiled.

“Thanks sa strawberry, Drake, pero…”

“But what again?” sabi niya tapos nagroll eyes siya! Omo ang cute!!

“I’ll be your girlfriend again once na maayos mo na yung kay Shaira at Tripp. I’ll be your girlfriend again kung papayag ka…”

He smiled and took my hand. “I’ll see you again tomorrow. After the last day of exam.”

Tapos nun, nagpaalam na kami sa mommy niya at hinatid niya ako sa bahay namin. May kailangan pa din akong ayusin. Sana maayos lahat.

– Kinabukasan…

“Tripp!”

“Oh?” sabi niya. Nandito kasi siya ngayon sa freedom park. Last day na ng klase ngayon.

Naupo ako sa tabi niya habang siya naman patuloy pa din sa pagkuha ng pictures. Ang galing nga kumuha ni Tripp ng pictures, parang professional na siya. Niregaluhan nga niya ako ng picture eh, hindi ko lang alam kung saan niya nakuha yun… Actually, hindi ko alam kung paano niya yun nakuhanan. Yun kasi yung picture na iniwan na naman ako ni Drake, at naiyak na naman ako. Ang galing nga eh, parang destiny? Tuwing iiyak ako, nakikita ni Tripp.

Pero ano yung naiba?

Nung umiyak ako, hindi naman niya ako pinuntahan… Pinicture-an niya lang ako. Naalala ko pa nga nung binigay niya yun sa akin eh…

-flashback-

“Ano ba ’to?” sabi ko kay Tripp. Nasa cafeteria kasi ako, kumakain. Ngayon nga lang niya ako kinausap ulit eh! One week na akong iniignore ni Tripp… Kakamiss nga pagiging makapal ng mukha niya eh!

Nilapit niya pa sa akin yung nakabalot na something. “Last na ’to,” sabi niya.

“Huh?”

Hinila niya yung upuan sa harap ko tapos naupo siya dun. “Nag isip ako,” sabi niya tapos huminto siya at tumingin sa akin. “Mahal talaga kita, Alys, pero hindi ko kayang maghabol ng maghabol sa taong ayaw sa’kin.”

“Tripp naman…”

Tinaas niya yung daliri niya para patigilin ako. “Desisyon ko ’to, Perez. Alam ko sinabi ko, nandito lang ako palagi. Oo, nandito lang ako… pero bilang kaibigan na lang. Lalaki ako, Alys. Hindi masaya para sa akin na laging second option. Sa tingin mo bakit ko tinigilan si Shaira? Kasi hindi niya ako gusto. Kaya ikaw, titigilan na din kita.”

“Galit ka sa’kin?”

Nagshrug siya. “Malay mo oo, malay mo hindi?”

“Tripp naman!”

Kinindatan niya na naman ako, ayan, nagpapacute na naman siya. “Secret ko na yun. Mas mabuti na na hindi mo alam, di ba?”

“Di nga, galit ka sakin?”

Tumayo siya. “Basta, alis na ko.”

Hindi ko na siya napigilan. Inabot ko yung binigay niya sa akin tapos… tinawagan ko siya.

“Tripp…” sabi ko sa kabilang linya.

(“Oh? Kakaalis ko lang, namiss mo na agad ako.”)

“B-bakit ganito yung bigay mo sa akin?”

(“Ah, bakit? Panget ba?”)

“Hindi. Pero bakit ganito?”

Narinig ko siyang nagbuntong hininga. Siguro galit na siya sa akin. Lagi ko na lang siyang sinasaktan. “Sabi ko, pagdating ng lima, hindi na kita titigilan, di ba? Pero kulang yun, Alys… Pagdating ng sampu mong iyak, titigilan na kita. Si Drake yung dahilan ng iyak mo, siya dapat yung magpatahan sa’yo. Sorry, Alys. Hindi ko na talaga kaya.”

Pagkatapos nun, binaba niya na yung tawag.

-present-

“Kain tayo. Libre ko!” sabi ko sa kanya. Ilang araw din kaming hindi nag usap after niyang sabihin sa akin yun. Syempre naman, nahurt ako. Best friend ko na halos si Tripp tapos ganun yung maririnig ko sa kanya. Pero dahil nga best friends na kami halos, hindi ko siya tinantanan hanggang hindi niya ako pinapansin.

“Ewan ko sa’yo,” sabi niya. Sungit forever! Ngayon, napatunayan ko na na magpinsan sila ni Drake!

“Sige na, please?” with pretty eyes and pouty lips!!

Tinapat niya sa akin yung dSLR niya. “Picture muna.”

Nagpeace sign pa ako tapos pinicture-an niya na ako. “Ano? Payag ka na??”

Nilagay niya muna yung dSLR niya sa lalagyan, pinagpagan yung cargo shorts niya, and then tumayo. Inoffer niya yung kamay niya para tulungan akong tumayo kaya tinanggap ko naman yun.

“San mo ba ko dadalin?” sabi niya.

=____=

“Dadalin talaga? Pa girl ka na niyan?” Tapos tumawa ako. Kasi naman si Tripp, masyadong feeling pa girl! Trying hard maging masungit!

“Psh. Di na kita nililigawan no, may karapatan na akong magsungit.”

“Ewan ko sa’yo. Tara na, punta tayo sa… basta. Tara gala tayo!”

After nun, hinatak ko si Tripp sa coffee shop. Basta, simula nga kasi nung sinabi niyang titigilan niya ako, hindi na kami nakapagbonding masyado. Eh simula ng makilala ko si Tripp, akalain niyo, four months na pala kaming magkakilala ng PMS na to! Dito kami sa coffee shop nagbbonding. Kape here and there and everywhere! Caffeine buddies kami nito eh!

“Alys,” sabi niya. Napatigil ako sa pagsubo ko sa strawberry cupcake ko kasi tinawag niya yung pangalan ko.

“Hmm?” sabi ko habang hawak hawak ko pa din yung tinidor sa kamay ko.

“Aalis na ako.”

“Sabi mo nga kanina. San ka pupunta?”

Nagshrug siya. “Secret.”

=___=

“Dami mong alam ha! San ka nga magbabakasyon?”

Sumeyoso bigla yung mukha niya. “Hindi nga ako magbabakasyon. Aalis talaga ako.”

Natigilan ako. Aalis siya? Dahil ba ’to sa akin?

Tinignan ko siya ng mabuti, medyo nangingilid na naman yung luha ko. Ako ba yung dahilan kung bakit siya aalis? Galit ba sa akin ng sobra si Tripp kaya aalis siya?

“D-dahil ba ’to… sa akin?”

Ngumiti siya ng kaunti, parang may tinatago siya. Hindi ko maintindihan si Tripp, para siyang may tinatago na hindi ko maintindihan. “You’re overthinking, Zyril. Matagal na ’tong plano.”

Pinaliwanag niya sa akin yung mangyayari. Kahit na pilit pinapaintindi sa akin ni Tripp, parang walang pumapasok sa isip ko. Sa isip ko, ako pa din talaga yung may kasalanan. Bakit siya aalis? Siguro kahit papaano, ako pa din yung dahilan. Ang sama sama ko na talaga… Mas masahol pa ako kay Kei o kay Shaira. At least sila, hindi nagpapaiyak ng lalaki. Eh ako? Eto oh, napaiyak ko yata si Tripp kahit na ayaw niyang ipakita kasi tumalikod siya.

Inubos niya na yung iniinom niyang strawberry frappe. Naimpluwensyahan ko na yata si Tripp sa strawberry madness ko.

“So, ano? Uwi na?” sabi niya. Tumayo siya pero tumayo din ako tapos niyakap ko siya.

“Hindi ka talaga galit sa akin, ha?”

Umiling siya. “Hindi ako galit sa’yo.” Pinat niya yung ulo ko tapos hinalikan niya yung temple ko. “Hatid na kita, may one week pa tayo, Zy. Wag ka munang umarte ng todo. Next week mo na ako iyakan.”

“Tss. Yabang mo!!”

“Ice lang, gwapo eh.”

=____=

Sa susunod, mapapa Ice na din ako. Laging sinasabi ni Tripp eh. Lakas maka impluwensya.

dingdong

“Uy, Drake!”

“I’ve accepted your relationship request.”

______

“Ha?”

Ngumiti si Drake, for the first time! “I’ve talked to Shaira and Tripp, and we’re now free.” Pagkasabi niya nun, dire diretso siya sa unit ko. “Why… are there baggages on your bed?”

Oh…

-flashback-

“Baking. Please, please, mommy. Sa Brent na lang ako. One sem lang po. Pag hindi maganda ang grades ko, ipa LBC niyo na ako sa NYU. Please, mommy? This one chance. Please?”

“Fine. One semester.”

-present-

Sinubukan kong ngumiti kay Drake. Pinaliwanag ko sa kanya yung usapan namin ni mommy. Kasalanan ko din naman, hindi ako nag aral mabuti. Siguro nakatadhana na din na ipaLBC ako sa ibang bansa.

“Sabi ko naman sa’yo, payag akong maging girlfriend mo… kung papayag ka,” sabi ko. “Aalis na ako sa isang araw, Drake. Kaya mo bang magkaroon ng girlfriend na million miles away ang drama?”

Tahimik pa din si Drake. Nakakatakot.

“Your dad said I could touch you when your turn 20…” sabi niya. Para siyang nasa ibang planeta. Yung mata niya, parang unfocused. Masyado yata siyang nabigla sa mga sinabi ko. “But you’re leaving now… and New York is so far from here.”

Hinawakan ko yung kamay niya. “Gusto mo na ba akong itouch?”

Tinignan niya ako ng masama. “That’s not what I meant. You have a dirty mind, Alys. Nothing will happen.”

=_______=

Sabi ko nga.

“LDR?”

“I’ve gone from being a secret boyfriend to being a long distance boyfriend. My lovelife’s abnormal.”

Natawa ako. Bakit biglang naging comedy si Drake?!! Mas mamimiss ko siya niyan!! “Sabi mo naman magppropose ka pa sa 28th ko, di ba? 10 years from now pa yun, Drake.”

“I know. And I’m already counting the days. I’m sure you’re the one I wanna spend my boring life with.”

Napangiti na naman ako. Kung hindi lang ako nagpromise kay Mommy, ayaw kong umalis. Masaya na ako dito sa Pilipinas…

Nilabas ko yung napanalunan kong plastic na ring sa timezone. Yun lang kasis inabot ng ticket ko. T^T

“Oh, engagement ring natin.”

Drake: ~___-

Nagpout ako. “Oy, Drake, ha! Kahit na plastic at mukhang pambata yan, yan ang tanda ng pagpayag kong maging kahati sa boring mong buhay! Alagaan mo yan!”

Umiling iling siya. “You’re really weird, you know that?”

Nagnod ako. Palagi niya kaya akong nireremind na weird ako. Malamang natandaan ko na!

Umupo din siya. Nakaupo kasi ako sa kama ko.

“I accept your proposal… but since you’ll be flying away soon… I’ll kiss you senseless right now to compensate for the next, few years.”

/////////////<

“A-ano???”

Nilagay niya yung index finger niya sa lips ko. “Hush, Alys. Drake will kiss you right now. Don’t tell your dad or they’ll kill me.”

Epilogue (2nd Part)

Epilogue (2nd Part)

Psh.

(“Hello, anak?”)

“Oh, bakit, pa?”

(“Sigurado ka ba sa sinabi mo kagabi? Seryoso ka?”)

Bumuntong hininga ako. Hindi ko naman talaga ’to gagawin eh… Kung hindi lang talaga dahil dun. Psh. Nyeta!

-flashback-

“Tripp.”

“Drake?” Ano ginagawa ng panget na ’to dito sa bahay namin?

Naglakad siya palapit sa akin. “Let’s talk.”

Umiling ako. “Ayoko nga. Mag Tagalog ka muna. Ayoko mag English eh.”

Tinignan niya ako ng masama. Pikon talaga tong panget na to. “Are you done mocking me?”

Nagshrug ako. “Olats. Ayaw mo magTagalog. Bahala ka sa buhay mo,” sabi ko tapos tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa bahay namin.

“Oo na. Ano, usap na?”

Nice one, Tripp. NapagTagalog mo si Drake! Ayos to.

Humarap na ulit ako. “Oh, ano maipaglilingkod ko sa mahal na prinsipe?”

Nagbuntong hininga siya. “I’m here because of Alys.”

Umiling ako. “Engk. Nag English ka na naman. Di yan pwede dito.”

Mukhang naiinis na siya sa akin. Hahaha! Buti naman. Buong buhay ko lagi ako yung pikon eh, para naman kasing robot tong isang to. Kahit anong pambbwisit gawin ko, lang pake.

“Nandito ako dahil kay Alys. Masaya ka na?”

Tumango ako. “Oh, ano meron kay Alys?”

“Tigilan mo na siya.”

“Sino ka?”

“Tigilan mo na siya, Tripp. Alam naman natin na wala kang gusto kay Alys eh.”

“Di porke matalino ka, alam mo na din nararamdaman ko. Wag kang feeling, Sebastian.”

Nagsalita din siya. “Akala mo, di ko alam? Kausap mo si Shaira nung debut ni Alys. Plinano niyo yun. Hindi mo mahal si Alys, Marco.”

Natigilan ako. Alam na pala ni Drake yun. Psh. Ang ingay talaga ni Shaira!

Sumeryoso ako. “Tapos na yun, Drake. Mahal ko na si Alys, maniwala ka man o hindi. Sabagay, pakielam ko ba sa iisipin mo?”

Tumingin siya sa akin ng seryoso. “Tripp, tigilan mo na si Alys, please. Ngayon lang, ako naman.”

Natawa ako sa kanya. ‘Ngayon lang, ako naman?’

“G-ago ka ba, Drake? Anong ngayon lang? Laging ikaw, di mo ba pansin?! Sa pamilya natin, ikaw laging bida. Bakit? Porket namatay lang Mama mo ng bata ka pa, ikaw na dapat alagaan ng buong pamilya? Lul mo. Lagi na lang si Drake ang magaling, si Drake ang dapat alagaan. Masyado kang papansin.”

Mukhang nagpipigil na din siya ng galit. Humakbang siya palapit sa akin.

“Bakit sa tingin mo hindi ako nagpapakita pag may reunion, ha, Tripp? Malamang dahil sa’yo. Ayoko pumunta dun kasi iisipin mo na naman, ikaw na naman ang kawawa. Bakit ako lumipat ng eskwelahan? Kasi iisipin mo ikaw na naman ang kawawa. Kahit na ayokong lumipat ng school dati, dahil sa’yo umalis ako. Bakit ako nag aral sa St. Claire’s kahit nasa Brent yung girlfriend ko? Kasi ayokong isipin mo na nakikipagkumpitensya ako sayo pag lumipat ako sa Brent. Ngayon, ako pa din ang papansin? Umayos ka nga.”

Lumapit pa siya.

“Ngayon lang, Tripp. Tigilan mo na si Alys. Siya lang talaga yung gusto ko. Ngayon lang, ikaw naman yung magparaya.”

-present-

“Ah, oo, dad. Di ko na gusto sa Brent. Tutuloy na ako sa NYU.”

(“Sige, anak. Mabuti yang desisyon mo. Ipapaayos ko na ang transfer papers mo.”)

Siguro naman tama na ’to, no? Alis na muna ako sa Pilipinas, masyado ng mainit dito. Ice na din sa NYU para makalayo na din ako kay Alys. Hindi ko lang sinabi, Drake, pero seryoso ako kay Alys.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.